You are on page 1of 47

------------------------------

TITLE: Chubby: Weight Doesn't Matter


LENGTH: 380
DATE: Nov 15, 2013
VOTE COUNT: 2699
READ COUNT: 184554
COMMENT COUNT: 359
LANGUAGE: Filipino
AUTHOR: marcelosantosiii
COMPLETED: 0
RATING: 3
MODIFY DATE: 2014-09-08 23:23:12

------------------------------

####################################
Introduction
####################################

Sabi nila, mataba daw ako, baboy, Dabianna, napabayaan sa kusina, star ng fiesta at
handa tuwing pasko. Pero alam mo yung feeling ng wala ka namang ginagawang masama o
sinasabing di maganda sa mga tao pero tingin pa lang nila parang bumababa na tingin
mo sa sarili mo. Para bang sinasabi nila na sana naging pagkain ka na lang para
busog ang mga tiyan namin. Ang hirap ng ganito.
####################################
Chapter 1: Crystel
####################################

Ako si Crystel, 2nd year college, masscomm student sa isang magandang kolehiyo dito
sa Maynila. Ako ang palaging biktima ng pangungutya at pang-aasar pero alam niyo,
hindi ko na sila pinapansin dahil alam ko, magsasawa din sila at naniniwala ako sa
karma. Sa una, oo, naaasar ako, napipikon, nagagalit, ikaw ba naman ang palaging
tampulan ng asaran sa buong klase eh. Wala nang makitang aasarin kundi ako. Pero sa
paglipas ng panahon, unti-unti ko nang natatanggap ang mga sinasabi nila. Ano bang
masama sa pagiging mataba? Eh masarap kumain eh, pake ba nila? Wala na akong
pakialam kung sabihan nila ako ng baboy, mataba o kung ano pang synonyms ng
pagiging malaki ko. Ang tangi ko lang ginawa ay tanggapin ang sarili ko. Sino pa
bang tatanggap sa sarili mo, kundi ikaw din mismo. Accept yourself and everything
will follow.

Bukod sa pagtanggap ko sa sarili ko, tanggap ko rin na mahirap magka-love life ang
isang tulad ko. Hindi naman totoong mapili ang mga babae, ang mga lalake pa kaya
ang tanging nilalang na sobrang choosy. Oo, mapili silang lahat. Kailangan
balingkinitan ang katawan, maganda, makinis, maputi inshort mala-Christine Reyes
ang itsura, kabaligtaran ni Crystel Reyes.

Siguro, kung magiging kanta ang lovelife ko, ang title nito ay "Nasa Iyo na ang
Lahat", lahat ng TABA, kaya wala sa aking magkagustong binata. Sino ba naman ang
magkakagusto sa akin? Pero ayun nga, hanggang tingin na lang ako sa lalaking
matagal ko nang pinapangarap, si Joshua San Miguel. Ok na ako sa patingin tingin
lang sa kanya. Mahirap naman kasing umasang magiging akin talaga siya kasi for the
fact na siya ang pinakamatalino sa buong school, siya rin ang heartthrob na
kinababaliwan ng lahat ng babae sa buong campus. Matangkad, moreno, pilipinong-
pilipino ang itsura, simpatiko, gwapo, matalino, mabait in short, PERFECT. Tama na
ang pag-iilusyon Crystel. Yan ang laging naririnig ko sa tuwing nakikita ko si
Joshua.
Thursday ng umaga. Pumasok ako ng maaga para dalhin ang mga props para sa stageplay
namin. Diba? Kababae kong tao, sa akin pinadala yung mga props namin - dalawang
malaking plastic bag ng mga kurtina at isang malaking stand ng puno.

"Girls, padating na yung truck ng basura oh!" ganyan si Faye (kasama ang dalawa
niyang kabarkadang sina Beatrice at Julia na ang tanging sinasabi lang ay "Oo nga
Faye" sabay tawa sa sinabi ng leader-leaderan ng grupo nila). Sa tuwing nakikita
niya ako, kating-kati siyang magsalita ng pang-aasar sa akin. Ewan ko ba kung ano
ang napapala niya sa pangungutya niya sa akin. Nakatambay sila sa hagdanan
papuntang theater.

As usual, hindi ko na lang sila pinansin. Pagkadaan ko sa harapan nila, biglang


nagsalita si Faye. "Hi! Ms. Truck ng Basura! How nice of you naman. Ano yan,
ibebenta mo sa junkshop?"

"Oo nga Faye, she looks like a truck ng basura! So eewww." Sabat pa ni Beatrice.

Sa pagkakataon na ito, kalimutan niyo na yung pangalawang sentence sa pangalawang


paragraph ng kwentong ito. Hindi ko na matiis ang kamalditahang ginagawa nina Faye
sa akin.

Tumigil ako sa harap nila at nagsalita. "Excuse me Faye at sa mga kasama mong
dalawang babaeng butiki. For your information, hindi ako nag-almusal sa araw na ito
kaya tumabi tabi kayo sa daanan ko at baka kayo pa ang kainin ko. Ay, hindi pala
ako kumakain ng bilasa, yung tipong pinagpasapasahan ng ibang tao."

Sa sinabi kong iyon, napatigil sila. Parang napahiya sila sa isa't isa lalo na si
Faye. Sa sobrang galit niya, hinampas niya ang hawak kong props sabay sabing "Loser
ka Baboy!" sabay walk out sa eksena.

Nagkalat ang mga dala kong props. Pinulot ko ito isa-isa habang nangingilid ang mga
luha sa mata ko, siguro mixed emotions to - maiyak-iyak dahil sa ginawa at walang
sawang pang-aasar sa akin ni Faye at saya dahil for the first time, napagtanggol ko
ang sarili ko.

Sa pagpupulot ko ng mga nalaglag na props, may isang lalaking huminto kung nasaan
ako at tumulong sa pagpulot.

"Hi! Thank you ha."

"Sure. I'm James nga pala, tulungan na kitang bitbitin yan." Unlike me, payat si
James, siguro ka-age ko lang siya, matangkad, moreno pero ang kapansinpansin sa
kanya ay yung mga mata niya at ang palagi niyang pagngiti.

"Ako nga pala si Crystel. Thank you ulit ha."

Tinulungan niya akong bitbitin ang mga props na dala ko papuntang theater. Sa
paglalakad namin, nagkakwentuhan kami. Nalaman ko na transferee siya.

"Bakit ka nga pala dito nag-aral?" tinanong ko siya. Nasa harap na kami ng theater.

"Ah, kasi dito rin nag-aaral yung kapatid ko eh. Si Joshua San Miguel. Kilala mo ba
siya?"

Nagulat ako sa nalaman ko. Hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko, kung
maeexcite ba ako na kapatid niya si Super Crush o matutuwa kasi may new found
friend ako.
"Ahm.. oo, sino bang hindi nakakakilala sa kuya mo." Actually kinakabahan ako
habang sinasabi ko yun.

"Sige, nice meeting you ha Crystel." Inabot niya yung kamay niya for shakehands.

Nakaramdam ako ng spark. I don't know kung bakit. Parang nag-slow motion ang mundo.
Inabot ko rin ang aking kamay at nakipagshakehands sa kanya.

"Ahm, James, gusto mong manood sa play namin?" nilakasan ko na yung loob ko.

"Sure! Kitakits ha." Ngumiti siya at nagpaalam.

This is the best day, so far, ng college life ko. Panalo!

Itutuloy.

Don't forget to VOTE and COMMENT.

2013. All rights reserved. No part of this publication may be reproduced or


transmitted in any form or by any means without written permission from the author
####################################
Chapter 2: James
####################################

Sa first week ko sa nilipatan kong school, parang wala namang bago. Ang hirap maka-
cope up sa bagong environment - new school, new classmates, bagong mundo. Para bang
kailangan ko ulit umulit sa umpisa na para bang lumipat ako ng ibang planeta. Start
from the scratch.

Well, bukod sa kilala na ang kuya ko sa eskwelahan ko na to, nahihirapan pa rin


ako. Hindi kasi tugma yung schedule namin. So kailangan kong pumasok mag-isa. Pero
naging exciting lang naman ang lahat noong nakilala ko si Crystel.

Nakilala ko siya sa may hallway. 2nd year na rin siya katulad ko pero magkaiba kami
ng course na kinuha. Masscomm siya, ano naman fine arts. She's not the typical girl
na nakikilala ko sa dati kong school. Yung sexy, maraming arte sa mukha, maarte
manamit at magsalita. Iba siya. Simple. Walang arte. At yun siguro ang nagapaganda
sa kanya. Sa 15 minutes naming pagkukwentuhan habang hinahatid ko siya sa
auditorium (kung saan siya papunta), sa sandaling iyon, medyo nakuha na niya ang
loob ko. Yung paraan niya ng pagsasalita, yung pagngiti niya, yung magaganda niyang
mata. Para bang wala siyang pakialam sa mundo. Para bang sanay na siya sa planetang
napili niya. Parang nabubuhay siya araw araw na hindi pinapakialaman ang buhay ng
tao sa paligid niya. Oo, chubby siya. People looked at her na para bang isa siyang
alien na dumayo sa mapayapa nilang mundo, sa mundo ng sexy at kaakit akit na babae,
sa paraiso ng mga maaarte at mapanlait na tao. Habang naglalakad kami, halatang
halata ang pagtingin sa kanya ng mga tao, para bang natatawa sa itsura niya. Para
bang may mali sa kanya na di naman niya ginusto pero sa kabila ng lahat na iyon,
nakatingin lang siya sa akin, nagkukwento, nagsasalita. Nakatitig lang ako sa
kanya. Sinusulit ang panandalian naming pag-uusap.

...

"Huy, James! Kanina ka pa nakatulala diyan ah!" sabi sa akin ni Kuya Joshua habang
minamaneho ang kotse na bigay sa kanya ni Daddy nung 19th birthday niya last year.

Dalawang taon ang agwat naming dalawa. Fourth year college na siya, ako naman, 2nd
year pa lang. Magkaiba kami ng course, fine arts ako, accounting naman siya. Ganun
siguro talaga, magkaiba kami ng hilig. Ako, more on the creative side, siya naman,
magaling sa math, science at iba pang kinakailangan ng madugong pag-iisip.

Marami pa kaming bagay na minsa'y hindi napagkakasunduan tulad na lang sa tuwing


nanonood ako ng mga movies, ililipat niya sa basketball. Bukod kasi sa academic,
active rin si Kuya sa extra-curricular activities tulad na lang ng basketball, sa
katunayan, kasama siya sa official basketball team ng eskwelahang nilipatan ko.

Mahilig din siyang makipagparty, ako naman, sa bahay lang. Ayoko kasi sa mga
maiingay na lugar, yung maraming tao. Gusto ko sa lugar na tahimik, yung nakakapag-
isip ako. Yung hindi magulo. Sa bahay, kundi nanonood ng mga movies, nagdodrawing
lang ako.

Ibang iba si Kuya kaysa sa akin. Competitive siya, ako, bahala na. Basta kung saan
ako sumasaya, doon ako. Simple lang naman ang buhay eh. Mabuhay, maging masaya,
mamatay ng mapayapa kasi alam mong nagawa mo yung mga bagay na nakakapagpasaya
sayo.

"Sus! Chicks mo yan noh?" pangungulit niya sa akin.

Nakaupo ako sa tabi niya. Tulad nga ng sabi niya, tulala. Malalim ang iniisip.

"Nako, hindi. Kakakilala ko lang sa kanya kahapon."

Bigla kong naalala yung mukha niya. Yung sandaling nakapag-usap kami habang
hinahatid ko siya patungong theater.

Naalala ko rin yung pag-imbita niya sa akin sa play nila mamayang 3PM.

"Kuya, alam mo ba yung theater play sa Masscomm mamaya?"

"Ah, sina Trish yung nag-organize nun eh."

Wala siyang reaksyon habang minamaniobra ang kotse para i-park sa gilid ng main
building ng school namin. I don't know kung dahil lang ba tutok siya sa pagdadrive
kaya mukha siyang seryoso o dahil naalala na naman niya yung ex-girlfriend niyang
si Trish na nag-two time sa kanya last year.

"Bakit mo naman natanong?" nakahinto na ang kotse sa tapat ng isang puno sa gilid
ng building. Tumingin siya sa akin habang inaabot ang bag niya sa backseat.

"Wala naman. Kasi may nag-invite sa akin eh. Yung nakilala ko kahapon. Si Crystel."

"May ticket ka na ba?" tanong niya sa akin.

"Wala nga eh."

Binuksan niya ang bag niya at may kinuhang dalawang papel na may nakalagay na
"College of Communications proudly presents MARIKIT NA BITUIN."

"Oh ayan, dalawang ticket, maghanap ka na lang ng kasama mo mamaya." Pag-abot niya
sa akin ng ticket ay lumabas na siya ng kotse. Lumabas na rin ako.

"Samahan mo na ako mamaya."

"Sus! Di ko trip yang play na yan."

"Yung play nga ba yung hindi mo trip o yung nag-organize? Akala ko ba moved on ka
na?"
"Non-sense na 'tong pag-uusap natin James." Naglakad na siya papuntang building ng
mga accounting students.

"Sabi ko na eh. Ayaw mo lang makita si Trish. Di mo pa rin tanggap yung nangyari."

