You are on page 1of 56

written by:purpleyhan

?2011
CHARACTERS
Venice Liann Damian
Roelle James Morales
Ziela Angeli Willson
Ivan Vorch
Raya Casimiro
Prologue
Na-inlove na ba kayo?
Kung oo, kanino?
Sa playboy?
Sa heartthrob?
Sa varsity player?
Sa rich kid?
Sa handsome gangster?
Why do girls always fall in love with these kind of guys? Is there something
special to them?
Gwapo. Hot. Mayaman.
Yan naman lagi ang ideal guy ng mga normal girls.
Ako rin naman eh. DATI.
Oo, dati. Pero hindi na ngayon.
Asa naman sila! Di ko na sila type no! Pagkatapos nila akong lokohin? Duh? Andami-
daming lalaki dyan eh!
At sa pag-aalboroto ko, I met this geek guy.
Syempre may brilliant idea na pumasok sa isip ko!
MAKAKAGANTI na rin ako.
Sa kanila.
Sa mga manlolokong yun!
At dahil nga nademonyo ang aking isip, I?M PALNNING TO USE THIS GUY. To get my
revenge. Yeah, you heard me right.
I?ll USE him.
I?ll make him into another person. I?ll help him.
I?ll be his tutee.
He?ll be my tutor.
Right. We?ll have a tutorial.
A tutorial that will change OUR life.
And it?s funny how he entitled it with?
Our Love Tutorial.
Lesson 1
?Ate! Dad! Bilisan niyo! Malalate na ako!?
Ang bagal-bagal nila kumilos. Jusmiyo!
?Eto na!?-Daddy
?Bakit ka ba kasi nagmamadali? Eh 8 pa class mo ah? 7 pa lang oh!?
Nagreklamo pa si ate. -_____- Bakit ba? Masama bang pumasok ng maaga? Di naman di
ba?
Sumakay na kami sa kotse at si daddy ang nad-drive since nag-leave si Kuya Ronald,
yung driver namin.
^____________________^
Halata bang maganda ang gising ko ngayon? Haha! Ang lapad kaya ng ngiti ko! Excited
na kasi akong pumasok eh! After 15 minutes eh nasa tapat na kami ng school.
?Bye Dad! Bye sis!? tapos tumakbo na ako dahil baka may sabihin na naman silang
dalawa sa akin.
Yehey! Nasa school na ako! Wuhoo! Grabe! Super excited na talaga ako!
?Hi Liann!?
?Hello po ate Liann!?
?Liann! Long time no see!?
^____^
Ngiti dito, ngiti doon.
Aw. Ang sakit na ng panga ko. Ngawit na ngawit na! -____- Ugh. Buti na lang malapit
na ako sa tambayan at mapapahinga ko na yung panga ko.
?Liann! ^___^?
?Hi Grace. -______-?
?Oh? Bakit ganyan itsura mo? Marami na naman ba sila sa hallway??
?As usual. -____-?
Teka, mag-iintroduction muna ako! >3<
I?m Liann. Pero kapatid ko si ate Steff ha! Ako si Venice. Ay teka nga ang gulo!
Ako talaga si Venice Liann Damian. Gumaya lang talaga ako kay sis!
Liann ang tawag sa akin ng mga classmates at kakilala ko. Pero Venice or Ven ang
tawag sa akin ng bestfriend ko at ng family ko. Pati pala sila Ate Yna, Alice at
Jess! Oh di ba? I?m a certified gaya-gaya! ^___^
Nag-aaral ako sa Amarrison Academy, a school for rich people, I think. Yung
principal kasi namin na si Mr. Wilson ay isa sa richest businessmen dito sa Manila.
Basta mayaman ka, you belong here. Third year high school na ako this school year.
And uh, I?m the top student. Err kaya medyo sikat ako. Pero sabi nila, sikat daw
ako di lang dahil ako yung top student, but I?m also one of the prettiest here.
Like duh? Asa naman ako! Eh andami-dami ko ngang nakikitang pretty students dito
eh! Ewan ko ba sa kanila kung bakit nila nasabi yun. Siguro nambobola lang. -____-
?Hey Grace, ikaw pa lang andito??
?Yup. Ang aga pa kaya! 7:20 pa lang oh!?
?Akala ko pa naman andito na si Ziela. >3<?
Sabi ko nga maaga pa. -____-
Umupo muna ako dun sa bench. Tutal maaga pa naman eh!
Oo nga pala, I?m here at our tambayan. Yung circle of friends ko kasi is yung mga
mahilig rin sa dresses, shoes and the likes. In short, fashionistas.
Dito kasi sa school, common na ang groupies.
Kami, yung mga fashionistas, eh nagsasama-sama dito sa garden. Syempre, all about
fashion ang topics namin lagi! ^_^
Meron ding mga super sossy, as in ang OA na nila. -____- Mga superstar kung baga.
Inaaya nga nila akong sumali sa kanila but I rejected their offer. Hindi ko carry
dun! Masyadong mahangin!
Yung mga heartthrobs eh may sarili ring groupies. Kyaaaaaaa~ Grabe nga eh! Nagsama-
sama ang mga oh so hot and handsome boys sa school! Kaya laging duguan ang mga
ilong ng girls pag dadaan sila! >____<
Syempre andyan din yung mga varsity. Mga players. Siguro sila ang coolest group
para sa akin. Wala lang. Feel ko kasi ang sports.
Andyan din yung mga geeks or nerds. Ok lang naman sila sa akin pero sa iba, masyado
silang outcasted. Wala namang masama sa pag-aaral ng sobra di ba? Pero siguro nga
sa generation ngayon, konti na lang yung super mag-aral. Oh well. Inaaya rin nila
ako dito kaso kasi baka sumakit utak ko dyan eh! Baka puro cosine at sine yung
marinig ko. Eh di naabno na ako?
Ahm, meron ding mga nilalayuan ng ibang groupies. Yung mga bully at wicked
students. Ewan ko pero di ko sila feel. Para kasing ang sama ng aura nila eh.
-_____- Nakakatakot lapitan.
Lastly, andyan yung mga normal students. Yung mga walang interests sa ibang
groupies. Wala lang, gusto lang nilang i-enjoy ang high school life nila. WITHOUT
RESTRICTIONS. ^__^
?Venice!!!!?
Napalingon naman ako kung sino yung tumawag.
?Waaaah! Ziela!!?
Niyakap ko siya nang mahigpit. Gosh, I really missed this girl.
?How are you? Na-miss kita bruha!?
?Ayos naman! Ako rin na-miss kita impakta!?
Ayos ba ang tawagan namin? Haha.
Yeah right. I?m bruha and she?s impakta. Ang cute no?
She?s Ziela Angeli Willson. At kung nahihinuha niyo na, she?s the daughter of Mr.
Willson, yung may-ari ng school. Lagi silang nagbabakasyon sa America kaya na-miss
ko siya. Bestfriend ko yan eh! Of course she?s famous here. Malamang naman di ba?
?May pasalubong ako sa ?yo bruha! ^__^?
?Yay! Talaga???
Then, inabot niya sa akin yung sandamakak na paperbags. Pagtingin ko, puro dress
and shoes and accessories! Yay! ^_^
?OMG impakta, thank you!! You made my day! ^____^?
?Jeez. Di ko nga nadala lahat eh. Ang bigat kasi. >3<?
O_O
Okay, ikaw na super yaman. Makapagbigay ng pasalubong, WAGAS.
?Oy lika na bruha, punta na tayong room! Baka maagawan pa tayo ng magandang pwesto
eh!?
?Sure! Ayoko na sa unahan! Di ako makatulog ng maayos eh. >3<?
Kumaripas kami ng takbo papuntang room. Geez! Nakakahingal pala tumakbo hanggang
3rd floor! >______< Muscle pain!
Pagdating namin sa room, ayos! Lima palang kami! Pinili namin ni Ziela yung malapit
sa airconditioner. Para malamig. ^_____^
Syempre, inayos na namin yung mga gamit namin. Crap. Ang dami kong dala. Puro
pasalubong ni Ziela!
?Hey bruha, kamusta na nga pala kayo ni Richard??
O_o
Nagulat ako sa sinabi niya.
Crap.
Di pa niya pala alam.
?Uhh, we broke up.?
Lesson 2
?What?!?!?
Tinakpan ko kaagad yung bibig ni Ziela. Gosh! Sumigaw ba naman?!
?Shhh! Wag kang maingay!?
?Okay, okay. Na-shock lang ako. Pero, why?!?
Tsk. Di ko pa pala nasasabi sa kanya. Kasi naman alis ng alis sa bansa eh! >3<
?Pinagpalit ako sa fans niya eh. -_____-?
Ganito kasi yun. Richard WAS my boyfriend last school year. Pero nung March lang
naging kami. Heartthrob siya sa academy. Yeah, maraming babaeng nakaaligid diyan.
Kaya nga sobrang saya ko nung niligawan niya ako. Kaso nung May, nakita ko siya na
may kasamang maraming babae sa mall. At ang masaklap pa dun, dapat date namin nun!
Grrrrrr! Pinagpalit niya ako sa mga flings niya! Kainis!
?Naku condolences bruha.?
?Wag ako ang-icondolence mo kundi siya! Isusumpa ko talaga yung hinayupak nayun!
>_<?
Naku talaga! Buti crush ko pa lang siya nung sinagot ko siya. Kung hindi, emote ang
drama ko ngayon.
Maya-maya eh dumami na yung mga tao sa classroom. Gosh. Buti talaga nauna kami ni
Ziela at nakatapat kami sa aircon! ^____^
O_o
Naku po. Eto na naman sila! Lumalapit na naman sila sa akin! Eeeeehhhhh! Ang
kukulit talaga!
?Hi Liann! You make sali na kasi in our group! You belong there!?
?Yeah right! You are sossy naman eh, so pwede ka na.?
-___________-
Ilan ba ang utak nila at hindi nila maintindihan ang salitang ?AYOKO? ? God.
?Sorry. Ayoko talaga eh.?
?Hay naku. Ikaw na nga ang inaaya, ayaw mo pa! You?re so arte naman!?
Eh mas maarte ka pa nga sa akin eh! Sinabi ko bang pilitin niyo ako? Kainis. BV.
?Hmp! Low-level kasi gusto niya eh! Eh mukhang mga ewan naman yung mga nasa group
mo!?
Aba! Aba! Aba! Nilalait ang group ko?! Eh sila nga mukhang mga sapatos ang mukha
eh! Kung makagawa ng group akala mo talagang may mga itsura! Hmp! Eh 3 lang ata
maganda sa group nila! Kainis! Sipain ko sila palabas eh!
?Would you mind staying away from her?! You guys are irritating, you know?? She
said she doesn?t want to be in your group, so back off!?
Naks. Tapang ni impakta! ^_^
?Whatever.?-sabi nung isa.
At ayun. Lumayo na rin yung tatlo! Phew. Kung hindi eh, sasapatusin ko talaga mga
mukha nila.
-______-
?Huh! Akala mo naman kung sinong maganda! Mukha namang shrek!?
Adik si Ziela! Haha! Nainis na rin.
?Yaan mo na sila. Papansin lang yung mga yun.?
?Tss. Pa-english-english pa eh di naman kayang bumuo ng isang sentence! Nakita mo
ba kanina? Taob siya sa sinabi ko eh! Bwahahaha! >:D?
Yan ang totoong ugali ni Ziela. Medyo may pagkamaldita pag naiinis na siya! Haha,
ako rin naman ganyan eh! Lalo na pagdating sa grupong yun. Nakakairita talaga kasi
sila eh. >____<
Saktong 8:00, pumasok yung teacher namin. Okay, start nang class. As usual, mag-
iintroduce sa harapan. Blah blah blah. Lagi namang ganun. Di na nagbago.
?Hi, I?m Raya Casimiro. 15 years old. And as everybody knows, I?m pretty! ^_^?
Psssshhh! Ang kapal talaga ng mukha ng babaeng yun kahit kailan! -______- Maganda
nga siya, ang yabang naman. Nakakainis lang. Member rin siya nung sossy group. At
yung ate niya yung leader nun. Naku, disaster talaga ang groupie nayun! >___<
?Good morning, I?m Ivan Vorch. 15 years of age. And umm, a basketball player.?
Yay! Yung newest crush ko! ^____^ Ang cute niya talaga! Go Ivan!
?Yo, Jack Lazaro. Mag-fififteen sa July. Drummer.?
OMG! Crush ko rin yan! Cute rin siya! Haha!
?Francis Villegas po. 15 years old. Uhh, normal lang??
Kyaaa~ cute rin siya! OMG!
Okay. Sorry sa kalandian ko. Masama bang magkaroon ng maraming crush? Crush lang
naman eh! >3< Handsome and cute naman kasi yung nasa room eh! Kaya mahaba-haba ang
listahan ng crushes ko this school year! ^_______^
?Hi, I?m Ziela Angeli Willson. 15 years old. Dancer and I love fashion.?
Nice naman Ziela! Applause!
Yikes! Ako na pala!
?Uhm, hello. I?m Venice Liann Damian. Turning 15 years old. Dancer and I also love
fashion.?
Okay. After 20 minutes eh natapos na rin ang self-introduction. -___-
Haha! At nailista ko na ang mga iistalk ko sa facebook and twitter! >:D
Sa ibang subject, orientation lang naman. Ganun naman lagi pag first day eh. Di na
mababago yun!
Breaktime na.
?Ei Zie, kakain ka ba??
?Nope. Di ako nagugutom eh.?
?Ako rin eh! Dun na lang muna tayo sa corridor.?
Lumabas kami ng room at tumambay muna sa corridor. Since nasa third floor kami,
nakikita naming yung mga tao sa baba. Ang dami nga eh. Malamang, breaktime.
Nagulat naman ako nung kinakalabit ako ni Ziela. Ang sakit na nga eh! Kalabit pa ba
tawag dun?
?Bakit ba???
Ngumuso lang siya. Huh? Tinignan ko naman yung sa kabilang side niya.
O_O
Si Ivan, he?s walking towards us.
At.. andito na siya sa harapan ko.
?Hi Liann! ^_^?
Kyaaaaaaa~ Kinausap niya ako! O_o
Heaven.
This is heaven.
May anghel sa harapan ko. <3_<3
?Hello! ^_^ May kailangan ka??
Bakit kaya ako biglang kinausap nito? OMG. Yung number one crush ko kinausap ako!
>____<
Nagkamot muna siya ng batok. Ano ba yun? Nahihiya?
?Uhm, can I court you??
ANOOOOOOOOOOO DAWWWWWW?
Lesson 3
"Huuuuuuy bruha, hinga!!"
Andito nga pala kami ngayon sa canteen. Grabe lang. Hindi pa rin talaga ako
makapaniwala eh. Si.. si Ivan.. yung crush ko..
WAAAAAHHHHH >o<
"Oh my gosh. Oh my gosh Zie. Totoo ba talaga yun? Si Ivan? Eff! Eff! Parang kanina
lang nililista ko yung pangalan niya sa crush list ko tapos.. OMG! I need water!!
Water!!"
"Oh eto eto. Hinga. Hinga." inabutan niya ako ng water. Grabe lang talaga.
UNBELIEVABLE.
Can I court you?
Can I court you?
Can I court you?
Can I court you?
Eeeehh pero di ko maiwasang kiligin. Kasi naman eh. Di ba? Crush mo tapos biglang
ganun? Napapansin ka rin pala?
"Zie, may number ka ni Ivan?"
"Hmm.. ata?"
Dahil si Zie ang anak ni Mr. Principal, aba mabilis 'tong makakuha ng number. Kaya
lahat ng crush niyan, katext niya agad. Oh diba?
Hanggang sa matapos lahat ng class ngayong araw eh hindi nawala yung ngiti ko. Sa
sobrang kilig. Waaaaahhhh landi hormones, tantanan niyo ako. >o<
Sa room eh inaasar agad kami ng mga classmates namin. Ang bilis nga naman ng
balita. Tapos lagi pa siyang tumitingin sa side ko. Hindi tuloy ako
makapagconcentrate. Grabe lang talaga, kinikilig ako!!!
"Bye Zie! I'll call you later nalang!" sabi ko kay Zie sabay sakay sa car namin.
"DADDY! SHOPPING TAYO PLEAAAAASSSSEEEEE??" si Daddy kasi yung sinabihan kong
magsundo sa akin ngayon. Gusto ko kasing magpasamang magshopping eh.
Oh. Oo nga pala. Mahilig akong magshopping. As in. Gusto ko kasing bumili ng mga
bagong dress, accessories, shoes and such. Minsan, kasama ko rin yung ate ko. Si
Steff Damian. Siya lang naman ang idol ko pagdating sa fashion. Wiiiee ang cute
cute kasi ng ate kong magdamit at pumorma *u*
Dahil aayaw ni Daddy na samahang magshopping, sya nalang daw magdadrive. Bakit
kaya? Bakit ba ayaw ng mga lalaking maagshopping? Haaay, si ate na nga lang isasama
ko!
"Daddy, punta tayo kay ate. Magshoshopping kami! ^__^"
Pinaandaar na agad ni daddy yung kotse. Di kaya may phobia si Daddy sa
pagshoshopping? Pag kasi naririnig niya yun, natatahimik siya eh? :| Oh well. Wala
pa sigurong ten minutes eh andito na agad kami sa tapat ng campus nila ate. Oo nga
pala, college na yun kaya magkahiwalay kami ng school.
Sandali lang rin eh nakita na niya kami ni Daddy. Ako naman, nag-smile ako ng
malawak. Wieeee sana pumayag si ate! Gusto ko talagang magshopping ngayon! >o<
At matapos ang mahaba-habang pilitan eh pumayag na rin sya. Phew! Kaso may kapalit.
Napakaduga talaga ni ate Steff. T__T Kelangan ko siyang bilhan ng shoes. Haaaay.
Ako naman, pumunta dun sa may men's area. Ano kayang pwedeng iregalo sa kanya? Ayon
sa nakalap kong info eh basketball player siya. Hmm jersey kaya? O kaya bola ng
basketball? EEEEHHH?! Wala akong maisip T__T
Teka nga, bakit ko ba kasi siya bibilhan ng regalo? Anong meron? >///< Eeeehh gusto
ko lang talaga siyang bilhan. HAHAHAHA! Ang landi ko na ah. Mga one hour rin akong
nag-ikot ikot para maghanap ng kahit ano. At buti naman, may nahanap ako. Pwede na
siguro 'to. ^__^
*vibrate*
EEEEFFFFFF!!!
Ano ba yun! bakit ang lakas magvibrate ng phone ko? Nagulat tuloy ako. Nasa bulsa
ko pa naman, akala ko nakuryente na ako. Sino ba kasi 'tong hinayupak na nagtext?
*opening*
From: Ivan myloves.
>Can I take a picture of you? So I can show Santa what I want for Christmas. Good
evening Liann :)
KYYAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!! :'''''''''''''''>
KV MODE! EFF NAMAN OH! KINILIG AKO NG BONGGA! EFF! EFF! EFF!
"Huy Ven, anong nangyari sayo dyan? 'Lika na hinihintay na tayo ni Daddy sa labas."
napatingin naman ako kay ate at sobrang lawak ng ngiti ko.
Buti hindi niya napansin na kinikilig ako. Naku patay ako dun pag nagkataon. Eh
kasi protective yan eh. Pero kinikilig talaga ako eh. Waaahh pano niya kaya nalaman
yung number ko? Grabe buo na araw ko. Kilig vibes talaga eh. >///<
Oh my. dagdag pogi points for you Ivan, for that pick-up line.
Kahit matagal pang mag-christmas eh parang gusto ko naang mag-celebrate agad ng
Pasko!
Kyaaah mas lalo kitang nagiging crush eh. >///<
Can I court you?
Can I court you?
Can I court you?
Kelan ko kaya siya sasagutin? :\
Lesson 4
Two weeks na rin simula nung nanligaw sa akin si Ivan. OMG lang talaga eh. Super
sweet niyang manligaw. AS IN.
Araw-araw kasi, pagdating ko sa class eh merong chocolates and three roses sa upuan
ko. Sino ba namang hindi kikiligin dun, right? Tapos pag magkakatinginan kayo, lagi
siyang kikindat. Kyaaah. Grabe talaga. Halos mamatay-matay na ako sa sobrang kilig
eh!
?Ahem, kelan mo ba balak sagutin yan??
Napatingin naman ako kay Ziela. Seatmate ko kasi siya di ba? Nahuli niya ata akong
nakangiti habang nakatingin sa mga rose.
This time, napangiti ulit ako.
?Zie, sasagutin ko na siya mamaya sa dinner. ^_^?
?Whoa really?? OMG. Nice one Ven. Haha, excited na rin ako ah.?
May dinner kasi yung buong section namin mamaya. Sponsored by my prettiest
bestfriend, Ziela. Parang meeting na rin kasi for our play sa Social Studies. Buti
nga pinayagan ako ni Daddy eh. Kasi baka gabihin kami sa meeting. Sabi ko naman,
pwede akong makisleep-over kila Ziela pag gabi na masyado.
Nakinig nalang ulit ako sa teacher namin.
?Okay class, you need two participants for the upcoming Social Studies Quizbee. ?
Naku naman. Social Studies month kasi ngayon kaya andaming activities. Ayan nga,
may play tapos quiz bee, and many more.
?Si Liann po tsaka si Roj!? halos unanimous na sigaw nila. =__=
?Okay. Ms. Damian and Mr. Morales, kayo ang participants okay? Please sign here.?
lumapit nalang ako kay Ma'am at pumirma dun sa sheet of paper.
Pero teka, parang ngayon ko lang nakita yung Roj na yun ah? Baka ibang section siya
dati?
?Zie, sino nga pala yang Roj na yan?? pabulong kong tanong kay Ziela.
?Ahh, yan yung top 1 ng kabilang section last year. So siya yung 2nd honor ng buong
batch dahil ikaw ang first. Ang nerdy ng itsura niya no??
?Aaahh. Kaya pala hindi siya masyadong familiar.?
Oo nga, nerdy look nga siya.
Makapal na eyeglasses. Suspenders. Flat hair. With matching ballpens pa na
nakasuksok sa bulsa ng polo niya.
Nakukunsumi ako. =__=
Where's the style?!
God, gusto ko siyang sugurin at retouch ngayon!
Nagiging active na naman ang dugong fashionista ko. *u*
Hay naku. Teka nga, bakit ko ba yan inaalala eh may dapat pa pala akong paghandaan
mamaya. Waaaaaaah kinakabahan ako! Sana talaga maging ayos mamaya. Oh my gosh.
Magiging boyfriend ko na si Ivan Vorch! :''>
Pinatawag lang ako and si Roj sandali ni Ma'am then break na.
Yey! Nagugutom na rin kasi ako eh.
?Zie, halika na kain na tayo.?
?Wait lang, di ko makita yung wallet ko eh.?
Nilapitan ko naman siya. Ang tagal kasi eh. Actually kami nalang yung naiwan sa
room.
?Ayun! Found it!? sabay taas pa niya ng color red nyang wallet.
Pababa na sana kami kaso may narinig kaming nag-uusap dun sa may bakanteng room. At
dahil may dugong chismosa rin kami, sumilip kami dun sa bintana nang patago. And to
my surprise..
Si Ivan at si Raya pala yung nag-uusap. (Si Raya po yung kasali sa isang group na
kinaiinisan ni Ven at Zie. See chapter 2.)
?Really?! THANK YOU RAYA! Thanks!? tapos hinug niya pa si Raya. Ewan pero napakunot
yung noo ko sa gesture niya na yun.
?No problem. Alam mo namang love kita eh. Hahaha. I just want to challenge you.
Pero paano na nga pala yung reserba mo? Alam ba niya??
?Err no. Sasabihin ko nalang mamaya. Akala ko kasi hindi mo ako sasagutin kaya
nanligaw ako ng iba. Pero thanks dahil sinagot mo ako. And I'm really happy.?
?Okay. C'mon. Kain na tayo.? then she clinged her arms to his.
Bago pa kami tuluyang makita eh hinatak na ako ni Zie sa may kabilang side. Buti
nga at hindi nila kami nakita eh. Pero natulala ako sa lahat ng narinig ko. What
did he say?
AKO?
RESERBA?
Reserba niya lang ako?!
EFF NAMAN OH!!
?V..Ven, okay ka lang??
?C'mon Zie, kumain na muna tayo.?
Naglakad na ako papuntang cafeteria at siya eh nakasunod lang sa akin. Ayoko munang
pag-usapan yang lechugas na Ivan na yan. ERRRRRR!!!!!
Hanggang sa pagkain ko, hindi ko pa rin alam kung ano bang dapat kong maramdaman.
?Nakakainis! Nakakainis talaga! Ang kapal ng mukha niya! Errrrrr!? at tuluyan ko
nang tinusok-yusok yung manok sa plate ko. Eff!!
Nagulat naman ako nung tumawa si Ziela. Waaah pinagtatawan niya ba ako?!
?Bakit ka tumatawa???
?Eh kasi kawawa naman yung manok Ven. Patay na nga, pinapatay mo pa lalo.? then
tumawa ulit siya.
Tss. Eh kasi naman eh! Nakakainis talaga eh! Akala ko pa naman may gusto siya sa
akin tapos yun pala.. I'm just an effin' reserve?!?!?! EFF TALAGA!
?Ven, alam mo hindi naman siya worth it eh. Pero natutuwa talaga ako. Kahit papano
eh nalaman natin ng maaga. At least, hindi ka mapapahiya mamayang gabi right? And
besides, okay lang naman ata sayo eh.?
Napakunot naman yung noo ko nun. What does she mean by that?
?Eh? What do you mean okay lang sa akin??
?Ven, obvious namang infatuation lang yang feelings mo for him eh. You don't love
him. Kasi kung mahal mo siya, eh di dapat umiiyak ka na ngayon dahil sa narinig mo
kanina. Eh anong ginagawa mo ngayon? Tinutusok-tusok mo lang yang chicken dahil sa
inis.?
Bigla namang lumiwanag yung mukha ko dahil sa sinabi ni Zie. Sabagay, she has a
point there. Pero nakakalungkot rin kasi na akala mo totoo yung feelings sayo ng
isang tao, yun pala HINDI. Errr. Bakit ba ang malas malas ko pagdating sa boys? T_T
After nun eh buong araw na akong hindi mapakali dahil hindi ko maimagine kung anong
pwedeng mangyari mamaya sa dinner.
***
At ito na nga. Nasa dinner na kami. Nandito kami ngayon sa garden nila Ziela.
Malaki siya and kayang ioccupy ang buong section namin. At ang nakakainis pa, tama
ang hula namin kanina.
MAGKASAMA SI IVAN AT RAYA.
NAKAKAINIS TALAGA EH.
Kailangan harap-harapan?
Kailangan pinapakita niya sa akin yung kalokohan niya?
EFFIN' GUY! I hate you Ivan!
And as expected, lumapit sa akin si Ivan. Buti medyo konti palang kami dito since
yung iba eh umuwi pa para magpalit ng damit or iwanan ang gamit nila sa bahay.
?Uhmm, Liann. I have something to tell you.?
?Ano yun? Na ginawa mo lang akong reserba at kayo na ni Raya? Yun ba Ivan? Sus.
Okay lang yun. Actually wala rin naman akong balak sagutin ka eh. Sorry kung
pinatagal ko pa yung panliligaw mo. Sige, alis muna ako.?
After kong sabihin ang sarcasm overload kong speech eh lumapit ako kay Zie dahil
naiiyak ako. Naiiyak ako dahil dapat, ako yung nasa tabi ngayon ni Ivan. At naiiyak
ako dahil nakakahumiliate yung ginawa niya sa akin. Super nakakainis talaga.
At talagang pinanindigan nila eh. Inakbayan niya pa si Raya. Naiinggit tuloy ako.
Ayan na, eff naman. Tumulo na yung luha ko. T_T Waaaahh I need to go to the
bathroom!
Habang tumatakbo ako papalapit sa cr nila Zie, eh bigla nalang akong natumba.
?Ouchhhhhh! T_T? aray talaga. Ang sakit ng kamay ko! Natusok ata ng something!
?Ohhhh, are you okay? Sorry hindi kita nakita eh. Nabasag kasi yung salamin ko
kanina.? napatingin naman ako sa nagsalita.
O_O
?Teka classmate ba kita? S..sino ka?? bakit parang hindi ko siya nakikita sa class
namin? Trespasser ba siya? At nakita kong napataas ang kilay niya.
?Err, I'm Roj. Kung hindi mo pa ako kilala. Pero ang alam ko, nakilala mo na ako
kanina dahil sa quiz bee di ba??
OMG. Nanlaki bigla yung mata ko. Si Roj ba talaga 'to?!
BAKIT HINDI SIYA MUKHANG GEEK NGAYON?
O__O
Lesson 5
?Ahh sige, una na ako.? then tumayo na ako at tumakbo ulit.
Andito ako ngayon sa loob ng cr at umiiyak. Bakit ganun? Ang sakit pa rin kahit
alam kong hindi ko pa siya mahal? Ang sakit na makita na yung taong pinagkatiwalaan
mo eh lolokohin ka lang pala? Tapos ginawa ka lang reserba?
Basang-basa na yung panyo ko dahil sa kakaiyak. Nakailang tawag at text na rin si
Zie pero hindi ko pinapansin. Gusto ko munang maubos 'tong luha ko. Gusto ko munang
mag-isa. Nakakainis. Nakakalungkot. Akala ko..
SIYA NA.
Hindi pa rin pala.
Lahat nalang. Una si Richard. Ngayon si Ivan. Lahat sila manloloko. Ganun ba talaga
pag sikat? Pag pinag-aagawan ng mga babae? Pag gwapo? Mga manloloko. Heartbreaker.
Bakit ba lahat ng lalaking nagugustuhan ko eh sinasaktan ako? Mabait naman ako ahh.
Wala naman akong ginagawang ikagagalit nila. Pero bakit ang malas-malas ko
pagdating sa lovelife?
Siguro 30 minutes akong nagstay sa banyo bago ako tumahan. Mugto na nga yung mata
ko eh. Dumaan nalang ako sa backdoor para walang makakita sa akin. Hinintay ko
nalang dun si Kuya Ronald, yung driver namin. Tinext ko nalang si Zie nung
nakasakay na ako sa kotse. Sabi ko uuwi nalang ako at ibalita nalang sa akin kung
ano mang nangyari nung meeting.
