You are on page 1of 294

Mechanics Of Love

By jm_brosas

Civil Engineer Series 1

Si Kalila o Lila ay isang 5th year Civil Engineering student. Isang graduating
student na nangarap maging isang license Engineer. Aral lang ng aral ang ginawa
niya mula first year college hanggang fifth year college.

Si Joseph o Seph isang freshman Architectural, isang lalaking humahanga kay Kalila.
Lagi itong nagpapapansin kay Kalila. At gagawin niya ang lahat mabigyan lang siya
ng pansin ni Lila.

Chapter 1 - Prologue

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places,


events and incidents are either the products of the author's imagination or used in
a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual
events is purely coincidental.

All rights reserved. No part of this story may be reproduced in any form or by any
means without the prior consent of the author.

Babala: may mga error po ito hindi po ito na edit kaya asahan po ang mga error.

Civil Engineer Series 1: Mechanics of Love

xxx

"Congratulation team, we made it." Masaya kong bati sa aking team habang nakataas
ang hawak kong alak, nasa isang private room kami sa bar ngayon para i-celebrate
ang natapos naming project. Isang five star hotel iyon at masasabi talaga namin na
nastress at mahirapan kami pero na kaya namin matapos ito.

"Engineer Morales, congrats sa atin at pasensya ka na rin ito na ang huling pagsama
at pag-away natin sa isang project," sabi sa akin ni Architect Henzo Romero ang
architect sa project namin.

"Kaya nga e, iniwan mo agad ako pinagpalit mo ako sa project sa mo sa Dubai."


Pabiro kong sabi sa kanya, ngumiti naman siya sa akin.
Si Architect Henzo ay nakasama ko sa maraming project na at komportable na ako sa
kanya kahit sa mga pabago-bago niyang design kahit nagbabangayan kami sa site at
okay na sa amin iyon paglabas ng site, sanay na rin kami kung mapagsalitaan namin
ng masama ang isa't isa kaya nalungkot ako ng sinabi niya sa akin na aalis na siya
ng Pilipinas dahil sa magandang offer sa kanya sa Dubai.

"Sabi ko naman sa iyo pwede kita isama roon, ikaw lang naman may ayaw," sabi niya
sa akin.

"Alam mo naman na ayaw ko sa ibang bansa, mas maganda kung sariling bansa natin ang
pagtrabahuhan natin," sabi ko.

"Oo na nga, hayaan mo alam ko na magaling na architect din ang makakatrabaho mo at


papalit sa akin," sabi niya.

"Sana nga, sana hindi maarte papalit sa iyo na makakasama ko sa isang project,
mayroong bagong project pa naman ako na binigay ni boss sa akin," sabi ko.

"Sunod-sunod project ah," sabi niya sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya. Nag-usap
lang kaming dalawa ng tungkol pa sa ibang bagay ng magsawa na kami mag-usap ay
nagpaalam siya na lalabas daw siya at makikiparty, dalawa na lang kasi kaming
natira sa private room ng bar, niyaya na ako lumabas pero umayaw ako, hindi naman
kasi ako mahilig sa party.

Habang umiinom ako ng alak sa loob ng private room ay nakatingin ako sa labas,
glass lang kasi pader nito at nakikita ko ang labas.

Muntik ko na maibuga ang iniinom kong alak ng may mahagip ang mata ko ng isang
pamilyar na tao. Dali-dali naman akong lumabas para sana siguraduhin ko kung hindi
ako pinaglalaruan ng mata ko pero paglabas ko ay hindi ko na siya makita,
napabuntong hininga ako, lasing na yata ako at kung ano-ano na ang nakikita ko,
imposible naman kasi na siya iyon. Bumalik na lang ako sa loob ng private room at
kinuha ang bag ko, hinanap ko si Henzo at iba kong mga kasama at nagpaalam ako bago
umalis ng bar.

Paglabas ko ng bar at pumunta ako sa kotse ko at sumakay roon, nagdrive ako papunta
sa bahay.

Kinabukasan ay masakit ang ulo ko ng magising ako, naligo muna bago bumaba at
nagbihis ng pants at isang kulay blue na plain V-neck shirt.

Pagbaba ko ng bahay namin ay nakita si mama na nag-aayos ng agahan namin.

"Anak kain ka muna bago pumunta sa office niyo," sabi ni mama.

"Ma, babaon na lang ako sa sandwich malalate na ako e," sabi ko, ngumiti naman si
mama at may kinuha sa kusina, pagbalik niya ay isang baonan ang dala niya na may
lamang sandwich, inabutan niya rin ako ng tumbler.

"Kainin mo 'yan sa byahe, orange juice iyang nasa tumbler mo, mag-ingat sa
pagmaneho Lila ha," sabi ni mama, nagkiss ako kay mama bago ako lumabas ng bahay at
dumeretso sa kotse ko.

Nang makarating ako sa office ay halos takbuhin ko na ang papuntang conference room
dahil malalate na talaga ako, may meeting pa naman kami tungkol sa bagong project
at ngayon ko rin makikilala ang bago kong makakasama sa project na architect.

Nang makarating ako sa conference room ay nakita ko roon si Boss at ang iba pang
makakasama ko sa project.

"Good morning boss," pagbati ko sa boss namin, tinanguan naman ako nito kaya
pumasok na ako sa loob at tumabi ako kay Engineer Sebastian.

"Buti umabot ka pa," sabi nito sa akin, inirapan ko naman siya.

Nagsimula na ang meeting namin, ako naman ay nakikinig lang dinidiscuss kasi ang
tungkol sa bagong project, napakunot naman ang noo ko ng makita ko na pamilyar
lahat ng mukha ang nakita ko.

"Sprouse, wala pa ba ang bagong Architect na makakasama ko?" Tanong ko kay Engineer
Sebastian.

"Wala pa," sabi niya sabay tingin ulit sa harap.


Napataas naman ang isang kilay ko, napaka-unprofessional naman ang architect na
iyon.

Nasa kalagitnaan ng discussion ng biglang bumukas ang pintuan ang conference room
at pumasok doon ang isang taong hindi ko inaasahan, napanganga ako ng makita ko ang
gwapo niyang mukha.

"I'm sorry sir," sabi nito habang nakatingin kay boss.

"By the way, si Architect Joseph Javier nga pala ang makakasama niyo sa project."
Pagpapakilala ni boss sa bagong dating, tumingin naman sa amin siya ng nakangiti ng
magtagpo ang mata namin ay nawala saglit ang ngiti niya at napangisi siya sa akin,
tinaasan ko naman siya ng kilay.

"Engineer Morales, si Architect Javier nga pala ang bagong architect na makakasama
mo sa project," sabi ni Boss sa akin, napanganga naman ako.

Bakit siya pa sa dinami-dami ng architect sa bansa, bakit siya pa? Bakit siya pa na
ang taong unang dumurog sa puso ko.

Chapter 2 - Chapter 1

Chapter 1

"Yes! Last semester ko na lang," masaya kong sabi habang nakatingin sa enrollment
form ko.

"Sana all isang semester na lang, ako isang taon pa," sabi ni Aislinn sa akin na
kasama ko ngayon dito sa canteen.

"Bebs okay lang 'yan, mabilis lang ang panahon," sabi ko sa kanya.

"Kaya nga, okay lang 'yan, malay mo bumagsak ako ngayong semester edi makakasama mo
pa ako ulit ng isang sem, o kaya hintayin kita para sabay tayo makagraduate,"
pabirong sabi ni Sprouse kay Aislinn.

"Oy gago, 'wag kang magpapabagsak sayang naman." Sabi ni Aislinn dito.

"Syempre joke lang iyon ano, ang hirap-hirap ng engineering tapos papabagsak ko pa
kung kailang last sem ko na," sabi ni Sprouse.

"Good iyan kapag may trabaho na kayo ni Bebs libre niyo ako ha," sabi ni Aislinn.

"Sure, lilibre tayo ni pareng Sprouse, 'di ba pare?" Sabi ko kay Sprouse habang
nakangiti.

"O? Bakit ako, tayong dalawa raw manlilibre, napakakuripot mo talaga Lila."
Nagrereklamong sabi ni Sprouse.

"Ikaw lalaki kaya libre mo na kami ni Bebs, sige na pare," sabi ko sa kanya.

"Oo nga, Sprouse libre mo na kami ni Bebs ngayon, gusto ko noong hotdog sandwich,"
sabi ni Aislinn habang nakatingin sa may tindahan ng hotdog sandwich.

"Oo nga sige na pare gutom na kami libre naman diyan," sabi ko sa kanya. Bumulong
bulong pa siya pero kinuha niya iyong wallet niya at binigay sa akin.
"Ayan bumili kayong dalawa, bilhan niyo rin ako ha," sabi niya tumango naman ako at
tumayo sa pagkakaupo, sumama naman sa akin si Aislinn, iniwan namin sa upuan namin
ang bag namin bago punta sa bilihan ng hotdog sandwich. Nang makabili na kami ng
hotdog sandwich ay nilagay muna namin sa table namin bago kami maghanap ni Aislinn
ng bibilhan ng maiinuman.

Nang may nakita akong lemonade ay bumili ako noon si Aislinn naman ay naghanap ng
maiinom niya, nang makabili na ako maingat akong hinawakan ang lemonade ko na
nakacup lang dahan-dahan ko iyong hawakan at hindi hinayaang matapon ang laman ng
may biglang bumangga sa akin at natapon ang lemonade ko halos kalahati na lang ang
natira roon, inis na napalingon naman ako sa bumangga sa akin, nakita ko ang
dalawang lalaki na nasa likod ko.

"Sorry miss, itong kasama ko kasi tinulak ako," sabi ng lalaki nakabangga sa akin,
tiningnan ko ito.

Matangkad ito siguro nasa 5'8" ang height nito, maganda ang pangangatawan, matangos
ang ilong at mestizo ito.

Tinaasan ko ito ng isang kilay ko.

"Mag-ingat kasi kayo sa susunod," sabi ko sabay alis, narinig ko naman na may
binulong 'yong lalaking kasama niya.

"Pare suplada," rinig ko na sabi ng lalaking kasama ng nakabangga ko.

"Miss palitan ko na lang inumin mo," habol sa akin ng lalaking nakabangga sa akin.
"No thanks na lang," sabi ko sa kanya at hindi siya pinansin.

"Miss--"

"Okay nga lang, alis na shoo!" Pagtataboy ko sa kanya. Bumalik naman ako sa table
namin nakita ko naman na umupo sa may kalapitan sa table namin iyong lalaking
nakabangga sa akin.

"Ano nangyari sa damit mo?" Tanong ni Sprouse sa akin habang nakaturo sa damit kong
nabasa kanina.

"May makukulit kasi na nagtulakan sa likod ko kanina," sabi ko sabay tingin sa


table ng nakabangga sa akin.

"Ay bebs gwapo!" Sabi ni Aislinn, sabay naman kami napalingon sa kanya ni Sprouse.

"Gwapo ba iyan? Mas gwapo ako riyan ano," sabi ni Sprouse.

"Ulol mo," sabi ni Aislinn dito.

"Gwapo nga, mukhang babaero naman," sabi ko.


"Grabe ka naman sa kanya bebs," sabi ni Aislinn sabay kagat sa sandwich niya.

"Bebs ang gwapo ngayong dalawang uri na lang, kung hindi manloloko, bakla." Bitter
kong sabi.

"Ehem," napatingin naman kami kay Sprouse.

"Tanga Sprouse, bakla ka!" Sabi ni Aislinn.

"Halikan kaya kita ng malaman mo kung sinong bakla," paghahamon ni Sprouse kay
Aislinn.

"Halikan mo mukha mo, mandiri ka nga Sprouse," sabi ni Aislinn.

Napailing naman ako sa dalawang nagbabangayan, kumagat na rin ako sa sandwich ko at


napasulyap ako sa table ng nakabangga sa akin, nakita kong nakatingin siya sa
pwesto namin, ngumiti siya sa akin kaya naman tinaasan ko siya ng kilay sabay iwas
ng tingin, narinig ko naman na tumawa siya.

Matapos namin kumain ay umalis na kami sa canteen, umuwi na rin kaming tatlo, next
week pa naman ang start ng klase, bali enrollment lang ngayon kaya bukas ang school
at marami ring mga estudyante.

Naunang umalis si Sprouse at Aislinn sa akin kasi iba ang way nilang dalawa, ako
naman ay naiwan lang sa may sakayan ng jeep papunta sa bahay namin.
"Hi miss," napatingin naman ako sa nasa tabi ko na biglang nagsalita. Nakita ko na
ito iyong lalaki sa canteen kanina.

Hindi ko ito pinansin kaya tumawa ito, hinayaan ko lang siya.

"Suplada mo naman miss, sorry talaga kanina," sabi niya.

Tumango lang ako sa kanya at tumingin sa kalsada.

"By the way, I'm Joseph," sabi niya habang nakalahad ang kamay. Tiningnan ko naman
ang kamay niya bago ko siya tingnan sa mukha, mas matangkad siya sa akin, 5'3" lang
ang height ko samantalang siyang nasa 5'8" ang tansya ko.

"So?" Mataray kong tanong sa kanya, natawa naman siya.

"Ano pangalan mo?" Tanong niya.

Tiningnan ko lang siya saglit bago ko iniwas ang tingin niya, leste may dimples ang
loko. Tiningnan niya ako na parang naghihintay siya sa sagot ko, pero bago pa ako
makasagot ay may jeep na tumigil sa harapan ko, sumakay na ako roon at hindi siya
pinansin, ayoko naman maging bastos sana pero hindi talaga maganda kutob ko mga
gaya niya kaya iniiwasan ko.
"Bebs, may bago akong crush!" Excited na bungad sa akin ni Aislinn matapos namin
magkita sa canteen after ng class namin.

"Sino?" Kunwari interesado kong tanong.

"Arki siya Bebs, nakita ko siya kanina nagdo-drawing sa sketchpad niya sa vacant
room na katabi ng classroom namin, bebs iyong puso ko," sabi nito sa akin.

"Crush crush, hilig mo magkacrush basta gwapo crush mo na agad," sabi ni Sprouse na
kararating lang at umupo ito sa tabi ni Aislinn.

"Pakialam mo ba?" Sabi rito ni Aislinn.

Nagsimula na ulit silang magbangayan ako naman ay inikot ko ang mata ko sa canteen
naghanap ako ng makakain ko, nagutom din ako sa klase namin kahit wala pa naman
masyadong ganap, puro introduction lang sa subject namin. Nang may makita akong
burger ay tumayo ako at iniwan iyong dalawang nagbabangayan na naman.

Bumili ako ng burger, magbabayad na sana ako ng may maunang mag-abot ng pera roon.

"Hello Miss Engineering," sabi nito sa akin habang nakatingin sa ID lace ko na may
nakalagay ng course ko. Napatingin naman ako sa ID lace niya. From Architectural
Department siya.

Binigay ko naman sa kanya ang pera ko na pangbayad ko sana sa burger, tiningnan


naman niya iyong pera ko bago tumingin sa akin.
"Libre ko na sa iyo iyon dahil sa pagtapon ko ng lemonade mo noong nakaraang
linggo," sabi niya.

"Okay thanks," sabi ko sabay talikod sa kanya at punta sa pwesto namin.

"Bebs, bet ka yata noong gwapong iyon." Nakangusong turo ni Aislinn doon sa
lalaking iniwan ko sa mag binilhan ko ng burger.

"Manahimik ka nga bebs, bet bet ka riyan," sabi ko sabay sulyap sa lalaking
nakatayo pa rin sa pinag-iwanan ko sa kanya. Nakita kong umiling-iling ito lumakad
papunta sa table nila, nakita ko roon iyong kasama niya noong nakaraang linggo,
nakita ko na kinakantsawan siya ng mga kasama niya. Iniwas ko ang tingin ko sa
kanya ng tumingin siya sa akin habang nakangiti at labas ang dalawa niyang dimples.

"Bet mo Bebs?" Tanong ni Aislinn sa akin, napalingon naman ako sa kanya.

"Siraulo," sabi ko sa kanya.

"Anong year niya na kaya? Bagong mukha siya pati mga kasama niya, baka transferee
sila o freshmen," sabi ni Aislinn. Napalingon ulit ako sa grupo noong lalaki, bago
nga mukha nila, sa limang taon ko na nag-aral sa school namin kahit na may
kalakihan ito e halos pamilyar naman sa akin ang mga mukha ng nag-aaral dito.

"Mukhang freshmen," sabi ni Sprouse.


"Ay bata pa," sabi ni Aislinn.

"Iba ganda mo Lila, pangbata." Pang-aasar ni Sprouse kaya naman binato ko ng


tissue.

"Siraulo," sabi ko sa kanya. "Hindi ako papatol sa mas bata sa akin ano."

"Tingnan natin," sabi ni Sprouse.

"Pustaan tayo!" Paghahamon ni Aislinn.

"Sure," sabi ko at ni Sprouse. "Basta pusta ko may magkakalove life na at may


papatol sa mas bata si Lila."

"Gago ka talaga Sprouse," sabi ni Aislinn sabay batok kay Sprouse, "ako rin agree
kay Sprouse."

"Bakit mo ako binatukan? Tapos agree ka sa akin." Reklamo ni Sprouse kay Aislinn.

"Wala kang pakialam," sabi ni Aislinn.


"Mga baliw, hindi nga ako papatol sa mas bata sa akin," sabi ko.

"Sige tingnan natin," sabi ni Aislinn. Napailing lang ako sa kanila.

Matapos ko kainin ang burger ko ay tiningnan ko ang oras.

"Hoy Sprouse tara na may klase pa tayo," pagyaya ko kay Sprouse.

"Ano ba iyan, ako lang maiiwan dito," sabi ni Aislinn.

"O-"

"Pwede maki-upo?" Sabay kaming tatlo napalingon sa nagsalitang lalaki na nasa


harapan namin may hawak itong tray na may pagkain at nakita ko na architectural
ito.

"Pwedeng-pwede, upo ka," masayang sabi ni Aislinn. "Alis na kayo 'di ba may klase
pa kayo? Alis na dali," pagtataboy ni Aislinn sa amin. Napailing naman ako kasi
mukhang iyon ang bagong crush ni Aislinn, si Sprouse naman ay nakakunot noong
nakatingin sa lalaki, hinila ko na si Sprouse bago pa makapagsalita.

"Alis na kami, bye." Paalam ko kay Aislinn, nakangiting kumaway naman si Aislinn sa
amin ni Sprouse.
"Hayaan mo na si Aislinn," sabi ko kay Sprouse.

"Anong hayaan? Paano kung anong gawain noong lalaki iyon?" Tanong ni Sprouse,
natawa naman ako ng malakas.

"Torpe!" Sigaw ko sa kanya.

"Anong torpe?" Tanong niya sa akin. Tumawa lang naman ulit ako sa kanya. Bago
maglakad pa pasok sa academic building namin, si Sprouse naman panay ang reklamo
hinahayaan ko lang siya magrant habang ako tumatawa. Hanggang makarating kami sa
room namin ay masama pa rin ang timpla ni Sprouse at nakatitig lang ito sa may
bintana napailing na lang ako.

Saglit lang natapos ang klase namin kasi nag-attendance lang kami, binigyan lang
kami ng assignment tapos dismiss na, si Sprouse nagmamadaling lumabas sa klase
samantalang ako naman ay dumeretso sa library.

Naghanap ako ng vacant seat at ng may makita ako ay umupo na ako roon, nilabas ko
ang notebook ko at naglakad ako papunta sa mga libro naghanap ako ng related sa
assignment namin ng may makita ako ay kinuha ko iyon at dinala sa table ko, nagbasa
ako doon. Ito ang maganda sa graduating, at last semester na, wala na kaming
mabibigat na subject less solving na kami ang pinakamahirap na lang ay ang Pre-
board namin doon kami papatayin.

Natigil ang pagbabasa ko ng may umupo sa harap ng table ko napatingin ako sa taong
umupo roon.

"Hi miss Engineering," sabi nito sa akin.


Tiningnan ko lang ito at tinuloy ang pagbabasa ko siya naman ay kumuha ang notebook
niya tsaka calculator. Parehas kaming tahimik habang nagsusulat ako ng assignment
ko ay nakita kong nagsosolve siya nakita kong College Algebra ang sinosolve niya,
seryoso siyang nagsosolve. Saktong natapos ako magsulat ay tapos na rin siya
magsolve, inayos ko na ang mga gamit ko ganoon din siya. Sabay kaming lumabas ng
library.

"Lagi kang nasa library?" Tanong niya sa akin.

"Minsan," tipid kong sagot, natawa naman siya.

"Bakit ang sungit mo?" Tanong niya sa akin. Umigil ako sa paglakad at humarap sa
kanya.

"Una sa lahat hindi tayo magkakilala at hindi tayo close," sabi ko sa kanya.

"Hoy!" Sigaw ko sa kanya ng kunin niya ang ID ko at tingnan iyon.

"Hi Miss Kalila Aubrey Morales, ako si Joseph Miguel Javier, so ngayon magkakilala
na tayo," sabi niya sa akin.

"Siraulo ka ba?" Tanong ko sa kanya tumawa naman siya ng malakas.

"Grabe naman ito, nagpapakafriendly lang po ako," sabi niya.


"Ulol," sabi ko. Tumawa lang siya ulit sa akin kaya naman binilisan ko ang
paglalakad ko.

"See you around Miss Kalila!" Sigaw niya. Hindi ko naman siya pinansin.

Feeling close hindi naman kami close.

Chapter 3 - Chapter 2

Chapter 2

"Sprouse, kompleto ka na ng sagot sa Algebra?" Tanong ko kay Sprouse habang nasa


canteen kami at kumakain ng lunch.

"Oo tapos na, ikaw?" Sagot niya sa akin.

"Pakopya!" Sabi ko habang nakangiti sa kanya.

Tiningnan naman ako ni Sprouse tapos kinuha niya iyong bag niya na nakapatong sa
katabi niyang upuan, may kinuha siya roon papel at binigay sa akin.

"Salamat," nakangiti kong sabi habang nakatingin sa papel niya, ayos kompleto na
sagot niya, mamaw talaga si pareng Sprouse, lima pa ang walang sagot ko sa Algebra
namin sa pre-board namin, ang hirap kasi ng mga problem na pinaassignment namin,
samantala noong discussion okay naman madali lang pero ng bigyan kami ng take home
exam papatayin kami sa stress at hirap ng mga problems.

Mabilis ko naman kinuha ang clipboard ko na nasa bag ko, nakalagay doon ang papel
ko na take home exam nandoon din nakasingit ang scratch paper ko.
"Tapusin mo muna kinakain mo Lila," sabi sa akin ni Sprouse.

"Magaling ako magmulti-task, huwag ka mag-alala," sabi ko sa kanya habang hawak ko


ang ballpen ko.

"Bebs, oh my gas talaga bebs!" Tumitiling sabi ni Aislinn, kaya napalingon kami ni
Sprouse sa kanya.

Mabilis na umupo si Aislinn kung saan nakapatong ang bag ni Sprouse, kinuha iyon ni
Aislinn at binigay kay Sprouse ang bag nito.

"Ano?" Tanong ko habang kumokopya ako sa papel ni Sprouse.

"Ano iyan?" Chismosang tanong ni Aislinn sabay silip sa papel na kinokopyahan ko.

"Bebs nangongopya ka!" Malakas na sabi ni Aislinn tiningnan ko naman siya ng


masama.

"Ay sorry, nagchecheck ka lang ng sagot, kino-compare mo lang sagot mo sa sagot ni


Sprouse," sabi niya.

"Ano ba ang chika mo?" Tanong ko sa kanya habang busy pa rin ako sa pagkopya sa
sagot ni Sprouse.

"Si Mister Arki, nakachat ko kagabi, bebs alam mo ba ang bait niya, level 2 na
pagkacrush ko sa kanya," kinikilig na kwento ni Aislinn.

"May level ka pala sa pagkacrush," komento naman ni Sprouse kay Aislinn.

"Oo mayroon, palibhasa kasi ikaw bakla, ni-wala ka nga pinapakilala sa amin ni bebs
na babae mo," sabi ni Aislinn, nagkatinginan naman kami ni Sprouse, ako naman ay
nagpipigil ng tawa.
"Mayroong nagugustuhan iyan si Sprouse," sabi ko.

"Totoo? Kaklase niyo ba? Bakit hindi niyo pinapakilala sa akin? Unfair niyo naman,"
nakangusong sabi ni Aislinn natawa naman ako lalo.

"H-- oy Sprouse, joke lang naman iyon akin na papel mo hindi pa ako tapos e," sabi
ko bigla kasing kinuha ni Sprouse iyong papel niya.

"Manahimik ka Lila, hindi na kita papakopyahin," sabi niya sa akin.

"Oo na akin na iyan," sabi ko sabay kuha sa papel niya, nakatitig naman sa amin si
Aislinn.

"Madaya kayong dalawa, Sprouse akala ko ba ako bestfriend mo? Bakit wala akong
alam." Pagrereklamo ni Aislinn.

"Bestfriend," sabi ko ng natawa habang nagsusulat.

"Excuse me, pwede maki-upo?" Tanong ng taong nakatayo sa tabi ko, tiningnan ko
naman ito at nakita iyong arki na feeling close.

"Hindi."

"Pwede," halos sabay na sabi namin ni Aislinn.

"Salamat," sabi noong arki na feeling close. Sabay upo sa vacant sa tabi ko.

Hindi ko na lang siya pinansin tinuloy ko na lang pagkopya ko, habang kumokopya ako
inintindi ko rin ang kinokopya ko.

"Sprouse paano mo nakuha ito?" Tanong ko sa hindi ko maintindihan na problem.


Sasagot na sana si Sprouse ng magsalita iyong katabi ko.
"Ganito iyan," sabi niya sabay kuha sa ballpen ko at scratch paper ko. Nagsimula
siya magsolve doon ako naman ay nakatingin lang sa sinosolve niya, nagegets ko
naman iyon.

"Iyan ganyan," sabi ni Arking feeling close.

Tiningnan ko lang siya bago ko kunin ulit ang papel ko sa kanya.

"Lila, kumain ka na," sabi ni Sprouse sa akin.

"Wait hindi pa ako tapos," sabi ko habang nagsinusulat iyong sinolve noong arki na
feeling close.

"Kain," sabi ng katabi ko sa akin. Tiningnan ko ulit siya.

"Hindi tayo close huwag kang papansin," sabi ko sa kanya.

"So, freshmen ka?" Tanong ni Aislinn dito.

"Oo," sagot nito kay Aislinn naramdaman ko naman na sinipa ako ni Aislinn sa ilalim
ng table kaya napatingin ako sa kanya.

"Ano name mo?" Tanong ni Aislinn.

"Joseph, Seph na lang," sabi nito habang nakangiti kay Aislinn.

"Ay ganda ng dimples," komento ni Aislinn.

"Salamat," sabi nito at ngumiti pa lalo.

"Ilang taon ka na?" Tanong ulit ni Aislinn kaya naman sinipa ko ito sa ilalim ng
mesa at tiningnan ng masama.
"Eighteen years old," sabi nito.

"Ay bata pa pero matured mo na tingnan," sabi ni Aislinn.

"Bakit ilang taon na ba kayo?" Tanong niya.

"Ako twenty na, si Sprouse at Lila twenty-one," sagot ni Aislinn.

"Lila?" Tanong niya. Tinuro naman ako ni Aislinn.

"Kalila," sagot ni Aislinn. Sakto naman natapos na ako magsolve binalik ko na kay
Sprouse ang papel niya.

"Salamat," sabi ko kay Sprouse tumango lang siya sa akin.

"Twenty-one ka na? Mukha kang bata pa," komento sa akin ni Arking feeling close.

"Manahimik ka hindi tayo close," sabi ko at pinagpatuloy ko na ang pagkain ko


natawa naman siya sa akin.

"So graduating kayo?" Tanong ni Arki.

"Silang dalawa," sabi ni Aislinn.

"Ah," sagot niya lang.

Nagkwentuhan pa si Aislinn at Arki sa kanila kami naman ni Sprouse at nakikinig


lang. Hanggang matapos kami kumain ay ang daldal pa rin ni Aislinn.

"Ano oras next class niyo bebs?" Tanong ni Aislinn. Napatingin naman ako sa relo
ko.
"Mamaya may thirty minutes pa kami, ikaw?" Tanong ko sa kanya.

"Mamaya pa one hour vacant pa ako, maiiwan na naman ako ng thirty minutes," sabi ni
Aislinn.

"Ikaw Seph, ano oras next class mo?" Tanong ni Aislinn.

"Mamaya pa," sagot nito.

"Mahirap ba ang arki?" Tanong ni Aislinn.

"Hindi naman sakto lang," sabi nito.

"Ay pahumble, may kilala ka bang Zeon?" Tanong ni Aislinn.

"Zeon?" Sabay na tanong ni Arki at Sprouse.

"Iyong crush ko nga na Arki," sabi ni Aislinn.

"Crush crush," bulong ni Sprouse.

"Wala akong kilala," sagot ni Arki.

"Sayang naman, sabagay senior mo na rin kasi iyon," sabi ni Aislinn. Tumango lang
naman si Arki.

Inikot ko naman ang paningin ko sa canteen hanggang sa may makita akong lemonade.

"Sprouse, lemonade." Turo ko sa lemonade habang nakatingin kay Sprouse. Sinundan


naman ni Sprouse ang tinuro ko.
"Akin pineapple juice please," sabi ni Aislinn.

Tatayo na sana si Sprouse ng magsalita iyong arki.

"Ako na libre ko na kayo," sabi nito sabay tayo at bili ng pinapabili namin.

"Bet ka talaga bebs," pang-aasar ni Aislinn.

"Bet mo ito bebs," sabi ko.

"Pedo," sabi niya.

"Anong pedo ka riyan?" Tanong ko.

"Pedophile," sabi niya.

"Gaga, hindi nga ako pumapatol sa mas bata sa akin manahimik ka," sabi ko habang
pinadidilatan ko siya.

"Ay sus bebs," sabi niya habang may pang-asar na ngiti sa akin.

Nang bumalik na iyong Arki na feeling close ay nilapag niya sa tapat ko.

"Salamat," sabi ko sabay inom sa lemonade.

"Nagpapalakas ka ba?" Tanong ni Aislinn habang umiinom sa juice niya.

"Ha?" Tanong ni Arki.


"Hotdog," sabi ni Aislinn.

Ngumiti lang iyong arki mayamaya ay may nilabas itong sketchpad at lapis, nagsimula
na itong magdrawing ako naman ay napapasilip sa ginagawa niya, si Aislinn ay ganoon
din ang ginagawa.

"Sana all magaling magdrawing, turn on talaga sa mga arki gagaling magdrawing,"
sabi ni Aislinn.

"Ayaw mo na sa civil engineering bebs? May kilala ako magaling magdrawing din,"
sabi ko.

"Arki mas bet ko ngayon," sabi ni Aislinn.

"Sabi mo civil engineering," sabi ko.

"Dati iyon ngayon arki na," sabi niya.

"Baka magbago isip mo lakad ko sa iyo iyong kakilala ko," sabi ko naramdaman ko
naman na sinipa ako ni Sprouse sa ilalim ng mesa.

"Sige nga pakilala mo na iyan ngayon," sabi ni Aislinn.

"Next time na lang kapag gusto mo na sa civil engineering," sabi ko habang


natatawa.

"Seph, kapag naging close mo si Zeon, chikahin mo ako ha," sabi niya kay Arki.

"Close kayo 'te?" Tanong ko kay Aislinn.

"Oo, 'di ba close na tayo?" Tanong ni Aislinn kay arki.


"Oo naman," sagot nito habang nakangiti. Napailing na lang ako, nagsama ang
dalawang feeling close. Tumayo na ako sa pagkakaupo.

"Akyat na ako sa room," sabi ko bago kunin ang bag ko at alis. Mamaya pa magstart
ang klase namin gusto ko lang tumambay sa room, iidlip lang din ako.

Pumasok na ako sa academic building namin at umakyat sa fourth floor kung nasaan
ang room namin. Pagpasok ko sa room ay walang tao pa roon kaya umupo ako sa malapit
sa may bintana, nilagay ko ang bag ko sa may arm-rest at sumubsob ako roon.

May naramdaman naman akong pumasok sa loob pero hindi ko na lang pinansin iyon baka
kaklase ko lang din naman iyon. Naramdaman ko rin na tumabi siya sa akin, naamoy ko
naman ang pabango niya, kaamoy ni noong freshmen na arki kaya naman napabangon ako
at tumingin sa katabi ko.

"Hoy bata ka, anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kanya, tumingin siya sa akin
tapos ngumiti nakita ko na naman ang dimples niya. Shet lalim ng dimples.

"Makabata ka naman sa akin, legal age na ako ate," sabi niya habang nakangisi.

"Kahit na bata ka pa rin, mas matanda ako sa iyo, labas ka na hindi mo ito room,"
pagtataboy ko sa kanya. Feeling close talaga itong arki na ito.

Imbis na sumunod siya sa akin ay kinuha niya ang sketchpad niya at lapis kinuha
niya rin ang earphones niya at cellphone.

"Ate, mas matanda ka nga sa akin mas matangkad naman ako sa iyo," sabi niya habang
nakangisi, nilagay niya sa kanang tainga niya iyong isa niyang earphones.

"Bastos kang bata ka," sabi ko habang nakatingin ng masama sa kanya.

"Nakahubad ang bastos ate," pang-aasar niya.

"Huwag mo akong ma-ate hindi tayo close," sabi ko sa kanya. Nagulat naman ako ng
nilagay niya sa kaliwang tainga ko ang isang earphones niya.
"Sige babe," nakangisi niyang sabi.

"Aba't-" naputol ang sasabihin ko ng marinig ko ang kanta na nakaplay.

"Tulog ka lang babe, dodrawing ako," nakangisi niyang sabi.

"Huwag mo ako maate o mababe, sasapakin kitang bata ka," sabi ko sabay sobsob ulit
sa bag ko.

"Yes mama," sabi niya napaayos ulit ako ng upo ng marinig ko siya. Kakaltukan ko na
sana siya ng makita kong busy siya sa pagdrawing kaya hindi ko na lang ginawa,
assignment yata nila ang ginagawa niya kaya hindi ko na pinansin. Kinuha ko na lang
ang phone ko at inopen ko ang mobile legend ko.

"Bobo naman nito," sabi ko habang naglalaro. Napatingin naman sa akin iyong arki na
feeling close.

"Anong rank mo?" Tanong niya sa akin.

"Rank one," pamimilosopo ko. Napailing naman siya sa akin bago niya bitawan ang
lapis niya.

"Laro tayo, pagkatapos ng game mo," sabi niya.

"Bata tapusin mo muna ginagawa mo, ako nagsasabi sa iyo mahirap maghabol kasi
napagdaanan ko na iyan," sabi ko habang nakafocus pa rin ako sa nilalaro ko.

"Tapos na po mama," sabi niya masama ko naman siyang tiningnan kaya nawala ang
atensyon ko sa nilalaro ko pagbalik ng tingin ko sa nilalaro ko namatay na ako.

"Hayop ka talagang arki na feeling close ka," sabi ko sa kanya.

"Bakit ako? Hindi kita inaano," sabi niya habang nakataas ang dalawang kamay niya.
"Balik ka na sa room niyo, labas dito." Patataboy ko.

"Mamaya pa po klase ko ma-- aray!" Reklamo niya ng sabunutan ko siya.

"Gago ka sabi ko huwag mo ako matawag na mama, ate or babe, hindi tayo close," sabi
ko sa kanya.

"Nakikipagclose na nga ako sa iyo e," sabi niya.

"Paano kung ayoko," sabi ko.

"Edi bahala ka, basta friendly lang ako," sabi niya. Tinaasan ko naman siya ng
kilay.

"Friendly mo 'to, ulol kang bata ka," sabi ko.

"Grabe ka sa akin ate, mas tanda ka lang mas matangkad naman ako sa iyo, tingin mo
sino mas mapapagkamalang mas matanda sa ating dalawa?" Tanong niya sa akin. Naiinis
na ako sa arki na feeling close na ito.

"Alam mo, nakakapikon ka na, hoy mas matangkad ka lang mas matanda pa rin ako,
respeto." Asar na sabi ko sa kanya.

"Oo na po Kali," sabi niya. Tiningnan ko naman siya ng masama.

"Kali? Ulol hindi nga tayo close," sabi ko.

"Nakikipagclose nga ako, ayaw mo naman," sabi niya.

"Ayoko e," sabi ko.


"Bahala ka," sabi niya.

"Bwisit ka," sabi ko at binalik ko na lang atensyon ko sa nilalaro ko. In the end
ay na defeat kami, bawas star rank game pa naman, daldal kasi ng feeling close na
arki.

"Tara game, rank game tayo," sabi niya.

"Siguraduhin mo na mapapanalo mo kung hindi masasakal kita," sabi ko sa kanya.

"Sure," sabi niya. Finallow niya ako sa mobile legend at nag follow back rin ako,
ininvite ko siya.

Seryoso lang kaming dalawang naglalaro ng mobile legend.

"Hoy Arki, tulong mamamatay na ako, tulong!" Halos sigaw na sabi ko sa kanya.

"Ay sorry na late," sabi niya sa akin matapos ako mapatay. Tiningnan ko naman siya
ng masama.

Nang matapos ang game ay nanalo kami siya pa mvp.

"Sabi sa iyo mapapanalo natin e," sabi niya. Sasagot na sana ako ng marinig ko ang
mga maiingay kong kaklase na papasok sa room. Nang makapasok sila sa room ay
napatigil sila at nakatingin sa amin ng arki na feeling close.

"Oy si Lila may jowa na taga-Arki," sigaw ni Jacob.

"Akala ko ba ayaw mo sa Arki, Lila?" Tanong naman ni Harold.

"Tangina niyo po," sabi ko sa kanila.

"Si Lila may jowa na," pang-aasar nila.


"Mga gago hindi ko jowa iyan, hoy arki labas na may klase na kami," sabi ko sa
kanya, tumayo naman siya at inayos ang gamit niya.

"Bye babe," sabi niya sa akin sabay kindat, narinig naman iyon ng mga kaklase ko
kaya ng asar sila lalo.

Binato ko naman ng notebook ko na nakuha ko sa bag ko iyong arki na feeling close.

"Letse labas na," sabi ko.

"See you around babe," pang-aasar niya pa.

Tiningnan ko naman siya ng masama dahil lalong umingay sa room namin dahil sa pang-
aasar ng mga kaklase ko.

"Hindi ko nga siya jowa, bwisit talaga kayo mga issuerist!" Sigaw ko sa
nagkakantyawan na kaklase ko.

Humanda ka sa akin kapag nagpakita ka sa aking Arki na feeling close ka.

Chapter 4 - Chapter 3

Chapter 3

"Malapit na mag-February," nakangiting sabi ni Aislinn.

"Manahimik ka dati tuwang-tuwa ako ngayon hindi na nakakatuwa," sabi ko sa kanya.

"Bakit kasi tumatanda ka na?" Pang-aasar niya sa akin.


"Medyo, tumatanda akong walang jowa," sabi ko.

"Nasaan iyong bata mong arki?" Tanong niya sa akin, tiningnan ko naman siya ng
masama.

"Hindi ko bata iyon ano, hindi ako papatol sa mas bata sa akin itaga mo sa bato,"
sabi ko sa kanya.

"Sige tingnan natin," sabi niya tapos ay ngumiti naman siya sa akin ulit. "Ano
plano mo sa birthday mo?"

"Wala," simpleng sagot ko.

"Ay boring naman," sabi niya.

"Sa 14 na lang tayo magcelebrate," sabi ko sa kanya.

"Sige tutal wala tayong pasok ng 14," sabi niya.

February 13 kasi ang birthday ko at kapag busy kami or may pasok kami tuwing
birthday ko ay cenecelebrate namin iyon ng 14 naggogroup date kami nila Sprouse at
Aislinn, ako talaga ang third wheel sa kanilang dalawa.

Last week na ng January ngayon kaya nagpausapan namin ni Aislinn, halos two weeks
na rin na nagsimula ang second semester namin. August kasi ang pasukan namin kaya
January ang start ng second semester namin.

