You are on page 1of 553

------------------------------

TITLE: The Good Girl's Revenge


LENGTH: 3615
DATE: Nov 26, 2013
VOTE COUNT: 6156
READ COUNT: 1257396
COMMENT COUNT: 1499
LANGUAGE: Filipino
AUTHOR: blue_maiden
COMPLETED: 1
RATING: 3
MODIFY DATE: 2014-08-18 15:52:03

------------------------------

####################################
Prologue
####################################

Prologue

Certified good girl, ayan ako three years ago...

"Asan yung boss mo?"

"Nasa loob na po siya. Hinihintay niya po kayo." ngumiti ako sakanya bago ako
pumasok sa loob ng bar.

Mas lalo pang gumanda yung bar na 'to. Hindi na ko nagtataka kung bakit napaka
daming tao dito. Yung place, yung music at yung aura, it's just so beautiful. I
guess Troy is taking his business seriously. It's just been five months but I
already missed him.

"What the fvck?!" sigaw ng babae na nasa harap ko. Sa sobrang paglalandi niya sa
lalaking kasama niya hindi niya ko napansin kaya nag kabanggaan kami. "Look what
you've done to my dress?!"

Nung nagka banggaan kami natapon sa damit niya yung hawak hawak niyang alak.
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Lahat ng suot niya halatang cheap, isama mo
na din siya na mukhang cheap. She doesn't know who she's messing with.
"Kung tumitingin ka sa dinadaanan mo, do you think mababangga ka sakin? Wala ka
bang common sense?" she looks really pissed about what I've said.

"How dare you say that to me?! Akala mo kung sino ka!" ang lakas ng music sa bar
pero nangingibabaw yung boses niya. Nakalunok ba siya ng microphone?

"Hindi ka talaga marunong gumalang noh?"

"What are you taking about?!" lumapit ako sakanya. Malapit na malapit sa tenga
niya. Gusto kong marinig niyang mabuti yung sasabihin ko.

"Matuto kang gumalang sa mas nakakaganda sayo."

Nginitian ko siya then I winked at her. That just made her really really pissed
off. Well, that's what she get for messing up with me.

"What did you just said?! ang kapal ng mukha mo!" inangat niya yung kamay niya para
sampalin ako. Bago pa niya magawa yun naunahan ko na siya. I slapped her ugly face.

"Tingin ko mas makapal yang mukha mo. Nasaktan ako sa sampal na yun ah." seriously
makapal nga talaga yung mukha niya.

"You b*tch!" I know right.

"Alam mo yung pag iinarte may binabagayang mukha yan. At sa kaso mo, hindi ka bagay
mag inarte."

"Gusto mo talaga ng away ah?! Well I'll give it you!" lumapit siya sakin.

Sa itsura pa lang ng mukha niya napaka warfreak na niya. Sasabunutan niya sana ako
pero hinawakan ko yung kamay niya para pigilan siya. Tinignan ko siya ng mata sa
mata.
"Gusto mo talaga ako kalabanin? pag bibigyan kita. Wag mong sabihin na hindi kita
binalaan ah?" binitawan ko siya then I still looked at her with my deadly glare.

Akala ko susugurin niya pa din ako pero hindi. Natulala siya saglit tska siya
tumakbo palayo.

"You know what best friend? You're really different now." Napalingon ako sakanya.
Yeah, iba na ako. Ibang iba sa dating ako. "Its good that you're back, Candice."

"Did you missed me Stacey? Yes I'm back. I'm back with my revenge."

Ngayon na narealized ko na lahat. I want to see him. Gusto kong ipamuka sakanya at
sakanila kung sino at ano na ako ngayon. Kung paano nila binago.

Three years ago isa akong good girl na palaging inaapi at sinasaktan. Palaging
niloloko at inuuto. Ako yung tao na iiyak na lang tabi. Mahina at tahimik lang.
Kaso dahil sa sakit na naramdaman ko at sa sakit na pinaramdam niya sakin, nagbago
ako. Naging mas matapang at matatag na ko. Hindi na ko papayag na maging mahina.
Hindi ko na hahayaan na saktan at lokohin nila ako.

I want them to feel my sweet revenge..

The Good Girl's Revenge.

--

Sequel of 'The Four Bad Boys and Me'

The Good Girl's Revenge


Written by blue_maiden
All Rights Reserved. Copyright © 2014
####################################
Chapter 1: Welcome back
####################################

1: Welcome back
6 months ago..

Nakatitig pa din ako sa cellphone ko. Hindi pa din ba siya magpaparamdam sakin?
Naiinis na talaga ako sakanya. Hoy pusang robot! tawagan mo naman ako oh? kahit
text nga lang masaya na ko eh.

"Ano na naman problema mo noona?" tanong sakin ni Lucas.

"Si pusa kasi eh! hindi pa din nagpaparamdam sakin. Tatlong araw na akong walang
naririnig na kahit ano sakanya." sumimangot na lang ako. Ang sad sad lang talaga.

Ginulo gulo naman ni Lucas yung buhok ko. Akala mo talaga bata ako. Palagi siyang
ganyan sakin! HMPF!! "Maybe he's just busy. Wag ka na malungkot dyan, uuwi na din
naman tayo." sabagay baka busy nga talaga siya. Ilang oras na lang naman yung
hihintayin ko, makikita ko na ulit siya.

"Humanda lang talaga sakin yang pusa na yan kapag nagkita kami!" narinig ko na
tumawa si Lucas sa mga sinabi ko. Hmpf! ang tagal kasi ng flight namin, kanina pa
kami nag hihintay ni Lucas dito sa waiting area. Eh bakit ba? excited na kong
makita si Jeydon ko eh, wahaha.

"Sleep now noona, matagal pa tayo mag hihintay dito. I'll just wake you up kapag
aalis na yung plane natin."

"Okey Lucas." sumandal ako sa balikat niya. Hindi din naman nag tagal, nakatulog na
ako.

Sobrang himbing ng tulog ko. Ang saya saya ko lang. After two years kasi babalik na
ulit ako sa Philippines. Ang dami ko ng namiss sa Philippines. Simula nang umalis
ako papuntang Korea, hindi pa ako nakakabalik sa pinas dahil ang daming ginagawa sa
school. Madami na kayang nag bago? sana wala.

Pagkatapos ng first year anniversary namin ni Jeydon, minsan na lang siya


nakakabalik sa Korea. Naiintindihan ko naman kasi hindi siya pinapayagan ng daddy
niya pati busy din siyan school niya. Palagi naman niya akong tinatawagan eh, kada
oras nga tatawag siya sakin. Kahit na hindi kami nag kikita, hindi nabawasan yung
pag mamahal ko sakanya. Hindi din nabawasan yung pagmamahal sakin ni Jeydon, nandun
pa din yung sweetness niya. Kaya kahit long distance relationship kami, tumagal pa
din kami.

Lately lang siya naging cold, tatlong araw na nga siyang hindi nag paparamdam sakin
eh. May problema kaya? Hindi naman siya ganito eh.

"Candice.."

Pakiramdam ko narinig ko yung boses ni Jeydon kaya minulat ko yung mata ko.

"Hubby?" pagsilip ko nasa Incheon airport pa din kami dito sa Korea. "Bakit nasa
Korea ka?"

Hindi niya ako sinagot. Ngumiti lang siya sakin tapos tumalikod siya. Parang ang
bigat ng pakiramdam ko. Litong lito ako, bakit andito siya at bakit ganyan siya?

"Teka hubby! May problema ba? Tatlong araw ka na ngang hindi nag paparamdam sakin
tapos hindi mo pa ako kakausapin?" nilingon niya ako na may blankong ekpresyon ng
mukha.

"Candice, it's over."

Hala ano daw? It's over? ano yung over? kami ba yung tinutukoy niya?

"We're over. Candice I'm breaking up with you." natawa ako bigla sa mga pinagsasabi
niya.

"Hubby naman eh! Hindi magandang biro yan! Miss na miss na miss na nga kita tapos
ganyan ka pa mag joke?" babatukan ko talaga siya eh. Loko 'tong doraemon na 'to
lakas ng trip eh.

Lumapit ako sakanya para yakapin siya pero tinulak niya ako.
"Tama na Candice. Tapos na tayo."

Alam mo yung pakiramdam na ayaw mong maniwala sa sinasabi niya kasi kapag
pinaniwalaan mo yun sobra kang masasaktan.

"Hindi ako nag bibiro, seryoso ako. Tapos na tayo."

"Sabihin mo naman na magbibiro ka lang hubby? Nasasaktan na kasi ako eh." unti unti
na lang pumapatak yung mga luha sa mata ko.

Hindi na naman niya ako sinagot. Tumalikod siya sakin tska nag lakad palayo. Is
this fvcking serious? Is this even real? Tapos na talaga kami ng ganon ganon na
lang?!

Hinabol ko siya. "Jeydon ano ba! Nasasaktan mo na talaga ako sa ginagawa mo na


'to!"

Nagulat ako sa ginawa niya kasi tinulak na naman niya ako. This time sa sobrang
lakas ng pagkakatulak niya sakin, napahiga ako sa sahig. Madaming mga tao yung
nakatingin samin pero wala na akong pakialam.

"Why can't you just get it? We're over. I don't love you anymore. Stop following
me."

Sa sobrang pag iyak ko hindi na ko nakapag salita pa. Nakatingin lang ako sa likod
ni Jeydon na unti unting lumalayo sakin. Tapos na? ayun na yun? ganon ganon na
lang?

Gusto kong tumayo, gusto ko siyang sundan at pigilan pero hindi ko kaya. Sa sobrang
sakit parang nanghihina na yung buong katawan ko.

Ang sakit, sobrang sakit..

"Noona!"
Minulat ko yung mata ko tapos nakita ko si Lucas. Isa lang pala yung panaginip. Isa
napakasamang panaginip.

"Why are you crying?" kinapa ko yung mukha ko, may mga luha nga. "Tell me, what's
wrong?" tinignan ko ni Lucas, alalang alala siya sakin.

"Lucas," hinawakan ko yung braso niya. "Wag na tayong bumalik sa Philippines. Dito
na lang tayo please. Ayoko munang bumalik dun."

"Wae? Nanaginip ka ba ng masama? About the flight? Don't worry we're safe." niyakap
niya ko pero mas lalo lang akong naiyak. "Noona please stop crying. You're worrying
me."

"Lucas nanaginip kasi ako eh, nakipaghiwalay daw sakin ni Jeydon. Pinagtatabuyan
niya ko, sinabi niyang hindi na niya ko mahal. Lucas natatakot ako.. baka kapag
umuwi tayo, mangyari nga yun." hindi ko pa din napigilan yung sarili ko na umiyak.
Kahit na panaginip lang yun, nasasaktan pa din ako. Paano pa kaya kapag nangyari na
sa totoong buhay?

"Shh.. tahan na. It's just dream. Tingin mo ba magagawa yun ni Jaydee sayo? He
loves you so much kaya tahan na."

Sana nga isa lang yung paniginip kasi kung mangyari man yun sa totoong buhay parang
hindi ko kakayanin.

"Tara na, aalis na yung plane natin."

Inalalayan pa din ako ni Lucas papunta sa plane namin. Pag dating namin dun,
pinatulog ako ni Lucas para daw gumanda yung pakiramdam ko. Sinabi ko na lang
sakanya na siya na lang yung matulog. Parang ayoko ng matulog ulit, baka managinip
na naman ako ng hindi maganda.

Kung kanina bago kami umalis ng Korea excited na excited akong bumalik sa
Philippines ngayon wala na akong maramdaman na excitement. Pakiramdam ko nga hindi
na ako masaya. Bakit ang laki ng epekto sakin ng panaginip na yun?

"Iniisip mo pa din ba yun?" gising na pala si Lucas. Lumulutang na naman kasi yung
isip ko.
"Gigisingin pa lang sana kita kaso gising ka na pala. Andito na tayo." ngumiti lang
sakin si Lucas.

"Wag mo na isipin yun okey? He loves you." tama, mahal ako ni Jeydon. Mahal niya
ako.

Pagkababa namin ng plane dumeretso na kami palabas. Papalapit pa lang kami sa


waiting area nakikita ko na si Mama at Kuya Charles. Gumanda lalo si Mama, si Kuya
naman mas nag mukhang badass. Waaa!! kahit tatlong bwan pa lang nung dinalaw nila
ako sa Korea, miss na miss ko na sila.

Pero teka.. bakit wala si Jeydon?

"Baby Girl!" lumapit agad sakin si mama tska niya ako niyakap ng sobrang higpit. "I
miss you so much!" si mama talaga oh.

"I miss you too ma." hinanap ko sa paligid si Jeydon pero wala talaga siya eh. Asan
kaya yung abnormal na yun?

"Hoy manang! ako hindi mo miss?" tss manang pa din talaga tawag niya sakin ah?
hindi pa din pala siya nag babago.

"Namiss kaya kita kuya! wala ng umeepal sakin dun eh! Hahaha!" lumapit din siya
sakin tapos ginulo gulo niya yung buhok ko. Pareho lang sila ni Lucas eh, magsama
nga sila! haha.

"Na miss din kita little sister." ayiee miss niya din pala ako. Buti naman kung
hindi magtatampo ako.

"Lucas salamat sa pagsama mo kay Candice mag bakasyon dito. Nako ang dami na naming
utang na loob sayo." sabi ni mama.

"Tita Candy wala po yun. Basta para kay noona." hindi ko napigilan na mapangiti,
salamat Lucas.
"Buti ka pa nga Shawn sinamahan si Candice. Eh yun si Jeydon wala eh. Abnormal
talaga yun, alam naman na ngayon kayo darating pero hindi man lang siya pumunta."

Wala pala talaga siya. Bigla akong kinabahan, naisip ko yung panaginip ko. Paano
kapag magkatotoo nga yung panaginip ko na makikipag hiwalay sakin si Jeydon? na
hindi na niya ako mahal? Kasi kung importante ako sakanya dapat nandito siya di ba?
Boyfriend ko siya eh.

"Busy lang yun si Jeydon. Ikaw talaga Charles, pinag aalala mo lang lalo si noona."
singit ni Lucas. Sana nga busy lang siya.

"Mabuti pa umuwi na tayo. Lucas sumabay ka na samin, may maliit kaming salo salo
ako na hinanda sa bahay." buti na nga lang nakarinig ako ng pagkain eh, medyo
sumaya ako.

Habang nasa kotse kami, hindi ko pa din mapigilan na mapatingin sa cellphone ko.

Yah! Jeydon! hindi ka pa din ba talaga mag paparamdam sakin? Pinag aalala mo na
talaga ako. Abnormal ka talagang pusa ka!

*beep*

From: Doraemon<3
Nandito ka na ba? Can you go to my house?

Tss! yan lang ba sasabihin niya? Wala man lang I miss you? Kapag nagkita talaga
tayo Jeydon, humanda ka sakin. Akala mo makaka kiss ka sakin? HAHAHA!! bahala ka
dyan.

Pagdating namin sa bahay hindi na ko makapaghintay na makita si Jeydon kaya nag


paalam agad ako kala mama na pupunta ako kala Jeydon.

Humanda ka lang talaga sakin Jeydon.

Nakita ko agad si Sunny sa labas ng mansion nila Jeydon. Wow dalagang dalaga na
siya ngayon. Tinawag ko siya. "Sunny!"
"Miss Candice? A-ano pong ginagawa niyo dito?" parang hindi siya mapakali nung
nakita niya ako. "Ah ke-kelan pa kayo nakabalik?"

"Ngayon lang ako nakabalik, bakasyon lang. Teka andyan ba si Jeydon? pinapunta niya
kasi ako dito eh." parang namutla bigla si Sunny.

"May problema ba?" nag aalala na ko sakanya, may sakit kaya siya?

"Wala po Miss Candice. Siguro po mas maganda kung bukas na lang kayo pumunta."
nagtataka na talaga ako sakanya. Bakit bukas pa? "Kasi ano--"

"Sunny!" nakakatakot yung boses na yun. Napalingon tuloy kami agad ni Sunny sa
nagsalita.

"Grandma Jean, kayo pala." halatang takot si Sunny sakanya. Ako nga din natatakot
sakanya. Hindi lang kasi boses nakakatakot sakanya pati yung itsura niya. Mukhang
sobrang sungit niya. Kasing eded na siya ni grandma, ay teka? baka siya yung
kapatid niya? Kamukha niya eh.

"Siya ba si Candice?" nung tumigin siya sakin napalunok na lang ako sa takot. Grabe
naman, pamatay yung tingin niya. Ngayon ko pa lang siya nakita. Hindi din naman
kasi siya sakin binabanggit ni Jeydon. "Kung ikaw nga si Candice, pumasok ka sa
loob. Hinihintay ka ni young master sa kwarto niya."

Tumalikod siya sakin, tingnan niya si Sunny. Sumunod naman agad sakanya yung apo
niya. Tingin pa lang alam mo na kung anong gusto niyang sabihin. Huhu! akala ko
wala ng mas susungit pa kay Brian, meron pa pala. Kakatakot naman siya, sana hindi
ko siya palaging makita kapag nandito ako sa bahay ni Jeydon.

Naglakad na ko papunta sa kwarto ng abnormal na pusang robot na yun. Bigla naman


pumasok sakin yung inasal ni Sunny kanina. Bakit kaya siya hindi mapakali? tapos
parang ayaw niya pa na pumunta ako dito.

Bigla ulit pumasok sa isip ko yung panaginip ko. Kaya ba niya ako pinapunta dito
para makipag hiwalay katulad dun sa panaginip ko? Waaa!! hindi noh!! mahal na mahal
kaya ako nun ni Jeydon. Isa pa sabi nila kung ano daw nangyari sa panaginip mo,
kabaliktaran daw yun sa totoong buhay. Tama yan Candice! be positive. Mamaya may
surprise pa sakin yun si pusa, haha! tama. Mahilig yun sa mga ganon eh.
Pagkatapat ko sa pintuan ng kwarto ni Jeydon may narinig akong boses..

"Paano mo sasabihin sakanya?" teka, yung boses na yun..

Wag mong sabihin na siya yan..

"Don't worry Kim, I'll just be honest with her." tama ba lahat ng naririnig ko? o
baka naman kasi nanaginip na naman ako?

"Thank you babe, sana lang tanggapin agad ni Candice yung break up niyo."

Kinurot ko yung sarili ko kasi parang nanaginip lang talaga ako eh. Kaso hindi pala
siya panaginip kasi nasaktan ako. Totoo talaga lahat ng naririnig ko ngayon?

"Anything for you babe." unti unti kong binuksan yung pintuan para makita ko sila.

Pagkabukas ko ng pinto. Nakita ko si Jeydon na lumapit kay Kim pagkatapos nag


halikan sila.

Kusa nang pumatak yung mga luha sa mata ko. Ngayon alam ko na yung pakiramdam kung
paanong unti unting nadudurog yung puso mo. Sobrang sakit eh, ang sakit sakit lang.

Gusto ko ng ialis yung tingin ko sakanilang dalawa. Gusto ko ng umalis at tumakbo


pero hindi ko magawa. Sobrang sakit na parang buong katawan ko ngayon namamanhid
na.

Litong lito ako, gulong gulo ako pero isang bagay yung malinaw sakin. NILOLOKO AKO
NI JEYDON. SINASAKTAN NIYA AKO. At ang masakit pa, ginawa niya yun sa harap ko.
Mismong dalawang mata ko yung nakakita.

Jeydon bakit?
Maya maya may kamay na biglang humila sakin palayo sa kinakatayuan mo na yun. Hindi
ko na makita kung sino siya kasi nanlalabo na yung mga mata ko. Hinila niya ako
palayo kay Jeydon at Kim, palayo sa mansion na yun.

Nung huminto kami, doon ko lang siya nakilala.

"Marky.."

Itutuloy..

--

Author's note:

#MarDice HAHAHA!! bibitinin ko muna kayo..


Uso po mag vote at mag comment! hehe dejk lang. LABYU po BAMers!! <3 Thanks kasi 7M
reads na yung TFBBAM <3 <3 <3

Next UD po sa sat/sun. Yan ah sinagot ko na kung kelan, wala na mag tatanong!


hehehe :P
####################################
Chapter 2: Broken
####################################

Marky.

[Now Playing: Terrified - Katharine McPhee]

Isang bwan ko ng napapansin na palaging nagkikita at nag uusap si Jeydon at Kim.


Kung ano man yung dahilan non, alam kong hindi yun maganda. Wala kahit ni isang
nababanggit si Jeydon samin about kay Kim. Kaya napag desisyonan ko na sundan
silang dalawa. Gusto kong malaman kung anong meron sa kanilang dalawa.

Nasa tapat ako kanina ng bahay nila Kim, lumabas bigla yung kotse niya at tama yung
hinala ko. Kala Jeydon siya pupunta. Pumasok sa loob ng bahay nila Jaydee yung
kotse niya.
Naghintay lang ako ng ilang minuto sa labas. Nag isip isip ako. Eto na ba yung
panahon para komprontahin ko silang dalawa? Kahit ano pa yung ginagawa nila, mali
na magkita at mag usap pa sila. Paano na lang si Candice? Sigurado akong masasaktan
siya kapag nalaman niya 'to.

Palabas na ako ng kotse ko kaso may nakita akong babae sa tapat ng gate nila
Jeydon. Nanlaki na lang yung mga mata ko sa sobrang gulat. Fvck! ngayon nga pala
sila uuwi ni Shawn dito. Teka hindi din ba alam ni Jeydon yun?! Imposible naman.

Nag uusap silang dalawa ni Sunny. Tinawagan ko agad si Jeydon para sabihin sakanya
na nandito si Kim at Candice.

["Yow!"] ang cool pa ng boses niya. Kung alam lang niya kung ano yung pwedeng
mangyari kapag nag pangabot silang tatlo sa loob.

"Asan kang ugok ka ha?!" hindi ko na din napigilan yung emosyon ko.

["Nandito ako sa kwarto ko, kasama ko si Kim."] kasama niya yung babaeng yun?!

"Si Kim?! nahihibang ka na ba? bakit kasama mo siya ha?!" nababaliw na ba si


Jaydee? "Alam mo bang nasa labas ng bahay niyo si Candice?!"

["Alam ko, ako nag papunta sakanya."] gago pala siya eh. Alam niyang pupunta si
Candice tapos kasama niya si Kim sa kwarto niya? ["Kie, wag ka nang maki alam samin
pwede ba? Hayaan mo na akong mag handle neto."]

"Ano bang sinasabi mong gago ka! Alam mo ba kung anong mararamdaman ni Candice
kapag nakita niya kayo ni Kim na magkasama at dyan pa sa kwarto mo?!"

["Wag ka nang maki alam dito."] magsasalita pa sana ako kasi binabaan niya ako.
Shet! ano bang iniisip mo Jeydon?

Tinanaw ko si Candice pero wala na siya. Nasa loob na siguro siya ng mansion.
T*ngina talaga! dapat mapigilan ko siya. Hindi niya dapat makita si Kim at Jeydon
na magkasama.
Tumakbo ako papasok kala Jeydon. Buti na lang kilala ako ng guard kaya pinapasok
niya agad ako. Tumakbo ako papunta sa kwarto ni Jeydon. Pagdating ko dun, huli na
ako.

Nakita ko si Candice na nakatayo sa tapat ng pintuan at umiiyak. Gago ka talaga


Jeydon. Buiset ang bagal ko. Lumapit ako sakanya, nakita ko din sa loob sina Jeydon
at Kim na naghahalikan. What the hell?! ginawa nila 'to sa harap ni Candice?!

Hinawakan ko na lang yung kamay ni Candice tska ko siya hinila palayo. Hindi niya
dapat yun nakita.

Nung malayo na kami, huminto na ko sa paghila sakanya. Umiiyak pa din siya. Sobrang
nakaka awa siya. Alam kong sobra din siyang nasasaktan ngayon.

"Marky.."

Kusa na lang sigurong gumalaw yung katawan ko. Hinila ko siya papalapit sakin tapos
niyakap ko siya.

"Marky makikipag hiwalay na sakin si Jeydon.. hihiwalayan na niya ko para kay Kim..
Marky bakit.. ang sakit." umiiyak lang siya habang yakap yakap ko siya.

"Tahan na Candice.."

"Naghalikan pa sila sa harap ko, parang dinudurog yung puso ko. Ang sakit sakit
non."

Alam ko Candice, alam ko.

"Marky.. sabihin mo, hindi totoo yun di ba? Hindi totoo lahat ng yun di ba?"
t*ngina talaga. Fvck you ka Jeydon.

"Candice magpakatatag ka." sa sinabi ko na yun, mas lalo siyang umiyak. Sa lakas ng
iyak niya mararamdaman ko kung gaano siya nasasaktan.
"Ang sakit, sobrang sakit. Halos lahat na ng pagmamahal binigay ko sakanya na halos
wala ng matira pa sakin tapos lolokohin niya ako?"

Niyakap ko lang siya. Eto naman yung kaylangan niya eh. Kaylangan niya ng mag co-
comfort sakanya. Kung pwede ko nga lang kunin yung sakit na nararamdaman niya
ngayon, ginawa ko na.

"Taena sa sobrang sakit, napapamura na lang ako."

Mararamdaman mo kung gaano siya nasasaktan sa pag iyak pa lang niya. Sobra siyang
nasasaktan.

"Sabi niya mahal niya ako eh pero bakit niloko niya ako?"

Humahagulgol na siya sa pag iyak. Ang sakit, ang sakit pag masdan na nasasaktan
siya ng ganito. Jeydon sana nakikita mo si Candice ngayon, sana nakikita mo kung
gaano mo siya sinasaktan ngayon.

"Ang sakit eh.. ang sakit sakit."

Nasasaktan ako puta. Ang sakit makita na nagkaka ganyan ka Candice.

"Hindi 'to kayang gawin sakin ni Jeydon, yung Jeydon na kilala ko. Hindi niya ko
kayang saktan. Hindi niya 'to gagawin sakin di ba Marky? Hindi ako sasaktan ni
Jeydon.." sa sobrang lakas ng pag iyak niya, boses lang niya yung nangigibabaw sa
buong park.

"Candice.. tama na." alam kong mahal na mahal ka niya. Hindi ko lang talaga alam
kung anong mangyayari ngayon. Pucha talaga! gusto kong intindihin si Jeydon pero
hindi ko mapigilan na magalit sakanya. Gago ka Jeydon!

"Tapos na ba lahat samin? ganon na lang ba yon?" hindi ko alam. Hindi ko talaga
alam.

"May dahilan siya di ba? Meron di ba? Kasi kung wala, bakit pa niya sinabing mahal
niya ko kung gagaguhin lang pala niya ko."

Alam kong may dahilan siya kung bakit niya 'to ginagawa kay Candice. Hindi ko lang
alam kung ano yun. At natatakot akong alamin kasi baka mas lalo lang masaktan si
Candice sa dahilan ni Jeydon.

"Candice kung ano man yung mangyari sa inyo ni Jeydon. Andito lang ako, andito lang
kami para sayo. Kayanin mo."

"Kaya ko bang wala siya sa buhay ko?"

Hinarap ko siya sakin, hinawakan ko yung mukha niya. Pinahid ko yung mga luha sa
mata niya.

"Kayanin mo."

"Hindi eh.." huminto siya sa pagsasalita dahil sa sobrang pag iyak niya. "Hindi ko
kaya.. ang hirap eh.."

"Alam ko mahihirapan ka pero nandito lang naman ako. Pwede mo akong sandalan."

"Salamat kasi nandyan ka Marky.." lumayo siya sakin. "Pero siguro kaylangan ko muna
mapag isa.."

Naglakad siya palayo sakin. Gusto ko siyang pigilan kasi gusto kong samahan siya sa
ganitong sitwasyon. Kaso siguro tama siya, kaylangan niyang mapag isip at mapag
isa.

Sa sobrang galit ko sinipa ko yung bato na nasa harapan ko. Sana hindi na lang niya
nakita yon. Sana hindi na lang siya nasasaktan ng ganito. Sana na agapan ko lahat
ng 'to.

Nag simula na akong maglakad papunta kala Jeydon. Gago siya! anong karapatan niyang
saktan si Candice?! Bigyan niya ako ng sobrang ayos na paliwanag kung hindi baka
hindi ko mapigilan yung sarili ko at makalimutan kong best friend ko siya.
Malapit na ako sa bahay nila Jeydon nung nakita ko si Troy na nakasakay sa kotse
niya.

"Kie! pupunta ka ba kala Jaydee? Malamang wala siya dyan. Ngayon dumating sila
Candice tska Shawn galing Korea kaya nandun yun kala tanda." mabuti pa wag ko muna
sabihin 'to kay Troy.

"Ah oo nga pala, sige mauna ka na doon. May pupuntahan lang ako." mas okey kung ako
lang muna yung haharap kay Jeydon. Sa aming tatlo, ako pa lang nakaka alam kung
anong nangyari.

"Ah sige."

Nung naka alis na si Troy, dumeretso na ako kala Jeydon. Hindi pa din nawawala yung
galit ko sakanya, sa ginawa niya.

"Sir Marky, ayaw po ni young master na may bisita ngayon." bungad sakin ni Sunny.

"Sunny kaylangan ko siyang kausapin." nag aalangan siya kung papapasukin niya ako
sa loob o hindi. "Matatanggihan mo ba ako?"

"Ay sir naman oh! Oo na nga eto na. Pasalamat ka crush kita dyan!" buti na lang
talaga mabait 'to si Sunny. "Basta po kayo na bahala ah? baka ako pagalitan ni
young master eh."

"Sagot kita." pinisil ko muna yung pisngi niya tska na ko dumeretso sa loob ng
mansion nila.

Dederetso na sana ako sa kwarto ni Jeydon pero narinig kong may tumutugtog ng
gitara sa kabilang kwarto. Nakita ko si Jeydon, nag yoyosi habang nag papatugtog ng
gitara.

"Hindi ba sinabi ni Sunny sayo na ayoko ng bisita?" nilapag niya yung gitara sa
gilid. Pinatay din niya yung sindi ng sigarilyo niya. "Ano bang kaylangan mo?"

Lumapit agad ako kay Jeydon. Hindi ko na kayang pigilan yung galit ko. Kinuha ko
yung kwelyo ng damit niya, tinayo ko siya.

"Anong kagaguhan 'tong ginagawa mo?!" inalis niya yung kamay ko sa damit niya.

"Kagaguhan na ba mag mahal?" seryoso yung mukha niya.

Bumalik na sa dati si Jeydon. Yung Jeydon na walang paki alam sa iba. Yung Jeydon
na maka sarili. Eto yung Jeydon na hindi ko gusto.

"Pag mamahal?! eh sinasaktan mo si Candice eh! Gago ka ba?" nababaliw na talaga


siya.

"Bakit sino bang may sabi na si Candice yung tinutukoy ko? Hindi ko na siya mahal
kasi si Kim na yung mahal ko. Siya pa din pala yung mahal ko Kie."

Sa sobrang galit ko sa narinig ko, sinuntok ko siya. I don't fvcking care kung
masaktan siya. Bagay lang sakanya yan, hayop siya.

"Ipinaubaya ko sayo si Candice noon, kahit na gusto ko na din siya. Nag paraya ako
para sayo! kasi best friend kita, kasi akala ko mamahalin mo ng totoo si Candice!"
hindi pa ako nakuntento, sinuntok ko pa ulit si Jeydon. "Gago ka! Isa kang malaking
gago!"

Tinulak niya ko palayo sakanya. Dumudugo na yung labi niya sa lakas ng suntok ko.

"Kahit ano pang sabihin mo, hindi na mababago yung isip ko. Si Kim talaga yung
mahal ko, siya at hindi si Candice." Susuntukin ko sana ulit si Jeydon pero may
nakauna na sakin.

"Eh gago ka pala eh! Si Kim pala mahal mo bakit pinaasa mo pa yung best friend ko!"

"Haha! Pag tutulungan niyo talaga ko? Sige! bugbugin niyo ko pero hindi pa din
magbabago yung isip ko." susuntukin na naman ni Troy si Jeydon pero sinuntok siya
ni Jeydon. "Tigilan niyo na yan! Tigilan niyo na ako!"
"Jeydon ano ba! Hindi mo na ba talaga mahal si Candice?! Hindi ka ba nag aalala
sakanya? Nasasaktan na siya sa ginagawa mo!" pinigilan ko si Troy na suntukin ulit
si Jeydon.

"Alam kong nasasaktan siya, hindi ako tanga."

"Alam mo pa lang hayop ka eh!" punyeta! nahihirapan na kong awatin silang dalawa.
Pumunta punta pa kasi dito si Troy eh.

"Mas lalo lang siyang masasaktan kung ipagpapatuloy ko pa yung relasyon na puro na
lang kasinungalingan."

Hindi ko na din napigilan yung sarili ko. "Dahil ba 'to sa daddy mo ha? O baka na
blackmail ka ni Kim?!" natawa lang siya sa sinabi ko.

"Walang kinalaman si dad at si Kim dito. Ako yung may gusto nito. Sa aking desisyon
'to." wala akong naiintindihan sa sinasabi ni Jeydon. Kung wala silang kinalaman
dito, bakit niya 'to ginagawa?

"Sigurado ka ba ha? Pwede mo naman sabihin samin eh! Kung may kinalaman sila
dito--"

"Tama na Troy. Na realize ko lang na mas mahal ko pa din pala talaga si Kim. Oo
minahal ko din si Candice pero mas nangingibabaw pa din yung pag mamahal ko kay
Kim."

"Ulitin mo nga! Mas mahal mo si Kim?! nahihibang ka na ba?!"

"Alam niyo naman kung gaano ko minahal si Kim dati di ba? Sinaktan niya ako kaya
naghanap ako ng paraan para makalimutan ko yung sakit pinaramdam niya sakin. Nung
nakilala ko si Candice, nakalimutan ko yung nararamdaman ko na yun kay Kim. Dahil
dun minahal ko si Candice. Oo, minahal ko din si Candice pero nung bumalik na ulit
si Kim unti unti kong na realize na siya pa din pala talaga yung mahal ko."

"Ginawa mo lang palang panakip butas si Candice?! Anong klase ka Jeydon!" hindi ko
na napigilan si Troy. Hindi ko na din siya pipigilan pa.
Sinuntok ng sinuntok ni Troy si Jeydon. Nakakapag taka lang, hindi gumaganti si
Jeydon.

"Gago ka Jaydee!" duguan na yung mukha ni Jeydon kaya inawat ko na si Troy.

"Tama na Troy."

"Ano masaya ka na Troy? Sige bugbugin mo pa ko. Anong akala niyo kayo lang
nasasaktan?! Nasasaktan din ako!" tumawa ng malakas si Troy.

"Shut up! kung may nasasaktan man dito, si Candice yun at hindi ikaw." binitawan ko
na din si Troy. "Eto tandaan mo Jeydon, simula ngayon hindi na tayo magkaibigan."

Umalis na si Troy pero nag pasya akong mag stay.

"Ano pang kaylangan mo Kie?"

"Jeydon, alam kong mahal mo pa din si Candice." hindi siya tumingin sakin. Tumingin
lang siya sa labas. "Kung ano man yang iniisip mo itigil mo na yan. Pareho lang
kayong masasaktan."

"Tama na, ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na si Kim na yung mahal ko at hindi
na si Candice."

"Ganon ganon na lang ba yun?" hindi na niya ako maloloko.

"Oo ganon na lang yun. Pwede ba Kie, kung gusto mo sayo na si Candice."

Nginitian ko siya. Tinignan niya lang ako ng masama. Sige pag sisisihan mo lahat ng
'to Jeydon. Makikita mo kung ano yung pinakawalan mo.

"Sinabi mo yan ah? Wala ng bawian."


####################################
Chapter 3: Breaking up
####################################

Candice.

Apat na oras na akong naglalakad, kung saan ako papunta? hindi ko alam. Wala na ako
sa sarili ko dahil sa sobrang pag iisip ko sakanya. Kahit anong gawin ko, siya at
siya lang yung naiisip ko.

Nabalot na lang ako ng kalungkutan nung napansin ko na nasa isang park na pala ako.
Yung park na palagi naming pinupuntahan. Yung park na nagpapa alala sakin ng
madaming masasayang alaala.

Natigilan ako sa paglalakad dahil sa dalawang bata na nasa harap ko.

"Ice cream ko yan ah!"

"Pahingi lang Karl eh, ang damot mo naman."

"Sige na nga, kiss mo muna ako?"

"Ayoko nga! behlat!" pagkatapos nun naghabulan na lang silang dalawa.

Parang ako at si Jeydon lang. Napangiti ako pero unti unti din akong naiiyak.
Naalala ko yung mga panahon na magkasama pa kami dito sa lugar na 'to.

"Jeydon bakit ganon? kapag iniisip kita, naiisip ko kung gaano kita kamahal." umupo
ako sa gilid ng basketball court. Pinatong ko sa mga tuhod ko yung ulo ko tska ko
hinayaan yung sarili ko na umiyak. "Jeydon mahal na mahal kita eh.. mahal mo din
naman ako di ba?"
Hindi pa man niya tinatapos yung relasyon namin pero sobrang sakit na yung
nararamdaman ko. Paano na lang kapag mismong sa harap ko na niya tapusin ang lahat
samin? Makakaya ko ba? Kaya ko bang mawala na siya sa buhay ko?

Sana isa na lang ulit 'tong panaginip. Isang bangungot. Sana magising na ko kasi
ayoko na dito.

Tumunog bigla yung cellphone ko. Kinuha ko siya, nakatingin lang ako sa screen ng
phone ko. Ang labo na ng paningin ko dahil sa mga luha sa mata ko. Nung nakita ko
kung sino yung tumatawag sakin, mas lalo akong naiyak.

Doraemon<3 calling..

Dati kapag nakikita ko yung pangalan niya na tumatawag sakin natutuwa ako pero
ngayon nalulungkot na ako. Nalulungkot ako at natatakot, paano kapag sinagot ko
siya at bigla niyang sabihin sakin na tapos na lahat samin? Hindi ko pa kaya eh..
hindi pa ako handa.

"Ilang minuto pa Jeydon.. bigyan mo pa ako ng konting oras.."

Ilang minuto yung lumilipas pero nakikita ko pa din yung pangalan ni Jeydon na
tumatawag sakin.

"Konti na lang, ihahanda ko lang yung sarili ko."

Hindi pa din siya tumitigil sa pag tawag sakin. Ganon mo na ba gustong tapusin ang
lahat satin Jeydon? Konting oras lang naman yung hinihingi ko eh.

Ang tanga mo Candice, tama na. Kahit anong gawin mo, iiwan at iiwan ka pa din niya.

Huminga muna ako ng malalim bago ko sinagot yung tawag niya.

"He-hello?"

Hindi siya nagsalita. Tahimik lang siya, tahimik kaming dalawa. Pinipigilan kong
umiyak kasi ayokong marinig niya ako na umiiyak. Ayokong umiyak kahit ang sakit
sakit na.

["Candice.."]

Kahit anong pag pipigil yung gawin ko, kusa pa din pumatak yung mga luha sa mata
ko. Ilang araw pa lang kaming hindi nag uusap pero sobrang na miss ko na yung boses
niya. Jeydon, miss na kita. Miss na miss na kita.

["We need to talk."]

Sa tagal natin na hindi nagkita at nag usap yan lang ba yung sasabihin mo? Hindi mo
man lang ba sasabihin na namiss mo ko? Parang wala na akong halaga sayo.

Jeydon mahal mo pa ba ako?

"Ano.. importante ba yan?"

["Yes it is."]

"Okey, bigyan mo lang ako ng konting oras. Konti na lang.."

Binaba ko na yung phone.

Kaya ko na ba talaga? Maisip ko pa lang na mag hihiwalay kami nadudurog na yung


puso ko. Doble pa yung sakit kasi kaya niya ako iiwan para sa ibang babae, para kay
Kim.
Binaba ko agad yung phone. Sorry Jeydon hindi ko pa talaga kaya. Hindi pa ako
handa. Konting oras pa. Maisip ko pa lang na mag hihiwalay tayo nadudurog na yung
puso ko. Doble pa yung sakit kasi kaya mo ako iiwan para sakanya, para kay Kim.

Kahit anong gawin ko, ang sakit pa din. Kahit paulit ulit ko nang nilalagay sa utak
ko na iiwan na niya ako, ayoko pa din maniwala. Ayokong paniwalaan kasi ayokong
tanggapin. Ayokong tanggapin na iiwan na niya ako.

Kahit kelan hindi ko naisip na mag hihiwalay kami ni Jeydon. Akala ko siya na
talaga yung para sakin. Lahat naman ng prinsesa nakakatuluyan si Prince Charming,
eh bakit ako hindi?

Napayuko ako, nakaupo at umiiyak sa gitna ng ulan.

Ganito pala kapag nasaktan ka ng sobra? parang may kamay na nakahawak sa puso mo
tapos unti unti niya yung pipigain.

Akala ko sa mga teledrama o mga koreanovela ang OA kapag nasasaktan yung mga bida
dahil sa pag-ibig. Hindi pala, ang sakit pala talaga.

Jeydon bakit mo ba sakin 'to ginagawa?

Tumayo ako, kaylangan ko siyang puntahan. Hindi niya kayang gawin sakin 'to. Mahal
na mahal niya ako eh. Sabi niya hindi niya ako iiwan, nangako siya sakin eh.
Pwedeng naguguluhan lang siya o baka may kinalaman si Kim dito. Hindi niya ako
pwedeng iwan.

Nung makarating na ako sa tapat ng bahay nila Jedyon. Inipon ko na lahat ng lakas
ng loob ko tska ako pumasok ako sa loob ng bahay nila.

"Noona?" lumapit agad siya sakin tska niya ako niyakap.

"Ah Jayshin, kamusta?" ang laki na din ni Jayshin, lumaki at gumanda lalo yung
katawan niya.

"I miss you noona."

"I miss you too Jayshin. Ang laki mo na ah." for sure mas lalo siyang pag
kakaguluhan ng mga babae.

"Malaki na ba talaga ako sa paningin mo noona? Eh di pwede na kita ligawan?" hindi


pa din pala nag babago yung ugali niya.

"Ayoko baka magalit lalo sakin si Tammy eh." biglang sumama yung itsura niya.

"Don't say bad words noona, okey? bakit ka nga pala nandito?"

"Ah kasi gusto ko sanang makausap si Jeydon.." bigla na lang niyang nilayo yung
tingin niya sakin. "May problema ba?"

"Noona I think it's not the right time." pati ba siya alam na yung balak gawin ni
Jeydon? Alam na ba nila? Ako na lang ba yung hindi nakaka alam?

"Hindi Jayshin," ngumiti ako sakanya. "Wala nang tamang panahon kundi ngayon."

"But noona--"

Nilagpasan ko agad siya. Sorry Jayshin, alam kong nag aalala ka lang sakin. Alam
kong ayaw mo lang naman masaktan ako pero kapag hindi ko pa 'to ginawa ngayon mas
lalo lang akong masasaktan.

Naglakad ako papunta sa kwarto ni Jeydon. Makikita ko na naman ba sila ni Kim na


magkasama?

Oo nakita ko na naman sila..

Ang saya saya nila. Ang saya saya ni Jeydon. Sa bawat ngiti na yun ni Jeydon,
parang may kutsilyong sumasaksak sa puso ko.

Jeydon bakit ganyan ka? dati ako lang nakakapag pangiti sayo ng ganyan di ba? Ako
lang eh..

Masyado akong nasasaktan na para bang hindi na ako makahinga ng maayos. Ganito ba
talaga kasakit?

"Candice?"

Napansin ako ni Jeydon. Hindi ko alam yung gagawin ko kaya naglakad na lang ako
palayo.

"Sandali."

Hindi ko alam pero mas lalo akong naiyak. Ayoko siyang lingonin at tignan kasi baka
umiyak lang ako ng umiyak kapag nakita ko na siya. Hindi pa ako handa na harapin ka
Jeydon, hindi pa ko handa sa sasabihin mo. Hindi pa ko handa na iwan mo ako.

"Candice.." pinunasan ko yung mga luha sa mata ko.

Tumalikod ako para harapin siya para makita ko yung mga mata niya. Nakatayo lang
siya sa harap ko. Gustong gusto ko siya yakapin, gusto ko siyang halika. Gusto kong
ipadama sakanya kung gaano ko siya namiss at gaano ko siya kamahal.

"Andito na ko. Ano na yung sasabihin mo?" wag kang iiyak Candice. Wag kang iiyak sa
harap niya.

Lumapit siya sakin, nakatingin lang ako sakanya pero hindi siya makatingin sakin.

"Candice, I'm breaking up with you."

Parang unti unting nadudurog yung puso ko. Hinayaan ko na lang yung sarili ko na
umiyak. Kahit alam ko nang sasabihin niya yun sakin, ang sakit sakit pa din.
"Haha joke yan di ba?"

"No, I'm serious."

"Sabihin mo, hindi ka naman seryoso di ba? Hindi ka naman talaga makikipag break
sakin di ba? Sabi mo mahal mo ko di ba? Kaya bakit ka makikipag break?"

Please Jeydon sabihin mong hindi yun totoo. Sabihin mong mali lang lahat ng narinig
at nakita ko. Sabihin mong hindi mo ako iiwan. Sabihin mong ako yung mahal mo.
Please Jeydon..

"Candice, mahal ko pa si Kim. Mahal na mahal ko pa din siya."

Mahal pa niya si Kim?

"Paano ako?" nahihirapan na talaga akong huminga dahil sa sobrang pag iyak ko.

"Sorry but I already choose her over you." yan na lang ba kaya mong sabihin Jeydon?

"Ang tanga tanga ko. Alam ko na naman na makikipag break ka sakin eh. Narinig kita
kanina tska nakita ko kayo ni Kim na naghahalikan pero umasa pa din ako na ako yung
pipiliin mo."

"Stop it Candice."

"Sabi mo ako lang.. umasa ako."

Umasa ako sa lahat ng sinabi mo. Umasa ako sa lahat ng mga pangako mo. Umasa ako
sayo pero binigo mo lang pala ako.

"Sorry.."

"Sorry? matatanggal ba nyan lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon? Hindi namam


di ba? Kaya wag ka na mag sorry."

Hindi siya nakapagsalita. Tumayo ako, lumapit ako sakanya. Hindi siya makatingin sa
mga mata ko.

"Asan na yung mga pangako mo?"

Hindi pa din siya nagsasalita pero this time tumingin na siya sa mga mata ko. Ang
sakit tignan si Jeydon.
Yung tingin niya sakin dati na puno ng pagmamahal, ngayon wala na. Kung tignan niya
ako parang wala na akong kwenta sa buhay niya.

"Sabi mo mahal mo ko. Sabi mo hindi mo ako iiwan. Sabi mo palagi ka lang nandyan sa
tabi ko. Sabi mo ako lang yung mamahalin mo. Sabi mo lang pala yun eh."

Nilagay ko yung dalawang kamay ko sa mukha ko tska ako umiyak ng umiyak. Lumapit
siya sakin tapos niyakap niya ako.

"Tama na, kalimutan mo na lahat ng sinabi ko. Kalimutan mo na ako."

"Ganon na lang ba kadaling talikuran ang lahat satin? Isang araw mahal mo ako tapos
ngayon sasabihin mo na kalimutan na lang kita?"

"May mahal na akong iba. Alam mong mas mabuti kung tatapusin na natin 'to." Unti
unti siyang bumitaw sa pagkakayakap niya sakin.

Tumalikod siya sakin tska naglakad palayo.

"Jeydon!" hinabol ko siya, hinawakan ko yung kamay niya tska ko siya pinigilan.
"Please wag.."

"Candice.."

"Parang awa mo na wag mo akong iwan. Hindi ko kakayanin eh, hindi ko kayang wala
ka. Jeydon ikaw yung mundo ko eh. Sayo na umiikot yung mundo ko kaya paano na ako
kung wala ka?"

Niyakap ko siya pero tinulak niya lang ako palayo.

"Tama na, wag mo ng pahirapan yung sarili mo. Candice wala ng mangyayari kahit
umiyak ka pa. Wala na tayo, tapos na tayo."

Napaluhod ako, hinawakan ko yung mga tuhod niya habang nakayuko ako.

"Jeydon mahal na mahal kita eh.."

Tinayo niya ako, hawak hawak niya yung braso ko.

"Ano ba?! wag ka ngang tanga! hindi na kita mahal! Siya na yung mahal ko, siya at
hindi ikaw. Kaya kung may natitira ka pang awa dyan sa sarili mo, itigil mo na
yan."
Binitawan niya ako, hanggang sa huli tinignan niya pa din ako na parang wala akong
kwenta sakanya.

"Hindi mo na ba talaga ako mahal? Jeydon naman eh, sabi mo mahal mo ko! Sabi mo--"

"Babe? did you break up with her na?" hindi ko na natuloy yung saaabihin ko dahil
dumating si Kim.

"Yes babe." lumapit si Kim kay Jeydon. Ang sakit makita na magkasama silang dalawa.
"Candice you better go."

"Pero Jeydon--"

"Hindi mo ba narinig si Jeydon?!" lumapit sakin si Kim. "Umalis ka na! wala ka ng


lugar sa buhay ni Jeydon. Alis!"

"Hindi ako aalis dito!"

"Alis na sabi eh!" bigla niya akong tinulak. Napahiga na lang ako sa sahig. "Umalis
ka na dahil wala ka ng lugar dito!"

Tinignan ko si Jeydon. Akala ko tutulungan niya ako pero hindi. Sa mga tingi pa
lang niya sinasabi na niyang wala siyang pakialam sakin.

"Umalis ka na Candice."

"Jeydon gusto mo na ba talaga akong umalis? Umalis dyan sa buhay mo?"

Tumayo ako, tinignan ko ulit si Jeydon. Walang pagbabago, tinitignan pa din niya
ako na parang wala na akong kwenta sakanya.

"Oo umalis ka na, umalis ka na sa buhay ko."

Hinawakan ko yung dibdib ko, hindi ako makahinga. Pakiramdam ko inaatake ako ng
hika ko. Mas mabuti pa nga siguro yun para mawala na ako. Gusto ko na lang mawala
para mawala na din yung sakit na nararamdaman ko ngayon.

"Tama na Jeydon! Itigil niyo na yan ni Kim!"

May humila sakin pagkatapos niyakap niya ako. Pakiramdam ko gumaan bigla yung
pakiramdam ko.
"Tama na Candice, nasasaktan ako kapag nakikita kitang ganyan."

Napayakap na lang din ako sakanya.

"Hindi ko na hahayaan na saktan ka niya ulit. Hinding hindi na.."

Unti unting pumipikit yung mata ko.

"Salamat Lucas.."

####################################
Chapter 4: Hidden feelings
####################################

Shawn Lucas

"Shawn.."

Nilingon ko siya, napaka seryoso ng mukha niya. Lumapit siya sakin kaya pinatay ko
yung sindi ng sigarilyo ko.

"Anong kaylangan mo Kie?" pareho kaming sumandal sa kotse ko. "May problema ba?"

"Tungkol 'to kay Candice."

"Bakit? may nangyari ba?"

"Natatandaan mo pa ba yung pagkikita natin noon? Sabi mo sakin gusto mo si Candice,


hindi ba?" inalala ko yung pagkikitang yun, oo sinabi kong gusto ko si Candice. Ano
namang meron dun? matagal na yun at isa pa matagal ko ng kinalimutan yung
nararamdaman ko para kay Candice.
"Bakit mo ba yan sinasabi?"

"Just give me a yes or no, do you like her?" Hindi ko alam kung saan papunta 'tong
usapan naman ni Marky pero may kutob akong may hindi magandang nangyari.

"Do you want an honest answer? Yes I like her pero matagal ko ng kinalimutan para
kay Jeydon."

"Forget about Jeydon. I want to ask you a favor."

"What is it?"

"Gusto kong ipagkatiwala sayo si Candice. I know that between the two of us, you
can protect and love her more that I can." Hindi ko maintindihan si Marky. Bakit
niya pinagkakatiwala sakin si Candice? Andyan naman si Jaydee. "Shawn ikaw na lang
yung makakatulong kay Candice."

"Pre ano bang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan."

"Nagkabalikan na si Jeydon at Kim." nagkabalikan? paano mangyayari yun, si Candice


at Jeydon pa. Wag mong sabihin na.. "Shawn kaylangan ka niya."

"What the hell?! nagawa yun ni Jeydon?! niloko niya si Candice? How could he
possibly do that? Mahal na mahal niya si Candice di ba?" pakiramdam ko sasabog ako
sa galit.

"I don't know and I don't want to know. Shawn, kung nakita mo lang kung gaano
nasasaktan si Candice ngayon, maawa ka sakanya. Kaylangan niya ng dadamay sakanya,
kaylangan ka niya." hinawakan ni Marky yung mga balikat ko, para bang sinasabi niya
na ako nang bahala sa lahat. Unti unti siyang naglakad palayo.

Hindi pa din ako makapaniwala na nagawa yun ni Jeydon. Wala akong maisip na dahilan
para balikan niya pa si Kim. Hindi naman pwedeng ma blackmail lang siya ni Kim o ng
Dad niya. Kilala ko siya, hindi siya nag papasindak at nagpapatalo. Posible bang
bumalik lang talaga yung pagmamahal ni Jeydon kay Kim? pero paano si Candice?

Si Candice.. kaylangan niya ko.

Sinunukan kong tawagan si Candice pero hindi niya ako sinasagot. Fvck! asan na ba
siya? nag aalala na ako sakanya. Nasa bahay kaya nila?

Nag drive ako pabalik sa bahay nila. Papasok pa lang ako sa loob naka salubong ko
na agad si Charles.

"Shawn bakit bumalik ka? Teka, alam mo ba kung nasan si Candice? Kanina ko pa
tinatawagan yun eh, si Jaydee naman hindi ko din ma contact. Pambihira! nag date
siguro yung dalawang yun. Psh!" Sigurado akong nakala Jeydon siya ngayon. Charles
kung alam mo lang kung anong nangyari sigurado akong mabubugbog mo si Jeydon. "Huy!
natulala ka sa ka gwapuhan ko?"

"Lul! may naisip lang ako. Sige alis na ko!"

"Bastos na bata 'to oh! Tinatanong pa kita about kay Candice!" hindi ko siya
pinansin, dumeretso agad ako sa loob ng kotse ko.

Pasensya na Charles, hindi pa siguro 'to yung tamang panahon para malaman mo.
Kilala kita at alam kong hindi mo papalagpasin yung ginawa ni Jeydon. Makakagulo
lang lalo yun sa sitwasyon ngayon.

Pagkapark ko pa lang sa harap ng bahay nila Jeydon nakita ko na si Candice na


pumasok sa loob. Bumaba agad ako sa kotse ko tska ko siya sinundan sa loob.

Sinundan ko siya hanggang sa makita niya si Jayshin. Pakiramdam ko may alam na din
si Jayshin sa kung ano yung sitwasyon ngayon. Siguro pinigilan pa niya si Candice
na kausapin si Jeydon pero hindi din siya nag pa awat. Tuloy tuloy siyang naglakad
papunta sa kwarto ni Jeydon.

"Hyung?"

"Jayshin, nandito din ba si Kim?" hindi siya nakatingin sakin ng deretso.


"Magkasama ba sila ngayon sa kwarto ni Jeydon?"

"Yes, she's here. Hyung please stop noona from going there. Masasaktan lang siya,
please hyung."

"Ako nang bahala." tinapik ko yung mga balikat niya pagkatapos dumeretso na ako sa
kwarto ni Jeydon.

Nakita ko si Candice na nakatayo sa harap ni Jeydon. Kahit sa malayo kitang kita ko


na nasasaktan siya. Hindi ko maintindihan pero parang doble yung sakit na
nararamdaman ko. Ayoko siyang makita na nasasaktan.

"Tama na, wag mo ng pahirapan yung sarili mo. Candice wala ng mangyayari kahit
umiyak ka pa. Wala na tayo, tapos na tayo." Napaluhod si Candice sa harap ni
Jeydon.

Noona tama na, hindi mo kaylangang gawin yan. Hindi mo kaylangang magmakaawa
sakanya. Gago siya para gawin niya sayo 'to.

"Jeydon mahal na mahal kita eh.."


"Ano ba?! wag ka ngang tanga! hindi na kita mahal! Siya na yung mahal ko, siya at
hindi ikaw. Kaya kung may natitira ka pang awa dyan sa sarili mo, itigil mo na
yan."

Paano mo ba 'to nagagawa sakanya Jeydon? Dati palagi mo pang sinasabi sakin kung
gaano mo kamahal si Candice. Mahal na mahal mo siya hindi ba? Ngayon bigla mo na
lang tatapusin lahat? Ganon na lang ba yun sayo? Dalawang taon din kayo ni Candice
at hindi biro lahat ng mga pinag daanan niyo.

"Hindi mo na ba talaga ako mahal? Jeydon naman eh, sabi mo mahal mo ko! Sabi mo--"

"Babe? did you break up with her na?"

Kahit kelan palagi na lang si Kim ang dahilan ng problema. Binalaan ko na siya pero
hindi siya natinag.

"Yes babe." mga hayop sila. Ang kapal ng mukha nilang gawin 'to kay Candice at
harap harapan pa.

"Candice you better go."

"Pero Jeydon--"

"Hindi mo ba narinig si Jeydon?!" Lumapit sakanya si Kim. "Umalis ka na! wala ka ng


lugar sa buhay ni Jeydon. Alis!"

"Hindi ako aalis dito!" Shet tama na Candice.

"Alis na sabi eh! Umalis ka na dahil wala ka ng lugar dito!" napahiga sa sahig si
Candice dahil sa pag tulak ni Kim.

Akala ko tutulungan siya ni Jeydon pero hindi. Paano mo natitiis na ginaganito si


Candice? Jeydon ano bang problema mo? Hindi ka naman ganito ah?

"Umalis ka na Candice."

May luha na pumatak sa mga mata ko. Luha na dulot ng sakit at galit. Sakit dahil
nakikita ko si Candice na nasasaktan ng sobra at inis dahil sa ginawa nila Jeydon
at Kim sakanya.

"Jeydon gusto mo na ba talaga akong umalis? Umalis dyan sa buhay mo?"

"Oo umalis ka na, umalis ka na sa buhay ko."


Hindi ko na kaya, hindi ko na kayang makita.siyang nasasaktan. Sobra sobra nang
sakit yung pinaramdam sakanya ni Jeydon at Kim. Tama si Marky, kaylangan niya ako.

"Tama na Jeydon! Itigil niyo na yan ni Kim!"

Hinila ko si Candice papalapit sakin pagkatapos niyakap ko siya. Niyakap ko siya ng


mahigpit, mahigpit na mahigpit.

Nandito na ako, hindi na kita bibitawan pa.

"Tama na Candice, nasasaktan ako kapag nakikita kitang ganyan." Niyakap niya din
ako. "Hindi ko na hahayaan na saktan ka niya ulit. Hinding hindi na.."

Pangako ko sayo, hindi ko na hahayaang saktan ka nila. Palagi lang akong nandito sa
tabi mo Candice, hindi kita iiwan.

"Salamat Lucas.."

Unti unti siyang nawalan ng malay. Binuhat ko siya, pagod na pagod na siguro siya.
Hindi pa siya nakakapag pahinga pagkatapos ng flight namin.

"San mo siya dadalhin?" ang sama ng tingin sakin ni Jeydon. Sinamaan ko din siya ng
tingin, akala ko ba wala na siyang paki alam pa kay Candice?

"Wala ka nang paki alam dun." tumalikod ako sakanila habang buhat ko si Candice.
"Sana maging masaya kayong dalawa."

Binuhat ko si Candice palabas, papunta sa loob ng kotse ko. Nilagay ko siya sa


likod ng kotse ko.

Noona, patawarin mo ako. Hindi ko naisip na mangyayari 'to. Hindi ko naisip na


sasaktan ka ni Jeydon dahil kung alam ko lang tinuloy ko na dati yung plano ko na
agawin ka sakanya. Sana ngayon hindi ka nasasaktan ng ganito.

Dinala ko siya sa condo ko para makapag pahinga. Hindi siya pwedeng makita na
ganito ni Charles at tita Candy. Mag aalala lang sila at alam ko na ayaw yun ni
noona.

Pagka dating namin sa unit ko, nilapag ko agad siya sa kama ko. Hindi ko maiwasan
na pag masdan yung mukha niya. Napaka amo ng mga mukha mo noona. Kaya madali kang
masaktan ng iba dahil napaka bait mo, napaka lambot ng puso mo.

"Jeydon.. wag mo akong iwan."


Kahit sa pag tulog si Jeydon pa din yung naiisip mo. Ganon mo ba talaga siya
kamahal?

"Kung ako lang sana yung minahal mo hindi ka masasaktan ng ganyan dahil hinding
hindi kita sasaktan katulad ng ginawa niya sayo."

Hinawakan ko yung mukha niya. Wag kang mag alala noona, simula ngayon hindi ko na
pipigilan yung nararamdaman ko para sayo. Wala akong paki alam kung siya pa din
yung mahalin mo basta gagawin ko na kung ano yung sinasabi ng puso ko at yun ay ang
mahalin ka.

Kaya lang naman ako nag aral sa Korea para makasama ka. Gusto kong palagi kang
makasama. Gusto kong palagi kitang nababantayan at napapag tatanggol katulad ng
ginawa mo sakin nung mga bata pa tayo.

Isa akong malaking tanga para ipagkatiwala ka kay Jeydon. Tanga ako para kalimutan
yung nararamdman ko sayo para sakanya. Gusto kita, gustong gusto kita mga bata pa
lang tayo. Tinago ko lahat ng yun sayo. Nag paraya ako para sa best friend ko pero
mali pala ako. Sana noon pa lang nagtapat na ako sayo, baka ngayon ako yung minahal
mo.

May mga luha na unti unting tumutulo sa mga mata niya. "Ang sakit.. ang sakit sakit
Jeydon."

Pinunasan ko yung mga luha niya. "Alam ko masakit at nandito ako para alisin yung
sakit na nararamdaman mo."

Dalawang taon ko pinigilan yung sarili ko na mahalin ka. Sa araw araw na magkasama
tayo sa Korea, hindi ko maiwasan na lalong mahulog yung loob ko sayo. Pinigilan ko
lahat ng pwede kong maramdaman para sayo dahil kay Jeydon. Alam ko naman na kayong
dalawa yung nag mamahalan eh, sasaktan ko lang yung sarili ko. Ayoko din talohin si
Jeydon katulad ng ginawa ko dati, isa pa best friend ko siya. Kaso iba na ngayon,
hindi na ako magpaparaya pa. Sinayang niya lahat ng pag sasakripisyo na ginawa ko.

"Candice, hindi ka man sakin pero ipag dadamot na kita lalo na kay Jeydon."

Hindi ko na hahayaan na masaktan ka pa niya. Isa siyang malaking gago para saktan.

"Minamahal ang isang katulad mo, hindi sinasaktan."

May kumatok bigla sa pintuan, tumayo ako para tignan kung sino siya.

Pagbukas ko ng pintuan, hindi ko inaasahan na makikita ko siya.


"Anong ginagawa mo dito?" lumabas ako tska ko sinara yung pinto.

"Anong binabalak mo?" ano namang paki alam niya? ang kapal ng mukha niya na mag
tanong. "Bakit ginagawa mo 'to?"

Sa inis ko nasuntok ko siya.

"Gago ka! wala kang karapatan kwestyunin 'tong ginagawa ko. Iniwan mo na siya hindi
ba? kaya wala ka na dapat paki alam pa."

Ngumit siya. "Oo nga pala gusto mo nga din pala siya. Ngayon na wala na kami,
posible nang magustuhan ka din niya. Matagal mo ng gusto yun di ba?" gusto ko ulit
siyang suntukin pero pinigilan ko yung sarili ko.

"Oo gusto ko siya, gustong gusto ko siya. Eh ano kung mag ka gusto siya sakin? sana
nga mag kagusto na lang siya sakin para makalimutan ka na niya. Wala ka namang
kwenta eh." lumapit siya sakin, kinuha niya yung kwelyo ng damit ko. Kita ko sa mga
mata niya na gusto niya akong suntukin. "Totoo naman di ba? wala kang kwenta.
Sinaktan mo lang siyang hayop ka."

"Wala kang alam kaya tumahimik ka." inalis ko yung pagkakahawak ng kamay niya sa
kwelyo ko.

"Ano bang ginagawa mo dito? iniwan mo na siya di ba? pinagtabuyan mo pa nga siya
tapos ngayon nandito ka?" hindi siya makatingin sakin.

"May gusto lang akong sabihin sayo kaya ako nandito."

"Ano naman yun?" Hindi niya ako sinagot, tumalikod lang siya sakin.

"Ingatan mo siya. Mahalin mo siya higit pa sa pagmamahal na binigay ko sakanya.


Shawn wag mo siyang iwan katulad nang ginawa ko."

Naiwan akong naka tulala dito sa kinakatayuan ko. Hindi ko maintindihan si Jeydon.
Sa tono ng boses niya para siyang nasasaktan pero bakit? siya naman yung may gusto
nito hindi ba? Kung ano pa man yung dahilan niya, iisa pa din yung naging resulta.
Nasaktan niya si Candice, nasaktan nila ni Kim si Candice ng sobra sobra.

Pumasok na ako sa loob. Lumapit ako sakanya pagkatapos pinag masdan ko siya. Pagod
ka na siguro yung mga mata mo na umiyak noona. Matulog ka lang, andito lang ako sa
tabi mo.

Kumuha ako ng upuan, pinatong ko yung ulo ko sa kama tska ako natulog.

"Lucas?" minulat ko agad yung mata ko, dalawang oras na pala akong nakatulog.
"Noona, okey ka na ba?"

"Anong nangyari? Hindi ba nasa bahay ako nila Jeydon? bakit nasa condo mo na ako?"
litong lito siya sa mga nangyari.

"Nawalan ka ng malay kanina kaya dinala muna kita dito. Alam kong ayaw mong mag
alala sila Charles sayo kaya dito kita dinala imbis na sa bahay niyo."

"Salamat Lucas. Pasensya na, nadamay ka pa sa problema ko." tinakpan niya ng dalawa
niyang kamay yung mukha niya pagkatapos umiyak na siya. "Hindi ko na alam kung
anong gagawin ko."

Lumapit ako at niyakap ko siya. "Andito lang kami para sayo."

"Lucas, alam kong mahal ako ni Jeydon pero bakit niya ako sinasaktan ngayon?" hindi
na naman niya napigilan na umiyak.

"Hindi porket may payong ka, hindi kana mababasa. Tulad sa pag-ibig, hindi porket
mahal ka niya, hindi ka na niya sasaktan."

"Ang sakit Lucas eh kasi niloko nila ako ni Jeydon. Pinag mukha niya akong tanga.
Wala akong ka alam alam na nagkabalikan na pala sila ni Kim. Bakit niya ba 'to
nagawa? Saan ba ako nag kulang?" pinunasan ko yung mga luha sa mata niya.

"Hindi ka nagkulang, hindi lang siya nakuntento."

Huminga niya ng malalim, pinunasan niya ulit yung mga luha sa mata niya."Bakit kung
sino pa yung seryoso sa pag-ibig siya pa yung madalas na nasasaktan?" Ngumiti siya
ng bahagya. "Scripted na ata yung lovestory ko, palagi na lang akong nasasaktan
eh."

Kahit na nakangiti niya ngayon, dama ko pa din yung sakit na nararamdaman niya.

"CANDICE!"

Pareho kaming nagulat sa boses niya. Napatayo kaming dalawa para pag buksan siya ng
pinto.

"SHAWN ILABASA MO SI CANDICE!"

Napatingin kami ni Candice sa isa't isa. Pareho kaming kinakabahan.


"Kuya Charles.."

####################################
Chapter 5: Big Brother
####################################

Candice.

"Kuya Charles.." nakakatakot yung mukha niya. Alam na ba niya yung nangyari samin
ni Jeydon? "Paano mo nalaman na nandito ako?"

"Sinabi na sakin lahat ni Troy. Pinuntahan kita kala Jeydon pero sabi ni Sunny
umalis ka na daw kasama mo si Shawn. Kaya naisipan ko na pumunta dito at tama nga
ako dahil nandito ka." mahinahon lang mag salita si kuya pero mahahalata mo pa din
na nag pipigil siya ng galit niya. Huminga muna siya ng malalim bago mag salita.
"Sabihin mo, totoo ba lahat ng yon? Iniwan ka ba talaga niya para kay Kim?"

Hindi ako makatingin kay kuya, hindi ko kayang mag sinungaling sakanya. Gusto kong
sabihin yung totoo pero kilala ko siya, iba siya kung magalit.

"Candice, totoo ba?" sa tono ng boses niya nawawalan na siya ng pasensya. "Wag kang
mag lihim sakin kasi malalaman ko din naman yung totoo."

Tumingin ako kay Lucas. Tumango siya sa akin, para bang sinasabi niya na sabihin ko
yung totoo. Tama si kuya, malalaman din naman niya ang lahat eh. "Oo kuya iniwan
niya nga ako para kay Kim. Nakipag hiwalay na siya sa akin."

"So totoo nga talaga, gago siya." ramdam na ramdam ko yung galit ni kuya Charles.

"Charles mag hunos dili ka lang." sabi ni Lucas. Pati din pala siya nararamdaman
yung galit ni kuya. Parang may itim na aura nang pumapalibot sakanya.

"Paano ako mag huhunos dili? Eh ginagago niya yung kapatid ko eh!"

"Kuya wag mong pairalin yung galit mo." sinubukan namin siyang pakalmahin pero
hindi pa din nawawala sakanya yung galit.
"Hindi niya pwedeng gawin sayo 'to." tumalikod siya samin pagkatapos naglakad siya
palayo. "Humanda siya sakin."

"Kuya! anong gagawin mo?" hinabol ko si kuya para pigilan siya pero hindi niya ako
pinansin.

"Noona we better follow him, come on." sinundan namin agad si Kuya pababa.

Pumasok agad si kuya sa kotse niya. Kinuha ni Lucas yung kotse niya pagkatapos
sinundan namin si kuya kala Jeydon. Kinakabahan ako sa pwedeng gawin ni kuya kay
Jeydon. Ayokong magkasakitan silang dalawa.

Siguro nahalata ni Lucas na nag aalala ako masyado kaya binilisan niya yung pag
papatakbo ng kotse niya. Kahit anong bilis ng takbo ng kotse namin, nauna pa din
samin si kuya.

Pumasok kami agad sa loob ng mansion nila. Dumeretso kami sa kwarto niya, nagulat
na lang kami ni Lucas nung nakita namin si Jeydon na nakahiga sa sahig. Hawak hawak
ni kuya Charles yung kwelyo ng damit ni Jeydon.

"Tama na Charles!" sigaw ni Kim habang inaawat niya si kuya.

"Gago ka Jeydon! Isa kang malaking gago! Nag tiwala ako sayo pero binigo mo ako!
Damn you!" sinuntok niya ng napakalakas si Jeydon.

Lumapit agad kami ni Lucas para pigilan si kuya pero hindi siya nag papa awat.

"Sinong may sabi sayo na pwede mong saktan at lokohin yung kapatid ko?!" sinuntok
na naman niya si Jeydon. "Lalampahin kitang hayop ka!" sinuntok na naman niya si
Jeydon.

"Charles tama na!" hindi niya pinansin si Lucas. Hindi pa din niya tinitigil yung
pag suntok kay Jeydon.

"Wag niyo akong pigilan!" bugbog na bugbog na yung mukha ni Jeydon sa mga suntok ni
kuya.

"Ano ba Charles?! tama na!" hindi din pinakinggan si Kim, sinuntok pa din niya si
Jeydon.

"Hindi! bubugbugin ko muna 'tong hayop na 'to! Akala mo ba Jeydon ganon ganon na
lang yun?! sasaktan mo na lang basta si Candice?!" dumudugo na yung labi ni Jeydon,
hindi din naman siya pumapalag sa bawat suntok ni kuya sakanya.
"Kuya.." hinawakan ko yung braso niya. "Tama na please." buti na lang huminto na
siya.

"Wag mong sabihin sakin na ipagtatanggol mo 'tong lalaki na 'to Candice?!" yumuko
ako, ayokong makita si Jeydon na nasasaktan. "Niloko at sinaktan ka niya!"

"Alam ko naman yun kuya eh, alam na alam ko kaso mahal ko pa din siya at ayoko
siyang makita na nasasaktan!" may mga luha na lang na tumulo galing sa mata ko.

"Candice naman eh! niloko ka niya, harap harapan na nga oh!" magsasalita sana ako
kaso sumingit bigla si Kim.

"Candice tumigil ka na! tigilan mo na si Jeydon. Hindi mo ba matanggap na wala na


kayo?! Hindi ka na niya mahal kasi ako na yung mahal niya!"

"Hindi, mahal pa ako ni Jeydon at alam ko yun. Jeydon sabihin mo, mahal mo pa ako
hindi ba?" tinignan ko si Jeydon, umaasa ako na sasabihin niyang mahal pa niya ako.
Hindi ko na napigilan na umiyak kasi wala akong narinig na kahit ano. "Jeydon hindi
mo na ba talaga ako mahal?"

"Tigilan mo na yan! hindi ka na niya mahal tska hindi ka nga niya minahal eh."

"Kim pwede ba tumahimik ka."

"Sino ka para utusan ako Charles? umalis na kayo ng kapatid mo. Kahit ano pang
gawin niyo hindi na babalik si Jeydon kay Candice. Why can she just accept that? Is
she that desperate?" hinawakan ko yung kamay ni kuya para mawala yung init ng ulo
niya. Baka pati si Kim masaktan niya.

"Kung may desperada man sa inyong dalawa ng kapatid ko, ikaw yun. So better shut up
bitch." pareho kami ni Kim na nagulat sa sinabi ni kuya. Hindi ko akalain na kaya
niyang sabihin yun. Galit na nga talaga siya.

Tumayo bigla si Jeydon, pinunasan niya yung dugo sa labi niya. Tumabi siya kay Kim,
tinignan niya kami ng masama. "Wag na wag mong iinsultuhin yung girlfriend ko
lalong lalo na sa harap ko."

Sa sandaling yun parang may kung ano na tumusok sa puso ko. Ang sakit makita na
ibang tao na yung pinagtatanggol niya ngayon. At ang din sakit pakinggan na yung
tinatawag na niyang girlfriend eh hindi na ako.

"Gago ka! pagkatapos sa kapatid ko, babalik ka kay Kim! Ang kapal ng mukha mo!
Hayop ka!" sumugod ulit si kuya kay Jeydon.

Sinuntok na naman ni kuya si Jeydon. "Kahit kelan hindi ko sinaktan yang kapatid
ko! Tapos gagaguhin mo lang ng ganito! T*ngina Jeydon! Tropa pa man din kita!" sa
pagkakataon na 'to, gumanti na din ng suntok si Jeydon.

"Eh sa hindi ko na siya mahal eh! anong magagawa ko?! alangan naman na ipag pilitan
ko yung sarili ko sakanya!" lumapit kami ni Lucas kay kuya para awatin siya ganun
din naman yung ginawa ni Kim kay Jeydon.

Sobrang sama ng tingin ni kuya at Jeydon sa isa't-isa.

Habang tinitignan ko si Jeydon sa mga mata niya, parang hindi na siya yung Jeydon
na nakilala ko. Kung tignan niya si kuya parang wala siyang sino man na
kinakatakutan. Ibang iba na siya sa dating Jeydon na nakilala ko. Bumalik na siya
sa bad boy na Jeydon.

"Umalis na kayo at wag niyo na kaming guluhin ni Kim. Masaya na kami kaya pwede ba,
patahimikin niyo na kami."

"Jeydon--" hindi ako pinatapos ni kuya sa pagsasalita ko.

"Wag kang mag alala, hinding hindi ka na guguluhin ni Candice. Hindi na ako papayag
na lalapit pa siya sayo." tinignan ako ni kuya. "Umalis na tayo." hinawakan ni kuya
yung kamay ko pagkatapos hinila niya ako palayo.

Hindi ko maiwasan na lumingon para tignan si Jeydon. Yakap yakap siya ni Kim at
mukha ngang masaya talaga sila. Jeydon, tapos na ba talaga lahat satin?

Hinila ako ni kuya hanggang sa kotse niya. "Shawn ako ng bahala kay Candice.
Salamat sa pagsama mo sakanya."

"Sige, ingatan mo siya Charles. Noona, mauna na ako." tumango ako tska ngumiti kay
Lucas. "Everything will be alright."

Umalis na si Lucas, tinignan ko si kuya.

"Pasok." nakakatakot talaga yung aura ni kuya ngayon. "Kaylangan nating mag usap."

Sinunod ko si kuya, pumasok agad ako sa kotse niya. Nag drive siya pabalik sa
bahay, sa buong byahe namin parang hindi ako makahinga. Sobrang bigat sa
pakiramdam.

Pumasok kami sa loob ng bahay pagkatapos sinundan ko lang siya. Pumunta kami sa
kwarto ko para mag usap. Natatakot ako sa mga sasabihin niya.

"Wag na wag ka nang lalapit kay Jeydon." ayan agad yung bungad sakin. "Ayokong
makita na nag kikita at nag uusap pa kayo."
"Pero kuya--"

"Candice!" napa atras ako bigla sa gulat ko. "Wag ka na ngang mag paka tanga!
Niloko ka niya! Umaasa ka pa bang mahal ka pa din ni Jeydon? Hindi ka na niya
mahal, si Kim na yung mahal niya!" pinigilan ko yung sarili ko. Gusto kong sigawan
si kuya, gusto siyang sagutin pero kinalma ko yung sarili ko.

"Tama na kuya please lang."

"Anong tama na? Hindi ka na niya mahal." tinakpan ko yung mga tenga ko. Ayokong
marinig yung mga sasabibin niya. "Candice hindi ka na niya mahal!" hindi ko na
talaga kaya.

"Oo na, oo na hindi na ako yung mahal niya! Wag niyo ka sakin ipamukha kasi alam ko
na eh. Hindi na niya ako mahal at si Kim na yung mahal niya." nag simula na akong
umiyak. "Tanga na kung tanga pero mahal ko pa din siya."

"Itigil mo na yan Candice."

"Kung kaya lang pigilan ng puso ko yung nararamdaman ko para sakanya, ginawa ko na.
Hirap na hirap na din naman ako eh." umupo ako sa kama ko, hinayaan ko lang yung
sarili ko na umiyak.

Lumapit sakin si kuya, umupo siya sa tabi ko. "Sorry, nawala sa isip ko na kung
meron mang sobrang nasasaktan at nahihirapan dito, ikaw yun."

"Kuya hindi ko na alam yung gagawin ko eh.."

"Patawarin mo si kuya, wala akong nagawa para pigilan lahat ng 'to na mangyari.
Wala kong kwentang kapatid sayo." hinawakan ko yung kamay niya.

"Kuya wag mong sabibin yan, ikaw yung pinaka the best na kapatid para sakin. Alam
ko naman na hindi mo gustong masaktan ako eh." pinunasan niya yung mga luha ko. "I
know you just want what's best for me."

"Candice, alam kong mahal mo pa din siya. Siguro matatagalan pa bago mawala yung
pag mamahal mo sakanya pero dadating din yung panahon na makakalimutan mo siya.
Hindi kita pipilitin na kalimutan siya ngayon dahil alam kong mahirap yun."
hinawakan na naman ni kuya yung kamay ko, tinignan ko siya. "Mangako ka sakin,
ipangako mo na simula ngayon susubukan mo ng kalimutan siya."

"Kuya hindi ko kaya.." maisip ko pa lang, nahihirapan na ako. "Kuya gusto kong
ipaglaban yung relasyon namin ni Jeydon."

"Lahat pwede mong ipaglaban pero hindi lahat hindi mo pwedeng ipagpilitan."
Napaisip ako sa sinabi ni kuya, wala na ba talaga kaming pag asa ni Jeydon?
Hanggang dito na lang ba talaga kami?

"Saan ba ako nag kulang kuya? Lahat naman ginawa ko para sakanya pero bakit iniwan
pa din niya ako?" hinila ako ni kuya palapit sakanya pagkatapos niyakap niya ako.

"May mga bagay na kahit anong higpit ng pagkakahawak mo, mawawala parin sa mga
kamay mo."

"Kuya ang sakit eh, kasi mahal ko pa din si Jeydon. Mahal ko pa din siya kahit
sobrang sinasaktan niya na ako ngayon."

"I know but you need to stop loving him." tinignan ako ni kuya ng mata sa mata.
Panandalian kaming natahimik ni kuya.

Is it really over?

Kaylangan ko na nga sigurong simulan na kalimutan si Jeydon. Para san pa ba na ipag


laban ko siya? Malinaw na naman sakin na si Kim na talaga yung mahal niya at hindi
na ako. Ano pa bang laban ko? Mas mabuti pa na sumuko na lang ako..

Tumingin ako kay kuya, I know this is what I need.

"Kuya, bigyan mo ako ng huling pag kakataon na makausap si Jeydon bukas." hindi
siya masaya sa desisyon ko. "Pagkatapos nun, kakalimutan ko na siya."

"Sige pero pagkatapos nyan, ayoko na makikipag kita o makikipag usap ka pa kay
Jeydon, Araso?" tumango ako sakanya. Ginulo gulo niya yung buhok ko. "I love you
litte sis." niyakap ako ni kuya ng napaka higpit. Hindi ko maiwasan na maiyak,
maiyak sa tuwa. Sobrang swerte ko na may isang Kuya Charles ako.

"I love you too kuya.." ngumiti siya sakin

"And oh, another thing we're going back to Korea tommorrow."

"Korea?!"

####################################
Chapter 6: Goodbye to you
####################################

"Korea? Bakit kaylangan natin pumunta ng Korea?" nagtatakang tanong ni mama.


"Kakadating pa lang ni Candice dito Charles, may problema ba kaya kaylangan na sa
Korea na tayo mag stay?

Lumapit siya kay mama, niyakap niya si mama na parang nag lalambing pa siya.
"Magtiwala ka lang sakin mama."

"Okey, I see. I trust you Charles, kung ano man yan alam kong yan yung makakabuti
satin."

"Thanks mama, I know this is the best for us." tinignan ako ni kuya Charles. Parang
sinasabi niya na eto ang best para sa akin. "Candice nailabas mo na ba yung mga
gamit mo sa bagahe mo?"

"Hindi pa kuya, wala na akong dapat ihanda."

"Ako ang dapat madaming ihanda. Nako baby sa Korea na lang tayo mag kwentuhan ah?
Mag iimpake muna ako." nagmadali agad si mama na umakyat para mag impake ng gamit
niya.

"Is this really the best for us? or just for me?" lumapit sakin si kuya pagkatapos
hinawakan niya yung kamay ko.

"You need to forget him and the only way is to get away from him." ngumiti sakin si
kuya. Yeah, maybe this is really the best for us.. best for me.

"Sana nga kuya eto na yung way para makalimutan ko siya, ang lumayo sakanya."

"Sana nga, I want you to be happy Candice. Gawin mo na ang dapat mong gawin, mag
paalam ka na sakanya. Alam mo na yung ibig kong sabihin." ngumiti ako sakanya.
"Maaga tayong aalis bukas."

"Okey, aalis muna ako."

Lumabas ako ng bahay. Kaylangan ko siyang puntahan. Naglakad ako papunta sa lugar
kung nasaan siya, si papa.

Lumapit agad ako sa puntod niya. Umupo ako, "Hi Appa. I missed you."
Pinatong ko sa mga tuhod ko yung ulo ko. "Appa sana nandito ka. Sana kasama kita
ngayon, I need you right now." niyakap ko yung tuhod ko gamit yung dalawang kamay
ko. "Siguro kung nandito ka, hindi mo hahayaan na masaktan ako ng ganito. Baby girl
mo kasi ako 'di ba?"

Papa kung nandito ka lang sana, hindi siguro ako malulugkot ng ganito. Lahat
ginagawa mo para hindi ako malungkot 'di ba? Ayaw mo na may nananakit sakin 'di ba?
Ayaw mo na umiiyak at nasasaktan ako..

Nag isip isip ako, kung nandito kaya si papa, ano kayang sasabihin niya sakin? Sa
pagkakakilala ko sa kanya, gagawin niya yung alam niyang tama.

Kinuha ko yung cellphone ko. Eto na yung tamang panahon Candice. Eto yung dapat
mong gawin.

Kinuha ko yung phone ko, tinawagan ko siya, si Jeydon.

[NP: Strangers again - Migz Halleco (play it for better reading)

Unti unting bumubilis yung tibok ng puso ko sa bawat pag ring ng phone.

["Hello?"] Hindi ako makapagsalita. Bigla akong nawalan ng sasabihin. Ang lakas pa
din talaga ng epekto sakin ni Jeydon.

Jeydon, paano ba kita makakalimutan? Ngayon pa lang hirap na hirap na ako.

["Hello? Sino ba 'to?"] Hindi niya ata alam na ako to. Mukhang binura niya na yung
number ko.

Ako 'to Jeydon, si Candice. Alam kong hindi mo na ako mahal pero wag mo naman akong
kalimutan oh? Minsan din naman akong naging parte ng buhay mo, hindi ba?

["Ano ba?! Sino ba 'to?!"]

"Ah.. Jeydon.." naiiyak ako pero pinipigilan ko lang yung sarili ko. Ayokong
marinig niya na umiiyak ako. Ayoko. "Pwede ba tayong mag usap?"

["Hindi pa ba malinaw lahat sayo? tapos na tayo."]

Tinakpan ko yung bibig ko pagkatapos napapikit na lang sa sobrang sakit. Hindi ko


na kasi napigilan yung pag iyak ko. Ang sakit, ang sakit marinig galing sakanya na
tapos na kami.
["Ano pa bang kaylangan mo?!"]

Ikaw.. ikaw yung kaylangan ko.

"Please.. this will be the last.. please Jeydon.. hihintayin kita sa park.."

Binaba ko na agad yung phone ko. Napaupo na lang ako, hinayaan ko na yung sarili ko
na umiyak. Gusto kong umiyak ng umiyak dahil gusto ko ng ubusin lahat ng luha na
pwedeng mailabas ng mata ko. Sobrang bigat na sa dibdib. Ang sakit sakit na eh.

Tumayo ako, kahit nanghihina ako naglakad ako palabas dala yung box na pinaglagayan
ko ng lahat ng alala ko kay Jeydon. Kaylangan ko nang tapusin kung anong meron
samin. Mali, matagal na pa lang tapos ang lahat para kay Jeydon. Ako lang naman
yung tanga na umaasang mababalik pa sa dati ang lahat na parang walang kung ano
mang nangyari.

Hinintay ko siya, hinintay ko siya kahit na hindi ako sigurado na pupunta siya.

Tinignan ko yung paligid ng park, dati yung lugar na 'to punong puno ng masasayang
alala.

"Ah asaran pala ah?" Sinamaan niya ko ng tingin. Tumayo siya sa may swing tapos
kiniliti niya ko.

"Jeydon! Wag nakikiliti ako!" hindi pa din siya tumitigil.

"Haha! ayoko nga! kiss mo muna ko!" hinawakan ko yung kamay niya kaso ang lakas
niya, matumba tuloy kaming dalawa sa sahig.

"Hoy pusa ang bigat mo!" nakapatong na naman siya sakin.

"May boobs ka din pala." nanlaki agad yung mata ko. Waaaa! tinulak ko siya ng
malakas.

"Manyak!"

"Hahaha! Joke lang. Bakit namumula ka?" hinawakan ko yung pisngi ko, nag iinit nga.
Kasi naman tong pusa na to eh.

"Eh kung ano ano kasing sinasabi mo.." hindi ako maka tingin sakanya baka kasi
namumula pa din yung pisngi ko.

Biglang may nag bell. Napalingon kaming pareho, si mamang nag titinda ng ice cream.
Nagkatinginan kaming dalawa.

"Sabi mo araw araw mo ko ililibre ng ice cream dito di ba?" ngumiti ako sakanya.

"Bakit pag sa ice cream na aalala mo?"

Tumayo siya tapos kinuha niya yung kamay ko para makatayo din ako tapos pumunta
kami kay mamang nag titinda ng ice cream. Bumili siya ng dalawang malaking ice
cream tapos umupo kami sa may bench sa tapat ng playground.

"Ice cream, ice cream."

Bigla akong bumalik sa realidad nung narinig ko si manong na nag titinda ng ice
cream.

"Miss beautiful, bakit malungkot ka? Eto oh ice cream para naman sumaya ka. Libre
na yan." nung inabot niya yung ice cream sakin, mas lalo lang akong naiyak. Ang
daming alala sakin ng ice cream, eto kasi yung paborito naming kainin ni Jeydon.
"Teka, anong problema?"

Pinunasan ko yung mata ko, kinuha ko sakanya yung ice cream. "Salamat po, may
naalala lang kasi ako eh."

"Wag mo ng isipin yun, mahal ka nun." ngumiti siya pagkatapos umalis na siya.

Tinitigan ko yung ice cream na hawak ko. Mahal niya ako?

Mahal pa nga ba ako ni Jeydon?

"Ipangako mo sakin, sakin ka lang." hindi pa din niya inaalis yung tingin niya
sakin, hinawakan niya yung mukha ko.

"Pangako." hinawakan ko yung kamay niyang naka hawak sa kamay ko. Ngumiti ako
sakanya, ganun din siya.

"Ako'y sayo.. at ikay sakin lamang.." kinanta niya yun, kinanta niya habang
nakatitig siya sakin.

"Pangako yan ah?"

"Pinky swear?" nag pinky swear kaming dalawa. Then he sealed it with a kiss. A kiss
on the lips in the moonlight.

Jeydon, tinupad ko naman yung pangako ko sayo pero bakit ikaw hindi mo tinupad yung
pangako mo sakin.. ang daya mo naman.

Kung dati punong puno ng masasayang alala yung lugar na 'to, ngayon puro
malukungkot na alala na yung naiisip ko. Malungkot kasi lahat ng mga masayang alala
namin dito, mananatili na lang isang alala na kahit kaylan hindi na namin pwedeng
gawin ulit na magkasama. Hindi na dahil iniwan na niya ako..
"Candice.." nabinatawan ko yung ice cream na hawak hawak ko. May mga luha na sa
mata ko na nagbabadyang tumulo.

Nilingon ko siya.

"Jeydon.." kung tignan pa din niya ako, parang wala akong kwenta sakanya. "Dumating
ka.."

Lumapit siya sa akin. Pareho kaming naka tingin sa mata ng isa't isa. Wala akong
makitang pagmamahal sa mga mata niya. Hindi siya yung mata ni Jeydon na para bang
tinatawag ka, yung punong puno ng buhay.

"Ano pa bang kaylangan kong gawin ko para tigilan mo na ako?"

Yumuko ako, kahit anong pigil ko sa sarili ko na wag umiyak, hindi ko pala kaya.
Pagod na ako, pagod na pagod na akong lumaban.

"Ang luha pala parang pawis, di man siya parehong galing sa mata mo pero parehong
tumutulo kapag pagod ka na."

"Candice, wag mo ng pahirapan yung sarili mo." hinawakan ko yung kamay niya.

"Hindi mo na ba talaga ako mahal?" tinignan ko siya sa mata niya. "Jeydon, mahal na
mahal pa din kita eh." inalis niya yung kamay ko sa kamay niya.

"Itigil mo na yan! Wag mo na akong mahalin pa Candice!" hinawakan ko ulit yung


kamay niya.

"Ang daming dahilan para hindi kita mahalin pero my isang dahilan kung bakit hindi
ko magawa, hindi ko magawa kasi mahal kita."

Mahal na mahal kita Jeydon..

"Tama na, itigil mo na yan. Forget about me! Kalimutan mo na ako." mas hinigpitan
ko yung pagkakahawak ko sa kamay ni Jeydon.

"Ayoko.. Jeydon ayoko.. ayokong kalimutan ka.. hindi ko kaya eh.."

"Gaano ba kahirap para sayo na kalimutan ako?" tinignan ko ulit siya sa mata niya.

"Parang inaalala ko yung pangalan ng isang tao na kahit kaylan hindi ko naman
nakilala. Ganyan, ganyan kahirap ang kalimutan ka."
"Kaya mong kalimutan ako, ako nakalimutan na kita." kusa na lang bumitaw yung kamay
ko sa pagkakahawak sa kamay niya. "Nakalimutan ko na lahat ng nararamdaman ko
sayo."

"Kung sasaktan mo ako ng ganito sana man lang hinanda mo ako. Ngayon hindi ko na
alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung saan ulit ako mag sisimula." kahit
anong pag punas yung gawin ko sa mukha ko, hindi pa din niya maalis yung mga luhang
sunod sunod na tumutulo galing sa mata ko. "I'm still the girl you loved but now
you're the man i don't really know anymore."

"Dahil wala na siya, wala na yung Jeydon na mahal ka."

"Ibalik mo siya," lumuhod ako sa harap niya. "Ibalik mo naman si Jeydon. Si Jeydon
na mahal na mahal ako. Si Jeydon na laging nandyan para sakin. Si Jeydon na hindi
ako hahayaang masaktan ng ganito. Si Jeydon, yung prince charming ko.. yung
abnormal na pusang robot.. ibalik mo siya sakin."

Hinawakan niya ako para itayo pero hindi ako tumayo. "Tama na, tapos na eh. Wag ka
ng magpaka tanga."

Pumasok sa isip ko yung sinabi ni kuya Charles. Lahat pwedeng mong ipaglaban pero
hindi lahat pwede mong ipagpilitan.

Candice tapos na..

"Sige tatanggapin ko nang tapos na tayo.. pero bakit? bakit Jeydon? bakit mo 'to
ginawa sakin? parang awa mo na naman oh, bigyan mo ako ng dahilan.." nakaluhod pa
din ako sa harap niya, nakatingin ako sa sahig. "Alam mo ba kung gaano kasakit iwan
ng taong mahal mo ng walang dahilan?"

"Na realize ko lang na si Kim pala talaga yung mahal ko. Siya at hindi ikaw. Sapat
na sigurong dahilan yun sayo?"

Candice tama na, tama na. Wag mo ng pahirapan yung sarili mo. Tapos na eh, tapos na
tapos na.

"Oo sapat na." tumayo ako, ngumiti ako sakanya habang hindi pa din tumitigil yung
mata ko sa pag iyak. "May isang bagay na lang akong hiling sayo.."

Lumapit ako sakanya.

Tumingin ako ng deretso sa mata niya. "Sabihin mo sa harap ko na hindi mo na ako


mahal. Sabihin mong hindi mo na ako mahal."

Sabihin mo, mahal mo pa din ako. Jeydon hindi kita isusuko, ipaglalaban kita basta
sabihin mo lang na mahal mo pa din ako..

"Hindi.. hindi na.. hindi na kita mahal."

Hanggang sa kahuli hulihan, binigo mo ako Jeydon.

"Mahal pa kita ngayon pero eto yung tandaan mo, dadating din yung panahon na
titingin ako dyan sa mga mata mo. Sa panahon na yun, wala na akong kahit na ano
pang nararamdaman para sayo."

Tinalikuran ko na siya, iniwan ko sa harap niya yung box na dala ko pagkatapos


naglakad na ako palayo. Tatalikuran ko na lahat ng kung anong meron satin Jeydon.

Dito namin sinimulan yung pagmamahalan na meron kami noon.

"Hoy pusa ano to ha?"

"Dyan ka lang ah?" Umalis siya saglit, pagkabalik niya may dala dala siyang gitara.

Nakatayo lang siya sa harap ko. Bigla siyang nag gitara. Sa unang tunog pa lang ng
gitara alam ko na yung kakantahin niya..

"Ikaw na ang may sabi, na ako'y mahal mo rin


At sinabi mong ang pag-ibig mo'y di magbabago
Ngunit bakit sa tuwing ako'y lumalapit ika'y lumalayo?
Puso'y laging nasasaktan pag may kasama kang iba"

Habang kumakanta siya naka tingin lang siya sakin. Seryoso yung tingin niya sakin.
Bumilis yung tibok ng puso ko.

"Di ba nila alam, tayo'y nagsumpaan?Na ako'y sa 'yo at ika'y akin lamang.."

Hininto niya yung pagtugtog ng gitara niya, nilapag niya sa sahig yung gitara tapos
lumapit siya sakin. Nagulat ako nung bigla siyang lumuhod sa harapan ko.

"Hoy aso!" ngumiti siya sakin.

"Oh bakit?"

"Ngayon na wala na kong fiancee.. ngayon na malaya na ko.. uhmm ano.." hindi siya
maka tingin sakin parang kinakabahan pa siya.

"Ano yun?" hinawakan niya yung dalawang kamay ko.

"Can you be my Girlfriend?"

"Ha? pero..." ano bang sinasabi niya? di ba sabi ni Kuya Charles hindi ba daw
pwede?

"Nag paalam na ko sa Mama mo, pati kay Charles at pumayag na sila. Sagot mo na lang
hinihintay ko." hindi pa din ako makapaniwala sa mga sinasabi niya, nag paalam na
siya? kelan yun? wala man lang akong ka alam alam. "Nangangawit na ko ah?"
"Oo Jeydon, girlfriend mo na ko."

Nakakatawa lang na dito din pala matatapos yung lahat.

It's unbelievable how fast fast people can change. One day, you mean everything.
the next day, it's like you don't exist to them anymore.

Goodbye Jeydon...

####################################
Chapter 7: Half brother
####################################

####################################
Chapter 8: Queen bee's plan
####################################

Candice.

"All flight going to Korea is now boarding."

Tumayo ako dala dala yung bagahe ko. Aalis na talaga kami, hindi na ako nag paalam
pa sa iba. Gusto ko sana silang makita lalo na yung dalawa kong best friend, si
Troy at Tiffany pero nakapag decide na ko. Hindi na ako mag papaalam sakanila.
Hindi na muna ako magpapakita sakanila hangga't ganito ako. Babalikan ko silang
lahat kapag nakalimutan ko na si Jeydon, kapag buo na ulit ako. Kapag kaya ko na
ulit humarap sakanila bilang Candice na nakilala nila. Yung masaya at puno ng
pagmamahal, hindi yung Candice ngayon na punong puno ng sakit at puot.

"Candice, let's go?" ngumiti sakin si kuya.

Sumunod lang ako sakanila ni mama. Sa totoo lang kahit nakangiti pa ngayon si kuya,
alam kong malugkot siya. Malungkot siya kasi iiwan niya dito si ate Serina. Siguro
kung hindi dahil sakin hindi aalis si kuya. Hindi sila magkakalayo ni Ate Serina.

"Kung ano man yang nasa isip mo, alisin mo na. Babalik tayong Korea para
makalimutan mo ang lahat at para makapag simula ka ulit." tinignan ko siya.

Palagi na lang bang ako yung iniintindi at iniisip nila? Sawang sawa na ako na
palagi na lang ako yung kaylangang intindihin. Palaging ako yung iniisip nila bago
mga yung sarili nila. Para bang napakahina ko, napaka wala kong kwenta.

"Kuya you don't have to go. Mag stay kayo ni mama dito." nanlaki yung mata ni kuya
sa sinabi ko. "Mag isa akong aalis."

"Candice you can't decide on this!"

"Alam kong mas matanda kayo sakin ni mama pero hindi naman ibig sabihin kayo lang
may karapatang mag desisyon sa lahat ng bagay." natigilan siya sa sinabi ko. "Kuya
please, kahit ngayon lang ako naman yung sundin mo. Ako naman yung pakinggan niyo."

"Hindi Candice bata ka pa kaya kami yung sundin mo, mas alam namin kung ano yung
tama."

"Kuya hayaan mo na ako dun, hayaan mo na akong pumunta sa Korea na mag isa."

"Candice naman!" magsasalita pa sana si kuya pero dumating si mama.

"Charles, Candice is already nineteen. She's not a baby anymore. Let her decide on
her own." Sa itsura pa lang ni kuya mukhang ayaw niya pa din pumayag. "She's with
yaya Linda. Walang mangyayari na masama sakanya."

"Mama, she's sad and depressed. She needs us there. I can't let her go alone."
Nagkatinginan si kuya at mama. Hindi ko alam kung sino sakanila yung mananalo.

"I know but I think it's best for Candice to be on herself this time. Kaylangan
niyang mapag-isa. She needs to be alone, para na din maisip niya kung ano yung
dapat niyang gawin."

Tinignan ulit ako ni kuya Charles. "Are you sure you want to go there alone?"
hinawakan ko yung kamay niya.

"Yes kuya, I need to be alone." napa buntong hininga na lang siya. "May tiwala ka
naman sakin hindi ba kuya?"

Niyakap ako ni kuya. "Yes and I will trust you this time. Mag ingat ka dun."

"Thank you kuya, I will take care."

Lumapit sakin si mama. "Candice, ayoko din na umalis ka mag isa pero alam ko naman
na kaya mo nang tumayo sa sarili mo. I want you to be independent. If you need
anything andun si Yaya Linda, okey?" niyakap ko ng mahigpit si mama.

"Thank you ma, salamat sa pag intindi sakin. I love you mama."

"Kahit malaki ka na, you're still my baby girl." naiyak siya pero pinunasan naman
agad niya yung mga luha niya. "I love you anak."

"Candice, you should go now. Paalis na yung plane mo." hinila ko na yung bag at
maleta ko palayo pero bago pa ako makalayo, nilapitan ako ni kuya. "Mag ingat ka
dun, I love you manang." hindi ko napigilan na mapangiti. After all this time,
manang pa din yung tawag niya sakin.

"I love you din kuya."

Tinignan ko sila sa huling pagkakataon. Mama, Kuya Charles, pangako babalik ako
agad. Hintatin niyo lang ako.

Pangako pagbalik ko hindi na ako yung Candice na mahina at palaging inaapi. Hindi
na ako yung Candice na iiyak na lang sa sulok. Hindi na ako yung Candice na
iintindihin at iisipin niyo.

Pag balik ko, ibang Candice na yung makikita niyo.

---

STACEY POV

"All flight going to Korea is now boarding."

Tumayo ako then I grab my beautiful LV bag na kasing ganda ko. Dumeretso agad ako
sa plane na naka assign sakin. Ayokong makipagsiksikan sa mga tao mamaya. Haggard
yun, baka pati kagandahan ko ma haggard sayang ang beauty ko.

Saktong sakto pagkapasok ko pa lang sa plane, wala pang tao. Dumeretso agad ako sa
seat ko pero nagulat ako kasi may babaeng naka upo dun. Omg! sinong nag bigay
sakanya ng katapatan na umupo sa upuan ko?

"Excuse me? will you get out of my seat." good mood ako kaya maganda pa approach ko
sakanya. Sabagay mabait na naman ako eh, hindi na naman talaga ako ganon kataray.
Siguro konting pagkamaldita na lang yung natitira sakin.

Napatingin siya sakin. "Gusto ko kasi sa tabi ng window eh. Sorry hindi ko mapag
bibigyan yung request mo."

O.M.G.

How dare this jeje girl na sagutin ako? Ang kapal ng mukha niya at ang pangit niya!
Hindi ba niya alam kung sinong kinakausap niya?! Hindi niya ata ako kilala eh. I'm
the Queen bee.

"Inuutusan kita hindi ako nag rerequest." tinaasan niya ako ng kilay. Aba hindi ako
nagpatalo, tinaasan ko din siya ng kilay! Excuse me lang ha! ang panget ng
pagkakaayos ng kilay niya.

"Sino ka ba sa akala mo? pwede naman tayong mag palit ng upuan ah? Ang arte mo
naman!" hindi ako bumait nawala lang yung pagkamaldita ko ng konti. Kaya hindi ko
'to papalagpasin.

"Bagay lang sakin mag inarte dahil maganda ako eh ikaw? ang panget mo kaya hindi ka
pwedeng mag inarte." parang umuusok na yung pango niyang ilong sa galit. "Dahil sa
ginawa mo, hindi kita hahayaan na makatabi ako. So better find another seat or
leave the plane."

"Sino ka ba sa akala mo ha?!" aba panget na nga ang kapal pa ng mukha niya. "Baka
ikaw pa paalisin ko dito eh! mayaman ako at kayang kaya kong gawin yun."

Natawa ako bigla. Oo class A yung mga seats dito pero yung mukha niya pang class S
lang eh.

"Go gawin mo."

"Excuse me!" tinawag niya yung isang flight attendant ng plane. "Pwede ba akong mag
report? This girl is annoying me."

Pareho ata kaming nanlaki ng mata sa sinabi niya. Nakapagsalita lang ng english
akala mo kung sino na. At ako pa yung annoying? Sasabunutan ko talaga siya eh!
pasalamat siya hindi ako pumapatol sa mga cheap na katulad niya.

"Paalisin niyo nga yan sa plane na 'to. Mag babayad ako kahit magkano." wow ha,
inuubos talaga niya pasensya ko.

"Sorry po mam, hindi po namin yun magagawa." nag bow pa sakanya yung flight
attendant. Kung ako siya hindi ko yan gagawin. Sasabunutan ko pa 'to si jeje girl.
"At bakit naman ha? asan ba yung manager niyo?" napatingin sakin yung flight
attendant.

"Hindi ko po siya pwedeng paalisin kasi sila po yung may ari ng airline na 'to.
Kung may reklamo kayo, siya po yung kausapin niyo."

Tinignan ko ulit yung jeje girl na yun. Haha! the face is so epic. Halos napanganga
na siya.

"I told you ang mga panget na katulad mo, hindi bagay mag inarte."

Sa kahihiyan niya kusa na siyang umalis. Buti namam noh! maganda nga yung mood ko
kaya ayoko mag maldita.

"Sorry po miss Stacey."

"Okey lang girl, just make sure na wala nang uupo sa tabi ko. Sige you may go."

Umupo agad ako sa upuan ko. Medyo na stress ako dun ah. Si dad kasi eh, ginamit pa
yung private plane namin ayan tuloy dito pa ako napasakay. Gosh! Stop it Stacey,
ang beauty mo baka ma haggard.

Sana naman pag punta ko sa Korea mawala lahat ng stress ko. Badtrip kasi na Edward
yun pinagpalit ako sa Blossom na yun, mas maganda nga siya sakin eh retokada naman.
Excuse me lang ha, ako natural beauty.

Magsama sila, akala ba nila pag aaksayahan ko sila ng luha ko? Haha no way! Ang mga
magaganda hindi umiiyak para lang sa isang lalaki.

Kung niloko ka ng boyfriend mo hindi ka dapay umiyak kasi tomorrow is another guy!

Nakinig na lang ako ng music sa iPad ko. Pag dating na pagdating ko sa Korea, mag
club na agad ako. Gosh! ang daming poging Korean dun noh. Wahaha! Sa ganda ko for
sure madami akong makikita na papalit kay Edward.

Dahil nakaka antok yung mga songs sa iPad ko, nakaidlip ako saglit, pag gising ko
naka alis napala yung plane namin at aba malapit na mag landing yung plane. Ang
dami kong energy nito later. Saan kayo ako unang pupunta?

Pagkalapag namin, pina una ko na muna yung mga tao na umalis. Baka ma haggard ang
beauty ko eh, mahirap na. Wahaha!

Nung nasa labas na ako ng Incheon airport, para akong namalikmata. Parang nakita ko
si Candice? Nagtago muna ako pagkatapos tinignan ko siya. Si Candice nga talaga at
bakit nandito siya ULIT?! kakadating pa lang niya sa pinas ah?

Hinanap ko yung kotse na magsusundo sakin. Nung nakita ko na siya, dumeretso ako sa
loob ng kotse. Pinagmasdan ko si Candice. May hinihintay ata siya. Maya maya
dumating yung yaya niya, pumasok sila dun sa kotse.

"Manong, sundan niyo yung kotse na yun ah."

Nakasunod lang kami sa kotse nila Candice. Sinundan namin siya hanggang sa
makadating sila sa bahay nila sa Korea. Mukhang madami siyang dala, ano kayang
nangyari? Na curious yung beauty ko ah.

"Mam dun na ba tayo sa hotel?" rush? ano ba 'to si manong. Sabagay wala na din
naman akong gagawin dito.

"Sige na nga."

Pinag drive na ako ni manong papunta sa hotel, hotel nila Jeydon. Sabi kasi ni tita
Janice dito na lang ako mag stay. Kahit hindi natuloy yung engagement namin ni
Jeydon, close pa din yung family namin sa mga Lopez.

Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa room ko napahiga na ako sa kama.

Nakakapagod mag byahe pero gosh! naiisip ko pa din si Candice. Ano kayang ginagawa
niya dito? Buiset na babae yun ah, ginugulo yung bakasyon ko dito. Kahit kelan
talaga siya. Mabuti pa tawagan ko si Tiffany baka may alam yun. Na haggard na yung
mukha ko kakaisip ko eh.

Tiffany Calling..

Mukhang naunahan na niya ako ah.

"Yes sis?"

["Ate!"] wow ah, minsan niya lang ako tawaging ate. May kaylangan siguro siya
sakin.

"Oh anong kaylangan mo?"

["May kaylangan agad? hindi ba pwedeng nangangamusta lang? Nasa Korea ka na ba?"]
sus ako pa lolokohin niya. Hindi kami naging mag sister dahil lang sa wala.

"Oo at mukhang alam ko na yung sasabihin mo. Tungkol ba yan kay Candice?" mukhang
nagulat pa siya sa sinabi ko. "Tama ako 'di ba?"
["Paano mo nalaman? Kanino mo nalaman? Ako kasi ngayon ko lang nalaman kasi ngayon
lang nasabi sakin ni Troy."] so may nangyari nga talaga.

"Wala pa akong alam sa nangyari sakanya, nakasabay ko lang kasi siya papunta dito
sa Korea. Nakakapagtaka kasing babalik agad siya dito. Ano bang nangyari?" hinintay
ko yung sagot ni Tiffany pero ilang minuto na hindi pa din siya nagsasalita.
"Tiffany ano ba yun?"

["Wala na si Jeydon at Candice. Wala na sila ate."] parang ayaw mag sink in ng mga
sinabi niya. ["Pinagpalit ni Jeydon si Candice kay Kim."] parang naiiyak na si
Tiffany. ["Niloko niya si Candice ate, kaya andyan siya ngayon sa Korea para
makalimutan niya si Jeydon. Ate gusto ko din pumunta dyan, gusto ko siyang
damayan."]

"Tiffany hindi eto yung tamang panahon, tingin ko gusto niyang mapag isa. Kung
hindi niya gustong mapag isa sana kasama niya ngayon si Charles dito. Wag ka mag
alala, ako ng bahala."

["Ate anong gagawin mo?"]

"Ako ang tutulong kay Candice."

Binaba ko agad yung phone. Nagpalit lang ako pagkatapos nag drive na ako papunta sa
bahay nila Candice. Good thing malapit lang siya sa hotel nila Jeydon kaya hindi ma
haggard ang beauty ko.

Nagpark ako sa tapat ng bahay nila. Bababa na sana ako sa kotse ko pero nakita ko
si Candice na umalis drive yung kotse niya. Sinundan ko agad siya.

Hindi ako makapaniwala na wala na talaga silang dalawa. Parang kelan lang sobrang
inlove sila sa isa't isa. Ano na naman kayang ginawa ni Kim?

Ilang oras din kami nag drive hanggang sa nakadating kami sa tabing dagat. Hindi
ako lumalapit kay Candice. Ayokong makita niya ako. Lumapit siya sa dalampasigan,
dahan dahan akong sumunod sakanya. Umupo lang siya dun, pinagmamasdan yung dagat.

Bakit ganon? Ramdam ko na agad yung sakit na nararamdaman niya. Ang weird, ganon ba
siya nasasaktan ngayon?

"Jeydon.. iniwan mo na ako pero bakit nandito ka pa din sa puso ko?" umiiyak siya,
pati ako parang nabalot ng kalungkutan. "Kaylan ba kita makakalimutan? pwede bang
bukas na? pwede bang pag gising ko bukas mag ka amnesia na lang ako para
makalimutan ko lahat?"

Naaawa ako kay Candice. Hindi man maganda yung pinagdaanan namin noon, sa totoo
lang gusto ko siya. Gusto ko siyang maging kaibigan, gusto ko siyang maging best
friend. Napaka totoong tao kasi niya, napaka bait niya pa. Dahil best friend niya
si Tiffany, nakita ko kung gaano siya mag mahal at magpahalaga ng isang kaibigan.
Ang hirap makahanap ng isang katulad niya. Kung hindi lang talaga siya yung karibal
ko noon kay Jeydon baka naging kaibigan ko siya.

"Bakit kailangan mong iparamdam sa akin na wala ng natira simula nung mawala ka?"

Hindi ko alam kung anong dahilan ni Jeydon pero napakalaki niyang tanga.
Matatanggap ko pa kung kay Candice niya ako pinagpalit pero hindi hindi kong
matatanggap na ipagpapalit niya ako kay Kim. Wala na akong gusto sakanya pero
ipagpalit niya si Candice sa bruhang yon? He's a jerk.

"Jeydon paano ba kita kakalimutan?"

Gustong gusto kong tulungan si Candice. Sawang sawa na ako na inaapi siya, na
kinakawawa siya. Quota na siya sa pang aapi ko sakanya dati at hindi ako papayag na
apipihin lang siya ng Kim na yun! yung malanding babae na yun! I super hate her.
Kaya kapag tinulungan ko si Candice parang nakaganti na din ako sakanya. Isa pa,
eto na din siguro yung way para makabawi ako sakanya.

"Akala ko tayo na hanggang sa huli Jeydon. Akala ko happy ending na tayo."

Hindi ko na napigilan yung sarili ko kaya nagsalita na ako.

"Hindi sa lahat ng oras, happy ending. Anong gusto mo, paasahin ka ng mga binabasa
mo na happy ending palagi?

"Stacey?" napalingon agad siya sakin.

"Itigil mo na yan Candice. Maawa ka sa sarili mo, Hindi lang siya ang lalake sa
mundo.
" nilapitan ko siya. "Minsan nakakagaan ang pagiging madrama pero masyado kang
maganda para iyakan siya."

"Stacey? Anong ginagawa mo dito?" Umupo ako sa tabi niya.

"I'm here for vacation kaso umepal ka sa bakasyon ko. Imbis na bakasyon andito na
ako hindi para damayan ka, andito ako para tulungan ka." may malaking question mark
ngayon sa mukha niya.

"Tulungan akong kalimutan si Jeydon?" kalimutan agad? wala pa nga talaga siyang
alam.

"Hindi lahat ng pag-iwas nagsisimula sa paglimot, may mga bagay lang na dapat
pagsanayan mo muna bago mo tuluyang iwanan."
"Anong ibig mong sabihin?"

"Alam mo maganda ka pero tanga ka eh. Realtalk yan kaya wag sasama yung loob mo.
Candice, imbis na pinipilit mo na kalimutan siya bakit hindi mo sanayin yung sarili
mo na wala siya?" may question mark pa din sa mukha niya. Ganito ba talaga kapag
sobrang broken hearted? nagiging slow?

"Stacey hindi kita maintindihan." halata naman eh. "Kung ano man yan hindi mo naman
kaylangan gawin 'to para sa akin."

"Hindi talaga! aba naiistorbo yung bakasyon ko dito noh pero dahil ayoko kay Kim at
gusto kong bumawi sa lahat ng pang aapi ko sayo noon kaya tutulungan kita."
pinunasan ko yung mga luha sa mata niya. "Sino pa ba ang magtutulungan kung hindi
tayong magaganda lang?"

Medyo umaliwalas yung mukha niya. "Kung hindi ka na niya mahal gawin mong mutual,
hindi mo na din siya mahal."

"Wag ko siyang mahalin? Nagpapatawa ka ba? Hindi ganon kadali yun, ang hirap gawin
non."

"Mahirap talaga kalimutan yung taong mahal mo pero kapag nasanay ka ng wala siya,
magugulat ka na lang isang araw nakalimutan mo na pala siya at wala ka ng kahit ano
pang nararamdaman para sakanya." ayan, sa mukha niya ngayon medyo nakukuha na niya.

"Bakit mo ba 'to ginagawa Stacey? bakit mo sinasabi sakin lahat ng 'to? bakit mo ko
tinutulungan?"

"Choosy ka pa ah! ako na nga 'tong tumutulong sayo eh. Alam ko hindi maganda yung
pagsisimula natin pero gusto ko sanang maging kaibigan ka Candice. Totoo 'to ah!
walang halong ka plastikan."

"Seryoso ka ba talaga dyan?" medyo natawa pa siya dun ah.

"Ano friends na tayo?" Inabot ko sakanya yung malambot kong kamay. Literal siyang
napanganga. Ang tagal niya abutin yung kamay ko ah, napapahiya na ako. "Ang maganda
hindi dapat pinaghihintay."

"Ah? sorry. Nagulat lang ako." Inabot niya din yung kamay ko. "Sige friends."

"Good at dahil friend na kita, sasama ka sakin sa mga lakad ko. Okey ba yun? at may
plano ako."

"Ano naman yun?" kinakabahan ata siya. Wahaha! kabahan ka na talaga.


"Ang maganda hindi umiiyak lang sa sulok, kaylangan maging palaban ka."

"Palaban?" napaka inosente talaga niya.

"Ano ganon ganon na lang yun? lolokohin ka n lang nila? Hindi pwede yun! Aba kung
ako yung nasa posisyon mo baka pereho ko silang kinalbo! Kaylangan mong mag
higanti."

"Ano mag higanti?! Hindi ko kayang maging masama Stacey." ouch naman parang ang
sama sama ko naman.

"Masama agad? kapag sinabing revenge masama agad?" assuming 'to si Candice. "Hindi
ba pwedeng may gusto ka lang ipakita at ipamukha sakanila?"

"Ano bang revenge ang gusto mo?"

"Sabi nga nila the best revenge is to show them that your life is much better after
they're gone." kinindatan ko siya pagkatapos hinila ko siya papunta sa lugar na
alam kong makakatulong
sakanya.

Don't worry Candice, tutulungan kitang magbago. Hintayin lang nila yung bagong
ikaw.

Hintayin nila yung sweet revenge mo.

####################################
Chapter 9: I'm coming home
####################################

9: I'm coming home

STACEY POV

After four months..

["Umuwi ka na dito bukas."]


"Ayoko pa nga dad, I'm still enjoying my stay here eh." nag pout pa ako as if
makikita ako ni daddy! Hahaha.

["Sige wag kang umuwi ipapa-stop ko yung credit cards mo. Understood?!"]

Binabaan niya agad ako ng phone. Paano ako mag eenjoy dito kung wala akong pera?!
Konti lang pera ko sa savings ko ngayon dahil kakabili ko lang ng bagong
condominium sa Seoul. Badtrip! mapapauwi na talaga ako bukas. Napatingin ako sa
harap ko, nakita ko na siya.

Papalapit na siya sa akin. Ibang iba na siya kumpara sa dati, sa dating Candice.
Iba na yung aura at dating niya. Iba na yung confidence na dala dala niya ngayon.
She's more fiercer now. Well I guess, nag bunga naman yung plano ko na baguhin
siya. Aba! nagpakahirap ako dun noh! Hindi lang haggard ang beauty ko, stressed.

"Hi bee! kanina ka pa?" nginitian ko siya.

"No you're just in time. San ba tayo pupunta?" ngumiti din siya sakin. Ang mga
magaganda, tingin at ngitian pa lang alam na nila kung anong ibig sabihin non. "I
know what you're thinking bee." ayan na naman siya sa plano niya.

"May show siya ngayon, so ano? let's go?" hinila niya ako patayo without even
asking for my permission. "I'm so excited."

Pasalamat siya, best friend na kami dahil kung hindi baka nasampal ko na siya sa
magkabilang pisngi niya dahil paghila sakin. I'm the queen bee, I shouldn't be
treated like this. Tanging si Candice lang talaga nakakagawa nito. Siya na ata yung
queen bee saming dalawa eh, princess na lang ako. Haha! joke lang syempre walang
papalit sakin.

Habang naglalakad kami papunta sa kotse niya pinagtitinginan kami ng mga tao. Well
expected ko na yun, ganon talaga kapag maganda ka, pinagtitinginan at nililingon
ka. Sanay na naman ako sa ganyan eh! Wahaha. Syempre ayoko din i deny na mas
pinagtitinginan nila si Candice. Sino bang hindi titingin sakanya? Sa ganda niya na
yan.

Hindi lang naman ugali ang nagbago sakanya, pati na din pananamit niya. Nasanay
kasi siya sa mga damit na hindi masyadong nag eexpose ng balat. Kung tutuusin ang
kinis ng balat niya at sobrang ganda ng legs niya. Ngayon nga parang mas sexy na
siya sakin. Ang taas na din ng confidence niya. Malapit niya na akong matalbugan
eh, konti na lang.

"Stacey sabi ko naman sayo bawasan mo yang kagandahan mo. Pinagtitinginan ka tuloy
nila." inasar pa niya ko. As if ako talaga yung tinitignan nila. Nahawa na din siya
kabaliwan ko eh. Lakas makahawa ng kagandahan ko, sabagay maganda naman siya.

"Ikaw Candice ang dapat mag bawas, nakakahiya naman sayo halos maglaway na yung mga
lalaki kakatingin sayo." tumawa siya ng mahina.

"Shut up bee." pareho kaming tumawa, tawa ng mga magaganda. Alam mo yung ang ganda
na ng atmosphere pero may eepal.

"Hoy ikaw!" pareho kaming napalingon sa babaeng sumigaw. "Ikaw na naka red!"
lumapit siya samin. So naka black ako at si Candice yung naka red.

"Anong problema mo? at masyadong kaming maganda para maging hoy ang pangalan
namin!" tinaasan ko agad siya ng kilay. How dare this ugly girl raise her voice on
us? Wala siyang galang kahit pa pinoy siya. "Gusto mo ba ng away?"

"Shut up bitch, I'm not talking to you!" ouch. What the hell? pahiya ako dun ah.
Lumapit ako sakanya para sabunutan at sampalin siya pero pinigilan ako ni Candice.

"Ikaw may kaylangan samin di ba? So don't be a bitch kasi mas bitch 'tong
kinakausap mo. Anong gusto mo ha?!" tinaasan niya din ng kilay yung panget na babae
na yun. Nakakatakot na yung itsura ni Candice.

Well, looks like masasampolan siya ng bagong Candice. Goodluck na lang sakanya.

"Paganyan gayan ka pa? ang landi landi mo! ang kapal ng mukha mo mag suot ng
maikling damit." oh my gosh! What's up with her?! Like the hell she cares?

"So? Anong pinaglalaban mo?" medyo natahimik si panget. "Mamatay ka ba kapag nag
suot ako ng maikling damit?" ngayon natameme na talaga siya.

Bigla namang sumabat yung boyfriend ng panget na 'to. "Pasensya na kayo, wag niyo
na lang siya pansinin. Tara na nga!"

"Ah teka, kaya ka ba nagagalit ng ganyan kasi kanina pa tingin ng tingin sakin yang
boyfriend mo?"
"A-no?! anong pinagsasabi mo?!" sasabat sana ako sakanila pero pinigilan pa din ako
ni Candice. "Ngayon nag fe-feeling ka naman na tumitingin sayo yung boyfriend ko?!"

"Hindi ba? yun lang kasi yung alam kong dahilan kung bakit ka nagagalit ng ganyan
unless.." lumapit siya, tinignan niya ng mata sa mata si panget. "Insecure ka sakin
kasi mas maganda at mas sexy ako sayo." wow, grabe yun ah! I didn't expected that
from Candice.

"Ang kapal ng mukha mo!" sasampalin niya na sana si Candice pero napigilan siya
agad ni best friend. "Bitawan mo yung kamay ko! ano bang gagawin mo ha?! sasampalin
mo ko?!"

"Bakit ko sisirain yang mukha mong matagal ng sira? Sira na nga, sisirain ko pa?
redundant ka na masyado non."

Hindi ko napigilan na matawa. Sorry girl but you've messed with the wrong person.
Siguro kung siya pa din yung dating Candice na kilala ko, hinding hindi niya
masasabi lahat ng yan. Malamang umalis na lang siya at nagpatay malisya.

"Next time lagyan mo ng blindfold yang boyfriend mo kapag dadaan ako para hindi ka
nagrereklamo na tinitignan niya ko. Sa ganda kong 'to, hindi kasi yun maiiwasan
eh."

Napanganga ng literal si panget. Ngumiti sakin si Candice pagkatapos hinila na niya


ako palayo dun. Hahaha! ang epic ng face ng panget na yun! pasalamat siya hindi ako
yung humarap sakanya kundi baka mangheram na siya ng mukha sa aso. Warfreak pa
naman ako.

"That's what she gets for calling you a bitch best friend." kinindatan niya ako
pagkatapos sumakay na kami sa kotse niya.

Habang papunta kami sa theater sa Seoul, hindi ko mapigilan na tignan si Candice.


Naging matapang at palaban na siya pero hindi siya warfreak, alam niya kung kelan
siya lalaban at kung kelan hindi. Para siyang maamong pusa pero kapag ginulo mo
siya, magiging isa na lang siyang
tigre. I'm so happy for her.

"Natulala ka na ba sa kagandagan ko bee?" nagulat ako sakanya. Sira talaga siya!


gusto niya ata akong ma chugi eh. Sayang naman, mawawalan ng isang maganda ang
mundo. "Punasan mo yang laway mo."

"Shut up bee, mas maganda pa din ako sayo." inirapan ko siya. Pareho kaming natawa
ni Candice, normal na samin yung magbarahan at magtarayan. Eto na ata yung
lambingan namin na mag best friend. "Malapit na ba tayo?"

"Andito na." nag park siya sa gilid ng kalsada pagkatapos bumaba kami para pumasok
sa loob ng theater.

Madami ding tao dito. Sikat pala siya ha? sus hindi halata. Eto kasi si Candice
inaasar pa ako sa lalaking yun, sinama pa tuloy ako dito. Gosh! baka ma haggard
yung beauty ko dito. Hindi naman takaga ako mahilig sa mga magic magic na yan. Puro
lang yan kalokohan.

Sa pinakaharap pa kami pinaupo nung loko na yun. Badtrip talaga.

"Bee na ha-haggard yung beauty mo. Problema mo ba?" kunwari pa siyang hindi niya
alam. Halata naman alam niya eh, kaya nga nala ngiti siya eh. "You'll goona enjoy
this, trust me."

Namatay na yung mga ilaw. Maya maya lumabas na din siya. Akala mo ang gwapo niya,
hindi naman. Naiinis talaga ako kapag nakikita ko siya.

"Kamsahamnida! Thank you! Thank you so much for coming." siraulo! nag korean na,
nag english pa. Patawa talaga siya eh. "I hope you enjoy, the Juan Paulo's magical
show."

Nagpalakpakan lahat, halo halo din yung mga tao dito. May Korean, may Americans at
may pinoy din. Gaano ba kagaling 'to si Juan Paulo?

"Bee manuod ka ha?"

Dahil masunuring maganda ako, nanuod ako kahit labag sa kalooban ko. Akala ko ma
bo-bored ako pero shocks! I'm wrong. Kahit na anong inis ko dito sa pinsan ni
Candice, hindi ko mapigilan na mamangha. Ang galing niya sa mga card magics. Pati
sa pagpapalitaw ng mga bagay. Lahat kaming mga nanunuod namamangha. Oo na, he's
good naman pala.

"Bee susunod na lang daw siya sa Starbucks. Tara?" hinila na naman niya ako
palabas. Yung totoo Candice? Drag Queen ka ba ha?! ang hilig mo mang drag eh.

Nakadating na kami sa Starbucks. Umorder na agad si Candice ng coffe. Pa importante


talaga yung Juan Paulo na yun! paghihintayin pa kami. Ang mga maganda dapat hindi
nag hihintay.

"Bee bakit ba kasi asar ka pa din kay Pao?"

"Bakit?! eh napagkamalan lang naman niya akong personal alalay mo. Okey na sana
kung assistance eh pero alalay talaga eh. Ang saya 'di ba?" ngayon tumatawa siya?
feeling ko mas mabait na ako ng konti kay Candice.

Naalala ko na naman tuloy yung nangyari.


Flashback

Ang tagal mamili ni Candice ng damit. Ako pa tuloy nagdala ng mga shopping bags
niya. Urgh! ang beauty ko haggard na haggard na. This is not happening, humanda
talaga sakin yun si Candice. She should be here in, three.. two..

"Stacey! Sorry! andito na ako!" napatayo ako sa kinakaupuan ko. Finally nandito na
siya pero teka lang ha? bakit may kasama siyang lalaki?! wag mong sabihin na
pinalitan na niya agad si Jeydon? "Stacey si Juan Paulo, pinsan ko."

"Sino yan pinsan? personal alalay mo ba?"

I cannot take that. Alalay ako? Si Stacey Chua?!

"EXCUSE ME?!" feeling ko sobrang namumula na ko. Ako?! ALALAY?! How dare this guy!
Sa ganda ko na 'to mukha akong alalay?! matatanggap ko pa sana kung sales lady eh
pero alalay talaga? "Hindi ako alalay ni Candice, Im her close friend!"

"Ang laki ng problema mo miss, eh di hindi ka na alalay. Mukha lang! haha." tumawa
pa siya. Kung lalaki lang ako baka nasapak ko na siya. Antipatiko!

"Tama na nga yan Pao, wag mo nang lokohin si Stacey. Mabuti pa tulungan mo na lang
kaming mag buhat ng mga bags na hawak niya." kinuha niya bigla sakin yung mga
shopping bags. Loko 'to ah! papalag ata siya sakin eh. Ha! anong akala niya ganon
ganon na lang yon?

"Hoy Juan Paulo!" pagkaharap na pagkaharap niya sakin, sinipa ko yung pagkalalaki
niya. "Mukhang alalay pala ha?!"

Tumawa ako ng tumawa ng malakas. Simula noon hindi kami nag kasundo pa and we will
never be okey.

End of flashback

Habang nag hihintay kami sa lalaking yun. Nakita na naman namin yung panget na girl
kanina, Gosh! hanggang dito ba naman?

"Hay nako! sumakit bigla yung ulo ko! nakakita na naman ako ng mga malalandi!"
parehong tumaas yung kilay namin ni Candice. Magsasalita na sana siye pero syempre
hindi na ako papatalo. Aba! ako nga Queen Bee dito, dapat mas mataray ako! Wahaha.
Tumayo ako at hinarap ko siya.

"Alam mo sumasakit yung tyan kapag walang laman kaya hindi na ako nag tataka kung
bakit sumasakit yang ulo mo."
"Ang kapal mo talaga noh! I said I'm not talking to--" hindi ko na siya pinatapos
sa pagsasalita niya, sinampal ko na siya. Sumosobra na siya eh.

"Tandaan mo 'to, pataray ka pa lang. Pasampal na ako." tumayo si Candice at


pinigilan ako.

"Stacey tama na, nasasaktan din naman siya. Tao din siya hindi lang halahata."
natawa ako sa sinabi niya kaya nawala paano yung galit ko. "Kuya pwede paki layo na
samin yang girlfriend mo?" sumunod naman yung boyfriend niya. Nakatulala na lang si
panget.

Hindi ako masamang tao pero duh? Hindi ako santo para mag patay malisya kapag
inaaway ako. Hindi sa lahat ng pagkakataon, nag papa api ka. Wala ka naman sa mag
teledrama. Yan yung isang motto na tinatak ko sa ulo ni Candice.

Asan na ba kasi yung Juan Paulo na yun?!

"Hi pinsan." speaking of the devil. "Hi Stacey Marie!" what the?! tinawag na naman
niya ako sa full name ko! ginagalit niya talaga ako eh. "Oh Stacey Marie, na
haggard ka na naman. Mas lalo kang pumapanget eh! Hahaha!"

"Hoy Juan Paulo! Tumigil ka dahil kung hindi makakatikim ka na naman sakin!"

"Amazona!"

"Ang sweet niyo ha." sabat ni Candice.

"YUCK!" sabay pa kaming dalawa. Yuck talaga siya! Akala niya gwapo siya? Hahaha.
Konti lang!

"Pwede ba pinsan, hindi ko gusto si Stacey Marie." ang angas talaga niya! Buhusan
ko kaya siya ng mainit na kape?!

"Bago mo sabihin na hindi mo ako gusto, tanungin mo muna ako kung gusto din ba
kita!"

"Gusto mo namn ako 'di ba? Kunwari ka pa eh!" lumapit siya sakin pero tinulak ko
siya palayo. Eww! Virus. "Tss. Pakipot pa si Stacey Marie."

Sasagutin ko na sana siya eh, kaso nakita ko si Candice na nakatulala tska parang
malungkot. Dahil maganda ako, naisip ko na agad kung anong iniisip niya. Naiisip
niya siguro si Jeydon dahil samin ni Juan Paulo. Ganitong ganito din kasi sila
dati. Love and hate relationship.

Napansin din ata yun ng panget na si Juan Paulo kaya umupo siya sa tabi ni Candice.
May bigla siyang nilabas na rosas sa kamay niya. Woah! san niya yun kinuha?

"Bulaklak para sa napakaganda kong pinsan." natauhan din naman si Candice.

"Thanks Pao." pagharap niya samin, naka ngiti na siya. "Kaya tayo nandito kasi may
gusto akong sabihin."

"Ano yun bee?" kibakabahan ako ah.

"Juan Paolo, pwede bang sa Philippines ka na muna mag stay?"

"Bakit pinsan?"

"After a month, I'm going back to the Philippines." napatingin kaming pareho ni
Juan Paulo sa isa't isa. Yuck!

"Babalik ka na?" makulit kaming dalawa eh, dapat tinatagalog.

"Yes, handa na akong bumalik."

Itutuloy...

--

Hate niyo pa din ba si Stacey? :)


####################################
Chapter 10: Dead and gone
####################################

10: I'm back


Candice POV

"Welcome back." ngumiti ako sakanya. "Napagod ka ba?" sumandal agad ako sa upuan ng
kotse niya. I'm really tired, physically.

