You are on page 1of 449

Celestial Princess

by YuehanMarco

(COMPLETED)

Isang simpleng dalaga lang si Amara ngunit nagbago ang lahat ng maganap ang
trahedyang magbabago sa kanyang buhay.

Pinatay ang kanyang Tyang ng hindi matukoy na lalaki. Dala-dala ang jewelry box na
binilin ng Tyang, hinanap niya ang lugar na sinabi nito ngunit sa 'di inaasahang
pagkakataon. Nakasalubong niya ang kanyang kaibigan, si Brianna na bigla nalang
nawala kasabay ng pagpatay kay Tyang Yna.

Ano ang malalaman ni Amara kung sa pagkikitang iyon ay may balak na pumatay sa
kaibigan?

Anong sikreto ang matutuklasan nito?

=================

Part one

PROLOGUE

Si Amara Drusilla ay isang simpleng dalaga na nabubuhay kasama ang kanyang Tyang
Yna. Paano kung isang gabi ay makita niya ang pagkitil sa buhay ng kanyang kaawa-
awang Tiya?

Kasama ang jewelry box na binilin nito sa dalaga, hinanap nito ang lugar na sinabi
ng kanyang Tyang bago mawala.

Ngunit sa paghahanap na iyon, iba ang kanyang nahanap. Ang kaibigan nitong si
Brianna na bigla nalang naglaho kasabay ng pagkitil sa buhay ng kanyang Tiyahin.

Ano ang kanyang malalaman kung maging sa kaibigan niya ay may nagtatangka rin sa
buhay.

GENRE: Fantasy/Adventure(Completed)

Author's note:

Read at your own risk. HAHA! Kung perfectionist kayo at allergic sa grammatical
error at typograpical error, aba! Wag mo ng basahin 'to dahil marami kayong ma e-
encounter na kamalian.


=================

CHAPTER 1

A/N

Edited na 'to. Tinanggal ko lahat ng chapters so back to zero ulet pero ganun parin
yung plot. Pinaganda ko lang at inayos ko. So, I hope na hindi kayo maguluhan.

Chapter 1

xxxxxxxxxxxxxxxx

"Tyang, tara na," Aya ko kay Tyang habang hindi parin natatanggal ang tingin sa
puntod ni Tyong. Anibersaryo kasi ng pagkamatay niya, tatlong taon na ang
nakakaraan.

"Mauna ka na Amara, gusto ko pang makasama ang Tyong mo ng matagal." Basag ang
boses niya at patuloy na tumutulo ang luha ni Tyang. Wala akong magawa, lagi nalang
siyang ganyan tuwing anibersaryo ng kamatayan ni Tyong.

Napabuntong hininga nalang ako. Walang mangyayari kung makikipag talo lang ako kay
Tyang.

"Sige Tyang, kung may kailangan ka tawagan mo lang ako. Tsaka Tyang, umuwi ka ng
maaga ha!" Bilin ko sakanya. Mapait niya akong nginitian at binaling muli ang
tingin doon sa puntod ni Tyong.

Naglalakad ako pauwi ngayon. Malapit lang ang bahay namin sa sementeryo, sa tingin
ko mga 25 minutes lang ang lalakarin ko pauwi.

Haay! Nakakaawa si Tyang. Simula ng mawala ang anak n'ya ay ganyan na 'yan. Laging
depress pero hindi naman yung ganyang kalungkot dahil nandyan pa si Tyong para
pasayahin siya. Pero n'ung namatay si Tyong, mahirap na 'yan makausap. Tanging si
Tita Virgie nalang ang kinakausap niya, ang matalik nitong kaibigan.

Isang buntong hininga nanaman ang pinakawalan ko.

"Ineng, ang ganda mo naman, bagay sa'yo 'to oh." Napatingin ako sa paligid. Hindi
ko namalayan na dinala na pala ako ng mga paa ko sa Bayan. Maraming nagtitinda at
mga tao.
"Hindi po." Sagot ko sa babae na nagtitinda ng mga kung anu-anong abubot.

Oo nga pala! Kailangan ko pang bumili ng ire-regalo ko kay Brianna sa darating


n'yang kaarawan. Sa isang bukas, dise otso na siya at debut niya iyon kaya mahalaga
ang araw na 'yon.

Palakad lakad lang ako at nag-iisip ng magandang iregalo sakanya. Ano bang
magandang regalo?

"Ineng, gusto mo bang magpahula?" Napalingon ako sa isang matandang babae na naka
upo sa gilid. Nakalahad ang kamay niya saakin at para bang niyayaya niya akong
lumapit sakanya.

"Naku hindi po!" Agad na tanggi ko. Hindi ako naniniwala sa mga hula-hula. Hula nga
diba so hindi iyon magkakatotoo. "Pasensya na po," Sabi ko at agad na naglakad
palayo pero narinig kong sumigaw ang matanda.

"Tubig. ulan!" Tubig ulan? Anong ibig sabihin n'un? Ewan ko. Hindi ko nalang iyon
pinansin. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad habang naghahanap ng magandang ipang
regalo.

Ano kaya kung damit nalang? Kaso parang common na 'yon at sigurado akong marami
nang magbibigay sakanya non.

"Amara!!" Napalingon ako sa likod ng marinig ko ang pangalan ko. Kunot noo kong
hinanap ang taong iyon --

"Elene! Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya nang makalapit ito saakin.

Kaibigan ko, si Elene Landan.

"Maghahanap sana ako ng magandang ipang regalo kay Brianna eh."

"Ganun ba?! Parehas pala tayo ng gagawin dito. May naisip ka na bang magandang
ibigay sakanya?"

"Oo. Ang totoo ay may nakita na akong magandang iregalo sakanya. Bibilhin ko nalang
iyon." Sagot ni Elene. Mabuti pa siya, nakakainis! Bakit kasi ang hirap mag-isip ng
pwedeng ipang regalo eh.

"Mabuti ka pa. Ako wala akong maisip eh. Tsk!" Singhal ko.

"Gusto mo tulungan kita?" Masayang banggit nito na ikinatuwa ko. "Oo naman!"
"Mas maganda kung ang bibilhin mo ay yung alam mong magugustuhan niya. Example,
yung favorites niya. Favorite color, brand, anime favorite o korean actor. Ganun
ba?"

Tama siya!

"Tara! Bilhin muna natin yung ipang reregalo mo." Aya ko sakanya. Tanging tango
lang ang isinagot niya sakin at naglakad na kami papunta sa isang botique.

"Ang layo naman ng tindahan na pagbibihan mo Elene. 'San ba nakapwesto 'yun, sa


Mars?" Sarkastikong sabi ko sakanya. Pagod na pagod na ako at mahigid 15 minutes na
kaming naglalakad at hindi parin kami nakakapunta sa botique na sinasabi niya.
Haaay!

"Malapit na Amara! Onting tiis nalang!" Halos kaladkarin na niya ako dahil hindi ko
na talaga kaya dahil sa kapaguran.

"Pagod, gutom at uhaw na ako Elene. Baka pwede muna tayong kumain at magpahinga?"

"Sige na nga, d'yan ka lang ha! Bibili lang ako ng makakain." Sabi nito at bigla
bigla nalang tumakbo patawid ng kalsada upang bumili ng makakain sa tindahan.

Naupo muna ako sa isang mga bench dito sa tabi habang nagpapalamig. Pawis na pawis
na ako at pagod na din.

Kumusta na kaya si Tyang? Baka kung ano na ang nangyari doon. Dinukot ko ang
cellphone sa bulsa ko at tinignan kung may missed call ba na nanggaling kay Tyang
pero ni-isang text ay wala akong natanggap. Tanging kay Brianna lang ang text. 1
message lang.

xxxxx

From: Brianna Queen

Blue. c:

xxxxx

"Oh!" Hindi ko namalayan na nasa harap ko na si Elene at nakalahad ang mga pagkain
na inaabot sakin. Kinuha ko yung softdrinks at isang buchi. "Thanks."

.
Kakadating lang namin ni Elene dito sa botique at masasabi kong worth it ang pagod
at paglalakad ko ng mataggal dahil sobrang ga-ganda ng mga tinitinda ito. Unique at
extraordinary dahil dito ko lang nakita ang mga bagong items na bago sa aking
paningin.

"Kumusta na Aling Petchay?" Masayang bati ni Elene sa tindera ng shop. Kulay itim
ang buong shop at sa kaliwang gilid ay mga libro ang naka display at sa kanang
naman ay mga items na hindi ko mawari kung ano.

"Mabuti naman ako Elene. Kaibigan mo ba ito?" Tanong niya habang turo turo ako.
"Opo."

"Kay gandang dalaga. noong dalaga ako, gustong gusto kong magkaanak ng babae na
katulad ng kaibigan mo. May mahabang buhok na katulad ng sakanya, makinis na mukha,
matangos na ilong at mapupulang labi." Ay! Over compliment naman ako.

"Eh anong nangyari?" Tanong ni Elene.

"Wala. Puro lalaki ang naging anak ko. Haay! Pero ok lang, puro gwapo naman mana
sakin. Hahaha!" Sabi nito at malakas na tumawa. "Osya sige na. Pumili kayo d'yan ng
gusto niyo." Sabi nito.

Nagsimula na akong mag-ikot ikot sa botique. Ang gaganda ng mga tinitinda dito pero
wala akong mapili. Lahat gusto kong bilhin para ipang regalo kay Brianna.

Napagpasyahan kong pumunta muna sa book section at ang daming mga weird books na
nandoon. May mga fairy tales, celestials, horoscopes, chinese zodiac basta! Ang
dami.

"Amara? Wala kang mapili?" Tanong ni Elene sakin na hawak hawak ang isang snow
globe.

"Ayan ang ireregalo mo kay Brianna?"

"Oo. Maganda ito kasi pwedeng i-customize."

"Panong i customize?''

"Pwedeng lagyan ng miniature ng tao. 3D pa, galing diba? Ikaw, 'bat wala ka pang
napipili?"

"Hindi ko din al--"

Bigla kong naalala yung text sakin ni Brianna nang may makita akong isang blue na
bagay na naka display doon sa right side ng botique.
"I think meron na akong ireregalo." Sabi ko at nilapitan ang kwintas na kulay asul.
Ang ganda n'on. Parang patak ng isang ulan na may sides. Para rin siyang
caterpillar na magta-transform in to butterfly.

"Ang ganda diba?" Halos mapatalon ako dahil sa gulat ng biglang sumulpot si Aling
Petchay sa tabi ko. "Ahh~ he-he-he! Opo! Maganda."

"Bibilin ko na po, magkano ho ba?"

"350 nalang." Sabi nito sabay ngiti. naglakad kami papunta doon sa mini counter
niya.

"Eto po." Inabot ko sakanya yung 350 na pera ko. "Eto naman ang sakin Aling
Petchay. 250, tsaka babalikan ko nalang bukas yung pinak customize kong mukha.
Thanks."

Binalot ni Aling Petchay sa isang paper bag yung binili namin at akmang aalis na
kami ng pigilan kami nito.

"Sandali lang."

"Bakit po?"

"Amara ang pangalan mo diba?" Tanong nito sakin na ipinagtaka ko. Pa'no niya
nalaman ang pangalan ko eh hindi pa naman ako nagpapakilala sakanya. "Narinig kong
tinawag ka ni Elene kanina." Huh? Mas lalo akong nagtaka ng malaman niya ang
iniisip ko.

"Pano mo nalalaman ang iniisip ko?"

"Mukha kasi sa mukha mo na nagtataka ka eh."

"Bakit po Aling Petchay?" tanong ni Elene na nakakunot na ang noo at magkasalubong


na ang kilay.

"Ahh! Sandali lang." Yumuko siya at may parang may kinukuha sa ilalim ng desk.
Ilang saglit lang ay hinarap na niya ulit kami. Nilapag niya ang isang box sa desk.

"Ano 'yan?" Imbis na sumagot, nginitian niya lang kami. Binuksan niya yung box at
nilabas niya ang isang kwintas na may star na pendant.

"Amara, tanggapin mo oh." Nilahad niya ang kamay niya.


"Tanggapin ko? Naku! Wala na akong pera Aling Petchay! Next time ko nalang pong
bibilhin 'yan." Nakita kong napatawa siya.

"Hindi. Ibinibigay ko na saiyo 'yan."

"Huh? Bakit po? Mukhang mamahalin tsaka 'wag na po!"

"Tanggapin mo na."

"Pero--"

"Alam mo, sabi ko sa sarili ko na ibibigay ko ito sa magiging anak kong babae kaso,
wala na. Hindi na ako magkakaanak pa kaya nawalan na ako ng pag-asa. Pero nung
nakita kita, alam kong ikaw yung gusto kong maging anak. Kaya sige na, tanggapin mo
na." Wala na akong nagawa kundi tanggapin iyon.

"Maraming salamat po."

xxxxxxxxxxxxxxxxx

A/N

Oh! Edited na ito. Sa mga nakapagbasa, alam kong nagtataka kayo kung bakit
maraming nagbago. Oo! Sinadya ko pero ganun parin ang plot at mangyayari so don't
worry. :)

Iniisip ko nga kung papalitan ko yung plot e. Hmmm~

=================

CHAPTER 2

Chapter 2

xxxxxxxxxxxxxxxx

Katatapos ko lang maligo. hapon na at hindi ko parin maiwasang alalahanin ang mga
nangyari kahapon. Biruin mo, ang swerte ko dahil binigay sakin ni Aling Petchay
itong kwintas na star. Hay! Swerte! Hihi!

Nakaupo ako sa lapag ng kwarto ko ngayon habang binabalot ang regalo ko para kay
Brianna. Bukas na ng gabi ang kanyang debut at excited na ako. Sana magustuhan niya
ang ireregalo ko sakanya.

"Amara," Napabalikwas ako ng tayo at mabilis pa sa isang kabayo ang takbo ko upang
itago sa cabinet ang regalo ko. Narinig ko kasi ang boses ni Brianna.

Nakita ko siyang nakasilip at naka kunot ang noo nito habang ang kilay ay salubong.

"Bat parang nataranta ka?" Taas kilay nitong tanong sakin.

"Ahh~ He-he-he! Ma-may ipis kasing nalipad!" Palusot ko na mukhang effective naman
dahil tumango tango lang ito.

"Anong ginagawa mo dito bruha ka?" Mataray kong sabi sakanya. Umupo siya sa kama ko
at inilapag ang isang box na kulay puti. "Ano 'yan?" Tanong ko.

"Eto ang susuotin mo bukas!"

"Talaga? Pwede ko bang tignan?"

"Oo naman." Binuksan niya ang box at tumambad sakin ang isang kulay blue na damit
at isang pair ng heels na puti.

"Look! Isang ripple dress. Ang cute diba?" tuwang tuwa na pagkasabi nito. Ewan ko,
masyadong daring kung susuotin ko. Onti nalang labas na ang kaluluwa ko d'yan.

"Ayan ba talaga ang susuotin ko?"

"Bakit, ayaw mo? Ako pa naman ang pumili nito."

"Wag ka ngang mag pa-pout pout d'yan. Para kang bata e," Bumuntong hinga ako.

"Eh 'bat parang hindi mo nagustuhan?"

"Hindi naman sa ganun, masyado lang daring para sakin."

"Daring ba yan? Halos 'di nga kita ang collar bones mo tapos daring pa?" Mataray at
sarcastic nitong sabi sakin. Napailing ako.

"Hindi nga kita ang collar bone pero backless naman at sobrang iksi pa. Para akong
p*rn star niyan e." Sabi ko sabay irap sakanya.

"Ewan ko sa'yo! Basta, sa ayaw at gusto mo, susuotin mo ito sa debut ko. No
manang's allowed doon kaya kung hindi mo susuotin 'yan, bahala ka, hindi ka
papapasukin dun!" Haay! Hindi ko na nagawang makipag talo pa. Walang mangyayari
dahil alam kong siya ang mananalo sa debate namin.

"O siya sige na. Bye-bye. Oh! Sukatin mo pala 'yan, sabihan mo ko kung tama lang."
Sabi nito.

"Whatever."

"I'll wait for you call~" Sabi nito at winagayway yung hawak niyang cellphone.
Hindi na ako sumagot dahil walang mangyayari kung makikipag talo pa ako sakanya.

"Ok. Bye-bye! See ya tomorrow!" Sabi nito at bineso ako bago iwanang mag-isa sa
kwarto.

Sinulyapan ko yung dress na nakalatag na sa kama ko. Haay! Amara, kailangan mong
suotin 'yan sa ayaw at gusto mo. Isang araw lang naman eh, isang araw lang.

Nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hininga. Kinuha ko yung regalo ko para
kay Brianna para ipagpatuloy ang pagbabalot n'un.

Madali lang i-balot ito pero ang epic failed lang sobra dahil ibang design ng gift
wrapped ang binili ni Elene. Biruin mo, 18th birthday na ang reregaluhan ko pero
pang 1st birthday ang design ng wrapper. Tsk!

Niligpit ko na ang mga kalat na ginawa ko matapos kong balutan ang regalo.

Pumunta naman ako sa kama habang tinitignan yung dress na kailangan ko pang isukat.
Haay! Nagpakawala ulit ako ng malalim na buntong hininga.

Ilang sandali lang ay tumayo na ko at hinubad ang pajama at sando na suot ko.
Napabaling ang tingin ko sa salamin na nakadikit sa pader. Nakita ko ang dibdib ko,
No! Not that big thing! I mean yung collar bone ko. Namumula ito, tsk!

10 months after ng birthday ko, August 22 n'un at naalala ko pa ang nangyari. Break
time sa school at hindi maganda ang pakiramdam ko, nahihilo at gusto kong mag vomit
n'un. Pinauwi na ako ng teachers ko para magpahinga. Then, pag dating ko sa bahay
nagpalit muna ako ng suot pero nagulat nalang ako ng makita kong namumula ang
collor bone ko at nangangati. Pina checked up namin ni Tyang sa Doctor yun eh ang
sabi ay kagat lang daw ng lamot. Then, every 22nd day of every month ay
nagkakaganun na siya. May 8 na, friday at next next week at mangangati nanaman ito.

I shooked my head. I should not worry about this non- sense allergy or whatsoever
na kagat ng langgam thing.
Kinuha ko na yung dress at sinuot ko iyon.

natatakpan nun ang collar bone ko dahil round neck siya pero kitang kita naman ang
likod ko dahil backless iyon na may tie. Kita din ang kalahati ng legs ko. Argh!
Ang liberated naman ng damit na 'to. Haays! Ok lang 'yan Amara, isang gabi mo lang
susuotin. Tama!

Kinuha ko yung cellphone ko then I took a selfie of myself in front of the mirror.
I se-send ko ito kay Brianna via MMS.

xxxxxx

To: Brianna Queen

What do you think?

xxxxxx

Sinend ko na iyon. Hinubad ko na ang damit at tinago sa cabinet.

Naupo muna ako sa kama ko at nag scroll ng mga post sa fb. Wala namang bago, mga
minsan ikaw, madalas siya lang naman ang nakikita kong post. Mga pauso ng mga
users. Haaay! Umalis na ako sa fb at binuksan ko ang COC ko. Level 7 palang ang
town hall ko kaya medyo weak pa ako at yung wall ko, level 6 palang kaya kayang-
kaya pang ma-talo ako ng kalaban. I collected the coins and elixir. Hindi muna ako
aatake ngayon dahil may shield ako. Next time nalang kapag nawala na iyon besides
may clan war pa kami at ang preparation day is about to end na.

I'm thirsty. I should go get some water. Lumabas ako ng kwarto. Tahimik. Tanging
ang ilaw lang sa sala at sa labas ang bukas. Hindi ko namalayan ang oras, gabi na
pala.

"Tyang?" Nakapagtataka. Mukhang nakalimutan yata ni Tyang na panuorin yung paborito


niyang teleserye. Tinignan ko ang wall clock, 10:23pm na. Baka tulog na si Tyang.
Marami kasig nilinis yun ngayon baka napagod.

Dumiretso ako sa kusina. Habang nainom ako ng tubig, narinig kong may pumapatak na
ulan. Unti unti iyong lumakas hanggang sa wala na akong marinig kundi ang pagpatak
ng tubig sa bubong. Biglaan naman 'to, wala namang announcement sa TV na may bagyo
at nakakapagtaka din dahil maaraw kanina. Hay! Global warming!

Nilapag ko ang baso at maglalakad na sana ako pabalik ng kwarto ko. Pero, bigla
nalang akong napahinto sa paglalakad ng makita ko si Tyang na kakapasok lang sa
pinto at basang basa. Habol hininga din s'ya habang nakatanday sa pader.

"Tyang? Anong nangyari? Bakit basang basa ka?" Agad akong tumakbo palapit sakanya.
"A-Amara, umalis ka na," Huh? Hi-hindi ko maintindihan. Ba-bakit? "Parating na
siya!" Bakas sa mata ni Tyang ang takot. Ano bang nangyari?

"Bakit Tya--"

"Basta!! Umalis ka na Ama-- ahh," Bigla nalang may sumulpot na isang lalaking naka
coat na kulay itim at sinaksak ng espada si Tyang.

Ba-bakit? Bakit niya sinaksak si Tyang? Bakit niya ginawa iyon? Bakit niya pinatay
si Tyang?

"U-um-mal-malis k-ka n-a A-mra." Hindi ko naramdaman, bigla nalang tumulo ang luha
ko. Hindi ko magawang makagalaw. Nanginginig ang buo kong katawan dahil sa nakita
kong pagpatay kay Tyang. Ba-bakit? Anong kasalanan ni Tyang?

"arrghhh!" Biglang hinugot nung naka coat na lalaki ang espada. Kitang kita ko ang
mga dugong sumirit galing sa kalamnan ni Tyang. "Ma-mara,"

"si-sino ka? Ba-bakit mo pinatay si Ty -- 'Wa-wag kang lalapit!" Sigaw ko pero


hindi siya nakikinig at patuloy ang paglalakad niya.

Patuloy siyang lumalapit sakin habang ako naman ay naglalakad patalikod. Hindi ko
magawang alisin ang tingin ko sakanya.

Nakapunta na ako sa kusina at nauntog na ang likod ko sa may lababo.

"Wa-wag kang lalapit!" Sigaw ko sakanya pero hindi ito nakikinig sakin.

Tinapat n'ya sakin yung espada.

"A-anong gagawin mo?" Nangangapa ako ng gamit na pwedeng ipang depensa.

Sasaksakin na n'ya ako!

"Kyaaaah!" Nakakuha ako ng isang kaserola at ipangsalag ko iyon.

Agad kong sinipa yung balls niya kaya napahawak siya doon at nasigaw pa. Kinuha ko
ang pagkakataong iyon para kunin ang kutsilyo. Itinarak ko yun sa batok n'ya ng
walang pagdadalawang isip. Tama lang sa kanya yun at isa pa, hindi ako makakasuhan
dahil nasa bahay namin siya at sinaksak din niya si Tyang.

Matapos kong siguraduhing namatay na siya, agad kong nilapitan si Tyang.


"Tyang? Tyang? Gumising ka Tyang! 'Wag mo naman akong iwanan oh!" Hindi ko
mapigilang umiyak. si Tyong at ang anak niyang si Henry ay nawala na, pati ba naman
si Tyang?

"A-a-mmmara." Nakita kong may tumulong luha sa mata niya. Alam ko, naririnig pa
niya ako.

"Tyang! Dadalhin kita sa hospital! Wag ka munang bibigay!"

"Ha-hanap-pin m-mo a-ang a-anak ko. G-ganun din an-ang Ina mo. S-si Bri-anna, sa
Evi-vion."

"Tyang! 'Wag ka nang magsalita! Magpahinga ka nalang para hindi masayang ang energy
mo. Sige ka, baka ma tigok ka kaagad! Tatawagan ko pa yung police eh!" Hindi ko na
mapigilan ang luha ko. Para bang nagsasabi na siya ng mga huling habilin sakin.

"Ku-kunin mo a-ang jewelry b-box."

"Ngayon ka pa ba magpapaganda Tyang?!"

"Sa-sayo iyon. Ku-kunin mo 'yon at u-umalis ka na di-dito. Ba-ba---"

"Tyang? Tyang? Tyang!! 'Wag ka namang magbiro ng ganyan oh!" Bigla nalang pumikit
ang mga mata niya. Ha-ha-ha! Nagbibiro lang itong si Tyang. Mahilig 'yang magbiro
eh. Nakakainis.

"Tyang! Gumising ka na dyan! Eto na oh! Tatawagan ko na 'yung ambulansya! Tyang!!!"

xxxxxxxxxxxxxxxx

=================

CHAPTER 3

Chapter 3

xxxxxxxxxxxxxxx

Kain. Tulog. Ganyan lang ang naging buhay ko sa nakalipas na isang linggo. Wala na
eh. Wala na si Tyang, pati si Brianna at si Tita Virgie ay wala na din sa bahay
nila. Hindi nga natuloy yung debut ni Brianna kaya lahat ng imbitado ay nagtataka
dahil wala namang cancellation na naganap.

"Amara, kumain ka muna." Narinig ko ang pagbukas ng gate. Pati na din ang pagsigaw
ni Elene. Simula nung nawala si Tyang, sila na ng pamilya niya ang tumutulong
sakin. Sila ang tumulong sakin para ipa-crimate ang bangkay ni Tyang.

"Salamat Elene, ilagay mo nalang d'yan. Wala pa akong gana."

"Kainin mo na 'yan Amara, namamayat ka na oh! Sige ka, mas aangat na ang ganda ko!"
Simpleng ngiti lang ang sagot ko sakanya. Wala akong gana, kahit anong pilit. Gusto
ko ng sagot sa mga katanungan ko.

Sino ba yung lalaking naka coat?

Bakit n'ya pinatay si Tyang?

Bakit nalang nawala bigla si Brianna?

Ano ang Evion na sinabi ni Tyang?

Ang gulo! Naguguluhan ako! Ang sakit maiwan ng mga mahal mo sa buhay.

"Tahan na Amara. Tahan na." Hindi ko namalayang tumutulo na ang luha ko. Imbis na
tumahan ako, mas lalo lang akong naiyak dahil bigla akong niyakap ni Elene. Mabuti
nalang at nandito siya -- sila ng pamilya niya kundi hindi ko alam kung anong
mangyayari sakin.

"Maaayos din ang lahat Amara kaya tahan na. Tahan na."

Kailangan kong ilabas ang lahat ng sakit ng puso ko. Kailangan kong iiyak 'to.

May 21 X792. Halos dalawang linggo na ang nakakalipas ng mamatay si Tyang. Unti
unti na akong nakaka move on at dahil yun sa accompany sakin ng pamilyang Landan.

Nandito ako sa bayan kung saan namin binili yung kwintas na ireregalo ko sana kay
Brianna. Nandito ako ngayon sa isang comuter shop. Pinaputol ko na kasi yung
internet sa bahay para mabawasan ang gastos isa pa hindi ko alam kung saan ako
kukuha ng pera lalo na't wala na si Tyang.

Ngayon, naghahanap ako ng pwedeng ma-applayan ng trabaho. Yung tumatanggap ng high


school graduated. Kahit waitress lang sa isang fast food restaurant. Nakakahiya na
kasi kina Elene, baka nagiging pabigat na ako sakanila.

Nilista ko lahat ng possible requirments na kailangan. Barangay clearance,


resum , NBI clerance at kung anu-ano pang documents. Nilista ko din ang mga
informations ng mga fast food restaurants para mapuntahan ko.

I created another tab to open my facebook account. Hindi na ako updated sa mga
nangyayari through social medias. Hindi ko na din alam ang mga balita tungkol sa
ating bansa.

12 notifications at 7 friend request ang meron ako ngayon.

Una kong binuksan ang friend request. Random lang 'yon at hindi ko kilala ang mga
iba pero I accepted their request. Hindi ako famewhore at higit sa lahat ayoko ng
discrimination in social sites. Kung gusto nilang makipag friend sakin, edi go.

Sunod kong binuksan yung notifications and I see a lot tagged post from Brianna and
comments.

I click the post. Nakita ko ang picture ko, yung sinend kong picture na suot ang
sana'y dapat na susuotin ko sa debut niya.

xxxxxx

"My gorgeous bestfriends." Ayan ang caption ng photo. dalawang pictures iyon at
yung isa ang picture ni Elene na suot din ang sakanya.

354 likes. 6 Comments

Elene Landan: Ang gaganda talaga natin diba Amara Audrie Drusilla. :D (2 weeks ago
9:06pm)

Nicholas Napoleon: Ganda nila Brianna, ipakilala mo naman ako. ;) (2 weeks ago
9:14pm)

Brianna Aela Alcetis: I know right Elene. Wag ka ngang malandi Nicholas. >.< (2
weeks ago 9:16pm)

Elene Landan: My gosh best! Who is that freaking hot Nicholas na 'yan? (2 weeks ago
9:40pm)

Brianna Aela Alcetis: Don't mind him best. He's pla (2 weeks ago 10:25pm)
Elene Landan: Huh? 'Bat putol? (2 weeks ago 10:29pm)

xxxxxx

'Bakit putol? Nakakaduda naman iyan. Anyway, bigla kong naalala yung Evion thing na
yun.

"Sa Evion." Kung hindi ako nagkakamali, isa iyong lugar based na din kung paano
sabihin inyo ni Tyang.

Mabilis akong nagbukas ng tab. Google.com at i searched the Evion thing na yun.

what is this? Gamot? Vitamins? Sigurado akong 'Sa Evion' ang pagkakabanggit ni
Tyang n'un. Bakit walang nalabas sa google? Ano ba 'yan! Walang kwenta. Tsk!

"Number 9, 5 minutes nalang. Extend pa?" tinignan ko yung number ng computer at ako
yung number nine.

"Hindi na po!" Sigaw ko. I logged out my facebook. Tumayo na ako at binayaran ang
renta.

Napahawak ako sa noo ko habang pilit na inaalala yung sinabi ni Tyang.

"Si Brianna. Sa Evion."

"Si Brianna. Sa Evion."

"Si Brianna, Sa Evion?" Kunot noong tanong ko saking sarili.

Base saking pagkakaintindi, si Brianna ay nasa Evion. Pero, wala namang lugar na
may pangalang Evion. Argh! Pero yung comment?

Huminga ako ng malalim at inayos ko ang pag-iisip ko. You should analyze better
Amara.

Inalala ko ang mga pangyayari last 2 weeks. Simulan natin sa paglabas ko ng kwarto.

Around 10:2Xpm ay lumabas ako ng kwarto para uminom ng tubig. Pabalik na ako n'un
ng pumasok ng basang basa si Tyang which means na galing s'ya sa labas. Pero bakit
naman siya aalis kung wala naman siyang pupuntahan?

"Baka naman sa boyfriend niya?" Tanong ko ulit sa sarili ko. Pero walang boyfriend
si Tyang, lagi lang siyang nasa bahay. "Friends?" Friends? Good idea Amara's brain.
Friend nga! Ang kilala ko lang na kaibigan ni Tyang ay si Tita Virgie na bestfriend
niya.

Tama! Posibleng na kina Tita Virgie si Tyang.

So, bakit naman tumatakbo si Tyang at hingal na hingal tapos naulan pa? Pwede nman
siyang ihatid ng kotse nina Brianna e.

Ow! Sino yung naka black coat?

Magnanakaw? Kung magnanakaw yun, bakit ang weird ng kasuotan?

"Baka trip nila atsaka para hindi makita ang mukha." Sagot ko.

Baka nga magnanakaw -- wait! Posible ba na ang magnanakaw ay may espada? Baka ninja
sila? Hokage? Argh! Kung anu-ano na ang pinag-iisip ko.

Siguro kaaway yun nila Tita Virgie -- no! Kilala ko sila at alam kong wala silang
makakaaway dahil mababait silang tao.

O baka naman ka grupo ni Tita Virgie sa isang drug sindicate na nakaaway niya dahil
sinolo ni Tita ang hinihithit nila? -- impossible.

"Out of nowhere na ang pinag-iisip mo Amara. To think na kasali si Tita sa drug


sindicate? Hahaha! Imposibleng imposible."

Wait! Baka pinatay nila si Brianna at Tita Virgie tapos nakita ni Tyang ang
pagpatay kaya ginawa din nilang patayin si Tyang para walang ebidensya. Tam -- pero
walang bangkay na nakita sa bahay nila Brianna. Tanging basang gamit, tubig sa
lapag at magulong ayos lang ng bahay ang nakita doon ng mga police. Baka tinapon
naman sa ilog o kaya nilibing ng buhay?

Haay! Mabuti pa Amara, 'Wag ka munang mag isip ng kung anu-ano.

Mabuti pa't bumili nalang ako ng mga stocks na pagkain para hindi na ko naasa kina
Elene and family. Nakakahiya na kaya.

Napagpasyahan kong pumunta ng grocery store. De lata lang ang binili ko. San Marino
tuna, yung easy open can tapos mga pancit canton lucky me! at yung noodles, ano
bang tawag dito, yung nasa cup? Basta!

Hindi ko namalayang ginabi na pala ako sa daan. Mabuti pa siguro, umuwi na ako.
Pero parang sayang naman kasi ang ganda sa lugar na ito, mailaw at kada puno ay may
kung anong Christmas light na ilaw although hindi naman pasko.
Ok! Napgpasyahan kong tumambay muna dito sa bench habang kinakain ang nabili kong
ice cream habang naglalakad kanina.

Ang daming tao, bata matanda. Nakakainggit pa nga ang iba dahil buo ang pamilya
nila. Ako kaya, nasan na ang nanay at tatay ko?

Maraming minuto na ang lumipas. Na bored na ako. Sa tingin ko ay uuwi na ako.


Paunti na din ng paunti ang mga tao dahil palalim na ng palalim ang gabi.

Tumayo na ako at nilakad ang direksyon kung saan ang bahay namin. Pero, hindi pa
ako nakakalayo ng may tumakbo sa harap ko. Babae, naka coat siya at suot ang hoodie
nito. Hanggang tuhod ang haba. Kulay puti at may lining na gold.

Amoy na amoy ko s'ya. Hinding hindi ako pwedeng magkamali. Kilalang kilala ko ang
amoy na iyon. Ang babae...

Si Brianna.

xxxxxxxxxxxxxxxx

=================

CHAPTER 4

Chapter 4

xxxxxxxxxxxxxxxx

Naglalakad na ako paalis pero may isang babaeng naka coat na puti ang tumakbo sa
harap ko na naging dahilan ng paghinto ko.

Ang amoy niya. Alam na alam ko iyon. Hinding hindi ako pwedeng magkamali. Si
Brianna iyon.

Dapat ko s'yang habulin! Marami akong katanungan na kailangang mabigyan ng sagot.


Kung ano nga ba ang nangyari at bigla nalang silang nawala.

"Brianna!" Sigaw ko pero hindi niya ako nililingon bagkus ay mas binilisan pa niya
ang pagtakbo.

Sigurado akong narinig n'ya ag pagsigaw ko pero bakit hindi niya ako nilingon? 'Bat
niya ako tinatakasan? Ayaw ba n'ya akong makita?
Bigla siyang lumiko sa isang eskinita. Mas masikip at mas madilim.

"Hoy Brianna! 'Wag mo akong takbuhan! Pansinin mo ako!"

"Umalis ka na Amara! 'Wag mo akong sundan! Mapapahamak ka!" Huh? Mapapahamak ako?
Bakit?

"Bakit? Hindi ako aalis hangga't hindi mo ako kinakausap!" Sigaw ko ulit. Binilisan
pa niya ang pagtakbo at pumasok pa siya sa isang eskinita na mas masikip.

"Fvck!" Sigaw ni Brianna nang bigla siyang napahinto kaya nauntog ako sa likod
n'ya.

"Amara?! Bat ka pa sumuno --"

"Wala ka ng takas Ms. alcetis." Napalingon ako sa likod ko. May mga tatlong lalaki
na naka coat. Katulad na katulad ng suot nung lalaking pumatay kay Tyang.

"Fvck! Lagot na." Bulong ni Brianna. Hinawi niya ako papunta sa likod niya na para
bang pinoprotektahan ako.

Naguguluhan na ako. Kung tama ang mga hinala ko kanina, sila Brianna ang pakay ng
lalaki at nagkataon lang siguro na nakita iyon ni Tyang kaya pati siya nadamay.

"Trey, 'wag dito." Matapang na sagbi ni Brianna.

"Why Ms. Alcetis? Natatakot ka na makita ng kaibigan mo ang kaya mong gawin?" The
middle man said. Inalis niya yung hoodie na nakasuot sa ulo niya at kahit madilim,
kita ko ang mukha nito. Itim na itim ang buhok, matangkad at hindi maipagkakaila na
may itsura siya.

"No. Gusto kitang bigyan ng consideration. Ayaw naman kitang mapatay sa ganitong
lugar, ang cheap." Huh? Mapatay? I-i Can't take this anymore. Gulong gulo na ako sa
mga pangyayari. Mamamatay tao si Brianna?

"I like your friend. Maganda s'ya huh."

"Fvck you Trey! ako lang ang kalaban mo dito for pete sake! 'Wag niyong gagalawin
si Amara kundi --"

"Kundi ano Miss Alcetis?" He said in his playful voice.

"I will let you experience the blazing fire of hell." Sabi nito at mabilis na
tumakbo palapit doon sa Trey.

"Get that girl. 'Wag niyo siyang sasaktan." tinuro ako nung Trey. Bakit pati ako eh
wala naman akong ginawang masama sakanila. Gagawin din nila sakin yung ginawa nila
kay Tyang?

Tumakbo palapit sakin yung dalawang naka coat pero nang magkalapit na sila ni
Brianna, bigla nalang natumba ang mga ito. Ewan ko kung ano ang nangyari pero ang
weird! Ang weird talaga!

Huminto na si Brianna sa pagtakbo. Magkatapat sila ni Trey at nagtititigan. Base sa


pag-uusap nila, matagal na silang magkakilala.

"Sinabi kong ako lang ang kalaban mo dito Mister Hawkeye."

"You've became more tough, My Love."

"My looooove?!! What the -- My Love daw Brianna?!" Nakakagimbal ang mga nalalaman
ko! May boyfriend na si Brianna?

"No way! Nakalimutan mo na bang nag enroll ka sa Evine Academy dahil I broke your
heart? Hahaha! What a lame excuses. Tsk! tsk!"

Nakita kong nagbago ang ekspresyon ni Trey. Yung kamay niya, kinuyom niya iyon.

"So, galit ka na niyan? Hahaha!" Pang-aasar ni Brianna. So may past relation nga
sila -- no! Hanggang ligawan lang pero binasted siya ni Brianna. But wait! Saang
school ang Evine Academy?

"Dati 'yon Brianna. Dati lang 'yon. Hindi na kita mahal, hindi na." Yung pagbanggit
niya ng bawat salita, nakakatakot.

"Talaga? Bakit bitter ka parin?" She said in sarcastic tone.

"Come. And I'll show you that I'm no longer inlove with you." He gestured his hand
na may international meaning na 'Come'.

"You can't trick me Mister Hawkeye. Alam kong habang nag-uusap tayo ay naglagay ka
nang mga sinulid mo sa bawat gilid dito."

"You're bright Miss Alcetis. Pero, hindi ka aware na nalagyan kita ng thread ko."
Biglang hinila ni Trey yng kamay niya at nalampitin si Brianna. Lumulutang siya.

"Ahhhh! Walang hiya ka Trey! Ibaba mo ako dito!" Parang naka cruzified si Brianna
pero walang cruz sa likod niya.

"Hahaha! I like -- fuck you Brianna!"

Bigla nalang may tubig ang tumilapon kay Trey galing sa direksyon ni Brianna. Dahil
sa tubig, nakita ko ang mga thread na sinasabi nila kanina.

Bigla nalang ginalaw ni Trey yung kamay niya kaya napasigaw si Brianna.
"Arggggggh!" Daing nito.

"Alam mo, napanuod ko ang fifty shades of grey. Mukhang gusto kong gawin sa'yo ang
ginawa ni Christian do'n kay Ms. Steele." Whaaat?! Alam ko yun ah! Bastos yun e!

"Hayup ka Trey!" Nagpupumilit na makawala si Brianna sa pagkakatali sakanya pero


hindi niya iyon magawa.

Tsk! Kailangan ko siyang tulungan. Pero pano? Pano ko gagawin iyon?

Bumababa si Brianna habang naka cross parin siya. Kusang gumagalaw yung tread.

"Maganda ka parin," Nilapit ni Trey ang mukha niya kay Brianna. Nakikita ko mula
dito ang nakakalokong ngiti nito.

Pero, napalitan iyon ng pagka-asar ng duraan siya ni Brianna.

"Pwe! nakakasuka ka!"

Dahil sa inis ni Trey, sinampal niya ng malakas si Brianna.

Biglang sinunggaban ng halik ni Trey si Brianna at nagpupumiglas pero wala siyang


laban dahil nakatali siya.

Tsk! Kailangan kong tulungan si Brianna pero -- pero pa'no? Bahala na!

Kinuha ko yung isang kahoy na nasa gilid. Mabilis akong lumapit sakanila at mabuti
nalang ay hindi ako napansin ni Trey kaya buong pwersa ko siyang pinalo ng kahoy na
bitbit ko.

"Aw!" Napaupo si Trey kaya kinuha ko na ang pagkakataong iyon para pakawalan si
Brianna.

"Pano ba 'to putulin?"


"No one can cut my threads. Either you, humdrums." Hindi ko napansing nakatayo na
pala si Trey. Ginalaw niya ang kamay niya at bigla nalang akong napatiwarik.

"Kyaaah! Pakawalan mo ako!" Nakalambitin na ako paitaas.

"You're beautif -- Aww! Fvck! Who's that bitch?!" Inis na sigaw niya. Nagkaroon ng
fire ball at dumikit iyon sakanya. Ow! Ano ba ang mga nangyayari ngayon? A guy who
can manipulate treads and now, a girl who can throw a fire. Wow! Isn't Amazing?

"Ow! It's you Elizze Dameon."

"Yeah! Ang one and only beautiful na si Elizze Dameon."

Nakita ko ang isang babae. Hindi ko masyadong makita ang mukha dahil nakatiwarik
ako dito.

Bigla nalang tumakbo palapit samin yung Elizze at nagkaroon ng fire yung fist niya.
Parang may dalawang kutsilyo na gawa sa apoy.

"You can't come closer because of my threads." Trey said in his playful voice.

"I can. I have cut it since you're busy flirting with the girls." biglang nag form
yung lips niya into smirk. Woah! She's beautiful.

Tumalon siya ng mataas at ibinato ang fire knives sa amin. Matatamaan ako ng fire!
Omo! Ayoko pang masunog!

Pinikit ko ang mga mata ko at hinanda na ang sarili ko para matamaan ng fire pero
feeling ko onti onti akong bumabagsak e.

"Kyaaah!" Tama nga! Bago pa ako bumagsak, may sumalo sakin. Sigurado akong hindi si
Brianna dahil iba ang amoy. Oo! Iba at pang lalaki iyon! Gosh!

Napadilat na ako. tama, hindi si Brianna ang sumalo sakin kundi isang lalaking ubod
ng gwapo.

"You're welcome Miss." Sabi nito at nginitian ako. Gosh! Ang gwapo talaga.

"Hey Nicholas! 'Wag mong isali si Amara sa Collection mo." Nicholas? Parang narinig
ko na yun somewhere o baka nabasa?

"What collection?" Tanong nung lalaking bumubuhat parin sakin hanggang ngayon.
"Girls collection." Sagot ni Brianna.

"No I'm not collecting girls. You know, they love me and I return the favor."
Nakakaamoy ako ng pagka playboy.

"Amm~ Pwede bang ibaba mo na ako?"

Hindi na siya sumagot at sinunod lang ang gusto ko.

"Thanks."

"Hi there old Friends!" Sarcastic na bati ni Trey at nagpapatunog pa siya ng kamay.

"Hello!" Masayang bati nung Nicholas.

Hindi na ulit nagsalita si Trey dahil may kung anung technique siyang ginagawa.
Yung parang sa Naruto. Ganun!

Ilang saglit lang, may hawak na si Trey na axe na gawa sa threads. Cool~

Mabilis na tumakbo si Trey palapit saamin -- Kay Elizze to be exact.

"You're aiming for me huh!"

"Because it is an honor to kill the Princess of Fire Kingdom!" Sigaw ni Trey at


binato nito ang Thread Axe kay Elizze. Tumalon ng mataas si Elizze at inapakan yung
axe na binato sakanya. Then again, she jump towards Trey's direction and base on
her position, She's aiming a punch.

Nasa ere palang si Elizze ng nagbigay siya ng malaking force towards kay Trey at
may lumabas na fire sa fist nito. Pero, gumulong si Trey kaya nailagan niya ang
fire na dapat tatama sakanya.

Nasa ilalim na siya ngayon si Elizze at may dagger siyang kinuha sa bulsa ng coat
niya. Hinagis niya iyon kay Elizze.

Elizze open her mouth and a big fire came out in it. Nalusaw ang dagger habang si
Trey naman ay umilag pero natamaan parin siya sa braso at nasunog iyon. Pati yung
black coat niya ay nasunog.

"I hate you Elizze!" Sigaw nito habang hawak hawak yung brasong natamaan.
"Thanks."

Magsasalita pa sana si Trey ng makita niyang tumatakbo si Brianna palapit sakanya


kaya hinanda niya ang sarili niya.

Habang natakbo, binuksan ni Brianna ang kamay niya at may unti unting water ball
ang lumalabas doon.

"I know that technique Brianna." Sarcastic na sabi ni Trey. "No, you're not."
Biglang itinutok ni Brianna kay Trey yung kamay niya and a swirling water is aiming
for Trey. Naghati hati yun sa lima at may tulis sa dulo.

Tatalon na sana si Trey para umilag ng isa sa mga pinalabas ni Beianna na tubig ay
pumulupot sa paa niya.

"Fuck this!" Bago pa makakuha ng weapon si Trey sa coat niya ay natamaan na siya
nung water at nasira ang damit nito. Punit punit na. May mga dugo ding umagos at
sumama s tubig.

"Aghhhhh!" Malakas na sigaw nito.

"I think it's my turn to make you cry." Sabi ni Nicholas pero sinamaan lang siya ng
tingin ni Trey.

"I'll fucking kill you!!" tinaas ni Trey ang kanang kamay niya at may lumabas doon
na makapal na thread. Dumikit iyon sa isang pader at hinila niya ito kaya tumaas
siya. Para tuloy siyang si Spiderman.

"Wag niyo siyang patatakasin!" Sigaw ni Brianna kaya biglang tumalon si Nicholas at
nagiwan ng malakas na force.

"Usted Portal abierto de Evion!" Biglang may black hole ang lumabas at pumasok siya
doon. Nagkaroon ng malakas na hangin na para bang nanghihigop.

"Shit!" Sabi ni Nicholas at tinutok niya ang dalawang palad niya sa direction ni
Trey at feeling ko may malakas na force ang lumabas doon dahil bigla siyang bumaba.

"Nakawala nanaman ang loko." Disappointed na sabi ni Nicholas at napailing-iling


pa.

Wait! Evion? Tama ba ang narinig ko?

"Brianna," Mahina pero sapat na para marinig nila ang sinabi ko. "Ang dami kong
katanungan na kailangan bigyan ng kasagutan." Napansin kog napabuntong hininga si
Brianna.
"Elizze, Nicholas. Mauna na kayo." Sabi nito.

"Ok. Ingat kayo." -Nicholas at nakita kong kinindatan ako.

"Bye Girl!" Sabi naman ni Elizze sakin at tumakbo na sila palayo.

"Brianna! I miss you so much!" Sigas ko at sinunggaban ko siya ng yakap na


mahigpit.

Oh my Gosh! Kung alam niya lang kung gano ko siya namiss. Naku!

"May katanungan ako Brianna."

"I think its better if we go back home."

A/N

Para sa mga readers na umulit basahin.

Binago ko po yung Majika ni Trey from Thunder to Thread manipulator.

=================

CHAPTER 5

Chapter 5

xxxxxxxxxxxxxxxx

"Brianna, ang dami kong tanong."

Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Sarado ang bintana at pinto. Ang mga kapitbahay
ay tulog na tulog na din at tahimik. Tanging ang pag-uusap nalang namin Brianna ang
umaalingasaw sa buong kwarto.

"Sorry Amara, sorry. Hindi ko alam na ganun ang mangyayari." Hindi makatingin sakin
ng diretcho si Brianna. Napansin kong tumutulo na pala ang luha nito. Dahil sa pag-
iyak niya, para siyang guilty sa pagkamatay ni Tyang.
"Brianna, wala kang kasalanan. Hindi ka dapat humihingi ng tawad dahil hindi ikaw
ang pumatay kay Tyang." Nakakainis! Bakit n'ya sinisisi ang sarili n'ya eh hindi
naman siya ang pumatay.

Kusang kumilos ang katawan ko at niyakap ko s'ya ng mahigpit.

"Sorry Amara. Sor --"

"Shhhh~ Wala kang kasalanan Brianna. 'Wag mong sisihin ang sarili mo."

"Hindi mo ako naiintindihan Amara. Kung alam lang sana namin na susugod ang mga
Eviano sa bahay ng gabing iyon, sana hindi nalang namin pinapunta si Tyang mo para
magpatulong. Sana -- sana buhay pa siya hanggang ngayon. Sorry, sorry Amara." Basag
na ang boses ni Brianna dahil kanina pa siya iyak ng iyak.

"Nakakainis kang bruha ka. 'Wag mong sisihin ang sarili mo! Wala kang kasalanan!"
Inis na singhal ko sakanya. "Wag mo ng sisihin ang sarili mo kundi kakasuhan kita
sige ka!"

Humiwalay na ako sa pagkakayakap sakanya. Hinarap ko siya at pinunasan ko ang


basang mukha niya.

"Brianna, ang dami kong tanong. Sino yung mga lalaking naka coat? Yung tubig na
lumabas sa kamay mo, pano yun nangyari at yung Elizze? Pano niya nagawang
magpalabas ng apoy sa kamay niya?" Gulong gulo ako. Sa Avatar ko lang napapanuod
yun pero bakit pati ang kaibigan ko kayang gawin yun?

Bumuntong hininga si Brianna.

"Yung lalaking mga naka coat, estudyante sila sa Evine Academy, ang kalaban ng
eskwelahan namin at ng Magic council."

"Bakit? Bakit ka nila gustong patayin?"

"Siguro inutos sakanila iyon ng kamag-anak na hinuli ko nung nakaraang mission ko."

"Mission? Naguguluhan ako. Ano ka, sundalo?"

"Sort of? Estudyante ako ng Forbidden Academy kung saan hinahasa ang majika namin
-- o ang special ability namin. Doon, pwede kang kumuha ng mission na binibigay ng
mga ordinaryong tao."

"Wait! Ano ba ang Evion? Sinabi kasi ni Tyang ang Evion bago siya mamatay."
Napansin kong bumuntong hininga ulit siya.

"Siguro narinig niya ang pag-uusap namin ni Trey kaya nalaman niya yun," Bumuntong
hininga ulit siya. "Ang Evion ay isang lugar kung saan naninirahan ang mga
masasamang tao at creatures. Parang evil o hell sa Earth. Kalaban siya ng mundo
namin, ang Faireo. Doon naman naninirahan ang mga ordinaryong tao o creatures.
Masasabing hindi lahat ng naninirahan doon ay mababait dahil marami ring crimen ang
nangyayari d--"

"Ouch!" Bigla akong napahawak sa dibdib ko at kinamot ito. Ang kati. Nalalala ko,
May 22 na kung kelan nangangati ang collar bone ko.

"Bakit? Nangangati nanaman ba?" Tanong ni Brianna.

"Yup. Wala 'to,"

"Eh yung ability ability na 'yan? Yung apoy, tubig? Pano mo nagawa yun?"

"Hindi kami ordinaryong tao Amara. Isa kami sa 30% na may ability o ang tinatawag
naming majika sa mundo namin."

"So, may kapangyarihan ka?"

"Ang panget pakinggan kapag kapangyarihan ang term! May gusto naming tinatawag
itong special ability o Majika."

"Ya pero ang cool. Hindi ko alam na totoo pala ang mga kapangyarihan kapangyarihan
na 'yan! Akala ko sa Avatar, x-men at fairy tail lang ang meron niyan pero pati
pala sa totoong buhay. Cool! Pati yung ginawa ni Trey, ang cool nun. Para siyang si
Spiderman pati yung spell na sinabi niya,"

"Ano ba yun? Usted... Portal.. Abierto -- ano ba yun?"

Napansin kong nanlaki ang mata ni Brianna habang nakatingin sa likod ko. Sinundan
ko ng tingin ang tinitignan niya at nakakita ako ng white hole.

"A-ano yan Brianna?"

"Portal. Portal papuntang Faireo."

"Woah! Baka tinatawag ka na? Hala! Sayang, hindi man lang tayo makakapag bondi --
wait! Nakalimutan kong ibigay sa'yo." Tumakbo ako sa study table ko at kinuha ko
yung gift ko para sakanya.
"Eto oh. Regalo ko sa'yo Brianna." Inabot ko sakanya yung gift pero nakatingin lang
siya doon sa portal.

"Brianna? Yuhuu! Gising ka pa ba?" Tanong ko sakanya at winagayway ang kamay ko sa


harap ng mukha niya.

"Ah.. oo, oo! Amara, gusto mo bang sumama sakin sa Faireo?" Nanlaki ang mata ko sa
biglaan niyang pagyaya sakin.

"A-ano?"

"Gusto mo bang sumama sakin sa Faireo?"

Grabe! Hindi ako prepare sa invitation.

"Ngayon na ba?"

"Oo, ngayon na. Baka mapahamak ka dito. Isa pa, babalikan ka ng Eviano lalo na't
nakita mo lahat ang pinaggagawa namin."

"Papatayin din ba nila ako?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Brianna. Ano, gagawin
din nila sakin ang ginawa nila kay Tyang? Hindi ako papayag.

"Sige. Sandali lang, kukunin ko lang ang mga mahahalagang gamit."

Nakita kong tumango si Brianna. Kahit na madalian lang ang desisyon ko, alam kong
hinding hindi ko pagsisisihan ito. Alam kong magiging masaya ito, magiging kakaiba
at memorable para sakin. Alam kong magiging maganda ang kakalabasan nito. Tsaka
sinabi din sakin ni Tyang na umalis na ako dito.

Pumunta ako sa kwarto ni Tyang at kinuha ko ang jewelry box sa loob ng cabinet
niya. Sabi niya sakin bago siya mamatay, akin daw ito.

Bumalik na ako sa kwarto at nakita kong nakatulala doon si Brianna sa portal.

"Ano, ready ka na?" Tanong niya sakin ng makita niya ako.

"Wait lang." Agad akong pumunta sa study table ko at kumuha ako ng ballpen at
papel. Sigurado akong hahanapin ako ni Elene kapag nawala ako.

"Salamat Elene pati sa pamilya mo. Tatanawin kong malaking utang na loob ang
pagtulong niyo sakin. Salamat Elene. Bye-bye. -Amara"
Ayokong mag-isip sila kung saan ako pumunta kagaya ng nangyari sakin sa paghahanap
kay Brianna.

Iniwan ko yung papel doon. Tumayo ako at lumapit kay Brianna.

"Tara na. Ready na ako."

Hinawakan niya ang kamay ko. Nginitian ko siya at sabay kaming pumasok doon sa
portal. Hinigop kami noon at para bang may malakas na pwersa ang humihila sakin at
para ding may tumutulak.

Ilang sandali lang ay nawala na ang pakiramdam na hinihila ako. Dinilat ko ang mata
ko at nakita ko ang kakaibang lugar na ngayon ko lang nakita sa tanang buhay ko.
Maliwanag pa dito at may araw pa hindi kagaya kanina, gabi.

"Welcome sa Faireo, Amara." Sabi nito at nginitian ako.

Nandito kami sa isang mataas na burol kung saan tanaw na tanaw ang isang malaking
kastilyo na naka taas. May malaking bakod siya na pader at ang taas noon ay kulay
ginto. May mga bahay din sa loob ng kastilyo pero malayo iyon. Sa tingin ko mga 5
km ang layo ng unang bahay.

Sa labas naman ng pader ay may bahay din pero malayo ang agwar nun kumpara sa lapit
ng unang bahay sa kastilyo. Sa tingin ko mga 7-8km ang layo ng pinaga-unang bahay.
Sukat na sukat ko diba?

"Nakikita mo ang malaking iyon?" Tinuro ni Brianna ang kastilyo. "Yan and Forbidden
Academy. D'yan ako nag-aaral." Huh? School yun? School?

"Oo, school yan. Parang hindi no?" Masayang sabi ni Brianna.

"Oo nga eh. Teka! Pano mo nalaman ang iniisip ko?"

"Bestfriend mo ako at alam ko kung ano ang mga pinag-iisip mo."

"Brianna, Eto nga pala ang regalo ko sa'yo. Super belated happy birthday
Bestfriend." Sabi ko. Kinuha niya iyon at binuksan.

"Woah! Ang ganda! Sigurado akong mahal ito. Salamat Amara."

Hahaha! Kung alam ko lang Brianna kung magkano 'yan.

Sinuot niya iyon. "Bagay ba?"


"Oo. Bagay na bagay."

Haay! Panibagong pamumuhay ito pero basta kasama ko ang kaibigan ko, kakayanin yan.
Live young, wild and free nga daw diba? I will live my live to the fullest and I
will make sure na magiging masaya ako.

xxxxxxxxxxxxxxxx

=================

CHAPTER 6

Chapter 6

xxxxxxxxxxxxxxxx

Naalipungatan ako. Napansin kong wala ako sa kwarto. Oo nga pala! Wala na ako sa
sarili kong mundo bagkus nandito na ako sa Faireo.

Bagong Mundo, bagong pakikitungo at bagong adaptation dahil sigurado akong may iba
silang history dito at cultures na dapat sundin.

Biglang bumukas yung pinto at nakita ko si Brianna na papasok sana.

"Gising ka na pala Amara. Sandali lang, kukuha ako ng pagkain mo." Lumabas siya at
muling sinarado yung pinto.

Naalala ko yung reaction ni Tita Virgie ng malaman niyang pinatay ng Eviano ang
bestfriend niya. Bakas sa mata niya ang galit dahil sa nalaman niya.

Haay! Tumayo ako at nilibot ang kwarto ni Brianna. May kalakihan ito at kulay blue
ang karamihang gamit. Ang queen size bed niya ay asul, ang cabinet na white pero
may blue din. May tatlong picture frame na nakapatong doon, ang family picture
nila. Si Brianna, si Tita Virgie at ang Tatay niya na namatay na nung bata pa s'ya.
Ang pangalawang picture frame naman, andon ako, si Elene at si Brianna ang nasa
gitna.

Napatingin ako sa last picture frame, nakita ko doon si Brianna at ang anim niyang
kasama. Namumukhaan ko yung dalawa, si Elizze at si Nicholas. Ngayon ko lang
narealize, ang gwapo ni Nicholas at si Elizze naman ay napakaganda. Apat silang
lalaki d'un at tatlong babae. Siguro mga kaibigan niya iyon dito sa Faireo.

"Oh? Kumain ka na Amara, may pupuntahan pa ta'yo." nakita kong may dala dalang tray
si Brianna na puno ng paborito kong pagkain.
"San tayo pupunta?"

"Basta. Sigurado akong masisiyahan ka sa pupuntahan natin. Kumain ka na at maligo."

"Sige." Kinuha ko na yung pagkain at sinimulan kong ubusin iyon. Ilang saglit lan
ay naubos ko na ang pagkain at busog na busog ako.

"Oh! Maligo ka na! Kumuha ka nalang ng damit ko d'yan sa cabinet." Kinuha niya yung
pinagkainan ko at niligpit iyon. Hay! Alagang alaga ako dito sa bahay nila a.

Kumuha ako ng sweatshirt na color gray at isang super short shorts na pantalon.

Dumiretcho na ako ng banyo sa kwarto na ito. May kalakihan din naman at malinis ang
CR.

Hinubad ko na ang suot ko.

Napatingin ako sa salamin at nakita ko ang reflection ko. Yung collar bone, hindi
ko alam kung anong nangyayari. Namumula siya at may parang pasa. Anong nangyayari
sakin? Baka may cancer ako? Oh my Gosh! 'Wag naman sana! May mission pa ako, ang
hanapin ang anak ni Tyang ay hanapin ang magulang ko.

Bumuntong hininga ako at naligo. Hindi ko na pinansin ang mga pasa sa dibdib ko.
Siguro nagkaroon lang ito dahil sa nangyari sa paglalaban nila Brianna at nung Trey
na 'yun. Hindi ko nalang ito kinamot o hinilod dahil pagginawa ko iyon, siguradong
maghapon akong mangangati.

Clich lang ang pagligo ko. Ano, kailangan ko pang isalaysay simula sa pagsasabon
ko hanggang sa mag suot ako ng damit? No way, I need some privacy you know!

"Saan tayo pupunta Brianna?"

Nandito kami ngayon ni Brianna sa sala.

"Mamimili tayo ng gamit mo," Masaya nitong sabi.

"Pero wala akong pera Brianna."

"Wag kang mag-alala Amara, marami ako n'yan." May kinuha siya sa bulsa niya nakita
ko ang napaka kapal na pera.
"San mo nakuha yan?"

"Ipon ko ito galing sa mga Mission na kinuha ko. Ang dami no?" Tanong niya. Tumango
ako tanda ng pagsagot ko. Ang dami talaga. "Kaya 'wag kang mag-alala sa gastusin.
Tara na." Inakbayan niya ako at naglakad kami palabas. Pero,

"Si Tita Virgie, hindi ba natin siya isasama?"

"May inasikaso si Mama. Mga documents."

"Documents?"

"Ang dami mong tanong Amara. Tara na!" Nauna na siyang lumabas ng bahay.

Weird~ Parang ang saya saya niya. Hmp! Hayaan na nga natin, baliw na siguro 'yan.

pagkalabas na pagkalabas ko, nakita ko nanaman ang napaka gandang bayan. Ang mga
struktura, luma na siya pero na maintain ang ganda. Kung sa Pilipinas, para siyang
Vigan dahil sa makaluma ito at ang source ng transportation nila ay Kalesa. Pero,
kung akala niyong makaluma dito, pwes nagkakamali kayo dahil may cellphone dito na
mas maganda pa kesa sa iPhone, mga gadgets na may iba ibang pakinabang.

"Tara na Amara!" Napatingin ako kay Brianna. Nasa malayo na siya.

Nginitian ko siya. Tumakbo ako palapit sakanya. Ang saya!

"Ano ang gusto mong bilhin?" Tanong niya sakin habang ako ay palinga linga. Ang
daming mga shops na magaganda.

"Hindi ko alam kung ano ang uunahin ko. Ang daming magaganda dito."

"Alam ko na, damit muna ang unahin natin since isang damit lang ang dala mo."

Hindi pa ako nakakapayag ng bigla akong hilahin ni Brianna.

"Baka madapa tay --"

"Ito ang favorite kong shop dito."

A l mode ang pangalang ng shop. Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin n'un pero
mukhang mamahalin ang mga damit dito.
Sumunod ako kay Brianna sa pagpasok. Ang daming mga magagandang damit.

"Bonjour Brianna." May biglang sumulpot na lalaki samin. Matangkad, moreno at


blonde yung buhok.

"Hi Kenny, kamusta na?"

"Ok lang Brianna. Sino siya?" Tanong nung Kenny habang turo turo pa ako.

"Ahh~ She's my bestfriend, Amara. Amara, He's Kenny, ang pinaka gwapong fashion
designer dito sa Faireo." Inabot ko ang kamay ko sakanya.

"Hi. Nice to meet you."

"Bonjour Amara. So now, ano ang maipaglilingkod ko sainyo?" Tanong ni Kenny.

"Gusto kong pilian mo siya ng pinaka maganda ay pinaka bagay sakanyang damit. Gusto
ko yung mag i-stand out siya huh!"

"No problem Sis. Madali lang 'yan. Wait for me ha!"

Nagtingin tingin si Kenny ng mga damit at kada kuha niya ay tinatapat niya iyon
sakin. Nakaka conscious tuloy.

"Anong ginagawa n'ya?" tanong ko kay Brianna. Feeling ko namumula yung mukha ko.

"Sinisipat niya kung ano ang bagay sayo." Binaling ni Brianna ang tingin niya kay
Kenny. "Hey Sis, ayaw niya ng masyadong pa girl. Gusto niya yung tomboyin."Alam
talaga ni Brianna ang mga gusto ko.

"Ok girl. Leave it to me."

Ilang sandali lang ay bumalik si Kenny dala dala ang napakaraming damit. Ang iba ay
dress at ang iba naman ay pang swag. You know. Hindi talaga ako yung tipo ng
babaeng kikay. I prefer tomboy looks than pa girl. Naaartehan kasi ako sa mga ganun
e.

"Here. Sukatin mo."

"Sigurado ka d'yan? Ang dami n'yan, baka abutin tayo ng gabi." Inabot sakin ni
Kenny yung damit. Ang dami at ang bigat
"Kahit sa isang buwan pa, okay lang basta masukat mo 'yan. Go na, go na." Tinulak
tulak niya ako papasok sa fitting room. Haay! Kailangan ko ng umpisahan ang
pagsusukat.

Madaming damit. Iba-iba. May tshirts, dress, ripples, skirts, skinny jeans at kung
anu-ano pa. Pero ang mga pinili ko ay yung mga jeans, pantalon at tshirt. Mas gusto
ko yun kesa sa skirts at nga dress. Masyadong pabebe pag ganun. Hindi bagay sakin.

"Oy! Tapos na ako."

Binigay ko kay Kenny yung mga napili kong damit at dinala n'ya iyon sa counter at
swinipe n'ya yun ng swinipe.

"Girl, bakit halos puro jeans ang pinili mo?" Sigaw ni Kenny.

"Ay naku Sis! Hindi ka kasi naniwala sakin eh."

"Bye Sis. See you next time. Bye Amara, I hope next time maging girl ka na ah!"
Huh? Babae naman ako e.

"Bye!!"

"So, San na tayo pupunta?" Tanong ko kay Brianna. Bago pa siya sumagot, narinig ko
ang isang tunog.

"Brianna, tyan mo ba 'yun o umutot ka?" Kunot noo kong tanong sakanya.

"He-he-he! Mukhang sa restaurant and next stop natin. Tara na!" Sabi nito at hinila
ako.

Nandito kami ngayon sa Caf sucr. Restaurant na parang starbucks sa Pilipinas.


Amoy na amoy yung aroma ng kape. Nakakalasing iyon.

"Anong gusto mo?" Tanong sakin ni Brianna.

"Ewan ko. Kung ano nalang yung sa'yo, 'di ko pa alam mga tinitinda nila dito eh."

"Ok. Wait for me ok?" Pumunta si Brianna d'un sa counter habang ako ay
nakapangalumbaba lang habang pina-familiarize ko yung lugar.
Maraming rami ring tao ang nandito ngayon pero may isa akong nasipat. Lalaki siya,
kakaiba at feeling ko nakita ko na s'ya kung saan pero hindi ko alam kung saan.
Haay! Lagi nalang akong nakakaranaasa ng dej vu. Tsk! Anyway, ang gwapo niya. Ang
mysterious ng itsura niya, pout ang lips, nakapikit, ang kamay ay nasa batok habang
nakasalpak ang earphone sa tenga niya. Ang gwapo!!

Nanlaki yung mata ko ng biglang dumilat iyon at saktong sakto pa na sakin siya
nakatingin. Wah! Hindi ko maiwas ang tingin ko sakanya, para bang napako ito.

Nag bend yung leeg niya at nagsalubong ang kilay nito habang nakaingin sakin. Oh my
Gosh! Bigla akong kinabahan at parang halos gustong sumabog ng puso ko.

"Hoy! 'Bat parang nakakita ka ng multo d'yan?" Nagulat ako ng biglang sumulpot si
Brianna sa harap ko.

"Wa-wala. A-akin na 'yan, nagugutom na ako eh." Sabi ko at kinuha kaagad yung isang
frap. at isang cake.

"Weird~" Narinig kog bulong ni Brianna. Hindi ko nalang siya pinansin at


pinagpatuloy ko ang pagkain ko. Paminsan minsan ay nagnanakaw ako ng tingin doon sa
lalaki pero, nakakainis dahil sa twing tumitingin ako sakanya eh nakatingin din
s'ya sa direksyon namin. Haaay!

Siguro may gusto 'to sakin. Ahaha!

Kakauwi lang namin ni Brianna at hindi parin maalis sa isip ko yung lalaki kanina.
Argh! 'Bat ganun?!

"Hoy! Parang kanina ka pa wala sa muwang. Ano bang nangyari sa'yo nung nawala ako?"
Tanong ni Brianna.

"Wala. Magpapahinga lang ako, napagod ako eh." Papasok na sana ako ng bigla akong
pigilan ni Brianna.

"Bakit?"

"May sasabihin pa kasi ako."

"Ano 'yun?"

"Wag kang excited ok. Hintayin muna natin si Mama."


Huh? Anong meron? Hala! Baka papaalisin na nila ako dito? Hala!

xxxxxxxxxxxxxxxx

"Brianna, ano ba talaga ang sasabihin mo?"

Kinakabahan ako. Kanina pa hindi nagsasalita si Brianna at panay buntong hininga


lang siya. Natatakot ako. Kanina pa din kaming naka upo dito sa sofa at hinihintay
ang pagdating ni Tita Virgie. Siya daw kasi yung magsasabi ng balita eh. Haaay!

Napatayo ako ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si Tita Virgie. Hay! Sa wakas!

"Oh? 'Bat ang tahimik ninyo?" Tanong samin ni Tita Virgie.

"Kaya nga po eh. May sasabihin daw po kayo tapos si Brianna kanina pa tahimik at
nakasimangot. Kinakabahan tuloy ako." Sabi ko pero bigla ding naging seryoso yung
mukha ni Tita. Hala? May nagawa ba akong mali o labag sa batas na meron dito sa
Faireo? Baka kinasuhan ako nung lalaki na nasa coffee shop dahil sa pagtitig ko
sakanya. Gosh!

"Hala? Bakit biglang nag-iba yung mukha mo Tita? Bakit? Tell me please, baka
mamatay ako dito ngayon." Pagmamakaawa ko pero parang hindi nila ako narinig dahil
wala akong response na natanggap. Tsk!

"Amara..." Napaka seryoso ng pagkakasabi ni Tita ng pangalan ko. "Po?" Ayan nalang
ang tanging naisagot ko. Wala eh, sobra akong kinakabahan. Sobrang bilis ng
pagtibok ng puso ko. Parang lalabas na nga eh.

"Amara..." Tawag niya ulit. Nakatungo si Tita at hindi makatingin sa mata ko na


para bang may ginawang malaking kasalanan sakin.

"Amara, i-nenroll kita sa Forbidden Academy." Para bang nakahinga ako ng maluwag ng
banggitin yun ni Tita.

"Akala ko naman kung ano na. Inenroll niyo lang naman pala ako sa -- INENROLL NIYO
AKO SA FORBIDDEN ACADEMY?!!" Waah! Bigla kong na realize na inenroll ako ni Tita sa
school of magics na wala naman ako. Alam kong school yun para sa mga taong may
special ability o yung may mga kapangyarihan na wala naman ako.

"Oo."

"Hala, bakit? Diba ang school na 'yun ay para lang sa mga taong may kapangyarihan?"

"Amara, Majika ang tawag dun." Singit ni Brianna.


"Ok. Majika. Bakit niyo ako inenroll doon eh wala naman akong Majika."

"Nalaman ng magic councils na may nakapasok na tao sa Faireo. Kaya ako nawala
kanina because pinatawag nila ako upang kausapin tungkol sa pagtira mo sa Faireo.
Pinagpaalam kita na dito ka na and pumayag naman sila kaso sa isang condition, at
ito ang pumasok ka sa Forbidden Academy."

"Magic councils?" Tanong ko. Hindi ko alam yun.

"Oo. Magic councils, Ang tawag sa namamahala ng Faireo. Parang sa Pilipinas,


Government ang namamahala." Ahhhh!

"Eh ano yung sinabi ni Brianna na kumuha kayo ng documents?"

"Pumunta ako sa bahay niyo at kinuha ko yung mga documents mo. Birth certificate,
Identification cards at NSO. Kailangan yun para maging official resident ka sa
Faireo." Ahh~ Ganun pala yun.

"Pero.. Bakit ganyan yung mga itsura niyo?" Kunot noong tanong ko sakanila.

"Syempre Amara, Para kabahan ka. Hahahaha! I think It's effective. Look at your
face, nakakatawa! Hahaha!" Sigaw ni Brianna kaya sinamaan ko siya ng tingin. Sabi
na nga ba eh! Pinag ti-tripan lang nila ako! Nakakinis!

"Nakakainis kayo. Akala ko kung ano na yung sasabihin niyo tapos prank lang pala."

"Hahaha! It's ok Amara. Hindi ka pa ba nasanay samin ni Brianna?" Sabi ni Tita


habang natatawa pa. Haaay! Mag ina nga talaga sila."Anyways, eto na nga pala ang
uniform mo. Complete set na 'yan at nanjan na din yung PE uniform mo."

Inabot sakin ni Tita yung malaking puting box. Binuksan ko iyon at wooooow! As in
wooow! Ang ganda niya. Black and blue and motif ng damit. Para iyong uniform sa
pinapanood kong korean novela na The heirs. Oh my gosh!

"Ang ganda! Sigurado akong mahal ito."

"Free yan sa Forbidden Academy as long as mataas ang grades na makukuha mo.' Ang
allowance naman ay ang school din ang magbibigay. Naka dipende 'yan sa performance
at grade na makukuha mo."

Wow! Kung ganito lang sa Pilipinas edi sana walang naghihirap na Pilipino ngayon.
Sigurado akong maunlad ang Pilipinas kapag nagkataon na katulad ng Government dito
ang pamamalakad sa Philippines.
"Mabuti pa at magpahinga na kayo. Gabi na oh!"

Hala! Hindi ko napansing gabi na pala. Grabe! Pero ok na din iyon dahil mawawala na
ang pangangati ng katawan ko especially yung collar bone ko dahil May 23 na bukas.

xxxxxxxxxxxxxxxx

=================

CHAPTER 7 (Welcome test #1)

A/N

Marami po akong binago. Nabasa n'yo naman po sa first sixth chapters, yung
settings, characters at yung ibang Majika nila. Yung ibang surname ng character ay
babaguhin ko din kasi nakalimutan ko na. Hahaha! Pinag-iisipan ko din pala kung
iibahin ko yung plot but hassle yun so abang abang nalang muna.

Enjoy reading guys...

xxxxxxxxxxxxxxxxx

Chapter 7 - Welcome Test (Part 1)

June 8, X792. Lunes ngayon at handang handa na kami ni Brianna para pumunta sa
Forbidden Academy. Ang mga gamit namin ay nasa bag na. May dorm daw doon at yun
yung mga nag-scattered na bahay na nasa loob ng Academy. Pero, para lang 'ton sa
mga may malalayong bahay. Tulad ng province satin. Kaming ni Brianna, uwian kaming
dahil d'yan lang ang bahay nila.

"Handa ka na ba?" Tanong sakin ni Brianna.

"Oo kaso medyo kinakabahan ako."

"Haay naku Amara! Natural lang ang kabahan kaya 'wag kang matakot. Be afraid if
you're not nervous dahil asahan mo, may mangyayari. It's either maganda o panget,"
-Tita Virgie "O sya sige na! Umalis na kayo at baka mahuli pa ka'yo sa klase."

"Bye-bye Ma. Alis na kami."

"Bye Tita."
"Mag-iingat kayo ah! Enjoy-in niyo yung first day of school!"

Umalis na kami dala ang bag namin. Magaan lang 'yun dahil kaunti palang ang laman.

"Excited na ako!" Masayang sabi ni Brianna. Haay! Kinakabahan talaga ako. Feeling
ko may mangyayari ehh. Ay ewan! Basta, sabi nga ni Tita Virgie, enjoy-in daw namin.

Ang daming mga estudyante ang nakakasabay naming pumasok. Halata sa mukha nila ang
pagka excite at ang iba ay mukhang kinakabahan din kagaya ko. Well, mukhang hindi
lang ako nag-iisa ah.

"Amara, welcome sa Forbidden Academy." Nasa harap kami ng gintong gate. Ang taas
sobra. Kahit ang mataas na lipad ng eroplano ay hindi ito mapapasok e. May path
walk sa gitna at ang gilid ay mga dorm daw na parang bahay.

"Ang ganda." Ayan nalang ang lumabas sa bibig ko dahil sa pagka mangha. Kahit ang
pinaka mayaman na bansa sa Earth ay walang panama sa ganito.

"Tara na." Aya sakin ni Brianna. Habang naglalakad kami, feeling ko pinagtitinginan
ako -- I mean si Brianna. Hallucination ko lang ba 'yun?

"Haay! Eto nanaman ang mga estudyante." Brianna Sighed.

"Huy, 'bat ka nila pinag titinginan?"

"Hay! I hate to say this but I'm an S-class mage." Sabi nito na parang hindi
masaya.

"S-class?"

"Yup. S-class parang elite. Isa ako sa most powerful dito sa Forbidden Academy and
I hate that. Yung mga privilage, mga treatment na ginagawa samin ng mga students
dito ay hindi na normal. Para na kaming mga kpop na bias nila. Haay!"

"Woow! Edi malakas ka Brianna! Ang galing, tapos kaibigan pa kita. Waah!"

"Haay!" Napabuntong hininga ulit si Brianna. Hahaha! I know her!

"San na nga pala ta'yo pupunta?" Tanong ko.

"Sa Arena. May orientation pa kayong mga freshmen sa Arena. Kami naman ay may
welcome test pa pagkatapos ng orientation n'yo."
"Welcome test?"

"Yup! I te-test namin ang majika namin at ira-rank iyon base sa nagawa naming
damage sa isang dummy."

"Grabe, ang dami ko pa palang hindi nalalaman dito. Pano naman kaming mga freshmen?
Wag mong sabihin na kailangan naming magpalabas ng majika?"

"Oo. Sa mga activities ng freshmen at sa next examination I ra-rank na ang mga


freshmen."

"Pano yan Brianna, wala akong majika kagaya niyo?!" Bulong kong sabi sakanya. Baka
may makarinig, secret lang daw yun.

"Wag kang mag-alala, kasama mo kami tsaka magtiwala ka sa sarili mo." Haay! Hindi
nalangbako nagsalita.

Malapit na kami sa Arena. May kalakihan iyon. Sa tingin ko mga tatlong gymnasium na
pinagsama-sama ito.

May tatlong buildings dito, ang left side o ang Arena. Ang center at sa right side.
May idea na ako kung ano ang meron sa center building pero hindi ko alam kung para
saan ang right building.

"Tara na." Halos malaglag ang panga ko. Sobrang ganda. Para siyang basketball court
na malaki. Pinapalibutan iyon ng mga beachers pero, hindi siya basta bleachers
dahil para siyang upuan sa sine.

Marami rami ng estudyante ang naka upo at nahihintay ng orientation. Bakit hindi ko
alam ang schedule ko?

"Good morning students." May isang lalaki ang lumabas galing kung saan. Naka long
sleeve polo siyang puti, jeans na itim at rubber shoes na puti.

"Sino s'ya?"

"Si Principal Logan." O my Gosh! Ang gwapo ha! Chinito, maputi at ang tangkad!
Gosh! Ang gwapo!

"Ok students, as you can see. Onti lang ang mga freshmen ngayon so rules nalang ang
sasabihin ko sainyo." Walang estudyante ang nagke-kwentuhan. Mapababae o mapalalake
ay nakatuon ang pansin kay Principal Logan.
"You must wear your complete uniform every monday, wednesday and friday While
Tuesday, thursday and saturday is wash day so kahit ano ang suotin niyo except for
shorts. Bawal ang super short shorts ok?" Oo. Bawal talaga ang short dahil ang
panget tignan.

"You student must avoid fighting with your fellow students. prohibited ang
pakikipag away unless legal ito o may permission galing sakin of course."

My gosh! Bakit pinapayagan ang pakikipag away? Kailangan talagang may permission?
Hay!

"Every student must have a guild o group. Para siyang club sa normal school na may
extra credits sa grade pero dito sa Forbidden Academy, yung grade na makukuha mo sa
guild ay may extra credit sa allowance mo." Woah! Ganun yun? So, kailangan ko pang
makipag socialize? Oh men! I hate socializing. I'm not friendly ya' know.

"Students, every three months ay kukuha kayo ng Ranking test. Exam siya gamit ang
majika ninyo. Important rule siya dahil alam niyo naman, importante sa mga students
ang ranking ng bawat isa." Oh? So -- so -- so? Ka-kailangan k-ko d-din kumuha
n'yan? Oh my gosh!!

"Ang mga guilds ay required na kumuha ng mission. We'll giving you an extra time to
do that." Missions. Ayun yung sinabi ni Brianna kaya siya may maraming pera.

"And the last important rule, enjoy your life!!" Sigaw ni Principal Logan.

katahimakan...

1...

2...

3....

"YEAHH!" they shout in unison. Nasasayahan sila sa rules na 'yun? Gosh! Kailangan
kong makipag socialize, yung away na kailangan legal at may permission sa
Principal.

"Ok students, quiet please." Unting unting humina ang sigawan hanggang sa mawala
ito.

"Hindi pa kumpleto ang mga sophomore students so I'll be back in 15 minutes.


Pagbalik ko, sisimula kaagad natin ang welcome test." Bumaba si Principal Logan sa
stage at nagsimula nanamang magkwentuhan ang mga estudyante.
"Brianna..."

"Oh?"

"Wa-wala." Ayoko munang magtanong. Gusto kong enjoyin ang buhay bilang estudyante
ng Forbidden Academy.

xxxxxxxxxxxxxxxx

"Hey Brianna, kanina pa kita hinahanap e." Napatingin kaming dalawa ni Brianna sa
kakadating lang na si Elizze.

"Oh my Gosh! Ikaw yung girl na kasama ni Brianna doon sa --"

"Yeah. It's me. Thank you nga pala." Naalala ko, hindi man lang ako
nakapagpasalamat sakanila nung niligtas niya kami ni Brianna d'on sa Trey.

"It's ok ano ka ba. Mission namin yun e. Anyway, I'm Cymon Elizze Dameon. Fire
mage, Princess of Fire Kingdom and a chosen one." Inabot niya sakin yung kamay niya
para makipag shake hands. Princess? Woaah!

"Hi! Amara Audrie Drusilla here. Nice to meet you," Masaya kong bati. "Ano yung
chosen one?" Binitawan niya yung kamay ko at umupo siya sa tabi ni Brianna na
vacant pa.

"Ayy oo nga pala. Mamaya, ipapaliwanag ko sa'yo dahil padating na sila." -Brianna.
Napatingin ako sa tinitignan ni Brianna. Doon siya sa entrance nakatingin at oh my!
Parang namumukhaan ko sila a!

Napansin kong nandoon si Nicholas. Yung sumalo sakin mula sa pagkakahulog. Ang
gwapo niya pala lalo na kapag maliwanag. Apat sila dun, si Nicholas, yung lalaking
naka earphone, yung babaeng itim na itim ang buhok na kamukha nung isang lalaki at
-- at -- at!!!

At yung lalaking tinitignan ko n'ung nasa Caf sucr kami ni Brianna. Oh my Gosh!
Papunta sila sa row namin ay kumakaway pa si Nicholas!

"Hi Bri!" Sigaw ni Nicholas. Malapit na sila samin at nakita kong nakatingin sakin
yung lalaki. Gosh! Eto nanaman tayo!

"Oh Hi Miss friend ni Bri. Ikaw yung babaeng sinalo ko diba?"

"Hm. Thanks." Tipid kong nginitian siya. Hindi ako nahihiya sakanya pero na i-
intimidate ako sa lalaking titig na titig sakin. Alam ko namang maganda ako pero
'wag naman siyang maging obsessive sakin.
"Your welcome tsaka its nothing. It's my pleasure to save a beautiful girl. By the
way, I am Nicholas Napoleon, wind mage and also, the Prince of Air Realm." So, may
Princes at Princesses pala dito? How cool.

"Hi! I'm Amara and nice to meet you all." Nginitian ko sila. Nakangiti din naman
silang nakatingin sakin pero yung lalaki -- ewan ko. Nakakaintimidate talaga ang
tingin niya tapos hindi pa siya ngumingiti. Nakaka goosebumps.

"Hi! Im Dione Knightwalker and this is my twin Brother Dylan Knightwalker. Nice to
meet you!" Masayang bati ni Dione. Ang ganda niya. Itim na itim ang buhok at
shoulder length lang yun while si Dylan naman ay kulay itim din ang buhok.
Magkamukha sila, syempre identical twins sila.

"Hi, I'm Darius Henry." Tipid na ngiti lang ang binigay sakin ni Darius.

"Ganyan talaga 'yan si Darius, mahiyain. Masanay ka na." Bulong sakin ni Brianna.
Nagsialisan na sila at pumunta sa kanya kanyang seat. Eh?

"Siya naman si Hermes Louie Jones. Anak ng head master ng Forbidden Academy at isa
ang tatay niya sa Magic councils." Woah! Sigurado akong mayaman sila.

Pero, bakit si Brianna yung nagpapakilala?

After 15 minutes...

"Good mornig students. Mukhang nandito na ang lahat ng studyante ah!" Napatingin
ako sa paligid. Napuno na ang Arena.

"So mabuti pa't simulan na natin ang Welcome test!"

Nagkaroon ng glass wall doon sa stage para hindi madamay ang mga students na
nanunuod sa gagawing techniques ng mag e-exam. May lumabas doon sa pinaka center ng
stage ang isang kulay puting dummy.

May lumabas ding mga screen sa taas. Square siya at ipinapakita doon yung gagawin
ng mga students.

May tinawag si Principal Logan na pangalan at nagsisilapitan sila doon at


pinapakita nila kung anong klaseng majika ang meron sila. Ang iba ay kayang mag-
ibang anyo, invisibilty at kung anu-ano pa. Buong lakas ang ginamit nila para
makakuha ng mataas na rank.

"Next is Miss Cymon Elizze Dameon. The Fire Princess!" Agad na tumayo si Elizze
kaya nagsigawan ang mga tao. Princess siya, ang cool.
pumunta si Elizze doon sa stage at hinarap ang dummy. Mukhang pipitsugin lang ang
dummy pero nung inatake yun ng mga estudyante kanina, ni isang scratch ay wala pang
natatamo ang dummy.

"You have 30 seconds Princess Elizze. Your timer starts now!" Pagkasigaw na
pagkasigaw ni Principal Logan ay agad na nagpalabas si Elizze ng fire ball sa kamay
niya. Sunod sunod iyon na parang riffle ang putok. Nang magsawa si Elizze ay gumawa
siya ng isang fire wolf. Tumatakbo iyon palapit sa dummy hanggang sumabog ito. Puro
usok ang nakikita namin ngayon.

Lumabas ang rank ni Elizze doon sa screen. From rank 27 to 29. Halatang hindi
masaya si Elizze sa nakuha niya.

"May we call on the next student. Miss Alcetis!" kagaya ng pagtawag kay Elizze,
nagsigawan din ang mga estudyante lalo na ang mga lalaking manunuod.

"Good luck." Nginitian ako ni Brianna at pumunta siya doon sa harap.

"Your timer starts now!" Nagco-concentrate si Brianna then waters came out in her
hands. Tinapat niya iyon sa dummy then biglang nag shape ang water into a water
dragon. Mabilis ang paggalaw ng dragon papunta sa dummy. Then biglang nag scattered
ang dragon nung tumama iyon sa dummy then nag appear sa screen yung rank niya. From
rank 30 to rank 31. May nakalagay sa baba n'un ay S-class. Ang galing!

Sumunod na tinawag si Nicholas. Mas lumakas ang sigawan ng mga estudyante at ginu-
good luck din ito.

"Good luck," Sabi ni Elizze. Nginitian lang siya nito bilang ganti. Tumalon ng
mataas si Nicholas papunta sa stage at nag-iwan pa iyon ng malakas na hangin.

Nag start na ang 30 seconds ni Nicholas.

Swinay niya ang kamay niya pa 'X' at may lumabas doong hangin na visible sa normal
eyes. Ang cool. Then the next thing he do is an air tornado aiming the dummy.
Malakas ang technique na ginawa niya kaya nagkaroon ng crack ang protective
barrier, ganun din ang dummy.

His time was over. His rank appered on the screen. From rank 28 to 31. Biglang may
fireworks na pinakita sa screen na nagsasabing "Congratulations. Your are now an
official s-class mage."

Nagpalakpakan ang mga students at sumisigaw pa ng congratulations.

"Wow. May apat na tayong s-class mage sa grupo." Narinig kong sabi ni Dylan. Apat?
Sino sino kaya 'yun?
"Nakakainis! Bakit ako hindi man lang naging s-class eh mas maganda ang technique
na ginawa ko kesa kay Nicholas?" Sigaw ni Elizze na halatang badtrip.

"Because hindi mo cinompress ang fire sa loob ng wolf kaya hindi masyadong malakas
ang impact n'un sa dummy." Sabat ni Darius. Napansin kong wala na ang earphone sa
tenga niya. "Tssss!" Sagot ni Elizze.

"May we call on the next student. Miss Kristine Jones." Nagsitahimikan ang lahat
then after 3 seconds ay biglang umingay ang arena. Ang ganda niya.

Nakita kong nakatingin siya sa direction namin.

"Haay! Obsessive Kristine. Tsk Tsk!" Sabi ni Dione na umiiling iling.

"Your timer starts now." Hindi nag-aksaya ng oras ying Kristine at agad na
nagpalabas ng fire wolf at isang earth fox. What the -- how does she do that?

Mabilis na tumakbo yung fire wolf at earth fox doon sa dummy at sumabog iyon.
Walang makita dahil puno ng usok ang loob ng stage. Unti unting nawala ang usok at
nakita kong nagkaroon ng crack sa pisngi ang dummy.

"Woah! lumakas ng todo si Kristine ah!" Sabi ni Dylan na halatang manghang mangha
sa ginawa ng babae.

"Oh my gosh! Ang lakas n'ya at hindi man lang siya pinag pawisan sa technique na
ginawa niya." sabat ni Elizze.

"What the -- how can she combined a two different element techniques? Cool!"
-Nicholas

"Oo nga. Ang galing!"

Lumabas sa screen ang rank niya. From rank 27 to rank 31. Kagaya ng kay Nicholas,
lumabas din ang congratulations chene na 'yon at malakas na nagsigawan ang mga
nanunuod.

Nakita kong nakatingin siya sa direction namin at nag flying kiss. Hindi ko alam
kung para kanino yun ng biglang mag salita si Darius.

"She's still inlove with you right?" Walang kabuhay buhay na sabi ni Darius kay
Hermes. Inisnaban lang siya ni Hermes kaya napatawa Ito habang nailing iling.

"Pano niya nagawa yun? Yung dalawang majika?" Bulong ko kay Brianna.
"She's an elemental user. Mamaya ikekwento ko sa'yo ang history ni Kristine para
hindi inosente. Haha!"

xxxxxxxxxxxxxxxx

=================

CHAPTER 8 (Welcome test #2)

Chapter 8 - welcome test (Part 2)

xxxxxxxxxxxxxxxx

Umalis na yung Kristine. Masayang masaya siya sa naging result ng exam n'ya.

Sumunod na tinawag si Dione. I don't know kung ano ang kaya n'yang gawin. Hindi ko
kasi makuha ang timpla ng ugali niya. Bipolar siya kumbaga. Paiba-iba ng ugali,
minsan masaya at minsan parang malungkot.

Nasa harap na s'ya.

"Ok Miss Knightwalker. Your 30 seconds starts now,"

Naglakad lang si Dione palapit doon sa dummy. Sinasayang niya lang ang oras niya.
Dapat bilisan niya ang kilos at umatake na s'ya.

Eh? Nagtataka ako -- kami ng bigla siyang umupo at kumuha ng pentel pen. May
sinulat s'ya sa sahig. Hindi ko mabasa kung ano ang sinulat niya. Bigla siyang
tumalon palayo at habang nasa ere siya, biglang sumabog ang dummy. Wow!

Nangmawala ang usok sa dummy, nakita ko ang mga scratch doon. Dapat sira na 'yun
dahil sa lakas ng pagsabog. Pero wow! Amazing!

Lumabas ang rank niya sa screen from rank 26 to rank 29. Halatang hindi siya masaya
dahil isa nalang ay pwede na siyang maging S-class mage.

"Tssk! Isa nalang, isa nalang!" Inis na sigaw ni Elizze.

"Hindi pa niya masyadong nape-perfect yung technique na 'yun. Ang buong bakasyon ay
ginawa niyang training to become an S-class mage pero nasawi siya. Poor twin
sister." Sabat ni Dylan na napapailing-iling.
Feeling ko may dumaan na multo sa harap ko dahil sa aura na inilalabas ni Dione.
Grabe Nakakatakot! Nagsitaasan ata ang mga balahibo ko.

"Next is Darius from element's crown. Come here." Sobrang lakas ng tili ng mga
babae ng marinig nila ang pangalan ni Darius. Grabe naman kasi eh, ang cool lang
niya. Poker face lang yung itsura n'ya pero may onting smirks sa labi niya and I
find it cool.

"Kyaah! He smiled at me! Oh my Gosh! Oh my Gosh!" Sigaw ng babae. Grabe, ganun ba


talaga ka big deal yung pag smile sakanya pero... I think normal lang naman yun
lalo na't crush mo ang ngumiti sa'yo pero parang ang OA naman pag ganun. Haay ewan!

Nasa stage na siya at tumingin siya sa direction namin -- or should I say na sakin.
Kumunot ang noo ko ng bigla niya akong ngitian. An--

"Kyaaaah! Sabi ko sayo eh, nginitian niya ako!" Sigaw nung girl1. Sana siya na nga
lang ang nginitian pero iba ang tigin sakin ng mga estudyanteng fans niya kaya
feeling ko talaga sakin. Hooy Amara! 'Wag kang assuming!

"Your timer starts now." Nagconcentrate si Darius at nagkaroon ng malaking force sa


lupa. Yumayanig and a seconds after ay nagkaroon ng giant earth fox at sinuntok ang
dummy. Time's over na at nagkalas kalas na din ang bato. Napansin ko yung ulo ng
dummy, nayupi iyon.

Lumabas yung rank ni Darius sa screen. From Rank 30 ay naging 33 na. Ang galing!
Malakas na nagsigawan yung tao na tuwang tuwa at kilig na kilig. Ang taas na ng
rank n'ya pero bakit parang 'di siya masaya?

Marami pang tinawag. Plant manipulator, Water din na katulad ng kay Brianna. Ang
sabi sakin ni Brianna ay Mimik ang majika nung babae kaya kaya niyang gayahin ang
majika ng mga taong nahawakan n'ya. Sa kamalasan, nahawakan n'ya si Brianna at ang
majika ni Brianna ang ginaya niya.

"Next. Mister Dylan Knightwalker!" Malakas na nagsigawan yung mga tao. Kumakaway
kaway si Dylan ay nginingitian sila.

"Kyaaaah! Nginitian n'ya ako! I can die now!" -Girl1

"Mamatay ka ng haliparot ka! Akin lang si Dylan!" -Girl2

Sobra naman ang pagka fangirl feels nila. Haay!

"Your thirty seconds starts now."

Nakapamewang si Dylan nang itutok niya ang hintuturo sa kanang kamay doon sa dummy.
Napansin kong may namumuong ilaw doon. Ilang segundo pa ay nakarinig kami ng
malakas na putok galing sakanya. Yung ilaw, parang bala ng baril dahil sobrang
lakas n'un.

"Ang lakas n'un..." Sabi ni Brianna na nakatingin sa stage.

Lumabas yung rank niya sa screen. From rank 29 to rank 31. Magkakalapit-lapit na
sila ng rank.

Halatang bitter mode yung kakambal n'yang si Dione.

Bumalik na si Dylan dito na masaya pero hindi niya pinapakita kasi bitter ang
kapatid niya at sigurado akong gusto niyang ramayan ang kakambal niya.

"Last but not the least, Mister Hermes Jones!" Sigaw ni Principal Logan.

Katahimimak...

1...

2... Tahimik lang sila. Walang nagsasalita. Parang hindi pa nagsi-sink in sa utak
nila na si Hermes na ang susunod na magte-test.

3...

"Kyaaaah! My Hermes!!" -Girl1

"OMG! Ang gwapo n'ya talaga ever!" -Girl2

"Akin ka nalang!" -Girl3

Samu't sari ang mga kumento ng mga estudyante dito. Para na ngang nagkaroon ng
isang concert dito dahil sa sobrang lakas ng hiyawan.

walang reaction si Hermes bagkus ay naglakad lang siya papunta sa stage ng hindi
man lang pinapansin yung tao sa paligid n'ya.

"Your timer starts now." Sigaw ni Principal Logan. Nagco-concentrate si Hermes.


Nakatitig siya doon sa dummy na sira na at puro scratch.

Ilang seconds lang ay may lumabas na ice spikes doon sa dummy na ikinagulat ng
lahat. 4 ice spikes to be exact. Pa'no n'ya nasira ng ganun ganun lang 'yun eh yung
iba halos mamatay na kakagawa ng iba't ibang techniques.
"Fvck! Ngayon ko lang naramdaman yung air pressure sa loob ng dummy!" Inis na sigaw
ni Nicholas.

"Air pressure?" Kunot noong tanong ko. Pano yun magkaka-air pressure eh hindi nga
nila masira sira ehh -- o wait! Kaya pala nayupi ng earth fox ni Darius iyon kanina
kasi may air sa loob.

"Oo. Hindi 'yan mayuyupi ni Darius kanina at hindi yan masisira ni Hermes kung
walang air pressure na loob. Matibay ang dummy na 'yan at mahirap sirain pero may
kahinaan 'yan at yun yung air sa loob. Meron air pressure sa utak kaya nayupi iyon
ni Darius. Meron din sa puso n'un kaya nagawang magpalabas dun ni Hermes ng ice
spikes niya." Ang galing! Ang talino nila!

Napatingin kaming lahat sa screen. From rank 35 to rank 40. Woow!

Nagsigawan ang lahat at tuwang tuwa sa nakuhang rank ni Hermes.

"Congratulations. You're now advancing to the S+ Class mage." Mas lalong lumakas
yung sigawan dahil sa nag flash sa screen. So, may S+ pa pala? Akala ko hanggang S-
class mage lang.

Walang bakas ng ngiti sa mukha ni Hermes ng makita niya ang rank niya. Ano ba siya?
Puppet? Hindi marunong ngumiti. tss!

"Ang galing!" Sigaw ni Elizze.

"Congratulations to all students who advanced as an S-class mage at better luck


next time naman sa mga students na bumaba ang rank. Galingan niyo,"

"Now, freshmens students, you may proceed to the field. Kailangan niyong sumali sa
guild or kung gusto niyo, gumawa kayo ng own guild ninyo minimum of 6 members.
Kumuha lang kayo ng requirments sakin sa office, ok?"

"Have fun students!" Bumaba na si Principal Logan sa stage at unti unti nang
nagsisialisan ang mga estudyante.

"Girl, 'san mo gusto sumali ng guild?" Narinig kong sabi nung babae sa harap
namin.

"Gusto ko sana sa Element's crown kaso hindi sila tumatanggap ng hindi element ang
majika e. Sayang, andun pa naman si Hermes my Loves."

Lumabas na kami ng arena. Ang daming mga estudyante at may mga stall na nakatayo
d'un.
"Brianna, required ba ang sumali ng guild?" Tanong ko sa katabi ko.

"Oo. Hindi ka ba nakinig sa sinabi ni Log -- ni Principal Logan?"

"Nakinig pero hindi ako marunong makipag socialize eh."

"Wag kang mag-alala Amara, pwede ka naman sa guild namin eh." Inakbayan ako ni
Nicholas namay malaking ngiti na mukha.

"Yes! Gusto kitang maging ka co-member." Walang ka buhay buhay na sabi ni Dione.

"Me too." Sabi ni Dylan na may malaking ngiti. Napatingin naman kaming lahat kay
Darius.

"Wala tayo sa lugar para mag decide sa ganyan. Members lang tayo. Taga recruit lang
tayo." Walang buhay na sabi ni Darius.

"Edi i recruit natin siya. Anyway, what's your majika pala?" Tanong sakin ni Dione.

"Oo nga." -Gatong ni Dylan.

"Ahhh -- He-he-he --" Ano ang isasagot ko? Patay!

"Actually wala siyang majika." Sagot ni Brianna.

"Whaaaat?! And why are you here? Dapat sa General School ka mag-aaral." -Elizze.
Ano naman yung General School na 'yan?

"Nalaman ng council na nagsama ako ng isang babaeng taga Earth at pinatawag nila si
Mama at sinabing kuhanin ang mga documents niya sa Earth and suddenly,
napagdesisyunan ng Magic Council na dito siya pag-aralin." Pag-papaliwanag ni
Brianna. Napansin kong napakunot ang noo ng lima. Ngayon ko pang napansin, wala na
pala si Hermes.

"Anyway, ano yung general School?"

"School siya." Sagot ni Nicholas. Nakatanggap siya ng isang malakas na batok kay
Elizze. "Aray ko!! 'Bat mo ako binatukan?!" Inis na sigaw nito.

"Natural School yun!" Inis na sagot no Elizze.


"Ayan nanaman sila. Tom and jerry." Dione sighed.

"Anyway, ang General School ay parang school sa Earth. Tinuturuan sila ng


Mathemeatics, calculus, physics, etc. But may additional subject sila which is
martial arts." Sagot ni Dylan. Woah!

"Eh ano ang pinagkaiba ng Forbidden Academy sa General Schools?"

"Sa Forbidden Academy lang nagtuturo ng Magics and witchcrafts unlike sa General
School na puro ordinary subject and ordinary people lang ang tinuturuan." Ahh~ So
dapat sa General School lang ako mag-aaral dahil wala akong majika.

"Anyway, sa guild ka nalang namin sumali. Sasabihin ko 'to kay Hermes. Be ready
lang Amara ha!" Sabi ni Brianna.

Pinag titinginan kami habang naglalakad. Alam kong magaganda't gwapo ang kasama
pero parang bakit sakin sila nakatingin? Alam ko namang maganda ako pero bakit
parang ang sama ng tingin nila sakin?

"Bakit ganyan sila makatingin sakin?" Bulong ko kay Brianna.

"Don't mind them. Ganyan lang talaga sila pag may kasama kami lalo na't freshmen."

Ahhh~ Don't mind them daw pero hindi maiiwasan yun dahil nakaka intimidate ang
tingin nila.

"Saan tayo pupunta?"

"Sa guild. Dun kami natambay. Sa Thursday pa naman talaga ang simula ng class.
Kailangan lang nating pumasok ng mas maaga para sa Welcome test at sa pagsali sa
guild." Sagot ni Darius. Himala? Nag salita yata siya.

"Don't stare at me." Sabi ulit nito. Well, lagi nalang akong nakakaranas ng dej vu
pag nakikita ko siya! Argh! I shooked my head. Ano ka ba Amara, feeling mo lang yun
no.

Huminto kami sa isang bahay. I think ito yung guild nila. Cool~

Awkward...
Lagi nalang nakatitig sakin si Hermes. Ewan ko ba kung may dumi ako sa mukha tuwing
nagkikita kami o sadyang maganda lang ako kaya lagi siyang natutulala. Haay ewan!

Nandito na kami sa loob ng guild nila. Para ngang hindi guild eh kasi sa fairy tail
ang guild nila ay parang bar tapos dito parang bahay lang. Oo, pagpasok mo may
malawak na sala sa kaliwa. Sa kanan naman ang stocks ng chichirya. Oo, ang daming
iba-ibang chichirya don. May isang maliit na wall sa pagitan nito kaya nagke-create
iyon ng path papunta sa dulo. Mga Vending machine yun at mga refrigirator na may
laman na softdrinks.

Sa left side naman sa dulo, nandun ang kusina. mataas na bar stool ang upuan habang
ang lamesa ay rectangle.

Pagpasok namin kanina ay nakita namin si Hermes na nasa sala habang nanunuod sa TV
at may kain kain na chichirya.

Awkward...

Tapos ko ng i describe yung loob ng guild na 'to pero bakit hindi parin nagsasalita
ang isang 'to? ayst!

"He-he-he! Ano na Hermes? Kanina ka pa hindi nagsasalita d'yan?" -Elizze

"baka nagandahan kay Amara kaya natulala. Well, 'di naman natin siya masisisi dahil
maganda talaga si Amara." Sabat naman ni Nicholas.

"Mukhang natipuhan ka ni Hermes, Amara." -Dylan

"Ok. I will give her a challenge and if she finish it with no mess, then she'll
passed." Walang buhay niyang sabi habang mata sa matang nakatingin sakin. Grabe!
Kassing cold siya ng yelo niya.

"Then it settled."

"Tomorrow. 3pm at virtual room." Sabi nito at lumabas ng guild. Ano yun?

"Oh my Gosh!" Napatingin kami kay Dione na sumigaw. "Bakit?" -Darius.

"No-nothing. He-he-he!"

Nilibot lang ako ni Brianna dito sa Guild nila at sa buong Academy. Nalaman ko na
ang Center building ay classroom. May library, training rooms, canteens, classroom
na malalaki at iba pang makikita sa school. Ang right building naman o mas kilala
bilang virtual rooms. Doon ginagawa ang activities like forest hunting, campings
etc. Sabi ni Brianna ay may virtual reality daw dun at kayang palit-palitan ang
settings. Parang katulad sa hunger games. Ganun! They can control it. So, doon ako
mag te-test!

Kakadating lang namin ulit dito sa guild.

Nandito kaming walo sa sala ng guild nila. Naka-upo lang kami sa lapag except kay
Hermes. Nagke-kwentuhan lang kami ng kung anu-ano.

"Alam mo ba Amara, itong si Dylan ay may nililigawan dati. Sobrang ganda, sexy,
makinis at malaki ang alam mo na, hahahaha!"

"What the Elizze! Please 'wag mo akong ipahiya!" Inis na sabi ni Dylan na
tinatakpan pa ang mukha. Nagsitawanan naman ang mga kasama ko dito while si Darius
ay nakangisi lang habang si Hermes ay nakikinig lang at walang expression sa mukha.

"Nope. Ike-kwento ko kay Amara. Anyway, ayun na nga. May niligawan si Dylan. Ang
ganda, sexy, makinis at higit sa lahat ay malaki ang you know what I mean. Nagde-
date sila nun sa park Then, lumapit yung kaibigan ni girl. tinawag siya nun..
Ernesto daw! Hahahaha! Nang malaman laman namin, si Ernesto yung baklang chaka na
ang majika ay transformation. Hahaha! Grabe! Baklang 'yun, nakahalik kay Dylan!"
Nagsimula nanamang magtawanan ang kasama ko while si Dylan ay takip takip na ang
mukha. Hahaha!

"Playboy kasi." Tukso ni Nicholas.

"Wow! Nagsalita ang goodboy!" sarcastic na sabi ni Dione.

"Of course, loyal ata 'to."

"Suus~ Loyal daw eh wala ngang lovelife." -Brianna.

"Naku Amara, 'wag ka maniwala sa mga 'to, sinisiraan nila ang gwapo kong image
sayo." -Nicholas.

"We're just telling the fact na play boy ka. One time nga, I saw you sitting in the
park next to a strange girl. Kung saan saan na napunta ang kamay mo eh. Dora lang
ang peg!" -Elizze.

"Ewan ko sa'yo Elizze. Kung anu-anong kwento ang ginagawa mo." -Nicholas.

"Nagseselos lang 'yan." Dugtong ni Darius. Wow! Second time na nagsalita ahh.
"Yup! Totoo yun! Nagseselos lang 'yang si Elizze kaya ganyan!!" Sigaw ni Dione. Oh
my gosh! Nakakatakot itong si Dione. Sobrang moody niya.

"Hooy! Hindi ah! 'Bat naman ako magseselos, hindi naman kami." Mataray na sabi ni
Elizze. Ang cute niya, hahaha!

"Bakit, mag syota lang ba ang may karapatang magselos sa isa't isa. No no no!
Tignan mo itong si Brianna, sobrang obsessed kay Principal na ultimo isang maid ay
pinagseselosan na n'ya." -Dylan.

"Hooy! Anong obsessed kay Log -- Principal ang pinag sasabi n'yo?!" -Brianna.

"You mean si Principal Logan? That handsome man?" Tanong ko. Woah! 'Kung ganun, may
pag-ibig dito si Brianna? Kaya pala lahat ng manliligaw niya sa Earth ay hindi niya
ine-entertain.

"Yes." Sagot ni Darius. Napatingin ako sakanya, ang lalim ng tingin niya sakin na
para bang hinuhubaran na niya ako sa isip niya. Gosh! Parehas sila ni Hermes,
nakaka intimidate.

"Bat sakin na napunta ang pang-aasar?"

"Ewan ko din eh. Anyway, ikaw Amara. May naiwan ka bang boyfriend sa Earth?"
Biglang tanong ni Elizze. Grabe, bakit sakin napunta yung pang-iintriga?

"Ahh -- wa-wala. Wala."

Napatingin sila kay Brianna at umiling-iling ito. Haaay!

Napatingin ako kay Hermes. Halos man laki ang mata ko makita kong nakatingin siya
sakin. Malalim ang iniisip niya dahil hindi man lang n'ya napansin ang pagtititigan
namin o sadyang makapal lang ang mukha niya kaya hindi siya na iintimdate?
Ibinaling ko nalang yung tingin ko kila Brianna ay nakipag kwentuhan ulit.

Nagpakawala lang ako ng isang buntong hininga. Sana matanggap ako sa guild nila
Brianna.

xxxxxxxxxxxxxxxx

=================
CHAPTER 9 (Joining guild #1)

Chapter 9 - Joining guild (part 1)

xxxxxxxxxxxxxxxx

Isang mahabang araw para sakin ang nangyari kahapon. Ang daming nangyari, ang dami
kong natuklasan at ang daming mga taong naging kaibigan.

June 9 X792. Ngayong araw na ito, haharap ako sa isang hamon. Isang hamon na hindi
ko alam kung kakayanin ko.

"Alam na ng buong Academy ang challenge ni Hermes kay Amara. Maraming gustong
manuod n'un sa Virtual Reality center." Sabi ni Elizze.

Nandito kami ngayon sa guild nila. Hinahanda nila ako at binibigyan ng mga tips
kung pa'no mapagtatagumpayan ang challenge ni Hermes.

"Pano naman nila nalaman yun e tayo tayo lang ang nakakaalam n'un ah." Kunot noong
tanong ni Dione samin. Napatingin sila kay Nicholas at biglang nagsalubong ang
kilay nila.

"He-he-he! Naikwento ko kay Nikki. Sorry na, hindi ko naman alam na ipagkakalat
n'ya sa iba eh." Si Nikki, nakakabata niyang kapatid.

"Sabi na nga ba eh, ikaw lang naman ang madaldal dito at si Elizze. Tsk!" -Brianna.

"Hooy! Hindi ako madaldal no!" Angal ni Elizze.

"Anyway, kailangan nating maghanda dahil sigurado akong uulanin ng batikos itong si
Amara." -Dylan. Hala? Ba-batikos?

"Ba-bakit?"

"Dahil maraming gustong sumali sa Element's crown na hindi namin pinapasali dahil
wala silang Element na majika." Sagot ni Darius.

"Oo. Lalong magbabatikos iyon pag nalaman nilang wala kang majika." Bulong sakin ni
Nicholas. Parang bigla akong nagka chill.

"Wag mo ngang takutin si Amara! Wag kang mag-alala, nandito lang kami. Diba guys?"
Sabi ni Brianna. Nagsitanguan naman sila. Pinapalakas nila ang loob ko.Kaya ko ito.
"Kaya ko ba talaga ito?" Maktol ko sakanila. Nandito palang kami sa harap ng
building, tinatanaw ang virtual reality center. Ang daming mga tao at alam kong
inaabangan nila ang challenge. Bakit kasi ngayon kaagad eh!

"Kaya mo 'yan. Yung mga tips namin, sundin mo lang." Sabi ni Nicholas at tinap ang
likod ko.

"Ano ba ang mga tips na binigay mo sakin?" Taas kilay Kong tanong sakanya.

"Always pray." Sabi nito kaya napasapo ako sa noo ko. Haaay! Pero makakatulong
naman iyon sakin kaya ok na ako dun.

Huminga ako ng malalim. Eto na.

Pumasok na kami sa Virtual Reality center.

Pinagtitinginan na kami ng mga studyante lalo na ako at pinagbubulungan. Kung anu-


ano ang mga pinagsasabi nila tungkol sakin. Ang dami, halo halo at iba-iba. May
masasama pa ngang nakatingin sakin e, yung tipong pinapatay na ako sa utak nila.
Haay!

"Wag mo nalang silang pansinin." Bulong sakin ni Darius at nginitian ako.


Ginantihan ko siya ng matamis na ngiti kahit nag-aalangan dahil pilit lang ang
ngiti ko.

Muli akong tumingin sa harap. Sobrang laki ng center na 'to. Sa tantya ko, apat o
limang basketball court ang size ng stage. Hindi pa kasama yung mga upuan sa bawat
gilid.

"Ayan pala yun. Ano kayang element ang majika n'ya?" Narinig kong sabi nung isang
babae. Patay! Eto na Amara. Kailangan mong maghanda sa mga batikos na ibabato sayo
ng mga studyante.