Nagtuluy-tuloy lang ako sa kwarto ko. Ni hindi ko inimik si Daddy tsaka si ate.
Wala ako sa mood. Pansin rin naman siguro nila yun kaya hinayaan nalang nila ako.
Grabe talaga, hindi na ako makapag-isip ng matino dahil sa mga nangyari. Pag
naaalala ko yung nangyari kanina sa vacant room, nanlalambot yung tuhod ko at
nakakaramdam ako ng inis.
?I promise, I won't be hurt by another guy, AGAIN.?
Yun nalang ang nasabi ko bago ako makatulog sa sobrang iyak.
***
?Ven dalian mo baka nagstart na yun!? sabay kaming tumatakbo ngayon ni Zie
papuntang auditorium. Nalate kasi kami sa pagpasok eh.
?Oh my, sana di pa ako late!!? at binilisan pa namin yung takbo namin. Sana talaga
hindi pa nagsisimula.
?Okay, students. We will start the quiz bee.?
Pagkasabing-pagkasabi ni Mrs. Santiago nun eh saktong nakarating na ako sa table ng
section namin. Phew. I made it!
?B..buti nalang dumating ka..? sabi netong katabi ko.
Teka, ano nga ulit pangalan neto? =__=
?Phew.. o.. Oo nga eh.. Teka.. hihinga.. muna.. ako..? then nag-inhale exhale ako
dun habang di pa tinatanong yung first question.
?Uy, partner. Teka ano nga ulit pangalan mo? Nakalimutan ko eh. He..hehe..? sabay
kamot ko sa ulo. Nakakahiya naman. Siya pa man din yung nakabangga ko kagabi.
?Ahmm, Roj. L..lagi mo.. nalang nakakalimutan.? sabi niya sa akin. Teka mukhang
kinakabahan pa siya ah.
?Aaaahh! Okay Roj nga pala. Haha sorry! Liann nga pala.? I extend my arm towards
him. Inabot niya rin naman at nagshakehands kami.
Ganun na naman ang porma niya kaya nairita ako ng kaunti.
Nakasalamin ng makapal, Jose Rizal hair, suspenders and long socks. Grabe, ang
nerdy nerdy niya talaga tignan! Ang sakit sa mata.
?Kilala na kita. Ikaw ang batch first honor eh.? sabi ko nga kilala niya na ako.
=__=
Pero at least, nakapagpakilala na kami officially sa isa't isa.
?Sino ang huling dakilang emperador ng Roma na humati sa kanilang bansa sa kanluran
at silangan? Go!?
?Uhh, nakalimutan ko yung pangalan.? sabi niya.
?Diocletian.? sabi ko sa kanya. Buti pala natandaan ko yun. Di kasi ako nag-aral
kagabi gawa nga nung mga nangyari. Ayan na naman! Ano ba Venice, focus nga muna sa
quiz bee!
Sinulat nalang niya sa cardboard yung sinabi ko. Bahala na, yun yung tanda ko eh.
?Times up! Raise your answers!?
Tinignan ko naman yung answers ng mga kalaban namin. Karamihan is Diocletian din.
Yey! Tama yung natandaan ko *u*
?and the right answer is.. Diocletian!?
?Yes! Tama tayo!? ngumiti nalang siya.
Nasa difficult round na at tinatally ang scores namin. Nagtutulungan na nga lang
kami eh. Kasi hindi ako nag-aral at marami akong hindi matandaan. Siya naman eh
kalahating part lang yung naaral dahil sobrang late na raw sila nakauwi kagabi.
?Okay, ang third place ay ang III-Sapphire!?
Nagpalakpakan naman yung section ng Sapphire. Ang quiz bee kasi na 'to is
universal. I mean, all levels ang kasali. Kaya nga feeling ko eh lugi ang mga first
year eh. Malamang naman di ba? Pero last year eh ang nagfirst place dito eh first
year. Ang galing nga eh.
?But we need a clincher round for the first and second place! Ang maglalaban ay ang
IV-Quartz at III-Diamond!?
O_O
Nagulat naman ako dun. Di ko inexpect na makakapasok kami dahil nagkamali kami sa
ibang questions. Oh my God. Kinabahan tuloy ako lalo!
?GO LIANN! GO ROJ!!? narinig namin na chinicheer kami ng section namin. At take
note, kasama pa yung adviser namin. Ang supportive naman nila. Nakakatuwa. Pero
kinakabahan talaga ako! T_T
?K..kaya..n..natin 'to..? kita mo 'to. Halata namang kinakabahan siya kanina pa eh.
Nanginginig nga siya pag nagsusulat eh. Pero kailangan naming manalo.
?The question is.. Ano ang pinakalumang lungsod sa Sumeria o mas kilala rin sa
tawag na Mesopotamia? Go!?
Oh my God. HINDI KO YAN ALAM.
?Roj, alam mo yung sagot??
?Di ko matandaan kung Akkad o Nippur. Di ko kasi masyadong nabasa eh.?
Kinakabahan na kami ngayon. Uwaaa di kami makapili kung Akkad or Nippur. Oh my
talaga. Hindi ko kasi nabasa yan eh. Pero natatandaan ko yung Akkad at Nippur. Di
ko nga lang alam yung description sa kanila.
?10 secons left.?
?Ano na? Akkad nalang?? sabi ko sa kanya. Wild guess nalang ang pag-asa eh.
?Ewan. Yun nalang ba??
?S..sige. Bahala na..? napapikit nalang ako habang sinusulat niya yung answer.
?Times up! Raise your answers! And the correct answer is..
NIPPUR!?
Halos nanlumo ako nung marinig ko yun. Eff. Ako ba ang may kasalanan? Talo kami.
T__T
Naghihiyawan na yung mga tao habang ako eh nakayuko lang. Sobrang nanghihinayang.
If I know eh mga fourth year yung sumisigaw. Tama ata sila eh.
?And now we have our first and second place! First place goes to..
III-DIAMOND!!!?
Napatingala ako nung marinig ko yun. Teka, Akkad ang sagot namin ah?
Pagtingin ko sa cardboard namin... 'NIPPUR' ang nakasulat. Te..teka, don't tell
me..
?Pinalitan mo???
?Instinct. Sinulat ko nalang yung Nippur. Pakiramdam ko yun yung tama eh. And here
it is. We won.?
?WAAAAAAAAAAAHHHHH!!!!? napatalon nalang rin ako sa sinabi niya. Eff, nanalo kami.
We won! We won! Hanggang sa pagsasabit sa amin ng medal eh hindi pa rin matanggal-
tanggal yung wide smile ko. Hindi talaga ako makapaniwala eh. Eff, he saved us!
***
?Congrats Roj! Congrats Liann!?
?Congrats!?
?Whhoooo! Go III-Diamond! We're the best!?
Nagcecelebrate kami ngayong lahat sa room sa pangunguna ng adviser namin na si Ms.
Mendoza. Grabe ang sarap talaga sa feeling pag nananalo ka. ^__^
Habang tinatanggal ko yung medal na sinabit sa akin kanina eh may nakita akong
nakatayo sa harapan ko na ikinagulat ko.
?Congrats Liann.?
Si Ivan.
Now I feel like I'm going to cry.. AGAIN.
Lesson 6
?Tawag tayo sa baba.? bigla naman akong hinila ni Roj palayo kay Ivan. Buti na nga
lang at ginawa niya yun, kung hindi eh baka umiyak na ako sa harapan ni Ivan. :'(
?Here. Don't cry in front of a guy. That will make you a loser.? sabi niya pero
hindi nakatingin sa akin. Nakatingin lang siya sa puno. Andito nga pala kami sa mga
bench sa side ng quadrangle. Inabutan niya ako ng panyo.
Napatingin naman ako sa sinabi niya. San naman niya nakuha yun?
?My sister told me that.?
Whoa! Mindreader ba siya? Pano niya nahulaan yung tanong sa utak ko?
Habang nagpupunas ako ng luha, tahimik lang kaming dalawa. Halos hikbi ko lang ang
maririnig pati yung mga nahuhulog na dahon kapag humahangin ng malakas.
?Salamat ha??
?No problem.?
*TING!*
Paalis na sana siya pero pinigilan ko siya. May pumasok kasi sa isip ko na kung ano
eh.
?Bakit?? sabay ayos niya pa sa makapal niyang salamin.
?Uhmm, pwede ba kitang.. imake-over??
Halos tumitig lang siya sa akin sa loob ng 7 minutes. Yeah, tinignan ko sa relo ko.
Hala, nagloloading pa ata yung sinabi ko sa kanya.
?Uhh..? naghihintay ako ng karugtong naa sasabihin niya kaso wala! Walang lumabas
na words sa bibig niya. Kaya ako na ang naglakas loob na magsalita ulit.
?Please? Uhmm sabihin na nating eto nalang yung bayad sa mga pagtulong mo sa akin.
Kasi, teka wag mong mamasamain tong sasabihin ko ha?? tumango naman siya.
?You know.. uhmm, may itsura ka naman eh. Kaso nga lang ano.. kasi yung look mo..?
uwaaaa ang hirap pala nito! Ang hirap sabihin!
?Pang-nerd.? nagulat ako nung tinuloy niya yung sasabihin ko then napayuko siya.
Hala. Anong gagawin ko? Galit ba siya? Malungkot? Hala di ko naman sinasadya eh
T__T
?Uy.. sorry. I didn't mean to offend you but..?
?No. Okay lang. Sanay naman na ako eh. Araw-araw sinasabihan ako nyan. Araw-araw
binabato ako ng papel. Sanay na ako.?
Ewan ko pero nasaktan ako sa sinabi niya.
?Kung sanay ka, bakit ka umiiyak ngayon??
Yeah. He's crying.. without knowing it. Ganito pala yung nararamdaman ng mga
nabubully. Ang sakit lang isipin na may mga tao palang nagtitiis araw-araw sa
ginagawa sa kanila ng mga tao sa paligid nila.
?Here. Mukhang mas kailangan mo 'to ngayon eh.? binigay ko sa kanya yung panyo ko.
Nasa bulsa ko lang pala kanina. Akala ko nawala na nung hinatak niya ako eh.
Nagsimula na siyang umiyak. Tinanggal niya yung makapal na salamin then humagulgol
na siya. This is the first time I saw a guy crying. Parang naiiyak rin tuloy ako sa
nakikita ko.
?Bakit ganun sila? Nananahimik naman kasi ako eh. Hindi ko naman sila
pinapaakialaman eh. Wala akong ginagawa sa kanila. Pero bakit ganun? Araw-araw. Sa
araw-araw na ginawa ng Diyos, laging ganun ang nangyayari. Nakakasawa na. Hindi
nalang ako umiimik pero sa loob ko, masakit.? tinapik ko nalang yung balikat niya.
Hindi ko alam na may ganito paala siyang problema. Well pano ko nga pala malalaman
eh hindi naman kami close?
?Hey, don't cry in front of a girl. That will make you a loser.?
Napatingala naman siya sa akin and then I smiled at him. Pinilit niyang tumigil sa
pag-iyak and he tries to smile. Much better. At least nalabas na niya yung sama ng
loob niya. Mas magaan yun sa pakiramdam.
?Okay ka na?? tanong ko sa kanya after niyang umiyak.
?Better.?
Nagstay kami dun for another ten minutes. Tahimik lang. Walang nagsasalita.
Medidate? Siguro. I'm thinking of Ivan right now. Gusto ko na siyang burahin sa
buhay ko tulad nung paglimot ko kay Richard, yung first boyfriend ko. Haaay, lahat
nalang ng lalaking dumadating sa buhay ko, ang bilis mawala.
Pero hindi ko maiwasang mainis kay Ivan tuwing maiisip ko siya. Sa ginawa niya.
Bakit sa akin pa? Sa lahat naman ng pwedeng saktan, ako pa? Ang sakit lang isipin
na yung taong pinagkatiwalaan mo, eh binalewala ka lang. Gusto kong gumanti. Gusto
kong maramdaman niya kung pano mabalewala ng mga tao sa paligid niya. Para matuto
siya ng leksyon. Para maintindihan niya na hindi dapat sinasaktan ang isang babae.
Lalo na pag, umaasa siya.
?Hey, pumapayag na ko.? napatingin naman ako sa kanya dahil bigla siyang nagsalita.
?Saan?? saan ba siya pumapayag?
?Make-over.?
Napatayo ako sa narinig ko. OMG pumayag talaga siya? YES!
?I promise, we'll make a new Roj Morales.?
Lesson 7
?Okay, class dismissed. Don't forget your homework due tomorrow okay??
Yes, uwian na rin sa wakas. Grabe talaga last week, super nakakastress dahil sa
kung anu-anong contest ng Social Studies club. Buti tapos na lahat.
?Bruha, una na ako ha? May family gathering kami ngayon eh.?
?Okay. Bye impakta! Text you later nalang.?
Nagbeso-beso nalang kami ni Zie at umalis rin siya agad. Ako naman eh naghihintay
dito sa gate. Teka nga bakit parang baligtad? Ako ang babae pero ako ang
naghihintay? Ayos ah.
*BZZT*
Pababa na ako. Sorry
At nagtext na rin sa wakas. Eff naman ng teacher na in-charge sa kanila, late
magdismiss. Oh oo nga pala, club meeting yung pinuntahan niya kaya siya late.
Wala pang one minute eh nandito na agad siya sa tabi ko. Ang bilis naman ata niyang
maglakad? O baka tumakbo?
?Ahh..ano, san ba.. tayo pupunta?? tinaasan ko naman siya ng kilay.
?The 'Roj' make-over operation, I guess?? at saka ako nagsmile.
?Kaya tara na at marami tayong dapat gawin!?
?Uh..oh.. wait!!?
Hinatak ko na siya sa braso at saka ako tumakbo kaya napatakbo rin siya. Naiirita
na naman nga ako sa style niya ngayon eh. Bakit ba hindi siya magbago ng style
kahit kaunti? Kailangan talaga pang-nerd yung itsura niya?
Sinabihan ko naman si Kuya Ronald na wag na akong sunduin dahil may pupuntahan pa
ako. Kaya ngayon eh nakasakay kami ng jeep papuntang SM. Uhh, actually this is my
first time riding a jeepney. Kasi kadalasan nagtataxi ako, pero nung muntik na
kaming mamatay ng ate ko dahil dun eh natrauma na ako.
Dun kami pumwesto malapit sa babaan. Te..teka pano ba magbayad dito? -__-
Gagayahin ko sana yung mga pasahero, ang kaso nga lang.. wala pang nagbabayad.
?Ui Roj.? tumingin naman agad siya sa akin.
?Ba..baket?? lumapit ako sa tenga niya tsaka bumulong.
?Pano ba magbayad dito?? nanlaki naman yung mata niya pagkatapos ko yung sabihin.
Uwaaaa sigura pagtatawanan ako ng isang 'to!
?H..hindi mo rin alam? Akala ko.. marunong ka.?
This time ako naman ang nagulat. ?RIN?? You mean, hindi rin siya marunong?!
Halaaaaaaaa!
Para tuloy kaming tanga na paranoid na paranoid kung paano magbayad. Eff naman
kasi, bakit wala pang nagbabayad?! At dahil wala na kaming choice dahil malapit na
yung mall, magbabayad na kami.
Inabot ko kay Roj yung bayad ko tapos siya eh akmang tatayo na para lumapit dun kay
manong driver.
?Ma bayad po.?
Biglang may nagbayad na ale dun sa bandang gitna kaya natigilan kaming pareho. Bago
pa makatayo si Roj eh hinatak ko na siya. Then ginaya nalang niya yung ginawa nung
babae. Yung pinapaabot sa mga katabi yung bayad. Ganun pala yun?!
Waaah grabe nakakahiya pag nagkataon! Iniimagine ko tuloy si Roj na naglalakad
palapit kay manong driver. Hala nakakahiya talaga! Buti hindi natuloy! Pero
andaming tumingin sa amin at palihim na tumatawa! Grabe lang talaga! At ngayon lang
rin namin nalaman na ?PARA? pala ang sinasabi kapag bababa ka na ng jeep. Buti may
mga bumaba rin sa mall kaya walang hirap kaming nakababa rin sa jeep *u*
?Eff naman! Nakakahiya yung ginawa natin kanina!?
?Bakit kasi nagjeep tayo? Akala ko alam mo kung pano sumakay dun.? with matching
ayos pa sa salamin niya.
?Sorry naman ayaw ko kasing sumakay sa taxi eh >_<?
Bago pa humaba ang usapan eh hinatak ko na siya papasok ng mall. Kalimutan na ang
jeep incident kanina! Make-over dapat ang nasa isip ko.
Una kaming pumunta sa EO. Tumingin ako dun ng contact lense na pwede niyang
gamitin. 100-100 pala ang grado ni Roj. Clear contacts lang yung pinili niya kaya
yun yung kinuha namin. Pero dahil naiinggit ako eh bumili na rin ako ng colored
contacts. Next stop--- Penshoppe at Bench. Piniliaan ko siya ng mga shirts dun. Ang
kulit nga eh, gusto niya daw bilhin yung suspenders na nakadisplay doon. Aaanhin
naman niya ang suspenders, aber? =__=
Pumunta na rin kami sa department store para bumili ng perfume, cardigans and other
stuff. Eff. Mukhang mababankrupt ako dito ah? Bakit nga ba kasi ako nagsuggest na
i-makeover siya? Goodbye money. T_T
?Teka lang, nagugutom na ako.? nagreklamo na ako nung nakaramdam na ako ng gutom
habang naglalakad. Gabi na rin kasi eh. At etong kasama ko eh sinusulit na ata ang
mga huling araw niya sa pagiging nerd dahil tumambay siya ng isang oras sa National
Book Store! Kamusta naman di ba? -__-
?Sige kain muna tayo. Libre ko na.?
TEKA TAMA BA ANG DINIG KO? LIBRE NIYA DAW? AS IN SIYA? LIBRE NIYA?
Siya na ang nanguna papuntang KFC. Wowsteak lang yung inorder ko tsaka yung fries.
Di rin naman kasi ako ganun kalakas kumain eh. Pero ako ang nagulat sa kanya. ABA
NAMAN AT NAGFULLY LOADED MEAL LANG NAMAN KASI SIYA, WITH EXTRA RICE PA PLUS
KRUSHERS. Jusme, di ko akalaing sa payat nyang yun eh ganyan siya kalakas kumain!
?Bakit?? bigla akong natauhan na nakatitig na pala ako sa kanya dahil sa hindi ko
mapaniwalaang katakawan niya.
?K..kaya mong ubusin lahat yan??
?Oo naman. Kulang pa nga 'to eh. -__-? syempre nagulat ulit ako. Eh di siya na
talaga matakaw! Siya na nakulangan sa fully loaded meal! Siya na matakaw pero hindi
tumataba!
Pagkatapos naming makipagbakbakan sa pagkain eh umuwi na rin kami. Nagpasundo
nalang ako kay Kuya Ronald dahil ayoko nang magjeep. Hindi ko pa nakakalimutan ang
kahihiyang nangyari kanina. Siya rin eh nagpasundo na kaya naghiwalay na kami after
nun.
Nung nasa sasakyan na ako, hindi ko maiwasang mapangiti sa mga nangyayari.
Just wait ang see, Ivan. You are going down. I'll make sure of that.
Lesson 8
?Bye unnie! Bye Dad!? then kiniss ko yung cheeks nila. Pagkaalis nila eh pumasok na
agad ako sa room. Buti nalang wala kaming assignments ngayon. Nakatulog kasi ako
kaagad pagkauwi kagabi eh, sobrang napagod ako.
?Bruha! Yuhooooo!? kinawayan ko naman si Ziela tapos umupo na ako satabi niya.
?Oh ano? Kamusta family gathering niyo?? di ko na siya natext kagabi, nakalimutan
ko eh T__T
?Ayos naman, medyo BV nga lang.?
?Eh? Bakit? What happened ba??
?Naku saka ko nalang ikukwento, long story eh.?
?Okay. Nga pala, punta tayong SM sa friday ha? Sale kasi eh. Yay! Shopping to the
max tayo!?
?OMG really?! Sure sure!?
At ayan nag-usap na naman kami tungkol sa shopping. Halos maghugis-star na yung mga
mata namin sa kakaimagine sa mga damit na bibilhin namin. Oh gosh, Friday please
come quickly! I wanna buy those gorgeous and fabulous dress! *u*
Dumating rin naman agad yung homeroom teacher namin kaya nagsibalikan na rin sa mga
upuan yung iba kong classmates.
?Okay class, itago niyo yung notebooks and books niyo. We'll have a surprise
recitation.?
Whoa. Nasurprise nga kaming lahat! Parang bigla nalang nagkabagyo sa room dahil
tumayo yung mga classmates kong walang notes at nagsilapit sa mga may notes. Buti,
nagsusulat ako.
?Grabe naman si Ma'am, walang patawad!?
?Ganun talaga Ziela. Adik yang si Ma'am eh.?
Nagreview nalang kaming dalawa ng chem. Balancing equations lang naman ang
recitation. Kaso medyo mahirap yun pag sobrang complicated na ng reaction. Eff,
sana di mahirap yung makuha ko. Kinabahan tuloy ako bigla.
?Casimiro, Raya.?
Tumayo naman siya sa upuan niya at ang ikinagulat ko eh tumingin siya sa direksyon
ko tapos, bigla niya akong inarapan. NOW WHAT WAS THE MEANING OF THAT? Malinaw
naman ang mata ko at di ako pwedeng magkamali na inirapan niya talaga ako. Oh baka
si Ziela inirapan niya?
?Impakta, nakita mo yun??
?Yung alin? Si impaktitang babaitang malditang impokritang Raya?? Pfft. Hahaha
natawa ako bigla sa sinabi ni Ziela. Ayos makadagdag ng adjectives ah?
?Hahaha oo. Umirap ba siya??
?Oo sarap ngang dukutin ng mata eh. Feeling ko tayong dalawa yung inirapan nun.?
?Eh? Tayong dalawa?? Teka may atraso din ba si Zie dun sa Raya na yun?
?Oo kasi nga invited si Ivan dun sa gathering kagabi. Ayan, tinatarget na rin ata
ako. Asa naman siyang papatulan ko yung Ivan niya no. In his dreams!?
AAAHHHH kaya pala BV daw yung gathering nila kagabi! Naku, panghatid-BV talaga yang
Raya na yan eh. Naaalala ko tuloy ulit yung mga panahong dapat eh sasagutin ko na
si Ivan pero nawala nalang ang lahat na parang bula. :'(
?Hoy ano ka ba, chemistry subject 'to hindi crying subject. Tsaka akala ko ba hindi
mo na siya iiyakan??
Hindi ko naman napansin agad na namumuo na pala yung mga luha sa mata ko. Bago pa
yun pumatak eh pinunasan ko na kaagad. Tama, hindi ko dapat siya iniiyakan. Kung
iiyak man ako dahil sa kanya, sisiguraduhin kong dahil yun sa masaya akong
nakapagmove-on na sa kanya. He's not worth my tears at all.
Natapos naman agad si Raya pero may konti siyang mali kaya 9/10 lang siya. Kaya
ayan, nakakunot yung noo niya habang pabalik sa upuan niya.. which is sa tabi ni
Ivan. </3
?Damian, Venice Liann.?
OMG ako na. Gosh! Sana madali lang at sana tama rin yung isasagot ko. >_<
Papunta na sana ako sa board kaso nga lang..
*BLAG!*
Napatid ako. Ouch. Eff ang sakit ng tuhod ko!
Pagtingala ko, nasa gilid ko pala si Raya and take note, nakagrin pa siya. So siya
ang pumatid sa akin?! Pinilit kong makatayo dahil nagtatawanan na yung classmates
ko. Nakakahiya, halos maluha na ako sa sobrang hiya. Ano bang kasalanan ko sa kanya
at ginaganito niya ako?! Nakuha na niya si Ivan ah? Meron pa ba siyang kailangan sa
akin?! NAKAKAINIS NA!
?Okay ka lang??
Nagulat naman ako nung may umaalalay na pala sa akin patayo. Pinilit kong wag
umiyak sa harap nilang lahat. Sa harap niya. Ayoko nang umiyak dahil lang sa mga
walang kakwenta-kwentang mga bagay.
?Yeah. Thanks.?
?Ms. Damian, are you alright?? napatingin ako sa teacher ko na hinihintay na akong
magsagot sa board.
?Yes ma'am.? I flashed a smile and sinagutan ko na yung tanong ni ma'am.
And thank God, hindi siya ganun kahirap. Kahit medyo nagtagal ako eh nasagutan ko
naman yung problem. I got a perfect score. Pati na rin si Ziela. Syempre mana yan
sa akin eh. ;)
Nung nagbell na para sa break time, tumayo na agad kami ni Ziela dahil sobrang
gutom na kami. Ayoko pa namang nagugutom si Ziela dahil nakakatakot siya pag walang
laman ang tiyan. Parang monster kung magalit! Kaya dapat hindi siya gutom pag galit
at hindi siya galit pag gutom. Teka anong sabi ko, naguluhan ata ako? =__=a
Kaso, eto na namang Raya na 'to eh humarang sa daan namin. Ano ba talagang gusto
niyang patunayan?! Naiirita na ako sa kanya ha!
?Ayos ka gumawa ng scene kanina ah? May tagatayo ka pa. HAHAHAHA! Ano yun? Nerd in
shining armor? Eeew Liann! Pero sabagay, bagay naman kayo nung nerd na yun. Swak na
swak ang level niyo. LOSERS.?
?Yeah right, LOSERS!!? nagchorus pa yung mga alipores niya.
Pagkabing-paagkasabi niya nun eh tumalikod na siya pero nagulat ako nung hinila ni
Zie yung buhok niya. OMG! Eff gutom nga pala 'tong isang 'to! Masamang magalit!
?Ang kapal rin ng mukha mong mang-asar eh no? Sino kayang nampatid sa kanya? Di ba
ikaw? Ikaw na mang-aagaw? Yung bigla-bigla nalang eepal sa isang relationship? Wow
ha, kung makaepal ka wagas eh no? Ano ka singit? Sabagay mukha ka namang singit.?
?W..what did you say?!?!? sabi niya at parang mahihimatay siya sa narinig niya sa
bibig ni Ziela.
?Oh ano? Totoo naman di ba? Insecure ka lang kasi mas sikat pa rin si Venice kaysa
sayo. Insecurities nga naman. Wag ka na kasing tumapat sa level niya, di ka niya
kalevel. Masyadong mababa yaang uri mo.? then tinignan siya ni Ziela from head to
toe na parang nandidiri.
OMG naman! Eto na nga ba yung sinasabi ko eh. Dapat hindi hinahayaang gutom 'tong
babaitang 'to! Masama na tama neto! Kailangan nang umalis dito. Hinatak ko na siya
para makalabas ng pinto kaso biglang..
Pumasok si Ivan na may dalang pagkain.
Dugdug.Dugdug.
Parang napako yung paa ko dito. Eff talaga!!! Hindi ko namalayan na nasa tabi na
rin pala ni Ivan si Raya and back to her famous grin. At mas lalong kinagulat ko
nung..
Bigla niyang hinalikan si Ivan.. IN FRONT OF ME.
In front of my face.
Parang gusto ko nang malusaw ngayon. Hindi ko na maigalaw yung mga paa ko. Eff
lang, oo alam ko nasasaktan ako pero bakit hindi ko maiwas yung tingin ko? Bakit
nakatingin pa rin ako sa kanila habang naghahalikan?
?TARA NA! MASYADONG PDA DITO!!? at ubod ng lakas akong hinatak ni Ziela palabas ng
room.
Bakit ganun?
Bakit parang.. bakit parang..
Ang sakit dito? *points at my heart*
Lesson 9
?Oh ano, okay ka na??
Nahimasmasan naman na ako pagkatapos kong makainom ng tubig sa canteen. Buti talaga
nahila ako kaagad ni Ziela kung hindi, umiyak na ako sa harapan nilang dalawa. Eff
naman kasi eh. Bakit sa lahat ng pwedeng gawin eh maghalikan pa sa harapan ko?
Bastusan? Ang sakit kaya. Ako dapat yun eh. Ako dapat yung kasama niya ngayon. Ako
dapat yung masaya ngayon. Ako dapat yung mahal niya ngayon. Pero hindi eh. Minsan
talaga, hindi nangyayari yung mga inaakala mong dapat nangyayari.
Buong araw lang akong sinamahan ni Ziela. Baka daw kasi may gawin na namang
kamalditahan sa akin si Raya kaya dapat magkasama daw kami lagi. Isa pa yun na
hindi ko maintindihan. Ano bang gustong mangyari ni Raya? Nasakanya na nga si Ivan
eh. Bakit niya pa ako ginaganito? Eff lang. Nung uwian na, nauna na sa akin si Zie
dahil may gagawin pa daw siyang importante, ako naman tumambay muna sa garden.
?Okay ka na ba??
?YAAAAAAAAAHHHHH!!!!!?
Halos yumakap na ako sa katabi kong puno dahil sa sobrang gulat. Bigla ba namang
may nagsalita galing sa likod ko?! Akala ko tuloy nagsasalita na yung halaman sa
tabi ko! Pagtingin ko kung sino yun..
Si Roj pala.
?Waaah napaka mo Roj! Ano ka ba, kabuteng nagcacause ng sakit sa puso???
Bigla naman siyang umupo sa tabi ko. ?Sorry, di ko sinasadya.?
Ngayon na nga pala yung simula nung make-over niya, eff muntik ko pang makalimutan.
Tama, mas magandang dito nalang ako magfocus kaysa kay Ivan. Ayoko na muna siyang
maging topic. Kahit for a week lang. Ngayon ko lang kasi narealize na m..m..mahal
ko na pala si Ivan, pero yun nga lang.. reserba lang pala ako. </3
?Sa bahay nalang namin ha? Andun kasi yung mga binili natin kahapon eh.?
?Okay. Pero kailangan ba talaga? I mean, do I really need to change?? Teka bakit
parang nag-iba ang ihip ng hangin? Mukhang aayaw na siya ah? Diba siya pa nga ang
nagsabing gusto niyang magbago?
?I think so. Yung style lang naman.?
Bago pa magbago yung isip niya eh hinila ko na siya papasok sa sasakyan. Sinabihan
ko si Kuya Ronald na bilisan yung pagdadrive kaya wala pang 10 minutes eh nasa
bahay na kami. Kaso ang problema.. si ate at si Daddy....