Matalino ang kapatid ko, pero alam ko ang kahinaan niya, love. Emotional yan kapag
napag-uusapan ang lovelife. Although marami kaming pinagkaiba, siguro sa larangan
ng pag-ibig, doon kami pareho. Open siya sa akin. Alam ko ang lahat ng kwento sa
mga babaeng niligawan niya, mga babaeng sinagot siya at mga babaeng ex na lang niya
ngayon. Ako ba naman ang pinapagawa niya ng carricature ng mga naging girlfriend
niya at gagawin niyang panregalo sa birthday o monthsary nila.

Mukhang matapang si Kuya Joshua pero sa panlabas na anyo niyang yun, mahina yan
kapag tinamaan na ng kamalasan sa pag-ibig.

Hindi lingid sa kaalaman ko na isa siya sa tinitilian o heart throb ng university


na to dahil na rin sa mga babaeng nakikipagkaibigan sa akin sa facebook para lang
ma-stalk ang mga pictures ng kuya ko. Bata palang kasi kami, mahilig na yan
pumorma, habang ako, madungis kakalaro ng clay, paintbrush at mga pintura.

Pero ganun siguro talaga yun, hindi lahat ibibigay ni God. Yun nga lang, parang sa
akin, walang naibigay. Hindi ako kasing gwapo ni kuya, hindi ako kasing talino ni
kuya, hindi ako ma-appeal sa mga babae. Parang puro na lang si Kuya ang nakikita
nila. Honestly, naiinggit ako sa kanya, pero hindi ko na lang pinapakita.

"O sige James. Sasama na ako. Papatunayan ko sayo na naka-moved on na ako."

Mula sa seryoso niyang mukha, napangiti siya. Actually, hindi siya "ngiting"
masaya, para siyang ngiti na nagsasabing "mapapatunayan ko sa'yo na mali ka"

...

Don Marcelino Theater

3:15PM

Sabay kaming pumunta ni Kuya sa theater. Habang naglalakad, napakaraming matang


nakatingin sa amin. O baka sa kuya ko lang. As usual, para siyang artista kung
umasta. Walang pawis sa mukha, maayos ang buhok, mabango. Diretso ang tingin at
nakangiti, para bang may mga camerang nakatutok sa kanya.

Bumulong ako sa kanya. "Bakit ka nakangiti?"

"Maraming chicks sa paligid kaya dapat maayos." Hindi pa rin natinag ang ngiti sa
mga lab niya.

"Mukha kang tanga." Sabay tawa ko.

Umakbay siya sa akin at bumulong, "Yung sinasabihan mo nang tanga, ay yung kapatid
mong heart throb ng eskwelahang nilipatan mo."

Natawa na lang ako.

Habang papunta sa entrance, marami akong mumunting tinig na naririnig mula sa mga
babaeng nakapaligid sa amin.

Kapatid niya yata yan.

Ang gwapo talaga ni Josh.


Oh my! Manonood din siya?

Magkamukha sila ng mata.

Manonood na rin ako.

Nakarating na kami sa lamesang nakaharang sa entrance.

Iniabot ko yung dalawang ticket habang si Kuya naman ay busy sa kakatingin sa mga
tao at kakangiti dito.

Nakita ko rin ang panginginig ng kamay ng babaeng pumunit ng ticket namin.

"Cherryl, pa-assist naman sina Joshua sa VIP area." Bilin ng babaeng pumunit ng
ticket namin sa isa pang babaeng kanina pa nakatulala kay kuya.

"VIP ba yung ticket namin?" tanong ko sa babae.

"Ay, hindi po. Pero dahil kasama niyo si Joshua, doon na lang po kayo sa VIP area,
sa harapan."

Tumingin ako kay kuya. Patay malisya siya pero alam kong sa likod ng mga ngiting
yun ay nagsasabing "Wala eh. Heartthrob eh."

Umupo nga kami sa bandang harapan, sa gitna. Hinanap ko si Crystel pero hindi ko
siya makita. Hindi ko rin kasi alam kung kasama ba siya sa cast o staff lang siya.
Nagsimula na yung play pero hindi ko pa rin siya nakikita.

Sa kalagitnaan ng play, may isang babaeng lumabas na nakacostume ng puno. Pamilyar


ang punong iyon sa akin. Nang matitigan ko, nakilala ko na agad na iyon si Crystel.

Pasimpleng kumaway ako sa kanya at ngumiti. Nakita na naman niya ako pero matapos
niyang ngumiti sa akin ay para bang nagulat siya sa nakita niya. Hindi ko alam kung
bakit pero parang nakakita siya ng multo. Hindi siya mapakali at bigla siyang
nadapa. Tawanan lahat ng mga tao. May sumigaw pa ng Nabuwal ang puno ng Acacia.
Tumayo siya at bumalik sa kanyang pwesto.

Pagkatapos ng play, dumiretso agad ako sa gilid ng stage para kamustahin siya.

"Hi Crystel."

"Uy, James! Salamat ah. Nakarating ka."

Nakabihis na siya ngayon ng itim na tshirt at pantalon.

"Okay ka lang ba kanina? Para kasing bigla kang kinabahan nung kinawayan kita."

"Nako! Ayos lang ako. Wala yun, wag mo nang intindihin." Nakangiti lang siya sa
akin.

Lumapit sa amin si Kuya.

"James, ito na yung susi ng kotse, ikaw na mag-uwi. May practice pa kasi kami ng
basketball mamaya."

"Sige kuya. Pero kuya, si Crystel nga pala." Ngumiti siya. "Siya yung sinasabi kong
nakilala ko kahapon."
"Hi Crystel, nice meeting you."

Nakita ko si Crystel, nakatulala. Umalis na si Kuya.

"Okay ka lang ba talaga?" tanong ko kay Crystel.

"Okay lang. Okay na okay." Ngumiti siya sabay tingin sa akin.

"So, may gagawin ka ba pagkatapos nito?"

"Wala naman. Bakit?"

Gusto ko sana siyang ayaing lumabas pero biglang may lumapit na babae sa amin, si
Cherryl. "Crystel, pinapatawag ka ni Dean. May sasabihin daw siya sa'yo."

"Ah, sige. Susunod ako." Sagot niya kay Cherryl.

"Ngayon na daw." Hinila ni Cherryl si Crystel. "Excuse me lang kuyang pogi. Kunin
ko muna tong si Crystel."

Habang papalayo sila, tinawag ko siya.

"Crystel..."

Ito na James. Sabihin mo na. Ayain mo na siyang lumabas.

Tumigil siya at tumingin sa akin. Nang-aabang kung ano ang sasabihin ko.

Napepressure na ako. Hindi ko masabi. Parang may humihila ng dila ko.

"...hihintayin kita sa labas ah." Ngumiti ako.

Para siyang nagulat pero napatango na lang.

"Dinner tayo!"

Itutuloy.

Don't forget to VOTE and COMMENT.

Chubby: Weight Doesn't Matter

Writer: Marcelo Santos III (@akoposimarcelo)

2013. All rights reserved. No part of this publication may be reproduced or


transmitted in any form or by any means without written permission from the author
####################################
Chapter 3: First Time
####################################

"Dinner tayo!" sabi ni James.

This is the first time na may lalaking mag-aaya sa akin for dinner. At eto pa ah, 2
days palang kami magkakilala nun. Medyo weird pero hindi ko alam. Ayokong maniwala
kasi baka pinagtitripan na naman ako eh.

Hindi na bago sa akin ang pangtitrip ng mga nakikilala kong lalaki kahit noong
highschool pa. First year pa lang ako, ganito na ang figure ko. Medyo mataba pa nga
ako dati eh. Bukod sa daladala kong stroller na bag, dala dala ko rin yung lunch
box ko na pink na padala ng Mama ko galing Japan. Sa tuwing dumarating ako sa
canteen namin, sisigaw yung kaklase kong lalaki ng "Crystel Tababoy!" sabay tawa ng
iba pa naming mga kaklase na nasa canteen. Halos araw araw nila akong ginaganon.
Iba't ibang asar ang tinatawag nila sa akin bawat araw. Piglet. Jollibee. Ursula.
Bilbil Queen. Dulo ng Barbecue Stick. Sanhi ng Lindol. Girl Tsunami.

Lahat ng masasakit na salita, nakuha ko na siguro.

May mga panahon ring sukdulan na ang mga ginagawa nila sa akin na sa sobrang sama
ng pakiramdam, napapaiyak na lang ako sa loob ng CR. Hindi ako makalaban. Hindi ako
makapalag. Naalala ko pa noong fieldtrip namin, walang gustong tumabi sa akin kasi
sa size ko palang, pang-dalawang seat na agad yung sakop ko.

Tahimik lang ako habang pinapakinggan ang panglalait ng mga tao sa paligid ko.
Tahimik ko lang ninanamnam ang bawat salitang sumusugat sa akin. Hindi ba nila alam
na sobra na silang nakakasakit. Okay lang sana kung physical yung pain eh kaso
hindi, emotional. Mas masakit yun kaysa sa suntok, tadyak o sipa na matatanggap ko.
Mas madaling gumaling yung ganun pero itong panlalait nila, hindi pa rin
natatanggal.

At ang pinakahindi ko malilimutan ay yung JS Prom ko. Siyempre, inaya ako ni Bryan,
yung crush ko. Hindi ako makapaniwala. Super effort ko nun then nung magpapartner
partner na, sa iba na siya nakasama. Ayun, naiwan ako sa upuan, habang ang lahat
sumasayaw.

Sinulit ko naman ang pagpunta ko sa JS Prom. Kumain na lang ako nang kumain. Dun
kasi ako nagkakaroon ng kasiyahan eh. Yung hindi mo kailangang mag-inarte sa
pagkain kasi wala namang mawawala sayo. (Madadagdagan ka nga lang)

Naniniwala ako na, kung hindi ka nila tanggap, kung hindi ka nila mahal, it's time
to accept yourself. It's time na ikaw naman ang magmahal sa sarili mo. Hindi tayo
pinanganak sa mundo para maging Miss Universe o Mr. Pogi. Hindi tayo pinanganak
para i-entertain ang lahat ng tao. We're not clown na kailangang ibagay ang sarili
sa sitwasyon para lang matanggap ng tao. Kung sino ka, yun ka. Kung ano ka, yun ang
tunay na ikaw. It's not about you and other people. It's about you and God. Ginawa
tayo ni God at hindi nagkakamali ang Diyos. Ang importante, mataba, payat, maganda
o hindi, bakla o tomboy, mahirap o mayaman, sosyal o hindi, kung sino ka man,
tanggap ka ng Diyos.

So ayun, tanggap ko na kung sino at ano ako. Oo, mataba ako. Payat sila. Yun lang
naman eh. At least ako, walang tinatapakang ibang tao.

Kaya yang si James, medyo doubtful ako. Baka katulad din siya ng iba. So kailangan
ko na ring umiwas sa kanya. Mahirap na. Kapatid pa naman yan ng ultimate crush ng
bayan.

"Miss Reyes!" bungad sa akin ni Dean Bonevie.

"Yes po, Sir." Sagot ko sa kanya. Minsan lang ngumiti si Dean kaya alam kong nasa
good mood siya ngayon.

"Congratulations sa play niyo." Tumayo siya at lumakad papalapit sa akin. Kinamayan


niya ako. Si Dean Alberto Bonevie, o mas kilala sa tawag na Dean A. Bonevie o Dean
Bonevie na lang ay isang typical na dean sa isang unibersidad, medyo may edad na,
tucked in na polo, malaki ang tiyan, brush up na buhok at may nunal sa kaliwang
pisngi na malapit sa ilalim ng mata, parang yung kay Piolo Pascual.

"Thank you po, Sir." Nakangiti ako.

"Balita ko, ikaw daw ang nagsulat ng scipt ng play na yun, tama ba?"

"Yes po. Pero tinulungan po ako ni Cherryl sa pagrevise then si Trish naman po sa
production and direction." Umupo na ako nung umupo na rin siya sa kanyang table.

"Ah, mabuti. Ganito, gusto ko sanang bumuo ulit ng isa pang play."

Nagkwento na siya ng idea niya. Ngayon ko lang nakausap si Dean Bonevie ng ganito.
Yung medyo seryoso. Habang nagsasalita siya, ang daming ideas na lumalabas sa bibig
niya. Tungkol sa isang lalaking nawala sa isang disyerto at ang tanging
makakapagligtas lang sa kanya ay ang mahiwagang Kamelyo.

Yes! Ganun niya inumpisahan yung story na gusto niyang gawing stage play.

"Imagine, Crystel, lalagay natin sa title, 'Mula sa sumulat ng Marikit na Bituin,


inihahandog ng College of Communications, ang "Kamelyo sa Gitna ng Disyerto: Ang
Paglalakbay ni Prinsipe Dino"

Gusto kong matawa pero pinipigilan ko. I dont know pero di ko na nagegets yung
kinukwento niya, oo na lang ako nang oo. Siguro, kailangan ko na rin ng Kamelyo
para mailigtas ako sa disyertong kinalalagyan ko ngayon.

Halos lagpas kalahating oras ding nagkuwento si Dean at kalahating oras din akong
umoo sa mga sinasabi niya.

"Ayun, gets mo ba?" tanong niya sa akin.

"O-opo! Sige po. Pag-isipan ko po muna kung paano siya isusulat for STAGE play."
Sagot ko sa kanya.