"Yah, I'm tired Lucas but I'm fine. How's everyone?" tinignan ko siya, tumingin din
siya sakin. Ngumiti lang siya. "Wala naman bang nag bago?"

"Sakanila wala pero sakin meron." tinaasan ko siya ng kilay dahilan para tumawa
siya. "Wae?"

"You're the least person I expected to change. Hindi na ba ikaw yung Lucas na
nakilala ko?"

"May na realize lang ako nung nawala ka."

"What's that? Tell me." hinawakan ko yung kamay niya kahit na alam kong nag
mamaneho siya. Curiosity is killing me.

"Look I'm driving noona. It's a secret, okey?" tumawa na naman siya. Kelan pa ba
siya nag lihim sakin? Nag bago na ba talaga siya? Well I think I'm not the only one
who did change. Madami na din sigurong nag bago since I left.

"Fine." pinikit ko yung mata ko habang nakasandal pa din sa upuan.

"Umaasa ako na sa pagbalik mo, hindi ka magbabago." ngumiti ako.

"Sorry pero hindi na ako yung dating Candice. Nag bago na ako, nag bago na si
Candice."

Hanggang makadating kami sa bahay naging tahimik lang kaming dalawa ni Lucas. Hindi
ko alam pero na disappoint ata siya sa mga sinabi ko. I guess he really doesn't
want me to change.

"Hindi ka na ba papasok sa loob?" nilapag niya yung mga bagahe ko sa harap ng


bahay.

"Hindi na, may kaylangan din kasi akong gawin. I'll just visit you next time."
hinawakan ko yung kamay niya.

"Thank you Lucas."


Ngumiti siya sakin pagkatapos umalis na siya. Nag doorbell ako at saktong si yaya
Linda yung nakabukas ng pintuan.

"Hi baby girl, na miss kita gyud." niyakap niya ako ng mahigpit. Nauna umuwi dito
si yaya. Kasabay ng pag uwi ni Stacey. "Teka, iakyat ko na yung gamit mo. Andun
sila Charles sa kusina."

"Salamat yaya."

Dumeretso agad ako sa kusina namin. I never tough na hahanap hanapin ko yung bahay
namin. I miss this place. Pagkauwi ko kasi six months ago, bumalik agad ako sa
Korea. I didn't have time to stay here.

Finally, I'm back for good.

"Candice!" lumapit agad sakin si mama at niyakap ako. "I miss you so much baby."
niyakap ko din siya.

"I miss you too mama." bigla naman sumabat si kuya Charles sa pag uusap namin ni
mama.

"Hi manang, na miss din kita." lumapit ako sakanya, hinawakan ko yung noo niya.

"Wala ka naman sakit ah? na miss mo talaga ako kuya? Ayiee!" sinamaan niya ako ng
tingin. Tsk, biniro lang siya sinamaan na agad ako ng tingin pero lumapit naman
siya sakin tapos ginulo niya yung buhok ko. He's still treating me like a small
girl.

"Sira ka talaga. Akala ko nag bago ka na pero hindi pa din pala. Ikaw pa din yung
little sister ko." natigilan ako sa sinabi niya.

I guess I didn't totally changed. Kahit papano pala ako pa din yung Candice na anak
ni mama at yung Candice na kapatid ni kuya Charles. But that's it, aside from that
wala na.yung dating ako.

"Oo nga pala, kumain ka na ba?" pag iiba ni kuya ng usapan. Napansin din ata niya
na natahimik ako bigla.

"Busog pa ako, pagod lang ako. I'll just take some rest."

"Okey anak, bumaba ka na lang kapag nagutom ka ha?" tumango lang ako kay mama ganon
din kay kuya.
Umakyat ako sa kwarto ko. Hindi man nila sabihin pero halatang nag aalala sakin si
mama at kuya. Pagpasok ko sa kwarto naabutan ko pa si yaya Linda na nagliligpit ng
gamit ko.

"Yaya just leave it there, ako nang bahala dyan." hinarap niya ako, seryoso yung
mukha ni yaya o sabihin na lang din natin na mukha nag aalala din siya sakin.
"Anong problema yaya?"

"Ayoko lang mawala yung Candice na inalagaan ko. Yung mabait at masiyahin na batang
inalagaan ko." naglakad ako papunta sa kama ko. Umupo ako pero hindi ako makatingin
kay yaya. "Candice, alam kong nasaktan ka ng sobra kaya hindi kita masisi kung
magbago ka pero sana wag mong baguhin yung mga bagay na minahal namin sayo."

"Yaya ako pa din yung inalagaan mo noon pero hindi na ako yung Candice na nag
papaapi at yung Candice na walang alam kung hindi tumakbo sa isang sulok at umiyak.
Yaya hindi na ako yun." may lungkot sa mukha ni yaya. Pakiramdam mo may gusto pa
siyang sabihin pero pinipigilan lang niya.

"Kung saan ka sasaya Candice, susuportahan kita." tumayo ako pagkatapos niyakap ko
si yaya. Para akong naiiyak, hindi ko alam kung bakit.

"Thank you yaya."

"Mag pahinga ka na."

Iniwan na ako ni yaya mag isa kwarto ko. Humiga agad ako sa kama ko. Nakatang lang
ako habang nakatingin sa kisame. Hindi ko mapigilan na isipin siya.

Hindi ko mapigilan na isipin si Jeydon.

Hindi ko siya iniisip dahil sa mahal ko pa din siya. Iniisip ko siya dahil gusto ko
siyang makita. Gusto ko siyang tignan ng mata sa mata. Gusto kong patunayan sa
sarili ko na wala na, wala na akong kahit na anong nararamdaman sakanya. Gusto kong
tuparin yung mga sinabi ko sakanya noon bago ako umalis.

Ngayon na narealized ko na lahat, gusto kong ipamuka sakanya at sakanila kung sino
at ano na ako ngayon. Kung paano nila ako binago.

Kung noon isa akong good girl na palaging inaapi at sinasaktan. Palaging niloloko
at inuuto. Ako yung tao na iiyak na lang tabi, mahina at tahimik lang. Ako yan noon
pero hindi na ngayon.

Dahil sa sakit na naramdaman ko at sa sakit na pinaramdam nila sakin, nagbago ako.


Naging mas matapang at matatag na ko. Hindi na ko papayag na maging mahina at
hinding hindi ko na hahayaan na saktan at lokohin nila ako.
Kinuha ko yung cellphone ko.

Tinawagan ko si Stacey. Sinagot naman niya agad yung tawag ko.

["Yes best friend?"] hindi ko na kaylangang tanungin kung nasan siya. Sa ingay pa
lang alam ko ng nasa bar na naman siya.

"Andito na ko." narinig ko na lang na parang nagtatalon siya sa tuwa.

["Andito ako sa Relubliq. Pumunta ka dito! I'll wait for you ha?"]

"I'll just take some rest then pupuntahan kita dyan." inend ko na yung call.
Sumasakit na yung tenga ko sa ingay.

Humiga ako sa kama ko, nag lagay ako ng timer sa phone ko for an hour. I'll just
take a nap then pupuntahan ko na si Stacey.

I should go out and have fun. Not to be stuck in here, that's what's new Candice
is.

--

"Asan yung boss mo?"

"Nasa loob na po siya. Hinihintay niya po kayo." ngumiti ako sakanya bago ako
pumasok sa loob ng bar.

Mas lalo pang gumanda yung bar na 'to. Hindi na ko nagtataka kung bakit napaka
daming tao dito. Yung place, yung music at yung aura, it's just so beautiful. I
guess Troy is taking his business seriously. It's just been five months but I
already missed him.

Halos lahat ng tao sa bar napapatingin sakin. Nung una, naiilang ako kapag
pinagtitinginan ako ng mga tao pero siguro nasanay na din ako. I'm wearing a short
dress that fits the curve of my body. Kung dati takot akong mag suot ng mga sexy na
damit, ngayon hindi na.

"What the fvck?!" sigaw ng babae na nasa harap ko. Sa sobrang paglalandi niya sa
lalaking kasama niya hindi niya ko napansin kaya nag kabanggaan kami. "Look what
you've done to my dress?!"

Nung nagka banggaan kami natapon sa damit niya yung hawak hawak niyang alak.
Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Lahat ng suot niya halatang cheap, isama mo
na din siya na mukhang cheap. She don't know who she's messing with.
"Kung tumitingin ka sa dinadaanan mo, do you think mababangga ka sakin? Wala ka
bang common sense?" she looks really pissed about what I've said.

"How dare you say that to me?! Akala mo kung sino ka!" ang lakas ng music sa bar
pero nangingibabaw yung boses niya. Nakalunok ba siya ng microphone?

"Hindi ka talaga marunong gumalang noh?"

"What are you taking about?!" lumapit ako sakanya. Malapit na malapit sa tenga
niya. Gusto kong marinig niyang mabuti yung sasabihin ko.

"Matuto kang gumalang sa mas nakakaganda sayo."

Nginitian ko siya then I winked at her. That just made her really really pissed
off. Well, that's what she get for messing up with me.

"What did you just said?! ang kapal ng mukha mo!" inangat niya yung kamay niya para
sampalin ako. Bago pa niya magawa yun naunahan ko na siya. I slapped her ugly face.

"Tingin ko mas makapal yang mukha mo. Nasaktan ako sa sampal na yun ah." seriously
makapal nga talaga yung mukha niya.

"You b*tch!" I know right.

"Alam mo yung pag iinarte may binabagayang mukha yan. At sa kaso mo, hindi ka bagay
mag inarte."

"Gusto mo talaga ng away ah?! Well I'll give it you!" lumapit siya sakin.

Sa itsura pa lang ng mukha niya napaka warfreak na niya. Sasabunutan niya sana ako
pero hinawakan ko yung kamay niya para pigilan siya. Tinignan ko siya ng mata sa
mata.

"Gusto mo talaga ako kalabanin? pag bibigyan kita. Wag mong sabihin na hindi kita
binalaan ah?" binitawan ko siya then I still looked at her with my deadly glare.

Akala ko susugurin niya pa din ako pero hindi. Natulala siya saglit tska siya
tumakbo palayo.

"You know what best friend? You're really different now." Napalingon ako sakanya.
Yeah, iba na ako. Ibang iba sa dating ako. "Its good that you're back, Candice."
"Did you missed me Stacey? Yes I'm back. I'm back with my revenge."

Handa na akong harapin yung mga tao na sinaktan at inapi ako. I'm ready to face
them especially him.

"Tara may ipapakilala ako sayo!" hinila ako ni Stacey sa gitna ng dance floor.
Pumunta kami sa group of friends ni Stacey. "Guys meet my best friend, Candice!"
maingay dito sa bar pero rinig ko pa din yung boses ni Stacey.

Lahat sila binati ako, I greeted them also in return. Lahat kami sumasayaw sa
tugtog ng DJ. Noon hindi ko ma appreciate yung pag punta sa bar pero simula ng
sinama ako ni Stacey sa mga bar sa Korea, I then realized na masaya pala. You get
to meet new people and of course to have fun.

Madami akong na appreciate simula ng maging close kami nk Stacey. Drinking,


driving, swimming and clubbing.

"Pagod na ko Candice, tara dun sa VIP." nag paalam kami sa mga friends niya
pagkatapos umakyat kami sa taas, sa VIP area ng bar.

"Nag meet pala ni Juan Paulo last week, na kwento niya sakin." biglang nag iba yung
timpla ng mukha niya.

"Please bee, don't mention that guy to me. I hate him period."

"You may never know." I've been there, hindi niya na lang mapapansin that she's
fallig for him even tough she hates him. Parang ako lang at siya noon. "C'mon let's
drink?" ako naman yung humila sakanya.

"What drink miss?" tanong samin ng bar tender.

"Two shots of Tequila." nagulat si Stacey sa kinuha kong drinks. Hindi pa din kasi
siya sanay na umiinom ako. "Let's enjoy this night bee." ngumiti ako sakanya.
Paglapag pa lang ng shot glass sa harap ko uminom na agad ako.

Nakisabay lang din sakin si Stacey. We already have three shots of tequila. Eto
yung gusto ko kay Stacey, sasabayan ka niya sa mga trip mo. Kaya din siguro kami
nag ka sundong dalawa. Who would have thought na ang dating mag ka away, ngayon mag
best friends na.

"Bakit tumahimik ka dyan bee?" tinignan ko siya then I grab her arms.

"Thank you Stacey, thank you for helping me." hinigpitan niya yung pagkakahawak sa
kamay ko.

"Sino sino pa ba yung mag tutulungan? Eh di tayo tayo ding magaganda."


"I know right." pareho kaming natawa dalawa.

Tinuloy namin yung pag inom. What's good about Stacey, tinuruan niya akong uminom
pero tinuruan niya din ako na magkaroon nh alcohol tolerance. Never pa akong
nalasing, nagsuka o maglumapasay sa daan dahil sa alak. I drink but I drink right.

"One shot of Tequila." yung boses na yun.. "Thanks." pagkakuha niya ng shot glass
niya napatingin siya sa dereksyon namin ni Stacey. "Oh, look who's here. Mali pala,
look who's back."

"Sasabunutan ko na yan bee." bulong sakin ni Stacey pero pinigilan ko lang siya.

Lumapit sakin si Kim. "May gana ka pa talagang bumalik ha? Alam mo kung ako sayo
hindi na ako babalik."

"Bago ka magsalita, tanungin mo muna kung hinhingi ko ba yang opinyon mo.


Nagmumukha ka kasing papansin eh."

Natawa si Stacey sa nasabi ko. Nagulat naman si Kim at para na siyang bulkan na
sasabog anumang oras. Hindi niya siguro inaasahan na sasagutin ko siya ng ganon.

"Nawala ka lang saglit akala mo mung sino ka na. At talagang sinasagot mo na ako
ngayon ha? Kahit anong gawin mo, hindi mo ako mapapantayan Candice."

"Alam mo hindi na kita kaylangang pantayan kasi nahigitan na kita."

Sa itsura ng mukha niya gusto na niya akong sampalin pero pinigilan siya nang
kasama niya. Tinignan ko kung sino yun, si Blossom pala. So magkakasama talaga sila
ha? Birds.of the same feather nga naman.

"Ako nahigitan mo? In your dreams. Bakit ka pa ba bumalik? Umaasa ka pa bang


babalik sayo si Jeydon? Kahit anong gawin mo, hinding hindi na babalik sayo si
Jeydon."

Lumapit ako sakanya. "Hindi ako desperada na katulad mo. Hindi ko ipagsisiksikan
yung sarili ko sa boyfriend mo. Kaya wag ka ma threaten sakin."

Kahit anong pagpipigil ni Blossom, nasampal pa din ako ni Kim. Hinawakan ko yung
pisngi ko, masakit naman kahit papano. Hinarap ko siya pagkatapos sinampal ko din
siya, sa magkabilang pisngi. Wala siyang karapatan sa sampalin ako.

"Kelan ka pa natuto na lumaban ha?! Ang kapal ng mukha mo na gawin sakin 'to!"
hawak pa din niya yung mga pisngi niya. Binalik ko lang naman yung ginawa niya
sakin. Sabi nga nila Karma is a bitch at kalag bumalik siya sayo, doble pa.
"Kung ako sayo kakalimutan ko na yung Candice na nakilala mo dati kasi hindi na ako
yun." tumawa siya ng malakas.

"Talaga lang ha? I don't think so. Sigurado akong ikaw pa din yung babaeng patay na
patay ka Jeydon."

"Correction lang ah. Kung meron man sating dalawa yung patay na patay kay Jeydon,
hindi ba ikaw yun? And I'm assuring you that I don't like him anymore kaya wag ka
ng matakot na iwan ka niya para sakin." umuusok na naman yung tenga niya sa galit.
Ang sarap pala tignan ni Kim habang nagagalit siya.

"Jeydon will never leave me because he loves me so much." ang laki pa ng ngiti niya
sakin.

"Kwento mo yan eh, sige ikaw na yung bida." nginitian ko din siya.

"Kahit anong gawin mo he's now mine. Kung ako sayo babalik na lang ako sa Korea.
Wala ka ng lugar dito." sasagutin ko sana siya pero bigla namang nagsalita si
Stacey.

"Ano bang pinaglalaban mo Kim? Ano ngayon kung bumalik si Candice? Kung hindi na na
threaten sakanya, you shouldn't mind right?"

"Of course I'm not threatened! Ayoko lang na nakikita yang pagmumukha ni Candice."
hindi ko pinalagpas yung sinabi ni Kim. Pumunta ako sa harap niya.

"We feel the same, ayoko din makita yang pag mumukha mo kaya kung pwede paki bulsa
ha?" natawa na naman si Stacey sa sinabi ko dahilan para mainis na naman si Kim.

"Kim I think we should go." sabi ni Blossom na nasa likod niya. "Tara na."

"Mabuti pa nga."

Inirapan niya kami ni Stacey bago siya umalis. Tinignan ko lang siya habang palayo
siya samin. Nag sisimula pa lang ako Kim. Kung ako sayo maghahanda na ako.

"That was easy huh." inangat ni Stacey yung shot glass tapos nag cheers pa kami.
"Walang wala siya sayo."

"Knowing her, hindi siya magpapatalo sakin kaya alam kong may binabalak na siya pag
alis na pag alis pa niya dito sa bar."

"I know right."


Nilapag ko yung shot glass ko. Tinignan ko yung message sa phone ko. Just what I
expected. Nagkaroon tuloy bigla ng ngiti sa mga labi ko.

"What's with that smile?"

"They already approved my documents. So by tomorrow papasok na ko sa University


niyo. We'll gonna be schoolmates bee. Isn't that great?" parang hindi siya kuntento
sa sagot ko.

"Magiging classmate mo ba siya?"

"Oo, magiging classmate ko siya." inayos ko na yung mga gamit ko. "I should go bee.
Kaylangan kong mag pahinga para bukas."

"I knew it. Okey go, see you tomorrow. Drive safely."

Lumabas na agad ako sa bar ni Troy pagkatapos nag drive na ako pauwi. Kaylangan
kong magpahinga. Bukas makikita ko na ulit siya.

See you tomorrow Jeydon.

Itutuloy..

---

How's the new Candice? :)

Sa sat ulit ako mag uupdate or kapag nagka time baka mapaaga. ^___^
####################################
Chapter 11: We meet again
####################################

11: We meet again

Candice POV
Alas singko pa lang ng umaga nagising na ako. Bumaba agad ako ng kwarto pagkatapos
dumiretso ako sa kusina. Nagluto ako ng paborito kong bacon. Magbago na ang lahat
pero hindi magbabago na paborito ko ang bacon.

Pinagluto ko din sila mama at yaya. Nag luto din ako ng hotdog para kay kuya dahil
alam kong ayaw niya ng bacon. Maarte yung lalaking yun eh.

Habang kumakain ako, dumating sila mama.

"Candice?" Lumapit sakin si yaya kasama si mama. "Ang aga mo namang magising anak?"

"Mama, nasanay na akong magising ng maaga sa Korea." tumabi sakin si mama


pagkatapos tinikman niya yung bacon na niluto ko.

"Ang sarap ah? Hindi na katulad ng dati na palaging sunog." pang asar sakin ni
mama. Nagtawan pa silang dalawa ni yaya. Hmp! bahala nga sila, pagtawanan daw ba
ako? Pinagluto ko na nga sila eh. "Nag bago na nga talaga ang baby girl ko."

Natigilan ako, tignan ko si mama tapos niyakap ko siya. Ayokong isipin niya na
nagbago na ko. "Mama I'm still you're baby girl."

"Ano ba yan gyud, ang aga aga ang sweet niyong mag ina." natawa tuloy kami ni mama
kay yaya. Ang ganda na sana ng usapan namin dito kaso may isang sumabat samin.

"Totoo ba yan manang ha?" kahit kelan epal talaga si kuya Charles. "Baby girl? eh
baby damulag ka na eh!" sabay tawa.

Habang tumatawa siya, biglang dumating si ate Serina pagkatapos binatukan niya si
kuya. Buti nga kuya."Hoy tanda! inaasar mo na naman si Candice!"

"Sweety pie ang sarap ng good morning mo sakin, napaka amazona mo talaga. Tska
anong tanda? Mas matanda ka pa nga sakin!"

"Ano?!" hala lagot ka kuya.

"Haha! joke lang. I love you." sabay yakap kay ate Serina. Pambihira! ang aga aga
ang keso ni kuya. Tanda tanda na niya eh.

"Hay nako lahat na lang ang sweet." sabi na naman ni yaya. Nagtawana tuloy kaming
lahat sakanya.

"Candice, ngayon na lang kita nakita simula ng bumalik ka. I missed you." lumapit
sakin si ate Serina at niyakap ako. Hindi pa din siya nag babago, sweet pa din siya
sakin.
"I missed you too ate."

"You look so different now and I know you changed for good." tinignan niya ako sa
mata ko. Ngumiti lang ako sakanya.

For good nga ba yung pagbabago ko?

"Oo nga pala, I have to go na. Ayokong ma late sa unang araw ng klase ko." Inubos
ko lang yung gatas na iniinom ko pagkatapos kinuha ko yung gamit ko.

"Candice, gusto mo ihatid ka na namin ni Charles?" alok sakin ni ate Serina.

"Wag na ate, I'm okey."

Nagpaalam na ako sakanila tapos dumiretso ako sa kotse ko. Yes, may sarili na akong
kotse. Courtesy of Marky. Isa sa mga pinagkaabalahan ko sa Korea para makalimot ay
ang pag drive.

Madami akong natutunan sa anim na bwan na pag stay ko sa Korea. Madami din akong na
realize. Lahat ng yun nakatulong sakin para magbago.

Hindi naman ganon kalayo yung University sa bahay namin. Nung malapit na ako,
naabutan ako ng red na spotlight sa isang intersection kaya napahinto ako.
Napalingon ako sa gilid ng kotse ko. May kasabay akong isang kotse. Pinagmasdan ko
ng maaigi kung kanino yung kotse na yun. Hindi ako pwedeng magkamali, sakanya
talaga yung sasakyan na yun. Ang swerte ko ata ngayon? o baka naman pinaglalaruan
talaga kami ng tadhana. Kung ano pa man yun, masaya ako sa mga nangyayari.

Hindi ko binaba yung windshield ng kotse ko dahil ayoko pang magpakita sakanya.
Hindi pa eto yung tamang oras. Bumisina ako sakanya tapos hinandanda ko yung kotse
ko para bang naghahamon ng isang karera. Since yung kotse lang niya at yung kotse
ko yung nandito kaya nakuha niya agad yung ibig kong sabihin. Bumisina din siya
sakin pero binaba niya yung windshield ng kotse niya.

Nakita ko na ulit siya.

Iniwas ko agad yung tingin ko sakanya. Gusto ko kapag nakita ulit siya, nakikita ko
siya ng malapitan. Malapit na malapit, mata sa mata.

Malapit na mag go yung stoplight. Nung oras na nag green yung stoplight, pinaandar
ko na agad yung kotse ko.

Pareho lang kami ng bilis na dalawa. Halos magkadikit lang yung mga kotse namin.
Walang ibang kotse maliban sa kotse naming dalawa. Ginamit ko yung acceleration ng
kotse ko kaya naiwan siya sa likod ko. Tuwing uunahan niya ko, hinaharangan ko
siya. Hindi ko hinayaan na mauna siya sakin. Hindi lang ako natutong mag drive,
natuto din akong mangarera.

Sa huli wala din siyang nagawa, nauna ako. Panalo ako. Nag park kaming dalawa sa
tapat ng university. Bumaba agad siya ng kotse niya at parang hinihintay pa niya
kong bumaba. Hinanda ko yung sarili ko pagkatapos bumaba na din ako sa kotse ko.
Lumapit agad ako sakanya.

Agad na nagtama yung mga mata namin. Nanlaki agad yung mga mata niya nung nakita
niya ko. Hindi niya siguro inaasahan na ako yung kalaban niya. Tinignan ko siya sa
mga mata niya. Nakita ko na naman yung mga mata niyang parang tinatawag ka. Yung
matang matagal ko ng gustong makita.

Lumapit ako maiigi sakanya.

"Long time no see, Jeydon."

Tinitigan ko siya ng maigi at tinitigan niya din ako sa mga mata ko. Ilang segundo
na din kaming nakatingin sa mata ng isa't isa.

"Naalala mo pa ba yung sinabi ko noon na balang araw makakaya kitang tignan na wala
na akong nararamdaman pa na kahit ano sayo? Eto na yun."

Ngumiti ako sakanya.

Tinalikuran ko siya tska ako naglakad palayo.

Natitigan ko siya na wala akong naramdaman pa na kahit ano. Totoo nga na wala na
akong nararamdaman pa na kahit ano para kay Jeydon. Nagawa ko na din yung una kong
dapat gawin. Hindi ko napigilan na mapangiti. May malapad na ngiti sa labi ko.

Simula pa lang yan Candice.

Tinignan ko yung registration card ko pagkatapos hinanap ko yung room namin.


Papalapit pa lang ako sa room na yun, pinag titinginan na nila ako. Sanay na ako sa
mga tingin sakin.

"Hi miss!" sabi nung isang lalaki na malapit sa pintuan ng room namin.

"Wow ang ganda naman niya." sabi ng kasama niya. "Hi ate!"

"Classmate ka ba namin miss beautiful?" sabi ulit nung lalaki na malapit sa


pintuan.
Sasagot pa lang sana ako kaso may umakbay dun sa dalawang lalaki. Pinagmasdan ko
lang siya, hindi ko napigilan na mapangiti sakanya. I admit, I missed him. I missed
this crazy guy.

"Ganda noh? best friend ko yan." inalis niya yung pagkakaakbay niya sa dalawang
lalaki pagkatapos lumapit siya sakin para yakapin ako. "I miss you best friend."

"Sige na nga Troy miss na din kita." nginitian ko siya pero sumimangot lang siya
sakin. "Joke! na miss talaga kita."

"I know right. Haha!" ang bilis mag bago ng expression ng mukha niya. Baliw talaga
siya. Nakaakbay siya sakin tapos hinila niya ako papasok sa room.

Ibig sabihin pala, classmates na namin kami. Akalain mo nga naman, magkakasama na
naman kaming tatlo. Mapaglaro talaga yung tadhana.

Napatingin samin yung mga tao sa loob. Yung ibang mukha na nakikita ko dito,
pamilyar. Yung iba dito, classmates namin sa section eleven.

"Akalain mo yun? classmates na naman tayo best friend." ang laki ng ngiti ni Troy.

Hindi niya alam, pinili ko talaga yung section na 'to. Pinili ko 'to dahil sakanya,
kay Jeydon.

"Asan pala si Tiffany?"

"Wala siyang pasok ngayon eh. Gusto mo puntahan natin siya mamaya sa bahay?"

"Sige after class."

I missed Tiffany so much. Ang dami ko ng atraso sakanya. Hindi man lang ako
nakapagpaalam nung umalis ako. I hope she's not mad at me.

"Na miss talaga kita, kaming dalawa ni Tiffany. Buti bumalik ka na." ang laki na
naman ng ngiti sa mukha niya.

Halata naman sa kanilang dalawa na miss nila ko. Sa dami ng text at tawag nila
sakin nung nasa Korea ako, ramdam mo kung gaano ka nila ka miss.

"Na miss ko din kayo."

I missed them and yeah, I admit. I missed it here.


"Good Morning." bungad agad samin ng professor namin. Isang matandang babae na
professor.

"Good Morning ma'am." sagot namin sakanya.

Tinignan ko yung paligid. Teka, bakit wala pa siya? Hindi ba siya papasok sa unang
araw ng klase namin?

Nung akala ko na hindi na siya papasok, bigla siyang dumating.

"Sorry I'm late." hindi pa din siya nagbabago.

"That's okey, take your seat."

Naghanap siya ng bakanteng upuan. Wala nang ibang bakante kung hindi sa tabi ng
upuan ko. Tumingin siya sa direksyon namin ni Troy. Wala din naman siyang choice
kaya sa tabi ko siya umupo. Strike three ka na tadhana.

"Okey ka lang?" bulong sakin ni Troy.

Tinignan ko siya at ngumiti ako. "Oo naman, bakit naman ako hindi magiging okey?"

His presence will not affect me. Hinanda ko na yung sarili ko sa ganito. Besides I
don't feel anything for him anymore.

"I'm Ms. Guevara. I will be your music and arts professor. Since this is our first
day of class, after passing your registration card we will introduce ourselves here
in front." nag bulong bulungan yung class sa sinabi ni Ms. Guevara. "But since this
is music and arts class, instead of the typical introduce yourself.. I want you to
sing infront. Sing your favorite song, in that way we could tell something about
you. Is that understood?"

"Yes ma'am." sagot namin sakanya.

Nauna saming tatlo yung mga classmates namin. Since kaming tatlo yung nasa pinaka
likod, kaming tatlo din yung huling kakanta.

Nauna saming tatlo si Troy.

Lahat kami nag tawanan sa kinanta niya.

I'm sexy and I know it.


Pati ako natawa, kahit kelan talaga joker siya. Hindi pa din siya nag nababago, ang
kulit pa din niya. Buti hanggang ngayon natatagalan siya ni Tiffany.

"Ayos ba?" tanong niya sakin pagkabalik niya.

"Oo nakakatawa." hindi ko pa din mapigilan yung tawa ko.

"Okey, next."

Tumayo si Jeydon. Habang nakatayo siya sa harap, napatingin siya sakin. Hindi ko
mabasa kung anong iniisip niya. Hindi ko din inaasahan yung kanta na kinanta niya.

"Sa hindi inaasahang.. pagtatagpo ng mga mundo.."

Bakit sa lahat ng kanta, bakit yan pa? bakit yung theme song pa naming dalawa?
Inaasar ba niya ko? Kasi kung oo, hindi ako naaasar. Naiinis ako lalo sakanya.

"Di ba sapat ang.. sakit at lahat.. na hinding hindi ko ipararanas sayo.."

Sinungaling. Sinungaling ka.

"Ba't di papatulan ang pagsuyong nagkulang. Tayong umaasang, hilaga't kanluran.."

Hindi ko ikakaila na maganda pa din yung boses niya. Yung ibang mga classmates
namin halos napasabay na sakanya kumanta.

Pagkatapos niya kumanta, lahat kami nag palakpakan. Lahat maliban sakin at kay
Troy. Napatingin na naman kami sa isa't isa. Kung kanina gulat yung reaksyon niya
ngayon bumalik na siya sa walang emosyon na Jeydon.

Tumayo ako at pumunta sa harap.

Ganyan pala gusto mo ha? Hindi ako magpapatalo. Sabi ko nga, your presence will not
affect me.

Hinanda ko yung boses ko.

"Ako ay may jowa, lumipad sa langit. Di ko na nakita,may kabit na pala."

Nagtawan silang lahat sa kanta ko. Habang kinakanta ko yun, nakatingin ako sakanya.
Nakatingin din siya sakin pero wala pa din akong makitang emosyon sa mukha niya.
Makinig ka kasi para sayo 'tong kanta na 'to, Jeydon.
"Sayang pag-ibig ko, tinangay ng loko. Buti nung single pa, masaya pa ako."

Pagkatapos ko ngumiti agad ako sakanila. Nagpalakpakan silang lahat. Mukhang tuwang
tuwa sila sa kinanta ko.

"That's interesting." sabi ni Ms. Guevara.

Umupo ako sa upuan ko na may ngiti pa din sa mga labi ko. That song is for you,
Jeydon.

"Ang ganda ng kanta mo best friend ah." sabi ni Troy.

"I know right." pagkatapos natawa kaming dalawa ni Troy.

Napatingin ako sa kanan ko. Tinignan ko si Jeydon, nakatingin lang siya sa


cellphone niya. Nakita ko agad si Kim. Si Kim yung wallpaper ng phone niya. Bigla
akong nainis.

"I hope you learn something from each of your classmates. This class is very
interesting." naglabas siya ng isang libro. "Throughout our semester you will work
on a project. I want you to group yourselves in to three. I will give you a course
summary regarding on that project. Go grab your groupmates."

Naghanap agad kami ng ka group. Lahat sila nakahanap na ng ka group. At dahil


pinaglalaruan talaga kami ng tadhan, kaming tatlo yung naiwan na wala pang ka
group.

"Sino yung isa nating group member, best friend?" tanong ni Troy.

Tinignan ko si Jeydon. "Gusto mo ikaw na lang yung isa naming member? Wala ka na
naman ding choice."

"Okey." tipid na sagot niya. Hirap pa din akong basahin kung anong iniisip niya.
Well the hell I care.

Pagkalingon ko kay Troy, ang sama ng tingin niya sakin. "Anong ginagawa mo?"

"Troy, nakapag move on na ko kaya there's nothing wrong kung maging groupmate natin
si Jeydon. I won't mind."

"Simula ng niloko ka niya, kinalimutan ko na na din na kaibigan ko siya." lumayo


siya agad ng tingin sakin.
Kanina ko pa napapansin yung tensyon sa pagitan ni Jeydon at Troy pero hindi ko
alam na ganito pala kalala yung away nilang dalawa. Hindi ko alam pero bigla akong
nalungkot.

"Class I let you go on early today. So class dismiss."

Tuwang tuwa yung mga classmates namin. Parang nasa high school pa sila.

"May klase ka pa?" tanong ni Troy.

"Oo, kasama ko si Lucas sa next class ko." unfortunately irregular student ako.

"Ganon ba, text mo na lang ako kapag pupunta ka na kala Tiffany. Ihahatid na kita
sa next class mo." inayos ko lang yung mga gamit ko pagkatapos lumabas na kami ng
room.

"Ikaw?!"

Just as what I expected.

"Oo ako, may angal ka?" sagot ko sakanya.

"Grabe, sinusundan mo ba talaga si Jeydon? I bet pinili mo talagang maging


classmate siya. Ganyan ka ba ka desperada sakanya?" tinaasan niya agad ako ng
kilay. Hindi ako nag patalo. Tinaasan ko din siya ng kilay. "Kung

"Desperada? are you describing yourself?"

Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa pagkatapos inirapan na naman niya ako.
Nakakadami na siyang irap sakin ah.

"Kung titignan mo ako mula ulo hanggang paa at tska mo ako iirapan, make sure you
do it right."

"Talagang lumalaban ka na ha." lalapit sana siya sakin pero hinarangan siya ni
Troy.

"Ano sa tingin mo yang ginagawa mo Kim? Pwede ba layuan mo si Candice."

"Haha! Isa ka na din ba sa mga tagapagtanggol ng Candice na 'to? Ganyan ka ba


kahina Candice para ipagtanggol ka pa ng iba? I thought nag bago ka na." hinawakan
ko yung kamay ni Troy, pumunta ako sa harap ni Kim.
"Hindi ko na kaylangan ng mag tatanggol sakin kasi kayang ipagtanggol yung sarili
ko."

"Ah ganon?"

Sasampalin niya sana ako pero this time hindi ko ka na hinayaan na dumapi yung
palad niya sa mukha ko.

"Next time na lalapad yang kamay mo sa maganda kong mukha, sisiguraduhin kong iiyak
ka."

Nagulat siya sa sinabi ko, hindi lang siya pati Blossom at Jeydon na nasa likod
niya.

"Eto yung tandaan mo Kim, nagsisimula pa lang yung laban. So if I we're you, Im
gonna prepare myself."

Ngumiti ako sakanilang dalawa. Tinignan ko silang dalawa. Eto yung matagal ko ng
hinihintay, ang paghaharap naming tatlon

Hello Jeydon and Kim. Meet the new Candice.

Itutuloy..

---

Author's note:

Wow thanks sa mga comment niyo nabasa ko lahat. Sorry hindi ko napaaga UD ko kasi
palagi akong OT sa work. Sana nagustuhan niyo yung chapter na 'to. And Head's up
next chapter will be Jayshin and Tammy's chapter plus the new character. Siguro
before mag friday UD ko non tapos saturday ulit yung kala Candice and Jeydon. ^___^
####################################
Chapter 12: Selos much
####################################

12: Selos much


Jayshin POV

Badtrip na Tammy yun ah, hindi na ako nireplayan. Palagi na lang siyang ganon.
Pakipot pa kasi siya sakin, alam ko naman na gusto niya pa din ako eh. Alam kong
hindi siya makakatanggi sa ka gwapuhan ko. Wahaha!

Bakit ba kasi ganon yung mga babae? Ang gulo nila, ang hirap nila intindihin. Ang
hirap nila ispelengin. Pabago bago sila ng isip. Aish! this is so confusing. Buti
pa kaming lalaki madali lang intindihin.

Napatingin na lang ako sa bintana ng kotse. "Brian teka nga, ihinto mo."

Napatingin ako dun sa babaeng bumibili ng tinapay sa bakery. Parang kilala ko siya
eh, hindi lang ako sigurado. Pamilyar na pamilyar yung mukha niya.

"Young master, malalate na kayo sa school."

"Bababa na ako dito. Maglalakad na lang ako kaya mauna ka na." bumaba agad ako ng
kotse ko. Masungit 'to si Brian unlike sa kapatid niyang si Baron. Baka mamaya
hindi pa niya ako payagan na maglakad lang.

Nasa likod lang ako nung babaeng nakita ko. Hindi ko alam kung bakit ko siya
sinusundan pero pakiramdam ko kasi siya talaga yun eh. Pwede nga bang siya yun?
Wala naman sigurong masama kung aalamin ko di ba?

"Lalala.. lala.." teka yung boses na yun, hindi talaga ako pwedeng magkamali. Siya
talaga yan eh.

"Menchi!" sigaw ko.

Lumingon siya. Shet. Siya nga talaga.

"Teka? Jayshin?" parang bumilis yung tibok ng puso ko. Naalala niya pa ko? Hindi pa
din pala niya ako nakakalimutan. "Ikaw na ba yan?" lumapit agad ako sakanya.

"Naaalala mo pa ako Menchi?" tumawa siya.

"Oo naman! Jayshin Lopez. Yung crush ni Tamara!" sabay tawa. Pambihira! hanggang
ngayon yan pa din yung pang asar niya sakin.
Siya si Menchi Aquino. Yung babaeng sobrang kasundo ko noong elementary pa lang
kami. Sobrang ganda niya, sobrang bait at napaka sweet niya. Crush na crush ko siya
dati. Best friend sila ni Tammy dati pero isang araw hindi na sila nag usap
hanggang sa umalis na si Menchi. Ang tagal na din namin hindi nagkikita. Bigla na
lang kasi siyang nawala kaya hindi ko na ulit siya nakita.

"Buti naalala mo pa ako." maganda pa din siya. Hindi pa din siya nagbabago.

"Oo naman! Ikaw pa? di ba close pa tayo dati? Ayos nga eh, ang pogi mo pa din
ngayon." hindi ko mapigilan na mapangiti.

"Saan ka ba nag punta? Wala na akong narinig sayo pagka graduate natin ng
elementary."

"Pumunta kasi kami ng states eh pero ngayon bumalik na kami dito. Saan ka pala
nagaaral?" kaya pala. Natuwa ako nung narinig ko na bumalik na sila dito. Ibig
sabihin lang non makakasama ko na ulit siya.

Isa siya sa mga babaeng nakakasundo ko. Iilan lang naman silang kaya kong
makasundo. Wala kasing arte sa katawan si Menchi, unlike kay Tammy ka sobrang arte.

"Sa may Xavier ako nag aaral. Ikaw?" napangiti siya.

"Dun din ako, hindi lang ako nakauniform ngayon kasi kakapagawa ko pa lang ng
uniform. So schoolmates na naman pala tayo?" Bigla akong sumaya. May makakasundo na
naman ako sa school namin.

"Oo nga eh, akalain mo yun? Tara sabay na tayo." kinuha ko yung dala niyang bag,
katulad din ng ginagawa namin dati. Tumatakas ako sa sundo ko tapos sabay kaming
uuwi, dadalhin ko yung bag niya. "Medyo late na tayo pero ayos lang yan."

"Eh bakit kasi naglalakad ka? Di ba palagi ka namang hinahatid no Baron or ni


Brian?" Anong magagawa eh nakita kita.

"Ah? wala lang trip ko lang maglakad ngayon. Isa pa pinaglakad talaga siguro ako ng
tadhana para makita ka." pareho kaming nagatawanan na dalawa.

Mabilis lang din naman kaming nakadating sa school. Pagkadating namin dun, napansin
ko na pinagtitinginan si Menchi ng mga lalaki sa school. Dukutin ko kaya mata nila?

Sinamaan ko lang sila ng tingin. Buti naman nakuha ko sila sa makamdag kong tingin.

"Hi Jayshin!"
"Hello Papa Shin!"
"Ang pogi mo talaga."

Mga fangirls ko talaga oh. Ang aga aga. Iba na talaga kapag pogi ka. Wahaha!

"Habulin ka pa din ng chicks ha? Ikaw na talaga Jayshin." napakamot na lang ako ng
ulo.

Napatingin ako sakanya, ang ganda pa din talaga ni Menchi. Hindi pa din siya
nagbabago. Pakiramdam ko hanggang ngayon crush ko pa din siya. Kaso badtrip kapag
sinasabi ng isip ko na crush ko pa din siya, bigla kong nakikita si Tammy.

"Ayan Tammy oh! May kasamang iba si Jayshin." Speaking of, bumungad samin si Tammy
kasama yung mga kaibigan niya.

Napatingin kami ni Tammy sa mata ng isa't isa. Bigla ata akong kinabahan at hindi
ko alam kung bakit. Akala ko magagalit siya pero naka poker face lang naman siya
sakin. Ewan ko ba sa babaeng 'to. Hanggang ngayon nagpapakipot pa din siya sakin.
Umaarte siya na parang wala lang ako sakanya. Kung alam ko lang gustong gusto niya
pa din ako

"Teka, Menchi? Ikaw ba yan?" tinignan niyang mabuti si Chi.

"Oo ako nga. Long time no see, Tamara." ngumiti sakanya si Chi pero inirapan lang
niya kaming dalawa. Maldita talaga.

"Bagay kayong dalawa." sabi niya pagkatapos tinalikuran niya kami at naglakad
palayo kasama ng mga kaibigan niya. Problema non?

"Sabihin mo nga Jayshin, nagseselos ba si Tamara? May gusto pa din ba siya sayo
hanggang ngayon?"

"Patay na patay pa din siya sakin." oo patay na patay sakin si Tammy, pakipot lang
siya.

"Bakit hindi mo ba siya gusto? Maganda naman siya ah?" yuck! hindi ko siya gusto.
Parang gusto ko lang siya dati, parang lang.

"Mas maganda ka naman sakanya eh." napangiti siya sakin. "Ahm sige una na ko sa
classroom ko. Kita na lang tayo mamayang uwian." nag wave ako sakanya tapos tumakbo
na ako paalis. Late na nga pala ako.

Pumasok ako sa room namin. Buti na lang wala pa yung teacher namin. Natigilan lahat
ng mga babae sa room nung pumasok ako. Lahat sila kinikilig na binati ako. Hindi ko
na lang sila pinansin, dumiretso ako sa likod na upuan.
"Masaya ka ata? Dahil ba kay Menchi?" napalingon ako sakanya. Bakit naman niya ko
tinatanong? Ah alam ko na..

"Selos ka?" natawa siya.

"Ako? bakit naman ako magseselos? Eh di magsama kayo." oo nga hindi nga siya
nagseselos. Hindi talaga. Hindi ako nagkakamali.

"Ang ganda pa din ni Menchi noh?" ngumiti pa ako sakanya habang sinasabi ko yun.
Sige hindi ka pala nagseselos ah.

"Sabi mo eh."

Natigilan ako dun. Badtrip! tablado ako dun ah. Akala ko magagalit siya. Akala ko
magwawala siya dahil nagagandahan ako sa ibang babae.

Nagbago na siya.

Hindi na siya yung makulit na Tammy na palaging nakabuntot sakin. Hindi na siya
yung babaeng patay na patay sakin. Hindi na siya yung babaeng makulit. Nag iba na
siya. Naging cold na nga siya, lalo na sakin.

Buong klase namin, hindi kami nag uusap ni Tammy. Parang may black aura sa paligid
niya, nakakatakot siya. Mas mabuti ng manahimik ako baka mamaya saktan pa niya ko.
Maliban sa pagiging maldita, may pagka amazona din siya. Sa tagal namin na
nagkasama simula kinder pa lang kami, kilalang kilala ko na siya. Kaso ngayon nag
iba na siya. Hindi ko na nga ata siya kilala.

"Oh." nilapag niya sa tapat ng desk ko yung minon na key chain na binigay ko
sakanya.

"Bakit mo binabalik sakin 'to? Bigay ko na 'to sayo 'di ba?" nakairap na naman
siya.

"Eh ayoko na niyan eh! Gusto mo, ibigay mo na lang yan kay Menchi!" inirapan niya
ulit ako tapos nag walk out siya.

Oo nga, oo nga hindi siya nagseselos. Badtrip naman talaga oh. Sabi niya sakin,
hindi niya na ako gusto tapos ngayon nag seselos siya? Ano ba talaga? Sa lahat ng
babae siya yung pinaka mahirap intindihin.

Lumabas na ako ng room. Dumiretso ako sa room ni Menchi. Nakita ko na agad siya sa
labas, iniintay niya ata ako.

"Kanina ka pa ba?" tanong ko sakanya.


"Hindi naman, hindi mo kasama si Tamara?"

"Hindi at ayoko siyang kasama. Na iinis lang ako." badtrip kasi ang gulo ng babaeng
yun eh.

"Alam mo ang cute niyong dalawa, ano? tara na? For sure nasa labas na si Brian or
Baron para sunduin ka." kabisado pa din niya ako.

Lumabas kami ni Menchi ng school at tama nga siya nasa labas na yung kotse namin.
Sana hindi si Brian yung nagsundo sakin ngayon.

"Ayun pala si Tamara eh."

Napaligon ako kay Tammy. WTF?! sino yung kasama niyang lalaki? Aba ayos ha,
nakangiti pa siya dun sa lalaking yun. Kapag sakin, palagi siyang nakairap tska
naka simangot. Sinamaan ko ng tingin yung lalaking kasama niya. Psh! mukha siyang
manyak at walang magandang gagawin.

"Easy ka lang Jayshin, halata ka magselos eh." napatingin ako kay Menchi.

"Ako? nag seselos? Asa pa noh!"

"Haha! Ang cute niyo talagang dalawa." sus ako lang yung cute, si Tammy hindi.

"Hindi ka ba sasabay sakin? Ihahatid na kita sa inyo."

"Wag na, isa pa may pupuntahan din naman ako eh. Kita kits na lang bukas, bye!" nag
wave siya sakin pagkatapos umalis siya.

Tinignan ko ulit si Tammy bago ako pumasok sa loob ng kotse. Nakatingin din pala
siya sa dereksyon ko. Hindi ko siya pinansin, magsama sila ng lalaking kasama niya.

Pumasok na ako sa loob ng kotse. "Ako nagseselos? Asa naman, baka siya."

"Mukhang may problema kayo, young master." tinignan ko siya.

"Buti na lang ikaw yan Baron, yung kapatid mo kasi ang sunget eh." tumawa na lang
siya. Alam niya kasing nagsasabi ako ng totoo.

"Sa tono ng boses niyo young master parang nagseselos nga kayo." tinignan niya ko
tapos nakangiti pa siya sakin na parang nangaasar pa.
"Haha! No I'm not." asa pa.

"Sabi niyo eh, mahirap mag sinungaling sa sarili." ngumit na naman siya sakin tapos
pinaandar na niya yung kotse.

Eto si Baron kung ano ano yung sinsabi. Hindi ako nag sisinungaling sa sarili ko.
Hindi naman talaga ako nag seselos.

Mabilis lang kami nakadating sa bahay. "Magpahinga na po kayo young master."

"Salamat Baron." bumaba agad ako ng kotse.

Pupunta na sana ako ng kwarto ko kaso naalala ko hiniram nga pala ni Hyung yung
iPad ko. Gusto kong maglaro ng temple run. Pumunta na lang ako sa kwarto niya.

Kapag papasok talaga ako sa kwarto niya, kinakabahan ako. Abnormal kasi yun eh,
ayaw na ayaw na may pumapasok sa loob ng kwarto niya. Ayaw lang kasi niya na makita
yung mga doraemon sa kwarto niya. Tanda tanda na, doraemon pa din.

Asan na ba yung iPad ko?

Tinginan ko siya dun sa table niya. Nakita ko agad siya. Pagkakuha ko sa iPad ko
may nalaglag na papel.

Hindi ko sinasadya na mabasa yung laman ng papel.

Binasa ko pa siya ng paulit ulit kasi parang ayaw pumasok sa isip ko yung mga
nakita ko. Totoo ba talaga lahat ng 'to? Hindi ako makapaniwala. Bakit niya
nagawang mag lihim samin?

Hindi ako iyaking tao pero unti unti na lang may mga luha na tumulo galing sa mata
ko.

Hyung..

--

3rd person Pov


"Candice.."

Nakatitig lang siya sa dalaga habang paulit ulit niyang binabanggit yung pangalan
nito.

"Mukhang nagbago ka na nga talaga." pinatay niya yung yosi na hawak hawak niya.
"Tama lang yan, kaylangan mong maging mas malakas."

Ngumiti siya habang masamang nakatingin kay Candice.

"Lahat ng kasalanan pinagbabayaran, Candice Gonzales."

Itutuloy..

--

Yung new Character ay si Menchi Aquino, meron na siyang FB. Add niyo na lang! And
follow us on twitter --> @tinayaneh @T4BBAM @T4BBAM(Character's name)

Next Ud SATURDAY!! ^___^


####################################
Chapter 13: Threat
####################################

13: Threat

3rd person POV

"Sandaling panahon na lang ang natitira para kay Ginny." malungkot na sabi ng
doktor.

"Hindi pwede! Gumawa kayo ng paraan, magbabayad ako kahit na magkano." inis na sabi
ni Marky.

"I'm sorry pero wala na tayong magagawa Mr. Lim." hindi na napigilan ni Marky ang
sarili niya.
"Meron at sisiguraduhin kong gagaling siya." tinalikuran ni Marky si Dr. Tan.

Naglakad siya pabalik sa kwarto ni Ginny. Hindi niya alam kung paano niya itatago
sa dalaga na malubha na yung lagay niya at konti na lang yung natitirang oras para
sakanya. Madami pang gustong gawin si Ginny sa buhay niya at gusto ni Marky na
magawa lahat yun ni Ginny.

Pumasok siya sa loob, naabutan niyang nag babasa ng bible si Ginny. Sa itsura pa
lang niya alam mo ng may malala na siyang sakit. Hindi na naman napigilan ni Marky
na magalit. Galit siya sa mundo dahil sa dinami dami ng tao, si Ginny pa yung may
ganitong sitwasyon. Bakit si Ginny pa yung kaylangan magkaganito? bakit hindi na
lang sa isang masamang tao? bakit sa isang tao na napakabait pa nangyari 'to? Ayan
yung paulit ulit na tumatakbo sa isip niya.

"Bakit hindi ka pa mag pahinga, Ginny?" napalingon ang dalaga sakanya. Nagkaroon
agad ng ngiti sa mga labi niya. Hindi maipagkakaila na masaya siya kada nakikita
niya si Marky.

"Hinihintay kasi kita." naisip na naman ni Marky kung anong sasabihin kay Ginny.
Pinilit niyang itago ang galit na nararamdaman niya.

"Wag kang mag alala kasi sabi ng doktor gagaling ka pa basta inumin mo lang yung
mga gamot mo." tumabi siya sa dalaga at pilit ngumiti. Isang pekeng ngiti na agad
namang nahalata ni Ginny. "Madami pa tayong pupuntahan, pupunta pa tayong batanes
'di ba?"

"Wag mo na akong lokohin." ngumiti ulit si Ginny pero sa pagkakataong ito may halo
ng kalungkutan sa mukha niya. "Alam ko ng mamamatay na ako."

"Ginny wag mong isipin yan!" hindi napigilan na Marky na mapasigaw. "Hindi ka pa
mamamatay, mabubuhay ka pa." hinawakan ni Ginny yung kamay ni Marky. Tumingin siya
ng deretso sa mga mata nito.

"Pinahiram lang ng Dyos yung buhay na meron tayo ngayon. Kaya kung kagustuhan na
niyang kunin yung buhay na meron ako dapat buong puso ko siyang tanggapin."
malungkot si Ginny pero tanggap na niya ang mga mangyayari. "Isa pa, handa na naman
akong mamatay."

Inalis ni Marky ang pagkakatingin niya kay Makry. Para bang nadudurog ang puso niya
sa mga naririnig niya. Nadudurog ang puso niya kapag nakikita niyang nalulungkot
ang babaeng mahal niya. "Kung ikaw handa ng mamatay, ako hindi pa."

Unti unting tumulo ang mga luha ni Marky. Hinawakan ni Ginny ang mukha niya
pagkatapos inalis niya yung mga luha sa mata ni Marky.

"Patawarin mo ako Marky, ayokong maging dahilan ng kalungkutan mo." agad na pinigil
ni Marky si Ginny sa mga susunod niya pang sasabihin.
"Ginny wag mong isipin yan. Isa ka sa mga nagpapaligaya sakin." naisip ni Marky na
itago yung lungkot na nararamdaman niya. Ayaw niyang mag alala si Ginny. "Isa ka sa
mga dahilan kung bakit gusto kong gumising kada umaga. Kung bakit gusto kong
mabuhay."

Napangiti ang dalaga.

"Sabi sa bible verse na nabasa ko, Love is patient and kind, love does not envy or
boast, it is not arrogant or rude, It does not insist on its own way, it is not
irritable or resentful, it does not rejoice at wrongdoing, but rejoices with the
truth. Love bears all things, believes all things, hopes all things, endures all
things. Love never ends." tumingin siya sa binata. "Noong una hindi ko siya
maintindihan pero ngayon alam ko na. Tinuro mo sakin kung ano ba talaga yung
kahulugan ng pag-ibig." hinawakan ni Ginny yung mukha ni Marky. "Marky, mahal
kita."

Hindi napigilan ni Marky na yakapin si Ginny. "Sa dinami dami ng relasyon na meron
ako noon akala ko alam ko na kung ano yung ibig sabihin ng love, mali pala ako."
hinarap niya si Ginny. "You showed me what true love is."

Hinawakan niya yung mukha ni Ginny. Tumingin siya sa mga mata nito na punong puno
ng pagmamahal. Unti unti niyang nilapit yung mukha niya sa mukha ni Ginny. Dahan
dahang nag lapat yung mga labi nila.

Ang lakas ng tibok ng puso ni Marky. Sa dami ng mga babae na nahalikan niya, kay
Ginny lang niya naramdaman 'to. Sakanya lang at wala ng iba.

"Ginny, mahal din kita."

Habang nakatingin pa din ang dalawa sa isa't isa. Tahimik ang paligid ng bigla
namang bumukas yung pintuan.

"Nakakaistorbo ata ako?" nakangiting tanong niya.

"Buti naman at nahalata mo." ngumiti siya sa binatang dumating. "Tama lang yung
dating mo, napaaga yung pasok ko ngayon sa school."

"Ganon ba, wag kang mag alala ako ng bahala sa kapatid ko. Salamat Marky." tinapik
niya yung mga balikat ni Marky, pagpapakita ng pasasalamat niya.

"Ginny, aalis na ako. Mag pahinga ka na ha?"

"Mag ingat ka." ngumiti ulit si Ginny pero sa pagkakataon na 'to napalitan na ng
kasiyahan ang kalungkutan na meron siya kanina.
Masayang umalis si Marky sa ospital pero hindi pa din maalis sakanya ang magalala
para sa babaeng mahal niya. Ayaw niyang mawala si Ginny. Ang nasa isip niya, bata
pa ito para mamatay. Isa pa mahal na niya si Ginny. Ang pagmamahal na ngayon lang
niya naramdaman.

Nag drive siya papunta sa school. Nang makarating na siya doon, agad niyang nakita
si Candice na kaharap si Jeydon at Kim. Palapit pa lang sana siya pero dumating si
Lucas para ilayo si Candice sa lugar na yon.

Umalis si Candice kasama si Lucas at Stacey. Sinundan niya lang yung tatlo.
Napansin niyang pumasok din ang tatlo sa room niya kaya agad siyang pumasok sa
loob.

"Marky?" nagtatakang tanong ni Stacey.

"Kamusta?"

"Eto maganda pa din ako! Hahaha!" sinamaan agad ng tingin ni Lucas at Marky si
Stacey.

"Okey lang kami dre. Ikaw? Mukhang masaya ka ata?" tanong sakanya ni Lucas.

"Wala 'to." napatingin siya kay Candice. "Candice kamusta? Ngayon pa lang kita
nakita simula ng bumalik ka."

"Okey lang." tipid na sagot ni Candice. Parang may mabigat na aura na pumapalibot
sakanya. "I'm better."

Kakaiba talaga yung inaasal ni Candice. Napaisip ang tatlo, dahil kaya yon sa
pagkikita nila ni Jeydon at Kim?

Napatitig si Lucas kay Candice. Nabalot agad siya ng pagaalala. Hindi niya alam
kung okey lang ba si Candice. Alam niyang nagbago na ang dalaga, naging
kabaligtaran na siya ng dating Candice na nakilala niya. Palaban at matapang na
siya. Hindi na siya nag papaapi pa kanino man pero punong puno na nang galit ang
mga mata niya. Kitang kita niya yun kanina habang nakatingin si Candice kay Jeydon
at Kim. Sa dalawang tao na nanloko at nanakit sakanya.

Dumating na ang professor nila. Palaging napapatigin ang tatlo kay Candice. Para
siyang yelo dahil napaka cold niya. Wala man lang makitang emosyon sakanya ngayon.
Hindi nila alam kung anong nangyayari kay Candice.

Pagkatapos na pagkatapos ng klase nilang apat, nagsalita na ulit si Candice.

"Birthday ko na pala next week. Sana pumunta kayo." ngumiti siya. Bumalik na ang
dating sigla niya. "Pasensya na nga pala sa inasal ko kanina, wala lang ako sa
mood."

"Sanay na ako bee, para kang kanta ni Katy Perry eh. Hot and cold ka." pang aasar
ni Stacey.

"Dapat pala masanay na ako na pabago bago ka na ng mood, Candice." natawa silang
lahat sa sinabi ni Marky.

"Sorry, babawi ako sa inyo. Ililibre ko na lang kayo ngayon sa starbucks.


Papapuntahin ko na lang dun sila Troy at Tiffany." gumaan yung pakiramdam ni Marky
at Lucas sa inasal ngayon ni Candice. Kahit papano bumalik siya sa dati.

"Oh my gee! napaka kuripot mo bee pero akalain mo yun? Manglilibre ka ngayon? Isa
itong himala." pang aasar ulit ni Stacey. Ganito silang dalawa maglambingan. Sanay
na sanay na si Candice sakanya.

"Gastos gastos din kapag may time di ba? Sige na mauna na kayo. Susunod ako, dadaan
lang ako sa locker ko." nakangiting sabi ni Candice.

Sumangayon naman silang tatlo. Iniwan nila si Candice na ngayon ay papunta na sa


locker niya. Kinuha niya yung susi pagkatapos binuksan niya 'to. Isang sulat agad
yung bumungad sakanya.

'HUMANDA KA'

Ayan ang eksaktong nakalagay sa sulat. Maaring hinulog ang sulat sa loob ng locker
niya. Napaisip agad siya kung sino ang pwedeng gumawa nito sakanya. Naisip niya
agad si Kim.

"Kung si Kim ka man o hindi, hindi ako natatakot sayo." Bulong niya sa sarili niya.
Kinuha yun ni Candice at agad nilukot.

"Noona." napalingon agad si Candice sakanya.

"Lucas? bakit nandito ka pa?"

Hindi sinagot ni Lucas si Candice, hinila niya lang si Candice pagkatapos niyakap
niya. Nanlaki agad yung mata ni Candice sa ginawa ni Lucas. "Anong ginagawa mo
Lucas?"

"Namimiss ko na si Candice." malungkot sa pagkakasabi ni Lucas. "Pwede bang kapag


ako yung kasama mo, ibalik mo siya?"

Nilayo agad ni Candice yung sarili niya kay Lucas. "Lucas wala na siya, kahit anong
gawin mo hindi na siya babalik dahil sawang sawa na siya umiyak at masaktan."

Bigla na namang naalala ni Candice lahat ng sakit na naramdaman niya noon. Lahat ng
paghihirap na naranasan niya dahil kay Jeydon. Nakaramdam siya bigla ng galit kaya
tinalikuran niya si Lucas at naglakad palayo.

Mabilis siyang naglakad papunta sa parking lot at sa kotse niya. Hinabol siya ni
Lucas pero parang wala siyang naririnig.

Bago makadating si Candice sa kotse niya, may motor na biglang sumulpot sa likod
niya. Napakabilis ng pagpapatakbo ng motor. Muntik na siyang mahagip ng motor kung
hindi lang siya nahila ni Lucas palayo. Dahil din doon nagalusan yung braso ni
Lucas.

"Ano bang ginagawa mo Lucas?!" kinuha ni Candice yung panyo niya para ipulupot sa
galos sa braso ni Lucas. "Nagalusan ka pa tuloy."

"Kung hindi ko yun ginawa baka ikaw yung nagalusan. Hindi ko mapapatawad yung
sarili ko kapag may nangyari sayo." hindi makatingin si Candice sakanya. Sinigawan
niya pa si Lucas kanina pero niligtas pa din siya nito.

"Salamat Lucas." tinayo niya si Lucas. "Gusto mo bang dalhin kita sa ospital?"

Imbis na sagutin ang tanong ni Candice, iba ang nasabi ni Lucas. "Alam kong sinadya
ng motor na yun na banggain ka."

Naisip ni Candice ang sulat sa locker niya. Posible kayang ang nakasakay sa motor
na yun at ang nagbigay ng sulat ay iisa?

"Sabihin mo noona, may kakaiba ka bang napapansin?"

"Sumakay ka na sa kotse ko. Hindi mo kakayanin mag drive sa lagay mo." pag iiba ni
Candice ng usapan. Inalaayan niya si Lucas papunta sa kotse niya. "Wag mo ng isipin
yung nangyari ngayon."

Ayaw na niyang sabihin pa kay Lucas ang nangyari. Alam niyang mag aalala ito ng
sobra. Ayaw na niyang maging katulad ng dati na palagi na lang umaasa sa iba.

Habang nakasakay sila sa kotse napatingin muli si Candice kay Lucas. May kung anong
mabigat na nararamdaman ngayon si Candice. Naging masama na ba siya? ayan ang nasa
isip niya. Hindi niya gustong masaktan si Lucas dahil mahalaga sakanya ang binata.
Tahimik lang silang dalawa hanggang sa makadating sila sa Starbucks malapit sa
school nila.

"Noona, kung hindi ka na babalik pa sa dati.. tatanggapin ko na lang kung sino ka


na ngayon." ngumiti si Lucas kay Candice bago siya bumaba ng kotse. Mas lalo lang
bumigat kung ano man ang nararamdaman ni Candice.

Bumaba na din siya sa kotse niya pumasok siya sa loob at nadatnan niya na duon si
Troy at Tiffany kasama nila Stacey.

Lumapit agad si Tiffany sakanya pagkatapos niyakap niya si Candice ng mahigpit.

"Miss na miss na kita Candice!" humarap si Tiffany sakanya. Hindi napigilan ni


Candice na mapangiti dahil sa itsura ni Tiffany ngayon. Para siyang bata na maiiyak
na. "I hate you! hindi ka man lang nagpaalam sakin!"

"Sorry Tiffany, wag ka ng magalit sakin."

"Hmp! kaya ko bang magalit sayo?" bigla namang sumabat sakanila si Stacey.

"Hoy Tiffany! kami na ang BFF ni Candice ngayon kaya bawasan mo na ang pagiging
sweet mo sakanya." sinamaan agad siya ng tingin ni Tiffany.

"Sa ating tatlo ni Troy, ako ang pinaka unang naging best friend ni Candice!"
pagdadabog niya.

Nagtawanan silang lahat. Medyo gumaan ang pakiramdam ni Candice. Hindi niya
maipagkakaila, namiss niya ang mga taong nasa harapan niya ngayon. Magbago man siya
o hindi, hindi magbabago na mahal niya ang mga kaibigan niya.

Lahat sila kinulit si Candice at Stacey na mag kwento tungkol sa mga nangyari
sakanila sa Korea. Halos lahat ng kwento, kay Stacey nanggaling. Nakikinig lang si
Candice habang umiinom ng kape.

Minsan nagkakatinginan sila ni Lucas. May kung akong kakaiba na nararamdaman ni


Candice.

Mag kakalahating oras na silang nag uusap. Oo masaya sila pero si Candice may
kakaiba na namang naramdaman. Para bang may kung sinong nakatingin sakanya.
Pakiramdam niya ay may nagmamasid sakanya.

Tinignan niya yung paligid. May nakita siyang tao sa labas na naka shades at naka
itim na sumbrero na may itim din na jacket. Halos hindi mo na siya makilala pa pero
halatang nakatingin siya kay Candice. Nung patayo na si Candice para pumunta sa
labas, biglang tumakbo palayo ang taong nakita niya.

Lumabas pa din si Candice ng coffee shop. Nung nasa labas na siya mayroon siyang
nakabangga.

"Sorry." sabi ni Candice.


Matangkad, may itim na buhok, maputi, maamong mata at may mapulang labi. Ganyan ang
itsura ng lalaking nakabangga niya.

"Alam mo miss para kang Witch."

"Ano?!" naiinis at naiiritang sabi ni Candice. Bukod kasi sa hindi na nag sorry
sakanya nag lalaking nasa harap niya ay para bang nangiinsulto pa ito.

"Para kang Witch, ang lakas kasi ng charm mo eh."

Napanganga ng literal si Candice sa sinabi niya.

"I'm Blake Fuentebella at sisiguraduhin kong magiging girlfriend kita."

Itutuloy..

---

Pagaling na si Luhan! Naglalaro na ulit siya tska tumatawa na siya. Huhu!! ang bait
ni God. Thanks sa lahat ng concern niyo. :))

Ayan na pabaon ko sa weekends niyo, sorry kung na delay. May FB na si Blake! add
niyo na lang siya. Next sat uli UD <3

####################################
Chapter 14: Ex boyfriend
####################################

Candice.

"I'm Blake Fuentebella at sisiguraduhin kong magiging girlfriend kita."

Napanganga na lang ako ng literal sa sinabi ng Blake na yun. Iniwan pa niya ako
ditong naka tanga. What the hell? Paki ulit nga yung sinabi niya?
Siya daw yung magiging boyfriend ko? Joke ba yun? Nagpapatawa ba siya? Kasi hindi
naman ako natawa. Sana mukha na lang niya yung ginawa niyang joke baka natawa pa
ako.

Aish! nevermind.

Pumasok na lang ulit ako sa loob ng coffe shop. Lahat sila nakatingin sakin habang
pabalik ako sa table namin.

"May problema ba?"

"Napag uusapan kasi namin dito habang wala ka na baka may nanliligaw na sayo."
pagkasabi non ni Troy sinamaan siya ng tingin ni Tiffany.

"Ang ingay mo Troy." iritang sabi ni Marky.

"Wala pa. Wala pang nanliligaw sakin." hindi ko alam kung bakit lahat sila
napatingin kay Lucas nung sinabi kong wala pang nanliligaw sakin. Anong meron
sakanya? May hindi ba ako alam? "Unfortunately hindi ako kasing swerte kagaya niyo
pag dating sa buhay pag-ibig."

"Ang ganda ganda mo Candice kaya hindi imposible na magkaroon ka ulit ng


boyfriend." sabi ni Tiffany.

"Kayo maganda yung lovelife, ako maganda lang. Kuntento na ako don."

"That's the spirit bee! Tama yan! Yan ang motto ng mga magaganda na single." tawa
ng tawa si Stacey. I know inside that laughter there's also bitterness. Hindi niya
kasi matanggap na pinagpalit siya ni Edward kay Blossom. "Tignan mo nga naman,
nakita ko pa sila."

Napaligon kaming lahat kay Blossom na kasama si Edward. Ang saya saya nilang
dalawa. Hindi na maipinta yung mukha ni Stacey. Kahit naka move on na siya kay
Edward hindi pa din niya matanggap na niloko siya ng isang lalaki.

"Oh my gosh, sa lahat ba naman ng tao siya pa yung makikita ko? Nakakainis yung
mukha niya." parinig ni Blossom kay Stacey.

Alam ko naman na hindi magpapadaig si Stacey kaya tumayo agad siya para lapitan
sila Blossom. Pipigilan sana siya ni Tiffany pero pinigilan ko lang siya dahil alam
kong hindi din naman mag papaawat si Stacey.

"Bago mo sabihin na naiinis ka sakin, tanungin mo muna kung natutuwa ba ako sayo."
grabe yung kilay ni Stacey. Kung may abot langit na ngiti meron ding abot langit na
pagtataray at kay Stacey Chua mo yan makikita.
"I don't care, wala akong paki sayo at sa nararamdaman mo." banat naman ni Blossom.

"Yun naman pala eh, we feel the same way. Wala din akong pakialam sayo at sa
nararamdaman mo kaya tumahimik ka." tinaasan niya ulit ng kilay si Blossom bago
siya tumalikod at pumunta samin.

Natahimik nga naman si Blossom at lumabas na lang sila ni Edward ng coffe shop.

"Alam mo Stacey ikaw na talaga ang reyna ng katarayan." natatawang sabi ni Troy.
"Grabe taob si Blossom sayo."

"Ganon talaga kapag maganda, hindi nagpapatalo at nagpapaapi."

"Oha oha! Ate ko yan!" biglang sabat ni Tiffany. Natawa tuloy kaming lahat sakanya.

Biglang tumunog yung cellphone ni Troy kaya natahimik kaming lahat. Sinagot niya
agad yung phone niya mukhang importante yung tumatawag.

"Okay dad, pupunta na ko." biglang nalungkot si Troy. "Guys, sorry kaylangan ko ng
umalis."

"Iiwan mo dito yuny kapatid ko? mamaya ka na umuwi Trot! ang KJ mo naman. It's just
your dad." naging seryoso yung mukha ni Troy.

"He's my dad. He's not just my dad."

Naging serysos yung aura sa paligid. Walang kahit isa samin yung nagsasalita.
Naglakas loob na lang akong magsalita.

"Mabuti pa ituloy na lang natin 'to next time. Troy mauna ka na, ihahatid na lang
namin sila Tiffany sakanila."

"Sorry guys." lumapit ako kay Troy pagkatapos tinap ko yung balikat niya. "Boo
sorry."

"Okay lang boo, alam ko naman na importante yung dad mo sayo. Madami pa naman
tayong next time eh." lumapit si Tiffany sakanya, niyakap niya si Troy pero may
lungkot sa mukha niya. "Mauna ka na, text mo na lang ako ah?"

"Okay, I love you boo."

"I love you too." tapos nag kiss sila. Hindi ko alam pero iniwas ko agad yung
tingin ko sakanila.

"Bee si Marky na lang yung maghahatid samin pauwi. Umuwi ka na."

"Bye best friend! Sana makapag bonding ulit tayo. Sobrang na miss kita." niyakap
ako ng mahigpit ni Tiffany. "Ingat kayo ni Shawn."

"Sige Candice, Hoy Shawn ingatan mo yan si Candice ah!" kakaiba yung ngiti ni Marky
kay Lucas.

"Sige ingat kayo." sagot ni Lucas.

Umalis silang tatlo na may kakaibang ngiti sa mukha. Napatingin na naman sila kay
Lucas bago umalis. Ano bang meron kay Lucas? Tinignan ko si Lucas, napatingin din
siya sakin.

"Noona?"

"Lucas, may tinatago ba kayo sakin?" napangiti siya tapos ginulo niya yung buhok ko
akala mo bata ako.

"Wala, wala yun." ngayon tumatawa na siya. Wala pala? kaya pala ganyan yung inaasal
niya. "Tara ihahatid na kita. Ako na mag drive ng kotse mo." kinuha niya yung kamay
ko tapos hinila niya ako palabas papunta sa kotse ko.

Nung nasa kotse na kami ni Lucas, naiisip ko pa din kung ano yung tinatago nila
sakin. Ano kaya yon? Haha! Kung ayaw nilang sabihin okay lang, malalaman ko din
naman yun.

"Ice cream! Ice cream!" napalingon agad ako kay manong na nagtitinda ng ice cream.
Dumaan pala kami dito sa park na palagi naming pinupuntahan ni Jeydon dati.

"Lucas, ihinto mo." bubuksan ko na sana yung pinto ng kotse ko pero pinigilan ko ni
Lucas.

"Wag ka nang bumaba, umuwi na tayo."

"Mauna ka na Lucas, dalhin mo na lang yung kotse ko sa bahay. Maglalakad na lang


ako pauwi." tinignan niya lang ako, hindi pa din niya binibitawan yung pagkakahawak
sa kamay ko. "Sige na Lucas."

Unti unti niyang inalis yung kamay niya sa kamay ko. "Tawagan mo lang ako kapag may
kaylangan ka."
Ngumiti ako sakanya pagkatapos bumaba na ako ng kotse. May kung ano na tumatawag
sakin dito sa park na 'to. Ang daming bata naglalaro. Lalong gumanda at sumigla
yung park na 'to.

Naglakad agad ako papunta kay manong sorbetero. Siya yung palaging binibilhan namin
ni Jeydon dati ng ice cream. Hanggang ngayon pala nagtitinda pa din siya ng ice
cream.

"Miss beautiful, di ba ikaw yung suki ko dati?" naaalala niya pa pala ako. "Ang
tagal kitang hindi nakita ah."

"Umalis kasi ako."

"Ganon ba?" kumuha siya ng ice cream. Cookies and Cream. Alam na alam niya pa din
kung ano yung paborito ko. "Eto, libre ko na yan sayo. Alam ko naman na paborito mo
yan eh."

"Sorry manong pero hindi na ako kumakain ng ice cream." nalungkot siya bigla.
"Ibigay niyo na lang yan sa iba."

"Iho, sayo ko na lang ibibigay 'to." napalingon ako sa kausap niya sa likod ko.
Pakiramdam ko bumilis yung tibok ng puso ko. Ganito ba kaliit yung mundo naming
dalawa? "Hindi ba boyfriend ka ni Miss beautiful?"

"Manong naman, di ba sabi ko sa inyo iba na yung girlfriend ko. Yung kasama ko dito
nung isang araw, siya yung girlfriend ko." dinadala niya din pala si Kim dito. Ang
kapal ng mukha niyang gawin kay Kim lahat ng ginagawa namin dati.

"Haha! oo nga pala, mas bagay kasi kayo ni Miss beautiful eh. Sige kunin mo na 'to,
aalis na ako." inabot niya kay Jeydon yung ice cream pagkatapos umalis na siya.

Naiwan kaming dalawa ni Jeydon.

Matagal at ilang beses ko ng hinanda yung sarili ko sa ganitong sitwasyon. Alam ko


naman na hindi imposible na magkasama kami. Sabi ko sa sarili ko, hindi ako
magiging bitter. Hindi ako ampalaya para maging ganon.

"Ang laki na ng pinagbago mo."

Nagulat ako, buong akala ko hindi niya ako papansinin. Ngumiti ako sakanya,
tinignan ko siya sa mga mata niya.

"Oo nagbago na ako at naging inspirasyon ko yung panggagago mo sakin."

Iniwas niya sakin yung tingin niya. "Patawarin mo ako Candice."


Nagulat na naman ako. Kahit kelan hindi ko naisip na hihingi siya ng tawad sakin.

"Sana nakalimutan mo na lahat ng nararamdaman mo para sakin. Masaya na ko kay Kim,


sana maging masaya na ka din."

Siguro kung ako pa din yung dating Candice, masasaktan ako sa sinabi niya. Iiyak
ako sa harap niya at magmamakaawa na bumalik siya sakin pero hindi, hindi na ako
yung dating Candice.

"Simula ng tinalukuran mo ako, tinalikuran na din kita."

"Tanggap ko kung galit ka sakin pero sana balang araw mapatawad mo ako sa ginawa
ko." hindi ko maipaliwanag kung ano yung nararamdaman ko ngayon. Kung ano man 'to
alam kong mali 'to. "Sana makahanap ka na ng ibang mamahalin."

"Ang pasensya kahit gaano kahaba, may hangganan. Parang pagmamahal ko sayo,gaano
man kalalim, may katapusan din." tumingin ako sakanya pagkatapos ngumiti ako.

Gusto kong ipakita sa ngiti kong 'to na masaya ako. Gusto kong ipamukha kay Jeydon
na hindi ko na siya mahal. I want to show him how better my life is now. Gusto kong
ipakita na lahat ng pagbabago na nangyari sakin ay dahil sakanya.

"Matagal ko ng kinalimutan ang lahat satin. Kung may iba ka na eh di magpakasaya


ka. Hindi naman ako bayani para ipaglaban ka."

"Tama ka, hindi naman ako karapatdapat na ipaglaban." tumalikod siya sakin.

Bigla kong natanong sa sarili ko, kung hindi siya karapatdapat na ipaglaban, ako?
hindi ba worth it na ipaglaban?

"Masaya akong masaya ka na. Ayoko kasing nakikita kang nagpapakatanga lang sakin."
nakaramdam ako ng galit. Bakit kaylangan niya pang sabihin ang mga yan?

"Kung tanga ako kasi nagmahal ako ng sobra kahit nasasaktan na ako. Tingin ko mas
tanga ka kasi kahit na minamahal kita ng sobra, naghahanap pa din ng iba."

Isa kang tanga ka Jeydon. Napakalaki mong tanga.

"Patawarin mo ko."

Unti unto siyang naglakad palayo sakin. Naririnig ko pa din ng paulit ulit niyang
paghingi niya ng tawad sakin.
Sa lahat ng sakit na naramdaman ko, hindi ko kayang ibigay sayo at kay Kim ang
kapatawarang hinihingi mo. Kaylangan niyo pang pagbayaran lahat ng ginawa niyo
sakin. Dun ko lang siguro kayo mapapatawad.

Umupo muna ako sa park. Kasabay ng unti unting paglubog ng araw ay ang unti unting
pagtulo ng mga luha galing sa mata ko. Bumabalik lahat ng mga alala naming dalawa
ni Jeydon. Yung mga masasayang araw na magkasama kami. Yung mga araw na nagpaplano
kami para sa future namin. Yung mga araw na parang wala ng katapusan kapag kasama
namin yung isa't isa.

Then I just realized something..

"Magalit man ako sakanya, isumpa ko man siya, hindi pa din mawawala yung
katotohanang minahal ko siya."

Minahal ko siya dati pero ngayon hindi na. Hindi na dapat. Hindi na pwede.

"Noona.."

"Lucas? Akala ko umuwi ka na?"

"Hindi kita kayang iwan. Umuwi na tayo." kinuha niya yung kamay ko. Hinila na naman
niya ako papunta sa kotse ko.

Wala na din akong nagawa kung hindi pumasok sa loob. Pinag drive niya ako pabalik
sa bahay. Tahimik lang kaming dalawa nung nasa kotse kami. Nung makababa na kami,
bago umalis si Lucas, kinausap ko siya.

"Lucas, bakit ba palagi kang nasa tabi ko?" bigla ko na lang yan natanong sakanya.
Napapansin ko na kasing palagi siyang nandyan para sakin. "Hindi mo naman kaylangan
gawin lahat ng 'to eh."

Tinignan niya ako sa mata ko. Kinabahan ako. Ngayon pa lang ako tinignan ng ganito
ni Lucas.

"Candice, hindi ko hihilingin na mahalin mo ako pero pwede bang hayaan mo lang
akong mahalin ka?"

Hindi ako nakapagsalita. Hindi ako manhid pero hindi ko pa din inakala na may
ganitong nararamdaman sakin si Lucas. Buong akala ko, isang mahalagang kaibigan
lang ako para sakanya.

Kaya pala ganon yung inasal nila kanina. Lahat ba sila alam na yun? Ako na lang
pala talaga yung hindi. Sige manhid nga talaga ako.
Lumapit siya sakin.

Dug dug dug dug.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Kakaibang pagtibok ng puso yung nararamdaman ko
ngayon.

"Matulog ka na, wag kang magalaa.. bukas mamahalin pa din kita."

Lumapit siya sa mukha ko, hinalikan niya ako sa noo ko. Pakiramdam ko buong pisngi
nagiinit na. Ang tagal ko ng hindi naramdaman yung ganitong pakiramdam.

"Noona, bakit namumula ka?" ang lapad ng ngiti niya sakin.

"Ha? na-namumula?"

"Magpapanggap na lang akong wala akong nakita." kinindatan niya ako pagkatapos
umalis na siya.

Nakatayo pa din ako sa labas ng bahay namin. Napahawak ako sa pisngi ko. Namumula
ba talaga ako? Bakit ko ba yun naramdaman?

"Kanina ko pa kayo pinagmamasdan ni Shawn. Napansin ko bagay pala kayo." may isang
nilalang na naman na sumingit sa maganda kong moment.

"Kuya Charles!"

"Oh bakit? bagay nga kayo ni Shawn. Namumula ka nga dyan eh." hinawakan ko yung
pisngi ko. Hindi na naman ako namumula eh. Nang aasar na naman siya. "Kung
manliligaw sayo si Shawn, payag ako."

"FYI, hindi siya nanliligaw sakin kuya." tss! nangunguna pa siya kay Lucas eh.

"Ayaw niya kasing mag take advantage sayo kaya ayaw ka pa niyang ligawan pero
pupusta pa ako, manliligaw din siya sayo."

Si Lucas? Liligawan ako?

"Candice it's already time for you to be happy. Just let yourself fall inlove
again. Sige na nosebleed na ko dito eh. Pumasok ka na sa loob, nagluto kami ni
sweety pie ng lasagna."
Aish! Si kuya Charles talaga. Kelan kaya siya magbabago? Tanda tanda na kung umasta
akala mo teenager.

Narinig ko bigla sa utak ko yung boses ni Jeydon.

"Sana makahanap ka na ng ibang mamahalin."

Napangiti ako. Panahon na nga ata para magmahal na ulit ako ng iba..

####################################
Chapter 15: Manliligaw
####################################

"Manang gising na!"

Ugh. Antok pa ako. Parang ayoko pa bumangon. Ang sarap sarap matulog ngayong
malamig yung panahon. Pilit akong tinatawag ng malambot kong kama.

"Gusto mo bang mabuhusan ng tubig?" Dumilat agad yung dalawa kong mata sa sinabi ni
kuya Charles. Ayan na naman siya.

"Subukan mo lang kuya." tumayo agad ako tapos tinignan ko siya ng masama. "Gising
na ako kaya sige na tsupi! Alis!"

"May nag aantay sayo sa labas. Bilisan mo dyan." ang sama din ng tingin niya sakin.
Teka nga lang, may nag hihintay daw sakin sa labas?

Sino naman kaya yon?

Nagmadali akong pumunta sa banyo ng kwarto ko. Naligo at nag ayos agad ako. Hindi
ako mapakali, hindi ko alam kung sino yung nag hihintay sakin sa labas. Posible
kayang si Lucas yun? Aish! Wag kang assumera dyan Candice. Asa naman noh.

Buiset! bakit bigla na lang pumasok sa isip ko si Lucas?

"Roo!" nakaayos na ako at lahat nung talunan ako ni Cholo. Ang bigat ng chow chow
na to. "Roo!"

"Aw baby." niyakap ko siya ng mahigpit. Miss na siguro niya na makalaro ako. "Cholo
baby, maglalaro tayo pagkauwi ni mommy ah?" hinalikan ko siya pagkatapos bumaba na
ako.

"Candice! Candice! Candice!" tawag sakin ni mama. Parang kinabahan ako bigla. Ayoko
kapag ganito ka hyper si mama. "May lalaking nag hihintay sayo sa labas ng bahay
natin." wow parang excited pa siya.

Kaso teka, may lalaking nag iintay sakin sa labas? Meaning hindi kilala ni mama? So
hindi pala si Lucas yun.

Sabi ko naman kasi sayo Candice eh.

"Teka, paano niyo nalaman na ako yung hinihintay niya?" mamaya naman manliligaw yan
ni mama. Ayoko maging assumera, mahirap na baka mapahiya pa ako.

"May dala dala siyang bulaklak, manliligaw ata eh. Hindi naman pwedeng ako yung
liligawan niya." what the? bulaklak talaga?

"Hoy Candice! dadaanan muna yang lalaki na yan sakin bago siya manligaw sayo."
hindi ko pinansin si kuya. Hahaba lang yung usapan kapag sinagot ko siya.

Mabuti pa harapin ko na kung sino man siya. Kukulitin lang ako nila mama dito.
"Aalis na ako mama. Bye!"

"Hindi ka na ba kakain anak?"

"Hindi na po." ngitian ko sila pati si kuya.

"Hoy Candice! Hintayin mo ko!" hindi pa nga siya tapos kumain tapos hihintayin ko
pa siya? bahala siya dyan.

Lumabas agad ako para makita mo kung sino yung lalaking yon. Who you siya?

Pagkalabas ko ng gate may isang lalaki na nakatalikod. Sino naman 'tong lalaki na
'to? Ang aga aga may bulaklak pa siyang nalalaman ha.

"Sino ka?"

Pagkalingon niya sakin, nanlaki yung mata ko. Siya?! Siya yung lalaki kahapon sa
Starbucks. Siya daw yung magiging future boyfriend ko? Wow ha. Ano ba pangalan
neto?
"Maganda ka pa sa umaga Candice." ang lapad ng ngiti niya sakin. Babanat banat pa
siya sakin ha.

"Ikaw na naman?" natawa siya.

"Ako nga, si Blake. Masanay ka na Candice my loves. Simula ngayon palagi mo na


akong makikita. Sabi ko naman sayo, ako ang magiging future boyfriend mo."

Wow ha. Wow lang talaga. Ang lakas ng hangin buti na lang hindi ako natangay.

"Eto oh flowers." inabot niya sakin yung bulaklak pero hindi ko yun kinuha.

"Sino ka ba at paano mo ako nakilala?" saang lupalop ba kasi siya galing? baka
mamaya kriminal pa siya o kung ano eh.

"Grabe ka naman, hindi mo na talaga ako naaalala? Ako yung classmate mo nung
elementary sa Korea. Classmates pa nga tayong tatlo ni Shawn Lucas 'di ba?"

Tinitigan ko siya ng mabuti. Ilang beses pa akong kumurap kurap. This is not
happening. What the?! siya si MM!! Siya yung kalaro namin ni Lucas noon. Hindi ko
na matandaan yung pangalan niya. Ang alam ko lang siya si MM, short for Mickey
Mouse. Mahilig kasi siya dun kaya ayun yung tawag namin sakanya ni Lucas. Kaya
naman pala may pagkamayabang siya eh.

"Ikaw ba talaga yan MM?!"

"Ikaw naman Candice oh, mga bata pa tayo nung tinatawag mo ko nyan. Blake na lang
para mas gwapong pakinggan." hindi pa din talaga siya nagbabago, mayabang pa din
siya. "Tara sabay na tayong pumasok?"

Hinawakan niya yung kamay ko. Wow, hinawakan niya talaga ha? Bago ko pa maalis yung
kamay ko sa kamay niya dumating si Kuya Charles.

"Sinong nagsabi sayong hawakan mo yung kamay ng kapatid ko ha?!" nako. Galit ata si
kuya.

"Hi bayaw! Good morning sayo." haha! sige lang sabayan mo yang galit ni kuya.
Tignan ko lang mung umubra ka. "Kumain ka na ba? Hindi ata maganda yung gising mo
eh."

"Ano?!" lumapit sakanya si kuya, gusto niya atang suntukin 'to si Blake kaya
lumapit agad ako sakanila pagkatapos pinigilan ko si kuya. Baka ano pa magawa niya
eh.
"Eto naman si bayaw, nagbibiro lang eh."

"Hindi ako natutuwa sa biro mo! Sino ka ba ha?!" halata ngang hindi siya natutuwa,
nag uusok na yung tenga niya sa galit eh.

"Ako nga pala si Blake, manliligaw ni Candice."

Teka manliligaw? Wala akong maalala na pumayag akong manligaw siya sakin ha? Aba
okay yun ah. Instant manliligaw?!

"Manliligaw?!" tumawa si kuya. "Ngayon pa lang busted ka na!" aw ang sakit naman
non.

"Charles!!"

Natigilan kami pagkatapos napalingon kaming tatlo sa babaeng sumigaw, kay Ate
Serina. Mukhang hindi din ata maganda yung gising niya. Mukhang galit siya.

"Charles Gonzales! Hindi ka man lang nagpaparamdam sakin kahapon tapos pati ngayon
wala?! alam mo bang monthsarry natin ngayon ha?!"

Busy si kuya kahapon dahil sa meeting niya dun sa business partners namin. Nako
lagot siya, kung nakakatakot siya magalit mas matindi magalit 'to si Ate Serina.

"Excuse me." sabat ni Blake.

"Sino ka naman ha?!" sige sasabat sabat ka pa dyan, madadamay ka pa sa galit ni Ate
Serina.

"Delivery boy ako, idedeliver ko na sana 'tong bulaklak na 'to sa inyo. Regalo ni
Sir sa inyo. Eto oh." inabot niya yung bulaklak kay Ate Serina. Pareho kaming
nagulat ni kuya sa ginawa niya. Ano bang pinagsasabi niya? "Busy siya kahapon
kakaisip kung anong magandang iregalo sa inyo tska gusto ka niya i surprise."

Tumaas yung kilay ni Ate Serina pero unti unti naman siyang napapangiti. Aba
effective ata yung ginawa niya ha?

"Totoo ba yan Charles?" hindi alam ni kuya kung anong isasagot niya. Pareho kaming
gulat sa mga pinaggagawa nito ni Blake eh.

"Totoo po yan, plano nga ni sir na mag breakfast kayo ngayon dun sa malapit na
restaurant dito eh." ano ba yung mga pinagsasabi niya?! pero bakit ganon? Gusto
kong matawa.
Siniko ko na si Kuya Charles para sumangayon sa mga pinagsasabi ni Blake.
Pagkakataon na niya yan para hindi magalit pa si Ate Serina.

"Ah o-oo sweety pie. Yan talaga yung plano ko, hehe. Su-surprise?" haha! sobrang
nagpipigil na ako ng tawa dito. Mukhang tanga kasi si Kuya ngayon eh. Sobrang
dumbfounded niya ngayon. "Happy monthsarry."

"Uhh, ang sweet mo talaga sweety pie. Thank you! Na touch ako ha. Akala ko
nakalimutan mo na eh," nakalimutan niya talaga ate. Haha! kung alam mo lang. "San
pala tayo kakain?"

"Ah dun sa malapit na resto."

"Tara? Gutom na ako eh." buti na lang medyo nag sink in na yung mga nangyari kay
kuya kaya hindi na siya mukhang tanga. "Candice, gusto mo sumama?"

"Ate date niyo yan eh. Enjoy na lang kayo."

"Okay, ingat ka papasok." ang saya na ni Ate Serina. Hinila nga niya agad si kuya
sa kotse niya eh. Excited much?

Papunta na sila kuya sa kotse ni Ate Serina kaso biglang lumingon si kuya samin.
Akala ko titignan niya ng masama si Blake pero ngumiti siya tapos nag okay sign.

Wow, just wow. Hanga na ako sakanya.

Nung umalis na sila kuya tinignan ko si Blake. "Thanks dun ah, sinalba mo si kuya."

"Wala yun, para naman yun sa future bayaw ko eh." ayan na naman siya. Okay na sana
eh.

"Sige alis na ako." tinalikuran ko siya tapos dumiretso ako sa kotse ko.

"Alam mo Candice my loves mas okay siguro kung maglalakad ka na lang papunta sa
school. Malapit lapit lang naman siya dito eh." hinarap ko siya.

"Pwede ba? hindi mo ako pwedeng diktahan kung anong gagawin ko. Mind your own
business please." mas lumala yung ugali niya. Dati okey pa eh, nakakasundo pa namin
siya ni Lucas.

"Sige wag ka na maglakad. Ikaw din lalong lalaki yang tyan mo."

Napatingin agad ako sa tyan ko. Malaki? malaki pa ba yung tyan ko sa lagay na 'to?
Kahit anong gawin kong wag pansinin yung sinabi niya parang hindi ko magawa. Oo
medyo lumaki na nga yung tyan ko. Hindi na kasi ako nakakapag jogging lately eh.
Buiset na Blake 'to.

"Mas maganda nga sigurong maglakad ako." tinarayan ko pa din siya. Akala mo kasi
kung sino eh. Magaan pa din sana yung loob ko sakanya kaso lalo siyang yumabang eh.

[Now playing: Fall by Justin Bieber]

"Alam mo Candice my loves maganda yung healthy ka. Uso pa naman ngayon yung mga
sakit. Gusto mo araw araw kitang samahan--" hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin
niya.

"FYI lang ah, naglakad nga ako kagaya ng sinabi mo pero hindi ibig sabihin non na
pwede ka ng sumabay sakin at hindi din ibig sabihin non na papansinin na kita."
psh! ang lakas talaga ng dating ng lalaking 'to.

Huminto siya kaya napahinto din ako. Pumunta siya sa harap ko. "Mukhang ang pangit
naging impression ko sayo. Pwede bang take two?"

Inayos niya yung buhok niya. Infairness naman gwapo pa din siya. Kamukha niya yung
korean band member na favorite ko. Si Yonghwa ng CNblue. Kaso mayabang siya at
maangas hindi katulad ni Yonghwa.

"Ako nga pala si Blake," inabot niya sakin yung kamay niya. Nakipag kamay na lang
din ako, kawawa naman siya baka mapahiya eh. "Sana bigyan mo ako ng chance Candice.
Mabait naman ako eh. Oo mayabang at maangas ako pero hindi kita sasaktan."

Natawa ako sa sinabi niya. Hindi sasaktan?

"Alam mo laos na yang mga linya mo. Isa pa hindi ako naniniwala na hindi mo ako
sasaktan."

"Hindi naman ganon kakapal yung mukha ko para lokohin at saktan ang isang katulad
mo." sus ang dami niyang sinasabi eh.

"Ang mga lalaki kapag nanliligaw nahihiya, pero kapag nanloloko ang kakapal ng mga
mukha."

"Oh sige, hindi kita pipilitin na sagutin ako pero hayaan mo ako na ligawan ka. Ano
deal?" hindi ko siya pinansin. "Sige na oh?"

"Deal mo mukha mo." Naglakad ako palayo sakanya kaso sinusundan talaga niya ako.
"Alam mo hindi kita masisi kung ganyan yung inaasal mo ngayon. Nasaktan ka eh pero
isipin mo, habang buhay ka na bang ganyan? Habang buhay ka na lang bang matatakot
mag mahal ulit?" hindi niya kasi alam kung ano yung pinagdaanan ko. Hay buiset!
bakit ba kasi kung ano ano yung sinasabi niya?

"Pwede ba? Shut up." dapat pala talaga dinala ko na lang yung kotse ko.

"Alam mo bang kakambal ng salitang nagmamahal yung salitang nasasaktan? Kasi kapag
nasasaktan ka, nagmamahal ka."

Napahinto ako, okay I admit may punto yung mga pinagsasabi niya sakin ngayon pero
hindi ko pa kayang i-sink in yan sa utak ko. Hindi pa ngayon.

"Pwede ba, Mr. Blake Fuentebella. Leave me alone." pagkasabi ko non biglang tumunog
yung tyan ko. Sign ng gutom. Nakakahiya ah. Natawa pa nga siya eh. Hmpf!

"Panget sa maganda ang gutom." I know right.

"Sino bang may kasalanan ha? Aakyat ka ng ligaw umagang umaga?" kung hindi ba naman
siya baliw eh.

"Sooory po. Tara libre na lang kita, sabay na tayo kumain."

"No thanks, kaya kong kumain mag isa sa sarili ko." bakit ba ang kulit niya?

"Ang sungit mo naman sakin, hindi naman ako masamang tao eh." lumungkot bigla yung
mukha niya. "Naalala mo pa ba noon? palagi kitang binabaunan ng kimchi." bigla ko
ngang naalala yon.

Palagi niya akong pinagbabaunan ng Kimchi tska ng Fish cake dati. Kapag siya yung
kasama ko, hindi ako nagugutom.

Buiset talaga!

"Sige na! saan ba tayo kakain? Dalian mo baka malate pa ako." pasalamat talaga siya
mabait siya sakin dati tska palagi niya akong pinagbabaunan ng pagkain.

"Dun sa mamihan." hinawakan na naman niya yung kamay ko tapos hinila niya ako.

Wala pang gaanong tao sa mamihan. Ang bango ng mami. Mas lalo tuloy akong nagutom.

"Kuya dalawang mami special! Yung malaki."


Hindi ako nagsasalita, nakatingin lang ako sakanya. Mukhang harmless pa din naman
siya. Masyado ko lang siguro siyang na judge kanina. Hindi naman siguro masama kung
maging magkaibigan ulit kami eh. Kung papayagan ko siyang manligaw sakin? Hindi ko
alam. Ayoko nang isara yung pinto ko para sa iba pero this time gusto ko ng
makasigurado.

"Eto na po yung mami niyo."

Nilapag samin ni kuya yung napakalaking bowl ng mami. Grabe naman! Ilang tyan ba
yung akala sakin ng Blake na 'to? Hindi naman ako halimaw kumain noh.

"Ubusin mo yan ah. Masarap yan." hindi ko na siya pinansin dahil gutom na gutom na
talaga ako. Kumuha agad ako ng mami tapos kinain ko. Wah! Shet ang sarap naman pala
nito eh. Natawa tuloy si Blake. "Ang sarap noh?"

"Oo masarap." tipid lang yung sagot ko sakanya kasi busy na ako sa pagkain. Ang
sarap kasi eh.

Buti na lang hindi niya ako kinulit nung kumakain ako. Ayoko ng iniistorbo ako
kapag lumalamon este kumakain pala ako.

Grabe busog na busog ako. Nawala na din yung inis ko sakanya. Haha! sige na nga
friends na ulit kami.

Sabi nila a way through a man's heart is through his stomach. Hindi lang pala yan
applicable sa mga lalaki pati din pala sakin.

"Thank you MM." napakamot siya ng ulo.

"Sige na nga MM na kung MM. Ang korni non eh. Mas maangas yung Blake eh." ang arte
ah. Maangas na nga siya gusto pa niya pati pangalan niya maangas. Ang lungkot na
naman ng mukha niya.

"Oo na Blake na." para naman sumaya siya. "Seryoso ka ba na liligawan mo ko? Ano
naman pumasok dyan sa utak mo ha?"

"Naniniwala ako na kapag nagkagusto ka sa isang tao dapat walang dahilan. Paano
kapag nawala na yung dahilan mo kung bakit ka nag kagusto sakanya? Eh di hindi mo
na siya gusto?" ang dami na niyang sinabi pero hindi pa pala siya tapos. "Gusto
kita kasi gusto kita. Walang tanong tanong."

Okay sige. Hands down na talaga ako sakanya. Ang dami niyang words of wisdom ha.

"Liligawan kita sa gusto mo man o hindi."


"Whatever." ngumiti na naman siya ng malapad.

"I'll take that as a yes."

Oo na, oo na. Ang kulit niya eh. Bahala siya, akala naman niya sasagutin ko siya?
Haha! malay ko.

"Sige pasok na ko."

"Hahatid na kita." kukunin na naman niya sana yung kamay ko para hawakan pero
naunahan ko na. Nilayo ko agad yung kamay ko. "Sorry, ayaw mo pala hawakan kamay
mo." buti alam na niya.

Naglakad kami papunta sa school. Mas malayo 'to kumpara non sa school namin nung
high school. Buti na lang talaga nabusog ako sa kinain namin.

Nung malapit na kami nakasalubong namin sa gate si Lucas. Parang kinabahan ako.
Kinabahan ako na makita niya kaming dalawa ni Blake na magkasama.

"Shawn Lucas!"

Napatingin agad samin si Lucas. Napahinto siya tapos parang hindi siya makapaniwala
sa mga nakikita niya. Lumapit agad siya sakin pagkatapos nilayo niya ako kay Blake.

"Sino siya noona?" iritable na iritable siya.

"Lucas, naaalala mo pa ba si MM? Siya yon, si Blake." close din siya kay MM noon
kaya alam kong hindi niya pa nakakalimutan si Blake.

"Musta pareng Shawn?"

"Ayos lang, bakit kasama mo si Candice?" Sa tono ng boses niya parang galit siya
ha. Anong meron at parang lahat sila masama yung gising?

"Oo nga pala, nililigawan ko si Candice."

Natahimik lang siya, natahimik kaming lahat. Ayoko ng aura ngayon. Ang bigat eh,
damang dama ko.

"Alam mo Blake malalate na kami. Mauna na kami sayo." hindi ko na kaya, mabigat na
masyado sa feeling.
"Sige! Mamaya na lang ah? Susunduin kita." nagulat ako nung kinuha niya yung kamay
ko pagkatapos hinalikan niya. "Bye prinsesa ko."

Kumindat muna siya sakin bago siya umalis. Oo na gwapo na siya. Leche. Haha! ano
ba naman 'to? kamukha niya kasi talaga si Yonghwa eh. May kakaibang aura si Blake
na magugustuhan mo kahit na mayabang at maangas siya.

"Kinikilig ka?" tanong sakin ni Lucas. Paano naman niya nalaman? este nasabi? "Ang
lapad kasi ng ngiti mo dyan eh."

Kinikilig ba talaga ako? parang hindi naman eh.

Tinignan ko ulit si Lucas. Hindi maipinta yung mukha niya. Anong problema ng
lalaking 'to?

"Lucas ok--"

"Okay lang ako." oo sabi ko nga eh.

Naglakad agad siya papasok sa loob ng school. Hindi man lang niya ako hinintay ha!
Wala palang problema ah? Sabi nga nila action speaks louder than words.

Tumakbo ako para sundan si Lucas.

"Shawn Lucas Dela Fuente!"

Napalingon siya sakin. Hindi pa din maipinta yung mukha niya. Tinignan ko na siya
ng masama. Kung may problema siya sabihin niya hindi yung manghuhula pa ako kung
ano yun.

"Ano bang problema mo ha?!"

"Wala." tumalikod siya sakin tapos naglakad na siya palayo. Hinabol ko naman agad
siya.

"Wala? Yan ba yung wala? Ano ba kasi yon ha?" inalis niya yung pagkakahawak ko sa
braso niya.

"Wala nga." ganon pa din yung expression ng mukha niya. "Wala 'to."

"Anong wala? Hindi naman ganyan ha? Ano ba kasi yon?!" ayan naiinis na ako ah,
napapasigaw na ako.
"Wala nga!" napapasigaw na din siya.

"Anong wala? Meron eh!" sige magsigawan na kaming dalawa dito. "Ano nga kasi ha?!"

"Nagseselos ako! Naseselos ako at sana aware ka!"

Ang tagal namin nagkatitigan na dalawa bago siya tumalikod ulit pero this time bago
siya naglakad palayo sakin, nagsalita ulit siya.

"Pinapaalala ko nga pala sayo, manliligaw mo din ako. Sana aware ka din don."

NGANGA.

Si Blake naliligaw sakin. Si Lucas nanliligaw sakin. Eh di ako na! Ako na talaga
maganda! Ang Haba ng buhok ko noh, sarap putulin eh. Nakakahiya naman baka
matapakan ko pa.

Lutang yung isip ko nung pumasok ako sa class ko. Wala akong natutunan na kahit ano
ngayong araw na 'to. Masyadong binulabog ni Lucas at Blake yung isip ko. Lumilipad
tuloy yung utak ko buong araw na 'to. Akala ko nga makakadating na ako sa ibang
planeta eh.

Ayoko munang makita si Blake at Lucas ngayong araw baka kasi mawindang na ako kaya
umuwi agad ako ng bahay. Hindi na ako nagpaaalam kay Lucas. Hindi ko na din sinipot
si Stacey sa may canteen ng University kasi baka makita ko si Lucas don.

Nag taxi na ako pauwi.

Pagkauwing pagkauwi ko, sinalubong ako ni Cholo. "Roo!"

"Oo nga pala nag promise si mommy sayo na mamasyal tayo. Wait lang ha."

Umakyat agad ako sa kwarto ko, nagpalit lang ako ng damit. Mas mabuti nga din
siguro na ipasyal ko muna si Cholo. Malamig naman kaya pwede ko siyang ilabas.

"Mama! Alis muna kami ni Cholo!"

"Ingat anak! Umuwi ka ng maaga ha! Mag celebrate daw tayo kasi monthsary nila
Charles at Serina!"

"Opo mama!"

Umalis na kami ni Cholo. Sinusundan ko lang siya kung saan niya gustong pumunta.
Alam na alam na niya yung gagawin niya kasi dumiretso siya sa park.

"That's my boy." inabutan ko siya ng dog food. Ang talino talaga ng baby ko.

"Roo! Roo! Roo!" biglang hindi mapakali si Cholo.

"Meow." napatalon ako sa meow na yun. Napalingon agad ako sa pusa na nasa likod ko.
Bakit ganon? parang pamilyar siya sakin. "Meow."

"Hoy pusa? Sinong amo mo ha? Pakalat kalat ka dito." imposible naman na pusang gala
lang siya. Halatang may breed siyang pusa at halata din na alagang alaga siya ng
amo niya.

"Alaga pero pinapabayaan siya ngayon ng amo niya?" sabi ko sa sarili ko.

"Princess!"

Yung boses na yun..

Derederetso lang siya sa pusa niya. Kinuha niya agad si princess tapos niyakap
niya. Ngayon alam ko na kung bakit siya pamilyar.

"Kanina pa kita hinahanap eh, saan ka ba kasi nag pupunta?" habang yakap yakap niya
yung pusa niya, napatingin siya sakin.

Napatingin kami sa mata ng isa't isa.

"Meow!"

Napatingin ako sa pusa niya. Bigla akong nainis. Kahit kelan talaga ayoko sa mga
pusa.

"Ayaw mo pa din pala sa mga pusa."

"Halata ba? Alagaan mo ng mabuti yung alaga mo. Kung saan saan pumupunta." inirapan
ko siya.

Hinila ko si Cholo palayo sakanila. Naglakad na kami palayo, mabuti pa sa ibang


lugar na lang kami pumunta. May epal kasi sa lugar na 'to eh.

"Meow.. meow.. meow.."


Problema ng pusa na yan? Ang ingay.

"Meow.. meow.. meow.."

Teka, bakit parang kakaiba na yung tono ng pusa na 'to. Bigla ata akong kinabahan.

Nilingon ko siya at si Jeydon. Pakiramdam ko sandaling huminto yung pagtibok ng


puso ko.

Si Jeydon.. nakabulgta siya sa sahig at walang malay.

Parang unti unting nanginginig yung mga tuhod ko. Anong nangyayari? Anong
nangyayari kay Jeydon? Gusto ko siyang tulungan pero may kung anong nagpipigil
sakin. Pinipigilan ako ng galit ko sakanya.

"Jeydon!"

Nakita ko si Marky na sumisigaw at palapit kay Jeydon. Binuhat niya agad si Jeydon
pagkatapos dinala niya sa kotse niya.

Hindi ako makagalaw sa kinakatayuan ko.. unti unti, tumulo yung mga luha sa mata
ko.

Jeydon..

####################################
Chapter 16: Love and Anger
####################################

"Candice?"

Hinawakan niya yung magkabilang braso ko. Tinignan niya ako sa mga mata ko. Kahit
yung mukha niya yung nasa harap ko ngayon, si Jeydon pa din yung nakikita ko. Si
Jeydon na walang malay at nakahiga sa sahig.
"Noona, sagutin mo ako. Ayos ka lang ba?" mas lalong humigpit yung hawak sakin ni
Lucas. "Damn, are you okay? Why are you crying?"

Natigilan ako ng panandalian.

"Umiiyak ako?" hinawakan ko yung mukha ko. Oo may mga luha nga. Bakit ako umiyak?
bakit ganito yung inaasal ko ngayon? "Napuwing lang siguro ako."

"Tinawagan ako ni Marky, puntahan daw kita dito."

Tinignan ko yung paligid. Gabi na pala. Ibig sabihin simula nung dinala ni Marky si
Jeydon sa kotse niya kanina pa ako nakatayo dito. Kanina pa din pala kumakahol si
cholo pero hindi ko man lang siya naririnig.

"Candice ano ba?" tinignan ko si Lucas, bakas sakanya yung pagaalala. "Iuuwi na
kita."

Tumango lang ako. Hindi ako makapagsalita ng maayos. Dinala na ako ni Lucas sa
kotse niya kasama namin si cholo.

Hindi ako nagsasalita. Tahimik lang kaming dalawa ni Lucas kahit si cholo tahimik
din.

Bakit ganon? Naiisip ko si Jeydon. Anong nangyari sakanya? Bakit siya nawalan ng
malay? May sakit ba siya?

Ano ba 'tong naiisip ko?

Candice, wala ka ng pakialam sakanya.

Tama, ano bang pakialam ko kay Jeydon? Hindi ko na dapat siya iniisip pa. Matagal
ko nang kinalimutan lahat ng nararamdaman ko sakanya. Ano naman sakin kung nawalan
siya ng malay? Ano kung may sakit siya?

Narinig kong nagsalita si Lucas pero hindi ko naintindihan kasi wala ako sa sarili
ko. "Ha? Anong sabi mo?"

"Sabi ko nandito na tayo sa inyo."

Napatingin ako sa labas. Oo nga nandito na pala kami. Kung ano man yung nangyayari
sakin ngayon kaylangan ko ng itigil dahil nakakatakot, natatako ako.

Natatakot ako na lumambot ulit yung puso ko at bumalik ako sa dati dahil lang sa
nakita ko siyang ganon. Ayoko na, ayoko ng bumalik sa dating ako.

"Lucas, pumasok ka muna. Naghanda sila." ngumiti siya sakin pero alam kong nag
aalala pa din siya sakin.

Pagpasok namin sa loob, naririnig ko na yung boses ni Kuya Charles. May hawak
siyang gitara, nakatayo siya sa harap ni Ate Serina na nakaupo naman sa tabi ni
mama.

[Now Playing: Just a Kiss by Lady Antebellum]

Wala sa tono si Kuya Charles. Hindi din maganda yung boses niya pero sobrang
nakakatuwa. Kahit na hirap siya kumanta at kahit na hindi siya magaling, kumanta pa
din niya para maharana lang si Ate Serina. Hindi ko tuloy napigilan na matuwa at
the same time maiingit. Ang saya saya nilang dalawa at makikita mo na lang sa mga
mata nila na mahal na mahal nila yung isa't isa.

Yan yung gusto kong relasyon, yung magandang relasyon na sinira lang niya.

Lumulutang na naman ata yung utak ko kasi the next thing I know tapos na yung
kinakanta ni Kuya Charles at magkayakap na sila ni Ate Serina.

"Ang sweet naman oh!" pangaasar ni Juan Paulo kala kuya. "Kiss naman dyan!"

Napangiti si Kuya pagkatapos hinalikan niya si Ate Serina. Gusto kong maging masaya
para sa kanilang dalawa pero hindi ko mapigilan na malungkot. Ganito na ata talaga
ako, kapag nakakakita ako ng mga magkasintahan na masaya para bang nalulungkot ako.
Ganyan din kasi kami dati eh. Ganyan din kami ka sweet at kasaya ni Jeydon pero..

Wala na. Wala na lahat.

Bakit sila hanggang ngayon masaya? bakit sila nakayanang tumagal ng ganito katagal?

"Candice?"

"Ha?" napatingin ako kay Juan Paulo na nasa harapan ko na.

"Kanina ka pa namin tinatawag." tinignan ko sila. Oo nga, lahat sila nakatingin


sakin. "Ayos ka lang ba?"

"Oo naman. Pagod lang siguro ako." ngumiti na lang ako para hindi na sila mag alala
sakin. "Wag niyo na ako intindihin. Ituloy na natin yung celebration."

"Okay! Tara kainan na!"


Lahat sila naupo na sa mesa. Paupo na din sana ako kaso hinawakan bigla ni Lucas
yung kamay ko. Tinignan ko siya, kakaiba yung tingin niya sakin. Hindi ko mabasa
kung anong naiisip niya. "Wag mo muna siyang isipin para hindi ka nagkakaganyan."

Hindi ko siya sinagot. Inalis ko yung kamay ko sa kamay niya. Dumiretso na lang ako
sa upuan ko. Nakangiti pa din ako, oo pilit na ngiti. Araw to ni Kuya Charles at
Ate Serina kaya ayokong sirain.

"Yehey! Kain na. Happy Anniversary Kuya at Ate Serina!" masaya kong sabi.

"Thank you Candice." sabi ni Ate Serina.

"Aba bigla ka atang sumaya dyan manang?"

"Syempre! Ang daming pagkain eh!" pinilit ko pa din na ngumiti. Ayokong maging
makasarili at lalong ayoko na nag aalala sila sakin. "Kain na tayo?"

Mukha namang naniwala silang lahat sakin. Masaya lang kaming kumain. Kahit kelan
hindi ako binibigo ng mga luto ni Mama. Gumaan na yung pakiramdam ko dahil sa mga
pagkain. Bakit ba naman kasi ako nalungkot? dahil ba sa nakita ko? dahil ba kay
Jeydon?

Bakit ko pa ba iniisip at inaalala yung taong wala namang pakialam sakin?

Yung taong matagal na akong kinalimutan.

Umakyat agad ako ng kwarto ko pagkatapos namin kumain. Sinabi ko na lang sakanila
na pagod na ako. Gusto ko lang muna na mapagisa.

Humiga lang ako sa kama ko. Paulit ulit ko pa din nakikita si Jeydon na nakahiga sa
sahig. Hindi ko kayang hindi siya isipin.

Candice, hindi mo na siya mahal.

"Siguro nga kahit na hindi na kita mahal, hindi ko pa din maiwasan na mag alala
sayo.."

Ipipikit ko na sana yung mga mata ko pero narinig ko yung boses ni Lucas..

"Candice.."

Lumapit ako sa pinto ng kwarto ko. Bago ko man siya buksan, nag salita ulit si
Lucas.

"Mahal mo pa ba siya?" Sa tono ng boses niya, alam kong malungkot siya.

Mahal ko pa ba si Jeydon?

Hindi na, wala na. Wala na akong kahit anong pagmamahal na nararamdaman para kay
Jeydon dahil lahat ng pagmamahal ko sakanya napalitan na ng galit.

"Wag mo na siyang mahalin, ako na lang.. Ako na lang yung mahalin mo."

Kung nauna lang sana kitang nakilala Lucas, sana nga ikaw na lang yung minahal ko.
Alam ko naman na hindi mo ako kayang saktan eh. Hindi mo ako hahayaan na masaktan.

"Candice, mag hihintay ako. Maghihintay ako na mahalin mo din ako. Maghihintay ako
kahit na gaano katagal."

Lucas patawarin mo ko. Patawarin mo ako kasi hindi ko maibalik sayo yung pagmamahal
na binibigay mo sakin ngayon. Sana kaya din kitang mahalin katulad ng pagmamahal mo
sakin.

"Mahal kita, Candice."

Nagsimula na siyang maglakad palayo. Bumalik ako sa kama ko, humiga ulit ako
pagkatapos pinikit ko yung mga mata ko.

Lucas kaya mo ba talaga akong hintayin?

Unti unti na din akong nakatulog...

...

"CANDICE!"

Napadilat agad yung mga mata ko sa boses niya. What the heck is she doing? Ginising
niya yung maganda kong tulog. Anong oras na ba?

"Bee! Gising na dali!"

Binato ko siya ng unan. Ang ingay niya, ang aga aga eh. Ang sama tuloy ng gising
ko. Ugh! inaantok pa ako eh.
"Tulog mantika ka talaga. Gumising ka na uy!" tumayo na ako sa kalambot kong kama.
Gusto ko pa sanang matulog kaso alam ko naman na hindi na ako titigilan ni Stacey.

"Bakit nandito ka?"

"Ouch! ayaw mo bang nandito ako?" hindi pa siya nasanay sakin. Alam naman niya na
ayokong ginugulo yung tulog ko eh. "Okay alam ko na istorbo ko yang maganda mong
tulog. Sooory po."

"Hindi ka si Chichay kaya wag kang gumanyan! Bakit ba kasi andito ka at ginugulo mo
yung tulog ko? Baka ma haggard beauty ko nyan mamaya." aish! nagagaya ko na si
Stacey sa haggard thing niya.

"Hello may pasok tayo!" tinignan ko yung orasan, isa' t kalahating oras pa bago
yung start ng class namin.

"I know right pero maaga pa."

"I know right too. Kaso ang aga ko nagising eh kaya naisip kong puntahan ka na
lang. Miss na kasi kita, like hello? Hindi mo ako sinipot kahapon." oo nga pala,
okay sige pagbibigyan ko ng ginulo niya yung tulog ko.

"Sige na mag ready na ako. Wait mo na lang ako sa baba."

"Bilisan mo, yung dalawang manliligaw mo nasa labas na at nag aantay."

Dalawang manliligaw?! Si Blake at Lucas nasa labas na agad? Agad agad? Mas excited
pa ata sila kay Stacey eh.

"Ang aga naman nila."

"Sino yung isa dun? Infairness ang gwapo niya! Mas gwapo pa siya kay Jeydon.
Panalong panalo!" pag gwapo talaga lakas ng radar niya.

"Si Blake yun, kababata namin ni Lucas."

"Wow, kababata mo lang dati tapos ngayon dalawa na silang nanliligaw sayo. Haha!
exciting!"

"Exciting ka dyan!" lumapit sakin si Stacey. Hinawakan niya yung buhok ko.

"Grabe, ang haba ng buhok mo, talong talong mo yung buhok ni Rapunzel sa haba. Tara
nga putulan natin."

"Sira! Sige na bee, hintayin mo na lang ako sa baba."

"Okay fine. Bilisan mo."

Pagkaalis na pagkaalis ni Stacey, naligo na ko tska nag bihis. Grabe, hindi lang
pala si Stacey yung nambulabog ng umaga ko pati pala silang dalawa.

Hirap maging maganda! Haha!

Bumaba agad ako para puntahan si Stacey. Ayaw ng babae na yun na pinag hihintay
siya eh. Ang Queen Bee daw kasi dapat tinuturing na Reyna.

"Good morning mama, yaya, kuya."

"Hoy manang, yang Blake na yan hindi ako boto dyan." bungad agad ni kuya Charles
sakin.

"Hoy Charles! ang gwapo kaya niya! Basta ako boto ako sakanya."

"Mas boto ako kay Shawn."

Wow ha, may kanya kanya pa talaga silang bet.

"Ako tinanong niyo kung sino yung gusto ko?" natawa naman si mama. Ang aga aga
inaasar nila ako. Hmpf! Lucas at Blake humanda kayo sakin.

"Kaso Candice, mas gwapo pa din si Jeydon sa kanilang dalawa." biglang sabi ni
yaya. Natigilan kaming lahat. "Ay! sorry."

"Okay lang yaya." Kumuha na lang ako ng tinapay sa sa lamesa tapos nilagay ko sa
bag ko. Mas mabuti pa siguro na umalis na ako. "Una na po ako. Tara Stacey."

"Bye po!"

"Bye anak, ingat kayo."

Nagmadali akong lumabas ng gate para makita ko yung dalawa. Humanda talaga sakin
yung dalawang yun.

"Good Morning Noona." bati agad sakin ni Lucas.


"Magandang umaga para sa napaka gandang prinsesa." bati naman sakin ni Blake.

Tinignan ko si Stacey sa tabi ko at aba ang reyna, kilig na kilig. Siguro sa isip
niya nagtititili na siya.

"Pwede ba next time, wag na kayo pumunta dito ng ganito kaaga? Isa pa may kotse
naman ako kaya hindi niyo na ako kaylangang sunduin."

"Sorry Candice my loves, ikaw kasi yung kumukumpleto ng araw ko kaya gusto ko umaga
pa lang makita at makasama na kita para umaga pa lang buo na yung araw ko." psh!
bumabanat na naman siya ha.

"Ayie! Ang sweet naman ni Blake." sabat ni Stacey. Ay sus! talagang boto siya kay
Blake ha. "Hi Blake! Ako nga pala si Stacey, best friend ni Candice."

"Hello! Kaya pala maganda ka kasi best friend ka ni Candice my loves." pati kay
Stacey bumabanat siya ha?! Aba consistent.

"Oh Shawn? ano? napagiiwanan ka na ni Blake ah." tinignan ko agad si Stacey ng


masama. Baliw talaga siya.

"Ha? bakit? pareng Shawn nanliligaw ka din ba kay Candice my loves?" tinignan ng
masama ni Lucas si Blake.

"Oo, may problema ka ba dun Blake?" baka mag away pa sila niyan ha? Uupakan ko
silang dalawa.

"Ha? ah wala naman, hehe."

"Pumasok na tayo, baka malate pa si Candice. Dito na kayo sa kotse ko sumakay." ang
seryoso na naman ng mukha ni Lucas. Kung ano ano kasing pinagsasabi ni Stacey eh.

"May nasabi ba akong masama?" tanong pa sakin ni Stacey.

"Ay wala bee, wala talaga." ewan ko sakanya, insensitive much lang? dumiretso na
lang ako sa kotse ni Lucas.

Dalawa kami ni Stacey sa likod, si Lucas at Blake naman sa harap. Medyo tahimik
kami kaso si Blake hindi natiis na hindi magsalita.

"Candice my loves, nag transfer na nga pala ako sa school niyo. Kaso hindi pa din
kita magiging classmate, mag kaiba kasi tayo ng course eh." magsasalita sana ako
kaso naunahan naman ako ni Stacey.
"Wow taray mo talaga Blake! Plus points ka na naman niyan kay Candice."

Napatingin ako bigla sa rear mirror, nakatingin pala si Lucas. Nagkatinginan tuloy
kaming dalawa. Ang seryoso ng mukha niya, parang galit pa siya.

"Oo nga pala, Blake pumunta ka sa birthday ni Candice ah. Next week na yun kaya mag
handa ka na ng gift mo."

"Aba buti sinabi mo Stacey pero teka, invited ba ako Candice my loves?"

"Oo naman, invited ka Mm." ang lapad agad nang ngiti niya. Napatingin na naman ako
sa rear mirror tapos nakatingin na naman si Lucas.

Bakit kapag titingin ako dun, nakatingin din siya? Alam ba niya na nakatingin ako?

"Andito na tayo."

Pagkapark ni Lucas, bumaba agad kaming apat. Naglakad kami papasok sa loob ng
school. May mga kumpol ng mga tao sa entrance ng building ng course namin. Ano
kayang meron?

Intercollegiate Basketball -- open for all courses.

"Pareng Shawn, magaling ka sa basketball di ba? Tara sali tayo dyan!"

"Pag iisipan ko." tiginan ko si Lucas, mukhang seryoso pa din yung mukha niya. May
problema na naman kaya siya?

Tinignan ko ulit yung banner. Sakto silang lima nila kuya. Bakit kaya hindi sila
sumali? Sayang naman yung talent nila sa basketball.

Hinawakan ko yung braso ni Lucas. "Lucas, Sumali na kayo ni Mm. Isali niyo sila
Troy at Kuya!" ngumiti ako sakanya sabay puppy eyes. "Please?"

Hindi agad siya nagsalita. Nakatingin lang siya sakin. Papayag kaya siya?

"Sige sabi mo eh." yes! haha! effective ang paawa powers ko. "Kakausapin ko na lang
sila Charles."

"Aba pumupuntos na din si Shawn ah. Oy Blake! Galaw galaw din kapag may time." nako
ayan na naman si Stacey sa pangaasar niya. Consistent din siya sa paglalakad kay
Blake sakin ah. "Peace tayo, Shawn."
"Stacey, magkaibigan kami ni pareng Shawn kaya walang samaan ng loob. Sabi nga
nila, may the best man win." nakangiti pang sinabi yon ni Blake kay Lucas pero naka
serious face pa din siya. Masama ata gising niya ngayon.

"Dederetso na ako sa class ko. Ikaw Blake?" mukhang ang sama pa din ng tingin niya
kay Blake?

"Ah sige deretso na din ako." parang natakot pa tuloy sakanya si Blake. "Sige
Candice my loves at Stacey!"

"Bye Blake! Bye Shawn!"

"Noona, mag ingat ka." tinignan niya ako diretso sa mata ko. Finally ngumiti na din
siya, napangiti din tuloy ako bigla.

Nung nakalayo na sila, bigla naman akong inakbayan ni Stacey.

"Mukhang mas focus ka kay Shawn ah, kanina pa kayo nag titinginan eh. Wala na bang
pag asa yung manok ko?"

"Ikaw alam mo? itigil mo na yan ha. Hindi ko pa yan iniisip. Hayaan mo na lang muna
sila." bigla siyang nag pout. Psh! hindi bagay sakanya nawawala yung pagiging Queen
Bee niya.

"Babe! Sumali kayo dyan nila Travis!"

Teka yung boses na yun...

"Hay nako, may masamang hangin na dumating." oo masamang hangin nga.

Napalingon samin ni Kim, kasama niya si Jeydon. Hindi ko tuloy maiwasan na


mapatingin sakanya. Mukhang okay na siya.

"Oh, nandito pala yung ex girlfriend mo babe." tinaasan niya agad kami ng kilay ni
Stacey. "Looks like, nakatingin siya sayo." binitawan niya saglit si Jeydon
pagkatapos lumapit siya sakin. "Wag mong pagnasahan yang boyfriend ko. Kahit anong
gawin mo, hindi na siya babalik sayo kasi kahit anong gawin mo, hindi na kami
maghihiwalay pa."

"Ang araw nga lumulubog, ang baso nababasag, ang kwento natatapos, relasyon nyo pa
kaya?"
Nginitian ko siya ng sobrang lapad. Bigla siyang nanggagalaiti sa galit. Gustong
gusto ko kapag nakikita ko siyang naiinis. Mainis ka lang Kim, mainis ka lang.

"Alam mo, mukha mo lang ang may kakayahang inisin ako ng walang binibigkas na
salita."

"Naiinis ka sakin? bakit? dahil ba hindi mo matanggap na kahit anong ganda mo kapag
tumabi ka sakin, pumapanget ka."

"Boom! Panis!" pang aasar ni Stacey.

"Haha! Mas maganda ka? Eh bakit mas pinili ako ni Jeydon?" ang lapad bigla ng ngiti
niya, mukhang inaasar niya din ako pero sorry siya kasi hindi ako affected.

"Alam mo, talo kasi ng malalanding katulad mo yung mga magagandang katulad ko."

Bigla na naman siya nainis. Nakita kong inangat niya yung kamay niya para sampalin
ako pero pinigilan agad siya ni Jeydon.

"Babe, tara na. Nag aaksaya ka lang ng oras sakanila."

"Tama ka babe, mabuti pa nga umalis na tayo." tinarayan na naman niya kami ni
Stacey pagkatapos hinila niya na si Jeydon palayo.

Bago pa man makatalikod si Jeydon, nagkatinginan na naman kami.

Nakaramdam ako bigla ng galit. Galit kay Kim. Galit kay Jeydon. Galit sa dalawang
tao na niloko at sinaktan ako.

Mali pala na naramdaman ko kahapon. Mali na nakaramdam ako ng pag aalala kay
Jeydon. Ngayon hindi ko na makakalimutan kung ano ba talaga yung dahilan kung bakit
ako nagbago. Yung dahilan kung bakit ako bumalik dito.

Silang dalawa yung dahilan ko.

Ipaparamdam ko sakanila lahat ng sakit na naramdaman ko.

Ipapadama ko sakanila yung pag hihiganti ng isang Candice Gonzales.


####################################
Chapter 17: Mystery girl
####################################

17: Mystery girl

Stacey POV

Kanina pa nakatulala si Candice simula nang nakita namin sila Kim. Hindi ko alam
kung ano ba talagang iniisip niya pero sumisigaw yon ng JEYDON.

"Candice?"

Natauhan siya bigla sa napakaganda kong boses. Tinignan ko siya, oo nga si Jeydon
at Kim yung iniisip niya. Kahit papaano may impact pa din pala sakanya yung dalawa.

"Iniisip mo sila," napangiti siya. "Ang maganda dapat matalino kaya alam ko na yung
iniisip mo. Ano na naman yang iniisip mo about them?" mas lalo lang lumapad yung
ngiti sa mukha niya.

"Iniisip ko kung paano ko gagawin yung paghihiganti ko sa kanilang dalawa. Not in a


super bad way but in a sweet way." akala ko kung anong paghihiganti na yung gagawin
niya.

Nakakatuwa na kahit malaki na yung pinagbago ni Candice, hindi pa din nawawala yung
kabaitan niya.

Kung ako yung niloko at sinaktan ng ganon, baka napaka brutal ng paghihiganti ko
kay Kim at Jeydon. Baka ipalapa ko pa silang dalawa sa mga aso ko!

Pasalamat si Blossom, hindi ko ganon minahal yung Edward na yon at hindi ako
nasaktan ng sobra. Kung nangyari man yon, sigurado ako nangheheram na sila ng mukha
sa aso. Haha! Stupid me, matagal na nga pala silang nangheheram ng mukha sa aso.

"Naisip ko lang, baki kaylangan kong iwasan si Jeydon? Hindi ba mas maganda na mas
mapalapit ako sakanya?"

"Anong plano mo?"

"Magiging malapit ulit ako kay Jeydon, in that way maiinis ko lalo si Kim. At the
same time, ipapamukha ko kay Jeydon kung sino yung pinakawalan niya." iba talaga
siga mag isip. Sige na, mas matalino na siya sakin. "Hindi ko siya pwedeng pilitin
na mahalin ako. Pero pwede kong ipamukha sa kanya kung ano yung sinayang niya."
That's the sweetest revenge I've heard.

"Kung ano man yang naiisip mo na plano bee, count me in."

"Thank you bee, alam ko naman na palagi kang nasa tabi ko eh." of course yes! Sino
pa bang magtutulungan kung hindi kapwa magaganda din! HAHA! I know right.

"Magkita na lang tayong uwian, kaylangan ko ng pumunta sa class ko." paalam ko kay
Candice.

Naglakad na ako papunta sa room ko. Syempre chin up, stomach in and show them your
beautiful face. Yan ang tinatawag na poise. Stacey's beautiful tip 101.

Naisip ko tuloy bigla na sa ganda ko na 'to, nagawa pa akong lokohin ng lalaking


yon. Sige sabihin na natin na maganda si Blossom pero para siyang barbie doll,
plastic at retokada. Eh ako? Hello! all natural ang ganda ko.

Teka nga lang, kapag ba naiisip mo yung isang tao, nagkakatagpo kayo ng landas? Sa
kamalasang palad nga naman, nakita ko yung dalawa. Nakita din naman nila agad ako.

Tinaasan ko agad si Blossom ng kilay, aba hindi niya ako pwedeng maunahan sa
katarayan. Remember, I'm the queen bee. "Look who's here, isang basurera at isang
basura."

Tumawa 'to si Edward.

"Hanggang ngayon bitter ka pa din Stacey? Why? Are you still in love with me?" Wow
ha, bumoboses na 'to si Edward, dati alalay lang ang peg niya kay Blossom. Aba
level up!

"Excuse me lang dyan sa makapal mong mukha noh, I never been in love with you."
feeler lang ang peg? Ilang page ba yang mukha niya? Ang kapal eh.

"Wow talaga lang ha?" lumapit sakin 'tong si Blossom. "Kaya pala ang bitter mo
dyan! Halata naman na patay na patay ka pa din sa babe ko, pareho kayo niyang best
friend mo. Parang aso ang hilig mag habol."

"Teka lang ah, ako nag hahabol? Kami ni Candice? Tanga ka ba? Eh di sana nag
lulupasay na ako sa harap ni Edward para balikan niya ako pero nakita mo ba?" ano
bang utak meron siya? Nakakainis ha, ang beauty ko na hahaggard.

"Hindi ko na kaylangan makita kasi dama ko naman na mahal mo pa yung boyfriend ko."

"Alam mo hindi lang pala yang mukha mo yung nakakatawa, pati din pala yang
katangahan mo." bakit ba dito pa ako pinag palit ni Edward? Gosh, ang layo ng level
of thinking ko sakanya ha. "Kung yang boyfriend mo yung iniisip mo, sayong sayo na
yan. Saksak mo sa baga mo."

"Haha! Ngayon tinutulak mo na siya sakin kasi alam mong kahit kelan hindi mo na
siya makukuha ulit sakin." ay ang kulit! Ilang beses ba siyang pinanganak?

"Ang katangahan hindi yan vitamins. Kaya wag mong araw-arawin."

Flips hair then walk away. That's another way of saying na, nakakabobo ka na kausap
kaya mas mabuti na umalis na ako. Stacey's beautiful tip 101.

Kelan ba mag sisink in sa utak niya na hindi ako nag hahabol sa Edward na yon!
Sakanyang sakanya na yon. Buiset ha! kahit matalino ka, kapag tanga yung kausap mo,
matatanga ka na din.

Dumiretso na lang ako sa class ko. Haggard na ko konti ha, buiset na Blossom at
Edward yon.

Nasa pinto na ako na room, bumungad na agad sakin si Kim. Another malandi and mang
aagaw. Haggard na naman beauty ko nito.

Hindi kami nag papansinan na dalawa pero tuwing mag tatama yung mga mata namin,
kulang na lang magpatayan kami sa mga titig namin sa isa't isa. Akala ba niya
papatalo ako sakanya? Malandi lang siya, maganda ako! Wahaha.

Noong matapos na yung klase namin, nilapitan niya ako. Mukhang makikipag sagutan
din siya sakin katulad ng best friend niyang si Blossom. Birds of the same feather
nga naman.

"Hoy Stacey," hindi na niya kaylangang itaas yung kilay niya, mataray na talaga
yung mukha niya. "Tutal nandito ka na din, gusto kong sabihin mo dyan sa best
friend mo na layuan niya yung boyfriend ko."