HINDI KO NASABI SA KANILA! >_<
Waaah nakalimutan ko palang magpaalam! Hala pano yan? Pero andito na kami sa labas
eh. Hala talaga! Baka kung anong isipin nung dalawang yun!
?Boyfriend mo, Ven?? Biglang lumabas si ate at sabi na nga ba kung anu-ano na
namang pinag-iisip nito eh.
?No! He's just a friend. May project kaming gagawin eh. By the way, unnie, this is
Roj. Roj, this is my sister, ate Steff.? Hala san ko nakuha yung project? Naku
nagiging imbentor na ako. >_<
?Good afternoon po.? tapos nagbow si Roj kay ate. Kailangan talaga nagbobow?
?Ahhh. Hello, good afternoon rin. Sige pasok na kayo.?
Buti wala pa si Daddy at si ate lang yung nasa bahay. Unnie nga pala ang tawag ko
kay ate Steff, tinuruan kasi akong magkorean ni ate Yna, yung friend ni ate na
Koreana. Ang cute kasi kaya ginagamit ko na rin yung term na yun. Haha. Pinaakyat
ko na rin agad si Roj sa kwarto ko.
?Nice room.?
?Thanks.?
Nilibot niya muna yung kwarto ko habang nagpapalit ako ng damit sa cr. After nun,
umupo na kami sa sofa.
?By the way Roj, this is not just a make-over but also a tutorial. I think one
month will be enough.?
?WHAT?? napatingin naman ako sa kanya at talagang halos tumigil yung mundo niya.
Napatulala kasi siya sa sinabi ko eh. Pero totoo naman yun eh.
Gusto kong tulungan siyang i-boost yung confidence level niya para naman hindi siya
nabubully nang ganyan. At syempre magbebenefit din ako dun. Gusto kong makaganti
man lang sa ginawa sa akin ni Ivan. Ayokong ako nalang lagi yung nasasaktan. I'll
use Roj for my revenge. Pareho lang naman kaming magbebenefit dito, right?
?Yup. I'll make sure that you'll be a perfect guy, every girl's dream. Okay? Just
trust me.? then I flashed my sweetest smile.
?Okay.?
?Okay then.. LET'S START!?
Tinabi ko na yung mga gamit namin then nilabas ko lahat ng pwede kong magamit para
kay Roj. Actually, feeling ko hindi naman ganun kahirap baguhin yung style niya.
Konting ayos lang, okay na 'to.
Sinumulan ko sa contact lens. Pinatanggal ko yung salamin niya then sinuotan ko
siya ng contacts. Tinuruan ko rin siya kung paano yun ilagay. At first, hindi pa
nga niya nalalagay eh pumipikit agad siya kaya hindi naman nasusuot. Mga isang oras
ata kami para lang doon. At ngayon ko lang rin napansin na ang ganda ng eyes niya.
Actually, almond eyes siya. Ang cute nga eh.
?Wait. Can we stop here??
?Okay. Gabi na rin kasi eh.?
Di ko namalayan na 8:00 na pala. Grabe, nasa contact lens palang kami ha. Sabi na
nga ba matatagalan 'to eh. Pero at least marunong na siyang maglagay ng contacts.
=__=
I guess this is the start. Sana lang, hindi ko pagsisihan 'tong gagawin ko.
Lesson 10
?Tangna ang jologs mo talaga, tabi nga!?
?Pucha. Yan ba uso ngayon? Hahaha!?
Bigla namang kumulo yung dugo ko habang naglalakad ako papunta sa room. Sa tapat
kasi ng room namin eh may dalawang lalaking mukhang mga paa ang nambubully na naman
kay Roj. At ito namang Roj na 'to, bakit ba ayaw niyang labanan? Eh halos
magkakasingtangkad lang naman sila? Di kaya duwag siya?
?Hey, please stop that!? lumapit ako sa kanila at tinakpan ko si Roj.
Eff akala ko matapang ako pero nung sinigawan ko sila at tumingin sa akin eh parang
may lamanglupa na nakahawak sa paa ko ngayon at ayaw ako paalisin sa spot na 'to.
?Oh, the famous Liann. You want a date later?? Eeeew. As if naman! Kaderder 'tong
impaktong lalaking 'to. Di man lang mahiya sa sarili niya.
Pero halos kilabutan ako nung hinawakan niya yung leeg ko. Eff! Eff! Eff! Tuluyan
nang na-froze yung paa ko at di ko maigalaw. HELLPPPP! T__T
?Ahh so..sorry. Pero kailangan na naming pumasok.? Ikinagulat ko rin nung hinila
ako ni Roj papasok sa room. Phew. Buti nalang. Eff, wala na namanyak ang leeg ko
T___T
?Sorry nadamay ka pa.? he said while fixing his thick glasses. Yeah, di ko muna
pinasuot yung contact lens kasi.. basta. I have better plans.
?Ayos lang T__T? kahit namanyak yung leeg ko.
?You sure??
?Yeah T__T? pero namanyak talaga yung leeg ko eh.
Papunta na sana ako sa upuan ko kaso may isang octopus na sumulpot sa harapan ko.
Guess who?
?Wow, mukhang nagkakamabutihan na kayo ng nerd in shining glasses mo ah? Sabagay,
you two are perfect for each other. *smirk*?
Naku pigilan niyo ko, kung hindi sasabunutan ko talaga siya. Ano bang problema niya
at inaaway niya pa rin ako? Laki ng sayad ng Raya na 'to eh. Bakit ba siya
nagustuhan ni Ivan? Nakakainis. Sana ako yun eh. Sana ako yung masaya ngayon. San--
okay VENICE ENOUGH. </3
Sinamaan ko nalang siya ng tingin. Ayokong magsalita, baka madala ako at madala ko
kaagad siya sa hukay. Psh.
?Hahaha! Loser alert. Hey Mr. Nerd, bakit kaya di mo ligawan 'tong si Liann? Malay
mo sagutin ka. Tapos kayo na ang Nerdy Couple. Hahaha! Top 1 and Top 2. That will
be hilarious!?
Nagtawanan rin yung mga classmates ko. Eto na naman yung feeling na nararamdaman
ko. Feeling ko pahiyang-pahiya ako. Ewan ko pero parang maiiyak na ako dito. Ziela,
where are you? Help me. Feeling ko tuloy loner ako. Ayoko ng ganito. Ayoko talaga.
Nagulat ako nung biglang may nanghatak sa akin palabas ng room. Pagtingin ko, si
Roj pala. Yumuko nalang ako habang naglalakad kami kasi nahihiya ako. Parang ang
weak weak ko eh. Panira talaga ng mood yang Raya na yan. Tumigil kami sa cafeteria.
?Oh.. eto kainin mo muna..? tinignan ko lang siya. Infairness, nagiging nerd in
shining glasses ko nga siya ngayon.
?Thank you.? tinanggap ko yung inabot niya sa aking chocolate. Ang sarap nga eh.
Sabagay, kelan ba naging hindi masarap ang chocolate?
?Sabi sakin ng ate ko, pag daw malungkot ang isang babae, dapat daw binibigyan ng
chocolate 'cause it will cheer them up.? tapos ngumiti siya. Bigla naman akong may
narealize.
?You really love your sister so much, huh? She's so lucky to have a brother like
you.? Lagi niya kasing binabanggit yung ate niya eh. Siguro super close sila.
Bihira nalang kasi ako ngayong makakita ng magkapatid na lalaki't babae na close sa
isa't isa.
?Yeah. Pero di halata.?
Ngumiti nalang ako. Well, its our teenage years. Alam ko namang andyan pa rin yung
awkward feeling for siblings. Kahit ako rin naman kay ate Steff eh. Minsan lang ako
maging sweet sa kanya. Madalas rin kaming nagkakatampuhan. Siguro ganun nga
magmahalan ang magkapatid.
?'Lika na. Baka magstart na yung klase.?
Ohh oo nga pala. Sabay na kaming umakyat at pumasok sa room. Buti nalang at hindi
ko tinignan si Raya. Ayoko siyang makita for God's sake. Naaalala ko lang ang fail
kong lovelife sa kanya. Damn her.
?Oi bruha san ka galing??
?Nagpatanggal lang ng BV. Hahaha.?
?Bakit? Anong nangyari??
?Hmm wala inaaway lang ako ni Raya.? kinuha ko nalang yung notebook ko at nagsimula
nang magsulat. Naku ang tsismosa talaga netong si Ziela.
?Tss. Lagot talaga sa akin yang Raya na yan.?
?Ano ka ba Zie, wag mo nang patulan.?
Nakinig nalang kami kay Mrs. Mendoza. Filipino pala ang subject namin ngayon at
syempre mawawala ba dyan ang Noli Me Tangere? Ayan oh sinisimulan na siyang i-
discuss yung tungkol sa book na yun.
?Magkakaroon tayo ng pag-uulat para sa mga kabanata ng Noli Me Tangere. Ang gusto
kong makita ay talasalitaan, buod, mga sagot sa tanong na makikita sa inyong mga
libro at ang mga tayutay na ginamit sa kabanata. Bawat grupo ay may dalawang
miyembro.?
?Zie partner t---?
?Ngunit sasabihin ko kung sino ang kapareha ninyo. Dahil 38 kayo sa klase, bumilang
kayo hanggang labingsiyam. Simulan.?
Waaah akala ko pa naman pwedeng pumili ng partner. T__T Hala gusto kong kapartner
si Zie eh!
?Labinlima.?
?Labing-anim.? T__T Bakit pangsixteen ako? Bakit kasi paganyan yung bilang?
Kadugaan naman eh! Wala na di ko na partner si Zie T__T
?Walo.? napatingin naman ako kay Roj. Pangwalo pala siya. Ayos na rin yung partner
niya matalino naman si Jenny eh.
Pero nagsimula akong kabahan nung narealize kong malapit na sa kanila yung
pagbibilang. Oh no. No this is not happening! Effffffff!
?Labinlima.?
?Labing-anim.?
WAAAAAAAHHHHHHHHH!!!!
?Err bakit naman siya pa?! Oh God how can I survive this reporting?!? Narinig kong
nagsisimula nang mainis si Ziela. Well, si Raya lang naman kasi ang partner niya.
And since tabi sila ni Ivan, that leaves me no choice that Ivan is my partner. At
yun ang ayokong mangyari.
?Puntahan niyo na ang mga kapareha ninyo para makapag-usap kayo sa gagawin nyong
pag-uulat sa klase.?
NO WAY! Hindi pwede! Ayoko! Paano naman ako makakapagmove-on neto? Nakakainis naman
eh! Pwede bang magpapalit ng partner?! T__T
Nung palapit na sa akin si Ivan, kitang-kita ko kung paano manlisik yung mata ni
Raya sa akin. Ano na naman ba?! Kasalanan ko bang number 16 rin siya?! Kasalanan
yun ni Ma'am! T__T Ayoko na talaga! Natatakot pa ako sa kung anong pwedeng mangyari
pag pinagsama si Ziela at Raya. Feeling ko magkakaroon ng World War IV sa klase eh.
Pareho pa namang warfreak yung dalawang yun.
?Err.. uhmm..?
?...?
AWKWARD.
AWKWARD.
Paano kami makakagawa ng report neto kung simpleng hi/hello eh hindi namin magawa?
Tapos ang layo pa namin sa isa't isa. Dito kasi siya nakaupo sa upuan ni Ziela pero
inusog ko yung chair ko, 1 ruler apart from him. Sana hindi ako bumagsak dito.
Ayokong magkaroon ng failing grade. Tama, dapat ihiwalay ang personal matter sa
acads. Aja Venice! Fighting!
?Uhmm, Ivan. Ako nalang sa talasali---?
?Mr. Vorch, please change partner with Mr. Morales.?
Eh? Wh..what the hell happened?
Lesson 11
Ha? Anong nangyari? Bakit.. bakit nagkaganun? Paanong?
"Sorry ako pa nakapartner mo." sabi niya sa akin habang inaayos na naman niya yung
sobrang kapal niyang salamin.
"Ah. Ayos lang. Teka ano bang nangyari? Bakit kayo nagkapalit?"
Bigla naman siyang nagbuntung-hininga. Now what's the meaning of that? Dapat na ba
akong kabahan? Matakot? Matuwa? Mahimatay?
"We have to do a skit."
.
.
.
.
.
.
"WHAT?!" napatingin sa akin yung mga classmates ko pati na rin si Ma'am.
"Ahh.. hehe.. don't mind us." tapos ngumiti nalang ako.
Naman kasi eh! Ano daw? Skit? For what!?
"Anong skit?! Teka diba reporting lang naman tayo?" ang gulo talaga eh. Para saan
naman yang skit na yan? Eh hindi nga ako marunong umarte.
"Sabi ni Ma'am, what if yung top two students eh gumawa nalang ng skit ng favorite
scenes ng buong klase. Pero tayo ang pinakalast na magrereport. Bale tayo ang skit
tapos summary ng buo, importance. mga ganung bagay."
Pagkatapos niyang iexplain yun eh napanganga nalang ako. Like what the eff? Ako?
Skit? Pinagsama sa isang sentence? No waaaaay! Pwede bang magmodel nalang ako ng
Maria Clara? Eff ayokong umarte! Naman hindi kaya ako marunong! At anong pakulo
naman 'to, napakaadik ng teacher namin. Bakit nangyayari 'to sa akin? T_T
Buong araw ata akong wala sa sarili dahil sa skit na yan. Ano nalang ang mukhang
ihaharap ko sa kanila pag nakita nila akong umarte? Simula nung pre-school ako eh
hindi ako nag-acting tapos ngayong high school biglang ganito? Waaah ayaw!
"Huy! Ano ba yang itsura mo babae para kang natatae na nakakita ng multo." sana nga
ganun nalang ang mangyari eh.
"Ziiieeee ayokong mag-act! T__T"
"Hahaha! Ano ka ba buti nga ikaw mag-aact lang eh! Kita mo nga ako may alaga pa
akong hayop na partner. Eeesshh." tsaka kumunot yung noo niya.
Magbestfriend nga kami. Bakit pareho kaming malas sa Noli Me Tangere? Wish us luck
talaga.
*******************************
"Kanina ka pa?"
"Nope."
"Okay, let's go."
Hinintay ako ni Roj at pumunta na kami sa bahay. Well, blessing in disguise rin
pala na naging magkapartner kami. At least may idadahilan na ako kung bakit ko siya
dinadala sa bahay. Alangan naman kasing sabihin ko kay Daddy na, "Dad gusto ko kasi
siyang imake-over para makaganti ako blah blah". Aba naman lagot ako kay Daddy pag
ganun.
Wala pang ten minutes ay nandito na agad kami sa bahay. Teka, walang tao?
Sumilip muna ako saglit sa garden namin.
"Errr shut up! Shut up! Wag ka ngang tumawag kung walang kwenta rin naman yung
sasabihin mo! Bwisit ka talaga!"
Uh..oh. Sino na naman kayang kaaway ni ate? Napalingon din siya sa amin habang
nakatingin lang kami sa kanya at pinapanood kung paano niya halos durugin yung
phone niya.
"Uhh ka..kanina pa kayo dyan? Ha..ha..haha.." nagform naman ako ng evil smile para
asarin siya.
"Yeah unnie. Long enough to hear your sweet conversation with uhhh.. Darryl oppa?"
I've been practicing korean for two months. Hihi naimpluwensyahan ako ni ate Yna na
bestfriend ni ate eh.
Bigla naman siyang namula kaya gusto kong tumawa ng malakas. Kaya lang baka kasi
batukan niya ako eh so wag na, sa isip ko nalang ako tatawa. Pero kinikilig rin ako
:''> Lumalovelife na ang ate Steff ko. Eversince kasi wala pa yang naging boyfriend
or crush or anything, naunahan ko pa. Hahaha!
"Sweet? Mukha ba yung sweet? Umakyat na nga kayo ng.. *grin* FRIEND mo." then
pumasok na siya sa loob. Baliw talaga yun! Lagyan daw ba ng malisya?
"Naku wag mong pansinin yang ate ko, nababaliw talaga yan pag hapon na."
"Well both of you are awesome. I can sense your sisterly love for each other."
Ay nakalimutan ko mahal na mahal niya nga pala yung ate niya. Haha ang cute pala
pag ang isang guy eh super close sa kapatid niyang babae. Parang ang protective
tignan and isa yung trait na hinahanap ng mga babae.
Umakyat na kami sa kwarto ko at hindi para gumawa ng pesteng skit na yan kundi
ayusan ulit siya. Dahil tapos na kamisa contact lense, next na ang buhok niya. Feel
na feel ko ang pagiging tutor eh. at feel na feel niya ang pagiging tutee dahil
talagang may notebook siyang hawak at nagtatake down notes sa mga sinasabi ko. Ang
adik lang.
"Bakit mo sinusulat?"
"Baka makalimutan kong gawin eh."
=__=a
Sabi ko nga hahayaan ko nalang siyang gawin yun.
Hinawakan ko yung buhok niya at.. at.. at.. at ang LAMBOT. Ang sarap hawakan. Kaso
wala talagang ka-style style eh. Bagsak lang at take note, one-sided pa. Jusko
reincarnation ata siya ni Rizal eh.
Nagulat naman ako nung hinawakan niya yung kamay ko at pinigilan yung paghawak ko
sa buhok niya.
"Ba..bakit?"
"Wag na kaya?" binatukan ko nga. Ang kulit ng lahi eh.
Nagsearch ako sa internet kung anong style ang bagay sa lalaki. Siya na rin pumili
kung anong style ng buhok yung gusto niya. Ginamit ko yung binili naming gel at wax
sa buhok niya. Tinaas-taas ko yung ibang parts dahil bagay naman sa kanya. Ang cute
nga eh bumagay talaga sa kanya. Kaso lang.. -__-
"Hindi mo ba tatanggalin yang salamin mo para mas bumagay?"
"Ha?"
Ako na ang lumapit sa kanya at nagtanggal ng salamin niya. Nakalapit lang yung
mukha ko sa mukha niya at tinitignan ko nang mabuti yung mata niya. Ang ganda
talaga eh. Kung pwede lang dukutin at idikit sa pader ko eh kanina ko pa ginawa.
Bawat transformation niya eh pinipicturan ko siya ng palihim. Hahaha sana lang di
niya ako mahuli. Binilin ko na rin sa kanya kung paano gawin yung ginawa ko sa
buhok niya ngayon. Yung wax and gel and other hair stuffs eh binigay ko na rin sa
kanya. Tapos umuwi na rin siya bandang 7 PM. Ako naman eh nababagabag pa rin sa
lecheng skit na yan. Ano bang gagawin ko dun? Paano ko tatakasan yun? T_T
Sa kakaisip ko eh di ko namalayang nakatulog na pala ako.
***************************
"Good morning Bru!"
"Morning imp!"
Umupo na agad ako sa upuan ko at nagsimula nang makipagdaldalan kay Zie. Habang
nag-uusap kami tungkol sa latest style ngayon eh biglang umingay sa corridor kaya
napatingin kami dun. At sa bilis ng pangyayari, nagulat ako nung biglang sumugod sa
harap namin si Raya.
*PAK!*
Wh..what was.. that?
"Ang kapal ng mukha mo! Ang landi landi mo! Ano bang ginawa ko sayo ha?! Bakit ba
nilalandi mo yung boyfriend ko?! Ano ha?! You pathetic b*tch!"
Halos di ako makapagsalita sa nangyari. Nakatayo lang ako sa harap niya habang
hawak hawak yung pisngi ko. What the eff did happen? Ano na naman ba 'to? Ako na
naman ang may ginawang masama? Ako na naman ba?
Hindi ko namalayan na tumutulo na yung luha ko dahil halu-halo na yung nararamdaman
ko. Yung classmates namin ay nakita yung buong pangyayari. Anong gagawin ko?
"Hoy bakit mo sinampal yung bestfriend ko ha?! Ang kapal ng mukha mo! Pinapakain mo
ba siya?! Magulang ka ba niya para sampalin mo siya?! Ako nga ni hindi ko yan
mahampas tapos ikaw, bigla mo nalang sasampalin?! Ano ba talagang tama ng utak mo
ha?! Ano bang gusto mong mangyari?! At para sabihin ko sayo, hindi malandi si
Venice! Ikaw ang malandi! Sino bang umepal sa kanila nung una pa lang?! Sino bang
pumapel?! Sino bang sumingit?! Di ba ikaw?! Dahil sayo, nasaktan yung bestfriend
ko! Tapos ngayon, sasaktan mo ulit?! How dare you!--"
Nagulat nalang ako nung nagsabunutan sila sa harap ko. Bakit ganun? Bakit wala
akong magawa? Bakit wala akong kwenta? Bakit hindi ako makagalaw dito? Yung
bestfriend ko nakikipag-away para sa akin, pero ako nakatayo lang. Am I that
pathetic?
"Are you alright?!" nagulat ako nung may kamay na pumatong sa balikat ko, at nung
nilingon ko, lalo akong napahagulgol sa iyak. Gusto ko siyang sampalin ngayon pero
hindi ko magawa. Gusto kong sumabog ngayon dahil sa pinaggagawa niya.
"Tinatanong mo kung okay ako?! Sa tingin mo ba okay lang ako?! Pagkatapos akong
sampalin ng GIRLFRIEND mo?! Ano ba Ivan? Sa tingin mo okay yun? Sa tingin mo hindi
ako nasasaktan?! Tingin mo hindi ako naiiyak pag nakikita ko kayong magkasama?! Na
dapat ako yun?! Pagkatapos mo akong lokohin, sa tingin mo okay lang ako?! Ha!
Sabihin mo nga! Ano bang kasalanan ko sayo ha?! Bakit mo ko niloko?! Ha?!"
sinuntuk-suntok ko yung dibdib niya hanggang sa kaya ko. Wala na akong makita gawa
ng mga luha ko. Halos mawalan ako ng lakas kakasuntok sa kanya.
Pero nagulat ako nung bigla niya akong niyakap.
Parang lahat ng sakit, biglang nawala.
"Its not what you think. I'm sorry. That's not the story." pagkasabing-pagkasabi
niya nun, kumalas siya sa akin at saka inawat sina Ziela at Raya na umabot na sa
pagsasabunutan sa corridor at hindi na mapigilan ng classmates namin.
Talaga, Ivan? That's not the story? Then what? Ano ba talaga? Gulung-gulo na ako.
"Here." tinignan ko naman kung sino yung nag-aabot ng panyong puti sa akin. Si Roj
pala.
"I told you, I don't want to see a girl crying."
I don't know what's wrong with me... but I hugged him and cried at his shoulder.
Lesson 12
Sa mga nakalipas na araw, pinilit kong iwasan si Ivan at Raya. Tuwing nasa room
sila pag break, lalabas ako. Kapag naman nasa canteen sila, pupunta ako sa room o
kaya sa ibang place. Mahirap kasing magmove-on kapag lagi mong nakikita yung taong
dahilan ng sakit na nararamdaman mo. Mahirap itago yung nararamdaman mo kapag lagi
siyang malapit sa?yo. Mahirap maging sarili mo pag kaharap mo siya. So it?s better
to have a distance. From him. From them. From everyone.
Nagfocus na lang ako sa tutorial ni Roj. As of now, feeling ko pwede na. Konti
nalang talaga. Marunong na siyang mag-ayos ng sarili niya. Magaling na rin siyang
pumili ng mga bagay na style sa kanya. Nakakatawa nga lang minsan kapag may hindi
siya alam na gawin.
Flashback
Nakasuot siya ngayon ng polo and jeans, tapos nakataas yung buhok niya. Nakacontact
lens and all. Ang gwapo nga niya tignan eh. Inaayos niya kanina pa yung belt niya
at feeling ko hindi niya masuot. Iba kasi yung belt na yun kesa sa mga ordinary
belts.
?Hey please help me with this.? Lumapit naman ako sa kanya agad at natatawa-tawa pa
dahil hindi niya talaga makabit. Actually, mahirap nga siya ikabit, pero masasanay
ka rin kapag natutunan mo.
?There.? Then I smiled at him.
?Thanks. Okay na ba?? tapos nag-open arms siya. Ako naman tinignan ko lang siya
tapos inikutan ko siya.
?Yup. You look.. AWESOME.?
Sobra. Ang gwapo niya tignan. Feeling ko kapag pumasok siyang ganyan sa school eh
pagkakaguluhan siya ng mga babae. Akalain niyo yun? From a hated nerd to a lovely
prince charming? Kailangan niya lang talaga ng tulong para maging ganyan. And I?m
proud of myself dahil nagawa ko ?to. It?s like a lifetime achievement. Pagkatapos
niya eh may kinuha na naman siyang papel at may sinulat dun. Lagi naman siyang may
sinusulat eh. Oh well. Natutuwa nga rin ako dahil close na talaga kami. Parang siya
ang guy bestfriend ko. And I?m really comfortable with him. Alam niya lahat ng
problema ko kahit hindi ko sinasabi sa kanya.
---
?Bruha!!? nabura yung iniisip ko sa pagtawag sa akin ni Ziela sa malayo. Tumatakbo
siya papalapit sa akin ngayon.
?Bakit Zie?? humihingal pa rin siya hanggang ngayon. Para siyang nakakita ng multo
or something.
?Help me please? Please? Please?? halos mangiyak-ngiyak na siya na nagsasalita. Ano
bang nangyayari? Pinaupo ko muna siya sa tabi ko tapos pinainom ko siya ng tubig.
Maski ako eh kinakabahan sa sasabihin niya.
?Ano bang nangyari??
?Si.. si.. Ivan kasi eh.?
THERE. I heard his name. Parang may sumakit bigla sa dibdib ko.
?Ba..bakit?? I tried to focus on what she?s saying about Ivan.
?Nakakainis siya. Sinali niya ako dun sa pesteng contest! Anong gagawin ko Venice?
Ayokong sumali dun! Ayoko talaga!?
For a moment eh nag-hang yung utak ko sa sinabi niya. Naisip ko bigla, kelan pa
sila naging close? Bakit naman niya isasali si Ziela? Anong meron sa kanila? Meron
bang hindi sinasabi si Ziela sa akin tungkol kay Ivan? And what the eff is
happening?
?Bakit naman niya gagawin yun? A..ano bang meron sa inyo.. Zie?? halos naitanong ko
sa kanya yun ng wala sa sarili. Maski siya eh nagulat at napayuko. I?m right. Meron
siyang hindi sinasabi sa akin. And I know it?s about Ivan.
?Ven, ayoko kasing sabihin sayo kasi nga di ba ayokong makarinig ka ng kahit ano
tungkol sa kanya? Kaya tinago ko nalang. Pero nagsimula yun nung party. Remember?
Yung sinabi ko sayong kasama siya dun sa party na yun?? Hinayaan ko lang siyang
ituloy yung kwento niya.
?Inis na inis ako sa kanya nun kasi nga diba sinaktan ka niya? I mean, syempre
bestfriend kita kaya dapat lang na ipagtanggol kita sa kung sino mang hinayupak
yung nananakit sayo. Nilapitan niya ako nun at nagsimulang magtanong kung anong
nangyari sayo pero dahil sa galit ko.. na..nasampal ko siya.? Nagulat ako sa sinabi
niya. Pero ano pa nga bang dapat kong ikagulat eh matapang si Ziela.
?And napapansin mo ba na every Wednesday eh maaga ako umuuwi?? tumango naman ako.?
Kasi every Wednesday eh nasa bahay namin yung family ni Ivan. Hindi ko nga rin alam
kung bakit sila pumupunta dun eh. Then an idea struck to my head. Baka tungkol sa
amin yung pinag-uusapan nila. Then one day, bigla akong sinabihan ni Daddy tungkol
sa kung bakit andito lagi yung Vorch family. At tama nga yung kinatatakutan ko.
Ayokong maniwala. Pero mismong sa bibig ng magulang ko nanggaling eh.? Halos
mangiyak-ngiyak na siya sa sinasabi niya.
?Ven, we?re.. engaged.? Halos malaglag ako sa kinauupuan ko pagkatapos ko yung
marinig. Halos malaglag rin yung puso ko sa sinabi niya. Gusto ko na ring umiyak
ngayon pero hindi pwede. Ayoko. Sawang-sawa na akong umiyak. I promised to myself
that I will not cry because I?m hurt. I tried to hold my tears for a while. Sandali
nalang.
?Pero ayoko. Ayokong makasama yung taong nanakit sa bestfriend ko. Ayokong makasama
yung taong mahal ng bestfriend ko. Kaya kinausap ko siya. Nagulat ako nung sinabi
niyang gusto niya rin yung nangyayari kaya I slapped him. I slapped him hardly that
he should remember how stupid he is. Dinahilan ko sa kanya lahat ng pwede kong
idahilan pero wala pa rin. But he left me with a confusing phrase.. Sabi niya, ?
Okay. If you win that contest, I?ll stop this?.?
Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam ang dapat kong i-react. Anong dapat kong
sabihin? Halos nawala yung boses ko, pati yung lakas ko. I didn?t know na ganito na
pala kakumplikado ang lahat.
?Yeah. I?ll help you. Don?t worry. Now, if you?ll excuse me.? Naglakad ako palayo
sa kanya at paglabas na paglabas ko ng room, tumulo yung luha ko. And I don?t even
know why. Tumakbo ako sa cr at doon umiyak. I look like a stupid person. Bakit nga
ba ako umiiyak? Anong dahilan? Sinong iniiyakan ko? I?m such a loser. Dapat
tantanan ko na ang pagiging mahina. Ayoko na talaga. Sawang-sawa na ako. For thirty
minutes, andun lang ako sa loob ng cubicle. Wala na akong pakialam kung absent ako.
Ayoko munang isipin yun ngayon.
Tumingin muna ako sa salamin at siniguradong hindi halatang umiyak ako bago ako
lumabas ng cr. Pumunta ako sa room at hindi tumingin sa kahit sino, dumirediretso
lang ako sa teacher namin. Nag-excuse ako at nagpaalam kung pwede bang umuwi na ako
dahil masama ang pakiramdam ko. Fortunately, pumayag siya kaya naman kinuha ko na
yung bag ko sa upuan ko.
?Ven..?
Narinig kong tinawag ako ni Ziela ng pabulong pero hindi ko pinansin. Ayoko munang
makipag-interact sa kahit sino ngayon. I want to be alone for a while.
Pumunta muna ako ulit sa cr para magpalit ng damit. Hindi kasi ako makakapasok sa
mall kapag nakauniform ako. Buti nalang talaga may extra akong damit. And yeah,
gusto kong pumunta ng mall. Gusto kong sumaya kahit ngayon lang.