"Oh, siya, sige, bumalik ka na muna dun. Baka hinahanap ka na ng mga kagrupo mo.
Congrats ulit."

Nagpasalamat ako at dalidaling lumabas sa Dean's Office.

Hay, salamat. Nakatakas din. Dumiretso ako sa theater para malaman kung nakapag-
ayos na ba yung mga kagrupo ko at kung nandun pa rin ba si James.

Sabi ko na nga ba eh, hindi totoo yang James na yan eh.

Tumingin ako sa labas para icheck kung talagang wala na siya, at tama nga ako. Wala
na siya. Wala na rin ang kotse ng kapatid niya.

"Crystel! Tumulong ka naman dito oh!" sigaw sa akin ni Trish.

"Oh! Wait lang. Ito na." lumapit ako sa kanila at tumulong sa pagtanggal ng mga
props.

Kung titignan si Trish, hindi mo na gugustuhing tumabi sa kanya eh. Kasi maganda
siya. Mahaba ang buhok, matangkad. At alam ng lahat ng estudyante dito na ex niya
ang pinakagwapo sa eskwelahang ito. Yun nga lang, may mga kumakalat na balita na
kaya sila naghiwalay kasi may ibang babae raw si Joshua. Na two-timer daw ang crush
ng bayan. Siguro ganun naman talaga yang mga lalaking yan eh, kapag alam nilang
patay na patay sa kanila yung mga babae nila, tine-take advantage nila. Well, hindi
ko naman alam ang totoong pangyayari at bilang babae, nakikisimpatya ako kay Trish.
Medyo nabawasan lang ng kaunti ang pagkagusto ko kay Joshua.

Nagsalita si Trish sa amin, "Guys, congrats sa atin ah. Perfect na sana eh, may
pumalpak lang kanina." lahat ng tao ay nagtinginan sa akin. Napayuko na lang ako.

"Pero wag na nating sisihin ang kapalpakan ni Crystel dahil siya naman ang nagsulat
ng story na ito." Pumalakpak siya, ganun na rin yung iba naming mga kagrupo.
Tumingin siya sa akin, "Pero sana next time, mag-ingat ka naman, ang laki mo pa
naman." Nagtawanan ang lahat.

"Sorry, I mean, ang laki kasi ng costume mo, puno." Ngumiti na lang siya sa akin.

May narinig akong bulong "Keri lang yan girl. Hayaan mo na." bulong yan ni Jomar,
yung natatanging kaklase kong malapit sa akin. Isa rin kasi siya sa mga inaasar
dahil sa pagiging malambot niya.

Tumango na lang ako at ngumiti kay Jomar.

Nag-alisan na kami. As usual, dala ko na naman ang costume ko na puno at dalawang


plastic bag ng mga tela na ginamit kanina. Pinasama na rin sa akin ni Trish ang
dalawang supot ng extension cords, packing tape at alambre. Kaya kung makikita na
naman ako nina Faye at ng dalawa niyang asungot na alipores, masasabi niyang BUNDOK
na ako ng Basura. Hindi lang basta truck.

Nauna na sila at ako na lang yata ang natitirang tao sa theater. Mahirap kasing
idiskarte ang paghawak sa mga pinadala sa akin eh. At ang worst pa nito, bigla pang
umulan. 2 hours na irn simula nung naghiwalay kami ni James pero umaasa pa rin
akong nandun siya sa labas, hinihintay ako.

Yung tipong parang eksena nina Jan Di at Jun Pyo ng Boys Over Flower. Yung hinintay
ni Jun Pyo si Jan Di kahit umuulan na. Kahit nilalamig na siya. Hindi pa rin
natinag ng ulan si Jun Pyo. Pero wala eh, hanggang koreanovela lang talaga yun.
Walang Jun Pyo sa totoong buhay.

Tumakbo na lang ako hawak hawak ang apat na plastic sa kanang kamay at yung costume
sa kabila. Medyo madilim na rin nun. Kaya hindi ko nakita yung bahang naipon
pagtawid sa Don Marcelino Theater. Ayun, nabasa pa tuloy yung sapatos at pantalon
ko.

Malas lang talaga. Wala pa akong payong kaya "I can make it through the rain" na
lang ang peg ko sa pagtakbo. Malayo pa ang hallway kaya wala akong masilungan.
Tumakbo na lang ako ng mabilis pero hindi talaga ako tinitigilan ng malas, nadapa
ako, nabsa na yung costume at nagbitawan ko ang mga plastic. Medyo masakit pa ang
pagkakadapa ko kaya napahinto na lang ako. Napaupo ako sa kalsada. Nakayuko.
Umiiyak.

Ang fail mo Crystel!

Hindi ako tumigil sa kakaiyak. Hinayaan ko na lang sumabay ang mga luha ko sa pag-
agos ng ulan sa mukha ko habang nakayuko at ikinukubli ng kamay ang aking paningin.

Tanga tanga mo.

Biglang bumalik ang mga sakit na naranasan ko sa buhay. Mga pangungutya, pang-
aasar, panlalait, panghuhusga. Ayoko na. Naiinis na ako. Suko na ako.

Biglang tumigil ang ulan.


"Crystel."

Idinilat ko ang aking mga mata at nakita kong patuloy pa rin ang ulan pero may
isang lalaking nasa harap ko, pinapayungan ako. Tumingin ako sa mukha niya.
Tumingin ako sa nag-aalala niyang mata.

Nagulat ako.

Itutuloy...

Anong masasabi mo sa CHAPTER na ito?

Don't forget to VOTE and COMMENT.

Click VOTE for DEAN BONEVIE :)

Chubby: Weight Doesn't Matter

Writer: Marcelo Santos III (@akoposimarcelo)

2013. All rights reserved. No part of this publication may be reproduced or


transmitted in any form or by any means without written permission from the author
####################################
Chapter 4: Expect The Unexpected
####################################

Nasa harapan ko siya ngayon.

Nanginginig na ako sa lamig dulot ng ihip ng hangin, katahimikan ng gabi at


tilamsik ng patak ng ulan. Hindi ko alam ang gagawin. Basta nagulat lang ako. Hindi
ako makapaniwala kung sino ang lalaking nasa harap ko.

"Crystel," Bahagya siyang yumuko at iniabot ang aking kamay para alalayan akong
makatayo. "Ayos ka lang ba?"

Hindi ako makasagot. Hindi ako makapagsalita. Hindi pa rin kasi nagsisink-in sa
akin ang mga pangyayari.

"Ayos lang ako, Joshua."

Pinahawak niya sa akin yung payong niya at nagmadaling kunin ang mga plastic na
nawalay sa mga kamay ko, dulot ng pagkadulas ko sa kalsada.

Sa mga sandaling ito, halu-halo na ang nararamdaman ko, lungkot, gulat, saya.
Malungkot dahil sa mga pangyayari sa buhay ko, yung mga panghuhusga ng mga tao,
yung sa hindi nila pagtanggap kung sino talaga ako.

Gulat dahil sa di-inaasahang pagkakataon, eto siya ngayon, si Joshua San Miguel,
ang aking ultimate crush. Ang heart throb ng unibersidad na pinapasukan namin. Ang
lalaking tinitilian ng mga babaeng tulad ko, tulad ni Faye, Cherryl at Trish. Nasa
harapan ko na.
Masaya ako, dahil sa unang pagkakataon, naramdaman kong nag-eexist pa pala ako sa
buhay niya. Na sa kahit ilang segundong nakatingin siya sa akin, inalalayan akong
makatayo at kumuha ng mga nabitawan kong gamit, ramdam na ramdam kong nakikita na
niya ako. Na napansin na niya ang mga pinopost ko sa twitter at facebook na Dear
Crush, I exist.

Biglang huminto ang ulan. Kalma na ulit ang buong paligid. Kami na lang ang taong
nasa harapan ng main building.

"Maraming salamat, Joshua ah. Hindi ko talaga 'to inaasahan." Ngumiti ako sa kanya.

"Wala yun, Crystel." Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang balikat ko. "Ihahatid na
kita."

Inalalayan niya ako patungo sa gate. Hawak hawak niya ang mga plastic na may tela
at extension cord pati na rin ang costume na puno na ngayo'y basang basa at mukhang
sira na.

Pagkarating namin sa gate, humarap siya sa akin at nagsalita.

"Next time Crystel, mag-ingat ka na ah." Nakatitig lang siya sa akin. Nagpatuloy
siya sa pagsasalita, "Alam mo na ngang ang taba-taba mo, mahirap nang magbalanse sa
paglalakad." Mula sa ngiti, bigla siyang tumawa.

Nagulat ako. Parang may kumurot sa puso ko.

"Bakit mo sinasabi 'to?" tanong ko sa kanya habang muling nagbabalik ang mga luha
sa gilid ng aking mga mata.

"Isa ka kasing MALAKING Failure! Literal yun ah! MALAKI! Dapat umalis ka na dito sa
eskwelahang ito eh, dahil nakakairita na yang pagmumukha mo." Patuloy na pagtawa
niya.

Biglang may babaeng lumapit sa amin, kilala ko siya, si Trish, ang kanyang ex-
girlfriend.

"Feelingera kang baboy ka! Sa tingin mo may pag-asa ka pa kay Joshua? Never! Kumain
ka na lang!"

Hindi ko na napigilang maiyak.

"Oh! Ang truck ng basura, umiiyak? How pathetic! Makibagay kasi para hindi ka na
nasasaktan." Isang pamilyar na boses.

"Tama ka diyan Faye!" sagot naman ng dalawang babaeng nasalikuran ni Faye.

"Fail ka, Crystel!"

"Panira ka!"

May limang tao sa aking harapan, si Joshua, Trish, Faye at ang dalawa niyang
kaibigan. Lahat sila kinukutya ako.

"Baboy! Umalis ka na dito!"

"Perfect na sana ang play eh, kung hindi lang dahil sayo!"

Paulit-ulit sila.
Hindi ako makalaban.

"Crystel?"

"Crystel!"

"Crystel."

Crystel...

Dumilat ako. Nasa harapan ko ngayon si Jomar. Mula sa likod niya, natatanaw ko ang
pulang kurtina sa stage ng Don Marcelino Theater. Nakaupo ako sa harapan.
Nakasandal.

"Crystel! Gumising ka na! Tayo na lang yung tao dito. Nagsiuwian na sila."

Umangat ako sa pagkakasandal sa upuan sa bandang unahan ng stage. Tama si Jomar,


kami na nga lang dalawa sa loob.

"Matagal ba akong nakatulog?" tanong ko sa kanya.

"Mga 30 minutes. Hinayaan na rin kitang umidlip kasi alam kong pagod ka na rin.
Well, lahat naman tayo pagod."

Nasa harapan ko ngayon si Jomar, ang head ng technical committee ng Marikit na


Bituin Stage Play. Nakatingin lang ako sa kanya habang iniikot niya ang charger ng
laptop niya.

Tumingin ako sa relo na nasa kanang kamay ko, 7:34 PM.

"Ayos ka lang ba, Crystel?"

Tumingin ako sa kanya.

"Parang kanina ka pang tuliro diyan ah."

Biglang bumalik sa isip ko yung napanaginipan ko. Si Joshua. Ang ulan. Si Trish.
Ang mga tawa nila. Hindi ko na maalala yung iba pero ang tumatak sa utak ko ay yung
takot at sakit na naramdaman ko. Tama nga naman, sino ba ako kumpara kay Trish.
Sino ba ako kumpara sa mga seksi at magagandang babae sa buong university? Sino ako
para kay Joshua? Pero may isang boses na hindi maalis sa utak ko. Boses ng isang
lalaki. Tinatawag ako. Alam kong nasa likod ko siya pero nung lilingon na ako,
bigla na lang akong nagising.

"Wala yun, Jomar. Medyo pagod nga lang talaga ako. Halika na." tumayo ako at
binitbit ang bag ko.

"Crystel, yung mga tela at costume mo nasa backstage ah."

"Sige, hayaan mo na yun dun."

Lumabas kami ng Don Marcelino Theater. Bumungad sa amin ang tuyong kalsada. Hindi
tulad sa panaginip ko, maalinsangan ang gabing ito. Tuyo ang hangin. Hindi mo
maramdaman.
Bilang na rin ang mga estudyante at mga gurong palabas ng campus. Karamihan ay
nauna nang umuwi.

"Crystel, gora na ako ah. See you tomorrow ah."

Nagpaalam na sa akin si Jomar.

Nagpaiwan ako sa isang upuan sa tapat ng Don Marcelino Theater. Nag-iisip.


Nakatulala. Nagpapahinga. Nagtataka. Nakatitig lang ako sa kawalan. Malinaw ang
gabi. Kitang kita sa langit ang di-mabilang bituin. Mga maririkit na bituin. Hindi
tulad ko.

Ibinaba ko ang aking paningin at itinutok sa kabilang bahagi ng main building. May
isang kotse at lalaking nakasandal sa pinto nito. Nakatingin lang siya sa akin.
Nakangiti.

"James?"

Dali-dali akong lumapit at sinalubong naman niya ako.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Diba sabi ko sa 'yo hihintayin kita."

"So, 3 hours ka nang naghihintay?"

Ngumiti lang siya.

"Alam mo James, umuwi ka na."

"Bakit naman?" bahagyang nabura ang ngiti sa mga labi niya. Napalitan ito ng
pagtataka.