Ano ko utusan niya? Sa ganda ko na 'to, hindi ako pwedeng utusan.

"Eh paano kung ayaw niya? May magagawa ka?" nanlaki yung mata niya. Hindi niya
siguro inaasahan yung sagot ko. "Takot ka bang bumalik si Jeydon kay Candice?"

"Are you kidding me? He will never go back to that bitch." pagkasabi pa lang niya
ng bitch, hinawakan ko na agad yung braso niya.

"You. don't. call. my best friend a bitch. Kasi kung meron mang bitch sa inyo, ikaw
yon."
"Let go of my hands!" Imbis na bitawan, hinigpitan ko yung pagkakahawak ko sa braso
niya. "Ano ba?! Nasasaktan ako!"

"Masasaktan ka talaga kapag kami yung kinalaban mo. Tandaan mo 'to ha, kapag
binangga mo si Candice, binangga mo na din ako." sinabi ko yon sakanya gamit yung
nanlilisik kong mata.

Inalis na niya yung kamay niya. Pasalamat siya medyo mabait na ako ngayon at hindi
ko yan pinadugo.

"What's up with you? Ang lakas mo na ipagtanggol ngayon si Candice. Dati naman,
kaaway mo siya or baka pinaplastic mo lang siya?" sorry hindi ako katulad nilang
plastic.

"Alam mo, I pity you. Kasi kahit loveless si Candice ngayon ang dami naman niyang
kaibigan na nag mamahal sakanya ng totoo, unlike you." tumawa siya. Tawang pang
mangkukulam.

"Unlike me? I have my friends, andyan si Blossom at sila Bubbles." ngayon ako naman
yung tumawa.

"Ang pagkakaibigan hindi yan tungkol sa mga taong totoo sa harap mo, yan yung mga
tao na totoo kahit sa pagtalikod mo."

I gave her my sweet smile. Baka pumalag pa.siya sa sinabi ko na yon ha. Words of
wisdom ko yan. Ganyan kapag maganda dapat may sariling words of wisdom.

"Alam mo Kim, sayong sayo na si Jeydon. Pareho naman kayong walang kwenta eh. Para
ipaalam ko sayo, may dalawang gwapong nilalang na nanliligaw ngayon kay Candice
kaya hindi na niya kaylangan yang si Jeydon. Kuha mo?"

Tinarayan ko ulit siya tapos tinalikuran ko na siya. Nganga siya ngayon. Magtataray
taray kasi hindi naman kayang panindigan.

Kinuh ko yung phone ko, I texted Candice na magkita kami sa pantry.

On my way, nadaanan ko yung locker ni Candice. May nakita akong babae na naka cap
at glasses na may nilagay sa loob ng locker ni Candice. Who the hell is she? at
bakit nabubuksan niya yung locker ni Candice?!

"Hey you!"

Napalingon siya sakin, hindi ko siya makilala dahil sobrang may takip yong mukha
niya pero nakita ko yung bibig niya. Bumilis yung tibok ng puso ko kasi ngumiti
siya sakin. Sobrang nakakatakot na ngiti. Para akong nanigas sa takot. Wala na nga
akong nagawa nung unti unti siyang naglakad palayo.
Sino siya?!

Ang tagal ko nang nakatanga sa kinakatayuan ko. Shet! Si Candice! baka sa mga
panahon na nakatanga ako dito may ginagawa na yong babae na yon kay Candice.

Kinalma ko yung sarili ko. Kinuha ko ulit yung phone ko tapos tinawagan ko si
Candice pero hindi siya sumasagot. Kinabahan ako bigla. Tumakbo ako papunta sa
classroom nila. Wala na akong paki alam kahit wala na akong poise, mas mahalaga si
Candice sa poise ko.

Saktong nagsisilabasan yung mga studyante. Hinanap ko agad si Candice. Nung makita
ko siya, para akong nabunutan ng tinik. Lumapit agad ako sakanya tapos niyakap ko
siya ng mahigpit.

"Bee, anong problema?"

"Okay ka lang di ba?" nag flash back pa din sakin yung ngiti nung babae kanina.
"Wala naman nangyari sayo?"

"Hoy Stacey Marie! Kita mo naman na okay si pinsan di ba? Anong problema mo?" sabat
sabat pa 'to si Juan Paulo, panira ng moment.

"Candice kasi.." teka? dapat ko bang sabihin? baka mamaya naman namalikmata lang
ako mag panic pa si Candice. "Wala na praning lang ako."

"Matagal ka ng mukhang praning! Haha!" tinignan ko ng masama si Juan Paulo,


sampalin ko kaya siya, one time lang? "Oh ang sama na naman ng tingin mo sakin,
binibiro ka lang eh. Ang ganda ganda mo kaya."

What the?! siya ata yong praning.

"Pwede ba Juan Paulo, wag mong sirain araw ko. Haggard na ako ngayon."

"Alam mo bee, kumain na lang tayo. Tara na sa pantry, nandon na din sila Troy at
Blake." mabuti pa i doble check ko yung locker niya.

"Ah oh sige pero Candice peram muna ako ng locker mo ah? may ilalagay lang ako.
Peram susi." nagtaka siya bigla pero binigay din naman niya sakin yung susi ng
locker niya.

"Wait ka namin don ha."

"Noona, may pupuntahan din pala ako. Mauna na kayo ni Paulo don." sabi naman ni
Shawn. "Paulo, ingatan mo si Noona."

"Sige pareng Shawn, makakaasa ka."

Hinintay muna namin ni Shawn na makaalis sila Candice. May pakiramdam ako na may
alam si Shawn.

"Stacey, anong problema?" sabi na nga ba eh.

"Teka, anong alam mo Shawn?"

"May nakitang sulat si Candice sa locker niya nung isang araw, pinagbabantaan siya.
Hindi ko sinabi sakanya na nakita ko yon. Ayaw din naman niyang sabihin satin,
siguro ayaw niya tayonh idamay." oh my gosh, kung ganon hindi ako namamalikmata.
Locker nga ni Candice yon.

"Shawn kasi kanina may babae na nakatakip yung mukha, nasa locker siya ni Candice.
Nagtaka agad ako kasi nabuksan niya yung locker at may kung ano siyang nilagay don
kanina." may kung anong takot akong nararamdaman. Yung ngiti niya, nakakatakot,
nakakapangilabot.

"Nung araw din na nakuha niya yung sulat, akala ko aksidente lang na muntik na
siyang mahagip ng motor pero hindi, sinadya yon. Ngayon nagtutugma na lahat. Ilang
araw ko na din napapansin na may mga matang nakatingin satin kapag kasama natin si
Candice."

"Ibig sabihin.."

"Oo, nasa panganib ngayon si Candice." hindi, hindi pwede. Ako yung natatakot para
kay Candice.

"Mabuti pa puntahan na natin yung locker ni Candice."

"Mabuti pa nga pa para makita natin kung ano yung nilagay niya don."

Nagmadali kami ni Shawn papunta sa locker ni Candice. Ginamit ko yung susi ni


Candice para mabuksan yung locker niya.

Meron isang pulang box sa loob, kinuha ni Shawn yung box tapos..

"Oh my God!"

Isang patay na pusa yung bumungad samin. Sa itsura ng pusa, kakapatay pa lang
sakanya. Duguan siya at halatang brutal yung pagkapatay sakanya. Hindi ko napigilan
na maiyak.

"Teka, may sulat sa likod." kahit nakakadiri kinuha ni Shawn yung sulat.

'Mag handa kayo dahil kayo na yung susunod sa pusa na 'to, Candice at Jeydon.'

Teka bakit kasama si Jeydon? Posible bang si Ginno at Six yon? pero babae siya eh.

"Si Margot kaya ang may pakana niyan?" sila lang naman ang alam kong may magalit
kay Jeydon at Candice.

"Hindi, nasa mental siya eh. Gusto mo puntahan natin si Margot ngayon sa mental
para makasigurado talaga tayo?"

"Mabuti pa nga."

Nag text ako kay Candice. Gumawa na lang ako ng dahilan para makatakas kami ni
Shawn. Mas maganda na wag muna niyang malaman ang lahat. Ayaw din naman namin ni
Shawn na mag isip pa siya.

Nasa gate pa lang kami ng mental hospital, natatakot na ko. Ayoko dito. Mga sigaw,
iyak at tawa yung nangingibabaw na tunog. Hindi ko maisip na dito lang mauuwi si
Margot.

Nung hinanap namin si Margot, humarap samin yung director ng hospital.

"Si Margot Bernales ba? Pasensya na pero patay na siya. Isang bwan na yung
nakakalipas." parang huminto yung mundo ko. Hindi ako makapaniwala na patay na
siya. "Nagpakamatay siya, nakita na lang namin siya sa girl's rest room na wala ng
buhay. Eto yung address ng pinaglibingan namin sakanya."

Hindi ako makagalaw. Nag pakamatay siya? Nakakagulat lahat ng mga nangyayari
ngayon.

"Salamat po, mauuna na din kami."

Inalaayan ako ni Shawn pabalik sa kotse. Tulala pa din ako at gulat na gulat. Patay
na talaga siya? Nakakapanghinayang siya.

"Ngayon sigurado na tayo na hindi siya si Margot."

"Pero sino Shawn? Sino siya?" mas naging mahirap pa pala yung sitwasyon ngayon kasi
hindi namin kilala kung sino yung kalaban. "Natatakot ako para kay Candice."
Sinimulan na niyang paandarin yung sasakyan.

"Wag kang matakot, hindi ko hahayaan na may mangyaring masama kay Candice. Wag na
lang natin ipaalam 'to sakanya dahil ayoko siya mag isip pa."

"Sige makakaasa ka.." hindi ko pa din mapigilan na mag alala para kay Candice.

"Stacey palagi natin siyang bantayan. Sa nakikita ko may matinding galit ang taong
yon kay Candice at Jeydon kaya kaylangan din natin mag ingat."

Pinilit ko na lang ngumiti kay Shawn.

Kung sino man siya, hindi ko hahayaan na saktan niya si Candice, ang nag iisang
best friend ko.

Itutuloy..

--

The who?

Salamat sa lahat ng sumuporta ng 'When a Bad Boy falls in Love'LABYU! Hihi


dadalasan ko update don. I'm considering it as TFBBAM book 3 ^___^

Baka sa Sabado ulit ako mag update.


####################################
Chapter 18: 5th member
####################################

Candice.

Pagkaapak na pagkaapak ko pa lang sa labas ng bahay namin, bumungad na agad sakin


si Lucas at Blake pero teka lang, bakit nandito si Stacey?
Andito ba siya para suportahan yung manok niyang si Blake? Aba consistent siya ha.

"Good Morning Candice my loves!" ngiting ngiti 'to si Blake ha. Maganda siguro
gising niya. "Alam mo kasing ganda ka ng haring araw ngayon." lumaki pa lalo yung
ngiti niya sakin. Aga aga kung ano ano pinagsasabi niya. "Kumain ka na ba?"

"Sa tingin mo makakakain ako nang alam kong nag hihintay kayo dito sa labas? Hiyang
hiya kasi ako sa inyo eh." sinamaan ko nga siya ng tingin. Pasalamat sila diet ako
ngayon pero kapag ako nagutom na naman, pakainin nila ako ha.

Tinignan ko si Stacey. "Hoy Stacey! bakit nandito ka din?" mukhang seryoso itsusa
niya ha. May problema siguro siya kaya nandito?

"Ah.. wala.." siniko siya ni Lucas ng patago pero nakita ko pa din yon. "Ah! kasi
susuportahan ko yung manok ko eh. Haha!" bakit kaylangan siyang sikuhin ni Lucas?
at talagang patago ha. May kakaiba sa dalawang 'to eh.

"Tignan mo Candice my loves, kahit si Stacey boto sakin. Sabi ko naman kasi sayo
eh, bagay tayo." kinindatan pa niya ako. Pambihira! Face palm na lang nagawa ko.

"Para kang U." bumabanat na naman siya.

"Sus alam ko na yan eh, bakit? Kasi V ka, at you're always next to me?"

"Hindi, kasi I love U eh."

HAHAHA! OKAY PAHIYA AKO DUN HA.

"Leche ka Mm! tigilan mo ako, ang aga aga binabanatan mo ko." kainis talaga siya.
Kaso bakit parang napapangiti ako. Eh kainis!

"Ayie! Si best friend, kinikilig." kanina seryoso siya ngayon inaasar na ako ni
Stacey. "Nag bu-blush ang lola mo!"

"Blush agad? hindi ba pwedeng mainit kaya namumula yung pisngi ko?" nag walk out
agad ako. Pakiramdam ko nag blush talaga ako, ayokong makita nila yon. Ang hindi ko
lang alam kung nag blush ako dahil kinilig ako o kasi dahil sa napahiya ako. Epic
fail.

Pumasok na lang agad ako sa kotse ko. Tiniwag ko silang tatlo sa bintana bintana ng
kotse. Umupo sa harap si Stacey, yung dalawang lalaki naman sa likod.

Late ko lang na realize na dapat pala hindi ko sila pinagtabi, ang bigat ng aura
eh. Tahimik lang tuloy kaming apat sa loob ng kotse habang nag drive ako papunta sa
school. Minsan napapatingin ako sa likod, tahimik talaga yung dalawa.

Dalawang beses akong napatingin sa rear mirror at nakita kong nakatingin din si
Lucas don. Bumilis yung tibok ko ng puso ko nung nagkatinginan kami ni Lucas. Eto
na naman yung pakiramdam na 'to.

Ang tahimik niya ngayon, I mean tahimik naman talaga siya pero kakaiba ngayon eh.
May kakaiba sa kanilang dalawa ni Stacey. Yung babaeng katabi ko? wala tulala din
eh. Antok pa siguro silang dalawa. Eh si Blake nakatulog sa byahe eh, kahit kelan
talaga siya.

"Andito na tayo."

Nagising sa boses ko si Blake at pati si Stacey, nagising siya sa pagkakatulala


niya. Si Lucas naman bumaba agad para pag buksan ako ng pintuan. Bigla namang
lumapit sakin si Blake, hinila niya ako palayo kay Lucas.

"Candice my loves wag ka masyadong naglalalapit kay Shawn, nagseselos ako eh." what
the? may nalalaman pa siyang selos selos. Daig pa niya boyfriend eh!

Hinawakan ni Blake yung kamay ko pero nagulat ako kasi bigla naman akong hinila ni
Lucas palapit sakanya at palayo kay Blake.

"Hindi mo pag-aari si Candice, Blake."

Pareho kaming napanganga ni Blake at Stacey sa ginawa ni Lucas. Hinawakan nang


mahigpit ni Lucas yung kamay ko pagkatapos hinila niya ako papasok ng school. Anong
meron kay Lucas? Napaka misteryoso talaga ng lalaking 'to. Wala na lang akong
nagawa, sinundan ko na lang din siya.

Napahinto lang kami kasi bigla na lang humarang sa harap namin si Blake. Ang sama
ng tingin niya kay Lucas. Uh oh, mukhang magtatalo na naman sila.

"Hoy Shawn, hindi ka patas lumaban ha! bakit mo biglang tinangay si Candice sakin?"
binitawan na din ni Lucas yung kamay ko pagkatapos lumapit siya kay Blake.

Magkatapat silang dalawa ngayon, mata sa mata.

"Uulitin ko, hindi sayo Candice kaya wag mo siyang tawaging sayo." ang seryoso ng
boses ni Lucas. Nakakatakot siya pero bakit ganon? ang sexy niya magsalita. Hala!
Ano ba 'tong naiisip ko.

"Magiging sakin din siya, tandaan mo yan Shawn kaya kung ako sayo wag ka ng umasa
pa." Tumawa siya ng pang-asar, hindi din talaga papatalo si Blake. Pareho silang
palaban eh. Bakit ba ganito yung mga nanliligaw sakin?
Pasama ng pasama yung aura nilang dalawa.

Buiset 'tong dalawa na 'to. Mag aaway pa talaga dahil lang sakin. Pareho ko kaya
silang bustedin?

Masyado na silang hot. Papagitna na sana ako sakanila para awatin sila kaso bigla
namang dumaan sa gitna nila si.. Jeydon.

Hindi man lang nagsalita si Jeydon. Walang sorry sorry, akala mo kung sinong siga.

"Ano ba?!" sigaw ni Blake kay Jeydon. "Bulag ka ba pare? Nakita mo namang may tao
di ba?" nakatalikod na samin si Jeydon ng panahon na yon pero bigla siyang humarap.
Humarap siya kay Blake, tinignan niya si Blake sa mga mata niya.

"Tao ka pala? Pasensya na."

Nag init agad yung ulo ni Blake.

"Aba gago ka ha!" kinuha ni Blake yung kwelyo ng damit ni Jeydon. Gustong gusto
nang suntkin ni Blake si Jeydon. "Mas mukha akong tao sayo!" susuntukin na sana
niya si Jeydon pero nahawakan ni Jeydon yung kamay niya pagkatapos siya naman yung
sumuntok. Natamaan sa mukha si Blake kaya pumagitna na ako sakanila.

"Tama na yan!" nagkatinginan kami ni Jeydon. Napaka blanko ng ekspresyon ng mukha


niya. Sabagay, wala na din naman akong pakialam sa iniisip niya. "Mm, okay ka lang
ba?" hinawakan ko yung mukha niya, may sugat siya sa labi niya.

"Pweba ba Candice, pagsabihan mo yang manliligaw mo." pagkasabi ni Jeydon non


tinignan ko siya ng masama. "Ikaw," tumingin siya kay Blake. "Wag kang haharang
harang sa daan ko baka mabangga ka."

"Ano?!" magwawala na naman si Blake pero pinigilan ko siya. Walang magagawa yung
init ng ulo niya.

Tinignan ulit ng masama ni Jeydon si Blake. Tumalikod siya sa amin pero bago pa
siya makaalis lumapit ako sakanya. Hinawakan ko yung braso niya para maiharap ko
siya sakin. Pagkalingon na pagkalingon pa lang niya sakin, sinampal ko na agad
siya.

"Para yan sa ginawa mo kay Blake."

Hinawakan niya saglit yung pisngi niya. Tumingin siya sakin pero wala pa din akong
makita na kahit anong emosyon. Punong puno ng maskara yung mukha niya kaya hindi mo
makita kung ano ba talaga yung totoong nararadaman niya.
Imbis na magsalita siya, dumiretso na lang siya sa loob ng room.

"Candice my loves, sino ba yon? Kilala mo ba yon?" hinawakan niya yung sugat sa
labi niya.

Kilala ko nga ba siya? Yung Jeydon na kaharap namin kanina? Yung Jeydon na gago at
siraulo.Hindi, hindi ko siya kilala.

"Ex ko siya." tipid kong sagot kay Blake.

"Naging Ex mo yon?! Kaya pala bitter eh! Nagseselos siguro siya sakin. Buti na lang
binusted mo, ang sama ng ugali eh, bad boy." ngumiti na lang ako kay Blake. Mas
okay na siguro na wala siyang alam. "Gago talaga yon, dinumihan pa yung napaka
gwapo kong mukha."

"Pumunta tayo ng clinic para magamot yan."

"Wag na, wala sa clinic yung gamot dito. Nasayo, yung kisperin mo." aba loko ha.
Nasuntok na nga pumipick up line pa din. Tindi talaga oh.

"Anong nangyare?!" biglang sabat ni Stacey. "Lintek na sapatos na 'to eh, nasira
kaya ayan tuloy hindi ko naabutan yung mga nangyari."

"Kasi Stacey--" hindi na naituloy ni Blake yung sasabihin niya kasi biglang
nagsalita si Lucas.

"Noona pumasok ka na baka ma late ka pa." ang lalim ng boses niya. "Blake sumunod
ka sakin, pag uusapan natin yung trial sa basketball mamaya." Napakamot ulo na lang
si Blake at sumunod kay Lucas.

"Anong nangyari bee?"

"Wala, pumasok ka na baka malate ka pa." nag pout na lang siya. Yung mga ganong
bagay hindi na dapat pinag uusapan pa.

"Daya! Sige na nga! See you later!" flips hair then walk away, Stacey's style.

Pumasok na ako sa loob ng room.

Dumiretso ako sa likod tapos duon ako umupo. Nakita ko si Jeydon sa kanan ko sa
harap. Hindi ko siya tinignan. Bumalik na naman siya sa pagiging gago niya. Kaso
teka, gago naman talaga siya.
Once a bad boy, always a bad boy.

"Jaydee!"

Si Troy Mendoza? bakit naman siya nandito? Tinignan kong mabuti yung dumating,
hindi pala siya. Kamukhang kamukha lang niya. Kamag anak ba siya ni best friend?
Wala naman siyang nababanggit sakin na may kakambal siya.

Umupo siya sa tabi ni Jeydon. Hindi ko maiwasan na marinig yung pinaguusapan nila
kasi ang lakas ng boses nung lalaking kamukha ni Troy.

"Mamaya na yung trial sa basketball. Buo na yung Phoenix. Ikaw, ako, si John
Marlou, si Mir tska si Marky."

Teka lang, tama ba yung narinig ko? Si Marky? Si Marky kasali sa team nila Jeydon?

"Sige, pupuntahan ko muna si Kim mamaya pagkatapos pupuntahan ko kayo."

Ang sakit sa tenga nung salitang Kim.

"Bakit pupuntahan mo pa si Kim pwede naman na dumiretso na lang tayo sa tambayan


eh. Ganon mo ba siya kamahal?" ayoko makinig pero nasa tapat ko lang silang dalawa.

"Mahal ko siya, mahal na mahal."

Tinignan ko si Jeydon pagkatapos niyang sabihin yon. Napalingon din siya bigla
sakin. Gusto ba niyang makita kung anong magiging reaksyon ko pagkatapos niyang
sabihin at ipamukha sakin na mahal na mahal niya si Kim?

Tingin ba niya masasaktan ako? Tingin ba niya iiyakan ko pa din siya? Tingin ba
niya magpapakatanga pa din ako?

Tingin lang niya yon.

Tinignan ko siya sa mata niya pagkatapos ngumiti ako. Sorry Jeydon but I don't care
anymore. Magsama kayo ni Kim, pareho naman kayong walang kwenta eh.

Hindi kayo kawalang dalawa.

Inalis niya yung tingin niya sakin. Sakto na dumating yong professor namin.

Habang nag a-attendance yung prof, tinawag niya na Travis Mendoza yung kamukha ni
Troy. Kapatid nga siguro siya ni Troy kaso kung ganon nga, hindi ko siya nakikita
kasama si Troy or si Tammy. Mas close pa ata siya kay Jeydon.

Pagkatapos na pagkatapos ng class, umalis na agad si Jeydon at Travis. Dumiretso na


din ako sa pantry.

Hanggang sa college may sarili kaming tambayan. Yung tito ni Troy yung may-ari ng
University na 'to tska ng Xavier.

"Candice!" bumungad agad sakin si Tiffany. Niyakap niya ako na parang ilang taon
kaming hindi nagkita. "I miss you much."

"Halata nga Tiff eh, miss you too."

"Miss agad sis? parang kelan lang kayo nagkita? yung totoo?" singit ni Stacey.

"Palagi na lang kasi kayo ni Candice yung magkasama kaya wala na kaming time mag
bonding." nag pout din siya. Manang mana siya sa ate niya.

"Andyan naman si Troy ah!" napatingin kaming lahat kay Troy. Nagkatinginan sila ni
Tiffany tapos parang may kakaiba din sakanila.

"Busy si boo ngayon eh, madami kasing ginagawa sa mga bar nila." ah, parang alam ko
na. Wala na sigurong masyadong time si Troy kay Tiffany. "Haha! pero okay lang
naintindihan ko."

"Boo makakabawi din ako sayo." lumapit si Troy kay Tiffany para lambingin siya.
"Sorry na ha?" ang sweet talaga ni Troy. Kumbaga sa asukal, siya yung pulang
asukal. Masyadong matamis.

"Matitiis ba kita? Mahal kita eh." mag ki-kiss sana sila Tiffany at Troy kaso
pinigilan sila ni Stacey. "Ate!"

"Tama na yan! Masakit sa bangs eh. Kayo masaya lovelife, paano ako ha?
Nakakainsulto eh." sira talaga siya. Panira siya ng moment eh.

"Alam mo Stacey Marie, sasaya lovelife mo kapag naging tayo." biglang sabat ng
troll king kong pinsan na si Juan Paulo. "Aminin mo na kasi na gusto mo ako,
papayag na akong maging tayo."

"Ha?! naka drugs ka ba?" kahit kelan talaga aso't pusa yung dalawa na 'to. Pupusta
pa ako, mahuhulog din sila sa isa't isa. "Hindi kita gusto kaya pwede ba!"

"Sige ah! panindigan mo na hindi mo ako gusto." kumindat siya Stacey pero inirapan
lang siya ni bee. Perfect couple.
Kasabay lang ni Juan Paulo si Marky, Blake at Lucas. Naalala ko ulit yung sinabi
nung Travis kanina, kasama daw sa team nila si Marky. Si Marky ba talaga yung
tinutukoy niya?

Pinakilala ko muna si Blake at Juan Paulo sakanilang lahat. Kaming tatlo pa lang
kasi nila Lucas yung nakakakilala sakanya. Hindi ko muna binanggit na nanliligaw
siya sakin.

"Mukhang kumpleto na tayo, pag usapan na natin yung tungkol sa team." seryoso si
Lucas ha. "Lima na naman tayo sa team. Ako, si Blake, si Troy, si Juan Paulo pati
si Marky. Kaya--"

"Shawn sandali lang." singit ni Marky. "Hindi ako pwedeng sumama sa team niyo." so,
siya nga talaga yon. "Sa Phoenix ako sumali, sa team nila Jeydon."

Lahat sila natigilan sa sinabi ni Marky. Hindi na din ako nagulat dahil sa narinig
ko na yan kanina, hindi nga lang ako sigurado.

"Marky nahihibang ka na ba?!" lumapit si Troy kay Marky pagkatapos kinuha niya yung
kwelyo ng damit niya. Gusto niyang suntukin si Marky pero halatang nagpipigil siya.
"Dun ka sa gagong Jeydon na yun kakampi?! tandaan mo ginago niya si Candice!"
inalis ni Marky yung kamay ni Troy sa kwelyo niya.

"Alam ko yon. Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya kay Candice pero hindi ko
din kayang basta iwan na lang yung pagkakaibigan namin." inaawat na ni Tiffany si
Troy dahil parang hindi na niya kayang pigilan yung galit niya.

"Marky hindi kita maintindihan! parang mas pinili mo si Jeydon kesa samin!"

"Troy alam kong galit ka kay Jeydon pero dadating din yung araw na maiintindihan mo
siya." tumalikod siya samin. "Wag niyong isipin na tinatalikuran ko na yung
pagkakaibigan natin, kaylangan ko lang talagang gawin 'to."

"Marky mabuti pa kalimutan mo na lang yung pagkakaibigan natin. Mas pinili mo naman
si Jeydon 'di ba? Isa pa wala na yung APAT, matagal ng buwag yon."

May mabigat akong naramdaman sa puso ko. Noong una si Jeydon at Troy, ngayon pati
si Marky. Unti unti ng nabuwag ang APAT. Yung dating grupo na magkasangga sa kahit
anong bagay. Yung grupo na halos katapid na yung turing nila sa isa't isa.
Nalulungkot ako na dahil lang sa nangyari samin ni Jeydon, nasira yon. Nasira yung
pagkakaibigan nila ng ilang taon dahil lang sakin.

"Troy maghunos dili ka. Hindi natin pwedeng pilitin si Marky. Maghahanap na lang
tayo ng kapalit niya."

Kung nandito lang sana si Kuya Charles, kumpleto pa din sila kaso sa ibang
university siya nag aaral kasama si Ate Serina.

"May alam na akong ipapalit kay Marky kaya wag niyo nang isipin yon, tatawagin ko
lang siya."

Umalis na si Marky. Medyo tahimik pa din kaming lahat. Nakakagulat naman kasi
talaga yung mga nangyayari. Maya maya binasag ni Troy yung katahimikan.

"Ngayon buo na tayo, isang team na tayo at nay naisip na akong pangalan ng team
natin. Badburn, ayos lang ba sa inyo?"

"Ayos lang sakin yan pareng Troy pero sinong captain natin?" pagkasabi non ni Blake
napatingin kaming lahat kay Lucas. Kung meron mang bagay sa position na yon, siya
yon. "Pareng Shawn paano ba yan? Ikaw na yung capatain namin ha."

"Teka pumayag na ba ako?" aba ayaw pa niya ha. "Pero sige, ako na yung tatayong
captain ng team."

Papayag din pala siya eh.

"Okay na pala eh!" sigaw ni Blake. "Hintayin na lang natin si Marky para kumpleto
na tayo."

Sakto naman na dumating si Marky kasama yung huling miyembro na kukumpleto sa


Badburn.

At siya si.. Ginno.

####################################
Chapter 19: Ginno
####################################

19: Ginno

Candice Pov
Tahimik lang kaming lahat tapos nakatingin kami kay Ginno. Akala mo may nakita
silang multo. Nabasag lang yung katahimikan nung nag salita si Troy.

"Nagpapatawa ka ba Marky?!" reklamo ni Troy. Nasa likod pa din niya si Tiffany para
awatin siya in anu case na magwala siya. "Si Ginno?! eh muntik na niyang patayin si
Candice eh!"

Tinignan kong mabuti si Ginno. Maikli na yung buhok niya kumpara sa huli siyang
nakita.

"Troy matagal ng napatawad ni Candice si Ginno." mahinahon na sabi ni Marky.


"Tingin mo ba isasali ko siya sa badburn kung alam kong katulad pa din siya ng
dati?"

"Sumali ka nga dun sa grupo nila Jeydon tapos dadalhin mo pa dito si Ginno?!
Nababaliw ka na ata talaga." hindi pa din kumakalma si Troy kaya lumapit na ako
sakanya.

Maliban kay Marky, hindi nila alam na matagal na kaming nag kausap ni Ginno.
Pagkalabas na pagkalabas niya pa lang ng kulungan, pinuntahan niya agad ako sa
Korea para humingi ng tawad. Nung una parang ayokong maniwala pero hindi pwedeng
mag sinungaling yung mga mata niya. Alam kong nauto niya ako noon pero ngayon alam
kong nag sasabi na siya ng totoo. Isa pa matagal na niyang napagbayaran yung
kasalanan niya sa kulungan.

"Troy tama na. Matagal ko ng mapatawad si Ginno. Alam kong nag bago na siya." hindi
makapaniwala sila Troy sa sinabi ko. "Mas mabuti nga na sumali si Ginno satin,
malakas siya mag basketball at mas makakabuti yon sa team."

"Candice? Paano kung may binabalak na naman pala siya sayo? Minsan na siyang ng
taksil sayo, satin kaya hindi imposible na gawin niya ulit yon." magsasalita sana
ako per biglang lumapit si Ginno samin.

"Troy, alam kong wala ka pa din tiwala sakin pero sana bigyan mo ako ng chance na
patunayan ulit yung sarili ko. At patawad sa lahat ng nagawa ko noon." nilagay niya
yung isa niyang kamay sa balikat ni Troy pero inalis agad ni Troy yung kamay niya.
"Troy--"

"Shut up! Kahit anong gawin mo hindi na maibabalik yung tiwala na sinira mo."

Bigla siyang naglakad palayo. Natahimik lang kaming lahat. Kahit si Tiffany hindi
alam kung anong gagawin niya sa boyfriend niya. Balak sanang sundan ni Tiffany si
Troy pero pinigilan ko siya. "Ako na, ako ng kakausap sakanya."

Umalis ko para sundan si Troy. Kung meron mang dapat kumausap sakanya, ako yon.
Kaya lang naman siya nagkakaganyan dahil nag aalala siya sakin.

Hinanap ko siya, nilibot ko bawat sulok ng campus pero hindi ko siya makita.
Lumabas ako at nakita ko siya may parking lot, nakasandal siya sa kotse niya at nag
yoyosi siya. Lumapit agad ako sakanya. Pagkalapit ko inalis ko agad yung yosi sa
bibig niya.

"Troy, mag usap tayo." tinignan niya ako na parang dismayado siya sakin. "Ano bang
problema mo? Alam kong wala ka ng tiwala kay Ginno dahil sa ginawa niya noon pero
sana bigyan ko siya ng last chance to prove himself again."

"Candice, ayan ka na naman sa ugali mo na yan. Magtitiwala ka tapos ano? sa huli


ta-traydorin ka nila tapos mapapahamak ka?"

"Troy everybody deserves a second chance. Matagal nang nagsisi si Ginno sa lahat
kaya please lang, I'm not asking you to trust him. I'm asking you to trust me."
umiwas agad ng tingin sakin si Troy. Hindi siya nagsasalita. Nag iisip siguro siya.
"Kahit para na lang sakin, bigyan mo siya ng chance."

Huminga siya ng malalim bago siya humarap sakin. "May tiwala ako sayo. Kung para
sayo mapagkakatiwalaan siya, susubukan ko siyang pagkatiwalaan."

Niyakap ko siya. "Salamat, Troy."

Nakangiti kami pareho. Inaya ko na siyang bumalik sa pantry. Pag dating namin don,
lahat sila nag aantay pa din samin. Una kong napansin si Tiffany na aalaang alala
kay Troy.

"So, okay na kay Troy na isali si Ginno sa badburn. Wala na tayong problema don."
mukhang mas gumaan yung aura naming lahat. Tinignan ko si Ginno, naka ngiti siya
sakin.

"Hoy Ginno! Madaming kasalanan sakin! hindi ko pa yon nakakalimutan kaya dapat
bumawi ka samin." sigaw ni Troy. Lumapit siya samin para akbayan si Ginno. Wow, ang
sarap tignan na okay silang dalawa. "Welcome back sa badburn."

"Salamat pre." tignan mo nagyakapan pa silang dalawa. Kanina lang galit na galit si
Troy pero dahil lang sa sinabi kong pagkatiwalaan niya si Ginno, sinubukan niya.
"Hindi ko sasayangin yung binigay niyong chance sakin."

"Wala yon," tumingin sakin si Troy. "Para kay Candice." binuka ko yung bibig ko
para sabihing thank you kay Troy.
"Ayon buo na yung team natin! Magiging unbeatable na tayo nyan! Wuhoo! Welcome
pareng Ginno. Ako nga pala si gwapong Blake pero kahit Blake na lang."Lumapit siya
kay Ginno para mapagkamay. Kahit kelan talaga siya yung joker, napapa face palm na
lang ako.

"Yon Wuhoo! Welcome Ginno! Ako naman si Paulo, ang cute napinsan ni Candice." okay
silang dalawa yung joker. Troll king pala siya.

"Sus cute daw? San banda?" bulong ni Stacey pero dinig na dinig naman namin.

"Stacey Marie hanggang ngayon hindi mo pa din narerealize yung ka kyutan ko?"
lumapit siya kay Stacey. "Gusto mo iparealize ko sayo?" nanlaki yung mata ni Stacey
sa ginawa ni Juan Paulo.

"Yuck lumayo ka nga sakin!" tinulak niya palayo si Juan Paulo. Kahit kelan talaga
aso't pusa siya. "Mauna na nga ako, na haggard beauty ko dito kay Juan Paulo! Bye!"
umalis siya agad.

"Hoy Stacey Marie!" hinabol naman siya ni pinsan. Mas mukha pala silang tom and
jerry.

"Sige mauna na din kami ni Tiffany." singit ni Troy. Lumapit sila saking dalawa ni
Tiffany.

"Bye Candice! next time mag bonding na tayo ah? at wag mo nang isasama si ate para
masolo kita." sabay kindat sakin. Pilya niya talaga.

"Sige wag ka mag alala Tiff, gagawin natin yung mga ginagawa natin dati." lunapit
ako sakanya para yakapin siya.

Nung paalis na sila, nadaanan ni Troy si Marky pero hindi man lang niya binati si
Kie. Masama pa yung tingin niya. Medyo nalungkot ako na makita yon.

"Candice, mauna na ako." paalam sakin ni Marky. May bigla akong naisip eh, yung sa
park. Yung nangyari sa park, yung nahimatay si Jeydon. "May problema ba?"

"Ha? ano, wala naman." ano pa bang pakialam ko kay Jeydon? Wala na pero may gusto
lang akong malaman. "Marky, bakit? bakit sa Phoenix ka sumali at hindi sa badburn?
bakit kay Jeydon ka kumampi at hindi samin?"

Ginulo niya yung buhok ko na akala mo para akong bata. Ngumiti siya sakin. "Balang
araw masasagot ko din yang tanong mo, Candice."
"Bakit hindi pa ngayon?" pagmamaktol ko.

"Lahat ng tanong may sagot pero hindi ibig sabihin non lahat ng tanong mo,
masasagot. Minsan kaylangan mo munang mag hintay ng tamang panahon para masagot
lahat ng tanong mo."

Ngumiti na naman siya sakin tska siya umalis. Aish! kahit kelan napaka misteryoso
niyang tao. Kelan pa ba yung tamang panahon para masagot yung tanong ko? Bahala nga
siya, kagaya nga mg sabi niya malalaman ko din yon, hindi nga lang ngayon.

Tumalikod ako, apat na lang kaming natitira dito. Si Ginno, Blake, Shawn at ako.

"Candice pwede ba kitang makausap?" tanong sakin ni Ginno.

"Sige." tinignan mo si Blake at Shawn para umalis na para makapag usap kami ni
Ginno pero parang hindi nila na gets.

"Pareng Shawn, alam mo mag uusap sila kaya kaylangan na nating umalis." buti naman
na gets din ni Mm.

"Ayokong iwan si Candice dito na mag isa." potek! ano ako bata na hindi dapat
iwanan mag isa?

"Lucas, mag uusap kami ni Ginno." nagkatinginan lang kaming dalawa. Sa huli,
bumigay din siya. Napabuntong hininga lang siya. Halatang dismayado siya.

Lumapit siya sakin pagkatapos hinawakan niya yung kamay ko. "Tawagan mo lang ako
kapag kaylangan mo ako, dadating agad ako."

Magsasalita pa lang sana ako pero bigla namang sumingit samin si Blake. "Oy teka!
may pahawal hawak pang nalalaman. Tara na!" hinila niya palayo si Lucas. "Bye
Candice my loves. Ako isigaw mo lang pangalan ko, dadating na ako." hindi talaga
siya mag papatalo. *face palm*

"Mukhang pursigido yang mga manliligaw mo, Candice." hinarap ko si Ginno. Ang laki
ng ngiti niya, aba wag niyang sabihin aasarin niya ako kala Lucas. Nginitian ko na
lang siya habang nakataas yung kilay ko. "Candice, salamat."

"Salamat para saan?"

"Salamat kasi pinatawad mo ako kahit na napakalaki ng kasalanan ko sayo, sa inyo ni


Jeydon." hindi ko maintindihan pero ang sarap pakinggan ng mga sinasabi ngayon ni
Ginno. Nakakagaan sa loob. "Salamat kasi hinayaan mo akong patunayan ulit yung
sarili ko."

"You deserve that." sa sinabi ko, may mga ngiti akong nakita sa mukha niya.

Biktima lang si Ginno, biktima ng poot at galit. Minsan pumapasok sa isip ko na


pareho lang kami ng sitwasyon, yung dating siya at yung bagong ako. Hindi ko siya
masisi kung ganon yung naramdaman niya kay Jeydon noon. Ang mali lang niya
nagpadala siya masyado sa emosyon at galit niya at naniwala siya sa mga bagay na
hindi naman totoo.

"Oo nga pala, pasensya na don sa nangyari sa inyo ni Jeydon."

"Sorry? bakit?"

"Nakita ko kung gaano niyo kamahal yung isa't isa. Nagung saksi ako sa pagmamahalan
niyo. Nakakapang hinayang na lahat ng yon wala na." Gusto kong matawa.
Pagmamahalan? kung meron mang nag mahal saming dalawa, ako lang yon at hindi siya.

"Ang tao kaya pumapasok sa isang relayon para maging masaya, hindi para
magpakatanga lang."

"Candice, hindi mo na ba talaga siya mahal?"

Ilang beses ko na ba yang naitanong sa sarili ko? Minsan hindi sumagi sa isip ko na
mahal ko pa siya dahil lahat ng pagmamahal ko napalitan na ng galit. "Hindi.. hindi
na."

"Ganon ba? siguro hanggang dito na nga lang talaga kayong dalawa." parang nalungkot
siya bigla. "Kung may maganda man na naidulot yung paghihiwalay niyo, siguro ayun
yun natuto ka." umiwas siya ng tingin sakin, nag sindi siya ng yosi. "Nakakalungkot
lang na natuto ka sa masakit na paraan."

"Ganon talaga, may makikilala kang tao na magbibigay sayo ng leksiyon, sa masakit
na paraan."

Natahimik kaming dalawa ng panandalian.

"Kung ano man yung mangyari sa inyo ni Jeydon sa huli, sana maging masaya kayong
dalawa." huminga siya ng malalim. "Pero sa totoo lang, gusto ko pa din kayong
magkatuluyan na dalawa. Para sakin, para kayo sa isa't isa."
"Para sa isa't isa? nagpapatawa ka ba Ginno? Wala na kami ni Jeydon, tapos na
kami."

Pinatay niya yung sindi ng yosi niya pagkatapos lumapit siya sakin. Lumapit siya
sakin at hinawakan niya yung balikat ko tapos ngumiti siya.

Naglakad na siya palayo sakin pero bago pa man siya makaalis, nag salita ulit siya.

"Hindi porket naghiwalay kayo, hindi na kayo para sa isa't isa. Minsan kailangan
lang maghintay ng tamang panahon."

Tamang panahon? Meron pa bang tamang panahon para samin ni Jeydon?

Napangiti ako.

"May mga bagay na hindi pa talaga kayang ibigay ng panahon, kahit merong
pagkakataon."

---

One week later..

Badburn? Tinitingala at hinahangaan.

Isang linggo pa lang simula nung nabuo yung badburn, nakilala na agad sila. Isa
sila sa mga team na nagpasikat sa trial ng University Basketball League. Nakakatuwa
din na isipin na malapit na sila sa isa't isa ngayon.

Si Troy at Ginno unti unti ng bumabalik yung pagkakaibigan nila. Si Blake at Juan
Paulo naman, ayon ang daling nagkasundo. Pareho kasi silang maloko eh. Ang troll
king at prince, syempre yung cute kong pinsan yung troll king.
Pakiramdam ko sila yung bagong APAT kaso hindi lang sila apat ngayon, anim sila.
Anim kasi kaylangan daw isama si Kuya Charles. Kahit hindi daw siya kasali sa
basketball team kasali naman siya sa grupo pero ayos lang din. Mas madami mas
masaya.

Naglalakad kami ngayon ni Lucas pauwi sa bahay dahil kakatapos lang nila mag
practice. Kaso out of the blue, nagsalita siya.

"Kapag ako nagmahal di lang kita gagawing priority, gagawin pa kitang private
property."

Napahinto agad ako. Tinignan ko siya pagkatapos literal akong napanganga.


Nananaginip ba ako?

Si Lucas nag pick up line?

"Hahaha! Last mo na yan!" grabe tawang tawa ako.

"Psh, pagtawanan ba ko?" naglakad siya ng mabilis. Iniwan niya ako dito. Pambihira!
ang bilis magtampo ni Lucas.

"Hoy Lucas!" hinabol ko agad siya.

"Ano?" aba ang taray.

"Sorry na oh? nagulat lang naman ako kasi never ka pang nag pick up line dati tapos
hindi ko talaga expected na babanatan mo ako ng mga pick up lines." hindi niya pa
din ako hinaharap. "Uy ano ba?"

"Gusto ko lang subukan kasi gusto kong maramdaman mo na hindi lang si Blake yung
sweet, ako din." ang lapad ng ngiti ko ngayon. Tska bakit parang nag iinit yung
pisngi ko? Hala! anong nangyayari sakin?

"Hindi mo naman kaylangan gawin yon para mapatunayan na sweet ka."


Hindi ako humaharap sakanya kasi pakiramdam ko namumula yung pisngi ko. Nahihiya
ako eh.

"Sige hindi na ako mag pi-pick up line pero pwede ko bang gawin 'to?"

"Ha? ang ano?" bigla niya akong hinila papalapit sakanya pagkatapos niyakap niya
ko.

Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Eto, ang yakapin ka."

Pakiramdam ko, unti unting bumibilis yung tibok ng puso ko. Hindi ko ma explain
pero parang nag slow mo na naman yung mundo ko.

"Naririnig mo ba kung ano yung tinitibok ng puso ko?" tanong niya sakin habang
yakap yakap ako. Wala naman akong marinig.

"Ano?"

"Ikaw."

Kumawala siya sa yakap namin tapos tinignan niya ako sa mata ko. Kitang kita ko
yung mata niya. Ang tagal na naming nagkakatinginan, nung parang unti unting
lumalapit yung mukha ni Lucas sa mukha ko biglang nag alarm yung cellphone ko.

Lumayo agad siya sakin tapos tumalikod siya. Ewan ko kung tama ako pero mukha
siyang nahihiya. May balak ba siyang halikan ako?

"Mag gagabi na noona, tara na." hindi pa din siya humaharap sakin. Napangiti na
lang ako tapos sinabayan ko siyang maglakad pauwi.

Tinignan ko yung alarm ko, reminder pala siya.

Candice, birthday mo na bukas. :)

Oo nga pala, birthday ko na bukas. Ano kayang regalo yung makukuha ko?

Itutuloy...
---

Hi Happy 12M TFBBAM!! Hart hart puso puso <3 <3 Thank you BAMERS!!

Sorry hindi ko muna marereplyan mga msg niyom busy ako ngayon eh, mag UD lang
talaga free time ko ngayon. ^___^ Reply ako soon!!

UD sa sunday :)

####################################
Chapter 20: Candice day
####################################

20: Candice day

"Hoy prinsesa gising na!"

Hindi ko minulat yung mata ko. Nanatili pa din akong tulog. Ayoko pang bumangon
dahil ang sarap ng tulog ko.

"Hoy prinsesa gising na!"

Kinuha ko yung cellphone ko tska ko pinatay yung alarm ko. Alam kong pangit yung
boses ko kaya ginawa ko siyang alarm tone.

Bumalik ulit ako sa tulog. Malamig ngayon kaya masarap matulog lalo na kapag
malambot yung kama mo. Malapit na sana ulit akong makabalik sa dreamland ko kaso..

"What the?!"

Ang init ng tubig! Basang basa yung mukha ko! Nagising ata buong katawan ko.
Tinignan ko yung nag buhos sakin ng mainit na tubig. Nakangiti pa siya sakin, aba
nagagawa pa niyang ngumit sakin? Akala mo wala lang yung ginawa niya sakin. Humanda
siya sakin.

"Kuya Charles!"

"Good morning manang. Miss mo na bang mabuhusan ng tubig kada umaga?" kinuha ko
yung unan ko pagkatapos binato ko sakanya yon. Buiset! hindi ko miss yon! "Eto
naman, mainit na tubig naman binubos ko ah?"

Tumayo ako para harapin siya. "Ah mainit lang? Eh ikaw kaya buhusan ko kapag
natutulog ka? Kahit kelan ka talaga kuya! hindi ka pa din nag bago."

"Ikaw lang naman yung nagbago eh." bigla akong natigilan sa sinabi ni kuya Charles.
Sobrang laki ba ng pinag bago ko para sakanya? "Gumising ka na."
"Ano sa tingin mo kuya, hindi pa ako gising sa lagay na 'to? Sige, tulog pa ako
nananaginip lang nga." sarcastic kong sabi. Natawa lang siya, hay. Hopeless ba 'to
si kuya.

Lumapit sakin si kuya pagkatapos inakbayan.niya ako. "Ikaw naman, naglalambing lang
si kuya sayo eh." tapos tumawa siya. Wow, ang sweet niya maglambing ha. "Happy
Birthday manang!"

"Yun lang? Asan regalo ko?" tinignan niya ko. Sumeryoso yung mukha niya, akala ko
totoo na eh kaso bigla ulit siyang tumawa. "Anong nakakatawa?"

"Naalala ko lang yung regalo ko sayo, panigurado ako magugustuhan mo yon!" mukhang
masama yung kutob ko sa regalo niyang yan ha. "Mamaya pala may party na nakahanda
sayo." ha? party?

"Hindi ata ako na informed?"

"Surprise party kasi eh."

"Ah surprise? kaya pala sinabi mo na sakin." hindi ko mapigilan yung tawa ko.
Napakamot na lang ng ulo si Kuya. Surprise pala ha? "Saan naman yan gaganapin ha
kuya?"

"Secret! masusurprise ka talaga! haha." tawa siya ng tawa, kinakabahan na talaga


ako sa mangyayari mamaya. "Sige alis na ko, oo nga pala umalis sila mama kaya ikaw
lang muna tao dito. Tawagan mo ako kapag may kaylangan ka."

Bongga kaya yung party na nakahanda sakin? Umaga pa lang parang nag hahanda na sila
mama. Kung ano man yang party na yan basta masarap yung pagkain na ihahanda nila,
masaya na ako.

Bumaba ako para kumain pagkatapos nagpalit ako ng damit pang takbo. Kaylangan ko ng
mag jogging ulit. Leche kasi yon si Blake eh, ang laki na daw ng tyan ko? parang
hindi naman pero sige mag exercise na ulit ako para wala silang masabi.

Dinala ko si Cholo sa pag jogging ko.

Tumakbo ako sa buong subdivision. Nag dalawang ikot lang ako tapos dumiretso naman
ako sa park. Umupo ako para magpahinga at para laruin si Cholo. Ang saya na makapag
jogging ulit feeling ko, pumayat agad ako. Wahaha.

"Hija.."

Nanlaki yung mata ko. Medyo nakakatakot yung boses, isang boses ng matandang babae.
May multo ba ng ganito kaaga?

"Hija.."

Lumingon ako sa likod, muntik na akong mapatalon kay lola. Mukhang pamilyar yung
itsura niya. Nakita ko na ba siya dati?

"Lola, ano pong problema?" ngumiti siya sakin.

"Naaalala mo pa ba ako? ako yung humula sa iyo noon dito sa park na ito." tinignan
ko siya ng mabuti at oo nga, siya nga yon. "Kamusta ka na at si Prince Charming?"

Prince Charming? haha. Walang Prince Charming.


"Okay lang po ako." kinuha niya bigla yung kamay ko pagkatapos parang hinuhulaan
niya na naman ako. Kinabahan ako bigla sa reaskyon niya. Gulat na gulat siya at
parang takot pa. "Ano pong problema?"

Tinignan niya ako na parang naaawa siya sakin na lalo ko namang ikinakaba. "Hija,
meroong mamawala."

"Mawawala po?"

"Meroong tao na malapit sayo ang malapit nang mamatay." inalis ko agad yung kamay
ko sa pagkakahawak niya.

"Lola pwede po wag kayo magbiro ng ganyan?"

"Sana nga ay nagkakamali lang ako." tinignan niya ulit ako at niyakap niya ko.
"Sana nga mali lang yung nakita ko hija."

Umalis na siya palayo sakin pero naiwan akong nakatanga dito. Hindi mawala sa isip
ko yung sinabi niya.

"Roo!" tumalon sakin si Cholo. Mukhang gutom na siya. Mabuti pa kalimutan ko na


yung sinabi na yon lola.

"Tara na Cholo, uwi na tayo."

Naglakad na lang ako pauwi dahil pagod na din ako. Tinignan ko yung cellphone ko
habang pauwi kami at ang dami kong message na nareceive, binati ako ng happy
birthday.

Pinakain ko lang si Cholo tapos dumiretso na ko sa kwarto ko para humiga sa kama.

"Meroong tao na malapit sayo ang malapit nang mamatay."

Sigurado akong nagkamali lang siya ng hula. Noong una niya akong hinulaan ang sabi
niya natagpuan ko na si Prince Charming. Maniniwala pa siguro ako kung nagiging
totoo yung unang hula niya sakin pero hindi. Akala ko lang si Jeydon na si Prince
Charming pero hindi.

Pikit ko yung mata pagkatapos natulog na ko.

--

"Candice anak gising na.." minulat ko yung mata ko. Nakita ko agad yung mukha ni
yaya linda. "Happy birthday."

"Salamat yaya." may binigay siya sakin. "Ano 'to yaya?"

"Regalo ko yan sayo. Alam ko na hindi yan mamahalin katulad ng mga ibibigay sayo ng
mga kaibigan ko mamaya pero pinaghirapan ko yan i bake."

Binuksan ko yung box, punong puno ng mga cookies. Tinikman ko yung isa, hindi ganon
kasarap pero sobra pa din akong natuwa na naiyak na ako. Hindi kasi talaga marunong
si yaya mag bake. Kaya pala nung mga nakaraang linggo, nakikita ko siyang
nagpapaturo kay mama. Niyakap ko agad siya.
"Thank you yaya, I love you."

"Maghanda ka na anak, para sa party mo."

Tinignan ko yung paligid at hapon na pala. Matagal tagal din akong nakatulog. "Yaya
saan ba gaganapin yung party?"

"Surprise daw sabi ng kuya mo, nasa baba na si Marky para ihatid tayo doon." psh,
ayan na naman siya sa surprise. Siguraduhin niya lang talaga that I'll be surprise.
"At isuot mo daw 'to Candice."

Inabot sakin ni yaya yung damit na damit din ni Snow White. Snow White? bakit eto
yung suot ko? Anong kalokohan naman 'to?

"Yaya, hindi ako sa costume party pupunta, hind ba?" tumawa lang siya. Anak ng!
mukhang surprise nga talaga 'to ha.

"Hihintayin ka namin sa baba."

Aangal pa sana ako pero nakalabas na ng kwarto si yaya. Isusuot ko ba talaga 'to?
hindi kaya ako mag mukhang tanga? Nineteenth birthday ko 'to, hind seventh
birthday.

Sa huli wala din naman akong magagawa kahit mag reklamo ako kaya sinuot ko na lang
siya.

Humarap ako sa salamin tska ako huminga ng malalim. "Kung sino man nakaisip nito,
siguraduhin niyang maganda yung kakalabasan nito."

Bumababa ako tapos nakita ko si Makry. Akala ko simple lang yung suot niya kasi
naka long sleeve na shirt lang siya sa likod pero pagharap ko nakapang pirata pala
siya. Nagsuot pa siya ng pirate hat.

"Hi snow white."

"Hi, Jack Sparrow?"

Nag bow pa siya sakin. "At your service." inabot niya yung kamay niya syempre
ayokong mapahiya si Marky kaya inabot ko na din yung kamay ko.

Hinatid niya ako sa likod ng kotse niya. Nandon na din sa likod si Yaya Linda.
Umalis kami agad papunta sa surprise party daw nila para sakin.

Ilang minuto na kaming nasa byahe tapos papalapit kami sa isang mansion. Isang
pamilyar na mansion. Wag kong sabihin na?

"Na miss mo ba dito Candice? Sa bahay ng lola granda mo?" pagsagot ni yaya sa
tanong sa isip ko.

Pumasok kami sa mansion ni lola grandma, siya yung mama ni papa. Na excite tuloy
ako na pumasok sa loob, dito kasi kami lagi pumupunta nila papa kapag weekends. Ang
lakas tuloy mala throwback.

Inalalayan ako ni Marky papasok loob. May red carpet pa talaga ha. Sino kayang
nakaisip nito?

Pumasok kami sa loob, iniwan nila ako Marky at Yaya kay mama.

"Happy birthday sa unica hija ko." niyakap niya ako. "I love you anak."
"I love you too mama."

"This is my gift." inabot sakin ni mama yung singsing na binigay sakanya dati ni
papa. "Alam ko naman na madami ng magbibigay sayo ng mahahalin na regalo kaya I
decided to just have this as my gift."

Sinuot niya sakin yung jade ring. "Ang ganda, thank you ma."

"Binigay sakin yan ng papa mo noong nag hiwalay kami, para daw mahanap ko yung
happiness ko. Sabi niya kasi yang singsing na daw yan nag bibigay ng happiness."
hinawakan niya yung kamay ko habang nakatingin siya sakin. "Anak gusto kong mahanap
mo na yung true happiness. I just want you to be happy." may luha na pumatak galing
sa mata ni mama.

Niyakap ko siya tapos pinunasan ko yung luha niya. "Ma, makasama ko lang kayo
masaya na po ako."

"Thank you anak." ngumiti na din siya. "Sige na anak, nag hihintay na yung mga
bisita mo."

Ang dami ding tao pero hindi ganon kadami. Mga classmates ko nung high school tska
mga kaibigan ko sa Korea. Nakakatuwa kasi nandito sila sir Jason at Section Eleven.
Lahat sila may kanya kanya ding costume. Kinausap ko silang lahat, kamustahan tska
nag bigay din sila sakin ng regalo. Medyo napagod na ko kaya umupo muna ako sa
gilid. Maya maya nakita ko na si Tiffany.

"Candice!" lumapit agad siya sakin. Naka Cinderella siya na costume. Wow ang ganda
niya pa din talaga. "Niyakap niya ko tapos inabot niya sakin yung isang maliit na
box. "Happy birthday! Ayan yung regalo ko sayo."

"Salamat Tiffany." binuksan ko yung box. Ang ganda ng bracelet na may pangalan ko.
"Ang ganda, thank you." niyakap ko ulit siya.

"Ops! wala munang iyakan ha?" biglang singit ni Troy na nakasuot naman ng pang
prince charming. Terno talaga sila ni Tiffany ha. "Happy birthday best friend!" may
inabot din sakin si Troy na box. Pag bukas ko, bracelet din siya na may pangalan ko
pero yung sakanya gold, yung kay Tiffany Silver.

"Boo, pareho tayo ng regalo kay Candice?" tanong ni Tiffany. Hindi ba sila nag usap
about sa ireregalo sakin?

"Oo nga boo eh. Siguro destiny talaga tayo." napatingin ako kay Troy.

"Anong connect?" tanong ko.

"Pareho kasi kami ng iniisip eh." sabay tawa tapos yakap kay Tiffany. Eh di sila na
sweet. "Ano Candice nagustuhan mo ba yung regalo namin ni boo?"

"Oo naman, kahit ano naman yung iregalo niyo sakin magugustuhan ko basta galing sa
inyo."

"Ay ang sweet talaga ng best friend natin boo noh?" nakangiting sabi ni Tiffany. Sa
tagal namin na mag best friends ngayon lang ba nila napansin na sweet akong tao?
Wahaha.

May dumating ulit, si Marky. "Hep! bigayan na ba agad ng regalo? Oh sige eto
sakin." medyo natahimik si Troy nung dumating si Marky. May inabot na susi si
Marky sakin. "Porsche yan Candice." sabay kindat. Bigtime talaga. Sabagay. Car
dealer pala sila.

"Thank you Marky." tinanawa ko kung kasama nila sila Stacey pero hindi ko sila
makita. "Asan sila Stacey?"

"I'm here!" tinignan ko siya, naka Jasmine costume. Paglingon ko sa likod niya
nakita ko naman si Juan Paulo na naka costume ng Aladdin. Wow terno din sila?
Natawa tuloy ako. "Oh bakit ka natawa bee?" tinignan ko lang si pinsan.

"Wow Stacey Marie, alam mo bang naka Aladdin costume ako kaya nag ganyan ka?"
nakangisi pa siya kay Stacey. Lakas talaga mang asar. "Sabi ko na gusto mo ako eh."

"Asa ka naman! baka alam mong naka.costume ako ng Jasmine kaya baka costume ka ng
Aladdin dyan?" pagtataray niyam Kahit kelan talaga silang dalaw. Aso at pusa.

"Whatever." pagtataray din sakanya ni JP. "Pinsan regalo ko nga pala, happy
birthday."

"Thank you pinsan." pagkaabot niya sakin ng regalo niya binuksan ko na agad.
Samsung Galaxy.

"Ha?!" sigaw ni Stacey at parang na gulat pa siya. Wag mong sabihin na pareho din
sila ng regalo? "Bee, etong regalo ko yung buksan mo at yan yung gamitin mo ha."

Binuksan ko naman yung sakanya tapos, iPhone5 yung sakanya. Pati ba naman sa regalo
sakin, kontrapelo silang dalawa? Destiny din siguro sila.

"Panget naman nyan. Mas maganda ka pa dyan Stacey Marie eh." tinignan ko agad si
Stacey at aba parang kinikilig ang lola mo. "Kinilig ka naman? Joke lang yun uy!"

"Hoy kayong dalawa talaga ang kulit niyo." singit naman ni Shrek ay este kuya
Charles pala. What the eff?! ngayon lang nag buffer sa utak ko na naka shrek
costume siya. Kinulayan niya talaga yung mukha niya ng green ha? Anong kalokohan
yan?! tawa tuloy ako ng tawa dito. "Hoy Candice wag mo akong pagtawanan dyan! Nag
effort ako sa suot ko na 'to."

"Yeah, that's right." singit naman ni Fiona este ate Serina pala. Pati siya talaga?
"Nag effort kami dito Candice for you." nakangiting sabi ni ate Serina.

"So kuya ayan na ba yung gift mo sakin?" lumapad bigla yung ngiti niya. Hala baliw
talaga siya.

"Hintayin mo na lang mamaya." sanay kindat. Ano naman kaya yon? Nakakaloko 'to si
Kuya.

"By the way Candice, eto yung regalo ko sayo at ni Jaycee, sorry kasi hindi daw
siya makakapunta." inabot sakin ni ate Serina yung dalawang bag ng Saint Laurent.
Damit siguro 'to.

"Thank you ate." nakakatuwa naman, kahit wala na kami ni Jeydon naalala pa din ako
ni ate Jaycee.

"Mag ready na tayo, mag open na yung dance floor." nakangiti pa ding sabi ni kuya.

Lahat sila umalis na pero teka asan si Lucas? Bakit wala siya at hindi ko pa siya
nakikita? Saan siya nag punta?

Nandito pa din pala si kuya Charles. "Hinahanap mo ba si Shawn? Hindi daw siya
makakapunta kasi busy siya."
"Ah ganon? okay."

Busy? Gaano ba siya ka busy? Ganon ba ka importante yung pupuntahan niya para hindi
niya sipotin yung birthday ko? Bigla tuloy akong nalungkot ng sobra. Sa lahat ng
tao siya yung inaasahan ko na nandito pero dahil lang sa busy siya eh hindi na siya
pumunta.

Yah Lucas! I hate you na.

Buti na lang pinatay nila yung mga ilaw kaya hindi makita yung nakasimangot kong
mukha.

Nagsimula na nga silang magpatugtog. May mga sumayaw nasa gitna habang ko nakaupo
pa din.

"Happy birthday noona." sabi ng isang lalaki sa likod ko. Pagtalikod ko nakita ko
si Jayshin.

"Jayshin!" tumayo ako para harapin siya.

"Eto nga pala regalo ko sayo noona." inabot niya sakin yung isang box ng sapatos.
Isang jordan shoes. "Sana magustuhan mo."

"Nagustuhan ko Jayshin. Salamat." Inabot niya sakin yung kamay niya.

"Can I have a dance?" ayoko sanang sumayaw pero ayoko siyang tanggihan kaya inabot
ko yung kamay ko.

Pumunta kami sa gitna at sumayaw.

"Noona, ang ganda mo ngayon." sus hindi pa din siya nagbabago ah, bolero pa din
siya. "Kaya siguro na in love sayo si hyung."

"Hindi siya in love, hindi siya totoong na in love sakin. Kasi kung totoo yon,
hindi niya yon gagawin." hindi sa bitter ako, gusto ko lang sabihin kung ano yung
totoo.

"I hope one day, maintindihan mo din lahat." ngumiti siya sakin tapos umalis siya.

Naiwan tuloy akong naka tanga dito. Maiintindihan? bakit pareho sila ng sinasabi ni
Marky? ano bang hindi ko maintindihan?

Naisip ko na umupo na lang ulit pero may isang lalaki na inabot sakin yung kamay
niya. Hindi ko makilala kung sino siya kasi naka maskara siya. Naka Zorro Costume
siya kaya naka takip yung mata niya tapos naka hat pa siya kaya hindi mo talaga
siya makikila. Inabot ko na lang din yung kamay ko sakanya.

Hawak hawak niya yung bewang ko habang ako nakahawak yung kamay ko sa leeg niya.
Sino kaya siya at bakit hindi siya nag sasalita?

Nakatingin lang ako sa mata niya. Pamilyar yung mga mata na nakikita ko. Para akong
tinatawag ng kulay brown niyang mata.

Nagulat ako kasi biglang pinatugtog yung kanta na Tadhana.

Tahimik lang kaming dalawa habang nagsasayaw. Hindi ko maintindihan pero kahit
hindi ko siya kilala kampante ako sakanya. Pakiramdam ko matagal ko na siyang
kilala? Teka si Lucas kaya 'tong kasayaw ko ngayon?
Malapit na matapos yung kanta nung ngumiti siya sakin. Biglang bumilis yung tibok
ng puso ko kasi kilala ko yung ngiti na yon. Hindi ako pwedeng magkamali.

Bago pa man ako makapag salita, umalis na siya.

Posibleng siya nga yon?

"Ikaw ba yan, Jeydon?"

Itutuloy...

---

Hindi na ako magbibigay ng time kung kelan mag UUD kasi kapag na delay saglit galit
na galit kayo sakin. Sorry po busy po akong tao T____T
####################################
21: Surprise gift
####################################

21: Surprise gift

Candice Pov

Nagkakamali lang ako. Hindi yon si Jeydon at hindi siya pwedeng maging si Jeydon.

Wala ng pakialam pa sakin si Jeydon at wala na din akong pakialam sakanya kaya
kalokohan lang yung mga pinagiisip ko.

Nag iimagine na ako dito. Nagugutom na siguro ako, oo tama gutom lang 'to.

Bakit kasi ang tagal naman ng kainan? Ayon nga yung gusto ko sa party na 'to eh.
Gutom na talaga ako.
Tumayo ako tapos lumapit ako kala mama.

"Mama, pwede na bang kumain?" nagkatinginan sila ni Yaya linda tapos tumawa sila.

Nagpa awa effect lang ako sakanila.

"Oo naman anak, kakain na tayo." hehe salamat naman.

Bumukas lahat ng ilaw. Umupo na kaming lahat para makakain na kami. Ang pinaka
hihintay kong chibugan.

Nasa isang table kaming lahat nila Kuya Charles. Yung ibang bisita nasa iba't ibang
table.

Bago pa maserve yung pagkain biglang dumating si Blake. Akala ko hindi din siya
dadating katulad ni Lucas. Hmpf! buti pa nga siya dumating eh. Eh yong Lucas na
yon? Wala eh.

"Candice! sorry late ako ha. Hehe." napakamot na lang siya ng ulo. "Happy birthday,
nga pala regalo ko."

"Salamat Blake, sige upo ka na kakain na tayo." umupo talaga siya sa tabi ni Kuya
Charles. Sabagay okay na naman ata siya eh. Napansin agad siya ni Ate Serina.

"Di ba ikaw yung delivery boy?" tanong niya.

"Ha? eh oo nga po. Kaibigan ko din po si Candice." lakas niya magpatay malisya ha.
Mukha din namang naniwala ni Ate Serina kaya nakahinga ng malalim si kuya.

Dumating na yung mga pagkain. Wuhoo! Ang dami nito.

Kumain ako ng kumain. Birthday ko naman kaya okay lang na kumain ako ng madami. Ang
sasarap pa naman mga pinahanda nila mama.

Malapit na kami matapos kumain tapos biglang umalis sila kuya. At saan naman sila
pupunta?

Maya maya lang biglang namatay lahat ng ilaw. May bumukas na ilaw sa stage. May
stage pa pala talaga sila ha? Akala mo debut ko eh.

Hinintay ko kung anong mangyayari.

"Candice, Happy birthday."


Teka, boses ni kuya Charles yon ha?

"Para sayo 'to."

Unti unti silang lumabas, si Kuya Charles, Troy, Juan Paulo, Jayshin, Marky tapos
si Blake. Ang laki ng mata ko sa gulat. Yung mga suot nila iba na, para silang mga
bata! Topless sila tapos naka short lang tapos may jumper at wag ka! may tie. Hindi
ko mapigilan yung tawa ko, nakakatawa silang lahat sa suot nila! Buahaha.

Nag play yung sasayawin nila.

What the?! Baby ni Justin Bieber.

Ang macho nilang lahat, lalo na 'to si Blake. Yung mga babae dito tilian ng tilian.
Lumapit sakin sila Tiffany. Kilig na kilig si Tiffany kay Troy at eto namang si
Stacey cheer ng cheer sa manok niyang si Blake. Todo cheer naman din ako sakanila
kasi nakakainis kasi wala si Lucas dito. Sa lahat ba naman ng araw ngayon pa siya
naging busy? Alam naman niyang birthday ko eh. Nagtatampo na talaga ako sakanya.

"Hoy Candice! grabe ang macho ng manliligaw mo oh! Haba ng buhok mo talaga! dapat
si Rapunzel ka eh hindi si Snow white!" sigaw ni Stacey. Ang macho nga talaga ni
Blake.

Lahat sila magaling sumayaw pero hindi ko pa din mapigilan na matawa dahil sa
nakakatawa yung mga suot nila! Buahaha. Sigurado ako na si Kuya Charles yung may
pakana nito. Eto siguro yung surprise niya sakin. Kaya naman pala siya tumatawa eh,
natatawa siya sa sarili niyang idea. Tagumpay naman siya kasi na surprise nga ako.

Tapos na yung kanta kaya akala ko tapos na din yung presentation pero hindi pa
pala. Dumilim na naman bigla tapos may isang malaking screen sa harap.

"Candice.."

Narinig ko pa lang yung boses niya may luha na agad na pumatak sa mata ko. Tinignan
ko yung malaking screen tapos nakita ko siya.

"Anak anong gusto mong regalo ngayong 7th birthday mo?"

Ang sigla sigla pa ni papa sa video na yan. Ang saya pa namin ng mga panahon na
yan. Sobrang daddy's girl pa ko nyang panahon na yan. Hindi ko na napigilan na
maiyak, miss ko na si papa. Miss na miss ko na siya.

"Appa, gusto ko po maging si Snow white tapos may Prince Charming ako! tapos po
magsasayaw kami sa ilalim ng full moon tapos mag kiss kami."
Ang bata ko pa sa video na yan. Ginulo ni papa yung buhok habang natatawa siya sa
sinabi ko. Binuhat niya ako tapos nilagay niya ko sa balikat niya.

"Masyado ka nang nanunuod ng mga Disney Movies anak."

"Appa kasi gusto ko din matulad sa mga Disney Princess na may Prince Charming!"

"Magpalaki ka muna Candice para makilala mo na si Prince Charming. Kapag malaki ka


na, tutuparin ni papa yung wish mo na maging si Snow white."

Mas lalo akong naiyak. Ang daya daya ni papa, hindi naman niya tinupad yung promise
niya. Iniwan na niya ko kaya paano pa yun mangyayari? Sana hindi na lang siya
nawala para sabay pa namin tutuparin ngayon yung wish ko.

"Appa, bumalik ka naman kahit ngayon lang." tuloy tuloy na yung pagpatak ng mga
luha ko.

Namatay na naman yung mga ilaw. Akala ko kay surprise na naman sila kuya at maya
maya mag bubukas na din yung mga ilaw pero hindi. May biglang nag takip ng bibig ko
tapos piniringan ako. Hindi ako makasigaw habang binubuhat ako palayo. Anong
nangyayari? Anong gagawin nila sakin?

Naramdaman ko na lang na pinasok nila ako sa isang van. Hindi ako makapagsalita
tska hindi din ako makakita. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Nasa panganib na
naman ba ako? Ano na naman bang mangyayari sakin?

Ilang minuto lang yung nakalipas huminto na din yung van. Tinanggal din naman nila
yung takip sa bibig ko.

"Sino kayo? Anong ginagawa niyo sakin ha?" hindi sila nagsalita. Binuhat na naman
nila ako.

Konting lakad lang yung ginawa namin tapos inupo nila ako sa isang upuan.
Nakapiring pa din yung mga mata ko tapos wala akong makita. Kinakabahan pa din ako.
Ano na naman kayang mangayayari sakin?

"Sino ba kayo?"

Hindi nila ako sinagot pero tinaggal nila yung piring sa mata ko. Pagmulat ko ng
mata ko akala nasa isang tagong lugar ako o sa isang warehouse pero nasa isang park
lang pala ako.

Naka upo ako sa isang upuan na may mga bulaklak. Madilim yung lugar pero nakikita
ko pa din yung paligid dahil sa ilaw ng bwan. Wala na yung mga nagdala sakin dito.
Mag isa na lang ako at nakaupo dito. Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari.
Akala ko may kidnapper o may masamang tao na gusto akong saktan pero bakit sa upuan
na napakaganda pa ako pinaupo?

Nagulat ako kasi biglang bumukas yung mga ilaw. Ang daming mga Christmas lights.
Ang ganda ng lugar na 'to. Tumayo ako tapos sinundan ko kung saan papunta yung
ilaw. Parang may ginawaang daan yung mga ilaw na 'to tapos dun ako dapat pumunta.

Habang naglalakad may natanaw na akong isang tao sa malayo tapos may mga kandila at
mga balloons pa na heart. May narinig din akong tugtog. Dinalian ko yung paglalakad
ko para makapunta ako sa pinaka dulo.

May isang lalaki na nakatalikod sakin at may hawak na gitara. Naka costume ata siya
na peter pan?

Tatanungin ko pa lang sana kung sino siya pero bigla niyang pinatugtog yung gitara
tapos kumanta siya.

[Now Playing: Ikaw at ako - Tj Monterde]

"Hawakan mo ang kamay ko ng napakahigpit.." unti unti siyang humarap sakin.


Napahawak ako sa bibig ko sa gulat.

"Lucas?"

"Pakinggan mo ang tinig ko.. Ohh di mo ba pansin, na ikaw at ako.." lumapit siya
sakin. "Tayo'y pinagtagpo.."

Nakatingin lang ako sa mata niya habang kinakantahan niya ko. Magsisinungaling ako
kapag sinabi kong hindi ako kinikilig. Para gawin lahat ni Lucas 'to, sobrang
effort yung ginawa niya. Ngayon ko lang din napansin na.ang gwapo pala talaga ni
Lucas. Ang amo amo ng mukha niya.

Huminto siya sa pagkanta. Nilapag niya yung gitara na hawak niya tapos inabot niya
sakin yung kamay niya.

"Can I have a dance with you?"

Inabot ko din sakanya yung kamay ko. Ngayon nagsasayaw na kaming dalawa. Nakalagay
sa mga bewang ko yung kamay niya tapos ako naman sa balikat niya. Nakatingin lang
kami sa mata ng isa't isa.

"Akala ko talaga kung ano na, pinakaba mo ako don ha."


"Sorry, gusto ko lang ma surprise ka." mas magaling siya mag surprise kesa kay kuya
Charles.

"Ikaw ba nag set up ng mga 'to?"

"Oo, lahat yan ako nag ayos kaya hindi ako nakapunta pa sa party." Ang laki ng
ngiti niya sakin. "Ang totoo niyan idea naming dalawa ni

Charles 'to. Gusto kasi naming dalawa matupad yung pangako sayo ni Tito Danny.
Gusto kong matupad yung wish mo noon."

"Eto pala talaga yung surprise sakin ni Kuya? Yung surprise mo?"

"Kahit na hindi ako Prince Charming para sayo, kaya ko munang maging substitute
para lang matupad ko yung wish mo."

"Salamat, Lucas."

"Nagustuhan mo ba?"

"Oo nagustuhan ko. Ang ganda pero muntik na talaga akong magtampo sayo! Akala ko
nakalimutan mo na yung birthday ko." natawa siya ng mahina sa sinabi ko.

"Pwede ba yon? Pwede ko bang makalimutan yung birthday ng taong mahal ko?"

Bigla akong napaiwas ng tingin sakanya. Pakiramdam ko nag iinit yung mga pisngi ko.
Hindi naman kasi ganon ka vocal si Lucas sa nararamdaman niya sakin.

"Alam mo para kang floor wax."

Pambihira bumabanat na naman siya. Ano na naman kaya yan? "Bakit naman?"

"Kasi mahal kita eh. Ops, sorry nadulas ako."

Hindi ko napigilan na mapangiti o sige sabihin na nating kinilig din ako. Isipin mo
naman yung napaka seryoso at cold guy na si Lucas pag dating sakin nagiging sweet
at korni.

"Hoy Lucas, bakit ganyan ka? Lantaran mo na talagang sinasabi na mahal mo ko!"
tumawa na naman siya.
"Narealize ko lang na ang love parang pangarap. Walang mangyayari kung hindi ka
kikilos."

"Love," napahinto kami pareho. "Mahal mo ba talaga ko Lucas?" tinignan niya ko.

Hinintay ko yung sagot niya pero tinignan lang niya ko tapos bigla na lang niya
akong niyakap. Niyakap niya ako ng napakahigpit. Ang bilis ng tibok ng puso ni
Lucas.

"Naririnig mo ba yung tinitibok ng puso ko?"

Naririnig? Ayos lang ba siya? "Hindi naman nagsasalita yung puso eh!" natawa na
naman siya sa sinabi ko.

"Ikaw, ikaw yung palaging tinitibok ng puso ko Candice. Kasi mahal kita, mahal kita
Candice."

Hindi ako nakapag salita. Oo, speechless ako. Masaya ako sa mga naririnig ko ngayon
pero kay lungkot din akong nararamdaman. Lungkot para kay Lucas.

"Lucas, hindi pa ata ako handa na magmahal ulit."

"Pwedeng nasaktan ka niya noon pero hindi yun sapat na dahilan para itaboy mo lahat
ng taong darating sa buhay mo."

Hinarap niya ako. Tinignan na naman niya ako sa mga mata ko. Kung anong bilis ng
tibok ng puso ni Lucas kanina, ganon na din kabilis yung tibok ng puso ko ngayon.

"Bago ka sumuko, bakit hindi mo muna subukan?"

"Lucas kasi--" hindi na ako natapos sa sasabihin ko kasi niyakap na naman niya ako.

"Hindi ako nagmamadali. Kaya kong mag hintay. Sa dalawang taon natin sa Korea
bakapag tiis ako, ngayon pa kaya?" tinulak ko siya para maiharap ko siya sakin.

"Ano ibig mong sabihin sa dalawang taon?" ginulo niya bigla yung buhok ko.

"Manhid ka nga." tinignan ko siya ng masama. Hindi ko siya maintindihan tapos ayaw
niya pa agad sabihin sakin. "Mahal na kita noon pa lang. Kaya ako pumunta sa Korea
para makasama ka, hindi dahil dun lang din ako mag aaral. Nagtiis lang ako,
pinigilan ko lang yung nararamdaman ko sayo para kay Jeydon."

Natigilan ako.
Kaya ba palaging nasa tabi ko si Lucas noon pa man? Kaya ba napaka importante ko
sakanya noon pa lang? Kaya siya pumunta sa Korea para makasama ako. Kaya pala ganon
na lang siya mag-alala sakin. Kaya pala ganon na lang niya ako alagaan.

Gusto kong matawa. Bakit ngayon ko lang na realize lahat ng 'to? Ganon ba talaga
ako ka manhid na tao? O sadyang nakatuon lang talaga lahat ng atensyon ko noon kay
Jeydon.

"Ang tanga ko."

"Wag mong sisihin yung sarili mo, ganon mo lang siya kamahal kaya wala ka nang
ibang napapansin kung hindi siya." nakikita ko yung lungkot sa mukha ni Lucas.
"Alam mo bang ako yung palaging nasa tabi mo pero nasakanya pa din yung atensyon
mo."

Oo, siya at hindi si Jeydon. Siya yung palaging nandyan para sakin pero si Jeydon
pa din yung pinili ko.

"Lucas, sana ikaw na lang talaga. Sana ikaw na lang yung minahal ko."

Niyakap ko ulit si Lucas. "Pwede bang isayaw mo lang ako, Lucas."

Pinikit ko yung mga mata ko habang nagsasayaw kami ni Lucas.

Tama si Lucas ang pag-ibig parang pangarap, walang mangyayari kung hindi ka
kikilos. Hindi habang buhay na makukulong ako sa nakaraan.

Paano ako magkakaroon ng sarili kong fairy tale story kung palaging nakasara yung
pinto ko para kay Prince Charming?

Inisip kong mabuti yung gagawin ko, sa desisyon ko na 'to.

Sa gagawin ko, hindi lang si Lucas yung bibigyan ko ng chance pati na din yung
sarili ko, yung puso ko.

Lumayo ako kay Lucas.

"Lucas, sabihin mo ulit sakin na mahal mo ko."

Nagulat siya sa sinabi ko pero hinawakan niya yung mga kamay ko pagkatapos tinignan
niya ako sa mga mata ko.
"Mahal kita, mahal kita Candice."

"Ayoko ng lokohin yung sarili ko. Oo Lucas gusto din kita. Hindi pa kita mahal
ngayon pero kung mahihitay mo ko, kaya kong ibigay pabalik sayo yung pagmamahal na
binibigay mo sakin."

Ngumiti siya, lahat ng lungkot na nakita ko sakanya ngayon napalitan na nang saya.

"Maghihintay ako kahit sa dulo pa ng walang hanggan, Candice."

Hinawakan ko yung mukha ni Lucas.

Papa, nakikita mo ba ko? Tutuparin ko na ng tuluyan yung wish ko.

Unti unti kong nilapit yung mukha ko kay Lucas tapos.. hinalikan ko siya.

Itutuloy...

--

#ShaDice #Moveon #Newlovelife :)))

Sa lahat ng nag aantay ng UD ko sa 'When a Bad boy falls in love' Sorry baka sa
friday pa ako makapag UD kasi na delete siya sa tablet ko. Huhu sorry babawi ako.
####################################
22: Stranded
####################################

22: Stranded

"Gising na prinsesa!"

Ang sarap pakinggan ng boses niya. Ibang iba sa boses ko. Dapat pala hindi ko siya
ginawang alarm tone kasi parang mas inaantok lang ako.
"Gising na prinsesa!"

Pinatay ko yung alarm ng cellphone ko.

"Eto na po mahal na prinsepe Lucas." hindi ko napigilan na mapangiti.

Medyo maaga pa naman pero bumangon na din ako. Natulala ako saglit kasi naalala ko
na naman yung nangyari kagabi. Napahawak ako bigla sa labi ko tapos naalala ko yung
halik ko kay Lucas. Wala akong kahit na anong pinagsisihan sa ginawa ko na yon.
Sinunod ko lang kung ano yung sinabi ng puso ko nung panahon na yon at yun ay ang
halikan siya. Hindi naman ako nabibilisan sa mga pangyayari. Matagal na naman
kaming magkasama ni Lucas at malapit na ako sakanya noon pa.

Sa totoo sa lang gusto ko din naman si Lucas eh, gustong gusto ko siya pero
masyadong nakatuon kay Jeydon yung atensyon ko kaya hindi ko siya napansin.
Linimitahan ko yung sarili ko sa iba dahil sa pagmamahal ko kay Jeydon.

Dahil noon, si Jeydon lang ang mundo.

Tumunog bigla yung phone ko. Nakita ko agad yung pangalan ni Lucas sa screen ko
kaya napangiti na naman ako.

"Lucas?"

["Alam mo minsan gusto na talaga kitang galitin."]

"Ha?" tulog pa ba 'to si Lucas? Anong pinagsasabi niya?

["Para ako naman yung patulan mo."]

Muntik na akong matawa. Ang aga aga binabanatan niya na ko ng mga pick up lines.
Siya na ba yung pumalit kay Blake?
"Last mo na yan please?"

["Akala ko pa naman kikiligin ka don."] mukha siyang batang nalungkot kasi naagawan
siya ng candy. Nakakahawa yung lungkot ng boses niya. ["I love you."]

Bigla akong natigilan. Ewan ko ba umabot na ata ng bwan yung ngiti ko. Kinikilig ba
ko? Pambihira! Kinikilig nga ata ako dahil hanggang ngayon nakangiti pa din ako.
Bakit kasi ang sarap pakinggan ng sinabi ni Lucas? Alam mo yung bab boy na boses
tapos kapag nag I love you sayo, sobrang lambing. Ang lamabing ng boses niya kaya
kahit na sa tatlong salita na yon naramdaman ko yung pagmamahal niya sakin.

["Candice? Andyan ka pa ba?"]

"Ha? ah eh, oo andito pa ko." narinig ko siyang tumawa ng mahina. "Bakit ka


natatawa dyan?"

["Mukhang kinilig ka sa I love you ko eh."] bakit alam niya?

"Ha? Hindi noh! Kinilig ka dyan?" slight lang kaya.

["I love you ulit."]

Amp! bakit ganito? napapangiti na naman ako ng sobra. Kinikilig na naman ako. Lucas
naman! Ano bang ginagawa mo sakin?

[I love you Candice."]

Hindi ko na kaya. "Tama na! Oo! kinikilig na ko, okay?" ayan natawa na naman tuloy
siya. "Tss ang sama mo noh? trip mo ko!"

["Masama ba na magsabi ng totoo? Eh sa mahal kita eh."]

"Oo na po, hindi mo na kaylangang sabihin pa kasi damang dama ko naman eh."
pakiramdam ko nguminiti siya sa kabilang linya. Ang lakas talaga ng pakiramdam ko.
["Hindi ko alam kung ano ba talaga tayong dalawa ngayon pero sapat na ko don.
Katulad nga ng sinabi ko sayo, hindi ako nagmamadali at kayang kaya kitang
hintayin. Masaya na kong malaman na may lugar pala ako dyan sa puso mo kahit
papano."]

Bigla akong na touch. Ibang iba talaga si Lucas kumpara sa ibang mga nanliligaw.
Kahit kelan hindi ko nakitang nag take advantage siya sakin lalo na noon na nag
break kami ni Jeydon.

"Salamat Lucas, salamat kasi minamahal mo ako ng ganito." bigla siyang natahimik,
pareho kaming natahimik na dalawa. "Hindi pa kita mahal pero alam kong gusto kita."

Hindi pa din nagsasalita si Lucas. Naisip ko tuloy siyang asarin. "Uy, kinikilig
siya?" natawa.tuloy siya.

["Masaya lang ako kasi ang tagal ko nag hintay and finally eto na. Yung taong mahal
ko, gusto ako. Daig ko pang tumama sa lotto eh."] hindi ko na naman napigilan na
ngumiti. Ngayon ko pa lang kasi nakikilala yung lover side ni Lucas.

"Paano na lang kung sabihin ko ngayon na mahal kita?"

["Kapag ganon, pwede na akong mamatay."] nag pout ako bigla. ["Pero syempre hindi
ako papayag kasi mamahalin pa kita eh."]

"Hoy Mr. Shawn Lucas Dela Fuente! Tama na baka mainlove agad ako sayo nyan."
feeling ko napangiti na naman siya sa sinabi ko. "Susunduin mo ba ko? Asan ka na?"
parang miss ko siya bigla.

["Sorry prinsesa ko, andito ako ngayon sa Korea para makipagkita kay Umma."]
napanganga ako ng literal. Umalis siya? Umalis siya ng hindi nagsasabi sakin?

"Nakakainis ka! bakit hindi mo sinabi sakin na aalis ka?" napasimangot tuloy ako.

["Alam ko naman na ma miss mo ako agad kaya wag ka mag alala, babalik agad ako."]
tumawa na naman siya at mukhang inaasar niya ako ha! ["Wag ka mag alala, pinapunta
ko dyan si Stacey para sunduin kaya maghanda ka na mahal na prinsesa baka malate ka
pa eh."]

"Opo prinsepe Lucas."

["Ingat ka, mamahalin pa kita. I love you."] speechless ako teh. Eh bakit kinikilig
ako eh! Hehe.

"Ikaw din ingat ka dyan." sakto pagka end ko ng call dumating si Kuya Charles.

Nakatayo siya sa pintuan ng kwarto ko at nakangisi siya sakin. Isa pa 'tong mang-
aasar sakin eh. Siya pala may pakana ng lahat ng yon. Patay malisya pa siya kagabi.

"Nagustuhan mo ba yung regalo ko sayo manang?"

"Pwede na." tumayo ako sa kama ko pagkatapos dumiretso ako sa cr para maligo.

"Wow ha? pinaghirapan kong isipin yon." reklamo ni Kuya sa labas. Siya nga nag isip
pero si Lucas naman yung gumawa pero sige na nga pagbigyan na yung matanda. "Pwede
lang yun sayo? kaya pala abot langit yung ngiti mo kagaboi. Tapos kanina habang
kausap mo si Lucas, kinikilig ka." tawa siya ng tawa sa labas. Kahit kelan hindi
siya nabibigo na asarin ako. Binilisan ko na lang tuloy yung pagligo ko.

Paglabas ko nakaupo sa kama ko si Kuya at nakakaloko yung tingin sakin.

"Pupusta ako, mahal mo na si Lucas." tinaasan ko agad siya ng kilay.

"Mahal agad? hindi ba pwedeng gusto muna?" tumawa na naman siya, may pagka-abnornal
pala 'tong kuya ko noh?

"Pwede na." ay nako, gaya gaya pa ng line. "At least, naka move-on ka na talaga dun
sa gago kong kaibigan."

"Matagal na kuya, matagal na akong naka move-on." tumayo si kuya sa kama ko


pagkatapos lumapit siya sakin para guluhin yung buhok ko. "Oh bakit na naman?"
"Masaya lang ako kasi nakikita na ulit kitang masaya." uh. Ang sweet talaga netong
kuya ko. Siya na talaga ang the best kuya in the world. "I love you manang."

Niyakap ko si Kuya, "I love you too tanda!"

Hinarap ako ni Kuya Charles sakanya tapos pinisil niya yung magkabilang pisngi ko.
"Sinong matanda?"

"Mashakeet! Matanda? Ikaw yun di ba?" kahit pisil pisil niya yung pisngi ko
natatawa pa din ako.

"Ano?" mas pinisil niya pa yung pisngi ko.

"Wah! Kuya!" mukhang tuwang tuwa siya na pisilin yung pisngi ko ah.

"Ang ganda naman ng batian ng dalawa kong anak." napalingon kaming dalawa ni kuya
kay mama. "Good morning sa inyong dalawa."

"Good morning mama." sabay na sabi namin ni kuya.

"Candice nasa baba na si Stacey, hinihintay ka." wow ang aga niya ha? "Charles may
sakit ba si Serina? Niyaya ko kasi siyang pumunta dito pero tumanggi siya." wah!
anyare kay Ate Serina?

"Nag away kami, hayaan mo siya ma." seryosong sabi ni Kuya Charles tapos sabay walk
out.

Si Kuya Charles ba talaga nag sabi non? Anong nangyari sakanila ni Ate Serina?
Hindi ako makapaniwala na masasabi niya yon. Mahal na mahal niya si Ate Serina eh.

Napatingin ako kay mama. "Anong nangyari mama?"

"Hindi ko alam anak, hwag kang mag-alala, kakausapin ko mamaya yung kuya mo. Mabuti
pa bumaba ka na at naghihintay na si Stacey sa baba kumuha ka na lang ng sandwich
sa mesa."

Niyakap ko muna si mama bago ako bumaba. Binigay sakin ni yaya yung sandwich ko
tapos lumabas na ako ng bahay. Nakita ko agad yung range rover ni Stacey. Bumaba
bigla yung windshield sa harap, nakita ko si Blake.

"Candice my loves!" lumapit agad ako sakanila. Pumasok ako kotse sa likod.

Mag isa lang ako sa likod habang yung dalawa nasa harapan.

"Hi bee! Sinama ko si Blake kasi kaylangan na natin sakanyang ipaalam." sira talaga
'to si Stacey.

Na hurt daw ang lola mo kasi natalo agad yung manok niya. Bet na bet pa naman daw
niya si Blake. Sabi ko mas bet ko silang dalaw, haha!

"Anong ipapaalam niyo sakin?" hinihintay kong magsalita si Stacey pero pinaandar na
niya yung kotse niya. Mukha tuloy kinakabahan si Blake. "Candice my loves,
sasagutin mo na ba ako?" natawa bigla si Stacey.

"Tangek! busted ka na!"

"Ha?!" gulat na gulat si Blake. "Is that true?"

"Alam mo Blake, ikaw yung manok ko eh. Akala ko pa naman kasi mas mabilis ka
kumilos kay Shawn pero wala naunahan ka agad." napabuntong hininga pa siya. "Wala
na eh, naka score na sa puso ni bee si Shawn kaya game over ka na."

"Alam ko lahat ng Love Story may ending pero bakit tayo? Hindi pa nagsisimula,
tapos na kaagad?"

Kahit sa ganitong bagay may pang banat siya, banat king talaga siya.

"Eh yun nga eh! Love story di ba? Hindi ka naman love ni Candice kaya paano
magiging love story yon ha Blake?" etong si isa naman, si basag queen.

"Ouch ha! Sige ipamukha mo pa Stacey. Nasasaktan na nga yung puso ko ngayon eh. Hay
ang sakit sakit lang." nakatingin siya sakin.habang nakahawak siya sa dibdib niya.
"Candice sinaktan mo yung puso ko, alam mo ba yon?"

"OA mo ha!" sabay pa kami ni Stacey.

"Kayong mga babae, wala kasi kayong alam sa panliligaw. Ang alam niyo lang kasi
mamili, manakit tska mag drama. Eh yung paghihirap naming mga lalaki, simula sa
pagtatapat ng feelings, yung pagsusuyo at pagtitiis, alam niyo ba?"

Seriously Blake? Napanganga ata pati Stacey sakanya eh. Buti na lang nga dumating
na kami sa University.

"Candice my loves, kung kay Shawn ka sasaya wala na akong magagawa. Susuportahan na
lang kita. Eto, gift ko ulit sayo." bumaba agad siya ng kotse. Hurt ba talaga siya?
pambihira talaga yon si Mm. Kinuha ko yung regalo niya.

"Yan ang hirap sa pagiging maganda eh, nakakasakit ka kahit na hindi mo gusto." nag
buntong hining na naman si Stacey. Seryoso ba 'to? Nasaktan agad?

Bumaba na si Stacey sa kotse. Sinilip ko muna kung ano yung isa pang regalo ni
Blake sakin. Sweatshirt na may design na, doraemon? Bakit sa lahat eto pa yung
napili niyang design? Si Mickey Mouse naman yung gusto niya di ba?

"Bee come on!"

Nilagay ko na lang sa bag ko yung sweatshirt tapos bumaba na ako ng kotse ni


Stacey. Mahirap pag hintayin ang queen bee.

"See you later, una na ko sa class ko." paalam ni Stacey.

Dumiretso na din ako sa class ko. Naglalakad ako sa corridor nung tumunog yung
cellphone ko. Binuksan ko agad yung bag ko at dahil sa sweatshirt na bigay ni Blake
kaylangan ko pang halungkatin yung bag ko. Asan na ba kasi yon?
"Ouch!"

Napaupo agad ako sa sahig. May naka bangga ako at mukhang napaupo din siya.

"Bulag ka ba ha?!" napatingin agad ako sakanya, ganon din naman siya. Kung
mamalasin nakita ko pa si Kim. "Ikaw?! kaya pala tatanga tanga eh." aba! ayos 'tong
babae na 'to ah? tumayo agad ako.

"Pwede wag kang masyadong mataray. Baka mas mataas pa yang kilay mo kesa sa grades
mo." ngitian ko siya ng nakakaasar.

"Ah ganon?" tumayo na din siya tapos lumapit siya sakin. "Alam mo para kang
insekto. Ang sarap mo tirisin!" sasampalin na sana niya ko pero pinigilan ko siya
ng kamay ko.

"Sawang sawa na ako dyan sa ugali mong kasing pangit ng mukha mo!"

Bnitawan ko yung kamay niya tapos sinampal ko siya ng sobrang lakas. Sa lakas non
napaupo na naman siya sa sahig.

"What the?! Ang kapal ng mukha mong saktan ako! You don't have the right to do
this!" inis na inis niyang sabi na halos puputok na yung ugat sa leeg niya.

"Kung pakapalan lang ng mukha yung usapan, aba mas makapal yang mukha mo. Nasaktan
ako nung sinampal kita eh." tinarayan ko siya bago ako umalis. Wala akong panahon
sa mga katulad niya.

Kinuha ko yung phone ko, akala ko si Lucas yung nag text, iba pala.

'Punta ka sa basketball gym mamaya.'

Ano namang gagawin ko don? Tska sino ba 'tong nagtext na 'to? Bahala na nga lang
mamaya.
Nag punta na ako sa class ko. Mabilis lang naman lumipas yung oras eh. Nag punta
ako sa locker ko tapos parang may kung sino na nakatingin sakin. Tinignan ko yung
paligid pero wala namang tao. Naisip ko yung text sakin. Pumunta daw ako sa gym.
Wala naman mawawala kung pumunta ako.

Naglakad na ako papunta sa gym. Pagdating ko dun walang tao kahit isa. Nilobot ko
siya pero wala pa ding tao. Maya maya umupo na lang ako sa gitna ng gym. Bigla
namang bumukas yung pinto, tapos nakita ko siya. Parehong nanlaki yung mata namin.
Bakit siya nandito? Siya ba yung nagtext sakin?

Lumapit siya sakin. "Anong ginagawa mo dito?" tanong niya. Mukhang hindi siya yung
nag papunta sakin dito.

"Ikaw anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Tinanong kita, tinanong mo din ako? ang tino mo kausap." ano? ako pa ngayon? tss
hanggng ngayon mayabang pa din siya.

"Eh sa ayokong sagutin ka eh." tinarayan ko agad siya.

"Di wag." matipid na sagot niya.

Tumalikod siya tapos pumunta siya sa pintuan. Nakakapagtaka kasi sarado na siya.
Binuksan siya ni Jeydon pero ayaw. Kinabahan agad ako bigla kaya napatayo ako tapos
lumapit ako sa pintuan.

"Bakit ayaw na bumukas?!" pakiramdam ko nag papanic na ko.

"Malay ko." tipid pa din na sagot niya.

Sinubukan kong buksan pero ayaw talaga. Bakit ganon? bakit ayaw na bumukas? May nag
lock ba samin dito?

Nag try ako sa ibanh pintuan pero sarado din. Anong ibig sabihin neto? Nakakulong
kaming dalawa ni Jeydon dito? Baka pakana naman 'to ni Jeydon? pero parang hindi
din. Wag maging assumera.
"Mukhang stranded tayong dalawa dito." nang aasar pa ata siya eh.

"Eh para san pa yung phone di ba?" confident pa ako pagkita ko sa phone ko no
signal. No! hindi pwde! "Tulong! buksan niyo yung pinto!" natawa siya bigla.

"Nag sasayang ka lang ng laway mo. Walang masyadong dumadaan dito." tinignan ko
siya ng masama. Pakialam niya ba? eh malay mo may makarinig sakin.

"Tulong!"

Halos isang oras akong nagsisisigaw pero wala talagang nakakarinig sakin. Parang
nawawalan na nga ako ng boses eh.

Tignan ko si Jeydon, nasa gitna siya ng court tapos nakahiga siya. Ang cool pa niya
eh hello? nakakulong na nga kami dito.

"Hoy! anong gagawin natin?"

"Tuwing gabi, naglilibot yung janitor dito. Malamang makikita tayo non." tuwing
gabi?

"Gabi pa?!" maaga pa so anong ibig sabihin non ha?

"Sa ayaw at sa gusto mo, buong araw tayong magkasama dito." ang lapad pa ng ngiti
niya. Nakakaasar! Sobrang nakakaasar!

Buong araw ko makakasama si Jeydon? Bitch please.

Itutuloy...
--

#TFBBAM3 :))))))))))

####################################
23: Stuck with each other
####################################

23: Stuck with each other

(Dedicated to all JeyDice shipper ^__^)

[Now Playing: Stuck in love with each other -Shontelle]

Nakaupo lang ako sa mga bench habang si Jeydon naman nakahiga pa din sa gitna ng
court. Hindi ba siya nilalamig dyan?

Tinignan ko yung cellphone ko pero wala pa ding signal. Ano 'to nasa bundok ba
kami? Pambihara naman oh. Kasalanan 'to nung nagtext sakin eh. Ano bang plano niya?
pati ba si Jeydon pinapunta niya dito? o baka naman si Jeydon yung nagtext sakin? o
talagang napadaan lang siya dito? Amp! mababaliw na ako sa kakaisip.

Biglang tumayo si Jeydon tapos naglakad siya papalapit sakin. Akala ko kung anong
gagawin niya pero umupo lang siya sa tabi ko. Kapal niyang umupo sa tabi ko. Sana
tinanong muna niya ako kung gusto ko siyang katabi.

"Ang lamig pala ng sahig."

"Hindi ko tinatanong."

"Bakit? Ikaw ba kinakausap ko?"


Napatingin ako sakanya bigla. Hindi ako makapaniwala, hanggang ngayon pala masama
pa din talaga yung ugali niya. Ang yabang niya pa din at buti na lang hindi ako
natangay ng hangin niya. "Sino kayang kinakausap niya? multo? tss." bulong ko sa
sarili ko.

"Balita ko nga may multo daw dito. Luma na kasi 'tong gym." Seryoso ba siya sa mga
sinasabi niya?

Bumilis agad yung tibok ng puso ko. Takot ako sa multo kahit na noon pa. Hapon pa
lang pero medyo madilim na kasi nakatakip yung mga bintana. Kaso pakiramdam ko
niloloko lang ako ni Jeydon, akala naman niya matatakot niya ko. Wahaha asa siya!
Sorry but sorry, I'm not scared.

"Multo? So what?" sabay tawa ng malakas. Akala naman niya matatakot ako? Bitch
please hindi niya ako matatakot. Walang multo kapag araw. "Multo ha."

*Boogsh*

"Oh my gosh!" sa gulat ko napakapit agad ako bigla sa braso ni Jeydon. Shet! wala
na bang pinipiling oras ngayon yung mga multo? "What's that?" tumawa nang malakas
si Jeydon.

"Hindi pala takot." nung pumasok sa isip ko na naka-kapit nga pala ako sa braso ni
Jeydon bigla akong lumayo sakanya. Anong pumasok sa isip ko at nagawa ko yun? Ew
ha. "Haha! Ang tapang mo, takot ka pa din pala." tawa pa din siya ng tawa. Tinignan
ko nga siya ng masama. Sige tawa pa! Akala mo naman nakakatawa.

"Tangek! joke lang yon. Hindi naman talaga ako natakot eh." tumawa ako tapos
tumalikod ako sakanya. "Hahaha! ako natakot?" slight lang naman ha? Leche talaga,
nakakahiya yung nagawa ko. Lupa pwede kainin mo muna ko ngayon?

Alas kwatro pa lang ng hapon. Ilang oras pa ba yung natitira para may pumunta dito
at buksan yung pintuan nitong gym na 'to? Hindi ko na ata kayang tagalan yung
kayabangan ng kasama ko.

Pinatong ko lang yung ulo ko sa mga tuhod ko. Mabilis lang naman siguro lumipas
yung oras. Sigurado ako hindi ko na din mamamalayan na gabi na.
"Sa hindi inaasahang.. pagtatagpo ng mga mundo.. may minsan lang na nagdugtong,
damang dama na ang ugong nito."

Bakit sa lahat pa ng pwede niyang kantahin, bakt theme song pa namin? Nananadya ba
siya?

"Hindi pa sapat ang sakit at lahat na hinding hindi ko ipaparanas sayo.."

Sa tuwing naririnig ko yung kanta na yan, hindi ko maiwasan maisip yung mga
masasayang nangyari samin noon. Yung mga panahon na mahal na mahal pa namin yung
isa't isa. Muntik na akong matawa sa naisip ko. Ako nga lang pala yung nagmahal
saming dalawa, ako lang.

Inangat ko yung ulo ko pagkatapos tumingin ako sakanya.

"Jeydon, itigil mo na yang pagkanta mo."

Natigilan siya sa sinabi ko. Nagkatinginan kaming dalawa at nagulat ako kasi bigla
siyang ngumit, Jeydon's evil smile. What's with the smile? May nakakatawa sa sinabi
ko?

"Bakit mo ako pinapatigil? naaalala mo ba yung mga nangyari satin noon? Akala ko pa
naman naka move-on ka na." wow ha, ilang page ka Jeydon? Ang kapal eh.

"Itigil mo na kasi ang pangit ng boses mo." tumawa ako ng malakas. Buahaha! Akala
mo ha. Lakas ng loob niya kumanta eh wala pa nga sa kalingkingan ng boses ni Lucas
yung boses niya.

"Ah ganon? sayawan kaya kita dyan eh." nakangiti pa din siya tapos kumukindat
kindat pa siya. Ew ha! hindi na sakin uubra yung mga ganyang galawan niya eh. "Ay
kaso wag na baka ma in love ka na naman sakin."

"Ako ma in love ulit? Hindi ako tanga para magpaloko ulit sayo." tinarayan ko siya.
"Nagpaloko na ako noon tapos magpapaloloko na naman ako? ano yun, history repeats
itself?"

"Walang maloloko kung walang nagpapaloko. Kaya pwede ba, wag lang ako yung sisihin
mo." wow talaga ha as in wow. So ibig sabihin pala may kasalanan din ako?

"Walang maloloko kung walang nagpapaloko? bakit malalaman mo ba agad na niloloko


kalang niya?"

Tumawa lang siya sa sinabi ko. "Ikaw naman, niloloko lang kita eh."

Argh! maloloka na talaga ako! Buiset na Jeydon 'to! Bakit ba kasi sa lahat ng tao
na makakasama kong makulong dito, siya pa talaga? Kung si Kim yung nakasama ko dito
for sure kayang kaya ko tagalan pero siya? Baka mabaliw ako bigla.

"Hindi ka talaga maiinlove sa sayaw ko ha?" Tumayo siya bigla, nanlaki yung mata
ko. What the hell? so sasayaw talaga siya?! Nahihibang na ba siya?

"Hoy Jeydon itigil mo nga yan." natawa na naman siya. Abnormal talaga siya kahit
kelan.

"Hindi naman ako sasayaw eh, nag unat lang ako. Gusto mo talaga akong makita na
sumayaw noh?" sabay kindat sakin. Grabe! hindi ko siya kayang tagalan. "Sabihin mo
lang, sasayawan kita."

Tumayo ako sa upuan ko pagkatapos dumiretso ako sa pintuan. Hindi ko na kaya!"


Tulong! may tao dito! Buksan niyo yung pintuan!"

Kahit hindi siya nagsasalita at hindi ko siya nakikita damang dama ko na natatawa
si Jeydon sa likod ko. Badtrip kasi bakit walang tao?! mag didilim na ha?

"Tulong! Wala bang tao dyan?!"

Ilang minuto din akong sigaw ng sigaw pero wala pa ding nakarinig sakin. Seriously?
napaka isolated ba ng lugar na 'to para wala man lang makarinig sakin?

Narinig kong sumipol si Jeydon. Nilingon ko siya tapos nakita ko siyang nakahiga
dun sa mga bench. Ang cool pa niya na akala mo wala man lang nangyari.
Teka nga, mukha na siguro akong tanga dito. Siya pa easy easy lang tapos ako nag
papanic dito. Nasisira poise ko nito, sira yung ganda ko.

Bumalik na lang ako sa bench. Wala pahiya lang ako don eh, mukha akong tanga. Umupo
ako tapos tinignan ko yung phone ko pero wala pa ding signal. Pinaglalaruan na
naman ba ako ng tadhana? Bakit kaylangan kong ma stuck kasama yung ex boyfriend ko?

Kung paglaruan talaga ako ng tadhana, wagas! sakit sa bangs.

"Jeydon pwede bang gumawa ka nang paraan para makalabas na tayo dito?"

"Sabihin mo munang pogi ako tapos mag please ka, yung mahabang please." nagpapatawa
ba siya? well natawa ako. "Ganito Candice oh, poging Jeydon, gumawa ka nang paraan
para makaalis tayo dito, pleeeease."

"Mag isa ka! mag titiis na lang ako."

"Ok." ngumiti siya ng napakalapad.

Leche! sama talaga ng ugali niya. Siya yung pinaka bad boy sa lahat ng bad boy!
Ahhh! Bakit kasi naging ex-boyfriend ko pa siya? Bakit sa lahat ng lalaki siya pa
yung napili kong mahalin noon?

Biglang lumamig dahil madilim na yung paligid. Hindi ko na kaya yung lamig kaya
nilbas ko yung regalo sakin ni Blake na jacket. Kahit ayoko siyang isuot, wala
akong nagawa. Mas mabuti nang lunukin yung pride kaysa manigas ako dito sa lamig.

Pagkasuot ko ng jacket napatingin ako kay Jeydon. Naka evil smile na naman siya
sakin. Alam ko na kung bakit siya nakangiti ng ganyan eh, dahil may doraemon sa
harap ng jacket ko.

"Wag ka ngang ngumiti dyan."

"Paki alam mo kung nakangiti ako?" buiset talaga siya. Hindi ko na lang siya
kakausapin. Wala kong matinong sagot na makukuha sakanya. "Mahal mo talaga ko noh?
kahit sa jacket may doraemon ka."
"Porket may doreamon ikaw agad?" tinarayan ko lang ulit siya. "At correction, hindi
na kita mahal."

Bigla siyang naging seryoso. "Okay, mabuti yan. Mabuti yung hindi mo na ko mahal."
tapos ngumiti siya nang kakaiba. Kakaiba talaga ni Jeydon, talagang may pagka
abnormal siya.

Nagtahimik na naman kaming dalawa. Pinatong ko ulit yung ulo ko sa tuhod ko. Ilang
minuto na yung nahintay ko pero wala pa ding dumadating na kahit sino. Pakiramdam
ko isang linggo na akong nandito kasama 'to si Jeydon.

Muntik na akong mahulog sa pagkakaupo ko nung narinig kong nag ring yung phone ko.
Kinuha ko agad yung phone ko tapos nakita kong tumatawag si Lucas.

["Noona?"]

"Lucas!" sa sobrang pagka excite ko, napasigaw ako.

["Okay ka lang ba? parang kakaiba yung boses mo? May problema ka ba?"] alalang
alala yung boses niya.

Napaisip ako kung sasabihin ko ba kay Lucas yung totoo nangyari sakin. Ayoko siyang
mag-alala eh lalo na nasa ibang bansa siya. Knowing him, baka bukas bumalik na yon
dito kapag nalaman niyang nakulong ako dito kasama si Jeydon.

"Ah, walang problema. Okay lang naman ako, ikaw kamusta dyan?"

["I'm not okay."]

"Ha? bakit? anong nangyari sayo?"

["Ang sakit ng puso ko eh."] may sakit ba sa puso si Lucas? Nag aalala ako bigla
sakanya. Wala akong alam na may ganon siya sakit.
"Yah! Pabo! kung masakit yang puso mo, go to the hospital or take some meds!"
masakit na puso niya pero nagawa pa niyang tumawag sakin? Aish! this boy.

["Kaya lang naman sumasakit yung puso ko kasi miss ka na niya. Kaya nga eto oh,
kinakausap na kita para gumaling na siya."]

Hindi ko napigilan na mapangiti. Kinikilig? Siguro nga. I never thought na makikita


ko yung sweet side niya. All I know is misteryoso siya at napaka seryosong bad boy.

"I'm missing you too Lucas kaya pwede umuwi ka na?"

["Uuwi agad ako para sayo. Sige na, matulog ka na. I'll have to go. I love you."]

"Take care." tapos binaba na niya yung phone.

Tinignan ko agad yung phone ko kung may signal pa para matawagan ko si Stacey pero
it went no signal again. Seriously? So ano? pinatawag lang talaga sakin si Lucas?
Aish.

Mag hihintay na lang ako na may makakita samin kesa mag alala si Lucas sakin.
Konting oras na lang naman eh.

Hoy tadhana! ang dami mo nang utang sakin. Kung paglaruan mo ako, sobra.

"Oh bakit hindi mo sinabi kay Lucas na stranded ka dito para matulungan ka niya?"
singit ni Jeydon.

"Ayoko siyang mag alala sakin eh."

"Ang sweet mo naman, bakit mahal mo na ba si Lucas?" why is he even asking me that?
Ano bang pakialam niya?

"Mind your own business." natawa siya bigla.


"Kaya pala noon, sinundan mo pa sila Troy at Tiffany sa date nila tapos sasabihin
mo mind your own business? Eh ikaw nga hindi mo magawa yan." Ano bang gusto niya?
that was like, four years ago.

"Ano bang pinaglalaban mo? naiinggit ka ba samin ni Lucas?" now it's my turn para
mang asar. "Hindi ba kayo ganyan ka sweet ni Kim?" nginitian ko siya.

Natawa naman siya. "Baka langgamin ka kapag nakita mo kaming dalawa na sweet sa
isa't isa?"

Tumawa din ako. "Baka masuka lang ako."

"Sus, kaya pala dati kapag ang sweet ako sayo kilig na kilig ka. Yung abot langit
yung ngiti mo." hinarap na niya talaga ako tapos nginitian niya ako na para bang
inaasar niya talaga ako.

"Past is past." nginitian ko din siya. Hindi ako magpapatalo sakanya. "Yung
sweetness mo ba yung pinagyayabang mo? Eh walang wala yan kay Lucas. Lahat nga ng
ginawa mo noon natabunan na ng mga nagawa sakin ni Lucas."

Tumawa ulit siya, ano bang nakakatawa?

"Mapapalitan mo ako pero hinding hindi mo mapapalitan yung mga alala na meron tayo
noon."

"Eh bakit ba inuungkat mo pa yung nakaraan? Umamin ka nga, mahal ko pa ko noh?"

"Paano kung sabihin kong, oo?"

Natigilan ako. Hindi ko inaasahan yung sagot niyang yan.

"Anong sinasabi mo?" natawa na naman siya.


"Joke lang yon, hindi na kita mahal kasi si Kim na yung mahal ko." eh di sila na!
mag sama pa silang dalawa.

"Sabi mo eh."

"Disappointed ka siguro?" tinaasan ko ulit siya ng kilay. Ang laki talaga ng


problema niya.

"Ako?"

"Hindi, ako." tss! lakas mamilosopo. "Dapat kasi pinaglaban mo ako para hindi ka
nang hihinayang ng ganyan."

"Ikaw yung nang iwan di ba? kaya bakit pa kita kaylangan ipaglaban?" umiwas ako ng
tingin sakanya. "Ang love para lang yang sintas ng sapatos. Dalawang dulo yung
kailangan para mapagbuhol, pero isang dulo lang yung kailangan para kumalas.

"

Natigilan siya sa sinabi ko.Natahimik na naman kaming dalawa. Para kaming tanga na
dalawa dito. Bakit kasi pinagsama pa ulit kami ng kaming dalawa lang? nakakabaliw.

"Masaya ka na ba talaga?" bigla niyang tanong.

"Alam mo Jeydon, masaya na tayo sa mga buhay natin. Ikaw masaya kay Kim, ako masaya
ako kay Lucas. Kaya pwede? wag mo nang ungkatin yung nakaraan."

Natahimik na naman kami. Mukha na talaga kaming ewan dito. Sana makalabas na kami
dito kasi parang hindi ko na talaga kaya.

Maya maya may narinig akong pinto na bumukas sa kabilang dulo ng court kaya tumayo
agad ako tapos tumakbo ako don.

"Candice sandali!"
Hindi ko pinansin si Jeydon. Tumakbo ako dun sa pintuan na narinig kong bumukas
pero nung nakita ko sarado pa din siya. Sinubukan ko na buksan pero ayaw naman. Sa
inis ko sinipa ko yung pintuan.

"Palabasin niyo na ko dito!"

"Candice sa likod mo!" sigaw ni Jeydon.

Napatingin ako sa sa likod ko tapos may lalaking balot na balot yung may hawak nang
kutsilyo tapos balak niyang ihagis sakin yon. Mabilis yung mga pangyayari kaya alam
kong hindi na ako makakaiwas pero bigla akong tinulak ni Jeydon.

Nadaganan niya ako dahil sa pagtulak niya sakin. Napahawak ako sa mukha ko tapos
nakakita ako ng dugo. Bigla akong kinabahan, kinapa ko yung mukha ko pero mukha
namang walang sugat. Saan nanggaling yung dugo?

Napatingin ako sa mukha ni Jeydon at may galos yung pisngi niya. Ang daming dugo na
umaagos sa mukha niya. Nanghina ako bigla, pakiramdam ko nanginginig yung buong
katawan ko.

Dugo, ang daming dugo. Ayoko ng dugo. Natatakot ako. Ayoko ng dugo.

Tinakpan ko yung mukha ko. Anong nangyayari? bakit ang daming dugo?

"Candice ayos ka lang ba?" hinarap niya ako sakanya. Nakita ko yung mukha niya na
puno ng dugo.

Nag hysterical agad ako.

"Dugo, ayoko ng dugo." hindi na ako mapakali. Nanginginig na yung buong katawan ko.
"Dugo! ilayo sakin yan!"

Hinawakan ni Jeydon yung mukha ko. "Candice kumalma ka baka atakihin ka ng hika
mo!" sigaw sakin ni Jeydon.
Tinignan lang niya ako sa mata ko. Unti unti kumakalma ako.

Tumayo siya pagkatapos naglakad siya palayo pero pinigilan ko siya. "Saan ka
pupunta?"

"Hahabulin ko yung gumawa sayo nito!" nahihibang na ba siya? Sugatan na nga siya ay
lahat hahabulin pa niya yung gumawa non?

Paalis na sana siya pero hinigpitan ko yung pagkakahawak ko sa kamay niya.

"Wag na, wag mo akong iwan." nagulat siya sa sinabi ko pero nanatili siya sa tabi
ko dahil don. "Ayoko mag isa kaya dito ka lang."

Niyakap ako ni Jeydon. Sa oras na yun, wala akong pakialam kung yakapin niya man
ako. Ang alam ko lang ayokong mag isa.

"Wag ka mag alala, hindi kita iiwan."

Sa puntong yon, nawalan na ako ng malay.

...

"Candice my loves?"

Minulat ko yung mata ko pagkatapos nakita ko si Blake. Teka bakit nandito na ako sa
kwarto ko? Paano ako napunta dito?

"Kamusta ka na?" nag aalalang tanong sakin ni Blake. "Maayos na ba yung pakiramdam
mo?

"Si Jeydon? Anong nangyari sakanya?" napaupo ako sa higaan ko.


"Dinala ka niya sa bahay nila tapos hinanap niya yung contact number ko tapos
tinawagan niya ako para sunduin ka at ihatid ka dito sa bahay niyo." ginawa niya ba
talaga lahat ng yon? "Sinabi ko na lang kala Charles na napagod ka lang para hindi
na sila mag alala pa sayo."

"Hindi ko maintindihan kung ano yung nangyari." hinawakan ni Blake kamay ko.

"Matulog ka na at mag pahinga."

"Pero naguguluhan pa din ako, sino yung gustong saktan ako? bakit ginawa ni Jeydon
yun? bakit niya ako niligtas? Hindi na niya ako mahal di ba? bakit niya yon
ginawa?" sumasakit yung ulo ko sa kakaisip.

"May tamang panahon para sagutin yang mga tanong mo. Sa ngayon, matulog ka na at
magpahinga." ginulo gulo niya yung buhok ko tapos tumayo siya at pinatay niya yung
ilaw. "Good night Candice."

Pagkasara ni Blake ng pintuan naramdaman ko yung antok at pagod. Bago pa man ako
makatulog bigla kong na miss si Lucas, kapag may problema kasi ako siya yung
palaging nandyan para sakin. Hindi na ako sanay na si Jeydon yung nagliligtas
sakin.

Naisip ko din si Jeydon, bakit niya ginawa yun?

Kailan ko ba talaga malalaman lahat ng sagot sa mga tanong ko?

Itutuloy...

--

Hi Bamers! Thank you sa full support niyo sa TFBBAM at TGGR! dahil dyan naisip ko
na i extend ang story na 'to so yeah, may book 3 po :)
Sunday pa ulit ako makakapag update kaya tiis na muna dito sa UD na to :)
####################################
24: School project
####################################

24: School project

[Please wag niyo na po akong kulitin sa pagiging OP sa TFBBAM/TGGR kasi wala na


talagang available slot. =)]

Jayshin Pov

Ang tagal nito ni Tammy! Amp. Pinaghihintay niya yung gwapong katulad ko. Sa lahat
ba naman kasi nang magiging partner ko sa school project siya pa? Tsk tsk pasalamat
siya mabait ako kaya nakakapag hintay ako sakanya ng ganito.

Biglang dumating si Troy hyung. "Oh Jayshin, hinihintay mo ba yung kapatid ko?"

"Oo hyung, matagal pa ba siya?" natawa siya bigla.

"Panigurado, mag papaganda pa yon para sayo." ngumiti siya nang nakakaloko sakin.

"Kuya!" sigaw ni Tammy sa taas. Napababa siya bigla tapos hinampas niya si Troy
hyung. "Ano bang pinagsasabi mo ha?!" sus kunwari pa siya, mukha namang nag paganda
pa siya kaya siya natagalan. Mukhang ayos na ayos siya ngayon eh.

"Tammy, nagbibiro lang ako. Wag kang guilty pwede? mas lalo kang mahahalata ni
Jayshin niyan." kindatan niya pa ko.

Kahit kelan pilyo talaga si Troy hyung pareho lang sila ni Jeydon hyung.
Nakakalungkot lang talaga na hindi na sila magkaibigan ngayon. Dati sanggang dikit
pa silang dalawa pero bigla na lang nawala ang lahat. Kung maiintindihan lang sana
ni Troy hyung yung sitwasyon ng hyung ko.

"Sige na iwan ko na kayo, madami pa akong gagawin. Jayshin, ikaw nang bahala sa
maldita kong kapatid." sinamaan pa siya ni Tammy bago siya makaalis. Hindi pa ba
niya alam sa sarili niya na maldita siya? Siya nga ata reyna ng pagkamaldita eh.
"At ikaw Jayshin, tatayo tayo ka na lang ba dyan? Tara na umalis na tayo!" sigaw
niya sakin taposbtinarayan niya pa ako. Pambihirang babae 'to! Ang hirap
ispelengin.

Ako na nga nag hintay ng matagal ako pa nasigawan at natarayan? Napakamot na lang
ako sa inaasal ni Tammy. Useless lang makipag argue sa kanya. Siya yung babae na
ayaw magpatalo.

Lumabas na kami ng bahay nila at dahil eighteen na ako, binigyan na ako ni dad ng
kotse. Inalalayan ko si Tammy papunta sa kotse ko pero nakataas pa din yung kilay
niya. Seriously?

"Dun na lang tayo sa mall na may shop ni Noona Jaycee."

"K." sungit niya. Naiinis lang tuloy ako. Hindi ako sanay na ganito siya. Dati
naman ang sigla sigla niya.

Habang nag drive ako, nakatingin si Tammy sa labas mukhang malalim yung iniisip
niya. Para akong ma suffocate sa sitwasyon naming dalawa, ang hirap gumalaw. Isa pa
nakakabingi yung katahimikan. Hindi si Tammy 'to eh, hindi kami 'to.

"Si snow man ka ba?" pagbabasag ko ng katahimikan naming dalawa.

"Bakit?" nakataas pa din yung kilay niya sakin.

"Ang cold mo kasi eh."

Bigla siyang hindi nag salita. Sobra na talaga siya. Ano bang problema niya sakin?
Alam kong nasaktan ko siya noon pero sobra na yung ginagawa niyang 'to sakin.

"Ano bang problema mo?" tumingin siya sakin pero bigla siyang napatingin sa harap.
Napatingin din ako agad sa harapan namin.

"Si ate Anne yon 'di ba? Bakit nasa tapat siya ng bahay nila Candice?" hininto ko
yung sasakyan.

"Sino si Anne?" nasa tapat nga siya ng bahay nila noona. Nakatayo lang siya don na
parang may tinitignan siya.

"Isa siya sa powerpuff girls. Friend namin sila ni Ate Kim. Ano kayang ginagawa
niya dyan?"

Napatingin siya bigla samin at nag katinginan kami tapos bigla siyang nagulat kaya
sumakay siya ng kotse. Parang nagmamadali siyang umalis nung nakita niya kami.
Nakakapagtaka, kakaiba yung inaasal niya at hindi maganda yung kutob ko.

"Weird naman, tara na nga Jayshin para makauwi na din ako agad."

Pinaandar ko na agad yung kotse ko. Binilisan ko na lang yung pagmamaneho papunta
sa mall. Hindi ko na kayang tagalan yung katarayan ni Tammy. Reyna ng katarayan.
Siguro kung si Menchie pa yung kasama ko ngayon mas masaya pa ako. Bakit kasi na
stuck ako dito kay Tammy?

Pagka park na pagka park namin bumaba agad si Tammy. Rush ba 'tong babae na 'to?
Parang diring diri siya sakin ha. Yung itsura na 'to pinagkakaguluhan, hindi
dinededma ng katulad ng ginagawa niya. Jayshin Lopez 'to eh.

"Bilisan mo nga maglakad dyan!" sigaw niya sakin. Ayos talaga siya, siya pa galit?

Hindi na lang ako sumabat tapos binilisan ko yung paglalakad ko para maabutan ko
siya. Akala mo kabayo siya na nakikipag karera. Paano kaya natitiis ng mga babae na
maglakad sa matataas na heels? Hirap talaga nila intindihin.

May project kami na kaylangan namin mag alaga ng isang klaseng hayop. Kaylangan
mapalaki namin yon ng maganda tska maayos. By two's yuny grouping at sa kamalas
malasan si Tammy yung naging partner ko.

Nakadating kami sa isang pet shop. Nakakita agad ako ng hamster kaya lumapit agad
ako don. Ang cute nila tignan kaya mas maganda siguro kung eto na lang yung alagaan
namin.
"I don't like rats." biglang singit ni Tammy.

"Hindi sila daga, hamsters sila."

"Pareho din yon eh, basta ayoko sakanila." nagtaray na naman siya tapos nag walk
out. Hindi ko alam kung ano nang gagawin ko kay Tammy. Siguro kung ako pa din yung
dating Jayshin, hindi ako nag titiis ng ganito sakanya at for sure nilayasan ko na
siya.

"Hi kuya!" bati sakin nung isang babae sa shop, bale apat silang nakapalibot sakin.
"Pwede bang malaman yung pangalan mo?" isa pala siya sa mga babaeng nabihag nang
kagwapuhan ko.

"I'm Jayshin."

"Ang gwapo mo naman kuya." sabi nung kasama niya.

"Kuya Jayshin, pwede bang malaman yung number mo?" sabi din nung isa pang babae.
Ang gwapo ko talaga.

Magsasalita na sana ako kaso bigla namang may humila sa braso ko.

"Excuse me? May problema ba kayo sa boyfriend ko?" napatingin ako nang mabuti kay
Tammy. Tama ba yung narinig ko? tinawag niya akong boyfriend? "What? Are you
flirting with my boyfriend?" yung kilay niya aabot na ata sa mars sa taas.

"Ah wala po."

Mukhang natakot yung mga babae sakanya kaya kumaripas sila ng takbo palayo samin.
Grabe, nakakatakot din pala mag taray 'to si Tammy.

"Ano pang tinatayo mo dyan? May nakita akong rabbit don, ang cute kaya ayon na lang
kunin natin." tumalikod siya sakin pero bago pa man siya makalayo hinawakan ko siya
sa braso niya pagkatapos hinarap ko siya sakin. "Anong problema mo?"
"Anong sinabi mo ha, Tammy?" natawa siya bigla.

"Gwapo ka sana kaso bingi ka." inalis niya yung kamay ko sa braso niya. "Sinabi
kong boyfriend kita, may problema ba?" tinignan niya ako na parang wala lang yung
sinabi niya.

"At bakit mo naman sinabi yon? tinakot mo yung mga babae kanina." sinamaan niya ako
ng tingin.

"So ano? gusto mong pinagkakaguluhan ka ng mga babae na yon ha?"

"Hindi naman sa ganon. Hindi naman kasi kita girlfriend eh." nagulat ata siya sa
sinabi ko.

"Wag mo nang ipamukha na hindi mo ako girlfriend kasi aware ako don." parang
biglang lumungkot yung mukha niya. "Kaya ko lang ginawa yon para lubayan ka nung
mga babaeng yon. Kanina pa kasi kita tinatawag pero parang hindi mo ako naririnig."
malungkot nga siya. May nasabi ba akong masama? "Bilhin mo yung gusto mong bilhin
tapos umuwi na tayo."

Naglakad siya palabas ng shop. Nakatayo lang ako dito at hindi ko alak kung anong
gagawin ko. Kung may nasabi man akong hindi maganda, bakit hindi niya sabihin
sakin? Hindi naman ako manghuhula para malaman kung anong problema niya.

Tinignan ko yung hamster na gusto kong bilhin pero naisip ko si Tammy. Pumunta ako
dun sa rabbit na gusto niya tapos ayun yung kinuha ko para bilhin.

Nung nakuha ko na yung dalawang maliit na rabbit lumapit ako kay Tammy.

"Yung rabbit na yung binili ko."

"Okay, umuwi na tayo." akala ko pa naman matutuwa siya kasi mas pinili ko yung
gusto niya kesa sa gusto ko. Sumasakit ulo ko kay Tammy. "Pero sige, mukhang gutom
ka na kaya kumain muna tayo." ngayon nag iba na naman yung aura niya.

Ang gulo ng mga babae.


Nauna siyang naglakad. Mamaya kapag pinangunahan ko siya magbago na naman yung mood
niya.

Huminto kami sa shawarma house.

"Ayaw mo nang may sibuyas tapos gusto mo madaming hot sauce?" napangiti ako.

"Oo, ayon nga." medyo ngumingiti na siya sakin.

"Sige hintayin mo ako dyan, ako na order."

Nakakatuwa lang na alam na alam pa din ni Tammy yung gusto ko sa isang shawarma.
Nung mga bata pa kasi kami mahilig kami kumain ng shawarma. Palagi akong aayain ni
Tammy na kumain ng shawarma para lang makasama niya ako dati, kahinaan ko kasi yung
shawarma eh. Ganon pa siya ka obsessed sakin. Kaya nga lang na nagbago na lahat.

Napansin kong palagi na lang akong naghihintay sakanya. Ano ba kasing nangyayari
sakin? Hindi ako 'to eh. Hindi ako yung tipong maghihintay para lang sa isang tao.

Habang pinagmamasdan ko siyang bumibili sa counter hindi ko mapigilan na mapatingin


sakanya ng matagal. Gumanda nga talaga si Tammy. Teka nga lang, bakit ko ba nasabi
yon? Nagagandahan na ba talaga ako kay Tammy? Alam kong sinabi ko na parang gusto
ko ka siya pero ang alam ko nabigla lang ako sa sinabi ko.

"Oh, eto na." nilapag niya sa harap namin yung dalawang malaking shawarma.

Kinuha niya yung sakanya tapos kinuha ko din yung sakin. Kung ganito palagi si
Tammy, magkakasundo kami eh.

"Tammy, pwede ba ganyan ka na lang palagi? I mean maging mabait ka na lang palagi
mas okay sayo."

Tinignan lang niya ako tapos kumain siya. Dinedma ako? grabe siya. Dapat pala hindi
ko na siya binati.
"Alam kong nasanay kang hinahabol habol kita pero ngayong wala na akong pakialam
sayo, anong pakiramdam?"

Natigilan ako sa pagkain ko. May galit ba talaga siya sakin? Ganon ba ako kasama
sakanya noon?

"Look Tammy, I'm sorry. Sorry sa lahat nang nagawa ko." lumayo siya ng tingin sakin
pagkatapos kumain lang siya.

"Sana nga ganon na lang kadaling gamotin ng salitang sorry yung sakit na
nararamdaman ko ngayon kaso hindi eh, masakit pa din."

Pareho kaming natigilan. Ramdan kong sobrang nasaktan si Tammy sa mga nagawa ko
non. Tama siya, hindi sapat yung sorry ko.

"Tapos na ako kumain, tara na."

Tumayo agad si Tammy kahit na hindi pa niya nauubos lahat ng kinakain niya.
Pagkatalikod niya sakin may nakita akong mantsya sa pantalon niya. Tumayo agad ako
pagkatapos tumakbo ako papunta sa likod niya tapos niyakap ko siya mula sa likod.

"A-anong gi-ginagawa mo?"

"May stain ka sa likod kaya wag kang makulit. Kunin mo 'tong jacket ko tapos
pumunta ka sa cr." hinubad ko yung jacket ko habang nasa likod niya ako pagkatapos
binigay ko yon sakanya. "Hihintayin na lang kita sa shop ni noona." pagkasabi ko
non umalis na agad ako. Baka kasi mailang siya bigla.

Naghintay lang ako sakanya sa labas ng shop ni noona. Naisip ko tuloy, kaya siguro
malakas yung mood swings ni Tammy dahil don. Now, that explains everything.

Napatingin ako sa loob ng shop noona. Tinignan kong mabuti kung sino yung nakita
ko. Hindi ako pwedeng magkamali, si Tiffany noona yon at teka, si Troy hyung ba
yon? Hindi pala, si Travis hyung pala yon. Bakit silang dalawa yung magkasama?
Umalis saglit si Travis hyung tapos nakita ako ni Tiffany noona kaya lumapit siya
sakin.

"Jayshin!"

"Hi noona, anong ginagawa mo dito?" bigla siyang sumimangot. "Oh, bakit?"

"Dapat kasi mag shopping kami ni Troy kaso busy daw siya sa business nila kaya ayon
mag isa na lang akong pumunta dito. Nakasalubong ko si Travis sa daan kaya
sinamahan na niya ako." mukhang wala na talagang time si hyung kay noona. "Ikaw
anong ginagawa mo? Sinong kasama mo?"

Magsasalita sana ako kaso bigla naman sumabat si Tammy. "Ako yung kasama niya, may
problema ba? at ikaw bakit si Kuya Travis yung kasama mo at hindi si Kuya Troy? 'di
ba si kuya Troy yung boyfriend mo?"