Lesson 13
Sinubukan kong wag umiyak habang naglalakad, pero mukhang ayaw making ng mga mata
ko. Pinunasan ko naman agad yung tumutulong luha, Sawang-sawa na ako sa ganito.
?Kelangan mo?? nagulat ako nung may humawak sa balikat ko aat nag-abot ng panyo
kaya napatingin ako sa kanya.
?Ba..bakit ka an..dito?? Kanina lang nasa classroom siya ah?
?Alam ko namang kailangan mo ng kasama eh.?
Pagkasabing-pagkasabi niya nun, napayakap agad ako sa kanya at umiyak. Wala na
akong pakialam kung pagtinginan kami ng mga tao sa mall. Gusto ko lang ilabas lahat
ng sama ng loob ko. Lahat-lahat. Lagi nalang bang ganito? Ako ang laging umiiyak?
Ako ang laging talo?
Naaramdaman ko yung kamay niya habang hinahagod yung buhok ko. For a second, I feel
secured. I felt safety in his arms. Pakiramdam ko hindi ako masasaktan pag siya ang
kasama ko. Sana ganito nalang parati.
Sana siya nalang.
?Ayos ka na?? tanong niya nung humiwalay ako sa kanya.
?A little? I forced a smile. Parang tanga lang, ngumiti pero nasasaktan. Andito
kami ngayon sa foodcourt. Tahimik lang ako, pati siya. Mukhang ayaw niyang masira
yung atmosphere kaya tumahimik nalang din siya. Pero pagkalipas ng limang minute,
naglabas siya ng papel.
?Ano yan??
?Hmm? Ahh wala lang.? sabay ayos niya sa makapal niyang salamin. Tumahimik nalang
ulit ako.
?Roj, nainlove ka na ba?? bigla ko nalang natanong out of nowhere na alam kong
ikinagulat niya.
?Hindi pa.? saglit lang siyang tumingin sa akin at binalik rin agad sa pagsusulat.
?Buti ka pa.? nagpakawala ako ng isang buntung-hininga. Buti pa siya, hindi pa niya
nararanasang masaaktan dahil sa pagmamahal.
Samantalang ako, eto, iniiyakan yung mga taong hindi naman talaga ako sinasadyang
saktan. Pinanood ko lang siya habang nagsusulat ng kung ano. Ngayon ko lang din
napansin, may itsura din pala siya kahit naka-nerd look siyaa. Siguro sa isang
tingin, hindi mo siya mapapansin, pero pag tinitigan mo, lilitaw yung pagkagwapo
niya. Napatigil naman ako nung mapansin kong nagliligpit na siya ng gamit niya aat
biglang tumayo.
?Come on.? Bigla niya akong hinila sa kamay kaya napatayo ako at napasunod sa
kanya. Hindi nalang ako nagsalita. Hindi ko feel magdaldal ngayon. Kailangan ko
lang ng piece of mind. Yung walang problema dahil kay Ivan, Raya at Ziela.
Maya-maya lang ay nasa Quantum na kami. Napansin ko rin na hindi niya pa rin
binibitawan yung kamay ko. Napangiti ako ng dahil dun. Pakiramdam ko may protective
akong kuya. Ngayon ko lang naisip, pano kaya kung may kuya ako? Ano kayang
mangayayri pag nalaman niyang iniiyakan ko ang isang walang kwentang lalaki?
Nagpataasaan kami ng score sa basketball, at syempre..
NAKATSAMBA ako. Haha natalo ko siya sa basketball! Ang galing ko diba?
?Hahaha! Talo ka Roj! Ang galing ko diba??
?Ikaw na magaling. Hahaha.?
Napahinto ako saglit nung makita ko yung mukha niya. Ngayon ko lang ata siya
nakitang tumawa?
?Bagay pala sayo yung masayang mukha? sabi ko sa kanya habang nakangiti.
?Sayo rin? dahil dun, napangiti ako lalo.
?Appear!? nakipag-appear ako sa kanya. Ang plain nga eh kaya inartehan ko. ?Roj,
ganito oh. Pop, lock, then you drop it.?
?Err wait. Pop.. then lock? And then? Drop??
Nakakatawa dahil pinagtitinginan kami ng mga tao. Para kaming sira na nagpapractice
ng handshake. Pero ang cool kaya. Ang cute ng handshake namin.
?Roj! Kanta tayo dali!? hinila ko siya dun sa may karaoke na live. Basta yung
kakanta sa harap ng maraming tao. Naghulog ako ng dalawang token doon.
?Te..teka. hindi ako.. kumakanta.? Sinimangutan ko naman siya agad.
?Ikaw lang ba? Ako rin kaya hindi marunong! Ayaw mo nun? Magkasama naman tayo sa
kahihiyan eh.? Hindi na siya nagsalita kaya hinatak ko na siya papunta sa mini-
stage.
Magsisimula na yung kanta kaya hinawakan na namin yung dalawang mic.
Even though it's been so long my love for you keeps going strong i remember the
things that we used to do a kiss in the rain till the sun shines through i tried to
deny it, but im still in love with you
Ako na yung nagsimula kahit feeling ko eh off-tune ako. Kasama ko naman si Roj eh.
Pero kung mag-isa siguro ako eh tinago ko na ang balat ko sa sobrang hiya. Nung
bandang chorus na eh sinabayan ako ni Roj.
i miss you like crazy, i miss you like crazy ever since you went away, every hour
of everyday i miss you like crazy, i miss you like crazy no matter what i say or do
there's just no getting over you
Hindi ko alam pero napatingin ako sa kanya habang kumakanta. Akala ko ba hindi siya
marunong kumanta? Eh bakit nahuhumaling ako sa boses niya? ANG GANDA. Tuwing chorus
lang ako sumasabay dahil sobrang ganda ng boses niya at baka masira ko yung kanta
kapag sinabayan ko siya all the way.
i can see the love shinning in your eyes and it comes in such a sweet surprise if
seeing is believing, it's worth the wait so hold on and tell me it's not too late
we're so good together we're starting forever now. and i miss you like crazy, i
miss you like crazy ever since you went away, every hour of everyday i miss you
like crazy, i miss you baby a love like ours will never end just touch me and we're
there again
Pagkatapos ng kanta, hinatak ko na siya palabas sa Quantum.
?Akala ko ba hindi kaa marunong kumanta? Ang ganda ng boses mo Roj. Seriously.?
Sabi ko na talagang humahanga sa boses niya.
?Sabi ko hindi ako kumakanta, not hindi ako marunong kumanta. Hahaha magkaiba yun.?
Sinabi niya ba yun? Bakit parang hindi yun ang rinig ko?
Nagpatuloy lang kaming maglakad habang kinukulit ko siya na kumanta ulit. Pero
pagharap ko sa nilalakaran namin, may nakita akong pamilyar.
?ATE??
Lesson 14
Nakita ko sa di kalayuan sila ate Steff. Kasama niya yung mga bestfriends niya
tapos may dalawang lalaki pang kasama. Bakit wala si kuya Darryl? Sayang aasarin ko
pa naman sana siya kay ate! Hahaha ang cute kasing asarin ng ate ko eh, masyadong
defensive pagdating kay kuya Darryl.
?Oh Ven, wala kayong klase?? tanong sa akin ng ate ko.
EFF! Nag-absent nga pala ako! Or more like..
?N..nagcutting po.? Nagulat ako nung bigla yung sinabi ni Roj sa kanila.
What the.. Bakit mo sinabi Roj? Eff, patay ako kay ate. Tapos patay rin ako kay
Daddy. OMG. Ang allowance ko, baka mawala. Noooooo!
?Whoa Roj! Nagcutting ka rin? Hala ka yari ka kay Daddy isusumbong kita!?
Eh?
Napakunot yung noo ko nung biglang nag-usap si ate Jess at Roj. Magkakilala sila?
?Eh ate wag mo na akong isumbong. Ngayon lang naman eh. Parang ikaw di ka rin
nagcucutting ah??
?Hmm, sige na nga! Hahaha! Kasama mo naman si Venice eh. Hahaha! Oh sige una na
kami. Babayu! Hoy lalake, ingatan mo yang kasama mo ha? Ven, una na kami.?
Halos hindi na ako nakapagpaalam sa sobrang gulat sa narinig ko. Bakit ba hindi ko
yun naisip?
Roelle James Morales?
Jessica Mishelle Morales?
Crap.
Bigla naman siyang tumingin sa akin.
?Ahh ano, sorry nakalimutan kong sabihin sayo. Ate ko nga pala si Jessica Morales
na bestfriend ng ate mo.?
?Yeah. Nagulat nga ako eh. Stupid. Di ko napansin na same surname kayo. Hahaha.?
Tinignan ko naman yung relo ko. 7PM na rin pala. Gusto ko nang umuwi, kaya
nagpaalam na rin ako kaay Roj na uuwi na ako. Sabi niya, hihintayin niya nalang daw
yung ate niya para sabay na silang umuwi. Kaya ako eh nauna na. Nagpasundo nalang
ako kay kuya Ronald para safe na rin. Mga 7:30 na rin ako nakarating sa bahay.
Pagkarating na pagkarating ko sa kwarto ko ay humilata agad ako. What a day! Hindi
ko alam kung kaya pang iabsorb ng utak ko lahat ng nangyari ngayon. Binuksan ko
yung phone ko na pinatay ko kanina nung nasa mall ako. At nagulat ako sa nakita ko.
43 messages and 65 missed calls lang naman.
?Bru, san ka pupunta? Alam kong di ka uuwi?
?Ven, please magreply ka naman oh?
?Sorry na. Uy.?
?bestfriend??
Halos lahat galing kay Zie. Ewan ko pero nalungkot ako bigla. Namimiss ko na agad
siya. Namimiss ko na kaagad yung bestfriend ko. Ngayon ko lang narealize na hindi
ko pala kayang tumagal ng isang araw na hindi siya nakakausap o nakikita.
Mali ba yung ginawa ko?
Mali ba yung inasal ko?
Eh kasi naman eh. Of all people, bakit siya pa? Bakit sila pa? Di ba may Raya na si
Ivan? Ngayon naman engaged siya. Ano ba talagang nangyayari?
Siguro nga mali ako. Bakit ko ba kasi tinatakasan yung mga problema? Bakit hindi ko
isipin kung paano ko sila masosolve? Err Venice, you?re such a stupid dog.
Pero may kaisa-isang message na nagpangiti sa akin. Galing kay Aldrin, classmate
ko.
?Liann, may project nga pala sa Values. Scrapook daw. Bukas ididiscuss.?
Sa lahat kasi, yun lang ang off-topic. Ang sarap basahin kahit tungkol pa yun sa
project.
?Ay aso!?
Bigla namang nagvibrate yung phone ko kaya napatalon ako sa gulat. Tinignan ko
naman kung sino yung nagtext.
From: Ate Audrey
Liann, don?t forget about the Mr. and Ms. Amarrison Academy ha?
Oh shoot! Malapit na nga pala yun! Masyado kasi akong occupied ng ibang bagay kaya
nakalimutan ko na ?to. Meron pa palang Mr. and Ms. Amarrison.
Oo nga pala, ako yung last year?s crowned Ms. Amarrison Academy. Kaya ako ang
magpapasa ng crown ngayon sa kung sino mang mananalo. Hmm, might as well prepare
for this. Para naman kahit papaano ay may mapagkaabalahan ako at hindi puro usapang
pag-ibig yung inaalala ko.
To: Ate Audrey
Sure ate A. :)
Sent.
Basta ngayon, ang gusto ko lang ay piece of mind. Kahit this night lang. Walang
kahit anong iniisip. Gusto kong magrelax. Tinapon ko yung phone ko sa isang tabi at
saka humiga at pumikit.
i miss you like crazy, i miss you like crazy ever since you went away, every hour
of everyday i miss you like crazy, i miss you like crazy no matter what i say or do
there's just no getting over you
WAAAAAHHHH!
Napatayo ako agad. Nagplay kasi bigla sa utak ko yung boses ni Roj. Di ko
mapigilang mapangiti. May nadiscover kasi ako sa kanya.
HE HAS A GOOD VOICE.
Well, siguro siya na ang pinakamysterious na taong nakilala ko. Wala kasi akong
alam sa kanyang kahit ano bukod sa nerd siya. Pero ngayon, unti-unti kong nalalaman
yung mga bagay-bagay tungkol sa kanya. Tulad kanina.
Ate niya pala si ate Jess?
Teka nga..
Parang..
Hala, may nakalimutan nga pala akong gawin!
Kinuha ko ulit yung phone ko na binato ko kanina sa kama. Then nagtype ako dun at
sinend sa kanya. SIguro naman tama lang yun.
To: Roj Morales
THANK YOU. :)
Pagkatapos nun, tuluyan na akong nakatulog.
Lesson 15
ZIELA?S POV
?Anak, hindi naman kasi ganun kadali yun.?
?Dad! Bakit naman kasi sa lahat ng lalaki dyan eh yun pang hinayupak na yun?!?
Halos magdabog na ako papasok sa kwarto ko pagkatapos kong sigawan si daddy.
Nakakainis naman kasi eh! Kinwento ko na nga sa kanila ni mommy yung situation
namin ni Venice eh.
?Eeeh! Nakaakainis talaga! Nakakainiiiiis! Mini, anong gagawin ko ngayon??
kinakausap ko ngayon yung malaki kong teddy bear sa kwarto ko, si Mini. Siya yung
gift sa akin ni Ven nung birthday ko last year. Niyakap ko lang siya at saka
nagpagulong-gulong sa kama.
WAAH ANO BANG GAGAWIN KO?!
Bago pa ako mabaliw kakaisip ng ano bang dapat kong gawin ay lumabas na ako ng
kwarto ko. Kinuha ko yung cap ko tsaka yung wallet and cellphone ko. Lalabas nalang
muna ako para magpahangin.
?Where are you going?? alam kong nakatingin sa akin si daddy habang palabas ako ng
bahay. Nakikita ko sa peripheral view ko na nakaupo siya sa may office table niya
at nagbabasa ng kung ano. Yeah right, meron siyang mini-office dito sa bahay. Ano
pa nga ba? Malamang naman kasi, siya ang principal ng school. So yeah.
?Anywhere.? Hindi ko siya tinignan at tuluy-tuloy lang ako sa paglabas ng bahay.
Sinuot ko yung cap ko at binulsa yung phone and wallet ko.
Sobrang hirap para sa akin na ganunin si daddy. Kasi naman, daddy?s girl kaya ako.
Spoiled ako sa kanya atsaka love na love ko yan. Kaso kasi nakakainis eh. Alam ko
rin namang kung kaya niya eh magbaback-out siya dun sa engagement party namin ni
Ivan. Kaso, mataas rin kasi ang position ng family ni Ivan sa industry. Kaya
mahirap ibalewala lahat ng napaghandaan na. Yeah right, naaawa ako sa dad ko. Pero
mas naaawa naman ako sa sarili ko. Ni hindi pa nga ako nagkakaroon ng boyfriend
tapos engaged agad? Like duh? Ano pang silbi ng social life ko kung ganun rin
naman? At isa pa, that f*cking guy has a f*cking girlfriend! Ano siya, two timer?
Wow dude, ang gwapo niya ha?
NAKAKAINIS TALAGA!
Mamatay na sana nagpauso ng fixed marriage na yan. Holy sh*t lang eh. Pauso ka
dude.
Di ko namalayan na nakarating na pala ako sa school. Malapit lang kasi yung school
sa bahay namin. And karamihan ng studyante ay may pasok pa rin ngayong sabado dahil
sa mga extracurricular activities. Nakita naman ako agad ni manong guard kaya
pinapasok niya agad ako.
?Hi Ms. Ziela!?
?Ang ganda niya talaga no??
?Oo nga eh. Balita ko wala pa daw siyang boyfriend?
?Talaga? Bakit kaya??
Naririnig ko na naman yung usapan ng ilang lalaki. Nginitian ko nalang sila.
Actually, marami naming nanliligaw sa akin. Pero wala pa akong sinasagot. Hindi ko
pa binibigay yung atensyon ko sa kahit sino sa kanila. Gusto ko kasi, yung sigurado
na ako. Yung tipong alam kong di ko pagsisishan kung may pipiliin man ako. So yeah,
that?s the reason kung bakit wala pa akong boyfriend. Choosy ako eh.
Umikot lang ako sa buong school. Tinitignan ko yung mga nagpapainting,
nagpapractice for the interschool, nagrereview. At dahil wala na akong magawa,
balak kong umuwi na. Kaso pagdaan ko sa garden, may narinig akong pamilyar na mga
boses.
?Why are you doing this to me?!?
?Kasi ayoko na! Sawa na ako sayo! Nakakasawa ka!?
?Please. W..wag mo kong iwan. Ano bang gusto mong gawin ko??
?Wala! Ang gusto ko, umalis ka na sa harapan ko! Hindi na kita mahal! Break na tayo
so get out of my sight!?
Nagulat naman ako nung bigla siyang lumuhod.
?Raya, ano bang kulang sa akin? Di ba binigay ko naman sayo lahat? Kahit yung pride
ko ibinaba ko na para sa?yo. Sinuway ko rin yung parents ko para hindi matuloy yung
engagement ko. Please naman oh? Wag mo kong iwan.?
?No Ivan, we?re done. I knew it. Hindi talaga tayo para sa isa?t isa. Sana pala
hindi na kita binigyan ng chance. Sinayang mo lang eh. Honestly, hindi ako natutuwa
sa naging relasyon natin.?
?Raya?? pinigilan niya sa pag-alis si Raya pero,
?Tsk! Ano ba! Let me go! Let me go!!!?
Nagpanic naman ako nung paunta na siya sa direksyon ko kaya nagtago agad ako sa
poste doon sa tabi.
?RAYA!!!! RAYA!!!?
Tuluy-tuloy lang sa paglalakad si Raya hanggang sa makalabas siya ng school. Ako
naman, nagtatago pa rin dito sa likod ng poste. Hindi ko alam pero parang nanigas
ako sa lahat ng narinig ko. Ayos ba yung pandinig ko? Totoo ba lahat ng narinig ko?
Nakarinig ako bigla ng hikbi. At alam kong galing yun sa KANYA. Kung ako rin naman
ang ginanun, siguradong iiyak rin ako. Ang sakit nun.
Ang sakit masabihan ng ?nakakasawa ka.?
Ang sakit malaman na hindi ka na niya mahal.
Ang sakit makita na unti-unti siyang lumalayo sa?yo.
Ang sakit isipin na hinding-hindi na siya lilingon para lang makita ka.
Ang sakit malaman na iniiyakan mo ang isang taong, hindi ka pala pinahalagahan.
SOBRA.
At that moment, nakaramdam ako ng awa. Parang gusto ko siyang lapitan pero para
saan? Hindi naman kami close at higit sa lahat, siya rin ang dahilan kung bakit
nahihirapan ako ngayon. Kung bakit naging cold and bestfriendship naming ni Venice.
?I know you?re there. Go. Laugh. I..I?m.. pathetic, right??
Halos lumabas yung puso ko nung narinig ko siyang nagsalita. Alam niyang andito
ako?! Pa..paanong nangyari yun?! Nakita niya ba ako?
Wala na akong nagawa kundi ang magpakita at tumayo sa harapan niya. Hanggang ngayon
kasi ay nakaluhod pa rin siya at umiiyak. Seriously, ngayon lang ako nakakita ng
lalaking umiiyak.
?Siguro nga.. karma ?to. Karma sa lahat ng kasalanang nagawa ko." Sabi niya habang
pinupunasan niya yung luha niya. Isa lang ang masasabi ko sa kanya ngayon.
NASASAKTAN SIYA NG SOBRA.
I can feel it. Yung feelings sa mga mata niya. Parang.. sobrang sakit. Na tipong
pag tinignan mo siya, maiiyak ka rin. Ang right now, pinipigilan ko lang yung
sarili ko na wag umiyak.
?Masama ba ako? Isa lang naman kasi yung hiniling ko sa buong buhay ko eh.. Y..yun
yung mahalin rin ako.. ng babaeng mamahalin ko. Pero look at what happened.. Ginago
lang pala ako.. F*ck this life!!?
At saka siya lalong umiyak. Hindi ko na alam yung gagawin ko sa kanya dahil maski
ako eh nagpapanic na sa nangyayari sa kanya. Nilapitan ko nalang siya at saka
hinawakan yung balikat niya.
Yeah right Ziela, what are you doing? Hindi naman kami close at bakit ko siya
kinocomfort?
?Hindi lang naman ikaw ang may problema sa mundo.? Sabi ko sa kanya. This time,
halos gusto ko na ring umiyak dahil naalala ko yung nangyari sa amin ni Ven
kahapon. Dahil sa kanya, nagkalabuan kami.
Hinayaan ko lang muna siyang umiyak dun. I know he needs it. Mahirap magtago ng
sama ng loob. Mahirap yun dalhin ng mag-isa.
?Alam mo bang dahil sa?yo, nasasaktan ng sobra si Venice?? hindi ko alam pero
nagsisimula na pala akong magkwento sa kanya.
?Alam mo bang minahal ka niya ng sobra? Yung tipong pag nakikita ka niyang kasama
yung Raya na yun, iniisip niya na sana siya yung kasama mo. Sobra siyang nasaktan
dahil sa?yo. At ngayon, nalaman niya rin..yung tungkol sa engagement. Kaaya alam
ko, na lalo siyang nasasaktan. Maski ako, nasasaktan para sa kanya. Ang sakit
isipin na ako ang isa sa dahilan kung bakit ganun siya kumilos ngayon. Kaya wag
mong seryosohin masyado yang problema mo sa babaeng yan, isipin mo nalang din yung
mga taong nasasaktan dahil sa?yo.?
Napatahimik ako after kong masabi yun. Nakaupo ako sa tabi niya habang hawak-hawak
ko yung balikat niya at tinatapik-tapik. Ngayon ko lang narealize na sobrang lakas
pala ni Venice. Kasi nakakaya niya pa rin yung problema niya. And I know, kakayanin
niya. Pero sana, kasama niya ako para matulungan ko siya.
Naiinis ako sa sarili ko ngayon dahil alam kong nasasaktan siya dahil sa akin. Isa
ako sa mga taong nagpapahirap sa kanya. Ano bang pwede kong gawin para matulungan
siya?
Halos sampung minuto kaming ganun lang. Tahimik parehas. Nagpapakiramdaman. Pero
nagulat naman ako nung bigla siyang tumayo.
?Can we have a talk??
Lesson 16
?Can we have a talk?? tinignan ko lang siya sa mata. Siguro nga dapat kaming mag-
usap. Para maging malinaw ang lahat.
Tumango ako sa kanya at tumayo na rin. Inoffer niya yung kamay niya pero hindi ko
tinanggap. Hindi ko rin alam kung bakit eh.
Naglakad-lakad kami palabas ng school. Inayos ko yung cap ko dahil nagugulo na yung
buhok ko.
?P..pwede bang pakisabi kay Liann, sorry? Sorry sa mga nagawa ko sa kanya? Sobra
kasi akong naguiguilty eh. Hindi ko naman sinasadyang saktan siya.?
?You know I can?t do that. I think dapat ikaw mismo ang magsorry sa kanya. Sorries
are more sincere if you say it in person.?
Narinig ko naman na nagbuntung-hininga siya. Mabagal lang kami na naglalakad. 9AM
palang kaya hindi pa masyadong mainit at masaya pang maglakad.
?Yung.. yung tungkol sa engagement.? Napatingin agad ako sa kanya. Tama. Dapat
talaga naming pag-usapan ?to. Ayokong magkaroon ng malaking problema dahil lang sa
engagement na ?to.
?I think we should cancel it. Sinubukan ko ng kausapin yung dad ko kanina pero
mukhang malabo daw eh. Ano sa tingin mo?? naalala ko tuloy yung pagsisigawan naming
kanina ni daddy.
?Yeah, I think so.?
Bigla naman akong may naalala na ikinainis ko dati.
?Eh anong ibig mong sabihin dati na gusto mo pa ring ituloy ?tong engagement kahit
may girlfriend ka that time? Tapos sabi mo pa eh titigilan mo lang ako pag napanalo
ko yung contest?? di ko na mapigilang magtanong dahil naguguluhan ako sa takbo ng
utak niya.
?Ahh that. Actually, that was just a joke. Nakita ko kasing sumisilip nun si Raya
kaya sinabi ko yun. I thought she would be jealous of she hears us?? he suddenly
sighed.
?Then?? gusto kong malaman yung nangyari.
?Yun pa yung ginamit niya na isa sa mga dahilan kung bakit siya nakipagbreak
kanina. Akala ko magseselos siya. Kasi kung magseselos siya, matutuwa ako. I would
be assure that she really loves me. Pero hindi eh.. hindi naman ata niya talaga ako
minahal from the very beginning.?
Bigla siyang tumingala at pumikit. I know, muntik na naman siyang umiyak. Walang
hiyang Raya yun! Sana hinayaan niya nalang si Ivan kay Venice. Eh di sana, walang
nasasaktan ngayon. Siya talaga ang may kasalanan ng lahat ng ?to eh.
I promise.
Gagantihan ko siya isang araw. I?ll bring her to hell where she really belongs.
Nakakairita siya.
?Oh.? Sinuot ko sa kanya yung cap ko.
?Hindi bagay sa isang lalaki ang umiiyak. Mahiya ka naman sa kasama mo.? Sinuot ko
sa kanya yun na tipong natatakpan yung mga mata niya. And I know, na pagkalagay na
pagkalagay ko nun eh umiyak na siya. Di ko nalang siya tinignan at tumingin nalang
ako sa nilalakaran namin.
Ilang minuto rin kaming tahimik lang na naglalakad. Yung mga hakbang lang namin ang
maririnig at yung malakas na hangin.
?Pwede bang samahan mo muna ako?? nagulat ako nung bigla siyang nagsalita.
?Where?? gusto ko rin munang gumala dahil ayoko pang umuwi sa amin. Nagtatampo pa
rin kasi ako kay daddy.
?A place where I can take this pain, here, out.? Tapos tinuro niya yung dibdib
niya. Sinundan ko nalang siya sa paglalakad at maya-maya lang, nakarating na kami
sa sinasabi niyang lugar.
Sa isang amusement park.
Really huh?
?Dito talaga?? sabi ko with matching taas pa ng kilay.
?Yeah. Samahan mo muna ako dito.?
?Okay.?
Umupo kami sa isang bench dun na nasisilungan ng malalaking puno. Tapos kinuha ko
na yung cap ko sa kanya kasi mahangin dito at nagugulo yung buhok ko. Actually
maraming tao ngayon dito sa park at halos lahat ay family or kung hindi man ay
barkada. Sobrang dami rin na bata sa paligid. Nakakatuwa nga silang tignan eh.
Bigla tuloy akong nalungkot, kaya napabuntung-hininga ako.
?Hmm? Bakit?? napatingin ako sa kanya nung bigla siyang nagtanong. Napansin niya
yung pagbuntung-hininga ko?
?Hmm wala lang. Naiinggit kasi ako.? Napayuko naman ako agad. Nakakalungkot talaga.
?Saan??
?Kasi.. gusto kong magkaroon ng kapatid. Sadly, wala.?
Gustung-gusto ko talagang magkaroon ng kapatid dati.. even now. Kasi dati,
naiinggit ako sa mga classmates kong may kapatid dahil may kalaro sila sa bahay
nila. And yeah, sa isang exclusive school ako nag-aaral dati. Meaning puro high
class ang mga kasama ko at classmates ko. At dahil busy lagi ang parents ko, wala
ako laging kasama sa bahay or kalaro. Lagi nalang yung mga katulong namin. Minsan
nga umiiyak na ako sa sobrang lungkot eh. Kasi feeling ko, ako lang mag-isa. Wala
akong kasama. Wala akong kapatid. Wala akong kaibigan.
Pero nagbago lahat yun nung nakilala ko si Venice nung grade four ako. Naaalala ko
pa nun, ako lang mag-isa sa room dahil break time nun. Bigla niya akong nilapitan
at inalok niya sa akin yung chuckie niya.
?Gusto mo? Sa?yo nalang. Kasi baka nauuhaw ka na eh.?
Kapag naaalala ko yun, di ko maiwasang mapangiti, kasi for the first time, may
pumansin sa akin. For the first time, may kumausap sa akin. Kaya nilakasan ko
talaga ang loob ko dati para lang mapalapit sa kanya. And there, naging
magbestfriends kami until now?
Or not anymore? :|
?Wala ka palang kapatid?? tanong niya, kaya umiling nalang ako.
Silence.
For almost twenty minutes ay tahimik lang kami. Nanonood sa mga batang nag-uunahan
sa playground. Mga batang ang sasaya ng tawa. Ang sarap sigurong maging bata no?
Yung wala kang ibang iniisip kundi ang paglalaro? Iiyak ka lang kapag nadapa ka o
kaya inagawan ng laruan? Haay, saying hindi ko masyadong naranasan ang buhay bata.
?O..oy!!? nagulat ako nung bigla niyang kinuha yung cap ko at sinuot niya sa ulo
niya.
?Pahiram muna. Ang init eh.?
Bugbugin ko kaya ?to? Eh ni hindi nga kami nasisinagan ng araw dahil nasa lilim
kami ng puno eh. Ano siya, may sariling araw?
Bigla siyang tumayo at lumakad papalayo sa akin.
?Hoy! San ka pupunta?!? sigaw ko sa kanya. Ano 'to, iiwan niya ako dito?!
?Sandali, dyan ka lang.? para namang nag-uutos yung tono ng boses niya. Hindi
nalang ako sumagot at hindi na rin ako tumayo dahil nakakatamad.
Pinanuod ko muna yung mga batang maglaro. Natatawa nga ako dun sa dalawang batang
lalaki dahil naghahamunan silang magsuntukan ng dahil lang sa bola. Pati na rin dun
sa dalawang batang babae na nag-aayaan na magbahay-bahayan tapos yung mas maliit na
bata yung nanay at yung mas malaki yung anak. Ang aadik ng mga batang ?to!
Maya-maya lang, natanaw ko siyang papalapit na ulit ditto at may dalang?
ICE CREAM?!
?Oh.? Then inabot niya sa akin yung isa.
?Para saan ?to?? nakataas pa yung kilay ko habang inaabot yung ice cream.