"Excited na ako. Sigurado akong pahihirapan siya ni Hermes." Na excite pa siya ah!
Ano, gusto niya talagang mapahirapan ako?

Napabuntong hininga nanaman ako. Ang lakas na ng kabog ng dibdib ko. Ang lamig ng
kamay ko at pinagpapawisan na ako ng malamig. Grabe, ayoko pa naman sa madaming tao
at lalo na saakin naka tuon ang mga attention nilang lahat. I hate that! Tsk!

"Wag kang kabahan." Biglang may nag tap sa likod ko, Si Darius.

"Ahh hehehe! Hindi naman maiiwasan 'yun." Awkward na sabi ko. Ang init ng kamay
niya grabe!
"Oo. Hindi ka pahihirapan ni Hermes. Papagurin ka lang niya at paglalaruan." Sabi
ni Elizze at kinindatan ako.

"Wag niyong takutin si Amara. Lalo siyang kinakabahan oh!" Sabi ni Dylan. Nginitian
ko siya.

"Mukhang kailangan mo ng pumunta sa gitna." Sabi ni Brianna habang nakatingin doon


sa mga nag-aayos. May mg panel doon, I think sila yung mag o-operate ng system at
virtual reality since may mga computers at devices sa harap nila.

Napansin ko si Principal Logan na nag ta-thumbs up samin.

"Pumunta ka na d'un Amara. Good luck!" -Dione

"Good luck Amara. Sigurado akong madadalian ka lang sa ipapagawa ni Hermes." Sabi
ni Nicholas at kinindatan ako.

"Goodluck Amara." Simpleng sabi ni Darius at nginitian ako. Ang lalim ng boses
niya, ang gwapo.

"Good luck Amara. Sigurado din akong makakapasa ka." Sabi naman ni Elizze at
hinalikan pa ako sa pisngi.

"Break a leg bestfriend. Kaya mo 'yan." Sabi naman ni Brianna at niyakap ako.

Haay! Kailangang galingan ko. Hindi ko alam kung ano ang ipapagawa sakin kaya dapat
maging active ako. Kaya mo yan Amara, break a leg!

Umakyat na ako sa stage. Lahat ng estudyante, naka tuon ang pansin saakin. Tila
nag-iisip sila kun ano ang kaya kong gawin. Ang iba, ang sasama ng tingin sakin na
kulang nalang ay patayin ako.

Ang tagal ko bago ako makarating sa gitna. sobrang lawak ng stage. Kulay puti ang
sahig. Pa oval ang shape ng stage at sinasabi ko talaga sainyo, sobrang lawak. Sa
tingin ko 1km ang layo ng stage sa audience.

Biglang may mga screen'ng malalaki ang bumaba. Pinapakita d'un ang mukha ko. Kyaah!
Nakakahiya! Humarap ako sa mga operators, nasa gitna noon si Hermes at katabi niya
si Principal Logan. May iba pa silang kasama, tatlong babae at tatlong lalak,i bali
8 silang lahat doon.

Napatingin ako sa likod ng operators, nakita ko ang isang lalaki na naka mask doon.
Simpleng kulay puti lang iyon pero ang weird niya.

Napatingin ako sa paligid ng biglang may salamin ang humarang sa mga estudyante. I
think protective wall yun para hindi sila madamay sa mangyayari sakin.

"So, She's Amara Audrie Drusilla and now, she'll face the challenge of Mr. Jones.
Let us give her around of applause!" Sabi ni Principal Logan.

Kakaunti lang ang pumalakpak. Feeling ko dini-discriminate nila ako. Haaay!

"Let's start." Pahabol ni Principal Logan. Biglang nag-iba yung paligid ko. Hindi
ko na nakikita yung mga audiences.

Eto na yung sinabi sakin nila Brianna kanina, pag hindi ko na daw nakikita ang
audiences at kapag nag-iba na daw ang scenery, ibig sabihin ay gumagana na ang
virtual reality.

Nasa isang forest ako kung saan may matataas na pine trees. Halos hindi na
pumapasok ang sinag ng araw dahil sa malalaking dahon.

"Ok. Good afternoon everyone." Narinig ko yung boses ni Hermes. Boses lang talaga
niya ang narinig ko at wala ng iba pa. Walang sigawan, walang mga bulong na
pumupuri sakanya. Lahat yun ay wala.

"Ang mechanics ng game. You will simply find the five flag elements. Fire, earth,
water, air and light. We'll give you 120 minutes." Ayun lang naman pala ehh. Madali
lang 'yun -- teka! Pano ko mahahanap yun eh napakalawak ng lugar na 'to?

Biglang may limang flag ang lumutang sa harap ko. Ayun siguro yung flag. May iba't
ibang kulay iyon depende sa elements. Ang water ay may kulay asul na may logo na
tubig sa gitna. Earth na brown, may logo na pabilog ay may square na butas sa
gitna. Air, kulay cream na flag na may logo ng breeze of air na pabilog. Light,
kulay puti na may light as gitna. Makintab ang gitna n'un at ang fire naman ay
kulay pula at may logo ng nag-aapoy sa gitna.

"find a weird stuffs and also use your mind," Weird stuff at flag ng five elements.
So, pa'no ko hahanapin yun sa malaking lugar na 'to. Para itong maze na makabago.

"We'll give you 120 minutes at kapag Hindi mo nakolekta ang limang flag sa loob ng
2 orasit means you lose." Haaay! Ilang saglit lang at nawala na yung boses at sa
tingin ko at nagsimula na.

Nilibot ko ang lugar. Puro kakaiba ang nakikita ko. Hindi ko alam kung pano
hahanapin yung weird stuff o yung flag nayun. Haaay!

Medyo madilim sa lugar na ito dahil nga hindi na nasisikatan ng araw ang sahid
dahil nga natatakpan iyon ng mga dahon ng matataas na pine trees.

"Graaawr!" Dahan dahan akong napatigin sa likod ko. Lagot na!


Isang ogres. ang dumi niya at nakakatakot ang mukha. Kyaaah!

Mabilis akong napatakbo pero bigla nalang yumanig ang lupa kaya napahawak ako sa
isang puno. Bakit hindi nila sinabi na may mga creatures pala akong kakaharapin
dito?

Huminto yung pagyanig kaya mabilis akong tumakbo. Mabilis na mabilis pero yumanig
nanaman ang lupa. Kyaah! Ano ba 'to! Nakakainis! Pano ko hahanapin yung flags kung
may mga panggulo? Arggh!

Napansin kong naglalakad palapit sakin ang ogre habang malakas na pinapadyak ang
paa niya na nagsasanhi ng pagyanig sa lupa. Anong gagawin ko? Bahala na!

Mabilis akong tumakbo para makawala pero natumba ako dahil sa ginagawa ng halimaw
na 'to.

Tatayo na sana ako ng makita ko ang tatlong malalaking bato. Hm! Agad kong kinuha
iyon at dahan dahang tumayo.

"Hoy Halimaw!" Sigaw ko at tinuro ko siya. "Graawr!" Sigaw niya. Yaak! Ang baho ng
hininga n'ya! Kadiri!

"Mag toothbrush ka muna!!" Sigaw ko at binato ko siya. Tinamaan siya sa noo.


"Graaaawr!" Sigaw niya at tumakbo siya papalapit sakin.

"Napaka bagal mo! Hindi mo ako mahahabol, bleeeh!" Sigaw ko at binato ko ulit siya.
Tumama iyon sa mata niya kaya mas lalong nagalit sakin. "Graaaawr!" Sigaw niya.
Grabe! Ang baho baho!

Sumasayaw sayaw pa ako na parang bata na nang-aasar ng kalaro. Hahaha! Maasar kang
ogre ka!

Napahinto ako ng bigla niyang inilagay ang isa niyang daliri sa mata at inilabas pa
niya ang dila niya. "Bleeeeh!" Sigaw nito na parang natatawa tawa pa. Ang weird
niya ahh! Ginagaya niya at a ang pang-aasar ko.

Napalingon ako sa likod ko ng may marinig akong weird na tunog.

Mga tulog ng maliliit na yabag.

To be exact, isa silang hobgoblins. Kulay green sila na parang dwede. Ang liliit
nila at kulay green. Ang papanget nila, kadiri! May mga dala silang mga garden
tools, kalaykay, itak at kung anu-ano pa.
"Grawwwwr!" Napatingin muli ako doon sa ogre. Papalapit siya sakin. Oh my gosh!
Saan ako pupunta?

Napatingin naman ako sa likod ko at papalapit din sakin yung mga hobgoblins. Ang
dami nila, napakarami!

Tatakbo Sana ako kaso bigla kong naramdamang may humawak sakin sa damit.

"Kyaaah! Bitawan mo ako!" Sigaw ko sa ogre. Unti unti niya akong tinaas hanggang sa
hindi ko na natatapakan ang sahig.

"Uhmmm." Napansin Kong tumango ang ogre at nginitian ako. Mabait naman pala siya
ehh! Mukha lang ang Hindi dahil ang panget ng mukha niya.

Bigla niya akong binitawan. Pero, pero doon mismo sa mga hobgoblins. Ang sakit!!
Yung pwet ko, tumama sa mga hobgoblins at sa mga tools nila.

"Araay!" Sigaw ko sa ogre. Tatayo Sana ako ng biglang gumapang sakin yung mga
maliliit na Hobgoblins.

"Kyaah! Magsi-alis kayo!!" Hinawi ko na sila, sinipa at sinuntok pero Hindi parin
sila natitinag. Muli silang bumabalik.

"Kyaaa --" napahinto ako sa pagsigaw ng biglang ilapit ng ogre ang mukha niya sa
mukha ko. Hindi ako humihinga. Pinipigilan ko ang paghinga ko dahil sigurado akong
mamamatay ako ng maaga kapag nasinghot ko ang hininga ng halimaw na ito.

Mata sa Mata. Walang alisan. Titigan kung titigan ang forte namin ngayon. Para
kaming mag jowa pero kadiri! di ko lubos na maisip na nakikipag titigan ako sa isag
halimaw.

Malapit na akong mawalan ng hininga. Unti nalang. Madapaka! Sheeeeet! Ayan na!
Hindi ko na napigilan kaya naghahabol hininga ako ngayon. Grabe!

"Waaaaaaaaaaaaaah!" Biglang sumigaw sa harap ko yung ogre at singhot na singhot ko


ang mabahong Amoy ng kanyang bunganga.

Nakakahilo. Hilong hilo ako then everything went black.

xxxxxxxxxxxxxxxx

Nakaramdam ako ng sobrang pangangalay at sakit ng likod. Ang tigas ng hinihigaan


ko. Sigurado akong wala ako sa kama ni Brianna ngayon.
Unti unti akong dumilat at nasilayan ko ang madilim na lugar. Gusto Kong tumayo
pero hindi ko magawa dahil nakatali ang paa at kamay ko. Anong nangyari sak -- oh
Gosh! Naalala ko na!

Napatingin ako sa gilid. Ang daming mga maliliit na halimaw ang naka tingin sakin.
Sila yung humuli sakin?

"Anong ginawa niyo sakin?!" Sigaw ko sakanila. Tumingin tingin ako sa paligid,
madilim ang paligid pero may bonfire sa gilid kaya sapat na ang liwanag na
nanggagaling doon para makita ko kung anong meron dito. Nasa isang kweba ako kasama
ang maliliit na gremlins-like creatures na 'to.

Nagsasalita ang maliliit na ito at nag-uusap usap pero hindi ko maintindihan yung
sinasabi nila dahil parang alien language yung lenggwaheng ginagamit nila.

"Hooy! 'Wag na kayong magchikahan d'yan. Pakawalan n'yo na ako bago maubos ang oras
ko!!" Sigaw ko sakanila. Napatingin sakin yung mga halimaw na 'yun. Titigan kaming
kung titigan talaga.

Nagsilakaran sila palapit sakin. Nakakatakot ang mga itsura nila at alam na alam mo
na sa mukha nila na may gagawin silang masama. Pero parang nagkamali ako dahil ang
iba at nilagpasan lang ako. Mukhang lalabas sila sa kwebang ito at ang isang
gremlin-like creatures na may mahabang balbas at nakatungkod ay nakatitig na
lumapit sakin.

"Bakit?" Tanong ko.

Hindi ko alam kung naiintindihan niya ako. Nakatitig lang siya sakin na tila ba
hinuhubaran ako sa isip niya. Kadiri!

Pa'no ba ako makakatakas dito? Hindi ako makakatakas dito as long as may
nakalulupot na lubid sa paa ko.

"Hoy! Please naman! Pakawalan n'yo na ako dito!" Pagmamakaawa ko. Mukhang wala
silang maintindihan dahil wala man lang response sakin yung matandang gremlins-like
creature na 'to. Hindi yata marunong magtagalog! Tssk!

"Hey you Halims! Would you please release me? Heey! I need to pee! My tummy's
ache." Nag bend yung leeg niya at kumunot yung noo nito. Mukhang wala parin silbi.

Wala atang maintindihang language. Argh! Anong gagawin ko? Err! Bahala na!

"Dito lang ako ha. Giniginaw na kasi ako eh." Sabi ko. Gumapang ako papunta doon sa
bonfire. Mabuti nalang hindi ako pinigilan ng matandang gremlin-like creatures na
'to.
Habang nagpapainit ako dito, bigla kong napansin yung mga gremlin-likes na
nagsisibalikan na may dala dalang malaking palayok. Don't tell me na lulutuin nila
ako? Omg! No!

Napatingin ako doon sa matandang gremlin-like creature na nakangiting nakatingin


sakin. Grabeee! Feeling ko may laway na tumutulo sa bibig niya! Arggh! Ayoko pang
makain!

Gumapang ako ng mas malapit dito sa bonfire. Inilahad ko ang kamay ko na may lubid.
Kailangang maputol ko iyon sa lalong madaling panahon.

Mainit. Hindi ko kayang tiisin ang init. Kailangan kong maghanap ng ibang paraan.
Tumingin tingin ako sa paligid. Napansin kong maraming gamit ibang gamit ang
nagkalat sa isang gilid. Bakit meron n'un dito?

Naglakad yung matandang hobgoblin palapit doon sa ibang kasamahan niyang may dalang
kaserola. Pagkakataon ko na Ito.

Gumapang ako ng gumapang. Kailangan kong bilisan. Hindi ko Alam kung minuto ang
inilagi ko sa lugar na 'to tapos wala pa akong nakukuha ni isang flag. Arrgh!

Pagkarating na pagkarating ko o, iba't ibang klaseng gamit ang nakita ko. May mga
remote control? Seriously? Sa isang virtual reality meron ding gan'to? Ayyy ewan,
basta! Maghahanap pa ako! Nakita ko yung isang kulsilyo doon kaso nasa ilalim.

Hinawi ko yung mga nakadagan. Mahirap dahil mabibigat ang ibang gamit at dahil na
din magkadikit ang kamay ko.

Finally! Sa wakas nakuha ko na yung kutsilyo. Ang Una kong hiniwa at yung lubid sa
paa ko para ma's madali akong makatakas sa mga hobgoblin na 'to.

Malapit na! Onting tiis nalang Amara, mapuputol mo na yung lubid!

Napatingin ako doon sa mga hobgoblins dahil nakarinig ako ng kakaibang tunog.

Patay! Mabilis silang kumikilos patakbo sakin! Kailangan ko ng maputol ang lubid na
to! Shemay! Bilisan mo pa Amara! Onting onti nalang talaga.

Sa wakas! Tatayo na Sana ako ng may makita ako sa tuktok ng mga gamit na 'to.
Namamalik mata lang ba ako o sadyang nandoon yun? I shooked my head. Tinignan ko
ulit yung tuktok ng mga gamit and I saw the earth flag. Oo! Nandon siya't
nakatusok. I need to get it pero bago yun I need to get rid of this pest muna.
Malapit na sila sakin.

Agad akong tumayo.


"Amara, mag-isip ka ng plano!" Inis na singhal ko sa sarili ko. Isip! Isip Amara!

Napatingin tingin ako sa paligid! Tama! Yung apoy!

Agad agad akong tumakbo papunta doon sa bonfire at kinuha ang isang kahoy. Babalik
Sana ako doon sa mga gamit na nakolekta ng mga hobgoblins kaso naharangan nila ako.
Masyado silang madami.

"Umalis kayo dyan kundi papatayin ko kayo!" Sigaw ko sakanila pero mukhang wala
silang naintindihan sa mga sinabi ko. Mabagal silang naglalakad palapit sakin.
Tssk! Ang hassle naman ng mga halimaw na 'to. Pasakit sa buhay eh!

"Makulit kayo ahh!" Yumuko ako at hinawi hawi ko yung kahoy na may apoy sakanila.
Takot sila sa apoy. Nagsilayuan sila dahil doon kaya naman ipinagpatuloy ko ang
ginagawa ko.

"Umalis kayo!" Sigaw ko sakanila. Naglalakad ako papunta doon sa mga collections
nilang gamit habang paikot ikot para masigurado kong walang makakalapit ni isang
hobgoblin sakin.

"Very good!" Nasa likod ko na yung mga materials. Nakaharap ako sa hobgoblins dahil
baka atakihin nila ako. Ang problema ko nalang ngayon at kung pano ko makukuha ang
earth flag.

Dahan dahan akong umatras. Unti onti akong naglakad patalikod habang winawagayway
ko ang torch para Hindi makalapit sakin ang mga hobgoblins.

"Wag kayong lalapit, ok?" Malapit na ako.

"Onting atras nalang Amara, kaya mo 'yan." Bulong ko sa sarili ko habang palipat
lipat ang tingin ko sa mga hobgoblins at sa flag.

Aabutin ko na yung flag. Onting distansya nalang ng biglang tumalon ang isang
hobgoblin at pumatong sa ulo ko.

"Kyaaaah!" Sigaw ko habang malakaas kong iniling-iling ko ang ulo ko dahil hawak ko
ang torch. "Umalis ka d'yan! Umalis ka!"

Mabilis na nagsilapitan sakin yung iba pang hobgoblins at kinuyog nila ako! Gosh!

Hindi ko sila pinansin kahit na masakit ang pagsabunot nila sakin at kung anu-ano
pang pantitrip ang ginagawa nila. Nilahad ko ang kamay ko doon sa flag para maabot.
Naabot ko na iyon. Hawak ko na siya kasama ang torch. Ang problema ko nalang ay ang
mga pasaway na hobgoblins na Ito.

"Araay ko! Umalis kayo d'yan!" Sigaw ko habang hinahawi sila.

"Ayaw nito parin umalis?" Ayaw parin nila. Hmm~ I have a better idea. Bwahahaha!

Binitawan ko yung torch sa mga gamit na collections ata nila. And then, saktong
nahulog iyon sa damit kaya agad na nagliyab iyon.

Napatigil ang lahat habang nakatitig ang lahat sa nasusunog na gamit. Unti unti
iyong lumaki kaya agad kaming napatakbo sa baba.

This is the time para makatakas ako sakanila.

Dahan dahan akong naglakad paalis. Pinigilan kong mag create ng sounds.

Nag-iingay sila na tila ba nag-uusap usap. Dahan dahan pa rin akong naglalakad nh
may masipa akong bato na nag create ng mahinang tunog but it is enough para
mapansin ako ng mga hobgoblins na ito.

Napatingin sakin yung mga hobgoblins.

"He-hello?" Banggit ko. Napatingin ako doon sa matandang hobgoblin na galit na


galit na nakatingin sakin. Bigla niyang tinapat sakin yung tungkod niya at
nagsalita.

Biglang silang nagsitakbuhan palapit sakin. Waah! Agad akong tumakbo at kumuha ng
isang torch doon sa bonfire.

Base on my observation, takot sila sa apoy kaya isang maliit na bonfire lang ang
nakasindi doon para magsilbing ilaw sakanila.

Mabilis na mabilis akong tumakbo habang hawak hawak ng dalawa kong kamay ang torch
at ang earth flag.

Napatingin ako sa lilkod ko, ang daming hobgoblin na humahabol sakin ngayon.
Kailangan kong bilisan.

Dumiretcho ako ng tingin sa dinadaanan ko. Nasa isang straight path na cave ako at
may mga red flags sa bawat gilid. I think ito yung sign nila.

Hindi pa naaalis yung tingin ko sa mga flags ng makita ko ang isang familiar na
flag. Tama! Ayun ang fire flag! Kung sine-swerte ka nga naman! Medyo malayo pa
sakin yun, sa tantya ko mga nasa 10meters ang layo ko doon.

Pinagmasdan ko yung flag at yung surroundings nun. Mataas iyon at mukhang hindi ko
iyon makukuha kung tatalunin ko lang iyon isa pa't may hawak hawak akong torch at
flag.

Alam ko na! May napansin akong isang usli ng bato malapit doon sa flag. Mas nauuna
iyon kaya kung tama ang calculation ko, maari Kong magamit ang bato na iyon para
maalis ang lubid dito sa kamay ko.

Hinanda ko na ang sarili ko. Tinapon ko yung torch sa mga hobgoblins kaya ang iba
ay nawala dahil natamaan sila nun.

Mas binilisan ko ang pagtakbo papalapit doon sa may naka usling bato.

Mabilis akong tumakbo. Nang marating ko iyon ay tumalon ako ng mataas. Hindi iyon
sapat kaya umapak ako sa pader ng kweba at ginamit ko iyon para muling tumalon.
Inilahad ko ang kamay ko doon sa may naka-usling bato and hell yeah! Accomplished!
Naputol ang lubid.

Hindi ko maaabot ang flag dahil unti nalang at bababa na ako kaya naman hinawakan
ko ang naka usling bato. Hinila ko iyon pero dahil sa sobrang tibay nun kaya ang
katawan ko ang nahila. *smirks* As I expected.

Dahil sa force na nadagdag dahil sa paghila ko sa nakausling bato, na reached ko


yung flag.

I landed safely. Mabilis akong tumakbo palabas ng kwebang Ito. Bigla akong
ginanahan sa mga nangyayari. Feeling ko isa akog bida sa isang movie. Hahaha!

I reached the end of this cave. Pero, tuwang tuwang na sana ako ng biglang may
dumagit sakin! Kyaaaaaah! Eto nanaman! Argghh!

Katatapos ko nalang sa mga hobgoblins tapos meron nanamang sumunod. Arrgh!

xxxxxxxxxxxxxxxx

=================

CHAPTER 10 (Joining guild #2)

Chapter 10 - joining guild (part 2)

xxxxxxxxxxxxxxxx
Hinigpitan ko ang hawak ko sa mga flags. Sobrang lakas ng hangin. Ramdam na ramdam
ko ang pagaspas ng malaking agila na dumagit sakin. Hawak hawak niya ang damit ko
kaya naman pinipigilan ko ang paggalaw dahil baka mahulog ako. Napakataas pa naman
ng lipad ngayon ng agilang Ito kaya kitang kita ko ang malaking lugar.

Para akong nasa Amazon forest dahil luntian ang karaniwang makikitang kulay sa
lugar. Pero, pero may isang bahagi dito na isang isolated. Para bang isang malaking
disyerto pero sa pinaka gitna noon ay may mataas na puno at sea pinaka gilid noon
ay merong cliff.

Sobrang clich ng mga nangyayari sakin ngayon. Alam ko na kung anong mangyayari eh.
Napanood ko 'to sa spy kids pero Hindi ko sasabihin sainyo kung saan niya ako
dadalhin dahil kyaah! Ayokong isipin! Ayoko talagang isipin. Ayoko talagang isipin
na ipapakain niya ako sa mga anak niya. Huhuhuhu! Ganun yun diba?

Mas bumagal na ang paglipad ng agila. Nakikita ko na din ang malaking pugad nito na
may umiiyak na tatlong sisiw. Grabe, feeling ko gutom na gutom sila.

"Kyaaaaaah!" Bigla akong binitawan ng agila. Feeling ko mamamatay na ako pero bigla
akong nag landing doon sa pugad. Nakita ko ng ma's malapitan yung mga sisiw at
kasing laki sila ng normal na aso. Packing tape na 'yan!

Napatingin sakin yung mga ibon na 'to. Bigla silang tumigil sa pag-iyak nang
mapatingin sakin. Para bang nagtataka sila kung bakit ako maroon sa pugad nila.

"Twit twit twit." Ayan ang karaniwang naririnig ko. Ang cute nila kaso nakakatakot
dahil nga napakalaki.

Tumayo ako. Inipit ko sa garter ko yung dalawang flag na nakulekta ko para secured
ako na hindi ito mawawala.

Unti unting naglakad palapit sakin yung mga sisiw. Katapusan ko na yata. Ang lakas
ng kabog ng dibdib ko. Akala ko mamamatay ako ng may karangalan pero Ito pala ang
katotohanan, mamamatay ako bilang lamang tiyan ng isang halimaw na ibon.

xxxxxxxxxxxxxxxx

BRIANNA

Pinapanood namin ngayon si Amara sa isang malaking screen. Ang iba ay tahimik na
nanunuod habang ang iba naman ay naririnig kong nagke-kwentuhan.

"Bakit ayaw niya gamitin ang majika niya?" Narinig Kong sabi ng isang babae dito.
Nagkatinginan kami Elizze. Iisa lang ang iniisip namin ngayon.
"Kaya nga ehh pero bilib din ako sakanya dahil nakatakas siya sa hobgoblins."

"Hindi rin. Tyamba lang yun dahil hindi matindi ang pagkakatali sakanya at may
kutsilyo siyang nakuha."

Hindi ko nalang pinansin yung mga nagke-kwentuhan. Napatingin ako sa may orasan. 30
minutes nalang ang oras na natitira sakanya at meron pa siyang tatlong flag na
hahanapin.

Kaya mo yan Amara. Kaya mong makaalis sa pugad ng agila na 'yan.

Binalik ko ang tingin ko kay Amara. Ngayo'y inaamo na niya yung mga sisiw. Hinahawi
hawi niya ang isang ulo nung sisiw habang ang iba naman at nilalambing lambing
siya. As expected. Mabuti naman at nagawa niyang paamuhin ang mga iyon. Wala na
sanang problema pero. Pero... Pero Sana naman magawa ni Amara ang susunod na hamon
sakanya.

xxxxxxxxxxxxxxxx

AMARA

Akala ko kakainin ako ng mga malalaking sisiw na 'to pero nagkamali ako dahil bigla
nalang silang lumapit sakin at tumabi sakin.

Mabait naman sila pero bakit ako dinagit ng malaking agila? Arrgh!

Kailangan ko ng makaalis dito dahil Hindi ko alam kung ilang minuto nalang ang
natitira sakin. Dumungaw ako mula dito sa pugad. Sobrang taas. Napaka taas. Pano
ako bababa nito eh hindi nga ako marunong lumambitin sa puno.

Kailangan ko ng mag-isip at magplano kung pa'no ako makakaalis dito. Kailangan Kong
makasali sa guild nila Brianna.

Habang hinahawi ko yung isang agila na katabi ko ngayon, bigla nalang akong
nakarinig ng isang malakas ng pagaspas.

Agad agad akong napatingin sa itaas. Nakita ko yung agilang dumagit sakin. Babalik
na siya dito sa pugad niya. Packtape.

Agad akong napatayo. Nagmamadali akong humanap ng magagamit para makatakas ako dito
katulad ng ginawa ko sa mga hobgoblins na yun kaso puro bulati lang ang nandito.

Anong nang gagawin ko dito ngayon? Arrrgh!


Tumingin ulit ako doon sa agila. Ma's malapit na siya at ilang Segundo lang at
bababa na siya dito.

Napadako ang tingin ko doon sa may paahan niya. May mga dala siyang nadagit.
Familiar sakin ang isa doon. Isang flag na kulay cream. I don't know mukhang cream
o white yun pero mukhang air siya because air-type yung eagle. Packtape! Ano na ang
gagawin ko ngayon? Kung hihintayin ko yun, Hindi na ako makakatakas. Kung tatakas
na ako ngayon, Hindi ko na makukuha yung flag. Arrrgh! Pano na! Help me! Help me
please!

Bahala na! I have a bright idea. Kukuhanin ko yung flag at pag umalis ulit yung
mother-eagle, sasakay ako sa likod niya and pag nag land siya, d'un ako tatalon.
Ang ganda diba?

Umupo ulit ako dito sa gilid, sa tabi ng mga maliliit na agilang ito.

Huminga ako and exhaled the air. I should be calm. Hindi ko alam kung ano ang
mangyayari kung kakabahan ako ng sobra.

Nasa harap ko na ngayon yung agila. Napaka laki niya. Ang tatalas ng mga Mata niya.
Matanglawin! Anyway, yung beak niya, feeling ko mahahati ang katawan ko n'un sa
oras na madikit ako dun.

Lalapag na siya dito sa pugad. Relax lang Amara, you need to be relax.

Bigla akong napatakip ng mata nang malakas na pinagaspas nung mother-eagle yung
pakpak niya. Saan pa siya pupunta? Mauubos na yung oras ko for Pete sake! Arrg!

Na'sa itaas namin siya ngayon and she drop the objects that she collected at kasama
doon ang flag of air.

Mabilis akong napatayo para saluhin yung flag. Parang bumagal ang lahat ng nasa
paligid. Nakahanda na ang kamay ko para saluhin ang flag pero mukhang ayaw niya
sakin. Biglang umihip ang malakas na hangin at dinala nito ang flag.

Hindi ko siya nasalo. Sinundan ko ng tingin yung flag, kung saan siya pupunta.
Babagsak siya sa lapag. Arrgh! Mabilis akong tumakbo upang kuhanin yun but nabigo
ako dahil na miscalculate ko kung saan iyon babagsak.

Akala ko hindi ko na makukuha iyon pero laking pasasalamat ko sa isang vines na


nangagagaling sa pugad dahil umipit doon ang stick ng flag. Mabuti naman. Mabuti
naman!

"Akala ko mahuhulog ka talaga eh." Sabi ko doon sa flag then I pick it dalawa
nalang. Water and light flag nalang at makakasali na ako sa Element's crown.
Napaupo ako ng pumagaspas ng malakas na mother-eagle. Sobrang lakas ng hangin. Yung
tipong may hurricane na.

Unti unting humina ang pagaspas niya. Nasa tapat na naming siya ngayon while she's
spreading her wings kaya walang araw na pumapasok sa pugad.

Napadapo ang tingin ko sa tatlong sisiw na unti unting tinutulak ng nanay sa pugad.
Oh my gosh! Agad Kong inipit yung flag sa garter ko at tumakbo ako doon sa tatlong
sisiw na ngayon at dalawa nalang.

"Hooy! Wag mong itulak ang anak mo! Wag Mo silang patayin!" Sigaw ko doon sa nanay.
Hinarang ko ang katawan ko sa pagitan ng anak at ng nanay.

Feeling ko naka kunot noo yung mother-eagle habang nakatigin sakin.

Bigla akong hinawi nung beak niya at itinuloy niya ang paghulog sa anak niya.

"Hooy! Wag mong patayin mga anak mo! Grabe ka!" Hindi ako pinansin nung mother-
eagle at hinulog niya yung pinaka huling anak niya.

Wala na. Wala ng natira sa mga anak niya. Patay na.

Nanlaki yung Mata ko nung hinawi hawi ako nung mother-eagle. Holy cow!

"Ho-hoy! Anong ginagawa mo? Hi-hindi mo ako anak!" Sigaw ko sakanya. Tatakbo sana
ako ng bigla niyang binuka yung beak niya at inipit ako.

"Kyaaaah! Pakawalan mo ako!" Binuhat niya ako. Ilalaglag din niya ako kagaya ng
ginawa niya sa mga anak niya.

"Hooooy! Wa-wag mo akong --- kyaaaaaaaaaaaah!" Hindi o pa natatapos ang sinasabi ko


ng bigla niyang ibuka yung beak niya.

Napaka!! Kyaaah! I hate this! Ayoko na! Someone help me please!

"Kyaa --" huh? Bi-bigla akong tumataas? Lumilipad ako? O.O bigla akong napatingin
sa baba. Hi-hindi na ako nahuhulog dahil sinalo ako ng isa sa mga sisiw. Wah!
Savior!

"Sa-salamat!" Malakas na sigaw ko.

xxx
"Bye-bye!" Sigaw ko habang hinihimas himas ang ulo ng baby eagle na sumalo sakin.
Lumayo na ako habang pinapanood ko siyang ibuka ang pakpak. Pinagaspas niya iyon at
lumipad pataas.

Ngayon ko lang na realize, ginawa iyon ng mother-eagle para turuan ang anak niya na
lumipad. Haaay!

Tumingin tingin ako sa paligid. Oh gosh! Nandito ako sa isang cliff. Mabuti pa't
hanapin ko na yung ibang flag.

Naglakad na ako. Walang kapuno puno dito at batong-bato ang tinatapakan ko ngayon.
Napahinto ako ng may makita nanaman ako ng isang unknown creature. Kakatapos ko pa
nga lang sa isang pagsubok tapos meron nanamang panibago.

Napakalaki! Agad akong napadapa. Wala akong pagtataguan ngayon bukod sa humiga.
Para siyang cross breed ng gagamba at isang gorilla. May hawak siyang baston na may
curve sa taas. Para tuloy iyong payong.

Dahan dahan Kong inangat yung ulo ko para silipin siya. Naglalakad siya palayo
sakin. Haaay! Akala ko mapapahamak nanaman ako ehh.

Dahan dahan akong tumayo. Dahan dahan ding naglakad paalis dito, pero...

Bigla akong nakarinig ng isang malakas na putok. Tunog paputok, yung quitis.

Napatingin ako sa langit. May nakalagay d'ung, '15 minutes left'. Oh m! Kakaunting
oras nalang pala ang meron ako! Kailangan Kong magmadali lalo na't dalawang flag pa
ang kailangan Kong hanapin.

"Graawr!" Nanlaki ang mata ko at unting unting napatingin sa likod ko. Goooosh! Yu-
yung spider-gorilla na 'yun, tumatakbo palapit sakin.

"Amara, Amara, bakit lagi kang napapahamak? Argh!" Inis na banggit ko sa sarili ko
at tumakbo kung saan ako dadalhin ng paa ko.

"Grrrrrr," Argh! Ang bobo mo Amara! Sa dinami-dami ng pwede mong pagtakbuhan bakit
dito ka pa dumiretcho sa cliff? Arrgh! Pa'no ka na nito makakatakas?

Napatingin ako doon sa spider-gorilla. Napakalaki n'ya.

"Wait lang Mr. Big, kailangan ko pang hanapin yung dalawang flag," Sabi ko sakanya
habang unti unting umaatras dahil lumalapit siya ng lumalapit sakin. "Maawa ka na
sakin. Kailangan Ko pang hanapin yung water at light flag." Parang Hindi ako
naririnig ng creature na 'to dahil patuloy parin siya sa paglapit sakin kaya ako
naman ay umaatras.
"San -- kyah!" Muntik na akong mahulog. Napatingin ako sa baba. napakataas pala ng
kinalalagyan ko ngayon at kung nagkataong nahulog ako, sa isang malalim na dagat
ang kababagsakan ko.

Wait a minute...

"Heeeey!" Sigaw ko doon spider-gorilla. "Napaka pangit mo! Ang pangit pangit mo at
nakakatakot ka pa! Kadiri ka! Yaaaak! Ewww!" Nakita Kong kumunot ang noo nang
spider-gorilla na ito. Mukhang naaasar na siya. "Bleeeeeeh!" Nilapas ko ang dila ko
at nag duck face ako. "Grrrr.." Yes! Effective!

"Yan maasar ka!" Sigaw ko sakanya at tumakbo siya papalapit sakin. Tamang timing
lang Amara. Malapit na siya malapit na. Ilang inches nalang ang pagitan namin ng
tumalon ako sa left side. Mukhang nagtagumpay ako dahil nahulog siya sa cliff at
nakawala ako sa kanya. Hahaha!

"Ganyan mag-isip ang matalino. Good job Amar -- err?" Napatingin ako sa pwetan ko.
Kyaaaah! A-ano 'to?

"Kyaaaaaaaah!" Malakas akong napasigaw ng bigla akong hilahin ng kulay puting lubig
na ito. Parang sapot ni spiderman -- teka.

Nahulog ako sa cliff pero bago iyon, nakita ko yung spider-gorilla na nakasabit sa
cliff habang may kulay puting lubig na nakakabit sa pwetan niya. So, siya ang may
gawa nito.

Nawala na yung pagkakakapit ng sapot sa pwet ko pero nahuhulog naman ako sa mataas
na cliff papunta sa malalim na dagat. Ahhhh!

Huminga ako ng malalim at nag-ipon ng hangin sa tyan ko para hindi ako agad na
malunod.

Unti unti kong naramdaman ang pagbagsak ng katawan ko sa tubig. Napakalalim ng


inabot ko. Mabuti nalang at marunong akong lumangoy kundi -- kyaaaah! Isa nanamang
pagsubok ang haharapin ko!

Paano ba naman, isang malaking shark ang nasa harapan ko ngayon. Kakatapos ko
palang sa isang spider-gorilla ngayon naman sa isang shark.

Hihinga sana ako ng malalim kaso naalala ko nasa ilalim pala akong dagat. Argh!
Sumisid ako sa pinaka ilalim ng dagat pero sinusundan ako ng shark na ito. Ayoko
sanang isipin pero kakaunting hangin nalang ang naimbak ko sa lungs ko at ilang
segundo nalang ay hindi ko na kakayanin.

Lumangoy yung shark papunta sa harap ko at nakipag titigan ito saakin habang may
smirk na smile sa labi niya. Ang manyak nitong pating na 'to ah!

Kumunot yung noo ko ng may mapansin akong kakaiba sa noo nung pating. Isang sign.
Familiar 'yun sakin. San ko na nga ba naki -- tama! Ayun yung sign ng water flag!

Hindi ko alam kung anong ginawa ko ngayun-ngayon lang pero lumangoy ako ng mabilis
papalapit sa pating at hinawakan ko ang noo niyang may sign then bigla itong
nagliwanag.

Napapikit ako ng mata ko dahil nakakakasilaw iyon. Ilang saglit lang at naramdaman
kong may nakadikit na sa palad ko and that is the water flag. Yeheyy! Agad kong
nilagay yung water flag sa garter ko.

Isang flag nalang Amara! I-isa na-nalang.

Agad akong lumangoy pataas ng makaramdam ako ng pagbilis ng tibok ng puso ko at


pagkapagod. Unting Segundo nalang at mawawalan na ako ng hangin.

Sumisikip na ang dibdib ko. S-sa tingin ko hindi ko na kaya. Unti unti na akong
napapikit pero napansin kong may biglang lumitaw sa harap ko. Kahit mahirap saakin,
pilit kong tinaas yung kamay ko para mahawakan ang liwanag.

Unti unting lumabo ang paningin ko then everything went black.

xxxxxxxxxxxxxxxx

=================

CHAPTER 11

Chapter 11

xxxxxxxxxxxxxxxx

*kurap kurap

"Na-nasan ako?" Hindi ako familiar sa lugar na pinagmulatan ko ng mata. Umupo ako
sa kinahihigaan ko.

"Nasan ako?" Salubong na ang kilay ko dahil gulong gulo na ang isip ko. Kinidnapped
nanaman ba ako ng isang halimaw? Pero bakit gan'to, ang ganda ng suot ko. Mukhang
ancient greek yung kasuotan ko ngayon. Color pink with white. Tapos yung hinihigaan
ko napaka komportable at parang pang prinsesa.
"Si-sino k-ka?" Napatingin ako sa lalaking pumasok. May suot siyang kulay pulang
armor at kulay orange ang buhok niya. Mukha siyang character sa isang anime.

"Kumusta, Amara." Sabi nito at biglang nag bow.

"A-anong ginagawa mo?" Kung siya ang kumidnapped sakin, aba! Ang gwapong kontrabida
nito.

"Kumusta na ang kalasugan mo, Amara?" Umayos na s'ya ng tayo. Ang tangkad niya.

"Te-teka lang huh! Ba-bakit mo ako kilala at nasan ako?"

"Wala akong karapatan para sagutin ang mga katanungan mo. Nandito ako para sunduin
ka."

"Sunduin? Bakit?"

"Pinapatawag ka ng King." King? Kung ganun nasan ba talaga ako?

Tatanungin ko palang sana yung lalaki bigla siyang naglakad paalis ng silid. "Te-
teka lang! Hintayin mo ako!"

Inikot ko ang tingin sa paligid. Napakalaking espasyo. Inspired ata yung structure
at kasuotan sa Greek mythology. May malalaking corinthians at ang taas pa ng
ceiling.

Huminto kami sa tapat ng pinto. Siguro ito na 'yung silid ng King nila.

Kumatok ng tatlong beses si Red-guy at binuksan niya yung pinto.

"Maaari ka ng pumasok, Amara."

"Hi-hindi mo ako sasamahan?" Kunot noo kong tanong. Baka may gawing masama sakin
yung King nila.

"I assure you, walang masamang mangyayari sa'yo." Sabi nito at nginitian ako. Woa!
First time niyang ngumiti Simula kanina ah.

"Sa-salamat."

Tuluyan na akong pumasok sa kwarto. Ang laki ng silid na ito, may mataas na
ceiling, king size bed sa gitna at kung anu-ano pang painting.
"Amara, kumusta na?" Napatingin ako doon sa lalaking nakaharap sa bintana.

"Ahh -- o-ok lang naman," Sagot ko. Hindi ko makita ang mukha niya dahil
nakatalikod siya sakin. "Nasan ako?" Tanong ko.

"Nandito ka sa kaharian ko." Humarap siya sakin at nakita ko ang mukha niya. Ang
gwapo niya. Hindi mo aakalaing isa siyang hari dahil mukhang kasing edad ko lang
siya.

"Ka-kaharian mo? Pa-pano ako napunta dito?"

Nginitian niya ako at pinatong niya ang wine glass na hawak niya sa isang table.

"Kusa kang pumunta dito Amara." Kusa? Paano?

"Kung ganun, saan ang daan pauwi? Gusto ko ng makita ang mga kaibigan ko."

Biglang nawala ang ngiti sa mukha niya at napalitan ito ng pagiging seryoso.

"Amara, do not fear the enemies who attacks you, fear the one who hugs you."
naglakad siya palapit sakin. Malapit na malapit. Kunting distansya nalang at
magdidikit na ang labi namin. Gusto kong lumayo at umiwas pero hindi ko magawa.
"Malapit na, Amara." Malapit na? Atsaka yung mga sinabi niya, anong ibig sabihin
n'un?

Tatanungin ko nalang Sana siya ng bigla akong mahilo at unti unting lumabo ang
paningin ko hanggang sa nagdilim ito.

xxx

*kurap kurap

"A-amara?" Biglang sumulpot yung mukha ni Nicholas sa harap ko. "Guys, gising na si
Amara!" sigaw nito. Argg! Napahawak ako sentido ko dahil sa sakit ng ulo ko.

Bigla namang sumulpot sa harap ko ang mukha ni Elizze, Brianna, Dylan at ni Dione.

"Oh gosh! Mabuti naman at gising ka na. Pinag-alala mo kami." Saad ni Elizze.

"Teka. Nasan ba ako?" Tanong ko sakanila at umupo sa kulay puting hinihigaan ko


ngayon.
"Nandito ka sa clinic." Sagot ni Dione.

"Anong nangyari at bakit nandito ako?"

Bigla silang natigilan sa tanong ko. Nagkatinginan sila at para bang nag-uusap
through telepathy.

"Amara..." Panimula ni Brianna. Gosh! Ano bang nangyari? "What?"

"Amara..." Sabi ni Elizze na naka simangot. Ano bang trip ng mga 'to?

"Congratulation." Napatingin ako sa gilid. Si Hermes, kakapasok lang.

"Ano ba Hermes! Nakakainis ka naman ehh!" Sigaw ni Elizze sakanya. "Tsk! Kj!" Sigaw
ni Dione.

"Basag trip naman 'to ohh!" Sabi naman ni Nicholas.

"Ano ba talagang nangyari?" Kunot noong tanong ko.

"You have passed the exam. Welcome sa Element's crown!" Sabi ni Darius na naka upo
sa couch.

Talaga? Na passed ko yung exam pero pa'no? Ang huli kong natatandaan ay yung kulay
puting liwanag bago ako malunod.

"Na kumpleto mo kaya yung flags." -Dylan. Hindi kaya yung liwanag na yun ay ang
light flag? Posible.

"Congratulations, Amara." Napatingin kaming lahat sa nakaputing babaeng pumasok sa


room. I think siya yung nurse. "T-thanks." Sabi ko with smile. Wah! Hindi ko
akalain na makakapasa ako sa exam na yun after nang mga struggles ko dahil sa mga
halimaw na 'yun.

"Pwede niyo na siyang ilabas. Wala naman kaming na-detect na Mali sa kanya. I
though nahimatay lang s'ya dahil siguro iniisip niya na mamamatay siya sa
pagkakalunod." Tam -- teka! Yung kanina? Panaginip lang ba yun? Akala ko isa iyon
sa mga exam.

Siguro nga panaginip lang 'yon.

Lumabas na yung nurse habang space out parin ang utak ko. do not fear enemies that
attack you, fear the one who hugs you. Anong ang ibig niyang sabihin? Tsaka sinong
King siya? Hindi ko man lang nalaman ang pangalan nung King na 'yun at ni Red guy.

"Hoy Amara!" Nagulat ako ng biglang sumigaw ni Elizze sa harap ko. "Ba-bakit?"

"Kanina ka pa tulala d'yan?" Kunot noong tanong nito.

"Wa-wala. Hehehehe!"

"I think kailangan nating I celebrate an pagkapanalo mo at ang pagiging bahagi mo


sa Element's crown." -Dylan.

"Celebration!" Sabay na sigaw ni Nicholas at Elizze.

"Tara na!" Unti unti silang nagsilabasan. Hinihintay kong lumabas si Hermes pero
mukhang wala siyang balak na sumunod sakanila.

Tumayo na ako at lalabas sana kaso pinigilan ako ni Hermes.

"Ba-bakit?" Ang talim ng tingin niya sakin. Hindi ko mahulaan kung ano ang iniisip
niya. Nakakatakot siya.

Nakatingin lang siya sakin na tila ba nag-iisip ng malalim. "Hoy!" Sigaw ko sakanya
kaya biglang naningkit yung mata niya.

"Nakatulala ka kasi eh. Bakit ba?" Tanong ko. "Wa-wala." Sabi nito at naglakad
palabas.

"Anong problema nung lalaking 'yun?" Kunot noong tanong ko sa sarili ko.

"Hey. Tara na." Biglang sumulpot si Darius sa may pinto. Nginitian ko siya at
sumunod na ako.

xxxxxxxxxxxxxxxx

=================

CHAPTER 12

Chapter #12

xxxxxxxxxxxxxxxx
"Good morning Tita." Bati ko kay Tita Virgie. "Oy Amara, bakit ang aga mo yata
ngayon?" Tanong niya habang piniprito yung bacon.

"First day kasi ngayon ng normal class, excited na akong malaman yung past history
ng Faireo at kung anu-ano pang bagay regarding sa place na ito." Lunes ngayon.
Walang pasok nung Friday para daw i-celebrate yung mga freshmen na may guild na.
Ang bongga diba? Kung ganito sa Earth, ayy! Hayahay ang buhay!

"Sigurado ako, mamamangha ka sa mga malalaman mo dito," Inilagay niya yung bacon sa
plate. "Kumain ka na." Inabot sakin ni Tita yung plate.

"Si Brianna po?" Umupo kami ni Tita ito sa kitchen at sinimulan ng kainin yung
breakfast.

"Nasa mission pero I'm sure sa Academy na s'ya dumiretcho." Sabi niya sabay subo ng
pagkain.

"Mission? Ano pong mission?"

"Regarding kay Trey. May tumawag kaninang madaling araw, ang sabi daw nasa bayan so
Trey kaya Dali Dali siyang pumunta."

"Hindi pa siya umuuwi?"

"Hmm. I'm sure dumirecho na siya sa Academy." Ahhh. Curious ako masyado d'yan sa
Trey na 'yan.

"Tita, kaibigan nila Brianna si Trey diba? Bakit siya napunta sa Evine Academy ba
yun?"

"Haay oo! Ganito kaso 'yan, si Trey, Brianna at si Logan ang magkakaibigan sa
Academy bago pa dumating sina Elizze,"

"Si Principal Logan po?"

"Oo. Magkakaibigan yung tatlo na 'yun. Super close sila n'un at sila laging ang
magkakasama sa Academy. One time, magtatapat si Trey ng pag-ibig na nararamdaman
niya para Kay Brianna kaso nakita niya si Brianna at Logan na magkasama at Alam mo
na,"

"Kissing kissing?" Shock na tanong ko.

"Ano ka ba! Hindi yun!"


"Eh ano po?"

"Nag propose si Logan Kay Brianna nang araw ding 'yun. Nagalit si Trey dahil
sinagot ni Brianna si Logan. The other day naman, kinausap ni Trey si Brianna
regarding sa nangyari. And then, umamin si Trey na may gusto siya Kay Brianna but
my child dumbed him. Tsss! Poor Trey!" Sabi nito at umiiling iling pa.

"So Tita, ibig bang sabihin n'un si Brianna at si Principal Logan at magkasintahan
ngayon?"

"Nope. Cool off sila. Ewan ko na nga ba sa mga kabataan ngayon, may pa cool off
cool off pang nalalaman eh dinadahilan lang naman nila iyan para lumandi." Woow!
Hugot si Tita Virgie.

"So, hindi sila ngayon?"

"As of now, hindi sila ngayon pero ang latest chismis ko ngayon at chenen!
Nagkikita silang dalawa and... Hindi pa tapos! May usapan silang start over after
grumaduate ng anak ko."

"Teka lang Tita!"

"Yes? anything?"

"Bakit parang ang dami mong alam tungkol Kay Brianna?" Lahat ng details alam niya.
Lahat lahat pati yung usapang start over.

"Bukod sa anak ko si Brianna, it's my majika. I can see your memories. Lahat lahat!
Pati panaginip mo kagabi kaya kong makita as long as naaalala mo 'yun and hindi
lang iyon dahil kaya kong ipapanood sayo ang memories mo using mind projectoring.
Ang galing diba?"

"Ang cool!"

"Coolest majika. Kaya walang naitatago sakin yang si Brianna. Kahit yung mga
kalokohang ginawa niya, alam na alam ko. Pati yung tumakas kayo nung birthday mo
para pumunta sa bar, alam ko yun."

"Oh gosh! Pati yun alam mo Tita?"

"Yep! Pinagalitan ko nun si Brianna pero hindi malala dahil epic failed yon.
Hahaha! Hindi kayo pinapasok ng bouncer dahil wala pa kayo sa legal age niyo."

"Sorry...."
"Ano ka ba, ang tagal na nun. Hahaha! Anyways, almost 3 weeks nalang at debut mo
na," Oo nga pala! Birthday ko na next month. "Anong Plano?"

"Plano?"

"Yep!"

"Ehhh.. Kahit hindi na mag celebrate ok lang sakin."

"Nope! Bawal yun! 18 ka na nun at dapat engrande."

"Simple celebration lang tita --"

"Ohh! I have a better idea. Bakit hindi natin pagsabayin ang debut ni Brianna.
Hindi naman kasi natuloy yung sakanya dahil nga sa you know." Sabi nito at nawala
yung ngiti sa mukha niya.

"It's ok Tita. I have moved on na. And I think it's a better idea. Salamat Tita."

"So it is settled then."

"Sige Tita. Pasok na po ako! Salamat!" Sabi ko. Lumapit ako sakanya at nakipag
beso.

Ang swerte ko! Kahit hindi ko sila kamag-anak, tinuring na nila ako pa parang tunay
na pamilya. I must repay them someday.

xxx

Simula kanina, nakatungo na ako habang naglalakad. Halos lahat ng estudyanteng


nakakasalubong ko e pinagtitinginan at pinag-uusapan ako. Big deal ba sakanila yung
pagiging member ko sa Element's crown?

"Girl, ayun yun diba?" Narinig kong sabi ng isang babae. Arg! I hate too much
attention.

"Yes. Siya nga. Mukha siyang mahina. I wonder, ano kaya ang majika niya?" Patay!
Mabilis akong naglakad papunta classroom ko. Hindi ko makakasama sila Brianna at
ang iba pa dahil sophomore sila habang ako naman at freshman kaya walang
magtatanggol sakin so I need to learn how to defend myself.

"Hey girl! Wait!" Sigaw nung babae. Hindi ako sigurado kung ako yung tinatawag niya
kaya dire-diretso parin ako sa paglalakad.

"Ang sabi ko, sandali lang!" Sigaw ulit niya. Bigla nalang akong lumutang. Pa'no
nangyari yun?

Bigla akong nag landing sa tapat nung dalawang babae.

"Hey," sabi nung babaeng matangkad. Naka boots siyang itim na mahaba at straight na
straight ang buhok niya. "Kalat na sa school na you've passed the exam regarding sa
Element's crown," Huminto yung babae sa pagsasalita at tinuloy iyon nung babaeng
petite. Cute siya, yung buhok niyang naka ponytail sa dalawang gilid at yung
laylayan nun at curly.

"So tell us, what is your element?" My element? Ano yun? Tumingin tingin ako sa
paligid at nakita kong nagsisitinginan na yung mga ibang estudyante.

"May plant manipulator na, Super strenght and mimiking. Tell us, ano ang sa'yo?
Don't tell me, you posessed the lightning majika?" Sabi nung cute.

"I know wala pa yung lightning majika kaya you might be the person who posessed it.
Don't you?" Dagdag naman nung girl na matangkad na mataray.

Anong sasabihin ko? Na wala akong majika? Pero pag nalaman nila 'yun, magagalit
silang lahat sakin at worst baka bully-hin nila ako. Argh.

"I'm sorry pero late na ako sa class ko." Sabi ko at tinalikuran sila.

"No. Hindi pa nagbe-bell kaya wala nang excuses para umalis." Sabi ulit nung
babaeng mataray.

Bigla nila akong hinarangan. Napabunting hininga ako. "Ano ba gusto n'yo?"
Pagkasabi na pagkasabi ko n'yan, bigla silang nagkatinginan at para bang nag-uusap
sila gamit ang kanilang isip.

"Well, ang gusto lang naman namin ay ipakilala mo kami kay Hermes at makipag date
siya samin." What?! Ako nga hindi ko maka-usap yun eh tapos ise-set ko pa sila ng
date. WatdaeffinF.

"A big no. Ayoko pang mamatay. Kung gusto niyo, bakit hindi niyo siya yayain ng
personal at hindi yung nagpapalakad kayo. Mga abala. Tsk!" Inis na sabi ko at
naglakad ako paalis pero hinawakan ako nung mataray na Babae sa braso.

"Alam niyo, naaasar na ako sainyo," Inis na sabi ko sakanila.

"So what, anong gagawin mo samin?" The petite-girl said with an excited face.
Parang wala lang sakanya yung sinabi ko ah.

"I'll strike your faces using my lightning." Sabi ko at nihawi ang pagkakahawak
nung babae sa kamay ko.

Ang ganda ganda ng umaga ko tapos sisirain lang nila. No, hindi ako papayag.

Naglakad ako papasok sa main building. Ang laki ng loob, color white ang karaniwang
makikita at ang ground floor at canteen or should I say was mall. It looks like a
mall than a canteen. Pahaba ang building na ito at sa gilid yung mga restaurants
habang sa gitna naman at may esculators at hagdanan. Mall na mall ang theme.

Kinuha ko sa bulsa ko yung isang papel kung saan nakasulat yung schedule ko.

Ang section ko at FAF-1 at sa 2rd floor iyon kaya naghanap ako nang hagdanan.
Hassle kung sa elavator ako sasakay dahil napakaraming estudyante ang nakapila.
Tssk! Hindi nila napapansin ang hagdanan. Mga tamad!

Naglakad ako papunta sa esculator dahil nakakapagod kung hagdan ang gagamitin ko.
Well, hindi ako tamad ahh! Nakakapagod lang lalo na sa second floor pa ako.

May 6 floors ang mall -- este ang building na ito. Ground floor ay mga restaurants,
school supplies, book store, department store, clinics at kung anu-ano pang
tindahan na makikita sa isang mall. It is also a shopping place exclusive para lang
sa mga students ng Forbidden Academy. Ang 2nd floor naman at rooms for freshmen.
May 10 sections ang freshmen at bawat section ay may 30 students. Galing silang
lahat sa Mentarly Academy. Doon nag-aaral ang mga batang na discover na ang majika
nila. Sa 3rd floor naman ang sophomore, 4th floor for junior students, 5th floor
for senior and the last floor naman ay para sa mga teachers at iba pang nagta-
trabaho sa Academy katulad ng nurses, sanitary engineer at mga tindera't tindero.
Susyal diba?

Nakarating na ako sa 2nd floor. Yung mga rooms, kita ang loob dahil ang Kalahati ng
Dingding ay salamin. Malapad ang path sa gitna at bawat side ay may limang rooms.
Mataas ang ceiling at sigurado akong pwede pang dagdagan ng isang floor ang bawat
floors.

Marami nang estudyante dito. Yung iba pagala-gala, ang iba naman at nakatamday sa
mga bench. Ang iba naman ay nakadungaw sa ground floor.

Hinanap ko na yung room ko. FAF-1, nasa dulo ka. Lumingon ako sa likod ko at
nandoon ang FAF-4 so sinundan ko ng tingin ang mga signs. Ayun! Nasa dulo ang room
ko.

Nilakad ko iyon habang naka tungo. Hanggang dito kasing ay pinagtitinginan ako eh.

"So-sorry," shemay! May nabangga pa ako. Agad kong pinulot yung purse nung babae at
inabot ko Iyon sakanya. Kilala ko itong babae na 'to, si-siya si Kristine hindi ba?

"Tumingin ka nga sa dinadaanan mo," Mataray nitong sabi at nilagpasan ako.


Maglalakad na Sana ako paalis ng bigla niya akong pigilan. "Wait."

"Ba-bakit?"

"Ikaw yung babaeng nakasalita sa Element's crown diba?so, what's your majika?" Taas
kilay niyang tanong sakin.

Hindi ako makasagot. Parang umurong yung dila ko. Nag-iinit na din yung mukha ko
dahil sa kaba. Shemay naman!

SFX: kriiiiiiiiiiiing

"Excuse me, late na ako." Sabi ko sabay takbo ng mabilis. Haaay! Thank you bell,
kung sino ka man! You saved my life.

Mabilis akong pumasok sa room ko. Lahat ng studyante ay nakatingin sakin. Ba-bakit?
May dumi ba ako sa mukha? Argh! Too much attention! Hate it!

I search for a vacant seat. Column 4 row 5 malapit sa bintana, right side. Kitang
kita ang lawak ng garden. Kitang kita rin yung mga studyante sa baba. As I said
earlier, Kalahati ng pader ay salamin.

Wait! Bakit nalang blackboard? Tanging transparent glass lang ang nasa harap at
kita dito ang mga apartment at tanaw na tanaa ko din dito ang guild namin.

Biglang may pumasok na lalaki.

"Hi students. I am your Professor, Logan Strongheart." Ang gwapo niya! Kyaa -- I
forgot! Kay Brianna na pala siya. Arggh! Ang baba ng hair ng bruhang yun.

Wala kaming ginawa ngayon araw na ito bukod sa pagpapakilala at introductions.

Mabuti na nga lang at hindi included yung majika dahil sabi ni Principal Logan,
"It's better if you'll discover your classmate's majika para may thrill." Weird nga
lang dahil pagkasabi niya n'un ay tumingin siya sakin at kinindatan ako. Hindi
kaya sinabi sakanya ni Brianna na wala akong majika?

"Nag prepare ako dito ng 30 pieces of paper. 27 pieces here are blank habang ang 3
pieces naman ay may nakalagay na numbers 1 2 and 3. Each of you will pick 1 piece
of paper at pagnabunot niyo ay may number, be ready dahil mag re-report kayo."
Goshh! First day ng normal lesson,may report kaagad? Oh no!
Binigay ni Principal Logan yung fish-bowl sa babae sa harap then she pick a paper
and I saw her Mouthed "yes!" That only means na blank paper ang nakuha niya. Sino
ba naman ang gustong mag report diba?

Hinintay ko ang fish-bowl. Pinasa sakin yun ng katabi ko. Wala akong inaksayang
oras at agad na kumuha ng papel.

Oh King! Binuksan ko yung papel at kung minamalas ka nga naman oh, number 3 ang
nabunot ko!

"That's it. Nakabunot na ang lahat. Tumayo ang tatlong maswerteng estudyante na
nakabunot ng numbers."

Nagpakiramdaman pa kami. Nang may tumayo na isa, sumunod ako at ang isa pa.

"Please welcome, the lucky winners. Hahaha," nagsitawanan naman yung ibang
classmate ko. "Anyway, sino ang nakabunot ng number one?" Tanong ni Principal Logan
at sumagot ang babaeng nasa kabilang dulo.

"You'll report about the history of Faireo."

"Sino naman ang nakabunot ng number two?"

"Me sir," sagot nung babae.

"Ang sayo naman ay ang Elemental user at ang first great war."

"How about the number three?"

"Me sir,"

"Ow, Miss Amara. Celestial's magic and the history of the first celestial mage:
Aminah Clexeah ang sa'yo." Ang dami!

"Got it sir."

"Ipre-present niyo yan sa wednesday. So, I'll excuse you tomorrow sa mga afternoon
class niyo para gawin ang report. I hope na maganda 'yan kundi, ibabagsak ko kayo.
Got it?"

"Yes sir." We said in unison


"Ok, class dismiss."

xxxxxxxxxxxxxxxx

=================

CHAPTER 13

Chapter 13

xxxxxxxxxxxxxxxx

June 16 X792, Tuesday. Tanghali at excuse kami ng tatlo kong classmate para gawin
ang report na naatas samin. Ako lang mag-isa ngayon, ayaw kasing lumapit sakin nung
dalawang classmate ko eh. Pilit ko na nga silang kinakaibigan pero ayaw nila. Hmp!
Bahala sila. Hindi ko alam kung bakit hindi nila ako nilalapitan o kinakausap man
lang pero mukhang ayaw nila sakin. Hmp! Bahala sila!

Nandito ako sa ground floor, kakatapos ko lang kumain kaya dederetso na ako sa
library. Ang hirap kasi ng akin eh. Celestial's magic at yung first celestial mage
which is Aminah Clexeah.

Nasa harap na ako ng library. Kulay brown ang pinto at may naka ukit doon na
library.

Pagbukas na pagbukas ko ng pinto, tumambad sakin ang malawak na lobby. Oo, para
siyang hotel, Napakalaki. Hindi mo aakalain na ganito kalaki sa loob dahil sa
labas, para lang siyang isang boutique store.

Sa gitna, may isang teller doon. May isang counter nandun yung computer at kung
anu-ano pa. Sa gitna, may kaunting estudyante ang naka upo habang nagbabasa ng
libro. Sa gilid naman, andun yung mga libro.

Pumasok na ako. Mabuti nalang at sinabi sakin nila Brianna kung saan mahahanap yung
Celestial Magic book at ang first celestial mage which is Aminah Clexeah.

Pumunta ako doon sa teller at sinulat ko ang pangalan ko sa log-book. I don't know
kung para saan yung pero required na mag log doon.

"Miss, saan dito yung books about lost magics?" Tanong ko sa babaeng sa tingin ko
kasing edad ko lang.

"Sa left side siya. May nakalagayan naman doon kaya madali mo nalang makikita."
"Thank you." Umalis na ako doon at dumiretcho sa mga shelves. Hinanap ko yung
shelves kung saan yung lost magics. Puro history lang naman kasi ang nandito, about
Faireo at sa Evion. Mga creatures and other stuff. Nasa dulo na ako ng makita ko
ang magics na naka ukit sa shelve. Pumasok ako doon at hinanap yung lost magic.

I saw the book, a book entitled as Lost magic. Siguro ito na yun pero I need more
references. Hindi lang dapat sa isang libro ako kumuha ng mga knowledge.

While searching for other book, I saw this strange book. I knew it was old because
of its cover. Sira sira na at wala pang nakalagay na title.

Because of my curiousity, kinuha ko iyon. I think sa guild nalang ako gagawa isa pa
nandoon ang laptop.

Pumunta ako sa teller at kumuha ako ng card. Kailangan kong ibalik yun next week
kundi may extra-charge akong babayaran pag lumagpas sa due date.

xxx

Nandito na ako sa sala ng guild habang kinakain ang doritos. Agad kong binuksan
yung Lost magic na book.

Sa unang page naka lagay ang title at ang unknown na author.

Nilipat ko ulit sa kabilang page.

Source of magics

There are three source of magic in this world. First, you have chosen by the
celestial gods. Second, you may get it by the stone runes and third, you may
inherit it.

Ganun? Pwedeng mapasa ang majika? Ang cool pala n'un tsaka pwede ka ding magkaroon
ng majika sa pamamagitan ng ruin stone.

"Teka, chosen by the celestial gods?" Kunot noong tanong ko sa sarili ko.

"Chosen ones, pinili ka ng celestial gods para gamitin ang majika nila." Nagulat
ako ng biglang may kumuha ng doritos sa harap ko. Si Hermes.

"Ga-ganun ba," napansin kong umupo siya sa tabi ko. Pinag patuloy ko lang yung
pagbabasa ko sa libro pero hindi ako makapag concentrate dahil nakatingin sakin si
Hermes. "Ba-bakit?" Tanong ko sakanya. Mabilis niyang iniwas yung tingin niya
sakin.
"Wala." Ano kaya iniisip niya tuwing tumitingin sakin?

"Bakit?" Kunot noong tanong niya. Agad kong binawi yung tingin ko sakanya. Hindi ko
napansin, ako naman ang nakatitig sakanya.

Binasa ko ulit yung nakasulat sa libro.

"A-ano," tawag ko kay Hermes. Hindi ko kasing maintindihan yung nakasulat. "Bakit?"

"Ano ba yung celestial magic?"

"Hindi mo alam yung celestial?" Kunot noong tanong nito. Gusto ko sanang sabihin na
'magtatanong ba ako kung alam ko?' Pero baka sabihin niya feeling close ako.

"Hindi eh." Napansin kong napabuntong hininga siya. "Celestial magic. It is the
most powerful yet the most dangerous majika of all." kumuha siya ng doritos at
kinain.

"Bakit?" Kumunot ulit yung noo niya sa tanong ko. "So-sorry. Wala pa talaga akong
alam e." Napansin ko napabuntong hininga siya.

"Celestial mage, powerful ito dahil kaya nitong i-summon ang twelve gods at kaya
nitong ma posess yung elements na taglay ng gods. mapanganib naman kung mapupunta
ang majikang ito sa masasamang tao because they might use it in their evil deeds."
Ahhh~

"Twelve gods? Sino yun?"

"The zodiac signs. Pisces, Leo, Virgo and the others. They're the twelve gods. Each
of them posessed an element."

"May ganun pala, ang galing naman!" Manghang mangha ako. Ang galing lang dahil
akala ko isang simpleng constellation lang yang horoscope pero, totoong tao pala
sila dito or should I say gods.

"Teka! Ehh sabi sa libro, may three source of majika. Ang Una, chosen by celestial
gods. Ano yun?"

"Yes. Ako, I'm chosen by taurus. The celestial god of ice." Ganun?

"Pano malalamang chosen ka ng celestial gods? I'm sure na hindi lang ikaw ang may
majika ng ice."
Hindi niya ako sinagot bagkus ay... Ay... Ay hinubad niya ang coat niya at ang v-
neck na T-shirt.

"A-anong g-ginagawa mo?" Tanong ko pero hindi parin niya ako sinasagot. Pinikit ko
ang mata ko dahil nakaka-intimidate lalo na't dalawa lang kami dito sa guild.

"Ibukas mo ang mata mo," sabi niya. Kaliwang mata ko lang ang binuksan ko pero
nakita ko siyang naka tayo sa harap ko at naka hubad pa.

"A-anong ginagawa mo d'yan?"

"Tumingin ka. Wala akong gagawing masama." Sabi nito. "Sigurado? Wala kang gagawin
masama?"

"Oo."

Unti unti kong minulat yung mata ko pero nasa harap ko parin siya. Sa lapag ako
nakatingin dahil ang ganda ng view -- este nakaka ilang pala.

"Tignan mo 'to." Sabi niya sabay turo sa may buto niya sa V-shape. O em! "A-ano
'yan?" Tanong ko sakanya at agad na binawi yung tingin ko matapos makita yung
tattoo doon. Umalis na din siya sa harap ko at muling sinuot yung damit niya.

"Sign 'to ni Taurus at ayun ang katunayan na ako ang Napili niya."

"So, sila Brianna ay chosen din?"

"Oo." Bright idea!

xxx

June 17 X792, Wednesday. Ngayong araw na ito, mag rereport na ako. Madami akong
natutunan tungkol sa Celestial at sa mga tinuro ni Hermes. Ang dami kong natutunan
sakanya at syempre, nakausap ko siya. Alam niyo yun? Hindi na ako naiilang sakanya
except sa pagtitig niya sakin.

"Shane, the stage is all yours." Sabi ni Principal Logan at nagpunta dito sa dulo
kung saan papanuorin niyang mag report si Shane. yung naka bunot ng number 1.

Pumunta na siya sa harap. Walang stage, oa lang masyado si Principal Logan.

"Good morning classmates. Ok, this is my report about the history of our world,"
Sinaksak niya yung Flash drive sa laptop sa harap. Wala talaga kaming black board
dahil yung salamin mismo ang board naming at pwede ding lagyan ng projector.

"Nagsimula ang Faireo sa isang pamilya, the Sorcersies Clan. They are sorcerer and
sorceress,"

Sorcerer and sorceress?

"Nagsimula ang lahat kay Rim Sorcersies, He's living inside the forest at isa
siyang sorcerer. We believed na mag-isa lang siyang namumuhay doon, walang kasama
bukod sa alaga niyang agila na si Mook,"

May lumabas na animated picture ng lalaki doon sa salamin.

"He's living in peace until he found this one young girl, Her name is Shin."
Katulad kanina, may lumabas naman ng picture ng isang babae. "Mayroon siyang
imitatiin disorder dahil ang kanilang alagang aso lang ang kasama niya sa bahay for
15 years,"

"15 years and she was raised by a dog?" Tanong nung isa naming classmate.

"Yes, she's somehow raised by a dog dahil napatay ng mga sambayanan ang kanyang Ina
na nag-aalaga siya when she was 2 years old. Pinatay siya dahil inakala nilang
isang mangkukulam ang nanay niya na gumamawa ng sakuna sa kanilang bayan. Her
father naman ay wala sa bayan nila dahil isa itong sundalo na nasama sa digmaan."

"Her gestures, mukha itong aso dahil she was raised by a dog nga," huminga ng
malalim yung classmate ko. "One day, umuwi ang kanyang ama dahil tapos na ito sa
trabaho niya and he learned from his neighbor na 15 years nang Patay ang kanyang
asawa. Tinanong niya yung kapitbahay niya kung anong nangyari sa anak niya pero
kumunot ang noo nito. Agad na tumakbo ang tatay ni Shin papunta sa bahay nila then
he saw his daughter and the dog na nakain nang nakatuwad na para bang aso,"

"Pano nakita ni Rim si Shin?" Tanong ng isang babae na mukhang mataray.

"Wait, let me finish." Inirapan nung classmate kong nagrereport yung nagtanong.

"That night, sinubukang kausapin ng ama si Shin pero hindi ito marunong magsalita,
tanging kahol ang ginagawa niya sa kanyang ama,"

"Nang gabing iyon, napagpasyahan ng ama na itapon si Shin sa gubat kung saan
nakatira si Rim,"

"Doon, naawa si Rim ng makita niyang inabandona ng ama si Shin. So, kinuha ni Rim
ang dalaga pagkatapos itong abandonahin ng ama,"
"Sa paglipas ng oras, inalagaan ni Rim ang dalaga, tinuruan niya itong magsalita at
maglakad nang naaayon. Sa paglipas din ng panahong iyon, nag research siya at
inalam kung anong ang sakit ng dalaga. Nang malaman niya ang sakit, agad itong
gumawa ng Lunas para sa sakit na ito at nagtagumpay siya. After 8 years Unti unting
nag coop up si Rim hanggang sa lubusang gumaling ito,"

"Hindi nagtagal at gumawa sila ng isang pamilya,"

Ow! Ang ganda ng pag-iibigan nila.

"After four years, 30 na si Shin habang si Rim naman ay 37 years old na. Sa tao
ding iyon, ipinagdadala ni Shin ang kambal na anak nilang dalawa ni Rim na si Sher
at Rey."

"Paborito ni Rim ang anak niyang si Rey dahil bukod sa kamukha niya ito, mabait din
ito at laging siyang sinasamahan sa pagkakahoy, pagtatanim at tinutulungan din
niyang mag pastol ang tatay niya,"

"Habang si Sher naman, ang nakakabatang kapatid ni Rey ay nainggit sa kapatid niya
at sa loob ng 25 years ay puropuot at inggit ang nasa puso nito para sa kapatid."

"Hindi close ang magkapatid dahil sa naglagay ng barrier si Sher sa kapatid. Hindi
literal na Barrier ah, para bang dumistansya siya kay Rey? Ganun!"

"Mas lumala ang galit at puot na nararamdaman ni Sher para sa kapatid ng malaman
niyang magkasintahan si Sena at ang kanyang kapatid. Si Sena ang matagal nang
iniibig ni Sher pero lihim lang iyon." Grabe! Pang teleserye pala ang buhay nila.
Bakit kaya hindi nila ito ipasa sa MMK.

"Sa loob ng mahabang taon, ininda ni Sher ang galit na nararamdaman niya para sa
kapatid pero dumating sa point na nagalit ito ng ipinamana ni Rim ang lahat ng ari-
arian niya kay Rey. Nagalit si Sher kaya na mamamatay na ang kanyang ama,
kinasuklaman niya ito at naglayas."

"Sa pagdaan ng panahon, natuklasan ni Sher ang dugo ng pagiging sorcerer at gumawa
siya ng isang kolonya. Siya ang nagsilbing leader ng unti-unung lumagong bayan.
Ginamit niya ito sa pananapak ng tao, pagkuha at pagkakamkam ng ari-arian ng iba,
ang paglalagay ng malaking tax sa bilihin. In short, isa siyang corrupt na leader,"

"Si Rey naman, nabalitaan ang kahayupan na ginagawa ng kanyang kapatid kaya gumawa
rin ito ng isang kolonya para pigilan ang kasamaang ginagawa ni Sher at hindi nila
namalayan na lumaki ito hanggang sa maging isang bayan. Natuklasan niyang hindi
lang siya ang may spesyal na abilidad kung kaya kinuha niya at hinanap ang lahat ng
mabubuting sorcerer at sorceress at tinuruan ito sa paggamit ng kanilang abilidad.

"Nagkitang muli ang magkapatid at doon nangyari ang digmaan.


Nanalo sina Rey at kinulong nito ang kapatid niya at ang iba pang kasapi nito sa
isang lugar ng kawalan at hindi kalaunan ay tinawag itong Evion."

"Then, Rey named his place as Faireo."

"Good job Miss Ailene." Sabi ni Principal Logan. Kinuha na ni Ailene yung Flash
drive at naupo.

"Next reporter, Miss Ressy." Sabi ni Principal Logan. Tumayo na si Ressy dala ang
Flashdrive at sinaksak iyon sa laptop.

"Ok, I'll tell you about the Elemental mage and the first great war,"

Napansin kong huminga siya ng malalim.

"Simulan natin sa first great war,"

"Ok. Sinabi na ni Ailene kanina ang Colonian war sa pagitan ni Rey at Sher,"

"After how many years, naging masaya ang Faireo dahil na din sa pamamalakad ni
Rey,"

"Napanatili ni Rey o ma's kilala bilang Haring Rey ang kasiyahan sa bawat bayan sa
Faireo. Nang hindi na kayang manilbihan ni Haring Rey, ipinasa niya ang tungkulin
sa panganay na anak nito na si Regin. Kagaya ng ama, napanatili nito ang kaayusan
at kasiyahan sa Faireo pero mas dumarami na ang crimeng nangyayari sa lugar.
Tumanda din si Regin kaya ipinasa niya ang trono sa anak nitong si Rebi. Sa
panunungkulan ni Rebi, dumami ang kaso ng pagkamatay dahil sa hindi kilalang spell.
Di kalaunan ay tinawag itong Dark sorcery,"

"Sa panunungkulan niya bilang Hari, dumami na ang 'di maipaliwanag na sakit at mga
sakunang nangyayari sa bayan ng Faireo. Dahil doon, humanap sila ng ebidensya na
nagpapatunay na kagagawan ito ng Eviano. Isang araw, may nahuli silang Evianong
ipinadala sa Faireo para mangalap din ng impormasyon."

"Tinanong nila itong Eviano na ito tungkol sa paninirang ginagawa nila. Malihim ang
lalaki kung kaya't pinahirapan siya ni Haring Rebi at di nagtagal ay napasagot nila
ito."

"Nalaman nila na may planong lusubin ng Evion ang Faireo sa susunod na buwan.
Mabilis na kumalat ang balita na ito kung kaya naman ay nagmadali silang gumawa ng
mga protective spells, sandata at iba pang panglaban,"

"Hindi akalain ng Fairiano na mapapa-aga ang paglusob ng Eviano. Sa digmaang iyon,


marami ang namatay na sorcerer. Halos Kalahati ng population ng mga sorcerer ang
naubos at nawala. Sa panahon ngayon, wala nang tukoy na sorcerer."

Dahil sa lubos na pagkagalit ni Sher sa kapatid niya, nagbunga ang isang malaking
pagtatalo sa pagitan ng dalawang lugar.

"Tatlong araw na tuloy tuloy ang digmaan. Walang pahinga, lahat sugatan kaya naisip
ng labing tatlong magkakaibigan na sorcerer na likhain ang isang potion kung saan
bibigyan ng pambihirang kakayahan at abilidad ang kung sino nang uminom ng potion
na iyon,"

"Sa pinagsama-samang lakas, talino, abilidad ng labing tatlong sorcerer na ito kung
kaya't nalikha nila ang isang taong tinatawag na Elemental Mage." Wooah! Ang
galing!

"Ang kauna-unahang elemental mage ay si Luna, isa sa labing tatlong gumawa ng


potion. Sa na acquire niyang ability, nagkaroon siya ng kakayahang kontrolin ang
apat na elemento. Ang tubig, apoy, hangin at lupa. Siya ang tumapos sa digmaan at
for the second time, nagwagi nanaman ang kabutihan,"

"Natapos na ang digmaan. Pero, kahit ganun ang naging resulta ay hindi parin masaya
si Haring Rebi dahil marami ng gulo ang umusbong kaya Napagpaasyahan niyang gumawa
ng isang potion kung saan lilimitahan ang paggamit ng kapangyarihan. Sa tulong ng
labing tatlong sorcerer, nakagawa sila ng potion na maglilimita sa paggamit ng
kapangyarihan. Tinanong nila ang bawat residente ng Faireo kung ano ang gusto
nilang ma-acquire na ability. Hindi nasiyahan ang tao kung kaya ang iba ay nagtungo
sa Evion dala ang kanilang pagiging sorcerer habang ang iba naman ay sumang-ayon
kay Haring Rebi para na din wala nang tao ang maging ganid sa kapangyarihan at wala
na ding gulo pa ang mangyari,"

"Dahil bago at hindi pa sanay ang mga tao sa naging kakayahan nila kung kaya't
nilikha ni Haring Rebi ang Forbidden Academy at dito sinanay ang mga tao."

Ang galing! Ang dami kong nalaman sa subject na ito.

"Nanumbalik na ang saya sa Faireo. Wala nang sorcerer at sorceress bukod sa labing
tatlong magkakaibigan na gumawa ng potion at sa pamilya ng Sorceries,"

"Ang unang Elemental mage na si Luna, ipinasa ang kanyang naging majika sa anak
nitong babae hanggang sa latest generation which is Miss Kristine Reverie-Jones na
nasa section'ng FAS-1."

"Ang labing dalawa naman ay ang naging guro sa Forbidden Academy ng unang panahon.
Matapos ang 15 years, sabay sabay silang nawala at hindi na nalaman kung saan
nagpunta."

Woooah! Ang cool.


"The end. Thank you." Sabi ni Ressy at kinuha ang flash drive niya. Nagpalakpakan
ang mga classmate ko kaya bakas sa mukha ni Ressy ang tuwa at tumingin pa siya
sakin at may smirk na kasama. Para saan yun? Haaay!

"Good job Miss Ressy," tumingin sakin si Principal Logan. "Next, Miss Drusilla." He
said and mouthed 'good luck." Weird! Sigurado akong ikinuwento ako ni Brianna
sakanya.

A-ako na pala. Kinakabahan ako sa ipe-present ko. Hindi ko alam kung matutuwa sila.

Tumayo na ako at sinaksak ang flash drive sa laptop. I hope na mag work itong
presentation ko dahil pinaghirapan ko--namin ito kahapon.

xxxxxxxxxxxxxxxx

=================

CHAPTER 14

Chapter 14

xxxxxxxxxxxxxxxx

Sinaksak ko na yung flash drive doon sa laptop. Bago ko ko I play, pumunta ako sa
harap at nagpakilala katulad ng ginawa nang naunang nag present.

"Good morning everyone, I will present to you the Celestial mage and the first
person who acquired it: Aminah Clexeah."

Seryosong nakatingin sakin ang mga lahat habang si Principal Logan naman ay
nakangiti sakin. Alam niya na ang gagawin ko dahil pinapunta naming siya sa guild
kahapon sa tulong nila Brianna.

"OK. Let's start." Sabi ko. Pumunta ako doon sa desk kung nasan ang laptop at
binuksan yung video.

Pinagpuyatan ko ito kaya Sana naman ay magustuhan nila ang gagawin ko.

Nag projected na yung video at unang lumabas ang Title na 'Celestial Mage'.
Pinatungan ko iyon ng kantang nakaka relax na nakuha ko sa YouTube.

Thanks sa windows live movie maker dahil nagawa ko ang master piece na 'to. Hahaha!
Anyway, lumabas na nga yung title then nawala na ang relaxing na background song at
pumalit ang isang fierce background muaic atsinundan iyon ng black and white
picture ni Nicholas.

May pictorial na naganap kahapon sa guild namin. Yung background nung picture is
color black while yung tattoo naman ang naha-highlight dahil iyon lang ang may
kulay -- wait! Hindi lang basta kulay dahil may parang gumagalaw sa loob nun.

Si Nicholas na nga ang naka post, yung lower part ng body niya ay naka harap sa
likod while ine-strech niya yung katawan niya sa harap ng camera para makita ang
gwapong mukha niya.

Shirtless siya para makita yung tattoo niya na nasa upper right side ng back niya.
Umiilaw yun because he's using his majika while taking the picture. As I said
earlier, hindi lang basta umiilaw yun dahil para may breeze ng air sa tattoo niyang
(aries).

Feeling ko nakatingin yung mga classmate kong babae ng masama sakin eh.

Sumunod na nag flash sa screen yung picture ni Hermes. Katulad ng picture ni


Nicholas, black and white din ito at shirtless din. Shy type yung picture niya
dahil yung left hand niya ay naka takip sa half left ng face siya. Ang innocent ng
dating niya sa picture.

Yung tattoo naman niyang(Taurus), umiilaw din iyon dahil ginagamit niya yung
majika niya while taking the picture. Sa right side ng v-bone niya nakalagay 'yun.

Nawala na yung picture ni Hermes at napalitan iyon nung babaeng chosen ni Gemini.
Yung gumamit -- este gumaya ng majika ni Brianna sa welcome test. Siya si Ayen ng
FAS-2 na may taglay ng mimiking.

Naka side view ni Ayen kasi nasa left side ng braso niya yung tattoo
niyang(Gemini). Black and white din, naka jeans at puting hanging blouse w/o
sleeve at hanggang puson lang iyon. Color pink yung tattoo ni Ayen.

Sumunod na nag flash sa screen si Dione. Naka shorts na maong siya, hanging blouse.
Yung pose niya, nakapatong ang right elbow na nasa left arm niya while doing the
japan japan pose. Nasa pulse niya kasi yung tattoo niyang (cancer) na itim na
itim na parang kawalan.

Sumunod na nag flash si Elizze. Naka sando lang siya at Super short shorts para
makita ang tattoo niyang (Leo) na nasa right leg niya. Umaapoy ang loob nun dahil
ginagamit niya ang majika n'ya. Ang right hand ay may fire ball while the other
hand naman nakapatong lang sa bewang. Cool~

Nawala na yung picture ni Elizze at pumalit doon si Darius. Nasa loob ng pocket ang
kamay ni Darius, simpleng pose lang pero ang hot dahil shirtless siya at yung abs,
hindi ganun ka-perfect pero mapapansin na ito. Yung tattoo naman niyang (Virgo)
na nasa right chest niya.

Sumunod na lumabas si Zaira, nakatakip ang kamay niya sa boobs niya dahil yung
tattoo niyang (Libra) ay malapit sa left breast niya at hindi iyon makikita kung
magsusuot siya ng bra. Buti at hindi kami maayadong nahirapan dahil isa siyang
model na sanay na sa ganun at liberated ang family nila. Sa section FASe-1 siya,
senior. Kulay violet ang tattoo niya, space and time.

Sumunod na lumabas ang picture ni Brena, isa siyang book geek na nasa section FAS-
2, classmate ni Ayen. Isa siyang nature manipulator at chosen by the celestial god
of nature, Scorpio (). Nahirapan akong kumbinsihin siya na magpa-picture kasama
ang tattoo niya dahil katulad ng kay Nicholas, nasa upper right side ng back niya
ang sign ni Scorpio at ayaw niyang hubadin ang blouse niya. Pero, wala siyang
nagawa dahil pinilit siya ng iba pang Element's crown. Para kasi siyang nerd --
nope! Lemme reprhase that, isa siyang totally absolutely nerd pero wag ka dahil ang
ganda niya.

And this, I hate this because hindi kumpleto ang chosen dahil ang sabi nila, wala
pa ang sagittarius () kaya kumuha nalang ako ng black and white picture ng isang
babae sa google at kinulayan ng itim ang babae. Pa-mysterious effect. Nilagay ko
ang sign ni sagittarius sa likod ng right palm na parang katulad ng kay Lucy sa
Fairytail.

Nawala na ang picture ng anonymous girl at pinalitan siya ni Dylan. Ang fierce ng
dating ni Dylan sa picture, wala siyang suot na damit. Yung left arm naman niya ay
nakalagay sa batok niya. Yung tattoo niya kasi (capricorn), nasa bicep niya
malapit sa armpit niya at nag go-glow yun ng puti.

Nawala na yung picture ni Dylan at napalitan iyon ni Brianna.

Brianna Aela Alcetis from section FAS-1. Naka Pantaloon shorts si Brianna habang
ang dalawang kamay niya ay nakalagay sa kanyang batok at ang suot naman niyang
pang-itaas ay isang kulay puting long sleeve na parang pang cow-girl dahil nakatali
yung Kalahati nun kaya kita mo ang puson niya -- pati na rin ang tattoo niyang
(aquarius) na napapalibutan ang buong bewang niya.

Nawala na ang picture ni Brianna at pumalit si Principal Logan. Shirtless siya pero
ang buo niyang katawan ay nakatalikod habang ang ulo naman ay nakarap sa camera.
Nasa batok niya kasi yung tattoo niyang (pisces) eh. Pero ang ganda ng muscle ng
likod ni Principal Logan.

"Sa lahat ng lalaking pinakita, ayan ang pinaka gwapo," sabi ni Principal kaya
nagsitawanan ang mga classmates ko.

Unti unting nag crop yung picture ni Pricipal Logan at naging pahaba nalang iyon.
Bali yung tattoo nalang at ang column nun ang tinira ko. Unti unting gumalaw yung
picture at pumunta sa right side ng screen and then unti unting nagsilabasan ang
mga crop picture na pinakita ko simula kay Brianna sumunod kay Dylan hanggang
pabalik kay Nicholas.
Nang lumabas na lahat ng picture, unti unting lumabo iyon hanggang sa naging itim
ang screen at natira nalang ang mga tattoo na nag go-glow. Nag compress iyon sa
gitna at mas naging maliit pa. Unti-unting may lumitaw na kulay puting hugis babae
sa gitna at pinapatungan siya ng signs, ngayon ang pwesto ng tattoo ay nasa may
collar bone niya.

And then, nag flash sa screen ang celestial mage.

The end.

Hinintay ko munang mag react yung mga classmate ko pero poker face silang naka
tingin sakin.

"Nakita niyo naman sa ating pinanood, sila ang mga chosen by Celestial gods. But
wait, limited lang ang alam natin tungkol sa celestial gods,"

"Dahil d'yan, ang una muna nating ita-topic ay si Aminah Clexeah."

"Everyone, sino nga ba si Aminah Clexeah?" Tanong ko pero wala man lang naglalakas
loob na magtaas ng kamay. Bagkus ay binibigyan nila ako ng masamang tingin lalo na
yung mga babae dito.

I sighed. "She was the first person who acquired the celestial magic,"

"Aminah Clexeah is a normal girl back then. Her birthday was July 23 X630, the same
day when the 12 sorcerer have gone."

"She lived her life like a normal girl. pero one day, nagbago ang kanyang buhay
noong nalaman niya na meron siyang majika katulad ng nanay niya. Wait, her mother
is one of the 12 missing sorcerer and sorceress,"

"Pa'no mo nalaman na isa ang nanay niya sa 12 missing sorcerer?" Tanong ni


Principal Logan na nakakunot ang noo.

"Dahil sa librong nakita ko sa library,"

"Owwwkeeeey," sabi nito na para bang hindi kombinsido sa sagot ko.

"Pagkatapos ipagbuntis si Aminah, bigla nalang nawala ang nanay nito at kahit sino
ay walang nakakita o nakakaalam kung saan ito nagpunta."

"After 18 years, nalaman ni Aminah na she was not an ordinary young-lady girl. She
acquired this unknown ability. May tattoo siya sa chest niya more or like sa
paligid ng collar bone at doon naka aka drawing ang celestial signs,"

"Sa umpisa, hindi niya alam gamitin ang majika niya because bago pa lang siya sa
mundo ng magics kahit na napapaligirin siya nito and wala ring makatulong sakanya
dahil ni-isang tao ay walang ka ide-ideya sakanyang ability. But, she said on the
book,"

"Nalaman niya lang gamitin ang majika niya when someone in her dreams told her how
to use it. Unknown ang 'guy' because walang binanggit sa libro kung anong ang
identity ng lalaki."

"After how many years, she mastered how to used her ability and some people admired
her."

"One day, a new war was declared by King Liam, the grandson of Sher. Hinamon niya
si Aminah Clexeah sa isang deal. Kapag nanalo ang Evion sa labanan, then she need
to surrender the Faireo sa kamay ni Liam at kapag nanalo naman ang Faireo,
titigilan ng Evion ang panggugulo."

"Aminah Agreed pero ang residente sa Faireo ay naalarma but sinigurado ni Aminah na
ligtas sila kaya naman sa loob ng dalawang buwan ay naghanda lahat ng tao sa
magaganap na tunggalian. Nag ensayo sila kung paano gumamit ng iba't ibang sandata
habang si Aminah naman ay tinulungan ang kanyang tatay na buuin ang mga iginuhit at
plano nitong sandata. Ginawa iyon ni Aminah gamit ang majika niya at ng celestial
gods. Sa loob ng dalawang buwan, nakabuo sila ng 73 na Celestial Rare items kung
tawagin. Isa na dito ang Tiara, kaya nitong mabasa ang susunod na movements ng
kalaban, a glimpes of future kumbaga. Isa rin sa mga kilalang weapons ay ang
thelete na pagmamay-ari ni Aminah. Kaya nitong mag transform into 12 differents
kind of weapon. Dalawa lang 'yan sa nagawa nila."

"After two months, Sumugod ang mga Eviano sa Faireo. Dumanak ang dugo, maraming
namatay at nawalan ng pamilya. Marami ang nabihag at ginawang alila ng Eviano pero
sa huli ay nagwagi parin sina Aminah at ang kaibigan niya. Ang mga celestial rare
items ay kinolekta ng tatay ni Aminah at itinapon sa ibang daigdig upang hindi na
makapaminsala."

"Lumikha si Aminah ng isang Tagapagpayo kung saan sila ang mangangalaga ng kaayusan
ng Faireo at ito ay ang kasalukuyang Magic council. May 8 iyong miyembro sa
kasalukuyan, ang Hari ng Fire Kingdom na ama ni Elizze Dameon, ang hari ng Air
Realm na ama ni Nicholas Napoleon, ang Reyna ng Water Convene, ang hari ng North
Earth Terrain, sa South Earth Empire naman ay ang hari nila, ang namumuno sa school
na ito na si Mr. Jones na tatay ni Hermes at ang Faireo's king and queen."

"Tahimik na nabuhay si Aminah sa loob ng gubat n'ung mamatay ang tatay nito. Walang
kasama at kahit ang kaibigan niya ay hindi alam kung na saan siya."

"Wait! Pa'no mo naman na nasabing sa isang gubat siya tumira?" Tanong ng isang
estudyante.
"Oo nga. Wala naman sa libro 'yan ah!" Dagdag pa ng isa kong classmate.

"Hmp! Nakita ko ang libro na pagmamay-ari ni Aminah at nakasulat doon ang mga iba
pang ginawa niya." Sagot ko. Hindi sila umalma kaya naman pinagpatuloy ko ang
pagpapaliwanag ko.

"Mula noon, palaisipan parin saatin ang lahat kung paano siya namatay o kung
namatay ba talaga siya dahil walang nakakaalam kung nasan na siya ngayon."

Tapos.

"That's all. Thank you." Sabi ko at kinuha yung flash drive sa laptop.

"All of you, magaling." Sabi ni principal Logan at pumunta sa harap habang ako
naman ay bumalik sa seat ko.

"Tomorrow class, We will be having a long quiz about sa mga ni-report ng classmates
niyo, be ready, ok?"

"Awwww~" my classmate said in unison. Napangiti nalang si Principal Logan. "Class


dismiss." Sabi niya at niligpit yung gamit habang yung classmates ko eh umalis na.

Lumapit ako sakanya.

"Thank you Principal." Sabi ko.

"Oh, Miss Amara! Welcome. In fairness, ang gwapo ko sa pagkaka-edit mo."

"Gwapo ka naman talaga eh, kaya nga nagustuhan ka ni Brianna." Bulong ko pero sapat
na para marinig niya. Nakita kong umis-mirk siya.

"Alam mo pala ahh."

"Yes. Sige, mauna na ako Principal. Bye!" Sabi ko at naglakad palabas. Wala ng
kaming next class kasi may meeting daw ang mga teachers so hayahay na ang buhay.

Didiretcho na ako sa bahay. Isa pa may gagawin kami ni Tita Virgie na surprise
party para kay Brianna sa birthday ko. Ibig sabihin dalawa kaming mag ce-celebrate
ng debut sa birthday ko.

Ilang minutes din ng paglalakad ko at tanaw ko na yung bahay ni Tita Virgie pero
nakakapag taka lang dahil may mga taong nagkukumpulan sa harap. Anong nangyari?
Dali Dali akong tumakbo. "Tita, anong nangyari?" Tanong ko kay Tita na nasa labas.
Sira yung pinto kaya kita yung loob ng bahay mula dito sa labas at basa ang mga
gamit at gulo gulo ang bahay.

"May mga sumugod na Eviano at may hinahanap silang celestial rare item." Celestial
rare item?

"May nakita ba sila?" Tanong ko.

"Hindi. Ewan ko. Dumating kasi si Brianna at nilabanan yung mga Eviano. Nasa magic
council sila ngayon para ipakulong ang huling Eviano."

xxxxxxxxxxxxxxxx

=================

CHAPTER 15

Chapter 15

xxxxxxxxxxxxxxxx

AMARA'S POV

"Tita, may celestial items po ba kayong tinatago dito?" Tanong ko habang inaayod
ang nagulong gamit dito sa loob. Ayos na yung pinto kaya hindi na kita yung buong
bahay at nag sialisan na din yung mga chismosang kapit bahay.

"Wala eh, kaya nga nagtataka ako kung bakit dito nila hinahanap." Sagot niya.

"Baka si Brianna?" Tanong ko.

"Wala yun. Alam ko lahat ng sikretong meron siya."

"Baka ikaw?" Bigla akong napatigil sa paglalampaso ng sahig ng sabihin iyon ni Tita
Virgie. Bakit sakin bumalik yung tanong ko?

"Walang naman akong ibang dala bukod sa sarili ko't sa jewelry box."

"Jewelry box?" Takang tanong n'ya. "Yup! Jewelry box. Sabi ni Tyang kuhanin ko daw
yun bago siya mamatay." Nasasabi ko na yun ng hindi nasasaktan. I think I'd moved
on.
"Nakita mo na ba kung ano ang laman n'un?" Tanong ulit ni Tita. Oo nga no! Simula
ng makuha ko 'ton, hindi ko pa natitignan ang laman noon.

"Hindi pa nga eh." Sagot ko. Nag bend yung leeg ni Tita'ng nakatingin sakin at
kumunot pa ang noo niya niya't naningkit ang mata.

"Gusto kong matignan yung jewelry box. Ok lang ba?" Tanong ulit niya.

"Actually gusto ko din yan. Tara Tita, tignan natin." Sabi ko at isinandal ko ang
mop na hawak ko.

Pumunta ako doon sa kwarto ni Brianna. Kinuha ko yung jewelry box na nakalagay doon
sa tukador.

Isa siyang simpleng kahoy na box. Walang kahit anong keke-bureche na naka design sa
o. Umupo sa tabi ko si Tita at tinuro yung jewelry box. "Ayan na ba yun?" Tanong
ko.

"Yup!" Sagot ko. Nang i-angat ko ang pang sarado, may lumabas na gold na liwanag.
Nagkatinginan kami ni Tita na nagtataka. Sigurado akong hindi basta jewelry ang
laman ng box na ito.

Agad kong binuksan yung box at lumabas ang makintab na kulay gintong liwanag.

Unti unting nawala ang liwanag at nakita ko ang isang tube na gold. I don't know
how to explain what it looks like pero para siyang isang manibela ng motor na medyo
pinahaba and it looks like more stunning because of its color and of course, may
mga designs ito. Parang sa wooden chair na may nakaukit. Ganun!

Pero, may mga signs na naka kuha ng atensyon ko, sa dulo ng object na ito ay may
naka ukit na signs. Signs ng horoscope. I know what object this is pero pano ito
napunta kay Tyang? How come? Arg!

"I know it..." Sabi ni Tita na nakatingin parin sa object. "Yes. This is the
Thelete, a weapon used by the celestial mage." Sabi ko kaya napatingin sakin ni
Tita.

"How come na napunta sa'yo yan?"

"I don't know. Hindi ko alam kung pa'no ito nakuha ni Tyang." Sagot ko. Maski ako
naguguluhan. Alam ko lang, ayaw ipagalaw sakin ni Tyang ang box na ito n'ung bata
pa ako kahit na nung teenage years ko kaya nga nagtaka ako nung bago siya mamatay
eh pinakuha niya sakin ang bagay na 'to.

Kinuha ko yung Thelete. Napakaganda! Hindi ko akalaing si Aminah Clexeah ang


gumamit nito, ang unang celestial mage at ang nakasulat sa history book na si
Aminah.

"Patingin ako," sabi ni Tita't nilahad niya ang kamay niya. Inabot ko iyon sakanya
pero bigla niyang binato at winagayway ang kamay nito sa ere. "Ang init! Ouccch!"
Sigaw nito. Eh? Mainit?

Pinulot ko yung Thelete na nasa harap ko ngayon at wala naman akong naramdamang
init.

"Tita? Hindi naman mainit oh," sabi ko sakanya at pinakita kong hawak hawak ko ang
thelete. "Try mo ulit." Sabi ko sakanya pero umiling iling siya.

"Ayoko," Sabi niya habang naka kunot ang noo. "Sige, maghahanda na ako ng makakain
natin isa pa't parating na si Brianna." Sabi nito ay lumabas sa kwarto habang
kinakamot-kamot yung palad niya. Binibiro nanaman ako ni Tita eh. Hmp!

Muli akong napatingin sa thelete na hawak ko.

"Aminah Clexeah..."

Kailangan kong mag research para malaman ang kasagutan.

xxx

Nandito ako sa kwarto ngayon ni Brianna habang tinitignan yung mysterious book na
nakuha ko sa library. Si Aminah Celxeah ang author ng libro na 'to at lahat ng
celestial rare items ay nakalagay dito.

Lahat lahat. 1 to 73 items ay nakalagay, mga details at kung paano gamitin.

Madami akong nakitang celestial rare items, isa dito ang glock-24 dual handgun.

Luma na ang papel kaya brown na ito habang ang ink naman ay nakakapit ng maigi sa
papel kaya hindi halatang kupas ito.

Yung glock-24 ay may designs sa grip na parang katulad sa Thelete 'KO' ngayon.

Ayon sa detail na nakasulat, ang bala nito ay infinite ice at ang tanging
kikilalanin lang nitong nagmamay-ari sakanya ang makakagamit nito. Pag pinindot
niya ang trigger ng glock-24, lalabas ang bala kaya dapat laging naka lock para
safety.

Ang cool!
Tinignan ko naman ang sumunod, flute na may Chinese character na naka sulat.

Ayon sa details nito, it can manipulate the natures by playing it. Ang tanging
makakagamit lang nito ay ang taong pinili mismo ng items.

Madami pa akong nakitang kakaiba pero hinanap ko na ang Thelete. Nasa dulo iyon.

Ayon sa detail, it can change in to twelve different weapons of twelve celestial


gods. Kada weapon ay may attribute na nire-represent. Leo, fire bow and arrow.
Aquarius, water whip. Virgo, a trigent made of lava. Aries, god of wind is his
Wings.

Marami pang iba at bawat isang weapon ay may kanya kanyang kakayahan. For example,
Aquarius' whip that you can hold even if it is liquid.

Marami pang iba at mga technique pero ayun lang ang kaya kong-describe dahil
sumigaw na si Tita Virgie.

"Yow Amara! Kakain na!"

"Coming!" Nilapag ko yung libro sa study table pati na din yung Thelete.

"Kumusta na yung kamay mo 'Ta?" Tanong ko. pinakita niya yun at namumula pa ito.
"Seriously, Napaso ka talaga?"

"Yup! And it was so hot! Para akong humawak ng napakainit na kawali."

"Sorry."

"It's ok girl. Ang ipinagtataka ko lang ay kung paanong ako lang yung napaso? Bat
ikaw hindi? Ang unfair," Nanlaki yung mata ko sa sinabi ni Tita. "I'm just kidding
ya' know. Hahaha!" Napabuntong hininga ako.

"I'm just curious kung bakit hindi ako napaso."

Kumuha ako ng kanin at pritong galunggong na may sinigang. Yiie! Ang sarap!

"Naku, wala din akong alam sa celestial rare na 'yan. Unang beses palang akong
nakakita ng celestial items." Hay! Ako din e. First time at hindi ko inaasahan na
kay Tyang pa talaga manggagaling.

"Hey watssup!" Napatingin kami sa babaeng kakapasok palang. "Yes! GG! My all time
favorite!" Sabi nito at Dali daling umupo sa harap ko.

Akmang kukuhanin ni Brianna yung isang isda ng bigla siyang paluin ni Tita sa
kamay. "Hooy! A--aray!" Sigaw niya at inihipan yung kamay na napaso.

"Anong nangyari? Ikaw pa nasaktan?" Kunot noong tanong ni Brianna.

"Napaso kasi siya nung hawakan niya yung Thelete."

"Thelete?" Napatingin sakin si Brianna'ng naniningkit ang mata.

"Oo. Yung celestial rare item."

"S-so, totoong may celestial item dito?" Gulat na tanong niya.

"Oo. Sorry, hindi ko alam na merong celestial item dito. May sumugod tuloy na
Eviano."

"Talaga?! Pwede ko bang makita?"

"Hmm. Nasa kwarto," Dali Dali siyang tumakbo papunta ng kwarto. Hays.

Kinuha ko yung baso at iinom sana ako ng tubig ng biglang sumigaw si Brianna.
Nagkatinginan kami ni Tita Virgie at bigla nalang kaming napatakbo papunta sa
kwarto.

"Anong nangyari?" Tanong ni Tita Virgie. Nakita nalang naming si Brianna na naka
upon sa lapag habang hawak hawak ang kamay.

"Ang init!" Sigaw ni Brianna na hinihipan yung kamay niya. "Nakalimutan kong isang
tao lang pala ang pwedeng humawak sa isang celestial item."

Naglakad ako papunta sa study table at kinuha ko yung Thelete ng hindi man lang
napapaso. "Look." Sabi ko at pinakita ko sakanilang hindi man lang ako naiinitan o
napapaso man lang.

"Edi wow. Hahaha! That item choose you," sabi ni Brianna. "choose me?"

"Yup! Ikaw ang pinili niya upang gumamit sakanya."

"Panong pinili?"
Tumayo siya mula sa lapag. "Ang celestial item ay parang pet, isang amo lang ang
sinusunod at kapag may Ibang tao ang humawak sakanya, kakagatin niya ito o
sasaktan." Wooah! Ang galing!

"So, ibig sabihin ako ang pinili n'ya?"

"I think so. Tanging ikaw lang ang hindi napapaso eh."

"Cool~" Tinignan ko yung item na hawak ko. You're mine now and I'll make sure na
iingatan kita.

"So, pwede na ba natin ituloy ang pagkain?" Sabi ni Tita Virgie. Nagsitawan nalang
kami dahil doon.

And that's it.

xxx

Katatapos lang naming kumain. Nandito ako ngayon sa kwarto ni Brianna para pag-
aralan muli ang celestial item na meron ako which is yung Thelete.

Hindi ko alam kung pano nagkaroon n'un si Tyang o kung pano man napunta 'to
sakanya. May connection kaya siya dito sa Faireo? Hindi kaya dito siya nakatira
dati at lumipat lang sa Earth kagaya ng nababasa ko sa fairy tale na libro?

Oh my Gosh!

Tinignan ko yung libro at binasa ko yung mga details ng bawat weapon ng thelete.

Concentrate... Energy... Flow it...

Well, tinatamad na ako. Maybe next time ko nalang aralin 'yan at magpapatulong
nalang ako kina Brianna kung pano gamitin ito.

Nilipat lipat ko nalang sa ibang page yung librong ito para tumingin tingin ng
ibang celestial items.

A long coat that whenever you wear it, you'll be invisible. Hmm! Bagay na bagay
itong item na 'to para sa perverted guys and gals. Hmp!

Nilipat ko ulit sa ibang page then lumabas ang picture na hindi ko inaasahan.

A necklace. Necklace that I gave to Brianna. That necklace, I didn't know that it
was an item made by Aminah Celexeah. A celestial rare item.

B-but why it didn't burned me when I touched it? Oh gosh!

Binasa ko yung details. It says that whoever own the necklace, it allows him/her to
cast a sorcerer's spell which a spell caster cannot chant.

Aquarius' caster ang pangalan ng necklace.

I should say this to Brianna.

xxxxxxxxxxxxxxxx

=================

CHAPTER 16

Chapter 16

xxxxxxxxxxxxxxxx

June 20 X792 - Saturday

Nandito kami ngayon ng co-members ko sa guild namin. Lunch break kasi at dito kami
nakain ng lunch.

"Woah! First time ko lang makakita ng Celestial Rare item," banggit ni Elizze
habang tinititigan yung Thelete dahil napaso na siya kanina nito even if she has
the ability of fire.

"Cool~" Banggit din ni Nicholas na nakatuwad habang tinitignan din yung thelete.
Hays! Lahat sila ay nakatuwad habang tinitignan iyon except samin ni Hermes,
Brianna at Darius.

"I thought na legends lang ang celestial rare items but wow! Look what we got here.
An item used by the one and only Celestial mage, Aminah Clexeah." Sabi ni Dylan.

"San mo nakuha 'yan?" Tanong ni Hermes

"A-ano.."

"Sa jewelry box ng Tyang niya," sagot ni Brianna. Hindi na muling nagtanong si
Hermes at tinitigan nalang niya ang Thelete na para bang may na iniisip.

"Na try mo na bang gamitin 'yan?" Tanong ni Darius habang kinakain yung sandwich.

"I tried but it didn't work. Hindi ko alam kung bakit pero sinunod ko naman ang
lahat ng directions kung pa'no gamitin iyon."

"Gusto mong turuan kita?" -Darius

"Sorry to say pero ako na ang nagtuturo sakanya." Sabi ni Brianna.

"Sayang naman,"

Hindi pa tapos kumain si Hermes ng tumayo siya't umalis.

"Anong nangyari d'un?" Tanong ni Elizze na umupo sa kinauupuan kanina ni Hermes.

"Hindi din namin alam." Sagot ni Darius.

"Malapit ng mag bell. Pupunta na ako sa room namin. Bye!" Sigaw ni Dione at kinuha
ang bag niya na nasa sofa.

"Hey! Sabay na ako!" Sigaw ni Dylan at Dali Dali ding tumakbo palabas.

"Sa tingin ko mauuna na rin ako. Sige, bye!" Sabi naman ni Darius at lumabas na.

"Ikaw?" Tanong ni Brianna kay Nicholas.

"Mamaya na beside mangongopya pa ako kay Elizze ng assignments namin," Sabi ni


Nicholas at tinabihan si Elizze. "Right Elizze?"

"Assignments..." Wala sa sariling sabi ni Elizze.

"Yup! Assignments. Pahiram na ng notebook mo."

"Nakalimutan kong gumawa!! Yari!" Agad na tumakbo si Elizze dala ang bag niya
palabas.

"Hoyy! Hintayin mo ako!!" Sigaw ni Nicholas at hinabol si Elizze.

"Tsk!" Sabi ni Brianna habang nailing iling.


"Ikaw Amara, baka may assignment ka pa?" Tanong ni Brianna sakin.

"Tinapos ko na kahapon. Anyway, gusto kitang kausapin ng seryoso." Kumunot ang noo
ni Brianna't naningkit ang mata nito habang nakatingin sakin.

"Kinakabahan naman ako sa 'seryoso' na yan," nginitian ko siya. "Anyway, about saan
ba 'yan?" Tanong nito. Imbis na sagutin ko siya, nilabas ko yung libro and I turned
it to page where you'll see the Aquarius' caster.

Inabot ko sakanya yung libro. Yung mukha niyang curious kanina, napalitan ng gulat
at shock. Napansin kong napahawak siya sa necklace n'ya.

"Whoever owns aquarius' necklace, it allows him/her to use a sorcerer's spell that
cannot be done by an ordinary spell caster magicians," Binasa ni Brianna yung
details about sa Aquarius' caster. "So, after all this is a celestial item?"

"Yes,"

"Kyaah! Ang galing! Let's go. Pumunta tayo sa library at maghanap ng magaganda at
kakaibang spells!" Sigaw ni Brianna at hinila niya ako.

xxx

June 22 X792 - Monday

Nagising ako dahil sa sobrang Kati ng katawan ko. Huling nangati 'to nung nakita ko
sina Brianna at Trey sa may Bayan sa lugar namin. Isang buwan na din pala akong nag
stay dito. Ang bilis ng araw no.

"Amara, gising na," Sabi ni Brianna kaya Dali Dali akong bumangon. Arg! Napaka Kati
hindi kagaya ng dati na nakakalimutan ko palang nangangati ang katawan ko. "Oh
gosh! Tignan mo yang dibdib mo?" Sigaw ni Brianna at agad na tumakbo palapit sakin
at hinipo ang noo ko.

"Walang ka namang lagnat tsaka oh Gosh! Bakit parang may pasa? Masakit ba?"
Pinindot niya yung dibdib ko pero walang naman akong naramdamang kakaibang sakit
bukod sa madiin na pagpindot niya.

"Wala naman. Makati lang talaga."

"Wag ka na kayang pumasok? Ipapaalam nalang kita sa teacher mo?"

"Thanks but no thanks. May activity tayong gagawin at may extra credit yun. Sayang
ang incentive cash kung hindi ako magpa-participate. Tsaka wag kang mag-alala
Brianna, kaya ko 'to. Para lang akong kinagat ng 100 -- nope, 1000 na langgam."
Sabi ko sabay ngiti.

"Sigurado ka?"

"Oo naman beside every month nang ganito 'to."

"Sige. Sabihin mo sakin kapag may iba nang nararamdaman bruha ka ah!"

"Oo, oo na! Lumayas ka na't maliligo pa ako." Nginitian niya ako at lumabas na sa
kwarto niya. Ang lakas kong palayasin yung may-ari ng kwartong ito. Hahaha!

Tumayo na ako't naligo. Habang naghihilod ako, napatingin ako sa salamin. Mas
lumawak pa ang pasa at pamumula ng dibdib ko. Ano bang klaseng sakit na meron ako
at nagkakaganito ang katawan ko? Grr!

Hindi ko na inintindi ang pasa at pangangati, sa halip ay tinapos ko na ang pagligo


ko beside kailangan naming makadating dun at exactly 8 o'clock dahil kung hindi,
hindi kami makakasali sa activity.

Sinuot ko ang uniform ko, ang mahabang medyas at sapatos. Nilagay ko naman sa upper
left leg ko yung thelete. Ginawaan kasing ako ni Tita Virgie ng matibay na belt-
like kung saan pwede kong iipit yung thelete.

Kahapon, nagamit ko na yung thelete. Yup! Buong araw kaming nag practice ni Brianna
at nagawa ko nang ipalabas ang water whip. Yun palang ang kaya ko pero ang sabi ni
Brianna, madali nalang daw yun since nagawa ko na.

