You are on page 1of 5

Chapter 1: Encounter

Isang maulan na hapon ang sumalubong sa’kin nang matapos ang klase ko. Kanina lang ay
sobrang init ng araw pero ngayon ay halos hindi ko na maaninag ang kabilang banda ng
Avenue dahil sa lakas ng ulan.

Kailangan ko ng makatawid sa kabilang kanto bago mag-aalas singko ng hapon. May trabaho
akong hinahabol. Sa kasamaang palad ay wala akong dalang payong o kung ano mang bagay
na pwedi kong magamit para hindi ako mabasa.

Napatingin ako sa mga kasabay kong nakisilong sa maliit na shed na nasa labas ng University.
Ang iba ay naghihintay ng bus na dadaan samantalang may iilan ring kagaya ko na tila
hinihintay ang pag-tila ng ulan.

“Isabelle!” napalingon ako sa kanang banda ng shed nang marinig ang aking pangalan. A
figure of tall man, holding a wide black umbrella, is approaching the shed. Kakababa lang nito
mula sa magarang black Porsche. Noong una ay hindi ko pa ito makilala pero nang tuluyan
itong makasilong at naitiklop ang dalang payong ay sumilaw ang kaunting ngiti sa labi ko.

“Threy?”

“Napadaan lang ako. Nakita kita dito kaya ako napatigil.” Ilang beses na niyang naging rason
ang madaan sa University. Noong nakaraang lingo ay napadaan ito dahil may binibili sa kalapit
na hardware. Nakakapagtataka ang padalas na padalas nitong pagdaan sa University.

“May pupuntahan ka ba?” napangiti ako saka huminga ng malalim. Halos nakatingin na sa
amin ang mga kasama ko sa waiting shed at patagal ng patagal lalo akong di naging
komportable sa sitwasyon.

“Oo.” Sambit ko. “Trabaho ulit. Kailangan eh.”nawala ang silaw ng ngiti sa kanyang mga labi
nang marinig ang sinabi ko.

I breathe deeply. He doesn’t supposed to know everything about me. But every time we have a
little chance to talk to each other, I sometimes quit hiding the things that’s happening. Wala
naman ata itong ibang motibo kundi ang kumustahin ako paminsan-minsan. We are somehow
friends. To me we are.

“Kaso ang lakas ng ulan kaya di ako makatawid. Nakalimutan kong magdala ng payong kaya
hinihintay ko na lang na tumila.” Pagdugtong ko para mabasag ang namumuong katahimikan.
Ngumiti ako nang mapakla saka muling tumingin sa maulang kalangitan.

“Ikaw? Sa’n bang lakad mo? May bibilhin ulit?” tanong ko saka muling napatingin sa kanya.

“Ah. Hindi. Meeting. Business Meeting.” Tipid nitong sagot. Siguro kung nakinig lang ako baka
pareho na ang layo ng narating namin. Hindi pa ito tapos sa pag-aaral pero may inaatupag na
itong trabaho sa sarili nilang kompanya. I was as opportune as him, before everything
devastates me. Pero hindi ko dapat pagsisihan ang lahat ng naging desisyon ko. What I’m
building this time is only for my own—I have nothing to lose anymore—I shouldn’t have to be
afraid.

“Hatid na kita.”natigilan ako sa alok nito. Napatingin ako sa relo ko. Ilang minuto na lang bago
mag-aalas-singko—kapag hindi pa tumigil ang ulan ay male-late na ako sa trabaho.

Tahimik akong napabuntong-hininga bago tanggapin ang kanyang alok. Kung tutuusin ay
nilalakad ko lang coffee shop mula sa university. Pero kung ganito kalakas ang ulan ay walang
matitirang tuyo sa lahat ng gamit ko.

Wala kaming naging pag-uusap ni Threy sa loob ng sasakyan. Naging mag-kaibigan kami
dahil sa closeness ng pamilya namin sa larangan ng negosyo. Ilang beses ko lang itong makita
noon—ngayon lang ata napapadalas—kaya hindi pa ako gaano ka-komportable sa kanya.

“Salamat.” sambit ko nang makarating kami sa mismong shop. Wala akong nakuhang
pagtugon mula rito kundi ang tahimik nitong pagmasid sa’kin. Naibaling nito ang tingin sa
pinagtatrabahoan kong coffee shop. He lean on his car as his gaze studied the inside of the
shop. He crossed his arms on his chest before averting his stare back on me.