?Pantanggal ng sama ng loob.? Tapos bigla siyang ngumiti, pero halatang pilit.
?Eh di dapat ikaw ang kumain ng dalawang yan. Mukhang masama ang loob mo eh, at
saka masakit ata yung isa mong lamang-loob.? Sabay nguso ko sa dibdib niya.
?Adik.?
Hindi niya kinuha yung ice cream sa akin kaya kinain ko na rin dahil baka matunaw.
Ang sarap nga eh. First time kong makatikim ng dirty ice cream. Parang yung mga
nasa stalls rin pala sa mall. Gusto ko pa tuloy!
?Oo nga pala,? napatigil ako sa pagkain ng ice cream ko at tumingin sa kanya dahil
mukhang may sasabihin siya.
?What??
?Let?s continue the deal. Sa contest.?
Halos mabilaukan ako sa narinig ko. Tama ba yung narinig ko?! Deal?! Contest?!
OH CRAP.
Lesson 17
VENICE?S POV
Ngayon na ba talaga? As in ngayon na?
Sent.
Eff. Kinakabahan ako sa mangyayari. Andito ako ngayon sa corridor sa 3rd floor at
naghihintay na dumating siya. Grabe naman kasi yung taong yun! Ngayon niya pala
planong gawin yun, di man lang agad ininform sa akin!
Yeah. Papunta na ako.
Pagkabasa ko ng text niya, lalo akong kinabahan. Gulay naman oh! Hala ka, ako
talaga ang kinakabahan para sa kanya! Pano kung fail pala? Hindi naman sa hindi ako
nagtitiwala sa kaya niyang gawin pero.. eh hindi niya pa naman gamay yun eh! Naku
naman yang taong yan oh!
Naman Roj!
Iniintay ko siya ngayong dumating. Alam niyo kung bakit? Kasi ngayon daw siya
magpapakita bilang ibang tao. I mean, yung hindi nerd, yung hindi geek, yung hindi
baduy. Syempre nagpanic ako nun kasi di pa naman niya gamay yung pag-aayos right?
Pero sana maging maayos. Baka mamaya, may mang-away na naman sa kanya. Baka i-bully
na naman siya. At habang tumatagal ako sa corridor, mas lalo akong kinakabahan
dahil alam kong malapit na siya. Ano ba yan! 6:50 AM na at 10 minutes nalang
magsstart na yung klase, asan na ba siya?!
Nilabas ko yung phone ko at tatawagan ko n asana siya kaso may narinig akong ingay
mula sa baba kaya napatingin ako at?
?OMG! Sino siya??
?Transferee ba siya? Ang gwapo niya!?
?Baka may dinadalaw lang dito sa school??
?Grabe naman! Umaga palang may dinadalaw agad??
?So handsome!?
?Teka parang may kamuha siya eh. Pero ang gwapo niya talaga!?
May isang kumpol ng kababaihan na nagbubulungan, or should I said nagsisigawan
since rinig hanggang dito sa 3rd floor, tungkol dun sa guy na dumaan?
Nakacivilian siya. Simple shirt, jeans and rubber shoes pero ang appeal ng look
niya. Nakataas yung buhok then kita naman na nakacontact lens siya ng brown. He?s..
attractive.. or rathe, cute? No.. he?s really.. handsome.
Naglalakad siya sa gitna ng quadrangle at alam kong pinagtitinginan siya ng mga
estudyante. Sino ba naming hindi mapapatingin eh hindi siya nakauniform tapos ang
gwapo pa niya tignan. At alam ko na tuwing lalagpasan niya ang mga grupo ng
estudyante eh nagsisimula na slang magbulungan kung sino yung lalaking yun.
Lumiko na siya sa kanan which means umakyat na siya sa hagdan. Petrified pa rin ako
dito. Hindi ko akalain.. hindi ko ineexpect na magiging ganun yung outcome.. Mas
maganda pa sa ineexpect ko. Ewan ko pero napangiti ako. I?m proud of myself dahil
nakatulong ako sa kanya.
Yung mga katabi ko sa corridor ay nag-uusap rin tungkol sa kanya. I know, ginulat
niya yung mga nakakakilala sa kanya. He really wants this, huh? Pero tama lang
naman yun eh. Pinakita niya sa buong school na hindi na siya yung taong laging
binabalewala at dinadaan-daanan lang.
Mula sa malayo, ay nakikita ko na siyang papalapit sa room. Papalapit sa akin.
Bigla nalang lumakas yung tibok ng puso ko sa di ko malamang dahilan. Bakit kaya?
At hindi ko namalayan, nakahinto na pala siya sa harap ko?
?Roj?? napatingin ako sa mga mata niya. At naaamoy ko yung pabangong halos ipaligo
niya sa buong katawan niya.
?Ayos ba?? tapos ngumiti siya. Innocent smile.
And that smile makes my heart beats faster.
?OMG ROJ IKAW BA YAN?!?
?Oh shet! Ang gwapo mo!!?
?Grabe ka! Umeksena ka kanina sa baba ha! Pero ang gwapo mo talaga ngayon!?
?Wow, di ko akalain Roj. Dapat ganyan ka nalang lagi!?
Hinila siya ng mga classmate kong babae papasok sa loob kaya di na kami nakapag-
usap. Halos lahat sila, pinagkakaguluhan siya. Sabagay, a nerd transformed into a
prince? Sino ba namang hindi magugulat?
Ngayon, may nakakapansin na sa kanya.
Nagsimula ang klase na hindi ko siya nakausap. Marami kasing kumakausap sa kanya
mula pa kaninang pagkadating niya. Ayoko namang makisingit para lang makausap siya.
Nakakahiya. At isa pa, namimiss ko na si Ziela. Wala siya sa first class. Ano na
kayang nangyari dun? Oo, nagtatampo ako sa kanya, pero bestfriend ko pa rin naman
siya di ba? And I know wala naman talaga akong karapatan na magtampo o magalit eh.
Hindi naman talaga niya kasalanan eh. Ako lang ?tong maarte.
Pero ngayon ko lang napansin, bakit nga pala siya hindi nakauniform? Anong meron?
Anong nangyari kahapon? Bakit ba kasi umabsent ako kahapon? Ang arte ko kasi eh.
?Uhmm, Jenny anong meron kahapon? Tsaka bakit pala nakacasual si Roj?? kinalabit ko
si Jenny na nasa harapan ko para lang magtanong.
Lumingon naman agad siya. ?Ah, nagnominate kami ng mga sasali sa Mr. and Ms.
Amarrison.?
Eh?
Te..teka.. don?t tell me..
?Si Ziela yung nanominate para sa girls dahil siya yung sinuggest ni Ma?am last
week. Eh alam mo naman na walang hilig sa ganito yung mga boys di ba? Ayun,
pinagtripan nila si Roj kaya siya yung nanominate. Pero, di ko akalain na ganyan
pala yung itsura ni Roj. Ang gwapo na niya no? Actually dati ko pa siya crush eh.
Like ko na siya ngayon.?Waaah! Hala sorry, ang daldal ko talaga!? then tinakpan
niya yung mukha niya at humarap na ulit sa unahan.
Natawa naman ako sa sinabi niya. Wow. Hindi ko alam na may nagkakacrush pala kay
Roj nung nerdy look pa siya. Pero wait, ibig sabihin silang dalawa ni Zie yung
contestants namin?! Ibig sabihin magiging loner ako for two weeks?! Kasi lagi
silang excuse sa klase tapos magppractice sila para dun. Ganun din kasi yung ginawa
ko last year dahil kasama ako dun di ba?
Bigla akong nangalumbaba sa desk ko nung iniisip ko palang na wala akong makakasama
for the next two weeks! Naman eh!
Biglang nabaling yung tingin ko sa left side. At parang nabahala ako sa nakikita
ko.
Bakit hindi na magkatabi si Ivan at Raya?
Anong nangyari? Hindi kaya..? No, no, no Venice. Malay mo trip lang pala talaga
nilang lumipat ng upuan right? Tsk. Bakit ko ba kasi pinag-aaksayahan ng oras yung
dalawang yun? Nakakainis sila.
Lalo na yang Ivan na yan. Yeah right. Oo na. I promise, magmomove-on na talaga ako.
Ayoko ng laging ako yung umiiyak at natatalo. I?ll show him what can I do. I?ll
show him that he?s not really worth loving.
?Ma?aaaaam! Sorry po late ako!? nagulat ako at napatingin sa pintuan. At nakita ko
si Ziela na humihingal at nakayuko. Hindi rin siya nakauniform at nakablouse and
pants lang siya.
?Oh sige na. Roj, Ziela, pumunta na kayo sa baba para magpractice.? Sabi ni ma?am
sa kanila.
Nakatingin lang ako sa kanila habang papalabas na ng room. At biglang nagtama yung
mga mata namin ni Ziela. Pero tumingin agad ako sa baba. Gustung-gusto ko na siyang
yakapin at sabihing miss ko na siya pero hindi ko magawa. Nahihiya kasi ako sa
knaya. Sa inasal ko, sa ginawa ko. Nakakahiya ako.
?Okay class, let?s start.?
Nagsimula nang magdiscuss yung teacher namin pero hindi ko makuhang making dahil
andaming gumugulo sa isip ko. Andami kong inaalala.
Siguro nga, kailangan ko munang magpakabusy para wag ko munang maisip yung ibang
bagay. Tama.
Lesson 18
?Ate! Meron ka bang pangscapbook materials dyan?? sumigaw ako sa loob ng kwarto ko
dahil katabi ko lang naman yung kwato ni ate Steff.
?Wala eh!!? narinig ko yung sigaw niya sa kabilang kwarto.
Ang ganda ng communication namin no? Wall to wall. Spell tamad tumayo? V-E-N-I-C-E.
Pero dahil mukhang kailangan ko na talagang tumayo eh ginawa ko na rin. Pumasok ako
sa kwarto ni ate.
?Ate, samahan mo ako sa National Bookstore. Sige na! Please! Please? Please??
nagplease na ako dahil mahrap pakiusapan ang ate ko. Dapat laging mag kapalit. Tsk.
?Ay magpapasama nga rin sana ako sayo eh. May bibilhin rin ako.?
WHOA! OMG! Totoo ba ?to? Hindi niya ako tinanggihan? ANong nakain ng ate ko at
parang bumait siya ng kaunti?
?Ate anong nakain mo??
?Eh? Strawberry.?
Nagulat naman ako sa sinabi niya.
?Hala ka, kinain mo na naman yung strawberries sa ref? Lagot ka kay Daddy, gagawin
nga daw yung desserts eh.? Napakaadik talaga ng ate ko sa strawberries.
?Eh tatlo lang naman eh.? Tinaasan ko siya ng kilay.
?Ah.. apat pala.? Nakapamaywang na rin ako.
?Hindi.. lima ata?? tumingin siya sa taas at lumapit ako sa kanya.
?O sige na.. sige na pito yung kinain ko!? pumikit siya at yumuko habang ako eh
napahawak sa noo ko.
Pupunta pa naman dito mamaya yung mga tita at tito namin dahil may reunion sila
nila Daddy. Ang adik talaga ni Ate!
Pinagbihis ko na siya para madali na agad kami. Tinext ko na rin si daddy na bumili
ulit ng strawberries dahil kinain ni ate. Para bang ako yung panganay? Well, sabi
rin nila. Eh kasi naman, ewan ko rin kung bakit eh.
?Teka nga pala, pano tayo pupuntang National eh gamit ni Daddy yung car?? biglang
sabi ni Ate habang pumunta kami sa garahe. OO NGA NO?
?Eff. Eh pano yan? Taxi??
?Taxi ka dyan?! No way Ven! Mag-jeep nalang tayo! Tara!? hinila niya ako palabas ng
bahay at naglakad kami palabas ng subdivision then naghintay ng jeep. At in
fairness, ang init.
Nakasakay naman agad kami ng jeep.
Tapos may naalala ako bigla.
Yung araw na yun. Yung oras na magkasama kami. Sa jeep din yun eh. Nakakatawa
talaga yung nangyari nun. And at the same time eh nakakahiya talaga.
Teka nga, bakit ko ba yun inaalala?
?Hoy, bakit ka nakangiti dyan? Para kang baliw.? Sinamaan ko nga ng tingin ?tong
ate ko. Panira ng moment eh.
?Masama bang ngumiti? Alam mo ate, panira ka ng moment eh. Eto na yun oh.
Mumomoment na ako eh.? Nagulat naman ako nung binatukan niya ako bigla. ?Aray ko
naman! Makabatok wagas!?
?HAHAHA! Emoterang babae ka!?
At ayun, parang baliw lang kami sa loob ng jeep. Buti nga konti lang yung nakasakay
dahil tanghaling tapat eh. Kung hindi eh mapagkakamalan talaga kaming baliw dito.
Actually, muntik na nga naming makalimutan na magbayad eh. Nagmamarunong kasi ?tong
ate ko eh hindi rin pala marunong magbayad sa jeep. Buti pa ako, marunong na. >:)
Nakarating agad kami sa National. Naghiwalay muna kami dahil sa magkaibang sections
kami bibili. Ako eh dun sa scrapbook section, si ate naman sa mga books ata. Nasa
gitna ako ng pagpili kung anong magandang scrapbook materials nung may narinig
akong nag-uusap. Pamilyar yung mga boses nila eh.
?So do you like it??
?Err. Yeah. Thank you. Sige, una na ako.?
?Wait, gusto mo kain muna tayo? Treat ko.?
?Uhmm, hindi na siguro. Una na ako.?
?Oh, c?mon Roj! Lika na!?
?Uhh.. w..wait Raya!?
Halos mabitawan ko yung hawak ko nung makita kong magkasama si Roj at Raya. Tapos
naka-angkla pa yung kamay ni Raya sa arms ni Roj. Ano ba ?to?
Bakit parang may sumasakit somewhere?
Naiinis ako ngayon.
Nakakairita ?to.
Ang bigat lang sa pakiramdam.
Bakit ganito?
Nagtago ako sa isang sulok para hindi nila ako makita. Hindi ko rin alam kung bakit
ayaw kong magpakita eh. Basta naramdaman ko lang na hindi nila ako pwedeng makita.
?Selos ka??
Halos mapatalon ako nung may bumulong sa tenga ko. At syempre sino pa nga ba? Ang
abnormal kong kapatid.
?A..ano? Sinong nagseselos?? I tried to calm myself.
?Nye? Di ba si Roj yun? Sino yung kasama niya? Girlfriend niya??
HINDI NIYA GIRLFRIEND YUN!!
?Malay ko? Wala akong pakialam sa kanila.? Tapos nauna na ako sa counter at baka
gisahin na naman niya ako.
?Wow kapatid, ang taray lang ha. Pwede ng kontrabida!? tumingin ako sa kanya tapos
inirapan ko siya. Baliw talaga yun.
?Aba at may irap pa! Lumelevel up ka na!?
EH BAKIT BA KASI SILA MAGKASAMA?!
?Pero di nga? Di ba close kayo ni Roj? Bakit di ka niya pinansin?? at ayan, nasa
tabi ko na naman ang intrigera ng buhay ko.
?Di ako nagpakita. Nakakahiya naman sa kanila. Maistorbo ko pa sila.? Tama nga
naman. Ayokong makaistorbo sa paglalandian nila.
?Ayun yun eh. Confirmed. Selos nga yan. Congrats kapatid, lumalovelife ka na ulit.
Tsk.? Then nagbayad na siya nung binili nyang libro.
?Ano ka ba ate? Hindi ako nagseselos no. Naiinis lang.? napayuko ako. Ewan ko ba.
Nakakalungkot kasi eh.
?Sabi na nga ba eh. Teka nga, bakit ka naman naiinis? Eh di nagseselos ka rin!? ang
gulo ng utak ng kapatid ko!
?Bakit naman ako magseselos? Eh hindi ko naman siya mahal eh. Iba mahal ko no.
Naiinis lang ako kasi kaibigan ko siya tapos yung kasama niya eh mortal kong kaaway
at kaagaw. Nakakabwisit talaga eh. Tapos bakit parang friends pa sila??
?Oh panyo. Tutulo na eh. Di mo nga ba talaga mahal??
Nagulat ako nung inabutan niya ako ng panyo. Hindi ko napansin na tutulo na pala
yung luha ko. What the eff?
?Hindi no.?
Pagkasabi ko nun, parang may kakaiba akong naramdaman--- nevermind. Umalis na agad
kami sa National after makapagbayad sa counter. Pero dahil nagugutom daw siya ay
dumiretso muna kami sa KFC.
?Ugh. Ano bang masarap kainin bukod sa chocolate at strawberries, ha Venice?? bakit
ba sa lahat ng pwedeng kaadikan eh sa pagkain pa siya nahilig? Ngayon ko lang
napag-isip-isip. Buti hindi siya tumataba.
?Chicken---what the?!?tara na!?
?Huh? W?wai?.?
Bigla kong hinila si ate palayo sa KFC. Itinakbo ko siya hanggang dun sa kabilang
dulo ng mall. Eh kasi naman! Bakit sa dinami-dami ng kainan dito sa SM eh dun pa
sila sa KFC? Nakakainis!
?Whooo! Hiningal ako dun ha! Teka nga bakit ka ba tumakbo?!?
?Eh kasi.. a.. andun sila.. eh..? nahiya ako kay ate dahil nagugutom na nga siya,
eh hinila ko pa siya palayo dun. Tsk. Eh kasi naman eh! Bakit ba sila andun?!
Nakakabwisit ka Roj! Alam mo namang kaaway ko yang si Raya tapos makikita kong
magkasama kayo ngayon?! And worst, NAGTATAWANAN pa sila. Ano ba ?to?! Gag*han?
Nakakapraning eh. Nakakainis.
Wala na nga si Ziela. Tapos pati ikaw, mawawala rin sa akin?
Mag-isa na naman ako.
Wala na naman akong kasama.
Bakit ba lahat ng mga taong mahalaga sa akin eh unti-unting nawawala? :?(
Ano bang mali sa akin, ha?
?Tara na nga, mukhang may heart issues ka pa eh.? Inakbayan ako ni ate at saka kami
umuwi sa bahay.
Siguro nga may heart issues pa rin ako hanggang ngayon. Hindi pa rin kasi ako
nakakapagmove-on kay Ivan eh. Tapos hindi pa rin ako nakakapagsorry kay Ziela.
Tapos ngayon, inaagaw na naman ng Raya nay un yung kaibigan ko.
Sinong hindi maiiyak di ba?
Nagtext ako sa kanya dahil hindi ko na mapigilan.
Pati ba naman ikaw aagawin niya sa akin? Mawawala ka na rin ba? :?(
Sent.
Lesson 19
One week na ang nakakalipas. Busy masyado ang mga tao sa paligid ko. Well ako rin
naman busy rin.
Quiz bee dito, interschool doon. Super haggard na ako this week. Di ko kasi naisip
na interschool competition na pala. As in nito ko lang rin narealize kaya super
cramming ako sa pag-aaral. Buti nalang maaasahan yung mga groupmates ko kaya
nakasagot naman agad kami ng maayos. And to my surprise, kami pa yung first place.
Pakiramdam ko tuloy wala akong naitulong sa group.
?Congrats kids!? salubong sa amin nung teacher-in-charge sa amin sa interschool.
Ewan ko ba pero parang kulang. Dapat kasi kasama si Roj ngayon since siya yung top
2 namin. Dapat kasama siya sa team kaso dahil sa pageant eh excused siya. Sayang
lang talaga eh.
Oo nga pala, next day na yung pageant kaya super busy lahat dito sa school. Ako
naman, dahil rarampa lang naman ako at magpapasa ng crown at sceptre eh hindi na
ako nag-abala pang makisali sa pagpapractice nila. Ginawa ko nalang yung project
namin sa Values. Nakakainis nga dahil para siyang scrapbook at ilalagay mo lahat ng
insights mo tungkol sa sarili mo, sa mga taong nakapaligid sayo and such.
Nagsusulat ako ng draft ngayon dito sa room habang nagkakagulo silang lahat. Yung
chairs kasi naming, nakagilid lahat and then gumagawa sila ng banners and other
stuffs para sa Mr. and Ms. Amarrison. Dahil ayoko naman na makisiksik doon at
andami-dami na nila eh umupo nalang ako dito sa upuan ko at nag-iisip kung anong
ilalagay ko sa project ko.
?Ate, may nagpapabigay po sa?yo.? Napatingin ako dun sa babaeng sumulpot nalang
bigla sa gilid ko. Halos mapatalon ako sa upuan nung makita ko siya dahil hindi ko
alam kung kelan pa siya nakatayo dyan. Kulang nalang eh nagteleport siya mula sa
kung saan man siya galing. Napatingin naman ako sa hawak niya.
Isang maliit na piraso ng papel na may nakasulat na
SMILE :)
Pagkabasang-pagkabasa ko nun eh automatic na napangiti rin ako.
?Sino nga palang nagpabi--? nagulat ulit ako nung humarap ako sa gilid at nakita
kong wala na pala akong kausap.
OMG. So nagteteleport nga siya?! Bakit ang bilis nung mawala?! Tao ba yun?!
Kinilabutan talaga ako nung mga oras na yun.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa babaeng yun at sa kung sino mang nagbigay ng papel
na ?to. Pero naappreciate ko talaga dahil kailangan ko ng comfort ngayong mga
panahong ?to lalo na at parang ang layo-layo ng mga kaibigan ko sa akin.
Tinago ko yung papel sa wallet ko. Nilagay ko siya dun sa lalagyanan ng mga
pictures. Then bigla kong nakita yung mga pictures na nilagay ko sa wallet ko.
First picture ko with Ziela nung grade 4 kami.
Picture namin ni ate nung 7th birthday ko.
Picture ko with my other classmates and mostly is kaming dalawa ni Zie.
Then nakita ko yung picture ni Roj habang nagwawax ng buhok.
Bigla akong napangiti.
Naalala ko bigla yung mga araw na tinuturuan ko pa siya kung paano maging boy next
door. Maging heartthrob ng school. Yung mga panahong nerd pa siya.
Yung mga panahong lagi ko pa siyang kasama.
At ngayon, natupad na yung promise ko. I made him a famous student. And I?m a bit
happy for that.
Ang dahilan talaga kung bakit ko siya tinulungan ay para mawala ang attention ng
buong school kay Ivan since siya ang heartthrob ng school. I want fame out of his
control. I want his fame to fade away. And I?m pretty sure, it will fade later. Si
Roj na ang center of attention ngayon. Sa students, maging sa mga teachers.
Actually di ko talaga inaasahan na siya ang mapipili as representative for the
pageant. Ang buong akala ko ay si Ivan talaga. Pero mabuti na rin na siya yung
napili, at least hindi si Ivan. He?s now being neglected by the crowd. And I?m
happy because of that. I know I may sound bitter, but that?s really it. I want
revenge. I want to make him suffer more. Like what I experienced after he broke my
heart.
And that Raya? I?m planning on something to terminate that bastard girl. Nung una
eh nagtitimpi lang talaga ako sa kanya at pinalalampas ko lahat ng ginagawa niya sa
akin. Pero nung binangga niya si Zie at si Roj? That?s enough. Masyado na siyang
nagiging epal sa buhay ko.
Alam kong masama ?tong ginagawa ko, pero masisi niyo ba ako? I?m also the victim
here. I just want them to learn their lesson. And I?m also doing this for Ziela and
Roj?s sake. Pati kasi sila nadadamay na sa gulo naming tatlo. And I know it?s my
fault. Kasi naniwala ako kay Ivan. Kasi umasa ako.
And speaking of the devil,
?Uhm, Venice can I talk to you??
Alam ko darating at darating ang time na ?to. Yung confrontation. Kailangan kong
maging composed. Hindi ako iiyak. Hindi na ako ulit iiyak nang dahil sa kanya.
No more tears to fall.
?Sure.? Sinarado ko yung notebook ko kung saan ako nagsusulat ng draft para sa
scrapbook at nilagay ko sa loob ng bag ko. Tumayo ako at sinundan ko lang siya
palabas ng room.
Alam kong pinagtitinginan kami ng classmates namin at nagtataka kung bakit kami
magkasama. Alam naman kasi nila kung ano yung nangyari eh. Yeah right. It?s a big
deal. Not only for me, but for all of us.
Walang umiimik sa amin. Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami
dun as bakanteng room. Yeah this vacant room where I heard those hurtful words.
Kung saan siya sinagot ni Raya.
Nagfflashback yung nangyari nung araw na yun. Nakaramdam ako ng kirot somewhere sa
dibdib ko. Pero hindi ko pinansin yun.
?So anong pag-uusapan natin?? lumakad ako sa room habanag nakatingin sa mga upuan.
As much as possible, ayoko siyang tignan.
?All.? Nakita ko sa peripheral view ko na umupo siya sa isang upuan.
Nanhimik lang ako at nagpatuloy sa pag-ikot sa room. Ayokong mag-initiate ng usapan
na ?to.
?Siguro alam mo na yung tungkol sa break-up namin ni Raya.? I heard him sighed.
?Yeah. So what about it?? Narinig ko lang yun sa classmate naming at base na rin sa
observations ko nung hindi na sila magkatabi ng upuan.
Another sigh from him. Nararamdaman kong sobrang sakit ng pinagdadaanan niya
ngayon. Kasingsakit nung pinagdaanan ko dati.
?Siguro nga eto na yung karma ko. Dahil sa ginawa ko sa?yo.? I tried to be strong.
Nakatalikod ako sa kanya dahil ayokong makita niya yung mukha ko. Deep inside, alam
kong anytime eh may babagsak ng luha sa mga mata ko.
?And I apologize for that. I?m really sorry Venice. Hindi ko gustong saktan ka.
Sorry dahil naging selfish ako. Sorry kung nasaktan ka ng sobra. Sorry kung hindi
ko inisip yung mararamdaman mo nung mga oras na yun. Sorry kasi mali yung ginawa
ko. I?m really sorry. Sana tanggapin mo yung apology ko. I will do anything for you
to forgive me. I?m really sorry.? He?s crying while he?s saying that. Naririnig ko
yung boses niya na nagcacrack habang nagsasalita and it really hurts me. Oo, lahat
ng sinabi niya.
And yeah, I?m also crying right now. But he can?t see it since nakatalikod ako sa
kanya. Para lang akong tangang nagpipigil ng luha pero patuloy pa rin na umaagos sa
mga pisngi ko.
?Venice?? narinig ko yung tunog ng upuan na gumalaw. After nun, a long silence.
Hindi ko alam kung anong nangyayari kaya lumingon na ako. And I was shocked when I
saw him.
?Please forgive me. Alam kong ito yung dapat kong gawin. Ito yung una kong
kailangang gawin para maitama lahat ng maling nagawa ko sa?yo, sa ibang tao.?
Nakaluhod siya at nakabow sa akin. Lalo na akong naiyak nung ginawa niya yun. I
can?t hold my tears anymore. I can?t hold my emotions anymore.
?Yeah Ivan sobrang sakit ng ginawa mo. Alam mo yun? Ang sakit dito eh. Dito sa puso
ko. Akala ko ikaw na talaga eh. Pero nagkamali ako. Nagpakatanga ako kasi naniwala
ako sa lahat ng sinabi mo. Ang sakit sakit. Sobra. Alam mo bang narinig ko yung
usapan niyo ni Raya dito? Mismong sa room na ?to? Kung paano ka niya sinagot? Kung
paano mo ko pinaasa? Kung paano mo pinamukha sa akin na reserba lang ako? Alam mo
bang balak na rin kitang sagutin nung araw na yun? Alam mo ba lahat yun?! Hindi di
ba?! Kasi sarili mo lang yung iniisip mo! Paano naman ako Ivan?! Paano naman yung
nararamdaman ko?! Basta-basta mo nalang itatapon pagkatapos?! Ni wala man lang
explanation?! Ganun lang yun?! Alam mo bang gabi-bagi eh iniiyakan kita?! Dahil
mahal kita eh! Minahal kita pero anong ginawa mo dun sa pagmamahal ko? Sinayang mo
lang! Pinagpalit mo sa pagmamahal ng Raya na yun. Alam mo ba kung gaano ako
nahihirapan sa tuwing nakikita ko kayong magkasama?! Dapat ako yun eh. Dapat ako
yung masaya sa piling mo. Pero bakit ako pa yung nagdusa?! Bakit ako pa yung
nasaktan?! Wala naman akong ginawang mali di ba? Wala naman akong tinapakan na tao.
Ang ginawa ko lang naman ay magtiwala sayo at mahalin ka! Pero ano?! Wala! Basta mo
lang tinapon yun. Ang sakit Ivan. Hindi mo alam kung gaano ako nasaktan sa
nangyari. Hindi ako makapagmove-on. Hindi ko makaya yung mga nakikita ko. Ano ba
kasing mali sa akin ha?! Bakit ba lagi nalang akong nasasaktan pagdating sa
pagmamahal?! Hindi ba talaga ako sineseryoso ng mga lalaki? Ano bang ginawa ko sa
inyo para saktan niyo ako ng ganito ha! ANG SAKIT SAKIT! Alam mo bang ngayon ko
lang nalabas lahat ng kinikimkim ko?! For the past few months, Ivan! Sinasarili ko
lang ?to. Ang bigat-bigat na halos iiyak ko ?to gabi-gabi! Ang sakit sakit! Dahil
yun sa?yo! Dahil yun sa pagpapaasa mo! Dahil yun sa mga walang kwenta mong pangako!
Dahil yun sayo.. ang sakit sakit talaga?..?
Halos mapaupo na ako sa sahig sa sobrang iyak at sakit. Habang siya eh nakaluhod pa
rin at kasabay kong umiiyak. Umiiyak ako sa sobrang sakit. Lahat ng sakit andito pa
rin eh. Lahat ng pinagdaanan ko.
Hindi ko agad napansin na lumapit pala siya sa akin at niyakap ako. Wala na akong
lakas para pumiglas. Basta ang alam ko, patuloy pa rin akong umiiyak. Alam kong
bang-basa na yung polo niya dahil sa akin.
?I?m really sorry.. sa lahat Venice.. sorry.. ?
Siguro kalahating oras kami sa loob ng room na walang imikan. Hinihintay na tumigil
yung luha namin at mga paghikbi. At least ngayon, nailabas ko na yung gustung-gusto
kong ilabas dati. Hindi na masyadong masakit.
Hindi ko alam kung nagkakaintindihan ba kaming dalawa o ano pero sabay na rin
kaming lumabas ng room na yun after nung iyakan na yun. Alam kong parehong mugto
yung mata namin ngayon pero wala na akong pakialam. Gusto ko lang ngayon eh pumunta
sa kung saan.