"Wala ka bang ganap sa 14?" Tanong ko kay Aislinn.

"Wala hangga't hindi ako niyaya ni baby Zeon magdate," sabi niya habang kinikilig
pa, napailing naman ako minsan sarap pektusan niyan pero hinahayaan ko na lang.

"Close na ba kayo?" Tanong ko sa kanya.


"Medyo," sabi niya habang pinakita sa akin ang hinlalaki at hintuturo niya na may
maliit na space sa gitna nito.

"Medyo lang pala, huwag ka na umasa," sabi ko sa kanya.

"Hindi naman masama may assume," sabi niya sabay upo sa mesa ng bench na
tinatambayan namin ngayon na malapit lang sa canteen namin.

"Hindi ka engineering para mag-assume," sabi ko.

"Hindi naman engineering lang ang mahilig mag-assume a," depensa niya pa.

"Bahala ka nga," sabi ko. "Nasaan pala si Sprouse?"

"Sabi niya may gagawin daw siya," sagot niya sa akin habang inuunat ang dalawa
niyang paa sa katabi kong upuan.

"Ikaw wala ka pang klase?" Tanong ko sa kanya bago ko kunin ang clipboard ko at
ballpen ko sa bag ko.

"Mamaya pa," sabi niya.

"Hindi ka kaya malate? Hoy bebs malayo ang department niyo sa department namin,"
sabi ko. Ibang building kasi ang department ng mga education, doon pa siya sa
kabilang building sa amin kasi Architectural at Engineering department ay magkasama
sa iisang academic building.

"Hindi iyan, tsaka sanay na ako ilang taon na rin akong laging pumupunta rito sa
inyo," sabi niya sa akin.

"Wala ka bang ka-close sa kaklase mo?" Tanong ko habang nagsisimula na magsolve ng


trigonometry na assignment namin sa pre-board namin.

"Mayroon, kaya naman mas tambay na ako rito sa department niyo kasi nandito crush
ko sumusulyap ako baka makita ko rito sa paligid," sabi niya habang iniikot niya
ang paningin niya sa paligid.

"Habol ka ng habol sa crush mo baka pinapaasa ka lang," sabi ko na nakafocus pa rin


sa sinosolve ko.

"Hindi ako aasa kung walang siyang motibong binibigay," sabi pa niya.

"Ewan ko sa iyo, tulungan mo na lang ako rito math major ka naman e," sabi ko sa
kanya saglit niya naman ako tiningnan bago niya ilipat ang tingin sa papel ko.

"Bebs iba ang math niyo sa math namin, papatayin ako ng mga math niyo e," sabi niya
sa akin. One time kasi dati nagpatulong ako sa kanya tapos ng makita niya iyong mga
problem sumuko agad wala raw siyang alam sa math namin, mababaliw daw siya.

"Hays, iyong discussion kasi namin madali naman tapos iyong take home quiz na
napakahirap na," sabi ko sabay labas na rin ng libro ko sa trigo.

"Engineering pa," sabi ni Aislinn habang nakahalumbaba at nakatingin lang sa mga


taong napapadaan.

"Hindi ko rin nga alam bakit ako nag engineering nademonyo ako ni Sprouse," sabi ko
habang inoopen ko ang libro ko.

"Okay lang iyan, graduating ka na rin naman," sabi niya sa akin. "Oy bebs iyong
baby mong Arki."

Napalingon naman ako kay Aislinn mayroon siyang tinuro kaya sinundan ko ang
tinuturo niya, nakita ko naman iyong Arki na feeling close kasama mga classmate
niya, may dala siyang kulay blue t-square at iyong kulang itim na tube.

Nilingon ko naman agad si Aislinn ng magtapo ang mata namin ng feeling close na
arki na iyon.

"Hindi ko siya baby," sabi ko kay Aislinn habang pinandidilatan siya.


"Bebs, papalapit iyong bata mo," sabi niya sa akin, sinabunutan ko naman si Aislinn
napahawak naman siya sa kamay ko na nasa buhok niya habang tumatawa siya.

"Hindi nga kasi," naiinis na sabi ko sa kanya.

"Hello Seph," sabi ni Aislinn habang nakahawak pa rin siya sa kamay ko na nasa
buhok niya.

"Hello," sabi ng lalaking nasa likod ko kaya naman binitawan ko ang buhok ni
Aislinn at pinandilatan siya. Tumingin naman ako sa likod ko at nakita iyong
feeling close na arki.

"Hi Aubrey," sabi niya sa akin.

"Hindi tayo close para tawagin mo ako sa second name ko," sabi ko sabay talikod sa
kanya at kinuha ko ulit ang ballpen ko at nagsimula ulit ako magsolve.

"Pre-board quiz ulit?" Tanong niya sa akin habang umuupo sa tabi ko.

"Oo," simpleng sagot ko.

"Bebs alis na ako may klase pa ako," sabi ni Aislinn akmang tatayo na siya sa
pagkaka-upo niya ang hawakan ko kamay niya tapos pinanlakihan ko ng mata ko, tumawa
naman siya.

"Dito ka lang mamaya pa ang klase mo," sabi ko sa kanya habang pinanlalakihan siya
ng mata.

"Bebs, baka malate ako bahala ka," sabi niya sa akin ng bitawan ko ang kamay niya
ay mabilis siyang tumakbo palayo sa akin habang kumakaway.

"Wala kang klase?" Tanong sa akin ng katabi ko, nilingon ko naman siya tapos
umurong ako sa pwesto ni Aislinn kanina para may malaking space ako sa kanya.
"Wala," sabi ko. Tumango naman siya bago niya ilabas ang standard tracing paper
niya mula sa tube niya nakita ko naman ang ibang mga plates niya na nasa tube,
magaganda ang drawing niya tapos ang tataas ng grade niya sa mga plates niya.

"Patabi ako ha, gagawa lang ako ng plates ko," sabi niya habang nilalabas niya ang
t-square niya sa lalagyan nito matapos noon ay may kinuha siya sa bag niya na isang
set ng techpen may tatak iyong rotring. Napataas naman ang kilay ko na makitang
complete set ang gamit niya, nilabas niya rin ang triangle niya napataas ulit ang
kilay ko ng makitang steadler ang tatak noon. Original lahat ng gamit.

"Hindi ka loyal sa isang brand ano?" Tanong ko sa kanya. Napatingin naman siya sa
mga gamit niya bago ngumiti sa akin. Nagkibit balikat lang din siya tapos ay
nagsimula na siyang gumawa ng border sa tracing paper, napatingin ako sa tube niya
na nakaopen sa ibabaw ng mesa, tiningnan ko iyon at nakita ko ng maayos ang mga
plates niya.

"Wow," komento ko sa mga gawa niya napalingon naman siya sa akin.

"Bakit?" Tanong niya sa akin.

"Galing mo, itong mga design na ito ang pahirap sa buhay namin e," sabi ko. Narinig
ko naman siyang tumawa.

"Paano mo masasabing magaling ang isang engineer kung hindi niya magagawa ang
design ng architect," sabi niya sa akin.

"Ayan tayo e, kayo kaya sa posisyon namin kayo magsolve niyan, aba kahit favorite
subject ko ang design nakakastress pa rin kapag may irregular shape ano," sabi ko.

"Ano pinaglalaban mo?" Tanong niya sa akin.

"Ang sa akin lang, kapag iyong isang structure maganda ang pagkakagawa sasabihin
ang galing ang architect pero kapag iyong structure nasira or gumuho ang sisi lahat
sa engineer, ang unfair kaya," pagrereklamo ko.

"So dapat galingan lang talaga ang engineer sa pagdesign kasi siya ang sumasagot sa
tibay ng building e," sabi niya habang nagdodrawing. Tiningnan ko naman siya tapos
umirap ako.
"Bahala ka nga riyan," sabi ko sabay balik ng atensyon sa sinosolve ko, narinig ko
naman siyang tumawa. Hindi ko na lang siya pinansin at tinuloy ko ang pagsolve ko.
Makalipas ang ilang minuto ay tumigil na ako sa pagsolve kasi wala na akong
masolve, kokopya na lang ako kay Sprouse kapag hindi ko natapos ito lahat wala na
akong mapiga sa utak ko e, mababaliw na ako kakasolve, inayos ko na ang gamit ko ng
maayos ko na ay nakahalumbaba akong tumingin sa dinodrawing ng arki na feeling
close. Tapos na siya magborder mechanical pen na ang gamit niya niya hindi pa rin
siya nagsisimula magdrawing parang may pinoproblema.

"Bakit hindi ka pa gumagawa?" Tanong ko sa kanya.

"Wala akong triangular scale," sabi niya sa akin. Tiningnan ko naman siya at
umiling iling ako.

Kinuha ko ang bag ko at kinuha roon ang triangular scale ko sa bag ko.

"Architectural ka tapos hindi ka nagdadala ng triangular scale, alam mong kailangan


iyan," panenermon ko sa iabot sa kanya ang triangular scale ko.

"Sorry na po mama, naiwan ko po kasi sa bahay," sabi niya sabay kuha sa triangular
scale ko. "Salamat."

"Hindi nga tayo close at hindi mo ako mama," sabi ko sabay sabunot sa kanya tumawa
naman siya sa akin.

"Oo na po babe," sabi niya kaya naman mas hinigpitan ko ang pagsabunot sa kanya.
"Sige hindi na talaga ate."

"Bwisit ka talaga," sabi ko sabay bitaw sa buhok niya siya naman ay tumawa lang
bago ibalik ang atensyon sa ginagawa niya ako naman ay nanonood lang sa ginagawa
niya.

Nang masikipan siya sa table ay pinatong niya sa upuan ang t-square niya habang
nakasandal naman ang kabilang dulo ng t-square niya sa may mesa.

"Pwede naman ipatong na lang dito sa upuan," sabi ko.


"Okay na iyan diyan, maabala ka kapag sa upuan ko pinatong," sabi niya.

"Hindi, aalis na rin kasi ako may klase pa ako," sabi ko sabay tayo. Aalis na sana
ako ng hawakan niya ako sa kamay at nahila niya ako na out of balance naman ako at
iyong kamay ko ay sumakto sa kitang parte ng t-square niya na napush ang buong
bigat ko kaya naputol at nahati sa gitna iyong t-square niya.

"Hala, sorry ikaw kasi e," sabi ko habang nakatingin sa sira niyang t-square, siya
naman ay kinuha ang naputol niyang t-square at tinitigan iyon.

"Hoy sorry talaga," sabi ko. Tumingin siya sa akin saglit bago ibalik ang tingin sa
sira niyang t-square.

"Okay lang," mahina niyang sabi. "Sige na may klase ka pa."

Napatingin naman ako sa kanya bago tingnan ang relo ko magstart na ang klase ko
five minutes na lang.

"Sorry talaga papalitan ko na lang iyan, sorry ha sige papasok na ako malalate na
ako, promise papalitan ko iyan," sabi ko sabay takbo paalis.

"Tulala ka," komento sa akin ng classmate ko na si Ara.

"May nasira akong t-square," sabi ko.

"Patay ka," sabi niya.

"Gamit niya pa naman iyon, lampa ko kasi e." Naiinis na sabi ko.

"Bakit pure glass ba t-square niya?" Tanong niya sa akin.

"Oo, steadler." Nastress kong sagot.


"Okay lang iyan, palitan mo na lang ng t-square mo," sabi niya. Tumango-tango naman
ako sa kanya kasi iyon din naman ang plano ko.

"Excuse me po." Halos lahat kaming nasa room ay napatingin sa may pintuan, iyong
professor naman namin na nagdiscuss ay tiningnan iyong taong nasa may pintuan.

"Yes?" Tanong ng professor namin.

"Pwede po kay Miss Kalila," sabi nito.

"Ma'am jowa iyan ni Lila," sigaw ng kaklase ko kaya naman isang malakas na pang-
asar na naman ang ginawa ng mga kaklase ko pati iyong prof namin ay nakiasar na
rin.

"Miss Morales iyong jowa mo tawag ka," pang-aasar ng professor namin.

"Ma'am hindi ko po iyang jowa," sabi ko sabay tayo at lapit sa arki na feeling
close na siyang nang istorbo sa klase namin. Itong mga kaklase ko naman nakabwisit
mga kalalaking tao ang galing mang-issue, tinalo pa kaming limang babae lang na
nasa klase, bali forty kasi kaming magkaklase at ayon limang babae lang kami the
rest mga lalaki na tapos sila pa talaga iyong pinakachismoso at maissue.

"Ano kailangan mo?" Tanong ko sa Arki na feeling close ng makalapit ako.

Inabot naman niya sa akin iyong triangular scale.

"Salamat pala riyan, iyong kanina huwag mo na problemahin, bibili na lang ako sa
isang araw ng bagong t-square tsaka hindi mo naman kasalanan iyon," sabi niya sabay
talikod. Napabuntong hininga naman ako.

Lalo naman akong kinokonsensya sa ginagawa niya e. Bwisit na feeling close na arki
talaga ito e.
Chapter 5 - Chapter 4

Chapter 4

"Bakit dala mo iyang t-square mo?" Tanong sa akin ni Aislinn habang papasok kami sa
gate ng university namin.

"Nasira ko iyong t-square noong arki na feeling close," sabi ko sa kanya. "Bebs
alam mo room niya?"

"Hindi pero kung gusto mo tanong ko siya," sabi niya sabay kuha ng phone niya sa
bulsa niya nagtype siya roon, napataas naman ang isang kilay ko, close na talaga
ang dalawang feeling close na ito?

"Close na kayo?" Tanong ko sa kanya.

"Oo minsan nakakachat ko siya tinatanong ko siya about sa crush ko, tropa na raw
kasi sila e," sabi niya. Napatigil naman ako sa paglakad at tumingin kay Aislinn.

"Grabe ka na sa crush mo na iyan, pati iyong feeling close na iyon close mo na,"
sabi ko.

"Okay lang 'yan," sabi niya. "Ayon drawing room 304 daw."

"Sige salamat, kita na lang tayo mamaya," sabi ko sa kanya bago kami maghiwalay ng
way kasi magkaiba kami ng building.

Nang makapasok na ako sa academic building namin ay mabilis akong umakyat sa


hagdan. Nang makarating ako ng third floor ay hinanap ko iyong room nila at ng
makita ko na iyon ay saglit akong sumilip sa glass ng pintuan ng room nila, nakita
ko siya na nasa gitnang bahagi ng room nakaupo sa tapat ng drawing table niya. Ako
naman ay hindi ko alam kung paano ako kakatok nakakahiya kasi mang istorbo ng
klase. Ilang minuto rin akong naghintay sa labas ng room nila at naghahanap ng
tyamba na kumatok, laging pasalamat ko naman ng may isang babaing lumabas sa room
nila.

"Excuse me," sabi ko sa kanya ng mapadaan siya sa harap ko timigil naman siya sa
paglakad at humarap sa akin napatingin siya sa ID lace ko.
"Ano po iyon?" Tanong niya sa akin.

"Pwede makisuyo ako, patawag naman si Ark- I mean si Joseph," sabi ko habang
nakangiti sa kanya.

"Wait lang po," sabi niya sabay balik sa room nila sumilip ako sa glass ng pintuan
at nakita ko na nilapitan noong babae iyong arki na feeling close tapos tinuro niya
iyong pwesto ko napatingin naman doon iyong arki na feeling close kaya kumaway ako
sa kanya. Mayamaya ay tumayo siya sa inuupuan niya at lumabas ng room.

"Bakit?" Nakangiti niyang tanong sa akin, inabot ko naman sa kanya ang t-square ko
na nakasukbit sa balikat ko.

"O, iyan muna gamitin mo habang wala pa akong pangpalit," sabi ko sa kanya.

"Hindi mo naman kailangan palitan okay na iyon ako naman may kasalanan e," sabi
niya habang nakatingin sa t-square ko.

"A basta kunin mo na ito hindi ko na rin naman iyan nagagamit," sabi ko.

Napansin ko naman siya na nakatitig sa sabitan ng t-square ko, nakalagay kasi roon
ang pangalan ko.

"Pasensya na may pangalan ko, pasensya na rin hindi iyan steadler, solid rotring
ako atsaka hindi pure glass iyan may kahoy sa gitna iyan," sabi ko habang
nakangiting inabot ulit sa kanya ang hawak ko. Kinuha naman niya iyon habang
nakatitig pa rin sa pangalan ko.

"Sige, ibabalik ko na lang ito sa iyo kapag may nabili na akong bago," sabi niya.

"Ikaw bahala, sige aalis na ako inabot ko lang talaga iyan," sabi ko sabay talikod
sa kanya at lumakad na ako papunta sa hagdan sa fourth floor pa kasi ang room namin
e.

Nang makaakyat ako sa room namin ay nandoon na ang iba kong mga kaklase umupo naman
ako sa tabi ni Ara, si Sprouse kasi kasama niya mga tropa niya na kaklase namin
naglalaro sila ng mobile legend.

"Tapos mo na take home quiz?" Tanong sa akin ni Ara, nagsosolve kasi siya.

"Hindi pa, lima na lang hindi ko masolve," sabi ko sa kanya sabay kuha rin ng papel
ko na take home quiz namin.

"Ako rin lima na lang, ang hirap naman kasi nito, ang hirap-hirap balikan ng
subject na ito first year tayo natake natin ito tapos ngayon fifth year na tayo,
noong nakaraang semester ng nakalimutan ko na napag-aralan natin ito pa kayang
ilang taon na ang nakalipas." Pagrereklamo ni Ara, natawa naman ako sa kanya tama
rin naman kasi siya, lalo na't ayoko talaga sa trigo kasi ito talaga ang
ikakabagsak ko sa mga mathematics.

"Kaya nga e, tapos iyong module natin ang dali lang kapag quiz ang hirap," sabi ko.

"Kaya nga e, talagang pipigalin muna tayo bago makagraduate wala na nga tayong
mabibigat na subject dito naman tayo papatayin sa pre-board," sabi ni Ara.

"Bukas na pa naman pasahan nito, hindi ko na masolve itong lima, kokopya na lang
ako kay Sprouse kapag hindi ko kinaya talaga," sabi ko habang nakangiti, ngumiti
rin sa akin si Ara.

"Ako rin pakopyahin mo," sabi ni Ara.

"Sige," sabi ko.

Natigil lang ang pag-uusap namin ni Ara ng dumating na ang prof namin tinago ko na
ang papel ko at kinuha ang notebook ko, magsusulat lang naman kami at may
magrereport lang, hindi na mabibigat subject talaga namin pre-board lang talaga ang
sobrang hirap na subject namin ngayon.

Nang matapos ang klase namin ay bumaba na kami ni Ara para maglunch si Sprouse ay
kasabay na rin namin, nakaakbay pa sa akin si Sprouse ng papasok kami sa canteen.
"Plano sa birthday mo Lila?" Tanong sa akin ni Sprouse.

"Hala oo nga malapit na iyon tapos may pasok pa tayo," sabi ni Ara.

"Walang ganap," sabi ko tumingin naman ako kay Sprouse na nakaakbay sa akin at
ngumiti ako, "pare libre mo kami ni Aislinn ha."

"Ikaw may birthday tapos ako manlilibre," sabi ni Sprouse.

"Sa valentines tayo celebrate wala tayong pasok noon tsaka si Bebs, third wheel
ulit ako," sabi ko sa kanya habang nakangiti nakita ko naman na napangiti siya.

"Ay torpe ng bestfriend niyo Lila, gagraduate na tayo't lahat-lahat hindi pa rin
umaamin," sabi ni Ara.

"Bestfriend nga lang raw kasi," sabi ko.

"Manahimik ka Lila hindi kita papakopyahin," sabi ni Sprouse sa akin sabay naman
kaming natawa ni Ara.

Nang may makita kaming vacant seat ay umupo kami roon nakita ko naman na katabi ng
table noon ang table noong Arki na feeling close.

"Lila paano naman kami hindi mo lilibre sa birthday mo?" Tanong ni Ara ng makaupo
kami sa upuan, napatingin naman ako sa table nila Arki na feeling close nakatingin
ito sa akin, iniwas ko naman ang tingin ko sa kanya.

"Wala akong pera, next time na lang or next year kapag engineer na ako," sabi ko sa
kanya.

"Hays sige sabi mo iyan ha aasahan ko iyan," sabi niya.


"Lila, Ara bili na kayo ng pagkain niyo mamaya na ako pagbalik niyo," sabi ni
Sprouse sa amin, sabay naman kaming tumayo ni Ara iniwan namin ang bag namin bago
kami bumili ng pagkain namin. Nang makabili na kami ay maingat kong dala-dala ang
tray ko, may sabaw kasi roon tapos may tubig din mabagal ang paghakbang ko si Ara
ay na una naman sa akin kasi walang sabaw iyong order niya, bulalo kasi ang inorder
ko sa kanya naman ay sisig hingian na lang daw kami.

Napatigil ako sa paglakad ng may humarang sa harap ko at kinuha iyong tray na dala
ko.

"Ako na kawawa ka naman ate," sabi niya sa akin ng makuha niya ang tray ko bago
siya tumalikod sa akin at naglakad papunta sa table namin ako naman ay tiningnan
siya, nangigil talaga ako sa batang arki na feeling close na iyon kapag tinatawag
akong ate.

Nang makarating na sa table namin ay nilapag niya roon ang tray ko bago siya
bumalik sa table nila nagsigawan naman ang mga kasama ni Arking feeling close.

"Close kayo noon?" Bulong sa akin ni Ara habang nakatingin sa Arki na feeling
close, napalingon naman ako sa table nila at nakita ko na inaasar nila iyong
feeling close na arki.

"Hindi," sabi ko.

"Weh?" Tanong ni Ara.

"Bata iyan ni Lila," tumatawang sabi ni Sprouse kaya binato ko naman sa kanya iyong
tinudor ko tumatawa namang sinalo niya iyon at binigay ulit sa akin.

"Bwisit ka bumili ka na roon," sabi ko sa kanya.


Tumayo naman siya at bumili na ng pagkain kami naman ni Ara ay hinintay namin siya
na makabalik.

"Ikaw ha, akala ko ba ayaw mo sa arki kasi kaaway natin," sabi niya sa akin.

"Ayaw ko naman talaga ah," sabi ko sa kanya, hindi naman kami naririnig sa kabilang
table kasi halos magbulungan lang kami ni Ara magkatabi kasi kami tapos si Sprouse
ay sa harap namin nakaupo.

"Paupo ako," sabi ni Harold na kaklase namin, tumabi ito sa upuan na katabi ni
Sprouse. Pabilog iyong table namin tapos may anim na upuan roon tatlo lang kami
kaya hinayaan na namin si Harold, mamaya maya naman ay nakiupo roon ang isa pa
naming kaklase na si Steven at Evo.

"Hoy huwag niyo raw hawakan iyang t-square ni Seph sa crush niya raw iyan na nasa
kabilang table lang," narinig kong sigaw ng isa sa kaklase ni Arki na feeling close
kaya sabay-sabay naman kaming lima napatingin sa katabi naming table. Nakita ko
naman na hawak ni Arking feeling close ang t-square ko at kitang kita sa pwesto
namin ang pangalan ko.

"Hayop ka Gonzaga manahimik ka," rinig kong sabi ni Arki na feeling close.

"Kay Lila iyan ah, crush mo si Lila, Arki?" Tanong ni Harold na pinakachismoso sa
room namin.

"Oo kuya crush niya," sagot noong isang kaklase ni Arki habang tumatawa.
"Aba nakuya pa mga freshmen ba kayo?" Tanong ni Harold sa kanila.

"Oo kuyang Engineer," sabi noong Gonzaga na sabi ni Arki.

"Aba Lila, bata pala ang gusto mo," tumatawang pang-asar sa akin ni Evo.

"Mga hayop kayo," sabi ko sa kanila, dumating naman si Sprouse at nakiasar na rin.
Ako naman ay nagsimula na kumain.

"Hoy Seph, pikon naman nito," sabi ng mga kaklase ni Arki, nakita ko naman na
papalabas na ito ng canteen sinundan naman ito ng mga kaklase niya.

"Freshmen pala ang tipo mo Lila, tirador ka na rin ng freshmen," sabi ni Steven
sabay tawa ng malakas.

"Welcome to the club Lila," sabi naman ni Harold na isa sa mga tirador talaga ng
freshmen.

"Mga siraulo kayo wala nga iyon," sabi ko.

"Wala raw pero nasa arki iyong t-square niya," sabi naman ni Ara.
"Nasira ko nga t-square ni pinalit ko lang t-square ko mga issuerist kayo," sabi ko
sabay subo ng kanin.

"Sus, kaya pala siya nagdala ng tray niya kanina," sabi naman ni Sprouse.

"Torpe!" Sabi ko sa kanya.

"Pedo!" Sagot niya sa akin.

"Ah pedophile," pang-aasar naman nila sa Ara sa akin.

"Tangina niyo po with respect, hindi nga ako papatol sa mas bata sa akin manahimik
kayo," sabi ko. Binilisan ko naman ang pagkain ko, mang-aasar na mang-aasar lang
iyan mamaya sa room ikakalat na nila iyan mga chismoso kasi sila lalo na si Harold
tinalo pa ang babae sa sobrang kachismosohan niya.

Nang matapos na ako kumain ay binalik ko na ang pinagkain ko at iniwan sila kahit
hindi pa sila tapos kumain.

"Ay pikon din nito, hoy saan punta mo?" Tanong ni Sprouse habang tumatawa.

"Wala kayong paki," sabi ko habang hindi sila nililingon narinig ko naman ang
malalakas nilang tawa bago ako makalabas ng canteen, pumasok ako sa building namin
at dumeretso ako sa library namin kasi roon walang maiingay.

Nang pumasok ako ng library ay nagsign in lang ako tapos iniwan ko ang bag ko,
kinuha ko lang ang clipboard ko, ballpen, calculator, cellphone at earphones ko.

Naghanap ako ng table tapos nilapag ko ang gamit ko roon tapos pumunta ako sa mga
libro naghanap ako ng trigo na libro na makakatulong sa sinosolve ko ng may makita
ako ay bumalik ako sa table ko pagbalik ko ay nagulat ako na nakaupo na roon iyong
arki habang nagsosolve na rin.

"Bakit nandito ka?" Tanong ko sa kanya.

"Ang iingay nila," sabi niya. Tumango naman ako kasi parehas kaming naiingayan sa
kanila, magkatapat kaming dalawa. Kinuha ko ang phone ko at sinaksak ang earphones
ko roon bago ilagay sa tainga ko nagplay ako ng music at sinagad ko ang volume noon
tapos nagstart ako magbuklat ng libro. Napapalingon ako sa katapat ko at nakita ko
na Analytic Geometry sinosolve niya kaya hinayaan ko na rin.

Nagtry na rin ako magsolve kaso nabwisit lang ako kasi hindi ko talaga makuha ang
sagot wala sa mga option.

Nagulat naman ako ng may inabot na papel sa akin iyong arki ng tingnan ko iyon ay
solution iyon na ng sinosolve ko. Napatingin ako sa kanya. Matalino pala ito.
Kinuha ko iyon at pinag-aralan ko napatango naman ako ng magets ko iyon. Tinanggal
ko ang earphones sa tainga ko at pinatay ang music.

"Magaling ka sa trigo? Paturo ako," desperada kong sabi sa kanya ng hindi ko


masolve ulit ang sinosolve ko. Napalingon naman siya sa akin at tumingil sa
pagsolve. Tapos lumipat siya sa tabi ko.

"Iyan nasolve ko na ang hindi mo pa nasosolve, tanong mo sa akin kapag hindi mo na


gets," sabi niya napatingin naman ako sa papel nabinigay niya napanganga ako at
iyon lahat ay iyong walang pa akong sagot.

"Paano mo na solve?" Tanong ko.

"Sinolve ko madali lang naman e," kibit-balikat na sabi niya.

"Bakit ako hindi ko makuha?" Tanong ko, nagkibit-bilikat ulit siya.


"Paano mo nakita ang mga tanong?" Tanong ko sa kanya habang pinag-aaralan ko ang
papel na binigay niya sa akin.

"Nakita ko," sabi niya sabay turo sa clipboard ko kung nasaan ang take home quiz
namin.

Tumahimik na lang ulit ako at pinag-aralan ang sinolve niya kapag may hindi ako
maintihan ay tinatanong ko siya, siya naman ay ini-explain sa akin ang mga hindi ko
maintindihan. Nang matapos akong magsolve ay napaunat ako dahil ang sakit sa likod.

"Lalabas na ako, ikaw?" Tanong ko sa kanya.

"Lalabas na rin," sabi niya sa akin at inayos na niya ang gamit niya sabay naman
kami naglakad papunta sa kuhaan ng bag tapos nagsign out na rin ako.

"Salamat pala," sabi ko sa kanya ng makalabas kami ng library.

"Wala iyon kapag kailangan mo tulong ko sabi ka lang," sabi niya.

"Sige una na ako sa iyo may klase pa ako sa water resources engineering," sabi ko
sa kanya.

"Sige, bye crush," sabi niya sa akin, napalingon naman ako sa kanya siya naman ay
ngumiti lang sa akin kaya nakita ko na naman ang dimples niya, napaiwas ako ng
tingin sa kanya bago mabilis na naglakad paakyat sa hagdan.

Nang makalayo na ako sa kanya ay napahawak ako sa puso ko bigla kasing tumibok ng
mabilis iyon. Letse na arking feeling close talaga.

Chapter 6 - Chapter 5

Chapter 5
Isang linggo na rin ang lumipas matapos huling makausap ko iyong arki na feeling
close. Nagkikita lang kami sa canteen at minsan nakakasalubong ko siya pero hindi
kami nag-uusap busy rin yata siya ako naman ay laging kasama ko mga kaklase ko
gumagawa kami ng report namin naging busy rin ako ng isang linggo dagdag pa ang
pre-board namin, tapos may mga pumupunta na rin na review center sa university
namin para hikayatin kami na sa kanila magreview.

Tapos may project pa kaming gagawin para sa midterm namin, malapit lapit na rin
kasi magmidterm kami isang buwan na lang. February na rin ngayon at next week na
rin ang birthday ko pero hindi ko na rin masyadong iniisip ginagawa ko na mga
report ko sa ibang subject tapos sinisimulan ko na rin gumawa ng project namin para
hindi na ako maghabol sa deadline namin. Magrereview na lang ako at hindi ko na
poproblemahin ang project namin.

Nakatambay ako sa may lapit sa canteen namin kung saan may bench at may lamesa roon
kasama ko si Ara at si Sprouse tapos si Steven at Joyce na kaklase namin bali
nakahiwalay lang ng table sa amin sila Joyce, Steven at Sprouse, masikip kasi sa
table kapag nagsama-sama kami tapos may mga gamit pa kami, may dala kaming tube
kung saan nakalagay iyong project na ginagawa namin, nagdedesign kasi kami.

"Sprouse pahiram t-square," sabi ko kay Sprouse na solo ang isang table, lumingon
naman siya sa akin at inabot ang t-square niya, ako naman ay hinanap ko ang pantay
na bahagi ng table naginagamit namin bago ako maglinya sa tracing paper.

"Ka-stress naman ito, dapat AutoCAD na lang natin ito edi mas madali sana," sabi ni
Ara na kasama ko sa table.

"Kaya nga e," sabi ko habang gumagawa ng border sa tracing paper ko.

"Okay lang iyan floor plan lang naman gagawin natin na drawing," sabi naman ni
Joyce na nasa kabilang table.

"Buti floor plan lang talaga wala pa naman akong talent sa pagdrawing," sabi ko.

"Buti uso na ang autoCAD ngayon," sabi naman ni Ara na nagsusulat na sa tracing
paper. Ako naman ay matapos ko magborder ay binalik ko kay Sprouse ang t-square
niya kasi nasisikipan ako sa table namin kung doon ko pa ilalagay, nakakalat kasi
sa table namin ang mga papel at mga drawing material namin ni Ara.
Kinuha ko ang techpen ko na point five, kumuha muna ako ng scratch paper at doon ko
nilagay ko ang techpen ko at hinayaan na magkalat muna ang tinta bago ko iyon
punasan.

"Walang hinangan na this, away-away ha walang gagalaw sa atin," sabi ko kay Ara na
busy rin sa pagsusulat sa plate niya hindi ako nito pinansin at patuloy itong
marahang nagsusulat nasa tapat ko naman siya kaya okay lang.

Nagsimula na rin ako ng marahan na sulat pero patigil-tigil ako nagtatae kasi iyong
techpen ko.

"Sino may steadler na point five pahiram," sabi ko kasi tae ng tae talaga iyong
techpen ko. Inabot naman sa akin ni Steven ang techpen niya kaya ngumiti ako sa
kanya at nagsulat ulit.

"Busy kayo ah," sabi ng taong umupo sa tabi ko napatigil naman ako sa pagsulat at
tiningnan ko siya. Iyong arki na feeling close.

"Hoy Arki long time no see," sabi ni Ara na tumigil din pala sa pagsulat.

"Hi ate," sabi nito kay Ara. Tinanguan lang ito ni Ara tapos nagsulat na ulit. Ako
naman ay nagsimula na rin magsulat ulit.

"Wow, bahay mo ito ate?" Tanong ng katabi ko kaya naman napatingin ako sa kanya,
nakita ko na pinakialaman niya iyong laman ng tube ko, nakalagay kasi roon iyong
naging project namin sa Building Design 1 namin, pinagawa kami roon ng bahay o
dream house raw namin.

"'Wag ka nga makialam," sabi ko sabay tingin ng masama sa kanya.

"Ganda ate, kaunting ayos na lang ito okay na," sabi niya habang nakatitig pa rin
sa bahay na ginawa ko. Hinayaan ko lang siya at tinapos ko ang pagsusulat.

"Pang-engineering talaga ang handwritten," komento niya sa gawa ko ng makita niya


tapos na sinusulat ko.

"Wala ka bang klase, umalis ka na nga." Pagtataboy ko sa kanya.


"Wala pa mamaya pa klase namin," sabi niya. Tiningnan ko lang siya bago ko kunin
ang triangular scale ko na nasa table, pinunasan ko muna iyon ng tissue. Kinuha ko
naman ang mechanical pen ko at iyon ang ginamit ko pangdrawing tahimik naman na
nakatingin lang sa ginagawa namin iyong arki mayamaya ay umalis ito.

"Grabe iyang bebe mo Lila, nakakapressure tuloy gumawa kanina nakatitig sa ginagawa
natin e," sabi ni Ara, tiningnan ko naman siya ng masama.

"Una sa lahat hindi ko siya bebe," sabi ko sa kanya tumawa lang naman siya kaya
hinayaan ko na lang at tinuloy ko ang pagguhit ko.

Mayamaya ay bumalik iyong arki may dala itong anim na C2 inabot niya iyong isa-isa
sa amin tapos may dala rin siyang tatlong malalaking chips.

"Salamat Arki," sabi nila Ara, Joyce at Steven si Sprouse ay tumango lang kay Arki.

"Amin na lang ito ni Sprouse," sabi ni Ara sabay kuha sa isang chips at lipat sa
table ni Sprouse.

"Ano kakandidato ka ng president ng College of Architectural and Engineering


Technology?" Tanong ko sa kanya.

"Ito naman nilibre ko lang kayo, mukhang kanina pa kayo rito gumagawa e," sabi niya
sabay open sa C2 at inabot niya sa akin. Kinuha ko iyon at ininom ko binuksan naman
niya iyong chips at inabot sa akin, kumuha rin ako roon. Tapos ay pinunasan ko muna
ang kamay ko gamit ang tissue bago magdrawing ulit. Busy ako sa pagdrawing ko
nagulat na lang ako ay may isinusubo siya sa akin na chips, ngumanga naman ako at
kinain iyon.

"Ehem, sana all may tagasubo," sabi ni Ara kaya napatingin ako sa kanya nakita ko
siya na kumakain ng chips habang nakatingin sa akin at nakangiti, inirapan ko naman
siya kaya tumawa lang siya tapos nagpunas ng kamay niya at kinuha ang techpen niya.

"Magkamali ka sana, chismosa ka," sabi ko sa kanya na lalo niyang ikinatawa.

Ako naman ay kinuha ko na rin ang techpen ko nagtry muna ako sa scratch paper bago
ko iguhit sa gawa ko baka kasi nagtatae pa rin. Nang hindi na ito nagtatae ay
ibinakat ko na ito sa mechanical pen na ginuhit ko.

"Project niyo?" Tanong sa akin ng katabi ko.

"Oo," sagot ko naman sa kanya.

"Floor plan lang iyan o hindi?" Tanong niya.

"Floor plan lang," sabi ko. Akmang susubuan niya ulit ako ng chips ng humarap ako
sa kanya.

"Subukan mong gumalaw babasagin ko sa ulo mo tube ko," sabi ko sa kanya habang
nakatingin ako ng masama tinaas naman niya ang dalawang kamay niya tapos tumawa sa
akin.

Marahan kong binakat ang drawing ko na halos hindi na ako huminga dahil techpen na
ang gamit ko iyong katabi ko naman ay napansin ko na nakatingin lang sa gawa ko at
hindi rin gumagalaw. Nang matapos ko mabakat iyon ay naghanap ako ng eraser.

"May eraser kayo? Nawawala eraser ko," sabi ko sa mga kasama ko.

"Mayroon ako," sabi ng katabi ko sabay kuha sa bag niya nilabas niya iyong pouch
niya na lalagyan ng mga maliliit niya gamit, nang makuha niya ang eraser ay inabot
niya sa akin iyon. Nakita ko na may tatak iyong rotring, bago ko i-erase iyon sa
gawa ko ay ini-erase ko muna iyon sa scratch paper bago ako magbura. Matapos kong
magbura at binalik ko sa kanya iyon. Inayos ko na ang gamit ko at kinuha ko iyong
tube ko tapos nilagay roon ang gawa ko, napatingin naman ako sa table nila Ara at
Joyce nakita ko na kumakain na lang sila.

Minassage massage ko naman ang balikat ko matapos kong maayos ang mga gamit ko.

Kinuha ko iyong C2 at ininom ko tapos kumuha ako ng chips.

"ML tayo," sabi ni Steven.


"Paconnect ako wala akong load," sabi ko.

"Load kita ate," sabi naman ng katabi ko.

"Sige fifty lang," sabi ko kinuha naman niya ang cellphone niya.

"Number mo ate?" Tanong niya sa akin, sinabi ko naman sa kanya ang number ko ako
naman ay kinuha ang wallet ko sa bag ko. Nang tumunog ang cellphone ko ay cheneck
ko iyon.

"Ay gago ka Arki, sabi ko fifty lang bakita one hundred fifty ito," sabi ko sa
kanya ng makita ko ang amount na niload niya napakibit-balikat naman siya.
Tiningnan ko naman siya ng masama ay kumuha ako ng two hundred sa wallet ko.

"Huwag na ate, libre ko na iyon sa iyo," sabi niya.

"Sana all may loader din, baka may kaklase ka na single arki iyong gaya mo sana
pakilala mo sa akin age doesn't matter ako," sabi ni Joyce.

"Ito bayad ko," sabi ko sa kanya hindi naman niya kinuha iyong bayad ko sa halip ay
inopen niya lang iyong mobile legend niya.

"Lila bilisan mo na game na tayo," sabi naman ni Sprouse kaya naman nagregister na
ako sa niload niya sa akin tapos ay inopen ko mobile legend ko.

Ininvite nila ako, ako naman ay ininvite ko si Arki. Si Joyce ay nakinood lang sa
amin hindi naman kasi siya nagmomobile legend e. Naglaro lang kaming lima ng mobile
legend.

"Hoy madaya ka Lila KS ka ng KS a," pagrereklamo ni Sprouse sa akin nginitian ko


lang naman siya. Nang matapos ang laro namin ay nanalo kami.

"Isa pa?" Tanong ko.


"Kayo na lang muna nagtext sa akin si Aislinn nagpapabili ng pagkain," sabi ni
Sprouse habang nakatingin sa cellphone niya. Siguro tinext ito ni Aislinn ganoon
kasi iyon kapag nasa klase tapos nagugutom itetext noon si Sprouse at magpapabili
ng pagkain, itong si Sprouse naman syempre sunod agad.

