0% found this document useful (0 votes)
88 views4 pages

Chapter 4

Ang kabanata ay tungkol sa pagkakilala ng bata sa mag-asawang sina Tita Anias at Tito Wyatt. Natuklasan ng bata na kamukha niya ang namatay na anak nila na si Avyanna Sapphira. Nagdesisyon ang bata na maging anak na rin nila.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
88 views4 pages

Chapter 4

Ang kabanata ay tungkol sa pagkakilala ng bata sa mag-asawang sina Tita Anias at Tito Wyatt. Natuklasan ng bata na kamukha niya ang namatay na anak nila na si Avyanna Sapphira. Nagdesisyon ang bata na maging anak na rin nila.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

Chapter 4

Hindi ako nakapagsalita dahil hindi ko alam kung bakit siya nagagalit sa akin.
May lumapit sa amin na lalaki para tulungan kaming tumayo.
“Are you crazy?” tanong ulit ng babae. “Iyan ba ang paraan mo para takasan ang
mga problema mo?”
“Ano?” takang tanong ko. “Miss ano po bang sinasabi niyo? Bakit po ba kayo
nagagalit sa akin?”
“Bakit ka nakatayo doon? Tatalon ka?” tumaas ang boses niya.
“Hindi.” Sagot ko. “At hindi ako tatakas sa mga problema ko. Duwag lang ang
gumagawa non.”
Tinalikuran ko siya para bumaba na ulit.
“Sandali.” Pagpigil sa akin ng lalaki kanina. “Ikaw yung anak nung namatay na
babae kanina hindi ba?” tanong niya.
Tumango ako.
“I heard siya na lang ang kasama mo.” sabi niya. “Nasan ang Papa mo?” tanong
niya.
“Hindi ko alam...” tumungo ako para iwasan ang tingin niya.
Nang hindi siya magsalita ay iniwan ko na sila doon.
Umuwi muna ako sa bahay para magbihis at para kumain. Pero nang makitang walang
pagkain sa bahay ay nagpasiya na akong umalis.
Kailangan kong maghanap ng pera para makapagbayad sa ospital.
“Sorry wala kaming hiring ngayon eh.” Sagot sa akin ng babae sa isang fastfood na
pinagtanongan ko.
“Sige po. Salamat na lang.” umalis na ako para maghanap pa ulit ng ibang pedeng
mapagapplyan.
Lahat ng puntahan ko ay ang sagot sa akin ay hindi sila hiring o di kaya naman ay
hindi nila ako pwedeng tanggapin dahil minor pa ako.
Napaupo ako sa tabi ng kalsada dahil nakakaramdam na ako ng gutom, uhaw at pagod.
Hindi pa ako kumakain o kahit inom ay hindi pa dahil wala akong perang dala.
Naglalakad na lang ako dahil wala naman akong pamasahe.
May biglang bumusina sa likod ko.
“Ayy potek!” napatalon ako sa gulat.
Nakita kong may bumabang babae.
“Hey kiddo.” Bati sa akin nung babae kahapon na nakilala ko sa ospital.
Gulat akong napatingin sa kaniya pati sa lalaking kakabababa lang. Siya rin yung
lalaki kahapon.
“Teka sinusundan niyo ba ako?” tanong ko.
Napaupo ako sa kalsada nang makaramdam ng hilo.
Dali dali silang lumapit sa lumapit sa akin para tulungan ako.
“Okay ka lang ba?” tanong ng lalaki.
Tumango ako at sinubukang tumayo.
“Bakit ba kayo nandito? Bakit niyo ako sinusundan?” tanong ko.
“Kasi...” sagot ng babae ngunit parang hindi niya alam kung paano sasabihin.
“Kasi gusto lang naming sabihin na naihanda na naming ang burol ng Mama mo.”
Napaawang ang labi ko dahil sa narinig.
“A-anong sabi mo?” hindi makapaniwalang sabi ko.
“Dadalhin ka namin sa kaniya.” Sabi ng lalaki.
“P-pero bakit niyo ginawa yun?” hindi ako makapaniwala na ginawa nila yun.