Paakyat na kami ng hagdan paunta sa room namin, kaso biglang..
?Oh look who?s here.?
Bigla naming nakasalubong si Raya?
Kasama si Roj.
Lesson 20
Alam ko at naramdaman kong bumigat yung atmosphere sa pagitan naming apat.
Nagkatinginan kami ni Roj pero iniwas ko yung mata ko. Hindi ko rin alam kung bakit
ko ginawa yun. Basta.
?Wow, magkasama kayo?? nung nagsimulang magsalita si Raya, nagsimula na akong
mairita. Idagdag mo pa na sobrang badtrip ako ngayong araw kaya ang sarap mambara.
?Well obviously. Nakikita mo nga diba? Kailangan tinatanong pa?? then I raised an
eyebrow to her.
Minsan lang ako magtaray and I think this is the best time to do it. Gusto kong
manalo naman kahit minsan sa kanya.
Kahit dito lang.
Nakita kong nagtaas rin siya ng kilay at nagsimulang magpamaywang. It really made
me more irritated.
?Oh well, I don?t care. Dalawang losers, nagsama? How funny.? Tapos umirap siya.
Naku! Ang sarap niyang sipain sa mukha promise! Kung pwede ko lang hubarin yung
sapatos ko at ibato sa mukha niya eh. Kaso hindi pwede, baka maguidance ako.
Tinignan ko si Ivan at alam kong nasaktan siya sa sinabi ni Raya. Loser? Yeah
right, kasi siya yung nagmahal ng sobra. Parang ako. Minahal ba talaga ni Raya si
Ivan? Or just for publicity? Naiinis ako. Parang ginamit niya lang kasi si Ivan. At
alam kong masakit magamit.
?Wow ha? Loser? Look who?s talking? Di ba loser ang tawag sa mga taong naggagamit
ng ibang tao for their benefits??
?Oh yeah? Anong pakialam mo kung ginamit ko yang lalaking yan? Bakit? Mahilig ka na
ba ngayon sa leftovers? Yung mga tinatapon ko, pinupulot mo??
Pagkasabi niya nun, talagang kumulo na yung dugo ko. Umabot na ako sa boiling
point. Ang kapal ng mukha niya. Ni hindi man lang ba niya icoconsider na nasa
harapan niya ngayon si Ivan at kung makapagsalita siya eh parang wala?! Damn this
bitch!
?Oh, and oo nga pala Venice--?
?Don?t call me Venice! We?re not even close. Ano ba kita?? naririndi ako pag
tinatawag niya akong Venice. Hindi ko alam kung tanga lang ba talaga siya at di nya
maintindihan yun o sinasadya niya para maasar ako lalo.
?Then, let me call you.. a loser bitch. Pakialagaan nalang yang lalaki sa tabi mo
ha? Sorry nagsawa na kasi ako sa kanya eh.? Dahil sa sinabi niya, talagang nagdilim
na yung paningin ko.
Lumapit ako sa kanya and I slapped her really hard that my hand marks to her cheek.
Nakita ko yung expression niya na talagang napapikit sa sakit. Serves her right.
?Don?t speak ill to my friend! Para yan sa mga masasakit na salitang binitawan mo
kay Ivan! Tao ka ba talaga ha? Bakit ang asal hayop mo? Minahal mo ba talaga siya
ha? Asal hayop ka talaga!?
I slapped her again, this time, sa kabilang pisngi. Harder than the first.
?Yan! Para kay Ziela! Ang kapal rin ng mukha mo para sisihin siya sa break-up niyo?
Wala siyang ginagawang masama sayo pero dinadamay mo siya sa inyo? O gusto mo lang
talagang humanap ng dahilan para magbreak kayo?! Bobo ka ba para hindi mapansin na
pinagseselos ka lang ni Ivan? Wala ka bang utak? Bakit hindi mo ginagamit, ha?!?
?You bitch! --? naramdaman ko nalang bigla yung kamay niya sa buhok ko kaya
lumambitin na rin ako sa buhok niya. Wala na akong pakialam kung maguidance ako or
what, ang gusto ko lang eh makalbo ?tong impokrita na ?to. Lumabitin talaga ako,
literally, sa buhok niya. Hinahatak ko pababa at tinuhod ko rin yung sikmura niya.
Gusto niya ng pisikalan? Fine!
?You asshole! Get your hands off my hair!? she?s crying in pain as I pull her hair.
?Then get your hands off my hair too! You bastard!? tapos binitaw ko yung isa kong
kamay sa buhok niya at sinampal ulit siya.
Alam kong kanina pa kami inaawat ni Roj at Ivan pero hindi nila magawa dahil
talagang magkadikit na yung ulo namin sa pagsasabunutan.
?Venice, tama na. C?mon!? narinig kong sabi ni Ivan sa akin habang nakahawak siya
sa bewang ko at hinihila ako palayo kay Raya.
?Raya, stop!? ngayon ko lang narinig na magsalita si Roj. Hindi ko siya makita
dahil nga nakayuko na ako dahil sa pagsasabunutan namin ng bruhang ?to.
?You bitch! Walanghiya ka talaga!? sigaw ni Raya at naramdaman kong lalong humigpit
yung hawak niya sa buhok ko kaya mas hinigpitan ko rin yung hawak sa buhok niya at
saka ko hinila ng sobrang lakas to the point na mapasigaw na siya sa sobrang sakit.
Yung ulo ko rin masakit na pero ayaw kong sumigaw dahil ayaw kong ipakita sa kanila
na mahina ako.
?What?s happening here?!? naalarma ako sa sigaw na yun, at boses pa lang, alam kong
si Mrs. Catimbang yun. Yung prefect of Discipline namin.
?Both of you, go to my office! NOW!? nakatingin lang siya sa amin at talagang
nanlilisik ang mga mata.
?I said NOW! Or you want me to call your parents??
Nung sinabi niya yun ay napasunod agad ako sa kanya. Ayokong malaman ?to ni Daddy.
Ayaw kong madissapoint siya sa akin. Kaya kahit nakakahiya dahil sabog-sabog yung
buhok ko at puro kalmot yung katawan ko eh lumakad na ako.
?Mr. Vorch and Mr. Morales, pumunta rin kayo sa office ko mamaya after nila.
Clear?!?
Then naglakad na siya at ako naman eh nakasunod sa likod niya habang inaayos ko
yung buhok ko. Si Raya, sumusunod rin ata pero padabog. May naririnig kasi akong
hikbi sa likod ko eh. Wala naman sigurong umiiyak kundi siya di ba?
Ang daming estudyanteng nakatingin sa amin habang naglalakad kami sa corridor at
hanggang makapasok kami sa office ni Mrs. Catimbang.
?Maupo kayong dalawa.? Natatakot ako sa boses niya. Sobrang galit kasi.
Umupo ako dun sa may pinakadulong part ng sofa sa room niya habang si Raya eh sa
kabilang dulo.
?Ano bang pinaggagawa niyo sa corridor ha? Hindi niyo ba naisip na pinapahiya niyo
yung sarili niyo sa harap ng maraming tao? Kababae niyo pa naman tapos ganun kayo
kumilos??
Simulang sentence niya palang, gusto ko ng umiyak. This is actually my first time
in her office. Hindi naman kasi ako yung tipong naguguidance eh. Ngayon lang
talaga. Nakakahumiliate pala.
?Siya po yung nagsimula nun, ma?am!? bigla akong tinuro ni Raya habang umiiyak
siya. Ngayon ko lang rin nakita yung mukha niya after ng ?sagupaan? nay un. Sobrang
gulo ng buhok niya, pulang-pula yung mga pisngi, puro kalmot sa mukha pati sa braso
at may pasa sa bandang noo.
?Ako pa? Eh ikaw nga ?tong nag-initiate eh.? Sabi ko sa kanya.
?ENOUGH! Shut up, both of you!?
Napayuko agad ako dahil dun. Pinigilan kong wag umiyak sa harapan nila. Ayokong
umiyak na naman.
Tinanggal niya yung salamin niya at humarap ulit sa amin.
?I?m going to call your parents for this. Nakakadisappoint ang ginawa niyo.?
NO WAY, this can?t be happening.
Lesson 21
?Ma?am wag naman po oh. Ayaw ko pong madisappoint si Daddy sakin.? Halos paiyak
kong sabi sa kanya.
?You think hindi madidisappoint ang daddy mo kapag nalaman niya pa ?to sa iba? Ms.
Damian, gumawa ka ng bagay na alam mong makakasira sa image mo pero ginawa mo pa
rin. You should take the consequences.?
Pinipigilan kong wag maiyak. Ayokong umiyak sa harap ng ninuman. Ayokong makita na
naman nila yung kahinaan ko. Eff this.
Si Raya eh parang walang pakialam kung matawag man yung parents niya. Sabagay,
minsan ko na ring nakita na naguidance siya. Siguro nga hindi na big deal sa
kanya ?to.
Pero sa akin, OO. Napakabig-deal. First time. First time kong makapunta dito sa
guidance office. Naiiyak na talaga ako. Ayoko namang mapatawag si daddy ng dahil
lang dito. Nakakahiya.
Alam kong madidissappoint siya. At kapag naiisip ko yun, nakakaramdam ako ng guilt.
Sobrang mahal ko si daddy kahit hindi halata kaya ayaw kong nagkakaproblema siya ng
dahil sa akin.
?Ma?am please? Kahit ano po gagawin ko wag niyo lang pong ipatawag si daddy.? Halos
magmakaawa na talaga ako sa harapan niya. Wala na akong pakialam kung magmukha
akong tanga sa harap ni Raya at ni Mrs. Catimbang.
?Tss. Ang corny mo ha. Para kang sira dyan na nagpeplead para lang sa tatay mo.?
Sabay irap niya sa akin. At syempre, nairita ako sa sinabi niya. Bakit ba ang foul
ng mga lumalabas sa bibig niya? Ang sarap sabunin eh para luminis naman kahit
konti.
?Ako kasi, may pakialam ako sa parents ko. Ayokong madisappoint sila dahil as
reckless actions ko. Di tulad mo. Ang sama na nga ng pagmumukha mo, ang gaspang ng
pag-uugali mo, ang sama pa ng tabas ng dila mo. Now I?m wondering, tao ka ba
talaga? O hayop na feelingera?? pagkatapos ko yung sabihin eh humarap na ulit ako
kay Ma?am na halata namang namemerwisyo na sa bangayan namin ni Raya.
Alam ko ring kanina pa nanggigigil sa akin si Raya kaya pasalamat ako eh nasa
guidance kami. May safety pa rin ako.
?Okay, I?ll forgive you for this incident. Pero hindi ibig sabihin eh walang
punishment yung ginawa niyo. Detention for one week ang punishment. Tuwing uwian,
maiiwan kayo para tumulong sa preparations for the promenade. Is that clear??
?What?! Detention?! No way!? napatayo talaga si Raya nung sinabi ni ma?am yung
detention at umangal siya dahil dun.
?Want me to call your parents, Ms. Casimiro?? nakataas yung kilay ni Mrs. Catimbang
habang tinatap yung ballpen niya sa lamesa. Bakit kapag ginagawa niya yung gesture
na yun eh parang kinikilabutan ako? Para siyang magtatransform into some deadly
beast. Err.
Ako naman, tumango nalang ako. Baka bigla pang magbago yung isip niya.
?Uggggh!?
Yeah. The sound of defeat. Napangiti ako nung ginawa yun ni Raya. Akala niya ha.
Psh.
?Sige na. Umakyat na kayo at late na kayo sa class niyo.?
Pagkasabing-pagkasabi ni ma?am nun eh nagmartsa agad palabas si Raya. At take note,
padabog pa. Napakawalang modo talaga nung babaeng yun. Ang sarap isako at ihulog sa
ilog Pasig. Aish.
Ako naman eh dahan-dahan lang sa pahglalakad dahil ayokong maalog yung ulo ko.
Masakit pa rin talaga siya sa kakasabunot nung bruhildang Raya na yun! Feeling ko
eh kapag gumalaw ako ng gumalaw eh matatanggal lahat ng buhok ko eh. Parang nag-
loosen lahat ng strands. :(
Kasabay pa ng pag-inda ko dun sa sakit ng ulo ko eh yung iniisip ko kung anong
sasabihin ko kay daddy. Haaay bakit ko ba kasi yun ginawa eh. Lagot talaga ako.
T__T
Pano kung magalit sa akin si daddy?
Pano kung madisappoint siya ng sobra?
Pano kung ?
?OMG! Ouc--- sorry po! Sorry talaga!?
Pinulot ko yung mga papel na naglaglagan dahil may nabangga ako at nabitawan niya
yung mga gamit niya. Sa sobrang kakaisip ko kasi ng pwedeng mangyari eh hindi ko
nakita na may mabubunggo na pala ako. Naman Venice! Tanga-tanga >_<
?Okay lang.?
Halos mawalan ako ng oxygen sa katawan nung narinig ko yung boses nung nabangga ko.
No way.
Binilisan ko yung pagpulot sa mga nagkalat na papel sa corridor at inabot ko sa
kanya ng hindi nakatingin sa kanya.
?Oh.? Tapos nilagpasan ko na siya. Eff naman eh. Bakit sa lahat ng taong pwedeng
makabangga eh siya pa?!
?Galit ka ba?? naramdaman ko yung kamay niya sa mga braso ko. Ewan ko pero parang
nakuryente yung buong pagkatao ko nung ginawa niya yun. Anak ba siya ni Zeus para
magkaroon ng spark sa katawan?! Bakit ako nakukuryente?!
?Pwede ba Roj? Ano ba sa tingin mo??
Oo galit ako sa kanya.
No. Scratch that.
Nagtatampo ako sa kanya.
Kasi ako yung kaibigan niya eh. Ako yung close niya tapos kay Raya siya sumasama at
kumakampi. Sinong di masasaktan dun?! Hindi pa nga kami ayos ni Ziela eh. Tapos
pati siya mawawala rin sa akin. Nakakainis! Ano bang problema sa akin?! Lahat
nalang nawawala!
?Venice??
?Roj, alam mo tama na. Tapos na naman ako sayo eh. Nagamit na kita. Bumagsak na sa
spotlight si Ivan. Tapos na. Kaya pwede ba, layuan mo muna ako.? Bigla niyang
binitawan yung braso ko pagkatapos ko yung sabihin, at alam ko, nasaktan ko siya sa
mga sinabi ko.
Hindi ko rin naman gustong sabihin yun eh. Bigla nalang ring lumabas sa bibig ko.
Maski ako nagulat sa ginawa ko. Pero kasi?
Ayaw ko lang muna talaga siyang kausapin.
Ayoko munang makisama sa mga tao ngayon.
I need to find myself first.
Paalis na sana ako kaso may sinabi siya na halos magpatigil ng mundo ko.
?Welcome. Alam ko namang ginamit mo lang ako eh. Salamat na rin pala sa pagbago sa
akin. Nakinabang rin naman ako sayo eh. Sige.?
Nagulat talaga ako. Sobra.
Parang nalaglag yung puso ko nung sinabi niya yun. Sabayan mo pa na naglalakad na
siya palayo sa akin. Gusto ko siyang pigilan pero?
Hindi ko kaya.
Bakit ganito? Ako na naman ba ang may kasalanan? Bakit ang sakit nung mga sinabi
niya?
Gusto ko siyang habulin para magsorry pero parang dumikit yung mga paa ko sa lupa.
Gusto ko siyang sabihan na joke lang yun at namimiss ko na siya pero parang umurong
yung dila ko.
Gusto ko siyang sabihan na nagtatampo lang naman ako pero parang hindi ko kaya.
Roj, sorry na. Hindi ko naman intensyon na sabihin yun eh.
Kasalanan ko na naman. Katangahan ko na naman.
Lagi nalang :?(
Lahat nalang, nawala sa akin.
Wala na siya sa paningin ko. Pumasok na siya sa isang room sa first floor.
Tumalikod na rin ako at naglakad papunta sa room.
Pero kasabay ng unang hakbang ko, eh tuluy-tuloy na nagsipatakan ang mga luha ko.
Lesson 22
Pagkatapos na pagkatapos ng klase ay umuwi agad ako. Ayoko na dito sa school. Ayoko
nang makita yung mga tao dito. Ang dami ko lang naaalala.
Pagkauwi ko sa bahay, dumiretso agad ako sa kwarto at humiga. Hindi muna ako
nagbihis at nakatulala lang sa kisame. Ngayon lang nagsisink-in lahat ng nangyari
sa akin sa buong school year. Gusto kong umiyak pero parang naiyak ko na lahat
kanina. Wala na ba talaga akong matinong gagawin bukod sa pag-iyak?
Ano ba talagang nangyayari sa akin? Bakit ganito?
Ang bigat-bigat pa rin ng pakiramdam ko ngayon. Kahit ilang beses ata akong umiyak,
wala pa ring mangayayri. Masakit pa rin.
?Ven, pahiram nga ako ng ---?
Napatingin ako sa pintuan. Nakatayo dun si ate. Nakatingin lang sa akin. At alam
kong magtatanong na naman yan kung bakit ganito yung itsura ko. Mugto yung mata,
gulu-gulo yung buhok, wala sa sarili. Tumalikod nalang ako. Pero naramdaman kong
papalapit siya sa akin.
?Venice.? Naramdaman kong umupo siya sa kama ko at hinawakan yung balikat ko. Sa
gesture na yun, parang lahat ng pinipilan kong luha eh nagpupumilit na lumabas.
At di nga ako nagkamali, umiyak na naman ako.
?Ateeee!!? napatayo ako at napayakap sa kanya. Hindi ko na talaga kaya ?tong sakit.
?Ate! Ateeeee ko! *sob* :?(
?Ateeee!! *sob* bakit ganun? A..ang sakit.. sakit..BAKIT GANUN ATE? Ang sama sama
ko ba? Ha? Ate??
Niyakap ko siya ng sobrang higpit to the point na sobrang basa na ng damit niya
kakaiyak ko. SIguro ito na ang pinakamatindi kong iyak ngayong high school.
?Shhh. Sige andito lang si ate. Iiyak mo lang lahat. Di kita iiwan.?
Di kita iiwan.
Di kita iiwan.
Those words.
Pagkarinig na pagkarinig ko nun, mas umiyak ako. Sana nga wala ng mang-iwan sa
akin. Lahat kasi sila, iniwan na ako. Lahat sila, umalis na sa tabi ko. Sino nalang
ang magiging kakampi ko?
?Ate mag-isa nalang ako. Huh..lahat sila iniwan ako.. may mali ba sa akin? Pano
nalang ako, ate? Anong gagawin ko? *sob*? naramdaman ko yung kamay niya sa buhok at
likod ko. Pakiramdam ko ngayon ay may kakampi ako. May kasama ako.
?Sino nalang ang kakampi ko? Sino.. nalang yung sasama sa akin? Iniwan nila akong
lahat. Ang ..sakit palang mag-isa ate.?
?Venice alam mo, di ka naman talaga nag-iisa eh. Malay mo andyan pa rin sila. Malay
mo hinihintay ka lang talaga nila. Hindi naman basta-basta binabalewala ang
pagkakaibigan. Hindi yan basta-basta nasisira. At isa pa, andito kami. Andito
kaming pamilya mo. Pwede ka namang mag-open up sa amin eh. Pwede mo kaming iyakan.
Para naman kahit papano eh mabawasan yung sakit.?
Alam ko yun. Kaya nga sobrang thankful ako kay God at sila ang pamilya ko. Pero
hindi ko pa rin mapigilang isipin lahat-lahat. Lahat ng masasakit na nangyari sa
akin.
?Pero alam mo, mas mabuting iiyak mo na lahat. Iiyak mo na lahat ng sakit ngayon.
Ilabas mo lahat ng lungkot, galit at sakit. Minsan kasi, yun nalang talaga yung
paraan para mas gumaan yung pakiramdam natin eh. Iiyak molang lahat. I?ll be your
handkerchief for today.? Tsaka niya ulit ako niyakap.
Wala naman akong nagawa kundi umiyak. Bakit ba kung kelan ayaw mo ng umiyak, at
saka may magpupush sayong umiyak? Ang sakit sakit na ng mata ko. Nakayakap lang ako
sa kanya ngayon at binabasa yung damit niya sa dami ng luhang pumapatak.
?Can you tell me, how can one miss what she?s never had?
How could I reminisce when there is not past?
How could I have memories of being happy with you, boy?
Can someone tell me how can this be??
Nung kumanta si ate, naramdaman kong umiiyak na rin siya. Nagcacrack na kasi yung
boses niya. Sa kanta niya, ramdam na ramdam ko yung sadness. Nakakaiyak lalo.
?How could my mind pull up incidents
Recall dates and times that never happened?
How could we celebrate love that?s too late
And how could I really mean the words I?m about to say??
Niyakap ko siya ng mas mahigpit. Alam kong kailangan niya rin ?to ngayon. Di man
halata na may problema siya, alam ko. Nararmdaman ko. Siguro ayaw niya lang
makisabay sa pag-iyak ko. Alam kong may problema rin siya.
?I miss the times that we almost shared
I miss the love that was almost there
I miss the times that we used to kiss
At least in my dreams just let me take my time and reminisce?
Habang kinakantahan niya ako, sobrang nalulungkot rin ako para sa kanya. Gusto ko
rin siyang icomfort pero di ko kaya ngayon. Sarili ko nga, di ko magawang patahanin
eh. Yung iba pa kaya?
Ang alam ko lang, nakatulog ako sa pagkanta niya.
?I love you sis. Kaya natin ?to. I know you?re strong. So am I. Good night.? Yun
ang huling narinig ko sa kanya bago ako nakatulog.
***
Start the day right.
Walang dapat isipin. Magpapaka-GC nalang ako. Itutuon ko nalang kahat ng pansin sa
grades ko. Baka bumaba ako dahil sa stress.
Tutulong nga pala ako ngayon sa preparation ng JS namin dahil yun yung punishment.
Actually, 2 days nalang talaga at JS prom na. Pero bakit ganun? Di ko mafeel. Yung
classmates ko, kinikilig dahil daw inaaya sila ng mga crush nila na maging date for
that night.
Okay. E di sila na.
Sorry naman, mag-isa ako eh.
Actually dito lang sa school gaganapin yung JS. Meron kasi kaming hall for events
like JS kaya ayun. Pumunta ako sa Event hall at tinanong ko sa mga coordinator kung
anong matutulong ko.
Actually, naeexcite rin ako sa pagdedesign. Kasi nga, passion ko yun. Mahilig akong
magdesign. Pinaayos sa akin yung mga balloons and yung kurtina. Ang cute nga ng mga
kulay eh. Nagbeblend talaga.
Habang nag-aayos ako eh nakikinig lang ako sa usapan nung mga coordinator. Super
kinacareer talaga nila ang pag-aayos kaya natutuwa ako. Kaso napatingin kaming
lahat nung may pumasok sa pintuan.
?Ms. Gabriel, tawag po kayo ni Ma?am Ferrer.? Sabi nung babaeng pumasok.
?Ahhh okay, sige pupunta na ako.? Sabi naman ni Ms. Gabriel, yung head ng
coordinators for the JS Promenade.
Kaso hindi ako nakatingin sa kanya kundi dun sa nagsalita. Parang bumigat na naman
yung puso ko. At mas nagulat ako nung napatingin siya sa akin.
?Ven..?
Namiss ko yung boses niya habang tinatawag yung pangalan ko. Miss na miss ko na
siya. Gusto ko siyang yakapin pero di ko magawa.
In the end, nginitian ko lang siya at bumalik na sa pag-aayos.
Zie, miss na miss na kita :??(
Lesson 23
?Venice, pwede ba tayong mag-usap??
Sasagot na sana ako ng ?Busy ako eh, next time nalang?, kaso bigla akong uinunahan
ng bruhang ?to.
?Wala kang magagawa, ako batas. Kaya mag-usap tayo.?
Di ko alam kung matatawa ako o matatawa ng mas malala sa sinabi niya eh. Kaya wala
nga akong nagawa kundi sumunod sa kanya. Nagpaalam nalang ako dun sa coordinators.
Naglalakad lang kami sa corridor. Siya yung nauuna kaya sumusunod lang ako. Maya-
maya eh nasa garden na kami. Umupo siya sa damuhan habang ako eh nakatayo pa rin.
?Sorry.?
Pagkasabi niya nun, bigla siyang umiyak.
?Sorry kung ang dami kong tinago sayo. Sorry kasi hindi ko agad sinabi sayo. Sorry
dahil nasaktan ka na naman ng dahil sakin. Sorry..b..estfriend. Hindi ko naman
sinasadya eh. Gusto ko lang namang mabawasan yung problema mo kaya di ko sinabi.
Pero, I?m all wrong. Sorry kung nadagdagan pa lalo dahil sa kagagawan ko.?
Di ko napansin na umiiyak na rin pala ako. Bakit ba ang babaw ng luha ko? Simpleng
ganito lang eh umiiyak na agad ako.
?Ano ka ba, matagal ko nang natanggap yang sorry mo. Gusto ko lang naman na
kausapin mo ako eh. Sorry rin kung masyadong mataas yung pride ko. Sorry.? Napayuko
nalang ako. Ngayon ko lang narealize na sobrang taas ng pride ko pagdating sa mga
ganitong bagay. Nakakahiya.
Maya-maya eh naramdaman kong may yumakap sa akin ng mahigpit. Yung yakap ng isang
totoong kaibigan. Grabe, namiss ko ?to. Sobra.
?Bruha ka talaga, Zie. Pinaiyak mo ko!?
?Ikaw rin naman ah! Impakta ka ang sama mo, pinaiyak mo ako ng ganito.?
Ewan ko kung baliw lang talaga kami or what na tumatawa habang umiiyak. Siguro
tears of joy. Pero sobrang saya ko talaga ngayon. Sobra-sobra.
Kasi bumalik na sa akin yung bestfriend ko.
Bati na kami ni Ziela.
Tumambay muna kami dun sa garden for ten minutes para hindi mahalata yung mugto
naming mga mata. Ngayon ko lang rin nalaman na magkasunod pala yung Pageant tsaka
yung JS. Grabe lang, di ba sila naaawa sa mga estudyante?!
At bukas na yung pageant.
?Waaa Ven bukas na talaga yun eh! Kinakabahan ako! Bwisit naman kasing Ivan yun ang
sarap ibaon sa baul habangbuhay eh!--- uh.. so..sorry.? natawa nalang ako sa kanya.
Hindi ko rin alam kung bakit ako natawa samantalang binanggit niya si Ivan. Dapat
malungkot ako pag binabanggit siya eh.
?Ano ka ba, okay na kami. Nakapag-usap na kami. And isa pa, konti nalang talaga
Zie. Konti nalang, mawawala na yung feelings ko para sa kanya.?
Ewan ko ba. Nafifeel ko kasi na unti-unti ng nawawala eh. Pero syempre meron pa
ring something. Hindi na ako masyadong affected pag naririnig ko yung pangalan niya
at nakikita siya. And I think maganda yun para sa akin.
Nag-usap lang kami ng kung anu-ano. Nakakamiss nga eh. Grabe lang. Ilang weeks din
kaming hindi nagpansinan. Sobrang saya talaga pag kadaldalan mo yung bestfriend mo.
Kwento lang siya ng kwento sa pagpapractice niya para sa pageant. Kesyo muntik na
daw siyang ma-out of balance dahil sa killer heels niya. Kesyo ang bigat-bigat daw
ng gown niya na parang mas mabigat pa sa kanya. Ang adik adik talaga!
?Tapos alam mo ba, ang gwapo gwapo na ni Roj! Ang dami-daming babae dun sa practice
area pag siya na yung rumarampa---?
Napayuko ako bigla. Bigla ring bumigat yung pakiramdam ko. Si Roj. Parang ang layo
na namin sa isa?t isa. Sobrang layo.
?Bakit Ven? May problem aba kayo ni Roj?? narinig kong sabi ni Zie.
Tumango nalang ako. Ayokong tumingin kay Zie. Baka maiyak lang ako.
?P..para kasing.. hindi na namin kilala yung isa?t isa. At saka..?
Roj, alam mo tama na. Tapos na naman ako sayo eh. Nagamit na kita. Bumagsak na sa
spotlight si Ivan. Tapos na. Kaya pwede ba, layuan mo muna ako.
Welcome. Alam ko namang ginamit mo lang ako eh. Salamat na rin pala sa pagbago sa
akin. Nakinabang rin naman ako sayo eh. Sige.
Lumunok ako para mapigilan ko yung lalabas na luha sa mata ko. Eff. Naalala ko na
naman yung conversation nay un. Kapag naaalala ko yun, parang lumulubog yung puso
ko.
Oo, kasalanan ko.
Lagi naman eh.
?At saka??
Napaangat yung ulo ko dahil nagulat ako kay Zie na biglang nagsalita. At napatakip
siya sa bibig niya nung nakita niyang umiiyak na naman ako. Hindi ko kayang pigilan
eh. Ang sakit kasi nung mga sinabi ko. Ang tanga-tanga ko kasi.
?Zie.. kasalanan *huk* ko kasi eh. Ako na naman.. L..lagi nalang akong..
nakakasakit *huk* kasalanan ko..?
Bigla siyang lumapit sa akin at niyakap ako. Dahil dun, lalo akong napaiyak. Bakit
ganun? Kapag kinocomfort ka, mas lalo kang naiiyak? Kainis naman eh!
?Alam mo feeling ko, hindi naman galit si Roj eh. Hindi nun magagawang magalit
sayo.? Napailing nalang ako bigla.
?Hindi Zie. Galit na siya sa akin. Kasi kung anu-anong sinabi ko sa kanya..
ga..galit siya.?
?Hmm. Let?s see.?
Hindi ko alam kung para saan yung last na sinabi ni Zie pero di ko nalang sinagot.
Pinigilan ko muna yung luha ko. Nakakainis kasi eh. Wala na akong ginawa kundi
umiyak. Leche lang.
Siguro mga ten minutes ulit kaming tumambay at saka kami bumalik sa Event Hall.
Nagpaalam na siya sa akin dahil practice na daw nila para sa pageant at ako naman
eh gagawin ko na yung punishment ko.
Sana nga, hindi siya galit, Zie.
Lesson 24
Busy ang mga tao.
Halos lahat tumatakbo.
Halos lahat kumikilos ng mabilis.