"Ako rin aalis na may klase pa ako kailangan ko itong maipasa para sabay ako
makagraduate sa inyo," sabi naman ni Joyce, may isang subject pa kasi siyang
binabalikan buti nga ay nahabol niya iyon.

"Aalis na rin ako may pupuntahan pa ako," paalam din ni Steven.

"Ako rin pala may bibilhin pa akong libro sa Recto," sabi naman ni Ara,
pinandilatan ko naman siya ng mata.

"Ay iiwan niyo ako," sabi ko.

"May kasama ka naman sige na alis na kami," sabi ni Ara sabay kuha ng mga gamit
niya ganoon din naman ang ginawa nila Joyce, Steven at Sprouse.

"Wala ka bang klase at nakikitambay ka rito?" Tanong ko sa katabi ko habang


nilalagay sa bag ko ang iba kong gamit na nakakalat.

"Mamaya pa klase ko nga, ikaw wala ng klase?" Tanong niya sa akin.

"Wala na," sabi ko.

"Uuwi ka na?" Tanong niya tiningnan ko naman siya saglit bago ko isara ng zipper ng
bag ko.

"Oo, wala na rin naman akong gagawin dito tinapos lang namin itong floor plan
namin," sabi ko.

"Mamaya ka na uwi samahan mo muna ako," sabi niya kaya tiningnan ko lang siya.

"Thirty minutes," sabi ko ngumiti naman siya kaya nakita ko ang dalawa niyang
dimples.

"Pwede na," sabi niya.

"Ano gagawin dito?" Tanong ko.

"Kwentuhan lang," sabi niya sa akin. "So ano plano mo pagkagraduate mo?"

"Syempre magtatake ng board exam tapos kapag pumasa ako magtatake kami ni Sprouse
ng Master Plumber tapos mag-experience kami sa field then magtake kami ng
Structural Engineering para pwede kami sa high rise building," sabi ko sa kanya.

"Wow, ang ganda ng plano niyo a, tapos kasama mo talaga si kuya Sprouse," sabi niya
na medyo iba ang tono niya.

"Oo si Sprouse kasi demonyo sa buhay ko hila-hila ako tsaka maganda rin kasi iyon
dagdag kita iyon," sabi ko habang nakangiti pa.

"Ganoon kayo kaclose ni kuya Sprouse?" Tanong niya.

"Oo, since high school pa kami close ni Sprouse tsaka magkaklase kami niyan simula
ng maghigh school kami tapos siya rin nagpakilala sa akin kay Aislinn kaya ayon
naging super close kami," sabi ko nakita ko na napatango naman siya.

"May gusto sa iyo iyon?" Tanong niya natawa naman ako sa naitanong niya.

"Ako? Kung si Aislinn pa baka oo pero kami ni Sprouse tropa lang tsaka 'di ako
pumapatos ng tropa 'pag tropa, tropa lang walang talo-talo," sabi ko nakita ko
naman na napangiti siya.

"Kaya pala ayaw mo makipag-close sa akin," sabi niya tinaasan ko naman siya ng
kilay.

"O?" Tanong ko.


"Kasi ayaw mo ako maging tropa, crush mo ako e 'di ba?" Tanong niya sa akin.

"Managinip ka ng gising bata ka, excuse me ikaw ang may crush sa akin," sabi ko sa
kanya.

Tumawa naman siya ng malakas sa sinabi ko.

"Crush back naman ate crush," sabi niya sa akin habang tumatawa.

"Crush back mo ito," sabi ko sa kanya. "Ate-ate tapos crush ako sarap mo sakalin."

Mas lalo naman siyang natawa sa akin napatingin naman ako sa kanya tapos napatitig
ako sa dimples niya kasi kitang-kita ko iyong dimples niya kapag tumatawa siya.

"Crush mo na ako niyan grabe ka makatitig ate," sabi niya sa akin kaya iniwas ko
naman ang tingin ko sa kanya.

"Sige mangarap ka lang ng gising," sabi ko sa kanya sabay tayo at lagay sa balikat
ko ng tube ko.

"Aalis ka na? Wala pang thirty minutes e," sabi niya sa akin.

"Aalis na ako may dadaanan pa ako," sabi ko.

"Hala mamaya na sabi mo thirty minutes, ten minutes pa oh," sabi niya sa akin.

"Next time na lang ulit," sabi ko.

"Ngayon na, tulungan ulit kita sa math mo," sabi niya sa akin napatingin naman ako
sa kanya.
"Solid Geometry and Vectors?" Tanong ko sa kanya.

"Sige ba," sabi niya kaya naman napaupo ulit ako nilabas ko ang clipboard ko tsaka
ballpen at calculator ko. Pinakita ko naman sa kanya ang mga question kinuha naman
niya iyon at tiningnan binigay ko rin sa kanya ang module namin.

"Ano kaya mo?" Tanong ko.

"Sisiw," sabi niya. Nakita niya naman na kaunti pa lang ang nasasagutan ko.

Nagsimula na siyang magsolve ako ay nakatingin lang sinasabayan ko rin siya sa


pagsolve tapos nagtatanong ako kapag hindi ko nagegets. At nagugulat ako na alam
niya iyon, para sa freshmen ay matalino siya at alam niya ito samantalang ako fifth
year na ay nangangamote sa math kasi nakalimutan ko na.

Inabot kami ng isang oras sa pagsosolve lang napangiti naman ako ng matapos ko
maisolve iyon.

"Salamat, wala ka pa rin bang klase?" Tanong ko napatingin naman siya sa relo niya.

"Shit," sabi niya ng makita ang oras.

"Ayan late ka na sige na," sabi ko mabilis niya naman nilagay sa bag niya iyong
ballpen at calculator niya. Matapos noon ay mabilis siyang tumakbo papasok sa
building natawa-tawa naman ako.

Nang ilalagay ko na sa bag ko ang calculator ay napansin kong hindi iyon sa akin,
parehas kami ng calculator ni Arki kaya nagkamali siguro siya ng kuha, may pangalan
ang calculator ko sa takip nito at sa likod ng calculator ko. Tapos iyong
calculator naman ni Arki ay may nakalagay na Seph Javier sa likod ng calculator
niya.

Napailing na lang ako sa pagmamadali niya nagkapalit pa kami, babalik ko na lang


ito kapag nagkita ulit kami.

Chapter 7 - Chapter 6
Chapter 6

"Lila tapos mo na iyong take home quiz?" Tanong sa akin ni Ara nakakarating lang.
Tumango naman ako sa kanya habang kumakain ng biscuit at umiinom ng yakult, hindi
kasi ako nagbreakfast maaga kasi ang klase ko.

"Oo tapos na," sabi ko sa kanya.

"Pakopya," nakangiting sabi ni Ara inabot ko naman sa kanya ang clipboard ko kung
nasaan ang take home quiz namin, nakangiti naman niya iyong kinuha tapos kinuha
niya ang papel niya, ballpen at calculator.

"Ang galing natapos mo noong isang araw problema mo ito," sabi ni Ara habang
kumokopya sa papel ko nakita ko na inaaral niya rin iyong mga sagot kung paano
nakuha.

"Tinulungan ako noong arki kahapon umalis ka kasi agad," sabi ko sa kanya
napalingon naman sa akin si Ara at malisyosang ngumiti sa akin.

"May tagasubo na, may taga-load na rin, tapos may tagaturo pa sa math, isang
malaking sana all na lang talaga Lila," sabi ni Ara habang nakangiti sa akin.

"Alam mo Ara nahahawa ka na sa mga issuerist nating kaklase," sabi ko sa kanya bago
siya irapan.

"Aba ka-issue-issue naman kasi talaga kayo," sabi niya habang nagsusulat na siya.

"Kumopya ka na lang diyan mamaya nandito na si Ma'am," sabi ko sa kanya, tumayo


naman ako sa upuan ko na dala-dala ko ang walang laman na yakult at plastic ng
biscuit ko tinapon ko iyon sa basurahan tapos bumalik ako sa pwesto ko, nagsusulat
pa rin si Ara at inaaral niya ang kinokopya niya.

"Alam mo matalino iyong bata mo Lila," sabi ni Ara matapos niya komupya.

"Hindi ko nga bata," sabi ko sa kanya.


"Sige baby mo na lang," sabi niya kaya naman pinalo ko siya sa braso niya.

"Hindi nga, bakit ba pinagpipilitan niyo." Inis na sabi ko sa kanya.

"Kasi nga may something talaga," sabi niya.

"Wala nga," sabi ko tumawa lang naman siya.

"Lila tapos mo na take home quiz?" Tanong sa akin ni Sprouse na kararating lang.

"Oo," sabi ko.

"With the help of her baby boy," sabi ni Ara. "My gosh english iyon hindi ko
kinaya."

"Hindi na kita papakopyahin Ara," sabi ko habanh nakatingin ng masama sa kanya


tinawanan lang naman ako ni Ara.

"Kayo na Lila?" Tanong ni Sprouse sabay upo sa upuan na nasa harap namin,
nakatingin siya sa amin ni Ara.

"Hindi! Hindi, walang kami manihimik kayo," sabi ko sa kanila, sabay naman na
tumawa si Ara at Sprouse.

"Basta feeling ko sa valentines may kadate na itong si Lila," sabi ni Ara.

"Oo magthird wheel ako sa date noong isa riyan," sabi ko habang nakatingin kay
Sprouse.

"Gaga ikaw na lang ngayon hayaan mo na dumiskarte iyang torpe," sabi ni Ara.

"Sinong torpe?" Kunot-noong tanong ni Sprouse.


"Ikaw," sabay na sabi namin ni Ara. Lalo naman kumunot ang noo ni Sprouse sa amin
magsasalita na sana siya ng biglang pumasok na sa room namin ang professor namin
kaya umayos na kami ng upo. Nag-attendance kami bago ipapasa ang take home quiz
namin, pre-board kasi subject namin ngayon, isang subject lang namin ito ngayong
araw pero five hours and thirty minutes naman na klase.

Nang magdiscussion na kami ay kinuha ko iyong calculator ko na calculator naman


talaga ni Arki, tapos kinuha ko rin iyong ballpen ko at nilagay ko sa harap ng
clipboard ko ang papel ko. Nakikinig lang kami sa discussion. Nagnonotes lang ako
kapag may sinasabi ang prof namin na dapat namin tandaan.

"Wala raw relasyon pero nasa kanya ang calculator noong arki," bulong ni Ara na
katabi ko habang nakatayo kami, hindi kasi namin kita sa pwesto namin iyong
tinuturo ng prof namin kaya nakatayo kami sa likod kung saan kita namin ang
tinuturo ng prof namin.

"Nagkapalitan lang kami," sabi ko.

"Sus," sabi ni Ara sabay kuha ng phone niya at picture sa whiteboard. Napailing
lang ako at kinuha ko sa likod ng pants ko ang cellphone ko bago picture-an din ang
nasa whiteboard. Napansin ko naman na may nagtext doon na unknown number kaya hindi
ko na lang pinansin nakinig na lang ako sa discussion.

Naramdaman ko naman na nagvibrate ang cellphone ko na nasa likod ng bulsa ng pants


ko, tiningnan ko iyon at nakita ko na iyong unknown number ulit ang nagtext.

From: 090550*****

May klase ka ngayon?

Hindi ko ulit iyong pinansin at nilagay ko ulit sa likod ng bulsa ng pant ko ang
cellphone ko. Mayamaya ay nagvibrate na naman ang cellphone ko kaya kinuha ko ulit
iyon napakunot noo ako at tiningan iyon.

From: 090550*****
Snobber naman po, may load ka naman a.

Hindi ko ulit iyong pinansin at hinawakan ko na lang ang phone ko, nagpipicture
lang ako sa whiteboard kapag natatapos na magsolve ng prof namin ang example
problem na nasa module namin. Hindi na rim naman nangulit ang text ng text na
number. Hanggang sa natapos ang klase namin.

"Uuwi ka na Lila?" Tanong sa akin ni Ara habang nag-aayos ng mga gamit niya.

"Hindi pa, kakain muna ako," sabi ko.

"Tara gutom na rin ako, nakadrain ang subject pati ang topics, my gas differential
calculus at integral calculus ano na, parang differential equation na rin," sabi ni
Ara.

"Sinabi mo pa," sabi ko matapos kong maayos ang gamit ko, nagvibrate naman ang
phone ko na nasa arm-rest nakapatong umilaw iyon at lumabas na naman ang kanina
pang nangungulit na unknown number.

From: 090550*****

Nagkapalitan pala tayo ng calculator. HAHAHAHA. Btw si Seph ito 'yong arki na
freshmen.

"Wala raw something pero textmate," sabi ni Ara na nakatingin rin pala sa cellphone
ko. Kinuha ko naman ang phone ko tiningnan si Ara.

"Walang pangalan na nakalagay 'di ba ibig sabihin hindi textmate," sabi ko.

"Malay ko ba na hindi mo lagyan ng pangalan," sabi ni Ara.

"Hindi nga kasi, walang something nagtext lang iyong tao binigyan mo na ng
malisya," sabi ko sa kanya.

"Kamali-malisya kasi kayong dalawa," sabi ni Ara.


"Bahala ka nga riyan," sabi ko sa kanya sabay sukbit ng bag ko at labas ng room
tumatawa naman akong hinabol ni Ara.

"Pikon mo girl," sabi niya sa akin.

"Bakit pikon?" Tanong ni Sprouse na nasa likod namin na kasabay mga malisyosong
classmate namin.

"Si Lila at iyong arki nagpalitan ng calculator tapos textmate pa," pagbabalita ni
Ara kaya sinabunutan ko naman siya natawa lang naman siya sa ginawa ko.

"Naku si Lila dalaga na!" Sigaw ni Harold.

"Engineer ft. Architect, perfect match tapos gyera sila sa field," sabi naman ni
Evo.

"Tangina niyo," sabi ko sa kanila.

"Si Lila magkakajowa na hindi na malungkot ang valentines niya!" Sigaw ni Steven.

"Mga letse kayo, mga issuerist," sabi ko sabay nauna maglakad sa kanila sinundan
naman ako ni Ara.

Dumeretso ako ng canteen ganoon rin ang iba kong kaklase mukhang kakain din muna
sila ng lunch bago umuwi. Bali dalawang table ang nagamit namin dahil nasa walo
kami pinagdikit lang namin ang table namin para sama-sama kami. Mayamaya ay isa-isa
na kaming nag-order ng pagkain namin. Nang makaorder na kaming lahat ay nagsikainan
na kami ng lunch.

Matapos namin kumain ay nagpahinga pa kami hanggang sa magkayayaan magmobile legend


sila, ako naman ako kinuha ko rin ang phone ko may nakita akong nagtext sa akin
doon iyong arki na naman. Sinave ko na muna ang number niya.

From: Arking feeling close


Grabe siya hindi ako nirereplyan. Busy ka ate?

Napairap naman ako bago ako magreply sa kanya.

To: Arking feeling close

Nasa klase ako kanina.

Binaba ko muna ang cellphone ko sa mesa ko at nakinood ako kay Sprouse na naglalaro
ng mobile legend. Saglit lang ay nagvibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon.

From: Arking feeling close

Ay may klase ka pala t'wing Saturday.

To: Arking feeling close

Oo.

Nilagay ko na muna sa bag ko ang cellphone ko bago ako tumayo at nagpaalam na


mauuna na muna akong aalis.

"Ang aga pa may date kayo noong arki ano?" Tanong sa akin ni Evo.

"Date mo mukha mo, gago bibili ako ng libro sa Recto," sabi ko totoo naman kasi may
bibilhin akong libro na magagamit ko para sa pre-board namin.

"Sabay ako Lila," sabi naman ni Ara.

"Akala ko ba kahapon ka bumili?" Tanong ko sa kanya.


"Charot lang iyon para makapagsolo kayo ng bebe mo," sabi niya habang nakangiti sa
akin. Inirapan ko naman siya.

"Lila pasabay ako bumili ng libro," sabi naman ni Sprouse sabay kuha ng pera sa
wallet niya.

"Pang-milk tea bayad mo," sabi ko habang nakalahad ang kamay ko, inirapan naman
niya ako at inabutan ng five hundred.

"Balik mo iyong sukli," sabi niya sa akin. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Yes Engineer," sabi ko. "Tara na Ara, mga Engineers alis na kami, matalo sana
kayo."

"Sige ingat kayo, madapa sana kayo," sagot naman ni Harold. Tinawanan lang namin
siya ni Ara bago kami umalis.

Nang makarating kami sa sakayan papunta sa Rotonda ay nag-abang kami ng jeep. Nang
may dumating na jeep ay sumakay na kami, pagdating na Rotonda ay naglakad kami
papunta sa sakayan ng LRT ng makarating kami roon ay bumili na kami ng ticket namin
papunta sa Recto ng makabili naman kami ay pumasok na kami roon sa hintayan ng
tren. Nang dumating naman ang tren ay sumakay kami ni Ara, nakatayo lang kaming
dalawa kasi walang bakanteng upuan.

"Sana may makita agad tayong libro," sabi ni Ara.

"Sana nga e," sabi ko.

"Sana may black book din tayong makita, sana talaga." Paki-usap ni Ara.

"Sana talaga, sana may red book na rin kahit eight hundred pa iyon papatusin ko
na," sabi ko.

"Ako rin papatusin ko na, goodbye ipon na talaga," sabi ni Ara.


"Okay lang iyan ipon na lang ulit tayo," sabi ko. Ang mga pinapambili ko kasing
libro ay iniipon namin, masyado kasing mahal mga libro ng pang-engineering. Suki na
nga kami sa Recto kasi roon ay mas nakakamura kami mas mahal kasi kapag sa national
bookstore kahit nagkakalas-kalas ang libro sa Recto pinapatos na namin masyadong
magastos talaga ang engineering, siraan utak na nga butasan bulsa pa.

"Hi ate," biglang sabi ng nasa tabi ko napalingon naman ako.

"Hoy Arki," sabi ni Ara rito.

"Ano ginagawa mo rito?" Tanong ko sa Arki na feeling close.

"Driver ako ng tren ate kaya nandito ako," sarcastic na sabi niya.

" e 'di wow sa iyo," sabi ko naman sa kanya.

"Joke lang ito naman si ate pikon agad," sabi nito sa akin.

"Ate raw pero may gusto naman," sabi ni Ara kaya naman siniko ko ito. Tumawa lang
naman si Arking feeling close.

"Bakit totoo naman a," sabi sa akin ni Ara kaya pinandilatan ko siya.

"Saan punta niyo?" Tanong ng Arki na feeling close.

"Sa Recto bibili kami ng libro, ikaw?" Sagot dito ni Ara.

"Ayos, pasabay ako hindi ko pa gaano alam sa Recto e," sabi niya.

"Bibili ka rin ng libro?" Tanong ko.


"Hindi ate magtitinda ako ng libro roon," sagot niya kaya naman tiningnan ko siya
ng masama.

"Joke lang, oo mas mura raw kasi roon sa Recto," sabi niya.

"True, suki kami roon sa Recto," sabi ni Ara.

Nagkukwentuhan lang kaming tatlo hanggang sa makarating kami sa Recto, sabay kaming
lumabas ng tren at naglakad. Nang makalabas kami sa station ng tren ay pumunta kami
sa gilid ng kalsada para tumawid sa kabilang parte ng kalsada.

"Arki hawakan mo iyan si Lila, takot tumawid iyan," sabi ni Ara kaya naman kinurot
ko siya tinawanan lang naman niya ako.

Tiningnan naman ako ng Arki tapos lumipat sa part kung saan may mga sasakyan na
papunta sa amin.

"Tara na," biglang sabi ni Ara sabay tawid ako naman ay nagpanic kasi may sasakyan
na papalapit kaya napahawak tuloy ako sa damit ng Arking feeling close, nang
makatawid kami ay tinawanan ako ng Arki na feeling close.

"Ate ang tanda mo na takot ka pa rin tumawid," sabi niya sa akin habang tumatawa.

"Bwisit ka," sabi ko sa kanya.

"Ang wierd ate mo kami pero mas matangkad ka sa amin, 'wag ka na mag-ate mas
nakakainsulto," sabi ni Ara kaya lalong natawa naman iyong Arki na feeling close.
Maliit lang din kasi si Ara pero hindi naman ganoon kaliit nasa 5'1" ang height
niya.

"Sige hindi na," sabi naman noong arki. Ako naman ay napapatingin sa may mga libro
na nadadaanan namin.

"Ate mayroon po kayong black book dito?" Pagbabasakali namin na tanong ko.
"Ay wala kami noon," sabi nito sa amin kaya naman nagpasalamat lang ako tapos
naghanap na kami ng libro. Naghanap na lang ako ng libro na Engineering mathematics
ni Gillesania na volume 3 and 4, volume 1 and 2 lang kasi ang mayroon ako. Maganda
raw kasi iyong libro niya pagpraktisan para sa board exam. Madali naman kami
nakakita ng libro na iyon bumili ako ng libro ko at binilhan ko na si Sprouse ng
volume 4 ng libro ni Gillesania may 1, 2, 3 na kasi siya. Si Ara ay bumili na rin
ng libro niya. Bumili na rin siya noong maliit na libro ni Gillesania iyong Civil
Engineering Formulas, ako ay hindi na bumili kasi mayroon na ako noon. Iyong Arki
naman na feeling close ay naghanap na rin ng libro sinamahan namin siya ni Ara
pinayuhan din namin siya na magcanvass muna siya bago bumili ng libro kasi may mga
mabibilhan na mas mura.

"Wala ka ng bibilhin?" Tanong ko sa Arki na feeling close.

"Wala na," sabi niya habang dala ang plastic na may lamang libro nasa apat na libro
rin ang nabili niya at related pang architectural iyon.

"Tara na," sabi ko naman.

"Milk tea muna tayo," sabi ni Ara.

"Tara," sabi ko naman kaya naman ay pumunta kami sa bilihan ng milk tea.

"Ano flavor sa inyo?" Tanong noong Arki na feeling close.

"Wintermelon sa akin," sabi ni Ara.

"Okinawa sa akin," sabi ko naman. Inabot ko naman sa kanya ang pera ko na pambayad.

"Libre ko na kayo," sabi niya.

"Hoy 'wag na, ito na dali," sabi ko sa kanya.

"Libre ko na nga," sabi niya.


"Hindi nga ito na," sabi ko.

"Bahala ka riyan," sabi niya sabay order ng milk tea ako naman ay sumunod at
mabilis kong binigay ang bayad ko para sa order namin ni Ara, hindi ko na binayaran
ang sa kanya kasi wala na akong budget naubos na sa libro ko, tsaka iyong pera na
pinambili ko galing kay Sprouse naman iyon.

"Ang kulit mo ate," sabi niya sa akin.

"Ate mo ito," sabi ko naman sa kanya.

Naghintay lang kami hanggang sa tawagin kami para sa order namin ng makuha na namin
iyon ay nakangiti ako habang shinishake iyong milk tea ko tapos ay itusok ko ang
straw roon

"Ang sarap," sabi ko.

"Ang sarap ng libre," sabi naman ni Ara.

"Super sarap ng libre," sabi ko.

"Hindi naman libre iyan a," sabi naman ni Arking feeling close.

"Libre ito ni Sprouse sa pera niya ito," sabi ko napakunot noo naman siya.

"Tara na," sabi ni Ara sabay kuha sa plastic niya na may lamang libro ako rin naman
ay kinuha ko ang plastic na dala ko ganoon din naman iyong arki. Nang tatawid na
kami ay magpapanic na naman ako.

"Hoy huwag niyo akong iiwan," sabi ko kasi tatakbo na naman si Ara, hindi ko
mahihila ang damit niya kasi may hawak akong platic at sa kabilang kamay naman ay
milk tea.

"Hindi kita iiwan ate," sabi naman ni Arki na nasa gilid ko napatingin naman ako sa
kanya.

"Sana all," sabi ni Ara bago tumawid ako naman ay sumabay kay Arki. Nang makatawid
kami ay tumigil muna ako at binaba ang dala kong platic ang bigat kasi, tatlong
libro rin iyon na halos tig-one thousand pages.

"Wait pahinga tayo sakit sa kamay," sabi ko sa kanila si Ara ay tumigil rin kasi
nabigatan na rin yata sa kanya kasi ay bali apat na libro rin ang nabili niya.

"Tara na," sabi ko matapos magpahinga kukunin ko na sana iyong plastic ng kunin
iyon ni Arki tapos nilagay niya iyon sa plastic niya na may libro at dinala niya.

"Sana all may taga-dala," sabi naman ni Ara tiningnan ko naman siya ng masama,
lumapit ako sa kanya at kinuha ang kabilang parte ng plastic at tinulungan siya
magdala, iyong arki naman ay nauna sa amin papunta sa station ng train. Nang
makaakyat kami sa taas ay ako na nag-insist bumili ng ticket namin, at ng makabili
kami ng ticket ay pumasok na kami sa loob at naghintay ng train. Si Ara ay umupo
muna sa may gilid samantalang kami ni Arki ay nakatayo sa tabi ni Ara.

"Bakit hindi ka nagreply sa akin?" Tanong ni Arki sa akin.

"Hoy nagreply ako," sabi ko.

"Kanina, last reply mo lang iyong 'oo' kaya," sabi niya.

"A, umalis na kasi ako noon matapos namin kumain nagbyahe na kami ni Ara," sabi ko.

"Ganoon," sabi niya.

"Ikaw wala kang klase ngayon?" Tanong ko.

"Wala, kaya ngayon ko rin na-isipan pumunta rito buti na lang tinuloy ko kaya
nagkita tayo," sabi niya naman. Hindi na ako sumagot sa kanya kasi dumating na
iyong tren pagpasok namin sa loob ay nakatayo lang ulit kami. Nang makababa kami sa
pumunta kami sa sakayan ng jeep at sumakay kami roon, nauna lang bumaba si Ara sa
amin.
"Malayo ka pa ba?" Tanong ko sa arki.

"Hindi naman," sabi niya kaya hindi na lang ako nagsalita ulit ng bumaba ako ay
bumaba rin siya.

"Akin na libro ko," sabi ko aa kanya.

"Hatid na kita," sabi niya.

"Ako na kaya ko na, magtricycle naman ako e," sabi ko sa kanya. Napilitan naman
niya ibigay ang libro sa akin.

"Sige salamat, bye ingat ka," sabi ko. Ngumiti naman siya sa akin kaya nakita ko na
naman ang dimples niya.

"Ikaw din crush, ingat sa pag-uwi," sabi niya, inirapan ko lang siya bago talikuran
ko. Sumakay naman ako sa tricycle ng makarating ako sa sakayan, napatingin naman
ako sa pwesto ni Arki na hindi kalayuan sa akin nandoon pa siya ng umandar na ako
tricycle ay tsaka sumakay sa isang jeep na kararating lang, napataas naman ang
isang kilay ko.

Ano trip niya lumagpas na pala siya kanina tapos hindi pa pumara?

Chapter 8 - Chapter 7

Chapter 7

Dalawang araw na rin ang nakalipas noong nakasabay namin iyong arki na feeling
close sa pagbili ng libro. At sa dalawang araw na iyon ay halos araw-araw niya
akong kinukulit sa text. At ng minsan na hindi ko siya replyahan ay tinatawagan
naman ako kaya naman sinabihan ko kapag hindi siya na iba-block ko siya kapag
nangulit pa siya. At laking tuwa ko naman na natigil siya sa pangtetext ng text sa
akin.

"Bebs!" Malakas na sigaw ni Aislinn ng makita niya kami, nakatambay kasi kami sa
may bench kasama ko si Sprouse at Ara kaya naman sabay-sabay kaming napalingon,
sakto pa naman na nagmobile legend kaming tatlo.

"Ano?" Tanong ko sa kanya ng makalapit siya sa amin, excited naman siyang umupo sa
tabi ko.

"Mobile legend na naman kayo," sabi niya ng makita niya ang ginagawa naming tatlo.

"Nagrerelax lang kami," sabi ko habang sa cellphone ko nakatotok ang atensyon ko.

"So ayon nga bebs, cancel group date natin sa 14," sabi ni Aislinn kaya naman
napalingon ako sa kanya ganoon din si Sprouse.

"Bakit?" Sabay na tanong namin ni Sprouse.

"Si Zeon baby niyaya ako magdate raw kami sa 14, oh my gas bebs dream come true,"
sabi ni Aislinn habang kinikilig kilig pa sa tabi ko.

"Ano?!" Malakas naman sigaw ni Sprouse na ikinalingon namin ni Ara.

"Makareact ka naman," sabi ni Aislinn kay Sprouse.

"Nasasaktan ako kahit na walang tayo, walang tayo." Pakantang sabi naman ni Ara
habang nakatotok pa rin sa cellphone niya. Tumawa naman ako at sinabayan ko pa si
Ara sa pagkanta tapos naghigh five pa kami ni Ara. Tiningnan naman kami ng masama
ni Sprouse kaya lalo kaming natawa.

"Ano mayroon?" Tanong ni Aislinn na walang kaalam alam sa tinatawanan namin ni Ara.

"Wala naman bebs," sabi ko habang tumatawa pa.

"Hello mga ate at kuya," sabi naman ng biglang sumulpot na feeling close na Arki.
"Hello Seph," sabi naman ni Ara at Aislinn dito. Tiningnan ko lang siya saglit
tapos ay binalik ko ulit atensyon ko sa nilalaro ko. Lumipat naman si Ara sa
katapat namin kung nasaan nakaupo si Sprouse, tapos umupo sa tabi ko iyong arki na
feeling close.

"Rank game?" Tanong niya sa akin. Tumango naman ako sa kanya, sakto naman na
namatay ako bigla niya naman inagaw sa akin iyong cellphone ko.

"Feeling close," sabi ko sa kanya bago irapan at humarap ako kay Aislinn.

"Nakaset na tayong tatlo ni Sprouse at ikaw na lalabas sa 14 hindi ba? Tsaka 'di ba
nga celebration na rin natin iyon para sa birthday ko," sabi ko kay Aislinn na
nakahalumbaba sa table.

"Sa birthday mo na lang tayo lumabas after class niyo," sabi ni Aislinn.

"Kailan birthday mo ate?" Tanong ng feeling close na Arki na nasa tabi ko na ngayon
ay siya na naglalaro sa mobile legend ko.

"Sa 13 na," sagot naman ni Aislinn dito habang nakangiti, napasulyap naman iyong
arki sa akin saglit tapos binalik ulit tingin sa cellphone ko.

"Malapit na," sabi niya.

"Dali na bebs, sa birthday mo na lang tayo lumabas tapos kayo na lang ni Sprouse
lumabas sa 14," sabi ni Aislinn nagkatitigan naman kami ni Sprouse.

"Hala ayoko nga, dapat tatlo tayo tsaka nakasanayan na natin iyon na tatlo tayong
lalabas tuwing valentines," sabi ko.

"Oo nga ate Aislinn hindi pwede iyon," sagot naman ng katabi ko na busy sa
paglalaro ng mobile legend.

"Hindi ka kasali sa usapan huwag kang makisabat," sabi ko sa kanya.


"Sige na bebs, Sprouse bestfriend payag ka na sa birthday na lang ni bebs tayo
lumabas." Pagmamakaawa naman ni Aislinn ay Sprouse bumuntong hininga naman si
Sprouse.

"Okay," sabi ni Sprouse napairap naman ako sa kanya.

"Mahina," sabi naman ni Ara.

"Sobrang hina," sabi ko.

"Sama ako sa paglabas niyo sa birthday mo Lila," sabi ni Ara.

"Oo naman isasama naman talaga kita," sabi ko sa kanya.

"Sama rin ako," sabi naman ng katabi ko.

"Close tayo?" Taning ko sa kanya.

"Oo close tayo," sabi niya sabay sulyap sa akin ang ngitian ako. Bwisit na dimples
niya.

"Sige sama ka na Seph para hindi lugi si Sprouse manlibre," sabi naman ni Aislinn.
Kinurot ko naman siya.

"Sige sama ako ha, ano oras ba aalis?" Tanong niya.

"Mga two pm," sabi ni Aislinn. "May klase ka ba noon?"

"Wala tapos na klase ko ng one pm," sabi niya habang sa cellphone ko pa rin
nakatotok.

"Sige sabay ka na lang kila Lila, iisang building lang naman kayo," sabi ni
Aislinn.
"Excited na ako sa valentines," sabi ni Aislinn.

"Grabe ka bebs pinagpalit mo na si Sprouse I mean kami ni Sprouse sa crush mo,"


sabi ko sa kanya.

"Bebs support mo love life ko, support naman kita sa love life mo," sabi niya.

"Gaga life lang mayroon ako walang love," sabi ko.

"Sus, magbestfriend nga kayong dalawa ni Aislinn mga manhid," sabi ni Ara na hindi
nakatingin sa amin. Sinipa ko naman ang paa ni Ara sa ilalim ng mesa.

"Gaga hindi ako manhid," sabi ko.

"Bakit ako manhid? Hindi kaya ako manhid," sabi ni Aislinn kaya sabay kami ni Ara
napatingin sa kanya.

"Manhid, ikaw rin Lila," sabi ni Ara.

"Hindi ako manhid," sabi ko.

"Buhol ko kayo magbestfriend e," sabi ni Ara.

Nagkwentuhan lang kami ni Aislinn habang busy maglaro iyong tatlo ng matapos
maglaro iyong tatlo ay tumigil na sila sa paglalaro binalik naman sa akin ng arki
na feeling close ang cellphone ko kinuha ko naman iyon at nilagay ko sa bag ko.

"Sprouse tapos ka na sa Calculus?" Tanong ni Ara.

"Hindi pa differential calculus pa lang natapos ko," sabi niya.


"Pakopya naman, dalawa pa walang sagot ko sa differential calculus," sabi ko.

"Turuan na lang kita huwag ka na komopya," sabi ng arki na feeling close tiningnan
ko naman siya.

"Kaya mo ba?" Tanong ko.

"Oo," sabi niya, nilabas ko naman ang take home quiz namin sa differential calculus
at integral calculus binigay ko iyon sa kanya tiningnan naman niya iyon.

"Ano kaya?" Tanong ko sa kanya napakamot naman siya sa ulo. Mahirap naman kasi
talaga iyon kasi worded problem halos lalo na sa integral calculus. Tapos ang
hihirap pa ng tanong.

"Mahirap," sabi niya habang nakatingin pa rin sa papel ko, kinuha ko naman ang
papel ko pero inagaw niya ulit sa akin iyon tapos kinuha niya iyong cellphone niya
tapos pinicturan niya.

"Pag-aaralan ko mamayang gabi," sabi niya sabay abot ng papel ko sa akin.

"Ay sana all na lang talaga," sabi ni Ara.

"Anong sana all?" Tanong ko kay Ara.

"Wala, pakopya ako ha," sabi niya sa akin habang nakangiti.

"Wala nga akong sagot, kokopya ako kay Sprouse tapos papakopyahin kita," sabi ko
naman sa kanya.

"Turuan nga kita huwag ka na kumopya, bago mag Friday tapos mo iyan," sabi noong
arki na katabi ko kaya napatingin naman ako sa kanya.

"Huwag na, mahirap nga 'di ba tsaka magfocus sa mga subject niyo kaya ko naman ito,
naipasa ko nga iyon e," sabi ko.
"Bakit ka nangongopya?" Tanong niya sa akin.

"Kasi nakalimutan ko na at wala na akong mapiga sa utak ko, hindi naman kasi ganito
ang calculus namin dati," sabi ko.

"Mangongopya ka pa rin, basta magtiwala ka tuturuan kita bigyan mo lang ako ng


isang gabi," sabi niya sa akin.

"Sana all talaga, pasama naman ako kapag tuturuan mo si Lila," sabi ni Ara.

"Papakopyahin na lang kita Ara, tapos ituro ko sa iyo kapag hindi mo na gets," sabi
naman ni Sprouse na nakangiti sa akin.

"Mas gusto ko idea na iyan," sabi ni Ara kay Sprouse.

"Si Ara ba crush mo, Sprouse?" Tanong ni Aislinn habang nakatingin kay Ara at
Sprouse, nagkatitigan naman si Ara at Sprouse tapos tumingin sila sa akin at sabay-
sabay kaming tumawa.

"Hindi ano, may iba akong type engineering din pero hindi civil," sabi ni Ara.

"Sino iyon?" Tanong ko sa kanya.

"Si Mister Mechanical Engineering," sabi ni Ara. Napatango naman ako, kilala ko
iyon simula first year college namin crush na iyon ni Ara akala ko nga nawala na
pagkacrush niya roon kasi hindi na niya nababanggit noong nag third year college
kami.

"Sayang akala ko pa naman ikaw na iyong crush ni Sprouse," sabi ni Aislinn.

"Maniwala ka bebs hindi si Ara iyon," sabi ko habang tumatawa si Ara naman ay tawa
pa rin ng tawa.
"Manhid o tanga ba iyang bestfriend mo, ate?" Pabulong na tanong sa akin ng katabi
ko, pinalo ko naman ang braso niya.

"Marinig ka niyan." Mahina kong sabi sa kanya.

"Parehas nga kayo," sabi niya.

"Anong parehas ka riyan?" Tanong ko sa kanya. Nagkibit balikat lang naman siya.

"Saan kaya tumatambay ang bebe Zeon ko?" Biglang tanong ni Aislinn.

"Lagi ko siyang nakikita roon sa drawing room sa fourth floor," sabi ni Arki na
feeling close.

"Totoo? Ano ginagawa niya? May kasama ba siya roon?" Sunod-sunod na tanong ni
Aislinn.

"Lagi ko lang siyang nakikita na kasama niya iyong kaibigan niyang lalaki roon
tapos nagdodrawing silang dalawa," sabi ni Arki.

"Akala ko babae ang kasama niya mabuti na lang talaga," sabi ni Aislinn.

"Gaga bebs dapat nga mas kabahan ka, sabi ko sa iyo ang mga gwapo sa panahon ngayon
kung hindi manloloko, bakla." Sabi ko kay Aislinn.

"Ay grabe ka naman ate, grabeng panghuhusga na iyan," sabi ng katabi kong arki na
feeling close.

"Hoy totoo iyon ano," sabi ko sa kanya.

"Medyo agree rin ako kay Lila," sabi naman ni Ara.


"Ako rin alam ko si Sprouse bakla iyan e," sabi ni Aislinn kaya natawa naman kami
tapos si Sprouse naman ay masama kaming tiningnan.

"Hindi bebs, iba sa engineering mga torpe iyan sila," sabi ko habang tumatawa kaya
naman tiningnan ako lalo ng masama ni Sprouse.

"Basta mga Archi mababait, loyal, tapos hindi bakla," sabi naman ng katabi ko.

"Hindi rin," sabi ko.

"Bakit nasubukan mo na ba?" Tanong niya sa akin.

"Hindi pa pero may kilala ako ano," sabi ko sa kanya sabay irap.

"Kakilala lang, try mo kasi sa akin para masubukan mo," sabi niya kaya naman
natigilan ako.

"Ayon! Dapat ganyang banatan ginagawa mo Sprouse," sabi ni Ara habang nakatingin sa
amin.

"Sino ba babanatan ng ganyang linyahan ni Sprouse?" Tanong ni Aislinn.

"Ikaw este baka may kakilala ka Aislinn," sabi ni Ara sabay ngiti kay Sprouse.

"Bwisit kang arki ka," sabi ko sa katabi ko.

"Bakit?" Maang-maangan niyang tanong. Inirapan ko naman siya.

"Uuwi na ako ha, kanina pa ako nakatambay dito baka masermunan na naman ako ng
nanay ko," sabi ni Ara.

"Sabay na ako," sabi ko, tapos na kasi ang klase namin tumambay lang kami ng sabi
ni Aislinn na pupunta raw siya rito.
"Kayo?" Tanong ni Ara kila Aislinn, Sprouse at doon sa Arki na feeling close.

"Mamaya pa kami ni Sprouse tambay muna kami rito," sabi ni Aislinn.

"May klase pa ako e," sabi naman noong Arki.

"Hoy iyong calculator ko pala," sabi ko kay Arki ng maalala ko iyong calculator ko.
Kinuha ko naman sa bag ko ang calculator niya ganoon din naman siya, inabot ko sa
kanya iyon tapos binigay niya rin iyong calculator ko.

"Sige aalis na kami," sabi namin ni Ara nagbabye naman kami sa kanila.