Ngumiti ako ng kaunti. I am somehow intimidated—he had this dazzling look—a drop-dead
gorgeous man on his twenty.

“Pasok ka muna sa loob.” Pag-aalok ko upang basagin muli ang katahimikang namumuo sa
pagitan namin. Subalit wala pa rin itong sagot.

“Order ka muna. Libre ko.” I offered to at least pay his goodness upon sending me to work.
“Mura nga lang—wala pa akong sweldo eh.”

Napangiti ito sa nasabi ko. “Sige.” Maikli nitong tugon saka naunang pumanhik sa loob ng
shop. Nakita ko ang pagbati ng kasamahan ko sa loob, may mangilan-ngilan ng customer at
natitiyak kong magsisidatingan pa ang marami pag kaya nang lusungin ang ulan.

Pumasok ako sa loob saka iginiya ang lalaki sa isang upuan. I breathe deeply before uttering
words again. “Anong gusto mo?”

“Ikaw ang bahala.” anito, tila isang paslit na nakaantabay at naghihintay ng makakain.

“Sigurado ka?”

Tumango lang ito. Pinagmamasdan nito ang loob ng coffee shop sa di ko malamang dahilan.
Maybe because business-minded people are usually concern on the ventilation of an
infrastructure. At pakiwari ko ay gayon din ang nasa isip nito—kung maayos ba ang interior ng
shop.

“Hintayin mo na lang ‘yong order ko sayo. Magbibihis lang ako sandali.”


Nagpaalam ako saglit saka pumunta sa counter.

“Mia, paki-serve nga ng isang frappe at dalawang strawberry cupcake sa lalaking ‘yon. Ako na
ang magbabayad.” Agad kong tugon sa kasama ko. She gazed the man on the corner and throw
a teasing smile on me. I shrugged and went at the back. Minadali kong magbihis, inayos ko ang
pagkatali ng buhok ko saka naglagay ng hairnet. I wipe the sweat that’s been clinging on my
face and put a little powder after.

Nang makabalik ako sa counter ay agad na dumiretso ang tingin ko sa mesa sa gilid kung saan
nakaupo si Threy kanina. But I was left puzzled when I saw the coffee and cupcakes over the
table without the guy. I motioned myself at the counter. Long before I could ask Mia, she
automatically hand me the bill with money with it.

“Ano ‘to?” I said. “Nakita mo ba ‘yong kasama ko kanina?” dugtong kong tanong.

“Umalis eh. Salamat daw.” Tugon ni Mia sa’kin.”Binayaran niya ‘yong mga inorder mo sa
kanya, hindi na kinuha ‘yong sukli kaya sayo ko na lang ibibigay.”

“Boyfriend mo ba ‘yon?” hindi ko pinansin ang huling tanong nito sa halip ay pumwesto ako sa
bakanteng counter. May iilang nang tao ang umorder pero nakasentro pa rin ang mata ko sa
mesa kung saan siya nakaupo kanina o kung hindi man ay sa pintuan ng shop. Baka may
pinuntahan lang ito saglit at babalik din.

“Kanina ka pa tingin nang tingin sa labas ah—hinihintay mo pa rin?” patuksong tanong ni Mia
sa’kin. Hindi ko pinansin ang pagbibiro nito.

Nakapagtataka lang kasi na hindi man lang ito nagpaalam. Baka hindi niya nagustuhan ‘yong
inorder ko sa kanya.

“Pag ang jowa umalis tas di nagpaalam, naku baka kung ano na ‘yan.”

“Hindi ko siya boyfriend.” I cut Mia out. Muli kong ibinalik ang atensyon sa counter nang may
muling lumapit.

“Talaga?”

Inasikaso ko ang customer bago muling bumaling sa makulit kong kasama. “Magkaibigan ang
pamilya namin kaya magkaibigan na rin kami.” I said.

Bago pa muling makapag-salita si Mia ay kapwa kami natahimik nang dumating ang manager
namin. Miss Kate was on her daily sophisticated look. Nakapusod ang buhok nito at
nagmumukha itong mataray sa makapal nitong make-up. Her stiletto made sound inside the
shop and I could not deny that she’s totally sexy.

The first time I saw her months ago, I was terrified by her looks. She seemed strong,
independent woman. Metikulosa ito at sobrang particular sa oras ng trabaho. Ilang beses na ako
nitong mapagalitan dahil sa minsan na akong ma-late. Nasa mid-30’s na ito pero wala pa ring
asawa, bagay na hindi nakakapagtaka. Sa ganda at pagiging workaholic niya—walang lalaki
ang magkaroon ng lakas ng loob na ligawan ito.