Pageant na kasi ngayon.
Andito lang ako sa labas ng room, nakasilip sa quadrangle kung saan gaganapin yung
pageant. Nakaset-up na yung stage, mga upuan at lahat lahat. Umaga pa lang pero
hindi na magkandaugaga ang mga tao sa school. Yung mga classmate ko, inaayos yung
banner para kay Ziela at Roj.
*BZZT*
Napatalon naman ako nung nagvibrate yung phone ko. Akala ko text lang, pero may
tumatawag pala kaya sunud-sunod yung vibration.
?Hello??
?Ven!! Waaah kinakabahan ako!?
Si Ziela pala. Wala pa ngayon yung mga contestants sa school dahil busy silang
ayusan at lagyan ng style para sa pageant.
?Ano ka ba, kaya mo yan! Self-confidence lang impakta.?
?Heh! Palibhasa kasi ikaw nanalo ka na last year kaya parang wala lang sayo.?
Naalala ko tuloy last year. Sobrang kabado rin ako nun before the pageant. Hindi ko
alam kung anong gagawin ko. Oo alam ko nagmomodel ako pero iba naman ?to. Pero may
sinabi sa akin si ate na sobrang nakatulong para manalo ako.
?Ven, stay focus. Wag mong hayaan na mapahiya at tawanan ka ng mga tao. Ipakita mo
sa kanila na magaling ka. Besides, may advantage ka sa kanila. You know modelling.
Oh and lastly, ENJOY. Isipin mo nalang, hindi ito competition kundi entertainment
lang.?
Dahil dun, nagawa kong manalo. Yung nanalo sa boys ay actually fourth year na
ngayon. Si kuya Gab.
?Huy bruha! Andyan ka pa ba?? naalala ko na nakikipag-usap pa nga pala ako kay ZIe.
?Ah, sorry. Ano nga ulit yun?? di ko na kasi narinig yung iba nyang sinabi dahil
inalala ko yung sinabi ni ate dati.
?Hay naku di pala nakikinig. Tsk. Sabi ko punta ka dito. Ikaw mag-ayos sa akin. I
trust your taste. Sige, bye!?
*toot toot*
Binabaan ako? Impakta talaga yung babaeng yun!
At dahil nga boring dito sa school at mukhang wala naman na akong maitutulong sa
classmates ko, eh kinuha ko yung bag ko sa room at bumaba na.
Nung nasa gate na ako, bigla akong hinarang nung guard.
?Bawal na pong lumabas.?
Medyo nagpanic ako nun dahil akala ko eh pwedeng maglabas-pasok sa school pag may
ganitong contest. Pero dahil pilya ako, eh nakaisip agad ako ng paraan.
?Pinayagan ako ni Mr. Wilson lumabas dahil pinapapunta niya ako sa bahay nila.?
Tinaasan lang ako ng kilay ni manong guard at feeling ko eh hindi siya naniniwala
kaya tinawagan ko si Zie at niloudspeaker pa.
?Oh ano na Ven? Asan ka na??
Tinignan ko ng nakakaloko si manong guard. ?Eh ayaw akong palabasin ni manong guard
eh.?
?MANONG!!? nagulat ako nung sumigaw si Zie sa phone. Buti nalang talaga at hindi
nakadikit sa tenga ko kundi eh baka dumugo na yun ngayon.
Nakita kong natakot yung mukha ni manong kaya agad-agad niyang binuksan yung gate.
Pinigilan ko nalang yung tawa ko dahil baka magdalawang-isip pa siyang palabasin
ako.
?That was cool, Zie.?
?Well.?
This time, ako naman ang nagbaba ng phone. HAHAHA gumanti lang ako sa ginawa niya
kanina. Nung makalayo na ako sa school eh sumakay ako agad ng tricycle since
malapit lang naman yung bahay nila Zie sa school.
At alam ko naman kung paano magbayad sa tricycle.
Nung nasa loob ako ng tricycle, nagflaskback ulit kung papano kami naging
magkaibigan ni Ziela. Yung dahil sa binigyan ko siya ng Chackie. Nakakatawa lang.
Dahil sa simpleng chackie eh nahanap ko yung bestfriend ko. Tapos biglang nagflash
sa utak ko na may binigyan din ako dati nung first year ako. Binigyan ko siya ng---
err nevermind. Nakalimutan ko na. Basta ang hilig kong mamigay ng pagkain kapag may
nakikita akong batang nalulungkot. Kasi sabi sa amin dati ni Daddy, ang pagkain daw
ay nakakapagpasaya ng isang tao. Kaya kung gusto mong mapasaya ang isang tao,
bigyan mo ng pagkain.
Oh well, naalala ko lang bigla.
Wala pa sigurong five minutes eh nandito na ako sa tapat ng bahay nila. Since
kilala naman nila ako at lagi akong nandito during our elementary days at hanggang
ngayon eh pinapasok na nila ako. Feel at home nga ako eh. Pakapalan na ng mukha.
?Zie!!!? tumakbo agad ako dun sa sala nila kung saan siya inaayusan. Ang dami ngang
nakapalibot sa kanya eh. Meron para sa buhok, sa mukha, sa kuko sa kamay, sa paa.
?Wa..wait wait..wait lang!? then tumayo siya at hinanap ako. ?Ven! WHOA, akala ko
hindi ka dadating bruha ka!? hinila niya ako kung saan siya inaayusan at pinatayo
niya ako malapit sa kanya.
So. Anong gagawin ko dito? Binigyan ko siya ng ano-bang-gagawin-ko-dito-look tapos
tumawa lang siya. Eh kung sikmuraan ko kaya ?tong impaktang ?to? -__-
?Observe mo ginagawa nila. Dapat bagay sa akin ha! Kundi, ikaw may kasalanan pag
pangit ako mamaya sa pageant.?
Yun lang pala. ?Oo na, oo n---?
?Kahit ano naming gawin nila sayo, hindi ka pa rin papangit eh.?
Napatingin ako sa nagsalita at hindi ko alam kung matatawa ako o hindi kasi biglang
namula yung pisngi ni Zie.
?O..eh.. ba..bakit ka nandito?!?
?Checking my.. fianc?e, I guess.?
At ayun, naghabulan sila sa buong sala. Maganda yan. May contest pa talaga mamaya
eh. Oh well, si Ivan nga pala yung dumating. Akala ko nga masasaktan na naman ako
eh. Pero wala. Siguro nakatulong na rin sa pagmomove-on ko yung confrontation namin
dalawa. At actually, medyo kinikilig ako sa kanila ngayon. Nakakatuwa kasing makita
yung namumulang mukha ni Ziela eh. Hahaha!
Naalala ko bigla, sabi ni Ziela dati, pag daw nanalo si Ziela sa contest, hindi na
sila engaged. Effective pa kaya yun? Oh well, hindi ko nalang tatanungin.
Nung mabatukan na ni Ziela si Ivan eh saka siya bumalik sa pwesto niya para ayusan.
Kami naman ni Ivan eh umupo doon sa couch na malapit kay Zie.
?So, kamusta ka naman?? nagulat ako nung bigla akong kinausap ni Ivan.
?Hmm, okay lang. I guess.? At least ngayon, nakakapag-usap na kami. Hindi tulad
dati na makita ko lang siya eh umiiyak na ako.
?Well I guess, not.? Napatingin ako agad sa kanya dahil sa sinabi niya. At wala
akong nagawa kundi ngumiti ng malungkot. Sabi ko nga marunong siyang manghula.
Saglit lang din ay tapos ng ayusan si Ziela at kulang nalang ay yung damit niya.
Ako yung hinayaan niyang pumili para sa kanya since may trust daw siya sa fasion
sense ko. Simple lang yung pinili ko para magmatch sa simplicity niya. Black gown
yung napili ko para angat yung beauty niya. Tapos strong make-up para match sa gown
niya. And wow, ang fierce lang ng dating niya. At dahil andito na raw din lang
naman ako eh magsuot na rin ako ng gown. Ako naman eh nagback-out dahil nakakahiya.
Papasok ako sa school ng naka-gown at hindi naman ako contestant?! Eff.
Tsaka niya pinaalala,
?Ven, ikaw kaya ang magpapass ng crown!?
Halos nanlaki yung mata ko nun. ?OH MY GOD. I forgot.? Nakalimutan ko na kailangan
ko rin palang magbihis para sa entrance at awarding! Oh men!
Dali-dali akong naghanap ng pwedeng isuot sa closet ni Zie na puro gown. Wow lang,
last minute naghanap? Ang adik ko talaga. Tsk. Bakit ba kasi nakalimutan ko?! Buti
nalang pinaalala ni Ziela. >_<
Nag-end up ako sa isang red na gown na may design na roses. At isang white gown na
backless. Bahala na. Eto nalang ang nakikita kong matino para sa akin. So ayun,
inayusan rin ako ng mga nag-ayos kay Ziela. Ang una kong isusuot is yung white na
gown tapos para sa awarding ay yung red.
After nun eh ready na kami. Actually, 2 PM na and magsstart yung program by 4.
Great, maaga pa. Paalis na sana kami kaso biglang sumigaw si Zie.
?OH MY GOD. Damn.? Hindi ko alam kung anong nangyayari pero alam kong nagpapanic
siya. ?Ivan, mauna na kayo ni Ven. Dali!? tapos pinagtutulakan niya kaming dalawa
sa pinto. Anong problema ni Ziela?
?Bakit ba Zie? Pwede naman tayong pumunta doon ng sabay-sabay ah?? sabi ko sa kanya
dahil nagtataka lang talaga ako.
?Eh kasi.. b..basta! Maun---?
Biglang bumukas yung pinto at lahat kami ay napatingin doon.
Tinignan ko si Ziela at nakita kong napayuko siya at napailing.
?Ziela, tara.. na.? sabi nung nasa pintuan na napatingin rin sa akin.
Halos manigas na naman yung buong katawan ko sa presensya niya. Bakit siya andito?
?Roj.? Bigla kong nabanggit yung pangalan niya. Yung pangalan ng taong.. namimiss
ko na.
Lesson 25
?Sorry. Nakalimutan kong sabay pala kami ni Roj na pupunta dun para makapagrehearse
pa kahit kaunti.? Napatingin kaming lahat kay Ziela na hanggang ngayon ay nakayuko
pa rin.
Wow. What an awkward moment between the four of us. Ni wala ng nagsalita. Lahat
nakikiramdam. Lahat tahimik. Pero biglang binasag ni Ivan yung katahimikan na yun.
?C?mon Ziela. I think they need some.. space. And so are we.? Biglang hinila ni
Ivan si Ziela palabas ng bahay at nakita kong may kotse palang dala si Ivan.
Nakatingin lang sa akin si Ziela hanggang sa makapasok siya sa kotse ni Ivan at
nagmouth siya sa akin ng isang ?Sorry?.
Habang kami ni Roj dito ay nakatayo lang. Hindi ko rin alam kung anong gagawin ko.
Nahihiya ako sa kanya. Guilt is killing me right now. Sa lahat ng nagawa ko. Dahil
ginamit ko siya. Pinagsalitaan ko siya ng masama. Tapos p---
?C?mon. Baka malate tayo.? Tapos bigla niyang hinawakan yung wrist ko. Hindi ko
alam pero naramdaman ko na naman yung kuryente na yun. Pag tuwing hahawakan niya
ako o kahit madikit lang ako sa kanya. Yung naisip ko pang anak siya ni Zeus. Huh,
funny me.
Umupo ako doon sa likod, habang siya..teka..
?Ikaw ang magdadrive?!? halos napatayo ako sa loob ng kotse dahilan para mauntog
ako. ?Ouch!?
?Yeah. Marunong ako. Don?t worry wala namang manghuhuli sa atin dito. Subdivision
naman ?to. And isa pa, malapit lang naman ang school.?
Ngayon ko nalang ulit siya narinig magsalita ng matagal. Napatingin lang ako sa mga
mata iya at saka umiwas ng tingin. Nakakainis naman si Ivan eh! Sana sa kanya
nalang ako sumabay! At least hindi ganito ka-awkward. At least hindi ganito kas?
nevermind.
Sinimulan niya ng paandarin yung kotse. Habang ako, nakaupo lang sa likod, nilalaro
yung damit ko. Pero napatingin ako sa salamin sa harap ng kotse. Nakatingin lang
ako dun at tinitgnan yung mukha niya sa pamamagitan nun. Napangiti ako. Hindi ko
rin alam kung bakit. Nagpanic ako nung bigla siyang tumingin rin sa salamin. Hindi
ko alam kung nakita ba niya na tinititigan ko siya o hindi. And I prefer the second
one.
Hindi na ulit ako tumingin sa salamin. Sa labas nalang ulit ako tumingin.
Hinihintay na sana eh school na. At wala pang five minutes, ay nasa school na kami.
Nakita ko na hinihintay kami ni Ivan at Zie sa gate. Now I wonder, ano kayang
pinag-usapan nila sa loob ng five minutes? Nanahimik lang rin ba sila tulad nung sa
amin? Hay.
Bubuksan ko na sana yung pinto kaso biglang may nagbukas na para sa akin. Sino pa
ba, eh di si Roj.
?T..thanks.? sabi ko sa kanya at saka ako lumabas.
Pero bago pa kami makalapit kila Zie ay milakasan ko na ang loob ko para magsalita
ulit.
?By the way, goodluck.? Tapos ngumiti ako ng kaunti. And ayun na nga, naghiwa-
hiwalay na kami ng landas after pumasok sa gate.
Dumiretso ako sa back stage kung saan andun si ate Audrey, yung corrdinator ng
pageant.
?Ate Audrey.? Tinawag ko yung attention niya at napatingin naman siya sa akin.
?Oh Venice buti andito ka na! And wow, you look.. splendid.?
?Thank you.? Then a big smile for her.
Tinuro niya lang sa akin kung paano ako papasok sa stage para sa entrance kasama ng
mga contestants. Kasama ko na rin ngayon si kuya Gab na kapartner ko para sa pag-
akyat mamaya.
?Wow, ang ganda mo pa rin baby Venice.?
?Mana syempre sa gwapo kong daddy Gab.?
Then nagtawanan kami. Naging close kami ni kuya Gab during the pageant last year.
Daddy ang tawag ko sa kanya at dahil anak-anakan niya ako eh baby ang tawag niya sa
akin.
Maya-maya lang ay narinig na naming yung MC na nagsalita. Kasama na rin namin
ngayon yung mga contestants. Hindi ko na nagawang hanapin si Zie o si Roj dahil
magsisimula na talaga.
?Let?s all welcome, Mr. and Ms. Amarrison 20** and the 24 candidates!?
Halos wala na akong marinig kundi yung sigawan at palakpakan ng mga tao matapos
magsalita yung MC. At doon na kami pumasok. Inalala ko lang ulit yung sinabi ni ate
dati at rumampa na ako sa stage. Ang daming tao. Parang last year lang.
Maya-maya lang eh lahat kami ay nasa stage na. Kaming dalawa ni kuya Gab ay nasa
unahan tapos yung 24 candidates eh nasa likod namin. At ang ikinagulat ko ay nung
lumapit yung dalawang MC sa amin ni kuya Gab.
?So. Anong maipapayo niyo sa ating mga candidates ngayong year?? then iniabot yung
mick ay kuya Gab.
?Well, give your best shot guys. Minsan lang makita ng mga tao ang talent niyo kaya
dapat, itodo niyo na. At syempre, don?t forget to wear the best accessory for this
pageant, your smile.? Then nagpalakpakan yung mga tao. Ang ganda ng sinabi ni kuya
Gab. No wonder siya ang nanalo bilang Mr. Amarrison last year.
?And how about you, Ms. Damian?? then iniabot rin sa akin yung mic.
?Just prove to all of the people here, that you are worth clapping and cheering
for. And of course, don?t think of this as a contest, but as an entertainment. All
you should do, is ENJOY and SMILE.? At nagpalakpakan ulit yung mga tao.
?Wow partner. No wonder they won the last Mr. and Ms. Amarrison! They?re great
speakers!?
?Of course partner! They?re the best and they look awesome just by standing there!?
At nagtawanan naman yung audience. After nung introduction na yun ay agad kaming
bumalik sa backstage habang yung ibang contestants eh bumalik sa kani-kanilang room
dahil yun ang magiging prep room nila.
At dahil gusto rin naming manood ni kuya Gab ay pumunta kami sa audience area at
naupo sa pinakaunahan. Gusto kong mapanood yung mga contestants at kung paano nila
paghihirapang makuha yung attention ng jury at ng audience.
Sports wear na nga pala. At hindi ko natanong kay Zie kung anong isusuot niya. Oh
well, papanoorin ko nalang. Alam ko naming kaya niya yan at mataas rin naman ang
self-confidence niya.
Isa-isang rumampa yung contestants mula first year hanggang fourth year. Ang cute
nga ng isang second year dahil nagcowgirl siya at super cute niya. Ang daming
nagpalakpakan sa kanya. Pati yung partner niya na syempre nakacowboy naman. Maya-
maya lang ay third years na. Syempre sila Zie at Roj ang mauuna since kami yung
first section. Tumahimik muna yung mga tao. Paarang pati sila kinakabahan.
?Now, from III-A! Ms. Ziela Angeli Wilson and Mr. Roelle James Morales!?
At pagkapasok na pagkapasok nila, halos mabingi ako sa dami ng sumisigaw at sa
lakas ng palakpakan. Napapalakpak lang rin ako sa kanila.
Wow.
Beach or swimming ang theme nila. Si Ziela nakatwo-piece pero nagsuot siya ng
maikling shorts at nakabukas yung butones. Si Roj naman, half-naked. I mean,
nakashorts lang siya, and infairness ang ganda ng katawan nilang dalawa.
?Whoa! Now we?ve got a sizzling pair here!? sabi ng MC na namangha rin sa ginawa
nila Zie at Roj. And I know na nag-eenjoy sila. Di nila mapigilang mapangiti after
nilang makita yung impact ng ginawa nila. Now the audience and the judges remember
them.
Biglang may umupo sa right ko. Bakante kasi yun at si kuya Gab naman ay nasa left
side ko.
?Now now, she?s gourgeous. Tsk.? Natawa ako habang sinasabi yun ni Ivan. Feeling ko
nagseselos siya dahil ang daming lalaki ang nakapansin kay Ziela dahil sa ginawa
niya ngayon.
?It?s okay. Fiancee mo naman eh, right?? then nginitian ko siya.
?Not after this night.? Tapos bigla siyang ngumiti pero alam kong malungkot yun. I
tap his shoulder for comfort. Then nanood nalang ulit kami sa mga fourth year na
kasalukuyang rumarampa ngayon.
After ng sports wear, talent portion na. Hindi ko rin alam kung anong gagawin ni
Ziela pero sa tingin ko sasayaw siya since yun ang forte niya. Si Roj? Uhh, siguro
tutugtog. Yun pa lang ang alam kong talent niya eh.
Bigla naman akong lumingon kay Ivan para magtanong. Baka kasi alam niya eh.
?Ivan, alam mo ba yung itatalent ni Zie?? then umiling siya sa akin in return. Hay,
sabi ko nga manonood nalang kami.
Nagsasalita lang yung dalawang MC and yung reactions nila sa sports wear. Of
course, namangha sila kay Zie at Roj, dun sa dalawang second year pati sa fourth
years na nagtennis attire.
?So for the talent portion, the criteria for judging..?
Di ko na napakinggan yung sinasabi ng MC dahil napatingin ako sa third floor kung
saan yung prep room ni Ziela at Roj. Parang.. may nagsisigawan?
Ewan ko pero bigla akong kinabahan kaya tinawagan ko si Ziela. Pero ring lang ng
ring. Balak ko na sanang tumayo at umakyat pero pinigilan ako ni kuya Gab at ni
Ivan. Bawal palang pumunta sa prep room ngayon. Eff. Sana okay lang silang lahat
dun.
Maya-maya lang, ay nagsimula na yung first years. Ang cucute nga nila eh. Karamihan
ay sumayaw. Yung iba naman nagmonologue and super galing nung isang first year
dahil dalang-dala niya ang pag-arte. Nakakaiyak at nakakatawa yung ginagawa niya.
Kaya napabilib talaga ako pati na yung audience. Unti-unti akong kinabahan nung
matapos na yung mga second years.
Sila na.
*DUGDUG*
Ako talaga ang kinakabahan para sa kanila. Sana wala lang yung narinig kong sigawan
kanina. Sana imagination ko lang yun.
Tinawag na yung pangalan ni Ziela at umakyat siya sa stage with a fierce look. Sexy
yung outfit niya. Nakalabas yung tiyan and fitted jeans with killer heels. So..
sasayaw siya ng nakaheels? OMG Ziela, you?ve got to be kidding me.
Maya-maya lang ay tumugtog na yung kanta ni Kesha na Tik Tok pero feeling ko
instrumental. SO KAKANTA RIN SIYA?
Sing and dance?
WOW ZIELA.
?Wake up in the morning feeling like P Diddy Grab my glasses, I'm out the door, I'm
gonna hit this city Before I leave, brush my teeth with a bottle of Jack 'Cause
when I leave for the night, I ain't coming back?
Nakatingin lang ako sa kanya sa buong pagkanta at pagsayaw niya. Sobrang naaamaze
ako sa nakikita ko.
Singing, dancing and take note of the heels, gracefully and just enjoying.
?Don't stop, make it pop DJ, blow my speakers up Tonight, I'mma fight 'Til we see
the sunlight Tick tock on the clock But the party don't stop, no?
Nung tumugtog yung chorus ay halos lahat ng tao ay pumalakpak. Sobrang galing niya.
Para siyang professional performer. Tapos nakangiti lang siya habang sumasayaw.
Parang wala lang sa kanya.
Now that?s my bestfriend.
And I?m so proud of her.
Pagkatapos na pagkatapos niyang magperform ay nagkaroon ng standing ovation. Grabe
ang galing niya.
?Whooooooo! Bestfriend ko yan! Go Zieeeeee!!!!? hindi ko alam na nakikisigaw na rin
pala ako sa crowd. Grabe such an amazing performance. OMG bestfriend ko yan!
?Okay okay mga tao kalma lang! Kalma tayong lahat! Whooo! That was a hot
performance Ms. Wilson! Congratulations!? nagbow lang si Ziela and tumakbo
papuntang backstage. At pagtingin ko sa kanan ko eh wala na si Ivan sa tabi ko.
Must be congratulating her.
Siguro two minutes muna ang lumipas bago kumalma ang audience. At syempre, tumaas
ang expectation nila sa mga next performers. So ang susunod.. ay si Roj. Ano kayang
gagawin niya?
Nung tinawag ang pangalan niya ay narinig kong mag ?Oh My God? ang crowd. Well sino
ba namang hindi mabibigla kung parang may Greek God ang nasa harapan mo?
Simple lang yung suot niya pero ang lakas ng appeal. Now mas kilala na siya dahil
dito. Naririnig ko yung bulungan ng mga babae sa likod ko.
?Grabe ang gwapo talaga ni Roj!?
?Oo nga eh. Dati nerd lang tapos ngayon, heartthrob na!?
?Magpapaligaw talaga ako sa kanya tapos iinggitin ko kayo. Bwahahaha?
Ewan ko pero biglang nag-init yung dugo ko at hindi ko nalang pinansin. Mga
impaktang babae yun. Ngayon lang napansin kung kelan sumikat na?! Sipain ko sila
isa-isa eh. Effin? girls. Psh.
Tumingin nalang ulit ako kay Roj na may hawak na gitara at nakatayo na sa harapan.
Tinetesting kung ayos na yung tono or what. Then may mic sa harapan niya. Biglang
kumabog ng malakas yung dibdib ko. Feeling ko nga lalabas na yung puso ko eh. Hindi
ko rin alam kung bakit ako kinakabahan ng ganito.
?Hello everyone.? Napatingin kaming lahat sa kanya nung magsalita siya.
*DUGDUGDUGDUG*
Lalo lang akong kinabahan.
?I?m dedicating this performance..? biglang nagkaroon ng bulung-bulungan. At bigla
kong nakita si Raya sa isang side, nakangiti ng malaki. Biglang bumigat yung
pakiramdam ko. Now bakit ba kasi andito ako sa harapan? Para marinig na para kay
Raya ang performance niya? Shit Ven.
?to the girl.. I secretly love since I entered this school. The girl who gave me
this..? tapos may inilabas siya mula sa nakasuot na kwintas sa kanya. Yung pendant
ay yung binubuksan sa isang softdrink tin can.
At biglang nagflashback lahat.
Nung first year ako. Yung time na may nakita akong lalaking nag-iisa sa garden. At
tulad nung ginawa ko dati kay Ziela na binigyan ko ng Chackie nung grade four,
binigyan ko rin yung batang lalaki ng Coke in can. At saka ako umalis.
Bakit ba hindi ko naisip..
na si Roj yun?
Hindi ko napansin na naiiyak na ako sa mga nangyayari. Bakit ganito? Ano bang
nangyayari? Bakit siya? Bakit ako?
?I look at her and have to smile As we go driving for a while Looking nowhere in
the open window of my car And as we go the traffic lights Watch them glimmer in her
eyes In the darkness of the evening?
Napatingin agad ako sa kanya. And now he?s singing this song? naaalala ko yung
nangyari kanina. Habang nasa kotse kami.
Nakapikit lang siya habang kumakanta. At alam kong damang-dama niya yung kanta. So
am I.
?And I've got all that I need Right here in the passenger seat Oh and I can't keep
my eyes on the road Knowing that she's inches from me?
Sariling version ang ginawa niya. Rendition niya kumbaga. Maganda. Sobrang ganda na
pati yung audience ay naiiyak sa kanta niya. Parang napapasa niya sa amin yung
emotions niya. Lalo na sa akin.
Pagkatapos na pagkatapos niyang kumanta, isang mahabang palakpakan ang nangyari.
Hindi sila tumigil hanggat hindi sila pinatigil nung mga MC.
?Now that was so emotional Mr. Morales. You are so amazing to make my eyes wet!
That girl is so lucky to be loved by you!? ntapos tumawa yung audience.
Pero ako, hindi ko magawang tumawa.
Hindi ko magawang magreact.
Ang alam ko lang ay pagkatapos niya at nagsimula na ang ibang magperform, pumunta
ako sa banyo.
Lesson 26
Nagstay ako sa CR for about ten minutes. Umiyak ako dun ng umiyak hanggang sa
maramdaman kong nailabas ko na lahat. Tinitigan ko lang yung sarili ko sa salamin.
Kung gaano ako kapathetic.
?Bakit ba ang tanga-tanga mo kahit kelan? Wala ka ng ibang alam gawin kundi iyakan
lahat ng bagay? Venice, grow up.?
Para akong tanga na kinakausap ang sarili sa salamin. Nagpakawala ako ng isang
malalim na bunting-hininga at saka lumabas sa comfort room.
Pero parang gusto ko ulit pumasok sa loob nung makita ko kung sino yung
makakasalubong ko.
Si Raya.
?Oh, here?s the pathetic slut.? Hindi ko nalang siya pinansin at nagdirediretso sa
paglalakad. Pero hinarang niya ako.
?Narinig mo ba yung sinabi kanina ni Roj?? tinaasan ko siya ng kilay.
?Malamang, nasa harapan ako eh. Hindi ako bingi. At lalong hindi ako bobo.
Ginagamit ko ang utak ko sa pag-iisip. Hindi tulad ng iba, pinagpipyestahan na ng
langaw ang utak dahil hindi ginagamit. In short, basura.? Gusto kong ngumiti sa
likod ng utak ko pero hindi ko magawa dahil baka magkaroon ng riot dito. Nakita ko
naman na napanganga siya sa sinabi ko kaya mas lalong gusto kong tumawa.
?W..whatever. At least alam kong ako yung mahal na Roj. Remember? The girl na
nagbigay sa kanya nun? Binigay ko yun sa kanya nung first year and akalain mong
mahal na pala niya ako simula nun??
I gasped.
Gusto ko siyang sampalin at saktan sa sinabi niya. Paanong magiging siya yun kung
ako yun? O baka nag-aassume na naman ako? Dang.
?Talaga? Saan mo naman napulot yang kwento na yan? Alam mo, pwede ka ng maging
writer eh. Dami mong kwentong barbero.? At saka ako tuluyang nagwalk-out. Actually
binilisan ko yung lakad ko dahil baka mamaya eh hilahin na naman niya yung buhok ko
katulad dati.
Luckily, eh nakabalik ako ng buhay sa upuan ko.
At di ko namalayan na Q&A na pala. And mind you, kakaiba ang Q&A dito sa school
since ang mga tanong ay galing sa mismong students. Bawat isa sa amin ay required
na gumawa ng tanong at ipasa sa adviser namin a day before the pageant. Kaya ang
kadalasang tanong dito ay about sa love or relationships. Swerte nalang kung ang
mabunot ay yung tanong mo rin. Yeah, bawat contestants ay required rin na gumawa ng
tanong.
Nung si Zie na ang lumabas para sa Q&A, na-amaze na naman ako sa kanya. Very
creative yung suot niya ang I know na siya ang nagdesign nun. Simple lang pero
cute.
?Okay Ziela, bumunot ka na dito.? And bumunot siya sa isang bowl kung saan
nakaabang ang mga question na inihanda ng mga kapwa niya estudyante.
?So here?s the question for you.?
Halos yung tunog lang ng mic ang naririnig. Lahat tahimik at hinihintay ang tanong
na nabunot niya.
?Sang-ayon ka ba sa fixed marriage??
Sa mukha ni Ziela, alam kong nagulat siya. Maski naman ako eh. Pati si Ivan nan asa
tabi ko ngayon. Nakikinig ng mabuti sa anumang isasagot ni Ziela.
Yeah I know, parang ganito ang sitwasyon nila. Ang malas naman niya para mabunot
yung ganitong tanong.
Iniabot yung mic sa kanya at tumingin siya sa audience. Sa akin. At kay Ivan.
?Honestly, no.? narinig ko ang ?awwww? mula sa audience at napahawak ako sa kamay
ni Ivan. Hindi ko alam kung bakit pero feeling ko, kailangan ko yung gawin hangga?t
hindi natatapos magsalita si Ziela.
?Fixed marriage is not reasonable. Ginagawa lang ?to ng mga magulang para mag-
expand ng business nila. Pero para sa mga anak nila? No. Love is not about
business. Love is a sacred thing to consider. Hindi dapat pinipilit, hindi dapat
minamadali. At higit sa lahat, hindi mo yun ibibigay sa maling tao. Pero, sa fixed
marriage or even engagement..? bigla siyang tumingin kay Ivan.