"Bakit mo 'to ginagawa?"

"Ang alin?"

"Ito. Itong paghihintay mo sa akin ng tatlong oras, itong pag-aaya mo sa akin.


Lahat ng ito." Bumilis ang tibok ng puso ko. Maingay ang kabog ng dibdib ko.
Overreaction na ba itong ginagawa ko o isang defense mechanism lang na tinatawag na
"Prevention is better than cure."

"Ginagawa ko 'to dahil gusto kitang makilala, gusto kitang maging kaibigan."

Mahinahon ang boses niya. Kalmado pa rin pero parang may kaunting pagsusumamo.

"Kuya mo ang heart throb ng university na 'to."

"And so?"

"Don't you get it? Sikat ang kuya mo. May reputasyon. Lahat ng tao nakatingin sa
kanya, at ngayong nandito ka na, nakatingin na rin sayo ang mga babaeng yun. Mga
babaeng hindi katulad kong mataba."

"Wala akong pake. Sa'yo ako nakatingin eh."

That line hit me.

Nagpatuloy siya sa pagsasalita.


"Wala tayong pakialam sa mga taong yun. Wala tayong pake kasi buhay naman natin
to." Hinawakan niya ako sa braso at ngumiti. "Kaya sana pagbigyan mo na akong
makilala ka pa. Maging kaibigan ka."

Gusto kong maiyak. Gusto ko siyang yakapin. Pero sa payat ng katawan niya, pinili
ko na lang hawakan na rin ang braso niya bilang pasasalamat.

"Salamat talaga James ah. Salamat sa pagiging iba mo sa kanila. Salamat sa


paniniwala mo sa akin."

"Wala yun. Ano tara na?"

Itutuloy...

Anong masasabi mo sa CHAPTER na ito?

Don't forget to VOTE and COMMENT.

Click VOTE kung kinilig ka :)

Chubby: Weight Doesn't Matter

Writer: Marcelo Santos III (@akoposimarcelo)

Follow Crystel on Twitter: @CrystelChubbyWP

2013. All rights reserved. No part of this publication may be reproduced or


transmitted in any form or by any means without written permission from the author
####################################
Chapter 5: Getting To Know
####################################

Kaharap ko ngayon si Crystel. Nakatingin ako sa kanya pero siya, hindi mapakali ang
mga mata. Hindi ko alam pero parang may iniisip siya o hindi lang talaga siya sanay
o kumportable.

"Ayos ka lang ba Crystel?"

Sa wakas, nagtama na ang mga paningin namin, "Ah, oo naman James." Sabay ngiti niya
sa akin.

Sa restaurant na pinuntahan namin, kakaunti lang ang tao. Nakakapagtaka nga eh,
dahil oras ng hapunan pero wala masyadong laman ang resto. Mas okay na yun, mas
makakapagpahinga ang utak namin. Mas kalmado.

"Bakit naman tayo dito kakain? Ang mahal ng mga pagkain, oh?" tanong niya sa akin
habang binabasa ang mga menu na ibinigay sa amin ng waiter.

"Ayos lang yun. Ako ang bahala." Nginitian ko siya.


Umorder na kami ng makakain at nagsimulang magkwentuhan - mga masasayang ala-ala
at mga heart breaking na kaganapan sa buhay. Lahat yan, napag-usapan namin. Sa mga
oras na ito, nakilala ko ang isang Crystel na masiyahin. Yung kahit napakaraming
nanlalait o umaalipusta, wala pa ring epekto sa kanya. Yung mas pinili niyang
maging masaya kaysa problemahin ang mga iniisip ng tao. Sa mga oras na tinitignan
ko siya habang nagsasalita, gumagaan yung loob ko. Alam mo yung feeling na parang
ang tagal niyo nang magkakilala.

Napapangiti ako habang kaharap ko siya. Pinagmamasdan ko lang siya habang


nagsasalita. Kitang kita sa mga mata niya yung eagerness sa pagkukwento o
pagpapakilala ng sarili niya. Kung kanina, sobrang tahimik niya, ngayon, halos
hindi na ako makapagsalita dahil sa mga bagay na binabahagi niya sa akin.

"Nakakatuwa ka, Crystel."

Napatigil siya sa pagsasalita at napatingin sa akin. Para siyang nagtataka.

"Bakit naman, James?" tanong niya sa akin.

"Kasi ang cool mo kasama. Kahit kakakilala pa lang natin, parang ang gaan na ng
loob ko sayo."

Napangiti siya sa sinabi ko.

"Binobola mo lang ako, James eh." Napatawa siya.

"Hindi ah! Seryoso ako."

Matapos naming kumain at magkwentuhan, inaya ko na siyang umuwi. Gabi na rin kasi
eh at may pasok pa kami bukas. Hinatid ko na siya sa bahay nila. Noong una pa nga,
ayaw pang pumayag na ihatid ko siya pero nung pinilit ko, wala na siyang nagawa.
Part of me, parang sinasabi na gusto ko pa siyang makasama, makausap, makilala.
Parang habang may mga chance na makakatabi ko siya o matitignan, ginagrab ko na
agad. Ngayon lang kasi ako nakaramdam ng ganito eh. Something special. Something
great.

Ibang iba siya sa mga nakilala kong babae. Siya lang yung nagparamdam sa akin kung
paano maging masaya kahit may mga problema sa buhay. Kahit may mga kumokontra sa
kaligayahan mo. She's special to me. Oo, aaminin ko na. Gusto ko na yata siya. Pero
alam kong, hindi pa ito ang tamang panahon para sabihin yun.

"Thank you, James sa paghatid, ah."

Nasa harap na kami ngayon ng gate nila.

"Wala yun, Crystel. Salamat din ah."

Tumalikod na siya at pumasok sa gate. Bago pa man niya masara, sumigaw ako, "See
you tomorrow, Crystel." Sabay ngiti.

Habang nagmamaneho pauwi, maraming pumasok sa utak ko. Ang una naming pagkikita,
ang stage play, ang dinner. Na-realize ko na, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.
Yung kakaibang saya.

Alam ko, maraming araw pa kaming pagsasamahan.

Mas makikilala ko pa siya.


Wag lang sana niyang malaman kung sino talaga ako.

Hindi pa ako handang ipagtapat sa kanya yung mga nangyari noon.

Itutuloy.
####################################
Chapter 6: People always Change
####################################

Naniniwala ako na lahat ng nangyayari sa buhay ng tao ay may dahilan.

People change. Yes. PEOPLE ALWAYS CHANGE.

Naniniwala ako sa second chance pero hindi lahat ay deserving makakuha nun.

Tulad ko, hindi ko alam kung dapat ba akong magkaroon ng second chance sa mga
kagaguhang ginawa ko bago ako magtransfer sa school na 'to.

Yes, gago ako.

Noon.

One year ago...

"Bro, bakit mo yun nagawa?" tanong sa akin ni Kuya Josh habang nasa kotse kami.

Basang basa yung damit ko.

Nanginginig ako. Sa lamig ng kotse, sa lakas ng ulan, sa takot at kaba.

"H-hindi ko alam, kuya." yan lang ang nasagot ko. Nakatulala lang ako sa daan
habang siya naman ay nagmamaneho pauwi.

Tahimik lang. Alam kong tensyonado ang paligid pero mas naiinis ako sa katahimikan
sa loob ng kotse. Hindi ko na napigilang maluha.

"Kuya, hindi ko naman sinasadya eh. Akala ko ayos lang yun. Atsaka katuwaan lang
yun." Nakatingin ako sa kanya. Umaasang maiintindihan niya yung dahilan ko.

Totoo yun. Yun ang alam ko. Yun ang naramdaman ko bago pa man mangyari yung
aksidente.

"Katuwaan? That's bullshit James!" hinampas ni Kuya Josh ang manibela dahil sa
galit. Nakatingin pa irn siya sa daan, hindi sa akin. "Muntikan ka nang makapatay
ng tao. Tapos katuwaan?!"

Napasandal ako sa upuan ko. Sa mga oras na iyon, parang gusto ko na ring
magpakamatay. Gusto ko nang sumuko na lang sa mga sakit na nararamdaman ko.
Natatakot ako. Kinakabahan. Ano nang mangyayari sa akin kapag nalaman nina Mommy
'to.

Tahimik ulit. Tanging patak ng ulan na lang ang naririnig ko na tumatama sa salamin
ng kotse.
"Kuya, please, don't tell mom and dad."

Nakita kong gumalaw yung panga niya. Tila nagpipigil ng inis at galit. Huminga siya
ng malalim at agad itinabi sa kalye ang sinasakyan naming kotse.

"Baliw ka na ba James?" humarap siya sa akin. "Ano bang pumasok diyan sa kokote mo
at nagawa niyo pang mangganun. Okay lang sana kung light na bullying lang, eh.
Hindi. Muntikan kayong makapatay ng tao!"

"P-pero kuya, okay naman siya eh." depensa ko.

Napahawak siya sa ulo niya, ganun pa rin, naiinis. "Malalaman at malalamn pa rin
yan. Paano kung ireklamo kayo ng mga magulang ni Andrew sa school? Sigurado akong
maki-kick out kayo at bad records yun. Nakakahiya!"

Huminga ako ng malalim. "Hindi kasi ako kasing perpekto mo kuya eh. Hindi ako
matalino, magaling, makarisma, maraming kaibigan at paborito nina Mommy. HINDI AKO
KATULAD MO!" Hindi ko na napigilan yung matagal ko anng kinikimkim sa kanya.

Napatulala lang siya sa sinabi ko. Nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"Sa tropa ko lang unang naramdaman ang pagtanggap sa akin. Sila lang yung masaya sa
mga nagagawa ko sa buhay. Sila lang yung nagpapasaya sa akin."

"Paano mo nasasabi yan, James?" kumalma yung boses niya, halatang nasaktan at
nagulat sa narinig niya, "Alam mo bang napakaswerte mo? Mahirap maging panganay,
James. Lahat ng expectations, nasa sa'yo. Ang hirap ng halos lahat ng mata nila
nakabantay sa bawat kong ginagawa. Kung okay ba yan, o kung dapat ko ba yung gawin.
Wala akong kalayaan, James. Mahirap mabuhay sa expectations ng mga tao."

Napasandal na lang siya sa upuan. Hinawakan ang manibela pero hindi siya nagdrive.

First time kong marinig si Kuya na ganun. Marami rin pala siyang kinikimkim. May
mga problema rin pala siya sa buhay.

"Sabihin na natin kina Mommy bago pa man nila malaman mula sa school admin."

That night, nabago ang tingin ko sa sarili ko pati kay kuya. Siguro, lahat ng
nangyayari sa buhay ng tao, may dahilan. At baka nangyari ito, itong kagaguhan ko,
para malaman na hindi lang pala ako ang uhaw sa atensyon, na hindi lang pala ako
ang may problema, si Kuya Joshua rin pala.

After that day, kinausap na namin sina Mommy at Daddy. Siyempre, galit na galit
sila pero nandun pa rin si Kuya para i-comfort ako. Na kahit papaano, mapigilan
niya si Daddy sa galit niya. Umiyak si Mommy and that broke my heart. Kahit sino
namang magulang na alam nilang may katarantaduhang ginawa ang mga anak nila,
sigurado akong ganun rin ang magiging reaksyon.

After 3 days, nagreklamo na ang mga magulang ni Andrew sa school administration.


Pinatawag ang grupo namin at sa di inaasahang pangyayari, ako ang itinuro nilang
dahilan kung bakit nabangga ang kotse ni Andrew. Na ako lang daw ang naghagis ng
mga pako sa gate ng school kaya nabutas yung harapang gulong ni Andrew. Kumbaga,
inilaglag nila ako. Silang nag-impluwensya sa akin para maging bully. Silang
tinuring kong parang tunay na kapatid.

Ako lang ang na-expel. Ako lang ang nagsuffer sa kagaguhang kami ang gumawa. Oo,
inaamin ko, noong kasama ko pa ang tropa kong nanlaglag sa akin, doon ako masaya.
Hindi sa pambubully kundi sa pakiramdam na tanggap nila ako, na tinuring nila akong
kapatid, yung belongingness na matagal ko nang hinahanap sa mga taong nasa paligid
ko. Pero tulad nga ng sinabi ko, PEOPLE ALWAYS CHANGE.

Matapos ang insidenteng yun, pinalipat ako sa eskwelahan ni kuya para mabantayan
ako. Pero para sa akin, I've changed. I will change. Aalisin ko na yung kagaguhan
sa puso ko. Salamat na rin sa katarantaduhang nangyari dahil naging close na kami
ni Kuya.

At sana, sa pagkakataong ito, mawala na sa nakaraan ko ang mga nangyari kay Andrew.
Na sana, deserve ko rin ang another chance. Iba na ang James noon, sa James ngayon.
Gusto ko nang kalimutan ang lahat dahil may mga bagong tao na ako sa buhay ko
ngayon na handang tumanggap sa akin, si Kuya, ang pamilya ko at ang babaeng
espesyal sa puso ko, si Crystel.

Itutuloy...