"Amara! 7:30 na!" Sigaw ni Brianna kaya Dali Dali akong lumabas ng kwarto.

"Kumusta na ang pangangati?" Tanong ni Tita Virgie.

"Kaya ko naman siyang tiisin." Umupo ako sa tabi ni Brianna at kumuha ng Bacon at
fried rice.

"Ma,may pasa siya. Wag mo ng papasukin," sabi ni Brianna kaya tinignan ko siya ng
masama. "Oo nga. Wag ka na kayang pumasok?"

"Hindi pwede. Sayang yung extra credits sa activity na gagawin naming mamaya.
Idadagdag yun para sa incentive cash na makukuha namin next month."

"Pero, sigurado ka bang kaya mo?"


"Opo naman. Mas hindi ko kaya kung mag i-stay lang ako sa kwarto dahil mapapansin
at mapapansin ko ang pangangati ng katawan ko,"

"Ok. Tara na," sabi ni Brianna at tumayo. H-hindi pa nga ako tapos eh! "Sandali
lang!" Sigaw ko at mabilis na kinain yung pagkain ko.

"Bye Tita!" Sigaw ko't mabilis na tumakbo palabas para sundan si Brianna.

xxxxxxxxxxxxxxxx

Kadadating lang namin dito sa field, sa likod ng mga buildings. Dito gaganapin
first activity namin.

Lahat ng freshmen ay nandito na. By years kasi yung pagdaraos kaya this year,
laging freshmen and una.

"Good morning students," bati ni Professor Minchi. Teacher ng Martial art and
tactics and strategies. Nasa mid 30's siya at masasabi kong Hindi halata sa edad
niya dahil ang sexy niya at wala pang wrinkles.

Nandito kami sa gitna ng field habang si Professor Minchi naman ay nandoon sa


malayong grand stand. Para lang silang maliit na langgam kung kaya't may floating
vision screens and palutang lutang sa harapan namin.

Nakikita ko sina Elizze, Brianna at ang iba pang Element's crown dahil nasa likod
lang sila ni Professor Minchi.

"This day, June 22 will be our first activity. We will call this activity as
Stealing points."

*Kamot *Kamot

Arggh! And Kati ng dibdib ko. Feeling ko isang libong langgam at isang daang lamok
any kumagat dito.

"Stealing points. Sa tawag palang alam na alam niyo na ang gagawin,"

"Go Amara!" Narinig kong sigaw ni Elizze sa likod ni Prof. Gosh, nakakahiya!
Nakatingin sakin yung ibang freshmen. Kilalng kilala na nila ako.

"Ito and mechanics ng game,"

*kamot *kamot
"Ang bawat students ay magdadala ng 5 points. Kapag nakapatay ka ng isang student,
mapupunta sayo and points ng kalaban mo," nakapatay? Papatay ng kapwa studyante?
Gosh!

"Alam ko ang iniisip niyo. Hindi niyo syempre papatayin ang kapwa niyo. I mean is
uubusin niyo yung life span na ibibigay namin,"

"Binalutan namin ng virtual reality ang buong field kaya totoo parin ang sugat na
makukuha ninyo pero hindi kayo mamamatay dahil sa oras na naubos ang life span na
ibibigay namin, mag ta-transport kayo mismo sa clinic."

"So, As I said earlier, bawat isa sainyo ay may 5 points na nakapatong sa ulo pero
hindi lang iyon. Maglalagay din kami ng 50 monsters. Nahahati iyon sa 4 level,"

*kamot

"Level D - may twenty monster that holds 3 points. Meron din namang 20 monster na
Level C na nagdadala ng five points. Ang Level B naman ay may 9 monsters sa game na
nagdadala ng 10 points at ang level A na monster na nag-iisa lang na may patong sa
ulo na 50 points."

"Wag niyong mamaliitin ang kakayahan ng monster na 'yan dahil ang level C ay kasing
lakas ng isang class S mage. Habang ang Level A naman ay kasing lakas ng isang
Class S+ mage."

Woaah! Sobrang lakas!

"Bawat points ay may katumbas na grade. Ang equivalent ng 15 points is 1 point sa


final grade kaya malaking dagdag ito sa allowance ninyo."

Biglang natuwa yung mga kasama ko dito. Miski ako natuwa din ehh lalo na't nung
nalaman kong iba pala ang equivalent ng Bifon (Pera ng Academy) sa Reefa (Pera sa
Faireo). Para yang Dollar vs PhP. Ang Bifon is greater than Reefa. 50Reefa is equal
to 1Bifon. Malaking tulong Iyon para sa mga kapus palad na nag-aaral sa Forbidden
Academy kaya ganun nalang ang saya ng mga estudyante.

Parang OFW tuloy yung mga estudyante dito lalo na pag may mission na ibinibigay
sakanila. Ang ibinabayad ay Bifon kaya sigurado akong mayayaman na ang mga class S
guilds dahil sakanila binibigay yung mga mission.

"So, let's start." Nawala na yung floating screen at unti unti nang nagbago yung
paligid. Nawala din yung mga kasama ko at ako ngayo'y nagiisa nalang.

Kyaah! Na-nasa isang forest nanaman ako! Mamaya magkaroon nanaman ng orge at mga
hobgoblins na yun. Ayoko na n'un kyaaaah!
xxxxxxxxxxxxxxxx

Trivia:

How to pronounce Hermes?

(Air-mez)

=================

CHAPTER 17

Chapter 17

xxxxxxxxxxxxxxxx

*kamot kamot while walking* hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala akong
nakikita ni isang estudyanteng napapadaan dito sa mapunong lugar kung nasaan ako.

*kamot kamot*

Napahinto ako ng may marinig akong kaluskos sa di kalayuan. Hindi ko alam kung ano
yun pero may nararamdaman akong hindi maganda.

Hindi ko muna pinansin iyon at nag patuloy lang ako sa paglalakad ng may narinig na
naman akong kaluskos.

Huminga ako ng malalim. Hindi ko alam kung isa itong monster o isa lang sa mga
estudyante na ako ang pinupuntirya.

Mabilis sa akong tatakbo pero biglang may nag appear na isang halos harap ko. Para
siyang stainless dahil sa balat nito.

May nakatatak sa left side ng dibdib nito na letter D. I think isa siyang level D
na monster. Isang malaking uri ng hellbound ang isang ito.

"Graaawwr," naging alerto ako ng bigla siyang umungol. Patay! Kakayanin ko kaya
itong isang 'to?

Napahawak ako sa Thelete.


Mabilis akong tumakbo papalayo sa hellbound na 'to pero hinahabol niya ako.

Agad kong kinuha yung thelete at inipon ko ang lakas at energy ko papunta sa left
hand ko kung saan hawak hawak ko ang item.

I think about a water coming out from the thelete and yeah, it's working.

Sapat na ang haba ng water kaya naman humarap ako sa hellbound at hinampas ko iyon
sakanya. Tumalsik siya at tumama siya sa trunk ng isang puno.

May lumabas na life bar sa uluhan niya at color yellow na iyon. Kalahati nalang ang
buhay niya.

"Graaaawr," ungol nito at mabilis na tumakbo papalapit sakin.

Hinanda ko ang sarili ko. Malapit na siya kaya naman inatake ko siya at pinuulupot
ko sa leeg niya ang water whip at kahit mabigat, hinila ko siya palapit sakin then
I kicked his face. Tatama Sana siya sa puno kaso nabasag ang katawan niya't nawala.

May nag appear sa harap kong +3 points. Yeah! Twelve nalang at may +1 na ako sa
grade. Hihihi! I'll aim for +30 points so that may plus two ako sa grade at may
makuha akong malaking incentive cash.

Palakad lakad lang ang tema ko ngayon. saan ba nagsisisuot yung mga ibang
studyante? Haays!

Palakad lakad parin ako ng may makita akong open space sa 'di kalayuan. Para siyang
bukid na cut ang damo. Tatakbo Sana ako ng biglang may sumulpot na isang halimaw.
Again ang again.

Kagaya siya nung kanina isang hellbound pero kulay asul ang kulay niya at may naka
tatak sa dibdib niyang C so i think level C siya.

Shemay! Level C monster so Ibig sabihin kasing lakas ito nila Brianna. Gosh!

"Grrrawr,"

Mabilis akong tumakbo papalayo sakanya pero sa tingin ko isang talon niya lang ay
napunta siya sa harapan ko kaya napahinto ako sa pagtakbo.

Nilabas ko ulit yung tubig sa thelete. But, yung hellbound sa harap ko ay naka
nganga at parang may namumuong ilaw doon.

Palaki iyon ng palaki hanggang sa bumulusok iyon papunta sakin. Isa nalang atake
iyon!

Mabilis akong tumalon para ilagan yung tira.

"Aray ko!" Sigaw ko dahil ang pangit nang pagkakabagsak ko. Napatingin ako sa
hellbound at gumagawa nanaman siya ng laser para atakihin ako.

Pilit akong tumayo nang bigla nanaman siyang umatake. Tumalon ako sa kabilang side
para ilagan yung atake niya pero nadaplisan ako nito right arm ko.

"Arrg," ungol ko. Lumabas yung life bar ko, 1/4 ang nabawas.

Nakalambitin na ang kanang kamay ko na para bang lantang gulay.

Nakanganga nanaman yung hellbound at akmang aatakihin ako ng laser pero agad kong
tinira sakanya yung whip at natmaan siya sa mukha kaya sa ibang direksyon niya
naitama yung laser na para dapat sakin.

"Grrawr!" Tumakbo siya papalapit sakin. Mabilis ang galaw ng halimaw na ito kaya sa
isang iglap lang ay nasa harap ko na siya. Nakabukas ang bibig at kakainin ako pero
biglang may sumulpot na isang babae sa harap ko at sinipa niyo ito sa mukha.

Kilala ko siya, Si Ressy.

Pinapanood ko kung pa'no siya makipaglaban.

Titirahin na ng laser nung hellbound si Ressy pero tumalon siya ng mataas kaya
nailagan niya ito. Biglang nagbago yung hugis ng kamay niya at naging isang
malaking hammer. Ipinukpok niya iyon sa ulo ng hellbound na merong laser sa
bunganga na pumutok sa lapag dahil sa ginawa ni Ressy.

Nawala na yung malaking kamay ni Ressy at pumalit ang paa niya na biglang lumaki at
sinipa yung hellbound. Tumalsik iyon sa isang puno at unti unting nawala.

Nagkaroon siya ng five points.

"Th-thanks." Sabi ko at napaupo dahil sa pagod.

"Matagal ko ng gustong gawin ito e," sabi ni Ressy na naglalakad palapit sakin.

"Huh?" Kunot noong tanong ko. Biglang nagbago yung hugis ng kamay niya at naging
isang matalim na espada iyon.
"Gusto kitang patayin!" Sigaw nito at mabilis na tumakbo palapit sakin.

"A-anong kasalanang ginawa ko sa'yo?!" Tumayo ako para ilagan siya pero...

"Arrgh!" Napakasakit! Nadaplisan niya ang kanang braso ko.

Hindi siya sinagot ang tanong ko Bagkus ay hiniwa niya naman ang kaliwang braso ko.
Ano bang ginawa ko sakanya -- sakanila?

Mabilis akong tumakbo kahit na puro sugat na ang natamo ko.

Napatigil ako ng mapansin kong nandito na ako sa free-space.

Nanlaki bigla ang mata ko ng may bumulong sakin. "Damn you," Ramdam na ramdam ko
ang hangin na lumalabas sa kanyang bibig. Ibang iba din ang kabang nararamdaman ko.
Hindi ko maipaliwanag. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong sobrang takot.

Ilang sandali lang ay nakaramdam ako ng sakit. Sakit sa pagsaksak niya sakin.

Napatingin ako sa tyan ko. Yung kamay niyang hugis espada na ngayo'y nakabaon sa
akong kalamnan. Sobrang sakit.

Mas sumakit ito ng bigla niyang hilahin. "ARRRGHHH!"

Biglang bumagsak ang katawan ko. Napaluhod ako dahil nanghihina ako at sa sobrang
sakit na nararamdaman ko.

Pilit kong tinaas yung ulo ko upang tignan yung life bar ko. Pula na ang kulay noon
at kaunti na lang ay mawawala na.

Napadako ang tingin ko kay Ressy na nasa harap ko na. Bakit niya 'to ginawa saakin?
A-alam kong activity lang ito pero bakit feeling ko personal na 'to? Bakit parang
may pinanghuhugutan siya?

"Die!" Sigaw niya. Sasaksakin na Sana niya ako ng bigla akong makarinig ng malakas
na ungol.

Napatingin ako kay Ressy na ngayon ay nakikipag Laban sa isang malaking halimaw na
nasa harap ko. Hindi ko makita kung anong level na iyon dahil blurred na ang
paningin ko.

"Arrgggg! Damn you Level A!!" Unti unting nawala yung Boses hanggang sa may marinig
akong nabasag. Familiar iyon sakin.
Pilit kong tinignan yung level A na monster. Alam kong susugod siya sakin kaya
hinanda ko na ang sarili ko.

Malapit na siya sakin. Feeling ko, feeling ko totoo ang lahat ng ito kahit na,
kahit na virtual-reality lang ito.

"Help.."

Nasa harap ko na siya at akmang ipipikit ko na ang mata ko ng biglang may sumulpot
at sinipa sa ulo yung halimaw.

Hindi ko na kinaya. Bigla nalang akong napahiga and then everything went black.

xxxxxxxxxxxxxxxx

=================

CHAPTER 18

Chapter 18

xxxxxxxxxxxxxxxx

THIRD PERSON'S POV

"Mahal kong reyna, yakap yakap mo nanaman yang damit ng ating anak?" Tanong ng
asawa nito na kakapasok lamang sa kanilang silid.

"Na mi-miss ko na sila Aurie. Gusto ko na silang makita." Tugon ng asawa nito na
nagingilid na ang luha sa mata at basag na ang boses.

"Ilang taon na natin silang hinanap pero ni isang impormasyon ay walang tayong
nakalap." Tinabihan ni Aurie ang kanyang asawa at hinagod hagod nito ang likod para
pagaanin ang pakiramdam.

"Sumusuko ka na ba sa mga anak natin, Aurie?"

"Hindi naman sa ganun Aqui. Dapat maging malakas tayo't maging matatag. 'Wag din
naging ikulong ang sarili natin sa nakaraan."

Napatungosio Aqui at hindi na kinayanan ang sobrang lungkot kaya bumagsak na lang
ang mga luha nito.
"Pero, pero sa susunod na buwan ay 18 taong gulang na sila. Nag-aalala ako,
nababaliw sa kakaisip kung ano ang naging kalagayan nila. Kung ayos lang ba o --"

"Shhh! Shhh! Tahan na. Tahan na," niyakap ni Aurie ng mahigpit ang kanyang asawa.
Naaawa siya dito dahil sa paghihirap na dinaranas ng kanyang mahal.

"Pero, gu-gusto kong masilayan muli ang ating anak." Sabi ng Babae na halos hindi
na maintindihan.

"Shhh! Tahan na, tahan na. Sige! This is the last time. Lihim lang 'to kaya isang
magaling at mapapagkatiwalaang tao ang kukuhanin ko. Hindi natin alam ang pwedeng
magyari kung totoo ngang buhay pa ang ating anak."

Kumawala si Aqui sa pagkakayakap sakanya at tinitigan nito ang mata ng asawa.


"Salamat, Aurie." Halos magningning ang mata ni Aqui dahil sa galak at
pagpapasalamat niya sa asawa.

xxxxxxxxxxxxxxxx

AMARA'S POV

*kurap *kurap

"Argggh," napahawak ako sa ulo ko dahil sa sobrang sakit nito. "Na-nasan ako?"
Tanong ko sa sarili ko. Alam kong wala ako sa kwarto ni Brianna dahil kulay puti
ang ceiling.

"Welcome back Amara." Napatingin ako sa kakapasok palang na babae, siya yung nurse
nung nakaraan. Ang ganda niya at halatang bata.

"Hehehe..." Nahihiya ako. Yii!

"Ano pong nangyari sakin?"

"Yung activity niyo. Nahimatay ka doon at nag teleport ka dito sa room na 'to. Ang
dami mo ngang natamong mga sugat." Oo! Naaalala ko na pati yung mga sinabi ni
Ressy. Bakit kaya malaking ang galit niya sakin? Wala naman akong ginagawa sakanya.

Tsaka yung taong tumulong sakin, sino siya? Hindi ko na suya masyadong naaninag
dahil blurred na ang paningin ko.

"Kumusta na ang mga sugat mo?" Pag-iiba ni Nurse.


"Ok na po. Feeling ko hindi nga ako dumaan sa patayan eh, hahaha!"

"Maaasahan talaga si Sheena." Bulong nito.

"Sinong Sheena?"

"Ahh, yung kakambal ko. Isang healer mage. May ginawa siyang candy na pwedeng
magpagaling sa mga wounds at gumagana talaga iyon."

"Woow! May kakambal ka pala? Ano kaya feeling ng may kakambal?" Curious ako.

"Nakakainis pero madalas masaya. Hahaha!"

"Eh ikaw nurse? Anong majika mo?" Nabigla yata siya sa tanong ko. "Ahhh... Hehehe!
Wala akong majika. Isa lang akong normal citizen ng Faireo."

"So-sorry,"

"Ok lang yun! Hindi naman big deal sakin yun isa pa nakakatulong naman ako kahit
wala akong majika." Napangiti ako sa sinabi niya.

"Nurse,"

"Yes?"

"Isang tanong nalang,"

"Ano yun?"

"What's your name?" Hindi ko pa alam ang pangalan niya pero feeling close na agad
ako.

"My name is Sheela. Nice to meet you Amara." Sabi nito at tinap ang ulo ko.

"So, I'll go ahead. Marami pa akong patience na napuruhan dahil sa activity."

"Bye nurse Sheela!" Tuluyan na siyang lumabas at ako nalang ang naiwan ditong mag-
isa.

Ano kayang nangyari sa activity ko kanina? Naku! Naiinis na ako d'yan sa Ressy na
'yan. Wala naman siyang dahilan para magalit siya sakin.
Hmp!

xxxxxxxxxxxxxxxx

HERMES' POV

Who the hell she is? It was like a puzzle to me that I need to figure out. Matagal
nang palaisipan sakin ang pagkatao niya. I know that face. Fvck! I saw it before
but when and where?

"Grabe! Humanda sakin yung babae na 'yun! Kapag nakasalubong ko siya, susunugin ko
buhok niya!" Inis na sabi ni Elizze while her both hands are flaming.

"Calm down Elizze," -Nicholas.

"And why should I calm down huh Mister Napoleon? She bullied our friend, she
bullied Amara!" Napailing na lang ako dahil sa pinaggagawa ni Elizze.

"Louie, pinapatawag ka ni Liroff." Napatingin kaming lahat kay Kristine kasama yung
mga kaibigan niya.

Ano nanaman ang kailangan ng matandang iyon sakin?

Tumayo ako sa kinakaupuan ko ng hindi man lang sinasagot si Kristine. "Pero


magsisimula na yung activity para sa Sophomore!" Sigaw ni Dylan.

"It's ok. I'll be back on time." Sabi ko at naglakad na papunta sa office ng Tatay
ko.

xxx

Nasa harap ako ngayon ng pinto ng office ni Liroff. Imbis na kumatok, dire-diretcho
akong pumasok.

"Anong kailangan mo sakin?" I said in a cold tone. Nakaupo siya sa swivel chair
niya habang hawak hawak ang wine glass.

Nakakatakot ang mga ngiting ipinupukol niya sakin.

Imbis na magsalita, may inusog siyang papel na nakapatong sa desk.


"What's that?" Lumapit ako at kinuha ko iyon. Isang request na may 1,000000 Bifon
na pabuya. Ang laki nito.

"Request from the King and Queen."

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Totoo?

"Find my long lost children." Ayan ang nakalagay sa papel.

"Sa loob ng isang buwan. Kailangan mong mahanap ang nawawala niyang kambal na
anak."

"One month?"

"Yup! Gawin mo ang lahat ng makakaya mo upang makita ang anak nila sa loob ng one
month," Ininom niya at inubis ang wine na nasa glass.

"kung lumampas sa isang buwan, ang pabuya ay magiging kalahati na lamang kaya you
shall find them within one month."

Fvck!

Tumalikod na ako at nakakailang hakbang pa lang ng biglang sumigaw ang mongoliod na


ito.

"OHH! MY STUPID SON! Hindi ka man lang ba magtatanong kung may clues ba? Foolish!"

"So, may hints ba?" Walang ka emo-emosyong tanong koHe is always being like that.

"Of course. Ang isa ay meron balat sa right shoulder. Para daw iyong star. The
other one has a scar on her right hand, napaso daw."

"That's it. You may go and Don't be foolish and stupid."

Hindi ko na siya pinansin at lumabas na ako sa silid niya.

Paso sa right hand at ang isa naman ay may star-like na balat sa right shoulder.
What a waste of time. Tsk!

xxxxxxxxxxxxxxxx

AMARA'S POV
"Yeah!" Sigaw ni Nicholas. "Atlast, nataasan ko na din si Hermes sa grades!" Sigaw
muli nito.

"Well, hindi din dahil hindi siya bumalik kanina." Dione said as she rolled her
eyes.

"Whatever!" Nicholas said sarcastically. Haay!

"Hey Amara, how was your wounds?" Tanong ni Darius na katabi ko lang.

"It's fine now," sagot ko. "By the way, nasan si Brianna?"

"Ahh, that girl? Pinatawag ni Principal Logan." Sagot naman ni Dylan.

"May na se-sense ako sakanilang dalawa." Suhesyon naman ni Elizze.

"You too?!" Napatayo si Dione sa upuan niya. Tumango naman si Elizze tanda ng
pagsagot nito kaya agad agad na tumakbo si Dione at itinulak si Nicholas para
makatabi ni Elizze.

"Ouch! What was that for?" Sigaw ni Nicholas pero hindi sumagot si Dione.

"Yeah! I think that girl is in love." Sabi ni Dione na ang gloomy ngayon. Hays! Ang
bipolar niya.

"With whom?" Tanong naman ni Elizze. I saw Darius sighed.

"Gossip girls," bulong naman ni Dylan habang nailing iling.

"What the hell? I thought you sensed something? Aren't you?!" Nanlaki bigla yung
mata ko ng sumigaw si Dione. For the first time I saw her angry.

"Hey sis, calm down." Suway ni Dylan. "This brat! Arrg!"

"Hey? Anong nangyayari?" Biglang bumukas ang pinto at niluwa n'un si Brianna na may
dala-dalang papel.

Napansin kong nanlaki yung mata ni Dione na a ang nakakita ng multo.

"No-nothing," sabi nito at umupo.


"By the way, ano yan?" Tanong ko at nginuso ko yung hawak niyang papel.

Napansin kong nakangiti ang lahat na para bang iisa lang ang iniisip. Owkeyy~ now I
am out of place.

"It is time for mission!!" Sabay sabay na sigaw nila.

"Mi-mission?"

"Yup. Like the last time. Yung hulihin si Trey, it was our mission." -Brianna

"Was?"

"Yup! Trinasfer na sa magic council yung paghuli kay Trey since isa na siyang
kriminal. And because of that, binigyan nila tayo ng bagong mission."

"So, anong klaseng mission yan?" Tanong ni Nicholas.

"An adventure,"

"Yes! I like adventures!" Sigaw ni Nicholas.

"What kind of adventure?" -Darius

"Treasure hunting." Woow! I like it!

"So, kelan tayo aalis?" Tanong naman ni Elizze.

"Tomorrow. May kukuhanin pa ako bukas kay Loga-- Principal Logan."

"See?" Bulong ni Dione kay Elizze na mukhanv narinig ni Brianna.

"What?"

"No-nothing."

My first mission huh? Excited na ako!

xxxxxxxxxxxxxxxx
ELENE'S POV

Salamat Elene pari sa pamilya mo. Tatanawin kong malaking utang na loob ang
pagtulong niyo sakin. Salamat Elene. Bye-bye. -Amara

Mahigit isang buwan na Simula ng umalis si Amara. Tandang tanda ko pa yung mga
sinulat niya. Hindi namin alam kung saan siya pupunta lalo na't wala siyang ibang
kamag-anak na pwedeng puntahan.

Haay!

"Aray! Naku bata ka, tumingin ka naman sa dinaraanan mo!"

"Na-naku, pasensya na po! Hindi ko kayo nakita. Pasensya na po!" Sabi ko habang
tinutulungang kuhanin ang mga pinamalengke ng matandang nabangga ko.

"Pasensya na po talaga." Sabi ko and she nodded.

Hindi ko na dapat iniisip si Amara, alam kong kaya na niya ang sarili niya.

Bumunting hininga ako. Mabuti pa't sundin ko na yung mga pinabibili sakin ni Mama.

xxx

Katatapos ko lang bilhin ang mga rekados na ipinag-uutos ni Mama. Uuwi na sana ako
kaso naisipan kong puntahan si Aling Petchay.

Nasaan na kaya yung dalawang bruha na 'yun? Si Brianna at Amara? Hindi na sila nag
i-status sa Facebook nila. Hindi na din sila nag a-update ng picture sa Instagram
at kahit sa twitter ay wala na silang ni re-retweet at pine-favorite. Haays!
Nakakamiss yung dalawang 'yun.

Yung cellphone nila, laging out of coverage ang sinasabi nung bwisit na babaeng
'yun. Haay!

Hindi ko namalayang nasa harap na pala ako ng boutique shop ni Aling Petchay.

"Good afternoon Aling Petchay!" Bati ko sakanya pero mukhang hindi niya ako
napansin dahil nakatulala lang siya.

"Aling petchay?" Kinaway kawayan ko siya pero hindi parin niya ako napapansin. Ang
lalim siguro ng iniisip nito. Hindi kaya may problema siya?
"Nararamdaman ko na sila." Wala sa sariling tugon nito.

"A-ano po?"

"Hindi mo ba sila nararamdaman? Palapit sila ng palapit."

"Ma-may multo po ba dito? Wag niyo naman akong takutin aling Petchay."

"Elene..." Bulong nito. Nakakatakot. Ang weird niya ngayon. Para siyang nate-tense
at kinakabahan.

Napansin kong pumikit siya at huminga ng malalim. "Bakit po?" Tanong ko. Tinignan
niya ako pero imbis na sumagot ay yumuko siya at parang may kinukuha sa ilalim ng
counter.

"Ano po yan?" May nilapag siyang maliit na box.

"Elene, ipinagkakatiwala ko 'to sa'yo. Wag na wag mong ibibigay kahit kanino kahit
sa pamilya mo." She's giving me goosebumps. Arg! It's giving me chills all over my
body.

"Ba-bakit po?"

"Umalis ka na Elene. Malapit na sila dito."

"Sinong sila? At eeeeeeeehh~ wag niyo naman po akong biruin. Natatakot na ako. Ok!
Lumabas na kayo! Yung mga cameraman dyan, yung director! Please lang!" Sigaw ko at
naghanap ng mga camera sa bawat sulok ng lugar.

"UMALIS KA NA! MAAABUTAN KA NILA!" Nagulat ako ng bigla akong sigawan ni Aling
Petchay. Nakakatakot siya, at ngayon ko lang siya nakitang ganya. "Umalis ka na
Elene bago ka pa nila mapatay!!"

"Mapatay? Pe-pero pano ka?" Nagsisimula na akong mag panic. Yung tuhod at kamay ko
ay nanginginig na.

Lumabas sa counter si Aling Petchay. "Dalhin mo 'to. Umalis ka na!" Inabot niya
sakin yung box at tinutulak palabas ng boutique.

"Bakit po? Wag niyo na akong biruin!"

"UMALIS KA NA AT WAG KA NG BABALIK DITO!!" Nagulat ako sa ma sinasabi niya ngayon.


Hindi ko akalain na mangayari ito.
Tumakbo ako palabas pero bago yun ay nilingon ko siya. Alam kong my dahilan ka kung
bakit mo 'to ginawa aling Petchay.

Mapait na nginitian ko siya at nagpatuloy na ako sa pagtakbo pauwi gaya ng sabi


niya.

xxxxxxxxxxxxxxxx

=================

CHAPTER 19 (MISSION #1 PART 1)

Chapter 19

xxxxxxxxxxxxxxxx

AMARA'S POV

"Guys, ready na ba kayo?" Tanong ni Brianna. Suot nanaman niya yung white-gold na
cloak niya.

"Yup! Treasure hunting!" Elizze and Nicholas shouted in unison.

"Wait! Anong treasure ang I ha-hunt natin and where's the map?" Tanong ni Dylan.

"We'll hunt the Celestial items and wala ng map because I have the exact address
and location." Sagot ni Brianna. Napansin ko naman silang napayuko.

"It's not exciting anymore." Bulong ni Darius.

"Wait, nasan na si Hermes?" Takang tanong ko. Kahapon ko pa siya hindi nakikita ah.

"He's not going. May iba siyang mission." Sagot naman ni Dione. I see, kaya pala si
Brianna ang tumatayong leader namin ngayon.

"Let's go?"

"Yeah~" walang kabuhay buhay na tugon ng mga kasama ko. Hahaha!

"I'm sure you'll be happy," bulong sakin ni Brianna. Tatanungin ko pa Sana siya
nang bigla siyang magsalita upang buksan yung portal.

Isa isang pumasok yung mga kasama ko at kami nalang ni Brianna ang nahuli. "Aren't
you excited?" Tanong niya.

"Excited na excited syempre. First time kong 'to noh. Hahaha!"

"Let's go," sabi niya at sabay kaming pumasok.

I-i know this place.

"Hey, bakit ang tagal niyo?" Kunot noong tanong ni Elizze.

"Tara na," -Nicholas

Well, dito ko lang naman nakita si Brianna at Trey. Ang bilis ng oras no? Parang
dati lang pala isipan sakin kung saan siya nagpunta at ngayon, nakita ko na siya at
nagkaroon pa ako ng maramig kaibigan. Haay!

"Saan ba yung location kung nasaan yung mga celestial items?" Tanong ni Darius.

"It's near. Nandito lang din yun malapit sa palengke." Napatigil ako sa paglalakad
ng makaramdam ako ng chill. Nung narinig ko yung malapit sa palengke ay naalala ko
si Aling Petchay atsaka kung saan ko nabili yung Aquarius' caster.

"Why?" Tanong ni Elizze sakin. "Ehh? Wa-wala. Hehehe! Tara na," nagpatuloy na kami
sa paglalakad.

"Brianna, any other informations about sa mission natin?" Tanong ni Darius.

"Uhmm, request ito from magic councils and they need the celestial items para sa
project na gagawin nila. Confidential kaya maging si Principal Logan ay hindi alam
kung ano yung project na 'yun."

"Projects? May alam ba kayo kung ano yun, Elizze? Nicholas?" Tanong ni Dione.
Napatingin kaming lahat sa prinsipe't prinsesa. Napansin kong nagsalubong ang kilay
ni Elizze habang si Nicholas naman ay aas ang kilay.

"I don't know," Elizze said in her cold voice. Ngayon ko lang siyang nakitang
ganyan.

"Hmm~ actually narinig ko sina Dad and mom na nag-uusap. Hinahanap nila yung
celestial items para sa palakasin ang mga keeper." Keeper, ayun yung police sa
Faireo.
"That's it?" -Dylan

"Ayun lang ang narinig k -- what's that?" Nagpalinga linga si Nicholas na para bang
may hinahanap.

"Did you felt that?" Tanong ulit niya.

"Yes. Actually kanina pa." Sagot naman ni Dylan.

"Let's go." Mabilis silang nagsitakbuhan habang sinusundan si Brianna.

Ano yung naramdaman nila? Gosh!

Napansin kong malayo na ako sa kanila. Tatakbo Sana ako ng biglang may sumulpot na
babae sa harap ko. Parang nag slow-mo lahat ng makita ko ang itsura niya.

May hawak hawak siyang box at yung mata niya, may tumutulong luha doon.

"E-elene..." Bulong ko. Sa tingin ko hindi niya ako narinig dahil hindi man lang
niya ako nililingon.

"Hey! Tara na!" Sigaw ni Darius. "O-oo!" Napatingin muli ako kay Elene pero malayo
na siya. Tsk!

Mabilis akong tumakbo para sundan sina Brianna.

A-ano kayang nangyari doon sa bruhang yun at bakit tumatakbo habang naiyak? Gosh!

"Malapit na ba tayo?" Tanong ni Nicholas.

"Oo, malapit na tayo." Sagot ni Brianna.

"May mga wirdong magnanakaw!" Sigaw ng isang lalaki na tumatakbo habang ang ibang
tao ay sumusuunod sakanya.

Nagkatinginan kami.

"Bilisan natin!" Sigaw ni Dione at nagpatuloy kami sa pagtakbo.

Wirdong lalaki? Sigurado akong mga Eviano 'yun dahil sa kasuotan nilang itim na
cloak.

Huminto kami sa tapat ng tindahan ni Aling Petchay. "Ito na ba 'yun?" Tanong ni


Dylan.

"Oo,"

Sabi na nga ba, dito ko nabili ang Celestial item na regalo ko kay Brianna. Kung
tama ako, may mga iba pang celestial Items na binebenta si Aling Petchay.

"Sigurado ako dahil may mga Eviano sa loob." sagot ni Brianna. Maraming tao ang
nandito ngayon at pinapanuod ang pagnanakaw at ang iba naman ay kinukuhanan ng
video dahil transparent ang harang kaya kita ang loob.

Tinalunan ni Darius yung mga tao upang makapasok doon. Mabilis siyang kumilos kaya
makita ko na lang siyang nasa loob ng shop.

"Si-sino siya? Ang gwapo!" Sigaw nung babae na nakiki-chismis.

"Ikaw Dione at Nicholas, tulungan niyo si Darius sa pakikipaglaban sa Eviano, ikaw


naman Elizze at Dylan, protektahan niyo yung mga tindera sa loob at tayo Amara ay
paalisin natin yung mga tao."

"Roger!" We said in unison.

Sumingit na kami sa mga tao. Silang apart ay tumuloy papasok sa loob para tulungan
si Darius habanv kami naman ay hinarangan ang mga tao.

"Stop!" Sigaw ko.

"Huh? Sino naman kayo?" Sabi nung babaeng kumukuha ng video.

"Oo nga!"

Nagkatinginan kami ni Brianna. Hindi kami makasagot dahil hindi namin alam ang
sasabihin.

Biglang tumalon si Brianna at pumunta sa mga likod nito kaya nagsitinginan ang mga
tao sakanya.

Nakatingin lang sakin si Brianna na parang may sinasabi. Hindi ko alam pero ang
seryoso ng mukha niya. Alam kong may gusto siyang sabihin.
Bigla niya akong tinanguan.

"Ahhhhhhhhh!"

"Anong nangyari?" Tanong sakin nung isang mamang matanda.

"Ahhh? Ehh a-ano, ma-may ipis kasi. Hehehe!" Pagpapaliwanag ko.

"Wala naman ahh?!"

"A-ano kasing, lumipad na."

"Wag mo kaming pina--" hindi natuloy nung lalaki yung sinasabi niya ng bigla silang
mabasa ng tubig.

"Sino yun?!!" Sigaw nung mga tao na galit na galit.

"Hala! Umuwi na kayo mga ate't kuya, baka magkasakit kayo niyan." Saad ko.

"Shit! Yung iPhone ko!!" Sigaw naman ng isang babae.

"Tara na nga,"

"Ang malas naman ng araw na 'to!"

Unti unting nagsialisan yung mga tao hanggang kami nalang ni Brianna ang matira.

"Good job Amara."

"Tulungan natin sila!" Mabilis kaming pumasok sa loob at nadatnan naming nakikipag
Laban sila. Madaming mga Eviano, sa tingin ko 7 sila at ang Lima ay nakikipag Laban
habang ang dalawa ay may nilalagay sa garbage bag na paninda.

"Hey!" Sigaw ni Brianna para kuhanin yung atensyon ng isang Eviano'ng kumukuha ng
celestial items.

"Amara, may tao doon sa loob," Sabi ni Elizze while she's dodging the attack of her
enemy.

"Right. I'll rescue her." Sigurado akong si Aling Petchay yun.


Mabilis akong tumakbo papasok doon sa isang pinto at nakita kong nakadapa siya
habang ang isang Eviano ay inaapakan siya sa likod.

Grabe siya, pumapatol siya sa matandang walang Laban.

"Hey," tawag ko doon sa Eviano. Nanlaki yung mata ko ng makita ko kung sino ng
Eviano'ng nasa harap ko ngayon.

"Oh, hello there Brianna's friend." Inalis niya yung pagkakatapak niya kay Aling
Petchay at hinarap ako.

"Amara?" Tawag sakin ni Aling Petchay. Alam kong hirap na siya dahil may mga natamo
siyang sugat.

"So, you are now one of them, how ironic huh." Binibigyan niya ako ng nakakalokong
ngiti. Napahawak ako sa Thelete ng naglakad siya papalapit sakin.

"So, what's your majika?" Tanong nito and his right eyebrow raised.

Hindi ako makasagot. Ano ang sasabihin ko, na wala akong majika?

"You're not telling me?" Hindi parin ako makapagsalita. Kahit isang word, walang
lumalabas sa bibig ko. Kahit na gusto ko siyang murahin, I want to curse him but I
can't even spit a single word. The F!

Tinaas niya yung kamay na level sa shoulder niya at kasabay noon ang pagtaas ni
Aling Petchay.

"Tell me," sabi nito. Unti unti niyang inenclose yung kamay niya.

"Arrggh!" Sigaw ni Aling Petchay. "Or I'll kill her."

"Stop it, Aquarius' whip!" Mabilis na lumabas yung tubig sa thelete and I attacked
his threads around Aling Petchay's neck.

Nahulog siya a lapag kaya agad akong tumakbo para tulungan siya.

"Ayos ka lang ba Aling Petchay?" Tanong ko pero nginitian niya lang ako.

"I see, a celestial rare item huh"

Hinintay kong magsalita ulit itong Trey na 'to pero may ginagawa siyang technique.
Kagaya nung nakaraan, he make an axe using his thread when the last time I met him.
This time, he made a whip na may blade sa dulo. Shit!

Tumayo ako at inalalayan ko si Aling Petchay. Inilipat ko siya ng pwesto para hindi
siya masaktan sa paglalakad namin ng isang 'to.

"Dito ka lang Aling Petchay,"

"Sa-salamat."

Tumayo na ako't hinarap ko si Trey.

Mabilis akong tumalon ng biglang ipukol sakin ni Trey yung blade ng whip niya.

Napatingin ako sa sahig, sira sira na yun. Ano nalang kayang itsura ko kung hindi
ko nailagan ang atakeng yun. Mabuti nalang at mabilis akong naka pag react.

"Magaling," sabi nito. "But it's not enough." Bigla akong nakaramdam ng pagsikip sa
paa ko. Shocks! Nahuli niya ako.

"A-aray ko ha- HAAAA!" Biglang tumaas yung paa ko at hindi ko namalayan na


nakalambitin na pala ako.

"Hooy! Ibaba mo ako dito!"

"Hahaha! Nope! Stay like that for hmm~ 2 minutes? No, 5 minutes."

"Hindi ako papayag no," binigyan ko siya ng smirk bago ko ipalo yung Aquarius' whip
sa may thread pero bigla nalang nahati sa gitna yung tubig at ang kalahati ay
natapon sa lapag.

"That toy will not work anymore."

"OK, but I think this technique will work"

"Stop." Napatingin kami kay Aling Petchay na hindi ko namalayang nakatayo na pala
malapit samin.

"Aling Petchay..."

"Wag mo siyang saktan. Nandito kayo para sakin hindi ba, kunin niyo na ako."
"We don't need you old woman. I need the sagittarius' rune." Naningkit yung mata ni
Aling Petchay at ganun din naman ang sakin.

"How many times do I have to tell you na hindi ko alam kung ano yang Sagittarius'
runes na 'yan."

"Do you want to play, old lady?" Nagkaroon ng nakakatakot na ngiti sa mukha ng Trey
na 'to.

"Ok. Pag hindi mo sinabi kung nasan ang Sagittarius' runes, ipapasok ko ang thread
ko hanggang sa puso niya and I'll destroy it. Kapag sinabi mo, I give this
worthless woman to you."

Se-seryoso s'ya? No. Maybe? Aggh!

"Mister, sinabi ko na sayo na hindi ko alam kung ano yang runes na 'yan."

"So, you want me to destroy her heart, don't you?"

Nagpalabas ng thread si Trey sa may pulse niya at tinapat niya sakin iyon. Se-
seryoso yata talaga siya.

Naningkit yung mata ni Aling Petchay. "I know you can't do it."

"Ahhh, this will convince you, right?" Biglang umatake yung isang manipis na thread
sakin ay hiniwala yung pisngi ko.

"Shit," napansin kong may tumulong dugo sa lapag. Damn him!

"So, I'll count on three. Kapag hindi mo sinabi sakin kung nassaan ang Sagittarius'
runes, I'll kill her."

Hindi nagsalita si Aling Petchay.

"One..." Pinalapit ni Trey yung thread na may dugo ko.

"Two..." Nakatapat na sa dibdib ko yung thread niya. Gosh! Dito na ba ako


mamamatay?

"Three. Sorry," Oh gosh! Tototohanin niya talaga? Ah! Napapikit nalang ako dahil sa
sobrang takot. Dito na ba ang katapusan ko?
"Stop,"

"So, sasabihin mo na?" Napadilat ako dahil sa galak.

"Oo --" hindi naituloy ni Aling Petchay ng sinasabi niya ng biglang may nag ring na
cellphone.

"Oh, I am Sorry. That's mine." Dinukot ni Trey sa bulsa niya yung cellphone at
sinagot ang tawag. Wala siyang sinasabi, pinapakinggan niya lang ang nasa kabilang
linya.

"So, pa'no ba 'yan. You're worthless now old lady. Nakuha na namin ang runes so I
must kill you." Nanlaki ang mata ko ng biglang sabihin iyon ni Trey. Papatayin
niya?

"No, we should go Trey." Napatingin ako doon sa kakapasok pa lang na Eviano na may
nalang garbage bag.

"Tsk!" Singhal nito. Binuksan nung lalaki ang portal at ilang saglit lang ay
naglaho na sila na parang bula.

"A-amara?" Napatingin ako sa kakapasok pa lang, si Darius. Mabilis siyang tumakbo


palapit sakin at tinanggal yung thread.

"Ouch,"

"Sorry."

"Ayos ka lang ba Aling Petchay?" Tanong ko. "Oo. Salamat sainyo." Nakangiti nitong
sagot habang naka tingin sa suot kong kwintas na bigay niya sakin.

"Bagay sa'yo. Pinagawan ko din si Elene niyan," si Elene.

"Si Elene. Tama, nakita ko siya kanina, umiiyak habang natakbo. Maiwan ko muna
kayo, pupunta ko lang siya. Darius, paki-alalayan si Aling Petchay." Tumango si
Darius.

"Sana maabutan mo pa siya," bulong sakin ni Aling Petchay bago ako tuluyang umalis.

"Amara, San ka pupunta?!" Sigaw sakin ni Brianna.

Makita ko silang kinokolekta yung mga naiwang celestial items.


"Kina Elene."

xxxxxxxxxxxxxxxx

=================

CHAPTER 20 (MISSION #1 PART 2)

Chapter 20 (MISSION #1 PART 2)

xxxxxxxxxxxxxxxx

AMARA'S POV

Ano na kayang nangyari sa bruhang yun? Tsk! Hindi ako mapakali! Mabilis akong
tumakbo, hindi ko na pinansin yung mga taong nababangga ko na umaangal. Basta
kailangan ko lang pumunta sakanya. May feeling ako na may nangyaring hindi maganda
sakanya ehh.

Pagod na pagod na ako pero sulit naman dahil natatanaw ko na yung bahay nila Elene
mula dito. Onting takbo nalang.

"Elene! Anong nangyari --" hindi ko na naituloy yung sasabihin ko ng pagkapasok ko


pa lang ay nakita ko na siyang naka dapa.

Mabilis akong tumakbo papunta sakanya. "Elene, hooy! Elene!"

Hindi siya sumasagot. Hinawakan ko yung pulso niya sa leeg, buhay pa siya. Nawalan
lang siya siguro ng malay. Pero bakit?

"Tita Glenda? Kuya Elli?" Hinanap ko sina Tita, yung nanay ni Elene pero mukhang
wala sila dito ngayon. Tsk! Siguro ninakawan tong sina Elene. Aist! Mabuti pang
dalhin ko muna siya sa hospital.

Lumapit muli ako kay Elene at aalalayan ko sana siya ng bigla kong makita yung
nakababang sleeve ng tshirt niya. Familiar ako doon. Sigurado ako, isa itong
celestial sign, Sagittarius.

xxxxxxxxxxxxxxxx

BRIANNA'S POV

"Elizze, nasan na yung ibang celestial items?" Tanong ko sakanya. Kinokolekta namin
ang mga naiwang items dito.

"13 lang ang lahat ng nakolekta natin."

"Sigurado ka?"

"Oo Brianna. Pangatlong beses ko ng inulit ang pagbibilang at wala parin


nagbabago." Napabuntong hininga ako.

Tssk! Hindi na ako nagsalita at nilapitan ko yung matandang nagtitinda dito. Naka-
upo siya malapit doon sa counter habang nainom ng tubig.

"Misis, may itatanong lang kaming kaunting katanungan." -Nicholas. Tumango naman
yung matanda. Pinagmasdan ko siya, para bang wala lang sakanya yung mga ginawa
kanina ni Amara at ni Trey. That bastard, ilang items kaya ang nakuha nila? Tsk!

"San niyo po nakuha yung mga paninda niyo dito?" Tanong naman ni Dylan. Huminga
siya ng malalim bago sumagot.

"Nakuha 'yan ng asawa ko sa lumubog na barko. Ang trabaho niya kasi ay isang
treasure hunter." Sa isang lumubog na barko?

"Kelan niya nakuha ang mga 'to?"

"Matagal na. Sa tingin ko fifteen years ago na," matagal na nga.

"Ilang lahat ang nakuha niyang items mula sa lumubog na barko?" -Dione

"Hindi ko na matandaan ang exact number pero sa tingin ko around 60 pieces yun."
60? Ang alam ko ay 73 ang mga celestial items? Asan ang iba?

"So, kelan kayo nagsimulang itinda yung mga nakuhang items?"

"That time, nagtitinda na talaga ako ng mga weird stuffs. And then, dumating ang
asawa ko na may dalang mga weird stuff na hindi naman daw mapapakinabanggan kaya
binigay nalang niya ito sakin para daw itinda. Swerte yun sakin kaya naman lumago
ang tindahan ko."

"So, naibenta niyo ang mga items na nakuha ng asawa niyo?" -Darius

"Oo, Ang iba lalo na yun magaganda. Yang mga naka lagay dyan sa bag na 'yan, isa
yan sa mga nakuha ng asawa ko mula sa lumubog na barko,"
Katahimikan.

"Katulad ng isang 'yan. Napakaganda diba? Binili 'yan ni Amara at ni Elene dito
nung nakaraang buwan. Isa din 'yan sa mga nakuha ng asawa ko sa lumubog na barko."
Napatingin ang lahat ng tinuro ng babaeng 'to yung dibdib ko. Yung kwintas,
aquarius' caster. Si Amara't Elene.

"I-isa 'yang celestail rare item?" Sabay sabay nilang sigaw.

"Celestial rare item?" Takang tanong naman ng tindera dito.

"Opo. Celestial rare items ang tawag d'yan." -Elizze

"Teka, sino ba kayo? Anong kailangan niyo sa mga nakuha ng asawa ko sa barko?"
Bakit pupuntahan ni Amara si Elene?

"A-ano, we're a treasure hunter too. Yes, and we need that items."

I need to go, kailangan ko silang puntahan.

"Guys, mauna na ako." Sabi ko at nagmamadali akong tumakbo papunta sa bahay nina
Elene.

xxxxxxxxxxxxxxxx

AMARA'S POV

Yu-yung tattoo. Ngayon ko lang nakita ang tattoo na 'to sakanya. Wala naman ito
dati pe-pero anong nangyari? Bakit siya may ganito? Argg!

"Elene?" Napatingin ako sa kakapasok pa lang na si Brianna. "Anong nangyari


sakanya?"

"Hindi ko din alam. Nakita ko nalang siyang walang malay."

"Sina Tita Glenda?"

"Wala ehh."

"Dalhin na natin siya sa hospital,"

"Wait Brianna. Look at this mark." Tinuro ko yung right shoulder niya.
"Do-don't tell me," -Brianna

"Yes. I think isa siyang chosen. Anong gagawin natin sakanya?"

"Dadalhin ko din siya sa Faireo. Uste --"

"Hey, wait lang. Ipagpaalam muna natin siya kina Tita Glenda tsaka kailangan nating
malaman ang nangyari sakanya."

"Ok, ilagay muna natin siya sa kwarto niya."

Binuhat namin si Elene at nilagay sa kwarto. Basang basa din siya ng pawis kaya
pinalitan ko siya ng damit.

Ano kayang nangyari sa babaeng 'to at hinimatay? Haay!! Nag-aalala na ako e.

xxx

"M-ma,"

"Elene?!" Ilang oras na kaming naghihintay na gumising siya at sa wakas.

"A-amara... B-Brianna?" Inalalayan siyang umupo ni Brianna.

"Kami nga, anong nangyari?" Tanong ko. Ngayon ko lang napansin, namumugto ang mata
niya.

Napayuko siya.

"Bakit Elene? Nasan na sina Tita Glenda?"

"S-si Mama? A-ano, umalis siya, kasama si Kuya Elli, pu-pumuntang probinsya."

"Ganun ba, bakit ka umiiyak kanina habang tumatakbo?" Tanong ko.

"Ako?"

"Oo. Nagkasalubong nga tayo e, mukhang hindi mo ako napansin n'un."


"Ganun ba, pasensya ka na. Ang sakit na ng tyan ko n'un eh, halos hindi ko na
mapigilan kaya napapaluha na ako. Hehehe,"

"Teka, bakit ka nandito? Tsaka, bakit bigla nalang kayong nawala na dalawa?''

"A-ano," hindi ko alam yung isasagot ko. Kung anong pwedeng palusot. Hindi ako
handa sa tanungan na ganito. Nakakaloka!

"Elene, san mo nakuha yung tattoo na 'yan?" Deretsuhang tanong ni Brianna.

"San?"

"Sa may balikat mo,"

"Hindi ko naman makita ehh."

"Eto oh, salamin." Handang handa siya ah. Tinutok niya yung salamin sa likod niya
at makikita sa reaction niya ang pagkagulat.

"I-ito,"

"May nangyari ba Elene? Sabihin mo samin, kaibigan mo kami." Umupo si Brianna sa


kama at tinabihan siya.

Muli nanamang napayuko si Elene. So, may nangyari nga.

"Kanina, pumunta ako sa tindahan ni Aling petchay,"

"Bigla nalang niya akong pinaalis kasama yung isang box. Tinanong ko siya kung
bakit pero hindi niya iyon sinagot at minadali niya akong pinaalis."

"Pag dating ko dito sa bahay, binuksan ko 'yung box at may nakakasilaw na liwanag
na lumabas. Hindi ko alam ang nangyari matapos yun."

Katahimikan...

"Hindi ko alam kung ano ang laman ng box na iyon pero sigurado akong nagkaroon ka
ng majika dahil d'on." -Brianna

"Narinig ko si Trey, hinahanap nila ang sarittarius' rune at sa tingin ko ayun yung
laman ng box."
"Kung ganun, isa ka nang chosen niya."

"Niya? Sinong 'niya'?"

"Si sagittarius. One of the celestial gods."

"Sagittarius? Celestial gods? Naguguluhan na ako Brianna."

"Wag kang mag-alala Elene, isasama ka namin."

"Isasama, saan?"

Nagkatinginan kami ni Brianna. Sa tingin ko mas magiging mabuti ang lagay niya kung
matututunan niyang gamitin at kontrolin ang majika niya lalo na't isa siyang
chosen.

"Buksan mo na Brianna,"

xxxxxxxxxxxxxxxx

Short update...

=================

CHAPTER 21

Chapter 21

xxxxxxxxxxxxxxxx

AMARA'S POV

"Look, we've got a beautiful treasure here." Sabi ni Nicholas na tinutukoy si


Elene.

Kadadating lang naming tatlo nila Elene dito sa Guild. Kinuha pa namin yung mga
papeles ni Elene katulad ng ginawa sakin ni Tita Virgie.

"Ang landi mo!!" Nakatanggap ng malakas na batok si Nicholas galing kay Elizze.

"Aray! Sumosobra ka na!"


"Stop." Nanahimik silang dalawa ng patahimikin sila ng seryosong si Hermes.

"How did she acquired the ability of celestial god, sagittarius if she's just a
normal girl from normal world?" Aw! English!

"How many times do I have to tell you, maybe she was chosen by the god of thunder."
Suhestyon si Dylan.

"Nope. Sagittarius rune. She acquired it because she got this item called
sagittarius rune." Sagot ni Brianna. Kanina pa ako nakatingin kay Elene, ang
lungkot niya ngayon. Isang tanong at isang sagot lang ang sinasabi niya.

"So, totoo pala yun? Na isang celestial item ang majika ni Sagittarius?" -Darius

"I think so." -Dione

Napatingin kami sa sa pinto ng bumukas iyon. Si Principal Logan, nandito na.

"Siya ba 'yun?" Tanong nito habang turo turo ni Elene. Tipid namang nginitian ni
Elene si Principal.

"Yup. Sigurado ako dahil mag tattoo siya sa shoulder." -Brianna

"Ok. Can you use your majika?" Tanong nito pero umiling iling lang siya.

"Ok. Bibigyan ka nalang namin ng apartment dito sa loob ng academy --"

"No. Doon nalang siya namin patutuluyin sa bahay." Mabilis na sabi ni Brianna.

"Ganun ba? Ok. Mamaya, ipadadala ko nalang ang uniform mo sa bahay nila Brianna
dahil starting tomorrow, you'll be an official student of forbidden Academy. FAF-1
ka para classmate mo si Amara." Yess! At last, magkakaroon na ako ng kaibigan sa
section ko.

"Anyway, I've got something for you," Kinuha ni Principal Logan yung papel na naka
rolyo sa bulsa niya.

"Mission?" Sabay sabay na sigaw ng mga kasama ko.

"Yup. And this is a royal mission."


"Royal mission?!" Sabay sabay ulit nilang sigaw except samin ni Elene.

"Yup. Royal mission from the Queen of Water convene."

"Bakit samin?"

"Don't know. Special request kasi kayo ng queen ng Water Convene."

"So, kelan kami aalis?" Tanong ni Dione.

"Tomorrow morning. Malayo ang Water Convene at aabutin kayo ng ilang oras sa byahe
gamit ang eroplano." Eroplano?

"Pwede naman tayong gumamit ng portal diba?" Suhesyon ko.

"Nope. Ang paggamit ng portal ay para lang sa paggawa ng daan papuntang


otherworlds. Hindi pwedeng gamitin ang portal Faireo to Faireo." Pagpapaliwanag ni
Darius. Now I know. Haays.

"So, you can go home and pack your things."

"Pano si Elene?" -Nicholas

"Dito muna siya sa Academy. Mapanganib kung sasama pa siya."

"Pwede bang samahan ko nalang siya dito?"

"Nope. You need there." Wala nang nagawa si Nicholas kundi tumahimik.

xxxxxxxxxxxxxxxx

AMARA'S POV

June 26 X792. Lunes at ngayong araw na ito kami aalis papunta sa Water Convene.
Wala pang katao-tao at hindi pa nag sa-sunset ay nandito na kami.

"Good luck guys." Sabi ni Principal Logan habang kinakawayan kami. Nandito kami sa
rooftop ng main building ng Academy. Nakasakay na kami ngayon sa isang mini-
airplane. Ang susyal diba?

Ilang saglit lang ay nag take-off na ang airplane na ito heading to Water Convene.
Hindi ko alam kung saan ang lugar na iyon pero sa tingin ko maganda iyon dahil ang
susyal ng pangalan. May kinalaman kaya yun sa tubig? Water kasi eh.

"Haays, matagal tagal na byahe ito." Sabi ni Nicholas na nakadungaw sa bintana.

"Of course, malayo ang Water Convene. Bago tayo makarating don ay marami tayong
stop over. Mabuti nalang at nagbaon ako ng pagkain." Sabi naman ni Elizze at
nilabas ang basket niya.

"Penge!" -Nicholas

"Nope! Para 'to mamaya pag nagutom tayo."

"Hmp! Damot!"

Napailing nalang ako sa kakulitan ng dalawang ito. Para silang hindi prinsipe't
prinsesa dahil sa ugali nila. Ano kaya feeling na maging isang prinsesa noh? Siguro
magarbo 'yun?

"Brianna, hindi ka pa ba nasisira ang ulo mo sa kakasaulo ng mga 'yan?" Bulong ko


sakanya. Ayaw niya kasing ipasabi na mrron din siyang celestial item lalo na't
makapangyarihan iyon.

"Hindi pa. Hanggay hindi ko na me-memorize ang lahat ng nandito, hindi ako
titigil." Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Hindi siya titigil hanggang
hindi niya nasasaulo ang lahat ng nandun? Para siyang naghintay ng forever. Napaka
kapal ng librong iyon. Mga kasing laki lang naman ng isang encyclopedia tas ang
liliit pa ng font size.

"Juice colored! Ang hirap niyan noh!"

"Hindi naman ganun ka hirap. Try mo kaya?"

"Nako! Periodic table nga hindi ko kabisado, yan pa kayang words na hindi ko
maintindihan. No way!"

Inirapan ko siya at ibinaling ang ulo ko sa left side ko at bigla kong nakita ang
pagmumukha ni Hermes na nakatingin sakin. Gossh!

"What?" Tanong niya na parang bagong gising. Ang landee ko pero kamukha kasi siya
ng bias ko sa infinite, si L! Lalo na yung mata niyang nakakapang-akit. Oh my god!

"Wa-wala." Binawi ko yung tingin ko at diretcho akong umupo. Hindi ko alam, siya
pala ang nakatabi ko. Siguro antok pa ako.
Napatingin ako kay Darius na nakain ngayon ng Doritos. Napansin niya sigurong
napatingin ako sakanya kaya naman nginitian niya ako at inalok ng pagkain niya.

Dahil nasa awkward na situation ako ngayon, tumayo ako at tumabi kay Darius. Since
maliit lang naman ang loob ng airplane na 'to at yung seats ay parang pang jeep
lang dahil may dalawang column yun sa gilid.

Dumukot ang ng doritos.

Iba na si Darius. Mahiyain siya nung una kong nakilala pero ngayon, nagiging cool
na siya sa paningin ko lalo na pag ginagamit niya yung majika niya.

"Natutunan mo na bang gamitin yung ibang weapons ng thelete mo?" Tanong niya.

"Hindi pa nga eh,"

"Hindi ka ata tinuturuan ni Brianna eh." Napatingin kami kay Brianna na masamang
nakatingin kay Darius. Narinig niya ata.

"Ahh he-he-he!"

"Sabi ko sa'yo, ako nalang ang magtuturo." Hindi ko alam ang isasagot ko. Well,
feeling ko sa sinasabi niya ngayon parang niyayaya niya akong makipag date sakanya.
Warning warning, malandi alert. Ayy!

"Sorry to disappoint you two pero mas naunang pumayag sakin si Amara na ako ang
maging tutor niya to teach her some lessons on how to use her celestial rare item."

Lahat kami, lahat kami ay napatigil sa ginagawa. Ako na dumudukot ng doritos,


napatigil. Si Darius na ngumunguya, napatigil din. Si Brianna na nagbabasa,
napatingin kay Hermes. Si Elizze at Nicholas na nag-aaway, napatigil. Si Dylan na
natutulog, nagising. Si Dione na nagke-candy crush, napatigil. Goshn lalong
umawkward sa eroplanong ito.

"What?!" Sabay sabay na sigaw namin. Wala akong maalala na niyaya niya ako na siya
ang magtuturo saking gamitin ang thelete ko.

"Totoo ba yun Amara?" Tanong ni Brianna.

"Ahhh~ E-e --"

"Yup. Mukha ba akong nagsisinungaling?" Seryosong sabi ni Hermes na nakatingin


sakin. Grabe! Hindi ko alam isasagot ko!
"Hindi naman pero imposibleng magprisinta ka sa mga ganyang bagay." Sabi naman ni
Darius na mukhang nakarecover na.

"But I did." Mataray na sabi ni Hermes. Grabe! Mas mataray pa siya kesa sakin.

"Wow! Himala! Hahaha! Humanda ka sa ipapagawa niya." Masiglang sabi ni Dione.

"Hey guys. Nandito na tayo ngayon sa North Earth Terrain. Stop over daw muna." Sabi
ni Dylan na may kausap ngayon sa walkie-talkie niya.

"Ang bilis naman?" Takang tanong ni Elizze.

"Because they use a full max speed. Anyway, in less than five minutes, pwede na
tayong bumaba para bumili ng makakain at mag-ikot ikot na din." Sagot ni Dylan.
Dumungaw ako sa bintana ng eroplano. Nandito kami sa open space field. Kulay brown
anv kalimitang makikita dito lalo na yung dessert. Gosh! Para kong nasa dubai.

Tumingin ako sa wrist watch ko, quater to seven na pala. Parang ilang minutes lang
yung byahe namin. Anyway, I hope this will be a good mission.

xxxxxxxxxxxxxxxx

AUTHOR'S POV

Madilim at malawak na opisina. Sa gitna noon ay nakaupo si Zebell na nag-iisip.


Napaangat ang ulo nito para tignan ang taong pumasok sa opisina niya.

"Bakit hindi ka kumakatok, Jem?" Sabi nito sa lalaking kakapasok pa lang.

"Hindi ko na kailangang gawin yun Zebell, tutal ako naman ang kanang kamay mo hindi
ba?" Sabi ni Jem na may nakakalokong ngiti.

"Bakit ka nandito?"

"Nabalitaan kong pupunta sa Water Convene ang mga batang chosen,"

"So what? Diretsuhin mo na ako Jem."

"At mamaya ay magsi-stop over sila sa North Earth Terrain,"

"What the fuck Jem! Diretsuhin mo na!" Sigaw ni Zebell na ikinangiti ni Jem.
"Easy, easy Zebell. Hahaha! Anyway, pinakawalan ko siya. Doon sa Earth Terrain."

"What?! Why did you do that?!" Napatayo at pinalo ni Zebell ang lamesa dahol sa
galit niya.

"I'm so bored Zebell. For how many years, many years ay naghihintay tayo. I think
this is the start." Huminga ng malalim si Zebell at kinalma ang sarili bago umupo
sa swivel chair niya.

"We need to find the celestial mage but we don't know where she is." Muling tugon
ni Jem.

"I know what to do Jem. I know. I'll visit the Academy. There might be a chance
that she's there,"

"For now, bring back that girl!! You foolish! Pag nakatakas siya, papatayin kita!"
Sigaw nito.

"Haha! Calm down Zebell, I know what I'm doing. Just trust me ok."

xxxxxxxxxxxxxxxx

HERMES' POV

"Tara na," sigaw ni Elizze na nagyayayang bumaba para mamasyal sa North Earth
Terrain.

"Hermes! Ano, tara na!!" Sigaew ulit nito. Wala akong balak na lumabas.

"Dito nalang ako." Tipid na sabi ko pero nagulat ako ng bigla akong hilahin ni
Amara. I don't know kung bakit niya ginawa iyon pero wala akong nagawa kundi ang
sumunod.

Tss!

"San ba tayo pupunta?" Tanong ni Dylan.

"I don't know pero maganda dito," sagot ni Dione.

"Hoy ano ba! Bakit mo kinakain yan?!" Sigaw naman ni Elizze na inaagaw kay Nicholas
yung sandwich na kagat kagat niya.
"Nagugutom na ako."

Ts! I hate noisy people. Mabuti pang humiwalay nalang ako. Naglakad ako pahiwalay
sakanila.

"Where are you going?" Tanong ni Darius.

"Anywhere." Tipid na sagot ko at umalis na.

Naglakad lakad lang ako dito. Maganda at para ding lugar sa Academy, pero ang
kalimitang makikita dito ay disyerto at mga kulay brown na bahay.

Napahinto ako sa isang restaurant. I saw this girl, naka cloak siya at naka suot
ang hood sa ulo niya. Bagsak ang itim na buhok at makinis ang mukha.

I know her.

Napatingin ako sa dalawang kamay na naka intertwine. I don't know pero may balat
siya doon. More or like paso.

Bumalik ang tingin ko sa mukha niya. Nakatingin din siya sakin. Kilala ko siya,
kilala ko.

Mabilis siyang tumayo at tumakbo. I need her. Hindi ko siya pwedeng pakawalan.

"Wait, Miss! Wait!" Mabilis akong tumakbo para habulin siya.

"Hey, Miss! Wait!" Sigaw ko pero hindi parin niya ako nililingon.

Hindi ko alam pero bigla nalanh siyang napahinto at unti unti akong nilingon.

"Tell me, Miss. Who are you? And your face, you look like her."

"I know you Mister but I think you don't know me,"

"Tell me, who are you?"

"Sa tamang panahon, malalaman mo din 'yan, Zebell's son." Biglang nagkaroon ng
violet-black sa likod niya at isang step lang niya patalikod ay nawala na diya na
parang bula.

She know me? But Who the hell is Zebell?


xxxxxxxxxxxxxxxx

=================

CHAPTER 22 (MISSION #2 PART 1)

Chapter 22 (MISSION #2 PART 1)

xxxxxxxxxxxxxxxx

AMARA'S POV

Kadadating lang namin ngayon dito sa airplane. Mahigit isang oras din kaming nag
ikot-ikot sa North Earth Terrain. Para din siyang Faireo pero ang sakit sa mata
kasi halos puro kulay brown ang mga makikita mo. Para tuloy bahay ng mga arabo ang
nandito.

"Kumpleto na ba tayo?" Tanong ni Dione at nilibot ang tingin niya.

"Yup. Lets go."

Bumalik na kami sa dating inuupuan namin. Si Brianna, busy parin sa pagkakabisa ng


mga spells. Napatingin naman ako kay Hermes.

Nakatulala siya sakin. Para bang ang lalim ng iniisip niya. Katulad nanaman siya ng
dating tinititigan ako.

"Ba-bakit?" Na co-conscious nanaman ako sa mukha ko. May dumi ba? Magulo?

Kinaway-kaway ko yung kamay ko sa harap ng mukha niya pero hindi man lang siya
kumukurap. Ano nangyari dito?

"Pst? Anong nangyari sa'yo Leader?" Tinusok tusok ko yung pisngi niya at mukhang
effective naman dahil kumurap na siya "Bakit?" Tanong pa nito.

"Kasi nakatulala ka nanaman." Sagot ko. Hindi na siya nagsalita pa at dumandal


nalanh ito at ipinikit ang mata. Ano kayang problema nito?

xxx

Ilang oras din kaming nandito sa eroplano. Nakatunganga at minsan naman ay nag-
aasaran. Wala man lang DVD dito kaya nakaka bored.

"Guys, be ready. Sasalubungin tayo ng queen." Sabi ni Dione na nag-aayos ng buhok


niya.

"Here. Suotin niyo 'to." May nilabas naman si Darius na mga jacket at blanket.

"Susuotin pa 'yan? Ang init init kaya no." Komento ko.

"Trust me, malamig sa labas." -Darius

"It's ok. Baka gusto ng yakap ni Amara. Come on baby, I'll hug you." Sabi ni
Nicholas at naka wide open ang kamay niya kaya nakatanggap siya ng malakas na batok
galing kay Elizze.

"Here," inabot sakin ni Darius yung blanket at jacket.

Biglang pumasok ang malamig na hangin ng buksan ni Elizze yung pinto ng eroplano.
Grabe, malamig nga.

"Lets go."

Isa isa kaming lumabas. Nakikita ko na ang paligid. Kulay asul ang lahat. Napansin
kong may apat na tao doon sa baba na naghihintay.

"Siya na ba yung Queen?" Bulong ko kay Brianna.

"Oo, yung nasa gitna." Sagot nito na pabulong lang din.

Ang ganda ng Queen. Hindi naman halatang favorite color niya ang blue. May
nakapulupot nakulag puting fur sa leeg niya habang ang damit naman niya ay kulay
asul na parang pang tribe.

"Hail to the King and Queen." Sabi ni Nicholas at nagsi-luhuran kami.

"Ok kids. Stand up." She said in her sweet voice pero mararamdaman mo na
makapangyarihan siya in her own way.

"We're here to accept your mission, Queen." Sabi ni Nicholas.

Nginitian ng Queen si Nicholas. "Hello there, Prince of Air realm." Sabi ng Queen.
"It's pleasure to meet you, Ma'am." Bati ulit ni Nicholas.

"And there you are, Princess of Fire Kingdom." Nilingon niya naman si Elizze na
mapait ang mukha.

"It is also pleasure to meet you." Cold na sabi ni Elizze. Is there any problem?
Pati ako napapa english na.

"Ok. Special request ko kayo sa Forbidden Academy dahil bukod sa chosen kayong
lahat, alam kong malalakas at matatalino kayo para malutas ang problema ko."
Biglang naging seryoso ang boses ng Queen. Lahat kami ay nakikinig lang.

"Ano po bang problema, your highness?" Tanong ni Nicholas. Ibang iba siya ngayon.
Seryoso siya pala pagdating sa mga business na ganito.

"Sumunod kayo sakin."

Tahimik lang kaming naglalakad habang sinusundan siya. Nagmamasid masid naman ako
sa paligid. Nasa isang bridge kami ng yelo. Mahaba iyon at nakadugtong ito sa isang
malaking kastilyo na gawa sa crystal.

Ilang minuto din kaming naglakad hanggang sa makarating kami dito sa kastilyo.
Napakalaki nito at gawa iyon sa isang yelo na halos kasing tibay ng isang crystal.

Nagpatuloy kami sa paglalakad sa loob ng malaking kastilyong ito. Sinusundan lang


namin ang Queen sa paglalakad hanggang sa huminto siya sa isang kwarto.

Pagbukas na pagbukas ng Queen sa pinto ay bumungad saamin ang isang hagdanan


pababa. Papunta sa basement ng castle.

Kinuha niya ang torch na nakasabit sa gilid. "Princess, please?" Sabi ng Queen at
itinutok niya ang torch kay Elizze. Sinindihan naman iyon ni Elizze gamit ang
kanyang majika.

"Follow me," sabi ni Queen at naglakad na siya pababa ng hagdan. Makipot ang daan.
Tanging ang hawak na sulo lang ng Queen ang nagbibigay liwanag samin ngayon.

Mahaba ang nilakad namin at pagod na pagod na ako ng makarating kami sa pinaka
dulo. Kaso may isa nanamang pinto. Maliit lang siya at pabilog pa. Pero ang
ipinagtataka ko lang ay may disenyo iyong Yin-yang.

Binuksan ng Queen ang pinto at tumambad samin ang magandang lugar.

Hindi ito kagaya sa taas na puro yelo at asul ang makikita. Napakaganda, para akong
nasa langit althought dim lang ang liwanag sa lugar na ito at tanging mga
nagsisiliparang alitaptap lang ang nagbibigay ilaw sa lugar.

Mas nakita pa namin ang kagandahan ng loob ng pumasok kami dito. Ang ganda, hindi
malaki ang loob pero sapat na ito para magkasya ang mga 50 - katao.

Ang lupa, may bermuda grass at may nagsisiliparang alitaptap. Sa gitna ay may
maliit na bridge dahil merong man-made lagoon doon.

"Napaka ganda!" Ayan nalang ang lumabas sa bibig ko. Napansin kong napatingin sakin
yung Queen kaya sinarado ko ang bunganga ko at pumustura ng ayos. "Sorry,"

"It's ok girl." Malmanay na sabi nito at nginitian pa ako. Nakakahiya grabe.

Naglakad ang Queen papunta doon sa kabilang dako ng lugar.

"Follow me," sabi ulit nito kaya sinundan namin siya.

Nang marating namin ang dulo, isang maliit na space lang ang meron dokn dahil
napapalibutan na iyon ng tubig kaya siksikan kami ngayon dito sa gitna.

"The lagoon was frozen," Ngayon ko lang napansin, nagye-yelo pala ang tubig.

"Would you mind me to ask, your highness?" Tanong Hermes.

"Go ahead."

"Anong meron sa lugar na ito?"

"This place is sacred. Dito naninirahan ang sacred dragon." Dragon? Totoo ba yun?

"Nasaan sila?" Tanong ni Darius

"There, in the frozen lagoon." Turo ng Queen. Napatingin kami sa tubig. May
mahabang kulay pula ang nasa loob n'un at hindi gumagalaw habang ang isa naman ay
mahabang kulay light blue na gumagalaw.

"Ano pong nangyari your highness?" Tanong ni Brianna.

"Nagkaroon ng imbalance sa kanilang dalawa. Because of the previous consecutive


lunar eclipse, the moon's dragon gain strong power enough to froze the lagoon with
the sun's dragon," Napabuntong hininga ang Queen at halatang malungkot siya.
"Unti unti na ding bumababa ang temperatura na epekto ng na acquired na malakas na
kapangyarihan ng moon's dragon. Kung magpapatuloy pa ito, ang buong Faireo ay
maaaring mabalot ng makakapal na yelo." Malungkot na sabi ng Queen.

"Hindi lang iyon ang inaalala ko, dahil the day after tomorrow, we'll be having a
big event. So I hope na maging maayos na ito tomorrow. Iiwanan ko na kayo,"

"Mister Jira, lead them, ok?" Sabi ng Queen doon sa lalaking nakasunod samin simula
kanina pa.

"Masusunod, your highness."

xxx

Nandito na kami sa kwarto. Hiwalay ang babae sa lalaki kaya naman magkakasama kami
nila Dione.

Kadadating lang namin dito matapos ang pagtingin doon sa frozen lagoon at sa mga
dragon na walang pakpak. Para lang silang Koi na isda e.

Ang sabi ni Hermes may kakaibang properties ang yelo kaya hindi madaling tunawin
iyon kahit na ng apoy ni Elizze kaya sa tingin ko mahihirapan kaming gawin ito.

Napatingin ako sa mga kasama ko, si Brianna na nagkakabisa parin ng mga spells at
ang iba ay sinusulat niya sa makapal na notebook niya. Si Elizze na tulog na at si
Dione na adik sa Candy Crush.

"Hoy, 'bat mo sinusulat?" Tinabihan ko si Brianna.

"Kasi... Pinagsasama sama ko ang mga defensive at offensive spells at ang mga
walang kwentang spell naman ay hindi ko na sinusulat. Para hindi dagdag hassle
diba?" Ah~ ganun pala yun.

"Wait, meron ba d'yang spell na pampatunaw ng yelo o kung ano man?" Tanong ko.
Napatingin sakin si Brianna na halatang curious din.

"Ok, I'll search. Sana nga meron para less hassle diba." Yes! Sana meron.

"Sige, gagala lang ako." Sabi ko at tumayo.

"Wag kang lalayo!"

"Yes girl!"
xxx

Naglalakad lang ako sa hallway ng castle. Ang laki pala ng lugar na ito. Para
siyang castle ni Elsa sa Frozen na gawa sa yelo na kasing tibay ng diyamante at
crystal.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta kaya naman sinunod ko ang instinct ko. Bahala
na kung maligaw ako.

May mga kakaibang paintings na naka sabit sa mga walls ng castle at meron ding mga
armor ng knights sa bawat gilid. Ang galing lang no.

Hindi ko napansin na dinala na pala ako ng paa ko sa harap ng yin-yang door.

To be continue...

xxxxxxxxxxxxxxxx

Sorry sa typos. Di nako nag back read. :)

=================

CHAPTER 23 (MISSION #2 PART 2)

A/N (08/24/15)

Guys, sa lahat ng nakabasa ng version 1 ng Celestial Princess, pasensya na po. It's


either na sira yung wattpad app niyo o yung wattpad account ko na mismo yung may
problem. Sobrang pasensya na talaga kasi hindi ko din alam kung ano yung nangyayari
eh. By the way, kindly message me or coment nalang kayo sa chapter na may problem.
Thanks!

xxxxxxxxxxxxxxxx

Chapter 23 (MISSION #2 PART 2)

.
AMARA'S POV

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sakin.

"Hi-hindi ko din alam. Basta nalang akong dinala ng paa ko dito." Sagot ko. Hindi
na siya muling nagtanong pa bagkus ay hinawakan niya ang frozen lagoon. Nag-
iimbestiga siya.

Napatingin ako sa lagoon. Yung moon's dragon, lumalangoy siya sa ilalim kahit na
nagye-yelo 'yon.

Napansin kong umupo si Hermes. Nakatulala na siya doon sa Sun's dragon na para bang
ang lalim ng iniisip niya. May problema ba siya? Hm, lagi naman siyang ganyan.
Laging nakatulala.

Lumapit ako at tinabihan ko siya.

"Why?"

"H-huh? Wa-wala naman."

Katahimikan... Walang umiimik saming dalawa. Ang awkward, kahit kailan talaga
nakakaintimidate siya lalo na't pag dalawa nalang kami.

"Alam mo, nakakaintimidate ka." What the fvck? Bigla nalang lumabas sa bunganga ko
yung iniisip ko. Napansin kong lumingon siya sakin.

"I'm sorry, but who are you?" Halos man laki yung mata ko dahil sa sinabi niya.
Who, me?

"Sorry. I mean I'm curious about you. Amara, sino ka ba talaga?" Ganun pala. Tsaka
wait, first time kong marinig na banggitin niya ang pangalan ko ah.

"Anong klaseng tanong 'yan?" Hindi ko siya maintindihan. Anong gusto niyang
sabihin?

"No-nothing. Curious lang talaga ako."

"Kung ganun, let's play a game."

"What game?" Tanong niya.


"Simple lang. We'll exchange questions to each other."

"Questions about?"

"About our lives. Question you want to know."

"Fine. Ako ang mauunang magtanong," I nooded. "Where are you from?"

"From Earth." He nooded.

"My turn. Ok, why are you staring at me?"

"So, you think that I like you?"

"Huh? San nanggaling yang tanong na yan? Hindi no! Tsaka teka nga, bakit mo
sinasagot ng tanong yung tanong ko? Isang tanong isang sagot lang dapat. Ulet!
Bakit mo ako tinititigan?"

"Fine, fine. Your face was familiar to me. Parang nakita na kita somewhere.
Satisfied?" I nooded. Familiar? Exotic beauty kaya ang meron ako no.

"So, who are your parents?"

"Hey? 'Bat ka nakatulala?" He asked.

"Wa-wala. Hindi ko kilala magulang ko. Si Tyang Ina lang ang nagpalaki sakin at ang
asawa nito." Naaalala ko nanaman sila. Nakakalungkot lang na wala na sila ngayon.
Ang bilis ng panahon.

"I'm sorry. Your turn."

"Kaanu-ano mo si Kristine?" Oh fvck!

"She's my sister." What the? Sister? I thought they're in relation.

"Diba? Kayo? I mea --"

"One question at a time and it's too personal."

"So-sorry."
"So, pano mo nakuha yung thelete?"

"I don't know pero bago mamatay si Tyang, sinabi niya na sakin daw yung jewelry box
na may laman ng Thelete." Oo nga no, san jaya galing yung jewelry box na yun o yung
Thelete?

Sino kaya ang mga magulang ko?

Bakit nila ako pinamigay?

Bakit nila ako iniwan?

Ang daming tanong na sumasagi sa isip ko. Hindi ko alam kung pano yun masasagot,
hindi ko alam.

"Ok, it's my turn. So, bakit ka curious sa pagkatao ko?"

"As I said earlier, your face was familiar to me. Feeling ko nakita na kita
somewhere." Familiar? Lagi nalang yun ang sagot niya.

"Ako na," sabi niya at tumango ako. "May mga kapatid ka?"

"Oo. Yung anak ng Tyang ko. Hindi ko nga lang siya nakita pero tinuring ko na
siyang isang tunay na kapatid."

"Ako na --"

"Guys! Nandito lang pala kayo! Kanina pa namin kayo hinahanap!" Napatingin kami
doon sa pinto. Ang Element's Crown.

"Ano 'yan, nag de-date kayo?" Sabi ni Elizze ng nakakaloko. Baliw talaga 'to.

"Baliw!"

"Hoy Hermes! Nililigawan mo ba itong si Amara my Loves ko?" Inakbayan ni Nicholas


si Hermes.

"Hoy, anong my loves my loves 'yan?" Kunot noong tanong ni Dione.

"Hey guys, tama na 'yan. Simulan na natin ang mission para makabalik na tayo sa
Academy." Sabi ni Dylan na mukhang seryoso.
"Ano?! Babalik kaagad?! May party pa kaya dito kaya I'll stay!!" Sigaw ni Dione sa
kakambal.

"Ok, fine. But we must finish this mission as soon as possible." Sagot ng kakambal
niya.

Nagpunta si Brianna doon sa may lagoon at hinawakan niya yung frozen water.

"Elizze, can you melt this ice?" Tanong ni Brianna.

"I can't but I'll try again." Lumapit si Elizze doon sa lagoon at tinapat ang kamay
niya doon at nagpalabas ng malaking apoy.

Ilang minuto pa ang tinagal ng pagpapalabas ng apoy ni Elizze pero hindi man lang
natunaw ang yelo.

"Ayaw eh."

"Ok. As I concluded." Sabi ni Brianna.

"We can't melt it by just using a flame. It's not an ordinary ice, it was
crystalized so it is hard to melt. May alam ako kung pa'no ma tunaw 'yan but we
need one person." Sabi ni Hermes na seryoso.

"Sino?!" Tanong ni Dione.

"The King of Faireo, Aurie Sorceries."

"What?!!" Sigaw ni Nicholas. The king? I don't know mukhang malabong mangyari 'yon.
Isa lang itong simpleng mission at baka hindi kami pagbigyan n'un.

"Why him?"

"He's the only one who's capable of doing this. He has the majika -- nope, a
sorcery magic that can chant a spell in this weird stuff." Nanlaki yung mata ko sa
sinabi ni Hermes. Sorcery magic? I know one.

"But sigurado akong hindi tayo pagbibigyan ng King kung mag re-request tayo sakanya
na gawin ito." Komento naman ni Darius.

"I know, but this is the only choice we have. Kung hindi natin susubukan, baka
maging frozen na ang buong Faireo."
"Uhh guys --"

"But we have Elizze and Nicholas' parents. I'm sure they can help us to communicate
with the King." -Dylan

Napatingin ako kay Elizze. "I'm sure my father won't help us." Malungkot na sabi
niya.

"How 'bout your father, Nicholas?" Tanong naman ni Dione.

"I'm not sure but Air realm is too far away from here. Kailangan na nating matapos
'tong mission na 'to as soon as possible dahil the day after tomorrow ay may
ocassion silang gaganapin." Sagot naman ni Nicholas.

"But guys--"

"But we have no choice --" -Hermes

"Actually we have!!" Sigaw ko kaya napatingin silang lahat sakin. Tumingin ako kay
Brianna, alam din niya ang iniisip ko.

"We have?" Kunot noong tamong ni Darius.

"Yep. Brianna is capable of doing the sorcery magic thingy na 'yan." Sabi ko kaya
lalong kumunot ang noo nila.

"Brianna? How?"

"Look at her necklace" sabi ko at sinunod naman nila yun.

"What's with her necklace?" Takang tanong ni Elizze.

"It was not an ordinary necklace. A Celestial rare item called Aquarius' caster."
-Brianna

Lahat sila nakataas ang kilay.

"But where did you get that?" Tanong ni Nicholas

"This is from Amara. She gave it to me as a gift. Nabili niya ito doon kay Aling
Petchay, sa mission natin dati." -Brianna.
Napatingin ako kay Hermes, nakataas ang kilay niyang nakatingin sakin na parang may
iniisip nanaman. Aist! Here we go again.

"So, let us start. Gusto ko ng magpahinga." Sabi ni Dylan.

"Let's go!!" Sabay na sigaw naman ni Elizze at Nicholas.

Hiniram ni Hermes yung ballpen at papel ni Brianna para isulat doon yung spell na
kakailanganin namin.

"Here, chant that spell." Inabot ni Hermes yung papel kay Brianna.

"Nakabisado mo 'to?" Tanong ni Brianna sakanya.

"Nope. I memorized it accidentally." Sagot niya.

"Wiat, panong accidentally?" Curious na tanong ko.

"I'm reading spells that time and I saw this spell and red it, then suddenly I
memorized it." Ang galing naman, photographed memory.

"Wow!"

Naglakad si Brianna doon sa arc-bridge at doon pumwesto.

"Hindi ako sigurado kung gagana 'to dahil first time ko lang mag cha-chant ng
spell."

"It's ok Brianna. Come on, do it." -Elizze

"Bilisan mo na Brianna!!" Sigaw naman ni Dione. Ang hyper niya ngayon ah.

Napansin kong huminga ng malalim si Brianna at matapos n'un ay binigkas na niya ang
unang spell.

"Stars that shine on night

Create a path of light

That can melt this frozen ice,


Make this --"

Hindi natapos ni Brianna yung pagcha-chant niya ng bigla siyang tumalsik samin.

"Argg!"

Agad akong tumakbo palapit sakanya para siya'y tulungan.

"A-anong nangyari?" Tanong ko.

"Mga Eviano?!" Hindi siguradong sagot ni Nicholas na nakikipag laban sa isang taong
naka itim. Para siyang ninja dahil may takip ang mukha niya ng itim at ang buong
kasuotan niya ay kulay itim.

"Sino kayo?" Sigaw ko ng may tatlong Eviano ang ginitnaan kami. Tinignan ko si
Brianna, nawalan siya ng malay. Shems!

Hindi sumagot ang mga ito at bigla silang tumakbo ng sabay sabay palapit sakin kaya
mabilis kong kinuha yung Thelete sa binti ko at trinasform ko yun as Aquarius' whip
at sabay sabay na hinampas iyon sakanila kaya tumalsik sila.

Mabilis kong inalalayan si Brianna para makaalis kami dito. Yung mga kasamahan ko,
nakikipag laban din. Walang makakatulong sakin kundi ang sarili ko. Kailangan kong
gisingin si Brianna.

"Brianna, gumising ka. Hindi ko sila kayang tatlo."

Napatingin nanaman ako sa kanilang tatlo na may dalang espada habang papalapit
sakin. Someone, help us please.

Napatingin ako doon sa mga kaibigan ko, dala-dalawa ang nilalabanan nila. Hindi ako
sigurado kung matutulugan nila ako.

I whipped my Thelete in one men but he manage to dogged it. Mabilis kong hinugot
yung whip at pinalo ko ulit yun sa lalaki pero nailagan niya din iyon. Shems!

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko kaya naman niyakap ko si Brianna at
pinikit nalang ang mga mata ko.

1...

2..
3...

Naghintay pa ako ng ilang saglit. Wala akong nararamdamang kahit na anong sakit.

Unti-unti kong dinilat ang mata ko at hinanap yung mga Eviano. Laking gulat ko ng
nakahiga na yung mga lalaki na walang malay. A-anong nangyari?

Napatingin ako sa mga kasama ko na abala namang nakikipag laban. Kailangan ko


silang tulungan dahil napakadami ng mga kalaban nila.

Inalalayan ko si Brianna at sinandal ko siya sa isang gilid.

Pinalabas ko ang aquarius' whip at pinulupot ko yun sa isa sa mga kalaban ni


Elizze. Buong pwersa ko iyong hinila para mapunta siya sakin.

Nang malapit na sakin yung Eviano, malakas kong sinipa yung manhood niya. Alam kong
kahinaan yun ng nga lalaki kaya ayun ang pinuntirya ko isa pa hindi naman ako
marunong makipag laban kagaya ng ginagawa ng mga kasama ko.

One down.

Binilang ko yung mga kalaban nila.

Seventeen lahat ng Eviano na kalaban nila. Ang iba ay bulagta na at patay na.

Nag-isip ako ng paraan kung pano mapapaalis ng mabilis ang mga Evianong ito ng
hindi man lang lumalaban.

Kung kaya ko lang sanang kontrolin ang twelve weapons ng Thelete kaso iisa palang
pero no choice ako. Kailangan kong gamitin ang Taurus' blade. Yun lang ang alam
kong makakatulong samin ngayon.

Inalis ko na yung Aquarius' whip kaya natira nalang yung mismong grip o yung
thelete.

Kinoncentrate ko ang energy ko. Sana magawa ko 'to.

xxxxxxxxxxxxxxxx

=================

CHAPTER 24 (MISSION #2 PART 3)


Chapter 24 (08/24/15)

xxxxxxxxxxxxxxxx

AMARA'S POV

"Ipunin mo ang energy sa katawan mo at ipadaloy papunta sa Thelete."

"Lagi mong tatandaan, ang mabilis na paraan para matuto ay imagination. Ayun ang
ginagamit namin para mas maging malakas ang majika namin."

"Imagination lang. Imagination."

Naalala ko lahat ng sinabi sakin ni Brianna noong tinuturuan niya akong palabasin
yung Aquarius' whip. Imagination ang mabilis na paraan para matuto at magawa ang
kahit na anong gusto.

Ngayon, kakailanganin ko nanaman ang aking imahinasyon. Sa oras na ito, kailangan


kong palabasin ang isang sandata sa Thelete. Ang weapon ng celestial god na si
Taurus, ang Taurus' blade.

Lahat ng nararamdaman kong energy sa katawan ko, lahat ng iyon ay kinolekta ko at


inipon ko sa isang lugar sa katawan ko.

Nang naramdaman kong sapat na energy na naipon ko, I released it to my both hand.
Hawak hawak kasi ng dalawa kong kamay ang Thelete.

Habang ginagawa ko yun, iniimagine ko na ang thelete ay unti-unting nag ta-


transform as Taurus' blade.

Pinakiramdaman ko ang hawak hawak ko Thelete. Iba na sa pakiramdam. Hindi na kagaya


kanina, hindi ko na nararamdaman yung texture ng design. I think nagbago na siya.

Minulat ko na ang mata ko at agad kong tinignan yung Thelete -- or should I say is
yung Taurus' blade. Simple yet beautiful.

Isa na siyang sword. Yung cross-guard, wala na. Yung grip naman ay nababalot ng
tissue habang ang pommel naman ay may blue gem stone na nakaukit ang sign ni Taurus
(). Yung pinaka blade naman, transparent siya. Para talagang yelo. May usok-usok
pa.

Ano kaya ang mga kayang gawin nito?


Lalapitan ko na sana sila Hermes ng may pumasok nanamang Eviano. Madami sila, sa
tantya ko mga sampu.

Since kami ang pinaka malapit ni Brianna, kami ang nilapitan nila.

xxxx

HERMES' POV

"Shit!" Bakit ang daming mga Eviano'ng nakapasok sa lugar na ito? Castle ito at mga
piling tao lang ang nakakapasok dito atsaka ang pahkakaalam ko, ang lahat ng castlr
ay non-portal zone kaya safe ito sa Eviano at sa kahit na sinong intruder. Sigurado
ako, may taksil.

Napakadaming kalaban. Tatlo ang kinakalaban ko ngayon ganun din ang iba.

Naglabas ako ng Espada gawa ang majika ko. I shall finish them now so I can help my
friends.

I swung my sword to the man but he managed to dodge it.

"Fvck!" I cussed. Naramdaman kong may humiwa sa left shoulder ko. Shit! Ang dami
nila!

I swing my sword to the man who stabbed my back but I quickly sheer my sword when I
saw the other man whose about to slit my arm. Shit! Pinagtutulungan nila kami.

Mabilis akong tumalon palayo sakanila. Arg! Fcvk! Hasang hasa sila. Alam nila ang
bawat galaw ng kakampi nila kaya syncronized ang galaw nila at alam nila ang atake
na gagawin ng isa.

Napatingin ako kina Amara, napapalibutan siya ng Eviano.

"Shit!"

Binaling ko ang atensyon ko sa mga kalaban ko. Tumatakbo sila palapit sakin. Arg!

Napatingin ako kay Darius na malapit lang sakin. "Hey Darius! Buy me some times.
I'll finish them in an instant." Pagkasabi ko nun, tumango siya then may mataas na
wall ang umangat sa dadaanan ng kalaban ko.

Tumalon ako papunta doon sa mini-bridge. Nilibot ko ang tingin ko. Ang dami ng
kalaban, mukhang mahihirapan ako sa gagawin ko.
I breathe deeply. Kinabisado ko ang mga lugar kung nasaan ang kalaban and I focus
on their energies.

"JUMP!!" sigaw ko at nakita kong napatingin sakin ang lahat except kina Amara.
Masyado silang malayo.

Naintindihan ako ng mga kasama ko kaya sabay sabay silang tumalon ng mataas.

"Secret form, Frozen blood!" I shouted. Napansin kong hindi na nagagalaw ng mga
Eviano'ng ito ang kanilang paa. Good! I froze their blood so they can't manage to
move every single of their limb.

"Go help Amara!" Sigaw ko.

Ilang saglit lang ay nabalot na ng yelo ang mga katawan ng Eviano na ito kaya naman
hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at binasag ko na ang yelo kasama sila. Remember,
their blood is frozen kaya pati ang mga lamang loob nila ay basag na din.

xxx

AMARA'S POV

Shems! Ang dami ng mga kalaban ko! Goosh! 10-1 ang forte ngayon. Tinignan ko isa-
isa ang mga kalaban ko. Lahat sila naka mask na kulay itim. Para talaga silang
ninja, tanging mata lang nila ang nakikita ngayon. Except to this one person.
Kakaiba ang mask niya. Kulay gray iyon at may naka embroidered doon.

"Anong kailangan niyo samin?" I need to buy some time. Tinignan ko si Hermes,
napansin kong nakatingin siya sakin. I need to trust them. Alam kong tutulungan
nila ako.

"Wait!" Sigaw ko ng lumalapit sakin ng sabay sabay yung mga Eviano na 'to.

"Wait. Don't attack her." Sabi nung naka gray mask. Naglakad ito palapit sakin kaya
tinapat ko sakanya yung Taurus' blade.

"Ano bang gusto ninyo?" Tanong ko ulit.

"I'm right. You look exactly like her," Nanlaki ang mata ko sa sinabi ng lalaking
nasa harap ko. Exactly like her?

"A-anong sinasabi mo?"


"Nothing."

"Anong gusto mo at bakit mo kami inaatake?"

"We're not attacking you people. We're just protecting our plans."

"Plan? Anong plano at si-sino ka? Tanggalin mo yang mask mo!"

"Ang tapang mo huh, at ang dami mo ding tanong."

"Hindi ako nakikipag biruan! Magpakilala ka!"

"Get her." Sabi nito. Naglakad na palapit sakin yung mga alagad niya. Shems!
Tumingin ulit ako kina Hermes pero nakikipag laban parin sila. Gosh!

I swing my sword but they managed to dodged it. Arg! Hindi ako marumong gumamit ng
espada. Shh!

"Wa-wag kayong lalapit!" Sigaw ko pero hindi sila nakinig sakin. Patuloy parin
silang naglalakad kaya ako naman ay umaatras ng umaatras.

Hindi ko napansin, bigla nalang tumakbo ang isang Eviano at dahil sa gulat ko,
nadapa ako. Nadapa ako malapit kay Brianna at naupuan ko pa yung paa niya.

"Kyaaah!" Pinikit ko ang mata ko. Ayoko pang mamatay! Marami pa akong kailangang
gawin sa mundo.

Hinintay kong dumikit sakin ang espada ng isang Evianong ito pero lumipas na ang
ilang minuto at wala parin akong nararamdamang kahit na anong sakit.

Minulat ko ang kaliwang mata ko at nakita ko si Darius na nakikipag laban sa harap


ko kasama sina Elizze at ang iba pa.

Dumating sila. A-akala ko katapusan ko na.

"Th-thanks," bulong ko.

"A-amara.." Napatingin ako sa likod ko, si Brianna.

"Brianna, mabuti't gising ka na."

"Anong nangyari?" Tanong niya at tinignan ang buong paligid.


"Sinugod tayo ng Eviano habang nag cha-chant ka ng spell."

"I see. I need to help them." Sabi nito at tumayo siya. "Kaya mo na ba?"

"Yep. Gusto kong subukan ang Aquarius' caster na 'to. May mga cool na spells na
akong nakabisa at gusto kong gamitin yun."

Mukhang maganda yun. Gusto ko ding makita kung pa'no gumana yung necklace na
binigay ko sakanya.

Nginitian ko siya tanda ng pagsang-ayon ko. Tinignan ko yung naglalaban laban,


magagaling yung mga Eviano at combat lang ang ginagamit nila ngayon. Walang kahit
na anong majika.

"Da illis potestamem ut removere malum." Nagkaroon ng kulay blue na magic circle
sa inaapakan ni Brianna at ganun din kina Hermes kaya napatingin sila samin.

"Ok guys, I'll give you my support." Sabi ni Brianna at nagsimula na muling makipag
laban sina Darius. Mas bumilis ang galaw nila at mas naging accurate.

Pinanood ko si Hermes, ang galing niyang makipag laban.

Sinuntok siya ng kalaban niya sa mukha pero nailagan niya yun. Hinawakan ni Hermes
yung braso nung kalaban gamit ang kaliwang kamay at hinila niya iyon pagkatapos ay
sinuntok niya sa sikmura.

Napansin niyang may isa pang Eviano na pasugod sakanya na may dalang espada kaya
tumambling siya sa balikat nung Eviano at tinulak iyon kaya siya yung natamaan.
Unti unting naging abo yung Eviano hanggang sa mawala iyon ng tuluyan.

Muling sinugod ng isang Eviano si Hermes ng kanyang espada pero inilagan lang iyon
ni Hermes. Biglang inatake ni Hermes yung Eviano, at tinusok niya ng kanang kamay
niya na may ice pick.

Unti unting naging abo yung Eviano hanggang sa mawala iyon.

"Brianna, tignan mo yun," sabi ko at tinuro ko yung lalaking may mask na gray.
Kakaiba siya sa ibang Eviano na lumalaban. May kakaibang aura na lumalabas sakanya.

"Feeling ko siya yung leader." Muli kong tugon.

"Dyan ka lang Amara, ako na ang bahala sakanya."


"Pero sanda --" hindi ko naituloy yung sinasabi ko ng bigla diyang nag cast ng
spell.

"Clypeus." Nagkaroon ng maliit na magic circle sa kinatatayuan niya.

"Ano 'to Brianna? Isama mo ako, sayang naman 'tong Taurus' blade na napalabas ko."
Pinalo palo ko yung force field na nakaharang sakin na ginawa ni Brianna.

"Mas safe ka d'yan Amara."

Magsasalita pa sana ako ng biglang umalis si Brianna. That girl! Argg!

xxx

BRIANNA'S POV

"Who are you?" Tanong ko ng makalapit ako sa lalaking may mask na kulay gray pero
ang mas kinagulat ko ng makita ko ang naka-embroidered doon. I know that insignia.
I know that sign.

"So, sabihin mo sakin kung pa'no mo nagawang mag cast ng spell?" Tanong niya
kaagad.

"I don't know. Maybe it's in our blood. So, tell me, who are you?"

"Do not be foolish Alcetis. I know you that you know me." Alam kong nakangiti siya,
nakikita ko sa mga mata niya.

"Wag mo na akong paglaruan, sagutin mo nalang ang tanong ko. Sino ka?"

"Are you sure you want to know?" Tanong nito na may halong playful tone ang boses
niya. Ts!

"Yes, I'm sure."

Biglang nagbago ang pagtingin niya sakin. Kung kanina ay pinaglalaruan niya pa ako,
ngayon ay seryoso na.

"I'm the one who killed your father, Brianna."

xxxxxxxxxxxxxxxx
=================

CHAPTER 25 (MISSION #2 PART 4)

Chapter 25 (MISSION #2 PART 4)

xxxxxxxxxxxxxxxx

AUTHOR'S POV (FLASHBACK)

Kadadating lang nila Brianna at nang kanyang nanay na si Virgie sa Water Convene
para bisitahin ang kanyang tatay na nag ta-trabaho doon.

Nasa isang kwarto sila sa loob ng palasyo ng Water Convene.

"Daddy!" Mabilis na tumakbo si Brianna nang makitang pumasok ang kanyang Tatay na
si Aello.

"How are you Princess?" Binuhat nito ang anak at sinalubong ng maratamis na halik
sa pisngi.

"I'm fine Daddy. We missed you."

Sobrang saya n'un ni Brianna dahil muli nyang nakita ang kanyang tatay. Isang taon
kasing hindi nakauwi si Aello sa kanilang bahay dahil sa trabaho niya sa Water
Convene. 7 years old lang si Brianna n'un.

"I missed you too Princess, kayo ni Mama."

May pumasok na lalaki sa kwartong tinutuluyan nila.

"Sir Aello, pinapatawag na po kayo ng Queen."

"Susunod ako,"

Umalis na yung lalaki at muli niyang kinausap ang anak.

"Princess, aalis muna ako ha,"

Nalungkot si Brianna sa narinig niya dahil kakakita palang nilang mag-ama, tapos
aalis nanaman ito.
"But,"

"Sandali lang naman yun Princess, I'll be back soon. Ok?" Wala nang nagawa ang
bata. Binigay na ni Aello ang anak kay Virgie.

"I love you Hon. I missed you." Sabi nito at hinalikan ang asawa niya.

"I love you too."

"Ayiie! Ang sweet!" Sigaw ni Brianna kaya nagsitawanan sila.

"Be a good girl Brianna ok? Wag mong bibigyan ng sakit ng ulo si Mama ha?"

"Yes Daddy!" Sigaw nito bago umalis si Aello.

"Mama, nakalimutan nating ibigay kay Daddy itong pasalubong natin sakanya," sabi ni
Brianna at pinakita ang isang paper bag.

"Mamaya nalang natin ibigay 'yan. Babalik naman siya eh."

"But Mama, baka magutom si Daddy sa gagawin niya." Walang nagawa si Virgie at napa
oo nalang siya dahil sa tigas ng ulo ng kanyang anak and she can't resist the
cuteness of her daughter.

"Sige, sasamahan kita."

"No Mama. I can do it alone besides I'm a big girl naman na. Stay here nalang,
you'll get tired pa e." Napailing nalang si Virgie at pinayagan ang anak.

"Bumalik ka kaagad ha. Wag ka ng mag-gagala kung saan saan." Sabi nito bago bitawan
ang anak. Mabilis na tumakbo si Brianna para mahabol ang kanyang tatay.

Palinga-linga si Brianna para hanapin ang tatay niya and she saw him na papasok sa
isang kwarto.

"Daddy, wait! I have something for you!" Sigaw ni Brianna pero hindi siya narinig
ng kanyang Tatay at tuloy tuloy lang ito sa pagpasok.

Wala nang nagawa si Brianna kundi ang sundan ito.

Nang nakarating na sa tapat ng pinto si Brianna, bubuksan na niya ito ng makarinig


siya ng seryosong usapan.

"Yung utos na pinapagawa sa'yo ng Lord Zebell, gawin mo na mamaya."

"Hindi! Hindi ako pumayag sa pinapagawa niyo." -Aello

Unti unting binuksan ni Brianna ang pinto at nakita niya ang isang lalaki. Napansin
niya ang itim na itim na buhok nito at ang kapansin-pansin din ay ang kanyang
tattoo sa leeg na may dalawang ahas na pinalilibutan ang isang baston.

"Kung ganun, kailangan kang patayin."

"Kahit anong pananakot ang gawin niyo sakin, hindi ko susundin ang pinapagawa
niyo." Nakarinig ng yabag si Brianna kaya natakot ito.

"Kung hindi mo kaya ang pinapagawa ni Lord Zebell, ako nalang ang tatapos sa buhay
ng Queen Anastasia. Pero bago yon, ikaw ang uunahin ko."

Biglang nakarinig ng malakas na putok ng baril si Brianna. Nakita niya ang kanyang
tatay, nakabulagta at wala nang buhay.

Sa sobrang takot, nabitawan niya ang dala dala niyang papel bag at dali daling
tumakbo pabalik sa kanyang nanay.

(END OF FLASHBACK)

xxx

"I-ikaw..." Bulong ni Brianna. Nakaramdam ng pagsikip ng dibdibang dalaga kung kaya


habol hininga na ito kung huminga.

"Yes. I am the one who's responsible for the death of Aello Alcetis. Diba nandun
ka, pinapanood ang pagpatay ko sa tatay mo?"

Hindi na nagsalita si Brianna dahil nilamon na siya ng kanyang galit. Pinipigilan


niya ang sarili niya na gumawa ng hindi tama pero hindi na niya ito mapigilan dala
ng kanyang pagkamuhi sa pumatay sa kanyang tatay.

Mataas na tumalon si Brianna at nagpalabas ng tubig papunta doon sa lalaking


pumatay sa kanyang tatay pero nailagan niya ito.

"Ba-bakit mo ginawa iyon? Ba-bakit mo siya pinatay?!" Galit na galit na sabi ni


Brianna.
"Sabihin nating trip ko lang? Hahaha! Joke, ang totoo, kailangan ko kasi. Alam ko
namang narinig mo ang lahat ng sinabi ko noon kaya hindi ko na sasabihin." Sabi
nito na halatang inaasar ang dalaga.

"Trip lang? Joke? Dahil sa sinabi mo, gusto kitang patayin!" Sigaw ni Brianna.
Pinalabas ni Brianna ang kanyang water dragon. Katulad iyon ng Moon's dragon na
walang pakpak.

Sinugod nung water dragon ang lalaki pero hindi man lang ito umiiwas. Tatamaan na
siya ng water dragon ng biglang hinawakan ng lalaki ang dulo ng ulo nito gamit ang
hintuturo. Biglang huminto sa pag-atake ang water dragon na ipinagtaka ni Brianna.

"A-anong ginawa mo?!"

Unti unting nag freeze yung water dragon hanggang sa naging crystal clear iyon.

"I-ice..."

"Nope. My majika isn't ice. Hmm~ more or like crystal talaga. I can freeze anyone
and anything until he or it will be a crystal, but I can't mold using my majika
unlike Hermes',"

"So, nasakin ang alas dahil tubig ang iyong majika while mine is freezing majika."
He moved his arm from the front to the side. Kasabay n'un ang pag sugod nang
crystal dragon kay Brianna.

"Shit!" Sigaw ni Brianna at patuloy na iniilagan yung crystal-dragon.

"Water slicer!" Sigaw ni Brianna as she swang her arm to the dragon and a water
came out on her hands to attack the dragon but it didn't get any scratches.

"Argh!" Patuloy na umiwas si Brianna pero masyadong mabilis ang paggalaw ng dragon
kaya muntik na itong tamaan kundi lang siya nakagawa ng force field using her
aquarius' caster.

Habang nasa loob si Brianna ng Force field, palihim siyang gumawa ng water wolf at
water ape sa likod ng kalaban niya at palihim niya iyong ginamit para atakihin ang
kalaban.

"Attacking from behind, what a lame tactics." Tumalon ng mataas ang lalaki at
habang nasa ere ay tumambling siya at ginawang crystal ang techniques ni Brianna.

"If I were you, hindi ko gagamitin ang majika ko dahil ayan ang magiging dahilan ng
pagkamatay ko." Sinugod si Brianna ng crystal-ape at ng crystal-wolf pero napahinto
ang mga ito dahil sa force field na ginawa niya.
"Hindi ko alam kung pano ka nakakapag cast ng spell pero 'yang force field mo,
malapit ng mabasag." Sabi nung lalaki. Nakarinig na ng crack si Brianna kaya muli
niyang kinast ang spell.

"Hindi gagana yan. Ilang saglit lang ay mawawalan ng hangin sa loob niya at
mapipilitan kang lumabas."

Hindi na nagsalita si Brianna, naalala ni ng dalaga ang binigay na papel ni Hermes


na naglalaman ng spell kung saan pwede nitong tunawin ang yelo. Kinuha niya iyon sa
bulsa at binasa.

"Stars that shines on night

Create a path of light

That can melt this frozen ice,

I, Brianna Alcetis commanding you,

Make this stone as a blunt

That cannot harm a humdrum."

Nagkaroon ng malaking magic circle sa kinatatayuan ni Brianna at nakita iyon nila


Hermes kaya napatigil sila sa pakikipag laban.

Unti-unting naging tubig ang techniques na ginawa ni Brianna hanggang sa magbalik


ito sa original form.

"A-anong ginawa mo?" Sigaw nung lalaki at dali daling ginamit ang kanyang majika
para gawing crystal ulit ang techniques ni Brianna pero huli na siya dahil tinamaan
na siya ng dragon.

"Argggggg!"

Tumalsik ang lalaki sa dulo ng kwarto at natanggal pa ang mask nito.

Nawala na ang mga water-techniques ni Brianna ganun din ang force field niya kaya
naman pinuntahan niya ang lalaki.

"Mi-mister Jira..." Bulong ni Brianna ng makita nito ang mukha ng lalaki na nawalan
ng malay.
"I-ikaw yun. All this time, ikaw ang pumatay sa tatay ko." Malakas na sinuntok ni
Brianna sa mukha si Jira.

"Kulang pa yan para sa pagpatay kay Daddy. Kung kaya kong pumatay, siguro
pinaglalamayan ka na ngayon."

"Brianna..." Tawag ni Amara at bigla siyang niyakap nito.

Nakita din niya ang iba pa nitong kaibigan at niyakap din siya nito.

"Let's finish this. Masyado nang maraming nagyari ngayong araw na 'to. Tumawag na
din ako ng securities at ilang sandali na lang ay dadating na sila dito." -Dylan

"Bakit ginawa ito ni Mister Jira? Diba kanang kamay siya ng Queen Anastasia?"
-Elizze

"May nabanggit siyang mga plano kanina at hindi ako sigurado nung una pero nung
nakita ko ang kakayahan niya, mukhang siya ang may kagagawan kung bakit naging
frozen ang lagoon na yan at ayaw nilang pakialamanan natin iyon kaya nila tayo
inatake." Pagpapaliwanag naman ni Amara.

"May kinalaman siya sa pag freeze ng lagoon, pero pinalakas ito ng consecutive
eclipse kaya naging ganyan ang property ng yelo sa lagoon kaya mahirap iyong
tunawin." Dagdag naman ni Hermes.

Dumating na ang mga Security at kasama mismo ang Queen doon.

Hinuli at pinadala si Mistrr Jira sa Black box na isang uri ng kulungan ng mga
Eviano at kriminal sa Faireo.

Nabalik na sa dati ang lagoon, nakulong na si Jira at masayang binigay ng Queen ang
pabuya dahil nagawa nila ng maayos ang mission na binigay sakanila.

xxx

"Brianna, may hinanakit ka pa ba doon sa lalaking pumatay kay Tito?" Tanong ni


Amara.

"Wala na. Matagal na akong naka move on pero hindi ko paring maiwasang magalit sa
lalaking iyon pero ok na ako Amara. Matagal nang nangyari yun."

"Tara, makisaya tayo sakanila."


xxxxxxxxxxxxxxxx

=================

CHAPTER 26

Chapter 26

xxxxxxxxxxxxxxxx

AMARA'S POV

Ang daming nangyari kahapon. Akala ko doon na magwawakas ang buhay ko. Ganito pala
yung feeling nun no, yung nakikipag laban ka para sa kaibigan mo, para sa mahal mo.
Grabe lang, akala ko talaga wakas na ng buhay ko.

Sila Hermes kaya? Anong nararamdaman sa tuwing nakikipag laban sila? Sino o ano ang
pinoprotektahan nila?

Eh yung mga Eviano na sumugod samin kahapon, ano ang pinoprotektahan nila at bakit
nila nagagawa yun? Ano kayang nararamdaman nila tuwing pumapatay sila ng inosenteng
tao?

Wala man akong sagot sa sarili kong mga tanong ngayon, pero alam ko, sa tamang
panahon malalaman ko ang lahat ng 'yon.

"Amara! Tapos ka na ba?" Tanong ni Brianna. Nandito kami ngayon sa kwarto namin sa
Water Convene. Ngayon kasi, may ball na gaganapin para sa prinsesa ng lugar na 'to.

"Oo! Wait lang," tinignan ko ang reflection ko sa salamin. I was wearing a fitted
dark red/maroon dress. Hapit siya sa katawan ko na para bang bahagi na siya mismo
ng aking pagkatao.

Simple lang ang ayos ko, powder at simpleng lip gloss lang nilagay ko habang ang
buhok ko naman ay ganun pa din, walang pinagbago.

"Wow! Ang ganda mo Amara!" Sigaw ni Elizze. Na conscious tuloy ako bigla. Walang
wala ang itsura ko kumpara sakanila.

Ang ganda nung suot ni Elizze. Daring kung daring. Color pink at labas ang cleavage
pero may malaking strap yun na nakapulupot sa shoulder niya.

"Thanks, you look beautiful too."


Tinignan ko naman si Brianna, long dress din, kulay white-blue. May mga designs at
palamuti sa upper part habang ang baba naman ay maraming ripples. Para siyang isang
greek goddess.

"Best, blue talaga?"

"I know right. Hahaha!"

Si Dione naman. She look stunning. Itim na itim ang suot niya at may flowers yun sa
tummy hanggang sa hinaharap niya. Kita din ang cleavage niya dahil tube iyon.
Simpleng ngiti lang ang binigay niya sakin kaya naman nginitian ko din siya.

"Let's go girls."

Naglalakad na kami ngayon sa isang hallway papunta sa main venue.

"Asan yung mga boys?" Tanong ko.