Parehong nanlaki yung mata namin ni Tiffany noona sa sinabi ni Tammy. Kahit kelan
talaga walang preno yung katarayan niya.

"Ah Tammy kasi.." hindi ko na pinatapos si noona ng sasabihin niya.

"Tammy, wag ka nang makialam sakanila." sinamaan ako ng tingin ni Tammy.

"Whatever, umuwi na lang tayo." nung nakaalis na siya, humarap ako kay noona tapos
nag bow ako.

"Pasensya ka na noona, PMS kasi siya eh."

"Okay lang Jayshin, naiintindihan ko." ngumiti siya sakin tapos nag bow ulit ako
sakanya at umalis na ako.

Hinabol ko si Tammy sa parking lot. Nakasandal na siya sa kotse ko at ang sama agad
ng tingin niya sakin.

"Unlock the door."


Napabuntong hininga na lang ako. Kinuha ko yung car key pagkatapos binuksan ko yung
pinto para sakanya. Pumasok siya agad sa loob kaya pumasok na din ako sa loob.

Mag seat belt siya pagkatapos pinikit niya yung mga mata niya. Mukhang ayaw niyang
makipag usap sakin.

Hindi ko na pinilit yung sarili ko na kausapin siya. Pinaandar ko na lang yung


kotse ko. Habang nag mamaneho ako, napapatingin ako kay Tammy. Tulog na siya,
mukhang napagod ata siya.

Nung nakadating na kami sa bahay nila, hindi pa din siya nagigising. Hindi ko muna
siya ginising kasi gusto ko lang siyang pagmasdan habang natutulog siya. Ang amo ng
mukha niya, akala mo napakabait niya pero pagka gising siya napakamaldita niya.

"Para kang abstract painting na kahit hindi ko maintndihan ang sarap pa din
tignan."

Nakatingin pa din ako sakanya, nagulat na lang ako kasi bigla na lang niyang
minulat yung mata niya kaya nakita niyang nakatingin ako sakanya. Nagulat ata siya
kaya hindi siya mapakali at parang namumula pa ata siya. Inalis niya agad yung seat
belt pagkatapos kinuha niya yung Rabbit na binili namin.

"Una na ko, thanks." lumabas na siya ng kotse ko. Lumabas ako para makita ko siya.

"Good night, Tamara."

Hindi man lang siya lumingon sakin. Bigla akong nalungkot kaya naisipan ko na
pumasok na sa loob pero bago ko pa man nagawa yon, sumigaw si Tammy.

"Ingat, Jayshin! Mamahalin mo pa ko kaya mag ingat ka!" bigla na lang siyang
tumakbo papasok ng bahay nila.

Habang nasa sasakyan ako hindi ko napigilan na mapangiti. Ang gulo naming dalawa,
it's so fvcking complicated.
Nag drive na ako pauwi.

Nadaan ko na naman yung bahay nila Candice noona. Akala ko andon na naman si Anne
pero sa nakita ko, ibang tao na siya. Huminto ako pagkatapos tinignan kong mabuti
kung sino yon at parang kilala ko siya.

Damn, kilala ko siya.

Anong ginagawa ni Menchie sa bahay nila noona? at para bang may inaabangan din siya
katulad nung Anne.

Bababa na sana ako sa kotse ko pero bigla na lang may huminto na motor sa harap
niya. Isang lalaking naka helmet tapos nakasuot ng shirt na may design na Mickey
Mouse yung nag mamaneho ng motor. Hindi ko makilala kung sino siya pero mukhang
kasing eded siya nila Jeydon hyung. Nagulat ako kasi sumakay sa likod ng motor niya
si Menchie.

Nalilito ako. Bakit sila nasa labas ng bahay nila noona? Ano bang meron? at bakit
si Menchie din? Hindi ko na maintindihan yung mga nangyayari. Maybe I should just
talk to Menchie tomorrow.

Sumasakit na yung ulo ko kaya nagmadali na akong umuwi.

Pagkapark ko ng kotse ko. Pumasok agad ako sa loob ng mansion.

Habang papunta ako sa kwarto ko, nadaanan ko yung office ni dad. Narinig ko agad
yung malakas na boses ni Jeydon hyung.

"Ano pa bang gusto niyo dad?! nakuha mo na naman yung gusto mo 'di ba? don't tell
me na hindi ka pa masaya don?"

Naglakad na ako palayo at papunta sa kwarto ko. Hindi na kaya ng utak ko kung may
malalaman na naman ako.

Humiga agad ako sa malambot kong kama. I badly need a rest. Pagod na ako, mentally
and physically.
Bago ako makatulog, naisip ko si Tammy.

Why I'm acting like this for her? Hindi ako ganito ka goos boy pero pagdating
sakanya nagbabago ako. Ang weird pa, kapag kasama ko siya, kaya kong maging ako.

It's so damn confusing.

I close my eyes and let myself fall asleep. Alam ko naman na malapit na masagot
lahat ng tanong namin.

Malapit na..

Itutuloy..

---

Sa lahat ng nagtatanong, I will post Jeydon's POV 03.23.14 <3

Keep updated on TFBBAM official page -> www.facebook.com/FourBadBoysAndMe


####################################
25: Here comes trouble
####################################

25: Here comes trouble

Candice Pov

Pinatong ko lang sa lamesa yung ulo ko habang nakatingin sa screen ng cellphone ko.
Hinihintay ko yung text sakin ni Lucas. Kada oras naman nag tetext siya pero ngayon
mag apat na oras na pero wala man lang siyang kahit na anong text.

"Miss mo na?" nakangising sabi sakin ni Stacey. Nag buntong hininga na lang ako
habang nakatingin pa din ako sa screen ng cellphone ko.

"Yeah, I miss him." so badly.

"Hindi naman nakakabawas ng ganda kung ikaw yung unang magtetext." nakataas yung
kilay niya habang sinasabi niya yon pero nakangisi pa din siya sakin.

"Ayoko lang siyang istorbohin baka kasi busy siya don eh. Hihintayin ko na lang
yung text niya sakin." I said while pouting my lips. Ang nakakatawa lang biglang
dumaan si Jeydon at Kim. Para siyang unggoy na kapit na kapit kay Jeydon.

Napahinto bigla si Kim sa harap namin. Akala ko magsasalita siya pero tinignan niya
lang ako pagkatapos inirapan niya ko.

"Aba!" react agad ni Stacey pero bago pa man siya makatayo pinigilan ko na siya.
"Bee bitawan mo ko, susundan ko yon tapos sasabunutan ko siya."

"I have a better idea." nakangiti kong sabi kay Stacey. "Ang maganda, hindi yan ang
unang nakikipag away. Mag mumukha ka lang kasing cheap non." that's Candice beauty
tip 101. "Dapat siya yung unang lalapit sayo at dun ka lang mag rereact. Tawag don,
self defense. Mas magandang pakinggan kesa sa war freak di ba?" tumayo ako
pagkatapos hinila ko si Stacey don sa table sa harap nila Jeydon at Kim.

Hinarap ko talaga si Kim. Tinignan ko siya ng mata sa mata pagkatapos nginitian ko


siya ng sobrang lapad. Oo, inaasar ko siya sa ngiti ko. Knowing her, susugurin niya
ko.

Hindi naman ako nagkamali, tumayo siya at naglakad siya papunta sa harap ng lamesa
namin pagkatapos nagsalita siya habang tinatarayan niya ko.

"Iniinis mo ba ko?" tinignan ko siya. Syempre hindi ako nagpatalo sakanya at


tinarayan ko din siya. Mas maganda ako kaya may mas karapatan ako na mag inarte.
"Hindi ka ba naturuan ng mga magulang mo na kapag tinatanong ka dapat sumagot ka,
manners ang tawag don." nag pantig yung tenga ko nung dinamay niya yung magulang
ko.
"Malay mo ba sa salitang manners, eh wala ka nga non." nakatingin lang ako sakanya
habang naka ngisi ako.

"I'm sorry but I think I'm more well educated girl compared to you." aba,
englisera.

"Ah ganon ba kaya pala nang agaw ka ng may boyfriend ng may boyfriend. Okay sige
mas edukada ka na pero isa lang masasabi ko," lumapit ako sakanya, sa harap ng
mukha niya. "I'm too classy to deal with your trashy attitude and too high to get
down on your standards."

Sa totoo lang gusto ko na siyang sabunutan ngayon dahil sa pagdamay niya sa


magulang ko pero kinakalma ko lang yung sarili ko. Ang maganda dapat may maganda pa
din kahit naiinis na.

"Babe, what's happening?" biglang singit ni Jeydon mula sa likod.

"Babe eto kasing ex-girlfriend mo, inaaway ako." wow ha. Wow na lang masasabi ko
sakanya. "I think bitter pa din siya because of your break-up." nagpapaawa effect
siya kay Jeydon pero kapag titignan niya ako nakangisi naman siya. "She even
slapped me."

"Ganyan ka na ba desperada Candice? Hindi kasalanan ni Kim na siya yung pinili ko


at hindi ikaw."

Right at that moment gusto kong sampalin si Jeydon. Ayokong lokohin yung sarili ko,
oo nasaktan ako. Nasaktan ko hindi dahil mahal ko pa din si Jeydon, nasaktan ako
kasi kung kausapin niya ako nang ganon parang hindi ako naging parte ng buhay niya.
Nagawa niya talagang sabihin yun sakin? Ganon na ba siya katanga para maniwala kay
Kim?

"Kung may problema ka sa girlfriend ko, ako yung harapin mo. Naiintindihan mo ba?"
pareho kaming nakatingin sa mata ng isa't isa.

Naiinis ako, nagagalit ako sa hindi ko maipaliwanag na dahilan.

"Unang una hindi ko sinampal yang girlfriend mo dahil kung ginawa ko nga yon baka
umiiyak na siya ngayon sa sakit ng sampal ko." sinaman ko ng tingin si Kim para
ipamukha sakanya kung sinong kinakabangga niya. "Pangalawa, yang girlfriend mo yung
may problema sakin at hindi ako. Hindi pa ba sapat yung pinapakita mong pag mamahal
sakanya Jeydon? takot na takot kasi siyang maagaw kita sakanya." tinaasan ko ng
kilay si Jeydon habang nakangiti ako. "At panghuli, hindi ako desperada dahil kung
ganon ako sana hanggang ngayon nag hahabol pa din ako eh wala na naman akong
pakialam sa inyong dalawa eh. Naiintindihan niyo?"

Tinignan ko silang dalawa habang nakangiti pa din ako. Hindi niyo kilala kung
sinong binabangga niyo. Hindi na ako yung dating Candice. Hindi ko na hahayaan na
magpaapi pa sa kahit na sino.

Kinuha ko yung gamit ko tska kami umalis dun ni Stacey.

I win bitch, I win.

"Winner ka don bee! nganga yung dalawa sa sinabi mo, wala akong masabi." I know
right.

"Well, I'm just stating a fact."

"We know right." tawa ng tawa si Stacey. Natatawa siguro siya sa itsura ng dalawa
kanina. "I have to go na, see you later."

Umalis siya ng hindi pa din natitigil sa pagtawa. Ganon ba talaga nakakatawa yung
itsura nila Jeydon at Kim? sayang hindi ko masyadong nakita.

"Excuse me!"

Napalingon ako sa sumigaw iiwas sana ako pero it's too late. Nagkabanggan kaming
dalawa at nahulog ko yung mga gamit niya.

"Sorry, hindi ko sinasadya." banggit ni Anne habang pinupulot niya yung gamit niya.
Isa siya sa powerpuff girls kaya alam kong hindi maganda yung ugali niya kaya
nagulat akong marinig sakanya yung salitang sorry.

Tinulungan ko siyang pulutin yung mga gamit niya. Pinulot ko muna yung name plate
niya. 'Marianne Bernales' BS Pharmacy. Ayan pala yung totoo niyang pangalan, napaka
pamilyar sakin ng pangalan at apelyido niya. May nakita din akong isang picture,
siya ata yung nasa picture tska isang babae na sobrang pamilyar din sakin ng mukha.
Hindi ko lang talaga sigurado kasi batapa sila sa litrato na 'to.

"Akin na yan!" muntik na akong mapatalon sa ginawa niya. Akala ko may isang
malaking sikreto siyang tinatago sa gamit niya.

"Sorry, hindi ko sinasadyang makita."

Napatingin kami sa mata ng isa't-isa. Matagal din kaming nagkatinginan pero siya
yung unang umiwas. Mabilis siyang naglakad siya palayo sakin.

Natigilan ako nung na realize ko na hawig niya si Margot. Pati yung babae sa
picture mukhang si Margot. Isa pa, Bernales din pala yung apelyido ni Margot.
Posible bang magkapatid silang dalawa? Nasan na kaya si Margot? Nasa mental
hospital pa din kaya siya?

Bumalik ako sa sarili ko nung nang tumunog yung bell.

Pumunta agad ako sa room ko. Pagpasok ko pa lang nakita ko na si Troy sa likod.
Lumapit agad ako sakanya.

"Hi Candice!" nakangiti agad siya sakin. "Ngayon ko lang nabalitaan yung nangyari,
nakulong ka daw sa gym kasama si Jeydon. May ginawa ba siyang masama sayo?"
natulala ako bigla dahil naalala ko na naman yung mga nangyari samin ni Jeydon sa
gym. "Candice, ano meron ba? sabihin mo lang sakin, uupakan ko siya."

"Wala Troy, wala. Isa pa hindi ko naman hahayaan na may gawin siya saking masama."

Speaking of, dumating bigla si Jeydon. Umupo siya sa tabi ko. Blanko pa din yung
expression ng mukha niya.

Tahimik lang kaming tatlo. Dumating yung professor namin at yung project agad yung
binungad niya samin.

"Next week lahat ng graduating student may University tour and the destination is
Korea. Naisip ko na doon na lang din gawin yung project niyo. Pupunta kayo by group
sa isang historical place doon at dun kayo gagawa ng isang study na pwede niyong
gamitin sa thesis niyo next semester. We already excuse all of you sa mga subject
na matatamaan ng tour na yon."

"Psh, parang ayoko yung idea na yon." reklamo ni Troy.

Kung siya ayaw niya, ako gusto ko. Excited akong bumalik sa Korea. Ilang bwan pa
lang akong wala don pero hinahanap hanap ko siya.

After sabihin ng professor namin yung about sa project na turo na ulit siya. Bulong
ng bulong naman sa gilid ko si Troy. Mukhang ayaw niya talaga yung University tour.

"Okey class, you may go."

Tumayo agad si Jeydon at umalis.

"Alam mo kung ano pa yung isang dahilan kung bakit ayoko sa tour na yan? Yung
katotohanang ka group natin yung magaling mong ex-boyfriend at makakasama natin
siya." pagmamaktol ni Troy.

"Wag kang mag paapekto sakanya, hayaan mong siya yung maapektuhan dahil sayo."

"Iniintindi lang kita."

"Ako? bakit naman?" kinuha namin pareho yung gamit namin tapos umalis na kami ng
room.

"Baka kasi mailang ka o kaya hindi ka maging komportble." nakita ko sa mata ni Troy
yung pag-aalala pero ngitian ko siya.

"Troy I'm fine. I'm not affected by his presence. Let's just enjoy that tour,
arasso?" nakita ko din siyang ngumiti.

"Fine pero kaylangan mo kaming turuan ni Tiffany mag hangul."


"Fine sige basta mag enjoy ka lang don, kayo ni Tiffany."

"Speaking of, kaylangan ko nang umalis. Ang dami ko nang atraso kay Tiffany kaya
babawi ako ngayon sakanya."

"Okay, goodluck!" nagmadali na siyang umalis. Mukha ngang madami na talaga siyang
atraso kay Tiffany

Naglakad na ako papunta sa room nila Stacey. Nakita ko naman agad siya sa labas ng
room nila. Naglakad kami pareho papuntang parking lot pero napahinto si Stacey sa
isang kumpulan sa may lobby. Naki usyoso siya don at ako nakatayo lang malayo
sakanila at hinihintay siya.

"Bee!" hinila niya ako palapit don sa isang table na puno ng mga studyante.
"Tumakbo kang Stundent President!" natawa ako bigla. Wala akong hilig sa mga
ganyan.

"No way. Aksaya lang sa oras ko. Tara na."

"Ganon? Sayang." hinila ko siya paalis don. "Kasali din pala don yung Kim, mananalo
kaya siya?"

Natigilan ako bigla. "Anong sabi mo?"

"Running for Student President si Kim."

"Paano ba sumali dyan?" nanlaki yung mata ni Stacey sakin. "What? Sasali na nga ako
eh."

"Akala ko ayaw mo? o baka dahil kasali si Kim?"

"Gusto ko lang siyang labanan sa lahat ng bagay kasi gusto kong makita niya na ako
yung panalo saming dalawa." this is my revenge, Kim.
"I like it!" hinila niya ulit ako pabalik don.

Nagpalista ako don. Ayokong manalo si Kim, isa pa hindi siya karapat dapat sa
pwestong yon. Tignan lang natin kung sinong mananalo saming dalawa. Ayoko naman mag
pakampante na ako na yung mananalo, alam ko malaki din yung laban ni Kim kaya dapat
ko talagang paghandaan 'to.

"Candice?!" boses ni Kim.

Napatingin kaming dalawa ni Stacey sakanya.

"Sumali ka din?!" Lumapit siya sa harap ko pagkatapos tinarayan niya ko. "Gusto mo
talagang kinakalaban ako noh? Ano bang gusto mo?" sobrang sama ng tingin niya
sakin. "Kahit anong gawin mo mas angat ako sayo."

"Pwede bang tanggapin mo na lang na mas angat ko sayo? Parang awa mo na. Nasasaktan
ka lang kasi tuwing ikinukumpara ang sarili mo sakin." tinarayan ko din siya pero
nakangiti pa din ako. Showing I'm not affected.

Kahit galit ka na at gustong gusto mo na siyang sabunutan, ngumiti ka lang para


ipakitang hindi ka apektado sakanya. Candice beauty tip 101.

"Mas angat ka? Saan banda? Kahit anong gawin mo hindi mo ako matatalo. Kay Jeydon
pa nga lang natalo ka na di ba?" gusto ko na talaga siyang sampalin pero kinalma ko
lang yung sarili ko. Hindi ba siya matatapos sa issue namin ni Jeydon?

"Ako, hindi ko kaylangan mang agaw ng boyfriend dahil ako yung nilalapitan, hindi
ako yung lumalapit. Tingin mo ba sinong talo sating dalawa?"

"Wala akong pakialam kung paano ko siya nakuha, basta sakin na si Jeydon. Akin siya
at hindi mo na siya makukuha."

"Walang umaagaw sayo kay Jeydon, sayong sayo na siya. At wag kang mag alala, wala
akong balak kunin pa ulit si Jeydon sayo. Kawawa ka naman kasi para kang mauubusan
ka nang lalaki."
Nginitian ko siya, ako lang naawa sakanya. Gusto ko nang umalis kasi masyado na
siyang napapahiya. Baka next time kaya na niyang sumagot sakin.

"Eto tandaan mo Kim, sa laban nating 'to ako yung mananalo."

Itutuloy...

---

Next Update sa Saturday. Sa lahat ng nag msg sakin, hindi ko pa siya ma replyan
ngayon sobrang busy ko lang this week, sagutan ko siya kapag may time :)
####################################
26: Hello Korea
####################################

26: Hello Korea

Candice Pov

"Ingat ka don manang." inabot niya sakin yung bag ko. Mukhang mabigat pa ata yung
loob ni Kuya Charles sa pag alis ko. "Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit
kaylangan makasama mo pa si Jeydon don?"

Tinaasan ko siya ng kilay. "What's wrong with that?"

"Anong what's wrong? So gusto mong makasama si Jeydon?" hindi ko makita kung ano
yung big deal don.

"Ayoko siyang makasama but I don't really care." ngumiti ako. "We are just
strangers, strangers with memory."
"Hindi na ako makikipagtalo baka mahuli ka pa sa flight mo. Tumawag ka samin kapag
nandon ka na." bakit ganon? hindi pa din maalis kay kuya yung bigat ng loob. I know
that is not about me anymore.

"Kuya, okay lang ba kayo ni Ate Serina?" biglang nag iba yung expression ng mukha
niya. Bigla siyang lumugkot. "Just by looking at your face, it seems hindi kayo
okay." nag nod lang siya. Naaawa ako sa kuya ko.

"Wag ako yung isipin mo. Isipin mo yung sarili mo." ginulo niya yung buhok ko.
"Magiging okay din ang lahat."

"Alright then, bye kuya."

"Tawagan mo lang ako kapag may kaylangan ka, pupunta ako don para sayo."

"Yes boss." Niyakap ko muna si Kuya Charles bago ako pumasok sa loob. Pagpasok ko
don andon na silang lahat papasok sa plane, na late kasi ako ng dating.

Hinintay ako nila Stacey sa pinto ng plane.

"Bee, ikaw dapat maging tour guide namin don dahil kabisado mo na yung Namsan
city."

"Sige akong bahala sa inyo."

Kinindatan ko sila kaya natawa silang lahat. Tinawag na kami ng flight attendant
kaya pumasok na kami sa loob.

Doon kami sa by threes na upuan. Kami ni Stacey at Blake yung magkatabi sa upuan.
Si Troy, Tiffany at Juan Paulo naman sa isa. Si Ginno, hindi nakasama kasi mas
ginusto niyang ipasyal si Ginny sa Tagaytay kaysa pumunta sa Korea.

"Excited na ulit akong bumalik ng Korea, Candice my loves." bulong sakin ni Blake.
Nasa gitna namin siya ni Stacey. "Ang dami nating memories don." napatingin ako sa
kanya pero nalipat agad yung tingin ko sa dumaan.
Si Kim at Jeydon.

Tinignan ako ng masama ni Kim, ano pa bang bago? Kung nakakamatay lang ang tingin
malamang matagal na akong pinaglalamayan. Sabagay, hanggang tingin lang naman siya
eh. Wala naman siyang masabing maganda kapag magkaharap kami. Minsan ako na lang
naawa sakanya, hindi niya kasi ako matapatan.

Sumunod naman sakanila yung powerpuff girls. Si Blossom at Bubbles manang mana kay
Kim, ang dama din ng tingin sakin. Nakakapagtaka lang si Anne, ngumiti siya sakin.
Yung ngiti niya napaka amo. Lately, na weirdohan ako sakanya. Kapatid kaya siya ni
Margot?

Sumunod naman sakanila yung kamukha ni Troy na kuya pala niya. Para silang carbon
copy ni Travis. Napatingin naman ako direksyon ni Stacey at aba, ang Queen bee may
gusto at kay Travis at natulala na sa kakisigan ng kuya ni Troy.

Yung huling dumaan si Marky. Tumigil siya sa harap namin. "Hi Candice!"

"Hi Marky!"

Ngumiti siya sakin pagkatapos naglakad na siya sa harap. Sa grupo ata siya nila
Jeydon sasama. Well, expected ko na naman yon at wala na naman akong issue don.

Kaso si Troy, ang laki ng issue kay Marky. Hindi na nga sila nagpapansinan,
sinasamaan pa niya ng tingin si Marky. Nalulungkot lang ako kapag naiisip at
nakikita ko yon. Kung gaano sila ka close noon, ganon sila kalayo sa isa't isa
ngayon.

Ilang minuto lang, lumipad na yung plane namin.

"Naiisip mo pa din ba si Jeydon minsan?" biglang tanong sakin ni Blake. Si Stacey


nakasuot na ng headset kaya hindi na niya siguro naririnig yung pinaguusapan namin.
"Ang tagal nang pinagsamahan niyo di ba? imposible naman na kahit minsan hindi siya
sumagi sa isip mo." hindi siya nakatigin sakin, doon lang siya sa bintana
nakatingin.
"Oo, minsan naiisip ko pa din siya pero hindi ibig sabihin non mahal ko pa siya."

Nakatingin lang ako sakanya at bigla siyang ngumiti. Nakakapagtaka si Blake, bakit
niya ba tinatanong sakin yung mga bagay tungkol kay Jeydon?

"Nagtataka ka siguro kung bakit ko tinatanong?" tinignan niya na din ako,


nakatingin din naman ako sakanya. Nag nod lang ako. "May naisip lang kasi ako, o
sabihin na natin na may na realize ako."

Hindi ako sanaya na ganito siya, seryoso. "Ano naman yon?"

"Mahal ka pa niya at mahal mo pa siya."

Napatitig ako sakanya pagkatapos natawa ako. Nagpapatawa ba siya? akala ko pa naman
seryoso siya. "Are you kidding me?" ngumiti siya sakin. "Hindi na namin mahal ang
isa't isa, pwede ba?"

"Hindi mo lang kasi kayang tanggapin yung katotohanan kaya ayaw mo siyang
paniwalaan."

"May mga bagay na pinapaniwalaan pero may mga bagay din na dapat pinapakinggan
lang. " umiwas siya ng tingin sakin. "Ano ba talagang gusto mong iparating sa mga
tanong mo na yan?"

"Ayoko lang na lokohin mo yung sarili mo, Candice." pumikit siya habang nakasandal
sa upuan. "Baka sa sobrang pag sisinungaling mo, pati yang sarili mo maloko mo."

Iniwasan ko siya tingin. Sinandal ko yung ulo ko sa upuan habang nakatingin ako sa
langit.

Lokohin yung sarili ko?

Bakit ko naman lolokohin yung sarili ko? Hindi ko na naman talaga mahal si Jeydon
eh. Wala na akong kahit na anong nararamdaman para sakanya. Nagsisimula na din
akong mahalin si Lucas.
"Wag mo na lang isipin yung sinabi ko Candice. Matulog ka na kasi mahaba pa yung
byahe natin."

Kagaya nga ng sinabi ni Blake, pinikit ko yung mga mata ko tska ako natulog..

...

"Bee, gising na!" minulat ko yung mata ko at nakita ko agad si Stacey sa harap ko.
"We're here in Korea!" hindi naman siya excited noh? Akala mo first time makadating
sa Korea.

Inayos ko yung sarili ko pagkatapos tumayo ako at sinundan ko sila Stacey palabas
ng plane. Nasa labas na pala yung grupo nila Jeydon, lahat sila kinuha na yung mga
bag nila. Samantalang kami naman, kukunin pa lang namin yung bag namin.

Nung nakuha na namin lahat ng gamit namin, pumunta kami sa lobby ng Incheon
Airport.

Hell, Korea. I'm back.

"Okay guys! may tatlong bus na nag iintay satin sa harap. Dun tayo sasakay at
dadalhin nila tayo sa Hotel na tutuluyan natin dito" sabi ng professor namin.

Kami yung unang batch ng mga graduating students na pupunta dito sa Korea. Sa dami
namin hinati nila kami by batch.

"Mas maganda dun tayo sa bus na hiwalay sa grupo nila Jeydon." singit ni Troy.
Sumangayon naman kaming lahat sa naisip niya.

Naka hilera na yung mga bus na sasakyan namin. Hinila ko yung bag ko papunta sa bus
na sasakyan namin. Papunta pa lang kami don, narinig ko yung mga schoolmates ko na
nagtitilian at nag bubulungan.

"Ang gwapo niya talaga!"


"Sino kaya hinihintay niya?"

"Ang pogi ni Shawn!"

Shawn daw? Naalala ko tuloy si Lucas.

"Candice, si Shawn nandito." sabi ni Tiffany.

Naglakad agad ako papunta sa likod ng bus na sasakyan namin. Nakita ko nga si Lucas
na naka shades at nakasandal sa sports car niya. Bakit siya nandito? at teka lang,
natingin ba siya sakin?

"Sinundo ka ata bee eh, ikaw na." pangaasar sakin ni Stacey. Bigla pa niyang
kinanta yung commercial ng rejoice. "Haba ng hair, nag rejoice ka ba girl?" sira
talaga.

Tinanggal ni Lucas yung shades niya at nakatingin nga siya sakin. Tinulak naman ako
ni Stacey at Tiffany papalapit sakanya. Eto talagang mag kapatid na 'to.

Nakatayo na ako sa harap ni Lucas. Wow, ang gwapo niya ngayon ha. Napapalunok na
lang ako dito. Para ata akong na star struck bigla kay Lucas.

"Wala ka man lang bang sasabihin sakin?" tanong niya habang nakatingin siya sa mata
ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko, kinakabahan ba ako?

"He-hello?" tumawa siya bigla tapos ginulo niya yung buhok ko.

"I miss you too, Candice." ngayon ko lang na realize na wala palang kwenta yung
sinabi ko. Ano ba kasing nangyayari sakin. I'm acting as I it was my first timw
seeing him. "C'mon."

"Ha? Whe-where?" what the hell? Why am I stuttering?

Tumawa na naman siya. "Sa bahay."


"Sa Bahay niyo? Wae?"

"Gusto ka makita nila Umma. Pinaalam na kita sa mga professors." tumingin ako sa
likod kung nasan yung mga professors ko at aba nag okay sign sila? So pumayag
talaga sila? Napatingin ako kala Troy, nag okay sign din sila sakin. Napansin ko
din na nakatingin din pala samin yung iba naming schoolmates.

"Tara na?" hinawakan niya yung kamay ko tapos may narinig akong mga nagtilian.
Seriously? kinilig sila? Tumingin ako kay Lucas tapos nag nod ako. Pinagbukas niya
ako ng pintuan.

Bago pa man ako makapasok sa loob, napatingin ako sa grupo nila Kim at powerpuff
girls. Ang sama ng tingin nilang apat sakin, haha! but I can feel the jealousy.
Hindi ko din naiwasan na mapatingin kay Jeydon. Nakatingin siya ng masama kay
Lucas, anong problema niya? Nung nakita niya akong nakatingin sakanya bigla siyang
umiwas ng tingin. Hindi ko na lang siya pinansin at pumasok na ako sa loob ng kotse
ni Lucas.

Nung nakapasok na sa loob si Lucas, inalalayan pa niya ako sa pagsuot ng seatbelt.


Gentleman talaga ni Mr. Dela Fuente.

"Mukhang hindi mo ako miss ha?" sabi niya habang pinaandar niya yung kotse. "Hindi
ba ako ganon ka importante sayo para hindi mo man lang ako ma miss?" tinignan ko
siya. Hindi ko masyadong makita yung reaksyon ng mukha niya kasi nakatingin siya sa
harap.

"What are you talking about?" umiwas ako ng tingin sakanya tapos tumingin lang ako
sa gilid ko. "I miss you so damn much."

Hinawakan niya yung kamay ko. "Jinja?"

Bigla niyang hininto yung kotse. Napatingin ako sakanya at nakatingin na din pala
siya sakin. Habang nakatingin ako sa mata ni Lucas, unti unting lumalapit yung
mukha niya sa mukha ko. Bumilis yung tibok ng puso ko at napapalunok na lang ako.
May balak ba siyang halikan ako?

Sa sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't-isa napapikit na lang ako. Akala ko


talaga hahalikan niya ako sa labi ko pero hindi, hinalikan niya lang pala ako sa
noo ko.
"I miss you so damn much too."

Kahit mulat na yung mata ko, ayoko pa din tignan si Lucas dahil pakiramdam ko
nangangamatis na ako dito. Tumawa na lang siya kaya mas lalo lang akong nahiya.
Tumingin na lang ako sa may bintana ng kotse. "Bakit ba tayo huminto Lucas?"

"Bibili lang ako ng cake. Just wait here, I'll be back." pagkalabas na pagkalabas
pa lang niya ng kotse napahinga na ako ng malalim.

Kakaiba na talaga yung nararamdaman ko towards Lucas.

Am I falling in love with him now?

I don't know but I don't want to rush things. Sabi nga ni Kuya Charles, may tamang
panahon para sa lahat ng bagay.

After fifteen minutes bumalik na din si Lucas dala yung cake. And then I realized,
I'm gonna meet his family again. Bigla akong kinabahan.

"Are you okay?" tanong ni Lucas habang nagmamaneho kami. Ganon ba ako ka obvious?
"What's wrong?"

"Matagal ko na kasing hindi nakikita yung pamilya mo kaya kinakabahan ako ngayon."
hinawakan niya yung kamay ko.

"Wag kang kabahan, lahat sila gusto ka."

"Aniyo! how about your Halmoni? she doesn't like me." natawa siya. Naalala din
siguro niya yung katarayan ng lola niya sakin.

"Masungit lang siya but she likes you and I know that. Matulog ka na nga muna kasi
malayo pa yung byahe papunta sa bahay."
"Ne, just wake me up when we're there."

Tinignan niya ako at ngumiti. Kahit na kakagising ko lang sa byahe, nag decide pa
din akong matulog para hindi ako gaanong mag isip.

Siguro inabot kami ng isang oras sa byahe bago kami nakadating sa mansion nila
Lucas. Nag aalangan pa din akong bumaba at pumasok sa loob pero inalalayan naman
ako ni Lucas papasok sa loob.

Unang bumati samin yung mga maid nila. Mas malaki pa ata yung mansion nila kesa sa
mansion nila Jeydon. Dumiretso kami sa family room nila. Pagpasok na pagpasok pa
lang namin, bumungad na agad samin yung buong pamilya ni Lucas.

Yung Umma at Appa niya. Yung nakakabata niyang kapatid na lalaki. At pati yung Lola
niya. Napatingin agad ako sakaniya at napalunok agad ako dahil sa tingin niya
sakin. Silent but deadly.

"Everyone, this is Candice." pakilala ni Lucas sakin.

Lahat sila nakatingin sakin. Lahat sila ang laki na ng pinagbago pero isa lang yung
hindi nagbabago sakanila, yung pagiging seryoso nila. Kaya nga siguro napaka
seryoso din ni Lucas. Mas lalo lang akong kinabahan na parang hindi na ako
makagalawa sa kinakatayuan ko pero buti na lang naisip ko na batiin sila.

"Annyeonghaseyo! Candice imnida." tapos sabay bow sakanilang lahat.

Tumayo yung mama ni Lucas at lumapit siya sakin. Hala bakita ganon? ayaw din niya
ata sakin. Huhu Lucas, sinungaling ka! parang ayaw nilang lahat sakin.

"The last time I saw you, you're just a girl but look at you now Candice, you're
now a lady." Flattered ang lola mo, mukhang gusto naman niya ako. Bigla siyang
ngumiti sakin. Wow ang ganda pala ng mama ni Lucas. "Shawn, I really like her for
you."

"Umma!" natawa yung mama ni Lucas. Hala tumatawa din pala siya? napaka seryoso kasi
niya eh, nilang lahat.
"Hyung are blushing?" singit ni Simon, yung kapatid niya. "Haha! it's the first
time I saw you like that after your relationship with Kim." bigla akong nakaramdam
ng konting pagkainis nung narinig ko yung pangalan ni Kim.

"Yah! Simon don't tease your hyung." singit ng papa ni Lucas. Mukhang hindi na din
seryoso yung mukha niya kasi nakangisi na siya samin. "Candice, I hope Shawn isn't
giving you a hard time."

"Aniyo, he's very kind to me." sabay ngiti. "I'm really thankful about your son."

"Jinja?" tinignan ng papa niya si Lucas, parang bang may gusto siyang sabihin. "So
when will I hear the wedding bells?" bigla akong naubo sa sinabi niya.

"Appa! what are you talking about?" lahat sila nagtawanan. Hala, trip nila kami ni
Lucas.

Looks can be deceiving talaga. Akala ko seryoso silang tao pero ang lakas pala nila
magbiro.

"Candice is not even my girlfriend so please stop teasing us." medyo sumeryoso na
sila.

"She's not your girlfriend but you like her." narinig ko yung boses ng lola niya.
Tumaas mga balahibo ko sa katawan, para siyang si grandma. "I don't think there
would be a reason that she will reject you." ngumiti siya sakin. "Am I right,
Candice?"

"Ah.. ne.." hindi ko alam kung ano bang tamang sasabihin.

"Good." hindi pa din nawawala sakanya yung pagkamasungit niya. "Let's have our
lunch." nilagay niya sa likod niya yung kamay niya.

Mukhang siya ang batas sa bahay na 'to. Lahat sila hindi nakakapagsalita kapag siya
yung nagsasalita.

Pumunta kami sa dinning area ng bahay nila. Sa isang sixteen seater na lamesa kami
umupong lahat. Naka upo sa unahan yung papa ni Lucas, ako naman napapagitnaan ni
Lucas at Simon. Katapat namin yung mama at lola nila.

Ang sarap ng mga pinahanda nilang pagkain muntik ko nang hindi mapigilan yung
sarili ko sa pagkain. Nakakahiya naman kung magiging matakaw ako sa harap nila.

"So Candice, when are you planning to say yes to Shawn?" kinuhanan ako ng tubig ni
Lucas. Bigla na lang akong nabulunan sa sinabi ng mama niya. "Did I say something
wrong?"

"Lara, don't pressure her." tipid na sabi ng lola ni Lucas.

"Forgive my mother, Candice." singit ni Simon. "She just really want you to be my
hyung's girlfriend. You know, Hyung is always telling us, how much he loves you.
And I could tell you, he do loves you to death." nosebleed.

"Hehe, jinja?" tinignan ko si Lucas. "Ano ba kasing mga pinagsasabi mo sakanila?"


bulong ko sakanya.

"I always tell them how much I love you." shet! shet! shet! kinikilig ata ako.
Lucas, why are you doing this to me huh? "I love you Candice." pwede mag walk out?
hindi ko na kaya 'to eh.

"Candice, are you okay?" tanong sakin ng papa ni Lucas. "You're turning red."

"Ah, Ne I'm fine." pinilit kong tumawa para mawala yung pagkapula ng mukha ko.
Humanda ka lang talaga sakin Lucas kapag tayong dalawa na lang, kung ano anong
sinasabi mo.

Inubos lang namin yung pagkain tapos nag decide na si Lucas na ihatid ako sa hotel
na pagtutuluyan namin. Madami din naman kaming napag usapan ng pamilya niya kanina
habang kumakain kami. Hindi naman pala sila ganon ka seryoso at pati si grandma
hindi naman pala ganon ka sungit. Ang kukulit nga nila eh, nosebleed nga lang.
Wahaha!

"I hope you can visit us again Candice." sabi ng mama niya sabay bow sakin. Nag vow
silang lahat sakin at ganon din ako.
"Hyung take care of her, arasso?" Tumingin sakin si Simon. "Noona, if ever you'll
reject my hyung, can I apply as your boyfriend?" binatukan agad siya ni Lucas.

"Candice is mine, Simon."

"I'm just kidding hyung." sabay peace sign. Hindi ko maiwasan na maisip si Jeydon
at Jayshin sa kanilang dalawa. Ganyang ganyan din kasi sila.

"Take care lady and take care of our Shawn." sabi ni grandma.

"Ne, I will." nag bow ulit ako sakanilang lahat. "Kamsahamnida!"

Inalalayan ulit ako ni Lucas papasok sa kotse niya. Woah, that was fun. Ang saya at
ang sarap pala kasama ng pamilya niya. Parang mas lalo ko pang nakilala si Lucas
ngayon.

"How was it? Sabi ko sayo gusto ka nilang lahat eh." kahit hindi ko makita yung
mukha niya dahil nag drive siya, alam ko na masaya siya.

"Oo nga eh, hindi ko inaasahan. Buti naisip mo na dalhin ulit ako sa bahay niyo."
napangiti siya ng malaki.

"Gusto ko kasing makilala nila ng lubos yung taong mahal ko." geez, here's the
sweet side of him again. Nagugulat pa din ako sa mga effort na pinapakita ni Lucas
but nevertheless it makes me like him more.

"Napansin ko lang, bakit Shawn na yung tawag nila sayo? dati naman Lucas din tawag
nila sayo."

"Pinagbawalan ko silang tawagin akong Lucas." napataas ako ng kilay.

"Wae?"

"Gusto ko kasi ikaw lang yung tumatawag sakin na Lucas."


Natigilan ako bigla. I hate myself for thinking Jeydon now, ayaw din kasi niyang
tinatawag na Jaydee ng iba. Why can he just fvcking get away from my head?

"What's wrong?"

"Nothing, that's just so sweet of you." hinawakan ni Lucas yung kamay ko.

"Hindi man ako sweet na tao pero para sayo magiging sweet ako, mas sweet pa sa
asukal." napangiti ako. Wala na akong kahit na anong mahihiling pa kay Lucas.

Lucas is the perfect boyfriend but why do I feel this way?

"Thank you Lucas, I hope one day I could love you in return."

"Hindi mo na kaylangang mahalin pa ko. Sapat na yung nasa tabi mo ko para mahalin
ka." I shook my head.

"Ang pag-ibig hindi binabayaran, pero sinusuklian." hinawakan ko ng mahigpit yung


kamay niya "I will love you in the right time and in the right place."

"Kagaya ng sinabi ko, maghihintay ako kahit gaano katagal."

I smiled at him and let myself rest.

Lucas, I think I'm already falling in love with you.

---

Jeydon's point of view.


"Wag na wag kang gagawa ng kahit na ano." sobrang sama ng tingin niya sakin. Gusto
niya ata akong suntukin pero nagpipigil siya. "Kung hindi lang nag kasakit si dad,
hindi ako aalis at hindi ko iiwan mag isa sayo si Candice." hindi ko siya balak
sagutin. Nakatingin lang ako sakanya habang siya gusto na niya akong suntukin.

"Troy, umalis na tayo." tawag sakanya ni Travis.

Tinginan niya ulit ako ng masama pagkatapos hinarap niya si Tiffany. "Boo, I'm
sorry if I will go now. Ikaw na lang mag explain kay Candice ng sitwasyon ko."

"Don't worry boo, ako nang bahala at sigurado naman ako na maiintindihan ka niya."
niyakap niya si Troy. "Ingat ka, I love you."

Hinatid ni Tiffany si Troy at Travis sa labas ng hotel. Lumabas din ako para mag
yosi dahil naiinis ako. Naiinis ako dahil alam kong magkasama sila ngayon. Ang
sakit lang.

Unti unti din naman nawawala yung pagkainis ko dahil sa katotohanang buong araw ko
siyang makakasama, na kaming dalawa lang.

Maaring iyon na ang huling araw na pwede ko siyang makasama. Siguro, susulitin ko
na yung araw na yon. Ang araw na makakasama ko ulit yung babaeng pinakamamahal ko.

Candice, mahal ko.

Itutuloy..

---

Hi BAMERS!! mag ingay! may POV si Jeydon dito!! haha.

I will post Jeydon's full point of view on 03.23.14! Make sure you're online :) May
games kami sa FB at twitter non. :P
Anyway, this chapter is dedicated to Stacey's OP. I hope you'll stay as Stacey's
OP. I love you Queen Bee.

####################################
27: Jeydon's reason
####################################

27: Jeydon's reason

Jeydon's point of view.

[Now playing: Miracles on December - EXO]

Nakatingin na naman ako sa litrato naming dalawa. Nakangiti siya sa camera tapos
ako, yakap yakap ko siya mula sa likod. Masaya pa kami dito, masayang masaya. Mahal
na mahal pa namin yung isa't sa. Yung siya yung mundo ko at ako naman yung mundo
niya.

"Ang sarap balikan ng mga alaala na meron kami dati, nakakalungkot lang na hanggang
alaala na lang yon ngayon."

"Sinasaktan mo lang yung sarili mo Jeydon. Hindi na siya babalik sayo, hindi na."
ramdam ko sa tono ng boses niya ang pagkainis.

Naiinis na naman siya sakin kasi iniisip niya na nagpapakatanga na naman ako.

"Alam ko, alam kong hindi na siya babalik pa." nilapag ko patalikod yung litrato
naming dalawa ni Candice. Masarap man balikan yung mga alaala namin dati. "Buti pa
yung alaala bumabalik pero yung taong mahal mo, hindi na."

"Siguro hindi lang talaga kayo para sa isa't isa." lumapit siya sakin pagkatapos
hinawakan niya yung kamay ko. "You're not meant for each other."

"Siguro nga, bagay lang kami pero hindi kami meant to be." tumayo ako pagkatapos
humarap ako sa may bintana. Pinag masdan ko yung papaangat na araw.
"Can you not go there, Jeydon?"

"Pagbigyan mo na ako ngayon Kim. Ito na lang ulit yung araw na makakasama ko siya
at baka ito na din kasi yung huli." natahimik kaming dalawa at maya maya lang,
narinig ko na namang umiyak si Kim. Hinarap ko siya at tama ako, umiiyak nga siya.

"Mag enjoy ka don ha, gusto kong maging masaya ka."

Lumapit ako sakanya at pinahid ko yung mga luha niya. Hindi ko man siya mahal pero
ayoko siyang nakikitang nasasaktan nang dahil sakin.

"Alam ko naman na magiging masaya ka don, sakanya. Kaya masaya na din ako." hindi
siya tumigil sa pag iyak niya.

Hinila ko siya palapit sakin at niyakap ko siya. Eto na lang yung kaya kong gawin
para sakanya ngayon. "Salamat at naiintindihan mo ako."

"Lahat naman kaya kong gawin para sayo dahil ganon kita ka mahal, yun nga lang
hindi mo yon kayang gawin para sakin." ramdam ko yung sakit na nararamdaman niya sa
tono palang ng boses niya. "Mahal kita pero may mahal kang iba."

"Kim, Mianhe.. mianhe." lumayo siya agad sakin at tumalikod.

"Sana dumating yung araw na kaya mo ulit akong mahalin."

Natulala na lang ako sa kinakatayuan ko. Gustohin ko mang mahalin siya, hindi ko
magawa. Ayoko man siyang saktan, hindi ko maiwasan. Nakaramdam na lang ako nang
galit, galit sa sarili ko.

Ang tanga tanga ko para saktan yung dalawang tao minahal at minamahal ako ng sobra.

"Jeydon, wag mo nang gawing komplikado ang lahat." nakita ko si Marky na nakatayo
sa may pintuan at nakatingin siya sakin. "Mahal mo si Candice at pakiramdam ko may
nararamdaman pa din siya sayo kaya wala akong nakikitang problema don."
Tinalikuran ko lang siya. Nahihibang na siya. Hindi niya alam kung anong sinasabi
niya.

"Kie sabihin mo sakin, paano kung dumating na yung panahon na mawawala na ako?
Paano na si Candice?" biglang bumigat yung pakiramdam ko. "Ayoko siyang masaktan,
hindi ko kaya."

"Bakit sa ginawa mo ba hindi siya nasaktan?" sinarado ko yung mga kamay ko para
pigilan yung galit na nararamdaman ko ngayon. "Jeydon nasaktan mo siya."

Oo sinaktan ko yung taong pinaka mamahal ko. Galit na galit ako sa sarili ko kasi
sinaktan ko siya kahit na ang intensyon ko lang naman talaga ay yung maging masaya
siya.

"Alam ko, alam kong nasaktan ko siya pero hindi ko kakayanin kung mas masasaktan
siya dahil sa pagkawala ko." hindi ko na napigilan yung luha sa mata ko. Naiisip ko
pa lang na mamawala ako at maiiwan ko siyang mag isa, para nang dinudurog na yung
puso. "Oo mahal ko siya, mahal na mahal ko siya pero minsan hindi sapat yung
pagmamahal yon." kahit anong pag pigil ko sa mga luha ko, hindi pa din sila
tumitigil. "Kie, mamatay na ako."

Lumapit sakin si Marky pagkatapos kinuha niya yung kwelyo ng damit ko. "Jeydon,
hindi ka mamatay! Hindi ko hahayaang mamatay ka."

Inalis ko yung kamay niya sa kwelyo ng damit ko. "Kung pwede lang na wag mamatay
gagawin ko! Kung pwede lang na mabuhay pa ako ng matagal gagawin ko pero hindi eh!
hindi ko hawak yung buhay ko!"

Nakita kong may mga luha na ding tumutulo sa mata ni Marky. Alam kong nasasaktan
din siya sa sitwasyon namin ni Candice.

Napaupo ako, tinakpan ko yung mukha ko gamit yung mga kamay ko. Sobrang sakit na
nang nararamdaman ko. Habang tumatagal mas lalong sumasakit.

"Mahal na mahal ko siya pero kahit anong gawin ko hindi ko na siya pwedeng
mahalin."

Natahimik lang kaming dalawa ni Marky. Maya maya lumapit siya sakin pagkatapos
tinapik niya yung balikat ko at umalis na siya. Kilalang kilala na niya ako. Sa
pagkakataon na 'to, kaylangan ko nang katahimikan. Kaylangan kong mapag-isa.

Hindi ko mapigilan na matulala. Hindi ko mapigilan na isipin siya. Yung mukha niya,
yung mga ngiti niya at yung boses niya. I miss her, I miss everything about her.

Hinayaan ko na lang yung sarili ko na umiyak baka kahit papaano, mabawasan yung
sakit na nararamdaman ko ngayon.

"You're so close to me but why does it feel like you're a world apart?"

Bigla akong natawa habang umiiyak. Para akong tanga, para akong sira.

"Gago ka Jeydon, ginusto mo naman yan 'di ba?" yan na lang yung nasabi ko sa sarili
ko.

Kung sino pa yung mga taong totoong nag mamahalan, ayon pa yung pinaghihiwalay.

Mapaglaro ka talaga, tadhana.

Hindi ko napigilan na umiyak ulit. Nakaramdam na naman ako ng kalungkutan.


Pakiramdam ko, mag isa na naman ako. "Miss na miss na kita pero wala akong magawa."

Candice, may mga oras pa din kayang naiisip mo ako? Kasi ako walang oras na hindi
kita naisip.

I still love you and I always will love you.

Pinatong ko yung ulo ko sa mga tuhod ko at doon ko ipinikit yung mata ko. Eto na
naman yung pakiramdam na mag isa ako.

"Jeydon?"
Inangat ko yung ulo ko at pinunasan ko agad yung luha sa mata ko. Tumayo ako
pagkatapos binuksan ko yung pintuan at nakita ko siya.

Sinuot ko ulit yung maskara ko. Ang maskara na palagi kong ginagamit kapag kaharap
ko siya. Ang maskara na nag tatago nang lahat emosyon ko. Ang nagtatago nang lahat
ng pagmamahal na meron ako para sakanya.

"Ready ka na bang umalis?" tanong ko sakanya.

"Oo at kung ready ka na, hihintayin kita sa may lobby."

The way she looks at me, as if I'm nothing to her now and it's fvcking killing me.

"Hintayin mo ako sa baba." walang emosyon kong sinabi.

Umalis na siya pagkatapos bumalik ako sa kwarto ko. Kumuha ako ng gamot kung sakali
lang na sumakit yung ulo ko. Bumaba agad ako para kitain si Candice. Nandon na siya
at naghihintay sakin.

Lumapit ako sakanya pero hindi niya ako kinausap o pinansin man lang at sa halip
dumiretso lang siya sa labas. Alam kong wala na akong karapatan na masaktan pero
hindi ko kayang pigilan yung puso ko na masaktan ng ganito.

Ang sakit baliwalain ng taong mahal na mahal mo.

Sinundan ko na lang siya sa labas. Huminto siya sa isang kotse. Maya maya lang
lumabas don si Shawn.

"Jeydon, kay Lucas ako sasabay papunta don."

Sa puntong yon parang may kung anong sumasaksak sa puso ko. The thought of her
being with someone else is fvcking killing me.

Inalalayan ni Shawn si Candice papasok sa kotse niya. Nakatingin lang ako kay Shawn
habang ginagawa niya yon kay Candice.
Ang daming 'sana' na tumatakbo sa isip ko ngayon. Sana ako yung gumagawa nyan
sakanya. Sana ako yung palaging nakaalalay at nakabantay sakanya. Sana ako yung
palaging nasa tabi niya.

Sana ako pa din yung mahal niya.

Ang daming sana na pero alam ko naman na lahat ng yon mananatili na lang na sana.

Tinignan ako ni Shawn bago siya pumasok sa loob ng kotse, nag tama yung mga mata
namin. Sa puntong yon parang gusto ko siyang sapakin.

Dumiretso na lang ako sa kotse ko. pagkatapos sinundan ko yung kotse nila.

Yung nararamdaman ko ngayon, puno nang galit at selos. Nagagalit ako sa sarili ko
kasi isa akong malaking gago para saktan siya. Nag seselos ako na makita siyang may
kasamang iba kahit alam ko naman na wala na akong karapatan.

Sa sitwasyon namin ngayon, wala na akong kahit anong magawa kung hindi mahalin siya
nang patago.

"Ang hirap pala nang nag mamahal ng patago, patago ka din na nasasaktan."

Pinilit kong kalmahin yung sarili ko habang nag mamaneho ako. Hinigpitan ko na lang
yung paghawak ko sa manibela para kahit papaano makalma ko yung sarili ko habang
nag mamaneho ako.

Isang oras din siguro yung byahe namin papunta sa Namsan park.

Nakita ko nang bumaba sila Shawn at Candice. Pinagmasdan ko muna silang dalawa.
Yung mga tingin ni Candice kay Shawn ngayon, ayan yung mga tingin niya sakin dati.
Yung mga tingin na matagal ko nang hinahanap hanap.

"Masaya ka na ba sakanya, Candice? Kasi kung oo, kahit masakit pipilitin kong
tanggapin."
Hindi ko na naman napigilan na umiyak. Unti unting pumapatak yung luha sa mata ko.
Simula nang nag hiwalay kami ni Candice, walang araw na hindi ako umiyak.

Huminga ako ng malalim pagkapos pinunasan yung mga luha sa mata ko.

Bumaba na ako sa kotse ko. Parehong nakatingin sakin si Shawn at Candice. Tinago ko
lahat ng emosyon na meron ako ngayon. Ayokong makita nila kung ano man yung totoong
nararamdaman ko.

"Candice mauna ka na, mag uusap lang kami ni Jeydon." bunga agad sakin ni Shawn.
Naglakad palayo si Candice samin.

"Anong kaylangan mo?" maangas na tanong ko sakanya.

"Ingatan mo siya, Jeydon."

"Ayon na ba yon? Akala ko pa naman importante yang sasabihin mo." tinignan ko yung
reaksyon niya. "Hindi na siya bata para alagaan pa."

Nagulat siya at parang gusto niya akong suntukin pero alam ko naman na hindi niya
kayang gawin yon.

Bigla naman siya tumawa. "Wala ka talagang kwenta, buti na lang talaga nag hiwalay
kayo ni Candice."

"Wala akong paki alam sa opinyon mo."

Nilagpasan ko agad siya at naglakad palayo papunta kay Candice.

Mas mabuti na yung pati si Shawn hindi malaman yung totoo. Eto naman din kasi
talaga yung gusto ko eh, yung silang dalawa na lang yung mag katuluyan.
Mas gugustuhin ko pang pakawalan si Candice para mapunta siya taong mas
karapatdapat sakanya.

Hindi sa isang lalaki na malapit nang mamatay. Sa isang lalaki na iiwan din naman
siya at sasaktan lang siya.

"Anong pinag usapan niyo?" tanong agad sakin ni Candice pag lapit ko.

"Wala ka na don." tinignan ko siya at parang natahimik siya bigla. "Sumakay na agad
tayo sa cable car para maka akyat tayo sa N Seoul tower." nag bago yung itsura
niya, nagulat siya at parang hindi makapaniwala.

"Ca-cable car?" kitang kita ko sa mata niya yung takot. Noon pa man, takot na siya
sa mataas na lugar lalo na sa cable car.

"Oo at wala ka nang magagawa don. Sasakay ka lang o sasakay ka." tumalikod agad ako
sakanya dahil ayokong makita niya yung mukha ko.

Hindi ko kasi mapigilan na mapangiti nang biglaan. Naalala ko kasi yung araw na
sumakay kami sa cable car sa Tagaytay. Takot na takot siya non pero lahat ng takot
niya nawala dahil kasama niya ko. Isa yon sa mga masasayang alaala namin na masarap
balikan.

"Ano kayang choice ko don?" lilingon sana ako sakanya kaso may naramdaman ako.

I suddenly felt pain.

Napahinto ako at pinipilit ko na wag matumba. Eto na naman siya, yung sakit ko. Sa
lahat ba naman nang oras, bakit ngayon pa?

"Jeydon bakit ka natigilan?" masakit pa din yung ulo pero pinilit kong lumakad.
Hindi ko muna siya sinagot para mabalanse ko yung katawan ko. "Huy! Anong
problema?"

"Wala ka na don."
Naglakad agad ako para kahit papaano mawala yung sakit ng ulo ko. Nung makarating
ako malapit sa may cable car, humawak agad ako sa may railings para mabalanse ko pa
din yung katawan ko. Pumikit ako at huminga ng malalim.

"Ang bilis mo mag lakad! Hindi mo man lang ako nahintay?" hindi ko siya nakikita
dahil nakatalikod ako sakanya pero alam kong nag tataray na siya ngayon. Kahit
masakit yung ulo ko, napapangiti ako kapag naiisip ko yung mukha niya na
nagtataray.

"Ang bagal mo kasi eh." tinignan ko siya, ang sama ng tingin niya sakin. "Tara na
nga."

Pumasok agad ako dun sa cable car pero siya nag aalangan pa atang pumasok. Tinignan
ko siya ng masama kaya napapasok na din siya sa loob. Hanggang ngayon pala,
nasisindak pa din pala siya sa tingin ko.

"Wa-wala na bang ibang way?" takot na takot siya. Natawa na lang ako. Akala ko pa
naman nag bago na talaga siya pero hindi pa pala. "Anong nakakatawa ha?!" naiinis
ata siya sa tawa ko.

"Akala ko kasi matapang ka na pero takot pa din pala." nagulat ako kasi tumawa siya
bigla.

"Ako takot?! Haha! Asa ka."

Sinasabi niyang hindi siya takot pero halata naman sa itsura niya. Psh, kung
abnormal ako mas abnormal siya.

Magkatapat kaming dalawa at kami lang yung tao dito. Pinagmamasdan ko lang siya
dito sa pwesto ko dahil sa ibang direksyon naman siya nakatingin kaya hindi niya
din ako mapapansin. Kapit na kapit siya sa railing habang paakyat yung cable car.
So hindi pala siya takot? gusto ko tuloy matawa sa kinikilos niya. Minsan talaga
komedyante 'to si Candice.

"Wag mo nga akong tignan!" sigaw niya. Nagulat ako sa sinabi niya. Paano niya
nalaman na nakatingin ako sakanya eh don siya sa harap nakatingin? "Nakikita kita
sa peripheral vision ko." nababasa niya ba yung isip ko? napangiti ako bigla.
I miss teasing her so I'll just do what I used to do, tease her.

"Spell peripheral vision?" nanlaki yung mata niya tapos tumingin siya sakin.

"Nakikita kita sa gilid ko!" hindi ko na tuloy naligilan yung tawa ko. "Ang yabang
mo talaga! Ikaw nga wrong grammar ka eh!" tinaasan ko siya ng kilay.

"Wow kelan? Hindi ko ata maalala."

"Anong sabi ng Everything is with reason mo? Haha! Everything has a reason yon eh."
tawa siya ng tawa. Napangiti na naman ako sa kadahilanang hindi na niya napapansin
yung takot niya dahil sa asaran naming dalawa.

"Ang gwapo kahit wrong grammar minsan okay lang, gwapo pa din naman." kinindatan ko
pa siya habang sinabi ko yon.

"Gwapo mo mukha mo!" tinaasan niya ako ng kilay pagkatapos umiwas siya ng tingi
sakin.

Hindi naman siguro masama kung kahit ngayong araw lang, tanggalin ko muna yung
maskara ko. Gusto ko lang makasama siya. Gusto ko lang ulit maramdaman maging
masaya.

Malapit na kami sa tuktok kaso tumigil bigla yung cable car. Bigla namang nag
hysterical si Candice. Umupo siya bigla pagkatapos nanginginig siya. Hindi ko na
napigilan yung sarili ko.

Lumapit ako sakanya at hinila ko siya patayo pagkatapos niyakap ko siya.

"A-anong gi-ginagawa mo?"

"Nanginginig ka na kaya pinapakalma kita ngayon. Pwede ba? wag kang mag inarte dyan
Candice." seryoso kong sabi.

"Pasalamat ka takot ako kasi kung hindi, hinding hindi mo 'to magagawa sakin."
napangiti ako. Buti na lang talaga takot siya sa matataas at nagkaroon ako ng
pagkakataon na gawin 'to.

"Ang arte, gusto mo din naman na yakapin kita." pang aasar ko.

"Excuse me lang ha, ikaw yung yumakap sakin at hindi ako." pag tataray na naman
niya. "Baka ikaw yung may gusto?" bulong niya.

Hindi na lang ako sumagot. Gusto ko kasing sulitin yung oras na 'to. Yung oras na
yakap yakap ko siya. Sobrang tagal ko na 'tong gustong gawin ulit. At oo, gustong
gusto siyang yakapin.

"Kung pwede lang mawala lahat ng kasalan sa pamamagitan ng yakap, habang buhay
kitang yayakapin." bulong ko.

"Ha? Anong sabi mo?"

"Sabi ko umaandar na ulit tayo kaya bibitawan na kita." unti unti ko siyang
binitawan.

"Buti naman!" lumayo agad siya sakin at lumapit siya sa may pintuan at parang atat
na atat na siyang lumabas. Iwas na iwas na siya sakin. "Malapit na din tayo sa
wakas."

Pagkatapos ng kalahating oras nakarating din kami sa taas. Lumabas agad si Candice
sa cable car.

"Ang ganda dito." nilibot ng mata niya yung buong paligid habang ako pinagmamasdan
ko lang siya. "Yung project natin, di ba don tayo sa mga padlocks?"

"Oo dun nga pero kumain muna tayo bago tayo pumunta don." naglakad ako papunta sa
taas kung saan madaming bilihan ng pagkain.

"Huy teka lang! Ano namang kakainin mo?"


"Ice cream."

Ngumiti ako sakanya dahil alam kong ayaw na niyang kumain ng ice cream. Tumakbo ako
papunta don sa magtitinda ng ice cream. Bumili ako ng dalawa kahit na alam ko naman
na hindi niya yon kakainin.

Tinignan ko siya, pumunta siya don sa bilihan ng hotdog. Bumili siya ng isang
hotdog at cola. Hinintay ko na lang siya sa may isang bench.

"Oh bakit dalawa binili mo? Hindi ako kakain niyan." umupo din siya pero malayo
sakin.

"Sinong nag sabi na sayo 'to? Akin lahat 'to."

Nagtaray na naman siya. "Tss, eh di sayo na."

Kinain ko yung ice cream ko. Malaki yung binili ko at cookies and cream yung
flavor. Favorite naming dalawa 'to eh. Sarap na sarap ako sa pagkain ng ice cream.
Kahit kelan naman hindi ako nasawa na kumain nito. Ewan ko lang ba kay Candice kung
bakit umayaw na siya.

Habang kumakain ako, ang bigat ng pakiramdam ko. Para kasing may nakatingin sakin.
Sabi nga ni Candice, sa peripheral vision ko nakikita ko siyang nakatingin sakin.
Binilasan ko yung paglingon sakanya kaya nahuli ko nga siyang nakatingin sakin at
parang takam na takam siyang kumain ng ice cream.

Gulat na gulat siya ng makita niya akong nakatingin sakanya. Napangiti ako ng
napaka lapad.

"Oh? nakatingin ka? gusto mo?" tinignan niya yung ice cream na inaalok ko sakanya.
Mukhang gustong gusto na niya yon kunin at kainin.

"Hindi, ayoko." umiwas agad siya ng tingin.

"Ayaw mo ba talaga? Bahala ka, kakainin ko na 'to." nilapit ko pa sakanya para


asarin siya pero nung sumunod na beses na tinignan niya yon, ang cold na bigla ng
mukha niya.
"Matagal ko nang kinalimutan kumain niyan." Nilayo ko sakanya yung ice cream. Sa
tono ng boses niya, mukhang seryoso na talaga siya. "Kinalimutan ko na lahat ng
bagay na may kinalaman sayo at satin."

Ang sakit, ang sakit marinig yon galing sakanya.

Kinain ko na lang yung ice cream na isa. Kilala ko si Candice, alam ko kung kelan
siya seryoso at hindi. Kung kelan mo siya pwedeng asarin o hindi pwedeng asarin.

Tahamik lang kaming dalawa na kumakain.

"Tara na." aya niua pagkatapos tumayo siya at naglakad palayo. Hindi man lang niya
ako hinintay.

Naglakad na din ko at sinundan ko siya. Hanggang ngayon tahimik pa din kaming


dalawa. Hindi ko alam kung bakit kami naging ganito bigla, dahil ba sa alaala na
naisip ni Candice?

Pagkadating namin sa taas, nakakita na agad kami ng mga padlocks.

Dito kasi sa N Seoul Tower, pwede kang mag sulat ng kahit na ano sa isang padlock.
Pwedeng wish mo o yung bagay na gusto mong manatili pang habang buhay. Isusulat mo
yun sa padlocks tapos ilolock mo siya dito.

Eto yung naisip ko na gawan ng re-search para sa project, buti na lang pumayag
sila. Gusto namin malaman kung gaano ba pinapahalagahan ng tao yung mga ganitong
paniniwala pero sa totoo lang gusto ko lang naman kasi makapunta dito na kasama si
Candice.

"Jeydon, mag take na ako ng pictures dito. Ikaw, dun ka naman sa bilihin ng mga
padlocks." sinunod ko naman siya. Naglakad papunta sa loob ng shop.

Bumili agad ako ng dalawang padlock para samin ni Candice.


Pagkalabas ko, nakita ko si Candice na tinitignan yung mga nakasulat sa padlocks.
Hindi muna ako lumapit sakanya kasi gusto ko siyang pagmasdan. Masaya na ako kahit
na nakikita ko lang siya sa malayo.

Ilang beses ko na ba siyang gustong lapitan? Ilang beses ko na ba pinigilan yung


sarili ko na lapitan siya?

Ang hirap umiwas, lalo na kapag yung gusto mong iwasan ay yung taong gustong-gusto
mong lapitan.

"Jeydon!" nagulat ako kasi nakatingin na pala sakin si Candice at tinatawag ako.
Lumatang kasi yung isip ko kakaisip sakanya.

"Ok na ako don. Ikaw?" tanong ko.

"Oo okay na." tumingin siya sa paligid. "So, I guess pwede na tayong mamasyal na
lang dito habang tinitignan yung mga nakasulat sa mga padlocks nila." tumango ako.

[Now Playing: Why can't it be - 3rd Avenue]

Naglalakad kaming dalawa habang tinitignan yung mga padlocks. Pareho naman kaming
nakakaintindi ni Candice ng hangul kaya walang kaminh problema.

Nauuna siya maglakad sakin para nakikita ko siya kahit likod lang niya. Gusto ko
lang naman maging malapit sakanya kahit na hindi niya alam.

I'm always looking at her, from afar.

Maya maya umupo siya may isang bench kaya umupo na lang din ako. Tinignan ko siya
at tumingin din namam siya sakin.

"Bakit pag kiniliti mo sarili mo, hindi ka natatawa. Pero kapag iba nangiliti sayo,
natatawa ka. Talaga bang kailangan ng iba para sumaya?"

Nagulat ako sa tanong niya. Hindi ko alam kung bakit at para saan yung tanong
niyang yon pero sinagot ko na din.

"Hindi lahat ng tao pinanganak na may masayang buhay kaya minsan kinukuha nila yung
kaligayahan nila sa ibang tao."

Natawa siya bigla. "Kalokohan."

"Bakit mo ba yan biglang natanong?"

"Habang tinitignan ko kasi yung mga nakasulat don, palaging sana forever sila ni
ganito, ni ganyan. Sana hindi sila maghiwalay." Nakatingin pa din ako sakanya
habang siya nakatingin sa harap niya. "Hindi totoo ang forever kasi kahit ang
pangako ngayon may expiration na."

Nararamdaman ko na lahat ng mga sinasabi niya ngayon may pinanghuhugutan at may


pinang gagalingan. Alam ko naman na lahat ng yon, kasalanan ko.

"Hindi porket hindi natupad yung forever mo sa isang tao, wala nang forever."
sinabi ko sakanya yon ng hindi ako tumitingin sakanya. I felt guilty about it.
"Sorry kung hindi ko natupad lahat ng pangako ko sayo."

Natawa na naman siya. "Ganyan naman talaga di ba? yung promise nagiging sorry na
lang."

Natigilan kaming dalawa.

"Pwede mo pa din naman tuparin yung forever na meron tayo noon, sa iba." tinignan
ko siya, tingnan niya ako na para bang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

"Tingin mo ba ganon lang kadaling gawin yon?" pareho kaming nakatingin sa mata ng
isa't isa at halatang may galit sa mata niya. "Nabuo lahat ng forever na yon na
ikaw yung kasama ko, kaya paano ko bubuohin yon sa iba?" inalis niya din yung
tingin niya sakin. "Tapos na din naman yon, wag na nating pag usapan pa."

Tumayo siya pero pinigilan ko siya.


"Ano?" naiirita niyang sabi.

Inabot ko sakanya yung padlock niya. "Sayang yung pag punta natin dito kung hindi
tayo mag susulat sa padlock." nag aalangan siyamg kunin yon pero kinuha din naman
niya.

Binigyan ko siya ng pen tska siya nag simulang mag sulat. Tinignan ko yung sarili
kong padlock pagkatapos nag sulat na din ako.

Sana kaya kong tuparin kung ano man yung pangako ni Candice. Sana meron pa din
kaming forever... I love her, always and forever.

Yan yung mga sinulat ko na sana matupad.

"Tapos na ako, tara?"

Kinabit naming dalawa yung padlocks namin. Gusto ko man na tingnan kung anong
sinulat ni Candice naisip ko na mas mabuti nang hindi dahil baka masaktan lang ako.

Baka bumubuo na siya ng forever sa iba, kay Shawn.

"Gusto mo na bang umuwi?" tanong ko sakanya.

"Nakita ko na may fireworks display mamaya kaya mag food trip na lang muna tayo
habang hinihintay yon." naglakad ulit siya palayo at ako sumunod lang sakanya.

Mag hahapon na din pala, ang bilis ng oras.

Naglakad lakad lang kami ni Candice tapos kumain kami ng mga traditional na pagkain
dito sa Namsan. Medyo cold pa din siya pero civil naman yung pakikitungon niya
sakin. Lahat naman nang ginagawa niya, naiintindihan ko. Kung magalit man siya
sakin, alam kong kagagawan ko yon.

Habang hindi siya nakatingin sakin, nag nanakaw ako ng tingin sakanya. Palagi ko
siyang tinitignan kapag may pagkakataon.

[Now Playing: Let me be the one - Jimmy Bondoc]

Nung sumapit na yung gabi, pumunta kami sa may plaza kung saan gaganapin yung fire
works display.

Tahimik lang kaming dalawa na nakatayo habang nag hihintay.

Biglang may pumutok, nakakita kami ng mga fire works na kulay blue. Tinignan ko si
Candice, nakatingala siya at gandang ganda siya don.

"Ang sarap tignan."

Pagkatapos niyang sabihin yon, napaligon siya sakin kaya nag tama yung mga mata
namin. Humarap ako sakanya, akala ko iiwas siya ng tingin sakin pero hindi.

Sa mga segundo na nagkatinginan kami, gusto ko siyang halikan.

Gusto ko siyang halikan pero alam kong hindi na pwede.

"May problema ka ba?"

Biglang bumilis yung tibok ng puso.

Hindi ko maintindihan yung sarili ko pero gusto kong sabihin kay Candice ngayon
kung gaano ko siya kamahal.

"Candice.." pumikit ako.

"May sasabihin ka ba?" minulat ko yung mata ko pagkatapos tinignan ko yung mata
niya. "Ano ba yon?"
Candice mahal na mahal kita. Candice kahit kelan hindi ako tumigil na mahalin ka.
Candice ikaw pa din yung mundo ko. Candice para sa akin ikaw pa din yung forever
ko.

Gustong gusto ko nang sabihin yan sakanya.

"Kasi Candice.. ano.."

You've been diagnosed with brain cancer and I'm sorry Mr. Lopez, you only have a
year to live.

Pinikit ko ulit yung mata ko habang sinara ko yung dalawa kong kamay para mapigilan
ko yung sarili ko.

Jeydon hindi pwede, hindi na pwede.

Dinilat ko yung mata ko pagkatapos sinuot na ulit yung maskara ko. "Umuwi na tayo."

Nauna akong naglakad sakanya dahil ayokong makita niya yung mga luha na unti unti
nang tumutulo sa mata ko.

Ang sakit, sobrang sakit na hindi mo masabi sa taong mahal mo na mahal na mahal mo
siya.

Matagal din kaming naglakad pero sa paglalakad namin na yon wala ni isa samin yung
nag sasalita.

Nung nakarating kami sa kotse ko, pumasok lang ako sa loob at ganon din siya.

Pareho pa din kaming tahimik at hindi nagsasalita. Nag drive na lang ako pabalik sa
hotel. Minsan nakakabingi na yung katahimikan na meron kami. Nakatingin lang naman
si Candice sa may bintana. Binuksan ko na lang yung radyo ng kotse dahil sobrang
tahimik na.
Hindi ko alam kung nang aasar ba yung tadhana o ano pero yung kanta na pinatugtog
nung mga oras na yun ay yung theme song naming dalawa, Tadhana ng Up Dharma Down.
Narinig pa lang namin ni Candice yung kanta pareho kaming napatingin sa isa't isa.
May kakaiba akong naramdaman nung mga oras din na yon. Bakit niya ako kaylangang
tignan? may halaga pa ba sakanya yung kantang yon? kasi ako, oo.

Sa kantang yan, dyan ko siya naaalala at yung mga alaala naming dalawa.

Maya maya lang pag lingon ko kay Candice, tulog na siya. Sakto naman kasi malapit
na kami sa hotel namin.

Nung nandon na kami, tulog pa din siya.

"Candice, nandito na tayo."

Hindi siya nagising, mukhang pagod na pagod siya at ang himbing ng tulog niya.
Hindi ko na lang din muna siya ginising.

Pinagmasdan ko lang yung mukha niya habang natutulog siya.

"Hindi porket iniiwasan kita, wala na akong pakialam sayo. Mas pinili ko lang
umiwas kasi alam kong hindi ako yung kailangan mo."

Si Shawn yung kaylangan mo Candice, siya at hindi ako. Siya yung kayang manatili sa
tabi mo ng matagal at hindi ako. Iiwan lang din namin kita pag dating nang panahon
na mamamatay na ko. Ayokong gawin yon, ayokong iwan ka nang umiiyak. Gusto ko kapag
nawala ako sa mundo na 'to, alam kong masaya ka na at alam kong may tao nang nag
mamahal sayo.

"Hindi porket tumigil ako, sumuko na ako. Tinanggap ko lang na may mga bagay na
hindi na talaga pwede."

Candice mahal man natin yung isa't isa, hindi sapat yon. Kaylangan nating tanggapin
na baka hindi talaga tayo ang para sa isa't isa.

"Candice, mahal na mahal pa din kita. Hindi yon nag bago, palagi ka pa ding nasa
puso at isip ko." hinawakan ko yung mukha niya. "Candice I love you so damn much."

Kung wala lang sana akong sakit at kung wala lang sanang taning yung buhay ko baka
ngayon masaya pa din tayong magkasama.

"Nung nakilala kita, gago ako. Nung minahal kita, nagbago ako. Ngayong unti unti ka
nang lumalayo sakin, magiging gago ba ulit ako?"

Lumapit ako sakanya pagkatapos hinalikan ko siya sa noo niya.

Lumayo ako agad dahil bigla siyang gumalaw. Pinagmasdan ko lang siya habang unti
unti niyang minulat yung mata niya.

"Nasan na tayo?" tanong niya.

"Nandito na tayo."

"Nakatulog na pala ako." kinuha yung mga gamit niya. "Sige punta na ko sa kwarto
ko." bumaba siya agad ng kotse kaya bumaba na din ako.

"Candice, salamat." napatingin siya sakin.

"Salamat din, good night."

Naglakad siya palayo at papasok sa hotel habang ako pinagmamasdan ko lang siya
habang naglalakad siya palayo.

Parang sitwasyon lang din namin. Unti unti na siyang lumalayo sakin.

Maglalakad na din sana ako papasok pero may kamay na humili sa braso ko.

"Jeydon."
Nakita ko si Shawn at mukhang galit siya.

"Anong problema mo? Nasa loob na si Candice."

Nagulat na lang ako kasi sinuntok niya ako ng sobrang lakas. Napahiga ako sa sahig
habang hawak ko yung bibig ko na may dugo na. Lumapit sakin si Shawn pagkatapos
hinila niya yung kwelyo ng damit ko. Galit na galit yung mata niya habang
nakatingin siya sakin.

"Gago ka Jeydon, isa kang malaking gago!"

"Anong problema mo Shawn?!" sigaw ko sakanya. Nagulat na lang ako kasi umiiyak
siya.

"Bakit hindi mo sinabi?! bakit hindi mo sinabing may sakit ka?! bakit hindi mo
sinabing may taning na pala yang buhay mo?!" nanlaki yung mata ko sa sinabi niya.

Alam na ni Shawn..

Itutuloy...

---

Alam ko BITIN! Sorry pero busy lang talaga ako ngayon kasi iniedit ko yung TFBBAM
kasi..

'The Four Bad Boys and Me' will soon to be published. Baka after 2-3 months.

Yehey! Wuhoo! Parteh Parteh! Kaya patawarin niyo na ako sa pang bibitin ko.

May part 2 pa yan baka post ko sa Wednesday.

####################################
28: My Sacrifice
####################################

28: My Sacrifice

Jeydon point of view.

[Now Playing: The fight is over by Urbandub]

"Paano mo nalaman?"

Nakatingin siya sa mata ko na parang gusto niya pa ulit akong suntukin. Kitang kita
ko sa mata niya yung galit.

"Si Kim, sinabi niya sakin lahat." inalis niya yung kamay niya sa kwelyo ng damit
ko. "Makasarili ka pare! Bakit mo nilihim samin? bakit mo tinago samin?!"

Tumayo ako at inayos ko yung damit ko pagkatapos pinunasan ko yung labi ko na puno
ng dugo.

"Sabihin mo, kapag ba sinabi ko may magagawa ba kayo? Mabubuhay ba ako? Hindi naman
'di ba?" tinignan ko yung kamay niya, alam kong nag pipigil siya nang galit. "Mas
magiging komplikado lang yung sitwasyon."

"T*ngina naman pala pre eh, wala ba kaming halaga dyan sa buhay mo para ilihim mo
samin?" nakaramdam ako nang pagkainis.

"Ayoko lang kayong masaktan!" maaring dahil tensyon na meron kaming dalawa ni Shawn
kaya may mga luha na pumapatak sa mata ko ngayon. Hindi ko na din mapigilan na
mapasigaw. "Wala akong pakialam kung masaktan ako basta wag lang kayo at wag si
Candice! Kaya kong solohin lahat ng sakit para sakanya."

"Duwag ka! napakalaki mong duwag!"

"Oo sabihin niyo nang duwag ako pero wala akong pakialam! Sabihin niyo nang walang
kwenta yung dahilan ko pero wala naman talaga kayong alam eh!"

Huminga ako ng malalim para kahit papaano mabawasan yung bigat nang loob at tensyon
na nararamdaman ko.

"Jeydon sinaktan mo si Candice!"

"Alam mo bang mas doble yung sakit na nararamdaman ko kada makikita ko siyang
nasasaktan? pero eto yung mas makakabuti sakanya eh, ang mag hiwalay kami."

"Jeydon pwede naman kayong lumaban ni Candice nang sabay eh! Tingin mo ba iiwan ka
niya? Mahal ka niya kaya hinding hindi ka niya iiwan."

"Oo hindi niya ako iiwan pero ako, iiwan ko din siya! at kapag nangyari yon
masasaktan siya ng sobra at hindi ko yon kaya." napaupo na lang ako. Ang bigat na
nang pakiramdam ko. "Nasaktan ko man siya ngayon, alam kong panandalian lang yon
dahil sa galit na meron siya ngayon makakalimutan din niya ako. Isa pa nandyan ka
naman para sakanya 'di ba?"

Lumapit siya sakin pagkatapos inangat niya ako. "Ano bang tingin mo kay Candice,
laruan na pwedeng iwan na lang kapag ayaw mo na? na pwedeng ipamigay sa iba?!"

Sa galit ko, hinawakan ko na din yung kwelyo ng damit niya. "Alam mo ba kung gaano
kasakit yung nararamdaman ko ngayon?!" tinulak ko siya palayo sakin. Gusto ko man
siyang suntukin, hindi ko magawa. Wala naman siyang kasalanan sa lahat ng
nangyayari ngayon. "Ang sakit alam mo ba yon? Ang sakit para pakawalan mo yung
taong mahal mo at ipaubaya siya iba kahit na mahal na mahal mo pa din siya pero
ayon yung kaylangan eh, ayon ang dapat."

Napaupo na din si Shawn. Nagulat na lang ako kasi nakita ko na naman siyang
umiiyak. "Ang tanga mo Jeydon, tanga mo para isuko siya nang ganon."

"May mga bagay na dapat mong isuko at may mga bagay ring dapat mong ipaglaban.

" tumingala ako sa langit habang hindi pa din tumitigil yung mata ko sa pag iyak.
"Sa kaso namin, gustuhin ko man siyang ipaglaban pero na hindi pwede."

"Pwede mo siyang ipaglaban pero hindi mo lang ginawa kasi umayaw ka na agad."
"Hindi ako umayaw, tinanggap ko lang na hindi ako yung kaylangan niya." ikaw yon
Shawn, ikaw. "Sana nga namatay na lang ako kesa ganito." para akong tanga kasi
naiiyak na naman ako. "Parang araw araw akong pinapatay sa sakit nararamdaman ko."

"Bakit ba ang hilig mo mag sakripisyo? Hindi ka naman bayani para gawin yan eh."

"Natutunan ko lang na kapag nag mahal ka kayang mong gawin ang lahat, kahit na
isakripisyo mo yung kaligayah mo." pinunasan ko yung mga luha sa mata ko. "Hindi
ibig sabihin na mahal mo siya hindi mo na siya papakawalan. Ang tunay na
nagmamahal, kakayanin niyang pakawalan yung taong mahal niya para sa ikakabuti
niya."

"Sa lahat nang nalaman ko, paano ko pa ba aagawin sayo si Candice?" pareho kaming
naka upo at nakatingala sa langit. "Kaylangan malaman 'to ni Candice." tumingin
siya sakin at halatang seryoso siya na sasabihin nga niya kay Candice yon.
"Sasabihin ko sakanya. Alam ko na kapag nalaman niya yung totoo, magiging okay pa
din ang lahat."

Hinawakan ko yung braso niya. "Nakikiusap ako sayo, Shawn."

"Jeydon may karapatan si Candice na malaman ang lahat!" hinawakan niya din yung
braso ko pero inalis ko agad yon.

"Wag na wag mong sabihin kay Candice lahat. Kapag ginawa mo yon, masasayang lang
lahat nang sakripisyo ko. Mahal mo siya di ba? Kaya alam mo kung anong makakapag
pasaya sakanya." tumayo din siya at hinarap ako. "Simula ngayon, pinapaubaya ko na
siya sayo. Ikaw ang kaylangan niya at ikaw ang makakapag saya sakanya, hindi ako."
tumalikod ako sakanya. "Isa lang paki usap kp sayo, mahalin mo siya higit pa sa
pagmamahal ko sakanya."

Naglakad na ako palayo sakanya. Simula sa punto na 'to, pinapaubaya ko na si


Candice sakanya. Masakit man pero eto yung kaylangan kong gawin at dahil eto yung
tama.

Umakyat ako sa kwarto ko. Pagbukas na pagbulas ko pa lang nang pintuan nakita ko
agad don si Kim.

"Kamusta?" bungad niya sakin. "Nag enjoy ka ba?" hindi ko siya sinagot.
"Bakit mo sinabi kay Shawn?" bigla siyang umiwas ng tingin sakin. "Kim, ano bang
pumasok dyan sa isip mo at sinabi mo yon?" lumapit ako sakanya at hinarap ko siya.

"Kasi.. kasi alam kong nahihirapan ka na kaya baka kapag sinabi ko kay Shawn
matulungan ka niya." unti unti nang pumapatak yung mga luha niya.

"Anong klase namang tulong yung mabibigay niya ha?" hindi pa din siya makatingin
sakin. "Mapapagaling niya ba ako?"

"Hindi, hindi ko alam pero nasasaktan na kasi ako kapag nakikita kitang
nahihirapan. Ayokong nakikita kitang ganyan pero wala naman akong magawa eh kaya
akala ko kapag sinabi ko kay Shawn matutulungan ka niya." tuluyan na siyang umiyak.
Lumapit ako sakanya pagkatapos niyakap ko siya. Hindi dapat ako magalit sakanya
dahil alam kong gusto lang naman niya akong sumaya.

"Alam mo bang masaya ako kasi nandyan ka sa tabi ko kahit na alam mo naman na si
Candice pa din yung mahal ko." hinigpitan niya yung yakap niya sakin.

"Hindi naman ako aalis sa tabi mo eh, dito lang ako." hindi pa din siya tumitigil
sa pag iyak. "Hindi ka naman nag iisa Jeydon eh, madami pa din kaming nandito para
sayo."

Kumalas ako sa pagkakayakap ko sakanya. Tumalikod ako dahil ayokong makita niya
akong umiiyak dahil alam kong mahirap yon.para sakanya. "Kahit ilang bilyon pa yung
tao sa mundo, pag iniwanan ka ng taong mahal mo, feeling mo mag-isa ka nalang."

Ilang minuto din kaming natahimik na dalawa.

"Hindi lang siya yung pwede mong mahalin, tandaan mo yan."

Narinig ko siyang naglakad palayo.

Naaawa ako para kay Kim. Alam kong nasasaktan din siya sa sitwasyon namin. Wala
akong magawa para sakanya dahil mas iniisip ko si Candice. Tama nga kaya sila?
Makasarili ako?
Kung kaya ko lang sana siyang mahalin ulit, mamahalin ko siya nang buo.

Narinig kong tumunog yung phone ko. Kinuha ko agad yon at nakitang tumatawag si
Noona Jaycee.

"Noona?"

["Jeydon, uminom ka na ba ng gamot?"]

"Oo uminom na ako." kinuha ko yung bote ng gamot sa bulsa ko. Tinitigan ko lang
siya. Isang linggo na akong tumigil sa pag inom nito.

["Mabuti naman. Mag ingat ka dyan ha? Kapag sumakit yung ulo mo, call me
immediately. Arasso?"]

"Arasso, noona."

["Sarangheyo, Jeydon yah."] then she ended the call. Pakiramdam ko gustong umiyak
ni noona pero piniligilan lang niya. Ayaw niya na makita ko siyang umiiyak dahil
sakin.

Ngayon lang niya nalaman ang lahat. From that day, she never stop reminding me
about my medicine. She's being the best sister to me ever since that's why I love
her so much.

I'm sorry noona. Sorry kung pinag aalala kita ng sobra.

Tinitigan ko lang yung gamot na hawak ko. Kahit ano namang inom ko sa gamot na 'to,
hindi na ako gagaling pa.

Mamatay din ako.

Bakit kaylangan ko pang patagalin kung ganon din naman yung patutunguhan ko?
Niloloko ko lang yung sarili ko. Sa huli ako lang din ang aasa at masasaktan.
Tanggap ko na naman eh, tanggap ko nang may taning na yung buhay ko.

Tinapon ko palayo sakin yung gamot.

Hindi ko napigilan umiyak. Nakaramdam na naman ako ng kalungkutan. Pakiramdam ko,


mag isa na naman ako. "Hindi ba pwedeng maging masaya naman ako?"

Pinatong ko yung ulo ko sa mga tuhod ko at doon ko ipinikit yung mata ko. Eto na
naman yung pakiramdam na mag isa ako at wala akong ibang magawa kung hindi umiyak.

Naisip ko na din na sabihin kay Candice ang lahat pero para saan pa? Masasaktan
siya at mahihirapan siya. Mahal na mahal ko siya na kaya kong solohin lahat ng
sakit at pag hihirap para sakanya.

Unti unti na naman niya akong nakakalimutan eh, unti unti na siyang nahuhulog kay
Shawn. Kapag dumating na yung araw na wala na ako, hindi na siya mahihirapan at
masasaktan pa. Gusto kong siguraduhin na masaya siya bago ako umalis. Gusto kong
siguraduhin na may taong mag mamahal sakanya nang higit pa sakin bago ako mamatay.

Kinuha ko yung litrato naming dalawa sa bulsa ko.

Sana ganito pa din tayo kasaya Candice, katulad sa litrato na 'to.

Habang pumapatak yung mga luha sa mata ko, nanlalabo yung paningin ko.

Nakaramdam ako nang matinding sakit nang ulo. Sobrang sakit na napahiga na ako. Ang
sakit, ang sakit sakit nang ulo ko.

Sinubukan kong kunin yung cellphone ko para tawagan si Noona pero sa sobrang sakit
hindi na ako makagalaw.

Pumikit ako.

Eto na ba yung katapusan ko?


Sana hindi pa, sana wag. Gusto ko pang makita si Candice..

"Oppa.. come with me."

Yung boses na yon, boses yon ni Jenny.

"Oppa, heaven is waiting for us."

Minulat ko yung mata ko at nakita ko yung kapatid ko. Nakangiti siya sakin at
inaabot niya yung kamay niya sakin.

Hindi ko alam pero inabot ko sakanya yung kamay ko.

Candice mahal na mahal kita at ayaw kitang iwan pero hanggang dito na lang ata
ako..

Itutuloy..

--

Hi @WattpadPHP!! and kay @MissAngelei! Thank you sa pag feature ng TFBBAM :)

Matatagal pa ulit update ko kasi eedit ko pa yung TFBBAM but I'll try kung makapag
UD ako sa weekend. Salamat!! No.1 yung TGGR sa Teen Fiction!! SALAMAT TALAGA <3
####################################
29: Her other side
####################################

29: Her other side

Kim's point of view


Nakita ko siyang nakatayo sa tabing dagat. Eto lang naman yung lugar na palagi
niyang pinupuntahan dito maliban sa bahay nila.

Naglakad ako papalapit sakanya.

"Shawn, pwede ba tayong mag usap?" nilingon niya agad ako.

"Anong kaylangan mo, Kim?" ibang iba na siya tumingin ngayon. Nakakapanibago na
parang wala na akong halaga sakanya.

"May gusto akong sabihin sayo."

Alam kong magagalit sakin si Jeydon sa gagawin ko pero hindi ko na talaga kaya. Ang
sakit makita na nagdudusa at nasasaktan siya ngayon. Wala akong magawa sa sitwasyon
niya kaya baka kapag sinabi ko 'to kay Shawn, may magawa siya.

"Tungkol 'to kay Jeydon." pagkasabi ko non, bigla siyang tumalikod sakin.

"Wala na akong pakialam sakanya." bigla akong nakaramdam ng galit. Ganon na lang
yon? Wala na siyang paki alam sa taong minsan niyang naging matalik na kaibigan?
"Umalis ka na, Kim." pakiramdam ko, maiiyak ako sa galit.

Dahil lang sa Candice na yon, kinalimutan na niya yung pagkakaibigan nila ni


Jeydon?

"Sige aalis na ko." walang kweta pala yung naisip ko na lumapit sakanya. Wala
siyang kwenta. "Wala ka naman sigurong pakialam kahit na sabihin kong may taning na
yung buhay ng dati mong matalik na kaibigan."

Naglakad agad ako palayo sakanya.

"Kim!" tumakbo siya papalapit sakin pagkatapos pinigilan niya ako. "May taning na
yung buhay ni Jeydon?!" inalis ko yung kamay niya sa braso ko.
"Oo meron pero ano pa bang pakialam mo?" natigilan siya bigla na para bang may
malalim siyang iniisip.

"Gaano na katagal yung taning niya? at ano yung sakit niya?"

"Meron siyang brain cancer at isang taon, isang taon na lang yung binigay sakanya
ng doktor." nanlaki yung mata ni Shawn, parang hindi pa siya makapaniwala.

"Kaya ba niya iniwan si Candice?" hinawakan niya yung magkabilang balikat ko.
"Sabihin mo, lahat ba nang 'to, ginawa ni Jeydon dahil sa sakit niya?" tumango ako
pagkatapos bigla siyang napaupo.

"Gago ka talaga Jeydon, isa kang malaking gago." kita ko yung pagkainis niya.

"Mahal na mahal pa din niya si Candice. Kahit kelan hindi nagbago yon, kahit kelan
hindi nawala yun pagmamahal niya kay Candice." hindi ko napigilan na maiyak. "Hindi
totoo lahat ng ginawa namin. Hindi totoo na nagkabalikan kami, na iniwan niya si
Candice para sakin, na mahal niya ko."

"Ang daming bakit na tumtakbo sa isip ko.Bakit kaylangan niyang gawin yon? Bakit
hindi niya sinabi kay Candice na may taning na yung buhay niya? Bakit hindi niya
sinabi samin?"

"Hindi mo ba naiintindihan kung bakit, Shawn?" napatingin siya sa mata ko.

"Natatakot ba siya na iwan siya ni Candice kapag nalaman niya na may taning yung
buhay niya? Kalokohan yon!" hindi ko napigilan yung sarili ko na sagutin siya.

"Natatakot siyang iwanan si Candice na mag isa! Ayaw niyang nasasaktan at umiiyak
si Candice dahil sakanya!" sa pagkainis ko nasigawan ko na siya.

"Sa ginawa niyo, hindi niyo ba nasaktan si Candice?"

"Makakalimutan din niya si Jeydon at mawawala din kung ano man yung sakit na
nararamdaman niya ngayon! Isa pa, nasaktan man siya naging mas matatag naman siya
'di ba? Hindi mo masisisi si Jeydon sa naging desisyon niya." tumayo siya
pagkatapos nilapitan niya ako.

"Bakit mo sinasabi sakin 'to?"

Tumalikod ako sakanya pagkatapos nagsimula na naman akong umiyak.

"Ayaw naman talaga niyang saktan si Candice pero he doesn't have any choice! Saksi
ako sa araw araw na pag iyak niya. Araw araw siyang nasasaktan. Shawn, gumawa ka
naman ng paraan. Hirap na hirap na akong makita siyang nagkakaganon."

Pareho kaming natigilan.

"Kaylangan ko siyang kausapin." nagmamadali siyang umalis. Wala na akong nagawa


kung hindi pagmasdan siya papalayo sakin.

Pumunta ako sa kotse ko pagkatapos nag drive ako papunta sa bahay ng mommy ko dito
sa Korea.

Habang nandito ako, gusto ko siyang makita at makausap. Gusto kong sabihin lahat
sakanya kung anong nararamdaman ko. Umaasa ako na baka gumaan yung loob ko kapag
nakausap ko siya.

Isang oras din bago ako makadating sa bahay niya, sa bahay nila nang bago niyang
pamilya.

Gusto kong bumaba nang kotse ko pero nakita ko si mom na kasama yung bago niyang
asawa pati yung anak nilang mas bata sakin nang tatlong taon. Ang saya saya nila.
Hindi ko napigilan na maiyak, nasasaktan ako. Gustong gusto ko siyang makasama
katulad nang ginagawa nila ngayon ng bago niyang pamilya. Gusto ko mabuo ulit yung
pamilya namin pero alam ko naman na hindi na yon pwedeng mangyari pa.

Huminga ako ng malalim pagkatapos lumabas ako ng kotse ko. Hindi ako nag lakas loob
na lumapit sakanila pero bigla niya akong nakita. Nag tama yung mga mata namin.
Naglakad siya mag isa papunta sa direksyon ko. Nakaramdam ako ng kaba.

"Kim?" sa puntong yon gusto ko siyang yakapin pero may pumipigil sakin. "Anong
ginagawa mo dito anak?" gusto ko ulit maiyak dahil sa loob ng matagal na panahon
narinig ko na naman na tinawag niya akong anak.

"Mom, I just want to talk to you."

"Tell me, what's wrong?" nakakita ako ng pagaalala sa mata niya. Kahit pala paano,
nag aalala pa din siya sakin. "May nangyari ba?"

"Mom, kasi.."

"Mommy! Let's go!" tawag sakanya nung isa niyang anak. "Come on!"

Tinignan ko si mom, parang nahihirapan siya. Siguro nahihirapan siyang mamili samin
ng kapatid ko at ng bago niyang asawa. "It's okay mom, you go ahead."

"Are you sure?" tumango ako pagkatapos niyakap ko siya.

Niyakap ko siya ng sobrang higpit. "I love you mom."

"I love you too, Kimberly." tinulak ko na palayo si mom sakin. Ayokong dumating pa
sa punto na umiyak ako sa harap niya.

Pumasok agad ako sa kotse ko tska ko hinayaan yung sarili ko na umiyak. Sobrang
sakit yung nararamdaman ko ngayon. Sa totoo lang hindi ko naman talaga alam kung
sino ba yung pipiliin niya kanina samin pero hinayaan ko na lang puntahan niya yung
bago niyang pamilya. Ginawa ko yon kasi natatakot ako. Natatakot ako na piliin niya
yung bago niyang pamilya kaysa sakin.

Alam ko naman na mahal niya ako pero alam ko din na mas may lugar na yung bago
niyang pamilya dun sa puso niya. I'm just herdaughter, nothing more.

Kinalma ko muna yung sarili ko bago ako nag pasya na bumalik sa hotel.

Isang oras akong nag drive pabalik.


Bago ako makapag park nakita ko agad si Shawn na paalis na nang hotel. Bigla akong
kinabahan sa hindi ko malaman na dahilan. Umakyat agad ako sa kwarto namin ni
Jeydon.

Pagbukas ko nang pintuan, patay yung mga ilaw at tanging ilaw lang sa lamp shades
yung bukas. Napatingin agad ako sa sahig tapos parang huminto yung mundo ko.

"Jeydon!" tumakbo ako papalapit sakanya. "Jeydon, anong nangyari?" Nakabulagta siya
sa sahig at walang malay. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. "Jeydon,
gumising ka!"

Inalog ko siya pero kahit anong gawin ko hindi ko siya magising. Inalis ko yung
pagkataranta ko pagkatapos tinawag ko yung staff ng hotel para tulungan ako na
dalhin si Jeydon sa kotse ko.

Pagkalagay namin sa kanya sa kotse ko, nag madali agad ako na dalhin siya sa
ospital. Nanginginig yung buong katawan ko habang papunta kami sa ospital. Hindi ko
na din napigilan na umiyak.

"Jeydon, alam kong hindi mo pa kami iiwan. Jeydon please, wag muna ha." parang
dinudurog yung puso ko.

Twenty minutes lang nakadating na agad kami sa ospital. Dinala agad si Jeydon sa
emergency room.

Nag hintay lang ako sa labas. Tinawagan ko sila Tito Dave pati si Marky para
ipaalam sakanila yung nangyari.

Mag iisang oras na din akong nag hihintay sa labas. Kada minuto na tumatakbo mas
lalo akong kinakabahan.

Hindi mawawala si Jeydon, hindi pa siya mamatay. Alam ko na pag labas ng doktor,
sasabihin niya na okey na si Jeydon. Mahilig siya sa pusa at ang sabi nila, siyam
ang buhay ng mga pusa kaya alam kong mabubuhay pa siya.

"Kim, si Jeydon?" lumapit sakin si Marky. "Kamusta siya?" bakas din sakanya yung
matinding pag aalala.
"Nasa emergency room siya." hindi ko na naman napigilan yung emosyon ko. "Lumalaban
siya Marky, lumalaban siya at alam ko na malalabanan niya yon." bigla akong hinila
ni Marky patayo pagkatapos niyakap niya ako. "Mabubuhay pa siya, hindi siya pwedeng
mamatay."

"Masamang damo siya kaya matagal pa siyang mawawala." hindi ko alam pero mas lalo
lang akong naiyak.

Sinubukan akong pakalmahin ni Marky habang nag hihintay kaming dalawa sa labas.
Sandaling tumigil yung pagtibok ng puso ko nung nakita kong lumabas ng kwarto yung
doktor ni Jeydon.

"Family of the patient?" tumayo agad kami ni Marky.

"I'm his girlfriend. Kamusta siya? Gising na ba siya? I know he's okay, buhay pa
siya kaya papasukin niyo na kami sa loob."

Tinitigan lang ako ng doctor. Hindi niya ako sinasagot na nag pagalit sakin. "Ano
ba?! Pipi ka bang doktor ka? Bakit hindi ka sumagot ha?" hinawakan ako ni Marky sa
braso.

"Kim, calm down."

"Paano ha? eh etong lintek na doktor na 'to, ayaw sabihin kung anong lagay ni
Jeydon!"

"The patient is in state of comatose. He's brain dead, I'm sorry."

Tumigil bigla yung mundo ko.

Napaupo na lang ako habang sunod sunod na tumutulo yung mga luha sa mata ko. Hindi
ako makapaniwala at ayokong maniwala. Hindi pwedeng mangyari yon kay Jeydon. Hindi
niya ako pwedeng iwan. Hindi ko kakayanin.

Tumayo ako pagkatapos tumakbo ako papunta sa kwarto kung nasan si Jeydon.
Pinagmasdan ko siya. Kahit na madaming nakakabit sakanya para lang siyang mahimbing
na natutulog.

"Jeydon! You stupid! Wake up!" lumapit ako sakanya pero hindi ko siya magawang
hawakan. "May siyam na buhay yung mga pusa kaya hindi ka pa mamamatay! Hindi ka pa
pwedeng mamatay!" tinakpan ko ng dalawa kong kamay yung mukha ko pagkatapos tska
ako umiyak ng umiyak. "Mahal na mahal kita Jeydon kaya please lang, wag ka munang
mawawala kasi hindi ko kakayanin."

May dalawang kamay na humawak sa mga braso ko. "Kim tahan na."

Pinunasan ko yung mga luha ko. "Marky, hindi ko pa kaya eh. Kahit na sinabi na nang
doktor na may isang taon na lang siya, hindi ko pa din kayang ihanda yung sarili ko
na mawala siya sakin."

Kahit gustong tumigil yung mga luha ko sa pag-iyak hindi ko magawa.

"Kakausapin ko lang yung doktor." lumabas siya ng kwarto habang ako hinawakan ko
yung kamay ni Jeydon.

Pinagmasdan ko ulit siya. Napaka amo ng mukha niya.

"Jeydon.. oppa.. yah.. please don't leave me yet." kinuha ko yung kamay niya
pagkatapos hinalikan ko yon. "Gagawin ko lahat wag ka lang mawala, kahit na
palayain kita at ibigay sa Candice na yon gagawin ko, just please wake up."

Pinatong ko yung ulo ko sa kama niya habang hawak hawak ko pa din yung kamay niya.
Sa sobrang sakit nang nararamdaman ko, gusto ko na lang pumikit at matulog.

Mag iisang oras na nung bumalik si Marky sa loob. Tinignan ko agad siya at mukhang
walang pinag bago yung expression ng mukha niya.

"Sabi nang doktor, pwede pang mabuhay si Jeydon pero pwede din na habang buhay na
siyang comatose." halatang nag pipigil siya ng luha. "Sabi nila it's up to him,
kung gusto pa niyang bumangon o hindi. Let's just pray for him."
Hindi na ako nag salita imbis hinayaan ko na lang yung sarili ko na umiyak ulit. Sa
sitwasyon na meron ako, pag iyak na lang yung nakakapag pagaan ng loob ko.

"Papunta na sila Tito Dave dito, baka bukas sila ng umaga makadating. Mag pahinga
ka na, ako na muna mag babantay kay Jeydon."

"Hindi, hindi ko iiwan si Jeydon." mas lalo kong hinigpitan yung pagkakahawak ko sa
kamay ni Jeydon.

"Kim, kaylangan mo din mag pahinga."

"Hindi ako makakapag pahinga kung alam kong ganito yung lagay ni Jeydon. Sige na
Marky, ako nang bahala kay Jeydon. Ikaw na yung mag pahinga." napabuntong hininga
na lang siya. Lumapit siya sakin pagkatapos hinawakan niya yung balikat ko na para
bang sinasabi niya na magiging maayos din ang lahat.

Umalis din siya at ako naiwan na kasama ni Jeydon.

Tinignan ko yung krus na nasa pader. Naisip ko si Lord. Alam ko, siya at siya lang
yung makakapag pagaling kay Jeydon.

"Lord, alam naman nating dalawa na hindi ako nag dadasal. Oo alam ko masama ako at
Oo alam ko na wala akong karapatan na humingi ng pabor sa inyo." pumikit ako habang
umiiyak. "Kaso Lord, please naman oh. Wag mo munang kuhanin si Jeydon. Kung kukunin
mo siya, wag muna ngayon oh. Hindi ko pa talaga kaya eh." Nilapag ko yung ulo sa
kama habang nakatingin ako kay Jeydon. "Madami pa siyang pangarap eh, madami pa
siyang gustong gawin kaya wag muna oh, please?"

Hinawakan ko yung mukha ni Jeydon. Para akong sinasaksak tuwing naiisip kong
comatose siya. Ang sakit isipin na posible na hindi na siya magising pa.

Kaylangan na siguro niyang malaman ang lahat.

Ikaw na lang yung huling pag asa na meron si Jeydon ngayon. Candice, naniniwala ako
na ikaw yung milagro ni Jeydon kaya kahit masakit, ipapaubaya ko muna siya sayo.
Itutuloy..

--

Sorry pero hindi ko pa replayan lahat ng msg niyo, tska na kapag di na ako busy.
Labyu guys! <3
####################################
30: Second chance
####################################

30: Second chance

Candice point of view.

Lahat kami nasa lobby na maliban lang sa tatlong tao. Si Jeydon, Kim at Marky.
Hindi ko alam kung bakit wala pa din sila dito. After fifteen minutes aalis na yung
bus namin papuntang Incheon Airport.

"Mukhang hindi na dadating sila Jeydon." singit ni Blake. "May nangyari bang hindi
maganda kahapon sa inyo?" nagulat ako sa tanong niya. Wala naman nangyari na hindi
maganda kahapon. Kung meron, ayon ba yung dahilan kung bakit wala sila?

"Maayos kaming nakabalik ni Jeydon dito." biglang sumingit sa pagitan namin si


Stacey.

"Anong pinag uusapan niyong dalawa?"

"Wala naman, kinakamusta ko lang si Candice." patay malisyang ngumiti si Blake


sakanya. Tinignan ko si Stacey at mukhang hindi siya satisfied sa sagot ni Blake.
"Candice my loves, yosi lang ako sa labas."

Pagka alis na pagka alis pa lang ni Blake, inusisa na ako ni Stacey. "Anong
nangyari sa inyo ni Jeydon kahapon?"
"Wala naman." matipid lang yung sagot ko dahil wala naman talagang kakaibang
nangyari kahapon.

"Mabuti naman, akala ko kasi bumalik yung feelings mo kay Jeydon." seryoso ba siya?

"May feelings na lumalala at may feelings din na nawawala." tinignan ko si Stacey


at ngumiti ako. "Sa kaso naming dalawa, matagal nang nawala yung feelings na
minsang lumala." kinuha ko yung bag ko tska ako tumayo. "Tara na?"

Sumunod sakin si Stacey pati na din sila Tiffany. Saktong paglabas namin ng hotel,
dumating yung mga bus na mag hahatid samin sa airport.

"Guys, tara sumakay na tayo!" sigaw ng professor namin.

Tinanaw ko yung tatlo pero wala pa din sila. Hinayaan ko na lang, ano pa bang
pakialam ko sakanila? Kay Marky lang naman talaga ako nag aalala.

"Candice, si Shawn nandito." sabi ni Tiffany sakin kaya napatingin kaming lahat sa
direksyon kung nasan si Lucas. "Naks, mukhang sinusundo ka na naman ah."

Nakangiti sakin si Lucas habang naka sandal siya sa sasakyan niya. Bigla akong
tinulak nila Tiffany papalapit sakanya.

"Lucas, bakit nandito ka?" ngumit na naman siya sakin. Shet, ang gwapo ni Lucas.

"Uuwi na tayo sa pinas." bigla niyang hinawakan yung kamay ko. "Tara na?"

"Ha? Uuwi ka na din? pero kasi kasabay ko sila Stacey." nilingon sila Stacey at
lahat pala sila nakatingin na naman samin.

"Ayiee!" asar nila samin at pati mga professors nakisali na din. Mga sira talaga.

"Pinsan sige na sumama ka na kay Shawn!" sigaw ni Juan Paulo.


"Go go Shawn!" sigaw naman ni Tiffany.

Mga sira talaga sila. Si Stacey ang laki ng ngiti sakin pero si Blake parang hindi
masaya.

"Let's go, aalis na yung private plane."

"Ha? private plane?" wag mong sabihin na sa private plane talaga kami sasakay? "Are
you serious?"

Hindi niya ako sinagot at ngumiti lang siya sakin. I guess that is a yes kaya
pumasok na lang din ako sa loob ng kotse niya.

Habang paalis kami kitang kita ko na kinikilig na naman yung schoolmates ko sakin
at pati sila Stacey. Nung malapit na kaming makalayo, nakita ko si Blake sa side
mirror ng kotse. Mukhang naiinis siya sa hindi ko alam na dahilan, ang sama kasi ng
tingin niya samin. May galit ba siya kay Lucas?

"Kamusta naman yung tulog ng prinsesa ko?" tinignan ko si Lucas. Kahit nakatingin
siya sa kalsada kita ko pa din yung malapad niyang ngiti. "Oh, bakit hindi ka
sumasagot? Hindi ba maganda yung umaga mo?"

"Hindi, baka gutom lang 'to." bigla niyang tinigil yung kotse.

"Kumain na muna tayo."

"Ha? akala ko ba aalis na yung plane?" ngumiti na naman siya sakin. Nakakatunaw
yung mga tingin ni Lucas.

"They can wait for us. Ayokong nagugutom ang prinsesa ko." kinindatan niya ako
pagkatapos lumabas siya ng kotse. "Wait here, I'll buy you breakfast."

Habang naglalakad palayo si Lucas hindi ko naiwasan na mapangiti dahil sa saya.


Masaya akong kasama si Lucas. Palagi niyang pinaparamdam sakin na importante ako,
na para akong prinsesa. Matagal nang ganito sakin si Lucas pero dahil si Jeydon
lang palagi yung nakikita ko noon, ngayon ko lang napansin lahat ng efforts niya.

Bumalik din agad si Lucas. May dala dala siyang tinapay tska kape. Naubos ko lahat
ng dala niyang pagkain. Natawa nga siya sakin kasi ang takaw takaw ko.

"Salamat Lucas." ngumiti na naman siya sakin. Malapit na talaga akong matunaw sa
mga ngiti niya.

"Kung pagkain lang ako, lagi kitang bubusugin pero dahil tao lang ako lagi nalang
kitang mamahalin." ngayon kumindat pa siya sakin. Kung ibang babae lang siguro ako
baka kanina pa ako nagwala dahil sa sobrag kilig. "I love you, Candice."

Nagkatitigan kaming dalawa ni Lucas. Kitang kita ko yung brown niyang mata at
habang nakatingin kami sa mata ng isa't isa, unti unti ding lumalapit sakin si
Lucas. Maya maya lang sobrang magkalapit na yung mga mukha namin. Biglang bumilis
yung tibok ng puso ko. May balak ba siyang halikan ako?

"I want to kiss you." bulong sakin si Lucas na mas lalong nag pabilis ng pagtibok
ng puso ko. "Pumikit ka noona." sinunod ko na lang siya.

Pumikit ako at hinintay kong halikan niya ako. Pagkatapos ng ilang segundo,
hinalikan ako ni Lucas sa noo ko at hindi sa mga labi ko.

"Saranghe, Candice."

Dinilat ko yung mata ko tapos nakita ko yung nakangiting mukha ni Lucas. Hinawakan
mo yung kamay niya. "I don't love you yet but I know I'm getting there."

Mas hinigpitan niya yung paghawak sa kamay ko. "It's enough for me." hinalikan niya
yung kamay ko pagkatapos pinaandar na niya yung kotse. "Let's go home now."

Sumandal ako sa upuan at natulog ako. Ginising na lang ako ni Lucas nung nandon na
kami sa private plane ng pamilya niya.

Kaming dalawa lang talaga yung nandon sa plane, may isang flight attendant lang
kaming kasama.
Buong byahe natulog lang ako dahil pakiradam ko pagod na pagod ako. Katabi ko lang
si Lucas at hawak hawak niya yung kamay ko buong byahe.

Hindi ko napigilan na matuwa sa lahat ng mga efforts na pinapakita ni Lucas. Wala


na akong makikitang katulad niya at wala na akong mahihiling pa. He's the perfect
boyfriend and the perfect prince. Kaylangan ko lang masigurado na kapag sinagot ko
siya, sigurado na ako sa nararamdaman ko sakanya. Ayokong saktan si Lucas, hindi ko
siya kayang saktan.

Pagdating namin sa Philippines, hinatid agad ako ni Lucas sa bahay dahil gusto niya
na makapag pahinga ako.

Nung nsa tapat na kami ng bahay bigla akong tinignan ni Lucas na para bang may
gusto siyang sabibin sakin. Hinawakan niya yung kamay ko pagkatapos tinitigan niya
ko.

"Kung babalik ka man sakanya, masaya pa din ako kasi nakasama kita ng ganito. Sapat
na sakin yon." hindi ko naintindihan kung anong sinabi niya. Wala akong kahit anong
ideya kung ano yon.

"Anong ibig mong sabihin Lucas?"

"Paano kung bumalik si Jeydon sa buhay mo? Tatanggapin mo ba ulit siya?" natigilan
ako sa tanong niya.

Bakit biglang napasok sa usapan si Jeydon? at bakit niya tinatanong sakin yung mga
bagay na 'to?

"Will you gave him a second chance?"

Second chance? para saan pa? Once is enough, twice is much. Niloko at sinaktan na
niya ako. Hindi na mababalik ng kahit anong sorry yung pagmamahal at pagtitiwala na
meron ako para sakanya dati.

Hindi ko man lubos maintindihan lahat, sinagot ko na lang din siya. "I believe in
second chance but I don't think he deserves it."
"Candice paano kung may mabigat na rason si Jeydon kung bakit niya ginawa yon?
Paano kung para din naman yon sa ikakabuti mo?" hindi ko napigilan na matawa.

"Kahit kaylan walang mabuting naidulot yung ginawa niya. Ano pa ba yung mabigat
niyang dahilan bukod sa na realize niyang si Kim pala yung mahal niya at hindi
ako?"

Pagkatapos kong sabihin yon sakanya, pareho kaming natigilan na dalawa. Hindi ko
maintindihan si Lucas kung bakit niya pa kaylangang banggitin si Jeydon.

"Candice, may kaylangan akong sabihin sayo." seryoso siyang nakatingin sakin.
Mukhang importante yung sasabihin niya.

"Ano yon?" natigilan siya at parang may gumugulo sa isip niya.

Bigla siyang umiwas ng tingin sakin. "Wala, wala yon."

"Sigurado ka ba? ano ba yon?" Ginulo niya bigla yung buhok ko.

"Wala yon, hindi yon importante. Sige na, magpahinga ka na." hindi ako kumbinsido
na wala nga yon pero hinayaan ko na lang din. Kung ayaw niya nang sabihin sakin,
wala na akong magagawa. "I'll see you tomorrow."

"Okay, take care. See you tomorrow!"

Ngumiti ng pilit si Lucas sakin bago ako makalabas ng kotse niya. Alam ko sa sarili
ko na may gusto siyang sabihin sakin. Hindi ko din naman maiwasan na isipin kung
ano yon. Tungkol kaya yon kay Jeydon?

Pagpasok ko sa bahay parehong wala si Mama at Kuya Charles. Sabi ni Yaya, dumalaw
daw silang dalawa sa puntod ni papa. Nag pahinga na lang muna ako.

Habang naka higa ako, hindi maalis sa isip ko yung mga tanong kanina sakin ni
Lucas.
Ano pa bang pwedeng maging ibang dahilan kung bakit ako iniwan ni Jeydon? Ganon ba
yon kabigat para piliin niyang iwan at saktan ako? At kung totoo man na may mabigat
siyang dahilan kaya niya ginawa yon, magiging sapat na ba yon para bigyan ko siya
ng isa pang pagkakataon?

'Hindi Candice, hindi mo na siya mahal pa kaya wala na din saysay na bigyan mo siya
ng second chance.'

Yan ang yung mga nag echo sa isip ko.

Tapos na ako kay Jeydon. Para sakin, isa na lang siyang alaala na kahit kelan hindi
ko gugustuhing balikan pa.

Habang nakatitig ako sa kisame, biglang tumalon sa kama ko si Cholo.

"Hi Cholo, miss mo ba ko?" tahol siya ng tahol pagkatapos dinilaan niya ako. "Gusto
mo bang mamasyal?" tumalon siya ng tumalon na akala mo na eexcite siya. "Tara,
pumunta tayo sa park."

Matagal ko na ding hindi naipapasyal si Cholo kaya kahit may jetlag pa ko, nilabas
ko siya.

Naglakad lakad lang kami sa subdivision tapos tumigil kami saglit sa park. Umupo
ako sa swing habang si Cholo, nag lalaro sa harapan ko.

"Nagkita ulit tayo, Ija." Muntik na akong malaglag sa kinakaupuan ko dahil sa


gulat. Nilingon ko agad kung sino yung nag salita at nakita ko na naman si lola na
manghuhula. "Maari ko bang makita ang palad mo?"

Hinayaan ko na lang siyang makita yung palad ko. Wala naman mawawala sakin kapag
ginawa ko yon. Pinag masdan niya yung kamay ko tapos bigla siyang naging malungkot.
Hindi ko maipinta yung mukha ni lola kaya medyo kinabahan ako sa kung ano man yung
nakita niya.

"Malapit na Ija."
"Malapit na po ang ano?" para siyang nanlulumo.

"Malapit nang mawala ang taong yon na malalit sayo. Malapit na siyang mamatay."
bumilis bigla yung tibok ng puso ko.

"Lola, hindi magandang biro yan." tumayo ako tapos kinuha ko si Cholo. "Aalis na po
ako, pasensya na po."

Habang naglalakad ako palayo, pakiramdam ko nakatingin pa din siya sakin. Buhat ko
na.si.Cholo par mabilisan ko yung paglalakad ko.

Muntik na kaming matumba ni Cholo nung may nakabangga ako pero buti na lang at
nahawakan niya ako.

"Noona."

"Jayshin? Anong ginagawa mo dito?" napaka lungkot ng mukha niya. Nagulat ako kasi
bigla niya akong niyakap. "Anong problema Jayshin?"

"Noona, si hyung.."

"Ha? Si Jeydon? bakit?" mas lalo ata akong kinakabahan sa mga nangyayari. Hindi ko
pa nakita na umiyak nang ganito Jayshin kaya alam ko na may mabigat siyang
problema. "Ano bang nangyari?"

"Si hyung, comatose siya."

Natigilan ako at parang huminto bigla yung mundo ko..

Itutuloy...
--

Anong gagawin ni Candice ngayong alam na niya? :)

Update on Monday.
####################################
31: Miracle
####################################

31: Miracle

Candice point of view.

"Si hyung, comatose siya."

Paulit ulit na lang na nag eecho yung boses ni Jayshin sa utak ko.

"Candice, anong magandang isuot para sa birthday ko?"

Hanggang ngayon kaya comatose pa din siya? Ano kayang lagay niya at magiging maayos
pa ba siya?

"Bee, okay ka lang?"

Naiisip ko na naman siya. Naiinis ako sa sarili ko kasi hindi ko maiwasan na mag
alala para sakanya. Hindi ko na dapat nararamdaman 'to. Dapat wala na akong
pakialam sakanya.

"Candice!" muntik na akong mahulog sa pagkakaupo ko dahil sa gulat ko. "Ano bang
nangyayari sayo?" bigla na lang akong natulala at pakiramdam ko maiiyak ako.

Tumalikod agad ako kay Stacey para in any case na maiyak nga ako hindi niya ako
makita. "Bee, rest room lang ako." tumayo ako pagkatapos tumakbo ako palayo.
Pumunta ako sa bakanteng lote ng university. Sa lugar na walang ibang makakakita
sakin. Hinayaan ko na yung sarili ko na umiyak. Nasasaktan ako sa hindi ko malaman
na dahilan. Dahil ba 'to kay Jeydon?

Oo, nasasaktan na naman ako dahil sakanya.

Ang hirap kalabanin yung sarili mo. Ang hirap ipagpilitan na wala ka nang pakialam
sakanya pero ang totoo, meron pa. Ang hirap itago na iniisip mo pa siya at
nasasaktan ka dahil sa masamang lagay niya ngayon.

Napatingin ako sa langit. Naalala ko yung panahon na comatose din ako. Hindi ako
iniwan ni Jeydon nung mga panahon na yon. Hindi siya umalis sa tabi ko. Sa pagpikit
at sa pag mulat ulit ng mata ko, siya pa din yung nakita ko. Masakit maalala yung
mga bagay na yon kasi alam mong ibang iba na yung sitwasyon niyo ngayon. Hindi na
niya ko mahal pa at matagal na din niya akong kinalimutan.

Pinatong ko sa mga tuhod ko yung ulo ko.

Dalawang araw na akong hindi makakain at makatulog ng maayos dahil kay Jeydon.
Hindi siya mawala sa isip ko. Hindi ko maiwasan na mag alala para sakanya. Isa pa
natatakot ako, natatakot ako sa mga pwedeng mangyari sakanya. Kamuhian ko man siya
ngayon, hindi ko kakayanin kung may mangyayaring masama sakanya.

[Now playing: Safe and Sound by Taylor Swift]

"Candice.."

Inangat ko yung ulo ko para makita ko siya. Tama ako, siya nga yon.

"Anong ginagawa mo dito, Kim?"

Hindi ba nasa Korea siya at binabantayan niya si Jeydon? bakit nandito siya? gising
na ba si Jeydon at bumalik na sila dito?

"Bumalik na ba kayo ni Jeydon dito?"


Nakatingin lang siya sakin. Maya maya lang may mga luha nang tumutulo galing sa
mata niya. Kahit naiinis ako sakanya, hindi ko maiwasan na maawa sa itsura niya.

"Ako lang yung bumalik dito. Nandito ako para isama ka pabalik ng Korea." anong
sinasabi niya?

"At bakit naman ako sasama sayo?"

"Candice kaylangan ka ni Jeydon. Comatose siya ngayon at alam kong kaya mo siyang
gisingin. Nakikiusap ako sayo, sumama ka sakin."

Naguguluhan ako sa mga kinikilos ni Kim. Ako ang kaylangan ni Jeydon at hindi siya?
Ano bang sinasabi niya? Matagal na akong kinalimutan ni Jeydon kaya bakit niya pa
ako kakaylanganin?

"Kim, hindi ako doktor kaya hindi ko siya mapapagaling at isa pa ikaw yung
girlfriend niya kaya ikaw yung kaylangan niya at hindi ako ma ex-girlfriend na
lang." Bigla akong sinampal ni Kim. Natulala ako sa ginawa niya kaya hindi ako
nakagalaw. "Anong problema mo?"

"Kaya ko yan ginawa kasi napaka manhid mong tao. Wala ka bang puso Candice? Hindi
mo ba makita sa mga mata ni Jeydon na nasasaktan siya? Nasasaktan siya nang dahil
sayo!"

"Ano bang pinagsasabi mo Kim? Gusto mo bang sampalin din kita para matauhan ka sa
mga pinagsasabi mo?!"

Natigilan siya sandali pagkatapos umiyak na naman siya. Ano bang nangyayari
sakanya?

"May kalangan kang malaman tungkol samin ni Jeydon." para akong kinabahan bigla.
Hindi pa din siya tumitigil sa pag iyak niya. "Alam kong magagalit sakin si Jeydon
kapag sinabi ko 'to sayo pero kaylangan mo na talagang malaman lahat Candice."

"For God's sake! Kim sabihin mo na kung ano ba yon! Gulong gulo na ako!" hindi ko
na din mapigilan yung damdamin ko. Litong lito na ako sa mga nangyayari.
Tinignan niya ako sa mga mata ko, napaka seryoso niya. "Hindi totoo na nagkabalikan
kaming dalawa. Hindi totoo na ako na yung mahal niya at lalong hindo totoo na hindi
ka na niya mahal kasi Candice ang totoo, mahal na mahal ka pa din niya."

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa sinabi ni Kim. Literal akong
natigilan sa mga sinabi niya. Maniniwala ba ako o hindi? Ang hirap ipasok ng mga
sinabi niya sa utak ko.

"Candice, may sakit si Jeydon at may taning na yung buhay niya."

Nababaliw na nga siya.

"Ano bang mga kalokohan yang pinagsasabi mo Kim?" pagkatapos kong sabihin yon,
napansin kong nagpipigil siya ng galit niya.

"Candice, may brain cancer si Jeydon! Binigyan na lang siya ng doktor ng isang taon
para mabubay."

Pakiramdam ko sumasakit yung ulo ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong maniwala o
hindi. Ang hirap i sink in sa utak ko lahat ng mga sinabi ni Kim.

Unti unti kong inisip lahat.

Kaya ba nung nakita ko siya sa park, nahimatay siya? Kaya ba nung nasa Korea kami,
palagi siyang napapahinto sa paglalakad? Kaya ba siya comatose ngayon?

Pakiramdam ko para akong nanghihina. Parang gumuho yung mundo ko. Hindi ko na
napigilan na umiyak. Yung puso ko, parang unti unting dinudurog sa sakit.

Totoo nga lahat ng sinabi niya. May sakit si Jeydon at may taning na yung buhay
niya pero bakit? bakit ngayon ko lang nalaman ang lahat? bakit niya sakin tinago?
bakit niya nilihim yung lagay niya? Wala ba akong karapatan na malaman yon?

"Candice, mahal na mahal ka ni Jeydon. Yung pag break niyo, yung pag papangap
naming dalawa, yung mga sinabi niya. Kaya niya ginawa lahat ng yon kasi akala niya
eto yung makakabuti sayo. Walang araw na tumigil siyang mahalin ka." ngayon pareho
na kaming umiiyak ni Kim. "Lahat ng ginawa niya, may dahilan."

Habang tumatagal, naiintindihan ko na lahat. Simula nung bumalik ako ng Korea


hanggang ngayon, lahat ng pinakita sakin ni Jeydon isa lang palang pagpapanggap.

Bakit niya kaylangang gawin yon? Ano bang pumapasok sa isip ni Jeydon?

Akala ba niya iiwan ko siya kapag nalaman ko yung totoo? o ayaw niya na masaktan
ako kapag nawala siya kaya pinagtabuyan niya ko?

"Alam niyang mas masasaktan kapag namatay siya at ayaw niyang iwan ka ng nasasaktan
at umiiyak kaya mas pinili niya na itulak palayo at ipaubaya kay Lucas kasi akala
niya ayon yung mas makakabuti para sayo. All the time, ikaw lang yung inisip niya."

Ibig sabihin lang non, mahal pa din ako ni Jeydon.

Hindi pala siya tumigil na mahalin ako. Hindi pala totoo na kinalimutan na niya ko.
Hindi pala totoo na ayaw na niya sakin. Siya pa din pala yung Jeydon na nakilala
ko. Yung abnormal na bad boy na mahilig sa doreamon. Yung lalaking minahal ko. Yung
Jeydon Lopez ng buhay ko.

"Candice, nakikiusap ako sayo. Sumama ka sakin pabalik sa Korea. Kaylangan ka niya,
ikaw at hindi ako."

Ang dami kong tanong kay Jeydon. Ang dami kong gustong sabihin at isumbat sakanya.
Gusto ko siyang makita.

"Sasama ako Kim, kaylangan niya ko."

Nagmadali kami ni Kim na pumunta sa private plane nila. Tinawagan ko na lang sila
mama at Kuya Charles pati si Stacey para ipaalam na aalis ako. Wala na akong dapat
aksayahin na oras. Kaylangan ako ni Jeydon dapat nasa tabi niya ko.

Habang nasa plane kamig dalawa ni Kim, hindi kami nag uusap. Nakaupo kami sa
magkabilang upuan. Tinignan ko siya at mukhang pagod na pagod siya. Ngayon ko
napatunayan na mahal na mahal nga niya si Jeydon. Pumayag siya na magpanggap na
girlfriend ni Jeydon kahit na alam niyang masasaktan lang siya, isa pa hindi siya
umalis sa tabi niya. Naiinis pa din ako sakanya pero may part sakin na
naiintindihan ko siya. Nagmahal lang namam siya eh.

Naisip ko din si Jeydon.

Sa ginawa niyang yon, alam ko na mas nasasaktan siya. Kilala ko siya, seloso siya
at ayaw niya akong nakikita na kasama si Lucas pero mas ginusto niya na mapunta ako
kay Lucas kasi ayaw niya akong masaktan kapag nawala siya. Naisip niya siguro na
kapag nawala na siya, maiiwan akong mag isa na umiiyak at nasasaktan.

Naiiyak na naman ako kapag naiisip ko yung mga ginawa ni Jeydon para sakin. Ang
laking sakripisyo yung ginawa niya para lang hindi ako masaktan ng sobra. Nasaktan
man niya ako ngayon pero alam ko na gusto lang naman niya yung maging maayos kapag
nawala na siya.

Jeydon, you're stupid. Hindi mo ba naisip na mas masasaktan ako kapag nawala ka at
wala man lang akong nagawa?

We could have fight together.

Kahit kelan talaga, wala ka nang ibang inisip kung hindi ako. Palagi mo na lang
iniisip kung anong mas makakabuti sakin pero yung sarili mo hindi mo na inisip.

Stupid, stupid cat you are.

Pinikit ko yung mga mata ko at hinayaan ko yung sarili ko na matulog. Alam mo na


kaylangan ko ng lakas kapag nagkita kaming dalawa.

--

"Andito na tayo."

Minulat ko agad yung mata ko. Nakatayo sa harap ko si Kim at hinihintay niya ako na
tumayo at sumunod sakanya. Tumayo agad ako pagkatapos sumunod ako sakanya sa kotse.
Tahimik pa din kaming dalawa. Tinignan ko si Kim at nagulat ako kasi parang ibang
Kim yung nakita ko.

Hindi na siya yung mataray at masungit na Kim. Maamo pala talaga yung mukha niya.
Naaawa ako sakanya.

"Kim, salamat kasi sinabi mo sakin yung totoo." hindi siya makatingin sakin.

"Sabi ng doktor, kay Jeydon nakasalalay kung gigising pa ba siya o hindi na.
Desisyon niya kung lalaban pa ba siya o hindi na. Alam ko na bibitiw na siya pero
naisip kita. Lalaban siya para sayo." sa tono ng boses niya, halatang umiiyak siya.
"Kahit masakit, kahit hindi na siya sakin, ipapaubaya ko na si Jeydon sayo."

Hinawakan ko yung kamay niya. Nagulat siya kaya napatingin siya sakin at tama ako
na umiiyak nga siya.

"Salamat, salamat sa lahat."

Inalis niya yung kamay niya at umiwas ulit siya ng tingin sakin.

"Wag kang mag pasalamat sakin. Ginagawa ko 'to para kay Jeydon at hindi para sayo."
huminto na yung sasakyan namin. "Andito na tayo."

Lumabas agad kaming dalawa at sinundan ko lang siya papunta kay Jeydon. Habang
humahakbang ako, mas lalo akong kinakabahan.

Nakita ko si Jayshin, Ate Jaycee at yung daddy ni Jeydon sa labas ng room niya.

Lumapit agad sakin si Jayshin at niyakap niya ko. "Noona, salamat kasi pumunta ka."

"Candice, nasa loob si Jeydon." sabi naman sakin ni Ate Jaycee.

Tinignan ko yung daddy ni Jeydon, tinignan lang niya ako at hindi siya nagsalita.
Hinila na ako ni Kim papunta sa loob.
Pagbukas pa lang namin ng pintuan, nakita ko si Tita Janice. At parang nadudurog na
naman yung puso ko nung makita ko siya.

Nakahiga siya at walang malay. Napaka daming nakakabit sakanya at halatang hinang
hina siya. Hindi ko na napigilan na umiyak.

Lumapit sakin si Tita Janica, umiiyak din siya.

"Kanina ka pa niya hinihintay.."

Niyakap niya ako pagkatapos iniwan nila akong mag isa dito.

Unti unti akong lumapit kay Jeydon. Umupo ako sa tabi ng kama niya. Ang sakit na
makita siyang ganito.

Hinawakan ko yung kamay niya.

"Jeydon.. gumising ka na, nandito na ko."

Itutuloy...

--

Magiging pa ba si Jeydon? Mababago ba yung feeling ni Candice para kay Jeydon?


Abangan next update --> 04.12.14
####################################
32: Wide Awake
####################################

32: Wide Awake


(Sorry na delay yung update -- Hindi ako makapag log in kanina sa account ko, bawi
na lang ako)

Candice point of view.

Parang dinudurog yung puso ko.

Parang ayoko pang maniwala sa lahat ng mga nangyayari ngayon. Mula sa sakit ni
Jeydon hanggang sa pagiging comatose niya. Sana isa lang 'tong masamang panaginip
at anytime pare-pareho na kaming pwedeng magising.

"Naaalala mo pa ba yung araw na sinabi mong gusto mo ko?" hinawakan ko yung mga
pisngi niya. "Dun ko naramdaman yung pinaka matinding slow motion ng buhay ko."
Para lang naman siyang mahimbing na natutulog, ang amo ng mukha niya. Hindi ko
iisipn na comatose siya.

Hindi ko na naman napigilan na maiyak.

Lahat ng mga alaala naming dalawa, lahat bumabalik. Lahat ng saya, lungkot at kilig
na naramdaman ko unti unting bumabalik.

Sa nangyari ngayon, biglang lumambot yung puso kong puso. Hindi ko na iniisip
ngayon yung mga nagawa sakin ni Jeydon. Lahat ng galit na meron ako biglang nawala.
Galit na bunga ng akala ko ay panloloko at pagtataksil. Galit na bunga nang sakit
na naramdaman ko. Mahirap man pero unti unti ko nang naiintindihan lahat ng mga
ginawa niya.

