Professional Documents
Culture Documents
“Magpapasukan na ulit sa June, nak, paano sila Cielo nyan? Bakit ka ba kasi nawalan ng trabaho? Ano na
namang kalokohan ang ginawa mo? Noong huli, inaway mo ‘yung girlfriend ng boss mo kaya ka tinanggal
sa trabaho. Ngayon, ano namang ginawa mo?”
Sunod-sunod ang tanong ni Mama sa kabilang linya. Umupo ako sa harap ng salamin sa salas ng
apartment na tinutuluyan ko. Kinuha ko ‘yung face powder saka naglagay sa mukha ko para mapatungan
ang concealer na nilagay ko para matago ang eyebags.
“Ma, kaya ko lang naman inaway ‘yung girlfriend ng boss ko kasi inuutusan akong labhan ‘yung dress
nyang natapunan ng wine ng kung sino mang pontio pilato. Saka bakit kasi pinaghahalo ng boss ko ang
personal issues sa trabaho? Mali naman ‘yun. Tinuro ‘yun sa Business Ethics unless wala syang ethics.
Saka huwag kang mag-alala, Ma. Hahanap din agad ako ng trabaho. Promise!”
Tinanggal ko ang headban ko saka sinuklay ang buhok. Itinago ko muna ang microbangs ko saka nilagyan
ng clip para hindi lumaglag sa noo ko.
“Haynako, bahala ka ngang bata ka! Basta siguraduhin mo lang marangal na trabaho lang ang papasukin
mo!”
“Opo, nay! Huwag mo na ako masyadong isipin baka mamaya tumaas na naman yang dugo mo. Sige ka,
malolosyang ka na talaga!”
Ibinaba ko na ang tawag saka muling pinasadahan ang sarili ko sa salamin. White flowy long sleeves
blouse and black skirt partnered with black stiletto. I’m applying for another company. After ng ilang
araw ay pinakawalan din ako ng boss kong magaling. Patapos na rin naman kasi ang kontrata ko sa
kanila. ENDO! Kaya din ang lakas ng loob kong mag-walk out noong nakaraan e.
Muntik na akong matapilok sa mga pinagagagawa ko. Biglang tumunog ang cellphone ko. Pinanood ko
munang mag-ring yung phone ko. Noong malapit nang matapos ang tawag saka ko sinagot.
“Ah, Ezra! ‘Yung sinabi ko sa’yong sideline mamayang gabi, g ka ba? Wala pa rin akong nahahanap e.”
“Sige na. G na. Basta ha! No monkey business ha!” paalala ko.
Pagpasok sa loob ng isang kwarto kung saan dinig na dinig ko ang ingay ng mga kalalakihang nasa loob
ay binalot ako ng kaba. Nagpakawala ako ng hangin paitaas dahilan para magulo ang micro bangs ko.
Nang magsimula akong sap ag-strip tease ay nagsimulang maghiyawan ang mga lalaking naroon. Halos
mapako ako sa kinatatayuan ko ng maaninag ang isang pamilyar na mukha. Shite! Akala ko ba walang
friends tong taong to?!
“Baliw!”
Akmang itataas nya ang kamay nya nang panlakihan ko sya ng mata. Natatawang ibinaba nya ang mga
kamay nya.
Matapos ang performance na tumagal lang ng halos 45 minutes ay lumabas na ako ng bahay nila.
Naghihintay ako ng sasakyan sa labas pero mukhang walang dadaan dahil nasa subdivision kami.
Sinimulan kong maglakad sa kahabaan ng kalsada. Diretso lang naman ang daan naming kanina ng taxi
kaya didiretsuhin ko na lang din palabas.
Gabi na at madilim sa daan, tanging ilaw mula sa mga street lights ang nagsisilbing liwanag sa daan.
Malamig ang hanging dumadampi sa balat ko dala ng ulan kanina. Basa ang sahig na maya’t maya ay
bumabasa na nakaapak kong paa tuwing may madadaanan akong tubig na hindi pa rin natutuyo.
Tahimik ang daan, parang ang sarap isiping nasa music video ako habang nagsesenti mag-isa dito. Maya-
maya ay may sasakyang itim na tumigil sa gilid ko. Tumigil ako sa paglalakad at hinarap ito. Bumaba ang
bintana ng sasakyan at niluwa nito ang isang lalaking may magulong buhok na halatang hindi
pinadaanan ng wax, bedroom eyes, thick brows, pointed nose at maputla pero maninipis na labi.