"Ingat kayo," sabi nila. Tumayo naman iyong arki at sumabay sa amin.

"Pasabay papasok na rin ako sa room namin," sabi niya kaya hinayaan na lang namin
siya ng makarating kami sa tapat ng entrance ng building ay nagpaalam na kami sa
kanya.

"Ingat kayo, Ate ingat sa pag-uwi text ka kapag nakauwi ka na," sabi niya sa akin.

"Text din ba kita?" Tanong ni Ara na tumatawa kaya naman siniko ko siya. Ngumiti
lang naman iyong arki tapos tumalikod na at pumasok sa loob ng building kami naman
ni Ara ay naglakad na palabas sa gate.

"Nangliligaw sa iyo iyong arki?" Tanong ni Ara sa akin.

"Anong ligaw? Ikaw nagagaya ka na kila Sprouse at Aislinn," sabi ko sa kanya.

"Sus, parang ibang level na kayo e, lalo na kanina inagaw sa iyo cellphone mo tapos
siya naglaro, naku Lila sinasabi ko sa iyo," sabi niya sa akin.

"Nakilaro lang tapos binigyan niyo naman agad ng malisya," sabi ko.
"Ano iyong aaralin niya iyong calculus natin para lang maturuan ka?" Tanong niya.

"Wala iyon," sabi ko. Hanggang sa makarating kami sa sakayan ng tricycle ay puro
pang-aasar lamang si Ara, parehas kasi ang way namin ni Ara kaya sabay kami pero
pagbaba namin ng tricycle ay maghihiwalay na kami.

Nang makauwi na ako sa bahay ay dumeretso ako sa kwarto ko tapos nagbihis ako ng
damit bago lumabas ng kwarto at uminom ng tubig.

"Anak tumawag si kuya Dash mo kanina, tinatanong kung kailan ka raw graduation
niyo," sabi ni mama ng makita niya ako sa kusina.

Si kuya Dash ay pinsan ko na Engineer na, may sarili silang Architectural at


Engineering Firm. Kung saan ay nililigawan kami ni Sprouse na roon daw kami
magtrabaho which is doon naman talaga plano namin ni Sprouse mag-apply kapag
nakapasa kami sa board exam, doon din kami nag-ojt at nagustuhan namin doon kasi
marami talaga kaming natutunan.

"'Ma sabihin mo sa June pa graduation namin, tapos magboard exam pa kami, hayaan mo
'ma magkapasa na pagkapasa namin sa board exam mag-aapply agad kami sa kanya," sabi
ko kay mama. Tumawa lang naman sa akin si mama.

"Excited si kuya mo e," sabi ni mama. Nakipagkwentuhan lang ako kay mama ng inantok
na ako ay pumasok na ako sa kwarto ko, maaga pa naman alas tres lang ng hapon.
Umidlip muna ako mamaya kasi ay magpupuyat ako kasi sasagot ako ng take home quiz
namin sa pre-board. Alas dyes pa naman ang klase ko bukas kaya makakapagpuyat pa
ako at makakatulog pa ako ang mahaba haba. Hanggang alas dos or alas tres lang ako
ng madaling araw para may maitulog naman naman ako at hindi ako bangag sa klase.

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko kaya naman ay kinuha ko ang bag ko at kinuha
roon ang cellphone ko.

Humiga ulit ako sa kama ko at sinagot iyong tawag.

"Oh?" Sabi ko ng hindi tinitingnan ang tumawag sa akin.


"Nakauwi ka na?" Tanong nito kaya naman napatingin ako sa cellphone ko nakita ko na
iyong Arki na feeling close iyon.

"Kanina pa," sabi ko.

"Bakit hindi ka nagtext?"

"Nakalimutan ko, tsaka hindi naman kailangan," sabi ko.

"Kahit na sabi ko sa iyo text mo ako e."

"Sorry na okay na?" Tanong ko tiningnan ko muna ang oras sa cellphone ko at nakita
ko na alas singko na ng hapon.

"Ano oras ka nakauwi?"

"Mga two yata," sabi ko.

"Alas singko na tapos hindi ka nagtext."

"Natulog ako, magpupuyat ako mamaya," sabi ko.

"Bakit kausap mo kabit mo mamaya?"

"Gago ka ba? Anong kabit? Tanga magsosolve ako," sabi ko.

"Akala ko may lalaki ka."

"Sige na," sabi ko tapos pinatay ko na iyong tawag.

Lumabas na ako ng kwarto ko habang humihikab paglabas ko ay nakita ko iyong kapatid


kong babae na nonood ng TV sa may sala namin tapos si papa rin.

"Papa si ate may kausap sa cellphone kanina narinig ko," sabi ng kapatid ko kay
papa. Twelve years old na siya at hindi kami magkasundo niyan. Dalawa lang kami
pero parang sampu nga raw kami dahil kapag nagbabangayan kami ay sobra talaga.

"Kausap lang e, issue kang bata ka," sabi ko sa kanya.

"Weh?" Sabi niya sa akin kaya inirapan ko lang siya at dumeretso ako sa kusina,
nakita ko naman na nagluluto si mama kaya naman ay tumulong ako sa kanya.

Matapos namin maghapunan ay nanood kami ng palabas sa tv at ng mag alas otso na ng


gabi ay pumasok na ako sa kwarto at nagsimula na akong magsolve. Napansin ko naman
na umilaw ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon.

From: Arking feeling close

Busy ka?

To: Arking feeling close

Oo, nagsosolve ako.

Hindi na naman siya nagreply kaya naman nagsolve na lang ulit ako, integral
calculus muna ang sinolve ko kasi iyong differential calculus ko ay kaunti na lang
iyon.

Nang may alas dose na ng madaling ay inaantok na ako kaya lumabas ako ng kwarto at
nagtimpla ng kape tapos pumasok ulit ako sa kwarto na dala ang kape. Cheneck ko
muna ang phone ko at may kita akong text na naman ng arking feeling close.

From: Arking feeling close

Gising ka pa?
To: Arking feeling close

Tulog na, nanaginip na nga ako ngayon.

From: Arking feeling close

Hala pilosopo si ate, ate videocall tayo, tulungan na kita nasolve ko na iyong
integral calculus mo.

Bahagya naman akong napanganga sa sinabi niya, nag-online naman ako sa messenger
tapos tumawag agad siya kaya sinagot ko naman. Nakita ko siyang nasa kwarto niya
yata nakasandong kulay itim siya tapos magulo ang buhok niya.

"Hi ate," sabi niya.

"Nasolve mo lahat? Seryoso ka?" Tanong ko sa kanya.

"Oo nga ito nga oh," sabi niya sabay pakita ng papel.

"Send mo, malabo hindi ko makita," sabi ko.

"Wait," sabi niya tapos kinuha niya iyong phone niya at nagpicture siya, computer
yata ang gamit niya ngayon. Mayamaya ay nagsend siya sa messenger tiningnan ko
naman iyon at napanganga ako.

"Sabi sayo ate kaya ko e," sabi niya.

"Edi ikaw na mamaw," sabi ko. Tiningnan ko naman at inaral ang senend niya sa akin.

"Marami ka na nasagutan ate?" Tanong niya.


"Huwag mo nga ako atehin, Lila na lang itawag mo," sabi ko sa kanya.

"Sige Bri," sabi niya.

"Anong Bri?" Tanong ko.

"Aubrey, tapos Bri na lang," sabi niya hinayaan ko na lang siya at inaral iyong
binigay niyang sagot sa akin.

"Bri, marami ka ng nasagutan?" Tanong niya sa akin.

"Kaunti pa lang, sampu pa lang," sabi ko.

"Okay, bilisan mo na aralin iyan matulog ka na pagkatapos mo," sabi niya kaya
napatingin ako sa kanya nakita ko naman na hawak niya ang sketchpad niya tapos
hawak niya rin ang lapis niya, nagdodrawing siya.

"Baka inuna mo isolve ito bago gawin ang plates mo," sabi ko sa kanya napatingin
naman siya sa akin.

"Hindi, patapos na itong plates ko inaayos ko na lang," sabi niya tumango lang ako
at nagsolve ulit.

"Paano mo nakuha itong number fifteen?" Tanong ko sa kanya. Saglit niya naman
binaba iyong sketchpad niya at lapis tapos tumingin sa papel niya. Tapos nagsimula
siyang mag-explain sa akin.

Ganoon lang ang ginagawa namin siya may dinodrawing sa sketchpad niya habang ako
nagsosolve, kapag may hindi ako naintindihan ay tinatanong ko siya.

"Wala ka pang calculus pero paano mo na isolve ito?" Tanong ko sa kanya, nacurious
talaga ako, ganoon ba siya katalino talaga at ilang oras lang niya naintindihan
ito.

"Nagpatulong ako sa daddy ko," sabi niya.


"Ha?" Tanong ko.

"Civil Engineer daddy ko tapos sakto na magaling siya sa calculus," sabi niya.

"Ah, kaya pala," sabi ko tapos nagsolve ulit.

"Bakit ka nag-architectural tapos daddy mo CE naman?" Tanong ko habang nagsosolve,


bigla kasi ako na curious sa kanya.

"Mommy ko kasi Architect, tapos mas nagustuhan ko magdodrawing lang," sabi niya.

"Wow, bigatin ka pala," sabi ko.

"Hindi naman," sabi niya napatingin naman ako sa kanya at nakita ko na tapos na
siya magdrawing nakasandal na lang upuan niya.

"Matulog ka na, maaga pa yata klase mo bukas," sabi ko. Napatingin naman ako sa
oras sa cellphone ko. Alas dos na rin ng madaling araw at mag-aalas tres na ganoon
na pala katagal kaming magkausap sa video call.

"Mamaya na hintayin na lang kita baka may tanong ka pa," sabi niya.

"Wala na patapos ko na ako," sabi ko.

"Sabay na tayo," sabi niya. Hinayaan ko na lang siya at tinuloy ang pagsolve. Tapos
iyong may hindi ako maunawaan ay nagtanong ulit ako sa kanya, sinagot naman niya
iyon. Napansin ko naman na inaantok na siya humihikab na rin siya.

"Bata tulog na, hindi ka na niyan lalaki," sabi ko sa kanya.

"Bri 5'8" ang height ko tapos ikaw 5'3" sa tingin mo sinong hindi lalaki sa ating
dalawa?" Tanong niya inirapan ko naman siya.
Nang matapos na ako magsolve ay inayos ko na iyong gamit ko.

"Tinapos mo ba iyan para hindi mo na problemahin sa birthday mo?" Tanong niya


habang nag-aayos ako ng gamit.

"Oo baka kasi mawala ako ng time sagutan," sabi ko.

"Sabagay," sabi niya. Nang maayos ko na ang gamit ko ay tumingin ulit ako sa
cellphone ko.

"Sige na tulog na, salamat pala," sabi ko.

"Wala iyon ikaw pa malakas ka sa akin e, mornight Bri." Nakangiti niyang sabi sa
akin kaya naman kitang-kita ko ang dimples niya.

"Mornight," sagot ko habang nakangiti sa kanya kumaway ako tapos inend ko na.
Lumabas muna ako ng kwarto ko at nagbanyo ako. Pagbalik ko sa kwarto ko ay kinuha
ko iyong cellphone ko ichacharge ko na sana ng may magchat doon.

Aislinn Angilee Villazorda: panes late night video call sila, three hours pa.

Kalila Aubrey Morales: pinagsasabi mo?

Aislinn Angilee Villazorda: tingnan mo my day ni bebe Seph mo.

Dali-dali ko na naman tiningnan ang my day ni Arki napapikit ako ng makita ko na


screenshot iyon after ng video call namin nakacrop lang iyon pero nakita naman ang
profile ko.

Sure ako nito bukas ma-iissue na naman ako, pupusta ako na pinakita ito ni Aislinn
kay Sprouse. At hindi ako nagkamali dahil pag-open ko sa group chat ng section
namin ay senend ni Sprouse iyon. Iilan palang ang nagseen iyong mga gising pa lang
ang nakakita noon pero pang-aasar naman ang ginawa nila sa akin, nakailang mention
nga sila sa pangalan ko. Mga chismoso talaga.
Bwisit talagang arki iyon.

Chapter 9 - Chapter 8

Chapter 8

Pagpasok na pagpasok ko sa room namin nakita ko agad ang mga mata nga mga kaklase
ko na nasa classroom na namin. Mga nakangiti sila hanggang sa nagsisigaw na sila at
nang-aasar na. Hinayaan ko naman sila ganyan kasi iyan sila mga lumuwag na ang
turnilyo sa utak dahil sa engineering. Masaya sila o kami kapag may issue o kaya
chismis na gaya nga ganito sa akin na inaasar ako roon sa arki.

Natigil lang ang pang-aasar nila ng may dumating ng professor at nagsimula na ang
klase. Reporting lang naman kami sa subject namin kaya naman ako nagbasa na lang ng
pdf at nagsulat ako ng summary ng report ko sa yellow pad. Mamaya ay itatype ko ito
sa powerpoint.

Nang matapos ang klase namin ay bumaba na kami nila Ara at Sprouse lunch na rin
kasi ala-una na ng hapon. Next class namin mamayang 2:30 pm pa.

"Ano pinag-usapan niyo noong arki at ang haba ng videocall niyo?" Tanong ni Ara ng
makahanap kami ng mauupuan sa canteen. Kanina pa iyan tanong ng tanong hindi ko
lang sinasagot kasi may ginagawa ako kaya hindi niya ako gaano kinukulit.

"Nagkakamabutihan na yata sila," nakangising sabi naman ni Sprouse kaya naman ay


inirapan ko silang dalawa.

"Mga issuerist kayo mana kayo sa mga kaklase natin, tinulungan lang ako noong tao
sa calculus e," sabi ko.

"Iba rin," sabi naman ni Ara. Iniwan ko naman sila sa table sumunod naman sa akin
si Ara at sabay kami na nag-order ng pagkain namin.

Nang makaorder na kami ay bumalik na kami sa table si Sprouse naman ang tumayo at
bumili ng lunch niya. At ng bumalik na si Sprouse sa table namin ay nagsimula na
kaming kumain. After namin kumain ay binalik na namin ang pinagkainan namin tapos
nagpahinga lang kami saglit bago kami umalis sa canteen ay tumambay sa may bench na
may table may gagawin kasi kasi kami ayaw namin sa canteen kasi maingay doon. Si
Ara magpapaturo kasi kay Sprouse.

Nasa harap ko nakaupo sila Sprouse at Ara na nagsosolve ako ay solo ko ang isang
mahabang bench. Nakalagay sa table ang laptop ko tapos sa kanang bahagi ko ay
nandoon ang summary na ginawa ko kanina para sa report ko.

Habang nagtatype ako sa laptop ko ay may tumabi sa akin kaya napatingin ako rito,
nakita ko naman na iyong arki na feeling close iyon.

"Kanina pa kayo rito?" Tanong niya, binalik ko ulit ang focus ko sa pagtatype ko.

"Medyo lang, katatapos lang namin maglunch," sabi ko habang nagtatype ako.

"Late na a, kakalunch niyo lang," sabi niya habang nakatingin sa relo niya.

"Sanay na kami na ganitong oras ang kain namin," sabi ko naman.

"Hoy Arki, sana all," sabi ni Ara kaya napatingin ako sa kanya sakto naman na
nakatingin rin siya sa akin habang nakangiti iyong ngiting malisyosa.

"Hello ate," sabi naman noong Arki. Ngumiti lang si Ara bago magsolve ulit si
Sprouse naman ay tinanguan lang si Arki, ganyan kasi iyan si Sprouse focus kung
focus sa pagsosolve.

"Anong oras ka nagising kanina?" Tanong niya sa akin.

"Mga alas otso na iyon," sabi ko habang sa laptop ko pa rin nakatingin.

"Ah," sabi niya tapos sumobsob siya sa lamesa pero nakaharap sa akin iyong mukha
niya.

"Ikaw?" Tanong ko sa kanya.


"Alas sais gising na ako, alas osto kasi klase ko," sabi niya.

"Three hours lang tulog mo?" Tanong ko sa kanya habang nakatingin sa kanya.

Tumango naman siya tapos pumikit siya, hinayaan ko naman siya kasi kawawa naman.

"Wala ka pang klase?" Tanong ko sa kanya.

"Mamayang 2:30 pa," sabi niya habang nakapikit. Hindi na ako nagtanong at nagfocus
na lang ako sa ginagawa ko kailangan ko na rin matapos ito kasi mamaya sa CE law
namin baka abutan ako ng reporting iba na iyong ready ako.

Habang nagtatype ako ay nagulat ako ng humiga iyong arki na feeling close sa lap ko
kaya napatingin ako sa kanya.

"Pahiga lang mas komporable rito," sabi niya sabay pikit ng mata tiningnan ko lang
siya.

"Ay, ay pag-ibig nakakabaliw," pakantang sabi ni Ara kaya naman napalingon ako sa
kanya at inirapan siya.

Tinuloy ko naman ang ginagawa ko hanggang sa matapos kong matype iyon, hindi naman
kasi gaano karami iyon naka-twelve slides lang ako. Napatingin naman ako sa taong
nakahiga sa may lap ko, mahimbing na ang tulog niya kaya hinayaan ko na lang siya
kasi mukhang napuyat talaga. Napatingin namab ako sa pwesto nila Sprouse at Ara
nagsosolve pa rin sila. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko na nakapatong sa mesa
at tiningnan ang oras 2:08 pm pa lang mamayang 2:30 pa ang klase ko at ganoon rin
naman itong si Arki kaya naman binabasa at inaral ko muna ang report ko.

"Girl 2:20 na tara na may klase pa tayo," sabi naman ni Ara kaya napatingin ako sa
kanya nag-aayos na siya ng gamit niya, kinuha ko naman ang phone ko at sinilip ang
oras 2:20 na nga kaya naman inayos ko muna iyong gamit ko rin bago ko gisingin
iyong natutulog sa may lap ko.

"Hoy Arki gising na," sabi ko habang tinapik ang pisngi niya, minulat naman niya
ang mata niya tapos tumayo, tumingin siya sa relo niya.
"Salamat," sabi niya sa akin, tinanguan ko lang naman siya bago ako tumayo at kunin
ang bag ko. Sabay namab kami umalis doon at naglakad papunta sa building naman,
nasa harapan namin sila Ara at Sprouse tapos nasa likod naman nila kami.

"So twenty-two ka na bukas?" Biglang tanong ng katabi ko kaya naman napatingin ako
sa kanya.

"Hoy grabe ka, twenty-one lang ako," sabi ko naman kaya napakunot noo siya.

"Bakit sabi ni Aislinn noon?" Tanong niya, naalala ko naman noong nagtanong siya.

"Kasi nga magtwenty one na naman talaga ako tsaka sabi niya kapag nagminus ako sa
taon ngayon tapos sa taon na pinanganak ako ay bilang na twenty-one kaya ayon
ganoon," sabi ko. Tumango-tango naman siya sa sinabi ko.

"Bukas sama ako ha," sabi niya ng makapasok na kami sa loob ng building.

"Ikaw bahala, basta ala-una kita na tayo kapag nalate ka bahala ka," sabi ko sa
kanya.

"Sige on time ako bukas na bukas," sabi niya habang nakangiti. Nang makarating na
kami sa second floor ay naghiwalay na kami kasi nasa forth floor daw ang classroom
nila.

"Level up na kayo ni Arki a, pinopormahan ka na ba?" Tanong naman ni Ara ng


makapasok na kami sa room.

"Gaga walang ganoon," sabi ko.


"Ano lang?" Tanong niya.

"Walang label," sagot naman ni Sprouse habang tumatawa kaya tiningnan ko lang siya
ng masama.

"Gago ka torpe? Hoy wala naman talagang label kung mayroon man ay magkaibigan lang
kami iyon lang iyon," sabi ko.

"Magka-ibigan daw, ayan malinaw na malinaw may label sila kayo wala Sprouse hina mo
kasi," sabi ni Ara sabay tawa kaya naman pinalo ko sa braso si Ara.

"Friends nga lang kami," sabi ko.

"Ako na naman nakita mo," sabi naman ni Sprouse.

"Gagi Sprouse si Bebs may kadate sa valentines ikaw nganga, pakatorpe ka pa," sabi
ko sa kanya.

"Galaw-galaw naman Sprouse, iyong bata kong Arki gumagalaw na tapos ikaw nganga pa
rin, mahina talaga mga engineering mga torpe!" Natawa naman ako sa sinabi ni Ara
kasi sinigaw niya iyong last part na mahina ang mga engineering, kaya naman iyong
mga kaklase naming lalaki kanya-kanya silang reklamo na hindi raw sila torpe kaya
ayon nagbabangayan sila sa room mga nag-aasaran kung sino ang mga torpe.

Natahimik lang sila ng dumating ang prof namin tapos ng tinanong niya kung bakit
maingay may sumabat na pabibo sa klase namin na mga engineering raw torpe. Kaya
naman natawa iyong prof namin, engineer kasi siya tapos nang-asar pa siya sa mga
kaklase namin na torpe raw kaya kami naman tawa ng tawa kasi iyong iba napipikon
na. Nang magstart ang klase namin ay nagsimula na magreport about sa mga law lang
naman building code ganoon. CE law kasi ang subject namin, parang inuulit lang sa
amin ang building code kasi kami pamilyar na sa building code ko nakikinig pa rin
kami kasi may mga iba na hindi namin alam pa kaya nakikinig pa rin kami. Two hours
lang naman ang klase namin kaya naman ay mabilis lang itong matapos, wala na kaming
sunod na klase kaya umuwi na lang kami.

Pagdating ko sa bahay ay nagbihis agad ako ng pambahay at kinuha ang cellphone ko


sa bag ko may nakita naman akong text doon noong Arki.

From: Arking feeling close

Tapos na klase niyo? Wala ka na sa room niyo.

To: Arking feeling close

Tapos na klase namin, nakauwi na ako sa bahay.

Nilapag ko ulit ang cellphone ko sa study table ko at lumabas ako ng kwarto pumunta
ako sa kusina at naghanap kung may makakain sakto naman na may nakita akong toron
doon kaya nagmeryenda na muna ako. Nagsaing na ako pagkatapos ko maisalang ang
sinaing ko ay pumasok ako sa kwarto ko at kinuha ko iyong cellphone ko tapos
lumabas ulit ako ng kwarto. Nakita ko naman na nagreply doon iyong Arki ng okay
lang kaya hindi na ako nagreply, mayamaya ay dumating na si mama ay dala itong mga
rekado pang ulam namin sunod naman niyang dumating ay si papa tapos iyong kapatid
ko. Galing yata sila sa school ng kapatid ko sinundo nila at sumama si mama para
makapamalengke na rin kasi madadaanan iyong palengke papunta sa school ng kapatid
ko.

"Kanina ka pa anak?" Tanong agad ni mama.

"Hindi naman 'ma kararating-rating ko lang kanina," sabi ko.

"Luto ka ng ulam 'nak, bumili rin ako ng pang-shanghai gusto mo ito at ng mga
kaibigan mo 'di ba? Magluto ka na lang tapos dalhan mo sila bukas," sabi naman ni
mama kaya naman excited akong pumunta sa kusina. Ako na nagluto ng ulam adobong
manok lang naman iyon tapos noon ay nagtimpla na ako ng mga rekados pang shanghai
pagkatapos ko timplahan ay tinulungan ako ni mama na magbalot ng shanghai sa lumpia
wrapper pagkatapos namin noon ay nilagay ko iyon sa ref bukas ko na iyong lulutuin.

After dinner namin ay nanood lang kami ng tv kasi wala na naman akong gagawin na
ayos ko na kaya hayahay na ako bukas.
"Mama si ate may boyfriend na," sigaw ng kapatid ko kaya naman napalingon ako sa
kapatid ko nakita ko na hawak niya iyong cellphone ko nakapatong sa dinning table
namin kaya naman dali-dali akong tumayo sa pagkakaupo ko at inagaw ko ang cellphone
ko.

"Paki-ilamera ka," sabi ko sa kanya.

"Mama si ate may boyfriend na nakita ko nagtext," sabi ng kapatid ko kila mama na
nakaupo sa may sofa habang nakatingin sa akin.

Tiningnan ko naman iyong cellphone ko at nakita ko sa screen noon ang text noong
arki.

From: Arking feeling close

Babe hindi ka na nagreply.

To: Arking feeling close

Pakyu ka.

Iyon naman ang nireply ko sa kanya. Tapos tumingin ulit ako kila mama.

"May boyfriend ka na?" Tanong sa akin ni papa na hindi nakangiti.

"Wala, fake news lang iyan si Kristine," sabi ko sabay irap sa kapatid ko.

"Papa tinawag kaya siyang babe," sabi ng kapatid ko nakita ko naman na napangiti si
papa.

"May boyfriend ka na pala e, akala ko hindi ka na magkakajowa pa," sabi ni papa


habang tumatawa.

"Papa kasi, wala nga kaibigan ko lang iyon," sabi ko.

"Pero kagabi mama at papa may ka videocall si ate nakita ko iyan sinilip ko kagabi
kasi may narinig akong parang may kausap si ate," sabi ng kapatid ko.

Nakatinginan naman sila mama at papa tapos tumingin sa akin.

"Ipakilala mo na nga sa amin iyak anak," sabi ni papa habang nakangiti pa.

"Papa nga kasi, kaibigan ko lang iyon tinulungan lang ako sa sinosolve ko, wala nga
kasi akong boyfriend kung mayroon man sasabihin ko naman agad sa inyo e," sabi ko
na nafufrustrate na. Lalo naman tumawa si papa.

"Mama oh, wala nga kasi," sabi ko sabay lakad papunta sa kwarto ko.

"Ayaw mo noon anak may boyfriend ka na sakto mag twenty-one ka na bukas!" Sigaw ni
papa habang tumatawa. Nagpapadyak naman ako papasok sa kwarto.
"Wala nga kasi!" Sigaw ko rin.

Letse talaga sa buhay ko iyang Arking feeling close na iyan.

Chapter 10 - Chapter 9

Chapter 9

"Happy birthday Lila," bati sa akin ni Ara ng makapasok ako sa room at ng marinig
naman iyon ng mga kaklase ko ay bigla na lang silang nagkantahan ng happy birthday
parang mga tanga lang kasi iyong happy birthday nila masaya sa una tapos palungkot
ng palungkot ang pagkanta nila, matapos nila ako kantahan ay nagpasalamat ako. Si
Ara ay may inabot naman sa akin regalo.

"Ate Lila na kita," sabi ni Ara sa akin pagka-abot ng gift niya, nilagay ko naman
sa bag iyon mamaya na pagka-uwi ko bubuksan ko.

"Salamat, pero gaga ka next month na kaya birthday mo magka-age na tayo," sabi ko
sa kanya. Tumawa naman siya sa akin.

"Happy birthday Lila," sabi ni Sprouse pagdating niya sa room may inabot din siyang
regalo sa akin tinanggap ko naman iyon at nilagay ko ulit sa bag, mabuti na lang at
medyo malaki ang pack bag ko. Hawk ito na kulay gray at black.

"Salamat, may shanghai ako," sabi ko sa kanila. Agad naman sila ngumiti sa sinabi
ko.

"Ayon," sabi nila.

"Mamaya na natin kainin," sabi ko tumango naman sila.

Nagsimula na ang klase namin tatlong oras lang naman ang klase namin ten am to one
pm ito tapos wala na kaming klase alas dos ang kitaan namin doon sa may bench. At
ng matapos ang klase namin ay bumaba na agad kami dumeretso muna kaming canteen
dahil nagugutom na rin kami umorder kami ng makakain namin tapos nilabas ko iyong
shanghai na luto ko.

"Tirhan natin si Aislinn baka umiyak iyon," sabi ko sa kanila.

"Iyong arki mo Lila itext mo na," sabi ni Sprouse inirapan ko naman siya tapos
kinuha ko ang cellphone ko nagtext ako na nasa canteen kami.

Habang kumakain kami ay nakita ko iyong arki na parang naghahanap kaya tinaas ko
iyong kamay ko para makita niya ng makita niya kami ay lumapit siya sa amin.

"Happy birthday Bri," sabi niya ng makaupo siya sa tabi ko.

"Lunch na," sabi ko sa kanya.

"Tapos na ako kanina pa," sabi niya.

"Shanghai Seph, masarap ito si Lila nagluto niyan," sabi ni Ara, tumingin naman
iyong arki sa akin tapos sa shanghai.

"Pwede?" Tanong niya sa akin tumango naman ako sa kanya kaya kumuha siya roon tapos
nakangiting kumagat.

"Sarap 'di ba," sabi ni Ara tumango naman si Arki.

"Bebs! Happy birthday," sabi ni Aislinn na kararating lang niyakap naman niya ako
tapos inabot niya sa akin iyong paper bag na dala niya.

"Salamat," sabi ko tapos umupo si Aislinn sa tabi ni Sprouse kung saan may
bakanteng upuan.

"Wow lumpia," sabi ni Aislinn sabay kuha ng lumpiang shanghai.

"Naglunch ka na?" Tanong ni Sprouse kay Aislinn.


"Hindi pa," sabi ni Aislinn kaya naman sinubuan ito ni Sprouse ng kanin, ngumanga
naman si Aislinn bago kumagat sa lumpiang shanghai.

"Isang malaking sana all na lang talaga," sabi ni Ara. Napatingin ang ako sa kanya
tapos napailing, tinuloy ko lang ang pagkain ko hanggang sa matapos kaming
maglunch. Nagpahinga lang kami saglit at ng mag alas dose na ay tumayo na kami.

"Saan tayo?" Tanong ko sa kanila.

"MOA tayo," sabi naman ni Aislinn.

"Okay," sabi ko kaya naman pumunta kami papunta sa sakayan ng jeep papuntang MOA
naghintay lang kami ng jeep doon at ng may dumating na ay sumakay na kami roon.

Nang makarating kami sa MOA ay pumunta kami sa Tom's World naglaro lang kami habang
naghihintay ng mabakante iyong ktv.

Nang mapagod kami sa kakalaro ay nanood na lang kami ng naglilive na kumanta.

"Sprouse kanta ka riyan," sabi ni Aislinn kay Sprouse habang nakaturo roon sa live
na pwede ka kumanta wala na kasing susunod na kakanta.

"Ayoko nga," sabi ni Sprouse.

"Sige na Sprouse pa-birthday mo na," sabi ko.

"Hoy may regalo na ako sayo," sabi naman ni Sprouse.

"Ako na lang kakanta," sabi ni Arking feeling close.

"Ayos buti pa si Arki hindi mahiyain," sabi ni Ara. Pumunta naman si Arki roon sa
pagpipiliin ang kanta kami naman ay umupo roon sa may upuan na nasa tapat noong
maliit na podium. At ng may mapili na siya ay umupo siya roon sa upuan na nasa may
podium. Kami naman ay nakatingin lang sa kanya.

"Go Seph!" Sigaw ni Ara at Aislinn.

Ano ang iyong pangalan

Nais kong malaman

At kung may nobyo ka na ba

Sana nama'y wala

Di mo ko masisisi

Sumusulyap palagi

Sa'yong mga matang

O kay ganda o binibini

"Panes naman sa bebe ni Lila singerist," bulong ni Aislinn kaya tiningnan ko naman
sila ng masama tapos tumingin ulit ako kay Arki, seryoso siyang kumakanta habang
nakatingin sa akin.

O ang isang katulad mo

Ay dina dapat pang pakawalan

Alam mo bang pag naging tayo

Hinding hindi na kita bibitawan

Aalagaan ka't di pababayaan

Pagkat Ikaw sakin ay Prinsesa

O magandang diwata

Sana'y may pagasa

PAGIBIG ko'y aking sinulat

At ikaw ang pamagat

Sana naman ay Mapansin

HImig nitong damdamin


Na walang iba pang hinihiling

Kundi Ikaw ay maging Akin

"Bebe iyan ng bestfriend namin!" Sigaw ni Ara kaya naman hinila ko buhok niya.

"Letse manahimik kayo kung ano-ano pinagsasabi niyo," sabi ko sa kanila. Tumawa
lang naman sila sa akin.

O ang isang katulad mo

Ay dina dapat pang pakawalan

Alam mo bang pag naging tayo

Hinding hindi na kita bibitawan

Aalagaan ka't di pababayaan

Pagkat Ikaw sakin ay Prinsesa

Di ako naglalaro

Di ako nagbibiro

Pagbigyan mo lang sinta

Nang sayo'y mapakita

Na ang isang katulad mo

Ay dina dapat pang pakawalan

Pangako kong pag naging tayo

Araw araw kitang liligawan

O ang isang katulad mo

Ay dina dapat pang pakawalan

Alam mo bang pag naging tayo

Hinding hindi na kita bibitawan

Aalagaan ka't di pababayaan


Pagkat Ikaw sakin ay Prinsesa

Prinsesa.

Prinsesa.

Prinsesa.

Tulad mo.

Nang matapos siya kumanta ay nakangiti siyang bumalik sa amin.

"Tulad mo raw Lila," sabi ni Sprouse na tumatawa.

"Mga hinayupak talaga kayo," sabi ko sa kanila.

"Galing naman ng bata namin na Arki," sabi ni Ara at nakipag-high five pa kay Arki.

Mayamaya ay nabakante na iyong isang ktv kaya pumasok kami roon tapos doon kami
kumanta ulit, kanta lang kami ng kanta hanggang maubos ang kanta namin.

"Ice cream tayo," sabi ko ng may makita akong ice cream pagkalabas namin sa Tom's
world.

"Gusto niyo ba mapaos?" Tanong naman ni Arki.

"Gusto namin, masaya iyon," sabi naman ni Ara napailing na lang si Arki tapos
sumunod sa amin kasi pumila na kami sa bilihan ng ice cream. Bumili na rin naman
sila Sprouse at Arki tapos umupo lang muna kami sa may bench.

"Ay kaya naman pala hindi sumama sa kasi kasama niya iyong crush niya sa
Engineering," sabi ng isang grupo na lumapit sa amin. Lima sila lahat, tatlong
lalaki tapos dalawang babae.

"Hoy dito rin pala kayo," sabi naman ni Seph na nasa tabi ko.

"Hello miss Engineering," sabi noong isa sa kasama noong lumapit sa amin, namukhaan
ko naman na siya iyong kasama ni Arki noong natapon iyong lemonade ko.

"Hi," sabi ko sa kanila.

"Sige alis na rin kami napadaan lang kami ng makita namin si Seph," sabi noong mga
lumapit sa amin tapos kumaway sila at umalis na rin.

"May lakad pala kayo ng mga tropa mo," sabi ko sa kanya.

"Okay lang iyon minsan lang naman ako hindi makasama sa kanila tsaka birthday mo
naman ito," sabi niya napatingin naman ako sa kanya.

"Kahit na tropa mo pa rin iyon," sabi ko.

"Hayaan mo na mas gusto ka kasama ni Seph e, hindi ba Seph?" Tanong dito ni Aislinn
kaya naman napaiwas ng tingin sa akin iyong Arki napailing naman ako.

"Crush mo talaga ako e," sabi ko lalo naman siyang hindi makatingin sa akin kaya
naman natawa kaming tatlo nila Ara at Aislinn matapos namin kumain ng ice cream ay
nag-ikot-ikot lang kami ng magsawa kami sa loob ay lumabas kami pumunta kami sa may
sea side.

"Sakay tayo sa rides," sabi ni Ara.

"Vikings tayo," sabi ni Aislinn tapos hila-hila niya akong kasama habang nagtatakbo
siya papunta sa bilihan ng ticket. Bumili naman kami ng ticket pero kanya-kanya
kami. Pagkatapos ay pumila kami tapos sumakay na kami, sayang at hindi lang kami
iyong nasa likod nasa may gitnang parte kami nakaupo.

At ng umandar na iyong vikings ay nag-enjoy pa kami noong simula noong tumagal na


at bumibilis na ay sigaw na ng sigaw iyong dalawang lalaki kaya kaming tatlo naman
ay tawa ng tawa, nawala iyong takot namin dahil doon sa tatlo na gusto na raw
bumaba. Pagkababa namin sa vikings ay sakto na papalubog na ang araw kaya umupo
muna kami roon sa may gilid.

"Milk tea naman diyan," pabiro kong sabi ko kay Sprouse napailing naman siya tapos
umalis sumunod naman iyong arki, pumunta sila roon sa bilihan ng milk tea.
"Ayos libre tayo noong dalawa," sabi ni Ara.

"Kahit si Sprouse lang kaya na niya mayaman naman kasi iyang si Sprouse," sabi ni
Aislinn, totoo naman sa amin si Sprouse ang pinakamayaman nanay at tatay niya ang
Engineer na mga structural engineer parehas tapos hindi nauubusan ng project tapos
todo suporta pa sila tito at tita kay Sprouse kasi gusto rin magaya sa kanila ni
Sprouse, mabait naman mga magulang ni Sprouse at kilalang kilala na kami ni
Aislinn.

"Ang ganda ng langit," sabi ko habang nakatingin sa papalubog na araw.

"Super," sabi nila Aislinn at Ara na nakatingin din sa papalubog na araw.

Mayamaya ay bumalik na iyong dalawa inabutan naman nila ako ng milk tea ganoon din
naman sila Aislinn at Ara, lahat kami ay nakatingin sa araw na kaunti na lang ang
nakasilip at lulubog na.

"Ang ganda ng langit picture tayo," sabi ko kaya naman ay nagpose agad kaming lima
nasa kanang bahagi namin sila Sprouse at Arki katabi ni Sprouse si Aislinn tapos
ako nasa pinakagitna. Matapos namin magpicture ay sakto naman na dumilim na ang
paligid kaya napatingin na lang ako sa paligid habang nagmilk tea.

"Ano sunod natin?" Tanong ni Ara.

"Korean food!" Sabay na sigaw namin ni Aislinn.

"Aba lugi na ako," reklamo naman ni Sprouse.

"Hati tayo tutal birthday ko naman, bayaran mo na lang sa amin ni Aislinn kasi
dapat bukas iyon kaso hindi naman tuloy," sabi ko.

"Ako na lang hahati kay Sprouse, sagot na lang kita Bri," sabi naman ni Arki.

"Weh? Huwag na okay na ako may pera pa naman ako," sabi ko.
"Okay lang pa-birthday ko na rin sa iyo," sabi niya.

"Hayaan mo na Lila, nagpapalakas nga siya sa iyo," sabi ni Ara.

"Anong nagpapalakas?" Tanong ko.

"Sekretong malupit, magsama kayo ni Aislinn," sabi ni Ara kaya naman natawa rin si
Sprouse kaya tiningnan ko siya ng masama.

"Torpe," sabi ko kay Sprouse tiningnan lang naman niya ako ng masama.

"Torpe ka pala Sprouse," sabi ni Aislinn sabay tawa.

"Manhid," sabay na sabi naman namin ni Ara.

"Alam niyo ako na lang taga-sana all dito sa atin," sabi ni Ara kaya naman natawa
kami.

"Tara kain na tayo," sabi ni Arki tumango naman kami, tinulungan naman ako ni Arki
na makababa roon sa may gilid na inupuan ko.

"Sana all," sabi ni Ara na nakababa na nakatingin siya sa amin kasi si Aislinn ay
tinulungan din ni Sprouse makababa.

"Kain na pang tayo nakakabitter kayo," sabi ni Ara ulit.

Naglakad na kami papunta sa kakainan namin ng makarating kami roon ay naghanap na


kami ng pwesto muna bago kami mag-order.

At nang dumating na ang pagkain namin kay kanya-kanya na kaming kain para kaming
hindi kumain sa pagkain namin. Matapos namin kumain ay busog na busog kami
nagpaalam muna si Sprouse na magbabanyo sumabay na rin sa kanya si Aislinn.
"Regalo ko nga pala sa iyo," sabi ni Arki na nasa tabi ko tapos may inabot siyang
maliit na box sa akin.

"Hala engage agad," sabi ni Ara na nasa tapat namin habang nakatingin sa binigay sa
akin ni Arki.

"Gaga ka," sabi ko kay Ara, kinuha ko naman kay Arki iyong binigay niya.

"Salamat," sabi ko sa kanya.

"Buksan mo na," sabi niya sa akin habang nakangiti.