“Basta.” Sabi ng babae at hinila ako pasakay sa kotse. Pinaupo niya ako sa likod.
Habang papunta kami kung saan nakaburol si mama ay nakatulala lang ako. Hindi
naman sila nagsasalita.
“Bakit niyo to ginagawa?” tanong ko ulit.
“Hindi ko alam...” sagot nung babae. “Dahil kaya namin at dahil gusto ka namin
tulungan.”
“Pero bakit?” hindi ako nakukuntento sa sagot niya.
“Kasi naaalala ko sayo ang anak namin...” sagot niya na nagpagulat sa akin.
“Bakit?” tanong ko. Nagaantay pa ng karugtong ng sasabihin niya. “Nasan siya?”
tiningnang ko siya.
“Wala na siya.” Sumagot ang lalaki.
Humarap sa akin ang babae.
“She really looks like... you” naluluhang sabi niya.
Huminto ang sasakyan ibig sabihin ay nakarating na kami kung nasan si mama.
Bumaba ako sa sasakyan. Nakaburol siya sa isang bahay na hindi pamilyar sa akin.
“Nasan tayo?” tanong ko habang nakatingin sa buong bahay.
“Rest house namin ito.” Sagot ng lalaki.
Naupo kami sa isa sa upuan na nakahanda doon.
Doon muna nila ako pinatira habang nakaburol si Mama. Ipinamili rin nila ako ng
mga damit na magagamit ko habang nandoon ako.
Nalaman kong sila pala ang may-ari ng ospital kung saan dinala si mama.
Nagising ako nang makaramdam ng init na tumatama sa mukha ko.
Ngayon ang libing ni Mama.
Bumangon ako at nagbihis na nang bumaba ako ay nakaupo na sila sa dining area.
Tahimik kaming kumain. Dumating na ang sasakyan na maghahatid kay Mama sa
paglilibingan niya.
“Ready?” tanong ni Tito Wyatt.
Tumango ako. Sumakay na kami sa kotse niya.
Walang nagsasalita sa amin hanggang mailibing si Mama.
‘Lyra Cristobal’
Basa ko sa pangalan niya.
I will never forgive him from what he did Mama. Kung kasama natin siya hindi ka
mawawala.
Kinuyom ko ang kamay ko.
Hindi ko inaalis ang tingin ko sa lapida nang maramdaman kong may humawak sa
kamay ko.
Nang iangat ko ang tingin ko ay nakita ko si Tita Anias na parang gusting
pakalmahin ako.
Hinarap ko siya.
“Gusto kong makilala ang anak niyo.” Sabi ko sa kaniya.
Napalingon siya sa asawa bago tumango sa akin.
“Nandito rin siya.” Sabi niya. “It’s just few steps away from here.”
Nauna silang dalawa nakasunod lang ako. Nang makarating kami sa isang parang
bahay ay pumasok sila doon kaya sumunod din ako.
Sa gitna ng parang bahay ay may lapida.
‘Our angel’
Yun lang ang nakasulat dito. Wala nang iba. Kahit pangalan wala.
“We didn’t put her name there.” Sagot ni tita nang makitang parang nagtataka ako.
Tumango ako.
“Meron siyang sakit na hindi siya pwedeng malapitan ng kahit anong mikrobyo.
Dahil...” pagkukwento ni Tito. “Mamamatay siya kapag nangyari yun. Kaya wala ring
nakakakilala sa kaniya masyado. Only relatives.”
Lumapit sa akin si tita at hinawakan ang mukha ko.
“Magkamukhang magkamukha kayo.” Naluluhang sabi niya. “Ang ipinagkaiba niyo lang
ay ang buhok niyo.”
Binitiwan niya ako.
Lumuhod ako at hinawakan ang lapida.
“Yours is black while hers...” pagpapatuloy niya. “is ginger.”
“What’s her name?” Tanong ko.
“Avyanna...” sagot niya. “Avyanna Sapphira.”
Sandali kaming natahimik. Hanggang may pumasok sa utak ko.
“I want to be her.” Sabi ko habang nakatingin sa lapida.
Hindi sila nakapagsalita dahil sa narinig. Nang lingunin ko sila ay halatang
nagulat sila sa sinabi ko.
“I want to be your daughter.”

You might also like