Kung iisipin siya pa din yung lalaking minahal ko, hindi siya nagbago. Siya pa din
yung lalaking mas mahal niya ako kesa sa sarili niya. Lahat gagawin niya para sakin
kahit na masaktan pa siya.

Ang lalaking hindi man perpekto para maging prinsepe para sayo sigurado namang
mamahalin ka ng walang katulad, higit pa sa isang perfect prince charming.
"Ang daya mo naman Jeydon, bakit ka nag lihim sakin?" pinunasan ko yung mga luha
ko. Ayaw niya akong nakikita na umiiyak. "Pwede naman tayong lumaban na magkasama
eh. Hindi naman ako aalis sa tabi mo, hindi naman kita iiwan eh." kinuha ko yung
kamay niya tapos hinalikan ko yon. "Jeydon, please gumising ka na."

Pinatong ko yung ulo ko sa kama niya. Hindi ko mapigilan yung mga luha ko. Ang
hirap isipin na ganito ka komplikado yung sitwasyon namin. Ang hirap tanggapin na
napaka mapaglaro ng tadhana saming dalawa. Ang hirap na palagi na lang kaming pinag
hihiwalay.

Ang hirap ipasok sa puso at isip ko lahat ng nangyari. Sobrang biglaan lahat na
parang sasakit na lang yung ulo ko, kakaisip.

Kahit kelan hindi ko inasahan na may isang katulad mo na dadating sa buhay ko.
Akala ko sa palabas lang nangyayari na ang isang bad boy na iinlove sa isang good
girl. Akala ko din sa mga Disney movies lang may mga prinsesa pero hindi pala kasi
tinuring mo ako higit pa sa isang prinsesa.

"Papunta na sana tayo sa happily ever afer pero mapaglaro talaga ang tadhana kaya
baka maging once upon a time na lang yung storya natin."

Nalaman ko man ang lahat ngayon at maaring bumalik yung pagmamahal ko sakanya pero
malaki na yung nag bago. Mahirap na buohin ulit yung bagay na matagal nang nasira.
Mahirap nang ibalik yung dati. Minsan kasi hindi sapat yung pagmamahal lang. Hindi
ako sigurado kung may chance pa na ibalik yung dati pero ang importante ngayon,
gumising siya.

"Jeydon, everything is with reason di ba? Alam ko na may rason kung bakit nalaman
ko yung lagay mo, kung bakit nandito ako. I know it happened because you'll wake
up. Mag susumbatan pa tayo di ba? You need to wake up, pusang robot."

Inangat ko yung ulo ko pagkatapos tinignan ko siya. Ang amo ng mukha niya na hindi
mo aakalain na pwede siyang maging dragon anytime. Para lang talaga siyang
natutulog.

"Ayaw mo sa ospital di ba? Ayaw mo sa mga gamot di ba kaya please naman gumising ka
na." lumapit ako tapos hinalikan ko yung noo niya. Gusto ko siyang yakapin pero
alam akong hindi pwede.

Nakakatawa lang na sa isang iglap, nawala lahat ng galit ko sakanya. Sa isang iglap
lang biglang lumambot yung matigas kong puso. Sa isang iglap, bumalik ako sa dating
ako.

Ganito ba talaga yung nagagawa ng pag-ibig?

"Tama sila, love wasn't just a word."

Jeydon alam kong mahal mo ako pero hindi ko inakala na kaya mong mag sakripisyo ng
ganon para sakin. Ganon mo ba talaga ako kamahal na kahit na nasaaaktan at
nahihirapan ka na, ako pa din yung iniisip mo?

"Abnormal ka talaga.. abnoramal na pusang robot."

Hindi ko pa din mapigilan yung sarili ko na maiyak. Ang tagal nang panahon nung
huli akong umiyak nang ganito. Sobra pala akong naging bato na pati pag iyak
nakalimutan ko na. Ganon pala yung nagawa sakin ng galit at paghihiganti.

Pinatong ko ulit yung ulo ko sa kama habang hawak hawak ko yung kamay ni Jeydon.
Pinikit ko yung mga mata ko. Hinayaan ko na lang yung sarili ko na makatulog..

--

"Candice.."

Minulat ko agad yung mata ko. Tinignan ko kung gising na siya pero nadismaya lang
ako. Hindi siya yung tumawag sakin, si Marky.

"Kumain ka na, kahapon ka pa walang kinakain." sabi ni Kim. Umaga na pala ang tagal
ko nang nakatulog. "Ako nang bahala kay Jeydon." tumango ako tapos sumama ako kay
Marky.

Gustuhin ko man na manatili sa tabi niya, alam kong hindi pwede. Pag papanggap man
yon o hindi yung relasyon nila, mas may karapatan si Kim na makasama si Jeydon sa
puntong 'to. Siya yung palaging nasa tabi ni Jeydon at hindi ako. Siya yung mas nag
sakripisyo saming dalawa. Kahit ngayon lang kakalimutan ko yung galit na
nararamdaman ko para sakanya.
Pumunta kami ni Marky sa Canteen ng ospital. Wala akong gana kumain kaya lugaw na
lang yung inorder ko.

"I'm sorry, hindi ko nagawang sabihin sayo." bungad agad sakin ni Marky nung
makaupo kami. Hindi ko magawang tignan si Marky. Nakatulala lang ako sa lugaw ko.
"Nung araw na nahimatay si Jeydon, nalaman ko na lahat. Gusto kong sabihin sayo
pero pinag bawalan ako ni Jeydon. Umiyak pa siya sakin non." hindi ko maintindihan
yung sarili ko pero bigla ulit akong naiyak.

"Marky bakit? Bakit niya nagawang mag lihim sakin? at bakit niya ako nagawang iwan
dahil lang don?" hiwakan ni Candice yung kamay ko.

"Si Jeydon lang yung makakasagot ng tanong mo kaya pilitin mo na siyang gumising."
bakas din kay Marky yung lungkot.

Noon pa man mag best friend na sila at nakakamangha lang na hanggang ngayon, hindi
pa din yon nag babago.

"Gigising siya, alam ko gigising siya." pinigilan kong umiyak ulit, ayoko na
nakikita ako ni Marky na ganito.

"Oo, alam ko din na gigising siya." ngumiti siya sakin pagkatapos hinawakan niya
yung kamay ko. "Ngayong alam mo na ang lahat, posible bang bumalik yung pagmamahal
mo kay Jeydon?" natigilan ako sa sinabi ni Marky.

Siguro ayan din yung tanong na gusto kong sagutin pero pilit kong iniiwasan.

"Siguro bumalik na yung pagmamahal ko sakanya pero hindi pa din mababalik non lahat
sa dati. Malaki na yung nag bago ngayon."

Bigla na lang pumasok sa isip ko si Lucas. Hindi ko siya pwedeng basta iwan dahil
lang kay Jeydon. Ayoko siyang masaktan.

Natahimik na kaming dalawa ni Marky simula non. Pagkatapos naming kumain bumalik na
kami ky Jeydon. Nasa labas ng pintuan yung daddy ni Jeydon at nakatingin siya
sakin.
"Pwede ba tayong mag usap?" tanong niya sakin pero biglang pumagitna si Marky.

"Tito Dave, now is not the right time." sinamaan lang siya ng tingin ng daddy ni
Jeydon.

Imbis na magsalita siya, tumalikod siya at naglakad palayo. "I'll be waiting."

Humakbang na din ako palayo pero pinigilan ako ni Marky. "Candice, hindi mo
kaylangang sumunod."

"Marky, ayos lang ako." ngumiti na lang ako sakanya para makampante siya.

Naglakad ako papunta sa lugar kung nasan yung daddy ni Jeydon. Nakatalikod siya
sakin, bigla akong kinabahan.

"Nagtataka ako kung bakit." habang sinasabi niya sakin yon, nanatili siyang
nakatalikod sakin. Hindi ako makapagsalita. Maya maya humarap na siya sakin. "Bakit
ka ba nandito? hindi ko lang maintindihan kung ano bang silbe mo dito."

Mas lumala pala yung masama niyang ugali.

"Nandito ako para kay Jeydon."

"Alam mo naman na wala ka nang lugar sa buhay ng anak ko di ba?" hindi ko mapigilan
ba magalit at mainis. "Hindi ka na namin kaylangan dito."

"Hindi naman ako nandito para sa inyo, uulitin ko nandito ako para kay Jeydon."
nakita ko sa mata niya yung inis at galit pero wala akong pakialam. Hindi ako
natatakot sakanya.

"Pagkakatiwalaan ko na lang si Kim sa desisyon niya na papuntahin ka dito pero sa


oras na maging okay na ang lahat, gusto kong umalis ka na dito at wag na wag mo
nang lalapitan si Jeydon."
Sa galit ko, hindi ko na napigilan yung sarili ko na sagutin siya.

"Anong klase ka bang ama? Mas iniisip mo pa ba yan kaysa sa kalagayan ng anak mo
ngayon?" nabigla siya sa mga sinabi ko. "Kung pwede lang kalimutan niyo muna yang
galit niyo sakin at mas isipin niyo si Jeydon." tinignan ko siya ng mata sa mata.
Siya yung klase ng tao na hindi mag papadaig pero sa puntong 'to, hindi ako nag
patalo.

Naglakad na ako pabalik sa kwarto ni Jeydon. Nakita ko si Kim na nasa tabi ng kama.
Bigla akong lumabas.

Alam kong nasasaktan din si Kim sa sitwasyon ni Jeydon. Ngayon ko na appreciate


lahat ng mga ginagawa niya at masasabi ko na mahal na mahal niya talaga si Jeydon.
Siguro mas matindi pa yung pagmamahal na binibigay niya kaysa sa pagmamahal na
binigay ko kay Jeydon.

Gustuhin ko man na ako yung palagi nasa tabi ni Jeydon, hindi ko magawa dahil kay
Kim Hindi pwede na bigla na lang akong papasok sa ekseena. She deserves to be
there.

Naisip ko, bakit ba napaka komplikado nang sitwasyon namin? bakit napaka hirap?
hindi ba pwedeng maging masaya kami pareho? pareho naman kaming nag mamaha ni
Jeydon eh.

Is love really not enough to make one person to stay in your life?

Hinintay kong mag gabi bago ako nag paalam sakanila. Pumunta muna ako sa bahay
namin dito sa Korea para makapag pahinga ako. Pagkatapos nito, palagi ko nang
babantayan si Jeydon hanggan sa magising siya.

Halos isang linggo na.

Isang linggo nang comatose si Jeydon at kahit anong signs wala pa din siyang
pinapakita. Sa bawat araw na dumadaan, mas tumitindi yung sakit na nararamdaman
naming lahat. Kahit mahirap, pinanghahawakan ko pa din na gigising siya.

Nasa labas lang ako ng kwarto niya. Naghihintay pa din. Ayoko naman na paalisin si
Kim sa loob, kontento na ako kahit nasa labas lang ako ng kwarto ni Jeydon.
"Candice.."

Inangat ko yung ulo ko para makita ko si Kim.

"Pumasok ka na sa loob." lumapit siya at umupo siya sa tabi ko. "Ikaw naman talaga
yung kaylangan niya at hindi ako."

"Kim, seryoso ka ba?"

"Papasok ka ba o hindi? baka mag bago pa isip ko at pag nangyari yon hindi ka na
makakalapit pa kay Jeydon." tinarayan niya ako pero nakangiti siya. Nginitian ko
din siya at pumasok na ako sa loob.

Lumapit agad ako Jeydon.

"Hi, pusang robot."

Natutulog pa din siya, walang pinag bago yung itsura niya a week ago nung una ko
siyang nakita.

Umupo ako sa tabi niya at kinuha ko yung kamay niya. Tinignan ko lang siya tska ko
kinanta yung theme song namin.

[Now playing Tadhana - Jireh Lim Cover]

"Sa hindi inaasahang.. pagtatagpo ng mga mundo.."

Kahit kelan hindi ko inasahan na may isang katulad mo na dadating sa buhay ko.
Akala ko sa palabas lang nangyayari na ang isang bad boy na iinlove sa isang good
girl. Akala ko din sa mga Disney movies lang may mga prinsesa pero hindi pala kasi
tinuring mo ako higit pa sa isang prinsesa.
"Papunta na sana tayo sa happily ever afer pero mapaglaro talaga ang tadhana kaya
baka maging once upon a time na lang yung storya natin."

Hinigpitan ko yung paghawak ko sa kamay niya at nag patuloy ako sa pagkanta ko.

"Bakit hindi papatulan ang pagsuyong nagkulang.. tayong umaasang hilag't


kanluran.."

Jeydon hindi natin malalaman kung tayo ba talaga o hindi yung naka tadhana sa isat
isa kung hindi ka gigising dyan. Please gumising ka na, nakikiusap ako sayo.

Tinignan ko ulit siya pagkatapos lumapit ako sa mukha niya. Hinayaan ko na lang
yung sarili ko na halikan siya..

Habang nagtatama yung mga labi namin, nakatingin ako sa mata niya at muntik na
akong mapatalon nung nakita kong dumilat yung dalawang mata niya.

"Candice.."

Gusto kong maiyak, gising na si Jeydon.

Itutuloy..

---

Update sa Wednesday! :)))


####################################
33: Confrontation (Part 1)
####################################
33: Confrontation

Candice point of view.

Pareho nang dilat yung mga mata niya. Tinignan niya agad ako at parang hindi pa din
siya makapaniwala na nakita niya ako.

"Nanaginip ba ako?" hinawakan niya yung mukha ko. "Talagang nandito ka, sa tabi
ko?" kinuha ko yung kamay niya at hinawakan ko yon.

"Oo Jeydon, nandito ako para sayo. At hindi, hindi ka nananaginip dahil totoo lahat
ng 'to."

Bigla siyang natigilan. "Anong nangyari?"

"Comatose ka na for two weeks. Yung araw na bumalik tayo galing Namsan, nawalan ka
ng malay at don ka na comatose. Umuwi na kami ng Philippines kinabukasan non pero
nung nalaman ko yung nangyari, pumunta agad ako dito."

Tinignan niya ako na para bang ang lalim ng iniisip niya. Ilang minuto din siyang
natahimik.

"Tinatawag ako ni Jenny. Pilit niyang kinukuha yung kamay ko.. gustuhin ko man na
sumama hindi ko magawa dahil naiisip kita." napahawak siya bigla sa labi niya. "Isa
pa naramdaman ko yung halik mo.."

"Jeydon hindi ka pa pwedeng sumama, hindi ka pa pwedeng mamatay." hinawakan ko yung


mukha niya. "Yung naram

"Sabihin mo, alam mo na ba?" hindi maitatanggi sa itsura at boses niya na


nanghihina pa din siya. Hinawakan ko yung kamay niya.
"Jeydon, mag pahinga ka lang muna." Tinignan niya ako sa mga mata ko.

"Candice, answer me. Alam mo na ba lahat?" napayuko ako habang hawak ko pa din yung
kamay niya. Bigla akong naiyak pero pinipigilan ko yung mga luha ko. "Please tell
me.." hinigpitan niya yung paghawak sa kamay ko.

"Oo, alam ko na lahat." tinignan ko si Jeydon, may mga luha na tumulo sa gilid ng
mata niya. Ramdam ko yung sakit na nararamdaman niya. "Wag mo na intindihin yon,
ang mahalaga magpahinga ka. Tatawagin ko sila." tumayo ako pero bago pa ako
makalayo sakanya hinila niya yung kamay ko.

"Stay here, please."

Bumalik ako at umupo ulit sa tabi niya. Ngayon nakatingin na siya sakin. Nilagay
niya yung isa niyang kamay sa pisngi ko. Pagkatapos ng matagal na panahon, nakita
ko ulit yung mga mata niya.

"Patawarin mo ko.." pareho siguro kami ng nararamdaman ngayon. Pareho kaming


umiiyak. "Patawarin mo ko kasi nasaktan kita. Alam mo naman na hindi ko kayang
makita na nasasaktan ka, di ba? pero kaylangan ko lang yon gawin dahil ayokong mas
lalo kang masaktan kapag nawala na ako." mas lalo akong naiyak. Maisip ko pa lang
na mawawala siya, sobra na akong nasasaktan.

"Hindi ka mawawala Jeydon, hindi pwede." kinuha niya yung kamay ko pagkatapos
nilagay niya sa dibdib niya.

"Alam mo bang araw araw sumasakit yung ulo ko dahil sa sakit ko? Sobrang sakit na
minsan gusto ko nang mawala sa mundo para hindi ko na yon maramdaman. Sa bawat
sakit, iniisip kita.. kasi ikaw yung nag bibigay sakin ng lakas." hindi pa din siya
tumitigil sa pagiyak. "Kung may isang bagay man na nagbibigay sakin ng rason para
lumaban, ikaw yon."

"Jeydon sana sinabi mo sakin. Gusto kong lumaban tayo ng sabay, gusto ko na nasa
tabi mo ko kada umaatake yung sakit mo. Gusto kong alagaan ka. Hindi naman kita
iiwan eh, Jeydon mananatili lang ako sa tabi mo." hindi pa din tumitigil yung mata
ko sa pag iyak. Pinawi lahat ni Jeydon yung mga luha sa mukha ko.

"Stop crying, I hate it." pinunasan ko din yung mga luha pagkatapos ngumiti ako ng
pilit. "Ayoko lang na maging pabigat sayo. Ayoko na masaktan ka, na umiyak ka dahil
sa lagay ko. Ayoko na palagi mo akong iintindihin. Ayoko lang na mahirapan ka.."

"Kahit kelan abnormal ka, alam mo ba yon ha? Ang stupid stupid mo." pinipilit ko pa
din na ngumiti kahit na nahihirapan na ako. "Sa ginawa mo bang pag lihim sakin,
hindi ba ako nasaktan at nahirapan?"

"Alam kong nasaktan kita at hindi ko mapapatawad yung sarili ko dahil don. Lahat ng
ginawa ko, iisa lang yung intensyon ko. Gusto ko lang na mapunta ka sa isang tao na
karapatdapat sayo at kaya kang pasayahin." umiiyak pa din siya hanggang ngayon.
Nasasaktan ako na makita siyang ganito.

"What makes you think na hindi ka kapatdapat sakin at hindi mo ako mapapasaya?"

"Mamamatay na din ako, malapit na." natiglan ako sa sinabi niya. Ayokong maniwala
na mawawala siya, hindi ko yon kayang tanggapin. "Eventually, iiwan din kita at
kapag nangyari yon alam ko na sobra kang masasaktan at hindi ko kaya na wala akong
magagawa para alisin lahat ng sakit na yon."

"Naiintindihan naman kita eh, naiintindihan ko kung bakit mo yon ginawa pero
Jeydon, hindi ka pa mamamatay. Tanging Dyos lang makakapagsabi ng kamatayan ng
isang tao."

"Tama na, ayoko nang umasa."

Umiwas ulit siya ng tingin sakin. Hanggang ngayon, umiiyak pa din siya. Panandalian
kaming natahimik na dalawa. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, kung saan ako
magsisimula. Pakiramdam ko pareho kami ng naiisip at nararamdaman ni Jeydon, hindi
din siya makapagsalita.

Umabot na nang sampung minuto yung katahimikan namin kaya nagsalita na siya.

"I just realized, yes you're right I'm stupid." habang sinasabi niya yon hindi siya
makatingin sakin. "Naging mahina ako at naging duwag."

"Jeydon, naiintindihan ko na ginawa mo lang yung anong tingin mo ay tama," kinuha


niya yung kamay ko pagkatapos tinignan niya ako.
"Naging duwag ako kasi hindi ko sinabi sayo. Naging mahina ako kasi sumuko agad
ako. Hindi ko na naisip na lumaban pa kasi para saan pa kung mamatay din naman ako
sa huli? Masasaktan lang ako kasi umasa ako."

"Jeydon ilang beses ko bang sasabihin na hindi ka pa mamamatay?" ngumiti siya ng


mahina. Nanghihina pa din siya.

"Sabihin natin na oo, hindi na ako mawawala pero ano pa bang halaga ng buhay ko
ngayong wala ka na? kung may mahal ka nang iba?" natigilan ako sa sinabi niya.
"Ayos lang, ako naman may kasalanan non. Ako din naman yung nagtulak sayo palayo at
palapit sakanya."

"Jeydon kasi madami na yung nagbago."

"Alam kong madami nang nag bago sayo at satin pero Candice.. mahal na mahal pa din
kita at hindi yon nag bago." natigilan ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
Hindi ko alam kung ano ba yung dapat kong maramdaman.

Natahimik na naman kaming dalawa. Nabasag na lang yung katahimikan namin nung
bumukas yung pinto.

"Jeydon?" lumingo ako sa nagsalita at nakita ko yunh mommy ni Jeydon. "Talaga bang
gising ka na?"

"Yes mom, I'm awake."

Tumakbo palapit sakanya si Tita Janice at niyakap siya. Hindi niya mapigilan yung
pag iyak, alan kong masayang masaya na siya ngayon na gising na si Jeydon.

"Tatawagin ko yung doktor mo, kaylangan mo munga ma check." bago siya makaalis
pinigilan ko siya.

"Ako na po yung tatawag."

"Salamat Candice." tinignan ko si Jeydon bago ako umalis. Bakas sa mga mata niya na
ayaw niya akong umalis. Ngumiti lang ako sakanya.
"Candice, sana bumalik ka." malungkot na sabi ni Jeydon.

"Dito lang ako hindi ako aalis, lalabas lang ako." ngumiti ulit ako sakanya para
makampante siya.

Pagkalabas ko nakita ko si Jayshin at Kim. Lumapit naman agad sakin si Marky.

"Kamusta?" nag aalala niyang tanong.

"Gising na siya." nagulat silang tatlo na halos ayaw nilang maniwala. "Pumasok na
kayo sa loob, hinihintay niya kayo."

"Thank you Noona." sabi sakin ni Jayshin pagkatapos pumasok na siya sa loob.
Nakasunod na pala sakanya yung daddy nila. Ang sama pa din ng tingin niya sakin
pero hindi ko na lang pinansin.

"Hindi ako nagkamali." nakangiting sabi ni Kim tska siya pumasok sa loob.

"Nangyari na 'to noon di ba?" nakangiti nang sabi ni Marky. "Ikaw yung comatose at
siya yung nagpagising sayo." alam kong may kahulugan yung mga ngiti ni Marky pero
hindi na ako nagtanong pa. "I'll get the doctor."

Pagkaalis na pagkaalis ni Marky naglakad na muna ako palayo. Hindi ko alam kung
saan ako pupunta, gusto ko lang muna lumayo don. Gusto kong bigyan ng oras yung
pamilya niya at si Kim na makausap siya. Alam kong mas sabik sila na makausap si
Jeydon.

Nakadating ako sa garden ng hospital. Umupo lang ako sa mga bench don. Spring na
pala sa Korea. Ang gandang pagmasdan ng mga dahon na unti unting nahuhulog galing
sa puno.

Napaisip ako. Sana ang tao kagaya na lang din ng mga puno. Lumipas man ang panahon,
madami man na magbago sakanya, nasa iisang lugar pa din siya. Sana ganon din yung
mga tao na mahalaga sakin, kahit anong mangyari mananatili lang sila sa tabi ko.
Sana naging ganon kami ni Jeydon. Madami na nagbago samin, mananatili pa din kami
sa buhay ng isa't-isa.
Kaso hindi..

Madami nang nagbago at binago din non lahat para samin. Sabi nga nila mabuo ko man
ang isang salamin na nabasag na, may mga lamat na 'to or worst cas scenario hindi
mo na ulit yon mabubuo pa.

Sa puntong 'to, madami nang tao yung involved. Nangunguna na don si Lucas at si
Kim. Ang dalawang tao na nagmamahal samin ni Jeydon ng sobra. Kung selfish lang
siguro kaming dalawa, hindi na namin sila iisipin pero hindi. Ayoko din masaktan si
Kim, madami na siyang sakit na pinagdanan dahil kay Jeydon. Lalong ayoko na
masaktan si Lucas, hindi ko siya kayang saktan.

Napaka hirap ng sitwasyon namin. Nalaman ko man lahat ngayon, hindi non mababago
ang mga bagay na nangyari na.

Naisip ko din bigla yung nararamdaman ko. Oo, may part sa puso ko na nag sasabi na
bumalik na yung pagmamahal ko kay Jeydon pero may part din sa puso ko na sinasabing
mahal ko na din si Lucas. Naglalaban yung dalawang nararamdaman ko na yon at litong
lito na ako.

Nasilaw ako sa sinag ng araw na tumapat sa mata ko. Nung nawala yon may isang
lalaki na nakatayo sa harapan ko. Tinignan ko siya. Nanlaki yung mata ko sa gulat
nung makita ko siya.

"Lucas.."

Itutuloy...

####################################
33: Confrontation (Part 2)
####################################

33: Confrontation (Part 2)


Candice point of view.

"Lucas..."

Ngumiti siya pagkatapos unti unti siyang naglakad palapit sakin. Hindi ko
maintndihan pero parang bigla akong kinabahan.

Tumayo ako nung nasa harap ko na siya at nagulat na lang ako nung hinila niya ako
palapit sakanya tapos niyakap niya ko nang sobrang higpit.

"I miss you.. so much."

Ramdam ko yung lungkot sa boses niya. Alam ko na hindi siya okay.

"Bakit ka nandito? may problema ba, Lucas?" hindi pa din niya ko binibitawan.
Nakayakap pa din siya sakin na akala mo isang taon kaming hindi nagkita.

"Natakot lang ako na baka mawala ka sakin. Natakot ako na kapag nalaman mo na yung
lahat, bigla ka na lang bumalik sakanya at iwan mo na ako." hinarap niya ako
sakanya. Tinignan niya agad ako deretso sa mata ko.

"Alam mo na din yung totoo?" bigla siyang umiwas ng tingin sakin.

"Patawatarin mo ko kung hindi ko sinabi sayo. Ayaw ni Jeydon na sabihin ko at ayoko


din na malaman mo dahil ayoko na mawala ka sakin. Naisip ko na kapag nalaman mo
lahat, babalik ka na sakanya at maiiwan akong mag isa. Hindi ko na kaya na wala
ka." Napaka lungkot ng mukha ni Lucas pakiramdam ko gusto na niyang umiyak.
Nasasaktan ako na makita siya nang ganito. "Gusto ko nang maging selfish ngayon,
gusto na kitang ipagdamot. Pagod na akong mag paraya at masaktan. Gusto na kitang
ipaglaban." hinawakan niya yung mukha ko habang nakatingin siya sa mga mata ko.
"Candice, mahal na mahal kita."

"Lucas.. oo, mahal na din kita." inalis ko yung kamay niya sa mukha ko pagkatapos
umiwas ako ng tingin. "Pero ayokong mag sinungaling, may lugar pa din si Jeydon sa
puso ko."
Pareho kaming natigilan at natahimik. Hinawakan ni Lucas yung mga kamay ko. Hindi
pa din ako makatingin sakanya.

"Hindi kita masisisi, alam ko na kahit nasaktan ka niya, hindi basta basta mawawala
yung pagmamahal mo kay Jeydon. Alam ko noon pa na mahal mo pa din siya pero kahit
anong mangyari hindi ako susuko, hindi kita isusuko. Lalaban ako kahit pa alam ko
na maliit lang yung tyansa ko na manalo."

Finally, nagkalakas ng loob din akong tumingin sakanya. Ramdam ko yung sakit na
nararamdaman niya at naiinis ako sa sarili ko dahil alam ko na ako yung dahilan
kung bakit siya nasasaktan. Doble yung sakit na nararamdaman ko kapag nakikita ko
siya na ganyan.

"Ayokong nakikita kang ganyan Lucas." Niyakap ko siya. "Nalaman ko man lahat, hindi
non maibabalik agad yung relasyon namin ni Jeydon. Madami nang nagbago."

"Are you choosing him over me?" tumingin ako mata niya pero natigilan ako at hindi
makapagsalita.

Sino nga ba sakanila yung mas matimbang sa puso ko? Si Jeydon na minahal ko ng
sobra o si Lucas na minamahal ako ng sobra. Si Jeydon na una kong minahal o si
Lucas na hindi ako iniwan?

Isang perpektong prinsipe na hindi ka iiwan o isang hindi perpektong prinsipe na


gagawin lahat para sayo?

Hindi ko sinagot yung tanong niya. Sa totoo lang, hindi ko din kasi alam kung sino
ba talaga yung mas mahal ko sakanilang dalawa. Isa lang yung alam ko, pareho ko
silang mahal sa magkaibang dahilan.

"Honestly, I don't know. Napaka makasarili ko kasi pareho ko kayong mahal."

"Alam kong hindi mo pa kayang sagutin yung tanong ko pero ayos lang maghihintay ako
kahit gaano katagal." ngumiti nang pilit sakin si Lucas. "Ayoko na bumalik ka pa
sakanya Candice pero desisyon mo pa din ang dapat mong sundin. Kahit masakit
matatanggap ko kung siya yung mas pipiliin mo."

"Salamat Lucas.. salamat kasi kahit kaylan hindi ka nag sawang intindihin ako."
hinawakan niya ulit yung kamay ko.

"Hindi ako mag sasawang intindihin ka kasi mahal kita, mahal na mahal." binitawan
niya yung kamay ko pagkatapos hinawakan niya yung mukha ko. "Puntahan mo na siya,
alam kong kaylangan ka pa niya ngayon. Tawagan mo lang ako, nandito lang ako sa
Korea."

Unti unting naglakad palayo si Lucas sakin. Hindi ko inaasahan na hahayaan niya
akong mamili, na hahayaan niya akong makasama si Jeydon. Kahit na sinabi niyang
magiging selfish siya, palagi pa din siyang nagpaparaya. Siguro ganon na talaga
siya, mapangunawa at mapag bigay.

Kung iisipin, ano pa bang mahihiling ko sa isang katulad ni Lucas? Wala na kasi
nasakanya na ang lahat. Tanga na lang siguro ako kung papakawalan ko pa siya pero
hindi ko maiwasang maisip si Jeydon. Nasaktan man niya ako ng madaming beses, hindi
siya tumigil mahalin ako.

Pambihira. Sobra na akong nalilito. Hindi lang utak ko, pati puso ko.

Naglakad na lang ako pabalik sa kwarto ni Jeydon. Gusto ko siyang makausap kapag
maayos na siya. Ngayong alam ko na lahat, gusto kong mabigyan ng linaw lahat ng
meron saming dalawa. It's either maayos ulit kami o matatapos na talaga kami ng
tuluyan.

Pagkabukas ko ng pinto, nakita ko si Kim na nasa loob. Hindi ako nagpakita sakanila
dahil ayoko na makaistorbo. Nag desisyon akong umalis pero bago pa man ako
makalabas ng kwarto narinig ko yung boses ni Kim.

"Alam mo ba kung gaano kita kamahal? Kaya kong gawin lahat para sayo kahit pa mag
mukhang akong masama sa lahat. Kaya kong isakripisyo yung sarili kong kaligayahan
para sayo at kaya kong tiisin lahat ng sakit para sayo."

Narinig ko yung iyak niya at don pa lang ramdam ko na yung sakit na nararamdaman
niya.

"Nakakatawa noh? Ako nag sasakrispisyo para sayo at ikaw naman para sakanya. Hindi
ba pwede kahit na isa sating dalawa, maging masaya naman? Hindi ba pwedeng maging
masaya ka naman? Kahit wag na ako."
Alam ko na gusto niyang umaiyak ng malakas pero nagpiligil lang siya. She's holding
all the pain. Siguro ayaw niya mahirapan si Jeydon kaya ayaw niyanh ipakitag sobra
na siyang nasasaktan.

"I'm willing to let you go. Magpaparaya ako kahit na sobrang sakit.. kahit na hindi
ko kaya. Ganon kita kamahal eh, mahal na mahal kita na kaya kitang ibigay sa taong
mas mahal mo."

Sa puntong yon, ako yung nasasaktan para kay Kim. Unti unti na lang tumulo yung mga
luha sa mata ko. Tuluyan na akong lumabas sa kwarto ni Jeydon. Hindi ko mapigilan
yung mga luha sa mata ko. Naglakad ako palayo sa lugar na yon. Hindi ko alam kung
saan ako pupunta pero gusto ko lang lumayo.

Ang bigat sa pakiramdam.

Kaming apat, ako, si Jeydon, si Kim at si Lucas. Nasa isang sitwasyon kami na pare-
pareho kaming nagmamahal at pare-pareho kaming nasasaktan.

Ganito ba talaga maglaro ang tadhana?

Ayokong masaktan si Kim at si Lucas at lalo na si Jeydon. Sana nga ko na lang yung
nasaktan. Sana ako na lang at hindi sila. They don't deserve the pain. They deserve
to be happy.

Pumunta ako sa damuhan, humiga ako don at tska ako pumikit. Nag isip ako,
pinakinggan ko din kung ano yung sinasabi ng puso ko.

Naisip ko si Jeydon, mahal ko pa ba siya? Oo mahal ko pa siya, mahal ko pa din pala


siya. Sa sobrang pagsisinungaling ko pati sarili ko naloko ko. Natakpan ng galit ko
yung pagmamahal ko para kay Jeydon. Sa loob ng isang taon, mahal ko pa din pala
siya.

Bigla naman pumasok sa isip ko si Lucas. Oo mahal ko na din siya, minahal ko na


siya. Siya yung tao na palaging nandyan para sakin. Yung tao na hindi napagod
unawain at mahalin ako. Yung tao na hindi ko kaya saktan.

At huli sa lahat si Kim. Noon siguro hindi ko siya maintindihan pero ngayon lahat
ng mga ginawa niya, lahat yon naintindihan ko na. Hindi naman talaga siya masamang
tao, nagmahal lang siya.
Napakahirap, napakahirap ng sitwasyon naming apat. Meron at merong mag sasakripisyo
sa aming apat. Meron at meron na masasaktan.

"Candice.."

Minulat ko yung mata ko pagkatapos nakita ko si Kim. Umupo siya sa tabi ko.

"Kanina ka pa hinihintay ni Jeydon." namumugto pa yung mga mata niya. Naaawa ako
para sakanya. "Pumunta ka na don."

"Will you really let him go?" napakalayo ng tingin niya. Bakas pa din sakanya yung
sakit. "Kaya mo ba talagang gawin yon? kahit na alam mong masasaktan ka?"

"Lahat kaya mong gawin para sa taong mahal mo." tinignan niya ako, ngayon ko lang
nakita yung totoong mata ni Kim at napakaamo non. "Madami na akong sinakripisyo
para kay Jeydon kaya bakit hindi ko 'to gagawin kung alam kong eto naman talaga
yung makakapag pasaya sakanya? ang makasama ka."

"Kim salamat sa lahat. Salamat sa pagmamahal mo ng totoo kay Jeydon."

Tumayo siya at ngumiti siya ng mahina. Hindi na siya nagsalita sa halip naglakas na
siya palayo sakin.

Tumayo naman ako at naglakad na din pabalik sa kwarto ni Jeydon. Kaylangan na


naming ayusan kung ano man meron saming dalawa.

Pumasok ako sa loob at agad akong lumapit sakanya.

"Nandito na ulit ako.."

Tumingin agad siya sakin at ngumiti.


"Saan ka galing?"

"Sa labas, nagpahangin lang. Kamusta yung pakiramdam mo?" kinuha niya yung kamay ko
pagkatapos hinawakan niya yon.

"May gusto akong sabihin sayo.."

Nakatingin lang ako sa mata niya, hinihintay yung sasabihin niya. Kinakabahan ako.

"Mahal na mahal kita, Candice but I must let you go."

Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko lang siyang magsalita pero nasasaktan na ako sa
mga sinasabi niya.

"You should be with Shawn. Mas magiging masaya ka sakanya at mas maaalagaan ka
niya. Candice, pinapalaya na kita.."

Nagulat ako sa mga sinabi niya. Hindi ko alam pero meron sa sarili ko na umaasang
makikipagbalikan siya sakin. Akala ko gusto niya akong bumalik sa buhay niya.

"Please Candice, just leave me and be with Shawn. I want you to be happy and not to
be miserable with me." pinilit niyang umupo pagkatapos hinawakan niya yung pisngi
ko. Habang tumitingin siya sakin pakiramdam ko gusto niyang umiyak. "I love you
that's why I'm letting you go now.."

Nakatitig lang ako sakanya habang unti unting tumutulo yung mga luha ko.

Is he really letting me go?

Why does it feel more painful? Yung sakit na naramdaman ko noon, doble sa sakit na
nararamdaman ko ngayon. Para niya akong sinuko nang ganon na lang. Para niyang
tinapon at binaliwala lahat. Mas masakit pala na iniwan niya ako kasi sumuko na
siya kaysa sa panloloko o pagtataksil.

Naisip ko agad si Kim. Parehong pareho sila ng iniisip. Kaya nilang pakawalan yung
taong mahal nila para sa ikakasaya nito.

"Alam kong mahal mo na din si Shawn kaya hindi ka na mahihirapan. Kaylangan mo na


lang kalimutan yung nararamdaman mo sakin."

Hindi agad ako nakapagsalita. Siguro tama nga na mag let go na kami pareho. Siguro
kaya kami binigyan ng chance na mag usap ulit para tapusin na kung ano mang meron
samin ng maayos. Maybe it's better if we just have to let it go.

"Just let go Candice.."

Pinigilan ko yung sarili mo na umiyak. Gusto kong lumaban, gusto ko siyang


ipaglaban pero siguro sign lang 'to na hindi talaga kami para sa isa't isa. Siguro,
para talaga ako kay Lucas at hindi kay Jeydon.

"Siguro nga Jeydon, it's better to let go.."

Tumayo ako at tumalikod sakanya. Gusto ko na din na umalis dahil ayoko na makita
niya akong umiyak.

"Goodbye Jeydon.."

Itutuloy..

--

Update sa Thursday.

Sa lahat ng nag iintay ng UD ko, basahin niyo na lang muna yung isa kong story,
"I'm in love with a DOTA Player" :)))
####################################
34: Letting go
####################################

34: Letting go
(Forgive me for the short UD. Bawi na lang ako. Please wala pang ending, may book 3
pa. Wag muna kayo mag wala.)

Candice point of view.

It's been a week simula nung bumalik ako dito sa pinas. Isang linggo ng pag iisa at
pag iisip.

Kasabay kong umuwi si Lucas pero hindi kami nag uusap hanggang ngayon. Binigay niya
sakin yung space na kaylangan ko para makapag isip.

Si Jeydon naman, balita ko nakauwi na siya kahapon kasama yung pamilya niya, si
Marky at Kim.

Sa totoo lang, pinili ko na mapag isa sa loob ng isang linggo. Nakiusap ako
sakanilang lahat na bigyan muna ako ng space. Naiintindihan naman nila ako pero
alam ko na nag aalala sila sakin lalo na si mama. Gusto ko lang kasi na mag isip ng
mabuti. Pakiramdam ko kaylangan ko din na mapag isa. Alam na nilang lahat yung
nangyari kay Jeydon. Katulad ko, lahat sila nagulat at hindi alam kung anong
magiging reaksyon. Partly, may idea na sila kung anong pinag dadaanan ko ngayon.

Kung iisipin mo, sobrang komplimado ng lahat.

Naghiwalay kami ng taong mahal ko dahil ang buong akala ko, niloko niya ako at
pinag palit sa ex-girlfriend niya. Lahat ng sakit na naramdaman ko, lahat yon
binago ako. Naging mas malakas at matatag ako at dahil din sa sakit na yon, binalak
ko na mag higanti. Ang hindi ko namamalayan ay binulag na pala ako ng paghihiganti
ko, ginawa niya akong bato. Lahat ng pagmamahal ko para kay Jeydon, natabunan ng
galit. Lahat ng emosyon ko tila nakatago na parang anino. Sa sobrang pag
sisinungaling ko, pati sarili ko naloko ko.

Kung may maganda man na naidulot lahat ng 'to, ayon yung napansin ko na yung isang
tao na matagal ko ng hindi nakikita at napapansin dahil kay Jeydon.

Noon pa man, nung mga bata kami pinaramdam na sakin ni Lucas kung gaano ako
kahalaga sakanya. Hindi ko man nakita noon pero siya yung taong palaging nasa tabi
ko. Yung taong hindi ako iniwan ano man yung mangyari at yung hindi umalis sa tabi
ko kahit na nasasaktan na siya. Kahit kelan hindi ko siya nakita dahil lahat ng
atensyon ko nakay Jeydon. Palagi niya akong pinapasaya kapag nakikita niya akong
malungkot. Iniintindi niya ako kapag mainit yung ulo ko. At higit sa lahat
minamahal niya ako kahit hindi ko siya kayang mahalin.

Ngayon masasabi ko na mahal ko na talaga siya. Pinaramdam niya sakin kung gaano ako
ka special na tao. Pinaramdam niya kung gaano niya ako kamahal. Palagi akong masaya
kapag kasama ko siya. Hindi ko maiisip na kaya niya akong saktan. He is just so
perfect and to good to be true.

Lahat na sana magiging okay, para sakin at kay Lucas pero bigla kong nalaman ang
lahat. Lahat ng galit ko kay Jeydon nawala. Yung mga emosyon at nararamdaman ko na
nagtatago sa galit ko, lahat lumitaw pabalik.

All the time I was lying to myself.

Hindi totoo na wala na akong pakialam sakanya. Hindi totoo na hindi ko na siya
mahal sakanya at hindi din totoo na kinalimutan ko na siya.

It was all just a lie. A lie to cover up all my pain. A lie that even myself
believed.

"Appa, would you still be proud of me?"

Hinaplos ko yung lapida niya. Matagal tagal na.din akong hindi nakapunta sa puntos
ni papa. Masyado akong nabago ng galit ko na kahit si papa, nakalimutan ko.

"Im sorry. I'm sorry for failing you. I know you're disappointed at me. It's not
the right thing to do, to take revenge but I still continued to do it.."

Tumingin ako sa langit at pumasok sa isip ko yung mukha ni papa. Naiisip ko man na
magagalit siya sakin, kapag nakikita ko yung mukha niya alam ko na hindi niya kaya.
Dapat noon pa lang kasi hindi ko na tinuloy lahat ng paghihiganti ko. Wala naman
akong napala eh, kung meron ayon lang yung naging matatag ako pero sa buong panahon
na naghihiganti ako, madami akong nasaktan at kasama na yung sarili ko don.

Sa lahat ng mga pangyayari 'to, may natutunan akong isang bagay. Wala pala talagang
magandang patutunguhan yung pag hihiganti.
"Appa, do you think I should really let go of him? Would it be worth it?"

Napabuntong hininga na lang ako. Hindi man nagsalita si papa, alam ko na yung sagot
sa tanong ko.

Yes, I should let go of him.

Pagod na ako na ipaglaban kung ano mang meron kami ni Jeydon. Pagod na akong
masaktan at umiyak. Pagod na ako sa napaka komplikado naming sitwasyon. Pagod na
pagod na ako.

Gusto ko naman na maging masaya.

Siguro nga, hindi talaga kami yung tinadhana para sa isa't isa dahil kahit anong
gawin namin, palagi na lang kaming pinag hihiwalay.

Mahal siya ni Kim, mahal ako ni Lucas. Mas mabuti na din siguro na mahalin na lang
namin silang dalawa. Baka sakali lang na sumaya na din kaming dalawa at wala pa
kaming nasaktan.

Mas maaalagaan ni Kim si Jeydon. Sinabi man niya na may isang taon na lang siyang
mabubuhay para sakin hindi yon mangyayari. Hindi siya pwedeng mamatay kasi hindi ko
kakayanin. Mawala man lahat ng pagmamahal ko sakanya hindi maalis non yung pag
aalala ko sakanya. Isa siyang malaking parte sa buhay ko. Kung ano ako ngayon,
dahil yon sakanya.

Minsan talaga may mga taong mananatili sa puso mo pero hindi sa buhay mo. At ganon
kaming dalawa ni Jeydon.

"Hi." Napatingala ako sa nag salita na yon at nakita ko si Lucas. Ngumiti siya
sakin at umupo sa tabi ko. "Kamusta naman yung pag uusap niyo ng appa mo?"

"Okay lang, alam ko nakikinig lang siya sakin." tinignan niya ako sa mata ko.

"Tito Danny, kung naririnig niyo man ako, gusto kong sabihin na mahal na mahal ko
yung anak niyo. Kung bibigyan niya ako ng pag kakataon, aalagaan ko siya at
mamahalin ng sobra. Kung mangyayari man yon, sana boto kayo sakin." tumawa siya ng
bahagya. Napangiti na lang ako. Para sakin napaka sweet ng mga sinabi ni Lucas.

Sumandal ako sa balikat ni Lucas habang nakatingala sa napakagandang langit.

"Kaya mo ba talaga akong hinatayin?" tanong ko sakanya.

"Hihintayin kita kahit gaano katagal, kahit na mag hintay ako sa wala. Hihintayin
kita kahit na anong mangyari kasi mahal kita.. mahal na mahal."

Ang sarap pakinggan ng mga sinabi ni Lucas. Matagal na akong hindi naging ganito
kasaya. Kapag kasama ko siya, ang gaan lang ng pakiramdam ko at ang saya ko lang.
Wala akong kahit na anong iniintindi. "Then, wait for me.."

Hinawakan niya yung kamay ko pagkatapos sinandal niya din yung ulo niya sa ulo ko.

"Gusto kong maging worth it sa lahat ng pagmamahal na pinapakita mo sakin. Ayokong


maging unfair sayo, gusto ko na mahalin ka ng buo. Bigyan mo pa ako ng panahon para
mawala ng tuluyan si Jeydon sa puso ko pagkatapos non, pwede na kitang mahalin."

Hinarap niya ako sakanya. Hinawakan niya yung mukha ko habang nakatitig siya sa mga
mata ko. Pakiramdam ko bumilis yung tibok ng puso ko. Para akong tinatawag ng mata
niya.

"Wag kang magmadali, hindi ako aalis sa tabi mo. Hindi ako mapapagod na mag hintay
para sayo. I'm willing to sacrifice anything for you." nilapit niya ako sakanya
pagkatapos niyakap niya ako ng mahigpit. "I love you so damn much, Candice."

Napangit ako.

Yes it's time to let go and be happy.

Itutuloy..
####################################
35: Reunion
####################################

35: Reunion

Charles point of view.

Taena. Pambihirang buhay 'to. Palagi na lang akong gumigising na mabigat yung loob
ko. Nakakasawa na din. Nakakainis kasi 'to si Serina! Hindi maalis sa isip ko.

Kung siya nagagawa niya akong kalimutang nang ganon na lang dahil sa Xander na yon,
ako naman halos mabaliw na kakaisip sakanya. Hirap talaga kapag gwapo ka, inborn na
sayo yung pagiging faithful at loyal. Hays! Bakit kasi ang gwapo ko?

Teka nga, Oo nga pala gwapo ako kaya bakit ako namomroblema sa mga ganong bagay?
Kung masaya siya don, bahala siya. Ang dami daming nagkakandarapa saking babae eh.

Narinig kong bumukas yung pinto ng kwarto ko. "Kuya, gising ka na ba?"

"Hindi tulog pa ako." pang aasar ko. Sinamaan niya agad ako ng tingin. Mag su-super
sayan na naman siya kaya pinigilan ko na siya. Ngumiti ako sakanya. "Good morning
manang." tumabi agad siya sakin.

"Wala ka bang naaalalang event ngayong araw na 'to?" natahimik lang ako kasi wala
akong idea kung anong meron. "Hays! Confirm! Mag ka away kayo noh?"

Nanlaki yung mata ko nung na realize ko. "Pucha! Monthsarry nga pala namin ni
Serina ngayon." napa buntong hininga na lang kaming dalawa ni manang.

"Kuya, anong bang nangyari sa inyo ni Ate Serina?"

"Malay ko sa amazonang babae na yon. Busy siya don sa Xander na yon. Eh di bahala
siya! Ang gwapo gwapo ko para mag habol!" tumawa ako ng malakas. Bahala talaga siya
sa buhay niya. Ma miss niya din yung gwapo kong mukha.

"Okay sabi mo eh. Panindigan mo yan ah? Hindi ikaw yung maghahabol." sa tono ng
boses niya parang nang aasar pa siya.

"Anong gusto mong sabihin dyan, Candice?" tumawa siya bigla. Taena, nang aasar nga
'to.

"Para kasing sa inyong dalawa, ikaw yung palaging hindi makatiis at ikaw yung
palaging nag hahabol." tinignan ko siya sa mata niya tapos tumawa ulit ako, mas
malakas sa tawa niya.

"Seriously? Sorry I'm not aware." sige na aaminin ko, tumatawa ako ngayon pero at
the back of my mind nasapul ako sa sinabi ni Candice. Tama siya sa lahat ng sinabi
niya. Change topic na lang. "Oo nga pala, kamusta si Jaydee?"

Biglang natigilan si Candice.

"Unti unti na naman siyang gumagaling kuya. Sana nga tuluyan na siyang gumaling."
nararamdaman ko yung bigat ng pakiramdam niya. "Ayokong ipasok sa isip ko na may
taning talaga yung buhay niya. Alam ko gagaling siya."

"Si Jeydon? Masamang damo yon kaya matagal pa mamatay yon."

"Sabagay, abnormal na pusa nga pala yon at yung mga pusa may siyam na buhay kaya
hindi siya basta basta mamamatay." nag iba bigla yung itsura niya. Kapag naaalala
niya si Jeydon, napapangiti na lang siya bigla.

"Mahal mo pa ba siya?"

"I can never unlove him, I just love him in a different way now." nakangiti pa din
siya pero alam kong pilit na yon. "Nag desisyon na kaming pareho na mag let go.
Ayoko na din ipilit eh, kahit anong lapit ko kay Jeydon patuloy niya lang akong
tinutulak kay Lucas. Isa pa, mas maaalagaan at mas mamahalin siya ni Kim. I think
it's better to leave it that way."
"Piliin mo kung saan ka sasaya, kahit naman anong maging desisyon mo susuportahan
kita." napatingin siya sakin. "You deserve to be happy and not miserable."

"Thanks kuya, thanks for being the best brother to me." lumapit siya sakin
pagkatapos niyakap niya ako.

Niyakap ko din si Candice. Masaya ako para sakanya kasi unti unti na siyang
nagiging okay. Wala na yung galit sa puso niya. Alam ko isang araw babalik din yung
dating Candice na nakilala namin. Hindi pa nga lang siguro ngayon dahil alam kong
may gumugulo pa sa isip at puso niya.

"Hoy manang naligo ka na ba?" lumayo siya sakin pagkatapos ang sama ng tingin niya.
"Ang baho mo na eh." pang aasar ko. Alam mo na kung saan papunta yung usapan namin
eh baka mamaya mag dramahan kami ditong dalawa eh.

"Ang kapal mo kuya! Mas mabango pa nga ako sayo eh!" sinamaan na naman niya ako ng
tingin. "Touch na sana ako eh kaso nang asar ka na naman. Aish! kahit kelan talaga
hindi ka na magbabago!" hindi ko napigilan na tumawa. Nakakatawa kasi talaga yuny
mukha niya kapag naaasar.

"Hindi ka pa ba nasanay sa napaka gwapo mong kapatid ha?" nginitian ko siya ng


malapad.

"Gwapo san banda? Ang pangit mo kaya!"

"Ah ganon? Pangit ako?" nginisian ko siya pagkatapos lumapit ako sakanya para
buhatin siya. "Humanda ka sakin!"

"Waaa! Kuya naman ibaba mo ako!" nagmadali akong bumaba habang buhat buhat ko si
Candice. Pambihirang babae 'to, ang bigat. "Mama! Si Kuya oh!"

"Yung huling tumawag sakin ng pangit ayon binugbog ko pero dahil kapatid kita,
hindi naman malala gagawin ko sayo." lumabas agad ako ng bahay tapoa dumiretso kami
sa likod. "Kaylangan mo nang maligo, manang."

Nginitian ko siya pagkatapos hinulog ko siya sa pool namin. Buahaha! Sorry manang,
hindi pa din nawawala ang pagiging maloko ko. Okay lang yan magaling ka na naman
mag swimming at para diretso ligo ka na.
"Mama! Tignan mo yung ginawa sakin ni Kuya!" para siyang bata. Nakakatuwa siyang
tignan. "Humanda ka talaga sakin kuya kapag nakaahon na ako dito! Argh!"

"Mag enjoy ka na lang dyan manang. Sulitin mo na tutal nandyan ka na eh." tumawa pa
ako ng malakas para mas maasar siya. "Bye Candice! Buahaha."

"Ahhh!! nakakainis ka talaga kuya! I hate you!"

"The more you hate, the more you love." dinilian ako siya pagkatapos umalis na agad
ako baka mamaya abutan pa niya ako lagot ako sakanya.

Habang nag lalakad ako nakasalubong ko si Mama. "Anong nangyayari Charles? bakit
sumisigaw don si Candice?"

"Wala yon mama, nag lambing lang ako sakanya. Sige alis na ako!" tumakbo agad ako
palabas. Panigurado lagot din ako don kay Mama kapag nagkataon.

Hindi ko mapigilan na mapangiti. Nakakatawa kasi yung itsura ni manang eh. Kahit
papaano nakita ko ulit yung dating Candice. Yung asar talo sakin tapos yung akala
mo mag su-super sayan kapag galit. Nakakamiss din pala yon.

Sumakay agad ako ng kotse ko.

Hindi ko alam kung saan ko pupunta. Dalawang oras na akong pa ikot ikot kung saan.
Nag drive lang ako ng drive hanggang sa namalayan ko na lang na nasa tapat na pala
ako ng bahay nila Serina. Lintek, ano bang ginagawa ko dito?

Tatlong oras ako tumambay sa labas ng bahay nila. Hindi ko alam kung anong gagawin
ko.

Sabi ko sa sarili ko, hindi ako yung mag hahabol eh. Pucha naman talaga oh! Bahala
na lang nga nandito na din ako, kakausapin ko na lang din siya.

Bumaba ako sa kotse ko pagkatapos pumunta ako sa harap ng gate nila. Bago pa man
ako makalag doorbell, bumukas na yung pinto at bumungad sakin si Serina.
"Charles? Anong ginagawa mo dito?"

Natulala ako at pakiramdam ko nanigas ako dito at hindi makagalaw. Miss na miss ko
na 'tong amazonang babae na 'to. Parang gusto ko siyang yakapin ng mahigpit at
halikan.

"Huy Charles ano ba? May sasabihin ka ba?"

Taena hindi ko na kaya. Tama nga si Candice, ako yung unang hindi makakatiis.

"Serina kasi ano.."

"Serina!" napalingon agad ako dun sa sumigaw. Uminit bigla yung ulo ko nung nakita
ko yung mukha niya. "Come on?"

Napatingin agad ako kay Serina. "Anong come on? Aalis kayo?"

"Ano kasi Charles, inaya kasi ako ni Xander na manuod ng concert ng Maroon 5. Alam
mo naman na paborito ko yun eh, kaya pumayag na ko."

Gusto kong sumabog sa sobrang galit. Pakiramdam ko naiiyak na ako sa inis. Gustong
gusto kong sapakin si Xander hanggang sa maging lumpo siya. Gusto kong mag wala
pero lahat ng natitirang pagpapasensya sa katawan ko, ginamit ko.

"Ah ganon ba? Sige mag enjoy kayo." nilagay ko sa bulsa ng pantalon ko yung kamay
ko pagkatapos naglakad na ako paalis.

"Charles," hinabol ako ni Serina pagkatapos hinawakan niya yung kamay ko. "Ano ba
yung sasabihin mo?"

Inalis ko yung kamay niya sa braso ko. "Forget it."


Dere-deretso akong naglakad papunta sa kotse ko. Mag drive agad ako palayo. Ayoko
at hindi ko kaya na makita silang dalawa na magkasama. Oo, sabihin na natin na
magkaaway kami pero tama ba na sumama siya kay Xander? Pucha naman. Hindi ko na
maintindihan si Serina. Ako na sana yung mag so-sorry, ako na yung magpapakumbaba
pero ayon pa yung nadatnan ko? Nevermind na lang.

Sa inis at galit ko, dumiretso na lang ako sa bar ni Troy. Sa oras na 'to, alak
lang yung makakaintindi at makakadamay sakin. Tinawagan ko agad si Troy para i
reserve sakin yung VIP room.

["Bakit Tanda?"]

"Gago ka talaga! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wag mo akong tawagin na
tanda!"

["Napaka arte mo talaga! Matanda ka na at tanggapin ko yon, ugok! Ano bang problema
mo at napatawag ka?"]

"Iinom ako kaya i reserve mo na yung VIP room mo. Papunta na ko don, bye."

Binabaan ko na agad siya ng telepono. Lintek na Troy yon mas pinapainit yung ulo
ko. Ang baby face ko pa para tawagin na tanda.

Pumasok agad ako sa loob ng bar niya. Maagad pa kaya wala pang masyadong tao dito.
Tamang tama lang para tahimik ako dito.

Umakyat ako don sa VIP room. Pinapasok naman agad ako nung bouncer. Inorder ko na
ata lahat ng klase ng alak. Wala na akong pakialam basta iinom lang ako ngayon.

Inom dito, inom don. Tatlong oras na akong umiinon pero wala pa din akong tama.
Siguro sa sobrang pag inom ko, immune na ako sa pagkalasing.

Na bored na ako sa taas kaya bumaba na ako. Gabi na din kaya madami dami na yung
tao dito. Ang ingay na pagkatapos ang dami nang nagsasayaw sa may dance floor.

Pumunta ako sa may counter tapos duon ako uminom.


Maya maya may isang lalaki sa tabi ko na kumuha ng alak. Pagkatingin ko nakita ko
si Xander. Nanlaki yung mata ko sa gulat. Dala na din siguro ng galit ko, sinuntok
ko siya. Napahiga agad siya sa sahig.

"Yan yung napapala mong gago ka! Matuto kang dumistansya sa girlfriend ko!"

"Sinong girlfriend?! nababaliw ka na ba?!" galit na galit siyang tumayo pagkatapos


kinuha niya yung kwelyo ng damit ko.

Pinikit ko yung mata ko ng matagal. Pagkamulat ko mas lalo akong nagulat nung hindi
pala si Xander yung nasuntok ko. Bago pa man ako makapag sorry, sinuntok na agad
niya ako sa napaka gwapo kong mukha. Malakas pala 'tong hayop na 'to kaya napahiga
ako.

Maya maya lang biglang may dumating na tatlong asungot at mukhang tropa pa ata nung
lalaki na nasuntok ko.

"Humanda ka samin ngayon!" palapit sila ng palapit sakin. Mga gago 'tong mga 'to?
Pag tutulungan pa ako. "Humanda ka saming apat! Bugbog sarado ka samin!"

Patayo na ako pero biglang pumunta sa likod ko yung dalawang kasama niya. Hinawakan
nila ako pareho. Mga duwag ang pucha!

"Ganyan ba kayo lumaban? Mga bakla?!" nagalit yung lalaki na sinuntok ko kanina
kaya sinuntok niya ulit ako. Masakit naman kahit papaano pero mas masakit pa din
ako sumuntok. "Yan na ba lahat?!"

Siniko ko yung isang nakahawak sa braso ko pagkatapos sinipa ko naman yung nasa
kanan ko. Ngayon wala nang pwedeng makapigil sakin. Lumapit agad ako sa ugok na
sumuntok sakin pagkatapos ginantihan ko agad siya ng suntok.

"Hoy Gago! Wala kang katapatan na dumihan yung gwapo kong mukha! Palibhasa sayo
wala nang masisira dyan sa mukha mo!" pagkasabi ko non sinuntom ko ulit siya. Hindi
ko papalaglasin yung ginawa niya.

"TANDA!"
Napalingon ako sa likod ko. Nakita ko yung isang kasama ni ugok na papaluin na ako
gamit yung tubo. Akala ko dead end na ako don pero bago pa man yun lumanding sa
mukha ko, napaluhod siya at halatang may iniindang sakit sa katawan.

Pagkaluhod niya sa harap ko, nakita ko si Jeydon. Malamang siya yung nagpigil sa
lalaki na 'to.

"Mga tanga ba kayo? Ang tanda tanda na niyan pinapatulan niyo pa? Umalis na kayo sa
harapan ko kung hindi mangheheram kayo ng mukha sa aso." nagsitakbo sila palayo na
akala mo hinahabol sila ng nanay nila. "Ayos ka lang tanda?"

"Ikaw ayos ka lang? bakit mo ko tinatawag na tanda ha? Gusto mo suntukin kita
dyan?" mag sama nga sila ni Troy.

"Tumanda ka na at lahat pero isip bata ka pa din." napatingin kaming dalawa ni


Jeydon sa isa't isa.

Pucha, na miss ko yung gagong 'to.

"Tagal na natin hindi nagkausap. Kamusta ex bayaw?" muntik na ako mag choke sa
sinabi niya, siya naman tumawa lang.

"Tamang tama nandito ka Jeydon. Samahan mo akong uminom!" inakbayan ko siya


pagkatapos hinila ko siya don sa dulo. Ayoko na sa VIP room ang boring.

"Ano bang problema mo?"

"Si Serina eh, ayon sumama sa ibang lalaki imbes na sakin! Monthsarry pa naman
namin ngayon. T*ngina talagang buhay 'to." kumuha agad ako ng alak tapos ininom ko.

"Hindi yon sasama sa iba kung wala kang ginawa." napatingin ako sakanya. Anong
pinagsasabi niya? "Chick boy ka pero hindi mo alam ugali ng mga babae? Ugok ka
talaga."

"Bakit ko kaylangang alamin yung napaka gulo nilang ugali ha? Bahala sila sa buhay
nila!" bigla niya kong binatukan. "Aray! para san yon ha?!"

"Lasing ka na. Alam mo tanda, uminom ka na lang pagka okay ka na tska kita
kakausapin." hindi pa naman ako ganon ka lasing eh. Gago 'to si Jeydon kung ano ano
sinasabi.

Natahimik kaming dalawa. Sa totoo lang ang dami kong gustong sabihin kay Jeydon.
Kumuha ulit ako ng alak.

"Hoy Jeydon, alam mo bang sobrang naiinis ako sayo?!" tinignan lang niya ako pero
hindi siya nagsalita. "Gago ka eh, kaibigan mo kaming tatlo pero naglihim ka samin!
T*ngina alam mo ba yon? Sana sinabi mo samin! Parang kapatid mo na kami eh!"

"Charles, ayoko lang kayong mag alala pa sakin. Ayoko lang na pati kayo madamay."

"Gago! hindi ka bayani para mag sakripisyo ng ganyan! kaya nga kami nandito eh para
sayo! Apat tayo di ba?!"

T*ngina talaga oh, parang naiiyak ako ha. Napaka bakla. Lasing na nga talaga ako,
pucha.

"Jeydon alam mo bang botong boto na ako sayo para sa kapatid ko? Kaso gago ka,
sinayang mo lahat. Naiinis ako sayo dahil sinaktan mo si Candice. Gusto kitang
sapakin at bugbugin hanggang sa malumpo ka pero hindi ko magawa. Kahit anong
mangyari kaibigan kita, hindi yon magbabago."

Natahimik ulit kaming dalawa. Nagiging emo na ata ako. Ang tagal ko kasing kinimkim
lahat ng mga 'to. Ang tagal namin na hindi nag usap. Matagal ko na din yang sabihin
sakanya.

"Patawad." matipid niyang sabi.

"Hindi ka pa humihingi ng tawad, napatawad na kita."

"Salamat tanda, salamat." Pareho kaming kumuha ng alak.


"Cheers para sa pagkakaibigan natin!" sigaw ko tapos uminom kami.

Masarap sa pakiramdam na ayos na kaming dalawa. Para akong nakahinga ng maayos.

"May celebration ba dito?"

Nakatayo sa harap namin si Marky at Troy. Taena ano 'to? Reunion ng APAT?

"Hindi niyo kami sinasali dyan." sabat ni Troy. Umupo sila pagkatapos kumuha pa ng
alak si Troy. "Hoy tanda ano na naman bang problema mo ha?!" binato niya ako ng
plastic bottle pero nakailag ako.

"Gago ka Troy! Paano kapag tumama yang bote sa mukha ko ha?! Masisira yung mala
adonis kong mukha."

"What the fvck?! Hoy tanda lasing ka na!" tumawa naman si Marky at Jeydon. Aba
pinagtatawana nila kami ni Troy.

"Hindi pa ako lasing! Inom pa nga tayo!"

"Ano bang problema niyan, Jaydee?" tanong ni Marky.

"Babae."

"Babae?! akala ko matinik ka sa chicks tapos problema mo babae?!" nang asar pa


talaga 'to si Marky. Suntukin ko kaya siya? Iisipin ko na lang na siya si Xander.

"Haha! Tignan niyo gagawin ko." Naghintay ako ng babae na dadaan sa table namin.
Papakitaan ko sila kung gaano pa katindi yung kamandag ko sa mga babae. "Watch and
learn."

May dumaan na isang maganda at sexy na babae. Tumayo agad ako pagkatapos hinarangan
ko siya.
"Hi Miss I lost my number, can I have yours?" ngumiti siya sakin kaya akala ko
positive na pero bigla siyang tumingin kay Jeydon.

"Sorry I lost my number din eh. Can I have his number instead?" sabay turo kay
Jeydon.

"BOOM PANES!" Sigaw ni Troy. T*ngina inasar pa talaga niya ako. Nagtawan tuloy
silang lahat.

"Kung nawawala yung number mo, dun ka sa directory mag hanap!"

Nainis siya pagkatapos sinampal niya ako sabay walk out. Ouch! Yung gwapo kong
mukha. Buiset!

"Watch and learn pala ha." asar ni Marky. "Haha! Epic fail ka na naman tanda."

"Panira ka kasi Jaydee eh." kumuha ulit ako ng alak. Mabuti pa uminom na lang ako
ng uminom hanggang sa malasing na akong tuluyan. Magpapakalunod na lang ako sa alak
para hindi ako problemado ng ganito.

"Hoy Jeydon, bakit umiinom ka ha? Di ba may sakit ka? Baka makasama sayo yan!" sabi
ni Troy. Tinignan ko siya at alalang alala siya para kay Jeydon. May naisip tuloy
ako bigla. Buahaha!! Hindi lang kayo ang pwede mang asar. Papatalo pa ba ako?

"Ayieeee!! Bati na silang dalawa!"

Napatingin silang tatlo sakin. Hindi ko mapigilan yung tawa ko.

"Anong pinagsasabi mo tanda?" naiiritang sabi ni Troy.

"Gumaganon ka pang ugok ka! Alam ko naman na gustong gusto mo nang kausapin si
Jeydon eh. Best friends kayo di ba? Kunyari pa ang Troy namin. Amin amin din kapag
may time, noh?" naiinis siya pero halatang aminado siya sa mga pinagsasabi ko.
"Ha? gago ka tanda."

Para siyang natatae na ewan, natawa na din tuloy si Jeydon sakanya.

"Hoy Jeydon sinabi ko bang tumawa ka?!" sigaw ni Troy.

"Ano bang pakialam mo Troy, eh sa natatawa ako sayo eh. Mukha kang tanga!" tawa pa
din ng tawa si Jeydon.

"Ako mukhang tanga? Sa gwapo ko na 'to ha?" Siya naman yung tumawa ng malakas. "Sa
ating apat ako yung pinaka gwapo."

Sumabat naman ako, "Taena mo Troy! Nananaginip ka na naman ng gising! Ako pinaka
gwapo dito! Wag na kayong umangal pa mga ugok!"

Tumawa na naman ng malakas si Jeydon. Nakakadami na 'tong gago na 'to ah. "Ilang
taon na yung lumipas pero hindi niyo pa din matanggap sa sarili niyo na ako yung
pinaka gwapo sating lahat? Tsk. Wala na kayong pag-asa." sinamaan namin siya ng
tingin ni Troy.

Tinignan namin si Marky. Tahimik kasi siya eh.

"Sige na pagbibigyan ko na kayo pero alam naman natin yung totoo na ako talaga yung
pinaka gwapo sa lahat." Tumawa siya nga malakas. Lahat kami sinamaan siya ng
tingin. "Tara mga ugok may pupntahan tayo!"

"San yan Kie?"

"Sa tambayan natin."

Na excite ako bigla, sa wakas. Buo na ulit ang APAT.


Itutuloy..
####################################
36: APAT
####################################

36: APAT

Charles point of view.

Ang sarap pakinggan ng alon. Matagal na din kaming hindi nakakapunta dito sa tabing
dagat malapit sa bahay bakasyunan nila Jeydon. Tambayan yung tawag namin dito kasi
dito nabuo ang Phoenix at yung APAT. Dito kami palaging nakatambay noong buo pa
yung Phoenix. Dito naganap lahat ng kalokohan at masasayang memories namin.

Ang gaan sa pakiramdam na mag punta dito, siguro dahil ayos na kaming apat. Sa
labing tatlong taong pagkakaibigan namin, walang kahit anong nagbago.

"Ang tagal ko nang hindi nakapunta dito. Kayo ba? nakakapunta pa ba kayo dito sa
tamabayan?" tanong ni Troy.

"Ako? Buo pa yung Phoenix nung huli akong nakapunta dito." sagot ko. Tinignan namin
ni Troy si Marky at Jeydon.

"Tatlong taon na simula nung nakapunta ako dito." sagot naman ni Marky. "Ikaw
Jaydee?" ngayon lahat kami nakatingin na kay Jeydon.

"Galing lang ako dito nung nakaraang linggo." nagula kaming tatlo sa sagot niya.

Umupo si Jeydon sa harap namin, bastos eh kinakausap pa nga namin. Kaya ayon kaming
tatlo umupo na din sa tabi niya.
"Anong ginawa mo dito?" tanong ko.

"Simula nung nag away away tayo at nabuwag ang apat palagi akong pumupunta dito.
Naaalala ko kasi lahat ng masasayang alalaa natin dito. Kahit mga ugok kayo miss ko
pa din kayong kasama."

Natahimik kaming lahat. Bigla akong na guilty dahil sa ginawa namin ni Troy.
Pinangunahan kami ng galit kaya hindi namin siya inintindi. Nakalimutan ko kung ano
ba talaga si Jeydon, nakalimutan ko na hindi niya kayang saktan yung kapatid ko.
Siguro noon kung mas inunawa ko lang si Jeydon at kung nag tiwala lang ako sakanya
hindi mabubuwag ang apat.

Mahirap siguro yung pinagdaanan ni Jeydon. Halos lahat kami galit sakanya noon.
Walang umintindi sakanya kahit pa kaming mga matalik niyang kaibigan.

Napatingin ako bigla kay Troy. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa.
Panigurado mas nararamdaman niya yung guilt dahil mas malapit silang dalawa ni
Jeydon. Para siyang naiiyak na ewan.

"Troy wag kang umiyak, bakla ka ba?" pang aasar ko.

Ang sama ng tingin niya sakin. "Anong pinagsasabi mo dyang matanda ka?"

"Kunwari pa." bulong ko sa sarili ko.

Natahimik na naman kaming apat. Pinagmamasdan lang namin yung dagat.

"Alam mo bang naiinis pa din ako sayo, Jeydon." biglang singit ni Troy. "Hindi ko
matanggap na naglihim ka sakin. Hindi mo man lang ako pinagkatiwalaan ng problema
mo. Kung tutuusin para nang magkapatid yung turing natin sa isa't isa. Wala ba
kaming kwenta para sayo?"

Sa tono ng boses niya may halong inis nga yon pero nangingibabaw din yung lungkot
niya.

"Troy, kaya ko nilihim ang lahat dahil ayokong pati kayo magka problema. Mahalaga
kayo sakin dahil kapatid na yung turing ko sa inyo at ayokong makita kayong
nahihirapan."

"Jeydon paano kung nawala ka at wala kaming alam? Ano sa tingin mo yung
mararamdaman namin? Gago ka talaga alam mo ba yon?" pakiramdam ko naiiyak na talaga
si Troy.

"Alam ko, gago ako."

"Tanga ka pa. Tanga ka para solohin lahat. Ano ka super hero? hindi ka naman si
superman eh. Tao ka lang Jaydee na kaylangan ng iba para mabuhay." nagulat kaming
lahat ng makita namin si Troy na umiiyak. "T*ngina kasi eh, hindi ko matanggap.
Hindi ko kayang tanggapin na may taning na yung buhay mo, na malapit ka nang
mamatay. Hindi ko kaya kapag nawala ka Jaydee, best friend kita eh." humiga siya
pagkatapos pinunasan niya yung mga luha niya. "Nag drama pa tuloy ako, leche."

"Ang bakla mo Troy!" sigaw ko. Ayokong maging ma drama yung usapan dahil parang na
din akong naiiyak. "Itigil mo na yang drama mo!"

"Hoy tanda panira ka ng moment eh! Palibahasa pusong bato ka!"

"Hindi lahat ng gwapo pusong bato, may damdamin din kami hindi lang halata!"

Biglang natawa si Marky at Jeydon. Medyo nawala na yung kadramahan. Sandali nga,
napapansin ko na kaming dalawa lang ni Troy yung kanina pa salita ng salita. Ang
tahimik ng dalawang 'to.

"Kayong dalawa, anong nakakatawa ha?" tanong ko.

"Para kasi kayong sira. Mukha kayong aso't pusa." sagot ni Marky. "Walang mawawala,
masamang damo si Jeydon kaya hindi siya mamatay."

Biglang napatayo si Jeydon. "Hindi ako pwedeng mamatay dahil ako ang batayan ng
kagwapuhan dito sa mundo." tumawa siya ng malakas. "Naimbento lang naman yung
salitang gwapo nung pinanganak ko eh." tumawa ulit siya malakas.

Nagkatinginan kaming tatlo nila Troy. Tumayo din kami pagkatapos sabay sabay namin
siyang bunatukan pero mahina lang dahil ayaw namin na atakihin siya ng sakit niya.

"Alam mo pasalamat ka may sakit ka kasi mas malakas pa sana dyan yung aabutin mo
samin." sa wakas, nagsalita na din si Marky. "Kahit kelan hindi nag bago yang
kayabangan mo."

"Nagsasabi lang ako ng totoo. Hindi niyo ba alam yung kasabihan? honesty is the
best attitude."

Sabay sabay kaming natawa sa sinabi niya. Confident na confident pa siya sa


sinasabi niya, mali naman. Pati paging sablay niya hindi pa din nagbabago.

"Last mo na yan ah!" sigaw ni Troy habang tawa ng tawa. "Honesty is the best
attitude, haha! aba okay yon ha?"

Sinamaan niya kami ng tingin. "Anong mali don ha? Tama naman ako ah."

"Honesty is the best policy yon." sabi ni Marky.

Nag isip pa siya ng malalim at mukhang ayaw pa niyang maniwala. Hindi ko talaga
mapigilan na matawa lalo na sa itsura ngayon ni Jeydon. Napaka epic.

"Pareho lang yon! May sarili lang akong version dahil ganon kaming mga pogi may
originality." nagpatay malisya na akala mo hindi siya napahiya. Tumawa lang siya ng
malakas.

"Ganyan ba epekto ng sakit mo?" tanong ko. "Gwapo nga tayong apat pero ako lang
yung may matinong isip satin at ibig sabihin lang non ako yung lamang sating
lahat." sabay tawa ng malakas. "I'm just telling the truth. Honesty is the best
attitude, right?"

Naisip ko na naman yung sinabu ni Jeydon kaya hindi ko na naman napigilan na tumawa
ng tumawa. Taena ngayon na lang ulit ako tumawa ng ganito.

"Alam na." bulong ni Jeydon dun sa dalawa.


Nakatingin silang tatlo sakin at sa mga mata nila halatang may kalokohan silang
gagawin sakin. Habang tumatagal napapangisi silang tatlo. Parang alam ko na kung
ano yung gagawin nila sakin.

"Isa, dalawa, tatlo!" sigaw ni Troy pagkatapos lumapit silang tatlo sakin. "Buhatin
si tanda!"

Binuhat nila akong tatlo. Pumapalag ako pero wala pa din akong magawa, malakas
silang tatlo eh. Pucha! alam ko na yung gagawin nila!

"Mga ugok ibaba niyo na ko!"

"Hahaha! maligo ka muna!" sigaw ni Troy pagkatapos non hinagis nila ko sa dagat.

Basang basa ako, tinignan ko sila ng masama kaya tumakbo sila palayo. Tumayo agad
ako para habulin sila. Humanda silang lahat tatlo sakin!

Dati pa man palagi na nila akong binubuhat at hinahagis papunta sa dagat. Palagi na
nilang ginagawa yon. Sa aming tatlo ko yung pinaka bully, palibhasa naiinggit sila
sa kagwapuhan ko. Buahaha!

Karma ko din ba 'to sa ginawa ko kay Candice kanina? Taena ang bilis ng karma ko
ah.

"Hoy bumalik kayo dito!" tumakbo ako ng mabilis para mahabol ko sila. Bumalik na
ata sila sa kotse ni Marky, ang bilis nila tumakbo kaya hindi ko na sila makita.

Pagkadating ko sa dulo tawa sila ng tawa.

"Taena ano tawa pa?"

"Hahaha! I miss this." pang aasar pa ni Troy. "Epic talaga kapag naaasar si tanda."

"Kontrapelo talaga kayong dalawa. Yung pinaka bata at pinaka matanda." dagdag pa ni
Marky.

"Palibahasa kasi hindi mo matanggap na mas gwapo ako sayo! Buahaha!"

"Asa ka! Mas gwapo ako sayo!" pagpipilit ni Troy. Hanggang ngayon umaasa pa din
siya.

"Tama na nga! wag na kayo mag away mas gwapo ako at mas matalino pa." singit ni
Marky sabay tawa.

Napatingin ako kay Jeydon kasi kanina pa siya tahimik. Napahawak siya bigla sa ulo
niya, nagulat na lang ako kasi bumulagta bigla si Jeydon sa sahig. Biglang bumilis
yung tibok ng puso ko.

"Si Jeydon!" sigaw ko.

Natigilan kaming lahat, tulala at gulat.

"Dalhin natin siya sa hospital." kalmadong sabi ni Marky.

Nagmadali kaming lahat na ipasok si Jeydon sa loob. Dalawa kami ni Troy sa likod na
inaalalayan s Jeydon. Walang malay si Jeydon at namumutla siya. Pagpasok na
pagpasok naming lahat pinaandar agad ni Marky yung kotse.

"Wag kang bibitiw Jeydon, gago ka madami pa tayong pag uusapan. Hindi ka pa pwedeng
mawala, ngayon pa lang tayo nag kaayos." pakiramdam ko maiiyak na naman si Troy.

Hindi na lang ako nagsalita. Hindi ko alam kung anong dapat sabihin sa panahon na
ganito. Ayokong makadagdag sa pag aalala ni Troy. Nanahimik na lang ako hanggang sa
makadating kami sa hospital malapit sa beach.

Dinala agad si Jeydon sa emergency room. Kaming tatlo naman naghintay lang sa
labas. Naisip ko na papuntahin dito si Candice baka sakaling kailanganin siya ni
Jeydon. Alam ko naman na yung kapatid ko yung nagiging lakas niya.
Halos isang oras na kaming nag hintay sa labas. Lahat kami kinakabahan sa pwedeng
mangyari. Hindi namin masyadong inisip yung sakit ni Jeydon kanina, naging pabaya
kami. Hindi ko mapapatad yung sarili ko kapag may nangyaring masama sa ugok na yon.

"May gagawin lang daw na test yung doktor pagkatapos kakausapin nila tayo." sabi ni
Marky.

Kalmado pa din siya pero alam ko naman na nagaalala din siya. Sa aming apat siya
yung pinaka kalmado at pinaka matalino.

Naghintay ulit kami ng isa pang oras. Nag text si Candice na papunta na siya dito.
Habang tumatagal mas lalong tumitindi yung pagaalala namin.

"Family of the patient?"

Tumayo agad kaming tatlo, kabado sa kung anong sasabihin ng doktor.

"He's is okay now."

Para kaming nakahinga ng maluwag sa sinabi ng doktor.

"We found out a tumor on his brain but that can be cure by a surgery. Hindi
malignant yung tumor so hindi siya cancerous. As of the moment okay naman yung mga
vital signs niya but need to take the surgery as soon as possible."

"Teka dok nagkakamali ata kayo, may brain cancer si Jeydon at may taning na yung
buhay niya."

"Sorry pero nagkakamali kayo. Lahat ng sinabi ko ay base sa mga test result at
hindi yon pwedeng magkamali. Kung hindi pa din kayo kuntento, pwede kayong mag pa
second opinion."

Magsasalita pa sana si Troy pero pinigilan siya ni Marky. "Hindi na kailangan dok
pero kakausapin muna namin yung pamilya niya."
"Okay, I will leave you with the patient now. Pwede niyo na siyang kausapin. Just
go to my office if you need anything."

Pagkaalis na pagkaalis nilg doktor, may tinignan si Marky sa cellphone niya. Kaming
dalawa ni Troy nakatanga lang dahil hindi namin alam kung anong nangyayari.

"Marky, anong ibig sabihin non? Walang taning yung buhay ni Jeydon? Hindi siya
mamatay?"

Napabuntong hininga na lang si Marky. "Nung nakaraan kay gustong sabihin sakin si
Kim. May nalalaman daw siya na hindi niya masabi dahil sa daddy ni Jeydon."

"Ano yon?" nagtataka kong sabi.

"Si tito Dave yung kasama ni Jeydon nung pumunta sila hospital at neurosurgeon ng
Lopez family yung tumingin sakanya noon. Hindi ako sigurado pero ang hula ko, yung
taning sa buhay ni Jeydon ay pakana lang ni tito Dave."

Nagulat kaming lahat sa sinabi ni Marky. Parang hindi ko alam kung paano ko
ipapasok sa isip ko yung mga sinabi niya.

"Kuya.."

Napatingin kaming tatlo sa likod.

"Candice.."

Itututloy..
####################################
37: Father and Son
####################################

37: Father and Son

Jeydon's point of view.

Minulat ko yung mga mata ko. Bumungad agad sakin yung ilaw sa kisame. Nabalot ako
ng takot nang mapagtanto ko na nasa hospital na naman ako. Ayoko sa lugar na 'to.
Binabalik lang nga lugar na 'to lahat ng masasakit at mapapait na alaala ko.

"Anong nararamdaman mo?" lumingon agad ako sa kanan ko para makita ko siya. "May
masakit ba?" nanlaki yung mata ko.

"Sabihin mo, panaginip na naman ba 'to?" napa ngiti siya ng bahagya sa sinabi ko.
"Totoo bang nandito ka ulit sa tabi ko?"

"Abnormal ka talaga noh? Ano bang tingin mo sakin ha, multo?" ngayon tumawa naman
siya pagkatapos kinurot niya ng mahina yung pisngi ko. Nakaramdam ako ng sakit kaya
ibig sabihin hindi nga ako nananaginip. "Oh ayan, hindi na ba panaginip para sayo
ang lahat?"

"Ano bang nangyari? bakit nasa hospital na naman ako?" parang mas lalo lang
sumasakit yung ulo ko kakaisip.

"Nahimatay ka kanina habang kasama mo sila kuya. Dinala ka nila agad dito tapos
tinawagan ako ni kuya na nandito ka." inalala ko yung mga pangayayari kanina.
Sumakit bigla yung ulo pagkatapos nagdilim na yung paligid. Ang sumunod na lang don
nandito na ako sa hospital. "Okay ka na ba?"

"Oo ayos na ako. Gusto ko nang umalis dito." binalak kong umupo pero biglang
sumakit yung ulo ko.
"Hanggang ngayon ba matigas pa din yang ulo mo? Mag pahinga ka nga muna." napakamot
na lang siya ng ulo. "Aish! pasaway na pusa 'to."

"Narinig ko yon ah!" sigaw ko.

"Eh di narinig mo! pasaway ka naman talaga eh kaya ka napapahamak." napabuntong


hininga siya pagkatapos natahimik kaming dalawa. "Pwede mo pa din naman akong
maging nurse di ba? Katulad ng dati? kahit as a friend na lang."

Bigla akong natigilan. Oo nga pala, pareho na kaming nag let go. Hanggang sa
pagiging magkaibigan na lang kaming dalawa. Para akong tanga kasi bigla na lang
akong nasaktan. Ano bang problema ko? Eto naman yung gusto ko.

"Wag na, wala ka naman kwenta mag alaga eh." pang aasar ko. Gusto ko lang siyang
asarin. Minsan lang naman pwedeng mangayari 'to eh.

"Wow ha? kaya pala ako nag papagaling sayo dati tapos wala pa akong kwenta non?"
napangiti ako. Kahit naman hanggang ngayon, ikaw pa din. "Wag na nga, ang choosy
mo." bigla siyang nagtaray sakin.

Gustong gusto kong tumawa pero kailangan ko na pigilan yung emosyon ko. Ayoko nang
maging malapit pa ulit kami. Ayoko na mapalapit pa ulit sakin si Candice at sa huli
masasaktan lang siya. Tama na yung nag let go na kaming dalawa.

"Bakit ka ba nandito?" nagulat siya sa tanong ko.

"Ah kasi.. si kuya.. sabi niya kasi pumunta daw ako dito." para siyang nawala
saglit sa sarili niya. "Papunta din ako sa bahay nila Lucas kasi dumating galing
Korea yung pamilya niya kaya dumaan muna ako dito kasi nasa airport pa sila."

Nainis ako bigla sa sarili ko. Ang gago ko para ipagtabuyan siya. Alam kong
nagmamalasakit pa din siya sakin kaya siya nandito pero ano 'tong ginagawa ko? Isa
pa nakaramdam ako ng selos kay Shawn. Hindi ko na dapat nararamdaman 'to dahil wala
na akong karapatan kay Candice. Ako naman yung nagtulak sakanya papunta kay Shawn.
Ang gago ko talaga, wala akong kwenta.

"Sige, aalis na din ako. Nandito pa sila kuya, tatawagin ko lang sila." tumayo siya
pagkatapos lumabas agad siya ng kwarto. Hindi ko man lang siya napigilan.
Napatingin na naman ako sa ilaw na nasa kisame. Naisip ko ulit yung katangahan na
ginawa ko. Siya na yung lumalapit sakin pero ako 'tong taboy ng taboy sakanya
palayo. Nasaktan na naman ba siya sa ginawa ko? Kailangan ko lang naman yun gawin
dahil mamatay na ako at hindi na siya magiging masaya pa sakin. Ang gusto ko lang
naman sa simula pa lang ay yung maging masaya siya.

Hindi ko na napigilan na umiyak. Siguro dahil sa inis at sakit. Inis sa sarili ko


at sakit na makita si Candice na tuluyan nang lumalayo sakin.

"Jeydon?" boses ni Troy. Kasunod niya si Marky pero si Charles wala pa. "Okay ka na
ba?"

"Kelan ba ako hindi naging okay?"

"Kanina!" sigaw niya. "Wag ka nga mag feeling na malakas ka ugok." sa ekspresyon ng
mukha niya, gusto niya akong batukan.

"Anong sabi ng doktor? Kelan daw ako mamatay?" pagkasabi ko pa lang non kita ko na
agad sakanila yung pagkainis. Alam ko naman na ayaw nilang mawala ako pero ayon
yung totoo na kailangan naming tanggapin.

"Excited ka na bang mamatay?" inis na sabi ni Marky pero dahil siya si Marky
mahinahon pa din siya. "Mag hintay ka lang, may tamang panahon dyan at swerte ka
mag tatagal ka pa."

Biglang akong napatingin sakanya. Magtatagal? anong sinasabi ni Marky?

"Masamang damo ka ugok kaya hindi ka pa mamamatay." nagulat ako sa reaskyon ni


Troy, nakangiti na siya ngayon. Bigla akong naguluhan. May kailangan ba akong
malaman?

"Ano bang pinagsasabi niyo?"

Bumukas yung pinto. "Nasabi niyo na ba?" tanong ni tanda.


"Nasabi ang ano?" nagtataka kong tanong. Nakatayo silang tatlo sa harap ko.
Nagkatinginan pa sila at parang nag tuturuanpa kung sino yung magsasalita. "Bawal
pag hintayin ang gwapong katulad ko, ano ba yon?"

"May sasabihin kami." sabi ni Troy. Gusto ko siyang batukan.

"Obvious bang alam ko? ano nga yon? Naiinis na ko." naging seryoso sila.

"Jeydon, walang taning yung buhay mo. Hindi ka pa mamatay dahil wala kang brain
cancer."

Natulala ako sa sinabi ni Marky. Hindi ko maipasok sa isip ko yung mga pinagsasabi
niya. Para isang malaking biro pero hindi nakakatawang biro yon. Bigla tuloy akong
natawa. "Alam ko tapos na yung april fools." tumawa pa din ako pero silang tatlo
napaka seryoso pa din ng mukha.

"Jeydon hindi kami nag bibiro. Wala kang cancer at lalong walang taning yung buhay
mo." pagpipilit ni Charles.

Hindi ako nakapagsalita dahil sa gulat. Ngayon pa lang unti unting pumasok sa isip
ko na totoo lahat ng mga sinasabi nila. Natahimik lang kaming lahat.

Paano mangyayari na wala akong cancer at walang taning yung buhay ko? Imposible
naman na magkamali yung neurologist namin, napaka galing niya at hindi pwedeng
magkamali yung mga result na pinakita niya.

"Gaano ba kayo kasigurado na wala nga talaga akong cancer at walang taning yung
buhay ko?" kahit medyo masakit pa yung ulo ko pinilit ko na tumayo. "T*ngina naman
wag niyo na akong paasahin sa wala. Kung mamamatay ako, then be it. Ready na akong
harapin si kamatayan."

"May brain tumor ka pero hindi yon malignant kaya hindi siya cancerous. Kailangan
lang daw ng operasyon para maalis yon at gumaling ka. Para sakin naniniwala ako sa
sinabi ng doktor, pwede naman tayo mag pa second opinion pero alam ko na pareho
lang yung magiging resulta. Wala kang cancer, Jeydon."

Kilala ko si Kie, matalino siya. Kung sa tingin niya totoo na wala akong cancer,
maniniwala ako sakanya. Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit sinabi samin ng
doktor na yon na may cancer ako at may taning na yung buhay ko. Dalawa kami ni dad
na kausap niya non. Hindi siya pwedeng pumalpak lalo na sa harap ni dad dahil isa
kami sa may ari ng hospital na yon.

Sandali, parang may mali.

"Jeydon tingin ko kailangan mong kausapin yung daddy mo tungkol dito."

Then it hits me. Para siyang puzzle na unti unting nabubuo sa isip ko. Kaya ba
palaging kausap ni dad yung Neurologist ko? Kaya ba ayaw niyang ipakita sakin ng
buo yung mga test results? Kaya ba ayos lang sakanya na wag na ako mag pa chemo?
Kaya ba ganon na lang kadali para sakanya na tanggapin yung kondisyon ko?

Ayokong isipin na niloko ako ni dad, na may ginawa siyang hindi maganda pero hindi
ko maiwasan. Sana wala, sana wala siyang kinalaman sa lahat ng 'to kasi hindi ko na
alam kung anong magagawa ko. Maayos na kami kaya natatakot akong masira na naman
kami. Hindi ko tuloy mapigilan na mabalot ng kaba.

Sandali kong naisip si Candice. "Alam na ba ni Candice yung totoo?"

"Hindi pa namin nasasabi sakanya." sagot ni Charles. Mabuti na lang.

"Kailangan kong puntahan si dad."

Inalis ko lahat ng mga nakakabit sa katawan ko. Wala akong pakialam sa sakit na
nararamdaman ko ngayon. Gusto kong kausapin si dad, gusto kong tuluyan na
maliwanagan. Gusto kong malaman yung totoo.

"Hindi ka pa magaling, Jeydon mag pahinga ka muna." inawat ako ni Troy pero hindi
ako nagpapigil. "Jeydon ano ba!"

"Hayaan niyo na ako! Kailangan kong malaman yung totoo!"

Lumabas agad ako ng kwarto. Nagmadali kong umalis. Pumara agad ako ng taxi pauwi
samin. Habang tumatagal mas nadaragdagan lang yung paghihirap ko.
Parang ayokong tanggapin yung katotohanan. Masakit na isa lang pala yong
kasinungalingan.

Pagkadating na pagkadating ko sa bahay dumiretso agad ako sa office ni dad.

Bago pa man ako makapasok nakita ko na yung pintuan na bukas at may narinig din
akong boses sa loob.

"Tito Dave, itigil niyo na 'to. Hindi ba kayo naaawa kay Jeydon? Sobra na siyang
nahihirapan!" sigaw ni Kim. Hindi muna ako pumasok sa loob para mapakinggan ko yung
pinag uusapan nila. "Anong klase ba kayong ama? Nagawa niyong lokohin pati sarili
niyong anak?"

"Kim ginawa ko yon para kay Jeydon. Ginawa ko yon para mag hiwalay sila ni Candice.
Kilala ko yung anak ko, alam kong makikipag hiwalay siya kay Candice. Tama naman
ako hindi ba?"

Totoo nga, isa lang yong palabas.

Hindi ako makapaniwala sa lahat ng mga narinig ko. May kung anong mabigat akong
naramdaman. Puno ako ngayon ng galit na para akong bulkan na gustong sumabog. Paano
niya nagawa na lokohin ako?

"Hindi mo ba nakita na pabor sayo lahat ng mga ginawa ko? Wala na sila ni Candice
at pwedeng pwede na kayo ni Jeydon. Nasasayo na lang kung papano mo makukuha ulit
yung anak ko. Kim ikaw ang gusto ko para kay Jeydon at hindi si Candice. Hindi ko
hahayaan na maging parte ng buhay namin ang anak ng taksil kong kaibigan."

Naramdaman ko na lang na may mga luha na pala sa pumapatak galing sa mata ko. Hindi
ko kayang ipaliwanag yung nararamdaman ko ngayon. Sobra, sobrang galit at inis.

"Tito Dave hindi yon fair kay Jeydon! Ayoko siyang makuha ng ganon. Tama na!
sasabihin ko na kay Jeydon yung totoo!"

"No Kim, hindi ito pwedeng malaman ni Jeydon." hindi ko na matiis kaya pumasok na
ko sa loob.
"Huli ka na dad, alam ko na yung lahat." parehong nanlaki yung mata nila nung
nakita nila ako. "Lahat ng 'to, pakana mo lang pala." hindi pa din tumitigil yung
mga luha sa mata ko.

"Jeydon, hayaan mo akong mag explain."

"Explain?! ano pang explanation yung kailangan ko ha? Ginago mo ko dad!"


nahihirapan akong huminga dahil sa galit.

"Ginawa ko yon para sayo! Para mapabuti ka!"

"Mapabuti?" lumapit ako sakanya. "Ginawa mong miserable yung buhay ko!" kinuha ko
yung kwelyo ng damit niya. Gustong gusto ko siyang suntukin. "Alam mo ba kung gaano
na ka miserable yung buhay ko?! Wala nang kwenta yung buhay ko! Wala na dahil
iniwan na ako ni Candice! Iniwan na ako ng babaeng pinakamamahal ko! Alam mo ba
kung gaano kasakit yon?! parang namatay na din ako eh!" nakahanda na yung kamao ko
para sintukin siya pero pinigilan ko yung sarili ko.

Napaupo na lang ako sa sahig. Sobrang sakit na nang ulo ko pero walang wala yon sa
sakit nararamdaman ng puso ko.

"T*nginang buhay 'to! Pati sarili kong tatay, ginago ako!" hindi ko na napigilan na
umiyak ng tuluyan.

Halo halong emosyon na yung nararamdaman ko. Inis, galit at pagkasuklam. Ang bigat
sa pakiramdam.

"Jeydon tumigil ka na!"

Tumayo ako para harapin ulit siya. "Ikaw ang tumigil!" pakiramdam ko nagdidilim na
yung paningin ko. "Lumayo ka sakin baka ko pang magawa ko sayo!"

Lumapit sakin si Kim. "Jeydon, mag hunos dili ka." tinulak ko siya palayo sakin.

"Hunos dili? Nagpapatawa ka ba Kim? Paano ako kakalma sa lahat ng nalaman ko?
Niloko ako! Ginago ako! At ikaw, pinagkatiwalaan kita pero niloko mo din ako!"
"Jeydon patawarin mo ko, hindi ko naman gustong lokohin ka."

"Kalokohan! Niloko niyo akong lahat! Mag sama sama kayo!"

Lumabas agad ako ng office ni dad pagkatapos dumiretso ako sa kwarto ko. Kumuha
agad ako ng bag tapos nag imapake ako ng mga gamit ko. Wala na akong dahilan para
manatili pa dito. Hindi ko na kayang tumira sa iisang bahay kasama si dad.

Biglang bumukas yung pintuan ng kwarto ko. Pumasok silang lahat, si mom, si ate, si
Jayshin, si Kim at si dad.

"Jeydon! Anong nangyayari? bakit nag babalot ka ng mga gamit mo?" lumapit sakin si
mom para pigilan ako pero hindi ako nag paawat. "Saan ka pupunta?"

"Aalis na ko sa bahay na 'to mom. Hindi ko na kayang tumira kasama si dad." lahat
sila napatingin kay dad.

"Ano na naman bang ginawa mo sa anak natin Dave?"

"What I did is for him. Maiintindihan din ni Jeydon ang lahat." nagpintig yung mga
tenga ko sa sinabi niya. Para sakin? Gago ba siya?

"What you did is just for your own sake!" wala na akong pakialam kung pagmataasan
ko pa siya ng boses. Hindi ko na kayang kontrolin yung galit na nararamdaman ko.
"Wala kang kwentang ama!"

Lumapit siya sakin pagkatapos sinuntok niya ko. Napahiga ako sa sahig at pagkahawak
ko sa labi ko dumudugo siya.

"Dave ano ba!" inawat siya ni mom pero hindi siya nag paawat. Tumayo siya sa
harapan ko.

"Wala kang karapatan na sabihin yan sakin na ama mo! Ako yung bumuhay at nagpalaki
sayo! Kung wala ako, wala ka! Ganyan ba kita pinalaki?! Wala kang galang! Wala kang
respeto sakin!"

Tumayo ako tapos tumayo ako sa harap niya. Tinignan ko siya ng mata sa mata.

"Respect is for those who deserve it, not for those who demand it." pinikit ko
panandalian yung mata ko para ma control ko yung sobra sobrang galit na
nararamdaman ko ngayon. "Sa lahat ng ginawa mo lahat ng natitiramg respeto ko sayo
nawala lahat."

"Kilalanin mo kung sinong kinakausap mo. Ama mo pa din ako!"

"Yun nga eh! Ama kita pero nagawa mo sakin 'to! Sa lahat ng tao na gagawa nito,
bakit ikaw pa?!" napaupo ulit ako. Hinawakan ko yung ulo ko. Sobrang sakit na.
"Sinabi mong may cancer ako na may taning na yung buhay ko. Alam mo ba kung gaano
kahirap na tanggapin yon? Alam mo ba kung gaanong trauma yung naramdaman ko? Kung
gaano kasakit na araw araw mong iniisip kung hanggang kailan ka na lang tatagal sa
mundong 'to?! tapos isang araw malalaman ko na palabas lang pala lahat ng yon para
lang mapaghiwalay kami ng taong mahal ko?! T*ngina! Parang gusto kong mamatay na
lang!"

Tumayo ako pagkatapos kinuha ko yung mga gamit ko.

"Jeydon saan ka pupunta?" pag awat sakin ni noona. "Wag kang umalis."

"Mianhe.. aalis na ako sa bahay na 'to at hindi na ako babalik pa."

"Sa oras ba umalis ka sa bahay na 'to, lahat ng mana mo mawawala. Yung credit cards
mo, bank accounts at lahat ng properties mo i hohold ko." natawa na lang ako.
Tingin niya ba, matatakot ako don? "Kalimutan mo na din.kaming pamilya mo, lalo na
ako na ama mo dahil hindi na kita ituturing na anak."

"Gawin mo lang kung anong gusto mo." Humarap ako sakanya. Tinignan ko ulit siya sa
mga mata niya. "Simula ngayon, hindi na din kita ituturing na ama. Kakalimutan kong
tatay kita at simula ngayon wala na akong ama."

Tumalikod ako sakanilang lahat.


"Hyung! don't leave!"

Hindi ko pinakinggan yung mga pagpipigil nila. Hindi ko na talaga kayang makisama
pa kay Dave Lopez. Mas gugustuhin kong maging mahirap kaysa mabuhay na kontrolodo
lahat ng galaw ko. Magmadali akong umalis ng bahay.

Kinuha ko yung kotse na binigay sakin ni Marky. Hindi ko alam kung saan ako
pupunta. Simula ngayon, mag isa na lang ako. I'm on my own.

Walang credit cards, walang bank account, walang apartments at condo. Lahat ng luho
na meron ako, wala na. Ang aasahan ko na lang yung sarili kong pera na hindi naman
ganon kalaki. Eto na siguro yung panahon na mararanasan ko kung paano mag hirap at
mabuhay ng independent.

Napahinto ako, kinuha ko yung phone ko pagkatapos pinanuod ko yung video ko kasama
si dad.

"Jeydon, paglaki mo ano ang gusto mong maging?"

"I want to be just like you dad!"

"Good boy. I know in time, ikaw na ang papalit sakin. I love you Jeydon."

Hindi ko na naman napigilan na umiyak. Bakit kailangan na humantong lahat sa


ganito? T*nginang buhay 'to. Mahal ko siya pero ngayon wala na lahat ng pag mahahal
ko. Kinamumuhian ko siya at nasusuklam na ako kahit tawagin man lang siyang ama.
Binura ko yung video na yon at lahat ng bagay na may kinalaman sakanya.

Nagpasya muna ako na pumunta sa bahay nila Shawn. Gusto ko lang makita si Candice.
Nanatili lang ako sa kotse ko at naghintay.

Nag hintay ako ng tatlong oras bago lumabas si Candice kasama si Shawn. Ang saya
niyang kasama si Shawn. Nakita ko ulit yung mga ngiti niya.

Gusto kong maging masaya pero shit, ang sakit. Sobrang sakit. Ngayon pang nalaman
ko na hindi naman pala ako mamatay. Na wala naman palang kwenta lahat ng sakripisyo
ko. Na pwede naman pala na hanggang ngayon kami pa din at masaya. Para ko siyang
pinamigay ng ganon na lang sa iba.
Kung hindi lang sana yon nangyari.

"Sana ako pa din yung nasa tabi mo. Sana tayo pa din Candice.. Sana ako pa din yung
mahal mo. Sana lahat ng sana matupad." napangiti ako habang umiiyak. "Candice mahal
na mahal kita eh.. sana bumalik ka na sakin.."

Napahawak ako ng mahigpit sa manibela kotse ko. Hindi ko na maibabalik pa sa dati


ang lahat. Pareho na kaming nasaktan at pareho na kaming nag let go. Pareho na
naming tinalikuran ang isa't isa.

Pinaandar ko yung kotse ko.

"Candice, kung talagang tayo ang para sa isa't isa alam ko na pagtatagpuin pa ulit
tayo ng mapaglarong tadhana.. ngayon magpapaalam muna ako sayo, aayusin ko muna
yung sarili ko.. sana pagbalik ko hindi pa huli ang lahat.."

Hindi ko alam kung saan ako pupunta o kung saan ako mag sisimula pero kailangan
kong ayusin yung buhay ko. Kailangan ko nang matuto na tumayo sa sarili ko.

I'll be gone but I will be back...

Itutuloy...
####################################
38: Truth
####################################

38: Truth

Candice point of view.


"Candice.."

Binuksan ko yung mata ko. Nakilala ko agad yung boses niya, nakatayo siya sa
pintuan ng kwarto ko. Akala ko aasarin niya ako o guguluhin pero sa itsura pa lang
ng mukha niya, napaka seryoso na. Pakiramdam ko may importante siyang sasabihin
sakin.

"Ano yon kuya?" bumangon ako sa kama ko pagkatapos lumapit ako kay sakanya. "May
kailangan ka ba sakin?"

"May gusto akong sabihin sayo. Sumunod ka na lang sakin sa may garden." tumalikod
siya tska naglakad palayo.

Nagulat ako sa ikinikilos ni kuya. Pakiramdam ko may mali. Nag ayos agad ako ng
sarili pagkatapos dumiretso na ako sa garden namin. Nakaupo si kuya sa table at
seryosong naghihintay sakin. Bigla tuloy akong kinabahan.

"What is it?" tanong ko pagkatapos umupo ako sa harap niya. "May kailangan ba akong
malaman?"

"Meron at tungkol yon kay Jeydon."

Pagkabanggit pa lang ng pangalan niya mas lalo akong kinabahan. Naisip ko kung
tungkol yon sa kalagayan niya. May nangyari bang hindi maganda sakanay? pero ano pa
ba yung kinalaman ko kay Jeydon? Siya na naman mismo yung nagtataboy sakin palayo.

"Kung tungkol yan kay Jeydon, kailangan ko pa ba yang malaman?" walang gana kong
tanong.

"Wala siyang sakit, walang taning yung buhay niya. Lahat ng mga yon, isa lang
kasinungalingan." natigilan ako sandali tapos natawa ako bigla.

"Akala ko seryoso ka pero hindi pala. Ano yan? Bagong prank? Infairness natawa ako
don." natigil ako sa pagtawa nung nakita ko yung mukha ni kuya na seryoso pa din.
"Seryoso ka ba talaga sa mga sinabi mo?"

"Oo." seryoso at matipid niyang sagot.


"Hindi ko maintindihan." huminga muna ng malalim si kuya. "Hindi totoo na may sakit
siya?"

"Lahat ng kasinungalingan na yon pakana lang ng daddy ni Jeydon. Pinalabas lang


niya na may sakit at may taning na yung buhay ni Jeydon pero ang totoo wala." hindi
na ako nakapag salita sa sobrang gulat. "Sinulsulan niya si Jeydon na hiwalayan ka
dahil sa sakit niya. Pinamukha niya kay Jeydon na wala na siyang kwenta para sayo
para na din makipaghiwalay sayo si Jeydon. Mahal na mahal ka ng ugok na yon kaya
mas pinili niya na magsakripisyo dahil ayon ang akala niyang tama." Hindi ako
makapaniwala na nagawa lahat yon ng daddy niya.

Para akong nanghihina sa mga sinabi ni kuya. Hindi ko alam kung anong dapat kong
maramdaman. Para bang lumulutang yung utak ko. Hindi ko na nawalayan na napatayo na
pala ako sa kinakatayuan ko pagkatapos naglakad ako palabas ng bahay.

"Candice! Saan ka pupunta?" pagpipigil sakin ni kuya.

"Kailangan ko mag-isip kuya. Pakiusap lang hayaan mo muna ako." nag deretso lang
ako sa paglalakad. Kung saan ako pupunta? Hindi ko din alam eh. Ang alam ko lang
gusto ko na mapag-isa.

Lahat ng nangyari, isa lang palang kasinungalingan at palabas. Pareho kaming


biktima ni Jeydon sa pangyayari. Pareho kaming niloko at pinaglaruan at ang
masaklap pa, daddy niya yung may gawa nito.

Nakaramdam ako ng sakit, ang hirap tanggapin. Kasabay ng mga luha sa mata ko na
unti unting tumutulo, hindi ko na namalayan na nasa park na ako. Tulala ako at
parang wala sa sarili.

Napaupo ako sa isang bench. Hindi ko na napigilan na maiyak. Napakasaklap ng mga


nalaman ko, nakakapanghina.

Paano kung hindi nag sinungaling sa amin si Dave Lopez? Masaya pa din kaya kami ni
Jeydon? Kami pa din kaya?

Kung hindi nangyari yon, hindi sana nawala yung pagmamahal na meron ako para
sakanya. Hindi sana kami nasaktan at nagdusa ng ganito. Hindi na sana nadamay pa
yung ibang tao sa gulo na 'to. Hindi sana kami naghiwalay at ng let go.
"Tadhana, ganito ka ba kalupit sa amin ni Jeydon? Palagi mo ba talaga kaming pag
hihiwalayin? Ayaw mo ba talaga kaming maging maging masaya?"

Pinunasan ko yung mga luha ko pero kahit anong gawin ko hindi pa din siya
tumitigil. Ang bigat ng pakiramdam ko. Gusto kong sumigaw at magwala. Ang sakit eh,
ang sakit kasi hindi dapat kami nag hiwalay, sana masaya pa kami pero wala eh, huli
na kasi nawala na yung dati naming pagmamahalan. Nakakainis, nakaka frustrate at
sobrang nakakapanghinayang. Parang may kung anong kumukurot sa puso ko kapag
pumapasok sa isip ko na yung pinaka iingatan namin na relasyon natapos na lang
dahil sa kasinungalingan ng daddy niya.

Napatingin ko sa malayo. Nakita ko yung mga bata sa paligid na masayang naglalaro.


Natawa ako habang umiiyak, para akong sira.

Sana maging bata na lang ulit ako para wala akong problema na iniisip.

Napalingon ako sa tunog ng bell. Tumayo ako pagkatapos pumunta ako don para bumili
ng ice cream.

"Pabili ako ng isang cup ng cookies and cream." pagkatingin sakin ni manong,
nagulat siya. Kilala niya ako, suki niya kami ni Jeydon dati. Nasabi ko nga pala
sakanya na ayoko na ng ice cream. "Kailangan ko lang, ang bigat ng loob ko eh."
hindi siya nagsalita imbis ngumiti siya sakin pagkatapos inabutan niya ako ng isa
cup ng isang ice cream.

"Tandaan mo, pagkatapos ng ulan may magandang bahaghari na naghihintay." ngumiti


ulit siya at umalis na. Kahit kelan, napaka misteryoso talaga niya.

Umupo ako swing habang kinakain yung ice cream ko. Matagal na akong tumalikod sa
pagkain nito pero kahit ngayon lang kakain ako. Sa bigat ng nararamdaman ko ngayon
eto lang yung makakapag pagaan ng loob ko.

Sa bawat subo ko ng ice cream, naiisip ko yung mga panahon na magkasama kami dito
ni Jeydon. Palagi lang kaming masaya, asaran at kulitan. Aaminin ko, sobra kong na
miss yon. Siya lang yung nakakapag-patawa at nakapag-pasaya sakin ng sobra.

I miss being with him, I miss him. "Bogosipda Jeydon.."


Kamusta na kaya siya? Ano kayang nararamdaman niya ngayon?

Masakit maloko at lalong lalo na ng ama mo. Pakiramdam mo yung taong


pinagkakatiwalaan mo ng buong buhay mo, ay niloko ka lang. Masakit pa don, yung
bunga ng pangloloko na yon ay pagdudusa mo. Panigurado ako, sobra siyang nasasaktan
ngayon.

Napatayo ako, si Jeydon kailangan niya ng kasama ngayon.

Naglakad agad ako papunta sa bahay nila. Kailangan ko siyang makausap. Alam ko na
baka ipagtabuyan niya lang ko pero kailangan niya ako. Pareho naman kaming naloko
at nasaktan eh.

Nakita ko si Baron sa labas ng bahay nila.

"Andyan ba si Jeydon?" hindi maipinta yung mukha niya na nagpakaba sakin.

"Lady Candice wala na si young master dito, lumayas na siya ng mansion." nanlaki
yung mata ko sa sinabi niya.

"Ha? bakit at nasaan siya?"

"Hindi niya na kayang pakisamahan si Master Dave kaya siya umalis. Tinalikuran na
din niya si Master at hindi na niya ito tinuturing na ama." napakalungkot ng mukha
niya. "Hindi namin alam kung nasaan siya ngayon. Walang kahit na sino ang nakaka-
alam."

"Saan naman kaya siya pupunta? gusto ko sana siyang makausap."

"Lady Candice, hanapin niyo po si young master. Wala siya sa mga kaibigan niya at
hindi ko alam kung maayos ba siya. Wala siyang credit cards o kahit ano, pinutol ni
Master yung suporta para sakanya. Wala n siyang pwedeng mapuntahan kaya nag aalala
ako."

"Ganon ba? Wag kang mag-alala Baron, hahanapin ko si Jeydon." paalis na sana ako
kaso biglang dumating si Dave Lopez.

"Ang lakas ng loob mo na pumunta dito sa pamamahay ko. Hindi ba sinabihan na kita
na layuan mo yung anak ko?" hinarap ko siya.

I have enough of him. Kailangan ko ng lumaban pabalik.

"Tinawag mong anak si Jeydon? Kailan ka ba naging ama sa kanya?"

Nanlaki yung mata niya at halata yung pagkainis sa mukha niya. "Better shup up.
Wala kang alam dito."

"Hindi ko ititikom yung bibig ko dahil kailangan kong ipamukha sayo kung anong
kagaguhan yung ginawa mo sa sinasabi mong anak." tinignan niya ako ng masama pero
hindi ako nagpatalo kaya ginantihan ko siya ng masamabng tingin. "Ginawa mong
miserable yung buhay naming dalawa, lalong lalo na siya."

Tumawa siya. "Naririnig mo ba yung sinasabi mo? Naging miserable lang naman yung
buhay niya nung nakilala ka niya."

"Masaya kaming dalawa pero lahat ng yon nag laho dahil sa kasinungalingan mo.
Gumawa ka ng kung ano anong kwento para lang mapaghiwalay kami? Sinabi mong
mamamatay na yung sarili mong anak?!" huminga muna ako ng malalim para kahit
papaano mapakalma ko yung sarili ko. "Anong klase kang ama? Anong klase kang tao?"

"Ginawa ko lang yon para ilayo sayo yung anak ko."

"Ilayo siya sakin? bakit? Ano bang kasalanan yung nagawa ko sayo?"

"Hindi ikaw yung may kasalanan sakin kung hindi yung ama mo. Hindi ako papayag na
maging parte ka ng pamilya ko dahil nananalaytay sayo yung dugo niya." natawa na
lang ako sakanya. "Dahil din sayo, iniwan ako ni Jeydon, tinalikuran niya yung
pamilya niya. Alam mo ba kung anong problema yunh.dinulot mo sa amin?"

"Sasaktan mo siya tapos sasabihin mong wag kang iwan? Kung barilin kita sa ulo
tapos sabihin kong wag kang mamamatay?" Nasisiraan na siya ng ulo. "You're so
immature. Hindi na ako nagtataka kung bakit mas pinili ni mama si papa. Ang layo ng
ugali niyo sa isa't isa. Walang wala sayo yung papa ko." mas lalo siyang nagalit at
nainis sa mga sinabi ko.

"Wag mo akong ikukumpara sa tatay mong walang kwenta!"

Hindi ko natanggap yung sinabi niya kay papa kaya dala na din ng emosyon ko,
sinampal ko siya ng napakalakas. Nagulat siya sa ginawa ko at muntik na niya akong
pagbuhatan ng kamay buti na lang napigilan siya ni Baron.

"Hinding hindi kita ikukumapara sa papa ko dahil mas wala kang kwenta sakanya."

Hindi siya nakapagsalita. Minabuti ko na lang na umalis. Wala din naman mangyayari
kung kakausapin ko pa siya. Baka kung ano lang yung magawa niya sakin.

Habang naglalakad ako pabalik ng bahay nanisip ko kung saan ko hahanapin si Jeydon.
Saan ba siya pwedeng pumunta ngayon na wala siyang pera o kung ano man?

"Jeydon, nasan ka ba?"

Itutuloy...

---

Guess where is Jeydon and you'll win TFBBAM official shirt, just tweet the anwer
with the hashtag #FindingJeydonLopez
####################################
39: Queen Bee's day
####################################

39: Queen Bee's day


Saan ba siya pwedeng pumunta? Tinanong ko na sa lahat ng mga kakilala niya dito
pero hindi din nila alam. Saan naman siya pupunta kung hindi sa pamilya at kaibigan
niya?

Bumalik kaya siya sa Korea? Pwede din pero wala siyang sapat na pera para pumunta
don pwera na lang kung meron pa siyang sariling pera. Saan nga ba siya pwedeng
pumunta?

"Candice mahuhuli ka na sa class mo." paalala ni mama. Sinara ko na yung laptop ko


pagkatapos kinuha ko na yung gamit ko.

Sa ibang oras ko na lang itutuloy yung paghahanap ko kay Jeydon.

"Aalis na ko mama, paki sabi na lang kay Paulo na dumiretso na siya sa birthday ni
Stacey."

"Okay sige, ingat ka anak."

"Okay ma, I love you." lumapit ako kay mama para yakapin siya.

Madami na akong hindi nasasabi kay mama. Palagi kasi akong walang oras. I miss
being with her. Kapag natapos na lahat ng problema ko, sisiguraduhin kong makakapag
bonding ulit kami.

Pagkalabas ko pa lang ng bahay nakaabang na agad si Lucas sa labas.

"Good Morning mahal na prinsesa." hindi ko napigilan na mapangiti. May kakaiba


akong naradamdaman kapag nakikita ko si Lucas, para bang gumagaan yung pakiramdam
ko. Siguro dahil na din sa maamo niyang mukha. "Nakatulog ka ba ng maayos? Buong
gabi kang nasa panaginip ko eh."

"Buong gabi pala ako nangungulit sa panaginip mo, ikaw ang dapat kung tanungin kung
nakatulog ka ba ng maayos?" pareho kaminv natawa sa sinabi ko. "Mabuti pa pumasok
na tayo. We're going to be late." ngumiti lang siya sakin pagkatapos pinagbuksan
niya ako ng kotse.
Habang nasa kotse kami naisip ko si Stacey. Magustuhan niya kaya yung trip to Korea
na regalo ko sakanya? Nabanggit niya kasi sakin na gusto niya ulit bumalik don kaya
binili ko agad yung offer sa internet na one week stay sa Busan at Jeju.

"Mukhang malalim yung iniisip mo." Biglang tanong ni Lucas. "Iniisip mo si Jeydon?"
napatingin agad ako sakanya, gulat sa tanong niya.

"Ha? ah.. hindi ah.. hindi ko siya iniisip." tumawa na naman siya. Ano bang
nakakatawa sa sinabi ko? Totoo naman eh, si Stacey yung iniisip ko at hindi si
Jeydon.

Iniiwasan ko na isipin si Jeydon kapag kasama ko siya. Ayokong maging unfair kay
Lucas, hindi niya deserve yon.

"Oh bakit defensive ka? Okay lang naman kung isipin mo siya eh. Ako nga din naiisip
ko siya." nanlaki yung mata ko sa sinabi niya. Hindi na lang muna ako nagsalita
pagkatapos hinintay ko siyang magsalita ulit. "Nasaan na kaya yung mokong na yon?
Nag aalala din ako sakanya." tumingin ako sakanya at ganon din siya sakin kaya
nakita ko yung mata niya na puno nang pag-aalala.

Nakakatuwa lang isipin na hindi pa din niya nakakalimutan yung pag kakaibigan nila
ni Jeydon. Tingin ko nga best friend pa din yung tingin niya kay Jeydon pagkatapos
ng lahat ng nangyari.

"Makikita din natin siya, wag kang mag-alala." sabi ko pagkatapos hinawakan niya
yung kamay ko.

"Sana nga dahil kahit karibal ko siya sayo, mahalaga pa din siya sakin." napangiti
na lang ako.

Ang bait ni Lucas, napaka-bait niya.

Pagdating namin sa school, dumiretso agad kami sa classroom namin. Nandon na si


Stacey at nag hihintay samin.

"Oh bakit late kayo ha? Nag date pa kayo?" pang aasar niya samin ni Lucas.
"Si Candice kasi napasarap yung tulog kakaisip sakin." tinignan niya ako sabay
kindat. Umiral na yung pang aasar nilang dalawa sakin ni Stacey.

"Whatever Lucas." dinilian ko siya tapos umupo na ako sa upuan ko. Minsan nakikipag
asaran din sakin si Lucas.

Pagkatapos ng class nauna na sa amin si Lucas kasi may family lunch pa sila. Inaya
niya ako pero may class pa kami ni Stacey mamaya.

"Bee, nabalitaan mo na ba?" tanong niya habang naglalakad kami papuntang canteen.
"Umatras na si Kim sa pag takbong presidente at yung pumalit sakanya, si Blossom.
Nakakaloka! Ano kayang nangyari don?"

Nung nakaupo na kami sa table namin hindi ko naiwasan na matulala. Si Kim umatras
na sa laban namin? dahil ba yon sa nangyari sa aming tatlo ni Jeydon? Pakiramdam
ko, ayaw na niya nang gulo. Parang hindi ko na nga siya kilala eh, nag bago na
siya. Alam kong maldita pa din siya pero mas bumait siya ngayon, lalo na sa mga
ginawa niyang pag paparaya.

"Hoy bee, ano nakikinig ka ba sa maganda mong best friend?" natauhan ako sa boses
niya.

"Ha? Oo naman.." may saysay pa ba kung sasali pa ako don? "Mabuti pa bee ikaw na
lang yung lumaban kay Blossom. Nawalan na din ako ng gana eh."

"Gusto ko yan bee. Hindi ako papayag na manalo yang Blossom na yan. Over my dead
gorgeous and sexy body!" tawa siya ng tawa. Siguro ng iisip na siya ng plano para
matalo yung mortal niyang kaaway.

Tumayo ako saglit pagkatapos bumili ako ng ice cream. Pagbalik ko sa table,
nakatingin ng masama sakin si Stacey at yung taas ng kilay niya aabot na hanggang
mars. Susubo na sana ako ng ice cream kaso pinigilan ako ni Stacey.

"What do you think you're doing?" mataray niyang tanong.

"Kakain ng ice cream." patay malisya kong sagot.


Tinignan niya ako ng matagal at para bang binabasa niya yung iniisip ko. Alam ko na
madaming bagay na yung tumatakbo sa isip niya.

"Tell me, bumalik ka na ba sa dating ikaw? Dahil ba kay Jeydon yan? Do you still
love him?" natigilan ako sandali. Hindi ko alam kung saan nakuha ni Stacey yung mga
tanong na yon.

Ngayon na lang din kasi pumasok sa isip ko yung mga tanong na yon.

Nag isip ako, pinakinggan ko yung sinasabi ng puso ko.

"Bee, gusto ko nang bumalik sa dati. Ayoko nang maging ganito eh. Puno ako ng galit
at paghihiganti. Ngayon na malinaw na sakin ang lahat, na kaya lang ako nasaktan ni
Jeydon dahil sa sakit niya, wala nang dahilan para mag higanti pa ako." napabuntong
hininga na lang siya. "Miss ko na yung dating ako eh."

Ngumiti siya sakin pagkatapos hinawakan niya yung kamay ko. "Alam mo bee, masaya
naman ako kung babalik ka sa dating ikaw. Oo I admit miss ko na din yon pero ang
naiisip ko lang baka bumalik din yung Candice na mahina."

Naiintindihan ko kung saan nanggagaling si Stacey. Sa gagawin ko, natatakot din ako
na baka humina ulit yung loob ko pero sa mga napagdaanan ko sigurado ako na matatag
na ako ngayon.

"Hindi ko kakalimutan lahat ng tinuro mo sakin, magiging malakas pa din ako.


Kailangan ko lang ibalik yung dating ako, kung ano ba talaga ako. Ayoko na magtago
sa anino ng galit at paghihiganti. Ayoko nang lokohin yung sarili ko at magpanggap.
Para akong sinasakal eh, gusto ko naman na huminga."

"Susuportahan kita dyan bee. Alam ko naman na magiging masaya ka dyan sa desisyon
mo na yan. Nag-aalala nga lang ako sa isang bagay.." umiwas siya ng tingin sakin.

"Ano yon bee?"

"Kung babalik ka sa dating ikaw, hindi kaya bumalik din yung pagmamahal mo kay
Jeydon? Wala naman kaso yon pero si Shawn, paano siya? Kaya mo ba siyang saktan?"
Hindi ako nakapag-salita. Hindi ko kayang saktan si Lucas, ayoko siyang masaktan.
Siya yung nag iisang tao na hindi umalis sa tabi ko at ngayon na bumalik si Jeydon,
hindi ko siya pwedeng basta basta na lang iwan.

"Yung sa amin ni Jeydon, tapos na yon. Pareho na kaming nag let go na kahit na
mahal pa din namin yung isa't isa hindi na pwede." tinapos ko na agad yung pagkain
ko ng ice cream. "Mabuti pa pumasok na tayo sa class natin."

Halos buong klase lumulutang yung isip ko kakaisip kay Lucas at Jeydon. Pakiramdam
ko napakasama kong tao para mahalin silang pareho. Mahal ko silang dalawa sa
magkaibang paraan at dahilan. Paraan at dahilan na hindi ko kayang ipaliwanag.

"Mauna na ako bee ha? Mag aayos pa kami ng venue. Kita kits mamaya!"

Nagmadali na siyang umalis. Hindi ko dala yung kotse ko kaya hinintay ko na lang si
kuya Charles na sunduin ako sa school.

Habang nag hihintay ko nakita ko si Anne sa damuhan na nakaupo at parang umiiyak.


May kung anong bagay na nagtulak sakin para lumapit ako sakanya. Narinig kong
umiiyak nga siya kaya hinawakan ko yung likod niya.

"Anne.."

"Ano ba?! bitawan mo ko!" napaatras ako. "Candice? so-sorry.." tumayo siya para
harapin ako.

"Anong problema?" pinunasan niya yung mga luha sa mata niya.

"Wala, wala 'to." tumakbo siya palayo sakin.

Pinagmasdan ko lang siya tapos napansin ko na may laglag siyang litrato. Nanlaki
yung mata ko nung nakita ko si Margot. Tama nga kaya yung iniisip ko na magkapatid
silang dalawa? Mag kamukha sila at isa pa bakit siya may litrato ni Margot?

"Candice! Tara na!" tawag ni kuya. Nilagay ko na lang sa bulsa ko yung picture ni
Margot.

Nakatingin lang ako kay kuya habang nagmamaneho siya pauwi. Namumugto yung mata
niya, bakit kaya siya umiyak?

"Pwede ka namang mag sabi sakin ng problema kuya eh.." bigla niya hininto yung
sasakyan sa gilid.

Nagulat na lang ako nung umiyak siya. Nakakaawa si kuya. Lumapit ako sakanya
pagkatapos niyakap ko siya.

"Wala na kami ni Serina. Kanina sa mall, nakita ko na naman na magkasama sila nung
Xander na yon, yung kasama niya sa modeling. Sa selos ko at galit ko sinapak ko
yung lalaki na yon. Mali pala ako, kaya sila magkasama kasi may photo shoot sila
don. Napahiya si Serina dahil sakin. Hindi ko matanggap yung nagawa ko kaya nakipag
break ako."

Siya yung nakipag break?! Nilayo ko agad siya kuya pagkatapos binatukan ko siya ng
malakas.

"Eh sira ka pala kuya eh! Bakit ikaw pa yung nakipag break? Ano bang iniisip mo?"

"Sabi ni Serina, nahihirapan na daw siya dahil sa mga pinag-gagawa ko. Hindi niya
na daw ako maintindihan kaya sabi ko mas mabuti kung mag break na lang muna kami."
nag face palm na lang ako. Mga lalaki nga naman talaga, padaloa dalos sa mga
desisyon.

"Aish! Tama nga siguro, mag palamig muna kayong dalawa. Palagi na lang kayong hindi
mag kaintindihan. Maybe you need space."

Pinunasan niya ulit yung mga luha sa mata niya. Para siyang bata na naagawan ng
lollipop. Kawawa naman ang kuya ko.

"Siguro nga," napabubtong hininga siya. "Ang mga gwapo dapat hindi problemado sa
live life eh." ngayon naman tumatawa siya. Nababaliw na ata si kuya.

Hanggang makadating kami sa bahay tumatawa pa din si kuya pero pakiramdam ko tumawa
lang siya pero sa loob loob niya umiiyak siya. Hinayaan ko na lang muna siya,
minsan ang kailangan ni kuya space para makapag-isip. Minsan kasi o sabihin na
natin na madalas, immature pa siya mag isip.

Naghanda na ako para sa birthday party ni Stacey mamaya.

**

Ang daming tao, puro galing sa mayayamang pamilya. Kapag nag handa talaga ng party
yung pamilya nila Stacey. enggrande.

"Candice!" sinalubong ako ni Tiffany at as usual, ang sexy niya. "Asan si Shawn?"

"Susunod na lang daw siya. Eh si Troy nasaan?" biglang lumungkot yung mukha niya.

"Busy siya eh, palagi naman." hinawakan ko yung kamay niya. "Hayaan mo na, alam ko
naman na kailangan siya sa business nila."

"Okay lang yon, ako na lang partner mo ngayong gabi." bigla siyang nabuhayan tapos
niyakap niya ako.

"Thank you Candice! The best ka talaga."

Umupo na agad kami don sa table na allotted saamin. Si Marky, Si Abby at si Amber
pa lang yung nandito. Wala pang text sa akin si Lucas kung nasaan na siya, pupunta
pa din kaya siya? Tatawagan ko na din sana si Paulo pero buti dumating na siya.

"Hi pinsan, sorry nahuli ako. Inayos ko pa yung regalo kay Stacey Marie eh."

"Ano naman yon?" lumapit siya sa akin para ibulong.


"Kuneho." tingnan ko yung dala niyanh box. May gumagalaw nga. "Sabi niya kasi gusto
niya sa mga kuneho. Naghanap pa ako ng magandang kuneho, yung makapal yung
balahibo."

Napangiti lang ako. Kahit hindi sinasabi sakin ni Stacey, alam kong
nagkakamabutihan na sila ng pinsan ko. Todo effort pa talaga si Paulo para lang sa
regalo niya kay Stacey. Minsan lang siya mag effort sa isang babae.

Bago mag simula yung program, dumating yung pamilya ni Jeydon. Kumpleto silang
lahat maliban kay Jeydon.

Nasa kabilanv table lang sila kaya hindi ko maiwasan na marinig yung pag uusap ng
daddy ni Jeydon at Stacey.

"Where's Jeydon?" tanong ng daddy ni Stacey.

"Itinakwil ko na siya bilang anan ko as well sa pamilya namin. From now on, Jayshin
will be the heir of our family."

Nakaramdam agad ako ng inis. Paano niya nagawang itakwil nang ganon yung sarili
niyang anak? Ganon ba siya katigas? Inalis ko na lang don yung atensyon ko dahil
ayokong masira yung gabi ko.

Maya maya lumabas na si Stacey. Ang ganda niya sa gown niya, para siyang prinsesa.
Tinignan ko agad si Paulo at titig na titig siya kay Stacey. Confirm na nga, may
gusto siya sa best friend ko.

Pag punta niya sa table namin, isa isa na namin binigay sakanya yung mga regalo
namin. Lahat naman nagustuhan niya pati yung sakin. Na curious siya sa regalo ni
Paulo kasi gumagalawa nga kaya binuksan niya agad yon.

"Oh my gosh! Ang cute ng dalawang rabbit!" mukhang ayon yung pinaka nagustuhan niya
sa lahat.

"Naisip ko kasi na baka sa ugali mo Stacey Marie walang mag regalo sayo kaya napa
regalo ako ng hindi oras. Pangit naman kung mapahiya ka sa birthday mo." natawa
kaming lahat sa sinabi niya. Si Stacey naman nag salubong agad yung dalawang kilay.
"Excuse me, wala nang sabi sayo na mag regalo ka sakin Juan Paulo. Kaya kung gusto
mo ibabalik ko na sayo 'to. Hmp! natuwa na sana ako sayo eh."

"Ikaw naman Stacey Marie, kunin mo na mahal yan noh."

"Wala akong paki alam! Madami akong pera!"

Hanggang ngayon, aso at pusa pa din silang dalawa. Halata mo naman sa mga kinikilos
nila na gusto nila yung isa't isa hindi nga lang nila kayang aminin yon.

Iniwan ko na silang dalawa don na nag aasaran tapos kinuha ko yung phone ko. Nag
vibrate siya kaya may nag text sakin.

From: Private number

Alam ko kung nasaan si Jeydon. Pumunta ka sa likod ng building at sasabihin ko sayo


kung nasan siya. -- S&B

Nagmadali akong bumaba at pumunta sa likod. Sino kaya siya? at paano niya
nalaman.kung nasaam si Jeydon?

Madilim na sa labas at walang masyadong tao. Mabagal akong naglakad dahil


pakiramdam ko may sumusunod sakin mula sa likod ko. Kanina pa mula sa hotel parang
may nakamasid na sa akin.

Biglang bumilis yung tibok ng puso ko nung napatingin ako sa salamin nung kotse na
nasa gilid ko. Meron ngang sumusunod sakin. Isang lalaki na naka cap at shades. Nag
patay malisya ako. Nag isip ako ng paraan para matakasan siya. Dumiretso lang ako
sa isang eskinita kung saan madaming likuan, baka duon ko siya maligaw.

Lumiko ako sa pagkatapos may nakita akong babae na naka jacket katulad ng sa akin.
Naisip ko agad na magtago sa isa pang maliit na danan sa kanan ko.

Hinintay ko na dumaan yung lalaki para makasigurado na sinusundan nga niya talaga
ako, baka kasi nag iilusyon lang ako.
Nasagot yung mga tanong sa isio ko nunh nakita ko siya at dahil sa pareho kami nung
babae ng jacket kaya napagkamalan niya sigurong ako yon. Kung anong kinabilis ng
tibok ng puso ko kanina, mas lalo pa yon bumilis nung nakita ko na may hawak na
kutsilyo yung lalaking sumusunod sakin. May balak ba siyang saktan ako? pero bakit?

Nagtago pa akong mabuti sa pwesto ko dahil baka kapag nalaman niyang hindi ako yung
babae na sinusundan niya, balikan niya ako dito.

Hindi nagtagal, may narinig akong putok ng baril. Mas lala akong kinabahan. Lumabas
agad ako pagkatapos palihim akong pumunta ako sa may kalsada. Nakatago pa din ako
in any case na nandito pa din yung lalaki na gustong pumatay sakin.