"Buksan mo na dali, Lila." Excited na sabi naman ni Ara kaya inirapan ko naman siya
tapos binuksan ko iyong box, napanganga naman ako ng makita ko iyon.

"Hala," sabi ko sabay kuha roon. Kwentas iyon tapos pendant niya ay sunflower ang
ganda pa noong pagkakadesign.

"Maganda?" Tanong niya sa akin sunod-sunod naman akong napatango.

"Malang inlove riyan si Lila basta sunflower tuwang-tuwa iyan," sabi ni Ara.

"Akin na suot ko sa iyo," sabi niya sa akin. Binigay ko naman sa kanya iyon tapos
excited akong tumalikod sa kanya sinuot naman agad niya iyon sa akin ng maisuot na
niya ay hinawakan ko ang pendant at tiningnan iyon.

"Wala na etchupwera na regalo namin," sabi ni Ara kaya naman napatingin ako sa
kanya.

"Gaga," sabi ko ulit sa kanya. Mayamaya ay dumating na ulit sila Aislinn at


Sprouse.
"Ganda ng kwentas mo bebs," sabi ni Aislinn na nakatingin sa kwentas ko.

"Regalo ng bebe niya," sabi ni Ara.

"Ay sana all," sabi ni Aislinn.

"Sana all may date bukas," sabi ko naman sa kanya, ngumiti naman agad si Aislinn.

"Excited na ako," sabi pa ni Aislinn.

"Iyong isa nasasaktan naman," sabi ni Ara kaya natawa naman ako.

"Date kita bukas Bri para hindi ka na magsana all." Sabay-sabay naman kaming
napatingin sa katabi ko.

"Ayon, ganyan kasi para hindi maunahan," sabi ni Ara.

"Hoy gago ka seryoso ka?" Tanong ko sa Arki na katabi ko.

"Oo nga," sabi niya habang nakangiti.

"Sana all talaga," sabi ulit ni Ara.

"Ara kayo na lang ni Sprouse may date bukas," sabi naman ni Aislinn nagkatinginan
naman si Ara at Sprouse tapos tumawa si Ara.

"Naku huwag na," sabi ni Ara habang tumatawa.

"Bakit naman?" Tanong ni Aislinn.

"Ayoko magalit pa crush ko," sabi ni Ara habang tumatawa.


"Sayang naman," sabi ni Aislinn.

"Dapat kasi kayo na lang ni Sprouse ang magdate," sabi ni Ara kaya naman natawa na
rin ako.

"Kadate ko nga baby Zeon ko," sabi ni Aislinn kaya napairap na lang kami ni Ara.
Matapos noon ay lumabas na rin kami at nagkayayaan na umuwi alas otso na rin kasi.

Nauna bumaba ng jeep sa amin sila Aislinn, Sprouse at Ara tapos kami na lang ang
natira ni Arki.

"Nakita kita noong pumunta tayo ng Recto sumakay ka ulit ng jeep, nakalagpas ka?"
Tanong ko sa kanya.

"Hindi sinadya ko iyon," sabi niya.

"Bakit?" Tanong ko.

"Ihahatid sana kita kaso ayaw mo naman," sabi niya.

"Hala," sabi ko.

"Hatid kita ngayon late na rin," sabi niya habang nakatingin sa relo niya.

"Kaya ko na," sabi ko.

"Basta hatid kita," sabi niya.

"Bahala ka," sabi ko kaya napangiti naman siya. At ng bumaba na ako ay bumaba na
rin siya sumabay siya sa akin ng sumakay ako ng tricycle.
"Malayo ba bahay niyo?" Tanong niya.

"Hindi naman pwede nga lang lakarin iyon," sabi ko.

"Dapat naglakad na lang tayo," sabi niya.

"Huwag na pagod na rin nakakahiya sa iyo," sabi ko.

"Okay lang naman," sabi niya. Mayamaya ay umandar na iyong tricycle. Malapit lang
talaga iyong bahay namin nahiya lang ako sa kanya kaya sumakay ako ng tricycle,
sumasakaya lang naman ako ng tricycle kapag may mabigat akong dala o kaya ay pagod
na pagod ako.

Mayamaya ay nagpara na ako at bumaba ng tricycle kaya bumaba na rin siya.

"Saan bahay niyo?" Tanong niya sa akin, tinuro ko naman iyong may maliit na kalsada
na papasok papunta sa amin.

"Papasok diyan," sabi ko.

"Tara," sabi niya.

"Arki huwag na kaya ko na," sabi ko.

"Seph na lang itawag mo sa akin, pwede ba?" Tanong niya.

"Okay," sabi ko tapos naglakad na ako papasok sumabay lang siya sa akin hanggang sa
tumigil ako sa tapat ng gate namin.

"Dito na ako," sabi ko tumingin naman siya sa bahay namin.

"Sige," sabi niya.


"Sige ingat ka," sabi ko sa kanya. Hindi naman siya gumalaw sa pwesto niya.

"May sasabihin ka pa?" Tanong ko sa kanya.

"Bri ano kasi," nagdadalawang isip na sabi niya.

"Ano?" Tanong ko.

"Pwede ba?" Tanong niya.

"Ha?"

"Pwede bang..." hindi ko naman narinig iyong sinabi niya kasi mahina na iyonh dulo.

"Ano? Ayusin mo kasi," sabi ko sa kanya.

"Pwede bang manligaw?"

Chapter 11 - Chapter 10

Chapter 10

Tatlong araw na ako nakalipas simula ng tanungin ako ni Ark- I mean ni Seph kung
pwede manligaw siya. Actually noong araw na iyon din ay hindi ko siya nasagot ang
ginawa ko kasi ay tumakbo papasok sa loob ng bahay hindi ko kasi alam ang isasagot
ko sa kanya. Tatlong araw din na walang paramdaman kami, nagtext siya sa akin noong
valentines pero hindi ako nagreply. Mabuti na lang din ang wala akong pasok ng
valentines tapos siya wala naman pasok noong Saturday tapos nitong linggo wala rin
akong pasok ganoon din naman yata siya. Napabuntong hininga na lang ako kasi hindi
ko talaga alam ang isasagot ko sa tanong niya parang mabilis pa kasi ang mga
pangyayari.
"Lalim ng naman ng buntong hininga mo," sabi ni Ara nakakarating lang. Nandito kami
ngayon library gagawa kami ng report ayoko rin muna kasi sa labas gumawa baka
magkita kami ni Ark- I mean ni Seph, hindi ko alam ang gagawin ko pa rin.

"Bakit ang tagal mo?" Tanong ko sa kanya, sabi niya kasi magbabanyo lang siya kaya
nauna ako sa kanya sa library.

"Mahaba pila sa banyo girl," sabi niya naman kaya tumango lang ako tapos nagpatuloy
sa paggawa ng report powerpoint presentation ang ginagawa ko ganoon din naman ang
kay Ara. Matapos kong magtype ay natulala lang ako naisip ko na naman iyong tanong
ni Seph.

"Hoy," pabulong na tawag sa akin ni Ara kaya naman tumingin ako sa kanya.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Tulala ka girl," sabi niya sa akin umiling lang naman ako tapos pinatay ko na
iyong laptop ko.

"Puyat ka ba?" Tanong niya sa akin.

"Hindi naman," sabi ko habang inaayos ko iyong laptop ko at iba kong gamit.

"Mukha kang puyat," sabi niya sa akin tapos inayos niya na rin ang gamit niya tapos
na rin yata siya.

Actually medyo puyat talaga ako kakaisip doon sa tanong ni Seph lalo na noong araw
na tinanong niya sa akin iyon hindi talaga ako makatulog alas tres na nga yata ako
ng madaling araw nakatulog mabuti na lang at kinabukasan ay wala akong pasok. Tapos
kagabi naisip ko na naman kasi hindi malayong magkita kaming dalawa rito sa
university lalo na't iisang building lang kami.

"Ara," tawag ko kay Ara saglit naman niya ako tiningnan bago niya kuhain ang
ballpen niya at iyong take home quiz namin sa TOS o sa Theory of Structures one and
two iyon.

"Bakit?" Tanong niya sa akin habang nakatingin sa problem sa take home quiz namin.
"Si Ark- I mean si Seph may tinanong sa akin," sabi ko kaya natigil siya sa
pagtingin sa ginagawa niya at nilipat niya ang tingin sa akin.

"Ano?" Tanong niya agad sa akin.

"Tinanong niya ako noong after natin lumabas noong birthday ko," sabi ko.

"Ano nga?" Tanong ni Ara na excited sa sasabihin ko.

"Tinanong niya ako kung pwede ba raw manligaw," sabi ko bigla naman nanlaki ang
mata niya tapos ngumiti.

"Oh my gosh!" Bigla niyang sigaw.

"Quiet!" Sigaw naman ng bantay sa library.

"Sorry po," sabi naman agad ni Ara.

"Huwag ka kasing sumigaw," sabi ko sa kanya.

"Gagi nagulat lang ako kahit expected na iyon," sabi ni Ara.

"Anong expected na?" Tanong ko sa kanya.

"Duh, halata naman na gusto ka niya talaga," sabi ni Ara tapos inirapan pa ako.

"Eh?" Tanong ko sa kanya.

"Ano sinagot mo?" Tanong sa akin ni Ara. Umiling naman ako sa kanya.
"Tinakbuhan ko siya," sabi ko. Nangigil naman na tiningnan ako ni Ara.

"Doon tayo sa labas para pwede sumigaw," sabi ni Ara tapos inayos niya iyong mga
gamit niya at nagmadaling pumunta roon sa kuhaan ng bag namin, sumunod naman agad
ako sa kanya ng makalabas kami ng library ay agad niya naman akong hinila palabas
ng building at dinala roon sa tinatambayan namin.

"Gaga ka bakit mo tinakbuhan?" Malakas niyang tanong sa akin pagkalapag na


pagkalapag ng mga gamit namin sa lamesa.

"Nagulat ako e," sabi ko.

"Ay tanga," sabi niya.

"Masama ba?" Tanong ko sa kanya.

"Oo mamaya isipin ng tao na ayaw mo talaga sa kanya," sabi niya tapos tumingin ulit
sa akin. "Ayaw mo ba talaga sa kanya kaya tinakbuhan mo?"

"Hindi ko alam," sabi ko.

"Anong hindi mo alam?" Tanong niya sa akin tapos umupo siya roon sa harap ko.

"Hindi ko alam e, hindi ko rin alam isasagot ko sa tanong niya," sabi ko.

"Paano 'yon?" Tanong niya.

"Hindi ko talaga alam," sabi ko.

"So ano tatakasan mo iyong tao, iiwasan mo?" Tanong niya umiling naman ako.
"Hindi naman sa ganoon, hindi lang talaga alam isasagot ko nagulat lang din naman
ako," sabi ko.

"Gusto mo ba siya?" Tanong niya sa akin napatingin naman ako sa kanya.

"Hindi ko rin alam pa," sabi ko.

"Busted mo na?" Tanong niya kaya naman napatitig ako sa kanya. Actually hindi ko
naisip na busted siya, hindi ko lang talaga alam. Napangiti naman si Ara ng hindi
ako sumagot.

"Ayon, ayos iyan hayaan mo na lang manligaw tapos kilalain mo ng mabuti bago mo
bustedin," sabi niya.

"Ganoon?" Tanong ko.

"Oo kapag hindi naman porket pinayagan mo manligaw ay sasagutin mo siya, iyang
panliligaw kasi paraan iyan para mas makilala mo iyong tao hindi para hinayaan mo
manligaw magiging jowa mo na agad," sabi ni Ara.

"Sige," sabi ko. Ngumiti naman si Ara tapos pumalakpak.

"Sabi na magkakajowa ka na," sabi ni Ara.

"Hala," sabi ko naman agad.

"Nararamdaman ko talaga," sabi niya.

"Mas bata siya sa akin," sabi ko.

"Iyan ba inaalala mo? Girl ang edad hindi iyan basehan, ano naman kung mas matanda
ka sa kanya, bakit iyong iba nga ilang taon ang gap tsaka hindi naman halata kapag
magkasama kayo mas mukha siya ang mas matanda sa iyo lalo na sa height," sabi ni
Ara sabay tawa ng malakas kaya naman tiningnan ko siya ng masama.
"Bwisit ka Ara," sabi ko sa kanya.

"Joke lang, kausapin mo na iyong tao, kaya pala kanina nakita ko nakasilip siya sa
may pintuan ng library tapos noong nilapitan ko at tinanong bakit hindi ka niya
lapitan hindi sumagot tapos umalis na agad," sabi ni Ara. Iyong pintuan ng library
kasi namin ay glass kitang kita mo ang tao sa loob ganoon rin naman kapag nasa loob
ka kita mo ang tao na nasa labas.

"Seryoso?" Tanong ko.

"Oo girl tapos kanina ang lungkot-lungkot niya pa habang nakatingin sa iyo," sabi
ni Ara. Bigla naman ako nakonsensya baka nga isipin niya ayaw ko talaga sa kanya
kasi hindi ko rin siya nirereplyan sa mga text niya sa akin.

"Kapag nakita ko na lang siya kakausapin ko," sabi ko. Tumango naman si Ara tapos
ngiting-ngiti sa akin.

"Ayan na siya pala e," sabi ni Ara tapos nakaturo sa likod ko humarap naman ako
tapos wala naman siya roon sa tinuro ni Ara kaya naman tiningnan ko ng masama si
Ara tapos si Ara tawa ng tawa.

"Naku ikaw ha halatang-halata ka," sabi niya.

"Bwisit ka," sabi ko tapos nilabas ko ang clipboard ko kung nasaan ang take home
quiz namin sa TOS actually hindi ako nagwo-worry sa subject na ito kasi kayang kaya
ko ito, na-enjoy ko ito rati at talaga naman hindi akong nahirapan lalo na sa TOS 2
kasi roon may formula na hindi kaya ng TOS 1. Nagsimula na rin ako magsolve mabilis
ko naman nasasagutan ang unang tanong kasi Double Integration Method lang siya o
kaya naman ay Area-Moment Method lang. Si Ara rin ay nagsosolve na rin kaya
natahimik kami.

"Lila seryoso si Seph o," sabi naman ni Ara habang nakaturo sa likod ko tiningnan
ko naman si Ara tapos inirapan at tinuloy ko ang pagsolve ko.

"Mukha mo Ara," sabi ko.


"Hala ayaw maniwala ayan na nga kasama sila Aislinn," sabi pa ni Ara inirapan ko
lang siya at tinuloy ang pagsolve ko.

"Pinagtitripan mo lang ako," sabi ko habang nagpipindot sa calculator ko.

"Hi Seph, Hello Aislinn," sabi naman ni Ara natigil naman ako sa pagpindot ko sa
calculator ng may maamoy ako na pabango ni Seph. Napalingon naman ako sa likod ko
nakita ko roon si Seph na nakatayo tapos umiiwas ng tingin sa akin tapos Aislinn na
hawak ang braso ni Seph na mukhang hinila lang ni Aislinn papunta rito sa amin.

"Nakita ko riyan kanina pasilip-silip dito tapos parang tanga na lalapit tapos
babalik ulit kaya naman hinila ko papunta rito sayang naman iyong flowers niya kasi
kung hindi siya tutuloy," sabi ni Aislinn sabay upo sa tabi ko. Napatingin naman
ako sa kaliwang kamay ni Seph nakita ko na may bouquet siyang sunflower na hawak.
Napatingin ulit ako sa mukha niya siya naman ay hindi makatitig sa akin ng maayos.

"Hi," sabi niya na mukhang kinakabahan at hindi pa rin siya makatingin ng deretso
sa akin.

"Hello," sabi ko naman sa kanya.

"Aislinn nakita ko sa canteen kanina iyong crush mo tara roon nagugutom na rin
ako," sabi naman ni Ara tapos inayos niya iyong gamit niya tapos kinuha niya ang
bag niya.

"Seryoso, tara roon bilisan mo." Excited naman na sabi ni Aislinn tapos humawak pa
sa braso ni Ara si Aislinn bago sila nagmamadaling pumunta sa canteen. Napatingin
naman ako kay Seph na nakatayo pa rin sa likod ko.

"Upo ka," sabi ko sa kanya kaya umupo naman agad siya sa tabi ko tapos inabot niya
iyong bulaklak sa akin. Kinuha ko naman iyon.

"Dapat noong valentines sana kita bibigyan ng flowers kaso naalala ko wala kang
pasok noong Friday," sabi niya na hindi pa rin makatingin sa akin.

"Salamat," sabi ko. Parehas naman kaming natahimik walang nagsasalita sa aming
dalawa.

"Ano." Halos sabay na sabi pa naming dalawa kaya naman natawa kami.

"Ikaw muna," sabi ko sa kanya.

"Iyong sinabi ko sa iyo noong birthday mo, seryoso ako roon, alam ko na nagulat ka
sa akin pasensya na okay lang naman kung hindi ang isasagot mo," sabi niya sa akin
na hindi pa rin makatingin ng deretso.

"Pasensya ka na rin sa akin nagulat lang talaga ako noon at hindi ko talaga kasi
alam isasagot ko," sabi ko sa kanya.

"Okay lang naman," sabi niya.

"Parang ang bilis kasi," sabi ko habang nakatingin sa kanya bigla naman siya
tumingin sa akin ng deretso nakatitig siya sa akin ng matagal.

"Siguro para sa iyo mabilis," sabi niya sabay iwas ulit ng tingin kaya naman
napakunot ako ng noo.

"Ha?" Tanong ko sa kanya, tumitig ulit siya sa akin tapos ngumiti napatingin naman
ako sa dalawa niyang dimples. Shet na dimples iyan.

"Wala," sabi niya.

"Ano nga?" Tanong ko. Natigila muna siya na parang nagdadalawang isip na sabihin sa
akin iyong gusto niya sabihin pero sa huli ay nagsalita rin siya.

"Naalala mo noong enrollment, noong una tayong nagkita?" Tanong niya napatango
naman ako.

"Oo," sabi ko.


"Hindi iyon ang unang araw na pagkikita talaga natin," sabi niya.

"Ha?" Tanong ko sa kanya.

"Naalala mo noong nakaraang semester mayroon kang nakabanggang tao tapos naapakan
mo pa iyong plates?" Tanong niya, napaisip naman ako hanggang sa may naalala ako
noon na nakabangga ko kasi nagmamadali ako noon dahil late na ako, puyat pa ako
noong panahon na iyon at parang lutang ako dahil sa thesis namin, wala kasi akong
tulog ng panahon na iyon.

"Oo, ikaw ba iyon? Hala sorry talaga hindi ko sinasadya iyon nagmamadali lang
talaga ako tapos puyat pa ano noon dahil sa thesis namin," sabi ko sa kanya hindi
kasi ako nakapagsorry ng maayos noon kasi nagmamadali ako.

"Okay lang," sabi niya habang nakangiti.

"So matagal mo na rin ako nakikita?" Tanong ko, tumango naman siya.

"Lagi kitang nakikita noon dito o kaya sa canteen, gusto sana kita lapitan kaso
lagi kang busy noon tapos lagi mo kasama mga ka-thesis mate mo," sabi niya. Noong
nakaraang semester kasi talaga ay sobrang busy ko dahil sa thesis namin halos wala
na nga akong matinong tulog noon kasi inaayos namin thesis namin.

"Busy talaga ako noong nakaraang semester," sabi ko naman sa kanya.

"Actually una kitang nakita talaga noong nasa canteen ka tapos kumakain ka ng lunch
kasama mo iyong bakla mong kaklase tapos bigla kang tumawa noon ng sobrang lakas
kaya napatingin ako sa iyo," sabi niya habang nakangiti siya, naalala ko naman
'yon, iyon iyong panahon na halos kasisimula pa lang ng first semester kasama ko
iyong kaklase ko na si Andy bakla siya tapos nagkukwento siya sa akin ng first
impression niya sa akin natawa ako sa kanya noon kasi nagkukwento siya noon na sabi
niya akala niya raw maldita ako noong una tapos akala niya raw na ako iyong leader
ng bully tapos kahit sino ay kaya ko mapasunod kaya naman tawa ako ng tawa sa kanya
noon. Ako naman noong panahon na iyon ay walang pakialam sa paligid ko kasi kahit
maraming tao pa noon.
"Ay seryoso nandoon ka noon? Nakakahiya naman pala," sabi ko bigla kasi akong
nahiya, ewan ko rin kung bakit akong nahiya sa kanya.

"Okay lang simula nga noong araw na iyon lagi kitang hinahanap sa canteen o kaya
naman minsan ay tumitingin ako lagi sa pintuan kapag nakikita kong mga civil
engineering ang nagkaklase," sabi niya sa akin napataas naman ako ng isang kilay.

"Stalker ka na niyan?" Tanong ko sa kanya natawa naman siya tapos nagkibit balikat.

"Na-love at first sight ako sa iyo lalo na sa tawa mo," sabi niya na nakangiti ako
naman ay naramdaman ko naman na namula yata ang pisngi ko sa sinabi niya. Mukha
siya ay nagulat din sa sinabi niya pero tumawa lang siya.

"Pero seryoso Bri, gusto kita, gustong-gusto kita talaga nilakasan ko na talaga ang
loob ko ka lapitan ka ngayon kasi alam ko last semester mo na ngayong semester na
ito," sabi niya napatingin naman ako sa kanya nakita ko naman natitig na titig siya
sa akin kaya naman napaiwas ako ng tingin sa kanya.

"Okay lang naman kung mabusted mo ako," sabi niya kaya napatingin ako sa kanya
nakita ko naman na malungkot ang mata niya.

"Ano, hindi ko alam sasabihin mo," sabi ko natawa naman siya sa akin tapos
napatingin siya sa table kung nasaan ang sinosolve ko.

"Tulungan ulit kita sa take home quiz mo?" Tanong niya sa akin napatitig naman ako
sa kanya napailing naman siya tapos kinuha iyong papel ko at ballpen tapos
tiningnan niya iyon at parang inaaral niya, nakatitig lang naman ako sa kanya.
Bakit nga hindi ko bigyan ng chance ito, wala naman masama e. Tsaka sabi naman ni
Ara na hindi porket pinayagan mo manligaw ibig sabihin jojowain mo na talaga. Gusto
ko rin naman siya makilala pa, gusto ko siya mas makilala pa ng mabuti.

Inagaw ko sa kanya iyong papel ko kaya naman napatingin siya sa akin.

"Kaya ko na ito, isa ito sa favorite subject ko kaya don't worry sisiw na ito sa
akin," sabi ko sa kanya sabay ngiti sa kanya.

"Sure ka? Kung mayroon hindi ka maintindihan magsabi ka lang papaturo ako kay daddy
tapos ituturo ko sa iyo," sabi niya ngumiti naman ako sa kanya habang nakatitig sa
mata niya.
"Sige," sabi ko.

"Sige chat ka lang o kaya magtext ka lang," sabi niya sa akin.

"Hindi ka kaya ko na talaga ito," sabi ko mula naman naguluhan siya sa sinabi ko.

"Ha?" Tanong niya.

"Sige, I mean pinapayagan na kita manligaw," sabi ko natigilan naman siya tapos
mayamaya ay biglang ngumiti tapos niyakap ako pero bumitaw agad siya.

"Salamat," sabi niya sa akin habang nakangiti, ngumiti lang din naman ako sa kanya
at pasimpleng napahawak sa puso ko.

Heart kalma ka lang, please.

Chapter 12 - Chapter 11

Chapter 11

Dalawang linggo na ang nakalipas simula ng payagan ko manligaw si Seph, okay naman
ang lahat at nagkakakilanlan na rin naman kami ng kaunti pero hindi ko pa siya
naipapakilala sa mga magulang ko dahil parehas din kaming naging busy siguro ay
baka ngayong linggo ay maipakilala ko na rin siya. Okay naman si Seph madalas
magkasama kaming dalawa, sumasama kasi siya sa amin kapag wala silang klase.

"Tulungan kita," sabi sa akin ni Seph habang nakatingin sa sinosolve ko sa pre-


board namin.

"Kaya ko na nga ito tsaka reinforce concrete design ito at isa pa favorite subject
ko yata ito sisiw na lang ito sa akin at baka malaman mo pa mga sekreto namin dahil
dito ano," sabi ko sa kanya, natawa naman siya sa akin. Ako naman ay nagpatuloy
magsolve, kaming dalawa lang ang magkasama ngayon dito sa lagi naming tinatambayan
sila Ara wala pa kausap pa niya iyong mga kagrupo niya sa reporting kasi sila na
magrereport mamaya.

Binuklat-buklat naman ni Seph ang maliit kong libro na civil engineering formulas
at binabasa-basa niya rin iyon.

"Wala ka pang klase?" Tanong ko sa kanya.

"Mamaya pa," sabi niya habang nakatingin sa maliit kong libro.

"Wala kang gagawing plates?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Wala na tinapos ko na noong isang araw," sabi niya ulit.

"Okay," sabi ko tapos nagpatuloy ulit ako sa pagsolve.

"Maganda rin ba itong libro mo na ito?" Tanong niya sa akin habang nakataas iyong
maliit kong libro.

"Oo, gamit na gamit ko talaga iyan although iyong sa RCD ay NSCP 2001 ang ginamit
diyan pero halos parehas pa rin mga formula," sabi ko naman. Tumango-tango lang
naman siya.

"Kapag nakapasa ka na ng board may napili ka ng pagtatrabahuhan mo?" Tanong niya sa


akin, napatingin naman ako sa kanya saglit tapos binalik ko ulit tingin ko sa
sinosolve ko.

"Mayroon na actually kami nila Sprouse at Ara," sabi ko.

"Saan?" Tanong niya.

"Sa Hernandez-Villaluna Architectural and Engineering firm," sabi ko. Napansin ko


naman na napatingin siya sa akin ay tumingin din ako sa kanya.
"Wow, bigatin." Nakanglalaking mata niya sabi sa akin.

"Hindi naman, sila tita at tito doon kasi ako pinapasok tapos si kuya Dash din
halos araw-araw akong tinatanong kung kailan ako gagraduate," sabi ko.

"Dashiel Villaluna?" Tanong niya nagulat naman ako na kilala niya si kuya Dash.

"Oo, paano mo nakilala?" Tanong ko.

"Iyong daddy niya tsaka daddy ko batchmate sila noon sa engineering," sabi niya
napatango naman ako.

"Ganoon bigatin pala kayo," sabi ko sa kanya.

"Hindi naman, ikaw bakit kuya tawag mo sa kanya? Pinsan mo?" Tanong niya sa akin.
Napatango naman ako.

"Oo pinsan ko siya," sabi ko napansin ko naman na napatitig siya tapos ngumiti sa
akin.

"Ikaw naman pala bigatin," sabi niya.

"Hindi naman, sila lang kasi iyon iba naman kami sa kanila ako lang talaga naligaw
sa pamilya namin na nag-engineering kaya natuwa lang sila sa akin," sabi ko tapos
nagsolve na ulit ako.

"Bakit naman ikaw lang sa pamilya niyo?" Tanong niya.

"Sa side kasi nila mama ko pinsan sila tapos halos lahat ng sa kanila puro engineer
talaga, iyong lola ko tsaka iyong lolo niya kasi magkapatid tapos sa side ng lola
ko wala nag-engineering puro nag-education sila tapos iyong ako nagcollege nag-
engineering ayon natuwa sila kasi at last daw may nag-engineering sa side ng lola
ko," sabi ko sa kanya. Tumango-tango naman siya.

"Nasa dugo niyo naman pala ang engineering," sabi niya.


"Siguro kaya rito rin ako nadala," sabi ko sabay tawa.

"Ikaw? Bakit hindi ka nag engineering?" Tanong ko sa kanya.

"Kasi nga mas nagustuhan ko iyong ginagawa ng mommy ko rati lalo na kapag nakikita
ko siyang nagdedesign ng mga bahay o kaya building," sabi niya.

"Sa engineering din naman pwede ka magdesign," sabi ko.

"Ewan ko mas gusto ko kasi talaga iyong ginagawa ng mommy ko," sabi niya.

"Okay lang naman sa daddy mo?" Tanong ko.

"Oo suportado naman niya ako," sabi niya. Napatango naman ako.

"Buti iyong mommy mo at daddy mo magkasundo sila," sabi ko sa kanya napatingin


naman ako sa kanya tapos nakita ko siyang napangiti.

"Oo, minsan nag-aaway sila dahil sa project na hawak nila tapos mamaya-mamaya okay
na ulit sila," sabi niya habang nakangiti.

"Sa trabaho lang naman kasi talaga hindi nagkakasundo," sabi ko. Tumango naman
siya.

"Ganoon din tayo kapag kinasal na," sabi niya kaya napatingin naman ako sa kanya
nakita ko naman siya na nakangiti habang nakatitig sa akin.

"Kasal ka riyan, mag-aral ka muna," sabi ko sa kanya natawa naman siya.

"Oo naman mag-aaral ako ng mabuti para sa future natin," sabi niya.
"Baliw ka," sabi ko at iwas ng tingin sa kanya feeling ko namumula ang mukha ko sa
mga pinagsasabi niya.

"Bakit hindi naman malabo mangyari iyon," sabi niya.

"Paano kung halimbawa pansalamantala lang itong sa atin?" Tanong ko sa kanya habang
nakatitig sa kanya napansin ko naman na nawala iyong ngiti niya.

"Bakit ganyan iniisip mo?" Tanong niya.

"Kunwari nga lang naman," sabi ko.

"Paano kung isang araw maghiwalay talaga tayo ganoon ba?" Tanong niya.

"Oo," sabi ko.

"Kung isang araw maghiwalay tayo tapos nagkita ulit tayo at wala ka pang asawa
kapag nagkita tayo ulit aasawahin talaga kita," sabi niya sabay tawa pinalo ko
naman siya sa braso niya.

"Siraulo ka," sabi ko.

"Seryoso ako kapag nagkita ulit tayo syempre hindi ko na hahayaan ulit na mawala
ka," sabi niya napatitig naman ako sa kanya tapos napaiwas ulit ako ng tingin.

"Kinikilig siya, ngumingiti siya oh." Pang-aasar niya sa akin kaya naman
sinabunutan ko siya tawa naman siya ng tawa.

"Ay sus iyong love birds naglalambingan," sabi ni Ara na kararating lang at umupo
sa tapat namin ni Seph, napabitaw naman ako sa buhok ni Seph.

"Hello ate Ara," sabi naman ni Seph kaya naman tiningnan siya ng masama ni Ara.
"Hoy arki ayusin mo buhay mo ha," sabi ni Ara bago irapan si Seph kaya naman natawa
na lang din ako.

"Tapos na kayo mag-meeting?" Tanong ko sa kanya.

"Oo, okay na ready na kami mamaya," sabi niya bago niya kunin ang papel niya sa bag
niya na take home quiz din.

"Ayos iyan," sabi ko sa kanya.

"Lila tapos mo na lahat?" Tanong niya sa akin habang nakatingin siya sa take home
quiz.

"Hindi pa pero kaunti na lang," sabi ko tumango-tango naman siya.

"Sa akin din, jusko problema ko paano ko aaralin itong mga ito sa midterm natin,"
sabi niya.

Malapit na nga pala ang midterm namin mauuna kaming mga graduating magmidterm kaya
dapat makapagreview na rin ako dalawang linggo na lang ay midterm na namin.

"Oo nga malapit na tayong magmidterm," sabi ko.

"Mauuna kayo magmidterm sa amin 'di ba?" Tanong ni Seph tumango naman ako sa kanya.

"Oo," sagot ni Ara.

"Tulungan ko kayo magreview na lang," sabi niya. Nagkatinginan naman kami ni Ara.

"Baliw magreview ka na lang sa subject mo," sabi ko sa kanya.

"Parang review ko na rin iyon sa subject ko lalo na iyong mga mathematics niyo,"
sabi niya napatango naman ako kung sabagay nga naman.

"Ikaw bahala," sabi ko.

"Sus maglalandian lang kayo," sabi naman ni Ara kaya naman binato ko siya ng
scratch paper ko.

"Landian mo 'to," sabi ko sa kanya.

"Sana all na lang talaga," sabi niya sabay naman kaming natawa ni Seph.

"Pakilala kita sa tropa ko," sabi ni Seph kay Ara.

"Huwag na lisensya muna bago jowa," sabi niya kaya naman natawa ulit kami.

"Ay sus, sige na Ara," sabi ko sa kanya.

"Ayoko nga huwag niyo kasi ipilit baka pumayag ako," sabi niya na lalo naming
ikinatawa ni Seph.

"Gusto rin naman e," sabi ko.

"Huwag nga muna tsaka magiging busy kasi tayo mahihirapan ako noon gusto ko focus
muna ako," sabi niya napatango naman ako. Kung sabagay after graduation magrereview
na kami para sa board exam para sa darating na November malamang busy talaga kami
noon.

"Ayaw mo talaga inspirasyon lang Ara," sabi naman ni Seph.

"Tigil-tigilan mo ako Joseph ha, hindi porket naglalandian na kayo ni Lila pwede mo
na rin ako bigyan ng kalandian, tsaka na nga kapag trip ko na," sabi ni Ara kaya
napatawa ulit ako.
"Sige focus kuno ikaw," sabi ko.

"Tse!" Sabi niya sa akin na lalo kong ikinatawa.

"Boyfriend na lang pala regalo ko sa birthday mo Ara," sabi ko habang tumatawa


malapit na rin kasi ang birthday niya at ngayong katapusan na iyon ng March.

"Tigilan mo ako Kalila," sabi niya sa akin.

"Magbirthday ka na ate Ara, ilang taon ka na?" Tanong ni Seph kay Ara.

"Twenty-one," sagot ni Ara. Tumango naman si Seph.

"Pwede na nga magjowa," sabi ni Seph kaya naman napatawa pa ako tapos naghigh five
pa kaming dalawa.

"Tali ko kayong dalawa e, by the way ikaw Seph kailan birthday mo?" Tanong ni Ara
napatingin naman ako kay Seph kasi hindi ko iyon natatanong pa sa kanya.

"Sa July 7 pa," sabi niya.

"Malapit na rin," sabi ni Ara.

"Dalawang taon lang pala tanda ko sa iyo e," sabi ko sa kanya.

"Oo nga ate," sabi niya sa akin kaya naman pinalo ko siya sa braso.

"Ate mo ito," sabi ko sa kanya. Natawa naman siya sa akin.

"Sana all," sabi ni Ara habang nakatingin sa amin tapos nagsolve na ulit siya.
"Bigyan ka nga raw ni Seph, Ara." Pang-aasar ko sa kanya.

"Bahala kayo riyan, ayoko nga," sabi niya.

Nagsolve lang kami ng ilang minutes tapos pumasok na rin kami sa loob ng buidling
dahil may klase pa kami. Naghiwalay na rin kami ni Seph dahil sa third floor ang
room niya tapos kami ay sa fourth floor naman.

After class naman ay umuwi na rin kami nagtext na lang ako kay Seph na uuwi na ako
kasi siya may klase pa. Pag-uwi ko sa bahay ay nandoon si mama wala pa si papa at
iyong kapatid ko. Medyo maaga pa rin kasi alas tres lang ng hapon wala pa rin naman
ginagawa kaya natulog muna ako.

Nagising na lang ako ng ginising ako ng kapatid ko dahil kakain na raw tiningnan ko
naman ang cellphone ko at alas syete na pala ng gabi napahaba ang tulog ko.

"Wala ka pa rin bang boyfrien Lila?" Tanong sa akin ni papa habang kumakain kami.

"Wala pa po pero may nanliligaw," mahina kong sagot, tumawa naman si papa.

"Buti naman at magkaboyfriend ka na akala ko tatanda ka ng dalaga," sabi ni papa na


tumatawa.

"Papa naman kasi bata pa ako," sabi ko kaya naman lalong natawa si papa. Ewan ko ba
riyan sa tatay ko noong high school sinabihan ako bawal daw ako magboyfriend tapos
noong nag twenty na ako hinahanapan na ako ng boyfriend. Ang gulo niya 'di ba.

Pagkatapos namin kumain ay naghugas na ako ng plato pagkatapos ko maghugas ng plato


ay nakisali ako kila mama at papa na nanonood ng tv. Mayamaya ay may tumatawag sa
labas kaya inutusan ko kapatid ko silipin padabog naman na sumunod iyong kapatid
ko.

"Ate may naghahanap sa iyo," sabi ng kapatid na nakasimangot tumayo naman ako at
sumilip sa labas nakita ko naman si Seph.
"Hoy ano ginagawa mo rito?" Gulat na tanong ko sa kanya sabay takbo papunta sa gate
at binuksan iyong gate.

"Sino iyan Lila?" Rinig ko na tanong sa akin ni mama tapos sumilip ito sa may
bintana.

"Iyong take home quiz mo nasa bag ko kasi kanina nailagay ko kaya sa bag nagtext na
ako sa iyo na pupunta ako rito hindi ka naman nagreply," sabi niya.

"Ay sorry nasa kwarto iyong cellphone ko, pasol ka muna," sabi ko sa kanya pumasok
naman siya sa loob.

"Lila papasukin mo iyan dito sa loob," sabi ni papa kaya naman niyaya ko siya sa
loob pagpasok niya sa loob ay nakatingin agad sa kanya si mama at papa.

"Good evening po." Magalang na bati niya kila mama at papa.

"Good evening rin," sagot naman ni mama.

"Ikaw manliligaw ni Lila ano?" Tanong ni papa rito nahihiyang tumango naman si
Seph.

"Ano po, hinatid ko lang iyong take home quiz ni Bri na iwan niya po kasi," sabi ni
Seph tumango naman si papa.

"Kumain ka na ba? Kain ka muna," sabi naman dito ni mama.

"Ay hindi na po paalis na rin po ako hinatid ko lang po iyong papel niya," sabi ni
Seph na mukhang kabado pa siya.
"Iyong ligawan dito sa bahay huwag sa labas ha," sabi ni papa sa kanya.

"Opo," nakangiting sagot naman ni Seph.

"Hatid ko lang siya sa labas ma, pa." Sabi ko kila mama at papa tapos tinanguan
nila ako hinatid ko naman siya sa labas.

"Nakakatakot papa mo," sabi niya sa akin natawa naman ako.

"Hindi, mabait kaya iyon," sabi ko habang tumatawa.

"Sige aalis na rin ako kita tayo ulit bukas," sabi niya.

"Sige ingat, bye." Sabi ko sa kanya habang kumakaway pa.

Ngumiti naman siya bago umalis, pag-alis niya ay pumasok naman ako sa loob. Nagulat
naman ako ng makita ko sila mama at papa na nasa may pintuan.

"Manliligaw o boyfriend mo na?" Tanong sa akin ni papa.

"Manliligaw lang papa," sabi ko.


"Sagutin mo na para may boyfriend ka na," sabi naman ni papa tapos tumawa si mama.

"Papa atat na ata ka magkaboyfriend ako," sabi ko tapos naglakad papunta sa kwarto
ko.

"Basta boyfriend lang muna pero mag-aral ka pa rin ng maayos," sabi ni papa.

"Opo," sigaw ko sabay pasok sa loob ng kwarto ko.

Chapter 13 - Chapter 12

Chapter 12

Midterm week na namin ngayon at busy ako sa pagrereview, halos katatapos lang din
ng exam ko ngayong araw tapos bukas may exam ulit ako kaya kailangan ko magreview
mamayang gabi. Sa water resources pa naman ang exam namin bukas kaya kailangan ko
mag-aral ng mabuti kasi may mga solving din kami, magkakabisado pa ako ng mga
formula ang dami pa namang formulas doon.

"Tapos na exam?" Tanong sa akin ni Seph pagkaupo niya sa table namin dito sa
canteen kasama namin si Ara at Sprouse. Lunch na rin kasi ngayon.

"Oo pero mayroon pa bukas tapos sa isang araw tapos may pre-board pa," sabi ko
sabay hawak sa noo ko. Na stress na naman ako dahil sa mga irereview ko, sa pre-
board kasi talaga ako kinakabahan.

"Kaya niyo iyan, kami next week pa midterm namin," sabi ni Seph.

"Kaya naman namin kaso nakakadrain at nakakapiga ng utak," sabi ni Ara.


"Kaya niyo iyan kayo pa ba," sabi ni Seph na pinapalakas ang loob namin.