Sumakay ako.
“Mr. CEO_25, huwag mo akong kidnappin, walang tutubos sa akin.” Pagbibiro ko.
“beer.”
Umiling lang ako. “Pass muna ngayon. Nakapagsideline naman na ako kanina. Para namang hindi moa ko
nakita. Tuwang tuwa ka pa nga sa paggiling ko.” Sabi ko habang inuulit ang paggiling ko kanina.
Naiiling naman syang tumawa. “Oh? Ikaw ‘yun? Bakit ang ganda nung sumasayaw sa harap ko kanina?”
Tumigil ako sa pagsayaw at namaywang saka hinarap sya. “Alam mo ikaw! Pasmado ‘yang bibig mo.”
Sabi ko saka nagbuga ng hangin paitaas.
“Paano nga ulit ‘yun?” pang-aasar nya. “Ganito ba?” sabi nya habang ginagaya ang pagsasayaw ko
kanina. Kaso ang tigas ng katawan nya. Hindi ko tuloy maiwasang matawa.
“Alam mo? Nahiya ang bulalo sa’yo.” Sabi ko dahilan para tumitigil sya. Hindi na iniwan ng ngiti ang mga
labi nya.
“Actually,” sabi nya saka nilunok ang alak “marami akong nakitang mas magaling pa doon.” Humarap sya
sa akin. “Huwag mon a uulitin.”
“Hindi naman. Hindi lang ako mahilig sa mga aso. Baka mamaya pag-uwi mo, kulang na ‘yung alaga mo.
Alam mo ‘yun? Hindi gaanon kahaba ang pasensya ko e.”
“Saan ka nag-apply.”
“Call center.”
“E, wala e. Kailangan ko na agad makahanap ng trabaho kaso wala namang hiring. Kunin mo na nga kasi
ako, Mr. CEO_25!”
“I already offered you a job. Tinanggihan mo, diba?” natigilan sya mukhang may naisip, “Ganito na lang,
give me a company, I’ll pay for your time. Like last time.”
Napangiwi ako. “Malungkot ba buhay mo?”
“Ilang buwan?”
Tss.
“Uuwi na ako.”
Nang makarating kami ng parking lot agad nyang binuksan ang kotse nya saka hinagis ang mga gamit
naming. Basa na kami kaya may naisip akong ideya. Bago sya tuluyang makapasok ay hinila ko sya at
sinara ang kotse. Ni-lock nya ‘yun at nagpatianod sa hila ko. Dinala ko sya sa labas kung saan malaya
kaming makakapaglandi sa ulan.
“You’re crazy!” sabi nya. Natawa na lang ako. May pagka-boomer nga pala ‘tong kasama ko.
“Sabi nila, nakakapagpagaling daw ng sakit ang unang ulan ng Mayo. May 2 ngayon! Unang ulan ng
May!”
Tinignan nya lang ako sa mata. Seryoso. Parang binabasa ang nasa isip ko.
Natatawa syang umiling. Nanatili syang nakatayo sa pwesto nya habang ako ay parang batang
ninanamnam ang unang ulan ng Mayo. Patakbo takbo, patalon-talon at paikot-ikot na sinasalo ang patak
ng ulan. Nakangiti habang nakapikit at nakataas ang dalawang mga kamay. Parang bata… na walang
problemang dapat isip, walang responsibilidad sa buhay na dapat atupagin.
Nilingon ko sya. Nakangiting pinapanuod ako. ‘Yung mga ngiti nyang iyon, malayo sa mga ngiti kanina
habang kaharap ang mga kapwa nya bachelor. ‘Yung ngiti na parang tuwang tuwa sa nakikita nya at
ayaw na nyang kumurap dahil baka sa pagdilat nya, mawala ‘tong bigla.
Ten steps away from me is a man standing, hands in his pocket, smiling like an idiot, staring to another
idiot.
I wish this first rain in May would wash away every depth of burdens lying in our hearts for years or
decade. I wish this first rain in May wouldn’t lie in me, and cure every pain, every sickness and every
heartache I have been. I wish this first rain in May would last forever.