"I'm sure nasa venue na 'yun." Sagot ni Elizze.

Sigurado akong gwapo sila ngayon.

Huminto kami sa isang malaking pinto. Naririnig ko na ang tunog ng isang romantic
music. Nagsisimula na ang party.

Binuksan ko yung pinto at ang sumalubong samin ang malaking lugar na puno ng
magaganda at makikisig na tao. May malaking chandelier sa gitna at may mga petals
ng roses ang nagkalat sa lapag. Medyo dim ang kulay ng lugar na nagpadagdag sa
romantic ambiance nito. May dalawang malaking staircase din sa gilid at kitang kita
mo ang second floor at sa gitnan noon ay may malaking pinto na may dalawang kawal
na nakatayo.

"There they are," Turo ni Dione sa mga boys. Nakatingin sila samin. nababasa ko sa
mga clich story yung ganitong scene. Lalapit ang babae sa lalaki at sasabihan niya
ito ng "you look beautiful'. Tama ako diba?

"What took you so long?" Tanong ni Nicholas.

"Nothing." Sagot ni Elizze.

"Mabuti nalang at umabot kayo, magsisimula na kaya ang party." Magsisimula? So,
hindi pa pala kami late.
Nilibot ko ang tingin ko. Nasa harap nakaupo ang reyna't hariAng daming tao. Halata
mo sa suot nila, sa itsura nila na hindi sila basta bastang bisita lang. Alam mong
makapangyarihan sila at ma impluwensya sa mundong ito.

Napansin kong nakatingin samin yung ibang tao. Nakataas ang kilay nila. Ewan ko
pero na conscious ako.

"Don't mind them." Napatingin ako sa nagsalita, si Hermes.

"Ang sama kasi ng tingin,"

"Mabuti pa't pumunta na tayo sa seat natin. Magsisimula na ang main event."

Biglang kinuha ni Hermes yung kamay ko at hinila niya.

A-ano tong nararamdaman ko ngayon? Parang nagiinit yung kamay ko. Pa-parang may
kung ano na hindi ko maintidihan. Parang hindi tama. Sumisikip yung dibdib ko at
yu-yung paghinga ko, parang may mali.

"Hey, are you ok?" Nahimasmasan ako ng makita kong nasa harap ko na sila Brianna na
nakatingin sakin.

"Ye-yes." Umupo na ako sa upuan ko at inalalayan pa ako ni Hermes. "Th-thanks."

May isang lalaki na tumayo sa harapan. Ang sabi ni Brianna, ang party na ito ay
para sa Prinsesa ng Water Convene, birthday daw ngayon at debut pa kaya engrade.

Sinabi ng Emcee ang mga hilig ng prinsesa, simula sa pag be-bake ng cakes, cookies,
ang pangarap niyang maging isang magaling na reyna kagaya ng kanyang ina at kung
anu-ano pa.

Ang bongga ng party na 'to. Ganto yung pangarap ng bawat babae sa pagtungtong nila
ng kanilang 18 na kaarawan.

Sayang, naudlot ang debut party para kay Brianna. Ready na ang lahat nun pero bigla
nalang nangyari ang pagsugod ng mga Eviano.

"Ladies and gentlemen, may I present to you, the debutant, Princess Amethist
Bidraggle." Nagsimulang tumunog ang mas romantic background song. Nakatingala
kaming lahat at inaabangan ang paglabas ng Prinsesa sa malaking pinto.

Binukan na ng dalawang kawal yung pinto. May mga usok pa at may maliwanag na ilaw
kaya hindi pa makita ang prinsesa.
Unti unting lumabas ang prinsesa at halos lahat ng tao dito, mapalalaki mapababae
ay tumutulo ang laway dahil sa sobrang ganda ng Prinsesa.

Nakasuot siya ng kulay white na long gown at may mga palamuti sa top nun. Ang
pupula ng labi niya at ang kulay ng balat niya, Kasing puti ng mga nyebe.

"Wow, she's so beautiful." Sabi ni Nicholas na hindi man lang tinatanggal ang
tingin sa prinsesa.

"Yeah right." Dugtong ni Dylan.

Inalalayan siya ng hari sa pagbaba ng hagdan.

Pano kaya kung debut ko na, sino kaya ang aalalay sakin sa pagbaba ng hagdan? Meron
kaya? Sana andyan din ang tatay ko, kung sino man siya sana makita ko siya.

Hindi ko napansin na nasa gitna na pala si Princess Amethist habang nag i-speech
ang Queen.

Sa debut ko, sino kaya ang nag i-speech? Sana makita ko na ang nanay ko, hindi ko
alam kung paano pero alam ko, sa tamang panahon at sa perfect timing ni God,
ipagkakaloob niya sakin ang hinihiling ko. Magics nga nag e-exist, pano pa kaya ang
miracles diba?

Naniniwala akong makikita ko sila, ang nanay ko at ang anak ni Tyang, Tiwala lang.

Nag-uumpisa na ang 18 roses, pumunta na si Hermes at Nicholas sa pila dahil isa


sila sa magsasayaw sa prinsesa. Remember, si Nicholas ay anak ng Hari ng Air realm
at si Hermes naman ay anak ng may-ari ng school.

Sa akin kaya, sino ang mag-sasayaw sakin -- samin ni Brianna?

Ay! Bakit ko ba ipinag kukumpara ang debut party ng Prinsesa sa magiging party ko
eh baka ni kurtina nga na gagamitin sa debut ko eh basahan lang para sakanila.
Hays!

Si Hermes na ang sinasayaw ng Prinsesa. Bagay sila, ang ganda ng Princess at ang
gwapo ni Hermes. Ewan ko, bigla nalang akong nakaramdam ng paninikip ng dibdib.
Haays!

"Excuse me guys, mag c-cr lang ako." Sabi ko sakanila.

Hindi ko feel sa loob. Hindi ko maiwasang mainggit sa Prinsesa na 'yun. Nasakanya


na lahat. Complete Family, Princes, mga luho niya at kung ano pa. Haays!
"Wag ka ngang mag drama d'yan Amara." Sabi ko sa sarili ko. Na pa-paranoid nanaman
ako. Ano kaya feeling ng maging isang prinsesa? Yung tipong nasayo na ang lahat.

Pumunta ako sa Lagoon. Mas gusto ko doon, mas komportable, mas tahimik at peaceful
pa.

Kakaiba yung temperature dito, masyadong malamig. Para akong nasa Japan na umuulan
ng snow. Naka dress pa naman ako.

Umupo ako dito sa may bridge. Kita ko ang dalawang isda-- este dragon na lumalangoy
sa lagoon. Siguro mag-asawa ang dalawang dragon na 'to. Ang lalaki ay ang sun's
dragon at ang moon's dragon naman ang babae pero bakit wala silang anak? Siguro
baog yung sun's dragon kaya ganun.

"Kung anu-ano na pinag-iisip mo Amara."

"Mukhang malalim ang iniisip mo a," napatingin ako sa likod ko. Si-siya --

"It's been a month Amara," hindi ko napansin, katabi ko na pala siya.

"Di-diba nasa panaginip kita pe-pero bakit --" yung King. Hindi ko alam pero pano
siya napunta dito?

"I'm real."

"Pero, pano ka napunta dito?"

"Tinawag mo ako diba,"

"Tinawag kita? Eh hindi ko nga alam pangalan mo eh." Napansin kong tumawa siya ng
mahina. Napansin niya akong nakatingin sakanya kaya huminto siya sa pagtawa at
napalitan iyon ng seryosong mukha.

Tinaas niya ang kamay niya at dinikit niya iyon sa dibdib ko. Take note, hindi
mismo sa hinaharap ko ah, sa tapat ng puso ko.

"A-ano,"

"Ito ang tumawag sakin. Use it and you'll not perish."

"Hi-hindi ko maintindihan,"
"Someday, someday Amara you'll understand." Unti unting nagliwanag ang katawan ng
King na 'to.

"What's your name?"

"Vasilias. I'm King Vasilias." Naging bula ang katawan ni Vasilias hanggang sa
nawala ito.

King Vasilias? Saang kaharian yun?

"Sino kausap mo d'yan?" Napatingin ako sa nagsalita. Si Hermes, bakit siya nandito?

"Wa-wala." Muli kong binaling ang tingin ko kay King Vasilias pero wala na siya
doon kaya sa mga dragon nalang ako tumingin. Naramdaman kong tumabi sakin si Hermes
dito.

"Bakit ka umalis dun?" Tanong ko sakanya.

"Ikaw, bakit ka umalis don?" I looked at him while my left eyebrow raises.

"Wag mo ngang sagutin ng tanong ang tanong ko sayo."

"Ok. I left there because I'm bored."

"Me too." Sagot ko. Bored naman talaga ako dun e.

"So, we're M.U."

"Whaaat?!" Halos mapatalon ako sa narinig ko. Ano daw? We're mu? Gosh!

"I mean we understand each other. Hindi relationship yung sinasabi ko, malicious
girl." Ok! Medyo pahiya.

"Ayusin mo kasi." Inirapan ko siya. Nakakainis, nakakahiya. Kyaah!

Napansin kong hinubad niya yung coat na suot niya.

"A-anong ginagawa mo?"

"Here, suotin mo 'to. Giniginaw ka na." Napatingin ako doon sa coat na binigay
niya. "Wag ka ng mahiya." Naninigas ako. Gusto kong kuhanin pero, parang na freeze
na yung buo kong katawan dahil sa lamig ng lugar na 'to.

"A-ahh --" bigla niyang binawi yung coat. Tumayo siya. Iiwan ba niya ako? Na bored
din ba siya kaya aalis siya?

Nagulat ako ng bigla niyang ilagay sa likod ko yung coat niya at muling tumabi
sakin. A-ano to? F-feeeling ko niyayakap niya ako dahil sa init at warm ng coat
niya.

"Sa-salamat," hindi ako makatingin sakanya. Feeling ko sasabog na ako. Ganto ba


yung feeling sa pagsuot ng kanyang coat, ang mag-init ang buo mong katawan?

"May sakit ka ba? Namumula ka,"

"Ah -- eh, na-nauutot ako." Halos lumuwa ang mata ko dahil sa sinabi ko. Goosh! Ano
bang sinasabi mo Amara?!! Nakakahiya ka!

Napatingin ako kay Hermes, nakangisi siya. Goosh! Nakakahiya talaga.

"A-anong nginingiti-ngiti mo d'yan?" Inis na sabi ko sakanya. Napansin kong tumayo


muli siya at nilahad anh kamay niya sakin.

"Let's go. Baka abutan ka pa d'yan. Mahirap na."

Nang-asar pa talaga siya, pe-pero. Napatingin ako sa kamay niyang nakalahad.


naghihintay siya. Tatanggapin ko ba? Na-nakakahiya.

"Faster. Nangangalay na ako." No choice ako. Tinaggap ko yun at inalalayan niya ako
para tumayo.

Mabilis kong inalis yung pagkakahawak ng kamay namin ng makatayo ako. Nakakahiya.
Ano ba 'to!?

"Let's go,"

xxxxxxxxxxxxxxxx

Author's note:

Owwkeey, pasensya kung masyadong OA. Sobrang hirap gawin ng mga scenes dito.
(^(I)^)
=================

CHAPTER 27

Chapter 27 (08/24/15)

xxxxxxxxxxxxxxxx

AMARA'S POV

"Amara! Gising na!" Nagising ako sa tawag ni Tita Virgie. Inalis ko pa yung muta ko
kung meron man.

"Good morning Tita,"

"Tumayo ka na d'yan Amara. Male-late ka na oh,"

"Opo. Sina Brianna?"

"Nauna na sila ni Elene. Maagang nagising si Elene at si Brianna naman ay pupunta


kay Logan, kailangang i report yung mission na ginawa niyo,"

"Ganun po ba, sige Tita. Maliligo na ako."

Lumabas na si Tita ng kwarto at ako nalang ang nandito. Kinuha ko na yung twalya at
pumasok na ako ng cr. Halos limang araw din kaming nandoon sa Water Convene at
kailangan kong mag coop up sa mga lessons na ituturo samin. Pati na din yung mga
combats and strategies at history. Haay!

Hinubad ko na yung damit ko. Napansin ko yung dibdib ko, simula nung June 22,
namumula na siya palagi hanggang ngayon. Haays!

Hindi ko na pinansin yun at sinimulan ko na ang pagligo ko. binilisan ko lang ang
pagligo ko, male-late na din ako e.

"Tita, alis na ako." Paalam ko. Nakita ko si Tita, nakain na.

"Kumain ka muna. Magugutom ka niyan!" Sigaw niya at hinabol pa ako.

"Hindi na. Dun nalang ako kakain sa Academy."

"Ganun ba, sige. Anong favorite mong kulay?" Huh? Ang bilis naman niyang magbago ng
topic.
"Hmmm~ black?"

"Good. Black and blue. Magandang motif yan. Sige, pumasok ka na." Motif? Hala,
tinuloy talaga niya yung birthday party para samin ni Brianna? Gosh! Nakakahiya!

"Alis na ako! Bye!"

xxxxx

"Elene!" Sigaw ko ng makita ko si Elene na nakaupo sa likod ng seat ko. Waah!


Makakapag kwentuhan kami ng madalas! Napatingin ako sa mga classmate ko, nakatingin
sila sakin, Ang sama pa. Well it's better if I ignore them.

"Amara,"

"Kumusta na Elene! Ang tagal nating 'di nagkita ah!" Nilapag ko yung mga gamit ko
sa upuan ko at hinarap ko siya.

"Buang ka ba, kagabi lang nagkita tayo no."

"Taray neto. Syempre, hindi na tayo nakapag kwentuhan dahil pagod kami ni Brianna
kagabi," Inirapan ko siya. Meron siguro tong bruhildang to kaya mataray.

"Anong nangyari sa'yo dito? May nang-aaway ba o nang gugulo sayo?" Tanong ko ulit
sakanya. Siguro naranasan din niya yung mga naranasan ko.

"Wala naman. Katunayan may nang re-recruit nga sakin na sumali ako sa guild nila,"
whaat?

"Sumali ka?!"

"Hindi. Sabi ni Brianna kahit anong mangyari wag daw akong sumali kahit saang grupo
dahil sainyo lang daw ako pwede." Mabuti naman.

"Akala ko sumali ka eh."

"Meron ngang nangungulit sakin. Yung Ressy tsaka yung Leny. Ang kulit, araw araw,
walang palya lagi nila akong pinupuntahan at hina-hunting sa bawat restaurant na
kinakainan ko para lang i recruit sa guild nila."

Leny ts-tsaka si Ressy? Yung gusto akong patayin sa activity? Patay, naloko na.
"Amara, may problema ba? Natulala ka na d'yan?"

"Ahhh~ he he he, wala naman."

Hindi na kami nakapag kwentuhan pa dahil pumasok na si Principal Logan at nagsimula


nang mag turo. Haays!

xxx

"Elene, you are now officially part of the Element's crown!" Bati ni Nicholas at
akma na niyang yayakapin si Elene ng bigla siyang sapokin ni Elizze.

"Napakalandi mo talaga Nicholas! Wag na wag mong hahawakan si Elene kundi susunugin
kita." Pagbabanta ni Elizze.

Nandito kami ngayon sa isang restaurant sa loob ng Academy. Sawa na daw silang
kumain sa guild kaya dito naman daw para maiba naman.

"So, Elene, kaya mo na bang gamitin ang majika mo?" Tanong ni Dione.

"Onti palang."

"Gusto mo turuan kita?" Sabay na sabi ni Nicholas at Darius.

"Mga style niyo, bulok." Pang-aasar naman ni Hermes.

"Sus! Eh ikaw nga eh, hindi namin alam, naunahan mo na kami na magturo kay Amara.
Style mo pre, bulok." Pang aasar naman ni Darius kay Hermes. Aisst!

"Shhhh~" walang nagawa si Hermes kundi irapan si Darius.

"So ano Elene, gusto mo bang turuan kita?" -Darius

"Hmm~"

"Matinik," matigas na sabi ni Dylan na halatang nang-aasar din.

"Ganyan 'yang mga lalaki. Sasabihin tuturuan, sabay sasabihing pwede bang manlihaa
hanggang sa ma fall ka at pagkatapos, iiwanan ka na parang tutang pinaglaruan." Oh
Gosh! Ibang Dione ata yung nagsalita ngayon? Humuhugot siya!
"Aray! Wag mo akong igaya sa lalaking nakilala mo Dione. Ibahin mo ako. Wag mo
akong itulad kay Nicholas o kay Hermes." Pagpapaliwanag niya.

"At bakit ako nasali d'yan?" Taas kilay na tanong ni Nicholas.

"Kilala ka namin Pre. Wag mo kaming lokohin." -Dylan

"Hooy! Good boy ata 'to!"

"Anong good boy good boy pinagsasabi mo d'yan?" -Elizze.

"Wag kang maniwala sa pinagsasabi ng mga 'to, Elene. Sinisiraan nila ako sa'yo!
Salbahi sila!"

"Wag kang magpapaniwala kay Nicholas. matinik sa chicks yan lalo na't prinsipe."
-Brianna

"Guys, mag c-cr lang ako."

Palabas na ako ng cr ng restaurant na 'to ng biglang may pumasok. Si Leny, Chloe at


si Ressy.

"A-ano, excuse me." Nakaharang sila sa pinto kaya hindi ako makadaan. Napatingin
ako kay Ressy, ang sama ng tingin niya sakin. Hindi ko alam kung bakit pero parang
may hin-nanakit siya sakin.

"Nope. We have some question," -Leny

"So, Do you remember what you said last time to us?" -Chloe

"I don't."

"Well, you said that you'll strike us with your lightning majika." -Leny. Patay!
Naloko na!

"I don't remember that I said it."

"But I remember it all." -Chloe

"Well, Elene's majika is lightning. So, what's yours?" -Ressy


"It's too confidential for you to know. Let me pass." Wala na kong pakialam kung
banggain ko pa sila basta kailangan kong makalabas dito sa Cr.

"Wait. Gusto ko sanang makipag negotiate sayo," -Leny

"I don't like negotiating with people especially you guys."

"Well, if you don't like, hindi namin ibabalik itong laruan mo." Napatingin ako kay
Chloe na lumulutang sa palad niya yung Thelete ko.

"Pa-pano --"

"Remember, My majika is telekinesis so I can move even your intestine." Sagot niya.

"So, We, Zalarion Guild want to challenge Element's crown into a battle." -Leny

"What? Don't say that to me. I am not the leader. So, give back my Thelete."
Inaabot ko at inaagaw ko yung Thelete pero pinapalutang niya at pinapagalaw ni
Chloe 'yon kaya hindi ko maabot abot.

"Stop that." Napatingin ako doon sa likod nila Leny. Si Hermes, ka-kanina pa ba
siya don?

"We, Element's crown accepting your challenge."

"Whaaaaaat?! Ba-bakit?!" Sigaw ko sakanya. Bakit niya inaacept? Hindi ba niya alam
na pwede ako -- silang patayin ng mga 'to lalo na itong bruhang Ressy na 'to.

"It's ok. We can handle it." Walang ka emo-emosyon na sabi ni Hermes.

"So, if our guild wins, Amara will leave the Academy." -Leny

"What if our guild wins?" -Hermes

"Whatever you like, but we'll make sure your guild wouldn't win." -Chloe

"Ok. If we wins, you and your group will leave this academy."

"Deal." Inabot ni Leny yung kamay niya kay Hermes pero tinignan lang yun ni Hermes.
"Let's go Amara." Tumalikod ito at naglakad na parang wala lang sakanya.

"E-excuse. Atsaka yung Thelete ko." Mataray na nilapag ni Chloe sa kamay ko yung
thelete at pagkatapos ay umalis na sila.

Gooosh! Kinakabahan ako.

xxxxxxx

"Yung mga bruhang Zalarion? Sinugod ka?!" Halos mabingi kami sa sigaw ni Dione.
Nakatingin na din samin yung mga ibang nakain dito sa restaurant.

"Ano bang nangyari Amara?" -Brianna

"Ganito kasi yun, hinamon nila ako -- ang guild na makipag laban sakanila,"

"Hindi mo naman tinanggap hindi ba?" -Darius

"Hindi nga."

"Good!" -Nicholas

"But Hermes did." -Ako

"Whaaaaat?!" Halos sabay sabay na sigaw nila. Habang si Hermes naman ay prenteng
prenteng nakaupo lang.

"Bakit mo ginawa 'yun?" Tanong ni Elizze kay Hermes.

"Coz I'm getting bored?" Patanong na sagot ni Hermes.

"So, what's the deal?" -Brianna

"If we wins, They leave the academy," Sagot ko.

"What if they win?" -Elene

"Then I'll leave this school."

"Whaaaaaat?!" Sabay sabay na naman nilang sigaw except kay Hermes.


"Bakit ka pumayag Hermes?" -Dylan

"I'm sure that we'll win." Sabi ni Hermes at umalis na sa restaurant.

"Ano nang gagawin natin?" -Dione

"We should prepare. Isa pa hindi natin alam ang mga pasabog na ginagawa ng
Zalarion. They always win at alam naman nating syncronized at connected ang mga
majika nila." -Brianna

"This time, we'll make sure our guild will win. Hindi ako papayag na malampaso ng
Zalarion na 'yon." -Nicholas

"Gano ba sila kalakas?" Tanong ni Elene

"Hindi sila ganoon kalakas pero pag pinagsama-sama ang mga majika nila, lahat kaya
nilang gawin." -Darius

"So, kelan ang laban?" -Dione

"Wala silang sinabi."

"Be ready guys, tomorrow or maybe later they'll inform us especially you Amara."
-Elizze

"Sorry guys," I feel sorry for them. Dahil sakin, nahantong sila sa ganito. Tsh!

xxxxxxxxxxxxxxxx

=================

CHAPTER 28

Chapter 28 (08/24/15)

xxxxxxxxxxxxxxxx

AMARA'S POV

Nakaupo kaming apat dito ni Tita, Brianna at Elene sa sala habang abala sila sa pag
pa-plano para sa debut ko at ni Brianna. Ilang linggo nalang pala at birthday ko
na.

"Ma, alam ko na kung saan gaganapin," inalis namin ang tingin sa magazine na hawak
namin at nilipat iyon kay Brianna.

"Saan?" Tanong ni Tita.

"Doon sa likod ng Academy. Sa may abandoned pavilion. Maganda doon, lagyan lang mga
flowers at mga designs sigurado ako. Bongga yun kahit onting badget lang."

"Mukhang malabo 'yan 'Nak. Baka hindi tayo payagan dun isa pa property parin yon ng
Academy."

"Ma, ano pa't kaibigan ko ang May-ari ng Academy at ang Pirncipal diba?"

"Kaibigan nga lang ba ang Principal?" Pang aasar ko kaya napangisi si Tita't Elene
habang si Brianna ay naging poker face ang mukha na nakatingin sakin.

"Oo nga Bri, anong meron sainyo ni Principal Logan?" Tanong naman ni Elene na may
halos malisya.

"Ano ba kayo, wala no. Kaibigan ko pa lang siya ok."

"Pa lang?" Taas kilay na tanong ni Tita na may mapanlokong ngiti.

"Ewan ko nga sainyo. So, ang venue ay doon na sa pavilion. Ipapaalam ko nalang kina
Hermes. Yung mga foods Ma?"

"Ako na bahala sa mga pagkain. Kayo na magpaganda at mag design sa pavilion ahh.
Gusto ko yung kahit saan maaamoy ko ang halimuyak ng pagkarami-raming bulaklak. At
gusto ko rin, simple yet elegant."

"Excited na ako Amara! Yiie! Akala ko hindi na matutuloy ang debut ko, ayun pala
may magandang plano si god at yun ay magkasabay tayong mag debut."

"Kaya nga. Excited na din ako."

"O sya sige na. Magtulog na kayo."

xxxxxxxxx

Katatapos lang ng klase namin kay Professor Minchi, nasa Arena kami kanina kasi
doon kami tinuruan ni Prof ng mga basics sa mga combats.
Katatapos lang namin ni Elene na magpalit ng uniform at ngayon ay naglalakad kami
papunta ng guild ng biglang sumulpot sa harap namin si Leny at ang dalawa niyang
alipores na si Chloe at Ressy.

"Anong kailangan niyo?" Tanong ko.

"July 20, 12NN at field. Doon gaganapin ang laban. May pahintulot na din 'yan ng
Principal." Sabi ni Leny at inabot sakin ang card.

"Ano 'to?"

"D'yan nakalagay yung deal. Kailangan mong mag stamp ang thumb mo sa loob ng box."
-Chloe

Biansa ko yung nakasulat. If Zalarion wins, Then Amara Audrie Drusilla from
Element's crown will leave the Academy however, if Element's crown will win the
fight then every member of Zalarion will leave the Academy.

"Parang ang unfair yata sa side niyo?" -Elene

Napatawa si Leny habang si Chloe naman ay nakangisi.

"Well, hindi naman naming hahayaang manalo kayo."

"Nasaan ang ink? Nagugutom na ako," Nilahad ko sakanila yung kamay ko pero wala
silang binibigay sakin.

"Hahahaha, that's the trade card and you'll use your own blood to do the stamping."
-Ressy

"Blood? As in dugo ko?"

"Stupid as ever. Tss!" -Ressy

"Here." Inabot sakin ni Leny yung kutsilyo niya. Kailangan pa ba talaga 'to? Arg!

Tinanggap ko na yung kutsilyo. Gagawin ko 'to, eto na nga lang hindi ko pa kaya?
Pano pa kaya kung actual game na. Hindi maiiwasan ang sakitan doon kaya sigurado
akong maraming sugat ang matayamo ko lalo na ibang level ang mga Tao din. May mga
kapangyarihan.

Hiniwa ko ang hinalalaki at pinalabas ko yung dugo ko bago i -stamp sa card.


Unti unting naging alitaptap yun trade card at lumipad na kung saan.

"So, be prepare 'coz you'll die in the game." Sabi ni Ressy bago umalis. Ano ba
talagang problema sakin nung babae na 'yun at ganun na lang kalaki ang galit niya
sakin.

xxx

Principal Logan's POV

"Yes sir." Agad akong lumabas ng office ni Mr. Jones. Ipinaalam ko sakanya ang
gaganaping laban sa pagitang ng dalawang S class guild.

Gusto niya maging maganda ang gagawing laban at gusto niya lahat ng mga estudyante
ay nandoon upang manuod. In short, walang pasok at magiging big event ito.

"Logan," Napatigil ako ng tawagin ako ni Brianna. "Bakit?"

"May request kasi kami ni Mama,"

"Halika, sa office tayo mag-usap." Pumasok kami sa office Brianna.

Matagal na kaming magkaibigan ni Brianna. Magkakabata kaming tatlo nila Trey at


sabay kami sa paglaki. Nung pumasok kami sa Academy, siya ang naging pinaka malakas
na freshmen. Hinahangaan siya ng mga kapwa estudyante pati na din kami. Dahil sa
pag e-excel niya, binigyan siya ng task at iyon ang hanapin ang nawawalang prinsesa
ng Faireo. Ang pagkakaalam ay nasa mundo iyon ng mga tao kaya doon siya nanirahan.
Nahinto siya sa pag-aaral kaya sophomore palang siya ngayon imbis na junior. Ako
naman ay accelerated kaya nakatapos agad ako at naging Principal.

"Gusto ko kasing gamitin ang abandoned pavilion para sa debut ni Amara this coming
July twenty two."

"Mapanganib doon, alam mo 'yan Brianna."

"Per --"

"Pasensya na Brianna pero hindi ako papayag." Baka mapahamak sila. Katulad nang
nangyari sa mga seniors nung panahon namin. Baka hindi na sila makabalik.

"Pano pag na solve namin ang mystery sa abandoned pavilion bago mag July 22.
Papayag ka ba?"
"Pe-pero may laban pa kayo sa Zalarion this coming July Twenty." Napansin kong
nagulat si Brianna. Mukhang hindi pa niya alam ang tungkol sa date.

"It's ok. Gusto talaga namin sa Pavilion na 'yon."

"I'm sorry Brianna pero hindi talaga pwede."

"Kung ganun, I want to solve the mystery about the missing seniors," Halos lumuwa
ang mata ko dahil sa sinabi niya. Sigurado ba talaga siya doon?

"Wala ka ng maidadahilan pa Mister Apollo dahil isa akong S-class student na


pwedeng gawin ang mga S-class missions." Tsh!

"Pero, Brianna concern ako. Baka mapahamak ka." Nag-aalala ako, baka hindi na siya
bumalik. Baka hindi ko na ulit siya makita. Baka hindi ko na ulit siya makasama.

"Let her be. Malakas na si Miss Alcetis at alam kong kaya niyang gawin ang mission
na 'yan." Napatingin kami sa pumasok. Si Sir Liroff Jones, ang may-ari ng school.

"Good afternoon Sir," Sabi ni Brianna.

Hindi ko alam kung pano ko siya mapipigilan. Wala akong lakas at wala akong sapat
na authority para utusan siya na 'wag gawin ang mission.

Wala akong nagawa kundi kunin ang scroll sa ilalim ng desk ko. Nandoon nakasulat
ang mission.

Inabot ko sakanya yun ng hindi tinitignan ang mata niya. Alam kong alam niya na
nag-aalala ako para sa kaligtasan niya.

"Thank you Sir." -Brianna.

"Sir, tungkol sa kaibigan ko. Debut niya po sa July twenty two at gusto po sana
namin na doon ganapin iyon sa Abandoned pavilion."

"Pano ako makakasigurado na hindi kayo mapapahamak?" Tanong ni Mr. Jones.

"Pwede niyo pong palagyan ng barrier ang buong lugar upang masigurado ang
kaligtasan."

"Ok. Payag ako. Sino nga pala ang may Birthday?"


"Kaibigan po namin, si Amara." Napansin ko ang reaction ni Mr. Jones. Nakataad ang
kanang kilay.

"Amara?"

"Yes Sir." Tumatango tango siya.

"So, kasali siya sa battle between Zalarion and your guild?"

"Yes Sir."

"Ok. Asahan niyong manunuod ako." Naglakad siya paalis ng office ko at naiwan
nalang kaming dalawa ni Brianna dito.

"Brianna, please--"

"No Logan. It's final, gagawin ko ang mission na 'to. 'Wag kang mag-alala, kasama
ko naman sina Hermes at alam kong ma so-solve namin 'to."

Hindi na ako nagsalita. Kilala ko na siya, kapag desedido siya, hindi mo na


mababago iyon.

"Ok. But please, Beware."

xxxxxxxxxxxxxxxx

Short update for you all.

=================

CHAPTER 29

Chapter 29

xxxxxxxxxxxxxxxx

AMARA'S POV

"Guys, July twenty, 12 noon sa field gaganapin ang battle." Nandito kami lahat sa
guild at pinag-uusapan ang pakikipaglaban na gaganapin sa Zalarion.
"It's ok. I'm sure na mananalo naman tayo." Sabi naman ni Dione.

"Wag tayo masyadong makampante. Alalahanin nating sila ang tinatawag na WinErs at
alam natin na sila lagi ang nananalo sa mga battle." Sabat naman ni Dylan.

"Yes. Masyadong connected ang majika nila sa isa't isa. Kailangan nating hanapin
ang kahinaan ng majika nila." Sabi ni Darius habang kinakain yung lollipop.

"I think dapat tayong mag training lalo na't hindi natin alam kung anong laro ang
gagawin nila." -Elizze

"Yup! Katulad ng laban nila sa Bommer, basketball ang nilaro nila habang sa
Serpent's tail naman ay volleyball. Lahat ng yun ay panalo sila." -Nicholas

"Kaya kailangan mag training na tayo simula ngayon," -Elizze

"We should train our strategies and tactics. Kailangan nating pag-aralan ang mga
galaw nila. Ikaw Elene, you should learn how to control your majika. At ikaw,
Amara..." -Hermes. Lahat kami nakikinig sakanya. Lahat sila may gagawin, lahat sila
may majika, ako lang wala. Siguro pwede na akong maging watergirl.

"It is time for you to know your majika. Kailangan mong alamin ang majika as soon
as possible." Halos manlaki ang mata ko -- namin sa sinabi ni Hermes.

"Hermes..." -Brianna

"A-ano kamo? Majika ko? Eh wala naman akong majika o kung ano man eh."

"Nagkakamali ka. Hindi kayang makapag bukas ng portal ang mga ordinaryong tao sa
Earth." -Hermes

"Eh hindi naman ako nakapag bukas ng portal e."

"Hindi Amara. Naalala mo nung pumunta tayo sa bahay ninyo at sinubukan mong sabihin
yung spell ng portal, ikaw ang nagbukas nun. Kaya kita sinama dito dahil alam kong
may majika ka." -Brianna.

Hindi ko alam kung anong i re-react ko. Parang mas lalong gumulo ang mundo ko, yung
pag-iisip ko, lalo ding gumulo. Bigla nalang akong nagkaroon ng mga katanungan sa
sarili ko.

Pano ako nagkaroon ng majika? Saan ko nakuha ang ito?

"Anyway, pumunta ako kay Principal Logan kahapon at nandoon don si Mr. Jones, ang
sabi niya ay manunuod siya ng laban natin."

"Whaaaat?!" Sigaw ni Dione.

"Yup. Kailangan talaga nating paghandaan 'to. Hindi dapat tayo matalo." -Brianna

"Meron pang isa, pumunta ako doon para ipagpaalam yung debut ni Amara na doon sa
abandoned pavilion ganapin. Hindi sila pumayag unless na gawin natin ang mission sa
pagkawala ng mga seniors."

"Whaaat? Bakit sa abandoned pavilion pa?!" Napatingin kami kay Darius. First time
ko siyang makita at marinig na sumigaw.

"No. Hindi ako papayag." Sabi nito at umalis siya.

"Hahabulin ko siya," -Elizze

"No. Ako nalang Elizze." Pagpi-prinsinta ko at tumakbo ako para sundan si Darius.
Ano problema nun? Kakaiba siya ngayon, first time kong marinig siyang sumigaw dahil
lagi siyang nakangiti.

Hindi ko alam kung saan siya pupunta pero dumaan siya sa pagitan ng Arena at ng
Center building. Masikip at walang katao tao. Hindi ko siya mahabol dahil ang bilis
ng paglalakad niya.

xxxxx

BRIANNA'S POV

"Bakit mo kinuha ang mission na 'yun Brianna?" Tanong ni Nicholas.

"Alam naman nating delikado sa abandoned pavilion na iyon diba?" Sabi naman ni
Hermes. Arg! I know, alam ko naman delikado doon pero eto na ang tamang panahon,
ang tamang oras para ma solve namin ang mystery doon at alam kong malaki ang
maitutulong ko kina Dylan at Dione.

"Guys, please. Trust me. Alam ko ang ginagawa ko. Just trust me ok?" Napatigin ako
sa kambal, emotionless ang mukha nila. Naaalala nanaman ba nila?

"Ok. Sa sunday nalang natin gawin ang pag-iimbestiga. Ngayon, paghandaan muna natin
ang training para sa gaganaping laban."

Sana, sana ma solve namin 'to kaagad. Alam ko ang nararamdamang pangungulila ng
kambal.
xxxxxxxxxxxxxxxx

AMARA'S POV

Ang layo na ng nalalakad namin. Hindi ko alam kung napapansin ako ni Darius na
nakasunod sakanya pero mukhang hindi naman dahil hindi siya nalingon sa direksyon
ko.

Gusto ko nang tumakbo palapit sakanya pero sobra na ang pagod ko dahil sa layo ng
nilakad namin. Saan ba siya pupunta?

Hindi ko alam kung bakit hindi ko siya matawag. Pwede ko naman kasi siyang sigawan
na bumalik na kami sa Guild pero -- hayss, ewan ko ba!

Agad akong huminto sa paglalakad ng huminto din si Darius. Nararamdaman na niya


bang sinusundan ko siya?

Nagpatuloy ako sa paglalakad kahit na nakahinto siya.

"Darius..." Tawag ko sakanya. Napansin kong naka salubong ang kilay niyang tumingin
sakin.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Sinusundan ka." Bumalik ang tingin ni Darius sa harap niya kaya napatingin din ako
doon. Wooah!

"I-ito ba yung abandoned pavilion na sinasabi ni Brianna?" Tinabihan ko si Darius


habang nakatuon ang pansin ko sa pavilion.

Sa tingin ko may sixteen na haligi iyon, tiles ang sahig pero may mga damo at mga
ligaw na halaman na ang tumubo doon at gumapang kaya mukhang abandonado na talaga.

"Oo. Ayan nga." Napansin ko din yung paligid, pumapasok ang sikat ng araw dahil ang
radius ng pavilion ay walang puno.

Hindi ko napansin na naglalakad na pala si Darius papunta doon sa pavilion kaya


mabilis akong tumakbo para sundan siya.

"Hooy! Wait lang naman!" Sigaw ko pero hindi siya humihinto. Bad trip yata siya.

"Bakit ka ba nandito?" May napansin akong plastic chair sa gilid kaya uupuan ko
sana yun ng may makita akong isang supot na may lamang --

"Akin yan!" Biglang kinuha ni Darius yung supot na may laman damit ng bata? Alam
niyo yung sando na may lining na kulay dilaw at may nakatatak na superman sa gitna.
Ganung ganun. Para ngang familiar ako doon e. Deja v na naman ba 'to?

"Tara na nga,"sabi niya at hinila ang kamay ko. Parang bwisit siya ngayon? Badtrip
ata. Ayaw dito ipagdiwang ang aking kaarawan. Aww~ tsaka hindi naman mukhang
mapanganib ang lugar na ito e. Para nga siyang magical place.

"Hoy, wag mo naman akong kaladkarin oh," matapos kong sabihin yun, binitawan na
niya ako.

"Darius, pagbigyan mo na ako, kung pwede dyan nalang ganapin yung debut ko. Kahit
yun nalang regalo mo sakin." Nilakihan ko talaga yung ngiti ko. Wala pang
nakakatanggi sa maganda kong smile no.

"Ts, sige na." Sabi nito at iniwan ako.

"Hooy! Sandali lang!"

Away ko ng maglakad ng napakatagal. Arg! Sa tingin ko mga 15 minutes ang lakaran


bago ulit makabalik sa Academy e. Haay naku! Nakakatakot pa naman ang daan dahil
mapuno hindi kagaya doon sa may pavilion, ang liwanag at wala pang puno na malapit.

xxxxxxxxxxxxxxx

Short update...

=================

CHAPTER 30

Chapter 30

xxxxxxxxxxxxxxxx

AMARA'S POV

Tanghali. Kalat na kalat na sa buong Academy ang battle between sa guild namin at
sa Zalarion. Ang alam ko, may mga nangyayaring pustahan at lamang ang Zalarion
kahit na malakas din ang mga ka-guild member ko. Bakit kamo? Kasi, ang Zalarion ang
laging nananalo sa mga battles na ginawa nila kaya nga sila tinawag na WinErs.

Tanghali. Tuwing TTHS, kami ang naka schedule sa training room habang ang Zalarion
naman ay tuwing MWF. Sabado ngayon at nandito kami sa training room para magsanay.
Nasa gilid lang ako, pinapanood ang mga kasamahan ko na mag sanay. Ang gagaling
nila, ibang iba na ang lakas at kapangyarihan nila.

Nawiwindang parin ako sa tuwing naaalala ko yung mga sinabi ni Brianna nung
nakaraang araw. Ako daw ang nakapag bukas ng portal? Pero, ewan ko. Hindi ko alam
kung totoo 'yon.

Nahuli kong nakatingin sakin si Hermes. "Bakit?" I mouthed. Hindi siya sumagot
bagkus ay naglakad papalapit saakin.

"Bakit naka tunganga ka lang d'yan?" Kunot noong tanong niya.

"Wala. Ano bang dapat gawin ko? Wala naman akong majika."

"Walang majika? Hindi mo ba naintindihan yung sinabi ni Brianna na nakapagbukas ka


ng portal."

"Hindi ko alam. Hindi ko alam kung totoo 'yon." Gulong gulo na ako. Sana meron din
akong majika pero mukhang malabo 'yon. Isa lang naman akong ordinaryong tao na
nanggaling sa normal na mundo na naligaw sa kakaibang mundo na 'to kasama ang
kaibigan ko. Yun lang naman yun diba?

"Bakit hindi mo patunayan?" Tumaas ang isang kilay ko dahil sa sinabi ni Hermes.
Bakit hindi patunayan?

"Pa-pano?"

Hindi ako sinagot ni Hermes bagkus ay kinuha niya ang kamay ko at hinila niya ko
palabas ng training room.

"Sa-san mo ako dadalhin?" Takbo parin kami ng takbo. Walang masyadong tao sa ground
floor ng center building dahil class hour ngayon.

Bigla niya akong hinila papasok sa comfort room. Comfort room ng mga lalaki!

"Anong gagawin mo sakin?!" Halos bumaliko na ang buo kong katawan para lang takpan
ang hinaharap ko. May gagawin siyang masama sakin.

Iba siya kung makatingin. Taas ang kanang kilay at naka kunot ang noo.
"What the fuck? Wala akong gagawing masama sa'yo."

"Eh bakit mo ako dinala dito sa cr ng mga lalaki?" Kunot noong tanong ko habang
nakasiksik ang katawan sa pinaka gilid ng banyo.

"Gusto kong ipakita mo sakin --"

"Whaaaaaat?! Anong ipapakita sayo?! Wala akong dapat ipakita!!"

"Quit that dirty mind of you for pete sake! Wala akong masamang gagawin. Ang gusto
ko lang ay --"

"Hindi!! Hindi ko ibibigay ang virginity ko sayo!! No --"

"Will you please shut up?!" Fuck! Nagalit ko yata siya! Ngayon ko lang nakitang
sumigaw ang lalaking ito, nakakatakot. "Ok. Gusto ko lang naman na i-try mong
magbukas ng portal patungo sa Earth."

Napa-stand straight ako dahil sa sinabi niya. Susubukang mag bukas ng portal?
Mukhang magandang ideya yun ah.

"Now. Gawin mo na,"

Huminga ako ng malalim. Sana magawa ko para mapatunayan ko sa sarili ko na meron


akong majika kagaya nila. Sana. Sana talaga gumana.

"Usted.. Portal.. Abierto.."

Halos manlaki ang mata ko ng may maliit na kulay puting bilog sa harap namin ang
unti-unting lumalaki. So, i-ibig sabihin, meron talaga akong majika? Ibig sabihin
hindi ako ordinaryong tao. Ibig sabihin katulad din nila ako, na may majika.

"See? Ibig sabihin meron kang majika because you opened the portal."

Shocks! Hindi ko alam i re-react ko. Kung ganon, totoo nga talaga.

Sfx: knock knock

Halos nanigas ang buo kong katawan ng marinig kong may kumakatok sa pinto. Shems!
Muntik ko ng makalimutan, nasa comfort room pala ako ng boys!

"S-san ako magtatago?" Pabulong na sigaw ko kay Hermes. Patuloy parin ang pagkatok
kaya lalo akong na te-tense. Pano kung makita niya kami dito? Sikat si Hermes kaya
kung nagkataon, kakalat kaagad to. Baka sabihin nila na nakikipag toot toot ako
sakanya. Kyaaaah! Kahihiyan 'to!

"Bakit ka magtatago? Pwede naman tayong lumabas diba?" Kunot noong tanong niya.

"Hindi mo ba ako maintindihan? Ano nalang iisipin nung tao kung makita niya tayong
lumabas na magkasama sa cr ng boys. Take note, tayong dalawa lang at nakalock pa
ang pinto. Sa tingin mo?"

Halos tumagaktak na ang pawis ko dahil pabilis ng pabilis ang pagkatok ng lalaki.

"Edi magtago ka d'yan."

"Magtago? Saan? Nakaharang po kaya yung portal. Unless~" nagkaroon ng malawak na


ngiti sa mukha ko.

"No, bawal."

"Bahala ka! Basta ako dito dadaan, ayokong may makakita satin na magkasamang
lumabas sa cr ng boys. Kahihiyan ko 'yun no! Sige, d'yan ka na!" Sigaw ko at
tuluyan na akong pumasok sa portal. Sobrang lakas na ng loob ko dahil alam kong
makakabalik ako sa Faireo. Hihihihi!

Muli kong nasilayan ang ganda ng lugar na 'to. Nandito ako ngayon, sa kalsada.
Kitang kita ko ang bahay namin at ang bahay na din nila Elene. Walang katao tao
ngayon, tanghaling tapat at siesta time ng mga tao dito sa lugar namin.

"Aray ko!" Halos masubsob ang mukha ko sa sahig ng biglang may tumulak sakin mula
sa likuran ko.

"Ow, so-sorry, sorry." Si Hermes, sumunod siya. Inabot niya yung kamay niya sakin
at tinulungan akong tumayo.

"Bakit ka sumunod?"

"Hindi mo ba alam? May mga Fairiano's reaper ang pagala gala at kayang mag tract ng
Fairiano dito sa Earth." Wow! May ganun?

"Yiie! Nag-aalala siya. Hahahaha! Tara, libot muna tayo." Gusto kong pumunta sa
bahay. Nami-miss ko na 'yun. Sigirado akong marami ng alikabok doon.

"Hooy! Umuwi na tayo! Mapapahamak tayo lalo na pag nalaman nilang tumakas tayo!"
Sigaw ni Hermes pero hindi ako nakinig sakanya at tuloy tuloy parin ako sa
paglalakad. Minsan nalang akong makapunta dito no, gusto kong sulitin.
"Tara! Ipapasyal kita!"

"Akala ko ba ipapasyal mo ako?"

"Pano kita mapapasyal kung wala tayong pera?" Sarcastic kong sabi sakanya. Pumasok
kasi ako dito sa bahay namin ni Tyang. Naalala ko lahat ng mga magagandang alaala
namin dito.

Pumasok ako sa kwarto ni Tyang. Sigurado akong may pera siya d'un.

Kinuha ko yung wallet niya pero nang buksan ko, puro papel at mga bill lang iyon.
Shems! Wala siyang pera? Gosh! Hinalungkat ko pa yung wallte niya ng makita ko yung
bdo card niya. Mabuti nalang at alam ko yung passcode ng Bangko niya.

"Tara na," tawag ko kay Hermes.

xxxxx

"Ano bang tinatayo tayo natin dito?" Iritang tanong ni Hermes. Nandito kasi kami
ngayon sa may kalsada, naghihintay ng jeep na masasakyan papuntang mall.

"Ayan na! Bilis, sumakay ka na!" Tinulak ko siya pasakay sa jeep. Dito kami sa may
dulo umupo, magkatapat.

Mabilis lang ang byahe dahil walang traffic ngayon.

"Para po," sigaw nung katabi namin kaya dali-dali kong sinenyasan si Hermes na
bumaba na.

"Ho-hoy! Hindi pa kayo nagbabayad!!" Sigaw samin ng driver. "Takbo!!" Sigaw ko


naman kay Hermes dahil napansin kong bumaba yung driver para habulin kami.
Hahahaha! Sorry na sakanya, wala kaming barya pambayad eh!

"Hahaha! Na-napagod a-ako." Hingal na sabi ko.

Grabe! Ang sayang experience n'un, first time kong mag one, two, three sa jeep.

"Bakit hindi ka nagbayad?"

"Ang kulit din ng lahi mo eh no, sinabi ko ng wala tayong pera. Tara, samahan mo
ako." Hinila ko siya papasok sa banko para mag withdraw.
(please, play the multimedia masmapi-feel niyo yung scenes kasi ginawa ko siya na
parang movie. Thankkss!!)

"Oh, tikman mo 'to, Masarap 'yan!" Inabot ko sakanya yung fishball na tinuhog ko.
Sigurado akong first time niya lang kumain ng street food.

"Ano 'to?"

"Fishball 'yan! Kainin mo, masarap 'yan." Kinuha niya yung at inamoy-amoy pa n'ya.

"Sigurado ka?"

"Uhmm~" wala siyang nagawa at kinain ang fishball. "Ano? Masarap diba? Diba? Diba?"

"Hmm~ oo nga."

"Eto naman," tinuhog ko yung kwek-kwek at sinawsaw sa maanghang na sauce. Agad


naman niyang kinuha sakin yun at kinain. "Masarap din!"

xxxxx

"Ano? Ok ba?" Tanong ko sakanya habang nagpo-pose. Nandito kami sa fitting room,
bumibili ng damit.

Napansin kong umiiling siya kaya I pouted my lips. Kanina pa ako pabihis-bihis.
Hayss!

"Oh? Bakit hindi mo sinukat yung isang damit na pinili ko?" Kunot noong tanong niya
sakin. Ayaw ko na, napapagod na akong magpalit-palit ng suot no.

"Pinagti-tripan mo lang ako eh," Inis na sabi ko sakanya. "Tara na."

xxxxx

"Ang ganda no?" Tanong ko sakanya. Nakaupo kami dito sa may isang bleachers habang
pinagmamasdan ang ganda ng sunset.

"Hmm,"
"Alam mo, sabi nila masaya daw kapag hindi pinaplano ang lakad. Tignan mo ngayon,
kahit na biglaan sobrang saya." Out of nowhere, bigla ko nalang nasabi 'yan.

"Third time ko ng gumala dito sa mundong 'to and I must say, this is the most
happiest,"

Ang clich ng scene na 'to. Lagi ko 'tong napapanood sa mga romantic scens eh. Yung
tipong magpapahinga ang couple habang nanunuod ng sunset. At pagnawala na ang araw,
bigla nalang magkakaroon ng fireworks and then mag ki-kiss.

"Let's go. I'm sure hinahanap na nila tayo." Tumayo na si Hermes at nagbukas ng
portal sa harap namin.

Ang saya ng araw na 'to.

xxxxxxxxxxxxxxxx

Author's note:

Trying hard talaga ako sa romance. Arggh! Hahahaha! Sana kahit simple lang,
natuwa kayo. Hahahahahaha!

=================

CHAPTER 31

Chapter 31 (08/27/15)

xxxxxxxxxxxxxxxx

HERMES' POV

"Why?" Tanong ko sa tatay ko.

"Ano nang nangyari sa mission mo?" Madilim ang kwarto at naka-upo siya sa
nakatalikod na swivel chair.

"There is no progress."

"Whaat?! Dalawang linggo nalang Hermes, dalawang linggo nalang at hindi mo pa


ginagawa ng maayos ang mission mo?!" "I'm sorry pero madami akong ginagawa ngayon."

"Sorry sorry? No, ang gusto ko, pagtuunan mo ng pansin ang royal mission na
ipinagkatiwala ko sa'yo. Dapat mahanap mo ang anak ng Hari't Reyna as soon as
possible."

"Ok." Naglakad na ako palabas ng office niya. Napaka busy ng schedule ko ngayong
buwan. Hindi madali 'to lalo na't may isa pang mission na dapat pagtuunan at ang
battle pa sa Zalarion.

"Aissst!"

Napatigil ako ng maalala ko yung nakita ko sa North Earth Terrain, yung paso sa
kanang kamay nung babae. Alam kong malabo na siya yun pero hindi ko maiwasan na
isipin siya dahil kamukhang kamukha siya ni Amara. At yung sinabi niyang Zebell's
son? Ako ba ang tinutukoy niya? Arg! Hindi ko alam, naguguluhan ako.

xxxxxxxxxxxxxxxxx

AMARA'S POV

"Kaya pala wala ka kahapon, nakipag date ka." Inirapan ko si Brianna. Eto nanaman
sila, nang-aasar.

"Oo nga. Hinanap ka pa namin, nandon ka lang pala sa Earth kasama si Hermes. Nanuod
nuod pa kayo ng sunset." Dugtong pa ni Elene.

"Kyaaaah! Ang sweet!" Sabi naman ni Brianna na hinahampas hampas pa ako na kala mo
kinikilig.

"Wag nga kayong ano d'yan! Pano niyo naman nalaman?" Taas kilay kong tanong.

"Si Mama. Remember her majika? Hahaha! You can't hide your secret from her." Oo nga
pala.

"Anyway, ano nang updates sa mission?" Ano bang meron d'on sa pavilion? Eh
abandonado lang naman yun dahil sa may nawalang estudyante don.

"Wala pang pagbabago. Mahirap maghanap ng clues." -Brianna

"Hi guys," napatingin kami sa mga pumasok. Sina Elizze, magkakasama silang lahat.

"Guys, eto na yung case ng missing seniors at kung sino ang mga nawawala," Nilapag
ni Dylan yung isang folder sa mini table sa harap namin.
"Five students ang nawawala. Walang may alam kung bakit sila pumunta sa abandoned
pavilion at walang nakakita kung sino ang kumuha sakanila." -Hermes

"Hindi naman natin pwedeng sabihin na may kumuha sakanila hindi ba? Malay naman
natin na natural disaster ang nangyari. Pwede nating sabihin na may kumunoy at
nahulog sila doon hindi ba?" Sabat ko. Wala naman kasing makapagpapatunay na may
kumuha sakanila unless na may witness.

"Tama ka naman pero ayon sa mga seniors, bago sila mawala may malaking liwanag ang
nagmula sa direction nila which is yung pavilion kaya imposibleng natural disaster
yun." -Hermes

"Edi mas maganda kung magsimula tayong mag-imbestiga sa paligid ng pavilion."


Suhestyon ko.

"Tama. Mabuti pa't pumunta na tayo don."

xxxxxxxxxx

AUTHOR'S POV

Nasa isang kwarto sina Zebell at ang kanyang mga magigiting na alagad.

"Jem, Anong nangyari kay Jira?" Tanong ni Zebell.

"Nahuli siya. Ngayon ay nakakulong siya sa Black box at mukhang mahihirapan tayo na
pakawalan siya."

"Pano nangyari 'yon?" Kalmado parin sa pagsasalita si Zebell na para bang hindi
nawalan ng isang miyembro.

"Nabisto siya ng Element's Crown. Na defroze na din yung Yin-Yang lagoon kaya
bumalik na sa natural na weather ang Water Convene." Sagot ni Fourth (Codename) Isa
siya sa walong Dark Baron.

"That's ok. Hayaan niyo na siya doon. Magsisilbing leksyon para sainyo 'yon na wag
kayong maging mahina."

"Pero malaking tulong satin si Jira. Kung wala s --" Hindi naituloy ni Fifth
(Codename) ang sinasabi niya ng paluin ng malakas ni Zebell ang desk niya.

"Hindi kita pinalaki Kristine para pag-aksayahan ang oras sa mga kaibigang
mahihina. Magiging kahinaan mo yang pakikipagkaibigan. Hihilahin ka ng mga 'yan
pababa."

"So-sorry,"

"Ok. Gusto kong ipagpatuloy niyo ang mission niyo. Ikaw Jem, wag ka ng tumambay ng
tumambay dito." Isa si Jem sa mga Dark Baron at mas kilala siya bilang Dos.

"Dipende, pagsinipag ako."

xxxxxxxxxx

AMARA'S POV

Nandito kami sa gitna ng Pavilion.

"So, eto na ang map ng lugar na 'to. Brianna, dito ka mismo sa pavilion. Dylan and
Dione sa west kayo. Nicholas and Elizze, sa east kayo maghahanap, Darius at Elene
naman, South at ikaw Amara, sumama ka sakin at sa North tayo maghahanap." Wait,
what? Bakit sakanya pa? Pwede naman akong i-partner kina Brianna ah, bakit sakanya
pa?

"Ok, let's move."

Umalis na kaming dalawa at nagpunta na sa direksyon na sinabi ng kasama ko.

"Pwede mo naman akong i-partner kay Brianna eh." Maktol ko. Nakakatamad maglakad,
alam niyo ba yun?

"Bakit, ayaw mo ba sakin?"

Napahinto ako sa tanong n'ya. Ayaw ko sakanya?

"Ta-tara na nga." inirapan ko si Hermes bago magpatuloy sa paglalakad.

"Hoy!" Kunot noo at taas kilay akong tumingin kay Hermes ng 'hoy-in' niya ako.

"Bakit?"

"Wag ka lang maglakad, maghanap ka ng kakaiba sa lugar." Hindi na ako umangal at


nagpalinga-linga ako sa paligid para may mahanap na kakaiba. Pero wala eh, mga
halaman at puno lang ang nakikita ko.
Nagtitingin-tingin pa ako ng may makita akong kakaiba. Agad kong dinampot iyon at
pinag-isipan kung pa'no ito napunta dito.

Naalala ko yyng sinakyan namin kahapon ni Hermes. Ying pag wa-one two three namin
sa jeep.

"Sa tingin mo, kakaiba ba ang laruang jeep na hawak ko ngayon?" Tanong ko kay
Hermes.

"Sa tingin ko kakaiba talaga 'yan. Una, walang jeep dito sa Faireo. Pangalawa,
pa'no napunta 'yan dito?"

"Mabuti pa't pumunta na tayo sa pavilion."

"No," pinagdikit ni Hermes ang kamay niya at nagpalabas ng yelo sa ere.

"Sila ang papapuntahin natin dito. Kung may nakita kang laruang jeep dito, baka
sakaling may iba pang mahahanap dito." May punto naman siya.

"Bakit?" Napatingin kami sa nagsalita, sina Dylan ay Dione.

Pinakita ko yung laruang jeep.

"Ano naman kinalaman niyan sa pagkawala ng mga seniors?" Tanong ni Dione.

"Baka sinakyan nila yan kaya sila nawala?" Napatingin kami sa sumagot, si Nicholas
kasama si Elizze.

"Hahaha, funny." Sarcastic na sabi ni Elizze.

"May nahanap na ba kayo?" Sunod na pumasok si Darius, Brianna at Elene.

"Yes, meron na. Ito oh," pinakita ko sakanila yung laruan. Kunot noo naman silang
nakatingin doon ng biglang mapaluhod si Darius na nakahawak sa ulo niya.

Agad kaming naglapitan sakanya at tinanong kung may problema ba.

"Bakit?" Tanong ni Elene na naka-alalay sakanya.

"Wa-wala. Medyo sumakit lang ulo ko pero wala 'to."

"Mabuti pa't bumalik na kayo sa guild at magpahinga. Kami nalang ang magtutuloy
dito." Saad ni Hermes.

Umalis na sina Darius at Elene habang kami naman ay pinagpatuloy ang pag i-
imbestiga sa lugar na 'to. Hapon na pero wala parin kaming nakikitang kung ano.

"Mabuti pa't bukas nalang natin ipagpatuloy ang pag i-imbestiga sa lugar." Sabi ni
Hermes. Hindi na kami umangal at naglakad na kami pauwi dahil pagod na nga talaga
kami. Makikita iyon sa mukha ng bawat isa.

xxx

*inhale *exhale

Nandito ako ngayon sa Training room kasama si Hermes. Pinipilit niya akong
palabasin ko ang majika ko. At talagang pinanindigan niya ang sinabi niyang siya
'daw' ang naunang mag prisinta na magte-train sakin.

"Wala talagang nalabas eh!" Napailing iling siya dahil sa inasta ko.

Nagulat ako ng ituro niya yung index finger niya sa puso ko. "Use this, not your
mind and I'm sure you'll make it." Naalala ko to ah. Gantong ganto yung ginawa ni
King Vasilias aakin nung naka upo ako sa bridge sa Water Convene.

"A-ano, may kilala ka bang King Vasilias?"

Kumunot ang noo niya dahil sa tanong ko.

"Wala. Atsaka ngayon ko lang narinig ang pangalan na 'yun."

Kumunot din ang noo ko dahil sa sagot niya. Hindi ako pwedeng magkamali ng
pandinig. Ayon ang pakilala sakin nung gwapong nilalang na 'yon.

"Sigurado ka?"

"Oo. Gusto mo isa-isahin ko pa ang mga King ng Faireo."

"Wag na."

Hindi ko na inisip yung King Vasilias na 'yun bagkus ay tinuon ko ang pansin ko sa
pagpapalabas ng majika ko kung meron man.

xxxxxxxxxxxxxxxx
=================

CHAPTER 32

Chapter 32

xxxxxxxxxxxxxxxx

AMARA'S POV

Kagagaling lang namin nila Brianna sa Pavilion at wala parin kaming nakikitang
ibang evidence kung paano nawala ang mga seniors. Hirap, pagod at gutom na ang
inabot namin dahil sa mission na ito at hanggang ngayon ay pinahihirapan parin kami
nito.

"Ano na? Wala paring progress sa mission natin," sabi ni Darius na halatang badtrip
na. Mahigit limang araw na din kaming naghahanap pero -- agg! Kahit ako naba-
badtrip na din eh, biruin mo halos buong direksyon na sa map ang pinahahanapan
namin ng ebidensya pero wala.

"Tiwala lang guys, makakahanap din tayo ng mga ebidensya." Sabi ni Nicholas na
prenteng prenteng naka upo sa sofa dito sa gyild habang kami naman ay naka upo sa
lapag.

"Hoy Mister Napoleon, malapit na ang Battle sa Zalarion at two days after n'un ay
debut na ni Amara kaya kailangan nating magmadali." -Elizze. Bigla akong na guilty.
Kung hindi dahil sakin edi sana hindi kami makikipag laban sa Zalarion.

"Sorry guys, kasalanan ko 'to eh." Kung hindi din sana sa pavilion gaganapin ang
debut ko, edi sana hindi na kinuha ni Brianna ang mission doon.

"Wala kang kasalanan Amara. Kaibigan mo kami kaya kahit anong mangyari ay
tutulungan ka namin," Halos maiyak na ako sa sinabi ni Brianna pero pinipigilan ko
lang.

Nginitian ko silang lahat. "Alam mo ayoko talaga ng drama eh." Sabi ni Dione.

"Alam ko na! Maglaro nalang tayo!" Sabi ni Elene.

"Ano naman laro 'yan?" -Dylan.

Kinuha niya yung bote na wala ng laman. "Spin the bottle!" Masayang banggit niya at
pinaikot ang bote sa gitna.
"Mukhang masaya 'yan ah! Game ako!" Umupo si Nicholas sa lapag at kinuha ang bote.

"Anong mechanics ng game?" Tanong naman ni Brianna na game na game din.

Mukhang nakakalimutan nila na may mahalaga pa kaming dapat gawin pero mulhang
masaya to kaya break muna sa mga mission at training na 'yan.

"Imbis na truth or dare, bakit hindi natin gawing dare lang." -Darius.

"Mas gusto ko 'yan. Ang boring kapag tanong tanong eh. Dapat may gagawin!" Sabi ni
Elizze.

"Paikutin mo na Nicholas." Sabat ko.

Umikot ikot na ang bote at hindi ko mapigilang kabahan. Tinitignan ko palang yung
mga ngiti ng kasama ko, alam kong iba na ang tumatakbo sa isip nila. Alam kong
hindi maganda ang dare na ibibigay nila sa bawat isa.

"Whaaaat?" Inis na sigaw ni Brianna nang matapat sakanya ang bote.

"Sino ang magbibigay ng dare?" Tanong ko.

"Si Elizze dahil sakanya nakatapat ang pwet ng bote." -Elene

Napansin ko ang malademonyong ngiti ni Elizze habang nakatingin kay Brianna. Ayan
na nga ba ang sinasabi ko eh, iba talaga ang mga takbo ng utak ng kasama ko ngayon.

"We'll set you up with Principal Logan sa isang date kaya be ready. Hahahaha!"

Oh my gosh! Mukhang gusto ko yung dare ni Elizze.

"No, iba nalang."

"Wala. Kapag ayaw ng isa satin ang dare na binigay, dadagdagan ng isa pa.
Maliwanag?" -Elene

"Anong klaseng rule yan?" Salubong na ang kilay ni Brianna. Hahaha! I'm sure,
kinikilig din ang babaitang 'to.

"Wala. Imbento lang. Hahaha!" -Elene.


"Ok. It's already set. Kami ang magpa-plano." -Elizze

"Next. Paikutin mo na Bri," -Nicholas

Nakatitig kaming lahat sa bote at inaabangan kung kanino tatapat ang mahiwagang
bottle na 'to. Please, sana hindi sakin.

Nakahinga ako ng maluwag ng kay Dylan tumapat ang bote.

"Nicholas, ayusin mo ang dare kundi --" napatingin ako kay Nicholas na iba din ang
ngiti sa mukha. Nakakatakot siya, lalo na yung mga ngiti na ipinupukol niya. Mabuti
nalang at si Brianna ang katapat ko kaya alam kong hindi niya ako papahirapan sa
dare kung nagkataon man na tumapat sakin. Pero sana hindi!

"I want you to let me barrow your laptop for one month!" Laptop? Meron nun dito?

"No!" Mabilis niyang tinanggihan ang dare ni Nicholas kaya man lumaki ang ngiti ni
Nicholas. Napansin ko din ang kakaibang ngiti ni Elizze.

"Dahil sa pagtanggi mo, dadagdagan ang dare!" Pang-asar na sabi ni Nicholas.

"Dahil sa pagtanggi mo, dalhin mo ang laptop mo dito sa guild at free kaming
makakagamit nun for one month. Lahat kami!" Hindi maipinta ang mukha ni Dylan dahil
sa sinabi ni Elizze.

Tatanggi pa sana si Dylan ng bantaan siya ni Darius. "Kung ayaw mong madagdagan ang
dare sayo, wag ka ng umangal."

Hindi na nakatanggi pa si Nicholas. Halatang badtrip siya dahil sa dare na binigay


sakanya.

Pinaikot na niya ang bote. Taimtim kaming nakatingin don at walang nagsasalita.
Inaabangan namin kung kanino tatapat ang bote. Kinakabahan kami dahil napakalakas
ng pagikot ng bote at kani-kanina pa iyon umiikot kaya hindi namin alam kung kanino
iyon hihinto.

Halos maihi ako sa suot kong pantalon nang ako tapatan ng bote.

Napatingin silang lahat sakin habang ang tingin ko ay nakatuon kay Brianna na hindi
alam ang iniisip. Halatang nag-iisip siya ng pwedeng i-dare sakin.

Kumunot ang noo ko ng bulungan siya ni Elene na katabi lang niya. Gossh!

"Hooy! Bawal yan!" Sigaw ko pero hindi sila nakinig sakin. Natakot ako ng kumorte
ang labi ni Brianna. Nakakatakot ang ipinukol niyang ngiti sakin, mas nakakatakot
pa kay Nicholas at Elizze.

"So, ito ang dare mo Amara," halos maihi na talaga ako ng short ng pabagalin pa
niya ang pagbibigkas niya ng bawat word.

"Gusto kong umalis ka sa bahay namin," nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Brianna.
Totoo ba 'yun? Papaalisin na niya ako?

"..At gusto ko na tumira ka sa apartment ni Hermes for one month." Feeling ko


malalaglag na ang panga ko sa sinabi niya. Sigurado siya?

"No!" Sabay na angal namin ni Hermes kaya nagkatinginan kami.

"Dahil sa hindi mo pagsang-ayon, dadagdagan namin ng isang buwan. Bali two months
kang mag i-stay sa bahay ni Hermes."

Aangal pa sana ako ng magsalita si Darius. "Kung ayaw mong madagdagan ang dare
sayo, wag ka ng umangal."

Kyaaaah! Ayoko! Ayoko! S-si Hermes, kasama sa isang bahay lang? Kyaaah! Hindi!
Mabuting maglayas nalang ako kesa tumira kasama siya.

"Hoy Hermes! Wag kang pumayag please! Wag kang papayag parang awa mo na!"

"Yes, pumapayag ako."

Makalaglag panga. Hindi ko alam kung bakit siya pumayag pero kyaaah! Bakit ba
pumayag ako sa laro na 'to? Gossh!

xxxxxxxxxxxxxxxxx

HERMES' POV

"No!" Nagkatinginan kami ni Amara ng sabay kaming sumigaw. Ano bang klaseng dare
yun at pati ako nadamay? Fvck!

"Dahil sa hindi mo pagsang-ayon, dadagdagan namin ng isang buwan. Bali two months
kang mag i-stay sa bahay ni Hermes."

Bigla kong naalala yung nakita ko sa North Earth Terrain. Yung babaeng kamukha ni
Amara na may paso sa kanang kamay. Hindi kaya tama ang hinala ko?
Napaisip ako bigla. Posibleng kakambal yun ni Amara at sakto ang detalye na binigay
sakin ni Ama, na kambal ang nawawalang anak ng Hari't Reyna at ang isa ay may paso
sa kanang kamay. Nakita ko yung paso ng babae na yun at posibleng sila ang
nawawalang anak ng Haring Aurie at Reyna Aqui.

"Kung ayaw mong madagdagan ang dare sayo, wag ka ng umangal."

"Hoy Hermes! Wag kang pumayag please! Wag kang papayag parang awa mo na!" Nabalik
ako sa wisyo ng tawagin ako ni Amara.

"Yes, pumapayag ako."

Sa tingin ko mas mapapadali ang mission ko kung kasama ko siya sa iisang bahay at
para na din makita ang balikat niya kung may balat siya na hugis bituwin.

xxxxxxxxxxxxxxxxx

Tinatamad akong mag edit kaya pasensya kung may typos. :D

=================

CHAPTER 33

Chapter 33

xxxxxxxxxxxxxxxx

AMARA'S POV

"Goodbye Amara and goodluck! I hope na magkaroon ng progress sa lovelife mo."


Inirapan ko silang dalawa. Umaga ngayon at bago kami pumasok ng school, ihahatid
nila ako sa apartment ni Hermes.

"Ewan ko sainyo. Bakit ba sa dinami-dami ng dare, yun pa ang pinagawa niyo sakin?"

"Kasi nga, gusto namin magkaroon ng progress sa lovelife mo." Sagot ni Elene na
natatawa tawa pa.

"Akala mo ba Elene hindi namin napapansin ang pagiging close niyo ni Darius?" Dahil
sa tanong ni Brianna, siya naman ang napairap at kami naman ang nagkaroon ng
nakakalokong ngiti.

"Ano ba kayo, binabahiran niyo ng malisya ang pagiging magkaibigan namin."


"Sus Elene! Kilala ka namin, 'wag mo kaming lokohin. Hahaha!"

"Oh Amara, ayan na yung apartment ni Hermes, ipasok mo na mga gamit mo." Napatingin
ako sa apartment, malaki at modern design iyon, color brown and white ang motif.

Biglang lumabas si Hermes. Naka uniform siya at kunot noong nakatingin samin.

"Ano, magtititigan nalang ba kayo dyan? Hermes, tulungan mo naman siyang ipasok ang
gamit niya." Hindi na naka angal si Hermes at kinuha niya sakin yung dala kong
maleta.

Pinasok ni Hemes yung gamit at naiwan kaming tatlo dito sa labas.

"Yiie! Kinikilig ako!" Sigaw ni Brianna at pinapalo palo pa ang braso ni Elene.

"Aray ko Bruha ka! Kinikilig din ako pero hindi ako namamalo!" Inirapan ni Elene si
Brianna pero namumula din siya.

"Sige Amara, hintayin mo si Hermes. Mauuna na kami." -Brianna

"Hooy! Wait lang! Hintayin niyo ako!"

"Ayaw namin maka istorbo sa lovelife mo."

"Sige girl! Goodluck!" Sigaw nila bago tuluyang umalis. Bakit ba kasi nila ako
pinu-push kay Hermes. Oo, gwapo naman talaga siya, malakas, matipuno at -- oo!
Nasakanya na ang lahat pero, pero ang cold niya. Haay!

Aalis na sana ako para sundan sila Brianna ng bigla akong tawagin ni Hermes.

"San ka pupunta?" Tanong pa niya.

"Papasok na. Kailangan pa natin gawin yung mission,"

"Hindi ka sasama sa mission. Kailangan mong mapalabas ang majika mo dahil sa ilang
araw nalang ay First test na."

First test? What the! Muntik ko ng makalimutan, kada tatlong buwan ay may test at
doon susukatin kung tumaas o bumaba ba ang kakayahan mo. Bakit sabay sabay! Unax
yung Battle sa Zalarion, pangalawa yung debut, pangatlo yung mission at sumingit pa
ang First test.
"Mabuti pa't dumirecho ka sa training room at kami nalang ang gagawa ni mission."
Kinapa ko yung thelete. Akala ko nakalimutan ko e.

"Pano pag hindi parin 'lumabas' ang majika 'ko', anong mangyayari sakin?"

"Edi papaalisin ka nila sa Academy at ililipat ka sa General Schools. Doon,


magiging classmate mo yung mga elementary na inaalam din kung may mga majika sila."
Taas kilay kong tinignan si Hermes na natatawa-tawa pa. Pinagtatawanan yata ako ng
lalaking 'to dahil wala akong majika e.

"Kung ganun, kailangan ko na palang madaliin ang pagpapalabas sa majika ko kundi


--"

"Oo. Dahil ililipat ka sa General Schools at magiging classmate mo ang mga bata."

Gooosh! Mag e-eighteen na ako tapos mababalik ako sa elementary dahil hindi ko alam
ang majika ko. Kung meron man!

xxxxxxxxxx

DARIUS' POV

kanina pa kami nandito sa Pavilion. Naghahanap ng iba pang ebidensya kung pa'no
nawala ang mga seniors. Pero eto lang talagang laruang jeep na hawak ko ngayon ang
nakita.

Pinagmamasdan ko ang laruan. Noong makita ko 'to kahapon, nagkaroon ako ng vision
na hawak ko 'to nung bata pa ako. Parang deja v pero imposible naman siguro yun
diba?

Hindi ko talaga alam pero may weird feeling ako na hindi 'to ebidensya sa pagkawala
ng mga seniors.

xxxxxxxxxxx

AMARA'S POV

Kanina pa ako naka indian seat dito sa gitna ng training room. Tanghali na ngayon
at kanina pang umaga ako nagsimulang mag meditate at pakiramdaman ang tumatawag
sakin.

Hindi ko alam kung kelan lalabas ang majika ko (kung meron man talaga) pero
pinipilit ko dahil ayokong mawalay sa mga kaibigan ko. At lalong lalo namang ayaw
kong malipat ng school lalo na kung ang mga classmates ko ay bata. Nakakahiya 'yun!
Ayun ang sabi sakin ni Hermes, pakinggan at pakiramdaman ko ang tumatawag sakin.
Pero, walang sumisitsit sakin o tumatawag. Haays! Pinaglalaruan lang ata nila ako
eh! Gosh! O kaya naman ayaw lang nila ako isama sa mission nila dahil isa akong
malaking sagabal. Oh gosh! Sana mali ang iniisip ko.

Tatlong araw nalang. Kinakabahan ako, palapit na ng palapit ang araw ng


pagtutunggali namin ng Zalarion. Hindi namin alam kung anong klaseng laro ang
hinanda nila kaya kailangan naming mag training ng mabuti at syempre para ma please
namin ang tatay ni Hermes na si Mister Jones na manunuod ng battle.

Kinakabahan talaga ako. Pagnatalo ang grupo namin, aalis ako ng Academy na 'to at
hindi na muling makakapasok pa. Ayokong mangyari 'yun kaya kailangan naming
galingan.

Huminga ako ng malalim. Pinakiramdaman ko ang hangin sa paligid (kahit walang


breeze of air), nag imagine ako na nasa isa akong mapayapang lugar. Ayon ang sabi
sakin ni Hermes, kailangan maging mapayapa ang kalooban ko.

"You're here again, Miss Amara." Una kong nakita si King Vasilias ng imulat ko ang
aking mata.

Napatingin ako sa paligid, wala na ako sa training room bagkus ay nandito ako sa
kwarto n'ya. Naalala ko 'to! Dito ako dinala nung Red-haired guy na nakasuot ng
armor.

"Anong ginagawa ko dito?" Tanong ko sa King na nakatingin lang sa labas ng bintana.

"Ewan ko. Kusa kang pumunta dito Amara."

Kusa akong pumunta dito? Ang huli kong naalala ay nasa training room ako at nag me-
meditate.

"Wa-wag mong sabihing --"

"Oo Amara. May kinalaman ako sa iyong majika. Sa tingin ko this is the right time
para sabihin sa'yo na espesyal ka."

Sabi na nga ba eh! May kinalaman siya sa majika ko at sa tingin ko siya ang
nagligtas sakin sa challenge ni Hermes.

"Pa-panong espesyal?"

"You're not an ordinary girl Amara."


Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. All this time hindi parin nag si-sink in
sa utak ko na totoo ang sinasabi ni Brianna, na may Majika ako katulad nila. All
this time, akala ko isa lang akong ordinaryong tao na galing sa normal na mundo.

Lumapit sakin si King Vasilias at dinikit ang index finger niya sa puso ko.

"Use it Amara. Use it and you'll know your true identity."

Unti unting nag fade away yung lugar hanggang sa maging itim nalang yun. Ilang
saglit lang namalayan kong nandito na ako muli sa training room.

"Im not an ordinary girl. And use my heart and I'll know my true identity? Anong
ibig sabihin nung King na yun at sino ba talaga siya?" Hindi ko na kaya. Ang sakit
na ng ulo ko dahil sa mga katanungan na bumabagabag sa isip ko.

xxxxxx

Kanina pa ako naghihintay dito sa labas ng apartment ni Hermes. Hindi na ako nag
training pa dahil sumakit na ang ulo ko.

Hindi ko na rin alam kung may progress ba sa paghahanap nila sa missing seniors
dahil hindi na ako nakakasama sakanila dahil mas pinagtutuunan ko ang training.

"Kanina ka pa ba dyan?" Nakita ko si Hermes na nasa tapst ko na. Sa wakas!

"Oo. 'Bat ang tagal niyo?"

Lumapit siya sa pinto at binuksan iyon.

Napaka ganda ng loob ng bahay niya. Ang linis, parang hindi pinupugaran ng alikabok
ang mga furniture ng bahay. Kulay Brown ang motif, ang mga furniture, sofa, cabinet
habang ang wall at tiles naman ay kulay puti. Simple yet ellegant.

"Natagalan kami sa paghahanap ng evidence. Pero wala paring progress hanggang


ngayon." Dumirecho siya sa harap ng ref at kumuha ng tinapay.

"Kumusta ang training?"

"Ahh -- ehhh -- ganun din! Wala ring progress kagaya ng mission."

Ayaw ko pang ipaalam sakanila. Siguradong may majika na ako pero hindi ko sigurado
kung ano yun. Hindi pa naman sinasabi sakin ni King Vasilias ang majika ko. Dahil
puro clues at hints ang binibigay niya.
"Kailangan mong malaman yun para hindi ka mapaalis sa Academy dahil hindi ko pa
alam ang majika mo."

Concern siya?

"O-oo naman. Feeling ko nga malapit ko ng malaman ang majika ko eh."

"Pero kahit na malaman mo ang majika mo, kung hindi naman tayo mananalo sa battle,
wala rin dahil hindi ka na aabutin ng First test."

Haaay! Bakit ba kasi ayun ang gusto nilang deal ehh. Pwede namang gawin nila akong
slave for one month o kaya taga gawa ng assignments. Tssh!

"A-ano, san nga pala yung kwarto ko?" Gusto ko ng ayusin yung mga gamit ko.

"Isa lang ang kwarto ng apartment ko. Kung gusto mo dun ka nalang sa kwarto ko."
Halos malaglag ang panga ko dahil sa nalaman ko. Kung ganun, kyaaah! Walang
privacy!

"Nagbibiro ka lang diba?"

"Mukha ba akong nagbibiro?" Siguro? Pwede? Hindi naman kasi nagbabago ang
expression ng mukha niya eh. "Ayusin mo na gamit mo. May extrang cabinet sa
kwarto."

Kyaah! Kyaaah! Ano nalang ang magiging buhay ko dito sa apartment na 'to?

xxxxxxxxxxxxxxxx

=================

CHAPTER 34

Chapter 34

xxxxxxxxxxxxxxxx

AMARA'S POV
July 19 X792.

Walang pasok ang lahat ng mga estudaynte ngayon especially ang mga members ng
Zalarion at ng Element's crown dahil nag-aayos na kami ng venue para sa gaganapin
na laban bukas.

Naglalagay ng mga bleachers sa paligid ng field. Sine-set up na din yung Malaking


screen sa Gitna para mapanood ng lahat ang laban kahit na malayo.

"Guys, handa na ba kayo?" Tanong ni Brianna samin. Nandito kami sa training room at
nag-eensayo pa ng mabuti.

"Kinakabahan ako Brianna."

Sabi nila hindi naman dapat ganito ka engrade ang battle namin pero dahil sinabi
mismo ng may-ari ng Forbidden Academy na manunuod siya, kailangan talagang
paghandaan.

Bakit kasi napaka war freak ng Zalarion?

"Wag. Kasama mo naman kaming kaibigan mo."

Tama. Hindi dapat ako kabahan dahil nandito sila kasama ko. Alam ko namang hindi
nila ako pababayaan. Sana talaga, sana manalo kami.

Nakaupo lang ako habang nag memeditate dito sa gitna ng training room. Isang araw
nalang pero wala pa ring nangyayari sa majika ko. Pero I'm sure, dahil sa sinabi ni
King Vasilias, siguradong may majika na ako. Sana lang talaga, lumabas na.

"Inhale. Exhale." Sinusunod ko na nga angnga pinapagawa ni Hermes sakin ngayon,


pero wala parin talagang progress. Si Elene, kaya na niyang controlin ang majika
niya.

"Feel your energy." Pinapakiramdaman ko yun sa katawan ko. Sa tingin ko gumagana


ang training namin ngayon. Feeling ko mas malakas na ang enerhiyang dumadaloy sa
katawan ko at alam kong unti nalang ay lalabas na ang majika ko.

xxxxxxxxxx

AUTHOR'S POV
Habang nag me-meditate si Amara kasama si Hermes, nasa kabilang dako naman sina
Elene at Darius na nag eensayo para palakasin ang majika ng dalaga.

"You should stand straight and relax." Sinunod ng dalaga ang sinabi ni Darius at
huminga siya ng malalm para mailabas ang kaba sa kanyang dibdib.

"Lightning is one of the hardest majika. Kailangang maging accurate ka sa paggamit


nito," Nagtungo si Darius sa likod ng dalaga at tinaas ang kamay nito't tinutok sa
pader.

"Use your two fingers, the index and middle one. The rest, itiklop mo." Sinunod
ulit ng dalaga ang sinabi ni Darius kahit na kinakabahan ito dahil hawak ng binata
ang kanyang kamay. At idagdag niyo pa na sobrang lapit ng mukha nila sa isa't isa.

"Ipunin mo ang energy sa katawan mo. And make it as lightning coming out on your
finger." Pinatong ni Darius ang kaliwang kamay sa balikat ni Elene habang ang isa
naman ay hawak hawak ang braso ng dalaga na nakatutok sa pader.

Hindi makapag concentrate ang dalaga dahil sobrang lapit ng kanilang mukha na
unting lapit nalang ay magkakadikit na.

"Gawin mo na,"

Hindi naintindihan ni Elene ang sinabi ni Darius dahil lutang na ang kanyang pag-
iisip. Nakatitig nalang ito sa mukha ng binata na para bang may dumi sa mukha.

"Ang gwapo pala niya." Nakakatawa mang isipin pero mukhang nababaliw na ang dalaga
sa kakisigan ni Darius.

"Hey? Alam kong gwapo ako pero we need to practice." Biglang namula si Elene ng
marinig niya iyon mula kay Darius kaya mabilis niyang iniwas ang tingin sa binata.

"Concentrate Elene. Concentrate." Binalik ni Elene ang tingin niya sa wall na may
dart board.

"Ano nga ulit ang gagawin ko?"

"You should gathe your energy and release it through your two fingers." Binitawan
na ni Darius ang pagkakahawak sa dalaga.

Ginawa ni Elene ang sinabi ni Darius. Kinolekta niya ang mga enerhiya nito sa loob
ng katawan at inipon iyon sa kanang braso kung kaya may makikitang sparks sparks na
bumabalot doon.

Sapat na ang enerhiyang naipon niya kaya naman ni-release niya ito at tinarget ang
board.

Hindi man niya natamaan ang bullseye pero dumaplit ito at nasira ang target.

"Nagawa ko! Hahaha!" Hindi napigilan ni Elene ang galak kaya hindi niya napansing
napayakap na siya sa binata.

"Good job, good job." Bati ng binata as he tap Elene's back.

"So-sorry," agad na banggit ni Elene na ngayon lang nag sink-in na niyakap niya si
Darius. Hiyang hiya siya at hindi makatingin sa lalaki. Naging awkward para sa
kanilang dalawa ang atmosphere ng training room.

"I-inom lang ako." Pagpapaalam ng dalaga at pumunta kung saan nakaupo si Brianna.

xxxx

Katulad nina Elene at Darius, may sariling kwentong namumuo din kina Nicholas at
Elizze na kasaalukuyang nagpapatayan sa sariling training na ginagawa nila.

"Hooy! Ang daya mo! Wag mong gamitin yan!" Inis na sigaw ni Elizze ng alisan ng
oxygen ang fire wolf ng dalaga kaya naglaho ito na parang bula.

"Hindi daya 'yon! Isa yon sa mga techniques ko!" Pang-aasar ng binata. Inis namang
nagpalabas ng fire ball si Elizze at itinira lahat ng iyon sa binata pero ginagamit
niya ang kanyang air-magic para palikuin ang direksyon ng apoy.

"Arrgh!" Frustrated na sigaw niya dahil hindi pa niya napapataamaan ang binata.
Napailing si Nicholas habang nakangisi.

"Sige, pagbibigyan na kita." Sabi ng Prinsipe at tinaas ang kamay sa ere na


halatang inaasar ang dalaga.

Hindi alam ng binata na meron na palang bumubulusok na bolang apoy sa itaas niya.

"You must not underestimate me." Sabi ng dalaga at tumingin sa tatlong fire ball na
pabagsak sa prinsipe. Nahalata iyon ng lalaki kaya sinundan niya ang tingin ng
prinsesa. Dahil sa adrenaline rush ni Nicholas, mabilis itong nakalipad upang
ilagan ang atake.

"Better luck next time Princess. I should finish this now," gagawin na sana ni
Nicholas ang isa sa mga pinakamalakas niyang techniques ng makita niyang ngumisi si
Elizze at tumalon ito ng malakas hanggang sa mag steady ito sa ere kapantay si
Nicholas.
"Ha-how did you do it?" Tanong ng lalaki na halos malaglag na ang panga sa lapag.

"Look! I'm using my fire to float." Nakita ni Nicholas na may apoy sa dalawang paa
ng dalaga na naging sanhi ng kanyang paglutangn.

"Hey Nicholas, nawawala ka sa focus."

"Whaa --" hindi na natapos ng Prinsipe ang pagsasalita ng malapnos ang balat niya
sa kanang braso dahil sa fire phoenix na umatake mula sa likod nito.

"Fvck that Elizze!" Inis na sigaw ng binata. Sinamaan niya ng tingin ang dalaga at
siya naman ang umatake.

Nagpalabas ng mga air spikes ang Prinsipe pero naiilagan iyon ni Elizze dahil
visible na ang hangin.

"Fvck!" Sigaw ni Nicholas at nagpalabas ng bagong technique.

"Air bomb!" Sumabog ang paligid ni Elizze at nagkanda ikot-ikot siya dahil sa
malalakas na force ng air.

"Kyaaaah!" Nawalan ng balanse ang Prinsesa hanggang sa mawala ang apoy sa paa niya
at unti unting mahulog.

Mabilis na kumilos si Nicholas at lumipad para saluhin si Elizze.

Onti nalang at babagsak na ang dalaga sa sahig ng masalo siya ng Prinsipe.

Nakayakap ang Prinsesa sa Prinsipe. Sobra ang pagkkatakot na nararamdaman niya


dahil akala niya na mamamatay na siya pero biglang dumating si Nicholas at niligtas
siya.

"Th-thank you," utal na sabi ng dalaga na nakayakap parin hanggang ngayon sa


binata.

"It' ok." He said as he tap Elizze' back.

"Kyaaaaah!" Sigaw ni Brianna at hinahampas-hampas pa ang katabi ngayong si Elene.

"Aray ko! Bakit ka nanaman nanghahampas d'yan?" Taas kilay na tanong ng dalaga.

"Kinikilig ako. Pero mas nakakakilig parin yung scene niyo ni Darius! May pahawak
hawak pa sa kamay." Halos magtatalon na si Brianna dahil sa hindi mapigilang kilig.

"Tumahimik ka nga dyan bruha ka. Baka maistorbo mo yung isa pang may love scene
dito." Sabay na tumingin ang dalawa sa direksyon ni Hermes at Amara.

"Ano ka ba Bruha ka? Anong nakakakilig d'yan eh nakatitig lang si Hermes sa nag me-
meditate na si Amara?"

"Bakla ka! Hindi mo ba nakikita kung pano tumingin si Hermes sa kaibigan natin?
Tignan mo! Sabihin mo sakin kung anong sparks ang meron sa mata ni Hermes." Halos
sumingit na ang mata ni Brianna para makita lang ang tingin ni Hermes.

"Oh my Gosh! Oo nga friend! Iba yung tingin niya sa kaibigan natin! Lumalablayp ang
bruha!" Sigaw ni Brianna at nagsitawanan ang dalawa ng biglang dumating si Dione at
tumabi sakanila.

"Eto kayang si Dione, kelan magkakaroon ng lovelife?" Tanong ni Brianna.

"Hay naku Brianna! Wala akong balak mag-asawa o mag boyfriend!" Sabi niya bago
uminom ang tubig.

"Naku! Kakainin mo din balang araw yang mga sinasabi mo." Irap naman si Elene.

"Hoy Elene!!! Porque unti unti nang nagkaka sparks between sainyo ni Darius ganyan
ka na?!! How dare you?!!" Sigaw ni Dione na nag iba nanaman ang mood.

"Relax Dione. Hahahaha! Wag kang bitter!" Sabi ni Brianna na natatawa-tawa pa.

"Hindi ako bitter! Grabe ka naman sakin Bri, porque may Principal Logan na
nagmamahal sa'yo. Pag nag break kayo, tignan mo, isusumpa mo na ang lahat ng
lalaking makikita at madadaanan mo." Biglang nag iba ang mood ni Dione na mula sa
galit ay naging malumanay.

"So, may pinag dadaanan ka kaya ka Bitter. Hahahaha!" Sabi ni Elene at nagsitawanan
ang dalawa.

xxxxxxxxxxxxxxxx

Author's note:

Trying hard ako sa mga romantic scene na 'yan. Hirap ako mangapa ng mga romantic at
sweet scene dahil hindi pa nangyayari sakin kaya sana intindihin niyo ako.
Hahahahaha
Enjoy reading guys and don't forget to leave your suggestions and comments. Thanks
( )

=================

CHAPTER 35

Author's note:

Pasilip lang 'to kaya masyadong maiksi. Sa susunod na update, pipiliting kong i-
update ng buo yung battle hanggang sa matapos. For now, yung preparations lang
muna.

Thanks

xxxxxxxxxxxxxxxxx

AMARA'S POV

Nervous \nr-vs\ having or showing feelings of being worried and afraid about
what might happen.

Nervous. Isang salita na kapag naramdaman, Ay patay!

Ayan ang nararamdaman ko ngayon, kaba. Dahil nag-aalala ako sa maaaring kalabasan
ng laban namin sa Zalarion.

Kadadating lang ni Principal Logan dito sa guild na hindi mapakali.

"Hooy! Ano ba kasing problema at parang may bulateng hindi makalabas sa pwet mo?"
Init na tanong ni Brianna sa palakad lakad na si Pricipal.

"Kasi... Yung battle."

"Anong meron sa battle?"

"Kasi. Soccer ang magiging laro at sa soccer, eleven ang kailangang mag-laro. Eh
iilan lang kayo!" Lahat kami, nabato sa kinauupuan.

"Bakit ngayon mo lang sinabi samin 'yan?!" Inis na sigaw ni Brianna.


"Ngayon lang din sakin sinabi ng ni Ms. Leny ang game."

"I think sinadya nilang ngayon lang sabihin para mataranta tayo at magmadali."
-Elizze

"I'm sure that's the reason behind it. Eight lang tayo at kulang pa ng three
players." -Dione

"Nasa rules na kapag walang seven players sa field, the game will be forfiet." Saad
naman ni Dylan na naging dahilan ng pagiging hysterical ni Elizze.

"Gossh! Pano 'yan! Kailangan nating maghanap ngayon ng ibang member! Now na! Or
else, aalis si Amara dito sa Academy!"

"But sinong mga students ang i re-recruit natin?" Tanong ni Dylan.

"Bakit hindi natin i-recruit ang ibang chosen?" Suhesyon ni Darius. He has a point.
"Pero meron na silang guild," sagot ko.

"Hihiramin lang naman natin sila." -Elene

"At nandyan naman si Principal Logan para paki-usapan yung leaders nila." Dagdag
naman ni Nicholas.

"Ok. Mabuti pang hanapin ko na sila. You guys should change. May darating dito na
ibibigay yung jersey na susuotin niyo kaya magpalit na kayo dahil ilang minutes
nalang ay magsisimula na ang game."

Nervous. Feeling ko lalabas na ang puso ko dahil sa sobrang lakas ng kabog nito.
Kinakabahan ako sa maaaring maging resulta ng laban. Wala akong alam sa soccer at
hindi ko parin alam ang majika ko.

"Guys, wala akong alam sa larong soccer." Napatingin kaming lahat kay Elene.
Maganda ba 'to dahil hindi ako nag-iisa o pangit na sign dahil mukhang lugi kami sa
laban na 'to.

"Don't worry, alam naming iibahin ng Zalarion ang mechanics ng game kaya favor sa
kanila yung game pero we need to do our best para manalo." -Darius

"Mabuti pa't mabihis na tayo dahil ilang minuto nalang at makikipag bakbakan na
tayo." -Dylan.

Sana. Sana manalo kami sa laban na 'to. Ayaw kong may umalis kahit na ang grupo ng
Zalarion pero dahil ayun ang deal ni Hermes at pumayag naman ang leader nila, eh
wala na akong magagawa doon.

Confident silang mananalo sila kaya kahit ang deal na 'yun ay pinatos nila.

xxxxxxxxxxxxxxxxxx

AUTHOR'S POV

"Hahaha! I'm really sure that they are trying to find another member." Sabi ni Leny
na prenteng prenteng naka-upo sa kanilang guild.

"Teka nga, bakit ba malaki ang galit mo doon sa Amara?" Tanong naman ni Chloe kay
Ressy.

"Sabihin nating siya ang multo ng nakaraan." Kunot noong napaisip ang mga guild
member dahil sa sinabi ni Ressy na nagpipigil ng galit.

Napangiti naman si Leny dahil sa sinabi nito. "And we'll hunt that ghost."

xxxxxxxxxxxxxxxx

PRINCIPAL LOGAN'S POV

"Please Girls, ngayong araw lang." Kahit ano, gagawin ko para lang manalo sina
Brianna.

"Pero Principal Logan may kanya kanya na kaming guild." -Brena. Isa siya sa mga
chosen.

"Ngayong araw lang naman e." Kahit ano, gagawin ko. Hindi talaga sila pwedeng
matalo dahil kapag nangyari 'yon, hindi namin malalaman ang tunay na katauhan ni
Amara.

"Nope. I need to go, may gagawin pa ako." Aalis na si Zaira.

"Wait! I'll give you extra grade. Win or lose," napatigil sa paglalakad si Zaira ng
marinig niya ang sinabi ko. Haaay!

"5 points," Kumorte ang bibig niya.

"3."
"5 points. Kung ayaw mo, Hindi kawalan sakin --"

"Ok. Fine, fine. Five points for the three of you."

Ganun pala talaga ka importante sa mga estudyante ang incentive cash. Haay! Mabuti
nalang at may mga mission na dito mismo pinapadala sa Academy kaya nagkakaroon ito
ng kita sa pamamagitan ng tax.

xxxxxxxxxxxxxxxx

AMARA'S POV

Ilang minutes nalang. Nandito na din sina Brena, Zaira at Ayen sa guild namin para
tulungan kami. Napansin kong kumpleto ang mga chosen ones dito sa iisang kwarto. Na
a out of place ako sakanila dahil ako lang ang walang majika dito.

"Pano ba maglaro ng soccer?" Tanong ni Dione. Hindi din ako marunong mag laro n'un.

"There are eleven players on the pitch to start the game," Napatingin kami kay
Nicholas na nasa tapat ng laptop ni Dylan. Nag gu-google siya!

"The goalie, the person who protects the net and the one who can only use their
hands."

"I think, the one who capable of doing this is Zaira." Sabat ni Principal Logan.
Hindi ko alam kung pano gumagana yung majika niya pero dahil sumang-ayon ang ibang
members, mukhang kaya nga n'ya.

"The defender, they usually stay behind the half-way line in an effort to help to
prevent the other team to goal."

"You Brianna, Darius, and Amara will defense the ball. Wag niyong hahayaan
namakapasok ang bola." -Principal Logan

"Midfielders, they do the most running as they play a combination, of defense and
offense. They usually orchestrate the attack."

"Ikaw naman Dylan, Ayen, Elene and Elizze ang midfielders."

"Striker, These are the ones who get the most cracks at shooting the ball. They
need to be quick, agile, and able to shoot a stunning shot. They also need to be
excellent headers."
"Hermes, Nicholas and Dione. I know you can do it. For you naman Brena, you'll be a
substitute."

Hindi ko pa sila masyadong nakikitang gamitin ang kanilang mga majika pero
nagtitiwala ako sakanya kanyang abilidad. Hindi naman sila magiging S class at
chosen kung para saan lang.

xxxxxxxxxxxxxxxx

12 o' clock.

Malalakas na sigawan. Iba't ibang pangalang binibigkas. Kanya kanyang grupong


chini-cheer. Makukulay na banner at kung anu-ano pang makikita. Parang dati
napapanuod ko lang sa balita yung mga ganitong scenario pero ngayon, isa ako sa
maglalaro.

Nandito na kaming lahat sa field. Katapat namin ngayon ang Zalarion's guild.
Thirteen sila lahat ngayon, may substitution na magaganap kapag may na injure
sakanila ganun din saamin, kaso isa lang.

Katatapos lang namin kantahin ang national anthem ng Faireo.

Napatingin ako sa may gitna ng bench. May bubong doon at nandoon nakaupo ang mga
professors at nakita ko sa gitna si Mister Jones. Kamukhang kamukha niya si Hermes.

Ngayon ay nakikipag kamayan na kami sa Zalarion.

"Be ready to die, bitch." Nabigla ako ng sabihin 'yan ni Ressy. Bakit ba ang laki
ng galit n'ya sakin?

Hindi ko nalang siya pinansin at binitawan ko ang kamay niya. Nagpuntahan na kami
sa bench para mag handa.

"Kagaya ng plano kanina, si Zaira ang Goal keeper. Si Brianna, Darius and Amara
naman ang defenders. Si Dylan, Ayen, Elene at Elizze naman ang midfielders at
Hermes, Nicholas and Dione for striker." -Principal Logan. Nagsilbi siyang coach
para samin.

"Ok. May two minutes pa para mag ready." -Brianna

"I think dapat nating malaman at pag-aralan ang kayang gawin ng members ng
Zalarion." Suhesyon ko. Hindi ko sila masyadong kilala at halos lahat sakanila ay
hindi ko alam ang mga majika.

Si Ressy, ang alam ko lang ay kaya niyang maging elestic at the same time mag shafe
shift. Si Chloe naman ay Telekinesis ang abilidad. Ang iba ay hindi na ako pamilyar
at hindi ko din masyadong nakikita sa Academy.

"Ok, Si Chloe, Telekinesis ang Majika. Ressy is elasticity, Clone-magic naman kay
Leny. Si Matt, yung lalaking kalbo naman ay super speed. Si Romy, nullification.
Kaya niyang i-null ang majika niyo."

Pano 'yan, super speed at telekinesis palang ay kaya na nila kaming talunin. Isama
pa yung nullification na kayang hindi kami pagamitin ng majika. Ok! Kailangan ko ng
i set ang mind ko na aalis na ako ng Academy'ng ito.

"Yung iba?" Muling hirit ko.

"Justin, that red-haired guy, teleportation ang majika." Sagot naman ni Brianna.

"Yung iba, don't think about them, they're just too weak to worry." Bulong ni Dione
na nakatingin sa kabilang team. Well, for them baka mahina sila but for me, I think
kung ikukumpara ang kakayahan nila sakin baka nasa paanan lang ang level ko.

Narinig na namin yung bell kaya pinapunta na kami ni Principal Logan sa field.

Lumakas nanaman ang sigawan ng estudyanteng nanunuod. They even cheer their bias.
Parang kpop fans lang, sila yung fan girls/boys while yung mga kasama ko ang idols.
Well, as for me, di hamak na isang trainee palang ako.

Si Hermes and Dione 'ung nasa gitna and the referee to start the kick off pero si
Leny ay pumunta sa gitna habang hawak hawak ang microphone.

"Good afternoon everyone, especially to our guess Mister Jones. Thank you for
coming today. Nandito ako para to discuss the rules we have made," what? The rule
they have made?

"Yes. Alam niyo naman na every battles we declare, we have the control in every
rules." Sabi pa nito na may ngiting nakakaloko habang nakatingin sakin.

"Well, una kong sasabihin ang deal na naganap between our guild and Element's
crown." Walang kang maririnig na nagsasalita sa mga audience. Lahat ay taimtim na
inaabangan ang sasabihin ni Leny.

"If we'll win, I'm sure we'll win -- hahaha, anyway, If we'll win, then Miss Amara
Audrie Drusilla from Element's crown will leave this Academy," nang banggitin ni
Leny ang pangalan ko, instant na napalingon ang mga students sa direksyon ko at
nakatingin silang lahat sakin.

"If they Might win, then, we Members of Zalarion's guild will leave this Academy."
Samutsaring reaksyon ang mga estudyante dito. Ang iba ay shock at halos lahat naman
ay nagsisigawan sa pananabik.

Isang ngisi ang ipinukol sakin ni Leny bago siya bumalik sa pwesto niya. Isa siyang
midfielders.

Napahinga ako ng malalim. This is it pancit. No more playing, no more childish


action.

"Amara, you--we must win. No matter what happen."

Kinukumbinsi ko ang sarili ko. Ayokong matalo, ayokong umalis ng Academy na ito. Sa
maikling panahon, naging pamilya ko na ang mga kaibigan ko dito at ayokong
mapahiwalay sakanila.

xxxxxxxxxxxxxxxx

Author's note:

Pls lang, mag comment kayo. I need some inspiration lalo na't tinatamad akong mag-
update. Hindi na ako ma ra-writer's block pero nakakatamad kaya. Sana may sweldo
'to. Hahahahaha

Yung mga informations about soccer, pag pasensyahan niyo na kung may mali. Hindi
ako pamilyar sa soccer hindi katulad sa basketball na may alam ako. Yun lang, enjoy
reading. :)

=================

CHAPTER 36 (ELEMENT'S CROWN VS. ZALARION)

Chapter 36 (Element's crown vs. Zalarion #1)

xxxxxxxxxxxxxxxx

AMARA'S POV

"Goodluck," bulong ko sa hangin. Nasa pwesto na kami, habang sina Hermes at Dione
na nasa gitna. Sila ang mag ki-kick off dahil nanalo sila sa toss coin.

Pinagpapasa-pasahan nila yung bola at naghihintay ng tamang timing para simulan ang
laro.

Katatapos lang sabihin ng referee ang rules para sa larong ito. Offense and
defense ang paggamit ng majika para sa may hawak ng bola. Pwede naming atakihin ang
may hawak ng bola, pwedeng basagin ang mukha at pwedeng saktan. Kahit anong atake,
kahit anong gawin ay pwede. Kapag naman ang player (support) ay hindi hawak ang
bola, defense lang ang pwedeng gawin.

Walang red card and yellow card na i-issue ang referee dahil hindi ordinary ang
laro. May sakitan na magaganap at ang malala pwede pang mamatay. Ganun talaga!
Battle between life and death 'to!

The referee blew his whistle. Mabilis na tumakbo si Dione papunta malapit sa goal
namin.

Naiwan kay Hermes yung bola habang drini-dribble niya iyon gamit ang paa syempre.
Malapit na sakanya si Shawn, (isa sa striker ng Zalarion) kaya pinasa niya ang bola
kay Nicholas na pinaka malapit sakanya.

Mabilis na tumakbo si Hermes, Dione, Dylan at Elizze para sundan si Nicholas na i


-strike ang bola pero naagaw iyon ni Matt na sobrang bilis ang takbo kaya naging
alerto kaming mga defenders at sina Elene at Ayen.

Tinalasan ko ang mata ko.

Bago pa ma-strike ni Matt ang bola sa goal ay minabuting gumawa ni Darius ng mataas
na pader at pinalibutan ang goal para magsilbing defence namin.

Hindi na tumuloy ni Matt at malakas na sinipa ang bola kay Justin.

Mapupunta sana kay Elizze ang bola na malapit sa kinaroroonan ni Justin pero
biglang sumulpot ang lalaki (Teleportation) sa harap nito at nagawang maagaw ang
bola.

Inis na pinagbabato ni Elizze ng fire ball si Justin pero nawala ito kasama ang
bola.

Natigil ang lahat. Hindi namin alam kung nasaan na si Justin at ang bola.

"Ibaba mo ang pader Darius!" Sigaw ni Brianna. Sinunod naman iyon ni Darius at
doon, nakita namin sa likod ng pader na iyon si Justin at Zaira.

Teleport ng teleport si Justin para humanap ng butas at maipasok ang bola sa goal
pero dahil sa majika ni Zaira, hindi niya ma-i strike ang bola.

I know Zaira was chosen by Libra. Ang alam ko Space ang majika ni Libra at the same
time ay gravity so she can alter the gravity here. Hindi ko lang alam kung ano ang
nagagawa ng Space.
Ganun lang ang scenario sa pagitan ng dalawa. Walang naglalakas loob na lumapit
doon kaya ako na ang unang kumilos.

Nilabas ko ang Thelete and I change it's form to Aquarius' whip.

Tinignan ko si Brianna at nginuso ko yung bola. Mabilis siyang tumakbo habang ako
naman ay pinulupot ko sa paa ni Justin ang Whip at buong lakas ko siyang hinagis
kung saan man.

Nakuha ni Brianna ang bola. Sinipa niya iyon papunta kay Darius na walang
nakabantay.

Mabilis na tinahak ni Darius ang direksyon papunta sa goal pero bago siya
makarating sa gitna ay naharangan na siya ni Ressy at Shawn.

Ressy's hand turned into a hammer Big hammer. She attacked Darius but he manage
to dodged it.

Gumawa ng maliit pader si Darius gamit ang lupa na tinatayuan ni Shawn kung kaya't
natangay ito n'un at tumalsik aa kabilang dako ng field.

Ressy, again slashed her hand to Darius. Darius made a wall para maging depensa
but suprisingly, nadurog iyon at tinamaan siya. Kagaya ni Shawn, tumalsik din siya
sa kabilang dako ng field.

Nakuha ni Ressy ang bola at pinasa iyon kay Matt.

Matt runs using his super speed. Papunta siya samin dito kaya nagpalabas ng
madaming tubig si Brianna sa kamay niya pero dahil mabilis si Matt, hindi na niya
nagawa ang pinaplano niya at nalampasan na kami nito.

But suprisingly, huminto si Matt sa tapat ni Zaira.

"Brianna, go!" Sigaw ko pero kumunot ang noo ko ng hindi siya makapag labas ng
tubig. "Anong nangyari?!" Sigaw ko. Medyo malayo kami sa isa't isa kaya sigawan
kung sigawan talaga para magkarinigan. Isabay pa ang mga hiyawan ng mga esdudyante
na nanunuod.

"Romy's using his majika, arghh!" Inis na sigaw niya. Nabaling ang tingin ko kina
Matt at Zaira ng biglang maghiyawan at magsigawan ang mga studyante na chi-ni-cheer
ang Zalarion.

"Shems! Naka goal na sila!" Inis na bulong ko sa sarili ko. Pano nangyari 'yun?
1-0 na ang score at sa tingin ko malaking lamang na yun dahil hindi man lang kami
makapasok sa teritoryo nila.

Na kay Brianna na 'yung bola. Prenteng prente lang siyang tumatakbo habang
sumusunod kami sakanya ni Dylan. Wala kasing humaharang sakanya.

Nasa other half na kami ng field ng magsimulang tumakbo si Leny at Ressy para
agawin ang bola kay Brianna.

Hinanda ko na ang sarili ko dahil napansin ko ang matatalas na tingin na ipinupukol


sakin ni Ressy habang tumatakbo.

Dumoble ng dumoble si Leny, naging anim ang katawan niya (clone). Si Ressy naman ay
naging isang malaking machine gun ang kamay.

"Be ready guys," sigaw ni Brianna. Hinanda ko na ang aquarius' whip ko habang si
Brianna naman ay nagpalabas na ng maraming tubig sa kamay at ang index finger naman
ni Dylan ay may puting bilog na.

Pinaputok ni Ressy ang machine gun-hand niya na ang bala ay balat din niya. Ewwwww~

Tinira ko yung mga skin-bullets na tatamaan kami. Parang kami ang nagsilbing
defender ni Brianna while she's busy aiming for goal.

Malapit na si Leny at ang anim pa kaya naman Dylan uses his light gun and aim for
Leny's clone. Natamaan niya ang tatlong Leny pero may natira pang tatlo.

Sunod sunod na nagpaputok si Ressy at ang ibang bala ay tinatamaan ng aquarius'


whip ko at ang iba naman ay iniilagan nalang namin dahil hindi ko kayang i-whipped
ang lahat.

I manage to make a hit on the bullets but merong isang bullet na hindi ko nakita at
tinamaan ako sa tyan na nagbigay sakin ng matinding sakit at dahilan para tumalsik
ako.

Hindi ako nasugatan dahil malaki ang bala, kasing laki ng bolang ginagamit namin
ngayon pero sobrang sakit n'un.

Nakita kong tinamaan din si Dylan ng ball at tumalsik. Pinasa naman ni Brianna ang
bola kay Nicholas.

Nasa gitna si Nicholas habang tinatahak ang daan papunta sa goal. Nakasunod naman
sakanya si Justin habang si Shawn naman ay lumilipad papalapit sakanya.

Pero dahil sadyang mautak si Nicholas, gumawa siya ng isang malakas na tornado sa
paligid niya kaya walang magawa sina Shawn at Justin kundi ang lumayo dahil
matatangay sila ng tornado.

Tuloy tuloy padin ang paglapit ni Nicholas sa goal ng biglang mawala ang tornado na
ginawa niya. Mukhang ginamit nanaman ni Romy ang nullification magic n'ya dahil
kunot noo ang at nakangisi si Nicholas habang tumatakbo.

Muling tumakbo papalapit si Shawn, habang si Justin naman ay biglang nag pop-out sa
likod ni Nicholas. At si Matt na kanina ay nanunuod lang na ngayon ay sumali na
muli sa aksyon.

Napatingin ako kay Dione na bigla nalang naging itim na usok hanggang sa nawala.

Bigla nalang napatigil sa pagtakbo si Matt habang si Shawn naman ay huminto sa ere.
Nagtataka sila ng biglang mag appear si Dione sa harap nila habang inaapakan ang
kanilang anino.

"You can't attack me!" Sigaw ni Dione kaya walang nagawa ang dalawa kundi ang
panuorin si Nicholas na tumatakbo padin.

Napayuko si Nicholas ng tirahin siya ng laser ni Bing (Laser-eyes). Mabilis iyong


lumapit kay Nicholas pero gumawa si Hermes ng ice-cage at doon kinulong ang babae.

Malakas na sinipa ni Nicholas ang bola papunta sa goal. Si Chloe ay walang ginagawa
kundi ang tignan ang kuko na halatang nang-aasar.

Bago pa pumasok sa net ang bola, ginamit ni Chloe ang telekinesis niya. I heard
Dylan curse.

1-0 parin kami at hindi umuurong. Pak tape naman!

Nakay Bella na ang bola. Sinusundan siya ni Becky at Shawn para mag silbing
alalay.

Sinusundan naman din siya ni Nicholas na nalipad din at si Dione naman na naging
shadow ulit.

Gumawa si Nicholas na malakas na hangin at tinangay n'un si Shawn na napunta sa


kung saan man. Si Dione naman ay biglang sumulpot sa likod ni Bella at hinila ang
buhok nito pababa pero bago matumba si Bella, naipasa pa niya ang bola sa kasunod
niyang si Becky kaya dali-daling lumipat si Nicholas.

Nicholas gesture his hand. He's calling the wind like he does to Shawn. Gusto
niyang paliparin si Becky but she transformed into a golem. Naging bato si Becky!!!
Mataas na tumalon si Becky habang ang bola ay ipit-ipit ng dalawa niyang paa. Nasa
harap niya si Nicholas at sinuntok niya iyon pababa. Shit!

Mabilis namang sinalo ni Elizze si Nicholas na nalipad gamit ang apoy sa paa niya.

"Hermes and Darius! Get the ball!" Sigaw ni Dione na ngayon ay inaapakan ang anino
ni Becky. Mabilis na tumakbo si Hermes habang si Darius naman ay kinulong si Becky
gamit ang majika niya.

Nakay Hermes na yung bola ng biglang sumulpot sa harap niya si Justin at Matt.

Sinuntok ni Justin sa mukha si Hermes at ganun din si Matt pero ayaw paring kuhanin
ng dalawa ang bola. Sinasadya na nila ang pananakit kay Hermes! Sa katunayan ay
pwede na nilang agawin yung bola pero mas pinili nilang saktan si Hermes.

"Elene! Strike them! Ayen, support Hermes!" Sigaw ni Brianna na ngayon ay tumatakbo
na palapit kay Hermes ganun din ang mga midfielders at striker.

"Ayaw gumana Brianna! As if someones trying to block me from using my majika!"