"Next month finals na agad natin," sabi ni Sprouse na parang problemado na rin.

"Ang bilis naman," sabi ni Seph habang nakakunot noo.

"Last week ng April ang finals namin para sa May pictorial, clearance at
aasikasuhin na namin mga requirements namin para sa pagreview at pag-take ng boar
exam," sabi naman ni Ara napatango naman si Seph.

"Magiging mas busy kami noon maghahanap pa kami ng boarding house," sabi ko.

"May napili na ba kayong review center?" Tanong ni Seph.

"Sila mama gusto ako mag-Besa," sagot ko sa kanya.

"Maganda rin doon, doon na lang tayo," sabi ni Ara. Napatingin naman ako sa kanya.

"Ikaw Sprouse?" Tanong ko kay Sprouse.

"Pwede rin maganda rin naman daw doon e," sabi ni Sprouse.

"Sa Besavilla review center?" Tanong ni Seph.

"Oo, roon kasi nagreview si kuya Dash at maganda raw doon, bibigyan ako ni kuya
Dash ng reviewer din daw," sabi ko.

"Pahingi rin ako ha," sabi naman ni Ara kaya tinanguan ko siya.

"Oo naman," sabi ko sa kanya. Nagsimula na rin kaming kumain ng lunch namin
pagkatapos namin maglunch ay nagreview kaming tatlo sa library si Seph ay sumama
lang sa amin at nakireview na rin siya sa mga subjects niya next week na kasi
midterm nila nauna lang kami ng isang linggo kasi mga graduating kami.

After namin magreview ay umuwi na rin kami si Seph naman ay may klase pa. Pag-uwi
ko ng bahay ay nagpahinga lang ako sa isang oras tapos magreview na ako at
nagkabisado na ng mga formulas.

Sobrang busy talaga ng midterm week namin halos hindi na rin kami nakakapag-usap at
nagkikita masyado ni Seph dahil busy na rin siya sa mga plates niya kasi magmi-
midterm na rin sila.

Matapos ang isang linggong exam namin ay sila Seph naman ang nagmidterm busy siya,
naunawaan ko naman iyon nagtetext lang kaming dalawa at nagbabalitan lang kami kasi
hindi na talaga kami nakakapagkita dahil busy na siya sa mga plates niya at sa mga
iba niyang subject.

"Baby mo naman busy ngayon," sabi ni Ara na nasa tabi ko lang nakatambay kami sa
tambayan namin nagpapahinga lang kami. Hawak ko ang cellphone ko at naghihintay ako
ng text ni Seph.

"Midterm na nila ngayon marami rin siyang tinatapos na plates at nagrereview siya
sa mga subjects nila alam mo naman kapag freshmen may mga subject talaga na bida-
bida," sabi ko habang nakatingin sa cellphone ko.

"Sabagay, nitong fourth year college lang naman talaga tayo nakalayo sa mga bida-
bidang subject e," sabi ni Ara.

"Kaya nga," sagot ko sabay baba ng cellphone ko sa table.


"Ilang araw na kayong hindi nagkikita niyan," sabi ni Ara habang nakanguso sa
cellphone ko.

"Maglimang araw na, text at call lang kaming makakapag-usap." Malungkot na sabi ko.

"Buti pa ako walang love life chill-chill lang," sabi ni Ara natawa naman akonsa
kanya. "Sasama ba iyang bebe mo sa atin bukas?"

"Hindi ko alam, baka hindi na rin kasi busy pa siya," sabi ko. Birthday na kasi ni
Ara bukas at pupunta kami sa bahay nila naghanda raw kasi mama niya at doon na lang
kami kumain daw. At mukhang hindi makakasama si Seph dahil marami pa siyang
ginagawa. Okay lang naman sa akin iyon at nauunawaan ko naman siya kasi napagdaanan
ko na rin naman iyong mga ginagawa niya ngayon.

"Okay sabihan mo ako kapag sasama siya para masabi ko kay mama," sabi ni Ara. Kami-
kami lang kasi ang isasama sa bahay nila Ara, ako si Aislinn, Sprouse at si Seph
sana kung makakasama siya. Tinanguan ko lang si Ara at binitawan ang cellphone ko
bago nakipagkwentuhan sa kanya ng mga chismis niya sa buhay at sa buhay ko.

At nang magtime na next class na namin ay pumasok na kami sa loob ng building,


niyaya ko muna si Ara na maglakad-lakad kami sa may corridor noong nakarating kami
sa third floor, nasa fourth floor kasi classroom namin.

"Sisilipin mo lang bebe mo kaya gusto mo sa kabilang hagdan na daan natin pataas
e." Pang-aasar ni Ara kinurot ko naman siya ng mahina pero tinawanan niya lang ako.

Pasilip-silip ako sa maliit na glass ng bawat room na madaanan namin


nagbabakasakali ako na makita siya. At hindi naman ako nabigo sa room 313 ko siya
nakita nag-eexam siya at seryosong nagsasagot ng exam nila. Napabuntong hininga
naman ako tapos hinila ko na si Ara papunta roon sa taas.
"Okay na siya nasulyapan na niya bebe niya," sabi ni Ara.

"Tse."

"Kayo na ba?" Tanong niya sa akin.

"Hindi pa," sagot ko naman.

"Aba go na Lila," sabi niya sa akin inirapan ko naman siya tapos pumasok na kami sa
room ng makarating kami room namin.

After class ay hindi pa rin kami nagkita ni Seph kasi sabi niya ay nauna na muna
siyang umuwi kasi dadaan pa raw siya sa national bookstore may bibilhin daw siyang
drawing materials niya. Kaya naman ay umuwi na lang ako sa bahay agad.

Kinabukasan ay birthday na ni Ara, binata ko siya at inabot ko ang regalo ko sa


kanya noong nagkita kami sa first class namin, ganoon rin naman ginawa ni Sprouse
binati siya at inabutan ng regalo.

After class namin ay wala na kaming klase dederetso na kami kila Ara para roon na
kami maglunch ako naman ay nagtext kay Seph kung sasama niya sabi niya hintayin daw
namin siya sa may entrance malapit kaya naman ay doon kami naghintay. Medyo matagal
din namin siyang hinintay nasa twenty minutes mahigit yata kaya naman gutom na
talaga kami. At ng makita namin siya na papalabas na ay lumapit agad siya sa amin.
"Ang tagal mo naman." Reklamo ni Aislinn na kasama namin, naunahan pa kasi ni
Aislinn si Seph galing pang kabilang building si Aislinn.

"Sorry may biglaang meeting kasi tapos iyong prof namin may emergency mamaya sa
next class namin kaya sabi ngayon daw kami mag-exam." Malungkot na sabi niya
napabuntong hinga naman ako.

"Hindi ka na sasama?" Tanong ko sa kanya. Malungkot na umiling naman siya bago niya
buksan ang bag niya na nakasabit sa balikat niya naglabas siya ng regalo roon tapos
binigay niya kay Ara.

"Happy birthday ate Ara, sorry hindi talaga ako makakasama may exam ako, babali na
lang ako after midterm," sabi niya.

"Salamat ha, sayang naman hindi ka makakasama miss ka na niyan ni Lila," sabi ni
Ara kaya naman pinalos ko siya sa braso. "Sige una na muna kami roon, hintayin ka
namin sa gate Lila."

"Namiss mo ako?" Tanong agad ni Seph sa akin.

"Mangarap ka," sabi ko sa kanya kaya naman natawa siya tapos nagulat ako ng yakapin
niya ako.

"Namiss kita Bri, limang araw na hindi tayo nagkita," sabi niya habang nakayakap sa
akin kaya naman niyakap ko na rin siya. Sa totoo lang namiss ko rin siya e,
nakakapanibago na walang nangungulit sa akin sa loob ng limang araw.

"Okay lang iyan patapos na naman ang midterm niyo," sabi ko habang nakayakap sa
kanya.
"Date tayo after midterm namin ha," sabi niya sa akin. Tumango naman ako sa kanya
tapos ay binitawan niya na ako.

"Sige na hindi ka pa yata naglunch, atsaka may exam pa ako, ingat kayo," sabi niya
sa akin tapos hinalikan niya iyong noo ko nagulat naman ako sa ginawa niya.

"Sige ikaw rin galingan mo sa exam, bye." Kumakaway akong nagpaalam sa kanya at ng
nasa gate na ako ay nakita ko naman siya na pumasok na sa loob tapos tumakbo
pataas, iyong hagdanan kasi na malapit sa entrance ay kalahati noon ay glass kaya
kita iyong mga umaakyat at bumababa sa hagdanan.

"Tara gutom na talaga ako," sabi ni Aislinn na nauna na maglakad sa amin hinabol
naman siya ni Sprouse kami naman ni Ara ay sabay na naglakad papuntang sakayan.

Pagdating namin sa bahay nila Ara ay nagulat kami na may ibang bisita si Ara nasa
pitong tao yata ang nandoon, apat na lalaki tapos tatlong babae. Sabi ni Ara ay mga
high school friend niya raw iyon.

Pinakain naman agad kami ng mama ni Ara nandoon kami sa may sala nila nasa dining
kasi iyong iba at hindi kami kasya si Sprouse at Aislinn katabi ko nakaupo sa
mahabang sofa. Si Aislinn mukhang gutom na gutom talaga kasi sunod-sunod ang subo
ng kanin tapos si Sprouse pinaghihimay si Aislinn ng hipon favorite kasi iyon ni
Aislinn.

"Kaklase kayo ni Ara?" Tanong sa amin noong isang lalaki na nasa pang isahang sofa.

"Kami lang," sabi ko sabay turo kay Sprouse na busy pa rin sa paghimay ng hipon ni
Aislinn.
Tumango naman iyong lalaking kumausap sa akin.

"Graduating na kayo, 'di ba?" Tanong niya.

"Oo, ikaw tapos na mag-aral?" Tanong ko sa kanya. Umiling naman siya.

"Graduating din ako," sabi niya.

"Ano course mo?"

"Architectural."

"Oh, congrats." Nakangiti kong sabi sa kanya.

"Nico pala," sabi niya sa akin bago ilahad ang kamay niya napatingin naman ako sa
kamay niya.

"Lila," sabi ko sabay ngiti madumi kasi kamay ko nakakahiyang makipagkamay napansin
niya yata iyon kaya naman nginitian niya na lang ako.

"See you sa field Lila," sabi niya sa akin tumango naman ako sa kanya.
"See you rin," sabi ko naman.

"Sana all magbo-board exam agad," sabi niya natawa naman ako sa kanya.

"Okay lang iyan magbo-board ka rin naman atsaka ikaw nga sasabak agad sa field,
sana all." Natawa naman siya sa akin.

"Hoy Nico tigilan mo si Lila, may bebe na iyan arki na rin," sabi ni Ara
nakararating lang sa pwesto namin.

"Grabe ka naman Arabells," sabi ni Nico.

"Lila, iwas diyan delikado ka sa babaero na iyon," sabi ni Ara natawa naman ako sa
kanya si Nico naman ay sumimangot.

"Pasalamat ka birthday mo," sabi pa nito kay Ara. Inirapan lang naman siya ni Ara.

"Kain pa roon Lila, huwag kang mahiya mamaya magsumbong ka sa bebe mo hindi kita
pinakain mabuti rito," sabi ni Ara.

"Sira," sabi ko sa kanya.


Pagkatapos namin kumain ay nagvideoke na sila tapos nag-inuman na rin ako at si
Sprouse lang ang hindi uminom, binabantayan kasi ni Sprouse si Aislinn na
nakikipag-inuman, ako naman ay hindi umiinom. Nanonood lang ako sa kanila habang
nagkukwentuhan sila, nakikitawa rin ako sa mga kalukuhan na naikukwento nila.
Nawala lang ang atensyon ko sa kanila na magvibrate ang cellphone ko na nasa bulsa
ko. Si Seph tumatawag kaya naman nag-excuse ako at lumabas ng bahay nila Ara kasi
roon ang hindi maingay.

"Hello," sabi ko pagkasagot ko ng tawag.

"Kamusta kayo riyan?" Tanong niya.

"Okay naman kami, nandito mga high school friends ni Ara kaya medyo magulo," sabi
ko habang nakangiti.

"A ganoon ba, may mga lalaki ba riyan?" Tanong niya natawa naman ako sa kanya.

"Oo," sagot ko.

"Kapag may lumapit sa iyo sabihin mo may boyfriend ka na." Seryosong sabi niya na
ikakinatawa ko naman.

"Boyfriend nga ba?" Tanong ko.

"Basta sabihin mo iyon," sabi niya pa feeling ko ay naiinis siya.

"Oo na po," sabi ko.

"Good, sige na muna magdodrawing pa ako, ingat pag-uwi at magtext ka sa akin," sabi
niya.

"Sige bye, drawing well."

"Bye, huwag kalimutan bilin ko."

"Oo na, siga na bye," sabi ko sabay end ng tawag nakangiti naman akong napailing.

Babalik na sana ako sa loob pero nagulat ako pagharap ko ay nakita ko si Nico na
nasa likod ko.

"Boyfriend mo?" Tanong niya sa akin, napansin ko naman na mukhang lasing na siya.
Tumango naman ako sa kanya.

"Ay sayang naman," sabi niya. Tipid na ngumiti lang ako tapos pumasok na ako sa
loob.

Makalipas ang ilang oras ay nagkayayaan na kami nila Sprouse na umuwi, si Aislinn
kasi lasing na. Nagpabook na lang sa grab si Sprouse kasi hindi na makatayo iyong
loka lasing na lasing na.

Ako muna ang hinatid nila Sprouse bago niya ihatid si Aislinn sa kanila. Pagdating
ko sa bahay ay deretso na ako sa kwarto ko at nagbihis na ako ng damit tapos
nagtext ako kay Seph na nakauwi na ako.

Lumabas lang ako ng kwarto at nanood ng tv kasama sila mama at papa tsaka ang
kapatid kong bruha, at ng mag-alas dyes na ng gabi ay pumasok na ako sa kwarto ko.
Kinuha ko muna ang cellphone ko kasi nagtext si Seph. Habang naghintay ako ng reply
niya ay nagfacebook ako nagulat naman ako na may nag-aadd sa akin iyong Nico,
inaccept ko naman siya tapos bigla siyang nagchat sa akin ng hi, napakunot noo
naman ako at nagwave lang ako.
Nico Verzosa: Ay wave lang, nakauwi ka na?

Kalila Aubrey Morales: Oo.

Nico Verzosa: Tipid naman magreply.

Kalila Aubrey Morales: Wala naman akong sasabihin, tsaka magagalit boyfriend ko
siya night na tutulog na ako.

Tapos kinuha ko na charger ng cellphone ko at nagcharge ako bago humiga sa kama ko.

Jusko sinabi ko talaga na boyfriend ko hindi pa naman. Kalma heart, kalma ka lang.

Chapter 14 - Chapter 13

Chapter 13

Matapos ang midterm nila Seph ay lumabas nga kaming dalawa nanood kami ng sine at
kumain sa labas. Sinulit ulit naming dalawa na magkasama kami. Halos isang linggo
rin kasi kaming hindi magkasama kasi busy kami. At lalo na ako ngayong mga susunod
na linggo pa ay mas magiging mas busy ako. Graduating ako at marami akong
aasikasuhin. Sa kataposan ng April ay finals na namin tapos mag-aasikaso na kami ng
mga papeles namin. Tapos sa susunod na linggo ay pupunta kami sa review center na
nanapili namin kasi magbabayad kami ng down payment namin pang-reservation namin
iyon. Kailangan kasi magpareserve kami tapos kapag nakapagpareserve na kami at
kasama na kami sa mga list na magrereview sa kanila pwede na rin kami magbayad para
sa pagreview namin. May discount rin kasi iyong reservation kaya ayon
magpapareserve na kami. Medyo may kamahalan din sa napili naming review center.

"Busy ka na ulit sa susunod na linggo?" Tanong sa akin ni Seph habang naglalakad


lang kaming dalawa sa sea side.

"Oo marami na kaming gagawin at aasikasuhin tapos sa May mas busy kami, magstart
ang class sa review center sa last week ng May," sabi ko sa kanya napatango naman
siya.
"Magiging sobrang busy na nga pero alam kaya mo iyan ikaw pa," sabi niya sa akin.

"Okay lang sa iyo?" Tanong ko sa kanya.

"Oo naman para iyan sa future mo tsaka mahirap kaya ang board exam kaya dapat
galingan mo, dapat magtop ka sa board exam," sabi niya sa akin.

"Grabe naman iyong top nakakapressure iyan, hindi naman ako ganoon katalino," sabi
ko matapos ko siyang paluin sa braso niya.

"Walang imposible kaya mo iyon pwede rin naman kita matulungan kung hindi mo kaya,"
sabi niya habang tinataas baba pa niya ang kilay niya natawa naman ako sa kanya.

"Pero isa lang maipapangako ko, mahirap man pero gagawin ko ang lahat na papasa
ako, magiging Engineer ako," sabi ko nginitian niya naman ako iyong ngiting kitang-
kita ang lalim ng dimples niya.

"Syempre ikaw pa papasa ka, Engineer Kalila Aubrey Morales, bagay hindi ba? Lalo na
siguro ko kung dulo ng pangalan mo Javier na," sabi niya napalo ko naman siya sa
braso niya.

"Hindi ka pa nga jowa," sabi ko habang tumatawa kaya tumawa na rin siya.

"Boyfriend kasi iyong jowa pang short term lang iyon," sabi niya napailing lang ako
habang nakangiti.

"Siraulo ka talaga," sabi ko sa kanya.

"Basta lagi mong tandaan na susuportahan kita lagi, lalo na sa pagreview mo kaya
ipangako mo kahit anong mangyari maipapasa mo iyan dapat isang take lang," sabi
niya nginitian ko naman siya.

"Salamat, basta magiging engineer ako at maipapasa ko iyon," sabi ko.


"Very good babe," sabi niya natigilan naman ako sa kanya kaya naman tinawanan niya
ako kaya ayon pinagpapalo ko ang braso niya ng sunod-sunod.

"Grabe ka battered husband ako sa iyo niyo," sabi niya.

"Husband ka riyan, boyfriend ka na ba?" Tanong ko sa kanya kaya naman tinawanan


niya ako.

"Soon babe," sabi niya.

"Tse, ikaw ha mag-aral ka ng mabuti rin tapos galingan mo dapat magtop ko sa board
exam tsaka dapat on time ka gagraduate hindi ka babagsak," sabi ko sa kanya.

"Yes ma'am," sabi niya at sumalodo pa talaga siya sa akin.

"Promise mo iyan," sabi ko sa kanya.

"Promise mo rin," sabi niya tumango naman ako at ngumiti sa kanya. Tumigil na kami
sa paglalakad at naupo kaming dalawa sa may bench habang nakatingin sa madilim ng
karagatan. Gabi na kasi at magse-seven pm na. Tahimik lang kaming dalawa habang
nakatingin sa dagat.

"Bili ako fishball dito ka lang," sabi niya habang nakaturo roon sa may fishballan
tumango naman ako sa kanya.

Mayamaya ay bumalik na siya binigay niya sa akin iyong isang cup tapos umupo siya
sa tabi ko. Tahimik lang kaming dalawa na kumakain.

"Bri," tawag niya sa akin. Napalingon naman ako sa kanya habang kagat-kagat ko
medyo mainit pa kasi iyon.

"Bakit?" Tanong ko ng maisubo ko na ang fishball napatakip naman ako sa bibig ko


kasi ang init pa natawa naman siya sa akin tapos inabutan niya ako ng isang mineral
water kinuha ko naman iyon at ininom matapos kong uminom ay tiningnan ko ulit siya.
"Ano?" Tanong ko ulit sa kanya, ngumiti lang siya sa akin tapos pinahiran niya
iyong gilid ng labi ko.

"I love you," sabi niya sa akin. Nanglaki naman ang mata ko sa gulat napatitig ako
sa kanya. Siya naman ay natawa sa reaksyon ko kaya naman pinalo ko siya sa braso
niya.

"Bwisit ka!" Gigil na sabi ko sa kanya.

"Bakit?" Tumatawa niyang tanong.

"Nagulat ako," sabi ko.

"Halata nga sayang hindi ko napicturan itsura mo," sabi niya sabay tawa ulit.

"Hinayupak ka,"

"I love you," sabi niya ulit nanglaki ang mata ko ulit bago ko siya pinalo sa braso
muli sunod-sunod iyon.

"Ano ba!" Pasigaw kong sabi sa kanya.

"Sinabihan ka lang ng I love you nananakit ka na," sabi niya habang nakangiti.

"Ginugulat mo ako, hindi ko alam sasabihin ko," sabi ko sa kanya bago ko siya
irapan tumawa naman siya tapos nilapag niya iyang hawak niyang cup na may lamang
fishball tapos hinila niya ako palapit sa kanya bali nakaakbay na siya sa akin ako
naman ay nakasandal sa balikat niya.

"Okay lang kung hindi mo pa masasagot kaya ko naman maghintay," sabi niya tapos
naramdaman ko na hinalikan niya iyong ulo ko feeling ko namula ang pisngi ko mabuti
na lang at hindi niya nakita kung hindi aasarin na naman ako niyan.

Matapos namin kumain ay umuwi na kaming dalawa hinatid niya ako sa bahay pero hindi
na siya pumasok sa loob ng bahay namin pagkahatid niya ay umalis na rin siya ako
naman ang malisyosong nginitian ng tatay kong atat ako magkaboyfriend hindi ko na
lang siya pinansin at deretso na ako sa kwarto ko para magbihis ng damit ko.

At gaya nga ng inaasahan sumunod na linggo ay ay sobrang busy ko talaga minsan ay


hindi talaga kami nakakapag-usap na ni Seph kahit sa text dahil sa dami ng aking
tinatapos. May project pa kami sa water resources engineering namin na nakahirap
mabuti at by group iyon kasi hindi kakayanin ng isang tao talaga.

Nagsasabi naman ako kay Seph at sabi niya nauunawaan niya naman daw kung busy ako,
noong isang araw nakasama ko siya noong nagbayad kami sa reservation namin sumama
siya sa amin noon sakto naman na wala na rin siyang klase noon.

Sobrang busy ko na talaga dumarating pa ako sa punto na hindi ako nakakain maghapon
kaya ng malaman iyon ni Seph lagi niya na sinisiguro na nakakain ako minsan habang
may ginagawa ako siya na nagsusubo ng pagkain ko tapos ako busy sa ginagawa ko.

Nang dumating ang finals week namin mas lalo akong naging busy kasi todo review na
ako sinasamahan naman ako ni Seph pero hindi ko talaga siya nabibigyan ng pansin
dahil sa nagrereview ako kasi finals na ito kailangan mo maipasa lahat ng subject
ko. Tapos kami nila Ara at Sprouse naghahanap na rin kami ng boarding house sa
Manila na malapit sa review center namin, minsan sa paghahanap namin sumasama si
Seph nahihiya na nga ako sa kanya e, siya kasi gumagawa ng paraan talaga para
makasama ako tapos ako hindi makagawa dahil sobrang busy ko. Lagi niya lang
sinasabi sa akin na magfocus lang daw ako sa mga dapat kong tapusin at ireview.

At ng matapos na ang finals week namin ay nakahinga na ako ng maluwag pero


kinalabahan pa rin ako dahil baka mamaya hindi ako pumasa sa isa sa mga subject ko.

Nakakapagrelax-relax na kami bali clearance na lang ang ginagawa namin si Seph


naman siya naman ang busy kasi next week na ang finals nila kaya ako naman ang
laging sumasama sa kanya kapag nagrereview siya o kaya ay gumagawa siya ng plates
niya. Sinasamahan niya rin ako magpapirma ng clearance minsan ay hindi ko siya
kasama magpapirma dahil busy na siya sa mga projects niya at mga plates niya. Kapag
may bakanteng time ako ay pinununtahan ko siya ako naman ang babawi sa kanya kasi
siya laging nasa tabi ko noong lagi akong busy.

Iyong announcement na may list na raw ng graduates ay kasama ko siya tumingin noon
siya confident na nandoon pangalan ko ako naman ay sobrang kinakabahan. Habang
hinahanap ko ang pangalan ko sa list of graduates ay parang sasabog ang puso ko sa
sobrang kaba tapos nanginginig pa iyong kamay ko at ng makita ko ang pangalan ko ay
nagtatalon ako sa tuwa tapos niyakap ko pa si Seph, si Seph naman ay masayang
masaya rin sa akin. Sila Ara at Sprouse ay nandoon din ang name nila kaya tuwang-
tuwa kami.
Noong graduation pictorial naman namin si Seph kasama ko siya tapos na kasi finals
nila at nagki-clearance na lang siya kami tapos na magclearance bago magpictorial.
Nanonood lang sa akin si Seph habang minimake-upan ako tapos siya binibilhan niya
ako ng makakain ko kasi medyo tumagal iyong pictorial marami-rami rin kasi kami na
gagraduate.

"Ang ganda naman nito," sabi sa akin ni Seph matapos ko ma-make-up-an.

"Nang bola ka pa," sabi ko sa kanya.

"Hindi a, ganda mo kaya papicture nga ako ate," sabi niya sabay labas ng phone niya
natawa naman ako sa kanya nagpicture nga kaming dalawa.

"Lila tara bihis na tayo, tayo na sunod napipicturan," sabi ni Ara sa akin kaya
naman ay tumayo ako at kinuha kay Seph ang dress ko hawak niya kasi iyong paper bag
kung nasaan ang dress ko. Nagbihis na kami ni Ara pagkatapos ay naghintay lang kami
na tawagin. At ng ako na ang pipicturan ay tumayo na ako tapos mapicturan ako ng
solo ay tinawag ko si Seph lumapit naman siya sa akin inayos ko muna iyong buhok
niya tapos pinicturan kaming dalawa.

"Gusto ko rin iyon kapag graduation pictorial namin dapat nandoon ka tapos picture
rin tayo ha," sabi niya sa akin ngumiti naman ako sa kanya.

"Sige ba," sabi ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin.

"Kayo na?" Tanong bigla ni Aislinn na nakatingin sa amin ni Seph kararating niya
lang at kasama niya si Sprouse, nakaayos si Aislinn.

"Hindi pa," sabi ko.

"Tapos may pa ganoon kayo kasama sa graduation pictures, edi wow." Pairap niyang
sabi.

"Ikaw ano ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kanya.


"Well kasama ako ni bestfriend buti pa siya kasama ako iyong isa nakalimutan na
ako," sabi niya tapos inirapan ako. Natawa naman ako sa kanya.

"Bakit kayo na ba ni Sprouse?" Tanong ko sa kanya.

"Yuck, mandiri ka bebs, hindi kami talo si Baby Zeon ang akin," sabi ni Aislinn
siya naman ay inirapan ko napatingin naman ako kay Sprouse na masokista. Tsk, bagal
kasi ayan nauunahan na.

"Baby ka ba?" Tanong ko sa kanya.

"Medyo." Pabebe niyang sagot.

"Ano iyang medyo?" Tanong ko.

"M.U na kami bebs," sabi niya sa akin habang nakangiti.

"A magulong usapan," sabi ko pabiro naman niya akong sinabunutan.

"Ulol ka bebs," sabi niya sa akin. Tinawanan ko naman siya. "Bakit kayo may label
ba?"

"Wala," sagot ko.

"Edi magbestfriend talaga tayo, no label relationship goals," sabi ni Aislinn sabay
tawa, ako naman ay nakitawa rin. Si Seph naman ay napailing na lang sa amin.

Matapos ang pictorial namin ay pagod kaming umuwi natulog agad ako kasi kinabukasan
ay maglilipat kami ng gamit sa boarding house namin sasamahan daw ako ni Seph
tulungan niya raw ako si mama sana ay sasama rin kaso may meeting sa school ng
kapatid ko kaya ayon hindi siya makakasama.

Kinabukasan ay maaga pa lang nasa bahay na si Seph tumulong siya magdala ng gamit
ko hindi naman iyon marami, kaunti lang naman. Paglabas namin ng bahay ay nagulat
ako na sa kotse isakay ni Seph iyong mga gamit ko napatingin naman ako sa kanya.
"Hiniram ko kay daddy iyong kotse niya wala naman kasi siyang pasok ngayon," sabi
niya napatango naman ako sa kanya. Matapos mailagay na ng gamit ko ay dumaan kami
kila Ara sasabay daw kasi siya. Si Sprouse naman ay may sariling sasakyan sila
ihahatid daw siya ng mama niya kasabay na niya si Aislinn tutulong daw sila sa amin
mag-ayos sa boarding house namin.

Pagdating namin sa boarding house ay halos kasunod lang namin dumating sila
Sprouse. Five floor iyong boarding house namin iyong first floor ay iyong may-ari
ang umookopa roon sa second at third floor naman ay puro babae na kwarto roon sa
fourth at fifth floor naman naman ay mga lalaki. Nasa third floor kami ni Ara si
Sprouse ay sa fourth floor ang kwarto niya.

Tinulungan kami ni Seph at Aislinn mag-ayos doon. Matapos noon ay lumabas kami
kumain kami. Next week ay start na ng review namin. Tapos bukas may practice na
kami para sa graduation namin. Malapit na rin mag June. Sa June 9 na ang graduation
namin. Plano ko sana sagutin si Seph sa June 7 para sakto iyong first month namin
ay birthday niya.

Kinabukasan ay practice na naming ng graduation, sila Seph ay nagpapirma pa rin ng


clearance hindi niya kasi tinapos agad. Nakakapagod iyong graduation pero
nakakatuwa rin kasi at last after ko sa limang taon makakagraduate na ako. Noong
break time namin sa pagpapractice ay nagkita kami ni Seph sa canteen at kumakain
kami pagkatapos noon ay pumunta kami sa registrar kasi mag-aayos kami ng mga
papeles namin. Next week kasi magiging busy na kami kasi start na ng review namin.

"Kailang evaluation niyo?" Tanong ko kay Seph habang naghihintay kami sa may
waiting area sa registrar.

"Next week na po," sabi niya napatango naman ako.

"Next week busy na rin ako, sa June 7 kita tayo ha," sabi ko sa kanya tumango naman
siya sa akin kaya nginitian ko siya.

Matapos namin makuha ang papeles namin ay bumalik na kami sa auditorium kung saan
nagpapractice kami.

At noong nag-June 7 ay nagkita nga kami ni Seph sakto naman na kalalabas ko lang
iyon galing sa review center kumain lang kaming dalawa at namasyal lang kami.
"Seph," tawag ko sa kanya habang kumakain kaming dalawa napatingin naman siya sa
akin.

"Bakit?" Tanong niya.

"Wala lang," sabi ko tapos kumain na ulit ako. Hindi ko kasi alam kung paano
sabihin sa kanya na kami na. Jusko kinakabahan ako ng sobra.

Kinuha ko iyong phone ko tapos tiningnan ko iyong oras sakto naman na 11:11 na.
Napatingin ako kay Seph na nakatingin din sa cellphone ko.

"I love you," sabi niya sa akin ganyan iyan siyan basta mapansin niya na 11:11
mang-I love you iyan.

"I love you too," sagot ko sa kanya sabay inom ng softdrinks siya naman ay
natigilan sa pagkain niya tapos napatitig sa akin.

"Ano sabi mo?" Tanong niya.

"May sinabi ba ako? Wala naman a," sabi ko sa kanya natawa naman ako ng bigla niya
akong tingnan ng masama.

"Ulitin mo nga," sabi nga.

"Iyong alin? Wala naman akong sinabi a," sabi ko sa kanya. Iniwas naman niya iyong
tingin niya sa akin tapos kumain na ulit siya.

"Sabi I love you too," sabi ko sa kanya natigilan na naman siya sa pagkain niya.

"Oh shit!" Sigaw niya bigla natawa naman ako sa kanya kasi parang siya nabigla rin
bigla kasi siyang pinagtitinginan ng tao.

Lumapit naman siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.


"Tayo na?" Tanong niya sa akin. Tumango naman ako sa kanya.

"Salamat Bri, promise hindi kita sasaktan," sabi niya sa akin sabay yakap niya
natuwa naman ako sa kanya.

"Huwag ka magpromise, gawin mo," sabi niya sa akin, nginitian niya naman ako na
kitang kita ko ang dalawang dimples niya.

"Opo," sabi niya.

Matapos namin kumain ay masayang masaya ang loko hindi mawala iyong ngiti niya
hanggang sa maihatid niya ako sa tapat ng boarding house namin.

"Sige na uwi ka na," sabi ko sa kanya.

"Pasok ka na," sabi niya sa akin tumango naman ako sa kanya.

"Text ka kapag nakauwi ka na," sabi ko sabay talikod sa kanya.

"Bri," tawag niya sa akin kaya humarap ako sa kanya.

"Oh?"

"I love you,"

"I love you too," sabi ko sa kanya napansin ko naman na natigilan ulit siya tapos
napaiwas ng tingin sa akin habang nakangiti.

"Sige na uwi ka na, sa June 9 huwag ka mawawala ha," sabi ko sa kanya tumango naman
siya sa akin.
"Oo naman graduation iyon ng girlfriend ko e." Nakangiti niyang sabi. Ngumiti ako
sa kanya tapos nagbabye ako bago pumasok sa loob ng boarding house pagpasok ko ay
napahawak ako sa puso ko ang lakas-lakas ng tibok ng puso ko.

May boyfriend na ako.

Chapter 15 - Chapter 14

Chapter 14

Sorry po sa mga error, hindi ko pa na-edit kaya pagpasensyahan niyo po. Enjoy
reading po.

*****

Graduation na namin ngayon, nakangiti ako habang nakatingin sa harap habang


tinatawag na ang mga graduates. Si Ara ay malayo akin dahil alphabetical ang
seating arrangement namin, si Sprouse ay malayo rin sa akin dahil Sebastian siya.
Kapag nagtatagpo ang tingin namin ni Ara at nagngingitian kami halata rin sa kanya
na excited siya.

"Morales, Kalila Aubrey L." Pagkarinig ko sa pangalan ko ay tumayo na ako at


umakyat sa stage para kunin ang diploma ko, napatingin naman ako sa likod kung
nasaan nakaupo ang mga parents namin, nandoon din si Seph kumakaway sa akin tapos
hawak niya iyong camera niya. Ngumiti naman ako sa kanila. Matapos ko mapicturan sa
stage ay bumaba na ako at bumalik sa pwesto ko.

Nagpatuloy ang seremonya ako naman ay pumapalakpak sa mga graduates na umaakyat sa


taas. Masayang masaya ako ngayon dahil after five years ay graduate na rin ako,
kaunti na lang at magiging engineer na ako.

Nagsimula na rin ang review namin pero hindi pa naman ganoon kahirap pa siguro ay
dahil kakasimula-simula pa lang sa mga susunod na buwan ay doon na kami magiging
busy sa pagreview para sa preperation namin sa board exam sa darating na November.
Si Seph noong unang araw ng review namin binisita niya ako at kinamusta, wala na
rin kasi silang pasok. Sa July pa enrollment nila kasi August pa ang pasukan.

Nang matapos na ang graduation ceremony ay lumabas na kami kasama ko sila Ara at
Sprouse tuwang-tuwa kami habang nakayakap sa diploma namin.
Paglabas namin ng pintuan ay nakita namin ang pamilya namin kaya naman ay lumapit
kami sa kanya-kanya naming pamilya niyakap ko sila mama at papa.

"Congratulation anak," sabi ni mama sa akin naluluha naman ako na inabot ang
diploma ko.

"Ayan na mama at papa, tapos na ako sunod engineer na ako," sabi ko sa kanila.
Nginitian naman ako nila mama at papa.

"Congrats ate," sabi ng kapatid ko tapos niyakap ako niyakap ko rin naman siya.

"Congrats ate," sabi ni Seph sa akin kaya naman napabitaw ako sa kapatid ko tapos
pinalo ko siya sa braso tinawanan niya naman ako tapos inabutan niya ako ng bouquet
na sunflower tinanggap ko naman iyon.

"Salamat," sabi ko sa kanya tapos niyakap ko rin siya niyakap niya rin naman ako
tapos hinalikan niya ang ulo ko.

"Picture kayo dali," sabi ni Seph sa akin kaya naman lumapit ako kila mama at papa
tsaka sa kapatid ko, alam na rin nila mama na kami na ni Seph iyong tatay ko
tuwang-tuwa naman. Gusto-gusto na ako magkaboyfriend e, pero noong nag-usap sila ni
Seph halos takutin niya naman si Seph.

Nagpose kaming pamilya nasa gitna ako nila mama at papa tapos iyong kapatid ko ay
nasa tabi ni mama, pinicturan kami ni Seph gamit ang hawak niyang camera.

"Halika Seph sumama ka rito," pag-yaya ni mama kay Seph matapos makuhaan kami ng
apat na shot.

"Sprouse, kuhaan mo kami ng picture dali," sabi ko kay Sprouse na nakikipag-usap


kay Aislinn. Lumapit naman siya at binigay ni Seph ang camera niya, tumabi sa akin
si Seph bali ako ang nasa pinakagitna nila. At ng maka tatlong shot na ay kami
naman ni Seph ang pinicturan niya, pagkatapos ay nagpapicture na rin sila Aislinn
at Sprouse tapos kaming tatlo ni Ara at Sprouse. Tapos lahat kami ni Ara, Sprouse,
Aislinn at Seph ang nagpapicture sa kapatid ko.
Matapos ang picture taking namin ay kumain kami sa labas kasama namin si Seph sila
Ara at Sprouse ay may ibang lakad din kaya naman pamilya lang namin kasama si Seph.

Masaya kaming kumakain habang nagkukwentuhan kami, masayang-masaya talaga ako


ngayong araw nakikita ko rin sa pamilya ko na masaya sila para sa akin ganoon rin
naman kay Seph.

Noong nabigay nga sa amin ang graduation pictures namin humingi si Seph ng picture
ko kaya binigyan ko siya ng wallet size na picture ko tapos binigay ko rin sa kanya
iyong isang copy na kaming dalawa ang magkasama tuwang-tuwa nga siya noon. Humingi
rin siya sa akin ng copy na hindi pa printed na magkasama kaming dalawa, binigyan
ko naman siya tapos ayon ginawa niyang wallpaper ng cellphone niya iyon. Sabi niya
inspirasyon daw para ganahan siya mag-aral kaya naman tinawanan ko lang siya.

Matapos namin kumain ay umuwi na kami sumama sa amin aa bahay si Seph medyo tumagal
din siya roon tapos noong uuwi na siya ay hinatid ko na siya sa labas.

"Ingat sa pag-uwi," sabi ko sa kanya.

"Sige, pasok ka na sa loob tsaka magbihis ka na ng damit," sabi niya sa akin


nakadress pa kasi ako tapos suot ko pa iyong heels ko na four inches.

"Oo na, sige na," sabi ko sa kanya tinitigan niya lang ako tapos ngumiti siya tapos
hinila niya ako palapit sa kanya at niyakap ako.

"Wow, ang tangkad natin ngayon," sabi niya sa akin kaya naman tiningnan ko siya ng
masama nakaheels na ako pero mas matangkad pa rin siya sa akin.

"Letse ka talaga," sabi ko sa kanya. Tinawanan niya lang naman ako tapos hinigpitan
niya iyong yakap niya.

"Proud ako sa iyo babe, nakakalungkot lang kasi hindi na kita makikita sa
university pero okay lang kasi lagi naman kitang dadalawin kapag free time ko,"
sabi niya. Kumalas ako sa yakap niya tapos tiningnan siya.

"Sa mga susunod na buwan magiging busy na ako kaya pasensya na agad in advance baka
mawalan ako ng time sa iyo," sabi ko sa kanya. Totoo naman kasi magiging sobrang
busy talaga ako sa pagrereview at kailangan ko magfocus talaga.
"Okay lang iyon huwag ka mag-alala naintindihan naman kita atsaka behave naman ako
hindi ako gagawa ng kalukuhan," sabi niya sa akin habang nakangiti.

"Aba dapat lang, hindi porket wala akong time tapos ikaw lalandi na," sabi ko sa
kanya tinawanan niya naman ako.

"Behave nga ako, bakit ba ako magloloko nakuha ko na nga pangarap kong babae," sabi
niya.