“Good night po!”malakas na bati ni Mia. Natapik ko ito bago niya maisip ang sinabi. Natakip
niya ang kamay sa bibig. Mabuti na lang at tila hindi ito pinansin ng manager namin.

“Magandang gabi, Miss Kate.” I greeted. Tumango lang ito saka dumiretso sa office niya sa
gilid.

“Naku! Narinig niya kaya ‘yon?” Napangiti ako sa sambit ni Mia. Di ko na lang ito pinansin at
bumalik na sa counter.

“Isang caramel macchiato ‘tsaka dalawang chocolate cupcake.” Isang babae ang umorder saka
nagmadaling umupo sa pinakadulong bakanteng mesa pagkatapos.

Nang matapos kong i-prepara ang order ay napatingin ako sa kasamahan kong si Brent—busy
ito sa paglilinis ng mga pinagkainang mesa kaya napagdesisyunan kong ako na mag-seserve.
Maulan pa rin sa labas at iniisip ko pa rin kung umalis na nga ba si Threy.

Bago ko mai-serve ang mga order ay isang lalaki ang lumapit sa akin.

“May nagpapabigay po.” sambit nito saka inabot sa’kin ang kulay itim na payong.
Pinagmasdan ko ito bago muling ibinaling ang tingin sa lalaki.

“Sino?”tanong ko kahit alam kong si Threy lang ang pwedeng magbigay nito sa’kin.

“Hindi ko po kilala. ‘Tsaka kakaalis lang po.” Maikling tugon nito saka ito nag-order ng
maiinom. Isang note ang nakalagay sa payong. Hindi ko na ito binasa dahil nakita ko ang pag-
senyas ng babaeng naghihintay ng order.

Nagmadali akong pumanhik nang biglaan akong may nabanggang pigura ng lalaki na
kakapasok lang sa shop. Halos magulantang ako sa biglaang pangyayari. I was stunned and
before I could do anything, I heard the silent curse of the man. Napatingin ako dito saktong
nagtama ang mga mata namin.

Natigilan ako. His brown eyes were intimidating. His teeth seem grinding each other as his
sharp jaw became more evident. Kay linis ng pagmumukha nito. But there is something wrong
with it—and it’s when I realized that he is mad.

“Pasensya na po kayo.” I said in low voice when I was brought back to my senses. Some
customers were already eyeing on us. The man’s brow raise in irritation and I trembled when
his sharp look just narrowed on me. His handsome face just draw a monster-like expression,
Inilabas ko ang panyo sa bulsa ko at akmang pahiran ang parte ng damit kung saan natapuan
ng kape pero tinabig niya ang kamay ko.

“Ang tanga-tanga mo!” he hissed. Halos nasa amin na ang atensyon ng lahat. I feel so dumb at
the moment. Halos hindi ko maikilos ang katawan ko.
“I’m sorry, sir.” Napayuko ako. Kung hindi lang ito customer ay umalma na ako. Pero hindi sa
pagkakataong ito. Narinig ko ang pagbuntong hininga ng lalaki.

“Shit!” muli nitong usal nang muling mapagmasdan ang suot na damit. Halos magkasing-edad
lang kami nito pero kung tingnan ako ay para akong tutang gala. Matangkad ito, mukhang
mestizo at mayaman.

“Hindi ko po talaga sinasadya. Babayaran ko na lang po.” Pinulot ko ang mga nagkalat na
order ng babae saktong dumating ang mga kasamahan ko.

“Anong nagyayari?” narinig kong tanong ni Miss Kate. Napapikit na lang ako sa hiya—
natitiyak kong mapapagalitan na naman ako nito pagkatapos.

“Tingan niyo oh. Natapunan ng kape ‘yong suot ko. Ganito ba katanga ‘yong mga hi-nired niyo
dito. Di lalago ‘tong negosyo ko kung ganyan!” his voice thundered inside the shop. Halos
tumalon ang puso ko sa kaba dahil sa narinig. What? Am I talking to the owner of this shop?

“France pag-pasenyahan mo na.” mahinahong sambit ni Miss Kate. Pati ito ay tila nahihiya sa
lalaki.

“Pasensya na ho talaga Sir. Di ko po sinasadya. “ muling kong sambit nang hindi makatingin
rito. Kasalan ko naman talaga. Masyadong okupado ang isip ko kanina. I was not in focus.

“No!” malakas nitong sambit. “ You’re fired!”

You might also like