Sa hindi kalayuan, isang babae at lalaki na naka helmet yung nakasakay sa motor.
Yung babae sa likod, siya yung nakita ko kanina dahil pareho kami ng jacket. Tapos
yung lalaki nakasuot ng black din na t-shirt na may design na Mickey mouse.
Humarurot palayo yung motor nila. Wala ng kahit na sino sa palagid.

Sino yung dalawang yon? Yung lalaki ba na yon yung gustong manakit sakin? siya din
ba yung nag text sa akin at bakit ako sinusundan nung lalaki at bakit niya ako
gustong saktan? Bakit may narinig akong putok ng baril kanina? Yung pagbabanta ba
sakin sa locker ko at yung palaging pakiramdam na may nakatingin sakin, iisa ba
yon?

Ang daming tanong sa isip ko na hindi ko kayang sagutin kahit na ano. Isa lang ang
alam ko, may gustong manakit sakin at isa pa..

Hindi na ako safe dito.

Pabalik na ako sa hotel, dumaan ulit ako sa mga eskinita na dinaanan namin. Malayo
pa lang may nakita akong kukintab na bagay sa daan. Tumakbo pagkatapos kinuha ko
yon. Isang silver name plate, tignan ko yung nakasukat doon.

-- S&B
Itutuloy...

--

Happy Mothers day sa lahat! Hope you like the new update, and the ending is
near.. :)
####################################
40: Who and where?
####################################

40: Who and where?

Pagkadating na pagkadating ko pa lang sa bahay, humiga agad ako sa kama ko.


Nakaramdam ako ng pagod at takot. Pinagmasdan ko ulit yung name plate na nakita ko
kanina.

-- S&B

Ano kayang ibig sabihin nito? Initials kaya siya nung pangalan ng may ari? Yung may
ari kaya nito yung lalaking gustong manakit sakin kanina? S and B? Ibig sabihin ba
non, pag mamay-ari to ng dalawang tao? Kung yung lalaki na sumunod sakin yung isa
don, sino pa yung isa? Sila ba yung nakasakay sa motor? Posible dahil dalawang tao
yung nakita kong nakasakay don. Isang lalaki at isang babae na may mahabang buhok.

Nakakapangilabot talaga yung mga pangyayari na yon. Lalo na nung nakita kong may
hawak na kutsilyo yung lalaki. Magnanakaw lang kaya yon o talagang matagal na niya
akong balak saktan? Nakakapagtaka din kasi na simula duon sa building naramdaman ko
na yung presensya niya. Sandali, yung nagtext sakin tungkol kay Jeydon sila din ba
yung gustong manakit sakin? Bigla na lang akong kinilabutan. Kung kilala niya si
Jeydon at alam nila na nawawala siya, ibig sabihin lang, kilala ko yung taong yon.
Kilala ko yung taong gustong manakit sakin.

Aish! hindi ako sigurado sa lahat ng mga naiisip ko. Ang sakit sa ulo.

"Candice, matulog ka na." nakatayo si kuya sa pinto ng kwarto ko, seryosong


nakatingin sakin. "May problema ba?" lumapit siya sakin.

"Kuya ano kasi kanina.." hindi pa ako natatapos sa sasabihin ko, nag react na agad
siya.

"May nanakit ba sayo?! sabihin mo sino?!" nag dalawang isip akong sabihin yung
totoo.

"Kuya wala, kanina kasi ang dami kong nakain kaya sumasakit yung tyan ko." biglang
huminahon yung mukha niya.

"Ayon lang pala, akala ko naman kung ano na. Ang takaw mo kasi manang eh! May
dragon ba dyan sa tyan mo ha?"

"Wala noh! Yung tyan ni Jeydon yung meron!" Nagulat ako sa sinabi ko pati na si
kuya. Bakit ko nabanggit yung pangalan niya? Natigilan kaming dalawa ni kuya ng
panandalian. "Sige na kuya matutulog na ko. Matulog ka na din! Mukha ka nang
zombie." pag iiba ko ng usapan.

"Itong mukhang 'to? Zombie? Aba ako na ata pinaka gwapong zombie." sabay tawa.
Whatever kuya Charles. "Uminom ka na nang gamot tapos matulog ka na. Good night
manang." pintaya ko na yung ilaw nung umalis siya.

Mag aalala ng sobra si kuya pati sila mama kapag sinabi ko. Ayoko nang pag-
aalalahin pa sila. Isa pa problemado din ngayon si kuya kaya mas mabuti na solohin
ko na lang yung problema ko. Kaya ko naman 'to eh, alam kong kaya ko.

Madami na akong napagdaanan pati si kamatayan, nalagpasan ko na kaya hindi pwedeng


hindi ko makaya kung ano mang panganib yung nagbabanta sakin.

Inalis ko muna kung ano yung mga iniisip ko ngayon. Pagod na yung katawan at isip
ko kaya mas mabuti na magpahinga na lang muna ako. Sigurado na sa mga susunod na
araw, kakailanganin ko ng lakas sa mangyayari sakin.

...
Minulat ko agad yung mata ko. Maaga pa at wala pa yung araw. Nag desisyon na akong
bumangon para tumakbo sa labas. Tulog pa silang lahat pati na din si Cholo kaya nag
decide na lang ako na tumakbo mag isa. Nag iwan ako ng note sa ref sakaling hanapin
nila ako.

Nag libot muna ako sa buong subdivision. Pagkatapos ng kalahating oras, nag pahinga
muna ako sa park.

Sa lugar na 'to, palagi kong naaalala si Jeydon. Punong puno kami ng alaala dito.
Naisip ko ulit kung nasaan na siya. Maayos kaya yung lagay niya. Hindi naman siguro
masama na mag-alala pa din ako para sakanya. Naging malaking parte siya ng buhay ko
at kung may tao man na makakaintindi sakanya, ako yon dahil pareho kaming niloko ng
daddy niya.

"Nasan ka na nga kaya Jeydon?"

Hanggang ngayon hindi pa din malinaw lahat sakin itong nararamdaman ko. Oo mahal ko
na nga si Lucas, minahal ko siya sa mga lumipas na panahon pero ayokong mag
sinungaling sa sarili ko. Mahal ko pa din si Jeydon, ang kaso nga lang hindi na
kami pwede. We already let go of each other. We already said our goodbyes at napaka
hirap nang ibalik pa ng dati. What done is done. Kung magiging kami pa ulit, may
mga hahadlang at masasaktan at mas magiging komplikado ang lahat. Mas mabuti nang
maglakad paharap, hindi paatras.

"Anong ginagawa mo dito? Maaga pa ha?" napatingala ako sa babaeng nagsalita.


Maganda siya at mahaba yung buhok. Ngayon ko lang siya nakita.

"I'm sorry?" tanong ko.

"Ayos ka lang ba?"

"Ha? Oo ayos lang.. sino ka ba?" natawa siya.

"Pasensya na. Hindi mo pa nga pala ako kilala. Kaibigan ako ni Jayshin, yung
kapatid ni Jeydon. I'm Menchie pero Chie na lang." umupo siya sa tabi ko. "Nakwento
ka na sakin ni Jayshin, pati yung sa inyo ni Jeydon. Nakakalungkot yung nangyari sa
inyo." tinignan ko siya at malungkot yung mukha niya. Talaga bang nalulugkot siya?
pero bakit? "Sorry ha? Feeling close ako. Ang totoo, pinapunta talaga ako ni
Jayshin dito para kamustahin ka and to be honest gusto ko din sana na makilala ka.
I hope you don't mind."
"Uhm.. bakit hindi?" ngumiti ako sakanya at ganon din siya. Wala naman sigurong
masama dahil mukha din naman siyang mabait at isa pa, kaibigan naman siya ni
Jayshin eh.

"Salamat Candice. Wag kang mag-alala, alam kong hinahanap mo si Jeydon. Tutulong
ako sa paghahanap." tumayo siya at nag bow sakin. "See you around."

Hindi ko alam kung bakit gusto niya akong maging kaibigan pero mukha naman siyang
mabait. Mabuti na din siguro na nakilala ko siya. At least ngayon, madami na kaming
nag hahanap kay Jeydon.

"Sa bulsa ka ba ni doraermon nagtatago ha, Jeydon?"

Paalis na sana ako pero nakita ko na naman si Lola sa malayo. Akala ko lalapit siya
sakin pero pinagmasdan lang niya ako sa malayo. Tumaas yung mga balahibo ko kapag
naaalala ko yung hula niya sakin. Tumakbo na lang ulit ako pabalik ng bahay.

Pagpasok ko sa bahay luto na lahat ng pagkain. Gising na din sila maliban kay kuya.

"Hindi daw papasok si Charles, mukhang problemado kaya gustong mapag-isa." sabi ni
yaya. Kawawa naman si kuya. Nag dudusa dahil sa sarili niyang desisyon.

"May problema ba si Charles, anak?" hindi ko alam kung ako ba dapat yung mag sabi
nito pero baka mas matulungan siya ni mama.

"Naghiwalay na sila ni Ate Serina."

"Ha? Wala na sila?" gulat na reaksyon ni mama at yaya.

"Mas mabuti siguro kung si kuya na mag eexplain non. Kailangan ko nang mag ready
for school."

Umakyat ako sa kwarto, naligo at nag-ayos. Gusto ko sana na kausapin si kuya pero
mukhang gusto niya na mapag-isa.
"Una na po ako." hindi ko na dinala yung susi ng kotse dahil alam na susunduin ako
ni Lucas.

Hindi naman ako nagkamali kasi nakaabang na siya sa labas ng bahay. Lumapit siya
sakin.

"Hindi ka ba nasaktan?" napataas ako ng kilay sa tanong niya.

"Ha? bakit ako masasaktan?"

"Nasaktan ka ba nung nahulog ka mula sa langit, beautiful angel?" muntik na ako


matawa sa pick up line niya.

"Last mo na yan please?" pareho kaming natawa. For the nth time, epic fail yung
banat niya. "Oo nga pala, akala ko ba pupunta ka sa birthday ni Stacey? bakit wala
ka?"

"Ha? ah kasi ano.. may pinuntahan lang ako. Tara na, baka malate tayo." ngumiti
siya sakin pero parang kinakabahan siya na ewan. Ang weird.

Pagkadating namin sa school nag paalam agad si Lucas na may pupuntahan.


Nakakapagtaka lang na napapadalas na yung pag alis alis ni Lucas. Ano kaya yung
pinag kakaabalahan niya? Importante kaya yon? Miss ko na yung palagi kaming mag-
kasama.

"Bee!" sigaw ni Stacey pagkatapoa tumakbo siya papalapit sakin. "Umalis ka na agad
kagabi kaya hindi na tayo nakapag-usap. Ano bang nangyari kagabi? bakit nawala ka
bigla? Saan ka pumunta?"

"Sumakit yung tyan ko eh." mas mabuting hindi na din niya malaman.

"Ah ganon ba.. Sayang naman ang saya pa naman ng dance party sa huli." mukhang
enjoy na enjoy nga siya eh.
"Okay lang, ang mahalaga naman masaya ka sa birthday mo."

"Oo naman! nakakagulat nga lang kasi biglang dumating si Six sa birthday ko kasama
si Ginno pagka-alis mo. Mukha na naman siyang mabait eh tska mas lalo siyang
pumogi! Haha nakasayaw ko nga siya kagabi eh." parang gusto ko din tuloy siyang
makita. "Mamaya na yung announcement ng nga candidates for school president.
Excited na akong makita yung reaksyon ni Blossom mamaya kapag nalaman niyang ako na
yung kalaban niya." tumawa na naman siya na parang may kung ano siyang plano.

Pagkatapos ng nga klase ko hinila agad ako ni Stacey sa field ng university kung
saan gaganapin yung announcement.

Nakita agad namin yung powerpuff girls at full force sila kasama pa si Edward.

"Wow lahat sila nag pa-gupit ng maikli maliban sa Anne na yon. Puro pa din naman
sila retokada." nakita ko na naman si Anne. Tuwing mag tatama yung mga mata namin,
palagi siyang umiiwas. Alam ko na hindi kami in good terms pero sobra na ata yung
reaskyon niya kapag nakikita ako. May galit ba siya sakin? "Candice, nakikinig ka
ba?"

"Ha? bakit Stacey?"

"Sabi ko tara na don." hinila na naman niya ako papalapit kala Blossom.

"Ow, look who's here. Ang matinik kong kalaban, hi Candice." bungad ni Blossom.

Pumunta naman sa harap ko si Stacey."Sorry girl pero ako na yung lalaban instead of
Candice kaya ako na yung makakalaban mo." natawa naman sila lalo na si Blossom.

"Ikaw? dapat maganda din na katulad ko yung makakalaban ko, hindi kagaya mo."

"Maganda ka? Anh pagkakaalam ko magka-iba ang 'maganda' sa 'nagma-maganda'."


mataray na sagot ni Stacey. Queen bee in the house yo!

"Boom panes!" pang aasar ko pa.


"Sorry pero alam ko sa sarili ko na maganda ako. Right babe?" tanong ni Blossom kay
Edward.

"Yes babe." tapos hinalikan niya si Blossom.

"Yuck! muntik na ako masuka. C'mon Candice baka masira pa lalo yung tyan mo sa
dalawang yan." hinila naman niya ako palayo ngayon kala Blossom. "Humanda talaga
sakin yang Blossom na yan."

Mukhang magiging mainit yung laban nila. Mabuti na lang umatras na ako don. Ayoko
na nang gulo pa sa buhay ko.

"Stacey, alam mo ba kamukha ni Anne si Margot?" bigla siyang natigilan sa


paglalakad. "Oh bakit? napansin mo din ba?"

"Candice, may kailangan kang malaman about kay Margot." napatingin ako sakanya,
bigla akong kinabahan at mukhang hindi maganda.yung sasabihin niya. "Margot is
dead."

Napahawak ako sa mga bibig ko sa gulat. Patay na siya? para akong nanghina. "Paano
siya namatay?"

"Nag suicide daw siya sabi don sa mental hospital." mas lalo lang akong nanghina.
"Wag mo nang balakin puntahan yung puntod niya kasi ang sabi samin ni Lucas, ginawa
daw abo yung bangkay niya tapos kinuha ng pamilya niya."

"Ah ganon ba, sige mauna ka na may kukunin lang ako sa locker ko."

Pumunta muna ako sa locker ko para tawagan si Sir Jason dahil alam ko siya lang
naman yung makakasagot sa mga tanong ko. Ayoko nang marinig pa ni Stacey yung pag-
uusapan namin dahil baka mag-alala siya.

["Candice? kamusta na?"]

"Hi sir, okay lang po ako. Ikaw? miss ko na kayo."


["Okay naman ako, teacher pa din ako dito sa Xavier. Bakit ka napatawag?"]

"Ahm, may itatanong lang sana ako sir. Si Margot ba at Anne ng section one ay
magkapatid?" kinakabahan ako sa sagot niya.

["Sa totoo lang, konti lang ang nakakaalam non. Oo, magkapatid sila. Si Margot at
Marianne Bernales."]

"O-okay po sir. Salamat.."

Hindi ako makapaniwala. Naitago nila yon sa amin noon? Wala din naman nakakapansin
eh. Alam kaya ni Blossom at Bubbles yon? Ayon kaya yung dahilan kaya ganon yung
kinikilos niya sa akin? Galit kaya siya sakin dahil sa nangyari sa amin dati ng
kapatid niya? Kinabahan ako bigla sa hindi ko alam na dahilan. Ang daming bagay na
napaka misteryoso.

Binuksan ko yung locker ko para ilagay yung gamit ko. Pagbukas ko pa lang bumungad
na agad sakin yung isang sulat.

You and Jeydon's end is near..

-- S&B

Kailangan ko na talagang makita si Jeydon.

---

Jeydon's point of view.


"Hindi pa din ako makapaniwala na isa kayong doktor." sabi ko sakanya habang
naglalagay siya ng gatas sa baso ko. "Ang buong akala ko, simpleng nagtitinda lang
kayo ng ice cream. Doktor pala kayo at isa sa mga pinakamayan na doktor dito."

"Alam mo Jeydon, nag simula ako sa pagiging sorbetero bago ko nakuha lahat ng
tagumpay ko ngayon kaya kapag wala akong ginagawa, nag titinda ako ng sorbetes."
nakakabilib talaga siya. Siya pala yung sikat na surgeon na si Mr. George Song.

"Nakakatuwa yung kwento niyo, Mr. Song."

"Ahjussi na lang. Marunong ka naman ata mag korean eh? ituring mo na lang ako na
tito mo."

"Sige po, salamat din po ahjussi sa pagpapatuloy sakin dito sa mansion ng halos
isang linggo na. Mag tatrabaho ako sa ospital niyo pang bayad sa pagpapatuloy niyo
sa akin dito." tumawa siya.

"You don't have to do that. Welcome ka sa bahay ko, saksi ako sa pag-iibigan niyo
ni Candice at naaalala ko dahil sa inyo yung namatay kong asawa dahil doon palagi
akong sumasaya kaya isipin mo na din na kabayaran yon." kaya naman kilala niya kami
kasi tinututukan niya kami. Akala ko dahil lang sa palagi niya kaming nakikita sa
park at dahil sa suki niya kami. Nakakalungkot lang na wala na yon, wala na ang
Jeydon at Candice loveteam at tandem.

"Sayang po ahjussi, wala na kami." pinatong niya sa balikat ko yung kamay niya.
"Isang masayang alaala na lang yung sa amin."

"Hindi pa huli ang lahat Jeydon." ang sarap paniwalaan yung mga sinasabi ni
ahjussi.

"Sana nga po, kapag bumalik ako sa buhay niya hindi pa ako huli pero ayoko na din
muna umasa. Ang mahalaga, makatayo ako sa sarilo ko nang wala si dad."

"I'm here to help you but one thing Jeydon. The tumor in your brain, it's a serious
thing so you need an operation asap."
"Wala pa po akong pera pang opera. Kulang na kulang pa yung naipon kong pera."
tumawa na naman siya.

"Sige, alam ko naman na ipinaglalaban mo yang independent thing mo kaya here's a


deal." parang bigla akong kinabahan.

"Ano po yon?"

"You will work in one of my coffee shops to pay all of your debt. I will assign you
as waiter there for a week tapos gagawin kitang manager. Sounds fair right? Wala na
akong maisip na rason para tumanggi ka." ngumiti siya sakin.

Sobrang saya yung nararamdaman ko ngayon. Sa saya ko napayakap ako kay Ahjussi. Ang
bait niyang tao, bigla na lang pumasok sa isip ko na ang sarap siguro niyang maging
ama. "Salamat Ahjussi."

"We need to start your operation soon kaya maghanda ka."

"Yes I will."

Ngayon, makakapag-simula na ulit ako. Lahat ng 'to gagawin ko para ipakita kay
daddy na kaya ko na wala siya at nang yaman niya. I will stand with my own feet now
at para na din kay..

"Candice.."

Itutuloy..

--

2.5K votes for next UD :P


Congrats to Aira Victorino for winning in #FIndingJeydonLopez contest. Message me
your address para mapadala yung tfbbam shirt :)

Guess who is S&B and you will win free TFBBAM book :) Just comment your answer with
reasons why you think they are S&B. :)
####################################
41: Independent
####################################

41: Independent

Jeydon's point of view.

"Ayan yung gagawin mo okay?" tumango ako kahit na hindi ko masyadong naintindihan
yung sinasabi niya. Bahala na si doraemon.

"Kailan po ako mag sisimula?" tanong ko pagkatapos tumaas bigla yung kilay niya.
Ang taray naman niya.

"Aba ngayon na! Go! mag trabaho ka na!" sigaw niya sakin.

Sa gulat ko napaalis na agad ako sa loob. Nakatakot naman yung manager na yon. Ang
sungit tska parang halimaw kung mag wala. Ganon ba kapag matandang dalawa na? Imbis
na mainis, medyo natawa na lang ako. Mukhang mahihirapan ako sa trabaho ko dito.

"Two coffee for table number five." binigay sakin nung babae na waitress dito yung
order. Natigilan ako kasi hindi ko alam kung nasaan yung table na yon. Akala ko
sisigawan din ako nung babae pero ngumiti lang siya. "Ayon sa dulo yung table
number five." tinapik niya yung balikat ko tapos umalis na siya. Nag punta agad ako
don sa table na tinuro niya tapos binigay ko yung order nila.

Bumalik agad ako sa counter at nakita ko ulit yung babae kanina.

"Bago ka noh? Ako nga pala si Sabrina, pero Brina na lang ayoko na ng Sab masyado
ng common." ang amo ng mukha niya, tingin ko mabait siya. "Anong pangalan mo?"
"Jeydi." sagot ko. Nagsasawa na ako sa gwapo kong pangalan kaya Jeydi naman, maiba
lang.

"Ayos yang pangalan mo ha, pang bad boy pero mukha ka namang mabait." napangiti na
naman siya. Ngayon lang ako nasabihan na mukha akong mabait. "Eto, sketch ng mga
table numbers para hindi ka na malito." inabot niya sakin yunh sketch pagkatapos
tinignan ko agad. Hindi naman pala mahirap kabisaduhin.

"Brina, two coffe para sa table six at ikaw naman," turo niya sakin. "Etong coffee
para dun sa table two."

"Work muna, maya na lang Jeydi." sabi niya tapos hinatid na niya yung order at
ganon na din yung ginawa ko, hinatid ko na yung isang malaking brewed coffee sa
table two.

"Enjoy your coffee, mam." sabi ko.

"Jeydon Lopez?" Nagulat siya nang makita niya ako. Pamilyar yung mukha niya pero
hindi ko na masyadong maalala. "I'm Stella, schoolmate mo dati sa Xavier." hindi ko
pa din siya matandaan. "Hindi ako makapaniwalang nag ta-trabaho ka dito."

"Ah, mahabang kweto. Sige, may mga orders pa don eh." nag kunwari na lang ako na
may gagawin para hindi na niya ako mausisa. Ang ihirap ipaliwanag. Unang araw ko pa
lang sa trabaho, may nakakilala na sakin.

Mag iisang oras na akong nag hatid ng mga orders, nakaramdam na agad ako ng pagod.
Si Brina, kanina pa siya nandito pero mukhang wala siyang kapaguran. Ang galing
niya.

Napalingon ako sa labas pagkatapos nakita ko si Stella na umalis na sa shop.


Nagulat ako kasi hinihintay siya nung pinsan ni Candice sa labas. Mag karelasyon
kaya sila? pero buti na lang umalis na siya. Medyo naiilang ako kapag nakikita ko
siya. Paano na lang kaya kapag yung mga kilala ko talaga yung makita ko dito?

Nagpatuloy na lang ako sa pagbibigay ng orders. Mag dadalawang oras na nang trabaho
at sobrang pagod na ko. Umupo muna ako sa gilid para mag pahinga.
"Wow, nakakahiya naman sayo." sita sakin ni manager. "So ano? binabayaran ka dito
para umupo lang at magpahinga? Ganon na ba yon?" ang sungit niya talaga.

"Pasensya na po manager." tinarayan na naman niya ko. Palagi kaya siyang ganyan?

"Pasensya? anong gagawin namin sa pasensya mo? Kikita ba kami dyan? Hala sige mag
trabaho ka na!" sigaw niya sakin.

Buti na lang walang masyadong tao kung nasaan kami kung hindi nakakahiya, hindi sa
part ko kung hindi sa coffee shop mismo. May sarili kaming business at hindi
maganda na pagalitan mo yung employee mo sa mismong work place.

"Pag pasensyahan mo na, matandang dalaga kasi eh. Bitter ata sa mga magandang
lalaki yan si manager." bulong sakin ni Brina. Pareho tuloy kaming natawa. "Isang
oras na lang naman, uwian na. Kaya mo yan Jeydon! Hwaiting!" cheer niya sakin.
Nakakatuwa talaga siya, tingin ko magiging magkaibigan kami.

Natapos na yung isang oras. Grabe para akong nagtrabaho ng isang linggo. Ganon ba
talaga kahirap mag trabaho? Palibhasa puro lang ako pasarap buhay noon kaya wala
akong ka-alam alam. Mahirap pala talaga na mag trabaho. Parang gusto ko nang umayaw
sa hirap pero hindi pwede.

"Patience is a value." bulong ko sa sarili ko. Teka, parang may mali sa sinabi ko?

"I think it's virtue not value." nakangiting sabi sakin ni Brina. Napaisip tuloy
ako, ayon nga ba yon? Epic fail na naman ako. Hayaan mo na pogi naman ako eh.

"Ah hindi ganon talaga, may sarili akong line. Ganon kapag gwapo ka, unique ka, one
of a kind. Hahaha!"

"Nakakatawa ka pala noh? Akala ko seryoso kang tao pero weird ka pala." tumawa din
siya. Ako weird? Complement ba yon? Aba loko 'tong babae na 'to ah? Mukhang
ginagawa akong katatawanan. "That's a compliment by the way." ah buti naman.

"Sige umuwi na kayo! Walang late bukas, naiintindihan niyo?!" sigaw ni manager. Ang
sungit niya talaga grabe.
"Yes manager." sigaw naming lahat tapos nagmadali na kaming umalis.

Hindi lang challenge sakin yung trabaho ko pati manager ko. Buti na lang mabait
sakin si Brina. May makakasundo ako sa trabaho.

"Going home, Jeydi?" tanong sakin ni Brina habang naglalakad kami pauwi. "Gusto mo
kain muna tayo? Treat kita." ang gwapo ko talaga, babae pa nag aaya sakin makipag
date.

Jeydon Lopez yan eh.

"Ah wag na, ayos lang."

"Sige na? bahala ka, madami pa naman akong ituturo sayo about sa resto." napaisip
ako don. Sayang naman, kailangan ko yon.

"Sige na nga pero ako na mag treat sayo." ngumiti na naman siya pagkatapos hinila
niya ako papunta sa may ihawan. "Manang, isaw nga tska betamax." napataas ako ng
kilay.

"Pagkain ba yan?" ngayon ko pa lang narinig yon. Masarap kaya yon?

"Seriously? hindi mo alam yon? Saang planeta ka ba galing ha? Alien ka noh?" sa
gwapo kong 'to? Alien ako? eh di madami nang na in love sa alien non. Ang gwapo ko
kaya. Wahaha! "Isaw, bituka yon tapos betamax naman, dugo." hindi ko pa man
nakikiya yung pagkain na yon, ayoko n siyang kainin.

"Hindi ba delikado yan?" tumawa siya ng malakas. "Anong nakakatawa?" ang weird pala
ng babaeng 'to, akala ko matino eh.

"Sorry, nakakatuwa ka kasi. Ang inosente mo sa mga ganitong bagay eh. Anak mayaman
ka siguro noh?" natigilan ako. Anak mayaman? Oo dati pero hindi na ngayon.

"Hindi ah, simpleng gwapo lang ako." natawa na naman siya. Mukha ba akong clown?
Tawa siya nang tawa sakin eh. "Kung may bayad lang ang pagpapatawa sayo baka malaki
na kinita ko."
"Sareeh, okay? sareeh." tawa na naman siya. Baliw pala 'tong babae na 'to eh.
"Nakakatuwa ka lang kasi." halata naman eh, tuwang tuwa siya sakin eh. "Ayan na
yung pagkain natin!" excited na sigaw niya. "Kain na!"

Sumubo agad niya nung isaw. Ako naman nakatitig lang sa pagkain namin. Sigurado ba
siyang safe kainin 'tong mga 'to? Baka mamaya magkasakit ako. Mukha pa siyang hindi
masarap. Oorder kasi siya hindi man lang niya ako tinanong kung anong gusto ko.
Napatingin ulit ako sakanya kasi muntik na niyang maubos yung order namin. Maamo
yung mukha pero palimaw pala siya kalag kumakain.

"Oh? na stroke ka?" nagsalita siya kahit na may pagkain pa sa bibig niya. Ang takaw
niya. "Kain na! Hindi gagalaw yang pagkain noh." kinuha niya yung isaw tapo inabot
niya sakin. "Walang mangyayari sayo kung hindi ko susubukan."

Napalunok ako. Kinuha ko yung isaw tapos nilapit ko siya sa bibig ko. Kakainin ko
ba talaga? baka masuka ako. Nakakahiya sa image ko.

"Kainin mo na!" tinulak niya sa bibig ko yung isaw. Wala akong nagawa kung hindi
nguyain yon. Gusto kong masuka sa lasa. Isaw is not my thing. "Ayaw mo talaga?"

"Ayoko sana eh kaso pinipilit mo ako." bigla siyang nalungkot.

"Sorry ulit, akala ko kasi magugustuhan mo. Sige sa iba na lang tayo." buti naman.
Nakahinga ako don.

Tumayo agad ako sa upuan ko pagkatapos binayaran ko yung kinain namin baka mamaya
magbago pa yung isip niya.

"Saan mo ba gusto?" aba ayos, naalala din niya akong tanungin kung ano yung gusto
ko.

"Ice cream na lang tayo." naglakad agad ako papunta sa ice cream shop, sumunod
naman si Brina sakin. "Anong gusto mo?"

"Ah ayan!" sigaw niya. Ano yon? "Ayan yung nakalimutan kong itanong sayo kanina.
Haha! Pasensya na Jeydi." buti alam niya.
"Anong flavor sayo?"

"Cookies and cream na lang." bigla kong naalala si Candice. Paborito niya din yon
dati. "Okay ka lang? Natigilan ka?"

"Wala, sige na upo ka na don."

Dalawang malaki yung kinuha ko. Matagal na din akong hindi nakakakain nito. Mas
gusto ko pang 'tong kainin kesa sa mag dinner ako ng kanin.

"Oo nga pala, saan ka nakatira?" tanong niya sakin.

"Dyan lang sa condo sa susunod na street." natigilan siya sa sinabi ko. "Bakit?"

"Ah wala yon." ngumiti siya tapos kumain na. "Nahihirapan ka ba sa trabaho natin?
Habang tinitignan kita kanina, hindi ka sanay sa pag ta-trabaho."

"Naninibago lang siguro ako. Ikaw? parang hindi ka napapagod ha."

"Kapag nasanay ka sa isang bagay, hindi mo na maiisip kung mahirap yon o hindi."
pinagmasdan ko siya. Sa tindig ng katawan niya at sa galaw niya. Mukha siyang anak
mayaman.

"Anak mayaman ka noh?" muntik na niya maibuga sakin yung ice cream niya. Ibig
sabihin, tama ako. "Amin amin din pag may time." ngumit na naman siya pero ngayon,
may halong lungkot sa ngiti niya. "May nasabi ba akong masama?" umiling siya.

"I'll share my life, mukha ka naman mapag kakatiwalaan eh. Right?" tinignan niya
ako na parang hinihintay yung pag-oo kaya tumango ako. "Tama ka, anak mayaman ako.
Anak ako ng isang sikat at mayaman na surgeon. Kaso umalis na ako samin." pareho
pala kami.

"May problema ka ba sa pamilya mo?" tanong ko tapos mas lalong lumungkot yung mukha
niya. May ganitong side pala siya, akala ko kasi hindi niya alam maging malungkot.
"Nung bata ako, meron isang aksidente na nangyari. Dahil sa kakulitan ko tumawid
ako ng kalsada at sakto na may papatating na kotse. Nakita yon ng mommy ko kaya
tinulak niya ako. Imbis na ako yung masagasaan, siya yung naaksidente at imbis na
ako yung mamatay, siya yung nawala." nagulat ako nung bigla siya naiyak. Naaawa ako
sa itsura niya. "Kilala si daddy na best surgeon sa bansa pero hindi niya nailigtas
si mommy. Pakiramdam niya, wala siyang kwenta at dahil din don, sobra siyang na
depressed to the point na gusto na niyang magpakamatay." hinawakan ko yung kamay
niya.

"It's getting too personal, you don't have to continue it." alok ko pero umiling
siya.

"Para kay daddy, ako yung may kasalanan nang lahat. Bata pa lang ako non pero
naiintindihan ko siya, nag hahanap siya ng mababalingan ng frustrations niya kaya
inintindi ko na lang din. Naging subsob siya sa trabaho na halo isang linggo ko
siyang hindi nakikita kahit na sa iisang bahay lang kami nakatira. Nakalimutan na
niyang maging ama para sakin pero hindi ako nag tanim ng galit. Nag aral ako ng
mabuti para naman mapansin niya ako, baka sakali na bumalik siya dati kaso lahat ng
achievements na nakuha ko, baliwala lang. Gusto niya akong maging doktor katulad
niya pero mas gusto ko na maging teacher kaya lahat ng gawin ko para sakanya mali."
napaka lupit naman ng tadhana para sakanya.

"Ayon ba yung dahilan kung bakit ka lumayas sa inyo?" tanong ko.

"Ang totoo, itinakwil niya ako kaya umalis ako pagtapos nag trabaho ako habang nag-
aaral. Gusto kong patunayan yung sarili ko sakanya. Gusto kong ipakita sakanya na
kaya kong mag tagumpay sa pinili kong kurso. Gusto kong mapansin naman niya ako.
Gusto kong ituring niya ulit akong anak niya." hindi niya napigilan yung pag-iyak,
naaawa talaga ako para sakanya. "Siguro kapag pinadala ko sa MMK yung kwento ng
buhay ko, mananalo ako ng ten thousand." tumawa siya habang pinupunasan yung mga
luha sa mata niya.

"Sorry, na ikwento mo pa at salamat kasi na share mo yan sakin."

"Magaan yung pakiramdam ko sayo. Para bang pareho lang yung pinag dadanan natin.
Alam kong anak mayaman ka din at siguro may pagkakapareho yung kwento natin pero
gabi na kaya sa susunod mo na kwento yan ha?" tumayo siya nang nakangiti na para
bang hindi siya umiyak. "Let's go home? May pasok pa ako sa school bukas ng umaga."

Tahimik kaming dalawa habang naglalakad pauwi. Nakakalungkot yung nangyari sakanya
pero nakakatuwa kasi may pagkakapareho yung sitwasyon namin. Pareho kaming
itinakwil ng tatay namin dahil sa ipinagpilitan namin yung gusto namin. Pareho
kaming may gustong patunayan sa mga tatay namin. Halos pareho kami ng sitwasyon
kaya madali ko siyang naintindihan.

Maliban kay Candice, siya yung isa pang babae na mabilis kong nakapalagayan ng
loob. Magaan din yung loob ko sakanya dahil alam ko na maiintindihan niya ako.
Kakaiba din siya sa ibang babae, minsan naiisip ko sakanya si Candice. Tingin ko,
magiging mag kaibigan kami.

"San ka nakatira? Ihahatid na kita." umiling siya.

"No need, kaya ko na." nag bow siya sakin. May lahi ba siyang korean?
"Kansamhamnida! Jeydi-yah. Bukas na lang ulit. Good night." korean nga siya.

"Take care." ngumiti siya sakin pagkatapos naglakad na siya palayo.

Sa kwento niya parang nakilala ko na din siya ng matagal. Nakakalungkot yung


nangyari sakanya pero nakakamanga na nakaya niya lahat ng yon. Naging inspirasyon
ko tuloy siya.

Umuwi agad ako sa unit ni Ahjussi. Nasa bahay na kaya siya?

"Ahjussi?" nilagay ko yung pass code ng unit at pagbukas ko wala pang tao.

Nag bihis muna ako at nagpahinga. Kumain na kaya siya? Gusto ko sana siyang
ipagluto kaso hindi naman ako marunong.

Malaki yung unit niya pero walang tao. May anak kaya siya o asawa? Siya lang ata
yung tao dito. Nilibot ko yung mata ko sa paligid. Naubo na lang ako nung nakita ko
yung malaking picture frame sa pader.

Si George Song ang tatay ni Brina?

Kaya pala nung na kwento ko kay ahjussi yung tungkol sa pagpapalayas sakin ni dad,
parang lumambot yung puso niya. Naalala niya siguro sa akin si Brina. Kaya pala dun
siya sa coffee shop nag trabaho. Luminaw na sakin ang lahat. Ang liit ng mundo o
sabihin na natin na mapaglaro talaga ang tadhana.
Lumabas muna ako ng condo. Naisip ko na magpahangin muna sa labas habang hinihintay
si ahjussi. Nakakalungkot na mag stay sa loob na mag isa ka lang. Paano kaya
nakakaya ni ahjussi na tumira na mag isa doon?

Ang daming stars ngayon, naisip ko si Candice. Para sa akin, siya yung nag
sisilbing star sakin. Ano kayang ginagawa niya ngayon? Gusto ko na siyang makita
ulit pero hindi pa pwede, wala pa akong napapatunayan. Kailangan ko munang ayusin
yung sarili ko bago ako magpakita ulit sakanila.

Napatayo ako nung nakita ko si Margot. Lumabas na ba siya ng mental? Magaling na ba


siya? Nakatingin siya sakin mula sa malayo. Para akong kinilabutan. Lalapit sana
ako papunta sakanya pero parang may nakita siya sa malayo kaya tumakbo siya palayo.
Ang weird naman non. May balak ba siyang masama? Kaso yung mukha niya kay kakaiba
na hindi ko ma explain.

Nag text agad ako sakanilang dalawa para kamustahin si Candice.

"Candice-yah.. mag ingat ka, papakasal pa tayo.. saranghaeyo, my one true love."

Itutuloy...

--

Follow me on twitter and IG for updates --> @tinayaneh / bluexmaiden


####################################
42: Magical
####################################

42: Magical
Candice's point of view.

"Anong gusto mong kainin?" tanong ko kay Stacey. Hindi maalis yung tingin niya sa
picture na kanina pa niya hawak. Ano kaya yon? "Baka matunaw yan." biro ko.

"Ang gwapo pala ni Ginno?" nanlaki yung mata ko sa gulat. Si Ginno pala yung kanina
pa niya pinag papantasyahan. Seriously? She's into Ginno? Bago yon ah.

"Paalala ko lang, eight years na kayong magkakilala tapos ngayon mo lang napansin
na gwapo siya? Yung totoo, late bloomer ka?" nag pout siya bigla.

"Kanina kasi, muntik na akong madapa sa corridor pero nasalo niya ko. Ang lapit ng
mga mukha namin, duon ko lang na appreciate yung mukha niya. Ang nakakawindang pa,
nag slow motion bigla yung paligid." may bigla akong naalala, yung slow motion na
naramdaman ko non kay Jeydon. Hindi kaya.. "Am I liking him?"

"Based on experience, oo."

"Hindi naman masama, gwapo siya tapos maganda ako." tapos tumawa siya. Ang hyper
niya ngayon. Ganyan ba nagagawa ni Ginno sakanya? GinCey? Ginno at Stacey, Gosh! I
didn't see it coming.

Naalala ko tuloy bigla si Paulo. Paano na lang yung pinsan ko kung magkakagusto na
si Stacey kay Ginno? Ngayon pa bang umamin na siya sakin na gusto niya talaga si
Stacey. Kailangan maging kupido ako sa kanilang dalawa, aba mas boto ako sa pinsan
ko. Wahaha alam ko na yung gagawin ko.

"Sumama ka pala mamaya sakin." tumaas agad yung kilay niya sa sinabi ko.

"Saan naman?"

"Dito.." kinuha ko yung bag ko pagkatapos kinuha ko yung invitation na binigay ni


Paulo sakin tska ko inabot kay Stacey.
"Master Bunny's magical show?"

Ngumiti ako nang malapad sakanya. "Yes, Juan Paulo's first ever show here sa
Philippines. Isn't it great? kaya sasama ka samin mamaya."

"Great? Ang boring non." sa tingin pa lang sa mukha niya, halatang wala nga siyang
balak sumama. "Makikita ko na naman si Juan Paulo? Nakakaumay na. May kasama ka
bang iba mamaya?"

"Kasama natin si Marky at Ginny mamaya. Gusto kasi namin ni Marky na malibang naman
si Ginny kaya pupunta kami don." akala ko mahihirapan pa din ako na pasamahin siya
pero mukhang wala na siyang violent reaction.

"Okay then, pupunta na ako." muntik na manlaki yung mata ko sa gulat. Talaga bang
pumayag siya? That's easy huh.

"Eh di masaya! Text ko na agad si Paulo." excited akong nag text kay pinsan. For
sure matutuwa yon at baka mas lalo siyang ganahan mag magic mamaya. Ayie! Ako
kinikilig para sakanilang dalawa.

This is Oplan: Kupido.

Haha! ako na yung papana sa puso nilang dalawa. Excited na tuloy ako! Sooner
magiging Mrs. Gonzales na si Stacey.

Pumasok pa si Stacey sa isa niyang subject kaya tumambay muna ako sa may canteen.
Wala akong magawa kaya nilabas ko yung name plate ni S and B. Kapag nakikita ko 'to
bigla akong kinakabahan, para sa sarili ko at para kay Jeydon. Ayoko nang maulit pa
yung nangyari samin dati. Ayokong isa samin yung masktan ulit, tama nang nangyari
yon dati.

Kailangan kong makita agad si Jeydon at malaman kung sino si S and B. Kailangan ko
silang maunahan sa masamang binabalak nila. Ayoko nang maging mahina, lalaban na
ako. Kailangan kong pagtagpiin lahat ng mga nangyari.

Hindi ako sigurado kung sila yung nakasakay sa motor nung gabi nang birthday ni
Stacey pero alam ko na konektado lahat ng mga nangyari. Nag simula lahat ng 'to
duon sa sulat na nakita ko sa locker ko at yung motor na muntik nang bumangga sakin
duon din sa araw na yon. Akala ko nagkataon lang o aksidente lang yung muntik nang
pagkabangga sakin motor pero malakas ang pakiramdam ko na hindi. Yung nakulong kami
ni Jeydon sa loob ng gym na kaming dalawa lang, konektado din yon. Ngayon ko nga
lang din naisip na baka yung nag text sakin noon at yung nag text sakin nung
birthday ni Stacey ay iisa lang. Si S and B din siguro yung nagbato ng kutsilyo na
tumama kay Jeydon. Malamang kinulong niya kami para masaktan na niya kami duon.
Tinitignan din siguro nila ako mula sa malayo. Matagal ko nang nararamdaman na may
nakatingin sakin at nagbabantay. Mukhang may malaking galit sila sa amin ni Jeydon
para gawin lahat ng 'to.

"Candice.." muntik na akong mapatalon sa kinakaupan ko sa gulat.

"Anne?" mukha siyang hingal na hingal. "Anong kailangan mo?"

"May gusto akong sabihin sayo.." mukha siyang kinakabahan. Ano kayang problema?

"Ano yon? Anong problema?" tumayo ako tapos hinawakan ko yung kamay niya. "Ano yung
sasabihin mo?"

Nanlaki bigla yung mata niya na para siyang nakakita ng multo pagkatapos inalis
niya yung kamay ko sa kamay niya. Tumakbo na lang siya bigla papunta sa malayo.

"Anne! Sandali lang!"

"Candice!" tawag sakin ni Stacey. Lumapit siya sakin pagkatapos hinawakan niya yung
kamay ko. "Anong problema? bakit hinahabol mo yung babae na yon?" kinalama ko yung
sarili ko.

"Ah wala, may itatanong lang sana ako. Hayaan mo na, tara na?" kinuha ko yung bag
ko pagkatapos hinila ko na si Stacey papunta sa parking.

Mas mabuting ilihim ko na lang lahat sakanila. Ako lang dapat yung mag ayos ng
problema na 'to.

"Asan na si Ginny at Marky?" tanong sakin ni Stacey habang nag di-drive ako.
"Nauna na sila don. Malapit na din tayo." binilisan ko yung pagpapatakbo ng
sasakyan ko dahil baka mainip pa 'to si Stacey.

Pagkadating namin, dumiretso agad kami sa loob. Madami na ding tao sa loob. Mukhang
magiging successful yung show ni pinsan ha.

"Candice!" tawag sakin ni Ginny. Lumapit agad kami ni Stacey sakanila ni Marky.
"Salamat sa pagsama sakin dito ha." nakangiti niyang sabi sakin.

"Wala yon, oo nga pala si Stacey best friend ko." pagpapakilala ko. Inabot agad ni
Stacey yung kamay niya kay Ginny.

"Hi Ginny! Hope we could be friends." ang laking ngiti ni Stacey kay Ginny.

Ang laka ng pakiramdam ko na may kinalaman si Ginno sa inaasta ni Stacey ngayon.


Kaya ba siya sumama para makita si Ginny? Yung kapatid nang pinagpapantasyahan
niya? Kung ganon nga, mukhang seryoso si Stacey sa pagkagusto niya kay Ginno.

"Ang ganda mo, katulad ni Candice. Bagay kayo nang kuya ko." natawa ako bigla sa
sinabi ni Ginny. Ang bilis niya makapuntos kay Ginno. Napatingin tuloy silang tatlo
sakin.

"Anong nakakatawa?" tanong ni Marky

"Wala yon." sagot ko. "Tara na?" aya ko sakanila.

Pumasok kami sa loob. Parang theater type yung venue at nasa harapan kami kasi VIP
tickets yun bigay sakin ni Paulo. Madami nang tao at mukhang puno lahat ng upuan.
Natutuwa tuloy ako para sa pinsan ko. Sana mag enjoy si Ginny mamaya. Sabi nga nila
laughter is the best medicine, hindi man siya tumawa, kahit ngumiti lang ayos na.

"Bee, sandali nga." kalabit sakin ni Stacey. "Si Blake yon 'di ba?" tinuro niya
sakin yung pwesto kung nasaan si Mm. Aba andon nga siya at teka lang..

"Menchie?" bakit niya kasama si Blake?


"Ha? Menchie? Siya ba yung kasama ni Blake?" Oo siya nga hindi ako pwedeng
magkamali. Magkakilala pala silang dalawa? "Girlfriend niya ba yan?"

"Hindi ko alam, wala naman siyang nababanggit sakin dahil matagal na din kaming
hindi nag uusap ni Mm."

"Paano mo nalaman na Menchie yung pangalan niya?"

"Nagpakilala siya sakin dati sa park. Kaibigan daw siya ni Jayshin." ang liit naman
ng mundo.

"Ah ganon ba? gusto mo kausapin natin si Blake?" patayo na sana si Stacey para
puntahan si Blake pero pinigilan ko siya. "Bakit bee?"

"Mukhang may nag da-date silang dalawa kaya kas mabuti pa sa ibang araw na lang
natin siya kausapin." umupo na lang din si Stacey.

Tinignan ko sila Blake at Menchie, mukhang matagal na silang magkakilala. Sila na


kayang dalawa? Mukhang madaming ike-kwento sakin si Mm.

Natamay bigla yung ilaw. Tinuon ko na lang yung tingin ko sa stage. Mukhang
magsisimula na yung show. Excited na ako para kay Paulo.

"Siguraduhin niyang ma entertain ako sa show niya ha." bulong ni Stacey.

Nakatutok sa gitna ng stage yung ilaw. May bumaba na tela mula sa itaas at
pagbagsak ng tela, tumayo siya at andon na pala si Paulo. Lahat kami namangha kasi
hindi mo aakalain na nandon siya sa tela na bumagsak. Nagpalakpakan yung mga tao.
Napatingin agad samin si Paulo, kumaway agad ako sakanya at ngumiti.

"Welcome to Master Bunny's magical show." ngiti niya. Mukha siyang dinosaur imbis
na bunny. "I hope you will enjoy the show." nagpalakpakan ulit kami.

Nagsimula siya sa mga playing cards. Ang dami niyang tricks na nakakamangha. Ang
lakas din kasi ng charisma ni Paulo kaya mas lalong maganda yung pagkaka-deliver ng
magic. Proud na proud tuloy ako sakanya. Sana nandito si Papa pati si Auntie Pia
para makita siya. Pride siya ng mga Gonzales.

"Candice, ang galing ng pinsan mo." komento ni Ginny. Napangiti tuloy ako kasi
halata kong nag eenjoy siya sa panunuod.

Sumunod naman na trick ni Paulo yung illusions gamit yung box at hat. Nagpalabas
siya ng kalapati tska kuneho. Lahat kami namangha na naman kasi hindi ordinaryo
yung ginawa niyang tricks.

"Ang ganda naman ng kuneho na pinalabas.niya. Yung regalo niya sakin, hindi
masyadong gumagalaw eh." reklamo ni Stacey.

"Magaling sa pag pili ng kuneho si Paulo, bata pa lang kami mahilig na siya don.
Minsan nga bunny tawag ko sakanya kasi nag mumukha na siyang kuneho. For sure, yung
pinaka maganda na yung pinili niya para sayo." nag pout na naman si Stacey.

"Bakit ganon yung sakin? Humanda talaga sakin yan si Juan Paulo!" natawa tuloy ako
kasi mukhang nainis nga siya kay Paulo dahil lang sa kuneho. Hindi pa din ako
sumusuko sa kanilang dalawa, the more you hate -- the more you love.

Ang dami pang tricks and illusions na ginawa si Paulo. Lahat kami namangha pati na
din si Stacey. Palagi kong nililingon si Ginny at mukhang enjoy na enjoy naman
siya.

Umabot din nang dalawang oras yung show. Nag punta kami sa back stage para o greet
si Paulo.

"Congrats master magician!" bati ko sakanya tapos niyakap ko siya. "Ang galing mo
ha."

"Salamat pinsan, buti nag enjoy kayo." nakangiti niyang sabi. "Hi Ginny! Sana nag
enjoy ka sa show."

"Oo naman, sobrang saya ko." hindi namin mapigilan ni Marky na mapangiti. "Salamat
sayo, pati kay Marky at Candice."
"Wala yon, basta para sayo." singit ni Marky. Ayiee kinikilig ako para sakanilang
dalawa. Grabe, ang tyaga sakanya ni Marky ah. "Gabi na din kaya mabuti pa iuwi na
kita Ginny."

"Sige, baka hinahanap na ako ni Kuya Ginno." nagulat na lang ako nung biglang
sumingit si Stacey.

"Paki kamusta na lang ako sa kuya mo ha?" pinipigilan ko na matawa sa harap nila.
Obvious much ka Stacey. "Ingat kayo."

"Paulo, bantayan mo muna si Stacey ihahatid ko lang sila sa labas." kumindat ako
kay pinsan, sign para mag damoves na siya kay Stacey at mukhang gets naman niya.

Pumunta na kami sa labas papunta sa parking lot. Pinapasok muna ni Marky si Ginny
sa loob ng kotse niya dahil malamig na sa labas. Kinausap ko na din si Marky about
sa lagay ni Ginny.

"Alam kong gagaling siya pero ayoko din baliwalain yung sinabi ng mga doktor na
konting konti na lang yung panahon na natitira para sakanya." ramdam ko yung
lungkot na nararamdaman ni Marky. Naaawa ako para sakanilang dalawa. Ganyan talaga
kalupit anh tadhana. "Gusto ko lang siyang maging masaya hanggang sa huling hininga
niya dito sa mundo." parang gusto na niyang umiyak. Hinawakan ko yung kamay niya.

"Ano man yung mangyari Marky, nandito lang kami para sayo at kay Ginny. Lakasan mo
lang yung loob mo." ngumiti siya ng pilit sakin.

"Salamat Candice. Sana makita na din natin si Jeydon. Hanggang ngayon, hindi pa din
niya ako tinatawagan." naisip ko na naman si Jeydon. "Sige, mauna na kami. Mag
ingat kayo pauwi."

Pagkaalis nila Marky, tumunog agad yung phone ko. Si mama, tumatawag.

"Ma? bakit?"

["Candice, pwede bang daanan mo yung damit na gagamitin ko bukas para sa wedding ng
kaibigan ko. Kunin mo na lang siya sa shop ng tita mo sa Taguig."]
"Sige ma, ako na pong bahala. Bye, I love you." mukhang kailangan ni Stacey ng
ibang kotse at driver pauwi. Nakaisip na naman ako ng plano para sa oplan kupido.

Bumalik agad ako sa loob at nakita ko agad si Stacey at Paulo na nag babangayan.
Sabagay hindi na din ako nagulat. Matindi pa ata sila sa isang aso at pusa na nag-
aaway.

"Pinsan buti nandito ka na, kanina pa ako inaaway ng best friend mo eh." reklamo ni
Paulo. "Oo nga pala, pinapabigay ni mama." inabot ko yung box. Mukhang damit na
naman yung bigay ni Auntie Pia. "Alam mo naman na paboritong paborito ka non."

"Paki sabi salamat pinsan, dagdag na naman sa koleksyon 'to mga damit ko." nilagay
ko siya sa bag ko. Tinignan ko si Stacey at Paulo tapos ngumiti ako. "Paulo, pwede
bang ikaw na mag-uwi kay Stacey ngayong gabi? May pinapagawa pa kasi sakin si Mama
eh." kinidatan ko na naman siya ng palihim.

"What?!" sigaw ni Stacey.

"Sige kahit na inaaway ako ni Stacey Marie, ako na maghahatid sakanya." sumingit
bigla si Stacey.

"Are you serious bee? Iiwan ko ako kay Juan Paulo?! No way! mag ta-taxi na lang
ako!" pag susungit niya.

"Hoy Stacey Marie! Gabi na kaya delikado na mag taxi, ihahatid na kita. Tara na at
wag ka na mag inarte dyan!" hinila niya yung kamay ni Stacey. Wuhoo! kinikilig ako.

"Bye bee! Enjoy!" pang-aasar ko pa!

Hindi ko tuloy mapigilan namapangiti habang papunta ako sa kotse ko. Sana talaga
magkatuluyan silang dalawa. Ang saya siguro non? Yung dalawang tao na malapit sakin
yung magkakatuluyan.

Bago ako makapasok sa loob ng kotse ko, pakiramdam ko may nag mamasid na naman
sakin. Kinabahan ako bigla kaya pumasok na agad ako sa loob. Nag hinatay muna ako
ng ilang minuto. Maya maya may nakita akong motor sa side mirror ng kotse ko.
Nagulat na lang ako kasi parehong pareho nang motor na yon yung motor na nakita ko
nung gabi nung birthday ni Stacey. Nung nakita kong isang lalaki at babae na
nakasuot ng helmet yung nakasakay sa motor, nakasigurado na akong sila din yon
nakita ko nung gabing yon. Bigla na lang pinanadar nung lalaki yung motor,
nagmadali akong paandarin yung kotse ko. Kailangan ko silang sundan.

Mabilis silang magpatakbo pero hindi ko sila tinigilan. Nakita ko yung plate number
ng motor niya, AFG248. Nakakapagtaka, parang magkaiba duon sa plate number na
gustong sumagasa sakin nuon pero sigurado ako na sila din yung nakita ko nung
birthday ni Stacey.

Mabilis silang dumiretso at kung mamalasin pa ako, nag red na yung stoplight.
Imposible ko na silang mahabol kaya nag decice na lang ako na pumunta sa Taguig.

Isang oras din yung byahe ko papunta duon. Nakuha ko naman agad yung damit ni mama.
Gusto ko sanang umuwi dahil gabi na din pero nakakaramdam na ako ng antok. Minabuti
ko na lang muna na pumunta sa isang coffee shop na malapit.

Magpapark sana ako sa Starbucks pero nakakainis kasi naunahan ako ng isang
sasakyan. Dapat dun ako eh kaso sumumingit siya. Naghanap na lang ako ng ibang shop
na malapit. Nakahanap agad ako at swerte ko, sakin na punta yung last spot ng
parking.

Umorder lang ako ng isang malaking brewed coffer, tama na yon para maging ako
hanggang pauwi.

Habang hinihintay ko yung coffee ko, nag text sakin si Lucas. Tinatanong niya kung
nasaan ako at kung okay lang ba ako. Hindi ko pala nasabi sakanya yung tungkol sa
show. Mabuti pa daanan ko na lang siya mamaya.

"Here's your coffee miss."

Muntik na niyang mahulog yung kape ko. Parehong nanlaki yung mata namin sa gulat.
Pakiramdam ko pa bumilis yung tibok ng puso ko. Parang ang tagal ko siyang hindi
nakita.

"Jeydi! end of shift na, tara?" tawag sakanya nung isang babae.

Tinawag niya ba si Jeydon na Jeydi?


"Ay sorry, nakaka istorbo pala ako." dagdag niya pa. "Sige mauna na ako, ingat
Jeydi."

"Hintayin mo na ako sa labas Brina, hindi din ako magtatagal." natigilan ako sa
sinabi ni Jeydon.

Pagkaalis ng babae, nakatingin lang ako kay Jeydon. Hindi siya mag tatagal? Hindi
man lang ba niya ako kakausapin?

"Candice gabi na bakit nandito ka pa? Asan si Shawn?"

"I'm alone and sleepy, I just want to make myself awake, kaya bumili ako ng kape.
I'm driving home tonight." napabuntong hininga siya.

"Pasaway ka talaga noh? Alam mo bang delikado na mag drive kapag ganyan? tapos mag
isa ka lang pala, akala ko kasama mo yung boyfriend mong si Shawn." napabuntong
hininga na lang ulit siya. Saan niya nakuha na boyfriend ko si Lucas? "Hintayin mo
ako dito, ako na mag drive sayo pauwi." hinawakan ko siya bago siya makaalis.

"Wag na, hinihintay ka nung kasama mo. Kaya ko na yung sarili ko." tinignan niya
ako.

Yung nakakatakot niyang tingin na matagal ko nang hindi nakikita. Yung tingin niya
kapag nagiging dragon siya.

"Sumunod ka na nga sakin. Hintayin mo ko dito."

Psh! ang bossy niya ha? Kung utusan niya ako ganon na lang yon? Grabe talaga siya,
akala ko kung sino. Sabagay madami kaming dapat pag usapan. Napanguso na lang ako
habang hinihintay siya.

Hindi ka pa din pala nag babago, abnormal na pusang robot na bigla bigla na lang
nagiging dragon.

"Doraemon turns into a Dragon.. Jeydon-yah.. abnormal ka talaga.."


Itutuloy...

---

Hi sa sister ni Ermin, Inna Tiangco and sa daughter ni Mommy Gina, Alexandra Reyes!
:)
####################################
43: Late night convo
####################################

Dahil 23M reads na ang TFBBAM kaya eto UD para sa inyo. Hashtag #JeyDiceConvo

I'll update every 2.5K votes :)

---

43: Late night convo

Candice point of view.

[Now playing: officially missing you - Jayesslee Cover]

"Dito ka nag ta-trabaho?" tanong ko sakanya habang naglalakad kami papunta sa kotse
ko.

"Hindi, hindi ako dyan nag ta-trabaho. Tambay lang talaga ako dyan." pilosopo
niyang sabi tapos sabay tawa. Baliw talaga 'tong pusa na 'to. "Ikaw talaga, do I
need to state what's obvious?" yung kilay ko kanina hanggang langit lang ngayon
aabot na ng mars sa taas. Namimilosopo na nga, aba at nag english pa.
Masama ba i confirm kung dito siya nag ta-trabaho? Oo o hindi lang naman yung sagot
don eh. "Psh, buti hindi ka sumablay sa english mo." bulong ko.

"What's that?" wow ha, anong nakain niya at panay english siya?

"Wala! sabi ko gwapo ka sana pero bingi ka." tumawa siya. Ano na naman sasabihin
niya?

"Ayos ba pag eenglish ko? Naisip ko lang kasi na dalasan yon para mas lalong
lumakas yung dating ko." tawa pa din siya ng tawa. "Sobrang gwapo ko talaga."

"Tss, gwapo pero conceited naman." bulong ko ulit sa sarili ko. Hindi nag react si
Jeydon, baka hindi niya alam kung ano yung conceited. Buahaha!

"Asan yung susi?" tanong niya habang nakatayo siya sa harap ng kotse ko. Seryoso ba
talaga siyang ihahatid niya ko? Parang nawala na tuloy yung antok ko. "Candice? Are
you listening?" ibinalik ko kay Jeydon yung atensyon ko. Wow ha, consistent siya sa
pag e-english niya. Hinagis ko sakanya yung susi ng koyse. I'll let him drive since
pagod na din ako at hindi ko na din kaya mag drive.

Pumasok agad ako sa loob ng kotse. Gustong gusto ko na magpahinga at mahiga sa kama
ko. Nakakapagod din pala mag drive ng malayo? From Fairview to Cubao at papunta
dito sa Taguig. Sa Korea kasi wala masyadong traffic unlike dito na ugh, nevermind.

Pumasok na din si Jeydon sa kotse. Tinanawa ko yung babae na kumausap sakanya


kanina at malayo na siya. Sino kaya yon?

"Asan ba yung boyfriend mo? Pinapabayaan ka niyang mag isa anong oras na." inis
niyang sabi. Si Lucas siguro yung tinutukoy niyang boyfriend ko.

"Kaya ko na yung sarili ko tska isa pa sure ka bang okay lang na ihatid mo ko?"
tanong ko sakanya. "Paano yung girlfriend mo?" hindi ko alam kung anong pumasok sa
isip ko at sinabi kong girlfriend niya yon. Ano nga bang iniisip ko? Kasi naman
Jeydin yung tinawag niya kay Jeydon kanina, sa pagkaka-alam ko, mahahalagang tao
lang pwedeng tumawag sakanya non.

Tahimik lang si Jeydon habang hawak hawak niya yung manibela pero maya maya tumawa
na siya ng malakas. Sabi na nga ba eh, may iniisip na naman siya.
"Jealous much, Candice?" tanong niya tapos tumingin siya sakin habang naka ngisi.
Anong pinagsasabi niya? Ako mag seselos? Asa pa noh. "Just tell it straight to the
point. Jeydon, nag seselos ako. Mahirap ba yon?" napataas ako ng kilay don.

Hindi ko din tuloy napigilan na matawa. "Selos agad? hindi ba pwedeng nag tatanong
lang? Hindi ako nag seselos, okay?" pareho kaming natahimik but I can still see him
smirking.

"Wala sa batas na bawal mag selos kaya wag ka matakot mag sabi nang nararamdaman
mo." nangisi pa din niyang sabi. Iniisip niya talaga na nagseselos ako? Eh duh!
nagtatanong lang ako.

"Wala akong karapatan na mag selos kaya pwede ba? tigilan mo na ko Jeydon."
tinarayan ko siya. Ihahatid na nga lang niya ako ang dami pa niyanh sinasabi.

"Ang pag-seselos wala sa karapatan, nasa nararamdaman yan." nagulat ako sa sinabi
niya kaya mapatingin agad ako sakanya. "Tignan mo ako kahit na wala na tayo nag
seselos pa din ako kay Shawn. Oo wala na akong karapatan sayo pero anong magagawa
ko? Sa ayon yung nararamdaman ko." nag seselos siya kay Lucas? bakit? Akala ko ba
pareho na kaming nag let go. "Iuuwi na nga kita baka gabihin na tayo."

Pinaandar na niya yung kotse ko. Sumandal na lang ako sa upuan ko. Hindi ko alam
kung anong isasagot sa sinabi niya. Ang gulo niya pero sa totoo lang ako sin
magulo. Hindi ko alam pero kapag kasama ko siya nagiging komportable ako bigla.
Kapag hindi ko naman siya kasama, naiinis ako sakanya pero kapag kaharap ko na
siya, nawawala lahat ng inis at galit ko. Normal pa ba 'to?

Napahinto kami dahil sa red stoplight. Biglang nag play sa radio yung kanta ng Up
Dharma Down.

Tadhana..

Lecheng tadhana yan, nakakaumay na. Palagi na lang ba namin yan maririnig ni Jeydon
kapag magkasama kami? Kung sino mang kupido yung naka-assign para sa aming dalawa
ni Jeydon, ang lakas mo mang-asar eh noh?

"Ilipat mo, ayoko nang kanta." utos ko kay Jeydon.


"Wag na, maganda kaya yung kanta. Theme song natin yan 'di ba?" angal niya. Umangat
ako sa pagkakasandal ko sa upuan ko tapos inabot ko yung music player ng kotse ko.
Parang may malakas na kuryente yung dumaloy sa katawan ko nung hinawakan ni Jeydon
yung kamay ko. "Dyan mo lang, pwede?" tinaasan ko na lang siya ng kilay tapos
sumandal ulit ako sa kotse ko.

"Whatever." sagot ko.

"Bitter ka pa din ba? Ang malakas pa din epekto sayo ng kanta na yan eh." tanong
niya na pakiramdam ko may halo pang pang aasar.

"Anong pinagsasabi mo? Eh sa ayoko na nang kanta na yan eh!" sagot ko. "Sawa na
ako." dagdag ko pa.

Naipit kami bigla sa traffic. May jeep kaming katabi na sobrang lakas mag patugtog.
Expected ko na talagang may something na mangyayari at tama naman ako kasi bigla na
lang tumugtog yung When I was your man ni Bruno Mars. Pareho na lang tuloy kaming
natahimik ni Jeydon.

"Isn't it funny? Look how destiny's playing with us." talagang pinapanindigan niya
yung pag e-english niya ha? "Even Sherwin Holmes wouldn't figure that out."

Okay na okay na sana eh, bibilib na sana ako kaso, "Sherwin Holmes? Sino yon ha?"

"Ha? Yung sikat na detective yon." hindi ko tuloy mapigilan yung tawa ko.

"Tangek! Sherlock Holmes yon! Mag drive ka na lang, matutulog ako." sabi ko
pagkatapos pinikit ko na lang yung mata ko. Hindi matatapos yung usapan namin na
'to eh. Baka pag dating sa amin mabaliw baliw na ako dahil kay Jeydon.

Habang nakapikit ako, tumahimik na din si Jeydon. Nako buti naman, mas peaceful
yung buhay ko kapag hindi siya nagsasalita.

Siguro dalawang oras din yung byahe namin bago kami nakarating samin. Hindi ko pa
din minumulat yung mata ko. Sa totoo lang, hindi naman talaga ko nakatulog eh.
"Candice, gising na." hindi ko pa din dinilat yung mata ko. Bahala ka sa buhay mo
Jeydon, papahirapan kitang gisingin ako. "Tulog ka pa din ba?" tanong niya ulit
pero parang iba na yung tono ng boses niya. Seryoso na siya, wala nang biro sa tono
ng boses niya.

"Kung video cam lang ang mata ko, for sure full memory na 'to kakatingin sayo."

Hinawi niya yung buhok ko. Kahit na nakapikit ako, alam kong nakatingin siya sakin.
Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Anong bang balak niyang gawin? Sisipain ko
talaga siya kapag my ginawa siya sakin.

"Huli na ba ako?" tanong niya. Huli saan? "Wala na ba talaga akong lugar dyan sa
puso mo Candice? Talaga bang napalitan na ako ni Shawn sa puso mo?" siguro kung
dilat lang yung mata ko, ang laki na non dahil sa gulat. "Sana gravity na lang ako
para kahit lumayo ka babalik at babalik ka pa din sakin."

He sounds so damn serious. Ayan ba talaga yung nararamdaman at naiisip mo Jeydon?


Ang misteryoso mo kaya hindi ko nanisip na meron ka pang nararamdaman para sakin.

"Next week, mag papa opera na ako para gumaling na ako. Gagawin ko yon para sayo,
kasi gusto pa kitang makita ng matagal Candice." nagulat ako kasi may tumulo na
tubig sa kamay ko, umiiyak ba siya? "Gusto pa kitang makita kahit na sa malayo
lang, masaya na ako."

Umiiyak nga siya at bakit ganon, parang nasasaktan din ako? "Hindi naman siguro
masama na mahalin ka kahit na sa malayo lang?"

Natahimik siya sandali. Naramdaman ko na unti unti siyang lumalapit sakin hanggang
sa nararamdaman ko na yung hininga niya. Shit, hahalikan ba niya ako? Anong gagawin
ko? Gusto ko nang dumilat at gumalaw pero parang hindi ko magawa. Parang may
pumipigil sakin.

Akala ko wala na akong kawala pero biglang tumunog yung phone ko. Ugh, that was
close. Minulat ko agad yung mata ko at nasa harap na nga ng mukha si Jeydon. Umiwas
siya agad tapos ako kinuha ko yung phone ko. Si Lucas, tumatawag.

"Lucas, napatawag ka?"


["Akala ko pupuntahan mo ako, nag aalala ako sayo."] amp, nakalimutan ko.

"Mianhe, bukas na lang tayo magkita. Pagod na din ako eh, let's just sleep Arasso?
good night."

["Okay then, sweetdreams. I love you."]

"I love you din Lucas." tapos inend ko na yung call. Sorry Lucas, mag-uusap lang
kami ni Jeydon. Sorry if I lied to you.

Biglang napuno nang katahimikan, nakakabingi. Napatitig ako sa phone ko. Amp,
titingin na ba ako kay Jeydon? Parang nahiya ako bigla, ano ba 'tong nararamdaman
ko? Nanginging pa yung mga kamay ko.

"Okay ka lang?" tanong sakin ni Jeydon tapos hinawakan niya yung kamay ko. Tinignan
ko siya tapos bigla niyang inalis yung kamay niya. "Sorry, hindi ko sinasadyang
hawakan ka, nanginginig ka kasi. Andito na pala tayo pero dito muna ako sa park
malapit sa inyo pumunta." nakakainis naman, nakita pa niyang nanginginig yung kamay
ko. Nakakahiya naman talaga.

"Bakit dito? Hindi naman dito yung bahay ko." yan na lang yung nasabi ko. May sense
ba yon? parang mawala ako bigla sa sarili ko.

"Gusto lang sana kita kausapin sandali." inabot niya sakin yung susi ng kotse ko
tapos bumaba siya.

Oo nga pala, kakausapin ko nga pala siya. What am I thinking?

Pinalo ko yung ulo ko. "Aish! relax Candice, relax lang. Ano bang nangyayari sayo?"
sabi ko sa sarili ko. Huminga muna ako ng malalim bago ako lumabas para sundan si
Jeydon.

Umupo siya sa isang bench tapos may hawak hawak siyang dalawang lata ng kape mula
sa.vendo machine. Pagkaupo ko, binigay niya agad sakin yon.

"Pagod ka na ba talaga? Kakausapin lang naman kita sandali." binuksan ko yung lata
na hawak ko pagkatapos uminom ako.
"Hindi, I just said to Lucas pero hindi pa ako inaantok. Gusto din kitang
kausapin." tumingin siya sakin kaya bigla na naman akong kianabahan. Ano ba 'tong
inaasal ko? Naiinis na ako. "Kasi ano.. ano kasi.." hindi ko mapakaling sabi. Saan
ba ako mag sisimula?

"Nakatanggap na din ako nang sulat sakanila, kay S at B. Tingin ko ikaw din?" siya
din? mas lalo lang akong kinabahan.

"Oo meron na din. Nung gabi nang birthday ni Stacey, sinundan nila ako at may dala
yung lalaki na kutsilyo, malakas yung kutob ko na gusto niya akong saktan." nagulat
ako kasi halos nasira na niya yung lata na hawak niya sa sobrang higpit ng
pagkakahawak niya. Alam ko nag pipigil siya nang galit. "Ayos lang naman ako eh,
hindi nila ako nasaktan."

"Asan ba si Shawn? bakit hindi ka niya binabantayan?! boyfriend mo siya hindi ba?!
inis na inis siya. Hindi ko din napigilan na mainis sa sinabi niya.

"Wag mong sisihin si Lucas! Wala siyang kasalanan dito! at isa pa hindi ko siya
boyfriend, kaya pwede ba?!" huminga muna ako pagkatapos kong sabihin yon para
makalma ko yung sarili ko.

"Sorry, nadala lang ako ng damdamin ko. Nag aalala lang naman ako sayo eh."

"Nag aalala? at bakit ka nag aalala sakin ha?" nakatingin lang ako sakanya at
hinihintay yung sagot niya.

"Kasi.." umiwas siya ng tingi sakin. "Wala, wag mo na isipin yon. Matulog at
magpahinga ka na." tumayo siya tapos naglakad siya palayo pero tumayo agad ako para
habulin siya.

"Ang tagal kitang hinanap tapos aalis ka lang agad? Wag ganon Jeydon!" hawak hawak
ko yung braso niya. Hinarap niya ako at ang palit niya sakin. "Ano.. uhm.. kasi.."
gusto ko lang naman siyang kamustahin pero bakit naging ganito ka-komplikado yung
pagkikita namin?

"Sorry, sorry." hinila niya ako palalit sakanya pagkatapos niyakap niya ko. "Alam
kong magagalit ka dahil sa niyayakap kita ngayon pero pwede ba? Hayaan mo lang ako.
Hindi ko na kayang pigilan yung sarili ko eh."
"Jeydon.."

Mas lalo niyang hinigpitan yung pagkakayakap niya sakin. "Hindi mo alam kung anong
pagpipigil yung ginagawa ko kapag malapit ka sakin. Gusto kong hawakan yung kamay
mo, gusto kitang yakapin at halikan pero alam kong hindi na pwede kaya nag pipigil
ako." pinatong niya sa balikat ko yung ulo niya. "Kaya gusto ko na agad umalis kasi
alam ko hindi ko na mapipigilan yung sarili ko, kagaya nito. Hindi ko na napigilan
na yakapin ka."

Hinayaan ko na lang siya na yakapin ako.

"Sa lahat nang nagyari," sambit ko. "Alam kong hindi ka okay. Alam kong sobra kang
nasasaktan dahil sa ginawa ng dad mo. Kaya gusto kitang hanapin kasi alam kong
walang ibang makakaintindi sayo kundi ako kasi pareho niya tayong niloko." kusa na
lang gumalaw yung kamay ko at next thing I know, nakayakap na din ako salanya.
"Alam kong pareho na tayong nag let go pero nag aalala pa din ako sayo eh. Lalo na
ngayon na meron gustong manakit sa ating dalawa. Jeydon, mag iingat ka.."

"Hindi mo kailangan mag-alala sakin. Ayos lang ako, may siyam akong buhay 'di ba?"
hinarap niya ako sakanya. "Hindi mo din kailangan na mag-alala para sa sarili mo
kasi hindi ko hahayaan na may manakit sayo." tinignan niya ako ng mata sa mata.
"Kahit hindi mo na ako boyfriend, mananatili pa din akong si Superman para sayo."

"Jeydon.. hindi mo kailangang gawin yan."

"Wala akong pakialam kung siya na yung mahal mo at hindi na ako pero please hayaan
mo lang akong alagaan ka kahit na sa malayo lang. Hindi naman kita gugulihin eh,
hindi ko kayo gugulihin." ngumiti siya pero bakit parang may lungkot sa mga ngiti
na yon? "Alam kong selfish kung sasabihin ko pa 'to, alam kong wala na akong
karapatan pa dahil kasalanan ko naman kung bakit 'to nangyari at kung bakit ka
nawala sakin pero.."

Pumikit siya at huminga siya ng malalim. Pag dilat niya tinignan niya agad ako sa
mata ko. Parang tinatawag na naman ako ng mga tingin niya.

"Candice, mahal kita. Mahal na mahal pa din kita. Ikaw pa din.." hinawakan niya
yung kamay ko. "After all this years I'm still into you."
Nakatinging lang ako sakanya tulala at gulat. Hindi ko inakala na sasabihin niya
yon sakin, now that we both let go of each other.

"May pitong bilyong tao sa mundo pero na stuck ako sayo."

Napailing siya.

"Nung napakinggan ko yung pag uusap niyo ni Shawn, nakaramdam ako ng matinding
pagseselos. Gusto ko siyang suntukin at gulpihin nung nag I love you ka sakanya. Na
iingit ako, nag seselos ako."

Hinawakan niya yung mukha ko pagkatapos hinalikan niya ako sa noo ko. Natayo lang
ako dito at hindi ko alam kung anong magiging reaksyon.

"Sawa na akong magsakripisyo Candice, ngayon magiging makasarili naman ako.


Ipaglalaban na kita kahit pa wala akong laban sakanya. Wala na akong pakialam sa
iba, aagawin kita sakanya kung kinakailangan.. mapasakin ka lang ulit." ngumiti
siya sakin, malapad na ngiti. "Matulog ka na, wag kang mag alala bukas at sa
susunod na mga bukas at kahit umabot pa nang forever, mamahalin pa din kita."

Kinindatan niya ako pagkatapos nag salute siya sa akin at naglakad palayo.

Ako? Eto, nganga.

"Ikaw at namumukod tanging ikaw lang yung nakakagulo sa isip at puso ko nang ganito
Jeydon."

And for that, I hate you. I hate you so much Jeydon Lopez.

Itutuloy...

####################################
44: Goodbye sweet angel
####################################

44: Goodbye sweet angel

Candice point of view.

Isang linggo na simula nung nagkita kami ni Jeydon. Wala na ulit akong narinig
sakanya pero minsan pakiramdam ko nasa paligid ko lang siya. Hanggang ngayon
overwhelmed pa din ako sa mga sinabi niya. After all this years at pagkatapos nang
lahat ng nangyari, ganon pa din pala katindi yung pagmamahal niya sakin. Mas lalo
lang akong naguluhan kung sino na ba sa kanila ni Lucas yung mas matimbang sa puso
ko.

Mali man itong nararamdaman ko pero mahal ko sila pareho. Minsan naiinis na ako sa
sarili ko kasi hindi ako makapag desisyon kung sino ba talaga yung dapat kong
piliin. Alam kong pareho akong magiging unfair kay Lucas at Jeydon kaya naisip ko
na lang na lang na umiwas sa kanila pareho pero hindi ko magawa.

This past few weeks, kaya naging busy si Lucas dahil sa mga medical treatment na
pinagdadaanan ng dad niya. May heart disease yung dad niya at malala na pala yon
dahilan ng pagakamatay niya. Sobrang biglaan nung mga panggayari. Hindi man lang
niya sakin sinabi yung tungkol sa problema niga kasi ayaw niyang mag-alala ako.
Alam ko kung gaano kasakit mawalan ng ama lalo na yung biglaan. Hindi ko ma imagine
kung gaanong sakit yung nararamdaman ni Lucas ngayon.

Gusto ko na sanang umiwas muna kay Lucas dahil baka mas lalo ko lang siyang
masaktan pero hindi ko magawa lalo na ngayon na kailangan niya ako dahil sa
pagkamatay ng daddy niya. Isa pa, nangako ako sa dad niya.

"Mahal na mahal ka nang anak ko, Candice." kahit na nanghihina na siya, nakangiti
pa din siya. "Mana talaga sakin yung anak ko. Magaling pumili ng taong mamahalin.."
napangiti na lang ako sa sa sinabi niya. "Pwede ba akong huminga ng pabor sayo?"

"Ano po yon?" hinawakan niya yung kamay ko.

"Alam kong malaking bagay yung hihingin ko pero sana.. wag mong iwan si Shawn."
nagulat ako sa sinabi niya. "Kahit na pinapakita niya sa iba na malakas siya hindi
niya pa din maitatago sakin na mahina siya. Madalas ko siyang nakikita na malungkot
at umiiyak sa bahay lalo na nung naghiwalay sila ni Kim.. pero nung dumating ka
ulit sa buhay niya, nakita ko ulit siyang sumaya katulad ng mga bata kayo."

Natigilan ako sandali. Kahit minsan, hindi pinkita sakin ni Shawn yung kahinaan at
kalungkutan niya. Buong akala ko, malakas siya pero mali pala ako.

"Alam kong malapit na akong mawala at maiiwan ko na sila, kaya gusto ko bago
mangyari yon, alam kong maayos sila. Selfish ang gagawin ko Candice pero sana
ipangako mo sakin na hindi mo siyang iiwan.. " nakahawak pa din siya sa mga kamay
ko habang nakatigin siya sa mata ko. Kinabahan ako bigla kasi pakiramdam ko
mawawala na siya. Hinawakan ko na lang yung kamay niya.

"Pangako po, pangako hindi ko iiwan si Lucas."


Ngumiti siya sakin pagkatapos pinikit niya yung mga mata niya."Salamat Candice,
ngayon kampante na akong mawawala dito sa mundo."

Pinagmasdan ko lang siyang matulog. Maya maya lang dumating na si Lucas. Binigyan
ko muna sila ng oras para makapag usap kaya lumabas muna ako ng kwarto. Kumuha muna
ako ng kape pagkatapos naghintay lang ako sa labas. Hindi nagtagal nakita ko si
Lucas na lumabas ng kwarto. Bigla ba lang siya napaupo sa sahig habang iyak siya ng
iyak. Lumapit agad ako sakanya para yakapin siya.

"Wala na siya Candice, wala na si dad."

Sa puntong yon, kusa na lang din na tumulo yung mga luha ko. Nasasaktan ako para
kay Lucas, alam ko kung gaano kahirap yung pinagdadaanan niya. I've been there.
Naisip ko din sandali si papa at yung mga oras na nawala siya saking nang wala man
lang akong nagawa.

Mag iisang linggo na nung namatay yung daddy ni Lucas, hindi na ako umalis sa tabi
niya simula noon.

Nandito kami ngayon sa puntod ng papa niya. Halos buong araw ni Lucas, nandito
siya.

"Hindi mo naman kailangan na gawin 'to Candice. Hindi mo kailangang manatili palagi
sa tabi ko." ngumiti lang ako sakanya tapos hinawakan ko yung kamay niya. "Kaya ko
naman lahat ng 'to eh."

"Pwede ba? Kahit ngayon lang wag kang magpanggap na ayos lang ang lahat dahil
hindi. Andito naman kami para sayo eh. Lucas, kung gusto mong umiyak, umiyak ka
hanggang sa mawala yung sakit." lumapit siya sakin pagkatapos pinatong niya sa
balikat ko yung ulo niya. "Pwede mo naman akong iyakan eh." sa pagsabi ko non, unti
unti na niyang nilabas yung damdamin niya.

"Ang sakit, ang sakit mawala yung taong tiningala mo buong buhay mo. Mahal na mahal
ko si dad eh, buong buhay ko siya yung nagiging kakampi ko sa lahat. Sobrang sakit
at hirap lang na wala na siya ngayon.." hinayaan ko lang na umiyak si Lucas.
Niyakap ko lang siya para kahit paano, gumaan yung loob niya. "Candice ang sakit
pala.."

"Alam ko masakit at alam ko na mahirap pero ganon talaga Lucas." pinunasan ko yung
mga luha sa mata niya. Ngayon ko lang nakitang ganito si Lucas at hindi ko maiwan
sa masaktan. "May mga taong aalis sa buhay natin, hindi pang habang buhay nasa tabi
natin sila. Ang mahalaga, bago sila nawala naipadama mo kung gaano mo sila
kamahal."

Bagay na hindi ko nagawa nung nabubuhay pa si papa.

"Dito ka lang sa tabi ko Candice.. dito ka lang." ramdam mo sa tono ng boses niya
yung lungkot at sakit na nararamdaman niya ngayon.

"Oo Lucas, dito lang ako.. sa tabi mo."

Umiyak lang siya ng umiyak sa balikat ko hanggang sa makatulog na siya. Hindi kobl
siya iniwan katulad na lang din nang ginawa niya sa akin nung iniwan ko ni Jeydon.
Dumating na yung gabi kaya ginising ko na si Lucas. Pagkakita pa lang niya sakin,
ngumiti na siya at hinawakan niya yung mukha ko.

"Akala ko iiwan mo ako.." malungkot niyang sabi. "Ang saya ko kasi nasa tabi pa din
kita."
"Dito lang naman ako eh, hindi ako aalis." medyo gumaan na yung pakiramdam niya
kung ikukumpara kanina. "Umuwi na tayo?"

"Candice, mananatali ka pa din ba sa tabi ko kahit na bumalik na si Jeydon?"


literal akong natigilan sa sinabi niya. Tumawa siya ng mahina. "Wag mo nang
sagutin, baka masaktan lang ako sa isasagot mo." ngumiti siya pero alam kong pilit
yon. Tumayo siya at inabot niya sakin yung kamay niya. "Umuwi na tayo?"

Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin o kung anong tamang isagot sa tanong
niya. Inaboy ko ka lang yung kamay niya.

Ako na yung mag drive pauwi. Alam ko naman na pagod si Lucas -- physically,
mentally at spiritually. Hindi biro mawalan ng ama. Parang may isang bagay sayo na
nawala. Parang may kulang na sa buhay mo. Ganon yung mga naramdaman ko noon at ayon
ang ayokong maramdaman ni Lucas.

Hininto ko yuny kotse sa tapat ng bahay nila Lucas. Nakatulog na siya sa byahe at
kapag pinag masdam mo siya ang amo amo ng mukha niya. Hindi ko mapigilan na hawakan
yung mukha niya. Kahit tulog siya, bakas pa din sa mukha niya yung lugkot.

Si Lucas, siya yung tipo na hindi expressive sa nararamdaman niya. Silent type
lover kumbaga. Kung titignan parang maliit na bagay lang yung nagawa niya para
sakin pero hindi, malaking bagay siya. Yung nandyan pa lang siya nung panahon na
iniwan ako ni Jeydon, malaking bagay na yon. Isa pa, nakaya niyang magparaya para
lang kay Jeydon. Kinalimutan niya yung nararamdaman niya sa akin noon para kay
Jeydon. Tinago niya sakin yung totoong nararamdaman niya dahil ayaw niyang taluhin
si Jeydon. Kahit minsan hindi nag take advantage sakin si Lucas. Isa siya sa mga
taong nakakaunawa at walang sawang umiintindi sakin. Kung sa faity tale he's a
perfect prince. Minsan naiisip ko, do I deserve his love? Napakabait niya at parang
hindi ko kapapatawad yung sarili ko kapag nasaktan ko siya.

"Candice.." bulong niya. Nakapikit pa din siya kaya hindi ko alam kung gising na ba
siya o nananaginip lang siya. "Alam kong mahal mo pa din si Jeydon.. alam ko din na
balang araw babalik ka sakanya.. pero kahit ganon, hindi pa din ako susuko.. mahal
na mahal kita eh kaya kahit alam kong nagpapakatanga lang ako, ipaglalaban pa din
kita.." may mga luha na unti unting tumutulo sa mata niya. Hindi ko din napigilan
na umiyak. "Candice.. mahal kita.."

Tinakpan ko yung bibig ko para hindi ako makagawa ng ingay. Hindi ko kasi mapigilan
yung pag-iyak ko. Tulog man siya o hindi, ayokong makita niya akong ganito. Lumabas
agad ako ng kotse pagkatapos sumandal ako doon tska ako umiyak.

"Patawarin mo ako Lucas.." hindi ko pa din mapigilan yung pag-iyak. "You deserved
to he loved not to be an option." tumingala ako sa langit habang hinahayaan ko yung
sarili ko na umiyak. "Patawarin mo ko.. mahal kita pero mas mahal ko si Jeydon."

Ang sama sama kong tao.

Gusto kong sampalin yung sarili ko. Wala akong kwentang tao. Sinaktan ko yung taong
walang ibang alam kung hindi mahalin ako.

Mas lalo lang akong naguluhan sa sitwasyon. Naamin ko na sa sarili ko na mas mahal
ko si Jeydon pero hindi ko naman pwedeng basta basta iwan si Lucas. Isa pa hindi ko
kayang mag tapat sakanya sa ganitong sitwayson niya.

"Candice?" pinunasan ko yung luha sa mata ko pagkatapos tumayo ako at hinarap ko


siya.
"Andito lang ako." bigla siyang lumapit sakin tapos niyakap niya ako ng mahigpit.
"Anong problema?"

"Akala ko kasi iniwan mo na ko.. akala ko umalis ka na sa tabi ko." niyakap ko din
siya. "Wag mo akong iiwan."

"Hindi Lucas, hindi kita iiwan." hinarap niya akong may ngiti sa mga mukha niya.

Hinawakan niya yung mukha ko sabay tinitigan niya ako sa mata ko. Sa tingin pa lang
ni Lucas, dama mo na kung gaano ka niya kamahal. Napaka swerte ko na ako yung
minamahal niya.

"Hindi ko hinihiling na mahalin mo rin ako, gusto lang naman kitang mahalin
hangga't kaya ko." lumapit pa siya lalo sakin pagkatapos hinalikan niya yung noo
ko. "Pakiusap, hayaan mo lang ako na mahalin ka. Wag kang lumayo sakin." hindi ako
makatingin sakanya. Hindi ko alam kung tama ba yon dahil alam kong masasaktan lang
siya. "Sorry hindi na kita maihahatid pauwi. Mag ingat sa pag drive mo. Goodnight,
I love you."

Naiwan akong tulala. Litong lito na ako sa kung ano ba yung dapat kong gawin.

"Bakit napaka komplikado ng buhay?"

Napabuntong hininga na lang ako. Siguro ganon talaga, hindi mo makukuha nang basta
ganon na lang yung kalihayahan na inaasam mo. May mga bagay na dapat mong
paghirapan muna bago mo makuha.

Pumasok na lang ulit ako sa loob ng kotse ko. Nag drive ako pauwi na lutang yung
isip ko. Buti na nga lang hindi ako nabangga dahil sobrang preoccupied yung isip
ko.

Pag dating ko sa bahay natulog na agad ako. Nakaramdam na ako ng pagod. Gusto ko
lang na mag pahinga.

Kinabukasan pag gising ko, naatanggap agad ako nang text mula kay Marky na sobrang
ikinagulat ko. Sa gulat ko, nabitawan ko yung cellphone ko. Naiyak na lang ako ng
kusa. Ayokong maniwala sa sinasabi niya pero hindi niya kayang mag biro nang ganon.
Parang ang hirap tanggapin ng balitang yon.

Wala na si Ginny.

Matagal ko na naman hinanda yung sarili ko dito pero masakit pa din pala. Naging
mabuting kaibigan siya sakin. Naisip ko agad si Marky kaya dali dali akong mag
bihis at pumunta sa ospital. Sinamahan ako ni Kuya Charles don. Malayo pa lang kami
sa kwarto ni Ginny kita ko na sa labas si Marky at Ginno.Nilapitan ni Kuya si Ginno
habang ako lumapit kay Marky. Nakaupo sa sahig si Marky habang nakapatong yung ulo
niya sa tuhod. Mahina man yung pag-iyak niya pero damang dama mo kung gaano siya
nasasaktan.

"Marky.. mag pakatatag ka." yun na lang yung nasabi ko. Niyakap ko na lang siya.
Walang tamang salita yung makakapag pagaan ng loob niya kaya binigyan ko na lang
siya ng katahimikan. "Andito lang kami."

Inangat na niya yung ulo niya. Ngumiti siya, "Ang sakit kasi wala na siya pero
masaya akong nakangiti siyang umalis."

"Sigurado akong nasa langit na siya."

"Candice, salamat. Alam kong gusto mo akong damayan pero ngayon yung operasyon ni
Jeydon at kailangan ka niya don." ngayon na ba agad yon? "Pumunta ka na don, mas
kailangan ka ni Jeydon."

Niyakap ko ulit siya. "Babalik ako, pupuntahan ko lang si Jeydon." ngumiti siya
sakin.

Nagpaalam muna ako kay Kuya at kay Ginno. Nagmadali akong umalis para puntahan si
Jeydon.

"Hintayin mo ako Jeydon.."

Itutuloy...

--

Ang bilis niyo mag vote kaya mabilis din ako mag UD. :p

####################################
45: Reunited (Part 1)
####################################

45: Reunited (Part 1)

[Now playing- Let me be the one by Julie ann San Jose]

Candice point of view.

Habang nagmamaneho ako papuntang ospital, hindi ko pa din mapigilan na maiyak.


Sobrang biglaan ng mga pangyayari, nakakalugkot at nakakapanghina. Hindi ko pa din
kayang tanggapin na wala na si Ginny, parang kailan lang, masaya kaming nanunuod ng
show ni Paulo. Kahit matagal na naming hinandan yung mga sarili namin sa ganitong
sitwasyon, nakakabigla pa din.

Gusto ko nang iiyak ngayon lahat ng luha na meron ako para pag dating ko sa ospital
hindi na ako makita ni Jeydon na ganito. Ayokong makita niya akong umiiyak at
mahina dahil baka panghinaan lang siya ng loob. Kailangan niyang tatagan yung loob
niya. Hindi biro yung operasyon na gagawin niya kaya kailangan niyang maging
malakas. Kailangan man niya ako duon o hindi, gusto ko pa din siyang suportahan.

Pagkatapos ng dalawang oras, nakadating na din ako sa ospital na sinabi ni Marky.


Dumiretso agad ako sa kwarto ni Jeydon pero ang sabi sakin ng nurse nasa operation
na siya. Nahuli na pala ako.
Pumunya agad ako duon at malayo pa lang ako nakita ko na agad si Kim. Tahimik
siyang nakaupo at naghihintay sa labas ng operation room. Tinabihan ko kaagad siya
pero hindi ako nakapagsalita dahil hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin.

"Mabuti dumating ka. Ikaw naman talaga yung kailangan niya eh, hindi ako." tinignan
ko siya pero hindi siya nakatingin sakin, parang ayaw niya akong tignan.

"Kim, kailangan ka din ni Jeydon." natawa siya pero may iyak sa pag tawa niya na
yon.

"Tama na Candice." tinignan niya na din ako at umiiyak nga siya. Pinunasan niya
agad yung luha sa mata niya. "Tanggap ko na. After how many years, ngayon ko lang
talaga natanggap na hindi na siya babalik sakin." ngumiti siya pero alam kong pilit
lang yon. "Ang tanga tanga ko. Ang tagal kong niloko yung sarili ko eh, na mahal pa
din niya ako at babalik pa din siya sakin. Pinaniwala ko yung sarili ko na at the
end we will still be together pero ang totoo una pa lang alam kong hindi na kami
pwede." pinipilit niyang ngumiti kahit na nasasaktan na siya.

Hinawakan ko yung kamay niya. "Nagmahal ka lang naman kaya mo nagawa yang mga
katangahan na yan eh."

Tumingin siya sakin. "Oo, nagmahal lang ako.. ng sobra sobra." nilagay niya yung
kamay niya sa mukha niya at duon na siya umiyak. "Mahal na mahal ko si Jeydon eh."
hindi ko alam pero may kung anong nagtulak sakin para yakapin si Kim. "Sa sobrang
pagmamahal ko sakanya nakalimutan ko nang mahalin yung sarili ko."

Damang dama ko yung hirap at sakit na nararamdaman ngayon ni Kim. Oo, naaawa ako
sakanya. Wala naman siyang ginawa kung hindi magmahal.

"Hindi lang siya yung pwede mong mahalin, tandaan mo yan."

"Oo alam ko, alam ko na madami pang iba dyan pero anong magagawa ko? Siya yung
pinili ng puso ko eh, nang tanga kong puso." Lumayo siya sakin pagkatapos pinunasan
niya yung mga luha sa mata niya. "Tama na, masyado nang ma drama. Kontrabida ako
dito kaya dapat hindi ako umiiyak." nakatingin lang ako kay Kim. Pinipilit niyang
maging malakas kahit na nasasaktan na siya. "Candice.. may gusto sana akong
sabihin.."
"Ano yon?" nagulat ako kasi hinawakan niya yung kamay ko.

"Patawad." isang salita lang pero ang lakas ng tama sakin. Isang salit pero
napakalalim ng salitang binitawan niya. Kahit kailan hindi ko naisip na hihingi ng
tawad sakin si Kim. "Patawarin mo din sana si Jeydon kung nasaktan ka man niya.
Wala naman siyang inisip at inintindi kung hindi ikaw." nakatingin lang ako kay
Kim. Napatingin siya sa taas at nakangiti. Nagiging maamo din pala yung mukha niya.
"Alam mo ba? ako yung kasama niya pero ikaw yung palagi niyang binabanggit. Walang
araw na hindi ka niya inisip. Minsan nga ginusto kong maging ikaw kasi sobra sobra
yung pagmamahal sayo ni Jeydon."

Sa puntong yon, naawa ako kay Kim. Sa kwento pa lang niya, alam kong masakit sa
part niya na may ibang babaeng iniisip yung taong mahal niya habang kasama siya.

"Ngayon ko pa lang siya nakitang mag mahal nang ganito. Mapaglaro si Jeydon pero
nagtino siya dahil sayo. Makasarili siya pero nagawa niyang magsakripisyo para lang
sayo. Binago siya nang pagmamahal niya sayo. Ang swerte mo nga eh.. mahal na mahal
ka niya."

"Minsan hindi sapat yung mahal niyo lang yung isa't isa." tinarayan niya agad ako
sa sinabi ko. "May mga bagay na hindi pwede kahit na gustuhin mo pa."

"Kung mahal mo siya ipaglaban mo siya, hindi yung wala ka pang nagagawa, sumusuko
ka na." napabuntong hininga siya. "Mas tanga ka pala sakin Candice. Ang tanga tanga
mo para isuko si Jeydon nang ganito."

"Hindi mo ako naiintindihan, Kim." hinarap niya ako sakanya.

"Madami na kayong napagdaanan, ngayon ka pa ba susuko?" tumayo siya. "Candice,


kahit ngayon lang sundin mo yang puso mo at wag yang nagmamarunong mong utak."
tumalikod siya sakin. "Pinapaubaya ko na si Jeydon sayo. Wag na wag mo siyang
sasaktan dahil kahit kailan, hindi ko siya sinakta." Unti unti siyang naglakad
palayo.

"Saan ka pupunta?" tanong ko.

"Sa taong minsan ko ding minahal." nilingon niya ako at ngumiti siya sakin.

Hindi naman pala ganon kasama si Kim. Tama sila, ang daming nagagawa nang pag-ibig
sa bubay ng tao. Nagagawa mo yung mga bagay na hindi mo nagagawa noon at minsan
kahit labag sa kalooban mo.

Naisip ko din yung mga sinabi niya. Kung susundin ko lang yung puso ko at hindi
yung utak ko, may taong masasaktan at ayokong mangyari yon.

Tahimik at matyaga lang akong naghintay sa labas para hintayin yung resulta ng
operasyon ni Jeydon. Hindi ako umalis sa kinakaupuan ko. Limang oras na din akong
nandito.

Maya maya lang lumabas na yung doktor. Tumayo agad ako at lumapit sakanya.

"Girlfriend ka niya?" tanong sakin ng doktor.

Hindi ko alam kung anong dapat kong isagot dahil hindi na naman niya ako
girlfriend. "Ah, kaibigan niya po."

"Successful yung operasyon sakanya. Kailangan lang niyang magpahinga sa ngayon.


Hindi pa natin alam kung kailan siya magigising at maaari din siyang magkaroon ng
amnesia." bigla akong kinabahan. Paano kung magkaroon nga siya non? Makakalikutan
niya ba ko? "I'll leave you with the patient now."

"Thanks doc."

Pumasok na ako sa loob. Kabado akong lumapit sakanya. Nag aalala ako sa sinabi ng
doktor. Posible siyang magka amnesia. Ano kayang gagawin ko kapag nangyari yon?

Tahimik yung buong paligid. Lumapit agad ako sa tabi ng kama niya.

Pinagmasadan ko lang siya habang natutulog siya. Ang amo niya talaga kapag
natutulog pero kapag gising akala mo kung sinong dragon. Naalala ko tuloy yung
panahon na ako pa yung nag aalaga sakanya kapag kay sakit siya. Kapag pinipilit ko
siyang uminom ng gamot at kapag pinapatulog ko siya.

Nakakatuwa din isipin na, mamahalin ko pala ng sobra yung isang katulad ni Jeydon.
Napaka hiwaga din ng pag-ibig at the same time, komplikado. Yung mahuhulog ka sa
taong hindi mo akalain na magugustuhan mo. Yung mahal mo may mahal ng iba pero
minamahal mo pa din pero ang pinaka mahirap, yung mahal niyo ang isa't isa pero ang
daming hadlang.

"Bakit kaya kung saan ka masaya, dun palaging may kontrabida?"

Pwdede bang maging masaya na lang ako?

"Jeydon.. gumising ka na." pinatong ko yung ulo ko sa kama ni Jeydon. Hawak hawak
ko lang yung kamay niya, hinihintay na gumising siya.

Matyaga pa din akong nag hinantay kahit na tatlong araw na siyang natutulog.
Pumunta dito si Jayshin para bisitahin si Jeydon, sinabi sakanya ni Kim yung nga
nangyari. Kaming dalawa yung nagpapalitan sa pag bantay kay Jeydon. Kailangan ko
din kasing magpabalik balik sa ospital sa burol ni Ginny at kay Lucas. Apat na araw
lang, nilibing na din si Ginny, sa hiling na din ni Ginno.

Malungkot kaming lahat pero sabi nga ni Ginny bago siya mawala, ayaw niya kaming
makita na umiiyak at malungkot kaya lahat kami nagpakatatag sa libing niya.
Nakakamangha din si Ginno dahil kahit na sobrang hirap nang pinagdadanan niya ni
hindi niya pinakita sa amin yung kahinaan niya.

Pagkatapos ng libing bumalik na agad ako kay Jeydon. Natatakot kasi ako na wala ako
sa tabi niya kapag gising niya.

Pag pasok ko sa kwarto tulog pa din siya. Hindi ko na namalayan na nakatulog na


pala ako sa sobrang pagod. Nagising na lang ako dahil sa sinag nang araw. Pagkakita
ko sa kama ni Jeydon, nataranta agad ako kasi wala na siya don. Iniwan niya ako
dito? Gagawin ba niya yon? Posible bang nagka amnesia siya? Sobrang akong kinabahan
at nakatakot. Tumayo agad ako para hanapin siya sa labas pero hindi pa man ako
nakakalabas ng kwarto, may yumakap na sakin mula sa likod ko.

"Are you looking for me?" ramdam ko yung hininga niya sa leeg ko. "Miss me?"

"Jeydon?" gusto kong humarap sakanya pero hindi niya inaalis yung pagkakayakap niya
mula sa likod ko. "Bakit nakatayo ka na? Kailangan mong mag pahinga!" mas lalo
niyang hinigpitan yung pagkakayakap niya sakin.
"I don't need it, you're here and you're my strength." hinawakan niya yung mga
kamay ko. "Pwede bang ganito na lang tayo habang buhay? Andito ka lang sa tabi ko
at yakap yakap kita." pinatong niya yung ulo niya sa balikat ko. "Candice, I need
to ask you something." gumalaw ako para humarap sakanya pero hindi pa din niya ako
binibitawan.

"Jeydon!"

"Sorry," binitawan niya ako tska niya ako hinarap sakanya. "I just can't help
hugging you from your back."

"Ayan ba nagawa sayo nung operation mo? Kanina ko pa napapansin na panay English ka
eh." natawa siya. "Ano ba yung sasabihin mo?"

Lumapit siya sakin, malapit na malapit. "Mahal kita, Saranghae, Te amo. I love you,
sobra sobra." biglang bumilis yung tibok ng puso ko at para akong kinakabahan.
"Ngayong magaling na ako, wala na akong dahilan pa para isuko ka pa. May dahilan na
ako para lumaban. Ginawa ko lahat ng 'to para sayo Candice kasi mahal na mahal
kita."

Ngumiti siya sakin tapos binitawan niya yung kamay ko. Nagulat ako kasi bigla niya
akong piniringan.

"Ano 'to?"

"I have a surprise for you."

Nakapiring man ako pero alam kong nakangiti siya sakin at may binabalak siyang alam
kong ikakagulat ko. Kinakabahan ako.

Ano bang gagawin niya?

Itutuloy...
--

Thanks sa mabilis na vote guys! Ganon ulit ^__^

####################################
45: Reunited (Part 2)
####################################

45: Reunited (Part 2)

Naka piring pa din ako habang nakatayo sa hindi ko alam na lugar. Sa pagkakatanda
ko, sumakay kami ni Jeydon sa elevator pataas at sa tingin ko nasa roof top kami.
Mahangin dito at parang tahimik yung paligid. Maya maya lang biglang nagsalita si
Jeydon.

"Sabi nila, love is sweeter the second time around.." ang lalim ng boses niya, ang
sarap pakinggan.

Pagkasabi niya non, biglang tumunog yung gitara. Gusto ko siyang makita kaya kahit
hindi ako sigurado kung dapat ko na bang tanggalin yung piring sa mata ko, inalis
ko pa din siya. Nakatayo siya sa harap ko, dala yung gitara niya. Tama ako, nasa
roof top kmi ng ospital. Napapalibutan kami ng madaming rosas at may nga balloons
pa. Halatang nag effort yung nag set up nito.

"Candice.. be love?" Nakatingin lang siya sa mga mata ko. Para akong nahuhulog
sakanya habang tinitignan ko siya.

[Now playing: Sabihin mo na by Top suzara]

Nagsimula na siyang kumanta habang ako nakatingin lang sakanya.

"Gusto kong magpaliwanag sa iyo. Ngunit di kinakausap.. Di ko inasahang diringgin


mo, Nakatingala sa ulap.."
Mas lalong gumanda yung boses ni Jeydon. Napaka husky ng boses niya at ang sarap
pakinggan. Hindi ko na napigilan na mapangiti.

"Alam kong nasaktan na naman kita.. Ngunit di ko naman sinasadya.. .. Hinding-hindi


na mauulit sinta, Sanay maniwala ka.."

Habang kumakanta siya, palapit siya ng palapit sa pwesto ko. Bumilis na naman tuloy
yung tibok ng puso ko. Yung feeling na magkatitigan kayo habang kinakantahan ka
niya. Ang sexy pa nang dating nang boses ni Jeydon. Bakit ganon? kinikilig ako na
parang teenager. Ugh! hindi ko mapigilan na mapangiti at sa tingin ko namumula na
yung pisngi ko.

"Sabihin mo na.. Kung anong gusto mo, Kahit anoy gagawin.. Para lamang sa yo..
Sabihin mo na, Papaano mo mapapatawad.."

Tumigil siya sa pagkanta niya. Nilapag niya yung gitara niya pagkatapos lumapit pa
siya sakin ng sobra. Magkatapat na yung mukha naming dalawa at dahil mas matangkad
siya sakin, kailangan kong tumingala para makita ko ng maayos yung mukha niya.

"I'm sorry." nakatitig lang siya sa mata ko. Hinawakan niya yung dalawang kamay ko.
"Sorry kung nasaktan kita. Sorry kung iniwan kita. Sorry kung napabayaan kita.
Sorry sa lahat, lahat. All I want is for you to be happy pero mas lalo lang pala
kitang nasaktan."

Hinawakan niya naman ngayon yung mukha ko kaya mas lalo tuloy lumakas yung kabog ng
puso ko. Ang lapit lapit na nang mukha niya sa mukha ko.

"Tuwing lalapit ako sayo nang ganito kalapit, kinakabahan ako, bumibilis palagi
yung tibok ng puso ko. You're making me fall for you, every time."

Hinawi niya yung buhok ko para mas lalo niya akong makita.

"Damn, I'm so in love with you.. Candice."

Unti unti parang hindi ako makahinga ng maayos. Parang naramdaman ko ulit lahat ng
mga naramdaman ko nuon nung nagsisimula pa lang kaming magkagusto sa isa't isa.
Yung slow motion, yung pag bilis ng tibok ng puso ko at yung pakiramdam na hindi
ako makahinga.

"Hindi ko alam kung karapatdapat pa din ako sayo, sa dami nang katangahan at maling
nagawa ko. Candice bawat kasalanan na nagawa ko, lahat yon pinagsisisihan ko pa din
hanggang ngayon. Sana nga ako na lang yung nasaktan at hindi ikaw kasi mas masakit
sakin na nasasaktan ka at ako yung dahilan." nagulat na lang ako nung may luha na
tumulo galing sa mata niya. "Candice, sana mapatawad mo pa ako." pinunasan ko yung
mga luha na unti unti nang pumapatak galing sa mata niya.

"Pinapatawad na kita, Jeydon." ngumiti siya at hinawakan niya yung kamay ko habang
hawak hawak ko yung mukha niya. "Nuon pa, pinatawad na kita." hinila niya ako
palapit sakanya tapos niyakap niya ko.

"Alam mo ba kung gaano mo ako pinasaya? Sobra, sobra.. sobra." mas lalo niyang
hinigpitan yung pagyakap niya sakin. "I miss this, I miss hugging you. I miss
everything about you."

"Gusto kong maging totoo sa sarili ko, kahit ngayon lang.. na miss ko din 'to. I
miss you too, Jeydon." hinarap niya ako sakanya at nakita ko agad yung ngisi nang
isang Jeydon Lopez.

"I know, you'll not gonna resist my charm." habang nakangisi, kinindatan pa niya
ako. "Jeydon Lopez yan eh." natawa tuloy ako bigla.

"Oo na ikaw na, ikaw na talaga." hinawakan ko yung mga pisngi niya. "Ang gwapo
gwapo mo po kasi noh? Jeydon Lopez." natawa din siya sa sinabi ko.

"Aanhin ko yung kagwapuhan ko kung hindi naman ikaw yung makakatuluyan ko?"

I don't know what to say kaya napataas na lang ako ng kilay sa sinabi niya.
Simpleng pick up line lang pero tinamaan agad ako.

"Can you close your eyes again?" nag nod ako tapos pinikit ko na lang yung mata ko.
Ano na naman kaya yung gagawin niya? Meron pa ba? "In count of one, two, three..
now open yoir eyes."

Pagmulat ko nang mata ko, may isang malaking banner na nakasabit sa napakadaming
balloons pero hindi ko pa makita yung nakasulat don kasi may takip pa siya.
Nakaluhod sa harap si Jeydon habang may hawak hawak siyang isang piraso ng rosas.

"Alam mo ba? Bago pa ako mag pa opera, kinasabwat ko na yung mga nurse dito. I
already plan all of this. Tinulungan nila akong ayusin 'to. Sabi ko sa sarili ko,
kapag successful yung operation ko, hindi na ko na talaga papalagpasin yung
pagkakataon na 'to."

Hindi ko na talaga alam kung anong magiging reaksyon ko. Masaya ako, sobra na
parang naiiyak. Mixed emotions eh. Parang lahat ng sakit na naramdaman ko noon,
nawala na lang bigla.

"Candice yung pagmamahal ko sayo parang langka, langkatapusan."

Uti unti niyang inaalis yung takip nung banner.

"Hindi ko alam kung kailan yung mahal na araw kasi ang alam ko mahal kita, araw-
araw."

Hindi ko mapigilan na mapangiti ng sobra. Ang simple lang naman ng nga pick up
lines niya eh, hindi na bago pero ang lakas pa din ng epekto sakin.

"Anong panulat ba yung gamit mo? Kasi hindi kita kayang burahin dito sa puso ko."

Natanggal na yung takip nang banner ay dahan dahan ko yong binasa.

'Can we start over?'

Tumayo siya tapos lumapit ulit siya sakin. Inabot niya sakin yung isang pirasong
rosas.

"Alam ko hindi ganon kadaling ibalik kung ano mang meron tayo dati pero ayos lang
kasi hihigitan ko pa yon." hinawakan niya ulit yung mukha ko. "Just give me another
chance and I will make things right." pinatong niya yung noo niya sa noo ko.
"Hayaan mo naman akong ligawan kita ulit oh? Gusto ko ulit maging deserving sa
pagmamahal mo."
Tears of joy siguro? kasi hindi ko mapigilan yung pag-iyak ko. Sobrang overwhelmed
ako. Alam kong hindi tama na maging masaya ako sa panahon na nawala yung kaibigan
ko at nasasaktan si Lucas pero hindi ko mapigilan na maging masaya kahit na ngayon
lang.

"Candice Gonzales," lumuhod ulit siya sa harap ko. "Pumayag ka man o hindi na
ligawan kita wala kang magagawa kasi araw araw kong ipapakita at ipaparamdam sayo
kung gaano kita kamahal."

"Eh bakit humihingi ka pa ng permission kanina kung wala din naman pala akong
magagawa?" sira talaga siya. Napakamot na lang tuloy siya ng ulo niya tapos sabay
kaming tumawa. "I guess sometimes you nee a second chance because time wasn't ready
for the first time." ang laki ng ngiti sa bibig niya. Hinarap niya ulit ako.

"I'll not consider as a second chance rather its now or never."

I thought I lost him but then he looked at me, that looked he had on when we first
met.

"I love you Candice.."

I love you too Jeydon pero sa ngayon sasarilinin ko muna yon hanggang sa dumating
ulit yung time para sating dalawa. Kapag sumang-ayon ulit satin yung tadhana at
kapag pinana ulit tayong dalawa ni kupido, alam ko magiging sobrang worth it nang
lahat nang ito.

Itutuloy..

--

Ang bilis niyo mag vote! Salamat :)

Gagawin ko nang 3K guys ah? ang bilis niyo eh :P


####################################
46: Guess who?
####################################

46: Guess who?


Candice point of view.

"Totoo ba yan?" hindi talaga ako makapaniwala sa mga sinabi niya. "Si manong
sorbetero, ganito kayaman at isa siyang doktor?" tumango siya sakin, magkaharap
kaming dalawa sa lamesa habang kumakain ng noodles na niluto ko para sakanya. Busy
siya sa pagkain nang noodles kaya hindi siya makapagsalita.

Pwede nang kumabas na si Jeydon ng ospital kaya hinatid ko na siya pauwi sa


tinutuluyan niya na condo pala ni manong sorbertero na si Mr. Song pala, isang
sikat at mayaman na surgeon. Nakakagulat talaga, hindi ko expected na ganito pala
siya.

"Kaya pala ang lalim niya palagi mag salita may pagka misteryoso niya. Nakakamangha
naman." dagdag ko.

"Yesh, funny ishnt it?" sabi ni Jeydon habang puno pa din ng noodles yung bibig
niya. "Nakakatawa pa nga non yung anak niya na tinakwil niya eh workmate ko pala.
Pakiramdam ko nga may purpose ako sa buhay nila eh." finally natapos na din siya
kumain.

Naalala ko na naman yung babae na nasa coffee shop. Yung babae na tumawag sakanya
na Jeydi. Ano nga ulit yung pangalan niya? Parang close na close sila at mukhang
magaan pa nga yung loob nila sa isa't-isa.

"Close ba kayo?" tanong ko kaya napatingin siya sakin. Bigla na lang siyang ngumisi
sakin. Anong problema niya? "Oh ano yang ngisi na yan?"

"Napansin ko lang kasi na parang nag seselos ka kay Brina." nag evil laugh siya
bigla. Hala! ako nagseselos? Hindi noh. Nagtatanong lang ako at Brina pala yung
pangalan niya. "Wala kang dapat ipagselos sakanya, kaibigan ko lang siya." napataas
ako ng kilay.
"Anong tawag niya sayo? Jeydi? Ang pagkakatanda ko kasi mga importanteng tao lang
hinahayaan mong tumawag sayo nang ganon." tumawa na lang ako. "Ano pa man, ayos
lang hindi naman ako nag seselos o ano, I'm just asking, kasi di ba? Jeydi tawag
niya sayo." tumayo siya sa pagkakaupo niya tapos lumapit siya sakin.

"Ang cute mo kapag nag seselos ka." ang kulit niya, hindi naman talaga ako nag
seselos eh. "You have my heart so there's no need to be jealous. I'm all yours."
psh, hindi naman nga kasi ako nag seselos don.

"Really? You're all mine?" hinawi niya yung buhok ko tapos tinignan niya ko sa mata
ko. Kapag ginagawa niya yon, may kakaiba akong nararamdaman, parang may kung ano sa
tyan ko.

"Yes I'm all yours." sabay kindat. "Hindi ko alam kung anong ginawa mo sakin pero
patay na patay ako sayo." mas lumapit siya sakin, yung malapit na malapit. Konting
galaw lang mahahalikan na niya ako. "I'm so damn into you.. I'm damn falling in
love with you over and over again." Pakiramdam ko tumayo lahat ng balahibo sa
katawan ko. Damang dama ko yung mabango niyang hininga tapos ang sexy pa ng boses
niya. Ganito talaga siguro yung nagagawa nang isang Jeydon Lopez. "Wala ka man lang
bang sasabihin?"

"Ha? a-ano naman yung sa-sabihin ko?" natawa siya tapos niyakap na lang niya ko.

"Nothing, don't say anything and just hug me." abnormal talaga siya pero abnormal
din ako eh, kasi niyakap ko nga siya. "Balik tambalan na ba ulit tayo? Buo na ba
ulit yung Jeydice?" tinulak ko siya pagkatapos tinignan ko siya.

"Jeydice? Sino yon?" bigla ba naman siyang natawa. Hari talaga siya nang ka
abnormalan.

"Jeydon plus Candice equals Jeydice." yung ngiti siya sakin abot hanggang langit
tapos mukha pa siyang bata. "Okay ba?"

Kinurot ko nga yung magkabilang pisngi niya. "Ang mais mo!" sabi ko.

"Shweet kaya!" pagbitaw ko sa pisngi niya, tasa kami ng tawa kaso bigla na lang
sumakit yung ulo niya.
"Okay ka lang? Masakit na masakit ba?" nag aalala kong tanong. "Jeydon, ano? mag
salita ka nag aalala na ako!" nakakapit lang siya sa kamay ko. Malapit na talaga
ako mag panic kaya ang ginawa ko, hinila ko siya papunta sa sofa. Kahit anong bigat
niya nagawa ko pa din siyang dalhin don.

Paglapag ko kay Jeydon kumuha agad ako ng tubig para ipainom sakanya. "Ayos na ako,
salamat nurse ko." parang hindi sumakit yung ulo niya. Kung wala lang siyang
nararamdaman kanina ko pa siya binatukan eh. "Improving ka na ah, mas maayos ka na
mag alaga ngayon." nakangiti pa siya, psh parang wala lang yung operation niya.

"Ikaw nga itigil mo muna yang pagka pilyo mo at magpahinga ka na. Mag papahinga na
din ako." inalalayan ko siya para makahiga siya sa sofa. "Take a good rest okay?"

Hinila niya ako papalapit sakanya kaya ang nangyari tuloy, napunta ako sa itaas
niya. Omo! ano ba yon?

"Pwede bang samahan mo na lang ako dito?" tapos kinindatan pa niya ako. "O kaya
bigyan mo na lang ako nang good night kiss para masarap yung tulog ko." pinalo ko
nga siya sa dibdib niya pero natigilan ako sandali.

Abs. Shet. Abs, six pack abs.

"Ano masarap ba hawakan abs ko? Gusto mo tanggalin ko pa yung damit ko para mas
lalo mong madama yung six pack abs ko?" tmnag evil grin siya bigla at alam ko nang
may pilyo na naman siyang balak.

"Sapak gusto mo?!" natawa siya.

"Nagbibiro lang ako, baby girl." napataas yung kilay ko.

"Anong tinawag mo sakin?"

"Baby girl." habang sinasabi niya yon ang laki ng ngiti niya. "Baby kasi isip baby
ka pa tapos girl kasi babae ka, alangan naman boy di ba?" hahampasin ko ulit sana
siya pero hinawakan niya yung kamay ko. "Will you stop hitting me? Halikan mo na
lang ako kesa hampasin mo ako." tumawa na naman siya. Ang pilyo niya talaga.
"Mabuti pa umalis na ako." sabi ko.

"Why? Nag eenjoy ka nga dyan sa taas ko di ba?" napatingin ako sa pwesto namin,
shet oo nga pala nasa itaas pa din niya ako.

Tumayo na agad ako. "Uuwi na ko." iniwas ko na lang yung mukha ko sakanya kasi
pakiramdam ko namumula yung pisngi ko.

"Mag pahinga ka na din, baby girl." tumango ako pagkatapos tumalikod na ako para
umalis pero pinigilan niya ako. "Pakiramdam ko may gusto akong sabihin sayo tungkol
kay Margot pero hindi ko maalala kung ano." speaking of, hindi pa pala niya alam
yung nangyari kay Margot. Siguro mabuti nang sabihin ko na sakanya yon.

"Patay na siya." nagulat siya pero at the same time nagtataka yung mukha niya.

"Talaga? Baka ayon yung sasabihin ko pero hindi ko talaga ma alala eglh.." siguro
dala nang operasyon niya kaya may mga bagay siya na hindi maalala. "Nevermind. Mag
ingat ka ha? Mag text ka sakin kapag nasa bahay ka na. I'll wait for your text."

"Yes boss Jeydon. Mag pahinga ka na ha? Good night." nginitian ko siya tapos
naglakad na ako palabas ng condo.

Bago pa man ako tuluyan na makaalis, sumigaw bigla si Jeydon. "I love you Candice!"

"I love you too, Jeydon." bulong ko sa sarili ko habang nakangiti ako.

Let's take it slow Jeydon. Slowly but surely. Kung mabibigyan pa tayo nang isa pang
chance, gusto ko na maging worth it yon. Gusto kong makisigurado this time dahil
parang hindi ko na kaya kung masasaktan pa ulit ako. Baka isumpa ko na yung pag-
ibig.

Pagbaba ko sa condo, dumiretso agad ako sa parking at sa kotse ko. Palabas na sana
ako nang gate ng condo nila pero napahinto agad ako nung nakita ko si Margot.
Posibleng namamalikmata lang ako dahil patay na si Margot pero bakit ganito? parang
totoong totoo siya at nakatingin pa siya sakin.

Huminto ako sa kanto kung saan ko siya nakita. Bumaba agad ako nang kotse ko dahil
baka makita ko pa siya pero wala na siya. Namamalikmata nga lang siguro ako at
siguro dala na 'to nang pagod. Mabuti pa, umuwi na ako at matulog.

Mahaba habang byahe din yon kaya pagkadating na pagkadating ko sa bahay namin
pumunta agad ako sa kwarto mo at humiga sa malambot kong kama.

May mga bagay man ako na naiisip pa, inalis ko na lang yon para naman makatulog na
ko. Napaka stressful ng buong linggo na 'to kaya I need a good rest pero bago ko
gawin yon, hindi ko nakalimutan na i-text si Jeydon.

To: Doraemon

Bahay na ko, matulog ba tayo ha? ^__^

Hindi ko na hinintay yung reply niya tapos natulog na ko.

...

"Roo!"

Minulat ko nang dahan dahan yung mata ko. Nakita ko si Cholo na nasa ibaba ng kama
ko at parang inaabangan ako.

"Good morning baby." bati ko sakanya.

"Roo! Roo!" masigla niyang sabi tapos umikot ikot siya. Alam ko na kung anong gusto
niya.

"Oo na alam ko na, ipapasyal na kita. Sandali lang." tumayo agad ako sa kama ko at
nagbihis. Matagal na din naman nung napasyal ko siya.

Pagkababa ko gising na sila mama. Kumain lang ako ng isang tinapay pagkatapos
umalis na ko ng bahay kasama si Cholo.
As usual, ipapasyal ko siya sa park.

Pagdating ko don hinayaan ko lang siya maglaro sa harap ko habang ko nakaupo sa


swing. Ang daming tao dito, masayang namamasyal at naglalaro. Naalala ko tuloy si
Jeydon, gising na kaya siya ngayon?

"Roo!" tahol ni Cholo tapos nag paikot-ikot siya sa harap ko.

"Pa cute mode baby? Wag ka mag alala, cute ka na." tatayo na sana ako para kunin
siya pero nakita ko si lola.

Si lolang nanghula sakin dati na may isang taong malapit sakin yung mawawala.
Ngayon napatunayan ko na tama pala siya dahil sa nangyari kay Ginny. Para siyang si
Mr. Song na napaka misteryoso. May kung anong nagsabi sakin na lumapit ako sakanya.

Paglapit ko pa lang sakanya kakaiba na agad yung itsura nang mukha niya.

"Lola, tama po kayo. May isang taong malapit nga sakin yung nawala." lumaki yung
mata niya tapos parang napailing siya.

"Mali ka, Ija." dismayado niyang sabi.

"Ano pong ibig niyong sabihin?" nagtataka kong tanong.

"Hindi pa siya nawawala."

"Hindi pa?!" may isa pa bang tao na mawawala na malapit sakin? pero sino?

"Malapit na malapit na." biglang tumaas yung mga balahibo sa katawan ko at


kinabahan ako ng sobra.

"Lola, mali ata kayo. Namatay na siya kaya wala nang mamamatay oa." hinawakan niya
yung kamay ko.
"Sana nga, sana." kinuha ko agad yung tali ni Cholo. Mabuti pa umalis na ako.

"Salamat na lang po lola."

Bago pa man ako tuluyang makalayo, hinila ni lola yung kamay ko. "Mag iingat ka
Ija, mag ingat kayong dalawa." inalis ko agad yung kamay niya pagkatapos umalis na
ko.

Kinabahan ako ng sobra nung sinabi niyang mag ingat kaming dalawa. Alam kong si
Jeydon yung tinutukoy niya. Dalawa kami ni Jeydon na gustong saktan ni S&B.
Natatakot ako na baka magkatotoo nga yung hula niya. Hindi ko na ata kaya kapag may
isa pang tao na malapit sakin yung mawawala. Tama na si Papa at Ginny, tama na
sila.

Pagdating ko sa bahay, naabutan ko don si Stacey na nag hihintay sakin.

"Bee! bakit hindi ka pa naka bihis? Mamaya na sasabihin kung sino yung magiging
Student President!" oo nga pala nakalimutan ko na.

"Sige hintayin mo ko dito, mag bibihis lang ako." pumunta agad ako sa kwarto ko
para mag bihis. Nawala na isip ko yung tungkol don.

Tinignan ko yung phone ko baka nag reply si Jeydon sa text ko kagabi. Bago ko pa
man mabuksan yung inbox ko may biglang tumawag.

"Ha? Gustong makipag kita ni Jeydon? Ganon ba? Sige hintayin mo ko."

Ano kayang problema niya?

Bumaba na ko nang kwarto ko. Nag hihintay pa din si Stacey sa baba habang kumakain
ng Brownies ni mama.

"Ano, tara na?" pag-aaya niya.


"Mauna ka na don, may pupuntahan lang ako sandali." tumayo siya tapos tinaasan niya
ako ng kilay.

"Saan naman yan ha?" alam kong hindi niya ako tatantanan kaya mabuti pa sabihin ko
na lang. "May hindi ka ba sinasabi sakin bee?"

"Fine sasabihin ko lahat mamaya later pero ngayon pupuntahan ko muna si Jeydon."

Sobrang nanlaki yung mata niya sa sinabi ko. "Jeydon?! Muling ibalik ba?!"

"Mamaya ko na sasabihin okay?" tinarayan niya ulit ako pero sanay na ako sa
pagtataray niya kaya wala nang epekto sakin yon. Wahaha!

"Fine, I'll go ahead pero sumunod ka ha?"

"Oo sige, I'll text you na lang."

Pareho na kaming umalis. Siya papunta sa school, ako naman sa park.

Pag dating ko don, walang katao tao sa park. Ngayon pa lang ako nakapunta dito sa
lugar na 'to. Sabagay park kasi 'to isang exclusive village kaya hindi
nakakapagtaka kung wala gaanong tao.

Hinanap ko siya at si Jeydon. Nakita ko naman agad siya na nakatayo sa tapat ng


slide pero nakakapag taka ba wala si Jeydon don. Akala ko naman kasama na niya si
Jeydon dito.

"Nasan si Jeydon?" bungad ko agad sakanya. Ngumiti siya sakin pero parang may
kakaiba don. Bigla akong kinabahan.

"Maya maya lang, mag kakasama na kayong dalawa. Sa ngayon, matulog ka muna.."

"Ha? Anong sinasabi mo?"


May panyo na lang na tumakip sa bibig ko pagkatapos unti unti nang nanlabo yung
mata ko at parang nanghihina ako.

Hinubad niya yung jacket na suot niya tapos may letrang B sa damit niya. Nanlaki
yung mata ko. Siya si B sa S&B?!

Hindi ako makapaniwala sa lahat nang nga nangyayari. Siya nga ba talaga? pero bakit
niya gagawin 'to? Bakit siya pa? Sa lahat ng tao, siya pa? parang ayokong maniwala.

Tuluyan na akong nawalan ng malay.

Jeydon nasan ka na ba?

Itutuloy..

---

Update every 3k ulit :) Hashtag #WhoIsSandB.

####################################
47: Finding S&B
####################################

47: Finding S&B

Stacey's point of view.

"We will announce the winner after fifteen minutes." malapit na.

.
Asan na ba si Candice? Kanina ko pa siya tinatawagan pero hindi siya sumasagot.
Don't tell me na ipagpapalit niya ako kay Jeydon?

Nakasimangot lang ako dito sa table ko habang hinintay yung reply ni Candice.
Kailangan nandito siya kapag nanalo na ako as Student President. Sabay naming
titignan yung magiging reaskyon ni Blossom kapag sinabi nang ako yung nanalo -- for
sure matutuwa ako sa epic na mukha nang malanding Blossom na yon. Sorry pero bitch
pa din ako kahit anong mangyari, lalo na sa mga katulad ni Blossom.

"Okay, all candidates please go to the stage." sabi nang emcee. Ugh, Candice nasan
ka na ba ha?

Nag decide na lang ako na umakyat sa stage na mag-isa. Kailangan mong mag bigay
sakin ng magandang explanation mamamaya bee.

Lima lang kaming candidates at kung mamalasin nga naman ako, si Blossom pa yung
katabi ko pero kung sabagay ayos lang yon para makita ko nang maayos yung mukha
niya mamaya.

"Hi Stacey, where's your best friend?" tanong niya pa sakin. Tinignan ko lang siya
pero hindi ko siya sinagot, tinaasan ko lang siya ng kilay. Namnamin mo yung
pagtataray ko, hindi ka worth it para sa laway ko. "Natameme ka ba sa kagandahan
ko?"

What the hell? Ganda? San banda? Hindi ko na nga sana siya papatulan pero inuubos
niya yung pasensya ko.

"Kung puro walang kwenta yang sasabihin mo, better shut your big ugly mouth. Mas
okay nang wala siya para ako lang makakakita nang pagkatalo mo." pang-aasar ko
sakanya. Tinignan niya lang din ako tapos ngumisi lang siya at hindi nagsalita.
Parang kinabahan ako don ha, kakaiba yung inaasal niya ngayon.

Nag salita na ulit yung emcee. "Hindi na namin 'to patatagalin pa, ang tatanghalin
na Student President this semester ay si.." nag drum roll effect pa. Ganon ba ka
bongga yung pag announce ng name ko? "Ms. Blossom Lee."

What?!

"Buti wala dito si Candice, hindi niya nakita yang mukha mo. Nakakatawa ka, you're
such a looser." ang lapad lapad ng ngiti niya sakin habang papunta siya sa harap.

Panaginip lang lahat ng 'to di ba? Hindi naman siya yung nanalo eh, 'di ba? Ako yon
eh. Fvck! Anong nangyari? Anong kalokohan ito?

Sobrang nakakairita yung tingin at ngiti ni Blossom. Kitang kita ko din sa harap si
Bubbles na tuwang tuwa para kay Blossom and I bet pinagtatawanan na niya ako.
Parang gusto kong manampal ngayon. Gusto kong samapalin si Blossom at Bubbles! Pag
bubuhulin ko silang dalawa.

Hindi ko na pinatapos yung walang kwentang event na yon at umalis na ako agad. Baka
ma haggard lang yung beauty ko don. Wala akong pakialam kung hindi ako yung nanalo,
ang ayoko lang yung si Blossom yung nakatalo sakin. For sure mas lalo nang lumaki
yung ulo nang bruhang yon. Pakiramdam na niya siguro ngayon na sobrang nalamanangan
na niya ako. Asa naman siya noh, sa mukha pa lang walang wala na siya sakin.

Pumunta ako sa tambayan nila Troy sa canteen para makalma ko yung sarili ko.
Sinubukan ko ulit na tawagan si Candice pero unattended na yung phone niya. Ano
bang nangyari sakanya? Ngayon ko pa naman siya kailangan.

Hindi sa malayo nakita ko si Shawn na papalapit sakin. Mukhang hinahanap din niya
si Candice.

"Nakita mo ba si Candice?" bungad niya agad sakin. Hindi ko alam kung may alam na
si Shawn about Candice and Jeydon kaya it's better to shut my mouth. "Kanina ko pa
siya tinatawagan eh."

"Ganon din ako pero nakapatay yung phone niya." Umupo siya sa tabi ko at parang may
iniisip siya. "Anong problema? Baka busy si bee."

"Kinakabahan ako eh, parang may mali." sa sinabi niya parang kinabahan na din ako
pero ang sabi naman ni Candice makikipag kita siya kay Jeydon. Mabuti pa sabihin ko
na lang kay Shawn yung totoo para hindi na din siya mag-alala.

"Shawn, ang totoo kasi sabi ni Candice makikipag kita daw siya kay Jeydon."
napalingon siya bigla sakin at parang gulat na gulat siya.

"Kailan pa niya sinabi yon sayo?"


.

"Dalawang oras na yung nakakaraan." Napatayo agad siya pero pinigilan ko naman
siya. "Shawn hayaan mo na lang sila kung magkasama man sila ngayon!" nilingon niya
ako at yung mukha niya, mukhang alalang alala.

"Nasa panganib ngayon si Candice, kailangan natin siyang mahanap." Ang OA naman
niya, ano bang pinagsasabi niya? Paano malalagay sa panganib si Candice kung si
Jeydon naman yung kasama niya. Baka sabihin niya kasi nag seselos lang siya, ang
dami niya pang sinasabi.

"Itigil mo na nga yang pag-seselos mo Shawn, hayaan na lang muna natin si Jeydon at
Candice." lumapit siya sakin pagkatapos hinawakan niya yung magkabilang braso ko.
Napaka seryoso ng tingin niya sakin.

"Si Jeydon, nakita ko siyang kasama ni Marky twenty minutes ago lang kaya imposible
na magkikita nga talaga silang dalawa ni Candice."

Bumilis bigla yung tibok nang puso ko. Twenty minutes ago? Eh kanina pa umalis si
Candice. Kung totoo nga yon ibig sabihin lang ibang tao yung gustong makipag kita
kay Candice at hindi si Jeydon pero "Sino yung makikipag kita kay Candice?"
hinawakan ni Shawn yung kamay ko pagkatapos hinila niya ako palabas at papunta sa
kotse niya.

"Sila yung mga gustong manakit kay Candice at Jeydon." napahawak na lang ako sa
kamay ko sa sobrang gulat pero posible din namang hindi eh. Tama, OA lang kaming
dalawa ni Shawn eh.

"Shawn, baka naman ngayon pa lang sila mag kikita ni Candice. Wag muna tayo mag
assume nang kung ano ano, huminahon ka muna."