"Dapat lang, magloko ka lang talaga ibe-break talaga kita," sabi ko sa kanya.

"Hindi iyan mangyayari kasi behave ako," sabi niya.

"Sige na uwi ka na, papahinga na rin ako may klase kami sa review center pa bukas,"
sabi ko sa kanya.

"Sige ingat ka," sabi niya tapos niyakap niya ulit ako at hinalikan sa noo.

"Ingat ka bye," sabi ko sa kanya habang kumakaway tumalikod na siya at naglakad na


paalis ako naman ay pumasok na sa loob ng bahay, naglinis ako ng katawan at
nagbihis ako bago ako matulog. May klase pa kasi ako kinabukasan tapos babyahe pa
ako.

Medyo naging busy na rin ako sa pagrereview ko, tapos naggo-group study na rin
kami. Ako naman ako focus sa pagrereview nagnonotes ako kapag may inonotes tapos
goal ko talaga na everyday magsosolve ako ng fifty problems tapos kada araw
dagdagan ko iyon ng twenty-five problems. Nakakatulong kasi iyon tapos mas
nakakabisado pa ang formula, kasi paulit-ulit kong nalalaman.

Kami naman ni Seph ay okay naman kasi, minsanan na lang kami nagkakausap talaga,
tapos madalas siyang bumisita sa akin tapos magkukwentuhan kami habang nagsosolve
ako. Gumagawa siya ng time para magkita at makapag-usap kami sa loob ng isang
linggo kasi ako hindi talaga makagawa ng time dahil nagrereview ako, nahihiya na
nga ako sa kanya pero sabi niya okay lang naman daw siya ang maraming time kaya
siya ang gagawa ng paraan para makapag-usap kami. Sakto naman na bakasyon pa nila
at mabuti na lang hindi siya ng summer class.
Malapit na rin ang birthday ni Seph kaya naghahanda na rin ako kahit busy ako,
gusto ko talaga isurprise siya kaya tinatapos ko na dapat matapos ko. First
monthsary rin kasi namin iyong birthday niya kaya kahit may class ako noon ay
gagawa ako ng paraan para makasama naman siya ng time na iyon.

"Lila, may extra ballpen ka pa?" Tanong sa akin ni Ara kinuha ko naman iyong extra
ballpen ko at inabot kay Ara iyon.

"Wala na tayong pagkain pala Ara, tsaka punta ako national bookstore may bibilhin
ako, sama ka?" Tanong ko sa kanya.

"Sige, sama ako si Sprouse sasama kaya siya?" Tanong niya.

"Wait text ko siya," sabi ko. Nagtext ako kay Sprouse nagreply naman siya na hindi
raw sasama may tatapusin pa raw siya. Si Sprouse kasi target niya talaga maging
topnacher siya at hindi naman layo na mangyari iyon mamaw iyon e.

Pagkatapos namin magsolve ni Ara ay nag-ayos na kaming dalawa tapos lumabas kami
para bumili sa malapit lang na mall sa amin.

Pagdating namin sa mall ay pumunta muna kami sa national bookstore bumili ako ng
mga art materials pang surprise ko sa birthday ni Seph next week na kasi iyon si
Ara naman inaasar-asar ako, matapos namin sa national bookstore ay pumunta na kami
sa hypermarket namili na kami ng mga kailangan namin, puro mga can foods talaga
kami tsaka cup noodles wala kasi kaming time magluto, bumili rin kami ng chips
namin. Pagkatapos namin mamili ay nagutom kami ni Ara kaya naman naghanap kami ng
makakainan namin mag-mang inasal sana kami kaso ang haba ng pila kaya naman
naghanap kami ng kaunti lang ang tao at hindi punuan. Habang naglalakad kami ay may
nakita akong tao sa may KFC na kumakain, napatigil ako sa paglalakad kaya ganoon
din naman si Ara tapos tiningnan niya ang tinitingnan ko.

"Si Seph iyon, sino kasama niya?" Tanong ni Ara. Napakunot noo naman ako kasi si
Seph at iyong babae ang kasama niya tapos magkatabi sila sa upuan, nakangiti si
Seph habang nag-uusap sila tapos iyong babae dikit ng dikit kay Seph itong gagong
arki naman hindi yata nakakaramdam ay ayos lang sa kanya na nilalandi siya noong
babae, nag-iinit ulo ko sa nakikita ko.

"Gago talaga," sabi ko tatalikod na sana ako ng hilahin ako ni Ara pabalik.

"Gaga may iba naman palang kasama baka tropa niya mga iyan, tara lapitan natin,"
sabi ni Ara. Napatingin naman ako sa pwesto nila Seph nakita ko naman na may
dumating na dalawang lalaki pa roon na may dalang pagkain nila. Tapos noong kumain
na sila iyong babae pinaghimay pa ng chicken si Seph tapos itong lalaki naman na
ito nakangiti pa sa babaeng iyon. Nag-iinit talaga ulo ko sa nakikita ko.

"Tara," sabi ko kay Ara tapos nauna pa ako maglakad papasok sa loob ng KFC, sakto
naman na bakante na roon sa katabing table nila Seph, doon namin nilagay pinamili
namin habang masama akong nakatitig sa table nila Seph paano iyong letse na arki
hindi yata kami napansin kasi busy siya kausap iyong babae. Lalo nag-init ulo ko
tapos umalis kami ni Ara para mag-order ng pagkain. Ayoko maiwan doon kasi lalo
akong mabubwisit.

Tangina niyang arki siya sabi niya behave siya. Gago siya!

At nang makaorder na kami ay bumalik kami sa table inaayos ko iyong mga pagkain
tapos noong napatingin ako sa table nila Seph nakita ko na pinapahiran ng babae
iyong gilid ng labi ni Seph tapos mga kasama ni Seph inaasar sila. Padabog ko naman
binaba iyong tray na pinaglagyan ng pagkain ko, at nakaagaw atensyon naman iyon sa
table nila Seph, napatingin siya sa akin tapos nanglaki ang mata niya at mabilis na
napatayo sa upuan niya. Tiningnan ko muna siya ng masama bago ako umupo at
magsimula kumain. Si Ara naman nakita ko naglagot sign siya kay Seph.

Mayamaya ay naramdaman ko na umupo sa tabi ko si Seph bakante kasi iyon kasi sa


harap ko nakaupo si Ara. Nangigil naman akong gumagat sa chicken habang nakakunot
noong hindi nakatingin sa kanya.

"Hello babe," sabi niya napatingin naman ako sa kanya, nakangiti siya sa akin
inirapan ko lang siya.

"Lagot ka Seph, huli ka balbon," sabi ni Ara habang kumakain ng fries habang
nakatingin sa amin.

"Bakit?" Tanong ni Seph na parang walang kaalam-alam kaya naman napatingin ako sa
kanya tapos doon sa table nila nandoon iyong dalawang lalaki tapos iyong babae
namin ng magsalubong ang tingin namin inirapan ako kaya naman inirapan ko rin siya.

"Wala, alis na rito roon ka na sa babae mo," sabi ko sa kanya. Napakunot noo naman
siya tapos tumingin sa table niya tapos tumawa siya.

"Wala akong babae, ikaw lang," sabi niya tiningnan ko naman siya ng masama.
"Huwag mo akong kausapin kumakain ako baka mawalan ako ng gana," sabi ko sa kanya.

At iyong gago nga hindi ako kinausap talaga hinayaan lang ako kaya naman kahit
badtrip na badtrip ako ay inubos ko iyong pagkain ko, uminom muna ako ng tubig bago
uminom ng softdrinks.

"Letse ka talaga hindi mo talaga ako kinausap!" Inis na sabi ko sa kanya napakunot
noo naman siya sa akin.

"Sabi mo huwag kang kausapin," sabi niya inirapan ko naman siya tapos kumuha ako ng
fries at ketchup tapos iyong ketchup nilagay ko sa fries.

"Hayop ka, nakakainis ka roon ka na sa mga kasama mo lalo na sa babae mo," sabi ko
sa kanya.

"Wala nga akong babae, si Cassie lang iyon kaklase ko tsaka tropa ko lang," sabi
niya.

"Edi wow, ikaw na may tropang lalandian ka," sabi ko sa kanya habang kumakain ng
fries.

Tangina nag-stress eating ako.

"Wala nga tropa ko lang iyon tara ipapakilala kita," sabi niya sa akin tapos
hinawakan niya kamay ko.

"Ayoko kumakain pa ako," sabi ko sa kanya. Napatitig naman siya sa akin tapos
tumayo siya at lumapit sa table nila mayamaya ay nasa harap na namin iyong tatlo
niyang kasama.

"Guys si Lila girlfriend ko," sabi ni Seph.

"Hello Lila," sabi noong isang lalaki tiningnan ko lang siya tapos tinanguan.
"Hello," sabi noong isang lalaki.

"Bri si Loki, si Lucas tapos si Cassie," sabi ni Seph.

"Hi," tipid kong sabi iyong Cassie naman inirapan ako kaya inirapan ko rin siya.
Attitude niya e akala niya naman maganda siya puro make up lang naman mukha niya
tapos maputi lang siya.

"Si Ara pala," pagkakakilala ni Seph kay Ara na chill na chill lang na nasa harapan
namin habang kumakain ng fries akala mo ay nasa sinehan siya habang nanonood sa
amin.

"Hello," masayang bati ni Ara.

"Uuwi na kami pare, mukhang manunuyo ka pa e," sabi noong Franco tiningnan ko naman
siya tapos inalis ko rin agad tingin ko ng kindatan ako tapos kumain na lang ulit
ako ng fries. Paubos na iyong fries ko.

Tapos noong umalis na iyong mga tropa ni Seph ay tumabi na ulit siya sa akin.

"Bakit hindi ka sumama sa kanila?" Inis na tanong ko sa kanya.

"Wala, tsaka kaya rito kami kumain kasi deretso sana ako sa dorm niyo," sabi niya
inirapan ko naman siya.

"Kulang iyong fries feeling ko mahaba-habang away ito," sabi ni Ara.

"Gusto ko pa ng fries, Ara bili ka isang bucket ng fries," sabi ko sa kanya.

"Bakit ako?" Tanong ni Ara.

"Ako na bibili, wait lang," sabi ni Seph tapos tumayo siya.


"Tropa lang naman pala girl, mukha naman tropa lang tingin ni Seph doon sa Cassie,"
sabi ni Ara.

"Si Seph tropa lang, iyong babae malandi halatang may gusto kay Seph," sabi ko.

"Natakot ka girl?" Tanong ni Ara inirapan ko naman siya.

"Hindi," sabi ko pero iyong totoo natakot ako kasi iyong babae nakita ko na
naalagan niya si Seph na hindi ko naman nagagawa bilang girlfriend niya.
Nakakainis.

"Edi wow," sabi ni Ara sabay sipsip sa straw ng coke niya.

Mayamaya ay bumalik na si Seph na may dalang isang bucket na fries nakaplastic iyon
kami naman ni Ara ay nag-ayos na rin. Si Seph inabot sa akin iyong fries tapos
kinuha ko naman tapos siya na kumuha noong plastic na dala ko na may lamang pagkain
namin.

Sumama sa amin si Seph pag-uwi namin sa boarding house, binigay ko naman muna lahat
kay Ara iyong pinamili namin at nagpaiwan ako sa baba, bawal kasi pumasok sa loob.

Nakatingin ako ng masama kay Seph, natatawa naman niyang tinakip sa mata ko iyong
kanang kamay niya kinuha ko naman iyon at kinagat ko.

"Aray!" Natatawa niyang sabi binitawan ko naman iyong kamay niya tapos inirapan
siya.

"Selos ka?" Tanong niya sa akin. Napatingin ulit ako sa kanta tapos inirapan siya.

"Hindi, bakit naman ako magseselos?" Tanong ko sa kanya.

"Ang cute mo Bri," sabi niya sa akin habang tumatawa.

"Nakakainis ka," sabi ko aalis na sana ako at papasok na sa loob ng hilahin niya
iyong kamay ko tapos niyakap niya ako habang tumatawa siya.
"Hindi na po, sorry na," sabi niya sa akin bigla naman akong naiyak sa asar ko
talaga sa kanya hinagod niya naman iyong likod ko.

"Ayoko roon sa babae mo," sabi ko habang nakayakap sa kanya.

"Wala nga akong babae, ikaw lang," sabi niya sa akin habang natatawa.

"Ayoko sa kanya halatang may planong masama sa iyo," sabi ko sa kanya kaya naman
lalo siyang natawa.

"Harmless naman si Cassie," sabi niya. Kaya naman kinurot ko siya.

"Inirapan niya ako kanina, attitude siya," sabi ko.

"Kaya ba inirapan mo siya kanina?" Tanong niya napatango naman ako na ikinatawa
niya na naman.

"Promise Bri tropa lang kami noon, tsaka ikaw naman mahal ko," sabi niya.

"Wala akong tiwala sa kanya," sabi ko habang nakatingala sa kanya tiningnan niya
naman ako tapos hinalikan niya noo ko.

"Sige na iiwas na ako sa kanya," sabi niya sa akin kaya naman niyakap ko ulit siya.

Medyo nagtagal din si Seph doon bago siya umuwi ako naman ay umakyat na sa kwarto
namin si Ara nakita ko na nagsosolve siya habang nasa bibig niya iyong ketchup ng
KFC.

"Bati na kayo?" Tanong sa akin ni Ara tumango naman ako sa kanya.

"Nainis lang talaga ako," sabi ko sabay upo sa kama ko.


"Selos ka kamo," sabi niya habang nakagsosolve pa rin inirapan ko naman siya tapos
humiga sa kama ko. Bigla ko naman inisip iyong sinabi ni Seph na lalayuan niya
iyong babae, okay sa part ko pero parang unfair ko naman sa part ni Seph, nauna
niya maging kaibigan iyong Cassie na iyon tapos bigla kong pagbabawalan kaso ang
landi kasi noong babae talaga. Naiinis na naman ako.

"Hello babe!" Masayang bati ni Seph sa akin ng masagot niya ang tawag ko.

"Hello, happy birthday babe," sabi ko sa kanya.

"Papunta ka na ba?" Tanong niya sa akin. Magkikita kasi kaming dalawa ngayon.

"Iyon na nga, hindi ako makakapunta may biglaang group study kami, sorry talaga,"
sabi ko habang kinakagat ko ang hintuturo kong daliri. Medyo matagal siyang sumagot
tapos bumuntong hininga.

"Okay lang, naintindihan ko naman ang priority mo," sabi niya sa malungkot na
boses.

"Sorry talaga, bukas na lang tayo magkita sakto naman na wala akong class bukas,"
sabi ko sa kanya.

"Sige," malungkot na sagot niya.

"Sorry talaga babe, happy birthday and happy first month," sabi ko sa kanya. Tapos
bigla niyang pinatay iyong tawag. Napabuntong hininga naman ako. Nasaktuhan kasi na
may group study kami ngayon biglaan lang iyon.

Habang naggogroup study kami ay patingin-tingin ako sa cellphone ko kung magtetext


ba si Seph kaso hindi siya nagtetext sa akin sinuway na nga ako ni Ara sabi niya
magfocus daw ako. Pinilit ko naman magfocus talaga.

Bandang alas dos na natapos ang group study namin, kaya pagkatapos noon ay umuwi na
kami, antok na antok na rin ako tapos pagod na rin. Pag-uwi namin sa boarding house
ay cheneck ko muna ang cellphone ko kaso wala talagang text si Seph kaya naman
nagtext ako sa kanya.

To: Seph ♡

Nakauwi na ako sa boarding house. Sorry talaga babe, bukas bawi ako. Happy birthday
ulit and happy first month. I love you.

Naghintay pa rin ako ng reply niya pero wala talaga kaya hanggang sa nakatulugan ko
iyon.

Paggising ko kinabukasan ay nagcheck ulit ako ng cellphone ko napangiti naman ako


ng may reply siya sabi niya nasa baba raw siya kaninang alas otso pa iyon tapos
alas dyes na ng mabasa ko kasi kagigising ko lang. Nagtoothbrush lang ako ay inayos
saglit ang buhok ko tapos madali akong bumaba. Paglabas ko ay nakita ko siyang
nakaupo roon sa may gilid ng pintuan ng makita niya ako ay agad siyang tumayo tapos
niyakap niya agad ako. Nagulat naman ako tapos niyakap ko rin siya.

"Sorry talaga kahapon," sabi ko sa kanya lalo naman humigpit iyong yakap niya.

"Sorry rin, sorry, mahal na mahal kita Bri," sabi niya habang nakayakap sa akin.

"Ano ka ba ako nga dapat ang mag-sorry," sabi ko sabay layo sa yakap niya nagulat
naman ako ng umiiyak na pala siya pinahid ko naman iyong luha niya.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong ko sa kanya bigla niya naman ako niyakap ulit.

"Mahal na mahal kita, hindi ko kaya kung mawawala ka," sabi niya sa akin natawa
naman ako sa kanya. Nilayo ko siya saglit sa akin at pinahid ko luha niya gamit
daliri ko.

"Ano ba pinagsasabi mo, hindi ako mawawala sa iyo. Sorry talaga ha, happy birthday
and happy first month ulit," sabi ko sa kanya.

"I love you," sabi niya sa akin ngumiti naman ako sa kanya.
"I love you too," sabi ko sa kanya.

"Huwag mo akong iiwan ha," sabi niya sa akin tapos niyakap ulit ako.

"Oo nga," sabi ko sa kanya. Habang natatawa pa.

Ako nga dapat magsorry sa kanya pero siya iyong sorry ng sorry, siguro dahil hindi
niya ako nireplyan at sa pagbaba niya bigla sa tawag kahapon.

Chapter 16 - Chapter 15

Chapter 15

Noong araw din na nagkita kami ni Seph kinabukasan matapos ang birthday niya ay
lumabas kami maghapon kaming magkasama sa labas. Nagugulat nga ako sa kanya at
medyo kakaiba siya. Sorry siya ng sorry tapos lagi niyang sinasabi na mahal na
mahal niya raw ako. Nginitian ko lang naman siya siguro na miss niya lang din
talaga ako.

Nang umuwi na kami hinatid niya muna ako sa boarding house tapos niyakap niya ako
bago siya umalis ng boarding house namin.

Ang mga sunod naman na linggo ay nagiging busy ulit ako tapos siya nagstart na ang
klase nila kaya lalo naman kaming dalawa nawalan ng time magkita pero kapag wala
siyang pasok ay dinadalaw niya ako kahit saglit lang tapos magkukwentuhan lang
kaming dalawa.

Okay naman ang takbo ng relasyon namin kahit busy kami parehas nag-aaway pa rin
pero saglit lang nagkakaayos na kaming dalawa. Ako naman sobrang focus na talaga
ako sa pagrereview kasi malapit na talaga ang board exam namin ilang buwan na lang.

Noong second monthsary doon ko siya sinurprise nagamit ko na rin iyong binili ko na
mga art material para masurprise siya kahit busy ako pinangako ko noon na babawi
ako sa second monthsary namin. Natuwa siya noong panahon na iyon kitang kita ko ang
saya niya pero minsan napapasin ko na malalim ang iniisip niya habang nakatitig sa
akin sa tuwing tatanungin ko naman siya kung ano problema ngingitian niya lang ako
tapos iiling siya. Kaya minsan hinahayaan ko na lang kasi hindi naman lahat ng
problema kailangan malaman, mayroong mga problema na mas gusto natin na sa atin na
lang kaya iniintindi ko na lang din siya.

"Aalis ka girl?" Tanong sa akin ni Ara ng makita niyang nakabihis ako.

"Oo, isu-surprise ko si Seph sa university third monthsary kasi namin ngayon," sabi
ko sa kanya.

"Sana all," sabi niya tapos nagsolve na ulit siya. Ganyan lang naman kasi kami rito
sa boarding house kapag wala kaming ginagawa nagsosolve lang kami, papahinga lang
kami saglit tapos magsosolve na ulit mas doble sikap na kasi kami dahil September
na ngayon dalawang buwan na lang ay board exam na mas kailangan namin magready sa
bawat araw na dumadaan kabadong kabado kami dahil napapalapit na ang board exam.

"Ayaw mo sumama? Dalawin din natin si Aislinn si Sprouse ayaw paistorbo noon, ayaw
na dalawin bestfriend niya nabroken na yata dahil jowa na ni Aislinn si Zeon," sabi
ko habang natatawa pa.

"Hala seryoso?" Tanong ni Ara sa akin.

"Yata, mukhang magjowa na iyong dalawa kaya iyong isa nagpakabusy magsolve goal
talaga maging topnacher," sabi ko.

"Dami na palang chismis na hindi ko alam, gusto ko sana kaso dami ko pa sinosolve,"
sabi niya habang nakatingin sa mga modules at sa librong nakakalat sa kama niya na
nakapalibot sa maliit na table na pinagsosolvan niya.

"Saglit lang naman tayo roon kasi may klase pa si Seph hanggang six pm," sabi ko sa
kanya.

"Huwag mo ako demonyuhin Kalila marami pa akong isosolve, porket ikaw natapos mo na
iyong module mo sa design," sabi niya sa akin natawa naman ako sa kanya.
Pinagpuyatan ko kasi talaga iyon kasi plano ko pumunta sa university para
masurprise si Seph.

"Tulungan na lang kita pag-uwi mamaya samahan mo na ako," sabi ko sa kanya.


Tiningnan naman ako ni Ara tapos tumingin siya sa sinosolve niya.
"Promise?" Tanong niya sa akin.

"Promise," sabi ko habang nakataas pa ang kanang kamay ko.

"Sige hintayin mo ako liligo lang ako," sabi niya tapos inayos na niya ang mga
gamit niya bago niya kunin ang tuwalya niya na nakasabit sa may pintuan tapos
pumasok siya sa sariling banyo namin.

Hinintay ko naman siya matapos na maligo, nakaupo lang ako sa kama ko habang
hinihintay siya. Mamaya ay dadaan ako sa red ribbon bibili ako ng cake, gusto ko
sana ay ako magbake ng cake kaso hindi talaga kaya maisingit sa mga ginagawa ko
kaya bibili na lang ako siguro sa anniversary na lang namin ako magbabake ng cake.
Napangiti naman ako sa iniisip ko na anniversary.

Nang matapos maligo si Ara ay nagbihis na siya at nag-ayos na siya tapos umalis na
kaming dalawa pero bago kami pumunta sa university ay dumaan muna kami sa mall para
bumili ng cake. Excited naman ako na pumunta sa university. Sinuot namin ni Ara ang
dati naming ID para makapasok kami, istrikto kasi sa university bawal outsider kaya
ng pumasok kami sa gate ay hindi kami nasita ng guard doon ng makita ang ID namin.

"Hello my alma matter," sabi ni Ara ng nasa tapat kami ng building namin dati
nakadipa ang mga kamay niya habang nakatingin sa building namin. Napailing naman
ako sa kanya.

"Nakakamiss din dito," sabi ko sa kanya.

"Oo nga, iyong bebe mo ayon o," sabi ni Ara habang nakaturo kay Seph na nakatayo
siya mukha siyang may kausap pero hindi namin kita dahil natatakpan ng puno iyong
kausap niya.

"Puntahan ko na siya, tara roon," sabi ko sa kanya tumango naman siya sa akin.
Naglakad kaming dalawa ni Ara pero tahimik lang patago-tago pa kami kasi baka
makita kami ni Seph, tumago muna ako sa likod ng puno kasama ko si Ara. Tinulungan
ako ni Ara na ilabas iyong malaking cake na pabilog na nasa box ng mailabas namin
iyon ay pinahawak ko muna ay Ara iyong box. Lumabas na ako sa may puno at handa na
akong batiin si Seph nakangiti ako ng malaki.

"Surpri--"

"Buntis ako Seph ikaw ang ama," sabi noong babae napatingin ako sa babae at ito
iyong Cassie.

"Hindi," umiiling na sabi ni Seph habang nakatingin kay Cassie mukhang hindi naman
nila ako napansin na nandito lang ako. Pabalik-balik ang tingin ko kay Seph at
Cassie, nakakuyom ang kamao ko.

"Alam natin parehas na ikaw ang nakauna sa akin Seph may nangyari sa atin noong
birthday mo." Lumuluhang sabi ni Cassie nabitawan ko naman ang cake na hawak ko at
napatakip ako sa bibig ko, napalingon naman sa pwesto ko si Seph nanglalaki ang
mata niya ng makita niya ako, mabilis naman siyang lumapit sa akin.

"Bri, babe makinig ka hindi iyong totoo," sabi niya sabay yakap sa akin.

"Totoo iyon ito ang ultrasound, kung gusto mo sumama ka pa magpacheck up sa akin,"
sabi ni Cassie habang may pinapakita na maliit na papel, mahigpit naman akong
niyakap ni Seph at umiiling-iling siya. Tinulak ko siya palayo sa akin at sinampal
ko siya ng dalawang beses, lumapit ako kay Cassie at sinampal ko rin siya tapos ay
mabilis akong naglakad papalayo sa kanila.

"Bri!" Tawag sa akin ni Seph. Halos tumakbo na ako makalayo lamang kay Seph pero
naabutan niya ako, niyakap niya ako mula sa likod naramdaman ko na umiiyak na rin
siya, kinalas ko ang kamay niya na nakapalibot sa akin.
"Bitawan mo ako," sabi ko sa kanya ng hawakan niya ang kamay ko.

"Bri, I'm so sorry," sabi niya. Humarap ako sa kanya tiningnan ko siya. Lumuluha
siya habang nakatingin sa akin iyong mata niya nagmamakaawa.

"Sinungaling ka, manloloko," sabi ko sa kanya tapos sinampal ko ulit siya.

"Lila," tawag sa akin ni Ara napalingon ako sa kanya na nasa likod ni Seph.
Humihikbi akong binalik ko ang tingin ko kay Seph.

"Huwag mo na ako lalapitan," sabi ko sa kanya tapos tumakbo ako palayo. Umiiyak
lang ako habang tumatakbo ako hindi ko nga alam kung paano ako nakarating sa
boarding house namin, nakasobsob ako sa unan ko habang umiiyak. Sa ganoon posisyon
ay nadatnan ako ni Ara, umupo siya sa kama ko ay hinagod niya iyong likod ko tapos
niyakap niya ako.

"Shh," pag-aalo sa akin ni Ara humarap ako sa kanya tapos umiiyak ako.

"Ang sakit Ara," umiiyak kong sabi sa kanya.

"Magiging okay rin ang lahat," sabi ni Ara sa akin habang hinahagod niya ang likod
ko. Iyak lang ako ng iyak kaya naman ay kinuhaan ako ng tubig ni Ara ininom ko
naman iyon tapos humiga ako sa kama ko tapos umiiyak ulit ako nakatulugan ko naman
ang pag-iyak ko, ginising na lang ako ni Ara noong kakain na kaming dalawa hindi
sana ako kakain kasi wala akong gana pero hinila ako ni Ara sa baba kung nasaan ang
dining.
"Ano nangyari sa iyo Lila?" Tanong sa akin ni Sprouse ng makita niya ako. Tatlo
kami nila Ara na nasa dining.

Bigla naman akong naiyak ulit sa tanong ni Sprouse sa akin napatakip ang dalawa
kong kamay sa mukha ko habang umiiyak.

"Siraulo ka Sprouse," sabi ni Ara kay Sprouse mayamaya naman ay naramdaman ko si


Ara sa tabi ko hinagod niya ulit ang likod ko.

"Lila, kain ka na huwag papaapekto kain na," sabi sa akin ni Ara tapos inabutan
niya ako ng tubig ininom ko naman ang tubig. Kahit na walang gana ako kay kumain pa
rin ako napansin ko naman iyong dalawa na nag-uusap sa tingin tapos kapag nakikita
nila akong nakatingin sa kanila ay ngingitian nila akong dalawa. Matapos ko maubos
ang pagkain ko ay hinugasan ko iyong plato tapos umakyat na ako sa taas sa kwarto
namin ni Ara, nagbihis muna ako tapos humiga ako sa kama ko at umiyak na naman.
Nang maramdaman ko naman na pumasok na si Ara sa kwarto ay pinahid ko ang luha ko
agad. Pumunta ako sa banyo para ayusin ang sarili ko paglabas ko ng banyo ay nakita
ko si Ara na nagsosolve na ulit.

"Tulungan na kita," sabi ko sa kanya. Umiling naman siya sa akin tapos ngumiti.

"Okay lang kaya ko na ito pahinga ka na muna," sabi niya sa akin. Umiling naman ako
sa kanya.

"Nangako ako sa iyo," sabi ko sa kanya.

"Hindi okay lang, kayang-kaya ko ito," sabi niya sa akin. Pumunta naman ako sa kama
ko tapos kinuha ko roon ang papel ko tapos binigay ko sa kanya tiningnan niya naman
ako saglit tapos umiling siya.

"Okay lang ako sige na," sabi niya sa akin tumango naman ako tapos humiga ulit ako
sa kama ko.

Isang linggo ako walang sa focus sa pagrereview ko kasi lagi akong tulala tapos
tuwing madilim na sa kwarto namin iyak ako ng iyak. Si Seph lagi siyang pumupunta
sa boarding house namin pero hindi ko siya kinakausap nasa kwarto lang ako.

"Hoy Lila," nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Aislinn sa loob ng kwarto namin
ni Ara. Napabangon naman ako sa higaan ko tapos tumingin sa kanya.

"Aislinn," mahinang sabi ko sa kanya.

"Tangina ano nangyari? Bakit nagmomokmok ka? Lila kahapon ko lang nalaman ang
nangyari sa inyo, sinugod ko iyong babae sinampal ko tapos sinabunutan tapos iyang
si Seph sinampal ko rin at minura ko," sabi ni Lila sa akin habang nakapamaywang.
Si Ara nasa kama niya nakatingin lang kay Aislinn.

"Buntis si Cassie bakit mo sinabunutan baka kung ano mangyari sa bata," sabi ko sa
kanya.

"Naku kung hindi nga iyon buntis kinaladkad ko sana siya," sabi sa akin ni Aislinn
nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. "Ikaw sabi sa akin ni Ara at ni
Sprouse wala ka raw sa focus, isang linggo ka na raw iyak ng iyak tapos hindi ka na
nakakapagsolve, hoy Lila, lalaki lang iyan, huwag mo hayaang sirain niya ang
pangarap mo."
Napatingin naman ako kay Aislinn naiyak naman ako sa sinabi niya sa akin.

"Ano iiyak ka na naman? Gusto mo ba isumbong kita sa mama at papa mo? Gusto mo ba
ma-disappoint sa iyo sila dahil pinapabayaan mo ang pagrereview mo, Lila paano mo
matutupad pangarap mo kung hindi ka aahon diyan sa pinagdadaanan mo, alam ko
mayroon kang pinagdadaanan pero huwa mo pabayaan iyang pag-aaral mo iyang
panghahanda mo sa board exam." Pangaral sa akin ni Aislinn lalo naman akong naiyak
sa mga sinabi niya sa akin.

Napabuntong hininga si Aislinn tapos umupo siya sa tabi ko tapos niyakap niya ako.

"Bebs, hindi na ikaw ang bebs ko ngayon, okay lang umiyak kasi nasaktan ka pero
huwag iyang ikakasira mo at ng pangarap mo, alam ko malungkot ka ngayon hindi ka
makakaalis sa lungkot na iyan kung ikaw mismo ay ayaw mo umalis, move on. Mahirap
magmove on pero ikaw lang din ang makakatulong sa sarili mo para makamove on," sabi
niya sa akin. Umiiyak naman akong yumakap sa kanya. Si Aislinn ay nakitulog muna sa
amin sinamahan niya kami tabi kami matulog tapos niyakap niya ako. Naisip ko lahat
ng sinabi niya sa akin, tama naman siya. Dapat mas unahin ko ang pagrereview ko
kaysa magmokmok ako.

Kinabukasan ay umaga umuwi si Aislinn hinatid namin siya ni Sprouse sa labas pero
paglabas namin nakita namin si Seph, susugurin sana ito ni Aislinn pero mabilis
naman itong hinila ni Sprouse palayo si Aislinn. Naiwan kaming dalawa ni Seph.

"Bri," sabi niya sa akin. Tiningnan ko naman siya.

"Hindi ka ba nagsasawa pumunta rito?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi, Bri I'm so sorry," sabi niya sa akin akmang hahawakan niya ang kamay ko
pero nilayo ko sa kanya iyon.

"Ayusin mo ang sarili mo Seph, huwag mo na ako puntahan, magfocus ka na sa pag-


aaral mo at sa magiging baby mo, hayaan mo na ako," sabi ko sa kanya umiling naman
siya.

"Hindi ko kaya," sabi niya sa akin.

"Kaya mo, kalimutan mo na ako at kakalimutan na rin kita may sarili na tayong mga
priority ngayon," sabi ko sa kanya.

"Bri."

"Tuparin mo pangako mo sa akin, kahit iyon lang, tuparin mo pangarap mo, maging
architect ka at ako magiging engineer naman," sabi ko sa kanya. Tinitigan niya
naman ako. "Please."

"Pwede ba kita mayakap?" Tanong niya sa akin umiling ako sa kanya.

"Ito na sana ang huling pagkikita natin, huwag mo na ako gambalain," sabi ko sa
kanya tapos talikuran ko siya at pumasok sa loob pagkapasok na pagkapasok ko sa
loob ay sunod-sunod na pumatak ang luha ko. Ang sakit-sakit pero tama si Aislinn
kailangan ko magmove on.

Simula sa araw na ito kakalimutan na kita Joseph Miguel Javier.

Chapter 17 - Chapter 16

Chapter 16

"Kuya, bakit ganoon iyon akala ko ba nakapag-usap na tayo," sabi ko habang


nagpapadyak sa loob ng opisina ni kuya Dash.
"Hoy Kalila nasa opisina kita tawagin mo akong boss, wala kang galang sa boss mo,"
sabi niya sa akin inirapan ko naman siya.

"Boss bakit ganoon nga?" Tanong ko sa kanya.

"Iyong ano?" Painosente niyang tanong sa akin.

"Kuya sabi mo iba iyong architect sa project pero bakit si Javier pa rin?" Asar na
asar kong tanong sa kanya.

"Wala ng ibang architect atsaka hindi ka na lugi kay architect Javier magaling
naman iyon," sabi niya pa habang pumipirma sa mga papeles na nasa table niya.

After seven years ito ulit ang muling pagkikita namin ni Se- I mean ni Architect
Javier. Noong unang araw na nagkita kami kinausap ko na si kuya na ayoko sa
architect siya o ako mismo ang aalis sa project sabi naman sa akin ni kuya na
aayusin niya at papalitan niya raw tapos after one month habang tinitingnan ko
iyong plano nakita ko na nakapirma roon si Javier. Nasalisihan ako ni kuya Dash.

"Sabi mo papalitan mo!" Inis na sabi ko sa kanya.

"Ano ba problema mo kay architect? Okay naman siya atsaka nakapirma na kayo sa
kontrata, isang buwan na rin ang nakalipas," sabi niya habang nakatingin sa akin.

"Kuya dinaya mo ako!" Inis na inis na sabi ko, totoo naman kasi sakto na marami
akong pinipirmahan noong nakaraang buwan tapos pumunta mismo si kuya sa opisina ko
tapos nagmamadali akong pinapirma sa papel na dala niya ako naman si tanga hindi ko
na binasa kasi marami akong ginagawa at basta ko na lang pinirmahan.

"Wala akong ginawa atsaka bakit ba ayaw mo sa kanya bakit may nakaraan ba kayo?"
Tanong niya sa akin natigilan naman ako, walang alam si kuya sa nakaraan namin kaya
todo pilit niya ang project namin.

"Nakakainis ka," sabi ko tapos nagpapadyak ako sa harap niya. Sa ganoong kaganapan
ay bumukas ang opisina ni kuya Dash at pumasok ang tita at tito ko, iyong mga
magulang ni kuya Dash. Inayos ko naman agad ang sarili ko tapos lumapit ako at
bumeso.

"Ano na naman pinagtatalunan niyo?" Tanong ni tita Sanya.

"Iyang paborito niyong pamangkin gusto palitan iyong architect niya," sabi ni kuya
Dash inirapan ko naman siya.

"Sinong architect mo, Lila?" Tanong naman ni Tito Dan.

"Hindi ko po architect hindi akin," sabi ko bigla napatakip naman ako sa bibig ko
nagkatinginan naman si tita at tito tapos tumawa.

"Si Architect Javier Dad, laki ng issue ng paborito niyong pamangkin doon sa tao,"
sabi ni kuya. Inirapan ko naman siya.

" Architect Javier? Magaling naman iyon maganda ang mga nagawa niyang project,
bakit ayaw mo, Lila?" Tanong ni tita Sanya.

"Ex niya yata, mom." Napatingin naman ako kay kuya Dash at tiningnan siya ng
masama.

"Kwento mo kuya," sabi ko.

"Boss sabi," sabi niya. Inirapan ko naman siya.

"Tita hindi lang ako komportable sa kanya medyo baguhan pa kasi siya." Pagdadahilan
ko sa totoo lang ay kahit medyo pabaguhan siya ay marami na siyang natapos na
project na talaga namang kapuri-puri.

"Anak magaling naman iyon, hayaan mo na, sinasabi ko naman sa iyo na pwede ka naman
dito na lang sa opisina, pwedeng-pwede mo palitan sa pwesto si kuya Dash mo," sabi
sa akin ni tita, tiningnan ko naman si kuya Dash na nakatingin ng masama sa akin.

"Hinding-hindi ako bababa sa pwesto ko," sabi ni kuya Dash napatawa naman ako.
"Tita tsaka na po kapag Dr. Engineer na ako," sabi ko habang nakangisi kay kuya
Dash. Actually joke lang naman iyon wala naman sa isipan ko na palitan si kuya
Dash, kaso itong si kuya Dash seneryoso iyong sabi nila tita. Alam ko rin naman na
nagbibiro sila tita at tito sinasakyan ko lang.

"Uunahan kita Lila, mag-enroll na ako next year sa pagdoctorate," sabi ni kuya
Dash. Nakita ko naman na napangiti sila tito at tita.

"Paano ba iyang kuya enroll na ako ngayon," sabi ko.

"You're fired!" Sigaw niya sa akin.

"Ikaw ang fired na kuya magready ka," sabi ko sabay tawa sila tito at tita naman ay
natawa na rin.

"Naku Dashiel wala ka talagang plano kung hindi ka tatakutin ni Lila na


magdoctorate siya, si Lila tingnan mo triple license na," sabi ni tita Sanya.

"Don't worry mom ako naman uubusin ko lahat ng klase ng engineer," sabi ni kuya
Dash natawa naman ako ng malakas.

At the age of twenty-eight years old, civil engineer licence na ako, master
plumber, at structural engineer na rin ako, nakapagmasteral na rin ako kaya naman
sila tita at tito ay tuwang-tuwa sa akin at laging binibiro na papalitan ko na raw
si kuya Dash sa pwesto kaya ayon si kuya napilitan magmasteral noon. Ako naman ay
hindi seneryoso iyong sinabi nila tita at tito, si kuya Dash lang talaga ang
sumeryoso noon pero wala namang galit sa akin si kuya okay naman kami talaga minsan
nakakabwisit lang talaga si kuya.

"Kayo talagang mga bata kayo," sabi ni tito.

"Anak tanggapin mo na si Architect Javier, magaling naman iyong batang iyon," sabi
ni tita napatango naman ako sa kanila. Wala na rin akong magagawa kasi may kontrata
na rin kami.

Hindi rin nagtagal ay lumabas na rin ako sa opisina ni kuya Dash pumunta ako sa
opisina ko at kinuha ang bag ko tsaka na rin ang hard hat ko, pupunta kasi ako ng
site ngayon. Patapos na raw ang footings kaya naman i-che-check ko na rin bago
magbuhos. Nang makuha ko na ang mga gamit ko ay umalis na ako ng opisina pumunta
ako sa parking lot kung nasaan ang kotse ko, nilagay ko backseat iyong hard hat ko
pagkapasok ko sa kotse ko.

Nang makarating na ako sa site ay sinuot ko na ang hard hat ko na kulay puti,
nagpark lang ako malapit sa site.