?..minsan, matututunan mo ring mahalin yung taong sa una.. akala mo ay para sa
business lang. Hindi mo mamamalayan, nagkakaroon na pala kayo ng bond sa isa't isa.
And funny thing is, you?ll never know how and when
did you fall in love. Thus, it?s a no and yet a yes. No, because fixed marriage is
not about loving and caring but purely for business sake. And yes, because when
love grows between them, it can break that stupid business border. That?s all.
Thank you.? She bowed and waved at pumunta sa likod kung saan andu rin yung mga
tapos ng sumagot.
All I can say is.. great. Alam kong hindi yun kaplastikan or whatever. Its from her
heart. And a message for Ivan. Nakita ko rin yung ngiti sa labi ni Ivan. Natutuwa
ako. Natutuwa ako na sinaktan ako ni Ivan, at napunta siya kay Ziela. Alam kong
masaya si Ziela sa kanya. And kapag nanloko ulit si Ivan, I?ll kim him instantly.
Swear. Okay lang na lokohin niya ako, wag lang yung bestfriend ko.
As expected, maraming na-amaze sa sagot niya. She handled it very well. Hindi na
ako magtataka kung siya ang mananalo this year.
?Thank you Ms. Wilson. You never fail to amaze us. And now, again from III-A, let?s
all welcome, Roelle James Morales!?
Umakyat siya sa stage with his oozing personality. Angelic smile, perfect posture,
well-styled hair and all. Then bumunot na rin siya. Again, isang matinding
katahimikan.
?Question is..?
Mas lalo akong kinakabahan. Hindi ko rin alam kung bakit.
?What will you do, if someone you love used you for their own benefit??
Nagyon alam ko na kung bakit ako kinakabahan kanina.
It?s all because?
That was my question.
Lesson 27
That was the question I submitted.
Eff. Bakit naman sa dinami-dami ng tanong eh ayun pa yung nabunot niya?!
Biglang iniabot sa kanya yung mic. Kaya lalo akong kinabahan. No.. no.. don?t
answer that question. Please.
?I will thank her.?
Her? Is that an indication that he knows it was my question?
Pagkatapos niya yung sabihin ay nagkaroon na naman ng bulung-bulungan. Petrified
and all, tumingin nalang ako sa kanya.
?Magpapasalamat ako na ginamit niya ako. Why? Simple. So that I can help her
realize, that I?m willing to be her toy or something, for her happiness. That I?ll
do anything for her, even if it involves using me. I?ll be at her side until the
end. Handa akong gawin lahat, kahit masaktan ako, makita ko lang na masaya siya.
Even if it hurts, even if it means breaking my heart, I will not regret anything.
Because I love her. Love is about happiness. And I?m willing to sacrifice my own
happiness to make her happy. Love is not perfect. One should cry and one should
smile. But the best thing about love is.. sacrifice. That?s how genuine love is.
Pero may limitasyon din ang pagmamahal. Hindi naman habangbuhay, ay kailangan mong
magsakripisyo. Minsan, mas magandang maglet go nalang, Tanggapin na hindi kayo ang
para sa isa?t isa. And now, gusto kong sabihin sa harapan ninyo, sa harapan ng
taong mahal ko..? tumahimik bigla ang lahat. Paghinga lang ng niya ang naririnig
mula sa mic.
?That I?m letting you go.?
After his answer, nagkaroon na naman ng standing ovation at hindi ko alam kung
bakit. Until I realized, umiiyak pala ako. No, umiiyak na NAMAN ako.
Lahat ng sinabi niya, tumagos. Unti-unti kong narerealize lahat. Pagkatapos ng
sinabi niya. Unti-unti kong nararamdaman lahat.
Nagkaroon ako ng excuse para umalis dito. Sinabi kong magpapalit na ako ng gown
since after nito ay formal or night attire na then awarding na.
Pumunta ako sa prep room nila Zie at kinuha ko yung paperbag kung saan andun yung
red gown na susuutin ko. Nagpatulong lang ako sa assistants ni Ziela para maisuot
ko yun at dumiretso ako sa CR. Tinitigan ko lang yung sarili ko sa salamin.
So that I can help her realize, that I?m willing to be her toy or something, for
her happiness.
Kaya ba siya pumayag na magpamake-over, kahit alam niyang ginagamit ko lang siya?
Why Roj? Bakit ako?
Siguro thirty minutes akong tumambay sa CR, nagmumuni-muni. Iniisip lahat ng
nangyari ngayong gabi. Lahat ng nangyari sa amin ni Roj. Mula nung makilala ko
siya, hanggang sa naging awkward kami sa isa?t isa, at hanggang sa gabing ito.
Ano na nga bang nangyari sa amin? Bakit kami nagkaganito? Ayos naman kami dati ah?
Nakakapag-usap kami ng matino. Pero ngayon..
Parang wala na.
Parang may hiyawan kanina sa labas pero hindi ko nalang pinansin. Baka nagchicheer
lang sila sa mga candidates. Pero naalarma ako nung nagvibrate mula sa kamay ko
yung phone ko kaya sinagot ko agad.
?Hello??
?Venice, asan ka na? Malapit ng iannounce yung winners!?
Bigla kong naibaba yung phone ko nung marinig ko si ate Audrey sa phone at tumakbo
ako ng mabilis papunta sa backstage. Buti nalang at hindi ako nadapa or something
dahil tumakbo ako ng naka-heels.
?Oh andito na si baby Venice.? Napatingin ako kay kuya Gab na naghihintay ata sa
akin.
?Phew. Akala ko nawawala ka na naman. Oh sige, umakyat na kayo dun.? Sabi ni ate
Audrey. Nagmouth nalang ako ng sorry before kaming umakyat sa stage.
Habang umaakyat kami sa stage, napansin ko si Ivan na umiiling sa akin. Teka, may
nangyari ba habang nasa CR ako? Si.. siguro naman.. wala diba?
?And now, to pass the crown, let?s all give a round of applause to Mr. Venoso and
Ms. Damian, last year?s Mr. and Ms. Amarrison!? nagpalakpakan ang mga tao at tulad
namin, naghihintay kung sinong mananalo. Yeah, maging kami hindi naming alam kung
sino. Kumbaga, kailangan rin naming kabahan.
Matapos ang fifteen seconds na drumroll at pagpigil ng hininga,
?Our Mr. and Ms. Amarrison for this year are Ms. Ziela angeli Wilson and Mr. Roelle
James Morales!?
Pumalakpak ako dahil nanalo yung section namin. Wow. I?m so proud of them. Ang
galing nila. At halos hindi ko na marinig yung pinagsasabi ng mga MC sa sobrang
lakas ng palakpakan at hiyawan.
Nung umakyat sila ng stage, kiniss ko si Ziela sa cheeks at kinongrats ko siya.
Then pinasa ko sa kanya yung crown and yung sash. Pati yung bouquet of flowers na
hawak ko. Nung icocongratulate ko na si Roj, ay biglang hindi ko inaasahan yung
nangyari.
May umakyat sa stage at lumapit kay Roj, dahilan para maitulak ako at matumba. Pero
hindi ang pagtumba ko ang dahilan kung bakit ako nasaktan, kundi..
Nung hinalikan ni Raya si Roj sa harapan ko.
Lesson 28
Ayokong umiyak dito. Ayokong magpaapekto. Kaya tumayo ako at tumakbo papalayo sa
stage. Palayo sa mga tao. Palayo sa kanila. Tumakbo ako hanggang sa gate at
hanggang makalabas ako.
?VENICE!!? narinig ko si Ziela na tinatawag ako pero hindi ko siya nilingon. Nag
alam ko lang ngayon, kelangan kong lumayo dito.
Kasi nasasaktan ako.
Sobrang nasasaktan ako.
Tumakbo ako ng tumakbo hanggang sa sumakit yung paa ko. Ang alam ko lang ay nasa
playground ako ngayon sa park. Gabi na rin kaya walang tao.
Umupo ako sa swing at tinanggal yung sandals ko. Ano na kayang nangayayri doon
ngayon? Siguro pinag-uusapan na ako doon. Siguro sinasabihang maarte dahil
nagwalkout mula sa pagpapasa ng korona.
Umiiyak na naman ako. Mag-isa dito. Madilim at sobrang lamig. Pero parang hindi ko
maramdaman lahat yun dahil isa lang ang nararamdaman ko ngayon.
Nasasaktan ako. :?(
Siguro nga kasalanan ko rin. Ako naman ang laging may kasalanan eh. Laging ako yung
nasasaktan. Laging ako yung umiiyak.
?BAKIT KUNG KELAN KO NAREALIZE LAHAT, AT SAKA NAGKAGANITO?! BAKIT KUNG KELAN HANDA
NA AKONG TANGGAPIN LAHAT, AT SAKA AKO NASASAKTAN?!?
Humahagulgol na ako. Wala namang makakarinig sa akin. Walang dadamay sa akin ditto
kaya ayos lang na umiyak ng malakas. Para kahit papaano, mabawasan yung sakit.
?Venice!!? napatingin ako sa kaliwa at nakita ko si Ziela at Ivan na tumatakbo
papalapit sa akin.
?GO AWAY!!!? isinigaw ko ng malakas sa kanila. Ayoko ng kasama. Gusto ko munang
mapag-isa. Pero nakita kong pinaalis ni Ziela si Ivan pero siya eh lumapit sa akin.
?I SAID GO AWAY ZIE!!?
?NO VENICE!! Hindi kita iiwan ditong mag-isa! Alam mo yan! Hindi ko hahayaan na
ikaw lang mag-isa yung umiiyak!? then bigla niya akong niyakap. Pati siya umiiyak
na rin. Dinadamayan ako.
Hindi ko na napigilan yung sarili ko. Ang sakit talaga.
?Ziela, ang sakit sakit eh! Nasasaktan ako sa mga nakikita ko! Bakit ba kasi nito
ko lang narealize?! Bakit ba kasi nagbulag-bulagan ako?!?
?Sa tingin mo bakit ka nasasaktan?? tanong niya sa akin habang hinahagod yung
likuran ko habang patuloy pa rin siyang nakikisabay sa pag-iyak ko.
Maging ako gusto kong malaman kung bakit ako naasasaktan. Bakit nga ba? Ano bang
meron?
?Kasi kaibigan--? bigla niyang pinutol yung sasabihin ko.
?Hindi ka nasasaktan dahil kaibigan mo siya. Nasasaktan ka dahil mahal mo siya
Venice. Mahal mo si Roj.?
?Mahal ko siya. Pero iba mahal niya.? Nasabi ko bigla. Naalala ko nung bigla siyang
hinalikan ni Raya kanina. Sa harap ng madaming tao. Sa harapan ko.
?Si Raya? Isa pa yung babaeng yun eh. Pagkatapos kasing magsagot ni Roj kanina sa
Q&A, bigla siyang sumigaw ng ?don?t let me go? dahilan para pansinin siya ng mga
tao. Akala nila, si Raya yung tinutukoy ni Roj sa sagot niya.?
?Eh sino nga ba??
?Itanong mo sa sarili mo Venice.?
Pagkatapos niyang sabihin yun ay bigla niya akong binitawan at tumayo. ?Pagbibigyan
kita ngayon Venice, sige aalis muna ako. Kung gusto mong mapag-isa.?
Nung umalis siya, mas lalo akong naiyak. Oo mahal ko siya. Dati pa. Pinipigilan ko
lang na aminin sa sarili ko. Nung mga oras na nagmomove-on ako kay Ivan, siya yung
nasa tabi ko. Siya yung nagpapasaya sa akin. Siya yung laging andyan para sa akin.
Pero anong ginawa ko? Ginamit ko lang siya.
Siguro nga karma ko ?to. Na maskatan ako dahil sa ginawa ko sa kanya. Pero ngayon
ko lang rin narealize, na nasasaktan ako kasi mahal ko siya. Nasasaktan ako kasi
nagselos ako kanina.
Sa kakaiyak ko, biglang sumakit yung ulo ko. Nung tumayo ako ay biglang nandilim
yung paningin ko. Pero bago tuluyang dumilim, ay may nakita akong tao na tumatakbo
papalapit sa akin habang tinatawag yung pangalan ko.
?Roj??
And darkness ate me.
***
Pagkagising ko, nasa kama na ako. And to be specific eh sa kwarto ko. Hindi ko
masyadong maidilat yung mata ko dahil mugtung-mugto sa kakaiyak ko kagabi. Sakto
naming pumasok si Daddy, si ate at si Mommy. Wow, umuwi pala si Mommy, hindi ko
alam.
?Anak, ayos ka na ba? Wala bang masakit sayo? W..wala ba---? biglang umiyak si
mommy habang hinihimas yung buhok ko.
?Okay lang ako mom.? Tapos pinunasan ko yung luha niya. Ngayon ko nalang ulit siya
nakitang umiyak ng ganito. Kasi hindi naman siya emotional pagdating sa amin eh.
Cold siya sa amin ni ate. Pero dahil dito, nalaman kong nag-aalala rin pala siya sa
amin kahit papaano.
Kinaausap lang nila ako. Sinabi ko naman kung anong nangyari, pero hindi ko sinabi
yung tungkol kay Roj. Ang sinabi ko lang ay nahimatay ako sa may playground. Pero
alam kong hindi naniniwala si ate. Alam kasi niya lahat ng tungkol sa akin.
Maya-maya lang ay umalis na sila at naiwan ako sa kwarto. Napalingon naman ako sa
kanan at nakita ko ang isang magandang silver na gown. Napangiti ako bigla. JS Prom
na pala mamaya. How great. Pupunta pa ba ako?
Inabot ko yung phone ko na nasa side table ko at pagtingin ko, 84 missed calls.
13 from Ziela
9 from Ivan
7 from kuya Gab
10 from ate Audrey
27 from Roj
8 from Daddy
10 from ate Steff
Wow lang, busog ang phone ko. Walang messages. Oh well, alam naman nila na hindi
ako mahilig magbasa ng messages eh.
Napangiti ako dahil nalaman kong nag-aalala pala sila para sa akin. Pinilit kong
tumayo at lumabas ng kwarto ko. At nagulat ako nung nasa nakita ko sa sala si Ziela
at Ivan.
?Bakit kayo nandito?? napatingin agad sila sa akin at tumakbo paakyat sa hagdan.
?WAAAH VENICE!!!? tapos bigla akong niyakap ni Ziela. Muntik na nga kaming matumba
eh, buti nakahawak agad ako sa railings.
Pagkatapos nun ay bumaba kami at dumiretso sa sala. Andito daw sila para kamustahin
ako since nalaman nila kay Roj na nahimatay nga ako. At dahil nacurious ako,
tinanong ko sila kung anong nangyari kagabi.
?Bumalik kami sa school, pero nakasalubong namin si Roj na tumatakbo at tinanong
kung nasaan ka. Kaya sinabi namin. Tapos pagbalik namig sa school, nagkakagulo na.
Tapos nalaman namin na ipinahiya pala ni Roj si Raya sa harap nila at sinabing
hindi siya yung babaeng tinutukoy niya. Ayun, nagwalkout ang bruha. Buti nga sa
kanya. Pasalamat siya hindi ko siya naabutan dahil kung hindi.. naku! Baka kalbo na
siya ngayon!?
Natawa nalang ako sa kanya dahil gigil na gigil siya. Tapos napansin ko rin na
pareho silang may singsing.
?Teka teka teka.. ano yan?? tapos tinuro ko yung singsing na suot nila. Bigla
siyang namula at napayuko kaya napangiti ako.
?Ah eto ba? Ahh.. tuloy pa rin.? Tapos napakamot ng batok si Ivan.
HAHAHA peste kinikilig ako!! Hanggang sa maglunch eh inaasar ko pa rin sila.
Nakakatawa kasi parehas silang nagmumukhang kamatis pag inaasar. Ang cute cute
lang. Hahaha!
Pagpatak ng hapon eh nagsimula na kaming ayusan ni Mommy at ni ate Steff. Kaya pala
umuwi si Mommy dahil gusto niya, siya daw ang mag-aayos sa akin para sa JS. Syempre
natouch ako dun. Minsan lang siya umuwi sa Pilipinas dahil may business kami
abroad.
Nalaman ko rin na silver rin yung gown ni Ziela kaya parang terno kami. Ang cute
cute nga eh. Parehas kami ng kulay. Siya ang unang inayusan kaya pinanuod ko lang
sila. Itinaas yung buhok niya. Cute updo ang ginawa then nilagyan ng design na
parang lace yung paligid. Then make-up na nagmamatch sa skintone niya. Para siyang
prinsesa, swear. Ang ganda-ganda ng bestfriend ko. Nga pala, umalis muna si Ivan at
umuwi sa kanila para rin magprepare.
Then after niya, ako na yung inayusan. Nilagyan ako ng extension then curled at
nilagay sa one side. Simple lang. Then make-up make-up. And then, poof! We?re
ready. Kinuha na rin namin yung masks naming dahil masquerade ang theme ng JS namin
nagyon.
Para ngang walang nangyari kagabi at nagmukha kaming fresh ni Ziela eh. Well, what
can you expect from my mother? She has magical hands. Awesome right?
Hinintay lang namin si Ivan at yung car niya. Then nung dumating na eh sumakay na
kami.
?Ready for the night, girls?? tanong sa amin ni Ivan habang pinagbubuksan kami ng
sasakyan.
?Ready!? at saka kami umalis papunta sa school.
Lesson 29
Halos hindi ko makilala yung place na isa ako sa nagdesign dahil ang ganda. Hindi
mo akalaing ito yung empty Event Hall na dinedesignan namin kamakailan lang.
Hindi ko rin makilala yung mga tao since nakamask nga kami. Ang alam ko lang ay si
Ziela at Ivan since sila lang yung nakita ko before kami pumunta dito.
Halos lahat ng nakikita ko ay may partner or date. Nakakalungkot lang. Pero ayos
lang, hindi naman ako nandito para makipagdate or something. I?m here to enjoy.
Besides, andito naman yung friends ko.
Maya-maya lang ay nagstart na yung cotillion. Actually, dapat kasama kami ni Ziela
dun pero nagback-out kami dahil dun sa pageant. Hassle kasi.
Then yung parang ginagawa sa JS, eh nagkainan tapos kaunting salitaan. Pero
syempre, ang hinihintay ng lahat, yung slow dance. Magkakasama kami sa table nila
Ivan at Zie. Tapos may isang bakanteng upuan. Hindi ko alam kung sinong nakaupo
since may bag na nakalagay.
May banda pala sa harapan tapos sila yung tumutugtog ng kaanta para sa slow dance.
Kaso hindi kita yung mukha nila since nakamaskara rin sila.
Syempre, isinayaw ni Ivan si Ziela. At ako naman eh naiwan dito. Tapos bigla kong
naaninag si Raya dahil tinanggal niya saglit yung maskara niya, na may kasayaw na
lalaki. Tsk. May bago na naming bibiktimahin ?tong babaeng ?to. Grabe lang.
Pero nagulat ako nung may kamay na nakaabang sa harapan ko. Pagtingin ko, isang
lalaking nakamaskara pero tinanggal niya yung maskara niya..
?kuya Gab!? then inabot ko at isinayaw niya ako sa gitna. Wala kaming ginawa kundi
pagkwentuhan si ate Audrey, yung crush niya. Yeah right. Secret lang namin yun at
sinabi niyang kinikilig daw siya kahapon nung nag-uusap sila ni ate Audrey sa
backstage. Walanghiyang kuya Gab ?to, ang landi!
Then isinayaw rin ako ng iba kong classmates. Hindi ko nga alam kung sino yung
nagsasayaw sa akin since nakamaskara kaming lahat. Wow lang di ba?
Tapos maya-maya, ay inanounce na yung last five dance. At dahil masakit na rin yung
paa ko ay umupo muna ako. Tapos hinilot ko yung paa ko. Grabe baka bukas o kaya
mamaya eh may paltos na ako. Napatingin naman ako ulit dun sa bag sa upuan na nasa
tabi ko. Since wala namang nakatingin ay kinuha ko yung bag at binuksan ko. Tapos
nung kukunin ko na yung laman ay biglang may umagaw sa akin. Lalaking nakamaskara.
Kinabahan nga ako dahil baka mamaya eh magalit since pinakialaman ko yung gamit
niya.
?Sorry.? Tapos yumuko ako sa kanya. Hala lagot ako. Kasi naman Venice
napakapakialamera mo!
Pero nagulat ako nung bigla niyang hinawakan yung chin ko at itinaas yung ulo ko.
Napatingin ako sa mga mata niya.
Te..teka.. s..siya yung tumutugtog at kumakanta sa banda kanina ah?! Estudyante rin
pala sila?! Akala ko arkilado ng school!
?Smile, Ms. Tutor.?
Pagkasabing-pagkasabi niya nun ay lumakad siya palayo dala-dala yung bag niya,
kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Ms. Tutor, huh. Bakit ba hindi ko nahulaan
sa boses niya na si Roj yung kumakanta? Wow, nasa banda na rin siya ngayon?
At kung makapagsalita siya ngayon parang walang nangyari kahapon. Haay, siguro nga,
ayaw na niya. Siguro nga, sumuko na siya. Iniisip ko palang yun, eh gusto ko ng
umiyak.
Bakit kasi ngayon ko lang narealize na mahal ko siya? Bakit ngayon lang kung
kailang pagod na siya? Lahat ng effort niya, sinayang ko. Lahat yun, binalewala ko.
Gusto kong umiyak, pero hindi dito.
Tumayo ako at pupunta sana ako sa labas nung bigla kong naisip..
Bakit ba hindi naman ako ang mag-effort para sa kanya? Pwede namang ako naman di
ba?
Kaya lumakad ako pabalik. Palapit sa harapan. Kinakabahan ako. Pero minsan ko lang
naman ?to gagawin eh. Minsan lang ako mag-effort pag si Roj ang pinag-uusapan.
Maliit na bagay lang ?to kumpara sa lahat ng nagawa niya sa akin.
Hindi ko namalayan na nakarating na ako sa unahan, kung nasaan yung banda. At alam
kong, nakatingin sa akin ang lahat. Maglakad ba naman ako ng mabagal papunta sa
harapan eh. Masyadong agaw-pansin. Pero wala akong pakialam sa kanila. Si Roj ang
pinunta ko dito.
Maging siya ay nagulat sa ginawa ko. Na nasa harapan na niya ako ngayon.
Ano Venice? Tatayo ka nalang ba dyan at tititigan siya?
Itinaas ko yung kamay ko. Gusto ko siyang isayaw. Gusto kong makasama yung taong
mahal ko ngayon.
?May I?? nakita ko sa mga mata niya na nagulat siya sa ginawa ko. Sino ba namang
hindi magugulat kung babae ang nagyaya na magsayaw? Pero mas ikinigulat ko nung
kinuha niya yung kamay ko. At mas nagulat pa ako nung maghiyawan yung mga
sumasayaw. Pati yung teachers namin.
Tumingin ako kay Roj na nakangiti sa akin. Meron pala siyang lapel. Tinanggal niya
yung maskara niya, pati yung maskara ko. Dinala niya ako sa pinakagitna at
pagtingin ko, gumilid lahat ng sumasayaw. In short, kami ang center of attention
ngayon.
Tahimik lahat. Paghinga lang ni Roj ang naririnig galing sa lapel niya. Walang
tumutugtog sa banda. Pero bigla akong hinawakan ni Roj sa may bewang, at kasabay
nun ay tumugtog ang banda at kumanta si Roj.
?Heart beats fast Colors and promises How to be brave How can I love when I'm
afraid To fall But watching you stand alone All of my doubt Suddenly goes away
somehow?
Nakatingin lang siya sa mga mata ko habang kumakanta at isinasayaw ako.
Ang alam ko lang ngayon eh ngumiti. Pero hindi ko naapansin na umiiyak na naman
pala ako. Kaya agad na iniangat niya yung kamay niya at pinunasan yung luha ko.
Pagkatapos nun ay yumakap na ako sa kanya at umiyak sa dibdib niya, habang siya ay
sinasayaw pa rin ako.
?One step closer?
Nagulat ako nung narinig kong nagpalakpakan yung mga tao sa paligid. Hindi ko na
sila sinubukang tignan. Kumportable ako ditong umiiyak sa dibdib niya. Umiiyak
dahil sa tuwa. Uniiyak dahil sa wakas, natupad na yung matagal ko ng pinapangarap.
Yung maramdaman na may nagmamahal sa akin.
?I have died everyday waiting for you Darlin' don't be afraid I have loved you for
a Thousand years I'll love you for a Thousand more?
Tinapos niya yung kanta habang isinasayaw ako at habang nagpapalakpakan yung tao sa
paligid naming. Sana hindi na matapos ?tong gabing ?to. Sana ganito nalang palagi.
?I?ll love you for a thousand more..?
Natapos yung kanta pero tumutugtog pa rin yung banda. A thousand years pa rin pero
instrumental lang. Napatingala ako at nakita kong nakatingin si Roj sa mga mata ko.
Habang yung mga tao sa paligid namin ay naghihintay ng kung anong gagawin niya.
?Tsk. Sinira mo yung plano ko.? Sabi niya sa akin, tapos nagtawanan yung mga tao.
Bigla siyang tumingin sa harapan kaya napatingin rin ako, at parang gusto ko ulit
maiyak.
Yung laman ng bag. Isang scrapbook. Yung project namin sa Values. Ang laman ng
scrapbook niyaa ay puro pictures namin nung time na minamakeover ko siya.
Bigla siyang may kinuha sa bulsa niya, at nakita ko na yun yung makapal niyang
salamin dati, at saka niya isinuot.
?Ako pa rin si Roj. Yung Roj na nerd na tinulungan mo dati. Yung Roj na binigyan mo
ng softdrinks. At yung Roj na mahal na mahal ka.?
Wala na akong masabi pa. Parang hinatak yung dila ko at hindi na ako makapagsalita.
?Love Tutorial. I?ll teach you how to love, but please don?t ever cheat.? Bigla
akong napatingin sa kanya.
?First. Be close with her.? Bigla niya akong hinila papalapit sa kanya. Tapos
isinayaw na naman niya ako. Hindi ko alam pero kinilig ako bigla at napangiti.
?Second. Look into her eyes.? Ginawa niya rin agad yung sinabi niya at tinignan
niya ako sa mata. Yung mga mata niyang sobrang ganda na hindi ko maiwasang tignan
dati noong nilalagyan ko siya ng contact lens.
?Third. Make her smile.? Bigla niyang hinawakan yung lips ko at finorm niya ng
smile. And I really smiled at his gesture. Nakakatuwa. Hindi ko lama kung para saan
?to pero natutuwa ako.
?And fourth. Confess.?
Bigla niya akong hinila ulit at mas mapait sa kanya. Pero ang mas ikinagulat ko ay
yung..
Hinalikan niya ako sa labi.
Naramdaman ko ang tilian, sigawan maging yung flash ng mga camera. Pero hindi ko
pinansin. Tinanggal ko yung salamin niya at saka ako pumikit at hinintay na
maghiwalay ang mga labi namin.
Hindi rin nagtagal at dumilat ako kasabay ng paghiwalay ng labi niya sa akin.
Maging ako ay nagulat sa ginawa ko. That was.. my first kiss. Kahit si Richard dati
na first boyfriend ko ay hindi ko hinalikan.
?I love you so much Venice. At binabawi ko na yung sinabi ko kahapon na papakawalan
kita.?
Naiiyak na naman ako. Overwhelming. Yan ang nararamdaman ko ngayon. Sobrang saya ko
to the point na gusto kong iiyak lahat.
?I?ll also teach you how to love.? Sabi ko sa kanya habang nakangiti ako.
Hinawakan ko yung kwintas niya na may pendant nung sa coke in can. At tinanggal ko
yun mula sa leeg niya.
?Forget about the past. All the hatred, the pain, the sorrow.? Hinagis ko yun sa
likuran at binalik ko ulit yung tingin ko sa kanya. Lumapit ako sa kanya to the
point na magkadikit na yung mga noo namin.
?Welcome to my heart, Mr. Roelle James. Please stay forever.? And I kissed him with
all my heart.
Biglang tumugtog ulit yung A Thousand Years, and this time, lahat sila ay
nagpalakpakan.
?Guess we have our Prom King and Queen!!!? bigla kaming sinabitan ng sash at crown.
Tapos pinicturan kami ng pinicturan.
?Thanks for being my tutor.? Bulong niya sa akin tapos kiniss niya ako sa forehead.
?And thanks for being my tutee.. and my love tutor.? Tapos kiniss ko siya sa
cheeks.
And that?s how we end the night.
Full of love and bounded by kisses.
Epilogue
To love is to learn.
To learn is to be hurt.
And to be hurt is to be loved.
Hindi lahat ng prince charming natin ay yung mga heartthrob, varsity players or
Casanovas. Minsan, siya yung frog prince na kailangan munang makilala bago
husgahan. Yung hindi mo inaasahang mamahalin mo pala.
Sweet part of loving is to admit that you have fallen in love with someone you
didn?t mean to love from the start.
Hindi ko akalain na sa isang geek o nerd ako maiinlove. Yung dating binubully, yung
dating inaasar eh hinahangaan na ngayon.
Nagmahal na ako ng maraming beses. Nasaktan na ako ng maraming beses kaya
nakakatakot magmahal.
Pero hindi naman ibig sabihin na kapag nasaktan ka, eh titigil ka ng magmahal.
Sometimes, you have to get rid of the old feelings to make room for new ones.
As for Roj, kami na and people are congratulating us. Depite all the hindrances,
kami pa rin pala sa huli.
Si Ivan at Ziela, egaged pa rin. Pero parang nililigawan pa rin ni Ivan si Ziela
kaya mas lalo akong kinikilig sa kanila.
Si Raya naman, ayun may bagong binibiktima. Ewan ko ba kung bakit may pumapatol pa
rin dyan.
As of now, I?m happy.
I?m contented.
I don?t need a perfect guy who has a beautiful face and body.
I just need a guy who makes my day perfect.
A guy who laughs with me.
A guy who can kiss me in front of everybody.
A guy who loves me no matter what.
And a guy, who can teach me how to love, every day and every night.
And that guy, is Roj.
My love tutor.
And here we are, ending our LOVE TUTORIAL, because starting today, it?s beyond
REAL.

You might also like