-----------------------------------------------------------------------------------
-------

Author's Note:

Sana po ay naenjoy niyo ang chapter na ito :) Click Vote kung nagandahan kayo.
Salamat po :) Comment your feelings while reading this and ano yung mga gusto
niyong abangan :)

Super thankful ako sa mga votes and comments niyo. Nakakatulong siya sa akin. Kaya
sa mga nakabasa na ng istoryang ito, magcomment kayo ng masasabi niyo, mga
inaasahan niyong mangyari, mga aral na natutunan niyo. Pipili ako ng may maganda at
nakakamanghang komento at ide-dedicate ko sa kanya ang chapter na ito :) Way ko rin
yun para magkaroon ng ideas para sa mga susunod pang chapters. :)
####################################
Chapter 7: Full of Drama
####################################

Kung magiging uri ng isang libro ang buhay ko, masasabi kong hindi ito love story.
Hindi ako naniniwala dun. O no choice lang ako kasi hindi ako binigyan ng tadhana
ng chance maranasan yung salitang pag-ibig.

Aminado naman ako eh, hindi ako lapitin ng mga lalaki, I mean, yung magkakagusto
sila sa akin. Most of them kasi sa itsura tumitingin. Ganun naman siguro talaga eh.
Kahit ako, napapansin ko yung itsura dahil yun yung nakikita ko pero after that,
sasabihin ko na lang sa sarili ko, "Hoy Crystel! Gumising ka na sa panaginip mo.
Masyado siyang gwapo para sa katabaan mo!"

Alam ko. Tinatak ko na yan sa puso't isipan ko na tatanda na siguro ako ng mag-isa.
Kasama ang mga asong inaalagaan ko at mga orchid na nasa likod ng bahay namin.
Nakikita ko na rin ang future ko na tanging tahol na lang ng aso o kaya nama'y
ingay ng music player ko ang laging maririnig sa tuwing uuwi ako ng bahay.
Nakakatakot pero nire-ready ko na lang din ang sarili ko.
Crystel, tatanda kang dalaga!

Bakit ba kasi napaka-judgemental ng mundo eh. Bakit kailangan may mga criteria ang
bawat pangarap ko sa mundo. Gusto kong maging isang theater actress pero dahil sa
laki kong to, naging props na lang ako, kundi isang puno ng Acacia, isa akong bloke
ng batong nakaharang sa daan.

Parang simula palang ng buhay ko, hindi na maganda ang trato ng tao sa akin kaya
siguro ganito ako, isang babaeng full of drama.

Pero hindi na ngayon. Well at least, sinusubukan kong habaan pa lalo ang pasensya
ko. Iniisip ko na lang na kapag may nanlalait sa akin, mga taong nananakit
physically or emotionally, sa bawat sakit na nararamdaman ko, may isang good thing
na darating sa buhay ko.

Tulad na lang noong unang pasok ko sa eskwelahang ito, first day of school pa lang,
marami na ang nagtitinginan sa akin. Marami nang mga matang paikut-ikot, mga matang
tititig mula ulo hanggang paa sa akin sabay bulong sa kasamahan niya at makikita ko
na lang na nagtatawanan sila. That day was terrible. Kung ang high school life ko
ay isang battle field kung saan marami taong nang-aasar at nanloloko sa akin, itong
college life ko ay isang living hell.

Pero I'm ready at dahil nga sanay na ako, kiber ko sa kanila. Napagod na rin kasi
akong magalit at malungkot. Sabihin nila ang gusto nilang sabihin. Bahala sila sa
buhay nila.

Pero that day, tulad nga ng sinabi ko, na every time na may nananakit sa akin, may
good thing na dumating. Nakilala ko ang bestfriend kong biktima rin ng pang-aasar
dahil sa pagiging malambot niya, si Jomar.

Drama Club Head Office

"Seryoso teh?" tanong sa akin ni Jomar habang inaayos ang nasirang props na puno na
sinuot ko noong nakaraan sa play. "Nagdinner kayo nung James na yun. Yung gwapong
morenong kapatid ng ultimate crush mo in the whole wide world?!"

Parang di siya makapaniwala.

Tumango na lang ako bilang pagsagot sabay ngiti. Lumapit siya sa akin. Umupo siya
sa upuang nasa tapat ko.
"Weh? Seryoso? Di ka nang-eechos, girl? Baka nananaginip ka lang?" nakatingin siya
sa akin.

Ngumiti lang ako at bumalik sa paggupit ng mga props na gagamitin sa susunod na


play.

"Oh my gosh, Crystel!" Narinig ko siyang nagsalita.

Napatingin ako sa kanya pero hindi siya nakatingin sa akin. Nakatingin siya sa
malayo, sa pinto sa likod ko. Lumingon ako at nagulat din ako sa nakita ko.

"Hi Crystel." Isang lalaking naka-polo na white at slacks na black habang nakangiti
ang tumambad sa akin.

Napaatras ako sa kinauupuan ko dahil sa pagkagulat.

"H-hello James!" lumapit ako sa kanya, "Anong ginagawa mo dito?" pagtataka kong
tanong sa kanya.

"Wala! Remember, yung sinabi ko sayo kagabi."

Inalala ko yung sinabi niya sa akin. See you tomorrow.

Natawa ako kasi tototohanin niya pala yung see you tomorrow na yun.

"Papasukin mo naman yang poging bisita natin." sabi ni Jomar habang binuksan ang
pinto para makapasok si James.

"Hi! I'm James!" inabot niya yung kamay niya kay Jomar para makipagshakehands.

Nagulat siya. "Seryoso ka James? makikipagshakehands ka sa akin?"


Napatingin ako kay Jomar. Alam ko ang ibig niyang sabihin. Tulad ng mga katulad
kong matataba sa campus, isang tampulan ng pang-aasar ay ang mga beking katulad ni
Jomar. Halos lahat yata ng lalaki, iba ang tingin sa kanya. Feeling nila, may
masamang motibo ang mga katulad ni Jomar sa kanila. Isa yun sa kinaiinisan ko.

Marami nang nanakit, nanghusga at nanlait kay Jomar kaya alam ko kung bakit siya
nagulat sa pagpapakilala ni James.

Tumingin ako kay James, nagtataka siya pero bigla siyang ngumiti. Pilit niyang
kinuha yung kanang kamay ni Jomar at shinake-hands ito.

"Ako si James, and you're?"

"J-jomar!" nauutal na sagot ng bestfriend ko.

"Nice to meet you, Jomar."

Pumasok na sa loob si James at lumapit sa ginagawang punong props.

Bumulong sa akin si Jomar, "Friend!!! Hindi ko babasain tong kamay ko na to!"


Inamoy-amoy pa niya yung kamay niyang hinawakan ni James.

"Baliw ka talaga!" ngumiti ako sa kanya.

Biglang nagsalita si James.

"Crystel, kamusta naman kayo dito sa drama club?" humarap siya sa amin.

Honestly, hindi ako makahinga ngayon. Hindi nagpa-function yung utak ko. Parang
lutang pa rin. Kasi akala ko, tulad ng sabi ni Jomar, panaginip lang ang nangyari
nitong mga nakaraan na araw.

"Okay naman. Medyo busy lang kasi may inaasikasong susunod na stage play."
"Ano naman yun?"

"Si Dean Bonevie kasi yung nagsuggest eh, Kamelyo sa Gitna ng Disyerto ang title."

"Camel in the middle of the desert. English translation para bongga!" sabat ni
Jomar.

"Ayos!" sagot ni James, "Tungkol saan naman yun?"

Bago pa man ako sumagot, bigla na lang nagring yung phone ni James.

"Ay teka, sandali ah."

Nagkatinginan kami ni Jomar. Nakangiti siya. At parang may sinasabi pero walang
boses. 'Panalo ka, Teh!'

"Sige, kuya. Puntahan na lang kita diyan." sabi ni James sa kausap niya sa phone.

"Uy, Crystel... Jomar... puntahan ko lang si kuya sa canteen. Tapos babalik ako
dito if nandito pa kayo."

"S-sige, James. See you." sagot ko naman sa kanya.

"And, nga pala, kunin ko na lang yung number mo para maitext kita if ever." sabi
niya sa akin.

Nakatulala lang ako. Hindi alam ang gagawin. Oo nga no, narealize ko, wala pa pala
kaming cellphone number ng isa't isa.

"Crystel?" tanong niya sa akin.


"Ay sige sige!"

Binigay ko na sa kanya yung number ko at nagpaalam na siya sa amin.

"See you, Crystel. Nice meeting you, Jomar."

Pagkaalis niya, isinara agad ni Jomar ang pinto at biglang nagsisisigaw. Napangiti
na lang din ako at sinabayan syang magtatatalon. Yung totoo, kinikilig ako.

"Winner ka talaga teh! Jackpot!"

"Loko ka, Jomar pero kinikilig ako!"

"Ayieeeeh!"

Hindi mapawi yung ngiti sa labi ko. Hindi pa rin nawawala yung mukha niya sa alaala
ko.

Napasigaw ako ng bahagya dahil sa kilig pero biglang bumukas yung pinto.

Natigilan kami.

"Sorry, nakalimutan ko kasing i-save yung number mo, na-exit ko kasi eh. Ano ulit
yun?"

"Ah... eh... teka." hindi ako makasagot. Hiyang hiya ako. Nakita niya kaya kami?
Narinig niya kaya ako.

Si Jomar na ang nagbigay ng cellphone niya na may number ko kay James.

Nagpaalam na ulit siya sa amin.


"Bye, Crystel. See you."

Hindi ko alam kung tawa o ngiti lang yung nasa labi niya pero nakakahiya talaga!

"Bye, James!"

Ano nang gagawin ko?!

Itutuloy.

----------

Author's Note: Salamat sa mga sumubaybay kay Crystel! :) Sorry natagalan siya.
Excited na ako sa mga mangyayari.

Please leave a comment kung ano ba ang tingin niyo sa istorya ni Crystel at ano pa
ang inaasahan niyong mangyari :) Also share her story to your friends and kindly
vote this story if nagustuhan niyo :)
####################################
Chapter 8: That Someday
####################################

It's been 3 days since huling kita at kausap ko kay James sa drama club office kung
saan kinuha niya yung number ko.

Sa tatlong araw na yun, hindi ako mapakali. Tingin ako nang tingin sa cellphone ko
kung may text na ba niya o miss call or something like that. Sinubukan ko ring
dumaan sa building nila, nagbabakasakaling makita ko siya pero wala. Ilang araw na
rin akong nakatitig sa pintuan ng drama club, umaasang may kakatok at pag bukas ko,
mukha ni James na nakangiti ang sasalubong sa akin.

"Hay nako, Cystel, masama na yan." paalala sa akin ni Jomar habang naglalakad kami
palabas ng campus.

Nagsalita ako pero hindi ko pa rin inaalis ang mga mata ko sa screen ng cellphone
ko. "Anong masama dito? Wala naman ah."
"Gaga," huminto siya sa paglalakad at kinuha yung cellphone ko, "Ilang araw ka nang
lutang, friend. Wag mo nang hintayin yung text niya!"

"Hindi naman ako naghihintay ng text niya," inabot ko yung cellphone ko pabalik
pero pilit pa rin niya yung nilalayo.

"Hindi ka na nasanay, friend. Yang mga ganyang lalaki, sa umpisa lang mabait.
Siyempre, nangingilala lang. Bago lang sa school kaya maghahanap ng pansamantalang
makakasama tapos kapag may nakilala na siyang iba, ayun, iiwanan ka na lang nila sa
isang tabi."

Nakita ko yung mukha niyang nagbago. Parang may something sa mga sinabi niya.
"Drama lang, Neng?" sabay tawa naming dalawa.

"Kasi naman eh, yang mga lalaking yan."

Binalik na niya sa akin yung cellphone ko.

"Pag-usapan natin yan, Jomar." Nakangiti kong pang-aasar sa kanya.

Mahilig kaming magdrama nito pero yung drama na pa-joke lang... pero may laman. May
hugot kumbaga. Parang nagsasabi kami ng mga totoong problema namin sa buhay pero in
other way, yung mas masaya, para kunwari hindi masakit.

"Hay nako friend, baka umasa ka na naman diyan sa James na yan. Nako talaga friend,
duda talaga ako sa lalaking yan."

"Baliw ka ba, Jomar? We're just friends at saka wala naman something sa amin or
something special na pagtingin towards him."

"Wag mo nga akong towards-towardin diyan, wag mo kong ini-english. Na-istress ako."
Natawa ako sa sinabi niya.

"I mean, alam mo naman kung sino ang crush ko diba, Joshua, hindi si James."
"So, ginagamit mo lang si James para makalapit o maging close kay Fafa Joshua?"

Nagulat ako sa sinabi niya, "Ay, Jomar! Kilala mo ako, hindi ako ganun. Hindi ako
user."

"Charot lang friend. Pero bakit nga ba naging super close kayo niyang si James?"

Kahit ako clueless at nabibilisan sa mga nangyari. For a short period of time, mula
sa pagiging bullied na estudyante at laging pinagtatawanan sa drama club, eto ako
ngayon, may isang lalaking bagong pasok sa buhay ko na hindi ko alam kung
magtatagal ba or what. Kung sa umpisa lang ako kakaibiganin tapos mawawala rin.

Natatakot ako to lose a friend like him. Sorry ah, pero ang hirap ipaliwanag kung
anong nangyayari sa social life ko. Parang nasanay lang ako na papasok at may
tatlong asungot na manlalait sa akin at tatawagin akong truck ng basura, mga taong
pagtatawanan ako dahil nadapa ako sa stage play namin kung saan isa akong malaking
puno at ang drama club na parang ginawa akong propsman at kung anu-ano pa.