Sigaw ni Elene na nagtataka.

Napatingin ulit ako kay Hermes, hindi siya makalaban. Mabilis ang galaw ni Matt at
si Justin naman na bigla biglang nawawala at sumusulpot tapos susuntukin si Hermes.

Hindi naman umaaksyon ang referee dahil nakay Hermes parin yung bola so kahit anong
atake na gagawin ng kalaban ay ok lang.

"Elizze! Throw them a fire ball!" Sigaw ni Brianna.

"I can't! Pinipigilan niya tayong gamitin ang majika natin!" Inis na sigaw ni
Elizze na tumatakbo din.

"DARIUS! ATTACK THAT BASTARD! YUNG IBA, DEFENSE!" Muling sigaw ni Brianna so
hinanap ko ang pinakamalapit na kkalaban sakin and it was Ressy. Shet!

Dahil ayokong lumapit kay Ressy ok, fine! Ang totoo natatakot ako kaya mas pinili
ko nalang tumakbo at agawin ang bola kay Hermes para tigilan na din siya ng mga
lokong 'yon.

"Enough! Get the ball!" Sigaw ni Leny. Kinuha na ni Justin yung bola and he
teleported in front of Zaira. Walang kaming mga Defenders don kaya mahirap kung
hahabulin pa siya at isa-isa kaming nilapitan ng mga kalaban upang bantayan.

Justin Kicked the ball. Zaira hissed because she can't also use her majika so she
had no choice but to block it using her body.
Hindi niya iyon napigilan at pumasok ang bola sa goal.

2-0

Fvck!! That stupid Romy! Wala kaming laban kung hindi namin magagamit ang majika
namin. Mahirap din siyang lapitan dahil binabantayan siya ni Bing at Jherome.

Tapos na ang 1st half ng game so we half minutes to rest. But for us, we need to
make a strategy to beat that stupid guild.

Argggh! I'm going insane!! Bakit ba kasi hindi ko pa alam ang majika ko eh! Isa
lang tuloy akong malaking pasakit!

Majika~ oh wait!

"Guys, I have a good idea."

Napatingin silang lahat sakin. I'm sure na magagandahan sila sa brainy and witty
idea ko.

"Bakit hindi niyo ako gawing striker. You guys are unable to use you majika because
of that guy but he can't block this powerful item." Winagayway ko ang Thelete.

I saw their reaction.

"I like your idea but it is too dangerous." Sabat ni Elene.

"I know I know pero sa tingin ko ayun lang ang natatanging paraan eh but don't
worry, I can manage."

"But you should think that you're not the only one who has an item." Sabi ni
Brianna na hawak hawaka ang Aquarius' caster niya. Oh gosh!

"That's right!!" Sigaw ni Nicholas.

"Hermes, kaya mo ba? Mukhang kailangan mong magpahinga. Si Brena muna ang papalit
sa'yo," -Elizze

"She's right. You're beaten." Dugtong ni Dione na nag-aalala.

"No. Kaya ko 'to."


"Makinig ka samin Hermes. Mas mapapabuti kung dito ka muna." Sabi naman ni
Principal Logan.

"No."

"Yes! You'll stay here. That's an order!" Walang nagawa si Hermes dahil sinigawan
na siya ni Principal Logan.

Nandito na kami muli kami sa field. Nakay Brianna ngayon ang bola. Nakasunod
sakanya si Shawn, Leny at Ressy habang ako ay nasa unahan niya.

Shawn is flying, si Leny na anim at si Ressy na aggressive. She's ready ro attack


but Brena use her majika. Nagpatuno siya ng baging ay ipinulupot yun sa dalawang
paa ni Ressy kaya hindi siya nakaatake.

May tumutubo na din para puluputan ang mga Leny's ng huminto iyon. Romy's using his
majika. Thefvck!

Sinuntok ni Leny1 si Brianna at ang gaga, sinalo. Aisht! Brianna!

"Pass the ball!" Sigaw ko. Sinunod naman niya ako at malakas na sinipa ang bola
papunta sakin.

Bago ako tumakbo papunta sa goal, napatingin ako kay Ressy na may kakaibang ngisi
sa mukha. As if she'll kill me.

Pinasa ko kay Nicholas ang bola. Magkatabi kaming tumatakbo habang sinusuportahan
ang isa't isa. Ako ang nagsisilbing defense niya.

Napansin kong nasa taas si Shawn at sinusundan kami kaya naman I use my aquarius'
whip at na enclosed iyon sa paa niya. Hinagis ko siya sa goal nila para walang
istorbo pero, may sumulpot nanamang isang kalaban, si Justin.

Binalik ko na sa dating anyo ang Thelete ko. Hindi ko matatamaan si Justin kung ang
whip ang gagamitin ko.

Huminto ako sa pagtakbo. I concentrate my mind and gathered my energy in one place.

I should use libra's key para mapabagsak ko itong si Justin.

xxxxxxxxxxxxxxxx
Author's note:

Sabi ko sisikapin kong pagkasyahin sa isang chapter yung game eh pero I want
to suspense you guys. Sa mga nakabasa na dati ng battle na 'to, sorry but iibahin
ko na yung pangyayari so stay tune. Hahahaha! () And also, sorry sa mga
pilit na english. Ang daming mga typos and grammar errors na nabasa niyo sa
intindihin niyo nalang.

Hulaan niyo kung anong kayang gawin ng Libra's key. Ide-dedicate ko sa inyo
yung next chapter pag may unang tamang nakahula.

Thanks!!!! (*^^*)

MAGCOMMENT ULIT KAYO! MAG COMMENT ULIT! :)

=================

CHAPTER 37 (ELEMENT'S CROWN VS. ZALARION)

AN: Walang edit edit 'to kaya pagpasensyahan niyo na! HAHAHA!

xxxxxxxxxxxxxxxx

Chapter 37

Nagconcentrate ako at tinipon ko lahat ng enerhiya na meron ako sa katawan.


Unti unting nag transform ang Thelete to Libra's key.

It is a simple silverly key with a purple gemstone. Para lang siyang isang maliit
na key-pendant sa necklace.
Nabasa ko sa Libro kung pano 'to gamitin kaya medyo madali nalang para sakin.

Napatingin ako kay Nicholas na dine-defend ang sarili niya sa mga atake ni Shawn at
ni Bing na tinitira siya ng laser. Hindi siya makagamit ng majika niya dahil
ginagamitan siya ni Romy ng nullification.

Tumakbo ako papalapit kay Nicholas pero biglang sumulpot si Ressy at hinarangan
ako.

"Ok Bitch, die." Nakakatakot ang tinging ipinupukol niya sakin.

"But you can't attack me." Sabi ko sakanya at tumakbo ako para takasan siya pero
biglang pumulupot sakin yung kamay niya at inangat pa ako.

Napatingin ako sa mga team mates ko. They are also trying their best para magamit
ang majika nila. Si Dylan and Darius na tumatakbo pasugod kay Romy para mapatumba
siya.

But they can't attack him dahil wala sakanya ang bola.

Si Brianna na hawak hawak ngayon ang libro at naghahanap ng magandang spell. Ang
iba naman ay hinaharangan ang team-mates ng kalaban para hindi makapang gulo.

Kailangan kong makawala sa pagkakapulupot. Habang lalong tumatagal, mas lalong


humihigpit yung pagkaka enclose sakin.
Ginamit ko ang Libra's key to teleport. Yup! Libra's ability was space and gravity.

Lumabas ako sa tabi ni Nicholas. "Pass it!" Sabi ko't sinunod naman niya.

Nasakin na ang bola at muli akong nag teleport sa harap ni Chloe at malakas na
sinipa ang bola.

May bilib ako sa sarili ko na maipapasok ko yung bola sa goal pero dahil ginamit ni
Chloe ang kanyang telekinesis majika, napigilan niya ang bola.

"Sht!" I cursed. Hindi namin magagawang maka score kung laging ginagamit ni Chloe
ang kanyang majika. Wala kaming pag-asang manalo lalo na't hindi namin pwedeng
atakihin si Chloe.

Nakay Leny ngayon ang bola habang pinapaligiran siya ng mga clone niya na
nagsilbing depensa.

Sinubukang lumapit ni Dione, Brena at Nicholas pero dahil dumoble pa ang bilang ni
Leny na naging 12 na, nahirapan silang agawin ang bola.

Lumapit na din si Ayen, Darius, Brianna at Elizze para agawin ang bola pero dumoble
ulit si Leny na naging 24 na.

Pinaligiran sila ng Clone habang ang original Leny ay nangunguna na sa pagtakbo at


wala ng humahabol kaya naman ako at si Dylan ay nag atubiling tumakbo para agawin
ang bola sakanya.

Nakalapit na kami kay Original Leny ng pinasa niya kay Matt ang bola. Dahil sa
bilis ng kilos nito, hindi na namin siya nahabol.

Dahil sa bilis ng galaw niya, nakita ko nalang ang bola na nasa loob na ng net.
Hindi rin nagamit ni Zaira ang majika niya dahil bina-block iyon ni Romy.

3-0

30 minutes nalang ang oras na natitira pero wala pa kaming score. Patuloy na din
kaming ginagamitan ni Romy ng nullification kaya mano-mano kaming nakikipag laban
habang sila ay free na gamitin ang majika nila.

Kung bihasa ako sa paggamit ng Libra's key, maaari akong gumawa ng portal.
"Brianna, may nakita ka ng spell?"

"Marami na pero hindi ko parin makita yung hinahanap ko," sabi niya ng hindi man
lang lumilingon sakin.

Nakay Elizze ang bola. Sinusundan siya ni Dylan, Dione at Darius na nagsisilbing
defense.

Sina Shawn, Leny, Ressy at Justin naman ay sumusunod sakanila para agawin ang bola.

Nag teleport ako sa harap nila at mabilis na trinansform yung Libra's key into
Aquarius' whip. I enclosed them all sa whip. Sama sama sila doon but Leny
transformed her arms into a machine gun. Binaril niya ako nun but suprisingly hindi
ako tinamaan dahil sinuportahan ako ni Brianna. Nilagyan niya ako ng barrier.

Ok na sana ng biglang mag teleport si Justin sa likod ko at sinipa niya ako sa


binti at sinuntok ako sa balikat na naging dahilan ng pagkahina ko.

Nakawala sila sa Aquarius' whip ko. Inatake ako ng sabunot ng mga Leny. Wala akong
laban, madami sila at ako ay nag-iisa lang.

Gusto ko sanang mag teleport pero dahil hindi ko hawak ang Thelete, wala akong
kalaban laban.

Sa sobrang sakit ng ginagawa nila sakin, feeling ko mmatatanggal na ang ulo ko.
Hindi ko na din alam kung ano ang nangyayari sa paligid, kung naka goal na ba si
Nicholas o naagaw ang bola.

Nagluluha ang mata ko. Hindi dahil sa naiiyak ako bagkus ay dahil sa ginagawa sakin
ng mga Leny's ngayon. Sobrang sakit! May mga kalmot na ako sa mukha, may pasa at
marami ng nalagas na buhok sa ulo ko.

"Peto makria."

Bigla nalang nagsitalsikan yung mga clone ni Leny. Mabuti nalang at sinagip ako ni
Brianna kundi hindi ko na alam ang mangyayari sakin. "Ayos ka lang?" Sabi pa niya
at binigay sakin ang Thelete.

Napansin kong nag hand sign siya sa referee ng Time out. "Tara na, magpahinga ka
muna." Inalalayan ako ni Briana'ng tumayo." Nagsilapitan naman ang iba samin upang
tulungan si Brianna sa pagbubuhat sakin.

Bawal yun eh, hindi nila ako pwedeng atakihin dahil wala naman sakin ang bola pero
bakit nila ginawa yun? Bakit hindi sila sinita ng referee? "Fvck!"
Ginamot ako dito sa bench namin. Feeling ko lahat ng tao ay nakatingin sakin. Lahat
ng mga estudyante ngayon, lahat ng mga professor at pati na din ang pinakamalaki at
maimpluwensyang tao dito, ang tatay ni Hermes. Nakakatakot ang tingin niya. Ang
lalim lalim! Parehas sila ni Hermes na para bang may ibang iniisip sa tuwing naka
tingin sakin.

Familiar din kaya ako sakanya kagaya ng sinabi ni Hermes nung tinanong ko siya?

Inayos ko ang buhok ko. Naghilamos ako gamit at mineral water at hinanda ko ang
sarili ko. Kaya ko 'to, kaya mo 'to Amara. Wag kang susuko.

Bumalik na kami sa field. Masayang sinisigaw ng mga estudyante ang mga idolo nila
sa dalawang guild. Ang isa sa mga pangalan na naririnig ko ay ang kay Hermes.
Bumalik na ulit siya at pinalitan si Nicholas na pagod na din.

Na kay Ressy ngayon ang bola. Nakapasok na siya ng teritoryo ng nga defenders kaya
obligadyon namin nila Brianna at Darius ang harangin siya.

"Pagoma!" Nakaturo ang kamay ni Brianna kay Ressng biglang sumulpot sa harap ni
Ressy ang kakampi niyang si Justin kung kaya siya ang tinamaan ng spell ni Brianna.
Nakahinto siya at hindi maigalaw ang buong katawan.

"Pagoma!" Muling sigaw ni Brianna pero biglang sumupot si Matt habang buhat buhat
ang kakampi nilang si Becky na ngayon ang katawan ay parang stainless na bakal. She
can absorb elements.

"Shit!" Brianna cursed. Hindi tinablan si Bella ng spell bagkus ay nag reflect lang
iyon at tinamaan si Dylan na ngayon ay nakahinto na din kagaya ni Justin.

"Dispell!" Sigaw ni Brianna kaya nakagalaw na ulit si Dylan. Pero, ganun din si
Justin.

How can they do that?.. Na ginagawang shield ang sariling team mates para lang
manalo. Wala ba silang puso?

Malapit na sila samin kaya hinanda ko na ang sarili ko. Hinigpitan ko ang hawak sa
Aquarius' whip. Napatingin ako kay Brianna at tinanguan siya.

Mga 15 feet nalang ang layo nila samin kaya naman I whipped my weapon at inenclose
ko sa katawan ni Bella iyon at hinagis siya sa right side ng field.
"Now!!" Sigaw ko kay Brianna at muli niyang kinast ang spell na pampatigil.
Matagumpay niyang napahinto si Matt.

Si Ressy nalang at si Justin. Naka transform ang kamay ni Ressy in to a machine gun
at pinag titira niya kami pero Brianna manage to cast a protective spell.

xxxxxxxxxx

AUTHOR'S POV

Brianna managed to cast a protective spell before the bullet hit them.

Walang magawa ang ibang member ng Element's crown dahil bina-block parin ni Romy
ang kanilang majika kaya tanging sina Brianna at Amara lang ang may laban dahil
they have a magical item.

10 feet nalang ang layo ni Ressy kila Amara. Nagtaka ang lahat ng huminto si Ressy
sa pagtakbo. Mata sa matang nakatingin ang dalawang dalaga. Si Amara na nagtataka
dahil hindi alam ang inaasal ni Ressy dahil lagi nalang siya ang puntirya nito.

"Die Bitch!" Sigaw ni Ressy. Wala pang atakeng ginagawa si Ressy pero bigla nagulat
siya ng katabi na ni Brianna si Justin na nagteleport sa loob ng protective
barrier.

Niyakap ni Justin si Brianna at nag teleport sa itaas ng field. Doon, nalalaglag


ang dalawa pero nag teleport nanaman si Justin sa harap ni Ressy habang si Brianna
ay nalalaglag mula sa itaas.

Natatakot ang lahat. Nakatingala habang naka buka ang mga bunganga at inaabangan
kung ano ang mangyayari sa dalaga. Isa sa mga pinakka nag-aalala ay si Principal
Logan na hindi na mapakali sa inuupuan niya kaya't sinuway si ni Professor Minchi
na manatili sa inuupuan.

"Get the ball Amara!!" Sa kabila ng sitwasyon ni Brianna, nakkuha pa niyang


paalalahanan si Amara na nakatingala din at nag-aalala sa kaibigan.

"I'll back up you!" Sigaw muli nito. Bago pa tuluyang mahulog ang dalaga sa lula,
she managed to cast a spell. Nagkaroon siya ng isang puting pakpak na pang anghel
at muling lumipad ng mataas. "Go Amara!!" Sigaw nito. Nagkaroon ng lakkas ng loob
si Amara at atubiling inagaw niya ang bola kay Ressy pero hindi iyon naging madali.
She swang her whip towards Ressy and she enclosed it in her hands. Natuwa na ang
dalaga pero naglaho kaagad iyon ng lumiit ang kamay ni Ressy at matanggal iyon sa
pagkkakapulupot.

Habang nakikipaglaban ang dalaga, hindi nito alam na napatumba na ni Justin at


Shawn si Brianna sa itaas ng ere. Hindi sinasadyang natanggal ni Justin at Shawn
ang kwintas ni Brianna kaya nawala na ang bisa ng mga spells niya. Mahuhulog sana
siya pero nakakapit siya sa paa ni Shawn.

Mabilis namang tumakbo si Darius at ang ilang miyembro ng kanilang guild na sina
Elizze, Dylan, Elene at Ayen upang tulungan si Brianna.

"I'm alright. Tulungan niyo nalang si Amara."

Abala si Amara na makipag palitan ng atake kay Ressy. Nag e-espadahan na sila at
gamit ni Amara ang Taurus' blade habang ang sariling kamay naman ni Ressy ang gamit
niya na nag shape-shift na pahaba.

"Ano bang problema mo sakin? Bakit ang sama mong makatingin at gusto mo pa akong
mamatay?!" Patuloy parin sila sa pag e-espadahan at pag-ilag sa bawat atake.

"You don't know? Hahahaha! You're joking right!!" Bawat salita ni Resssy ay may
diin. May galit at poot.

"Kung ano man ang nagawa ko sayo, pasensya na!"

"PUTANG INA MO!! HINDI MO MAALALA? TANG INA KA, PINATAY MO ANG KAPATID KO! PINATAY
MO ANG NAG-IISANG PAMILYA KO!!" Tumulo ang luha ni Ressy. Mayagal niyang ininda ang
sakit dahil sa pagkawala ng kanyang kapatid. Matagal siyang nag ensayo upang
hanapin at patayin din ang pumataybsa kanyang kapatid.

Dahil sa lakas ng pagkaka swipe ng braso ni Ressy, tumalsik ang Taurus' blade. Wala
ng kalaban laban si Amara na shock parin sa sinabi ng kalaban.

"A-ako? Pi-pinatay ko ang kapatid mo?" Halos mawala na sa sarili si Amara. Hindi
niya alam ang pinag-sasabi ng kalaban dahil ni minsan ay hindi pa siya nakapatay ng
tao. Pero naalala niya, na may napatay pala siya. Isang Eviano na kumitil sa buhay
ng kanyang Tyang.

Nakalapit na si Ressy kay Amara habang nakatutok sa leeg nito ang brasong korteng
espada.
"Kung ganun, kapatid mo yung Eviano'ng napatay ko?" Halos manlaki ang mata ni Ressy
sa sinabi ng kalaban.

Galit at kumukulo na ang dugo ni Ressy. Hindi niya din alam ang pinag sasabi ni
Amara.

"Hindi Eviano ang kapatid ko! Hindi mo na ba maalala?! Nasa Timberland kayo n'un,
kitang kita ko! Hiniwa mo ang leeg niya. Giniltan mo siya! Pinatay mo siya ng
walang kalaban laban!"

Sasaksakin na ni Ressy si Amara ng dumating si Hermes at hinawakan ang braso ng


dalaga.

"BITAWAN MO AKO! KAILANGAN NIYANG MAMATAY! DAPAT SIYANG MAMATAY!" pumapalag siya
kay Hermes, kumakawala pero hindi niya magawa dahil mas malakas si Hermes.

Susuntukin na sana ni Hermes si Ressy sa sikmura para patulugin ng biglang nag pop-
out si Justin sa likod niya. Hinawakan siya nito sa balikat at nag teleport kasama
siya at si Ressy.

xxxxxxxxxx

AMARA'S POV

Anong nangyayari? Hindi pa ako nakakapunta sa Timberland at lalo namang hindi


pa ako pumapatay ng tao. Well, except sa Eviano nung gabing yun.

Hindi ko alam ang pinag sasabi ni Ressy. Hindi ko pinatay ang kapatid niya, hindi
ako.

Napatingin ako sa goal. Goal namin, nandoon lahat sila, nakatayo. Pati na din ang
mga team mates ko nandoon habang hawak ng maraming Leny ang leeg nila. Nandun na
din si Zaira.

Anong nangyayari? Bakit nila ginagawa 'to eh hindi naman ako ang pumatay sa kapatid
niya.

"PAPATAYIN NAMIN ANG KAIBIGAN MO!!" Hindi ako makahinga. Ang bilis ng tibok ng puso
ko. May hawak hawak na punyal ang bawat Leny at nakatutok iyon sa mga kaibigan ko.
Anytime soon, pwede silang mamatay.

Hindi ko alam ang gagawin ko. "KUNG HINDI KITA MAPAPATAY, SILA ANG PAPATAYIN KO!!"

Napatingin ako kina Principal Logan, nakatayo na siya at pinapalo ang barrier.
Hindi sila makapasok sa field. Natataranta na din ang mga ibang Professor at hindi
alam ang gagawing pagligtas.

Ako lang ang nandito. Ako lang ang malayang nakakagalaw. Ako lang ang may
kakayanang iligtas ang mga kaibigan ko. Pero, pero hindi ko alam kung paano. Hindi
ko alam!

Wala akong kakayahan! Wala akong majika! Wala akong lakas para ipagtanggol sila!
Lagi nalang akong pabigat! Dapat ako ang mawala!

Tumutulo na ang luha ko. Hindi ko na alam ang gagawin! sino na ang magliligtas sa
kaibigan ko?

"Ito ang tumawag sakin. Use it and you'll not perish."

Hindi ito ang oras para mag flashback pero naalala ko bigla ang sinabi ni King
Vasilias. Use your heart and you'll not perish.

Mas malakas na kapangyarihan ang pagkakaibigan at pagmamahal kesa sa galit at poot


na nararamdaman!

Ang taong gustong maghiganti ay siyang talo at mahina! Kailan man ay walang
makakatalo sa pagmamahal para sa kaibigan at pamilya!!

xxxxxxxxxx

AUTHOR'S POV
Bigla nalang nagliwanag si Amara. Unti unting nagkaroon ng gold na bilog sa
kanyang tinatapakan hanggang sa unti unti iyong lumaki at naging isang malaking
magic circle.

Natigil ang lahat. Ang professors na gumagawa ng paraan para tanggalin ang force
field na gawa ni Jherome (Member ng Zalarion). Nakanganga sila at pinapanood ang
nangyayari kay Amara.

Nagkaroon ng 12 na maliliit na bilog sa loob ng magic circle at ang bawat bilog ay


may sign. May mga latin word na nakasulat sa magic circle na hindi maintindihan.

Umiilaw din ang dibdib ni Amara na ngayon ay mayroon ng tattoo. Sign ng mga
Celestial gods.

Sa maliit na bilog, lumabas ang mga celestial gods. Celestial gods na noon pa lang
ay tinutulungan na si Amara kagaya nung ssa Welcome test at sa activity.

Mabilis na lumipad ang Celestial gods papunta kina Brianna at sa isang iglap lang
ay nakakawala na sila sa pagkagapos habang ang clone ni Leny ay nawala na.

Nawala na ang mga Celestial gods. Ganun din ang magic circle sa kinakatayuan ni
Amara at ang liwanag sa dibdib niya. Pero, ang tattoo doon ay permanente na.

Pagkawala ng liwanag, bumagsak ang katawan ng dalaga at nawalan ito ng malay dahil
sa matinding enerhiyang pinakawalan nito.

Gulat na gulat parin ang iba. Hindi nila inakala na si Amara, ay ang Celestial
mage.

"Siya, siya nga. Siya ang kakambal ni Tamara." -Liroff

xxxxxxxxxxxxxxxx
Author's note:

WHATTTTTTHEEEEEEEPAAAAAAAK! SA WAKAS! NATAPOS KO DIN 'TO!! HAHAHAHAHA! ANG HIRAP I


TYPE. HEHEHEHE!

Pag pasensyahan niyo na kung baduy yung POV ni Amara bago niya ma-summoned yung
gods. Ang hirap kasi i-english eh, ayan tuloy. Ang baduy kapag tagalog. Hahahahaha!

Sa mga nalilito.

Chloe - Telekinesis

Becky - Golem

Jherome - force field/invisivility

Justin - teleportation

Leny - cloning

Bing - laser-eye

Romy - nullification

Bella -absorption

Matt - Super speed

Ressy- Shape-shifting/Elasticity
Shawn - Flight

Ayan yung mga Majika ng Member ng Zalarion.

Comment naman kayo!!!!!! HAHAHAHA!

=================

CHAPTER 38

Chapter 38 (08/24/25)

xxxxxxxxxxxxxxxx

AMARA'S POV

Nandito na naman ako, sa hallway na ito kung saan ako napunta dati. May
nagsisitaasang columns na haligi na para bang nasa Olympus ako. Kulay puti at ginto
ang karaniwang makikita sa lugar at may mga paintings na palamuti.

Naglakad ako papunta sa kwarto ni King Vasilias.

Ano nga palang ginagawa ko dito? Bakit ako nandito sa 'kaharian' niya.
Emphasis the kaharian ah.

"Hello? Anybody's here?" Inikot ko ang tingin sa loob ng kwarto pero mukhang
wala siya. Walang akong makitang iba kundi isang simpleng kwarto. "Nasan kaya
siya?"

Minabuti kong maglakad-lakad sa lugar na ito upang hanapin si King. Halos


lumuwa ang mata ko sa nakita ko. Yung lugar, wala na ako sa Faireo o miski sa
Earth. Tanging bituwin lang sa labas ang nakikita ko at itong tinatayuan ko na
lumiliwanag dahil sa ilaw na ginto ang inilalabas nito.

Nasan ba talaga ako?


Nagpatuloy na akong maglakad. Naguguluhan na ako! Ano ba talagang nangyari at
oh my Gosh! Bakit ngayon pa!

Ako nalang ang pag-asa ng mga kaibigan ko! Kailangan kong bumalik sa Field!
Kailangan kong bumalik sa laro! Kailangan ko silang iligtas! Tumakbo ako! Hindi ko
alam kung saan ako pupunta! Hindi ko alam kung saan ang daan palabas!

Si-sino sila?

Twelve no, Thirteen. They are thirteen na naka upo sa kanya kanyang throne.
Pa- U shape yun at nangunguna sa left ay yung lalaking tanned na nakasuot ng pang
olympian god na may gold na headband. Sumunod sakanya yung lalaki na kulay puti ang
buhok, naka fitted black polo na naka unbotton yung dalawang butones sa taas. Sunod
sunod yun, paikot. Nasa gitna si King Vasilias na naka upo sa throne niya.

"Si-sino kayo?"

Nakita ko din si Red-haired guy. Suot suot parin niya yung armor niya. Siya
yung suundo sakin nung unang beses kong punta dito.

Nakatingin silang lahat sakin.

"Welcome, Amara. After almost eighteen years, sa wakas. Nagamit mo na ang


majika mo." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni King Vasilias. Ang majika ko,
nagamit ko na?

"Pano? Kelan? Saan?" Sunod sunod kong tanong.

"You're the Celestial mage Amara. You are."

Magtatanong pa sana ako ng biglang nawala sila at unti unting naging madilim
and everything went black.

*kurap *kurap

"Welcome back again and again, Amara." Una kong nakita si Nurse Sheela na
nakangiting nakatayo sa harap ko.

"Hello Nurse. Anong ginagawa ko dito?" Bakit ako nandito sa clinic? Anong
nangyari?

"Hindi mo ba maalala yung nangyari kahapon?" Inaalala ko yung nangyari sakin


'kahapon?' Emphasis the kahapon.
"Yung soccer? Battle niyo sa Zalarion? Yung hinostage yung mga kaibigan mo?
Hindi mo ba naaalala yun?"

Oo nga! Naaalala ko yun. "Uhuh! Pero, anong sumunod na nangyari?" Hindi ko


talaga maalala. Feeling ko nahimatay ako o something na ganun.

"Well, you summoned the celestial gods." Ok wait what? What did I just
hear? I summoned them? Ha-ha-ha! She's kidding right!

"You're kiddi " hindi ko natuloy yung sinasabi ko ng maalala ko yung sinabi
sakin ni King Vasilias.

"You're the Celestial mage Amara. You are."

Tumayo ako sa hinihigaan ko at humarap ako sa salamin na naka dikit sa pader.


Binaba ko yung collar ng damit ko at nakita ko, nakita ko ang mga tattoo. Tattoo na
ang celestial mage lang ang meron.

"Nurse, wala talaga akong maalala simula ng mag teleport si Justin kasama si
Hermes at Ressy." Bumalik na ako sa hospital bed at tinabihan ko si Nurse Sheela.

"Ang naalala ko, you're crying that time. Ayun lang and nakapikit ka then
unti-unting nag glow yung dibdib mo ng kulay gold. Nagkaroon ng magic circle sa
inaapakan mo at yun na, you summoned the twelve celestial gods."

Wala talaga akong maalala. Nagpaalam na ako kay Nurse Sheela at nagpasalamat.
Habang naglalakad ako sa school ground, hindi ko maiwasang ma-intimidate dahil sa
mga estudaynteng tingin ng tingin sakin.

Hindi ko alam kung ano nangyari sa game, kung nanalo ba kami o natalo. Diba
dapat papaalisin na ako dito sa school?

Dumirecho ako sa Room nila Brianna. Kailangan ko siyang makausap.

Kumatok ako sa pinto ng room nila at si Professor Jeric ang nagbukas n'on.
Professor din namin siya sa witchcraft and sorcery. Although wala kaming sorcery
power, tinuturuan niya kaming gumawa ng mga potions.

Inexcuse ko si Brianna at pumayag naman ito. Sinabihan pa nga niya ako ng


congratulation bago kami umalis.

"Brianna, naguguluhan na ako. Ikwento mo sakin lahat, please."


Nandito kami sa isang coffee shop sa loob ng school. Naaamoy ang aroma ng kape
na nakakalasing. Kulay Brown ang karaniwang makikita sa loob.

"We won! Thanks to you and your majika."binigyan niya ako ng isang
makahulugang ngiti at tingin.

"Pano? Alam mo, hindi ko alam kung pano ko nagawang gamitin ang majika ko.
Argh!" Gulong gulo parin ako hanggang ngayon. Hindi parin mag sink in sa utak ko na
ako ang celestial mage, ako ang may pinaka malakas na majika. Argh!

"Madalas lumalabas ang majika ng isang Fariano kapag nasa panganib ang isang
tao. Kagaya ng nangyari say. Dahil sa ginawa ni Ressy at ng mga co-members niya,
napalabas nito ang majika mo."

"Anong nangyari sa game? Talo ba tayo? Aalis na ba ako sa Academy? Ano?"

Biglang naging seryoso yung mukha ni Brianna. Nakatingin siya sakin, mata sa
mata.

"I have a good news and bad news. Anong gusto mong unahin?"

"Bad news."

"Well, natalo tayo sa game." O shit! Sabi ko na nga ba eh! Kaunti na lang ang
time nun at hindi na nila nahabol yung score. Shemay! Aalis na ako ng Academy na
'to! Pero, saan na ako titira? I mean, saan na ako papasok?

"Ang good news naman ay Hindi ka na papaalisin sa Academy!" Sigaw niya.

"Eh sina Leny at ang grupo niya? Anong nangyari sakanila?"

"Sila ang pinaalis ng Academy. Death threat at kamuntikan na kaming patayin."

"Oyy! mag ha-half day kami mamaya! tutulong kami kay Mama sa paghahanda ng
Debut mo. Nasa apartment na din ni Hermes yung susuotin mo para bukas. Yiie,
Excited na ako!" Hala! Oo nga pala! Bukas na yung eighteenth birthday ko! Shemay
naman oh! Bakit sabay-sabay? Gosh!

xxxxxxxxxxxxxxxx

ZEBELL'S POV

Siya. Siya ang isa pang Celestial mage. Kung makukuha ko siya, magagawa ko na
din ang plano.
"Dad Liroff, nandito na si Tamara."

"I said don't call me with that name!! You're an asshole Kristine!" I shouted.
I don't want to be call with that name especially when I am here in my own castle.

"I'm so sorry."

I looked at Tamara. matalim na tingin ang ipinupukol niya sakin. Nandito na


ulit siya. Pesteng jem yun, mabuti nalang at nahuli ulit namin siya kundi,
papatayin ko ang walang hiyang lalaki na yun kahit na isa siya sa pinaka malalakas
Dark Baron.

"How are you, Celestial mage?" Unti unti akong lumapit sakanya.

"Ok lang naman pero mass ok kung pakakawalan mo na ako hindi ba?"

"Hahahaha! No! I won't let you! Lalong lalo na nakita ko na ang kakambal mo,"
Nakita ko sa kanyang mata ang pagkagulat. Ngayon ko palang sinabi sakanya ang mga
bagay na ito. Hindi niya alam na may kakambal siya.

"Pa-pano? W-wag niyo siyang sasaktan!"

Nagtungo ako sa likod niya at sinira ko ang suot niyang basahan damit pala.
Nagpupumiglas siya pero wala siyang magawa dahil naka suot siya ng handcuff.

Tinignan ko ang right side ng balikat niya. Tinalasan ko ang paningin ko dahil
hindi ko makita ang balat na star-like.

Tinigil ko na ang pagtingin sa balikat niya at nagpunta ako sa harap niya.


She's not scared at me. Ang talas ng pagtingin niya sakin na kahit anong oras ay
kakagatin ako.

Kinuha ko ang kamay niya. Tinignan ko yung right hand niya at tumpak. She's
the daughter of that stupid King and Queen of Faireo.

I should make a move.

xxxxxxxxxxxxxxxx

=================
CHAPTER 39

Chapter 39 (09-19-15)

xxxxxxxxxxxxxxx

AMARA'S POV

Muli kong nasilayan ang bahay nila Brianna. Naaamoy ko yung mga pagkain na niluluto
ni Tita Virgie. Tinutulungan siyang mag luto ni Ella, classmate ni Brianna and
she's a cook. Yes! May mga side effects yung mga niluluto niya and that's her
majika pero 'wag daw kaming mag-alala dahil simpleng pagkain lang daw ang lulutuin
niya at walang mga lason o anything side effects.

Pinaghahandaan talaga nila. Hindi ko kasama ngayon si Brianna. Nandoon kasi sila sa
Pavilion at naglalagay ng mga barriers at mga designs. Ayaw nila ako papuntahin
do'n para daw surprise.

Hindi ko alam ang gagawin ko dito. Ayaw akong patulungin ni Tita Virgie na mag
gayat ng mga gulay. Ayaw ko ng inaasikaso ako pero dahil they insist naman, wala na
akong magagawa besides 'birthday' ko naman daw so dapat wala akong ibang gawin
bukod mag paganda.

Alam ko namang maganda ako pero ayokong ipamukha sainyo 'yun kaya nagpapa-humble
ako. Atsaka alam ko namang alam niyo na maganda ako! diba? diba? Haha!

Oh My gosh! Since wala akong ginagawa dito sa bahay nila Brianna, nagpaalam ako kay
Tita na pupunta ako sa guild. Gusto kong mabasa yung mga bumati sakin sa facebook.
Alaseis na kaya I'm sure marami-rami nang bumati sakin. Hindi sa pagmamayabang pero
famous ako. Minsan nakaka abot ng 100 likes ang mga post ko sa loob ng 30 minutes.

I logged in my fb account. Sumabog ang notifications ko. Mga likes, comments at may
mga nag post sa fb wall ko. Mga bati ng mga hindi ko kilala. Mga bati ng classmates
ko nung elementary at highschool. Nagpasalamat ako sakanila, ni-like din ang mga
post. Ganun lang naman yun diba?

Biglang nag pop-out yung message sakin ng isa sa mga kapit bahay namin. Binati niya
ako at tinanong kung saan na daw ako nakatira. Nagpasalamat ako at sinabi ko
sakanya na kasama ako ni Luffy na naglalayag. Hahaha!

I browsed my Album photos. Ang dami kong masasayang memories na nakikita. Mga
pictures na magkakasama kami nila Brianna, Elene at ng mga classmates namin sa
Earth.

I la-log out ko na sana yung facebook ko ng mapansin ko ang isang picture. Naalala
ko 'yun, pinost ko siya nung birthday ni Tyang para batiin. Pina-scan ko pa iyon
para may kasamang picture. May color na yung picture pero malabo iyon at blurred
dahil sa tingin ko, 17 years ago pa yun.
Nakatayo lang siya habang hawak hawak yung anak niya. Whole body ang shot at naka
suot siya ng daster na bulaklakin. Pero hindi yun yung naka kuha ng atensyon ko
kundi yung nasa likod niya.

Yung Jeep, Laruang jeep. Bakit nandun yung Laruan jeep? Fvck! Ibig sabihin, nandito
siya. Nandito yung anak ni Tyang.

Alas otso. Suot suot ko na yung simple gown na pinatahi pa ni Tita Virgie. Na ayos
na din yun buhok ko at may light make up na sa mukha ko. Ayos na ako't lahat pero
hindi parin maalis sakin yung nakita ko sa litrato. Nandito ang anak ni Tyang. Pero
pano ko siya hahanapin? Hindi ko alam kung ano ang itsura niya, hindi ko alam kung
ano ang pangalan niya. Ayaw kasing sabihin ni Tyang dahil sa tuwing naaalala niya
yun, umiiyak siya at nahihimatay.

Hays! Pinilit kong hindi alalahanin yung nakita ko sa litrato. Siguro naman
madaming laruan na jeep bukod dun. Hindi lang sila yung may ganun hindi ba? Haays!
Sabi ko hindi ko na aalalahanin eh!

Tinignan ko nalang ang gown na suot ko. It was a long tube blue gown with a silver
sequins pattern. Yung bottom, nakabuka siya na parang promenade gown at yung lining
nun ay color black. It was simple yet elegant. I love it!

"Amara, you look gorgeous!" Pumasok si Tita at Ella sa kwarto. Naka suot na din
sila ng blue dress. Blue talaga!

Feeling ko namula yung mukha ko dahil sa sinabi niya. Enebe! Elem ke ne yen! Pero
seriously,feeling ko artista ako ngayon.

Lumabas na kami ng bahay. Sakay kami ng kalesa na inarkila ni Tita. Odb? Bongga!

xxxxx

Grabe, kinakabahan ako! Hindi ko inaakala na ganito ka bongga yung ginawa nila.
Sigurado akong sobrang mahal ng ginastos nila para sa event na 'to. blurred yung
nakikita ko nandito ako sa likod. Although pabilog ang pavilion, meron silang
nilagay na U shape na glass fountain or more or like na ice fountain. Sigurado
akong gawa 'yun ni Hermes at ni Brianna.

Nandon na din si Ella at Tita Virgie sa pavilion. Ako nalang at ang driver ang
nandito.

Mas lalo akong kinabahan ng marinig kong magsalita yung Emcee. Hindi ko alam na
ganito ka pormal yung debut na inihanda nila sakin. Dapat pala nakialam ako sa
pagpa-plano.
Pinakilala ako nung Encee, sinabi ako mga hilig ko katulad ng isa akong social
media nerd, boyish at kung anu-ano pa. Sigurado, kay Brianna at Elene galing yung
mga kalokohan na pinag sasabi-sabi nung emcee.

Pinagbuksan ako ng driver ng kalsesa. Driver talaga? Hahaha! Walang red carpet na
nakalagay dito pero merong bermuda grass at may stepping stone -- no! Stepping ice
siya. Ang cool lang tignan dahil hindi natutunaw yung yelo. Naalala ko tuloy si
Mister Jira. Anyway, nag go-glow yung stepping ice na yun and ang ganda promise!

Nasa gitna na ako ng paglalakad ng marinig kong sinabi ng Emcee ang pangalan ko.

"Ladies and gentlemen, let us all welcome, the dubutant of the night, Miss Amara
Audrie Drusilla!"

Narinig ko ang instrumental music. Unti unti na ding nahati vertically yung ice-
fountain at ayun ang nagsilbing curtain para sakin. Narinig kong pumalakpak yung
mga bisita habang naglalakad ako sa isle. They are all smiling.

Nasa pagitan na ako ng ice-fountain. Hindi din ako nababasa ng tubig dahil malayo
sakin yun at may tinatapakan akong sahig na gawa din sa yelo.

Nakita ko lahat ng nandito. Sina Brianna, Elizze at ang iba pang Element's crown.
Kasama din dito sina Zaira, Ayen at Brena. Syempre, kahit si Principal Logan na
labag sa loob ang event na 'to ay nandito parin. Yung mga classmates nila Brianna.

Bababa na ako ng biglang lumapit sakin si Hermes na nakalahad ang kamay. Hindi 'to
ang first time kong makita si Hermes na nakasuot ng formal pero this is the first
time that I find him attractive. You know, nakasuot siya ng fitted blue polo and
yung dalawang butones sa itaas ay naka unbotton. Napatingin ako sa mukha niya.
Nahuli ko siyang nakatingin sakin pero hindi niya inalis yun.

Kahit na limang step lang yung hagdan, inabot ko ang kamay niya't inalalayan ako.

"You look gorgeous tonight, Amara." bulong niya sakin. Bigla nalang bumilis ang
tibok ng puso ko and when I realized, my lips are smiling.

Light blue, blue and black ang motif ng event pero may mangilan-ngilang yellow, red
and white akong nakikita kagaya ng mga bulaklak, yung table napkins at yung
nakasabit na christmas light. Paikot yun sa pavilion.

May naglagay ng upuan sa center, sa likod ng glass-ice fountain at doion ako pina
upo.

Hindi ko alam ang susunod na mangyayari pero tinawag ng Emcee si Brianna at Elene.
Tumayo sila pero si Brianna lang ang pumunta sa stage habang si Elene ay umalis.
"Hi Mars," Bati niya sakin. "Sa mga hindi nakakakilala, ako si Brianna. Bestfriend
ni Amara," Pagpapakilala niya sa sarili niya.

"Happy birthday Mars, naghanda kami ni Elene ng song performance kaso sumakit yung
tyan niya dahil kanina pa kain ng kain kaya mukhang ako nalang mag-isa."

Nagsimula na yung music.

"My bestfriend bestfriend 'til the very end, coz bestfriend bestfriends don't have
to pretendyou need a hand, and I'm right beside you,you in the dark, I'll be the
bright light to guide you,"

maswerte ako dahil naging kaibigan ko siya pati si Elene -- sila Nicholas din at
ang ibang Element's crown. Maswerte ako dahil nandito siya.

"Member the times, times, times, sneaking of your house all the times, times,
timesthat you had your doubts and don't forget all the troubles we got into we got
something you can't undo, do"

Sila ang tumulong sakin nung lugmok ako lalo na ang pamilya ni Elene. Sila ang
nagbigay pag-asa sakin na bumangon at mamuhay muli. Sila ang taong pinaka mahalaga
sakin, sila. Alam kong lagi silang nanjan sakin sa oras ng kapahamakan.

"Laughing so damn hard, crashed your dad's new car, all the scars we share I
promise I swear,"

Wala na akong mahihiling pa. kumpleto na ako basta nasa tabi ko sila. Ok na ako,
buo na ako at lalong lalong masaya na ako kapag katabi ko sila. Kapag katabi ko ang
mga kaibigan ko.

"Whenever you go just always remeber. that you got home for now and forever and if
you got low, just call me whenever this is my oath to you,"

Hindi ko mapigilang umiyak. Nakakainis naman eh! Sinabi ko sa sarili ko na hindi


ako iiyak dahil birthday ko at dapat masaya ako. Nakakahiya! Kasi naman Brianna,
bakit pinapaiyak mo ako!

"whenever you go, just always remember you never alone, we're bords of feather and
we'll never change no matter the weather this is my oath to you,"

natapos na ang kanta pero patuloy parin ang pagluha ko. Nakakainis naman kasi eh.
Bakit nila ako pina-iiyak eh birthday ko nga ngayon. Lumapit sakin si Brianna na
tumutulo din ang luha at niyakap ako. Kyaah! Gusto kong tumigil sa pag-iyak pero --
argh!

"Nakakainis ka! Pina-iyak mo ako!" Sigaw na pabulong ko sakanya pero alam naman
niyang biro lang yun.

"gaga ka!" sabi pa nito at nagsitawanan kaming dalawa. Kasi naman, bakit umalis si
Elene! Dapat tatlo kami dito eh!

Babalik na sana si Brianna sa upuan niya ng biglang mamatay ang mga ilaw. Kasama ba
'to sa plano nila? Surprise ba 'to? Ang dami naman nilang pakulo! Hahaha!

"Brianna, 'bat ang tagal namang bumukas ng ilaw?" Tanong ko sa katabi ko. Pero wala
ng sumasagot.

Hahahaha! Nakakatawa! Alam ko na yung mga ganitong scenes. lagi ko tong napapanuod
sa TV, yung mga hihila sa kamay mo tapos dadalhin ka sa isang lugar at ma susupresa
ka. Pero bakit ang tagal? Nasan na yung katabi ko?

Napatingin ako ng lumiwanag na apoy. Kay Elizze na apoy yun!

"Anong nangyayari?!" Tanong ko? Nagsimula ng mag-ingay ang mga nandito.

"Ayos lang ba kayong lahat?!" Narinig kong sigaw ni Hermes.

Bumalik na ang ilaw. Pero wala na si Brianna sa tabi ko. Na-nasan na siya?

"Si Brianna?!" Sigaw ko sakanila. Nagsimula na akong mag panic. Alam kong katabi ko
lang siya pero anong nangyari?

"Si Brianna! Kinuha ng mga Eviano!" Napatingin kami kay Elene na magulo na ang
buhok. Hawak hawak din niya ang kanyang high heels na halatang tinanggal niya para
makatakbo ng mabilis.

"Ano?!"

Nagsimula ng mag panic ang mga imbitado. Kasama na ako don at si Tita Virgie na nag
hi-hysterical na. Pano nangyari yun? di-diba nilagyan ng Barrier 'tong pavilion?

Fvck!!

xxxxxxxxxxxxxxxx

=================

CHAPTER 40
Chapter 40

xxxxxxxxxxxxxxxx

AMARA'S POV

hindi namin alam ang gagawin. Lahat kami ay natataranta. Si Principal Logan
na nagwawala at gusto nang sumugod sa Evion para mabawi si Brianna. Mabuti nalang
at nanjan sina Hermes para awatin siya. Si Tita Virgie na hinimatay dahil hindi
kinaya ang nangyari. Mabuti nalang at nandito si Nurse Sheela at inalalayan si
Tita.

"Sinabi ko na eh! Sinabi ko na na mapanganib sa lugar na ito pero anong


ginawa?! Hindi nakinig!!" Lahat ng ng mahawakan niya, lahat ng yun ay binabato
niya. Mabuti nalang talaga at pinipigilan siya ng Element' Crown.

"Fvck!! Bitawan niyo ako!! Pupunta ako sa Evion! Hahanapin ko si Brianna!!"


Halo tumalik sina Hermes ng hawiin sila ni Pincipal Logan.

Kasalan ko to eh! Ako ang may kasalanan, kung hindi sana nagplano ng debut
edi hindi makukuha si Brianna.

"Mabuti pang magpahinga muna kayo. Ako na mismo ang hihingi ng tuloy kay Dad
para mapabilis ang pagbawi kay Brianna. Sa ngayon, imbestigahan natin kung pano
nakapasok ang Eviano na kumuha kay Bri. Magpahinga na tayo." Sabi ni Nicholas na
halatang hindi masaya sa nangyari. Lahat naman kami, in shock parin sa nangyaring
pagkuha kay Brianna.

Tama siya. May barrier ang lugar na ito to prevent the Eviano to enter. May
traydor sa mga kasama namin. Pero sino? Sino? Sana naman mali ang iniisip ko kundi,
kundi hindi ko alam ang gagawin ko kapag meron nga.

Nagsiuwian na kami. For the mean time, dito muna ako natulog kina Tita
Virgie para naman matulungan ko siya at maasikaso dahil hindi parin siya nagigising
hanggang ngayon. Hindi parin nag si-sink in sa utak ko kung paano nakuha si
Brianna. Katabi ko lang siya nun eh, katabi ko lang pero hindi man lang niya
nakuhang sumigaw oh gamitin yung majika niya.

Gustong gusto kong bawiin si Brianna pero hindi ko alam kung pano ko gagawin.
Gusto kong tumulong pero hindi ko alam kung pano. Ako nga ang ma pinaka malakas na
majika dito sa Faireo pero hindi ko naman kayang gamitin o kontrolin. Tsk! Hindi ko
maiwasang sisihin ang sarili ko kung bakit nangyari yung mga kamalasan ngayon.
Hindi sana makukuha si Brianna kung hindi ako nag debut. Hindi sana siya makukuha
kung - argh!

Mas dumami ang tanong sa utak ko. Mas lalo akong naguluhan sa mga pangyayari.
Madami pang katanungan sa utak ko na gumugulo sakin na gusto ko ng masagutan pero
wala. Ni isa doon ay wala pa akong nalalaman! Argh! Nakaka frustrate! Ano ba 'to!

"Elene, sa tingin mo, bakit kinuha nila si Brianna?" Kanina pa siya walang
imik. Sigurado akong shock parin siya sa nangyari dahil mismong dalawang mata niya
ang nakakita sa mga Eviano at kung pano nakuha si Brianna.

"Hi-hindi ko din alam. Si-sige, matutulog na ako Amara." haays! Ano ba kasing
nangyayari? Fvck! Ang dami ko pang kailangang gawin, yung mission sa mga missing
senior! Yung paghahanap ko pa sa Anak ni Tyang na hindi ko naman alam ang pangalan
pati na din sa paghahanap ko sa tunay kong magulang na wala naman akong clue kung
sino sila. The ef! Saan nalang ako magsisimula diba? Pero yung sa anak ni Tyang,
meron na akong clue. Yung laruang jeep na nakita ko malapit sa Pavilion.

Maaga akong nagising, or should I say maaga akong bumangon dahil hindi ako
nakatulog ng buong magdamag. Wala akong ginawa kundi ang isipin ang nangyari at ang
mga problema ko na mukhang wala ng soluyon. Maging ang pagdukot kay Brianna, inisip
ko kung pano siya mababawi.

"Tita, wag po kayong mag-alala, ibabalik po natin si Brianna." Hindi parin


matigil sa pag-iyak si Tita Virgie. Kanina ko pa siya kino-comfort pero ayaw parin
niyang huminto. Sinisisi niya ang sarili niya kung bakit may masamang nangyari kay
Brianna.

Nasaan na ba si Elene? Kailangan ko ng tulong niya! Pagkagising ko wala na


siya eh! Nasan na ba yung bruha na yon?

"Amara, Amara, hanapin mo ang anak ko. Ibalik niyo siya dito ng buhay parang
awa niyo na. Please lang! Ayoko nang mawalan ng isa pang minamahal!" Basag na ang
boses niya, namumula at mugto na ang mata niya kaka-iyak. Dahil sa kalagayan niya,
pati ako naiiyak pero pilit ko lang pinipigilan dahil hindi ako pwedeng mmag
hysterical dahil kailangan kong alalayan si Tita.

"Opo, pangako Tita. Babalik dito si Brianna ng maayos kaya please, wag na
kayong umiyak. Ayaw na ayaw pa naman ni Brianna na nakikita ka niyang malungkot."
Pinunasan ko yung pisngi niya at pilit na nginitian siya. Gusto kong maging matatag
para kay Tita. Sila nalang ang pamilya na meron ako kaya miski ako ayaw kong mawala
sila.

Kadadating ko lang sa Academy. Masaya ang mga estudyante na naglalakad na


walang alam sa nangyaring pagdukot kay Brianna. Dumiretso ako sa guild at
nakita ko silang nandoon lahat, maging si Principal Logan na halatang kulang sa
tulog dahil sa kakaisip.

Nakatingin lang kami sa bawat isa. Lahat malungkot sa pagkawala ni Brianna.

"Good your here," Panimula ni Principal Logan. Lumapit ako sa kanila at


tumabi ako kay Elizze.
"We have this feeling na ikaw ang gustong kuhanin ng mga Eviano that time."
seryosong nakatingin sakin ang lahat.

"Pano niyo naman nasabi 'yan?" I asked.

"Because you're the Celestial mage. Dahil sa majika mo, they see you as a
threat. May pinaplano sila at bago nila gawin yun ay kailangang mawala ang mga
sagabal sa plano nila so they plan to kidnapped you but instead of you, they caught
Brianna." Sabi na nga ba eh, ako ang may kasalanan kung bakit nakuha si Brianna.
Dapat ako yung nakuha. dapat ako yung na kidnapped.

"So ano ang kailangan nating gawin para mabawi si Brianna?"

"We ask for help sa King of Air Realm, King Austin, Father of Nicholas but
they said na wala silang kinalaman sa problema ng Academy kaya kay Mr. Jones daw
tayo manghingi ng tulong." Elizze said.

"Wala pang sagot si Mr. Jones sa apela natin. Hindi na din ako mapakali dahil
masama ang kutob ko na may mangyayaring masama kay Brianna," Kinuyom ni Principal
Logan ang kanyang kamay dahil sa galit. Maging ako, hindi ko maiwasang magalit sa
mga Eviano na yun. Una, they killed Tyang Ina tapo ngayon, sinong isusunod nila?
yung mga kaibigan ko? No! Hindi ako makakapayag!

"Amara, sa susunod na linggo susugod kami sa Evion para bawiin si Brianna at


sa loob ng isang linggo na yun ay kailangan mong magpalakas. Kailangan mong
matutunan gamitin ang majika mo." What? Pine pressure ako ni Principal Logan! Pano
ko magagawa yun?

"Wait - what? Wag mong sabihing isasama mo siya sa pina plano mong pag punta
ng Evion?" Kunot noong tanong ni Hermes. Oh my Gosh!

"You can't Sir Apollo. She's still a newbie at alam nating lahat kung gaano
kapanganib ang magpunta sa Evion." Dugtong naman ni Dione.

"Ye and no. Ang planong paglusob sa Evion ay Plan B lang. Kung tama nga ang
hinala natin na si Amara ang pakay nila sa mga oras na yun, we'll make her as a
decoy. Ipagsa-swap natin si Amara kay Brianna and of course it is a trap. At kapag
hindi nagtagumpay ang Plan A, we'll go for Plan B at pupuslit tayo sa Evion para
bawiin si Brianna."

Oh Gosh! Kaya ko to! Mas ok na ako sa Plan A kesa sa Plan B dahil 15 percent
chansang makabalik sila ng kumpleto o makabalik pa kaya sila? Oh Gosh!

xxxxxxxxxxxxxxxx
=================

CHAPTER 41

Chapter 41

xxxxxxxxxxxxxxxx

AMARA'S POV

Nandito ako sa training room dahil excuse na ako sa mga subjects ko 'til next week.
Kailangan ko daw matutunang gamitin at ma-master ang majika ko as soon as possible
dahil may mga Eviano na tumutugis sakin. Wala namang akong magawa kundi ang sundin
sila, at isa pa ayokong mapatay ng mga yun no!

Hindi ko alam kung pano gumagana ang majika ko. Wala nga akong idea kung pano ko
nagamit yung majika ko nung battle. Basta ang sabi nila sakin umiiyak ako that time
then Kabooom! May gold magic circle na lumabas at nag go-glow yung dibdib ko at
Kabooom! Na summoned ko na yung twelve celestial gods. Ang taray diba? Ang isang
normal na kagaya ko na nagtataglay pala ng pambihirang kapangyarihan.

Hindi ko alam kung pano sisimulan ang pagte-training pero ang sabi sakin ni Hermes
bago siya umalis, kailangan kong palakasin ang spiritual energy ko dahil doon
manggagaling ang kapangyarihan para ma summon ko ang mga gods. Ayun daw muna ang
pag-aralan ko, ang pag summon dahil malaking tulong iyon kapag nagkataon kesa sa
pag-aaral kung paano ma-acquire yung abilities nila. Napaka bongga diba? Akalain mo
yun, ang pinaka malalakas na kapangyarihan ng chosen ay lahat ng iyon ay meron ako.

Hays! Speaking of Hermes, naalala ko kung gaano siya kagwapo kagabi. He's hot and
too attractive last night. I even remembered his warm palm that hold my hand. Grabe
te! It was warm and soft. Para bang na acquire niya ang ability ni Elene dahil may
dumaloy na kuryente doon sa palad ko.

"Haaay Amara! Wag ka ngang lumandi diyan at ipagpatuloy mo nalang yang pag eensayo
mo!" Ganito ba side effect ng paghawak ni Hermes sa kamay ko at kinakausap ko na
ang sarili ko? Haay Ewan! Mabuti pa't bumalik nalang ako sa pag eensayo!

xxxxxxxxxxxxxx

HERMES' POV

July twenty three na. Tapos na ang palugit na ibinigay sakin ni King Aurie at Queen
Aqui sa paghahanap ng kanilang nawawalang anak. Hindi na ako nakapag re-report sa
aking Ama. Isang malaking karangalan para sakin na sa King and Queen mismo sabihin
na nahanap ko ang ang nawawalang Prinsesa pero masyado pang komplikado ang mga
nangyayari ngayon. Kailangan pang mag handa ni Amara.

Oo, si Amara. Siya ang nawawalang anak ng Haring Aurie at Reyna Aqui. Hindi ko pa
kilala yung isa niyang kakambal pero kamukhang kamukha iyon ni Amara.

Pano ko nalaman na siya ang isa sa kambal na anak ng Hari't Reyna?

Flashback

"Kanina ka pa ba dyan?" tanong ko kay Amara na nakapangalumbaba na naka upo sa


gilid.

"Oo. 'Bat ang tagal niyo?"Bago ko siya sagutin sa tanong niya, binuksan ko yung
pinto at pumasok ako sa loob ng apartment ko.

"Natagalan kami sa paghahanap ng evidence. Pero wala paring progress hanggang


ngayon." Kumuha ako ng tinapay sa refrigerator ko at umupo sa sala.

"Kumusta ang training?"

"Ahh - ehhh - ganun din! Wala ring progress kagaya ng mission."

"Kailangan mong malaman yun para hindi ka mapaalis sa Academy dahil hindi ko pa
alam ang majika mo." Hindi sa concern ako, basta! Kailangan niyang malaman ang
majika niya bago mag First test!

"O-oo naman. Feeling ko nga malapit ko ng malaman ang majika ko eh."

"Pero kahit na malaman mo ang majika mo, kung hindi naman tayo mananalo sa battle,
wala rin dahil hindi ka na aabutin ng First test."

"A-ano, san nga pala yung kwarto ko?"

"Isa lang ang kwarto ng apartment ko. Kung gusto mo dun ka nalang sa kwarto ko."
Sinabi ko 'yun dahil ayin ang totoo. Isa lang ang kwarto neting apartment na 'to.

"Nagbibiro ka lang diba?"

"Mukha ba akong nagbibiro?" Tinitigan ko siya at hindi ako kumukurap.

"Ayusin mo na gamit mo. May extrang cabinet sa kwarto."


Hindi na siya sumagot bagkus ay nagtungo siya sa kwarto ko kasama ang maletang dala
niya.

Agad naman akong tumakbo papunta ulit nang ref at kinuha yung Jack Daniels na may
lamang juice. Kinuha ko din yung desserts like leche flan na ginawa ko.

"Hermes, san ako matutul - ano 'yan? Bakit ka may beverages dito? Diba bawal 'yan!"
Sigaw niya at agad lumapit sakin. Nakapag palit na siya ng pambahay na damit.

"Tanga juice 'yan! Dyan ko lang nilagay dahil nabasag yung pitcher ko," Sinamaan
niya ako ng tingin.

"Kumain ka na," Aya ko sakanya. Hindi din naman siya tumanggi at agad na nilantakan
yung leche flan.

After a minute, ubos na yun. Then, nakatulog na siya. Nilagyan ko kasi ng


pampatulog yung Leche flan na kinain niya.

Kinuha ko siya at binuhat ko sa kama ko. Inalis ko yu.ng sapatos na suot niya at
inayos ko ang pweto niya.

Matapos nun ay tinabihan ko siya at pumwesto ako sa kaliwa niya. Hinarap ko siya sa
kaliwa para lumutang yung kanang balikat niya.

Dahan dahan kong binaba yung collar ng damit niya at doon, nakita ko ang isang
balat na hugis bituwin. Siya nga, siya ang nawawalang anak ng Hari't Reyna.

END OF FLASHBACK

Pag natapos na ang mga problema at ok na ang lahat tsaka ko lang sasabihin na siya
ang isang nawawalang anak ni King Aurie. For the mean time, babantayan ko siya.

xxxxxxxxxxxxxxxxx

A very very very short update. :)

=================

CHAPTER 42 (Training #1)

Chapter 42 (Training #1)


"When life's strong winds come blowing, bend with them, and let go. By bending you
will become stronger in new places. By letting go, you will be making new room for
the new and better." -Aries

xxxxxxxxxxxxxxxx

AMARA'S POV

Nandito nanaman ako sa Kastilyong mala Mount Olympus. Grabe, nilibot ako dito
ni King Vasilias at sabi niya sakin wala daw umaga dito kaya laging madilim pero
maganda naman dahil pwede kang mag star gazing sa sobrang daming stars. Ang
nagsisilbing ilaw lang dito ay yung mga torch na imbis kulay pulang apoy, naging
ginto na siya. Dim light lang at kinaganda iyon ng struktura. Pwede na akong tumira
dito basta papakainin nila ako at may libreng high-speed internet.

"Hindi parin talaga ako makapaniwala na isa kang Hari. Tignan mo nga yung
itsura mo, parang magkasing edad lang tayo," Yung mata hazel nut brown, ang buhok
niyang itim na itim, makinis na kutis na wala man lang bakas ng tigyawat, ang ilong
niyang perfectly made at ang pinaka huli, ang labi niyang kasing pula ng mansanan
at yung ngiti niyang kahit sino mamamatay kapag nakita. Grabe!

"Ilang taon ka na ba?"

"Matanda na ako, mas matanda pa sa ninuno mo." Sagot niya at nginitian niya
ako. Ang puti ng ngipin niya, kunikinang na parang tinamaan ng ilaw.

"Bakit nga pala ako nandito? Ang huli kong naaalala eh nasa training room

ako." Gusto ko ng bumalik sa training room. Kailangan ko pang mag ensayo ng mabuti
para maibalik ko si Brianna.

"Ngayong alam mo na kung gaano ka ka epesyal, napagkasunduan namin ng mga


Celestial gods na hasain ka sa paggamit ng majika mo," whaaat?! Mabuti naman kung
ganun at tutulungan nila ako!

"Talaga? Maraming salamat!"

"Wag ka muna mag diwang, baka hindi ka na makalabas ng buhay dito sa kaharian
ko," Bakit? May balak ba silang patayin ako dito?

"Anong ibig mong sabihin?"

"It is for you to find out," Sabi niya at binigyan niya ako ng makahulugang
ngiti. "So tell me, sinong gusto mong unahin na mag train sayo among the twelve
Celestial gods?" Sino ba?

"I summon mo na si Aries para makapag training ka na," What? Hindi ko nga
alam kung pano gamitin yung majika ko tapos ipapa summon niya sakin si Aries agad
agad? No way!

"Pano?"

"Think Amara. Anything just think your calling for help but use your heart."
Lagi nalang heart! Pwede bang sabihin ko nalang, I summon you, Aries! Tapos lalabas
na siya. Diba? Sana ganung kadali lang!
Huminga ako ng malalim at inisip ko na tinatawag ko si Aries. Help me please!
I want you to train me, Lord Aries! Napansin kong nag glow yung tattoo ko. Tinignan
ko yun at nakita ko yung sign ni Aries na umiilaw. Nag go-glow siya na kulay cream
at parang may breeze of winds sa loob ng tattoo. it's cool you know!

"Hi there, beautiful lady." Inangat ko ang ulo ko at nakita ko siya, nasa
harap ko. I think he is Aries. He look likes a greek god. Yung suot nyang isang
puting tela na nakabuhol sa right side ng shoulder niya at may headband siya na
gold. Pero yung skin color niya medyo tanned.

I saw him as a resemblance of Nicholas. Para silang magka ugali.

''He-hello,"

"are you ready, honey bunch?" Sabi niya sabay kindat sakin. Honey bunch??!
Kelan pa kami nagkaroon ng call sign tsaka yuck lang huh, honey bunch?

"Ye-yes." Biglang nawala yung paligid pati na si King Vasilias at napalitan


ang scenery namin ngayon. Nasa isa akong sailing boat. Puro tubig lang ang nakikita
ko at wala ni isang islang nakalutang. Wala ding mga ibon na nagliliparan, tanging
ulap lang at ang sunny weather ngayon.

"Ba-bakit ako nandito?" tanong ko kay Lord aries na nalipad sa harap ko.

"I want you to go to the west and you'll find a small island. I am waiting
for you there, Baby and we'll make a baby." Sabi niya't kinindatan pa ulit ako.
Matapos niyang sabihin yun ay bigla nalang iyang nawala.
Parang ayoko ng pumunta sa island na sinasabi nung manyak na Celestial god na
yun dahil gagawa daw kami ng baby! Pero wait whaaat?!

Pano ako makakapunta sa west kung wala akong compass? Shit! Naloko na!

Bigla akong napakakapit sa pinaka malapit na bagay na nahawakan ko dahil


biglang umihip ang malakas na hangin. Shet! Napakaliit ng sailing boat na ito,
kaisng laki lang siya ng bath tub. May mga lubid din sa loob nito at hindi ko alam
kung paano gamitin iyon. Wala akong alam kung pano mag sail ng sailing boat at
hindi ko alam kung paano ako makakapunta sa west.

May nakita akong isang paddle sa gilid at kinuha ko iyon. 95 % percent chance
lang ang meron ako sa paggamit ng paddle na ito dahil malakas ang hangin at
dinadala lang ako at ang sailing boat pero lets give it a chance.

"Eenie Minnie My ni mo, pwet ng kabayo kamukha mo, kutsara't tinidor alis
buntis, batuta ng pulis, matulis." Nakaturo sa left ang index finger ko at sa
tingin ko nandoon ang west kaya ginamit ko ang paddle para pumunta doon. Pero Pak
shet itong Hangin na 'to! Imbis na sa tinuro kong direksyon ako mapunta sa opposite
side ako napunta eh! Fvck that wind!

"Stoooop wind!!" Sigaw ko dahil sa sobrang frustrated na ako! Sinasadya ata


'to ni Aries! Yung manyak na Celestial god na yun eh! Pano na ako makakarating sa
west?

Mas lalong lumakas ang hangin! Muntik pa nga akong mahulog sa tubig buti
nalang at nahawakan ko yung bakal. Pero yung paddle na ginagamit ko ay hindi
nakaligtas.
Pero napatingin ako kung saan ako dinala ng hangin. Napatingin ako sa maliit
na isla. Ito na yata yung sinasabi ni Aries na isla kung saan kami gagawa ng
baby! What the Fvck! Bakit ba yun yung naaalala ko! letsugas talaga yun!

Ilang minuto lang ay nakababa na ako ng sailing boat. Nakita ko na din si


Aries Lord Aries na nakahiga sa isang duyan.

"So, nakarating ka na Little Mine. I hope you're ready." Sabi niya sabay
kindat uli. Nakanang teteng! Kahit isang Celetial god 'to, kapag nainis ako
tutusukin ko mata niya ng matigil to a pagkindat kindat.

"Bakit iniwan mo ako dun?! Alam mo bang halos mamatay na ako sa takot!!"

"Relax my sugar baby, relax. Iniwan kita don kasi that's the way I train
people." Kumunot yung noo ko sa sinabi niya. That's the way he train people?

"When life's strong winds come blowing, bend with them, and let go. By
bending you will become stronger in new places. By letting go, you will be making
new room for the new and better." Wow! English! I kennot!

"Ansaveeeeh?!"

"Someday you'll undertand what I said." Pero ang ganda ng sinabi niya ah. Oo,
yung iba naintindihan ko lalo na yung bend with them kasi kung hindi mo alam kung
saan ka patungo, sumabay ka sa bugso ng hangin at dadalhin ka niya sa destinasyon
na para sayo.
Unti unting nag fe-fade away yung scenery at bumalik na kami kung saan kami
dati naka pwesto pero wala na doon si King Vasilias.

"May the wind always be at your back and the sun upon your face."

Ang seryoso ng sinabi niya pero nginitian niya ako at sinabing "See you again,
bayvee~" naglakad siya paalis kaya ako nalang ang naiwan dito mag-isa. Nakuu! Ang
landi ng god na yun!!

xxxxxxxxxxxxxxxxx

=================

CHAPTER 43 (Training #2)

Chapter 43 (Training #2)

"Take a quiet walk in Nature. It will nurture your mind, body and soul." -Scorpio

"You know, our heart is like a garden. It can grow compassion or fear, resentment
or love." -Virgo

"You can choose whatever you want to plant in your heart. Whether Love or Fear. It
is for you to decide. I know you can do well Amara." -Virgo
xxxxxxxxxxxxxxxx

AMARA'S POV

Lahat kaming Element's Crown ay nandito sa training room para paghandaan ang
pagkuha kay Brianna. Si Principal Logan naman, nakita nila Darius na nagbukas ng
portal papuntang Evion, mabuti nalang at napigilan siya.

Nag rent naman si Elene ng apartment sa loob ng Academy dahil natatakot daw
siya na baka balikan siya ng Eviano na kumuha kay Brianna. Nakita daw kasi siya ng
mga kumuha.

Si Tita Virgie, balisa siya at hindi mo masyadong maka-usap kaya nga bumalik
na ako sa bahay nila at binali na namin yung dare para sakin para naman may
umalalay kay Tita Virgie.

Yung mission, cancelled na din siya. Napagkasunduan namin na 'wag ng ituloy


dahil magiging sagabal lang yun samin.

"Sige nga, I-summon mo si Aries," Sabi sakin ni Nicholas na kanina pa ako


kinukulit sa bagay na 'yun. Ayokong i-summon si Aries dahil ayokong ma-manyak niya.
May phobia na yata ako sakanya at sa mga call signs na tinatawag niya sakin.
Nakakadiri lang!
"Wag ka ngang magulo Nicholas, kailangan ko pang mag training no." Dahil sa
sinabi ko, nag pout siya na parang batang hindi nakuha ang gusto. Tsk! Malala na
'to!

"Tara nga dito Nicholas! Wag mong guluhin si Amara d'yan!" Sigaw ni Elizze at
kinaladkad si Nicholas. Kinindatan naman ako ni Elizze at bigla kong naalala si
Aries. Shet! May phobia na talaga ako sa manyak na Celestial god na yun!

Sinimulan ko na yung pag co-concentrate. Ilang sandali lang ay nandito na ako


sa Kastilyo ni King Vasilias. Wala namang daw tawag sa lugar na 'to kaya mas
maganda kung kastilyo o Mount Olympus nalang diba.

Napatingin ako sa harap ko. Nandito ako sa U-shape na throne nila. Nandoon
silang lahat.

"Hello, lovely dovey!" Sabi nung manyak na Celestial god at kinindatan pa


ako! Yiie! Sana naman mandiri siya sa sinasabi niya diba!

"She's ready," Sabi ni King Vasilias at tumayo yung dalawang babae sa throne
nila.

Yung isa ay matangkad na naka suot ng green dress na gawa sa dahon. Par
siyang Pilipina dahil sa skin color niya na morena at yung mata niya na kulay
green. May crown siya na gawa sa tinik at may rose doon. At yung buhok niya na
straight at mahaba. "Hi, I'm scorpio, goddess of nature."
Ang isa naman ay mukhang amazona. Maputi siya at makinis ang mukha. Yung lips
niya na mala- Angelina Jolie. Naka suot siya ng kulay brown na tube dress may hati
hating tela sa dulo. May dark brown namang belt doon. Ang ganda din ng sapatos niya
na boot na kulay brown din. yung buhok niya na kulot kulot na bumagay sa suot niya.
"And I am Virgo, Goddess of Earth." Ang gaganda nila.

"He-hello po," I greet. Ang glamorous nila tignan at goddess na goddess


talaga ang tingin nila.

"Are you ready Princess?" Tanong sakin ni Goddess Virgo. I nooded. Siguradong
hindi nila ako pahihirapan dahil parang hindi sila makabasag pinggan.

"Goodluck Sugar baby," Sigaw ni nung manyak na Celestial god at kinindatan


nanaman ako.

Naging itim ang lugar, ang tanging nakikita ko nalang ay ang dalawang goddess
na nasa harap ko at naka ngiti sila sakin. Nakaka intimidate sila.

Ilang saglit lang ay napunta na kami sa isang gubat. Forest na forest talaga
at halos hindi na masinagan ng araw ang paligid dahil sa nagsisitaasang puno. Kulay
green ang karaniwang nakikita ko.

"Ano na pong gagawin natin?" Tanong ko kasi nakatingin lang sila sakin habang
naka ngiti. Ang creepy nila, para sila yung mga yandere character sa anime.

"Take a quiet walk in Nature. It will nurture your mind, body and soul."
Pagkatapos sabihin yun ni Goddess Scorpio, nawala nalang silang dalawa na parang
bula. Ano nang gagawin ko dito? Wala naman silang sinabing challenge na kailangan
kong gawin kundi ang take a quiet walk in Nature. Tama! Pero saan ako pupunta?
Naalala ko yung sinabi sakin nung manyak na Celestial god. Bend with them.
Tama! Kung hindi mo alam kung saan ka patungo, sumabay ka sa bugso ng hangin pero
instead na sumabay ako sa hangin, maglakad ako ng tahimik at dadalhin ako nito sa
dapat at nararapat na mapuntahan ko.

Napansin ko lang mula kay Aries at sa dalawang Celestial goddess ngayon na si


Goddess Scorpio at Goddess Virgo na hindi nila ako tine-train physically, instead
tine-train nila ako Mentally.

Tahimik lang akong naglalakad kagaya ng sinabi ni Goddess Scorpio. Hindi ko


alam ang exact word para maipaliwanag ang gusto kong ipahiwatig pero gusto kong ma
experience ang kagandahan ng nature.

May iba't ibang maliliit na insekto akong nakikita at meron ding mga
kakaibang palaka pero bakit ganun, parang hindi ako natatakot.

Naglakad lakad pa ako pero napansin kong wala na ako sa mala rain forest. May
mga puno na naka aligned vertically sa left and right at may straight path mula sa
kinatatayuan ko hanggang sa dulo.

Hindi ko alam kung ano ang nasa dulo nun at dahil sa curiosity ko, binagtas
ko ang daan na yun. Feeling ko nasa Meteor Garden ako dahil sa lugar. Ang ganda
lang!

Nasa dulo na ako nang makita ko ang dalawang goddess. Si Scorpio na nagbabasa
ng libro at si Virgona nagtatanim. Napansin na nila ako siguro kaya tumayo sila at
lumapit sakin.
Nginitian nila akong dalawa kaya ginantihan ko sila. "Sumama ka sakin," Sabi
ni Goddess Virgo kaya sumunod ako. Huminto kami sa isang field na may mga paso at
may mga halaman na hindi pa nakatanim. Para kaming nasa isang garden dahil yung
inaapakan namin ay bermuda grass na.

"Pumili ka ng isang halaman, kahit anong halaman na makikita mo," Sabi niya't
nginitian ulit ako. So, nag-umpisa na akong maghanap. Hindi ako pamilyar sa mga
halaman na nandito kaya pipiliin ko nalang kung saan ako nagandahan.

Nakita ko ang isang bulaklak na pamilyar na pamilyar ako. Isang rose.


Kunuha ko yun at binigay ko kay Goddess Virgo.

"Eto po ang napili ko," nginitian niya ako. Napatingin siya sa rose at muling
binalik ang tingin sakin. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya.

"Alam mo ba na ang symbol ng rose ay Love, Healing, Luck and protection."


Ganun ba? Hahaha1 Dahil sa naiintimidate parin ako sakanya, nginitian ko nalang
siya.

"You know, our heart is like a garden. It can grow compassion or fear,
resentment or love." Oh my Gosh! Eto nanaman sila sa mga malalalim na english at
salita.

"You can choose whatever you want to plant in your heart. Whether Love or
Fear. It is for you to decide. I know you can do well Amara." Sabi naman ni Scorpio
na kadadating lang.

"Goodluck Amara." Unti unting nawala yung lugar at ganun na din yung dalawang
goddess hanggang sa nagising na ako sa tunay kong katawan.
Ang dami nilang tinuturo sakin na pang GMRC. Sana magamit ko yun sa
pakikipaglaban.

xxxxxxxxxxxxxxxx

=================

CHAPTER 44 (Training #3)

Chapter 44 (Training #3)

"Give light, and the darkness will disappear of itself." - Capricorn (Desiderius
Erasnus)

"Star can't shine without darkness." Amara

xxxxxxxxxxxxxxxx

AMARA'S POV

Nandito ako sa training room kasama ang Element's crown. Nandito lang ako sa
gilid habang pinapanood ang mga kasama ko namag training.

Napaka galing nila. Si Elene, ang laki na ng inimprove. May mga techniques na
siyang kayang gawin at ang dahil iyon sa pagtya-tyagang pagturo ni Darius sakanya.
Minsan, nakikita ko sa labi niya ang kakaibang ngiti tuwing kasama si Darius pero
madalas matamlay siya at parang balisa. Siguro dahil parin iyon sa nangyari kay
Brianna.

Sila Dione at Dylan naman, syncronized ang galaw at alam na nila ang bawat
galaw ng isa't isa. Siguro ang saya magkaroon ng kakambal.

Si Hermes naman, he's too serious recently. Lagi siyang naka poker face at
ang lalim lagi ng iniisip. He is acting weird lately din. Napatingin ako sakanya,
he's too hot. Shirtless siya at tumatagaktak yung pawis niya sa katawan pati na din
sa ulo dahil sa intense training na ginagawa niya.

Oh my god! Ano ba 'tong iniisip ko ngayon?! Bahala na nga!

Pinikit ko na ang mata ko at nag concentrate. Kailangan ko din ng intense


training kagaya ng ginagawa ng mga kasama ko ngayon. Kailangan kong mag effort para
naman makatulong ako sakanila at hindi maging pabigat.

Nandito na ako sa harap ng mga gods. "Welcome back, Princess Love." Bati ng
manyak na Celestial god sakin with matching kindat pa. Nakuuu! Tutusukin ko na
talaga yung mata niya!

"Hello Princess," Bati sakin ni Virgo at nginitian ko siya. Her aura is


always intimidating.

"She's ready." Sabi ni King Vasilias na naka upo sa throne. Tumayo naman yung
dalawang goddess. Goddess na goddess ang datingan nila. Liberated goddess na napaka
ganda!

They are definitely twin sister. The one was wearing white bra tapos kitang
kita yung puson niya and her girly-abs. Kita din yung panty niyang puti sa suot
niyang see-through na puting palda na hanggang paa niya. May mga burloloy yun na
kulay gold and meron sa braso niya na strap. Ang danda niya at ng kutis niya. She
has a blond hair na sobrang haba na hanggang sa tuhod niya at may suot siya na gold
na hikaw at headband. Ang pula din ng labi niya.

Napatingin naman ako sa naka suot ng black. Naka suot din siya ng bra na
maraming strap na coloe black. Kita din yung panty niya katulad ng sa kakambal niya
na naka puti. Parehas din silang may burloloy sa braso at may nakasabit na see-
through'ng tela sa leeg. Mahaba din ang buhok niyang kulay itim na hanggang tuhod
din niya. She has a tattoo on her right feet na wala ang kakambal niya. And that's
it!

"Hi, I am Capricorn, goddess of Light and she's my sister, Cancer, goddess of


Shadow." Pakilala ng nakaputing babae.

"Sabi ko ako na ang magpapakilala eh!! Kahit kailan ka talaga!!" Sigaw ni


Goddess Cancer sa kakambal niya. She reminds me of Dione. Parehas sila ng ugali.
"Let's do this na nga." Sabi ni Goddess Capricorn na inirapan ang kakambal
niya.

"Good luck Baby ko! Ikaw lang sapat na! Bente dos walang titibag!" Sigaw
nanaman ng mayak na Celestial god na yun. Sa lahat ng gods na nakilala ko, siya ang
may sayad sa pag-iisip.

Unti unting nawala ang dalawang goddess sa harap ko ganun na din yung iba pa.

Pamilyar ako sa lugar na 'to. Sa ayos ng gamit, sa mga picture frame na


nakasabit sa pader. Nandito ako, sa bahay namin ni Tyang.

Napatingin ako sa labas ng bahay, umuulan. Alam ko ang pangyayaring ito. Ito
yung oras na naglulukmok ako dahil sa pagkawala ni Tyang.

Pumunta ako sa kwarto ko. Nakita ko sa isang sulok ang sarili ko na naka upo,
umiiyak. Agad akong lumapit sakanya at tinitigan ko.

Grabe! Ganyan ba ako ka lugmok nung namatay si Tyang? Parang hindi ko na


kilala ang sarili ko dahil mugtong mugto ang mata ko at ang gulo na din ng buhok
ko.

Nakita kong pumasok si Elene na may dala dalang pagkain.

"Amara, kumain ka muna."

"Salamat Elene, ilagay mo nalang d'yan. Wala pa akong gana."

"Kainin mo na 'yan Amara, namamayat ka na oh! Sige ka, mas aangat na ang
ganda ko!" Simpleng ngiti lang ang sinagot ng Amara'ng nasa harap ko.

Sa mga oras na 'yon, Ang iniisip ko lang ay kung sino ang pumatay kay Tyang,
kung sino ba yung lalaking naka cloak at yung Evion na sinabi ni Tyang.

"Tahan na Amara. Tahan na."

Tumulo na ang luha ni Amara'ng nasa harap at mas lumakas pa 'yon ng yakapin
siya ni Elene.

"Maaayos din ang lahat Amara kaya tahan na. Tahan na."

Biglang nawala yung scenery at itim nalang ang nakikita ko.


Nasan na ako? Bakit wala na akong makita? Diba dapat lalabas na yung dalawang
goddess para sabihan ako ng moral lesson pero ilang minuto na akong nakatanga pero
hindi parin sila nalabas.

Sobrang dilim. Parang bulag na ako dahil sa sobra na talagang dilim ng lugar
kung nasaan ako ngayon. Ano ba yung trip nung goddesses na yun? May sayad yata yun
at pinag ti-tripan ako eh.

Pero, napansin ko yung kamay ko. Bakit ko nakikita eh ang buong kwarto ay
hindi ko na makita? Wala namang spot light na nakatapat sakin pero bakit ako nag
go-glow?

Glow? Dark?

Isa pa ba ito sa mga pagsubok? Kung ganon, dapat ko itong i solve. Pero pano?
Wala namang mga iniwan na katanungan yung dalawang goddess.

Naalala ko yung nabasa ko sa tumblr. 'Stars can't shine without darkness.'


Tama! So, sa oras ngayon ako yung nagsi-silbing star?

May maliit na liwanag na lumabas sa harap ko at unti unti iyong lumaki at


nagkorteng babae hanggang sa lumabas si goddess Capricorn. Nakangiti siya sakin.

Lumiwanag na din yun paligid ko. Wala na akong makitang iba bukod sa kulay
puti.

"Good job Amara, I know you could do it." Bati niya sakin. May itim na bilog
na sumulot sa harap ko and I supposed na si goddess Cancer yun.

"SABI KO AKO YUNG UNANG LALABAS EHH!!" nanlaki yung mata ko ng sigawan ni
goddess Cancer yung kakambal niya. Napatiingin naman ako kay goddess Capricorn na
naka pikit at huminga ng malalim na halatang nag titimpi.

"Ang pangit nun dahil hindi ka niya makikita dahil madilim."

"Ahh! Ok!" Napataas ang kilay ko dahil ang bilis magbago ng isip ni groddess
Cancer. Katulad siya ni Dione na bipolar.

"Good job Amara,"

Sabay na sabi nilang dalawa ang nginitian ako. Ilang minuto kamimng nakatitig
sa bawat isa. bakit ayaw pa nilang magsalita?
"A-ano, mukhang nakalimutan niyong sabihin yung moral lesson." Nagkatinginan
yung dalawang goddess.

"Sabi ko ikaw ang mauna ahh!!" Sigaw ni goddess Cancer sa kambal niya.

"Eh sabi mo gusto mo ikaw mauna!! Kaya ayan!! Pinauna na kita tapos hindi ka
naman magsasalita!!" hindi na napigilan ni goddess Capricorn dahil sa inis na din
siguro.

"Ahhhhhhh~ ganun ba? edi ok." Binaling sakin ni goddess Cancer yung tingin
niya. "Light can't shine without darkness." Alam ko na yun, pinalitan niya lang ng
light yung stars na nabasa ko.

"Give light, and the darkness will disappear of itself." Sabi naman sakin ni
goddess Capricorn. Gife light to others.

"Gusto mo talaga akong mawala no?!! Bakit ayan ang favorite quotation mo?!!"

"Eh anong gusto mo?"

"Ibang quotes!"

"it is during our darkest moments that we must focus to see the light." Sabi
sakin ni Goddess Capricorn pero sinigawan nanaman siya ng kanyang bipolar na
kakambal.

"Bakit sayo nalang laging nag fo-focus?! Hindi ba pwedeng sakin naman?!"

"Anong gusto mo, mag focus sayo yung tao eh masama nga ang role mo dito! Dark
nga diba! Darrrrk!"

"Ayan naman talaga ang gusto mo ehh! Pasikat ka!! Pasikat!!"

"oo na! Oo na! Ako na, ako na ang pasikat!"

"Ahh ehhh, excuse me pero gusto ko ng umuwi."

"Ok!!" sabay nilang sabi at mabilis pa sa kidlat, nandito na ako sa physical


body ko.

Unang nakita ng mata ko ay sina Dylan at Dione na magkasundo sa te-training.


Naku! Mabuti nalang at hindi sila nag-aaway! hindi katulad ng goddess na pinili
sila.
xxxxxxxxxxxxxxxx

=================

CHAPTER 45 (Training #4)

"The universe is not outside of you. Look inside yourself; everything that you
want, you already are." -Rumi (King Vasilias)

xxxxxxxxxxxxxxxx

Chapter 45 (Training #4)

Katatapos lang naming mag-usap usap ng mga ka grupo. Naka-usap na din daw ni
Principal Logan yung kumidnapped kay Brianna at nasabing ako daw naman talaga ang
kailangan nila at hindi si Brianna. Sadyang tatanga-tanga lang yung kumuha kaya
nagkamali.

Bukas na iyon at kailangan ko ng mag-ensayo ng maigi dahil hindi ko alam ang


maaaring mangyari kaya kailangan talagang paghandaan.

Nag concentrate na ako at ilang sandali lang ay nandito na ako sa kwarto ni King
Vasilias? Bakit ako nandito? Bakit dati, sa thirteen throne ako nalabas at nandoon
yung mga Celestial gods pero bakit ngayon iba?

"King?" Tanong ko pero walang sumasagot. Siguro wala siya dito sa kwarto. Lumabas
ako at naglakad sa mahabang hallway. May naririnigakong pag-uusap at sa tingin ko
ay may debateng nagaganap sa Celestial gods.

Huminto ako sa gilid. Nararamdaman ko ang mabigat na aura kahit na medyo malayo pa
ako kaya sa tingin ko ay masyadong seryoso ang pinag-uusapan nila.

"But Vasilias, she -"

"King" Narinig ko ang seryoso at maalaking boses ni King Vasilias. Mukhang bad
timing ang pagpunta ko dito para mag training ahh.

"Whatever, but she needs to know who she really is." Hindi ako pamilyar sa boses
niya pero mukhang may pagka maldita yung Celestial gods na nagsalita.
"Not now." Seryoso paring sabi ni King Vasilias.

"But Vasilias - I mean King Vasilias, kailangan na niyang malaman ang pagkatao niya
dahil mukhang malapit nang magkaroon ng panibagong gyera."

"I said no."

"Pero King, may point naman si Libra. Yung kapatid niya, mukhang wala na sa sarili.
Kailangan na nating ipaalam sakanya para maging handa siya at hindi na magulat sa
malalaman niya kapag pinaglaban sila." Narinig kong sabi ni Goddess Capricorn. Sino
naman yung pinag uusapan nila?

"No, I said no and that's final." Madiin na pagka sabi ni King Vasilias at narinig
ko ang yabag ng paa niya. Aalis na sana ako ng marinig ko ang tawag niya.

"Kanina ka pa ba d'yan?"

"Ahh - ehh, medyo lang naman. Bakit? Sino nga pala yung pinag-uusapan niyo?"
Nginitian ako ni King Vasilias. Hindi ko siya kilala pero ang gaan ng loob ko
sakanya. Para bang ang tagal na naming magka kilala.

"It's none of your business. Anyway, bakit ka nga pala nandito?"

"Diba mag te-training ako?"

"Alam kong marami kang katanungan sa pagkatao mo. Pero, sa takdang panahon,
malalaman mo ang lahat ng kasagutan. Amara, The universe is not outside of you.
Look inside yourself; everything that you want, you already are."

Nagkasalubong ang kilay ko. Parang wala namang kaugnayan sa sinabi ko sa sinabi
niya. Tsaka bakit alam niyang may mga katanungan ako sa pagkatao ko? Tsaka kung
alam man niya hindi parin magka ugnay yung quotes na sinabi niya sa pangyayari. Ang
gulo lang ah!

"King,"

"Napapansin ko lang, bakit hindi physical ang ginagawang training sakin ng mga
Celestial gods? Diba dapat tinuturuan nila akong makipag laban, suntukan at kung
paano gamitin yung kapangyarihan nila? Remember, I also acquired their ability."

Iniwas ni King Vasilias ang tingin niya sakin. "kagaya ng sinabi ko, sa takdang
panahon, malalaman mo ang mga kasagutan sa mga tanong mo."
Naguguluhan ako. Ano bang gustong sabihin ni king Vasilias? Bakit ba kasi ang hilig
niyang mag bitaw ng malalalim na salita.

xxxxxxxxxxxxxxxx

BRIANNA'S POV

-JULY 22-

Fvck! Shit! "Pakawalan niyo ako!!" Sigaw ko. Hindi ko sila makita dahil may suot
silang surgical mask na may sign na katulad nung sa hayop na Jira na yon!

"Haays! Nakakapagod 'tong pinagawa satin ng Tatay mo Kristine. Gusto ko sanang maki
party sa mga batang ito." Sabi ng lalaking nasa kaliwa ko. At ano daw, Kristine?

"Tanga tanga ka Jem!! Si Brianna ang nakuha mo eh!" Shocks! Ang boses na 'to, Si
Kristine Jones 'to, ang ex-girlfriend ni Hermes na kapatid pala niya. Pero bakit
siya nandito? At bakit kasama namin siyang pumasok sa portal papuntang Evion?

Napatingin ako sa lugar na nilalakaran namin.

Madilim at tanging mga maliliit na lampara lang na nakadikit sa pader ang


nagbibigay ilaw sa dinadaanan namin. May mga bungo din ng tao akong nakikita.

"Malay ko naman diba? hahaha!"

"Yari tayo kay Da - Lord Zebell nito kapag nalaman niyang mali ang nadala natin
sakanya." Zebell, Yung hari ng Evion. Anong kailangan nila?

Huminto kami sa harap ng isang kulay itim na pinto. May bungo ng isang hayop na may
malaking sungay na nakasabit doon.

Hindi kumatok si Jem bagkus binuksan niya ang pinto at tinulak naman ako ni
Kristine papasok.

Malaki ang kwarto, halos ang pader ay naging mistulang book shelf na dahil puro
librio na ang nakadikit. May isang pinto sa kaliwa at sa gitna naman nakaupo ang
hari ng Evion na si Zebell.

"Hello there, " Bati ni Jem sa nakatalikod na lalaki na mahahalatang may edad na.

"Nakuha niyo ba yung Celestial mage?" Napataas ang isa kong kilay ng marinig ang
boses ng Lord Zebell nila. Hindi, mali ang mga hinala ko.
"More or like? Hahahaha!" Parang wala lang kay Jem na magalit ang Lord Zebell nila
dahil palpak ang ginawa nilang mission na imbis si Amara ang kunin nila, ako ang
nadukot nila.

"Anong more or like?"

"Bakit hindi ka humarap samin para malaman mo."

Unti unting humarap yung Zebell. Nakita ko na ang hawak niyang wine glass. Pero, ng
makita ko ang kanyang mukha, halos magulat ako at mawalan ng pag-asa.

All this time, kasalanan ko din pala kung bakit nangyari to. Kung hindi ko sinabi
sakanya yung planong debut ni Amara edi sana hindi hindi nagkagulo o hindi ako
nakuha. Pero, mukhang blessing in disguise to para na din malaman ko ang mga
traydor.

"Mr. Jones," tawag ko sakanya. Kunot noong nakatingin siya sakin.

"A-anong ginagawa mo dito?"

"Well, tanga ang iyong anak at tauhan kaya ako ang nakuha nila."

"Tang ina mo Jem!! Lagi ka nalang palpak na gago ka!! Bat di ka pa namatay!!"
Napatingin ako kay Jem na halatang natatawa kahit na naka suot siya ng surgical
mask na itim.

"Ikulong niyo yan! Ikaw, gusto kong kausapin mo siya at sabihing sa susunod na
linggo, dalhin niya si Amara sa pavilion." Sinong siya? Hindi kaya si Hermes ay
kasabwat din? Hindi ko alam pero kinakabahan ako para kina Amara. Hindi na kilala
kung sino ang totoo at hindi.

xxxxxxxxxxxxxxxx

short update for ya'll. :)

=================

CHAPTER 46

Chapter 46

xxxxxxxxxxxxxxxx
AMARA'S POV

-July 29-

Isang linggo na'ng nakakaraan ng makuha si Brianna ng mga Eviano.

Isang linggo na ang lumipas at pinaghandaan talaga namin itong mabuti para mabawi
namin si Brianna. Araw araw, nakikita ko kung pano magtiis si Principal Logan para
lang magtimpi na hindi sumugod sa Evion.

Wala kaming suporta sa planong ginawa namin kundi si Principal Logan lang. Humingi
kami ng tulong sa tatay ni Hermes pero wala siyang tugon.

"Handa ka na ba Amara?" Tanong sakin ni Darius. Nginitian ko siya at tumango ako.


Ang totoo kinakabahan talaga ako. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari. Pero para
kay Brianna, gagawin ko 'to.

"Tara na."

xxxxxxxxxxxxxxxx

Nandito na kami. Kasama ko si Hermes at Principal Logan dito sa loob ng Pavilion


habang si Dione naman ay naka transform bilang isang anino. Hindi ko alam kung saan
siya nagtatago pero nandito lang din siya sa loob. Ang iba naman ay nagtatago at
pinapanood kami para kung sakaling magkaroon ng hindi pagkakassunduan, may back up
kami.

Hawak hawak ko na ang thelete. Naka transform ito as Libra's key para pag nahawakan
nila ako o nakuha, I can manage to escape without their help. Pina practice ko
ngang gumawa ng Black hole (portal) Para makapag travel ako kasama ang mga kaibigan
ko at para hindi na din mahirap ang transportation.

Bigla akong nakaramdam ng pagkalamig. May itim na portal na bumukas sa harap namin
at niluwa noon si Brianna, si Trey at ang anim na naka suot ng surgical mask na may
sign na katulad ng kay MisterJira. Naglalabas sila ng pambihira at nakakatakot na
aura. They looked powerful and mysterious.

Hawak hawak ni Trey si Brianna sa dalawang kamay na nasa likod niya.

"Long time no see, Mr. Apollo." Napatingin ako kay Principal Logan na nakatingin ng
masama kay Trey. Naalala ko yung kinuwento sakin ni Tita Virgie. Na silang tatlo ni
Brianna at Trey ang super friends dito pero nagbago yun dahil sa love triangle na
naganap sa pagitan nila and this guy, Trey Hawkeye, dahil na busted siya ayun! nag
rebelde at nagpunta ng Evion at doon siya nag-aral.
"Ibigay niyo na si Brianna," Napatingin ako kay Brianna. I don't know pero mukhang
ako lang yata ang nakapansin. Ang putla putla niya at parang pinahirapan siya sa
loob ng isang linggo.

"Ibigay niyo muna ang Celestial mage." Sabat nung lalaking naka surgical mask.
Mahaba ang kanyang itim na itim na buhok at yung mata niyang sobrang itim din.
Maputi siya at kita ang atheletic arm niya dahil nakasuot siya ng isang kulay itim
na sleeveless na pang ninja.

Magsasalita sana si Principal Logan ng biglang lumabas si Dione sa gitna and she's
staring at the guy who spoke.

Wala siya sa sariling naglakad palapit doon sa lalaki. Wait what's going on? Wala
'to sa plano namin. Napatingin ako kay Principal Logan na naka kunot ang noo, ganun
din si Hermes habang pinapanuod ang susunod na gagawin ni Dione.

"That voice..." Anong nangyayari sakanya?

"Don't tell me you're my brother..." Brother? Wait what? This is getting more
complicated. Naguguluhan na ako sa mga tagpo.

Yung lalaki, naglakad siya papalapit kay Dione na kasalukuyang nasa gitna ng
Pavilion.

Mas na curious ako ng hawakan nung lalaki yung surgical mask niya at huhubarin niya
iyon.

"Hello there, Dione." Sabi nung lalaki. Mabilis na tumakbo si Dione at niyakap niya
ng mahigpit ang kapatid pero wait parang pamilyar sakin yung mukha ng lalaki.

"Bakit ka nalang biglang nawala? Bakit mo kami iniwan ni Dylan?" Tinitigan ko pa


yung kapatid ni Dione. Nakita ko na siya at sigurado ako.

"Isa siya sa mga missing seniors at sa tingin ko, ang kasama niyang naka surgical
mask o mas kilala sa tawag na Dark Baron ay isa mga Missing seniors din." Sabi ni
Principal Logan na hindi inaalis ang tingin kina Dione.

Sabi na nga ba eh, siya yung nakita ko sa scroll na binigay ni Pricipal Logan kay
Brianna na kung saan naka lista yung mga missing seniors. Kung hindi ako
nagkakamali, Jem Knightwalker ang pangalan ng kapatid ni Dione at Dylan.

"Bumalik ka na samin, sumama ka na samin pabalik ng Academy." Muli kong tinignan


yung Jem, parang wala siyang pakialam kay Dione. Hindi man lang niya niyakap yung
kapatid niya o hindi man lang siya nag abalang idikit ang braso sa likod ng
kapatid.
"I'm sorry but I don't know you. Wala akong kapatid, wala akong pamilya at wala
akong kilala ni isa sainyo so please, ibigay niyo na ang celestial mage bago pa may
mangyaring hindi maganda." Napahiwalay si Dione ng yakap. Nagtataka kung bakit
walang maalala yung kuya niya.

"Anong nangyari? Hahaha! Nagpapatawa ka! Imposibleng hindi mo ako naaalala. Ako to,
si Dione yung kapatid mo, yung prinsesa mo. Ako yun." Naiiyak iyak na si Dione.
Ngayon ko lang siya nakitang mag seryoso at umiyak pa.

"Go away please. I don't know you so please, don't touch me." Halos itulak na ni
Jem yung kapatid niya. Wala sa sariling naglakad si Dione papunta samin habang
tumutulo yung luha.

"Sa wakas, tapos na ang drama. So, pwede bang ibigay niyo na samin ang Celestial
mage." Sabat ni Trey na naka ngisi. Hinanda ko muli yung sarili ko.

Tumingin ako kay Principal Logan at tinanguan na niya ako. Bago ako maglakad
papalapit sakanila, huminga ako ng malalim.

Dahan dahan kong hinakbang ang paa ko papalapit sakanila. Tinitignan ko si Brianna,
wala siyang reaksyon. Nakatayo lang siya at hindi man lang pumipiglas. She even
smirked to me. Parang may iba. Parang hindi tama. Parang may mali sakanya. Parang
hindi siya.

Bago pa ako tuluyang makuha ng mga naka surgical mask, ginamit ko ang Libra's Key
para mag teleport kung nasaan ako kanina.

"Hindi siya si Brianna! Kilala ko ang kaibigan ko at alam kong impostor ang babaeng
yan!!" Sigaw ko sakanila at nagsilabasan na yung back-up namin. Hinawakan naman ako
ni Hermes sa kanang braso dahil sumugod na din yung mga Dark Baron papunta samin
sakin para kuhanin ako. Nakikipag laban na sila. Si Elizze, si Darius, Nicholas, si
Principal Logan at yung iba pa.

"Lets go. Kaya na nila yan." Sabi sakin ni Hermes at hinila ako paalis.

"Pero kailangan natin silang tulungan."

"Remember,we need to protect you!" Sigaw niya sakin. Wala na akong nagawa kundi ang
sundin siya at tumakas sa lugar na to.

Pero hindi pa kami nakakalayo ng biglang sumulpot sa harap namin si Trey.

"Ops! Not that easy." Sabi ni Trey na naka ngisi. Naalerto kaming dalawa.

Nagpalabas ng thread si Trey at pinalibot yun sa paligid. "You can't escape


anymore."
"Umalis ka na Amara, ako na'ng bahala dito." Hindi. Hindi ko pwedeng iwanan si
Hermes mag-isa dito.

"Hindi. Tutulong ako."

"Kaya ko na to! Umalis ka na! Mapapahamak ka lang dito at may chansang makuha ka
nila dito kapag hindi ka pa tumakas!" Napahinga ako ng malalim. Kaya ko naman eh
pero kung ayaw talaga niya akong nandito, edi fine.

"Ok. Pero tutulong ako!" Sigaw ko. Magsasalita pa sana si Hermes pero natigilan
siya ng sumigaw ako. "Celestial god of blazing fire, Leo I summon you!" Naramdaman
kong nag glow yung sign ni Leo sa tattoo ko. Nagkaroon din ng magic circle sa
kinatatayuan ko, at sa gitna ng north-east ko, nandoon si Leo na nakatayo sa sarili
niyang magic circle na may sign niya.

"Please, help him to defeat that guy." Tinuro ko si Trey. Nginitian lang ako ni Leo
at binaling na ang tingin kay Trey.

"Goodluck. " sabi ko kay Hermes bago ako tuluyang mag teleport papunta ssa guild
namin.

Ayyyy! Ang daming revelation at pangyayari! Hindi nagtagumpay ang Plan A kaya
kailangan ko ng maghanda dahil susugod na kami sa teritoryo ng kalaban.

xxxxxxxxxxxxxxxx

Pasukan na namin sa Lunes! Hirap nang makapag update. College na!

=================

CHAPTER 47 (First test #1)

Chapter 47

xxxxxxxxxxxxxxxx

AMARA'S POV

-August 2-

Apat na araw na. Si Dione, lagi nalang siyang malungkot simula ng makita namin ang
kuya niya na kasapi ng Dark Baron. Natapos na din namin yung mission sa Missing
seniors even if na sinoli na namin yun sa Academy. Hindi tuloy namin nakuha yung
reward. But si Dione, naaawa talaga ako sakanya. Ang laki na ng pinag bago niya.
Hindi na siya bipolar at lagi nalang siyang nakasimangot.

Pero, panatag naman na din ang kalooban namin. Brianna used her celestial rare
item, Aquarius' caster to contact us. She said na maayos lang daw siya doon at
mabuti nalang daw ay dala niya lagi yung spell book at nakahanap siya ng spell.

Ako lang ang naka-usap sakanya through our minds. It only works lang daw sa mga
taong lubos na nagkakaintindihan sabe sa book kaya nga akala ni Principal Logan na
niloloko ko lang sila dahil balak na talaga nilang sumugod pero ang hinala ko ay
nagseselos siya sakin kasi instead na siya ang ma-contact ni Brianna, eh saakin pa.

Brianna said na 'wag na daw kaming mag-alala, anstead ay mag train lang kami ng mag
train dahil ayon sakanya, may masamang binabalak ang mga Eviano and she also said
na kapag nakabalik na siya, she'll say something important.

Pero nagtaka ako sakanya ng sabihin niya ang katagang "Amara, do not fear the enemy
who attacks you, fear the one who hugs you."

Narinig ko na ang quotation na 'yan kay King Vasilias nung una kong punta sa
Kastilyo niya. Ano naman kayang ibig niyang sabihin?

"Enemy... Hugs... Fear.... Attack...." Hahahaha! Ano na ba 'tong naiisip ko.


Imposible namang may traydor sa mga kaibigan ko diba?

Nasabi ko na kay Tita Virgie na kinontact ako ni Brianna kaya 'wag na siyang mag-
alala. Alam niyang hindi ako nagsisinungaling dahil binasa niya yung memory ko kaya
bumuti na ang pakiramdam niya pero hindi parin maiwasang malungkot at mag-alala.

Kasama ko ngayon si Elene. Pupunta kami ng Arena dahil ngayong araw na kami
sasailalim sa First test para malaman kung anong rank namin.

"Elene, 'bat ayaw mo pang bumalik sa bahay ni Tita Virgie? Hinahanap ka na niya
sakin, simula daw ng mawala si Brianna hindi ka na daw dumadalaw doon."

"A-ano Amara, natatakot kasi ako na baka kuhanin din ako ng mga Eviano lalo na't
nakita nila ako nung gabing yun." Halata sa mukha niya ang takot dahil namumutla
ito at may ilang butil ng pawis sa noo niya.

Kung ako nasa kalagayan niya, ganun din naman ang gagawin ko e. Sisiguraduhin ko
ang kaligtasan ko.

"Kahit bisitahin lang si Tita Virgie? Kasama mo naman ako e."

"A-andito na pala tayo. Tara na." Sabi niya. Pumasok na kami ng Arena. Marami ng
estudyante ang naka upo sa gilid. Iba na din yung set-up ng stage. May protective
glass parin para sa mga nanunuod at maliit lang yung stage. Mga kasing laki lang ng
volleyball court, yung mismong pinaglalaruan lang.

"Ano kayang gagawin?" Taas noong tanong ko. Umupo kami dito sa may harap. Hiwa-
hiwalay kasi ang freshmen at ibang year so kaming dalawa lang ngayon ni Elene ang
magkasama at yung ibang freshmen na pinagtitinginan ako pero walpakels nalang.

"Hindi ko din alam."

Umakyat ng stage si Professor Jeric, siya muna ang pumalit kay Principal Logan
dahil kailangan niyang magpahinga.

"Good morning students. Ngayong araw, i-te test natin kung gaano kalakas ang majika
ng mga freshmen. Since ako ang nag organize nito, magiging kakaiba ang test na
gagawin niyo."

Nagtawag si Professor Jeric ng isa sa mga freshmen at isang sophomore. Pinasuot


sila ng protective gear, yung freshman na babae ay may blue'ng protective gear
habang ang babaeng sophomore naman ay kulay pula.

"So, now. Meron kaming roulette dito. May nakalagay na 1v1, 2v2, 3v3 at 5v5. Kapag
huminto iyon sa 2v2 to 5v5, kailangan niyong tumawag ng magiging kakampi niyo.
Kahit sinong estudyante, kahit hindi niyo kilala. Kapag tumanggi sila, hindi ka na
pwedeng magtawag ng iba kaya choose wisely." Kung ganun, mas maganda kung kaibigan
mo ang pipiliin mo para siguradong tutulungan ka nila.

Pinaikot na ni Professor Jeric yung roulette at tumapat iyon sa 2v2.

"Choose. You first," Turo ni Prof Jeric ssa freshmen girl na tawagin nalang nating
Freshie.

Tinuro ni Freshie yung lalaking malapit saamin. Agad naman siyang tumayo dala-dala
anng flute niya. Mahaba ang buhok niyang naka bun at yung bangs niya na nasa right
side na hanggang baba.

"He's my student, Franco Lissaf. The music controller." Ang gwapo nga, ang baho
naman ng pangalan. Pfff!

"Ikaw, Miss Raven. Sino ang pipiliin mo?"

"I choose Morell Elixir." Tumayo yung isang lalaki na nasa sophomore group and he
has this mysterious stare. I don't know pero nakakatakot din siya.

Sinuot ng dalawang lalaki yung protective gear nila.


Nasa harap na yung dalawang mag partner habang naka harap sila sa isa't isa.
Nararamdaman ko yung tense sa pagitan ng magkakalaban.

Umalis na si Professor Jeric sa stage. "We'll giving you five minutes. Start!!"

Nagtatansyahan pa ang magkakalaban. Si Franco, yung may hawak na flute na music


controller daw ay nasa gilid lang. Si Morell naman at si Raven, naka-abang kung
aatake na ba si Freshie. Bat hindi sinabi ni Prof yung pangalan niya?

Nagkaroon ng red dusk sa likod ng dalawa at nag form yung ng isang gorilla, isang
boar at dragon na mukhang moon's and sun's dragon na nasa lagoon sa Water Convene
pero malaki iyon.

"I think she's an animal summoner."

Inalis ni Freshie yung fashionable gloves na suot niya and then bigla siyang
tumakbo at ang kakaiba nito, nag be-veetical tumbling siya at kung misan yung
ordinary tumbling lang. I don't know pero mukhang may plano siya besides yung
partner niya ay nakatayo lang sa gilid at hindi natulong.

Pumaikot ikot siya habang tumatabling at minsan lumalapit siya kina Raven at
Morell, tinalak pa nga ni si Raven eh pero hindi nila inaatake si Freshie at yung
tatlong animal lang ang gumagawa nun para sakanila.

"FRANCO!!" Sigaw ni Freshie at sinimulan ng patugtugin ng binata ang kanyang flute


and then, sumabog nalang yung tatlong animals.

Halatang nainis naman si Raven kung kaya nag summon ulit siya pero bigla nalang
sumabog yung paligid at kahit si Raven ay sumabog kaya tumalsik silang dalawa ni
Morell.

Wala pang 3 minutes pero napatumba na ni Freshie si Raven at tulog na tulog siya.
Nagtamo siya ng sugat sa balikat at nalapnos iyon. Mabuti nga hindi tumalsik yung
mga laman loob sa balikat niya kundi, baka mamatay siya.

Napatingin naman ako kay Morell na sugatan din pero may malay pa. Tinabihan niya si
Raven, tinapat ang kamay niya doon sa balikat ng dalaga at naglabass iyon ng kulay
Pink na liquid. Binalutan nun yung sugat ni Raven hanggang sa gumaling iyon.

"Wow! That was cool! Elisa Wins!" Explosion. Explosion ang majika ni Freshie at ang
cool n'un! Ginamit nya yung atake ng kalaban para malinlang sina Raven at
nagtagumpay siya. Yung pagtulak niya, yung paghawak niya sa lapag. It was her plan
after all.

She's witty.
Umalis na sila sa stage, lumabas na din yung rank ni Elisa which is rank 21.

Sunod na tinawag si Elene.

And then may tinawag si Professor Jeric, Emilly Rascer ang pangalan. Tumayo yung
babaeng katabi ni Kristine. They are friends.

Nakakatakot ang itsura niya. Fierce at daring ang suot niya. Ang daming kulorete sa
mukha at parang ginawang coloring book dahil sa kapal ng make up.

Sinuot nila ang protective gear and professor Jeric started to spin the roulette.

1v1.

Alam kong kaya 'yan ni Elene. Besides she was a chosen. In other way of course pero
destiny talaga yun. Na makuha niya yung Celestial rare item na Sagitarius' rune.

xxxxxxxxxxxxxxxx

Author's note:

So, pagpasensyahan niyo na kung madaming typo error dito. Hindi na ako nag backread
dahil pagod ako. Nag a-adapt pa ang katawan ko sa college life. Hindi biro. :)
Hahahaha! So enjoy reading!

=================

CHAPTER 48 (First Test #2)

Chapter 48 (First test #2)

xxxxxxxxxxxxxxxx

AMARA'S POV

Nasa gitna na sina Elene at Emilly at suot ang Protective gear. Si Elene, naka
handa na in case na sugurin siya ni Emilly pero yung kalaban niya ay wala man lang
ginagawa kundi ang tumayo at tignan ang mga kuko niya na para bang bored dahil sa
nakikipag laban siya.

Napakunot ang noo ko ng mapaluhod si Elene. Anong nangyari sakanya? Ano nga palang
majika ng Emilly na to? Alam kong umaatake na siya dahil naka ngisi siya habang
tinitignan yung kuko sa kamay niya.

"Kuya, anong majika niya?" Tanong ko ssa katabi ko.

"Diba kaibigan mo yang si Elene? Bakit hindi mo alam?" Napangiwi ako dahil sa sagot
ni kuya. aissst! Libre lang naman ang paggamit ng common sense pero parang hindi
ginagamit ni kuyang katabi ko.

"Si Emilly Rascer ang tinutukoy ko."

"Ahh siya ba? Deceiver siya or illusionist."

"Ano bang pinag kaiba ng illusion sa deceiver?"

"Deceiver, to make someone to believe something that is not true while the illusion
is an idea that is based on something that is not true." Ewan ko pero parang
parehas lang naman ang deceiver at illussionist.

xxxxxxxxxxxxxxxx

ELENE' POV

Nakatingin ako kay Emilly na halatang walang ganang makipag laban dahil sa
kinikilos nito. She looks like bored. Ako na sana ang susugod dahil hindi ko na
mahihintay kung siya pa ang mauna dahil may time limit na binigay saamin at ito ang
First test ko kaya dapat mataas na rank ang makuha ko. Tatakbo na sana ako papunta
sakanya but I read what she mouthed at me. "sweet dreams," she said and everything
went blurred.