"Ang mabuti pa tawagan mo si Jeydon para malaman natin kung ano ba yung totoo."
maganda nga yung naisip niya kaya kinuha ko agad yung phone ko kaso tapos tinawagan
ko si Jeydon.

Kagaya kay Candice, hindi ko din ma contact si Jeydon. Nakapatay din yung phone
niya. "Shet, unattended din si Jeydon." nag sisimula na akong mag panic.

"Teka, i-try mo si Marky."

.
Ginawa ko naman yung sinabi niya kaya nagmadali akong tawagan si Marky. Buti na
lang sumagot siya.

["Hello?"] sagot niya.

"Marky, nasan si Jeydon?"

["Bumalik na siya sa tinutuluyan niya, bakit?"] So hindi nga sila magkikita?


huminga muna ako nang malalim para na din makalma ako at hindi mag panic. ["May
problema ba?"]

"Ang sabi kasi sakin ni Candice makiki-pagkita daw si Jeydon sakanya ngayon."
please sabihin mong tama ako, sabihin mong magkikita sila.

["Ha? Magkasama lang kami ni Jeydon pero wala naman siyang nabanggit sakin na
magkikita sila ni Candice. Gusto nga niyang puntahan si Candice kaso naka off yung
phone niya."] hindi na ako nakapag salita. Bigla na lang nanginig yung kamay ko
dala na din siguro nang kaba at pag papanic ko. ["Stacey? nandyan ka pa ba?"]

"Marky pwedeng nasa panganib ngayon si Candice." sandali siyang natigilan sa sinabi
ko, pakiramdam mo may iniisip siya.

["Maari nga, posibleng nasa panganib din ngayon si Jeydon. Ang mabuti pa pupuntahan
ko ulit si Jeydon at subukan niyong napin si Candice tapos tatawagan ko kayo kapag
kasama ko na si Jeydon."]

"Sige, hihintayin ko yung tawag mo."

"Stacey, may pupuntahan tayo. Tara sumakay ka na sa kotse ko." hindi na lang ako
nag tanong tapos sumakay na ko sa kotse ni Shawn.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta o kung sino ba yung pupuntahan namin.
Nakatingin lang ako sa labas. Nagpabaya kami ni Shawn, dapat pala mas lalo kaming
naging maingat. Alam na namin na may gustong manakit kay Candice pero wala kaming
ginawa. Naiinis tuloy ako sa sarili ko. Hindi ko mapapatawad yung sarili ko kapag
may nangyaring masama kay Candice.

.
"Yung babae na nakita kong nag lagay nang patay na pusa sa locker ni Candice,
posible bang siya yung gustong manakit kay Candice?" tanong ko kay Shawn.

"Sa tingin ko, dalawa silang may balak na masama kay Candice. Isang babae at isang
lalaki." napatingin agad ako sakanya. Dalawa?

"Paano mo nasabi yan? Isang babae lang naman yung nakita ko na nag lagay nang pusa
don sa locker ni Candice."

"Naalala mo pa ba yung sinasabi ko sayo na lalaking nakasakay sa motor na gustong


bungguin si Candice? Malakas yung kutob ko na magkasabwat siya at yung babae na nag
lagay nang patay sa pusa sa locker ni Candice." mas lalo lang akong kinabahan. Kung
totoo nga yon, mukhang lahat nang galaw nila pinag planuhan.

"May ideya ka na ba kung sino sila? Duon ba tayo pupunta ngayon?" tumango siya.

"Nung gabi nang birthday mo, ang totoo kaya wala ako non dahil may tao akong
sinusundan. Sinundan ko siya at nagulat ako kasi sa birthday mo din siya pumunta,
silang dalawa." nasa birthday ko sila? bakit hindi ko alam? at anong ginagawa nila
don? teka..

"Kaya ba umalis si Candice nung bandang huli na nang birthday ko? Nakipagkita ba
siya sa mga yon?"

"Tingin ko may sinabi sila kay Candice para mapalabas si Candice sa party mo." mas
lalo akong kinikilabutan.

"Ano naman yon?"

"Hindi ko alam pero nasa labas lang din ako non, nakita ko si Candice na pumasok sa
may isang eskinita at may lalaking sumusunod sakanya. Sinundan ko agad sila lalo na
nung nakita kong may dalang kutsilyo yung lalaki. Pagpasok ko sa eskinita, yung
lalaki na lang yung nakita ko at wala na si Candice. Nakita ako nung lalaki at sa
gulat niya muntik na niya akong atakihin kaya nilabas ko yung baril ko tapos
pinaputukan ko siya. Hindi ko alam kung natamaan ko siya pero tumakbo na siya
palayo. Hinanap ko pa si Candice pero hindi ko siya makita kaya sinundan ko na lang
yung lalaki kaso nakasakay na siya sa motor kasama yung babae na palagi niyang
kasama."

.
Ang hirap iproseso sa utak ko nung mga sinabi ni Shawn pero unti unti na din
lumilinaw sakin lahat. Para siyang puzzle na unti unting nabubuo sa utak ko.

"Nung nasa show kami ni Paulo, may nakita din ako don na isang lalaki at babae na
nakasakay sa motor at parang may hinahanap sila." tinignan ako ni Shawn.

"Anong suot nung lalaki? May nakita ka ba sa shirt niya?" ang alam ko oo meron pero
hindi ko gaanong maalala. "Alalahanin mo Stacey."

Pinikit ko yung mata ko. Ano nga ba yon? Naka helmet silang dalawa tapos yung shirt
niya, yung shirt niya. "May Mickey mouse sa shirt niya."

"Sabi ko na nga ba eh, tama ako na sila nga." inis niyang sabi, teka alam na niya?
Mickey mouse shirt? Damn! bakit hindi ko naisip yon?

"Si Blake?! siya yung gustong manakit kay Candice?" bigla ko din naisip na nasa
show nga siya ni Juan Paulo tapos kasama niya yung kaibigan ni Jayshin. Ibig
sabihin lang yung babae na kasama niya ay yung nakita ko din sa locker ni Candice.
"Hindi ako makapaniwala. Gago siya! Pinagkatiwalaan ko pa naman siya pero traydor
pala siya." kapag nakita ko siya sasapakin ko talaga siya.

"Malapit na tayo sa apartment niya. Matagal ko na din siyang minamanmanan at palagi


siyang naka buntot kay Candice pati na din yung babae na kasama niya, palagi siyang
nasa labas nang bahay nila Candice." humanda sila sakin. Wag na wag nilang sasaktan
si Candice. "Pwedeng nasa kanila ngayon si Candice, sana hindi pa tayo huli."

"Bilisan mo Shawn."

Sobrang bilis na nung pagpapatakbo namin. Hindi din naman nag tagal nakarating na
kami sa apartment ni Blake. Bumaba agad ako tapos kinatok ko agad sila. Hindi na
ako napigilan ni Shawn.

Bumukas yung gate pagkatapos bumungad samin yung kaibigan ni Jayshin. Menchie ata
yung pangalan niya.

"Asan si Candice?!" nagulat siya sakin. Hindi nila siguro inaasahang malalaman
namin agad yung plano nila. "Asan si Candice ha?!" hinawakan ko siya sa mga braso
niya.
.

"Ano bang pinagsasabi mo ha?! Hindi ko pa alam kung nasan siya at wala siya dito!"
sa inis ko, tinulak ko siya.

"Sinungaling! May balak kayong masama ni Blake sakanya! Bistado na kayo! Umamin ka
na kung hindi kakalbuhin kita!" hinawakan ko yung buhok niya tapos sinabunutan ko
siya. "Ilabas niyo si Candice!"

"Bitawan mo ako! Nasasaktan ako!"

"Masasaktan ka talaga lalo kapag hindi mo sinabi kung nasan si Candice!" mas lalo
kong hinigpitan yung pagkakahawak mo sa buhok niya.

"Stacey tama na!" awat sakin ni Shawn. "Walang magagawa yan!" nilayo ako ni Shawn
kay Menchie.

"Makinig muna kayong dalawa sakin!" sabi niya. Lalapit sana ako sakanya pero
pinigilan ako ni Shawn.

"Ano pang ipapaliwanag mo? Bistado na namin kayo. Asan si Blake ha? Nasakanya ba si
Candice ngayon ha?!" hindi na din napigilan ni Shawn yung galit niya.

"Hindi kami ni Blake si S and B." tumayo siya tapos inayos niya yung sarili niya.
Anong pinagsasabi niya?

"Sino si S and B?" tanong ko.

"Sila yung gustong manakit kay Candice at Jeydon." ano bang pinagsasabi niya?

"Kalokohan! Kayo nga yon di ba? Wag mo na kaming lokohin!" may kunuha siyang
envelope tapos hinagis niya samin yon ni Shawn. Kinuha ko agad yon tapos tinignan
ko yung laman.

Nanlaki yung mata ko.


.

Picture ng isang babae na kamukhang kamukha nung babae na naglagay nang patay na
pusa sa locker ni Candice, hindi nga lang kita kung sino siya dahil may takip yung
mukha niya. May isa pang picture, eto naman yung araw na sinabi ni Shawn na may
motor na gustong bumangga kay Candice. Naka focus sa plate number yung picture pero
masyadong mabilis yung motor kaya blurred. Sa isa pang picture, sa labas nang
building kung saan ginananap yung birthday ko. Isang lalaki na balot na balot yung
nakatayo at nakasandal malapit sa pintuan ng hotel sa likod. Bakit may ganitong
pictures sila ni Blake?

"Anong ibig sabihin nito?" tanong ko pero biglang sumingit si Shawn.

"Kaya ba palagi kayong nakabuntot kay Candice kasi binabatayan niyo siya?" tumango
si Menchie sakanya. Okay sige sila na nag kakaintindihan, sumasakit na yung ulo ko
dahil wala akong maintindihan.

"Naunang nakatanggap si Jeydon nang threat galing kay S and B. Kinausap niya kami
ni Blake para bantayan si Candice mula sakanila, inutusan niya din si Blake para
itulak si Candice palapit kay Shawn dahil akala niya noon mamamatay na siya kaya
gusto niyang si Shawn at Candice na lang yung magkatuluyan." pareho kaming
natigilan ni Shawn sa mga sinabi niya.

"Nahibibang ka na noh? puro kalokohan yang sinasabi mo! Isa pa, kung totoo man yon
ha, bakit naman kayo susunod nang ganon na lang kay Jeydon? at paano niyo siya
nakilala?"

"Matagal nang magkakilala si Jeydon at Blake. That time, unti unti nang nalulugi
yung business nila Blake kaya lumapit siya kay Jeydon at kapalit nang tulong niya,
yung pagbabantay namin kay Candice. Boyfriend ko si Blake." napa-nganga na lang ako
sa mga pinagsasabi niya. Yung sinabi niyang boyfriend niya si Blake, ayon lang yung
pinaniwalaan ko sa mga sinabi niya. "Ayon yung dahilan kaya palagi kaming
nakabuntot kay Candice kasi binabantayan namin siya."

"Paano niyo ipapaliwanag yung gabi nang birthday ni Stacey?" mahinahong tanong ni
Shawn. "Kayo yung nakita kong nakasakay sa motor, wag mong i deny sakin dahil yang
motor na nasa harap ko ngayon yan din yung motor na nakita ko nung gabing yon. Isa
pa naka Mickey mouse shirt yung lalaking nakita ko." tinignan ko yung motor na
tinuro ni Shawn. Pinagmasdan kong mabuti yung motor at ayan din yung motor na
nakita ko nung show ni Juan Paulo.

"Tama ka, kami nga yung nakita mo na nakasakay sa motor nung gabing yon pero hindi
si Blake yung lalaking sumusunod kay Candice. Bago pa mag simula yung birthday ni
Stacey, nakabantay na kami ni Blake kay Candice dahil malakas yung kutob namin na
may masamang balak na naman si S and B kay Candice non. Tama nga kami ni Blake kaya
nung sinusundan na nung isa sa S and B si Candice sa eskinita, nagsuot ako nang
jacket na kapareho nang kay Candice para malito namin siya at mailayo kay Candice.
Nakita kong pinaputukan mo siya ng baril pero hindi siya natamaan, tumakbo agad
siya papunta sakin kaya lumayo agad ako. Sumakay siya sa isang kotse na agad ding
umalis. Kaming dalawa yung naabutan mo ni Blake, nagmamadali din kaming umalis non
para sundan yung kotse nila pero hindi namin sila naabutan."

Habang sinasabi niya yon, na iimagine ko lahat nang nangyari. Ayokong maniwala pero
parang totoo yung mga sinasabi niya. "Eh yung sa show ni Juan Paulo, kayo din yon
di ba?"

Tumango siya. "Oo, kami din yon at binabantayan namin si Candice non. Napagkamalan
pa nga kami ni Candice na si S and B kaya sinundan niya kami pero hindi niya din
kami nasundan."

Kahit papaano medyo lumilinaw na yung mga pangyayari sakin pero madami pa ding
tanong sa isip ko. "Bakit hindi niyo sinabi kay Candice lahat? Kung talagang hindi
kayo si S and B dapat sinabi niyo kay Candice yung totoo."

"Hindi niya pwedeng malaman dahil mas lalo lang magiging komplikado ang lahat. Isa
pa kapag kinausap namin si Candice at lumapit kami nang lumapit sakanya, makikila
kami ni S and B at kapag nangyari yon mahihirapan na din kaming gumalaw ni Blake."

Tinignan ko si Shawn at parang nag iisip siya nang malalim. Sa mga sinabi ni
Menchie unti unti ko nang naintindahan ang lahat. Lahat nang mga sinabi niya,
tumutugma. Mahirap man pero naniniwala na ako sakanya.

"Si Candice, alam niyo ba kung nasan siya? Nasan si Blake?" tinignan ni Menchie
yung phone niya parang hinihintay niya yung tawag ni Blake.

"Hinahanap niya ngayon ni Margot. Siya yung magiging susi natin kay S and B." tama
ba yung narinig ko?

"Nagkakamali kayo, patay na si Margot." singit ko. "Pinuntahan namin siya ni Shawn
sa mental hospital at sabi samin patay na siya. Isa pa paano siya magiging susi sa
S and B na yon?"

"Hindi siya patay, isa lang yong palabas. Buhay pa siya at mismong kapatid niya
yung nagsabi samin non, si Anne. Gustong patayin ni S and B si Margot dahil alam
niya yung sikreto nila kaya pinalabas na lang ni Anne na patay na si Margot." Teka,
kaya ba gustong kausapin ni Anne si Candice dahil don? Gusto niya sigurong balaan
si Candice.

"Bakit hindi na lang sabihin ni Margot kung sino sila?" tanong ni Shawn.

"Ayaw niyang sabihin kahit kanino kahit kay Anne. Tingin ko gusto niya mismong
sabihin yon kay Candice at Jeydon." tumunog bigla yung phone niya. "Kasama na daw
ni Blake sila Margot at nandon sila sa condo na tinutuluyan ni Jeydon ngayon kasama
nila don si Marky at Troy."

Nagkatinginan kami ni Shawn sa isa't isa. Alam kong pareho kaming nag aalangan kung
sasama ba kami o hindi kay Menchie. Posible din kasing lahat nang sinasabi niya ay
kasinungalingan lang at tinutuon lang niya palihis yung atensyon namin kaso may
kung anong nagsasabi sakin na tama si Menchie.

"Sumunod na lang tayo." sabi ni Shawn. Tumango ako tapos sumakay kami sa kotse
niya. Si Menchie naman sumakay sa motor.

Wala pang kalahating oras nakadating na kami sa condo na tinutuluyan ni Jeydon.


Naaubutan namin don si Blake, Anne, Marky, Troy at Margot.

"Nahuli na ko, wala na dito si Jeydon." bungad agad ni Marky tapos inabot niya
samin yung sulat na nakalagay sa mesa.

Nasa amin si Candice, kung gusto mo pa siyang makita pumunta ka sa itetext kong
address. Tandaan mo na dapat ikaw lang yung pupunta, kung hindi masasaktan si
Candice.
-- S&B

"Nung tinawagan ako ni Marky para sabihin na nasa panganib si Jeydon sinubukan ko
agad tawagan si Jeydon ay sabi niya wag ko daw siyang sundan." singit ni Troy.
"Pinuntahan niya si Candice at mag isa lang siya."

"Wala na tayong oras." singit naman ni Margot. Kinilabutan ako nung nakita ko siya.
Akala ko talaga patay na siya. Teka nga, magaling na ba siya? "Pumunta ako dito
para sana balaan si Jeydon pero huli na ako. Alam kong nagulat kayong lahat na
makita ako." bungad ni Margot samin. "Wag kayong mag alala, magaling na ako at
hindi ako namatay." lahat kami tahimik lang. "Pinalabas lang ni Anne na patay na
ako para mailigatas ako kay S and B. Gusto akong patayin ni S dahil alam ko lahat
nang plano nila ni B kay Candice at Jeydon." kinikilabutan ako, parang lahat nang
balahibo sa katawan ko nagsisitaasan.

"Sino ba sila? Sino si S and B?"

Inis na sabi ni Shawn. Lahat kami nagkatinginan at hinihintay yung sasabihin ni


Margot.

"Si S at B ay sila.."

Itutuloy...

--

Sorry cliffhanger talaga.

S&B will be revealed on next chapter. I'll post it after 3,000 votes :)
####################################
48: Stella & Bunny
####################################

48: Stella & Bunny

Candice point of view.

.
.

Pangalawang beses.

Ito na yung pangalawang beses na mangyayari 'to sakin. Wala akong laban habang
nakaupo at parehong nakatali yung kamay at paa ko. Hinihintay na dumating si Jeydon
para iligtas ako. Palagi na lang bang ganito yung mangyayari? Kumbaga sa story,
common at cliche na 'to eh. Hindi ko tuloy naiwasan na magalit sa sarili ko, bakit
ko hinayaan na mangyari ulit 'to? Mas malakas at matatag na ako ngayon, hindi na
ako yung dating Candice na mahina kaya hindi na dapat pa humantong sa ganito ang
lahat.

Minulat ko paunti unti yung mata ko.

Nasa isang stage ako at sa akin lang nakatutok yung ilaw. Walang kung anong
nakalagay sa bibig ko pero ang higpit nang pagkakatali nila sa kamay at paa ko.
Walang katao tao dito, tanging ako lang at yung mga kuneho paligid ko, at bakit
hindi ko agad naisip yon?

B stands for Bunny.

"Gising ka na pala."

Hinanap ko kaagad kung saan nanggaling yung boses niya. Nasa harap ko siya at
nakaupo habang pinagmamasdan ako.

"Sabihin mo, hindi naman ikaw yon. Hindi mo 'to magagawa sakin." may nakita akong
ngiti sa gilid ng bibig niya.

"Alam mo kung ano yung katangahan? Yung alam mo na yung totoo pero naniniwala ka pa
din sa kasinungalingan." nakaramdam ako bigla nang matinding galit. "Ganyan ba
kalaki yung tiwala mo sakin ha, pinsan?" tumayo siya para lapitan ako.

"Anong nagawa ko sayo Paulo?" naglakad siya nang pabalik balik sa harap ko. "Gaano
ba kalaki yung kasalanan ko sayo para pati ako na kadugo mo gantuhin mo ha?"
huminto siya sa harap ko tapos nag Indian seat siya habang may hawak siyang
mansanas.

"Good question." kumagat siya sa mansanas na hawak niya. Ibang iba siya sa Juan
Paulo na kilala ko, na pinsan ko. "Hindi naman ako ganon kababaw na tao para lang
gawin nang lahat ng 'to dahil wala lang, trip ko lang." kumagat ulit siya sa
mansanas na hawak niya habang ang sama nang tingin niya sakin. "So basically, you
ruined my life Candice."

"Ako? I ruined your life? How was that even possible? Paulo mahalaga ka sakin kaya
kahit kailan hindi kita kayang saktan." ngumiti lang siya habang patuloy na
kumakagat nang mansanas.

"Sige, let me tell you a secret." nilalag niya yung mansanas tapos may kinuha
siyang kuneho. "Ampon lang ako, Candice. Inampon ako ni dad para mabuo na yung
pamilya nila ni mom nuon. Masayang masaya kami at mas sasaya pa sana kami kaso
namatay si dad at nung nangyari yon, para na din akong nawalan nang ina. Mom hated
me, she believed that I was the reason for dad's death but luckily I was able to
survived that. Nung dumating na sana yung araw na magiging okay na kami ni mom, na
magiging masaya na sana ulit kami.. duon ka dumating sa buhay namin at mula nuon
sinira mo na lahat." kitang kita ko sa mata yung galit niya sakin. Hindi ko
maiwasan na maiyak.

"I'm sorry, I'm sorry for everything. Wala akong intensyon na sirain kayo ni
Auntie." natasa siya bigla.

"Sorry? Anong magagawa niyan ha? Sorry is just for losers." hinagis niya palayo
yung kuneho na hawak niya pagkatapos kinuha niya ulit yung mansanas na hawak niya
kanina.

"Ikaw at ikaw na lang yung palaging nakikita ni Mom eh, ikaw at hindi ako. Nung
dumating kayo ni Uncle sa Korea, parang nawalan na ako nang lugar at sasay sa buhay
ni mom. Palaging sinasabi sakin ni mom na sana ako na lang daw si Candice, Candice,
Candice! puro Candice na lang! Nakakaumay na. Inis na inis ako sayo nuon pa lang,
gusto kong mawala ka na lang bigla. Inagaw mo yung atensyon na para sakin." sa
galit niya may luha na tumulo galing sa mata niya. "Simula nuon, naging walang
kwenta na yung buhay ko. Naging sobrang patapon na yung buhay ko at hindi ko na
alam kung saan ko pupulutin pa. Sinira mo yung buhay ko, sinira mo!"

"Paulo, hindi ko gustong mangyari yon." tumawa na naman ulit siya. "Mahalaga ka
sakin kaya wala akong hangad na masam sayo."

"Kalokohan! Tumigil ka na. Kahit anong gawin mo, hindi mo kami mapipigilan sa balak
namin sa inyo ni Jeydon." tumayo siya pagkatapos naglakad siya palayo, papalalit sa
isang babae. Babaeng pamilyar yung mukha sakin. "Sayo lahat pinaman ni mom yung
yaman niya. Ganon ka niya kamahal Candice eh alam mo ba yon? Dahil sayo, hindi ako
makita ni mom. Dahil sayo naging miserable yung buhay ko kaya tama lang na
pagbayaran mo 'to!"
.

Tanging pag-iyak na lang yung kaya kong gawin. Kahit naman anong paliwanag ko
sakanya, alam kong walang magagawa at mag aaksaya lang ako nang laway. Nalason na
siya nang paniniwala niya, nang maling paniniwala.

"Sorry na lang kasi wala na siyang pagmamanahan nang yaman niya dahil mawawala ka
na din naman eh. Sakin at sakin pa din yon mapupunta." nahihibang na nga talaga
siya. "Sorry na lang din Candice. Hindi mo naman ako masisisi di ba? Hindi naman
maliit yung rason ko para gawin 'to. Buhay ko na yung sinira mo."

May dalawang lalaki yung biglang lumapit sakin. Hinawakan agad nila yung kamay ko
pagkatapos tinayo nila ako papunta sa gilid habang may pinapasok yung ibang lalaki
na malaking aquarium na puno nang mga piranha. Bumilis agad yung tibok nang puso
ko. Please don't tell me na magagawa niya 'to.

"It's going to be a bloody magical night, isn't it babe?" hawak hawak niya sa
bewang yung babaeng kasama niya kanina. Nakita ko na siya eh pero hindi ko lang
maalala. "Si Jeydon na lang yung kulang."

Shet, si Jeydon.

"Hayop kayo! Wag niyo nang idamay pa si Jeydon dito! Ako na lang!" sigaw ko. Natawa
silang dalawa.

"Kaya ka ba nagustuhan ni Jeydon dahil masyado kang nagpapaka bayani? How


pathetic." sabi nung babaeng kasama ni Paulo. Sino ba siya? "Mag sama kayong
dalawa. Boys, alam niyo na yung gagawin dyan."

Hinila ako nung dalawang lalaki papunta sa itaas nang malaking aquarium. Nilagyan
nila nang dalawang malaking padlock at may orasan sa itaas ko. Mula sa taas kitang
kita ko yung mga piranha na parang gutom na gutom. Hindi ko ulit naiwasan na maiyak
sa takot.

"Hayop kayo! Wala kayong puso!" sigaw ko ulit. "Anong nagawa ni Jeydon sa inyo ha?
Kung dahil sakin yon, wag niyo na siyang idamay pa!" tumawa ulit sila kasabay nang
pag bukas nang pintuan.

Katulad lang din nang dati, dumating si Jeydon.

Katulad nang dati na ililigtas niya ako at mapapahamak siya. Shet, bakit kailangan
pang mangyari ulit 'to? Ayoko na, sawa na ako, pagod na ako. Tama na.

"Candice!" sigaw niya. "Candice nandito na ko!" mula sa gilid nang building,
tumakbo agad siya papunta sakin paakyat nang stage. "Anong nangyari? Sinong may
gawa nito sayo?" pasagot pa lang sana ako pero inunahan na ako nung babaeng kasama
ni Paulo.

"Jeydon umalis ka na lang! Iligtas mo yung sarili mo!" sigaw ko sakanya pero
umiling siya.

"Hindi kita iiwan, magkamatayan man."

"Long time no see, Jeydon." napalingon sakanya si Jeydon. "Still remember me?"
nakangiti siya pero halatang malaki yung galit niya kay Jeydon sa mga tingin niya
na parang pumapatay.

"Sino ka ha?!" inis na sabi ni Jeydon. "At ikaw?! Juan Paulo? paano mo nagawang
traydorin pati sarili mong pinsan!" Bigla siyang nilapitan nung dalawang lalaki na
bumuhat sakin kanina tapos hinawakan siya. "Bitawan niyo ako!"

"You don't know anything kaya itikom mo yang bibig mo. Honestly si Candice lang ang
may atraso sakin, kay Stella ka talaga may matinding atraso Jeydon."

"Sino?!"

"Expected ko na naman na hindi mo ako maaalala. I'm just a nobody for you way back
then, right?"

Pinagmasdan ko siyang mabuti. Pinikit ko yung mata ko para maalala ko kung saan ko
siya nakita noon. Unti unti bumalik sakin yung mga alaala ko at nanlaki na lang
yung mata ko nung na realized ko kung sino siya.

"Stella?" sabi ko at pumalakpak siya.

"Bingo Candice, Bingo." lumingon sakin si Jeydon at nagtataka. Malamang hindi niya
pa din maalala kung sino siya. "Go ahead, tell him who am I."
.

"Siya yung babae na pinahiya mo noon Jeydon. Yung araw na binigay ko yung sulat ni
Tiffany kay Troy. Siya si Stella." naalala ko ulit yung mga pangyayari na yon, four
years ago.

"Yes Jeydon ako yon. The ugly creature."

"Dahil lang sa pag papahiya ko noon sayo kaya niyo 'to nagawa?" tumawa nang malakas
si Stella na akala mo witch siya. "Anong nakakatawa ha?"

"Dahil lang don? Gago ka ba?!" nasa harap pa din namin sila ni Paulo mas lalo
silang lumapit samin pero hindi sila umakyat sa stage. "Dahil sa ginawa mo, naging
tampuhan ako nang tukso sa buong school. Buong buhay ko sa Xavier, na bully ako
dahil sa ginawa mo! Hindi ako nakapag graduate at dahil don tinakwil ako nang
parents ko! Nagkanda letse letse na yung buhay ko simula noon at lahat yon nang
dahil sayo!" kitang kita ko sa mata niya yung galit. "Alam mo bang sa galit ko kaya
nagawa ko lahat ng mga 'to?! Kaya nakapag plano ako nang ganito?"

"Nahihibang ka na nga!" sigaw ko. "Kung ano anong plano yung ginawa mo pero palagi
kang hindi nag tatagumpay." tumawa silang dalawa.

"Oh dear, matagal pa nga sana kaming makikipaglaro sa inyo ni Jeydon pero somebody
ruined our original plan." inis na sabi ni Stella.

"Siguro maswerte ka pa din dahil sa mga kaibigan mo Candice. Madaming nag babantay
sayo pero sorry dahil wala na silanh magagawa ngayon." tinignan ko nang masama si
Paulo. Ang sama pala talaga niya. Tama lang na ampon siya, dahil wala sa dugo namin
yung masamang tao na katulad niya.

"Kung hindi lang dahil sa Margot na yan baka mas madali kong nagawa yung plano
namin. She knows all of my plans dahil naging kaibigan ko siya non at siya yung
sinasabihan ko nang mga sama nang loob ko. Tanga tanga lang kasi siya, hindi ka
niya nagawang tapusin kayong dalawa noon ni Jeydon!"

"Pinatay mo si Margot?!"

"Hindi siya patay! unfortunately, dahil kay Anne na kapatid niya inakala ko ngang
patay na talaga siya pero hindi pala. Buti na lang nakita ko siya nang isang beses
sa tapat nang condo ni Jeydon at natakot ko siyang magsalita. Same as her sister
Anne na balak pang magsalita sayo." naalala ko na, kaya pala ganon yung inaasal
sakin ni Anne. Kaya pala dati parang may gusto siyang sabihin sakin pero tumakbo
siya palayo dahil nakita niya si Stella. "Lahat nang ito plano namin, mula sa patay
na pusa sa locker mo, sa pagsagasa sayo, sa pag kulong namin sa inyo sa gym, sa pag
sunod namin sayo sa birthday ni Stacey, lahat yon planado."

"Swerete ka pa din kahit papaano pero ngayon hindi na." singit ni Paulo.

"Sige aakuin ko yung kasalanan ko sayo pero wag niyo nang idamay si Candice dito!
Ako na lang!" sigaw ni Jeydon. Gusto niya akong puntahan pero hindi niya magawa
dahil sa dalawang lalaki na nakahawak sakanya. "Let her go!" mahihibang na ba siya?
Aakuin niya lahat? Hindi ako papayag.

"Bagay nga kayo, pareho kayong pabida eh." sabagt ni Paulo. "Tama na yung drama.
Let the show begin!" sigaw niya.

Nakarinig kami nang tunog ng orasan. Napatingala ako pagkatapos nakita ko yung
orasan sa itaas ko gumagalaw na. Sampung minuto, ayon yung natitirang oras.

"We have here the key to unlock her padlock and we also have a spare but the catch
is lumalutang siya sa aquarium na katabi nang kay Candice. Both aquariums are full
of dangerous and hungry piranha." pag explain ni Stella.

"Para makuha mo yung susi kailangan mo munang lumangoy sa mga gutom na mga piranha
na yan and if you failed within nine minutes, mahuhulog si Candice sa aquarium niya
na puno din nang mga gutom na piranha. Hopeless at walang kalaban laban. Siurado
din kaming walang kawala si Candice dahil sa padlock sa kamay niya." dagdag ni
Paulo.

"Goodluck sa inyong dalawa. Sana mailigtas kayo nang baduy niyong pagmamahalan.
Kapag tumunog yung timer ibaba na si Candice sa mga Piranha." tumawa siya nang
napakalakas. "C'mon babe."

Umalis na sila pati yung mga lalaking kasama nila. Dalawa na lang kami ni Jeydon
dito pero nakatapat pa din sa amin yung mga ilaw at patuloy pa din yung pag andar
nung timer sa taas ko.

"Candice, wag kang mag alala iaalis kita dyan." nagsimula na siyang umakyat sa
kabilang aquarium na mas malaki sakin. "Wag kang mag alala."

.
"Nahihibang ka na ba! Wag mong gawin yan Jeydon! Mapapahamak ka lang!" sigaw ko
sakanya pero hindi niya ako pinakinggan tapos tumalon siya sa loob. "Jeydon!"

Nakakita agad ako nang dugo. Nag panic agad ako at hindi ako mapakali. Sinunukan mo
na alisin yung padlock sa kamay ko pero hindi ko magawa! Naiinis na ako! Buiset!

"Jeydon!"

Umahon siya at puno siya nang sugat sa mga kamay niya. Mga kagat na nag dudugo.
Hindi ko magawang tumingin nang matagal duon, parang madudurog yung puso ko na
makita siya nang ganon.

Nanghihina siyang naglakad papunta sakin dala yung tatlong susi.

"Just stay still." sabi niya. Hinawakan ko agad yung kamay niya.

"Tama na Jeydon! Itigil mo na yan!" hindi ko na napigilan na mapahagulgol. Awang


awa ako kay Jeydon, hindi ko siya kayang makita sa itsura niya. "Please stop it.."

"Five minutes na lang, we don't have enough time." sinubukan niya yung tatlong susi
pero hindi pa din bumukas yung padlock. "I still need look for it." tumayo ulit
siya para bumalik don sa aquarium.

"Jeydon utang na loob tama na! Hayaan mo na ko! Hindi mo na kaya! Tama na!" kahit
anong sigaw ko hindi niya ako pinapakinggan.

Lumusong ulit siya sa aquarium. Tinakpan ko na lang nang dalawang kamay ko yung
mukha mo kaso hindi ko na talaga kakayanin na makita pa yon.

"Jeydon.." para akong nanghihina. "Jeydon.." hinawakan niya yung dalawang kamay ko.

"I'm here, if ever this key will not unlock you I wilk hug you. Sabay tayong
mahuhulog dyan, hindi ko hahayaan na masaktan ka nila, dadaan muna sila sakin.
Arasso?"

.
Tumango na lang ako habang iyak pa din ako nang iyak. Tinignan ko yung timer sa
itaas at limang segundo na lang yung natitira.

5..

"I love you Candice, I love you so much." kahit na hinang hina na si Jeydon dahil
sa mga sugat at kagat niya pilit pa din niyang tinatry yung mga susing nakuha niya.

4..

"Mahal kita Jeydon, mahal na mahal." napangiti siya sa sinabi ko. Hinawakan ko yung
mukha niya na puno na nang sugat.

3..

"Sana marinig ko pa ulit yan." lumapit ako sa tenga niya tapos bumulong ako.

2..

"Mahal kita, Saranghae, Te amo, I love you, sobra sobra."

1..

Sa huling susi na nakuha ni Jeydon hindi pa din bumukas yung lock. Niyakap ko na
lang si Jeydon at ganon din siya.

Tumunog yung timer.. and everything went black.

--
Yung sa AQUARIUM stunts, nakuha ko sa Now you see me na movie, watch niyo para ma
imagine niyo din :P

Pahinga muna ako sa update ha! may work na ako eh T__T Dami ko na namang UD eh,
hehe. Enjoy niyo muna itong chapter na ito :P Mag update ako baka after 2-3
days. :)

####################################
49: Gunshot
####################################

Thank you for making TGGR number 1 in Teen Fiction and Humor! <3

---

49: Gunshot

Candice point of view.

Sa puntong yon, akala ko patay na ko.

"CANDICE!"

Minulat ko yung mata ko pero tanging dilim lang yung nakita ko. Hindi ko na alam
kung ano bang nangyayari basta ang alam ko hindi kami nahulog ni Jeydon sa
aquarium, nandito pa din kami sa itaas at magkayakap. Patay na ba kaming dalawa?
Ano ba yung nangyari?

"Are you okay?" muntik na akong mapasigaw sa boses ni Jeydon. Ang husky nang boses
niya kahit na alam mong nanghihina na siya.

"Anong nangyari? Hindi tayo nahulog?" nagtataka kong tanong.

Maya maya bumukas yung buong ilaw. Nakita ko agad sila Stacey na papunta sa lugar
namin. Si Jeydon nakayakap pa din sakin kaya hindi ko makita yung mukha niya. Kahit
naka-lock yung kamay ko, pinilit kong iharap siya sakin. Sobrang nanlaki yung mata
ko at literal akong napa nganga nung nakita ko yung mukha niya. Hindi ko na din
napigilan na maiyak. Ang dami niyang kagat at nakakapanghina kung titignan mo siya.

"Jeydon.." bulong ko sakanya. "I'm sorry.. napahamak ka na naman nang dahil sakin."
sabi ko habang umiiyak pa din ako. Naawa ako sa lagay niya ngayon.

"Hey.. I'm fine." tinignan niya ako pagkatapos ngumiti siya. "I'm still handsome,
right?" hindi ko tuloy naiwasan na tumawa. Malala na nga yung lagay niya nagagawa
pa niyang magloko. Tanging si Jeydon lang yung makakagawa non.

"Yes, you are." naka ngiti kong sagot.

"Candice!" lumalit sakin si Stacey tapos hinawakan agad ako sa mukha ko. Kitang
kita ko sakanya yung pag aalala. "Sandali lang, gagawa kami nang paraan para
makaalis ka dyan."

"Jeydi!" sigaw ni Marky. Nilapitan din agad nila ni Troy si Jeydon pagkatapos
inalalayan nila siya pababa nang aquarium.

Tumabi sakin si Lucas. "Noona sisirain ko yung lock gamit 'to, wag mong igalaw yung
kamay mo." sabi niya pagkatapos may hawak siyang malaking pamutol. "One, two,
three." pagbilang niya nang tatlo, inipit niya yung lock ko tapos bumukas siya.
Inalis ko agad yung kamay ko don.

"Hay salamat naman!" sigaw ni Stacey tapos bigla niya akong hinila at niyakap niya
ko. "Nag alala ako sayo nang sobra bee."

"Ayos na ko, hindi naman ako nasaktan eh."

"Mabuti naman dahil kung hindi baka kung anong magawa ko kay Juan Paulo!" inis
niyang sabi. Naalaa ko tuloy sila ni Stella. Nasan na ba sila? Parang alam na ni
Stacey yung tumatakbo sa isip ko kaya sinagot na niya yung tanong ko. "Hinahabol na
sila ngayon ni Blake at Menchie kasama yung mga pulis."

Inalalayan ako ni Lucas at Stacey pababa. Nakita ko si Jeydon na nakaupo tapos


nanghihina at duguan pa din. Nilapitan ko agad siya. "Mabuti pa pumunta ka nang
hospital, kailangan mong magamot." hinawakan niya yung kamay ko.

.
"And where do you think you're going?" inalis ko yung kamay niya sa braso ko.

"Kailangan kong sundan si Paulo. Kailangan ko siyang makausap."

"No, you're not doing that. It's too dangerous Candice! Just stay here and wait for
them to be caught." hinawakan ko yung mukha ni Jeydon at ngumiti ako para hindi na
siya mag alala sakin.

"Hindi, kailangan kong gawin 'to. Pinsan ko siya at mahalaga siya sakin. Hindi na
ako makakapag hintay pa na mahuli siya. Isa la babalik din ako, pumunta ka na sa
hospital."

"Sasama ako." hiwakan niya ulit yung braso ko pagkatapos pinilit niyang tumayo pero
pinigilan ko siya.

"Wag na, hindi mo na kaya. Sumunod ka na lang sakin, pumunta ka na ng hospital."


tinignan ko sila Troy at Marky para tulungan si Jeydon. "Kayo nang bahala sakanya."
tumango silang dalawa.

"Hindi ako papayag na umalis ka!" pagpipilit pa din ni Jeydon kaya si Lucas,
pumagitna na.

"Sasamahan ko siya kaya wag ka na mag alala. Pwede ba Jeydon? Wag ka nang
magpabigat pa at sumunod ka na lang."

Nagkatinginan nang masama si Jeydon at Lucas. Pambihira! ngayon pa ba naman sila


mag aaway? Papagitna na din sana ako pero naunahan na ako ni Stacey.

"Tumigil na nga kayong dalaaa! Wala nang oras, kami na ni Shawn yung sasama kay
Candice at ikaw Jeydon pumunta ka nang hospital." pagtataray niya.

"Jeydon hayaan mo na sila." dagdag pa ni Troy. Napakamot na lang si Jeydon nang ulo
niya.

"Fine but Shawn," tinignan niya ulit nang seryoso si Lucas. "Make sure she's safe."
.

"Hindi mo na kailangang sabibin pa yan." seryoso din niyang sagot. "Hanggat nandito
ako hindi siya masasaktan."

"Sige mauna na kami." sabi ko sakanila pagkatapos bumaba na kami nang stage pero
bago pa kami makalayo may humawak sa braso ko.

"Mag ingat ka Candice." biglang tumaas yung mga balahibo ko nung nakita ko si
Margot. "Kailangan pa nating mag usap." tumango na lang ako sakanya tapos dumiretso
sa kotse ni Lucas. Madami pa nga kaming pag uusapan pero mas mahalaga ngayon na
makausap ko si Paulo.

Nakasakay na kaming tatlo ni Stacey sa kotse ni Lucas. Sinundan lang namin sila
Blake gamit yung GPS nang phone nila at hindi sila nalalayo samin.

"Hindi ako makapaniwalang magagawa yon ni Juan Paulo!" frustrated na sabi ni


Stacey. "I trusted him!" hinawakan mo yung kamay niya.

"He has a reason. Mahirap man pero iniitntindi ko siya at alam kong kailangan niya
lang maliwanagan."

"Ano pa man yon, traydor siya at napaka sama niya. Isa pa yung Stella na yon!
Pagbubuhulin ko silang dalawa eh!" inis na inis na sabi ni Stacey.

Hinayaan ko na lang siya maglabas nang sama nang loob. Sa kabila nang mga ginawa
sakin ni Paulo, wala akong sama nang loob sakanya. Alam ko na nabubulagan lang siya
nang galit at pag hihiganti. Mababaw man o hindi yung dahilan niya, nasaktan pa din
siya. Hindi ko siya pwedeng sisihin kung naisip man niya na gawin 'to. Ibang usapan
na kapag pamilya yung involved at saksi ako sa pangungulila niya sa pagmamahal ni
auntie. Kasalan ko din siguro na hindi ko yon nakita nung una pa lang. Hindi ko
siya natulungan sa problema niya kay auntie. Sana lang maayos pa namin ang lahat.
Kahit anong mangyari, mahalaga pa din siya sakin.

Huminto yung kotse nila Paulo at yung motor ni Blake at Menchie sa tapat nang isang
mataas na building. Bumaba agad si Paulo at Stella sa kotse nila tapos nagmadali
silang pumasok sa loob nang building. Ganon din yung ginawa namin nila Stacey at
Blake.

Hinabol namin sila pero huli na dahil nakaakyat na yung elevator.


.

"May helicopter sa itaas na nag hihintay sakanila. Susubukan namin yung ibang way."
sabi nila Blake. Tumakbo sila ni Menchie papunta sa fire exist.

Naghintay kaming tatlo nila Lucas sa baba pero hindi na ako mapakali pa. Naghanap
na ako nang paraan para makaakyat sa taas. Nakita ko yung maliit na elevator na
ginagamit lang nang mga staff nang building. Pumasok agad ako don bago pa yon
makaakyat pero hindi ko naisip na tawagin pa sila Stacey dahil alam kong madadamay
lang sila dito.

Dere-deretso lang siya sa pinakaitaas nang building na 'to. Alam ko na maaubutan ko


pa sila don at tama nga ako kasi kasabay lang nang pagdating ko don yung pagdating
ni Stella at Paulo.

Nanlaki yung mata nilang dalawa nung nakita nila ako. Akala siguro nila napahamak
na kami ni Jeydon sa mga piranha.

"Buhay ka pa?!" inis na inis na sabi ni Stella. "Ilang buhay ba meron kayo ni
Jeydon ha?!"

"May siyam siyag buhay dahil pusa siya." pang aasar ko sakanya tapos napatingin ako
kay Paulo. "Paulo, mag usap tayo!" sigaw ko sakanya.

"Usap? para saan pa? Hindi ko na kailangang makausap ka pa!" lalapit sana ako
sakanila pero biglang naglabas nang baril si Stella pagkatapos tinutok niya sakin
yon.

"Wag kang magkakamali na lumapit samin dahil kung hindi, hindi ako magdadalawang
isip na barilin ka!" sigaw niya sakin.

"Paulo, patawarin mo ako. Hindi ko intensyon na saktan ka. Paki usap naman, tama na
at mag usap tayo." humakbang ako palapit. "Ayusin natin 'to." hahakbang pa sana ako
pero tinutok ni Stella yung baril sa ulo ko.

"Sinabi nang wag kang hahakbang eh!"

"Paulo, please naman oh. Hindi pa huli yung lahat, ayusin naman natin 'to. Hindi
ikaw 'to eh, hindi ito yung Juan Paulo na nakilala ko. Masaya naman tayo dati di
ba?" nakatingin lang ako saknya at wala akong pakialam kung nakatutok man sakin
yung baril ni Stella. "Tama na Paulo." tumawa siya.

"Ikaw ang tumigil Candice." nilapitan niya ako at ang sama nang tingin niya sakin.
"Sinira mo yung buhay ko eh! Alam mo ba yung pakiramdam na walang pakialam sayo
yung nanay mo? na lahat nang atensyon na dapat sakin napunta sayo? Ikaw na lang
palagi yung bukang bibig ni mom eh! Gabi gabi akong lango sa alak makalimutan ko
lang yung sakit na nararamdaman ko! gumamit pa ako nang drugs eh. Naging walang
kwenta yung buhay ko dahil sayo! Kung wala ka, sana nabigyan ako nang atensyon ni
mom! Mababaw na kung mababaw pero hindi mo alam kung anong hirap at sakit yung
napagdaanan ko! Pakiramdam ko mag isa lang ako at wala akong pamilya!" sa galit ko,
lumapit pa ako sakanya at sinampal ko siya nang malakas. Pareho silang nagulat sa
ginawa ko.

"Anong tingin mo sakin? Hindi pamilya? Oo, aaminin ko nung una pa lang alam ko nang
ampon ka pero kahit kailan hindi kita tinuring na iba!" umiyak na ako sa puntong
yon. Halo halong emosyon na yung nararamdaman ko ngayon. "Pamilya tayo eh.." ang
bigat bigat na nang pakiramdam ko kaya napaupo na lang ako sa sahig habang patuloy
pa din ako sa pag iyak.

Hindi ako nakarinig nang kahit ano kay Paulo. Ngsalita na lang ulit si Stella. "Ang
drama mo. Mabuti pa tapusin na kita ngayon." napatingin agad ako sakanya at tinutok
ulit niya yung baril sa ulo ko.

"Paalam Candice." sa puntong yon akala ko katapusan ko na pero mali ako. Kinuha ni
Paulo yung kamay ni Stella at naiputok niya sa ibang dereksyon yung baril. "Anong
ginagawa mo?!"

"Wag mo siyang patayin." natawa si Stella sa sinabi ni Paulo. "Tumakas na lang


tayo."

"Nahihibang ka na ba? Tatakas na lang tayo nang ganon? Nandito na tayo eh, pwedeng
pwede ka nang mag higanti kay Candice! Ano lumambot na ba yung puso mo ha JP?!"

"Sabi nang tama na eh!" sigaw ni Paulo.

"Hindi! tatapusin ko na siya!"

Tinutok na naman ni Stella yung baril sakin pero hinawakan ulit ni Paulo yung kamay
niya para pigilan siya. Hindi nagpatalo si Stella kay Paulo kaya nag agawan sila sa
baril. Susubukan ko sana na tumulong pero bigla na lang pumutok yung baril. Nanlaki
yung mata ko nung nakita ko si Paulo na unti unting bumabagsak sa sahig at puno
nang dugo sa.dibdib niya.

"Paulo!" lumapit agad ako sakanya. Nangiginig yung buong katawan ko sa takot at
kaba. Tinignan ko si Stella at pati siya gulat sa nangyari. "Paulo wag kang bibitaw
ha!"

"CANDICE!" napalingon ako sa pintuan at nandon na sila Lucas at Blake.

Tinignan ko ulit si Stella at tumakbo na siya papunta sa helicopter. Hinabol siya


ni Blake at Menchie. Lumapit naman agad samin si Lucas at Stacey.

"Candice.." bulong sakin ni Paulo. Tinignan ko siya at punong puno pa din siya nang
dugo sa dibdib niya. Iyak na ako nang iyak habang hinahawakan ko yung mukha niya.
"Patawad.."

"Wag ka nang mag salita, dadalhin ka namin sa ospital ha? Kumapit ka lang."
bubuhatin ko na sana siya pero pinigilan niya ko. "Bakit? May problema ba?"

"Wag na.. hindi na din ako aabot pa." sa sinabi niya mas lalo lang akong naiyak.
Hinang hina siya at ang lala nang tama niya sa dibdib. "Nakakatawa lang na all this
time I'm looking for a family, for love but I never looked at you Candice. Minahal
mo ako na parang kapatid na kahit alam mong hindi mo talaga ako ka dugo." may mga
luha na unti unting tumutulo galing sa mata niya. "Sorry, nabulag ako sa galit at
sa paghihiganti. Candice sorry.." hirap na siyang mag salita pero pinipilit pa din
niya. Niyakap ko siya.

"Shhh.. wag kang humingi nang sorry. Wala kang kasalanan.."

"Naalala mo pa ba nung mga bata tayo? Palagi akong nag cut nang class para lang
makanuod nang magic shows at dahil don palagi akong pinapagalitan ni mom. Ikaw lagi
yung rescue sakin.. palagi mo akong nililibre nang ice cream para gumaan yung loob
ko.." habang inaalala ko yon mas lalo lang akong naiyak.

"Pwede pa din natin gawin ulit yon basta lumaban ka pa. Dadalhin ka na namin sa
ospital.." hinawakan niya ulit yung kamay ko para pigilan ako.

"Alam kong panahon ko na. Salamat sa lahat.. masaya na akong mawawala. Tell mom,
I'm sorry for doing this. Mahal na mahal ko siya.." tinignan ko ulit yung mukha
niya at nakita kong nakangiti na siya. Kahit na umiiyak ako ngayon, napangiti na
din akong makita siyang nakangiti. "Stacey Marie.." nilingon ko agad si Stacey at
umiiyak din siyang lumapit samin.

"Ano ba 'tong ginawa mo Juan Paulo?" iyak din nang iyak si Stacey.

"Stacey Marie.. gusto kita at totoo yon.. sayang lang mawawala na ako.. patawad din
dahil na disappoint kita.." lumapit sakanya si Stacey at hinawakan niya yung kamay
ni Paulo. Si Paulo naman nilagay yung kamay niya sa likod nang tenga ni Stacey
tapos may hawak na siyang maliit na bulaklak. "Palagi ka lang ngumiti, arasso?"
tumango na lang si Stacey sakanya habang patuloy pa din siya sa pag iyak at hawak
yung bulaklak. "Paalam na.."

Pinagmasdan ko na lang na sumara yung mata niya. Niyakap ko siya ulit at sa puntong
yon alam ko nang wala na siya.

Tama nga si lola, may isang taong malapit sakin yung mawawala at si Juan Paulo
yon.Sobrang sakit at parang ayokong tanggapin na sa isang iglap lang nawala nang
ganon yung isang taong malapit at mahalaga sakin.

"Goobye Juan Paulo.."

Itutuloy...

--

Last 10 chapters :)
####################################
50: Life goes on
####################################

50: Life goes on

.
.

Candice point of view.

Nakaupo kaming pareho sa harap nang puntod ni Paulo habang hawak hawak ko yung
kamay niya at nakasandal siya sa balikat ko. Hindi pa din siya tumitigil sa pag
iyak at ramdam ko yung sakit na nararamdaman niya. Kung nasaktan ako sa pagkawala
ni Paulo, alam kong nasaktan din siya. Aminin man niya o hindi, alam gusto ko na
din niya si Juan Paulo.

Nakakalungkot lang na kung kailan umamin si Paulo nang nararamdaman niya para kay
Stacey tska siya nawala. Hindi pa nga nila nasisimulan yung love story na sana
meron sila, natapos na lang agad nang ganon.

Mapaglaro nga talaga ang tadhana.

Hindi ko namalayan na unti unti na naman pala akong umiiyak. Masakit, sobrang sakit
mawalan nang taong minamahal lalo na kung alam mong hindi na siya kailan man
babalik pa. Sa pagkawala ni Paulo, para akong namatayan nang sariling kapatid.

Tinignan ko si Stacey, napaka lungkot niya. "Juan Paulo, miss na kita alam mo ba
yon ha? Wala nang nang-aasar sakin, wala nang nangungulit sakin.. wala na.. wala ka
na eh.." hindi na naman napigilan ni Stacey yung matinding pag-iyak. "Bee wala na
si Juan Paulo.. wala na siya eh.."

"Shh tahan na, ayaw niyang makita kang ganyan." pinunasan ko yung mga luha ni
Stacey. "Hindi ba sabi niya palagi ka lang ngumiti kaya tama na." ngumiti ako
sakanya.

Simula nang mawala si Paulo, ang daming beses ko nang pinigilan na umiyak dahil
alam kong ayaw niyang nahihirapan yung iba tao dahil sakanya. Masiyahin siya at
likas na komedyante at tuwing nakikita niya ako na malungkot, naiinis siya dahil
ang gusto niya masaya yung mga taong mahal niya.

"Sabihin mo bee.. sa langit siya pumunta 'di ba?" tinignan ko siya at tumango ako.
"Hindi naman siya ganon kasama eh kaya pwede pa din siya don, 'di ba?" hinigpitan
ko yung pagkakahawak ko sa kamay niya.

.
"Mabait siya at alam ko na nasa piling na siya nang Dyos ngayon." humarap sakin si
Stacey tapos niyakap niya ako. "Magiging maayos din ang lahat Stacey." niyakap ko
din siya pabalik, isang mahigpit na yakap.

Nagpalipas pa kami ng isa pang oras sa puntod ni Paulo. Inuwi ko muna si Stacey
sakanila bago ako umuwi sa amin.

Pagdating ko sa amin, nadatnan ko sa sala si Mama at Auntie. Nakatulala silang


dalawa at parang wala sa sarili. "Nandito na po ko." pagbabasag ko nang katahimikan
nila.

Napatingin silang dalawa sakin. Hindi jo naiwasan na tignan si Auntie Pia, naaawa
ako sakanya dahul alam ko ngayon sobrang sinisisi niya yung sarili niya sa
pagkamatay ni Paulo. Gustuhin ko mang ilihim sakanya yung totoong dahilan ni Paulo,
naisip ko na mas mabuti na malaman na lang niya ang lahat. Sabi nga nila, the truth
will set you free. At least, nakahingi na si Auntie nang tawad kay Paulo dahil sa
mga pagkukulang niya.

"Kamusta na si Stacey?" tanong sakin ni Auntie.

"Malungkot pa din siya pero alam kong magiging okay din naman siya." sagot ko.

"Juan Pualo really likes her.. sayang." nagsimula na naman siyang maiyak. Lumapit
agad sakanya si Mama para yakapin siya. "Sorry, ayokong maging pabigat sa inyo."

"Pia it's okay. Alam naman namin yung pinagdadaanan mo. Andito lang kami para
sayo." pinunasan agad ni Auntie yung mga luha niya at pilit na ngumiti. "Everything
will be okay."

Sana, sana maging maayos na din ang lahat.

Umakyat na ako sa taas nang kwarto ko. Humiga agad ako sa kama ko dahil pakiramdam
ko pagod na pagod yung katawan ko. Isang linggo na din simula nang mawala si Paulo
at simula noon hindi pa ako nakatulog nang maayos. Isang linggo na din pero yung
sakit nandito pa at hindi ko alam kung mawawala pa ba yon.

"Pwede kang istorbohin?"

.
Napaupo agad ako sa boses ni Kuya Charles. Nakatayo siya sa pintuan ng kwarto ko at
ang seryoso nang mukha niya. "May problema ba kuya?"

Lumapit siya at umupo sa kama ko. "Gusto lang kitang kamustahin." hinarap ko siya.

"Sabi nga ni mama, everything will be okay." ngumiti siya sakin tapos ginulo niya
yung buhok ko. "Wae?"

"Alam kong malaki ka na Candice pero sana wag mong solohin yung problema mo.
Naiintindihan ko naman yung ginawa mong paglihim samin noon tungkol sa pagbabanta
sayo pero sana sinabi mo sakin. I should have stop this things to happen. Kuya mo
ako at dapat ako yung nagtatanggol sayo." umiwas agad ako nang tingin kay Kuya.
Siguro dahil guilty ako sa mga sinasabi niya. "Candice mangako ka.." kinuha niya
yung kamay ko. "Mangako ka na mag sasabi ka sakin nang kahit anong problema,
mangako ka na hindi ka na maglilihim sakin. Arasso?"

Tinignan ko siya. "Pangako."

Niyakap ko si Kuya Charles at hindi ko na napigilan na umiyak. All this time kasi
sinosolo ko lahat nang problema ko at wala na akong mapagsabihan nang sama nang
loob ko.

"Simula nang mawala si Papa, nangako na ako sa sarili ko na ako na yung tatayong
tatay sa pamilya natin. Ako na yung mag babantay sa inyo ni Mama kaya nga kapag
nalalagay kayo sa panganib, sinisisi ko yung sarili ko dahil wala man lang akong
nagawa. Candice pamilya tayo kaya wag kang maglilihim samin lalo na sa akin." tama
si Kuya, pamilya kami.

"Sorry Kuya, sorry kung naging pasaway man ako sayo. Pangako, magsasabi na ako sayo
nang lahat." hinawakan na naman niya yung ulo ko tapos ginulo gulo niya yung buhok
ko.

"Matulog ka na at mag pahinga." utos niya sakin.

Humiga ako at si Kuya naman nasa tabi ko lang habang kumakanta nang favorite kong
lullaby. Katulad lang nang dati, papanuorin ako ni kuya na matulog habang
kinakantahan niya ako. Ang sarap sa pakiramdam nang ginagawa ni Kuya Charles,
parang unti unting nawawala yung sakit na nararamdaman ko.

.
"Salamat Kuya Charles.." bulong ko pagkatapos hinayaan ko na yung sarili ko na
makatulog.

Pagkatapos nang ilang oras na tulog, ginising ako ng sikat nang araw. Tumayo agad
ako sa kama ko at nag ayos. Masakit pa din pero sa bawat araw na dumadaan mas
lalong gumagaan yung pakiramdam ko. Ayoko din naman na magmukmok na lang nang
matagal. Nangyari na ang lahat at kagaya nang naaalala ko sa sinabi ni Jeydon,
everything is with reason.

Life goes on.

Bumaba ako ng kwarto at bumungad sakin sila Mama. Nakita ko si Auntie Pia na dala
dala yung mga maleta niya. Ngayon na ba siya aalis?

"Candice, aalis na ang Auntie mo. Madami pa siyang kailangan asikasuhin sa Korea."
sabi ni Mama.

Lumapit ako kay Auntie at niyakap siya. "Mag ingat po kayo don Auntie."

"Salamat Candice. I need to make myself busy para mas madali akong maka recover.
Alam kong ayaw ni Juan Paulo na nakikita akong malungkot at nasasaktan." pinilit
niyang ngumiti pero naiyak pa din siya. "I will be fine, sana kayo din." pinunasan
niya yung mga luha sa mata niya. "Mag ingat kayo, hindi pa din nahuhuli si Stella.
Kapag nahanap na siya ng mga pulis, babalik agad ako dito." kinabahan ako sa pag
banggit ng pangalan ni Stella.

"Manang maiwan ka na muna dito, ihahatid namin si Auntie sa airport." bilin ni Kuya
Charles, tumango ako tapos umalis na sila kasama si yaya.

Pumunta na lang ako sa kusina para kumain. Pakiramdam ko gutom na gutom ako dahil
sa isang linggo kong pagluluksa sa pagkamatay ni Paulo. Kailangan ko nang ayusin
yung sarili ko. Tapos na yung sem break at bukas pasukan na naman. Kailangan ko na
ulit mag focus kung gusto kong maka-graduate.

"Roo!" kahol ni Cholo.

Tinapos ko agad yung pagkain ko pagkatapos pinakain ko siya. Mukhang matagal pa


sila Mama sa paghatid kay Auntie, ayokong mag isa dito sa bahay kaya minabuti ko
muna na pumunta sa puntod ni papa.

Naglakad lang ako papunta don since malapit lang naman siya sa amin. Pagdating ko
don, malinis pa din yung puntod niya at may bulaklak pa, malamang galing kay Auntie
yung mga white roses na 'to.

"Hi papa." umupo ako sa harap nang puntod niya pagkatapos nag sindi ako nang
kandila. "Kasama niyo na ba dyan si Paulo?" napatingala ako sa langit, malapit na
pala umulan. "Paki kamusta na lang po ako sakanya, tell him I miss him. I badly
miss the both of you."

Humiga ako para mas lalo kong makita yung langit. Madilim siya na parang
dinadamayan pa ako sa sitwasyon ko.

Kung iisipin, ang bilis nung mga pangyayari at hindi man lang ako nakapag handa
kahit konti. Sino nga bang makakapag handa sa kamatayan?

"Bakit kaya ganon papa? May mga taong hindi talaga kayang manatili sa buhay mo
kahit anong pilit mo. Alis at aalis pa din sila sa tabi mo kahit na anong gawin
mo."

Natawa na lang ako sa sarili kong tanong. Ganon naman talaga ang ikot ng buhay nang
tao eh, may aalis at may dadating. Ang importante na lang siguro, paano mo
papahalagahan yung mga oras na kasama mo sila. Bagay na hindi ko na apply sa buhay
ko dahil hindi ko nasulit yung mga panahon na sana kasama ko si papa.

Pinikit ko sandali yung mga mata ko. Inalala ko lahat nang mga sandali na kasama ko
si Paulo. Wala akong ibang maisip kung hindi yung mga ngiti at tawa niya. Lahat
nang mga kalokohan at masasayang alala namin na lang yung pumapasok sa isip ko.
Kahit papaano masaya ako na yung masayang Juan Paulo yung naaalala ko at hindi yung
Juan Paulo na duguan at malapit nang mamatay.

Kung tutuusin pareho kami noon na nakaramdam nang galit sa taong akala namin
nakasakit sa amin. Ako kay Jeydon, siya sa akin.

Pareho din kaming nag hangad maghiganti pero pareho lang din naman kaming nabigo.

"Tama ka papa, walang magandang maidudulot ang paghihiganti." bulong ko habang


nakapikit pa din yung mga mata ko.
.

Maya maya lang unti unti nang bumuhos yung ulan. Hindi ko minulat yung mata ko at
hinayaan ko lang na mabasa ako nang ulan.

Minsan talaga nakakagaan na mag isa ka lang. Minsan mas comforting pa yung
katahimikan. Mas relax at mas peaceful.

Bigla na lang akong hindi nabasa kahit na dinig ko pa yung pagpatak nang ulan. Sa
pagtataka ko, minulat ko yung mata ko.

"Baka magkasakit ka." tumingala ako para makita kung sino yung nag salita. Nakita
ko si Jeydon na may hawak hawak na payong. "Sumilong muna tayo?" tumayo agad ako at
inayos ko yung sarili ko. Sumunod na lang ako kay Jeydon at sumilong kami duon sa
malaking puno na malapit.

"Paano mo nalaman na nandito ako?" tanong ko sakanya habang inabutan niya ako nang
pamunas.

"Alam nang puso ko kung nasan ka." tinaasan ko siya nang kilay tapos tumawa siya
"Naisip ko lang na kung wala ka bahay niyo o kaya sa park, dito ka lang pwedeng
pumunta." hinawakan niya agad yung kamay ko. "Maayos ka na ba?" biglang sumeryoso
yung mukha niya.

"Ayos na ko, wag ka nag mag alala sakin."

"Hindi pwede, palagi akong mag aalala sayo." habang sinasabi niya yon nakatingin
siya sa mata ko. "Mahal kita Candice kaya palagi akong mag aalala para sayo." sa
puntong yon parang namula bigla yung pisngi ko kaya umiwas agad ako nang tingin
sakanya. Natawa tuloy si Jeydon.

"Anong nakakatawa?" patay malisya kong tanong. "Pinagtatawanan mo ba ako?" hindi pa


din ako makatingin sakanya. Nakakainis.

"Natutuwa lang ako kasi may epekto pa pala sayo yung mga sinasabi ko." napatingin
ako sakanya. "Akala ko kasi, baliwala na ako para sayo." napatingin ako sa mata
niya papunta sa labi niya. Sa puntong yon parang gusto ko siyang halikan pero hindi
ko lang magawa. Bakit ko nga ba siya hahalikan in the first place?

.
"Ah.. hindi.. ano.." hindi ko na tuloy alam kung anong sasabihin ko. "Ah wala."
ngumiti na lang si Jeydon sakin. Ang stupid ba nang sagot ko? baka isipin niyang
baliwala na siya sakin.

"Candice.." tinignan ko ulit siya. Nakasandal siya sa puno at ang layo nang tingin
niya. "Pwede bang dito lang ako sa tabi mo?" magsasalita pa lang sana ako pero
nagsalita na naman siya. "Hanggat hindi pa nahuhuli si Stella, alam kong nasa
panganib ka pa kaya kung pwede sana dito lang ako sa tabi mo para bantayan ka."

Sinandal ko na lang din yung sarili ko sa may puno. Pawala na din yung ulan. "Hindi
mo naman kailangang gawin yan Jeydon eh, ayokong maging pabigat sayo."

"Kailan ka ba naging pabigat sakin?" napatingin na naman kami sa isa't isa.


"Pakiramdam ko tungkulin ko nang protektahan, alagaan at ang mahalin ka." unti unti
siya lumapit sakin. "Para sakin isa kang prinsesa at ako yung prinsepe mo."

Nakasandal pa din ako sa may puno habang si Jeydon sobrang lapit na sakin. Bumilis
agad yung tibok nang puso ko. Sobra akong kinakabahan lalo na ngayon na sobrang
lapit namin sa isa't isa.

"You know what? I want to kiss you so badly."

Napakagat ako bigla sa labi ko. "Ano bang sinasabi mo?"

"Shut up or I'll kiss you."

Ano bang naiisip ni Jeydon? Sa sinabi niya may choice ba ako don? Wala naman eh.

"Jeydon ano ba--"

"Do you really want me to kiss you?"

That shut my mouth at hindi ko na sinubukan na mag salita pa. Nakatingin lang siya
sa mata ko na para niya akong tinutunaw. Tanging pag lunok na lang nagagawa ko.
Mahirap na baka kapag nag salita ako halikan niya nga talaga ako. Ano ba kasing
binabalak niya?!
.

"Good girl." bulong niya. "You can speak now, I won't kiss you." kusa siyang lumayo
sakin.

"Ano sa tingin mo yung ginagawa mo?!" tinarayan ko nga siya. "Abnormal mode ka na
naman ba ha?" akala ko tatawa siya pero naging seryoso siya tapos tinignan na naman
niya ako.

"I miss kissing you, I damn miss it."

Hindi ko alam kung bakit pero ang lakas nang impact sakin nang bawat salitang
sinabi ni Jeydon. Idagdag mo pa na ang sexy sexy niya kapag nag eenglish siya.
Nakakainis! Jeydon what are you doing to me?

"Don't worry, I won't do it. Not now. I'll just wait for the right time and place."
sabay kindat sakin. Ako naman nganga na lang nagawa ko. "But if you really want me
to kiss you, why not?" ang evil smile siya tapos lumapit na naman siya sakin.
Sinamaan ko agad siya nang tingin kaya hindi na siya lumapit pa.

"Abnormal ka talaga."

"I'm just kidding, miss ko lang asarin ka." ah ganon? So yon talaga yung miss niya
sakin yung pang-aasar niya? Hmp! "Miss ko lang yung kulitan natin."

"Miss ko na din yon." yung bibig ko kay pagka abnormal na din ata, automatic na
sumasagot eh. "Mabuti pa, umuwi na tayo."

Tumango siya tapos inalalayan niya akong tumayo. Nagpaalam ako sandali kay papa
tapos umuwi na kami ni Jeydon. Naglakad lang kaming dalawa papunta sa bahay.

Nung nasa tapat na kami nang bahay may nakita akong isang sasakyan. Nanlaki na lang
yung mata ko nung na realized ko kung kanino yon at nung bumaba siya sa kotse niya,
tama nga ako.

Siya nga yon. Oh boy.

.
.

"Halmoni.."

Itutuloy..

--

I'll update after 3k votes :)

06.27.14 -- #TGGRending

####################################
51: Grandmother
####################################

51: Grandmother

"Candice!"

Natulala na lang ako sa nakita ko. Mag iisang taon na din simula nang nakita ko
siya kaya hindi ko naiwasan na manibago sa itsura niya. Nakakamangha lang na imbis
na mag mukhang matanda, mas bumata pa yung itsura niya. Taray nang lola ko.

"Candice!" Tawag niya ulit sakin. Bigla akong nataranta kaya tumakbo na ako
papalapit sakanya. "Bakit ang tagal mong lumapit?" Mataray niyang tanong, hindi pa
din siya nagbabago. Nag bow ako sakanya para humingi nang sorry.

"Sorry Halmoni, mianhae." Tumaas yung kilay niya at napatingin siya sa likod ko.

"Sino yang kasama mo?" Napalingon kami pareho kay Jeydon.

.
"He's Jeydon, Halmoni."

Naglakad palapit sa amin si Jeydon at nag bow naman siya agad kay Halmoni.
"Anneyeonghaseyo Jeydon imnida."

"So, Koreano pala siya?" Tanong ni Halmoni.

"Aniyo, he just know how to speak hangul."

Tinignan ni Halmoni si Jeydon mula ulo hanggang paa at hindi maganda yung
pakiramdam ko. Sa tingin pa lang niya na yon, alam ko nang ayaw niya kay Jeydon.

"Halmoni here's your baggage." Napatingin agad ako sa nagsalita, nalaki yung mata
ko nung nakita ko si Lucas dala dala yung mga bagahe ni lola galing sa kotse. "Oh,
Hi there Candice." Teka, alam ni Lucas 'to?

"Wala yung driver ko kaya nag presenta na si Lucas na ihatid ako dito. Ang
gentleman pa din niya, hindi ba?" Ngumiti sakin si Halmoni na parang may kung ano
siyang pinapahiwatig sakin. "Alam mo apo, bagay na bagay kayo ni Lucas. Right
Jeydon?"

Naubo ako bigla sa sinabi ni lola tapos apatingin ako kay Jeydon at tanging ngiti
na lang yung naisagot niya kay lola. Ang awkward. Ano kayang ibig sabihin nang
ngiti niya na yon? Inaya ko na lang sila na pumasok sa loob. "Halmoni mabuti pa
pumasok na lang tayo sa loob."

"Sige pumasok na tayo."

Papasok na sana ako sa loob pero pinigilan ako ni Jeydon. "Mauna na ako."

"Sigurado ka ba?" Parang bigla siyang nalungkot pero pinilit pa din niyan

"I don't think your Halmoni wants me here." Bigla siyang kumindat pero parang hindi
siya okay. Bigla tuloy akong nahiya kay Jeydon. Kahit siya naramdaman na ayaw
sakanya ni Halmoni. Biglang bumigat yung pakiramdam ko. "See you tomorrow."

.
Paalis na sana si Jeydon pero biglang nagsalita si Halmoni. "Jeydon, pumasok ka na
din sa loob." Pareho kaming nagulat sa sinabi niya. "Come on, you two." Masungit na
sabi ni Halmoni.

Wala na kaming nagawa ni Jeydon kaya pumasok na lang kami sa loob. Hindi talaga
maganda yung pakiramdam ko dito.

"Nasaan si Charles at Candy?" Tanong niya tapos naglakad siya papunta sa dining
area.

"Halmoni, hinatid po nila si Auntie Pia sa airport." Biglang nagsalubong yung mga
kilay niya. Para akong tuod na hindi makapagsalita at makakilos nang maayos.

"Bumalik siya sa Korea na hindi ako hinihintay na dumating dito. She's really my
daughter, impatient." The way she rolled her eyes, nakakatakot.

"May gagawin pa daw po siya don Halmoni."

"Whatever." Pagtataray niya. Wala na talagang tatalo sa karatayan niya, walang wala
si Stacey sakanya. Take it to Original Queen Bee.

Hanggang ngayon, takot pa din ako sakanya. Siya na siguro yung pinaka masungit na
tao na nakilala ko pero kahit naman ganon, mahal na mahal niya kami nila Mama.
Kahit ganyan naman siya sweet siya at kapag nasa mood, malambing. Siguro, ganon
lang talaga si Halmoni. Sakanya nga ata nag mana si Papa.

"Let's eat, shall we?" Aya ni Halmoni.

Umupo siya sa dining table habang ako naman pumunta sa kusina para kunin yung cake
sa refrigerator. Nagulat na lang ako nung pati si Lucas at Jeydon sumunod sakin.

"Tulungan na kita." Sabay na sabi nung dalawa. Aish, feeling ko sasakit yung ulo
ko. Feeling ko lang ah.

"Jeydon dalhin mo yung mga plato at ikaw naman Lucas dalhin mo yung juice, ako nang
bahala sa cake."
.

Sinunod naman nila yung inutos ko pero tuwing magtatama yung mata nilang dalawa
parang kulang na lang mag suntukan sila. Hindi talaga magandang ideya na magsama
sila. Clearly, they are not on good terms right now and that's because of me. Haba
kasi nang buhok eh, sarap paputulan.

Ako na nag ayos nang food. Nakaupo na kaming apat sa mesa. Si Halmoni sa gitna, ako
mag isa sa isang side habang si Jeydon at Lucas naman yung magkatabi sa kabila. Si
Halmoni yung nag ayos nang seating arrangement na yan.

"Kumain na kayo."

Nangangapa pa kaming tatlo sa timpla ni Halmoni. Neutral na kasi sakanya yung


mataray niyang mukha kaya hindi madali basahin kung anong nasa isip niya.

Habang kumakain kami, nagtama yung mga mata namin ni Jeydon. Bigla niya akong
kinindatan at dahil sa gulat ko, nabulunan ako. Kinuha ko agad yung baso nang tubig
tapos dali dali akong uminom.

"Okay ka lang Noona?" Tanong ni Lucas.

"O-okay lang, pasensya na." Tinignan ko si Halmoni at naka poker face pa din siya.

Kumain na lang ulit ako at hindi na ako tumingin ulit kay Jeydon dahil baka may
gawin na naman siya eh. Tahimik lang kami pero biglang nagsalita si Halmoni.

"Candice, ano mo ba si Jeydon?" Napatingin agad ako kay Halmoni. Sa tanong niya na
yon hindi lang ako yung natigilan, bigla ding natigilan si Lucas at Jeydon.
Nagkatinginan pa kaming tatlo. "Candice, bakit hindi mo ako masagot?" Kasi hindi ko
alam kung anong isasagot ko, Halmoni.

"Manliligaw niya po ako." Singit ni Jeydon. Buti na lang at wala akong kinakain
kung hindi nabulunan na naman ako.

Wah! Bakit ganon yung sinagot niya? Napatingin ako kay Halmoni at mukhang ayaw niya
nang sagot ni Jeydon. Napatingin siya kay Lucas at sa puntong yon parang alam ko na
kung bakit ganyan yung inaasal ni Halmoni. Gusto niya si Lucas para sa akin.
.

"Dalawa pala ang manliligaw ni Candice, ikaw at si Lucas." Ngumiti siya, mataray na
ngiti. "Well, goodluck na lang sa mapipili nang apo ko pero sa totoo lang mas pabor
ako don sa lalaking palaging nandyan sa tabi niya at hindi siya iniwan ni minsan.
Yung hindi siya sasaktan at iiwan." Tumingin siya samin at ang lapad nang ngiti
niya.

Nakikita ko mula sa pwesto ko na hindi na komportable si Jeydon.

"Lucas tell me, what can you do for Candice?"

Tumingin ako kay Lucas at nakatingin din siya sakin. "I can do anything for her."
Ngumiti na lang ulit ako. Hindi na naman niya kailangan pang sabihin yon dahil
ramdam na ramdam ko naman yon eh.

"Eh ikaw, Jeydon?" Lahat kami napatingin sakanya. "What can you do for my
granddaughter?"

"Kaya kong maging si Superman, Batman o Spiderman para lang sakanya."

Hindi ko napigilan na mapangiti. Abnormal talaga siya kahit kailan. Napataas na


lang tuloy nang kilay si Halmoni. I know she didn't see it coming.

"Lucas, tell me how much do you love Candice?" Seriously? Question and answer ba
'to? Nakakaloka si Halmoni.

Tinignan ko ulit si Lucas at kahit siya parang alangan na sagutin yung tanong ni
Halmoni. Hindi niya siguro maintindihan kung bakit nag tatanong nang ganito si
Halmoni pero ako unti unti ko nang naiintindihan kung bakit.

"Mahal na mahal ko si Candice. Kaya kong mag pakatanga, magpakamartir o kahit ano
pa kaya ko para lang sakanya. Kaya kong mag sakripisyo kahit pa sarili kong
kaligayahan makita ko lang siyang masaya. I love her so much."

I can't deny na na-touched ako sa sinabi ni Lucas. Napakaswerte nang taong


mamahalin niya at hindi ko alam kung tama bang maging ako yon. Alam kong hindi ko
deserve ang pagmamahal niya. Nakakalungkot kasi, oo mahal ko siya pero mas
matimbang na sa puso ko ngayon si Jeydon.

"How about you Jeydon?"

Tinignan ko si Jeydon, ano kayang sasabihin niya? Matatapatan niya ba yung sinabi
ni Lucas?

"Mahal ko siya." Tipid niyang sagot.

Tumawa nang malakas si Halmoni na parang hindi pa siya makapaniwala.

"Ayon lang?!" Tumango lang si Jeydon. "I don't think you deserve my Granddaughter."

Jeydon gave a sweet smile to us. "Mahal ko siya at mahal niya ako at tingin ko
sapat na yon."

Napanganga si Halmoni sa sagot ni Jeydon at kahit kami ni Lucas. That was so


unexpected of him. Speechless kaming lahat eh. Yung tigreng si Halmoni, naging
maamong pusa. Ganyan ba talaga yung nagagawa ni Jeydon? He'll leave you speechless
and breathless. Hands down na talaga ako sakanya.

Jeydon yan eh.

"Candice Ija, can you give us your Mom's Brownies?"

"I think that's a good idea."

Tumayo ako at dumiretso ako sa kusina para kunin yung mga Brownies ni Mama. Feeling
ko may tension nang nabubuo between Halmoni and Jeydon at sa nangyari kanina alam
kong mas lalong hindi nagustuhan ni Halmoni si Jeydon.

"Here's the Brownies." Nilapag ko agad yung brownies at umupo ako sa upuan ko.

.
"Lucas oo nga pala, we will be having a family outing next week. It's my advanced
gift for Candice's graduation. I hope you could come."

"Sure Halmoni, I will come." Nakatingin lang ako kay Halmoni dahil hinihintay ko
kung aayain din siya si Jeydon o hindi.

"Jeydon, I'm sorry I can't invite you over. Lima lang kasi yung pwede kong isama,
and isasama namin don si Yaya Linda."

I knew it! I really knew it! Hindi talaga siya magpapatalo. Halmoni, you are really
a persistent woman huh?

"It's fine, I hope you could enjoy." Ngumiti lang ulit si Jeydon sakanya. "It's
nice meeting you Halmoni but I should go. Thank you for inviting me over here."
Tumayo siya at nag bow. "Kamsamhamnida."

Tumayo din ako. "Ihahatid ko lang si Jeydon."

Sabay kami ni Jeydon na lumabas at sinamahan ko siya hanggang sa labas nang gate.
Hinarap ko siya kahit na medyo nahihiya ako sakanya.

"Pasensya ka na sa inasal ni Halmoni. Team Lucas kasi yon eh." Kinuha niya yung
kamay ko. "Okay ka lang ba?" Tinignan ko siya at ganon din siya.

"Honestly, I'm jealous. Nag seselos ako kasi si Lucas yung gusto nang lola mo para
sayo pero hindi yon magiging dahilan para sumuko ako." Lumapit siya sakin, malapit
na malapit. "Kahit buong mundo pa yung maging hadlang sating dalawa, ipaglalaban pa
din kita."

Lumapit pa siya sakin pagkatapos hinalikan niya ako sa noo ko.

"Tell me, lamang na ba ako kay Lucas?"

Napatingin lang ako sa mata niya. Tinanong ko din yung sarili ko nang parehong
tanong. Hindi ko na kailangang lokohin pa yung sarili ko, ayoko nang pahirapan pa
yung mga buhay namin.
.

"Hindi mo na kailangang makipag kompitensya kay Lucas, kasi mas pinili na kita
kaysa sakanya. I just need time to tell it to him dahil ayoko na din siyang umasa
at masaktan pa."

Ang lapad nang ngiti ni Jeydon sakin. Akala niya siguro, tapos na yung paghihirap
niya.

"But that doesn't mean that we're back on track. You still need to win my heart
back." Kindatan ko siya kaya nag sad face siya bigla.

"You win baby girl." Ayan na naman siya sa baby girl. Hmpf pero bakit parang
kinikilig ako? "Someday you'll gonna be mine again. Itago mo yan sa buwan." Lumapit
ulit siya sakin pagkatapos hinalikan niya ako sa pisngi ko. "See you tomorrow."

"Naughty boy. Ingat ka pauwi!"

Naglakad na siya palayo pero bigla siyang huminto tapos humarap siya sakin.

"Mahal kita, Saranghae, Te amo. I love you, sobra sobra!"

Ang laki nang ngiti niya tapos nag flying kiss pa siya. Abnormal talaga pero
kinilig ako at hindi ko din mapigilan yung ngiti ko.

Pumasok na ako sa loob at pagpasok ko don nag paalam agad si Halmoni na


magpapahinga na siya kaya naiwan kaming dalawa ni Lucas sa baba.

Tingin ko eto na yung tamang oras para sabihin ko na kay Lucas yung totoo kong
nararamdaman.

"Lucas pwede ba tayong mag usap?" Tinignan niya ako pero ngumiti lang siya.

"Kung ano man yan, ayokong marinig. Hindi ako sigurado kung ayon ba talaga yung
sasabihin mo pero kung ano man yan, wag muna ngayon Candice. Ihahanda ko muna yung
sarili ko." Lumapit siya sakin tapos niyakap niya ko, sobrang higpit nang yakap
niya sakin. "Hayaan mo lang muna ako sa tabi mo, Candice." Hinarap niya ako at
hinalikan niya yung noo ko. "See you tomorrow Prinsesa ko!"

Natulala na lang ako sa mga sinabi ni Lucas. Alam na ba niya yung sasabihin ko?
Aish! Ayoko na! Ang hirap naman nang sitwasyon ko.

"Sana dalawa na lang yung puso ko." bulong ko sa sarili ko. "Kaso hindi eh, isa
lang yung puso ko.. at may nag mamay-ari na non."

Itutuloy...

---

#TeamLucas or #TeamJeydon?

I'll update after 3000 votes :)


####################################
52: Battle for love
####################################

52: Battle for love

"Roo!"

Inaantok pa din ako kaya hindi ko minulat yung mata ko kahit na kanina ko pa
naririnig yung kahol ni Cholo. Mamaya ko na lang siya iintindihin--

"Ouch!" Namulat agad yung mata ko sa ginawa ni Cholo. Bigla na lang siyang tumalon
sa tyan ko. "Bad dog! Bad doggie!" Nagising tuloy ako nang wala sa oras. Ano bang
problema ni Cholo? "Gutom ka na ba?" Ginalaw galaw niya yung buntot niya tapos
tumalon ulit siya.

What's wrong with my dog?

.
"Roo!" Tumalon siya sa study table ko at buti na lang matibay yon dahil kung hindi
nasira na yon dahil sa laki niya. "Roo! Roo!" Parang may kung ano siyang nakita sa
labas kaya dali dali akong pumunta don para silipin kung anong meron sa labas.

"Omo!" Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat. "Anong ginagawa niya dyan?"
Alas singko pa lang nang umaga tska hindi pa nga nakakasikat yung araw.

Tumunog bigla yung phone ko at nakita ko siyang tumatawag sakin. Sinagot ko agad
yon habang nakatingin pa din ako sakanya. Anong bang nasa isip niya?

"Hello?" kahit nasa malayo siya kitang kita ko pa din siya at bigla siyang ngumiti
sakin.

("You're my piece of mine in this crazy world.. you're everything I've tried to
find.. Your love is a pearl..") Kinanta niya yon line na yon habang nakatitig siya
sakin. Pambihira! Muntik na ako matunaw. ("You're my Mona Lisa.. you're my rainbow
skies.. and my only prayer is that you've realized.. you'll always be beautiful in
my eyes.") Pwede kiligin? Kyaaah! Ang ganda nang boses niya. (Good morning
beautiful.")

"Ah.. ahm.. go-good morning." Natawa siya bigla. Nakakahiya yong inaasal ko. What's
happening to me? "Anong nakakatawa? Ang aga aga anong ginagawa ko sa tapat nang
bahay namin?!" Napakamot siya nang ulo.

("I'm guarding you.")

"Ano ka bodyguard? Tska nasa bahay ako kaya safe ako dito. Aish! you're
unbelievable." Tumawa na naman siya. May nakakatawa sa sinabi ko? "Kanina mo pa ako
pinagtatawanan ha!"

("Im sorry, okay? I just find it cute when you're acting mad but deep inside you're
blushing.") Wow ha, nosebleed.

"Ano bang nakain mo Jeydon Lopez at panay English ka ha? tapos pa kanta kanta ka pa
dyan, akala mo naman kagandahan yung boses mo."

("Yah! Hindi mo ba nakita na sobrang effort yung ginawa ko sa pagkanta non? Hindi
naman maganda yung boses ko eh. Aish, I tought you gonna like it.") Bigla siyang
nalungkot. (Fine, I'll go. See you later.) Inend niya yung call tapos nag simula na
siyang maglakad palayo. Galit ba siya?

"Jeydon!" Sigaw ko pero parang wala siyang narinig. "Abnormal ka talaga!"

Naglagay agad ako nang jacket tapos tumakbo ako pababa at palabas nang bahay.
Nakita ko si Jeydon sa hindi kalayuan. Tumakbo ako papunta sakanya tapos hinila ko
yung braso niya.

"Jeydon Lopez!"

Pagharap niya sakin naka poker face na siya. Ang hirap na basabin kung anong
pumapasok sa isip niya.

"Candice Gonzales." Poker face pa din niyang sabi. "Is there something wrong?"
Tinignan ko siya nang masama.

"Sorry sa sinabi ko. Ang totoo kinilig talaga ako sa ginawa mo. Yan okay na? Hindi
ka na ba galit ha?" Ngumisi siya tapos humakbang siya papalapit sakin. Tinitigan
niya ako sa mata ko. "Wae?"

"Masyado kitang mahal kaya hindi ko kayang magalit sayo, tandaan mo yan. And yes, I
know, alam kong kinikilig ka. I just acted mad for you to come down and do this."
Hinawakan niya yung likod nang bewang ko tapos tinulak niya ako papalapit para
mayakap niya ako. Niyakap na naman niya ako nang mahigpot. "Five minutes, five
minutes lang."

"Bakit five minutes lang? Hindi ba pwedeng ten minutes?" Biro ko sakanya. Mas lalo
niya tuloy hinigpitan yung yakap niya sakin. Ang bango siya. "Nagbibiro lang ako."

"Ako hindi, seryoso ako sa five minutes."

"Fine, wala naman akong magagawa eh." Hinayaan ko na lang siyang yakapin ako.
Honestly? I miss hugging him. Yung amoy niya at yung well built niyang katawan na
mararamdaman mo kapag kayap mo siya.

Habang magkayakap kami ni Jeydon, may kotse na biglang dumating. Naitulak ko si


Jeydon palayo nung nakita ko si Lucas na bumaba sa kotse niya. Pareho kaming
nagulat ni Jeydon sa ginawa ko pero tingin ko nagawa ko yon dahil alam kong
masasaktan si Lucas kapag nakita niya pa kaming magkayakao nang matagal ni Jeydon.

"Good morning, prinsesa." May dala dala siyang box habang papalapit siya samin ni
Jeydon. "Ang aga ata nang bisita mo?" Tinignan niya si Jeydon at para na naman
silang nagsusuntukan sa mga tingin na yon.

"So sa lagay mo na yan, hindi ka maaga? Hiyang hiya naman ako sayo at kailan pa
naging prinsesa yung pangalan ni Candice? Tss." Tinignan ko agad si Jeydon at
tinignan ko siya nang masama. "I'm just kidding." sa itsura niya mukhang hindi.

"Pinapunta ako dito ni Halmoni." Magsasalita sana ako kaso sumabat na naman si
Jeydon.

"Nang ganito ka aga?" Sarkastiko niyang sabi. Hinarap ko siya at binigyan ko siya
nang deadly look ko. "Sabi ko nga maaga ka pinapunta dito."

"Ano bang meron Lucas?"

"Gusto kasi ni Halmoni matikman yung homemade pancake ko kaya nandito ako para
dalhin yon." Wow, nagutom ako bigla.

"Sus, ang dali dali lang naman lutuin non." Bulong ni Jeydon pero alam ganon siya
kalakas na alam kong narinig yon ni Lucas.

"Mabuti pa prinsesa pumasok na tayo sa loob dahil malamig dito sa labas baka
magkasakit ka." Lumapit siya sakin tapos hinawakan niya yung kamay ko. Hihilahin na
niya sana ako papasok sa loob nang bahay pero hinila naman ni Jeydon yung kabilang
kamay ko. Para akong lubid sa tug of war.

"Lucas, alam mo yung manners? Hindi mo ba nakikitang nag uusap pa kami ni Candice?"
Binitawan nila ako pareho tapos nagharap silang dalawa. "Wag kang bastos."

"Wala akong ginawang masama at oo alam ko yung manners, ikaw alam mo? Mukha kasing
hindi eh."

.
"Gusto mo bang ipaalam ko sayo kung bakit ako tinawag na bad boy? Sigurado akong
hindi mo magugustuhan yon."

"Hindi ako natatakot sayo." Humakbang ulit si Jeydon palapit kay Lucas kaya
pumagitna na agad ako sa kanilang dalawa.

"Tama na!" Tinignan ko silang dalawa at hindi sila makatingin sakin. "Hindi ba kayo
nahihiya? Sa harapan ko pa kayo nag away?"

"I'm sorry Candice, eto kasi si Jeydon eh."

"Anong ako?! Ikaw yung epal dyan eh!"

"Tama na nga!" Sigaw ko ulit. Ang kukulit nila. "Wag na kayong mag away, utang na
loob." Napabuntong hinga na lang ako. Grabe sasakit yung ulo ko sa kanilang dalawa.

"Apo." Limingon agad ako kay Halmoni. "Anong nangyayaro dito?" Nakatayo siya sa
tapat nang gate.

"Ah wala po Halmoni."

"Lucas, buti nandito ka na. Dala mo na ba yung pancake na luto mo?"

"Ne, it's still hot." Biglang sumigla si Halmoni.

"Pumasok ka na sa loob Lucas, mag breakfast na tayo." Tinignan niya ako tapos si
Jeydon pero wala siyang reaskyon. "Candice pumasok ka na tara." Pumasok na siya sa
loob. Nagulat ako na hindi man lang niya inaya si Jeydon sa loob.

"Prinsesa tara na?" Aya sakin ni Lucas.

"Uhm, mauna ka na." Bago pumasok si Lucas tinignan na naman niya si Jeydon nang
masama at alam kong ganon din si Jeydon.

.
"Sasapakin ko na talaga siya eh." Inis na sabi ni Jeydon. "Sumosobra na siya."
Hinawakan ko yung dalawang kamay niya dahil alam kong nagpipigil na siya nang galit
niya.

"Hey, calm down." Tinginan niya ako at unti unti na siyang kumalma. "Hayaan mo na."

"Why did you push me away when you saw him?" Bigla kong iniwas yung tingin ko
sakanya. "Tell me, do you love him?" Nabigla ako sa tanong niya pero parang hindi
ko kayang sumagot. "Well, obviously yes because you don't want to see him hurting."

"Jeydon kasi.."

"You don't have to explain." Hinawakan niya yung mukha ko tapos hinarap niya yon sa
mukha niya para makita ko yung mata niya. "Hindi ko hawak yung puso mo kaya hindi
kita pwedeng diktahan kung sino yung dapat mong mahalin." Sinubukan niyang ngumiti
pero alam kong malungkot siya. Hindi siya marunong magtago nang damdamin niya kapag
ganitong mahina siya. "I'm so fvcking jealous right now. I want to punch him for
calling you princess, for touching your hand and for the fact that you love him."

"Sorry, I'm sorry.."

"You don't have to be sorry, I can understand you in every way." Once again ngumiti
siya pero sa likod non alam kong may tinatago siyang kalungkutan. "Sino bang hindi
mahuhulog sa taong nandyan palagi para sayo? Yung kailan man hindi ka iniwan? Yung
walang ibang ginawa kung hindi mahalin ka? Siguro bato na lang yung taong yon."
Inalis niya yung kamay niya sa mukha mo. "I don't blame you for loving him rather
I'm blaming myself for letting you fall for the other guy."

"I wish I can control my feelings but I cant." May mga tumulong luha sa mata ko
pero pinunasan agad yon ni Jeydon.

"Stop crying, it fvcking breaks my heart."

"Ayoko siyang saktan, hindi ko siya kayang saktan." Niyakap ulit ako ni Jeydon.

"Do what you think is right." Kinidatan niya ako. "Enjoy ka sa breakfast niyo and I
will see you later. Mamaya yung final match sa basketball game, Phoenix labas sa
Badburn. Mag dala ka nang banner ha? Ilagay mo, Go poging Jeydon, I love you."
Kindatan na naman niya ako. "See you there."

Nilagay niya sa bulsa niya yung dalawang kamay niya tapos naglakad na siya palayo
sakin. Akala ko hindi na siya lilingon pero nagkamali ako kasi kagaya nang Jeydon
na kilala ko, nilingon niya ko kahit na nasa malayo siya. Nilagay niya sa gilid
nang bibig niya yung dalawa niya kamay para marinig ko yung isisigaw niya.

"Mahal kita! Saranghae! Te amo! I love you! Sobra sobra!"

Ngumiti ulit siya pero may kakaiba. Sa ngiti na yon parang nasasaktan siya pero
ayaw niya lang ipakita sakin.

Sa sandaling yon na realized ko na, dahil sa ayaw kong masaktan si Lucas hindi ko
namamalayan na nasasaktan ko na din pala si Jeydon. Look how complicated love is..

"Jeydon-ssi.. mianhae." Bulong ko sa sarili ko. "Mianhae.."

Itutuloy..

---

#kilig #selos

Next chap, Phoenix vs. Badburn. :)


####################################
53: Win or Lose
####################################

####################################
54: Love or Hate
####################################

54: Love or Hate (Jayshin's Chap)

Jayshin's point of view.


.

Nakatayo lang ako sa labas, hinihintay ko siyang dumating. Ang tagal ko na siyang
hindi nakita at oo aaminin ko na miss ko na nga siya. Kahit ganon yon, abnormal at
minsan parang halimaw kung magalit, mahal ko siya.

Nakita ko na yung sasakyan niyang paparating. Himinto siya nang hindi malayo sa
kinakatayuan ko. Pagbaba niya nagtama agad yung mga mata namin. Ang laki nang pinag
bago niya. Pumayat siya at humaba na yung buhok niya. Hindi na ganon kadami yung
pera niya, nakakakain kaya siya nang maayos sa tinutuluyan niya? Choosy pa naman
siya sa mga pagkain.

"Jayshin!" Lumapit agad siya sakin. "Buti nandito ka, kamusta na? Okay ka lang ba?
Si Noona at mom kamusta na?" Shet para akong naiiyak pero hindi mo alam kung bakit.
Napayuko ako para maiwan ko yung luha ko.

"Hindi kami okay simula nang umalis ka. Kailan ka ba kasi babalik ha Hyung?"
Tinignan ko siya at sumeryoso yung mukha niya. Tinignan niya ako na para bang
sinasabi niyang imposible na yon. "Fine, alam kong hindi ka naman papapilit.
Matigas ulo mo eh. Sinusunod mo lang kung ano yung gusto mo."

"Yah! Hyung mo pa din ako kaya wag mo akong sabihan nang ganyan!" Nilagay niya sa
balikat ko yung kamay niya pero hindi ko na napigilan na yakapin siya.

"Wala na akong kaasaran sa bahay, wala na akong kalaro sa basketball at PSP, wala
nang magtatakas sakin kapag pinapagalitan ako ni Mom at ni Noona.. wala na akong
Kuya. Hyung miss na kita."

Niyakap din ako ni Hyung tapos bigla niyang ginulo yunh buhok ko. "Hindi ka nawalan
nang Kuya, hindi ako nawala. Palagi pa din nandito si Hyung para sayo pero ngayon
iba na kasi may kailangang gawin si Hyung. Maiintindihan mo din ako Jayshin."

Naiintindihan ko naman si Hyung eh pero ang hindi ko maintindihan kung bakit


kailangang mangyari 'to.

Nakita ako ni Hyung na umiyak kaya umiwas agad ako nang tingin dahil ayoko na
makita niya akong umiiyak.

.
"Nakakainis, hindi ko mapigilan na maiyak Hyung!" Ginulo niya yung buhok ko.

"Ang tunay na Bad Boy hindi takot umiyak, kasi ang pag-iyak pagpapakita lang nang
tunay mong nararamdaman."

Natigil tuloy yung pag iyak ko at napangiti ako. Ang lalim kasi nang sinabi niya at
hindi siya sumablay. Nag iimprove na nga si Hyung. Siguro nga may magandang nadulot
sakanya yung pag alis niya sa mansion.

"Hyung, ipangako mo na palagi ka pa din nandyan para sakin, kay Noona at kay Mom.
Sana din maging okay kayo ni Dad kasi kahit anong mangyari, Daddy mo pa din siya."
Ngumiti lang si Hyung.

"Pangako, palagi akong nandito para sa inyo pero sa ngayon may bagay pa akong
kailangang gawin at patunayan kay Dad." Inangat niya yung kamao niya. "Ipangako mo
na habang wala ako dito, ikaw muna bahala sakanila. Ikaw muna yung Jeydon Lopez,
pwede ba?" Ngumiti ako. Naiintindihan ko yung gusto niyang mangyari kaya inangat ko
din yung kamao ko at dinikit ko yon sa kamao ni Hyung. Ganyan mag pinky swear ang
mga Bad Boy.

"Pumayag ako ngayin pero nagdadalawang isip na ako aHyung, ayokong maging Jeydon
Lopez, mas gwapo ako sayo eh!" Tapos tumawa ako.

"Mas gwapo ako sayo uy! Umasa ka pa! Isa pa, mas okay na ngang hwag na lang. Alam
ko naman na hindi mo kakayanin maging ako. Akala mo ba madaling maging gwapo?"
Tumawa din siya pero mas malakas yung tawa niya. "Ang pagiging gwapo may kaakibat
na reponsibilidad yan." Tumawa na naman siya.

"Akala ko naging normal ka na, abnormal ka pa din pala."

"Ano yon?!"

"Wala sabi ko ang gwapo mo." Tawa na naman siya nang malakas. Ang abnormal talaga.

"Alam ko na yon, don't state what's obvious." Hindi naman ako seryoso don eh. Mas
gwapo kaya ako sakanya. "Sige na pumasok na tayo sa loob, baka hinihintay na tayo
nila Troy."

.
Nauna na siyang pumasok sa loob nang bahay nila Hyung Marky. Tawa pa din siya nang
tawa. Yung pagiging abnormal siguro niya yung na miss ko sakanya. Bagay na hindi ko
makikita sa iba.

Pagpasok ko sa loob ang daming tao. Nandito yung buong Section Eleven. Dumiretso na
lang ako sa may pagkain kasi kanina pa ako nagugutom eh. Kumuha agad ako nang pizza
tapos iced tea. Sa sulok lang ako nakapwesto dahil ayokong ma istorbo ako kapag
kumakain ako. Pinagmamasdan ko lang yung mga tao habang kumakain ako.

"Jayshin!"

Muntik ko nang maibuga yung kinakain ko dahil sakanya. Buti na lang napigilan ko
kasi nakakahiya naman. Pinagmasdan ko siya at ang ganda niya ngayon.

"Hi Menchie, nandito ka din pala."

"Oo nandito din kasi yung boyfriend ko. Teka, ipapakilala kita." Umalis siya
sandali tapos ako naiwan na nakatanga. Pambihira! May boyfriend na siya? Nakaramdam
ako nang disappointment. "Jayshin, boyfriend ko si Blake." Inabot niya sakin yung
kamay niya at nakipag kamay naman ako.

"Hi Jayshin." Bati niya pa. Nag bow lang ako sakanya tapos ngumiti ako. "Palagi
kang nababanggit sakin ni Menchie, kayong dalawa ni Tamara." Tinignan ko si Chie,
sa lahat ba naman nang babanggitin niya sa boyfriend niya, kami pa ni Tammy?
Pambihira!

"Ah hehe.. bagay kasi kayong dalawa kaya palagi ko kayong nababanggit kay Blake.
Teka, asan pala si Tamara?" Psh, changed topic porket may ginawa siyang kasalanan
pero asan na nga kaya yung babae na yon?

"Sige hahanapin ko lang siya." Sabi ko na lang tapos umalis na ako don, baka storbo
pa ako sakanilang dalawa.

Palagi ko nang nakikita si Blake sa bahay at kausap si Hyung. Hindi ko akalain na


girlfriend niya pala si Menchie. Sayang, wala na talaga akong pag-asa sakanya. Kung
tutuusin mas gwapo naman ako kay Blake, hayaan mo na nga. Mas mabuti pa siguro na
maging magkaibigan na lang kami.

.
Asan na ba kasi yung babae na yon? Sandali nga, bakit ko nga ba siya hinahanap?
Hindi ba dapat masaya ako na wala siya dito at walang buntot nang buntot sakin.

"Sinong hinahanap mo?" Muntik na akong mapatalon sa boses ni Hyung Troy. "Hinahanap
mo ba si Tammy?" Hinahanap ko nga ba siya? Tumango na lang ako kay Hyung. "Nasa
mall siya, kasama yung kapatid ni Shawn, si Simon."

"Simon?!" Mortal na kaaway ko yon ah. "Hyung bakit naman sila magkasama?"

"Hindi ko alam eh, tawagan mo na lang o kaya puntahan mo don."

"Sige Hyung, salamat." Nag bow ulit ako sakanya tapos nagmadali akong umalis don.

Ano bang nasa isip ni Tamara at sumama siya don sa Simon na yon? Babaero yon tska
mamaya kung ano pa gawin sakanya non. Hindi ba siya nag iisip?

Bata pa lang ako kaaway ko na si Simon. Kaagaw ko siya sa lahat, kahit sa mga
babae. Palagi na lang niyang sinusulot yung mga chicks ko. Inggit siya sakin kasi
mas gwapo at mas may dating ako kesa sakanya. Wahaha!

Pagdating ko sa mall, naglibot agad ako para hanapin sila. Medyo malaki din 'to
kaya mukhang mahihirapan akong hanapin sila. Naglakad lakad muna ako at nung hindi
ko talaga sila makita, pumunta na lang ako sa garden nang mall para magpahangin.
Mamaya ko na lang hahanapin yung dalawa na yon, napapagod na ko.

Umupo ako sa bench pero sa hindi kalayuan nakita ko si Tammy at si Simon. Hindi ko
alam pero biglang nag init yung ulo ko. Kitang kita ko dito yung ngiti ni Tamara.
Ang saya saya niyang kasama yung lalaking yon, hindi niya alam niloloko lang siya
non. Nalaman siguro ni Simon na may gusto sakin si Tammy kaya gusto niya sa kanya
na mag ka gusto si Tamara imbis na sakin. Lahat na lang talaga gustong niyang kunin
sakin.

Tumayo agad ako tapos lumapit ako sakanila. Nung nakita ako ni Tammy bigla siyang
napatayo at parang gulat na gulat siya. "Jayshin, anong ginagawa mo dito?"

"Wala may ka date ako. Ikaw?" Nagkatinginan sila ni Simon at sa wakas nakita ko
ulit siya, ang mortal kong kaaway. "Simon?" Umarte ako na kunwari hindi ko pa siya
nakita kanina. "Nandito ka na din pala, bakit naman kayo magkasama ni Tammy?"
.

"I asked her out." Ngumisi siya na parang wala nang bukas. "We're dating, Jayshin."

"Date?!" Parang nakaramdam ako nang galit. Napasigaw pa tuloy ako nang di oras.

"Gulat na gulat ka ata? Ano bang pakialam mo ha Jayshin?" Mataray na tanong ni


Tammy. Seriously? Gagawin niya sakin 'to sa harap nang kaaway ko? Bahala siya,
nakakainis siya.

"Nagtataka lang ako kasi ang alam ko magagandang babae yung gusto ni Simon."
Nginisian ko sila pareho. Lumapit ako kay Simon tapos hinawakan ko yung balikat
niya. "Bumababa na pala yung standard mo pare." Tinignan ko siya nang nakakaasar.

Umalis ako don na tumatawa pero sa totoo lang naiinis ako. Hindi ko alam kung
naiinis ako kasi pinahiya ako ni Tammy sa harap ni Simon o dahil sa magkasama
silang dalawa. Aish! Ewan!

Hindi pa ako nakakalayo, napahinto ako. Nilingon ko silang dalawa at mukhang


pupunta sila sa isang resto. Hindi ako mapakali kay minabuti ko na lang na sundan
silang dalawa. Mamaya ano pang gawin nang Simon na yon kay Tammy.

Pumasok sila sa loob nang resto kaya pumasok din ako sa loob. Pumwesto lang ako sa
likod nila tapos ginawa kong harang yung menu para hindi nila ako mapansin kahit na
lumingon sila. Maganda yung pwesto ko kasi dinig na dinig ko pa din sila dito.

"You've changed a lot. You're so beautiful now Tamara." Psh! Bolero. Maganda ba
yan si Tammy? Ang galing talaga magpa-ikot nang babae nito ni Simon.

"Thank you Simon. Thanks for asking me out, it means a lot to me." Pambihira
kinikilig pa siya. Amp! Binibola lang naman siya nang Simon na yan. "Uuwi ka pa ba
sa Korea or dito ka ka na?" Tanong ni Tammy.

"Nung una ayoko talagang mag stay dito pero napagisipan ko nang mag stay dito
simula nung pinayagan mo ako na manligaw sayo." Bigla akong naubo sa sinabi ni
Simon pero buti na lang natakpan ko nang menu yung mukha ko kaya hindi nila ako
nakita. Kinanahan ako don ha, lintek. "Eto na yung order natin, let's eat?" Sinilip
ko ulit silang dalawa at kilig na kilig na naman 'to si Tammy.

.
Naiinis na talaga ako.

"Sir, ano pong order niyo?" Tanong nung waiter. "Sir?" Napalingon sa direksyon ko
si Simon at kitang kita ko sa ngiti niya yung pang-aasar niya. Lintek talaga oh.

"Juice lang."

Umalis na siya pero buiset nakita ako ni Simon. Kumain lang silang dalawa na parang
hindi niya ako nakita. May masamang balak siguro siya. Ano kayang iniisip niya?

"Do you like Jayshin?" Biglang bumilis yung tibok nang puso ko. Ano kayang isasagot
ni Tammy?

"No, I don't."

Ouch. Parang may kung anong sumaksak sa puso ko. Hindi niya ako gusto?

"That's good. Don't like him, he's not worthy." Buiset ka talaga Simon, malapit ka
na talaga sakin eh.

Sa inis ko, tumayo ako pagkatapos umalis na ako don sa resto. Baka masapak ko lang
yon si Simon sa inis ko. Lumabas ako pagkatapos napaupo lang ako sa bench sa hindi
malayo.

Hindi na ba talaga ako gusto ni Tamara? Siguro nga nakaraan na yon at baka nag
move-on na siya pero bakit ako nasasaktan? Hindi ko naman siya gusto 'di ba? Amp
talaga. Lately kakaiba na yung kinikilos ko. Palagi ko na siyang naiisip. May gusto
na ba talaga ako sakanya?

At anong balak ni Simon? Panigurado naman ako na hindi siya seryoso kay Tammy. Baka
gusto lang talaga niya akong agawan. Gusto niya sakanya magkagusto si Tammy.
Buiset, gagamitin pa talaga niya si Tamara.

After thirty minutes, nakita ko na silang dalawa na lumabas sa resto. Hinawakan ni


Simon yung kamay ni Tammy at hinalikan niya sa noo. Ibig sabihin lang, seryoso ni
Simon sakanya dahil alam ko ginagawa lang niya yan sa mga babae na seryoso siya.
.

Nagpaalam si Simon at nung makaalis na siya, sinundan ko naman si Tammy.

"Tamara!" Lumingon agad siya sakin. Para akong natigilan kasi ang ganda pala talaga
niya ngayon.

"Ano?" Mataray niyang sabi. "Akala ko may date ka? May date kayo ni Menchie?"

"May boyfriend na si Menchie. At wala akong date." Tinaas lang niya yung kilay
niya.

"Bakit mo sinabi kanina na may date ka? Tska bakit ka ba nandito? Sinusundan mo ba
ko?"

Huminga ako nang malalim, tama siguro si Noona, minsan kailangan mong lunukin yung
pride mo.

"Oo sinusundan kita."

"At bakit ha?" Pumikit ako tapos huminga ako nang malalim. "Ano bang dahilan mo
ha?"

"Kasi Tamara, I like you."

Tinignan niya lang ko at hindi siya nagsasalita. Amp! Eto na nga yung kinakatakot
ko, she'll reject me.

"Narinig ko yung sinabi mo kanina, kaya ka ba tahimik kasi hindi mo na talaga ako
gusto?" Hindi pa din siya nagsasalita. Kinakabahan na ko. "Sagutin mo ko, hindi mo
na ba ako gusto?"

"Hindi kita gusto Jayshin.."

Para akong binagsakan nang mabigat na bagay. Ang sakit pala ma reject. Ganito pala
yung pakiramdam at siguro ganito din yung nararamdaman ni Tammy nung mga panahon na
nirereject ko siya.

"I understand why. I hurt you so much before and 'm sorry about Tamara." Pinilit ko
na lang na ngumiti kahit na nasasaktan ako. "Mianhae."

Tumalikod na lang ako kasi baka maiyak pa ako at makita niya ko. Unang beses akong
nasaktan nang ganito dahil sa isang babae at hindi ko inaasahan na kay Tamara ko
'to mararamdaman.

"Jayshin!" Sigaw ni Tammy, huminto ako pero hindi ako lumingon. "Stupid!"

Napalingon ako. "Ano?!"

"Hindi kita gusto! Hindi kita gusto kasi mahal kita! Stupid!" Natigilan ako sa
sinabi niya. Mahal niya ako? Lumapit agad ako sakanya.

"Dp you really love me?"

"Bingi ka ba?" Mataray pa din niyang sabi kaya natawa ako.

"Gusto ko lang marinig ulit. Say it."

"I love you." Pagkasabi niya non, hinila ko siya palapit sakin pagkatapos niyakap
ko siya. "Mahal kita, Jayshin."

"I like you Tamara, I've just realized it now. Nasasaktan ako kapag nakikita kitang
kasama si Simon at naiinis ako kapag hinahawakan ka niya. Now I'm sure about my
feelings, I like you and I'm starting to fall for you.."

Hinarap ko siya sakin pagkatapos unti unti kong nilapit sakanya yung mukha ko.
Tinignan ko yung mga labi niya at hindi ko mapigilan yung sarili ko na halikan
siya.

"Forgive me for doing this."


.

Lumapit pa ako at hinalikan ko siya. Kakawala na sana ako pero hinila ako pabalik
ni Tammy at hinalikan niya din ako.

"Kapag binato ka nang bato, batuhin mo nang tinapay pero kapag hinalikan ka batuhin
mo din nang halik."

Natawa kami pareho.

"From now on, I'll court you and I'm the only one allowed to do that, Arasso?"
Tumango lang siya pagkatapos niyakap ko ulit siya.

Soon, I'll hear your yes Tamara..

Itutuloy..

--

Sorry sa delay sa UD. May deadline na kasi ako para sa manuscript ng TFBBAM.

Say hi to new book covers of Book 1 and 2! Created by AkoyIsangPagong :)

####################################
55: Player's Life
####################################

55: Player's Life (Marky's Chap)

Marky's point of view.

.
"Do you really love her, son?" I looked at her and smiled. Sinandal ko yung ulo ko
kay Mom, habang nakaupo kami sa tapat nang puntod niya. "I think she's really
speacial and I hope you could love again the way you've loved her." Niyakap ko siya
at hindi ko mapigilan na maiyak. Kapag bumabalik yung mga alaala, hindi ko maiwasan
na masaktan.

"I don't know Mom. Akala ko noon alam ko na kung ano yung pagmamahal pero nung
nakilala ko si Ginny hindi pa pala." Tinignan ko ulit yung puntod niya at hindi ko
mapigilan na maisip siya. "Hindi lang pala puro laro at saya ang pagmamahal,
masasaktan at masasaktan ka, matututo ka kung paano mag sakrispisyo at mas uunahin
mo yung kaligayahan niya kaysa sayo."

"Masaya ako at naituro niya sayo kung paano ba talaga magmahal, nakakalugkot nga
lang na wala na si Ginny." Tama si Mom, sakanya ko lang yon matututunan. "But it's
never to late son, may babaeng nakalaan sayo at hinihintay ka niya. You deserve to
be loved."

Pinilit kong ngumiti sa sinabi ni Mom. Gusto kong paniwalaan na hindi pa nga huli
ang lahat at may makikilala pa akong babaeng mamahalin ko at mamahalin ako pero
kapag naiisip ko na wala na si Ginny nawawalan ako nang pag-asa. Para sakin si
Ginny na yung nakalaan para sakin pero wala na siya eh. Wala na yung babaeng mahal
ko.

"I'm going home son, I need to cook our dinner later. Will you be home?" Hinawakan
ko yung kamay ni Mom, tinignan ko siya at ngumiti lang ako. "Okay, I know that
smile. I'll see you tomorrow morning then."

"Thanks Mom, I love you." Niyakap niya ako.

"Anything for my one and only son."

Hinatid ko siya sa kotse namin kung saan naghihintay yung driver namin. Kilalang
kilala na ako ni Mom na kahit tingin at ngiti ko pa lang alam na niya kung anong
ibig sabihin.

Bumalik ulit ako sa puntod ni Ginny para magpaalam.

"I miss you, Ginny." Hinaplos ko yung puntod niya.

.
Miss ko na siya, sobra. Yung mga ngiti niya at kung paano niya ako tignan. Napaka-
amo nang mukha niya kaya ang sarap niya titigan. Halos lahat sakanya na mimiss ko.

"I love you, and I always will." Pinigilan ko nang maiyak dahil alam kong ayaw niya
akong nakikitang ganito.

Hindi ko alam kung makaka move-on pa ako sakanya o hindi na. Hindi ko na nga alam
kung kaya ko pang magmahal ulit. Sobrang sakit lang kasi buong buhay ko hindi pa
ako nag seryoso, sakanya lang pero nawala pa siya.

"Aalis na muna ako, alam kong ayaw mo kong uminom at mag bisyo pero gusto ko lang
muna kumawala sa sakit na nararamdaman ko Ginny. Patawarin mo ako."

Hinaplos ko muna yung puntod niya bago ako ngsimulang maglakad papunta sa kotse ko.
Matagal tagal na din akong hindi umiinom.

Tinawagan ko yung tatlo para ayain sila pero busy silang lahat. Mag ugok talaga.
Buti pa yung mga yon, masaya sa mga love life nila. Samantalang ako, masaya na sana
pero naging miserable pa.

Sawa na ako sa mga bars at clubs kaya gusto ko naman maiba. Huminto ako sa isang
convenient store para bumili nang alak at yosi. Nung magbabayad na ako sa counter
kaso may biglang sumingit sakin. Hindi ko na lang pinansin, pagbibigyan ko na lang
dahil babae naman siya.

Nung palabas na ako nang pintuan nang convenient store biglang pumasok yung babae
kanina kaya nahulog ko tuloy yung mga bote nang alak na nabili ko. Hindi ko tuloy
naiwasan na mainis.

Tumingin siya sakin at parang siya pa yung galit. "Ano ka ba? Bakit hindi ka
tumitingin sa dinadanan mo? Ouch ang sakit non ha." Hinawakan niya yung braso niya
pero parang hindi ko naman yon natamaan.

"Ikaw yung bumangga sakin miss, isa pa hindi ka naman bulag, 'di ba? Nakikita mo
naman na nabasag yung mga bote nang alak na binili ko." Tinignan ko siya pero
tinarayan niya lang ako.

"Mukha ba akong bulag ha? Oo nakikita ko, eh ano namang pakialam ko ha?" Seriously?
Baka kahit babae siya e patulan ko siya.

"Bayaran mo yan." Seryoso kong sabi.

"Wow ha? Ako pa? Kasalanan ko ba kung nabangga mo ako? Eh di bumili ka na lang
ulit! Ang yaman yaman mo naman eh, ang ganda nang kotse mo oh." Inuubos niya yung
pasensya ko, konti na lang talaga papatulan ko na siya pero naisip ko na hindi ako
ganon.

Pumikit na lang ako at huminga ako nang malalim. "Fine whatever." Hindi ko na lang
siya pinansin tapos dumiretso ako sa kotse ko. Mabuti pa wag na lang akong uminom,
wala na din akong gana.

Nagmadali akong mag drive papunta sa espayal na lugar sakin. Isang oras din akong
nagmaneho papunta don.

Pagkadating ko, bumaba ako tska ako umupo sa harap nang kotse ko. Ang ganda nang
mga ilaw mula sa ibaba, isama mo pa yung mga bituin sa langit.

Dito ko dati dinala si Candice, dito sa espesyal na lugar sakin. Sa taas nang burol
kung saan kita yung buong syudad at kung saan palaging may mga bituin.

Habang nag road trip kami ni Jeydon noon, napadaan kami dito. Tumambay kami dito
sandali, sakot naman na nakakita kami nang dalawang falling star. Sabay kaming
humiling at nakakatawa lang na pareho pa kami nang hiniling.

"Sana kapag dumating na sa buhay ko yung babaeng para sakin, hindi ko na siya
mapakawalan pa."

Ayan yung hiniling naming dalawa. Pareho kaming player nung mga panahon na yon.
Iba't ibang girlfriend kada linggo o araw. Kahit isa wala kaming sineryoso sa mga
yon kaya nga gusto namin na sana kapag dumaan na sa buhay namin yung taong nakalaan
para samin, hindi namin siya mabaliwala dahil sa mga kalokohan namin.

Simula noon napagkasunduan na namin ni Jeydon na kapag nakita na namin yung babaeng
para samin, dadalhin namin siya dito.

.
Hindi ko sinasadya na madala ko dito noon si Candice, alam kong para siya kay
Jeydon. Sakto naman na may dumaan na shooting star, hiniling ko noon na sana kung
si Candice man yung nakalaan para kay Jeydon, maging masaya sila panghabang buhay.
Tingin ko magkakatotoo nga yon, yung hiling ko para kay Jeydon at yung hiniling
niya noon.

Yung hiling ko? Siguro hindi na yon magkakatotoo dahil wala na yung babaeng para sa
akin, wala na si Ginny.

Natawa ako, sabagay tama lang naman sakin yon eh. Buong buhay ko naging mapaglaro
ako at madami akong napaiyak na babae. Wala akong ibang inisip kung hindi yung
sarili ko at yung kaligayahan ko lang. Isa akong Player.

Karma na siguro yung nangyayari sakin. Sa lahat nang kasalanan na nagawa ko noon sa
mga babaeng sinaktan at pinaiyak ko. Ngayon, ako na yung nasasaktan at umiiyak.
Naisip ko tuloy yung sinabi ni Mom kanina, siguro mali siya. I don't deserve to be
loved.

Wala akong kwenta.

Kinuha ko yung kahon nang yosi ko tapos nag sindi ako nang isa. Nag yoyosi ako
kapag stress ako o kaya madami akong iniisip. Matagal tagal na nga akong hindi
nakakapag ganito dahil kay Candice at Ginny.

"Akin na yan!" Muntik na akong mapatalon sa kinakaupuan ko. "Pwede ba? Wag kang mag
sigarilyo dito!" Tinignan ko siya at nanlaki yung mata ko.

"Ikaw na naman?" Sabay naming sabi.

"Anong ginagawa mo dito?" Sinusundan ba ako nang babaeng 'to? "Stalker ba kita?"
Natawa siya bigla sa tanong ko.

"Lakas naman ng confidence mo!" Nagtaray na naman siya. Pambihira! Anong klaseng
babae ba siya? "Pwede bang tambayan ko 'to kaya ako nandito ha?"

"Pwede ba umalis ka na lang sa harap ko at huwag mo akong pakialamanan? Mind your


own business."

.
"Wag kang mag yosi pwede? May hika ako at nalalanghap ko yan sa likod." Mukha
namang wala siyang hika. Ginugulo lang talaga niya ko at anong pakialam ko sakanya?

"Pwede ka namang umalis dito kung ayaw mong nakakalanghap nang usok nang yosi."
Tinignan niya ako na parang hindi siya makapaniwala sa mga sinabi ko.

"Oh, ano pang ginagawa mo sa harap ko ha?"

"Kukunin ko lang muna 'to." Kinuha niya yung yosi at lighter ko.

Sumusobra na siya, nung una dahil sakanya kaya hindi na ako nakainom tapos ngayon
naman pati yosi ko? Sino ba siya sa akala niya? Kung umasta siya akala mo kung sino
siya. Sayang maganda pa naman sana siya.

Tumayo ako tapos sundan ko siya. Papunta siya sa kotse niya na nasa likod lang nang
kotse ko. "Sandali!"

"Ano?" Pagkalingon niya hinawakan ko yung kamay niya pagkatapos kinuha ko yung yosi
at lighter ko sa kamay niya. "Akin na yan!"

"At bakit? Yosi ko 'to! Bakit ba ang hilig mo makialam ha?"

"Hindi ako nakikialam!"

"Anong ginagawa mo ha?!" Nag iinit yung ulo ko sakanya.

"Akin na sabi yan eh!" Pilit niya pa din kinukuha yung yosi ko pero buti nalayo ko
agad sakanya yon.

"Pwede ba? Lumayo ka na at wag mong hintayin na patulan kita." Nanlaki yung mata
niya sa sinabi ko.

"Ano? Papatulan mo ko? Grabe ka! Akin na kasi yang yosi na yan!" Sa inis ko
naitulak ko siya.
.

"Just mind your own business." Tumalikod ako sakanya pagkatapos naglakad ako
pabalik sa kotse ko pero hindi pa ako nakakalayo hinabol niya ko pagkatapos
sinampal niya ko. "Ano bang problema mong babae ka ha?!"

"Ikaw!"

"Ako?!" Hindi ko naiwasan na mapasigaw sa inis ko sakanya.

"Oo ikaw!" Sigaw niya din sakin.

"At bakit ha?!"

"Ang yabang mo! Ang selfish mo! Ang sama mo!" Natawa ako sa sinabi niya. "Anong
nakakatawa?!"

"Ikaw nakakatawa ka kasi mukha kang tanga. Ano bang pinaglalaban mo ha?"
Nakalimutan ko nang babae siya dahil sa ugali niya.

"May hika ako hindi mo ba maintindihan yon? Pwede akong atakihin nang sakit ko
dahil sa usok nang yosi mo at alam mo bang pwede akong mamatay nang dahil don?"
Nagulat ako kasi bigla siyang umiyak. "Hindi pa ako pwedeng mamatay, may bagay pa
akong dapat gawin kaya hindi pa pwede." Naisip ko na parang sumobra na ata ako
sakanta.

"Sorry--"

"Aalis na lang ako." Pinunasan niya yung mga luha sa mata niya tapos tumakbo siya
papasok sa loob nang kotse niya.

Natulala ako kinakatayuan ko. Biglang may kung ano akong naramdaman. Parang
nasaktan ako nung nakita ko siyang umiyak.

Fvck, sobra naman kasi yung ginawa ko sakanya. Lintek, ano ba kasing iniisip ko?
.

Hindi pa siya nakakaalis kaya kinatok ko siya sa bintana nang kotse niya. Tinignan
niya lang ako at hindi siya nagsasalita.

"Pwede bang lumabas ka sandali?" Kakatukin ko pa sana ulit siya pero bigla niya
binuksan yung pinto nang kotse. "Ouch!" Natamaan pa ako nang pinto. Sinasadya niya
ba yon? Nagkamali ata ako eh.

"Ano pa bang gusto mo? Aalis na nga ako eh, hindi na kita papakialamanan."

"Ano kasi.. hindi na ako mag yoyosi kaya wag ka nang umalis." Ang bilis magbago
nang ekpresyon nang mukha niya.

Kanina lang ang lungkot niya na parang pasan niya yung buong mundo tapos ngayon ang
sigla na niya. Mukhang naisahan ako nang babaeng 'to ha.

"Talaga? Salamat." Hindi ko naiwasan na mapatingin sakanya. Ang amo pala nang mukha
niya kabaliktaran sa ugali niya minsan. "Oh bakit may problema? Bakit nakatingin ka
sakin?"

"Ha? Wala!" Lintek, nakakahiya naman yon.

Nagmadali akong bumalik sa kotse ko. Ano bang nangyayari sakin? Pambihira! Kaya nga
ako pumunta dito para makapag relax pero mas stress pa ata ako dito. Hays, ang
malas ko naman.

Sumandal na lang ako sa kotse ko. Pinagmasdan ko yung mga bituin sa langit. Napaka
ganda nila, at pakiramdam ko yung isa sakanila ay si Ginny. Siguro, binabantayan
niya ako ngayon.

"Sayang Ginny, hindi na kita nadala pa dito.."

Gusto kong umiyak pero parang wala na akong iiiyak pa. Akala ko dati, bato yung
puso ko pero hindi pala. Naging malambot yung puso simula nung magmahal ako, simula
nung minaghal ko si Ginny.

.
"Ahm.."

Napatayo ulit ako. Nakita ko ulit siya. Akala ko kung ano na namang problema niya
pero may inabot siya saking lata nang kape.

"Ano yan?"

"Peace offering?" Kinuha ko na lang yon. "Pwede ba akong tumabi sayo dito? Dahil
kasi sa kotse mo hindi ko na makita nang maayos yung mga ilaw sa baba eh."
Pambihira talaga siya, sinisi pa niya ako.

"Sabihin mo na lang kasi, gusto mo lang talaga akong makatabi."

"Psh, whatever." Cute din naman pala siya, mukha kasi siyang bata. "Patabi na ha?"
Hindi na lang ako umangal para wala nang gulo.

"Pasensya na sa ginawa ko kanina." Sabi ko pagkatapos binuksan ko yung lata nang


kape na binigay niya.

"Hindi ka naman pala mayabang eh." Tumawa siya. Psh, bipolar pala siya. "Biro lang,
pasensya ka na din sa mga inasal ko. Hindi lang kasi maganda yung araw ko. Sorry."

"Okay lang, quits na naman tayo."

"Pasensya ka na din pala kanina.." tinignan ko siya pagkatapos nakatitig siya sa


lata nang kape niya. "Ang totoo niyan, sinadya ko talaga na banggain ka."

Nagulat ako sa sinabi niya. "Ano?! Bakit mo yon ginawa?"

"Isang gabi, galing sa party yung boyfriend ko kaya lasing na lasing siya non. Nag
drive pa din siya papunta sakin kahit na lasing kaya ayon.. naaksidente siya."
Bigla na namang lumungkot yung mukha niya.

"Anong kinalaman non sa ginawa mo? At asan na yung boyfriend mo?" Napatingin siya
sa taas sa mga bituin.
.

"Patay na siya. Dito siya naaksidente sa lugar na 'to. Kaya ako palaging nandito
dahil dito kami naging kami." Uminom siya nang kape at nakita kong umiiyak siya.
"Duon sa convenient store na yon dapat kami magkikita, duon niya dapat ako
pupuntahan. Palagi akong nandon kasi minsan umaasa ako na dadating pa din siya don
kahit alam kong imposible na yon."

Hindi ko maiwasan na masaktan para sakanya, ramdam ko yung sakit na nararamdaman


niya. Sa sandaling yon naisip ko na pareho lang pala kami na nawalan nang
minamahal.

"Nung pumarada ka sa convenient store, akala ko ikaw na yung boyfriend ko. Nung
nakita kita na bumili nang madaming alak tapos mag isa ka lang at may kotse ka..
nakaramdam ano nang natakot. Naalala ko sayo yung boyfriend ko kaya natakot ako na
baka mangyari sayo yung nangyari sakanya kaya sinadya kong banggain ka para mabasag
ko yung mga bote nang alak mo."

"Ganon ba.. kaya pala. Naiintindihan nakita kaya pasensya ka na and I'm sorry about
your boyfriend. Hindi ko gustong i brought up yon."

"Ayos lang, mabuti nga yon eh. Sinasanay ko na kasi yung sarili ko na balikan yung
mga alaala na yon na hindi na ako masasaktan. It's been two years and I want to
move-on. Alam kong ayon din naman yung gusto niya eh."

Napatingin ulit kaming dalawa sa langit. Napangiti ako sa mga narinig ko galing
sakanya. Iba pala siya don sa babaeng naiisip ko sakanya. Nakakamangha siya kung
tutuusin, ang daming niyang sakripisyo para lang sa lalaking mahal niya.

Sana kaya ko din na mag move-on katulad niya. Sana may ganon din akong lakas nang
loob.

Sumigaw siya nung may dumaan na meteor rain. "Mag wish ka dali!"

Tinignan ko lang siya habang nakapikit siya.

'Sana makapag move-on na siya at mahanap na niya yung lalaking para sakanya.'

.
Maya maya minulat niya yung mata niya tapos tumingin siya sakin. "Anong hiniling
mo?"

"Sabihin mo muna sakin kung ano yung hiniling mo."

"Hiniling ko na sana kapag dumating na sa buhay ko yung taong talagang para sakin,
hindi ko na siya mapakawalan pa." Nagulat ako kaya natigilan ako sa sinabi niya.
Parehong pareho kami nang hiniling noon sa meteor rain.

"Ayon ba talaga yung hiniling mo?" Tumango siya.

"Tanggap ko nang hindi yung boyfriend ko yung nakalaan sakin, nasa piling na siya
ni God eh. Kaya natatakot ako na baka sa sobrang pagmamahal ko pa din sa boyfriend
ko, baka kapag dumating na sa buhay ko yung lalaking talagang para sakin pero
mabaliwala ko siya."

Kakaiba pala talaga siya. Habang nakikilala mo siya mas lalo mo siyang gustong
maging makilala. Ngayon lang ako nakakita nang isang katulad niya. Merong espesyal
na bagay sa kanya.

"Eh ikaw? Anong hiniling mo?"

"Sakin na lang yon, baka hindi pa magkatotoo kapag sinabi ko." Tinarayan niya lang
ako pero ngumiti siya agad. "Oh bakit?"

"Mabait ka naman pala."

"Hindi lang ako mabait, gwapo pa ko." Biro ko tapos tumawa ako. Gusto ko din kasi
na pagaangin yung pakiramdam niya.

"Mayabang nga lang noh?" Pareho kaming natawa na dalawa. Magaan naman pala siyang
kausap.

Nag usap pa kami nang kung ano ano sa buhay namin. Nabanggit ko na din sakanya yung
tungkol kay Ginny. Sabi niya kaya daw siguro magaan yung loob namin sa isa't isa
kasi pareho lang kami nang pinagdadaanan. Hindi na nga namin namalayan na isang
oras na pala kaming nag uusap.
.

Nahinto na lang kami nung nag aya na siyang umuwi pero bago daw yon pumunta muna
daw ako sa isang place na malapit sakanila dahil may ibibigay daw siya sakin.
Sinundan ko na lang yung kotse niya.

Huminto kami sa isang coffe shop. Hinintay ko siya sa labas. Mukhang pamilyar yung
lugar na 'to. Sandali nga, dito pala--

"Andito na ko!" Lumapit siya sakin tapos may dala dala siyang isang malaking cup
nang kape at inabot niya sakin yon. "Para sayo."

"Para sakin?" Kinuba ko yon sakanya. "Bakit naman?"

"Pasasalamat para sa oras mo, sa pakikinig sakin at sa pagpapagaan nang loob mo.
Malaking bagay sakin lahat yon. Thank you!"

Ngumiti siya sakin tapos nag bow siya. "Ingat ka sa pag drive." Pumasok na siya sa
kotse niya habang ako nakatayo lang habang pinagmamasdan yung kotse niyang palayo.

"Salamat din.." bulong ko sa sarili ko.

Sandali, hindi ko pa nga pala nakuha yung pangalan niya. Aish! Ang stupid ko naman.
Napakamot na lang ako nang ulo ko pagkatapos pumasok na ako sa loob nang kotse ko.

Nung iinumin ko na yung kape na binigay niya. Nakita ko na may nakasulat don.

Move-on. Find the girl that's destined for you, you deserve to be loved.

-- Sabrina

Itutuloy..
####################################
56: Lover boy
####################################

56: Lover boy (Charles' Chap)

Charles point of view.

"One, two, smile."

Ngumiti siya na para siyang anghel. Masakit man pero sa malayo ko na lang siya
nakikita. Aaminin ko mataas talaga yung pride ko kaya simula nang nag away kami non
dahil kay Xander, hindi pa ako nagkalakas nang loob na kausapin ulit si Serina.
Buiset na pride kasi 'to eh! Hindi ko talaga maalis eh, ganon ata talaga kapag
gwapo ka.

"Okay Serina and Xander break muna tayo." Sabi nung photographer.

Hinawakan nang gagong Xander na yon yung kamay ni Serina. Konting konti na lang
talaga masasapak ko na siya eh. Bubogbugin ko siya hanggang sa masira yung pangit
niyang mukha. Sa itsura lang niya halata nang wala siyang gagawing tama sa
Girlfriend ko.

Sandali, Girlfriend ko pa nga ba si Serina? Kami pa din kayang dalawa? Tss oo


naman, hindi pwedeng hindi! pero kasi..

Taena naman, totoo pala talaga yung Relationship status sa Facebook na it's
Complicated.

"Serina duon muna tayo?" Tumango sakanya si Serina tapos inalalayan siya nung
unggoy na yon sa lamesa sa hindi malayo. "Napagod ka siguro? Magpahinga muna tayo."
.