Sanay na akong masaktan kaya bago sa akin ang makakilala ng isang katulad ni James
- kapatid ng hearthrob ng school, isa sa mga bagong mukha ng campus at sa tingin
ko, isang lalaking aagaw ng lahat ng atensyon ng mga babae dito sa campus. KAYA
NAGUGULUHAN AKO.

Nagpatuloy kaming maglakad ni Jomar. Alas dos na ng hapon nun, papunta kami sa
bayan para bumili ng mga box at tela para sa susunod na play ng club.

"Bet mo ba yung si James? Yung totoo friend ah."

Napaisip ako.

"Kahit naman oo, imposible pa rin eh. At saka ayokong magkagusto sa kanya. Sino
naman ang magkakagusto sa akin? Sa laki kong to."

"Alam mo, Crystel, oo sabihin na nating malaki ka, pero malaki rin ang puso mo.
You're the kindest person na nakilala ko. Teka, english yun ah." nakangiti siya at
humarap sa akin, "Naalala mo noong una tayong nagkakilala, yung araw na
pinagtitripan ako ng mga grupo ni Hernandez, yung inaasar nila akong bakla, at sabi
kong 'Sana kayo rin!', naalala mo yun? Yun yung araw na nabugbog ako at nagkapasa
sa mukha tapos nakita mo akong nakahandusay sa lapag na parang isang taong
tinanggalan ng puri at binaboy ng mga lalaking tropa ni Hernandez,"

"Jomar, ang alam ko kasi nabugbog ka lang, hindi ka ginahasa."

Natawa kami pareho sa mga sinabi niya.

"Charot lang, pero ang ibig kong iparating, yung oras na tinabihan mo ko sa waiting
shed at nagbigay ng panyo para punasan yung nagdudugo kong labi, sabi mo sa akin,
'Hindi mo kailangang ipagpilitan ang sarili mong tanggapin ng mga tao sa paigid mo.
May mga tao pa rin diyan na tatanggap sayo, kung ano at sino ka, at isa sa mga
taong iyon ay ako.'"

Naalala ko bigla yung sandaling iyon. Nagpatuloy siya sa pagsasalita.

"Kaya binabalik ko yung sinasabi mo, Crystel, may darating ding taong magmamahal at
makakatanggap sa'yo, mataba ka man o hindi. Kaya wag mong sabihing dahil mataba ka,
walang magkakagusto sa'yo, tingnan mo ko, bakla ako pero pinanghahawakan ko lang
yung salitang 'someday' tapos nabubuhayan na ako ng loob. Oo, Crystel, hindi tayo
katulad nila. Ang tingin nga nila sa atin ay weird at abnormal, yung parang alien
tayo na naki-epal sa mundo nila. Pero friend, nandito naman tayo sa isa't isa diba?
Ilang panlalait na rin ang inabot natin kaya ang masasabi ko lang, 'Push pa nila
ang panlalait, push pa nila yung panghuhusga sa atin. Kapag naging witch ako,
gagawin ko silang mga echoserang palaka!'"

Speechless ako sa sinabi niya. Tama siya.

"Umasa na lang tayo na hindi katulad ng iba si Fafa James." Nakangiti siya sa akin.

Tumango ako bilang pagsang-ayon. "Alam ko namang iba siya eh. Basta, alam kong iba
siya. Hindi siya katulad ng iba."

Huminto na kami sa paglalakad nung nakarating na kami sa kanto para sumakay ng


jeep.

"Pero sana, magparamdam na yang si James."


"Baka busy lang o kaya naman may ginagawa."

"Friday na ngayon, 'Tel. Walang pasok ng dalawang araw, so 5 days mo na siyang


hindi nakikita." pang-aasar niya sa akin.

"Hayaan na natin yun, Jomar."

Nag-abang na ako ng jeep na masasakyan papuntang bayan nang biglang nag-ring yung
cellphone ko. Nilabas ko agad yun sa bulsa ko at tinignan kung sino yung tumatawag.

Number lang.

Kinabahan na ako.

Sinagot ko yun, "Hello?"

Biglang may isang pamilyar na boses ang narinig ko.

"Kamusta Crystel?"

"Sino 'to?"

Umaasa akong tama yung hinala ko.

"Si James."

Bigla akong nabuhayan. Parang may something na kumurot sa puso ko pero in a good
way.

"Ah... eh.. hello! A-ayos naman ako. Papunta sa bayan."


"Bakit? Anong gagawin niyo dun?"

Nakatingin lang sa akin si Jomar habang nakangiting kinakausap yung lalaking


tumawag sa akin.

"May bibilin lang kami para sa stage play."

"Pwede akong sumama?"

Nagulat ako sa tanong niya.

"Ano?"

"Sabi ko, pwede ba akong sumama?"

Hindi ko alam ang gagawin o ang isasagot.

"Paalis na kasi kami eh, nasaan ka ba?"

"Tumingin ka sa kabilang kanto."

Tumingin ako sa tapat ng waiting shed kung saan kami naghihintay ng masasakyan, sa
kabilang bahagi ng kalsada, nakatayo ang isang lalaking nakangiti habang nakasandal
sa kotseng kulay pula.

Nakangiti pa rin siya sa akin.

"Ano Crystel? Pwede ba?"

Nakatitig lang ako sa kanya. Kinakabahan, naeexcite, nawawala sa sarili, hindi alam
ang sasabihin.
Itutuloy...

Author's Note: Don't forget to VOTE and leave a COMMENT. Aong masasabi niyo at ano
ang nais niyo pang abangan sa Love Story ni Crystel :) Thank you. :)
####################################
Chapter 9: So Far
####################################

Magkatabi kami ngayon sa harap ng kotse niya papuntang bayan. Almost 15 minutes na
rin ang nakakalipas mula nung sinakay niya ako sa kotse at nung nagpaalam si Jomar
sa amin sabay kindat.

Alam ko ang nasa utak ni Jomar kung bakit niya hinayaang kami lang dalawa ni James
ang pumunta sa bayan para bumili ng props na gagamitin sa stage play ng college
week namin next month.

Sa labing-limang minutong yun, tanging kamusta at okay naman ang laman ng pag-uusap
namin ni James. Tinanong ko na rin siya kung bakit siya hindi pumasok nung nakaraan
pero ang sagot lang niya ay secret sabay ngiti habang nakatingin sa mga kotseng
nasa harap namin.

Ilang araw palang naman kami magkakilala ni James, pero sa mga araw na yun, parang
na-fastforward yung pagiging malapit namin sa isa't isa. Alam mo yung unang kita mo
palang sa tao, gumaan na agad loob mo sa kanya. Ganun yung naramdaman ko sa kanya,
well, kasi nga siya lang yung lalaking naging close ko na hindi nanlait sa akin.

Pero bakit sa mga sandaling ito, parang gusto ko siyang yakapin. Parang gusto kong
sabihin sa kanya na araw araw akong nag-aabang sa pinto ng office kung may kakatok
ba ng tulad ng katok niya sabay sisilip na nakangiti. Yung mga ganun. Parang sa
tatlong araw kong hindi siya nakita, parang tatlong linggo o buwan ko na siyang
hinahanap. Ganun yung feeling. In short, "Namiss kita."

Tumingin siya sa akin habang nakangiti, "Namiss rin kita, Crystel."

Napatingin ako sa kanya. SHOCKS! Nasabi ko ba yung 'namiss kita' ng malakas? Alam
ko kasi sa utak ko lang yun eh. Seryoso?!

Nagpanic na naman ako. Hindi ko alam ang gagawin, ang ginagawa lang ng puso ko
ngayon ay kumabog nang kumabog ng walang tigil. "Ah... eh."

Hindi ko alam kung paano ako makakalabas sa awkwardness na ito.

"I mean, namiss ka namin sa drama club. Pati si Jomar."

Bigla siyang napatawa, "Ganun ba?" tumawa ulit siya. Dahil nakahinto naman ang
kotse dahil sa stoplight sa kanto, tumingin siya sa akin. "Namiss ko nga rin kayo
eh. Alam niyo namang kayo lang ang close ko sa eskwelahang 'to. Lalo ka na."

Napangiti ako. Parang naghalo yung saya at kilig na naramdaman ko nung sinabi niya
yun sa akin. Parang feeling ko, ang ganda ganda ko. Well, feeling lang naman.

Nakarating na kami ng bayan. After namin makahanap ng parking space, naghanap na


kami ng mga materials na kinakailangan sa play namin. Budgeted na yung perang hawak
ko. Sapat lang sa mga materyales na kailangan namin. Kaya ang tanging text sa akin
ni Trish ay 'Magtipid kayo ah.' Walang haha at walang smiley. Plain na ganun lang.

"Ate, magkano po dito sa karton?"

"Singkwenta." sagot niya sa akin. Nakasimangot siya, parang may pinagdaraanan sa


buhay.

"May tawad pa po ba?" tanong ko sa kanya. Thirty pesos lang ang budget namin para
sa karton dahil sampu ang kailangan namin.

"Wala na." sabay iwas ng tingin sa akin.

Napatingin ako kay James. "Tara na." sabi ko sa kanya.

"Teka."

Lumapit siya sa babaeng nagtitinda ng karton. Parang biglang nagbago yung mood ni
Ate.

"Hi Sir!"

"Ate, maliit lang po yung budget namin sa karton eh."

Nakangiti yung babae. Unlike sa akin, nakatitig siya sa mga mata ni James.

"Sir, magkano ba budget niyo?"

"Mga Php 20.00 lang."

"Ay, Sir. Puhunan na kasi namin yun eh."


"Sige na ate. Sampu naman yung bibilin ko eh."

Nakatingin lang ako sa mukha ni James. Hindi mawala ang ngiti sa labi niya. Para
siyang isang teddy bear na forever nakangiti. Parang ang saya saya niyang titigan.
Hindi lang ata ako yung naaapektuhan ng ngiti niya, pati na rin si Ateng Karton.

"Hay nako, kung hindi ka lang pogi, Sir! Sige, 25 na lang, todo na yan." sabay
ngiti sa kanya.

Tumingin sa akin si James at kumindat. Parang sinasabi niya 'Tignan mo! Nakuha ko
yung karton ng 50% off!' Parang ganun.

After naming makuha ang mga karton, naglakad na kami para naman maghanap ng mga
pintura para sa camel na gagawin na props ng susunod naming play.

"Ayos no! Dapat kasi, nilalambing lang sila." Nakangiti pa rin siya habang
naglalakad.

Napabuntong hininga ako. "Bakit kaya ganun no? Porket haggard na ako at ganito ang
itsura, hindi niya ako e-entertain-in. Hindi pa nga niya ako hinayaang tumawad eh."
Naisip ko na naman yung muka ni Ateng Karton.

"Ano ka ba, Crystel? Wag mo nang isipin yun. Sabi nga dun sa facebook status ng
pina-follow kong writer, we cannot please everybody. Ang importante, nakuha natin
to. Ang mahalaga, alam natin sa sarili natin, na wala tayong ginagawang masama."

Gusto ko siyang tanungin kung bakit niya nasasabi yung mga ganun? Bakit
napakapositive niyang tao? Bakit kahit anong pilit ko sa sarili ko na hindi
masaktan sa mga panlalait ng tao o panghuhusga nila sa akin, hindi ko pa rin
maiwasang ma-down sa mga sinasabi nila?

"At saka, nandito lang ako lagi para sa'yo. Promise yan." tumingin siya sa akin at
ngumiti. Naghihintay sa isasagot ko.

Yung salitang promise na yun ang nagsilbing gamot ko sa mga sakit na nararamdaman
ko ngayon. Parang mas mabili pa yun kaysa sa lahat ng gamot na sinubukan kong
inumin. Yung salitang promise na yun ang nagbigay sa akin ng sense of security para
maging okay ulit.

"Salamat, James." Yan lang ang nasabi ko sa mga sinabi niya. Parang hindi na ako
makaisip ng salita dahil sa mga nararamdaman ko ngayon.

Mga isang oras lang kami nag-ikot sa pamilihan sa bayan at dumiretso na kami ng
eskwelahan para dalhin sa drama club ang mga gamit.

Binuhat na namin yung mga pintura at karton papunta sa office.

"So, sino na ang gagawa ng mga 'to?" tanong niya sa akin habang binubuksan ko yung
pintuan ng office. Sarado na rin kasi ang buong floor dahil 7PM na.

"Malamang, ako na namang ang pagagawain nila."

Nauna na akong pumasok dala yung dalawang balde ng pintura.

"Gusto mo tulungan kita?"


"Ay naku! Wag na James."

"Bakit naman?" kita ko sa mukha niya ang pagtulo ng pawis mula sa ulo niya.

"Kasi sobra sobra na nga tong tinulong mo eh. At saka hayaan mo na kaming drama
club yung mamroblema nito."

"Kaya ko naman eh." Ngumiti na naman siya. Everytime na ginagawa niya yun, hindi ko
rin mapigilan ang pag-ngiti. "And, hilig ko yung mga ganyan. Fine arts student ako
diba?" tumawa siya.

"Nako wag na talaga. Bukod sa nahihiya ako at napakaraming favor na ang nagawa mo
para sa akin, hindi ka rin naman papayagan kasi hindi ka part ng drama club."