Hindi ko kinaya ang sakit ng ulo ko kaya naman napaluhod ako.

Unti unting nawala yung pagka hilo ko. Tumingala ako upang harapin sana si Emilly
kaso ibang babae na ang nassa harap ko. Napatingin pa ako sa paligid pero iba na
ang nakita ko. Pamilyar na pamilyar ako dito kung saan ako nakatayo ngayon.

"Good Morning Aling Petchay!" Bati ng isang babae. Babae na nag-ngangalang Elene.
"Aling Petchay?" Nagtataka ang babaeng nasa harap ko kung bakit naka tingala ang
matandang babae na nakatitig sa kisame.

"Nararamdaman ko na sila."

"A-ano po?"

"Hindi mo ba sila nararamdaman? Palapit sila ng palapit."


"May multo po ba dito? Wag niyo naman p akong takutin Aling Petchay."

"Elene.."

"Bakit po?

"Ano po yan?" Nilabas ng matandang babae ang box.

"Elene, ipinagkakatiwala ko 'to sayo, wag na wag mong ibibigay kahit kanino kahit
na sa pamilya mo." Wag. Wag Elene! Wag mong tanggapin yan Elen

"Ba-bakit po?"

"Umalis ka na Elene. Malapit na sila dito."

"sinong sila? At eeeeeeeeeeh~ wag niyo naman po akong biruin. Natatakot na ako. Ok!
Lumabass na kayo! Yung mga cameraman dyan, yung director! Please lang!

"UMALIS KA NA! MAAABUTAN KA NILA!" "Umaliss ka na Elene bago ka pa nila mapatay!!"


Wag kang umalis! wag kang tumuloy! Please lang!

"Mapatay? Pe-pero pano ka?"

"Dalhin mo to. Umalis ka na!"

"Wag! Wag mong dalhin yan Elene! Umalis ka na please lang!" Kahit gaano kalakas ang
boses ko, hindi nila ako naririnig! Ayoko na dito! Paano bang bumalik?

"Bakit po? wag niyo na akong biruin!"

"UMALIS KA NA AT WAG KA NG BABALIK DITO!!"

Biglang nag iba yung scene. Nandito na ako sa bahay. Napatingin ako kay Elene, sa
sarili ko.

"Tumakbo ka na! Umalis ka na sa bahay niyo!" sigaw ko sakanya pero hindi niya ako
naririnig.

Napatingin ako sa kwarto ng lumabas si Mama.


"San mo nakuha yang box na yan at anong laman niyan?"

"Hindi ko nga din alam Ma eh. Binigay nalang sakin basta."

"Hala! Bata ka talaga! Basta ka nalang tanggap ng tanggap! Hala bilis, buksan mo
baka ammaya droga pala ang laman niyan." Agad nilang binuksan yung box pero
napatakip sila ng mata ng may liwanag na lumabas sa loob ng kahon.

Nawala na yung liwanag kaya kinuha nila iyon. Isang bato na may nakaukit. "Umalis
na kayo Ma!!"

Nagulat sina ng may taong pumasok sa bahay nila at naka suot ng surgical mask na
may sign ng Dark Baron.

"Si-sino ka? A-anong ginagawa mo dito sa bahay namin?" Napayakap si Mama sa Elene
na nasa harap ko, saakin.

"Hindi na kailangan yun. Ang mahalaga, ibigay niyo sakin yan. Ang sagitarius'
runes!" Siya si Jem.

"Oh wait, I have a good plan." Lumapit si Jem kina Mama at kinuha ang sagitarius'
rune.

Napatingin ako sa pinto ng may pumasok na mga taong naka cloak sa bahay.

''Ayoko ng makita to! ayoko na! Ayoko na!" Nagpalabas ako ng kidlat at pinag titira
ko noon si Jem. sunod sunod ko siyang tinira ng kidlat ko. Napailag ako ng mabasag
ang paligid ko, at muli kong nakita sina Emilly at ang mga estudyante.

Bumalik na ako. Napatingin ako sa malaking sceen sa taas. May 2 minutes nalang ako
para tapusin ang laban.

"Anong ginawa mo?"

"Anong ginawa ko? Hahaha! Baka anong ginawa mo doon kasama ang Dark Baron na si
Third?" Pa-pano niya nalaman yon? siguradong may ginawa siya!

Pina ulanan ko siya ng kidlat mula sa itaas pero tumatakbo-takbo siya kaya mahirap
siyang patamaan pero mabuti nalang bago tumunog ang bell ay nadaplisan siya sa
kanang braso.

Lumabas ang rank ko at 12 na siya kaagad kaya ok na ako.

Pero shet! Paano niya nalaman ang tungkol sa Dark Baron na pumunta sa bahay?
Sigurado akong may kinalaman iyon sa majika niya.

xxxxxxxxxxxxxxxx

AMARA'S POV

Bumalik na si Elene sa pwesto niya at tinanong ko kung anong nangyari sakanya kung
bakit siya napaluhod. Ang sabi niya sakin ay may ginawa si Emilly na hindi niya
alam kung pano nangyari.

Hindi din daw niya alam kung anong majika nung Emilly kaya sinabi ko sakanya na
deceiver yon. Napatango naman siya.

"Our next player is from section FAF-1, The Celestial mage, Amara Audrie Drusilla."
Napatingin ako sa stage ng tawagin ang pangalan ko. Nakatingin sakin si Prof. Jeric
pati na ang lahat ng estudyante dito.

"Good luck Amara." Sabi sakin ni Elene bago ako tumungo sa stage.

Bigla akong kinabahan. Hindi ko alam kung bakit pero sobrang lakas ng tibok ng puso
ko na halos lumabas na ito sa dibdib ko.

Nasa stage na ako at sinuot ko na ang protective gear na blue ng muling magsalita
si prof.

"Ang makakalaban niya ay si Kristine Jones!" Bigla akong nang hina ng marinig ko
ang pangalan niya. Sa dinami rami ng estudyantue dito, bakit sakanya pa ako
natapat?

"Woah! Nakaka excite ito! Celestial mage versus the Elemental mage!"

Naalala ko nung pinapanood ko siya sa Welcome test. She's so strong that time and I
know, mas lumakas na siya kesa noon.

Napatingin ako sa kanya habang siya'y nag lalakad. Katulad ng suot ko, she's also
wearing our P.E uniform pero iba ang dating sakanya. Mas astig siyang tignan, mas
malakas at mas may dating.

"Good luck girl." Bulong niya sakin ng daanan niya ako.

Good luck talaga sakin.

xxxxxxxxxxxxxxxx
=================

CHAPTER 49 (First test #3)

Chapter 49 (First test #3)

xxxxxxxxxxxxxxxx

AMARA'S POV

Kinabahan ako ng sobra lalo na't tumapat sa 1v1 yung roleta. Dapat sana kahit 2
versus 2 lang eh para naman may katuwang ako sa pakikipag laban.

"Good luck Amara! Yakang yaka mo 'yan!!!" Nginitian ko si Elizze na kanina pa ako
chini-cheer. Ganun din sina Nicholas at ang iba pang member ng Element's crown.

Binalik ko ang tingin ko kay Kristine. Naka ngisi siya sakin na para bang nang-
aasar.

Hinanda ko na ang sarili ko. Alam kong hindi magiging madali ang laban namin pero
sinisigurado kong tatalunin ko siya. Well, gagawin ko ang makakaya ko para matalo
ko siya.

Tumunog na ang bell tanda ng pagsisimula ng laban.

"Goodluck! Sana madaplisan mo ako kahit papaano." Pang-aasar niya. Hindi na ako
nagpaligoy ligoy pa at kinuha ko na ang thelete ko and I transformed it into
Aquarius' whip.

Hinampas-hampas ko noon si Kristine pero parang wala lang sakanya ang pagtama.
Well, na predict ko naman na yun dahil isa siya sa pinakamalakas na estudyante dito
at hindi siya basta basta tatablan ng ganung atake.

"As expected, hindi niya kayang gamitin ang majika niya." Bigla niyang hinawakan
yung whip at hinila niya iyon. Dahil sa lakas ng force, pati ako ay natangay kaya
naman halos lumipad ako papalapit sakanya.

I saw her hands with fire ball. Akmang ititira niya sakin yun pero I managed to
transformed my aquarius' whip into Libra's key and I teleported on her back.
Sisipain ko na sana siya pero dahil mabilis ang reflexes niya, nailagan niya iyon
at tinira niya ako ng fire ball na dumaplis sa kanang braso ko. "Shit!" I cursed.

Yun palang ang ginagawa niya pero halos mamatay na ako.


"Yan lang ba ang kaya mo, Celestial mage?" She smirked.

Sinamaan ko siya ng tingin ang I transformed my Libra's Key into Taurus' blade. Ang
gaan gamitin ng sword na ito so I swang it towards her at dahil sa attribute na
meron ang blade which is ice, nagkaroon ng ice wall sa direction kung saan ko swi-
ning yung word at nagkaroon pa ng stalagmites. But Kristine manage to dodge it.
She's now flying.

Mabilis akong tumakbo para ilagan yung mga fire balls na binabato niya sakin.

Tsk! Bakit kasi hindi ako tinuruan ng mga gods ng physical attacks at puro mental
training lang ang ginawa sakin. Atsaka isa pa, hindi pa nila sakin tinuturo kung
paano ko magagamit ang mga majika ng gods. Eto tuloy ako, umaasa sa thelete.

"Run Celestial mage! Run!!" Sigaw ng kalaban ko habang pinag babato parin ako ng
fire ball niya. Think Amara! Think! Paano mo siya matatalo?

The celestial gods! Tama!

I transformed my Taurus' blade into Libra's key. Nag teleport ako sa likod ni
Kristine na nasa ere.

"The celestial god of Light, Capricorn, give light after us and your twin,
celestial god of Darkness, Cancer, surround us with your power. Light and darkness,
I summon you!"

Nagkaroon ng gold magic circle sa lupa kung saan ako nakatapat at nakatayo ang
dalawang kambal sa kanilang sariling circle sa loob ng ginawa kong magic circle.

Nag landing na ako sa lupa. Wala na din kaming makita dahil sa pinagawa ko kay
Goddess Cancer. Nawalan ng ilaw at binalot ng dilim ang buong lugar. Wala na kaming
ibang makita bukod kay Kristine. She's glowing because of Goddess Capricorn's
magic.

"What''s going on?" Narinig kong tanong ni Kristine. Palinga linga siya at
hinahanap ako.

"Celestial god of Ice, Taurus, I summon you!" Nagkaroon ulit ng gold magic circle
at kasama nitong lumabas ang napakagwapong god. His white hair, emotionless face,
pale skin, red lips and his perfect nose. argh!

"What?" O my gods! siguro sakanya namana ni Hermes ang pagiging cold.

"A-ano, ikulong mo po siya sa yelo mo." sabi ko't tinuro ko ssi Krisitine na
umaatake kung saan-saan. Nanghihina na din ako dahil sa tagal na ng paggamit ko sa
majika ko and sabay sabay pa ang pag-summon ko.

"Don't use po on me." Sabi niya na may irap pa. Napatingin ako kay Kristine at
hindi ko namalayan na naka kulong na pala si siya sa loob ng yelong gawa ni god
Taurus.

I don't want to address him that way, with god kasi feeling ko kaedaran ko lang
siya at ang laki ng pagkakahawig nila ni Hermes.

Bumalik na sila sa kastilyo ang goddesss dahil wala na yung glow ng tattoo ko.
Nagliwanag na din yung buong crowd at si Kristine, nasa loob na siya ng Ice na gawa
ni Taurus.

"Woah! In two minutes, natalo ng Celestial mage si Kristine. How did she do it?"
Prof Jeric said. "Look at the screen, oh my celestial gods! It's not happening
right? From rank 0 to rank 29. gosh! What did you do? Wala akong nakita matapos
mong i-summon ang Light and Dark goddess."

Ngiti lang ang sinagot ko. Hindi ko din alam pero ayun ang unang pumasok sa isip
ko. Akala ko nga matatalo ako ni Kristine pero wow! Hindi ko inaakala na sa loob ng
two minutes ay mapapatumba ko siya. Kung hindi dahil sa tulong ng mga celestial
gods.

I hope na maging independent na ako at hindi na ako umasa sa mga Celestial gods.
Kailangan kong hasain ang majika ko. Hindi ko alam kung kailan ko ma pe-perfect ang
paggamit dahil twelve iyon at sana as soon as possible ay malakass na ako.

haays! I need to practice more and more and more.

xxxxxxxxxxxxxxxx

a very very very short update. sabaw ang utak ko.

=================

CHAPTER 50 (BTS #1)

Chapter 50 (BTS #1)

xxxxxxxxxxxxxxxx

BRIANNA'S POV

"Bakit mo 'to nagawa Kristine? All this time, niloloko niyo pala kami pati na din
ang mga estudyante ng Forbidden Academy! At ikaw, isa ka sa mga Missing seniors
diba?" sabi ko sakanila habang hinahatid nila ako kung saan man.

"Missing seniors? Ayun ba yung binigay saming pseudonym? Ang baduy ha, mas gusto
kong The abducted students." Abducted?

"Ibig sabihin kinidnapped kayo ng Eviano?" Kung ganun, bakit hindi sila tumatakas?

"Pwede na din? Hahahaha!"

"Jem. Jem diba ang pangalan mo?"

"Wow! Pano mo nalaman?"

"Narinig kong binanggit ni Kristine kanina bago tayo pumunta kay Zebell -"

"That's Lord Zebell for you honey." sweet pero may threatening na sabi ni Kristine.
Inirapan ko lang siya a muling binaling ang tingin kay Jem.

"Yes. I'm Jem. Nice to meet you, Brianna."

"Kung ganun ikaw nga yung kapatid ng kambal. Ni Dione at Dylan Knightwalker."

"Yes. Kapatid ko sila."

Hindi na ako nagsalita. Naguguluhan parin ako sa kung anong mga nalaman ko. Gusto
kong malaman ang lahat ng katotohanan and also, sino yung binanggit ni Mister Jones
este si Zebell na dapat daw dalhin niya si Amara sa Pavilion next week? Ibig
sabihin marami pang mga traydor sa Academy lalo na circle of friends namin? Feeling
ko si Hermes dahil anak siya ni Zebell. Fvck!

"Aela?" Nakita ko si Trey, nasa harap ko. "A-anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.

"Aela? Siya ba yung dahilan kung bakit ka -"

"Shut up Jem!" Sigaw niya at napatawa yung lalaking katabi ko.

"Let's go." Sabi ko't naglakad na ako at nahila ko yung dalawang naka hawak sa may
chain na nakakabit sa handcuff ko.

xxxxxxxxxx
Palipat-lipat ang tingin ko sa selda ko. It looks like a normal cell, to be exact
it was a bar prison cell. Dalawang column siya at may twelve na cell. dalawang
torch ang nagbibigay liwanag samin dito. Yung nasa labas ng cell ko since pang
number six yung cell ko at ayun ang gitna ng twelve so medyo maliwanag sakin at ssa
katapat ko.

"He-hello?" I said. They are all looking at me. Halatang matagal na sila dito at
yung iba may mahahabang beard na at madudungis.

Wala ni isang nagsasalita. Nakakaawa silang lahat. Halatang gutom at hirap ang
dinadanas nila dito sa kulungan na 'to. Hindi ko alam kung paano ako makakatakas
dito.

Dinikit ko ang mukha ko sa bar ng marinig kong may nag ma-march. Sunod sunod at
lahat sila ay naka suot ng itim na fitted jogger pants at parang chinese na pang
taas na may gray and black color. They are the soldiers of this place.

May humintong dalawang soldier sa tapat ng selda ko at ganun din sa iba. They
opened it at kinuha ako nung isa at may sinuot silang bracelet sakin bago tanggalin
yung handcuff na nakasuot.

"Sandali! San niyo kami dadalhin?" I asked but they don't care. Wala silang paki
alam basta hinihila nila ako-kami palabas ng selda.

"Hoy! Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko habang hinihia nila ako kung saan man. Hindi ko
alam kung saan nila kami dadahin pero gosh! Ayoko na dito but - for the sake of
information! I need to stay as long as marami na akong nakuhang impormasyon.

"Aray naman! Ang higpit mo namang kumapit!" reklamo ko pero - haays!

Hindi na ako umangal. Wala din namang akong magagawa kung mag iingay ako dito dahil
kahit anong sabihin ko, hindi nila pinapakinggan.

Madilim sa hallway na nilalakaran namin pero mabuti nalang at may maliliit na


lampara ang nakadikit sa dingding pero ang panget tignan dahil bungo mismo iyon ng
tao na nilagyan lang ng pailaw sa loob. At sa bawat lampara, meron doong hagdanan
at sa tingin ko ay selda din iyon.

Napatingin ako sa dulo, isang kweba. May mga ingay akong naririnig mula doon,
parang nag e-espadahan o kung ano man yun.

Nang nasa bungad na kami ng kweba, nakita ko na ang buong lugar. Madaming mga tao
and they are making weapons. Merong nagpapanday, may nag hahasa at naglalagay ng
kung anu-ano sa isang napaka init na oven and they all look like a prisoner,
maitim, maduming kasuotan, mahahabang buhok at kung ano pang description para sa
isang inaalilang prisoner.
Sumulpot sa harap ko ang isang lalaki na kasing tangkad ni Logan, naka suot siya ng
silver-black armor at mahaba ang buhok niyang kulay white na naka ponytail. Yung sa
kanang dibdib ng armor niya ay mag tatak ng Dark Baron.

"I am Fourth, one of the Dark Baron. Ako ang magbibigay ng gawain sainyo dito." May
authority yung boses niya at alam mong strikto siya dahil sa pinupukol nitong
matatalass na tingin.

"You, you and you pumunta kayo doon sa pandayan while you, you and you naman ay
tumulong sa pagpapatalas ng talim ng mga ginagawa. And he rest, tumulong kayo do'n
sa paghahakot ng mga metal. Now!!" Umalis kaagad yung mga kasama ko ng sumigaw siya
habang ako naman ay tinititigan siya. I know him.

"What?!" Sumingkit yung mata ko ng makilala ko siya. "You're Gale Chimney am I


right?" I asked. Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko.

"I'm sorry but I don't know what you're talking about but Gale Chimney isn't my
name. I am Fourth that's all. So now please, get back to your respective group and
start working! NOW!!" Oh gosh! Why so english?

bago ako tuluyang umalis, sinulyapan ko pa siya sa huling beses dahil hinding hindi
ako pwedeng magkamali. Tandang tanda ko ang mga mukha nila - ng mga missing seniors
dahil sa report na binigay samin ni Logan.

Hinanap ko yung mga kasama ko kanina pero ni isa sas mukha nila ay wala akong
matandaan kaya naman hinanap ko nalang kung saan yung pandayan but I saw this one
young man na pinapalo ng whip sa likod habang nakahiga sa maduming sahig. Walang
awang pinaghahampas siya at ang mga kasamahan namin dito ay walang magawa kundi ang
panuorin ang mga nangyayari.

I don't know pero dahil mabuti ang puso ko at hindi ko kinakaya ang mga nakikita
ko, dali dali akong lumapit sakanila at hinawakan ko ang braso ng Evianong
namamalo.

I twisted her arms at napasigaw siya sa sakit kaya nabitawan din niya yung whip.
After that, I punched him in his face and kicked his balls and that's it. Tumba
siya.

Tinignan ko yung lalaking naka higa na halos mawalan na ng malay dahil sa sakit na
dinanas niya. Madumi siya't puro grasa ang buong katawan. Tanging pantalon lang ang
suot niya.

He looked at me then in instant, I recognized him. Not as an enemy, but as a


friend.

"Ma-matt?" I said. Puro sugat na ang likod niya at halos hindi na kayang makabangon
pa.
"A-Alcetis?" Tanong niya. "Pa-pano ka napunta di-dito?"

"Don't talk ok? Na-hihirapan ka na so you just better to shut up." I smiled at him.

"Anong nangyayari dito?!" Napatingala ako ng marinig kong magsalita si Gale


Chimney. He's looking at us as if we're a poor people asking for help.

"You again!" May dinukot siyang bagay kung saan and he pointed it at me. Para
siyang cellphone at ng may pindutin siya, bigla nalang akong napahiga at nangisay
dahil sa kuryenteng dumaloy sa katawan ko.

Sobrang namanhid ang katawan ko at para bang isa akong lumpo na hindi maigalaw ni
kahit isang daliri dahil sa sobrang sakit.

"Hala! Bumalik na kayo sa trabaho ninyo!" sigaw niya at nagsialisan na yung mga
nanunuod saamin.

Ilang sandali lang ay bumalik na sa dati ang pakiramdam ko kaya muli kong pinag
tuunan ng pansin si Matt na naka pikit.

"Matt? Ayos ka lang ba?"

"Uhhmm~"

"Pano ka napunta dito?"

Imbis na sumagot siya sa mga tanong ko, pinilit niyang umupo kahit na hirap na
hirap na siya. Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan yung bracelet na sinuot sakin
ng mga Eviano.

"Cell 32, number 6." Ngayon ko lang nakita, may nakalagay palang number doon at
kung saang cell ako.

"Cell 32, nandoon din si Chloe number 12 siya." Si Chloe? He means yung curly girl
na telekinesis ang majika? So, ibig sabihin nandito din yung mga members ng
Zalarion pero pano sila nakarating dito?

"Bumalik ka na!" Nagulat ako ng biglang may kumaladkad saakin at hinagis ako sa
isang side.

"Tulungan mong magpanday yang matanda na yan!" Gale said and dumura pa siya sa
harap namin.
I don't know kung ganito na ba ang ugali ng Gale Chimney na to bago pa siya ma
abduct ng Eviano kagaya ng sinabi ni Jem but I'm not sure pero mukhang may ginawa
si Mister Jones este si Zebell sa ito kaya siya nagkaganyan. Hindi lang ako sure
kung pati si Kristine at Trey ay ginamitan niya ng kung anong salamangka para
maging ganyan kasama ang ugali.

But, I need to stay here muna dahil kailangan kong makakalap ng impormasyon.
Mukhang naghahanda na ang Evion para sa bagong gyera.

xxxxxxxxxxxxxxxx

=================

CHAPTER 51 (BTS #2)

Chapter 51 (BTS #2)

xxxxxxxxxxxxxxxx

BRIANNA'S POV

Hindi ako mapakali. Atat na atat na akong malaman ang mga kasagutan sa mga tanong
ko dahil mismo ako, gulong gulo na din.

Sino nga ba ang mga Dark Baron?

Ano ba talaga ang totoong nangyari sa pagkawala ng mga seniors sa Pavilion?

Bakit nila gustong kuhanin si Amara?

Bakit nagawa 'to ni Mister Jones na pinagkakatiwalaan naming lahat?

Sino-sino pa ang mga traydor sa Academy?

Bakit nila 'to ginagawa? Para saan?

Pano napunta dito sina Matt at Chloe?

Aisssst! Lalo lang sumasakit ang ulo ko sa mga pinag-iisip ko pero kailangan ko ng
kasagutan. I promise hinding hindi ako uuwi sa Faireo hanggat wala akong natanggap
na kasagutan sa mga tanong ko.
"Ija, mukhang malalim yang iniisip mo ha. Baka gusto mong magkwento at baka maka
tulong ako sayo." Napatingin ako sa Matandang lalaki na malapit lang sakin. Kanina
ko pa siya nakikitang nagpupukpok ang mga bakal at kinukorteng espada. Mahaba ang
buhok niya at abot na ito sa balikat siya at may balbas at bigote na din siya na
parang kay santa claus dahil sa haba.

"Wala naman po. Hindi parin ako makapaniwala sa mga nalaman ko ngayon dito." I
said. Totoo naman, halos ayaw parin mag sink in sa utak ko ang mga nangyayari.
Dalawang araw na buhat ng kuhanin ako ni Jem at Kristine sa Pavilion. Nilagyan ko
pa ng barrier ang buong lugar para hindi makapasok ang Eviano pero hindi pala sila
ang kalaban namin. Kundi ang mga kapwa ko Fairiano pa.

"Bakit? Dahil sa mga pagpapahirap na ginagawa nila sa kapwa mo Fairiano?"


Napatingin ako sa kanya na nalilito.

"Kapwa ko Fairiano? What do you mean?" Isa ba siyang Eviano? Wala akong paki-alam
kung mali ang construct ng tao sa grammar as long as naiintindihan siya pero ang
matandang ito, hindi angkop na word ang ginamit niya.

Napansin kong napangiti siya habang nailing. Weird~

"Kung ano man yang iniisip mo, mali ka." He giggled. He's totally and absolutely
weird.

Sa paglipas ng oras, tinuruan niya lang akong mag forge ng metals hanggang sa
kumorte itong sword. Sobrang hirap dahil ang bigat ng hammer na ginagamit ko.
Ssiguradong lalaki ang biceps ko dahil sa pinapagawa sakin.

"Ilang taon na po kayo dito?" I asked. Mukhang maatagal na siya dito dahil sa buhok
niya at sa ayos niya.

"Anong date na ba ngayon?" He asked. Napa-isip ako, dalawang araw mula ng makuha
ako nila Jem at noong araw na yun ay Birthday ni Amara which is July 22 so plus 2
equals 24.

"July 24 po." Napatigil si Kuya sa pagpalo niya sa metal. "Sigurado ka?"

"Opo."

"Kung ganun, limang taon na akong nandito sa susunod na buwan." Ganun na siya
katagal dito? Kaya pala ang laki na ng katawan niya kahit may edad na siya.

"Sa limang taon na yun, hindi niyo ho ba sinubukang tumakas man lang?" I asked pero
biglang may tumunog na bell.

"Ano po yun?" Tanong ko.


"Ang ibig sabihin niyan, babalik na tayo sa selda natin. Magpapahinga upang
kinabukasan ay may lakas tayo upang magtrabaho muli." Tumayo na yung matanda para
pumunta sa ka-cell number niya.

"Sandali! Ano hong pangaln niyo?"

"Lope. Tawagin mo nalang akong Ginoong Lope." He said and walked away. Lope huh?

Wait! Nasan na nga pala yung mga ka cell ko? Gosh! Kailangan kong makita si Chloe
at kausapin. Nagmadali ako pero biglang may kumapit sa braso ko at ng makita kita
ko, isang soldier ng Evion.

"Teka! San mo ako dadalhin?" Inis na sabi ko.

Binalibag niya ako sa grupo ng mga prisoners. Siguro ito na yung ka Cellmate ko
pero hindi ko makita si Chloe. Shete naman!

Kinalabit ko yung nasa tapat ko. I asked her kung anong cell siya and to be
surprise hindi ko siya ka cell. Nasan na kaya yung mga ka cell ko? Bakit kasi
kyaah! Bigla akong tinulak nung nasa harap ko at nagsimula na silang maglakad.
Hihiwalay sana ako sakanila pero tinulak ako pabalik ng Evianong nag a-assist
sakin.

Since wala na akong nagawa, sumunod nalang ako sakanila. Pagkalabas na pagkalabas
namin ng kwebang ito, lumiko kaagad yung mga kasamahan ko sa isang way at sa tingin
ko ito ang Cell 1 na sinabi kanina ni Ateng nasa harap ko. They are all look like
adult. Oo, siguro sila yung pinaka matanda dito.

Pinasok ako sa isang cell.

Katulad lang ito ng dati kong cell. Pero iba lang ang pwesto ko, from Number 6 to
number 1 so nasa dulo ako.

Wala akong magawa. Sobrang bored, ang tahimik din dahil walang nagsasalita, Walang
nagke-kwentuhan. Lahat sila'y nakatulala sa kawalan para ang laki ng iniisip.

"Stop! I don't want to go! Dont touch me! I said don't touch me!!" Sino yun? She's
wearing a black cloak. Hindi ko makita ang mukha niya since nakatalikod siya't
nakasuot ang hood.

"Jem!" She shouted. Napatingin ako, kasama niya si Gale Chimney.

"He's waiting for you. Kailangan mo ng sumama kundi siya mismo ang pupunta dito." I
heard Jem said.
"No! Kahit kailan hindi ako magpapakita sakanya. Bakit hindi mo nalang ulit ako
pakawalan kagaya ng ginawa mo sakin dati?"

"It was just part of the plan."

"Let's go." Gale said.

Hinawakan ni Jem at Gale sa braso yung babae at hinila siya pero mabilis itong
tumakbo hanggang dito sa harap ko. She's trying to remove her bracelet that prevent
us to use our majikas.

Bigla siyang napahinto. Para bang biglang naging zombie siya lalo na sa paggalaw.
"Wala kang magagawa dahil akin ang buong katawan mo. Kaya kitang kontrolin kahit na
ang daliri mo sa paa." Gale said and he's pointing his hand towards the girl.

"Arrgggh!" She shouted. Nagsimula na siyang maglakad at alam kong hindi niya gusto
iyon sapagkat kino-kontrol ni Gale ang buo niyang katawan.

Biglang natanggal yung hood na suot niya at lumabas ang mahaba niyang buhok at ang
mukha niya.

"A-amara?" I said. Na-nahuli din siya? All this time, akala ko ako lang ang nahuli
pero hindi pala. Pero naalala ko yung sinabi ni Zebell na "Ikulong niyo yan! Ikaw,
gusto kong kausapin mo siya at sabihing sa susunod na linggo, dalhin niya si Amara
sa pavilion."

Kung ganun, its either na nahuli kaagad si Amara o hindi siya si Amara but
imposible naman yun.

"Amara?!" I shouted. Napansin kong lumingon ang mga ulo ng kasama ko dito pati na
din sina Jem at Gale.

"Brianna? Why are you here?" Lumapit si Jem sa kulungan ko.

"Malay ko! Ang tatanga naman kasi ng Eviano, hindi man lang tinignan yung bracelet
ko. Pero wait, si Amara ba yan?" I asked. Napansin kong napangisi siya.

"The other one." sabi niya bago tuluyang umalis kasama sina Gale at Amara.

Shet naman! Kailangan ko silang sundan! Hindi ko alam kung anong maaari nilang
gawin kay Amara.

Kailangan kong makatakas dito.


xxxxxxxxxxxxxxxx

=================

CHAPTER 52 (BTS #3)

Chapter 52 (BTS #3)

xxxxxxxxxxxxxxxx

BRIANNA'S POV

Naka-upo ako sa gilid katabi si Ginoong Lope kung saan walang makakakita saking
Eviano. Lalo lang sumakit ang ulo ko dahil sa dumagdag na katanungan.

Anong ibig sabihin ni Jem sa sinabi niyang 'The other one'. Meron bang doppelganger
si Amara kaya sinabi niyang the other one o kambal niya yun? argh! Sa mga,
kailangan kong maghanap ng impormasyon para makatulong samin.

"Mukhang malalim na naman ang iniisip mo huh? Baka may maitulong ako." Huminto si
Ginoong Lope sa pagpapalo ng metal bagkus ay pinunasan niya ang namumuong pawis sa
kanyang noo.

"Kasi, yung kaibigan ko nandito din. Pero hindi ako sigurado kung siya nga iyon."

"Ang ibig mong sabihin may kamukha ang kaibigan mo?"

"Parang ganun na nga po."

"Ikaw lang ang makakasagot sa katanungan mong iyan. Kung kaibigan mo siya, sigurado
akong kilala mo ang pagkatao niya at kahit na sino pang gumaya sa itsura niya,
hinding hindi ka na malilito dahil kilalang kilala mo ang ugali't pagkatao niya."

Wow! Humuhugot si Lolo. I smiled at him.

"ginoong Lope, diba maglilimang taon na kayo dito?" He nodded. "Sa tingin niyo,
bakit kayo pinapagawa ng mga armas at sandata?"

"Sa tingin ko alam mo na ang kasagutan sa tanong mong iyan."

Kung ganun, naghahanda sila para sa malaking gyera.


"Isang katanungan nalang po." I breath heavily. "Paano po ba makakatakas

sa lugar na 'to?" I asked. Hindi ko sigurado kung meron siyang maisasagot dahil
sigurado naman ako, walang makakatakas dito dahil super secured ang lugar na ito at
hindi ka makakagamit ng kahit na anong majika dahil may suot suot kaming handcuff
na nagpe-prevent para makagamit kami ng majika.

Napatawa siya.

"Sorcery."

"Sorcery? I asked. Pano nakapasok ang sorcery sa topic namin?

"Oo, sorcery. Sabay kaming nakulong ng kaibigan ko dito five years ago. Sinubukan
ko ang lahat ng paraan para matanggal ang suot kong porselas pero wala akong
nagawa. But my friend, She try to use her sorcery ability at gumana iyon. Itatakas
sana namin lahat ng bihag pero may nakakita saamin. Nakatakas siya at ako naman ay
nahuli at hindi nakatakas." Sorcerer? Nag e-exist parin sila?

"Sino ka po ba talaga?" Sa dinami dami ng tanong ko, ayan pa ang lumabas sa


bunganga ko. Pero hindi na din ako makapagpigil, gusto kong malaman kung sino siya.

I heard him sighed. "Hindi ako taga Faireo at hindi rin ako taga Evion. Mas
magandang pakinggan kung galing ako sa isang parallel universe o sa ibang mundo."

Medyo na shock ako pero meron saakin na nagsasabihing ok lang, meron ngang Earth at
Evion so hindi imposibleng meron pang iba.

"Kung ganon, para makatakas dito kailangan ng sorcery power?"

"Oo. hindi yun na ba-block ng suot nating porselas dahil masyadrong makapangyarihan
ang sorcery magics."

"Ganun lang pala kadali tumakas." I said. Namuo sa labi ko ang matinding saya na
nadarama. So, anytime ay pwede akong tumakas. Napahawak ako sa Aquarius' caster na
bigay sakin ni Amara. Laking papasalamat ko dahil nabili ito ni Amara at binigay pa
niya sakin.

"Ano kamo?"

"Ang sabi ko, madali na tayong makakatakas." I said. Kumorte ang labi ko dahil sa
labis na tuwa.
"Paano?" He asked. Imbis na sumagot ako, nag-isip ako ng spell na natatandaan ko.
ok!

"Machaeir." I said as I pointed my index finger on the metal that he was forging.
Nagkaroon doon ng maliit na color blue magic circle at unti unting nagbago ang anyo
ng metal hanggang sa maging isang magandang espada siya. napatingin ako kay ginoong
Lope na nakanganga dahil sa ginawa ko.

"Isa kang sorceress?" he asked na halos pasigaw na.

"No. Dahil dito, dahil dito kaya kaya kong mag cast ng spell." Tinuro ko ang
Aquarius' caster. Nilapit niya ang kamay niya doon at hinawakan pero inalis niya
kaagad dahil nakuryente siya.

"Ako lang ang pwedeng gumamit at humawak nito." Sabi ko dahil halatang naguguluhan
siya.

"Kung ganun, magsimula na tayong magplano." He said. Nginitian ko siya at hinubad


ko ang singsing na kulay gold at may design na librong naka bukas.

"Ardiente." I chanted. Katulad kanina, nagkaroon ng blue magic circle sa ilalim ng


singsing hanggang sa lumaki iyon at naging libro.

Napatingin ako kay Ginoong Lope. Yung reaction niya, priceless.

"Ginoong Lope, may mga kakilala ako na nandito at sigurado ako na gusto din nilang
tummakas kaya for now, hahanapin ko muna sila. I need them also at malaki din ang
maitutulong nila sa planong pagtakas natin." Tumango si Ginoong Lope. Hinanap ko
yung spell for invisibility, "Indespecteus," I chanted at unti unti akong nawala.

Kinuha ko yug libro't umalis na. Naglakad lakad ako aat tinitignan ko ang bawat
isang tao na nagta-trabaho. They are alsoforging the metal like what Ginoong Lope's
doing. Halata sa mga itsura nila ang pagod dahil madungis, madumi, maitim at sira
sira na ang kasuotan nila. Mapababae't mapalalaki at kahit mismong mga bata ay
hindi pinapatawad.

Naglakad lakad pa ako kung saan. Ang hirap hanapin nila Chloe at Matt dahil
masyadong malaki ang lugar na ito at madilim. Sobrang init na nga dito na halos
wala na kaming mahingang hangin.

"Aray!" I cursed. May bumangga sakin. Tinignan ko siya at ng makita-kita ko'y naka
higa na siya sa lapag kasama ang mga natapong metal mula sa sakong dala niya. Wala
man lang tumutulong sakanya at ang iba ay halatang pinag tawanan pa.

Ako tong nakabangga pero nagdadalawang isip ako kung tutulungan ko ba siya o hindi.
Kasi naman hindi nila ako makikita.
Pinulot na nung lalaki ang mga nalaglag na pira-pirasong metal. Tumayo na siya at
sana'y aalis na ako pero nang makita ko ang mukha niya, halos malaglag ang panga
ko. Bakit ang daming kakilala ko ang nakikita ko dito? Bakit nandito sila?

Sinundan ko si Kuya Elli. Halatang bigat na bigat siya sa mga dalahin niya. Walang
nakakakita sakin kaya naman nag-iingat ako na may mabangga lalo na ang mga Evianong
pagala-gala.

Ilang minuto pa ay huminto si Kuya Elli at nilapag yung sako sa gilid kung saan may
kumuha noon.

"Kumuha ka ulit." The other guy said at inabot ni Kuya Elli ang sakong walang
laman. Aalis na sana si Kuya Elli para kumuha ulit ng mga scrap metal pero hinila
ko siya sa isang walang taong gilid.

"Indespecteus obice." Nag chant ako ng barrier kung saan hindi makikita kung sino o
ano ang nasa loob nito.

"Si-sino ka?"

"Dispell." Inalis ko na yung invisibility ko at nakita kong bumilog ang mata ni


Kuya Elli ng makita niya akong nasa harap niya.

"Bi-Brianna?" He asked na para bang hindi makapaniwala na nakita niya ako dito.
"Anong ginagawa mo dito?" Aniya.

"Ikaw Kuya Elli? Pano ka napunta dito? Si-snong kumuha sayo at "

"Gusto ko ng umalis dito. Si Elene at si Nanay. Kailangan ko silang makita. Nandoon


si Nanay sa hasaan." Pati si Tita Glenda nandito din?

"Pano kayo napunta dito?" I asked.

"Si Nanay ang may alam. Siya ang naka kita ng lahat kaya halika, isasama kita
sakanya."

xxxxxxxxxxxxxxxx

=================

CHAPTER 53 (BTS #4)

Chapter 53 (BTS #4)


xxxxxxxxxxxxxxxx

THIRD PERSON'S POV

Mahigpit at halos mangiyak-ngiyak si Glenda ng makita niya si Brianna.


Katulad ng iba, madungis na din ang babae at pumayat ito.

"Pano ho kayo napunta dito?" Humiyalay ang dalawa sa pagkakayakap at pinunassan pa


ni Glenda ang tumulong luha sa pisngi niya.

"Hindi nila tayo pwedeng makita na nag ke-kwentuhan at walang ginagawa." ani Elli.

Katulad ng ginawa ni Brianna, nag chant siya ng barrier kung saan hindi makikita
kung sino man o ano man an nasa loob noon.

"Hindi na nila tayo makikita."

Nagsimula ng magkwento si Glenda at halos mangiyak-ngiyak siyang binalikan ang


masamang nangyari sakanilang mag-anak.

FLASHBACK

"San mo nakuha yang box na yan at anong laman niyan?" Tanong ni Glenda sa
anak na si Elene.

"Hindi ko nga din alam Ma eh. Binigay nalang sakin basta."

Agad na lumapit si Glenda sa anak parab buksan ang box. "Hala! Bata ka talaga!
Basta ka nalang tanggap ng tanggap! Hala bilis, buksan mo at baka mamaya droga pala
ang laman niyan." Agad nilang binuksan yung box pero napatakip sila ng mata ng may
liwanag na lumabas sa loob ng kahon.

Unti unting nawala yung liwanag at kinuha nila ang batong nakalagay sa kahon na may
nakaukit na runes.

Nagulat ang mag-ina ng may pumasok sa bahay nila na may suot na surgical mask na
may sign ng Dark Baron.

"Si-sino ka? A-anong ginagawa mo dito sa bahay namin?" Napayakap si Glenda kay
Elene na halatang natatakot sa itsura ng lalaking nasa harap nila.

"Hindi na kailangan yun. Ang ma-halaga, ibigay niyo sakin yan. Ang Sagittarius'
runes." Ani Jem. "Oh wait! I have a good plan." Aniya. Lumapit ang lalaking naka
surgical mask at kinuha ang batong nasa kahon.

"Fourth, I need you here."Sabi ni Jem habang hawak hawak ang tenga niya kung saan
may device doon para makapag communicate sa ibang member ng Dark Baron.

Ilang sandali lang ay may portal na bumukas sa harap nila. Lumabas si Kristine at
si Gale Chimney na naka suot din ng surgical mask.

Bakas sa mukha ng mag-ina ang takot. Gulong gulo sila sa mga nakikita nilang
kakaiba.

"What do you need?" Sabi ni Kristine na halatang naiinis.

"I want you to ho - "

"Wait!" Kristine shouted. Napalapit siya sa isang cabinet na may picture frame.
Nakakunot siyang nakatingin sa isang picture ng tatlong babae na magkakaakbay.

"Kaibigan mo si Brianna?" Nilingon ni kristine si Elene habang ang dalaga ay


tumango nalang dahil sa maaaring gawin ng mga taong nasa harap niya.

"Give me that!" Kinuha ni Kristine yung hawak ni Jem na bato. "Hold them for me!"
Lumapit ang dalawang binata kay Elene at hinawakan siya sa magkabilang braso.

"ANONG GAGAWIN NIYO?! WAG NIYONG SAKTAN ANG ANAK KO!" Hindi na napigilan ni glenda
ang pag-iyak dahil sa takot na baka mawala o patayin nila ang anak niya.

"Anong nangyay - Hoy!Sino kayo?! Anong ginagawa niyo dito?!" Sabi ni Elli, kapatid
ni Elene na kakalabas mula ssa kwarto niya dahil nagising siya sa ingay.

Mabilis siyang tumakbo palapit sa dalawang lalaki upang upakan pero hindi pa siya
nangangaahati ay bigla siyang napatigil at namilipit ang puong katawan sa sakit
dahil sa ginawa ni Gale na pagkontrol sa katawan niya. Napasigaw siya sakit.

Lumutang ang binata papunta kay Glenda.

"Umalis na kayo! Diba ang batong yan lang naman ang kailangan niyo! Nasainyo na
oh!" Elene shouted pero bigla siyang sinampal ni Kristine.

"Kaibigan mo pala si Brianna at ang Kakambal ni Tamara." Kristine said. Sasagot pa


sana si Elene ng hawakan ni Kristine ang mukha niya at pilit na binuka ang bunganga
ng dalaga.
"Pakawalan niyo ang anak ko mga demonyo kayo!" Sigaw ni Glenda pero hindi man lang
siya pinansin ng mga miyembro ng Dark Baron.

"Sa oras na lulunukin mo 'to, magkakaroon ka ng abilidad kaya wag kang magugulat.
At ilang araw lang makikita ka ng Magic Council at ipapadala ka ssa Forbidden
Academy kung nasaan ang mga kaibigan mong si Brianna at ang kambal ng Celestial
mage. Ang gusto ko, maging spy ka namin. Kapag hindi mo nagawa iyon, hindi na namin
ibabalik ang nanay at kapatid mo." Gusto sanang umangal ni Elene pero biglang
pinasok ni Kristine ang bato sa bunganga niya at pinilit niya itong lunukin.

Bigla nalang nahimatay si Elene.

"Anong ginawa niyo sa anak ko!!"

"Fourth, dalhin mo na yan sa kulungan. Kailangan ko pang pumasok." Nagbukas ng


portal si Kristine papuntang Faireo habang si Jem naman ay nagbukas ng portal
papunta sa Evion.

END OF FLASHBACK

Niyakap ni Brianna si Glenda dahil umiyak ito matapos magkwento. Gulat na gulat din
siya sa mga kinuwento ni Glenda dahil hindi niya akalaing isa si Elene sa mga
traydor sa kaibigan niya.

"Araw-araw, nag-aalala ako kay Elene. Hindi ko alam kung anong nangyari sakanya
matapos kaming dalhin dito. Gusto ko -"

"Shhh! Tahan na Tita. Ok na si Elene, kasama siya ni Amara ngayon. Wag na kayong
mag-alala sakanya ha."

"Talaga? Gusto ko siyang makita. Puntahan natin sila." humiwalay sila sa


pagkakayakap.

"Tita, hindi pa pwede. Kailangan nating magplano atsaka kailangan nating itakas ang
iba pa. Kailangan ko ding maghanap ng ebidensya at malaman ang mga plano ng Eviano.
For now, dito muna tayo." Kinuha ni Brianna ang kamay ni Glenda at tinignan kung
anong cell siya nakaagay.

"Kuya Elli, saang Cell ka?"

"30, parehas lang kami ni Mama." Tumango si Brianna. "For now, act like you didn't
know something ok? Babalitaan ko kayo sa mga plano."

Naghiwalay na sila. Bumalik si Brianna kay Ginoong Lope habang ang mag-ina naman ay
nagsimula na ulit mag trabaho.
"Ginoong Lope, diba sabi mo galing ka sa isang parallel universe, anong meron doon
at may special ability ho ba kayo kagaya ng saamin?" I asked. Iba-iba naman siguro
ang muno, may normal may bampira may kagaya ng saamin na mala-fairy tale.

"Kung ang tanong mo ay kung meron din kaming abilidad, oo. Kagaya niyo may kayang
kumontrol ng tubig, apoy, hangin at kung anu-ano pa pero kung sa pamamalakad, ibang
iba." Parang gusto kong pumunta sa lugar nila ah.

"Kung ganun, ano ang abilidad mo o majika sa tawag dito?" I asked. Curious kasi ako
at alam kong malaki ang maitutulong sakin ni Ginoong Lope.

"Baka matakot ka kapag sinabi ko sa'yo." I heard him chuckled.

"Gaano po ba kalakas ang majika niyo para matakot ako?" Bigla siyang tumingin sakin
ng seryoso. "Sigurado ka bang gusto mong malaman?" I nodded.

"Well, kaya kong pigilan ka sa paggamit ng abilidad mo," Ahh! Parang yung kay Romi
lang, yung nakalaban namin na grupo ng Zalarion.

"At kaya ko ding permanenteng alisin ang abilidad mo at kahit kailan hindi mo na
magagamit iyon." Halos lumuwa ang mata ko sa sinabi niya. I saw him giggled. Napa
pout ako dahil parang hindi siya seryoso sa sinabi niya.

Narinig namin ang bell. Hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil nalilito na ako
kung saang cell ba ako dapat pero someone pulled me.

I saw Chloe.

xxxxxxxxxxxxxxxx

=================

CHAPTER 54 (BTS #5)

Chapter 54 (BTS #5)

xxxxxxxxxxxxxxxx

BRIANNA'S POV

"Anong ginagawa mo dito Brianna?" Tanong ni Chloe


"Mahabang kwento pero sa ngayon, kailangan ko ng tulong ninyo ni Matt. Nandito din
ba ang iba mong co-member?" Mabilis kaming nagsasalita dahil malapit na kaming
umalis

"Si Matt lang ang kasama ko dito. Hindi ko na alam kung nasan na yung iba."

"Kakailanganin ko kayo para makatakas. For now, kailangan nating magplano."

"Pano? We can't use our majikas nga?" She said na para bang naiirita. Tinaasan ko
siya ng kilay at nginitian ko lang siya bago bumalik sa pila ko.

Ilang sandali lang ng pag ma-march ay naka balik na kami sa kanya-kanya naming
cell. Tahimik na ang lugar. Majority sa mga kasamahan ko ay tulog na dahil sa pagod
dala na din ng matinding pagta-trabaho. Ang iba naman ay naka upo habang tulala sa
isang bagay na para bang sobrang laki ang dinaramdam nila.

Pilit kong inisip kung anong spell para maalis ang malaking kandado ng hindi
gumagawa ng ingay. "Recludam." Akala ko hindi gagana yung spell dahil mga five
seconds bago ma unlock yung kandado.

Inalis ko yung kandado. Bago ko buksan yung pinto, tinignan ko kung may Eviano bang
parating. Nang makasigurado akong wala, Dahan dahan akong lumabas. Napatingin ako
sa mga nakakita sakin na nilabas ang mga braso sa rehas na para bang gusto ding
sumabay sa pagtakas but sorry sila dahil hindi pa ako tatakas. I gestured my hands
or finger saying "Shhhhhh!" Pero hindi sila sumunod dahil sa tingin ko ay gusto na
din nilang tumakas.

Dahil sa pag-iingay ng iba, may dalawang Eviano ang pumasok and they saw me.
Mabilis silang tumakbo palapit saakin.

"Duratus!" I cast at hindi na sila makagalaw sa kanilang kinatatyuan. "Vatrachos!"


I cast again and this time, they transformed as a frog.

"Maghintay kayo! Itatakas ko kayong lahat but not now!" I shouted bago ako
pumuslit. Kinindatan ko pa si Chloe na naka ngangang naka tingin sakin.

I cast invisible spell bago gumala. Kailangang mag-ingat dahil kapag nalaman nilang
I can use sorcery power using this aquarius' caster, ay patay! Sigurado akong
kukunin nila ito sakin at hindi na ako makakapuslit pa eveeeeeer~

I think nasa second to the last floor kami ng lugar na ito. Lahat ng daan papunta
sa cell ay may dalawang Evianong guards ang naka assign para magbantay. Hindi na
mahirap dahil 2 times 100 equals 200 so all in all ay may 200 Eviano na kailangang
kalabanin.

Nakita ko na din ang selda nina Tita Glenda't kuya Elli pero hindi na ako nagpakita
dahil baka mag cause ulit iyon ng commotion kagaya ng kanina. pinuntahan ko din
yung selda ni Ginoong Lope na walang pinagka-iba sa ibang selda.

Sinuyod ko din ang daan palabas ng selda. Kakaunti lang ang bantay. Hindi din
pasikot sikot kaya madali lang makaalis. Hindi kasi pwedeng makapag open ng portal
sa kastilyong ito para iwas sugod so kailangan pa mismong sa labas.

Kakabalik ko lang sa selda ko. Naghanap ako ng mga spell na pwedeng


magamit para ma contact ang kahit na sinong member ng Element's crown.

Nakausap ko si Amara. Sinabi kong wag silang mag-alala dahil nasa maayos na
kalagayan ako ngayon. Siya lang ang kaya kong maka-usap dahil sabi sa spell na
nabasa ko, Dapat ang taong iyong tatawagan gamit ang mink link ay ang taong malapit
at kilalang kilala mo na so si Amara ang tinawagan ko. Hindi naman pwedeng si Elene
dahil isa siya sa mga taong pinaghihinalaan ko sumunod kay Hermes.

Of course, ayokong sabihin kay Amara na traydor at taksil si Hermes dahil kailangan
ko ng sapat na ebidensya para mapatunayan at isa pa baka wala siyang kinalaman
dito. Pero I warned her naman using complicated and quotable words.

Marami pa sana akong gustong i-chika sakanya like the old times pero hindi na
kinaya ng ate niyo dahil may limit din ang paggamit ng Celestial rare items.
Kumukuha sila ng energy, lakas at stamina sa sarili mong katawan para gumana so
kapag lampa at mahina ka, you can't use a celestial rare items too much.

Hindi ko alam kung ilang araw na ang nakakalipas simula ng pumuslit ako
pero ito na ang tamang oras para pumuslit kaming lahat. Kasama ko sina Tita Glenda
at Kuya Elli habang sina Chloe at Matt naman ay nasa ibang part ng pagawaan para
mag assist sa iba. Inalis ko na din ang bracelet namin at free na kaming makagamit
ng majika. So, for the first step...

"Hoy Gale Chimney!" I shouted. Nasa may bungad siya at nagbabantay para walang
makatakas.

Galit siyang napatingin sakin. "How many times do I have to tell you na hindi Gale
Chimney ang pangalan ko kundi Fourth! I am fourth of the Dark Baron." Tumingin ako
kay Ginoong Lope as a signal. Remember, he can nullify someones majika and even
stole it from them.

"Look!" Tinutok ko ang kamay ko sakanya at biglang may lumabas na tubig doon at
dahil sa force noon, tumalsik siya. "See, I can use my majika na." I said. Tinutok
niya ang kamay niya sakin but it has no effect. He can't use his majika because of
Ginoong Lope. Thanks to his ability.

"What's wrong Gale?" Sabi ko ng nakakaloko. halatang naaasar siya at gulong gulo
pero hindi na siya nagtanong at sinugod ako para sa mano-manong labanan. Pero dahil
hindi laban ang hanap ko ngayon, hindi ko siya pagbibigyan.

"The glass!" Sigaw ko kay Tita Glenda at binato niya sakin ung clear bottle. I cast
some spell at unti unting naging dust si Gale at pumasok iyon sa bote. Nang mailock
ko na ang bottle using the cork, naging tao muli si Gale.

"Goodbye!"

"Duratus Eviano anthropoi!" Frineeze ko lahat ng Evianong nakarinig ng pag chant ko


ng spell. "Vatrachos Eviano anthropoi!" They trasformed as frogs.

"Lets go!" Sinundan ako nina Tita Glenda, Kuya Elli at Ginoong Lope habang ang iba
naman ay nasa likod namin at inaasist sila ni Matt at Chloe.

Nakalabas na kami sa underground. Nakalabas na din kami sa kastily ng walang


kahirap hirap. Lahat sila nakatingin ssakin at inaabangan ang susunod kong gagawin.

"Matt and Chloe, samahan niyo sila papunta sa Forbidden Academy. Chloe, Dalhin mo
si Tita Glenda at Kuya Elli sa headquarter ng guild namin." I said at tinuro ko
sina Tita na nasa tabi ko. "Makakaasa ka."

"Pero saan ka pupunta? Hindi ka ba sasabay samin?" Kuya Elli asked.

"May kailangan pa akong hanapin Kuya. For now, sumama muna kayo kay Chloe." Hindi
na sila nagtanong pa. Nagbukas na din sina ng portal papunta sa Forbidden Academy.

Pinanood ko silang pumasok at unti unting mawala.

xxxxxxxxxxxxxxxxxxx

=================

CHAPTER 55 (BTS #6)

Chapter 55 (BTS #6)

xxxxxxxxxxxxxxxx

AMARA'S POV

"Bakit ka tulala dyan?" Napatingin ako kay Darius. Nandito kami sa headquarter
namin. Lagi paring balisa si Principal Logan. Laging nalipad ang utak at para bang
napaka laki ng problema. Si Dione naman, katulad din siya ni Principal Logan na
balisa. Parang dati paiba-iba yung ugali niya pero ngayon, parang lagi na siyang
depressed. Mabuti at nanjan si Dylan para damayan siya.
Si Tita Virgie, lagi siyang nakatingin sa litrato nila ni Brianna. Ewan ko ba pero
minsan ang corny na kasi na kuha lang naman si Brianna pero -- gosh Amara! Ano ba
yang pinag-iisip mo?

"Yu-yung laruan jeep? Nasan na ba 'yon?" I asked. Hindi talaga ako mapakali dahil
sa litratong nakita ko sa facebook bago ako mag debut. Hindi ako sigurado kung iisa
lang yung laruang jeep na nandito sa Faireo at yung nasa litrato pero malay naman
natin diba?

"Tinago ko. Bakit?"

"Pwede ko bang makita? Medyo pamilyar kasi ako eh." Sumingkit ang mata niya. Mga
ilang seconds kaming nag titigan and after that, he said "Ok. Nasa apartment ko.
Sumama ka nalang sakin mamaya."

xxxxxxxxxxxxxxxx

BRIANNA'S POV

"Ginoong Lope? Ano pang ginagawa niyo dito? Bat' hindi pa kayo pumasok?" Tanong ko
sa matandang kaharap ko. Kaming dalawa nalang ang nandito. Lahat kasi sila ay
pumasok na sa portal at sigurado akong nandoon na sila sa Faireo ngayon.

"Nakalimutan mo na ba na hindi ako kabilang sa mundo niyo?" Oo nga pala!

"Sorry I forgot. I-cast mo na yung spell para makapag bukas ka na ng portal pauwe
sa mundo niyo." Umiling iling siya. "Bakit?" I asked.

"Hindi ganung kadali yun. Hindi magka konekta ang mundo niyo sa mundo namin kaya
mahabang proseso ang kailangang gawin para makapag bukas ng portal."

Ahhhh~ Hindi siya katulad ng Faireo at Evion. Iisang mundo lang kasi ang
ginagalawan namin, kaya lang may portal dahil sa mga Sorceries na gumawa ng matibay
at hindi matitibag na barrier na naghihiwalay sa dalawang lugar. Kaya kinakailangan
pa ng portal para makapunta sa kabilang lugar.

"Kung ganun, sabihin niyo na sakin step by step ang paraan ng pagbukas ng portal
para makauwi na din kayo." Napansin kong naningkit ang mata niya.

"Why?" I asked.

"Pakiramdam ko ayaw mo akong makasama. Bakit? Sa tingin mo ba sagabal ako ng


gagawin mo?" Napataas ang kanang kilay ko sa sinabi niya. Wala akong iniisip na
ganoon.
"Not noh! Gusto ko lang naman maka uwi ka na para makita mo na din yung family mo."
Smiling iling nanaman siya.

"Hindi. Gusto kong suklian ang kabutihang loob mo. Sasama ako at tutulungan kita."
I nodded. Mauubos lang ang oras ko kung makikipag talo pa ako sakanya. Muli kaming
pumasok sa kastilyo but this time, hindi na sa underground entrance dahil doon kami
nanggaling.

It looks so creepy yet elegant. Nasa gitna kami ng isang magandang lugar at ang
nasa harap namin ay ang dalawang hagdanan na paikot at sa itaas namin ay isang
malaking chandelier.

Aakyat na sana kami ng may marinig kaming magsali sa likod namin. "Hi there." She
said with a playful tone. She's wearing a fitted ripped jeans with a detailed
design brown belt, black high boots, an also detailed black gloves. Kita yung
cleavage niya sa suot niyang pang chinese na kasuotan na may kulay pula.

"A-Amara?" Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya pero boses palang, alam kong
siya na. Naglakad siya palapit saamin. Tatakbo na sana ako palapit sakanya pero
hinawakan ni Ginoong Lope yung braso ko.

"I don't know what you're talking about but I am not your friend." Hindi. Ewan!
Basta!

"Kung hindi ikaw si Amara, then who are you?"

"I am Dyo. Member of Dark Baron." Dyo? Salitang greek iyon na nangangahulugang Two
sa ingles. Magsasalita pa sana ako ng biglang lumabas si Kristine na ngayon ay
hindi na naka suot ng surgical mask. Iba na din ang kanyang kasuotan from all
black, naging makulay ito.

She's wearing a super short shorts na labas ang bulsa. May naka palibot na tela sa
kanyang bewang na kulay pula. Kita naman ang tyan niya dahil sa suot niyang kulay
dilaw na hanging blouse na super detailed sa designs. Yung suot niyang sapatos o
flat sandals na naka konekta sa nakapulupot na straps sa binti niya. Ang simple
pero ang ganda!

"Tamara, Da -- Lord Zebell want to meets you." Tamara? As in Amara with a letter T?

"What the fvck is wrong with that old man? Kakakita palang namin ah?" Inirapan niya
si Kristine at muling tumingin sakin. She's smiling at me. Akala ko nung una siya
si Amara but I was wrong.

"What's your name lady?" She asked. Sa tantya ko mga tatlong metro nalang ang
distansya namin sa isa't isa. Kapansin-pansin ang mga tattoo sa collar bone niya na
katulad kay Amara. Wait! Napainsip ako! Pano kung siya si Amara? Alam kong kaya
nilang gawin iyon dahil nagawa na nga nila iyon kay Gale Chimney pero hindi ako
sure kung paano. Did they brain wash them o sapilitan nilang ginawa? Hindi ko alam
kung anong klaseng majika ang meron si Zebell dahil hindi ko pa nakitang gamitin ng
tatay ni Hermes ang majika nito pero sigurado akong napaka lakas nun.

"Brianna. Pagsisisihan mo ang pagpapakawala sa mga bihag. You must prepare for
war." Kristine said. Be prepare! I know! Alam kong dahil sa ginawa ko, galit na
galit na ngayon si Liroff.

"No, I am wrong. You shouldn't be prepare for war. Instead prepare for your death
cuz I kill you in an instan --" Ang ganda na sana ng sinasabi ni Kristine pero
basag trip itong si Tamara o Dyo na 'to dahil sinuntok niya ng malakas si Kristine
kaya bumagsak at nawalan ng malay.

"I think you're ready for your death?" she smirked. Biglang umilaw yung
sagittarius' sign sa collar bone niya and an instant, nagpalabas siya ng lightning
sa daliri niya at tinira samin yun buti nalang naka-ilag kaagad kami ni Ginoong
Lope.

"You have a good reaction huh!" she strike me again but I managed to dodge it.
Gosh! I can't use my majika. Water is a good conductor for electricity.

"fyt syndetik" May lumabas na halaman sa kinatatayuan ni Dyo na kamukhang kamukha


ni Amara at pinuluputan siya noon. Pero para bang nawala sa katinuan yung halaman
ng umilaw yung tattoo sign ni Goddess Scorpio at sinugot ako noon. Mabilis akong
nagpalabas ng tubig sa kamay ko at ginamit ko iyon pang putol sa mga halaman pero
tila ba h[indi gumagana yung ginagawa ko dahil the more I cut them, the more it's
get bigger and healthier.

"Plant loves water." She teased. What the fuck! Oo nga!

"flegmenii foi ti" Nasunog na yung mga halaman.

"I like your necklace, or should I say the Celestial rare item." She teased again.
Napahawak ako doon dahil hindi ko gusto ang sinabi niya. Ewan ko pero hindi maganda
ang kutob ko.

This time ako naman ang sumugod sakanya. Mabilis akong tumakbo palapit sakanya at
mga isang metro nalang ang layo namin sa isa't isa so I swang my arm at may tubig
na lumabas doon.

She manage to dodge it pero hindi ako nagpapigil at "Bubbles of water!" Sunod sunod
na lumabas ang tubig sa palad ko na hugis bilog.

Napatigil lang ako sa pag-atake ng bigla kaming tangayin ni Ginoong Lope ng malakas
na hangin na gawa ni Dyo/Tamara.

Nawala na ang malakas na hangin kaya bumagsak ako sa gitna ng hagdanan at sobrang
sakit noon dahil nakadapa akong bumagsak. Pilit kong tinignan si Ginoong Lope.
Katulad ko, mukhang masama din ang pagkakabagsak niya.

"O-ok lang po ba kayo Ginoong Lope?"

"O-oo, 'wag mo akong alalahanin."

"Well well well, ayan na ba ang kakayahan ng isang S class mage?" Dineretcho ko ang
tingin ko kay Dyo. Nasa baba siya ng hagdan at nakapatong ang kanang paa sa unang
baitang nito.

Kahit sobrang sama na ng natamo ko, pinilit ko paring tumayo at ituloy ang laban.
"SI-sino ka ba talaga? Ba-bakit kamukha mo si Amara?"

"You don't care bitch! I am Dyo, member of Dark Baron and that's all. And the girl
you said? What's her name again? Amara? Well, wait 'coz I'll kill her."

Shet! Papaupo palang sana ako ng bigla akong lumutang.

Iisa lang ang nasa utak ko ngayon at iyon ay kakambal niya si Amara at ang mas
kinagulat ko pa kanina ay angtattoo niya sa dibdib na katulad ng katulad ng kay
Amara at hindi lang iyon dahil nagagamit niya ang majika ng mga gods.

xxxxxxxxxxxxxxxx

UNEDITED! SORRY SA TYPO! ;)

=================

CHAPTER 56

Chapter 56

xxxxxxxxxxxxxxxx

BRIANNA'S POV

Gamit ang majika ng celestial god na si Aries, pinalulutang ako ni


Dyo sa ere. Kapansin pansin ang lumiliwanag na sign ni Aries sa dibdib niya.

"Pa-pakawalan mo ako dito!" Sigaw ko. Napatingin ako sa baba, si Ginoong Lope na
nakatingala sakin. Visible na din ang bilog na hangin na pumapalibot saakin.
"Beg muna~" She teased at tumatawa tawa pa na parang demonyo. Hindi pwedeng wala
akong gawin, kailangan kong makatakas so I slash my arms and a water slicer cames
out towards her but she manage to dodge it. Lumipad siya at tinapatan ako habang
nakataas ang kilay at naka smirk.

Aatakihin ko sana ulit niya ng makaramdam ako ng pagsikip ng dibdib. I know, may
ginagawa siya sakin. Kinukumpas niya ang kamay niya sa ere. Ginagamit parin niya
ang majika ni god Aries and I know that dahil hindi na ako makahinga.

"Blluuh!" I want to breath but she's controlling the air. Napanganga ako dahil
lahat ng hangin sa baga ko ay unti unting nawawala. Nilalabas niya lahat ng iyon at
unti nalang ay bibigay na ako.

Napansin ko ang kulay ng braso ko, nagiging pale na ito at naninikip na din ang
tyan ko.

"Stop that!" I heard Ginoong Lope shouted. Hindi ko na mapigilang mapaluha. Sobrang
sakit na ng nararamdaman ko at kaunti nalang talaga, mamamaalam na ako. Hindi ko na
kaya, nawawala na ang hangin sa katawan ko.

Sana sa huling pagkakataon e makita ko si Mama. Alam kong magagalit siya kapag
hindi ako nagpaalam.

Sina Amara, sana alagaan niya si Mama at sana maayos ang gulong ito. Sana sa
kaguluhang magaganap ay mag-wagi sila. Sana, sana...

"Sorry, sorry Ginoong Lope kung hindi kita matutulungang makauwi sa inyo. hanggang
dito nalang ako." I said in my mind. Hindi ko na kayang magsalita. Basang basa na
ang mukha ko dahil sa luhang tumutulo. Wala na, ito na ang huli.

"I said stop that!!!" Napadilat ako dahil sa matinding liwanag na nagmula sa ibaba.
And I saw a big bird, no -- it was a dragon came out from Ginoong Lope's right
hand. What the heck? Sinugod ng dragon si Dyo at sa isang iglap lang ay muli na
akong nakahinga at tuluyang naka wala mula sa majika ni Dyo.

Hindi ako makagalaw. Sobrang taas ng babagsakan ko at sigurado akong hindi din ako
mabubuhay doon pero,

Ginoong Lope caught me.

"The-thank you." I said and everything went black.

xxxxxxxxxxxxxxx

AMARA'S POV
Katatapos lang lahat ng klase namin at ngayon ay kasama ko si Darius para
pumunta sa apartment niya. Madami din kaming kasabay na estudyante na pauwi na din
at ang iba ay masayang nag ke-kwentuhan.

"Sabi mo pamilyar ka sa jeep na iyon," Napatango ako sa sinabi niya. "Pano?" He


added. Pano nga ba ako naging pamilyar sa jeep na yun?

"I was browsing an old photos on my facebook and suddenly I saw that toy."
Napatingin ako kay Darius. Napansin kong kumunot ang noo niya.

"Bakit?"

"Nothing."

Hindi ko nalang siya pinansin dahil mas iniisip ko parin kung paano napunta yung
jeep na iyon dito sa Faireo. Ang alam ko customized ang jeep na 'yon.

Huminto kami sa isang maliit na apartment. It looks like a bungalow style. Maliit
lang kung titignan sa labas pero n'ung pagkapasok ko, wow! Kahit simple lang ang
ayos, napaka ganda. Hindi mo aakalaing lalaki ang tumitira sa bahay na ito dahil
napaka linis.

Sa left side yung sala, may corner sofa na color black. Nandoon ang flat TV niya at
sa gilid noon ay ang mahabang lalagyanan ng DVD na punong puno. Yung kitchen stall
na nag di-divide sa sala at kitchen. Yung CR na nasa likod ng TV. Sa likod ng
kitchen at Cr ay may pinto at sa tingin ko iyon ang kwarto.

"Umupo ka muna dyan, maghahanda lang ako ng pagkain."

"Hi-hindi na."

"No. Bisita kita so kailangan kitang asikasuhin." Wala na akong nagawa ng magpunta
siya sa kitchen. Nagtingin tingin nalang ako sa paligid at may nakita akong
dalawang picture frame.

Yung isang picture ay may isang babae na hawak hawak sa kamay yung batang lalake na
kamukhang kamukha ni Darius.

Yung isa naman, solo lang si Darius sa picture na may hawak hawak na malaking
lollipop pero hindi iyon ang nakapukaw ng atensyon ko kundi yung suot niya. Yung
suot niyang -- FVCK!

Biglang nag flashback sa utak ko yung mga scene na laging umiiyak si Tyang tuwing
kaarawan ng anak niya.
Lagi siyang naka kulong noon sa kwarto habang yakap yakap yung picture ng anak niya
na may suot din ng ganitong damit.

"Kumain ka muna. Kukuhanin ko lang yung laruan sa kwarto." Nilapag ni Darius yung
plato sa mini table sa gitna ng sala. Nag tungo naman ako sa sofa upang umupo at
kinuha ko yung pagkain dahil sa tense na nararamdaman ko ngayon.

Iniisip ko parin yung damit na suot nung bata sa picture at yung nakita kong damit
noon na nakapatong sa plastic chair sa pavilion.

At yung picture ng anak niya na suot uot yung exact design ng damit.

Bat ganun? Halo halo na yung feeling ko. Alam mo yung ang saya-saya mo pero ayaw
mong mag assume dahil masasawi ka lang. Tas' may feeling ka na 'Oh my gosh! Siya na
kaya yun?' Feeling. Gosh! Hindi pa ako nakakasigurado.

Sigurado naman akong hindi lang nag iisa yung damit na sandong may lining na kulay
dilaw at may tatak na logo ni superman.

Napatingin ako kay Darius na bumababa sa hagdan habang hawak hawak yung laruan na
tinitignan niya.

Ewan ko. Bakit kasi ayaw ipaalam sakin ni Tyang yung pangalan ng anak niya. Hindi
ko din alam yung mukha ng anak niya dahil lahat ng photo album ay nakatabi sa isang
box sa kwarto niya. Except sa picture na nakita ko nung pumuslit ako sa kwarto niya
para tawagin siya upang kumain. Hindi ko sinasadyang makita young picture na hawak
niya pero hindi ko napagmasdan iyon ng matagal bagkus tanging yung damit lang ang
nasilayan ko.

"Eto oh." Inabot niya sakin yung laruan. Tinitigan ko yun habang inaalala kung
magkaparehas ito at yung nakita ko sa picture.

"Darius, sino yung bata doon sa picture?" I asked. Napalingon siya sa kung saan
nakalagay yung picture frame.

"Ako yan. Gwapo no?" He said as he smirked. Cute.

"Eh yung babae?" Biglang sumeryoso yung mukha niya na para bang hindi niya
nagustuhan ang tanong ko.

"Nanay ko 'yan." Tinignan ko ng mabuti pero, "Parang hindi mo naman kamukha? Nasan
na siya?" I asked.

"Ampon lang kasi ako." Halos mailuwa ko yung kinakain ko ng deretsahan niyang
sinabi yun. Gosh! Ano ba yung mga pinag tatanong mo Amara? Be sensitive naman!
"So-sorry,"

"No, it's ok. Sanay naman na ako eh." Tinabihan niya ako sa upuan at kumuha ng
isang pirasong cookie na hinanda niya.

"5 years old ako ng may kumidnapped sakin. We're playing hide and seek with my
friends and that time, I am the seeker. So, hinahanap ko yung kalaro ko pero
instead na sila ang makita ko, I saw a bunch of weird men, I don't know them 'coz
they're wearing weird dress. They've got me at nilagyan nila ako ng piring. --"

"Wait, you mean naaalala mo lahat ng pangyayari? Pati yung mukha ng totoo mong
nanay?"

"Sort of? Hindi ko na maalala yung exact face niya pero yung ibang features ng
mukha niya ay natatandaan ko pa."

"Oh my gosh! Sumama ka sakin!" Agad agad akong tumayo at dali kong hinila siya
palabas ng apartment niya upang tumungo kay Tita Virgie.

Pero, sa 'di inaasahang tagpo,

Merong portal ng Eviano nagbukas sa harap ko.

xxxxxxxxxxxxxxxx

Important note:

(08/24/15) Guys, sa lahat ng nagkaroon ng problem sa mga chapters, sobrang sorry


talaga. Hindi ko alam kung bakit nagkaka ganito yung wattpad. Hindi ko alam kung sa
application ba yung may problem o mismong sa account ko na, I don't know.

Pero guys, sa mga nagbabasa sa cellphone, ang gawin niyo ay alisin sa private
library niyo yung story and para mabasa niyo ng maayos yung may sirang chapter,
pumunta kayo sa profile ko (works), tas pindutin niyo yung Celestial Princess and
then, hanapin niyo yung Parts para lumabas yung table of contents at hanapin niyo
naman yung chapter na gusto niyong basahin.

Pag hindi parin gumana, sa desktop, laptop o kung saan man wag lang sa wattpad app.
Ok? HAHAHA! pasensya na sobra. :)

=================
CHAPTER 57

Chapter 57

xxxxxxxxxxxxxxxx

AMARA'S POV

Gosh!

Sa dinami-dami ng lugar na pwedeng pagbuksan ng portal, bakit dito pa sa harap ko?

Parehas kaming naalerto ni Darius. Wala na akong ibang naririnig kundi ang malakas
na tibok ng puso ko. Sa sobrang kaba ko, parang maiihi na ako anumang oras ngayon.

Nagbagong anyo yung Thelete into Aquarius' whip habang si Darius naman ay
nagpalutang ng malaking bato mula sa lupa.

ready na akong ihampas yung Aquarius' whip ko pero nang makita ko kung sino yung
lumabas, nagdalawang isip ako.

"Ch-Chloe? Ma-Matt?" Agad silang napalingon samin. Ang du-dungis nila, sira-sira pa
ang damit at parang ang laking pinagbago ng itsura nila. mahaba na ang buhok ni
Matt at ang laki ng pinayat niya.

"A-Amara?" Binalik ko na sa dating anyo yung Aquarius' whip. Tutulungan ko sana


sila upang dalhin sa clinic ng Academy ng may lumabas pang ibang tao na katulad
nila, madudungis at madumi na din.

"Si-sino sila? Bat kayo --" Hindi naituloy ni Darius ang sinasabi niya. "Mahabang
kwento Darius. For now, kailangan nila ng shelter at tulong." Chloe said.

"Dyan ka lang Darius, pupuntahan ko si Principal Logan," Hindi pa ako nakakalayo ng


may tumawag sakin. "A-amara?!" Kilala ko ang boses na 'yun. Hindi ako pwedeng
magkamali.

Dahan dahan akong napalingon. Pinagdadasal ko na sana hindi iyon si Kuya Elli dahil
hindi ko alam kung ano ang iisipin ko.

"Ku-kuya Elli? Ti-Tita Glenda?" Biglang nagulo yung utak ko. Anong ginagawa nila
dito at ang worst pa eh bakit sila lumabas mula sa portal ng Eviano?

"Amara? I-Ikaw nga! Kumusta na?" Tumakbo palapit sakin si Tita Glenda at binigyan
niya ako ng mahigpit na yakap. Hindi parin nag si-sink in sa utak ko na nandito
sila.
"Amara? Si Elene? Nasan ang anak ko? Kumusta na siya? Yung mga naka itim na lalaki,
sinaktan ba siya nun?" Halos tumulo na ang luha niya. Si Elene?

"Wag po kayong mag-alala, maayos siya. Mabuti pa't magpahinga muna kayo," Tinignan
ko si Darius, pinapanood niya kami. "Darius, asikasuhin mo muna sina Tita. Matt and
Chloe, kayo naman sa iba. Hihingi ako ng tulong." Nginitian ko si tita Glenda bago
ako tuluyang umalis patungo kay Principal Logan. i don't know pero may mga sumasagi
sa isip ko.

"Ano?! Sige," Agad na tumayo si Principal Logan at nagmadaling puntahan sina


Chloe. Naiwan akong mag-isa dito sa office niya habang inaalala yung mga sinabi
samin ni Elene.

"S-si Mama? A-ano, umalis siya kasama si Kuya Elli, pu-pumuntang probinsya."

Bakit nagsinungaling si Elene samin noon nung pumunta kami sakanila? Alam ko na ang
dahilan kung bakit umiiyak si Elene noon hindi dahil sa sakit ng tyan kundi dahil
kinidnapped ng mga Eviano sina Tita Glenda at Kuya Elli.

Agad akong lumabas ng opisina ni Principal Logan upang magtungo sa apartment ni


Elene. Hindi ko alam pero gusto kong maliwanagan.

"Elene, pwede bang samahan mo ako?" Tanong ko sakanya na naka upo lang sa sala
habang nanunuod ng palabas sa tv.

"Saan?" Tanong niya ng hindi man lang inaalis ang tingin sa pinapanood niya.

"Kay Tita Virgie." deretchong sagot ko. Bigla siyang napatingin sakin. Yung mata
niya, makikita mo doon na nag-aalinlangan siya. "Tara na, gusto ka na din daw
niyang makita."

"Pero,"

"Tara na kasi. Gusto ka na din niyang makita." Hindi ko inaalis yung tingin ko sa
mata niya. Gusto kong basahin yung iniisip niya pero marami na siyang hindi
sinasabi samin. Ayaw kong gawin ito sakanya, yung i-invade ang privacy niya pero
kailangan kong gawin ito.

Kinuha ko yuung Thelete at trinasform ko iyon into Libra's Key.

"Amara --" Bago pa niya matapos yung sasabihin niya, hinawakan ko siya sa balikat
at nag teleport kami papunta sa bahay nina Tita Virgie.

"A-amara? E-Elene?" Salubong na tanong samin ni Tita Virgie ng makita niya kami.
"Amara!" Inis na sabat sakin ni Elene pero hindi ko siya pinansin bagkus ay lumapit
ako kay Tita Virgie.

Walang umiimik ni isa saamin. Tumataas na ang tensyon. Hinihintay kong magsalita
si Elene.

"Elene," Huminga ako ng malalim. "Please, sabihin mo samin ang lahat." Seryosong
sabi ko sakanya. Please, sana umamin na siya bago ko pa hilingin kay Tita Virgie na
basahin ang memory niya.

"A-anong sinasabi mo Amara? Wa-wala akong ma-maintindihan." Naninikip yung dibdib


ko.

"Sina Tita Glenda't Kuya Elli, nasan sila?"

"D-diba' sinabi ko na sainyo 'yan? Na nasa probinsya sila para bisitahin yung Lola
ko." Mali ka Elene! Kaibigan mo kami, dapat pinagkatiwalaan mo kami. Hindi ko alam
kung ano ang totoong nangyari pero bakit kailangan mo saming magsinungaling?

"Wag ka nang magsinungaling Elene!! Sabihin mo na ang totoo!!" hindi ko na


kinayanan. Gusto ko ng malaman ang totoo at alam ko, masasaktan kami sa malalaman
namin ngayon pero kahit na!

"Anong totoo? Hi-hindi kita maintindihan Amara, ha-ha-ha!" May luha na yung mata
niya.

"Yung tungkol kay Tita Glenda at Kuya Elli! Kung nasaan sila ngayon! Kung ano ang
nangyari bago ka namin matagpuang walang malay sa bahay ninyo!!" I shouted.

"Ha-ha-ha, ilang beses ko bang sasabihin Amara? Nasa probinsya sila ngayon." Sobra
akong na disappoint sakanya. Hindi ko alam kung tinuring niya kami na tunay na
kaibigan. Diba ang sangkap sa pakikipag kaibigan ang trust pero bakit parang wala
siyang ganoon saamin?

Sinampal ko siya. Kailangan niya noon. Kailangan niyang matauhan. Hinawakan niya
yung pisngi niya. Puro luha na din yung mata niya.

"Wag ka nang magsinungaling Elene. Sana matauhan ka na." Nilingon ko si Tita


Virgie. "Tita, project her memories before she came here."

Nagkaroon ng instant television sa dingding kung saan naka project yung memory ni
Elene. Nakatutok ang atenyon namin doon habang si Elene ay wala ng ginawa kundi ang
umiyak.
Nandoon siya sa tindahan ni Aling Petchay at binigay sakanya yung box na naglalaman
ng sagitarius' rune. Nag skip sa tagpo kung saan nasa bahay na siya ng biglang
pumasok yung mga Eviano. Lahat ng pinag-usapan nila, pinakita. Yung pagpapakain kay
Elene ng Sagitarius' rune at yung pagkuha nina Jem kay Tita Glenda at Kuya Elli.

Hindi lang doon natapos yung memory na nag project dahil ipinakita din yung araw ng
kaarawan ko kung saan nagpaalam si Elene na iihi lang aw siya pero ang totoo,
kinausap niya sina Jem at Kristine sa planong pagkuha sakin but si Brianna yung
nakuha.

Naputol na yung projection dahil lumapit si Tita Virgie kay Elene at sinampal din
niya iyon ng malakas. Wala siyang nagawa kundi saluhin ito.

"Pano mo nagawa 'yon! Kaibigan ka nila! Hindi ko lubos na maisip na nagtaksil ka!"

"Sorry po. Hindi ko alam ang gagawin ko! Kinuha nila ang pamilya ko at sinabing
papatayin nila kapag hindi ko sinunod ang mga inuutos nila." Nilayo ko si Tita
Virgie kay Elene.

"Elene! Kaibigan mo kami! Dapat pinagkatiwalaan mo kami! Alam mo namang tutulungan


ka namin diba!" Inis na sabi ko sakanya.

"Pasensya na talaga! Hindi ko na alam ang gagawin ko! patawarin niyo ako!"

"Ibalik mo ang anak ko! Kasalanan mo ito!" Tulo na ng tulo ang luha ng dalawa kong
kasama. Alam ko ang bigat ng nararamdaman nila dahil nawalan na din ako ng
minamahal sa buhay pero kailangan kong maging matatag para sakanila.

"Tita Virgie, magpahinga muna kayo. Pupuntahan lang namin si Principal Logan."

Hinawakan ko na si Elene at nag teleport kami sa field kung saan may mga tent na
nakatayo. Ang daming mga estudyante ang nagtutulong tulong para ayusin yung mga na
rescue. Nakita din namin sina Elizze at Nicholas na nagbibigay ng pagkain.

"Elene? Anong nangyari?" Tanong ni Darius na nakatingin kay Elene. Mugto ang mata
niya at halatang umiyak.

"Wa-wala 'to."

"Darius, nasan sila?" I asked.

"Tara, isasama ko kayo." Sumunod kami kay Darius. Inaalalayan ko si Elene dahil
feeling ko anytime matutumba siya.

"So-sorry Amara. Nagawa ko lang yon dahi --"


"Shhh~ shhh! Wag ka ng magsalita. Naiintindihan ko pero dapat pinagkatiwalaan mo
kami. Kaibigan mo kami at kahit anong mangyari tutulungan ka namin." Pumatak
nanaman ang luha niya at niyakap niya ako ng mahigpit.

"Salamat Amara!"

"Nako! Mamaya ka na magpasalamat sakin kapag nakita mo na."

"Ang alin?"

"Mali. Dapat Sino."

Kumunot ang noo niya pero bago pa siya makapag salita, lumabas na si Tita Glenda at
Kuya Elli sa tent nila.

"E-Elene?"

Sinalubong nila ang isa't isa ng mahigpit na yakap. Hindi na din nila napigilang
umiyak dahil sa galak na makita muli ang bawat isa. Maski ako, hindi mapigilang
mapaluha dahil sa tuwa na nagkita na sila.

Pero ako kaya? Kelan ko makikita ang magulang ko na hindi ko naman alam kung sino o
wala akong ka ide-idea kung pano sila makita.

xxxxxxxxxxxxxxxx

Author's note:

Hey guys! Itatanong ko lang kung ok na ba yung story? Wala na bang problem
bawat chapters? Comment niyo naman. Thanks! :) Anyway, Version 3.0 na ang Grand
Magic Games pero pinalitan ko na yung title. Promise, mas magandang maganda iyon.
HAHAHA! Thanks!

=================

CHAPTER 58

Chapter 58
xxxxxxxxxxxxxxx

THIRD PERSON'S POV

"Isang trabaho na nga lang hindi mo pa nagampanan ng tama!! PUTANG INA MO!"
Sigaw ni Zebell kay Gale Chimney o mas kilala bilang Fourth of Dark Baron.

"Patawarin niyo ako Lord Zebell." Napatingin si Zebell sa kapapasok palang na si


Jem na buhat buhat ang nanghihinang si Kristine. "Anong nangyari sayo?" Galit na
tanong ng tatay niya.

"Patawarin mo ako Am -- Lord Zebell pero hindi ko napigilan si Brianna sa pagtakas


niya."

"Nasan si Dyo?" Halatang nagtitimpi nang galit si Zebell sa inaasta niya ngayon.

"Nakikipag laban siya kay Brianna."

"Maghanda kayo, susugod kayo sa Academy."

xxxxxxxxxxxxxxxx

AMARA'S POV

Itinigil ngayong araw ang klase namin para asikasuhin ang lahat nang na
rescued na Fairiano sa kamay ng Eviano. Nung una nagtaka kami kung bakit hindi
kasama si Brianna sa mga nakatakas pero noong nakita namin sina Chloe at Matt,
kinuwento nila samin ang nangyari.

Hindi namin maiwasan ang mag-alala dahil hindi parin bumabalik si Brianna hanggang
ngayon. Gusto na ngang pumunta ni Principal Logan para tulungan siya pero pinigilan
namin siya dahil delikado at isa pa may dumating nanamang isang batch ng na rescue.
Siguro pinapakawalan lahat ni Brianna ang mga nakakulong doon sa Evion kaya
hanggang ngayon ay wala pa siya. Pinag dadasal ko na sana maayos at mabuting lagay
siya ngayon.

Kasama ko ngayon si Elene at Elizze na mamigay ng pagkain. Ang mga ibang na rescue
ay nakauwi na sa kanilang bahay at pamilya at ang iba naman ay pumalagi muna sa
tent nila dahil wala na silang mauuwian o sila yung mga palaboy na walang pamilya.
Naalerto kami ng may marinig kaming malakas na pagsabog.

"Anong nangyari?" Tanong ko sa dalawa kong kasama na naalerto din.

"Students! Ipasok niyo ang na rescue sa Arena!" Sigaw ni Principal Logan kaya naman
nagsimula nang magsitakbuhan ang ibang estudyante upang tumulong.

"Ano bang nangyayari?" Tanong naman ni Elizze.

"Sila Mama!" Wala sa sariling sabi ni Elene. "Puntahan mo na sila Elene!" Mabilis
siyang tumakbo para puntahan ang pamilya niya sa tent nila habang kami naman ni
Elizze ay tumakbo patungo kina Principal Logan upang alamin ang nangyayari.

"Tulungan niyo ang ibang estudyante na i evacuate ang na rescue patungo sa Arena!"

napatingin ako sa pinanggalingan ng pagsabog. Marami ang nakahandusay sa sahig na


para bang wala nang buhay. Ang iba naman ay sugatan at humihingi ng tulong.

Napatingin ako sa usok kung saan may mga anino ng tao na nakatayo. Hindi namin
maaninag ang mga itsura nila pero tinantya ko, Seven silang lahat.

"Sino sila?" Tanong ni Nicholas na kararating lang. Nandito na din sina Hermes,
Darius at ang kambal.

"Sila ang Dark Baron,"

Wala nang nagsasalita samin dahil lahat kami'y nakatuon ang atensyon sa pitong
taong natatakpan ng usok. Sigurado akong sila Jem 'yan at ang iba pa na pumunta sa
Pavilion noong araw na sana ipagpapalit nila ako sa pekeng Brianna.

Unti unting nawala ang usok. Una kong nakita si Jem na suot suot ang ninja attire
niya pero kita na ang mukha niya dahil wala na yung nakaharang sa mukha niya.
Napatingin ako kina Dione at Dylan. Galit ang reaksyon ni Dylan at nakakuyom pa ang
kamay habang ang kakambal naman niya ay parang mag be-breakdown anumang oras.

Nandoon din si Trey Hawkeye. Naka suot siya ng tux na sleeveless na kitang kita ang
bicep niya. Loose yung black jeans niya. May suot siyang detailed black gloves sa
right arms niya. Nakangisi siya at kapansin pansin din ang bagong blond color
niyang buhok.

Ang iba ay ngayon ko palang nakita sa personal pero nakita ko na sila sa folder na
ipinaikot samin ni Principal Logan noong may mission kami sa missing seniors. Pero
ang ikinagulat ko -- namin ay pati si Kristine ay nakatayo kasama nila.

"Kristine?"
"Anong ginagawa niya doon?"

"Traydor siya?"

Pare-parehas ang reaksyon namin. Lahat kami'y nagulat dahil si Kristine, ang anak
ng may-ari ng Forbidden Academy at ang kapatid ni Hermes ay isang traydor.

Napatingin ako kay Hermes, bakas sa kanyang mata ang pagkagulat sa nalaman. Kahit
kina Elizze ay makikita din sa mga mata nila pero kakaiba talaga yung kay Hermes.
Alam mo yung parang niloko siya ng taong pinagkatiwalaan niya, ganern!

Biglang naghiwa-hiwalay yung Dark Baron. "Sundan niyo sila!" Sigaw ni Principal
Logan. Hindi ko alam kung sino ang susundan ko pero ang sabi sakin ng instict ko si
Kristine ang puntahan ko.

"Kristine!" I shouted. Napalingon siya sakin, mga ilang saegundo din siyang
nakatulala sakin bago niya ako ngitian I mean smirk.

"I hate you and your half. I think I should kill you, now." And 'your half'? What
does she mean?

"I don't know what your talking about but --"

"And my name is not Kristine, It's Fifth." Anong nangyari sakanya? Pinipilit lang
din ba siya ng mga Eviano katulad ng ginawa nila kay Elene na mang traydor?

"Kristine," Nagulat ako nang may magsalita sa likod ko. Hindi ko na kailangang
tignan pa kung sino iyon, sa boses palang kilalang kilala ko na. It's Hermes.

"Oh, hello there my Ex-boyfriend slash brother. How are ya' doin' lately?" She
looks like a bitch when she's talking.

"What's going on? When did you --"

"I don't need to explain."

"Sorry to interrupt you but I need to kill that girl in an instant." Napahawak ako
sa braso ni Hermes ng biglang gumalaw yung tinatapakan kong lupa. Agad akong
tumalon ng biglang mahati sa gitna yung lupa at kung hindi, baka lumubog na ako sa
nagbabagang magma sa ilalim noon.

"Alam mo ba, natutunan ko ang trick na iyon sa pagsasanay sa Evion and that's not
all, I can control it." Lumulutang na lava ang nadatnan ko ng lumingon ako sa
likod. She became stronger.

Agad akong tumakbo para iwasan yung lava pero hinahabol ako nito and all I can do
is to run. Hindi ako makapag isip ng maayos.

"stop that Kristine!" Hermes' shouted.

"I won't."

"You know, I don't want to hurt you. So please, please stop this."

"I said I won't."

"And I guess I don't have any choice." Unti unting naging yelo yung lava hanggang
sa huminto na ito sa paghabol sakin. Sobra akong namangha dahil ganito na pala
kalakas ang majika ni Hermes na ultimo ang nagbabagang apoy ay nagawa niyang gawing
yelo.

"How did you --"

"Please,"

"We must go Fifth! Iwan mo na sila!" Sigaw ni Trey na nakatayo sa thread na gawa
niya.

"No! I must kill her!" Sigaw nito at tinuro pa ako. Dahil hindi siya nakatingin, I
transformed my Thelete into Libra's Key. Dinagdagan ko ng napakarami ang graviy sa
kinatatayuan ni Kristine kung kaya't nakadikit yung mukha niya sa lupa.

"Wag kang lalapit!" Banta ko kay Trey pero sadya siyang makulit. He attacked me
using his arrow made by thread. I manage to dodged it pero n'ung muli akong
tumingin sakanya, nasa harap ko na siya at handa nang umatake.

One inch nalang, one inch nalang at masasaksak na niya ako sa leeg ng dagger niya
pero he froze.

He's frozen.

Napatingin ako kay Hermes. I owe him my life. Patay na sana ako kung hindi niya
ginawa 'yon.

"Get her Hermes!" Elizze shouted as she runs toward us.


Muli akong napatingin kay Kristine. Pilit siyang tumatayo pero dinagdagan ko pa
yung gravity kaya nahihirapan siya.

"Bilisan mo!" Sigaw ko kay Hermes dahil hindi ko na kayang tagalan ang paggamit sa
thelete. Madaming majika na ang na consume ko dahil hindi ko pa kayang kontrolin
ang paglalabas ng kapangyarihan.

Hinawakan ni Hermes ang kapatid niya sa dalawang kamay at nilagay iyon sa likod
niya.

"Fvck! Iwanan na natin sila!" Sigaw ni Fourth at nagbukas na sila ng kanya kanyang
portal pabalik ng Evion.

xxxxxxxxxxxxxxxx

=================

CHAPTER 59

Chapter 59

xxxxxxxxxxxxxxxx

Third Person's POV

"Mahigit isang linggo na ang nakakaraan ng dumating sa Akademia ang mga


napakawalang bihag mula sa Evion ngunit wala parin tayong nagagawang hakbang upang
matulungan sila. Ano ang masasabi mo, Haring Aurie?" Tanong ng hari ng Fire Empire
na si Rolando. Salubong ang kilay ng Hari ng Faireo ng marinig ang sinabi ng kapwa
hari.

"Hindi ko alam ang tinutukoy mo pero noong nalaman ko ang nangyari, agad akong
nagpadala ng tulong. Hindi ba Leingel?" Napatingin ang lahat kay Leingel, ang
kanang kamay ni King Aurie.

"Patawarin niyo ako mahal na hari sapagkat hindi ko nasabi sainyo kaagad na na-
delay ang pagpapadala ng tulong."

"Bakit na delay?!" Inis na sigaw ng hari.

"Inatake ng Eviano ang sasakyan na sana ay magdadala ng mga tulong para sa


nailigtas." Malakas na pinalo ng hari ang kamay sa lamesa dahil sa galit. Hinawakan
naman ni Queen Aqui ang likod nito upang pakalmahin.

"Napag-usapan nalang din ang Eviano, bakit hindi tayo mapunta sa kapapasok na
balita." Sabat ni Queen Anastasia.

"Ano iyon?"

"Sinugod ng Dark Baron ang Akademia kani-kanina lang. Wala namang namatay ngunit
marami ang nasugatan," Tugon ni Queen Leisha ng Air Realm.

"Pero ayon sa report na natanggap ko galing mismo sa aking anak na si Elizze,


nahuli nila ang dalawa sa miyembro nito at kasalukuyang nasa Dungeon ang dalawa."

"Ano?! Paano nangyari iyon?" Napatingin ang lahat ng biglang napatayo si Zebell o
mas kilala bilang Mister Jones.

"Nilabanan sila ng Element's Crown."

"Ang balita ko nag-aaral sa Akademia ang isa. Ano nga ulit ang pangalan nung anak
mong iyon Mister Jones? Kritie? Kristine?" Pang-aasar ni Queen Leisha. Gulat na
gulat ang lahat sa sinabi ng Queen habang si Mister Jones naman ay galit na galit
na umalis sa kanilang pagpupulong.

"Hindi talaga ako makapaniwala. Kahihiyan sa pamilya nila ang nangyaring ito lalo
na kay Liroff at sa Reverie Clan." Batid ni Queen Leisha.

Biglang tumahimik ang lahat. Para bang mamy dumaan na isang anghel sa harapan ng
lahat dahil biglang naging awkward ang mga miyembro.

"Celestial mage," Panimula ni King Rolando.Napatingin sakanya ang lahat na tila ba


nag-aabang ng susunod niyang sasabihin.

"Matagal ng panahon noong huli nating pinag-usapan ang Celestial Mage at ngayon,
may balita na ako sakanya." Napahawak si Queen Aqui sa kamay ng asawa niyang si
King Aurie. Pinagdadasal ng Reyna na sana ay maganda ang ibabalita ni Rolando.

"Nang maka-usap ko ang anak kong si Elizze, nabanggit niya sakin ang bagong
miyembro ng guild nila na si Amara Audrie Drusilla,"

"Siya, siya ang nawawalang anak niyo, King Aurie."

"Totoo ba yang sinasabi mo King Rolando?" Halos hindi makapaniwala ang Reyna dahil
sa matagal na panahong paghahanap nila, hindi nila ito nakita at ngayong unti unti
na silang sumusuko, may magandang balita silang narinig.
"Reingel, ihanda ang sasakyan, pupunta tayo ngayon din sa Akademia." Banggit ni
Queen Aqui sa kanyang kanang kamay na si Reingel.

"Hindi ito ang tamang panahon para pumunta ka sa Akademia, maaari kayong mapahamak
lalo na't nabalitaan nating kasusugod lang ng Dark Baron doon. Mabuti pa't sila
nalang ang papuntahin natin sa palasyo." Suhestyon ni Queen Leisha.

"Magandang idea 'yan. Reingel, tawagan mo ang Principal nila at sabihing iniimbita
namin ang Element's Crown sa palasyo." -King Aurie.

xxxxxxxxxxxxxxxx

Amara's POV

Nagpapahinga kaming lahat ngayon dito sa guild matapos naming kalabanin ang Dark
Baron. Hindi padin ako makapaniwalang miyembro si Kristine ng grupong iyon. Isa pa
man din siyang anak ng taong makapangyarihan tapos mang ta-traydor lang siya sa mga
kauri niya.

"Guys," Napatingin kaming lahat kay Principal Logan na kakapasok lang. "May balita
ako. Iniimbitahan tayo ng King and Queen na pumunta sa Palasyo." Napataas ang kilay
ko sa sinabi niyang iyon. Bakit kaya? Siguro may mission silang ipapagawa samin.

"Bakit daw?" Tanong ni Nicholas.

"Walang sinabi pero maghanda kayo dahil bukas, aalis tayo."

"Pa'no na yung mga evacuees? Diba dapat tulungan muna natin sila?" Suhestyon ni
Elene.

"This is an order." Masungit na sagot ni Principal Logan. Sa tono ng pagsasalita ni


Principal, para siyang may galit kay Elene.

"Oh my gosh! Gusto ko yan! Vacation na this!!" Masayang sabi ni Elizze.

"Wag ka ng umasa. Baka may ipapagawa satin yun." Banggit ni Darius.

"Wag ka ngang ano dyan! Malay mo parangalan tayo dahil sa pagkakahuli ni Kristine
at ni Trey."

"Speaking of Trey and Kristine. Nasa dungeon na sila at sa pagkakaalam ko, nalaman
na ni Mister Jones na isang traydor si Kristine at pupunta siya dito. Ngayon."
Napatingin ako kay Hermes, walang bakas ng emosyon sa kanyang mukha. Hindi ko tuloy
mabasa kung ano ang iniisip niya.
xxxxxxxxxxxxxxxx

Third Person's POV

"Sinong nagsabi sainyo na magpahuli kayo sakanila?! Ang hihina niyo naman kung sila
lang ay hindi niyo kayang talunin!!" Sigaw ni Zebell na halos lumabas na yung litid
sa utak dahil sa galit na nararamdaman.

Hindi naman makatingin ng diretcho-mata sina Trey at Kristine kay Zebell dahil sa
kahihiyan na nagawa nila.

"Pero Dad --"

"DON'T CALL ME DAD!! KAHIHIYAN ANG TAWAGING AMA NG ISANG MAHINANG KAGAYA MO. If you
want me to call 'dad', you should be better enough to kill one Element's Crown
member!" Muli nitong sigaw.

"Sa susunod na mahuhuli kayo, hindi ko na kayo tutulungan kagaya ni Jira. Bukas!
Ngayon dito muna kayo magpalipas ng gabi." Wika ni Zebell bago siya tuluyang
umalis.

xxxxxxxxxxxxxxx

Amara's POV

"Sandali lang Elizze. Ang bilis mo naman kasing tumakbo!" Bigla nalang akong hinila
ni Elizze ng malaman niyang pupunta dito si Mister Jones. Loka nga ang bruha, gusto
daw niyang makita ang nagagalit na mukha nito.

"Bilisan mo. Baka di natin makita si Mister Jones." Sagot nito na hindi man lang
nag abalang huminto. Wala na akong nagawa kundi sundin siya kahit na pagod na pagod
na ako.

"Dad, anong sabi ni Kristine at bakit siya naging miyembro ng Dark Baron?" huminto
kami ni Elizze sa gilid at nakita namin si Hermes na kausap ang kanyang tatay. Ang
bilis naman ng lalaking ito. Sa pagkakatanda ko kami ang naunang lumabas ssa
headquater.

"I don't know but I'm very disappointed." Saad nito at naglakad paalis. Napatingin
ako kay Elizze ng hawakan at hilahin niya ako.

"Hi Mister Jones. I'm sorry for the incident." Sabi ni Elizze. Pero, si Mister
Liroff Jones, sakin siya nakatingin na para bang gulat na gulat.
"s-so, you're the Celestial mage." Bati sakin ni Mister Jones.

"Ga-ganun na nga po."

"You look exactly like her."

"Po? Sino?"

"Nothing. Mauuna na ako, sumasakit na ulo ko." Saad ni Mister Jones bago umalis.
Look like exactly like her? Sino naman? Baka na pa-paranoid lang si Mister Jones
dahil sa mga nangyayari sa anak niya.

"Hermes, ok ka na ba?" Tanong ni Elizze.

"Yes."

xxxxxxxxxxxxxxx

Brianna's POV

Arrgh! Unti unti kong idinilat ang mga mata ko. Na-nasan ako at-atsaka bakit ang
tigas ng hinihigaan ko? Madilim ang lugar kung kaya't hindi ko makita ang kabuuan
nito.

Dahan dahan akong bumangon pero mabilis akong napaatras ng makita ko ang isang
malaking dragon na nasa harap ko.

"Gising ka na pala Brianna," Napataas ang noo ko ng magsalita yung dragon.

"Na-nagsasalita ka?" Tanong ko sa dragon na sinisinghot singhot pa ako.

Imbis na sumagot, nagliwanag ang katawan ng dragon at nakita ko ang paligid ko at


si Ginoong Lope sa tabi nito. Ilang saglit lang ay lumipad ang liwanag at
dumiretcho iyon sa katawan ni Ginoong Lope.

"Nasan ho tayo at pa-panong --"

"Kakaibang kakayahan na Hermisian lang ang nagtataglay." Hermisian? Ayun ba ang


tawag sa mga tao sa mundo nila?

"Nasan na ho ba tayo?"
"Nandito padin tayo sa Evion. Sinubukan ko ng magbukas ng portal papunta ng Faireo
pero hindi ko kaya. Tanging kayo lang ata ang pwedeng gumawa noon." Saad nito.

"Eh ilang araw na ho ba akong tulog at sobra na ang pagkalam ng tyan ko?" Tanong
ko. Feeling ko may ulcer na ata ako.

"Tatlong araw kang tulog. Nasobrahan ka yata sa paggamit ng abilidad -- este ng


majika mo." Tatlong araw?! ganoong katagal na akong walang malay?! Kailangan ko ng
magmadali baka may masama nang nangyari sa Academy.

"Ano ho ba yung spell para makapag bukas ng portal papunta sa mundo ninyo?"

"Ginoong Lope?"

"Hindi ko na masyadong matandaan, ingles kasi." Oh Gosh! Paano na 'yan?

"Kung ganon, paano ka makakauwe sa mundo ninyo?"

"Hindi ko din alam kung paano pero may nabanggit sakin si Lomi na may portal na
nagkalat sa buong Faireo papunta sa ibang dimensyon."

"Paano naman natin mahahanap iyon?" Ngayon ko lang nalaman ang tungkol soon ah.

"Hindi ko din alam pero sigurado naman ako na merong taong nakakaalam o kaya naman
mga libro tungkol doon."

"Mabuti pa't humingi nalang tayo ng tulong." Nagbukas ako ng portal papunta sa
Faireo.

xxxxxxxxxxxxxxxx

Author's note:

Kindly watch the story trailer of The dragonn within. May typos pom dyan so pasenya
na. :)
=================

CHAPTER 60

Chapter 60

xxxxxxxxxxxxxxxx

Amara's POV

It's been a long day for all of us. Pagod na pagod ako dahil napaka raming nangyari
ngayong araw. Gusto ko ng magpahinga pero dahil aalis pa kami bukas pero hindi
nakikisama ang utak ko. Ang daming pumapasok na bagay na hindi naman dapat. Mga
problema, katanungan sa sarili ko na gusto kong malaman ang sagot.

"Amara, matulog ka na. Maaga pa tayo bukas." Banggit ni Elizze na katabi ko lang.
Napagpasyahan naming dalawa na dito matulog sa headquater ng guild para madali
kaming makapag gagayak bukas.

"Good night na."

--

Napatingin ako sa digital clock na nasa gilid ko ng may marinig akong


kakaibang tunog na nangagaling sa labas. Alas Tres palang ng umaga. Ito daw ang
oras kung saan lumalabas ang mga kaluluwa o mas kilala sa tawag na devil's hour.
Naalala ko yung sinabi sakin ng kaibigan ko sa Earth, na kapag nagising ka daw ng
walang dahilan, ibig sabihin may nakatitig daw sayo. -- Haays! Erase erase, kay
aga-aga Amara, tinatakot mo sarili mo.

Ang lamig, para akong nasa loob ng refrigerator. Napatingin ako kay Elizze ng
hilahin niya ang kumot at itinalukbong pa niya iyon sa ulo niya. Napailing nalang
ako. Tumayo na ako. Bubuksan ko na sana yung pinto ng may marinig akong yapag ng
paa. Hindi kaya Eviano ito o Dark Baron?

Nilapit ko ang tenga ko para mas marinig ko pero tama nga, may naglalakad. Agad
akong lumapit kay Elizze para gisingin siya. Wala akong paki alam kung napaparanoid
lang ako basta ang importante nag-iingat ako. Baka mamaya Dark Baron yun, mahirap
na.

"Huy, Elizze. Elizze! Gumising ka." Pabulong na sigaw ko sakanya habang niyuyugyog
ko siya. "Hmmm, natutulog pa ako Amara," Hinila ko yung kumot niya at tinakpan ko
yug ilong niya. Ilang saglit lang ay napabangon siya dahil sa ginawa ko. Sisigawan
niya sana ako pero tinakpan ko kaagad ang bunganga niya.

"Wag kang maingay Elizze, may tao sa sala." Inalis niya yung kamay ko.

"Baka naman sila Hermes lang yun."

"Baka sila nga o baka hindi din sila yon. Mas maigi ng nag-iingat." Bigla siyang
tumayo at walang takot na binuksan yung pinto.

"Si-sino ka?" Bumungad samin ang isang di kilalang lalaki na may mahaba ng balbas.
Agad na nagpalabas ng apoy sa kamay si Elizze at handa ng ibato sa matandang lalaki
kaso bigla itong nawala.

"A-anong ginawa mo?!" Agad naman akong naalerto at sinummon ko si Leo.

Mabilis na gumalaw si Leo pasugod sa matanda pero bigla nalang din itong nawala ng
masusuntok na niya ang di kilalang lalaki.

"Paano?!"

"Sandali lang mga ija! Hindi ako kaaway." Banggit niya pero hindi nakinig si Elizze
at pinagbabato niya ng apoy ang matanda na bigla nalang nawawala kapag malapit ng
tumama sakanya.

"Nullification ang majika mo hindi ba?! Sino ka?! Bakit ka nandito sa guild
namin?!"

"Maghunos dili ka binibini. Hindi ako kaaway, kasama ko si --" hindi niya naituloy
ang sinasabi niya. Nakatitig lang siya sakin na para bang takot na takot.

"I-ikaw. Ikaw iyon hindi ba? Paano ka nakarating dito?" Tanong niya saakin. Hindi
ko alam ang pinagsasabi ng lalaking ito.

"Humanda ka!" Mabilis siyang pumasok sa kwarto upang sugurin ako. Napapikit ako ng
malapit na siya saakin na handa akong suntukin. Pero nakarinig ako ng sigaw.

"Waag!!" Kilala ko yon. Alam na alam ko kung kaninong boses iyon. Hindi ako pwedeng
magkamali.

"Brianna!!" Agad kong idinilat ang mga mata ko. Una kong nakita ang matanda na nasa
tabi ko na pero hinanap ng mata ko si Brianna na ngayon ay yakap yakap ni Elizze.
Mabilis akong tumakbo palapit sakanila at mahigpit ko silang niyakap.

"Brianna, bruha ka! Bat ang tagal mong nawala?" Inis na sabi ko pero halata sa
boses ko ang concern at pagka miss.

"Na miss din kita bruha."

"Sina Kuya Elli at Tita Glenda? Sina Chloe nandito ba sila? Kumusta kayo? Si Mama
si Logan --"

"Easy Brianna! Wag ka ng mag-alala, ayos lang silang lahat." Sagot ko. Ang laki ng
pinayat niya.

"Ikaw dapat ang tinatanong namin niyan. Kumusta ka? Anong nangyari sayo at sino
itong kasama mo?" Tanong naman ni Elizze na tiinitignan ang itsura ng kakaibang
lalaking kasama ni Brianna.

"Ayy oo nga pala. Amara, Elizze siya si Ginoong Lope na nakilala ko sa Evion.
Ginoong Lope, sila ang kaibigan ko, Si Amara at Elizze."

"Nice to meet you po, Ginoong Lope." Kinamayan ko sya't ganoong din naman ang
ginawa ni Elizze.

"Kaya pala~" Huh? Anong sinasabi niya?

"Amara, Elizze, kailangan ko ng tulong ninyo."

"Bakit?"

"Kailangan nating hanapin yung lost book ng mga Sorceries. Doon nakatala ang lahat
ng majika at ang mga tungkol sa ibang dimensyon."

"Anong gagawin natin doon?"

"kailangang maka-uwi ni Ginoong Lope sa mundo nila." Maka uwi sa mundo nila?

"You mean na hindi taga Faireo si Ginoong Lope?" Tanong ni Elizze.

"Oo. Taga Hermiso siya. Hindi ko alam kung saan iyon pero we need to help him."

"Sige --" Napatakip kami ng tenga ng biglang may pagsabog na naganap Tunog kulob
ang tunog at sa tingin ko ay nagmula iyon sa dungeon.

"Fvck! Sinugod nanaman tayo! Si Kristine at Trey! tara!!" Mabilis na lumabas si


Elizze kaya naman sumunod kami. Pero nagtaka ako ng tumigil si Elizze.
"Bakit?" tanong ko

"Guys, mukhang may nakarinig ng pinag uusapan natin." Sagot niya ng hindi man lang
natingin sakin.

Tinignan ko kung san nakatingin si Elizze at nakita ko ang isang tao na tumatakbo
at bigla nalang hinigot ng isang itim na portal.

"Miyembro yun ng Dark Baron hindi ba?"

"Oo."

"Guys, sa tingin ko kailangan nating magmadali sa paghahanap ng Lost Book." Sabat


naman ni Brianna. Oo, tama siya kundi uunahan nanaman kami ng Dark Baron.

"Sa ngayon, kailangan nating pigilan ang Dark Baron sa pagpapatakas kay kristine at
Trey!" Muli kaming tumakbo papunta sa dungeon.

xxxxxxxxxxxxxxxx

Author's note:

Oh eto na yung inaabangan niyo. HAHAHA! Maraming typos at maiksi lang, minamadali
niyo ko e. HAHA! :D enjoy reading.

=================

CHAPTER 61 (MISSION #3 PART 00)

Chapter 61 (MISSION #3 PART 00)

xxxxxxxxxxxxxxxx

Amara's POV

Mabilis kaming nagtakbuhan pero hindi namin nahabol ang isang Eviano na nakarinig
sa mga usapan namin. Fvck sht talaga! Sigurado akong uunahan nila kami sa pagkuha
ng Lost Book.

"Si Jem!!" Sigaw ni Brianna ng makita namin siyang kasama sina Kristine at Trey na
natakbo upang pumasok sa portal na binuksan nila.
"Don't let them escape, Virgo and Aries! I summon you!"

"Hi there, baby sugar!" Banggit ni Aries at kinindatan pa ako. "Fusion technique,
Sand storm!" Sigaw ko at sinunod naman ako ng dalawa. May humarang na sand storm sa
portal kung kaya't napatigil sila at napatingin saamin.

Nagpaangat ng lupa si Kristine upang magsilbing harang para sakanila. She gesture
her hands and out of nowhere, bigla nalang gumalaw ang lupa. "Virgo, anong ginawa
mo?" I asked.

"Nothing."

"Sa tingin ko si kristine ang may ginawang kakaiba." Patuloy parin ang pagyanig ng
lupa hanggang sa unti unti itong tumaas until may lumabas na golemn.

"What the fuck!" Elizze cursed. Halos kasing laki ng dalawang palapag na building
ang taas ng higanteng golemn na ito. Ang lakas ni Kristine. Hindi basta basta ang
technique na ginawa niya.

"Kaya mo bang kontrahin ang paggamit niya ng technique na yan?" I asked.

"I can't. Ginagamitan niya ng dark energy ang majika niya kung kaya't hindi ko ito
kayang kontrolin."

"Paano natin tatalunin yang higante na yan?" Tanong naman ni Brianna.

"Kaya ko ding gumawa ng mga techniques na ganyan but I'm not sure if I can do it
here. Alam mo namang naka base ang paggamit namin ng majika sa mage na nag summon
samin. If kaunti nalang ang energy mo to use your majika, mahihirapan tayo."

