You are on page 1of 4

Chapter 3

Nakatulala lang ako habang papauwi sa bahay.


Hindi ko napansin na nakarating nap ala kami sa bahay.
“Miss andito na po tayo.”
“Miss.” Tawag sakin ng driver.
“Ha?”
“Andito na po tayo?” sabi niya. Tumango ako at bumaba na ng sasakyan.
Sinalubong ako ni Mommy na halatang nag-aalala sa akin.
“What happened? Sabi ng driver nagpasundo ka raw kasi masama ang pakiramdam mo.”
nagaalalang tanong niya.
“I-I’m fine Mom.” Sagot ko at dumiretso na paakyat.
Hindi na siya nagtanong at hinayaan na lang akong umakyat.
Pagkatapos kong magbihis ay nahiga na ako.
After so many years, bakit ngayon ko pa siya nakita? Bakit pa siya nagpakita sa
akin?
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.
Bumangon ako nang marinig na natunog ang cellphone ko.
~~Liam Calling~~
“Hello?” pagsagot ko.
[Umuwi ka daw?] bungad niya.
“Oo, bakit?” tanong ko. Tiningnan ko ang oras at nang makitang 7:30 na nggabi ay
nagpasya nakong lumabas dahil alam kong inaantay na ako nina Daddy para
maghapunan.
“Why? Is it because of what happened earlier?” tanong niya. Alam ko na agad na
nagiguilty siya.
“No...” sagot ko pero alam kong hindi siya naniniwala. “uhm yeah tampo ako sayo
but may iba pang reason.” Pag-amin ko.
“I’m sorry. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit galit na galit ka sa kaniya.”
Sabi niya. Nasa sala sina mommy nang bumaba ako at nang makita nila ako ay tumayo
na sila para pumunta sa dining area.
“Naisip ko lang na umiral na naman ang pagiging rude mo.” dugtong niya.
“You know na hindi ako basta nagiging rude sa isang tao kung wala naman silang
ginagawa sa akin.” Sabi ko.
Naupo na ako. Si Daddy na ang naglagay ng pagkain sa pinggan ko nang makitang may
kausap ako. Samantalang si mommy naman ay sinesenyasan akong wag nang
magcellphone. Tumango ako.
“Maya na lang ulit. I’ll eat first. Magagalit na si mommy.” Sabi ko kay Liam.
“Okay. Let me greet them first.” He said.
“Okay. Mom, Dad Liam wants to say hi.” Sabi ko kina Mommy. Niloud speaker ko para
marinig nila.
“Good Evening Tito, Tita.” Bati nya.
“Good evening hijo.” Bati ni Daddy.
“Good evening Liam, let Vy eat first mamaya na kayo magusap. Send my regards to
your mom and dad.” Nagsermon pa.
“Okay po. Sorry din.” Natatawang sagot niya.
“Bye maya na lang.” pagpapaalam ko sa kaniya.
“Yeah bye.” Siya.
“Dami naman.” Reklamo ko kay dad nang makitang halos umawas ang laman ng plato
ko.
“Ow. Sorry.” Binawasan niya ang laman.
Nagpatuloy na kami pagkain. Tahimik lang si mommy. Halatang pinipigilan niya ang
sarili niyang magsalita.
“What is it Mom?” tanong ko.
“Are you okay now?” balik niyang tanong sa akin.
“Yeah.” Tumango ako at tiningnan siya. Nakita kong nakatingin rin siya sa akin,
parang hindi siya naniniwala.
“What happened?” seryoso ang tono niya. Alam kong gusto niya talaga malaman ang
totoo.
“I saw him.” Pag-amin ko.
“Who?” tanong niya.
“My father.” I answered.
“Paano? Saan?” sunod sunod na tanong ni Dad.
“Sa school.” Nakatungong sagot ko.
Natahimik sila kaya pinagpatuloy ko na lang ang pagkain. Nang matapos kami ay
nagpaalam na ako para umakyat sa kwarto ko.
Nang nakahiga na ako ay pumasok si Mommy. Naupo ako at siya rin sa tabi ko.
Saglit kaming natahimik, inaantay kung sino ang unang magsasalita.
“How do you feel?” tanong niya kaya inangat ko ang tingin ko sa kaniya. “You know
you can always cry. You can tell us everything.” She said.
Lumapit ako sa kaniya.
“I can’t.” sagot ko. Kahit ako hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko magawang
umiyak kahit pa noong namatay si Mama.
“Gusto ko.” sabi ko habang yakap oarin siya. “Gusto kong umiyak at ilabas lahat
ng sakit at galit na nararamdaman ko. Pero hindi ko magawa.” Hinaplos niya ang
likod ko. “Na para bang ang mata ko na ang talagang may ayaw.”
Hindi siya nagsalita.
She kissed me on my forehead.
“Matulog ka na. Maaga ka pa bukas.” Sabi niya. Humiga na ako. “Wag ka nang
magcecellphone ha.” Paalala niya at pinatay na ang ilaw bago lumabas.
Nakailang pabalibaliktad ako sa kama pero hindi talaga ako makatulog.
Bumangon at lumabas ng kwarto para lumipat sa tabi nina Mommy.
Naririnig ko pa ang pagtatawanan nila sa loob kaya kumatok ako.
“Bakit?” si Dad ang nagbukas. “Oh, Avy anong ginagawa mo diyan?” tanong nya.
“Can I sleep here?” tanong ko. Lumapit na si Mommy. “I know I’m too old for this
but...” hindi ko na maipagpatuloy.
Nakatinginan sila at tumango. Sa gitna nila ako nahiga.
“Don’t worry Mommy tatakas tayo mamaya.” Nakapikit na ako nang marinig ko ang
bulong ni Dad.
“Tumigil ka nga!” saway sa kaniya ni Mommy.
“Dad I can still hear you.” Pagsasalita ko habang nakapikit.
Tumawa siya. “Sorry I thought you’re asleep already.”
Naramdaman kong niyakap ako ni Mommy. Maya maya ay naramdaman kong nakatulog na
sila.
Samantalang akoy hindi parin nakakaramdam ng antok.
I can still remember the day I met them.
--------------------------*****************************--------------------------
Matapos ideklara ng doctor na patay na si Mama hindi ko magawang umiyak. Ang nasa
isip ko lang noon ay kung paano ko siya mabibigyan ng maayos na libing lalo a
ngayong wala kaming pera.
May lumapit sa akin na nurse at iniabot sa akin ang hospital bill.
Napahugot ako ng hininga nang makita kung magkano ang bill.
Wala kaming pera.
Hindi ko namalayan na dinala na ako ng mga paa ko sa rooftop ng hospital.
Tumungtong ako sa railings. Itinaas ko ang kamay ko para damhin ang hangin na
humahampas sa mukha ko.
“Mama...” bulong ko habang nakapikit. “Bakit iniwan mo rin ako?”
Kahit isang patak na luha walang lumabas sa mata ko.
Nanatili ako sa ganoong posisyon.
Nagulat ako nang may humigit sa akin dahilan nang pagkakatumba naming dalawa sa
sahig.
Nang lingunin ko siya ay para akong nakakita ng anghel. Ang ganda niya para bang
lahat ng parte ng mukha niya ay perpekto. Ang maliit ngunit matangos niyang
ilong, ang mga mata niyang kulay brown, mahahabang pilik mata, manipis na
mapulang labi na, and her porcelain skin. Galit nga lang ang ekspresyon ng mukha
niya.
“Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo bata?!” galit na tanong nito sa akin.

You might also like