Tumingin ako sa kanya. Parang nabawasan ng kaunti ang ngiti niya.

"Ganun ba? Sige na nga. Hindi na ako mangungulit."

"Okay na naman 'to. Okay na ako dito. Para na rin namang work out ko 'to no!" sabay
tawa ko. "Aagawan mo pa ako ng gagawin." Sinubukan kong patawanin siya ng kahit
kaunti kasi alam kong nalungkot siya sa sinabi ko.

Ngumiti naman siya. Pero hindi na ganun nakakahawa.

Bago kami umalis, kinausap ko siya.

"James, thank you sa lahat ah."

"Wala yun. Ikaw pa. Masaya naman ako sa ginagawa ko eh."

Pagkatapos nun, umuwi na kami. Hindi na ako nagpahatid sa kanya sa bahay kahit
pinipilit niya ako. Nagdahilan na lang ako para mauna na siya. Nahihiya na rin kasi
ako eh.

Sa kanto ng bahay namin, may maliit na chapel, doon ako lagi pumupunta kapag stress
na stress ako sa pag-aaral, sa drama club, sa mga taong nanlalait sa akin, sa lahat
ng problema ko.

Nine na ng gabi yun. Bukas pa siya dahil may mga nagnonobena pang mga taga-
simbahan. Umupo ako sa dulong upuan at nagsimulang magdasal.

Hello God! Alam kong lagi na lang akong lumalapit sa inyo kapag may problema ako.
Kapag may mga pinagdaraanan ako sa school, sa family at sa sarili ko. Pero this
time God, I just want to thank You sa lahat ng blessings na binigay mo sa akin.
Salamat sa mga taong nagpapatunay na hindi hadlang ang panlabas na itsura para
maging mabuting tao o mabuhay ng maayos. Salamat sa extra patience at pag-iintindi
sa tuwing may mga taong nanghuhusga. Sana po ay mabago Niyo ang mga puso nila.
Hawakan niyo po ang bawat isa sa kanila para naman malaman nila na wala naman
silang mapapala sa panlalait ng iba.

P.S. Lord! Hindi ako humihiling ng tungkol sa lovelife pero this time, gusto ko
sanang magtanong, anong meron sa amin ni James? Bakit ang sweet niya sa akin? Bakit
iba yung nararamdaman ko kapag kasama ko siya? Lord, please. Give me a sign. Thank
you.
After 2 days.

Monday, 10:15AM, Drama Club Office.

"Good morning! Today natin pag-uusapan ang mga mangyayari para sa stage play para
sa college week." Nagsalita si Dean Bonevie sa harap namin. Katabi ko si Jomar at
katabi naman ni Dean si Trish. Kasama rin ang ibang members ng club. "Pero bago
tayo magsimula, gusto ko lang i-welcome niyo ang bagong member ng creatives
team..." napatingin kami lahat sa lalaking pumasok sa pinto, "Mr. James San Miguel"

Tumingin siya sa akin at ngumiti.

Itutuloy...

Author's Note: Don't forget to comment and vote for ths story :) Sana mapalaganap
natin yung story ni Crystel :)
####################################
Chapter 10: Challenge
####################################

Drama Club Head Office

"Anong ginagawa mo dito?" pabulong kong tanong kay James habang nagkukunwaring
nakikinig kay Dean.

Pareho kaming nakatingin lang sa harap. Kita sa gilid ng mata ko yung pagngiti
niya. Alam kong naririnig niya ako pero bakit di siya sumasagot? Nang-iinis? Nang-
aasar?

Yumuko ako na kunwari may kinuha sa bag kong nasa ibaba ng upuan sabay harap sa
kanya. Tinanong ko ulit siya, "Bakit ka sumali sa drama club?" Tulad kanina,
pabulong ko lang ulit sinabi yun.

Tumingin siya sa akin. Nakangiti. Tapos tinapat niya yung hinlalaki niya sa labi
niya na parang sinasabing tumahimik ako.
Hindi ko pa rin siya magets. Kumunot na yung noo ko.

"Crystel, anong ginagawa mo diyan?" tanong sa akin ni Dean Bonevie.

Nawalay yung tingin ko sa mga mata ni James at napansin kong nakatingin na pala sa
akin yung ibang members ng club.

"M-may kinuha lang, Dean." sagot ko sa kanya sabay ayos ng upo ko na kunwaring
nakikinig sa mga sinasabi niya.

"Baka nagutom, Dean." sabat ni Jerome, yung isa sa mga nambubully sa akin dito sa
club. Nagtawanan yung iba pero hindi ko na lang pinansin. Napatingin ako kay Jomar
na nasa tabi ko. Alam kong alam niyang nasasaktan ako pero hinawakan na lang niya
yung braso ko para kahit papaano, mabawasan yung inis na nararamdaman ko. Umiling
siya na parang sinasabing wag ko na lang pansinin. Napatingin ako kay James. Yung
ngiti niya kanina, biglang nawala.

Nagpatuloy sa pagsasalita si Dean. "So, we have less than one month to prepare for
the next play. Kailangan na nating mag-assign ng mga gaganap at mga tao sa
backstage na bubuo ng lahat. Pero bago ang lahat, may challenger na ba tayo sa year
na 'to?"

Tahimik ang buong kwarto. Walang nagsasalita. Lahat nakikiramdam kung may sasagot
ba o hindi.

"Oh siya, pag-isipan niyo muna ah. May kukunin lang ako sa office tapos pag balik
ko dito, dapat may maisagot na kayo sa akin."

Sa paglabas ni Dean, biglang nabuhay muli yung mga tao sa kwarto.

Tumingin sa akin si James, halatang nagtataka. "Ano yun?" tanong niya sa akin.

"Every year kasi, dumadaan sa nomination process ang drama club for its new
president and director. Pero sa lagay ni Trish, sa tatlong taon niya dito sa club,
wala pang nakakatalo sa kanya. Naalala ko pa noon, well, nakwento lang naman sa
akin. Noong first year si Trish, siya ang pinakabatang naging presidente at
director ng drama club."
"So, pang-apat na taon na ni Trish this year kung nagkataon?"

"Oo." sagot ko.

"Pero paano yung voting?" pagtataka ni James.

NIlapit ni Jomar yung upuan niya sa tabi ko at biglang nagsalita. Nakatingin siya
kay James. "Walang botohang magaganap. May dalawang inonominate kasi ang club
members kung sino ang magiging leader nila. Sa case ni Trish, yung first year siya
at dahil baguhan, walang nagnominate sa kanya pero dahil competitive siya,
ninominate niya yung sarili niya."

"Kung walang botohan, paano malalaman yung mananalo?"

Nagpatuloy sa pagsasalita si Jomar, "Malalaman ang magiging presidente at direktor


ng club sa pamamagitan ng number of audience."

"Ha? Paano? Audience ng ano?"

Nagsalita na ako para ipaliwanag kay James ang nangyayari sa tuwing may ganitong
nomination process. "Yung dalawang nominated sa position ay paghihiwalayin at
bibigyan ng 2 weeks para bumuo ng isang production. Siya na bahala kung sino ang
isasali niya sa team niya, basta ang goal ay makapagpresent ng stage play sa mga
estudyante ng buong university. Ang pinakamaraming attendees, siya ang mananalo."

"Pero as if naman na may maglalakas loob na kalabanin si Trish. Eh 3 years nang


walang kumakalaban sa kanya, kaya automatic president at director siya." sabat pa
ni Jomar.

Lumapit na rin sa akin si James. Halatang interesado siya sa pwedeng mangyari. "So,
Crystel, Jomar, kung may kakalaban kay Trish, anong piece yung gagamitin sa stage
play o kailangan sumulat ng bago?"

"Oo, kailangan bagong istorya ang gagawin. At kapag nagustuhan, baka ayun na yung
ipresent sa yearly na college week." sagot ko sa kanya. "And as if naman na may
malakas ang loob na kakalaban kay Trish."
"Tama ka jan, Tel." Pagsang-ayon ni Jomar.

Almost 30 ang member ng Drama Club. 28 to be exact, kasama na ang bagong member
namin na si James. Sa dami ng taong talented na kasama sa grupo, bakit wala pang
kumakalaban kay Trish? Dahil ba sa takot? O wala na lang silang pakialam dahil wala
naman silang mapapala dun.

Bumalik na si Dean sa loob ng kwarto.

"So, nakapagdecide na ba kayo kung may challenger this year?" halatang halata ang
excitement sa mukha niya. Parang nag-aabang at umaasang may magtataas ng kamay at
magpepresenta na subukang kalabanin ang reigning president na si Trish. Kung may
magtataas man ng kamay, napakatangang tao nun kung nagkataon.

Nang biglang may nangyari.

Itinaas ni James yung kamay niya at ang ngiti sa mukha ni Dean na parang finally,
sa loob ng tatlong taon, may hahamon na rin kay Trish. Na sa wakas, after ng ilang
taon, magaganap na ulit ang Drama Club Battle of the Directors.

"Well! Palakpakan natin si Mr. James San Miguel sa kanyang katapangan."

Walang pumalakpak. Lahat kami nagulat. Pati na rin si Trish.

Napatingin ako kay James. Nagtataka kung ano ba ang pumasok sa utak niya at nagawa
niya yun. Tumayo siya at nagsimulang magsaita.

"Naniniwala ako na it takes courage to move forward. It takes guts to do something


new. Alam kong hindi tayo sanay sa pagbabago. Pinili nating masanay dahil natatakot
tayo. Kaya I know, this is the right time. This club deserves something great.
Kailangan nito ng isang pinunong, hindi lamang magaling kundi may mabuti ring puso.
Kaya I would like to take this opportunity to nominate Ms. Crystel Reyes for
President and Director of the Drama Club."

Tumingin siya sa akin at pumalakpak.


Nagulat ako sa sinabi niya.

Kahit ang mga kasamahan ko ay nagulat din.

Napatingin ako sa pwesto kung saan nakaupo si Trish. Nakita ko yung mga mata niya.
Parang may nais iparating.

Parang alam ko na...

This is the end of the world.


####################################
Chapter 11: Face Your Fears
####################################

I have no choice. Nandito na eh. Nasabi na niya. Nangyari na.

"Galit ka ba sa akin?" tanong sa akin ni James habang hinahabol akong maglakad


palabas ng building.

Huminto ako at humarap sa kanya. "Alam mo ba yung ginawa mo? PInahamak mo ako?"

"What? Ano ka ba, Crystel? Ang galing galing mo kaya. Ikaw ang gumawa ng apat na
stage play mula nung sumali ka dito sa club."

Kumunot yung noo ko, "Teka, paano mo nalaman?"

"Hindi na mahalaga yun." Hinawakan niya ako sa magkabilang braso. "Listen to me,
Crystel. Magaling ka. Talented. Deserve mo rin yung spot ni Trish."

Hindi ko alam kung saan nakukuha ni James yung sinasabi niya. Kung ako ang
tatanungin, hindi ko magaling. Hindi ko nga alam kung sapat na yung mga sinulat
kong script para maging deserving sa position ni Trish.
"Alam mo, James, please lang. Balikan mo si Dean at bawiin mo yung pagnominate mo
sa akin." tinignan ko siya sa mga mata, "Salamat James sa motivations pero hindi ko
pa kaya... hindi ko talaga kaya."

"Pero Crystel, naniniwala ako sayo. At alam kong kaya mong-" Bago pa niya matapos
yung sasabihin niya, bigla akong nagsalita.

"James, please lang. Wag mo na lang akong pakialaman." tumalikod ako at umalis.

Hindi ko alam ang mararamdaman nung mga oras na yun. Parang nagblackout yung utak
ko at bigla ko na lang nasigaw sa harap niya yung mga salitang iyon. Napuno na
siguro ng takot yung puso ko. Ayoko nang ganito. Lumingon ako for the last time.
Gusto ko siya makita. Gusto ko siyang balikan. Gusto kong magsorry. Pero hindi ko
kaya.

"Anong reaksyon niya sa ginawa mo?" tanong sa akin ni Jomar. Nagtext kasi ako sa
kanya tungkol sa nangyari kanina kaya tinawagan niya ako nung pagkauwi ko sa bahay.

"Yung pagkalingon ko, nakita ko yung mukha niya. Hindi siya nakangiti. Parang
nabigla rin siya sa sinabi ko. Nakatingin lang siya sa akin. Pero umalis na lang
agad ako. Ewan, parang part of me sinasabing kailangan ko munang lumayo sa kanya."

Nakahiga ako ngayon sa kama ko. Suot ang earphone na nakakabit sa cellphone ko
habang kausap si Jomar sa kabilang linya.

"Friend naman kasi, bakit naman ganun yung reaksyon mo?"

"Kilala mo naman ako, Jomar. Ayoko ng away."

"Away agad?"

"This is the first time na may kumalaban kay Trish sa loob ng tatlong taon. Sa
tingin mo, hindi gulo ang pinasok ko?"

"Teka lang friend. Highblood ka agad. Malay mo naman, fair siyang lalaban, pero I
doubt... pero malay mo, may himala diba?"
Natahimik ako. Parang nagflashback sa akin yung lahat ng mga naranasan kong
pambubully at panlalait sa akin ng mga tao. Parang bumalik yung sakit sa puso ko.