"Do it please." Sagot ko. Kailangan naming pigilan sina Kristine sa pagtakas.

"Wag. Ako na ang bahala dyan." Sabat naman ni Ginoong Lope. Napataas naman ang
kilay naming dalawa ni Elizze na sabihin niya iyon. Na curious ako kung ano ang
kayang gawin ng mga tao sa kanilang mundo.

Tinapat niya ang kanyang kanang kamay doon sa pasugod na golemn saamin. Nagkaroon
ng kaunting liwanag sa braso niya hanggang may lumabas na dragon doon. Wow! Ang
cool!

Nagbuga ito ng kulay asul na laser na nag sanhi ng pagkatanggal ng kamay ng golemn.
Muli itong nagbuga hanggang sa natalo nito ng tuluyan ang golemn. Napatingin naman
ako kay Kristine na halatang naaasar.
"wow! Ang galing! Kaya mo ding mag summon." Saad ni Elizze.

"Logan." Napatingin kami sa tinitignan ni Brianna which is si Principal Logan na


kasama ang ibang members ng Element's Crown. Halata sa mukha nito ang pagkasabik ng
makita niyang muli si Brianna.

"Look out!" Sigaw ni Elizze ng sumugod ang isang fire wolf at water dragon na
ginawa ni Kristine. Mabuti nalang at mabilis ang reaction time ni Hemes kung kaya't
nakagawa siya ng isang ice barrier na magpo-protekta sakanila.

Bigla nalang nag freeze yung water dragon at sumabog ito. Habang ang fire wolf
naman ay binalutan ng sand na ginawa ni Darius hanggang sa unti unti itong nawala't
namatay.

"Virgo, Aries thank you." I said at bigla nalang silang nawala.

"Bind them with your plant, Scorpio I summon you!" Bigla namang sumulpot sa harapan
namin si Goddess Scorpio at pinuluputan niya sina Kristine ng kanyang halaman.

"I'm fired up!" Sigaw ni Elizze at nagpalabas siya ng apoy sa mga palad niya at
kinorte niya itong pana as she aim for Kristine and the two other.

Malapit ng tamaan sina ng nag-aapoy na pana ng biglang may sumulpot sa gitna at


hinawakan ang nagliliyab na pana. Isang babae na naka suot ng daring na damit.
Lahat kami ay nakanganga dahil sa nakita namin lalong lalo na ako.

"It's not hot." Sabi nito. Hindi ko lubos maisip. Anong nangyayari? Bakit kamukha
ko siya at ba-bakit mayroon din siyang tattoo sa collar bone. W-wala akong
maintindihan.

"Oh, there she is." Banggit niya saakin. Paano nangyari ito? Hindi kaya may ginawa
ang mga Eviano upang gayahin ang mukha at majika ko? Posible naman iyon hindi ba?

"Hello, Sis." Dahil sa isang salita na iyon, gumunaw ang mundo ko. "Next time
nalang ang revenge, ok?"

They fading away until they vanished. What's going on? Hindi ko maintindihan. Hello
Sis daw?

xxxxxxxxxxxxxxxx

Third Person's POV

"Magsisimula na ang totoong laban. Sundan niyo sila upang kuhanin ang lost book
habang ikaw Reangel ay patuloy na magiging espiya sa Magic Council."
Buo na ulit ang Dark Baron. At ngayon ay magsisimula na ang totoong laban nila para
makuha ang pamununo sa Faireo. At ngayong natuklasan nilang may iba pang mundo
bukod sa Earth, pinagpa-planuhan na ni Zebell kung paano ito sasakupin.

xxxx

Matapos ang iyakan at dramahan, kinuwento na ni Brianna ang lahat ng nalalaman niya
tungkol sa Evion.

"May traydor satin," Matapang na sabi ni Brianna habang tinitignan ang bawat isa.
Napakapit naman si Elene sa kamay ni Amara at pinisil pa niya ito. Alam ni Amara na
nagsisisi si Elene sa ginawa nito at hindi na din niya kasalanan na mapit sa
ganoong sitwasyon.

"Paano mo naman nasabi 'yan?" Tanong ni Principal Logan. Katahimikan ang nangunguna
sakanila. Kabado kung sino ang sasabihin ni Brianna.

"Sa tingin niyo, paano nakakapasok ng ganoong kadali ang Dark Baron dito sa
Academy?"

Lahat ay may kanya kanyang nabubuong sagot sa kanilang isip. Halos lahat sila ay
pareho ng naiisip pero ayaw nila itong paniwalaan.

"Bakit ganoong kadaling nakapag bubukas ng portal ang Dark Baron papunta sa Evion
eh sa pagkakaalam ko ay may barrier ang buong Academy na nagpipigil ng pagbukas ng
portal papunta sa Evion!"

"Kung ganun --"

"Tama ang hinala mo, Hermes. Si Zebell o mas kilala natin bilang Mister Jones ang
tunay na traydor."

"Pero --"

"Wag mong kwestiyunin ang nakita ko Hermes, alam kong hindi ka makapaniwala sa
sinasabi ko dahil maaaring inimbento ko lang ang mga ito pero ayoko nang humantong
kung saan tatawagin ko pa si Mama para lang ipakita ang mga memorya ko noong naka
kulong pa ako." Lahat ay tahimik. Hindi parin pumapasok sa kanilang utak na ang
kanilang pinuno, na ang may ari ng kinatatayuan ng guild nila ay isa palang
traydor.

"Paano mo naman mapapaliwanag ang babaeng kamukhang kamukha ni Amara?" Tanong naman
ni Nicholas. Napahinto sila, lahat ay sinusubukang isipin kung sino nga ba talaga
ang babaeng kamukha ni Amara.
"Noong naligaw ako ng selda, doon ko siya unang nakita. Pinipilit siyang kuhanin
nina Jem at Gale pero pilit siyang tumatanggi. Akala ko isang simpleng babae lang
iyon pero noong natanggal ang hood na suot niya, doon ko nakita ang mukha niya.
Akala ko si Amara kaya pagkatapos naming mapakawalan ang lahat, bumalik kami para
hanapin ka. Nagulat ako ng atakihin mo kami at kakaiba na ang majika mo. She can
control the gods' magic. She's dangerous."

"Sh-she can use the celestial gods' magic?"

"Yes. Parehas kayo but you can summon the gods while she can use their magics."

xxxxxxxxxxxxxxxx

Amara's POV

"Whatever, But she needs to know who she really is."

"Not now."

"But Vasilias -- I mean King Vasilias. Kailangan na niyang malaman ang pagkatao
niya dahil mukhang malapit ng magkaroon ng panibagong gyera."

"I said no."

"Pero King, may point naman si Libra. Yung kapatid niya, mukhang wala na sa sarili.
Kailangan na nating ipaalam sakanya para maging handa siya at hindi na magulat sa
malalaman niya kapag nagkita na sila."

"No. I said no and that's final."

--

"Ano bang problema mo sakin? Bakit ang sama mong makatingin sakin at gusto mo pa
akong mamatay?!"

"You don't know? Hahahaha! You're joking right!"

"Kung ano man ang nagawa ko sayo, pasensya na!"

"PUTANG INA MO!! HINDI MO MAALALA? TANG INA KA! PINATAY MO LANG NAMAN ANG KAPATID
KO! PINATAY MO ANG NAG-IISANG PAMILYA KO!!!"
Naalala ko lahat. Ang pag-uusap ng gods at ni King Vasilias na hindi ko
mainitindihan noong una. Pati ang dahilan ni Ressy kung bakit niya ako gustong
patayin. Kaya pala hindi ko mainitindihan ang pinag sasabi ni Ressy dahil hindi ako
angpumatay sa kapati niya kundi yung babaeng kamukha ko o kapatid ko ba yun? Pero
ayon ang narinig kong pinag-uusapan ng mga gods. Kung hindi ako nagkakamali, ako
ang pinag-uusapan nila.

Bakit hindi nila sinabi saakin ng maaga? Karapatan kong malaman yun. Matagal nang
palaisipan kung sino ang mga magulang ko o kung may pamilya pa ba ako. ARRGH! HINDI
KO NA ALAM!!

"We need to hurry. Pupunta tayo sa national library upang hanapin ang Lost book."

xxxxxxxxxxxxxxxxx

Hindi ko parin maintindihan ng maigi ang mga nangyayari.

Bakit nangyayari ito saakin?

Sa dinami-dami ng tao, bakit ako pa ang napili?

Yung mga tanong sa isip ko, mas lalong nadagdagan. Mga tanong na gumugulo at
nakaka-apekto sa ginagawa ko.

Sino ba talaga ako?

Saan ako nanggaling?

Sino ang mga magulang ko?

Arrrgh! "I hate you!" Inis na sigaw ko. I hope na naririnig ako ngayon ni king
Vasilias coz I hate him. Sigurado akong alam niya ang lahat. Ako nga diba ang
pinag-uusapan nila ng mga Celestial gods noong huling araw ng training ko.

Bakit ayaw nila sabihin sakin? Bakit nila nililihim sakin ang katotohanan? Shit!

Sinusubukan ko ngayong pumunta sa kastilyo niya pero sigurado akong hindi niya ako
pinapayagan. Alam kong umiiwas siya sa katanungan ko.

"Amara! Halika na at kailangan nating magmadali!" Sigaw ni Brianna.

"Coming!"
ngayon dapat kami pupunta sa kaharian ng King and Queen pero dahil sa biglaang
nangyaring kanina, hindi na natuloy. Nakakalungkot man pero kailangan namin itong
gawin, para sa kinabukasan ng Faireo.

xxxxxx

Kalalabas lang namin ng Academy sakay ng isang malaking high tech na sasakyan. Naka
auto-drive na siya sa pupuntahan namin at meron itong pangalan, Siri.

"What's the plan?" Tanong ni Nicholas.

"Search for the lost book of Sorceries'." Seryosong sagot ni Brianna. Lahat
seryoso. Ang iba ay nakatulala at malalim ang iniisip.

Napatingin ako kay Hermes. He's seriously looking outside. Sigurado akong hindi
siya makapaniwala sa kwento ni Brianna. Na traydor ang kanyang tatay pero she trust
Brianna at alam niyang hindi ito gagawa ng kwento lang.

Tahimik ang lahat.

Hindi namin magawang mag saya kahit na nakabalik a si Brianna. We still have long
road to travel until we finish this quest.

xxxxxxxxxxxxxxxx

Author's note:

Hey guys. ito na yung huling reserba kong chapter. :) Hope you enjoy. Try niyong
dugtungan yung story hanggang ending with few words at kung sino ang may brightest
idea ang mabasa ko, ide-dedicate ko sakanya yung next chapter. :) Thanks :))

=================

CHAPTER 62 (MISSION #3 PART 1)

Chapter 62 (MISSION #3 PART 1)

xxxxxxxxxxxxxxxx

Amara's POV

"Hey, nandito na tayo." Napadilat ako ng tapikin ni Hermes ang pisngi ko. Tinignan
ko ang labas ng bintana, wala akong ibang makita kundi ang malawak na disyerto.
Tirik na tirik ang araw.

"Sumunod ka na. Nasa labas na sila." Muli nitong sabi bago tuluyang lumabas sa
sasakyan.

Ngayon ko lang napansin na ako nalang pala ang naiwang magi-sa dito. Ilang saglit
lang ay lumabas na ako.

Mukhang hindi nila ako napansin dahil abala sila sa pagbabasa ng mapa.

"Guys, sorry nakatulog pala ako." I said. Napatingin sila sakin. They look
exhausted. Pawis na pawis sila. Bigla ko tuloy naramdaman ang init.

"It's ok. We need to find the exact location of the library as soon as possible."
Seryosong sagot ni Dylan.

"Mahirap na at baka maunahan tayo ng Dark Baron." Dagdag naman ni Dione na


tinatanaw ang buong lugar.

"Oh gosh! Bakit tulog ako ng pinag-aaralan ang map coordinates?" Sarkastikong saad
ni Brianna.

"14 19 minutes North, 120 57 minutes East." Sabi naman ni Darius. Shet! Biglang
dumugo ang utak ko sa coordinates na 'yan! "Saan naman yun?" Tanong ko. Nginuso
naman ni Darius ang malawak na disyerto. So?

"Somewhere in there." Sagot ni Elizze.

"Let's go. Nagugutom na ako." Nicholas said.

"Wait! Mahihirapan tayo kapag nilakad natin 'yan." Sabi naman ni Hermes. Tama siya,
mapapagod kami kung lalakarin lang namin ang malawak na disyerto.

"Wala ba ditong transportation? Kahit ano?" Tanong ni Elene. Tama siya pero mukhang
wala dahil mukhang isolated ang lugar at walang mga taong nakatira.

"This car, I think." Sabat ni Nicholas.

"Nope. We can't use that."

"But Principal Logan, mahihirapan tayo kapag nilakad natin."

Mukhang nag-iisip si Principal Logan ng solusyon dahil natahimik siya't natulala.


"Meron akong ideya kung paano natin mahahanap ang Librarya ng mas madali." Sabat ni
Ginoong Lope.

"Paano?"

"Ang aking dragon. Kaso, masyado tayong madali para sumakay. Tatlong katao lang ang
kapasidad nito."

"Then you guys must go. Here, inform us kung makita niyo na." Inabot ni Principal
Logan ang isang walkie talkie kay Brianna.

"Kulang pa ng isa," Saad naman ni Brianna. "Amara, ikaw nalang."

"Huh? Bakit ako?"

"Kasama natin Si Ginoong Lope. Wala silang magagawang masama sayo." Napa-isip ako
sa sinabi niya.

"Ok."

Muli kong nasilayan kung paano palabasin ni Ginoong Lope ang dragon sa katawan
niya. Sobrang nakaka amazed parin.

"Paano kayo?" Tanong ko sakanila habang naakyat si Ginoong Lope sa alaga niyang
dragon.

"Susunod kami."

Hindi na ako sumagod pa, bagkus ay sumunod na ako sa pag-akyat at pumuwesto kung
saan hindi ako malalaglag.

Ilang saglit lang ay kinumpas na ng dragon ang kanyang mga pakpak at mabilis itong
umangat. Sobra akong namangha. Hindi pa ako nakakasakay sa ordinaryong eroplano
pero kakaibang experience ito na once in a life time lang. At least ako nasubukan
kong sumakay ng dragon!

"We need to hurry." sabi ni Brianna. Nilibot ko ang buo kong paningin. all I can
see a sand. Nothing more, nothing less. Wala na bukod kulay asul na langit at sa
tirik na tirik na araw.

tinignan ni Ginoong Lope ang dala niyang compass. "Doon Shuri!" Banggitnito. Shuri
pala ang pangalan ng kanyang dragon.
"Ginoong Lope alam mo ba ang direksyon?"

"Ayon sa hawak kong gamit, doon ang norte. Tantyahan nalang kung saan ang laping
apat na antas." Tumango tango nalang si Brianna. Dumungaw ito sa ibaba upang
hanapin ang aklatan.

Tumulong na din ako sakanila at dumungaw sa baba para hanapin ang aklatan. Wala
akong makitang cactus man lang sa ibaba. Sigurado akong walang mabubuhay na tao
dito. Maaaring may mga camels dito katulad sa Saudi pero may ganun ba dito?

"Guys, look at that." Napatingin kami sa baba kung saan nakaturo ang kamay ni
Brianna.

"Ano yun?" Tanong ko. Gumagalaw ang lupa. Para bang lumilindol pero hindi eh, dahil
may kung anong malaking nilalang sa ilalim nito.

"Bilisan natin Shuri." Biglang bumulusok ng paglipad ang dragon habang ako naman ay
kapit na kapit dahil sobra at takot ko na mahulog. Gosh!

"Guys, mukhang sinusundan tayo." Sabi ko. Mukhang problema to a. Hindi namin alam
kung anong nilalang iyon pero sigurado akong mapapalaban kami.

"Guys! Tignan niyo!! May nalabas!!" Mahigpit akong napahawak sa likod ng dragon
dahil bigla itong huminto sa paglipad.

"shet! Ang laki!!" halos lumuwa ang mata ko dahil sa nilalang na nasa harap namin
ngayon. Sobrang laki niya as in. Mukha siyang higanteng buwaya. Naka buka ang
kanyang bunganga na sana'y kakainin kami.

Bumaba na yung monster. "Shuri, hurry please!" Sigaw ni Brianna. Nanginig bigla
yung kalamnam ko dahil sa sobrang takot.

Tumingin ako sa ibaba. Nandoon parin yung halimaw na sinusundan kami. Kasing haba
ito ng dalawang bus at ang lapad nito.

"Guys, ayan nanaman siya!!" Tumalon nanaman siya nang nakabukas ang bunganga.
Mabilis na umilag Si Shuri pero kasabay noon ang pagkabitaw ko sa balat nito na
naging sanhi ng pagkahulog ko.

"Argggh!"

"Amara!!"

xxxxxxxxxxxxxxxx
Third Person's POV

Mabilis na kumilos ang halimaw nang makita niyang mahulog ang dalaga mula sa
dragon.

Walang pag-aalinlangan, tumalon din Si Brianna upang tulungan ang kaibigan.


Nagpalabas ito ng tubig sa kanyang kamay upang atakihin ang halimaw na malapit na
sa dalaga. Pero hindi ito tinablan dahil sa makapal na balat nito.

"fuck!" she cursed.

"Aries, I summon you." Sigaw ng dalaga. Bigla namang lumabas ang Celestial God sa
ilalim nito at binuhat siya paitaas.

"Hi, beautiful creature." Saad nito. Walang reaksyon ang dalaga sa sinabi ng
Celestial god. Nakatingin lang ito kay Brianna na babagsak din.

"Arrgh!" Nagulat Si Amara ng bigla siyang ihagis ni Aries. Nakagat kasi ng halimaw
ang paa ni Aries.

Mabilis namang kumilos si Brianna. She whipped her water around Amara's and she
pulled her.

"Ok ka lang?" Tanong ng dalaga. "Si Aries? Nasan na siya?" Nag-aalalang tanong ng
dalaga.

"Ok lang siya. Bumalik siya sa mundo nila para magpahinga. Ang alalahanin nalang
natin ngayon kung paano natin maiilagan ang halimaw na iyan!" Sigaw ni Brianna.
Nasa ilalim na nila ang halimaw at ilang saglit lang ay malalamon na sila ng buo.

Mabuti nalang at sakto ang dating ni Ginoonh Lopr kung kaya't nasalo ni Ahuri ang
dalawa.

"OK lang ba kayo?" Tanong nito.

"O..opo." Sagot ni Amara.

"I need to deal with this creature." Sabi naman ni Brianna.

"Masyadong mapanganib. Hindi natin alam kung paano matatalo iyan." Sagot ni Ginoong
Lope. "But, hindi tayo titigilan niyan unless we kill it. I'm sure, it has a weak
spot."
"Pero kailangan nating hanapin ang aklatan."

"I'm sure it's somewhere here."

"Ngunit --" Hindi na naituloy ni Ginoong Lope ang sasabihin ng biglang tumalon Si
Brianna.

"That girl. Sira ulo ka talaga!!" Sigaw ni Amara.

Kinuha ni Amara ang walkie talkie na iniwanan ni Brianna. "Guys, naririnig niyo ba
ako? Over."

"Yes. What's the problem?" Tanong ni Principal Logan na nasa kabilang linya.

"I think we need your help. We can't deal with this big monster."

"What's going there?"

"A fight? Basta, we need back up."

"There's another problem over here. A crocodile-monster suddenly appear after us."
What? Sakanila din? Gosh!

Hindi na sinagot ni Amara Si Principal Logan bagkus ay tumalon na din siya upang
tulungan si Brianna.

Kumuha niya ang Thelete na nakaipit sa binti niya. She transformed it into Leo's
arrow.

Naging curve ang thelete at nagkaroon ng flames sa dulo nito na nag form as a bow.
The thelete's color turned into red with a detailed designs on it. It has an
infinite fire arrow.

Tinira ng tinira ni Amara ang big crocodile kaya't napansin siya nito.

Naglanding ang dalaga sa disyerto.

"Virgo, I summon you!" Unti unting nagkaroon ng sand hurricane sa pagitan ng


monster at ni Amara at doon, lumabas ang Celestial god.

"Hi," bati ng Celestial god sa monster. Kinumpas nito ang kamau at muling nagkaroon
ng sand hurricane. Tinitira ng Celestial goddess ang monster pero hindi ito
tinatablan.

"Anong klaseng balat ang meron yan?" Tanong ni Brianna.

"Ang tibay!"

Mabilis na kumilos ang halimaw habang sina Amara naman ay tumatakbo din upang
iwasan ito pero masyadong mabilis ang halimaw kung kaya't naabutan sila at hinampas
ng buntot. Tumalsik ang tatlo sa magkakaibang lugar.

"Arrgh!" Singhal ni Amara.

"Pano natin to matatalo Brianna?!!" Sigaw niya.

"I know some spell. Spell I have learned but I need some time!"

"Ok! I'll buy some time for you!" Sigaw ni Amara at muli itong lumapit sa halimaw
para atakihin.

Mahihirapan kami dito. Mukhang matatagalan pa kami bago mahanap ang library kung
saan nakatago ang librong kailangan para mahanap namin ang portal papunta sa mundo
ni Ginoong Lope.

xxxxxxxxxxxxxxxx

Author's note:

Hi guys! Halos dalawang linggo na akong di nakapag update. Sorry! Finals week
ngayon. Nangangapa pa ako sa college life at di biro yung course ko. Kinukuha lahat
ng free time ko kaya bihira lang akong makapag type. Next week sembreak na kaya
don't worry. :)

enjoy reading!!

=================

CHAPTER 63 (MISSION #3 PART 2)

Chapter 63 (MISSION #3 PART 2)

xxxxxxxxxxxxxxxx
Amara's POV

"Ok! I'll buy you some time!"

Palapit na saakin yung halimaw. Mabilis akong tumakbo upang ilayo siya kay Brianna.
Napatingin ako sa itaas kung nasaan Si Ginoong Lope. "Yuko!!" Sigaw nito. Sinunod
ko ang sabi niya dahil kung hindi, baka nadagit ako ng dragon dahil sa sobrang baba
nito.

Binugahan ni Shuri ng apoy ang halimaw pero hindi ito tinablan bagkus ay mas lalo
lang itong nagalit kung kaya't Si Ginoong Lope naman ang hinabol.

"Gurrrrrrrr!!"

"Leo, I summon you!" Nagkaroon ng magic circle sa kinatatayuan ko at unti unting


lumabas Si Leo kung saan siya nakapwesto noong unang pag-summon ko sakanila. Makita
ko nanaman ang kanyang kasuotan na para bang anytime ay sasabak ng gyera. Ang buhok
niyang mala-apoy na kulay. Nakatingin ito sakin. Walang emosyon. Hindi mo mababasa
sa kanyang mukha kung ano ang iniisip niya ngayon.

"Kill him for me!" Turo ko sa halimaw. "Ts!" Singhal niya bago sugurin yung
halimaw. Wow huh! Galit siya?

Pinanood ko sila Ginoong Lope habang pinagtutulungan ang halimaw. Ang convenient ng
majika ko. Mag su-summon lang ako ng Celestial god at voila, siya na ang
makikipaglaban Laban para sakin pero, ako yung nauubusan ng energy.

xxxxxxxxxxxxxxxx

Third Person's POV

"Ok! I'll buy you some time!"

Ilang segundong pinanood ni Brianna ang ginawang pagpapahabol ni Amara sa dragon.


Inisip niya kung paano uumpisahan ang ritual upang gawin ang spell na makakatalo sa
halimaw.

"I need to make my own magic circle," mabilis na kumilos si Brianna. Nagpalabas ito
ng tubig sa kamay niya at kinontrol ito paikot sa kinatatayuan niya. Sa palibot ng
bilog, may sinulat siyang runes. Matapos iyon ay nagpalabas ulit siya ng tubig sa
kanyang palad at kinorte iyong square that fits the circle.

Matapos 'yon, she drew aquarius' sign in the square where she was standing.

"Aquarius, who gave me this power,


I, Brianna who wishes to borrow the power of water and ice,

to make the snow fall and make the ice flow," Unti unting nagliwanag ang magic
circle na kinatatayuan ni Brianna. Nilipad ng hangin ang buhok ni Brianna at ang
mga buhangin.

"I, wishes to be powerful in this battle.

To be powerful for good, and only for good." Mas lumakas pa ang ihip ng hangin na
para bang magkakaroon ng sand storm sa lugar.

Ilang saglit lang ay may malakas ng pwersa ng tubig na lumabas sa magic circle kung
saan paikot ikot ito kay Brianna.

"The water flowing through,

freeze that when this spell is through." Tinuro ni Brianna ang halimaw at dahil
doon, bumulusok ang tubig papalapit sa halimaw.

Pinalibutan siya nito. Hindi lubos maisip ng halimaw kung ano ang nangyayari kunng
bakit siya pinapalibutan ng tubig.

pinalo-palo niya ang tubig pero tuloy-tuloy lang ang pagdaloy nito.

Out of nowhere, dumadami ang tubig na pumapalibot sa halimaw. Umaangal na ito pero
wala itong magawa upang takasan ang pagkakulong niya sa tubig.

Ilang saglit lang ay tuluyan nang nabalutan ng tubig ang buo nitong katawan
hanggang sa unti-unting tumigas ang tubig at naging yelo.

"Yes! Nagawa mo!" Sigaw ni Amara na tuwang tuwa sa pagkapanalo nila. "Natalo natin
ang napakalaking higanteng ito!"

"Hindi lang iyon binibini." Sabat ni Ginoong Lope.

"Bakit po?"

"Natagpuan na din natin ang aklatan." Napasunod si Amara sa tingin ni Ginoong Lope.
Mas lalong namangha ang dalaga dahil sa nakita. Ang tuktok ng isang malaking
aklatan ay kapantay lang nila.

"Ano yan?" Tanong ni Amara sa kasamahan. Nagsilapitan sila doon.


"Kung hindi ako nagkakamali, ayan ang tuktok ng library." Nilusot ni Amara ang
kanyang ulo sa isang bintana at sinilip kung ano ang meron sa loob.

"Woooaah! Ang laki!" Amara shouted as her voice reverberate all over the place.

"Amara, nasan na yung walkie talkie?" Tanong ni Brianna. "Oh, ayun ba? Iniwan ko
'yon sa likod ni Shuri kanina."

"Wala na si Shuri." Sagot ni Ginoong Lope

"Wala na si Shuri? Na-napatay siya?"

"Hindi. Pinapunta ko siya sa kaibigan niyo upang ipaalam kung nasaan tayo ngayon."
Natatawa-tawang sagot ni Ginoong Lope.

"Paano natin ko-kontakin sina Principal Logan?"

"Hayaan mo, ako ng bahala doon." Lingid sa kaalamanan ng dalawa, kayang kausapin ni
Ginoong Lope ang dragon sa pamamagitan lang ng isip.

xxxxxxxxxxxxxxxx

"What the fuck is that?!" Dione shouted when a crocodile-liked monster suddenly
appeared after them.

Agad nilang pinalibutan ang halimaw at saka ito inatake.

"Shit!" Sigaw ni Elizze ng hindi man lang tinablan ang halimaw sa atake niya.

"Grrraaaar!" Dahil sa ginawa ni Elizze, siya ang sinundan ng halimaw.

"Stop chasing me!" Inis na sigaw ng dalaga. Nagpalabas ito ng apoy sa dalawang paa
niya na nag sanhi ng paglipad niya.

"Roar!" Hinarap ni Elizze ang halimaw at nagpalabas ito ng apoy sa bunganga niya.
Dahil doon, nakakuha ng oras ang ibang kaibigan nito upang atakihin ng mas malapit
ang halimaw.

Si Principal Logan, mabilis na tumakbo papalapit sa halimaw. Sinuntok niya ng


sobrang lakas ang halimaw sa likod.
Si Dione at Dylan naman ay pinagtapat ang kanang kamay.

"Light and shadow, Concord Incursion!" Naghalo ang light and dark energy ball sa
kanang kamay nila at ipinukol iyon sa ulo ng halimaw. Dahil sa sobrang lakas ng
impact, halos matumba na ang halimaw.

Napatigil sila sa pag-atake ng makita nila ang dragon na si Shuri na papalapit


sakanila.

"Diba ayun yung dragon ni Ginoong Lope?" Tanong ni Elene.

"Yes. I don't know why it is here but we need to kill this monster 'coz I have a
bad feeling for Brianna and the others." Sagot naman ni Principal Logan.

Muling tinuon ng barkada ang atensyon nila sa halimaw na ngayon ay naka recover na
sa atakeng ginawa ng nauna.

Ang kaninang si Hermes na pinapanood ang pag-atake ng kasamahan, ay nakisali na


din. In a cool way. Nakatayo lang siya malapit sa kinatatayuan ni Darius ng
bumulong siya. "Seven deadly sin."

Nakaramdam ng pagkahapdi ng kalamnan ang halimaw. Hindi nito maipaliwanag ang sakit
na nararamdaman dahil bawat segundo ay nadaragdagan ito.

"Grrrrrrrrawwwwr!!!" Ilang saglit lang ay may lumabas na pitong malalaking espada


sa katawan nito. Nagkalat din ang dugo na sumabay sa paglabas ng yelong espada.

"The fvck! Hindi pa ako umaatake pero patay na!!" Singhal ni Nicholas.

Tuwang tuwa ang magbabarkada dahil nalagpasan nila ang unang pagsubok na nag-aabang
sakanila.

Napatingin ang Barkada sa kakalapag na dragon. Agad namang nilapitan ni Principal


Logan si Shuri. Nagimbal ito sa nakitang walkie tallkie sa lilkod.

"They need our help." Seryosong sabi nito.

Umakyat si Principal Logan, Hermes at Elizze sa likod ni Shuri upang dalhin sila
kung nasaan sina Brianna.

Lilipad na sana ang dragon ng biglang umihip ang malakas na hangin.

"What's that?" Tanong ni Hemes na hindi na maidilat ang mata dahil pumapasok ang
buhangin sa mata.
"A sand hurricane." Principal Logan answered. "Let's go dragon." Utos nito pero
hindi na nito magawang lipad dahil sa sobrang lakas ng hurricane.

"Hey!! What's that?! Who are you?" Malakas na sigaw Dione ng may biglang kumapit at
hinigit siya.

xxxxxxxxxxxxxxxx

To be continue. Sorry sa maraming typo. Edit ko nalang bukas. :)

=================

CHAPTER 64 (MISSION #3 PART 3)

Chapter 64 (MISSION #3 PART 3)

xxxxxxxxxxxxxxxx

Amara's POV

"Bakit ang tagal nila?" Kanina pa ako nababagot dito. Lahat ng ninuno ko na drawing
ko na yata sa buhangin sa paanan ko. Kaso nakalimutan ko, 'di ko alam kung sino ba
talaga ako. Ano ba ang tunay kong pangalan o kung sino talaga ako. Kelan ko lang
nalaman na may kakambal pala ako. Tapos hindi pa ako makapaniwala na isa siya sa
kontrabida sa storya na ito.

"Baka kung ano na ang nangyari sakanila." Nag-aalala ding sabi ni Brianna. Nung
nakausap ko si Principal Logan kanina para manghingi ng back-up, bigla na lang
niyang itinigil ang tawag dahil may something crocodile-like monster daw ang
sumulpot so sigurado akong nakipag laban din sila. Pero imposible namang hindi nila
matalo yon dahil ang dami pa at issa pa kahit si Hermes lang ang lumaban sigurado
na akong talo nila yun.

Napatingin kami ng biglang tumayo si Ginoong Lope. "May problema po ba?" I asked.

"Si Shuri, bumalik na siya sa katawan ko." Napataas ang kanang kilay ko dahil sa
sinabi niya. Panong bumalik na eh hindi nga namin nakita.

"Sure ka Ginoong Lope?"

"Oo. Sigurado akong may nangyaring hindi maganda sa kaibigan ninyo. Nararamdaman ko
ang pang hihina ni Shuri at sigurado akong napalaban sila."
"Kung ganon kailangan natin silang balikan. Baka Dark Baron na ang umatake
sakanila." Sabi naman ni Brianna. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"I think mas mahihirapan tayo kung babalik pa tayo. Isa pa wala na tayong
masasakyan dahil nagpapahinga si Shuri ngayon." Kinagat ni Brianna ang kanyang
index finger at halata sa mukha niya ang lubos na pag-aalala.

"Don't worry Bri." Itinapat ko ang kanang kamay ko sa gilid then I gestured it like
I was drawing Virgo's and Leo's sign in air. "Two of the four element's holder,
Virgo and Leo I summon you." Just like before, nagkaroon ng magic circle sa
tinatapakan ko at si Virgo ay nasa nine o'clock position at katabi naman niya si
Leo na nasa eight o'clock position.

"Hi po. Gusto ko lang i check niyo yung mga kaibigan ko. Something might happened
to them."

"Ok." What the effin f? Bakit biglang naging cold yung pakikitungo ni Leo sakin?
Hindi naman siya ganyan dati ehh. Bigla nalang silang umalis ni Virgo. Ok?

"Let's go Brianna. Kailangan nating hanapin yung Lost book." Halata sa mukha ni
Brianna ang pagka pagod. She really look exhausted.

"Patawarin niyo ako sa gulong ginawa ko mga ijah." Napatingin ako kay Ginoong Lope.
Sigurro nakakaramdam siya ng guilt kung bakit ito nangayari saamin ngayon.

"It's nothing Ginoong Lope. We really want to help kaya wag mo pong siihin ang
sarili niyo. Meron pa kaming nagawang mission na mas mapanganib pa dito kaya don't
mind it nalang bagkus ay mag focus tayo para matapos natin ang mission na 'to."
Sabi ni Brianna at nginitian si Ginoong Lope. Ngiting alam mong galing sa puso.
Yung walang halo na kasamang sama ng loob.

"Let's go." Unang tumalon si Brianna doon sa bintana. Hindi ko alam kung gaano
kataas ang babagsakan namin. Sunod na pumasok si Ginoong Lope. Pinakinggan ko ang
pag landing niya pero ilang segundo na ay wala parin akong naririnig.

Bigla akong kinabahan. Kailangan kong magsigurado kaya kinuha ko yung Thelete. "Oh
Thelete, wag kang papalpak, unang beses mong magtransform as Aries' artifact."
dinasalan ko muna yung Thelete bago ko ihagis sa itaas.

Unti unti itong nagliwanag hanggang sa nagbabago na ito ng anyo. From a detailed
tube, nag transformed iyon into an angelic white wings. It is called by Aries'
Wing.

Unti unti itong dumikit sa likod ko at ilang saglit lang naramdaman ko na na part
siya ng katawan ko. It's weird having a wings you know. Ilang saglit lang ay
sumunod na ako kina Brianna. Halos wala akong makita dahil madilim dito at ang
tanging ilaw lang ay ang dim light na nakadikit sa dingding.
"Worw! Ang ganda niyan ah!" Sabi ni Brianna at hinimas himas niya yung pakpak ko.
"Wag! Nakikiliti ako!" I shouted at her as I giggled.

"Ok. Kaya natin 'to. Fighting!" I chanted. Kailangan na naming magsimula. Sigurado
akong malaki ang library na ito at hindi magiging madali ang paghahanap namin sa
lost book.

"Light, guide us no matter what." May lumabas na tubig na nagliliwanag sa palad ni


Brianna at nahati iyon sa tatlo. Ito ang magsisilbing liwanag namin para sa
paghahanap ng libro. My gosh!

xxxxxxxxxxxxxxxx

Third Person's POV

"What the fuck! Bitawan niyo ako!" Angal ni Dione. Hindi makita ng dalaga kung sino
ang humihila sakanya dahil sa sobrang lakas ng hangin na pati ang buhangin ay
iniihip na at pumapasok sa mga mata nila.

"Who are you?!!" inis na sigaw naman ni Elizze. Pilit na dinidilat ng dalaga ang
kanyang mata para makita ang humihila sa braso niya pero dahil sa sobrang lakas ng
hangin, tanging buhangin lang ang nakikita nito.

Dahil sa inis ni Elizze, Binalot niya ang katawan niya ng apoy. akmang lilipad na
siya ngunit bigla siyang binalot ng buhangin kung kaya't namatay ang apoy. "Shit!"
Daing nito na halatang nahihirapan sa kalagayan.

Lingid sa kaalamanan nila, apat na katao ang naroroon upang hulihin sila.

"Hey! Sino ba kayo? Don't pull me!" Inis na sigaw ni Elene na hinila papunta sa
rekulungan na nasa likod ng halimaw na kamukhang kamukha ng kinalaban ng barkada
pero isang itong pinaliit na bersyon.

Bigla namang nahulog sina Principal Logan at Hermes mula sa likod ni Shuri dahil
bigla itong lumipad. Hindi makapag buga ng apoy ang dragon dahil may matatamaan
siyang kakampi kapag ginawa niya iyon kaya napag pasyahan niyang bumalik nalang sa
master niyang si Ginoong Lope.

Dahil sa inis ni Principal Logan, malakas niyang sinuntok ang buhangin sa lapag
kung kaya't nagsitalsikan ang mga ito at ang mga tao naman doon ay natumba at ang
iba ay natabunan ng buhangin.

Bumagsak din ang mga buhangin na nagsisiliparan dahil napuruhan ang taong nagko-
kontrol dito.
"Guys! Are you alright?!" Tanong nito. Agad tumayo si Principal Logan at tinignan
ang nangyayari. Nakita niya ang apat na tao na nakasuot ng googles. Hindi din nito
makita ang mga mukha dahil sa nakasuot ang mga ito ng mask.

Mabilis na gumalaw si Principal Logan upang umatake pero muling gumalaw ang
buhangin at inatake ito.

"Someone, help me!" Sigaw naman ni Elizze na nakakulong na sa rehas. Agad na


lumapit si Darius doon. Nabuksan na niya ang pinto pero bigla siyang itinulak ng
isa sa mga umatake at nakulong din siya.

"Shit!"

Bumangon ang iba upang tulungan si Principal Logan sa pakikipag laban. "Shadow's
snake." Nagpalabas ng dark enegy si Dione at mabilis itong gumapang papunta sa mga
kalaban. Umangat ito at tila ba nag uppercut.

Natumba ang kumokontrol ng buhangin at nawalan ng malay. Masaya ang barkada pero
napalitan iyon ng pagkalito ng bigla muling lumutang ang mga buhangin.

"What the fuck? Anong nangyari?" Hermes' cursed.

"We are Ammos from the Lost City in case you didn't know." Inalis ng nagsalita ang
kanyang suot na mask at nalantad ang kanyang porselanang balat. She is a girl.

"Of course they didn't know Isha. Para saan pa't tinawag iyong Lost City kung
malalaman nila." Lumapit naman ang isang lalaki at tinabihan ang babaeng
nagngangalang Isha.

"Wag ka ngang ano dyan Marco!" Inirapan ni Isha ang kasama niya.

"Hey, mag seryoso tayo. They killed our guardian so they must be execute. Someone
also killed our guardian in the East and we must find them as soon as possible."

"Hey! Unang umatake ang guardian ninyo kung kaya't pinotektahan lang naman ang
bawat isa." Inis na sabi ni Elene.

"I am not talking to you, girl." Seryosong sabi ng lalaki. "Get them."

"Seriously Rome? I want some fun! Let me play them." Sabi naman ni Isha. "We're not
your toys, Bitch!" Mataray na saad ni Dione. Nanlaki naman ang mata ni Isha.

"You provoked me, jerk." Naging seryoso ang mukha ni Isha. Binalik niya ang mask at
mabilis na gumalaw para kalabanin si Dione. Naging alerto naman ang dalaga at
hinanda ang sarili sa magiging laban nila.

"Marco, kuhanin mo si Jett. Sagabal lang siya sa misyon natin." Kinuha ni Marco ang
walang malay na kasamahan at nilapag sa likod ng alaga nila.

"I'll handle this." Tumapat si Rome barkada. Naalerto naman ang lima at hinanda ang
kanilang sarili sa laban.

"It's Five versus one." Mapang-asar na sabi ni Nicholas pero hindi tinablan ng
mapang-asar na charm ni Nicholas si Rome bagkus ay ngumisi ito ng nakakaloko.

"One is enough."

xxxxxxxxxxxxxxxx

Important note:

Sa mga may magagandang kalooban diyan, may mga adobe photoshopped sa computer nila
I need your help. :) I need a book cover para dito sa Celestial Princess. thank you
very very much. i-pm niyo nalang po sa fb account ko. YuehanMarco WP po. Thanks in
advance.

=================

CHAPTER 65 (MISSION #3 PART 4)

Chapter 65 (MISSION #3 PART 4)

xxxxxxxxxxxxxxxx

Third Person's POV

Tahimik silang lahat. Walang nagalaw, walang umiimik. Ang lahat ay nakikiramdam sa
susunod na gagawin ng bawat isa. "He looks like a skilled assasin." Isip ni Logan.
Pinag-aaralan nito kung paano ang tinig ng kalaban niya. Iniisip kung ano ang
susunod nitong gagawin.

"Come on. Are you scared?" Mapang-asar na saad ni Nicholas. Sumingkit ang mata ni
Rome na hindi napansin ng kalaban siya sapagkat nahaharangan ito ng suot niyang
googles.

"You guys look so weak." Seryosong saad nito.


"But you're like an insect who can easily be kill." Singhal naman ni Elene.

"Stop chitchatting." Seryosong wika ni Hermes. Prenteng-prente lang itong nakatayo


habang ang dalawang kamay ay naka pasok sa bulsa nito. napatingin sakanya si Rome
at naging interesado dahil sa kanyang kinikilos na para bang wala lang sakanya ang
kaguluhang nangyayari.

Seryosong tumakbo si Logan upang sugurin si Rome pero dahil sa tinatapakan nila ay
disyerto, mabilis itong napigilan ni Rome. Napalibutan ito ng disyerto, kahit na
anong gawin niyang pag-aalis sa katawan nito ay hindi parin maalis dahil sa
kinokontrol ito ni Rome. Ilang saglit lang ay kinakain na si Principal Logan ng
disyerto.

Nagpakawala naman si Elene ng malakas na atake ngunit naka ilag kaagad si


Rome.Sinunod sunod niya ang pag atake pero dahil pinapa-angat nito ang kanyang
tinatayuang disyerto, naiilagan niya lang ang mga atake.

Dylan did the same. He was aiming for Rome. Hindi niya rin ito matama-tamaan kaya
inis na inis itong nagpakawala ng isang malakas na pwersa na gumawa ng isang white
phoenix.

Pinuntirya ng white phoenix ang kalaban. Napangiti si Rome at ilang sandali lang ay
lumikha siya ng isang nilalang na mayroong ulo ng Leon, katawan ng isang kambing at
may buntot ng isang serpyente gamit ang disyerto.

Nagbuga ng light energy ang phoenix ni Dylan sa Chimera at natatamaan ito sa


katawan sa ulo at sa iba nitong bahagang katawan ngunit bumabalik lang ito sa
dating anyo dahil napapalibutan sila ng disyerto na kung saan sina Rome ang pinaka
malakas.

Tumalon ng malakas ang Chimera at nakagat nito ang phoenix ni Dylan. Asar na asar
siya lalo ng noong ngisian siya ni Rome. Nawala na parang bula ang White Phoenix ni
Dylan kasabay noon ang malakas niyang pagsigaw dahil nilamon siya ng disyertong
kinatatayuan niya.

"Two down, three more to go." Mapang--asar na sabi ni Rome pero hindi man lang
naapektuhan si Hermes sa sinabi niya.

"Include us." Banggit ni Leo na biglang sumulpot kung saan. Nakangiti lang naman si
Virgo habang magkahawak ang dalawang kamay. Kanina pa siya may pamilyar na
nararamdaman sa lugar ngunit hindi niya lang matukoy kung ano iyon.

xxxxxxxxxxxxxxxx

Dione's POV

Kanina pa ako nakikipag laban dito. Masasabing may ibubuga ang Isha na ito pero
wala siyang laban kapag hindi kami dito naglaban. Dahil punong puno ng buhangin ang
lugar, unlimited din ang supply ng defense at offense niya.

Pero kahit na ganon, nasaakin ang alas.

Umiwas ako sakanya dahil sobra na ang pagkahingal ko. I need some air pero mahirap
matagpuan iyon dito. Nakaka suffocate ang lugar dahil sa sobra init at dahil na din
sa mha nasisinghot kong buhangin na nagsasanhi ng pag bahing ko.

"Are you tired?" Pang iinis na asar niya sakin. Wala man lang bakas na pagkahingal
sa mukha niya. Wala din siyang kapawis-pawis sa mukha.

"I think you are. Let's finish this na nga." Mabilis siyang gumalaw papunta sakin.

napangisi ako dahil open siya for an attack. I can easily defeat her kahit na sobra
na ang pagod ko.

I need some time.

Dalawang metro nalang ang layo niya so I transformed inyo a shadow. Mabilis akong
tumungo papunta sa likod niya and then bumalik ako sa original form ko at sinipa
siya ng pagkalakas-lakas.

Narinig ko ang napakalakas niyang pagdaing. Haha! Lumapit ako sakanya. Hinawakan ko
ng mahigpit ang buhok nito upang iharap sakin ang mukha niya.

"Bitch, sino ba talaga kayo?" Matalim ang tingin na ipinupukol ko sakanya. Nainis
ako ng ngumisi siya.

"As I said earlier, we're from Lost City and we are called as Ammos. bitch."

Inirapan ko siya sabay ang pagbitaw sa buhok ng babaeng 'to.

Lost City. Kadalasan 'yang tinuturo sa History ng Faireo. Hindi ako naniniwala sa
mga myth na ganyan kahit na possible iyon sa mundo namin. Hindi ako naniniwala sa
pinag sasabi ng babaeng 'to.

"Ikaw, sino ka ba talaga Dione?" Napataas ang kanang kilay ko ng biglang naging
seryoso ang kalaban ko. Kanina kasi she's playful lang at napapansin ko na kaugali
ko siya but you know, I am better than her. Duh!

"Ako? haha! Ako, ako ang tatalo sayo."

"You can't." Bago pa niya ako matamaan ng kanyang atake, nag transform ako sa
shadow form ko at mabilis na nag travel papunta sa sarili niyang anino. Nag-isa
kami ng anino niya at dahil doon, kaya kong kontrolin ang katawan niya.

This technique requires too much energy. Ngayon ko palang unang beses gagawin itong
technique kaya naman hindi ko pa siya masyadong kontrolado. "Anong ginagawa mo?!"
Bakas sa kanyang boses ang pagka tense.

"Killing you? Haha!" I said sarcastically.

"Fuck! Di ko maigalaw ang katawan ko! Umalis ka dyan or else --"

"Or else what?" Hindi siya nakasagot. Hindi niya alam ang gagawin niya upang alisin
ako sa sarili niyang anino. Well, madali lang naman pero sa liit ng utak na meron
siya, hindi niya malalaman kung ano iyon.

Pinaitim ng pinaitim ko ang anino niya. I know what she's feeling right now.
Napapasigaw na siya dahil sa pagtaas ng temperatura sa katawan niya. That's it!

Napatingin ako sakanya. Para siyang binuhusan ng tubig dahil sa sobra nitong pawis.
Kahit na pinipigilan ko siyang makagalaw, she's forcing her self to make a move.
Nahihirapan na siyang makahinga at any minute alam kong mawawalan na siya ng malay.

Nagtaka ako ng bigla siyang matumba. No! Kahit na mamatay siya as long as nasa
anino niya ako, I can control her. What now?

Biglang may lumapit sakanya. That Marco and Jett guy! Nagpaangat sila ng sand upang
maharangan si Isha ng araw na naging dahilan upang mawalan ito ng anino. Akala ko
patay na yung mahinang Jett na yun.

Muli na akong bumalik sa original form ko. Napatingin ang dalawa sakin. Si Marco ay
saglit na tumingin sakin bago niya ibalik ang atensyon sa kaibigan niya pero this
guy, named Jett, para siyang nakakita ng multo.

"Jane?"

xxxxxxxxxxxxxxxx

Elizze's POV

Fuck! Sa lahat ng quest namin, ito ang pinaka ayoko. Wala ako sa aksyon, nakakulong
lang ako dito habang pinapanuod ang unti unting pagkalagas ng mga barkada ko. Hindi
ko alam kung nasaan na sina Principal Logan at Dylan. Kinain sila ng lupa at ngayon
hindi na makita ang bakas nila. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may
masamang nangyari sakanila.
Wala ako -- kaming nagawa ni Darius upang tulungan ang barkada pero Leo which chose
me as his majika's bearer is here also Darius'.

Nakikipag laban sila ngayon. Matindi ang bakbakan nila. Kahit na mag-isa lang itong
si Rome, na ha-handle niya ang barkada which is nakakabilid lalo na't hindi man
lang siya pinagpapawisan.

Base sa majika nila, si Nicholas lang ang lamang. Sand is greater than Ice, fire
and thunder but that's only my opinion. Nasa kanila nalang kung paano sila
didiskarte.

"Kyaaaaah!" Unti unting linamon ng disyerto si Elene. I heard Darius' cursed. Sobra
na 'to, I want to help them. But first I need to escape.

Nakita kong naka ngisi si Rome at alam kong hindi iyon nagustuhan ni Hermes and the
rest.

"I need to go back Leo, Nararamdaman ko ang unti unting pag hina ng majika ni
Amara. You need to stay para tulungan sila." Ani Virgo. Tumango lang si Leo at unti
unti nang nawala ito.

Nagsukatan sila ng tingin. Tatlo nalang sila. Alam kong kayang talunin ni Hermes si
Rome. Malakas siya at naniniwala ako sa kakayahan niya.

Sabay sabay silang sumugod. Hermes is holding his ice sword, Nicholas is flying at
si Leo naman ay nag-aapoy ang buong katawan.

Mas lalong lumawak ang ngisi ni Rome. Inangat niya ang buhangin at una nitong
inatake si Leo. Naka ilag siya sa unang atake pero hindi ang sumunod. Unti unting
nabalutan ng buhangin ang katawan niya kaya nawala ang pag-apoy nito. He's
Celestial god pero natalo siya ng di hamak na isang tao lang na kagaya ko. Hindi ko
alam pero ang lakas ng pagdududa ko. Alam kong may mali.

Unti unting nawala si Leo. Sigurado akong bumalik na siya sa mundo nila.

"Mukhang hindi siya isang Celestial god. I defeated him. Mahina siya." Mapang-asar
na ani nito.

"So now, I want to finish this. I'm getting bored."

Biglang nagkaroon ng malakas na sandstorms. Nandoon silang tatlo sa loob upang


hindi namin sila makita. They are surronded. Hindi ko alam pero pinang hihinaan ako
ng loob. Hindi ko alam kung matatalo pa nila si Rome. Sa oras na ito, malaking
disadvantage ang lugar para saamin. Teritoryo nila ito at iyon ang malaking
advantage na napunta sa kalaban.
"We've lost." Hinaeakan ni Darius ang balikat ko. Muli akong napatingin sa
sandstorm na unti unting nawala. Niluwa nito ang tatlo. Si Rkme na nakatayo, si
Hermes na sugatan at si Nicholas na nakahiga na mukhang walang malay. Hindi na ako
magtataka.

Wala saamin ang pabor ngayon.

xxxxxxxxxxxxxxxx

Dione's POV

"Jane?" Tanong ko sa sarili ko pero sapat na iyon para marinig ni Jett ang binulong
ko.

"You don't remember anything? Wow!" Sarcastic pero halata sa boses nito ang pagka
dismaya. Sinong Jane ang pinag sasabi niya?

"I don't know what you're talking about." Inirapan ko siya. Tinignan ko ang mga
kasamahan ko, pinalibutan ng disyerto ang Celestial god of Fire at unti unting
nawala. Iust help them, dalawa nalang sina Hermes na nakikipag laban.

"Jane. Jane Kennedy, it's you."

What the hell is he talking about?

xxxxxxxxxxxxxxxx

Unedited. Sorry. Nahihilo na ako ngayon. Hahaha! Enjoy reading. Thanks.

=================

CHAPTER 66 (MISSION #3 PART 5)

Author's note:

Hi thank you sa book cover. I like it very very much, ang ganda. Thank you!

Sa mga gustong magpa dedicate, fell free to message me. Anyway, thank you for
reading my story, i hope you like it. And meron nga pala akong bagong story,
'Catalyst' science fiction na may pagka drama. Well, sana maging effective yung
hugot lines doon. So guys, read it.

xxxxxxxxxxxxxxxx
Chapter 66 (MISSION #3 PART 5)

Amara's POV

Almost one hour na naming hinahanap yung Lost Book na kailangan namin pero wala
kaming makita. Wala pa sa kalahati ng library ang nalilibot namin kaya sigurado
akong matatagalan pa bago namin tuluyang makita ang hinahanap namin.

Nagugutom at nanghihina na ako. Tinignan ko yung tattoo, hindi na nag go-glow ang
sign nina goddess Virgo at Leo kaya sigurado akong bumalik na sila sa Olympian.
Nag-aalala na ako para sakanila.

Napatingin ako kina Brianna na patuloy paring naghahanap. Napa-upo ako dahil
masakit na ang mata ko dahil kanina pa ako nagbabasa. madami na nga akong natutunan
dito.

Muli kong idinilat ang mata ko upang ipagpatuloy ang paghahanap. Pumunta ako sa
kabilang shelf. Pero bago ako makarating doon, may kakaiba akong natapakan. Lumubog
iyon na para bang nag activated ang isang trap.

Pero hindi.

Sunod sunod na bumukas ang ilaw ng lampshade na nakadikit sa bawat shelf. Tinignan
ko sina Brianna kung napansin nila ang bumukas na ilaw pero hindi; abala parin sila
sa pagbabasa ng libro.

Muli kong binaling ang tingin sa daan. Sa dulo ng daan ay bumukas ang isang secret
passage. Hindi ko alam kung anong gagawin ko; kung tatawagin ko ba sina Brianna
upang ipakita ang natuklasan ko o hindi.

Sa huli. nagtungo ako doon ng mag-isa. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi
ko alam kung anong mangyayari sa pagpasok ko doon. Pero kailangan kong maging
matapang.

Sinilip ko ang loob. Walang sign ng kalaban pero kailangan ko pa ding maging
alerto. Madilim ang lugar pero nakikita ko parin kung ano ang nasa loob dahil sa
gawang ilaw ni Brianna.

Wala akong ibang makita sa loob kundi ang isang table na nasa gitna. Pinalitan ko
ang anyo ng Thelete, It's now Taurus' blade.

Nilibot ko ang mata ko. Hindi ako makampante na walang kalaban dito.
Ilang minutes ko ding nilibot ang bawat sulok ng kwarto pero wala ni isang daga ang
nandito kaya naman minarapat ko ng puntahan ang table at tignan kung ano ang
nandoon.

Book. A book with detailed design. Napaka elegante ng disenyo ng libro na halos
hindi mo aakalain na luma na ito kung hindi mo titignan kung paano ang
pagkakasulat.

Wala akong maintindihan sa nakasulat. It's either ancient writing ito o taga ibang
planeta ang nagsulat nito. who knows! Hindi ako familiar sa script na ito. Siguro
hindi pa ito tinuturo sa Academy kaya hindi ko pa alam pero sila Brianna, siguro
alam nila ito.

"Amara!" Agad akong lumabas ng kwarto para alamin kung bakit sumigaw si Brianna.
Something might happen to them. Agad akong napabalikwas ng takbo ng makita ko si
Dione na naka sandal sa bisig ni Brianna na halatang kagagaling lang sa pakikipag
laban.

"Anong nangyari?" I asked. Mukhang hindi naman siya napuruhan pero I know nahirapan
siya sa pakikipag laban kasi naramdaman ko din ang unti-unting pagkaubos ng majika
ko ng gamitin ito nina Goddess Virgo at Leo.

"Nasan ang iba?"

She looks so exhausted. Alam kong nahirapan siya sa pakikipag laban at paghahanap
ng library pero I need to know kung nasaan ang iba at kung bakit hindi niya kasama
ang mga ito.

"The Annos took them." She forced herself to answer.

"Ano? Anus? Sino ang mga iyon?"

"Annos? As in yung ancient civilization ng Lost City? Nag e-exist ba talaga yun?"

"Yes. And we encountered them a while ago. All of them can control the sand. Pare-
parehas sila ng majika and I wonder why dahil and sand ay isa sa mga sub-element.
Mabuti sana kung flight o mind-reading ang majika pwede pa but that's rare." Dahan
dahang inayos ni Dione ang kanyang sarili.

"We must find them. I'm sure kailangan nila ng tulong natin."

"Pero hindi pa namin nahahanap ang libro."

"Pwede naman nating hanapin ang libro kapag naligtas natin sila."
"Pero--"

"Sa tingin ko nakita ko na yung libro. Nandoon yon sa may kwarto. Let's go."

xxxxxxxxxxxxxxxx

Tulala. Hindi parin kami makapaniwala sa content ng aklat. Mga propesiya na


mangyayari in the near future. I can't believe na mangyayari iyon two weeks from
now. Nakakaloka!

"Hindi parin ako makapaniwala." Brianna sighed. "Two weeks from now, magbubukas ang
lahat ng portal automatically." Binuklat niya ang libro at naghanap ulit ng mga
impormasyon. Mabuti nalang at marunong silang mag decode ng ibang lenggwahe.

"Nakalagay din dito ang mga secrets ng Faireo at ng ibang mundo. It says na there
are infinite worlds pero eight worlds palang ang nadi-discover. Isa na nga dito ang
Hermiso which is yung mundo ni Ginoong Lope." Binuklat buklat pa ni Brianna ang
libro pero huminto siya sa isang page.

"I thik this is the spell." I think she's pertaining to the spell she needs to cast
to open the portal to the other world.

Lumayo siya samin. Ready to cast the spell pero pinigilan siya ni Ginoong Lope.

"Gusto ko kayong tulungan mga ijah. Sigurado akong mahihirapan kayo sa pakikipag
laban." Kumunot ang noo ni Brianna.

"Pero may pamilya kayong dapat balikan, hindi ba? They need you."

"Meron. Pero dahil sa kabutihag loob ninyo, ang pagtulong ko nalang sa inyo ang
kabayaran bilang pasasalamat ko."

"Ginoong Lope --"

"Paki-usap." Brianna sighed. Wala na siyang nagawa kundi ang pumayag sa gusto ni
Ginnong Lope.

"Ok, first we need to find them. Second, we need to prepare for the upcoming
battle." Kumunot ang noo namin ni Dione sa sinabi ni Brianna. Upcoming battle?
Sinong kalaban?

"Anong upcoming battle yan Brianna?"


"Ang sabi dito,

Different worlds will collide,

an upcoming battle will happen,

fight between different races

only one will shine,

only one will rule the whole universe

only one race will shine the brightest."

Halos nagsitayuan ang balahibo ko dahil sa binasa ni Brianna. Kung prophecy itong
binasa niya, ibig sabihin mangyayari at mangyayari ang bagay na ito. Hindi ko alam
kung pwede pang pigilan ang hinaharap dahil naniniwala ako sa destiny at fate.
Nakatala na ang hinaharap at hindi ko alam kung may chance pa kami para mapigilan
iyon.

"So let's go and save the world." Masayang bigkas ni Brianna. Hindi ko alam kung
ano ang ire-react ko sa sinabi niya. Parang ang bigat naman ng tungkulin namin kung
kami ang mag sa-salba sa sanlibutan hindi ba.

Gosh!

"Let's go!!" Masaya ding sigaw ni Dione. Gosh, as in gosh! Ang saya pa nila na may
mangyayaring labanan.

Hays! I need to prepare myself.

xxxxxxxxxxxxxxxx

=================

CHAPTER 67 (MISSION #3 PART 6)

Chapter 67 (MISSION #3 PART 6 )

xxxxxxxxxxxxxxxx
"Paano natin makikita ang Lost City?" Tanong ko sa mga kasama ko. Nandito na ulit
kami sa loob ng sasakyan. Hindi ito simpleng sasakyan lang dahil kaya nitong mag
maneho mag-isa, voice control din ito. Parang si Siri ng apple.

"Siguro naman nakalagay ang impormasyon na yun sa libro." Ani Dione. Ang sakit na
ng ulo ko. Diba dapat itong libro lang ang hahanapin namin upang makita ang spell
para sa pagbubukas ng portal papunta sa mundo nila Ginoong Lope pero bakit
nadagdagan pa. Hays! Ngayon sina Elizze naman ang kailangan naming hanapin.

Napatingin nalang ako sa labas ng bintana. Nasa isang magubat na daan kami, ni
hindi alam kung saan patungo. "Siguro naman." nilipat lipat ni Brianna ang pahina
ng libro. Nagbabakasakaling may impormasyong makalap tungkol sa Lost City na 'yan.

"So, what now? I know they need us. We must hurry, baka may mangyaring hindi
maganda sakanila." Saad ni Dione na sobra ng nag-aalala.

"Gotcha. Here's a map and It's somewhere around us." Napangiti nalang ako ng
sabihin iyon ni Brianna. "So, kung tama ang estimation ko, nandito tayo ngayon."
She pointed her finger in the map. "And we need to go here."

Lumapit si Brianna sa driver's seat at tinignan ang monitor kung saan may GPS.
"Tama nga ang estimation ko."

"Ginoong Lope, pwede bang mahiram si Shuri para tignan ang view sa taas." Hindi na
nagsalita si Ginoong Lope bagkus ay lumabas siya ng sasakyan and he summoned his
dragon. Sumakay doon si Brianna then after a minute ay bumalik na ulit siya.

"I saw it. Let's go." Sabi niya at agad na pinaharurot ang sasakyan. Well, as usual
for Brianna. Laging seryoso kapag nasa mission. Siya na nga ang nagsisilbing leader
namin dahil sa kanyang matalas na pag-iisip at malakas na majika.

Excited na akong mapuntahan ang Lost City. Ang dami kong naiimagine kung anong
itsura ng Lost City na yon pero ang namumukod tangi ay ang pag-iisip ko na mukha
itong Dragon's lair ni Smaug sa The hobbit, yung puro ginto. Hays!

"Anong nakita mo Brianna?" Dione asked.

"Nothing." Nothing? As in nothing? "Pa-panong nangyari yon?" I asked.

"Wala. Isang patag na lugar lang ang meron."

"Patag na lugar?"

"Yes! Hindi ba kataka-taka iyon? Sa gitna ng kagubatan ay merong patag na lugar."


May point siya.
Hindi na ako sumagot. Kailangan naming i conserve ang energy namin para sa laban na
magaganap. Alam kong mahihirapan kami lalo na't nahuli sina Hermes even if na
napaka lakas na niya. Hindi sa pinag-hihinaan ako ng loob pero sa tingin ko
kakaunti lang ang chance namin na magtagumpay. Pero I know, kakayanin namin 'to
lalong lalo na kasama namin ang Celestial gods.

xxxxxxxxxxxxxxxx

Elizze's POV

"Nasaan kami?!" I shouted. Hindi ko alam kung saan nila kami dadalhin. Huminto ang
mga halimaw na sinasakyan ng kalaban sa harap ng isang batong bundok. Almost
fifteen minutes kaming nandito sa kulungan at ngayon ay bababa na kami.

"This is the only way to the City." Sagot nung Isha. City?

"You mean aakyatin natin tong bato-batong bundok na to?" Nicholas asked. "Anyway,
diba dapat tatakas tayo? Bubugbugin natin sila?"

"Try mong tumakas habang suot-suot itong posas sa paa at kamay natin." I
sarcastically said. jeez!

"You know what Elizze, namiss ko yang pambabara mo." He said and winked at me.
Gosh! Nagsisimula nanaman siya.

"Ano nga bang gagawin niyo samin don?" Tanong ni Darius. "It's for you to find
out." Seryosong sagot ni Rome.

"Exciting ito. Hindi ko alam kung anong gagawin sainyo ni Emperor Ophiuchus lalong
lalo na kayong lahat ay Chosen ones." Biglang nanginig yung kalamnan ko ng marinig
ko ang pangalan ng Emperor nila.

xxxxxxxxxxxxxxxx

Amara's POV

Hay! Pagod, haggard, wasted at kung ano pang synonyms ng haggard na yan ay pwede ng
i-describe samin. Mabuti nalang at nakapag pahinga kami sa sasakyan pero nawala din
dahil inakyan namin ang bundok. Hindi na kasi makaakyat ang sasakyan sapagkat
sobrang kitid na ng daan at mataas na din yung bundok. Naubos na din yung gas kaya
naman hindi na namin pwedeng gamitin para panglipad kaya naman nilakad nalang
namin.

Inabot na kami ng umaga. Wala pa kaming tulog, ang dudungis na din ng mga itsura
namin.
"Ito na ba yun? Baka nagkamali lang tayo." I said. Nandito kami sa tuktok ng isang
bundok habang tinatanaw ang malawak na patag na lugar. Kung sa lugar, pwede ito
talagang tawagin na Lost City dahil ilang oras kaming bumyahe para lang makita ito
tapos ilang oras pa kaming naglakad. Pero hindi ito City dahil walang mga Ancient
ruins.

"Pero ayan yung nakalagay sa Lost Book of Sorceries." Sagot naman ni Dione.

"Wait. Baka may nalaktawan lang tayo." Muling tinignan ni Brianna ang libro. Sana
nga may nalaktawan lang kami kundi, hindi na namin alam ang gagawin namin.

"It is hidden above,

sheltered with an unnoticeable field,

you cannot see through

but they can see you."

"Hidden above. Unnoticeable field. Ain't see through. I think may barrier dito
kagaya ng ginawa mo Brianna." I said.

"If it's that true, ibig sabihin ang buong lugar na ito ay ang Lost City." Saad ni
Dione.

"Brianna, siguro may spell na makakapag dispel ng invisible barrier na yan." I


said.

So that's it.

xxxxxxxxxxxxxxxx

Author's note:

So guys, filler lang ang chapter na ito. Hindi ko alam kung saan patungo itong
story. HAHAHA! Ag dami ko kasing naiisip na ending. Ewan ko, it's either gagawan ko
ng book two o itutuloy ko yung sequel na CHASING THE STAR. Hind ko alam, hahahaha!

So, sa tingin niyo sino si Emperor Ophiuchus? Sino siya?

=================
CHAPTER 68 (MISSION #3 PART 7)

Chapter 68 (MISSION #3 PART 7)

xxxxxxxxxxxxxxxx

Third Person's POV

"Let the hidden be see

reveal the naked truth

which is hidden from our sight

let us see." Kahit ilang beses ng nakikita nina Amara't Dione ang pag ca-cast ng
spell ng kaibigan, hindi parin nila maiwasang mamangha dahil sa pag-uumapaw ng
kagandahan nito. Ang buhok na tinatangay ng hangin, ang nagliliwanag na katawan ng
dalaga sabay sa pagliwanag ng magic circle na tinatapakan nito.

Napatingin ang apat sa malawak na lupain. Halos hindi na sila makapag hintay na
makita ang kabuuan ng lugar. Unti unting nagiging visible sa paningin nila ang
syudad na matagal ng tinatago.

"Napaka ganda." Saad ni Amara na halos tumulo na ang laway dahil sa pagkamangha.
Bumungad sakanila ang hindi inaasahang lugar. Ang unang pumukaw ng pansin nila ang
mataas at magandang empire castle na nasa dulo ng lugar. Ang mga bahay na gawa sa
metal na may halong kulay silver-green. Ang mga iilang taong nakikita nila ay pare-
parehas ng kulay ng suot na silver-brown at green.

"Bakit Dione?" Kunot noong tanong ni Brianna ng makita niyang maluha luha ang
kaibigan. Pamilyar kasi ito sa lugar na natatanaw niya ngayon. Hindi niya maalala
kung kailan siya nakapunta dito dahil para bang kabisado niya ang pasikot-sikot ng
lugar.

"Wa-wala. Tara na." naglakad na sila papunta sa syudad. Hindi alam kung saan
pupunta at saan hahanapin ang kanilang kaibigan.

"Ija, tignan niyo. Sila ang kaibigan ninyo hindi ba?" Tinuro ni Ginoong Lope ang
grupo nina Elizze na naglalakad patungo sa isang train.

"Let's go. They are going to the empire." Mabilis na tumakbo si Brianna habang si
Dione naman ay nagpalit anyo bilang anino. Si Ginoong Lope naman na pinalabas si
Shuri at sinakyan ito.
"Guys, paano naman ako?" Tanong ni Amara ngunit hindi na siya nakakuha ng sagot sa
kaibigan.

xxx

Kagaya ng reaksyon nina Amara, ganung ganon din ang kina Elizze at sa kasamahan
nito. They are all shocked. Hindi makapaniwala na ang tinuturo lang sa paaralan
nila ay ngayon ay nakikita nila ng malapitan.

"Tinuturo ko lang ito dati." Ani Principal Logan na manghang mangha din. Hindi
kagaya nila Brianna, tinitingala nila ngayon ang malawak at matataas na gusali.

"Shiela!" Napabalikwas ng takbo si Isha ng makita ang kaibigan nito.

"Isha! Rome!" galit na galit niyang tinignan ang mga kaibigan. "Bakit hindi niyo
ako hinintay! Diba sabi ko sainyo tatae lang ako tas paglabas ko wala na kayo!
Arggh! Bahala kayo dyan!" Sigaw nito at umalis. Walang reaksyon si Rome samantalang
si Jett at Marco ay natatawa lang at si Isha naman ay maluha luha.

"Let's go. Gusto ko ng umuwi." Seryosong sabi ni Rome. Muli silang naglakad.
Pasakay na sana sila ng train ng biglang sumulpot si Dione sa harap ni Isha at
sinipa ito na nagsanhi ng pagkatalsik nito.

"Dione!" Sigaw ng kakambal niya na kanina pa gulong gulo sa mga nakikita. Kagaya ni
Dione kanina, pamilyar din siya sa lugar. Para bang nakapunta na sila dito pero
hindi niya matandaan kung kailan.

"Shit!" Singhal ni Rome. Naalerto ang ang apat kasama si Shiela na hindi pa
nakakalayo.

"Amara!" Sigaw ni Elizze ng biglang sumulpot ang dalaga sa harap ni Hermes gamit
ang Libra's key. Binago nito ang anyo bilang Taurus' blade. Hiniwa niya ang posas
na nakasuot sa kamay at paa nito.

Tutulungan pa sana ng dalaga ang iba para makawala pero bigla siyang tumalsik ng
sipain siya ni Shiela. Mabilis namang sumaklolo si Hermes. Sinuntok niya sa hangin
ang kamay at nagkaroon ng yelo sa ilalim ng inaapakan ni Shiela pero nakakailag
ito. Suntok parin ito ng suntok at at kasabay noon ang paglabas ng yelo. Dahil
hindi natatamaan ni Hermes ang dalaga, sinipa nito ng malakas ang lupa na nagsanhi
ng pagbulusok niya papunta sa dalaga na para bang isang ninja.

Binalot niya ng yelo ang kamao at dahil sa sobrang bilis nito, hindi na nakaiwas
ang kalaban bagkus ay sinalo nalang niya ang suntok ng binata. Dahil sa lakas ng
impact, tumalsik ang dalaga at tumama ang katawan sa isang pader.

"Pakawalan mo ang iba." Sabi nito kay Amara. Magpapasalamat pa sana ang dalaga pero
bigla nalang umalis si Hermes para harapin si Rome.
"Amara! Look out!" Napatingin si Amara sa likod ng sigawan siya ni Brianna. Inatake
siya ni Shiela na ngayon ay naka recover na sa suntok ni Hermes. She can also
manipulate the sand.

"Ako ng bahala sa bruha na 'to. Pakawalan mo na sila." Elizze said. Ilang sandali
lang ay napakawalan na ni Amara ang lahat ng kasamahan niya kung kaya naman ay
tinulungan ni din nila ang iba sa pakikipag laban.

Tinulungan ni Amara at Elene si Elizze sa pakikipag laban kay Shiela. Lumapit naman
si Principal Logan kay Brianna na nakikipag laban kay Marco. Pinagtutulungan naman
nina Nicholas, Darius at Ginoong Lope si Jett. Ang kambal naman kay Isha habang si
Hermes ay mag-isang nakikipag laban kay Rome.

Luging-lugi ang kalaban dahil pinagtutulungan sila lalo na't kulang ang buhangin
para sakanila.

"Let's go!" Sigaw ni Principal Logan. Hindi nila kailangang makipag laban, they all
need to do is to escape. "Escape!!" Muli nitong sigaw. The knocked their opponent
and the run as fast as they could. Pero bago pa sila tuluyang makatakas, the Dark
Baron arrived. Hinarangan sila nito.

"So we met again Element's Crown. And Mister." Saad ni Trey sakanila. Naalerto ang
mga ito at hinanda ang sarili sa matinding labanan. Nakatingin lang naman si Amara
sa kakambal niya, iniisip kung anong nangyari sakanila.

"We're so sorry to disappoint you guys pero we are not here to fight. We all need
to do is to get the Book of Sorceries and the other Celestial mage." Saad ni
Tamara.

"But you'll need to fight us first to get want you all want." Mataray na saad ni
Elizze. Hinigpitan naman ni Brianna ang pagkakahawak sa libro.

"Get them!" Sigaw ni Rome sa kasama niya. Wala ng mapupuntahan ang magbabarkada at
hindi sila makapag-isip ng ibang paraan kundi ang lumaban.

"Stop!!" Napatingin ang lahat sa isang lalaki. He's wearing a green robe with a
golden detailed design. He has also a color silver crown made of a platinum with a
touch of jems on it. May hawak siyang isang baston na metal na para bang pinatigas
na cobra.

"Let the Dark Baron's do their job. This is not the right time to interfere with
the business of Zebell." Halos magtaasan ang balahibo ng barkada dahil may
authority ang boses nito.

"Yes your highness." Sabi ni Rome na labag sa loob niya but he needs to follow the
order. Napangiti naman ang mga miyembro ng Dark Baron. Umalis na ang Emperor pero
bago iyon, nginitian nito ng makahulugan si Amara.

"Get the Celestial mage and the Book!" Utos ni Jem. Nagpataas ng tibak na bato si
Darius at ipinukol iyon kay Trey pero mabilis niya itong iniwasan. Elene strike
lightning to Kristine pero she uses a big rock to cover herself. Nawarak ang bato
at ayon ang pinangatake niya sa magkakadikit na magbabarkada.

"Elizze, cover us with your fire." Utos ni Logan. "Hold each others hand!" Muli
nitong sigaw. Nagbubuga na ng apoy si Elizze sa mga kaharap niyang kalaban, while
Amara summoned the Celestial god Leo, Libra and Sagitarius to protect them from the
enemy. "Amara, transform your thelete into Libra's key!" Utos ni Principal Logan.
"And teleport us to the Academy."

Unti unti, nawala ang katawan nila sa Lost City at napunta sa arena ng Academy.
Napaupo ang lahat habang si Amara naman ay hinimatay dahil nasobrahan siya sa
paggamit ng majika.

"We-we're safe." Sabi ni Elizze na para bang hindi makapaniwala na ligtas na sila.
"And we've got the Lost Book of Sorceries!" Sigaw ni Nicholas nca tuwang tuwa.
Nahawa naman ang iba na abot langit ang ngiti.

"Tapos na ang mission natin! Pwede na tayong pumunta sa King and Queen of Faireo!"
Saad naman ni Dylan.

"I believe this is not the end yet. This is just the beggining." Napalitan ng
pagkalito ang mukha ng iba maliban kay Dione at Ginoong Lope.

"Bakit?"

"Simply because of the prophecy."

xxxxxxxxxxxxxxxx

Author's note:

Ok! Hays! Nagawan ko na ng paraan yung flow ng story, hindi na magkakalito lito.
Kaso may conflict pa sa bawat character, haaaays! Anyways, may nag message sakin,
she thought na tapos na yung story kasi MAY NABASA DAW SIYANG SOFT COPY ng story na
'to. Well, tapos naman na talaga kaso ni-revise ko diba.

P.S: Itatanong ko lang kung sino nag distribute ng soft copies? Ni rerecommend ko
na burahin niyo yun please lang guys, pero bago yun penge muna ako ng soft copy. I
message niyo sa FB account ko.

P.S.S: I need you feedbacks guys. FEEDBACK ABOUT MY STORY, MY PERFORMANCE,


CRITICIZE MY WORK.
P.S.S.S: Malapit ng matapos ang story.

=================

CHAPTER 69

Chapter 69

xxxxxxxxxxxxxxxx

Amara's POV

"Arrgh!" tsk! I want to sit but I cannot. You know, parang naubusan ako ng lakas.

"Good Morning Miss Drusilla." Napatingin ako sa bumati sakin. "Nurse Sheela."

"Kumusta ka na?" She asked.

"I'm fine. Medyo nahihilo lang ako tsaka nanghihina pa ako." I said. Para bang
hinigop ang lakas ko.

"sandali lang yan at magiging ok ang lahat. Tatlong Celestial gods kasi ang
pinagsabay-sabay mong i summon tapos nag teleport kapa kasama ang napakaraming tao
at ang layo layo pa ng pinanggalingan niyo." Sunod sunod niya sabi. "San nga ba
kayo pumunta?"

"Sa Lost City." Matawa-tawa ako sa ekspresyon ng mukha niya ng sinabi ko ang Lost
City. Hindi ata siya makapaniwala. "Weeeeee? Di nga?!"

"Yup. Sobrang ganda although mukhang hindi kami welcome." I sighed. "Anyway, nasan
sina Brianna?"

"Kakaalis lang nila. May inaasikaso sila ngayon ni Principal Logan. Alam mo na,
dahil si Mister Jones ay si Zebell pala. Nakay Principal Logan ngayon ang pasanin
na iniwan ni Mister Jones lalong lalo na't aktibo ang Eviano sa pag atake." I need
to help them.

xxxxxxxxxxxxxxxx

Brianna's POV
Isang araw na ang nakakalipas ng makuha namin ang Lost Book of Sorceries at
makatakas sa kamay ng Sand Manipulators. Hindi ko parin alam kung paano nilang
nagawa na isang batalyong ang kayang kumontrol ng sand. Also, hindi ko paring
maiwasan na alalahanin ang mga nabasa ko tungkol sa propesiya.

"Different worlds will collide," I know what that mean's. Magbubukas lahat ng
portal, pero hindi ko alam kung saan ang portal. Ang alam ko kasi kahit saan pwede
gumawa ng portal as long as na cast mo ang tamang spell pero ang naka saad sa
libro, automatically na magbubukas ang LAHAT ng portal.

"an upcoming battle will happen," an upcoming battle, lol~ i also know that. Ever
since naman may battles between Faireo and Evion pero this is not an ordinary
battle, this is war.

"fight between different races," Dito, dito sa line na 'to ako pina naguluhan.
'Races' iisa lang naman ang ninuno ng Fairaino at Eviano eh, ang Sorceries. Ang isa
nga lang ang masama habang ang isag angkan ang mabubuti.

"Only one will shine, only one will rule the whole universe," hays, dito sa line na
to feeling ko may nanalo sa all-out battle.

"Hi, I am Leingel. This way to the Council." She lead our path. Kinakabahan ako.
Hindi ko alam kung anong mangyayari. Ayokong madamay ang mga walang muwang lalong
lalo na yung mga walang majika. Sila ang unang-unang maaapektuhan. Anyway, who is
this girl?

"So, what's bring you here Mister Apollo and Miss Alcetis?" Mister Napoleon said,
Nicholas' father.

"We found the Lost Book of Sorceries. May prophecy dito tungkol sa pagbubukas ng
portal ng sabay sabay. An all-out war will begin in two weeks. We need to prepare."
Wala ng paligoy ligoy pa. We need to hurry to prepare.

Kita sa mukha nila ang pagka shock. Wala silang kaalam-alam kung anong mangyayari
sa mundong ito.

"May I see. Leingel." Inabot ko sa babaeng nakasalamin yung libro. "Page 4." I
said.

Tinignan ko ang reaksyon nilang lahat. Makikita sa mukha nila ang authorities, they
are elegant lalong lalo na sa suot nila.

"This is too much revelation. We need to prepare." Saad naman ni Mister Aurie
Sorceries.

"Paano naman po kami?"


"You kids should focus on your studies. Wag na kayong makisali sa problema ng
state."

"Pero King of Faireo, noong una palang kasali na kami sa labang ito. Lalong lalo na
noong nahuli kami ng Annos, a people from Lost City." Saad ni Logan. They are all
shocked again.

"Lost City, don't tell me--"

"Yes. We found the Lost City at hindi niyo magugustuhan na may independent empire
sa Faireo." Fvck! Naalala ko yung itsura ng Emperor nila, nakakatakot.

"Isama niyo kami sa laban at ituturo namin kung nasaan ang Lost City." Sabi ni
Logan.

"My answer is still a no. This is a book of Sorceries at sigurado akong nakatala
ang lahat lahat dito kasama na ang tungkol sa Lost City."

"Page 6." I said. Nilipat ni Mister Aurie Sorceries ang pahina ng libro pero
napatingin siya sakin.

"I'm Sorry king, we need to do that." Hahaha! In case of emergency, pinunit namin
ang tungkol sa Lost City para kung sakaling hindi sila pumayag kagaya ngayon, may
pang blackmail kami sakanila.

"Ok fine, you can go with us."

"No!" Napatingin kami ng magsalita si Mister Dameon, Elizze's father. "Hindi ko


hahayaan na sumama kayo lalong lalo na ang anak ko. Mapanganib ang gagawin namin at
hindi niyo alam kung ano ang kayang gawin ng Zebell na yan."

"But we know who's Zebell is. He is Liroff, the founder of the Academy." Logan
said.

"Of course you know him, but I'll ask you. Do you know what Zebell is capable of?"
This time hindi na nakasagot si Logan. Pero hindi ibig sabihin noon ay susuko na
kami.

"Kung hindi niyo kami isasama, hindi niyo malalaman kung sino ang Emperor ng Lost
City at kung ano ba ang kayang gawin ng mga tao doon."

"STOP THIS BULLSHIT BLACKMAILING!! TELL US KIDS!!" Napapikit ako ng sigawan kami ni
Mister Dameon. Alam ko na kung bakit hindi maayos ang relasyon ni Elizze sa tatay
niya.
"Calm down honey," Sabi ni Mrs. Dameon. She looks exactly like Elizze but not the
personality. Nakuha ni Elizze ang ugali niya sa tatay niya kaya hindi sila
magkasundo. "Ok, I'll ask you one more time, anong meron doon sa Lost City?"

Kanina ko pa tinitignan si Reingel. I saw her, in the Lost City. I'm sure hindi ako
nagkakamali. yung nunal niya sa gilid ng kaliwa niyang mata. For you informations,
I am an observer. Mukhang napansin niyang nakatingin ako sa kanya kaya bigla siyang
yumuko.

"Ask her." Napatingin silang lahat kay Reingel. I'm sure tama ang hinala ko.

"Wh-why her?"

"Because she was there. Fighting against us."

"What are you talking about Brianna?" Pasigaw na bulong ni Logan. Hindi ko siya
pinansin sapagkat naka tuon ang atensyon ko sa traydor na babaeng to.

"She's a traitor. She is a member of Dark Baron for your informations."

"What?! Is that true Leingel?!" Sigaw ni Misis Aqui Sorceries. Hindi sumagot ang
assistant niya, bagkus ay tumalon ito palayo at tinutok ang wrist niya samin as if
she's spiderman. May lumabas doon na usok, this is not good.

Mabilis akong kumilos at inatake siya. I use my water as a whip. Pero mabilis niya
itong naiiwasan.

"Ilabas mo sila!" Sigaw ko kay Logan. This girl, She's the one who's wearing the
ninja outfit. Fuck! Bakit ngayon pa! Bakit late ko na siya na observe! Lahat ng
narinig niya, lahat malalaman ni Zebell unless na hindi ko siya pakawalan.

But the smoke. I can't breathe. "Brianna, let's go!" Sigaw ni Logan. I can't
kailangan kong mahuli itong taksil na to.

I swang my hands. May nalabas ditong tubig pang atake sa bruhang ito pero kahit na
anong gawin ko ay hindi ko siya matamaan.

"Fuck you." Nakalapit na siya sakin. Mag ca-cast sana ako ng spell pero bigla
niyang itinutok ang wrist niya sa mukha ko at nagpalabas ng usok that makes me feel
dizzy.

"This is your end, bitch. Die." That's the last thing I heard then she got the book
and jumped in the window.
And everything went black.

xxxxxxxxxxxxxxxx

Author's note:

Matatapos na tong story. :) Pagkakasyahin ko nalang sa limang chapters kaya


naman mahaba kada chapters then Epilogue na. Salamat sa pagbabasa, thank you thank
you very much.

I. NEED. YOUR. FEEDBACKS. Kailangan ko para naman sipagin ako mag isip ng scenes,
you know. Message niyo ako kung may katanungan o kung may naguluhan sa scene.
Thanks!

=================

CHAPTER 70

Chapter 70

xxxxxxxxxxxxxxxx

Amara's POV

"Hey! Nasan si Brianna?" I asked. Nandito silang lahat sa guild headquater namin.
May kanya kanyang pinagkaka-abalahan. Kakaalis ko lang sa clinic at kailangan kong
mahanap si Brianna.

"Pumunta sila sa Magic Council." Sagot ni Darius. Oh shit! Naalala ko, bago
magkanda letche letche ang lahat, yung pinag-uusapan namin ni Darius.

"Let's go guys." Napatingin kami sa pumasok, si Principal Logan.

"Nasan si Brianna?" Tanong ni Elizze.

"Naiwan siya sa Magic Council. Magpapahinga muna siya doon." Napatayo ang lahat
dahil sa sinabi ni Principal Logan. "Bakit? Anong nangyari?" Tanong ni Dione.

"She knew that the asisstant of the Queen is one of the member of Dark Baron who's
spying on them for many years."

"What?!!" Di makapaniwalang tanong ni Nicholas. "And she got the Book."

"Ano nang gagawin natin?" Tanong ni Elene. Should we get the book? Mahalaga iyon
dahil lahat ng tungkol sa propesiya at secrets about Faireo ay nandoon. Hindi yon
pwedeng mapasakamay ng Eviano.

"For now, you should train your majikas. Sasama tayo sa pagbabantay sa Arc of
Dimension."

"Arc of Dimension? Saan yon?" Tanong ulut ni Elene.

"Sa Zaufu, East-coast ng Earth Empire. " Sagot ni Dylan. South Earth Empire, mas
malayo iyon sa pinuntahan naming Water Convene.

"So, mag train na kayo. Two days lang ang binigay na araw para mag prepare."

xxxxxxxx

"King Vasilias," I said. Nandito ako ngayon sa hallway ng Mount Olympus, tinatanaw
ang nangkikintabang bituwin ng makita ko si King Vasilias. Ang tagal ko na siyang
hindi nakikita at ngayon ang dami kong katanungan na kailangan niyang sagutin.
NGAYON.

"Amara, anong ginagawa mo dito?" He asked.

"May itatanong ako," Napansin ko siyang ngumiti. Ngiti na alam mong napilitan lang.
I know he knows what I'm going to ask. "Bat tinago mo sakin ang katotohanan? Alam
mo naman diba na matagal na akong may katanungan sa pagkatao ko?" Hindi na ako
nakapag pigil. Feeling ko niloko ako. Pinagsinungalingan.

"I'm sorry. Hindi ganito ang inaasahan kong mangyari. But you know, I need to do
that."

"But why?"
"To prepare you."

"To prepare for what? Hindi ko maintindihan ang punto mo. Please, ipa-intindi mo
sakin. Please!" Mas lalong gumulo ang utak ko. Oo, may kambal ako pero bakit kami
nagkahiwalay?

"Sa tamang panahon. Malalaman mo ang lahat ng kasagutan sa mga tanong mo." Unti
unti akong nawala sa Mount Olympus at nagising nalang ako sa katawang lupa ko dito
sa may Training room. Nagulat ako ng Nasa tapat ko si Darius.

"Ba-bakit?" Hindi pa niya nasasagot ang mga katanungan ko ng bigla akong naglaho at
namalayan ko nalang na nandito na ulit ako sa katawang lupa ko.

"Da-darius!" Sigaw ko. Nakakagulat siya, ilang inches lang ang agwat ng mukha namin
sa isa't isa. "Anong ginawa mo?" I asked.

"Tinititigan ka. You know Amara, I think I have known you before." Naalala ko
nanaman yung sinabi niya sakin bago makalaya si Brianna sa Evion. Hindi ako sure sa
mga haka-haka ko pero ito yung nararamdaman ko eh. Ebidensya nalang yung paglantad
nung laruang jeep.

"Darius, pagkatapos ng lahat ng 'to, may sasabihin ako sayong napaka importante."

"Ano yon?"

"Pagkatapos na ng lahat ng ito. For now, we need to survive. Mahirap ang laban na
naghihintay satin. I know we can do it." I said. Ayokong makagulo sa isip niya.
Ayokong maalala niya ang mga malalaman tuwing nakikipag laban siya dahil magugulo
lang ang konsentrasyon niya. For now, we need to give our best para mapagtagumpayan
ito.

Tumayo na ako at lumabas ng training room.

xxxxxxxxxxxxxxxx

Dione's POV
"Hey Dylan," Nandito kami sa bahay ngayon, katatapos lang ng training namin sa
Academy at bukas, aalis na kami papunta sa Zaufu. "What?"

"May kakaiba ka bang naramdaman noong nasa Lost City tayo?" I asked. Simula ng
umuwi kami dito, hindi na ako mapalagay at lagi na akong ginugulo ng mga katanungan
na namumuo sa isip ko.

"Yes. And I felt nostalgic that time. I can't describe the most appropriate word
pero I felt that I was in home." Hush!

"Hey Dylan," I called again. "What?" I gasped. Should I say this? Baka pag sinabi
ko 'to sakanya pati siya ay magulo ang utak. I don't think this is the right time
to tell him.

"No-nothing." I heard him sighed.

"Tell me, it's ok." This is the best part when you have a twins. You have a
shoulder to lean on when you have a problem.

"Someone called me Jane Kennedy. Who am I Dylan?" I asked. Mas magandang pakinggan
ang tanong ko kung Kung sino ba talaga kami.

"I also don't know. May mga tanong din sa utak ko. Tanong kung sino talaga tayo o
saan tayo nagmula. You know, Ito ang pinaka cliche problem na nababasa ko sa
pocket book pero ito din yung pinaka mahirap na conflict sa bida."

"Dylan --"

"I know, I know. Nag da-drama nanaman ako. Just forget the things I've said." Bigla
nalang kumilos ang katawan ko papunta sakanya at bigla ko siyang niyakap. For all
these years, wala kaming pino problema nito pero that day, dahil sa araw na yon
nagulo ang lahat. Nagkanda letche-letche na tong utak ko at gusto ng sumabog.

"Kilala mo ako Dylan, hindi ako susuko hangga't wala akong nalalaman. Tatapusin ko
lang itong pesteng propesiya na to at pagkatapos, hahanapin ko ang mga kasagutan sa
tanong ko." I said.

I need to be ready.

xxxxxxxxxxxxxxxxx
Elene's POV

Ito na. Kailangan kong maging malakas. Mas malakas pa kina Hermes at sa iba.
Kailangan kong patikimik ng paghihirap ang Dark Baron na yon lalong lalo na ang
Gale Chimney at Jem Knightwalker na yan. Wala akong paki-alam kung kapatid pa nina
Dylan yan as long as kalaban, wala akong sasantuhin.

Pagsisisihan nila ang ginawa nila saakin lalong lalo na kina Kuya Elli. They used
me as a spy. Ginawa nila akong plastik na kaibigan. Ginawa nila akong sinungaling,
pagbabayaran nila iyon.

Humanda sila saakin dahil lintik lang ang walang ganti.

xxxxxxxxxxxxxxxx

Author's note:

This is it pancit. Fillers lang itong chapter na 'to! Get ready to intense battle
between Evion and Faireo (And other worlds?). Hehe! Sorry sa mga napakar

=================

CHAPTER 71 (FINAL BATTLE #1)

Chapter 71 (FINAL BATTLE #1)

xxxxxxxxxxxxxxxx

Amara's POV

Kanina pa kami nakaalis sa Academy. Nagbalik na din ang regular class para sa mga
estudyante at si Professor Minchi muna ang pumalit kay Principal Logan for the mean
time. Wala silang kaalam-alam sa mga nangyayari ngayon dahil hiniling ng King and
Queen of Faireo na wag ng ipaalam sa iba dahil hindi makakabuti iyon.

Inisa-isa kong tignan ang mga mukha ng kasama ko. Makikita sakanila ang tensyon at
kaba. I gasped. Sana walang mangyaring hindi maganda samin.

"Hey Brianna," Bulong ko sa katabi ko. "Kumusta na?" I asked. Kakaalis lang niya
kahapon sa Magic Council. "I'm fine now."

"I know you're not. Bri, bakit hindi ka pa nagpapakita kay Tita?" Paguwi ko kahapon
galing sa training akala ko nandoon na si Brianna. Tinanong ko pa si Tita Virgie
kung nasaan si Brianna pero bigla itong nalungkot.

"Ayokong mag-alala siya sakin." Hindi na ako nakipag talo sakanya. Hindi ko alam
kung ano ang pinupunto niya pero minsan talaga hindi ko siya maintindihan.

Katahimikan.

Naninibago ako. Hindi ako sanay na tahimik si Elizze lalong lalo na si Nicholas.
Nami-miss ko ang pagababangayan nila. Lahat sila ang lalim ng iniisip.

This is it pancit! Masasagot na ang katanungan ko kapag nakaharap ko ang kakambal


ko. Sigurado naman akong may alam siya sa nangyari, unless tinapon din siya ng
magulang namin. Wala man lang bang konsensya yung magulang namin kaya nagaawa nila
akong itapon ng ganun ganun lang. All these years, akala ko isang hamak na mortal
lang ako na nangangarap na makapag tapos ng pag-aaral pero hindi eh -- kasi isa ako
sa may pasan ng mundo ng Faireo dahil bahagi na ako ng history nila.

Well, sana lang maging matagumpay itong pagpigil namin sa propesiya. Nakakatakot pa
naman ang pinahihiwatig doon. Different worlds will coliide. Hindi ko alam kung
ayun ba ang Faireo at Evion dahil sa pagkakaalam ko iisang mundo lang ang dalawa na
dahil sa angkan ng Sorceries kaya nagkaroon ng pagitan ang dalawa. Kung tama ang
hinala ko, may iba pang mundo ang nakakaalam sa propesiya.

xxx

"Hi my beautiful Princess Amethyst." Mabilis na tumakbo si Nicholas sa prinsesa ng


Water Convene. Nag stop-over muna kami dito para i-refill yung gas sa eroplanong
sinasakyan namin. Mukhang bumalik na yung pagkakulit ni Nicholas.

"Lumalandi ka nanaman Nicholas!" SIgaw ni Elizze na ang sama ng tingin sa dalawa.


Haha! For all I know, nagseselos lang siya.

"Can you be mine, for the rest of my life?" Naka poker face lang ang mukha ng
prinsesa na halatang hindi tinatablan ng charm ni Nicholas.

"Ikaw ang prinsipe ng Air Realm, hindi ba?"

"Yes, it's me. The only one, Nicholas Napoleon the prince of Air Realm." Kinuha
nito ang kamay ng dalaga at hinalikan pa. Haha! Hinugot ni Princess Amethyst ang
kamay niya kaya naman napasimangot si Nicholas pero si Elizze, ang laki ng ngiti.

BIglang may nilabas si Princess Amethyst na choker mula sa suot niyang kimono.
Kulay asul iyon na may bungo na pendant. Sinuot niya iyon kay Nicholas.

"What!" Hindi makapaniwalang sigaw ni Elizze.

"Ako ang best man!" Sigaw naman ni Dylan na natatawa-tawa pa. Sina Brianna naman ay
nagpipigil ng tawa dahil sa ginawa ng Prinsesa.

"Anong meron?" Bulong ko kay Brianna.

"Mag fiance na sila. Ang choker kasi sakanila ay parang singsing. Sinisimbolo nito
ang pag-ibig. Karaniwang sinusuot ito sa babae pero mukhang may bumali na ng
tradisyon nila." Sabi pa nito na natatawa. Oh my gosh! Ibig sabihin, ikakasal na
tong lalaking to. Hahaha!

"Good Evening Ma'am and Sir, I'll lead you the way to your rooms." May lumabas na
isang lalaki na nakasuot ng kulay asul na kimono. She's a servant.

Naunang naglakad si Nicholas pasunod sa lalaki pero bigla siyang hinila ni Princess
Amethyst.

"Bye Mister playboy!" Pang aasar ni Dione. Sumunod na kami doon sa lalaki habang si
Nicholas sa ibang way dumaan.

Habang naglalakad kami, kapansin pansin ang magandang struktura, yung columns na
gawa sa yelo.

"This way please." Lumiko kami sa isang pasilyo at doon ay may mga kwarto.

"This is the room for boys," turo niya sa kaliwang pinto na mukhang gawa sa yelo.
"This is for the girls." Magkatapat lang ang kwarto namin.

"See ya later!" Sabi ni Elizze. Papasok na sana siya ng bigla siyang ma paralize sa
kinatatayuan na para bang nakakita ng multo.

"Brena?" I said! Napatingin samin yung tatlo. They are also here.

"Anong ginagawa niyo dito?" Brianna asked.

"Pinasama kami ni Principal Logan." Sabi ni Ayen. So, tutulong din sila sa
pakikipag laban.
"Why did you do that?" Inis na tanong ni Brianna kay Principal. Kilalang kilala ko
na si Brianna. Gagawin niya lahat para protektahan yung taong nakapaligid sakanya.

"Ayun ang sabi sakin ni King Rolando, isama ang lahat ng Chosen." King Rolando, ang
ama ni Elizzw.

"Bakit niya sinabi iyon?" Takang tanong ni Elizze sa sarili. Alam kong hindi sila
magkasundo ng ama gusto itong ipakasal sa Prinsipe ng North Earth Empire.

xxxx

Ilang minuto lang ang tinagal namin sa Water Convene at nagpatuloy na kami sa
paglalakbay. Kasama na namin ngayon sina Brena at Princess Amethyst na lagi ng
nakadikit kay Nicholas. Ramdam namin ang tensyon sa mga oras na ito lalong lalo ako
na hindi ko alam kung anong mnagyayari samin kapag dating namin doon.

Kinuha ko ang folder. Nandoon nakalagay ang mga information tungkol sa Evion at
lalong lalo na sa Dark Baron. Actually nakalagay doon kung ilan ang members ng Dark
Baron which is nine kasama si Master Jira na ngayo'y nakakulong sa Dungeon ng Water
Convene. Nakapagtataka nga na hindi man lang siya tinakas ng kasamahan niya.

Una kong nakita yung mukha ni Mister Jones. Nasa baba nun ang information tungkol
sakanya. His real naman is Liroff Jones pero nilagyan na iyon ng '/Zebell'. He's 56
years old and his majika is unknown, kahit si Hermes ay hindi alam kung ano ang
majika ng tatay niya.

Jem Knightwalker. Napatingin ako kay Dione at Dylan. Tinitignan kung hawig ba sila
ng itsura. They all have the same eye color. Hindi ko lang lubos maisip kung bakit
sila nag traydor sa Academy. Nabansagan pa silang Missingz seniors. Jem
Knightwalker o mas kilala bilang Uno, kaya niyang kumontrol ng isip ng tao.

Nilipat ko sa susunod na pahina ang folder at lumabas doon ang mukha ng kakambal
ko. Hindi parin ako kumbinsido na may kakambal ako. "Tamara/Dyo" ang nakalagay sa
name niya. Ang majika niya ay 'acquired the majika of Celestial gods'. Ang dami
kong katanungan sa kanya. Hindi ko alam kung may masasagot siya dahil ang alam niya
lang ay ang kalabanin kami.

Sunod ay si Third, Unknown ang kanyang tunay na pangalan, ganun din ang kanyang
majika at wala ding picture ng kanyang mukha.

Si Fourth naman o mas kilala bilang Gale Chimney. He can control Limbs and that's
not cool.

Nilipat kong muli bumungad sakin ang pangalang Fifth o mas kilala bilang Kristine
Reverie. Ang majika niya, kaya niyang kontrolin ang apat na elemento. Sigurado
akong na brainwash siya ng kanyang ama kung kaya't naging ganyan siya kasalbahi.
Isa siya sa pinaka malakas na mage sa Academy at kung ang nickname nila ay binase
sa kakayahan ng majika nila, sigurado akog napaka lakas ng kakalabanin namin.
Nakalaban ko na si Kristine at hindi biro ang pinagdaanan ko.

Sixth. Kilalang kilala ko na to, si Trey. Siya ang pinaka una kong nakita sa Dark
Baron. Inis na inis ako dito dahil nilambitin niya ako.

Seventh, si Leingel. Unknown ang kanyang majika.

eighth and nineth are still unknown.

Napahawak ako sa pinaka malapit na hawakan ng umuga ang sinasakyan namin at may
malakas pang pagsabog.

"What's that?" Napatayo kaming lahat at sumilip kami sa bintana. Yung ibang air
ships ay bumubulusok na pababa dahil sa pagsabog.

"Warning! Warning! System unavailable!" Nagkatinginan kami. Hindi ko alam kung


anong gagawin ko pero ginaya ko nalang ang ginawa ng kasamahan ko. May kinuha sila
sa ilalim ng upuan na parang bag.

"Let's go!" Sigaw ni Hermes. Binuksan niya yung pinto kaya't nagsiliparan ang mga
maliliit na gamit dito sa loob.

Unang tumalon si Nicholas kasama si Princess Amethyst. Sunod sunod na sila, "Let's
go Amara." Sabi ni Brianna sakin. Paerachute pala ang mukhang bag na ito kaya
tinaggal ko iyon sa pagkakasuot ko.

"Bakit mo tinaggal?" Tanong ni Hermes.

"What? Wag mong sabihing magpapaiwan ka dito? You're really insane." Sabi niya.
Kaming dalawa nalang ang natira sa plane.

"Suotin mo na iyon! Sasabog na ang plane!" Sigaw pa niya't napapailing nalang.


Kukuhanin ko sana yung Thelete ng yakapin niya ako't biglang tumalon. Wala pa ako
sa tamang oras para mag react. Ba-bakit?

"I-I'm falling..." Napatingin ako sa mukha ni Hermes. Ba-bat niya ginawa iyon?

xxxxxxxxxxxxxxxx

Author's note:

yow! Ilang chapters nalang 'to! Matatapos na. Salamat sa inyong lahat! Maiksi
lang muna yung update dahil may tinatapos pa akong plates. Anyway, thank you sa
pagbabasa!

Maraming typos at lalong lalo na ang grammatical error!

=================

CHAPTER 72 (FINAL BATTLE #2)

Author's note:

Yow guy, amm! Ewan ko kung ano sasabihin ko, pero taos puso akong nagpapasalamat sa
mga readers na nakaabot sa chapter na 'to. Nakakasawa kasing basahin lalo na't
napakadaming typos at GRAMMATICAL ERROR ng story na ito. Salamat sa walang sawang
pagbabasa! Lalo na sa mga comments na napaka ganda. Hehe!

1Million reads na 'to! Thank you guys!

xxxxxxxxxxxxxxx

CHAPTER 72 (FINAL BATTLE #2)

Amara's POV

Tinatanaw namin ngayon ang sasakyan naming sumabog. Iilan lang ngayon ang mga
maaayos na sasakyan kasama ang eroplano ng Magic Council. Yung ibang mga sundalo ay
kasama din namin ngayon dito sa baba dahil ang sasakyan nila ay sumabog din.

"Ano ng gagawin natin?" Tanong ni Elene. Deserted ang lugar at kagaya sa nakaraang
misyon namin, nasa isang malaking disyerto kami. Napatingin ako sa mga kasamahan
ko. They are all thinking.

"I think pwedeng gamitin ni Zaira yung majika niya para ma teleport tayo sa
pupuntahan natin!" Suggest ni Nicholas.
"I can't." Irap nito kay Nicholas. "She can't. Matutulad siya kay Amara kapag
ginawa niya iyon at isa pa hindi niya kayang mag teleport sa mga lugar na hindi pa
niya napuntahan." sagot ni Brianna.

Natahimik nanaman ang lahat. Muling nag-iisip ng pwedeng gawin.

"All we need to do is to make an improvised trasportation." Suggest naman ni


Hermes. Maganda ang naiisip niya pero pano kami gagawa nun eh wala ngang mga
makikitang available materials dito.

"How?"

"Gumawa kayo ng tranfortation na kayang pagalawin ng majika ninyo. Hurry up!" Hindi
na nagpatumpik tumpik pa ang mga kasama ko at gumawa kaagad sila ng kanya kanyang
sasakyan. Hindi ko alam ang gagawin ko. they said conserve our majika as long as
possible pero mukhang hindi yun masusunod ngayon.

Ilang minuto lang ay nakagawa na silang lahat ng improvised transportation. Si


Nicholas, Princess Amethyst at si Hermes ay magkasama sa isang sasakyan. Using
Hermes' majika, gumawa siya ng isang malaking yelong tabla at nilagyan nila iyon ng
poste at tela kung saan gagalaw iyong gamit ang majika ni Nicholas.

Si Brianna, Principal Logan, Darius at Elene naman ay nakasakay sa golemn na gawa


ni Darius. Ang kambal naman ay nakisakay sa sasakyan ni Brena na gawa sa puno. I
don't know pero nagawa niyang pagalawin ang isang pun. Weird~

Si Elizze naman na nagliliyab ang buong katawan. Kaya niyang paliparin ang sarili
gamit ang apoy niya. Si Ginoong Lope naman na nakasakay kay Shuri kasama si Ayen.

Ako naman, ginamit ko ang Aries' Wing para makalipad. We are all ready. Sinundan
namin ang eroplanong sinasakyan ng Magic Council papunta sa South Earth Empire.

"Let's go!"

xxxxxxxxxxxxxxxx

Mahigit limang oras kaming naglakbay patungo sa South Earth Empire at ngayon,
nandito na kami sa isang maliit na inn. Tuwang tuwa kami ng matanaw namin iyon
dahil sa wakas, makakapagpahinga na kami. Bakas sa mga mukha namin ang pagkapagod
dahil tirik na tirik ang araw at limang oras kaming walang tigil sa paggamit ng
majika.

Yung sinasakyan ng Magic Council lang ang natira at dumiretcho na sila sa Empire.
Para bang wala lang sakanila na sumabog ang sinasakyan ng back up nila. As if they
are ignoring us. Wala man lang kaming tulong na natanggap noong sumabog ang
sasakyan namin.
"Let's go!" Saad ni Principal Logan.

"Teka lang! Pagpahingahin mo muna kami!" Singhal ni Nicholas na pawis na pawis. Isa
siya sa mga tuloy-tuloy na gumamit ng majika kanina kaya bakas na bakas sa mukha
niya ang pagod.

"Kailangan nating magmadali!" Inis na sagot ni Principal Logan.

"You're being unfair Logan! Palibhasa hindi mo ginamit yang majika mo to the point
na maubusan ka na ng enerhiya!" Inis na sigaw ni Elizze. Mukhang naapektuhan na ng
pagod ang isip ng bawat isa.

"Chill guys! Lahat tayo pagod so Principal Logan, if you wouldn't mind, pwede bang
magpalamig lang tayo kahit sandali?" Singit ni Elene. She's right! Hindi na sumagod
si Principal Logan bagkus ay naglakad lang ito playo saamin. Napa make face naman
si Brianna kaya sinundan niya ito.

Pumasok kami sa inn. Sawang sawa na ako sa kulay brown na kanina ko pa nakikita.
Ang gusali, isa lang siyang maliit na U shape building. May maliit na fountain sa
gitna at walang kabuhay buhay ang paligid.

May isang matandang babae kaming nakita at sa tingin ko ay nagta-trabaho siya rito.

"Anong maipaglilingkod ko?" Tanong niya habang nililinis ang kanyang mga daliri.
Hindi man lang niya nakuhang tumingin saamin.

"Kailangan namin ng matutuluyan." Sagot ni Dylan.

"Limang daang Biffon." Halos mapaduwal ako dahil sa presyong pinataw niya. Hindi ba
napakalaki noon besides ilang oras lang kaming tatambay dito.

Aangal sana ako ng bigla ulit siyang magsalita. "Napakarami ninyo at kung sa tingin
niyong bababaan ko ang presyo, nagkakamali kayo."

Hindi ko alam kung anong gagawin ko pero biglang nilabas ni Elizze ang kanyang Card
at ibinigay iyon sa Ale. Tinap niya iyon kung saan at ibinigay sakanya ang card
kasama ang susi ng kwarto.

"Pagod na ako para makipag talo." Seryosong sabi nito at naglakad na papunta sa
kwartong tutuluyan namin.

Napatingin ako sa kasamahan ko. Lahat sila ay mukhang pagod. Sumunod nalang ako
sakanila para mmakapag pahinga na din ako. Malayo pa ang lalakbayin namin at
kinakailangan kong maibalik ang nasayang na enerhiya ko.
xxx

Dalawang oras. Katatapos lang naming maligo sa public bath dito sa inn. Parang yung
napapanood ko sa anime, sama samang naliligo ang babae sa isang banyo. Nakakahiya
dahil wala akong suot na saplot pero dahil sa mga kasama ko na masyadong liberated,
nakisama na rin ako para atleast presko ako mamaya.

Suot ko ang bigay na damit ni Goddess Virgo. Isa itong kulay green na hanging dress
na above the knee. Kita ang shoulder ko pero may sleeves ito. Ang ganda lalo na't
binigyan pa niya ako ng isang pair ng sneakers.

"Girl, nakaka-inggit! Ang ganda ng pormahan mo!" Puri ni Elizze saakin. feeling ko
tuloy namula ako dahil sa sinabi niya.

"Thanks!"

"How I wish na sana sa pagdating natin sa Empire ay may mga damit na nakalaan para
satin."

"In your dreams. Hindi nga tayo naalala ng Magic Council na isakay kasama nila
papunta sa Empire, yung damit pa kaya." Pambabasag ni Zaira.

"Wag ka ngang nega Zaira! Malay mo naman nag padala na sila ng back up dito." Ani
Dione. May point siya isa pa kailangan nilang magmadali dahil dalawang araw nalang
ang pag pe-prepare nila. Ang ipinagtataka ko lang, bakit simabog ang sinasakyan
namin.

"Guys, paano ba sumabog ang sasakyan natin?"

"Someone bomb it?" Hindi siguradong sagot ni Elene.

"Yup, pero paano?"

"May point si Amara. I was wondering din e. Noong mga panahon na may pagsabog,
nakatingin ako sa labas pero wala akong nakitang battle jets. Walang kahit anong
abnormalities sa paglalakbay natin." Sabat naman ni Brianna.

"Kung ganun someone planted the bomb bago tayo umalis." Sabat ni Ayen. Tama pero
kailan? Alam ko bantay sarado ang sasakyan namin at chineck iyon bago umalis and to
think na sa basement ng Magic Council pa nakalagay ang mga ito.

"Guys! Guys!" Napabalikwas kami sa kanya kanyang pwesto ng marinig namin ang sigaw
ni Nicholas na napakalakas.
Agad kaming nagsitakbuhan palabas ng public bath at pagtingin namin, puro Lmp ang
lugar.

Lmp is a dark creature who loves to prank people. But this time, it's not an
ordinary Lmp. Kulay pula ang katawan nito, may sungay at kasing laki lang ito ng
ruler.. May pakpak ito na katulad ng isang paniki at may hawak hawak ito na
trigent.

Napaka dami nila.

Kasalukuyang inaatake ng mga ito sina Nicholas. They are using their majika to
defend their self. Si Dylan naman na umaatake at nagpapaulan ng puting enerhiya
pero kahit natatamaan niya ang mga Lmp, hindi parin ito nauubos.

Si Ginoong Lope naman ay inilabas na si Shuri para makatulong sa pakikipaglaban.

Sumali na din sina Elizze at nagpalabas ng apoy sa magkabilang kamay nito. Ganun
din si Elene at Dione.

Si Zaira naman na katabi ko lang ay tinutok ang kamay sa mga Lmp na susugod ngunit
bigla nalang itong nagsibagsakan sa lupa at hirap ng makatayo.

Ngunit hindi pa tapos ang lahat ng biglang may sumulpot na Minotaur. Five minotaur
to be exact.

Ang lalaki ng katawan nila, may mahabang sungay pa't hikaw sa ilong. May hawak
itong napaka laking axe na kayang pumatay ng tatlong tao sa isang kumpas lang.

Agad na tumakbo si Hermes, Darius, Principal Logan at Brianna para pigilan ang mga
ito. Hindi na din ako nagpatumpik-tumpik pa at nakisali na din ako.

I summoned Pisces and Leo para tumulong saamin. Ginawa ko namang Pisces' gloves ang
Thelete. Ngayong suot ko ito kasing lakas kong sumuntok si Principal Logan.

Biglang may umatake saaking Minotaur, mabuti nalang at nailagan ko iyon kundi
siguradong patay ako.

mabilis akong yumuko ng bigla nanaman itong umatake. Akala ko ok na ako pero bigla
niya akong sinipa kung kaya't tumalsik ako. "Arrgh!" I gasped. Sobrang sakit.

Bago ako bumangon, tinignan ko ang mga kasamahan ko.

Bakas sa mukha nila ang kahirapan sa pakikipaglaban. Kahit na malakas ang kanilang
majika, nahihirapan parin sila.
Sina Elizze na napakalakas na ay nahihirapan paring pigilan ang mga Lmp dahil sa
sobrang dami nito't halos di na naubos ubos.