"Salamat Xander."

Ngumiti sakanya si Serina. Tss nakakangiti ka pa dyang amazona ka? Eh ako nga halos
gabi gabing umiiyak. Biruin mo na yung pusong bato na katulad ko, umiyak dahil
sayo? Hindi pa ba sapat sayo yon para mapakita ko lang na mahal na mahal kita?

"Ang gwapo ni Xander!" Sabi nung isang babae sa harap ko.

"Tall, white and handsome pala siya noh." Dagdag nung kasama niya.

Andito kami sa coffee shop na pinag ta-trabahuhan ni Jeydon. Madami ding babae dito
na nanunuod nang photo shoot nila Xander at Serina. Aaminin ko sikat na modelo si
Xander at ayon lang siguro yung lamang niya sakin. Akalain mo yon? Yung unggoy na
katulad niya naging sikat na model?

"Sino ba yung kasama ni Xander?" Sabi nung isang babae na kasama nila.

"Hindi ko alam eh, ang pangit naman." Lumaki bigla yung mata ko sa sinabi nila.

Pangit si Serina? Nagpapatawa ba sila? Alam ba nilang mukhang anghel yang


girlfriend ko? At sakanila pa talaga nanggaling yon? Eh mukha din silang unggoy eh.

"Nilalandi niya si Xander para sumikat din siya. Ang cheap niya." Dagdag nung isa.

Hindi ko na napigilan yung sarili ko. "Sa mga pag mumukha niyong yan, mas mukha
kayong cheap." Singit ko.

Nagulat silang apat sakin.

"Sino ka naman?" Pagtataray nung isa.

"Ako yung boyfriend ni Serina."


.

"Mukha nga, pareho kayong pangit eh." Sabi nung isa. Aba! Wala pang tumatawag sa
pangit sakin maliban kay manang at kay Sweety pie. "Mukha ka pang terorista dahil
balot na balot yang mukha mo."

"Kaya nga, kaya pala si Xander na yung nilalandi nang girlfriend mo kasi ang pangit
mo." Tumawa silang apat.

Taena! Ako pangit?!

Dahil lang sa ayokong makita ako ni Serina, nag suot ako namg shades at cap. Para
sa mga babaeng 'to, tatanggalin ko yon. Makikita nila ang tunay na batayan nang ka
gwapuhan.

Pagkatanggal ko pa lang nang cap at shades ko, nanlaki agad yung mata nila at
literal silang napanganga.

"Wow.. ang gwapo pala niya." Sabi nung babaeng tumawag sakin nang pangit.

"Oo nga.. mas gwapo pa ata siya kay Xander." Natawa na lang ako sa mga reaksyon
nila.

"Sa susunod na sabihan niyo na malandi yung girlfriend ko, ako yung makakalaban
niyo." Seryoso kong sabi.

"Ah.. ahm.. so-sorry po." Sabi nilang apat. Nagmadali silang umalis, mukha kasing
nahihiya na sila sakin.

Tinignan ko ulit si Serina at mukhang pagod na nga siya. Kung nandon lang sana ako,
bibigyan ko siya nang kisperin at yakapsul. Kaso wala eh, ibang lalaki yung nasa
tabi niya ngayon. Punyeta! Ang komplikado talaga.

Pwede bang mahal niyo yung isa't-isa pagkatapos happy ending na?

"Serina and Xander! Take ulit tayo!" Sabi nung photographer.


.

Unang tumayo si Xander pagkatapos sumunod sakanya si Serina. Bago siya makalayo
bigla siyang napatingin sa direksyon ko. Nanlaki yung mata niya at parang gulat na
gulat siya nung nag tama yung mata namin. Pucha! Oo nga pala wala na nga pala akong
shades at cap.

Sa puntong yon biglang bumilis yung tibok nang puso ko at parang gustong gusto ko
siyang lapitan at yakapin.

"Serina! Tara na!" Tawag ni unggoy.

Natigilan pa din si Serina habang nakatingin siya sakin. Mukhang nag aalangan siya
kung lalapitan niya ako o babalik siya don sa photo shoot.

Hindi ko na pinatagal yung pag aalangan niya. Halata naman na mas pipiliin niya si
Xander eh. Tumalikod ako pagkatapos pumunta ako sa motor ko at nagsuot nang helmet.

Bago ako umalis nilingon ko ulit siya pero wala na nandon na siya sa kupal na
Xander na yon. Sabi na nga ba. Magsama silang dalawa! Mukhang masaya na naman si
Serina sa lalaking 'yon.

Binilisan ko yung pagpapatakbo nang motor ko dahil sa din sa inis. Parang gusto ko
tuloy na uminom. Binilisan ko yung pagpapatakbo ko pagkatapos pumunta agad ako sa
bar nila Troy. Best friend muna ulit kami ng alak.

Pagkadating ko do, umorder agad ako nang dalawang bote nang alak. Kailangan ko na
namang magpakalango sa alak para mawala 'tong lecheng sakit na nararamdaman ko.

Ano ba kasing nangyari samin ni Serina?

Nagsimula lahat ng 'to nung nag selos ako sa Xander na yon. Hindi nakapunta si
Serina sa date namin kasi may biglaang photo shoot daw sila nung unggoy na yon.
Hindi ko kinausap si Serina nang isang linggo dahil sa sobrang pagseselos ko. Alam
ko naman na mali din ako don kasi hindi ko man lang siya kinausap tska hindi ko
siya pinakinggan pero amp kasi ganon talaga ako eh! Gusto ko sakin lang si Serina,
selfish man pero mahal na mahal ko lang siya. Isa pa, kapag nakikita ko siya kasama
niya si Xander at mukhang masaya naman siya na parang wala man lang nangyari samin.

.
Akala ko wala lang pero masakit pala talaga na makita mong masaya sa iba yung mahal
mo.

"Mas pipiliin mo ba yang shokoy na yan kaysa sakin ha Serena?" Sabi ko sa sarili ko
sabay inom nang alak. "Bahala ka, ikaw din yung magsisisi sa huli.. pinakawalan mo
pa yung gwapong katulad ko." Tumawa ako pero kasabay non may luha na tumulo sa mata
ko. Para akong baliw.

Ganito na pala epekto sakin ni Serina, para na akong baliw dito. Pinipilit kong
tumawa pero naiiyak pa din ako dahil sa sakit na naradamdaman ko. Hindi ako 'to eh,
hindi ako iyakin.

"Ano bang ginawa mo saking Serena ka at mahal na mahal kita ha?" Tanong ko ulit sa
sarili ko pagkatapos uminom ulit ako nang alak.

Nakakadalawang bote na agad ako nang hindi ko namamalayan. Medyo nanlalabo na yung
mata ko pero umorder pa ulit ako nang isa pang bote nang alak.

Para sakin si Serina na yung babaeng nakikita ko na makakasama ko sa panghabang


buhay. Gusto ko na nga siyang pakasalan eh, kapag graduate ko balak ko na talaga
kaso lintek na Xander yon umepal pa samin ni Sweetypie.

Naiiyak na naman ako kapag naaalala ko yung mga panahon na masaya kaming dalawa.
Amazona yon si Serina, palagi niya kong sinasaktan pero kahit ganon mahal na mahal
ko pa din siya.

Wala siyang arte sa katawan na kahit na sa fishball stand ko lang siya dalhin wala
siyang reklamo. Lahat nang kalokohan ko sinasabayan niya. Kapag may problema ako,
siya yung nagiging sandalan ko. Para sakin wala na akong kahit anong mahihiling pa
sakanya.

"Serina.. bumalik ka na sakin."

Nilabas ko yung engagement ring na binili nung nakaraang linggo. Ngayon sana ako
mag po-propose sakanya dahil ngayon ang four years anniversary namin. Biruin mo yon
ganon na kami katagal? Napag tyagaan ko yung pagka amazona niya. Natawa tuloy ako
bigla.

Napatingin ako sa sa entrance at naibuga ko yung iniinom kong alak nung nakita ko
si Serina at Xander. Lasing na ba ako at kahit dito nakikita ko silang dalawa?

Hindi ko na lang sila pinansin at uminom na lang ako. Panigurado hindi sila yan at
namamalikmata lang ako.

Kahit anong iwas ko hindi ko pa din maiwasan na tignan sila. Parang hindi nga ako
namamalikamata. Mukhang silang dalawa nga yon.

Hindi ko na lang inalis yung tingin ko kay Serina.

Kasama niya pa din si Xander pero biglang may humarang sakanilang tatlong lalaki.
Napatayo ako sa kinakatayuan ko pagkatapos lumapit ako don pero nandon pa din ako
sa likod kung saan hindi nila ako makikita.

"Xander, wag mong kalimutan na may kasalanan ka pa sakin." Sabi nung isa.

"Pwede ba? Wag dito may kasama ako." Sabi ni unggoy. "Umalis na kayo."

"Aba may chicks ka pala, hi miss beautiful?" Nag init bigla yung ulo ko. T*ngina
nito ah, wala siyang karapatan na bastusin yung mahal ko. "Gusto mo bang bigyan ka
namin sa harap nang chicks mo ha?"

"Go away!" Hinawakan niya yung kamay ni Serina pagkatapos hinila niya palayo pero
pinigilan sila nung isa pang lalaki.

"Akala ko makakalayo ka nang ganon ganon na lang?" Hinila niya si Xander pagkatapos
bigla niya yong sinuntok. "Ano masarap ba?"

"Xander!" Sigaw ni Serina.

"Sige Xander papalagpasin na namin 'to pero iiwan mo samin yung chicks mo dito."
Napatingin si Xander sakanya pagkatapos kay Serina.

"Serina, babalik ako."


.

Nagulat ako nung bigla na lang siyang tumakbo palayo. Naiwan na si Serina duon sa
tatlong ugok.

"Samin ka na ngayon Miss beautiful."

"Halika dito, maglaro muna tayo." Tumawa silang tatlo.

Lumapit siya kay Serina pero bago pa niya maidampi yung kamay niya sa sweetypie ko,
lumabas na ako pagkatapos sinuntok ko agad siya.

"Wag na wag mong hahawakan kahit dulo nang daliri niya."

Nagulat silang lahat kahit si Serina.

"Sino ka naman ha?!"

"Boyfriend niya ako." Nagkasamaan kami nang tingin.

"Eh gago ka pala eh!" Lumapit samin yung isa at parang susuntukin niya ako. Tinulak
ko palayo si Serina pagkatapos sinuntok ko yung lalaking sumugos kaya napahiga agad
siya.

Nakita agad yon nang dalawa pa niyang kasama kaya sinugod din nila ako. Umiwas ako
pero nasuntok ako nung isa. Medyo napaupo ako pero nakatayo agad ako. Hinawakan ko
yung kamay nung isa pagkatapoa binalibag ko siya. Nung nakita yon nang kasama niya
hahampasin sana niya ako nang bote nang alak pero nakaiwas ako pagkatapos sinuntok
ko siya sa mukha na nakapag pabagsak sa kanya.

"Para yan sa pangbabastos mo sa girlfriend kong hayop ka!"

Susuntukin ko pa sana siya pero biglang sumigaw si Serina sa likod. "Sa likod mo
Charles!"

.
Pagkalingon ko, nakita ko na lang yung lalaking una kong sinuntok na may hawak
hawak na upuan. Sa sobrang bilis nang pangyayari hindi na ako nakaiwas pa. Natamaan
yung ulo ko at parang nagdidilim yung paligid ko.

"Charles!"

Naaninag ko si Serina na lumapit samin pagkatapos sinuntok niya yung lalaking


sumuntok sakin. Kahit na ang sakit nang katawan ko ngayon, hindi ko mapigilan na
matawa sa ginawa niya. Kahit kailan, amazona talaga siya.

Tumakbo palayo yung tatlo nung nag whistle yung bouncer. Lumapit agad sakin si
Serina. "Charles dadalhin na kita sa ospital!" Parang naiiyak pa siya.

Hinawakan ko yung mukha niya. "Wag na, hindi naman yung ospital yung
makakapagpagaling sakin kung hindi ikaw." Hinampas niya ako bigla sa braso ko.

"Baliw ka talagang tanda ka! Bugbog sarado ka na nag pick up line ka pa dyan!"
Natawa siya na parang naiiyak pa din.

"Ayos ba? Ganon daw talaga kapag gwapo ka." Pabiro kong sabi.

"Teka, gusto mo ba sa bahay niyo na lang kita dalhin?" Nag aalala pa din niyang
sabi.

"Pwede ba?" Tanong ko.

Tumango siya pagkatapos inalalayan niya ako patayo palabas nang bar at papunta sa
kotse niya.

Medyo nahihilo pa din ako sa totoo lang pero ayoko yon na ipakita kay Serina.

"I'm sorry Charles." Sabi niya habang nagmamaneho. Hindi ko man makita yung mukha
niya, alam kong naiiyak na siya. "Ang dami kong nagawang kasalanan sayo."

Hinawakan ko yung kamay niya. "Ako ang may mali, masyado akong nagselos na hindi
naman dapat. Masyado akong ma pride eh, sorry sweety pie."

"Alam ko bang hindi din ako pumunta sa concert nang Maroon 5 kahit na gustong gusto
ko. Kasi ikaw yung gusto kong makasama, hindi si Xander." Nagulat ako sa sinabi
niya. Alam ko kung gaano niya kagustong makita yung Maroon 5. "Pwede pa naman tayo
manuod nang susunod nilang concert di ba, sweety pie?" Nilingon niya ako habang
nakangiti siya.

"Oo naman, kahit saan pa yan sweetypie."

"So, bati na tayo?" Sabi niya.

"Bakit nag away ba tayo?" Tanong ko tapos sabay kaming tumawa. "Pagsubok lang 'to
sweety pie at masaya ako na nalagpasan natin siya."

"Happy four years anniversary Sweety pie." Napangiti ako dahil akala ko nakalimutan
niya yon pero hindi pala.

Sakto, huminto na kami sa harap nang bahay. Binigyan niya ako no Serina nang isang
matamis na halik.

"I miss you tanda."

Hinawakan ko yung mukha niya pagkatapos hinalikan ko din siya pabalik. Hindi ko na
napigilan na halikan siya nang matagal.

"I miss you more Amazona kong Girlfriend." Hinampas niya ako bigla. "Ouch! Sweety
pie masakit pa yung katawan ko."

"Sorry, sorry! Mabuti pa ipapasok na kita sa loob." Inalalayan niya ako pababa.

Pagpasok namin sa bahay, walang tao sa loob. Umalis sila mama para bumili nang
damit para sa graduation namin ni manang. Inalalayan pa din ako ni Serina papunta
sa kwarto ko. Ihiniga niya ako sa kama ko.

.
"Dito ka lang, kukuha ako nang pagkain tska gamot." Hinawakan ko muna yung kamay
niya bago siya makaalis.

"Salamat sweety pie."

Habang wala si Serina, nilabas ko ulit yung engagement ring. Bumilis na naman yung
tibok nang puso ko. Alam ko, panahon na talaga paramag propose na ako sakanya. Sa
mga nangyari ngayon, hindi ko na kakayanin pa kapag nawala pa siya sa tabi ko.

Medyo masakit pa yung katawan ko pero pinilit kong maging malakas. Tumayo ako
pagkatapos pinatay ko yung ilaw nang kwarto ko. Gusto kong maging enggrande yung
proposal ko pero naisip ko na basta maramdaman niya kung gaano siya kamahal, sapat
na yon.

Isa pa, nag effort naman ako na gawin yung mga 'to kanina.

"Sweety pie?" Nilapag niya yung hawak hawak siyang tray sa lamesa pero bago pa siya
makapunta sa kinakatayuan ko, binuksan ko yung mga Christmas lights na ginawa ko
kanina. "Sweety pie, ano 'to?"

Pinatugtog ko yung iPod ko pagkatapos lumapit ako sakanya at hinila ko siya duon sa
mga petals na nilagay ko sa sahig kanina.

[Now Playing: Gusto kita: Ronnie Liang]

Inaya ko siyang sumayaw habang nakaplay yung theme song namin. Nasa bewang niya
yung mga kamay ko at yung mga kamay niya naman nasa leeg ko. Yung mga pulang
Christmas lights lang yung ilaw namin. Ang romantic nang place para sakin. Sana
magustuhan niya 'to kahit na simple lang. Alam ko naman na importante sa mga babe
yung wedding propasals eh.

"Kung mamahalin mo ako wag sana... wag sanang matapos pa yon." banat ko.

Hinamapas niya ko. "Nakakinis ka! kinikilig ako!" natawa kami pareho ni Serina.
"Para saan ba 'to?"

"Para sayo." tapos kinindatan ko siya, nag pout lang siya.


.

"Si Allan ka ba?" mukhang babanat din siya. Sige nag tignan natin.

"Bakit?"

"Kasi Allan nang ibang laman yung puso at isip ko kung hindi ikaw lang.."

Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Boom panes! tiklop ako sa pick up line niya
na yon ha. Kahit kailan talaga siya lang yung nakakapag patiklop sakin.

Huminga ako nang malalim pagkatapos pumikit ako. Tinignan ko siya.

"Serina.." lumuhod ako sa harap niya.

"Hoy Charles ano yan ha?" gulat na gulat siya sa ginawa ko. Hinawakan ko yung kamay
niya.

"Sa dami ng pangarap na meron ako, kahit ikaw lang matupad masaya na ako."

"Charles, ano ba yan ha?" parang naiiyak na siya. Mukhang may idea na naman siya
kung ano yung gusto kong gawin.

"Serina, aamin ko na matanda na talaga ako at ayoko na din naman patagalin pa 'to
eh. Ayoko nang mawala ka pa sa buhay ko dahil isang malaking gago at tanga na lang
ako kapag pinakawalan pa kita. Mahal na mahal kita kahit na may pagka amazona ka.."
nilabas ko yung singsing sa bulsa ko. "Walang permanente sa mundo. Kaya sana simula
ngayon payagan mo ako na apelyido ko na yung gamit mo."

"Are you?" naiiyak niyang tanong. Ngumit ako sakanya at tumango.

"Serina Jimenez, will you marry me?"

Naiyak na siyang tuluyan. Tumango siya. "Yes Charles, I will.. I will marry you."

.
Sa sobrang saya ko niyakap ko agad siya pagkatapos binuhat ko siya pagkatapos
inikot ko siya. Pagkalapag ko sakanya, hindi ko na napigilan na halikan siya.
Sobrang saya ko na parang natalo ko pa yung nanalo sa lotto.

"Hey forever! On the way na kaming dalawa dyan ni Serina!"

I think I'm the luckiest guy on earth..

Itutuloy..

---

Announcement:

TFBBAM will be soon published by Pop Fiction (Tentative September ilalabas)

Tagalog siya ang divided by two parts, most probably Php195.00 siya. I will just
post it kapag na released na.

THANK YOU SA LAHAT NANG BAMERS AT MAIDENS!

I love you, Saranghae, Te Amo.. Mahal ko kayo! Sobra sobra! <3 #Last4Chaps

####################################
57: The Heir
####################################

57: The Heir (Troy's Chap)

Troy's point of view.

.
"You need to make the presentation perfect or else.. it's over." Hanggang ngayon
natatakot pa din ako sa boses niya. "It's now or never, Troy." Napalunok na lang
ako habang nakatingin kay Mom at Tammy.

"I'll do my best later, Dad."

"Good." Tipid niyang sagot pagkatapos tinuloy lang niya yung pagkain niya. Mas lalo
tuloy akong kinabahan. "Son," napatingin ulit ako kay Dad dahil akala ko sa unang
pagkakataon tinawag na din niya akong anak pero kay Travis pala siya nakatingin.
"How was the deal with Mr. Lim?" Tinignan ko si Travis, nakatingin din siya sakin
habang nakangiti siya. Lintek, nang aasar pa ata siya sa tingin niya.

"I got the deal that." Hindi pa din niya inaalis yung tingin niya sakin. Konti na
lang talaga papatulan ko na siya, inuubos niya yung pasensya ko.

"Very good, son." Napangiti nang malapad si Dad kaya bigla akong nakaramdam nang
inis. Minsan ko lang siya makita na ganyan, sigurado ako proud na proud siya kay
Travis. "I have to go, I'll see you in the office later, Troy." Tumayo siya
pagkatapos lumapit siya kay Tammy at Mom para magpaalam.

Napuno sandali nang katahimikan. Lahat kami natigilan sa pagkain maliban kay
Travis. Eto yung unang pagkakataon na nakasabay namin siya sa pagkain. Napatingin
tuloy ako kay Mom at mukhang ayaw niya sa mga nangyayari. Nagkatinginan na lang
kami ni Tammy dahil pareho kami nang nasa isip na dalawa. I know Mom hates Travis
but she's always being nice to that jerk. She's damn doing that for my Dad.

"Nawalan na ako nang gana, I'll go ahead." Sabi ni Mom pero bago pa siya makatayo
nagsalita si Travis.

"Don't you like the food Tracy? Dad and I are working in every cents that you're
spending. Give us some credits, hindi yung gastos lang kayo nang gastos wala naman
kayong naitutulong dito sa bahay na 'to."

Napataas yung kilay ni Mom sa sinabi niya. Kahit kami ni Tammy nagulat. Anong
karapatan niya na pagsabihan si Mommy nang ganon? Ang kapal talaga nang mukha niya.

"Excuse me but I don't think you have the right to talk to me that way Travis."
Napatayo si Travis tapos napangisi siya. Mukhang hindi ko magugustuhan yung
sasabihin niya. "Give me some respect."
.

"Are you kidding me? You're my Dad's mistress, do you think I will respect you?"

Hindi ko napigilan yung sarili ko kaya napatayo agad ako sa kinakatayuan ko


pagkatapos kinuha ko yung kwelyo nang damit niya. Sobrang nag iinit yung dugo ko
sakanya. "Say that again to my Mother and I'll destroy you're fvcking face."
Ngumisi na naman siya sakin.

"Try me." Wala pang dalawang segundo sinuntok ko siya sa mukha niya nang
napakalakas.

"Troy anak! Tama na!" Inawat ako pareho ni Mom at Tammy pero gustong gusto ko pa
ding suntukin si Travis hanggang sa masira yung mukha niya. "Pabayaan mo na siya."

Napatayo si Travis habang hawak hawak niya yung labi niya na puro dugo. Tinignan
niya kami nang masama. "Matuto kayong lumugar, bastardo lang kayo sa bahay na 'to."

"Gago ka pala eh!" Sigaw ko.

"Try harder Troy." Ngumisi siya ulit sakin bago siya naglakad palayo samin.

"May araw ka din sakin! Gago!" Nanginginig yung buong katawan ko sa galit. Hayop
siya, napakalaki niyang gago.

"Kuya tama na, hayaan mo na. Ang importante mag focus ka sa presentation mo mamaya.
It's your last chance to prove yourself to dad." Pinikit ko yung mata ko pagkatapos
huminga ako nang malalim.

"Tama ka Tammy I can't fail Dad, not now." Lumapit sakin si Tammy pagkatapos
niyakap niya ako.

"Andito lang kami ni Mom para sayo." Ngumiti siya sakin tapos napatingin ako kay
Mom. Lumapit din siya samin ni Tammy at niyakap niya kami.

"Kayo lang? Ako din noh, group hug." Lahat nang galit ko unti unting nawawala dahil
sa kanilang dalawa. "Power hug para sa presentation mamaya!" Sigaw ni mama.
.

"Power hug!" Dagdag ni Tammy pagkatapos niyakap nila akong dalawa nang mahigpit.

"Thanks guys, wish me luck later."

Gumaan na yung pakiramdam ko. Nawala na yung pagkainis at init nang ulo ko. Alam
kong eto yung gustong mangyari ni Travis, ang hindi ako makapag focus para mamaya
at ang pumalpak ako sa harap ni Dad. Kahit kailan talaga, madumi siya mag trabaho.

Humiga muna ako sa kama ko para magpahinga sandali. Maya maya biglang tumunog yung
phone ko at nakita kong tumatawag si Tiffany. Kinalma ko muna yung sarili ko para
makausap niya ako nang maayos. Ayokong malaman niya yung nangyari dahil ayokong mag
alala pa siya sakin.

"Hello Boo." Bati ko.

[Hi Boo, okay ka lang ba?"]

"Oo naman Boo, ayos lang ako."

["Don't lie to me, I know you're not. Girlfriend mo ako kaya boses mo pa lang alam
ko na kung may problema ka o hindi. Ano bang nangyari Boo? Gusto mo bang puntahan
kita dyan?"]

"Wag na, ayos lang ako. Wala ka bang gagawin ngayon?"

["Opening ngayon nang flower shop ko, nakalimutan mo na ba?"] Naramdaman ko agad
yung lungkot sa boses niya. Fvck! How can I forget about that? ["Pupunta ka naman
'di ba Boo?"]

"Uhm.. Boo kasi.. may presentation ako mamaya sa board meeting namin.."

["Ah, ganon ba? Sige okay lang."] Ramdam na ramdam ko yung disappointment sa boses
niya. Pambihira naman kasi sa dami dami nang makakalimutan ko, ayon pa? Nagsabay pa
kasi yung dalawa.
.

"Wag ka mag alala Boo, hahabol ako mamaya. Hindi pwedeng mawala ako don, alam kong
importanteng araw para sayo yon."

["Talaga? Promise?"]

"Promise cross my heart, pumanget man ako" Bigla siyang tumawa.

["Hihintayin kita Boo. Sige na, mag hahanda na ako, see you later. I love love love
you."]

"Okay, see you there! I miss you and I love love love you too."

Mas lalo akong kinabahan. What if hindi ako makapunta mamaya? Mapapatawad kaya ako
ni Tiffany? Leche naman oh, nag sabay pa kasi sila. Ang dami ko nang atraso kay
Tiffany. Lahat ata nang pangako ko lately wala pa akong natupad dahil sa business
namin. Hindi ko kakayanin kung masasaktan ko na naman siya dahil sa hindi ko
pagtupad sa pangako ko.

Hinanda ko na lahat nang kailangan ko. Nagpaalam ako kala Mom at Tammy tapos
dumiretso na ako sa kotse ko. Bago ako makalabas nang gate nakasabay ko yung kotse
ni Travis. Parehong huminto yug kotse namin. Binaba agad niya yung side mirror
niya.

"Sayang wala ako sa board meeting para makita yung failure mo." Ngumisi na naman
siya. Kinalma ko lang yung sarili ko, alam kong iniinis niya lang ako.

"Buti wala ka don kasi baka mapahiya ka kapag na close yung deal mamaya." Nginisian
ko lang din siya. Hindi niya ako mapapabagsak.

"Well that's fine, mas importante naman yung pupuntahan ko kesa sayo. Good luck
little brother."

"Don't call me brother." Seryoso kong sabi pero tumawa lang siya. "Pwede ba umalis
ka na lang kung aalis ka. Wala akong pakialam sayo."

.
"If that's what you want, okay then. Don't worry I'm gonna leave now, I don't want
to be late to Tiffany's flower shop's opening." Natigilan ako sa sinabi niya. "I
know you're not coming, so dont worry I'll be there for Tiffany. Besides she
doesn't need you." Hinigpitan ko yung hawak sa manibela sa sobrang inis ko. "I hope
I won't be seeing your face there." Ngumisi na naman siya bago siya umalis.

Damn you Travis, damn you.

Pinikit ko ulit yung mata ko para kumalma ako. Kahit anong pagpipigil ko hindi ko
pa din maiwasan na mainis. Hindi ko matanggap na wala ako sa tabi ni Tiffany pero
si Travis nandon. Anong klase ba kong boyfriend?

Wala kang kwenta Troy, wala.

Binilisan ko yung pagmamaneho papunta sa office. Nanalo si Travis, wala na yung


focus ko para sa presentation mamaya. Hindi ko tuloy alam kung kakayanin ko pa ba o
hindi.

Umakyat agad ako sa taas. Hinanda ko yung presentation ko sa board room.

Maya maya lang pumasok na sila dad kasama yung mga possible business partners
namin. Pinipilit ko na kalmahin yung sarili ko para hindi ako pumalpak mamaya.

"Good afternoon, ladies and gentlemen." Bati ni Dad. "I would like to introduce,
Troy Mendoza who will be presenting our new project for our business venture."
Napatingin ako kay Dad, ang tulis nang tingin niya sakin.

"Hi everyone, let's begin?" Tanong ko sakanila.

Huminga ulit ako nang malalim. Inalis ko lahat nang bagay na tumatakbo sa isip ko
tapos inisip ko lang yung presentation ko. Eto na yung nag iisang chance ko para
mapatunayan ko yung sarili ko sa sarili kong ama. Hindi ako pwedeng pumalpak dito.

Nung natapos na yung presentation ko, para akong nabunutan nang malaking tinim sa
lalamunan ko. Ngayon, hihintayin ko na lang yung resulta kay Dad. Inabot na siguro
ako nang dalawang oras sa paghihintay.

.
Tinignan ko yung relo at konting konti na lang yung oras na natitira sakin para
makahabol sa opening nang flower shop ni Tiffany. Pinagpapawisan na ako sa kaba.
Sana makaabot pa ako.

Bumukas yung pinto nang board room at isa isa silang nagsilabasan. Lumabas si Dad
pero hindi niya ako kinausap, sinabihan lang ako nang secretary niya na sumunod ako
sa office niya.

Pagpasok ko don, nakatayo siya at nakaharap sa bintana.

[Now Playing: Climax - Team B]

"Maupo ka." Tipid niyang sagot.

"Dad, what did they say?" Kabado kong tanong.

"You failed Troy. You didn't close the deal." Para akong binagsakan nang malaking
bagay sa likod ko. Para akong nawalan nang lakas. "Once again, you failed me."

"Dad I'm really sorry, I did my best." Natawa na lang siya.

"Well your best was not good enough."

"Dad please give me one more chance. I'll close that deal, I promise." Humarap siya
sakin pagtapos tinignan niya ako na para bang kinakahiya niya ako.

"I told you, it's now or never Troy. You failed and it's over. I should have known,
sana kay Travis ko na lang pina-handle ang lahat. I'm so disappointed in you."

Sinara ko yung dalawa kong kamay para pigilan yung sobrang galit na nararamdaman ko
ngayon.

"Ever since naman Dad, I'm just a disappointment for you, a failure."
.

"Don't you talk to me like that. I'm your father!" Hindi ko naiwasan na maiyak.

Siguro eto na yung tamang oras para ilabas ko na lahat nang sama nang loob sakanya.
"You've never been a father to me because for you I'm not your son."

"Anong pinagsasasabi mo Troy?!"

"Si Travis lang naman yung tinuturing mong anak 'di ba? Siya lang naman yung palagi
niyong nakikita, siya lang yung palaging tama para sa inyo. Ako? Ako yung palaging
walang ginagawang tama para sa inyo. Para sa inyo wala akong kwenta." Pinahid ko
yung mga luha sa mata ko pero hindi ko pa din mapigilan na maiyak.

"That's because you haven't proved anything to me and to our family."

"Do I need to prove anything to be your son?" Pareho kaming natahimik na dalawa.
"How can you see my success if you're always looking at my failure?"

"Hindi mo naiintindihan ang lahat Troy."

"Eh di ipaintindi niyo sakin! Pagod na akong patunayan yung sarili ko sa inyo Dad.
Sawang sawa na akong ipagsiksikan yung sarili ko sa inyo! Kahit mahirap pinipilit
kong abutin kayo pero pilit pa din kayong lumalayo sakin Dad."

Hinayaan ko na lang yung sarili ko na umiyak. Hindi ako iyakin pero pag dating sa
pamilya ko at sa mga taong mahal ko nagiging emosyonal ko.

Tinignan ko yung relo ko at alas otso na nang gabi. Alam kong wala na akong aabutan
pa sa shop ni Tiffany. Binigo ko na naman siya. Hindi ko na naman natupad yung
pangako ko sakanya dahil kay Dad.

"Pati yung babaeng mahal ko, posibleng mawala dahil kagustuhan kong matanggap niyo
ako, na makita mo din ako na isang anak mo."

Tumalikod na ako kay Dad. Simula ngayon, tatanggapin ko nang hindi na niya ako
maituturing niyang anak.
.

"Ang gusto ko lang naman Dad, yung tawagin mo at ituring mo akong anak.. yun lang."

Umalis ako nang office niya. Ang bigat nang pakiramdam ko habang pababa ako nang
building. Lahat nang pangarap ko nasira. Tama nga siguro si Dad, I'm just a
disappointment and a failure.

I'm a useless bastard.

"Mr. Troy!" Lumingon ako pagkatapos nakita ko yung secretary ni Dad. "Pinapatawag
po kayo ni Boss."

Natigilan ako, pinapatawag ako ni Dad? Ano kayang problema? May nakalimutan pa ba
siya? Kulang pa ba na pumalpak na ako. Huminga ako nang malalim, bahala na babalik
na lang din ako.

Iniwan ako nang secretary niya sa harap nang pintuan. Unti unti kong binuksan yung
pintuan tapos nakita ko si Dad na nakaupo sa upuan niya.

"Dad?"

Tumayo siya tapos lumapit siya sakin.

"Son.. I'm sorry."

Natigilan na naman ako dahil sa gulat. Hindi ko na naman napigilan na maiyak. Hindi
ako makapaniwala eh, buong buhay ko hindi niya ako tinawag na anak, ngayon lang.
Ngayon lang.

"Patawarin mo ako, Troy anak."

"Dad are you really calling me your son?"

.
"You're right, I've never been a father to you. Patawarin mo ako.." nagulat ako
nang bigla akong niyakap ni Dad. "Now I'll be the one who's gonna ask for a second
chance. Troy, give me another chance to be a father to you.." niyakap ko din si
Dad.

"Dad hindi mo kailangang gawin yan. Tinawag mo lang akong anak, sapat na sakin
yon." Hinarap ako ni Dad, at sa unang pagkakataon nakita ko din siyang ngumiti
sakin.

"Malaki yung kasalanan ko kay Travis, iniwan ko yung mama niya at nag asawa ako
nang iba kaya siguro lahat nang atensyon ko binuhos ko sakanya. Hindi ko
namamalayan, nag kukulang na pala ako sayo Troy. Patawarin mo ako.. I've realized
everything after you've told me you're thoughts."

"Dad it's okay, what's important is we're okay now." Niyakap ko ulit si Dad.

"And I forgot to tell you this.. I'm so proud of you, son." Hindi ko na napigilan
yung sarili ko na umiyak nang sobra.

Para sa isang anak na buong buhay na may pinapatunayan sa ama niya, ang sarap
marinig nang mga yon.

"Thanks Dad.. thank you."

"Now go, you need to take back you're girl." Shoot, naalala ko si Tiffany.

"Thank you Dad, thanks."

Bumaba agad ako at pumunta sa kotse ko. May abutan man ako o wala, gusto ko pa ding
puntahan si Tiffany.

Masaya ako kasi nagkaayos na kami ni Daddy at sa wakas, anak na din ang turing niya
sakin. Buong buhay ko yon inasam kaya sana wag siyang mawala sakin kasi parang
baliwala lang ang lahat kung mawawala siya sakin.

Pakiramdam ko wala na talaga akong aabutan. Tinawagan ko siya pero naka off yung
phone niya. Binilisan ko lalo yung pagpapatakbo nang kotse ko. Nasa malayo pa lang
ako nakita ko na si Tiffany pero kasama niya si Travis.

May kung anong kumurot sa puso ko. Ang sakit makita na may kasamang iba yung taong
mahal mo.

Bago ako bumaba nang kotse ko, hinintay ko munang makaalis si Travis. Ayokong mag
away na naman kami sa harap ni Tiffany. Nung nakaalis na si Travis, lumapit agad
ako kay Tiffany.

"Boo.." Nilingon niya ako at nagulat ako kasi halatang umiyak siya. "I'm sorry.."

"Gusto kong sanayin na nandito ka lagi sa tabi ko, pero mali, hindi pala dapat."

"Boo I'm sorry kung ngayon lang ako."

"Okay lang naman sakin kung huli ka nang dumating o kahit hindi ka na dumating pero
ang sakit lang kasi sa ginagawa mo, pinapamukha mo sakin na wala akong halaga
sayo." Lumapit ako sakanya pagkatapos hinawakan ko yung kamay niya pero inalis niya
agad yung kamay ko sa kamay niya.

"Boo, intindihin mo naman ako."

"Troy pagod na akong intindihin ka.. pagod na pagod na ako." Umiyak siya bigla.
Gusto ko siyang yakapin pero lumayo siya sakin. "Ako ba kahit minsan initindi mo?
Hindi naman 'di ba?"

"Alam mo naman na mahalaga yung oras ko eh."

"Oras mo lang ba ang mahalaga? Paano naman yung oras ko ha? Akala mo hindi yun
naaaksaya sa tuwing pinaghihintay mo ko at pinagmumukhang tanga."

"Tiffany patawarin mo ko, pangako huli na 'to. Bigyan mo pa ako nang isa pang
chance.."

"Kung alam mong wala naman na siyang paki, tama na. Kasi sa kakalaban mong yan, sa
huli, ikaw lang ang masasaktan." pinahid niya yung mga luha sa mata niya. "Ayan
yung sinabi sakin ni Travis at sa tingin ko tama siya, ngayon pa lang nasasaktan na
ako paano pa kaya kapag pinatagal ko pa?"

Hinila ko siya palapit sakin at niyakap ko siya. "Tiffany please.. pangako hindi na
mauulit."

"Troy ilang beses ka na bang nangako sakin at hindi din naman natupad?" Tinulak
niya ako palayo. "Pagod na ako umasa at mag hintay sa wala.. pagod na akong
maniwala."

"Anong gusto mong gawin ko Tiffany? Kailangan kong patunayan yung sarili ko kay
Daddy kaya lahat nang atensyon ko nasa business namin. Intindihin mo naman yon oh."

"Palagi kitang iniintindi pero sa ginawa mo kahit anong pilit kong intindihin ka,
hindi ko magawa." Naiyak na naman siya. "Sa kagustuhan mong mapatunayan yung sarili
mo sa Dad mo, nakalimutan at nabaliwala mo na ako.."

"Tiffany Im really sorry.."

"Patawarin mo din ako Troy pero tingin ko mas okay kung mag hiwalay na lang muna
tayo." Gusto kong matawa sa sinabi niya.

"Nagbibiro ka lang naman 'di ba?"

Hindi niya ako sinagot at nakatingin lang siya sakin. "I'm sorry Troy.. masakit din
sakin 'tong gagawin ko." umiyak na namannsiya, pero bakit? Eto naman yung gusto
niya 'di ba? "Minsan kailangan nating palayain ang nag-iisang bagay na nagpapasaya
sa atin para mawala ang nag-iisang dahilan kung bakit tayo nasasaktan."

Lumuhod ako sa harap niya. "Tiffany please, don't do this to me.. mahal na maha
kita at hindi ko kakayanin kung mag hihiwalay tayo.." hindi ko na napigilan na
maiyak ulit. "Tiffany please.."

"Baka kapag nawala ako malaman mo na kung ano ba talaga yung halaga ko sayo.."
tumalikod siya sakin pagkatapos pumasok siya sa loob nang shop niya.

.
Napaluhod ako tska ako umiyak nang umiyak. Ang sakit, sobrang sakit. Nakuha ko nga
yung bagay na buong buhay ko ginusto pero yung bagay na gusto kong manatili sa
buhay ko habang buhay, nawala.

"Iniwan mo na ba talaga ako Tiffany?"

Ang tanga tanga ko. Wala akong kwenta.

Naglakad ako papunta sa kotse ko, gusto kong uminom. Gusto ko na kahit sandali lang
mawala yung sobrang sakit na nararamdaman ko ngayon. Wala naman akong karapatan na
mag reklamo dahil kasalanan ko lahat 'to. Isa kasi akong malaking gago.

Hindi ko pa din mapigilan na maiyak habang nag mamaneho ako. Pakiramdam ko umiikot
yung paningin ko at parang unti unting nanlalabo dahil sa mga luha sa mata ko.

Bigla na lang ako nasilaw sa ilaw na nasa harap ko. Isang malaking truck yung
babangga sakin.

Pinikit ko na lang yung mata ko dahil alam kong wala na akong magagawa.. kung
mamamatay man ako sana mapatawad pa ako ni Tiffany..

Mahal na mahal kita boo..

Itutuloy..

---

Goodbye na ba Troy? Will we see you in heaven? #3chapstogo!

####################################
58: Tagaytay Trip
####################################

58: Tagaytay Trip

.
.

[Now playing: Everything has changed - Taylor Swift]

Candice's point of view.

Tumayo ako sa pinto ng kwarto niya habang siya abot langit pa din yung ngiti.
Talagang ang saya saya niya. Hindi ko din tuloy mapigilan na mapangiti.

Napansin na ako ni Kuya kaya lumapit siya sakin.

"Oh manang bakit?"

"Gusto lang kita i congratulate. Masaya ako para sa inyo ni Ate Serina." Ginulo
niya bigla yung buhok ko na para akong bata.

"Thanks baby sister." Mukhang maganda talaga yung mood niya ha, tinawag ba naman
akong baby sister.

"Ano ba? Wag mo na ako i baby pa, mag aasawa ka na!" Natawa siya bigla.

"Kahit anong mangyari, baby sister pa din kita. Baby damulag nga lang." Tumawa na
naman siya nang malakas. Mag aasawa na nga lang siya, ang lakas pa din niyang mang
alaska sakin. Hmp! He's going to miss me. "Manang, kapag umalis na ako sa bahay,
ikaw na muna yung bahala kay Mama ha?" Napayuko ako sa sinabi ni Kuya. "Oh anong
problema ha?"

"Wala 'to, inaantok pa kasi ako. Sige na, mag hahanda ako nang mga gamit ko kasi
maya maya aalis na tayo." Tumalikod agad ako para hindi niya makita kung sakaling
maiyak man ako.

Pumasok agad ako sa loob nang kwarto ko tapos sinara ko yung pintuan. Humiga ako sa
kama ko pagkatapos pinikit ko yung mata ko.

.
Selfish ba ko?

Ayokong umalis si Kuya sa bahay. Masaya ako para sakanila ni Ate Serina pero kapag
naiisip ko na aalis na nang bahay si Kuya hindi ko maiwasan na malungkot nang
sobra. Sigurado ako na mahihirapan ako sa pag-alis ni Kuya. Sa loob nang
dalawampung taon, kasama ko na siyang lumaki at nung umalis si Papa siya na yung
naging Kuya slash Papa ko.

Ayoko talaga kapag kay taong umaalis.

Sana maging puno na lang yung mga taong mahal ko para kahit anong mangyari
mananatili lang sila kung nasaan sila.

Meron nang mga luha na tumutulo galing sa mata ko. Naalala ko si Papa, I miss him
so much.

"Candice?" Pinahid ko yung mga luha sa mata ko pagkatapos pumunta agad ako sa
pintuan para pagbuksan si Mama. "Ready ka na ba? Nandyan na si Shawn sa baba."

"Give me ten minutes." Pinilit kong ngumiti kay Mama dahil ayokong mahalata niyang
umiyak ako.

Nagmadali akong mag handa para sa Tagaytay trip namin. Hinanda ko na din yung
sarili ko para mamaya.

Kailangan ko nang sabihin kay Lucas ang totoo. Ayoko nang patagalin pa yung
sitwasyon namin. Isa akong malaking tanga para paasahin pa siya sa wala. He doesn't
deserve to be hurt.

Pagkababa ko ready na silang lahat. Nandon na din si Ate Serina. Sumakay kami sa
Van, si Kuya Charles yung nag mamaneho tapos si Lucas naman yung katabi niya.

"Serina Ija, kailan ang kasal niyo ni Charles?" Tanong ni Halmoni.

Natigilan kami panandalian sa tanong na yon. Tinignan ko si Ate Serina at parang


hindi niya alam yung sasabihin. "Ah.. ang plano po kasi ni Charles Halmoni, after
graduation." Graduation? Eh next week na yon ah?

"Ah mabuti naman, gusto ko pang maabutan yung apo ko sa tuhod." Lahat kami nagulat
sa sinabi na yon ni Halmoni. Si Ate Serina hindi alam kung anong ire-react. Buti na
lang hindi kami masyado naririnig nila Kuya sa harap. "Candice, gusto ko din
maabutan yung apo ko sa tuhod sa inyo ni Shawn." Naubo ako bigla sa sinabi ni
Halmoni.

"Mama, masyado pa pong bata si Candice para don." Sabi ni Mama.

"Candice is already twenty but dont worry, I can wait." Seryoso niyang sabi.
"Nakausap ko na naman si Shawn about it." Nagkatinginan na lang kami nila Mama.
Hindi na ako nag comment.

Sinandal ko na lang yung ulo sa upuan tapos napatingin na lang ako sa bintana nang
sasakyan.

Yes I love Lucas pero sa tingin ko sa pagmamahal na 'to, mas nangingibabaw yung
pagmamahal ko sakanya bilang kaibigan. Hindi ko naman matatanggi na dumating din
talaga sa punto na minahal ko talaga siya as a lover. Kaso nung bumalik ulit si
Jeydon sa buhay ko, duon ko na realized na iba pala talaga yung pagmamahal ko kay
Lucas at kay Jeydon. Na realized ko na yung pagmamahal ko pala kay Jeydon, hindi
lang siya simpleng pagmamahal katulad kay Lucas.

Sinaktan man niya ako, iniwan at pinagtabuyan pero sa huli minamahal ko pa din
siya. Ganon nga ata talaga kapag True Love mo.

"Andito na tayo!" Sigaw ni Lucas sa harap. Nilingon niya kami mula sa likod kaya
napatingin din ako sakanya. "Hi prinsesa." Ngumiti siya sakin at ganon din ako.

Bumaba na kami pagkatapos pumunta kami don sa lobby nang hotel.

Ang lakas maka throwback nang lugar na 'to. Naalala ko yung date namin nila Jeydon,
Marky at Stacey dito. Hindi ko tuloy napigilan na mapangiti kapag naaalala ko lahat
yon.

"Why are you smiling?" Napatingin ako kay Lucas, nakaitingin pala siya sakin. Aish!
Nakakahiya. "Excited ka na ba? Anong gusto mong puntahan? Horseback ridding o duon
sa skates?" Pinilit ko pa din ngumiti sakanya. Nasasaktan kasi ako para kay Lucas,
minamahal niya ako pero ako may minamahal na iba.

"Kahit saan, ikaw ba saan mo gusto?"

"Kahit saan basta kasama kita." Bigla niyang hinawakan yung kamay ko. "Alam mo
namang ikaw yung kaligayahan ko 'di ba? Kaya kung nasaan ka, nandon din ako."

"Siguro mas maganda kung maglakad lakad na lang tayo." Biglang sumingit si Kuya
Charles sa gitna namin.

"Sinong sasama samin? Sasakay kami ni Sweety pie sa cable car."

"Candice gusto mo ba?" Tanong sakin ni Lucas.

"Ahm.."

"Ay pasensya na Shawn, hindi nga pala sumasakay yan si manang sa cable car, takot
kasi yan sa matataas eh." Tumawa nang nakakaasar si Kuya. Hmp! Lakas talaga niya
mang alaska. "May fear of heights kasi 'to si Manang eh."

"Nakasakay na kaya ako dyan! Kasama ko si Jeydon!" Biglang natigilan si Kuya


Charles tapos napatingin siya kay Lucas. Aish! Bakit ko ba nabanggit si Jeydon sa
harap ni Lucas? Ang stupid ko naman. "Mabuti pa Kuya umalis na kayo ni Ate Serina,
hindi na kami sasama baka ma istorbo pa namin kayo don."

"Sige, mamaya na lang."

Tinignan ko si Lucas. Nakangiti siya sakin pero alam ko naman na may lungkot sa mga
mata niya.

"Candice, saan kayo pupunta ni Shawn?"

"Hindi ko pa po alam Mama." Sumingit naman bigla si Halmoni.

.
"Candy, hayaan mo na muna sila Lucas at Candice. Mabuti pa pumunta tayo don sa
jakusi nila dito." yung ngiti ni Halmoni, kakaiba. I know she's setting me up to
Lucas.

Umalis na sila Mama, Halmoni at Yaya Linda kaya ayon naiwan kaming dalawa ni Lucas
dito. Bigla akong nailang. Hindi ako mapakali at parang ang bigat nang loob ko.

Napagisipan namin na maglakad lakad na lang muna. Hindi ko alam pero pareho lang
kaming tahimik na dalawa. Minsan napapatingin ako sakanya pero duon siya sa harap
nakatingin.

[Now playing: Back to december - Taylor Swift]

"Gusto mo bang mapag-isa?" Nagulat ako sa tanong ni Lucas. "Looks like you don't
want to be with me." Nakangiti pa din siya sakin pero alam ko namang nasasaktan
siya eh. Hindi ko na kaya, ayoko nang makita siya na ganito.

"Tama na, wag mo nang palabasin na ayos ka lang dahil alam ko naman na hindi ka
okay. Alam kong nasasaktan ka." Umiwas siya nang tingin sakin.

"Ayoko lang na makita mo akong nasasaktan at mahina. I'm sorry. Alam kong madami
kang iniisip at ayokong mag alala ka pa sakin." Tumalikod ako agad sakanya dahil
hindi ko na napigilan na maiyak.

I'm so stupid for hurting a guy like him.

Ayoko na talagang patagalin pa 'to. Pinahid ko yung mga luha ko pagkatapos hinarap
ko siya. Huminga muna ako nang malalim. "Lucas can you just stop loving me?"

"Are you serious?" Naging seryoso bigla yung mukha niya.

"Lucas, oo mahal kita pero hanggang kaibigan lang talaga yung pagmamahal ko na 'to
sayo. Si Jeydon talaga yung mahal ko eh.." hindi ko na naman napigilan na maiyak.
"I'm sorry.. I'm really sorry.." nilagay ko yung dalawang kamay ko sa mukha ko
dahil ayokong makita niya akong ganito.

.
Lumapit siya sakin pagkatapos niyakap niya ako. "Wag kang humingi nang sorry, hindi
mo kasalanan na mahalin siya."

"Napakasama ko para saktan, ikaw na wala namang ibang ginawa kung hindi mahalin
ako. Alam kong nasasaktan na kita ngayon pero ayoko nang masaktan ka pa lalo.."
hinarap ko siya pagkatapos tinignan ko yung mga mata niya. "You deserved to be
loved."

"Alam ko naman, una pa lang na talo talaga ako. Alam kong siya yung pipiliin mo
pero umasa pa din ako kasi gusto kitang ipaglaban, ayokong isuko ka nang ganon na
lang." Bigla na lang naiyak si Lucas at parang dinudurog yung puso ko na makita
siya nang ganito. Eto yung unang pagkakatao na nakita ko siyang umiyak.
"Nakakapagod, Nakakasawa, Nakakaiyak pero wala akong magawa kasi mahal kita."

"Kung nasasaktan ka na, itigil mo na. Wag ka nang magpakabayani at magtira ka para
sa sarili mo, unahin mo sarili mo bago yung ibang tao." hinawakan ko yung mukha
niya pagkatapos pinahid ko yung mga luha sa mata niya. "May mga bagay na gusto
natin pero hindi naman natin kailangan."

Hinawakan ni Lucas yung mga kamay kong nasa mukha niya. "Pero ikaw yung kailangan
ko Candice.. kailangan kita.."

"Hindi mo ako kailangan Lucas, hindi ako nararapat para sayo." Nakikita kong
pinipilit niyang pigilin yung pag iyak niya pero hindi niya magawa, sobra siyang
nasasaktan ngayon.

"Hindi naman ako yung pumili sayo eh, yung puso ko.." hawak hawak pa din niya yung
kamay ko habang umiiyak siya. "I love you so much Candice.."

"Hanggang kailan mo balak magtiis sa mga bagay na dapat iniiwan mo na?" pinahid ko
ulit yung mga luha sa mata niya. "Tama na, isuko mo na ako."

"Hindi ko kayang isuko ka, mahal kita eh."

"Minsan kailangan mo din na sumuko para maisip mo pagod kana at tama na." Hinawakan
ko yung kamay niya. "Hindi ko na mapapatawad yung sarili ko kapag nakita pa kitang
nasaskatan dahil sakin. You deserved all of this. Please.. just give up on me."

Tumalikod siya sakin pagkatapos napaupo siya at duon umiyak ulit. Kapag nakita mo
siya sa ganitong sitwasyon parang dinudurog yung puso mo.

Napaka bait niya para masaktan nang ganito. Wala naman siyang ginawang masama eh,
minahal lang naman niya ako eh.

"Kahit alam kong walang magagawa yung sorry ko, sorry pa din. Sorry kasi nasaktan
kita, sorry kung hindi kita kayang mahalin katulad nang pagmamahal mo sakin, sorry
kasi pinaasa kita sa wala.. alam ko ang sama sama ko.. kung pwede ko lang sana
kunin lahat nang sakit na nararamdaman mo ginawa ko na."

Lalapit pa lang sana ako sakanya pero bigla siyang humarap sakin. Hinawakan niya
yung kamay ko pagkatapos tumingin siya sa mga mata ko.

"I love you so much that I just can't let you go.." Sa mga mata pa lang niya
mararamdaman mo na agad yung sakit na nararamdaman niya. "Tanggap ko nang siya yung
pinili mo pero hindi pa din kita kayang isuko. Gusto ko pa din lumaban kahit na
alam kong sa huli, talo pa din ako."

"Lucas please.. wag mo nang pahirapan yung sarili mo."

"Mangako ka sakin."

"Ano yon?"

"Ipangako mo na hindi na hindi ka na iiyak, na magiging masaya ka sa piling niya."

Tumango ako at ngumiti sakanya. "Pangako."

Lumapit siya sakin pagkatapos hinalikan niya yung noo ko. Tinignan niya ulit ako sa
mga mata ko. Kitang kita ko yung maamo niyang mukha. Ngumiti ulit siya sakin.

"Kahit kailan, hindi ka naging akin. Alam kong si Jeydon talaga yung nag mamay-ari
sayo pero sinubukan ko pa din kasi mahal kita." Tumalikod siya sakin. "Mahal na
mahal kita kaya hindi ganon kadali na bitawan at isuko ka. Just give me time
Candice.."

.
Nakatayo lang ako habang pinagmamasdan si Lucas na naglalakad palayo sakin.

"Mianhae Lucas.."

Unti unting tumutulo yung mga luha galing sa mata ko. Ang hirap at ang sakit na
masaktan mo yung taong walang ibang alam kung hindi mahalin ka lang.

Naglakad ako palayo sa hotel.

Masakit at mahirap man yung ginawa kong pag amin sakanya, para akong nabunutan nang
tinik dahil alam kong hindi na aasa pa si Lucas sa wala. Gumaan yung pakiramdam ko
na na finally, he's starting to let me go.

I hope he would forget all the feelings he had for me. I want to see him happy. He
deserves to be.

Sandali, saan ba ako papunta?

Hindi ko alam kung saan ako dinala nang paa ko pero nagulat na lang ako nung nasa
isang puno na pala ako. Isang pamilyar na puno.

Hinanap ko yung sinulat niya dito noon.

Jeydon and Candice, always and forever.

Napangiti ako bigla. Parang kailan lang nung sinulat yan ni Jeydon. Sabi niya kapag
sinulat daw namin yung pangalan namin sa puno na 'to, magkakatuluyan daw kaming
dalawa. Totoo kaya yon?

"Candice?"

"Ay palaka!" Bumilis yung tibok nang puso ko dahil sa gulat. Pambihira! "Jeydon?!"

.
"Uy nandito ka pala? Akalain mo nga naman yon oh." Tumawa siya. Psh, as if hindi
niya alam na nandito kami eh alam kong sinabi sakanya yon ni Kuya Charles. "Tadhana
nga talaga, palagi tayong pinagtatagpo."

"Anong ginawa mo dito ha?"

"Bawal ba ko dito? Hindi naman sayo yung lugar na to ah!" Tumawa na naman siya,
abnormal na pusong robot talaga siya. "Halika nga dito, mag usap tayo." Umupo siya
duon sa ilalim nang puno. Ano kayang balak niyang gawin? "Samahan mo na ako dito,
please?" Hindi ako umupo, tinignan ko lang siya. "Please? Please? Pleeease?"

"Fine, matahimik ka lang." Umupo ako sa tabi niya pagkatapos ang laki nang ngiti
niya. Bigla na lang niyang hinawakan yung kamay ko."Oh para saan yang hawak na
yan?"

"Miss na miss na kasi kita eh." Pakiramdam ko, nag iinit yung mga pisngi ko. "I
miss you baby girl."

"Miss? Palagi naman tayong magkasama ah."

"Oo nga pero hindi naman kita mayakap o kaya mahalikan. I miss kissing and hugging
you." Kinindatan niya ako bigla tapos lumapit siya sakin. "Can I kiss you?"

Tinulak ko nga siya palayo. Ano siya sinuswerte? "Jeydon Lopez!" Tumawa na naman
siya. Ano bang problema niya?

"You're blushing so maybe you really want me to kiss you huh?" Sinamaan ko siya
nang tingin. "I'm just kidding baby girl."

"Stop calling me baby girl!" Hindi pa naman kami ulit ha?

"Kung ayaw mo nang baby girl eh anong gusto mong itawag ko sayo? Asawa ko?" Nanlaki
yung mata ko sa sinabi niya sa huli. Asawa daw? Sira talaga siya. "I've heard,
ikakasal na daw si Tanda."

"Oo, baka after graduation."


.

"Ah tayo kaya, kailan?" Naubo ako bigla.

"Sira ka talaga!" Hinampas hamapas ko siya sa braso niya. "Seriously, hindi ko pa


naiisip magpakasal. Bata pa tayo, tska ayon si Kuya matanda na yon, twenty three na
yon eh."

"Sabi nila pangarap daw nang mga babae yung mala fairy tale wedding. Ikaw ba anong
gusto mo?"

"Gusto ko pag kinasal ako, white sand beach wedding tapos madaming fireworks. Ikaw
pag kinasal ka, saan mo gusto?

"Sa tabi mo."

Automatic akong napangiti sa simpleng salitang yon. Iba talaga epekto sakin ni
Jeydon.

"I love you Candice.." napatingin ako kay Jeydon. "Mahal kita, Saranghae, Te amo, I
love you sobra sobra."

Bakit ganito? Bumibilis pa din yung tibok nang puso ko kapag sinasabihan niya ako
nag I love you. Andito pa din pala yung magic na meron kami noon.

I love you too Jeydon.

"Umuulan!" Sigaw ni Jeydon at unti unti nang pumapatak yung ulan. "Tara baby girl!"
Nagulat ako nung binunat niya ako tapos tumakbo kami sa isang lugar na hindi ko
makakalimutan.

Sa secret house.

"Basang basa na tayo." inapuyan niya yung chimney tapos bigla siyang nag hubad nang
shirt niya. Nanlaki yung mata ko kasi shet nakita ko na naman yung mga abs niya.
Etchusera ka na lang kung sasabihin mong hindi ka naaakit sa katawan ni Jeydon.
Sabi nga, katawan pa lang ulam na. "Candice?"

"Pahinging kanin."

"Ha? Kanin? Gutom ka?" Ay potek! Ano ba yon napalakas yung pagkakasabi ko sa isip
ko. Nakakahiya naman. Napatingin siya sakin tapos sa abs niya. Ngumisi siya tapos
lumapit siya sakin. "Pinagpapantasyahan mo na naman yung katawan mo noh?"

"Ha? Hindi noh! Mag bihis ka nga! Akala mo naman ang ganda nang katawan mo."
Syempre minsan dapat i deny mo sa harap niya, nakakahiya eh.

"Ayokong magka sipon at ubo." Lumapit siya sa bintana. "Mukhang matagal pa bago
tumila yung ulan. Mabuti pa dumito na lang muna tayo, malapit na din mag gabi."
Kinuha niya yung cellphone niya sa bulsa niya at parang may tinitext siya.

"Paano sila Mama? Baka hanapin nila ako."

"I already texted them." Naglakad ulit siya tapos umupo siya sa harap nang chimney.
"Come here, you'll need to dry up." Lumapit ako sakanya pagkatapos umupo ako sa
tabi niya. "Do you still remember our first kiss here?"

Napalunok ako bigla. "Ahm.. oo."

"For me that was the most romantic and unforgettable kiss that I had." Hinawakan na
naman niya yung kamay ko pagkatapos sumandal siya sa balikat ko. "Alam mo ba yung
pinakamasayang araw na nangyari sa buhay ko? ayon yung araw na nakilala kita at
hindi ko akalaing sa isang iglap mamahalin pala kita ng sobra."

"Ako din, hindi ko akalain na mamahalin pala kita nang sobra sobra." Nagkatinginan
kaming dalawa. "So it's true, good girls really falls for bad boys."

"How can you resist a bad boy like me?"

Napatingin ako bigla sa labi niya. Biglang bumilis nang sobra yung tibok nang puso
ko at parang nag slow motion na naman yung mundo ko. Damn, I also miss his kiss.

.
"Kiss me, Jeydon."

"Huh?"

"Shut up and just kiss me."

Ngumiti siya pagkatapos lumapit siya sakin tska niya ako hinalikan. Sa puntong yon,
inalis ko lahat nang nasa isip ko at tanging si Jeydon lang inisip ko. Hinayaan ko
lang yung sarili ko na gawin kung anong sinasabi nang puso ko, ayon ang halikan
siya.

Hinawakan niya ako sa bewang ko habang nakaupo kami habang ako naman hawak hawak ko
yung mukha niya. We're kissing each other so intimately. I guess that's because we
miss each other so much.

Naramdaman ko na lang na unti unti nang bumababa yung labi ni Jeydon sa leeg ko.
"Hey, easy bad boy."

"Damn it, I'm sorry baby girl."

Ngumiti lang ako sakanya. "It's alright."

"I just can't resist you. I'm sorry." Hinawakan ko yung mukha niya. "I'm really
sorry, I didn't mean to go beyond that kiss."

"I know how much you love and respect me so I trust you." Lumalit ulit ako sakanya
pagkatapos hinalikan ko ulit siya. "I love you, Jeydon Lopez."

"I love you more and more my OTL."

"OTL?"

"My One True Love."


.

Tinitigan ko yung mga mata niya. Para akong nahuhulog at pakiramdam ko para akong
lumulutang sa saya. He can make me fall for him over and over again.

Damn I'm so in love with this bad boy.

Itutuloy..

--

Last 2 chaps, 3 days to go before the EXOeting ending :)

Wooh! mag ingay mga BAMERS! xD


####################################
59: Grad Ball
####################################

59: Grad Ball

Candice's point of view.

Nakatulala lang siya habang nakatingin kay Troy. Pareho akong naaawa sa kalagayan
nilang dalawa. Nag hiwalay man si Tiffany at Troy, alam kong hindi mawawala yung
pag mamahal nila para sa isa't-isa at naniniwala din ako na mag kakabalikan pa
silang dalawa.

"Kasalanan ko lahat ng 'to." Nagsimula na naman siyang maiyak. "Kung hindi dahil
sakin, hindi siya maaaksidente.. hindi naman ito yung gusto kong mangyari." Lumapit
ako sakanya para yakapin siya.

"Wala kang kasalanan, aksidente lang ang lahat." Pagpapagaan ko nang loob niya.
"Wala namang may gusto nito eh."

"Candice hindi ko mapapatawad yung sarili ko kapag may nangyaring masama sakanya."
"Magdasal na lang tayo na walang mangyari sakanyang masama." Kahit papaano
napatahan ko na din si Tiffany.

"Candice and Tiffany, take a break. Kami na muna ang mag babantay kay Troy."

Nagkatinginan kami ni Tiffany at mukhang ayaw niyang umalis pero wala kaming magawa
dahil sila yung pamilya ni Troy. Isa pa kanina pa tinitignan nang masama ni Tammy
si Tiffany, mukhang sinisisi niya si Tiffany sa nangyari sa Kuya niya.

Inalalayan ko si Tiffany na lumabas nang kwarto. Inaya ko siyang kumain sa may


canteen nang ospital. Simula kahapon hindi pa siya kumakain, nag aalala na nga ko
sakanya dahil baka pati siya magkasakit. Umorder ako nang makakain naming dalawa.

"You should eat, Tiffany." Parang naiiyak na naman siya pero pinipigilan niya lang.
"You should be strong, for him."

"How? When I know that I'm the reason for all of his suffering?" Nilagay niya sa
mukha niya yung mga mukha niya tska siya umiyak ulit. "Ang sama sama ko eh."
Lumapit ako sakanya tska ko siya inakbayan.

"Ayaw niyang makita kang ganyan, so be strong okay?" Hinarap ko siya sakin tapos
pinahid ko lahat ng luha mata niya. "He's going to be fine."

Tumango siya tska siya kumain. Alam ko naman na sobra siyang nahihirapan,
napagdaanan ko na din yan nang na comatose si Jeydon.

Pagkatapos kumain bumalik na kami at umupo lang muna kami sa labas nang kwarto ni
Troy. Maya maya nakita namin si Tita Tracy at Tito Mike na papalapit sa pwesto
namin.

"Tammy?" Sabi ni Tita Tracy kaya napalingon kami sa likod namin at nandon nga si
Tammy.

Sandali, kung nasa labas din sila eh sino yung bantay kay Troy?

"Bakit mo iniwan yung kuya mo ha? Sinong bantay sakanya?" Nag aalalang tanong ni
Tita.
"Mom calm down, nandon si Kuya Travis."

Nagmadali kaming pumasok sa loob at nakita namin si Travis at nagulat kami kasi
gising na si Troy at parang nag tatalo silang dalawa.

"Troy anak!" Lumapit agad sakanya si Tita Tracy. "Anong nararamdaman mo?" Iniwan ko
muna sila, ako na yung nag volunteer tumawag sa doktor.

Pagpasok ni doc sa loob tinignan niya agad si Troy. Hinanap ko si Travis pero wala
na siya. Saan kaya siya nag punta?

"How are you feeling Mr. Mendoza?" Tanong sakanya nang doktor. May kakaiba kay Troy
at hindi malaman kung ano yon.

"I'm doing good, Doc." Malamig niyang sabi.

"That's good," hinarap kami ni Doc. "We will just do some final testz and I can
admit him after that. Everything seems to be fine."

"Thank you Dr. Sanchez." Sabi ni Tito Mike tapos sinamahan niya palabas si Dr.
Sanchez.

"Anak, anong nararamdaman mo ha?" Nag aalalang tanong ni Tita Tracy. "Hindi ka
naman nagka amnesia, hindi ba?" Biglang natawa si Troy. Meron pa ding kakaiba
sakanya.

"Mom, sa mga palabas lang sa TV, nangyayari yon. Wala akong amnesia." Napatingin
siya sakin. "Best friend buti nandito ka," ngumiti siya sakin pero nung tumingin
siya kay Tiffany naging cold bigla yung tingin niya. "Nandito ka din pala." Ayon
siguro yung mali kay Troy, he's been so cold na parang ibang tao siya lalo na kay
Tiffany.

"Anak sigurado ka bang wala kang amnesia? Bakit ganyan ka kay Tiffany? Girlfriend
mo siya."
"Mom, I said I don't have amnesia. I remember her but she's not my girlfriend
anymore. She already broke up with me." Napatingin agad ako kay Tiffany at parang
bigla siyang nanghina kaya inalalayan ko agad siya.

"Mom hayaan na natin, wala na pala sila eh." Tinaasan kami nang kilay ni Tammy.
"Kuya mag kwento ka kung anong nangyari sa presentation mo tska--"

"Tammy, your brother needs to talk to Tiffany Lets go outside."

"But mom!"

"Tamara Mendoza." Seryosong sabi ni Tita Tracy kaya napabuntong hininga na lang si
Tammy at sumama siya kay Tita na lumabas.

"I'll go ahead Tiffany, I wish I could see you both next week in our Graduation's
ball." Ngumiti siya sakin pero alam kong kinakabahan siya. "Bye Troy! Pagaling ka
ha!"

Ngumiti din sakin si Troy pero napakalamig nang ngiti niya na yon. Siguro kay
epekto sakanya yung aksidenteng nangyari. Kung ano man yon, sana magkaayos pa sila
ni Tiffany.

Umuwi na ako sa bahay at tska nag pahinga. Bukas grad ball na namin, malapit na
pala yung graduation ko. Parang kailan lang. Ano kayang mangyayari sa grad ball?

After one week..

"Enjoy manang."

"Thank you Kuya!" Sumaludo siya sakin tapos ngumiti siya. "Enjoy ka din don." Nag
wave ako sakanya tska siya umalis.

Unfortunately, magkaiba kami ni Kuya nang university kaya duon siya sa University
niya mag graduation ball. Mas pinili niya don kasi palaging nandon si Ate Serina
para sa mga events nang campus na yon. Pag-ibig nga naman.
Pagpasok ko pa lang sa University namin, kitang kita ko na agad yung stage at mga
ilaw sa open field namin. Ang ganda nang mga ilaw tska nang mga decorations nila.
Parang prom night lang.

Naglakad ako papalapit don at ang gaganda nang mga suot nila. Ang daming balloons
sa paligid at ang dami ding pagkain at may mga wine pa tapos mga Christmas lights.
Parang nasa bar ka lang na nasa open field dahil sa mga party lights at sa mga
tables na walang upuan.

"Bee!" Nilapitan agad ako ni Stacey. Nakasuot siya nang red long dress, ang sexy
niya pa din. "Wow ang ganda mo dyan sa dress na yan, hindi ako magkamali nang
pagpili niyan!" Hinila niya ako papunta duon sa table. "Sinong partner mo ngayong
ball?"

"Kailangan ba yon?"

"Not necessarily. Akala ko lang kasi meron." Yung ngiti niya sakin. Ano na naman
kayang iniisip niya? "Asan na kaya yung kapatid ko?"

Biglang na lang dumating sa harap namin si Marky kasama si Ginno at Six.

"Hi beautiful ladies." Kinditan nila pa kaming dalawa. After all this years ang
gwapo pa din nila pero parang may kakaiba sa aura ni Marky. Mukha siyang masaya.

"Balita ko pupunta dito ngayon si Troy, nasan na kaya siya?" Tanong ni Marky. Sakto
pagbanggit nang pangalan ni Troy, dumating siya.

"Cute and handsome ba narinig ko?" Nagulat kaming lahat, hindi dahil sa pag dating
niya kung hindi dahil kasama niya si Amber.

"Tangek Troy yung sabi ko!"

"Well, Troy means cute and handsome." Bigla siyang tumawa, typical Troy mendoza.
"Si Amber pala, ka date ko ngayon." Nagkatinginan na lang kaming lahat. Ano bang
nasa isip niya at nakipag date siya sa iba? Wala pang isang linggo simula nang nag
break sila ni Tiffany. "Sige, sasayaw lang kami. Hoy mga ugok! Tara don!"
"Anong nangyari? Ang alam lang namin naaksidente si Troy." Tanong ni Marky. Hindi
pa pala nila alam yung break up nung dalawa. "Are we missing something?"

"Break na si Troy at ang kapatid ko." Pati sila nagulat. "Kung bakit hindi ko alam
at ayoko na din alamin pa dahil sa inaasal ni Troy, she doesn't deserve my sister."
Uminom siya nang wine tska siya nag taray. "Mukhang bumalik siya sa pagiging jerk
at playboy niya." Napaisip ako, ayon ba yung kakaiba napapansin ko kay Troy?

"Stacey, sayaw tayo?" Aya sakanya ni Ginno.

"My pleasure." Tumingin siya sakin. "Bee dyan ka lang ha, sasayaw lang muna ako."
Tumango ako tapos umalis na sila kasama si Six. Naiwan naman kaming dalawa ni Marky
sa may table.

"Ang alam ko pupunta dito si Jeydon."

"Talaga?" wala man lang pasabi yung pusang yon. "Asan na kaya siya?"

"Nasa paligid lang yon at malamang binabantayan ka niya." Natawa na lang si Marky
tapos napatingin siya sa langit na puro bituin. "Ako kaya binabantayan ni Mommy at
Ginny sa langit?"

Napatingin din ako sa langit. Ang dami ngang bituin at ang gaganda nila. "Sigurado
ako don, palagi naman tayong binabantayan nang mga taong mahal natin sa nasa
langit."

"Kung maibabalik ko lang yung mga panahon na buhay pa sila, ipapakita ko sakanila
kung gaano ko sila kamahal." Tinignan ko siya at hinawakan ko yung kamay niya.

"Hindi na natin maibabalik yung nakaraan pero ang mahalaga pahalagahan mo yung mga
alaala na kasama mo sila." Tumingin din siya sakin tapos ngumiti siya.

"Minsan kasi kung kailan wala na yung mga taong mahal natin tska pa lang natin
nalalaman yung halaga nila satin." Natigilan ako sa sinabi ni Marky, naalala ko
kasi si Papa. "Kaya Candice, pahalagahan mo lahat nang taong mahal mo." Tumayo siya
at inayos niya yung damit niya. "Ayokong mag drama ngayon, panahon 'to para mag
saya dahil after nito graduate na tayo at panahon na yon para mag seryoso. Do want
to dance?" Alok niya sakin.

"Sige na, dito lang ako."

Naglakad siya papunta sa gitna. Kung ano man yung nakita kong saya kay Marky kanina
sana magtuloy tuloy na yon. He deserves to be happy. Ang laki na din naman nang
pinagbago niya eh. Mula sa player na bad boy isa na siyang Mr. Nice guy.

Nakatingin lang ako sa mga nagsasayaw sa gitna habang umiinom ako nang juice.
Nakita ko don si Blake na kasayaw si Menchie. Nakakatuwa silang pag masdan kasi
mukhang in love na in love sila sa isa't isa.

Sa hindi kalayuan nakita ko si Tiffany na kasama si Travis. Naguguluhan na din ako


sitwasyon nilang tatlo ni Troy. Ang sabi lanb sakin ni Tiffany, ayaw na siyang
kausapin pa ni Troy. Hindi ko akalain na tatagal nang isang linggo yung pag
hihiwalay nila at mukhang wala nang pag-asa na magkabalikan pa sila.

Naisip ko tuloy si Lucas. Umalis siya agad sa Tagaytay pagkatapos kong magtapat
sakanya at simula din nuon, wala na akong narinig sakanya. Alam kong sobra sobra ko
siyang nasaktan at gusto ko sana siyang makausap. Mahalaga pa din siya sakin at
gusto ko pa ding maging okay kaming dalawa pero siguro hindi nga lang ngayon dahil
alam kong nasasaktan pa din siya sa mga sinabi ko.

"It seems you're alone." Napalingon agad ako sakanya. "Can I join you?"

Tumango ako sakanya pagkatapos tumabi siya sakin. "Kamusta ka na, Kim?"

"Mas maayos na ako ngayon. I finally learned how to move on with him and with my
life. Ayon na din siguro yung dahilan kung bakit matagal ako nawala." She looks
more okay now than before. "Nakausap ko na siya at okay na kaming dalawa. We're
still friends."

"That's good to hear." Hinawakan niya bigla yung kamay ko.

"Please do take care of him and love him as much as I did. Alam kong hindi na siya
sa akin at kailan man hindi na siya mapapasakin pa."
"Don't worry, I will. Thank you, Kim." Ngumiti siya sakin at for the first time
gumaan yung loob ko sakanya. "Salamat kasi nag paubaya ka kahit na alam kong mahal
na mahal mo si Jeydon."

"Oo mahal na mahal ko siya pero pagod na din ako eh." Kumuha siya nang baso ng wine
tapos uminom siya tapos napangiti siya."Ang puso pala parang paa. Napapagod,
nangangalay at dumadating sa puntong namamanhid."

"May mga bagay kasi na hindi mo pwedeng makuha kasi nakalaan siya sa iba."
Napatingin siya sa langit.

"I think I've just been matured enough to face the fact that he's not coming back
to me anymore." Uminom ulit siya nang wine. "That's why I've realized that maturity
is part of moving on." Habang tumatagal mas na appreciate ko si Kim. Ang lami nang
pinagbago niya.

"Masaya ako para sayo. Sana makita mo na din yung taong mamahalin mo at mamahalin
ka." Hinawakan niya ulit yung kamay ko.

"Salamat at patawad din, sa lahat." Sa lahat nang apology na narinig ko, isa siya
sa pinaka sincere. "Ganon siguro talaga kapag nagmahal ka nang sobra, kahit ano
kaya mong gawin para sa taong mahal mo."

"Tama ka, kahit ano magagawa mo para sa taong mahal mo kahit na isakripisyo mo yung
kaligayahan mo." Nagulat ako kasi bigla niya akong niyakap.

"I wish we could be friends but I'm flying back to Canada after graduation. I hope
you and Jeydon will stay in love forever. Ayokong masayang lahat nang pag
sasakripisyo ko. Pagtiisan mo siya at wag kang mapagod na mahalin siya." Hinarap
niya ako sakanya tska siya ngumiti sakin. "Ang pagmamahal habang pinaglalaban, mas
lalong nagiging makahulugan."

"Thank you Kim, thank you sa lahat." Lumapit ako sakanya tska ko siya niyakap,
niyakap ko siya nang mahigpit. "For me, you're my friend now and I wish you all the
best."

"I'll see you when I see you."

Pinagmasdan ko siya habang naglalakad palayo sakin. Ang gaan sa pakiramdam na okay
na kayo nang naging kaaway mo pero kung tutuusin hindi ko naman talaga siya kaaway,
nag mahal lang siguro kami nang iisang lalaki.

Umalis muna ako sa field tska ako dumiretso sa building namin para mag rest room.
Nag madali na lang ko dahil madilim na sa paligid at halos lahat nandon sa field.

Habang naglalakad ako pabalik may bigla na lang bumuhat sakin. "Wah! Bitawan mo
ako! Sino ka?!" Hindi niya ako pinakinggan at patuloy lang siya sa paglalakad.
Anong gagawin niya sakin? "Bitawan mo ako! Ano ba!" Hindi siya nagsasalita tapos
bigla siyang lumabas nang campus at dumiretso siya sa parking lot. Itatakas niya ba
ako?! Kidnapper ba siya? "Tulong! Tulong!" Nilagay niya ako sa likod nang kotse
tapos sumakay siya sa harap. "Hoy kidnapper! Anong gagawin mo sakin!"

"Easy, baby girl." Nanlaki yung mata ko nung nakita ko siya. "We're just going on a
date okay? Sorry about that, I just want to surprise you but you're so loud."

"Loud? Eh parang kini-kidnap na ako tatahimik lang ako?" Pambihira talaga siya!

"Oo nga noh? Hindi ko naisip yon. Well alam mo na naman kaya just sit there okay?"
Ngumiti siya tapos pinaandar na niya yung kotse.

"Saan tayo pupunta?"

"Shhh, just sit there and be quite." Psh! Ang bossy niya ha siya na nga yung
tumangay sakin dun sa grad ball namin. "I hope you'll gonna like it."

Ano kaya yung binabalak niya at saan naman kami pupunta?

Siguro after thirty minutes, nakadating na din kami sa pupuntahan namin. Sa isang
lugar na minsan ko nang napuntahan.

Nagpark siya duon at inalalayan niya akong bumaba. Sumandal lang siya sa harap nang
kotse niya tapos binigyan niya ako nang lata nang kape. Tinabihan ko siya at pareho
naming tinignan yung mga ilaw sa baba. Ang ganda talaga dito.

"Ang ganda dito noh? special 'tong place sakin kaya dinala kita dito." Mabuti pa
wag ko na lang sabihin sakanya na nanggaling na ako dito kasama si Marky, ayoko
siyang ma disappoint. "Usapan namin ni Marky, kapag nakita na namin yung babaeng
para sa amin, dadalhin namin siya dito."

"Tingin mo ba ako na talaga yung babaeng para sayo? Paano kung hindi?" Tinignan
niya ako tapos hinawakan niya yung mukha ko habang nakatingin siya sakin. "Tandaan
mo na mapaglaro ang tadhana lalo na sa atin."

"Kung hindi man ikaw yung babaeng nakalaan para sakin, gagawa ako nang paraan para
maging ikaw yon dahil ayoko sa iba, ikaw lang yung gusto ko." Napangiti na lang ako
sa sinabi niya, kahit kailan hindi siya nabigong pasayahin ako kahit sa mga
simpleng salita lang. "Kinilig ka naman agad dyan?" Okay na sana eh, bumanat pa.

"Bakit pala wala ka sa grab ball natin kanina?"

"Nandon ako, pinagmamasdan lang kita sa malayo." Totoo pala talaga yung sinabi
sakin ni Marky. "Ayoko lang lumapit sayo kanina."

"Huh? bakit naman?"

"Gusto kong sanayin ka na wala ako." Nagulat ako sa sinabi niya, anong ibig niyang
sabihin don? "Aalis na kasi ako papuntang Korea after graduation, duon ako kukuha
nang master's degree. Sagot lahat yon ni Mr. Song. Sayang naman kasi kung tatanggi
pa ako, wala naman akong pera pang pa-aral sa sarili ko."

Bigla akong nalungkot. Just the thought of him leaving is already killing me. I
don't want him to go but I know that's being selfish. "Nakakagulat pero alam ko
naman na makakabuti sayo yon."

Kinuha niya yung kamay ko. "Napagdaanan na natin 'to hindi ba? Kaya alam ko na kaya
natin lagpasan ulit 'to. Madami mang dumaan at dadaan pang pagsubok satin alam ko
naman na isasalba tayo nang pagmamahal natin sa isa't isa." Niyakap niya ako. "Kaya
mo naman akong hintaying bumalik, hindi ba?"

"Paano kung sabihin kong hindi?"

"Yah!" Bigla siyang nag pout sakin. "Sige ka, maghahanap ako don nang girlfriend na
mas maganda at sexy pa sayo."
"Okay lang, nandito naman si Lucas." Nginisian ko pa siya.

"Don't you dare be with other guys, I'm going to beat them if I see them with you."
Pinisil ko yung dalawang pisngi niya

"Bad boy mo talaga." Tumawa naman siya.

"Etong bad boy naman yung minahal mo hindi ba?" Niyakap ko ulit siya. Oo isang bad
boy yung minahal ko. "Bad boy ako pero pag dating sayo nagiging good boy ako."

"Alam ko at ang sarap sa pakiramdam na may isang bad boy na nagbago para sayo."

Bigla niya akong hinarap sa langit. May dumaang shooting star. "Make a wish,
Candice."

I wish I could be with this bad boy forever.

"Oh anong wish mo?" Tanong ko sakanya.

"I wish for your happiness." Biglang kumunot yung noo ko, bakit para sa akin lang
yung wish niya? pero para sa akin, napaka sweet non. "I love you, Candice Gonzales-
Lopez."

"Huh?"

"Practice lang, bakit bagay naman ah?" Tumawa na naman siya. Pinag masdan ko lang
siya. Kahit minsan nagiging abnormal siya, ang gwapo pa din niya. "Oo nga pala, I
have a graduation gift to you." Nilabas niya sa jacket niya yung isang mahabang
sobre.

"Ano naman 'to?" Bubuksan ko na sana pero bigla niya akong pinigilan. "Wae?"

"After graduation mo pa yan pwedeng buksan, Arasso?" Sayang, excited pa naman ako.
"Yess po boss Jeydon." Hinila niya ako papunta sa harap niya tapos niyakap niya ako
mula sa likod ko habang nakatinging kami sa mga bituin. "Anong drama yan?"

"Anong wish mo duon sa star at pati na din duon sa padlock?" Sinandal ko yung ulo
ko sa kanya. Kapag nandyan sa tabi ko pakiramdam ko palagi akong safe.

"Secret yon."

"Ang daya mo!" Natawa na lang ako, para kasi siyang bata.

"Sabi kasi nila kapag sinabi mo daw yung wish mo sa iba, hindi magkakatotoo yon
kaya secret."

"Whatever it is, I wish it will come true."

Sana nga, sana magkatotoo.

Hinigpitan niya yung pagyakap sakin tapos pinatong niya yung ulo niya sa balikat
ko. Pakiramdam ko ang perfect nang date na 'to kahit na simple lang.

"I will miss you.. Candice."

Hinawakan ko yung mga kamay niya. "I will miss you too but my heart will always be
with you."

Itutuloy...

--

I will post the last chapter later.

Nakakaiyak na matatapos na yung TGGR!! huhu. >.<

####################################
60: Graduation
####################################

60: Graduation (This is the last chapter)

[Now playing: Story of my life - One Direction]

"They say experience is the best teacher. Well I guess the worst experiences teach
the best lessons. And according to Pete Seeger, The difference between education
and experience? is that education is when you read the fine print; experience is
what you get when you don't. So graduates, make your every experience in life
memorable, always learn from it and make the best out of it."

Napatingin na naman ako sa paligid para hanapin yung dalawa. Hindi sila umakyat
kanina sa stage nung tinawag yung pangalan nila at kanina ko pa silang hindi
nakikita. Nasan kaya si Jeydon at Lucas? Wala ba talaga silang balak pumunta sa
graduation?

"Congratulations graduates!"

Lahat kami nang palakpakan sa sinabi nang University President namin. Tumayo kami
pagkatapos hinagis namin pataas yung mga toga namin. Inalis ko muna sa isip ko yung
dalawa.

Tumingin ako sa langit at nakita ko don si Papa na nakangiti sakin. Hindi ko


mapigilan na maging masaya.

Sa wakas, graduate na ko.

Sobrang saya naming lahat. After all the pain and hard work, nakatapos din kami sa
pag-aaral. Sabi nga ni Mama, ang diploma ang isang bagay na hindi pwedeng ipagpalit
sa kahit na anong bagay sa mundo. Sabi naman ni Papa ang diploma ay pwede mong
ituring na isang karangalan mo. Ang sarap sa pakiramdam na naka graduate ka.

"Congratulations bee!" Bati sakin ni Stacey.


"Sayo din, bee." Hinila niya ako papalapit sakanya tapos nang selfie kaming dalawa.
Maya maya biglang lumapit samin si Tiffany.

"Oy oy! bakit kayo lang ha?" Bigla siyang nag pout kaya tinarayan agad siya nang
kapatid niya.

"Halika nga dito!" Hinila niya si Tiffany tapos nag picture din kaming tatlo pero
hindi pa natatapos don.

Bigla na lang na sumali sa amin sila Marky, Blake, Ginno, Six at Troy samin.

"Graduate na tayo!" Sigaw ni Ginno.

"Wuhoo! Let's go celebrate!" Sigaw naman ni Blake. Ang saya saya nila. "Party!
Party! Party!"

"Tara sa bahay!" Singit ni Troy.

"Candice, pupunta ka ba?" Tanong ni Tiffany sakin. "I'm going there." Nilingon ko
si Mama at naghihintay na siya sakin.

"Mauna na kayo, may pupuntahan pa kami." Hinila ko silang dalawa tapos niyakap ko
silang magkapatid. "Congratulations satin! Graduate na tayo!"

"Thanks bee, we'll see you later, okay?" Ngumiti ako at tumango sakanila pagkatapos
naglakad na ako papunta kay Mama.

"Congratulations anak." Hinawakan ko yung kamay ni Mama.

"I'm sorry ma, wala akong honors ngayon. I guess masyado akong na distract sa ibang
bagay." Ngumiti lang siya sakin.

"May honors ka man o wala, I'm so proud of you anak. You and your brother are my
greatest achievement in life. I love you anak." Niyakap ako ni Mama at ganon din
ako. "Let's go? Nandon na yung Kuya at Halmoni mo."

Bago ako umalis nilingon ko ulit yung place, nagbabakasakali na makita ko si Lucas
at Jeydon pero bigo ako. Pareho silang wala sa graduation namin. Nasan kaya sila?

Nag drive kami papunta sa puntod ni Papa. Dahil mag kaiba kami nang University ni
Kuya kaya sa ibang place siya grumaduate. Ako kasama ko si Mama at siya naman
kasama si Halmoni at Yaya Linda. Pagdating namin don sinalubong agad kami ni Kuya
Charles.

"Congratulations manang!" Ginulo gulo niya pa yung buhok ko. Aish! sira na yung
ayos nang buhok ko, si Kuya talaga.

"Congrats din Kuya! Sa tanda mo na yan buti Graduate ka na!" Tumawa ako nang
malakas maya bigla niya akong sinamaan nang tingin.

"Three years lang naman agwat natin sa isa't isa. Pasalamat ka nga nag stop ako
dati nang dalawang taon kaya nakasabay mo ko mag aral. Aminin mo, ang saya nang
high school life mo dahil sakin!" Nilagay niya sa bewang niya yung dalawa niyang
kamay tapos tumawa siya nang malakas. "Akalain mo yon, yung nerd na katulad mo may
gwapo at Hearttrob na kapatid na kagaya ko."

"Whatever Kuya." Tinarayan ko siya pagkatapos dumiretso na lang ako kay Halmoni
para mag bow sakanya.

For the first time, ngayon ko lang nakita si Halmoni na ganito kasaya. "I'm sure
kung nasaan man ang Papa mo proud na proud siya sa inyo ni Charles. And I'm also
proud for the both of you, my grandchildren." Niyakap ko din si Halmoni. Kahit na
ang sungit sungit niya alam kong mahal na mahal niya kami.

Nagsalo salo kami sa tapat nang puntod ni Papa. Kahit wala na siya sa tabi namin,
pakiramdam ko buo pa din yung pamilya namin. Alam ko naman na palagi lang nadyan si
Papa at binabantayan kami.

"Papa, mas masaya sana kung nandito ka para makipag celebrate samin pero alam ko,
kung nasaan ka man ngayon masaya ka. Sana masaya ka din saming dalawa ni Candice."
Nakatingin lang ako kay Kuya Charles. Once in a blue moon ko lang siya makita na
ganito, emotional tska seryoso. For how many years, siya yung tumayong Ama sa
pamilya namin at alam kong hindi yon madali. "I hope you're proud of us."
Lumapit ako kay Kuya Charles. "Alam kong proud siya sa atin Kuya, lalong lalo na
sayo." Napatingin sakin si Kuya. "Hindi mo kami pinabayaan ni Mama simula nang
umalis at nawala si Papa. Kahit na minsan inaasar mo ko at kahit minsan ang higpit
mo, para sakin ikaw yung pinaka the best na Kuya sa buong mundo. Salamat sa pag
aalaga mo samin Kuya. I love you Kuya." Niyakap ko siya at ganon din siya sakin.

"Ang corny manang pero mahal din kita."

"Bakit kayo lang? Group hug nga dyan!" Sigaw ni Mama. Nakakatuwa lang na pati si
Halmoni sumali sa group hug namin. "Congrats to the newly graduates!"

Nag dasal muna kami bago kami nag pasya na umalis kaso napag isipan ko na mag stay
saglit sa puntod ni Papa. Nauna na sa bahay sila Mama tapos si Kuya naman susunduin
si Ate Serina para pumunta sa party kala Troy.

Umupo ako sa harao nang puntod ni Papa. Nilapag ko don yung diploma ko.

"Papa para sayo yang diploma ko na yan."

Humiga ako sa damuhan tapos nakita ko na naman yung mukha ni Papa sa mga ulap.

"Salamat sa lahat lahat. Sa pag aalaga mo sakin at pag mamahal mo. Mahal na mahal
kita Papa tska daddy's girl ako hindi ba? Baby girl mo ako kahit na ang laki laki
ko na."

Hindi ko naiwasan na maiyak. Nagiging emotional talaga ako pag dating sa pamilya
lalong lalo na sa Papa ko.

"Papa, sana patawarin mo ako kung naisip ko man na maghiganti noon. Hindi ko alam
na kapag pala pag hihiganti yung nasa isip mo, mababalot ka nang poot at galit."

Naalala ko yung mga araw na nasaktan ko nang sobra dahil sa inakala kong pangloloko
sakin ni Jeydon. Yung mga araw na nag bago ako para lang makapag higanti ako.

"Habang tumatagal, naiisip ko kung ano ba yung mapapala ko sa pag hihiganti ko.
Magiging masaya ba ako kapag nasaktan ko din sila? Hindi eh, naisip ko na baliwala
lang lahat nang ginagawa ko dahil wala naman magandang maidudulot yon sakin."

Bumalik sa mga alaala ko yung mga pangral sakin ni Papa noon.

"Tama ka Papa, one way to be happy is forgiveness." umupo ako tapos hinaplos ko
yung puntod niya. "Hindi ka magiging masaya kung puno nang galit at pag hihiganti
yung puso mo."

Napangiti ako, tama nga si President. Experience is the best teacher. Sa lahat nang
mga napagdaanan ko, wala kahit isang libro yung nagturo sakin kung paano maging
matatag at paano ba talaga maging masaya. Tanging mga napagdaan ko lang sa buhay ko
yung nagturo sakin non. Sa lahay nang yon madami akong natutunan.

Kapag naranasan mo nang masaktan duon mo ma appreciate kung paano ba maging masaya.

At natutunan ko ding pahalagahan yung mga taong mahal ko dahil hindi habang buhay
nasa tabi mo lang sila.

"Salamat sa lahat nang mga pangaral Papa, palagi ko yun tatandaan. I love you po."

Naglakad na ako papunta sa kotse ko at papunta sa bahay nila Troy. Baka nandon si
Jeydon o kaya si Lucas. Sana nga nandon silang dalawa.

Pag dating ko don ang dami nang tao. Halos lahat ata nang batch namin nandon. Pati
si Edward at powerpuff girls nandon. Hinanap ko agad sila Stacey.

"Bee!" Pagkakita ko pa lang sakanya, nakakunot na agad yung kilay niya. "Anong
nangyari sayo ha?"

"Naiinis kasi ako kapag nakikita ko si Edward at si Blossom. Nakakairita sila sa


mata." Hanggang ngayon ba hindi pa din siya maka get over sakanilang dalawa? "Bakit
kasi nandito pa yang mga yan."

"Hayaan mo na at mag enjoy ka na lang, sige ka ma haggard yung beauty mo nyan."


Napatingin siya sakin.
"Tama ka bee, mabuti pa kumain na lang muna tayo." Hinila niya ako sa mga pagkain
pero parang wala akong gana kumain. "Nakakainis din 'to si Tiffany kasama niya si
Travis tapos si Troy naman si Amber yung kasama. Si Abby na lang yung maaasahan ko
pero wala pa siya dito."

"Nakita mo ba si Lucas o kaya si Jeydon?" Kanina ko pa sila hinahanap pero mukhang


wala din sila dito. "Asan na kaya sila?"

"Tutulungan kita sa pag hahanap mo. Kakain lang muna ako, okay?"

Pumunta muna ako sa may biranda habang kumakain pa si Stacey. Gusto kong mag
pahangin sandali, ang dami kasing tao sa loob.

"Hi Candice."

"Ay palaka!" Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat. Hindi ko man lang siya
napansin. "Ginulat mo naman ako Blake."

"Anong ginagawa mo dito? Ayaw mo ba sa loob?" Tumabi siya sakin habang nakasandal
kami sa may biranda.

"Nagpapahangin lang, ikaw? Asan si Menchie?"

"Kumakain, matakaw yung girlfriend ko na yon eh kaya eto, nag pahangin na lang din
muna ako." Ang cute niyang boyfriend ah, tinawag niya talagang matakaw yung
girlfriend niya. "Oo nga pala, may bagay sana akong gustong sabihin sayo."

"Ano naman yon?" parang kinabahan ako don ah.

"Tungkol kay Jeydon." Biglang bumilis yung tibok nang puso ko nung binanggit niya
yung pangalan ni Jeydon. "Alam mo bang mahal na mahal ka niya?" Tinignan ko siya at
mukha naman siyang seryoso.

"Paano mo naman nasabi yon?"


"Nung nalaman niyang may sakit siya at may taning na yung buhay niya, nag isip agad
siya nang paraan para hindi ka niya masaktan. Para sakanya mas mabuting iwan ka
niya at itulak ka papunta sa taong mas maaalagaan ka, kay Shawn. Tingin niya kasi
mas sasaya ka don."

Ibig sabihin, noon pa lang ako na yung inisip ni Jeydon at hindi yung sarili niya?

"Matagal na kaming magkakilala ni Jeydon at alam niyang kababata kita. Lumapit siya
sakin, kapalit nang business deal namin aalagaan at babantayan ka namin ni Menchie
kasi dati pa lang naka tanggap na siya nang babala mula kay Stella at Juan Paulo.
Inutusan niya din kaming alamin kung sino si S at si B. Isa pa, sabi niya sakin
ligawan kita para mag selos si Shawn at para makapag tapat na siya nang
nararamdaman niya sayo at gusto din niyang itulak kita kay Shawn."

Hindi ako nakapag salita sa sinabi ni Blake. Literal akong napanganga sa mga
nalaman ko. Alam kong mahal ako ni Jeydon peeo hindi ko alam na kaya niyang gawin
yung mga ganong sakripisyo para lang sa kaligayahan ko.

"Hindi ka niya pinabayaan. Palagi siyang nasa labas nang bahay niyo para bantayan
ka at umaasa din siyang baka makita ka niya kahit sa bintana lang nang kwarto mo.
Palagi ka din niyang pinag mamasdan sa malayo. Hindi ko nga alam kung anong ginawa
mo sakanya at ganon ka niya ka mahal."

Bigla akong naiiyak, kasi naiisip ko lahat nang sakripisyo niya para sakin, lahat
nang sakit at paghihirap na naramdaman niya.

"Kahit na inutusan niya akong itulak ka kay Shawn, hindi ko ginawa." Bigla siyang
napangiti na parang my inaalala siya. "The reason why I'm calling you Candice my
loves kasi alam kong ayon yung unang tinawag niya sayo." Inalala ko at tama nga
siya, ayon yung panahon na mag ka away pa kami. "Yung regalo ko sayo nung birthday
mo, sinadya ko talagang may doraemon don para maalala mo siya. Ako nga din yung nag
text sayo at nag kulong sa inyo sa gym, hindi ko lang akalain na masusundan kayo
don si Stella. Nung nawalan ka nang malay, hinatid ka ni Jeydon sa inyo tapos
tinawagan na lang niya ko para pag mukhain na ako yung tumulong sayo."

"Bakit Blake? Bakit imbis na itulak mo ako kay Lucas, mas pinalapit mo pa ako kay
Jeydon?" Napatingin siya sa mga mata ko.

"Dahil alam ko sa kabila nang mga nangyari, mahal niyo pa din yung isa't isa. Sa
tingin ko, wala nang mas nararapat sayo kung hindi si Jeydon lang. Isa pa, corny
man pakinggan pero naniniwala ako sa tadhana at alam ko na naka tadhana kayo para
sa isa't isa." Habang sinasabi niya yon napaka seryoso pa nang mukha niya. Ngayon
ko nga lang siya nakita na ganito ka seryoso.

"Manghuhula ka ba at alam mong kami yung naka tadhan para sa isa't isa ha?" Nawala
na lang bigla yung pagiging seryoso niya tapos tumawa siya.

"Gwapo lang ako pero hindi ako manghuhula."

"Ewan ko sayo, seryoso tayo tapos bigla kang mag bibiro." Tinignan niya ako na
parang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. "Oo na gwapo ka na. Sige na mukhang
nandyan na si Menchie." Nakita ko si Menchie na naka ngiti saming dalawa. "Salamat
sa mga sinabi mo Blake."

"Wala yon, wag mo kaming kalimutan imbitabin sa kasal niyo ni Jeydon ha?"
Kinindatan pa niya ko bago siya umalis. Loko loko din talaga siya.

Paalis na sana ako pero biglang dumating si Simon.

"Noona." Mukhang seryoso siya. "I need tell you something."

"Ano yon?" Kinakabahan ako sa kung ano man yung sasabihin niya. "May problema ba
Simon? May nangyari ba sa Kuya mo?"

"He's on the airport and he's leaving after an hour. Noona he's going to Canada for
good and I want you to talk to him before he leaves. He doesn't want me to tell you
but please, stop him from leaving."

Natigilan ako sa sinabi ni Simon. Parang hindi ko matanggap na aalis na si Lucas at


hindi man lang siya nag paalam sakin. Parang ayokong tanggapin na aalis na siya.

"We don't have enough time Noona, aalis na siya. Please make him stay or kahit
kausapin mo lang siya. I don't want him to leave a bleeding heart."

"Saang airport siya?"


"Come with me."

Sinundan ko siya pero nag paalam muna ako kala Stacey at Kuya Charles. Gusto ko din
naman siyang makausap eh. Gusto ko kahit papaano maging maayos kaming dalawa.

Habang papalapit kami sa airport hindi ko maiwasan na kabahan, sana hindi pa siya
nakaka alis.

Nung nandon na kami hinanap agad namin si Lucas. Hindi pa nakakaalis yung plane na
sasakyan niya.

"Go Noona, find him."

Pumunta agad ako sa mga waiting areas pero wala siya don. Nilibot ko na lahat nang
waiting areas pero wala talaga siya eh. "Nasan ka ba Lucas?"

Bakit ba ako nag papakahirap? pwede ko naman siyang tawagan eh. Aish! stupid
Candice. Binuksan ko yung bag ko pero hindi ko makita yung phone ko. sa pag
hahalungkat ko may nabangga ako.

"Ano ka ba?!" Sa inis ko napasigaw na ako.

"Sorry miss-- Candice?" tinanggal niya yung cap na suot suot niya tapos nakita ko
na yung mukha niya. Nanlaki agad yung mata ko nung nakita ko siya. Niyakap ko na
lang siya bigla, dala na din siguro nang emosyon ko. "Anong ginagawa mo dito?"

"Yah! why are you leaving without even saying goodbye?" feeling ko maiiyak ako.
Amp! iyakin pa din pala talaga ako. "I hate you, Lucas."

Natawa siya bigla. "Stop being like that Noona, baka mag bago pa yung isip ko."

"Ewan ko sayo! nakakainis ka!" nilapit niya yung kamay niya sa mukha ko tapos
pinahid niya yung mga luha sa mata ko. "Alam ko nasaktan kita pero akala ko mag
kaibigan pa din tayo kahit papaano." ngumiti siya sakin.
"You'll always hold a place in my heart, Noona."

"Aalis ka na ba talaga?" hinawakan niya yung mga kamay ko at naka ngiti pa din siya
sakin.

"Pagkatapos nang matagal na panahon, natanggap ko na din na hindi ka para sa akin


at kailan man hindi na magiging tayo. Pinapalaya ko na yung sarili ko, I am
starting to move on. Kailangan ko talagang umalis, sorry kung ayoko nang mag paalam
pa sayo baka kasi kapag nag paalam pa ako mag bago pa yung isip ko." pinisil niya
yung ilong ko. "Kaso pasaway si Simon sinabi niya sayo, buti na lang kaya ko pang
mag pigil."

"I'm sorry for everything, Lucas."

"There are things that we never want to let go of, people we never want to leave
behind. But I guess letting go is not the end of the world rather it's the
beginning of a new life." Niyakap niya ulit ako. "It's time for me to let you go.
Ganon naman ang love diba? Your happiness before mine. I love you, and I'm letting
you go."

"I will see you soon Lucas, right?"

"Oo naman, invited ako sa kasal niyo ni Jeydon ha?" ngumiti na lang ako sa sinabi
niya. "I need to go now, Noona. Please take care at tagawan mo agad ako kapag
pinaiyak ka ni Jeydon, baka maisip ko pang bawiin ka sakanya." kinindatan niya ako
pagkatapos nag simula na siyang maglakas palayo sakin.

Bago pa siya makalayo nang tuluyan, nilingon niya ako. "Tell Jeydon my apology! I'm
still considering him as my best friend!"

Nag wave ako kay Lucas at ganon din siya. Hindi ko maiwan na maiyak dahil sa
lungkot. Ayoko talaga nang may umaalis sa buhay ko pero tingin ko kailangan nga
talaga yon ni Lucas. Sana sa pupuntahan niya, mahanap na niya yung babaeng para
sakanya at yung kaya siyang mahalin higit pa sa pag mamahal na binibigay niya.

Pinahid ko yung mga luha ko, nakakalungkot man na umalis si Lucas may saya pa din
akong nararamdaman dahil alam ko may bagong buhay na siyang tatahakin sa Canada.

Sandali nga, ang pagkaka alam ko si Kim sa Canada din pupunta. Posible kaya silang
magkita duon?
Habang pabalik ako kay Simon biglang tumunog yung phone ko at nakita ko si Jayshin
na tumatawag.

"Hello? Jayshin may problema ba?"

["Noona, nasa airport ka na ba?"]

"Ha? oo nandito na ako, paano mo nalaman na nandito ako?"

["Ngayon na yung flight ni hyung papuntang Korea, hindi mo ba alam yon?"]


napanganga na lang ako sa mga narinig ko. Seriously? ngayon na yon? bakit hindi ko
man lang alam? bakit hindi niya sakin sinabo? ["Just find him, he's waiting for
you. It's written on his letter, he's graduation gift for you."]

"Okay sige, ako na bahala."

Aish! sabi niya after graduation ko daw yon buksan eh! Kapag nakita ko siya lagot
talaga siya sakin. Ang abnormal niya talaga!

Pumunta agad ako sa flight board para makita kung nakaalis na yung flight papuntang
Korea at para akong nanghina nung nakita kong naka alis na siya. Kinuha ko yung bag
ko tapos binuksan ko yung sobre na binigay niya sakin at nandon nga yung letter
niya.

'Meet me at the airport after graduation. Hihintayin kita hanggat hindi pa umaalis
yung plane ko. Kapag hindi ka pumunta, bahala ka! wala kang kiss sakin bago ako
pumunta nang Korea. I love you.'

Wala na si Jeydon, umalis na siya. Hindi ko napigilan na maiyak.

"Abnormal ka talaga.. bakit mo ako iniwan Jeydon?"

Itutuloy...
--

Post ko yung Epilogue bukas :) #EXOitingEnding #TGGRending


####################################
Epilogue (1st part)
####################################

Epilogue (1st part)

[Now playing: No air - Jordin Sparks]

Iniwan na ba talaga ako ni Jeydon?

Parang hindi ako makapaniwala. Ganon ganon na lang ba siya aalis dito? Aba hindi
lang siya mag babakasyon sa Korea, duon na siya titira for two years tapos hindi
man lang muna siya nag paalam sakin? Psh. Stupid cat.

Yah! Jeydon! Abnormal ka talaga.

Pumunta ako sa information section para alamin kung talagang nakaalis na si Jeydon
pero ayaw nilang ipaalam sakin dahil confidential daw yon. Wala na akong nagawa
kaya tinawagan ko na lang si Stacey, isa naman sila sa may ari nito eh.

"Bee, pwede mo bang i check kung kasama si Jeydon sa Korean flight na kakaalis pa
lang? Thanks."

Hinintay ko yung text ni Stacey, at umaasa ako na hindi pa umaalis si Jeydon na


nandito lang siya at hinihintay ako pero nung natanggap ko yung text ni Stacey
sobra akong nalungkot. Nakaalis na nga talaga si Jeydon.

Hindi ko maiwasan na matulala. Hindi ko na kasi alam kung anong gagawin ko? Ano
bang dapat kong gawin?
Tumayo ako para bumili nang ticket, susundan ko siya sa Korea.

Ang dami na niyang ginawa para sakin. Nag bago siya para sakin, kahit yung daddy
niya kinalaban niya para lang saki at kahit sarili niyang kaligayahan sinakripisyo
niya para lang sakin. Panahon na siguro ngayon para bumawi naman ako sakanya.

"I'm sorry Miss, fully booked na yung next flight papuntang South Korea." Para
akong nanlumo sa sinabi niya.

"Wala na talaga? Kahit ano dyan? Mag babayad ako kahit magkano."

"Wala na po talaga, our next flight is tomorrow." Bukas pa? Hindi ko na kayang mag
hintay nang ganon katagal.

"Sige salamat na lang."

Naglakad muna ako papunta sa waiting area. Paano ko na susundan si Jeydon sa Korea?
Nakapatay naman kasi yung phone niya kaya hindi ko siya matawagan. Tumunog yung
phone ko at nakita ko si Stacey na tumatawag.

["I'm sorry bee, wala na talaga akong nahanap na seat para sayo. And I doubled
check, talagang naka alis na si Jeydon kanina."]

"Ganon ba? Thanks bee. I guess kailangan ko talagang mag hintay bukas para sa next
flight."

["Okay bee, tawagan mo ko kapag may kailangan ka."]

Jeydon naman, bakit ka umalis nang wala ako? Kaya mo ba talaga akong iwan dito?
Kapag nakita kita, humanda ka lang sakin.

Napatingin na lang ako don sa dalawang babae sa harap ko.


"Pupunta ka pa lang Korea?"

"Oo, yung boyfriend ko kasi binigyan ako nang ticket para masundan ko siya don."
May nilabas siyang sobre na parang katulad nang sakin tapos may plane ticket yon
papuntang Korea.

Nakakainggit naman. Sana binigyan din ako ni Jeydon nang ticket. Yon na ba yung
graduation gift niya sakin? Yung message niya na pupunta siyang Korea? Sandali nga,
baka naman may laman pa yon? Kinuha ko kaagad yung sobre tapos pag bukas ko,
nanlaki yung mata ko kasi may ticket pala don na papuntang Korea. Bakit hindi ko
siya nakita agad?

Kaya pala malakas yung loob niya na umalis kahit wala ako kasi may ticket pala duon
sa gift niya sakin. Gusto niya ata na sabay kaming pumunta don. Eto pala yung
regalo niya.

Ang saya naman, masusundan ko na din si Jeydon sa Korea. Lagot talaga siya sakin
kapag nakita ko na siya don.

Tumayo agad ako tapos hinarap ko yung dalawang babaeng nag uusap sa harap ko.
"Thank you!" Nagtataka sila sa ginaw ko pero hindi ko na sila pinansin dahil
sobrang saya ko.

Naghintay lang ako nang thirty minutes bago nakaalis yung plane namin papuntang
Korea. Sa sobrang excitement hindi na ako nakapag dala nang mga damit. Hindi bale,
may mga damit pa naman ako sa Korea ang mahalaga mahabol ko si Jeydon. Ayoko nang
mag hintay pa nang bukas para puntahan siya. I need to see him, it sounds crazy but
I'm crazy in love with that boy, that bad boy.

Pag dating namin sa Incheon airport, sumakay agad ako nang taxi papunta sa Seoul.
Baka nandito lang siya. Kapag nakita ko lang talaga siya, humanda siya sakin.

Sinubukan ko ulit tawagan si Jeydon pero bigla na lang may kumuha nang phone ko.

"My phone!" Ang bilis niya tumakbo kaya kahit na habulin ko siya wala na akong
magagawa. "Wah! Yung phone ko!"

Nandon pa naman lahat nang contacts ko. Paano ko na matatawagan si Jeydon nyan?
Wah! Ang malas ko namam oh. Ayaw ba talaga nang tadhana na magkita kami?
Napaupo na lang ako. How I am going to find him now? Hindi naman ako manghuhula
para malaman ko kung nasan siya. Yung phone ko na nga lang yung nag iisang way para
makausap ko siya, ninakaw pa. Great, just great.

Napatingin ako sa langit, saan ba pwedeng pumunta si Jeydon?

Sa Namsan, sa N Seoul Tower.

Hindi ko alam pero bigla na lang yon nag pop up sa isip ko. Posible nga kayang
nandon siya? Wala naman sigurong masama kung pumunta ako don, hindi naman ganon
kalayo yon dito.

Sumukay agad ako nang taxi papunta don. Ang lakas talaga nang pakiramdam ko na
nandon siya. Baka gusto niyang alamin yung nilagay ko duon sa padlock ko.

Pagdating ko don, nagmadali ako para makapunta sa itaas. Bumilis yung tibok nang
puso ko nung sasakay na ako sa cable car. Kaya ko ba sumakay dito na wala si
Jeydon? Huminga ako nang malalim tapos inisip ko si Jeydon. Pumasok ako sa loob
tapos kumapit agad ako sa railing tapos pinikit ko na lang yung mata ko. Buong
byahe namin parang gusto kong sumigaw pero pinigilan ko na lang, nakakahiya sa mga
kasabay ko don eh.

Pag dating na pag dating ko sa taas, tumakbo agad ako papunta sa mga padlocks.
Hinanap ko agad yung padlocks namin pero nakakalungkot lang na wala don si Jeydon.

Tinignan ko yung padlock ko. Yung wish ko?

Sana kapag nahanap ko na yung taong para sa akin, hindi na kami mag hiwalay pa.

Nung panahon na sinulat ko siya, hindi pa kami magkaayos ni Jeydon pero


nararamdaman ko na noon na parang mahal pa niya ko kaya hindi ko oa totally sinara
yung pinto ko para sakanya. Nakakatuwa lang na tama pala yung naging desisyon ko.

Tinignan ko naman yung padlock ni Jeydon tapos binasa ko yung wish niya.
Sana kaya kong tuparin kung ano man yung hiling ni Candice. Sana meron pa din
kaming forever.. I love her, always and forever.

Hindi ko maiwasan na maiyak. After all this time hindi pala talaga nawala yung
pagmamahal sakin ni Jeydon. Ako palagi yung iniisip niya bago yung sarili niya. He
sacrifices a lot just because he loves me.

"Jeydon.. sana meron pa tayong forever."

Napatingin ako sa langit. Naalala ko yung mga panahon na nandito kami.

Nung niyakap niya ako duon sa cable car, aaminin ko bumilis pa din yung tibok nang
puso ko. Duon ko lang na realized na pwedeng mahal ko pa din siya nung mga panahon
na yon. Nung kumain kami at siya kumain nang ice cream, ang totoo gustong gusto ko
talagang agawin sakanya yung isang ice cream na hawak niya pero naunahan ako na
galit at pride. Nung nanuod kami nang fireworks display at may balak siyang sabihin
sakin, akala ko non sasabihin niyang mahal pa din niya ako dahil nakita ko ulit
sakanya yung mga matang meron ang dating Jeydon Lopez pero mali pala ko.

Yung mga sinabi niya dati nung nasa kotse kami? Lahat yon narinig ko dahil hindi
naman talaga ako tulog nung mga panahon na yon. Hindi ko lang siya pinaniwalaan
dahil natatakot ako na masaktan ulit.

Nakakatuwa lang na ang dami dami na pala naming napag daanan ni Jeydon pero
hanggang ngayon, mahal pa din namin yung isa't isa.

Sino ba naman kasing mag aakala na yung isang sikat at gwapong Jeydon Lopez na eh
mag kakagusto sa isang nerd at weird na Candice Gonzales? At hindi ko din naman na
inakala sa isang katulad niya ako ma iinlove. Sa isang abnormal, moody, sa isang
bad boy.

Best things really happen unexpectedly.

Bigla na lang siyang dumating sa buhay ko nang hindi man lang siya nag papaalam
sakin at sa isang iglap, minahal ko na siya nang sobra.

Ang love parang magnanakaw, hindi nag papaalam.


Mabuti pa mag hanap na ako sa ibang--

"Jeydon?"

Napatayo agad ako tapos hinawakan ko yung braso niya para maiharap ko siya sakin
pero..

"Hey! What's your problem?" Hindi pala siya si Jeydon. Nakakahiya naman, nag bow na
lang ako sakanya.

"I'm sorry. Mianhae." Tumakbo ako palayo sakanya kasi nakakatakot siya.

Ano bang nangyayari sakin? Pati ibang tao, napagkakamalan ko pang si Jeydon.

Bumaba na lang ako nang N Seoul Tower. Akala ko pa naman nandito siya pero wala
pala. Nakakalungkot naman, mukhang mahihirapan akong hanapin siya. Pinapahirapan mo
ba talaga ako Jeydon? Humanda lang sakin kapag nag kita na tayo.

Nakaramdam ako nang gutom. Mag gagabi na pala at hindi pa din ako kumakain. Pumunta
na lang ako sa isang resto para kumain. Habang nandon ako nakita ko sa TV yung EXO.
Kahit na nalulungkot ako ngayon, hindi ko pa din mapigilan na matuwa dahil
sakanila. Fan na fan kaya nila ako, ultimate bias ko sila eh lalo na si Luhan at si
Sehun, HunHan shipper kaya ako. Bakit kaya ang dami nilang interviews lately? Hindi
na ako masyadong updated ngayon dahil masyado na akong busy. Para tuloy akong tanga
kasi napapangiti ako bigla, baka isipin nila nababaliw na ako. Hindi ko lang kasi
mapigilan kasi naalala ko yung nanuod kami ni Jeydon nang concert nila.

Sino bang mag aakala na sasamahan ka nang boyfriend mo sa concert nang favorite
mong boy group? To think na sobra siyang nag seselos sa mga yon. Binuhat pa niya
ako nuon sa balikat niya para lang makita ko yung stage. At ang pinaka the best na
ginawa niya, yung nilapitan niya yung EXO para kantahan ako.

Saan ka pa ba makakakita nang isang boyfriend na katulad niya?

Wala na kay Jeydon Lopez mo lang yon makikita kaya nga napaka swerte ko na ako yung
babaeng mahal niya.
Pag tapos ko kumain, pumunta muna ako sa isang clothing shop para makapag palit ako
nang damit at bumili nang jacket, gabi na kasi at malamig dito sa Korea noh. Bumili
na din ako nang phone kaso hindi ko naman kabisado yung number ni Jeydon kaya hindi
ko din siya matatawagan.

Naglakad lakad lang ako sa Seoul, umaasang makakabangga ko dito si Jeydon.

Maya maya may mga snow na unti unting nag sisibagsakan. Wah! Snow! Gustong gusto ko
yung snow.

"Asan ka na ba Jeydon? Winter na pero hindi pa din kita nakikita. Gusto kong gumawa
nang snow man kasama ka."

Para na akong zombie sa paglalakad ko. Si Jeydon kasi eh, ayaw pa din magpakita
sakin. Asan na ba kasi siya? Saan ba siya pwedeng pumunta? Hindi ko naman alam kung
saan yung bahay nila Mr. Song dito.

Dahil nakayuko ako habang nag lalakad, may nakabangga na naman ako. Ang lakas nang
tibok nang puso ko, feeling ko si Jeydon na yung nakabangga ko.

"Jeydon?"

"Huh?" Ay epic fail na naman. Hindi pala siya, ang ilusyonada ko.

"Mianhae." Tapos nag bow ako sakanya.

Nababaliw na ata ako. Ano bang ginagawa sakin ni Jeydon?

Nalaglag yung pa yung mga gamit ko. Umupo ako para pulutin yung mga yon. Nakita ko
ulit yung sobre na regalo sakin ni Jeydon tapos nagulat ako kasi may laman pa pala
siya. Nanlaki agad yung mata ko sa nakita ko.

SVIP TICKET AT The Lost Planet Tour - EXO CONCERT.


####################################
Epilogue (2nd part)
####################################

Epilogue (2nd part)

The Lost Planet Tour - EXO CONCERT.

How can I missed that?

Ang careless ko talaga, ngayong month pala yung concert nila ang pagkakakita ko
next month pa. Kaya pala ang dami nilang interviews kasi may concert sila at ngayon
yon, alas syete nang gabi. Alas syete?

Tinignan ko yung relo ko at malapit na mag alas dyis. Hindi maari! baka wala na
akong maabutan don! No way! Ang pinapangarap kong concert!

"Taxi!"

Dumiretso lang yung taxi at hindi siya huminto. Anong problema nila? Kailangan kong
makaabot sa concert nang EXO!

"Taxi!"

Pangalawang taxi na yon pero hindi pa din siya huminto sakin. Papara pa sana ako
kaso kay sakay naman.

"Wah! Jeydon at EXO, hintayin niyo lang ako dyan! Makakaabot din ako."
"Taxi! Utang na loob, parahan niyo ako!"

Sa pang apat na taxi na dumaan, sa wakas pumara na din siya sakin. Sumakay agad ako
don tapos pinapunta ko siya sa stadium kung nasaan yung concert.

Ewan ko kung nagkataon lang o talagang minamalas ako ngayon. Sobrang traffic
papunta don na halos mas mabilis pa samin yung pagong. Ilang minuto na lang
matatapos na yung concert! Hindi na ako makakaabot eh.

Sa inis ko, bumaba na ako nang taxi tapos naglakad na lang ako papunta don, hindi
na naman ganon kalayo yung stadium eh. "Wait lang talaga Jeydon at EXO, on the way
na ko."

Habang papalapit ako ang dami kong nakakasalubong na mga babae. Mukhang fans din
sila nang EXO at mukhang pauwi na sila? Wah! Tapos na ba yung concert?

"Ang pogi ni Luhan!"

"Kyah! Ang sexy sumayaw ni Sehun!"

"Grabe ang galing nila kumanta at sumayaw lalo na si Baekhyun at Chen!"

Mukhang tapos na nga yung concert. Yung excitement ko bigla na lang nawala at
parang nanghihina ako. Yung SVIP ticket na yon, nasayang na lang nang ganon? Isa pa
regalo sakin yon ni Jeydon eh.

Pagdating ko sa tapat nang gate, nag sisilabasan na nga yung mga babae. Para akong
naiiyak. Oa na kung Oa pero kasi concert yon nang ultimate idols mo tapos hindi ka
nakapunta na pwedeng pwede namang nandon kaso wala talaga eh. Goodbye EXO.

Sandali, asan si Jeydon?

Lumapit ako sa entrance at wala nang lumalabas, mukhang wala nang tao sa loob.
Jeydon nasan ka na ba ha?

"Miss, you're just in time." Sabi sakin nung guard nung stadium.
Nang aasar ba siya ha? I'm just in time ha? Eh wala na nga akong naabutan. Tapos na
yung concert eh, wala nang EXO at hindi ko pa nakikita si Jeydon. Kapag ako nainis
iiyak talaga ako dito para lumabas yung EXO!

"Please come in." Kitam, nang aasar nga talaga siya. "They're waiting for you."
Tumaas bigla yung kilay ko, sinong nag hihintay sakin?

Pumasok na lang din ako sa loob. Pag dating ko don, wala nang tao kahit isa at
patay na yung mga ilaw. Loko yon si manong guard ah, sino nag hihintay sakin dito?
Multo? Bigla tuloy akong natakot, baka mamaya may lumabas na multo dito.

Muntik na akong mapatalon nung biglang bumukas yung mga ilaw sa stage.

[Now playing: Overdose - EXO]

"This is for you Candice." Yung boses na yon, boses yon ni Suho yung leader nang
EXO-K. "Hope you like it."

Lumabas silang lahat sa stage at lahat sila nakatingin sakin. Jusko! Aatakihin ata
ako nito. Parang nawawalan ako nang hangin.

Kinanta nila yung overdose. Ang galing nila sobra, sobrang saya ko habang
pinapanuod ko sila. Hindi ko na napipigilan na mapatili. Minsan sinasabayan ko sila
sa pag kanta nila. Wala na akong pakialam kung anong gawin ko dahil ako lang naman
yung mag isa dito eh. Parang ako nga yung kinakantahan nila eh kaya feeling ko
ngayon napaka special ko.

Pagkatapos nilang sumayaw nagulat ako kasi bumaba sila sa stage habang may hawak
hawak silang tig isang rose. Isa isa silang lumapit sakin tapos inabot nila yung
mga rose sakin. Nakakapag taka kang kasi lahat sila nag sabi nang congratulations.
Anong meron?

"Let's take a picture?" Alok ni Kris, yung leader nang EXO-M. "Okay guys, let's be
near Candice. We'll going take a picture now." Leader na leader talaga sila at ang
tangkad niya, silang dalawa ni Chanyeol.

Nagulat na lang ako kasi lahat talaga sila lumapit sakin. Mas lalo pa akong nagulat
kasi si Luhan at si Sehun yung nasa kaliwa at kanan ko. Inakbayan pa nga ako ni
Sehun, shet lang parang hindi ako makahinga. Jeydon sorry pero talagang crush na
crush ko si Sehun eh. Ikaw naman yung mahal ko eh.

Sinet ni Chen yung timer nang camera. Tapos nag bilang na si Kai.

"Hana.. dul.. set.. say kimchi!" Sigaw niya.

"Kimchi!" Sigaw naming lahat tapos nag flash na yung camera. Gagalaw pa sana ako
kaso sumigaw naman si Luhan "Let's make a wacky pose!" Nag agree silang lahat at
agad agad silang nag pose nang wacky kaya nakigaya na lang din ako. "Candice you
count." Bulong ni Sehun.

"Hana.. dul.. set.. say Wacky!" Sigaw ko.

"Wacky!" Sigaw naman nila.

Hinarap nila ako at lahat sila nakangiti sakin. Para akong matutunaw sa mga tingin
nila. Ang gwapo nilang lahat.

"We'll send the picture in your house tomorrow. Enjoy your date!" Ano yung sinabi
ni Suho? Date daw?

"Enjoy!" Sigaw nilang lahat tapos nag bow sila isa isa sakin with matching kindat
pa tska sila umalis.

Naiwan naman akong tulala sa kinakatayuan ko. Totoo ba talaga lahat nang nagyari
ngayon? Sinayawan at kinantahan ako favorite korean boy group ko tapos nag bigay pa
sila nang roses, sakto nga kasi twelve silang lahat. Nag picture picture pa kami.
Dream come true talagayung nangyari ngayon at parang ang hirap paniwalaan. Sinampal
ko nga yung sarili ko sakaling nananaginip lang ako pero hindi eh, totoo lahat nang
'to.

Napatingin ako sa malaking screen sa stage at napahawak ako sa bibig ko kasi nakita
ko si Jeydon sa video.

"Hi Exo, my name is Jeydon and I don't know if you still remember me. I'm the guy
who approached you on your last concert."
Anong ibig sabihin non? Bakit kinakausap niya yung Exo? Anong meron?

"I'm not making this five minute message for myself but rather this is for the girl
I love so much. Her name is Candice and I want to make her happy that's why I
joined your contest."

Contest? Anong contest? Sandali nga parang na aalala ko na yon. Yung 'show what is
love to Exo' contest na kapag nanalo ka, may special kang price galing sa Exo.
Sumali talaga siya don para sakin? Hindi ako makapaniwala na pati ito magagawa niya
para lang sakin.

"I'll admit, I'm jealous of you guys not because your more handsome than me but
because I know Candice really likes everyone of you. But if she's happy to be on
your concert and see you, I'm going to support her no matter what. That's how I
love her."

May kinuha siyang gitara tapos kumanta siya. Baby don't cry ng Exo.

Nagulat ako kasi alam niya yung kanta na yon. Alam kong never siyang nakinig nang
mga kanta nang Exo at alam ko din na wala siyang interes don dahil ayaw niya sa K-
pop pati na din sa Exo pero nagawa niya pa ngayong kantahin yon.

"I don't like K-Pop, actually I hate it but I love Candixece so much that's why I'm
loving everything she loves even though I don't like or hate it. I don't know if
you'll going to pick me but if you do, I'll be forever in dept with you guys. This
is my graduation gift her." Unti unti na lang tumutulo yung mga luha sa mata ko.
"Candice, I love you. Even though we've been through many things, my love for you
just grows more and more everyday."

Natapos na yung video ni Jeydon pagkatapis non bigla namang nag appear yung video
nang Exo. Si Kris yung nagsalita.

"Jeydon you showed us what love really is. It's unbreakable and unconditional. So
we picked you and Candice to have this special gift. We hope you liked our
performance Candice and please do enjoy your date with Jeydon. Bye!"

Namatay ulit lahat nang ilaw. Maya maya may ilaw nabumukas at nakatapat siya kay
Jeydon.
Nag play yung Teach me how to dougie na kanta. Bigla na lang lumabas si Jeydon duon
sa stage tapos sumayaw siya kasabay nang kanta. Nakatingin lang ako sakanya habang
sumasayaw siya. Sobrang lakas nang dating niya kapag sumasayaw siya at ang sexy
niya tignan. Ang galing niya sumayaw na parang wala lang sakanya yon. Na iinlove
lalo sakanya.

Nung natapos yung kanta bumaba si nang stage tapos may hawak hawak naman siyang
gitara. Kumanta siya nang Harana ng Parokya ni Edgar habang papalapit siya sakin.
Nung nasa harap ko na siya, tinitigan niya agad yung mata ko habang kumakanta siya.

"Puno ang langit nang bituin at kay lamig pa nang hangin, sayong tingin ako'y
nababaliw giliw at sa awitin kong ito.. sana'y ma ibigan mo, ibubuhos ko ang buong
puso ko. Sa isang munting harana.. para sayo.."

Naiiyak na talaga ako. Lahat nang ginagawa ngayon ni Jeydon, lahat nang 'to para
lang sakin. Ganon niya ako kamahal.

"Candice.." nilapag niya yung gitara tapos lumuhod siya sa harap ko. Kinuha niya
yung dalawang kamay ko. "Alam kong nasaktan kita nang sobra pero sana mapatawad mo
pa ako sa mga nagawa ko. Mahal na mahal kita Candice." Hinalikan niya yung kamay ko
tapos tinignan niya ulit ako sa mata ko. "Minsan lang mag mahal yung gagong katulad
ko at masaya ako sayo ako nag kagusto at ikaw yung minahal ko."

"Jeydon alam ko, alam ko naman kung gaano mo ako kamahal eh. Tumayo ka na dyan."
Umiling siya.

"Candice, pwede mo na ba ulit akong maging boyfriend? I mean gusto kong maging
official boyfriend mo ulit ako. And I said tou you, I'm gonna court you right? so
now I'm waiting for your yes."

Hindi ako nag salita, tumingin lang ako sa mga mata niya. Kahit bad boy siya, ang
inosente nang mata niya at damang dama mo lahat nang sinasabi niya.

"But if you don't have an answer right now, I'm willing to wait."

"No Jeydon."
"No?" Nag aalalang tanong niya. "Is that rejection?" Tumawa na lang ako sakanya.

"No that is not a rejection and Yes. Yes I want to be your girlfriend again,
Jeydon."

Tumayo siya tapos niyakap niya ako nang sobrang higpit. Nagulat na lang ako nung
narinig kong umiiyak siya. "Before I didn't see myself being with you but now I
can't see myself being without you, Candice."

Niyakap ko din siya nang mahigpit. "Ako din, hindi ko na ata kaya na wala ka
Jeydon. Para kang hangin na kapag nawala ka mahihirapan na kong mahubay pa."

Hinarap niya ako tapos tinitigan na naman niya yung mga mata ko. "Kahit kailan di
ako nagsisi at di ako magsisisi na ikaw ang pinili ko."

Hinawakan niya yung mukha ko tska niya nilapit sakin yung mukha tapos hinalikan
niya ko. He never fails to give me so much happiness. Alam ko na hindi na ako
makakahanap pa nang lalaking katulad niya. Hanggang ngayon, siya at siya pa din ang
nag papabilis nang pagtibok nang puso ko, ang nag papa slow motion ng mundo ko at
ang nag bibigay sakin nang sobrang kaligayahan.

"Tama ka nga, pag ang bad boy nag mahal, pati asin lalanggamin." Pareho kaming
tumawa. "I love you, Jeydon Lopez. Always and forever."

--

3rd person point of view.

Pinatay niya yung sindi nang sigarilyo niya tapos kinuha niya yung litrato ni
Jeydon at Candice. Sinunog niya yung litrato habang pinagmamasdan niya yung dalawa
sa malayo.

"Ang sweet niyong dalawa."

Bigla siya tumawa nang malakas.


"Hahayaan ko lang kayong mag saya ngayon, dadating yung araw na mapag hihiwalay ko
din kayong dalawa."

Tumawa ulit siya habang nakatingin pa din siya kay Jeydon at Candice.

"Hintayin niyo lang ako dahil magtutuos pa tayo.. you'll gonna see me again and
just make sure you're both ready for my revenge."

Kinuha niya yung phone niya tapos kinuhanan niya nang litrato si Jeydon at Candice.

"I'll have this as a souvenir. Goobye for now, Jeydon and Candice. We'll see each
other again."

End of book 2.

--

Mga magaganda at poging BAMers, pwede comment niyo yung reaction niyo sa book 2?
Babasahin ko lahat :))) SALAMAT <3

####################################
Author's Note
####################################

Hi everyone. Gusto ko lang mag pasalamat nang madami sa pag suporta niyo sa 'The
Four Bad Boys and Me' and 'The Good Girl's revenge'. Hindi ko akalain na magiging
success silang dalawa. Sabi nga nila the best things that will happen into your
life is the unexpected one. Sobrang saya ko lang, hindi dahil sa naging sikat yung
story ko kundi dahil sa mga messages niyo sakin. Nakakatuwa lang na napapakilig,
napapasaya ko kayo at na iinspired. Para sakin ayon yung isang bagay na hindi
mababayaran nang kasikatan o ano mang pera. Mula sa puso ko, maraming maraming
salamat.

Lahat nang mga comments niyo bawat chapter, lahat yon binabasa ko. Hindi nga lang
ako nakaka reply kasi busy din pati yung mga message niyo sakin sa Wattpad at
Facebook. Nahihirapan na kasi ako mag manage nang time kasi lumalaki na din si
Luhan. I hope to read more of your messages guys, coz it motivates and inspires me
to write more.

Thank you! Thank you! at mahal ko kayong lahat kahit na hindi naman tayo personal
na magkakakilala. I hope someday ma meet ko kayong lahat. :-)

--

About the TFBBAM book,

It will be published soon (Tentative September) under Pop Fiction. Don't worry kasi
tagalog siya at divided by two parts, siguro 195 pesos siya. Sana bumili pa din
kayo kahit nabasa niyo na siya sa Wattpad, may mga konti din akong binago don, sana
mgustuhan niyo :-)

--

About sa TFBBAM Book 3,

Yes merong book 3 at posted na siya sa Wattpad. TFBBAM: The Bad Boy's Love yung
title. Eto yung link: http://www.wattpad.com/story/18138487-tfbbam3-the-bad-boy
%27s-love

--

About the Epilogue Part 2

Public na siya so you can read it na. Kung ayaw, remove then add the story again :)

--

Once again, Thank you so much!

Comment lang kayo nang mga tanong niyo about BOOK 2, gagawa ako nang FAQ(Frequently
ask questions) chapter after nito. :)

You might also like