Nagsalita ako ng mahinahon. "Jomar, ayoko na kasing masaktan. Napapagod na ako,


eh."

"Ayaw masaktan? O natatakot ka lang subukan?"

Napaisip ako sa sinabi niya. Takot lang ba 'to? Baka. Siguro.

"Hindi ko alam. Ang nasa isip ko kasi, prevention is better than cure. Gusto ko
lang umiwas sa gulo." sagot ko sa kanya.

"Sayang. Kasi baka sa pag-iwas mo sa gulo, baka maiwasan mo rin ang opportunity.
Alam mo, Crystel, lahat naman mahirap eh. As if naman na kailangan ko pa ng pruweba
para mapatunayan yun sayo. Sanay na sanay na tayo sa pain at disappointments, pero
sa mga sakit na yun, dapat this time may mapala naman tayo. Kailangan nating
lumaban. Kailangan nating patunayan sa kanila na we're not nothing. We're
something."

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya.

"Crystel, I understand you, pero nasa sa'yo pa rin ang huling desisyon."

Tama si Jomar. Nasa akin pa rin naman ang desisyon eh. Pero tama kaya tong desisyon
na to? Pinapalampas ko lang ba ang opportunity. Nagpapalamon lang ba ako sa takot?

Nakatitig lang ako sa orasan, 10:05PM, nang biglang tumunog yung cellphone ko.
Nagtext si Jomar. 'Remember, si James ang nagnominate sayo. I doubt kung gusto ka
niyang ipahamak. I think, he's helping you, friend. Good night. See you tomorrow.'

Sana tama siya. Alam ko namang hindi magagawa sa akin ni James yun eh. Alam kong
hindi siya katulad ng iba. Pumikit ako. Pilit kong kinakalma ang sarili ko.
Sinusubukan kong alalahanin yung mga nangyari kanina. Pinipilit kong baguhin yung
nararamdaman ko. Crystel! Face your fears!
Nakarinig ako ng tunog. Alam kong nakatulog na ako kaya nung napamulat ako, kinapa
ko yung cellphone sa gilid ng unan ko. May tumatawag. Hindi ko na nakita yung
pangalan ng tumatawag dahil papikit pikit pa rin yung mata ko. Sinagot ko yun.
"Hello? Sino 'to?"

Sumagot yung lalaki sa kabilang linya, "Si James to. Sorry nagising ba kita?"

Napangiti ako. Panaginip lang to. Nakapiit lang ako habang nakatapat ang cellphone
sa tenga ko. "Hindi mo ko nagising. Ano ka ba? Nasa panaginip tayo."

Narinig ko siyang tumawa. Naiimagine ko na naman yung mga mata niya at mga ngiti.
"I just want to say na, sorry sa nagawa ko kanina. Naalala ko kasi yung dinner
natin, sabi mo pangarap mong maging direktor, kaya ayun. Pero ayun nga, sumobra nga
siguro ako. Kakausapin ko na lang si Dean na wag na lang ituloy ang nomination ko.
Sorry talaga."

Napangiti ako. Sana hindi na ako magising sa panaginip na to. Ang sa tenga nung
boses niya. "Wag kang mag-alala, itutuloy ko yun. Salamat sa tiwala."

"Crystel, gising na!" nagising ako sa sigaw ni Mama at sa katok niya sa pinto ko.

Napatingin ako sa orasan, 8:30 na. Late na ako. First time kong magising ng late.
Hay... napasarap kasi ang tulog ko. Bago ako tumayo sa kama, inilala ko ulit yung
panaginip ko kagabi. Inalala ko ulit yung boses niya kahit sa panaginip lang.
Napangiti ako.

Pumasok na si Mama sa kwarto, "Anong oras ka na bang nakatulog kagabi?"

"Hindi ko alam eh, nag-usap kasi kami ni Jomar after nun, nakatulog na ako." sagot
ko sa kanya. Kinuha ko yung cellphone ko para makita sa call logs kung anong oras
kami natapos mag-usap ni Jomar. Pagkapindot ko na "Call Logs", nagulat ako sa
nakita ko:

JAMES SAN MIGUEL

Received Call

Time: 11:11PM
Duration: 8 minutes

Hindi yun panaginip!!!

Author's Note: Sana po ay magcomment kayo ng reaction niyo sa chapter na to. Thank
you po :)
####################################
Chapter 12: Sleepless Night
####################################

Mukhang wrong move ata ako.

After kong bitawan ang mga salitang sinabi ko sa meeting kanina sa Drama Club. Yung
pag-nominate ko sa nag-iisang taong pinaniniwalaan kong kaya at deserving ng spot,
yung chance na yun na akala ko matutuwa siya pero hindi pala.

That moment, yung nasa hallway kami, akala ko masasabi ko na yung side ko. Kung
gaano ako humahanga sa kanya. Gusto ko lang naman siyang sumaya eh. Gusto ko lang
naman na tulungan siyang matupad yung sinabi niya sa akin noong nagdinner kami.

"Alam mo, James, pangarap kong maging direktor pero hindi ko alam kung magiging
totoo yun eh. Sa ngayon kasi, sa drama club namin, ako yung scriptwriter at
propsman. Ang weird no? Pero tanggap ko naman eh. Baka ganun lang talaga."

Yung mga oras na yun, gusto kong sabihin sa kanya na lahat ng gusto niya,
matutupad. Lahat ng pangarap niya. Alam ko kasing mabuti siyang tao at alam kong
deserve niya ang magandang buhay, yung masaya. Kasi alam kong nasanay na siya sa
sakit ng nakaraan eh, sa mga panlalait sa kanya kaya naisipan kong gawin yun.
Sinubukan kong bigyan siya ng lakas ng loob. Pero mukhang napasobra ako. Parang
hindi ko na naisip ang mga pwedeng mangyari.

Yung mga sandaling naglalakad siya palayo sa akin, hindi ko alam ang mararamdaman.
Parang wasak na wasak ako sa loob. Parang nakakaguilty yung ginawa ko. Hindi kasi
ako nag-iisip agad eh. Tanga tanga ko. Ang gusto ko lang naman ay mapasaya siya
pero mukhang nadagdagan ko lang yung sakit na nararamdaman niya.

I spend my whole day kakaisip sa mga nangyari. Hindi ako makafocus sa exam namin.
Kahit sa loob ng klase, lutang ang isip ko. Paulit-ulit kasing nagpe-play sa utak
ko yung unang beses na nagalit siya sa akin.
"Mr. San Miguel, are you all right?" tanong sa akin ng professor ko sa Advertising
subject namin.

Napatingin ako sa kanya. Nagulat ako, nakatingin na pala ang lahat ng kaklase ko sa
akin.

"Sir, excuse me." Tumayo ako, kinuha ang bag at tumakbo palabas ng kwarto.

Tumakbo ako palabas ng building. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero parang
may sariling utak yung mga paa ko at sila na ang nagdedecide kung saan pupunta.
Bumalik ako sa drama club, umaasang makikita ko ulit si Crystel pero wala. Pumunta
ako sa classroom nila, pero wala na akong naabutan. Inikot ko na ang buong
eskwelahan pero hindi ko siya mahagilap. Pumunta na ako ng library, sa theater pero
wala pa rin.

Naiinis na ako sa sarili ko. Sinubukan ko siyang tawagan pero nakapatay yung phone
niya. Halos isang oras na rin akong paikot-ikot, hindi ko pa rin siya makita.

Hanggang sa may narinig akong busina. Napatingin ako sa kotseng nasa likod ko.
Nakita ko si Kuya Joshua na nakasakay sa sasakyan niya. Tinawag niya ako at
pinasakay sa harap.

"Oh! Ayos ka lang ba? PE niyo ba ngayon? Bakit pawis na pawis ka?" tanong niya sa
akin.

"Ah, eh... may pinuntahan lang ako. Masyadong mainit lang." sagot ko sa kanya.

"Wala ka bang klase?"

"Ah... wala kaming professor."

"So, pauwi ka na?"

Hindi ako sumagot. Nakasandal lang ako sa upuan. Nakapikit at pilit na pinapahinga
ang utak.

"Samahan mo na lang ako."

Tinanong ko siya kung saan kami pupunta pero basta lang ang lagi niyang sinasabi.
Alam kong malayo layo na yung nadadrive namin. Nasa labas na yata kami ng Metro
Manila. Tinanong ko ulit siya pero hindi pa rin niya sinasabi kung saan.
Alas siyete na ng gabi. "Malapit na tayo."

Alam ko na kung saan kami pupunta.

Sa Tagaytay.

Pumunta kami sa isang coffeeshop doon. Ramdam ko na yung lamig ng lugar pero hindi
pa rin nakakatulong yun para mabawasan yung bigat ng nararamdaman ko.

Joshua: Problemado ka no?

James: Ha? Hindi ah. Okay langa ko.

Joshua: Wag mo kong lokohin. Kilala kita. Kapatid kita eh. Ano nga?

Natahimik ako sandali. Naalala ko na naman yung ganitong usapan naminni kuya, one
year ago, yung araw na muntikan na kaming makapahamak ng isang tao.

James: Nakasakit yata ako ng feelings ng babae.

Tumawa siya. Hindi ko alam kung bakit pero bigla siyang nagsalita.

Joshua: Chicks ba yan? Nako! Masanay ka na.

James: Nasaktan ko yata yung nag-iisang kaibigan ko sa school. Tanga tanga ko kasi
eh.

Bigla siyang naging seryoso.

Joshua: Ano bang nangyari?

James: Basta, parang nakapahamak na naman ako ng isang tao. Kaya ayun, galit na ata
sa akin.

Joshua: Nagsorry ka na ba?

James: Sinubukan ko siyang hanapin o kontakin, pero hindi ko siya mahagilap.

Joshua: Edi puntahan mo sa bahay nila.


Inangat niya yung susi ng kotse. Parang sinasabing ayun na ang kasagutan sa
problema ko.

Oo nga no, alam ko naman yung bahay nila. Bakit di ko naisip yun?

"Minsan, ang mga babae, kailangang sinusuyo. Hindi naman sila parang bata na
bibigyan mo lang ng kendi, ayos na. Effort din. At kung sincere ka naman, yun ang
importante."

Napangiti ako sa sinabi niya. Parang kahit papaano, gumaan ang loob ko.

Crystel's House

11PM

Nasa tapat kami ng bahay nina Crystel. Pagkatapos naming tumambay sa Tagaytay,
dumiretso na kami dito.

James: Late na masyado. Uwi na lang tayo kuya.

Joshua: Ngayon na! Nandito na tayo eh. Tawagan mo na lang. Sabihin mo nandito ka sa
harap ng bahay nila.

Nilakasan ko na ang loob ko. It's now or never. Baka kasi hindi na naman kao
makatulog nito dahil sa kunsensya ko. Lumabas ako at sumandal sa likod ng kotse.
Tinawagan ko na siya pero nakailang ring na, wala pa rin. 11:09 PM. Gusto ko nang
sumuko. Baka hindi pa talaga niya ako napapatawad o galit na galit na siya sa akin.
11:10. Sinubukan ko ulit tumawag pero ring pa rin. Napatingin ako kay kuya na nasa
driver's seat. Wala pa rin.

Last na. Kapag ayaw na niya sagutin, hindi na ako tatawag. 11:11PM.

"Hello? Sino to?" narinig ko na ang boses niya.

Hindi agad ako nakasagot kasi kinakabahan ako. Ewan ko, parang ang tagal ko bago
nahanap yung sagot sa tanong niya.

"Si James to. Sorry, nagising ba kita?"

"Hindi mo ko nagising. Ano ka ba? Nasa panaginip tayo." nagtaka ako sa sagot niya.
Huminga ako ng malalim at nagsalita.

"I just want to say na, sorry sa nagawa ko kanina. Naalala ko kasi yung dinner
natin, sabi mo pangarap mong maging direktor, kaya ayun. Pero ayun nga, sumobra nga
siguro ako. Kakausapin ko na lang si Dean na wag na lang ituloy ang nomination ko.
Sorry talaga."

Sumagot siya pagkatapos kong magsalita, "Wag kang mag-alala, itutuloy ko yun.
Salamat sa tiwala."

Nung sinabi niiya yun, parang nawala yung tinik sa dibdib ko. Parang nakahinga na
ako ng maluwag.

"Salamat talaga Crystel ah. Wag ang mag-alala, nandito lang ako para sayo."

Lumipas ang ilang sandali, hindi na siya nagsalita. "Hello? Crystel?"

"James, kantahan mo naman ako."

"Ha? Hindi ako marunong kumanta."

"Sige na. Para bati na tayo."

Hindi ko alam kung bakit niya yun nasabi pero for the sake na maayos na ang lahat,
ginawa ko na lang. Kahit pa weird kung iisipin. Hindi ako singer. Pero pinilit ko
pa ring gawin to para sa babaeng espesyal sa buhay ko.

"'Cause all of me, Loves all of you. Love your curves and all your edges. All your
perfect imperfections.

Give your all to me. I'll give my all to you. You're my end and my beginning. Even
when I lose I'm winning.

'Cause I give you all of me and you give me all of you..."

Itutuloy.

Author's Note: Don't forget to VOTE if nagandahan kayo and comment please. Yung
comments niyo sa mga lines and the whole chapter ang nagbibigay ng motivation sa
akin na magsulat pa lalo :) Thank you.

You might also like