Napabaling naman ang tingin ko kina Hermes, dala-dalawa na ang kalaban nilang
minotaur dahil may dumagdag nanaman kung saan. Hindi ko alam kung saan sila
naggaling.

"Repeat after me."

A-ano? Nilibot ko ang tingin ko sa paligid, nagbabakasakaling makita ang bumulong


saakin pero wala.

"Dark upon us," She said. Hindi ko alam ang gagawin ko. "I said repeat after me!!"

"I said repeat after me!!" Biglang sigaw ko ng sigawan niya ako. Hindi ko alam pero
mukhang nababaliw na ako.

"Dark upon us,"

"Dark upon us,"

"And the light within us,"

"And the light within us,"

"Arrrrgh!" Napatingin ako kay Nicholas na hindi na nadedepensahan ang sarili sa


atake ng Lmp. Pupuntahan ko sana siya ng biglang may sumigaw ulit saakin.

"What the hell?! I need to help them!" I shouted.

"Just repeat what will I say! You'll help them! I promise!"

Hindi na ako nakapagsalita. Nangako siya na matutulungan ko ang mga kaibigan ko.
All I need to do is to repeat what she'll say.

"Dark upon us,

And the light within us,

Let this dark place shine


The twelve gods will partake their light

I, the celestial mage will be the bridge,

That will light up this spot."

Unti unting nagliwanag ang tattoo ko sa dibdib. Hindi ko alam kung ano ang susunod
na mangyayari.

Kasabay ng pagliwanag ng tattoo ko ang pagliwanag ng katawan ng Lmp at ng Minotaur.


Ang kulay puting liwanag ay napalitan ng ginto at ilang sandali lang ay nawala na
ang Lmp at Minotaur kasabay ng pagkawala ng liwanag na nangagaling sa tattoo ko.

Napatingin ako sa mga kasamahan ko. Wala na silang kinakalaban. Nakatingin nalang
din sila saakin.

Unti unting naging blurred ang paningin ko and everything went black.

xxxxxxxxxxxxxxxx

=================

CHAPTER 73 (FINAL BATTLE #3)

Sorry, maraming typos at grammatical error.

xxxxxxxxxxxxxxxx

Chapter 73 (FINAL BATTLE #3)

Amara's POV

Ibinaba ko ang cellphone ko sa kama matapos makaramdan ng pagkauhaw. Nanunuyo ang


lalamunan ko kaya naman pumunta ako sa kusina upang kumuha ng tubig.

Nanibago ako sa bahay, "Tyang?" Wala si Tyang at nakapag tataka iyon dahil ganitong
oras ipinapalabas ang paborito niyang teleserye. Binaliwala ko nalang ito dahil
baka napagod siya dahil araw ng paglalaba niya ngayon. Baka maagang nagpahinga.

Habang nainom ako, biglang pumatak ang malakas na ulan. Biglaan ito, wala man lang
binalita na uulan lalo na at tag-araw ngayon. Binaliwala ko nalang ito at pinatay
ko ang ilaw ng kusina. Lalapitan ko sana ang pinto ng sala kung nakasara na ito
dahil matutulog na ako at baka may magnanakaw na pumasok sa bahay.

Laking gulat ko ng biglang pumasok si Tyang at basang basa ang buo nitong katawan.
Habol hininga itong dumantay sa pader na para bang may humahabol sakanya.

"Tyang? Anong nangyari at basang basa ka?" Nag-aalalang tanong ko sakanya.

"A-amara, umalis ka na," Bigla akong tinulak ni Tyang. Hindi ko siya maintindihan,
bakit niya ako pinapaalis? "Parating na siya." Bakas sa mata ni Tyang ang takot.
Hindi ko maintindihan ang nangyayari, bakit niya ako pinapaalis.

"Bakit Tyang?"

"Basta!! Umalis ka na Ama -- uggh!" Hindi naituloy ni Tyang ang sinasabi ng bigla
nalang may sumulpot na wirdong lalaki at sinaksak si Tyang ng hawak nitong espada.
Natulala ako dahil sa ginawa ng wirdong taong ito. Anong nangyayari?

Biglang natumba si Tyang. Mabuti nalang at nasalo ko siya. Hindi parin lubusang
pumapasok sa isip ko ang mga nangyayari. Hindi sana ako maniniwala sa mga
nangyayari ngayon. Iisipin ko sanang biro lang ang lahat ng ito pero naramdaman ko
ang mainit na dugo na lumalabas sa katawan ni Tyang.

"U-um-mal-malis k-ka n-a A-mra." Hindi ko magawang makagalaw. Bakas saakin ang
takot. Para bang nanlalambot ang buo kong katawan at nanginginig pa ito.

"Uggggggh!" Hinila ng wirdong lalaki ang espada mula sa pagkakatarak nito sa likod
ni Tyang. Sumirit ang dugo ni Tyang at may tumalsik pa sa mukha ko.

"Ma-mara," gamit ang buong lakas ni Tyang, tinulak pa niya ako. Tinignan ko siya,
bakas sa mukha niya ang hirap at sakit. Muli kong tinignan ang wirdong lalaki.
Nakasuot siya ng mahabang coat na itim. Tanging isang puting maskara lang ang
nakikita ko sa mukha niya.

"si-sino ka? Ba-bakit mo pinatay si Ty -- 'Wa-wag kang lalapit!" Ang daming


namumuong katanungan sa isipan ko. Anong kasalanan ni Tyang at bakit niya ginawa
iyon sakanya.

Patuloy na naglalakad palapit saakin ang wirdong lalaking ito. Pumapatak na ang
luha ko dahil sa sobrang takot na nararamdaman ko ngayon.

Lakad parin siya ng lakad habang ako naman ay umaatras. Pero ilang saglit lang ay
nauntog na ang likod ko sa lababo.

"Wa-wag kang lalapit!" Babala ko sakanya pero hindi siya tumigil sa paglalakad.
Nanlaki ang mata ko ng bigla niyang itapat saakin ang espada.

"A-anong gagawin mo?" Nangangatog na ang bunganga ko dahil sa sobrang takot. Hindi
ko alam ang gagawin ko sa mga oras na ito pero kusa ng gumagalaw ang kamay ko at
tila ba naghahanap ng isang bagay na magiging depensa ko.

"Kyaaaaah!" Itatarak na niya sana ang espada saakin ngunit mabuti nalang at nakuha
ko ang isang kasirola at ginamit ko iyon upang pansalag. Agad ko siyang sinipa sa
ari na naging dahilan ng pamimilipit niya sa sakit. Kinuha ko ang oras na iyon
upang kuhanin ang kutsilyo. Itinaorak ko iyon sa batok niya. Hinugot ko iyon sabay
ng paglabas ng dugo niya dito.

Hindi na ako nag-aksaya ng panahon sakanya dahil bumulagta na siya. Agad kong
pinuntahan si Tyang.

"Tyang? Tyang? Gumising ka Tyang! 'Wag mo naman akong iwanan oh!" Hindi ko a
napigilang umiyak. Kinapa ko ang pulso niya, nakakaramdam pa ako ng pagtibok dito.

"A-a-mmmara."

"Tyang! Dadalhin kita sa hospital! Wag ka munang bibigay!"

"Ha-hanap-pin m-mo a-ang a-anak ko. G-ganun din an-ang Ina mo. S-si Bri-anna, sa
Evi-vion."

"Tyang! 'Wag ka nang magsalita! Magpahinga ka nalang para hindi masayang ang
energy mo. Sige ka, baka ma tigok ka kaagad! Tatawagan ko pa yung police eh!"

"Ku-kunin mo a-ang jewelry b-box."

"Ngayon ka pa ba magpapaganda Tyang?!"

"Sa-sayo iyon. Ku-kunin mo 'yon at u-umalis ka na di-dito. Ba-ba---"

"Tyang? Tyang? Tyang!! 'Wag ka namang magbiro ng ganyan oh!"

"Tyang! Gumising ka na dyan! Eto na oh! Tatawagan ko na 'yung ambulansya!


Tyang!!!"

"TYANG!!!" Napabalikwas ako ng bangon.

Pa-panaginip. Pawis na pawis ako. Bakit sa dinami-rami ng panaginip na pwede kong


mapanaginipan, bakit ito pa.
"Shhh! Shhh!" Bigla nalang akong napahagulgol sa iyak at niyakap ko nalang ang nasa
tabi ko. Sobrang bigat ng pakiramdam ko ngayon.

"Stop crying! You're like a crying baby." Bigla nalang nanlaki ang mata ko ng
marinig ko ang boses ng nagsalita. S-Si Hermes!

"Pa-pasensya ka na."

"That's ok. Are you feeling well?" Tanong niya. Hindi ko alam isasagot ko, ayokong
magsinungaling. "Of course you're not." Napatingin ako sa paligid. Hindi ko alam
kung naasaan ako pero napaka ganda ng lugar na ito. Isang kwarto na kulay brown ang
tema. Para itong royalty room.

"Nandito na tayo sa South Earth Empire at isang araw kang walang malay." Muling
nanlaki ang mata sa mga narinig ko. Isang araw? So ibig sabihin,

"Yup, bukas na ang araw na tinutukoy sa propesiya." What the F! Agad akong tumayo
upang mag-ensayo ngunit pinigilan niya ako.

"Hindi ka pa pwedeng umalis!" Sigaw niya. Kumunot ang kilay ko dahil sa sinabi
niya. Bakit hindi pwede?

"Just wait here. Kailangan ka nilang makausap. Ng pribado." Kailangan akong


makausap. Ng pribado? Sino sila? Hindi ko pa natatanong kung ino ang gustong kuma-
usap saaking ng bigla nalang umalis si Hermes. Naiwan akong mag-isa dito. Inaalala
ang nangyari bago ako mawalan ng malay.

Naglalaro saaking isipan kung paano ko nagawa iyon. Ang mag cast ng isang spell and
to think na napakalakas noon para mapatay ang mga Dark Creature. Pero ang mas
inalala ko ngayon ay si Tyang, ano na kayang nangyari sakanya sa kabilang mundo?
Sigurado akong binabantayan niya ako ngayon. Sinisigurado ko sakanya na tutuparin
ko ang gusto niyang mangyari, ang hanapin ang kanyang anak.

Sa tingin ko Tyang, nakita ko na ang anak niyo.

Napatingin ako sa pinto ng marinig ko itong bumukas. Pumasok ang isang magandang
dilag kasaam ang isang makisig na lalaki. Parehas silang nakasuot ng maamhaling
kasuotan na nakikita ko lang noon sa palabas sa Disney.

Sinalubong ko sila ng malaking ngiti. Ganun din sila saakin pero ang pinagkaiba
lang ay nakangiti sila habang may pumapatak na luha sa kanilang mata. "Ba-bakit
ho?" Tanong ko pero imbis sumagot, binigyan lang ako ng babae ng isang mahigpit na
yakap. Ang sarap, napaka init sa pakiramdam. Para bang nakakapangulila.

"Anak ko!"
Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

"A-ano po?" Tanong ko.

"Alam mo bang ang tagal ka na naming hinahanap. Biruin mo, ang laki mo na."
Garalgal ang boses ng babae dahil sa pag-iyak niya. Ang lalaki naman ay hindi
nagsasalita bagkus ay nakangiting nakatitig lang ito saakin.

"Hi-hindi ko ho kayo maintindihan."

"Ako, Si Queen Aqui, ang ina mo." Masaya niyang pakilala. Bigla nalang akong
napabitaw ng isang malalim na hininga. To-totoo ba ito? Ang ina ko? Hi-hindi
kapani-paniwala.

Bigla nanaman niya akong niyakap ng mahigpit. ramdam ko ang pagtibok ng puso niya.
Ramdam ko ang init ng yakap niya. Ramdam ko ang pangungulila niya sa isang anak.
Anak na matagal ng nawawala. At kung iisipin, ako daw ang anak nila.

"Ano ka ba Aurie, ang anak natin, nasa harap mo na ngayon." Humiwalay siya sa
yakap. Parehas kaming nakatingin sa isa't isa. Ha-how come --

"Magkamukha kayo. Yung kulay ng mata, at yung ilong. Parang pinag biyak kayo." Wa-
wala na. Hindi ko na kinaya ang sayang nararamdaman ko ngayon at bigla nalang ding
bumagsak ang luha ko. sobra ang saya ko ngayon. Sana hindi ito panaginip. Pero kung
panaginip lang ito, sana hindi na ako magising.

"Amara Audrie," Banggit ng dalaga ng muli niya akong yakapin. Amara Audrie?

"Amara Audrie Sorceries." So-sorceries?

"Ka-kayo ho ba ang --"

"Yes, kami ang namumuno sa Faireo. I am King Aurie Sorceries, your father." My
father? An-ang daming nangyayari ngayon. Ang dami kong gustong itanong sakanila at
sisimulan ko na ngayon.

xxx

Halos isang oras na kaming magkakayakap dito sa kwartong ito. Hindi parin ako
makapaniwala sa nalaman ko tungkol sa katauhan ko at sa totoong nangyari kung bakit
ako nawalay sakanila.

Ang sabi nila, hirap mabuntis si Queen Aqui. Araw-araw nagpunta si King Aurie sa
Sacred temple para mag-alay ng dasal sa mga Celestial Kings of gods which is si
King Vasilias. Walang palya ang pagdadasal nila at ilang linggo ay nagbunga ang
pagdadasal nila.

Nabuntis na nga si Queen Aqui. Inalagaan ito ng mabuti at anim na buwan na ang
nakakalipas ng may maganda silang mabalitaan, na kambal ang magiging kambal ang
anak nila. Which is ako at si Tamara Alyssa.

Hindi naging madali ang pagdadalang tao ni Queen Aqui na halos ikamatay na niya ito
lalo na noong araw na manganganak na siya. Ayon daw kasi sa Oracle, nakatakda na
ang isa sa aming kambal ay ang magiging susunod na Celestial Mage at ang isa naman
ang magiging normal na tao lang. Noong manganak si Queen Aqui, ang unang nilabas ay
si Tamara na may tattoo na ng Celestial sign habang ako naman ang sumunod, ang
walang tattoo o majikaless.

Kahit na isang normal na tao lang daw ako, hindi naging dahilan iyon na mahalin ako
ng sapat kagaya ng kay Tamara pero isang araw nagbago ang lahat ng iyon ng mawala
kami. Tatlong taon daw kami noon.

Nahuli ang may sala kung bakit kami nawala. Ang kwento saakin giinawa iyon ng nag-
aalaga saamin dahil ayon sakanya, hindi dapat kami magsama ng kakambal ko dahil
isang trahedya daw ang magaganap.

Hindi na naikwento sakin ang kadugtong ng biglang may kumatok sa pinto at


pinapatawag na ang King and Queen para sa isang pagpupulong.

Muli nila akong niyakap bago umalis.

Hindi parin ako makapaniwala. Pagkagising ko, bigla ko nalang nalaman ang lahat.
Hindi ko alam kung paano iyon nangyari pero nagpapasalamat ako dahil halos lahat ng
katanungan sa utak ko ay nasagot na.

Napatingin ako sa pinto ng bumukas iyon. Niluwa noon si Hermes na slightly na


nakangiti. Bago sakanya yun.

"Hi, Princess Amara Sorceries." Saad niya. Hindi ko alam kung nagbibiro siya o
seryoso.

"W-wag mo nga akong tawagin ng ganyan, hindi ako sanay."

"Alam mo bang matagal na nilang alam na ikaw ang prisesa?" Hindi ko alam. Wala
akong alam. Pero ayon sa kinuwento nila, alam nila na ang anak nila ay Celestial
Mage. Pero hindi nila alam ang nangyari, na nahiti ang kapangyarihan namin at pati
ako na normal noon ay nagkaroon ng pambihirang lakas.

"Noong na summoned mo ang Celestial gods sa laban, doon palang alam na nila na ikaw
ang nawawala nilang anak pero hindi ka nila pwedeng puntahan."
"Bakit hindi nila ako pwedeng puntahan?"

Tinitigan ko si Hermes. Hindi siya makatingin ng deretcho sakin. Napansin kong


kinuyom niya ang kanyang kamao.

"Dahil sa tatay ko." Bakas ang galit sa mata ni Hermes. Ramdam ko sa pagkakabigkas
niya ang sakit na nararamdaman niya ngayon.

"So-sorry,"

"Dahil sa propesiyang minali niya." Minali niya? Pa-paano nangyari yon?

"May extra ability ang tatay ko. Kaya niyang makita ang hinaharap." Extra ability?

"Ginawa niya iyon para hindi ka mapunta sa pangangalaga ng Sorceries at para na


ding madali ka nilang makuha."

So all this time, manipulated na kami.

"Guys!! Ang libro!!" Napatingin kami sa sumigaw. Si Brianna.

"Anong nangyayari?!" Agad na tanong ko. Tumakbo kami at sinundan si Brianna.

Anong nangyayari sa libro?

xxxxxxxxxxxxxxxx

Author's note:

Ok, medyo napilit na yung story. Hindi ganto yung naiisip kong pagkikita ng pamilya
pero gusto ko na talagang tapusin tong story. Gusto ko sana yung mala-tragedy e,
yung mamamatay muna isa sakanila bago maging happy. HAHAHAHA! Sa paglalaban nalang
yung may mamamatay. Hahaha!

Sa tingin ko lima hanggang pitong chapters nalang to then epilogue na. Yey! HAHAHA!

Enjoy reading! :)))

=================
CHAPTER 74 (FINAL BATTLE #4)

Sorry, unedited at napaka raming typographical errors at grammatical errors.

I add niyo po ako sa facebook account ko 'YuehanMarco WP' at i-follow niyo ako sa
twitter account ko @yuehanmarco.

xxxxxxxxxxxxxxxx

Chapter 74 (FINAL BATTLE #4)

Amara's POV

Agad kaming napatakbo dahil sa sigaw ni Brianna. Nakarating kami sa isang kwarto.
Nandito silang lahat pati na din ang mga miyembro ng Magic Council.

Naka patong sa ancient table ang libro. Nagliliwanag ito ng kulay berde.

"Anong nangyayari?" Tanong ko kay Brianna.

"Hindi ko din alam pero kanina pa ganyan 'yan." Bulong niya. Nasa harap ng King and
Queen of Faireo ang libro. Inaabangan kung ano ang mangyayari.

"IHANDA ANG UNITED FORCED! AGAD NA PAPUNTAHIN SA ARC OF DIMENSION!" umalingasaw ang
boses ng King dahil sa lakas ng sigaw niya.

May isang kawal ang lumabas.

"Anong nangyari?" Tanong ng King of Air Realm.

"May illusion ang libro at nawala na ang bisa ng majika ng gumawa nito ngayon
lang." Sagot ni King Aurie.

"And it says na, na ngayon na ang propesiya na dapat ay bukas pa." Halos malaglag
ang panga namin dahil sa nabalitaan. All this time, they're manipulating us. Hindi
ko alam kung paano nangyari iyon. Una pa lang, naloko na kami.

Kaya sobrang pagtataka ko noong tahimik ang pagkuha namin sa Lost Book of Sorceries
dahil plinano nila ito -- ang makuha namin ang libro at mabasa ang maling
propesiya.

Nawala ang katahimikan sa paligid ng marinig namin ang tunog ng trumpeta. Trumpeta
na nagkakahulugan ng pagsugod ng kalaban.

Anong nangyayari?

"Intruders!" Sigaw ng King of South Earth Empire. Agad kaming naalerto dahil sa
sinabi niya. Napatingin kami sa bintana kung saan tanaw na tanaw ang ilang libong
batalyon na kalaban. May mga airship din na mabilis na palapit sa kastilyo. Kasama
naman ng mga sundalo ang malalaking tangke at mga Dark Creatures.

"Go to your post!" Sigaw ulit ng King of South Earth Empire. Lahat ng miyembro ng
Magic Council ay nandito. Kasama ang Chosen at si Princess Amethyst. Andito din ang
corps. commander ng sundalo ng South Earth Empire na sinasabi sa isang radyo ang
mga utos ng King.

"Anong gagawin natin?" I asked. Nakatingin parin kami sa mga batalyon. Napakarami
nila, inaatake ang mga sibilyan.

Napatingin ako sa yumakap sakin.

"Qu-queen Aqui --"

"Just call me Mom," She said.

"M-mom."

Napatingin ako sa Corps. Commander at sa King ng Earth Empire. Muling umigaw ang
King. "The Arc of Dimensions!" Sigaw niya. Fuck!

"May mga Dark Creatures na ang lumalabas sa portal ng Evion!" Muli niyang sigaw.
"Ang mga sundalo na nagbabantay ay naubos na! Kailangan nating magpadala ng back-
up!"

"Tayo na ang pumunta!" I shouted. Ayun naman ang plano para bukas eh. Ang bantayan
ang Arc of Dimension para walang makapasok na hindi Fairiano at lalong lalo na ang
Dark Creatures sa ibang dimension.

"No! Hindi ka sasama." Napatingin ako sa sumigaw, si King.

"Pero --"

"We need to protect you. Ikaw ang gusto nilang makuha. Hindi namin hahayaan na
matulad ka sa kakambal mo." Matigas nitong sabi.

"Kayo, pumunta na!" Utos ni King Aurie sa kagrupo po. Bago sila umalis, napatingin
ako kay Brianna, mapait siyang ngumiti saakin.

"Kailangan kong sumama sakanila." I said pero hindi na nakatingin sakin ang King
Aurie dahil abala na siya sa pagmamando ng kanyang kawal.

"I need to go!" I shouted. Pero hindi parin nila ako pinapansin. Napatingin ako sa
likod ko, si Qu -- Mom.

"Queen Aq -- I mean Mom, please let me go. I need to help my friends." Nakatingin
lang siya sakin, parang walang magawa.

"You must obey your father. Pinoprotektahan ka lang niya." Pinoprotektahan? Hindi
niya ako pinoprotektahan eh, kinukulong niya ako. Habang nagkakagulo ang lahat,
iiwan lang ako sa isang kwarto kasama sila. Hinahayaan na mapanood ang mga sundalo
na nagpapatayan. Parang hindi naman tama iyon. Sa pagkakaalam ko, ako ang Celestial
Mage na may pinakamalakas na majika na siyang dapat tumutulong para protektahan ang
mamamayan.

Iniwanan ako ng Queen Aqui at lumapit sa Magic Council na nag-uusap usap kung paano
dedepensahan ang nasasakupan.

Kinuha ko ang thelete ko. I transform it into Aries' Wings. "I'm sorry." I said
bago ako lumipad palabas ng malaking bintana.

Mula dito sa tuktok, kitang kita ko ang mga nakiipaglaban. Sobrang brutal, may mga
pugot na ulo, nagsasaksakan at nagpapatayan. Dumadanak ang dugo. Ganito ba ang nasa
isang gyera? Hindi ko maatim ang nakikita ko.

Bigla akong napailag ng bigla nalang may umatake saking dark creature. Isa itong
hungarian horntail na dragon. Napakalaki ng ulo at may katawan itong parang iguana
na may pakpak.

"Arggh!" Napasigaw nalang ako dahil sa sobrang sakit. Nagpalabas ito ng isang itim
na usok na nakakapaso. Mabuti nalang at maliit lang ang nadaplisan saakin.

Mabilis akong umilag. "Celestial god of Manyaks!! Aries, I summon you!" Sigaw ko.
Bigla naman siyang lumabas at katulad ko, may pakpak na din siya.

"Hi Bebeloves!" Bati niya. Inirapan ko lang siya. "Kill that for me!" Hindi ako
makalaban dahil wala akong armas na gagamitin.

"Celestial god of space and time, Goddess Libra, I summon you!" Kagaya ni Aries,
bigla nalang sumulpot si Goddess Libra na suot ang kanyang kulay lila na satin na
damit. Kagaya ng suot ng kambal na goddess, masyadong liberated ang suot niya.
Bagsak din ang buhok nito at may kulay ginto na palamuti na nakapatong sa ulo niya.

Sa pinagsamang lakas ni Goddess Libra at Aries, mabilis nilang natalo ang Hungarian
Horntail na dragon.

"Thank you." I said. Nawala na si Goddess Libra hanggang si Aries naman ay nandito
parin.

"Ano pang ginagawa mo dito?!" Inis kong sabi.

"Gusto ko pang makasama ka ng matagal, loveydovey!" Loveydovey?! Ano bang klaseng


Celestial god na to!

"Bumalik ka na sa Mount Olympus!" I shout.

"Ok, Honey baby, just call me and I'll be there." Bago siya mawala ay kinindatan
niya muna ako. Yak! Eeeew!

Napatingin ako kung saan ako nagmula. Nakita ko ang mga magulang ko na nakatingin
saakin. Tinatanaw ako at bakas sa mga mata nila ang pag-aalala.

"Go." King Aurie's mouthed. Bago ako dumiretcho nginitian ko muna sila. Hindi
parin ako makapaniwala. Dati ay palaisipan saakin kung sino ang mga magulang ko
pero noong magising ako mula sa pagkakatulog, nalaman ko nalang bigla ang lahat.
Actually hindi lahat.

Ang lawak na ng pinsalang natamo ng South Earth Empire. Mula rito sa itaas, kitang
kita ko ang mga sibilyan na nagsisitakbuhan para isalba ang kanilang buhay. Sira
sira na ang mga bahay, nasusunog, gumuho at ang iba ay nabura nalang na parang
bula.

Hindi ko maatim ang nakikita ko ngayon. Para bang dinudurog ang puso ko sa tuwing
makikita ang luha na pumapatak sa mga mata ng naapektuhan.

Kailangan na itong matapos.

Nilibot ng mata ko kung saan nanggagaling ang mga Dark Creatures. Nasa harap ko
lang iyon at tanaw na tanaw ko kung ano ang nangyayari doon.

Sa tingin ko isang milya ang layo ko mula doon. Lumipad ako pataas. Mataad na
mataas. Abot kamay ko na ang kalangitan.

Huminga ako ng malalim.


Kitang kita ko dito ang Arc of Dimension at kahit hindi pa ako nakakapunta doon,
kayang kaya ko ng mag teleport.

Muli akong huminga ng malalim.

Mabilis kong inalis ang pagkakakabit ng Aries' Wings sa likod ko kung kaya't
bumulusok ako pababa.

Hawak ko na ngayon ang Real form ng thelete. Ilang segundo lang ay napalitan na ang
anyo nito into Libra's Key.

Bago ako mag teleport, nakita ko muli ang mukha ni Quee -- Mom Aqui at King Aurie.
I smiled at them then everything was changed.

Nasa harap na ako ng Arc of Dimension.Nakakapanindig balahibo ang nakikita ko


ngayon. Patuloy ang paglabas ng mga Dark Creature sa isang portal sa gitna. May
Walong malalaking pinto ang nandito ngayon at bumubuo sila ng hugis arko dahil sa
pagkakahilera ng mga ito kaya tinawag na Arc of Dimension.

As of now, isang portal palang ang aktibo kung saan iba't ibang halimaw ang
lumalabas. Kasalukuyang kinakalaban ng ibang sundalo ang mga golemns at iba pa
habang ang lumilipad na halimaw naman ay dumiretso papunta sa Kastilyo.

"Celestial god of Space and Time, I summon you!" Lumabas si Goddess Libra sa tabi
ko at doon ko sinabi sakanya ang mga plano ko upang hindi na makapaminsala pa ang
ibang halimaw.

Agad siyang kumilos at pinalibutan ng barrier ang radius ng Arc of Dimension na ang
tantya ko ay nasa 300 meters radius ang lawak. Sobrang laki noon at hindi ko alam
kung hanggang kailan niya makakayanang gawin iyon.

Ilang minuto lang ay hindi na makadaan ang mga halimaw at ang iba ay nakakapasok na
sa ibang portal papunta sa ibang mundo.

Hindi ko alam ang susunod kong gagawin pero yung boses. I heard it again.

"Just like you did last time, repeat after me."

Hindi ko alam kung sino siya o kung nasaan siya pero i know, kakampi namin siya.

"The dark wight in this spot,

let them be in their cage,


The dark wight in this barricade,

let them be no more,

I, the Celestial mage,

will eliminate this creatures!"

Kagaya ng nangyari noon, muling umilaw ang aking tattoo kasabay ng pag-ilaw ng
barrier na ginawa ni Goddess Libra. Ilang sandali lang ay nabalutan na ng liwanag
ang loob ng barrier at nalusaw na ang mga dark creatures.

Napatingin ako kay Goddess Libra. Nakataas ang kilay niyang nakatingin saakin na
para bang napaka lalim ng iniisip.

"What?" I asked politely.

"Nothing." Sagot niya.

Nginitian ko na siya tanda ng pagpapasalamat ko sa tulong niya. Hindi naman siya


nag react bagkus at nawala nalang siya.

Secured na ang Arc of Dimension. Siguradong wala ng makakapasok na iba dahil sa


ginawa ni Goddess Libra na barrier at sa liwanag na ginawa ko na patuloy parin sa
pag liliwanag.

"Anong nangyari?" Napatingin ako kay Brianna. They're here. Mas nauna pa ako
saanila.

"I secured the defense on the Arc of Dimension." I said. "What's next?" Dylan
asked. Ang alam ko defense lang ang kailangan naming gawin. Pero dahil maraming
dark Creature ang nakapasok, mahihirapan kaming patayin ang mga iyon isa pa
nagkalat na sila sa South Earth Empire. Meron pang tatlong battalion ng Evion ang
nakapasok at sigurado akong mahihirapan talaga kami. Isa pa paunang atake lang ito
dahil hindi ko pa nakikita ang puno't dulo ng lahat ng ito.

"Anong nangyayari sa Kastilyo?" Elene asked. Napatingin kami sa likuran anmin. May
kulay gintong liwanag ang unti unting bumabalot sa kastilyo.

"It's a defense. Lahat ng Kastilyo ay may ganyan, a five layers of barrier na


ginawa ni King Aurie." Five layers? Sobrang tibay noon.

"At ano naman iyon?" Tanong nanaman ni Elene na tinuro ang isang lumilipad na
sasakyan papalapit saamin. Sa baba noon ay may nag mamarchang sampung battalion ng
sundalo.

"Fuck this shit!"

"Holy cow!"

Samu't sari ang reaksyon namin dahil sa nakikita ngayon. Sobrang pinag-handaan nila
ang araw na ito. Biglang may lumabas sa air ship nila na tatlong Hungarian Horntail
na dragon.

"Shit!" Tatlong beses ang laki nito kumpara sa una kong nakalaban.

"We need to kill that!" Sigaw ni Principal Logan. Mabilis na lumipad patungo samin
ang dragon. Hindi naman nag-aksaya ng panahon ang kasamahan ko. Si Ginoong Lope ay
pinalabas si Shuri at sinugod ang dragon. Si Hermes naman ay gumawa ng tatlong
dragon, Si Nicholas na gumawa ng Air Phoenix. Si Elizze na gumawa ng tatlong fire
wolf, si Darius naman ay Rock Golem, si Brena na nagtapon ng dalawang buto at ilang
sandali lang ay may isang puno na tumubo at naging isang parang halimaw.

Ako naman ay tinawag sina god Leo, god Taurus at si Goddess Aquarius. Trinasform ko
naman ang Thelete ko itong Aquarius' whip.

Napatingin naman ako kay Ayen ng bigla niyang hawakan ang kamay ko. "Ba-bakit?" I
asked. Ngiti lang ng sinagot niya sakin at ilang saglit lang ay nagkaroon siya ng
tattoo ko. Magtatanong palang sana ako pero bigla siyang nagsalita.

"Isa din akong chosen. Chose by Goddess gemini at kaya kong kopyahin ang majika ng
kahit sino pero 75% lang ng majika nito ang kaya kong gamitin." Wow!

She summon Goddess Virgo at si Manyakis. Pero yung kulay ng balat nila ay pale na
at dull naman ang kulay ng damit nila kumpara ng totoong gods na kumikintab-kintab
pa.

"At hindi lang iyon dahil kaya kong gumawa ng replica ng kahit anong armas." Tinaas
niya ang kamay nya na may Thelete.

"Wow!"

Manilis niyang trinasform ang Thelete into Capricorn's dual handgun. Kulay puti ito
at naglalabas ng light energy. "Let's go, Sorceries." What? Paano niya nalaman.
Tatanungin ko pa sana siya ng bigla siyang tumakbo at humilera kina Dione na handa
ng sumugod.
Napatingin ako sa mga kasamahan ko. They are all waiting for the dragons to arrive.
Dalawa nalang ang pasugod papunta saamin dahil kasalukuyang kinakalaban ni Shuri
ang isa.

"Let's get it on!!!" I shouted at tumakbo na kami pasugod.

xxxxxxxxxxxxxxx

=================

CHAPTER 75 (FINAL BATTLE #5)

Chapter 75 (FINAL BATTLE #5)

xxxxxxxxxxxxxxxx

Third Person's POV

"Nicholas and Elizze kill the dragon and you Hermes and Zaira kill the other one!"
Sigaw ni Logan.

Nag-apoy ang buong katawan ni Elizze at sabay silang lumipad ni Nicholas para
patumbahin ang dragon.

Si Hermes naman ay gumawa ng isang spear at tinira iyon na tumama naman sa tyan ng
halimaw. Si Zaira naman ay dinagdagan ang gravity kung kaya't bumulusok ito pababa.

Mabilis silang tumakbo papunta sa Hungarian Horntail at agad itong inatake habang
hindi nakakalaban.

Napatalon ang dalawa ng nagbuga ng itim na usok ang dragon. Dumikit sa kaliwang
kamay ni Zaira ang usok at dahil doon ay napasigaw siya sa sobrang sakit na
nararamdaman. Nalapnos ang balat nito at dahil doon nakawala sa ilalim ng majika ni
Zaira ang dragon at muling lumipad kahit na may nakatusok na sibat sa kanyang tyan.
Muling binugahan ng dragon ang dalawa ngunit mabilis itong nakailag. Nag teleport
si Zaira sa likod ng dragon at may hinugot na patalim sa likod at sinaksak sa
halimaw. Hindi ito masyadong naapektuhan dahil makapal ang balat ng halimaw. Pero
naramdaman ito ng dragon kaya bumaligtad ito ng lipad at nahulog si Zaira.

Muli siyang nag teport sa tabi ni Hermes.

"Ano, manonood ka nalang?" Mataray na tanong ni Zaira sa binata. Hindi naman magot
si Hermes bagkus ay tumalon ito ng mataas papunta sa dragon.

Habang nasa itaas ang binata, nagpalabas ito ng ice spike. Ngunit mabilis lang
itong nailagan ng dragon. Lumipad ito palapit sa binata pero si Hermes ay gumawa ng
isang canon na pasan pasan niya at pinaulanan ng putok ang dragon. Dahil sa laki ng
bala nito, hindi nakaiwas ang halimaw at tumalsik ito sa himpapawid. Ganun din
naman ang nangyari sa binata, tumalsik dahil sa lakas ng pwersa ng paglabas ng
bala.

Hindi tumigil ang binata at muling gumawa ng blade na gawa sa yelo at mabilis na
sinugod ang dragon.

Sinaksak niya ito sa pakpak at dahil doon nawalan ng balanse ang halimaw at
bumulusok pababa.

Mas pinalala ni Hermes ang atake niya ng hiwain niya ang buong pakpak ng halimaw na
nagsanhi ng pagdanak ng berdeng dugo nito.

Masakit sa tenga ang ungol ng halimaw pero tiniis ito ng dalawa at ng mga nakarinig
pa.

Unti unting nawala ang dragon hanggang sa maging itim na usok nalang ito.

"Ano, titinign ka nalang ba?" Malamig na tanong ni Hermes kay Zaira. Inirapan naman
ito ng dalaga at nakisali na kina Amara na nakikipag laban sa mga sundalo ng Evion.

"Arrgh!" Daing ni Nicholas na tinamaan ng usok na binuga ng dragon. Hirap silang


makipaglaban dahil sa napaka kapal na balat ng halimaw.

Bumulusok si Nicholas pababa dahil nawalan ito ng balanse. Si Elizze naman ay


napailing nalang pero wala diyang nagawa kundi saluhin si Nicholas.

Ibinaba ni Elizze si Nicholas. "You can kill that easily!" Inis na sigaw ni Elizze
sa binata.

"How?" Inis na tanong ni Nicholas.


Napasapo nalang ang dalaga sa ulo. Nagtataka kung bakit hindi maalala ng binata ang
nangyari noong inatake sila sa gubat ng mga Eviano noong mga bata pa sila.

"Ewan ko sayo!!" Inis sa banggit ng dalaga at muling lumipad patungo sa dragon.


Taka namang nakahawak ang binata sa lapnos na balat niya. "Gross!" Saad niya ng
makita ang balat.

Sunod sunod na binato ng fireball ni Elizze ang dragon pero hindi man lang itp
naaapektuhan.

"Arrrgh!" Sigaw ng dalaga dahil sa inis. Wala ng magawa ang dalaga kundi ang
gamitin ang kalahating pursyento ng lakas niya para lang sa maliit na halimaw.

"Secret art of Fire god: Inferno Phoenix!!" Sigaw nito at lumabas sa katawan nito
ang isang nagliliyab na phoenix.

Lumilipat pabilog ang phoenix sa dragon at kahit anong buga ng halimaw ng itim na
usok nito sa phoenix, hindi ito tinatablan sapagkat kinakain lang ng apoy nito ang
usok.

Pabilis ng pabilis ang lipad ng phoenix at dahil doon nahihirapan ng huminga ang
dragon. Patuloy itong nagbubuga ng itim na usok pero hindi tinatablan ang phoenix.

Unti unting bumagal ang lipad ng phoenix at ng huminto ito, wala na ng dragon.

Inis na bumaba si Elizze sa paglipad niya. Nilapitan naman siya ni Nicholas na


manghang-mangha sa nakikita.

"Why did you do that so early?" Tanong nito.

"Because you can't remember!!" Inis na sigaw ni Elizze at iniwan ang binata.

Kasalukuyang nakikipaglaban sina Brianna sa kawal ng Evion at ilang kumpas lang


nila ay namamatay na ang mga ito.

"Well, We've meet again and again." Bati ni Trey. Magkasama ngayon sina Brianna at
Principal Logan.

Napatigil sa pakikipaglaban ang dalawa. Hindi nila alintana ang mga nagpapatayan sa
paligid nila. Hindi rin naman sila nababahala na baka matamaan sila ng atake ng
kalaban.

"Trey," banggit ng dalawa.


"So, kelan ang kasal?" Nakakalokong tanong nito. Mahahalata sa tono ng pananalita
nito ang pagka bitter.

"Tumigil ka Trey. Wag kang bitter."

"Haha! Bitter? Bitter Brianna? Matagal na akong naka move on!"

"Ayun naman pala eh."

"Yes, pero gusto ko kayong makitang mamatay." Muli nitong sabi at mabilis na
sumugod sa dalawa.

Nagpalabas ang binata ng mga threads sa kanyang pulso. Umagos ang dugo ni Principal
Logan ng matamaan siya nito sa braso. Mabilis namang nailagan ng dalaga ang atake
ni Trey. Pinaulanan ni trey ng suntok si Principal Logan pero ni-isa sa kanyang
atake ang walang tumatama. Naalerto ang lalaki ng mapansin niya na si Brianna ay
aatakihin siya.

Susuntukin siya ni Principal Logan ngunit nailagan niya ito. Hinawakan niya ang
braso at hinila papunta sa kanyang harap kung saan rumaragasa ang tubig na atake ni
Brianna.

Natamaan si Logan. Nagkaroon siya ng mga galos sa katawan dahil sa ginawa ni Trey.
Pero hindi parin niya iyon alintana at barang bali-wala lang ang sakit na dulot ng
atake ng dalaga.

Sa pagkakataong iyon, hinawakan ni Principal Logan ang kamay ni Trey at binalibag


siya sa lupa. Agad na pinaulanan ni Logan ng suntok ang ngayo'y walang kalaban-
laban na binata.

"Wala ka paring pinagbago! Mahina ka parin kagaya ng dati!" Sigaw ng binata habang
pinapaulanan niya ito ng malalakas na suntok.

"Ang tanga mo!! Napaka tanga mo!"

xxxxxxxxxxxxxxxx

Trey Hawkeye's POV

Naramdaman ko ang pagtama ng atake ni Brianna kay Logan na sana'y para saakin.
Sobrang lakas nito at alam kong lubha akong masusugatan kung hindi ko nagawang
ipangsalag si Logan.

Bigla kong naramdaman ang paghawak niya sa braso ko at sa hindi ko inaasahang


pangyayari, bigla nalang niya akong hinambalos sa lupa. Tatayo pa sana ako ng bigla
niya akong upuan at paulanan ng kanyang malalakas na suntok.

"Wala ka paring pinagbago! Mahina ka parin kagaya ng dati!" Sigaw niya.

"Ang tanga mo!! Napakatanga mo!" Pinapaulanan parin niya ako ng suntok. Suntok na
minsan ay hindi ko pa nararanasan sa buong buhay ko. Suntok na may kasamang galit
at pagaalala.

"Kailangan mo ito para mahimasmasan ka!" Muli nitong sigaw.

"Mahimasmasan Logan? Hahaha! Wag kang magpatawa! Maliwanag saakin ang nangyari!"

"Ayun naman pala eh! Bakit hindi mo matanggap na hindi ka gusto ni Brianna sa una
palang?!" Sigaw niya. Tinigil na din niya ang pagsuntok saakin dahil alam niyang
kaunti nalang at bibigay na ang katawan ko.

Napatingin ako kay Brianna na ngayo'y katabi na si Logan. Napatawa nalang ako dahil
sa sinabi niya. Sila dapat ang mahimasmasan.

"Gago ka din pala Logan ano! Hanggang ngayon ba ayan parin ang issue mo!"

"Eh gago ka din pala e! Ayun lang naman ang puno't dulo ng lahat ng kahayupan mo!"
Ang bobo ng mga to! Bakit ko ba sila naging kaibigan noon!

"TANGINA MO LOGAN!! MAMATAY KA NA AT SAMAHAN MO ANG AMA KONG PINATAY NINYO!!" Tang
ina! Mamatay na silang lahat! mga hayup sila!

Nakita ko ang reaksyon niya . Para siyang binuhusan ng malamig na tubig dahil sa
narinig niya. Ano ngayon, akala niya walang nakakita sa ginawa niya noong mga
panahon na pinapatay niya ang tatay ko.

xxx

Dione's POV

Kasama ko ngayon si Dylan at walang makakapigil saamin kahit na sino pa iyan.


Magaling kami makipaglaban, alam niyo yan.

Bigla nalang kaming napatigil ng may sumulpot na kalaban, hindi basta bastang
kalaban dahil miyembro ito ng Dark Baron at ang nakakaloko pa ay sarili namin
siyang kapatid.

Para akong nanlumo ng makita siya. He used to be a good brother. He protected me-
-- us. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa kanyang utak at naging ganyan siya.

"So, you're not going to attack me?" Tanong niya. Tiuro ito saamin sa Academy,
'kung sumalungat sa tama ang taong pinahahalagahan mo sa buhay, wag kang mag
dalawang isip na kalabanin siya.' Hindi yan ang eksaktong word na sinabi noon alam
ko na iyan ang ibig nilang sabihin.

Mahirap para saamin ni Dylan ang nangyayari. Hindi namin alam ang dahilan. Noong
nalaman naming nawawala si Jem, nasa Hidden High School kami noon, nag-aaral.
Ngayon, makalipas ang ilang taon muli namin siyang makikita.

Naalerto kami ng mabilis na umatake si Jem. Magaling siya sa combat at mixed


martial arts. Siya pa nga ang nagturo saming kambal kung paano lumambas ng mano-
mano.

"Jem Stop it please!' Daing ko. Ayoko siyang labanan. Gusto ko siyang intindihin,
kung bakit siya bigla nalang nawala.

Bigla nalang akong tumilapon ng suntukin niya ako sa tyan. "arrgh!"

"Dione!" Sigaw ni Dylan. Napatingin ako sakanilang dalawa, kasalukuyang naglalaban


ng mano-mano.

Hindi ko alam kung may problema ba si Jem ng mga panahon na yon kaya nagawa niyang
mag taksil sa Faireo. Hindi ko alam kaya gustong gusto kong alamin. Kahit masakit
na ang katawan ko, pinilit ko paring mag palit anyo bilang anino. Mabilis akong
lumapit sa anino ni JEm kung kaya't napatigil siya sa paggalaw.

"Bakit mo to ginagawa?!!" I asked.

"Alam mo di ka namin maintindihan eh! Hindi namin alam kung anong puno't dulo ng
lahat ng bakit ka nawala."

"Ipaintindi mo naman sakin! Ang unfair mo eh!"

"Kapatid mo kami kaya anytime na may problema ka pwede kang lumapit samin."

Napansin ko ang mukha ni Dylan, halata sakanya ang panlulumo dahil sa mga
nangyayari. Close sila ni Jem, sila ang laging nagkakaintindihan sa mga simpleng
bagay. Kaya alam kong nahihirapan si

"Kaya nga mas pinili kong sarilinin ang problema,"

"Bakit?"
"Dahil hindi ko kayo pwedeng lapitan."

"Kapatid mo kami Jem at anytime! Pwede mo kaming kausapin!"

"And that's the problem!!"

"Ano? Di kita maintindihan!"

"Dahil hindi ko kayo kapatid!!"

xxxxxxxxxxxxxxxx

Author's note:

Sorry, ngayon ko lang na-update, busy week ksai ito para sakin. Hell yeah! Onting
paspasan nalang at matatapos na talaga to.

Sorry sa maraming typos at grammatical error.

Follow me on twitter at @yuehanmarco.

Basahin niyo nga pala yung 2nd story ko, yung Catalyst. Thank u! :)

=================

CHAPTER 76 (FINAL BATTLE #6)

CHAPTER 76 (FINAL BATTLE #6)

xxxxxxxxxxxxxxxx

Amara's POV

Tinitignan ko ang kasamahan ko habang nakikipag laban. Sila Principal Logan at


Brianna na napatumba na si Trey pero mukhang nag-uusap pa sila. Ang kambal naman ay
kasalukuyang nakikipag laban sa kanilang kapatid na si Jem. Sina Elene at Darius
naman ay kalaban si Gale Chimney at ang iba ay tumutulong na ubusin ang mga kawal
ng Eviano. Hindi ko alam kung nasaan ang ibang miyembro ng Dark Baron.

Napansin ko si Hermes. Natakbo siya papunta doon sa air ship ng kalaban. Ginawa
kong Aries' Wing ang Thelete at mabilis na lumipad papunta sakanya. Alam ko kung
anong gagawin niya. Ito na din ang pagkakataon para malaman ang lahat. LAHAT.

"Amara." Banggit niya ng bigla kong hinawakan ang damit niya at sinama sa paglipad
papasok sa air ship.

"Hey." Bati ko. Seryoso ako sa nagaganap ngayon. Hindi ko pa alam ang lahat tungkol
sa totoo kong pagkatao at sana ngayon, kapag nakita ko siya ay sana naman ay
masagot na lahat ng katanungan ko.

"Saan tayo mag-uumpisa?" Tanong ko kay Hermes ng makapasok na kami.

"Hindi ko din alam pero subukan natin dito." Saad niya at agad na tumakbo pakaliwa.
Wala akong nagawa kundi ang sundan siya. "Bakit hindi nalang tayo maghiwalay para
makita natin sila?"" I suggested.

"No. Hindi natin alam kung anong patibong ang meron dito."

Hindi na ako nagsalita pa bagkus ay sumunod nalang ako sakanya. Isa pa alam ko
namang protektado ako dahil kasama ko siya.

Patuloy lang kami sa pagtakbo ng biglang mas sumulpot na Air eagle. "Kristine."
Kakaiba ang air eagle na ito dahil nag-aapoy ang loob noon. Isa itong technique
fusion.

Nagbuga ito ng apoy. Mabuti nalang at mabilis na nakagawa si Hermes ng Ice shield.
Binago ko naman ang Thelete at ginawa ko iyong Capricorn's dual gun. Tinira ko yung
air eagle pero masyado itong maliksi kaya na-iilagan niya ang mga atake ko.

Hinawakan ni Hermes ang kaliwang wrist niya at doon nagpalabas ng ice stalactites.
Sunod sunod iyon ang pagpapalabas niya at ilang sandali lang ay namatay na ang air
eagle.

"Let's go." Mabilis kaming tumakbo. Hindi ko alam kung saan kami patungo nitong si
Hermes pero alam kong iisa lang ang hinahanap namin, ang kasagutan sa mga nabuong
tanong sa aming kaisipan.

"Stop." He whispered. May narinig kaming foot step. Sa pagkakataong ito, kailangan
naming iwasan na makipag laban.

Palakas ng palakas ang foot step at alam kong sa mga oras na ito ay kailangan
naming harapin ang kalaban. "Be ready." Bulong ni Hermes. Kagaya kanina, nakahawak
siya sa wrist niya. Ako naman ay tinutok ang dual gun.

"1..
2..

3." Mabilis kaming lumabas ni Hermes at akma ko na sanang pipindutin ang trigger ng
baril ng makita ko kung sino ang nasab harap namin. "Elizze?" I said. Anong
ginagawa nila dito? At kasama pa niya si Nicholas.

"Fafa Hermes! I miss you!" Sigaw ni Nicholas at akmang yayakapin si Hermes pero
nabatukan lang ito ni Elizze. "Aray! Para saan nanaman yon?!" Muli nitong sigaw
kaya naman binatukan ulit ito ni Elizze.

"Ang ingay mo! Baka mamaya malaman nila na nandito tayo."

"Sorry, na miss ko lang si Fafa Hermes!" Sabat nito. "Ano nga palang ginagawa niyo
rito?" Tanong ko. Nagkatinginan ang dalawa at hindi alam kung ano ang isasagot.

"A dark Creature suddenly saved me from death a while ago. I was so curious kung
bakit niya ako niligtas so kailangan kong malaman ang kasagutan." Elizze said.

"I think may gusto sayo yung creature kaya ka niya niligtas."

"I am serious, Napoleon." I think she really is. Hindi ako sanay na makita si
Elizze na seryoso.

"Let's go. I don't want to waste my time chit chatting on you." Banggit naman ni
Hermes. Wala na kaming ibang ginawa kundi ang sumunod sakanya.

Mahigit limang minuto din kami natakbo ng may biglang sumulpot na babae. She's
wearing a ninja outfit.

"Who are you?" Naalerto kaming lahat dahil sa pagdating niya.

"I am number Seven, Reingel." sabat niya. Si-siya yung kinuwento samin ni Brianna?

Nagulat kami ng bigla itong mapunta sa harap ni Nicholas at sinipa siya sa


tagiliran kaya naman tumalsik siya't tumama ang likod sa pader. Sobrang bilis ng
kilos niya.

Binalutan ni Elizze ng apoy ang buo niyang katawan. Pinag babato niya si Reingel ng
apoy pero mabilis itong nakaka-ilag. Feeling ko nanunuod ako ng isang action movie
na may theme na japanese ninja story.

"Umalis na kayo! Kami ng bahala dito ni Nicholas!" Sigaw ni Elizze saamin. Sumang-
ayon naman kami sakanya at mabilis na tumakbo paalis sa lugar na to. Kailangan
naming hanapin si Mister Jones. Pero bago iyon gusto ko siyang makaharap. Si
Tamara.
xxxxxxxxxxxxxxxx

Elene's POV

Papatayin kita! Hindi ako titigil hanggang hindi kita nasasaktan at napapatay.

Agad akong tumayo. Hindi ko na iniintindi ang sakit na natamo ko sa pakikipag laban
kay Gale. Wala akong pakialam basta't mapatay ko lang siya. Siya ang may kasalanan
ng lahat. He used me. He made me as a traitor. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko
sa pagta-traidor sa mga kaibigan ko hangga't hindi ko siya napapatay.

Sa oras na sinasanay ko ang majika ko, wala akong ibang inisip kundi ang patayin
siya.

Pinapanood ko sila ni Darius habang naglalaban. Nakalutang si Darius at alam kong


hirap na hirap siya. Hindi siya makagalaw dahil lahat ng sulok ng katawan niya ay
kontrolado ng walang hiyang Gale Chimney na 'to.

Inipon ko lahat ng enerhiya ko.

Itinapat ko kay Gale ang kanang index at middle finger ko. Nakikita ko na ang ibang
kidlat na lumalabas mula sa katawan ko. Nang hindi ko na mapigilan ang lakas,
itinira ko na ito sakanya. Mabilis at bumubulusok ito papunta kay Gale. Wala pang
tatlong segundo ay nasa harap na niya iyon pero sa 'di inaasahang pagkakataon ay
nailagan pa niya iyon at bigla akong lumutang. The fuck!

"Argggh!" Hindi ko apigimlang sumigaw. Sobrang sakit ng ginagawa niya. Parang


mapuputol ang katawan ko.

"Elene!" Sigaw ni Darius. Pinagdikit niya kami habang nalutang. Shit! "Hahahaha!
You can't escape." Saad ni Gale. "What am I gonna do to you, weaklings?" Sabi pa
niya. Hindi ko lubos maisip na may ganito palang majika. Para itong telekinesis
pero it's a majika to destroy, to kill in less than a second. Kayang kaya niya
kaming patayin ng hindi man lang hinahawakan. Kaya niyang i dislocate ang limbs ng
katawan namin.

"Sino kaya ang uunahin kong patayin sainyo?" Tanong niya ng nakakaloko. Pilit akong
kumakawala sa majika niya pero sa tuwing sinusubukan kong igalaw ang katawan ko,
bigla nalang kumikirot 'to.

Napatingin ako sa paligid. Puro dugo ang makikita. Dumadanak ang dugo at ang iba ay
namatay na.

Ibinaling ko ang tingin kay Darius. He's looking at me. He mouthed, "Go."
Go daw. Hindi ko alam kung kaya ko ng gawin. It still hurts. Pero that's the only
way to survive.

"Arrrrrrggghhh!!" Nakabaluktot na ang kamay, paa at daliri ni Darius. Unti nalang


ay mababali na ang buto nito. Fuck!

Kailangan kong gawin to in order to save Darius. "Arrrrrrrrggghh!" Dahil sa


ginagawa ko ay hindi ko na mapigilang sumigaw. Unti unting naging electricity ang
katawan ko. Hindi ko pa nape-perfect ang technique na ito kaya nasasaktan pa ako.

Wala na ang dalawang braso ko at naging kuryente na ito. Unti pa, tiniis ko pa ang
bawat sakit. Sana naman akong masaktan!

Ilang sandali lang ay naramdaman kong napakagaan ng katawan ko. Ito na. "The
fuck?!" Narinig kong sigaw ni Gale. Nagawa ko!

Mabilis akong pumunta kay Gale at pinuluputan ko siya. Naglabas ako ng malaking
boltahe ng kuryente. Napaka lakas ng sigaw niya. Kulang pa ang sakit na dinarranas
niya ngayon. Kailangan kong iparamdam ang sakit na dinanas ko noong panahong nag-
aalala ako kina Mama at Kuya Elli.

"E-elene," Napatingin ako kay Darius. Hindi na siya makagalaw dahil sa dinanas
niya. "Arrrrrrrghh!" Unti pa. Unting sakit pa. Gusto kong gumanti. Gusto kong
patayin ang taong pinupuluputan ko. Pero baka si Darius ay mamatay dahil sa
paghihiganti ko.

Mabilis akong umalis sa hinayupak na ito at muling nag anyong tao. Agad kong
nilapitan si Darius at inalalayan papunta sa Kastilyo. Kailangan siyang magamot
kaagad.

xxxxxxxxxxxxxxxx

Third Person's POV

Nagpalabas ng malaking apoy si Elizze sa kanyang kamay. Patungo iyon kay Reingel
ngunit sa bilis ng kanyang pagkilos ay nailagan niya ito. May kinuha ang kalaban na
dagger sa loob ng kanyang damit at itinira iyon kay Elizze. Ginamit naman ni
Nicholas ang kanyang majika na naging sanhi ng pagtilapon ng dagger paitaas.

Patuloy na nagpapalabas ng apoy si Elizze pero hindi parin niya mataman ang kalaban
na mabilis na tumatakbo palapit sakanya. "Shit!"

Naging mabagal ang lahat para kay Elizze. Ang paggalaw ng apoy, ang paggalawa ng
paligid, si Nicholas na sumisigaw pero hindi niya maintindihan. Ang tanging normal
ang paggalawa lang ay ang dagger na papalapit sakanya. Doon lang siya nakatingin,
sa insignia na nakatatak sa dagger. Pamilyar ito sakanya. Lahat ng alaala niya ay
bumalik.

xxx

"Hahahahaha! Nahihibang ka na ba Hawkeye?! Hindi kami mamamatay tao!" Sigaw ni


Principal Logan sa nakabulagtang binata. Hindi na mainitindihan ni Brianna ang
pinag-uusapan ng dalawa at gulong gulo na ang utak nito.

"Anong hindi! Wag mo akong lokohin! Kitang kita ko!"

"Kitang kita mo? Ang alin? Ang pagtuturok sa tatay mo ng anesthesia?"

"Hind alam kung bobo ko o tanga! Yung tatay mo may sakit at kailangan ng operahan
sa lalong madaling panahon kaya't tinurukan siya ng anesthesia kung saan kailangan
siyang patulugin! Ewan ko kung paano ka nag conclude base sa nakita mo! Pero hindi
namin siya pinatay! Hindi niya kinaya ang matinding operasyon."

"Bobo ka Logan! Wag mo akong pinagloloko! Nakita ko ang lahat! Ang pagwarak niyo sa
katawan ng tatay ko!"

"That was an accident! Yung doctor, she was possessed by an unknown creature! She
was like a zombie that day who eats flesh! That was an x-file! Hindi mo ba
nabalitaan ang iba pang kaso noon sa buong Faireo? the Fuck Trey!"

"Hindi! Kitang kita ko! Kinain niya ang lamang loob ng tatay ko!"

"You're crazy Trey!" Sigaw ni Logan. Hindi na niyakinaya ang kahibangan ng dating
kaibigan kung kaya't naglakad nalang ito paalis. Wala din namang patutunguhan ang
pagtatalo nila dahil matagal na ang nangyari at isa pa, naniniwala si Logan na na
brain washed ang dati nitong kaibigan kagaya ng ginawa ng Eviano sa kakambal ni
Amara.

"Let's go Bri." Saad ng inata. Tinitigan muna ng dalaga ang kaawa awang binata na
nakahandusay sa isang tabi bago tuluyang sumunod sa kaibigan.

xxxxxxxxxxxxxxxxx

Author's note:

Wooooooooooooooooooaaaahh! Nakapag update din! Sorry guys kung sobrang natagalan.


Ang dami kasing kailangang tapusing activity bago tuluyang mag christmas break e.
uti nalang nag suspend ang gwapong-gwapo naming gov.

Enjjoy reading! :)
Add me on facebook @Yuehanmarco WP. :) Basahin niyo na din yung is ko pang story
entitled as CATALYST. Yun lang! Thanks.

=================

CHAPTER 77 (FINAL BATTLE #7)

Read my another story, Catalyst.

xxxxxxxxxxxxxxxx

CHAPTER 77 (FINAL BATTLE #7)

Dione's POV

"Dahil hindi ko kayo kapatid!"

A-ano? Nagpantig ang tenga ko dahil sa kanyang sinabi. Pa-paano? Para bang biglang
tumigil ang ikot ng mundo ko dahil sa kanyang sinabi. Hindi ko siya maintindihan.

"Ano?" Lahat ng araw na magkakasama kami ay naaalala ko. Walang mintis. Tatlo lang
kami noong magkakasama dahil iniwanan kami ng magulang namin. Pinangako niyang
aalagaan niya kami kahit na anong mangyari. Pero anong sinasabi niyang hindi niya
kami kapatid?

Napatingin ako kay Dylan. Alam kong hindi rin siya naniniwala sa mga sinasabi ni
Jem ngayon.

"Hindi ko kayo kapatid! Pinalitan ko ang mga alaala ninyo!"

Pinalitan?! Hindi! He can only erase memories. "No! Zebell taught me another
majika. And that's alternation magic."

"You know, I am Dark Baron's leader Lahat ng memorya ninyo ay illusyon lamang at
hindi totoong nangyari. Lahat ng ito ay planado from the start." What?! Hindi parin
ako naniniwala! Naging mabuti siyang kapatid para saamin.

Nilapitan ko si Jem. Wala na akong pakialam kung tumutulo na ang sipon ko dahil sa
sobrang pag-iyak. Ang bigat lang sa pakiramdam na ang taong pinaka mamahal mo ay
nagsisinungaling.

Agad ko siyang niyakap. Pero bigla niya akong tinulak kung kaya't napaupo ako sa
sahig.

"What the fuck Jem!" Sigaw ni Dylan at binigyan ng isang suntok si Jem. "Stop it
Dylan!" Agad akong tumayo para awatin sila sa pagbubugbugan.

"No! He's lying!" Sigaw ni Dylan habang patuloy sa pagsuntok. "No I'm not."

xxx

Jem's POV

"No I'm not."

Yes I am. YES I AM! I'm sorry, for doing this. I am very very sorry but I have to
do it. I need to do this in order to win her back.

Mabilis akong gumalaw. Open ang defense nila kaya naman hinawakan ko ang ulo nila.
"I love you guys." Lahat ng memorya nila tungkol saakin a binura ko. Lahat ng iyon.
Hindi ko gustong madamay sila sa gulong pinasok ko.

Si Zebell ang tunay na may kasalanan dito. He planned this long time ago. We need
to win this war to save her.

Binitaawan ko na sila. Agad lumayo dahil anytime they'll attack me.

"I love you." Saad ko bago tuluyang umalis.

xxxxxxxxxxxxxxxx

Amara's POV

Takbo parin kami ng takbo ni Hermes. "Dito!" Tinuro ko ang isang kwarto. Kakaiba
ang pakiramdam ko doon. Hindi na din nagsalita si Hermes at naglakad siya papasok
doon.

Madilim ang kwarto.

Tuluya na kaming pumasok. Kakaiba ang pakiramdam ko. Nagsisitaasan ang balahibo ko
dahil sa hindi maipaliwanag na kabang nararamdaman ko ngayon. Ang lamig, feeling ko
may umihip ng hangin sa aking batok.

Bigla akong napahawak sa braso ni Hermes. Ayokong mawala sa lugar na ito.

Napatigil siya sa paglalakad ng biglang sumindi ang ilaw. Nilibot ko ang aking
paningin. Hindi ko inaasahan na sobrang laki ng lugar na kinakatayuan namin ngayon.
Gawa ito sa bakal at ang tanging makikita lang ay ang upuan sa harap kung nasaan
nakaupo ngayon si Mister Liroff Jones a.k.a Zebell.

"Son." Bati niya. "And look who's here." Nakangisi niyang sabi saakin. Medyo na
intimidate ako sa tingin niya pero hindi ko hinayaang alisin ang tingin ko dahil
magmumukha akong mahina.

"Why are you doing this?" Tanong ni Hermes. Ayan ang unang lumabas sa bibig niya,
Bakit mo ito ginagawa? I wonder kung anong unang lalabas sa bibig ko kapag nakita
ko muli ang kakambal ko.

"Because I want to rule this world." Ganid. "Let's go Son, you'll be the Prince of
princes." Tinaas pa niya ang kanyang kamay. Nagsalubong ang kilay ni Hermes at
halatang hindi nagustuhan ang sinabi ng kanyang ama.

"Matagal mo na kaming niloloko."

"Yes Son. Mabuti pa't sumama ka saakin at pagharian natin ang mundong ito. Mundo
kung saan makukuha mo ang lahat ng gusto mo."

"No way." Napatingin kami sa dalaewang babae na lumabas mula sa likod ng upuan ni
Zebell. Si Kristine at Tamara.

"I'm here to stop you."

Nawala ang ngiti sa mga labi ni Zebell at mukhang hindi niya nagustuhan ang huling
sinabi ng kanyang anak.

"I'm sorry, but I need to kill you. Even if you're my own son." Naglakad palapit
saamin ang dalawang babae. Ito na ang pinaka hihintay kong sandali.

Inalerto ko ang sarili ko.

Agad kong sinummon si Leo, Aries at si Taurus. "Woah! The Celestial gods! Nice!"
Sabi ni Zebell.

Sinamaan ko siya ng tingin. "But remember, you're not the only Celestial mage." I
know. Aware ako na may kakambal ako.
Tumayo si Zebell sa kanyang kinauupuan at naglakad palapit saamin. Ilang metro lang
ang distansya namin sa isa't isa ng hubarin niya ang blazer. Ang tanging natira
lang na suot niya ay ang sandong itim.

"What's that?" Tanong ni Hermes. Kitang kita ang malaking itim sa kaliwang braso
nito. Patusok tusok yon hanggang sa siko niya papunta sa dibdib.

"Demon summoner." Sabat ni Leo.

"Tama," Demon summoner? Parang majika ko, I can summon the Celestial gods. "At sa
mga oras na ito, sigurado akong nakarating na sa Council ang regalo ko para
sakanila." Regalo? Shit!

Mabilis akong tumakbo papunta sa bintana. I transformed the Gun into Aries' wing.
"I need to help them!" Sigaw ko kay Hermes. Tutal nandoon naman ang tatlong gods na
tutulong ka Hermes.

xxxxxxxxxxxxxxxx

THIRD PERSON'S POV

"Elizze!" Sigaw ni Nicholas. Bigla nalang hinimatay ang dalaga ng madaplisan siya
ng patalim sa pisngi. Mabuti nalang at nasalo siya ng binata.

"Anong ginawa mo sakanya?" Tanong nito kay Reingel. "She'll stay in her beautiful
lies." Magtatanong pa sana ang binata ng biglang tumalon si Reingel sa airship.

"Elizze! Gumising ka!" Tinapik tapik pa ng binata si Elizze ngunit hindi ito
umeepekto.
xxxxxxxxxxxxxxxx

ELIZZE'S POV

Mapayapa kong tinatanaw ang lupain ng Fire Empire. Palubog na ang araw at ang
gandng tignan nito.

"Miss Dameon, hinahanap po kayo ng mahal na hari."

"Susunod na ako, Cara."

"Pero Miss, kailangan na po talaga dahil nandyan na sina Mister Jones." Wala na
akong nagawa kundi ang tumayo. Hindi ko alam kung anong meron at bakit nandito ang
mga Jones at kung bakit pinasuot saakin ang kulay pulang gown na ito.

Sumalubong sakin ang magarbong hapag. Napakaraming pagkain, makukulay na dekorasyon


at sina Hermes na nakaupo. Napatingin ako kay Kristine, she's smirking like a
bitch.

Umupo ako sa tabi ni Mom.

"What's going on?" Bulong ko pero hindi niya ako inintindi.

"So, wala ng paligoy ligoy pa." Banggit ni Dad -- I mean King Rolando. "Nandito ang
Jones para ibalita sainyo na kayo ni Hermes ay ikakasal para pamunuan ang Fire
Empire at ang Academy." Bigla akong napatayo dahil sa sinabi nito. "What? Akala ko
ba tapos na tayo dito?!"

"Ilang beses ko na bang sasabihin na ayokong ipagkasundo ako kahit kanino?!"

""Elizze!" Sigaw ni Dad.

"No Dad! i don't want this shit to happen!" Napatingin ako kay Hermes. Gusto kong
tulungan niya ako sa pagkukumbinsi sakanila na tigilan na ang kahibangan na ito
pero nilayo niya ang tingin niya saakin na para bang sumasang-ayon sa kanilang
desisyon. Alam kong ayaw din niya ito pero bakit ngayon hindi man lang niya ako
sinasang-ayunan?
"Umupo ka na Elizze." Mahinahon na saad ni Mom. hindi ko siya pinakinggan. Napaka
sama ng loob ko.

"This is bullshit!" Sigaw ko't naglakad palabas ng hapag kainan. Ilang beses ko ng
sinabi sakanila na ayokong ipakasal kahit kanino. Bakit ba hindi nila maintindihan
iyon?

Kusa akong dinala ng paa ko sa garden. I hate this. being a Dameon, hate that I was
born as a princess. I hate my life. They're so manipulating.

Napalingon ako sa likod ko pero bigla nalang nabago ang scene. Wala na ako sa
garden, nandito na ako sa hallway sa tapat ng kwarto ni Dad.

"Isang taon nalang Rolando at magbubukas ang lahat ng portal sa Arc of Dimension.
Kailangan na nating gawin ito."

"Pinipilit ko siya. All I need now is more time." Sagot ni Dad. Sinilip ko ang
kwarto at nakita kong kausap ni dad si Mister Jones.

"But we don't have more time. Kailangan na nating makita ang isa pang Celestial
mage kung hindi, gagawin natin ang plan B." Anong plan B? At anong gagawin nila sa
Celestial Mage?

"Pero isa sa mga anak natin ang Chosen. Kung itutuloy natin iyon maaaring mamatay
sila." Napatakip ako ng bibig.

"Miss Dameon, kanina pa po kayo hinahanap ni Queen Eliza." Napatingin ako kay Cara.
Aalis na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at niluwa si Dad.

"Elizze, kanina ka pa ba dyan?" Tanong nito sakin pero hindi ko siya sinagot at
tumakbo na ako palayo sakanila. Hindi ko ala mkung anong kasamaan ang gagawin nila
pero kailangan kong sabihin ito kina Principal Logan.

Napatigil ako sa pagtakbo ng biglang sumulpot si Kristine sa harap ko. "Umalis ka


dyan." Bigla siyang nagpalabas ng malakas na hangin kung kaya't tumalsik ako sa
dulo ng halway kung nasaan ang kwarto ni Dad.

"Arrgh!" Sobrang sama ng pagkakabagsak ko at nauntog pa ang ulo ko. Napatingin ako
sa harap ko, si Dad. "Don't do it." Pilit kong sabi then everything went black.
"Jem, alisin mo sa memorya niya ang nakita't narinig niya. Hindi niya pwedeng
malaman ang plano natin." Minulat ko ang mata ko. Napansin ko si Mister Jones na
may kausap na lalaking nakatakip ang mukha.

Nasa kwarto ako ngayon ni Dad at nakatali ang dalawa kong kamay. Hindi ko alam kung
anong meron ngayon. Naguguluhan ako sa mga nalalaman ko. Sino si Mister Jones?

Naglakad papalapit saakin ang lalaki at hinawakan ang ulo ko.

"Arrrrrghh!"

xxxxxxxxxxxxxxxx

Author's note:

Epilogue na ang next. Yey! Merry Christmas sainyo! Sorry, maraming typos
ito. :) Anyway, follow me on twitter yuehanmarco and add me on facebook Yuehanmarco
WP. :)

Guys, lahat ng katanungan niyo about sa past chapters ay itanong niyo na para
masagot sa epilogue. :) Thanks. Medyo nakalimuta ko na kasi yung ibang details e so
itanong niyo na habang maaga pa. Thanks. Before Christmas tatapusin ko na 'to.
ITANONG NIYO NA! Message me ha. Thanks!

=================

EPILOGUE

Merry Christmas guys. This is my gift for you. Enjoy reading. Anyway, maraming
typos kaya pagpasensyahan niyo na.

xxxxxxxxxxxxxxxxx

Amara's POV

Natatanaw ko na ang lugar kung nasaan ako kanina, kasalukuyang nakikipaglaban si


King Aurie sa mga dark creature habang ang ibang kasamahan nito sa council ay nasa
isang tabi lang habang pinoprotektahan ng isang barrier. Isang Sorceries si King
Aurie at isa siya sa pinaka malakas na tao dito sa Faireo.

Kasalukuyan itong may kalaban na tatlong dark creature. Para itong grim reaper
dahil sa itim na itim nitong suot. Wala itong mukha at tanging itim na usok lang
ang lumalabas doon. May hawak itong scythe na ginagamit nilang pang atake sa aking
Ama.

Agad akong pumasok doon mula sa bintana. Agaw pansin ang pagpasok ko at pati ang
grim reaper ay napunta saakin ang atensyon.

Pinalitan ko ang Aries' wing ng Taurus blade at habang nakikipaglaban ako sa grim
reapers ay muli kong binanggit ang sinabi ko noong atakihin kami ng mga Lmps.
"Dark upon us," Sinalag ko ang scythe gamit ang taurus' blade. Napansin ko ang
isang reaper na nasa likod ko na aatakihin ako kung kaya't sinipa ko siya.

"And the light within us," Sinuntok ko ang reaper na nasa harap ko gamit ang
kaliwang kamao ko. Agad ko siyang sinaksak ng Taurus's blade. Ilang saglit lang ay
nabalutan siya ng yelo.

"Let this dark place shine," Agad akong umilag ng mapansin ko ang atake ng isang
reaper. Nasira ang lapag dahil sa kanyang scythe na bumaon doon. Mabilis akong
tumalon at sa kalagitnaan ng pagtalon ko ay nag back flip ako upang hiwain ang
likod ng grim reaper. Katulad ng nauna, nabalot din ito sa yelo.

"The twelve gods will partake their light," Tinignan ko ang isang grim reaper.
Mabilis itong gumalaw papunta saakin. Pinalitan ko naman ang taurus' Blade into
Aquarius' Whip. Agad kong winasiwas iyon at dahil doon hindi siya makalapit-lapit
saakin.

"I, The Celestial mage will be the bridge," Napatingin ako kay King Aurie. Nasa
likod siya ng grim reaper na nakatingin saakin. Hindi ko alam kung anong reaksyon
niya ngayon, pagkagulat? Pagkamangha? Hindi ko alam.

"That will light up this spot." Unti unting lumiwanag ang tattoo ko at ganoon din
naman ang mga dark creature na to. Ilang saglit lang ay nawala na ang halimaw
kasabay ng pagkawala ng liwanag sa tattoo ko.

Napatingin ako sa kanila. Wala na ang barrier na pumapalibot sakanila. Mabilis


namang tumakbo si Queen Aqui papunta saakin at sinalubong ako ng mahigpit na yakap.
"You really are my daughter." Sabi nito't naiiyak pa. Hindi ko siya maintindihan.

"Pati pala ang majika ng sorceries ay minana mo." Sabi naman ni King Aurie.

"P-po?" Hindi ko sila maintindihan. Kumalas si Queen Aqui sa pagkakayakap saakin.

"That was class S+ magic spell."

"Hindi po ako sorceress. Part po yun ng majika ko as Celestial mage."

"No Daughter, you're an sorceress. Hindi lang isa ang kakayahan mo kundi dalawa.
You can cast spell at the same time you can summon the Celestial gods." Sabi ni
King Aurie at niyakap ako. Woa!

Napatingin ako sa ibaba. Tanaw na tanaw ko ang mga naglalabanan. Kahit na sina
Brianna ay nakikita ko mula dito. Naalala ko si Hermes, kailangan ko siyang
tulungan doon. Napatingin ako sa tattoo ko, nagliliwanag pa ang sign ng apat na
gods. Si Goddess Libra, god Leo, god Taurus at ang manyak na si Aries.
"I need to help my friend." Sabi ko. Hindi sana ako papayagan ni Queen Aqui pero
hinawakan ni King Aurie ang kamay niya at isang tingin lang ay alam na nito ang
sasabihin ng asawa. Kaya walang nagawa si Queen kundi ang um-oo.

Pinalitan ko ang Aquarius' whip into Aries' 'wing. Aalis na sana ako ng biglang
sumulpot si Jem. Kasama ang isang dalaga na miyembro ng Dark Baron. "Reingel." Sabi
ni Queen Aqui. Agad naalerto ang Magic Council.

Nag cast ng spell si King Aurie ng barrier upapng protektahan ang magic council.
Natira kaming dalawa dito para makipaglaban.

Agad akong lumipad upang lumayo sa kanilang dalawa. Pagkalapag ko ay pinalitan ko


ang Aries' wing into Capricorn's gun. Napatingin ako kay King Aurie. Kinuha niya
ang kanyang korona at nagbagng anyo ito at naging baston. Hindi na siya nagka-cast
ng spell bagkus ay tinututok niya nalang ang kanyang baston at may nalabas doong
external force.

Inatake ko si Reingel.

xxxxxxxxxxxxxxxx

Nicholas' POV

Kararating ko lang dito sa kastilyo habang buhat buhat si Elizze na walang malay.
Hindi ko alam kung paano ko siya gigisingin kaya kailangan kong bilisan papunta sa
infantry room. Kailangang magamot siya kaagad.

"Ni-nicholas." Agad akong napahinto sa pagtakbo ng marinig ko ang boses ni Elizze.


"Ok ka na?"

"Ayos na ako. Kailangan nating pumunta sa watchtower ng kastilyong ito." Hindi na


ako nag-aksaya ng panahon at lumipad na ako. Kailangan kong makapunta doon. Isa pa
nandoon ang pamilya niya at si King Aurie na pwede siyang matulungan sa kung anuman
ang nangyari sakanya.

Malapit na kaming makarating doon. Nakarinig na ako ng mga kalabog kaya't mas
binilisan ko pa. Agad kong binuksan ang pintuan at doon nakita ko sina Amara.

xxxxxxxxxxxxxxxx

THIRD PERSON'S POV

Agad na inatake ni God Taurus si Krsitine habang ang dalawang gods naman ay inatake
si Tamara. Madugo ang laban at kahit si Hermes ay hindi alam kung sino ang mananalo
sa labanang ito.
Nag-aapoy na sinuntok ng God of Fire si Tamara ngunit agad itong naka-upo. Ni-slide
ng dalaga ang paa ngunit nakapag backflip kaagad si Leo. Nagliyab bigla ang paa
nito upang isipa sa dalaga pero mabilis itong nakagulong patalikod kung kaya naman
sa sahig tumama ang atake ng God of Fire.

Tumalon ang dalaga ng biglang magpalabas ng malakas na hangin si Aries. "Ow! I


don't like to hate you beautiful, but I need to! Huhuhuhuhu!" Muling nagpalabas ng
hangin si Aries ngunit sinasalag niya ito gamit ang majika ni Leo.

Gamti ang majika ni Libra, nagteleport si Tamara sa likod ni Aries at ginamitan


niya ito ng malakas na hangin kung kaya't tumilapon ang manyak na god. "Aww!" Angal
nito.

"Taste you own magic." Maangas na saad ng dalaga. Agad namang kumilos si Leo at
muling inatake si Tamara.

Nagpalabas ng malaking apoy si Leo papunta sa dalaga ngunit hinati niya ito sa
gitna. Sumuntok sa hangin ang dalaga kasabay ang paglabas ng malaking apoy.
Natamaan ang god pero hindi ito nagpatinag at muling nagpalabas ng apoy.

Nagpalabas pa ng apoy si Tamara pero Aries acts as defense. Lahat ng atake ng


dalaga ay hinaharangan niya habang si Leo naman acts as offense.

Pero masyadong matatag si Tamara at gumawa pa ng dummy na kamukha niya gawa ang
yelo. "Two beautiful girls. Wit wiw!" Saad ni Aries. Nagulat ang god nung inangat
ng dummy ang kanyang braso ay sumabay ang metal na tinutungtungan nito.

"She has also gemini's and Virgo's majika. Cool right?" Napa smirk ang dalaga at
tinuon ang pansin kay Leo na sobrang seryoso sa pakikipag laban.

Sunod sunod na inatake ng dalaga si Leo. Una ang apoy, sunod na nagpalabas ng ice
stalactites at tubig. Tumigil lang ang dalaga ng matamaan niya sa dibdib si Leo ng
ice stalactites. Napatigil ito sa pag-atake at lumapit sa binaatang napaluhod.

"Can't attack anymore?" Nakakalokong sabi nito. Wala namang sinabi si Leo bagkus ay
sinamaan niya lang ito ng tingin. Tinaas ni Tamara ang kanyang kamay at nagkaroon
ito ng white and black energy. Ilang sandali lang ay tinutok niya ito kay Leo. "Say
goodbye, Leo." Tinira niya iyon sa god pero bago pa siya tamaan ay bumalik na ito
sa Olympian.

Ganon din si Aries, natalo ng dummy ni Tamara.

Nanghihina na sila, maging si God Taurus na kalaban si Kristine ay nanghihina na


din dahil gumamit ng malakas na spell si Amara. Nakadependa pa naman ang kanilang
paggamit sa majika sa mage. Kumbaga ang pinaka supply ng kanilang majika ay ang
majika ni Amara. At isa pa kung bakit hindi nila nagamit ang todong lakas nila ay
dahil apat silang naka depende sa majika ng dalaga.
Mapunta naman tayo sa mag-ama.

Nakatingin ang binata sa kanyang tatay. Nag-aabang sa susunod nitong gagawin. Ilang
segundo pa ang nakakalipas at walang ginagawang hakbang si Zebell kung kaya't ang
binata na ang unang umatake. Mabilis itong kumilos papunta sa kanyang tatay.
Malakas niya itong sinuntok pero sa upuan lang tumama ang kanyang kamao dahil
mabilis na naka ilag si Zebell.

"You are not fast enough to defeat me, Son." Saad nito. Kumulo ang dugo ng binata
dahil sa pagtawag sakanya ng son. "You are no longer my father." Bigla siyang
sinuntok ni Zebell sa likod na naging dahilan ng pagdugo ng kanyang bunganga.

"Mahina ka pa." Bigla nalang tumalsik si Hermes ng sipain siya ng kanyang Ama.
Hindi. niya ito napansin dahil sa sobrang bilis.

"You know what Hermes, di mo naman to mararanasan kung sumama ka sakin e. Hindi pa
huli, Son." Inabot ni Zebell ang kamay niya upang tulungang tumayo ang kanyang anak
ngunit masamang tingin lang ang ipinukol ng binata.

"I will never ever be like you. You're worst, you are evil." Matigas na
pagkakabigkas ng binata. Halatang naasar ang kanyang ama kung kaya't muli nitong
sinipa ang anak.

"You're the worst Son I ever have."

"I am your only son."

"You think? hahaha!"

Hindi nakapag salita ang binata dahil sa sinabi ng kanyang ama. Hindi niya na alam
kung nagsasabi pa ba ng katotohanan ang kanyang ama.

"Tamara, let's go. To the watch tower."

Mapunta tayo sa watchtower. Kasalukuyang Nakikipaglaban si King Aurie kay Jem.


Habang ang kanyang anak naman ay pinipigilan si Reingel.

Mabilis na pinipindot ni Amara ang trigger ng kanyang baril ngunit mas mabilis ang
reflexes ng kanyang kalaban kung kaya't madali lang para sa kanya na ilagan ang mga
ito. Napatingin ito sa kanyang tattoo ng mapansin nitong nawala na ang liwanag sa
sign ng gods na sinummon niya upang tulungan si Hermes.

"Shit!" Muling napatingin si Amara sa harap niya pero wala na doon si Reingel.
"Fuck!" Nilibot niya ang tingin pero hindi niya na makita ang kalaban.
"Looking for me?" Agad siyang napalingon sa likod. Nakita niya si Reingel na
nakalambitin sa kisame na para bang si Spiderman.

Mabilis ang kilos ni Reingel dahil bigla nalang tumalsik si Amara sa atake ng
kalaban. "Arrgh!" Nauntog ang kanyang likod sa pader.

"Anak!" Sigaw ni King Aurie at agad na tumakbo palapit sa dalaga upang tulungan.

"Ayos ka lang?" Tanong nito. Hindi pa nakakasagot ang anak ng magpalipad si Reingel
ng tatlong dagger. Ngunit tinaas lang ni King Aurie ang kanyang staff at naging abo
ang dagger.

Inabot ni Amara ang kamay ng ama at tumayo. Sabay nilang inatake ang dalawa. Ngunit
napatigil sila ng biglang sumulpot sina Zebell kasama si Tamara at si Kristine na
hawak hawak sa collar si Hermes na halatang bugbog sarado.

"Huli na ba ako?" Nakakalokong tanong ni Zebell.

"So finally, nagpakita ka na." Matapang na banggit ni King Aurie. Mas bumigat ang
pakiramdam ng mga tao sa loob ng watch tower. Tensyonado ang mga miyembro ng magic
council.

"Well," hindi alam ni Zebell kung ano ang sasabihin. "I want you to meet your
daughter, Tamara Alyssa." Napatingin silang lahat sa dalaga. Hindi mapigilang
maiyak ni Queen Aqui.

"Anong ginawa mo sa anak ko?!" Hindi mapigilan ng King ang galit niya. Binaboy nito
ang anak niya at gusto nitong patayin si Zebell.

"Aurie! Palabasin mo ako dito!" Sigaw ni Queen Aqui habang pinapalo ang barrier.
Sabik ito sa anak, at kahit ano gagawin niya para lang mabalik sa katinuan ang
panganay niyang anak.

Inalis naman ng kanyang asawa ang barrier at mabilis itong tumakbo at niyakap ang
kanyang anak.

"Anong nangyari?" Tanong nito habang naiyak. Tahimik ang watchtower, nasakanila ang
atensyon ng lahat.

"Don't touch me." Matigas na saad ng dalaga. Wala man lang pakialam sa mararamdaman
ng kanyang ina.

"I'm not your daughter and you are not my mother. I don't have family." Tinulak ni
Tamara ang kanyang Ina na naging dahilan upang mapaupo ito. Mabilis namang kumilos
si King Aurie upang tulungan ang kanyang asawa.

"She's your mother!" Inis na sigaw ng kanyang ama. Ngunit wala parin pakialam si
Tamara kahit mamatay ang mga ito.

"I don't care." Banggit nito.

"Anong ginawa mo sakanya? Ibalik mo siya sa dati!" SIgaw ni King Aurie kay Zebell
na kanina pang nakangisi.

"She's mine now." Pang-aasar nito. Magka-cast sana ng spell si King Aurie ng
biglang magsalita si Zebell. "Pero mapag-uusapan naman natin." Mas nakakaloko ang
ngiting ipinukol ni Zebell sakanya, ngiting mala-demonyo.

"I will give back your daughter but you will give me the throne." Sinamaan ng
tingin ni Aurie si Zebell. hindi niya pwedeng ibigay ang kalayaan ng nasasakupan
niya para sa makasarili niyang intensyon. Hindi niya pwedeng isugal ang
nakakaraming buhay para sa isa lang. Sumumpa siyang Fairiano over blood.

Napatingin ito sa kanyang sinisintang asawa. Gusto ng Reyna na isuko ang korona
para saz kanilang anak.

"Hindi ko ibibigay ang trono." Matigas nitong sabi. Hindi niya hahayaan na marami
ang masaktan dahil lang sa isang desisyon na makapagpapasaya sakanya.

"Ok, fine. If that's decision." Sinenyasan ni Zebell ang kasama niyang Dark Baron.
Lalapit sana sila sa Magic Council nang harangan sila ni Amara.

"Pipigilan mo kami?" Sarkastikong sabi ni Kristine. "Eh mag-isa ka lang." Dagdag pa


nito. Napangisi si Amara dahil sa katangahang tanong ni Kristine.

"Hindi ako mag-isa." Sagot nito. Nginuso ni Amara ang likod ng apat at pagkalingon
na pagkalingon nila ay nakita nila ang tatlo god, si Aquarius, Goddess Capricorn at
si Pisces. Agad sinugod nina Kristine, Jem at Rengel at tatlong god at naiwan si
Tamara na nakaharap sa kanyang kakambal.

"So, what now?" Mataray na sabi ni Tamara. Tinititigan ni Amara ang kanyang
kakambal, hindi parin makapaniwala sa lahat ng nalaman niya. Na may kakambal pala
siya. Na kapatid niya ang pumatay sa mga magulang ni Ressy.

"Bakit mo ito ginagawa?" Seryosong tanong ni Amara. "Because I want to." Hindi
naniniwala si Amara sa sagot ng kakambal. Alam niyang may kakaibang ginawa si
Zebell sakanya kaya napasunod nila ito.

Base nalang sa kwento ni Brianna noong mga panahong nasa kulungan siya.
Nagpupumiglas daw ang dalaga at ayaw sumama papunta sa opisina ni Zebell kung kaya
naman sapilitan itong sinama ni Gale Chimney.

"Hindi yan totoo!" Sigaw ng dalaga. Napataas ang kilay ni Tamara. "Gusto mo ikwento
ko sayo lahat?" Napalakas na ang boses ng dalaga. Galit na ito.

"Oo!"

"Ikaw! Ikaw ang sumira ng lahat!! Noong bata pa tayo! Lahat nalang pabor sayo!"
Napatawa si Amara dahil sa kwento ng kanyang kakambal. Iisipin nitong nababaliw
lang ang kakambal kung hindi lang nito alam na may kakaibang ginawa ang Eviano sa
utak nito.

"Ayan ba ang alaala na nilagay nila sa memorya mo? Ngayon nga lang kita nakilala
tapos sasabihin mo ako lagi ang pinapaboran? Hahaha!" Hindi napigilan ni Amara ang
paghagalpak ng tawa. Nainis naman ang kakambal niya kung kaya't mabilis itong
tumakbo. Niyakap niya ito at tinulak sa bintana.

Diretcho parin ang pag-iisip ni Amara kung kaya naman mabilis niyang nasulusyunan
ang pagkahulog sa pamamagitan ng Thelete na ngayo'y nasa anyo ng Aries' wing.

Lumipad si Amara pabalik sa watchtower pero tumalsik nanaman siya dahil sa lakas ng
hangin na inilabas ni Tamara sa kanyang palad.

Pinagbabato ni Tamara ng fireball ang kalaban. Si Amara naman ay iniilagan ang


kapatid niya na ngayon ay nakalutang na din habang hinahabol siya.

"You can't attack me!" Sigaw pa nito habang binabato ng bolang apoy. Hinarap naman
ni Amara ang kanyang kakambal at malakas na pinagaspas ang pakpak kung kaya't
bumalik kay Tammara ang atake niya. "Alam mo bang matagal ko ng hinintay ang
pagkakataong ito?"

"Parehas pala tayo!" Sigaw ni Amara.

"Hindi na nga ako makapag hintay na patayin ka!" Gamit ang majika ni Libra,
tinaasan niya ang gravity ni Amara kaya naman bumulusok ito pababa.

Malakas ang pagkakabagsak ni Amara at himala nalang na buhay pa siya hanggang


ngayon.

"Isa ka talagang masamang damo." Bumalik na sa tunay na anyo ang Thelete. Gusto
nitong kuhanin ang pagmamay-ari ngunit di nito magalaw ang katawan.

"So, that's your toy." Lumapit si Tamara. Pinulot niya ang Thelete ng bigla itong
napasigaw dahil sa sakit ng kuryente na dumaloy sa kanyang buong katawan.
"Bitch! What was that?!" inis na sigaw nito.

"Katangahan mo." Mataray na saad ni Amara. Dahil doon ay nakawala siya sa gravity
pull at agad na dinampot ang Thelete. Ginawa niyang Gemini's necklace ang Thelete
at hinawakan ang kamay ni Tamara.

Agad na pinagbabato ni Tamara ng fire ball ang kakambal niya pero mabilis niyang
naiwasan ang mga ito. She can now control the god's magic because of gemini's
necklace.

"How the hell did you do that?" Inis na tanong ni Tamara.

"Do what?" Ngumiti ng nakakaloko si Amara dahil sa nakakatawang mukha ng kanyang


kakambal. Tinaas niya ang kanyang kamay at naglabas ng visible air na paikot ikot
doon. "This?" Pinukol niya ang air sphere sa kapatid pero nailagan niya ito.

Nagseryoso na ang dalawa sa kanilang labanan. Walang balak magpatalo ang dalawa.
Nagpapalitan sila ng atake at kahit na natatamaan sila, patuloy parin ito.

Humiwalay si Amara at napahawak sa kanyang tuhod dahil sa sunod-sunod na pag-atake


na ginawa. Isa pa, sobra na ang nagamit niyang majika.

"Tired?" Sarkastikong sabi ni Tamara. Tinaas ni Tamara ang kanyang dalawang kamay
at gumawa ng isang napakalaking fire ball. Gusto na nilang tapusin ang laban kaya
binibigay na nila ang kanilang buong lakas.

"You know what, gustong gusto ko ang technique na to. Hindi masusunog ang taong
tatamaan ng fire ball, bagkus ay matutunaw siya." Saad ni Tamara. Sapat na ang laki
ng fire ball. "Ow I forgot, may black hole pala yan sa loob at hihigupin ang pinaka
malapit dito." Tinira ni Tamara sa kakambal ang techique na iyon. Lutang ang isip
ni Amaraa dahil isa lang ang tanging paraan para maiwasan ang fire ball, ang
pagiging sorceress niya.

Nabasa niya iyon sa mga spell book ni Brianna.

Ilang inches nalang ang layo ng fire ball kay Amara ng bigla siyang sumigaw,

"Imperium supra aliquido!"

Nakahiga ng maluwag ang dalaga ng hindi siya matamaan ng fire ball. Gulat naman ang
kanyang kakambal dahil sa ginawa.

"How in the hell did you do that?" Gulat na tanong ni Tamara.

"Because I am special." Nakakalokong sagot nito at mabilis gumalaw at ipinukol sa


kakambal ang sariling technique.

Lumipad naman si Tamara upang iwasan ang fire ball ngunit dahil sa black hole na
nasa loob ng fire ball, hinigop siya nito. Biglang sumabog ang fire ball at nawala
na si Tamara.

Hindi nag-aksaya ng panahon si Amara at mabilis na lumipad patungo sa watchtower.

xxxxxxxxxxxxxxxx

AMARA'S POV

Agad akong lumipad patungo sa watchtower. Hindi ko alam kung ano ng nangyayari doon
dahil almost one hour din akong nakipag laban sa kakambal ko. Sobra na din ang
pagod ko, pero kailangan tiisin dahil buhay ang nakasalalay dito.

Napatingin ako sa tattoo ko, tanging ang sign nalang ni Pisces ang umiilaw.

Nagsitinginan silang lahat saakin. Kasabay ng pagpasok ko ang pagbukas ng pinto.


Nilabas noon sina Elizze at Nicholas.

"Stop!" Sigaw ni Elizze. Kasalukuyang nakikipaglaban si Pisces, Hermes at King


Aurie sa mga dark creatures na sinummon ni Zebell. Nakahandusay naman ang Dark
Baron sa lapag at mukhang walang malay. Si Zebell naman ay nakakulong sa isang
maliit na glass na may gumagalaw na ilaw.

Natigilan kaming lahat. Ang mga magic Council ay bantay sarado ng mga dark
creature. "Anak..." Tawag ng Queen of Air Realm kay Nicholas. Nakakaawa ang lagay
nila. The Queens are crying out loud like a baby.

"Dad! Itigil mo na to!" Napatingin kaming lahat kay Elizze na umalingasaw ang boses
sa buong kwarto. Dad? Her dad is King Rolando at anong kinalaman niya dito?

Dinako ng tingin ko si King Rolando. Relax lang siyang nakatayo katabi ang kanyang
asawa na patuloy ang pagtulo ng luha.

"Elizz --"

"Nalala ko na ang lahat. Wag ka ng magmaang maangan pa!"

"Elizze! Anong sinasabi mo?" tugon ng kanyang Ama.

"That conversation, one year ago! Yung ipapakasal mo ako kay Hermes at yung plano
ninyong pag kidnap saming mga chosen!"
Dafuq?

"Isa ka sa mga traydor Faireo. I can't believe it Dad. Binura mo pa ang alaala ko
para lang masagawa ninyo ang plano ninyo. Ito na ba iyon? Anong mapapala mo?"

"Is that true, Rolando?" Hindi makapaniwalang tanong ni King Aurie. Napansin kong
tumingin ang Ama ni Elizze kay Zebell. Habang ang kontrabidang ito ay naka ngisi
lang na para bang aliw na aliw sa mga napapanood niya.

"That is not true."

"Yes it is." Sabat ni Zebell. Bakas sa mukha ni Elizze ang lungkot.

"Shut up Liroff!" Sigaw nito. "Wag kayong maniwala dyan! Hindi ko alam ang pinag
sasabi niya!" "Shut the fuck up! Hindi ako makapaniwala na ginawang sinungaling ni
King Rolando ang kanyang sariling anak para lang mapag takpan ang kanyang
katrayduran. the hell! I feel sorry for Elizze right now.

"Rolando! All this time? Niloloko mo kami?" Tanong ng asawa nito. Maski siya ay
gulong gulo na din sa nangyayari. Patuloy ang pag-agos ng mga luha nito.

"No honey. Hindi ko alam ang sinasabi ng anak natin. Maybe she's under control by
that demon." Hinawakan ni King Rolando ang dalawang pisngi ng kanyang asawa.

"Stop it Dad." Dismayadong sabi ni Elizze.

I cast the spell. Kagaya kanina, umilaw ang tattoo ko at nawala ang mga dark
creatures. "It's over." I said.

"No, it's not!" Sigaw ni King Rolando at dinakma niya si Queen Aqui at tinutok ang
dagger sa leeg nito. Agad akong napatakbo papalapit kay King Rolando. "Wag mong
ituloy yan Rolando!" Umaagos ang luha ni Queen Aqui habang hawak hawak niya ang
braso ni King Rolando.

"Stop it Dad!"

"No! Ikukulong niyo ako at maaaring buhay ang kabayaran sa mga kasalanang ginawa
ko! Mabuti pang isama ko na ito!" Alam kong magulo na ang isip ng lahat. Nag panic
na ang mga kasama ko sa kwartong ito. All I can do now is to calm.

Huminga ako ng malalim.

I need to save my mom.


Gamit ang majika ni Goddess Libra, agad akong nag teleport papunta sakanila.
Hinawakan ko ang braso ni King Rolando at ginawa kong yelo iyon. Agad kong
hinawakan sa balikat si Queen Aqui at nagteleport sa tabi ni King Aurie.

It's over.

Tinignan ko si Elizze. I feel sorry for her. Sobrang pula na ng kanyang mata
kakaiyak. I need to end this.

Lumipad ako papunta sa mga batalyon na nagpapatayan. Kakaunti nalang ang natira.
Nakita ko doon sina Brianna at ang iba pang kasamahan ko. Sina Brena ay naka upo na
sa sahig. Ang iba ay hindi pa napapagod sa pakikipag laban. Hindi sila tumitigil
hangga't hindi pa nauubos ang kanilang kalaban.

"This is over!" Sigaw ko. Nakatingala silang lahat saakin. "We've won the war! Wala
ng makikipaglaban! Lahat ng Eviano ay mapupunta sa kustodiya ng Faireo!" That's it.
Lahat ng kawal ng Evion ay binagsak sa lupa ang kanilang sandata.

At last.

xxxxxxxxxxxxxxxx

"Brianna! Charotera ka! Ikaw na may lovelife!" Sigaw ni Elizze.

Kasalukuyan kaming nandito sa Head quarter ng Element's Crown. Inaayusan namin si


Brianna para sa most awaited date ever nila ni Principal Logan.

"Ewan ko ayo Elizze!" Irap ni Brianna. Naka suot siya ng kulay asul na dress. She's
so beautiful.

"Gora na!" Sabi naman ni Dione.

Sobrang laki ng ngiti ko para sa babaeng ito. Matapos lahat ng pinag daanan namin,
ito nanaman kami. Nakapag bibiruan nanaman.

"Sagutin mo na kasi! Pag kiniss ka, sunggaban mo ah!" Biro ni Elene. Nagsitawanan
naman kami dahil sa kung anu-anong mga kalokohan ang naiisip ng mga kasama ko.
Parang walang nangyari. They are all the same.

"Alis na ako! Bye!" Pinag masdan ko si Brianna. Natutuwa akong makita siyang
masaya.

"Oh mga ate! Tayo nalang ang walang lovelife! Tara! Punta tayo ng mall at maghanap
ng gwapong fafa!" Sigaw ni Elizze. Loka loka talaga tong babae na to! Nahawa na
yata sa kamanyakan ni Nicholas.

"Hey! Nandito naman ang poging poging si ako ah!" Sigaw ni Nicholas. Pero hindi
siya pinansin ni Elizze.

Masaya akong nakikita siyang masaya. Lalo na't hindi biro ang pinag daanan niyang
problema.

Almost two months na din ang nakakaraan ng mangyari ang insidente sa Arc of
Dimension. Si Zebell at si King Rolando ay nasa pinaka ilalim ng dungeon ng
kastilyo ng Magic Council. Kasama doon ang Dark Baron.

Si Elizze, alam kong naka move on na siya sa pangyayari. Although napapansin kong
malungkot siya pero nandito naman kami para pasayahin siya. Anjan naman si Nicholas
para pasayahin siya.

Si Dione at Dylan, ganun parin silal Tahimik. Hindi ko alam kung anong nangyari
sakanila. Mas lalo pa silang tumahimik pag-uwi namin dito sa Academy. Hindi ko
alam, parang may gumugulo sa kanilang isipan. Gusto ko silang tanungin pero
invasion of privacy na yun diba?

Si Elene? Nanirahan na siya dito sa Faireo. Sina Kuya Elli naman ay bumalik na sa
Earth para ipagpatuloy ang kanilang buhay doon. binibisita naman namin sila, isang
beses sa isang linggo kaya walang problema.

Si Brianna naman, nakurot sa pwet ni Tita Virgie ng malaman niyang nakatakas na


pala si Brianna pero hindi man lang nagpakita bago kami pumunta sa Arc of
Dimension. Nagtampo nga noon si Tita Virgie pero hindi rin natiis ang anak.

Si Ginoong Lope? Nakauwi na siya sa kanilang mundo. Gusto nga niya kaming isama
sakanila pero marami pa kaming kailangang ayusin dito sa Faireo. Lubos siyang
nagpapasalamat sa pagtulong namin sakanya. Kami naman ay tuwang tuwa dahil
nakatulong kami.

Ako? Sobra akong nag a-adjust. Sinasalubong ako ng bati ng mga estudyante sa
Academy lalo na noong malaman nila na anak ako ng King and Queen of all. I am the
daughter of King of Kings and Queen of Queens. King Aurie and Queen Aqui. I don't
know pero hindi parin ako sanay na tawaging Princess Amara.

Alam mo yon, kahit sa recitation, kapag tinatawag ako ay Princess. The fuck diba?
Kulang nalang isulat ko ang Princess Amara sa test paper ko eh. Even my surname,
pinalitan na. Amara Audrie Sorceries. Oh diba? Tuwing linggo din ay sinusundo ako
upang pumunta sa Kastilyo para sanayin ang kapangyarihan ko bilang sorceress.

Ang Thelete naman ay nagbalik na sa dati. Tuwing gagawin ko siyang Gemini's


necklace ay hindi ko na magamit ang majika ni Tamara. Sayang!
Speaking of he, sobra akong naaawa sakanya. Namatay siya ng hindi man lang
nalalaman ang totoo.

"Amara! Tara na!" Tawag sakin ni Elizze. Ngayon araw kasi ay pupunta kami sa Earth.
Maggagala-gala, you know.

Pumasok na ako sa portal na binuksan nila.

Lumabas kami sa sementeryo kung saan walang tao na makakakita saamin.

"Darius!" Sigaw ko. "Yup?" Hindi ko alam kung nakalimutan na niya yung pag-uusap
namin bago sumulpot ang isang portal at niluwa ang preso. Noong time na sanang iyon
ay sasabihin ko na sakanya pero dahil nagkanda letche letche ang lahat, inabot na
kami ng dalawang buwan.

"May sasabihin kasi ako."

Don't tell me nai-inlove ka na sakin?" Napatawa ako ng wala sa oras dahil sa sinabi
niya. In his dreams no! Hinintay ko munang mawala sa paningin ko ang mga kasamahan
ko. Hindi nila alam na naiwan na nila kami dito.

"Sumama ka." Hinila ko ang kanyang kamay papunta sa puntod ni Tyong at Tyang. Ilang
sandali lang ay huminto na kami. "Anong gagawin natin?"

"Naalala mo ba noong pumunta ako sa bahay mo?"

"Oo. Gusto mong tignan yung jeep na nakita natin sa mission natin?" Nginitian ko
siya. Kinuha ko ang isang picture na prinint ko. Yung picture na nakita ko sa
facebook bago ako mag debut. Yung picture ni Tyang kung saan kasama niya si Henry
na hawak hawak ang customize na laruan.

"Ano to?"

"Kilala mo ba yan?"

"No."

"Siya si Tyang Yna. Ang nag-alaga at nagpalaki saakin. She's the sweetest person
I've ever met. Mabait, masipag at kahit namatay ang kanyang asawa ay hindi siya
sumuko at binuhay niya ako."

"Bakit mo ito kinukwento sakin?" I know naguguluhan siya sakin.


"Yung lalaki, kilala mo ba siya?"

"No."

"Siya si Henry Drusilla. Ang anak ni Tyang. Nawala siya at hindi na nakita pa.
That's you, Darius."

"Me? Nagpapatawa ka ba Amara? Tell me it's a prank. Ok! Lumabas na kayo dyan guys!"
Sabi niya pa na para bang pinag kakatuwaan namin siya.

"I'm being serious here. Hindi ako nagbibiro."

"Kung hindi ka nagbibiro, patunayan mo saakin." He said. I was about to call Tita
Virgie ng bigla siyang lumbas sa likod ng isang maiit na pavillion.

Nginitian ko lang siya. Hinawakan ang ulo ni Darius at prinoject nito ang
natititrang alaala sa kanyang kabataan. Pinanood namin ang lahat. Kung paano nila
ginawa ni Tyong ang laruang jeep. Noong may kalaro siyang bata which is me. Kung
paano siya ipag hele ni Tyang, yung mga oras na pinapaliguan siya nito at yung oras
na mawala siya. Lahat ng iyon ay nakita at napanood namin.

"M-mom --" Napansin ko ang pagtulo ng luha sa kanyang mga mata. Naglakad siya
papalapit sa puntod ni Tyang at humiga doon. He's crying like a baby. Missing his
mother.

"I'm so sorry. It's too late to know you. I can't even see you grow old."
Humahagulgol na si Darius, hindi na din maintindihan ang kanyang sinasabi.

Wala akong ibang magawa kundi ang tignan siya. Naaawa ako dahil ipinagkait sakanya
ng pagkakataon na makilala ang kanyang tunay na magulang.

Hinawakan ako ni Tita Virgie sa likod. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha
ko. Napaka buting tao ni Darius at hindi ko alam kung bakit niya ito nararanasan.

Napaisip ako.

Napaka swerte ko pala. May magulang pa ako. Kahit na ngayon ko lang sila nakilala,
at least buo kami. Ang iba, nangungulila sa kanilang mga magulang habang ang iba
naman ay kumpleto ngunit kung sigaw sigawan lang nila ito ay parang wala lang.

Biglang pumasok sa isip ko si Hermes.

Madalang nalang din siyang magsalita ngayon. Sobrang tahimik na nga niya dati tapos
ngayon lalong tumahimik.
Sana, maibalik ko sila sa dati. I know, hindi paz tuluyang naghihilom ang sugat sa
kanilang puso. Si Elizze, she's still hurt. Alam kong tuwing gabi ay umiiyak parin
siya although tinatago niya lang iyon sa kanyang mga ngiti.

I need to bring their old self.

I want them to be happy.

Alam ko na kung bakit ako nandito. To cheer up everyone. To make them happy, and
that's what I need to do.

Our happy journey is just about to start.

At kapag naramdaman namin ang kaligayahan, hindi na nmin ito pakakawalan at


nanamnamin namin ang huling sandali nito.

I, the celestial mage, Amara Audrie Sorceries,

make a promise,

to be happy,

to be brave for my friends.

I, the light within me,

my friends around me,

my family that I care,

I, Amara the sorceress,

pledge to myself,

that I will keep them safe

and no harm they will take.

I, the heiress of the crown,


cast this spell for eternity.

-* THE END *-

=================

a f t e r w o r d s

Ok, ok! After one year of editing natapos na din. December 30, 2014 ko pinost yung
epilogue nito. Almost one year, natapos na ulit. Sa wakas! May completed story na
ako. Haha!

Ano! Gusto ko lang magpasalamat sa mga readers na bawat chapter nagco-comment. Mas
na-aapreciate ko yung at mas ginaganahan akong magsulat dahil sainyo. Thank you!

Sa lahat ng may katanungan tungkol sa chapters, mga butas na di natuldukan, i-PM


niyo nalang ako.

Well, ano pa ba pwedeng sabihin?

I-kwento ko nalang kung paano ako nag end up sa idea ng plot ng Celestial Princess.

So, naaalala ko third year ako nun, usong uso ang wattpad so ako ginawan ko ng
story yung classmate ko, naaalala ko nun, 'Losing My Mind' pa yung title ng story.
Sobrang clich pa ng plot nun, panget at mahirap yung babae habang ang lalaki
gwapo't mayaman. So, ako naghahanap ng ibang story para maging inspirasyon at nag
ended-up ako sa genre na fantasy.

Unang una kong nabasa yung Wonderland Magical Academy ni missmaple. Sobrang adik
ako nun magbasa at manuod ng fantasy/adventure na anime kaya sobra akong na excite
na may ganun din pala sa wattpad at hindi lang puro teen fiction at romance.

So habang ginagawa ko yung Losing My Mind, ginagawa ko din yung Celestial Princess.
Naalala ko pa yung plot nun, yung clich na dinala siya ng kanyang Tyang sa Academy
dahil nagbabago-bago yung kulay ng mata niya at kamuntikan niya ng mapatay yung
bully sa school. Hahaha! So, chapter 32 nun ng tinigil ko yung plot at binago ko.

Doon ko na din napagdesisyunan na burahin yung Losing My Mind at magfocus sa


Celestial Princess. Wala pa akong readers nun at nafu-frustrate dahil wala man lang
votes at comment.
Naalala ko pa, gumawa ako ng dummy accounts para lang i-floodvote yun. Hahaha!
Ngayon, nakalimutan ko na yung account. HAHAHAHA! Ginagawa mo din yun e, for all I
know!

So, MAY BOOK 2 ANG CELESTIAL PRINCESS! Nagdadalawang-isip pa ako para sa title,
kung Battle For Crown o Battle For Throne. Haha! In-line comment guys, then debate.
Haha!

So, may bago akong story, catalyst. Basahin niyo siya guys, a little bit of
romance, full of mystery and a pack of adventures with a big twist. So yeah! May
plot na ako, kailangan ko nalang gawin yung scenes. Haha! Ang dami kong inspiration
na book & movies sa catalyst. Sci-fi ang pinaka genre niya so I hope basahin niyo.

Yung The Dragon Within naman, hiatus siya. Nawala na sa utak ko yung characters.
Pero itutuloy ko siya, maybe kapag natapos yung Catalyst. O, pwede kong pagsabayin
kapag na build-up ko yung characters. Kwento siya ng Hermiso, ang mundo ni Ginoong
Lope.

So, ayun na nga, nagpapasalamat ako sa inyong lahat. Yung votes niyo, highly
appreciated yan lalo na yung mga readers na kada chapters na nagco-comment. Kilala
ko kayo lahat guys. :)

So, thanks.

MAY BOOK 2 AH!

=================

note

Hi! Para ito sa lahat ng nagtatanong.

May Book two po ang Celestial Princess. Ang title ay Battle For Crown. Makikita ito
sa profile ko.

Sa mga nagtatanong kung bakit hindi ko pinakilala yung her na binanggit ni Jem.
Well, sa book two niyo na siya malalaman. Cliffhanger ako e. HAHAHA

Gusto ko lang ding i-clarify yung tungkol sa Lost book. Kinuha yun ni Reingel noong
nalaman ni Brianna na taksil siya. So pano daw napunta ulit sa kamay ni Brianna ang
libro at bakit sinabing nagliwanag noong nasa Earth Terrain sila?

Well, actually hindi yung libro yung nagliwanag, bagkus yung isang page. Yung page
six na pinunit ni Brianna to blockmail the King and Queens.
Clear?

So, ito pa. Bakit daw bitin? Bakit hindi daw nagkatuluyan si Amara at Hermes? Bakit
daw ang panget ng ending?

-Bitin kasi may Part two nga.

- Hindi nagkatuluyan si Amara at Hermes dahil wala naman talaga sa plano ko ang
bahiran ng kalandian yung story kaso dahil sa mga demand ninyo na bigyan ko sila ng
love story, edi sige. Haha! So sa book two na iyon. WAG NGA LANG KAYONG MAG E-
EXPECT dahil hindi ko alam ang POV ng babae kapag in-love. Alam ko lang mamamalo
lang yan ng katabi kapag kinikilig. Hahaha!

- Bakit daw ang pangit ng ending? Ok lang, pangit ka rin naman. HAHAHA! joke lang.
Well, I can't please everyone. Kung hindi ko nagawa yung ine-expect mong ending,
edi sorry.

Ito pa! Wag muna kayo mag comment ng pa-update na po yung next chapter please kasi
hindi ko pa priority yung Battle For Crown. Wala pa akong story line doon. Wala pa
nga akong plot, actually nawala na sa utak ko. Matatagalan pa yan, pero i u update
ko nalang pag may free time ako.

So, mas prioritize ko yung Catalyst. Sci-fi yun, para ding fantasy kaso more on
mystery and action. Basahin niyo din yun please. :) And be sure na bibili kayo ng
libro pag pinublish na yon. HAHAHAHA! How I wish na ma-publish. :D

So, yun lang. Thank you sa 1.5Million reads.

=================

special chapter #1

I, the celestial mage, Tamara Alyssa,

Made a promise

That I will kill everyone who betrayed me.

I, Tamara Alyssa,

Who have listed their names,

One by one they will disappear.


I, the dark within me,

Will use it to get my revenge.

I, the eldest daughter,

I might not be a sorceress

But I am stronger than her.

I, the real heiress of the crown,

Will be back and take the throne.

Xxxxxxx

Hey yow! Hindi rhyme yung tula. HAHAHA pero alam niyo na.

You might also like