"Nakasimangot ka boss," sabi sa akin ni Ara ng makita niya ako. PIC kasi siya sa
project, project in-charge siya pati si Sprouse actually si Sprouse hindi naman
dapat PIC siya sa kanya sana ang project na ito kaso ayaw niya raw nagdodoctorate
kasi siya ngayon kaya siya na lang daw ang PIC sa project.

"Iyong arki kasi nakakainis talaga si Dashiel Villaluna," sabi ko tinawanan naman
ako ni Ara.

"Hayaan mo na nga kasi," sabi niya habang nakatingin sa mga taong nagtatrabaho.

"Nakakainis talaga!" Sigaw ko tapos nagpapadyak ako, napatingin naman sa akin ang
ibang mga trabahador kaya naman inayos ko ang sarili ko.

"Hoy girl, huwag kang pahalata na apektado ka pa, ano naman kung siya ang arki
matagal na kayong break pitong taon na nakalipas, ikaw yata hindi pa nakakamove on,
at isa pa huwag kang magpapadyak diyan mamaya may maapakan kang mga bakal wala ka
pa namang safety shoes, doon nga tayo sa barracks," sabi sa akin ni Ara. "Ang init
dito sa labas."

"Sabi ko naman sa iyo na sa office ka na lang huwag na mag-PIC alam mong babad sa
init," sabi ko sa kanya habang naglalakad kami papasok sa barracks kung saan ang
nandoon ang office nila ni Sprouse. Si Ara Structural Engineer na rin siya pero
gusto niya break daw muna sa project kaya PIC naman daw muna siya.

"Ayoko sa office may makita pa akong hindi kaaya-aya roon," sabi niya sabay irap sa
akin.

Pagkapasok naman sa loob ay malamig na roon kasi naka-aircon iyon, nakita ko naman
si Sprouse na busy sa table niya habang nakatingin sa blueprint. Nang makita niya
kami ni Ara ay saglit lang siyang tumingin sa amin at binalik niya agad ang tingin
niya sa blueprint kaya naman nakitingin na rin ako sa tiningnan niya may tinuro
siya roon na tiningnan ko rin.
"Bakit iba ang design mo sa design ng architect? Nag-usap na ba kayo?" Tanong niya
sa akin napakunot noo naman ako.

"Bwisit siya bakit siya nakialam ng design," sabi ko ng makita ko na tinuturo ni


Sprouse.

"Sabi kasi mag-usap kayong dalawa," sabi ni Sprouse.

"Tapos na iyong napa-test ko na compressive strength ng concrete bakit siya


nakikiaalam," sabi ko.

"Mag-usap nga kayo, kami nagkakaproblema rito sa site e," sabi ni Sprouse.

Nakakainis nakikiaalam siya na iba ang gagamitin na compressive strength. Sa totoo


hindi pa kami nag-uusap na dalawa, nag-usap man kami saglit lang iyon. Pinapainit
niya ulo ko hindi niya trabaho ang external design bakit siya nakikialam.

"Dumalaw na ba siya rito?" Tanong ko kay Sprouse.

"Hindi pa, pero sabi pupunta raw siya kapag nagbuhos na," sabi ni Sprouse. Tumango
naman ako. Nag-iinit talaga dugo ko sa kanya. Ano ba problema niya sa akin at
parang nananadya siya.

"Wala naman bang ibang problema rito?" Tanong ko kay Sprouse at Ara.

"Iyong ibang materyales wala pa, kulang na mga gamit dito dapat ngayong araw
dumating pero bakit wala pa rin?" Tanong ni Ara.

"Nasaan ang QC niyo? Kayo dapat tanungin ko riyan, may delay na naman paano
matatapos sa deadline ang project?" Tanong ko.

May tinawag si Ara saglit sa labas tapos mayamaya ay may pumasok sa loob na isang
babae.
"Quality control / Quality Assurance siya," sabi ni Ara.

"Ano balita sa mga materyales bakit wala pa?" Tanong ko sa kanya.

"Ma'am parating na raw po nadelay lang talaga ng kaunti pero papunta na po rito
bago raw mag alas sais nandito na," sabi niya sa akin.

"Siguraduhin mo lang, marami pang kailangan matapos at importante ang mga


materyales na iyon," sabi ko.

"Opo ma'am," sabi niya. Mayamaya ay lumabas ba siya ng office.

Hindi rin kami nagtagal sa office ay lumabas kami naglakad kami sa site, nakasuot
ako ng hard hat, safety shoes at vest na kulay green. Kasama ko sa pag-iikot sila
Ara at Sprouse.

"'Di ba sabi ng contractor magdadagdag sila ng tao rito para mas mabilis? Nasaan na
ang mga iyon?" Tanong sa akin ni Ara.

"Wala pa rin dito? Nakausap ko na sila kahapon, ulitin mo na lang ulit Engineer
Ramos," sabi ko kay Ara inirapan naman ako ni Ara pero patago lang iyon.

"Bakit ako, si Sprouse na lang busy ako," sabi ni Ara. Natawa naman ako sa kanya.

"Ikaw yata ang hindi makakamove on," sabi ko sa kanya. Tiningnan naman niya ako ng
masama.

"Pasalamat ka boss kita kung hindi binatukan na kita as in now na," sabi niya na
lalo kong ikinatawa kaya napatingin sa amin ang ibang tao kaya naman inayos ko ulit
ang mukha ko at seryoso ako tumingin sa paligid.

"Lila kausapin mo si Architect Javier para hindi magkakaroon ng misunderstanding


kaming mga nasa site ang apektado sa hindi niyo pagkakaunawaan," sabi ni Sprouse sa
akin ng matapos kaming mag-ikot. Pigil na pigil naman ako sa pag-irap ko.
"Oo na nga," sabi ko sa kanya.

"Huwag niyo idadamay ang trabaho sa personal na pinagdadaanan niyo," sabi ni


Sprouse.

"Yes sir," sabi ko sa kanya.

"By the way may balita ka na ba?" Tanong niya sa akin. Alam ko na hindi tungkol sa
trabaho ang tanong niyo sa akin.

"Wala pa rin," sabi ko sa kanya habang tinatanggal ang safety shoes ko.

"Balitaan mo ako kung sakaling magkaroon ka ng balita," sabi niya sa akin. Nang
mahubad ko na ang safety shoes ko ay hinubad ko na rin ang vest ko at ang hard hat
ko.

"Oo naman ikaw agad sasabihan ko," sabi ko sa kanya.

"Salamat," sabi niya nginitian ko naman siya.

"Sige na aalis na ako, ingat kayo rito sa site," sabi ko sa kanya.

"Ingat ka rin," sabi niya.

"Sama na ako sa iyo Lila, punta rin ako sa office may kukunin lang ako," sabi ni
Ara. Tinanguan ko naman siya, sabay kaming dalawa na umalis sa office.

"Hindi ka ba nakokonsensya?" Tanong sa akin ni Ara pagkasakay namin ng kotse.

"Huwag mo na ako tanungin, parang ikaw hindi rin e," sabi ko sa kanya inirapan
naman niya ako. Nagdrive na ako papunta sa office nagkwentuhan lang kami ni Ara
habang nasa byahe.
Nang makarating kami sa office ay nagpark na ako hinintay naman ako ni Ara sabay
kaming dalawa na sumakay sa elevator. Dalawa lang kaming nasa elevator.

"Bakasyon tayo sa Batangas pagkatapos ng project natin," sabi ni Ara.

"Sige, sakto malapit na rin birthday ni Aisee," sabi ko.

"Oo nga ano." Natutuwang sabi naman ni Ara. Natigil kami ng pag-uusap ng biglang
bumukas ang elevator sabay kaming napatingin sa taong pumasok doon.

"Hello Architect Javier long time no see," sabi ni Ara sa kanya patago ko namang
kinurot si Ara.

"Hello Engineer Ramos," bati nito kay Ara habang nakangiti at kitang kita ang
dalawang dimples niya. Humarap siya sa akin at mas nginitian niya ako at kinindatan
pa.

"Hi Engineer Morales."

Chapter 18 - Chapter 17

Chapter 17

After ng pagkikita namin sa elevator ay kinausap ko na rin si Sep-- I mean si


Architect Javier na pag-usapan namin ang tungkol sa project namin. Pumayag naman
siya at pumunta kami sa isang coffee shop. Magkaharap kaming dalawa habang nag-
uusap, pormal lang din naman kaming dalawa mag-usap.

"Aalis na ako Architect Javier may aayusin pa ako sa office," sabi ko pagkatapos
namin mag-usap. Tatayo na sana ako ng magsalita siya.

"Hindi ka pa kasal," sabi niya habang nakatingin sa daliri ko. Tinaasan ko naman ng
kilay.

"So? Ikaw rin mukhang hindi pa kasal," sabi ko ng mapansin ko rin na wala pa siyang
singsing doon. Ngumiti naman siya sa akin.
"Oo naman may pinangakuan pa ako," sabi niya natigilan naman ako. Siguro iyong
nanay ng anak niya ang tinutukoy niya. Tumayo na ako sa pagkakaupo ko at tumingin
na sa kanya.

"Aalis na ako," sabi ko sa kanya.

"Sasabay na ako," sabi niya tiningnan ko lang naman siya tapos nauna na ako
maglakad mabilis niya naman akong hinabol.

Napatigil naman ako sa may gilid ng kalsada kailangan kasi tumawid para makapunta
sa office namin.

"Takot ka pa rin tumawid hanggang ngayon," sabi niya sa akin. Tiningnan ko naman
siya ng masama.

"Hindi na tayo close huwag mo ako kausapin," sabi ko. Natawa naman siya sa akin.

"Parang dati lang a," sabi niya kaya naman tiningnan ko ulit siya ng masama. At ng
wala ng sasakyan na dumadaan ay tumawid na ako siya naman ay humabol sa akin.

"Pikon mo naman ate," sabi niya hindi ko naman siya pinansin. Bahala siya sa buhay
niya.

Sumabay pa rin siya sa akin hanggang makapasok kami sa loob tapos sumabay pa siya
sa akin sa may elevator.

"Hoy ate," sabi niya sa akin hindi ko pa rin naman siya pinapansin. Napipikon na
naman ako sa kanya ang kapal naman ng mukha niya na tawagin akong ate. Nag-fe-
feeling close na naman siya. Hanggang sa pagsakay ng elevator ay kinukulit niya pa
rin naman ako ako naman ay hindi siya pinapansin. Mabuti na lang at kaming dalawa
lang ang nasa elevator.

"Pwede ba huwag mo ako kausapin na parang okay tayong dalawa," sabi ko sa kanya.
Natigilan naman siya tapos natahimik na siya. Nagring naman ang cellphone ko at
sinagot ko naman iyon.
"Hello," sabi ko.

"Hi love."

"Love," masayang sabi ko napansin ko naman na napatingin sa akin si Architect


Javier.

"Magpapaalam sana ako aalis kasi ako may bago akong project at sa Cebu iyon," sabi
niya sa akin.

"Okay lang naman atsaka trabaho iyan, ingat ka roon," sabi ko sa kanya.

"Lagi kitang tatawagan, I love you, Love."

"I love you too," sabi ko tapos binaba ko na. Napatingin naman ako sa katabi ko
nakita ko naman na nakakunot noo siya at nakakuyom ang kamay niya.

"Boyfriend?" Tanong niya sa akin.

"Oo," sabi ko sa kanya. Sakto naman na bumukas na ang elevator lumabas na ako at
iniwan ko na siya. Wala naman ako dapat ipaliwanag sa kanya.

Mayroon akong boyfriend at magdadalawang taon na kaming dalawa okay naman kami.
Atsaka alam ko naman na may pamilya na rin naman siya.

Pumunta ako sa table ko at naupo ako sa sa upuan ko at napabuntong hininga ako.


Pinikit ko lang saglit ang mata ko. Mayamaya ay magkumatok sa office ko.

"Pasok," sabi ko. May pumasok naman doon na isang binatilyo siya siguro iyong
sinasabi na ojt.

"Ma'am ito po raw ang mga papel na pipirmahan niyo," sabi nito napatingin naman ako
sa kanya. May kahawig siya pero hindi ko matukoy kung sino. Matangkad ang batang
ito siguro ay nasa twenty years old lang ito.

"Ikaw iyong ojt?" Tanong ko sa kanya nahihiya naman siyang tumango sa akin.

"Ako po iyon," sabi niya sa akin tinanguan ko naman siya.

"Dapat sa site ka, mas maganda kong sa site ka kasi mas marami kang matutunan
doon," sabi ko sa kanya habang nilalapag niya ang mga papel sa table ko.

"Marami na raw pong tao sa site," sabi niya.

"Lima lang na ojt ang nakita ko roon, hayaan mo sa isang linggo papalipat kita sa
site," sabi ko sa kanya napatitig naman siya tapos ngumiti sa akin nakita ko naman
ang dalawang dimples niya. May kamukha talaga ang batang ito.

"Okay na po ma'am," nahihiya niyang sabi.

"Okay lang, ganito na lang dalawang linggo ka sa site tapos isang linggo ka rito sa
office okay ba iyon?" Tanong ko sa kanya. Nakangiti naman siyang tumango sa akin.

"Salamat po ma'am," sabi niya sa akin.

"Bukas sumama sa akin sa site, hihingian na rin kita ng mga personal protective
equipment," sabi ko sa kanya. Nakangiti naman siyang tumango sa akin.

"Salamat po ma'am ang bait-bait niyo po," sabi niya sa akin. Nginitian ko lang
naman siya.

"Ano pala pangalan mo?" Tanong ko.

"Jorhem ma'am," sabi niya.

"Okay sige na balik ka na sa pwesto mo," sabi ko sa kanya. Ngumiti lang siya tapos
lumabas na sa office, ako naman ay tiningnan ang mga papel na dinala niya binasa ko
muna iyon bago ko pirmahan.

Matapos ang office hours ko ay umalis na ako sa opisina umuwi na ako sa bahay
namin.

Noong five years pa lang ako sa industriya ay napatayuan ko ng sariling bahay sila
mama at papa sa isa sa magandang subdivision ako nakabili ng lupa, ako mismo ang
naging engineer ng bahay. Sobrang naging hands-on ako noon. Matapos ko mapatayuan
sila ng bahay ay sinunod ko naman na tayuan ng business si mama ng isang
restaurant, mahilig kasi magluto si mama tsaka iyong kapatid ko.

Masasabi ko na sa loob ng pitong taon ay maraming nangyari sa buhay ko na


magagandang pangyayari. Halos matupad ko na lahat ng pangarap ko para kila mama at
papa. At nakita ko naman na sobrang proud sila sa akin, sa narating ko at sa mga na
accomplished ko.

Ayon nga lang si papa lagi akong tinatanong tungkol sa kasal. Hindi na raw kasi ako
bata kaya dapat magpakasal na ako. Pati tuloy si Rocco kinukulit niya, si Rocco ay
ang boyfriend ko. Magdadalawang taon na kami isa siyang architect. Actually
pagkatapos ni Seph ay nagkaboyfriend pa ako inopen ko ang sarili ko sa ibang tao.
Ayon puro mga architect nga mga exes ko kaya si Ara inaasar ako tirador daw ako ng
Arki. Bakit kasalanan ko ba na lapitin talaga ako ng mga architect.

Nang makapasok ako sa loob ng kwarto ko ay nag-ayos na ako ng sarili ko bago ako
matulog.

Kinabukasan ay maaga akong pumunta sa opisina, pagdating ko roon ay nag-ayos ako ng


mga dapat kong ayusin na office work, tapos pinirmahan ko na ang mga dapat kong
pirmahan. Matapos noon ay lumabas ako ng office at pumunta ako sa cubicle ng ojt
namin na si Jorhem.

"Jorhem nabigya ka na ba ng PPE?" Tanong ko sa kanya tumango naman siya sa akin.

"Opo ma'am nasa akin na po lahat," sabi niya.

"Good, tara na sa site dalhin mo PPE mo," sabi ko sa kanya tapos naglakad na ako
sumunod naman siya sa akin.
"Ma'am salamat po talaga at ilalagay niyo po ako sa site," sabi niya sa akin ng
nasa loob kami ng elevator.

"No worries, gets kita kasi galing na rin ako riyan sa pinagdadaanan mo," sabi ko
sa kanya.

Nang makababa kami sa parking lot ay pinasakay ko na siya sa kotse ko.

"Anong year mo na?" Tanong ko sa kanya habang nagdi-drive ako.

"Third year college na po," sabi niya. Tumango naman ako.

"So bakit ka nag-engineering?" Tanong ko ulit.

"Iyong daddy ko po CE siya tapos iyong mommy ko architect siya, tapos iyong kuya ko
po architect na rin siya tapos ako po gusto ko ginagawa ni papa simula pa noon,"
sabi niya sa akin.

"Wow nice," sabi ko.

"Iyong bunso po naming kapatid na babae gusto niya mag-architect at maging civil
engineer," sabi niya.

"Mas okay, walang problema siya na ang architect at engineer walang problema," sabi
ko. Tumawa lang naman siya sa akin. Nagkwentuhan lang kami hanggang sa makarating
kami sa site. Sinabihan ko siya na dalhin ang PPE niya ako naman ay kinuha ko ang
hard hat ko. Sinama ko si Jorhem sa office nila Sprouse at Ara.

"Binabayaran ko ba kayo para magpahinga?" Bungad ko sa kanila ng makapasok ako sa


loob, nagpapahinga kasi iyong dalawa sa upuan nila.

"Excuse me kakapahinga lang namin, buhos na mamayang gabi kaya todo check na kami
rito sa site," sagot naman ni Ara. Tinawanan ko naman siya tapos tinawag ko si
Jorhem.
"Jowa mo? Mahilig ka talaga sa bata," sabi ni Ara ng makita si Jorhem may dinampot
naman ako sa table niya na papel tapos binato ko siya.

"Siraulo ka Ara," sabi ko sa kanya tinawanan naman niya ako.

"Ojt?" Tanong ni Sprouse.

"Oo, si Jorhem dito siya ng dalawang linggo tapos sa office ng isang linggo kayo na
bahala sa bata ha," sabi ko sa kanila.

"Sige ako na bahala sa kanya magsabi ng mga dapat gagawin dito sa site," sabi ni
Ara. Tumango naman ako.

"Kamusta rito sa site, okay na ba para sa buhos?" Tanong ko kay Sprouse.

"Ayos na lahat mamayang alas nwebe magbubuhos na," sabi ni Sprouse. Tumango naman
ako.

"Bata sama ka sa buhos?" Tanong naman ni Ara kay Jorhem.

"Pwede po?" Tanong nito kay Ara.

"Oo naman lalagay ka namin doon sa mixer," sabi ni Ara sabay tawa binatukan ko
naman.

"Tinatakot mo iyong bata," sabi ko kay Ara.

"Joke lang iyon, magpaalam ka na sa magulang mo sabihin mo sasama ka sa buhos mas


maganda na makikita niyong mga ojt ang nangyayari sa buhos," sabi ni Ara rito
nakangiti naman itong tumango kaya lumabas ang dimples nito.

"Ay may kamukha," komento ni Ara.


"Ex mo?" Tanong ko sa kanya.

"Siraulo ka Kalila," sabi niya sa akin kaya naman tinawanan ko siya. Inis naman
siyang lumabas at sinama iyong ojt siguro ay ibe-brief na niya. Kinausap ko lang
naman si Sprouse saglit tapos lumabas ako ng office at nag-ikot ako sa site.
Tiningnan ko rin kung ready na ba sa buhos ito mamayang gabi.

Nang mag-alas tres na ng hapon ay umalis muna ako sa site at pumunta ako sa office,
kakausapin din kasi ako ni kuya Dash a.ka. boss.

Pagkarating ko sa office ay kinausap ko lang si boss medyo tumagal rin kami inabot
kami ng dalawang oras. Kaya naman matapos noon ay pumunta muna ako sa office ko at
cheneck kung may pipirmahan ako, pagkarating ko roon ay mayroon nga akong
pipirmahan kaya naman pinirmahan ko iyon matapos noon ay naupo lang ako sa upuan
ako. Napatingin ako sa relo ko mag-aalas syete na. Kaya naman tinawagan ko si mama
sabi ko maghanda ng pagkain dadalhin ko sa site kasi may buhos kami.

Matapos noon ay umalis na ako sa opisina at pumunta ako sa restaurant ni mama


kinuha ko roon ang mga pagkain. Dinner iyon ng mga tao sa site. Tuwing may buhos
kasi nakagawian ko na talaga na kukuha ako ng dinner namin sa restaurant ni mama
para sa lahat iyon.

Matapos kong makuha ang pagkain ay dumuretso na ako sa site. Nagtawag lang ako ng
tao na magdadala ng pagkain para sa mga trabahante. Tapos nagdala rin ako ng
pagkain para kila Ara at sa ojt na nasa office.

Pagdating ko sa office nila at agad naman ako tinulungan ng ojt sa dala ko.

"Kumain na kayo mamaya may buhos na," sabi ko nakita ko naman na apat na ojt lang
ang kasama namin. Siguro iyong dalawa ay sasusunod na sasama sa buhos.

Napalingon naman ako sa pwesto nila Ara nagulat naman ako na nandoon si Architect
Javier na nakaupo sa isa sa mga upuan doon. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya ng
makita kong titig na titig siya sa akin. Tumingin naman ako kay Sprouse at Ara.

"Kain na," sabi ko sa kanila tumayo naman sila sa pwesto niya at kumuha ng pagkain.
Iyong mga ojt naman ay kumakain na rin.

"Architect kuha na ng food masarap ito luto ng mama ni Engineer Morales," sabi ni
Ara rito. Tumayo naman ito sa upuan niya at kumuha ang pagkain ako naman ay kumuha
na rin tapos tumabi ako kay Ara. Sabay kaming kumaing dalawa.

"Bakit nandito iyan?" Tanong ko kay Ara.

"Aba malay ko tanong natin, Architect Javier bakit ka raw nandito tanong ni Lila,"
sabi ni Ara kinurot ko naman siya napatingin naman si Architect Javier sa amin.

"Architect ako ng project involve rin ako rito, masama ba?" Tanong nito.

"Masama ba raw?" Tanong sa akin ni Ara inirapan ko naman siya.

"Hindi," sabi ko.

"Architect hindi raw," sabi ni Ara inapakan ko naman ang paa niya.

"Letse ka Ara," sabi ko sa kanya tinawanan lang naman niya ako.

Matapos namin kumain ay nagpahinga lang kami tapos pinagsabihan ni Ara na magbehave
lang iyong mga ojt at sinabi niya ang mga dapat gagawin at hindi gagawin.

Mag-aalas nwebe ng gabi at lumabas kami ng office.

"Wala pa ba iyong mixer?" Tanong ko kay Ara na katabi ko.

"Sabi parating na raw na traffic lang," sabi niya. Ako naman ay nakatingin lang sa
bubuhusan. Tapos napatingin ako sa paligid nakita ko ang mga ojt na nasa likod lang
namin tapos si Sprouse at Architect Javier naman ay nag-uusap sa tabi. Napatitig
naman ako kay Architect Javier. Malaki na ang pinagbago niya, mas tumangkad nga
yata siya ngayon. Mas naging matured na rin siya ngayon, mas lumaki rin ang katawan
niya. Sabagay twenty-six years old na rin siya ngayon, malaki na rin siguro ang
anak niya. Anim na taon na iyong kung hindi ako nagkakamali.
"Mas pogi ngayon ano?" Tanong ni Ara kaya naman tiningnan ko siya at inirapan ko.

"Si Sprouse oo mas pomugi," sabi ko. Tinawanan lang naman ako ni Ara.

"Sus pero iba tinitingnan niya," sabi ni Ara. Inasar lang ako ng inasar ni Ara
hanggang dumating iyong mixer tapos mayamaya ay nagsimula na ang buhos napansin ko
naman na nilapitan ni Architect Javier ni Jorhem kinausap niya ito tapos iniwan
niya na rin sa pwesto nito. Umiwas naman ako ng tingin kay Architect Javier ng
mapansin ko na naglakad siya papalapit sa akin, binaling ko ang atensyon ko sa
buhos. Naramdaman ko naman na huminto sa tabi ko si Architect Javier. Si Ara at
Sprouse naman ay malayo sa amin busy silang dalawa.

"Wala ka pang asawa 'di ba?" Tanong niya bigla kaya naman napatingin ako sa kanya.
Nakatitig pa rin siya sa binubuhusan.

"Pinagsasabi mo?" Tanong ko.

"Naalala mo sinabi ko sa iyo dati na kapag nagkita ulit tayo tapos wala ka pa ring
asawa?" Tanong niya sa akin. Napatitig naman ako sa kanya.

"May boyfriend ako."

"Pero walang asawa," sabi niya tiningnan ko naman siya ng masama.

"Nangako ako at tutuparin ko ang pangako ko, Bri."

Chapter 19 - Chapter 18

Chapter 18
Dalawang linggo na ang nakalipas simula ng matapos ang buhos sa site. At sa loob ng
dalawang linggo ay hindi ko talaga kinakausap si Architect Javier na hindi tungkol
sa trabaho.

Naiirita kasi ako sa kanya, ang kapal-kapal ng mukha niya niya sabihin sa akin iyon
samantalang may Cassie at anak na siya. Ano tinggin niya madali niya akong
makukuha. Hindi ba siya makaintindi na may boyfriend na ako. Inis na inis na talaga
ako sa kanya.

Iyong usapan namin noong college kami pwede naman na kalimutan na iyon, ako nga
kinalimutan ko na lahat. Bakit ba hindi na lang siya magfocus sa anak niya.

"Anak may bisita ka," sabi ni mama na nasa labas ng kwarto ko. Wala kasi akong
pasok ngayon kaya nasa bahay lang ako.

Binuksan ko ang pintuan ng kwarto ko tapos bumaba na ako sa baba ng bahay namin
doon sa living room.

"Hi," sabi niya ng makita niya ako nagbeso siya sa akin ng makalapit ako sa kanya.

"Kamusta?" Tanong ko.

"Okay naman, si Aisee iiwan ko muna sa iyo ha, pasensya na talaga may seminar ako
sa Subic walang magbabantay kay Aisee. Tatlong araw lang naman ako," sabi niya sa
akin. Napatingin naman ako sa batang nakaupo sa sofa na naglalaro.
"Oo naman, ano ka ba atsaka wala naman akong work ngayon tapos nandito naman sila
mama sa bahay or pwede ko naman siya isama sa office," sabi ko sa kanya napatingin
naman siya agad sa akin ng sabihin ko ang office.

"Lila," sabi niya.

"Shh huwag kang mag-alala promise tutupad ako," sabi ko sabay taas sa kanang kamay
ko.

"Aasahan kita, tawagan mo na lang ako kapag may problema ha," sabi niya sa akin
tapos bumeso ulit.

"Aisee baby aalis muna si mommy ha, dito ka lang kay mama ninang mo." Pagkausap
niya sa anak niya. Tumingin naman sa kanya ang bata tapos tumango tapos tumingin sa
akin si Aisee ngumiti ito at tumakbo palapit sa akin, yumakap ang maliliit niyang
kamay sa binti ko.

"Mama ninang," sabi niya habang nakatingin sa akin. Umupo naman ako kapantay niya.

"Hello baby, dito ka lang muna sa akin ha," sabi ko sabay pisil na mahina sa
matataba niyang pisngi. Tumango naman si Aisee.

"Aalis na ako babyahe pa ako, tawagan mo na lang ako kapag may problema ha," sabi
niya sa akin humarap naman ako sa kanya tapos tumayo ako at niyakap siya. Si Aisee
naman ay dinala muna ni mama sa kusina para pakainin. Sinamahan ko naman siya na
labas ng bahay at hinatid sa tapat ng kotse niya.
"Aalis na ako," sabi niya. Tumango naman ako at nagbabye sa kanya.

"Ingat ka," sabi ko. Ngumiti lang siya sa akin bago sumakay sa kotse niya at
umalis. Pumasok naman ako sa loob ng bahay. Nasa sala ang bag ni Aisee kaya naman
inakyat ko ito sa kwarto ko tapos bumaba ulit ako na dala-dala ko ang cellphone ko.
Dumeretso ako sa kusina kung nasaan si mama at Aisee masaya si mama na pinapakain
ang malusog na batang si Aisee. Magtatatlong taon na si Aisee sa September 9.
Mataba itong bata tapos maputi rin, magaganda ang pilik mata at mapupula ang labi
nito. Ang ilong at mata nito ay mana sa ama nito pero ang mukha nito ay kamukha ng
ina niya.

"Hi Aisee," sabi ko kay Aisee tumingin naman siya sa akin tapos ngumiti at tuloy pa
rin sa pagkain nito.

"Nakakatuwang bata talaga ito si Aisee magana kumain, ikaw ba anak kailan ka
magkakaroon ng anak?" Tanong sa akin ni mama. Napaubo naman ako sa tanong ni mama.

"Mama huwag ka nga bata pa ako wala pa iyan sa plano ko," sabi ko.

"Hoy Kalila twenty-eight years old ka ka hindi ka na bata," sabi ni mama.

"Tsaka na kasi mama nandiyan naman si Aisee," sabi ko sabay pisil sa pisngi ng bata
ang taba kasi ng pisngi niya tapos ang cute-cute pa.

Matapos kumain ni Aisee ay pinunasan ni mama si Aisee at binihisan na rin ng bagong


damit dahil puro bahid ng kinain ni Aisee ang damit nito kanina. Matapos maayos ni
mama si Aisee at umalis ito at sumunod kay papa na nasa restaurant. Iyong kapatid
ko nasa school niya pa kaya kaming dalawa lang ni Aisee nasa bahay. Wala naman kasi
kaming kasambahay. Malalaki na rin naman kaming magkapatid kaya hindi na kumuha si
mama. Naglalaro lang kami ni Aisee sa may living room, mabait naman si Aisee bibong
bata pa ito.
Nang magring ang cellphone ko at sinagot ko iyon habang nakahiga ako sa sofa at si
Aisee ay nakaupo sa tiyan ko.

"Hello? O sige pupunta na wait lang," sabi ko. Pinapapunta ako sa office kailangan
daw kasi ako roon ngayon.

"Baby punta tayo sa office sama kita ha," sabi ko sa kanya tumingin naman siya sa
akin. Tapos ngumiti. Binuhat ko si Aisee paakyat sa kwarto ko. Nagbihis ako sa
closet ko sinama ko roon si Aisee baka kasi umakyat siya sa kama ko tapos mahulog
lagot ako sa nanay nito. Mabuti na lang ay nakaligo na ako kanina. Matapos ko
magbihis ay si Aisee naman ang binihisan ko ng damit pinasuot ko sa kanya iyong
maong na short shorts at isang damit na kulay pink. May maliit na bag si Aisee kaya
naman ay nilagay ko roon ang ilang bago na damit ni Aisee tsaka ng powder niya at
baby wipes. Tapos sa bag ko naman na maliit na backpack nilagay ang gatas ni Aisee
at ang dede nito. Pinasuot ko kay Aisee ang bag niya tapos dinala niya iyong teddy
bear na kulay pink na regalo ko sa kanya noong nakaraang taon.

"Tara na baby," sabi ko sa kanya ngumiti naman siya sa akin tapos lumabas na kami
ng kwarto. Kinarga ko si Aisee tapos bumaba kami nilapag ko lang si Aisee sa baba
ng ilalock ko na ang bahay at ng mailock ko na ay sinakay ko sa backseat si Aisee
tapos binuksan ko ang gate ng bahay namin at sumakay sa kotse ko nilabas ko ang
kotse ko at nilock ko na rin ang gate namin.

Tahimik lang naman si Aisee habang nagbabyahe kami, binigay ko sa kanya ang tablet
ko at pinanood ko sa kanya iyong mga pambatang videos na naroon nag download talaga
ako para sa kanya lalo na kapag ako nagbabantay sa kanya at may ginagawa ako iyon
lang ang binibigay ko sa kanya. Mayamaya ay humiga na si Aisee sa backseat at
nakatulog na siya napagod na rin siguro ako naman ay dahan-dahan lang ang pagdrive
hanggang makarating kami sa office, maingat ko namang kinarga si Aisee kinuha ko
ang bag ni Aisee at sinukbit sa balikat ko tapos kinuha ko rin ang teddy bear niya.

Nginingitian ko lang ang mga taong nakakasalubong ko ng papunta na ako sa office.


Nang nasa elevator kami ay nagising na si Aisee tapos nagpababa siya sinuot ko
naman ang bag niya at binigay ko ang teddy bear niya.
"Mama saan tayo?" Tanong niya sa akin habang nakatingin sa loob ng elevator.

"Nasa office tayo baby," sabi ko sa kanya ngumiti naman siya sa akin.

"Gagawa tayo house?" Tanong niya sa akin. Natawa naman ako sa kanya.

"Pwede rin baby," sabi ko sa kanya. Bumukas na ang elevator at nasa floor na iyon
kung nasaan ang office ko. Sabay kaming lumabas ni Aisee ng elevator. Hanggang sa
makarating kami sa office ko ay tahimik lang si Aisee pinaupo ko lang sa may sofa
si Aisee at binigay ko ang tablet ko tapos umupo ako sa table ko mayroon doon na
mga pipirmahan ko. Mayamaya ay may pumasok sa loob na batang lalaki maputi ito
tapos matangos din ang ilong mapupulat ang labi tapos makapal ang kilay. Siguro ay
nasa anim na taon na iyong bata. Mayamaya naman ay sumunod dito si Jorhem.

"Ma'am pasensya na po kayo sa pamangkin ko," sabi nito iyong bata naman ay tumakbo
papunta kay Aisee.

"Hi," sabi noong batang lalaki tumingin naman saglit sa kanya si Aisee tapos
tumingin ulit sa pinapanood niyo sa tablet.

"Hello," sabi ni Aisee habang nakatingin sa tablet.

"Miguel tara na sa labas magagalit sa atin si Ma'am," sabi ni Jorhem. Nginitian ko


naman si Jorhem.

"Hayaan mo na Jorhem para may kalaro rin si Aisee," sabi ko.


"Ma'am nakakahiya po," sabi ni Jorhem.

"Okay lang hayaan mo na sila," napatingin naman ako sa mga bata binaba na ni Aisee
iyong tablet tapos nakikipag-usap na siya roon sa bata.

"Sige na iwan mo na sila," sabi ko kay Jorhem nahihiyang lumabas naman si Jorhem.
Pinagpatuloy ko ang pagpirma sa mga papeles na kailangan ko pirmahan. Minsan ay
napapatingin ako sa dalawang bata na humagikgik dahil naghahabulan sila. Nang
matapos ako pumirma ay kumuha ako ng dalawang baso na katabi ng water dispenser ko
mabuti at hindi iyon nakasaksak pa at hindi malamig ang tubig. Lumapit ako sa
dalawang bata na nakaupo na sa lapag, inabot ko sa batang lalaki ang isang baso ng
tubig tumingin naman sa akin iyong bata tapos uminom siya si Aisee naman ay
pinainom ko ng tubig tapos kumuha ako ng bimpo sa bag ni Aisee at nilagay ko sa
likod niya kumuha rin ako ng isa pa at nilagay ko sa likod ng batang lalaki. Iyong
batang lalaki naman at titig na titig sa akin tapos mamayamaya ay ngumiti siya sa
akin.

"Ikaw iyong love ni daddy," sabi niya sa akin. Nagulat naman ako sa sinabi ng bata.
Tapos natawa na rin ako.

"Bakit naman?" Tanong ko sa kanya.

"Ikaw iyon nakita kita sa wallet ni daddy tapos sa kwarto niya, ikaw po iyon," sabi
niya sa akin natawa naman ako sa kanya tapos si Aisee naman at tumingin sa akin at
umupo sa lap ko.

"Mama ko siya," sabi ni Aisee sa batang lalaki.

"Mama ko rin siya sabi ni daddy," sabi noong batang lalaki tapos yumakap sa akin si
Aisee naman ay yumakap din sa akin.
"Akin mama ko," sabi ni Aisee na pilit na inaalis ang kamay ng batang lalaki. Ako
naman ay natawa sa dalawang bata sa ganoong posisyon ay may pumasok sa loob ng
office ko.

"What's up," sabi ni Ara pagkapasok sa loob nang laki ang mata niya ng makita niya
si Aisee.

"Aisee baby," sabi ni Ara pero hindi siya pinansin si Aisee dahil masama pa rin ang
tingin nito sa batang lalaki.

"Miguel," sabi naman ni Jorhem at mabilis na tumakbo papunta sa akin at tanggalin


ang yakap ng bata. Si Aisee naman ay ngumiti tapos humarap kay Ara.

"Ninang Ara," sabi nito sabay yakap sa legs ni Ara.

"Kanina hindi ako pinansin," sabi ni Ara tapos umupo kapantay ni Aisee at halikan
ito sa pisngi.

"Ma'am pasensya na po kay Miguel," sabi ni Jorhem tapos iyong bata naman ay
napaiyak dahil sa ginawa ng tito niya na pag-alis sa akin. Lumapit naman ako sa
bata at pinahid ang luha niya.

"Huwag na umiyak baby," sabi ko sa kanya mabilis naman akong niyakap ng batang
lalaki.

"No!" Sigaw ni Aisee tapos tumakbo palapit sa amin at sumiksik sa gitna namin ng
batang lalaki.

"Aisee hayaan mo na siya umiiyak siya kay ninang Ara ka muna," sabi ko umiling
naman si Aisee.

"Mana sa pinagmanahan iyang bata na iyan," sabi ni Ara.

"Sinabi mo pa," sabi ko.

"Kaninong anak iyan?" Tanong naman ni Ara habang nakaturo sa batang lalaki.

"Sa kuya ko po, busy ko kasi si Kuya kaya sa akin muna iniwan si Miguel," sabi ni
Jorhem. Napatango naman si Ara.

"Poging bata," sabi ni Ara.

Mayamaya ay lumayo sa akin iyong bata pero umupo sa tabi ko tapos yumakap sa
baywang ko si Aisee naman ay masama ang tingin doon sa batang lalaki.

"Jorhem okay na sila rito ako na bahala balik ka na sa ginagawa mo," sabi ko kay
Jorhem.

"Pasensya na po ma'am mamaya po ay nandito na rin naman si kuya," sabi niya ngumiti
naman ako sa kanya tapos lumabas na siya.
"Ano pangalan mo baby boy?" Tanong ni Ara sa batang lalaki.

"Miguel po same kami ni daddy," sabi noong bata.

"Talaga ba?" Tanong ni Ara tumango naman iyong batang lalaki habang nakayakap sa
akin.

"Mama ko ito," sabi ni Aisee.

"Mama ko rin siya sabi ni daddy ko," sabi ni Miguel.

"Mama ano iyong daddy?" Inosenteng tanong ni Aisee sa akin nakatinginan naman kami
ni Ara.

"Wala ka daddy? Pwede tayo share sa daddy ko tapos share tayo sa mama natin," sabi
ni Miguel. Napatingin naman si Aisee kay Miguel.

"Sige," sabi ni Aisee.

Mukha namang nagkasundo iyong dalawang bata. Kami naman ni Ara ay nakahinga ng
maluwag dahil hindi na nagtanong si Aisee. Malalagot kami sa nanay nito kapag
nagkamali kami ng sagot.

Sabay kaming napalingon ni Ara ng may kumatok sa pintuan ng opisina ko nandoon si


Architect Javier na may dalang blueprint. Tumayo naman ako sa pagkakaupo ko.
"Ye--"

"Daddy!" Malakas na sigaw ni Miguel tapos tumakbo palapit sa daddy na tinawag niya
mukha namang nagulat si Architect Javier pero nawala rin iyon tapos kinarga niya
iyong bata at hinalikan ito sa pisngi.

"Daddy nakita ko na iyong sinasabi mo na love mo, iyong nasa wallet mo tapos nasa
picture frame na nasa kwarto mo," sabi ni Miguel dito ako naman ay nagulat sa
sinabi ng bata.

Chapter 20 - Chapter 19

Chapter 19

"Daddy nakita ko na iyong sinasabi mo na love mo, iyong nasa wallet mo tapos nasa
picture frame na nasa kwarto mo," sabi ni Miguel dito ako naman ay nagulat sa
sinabi ng bata.

Napatingin naman sa akin si Architect Javier tapos iniwas niya rin ang mata niya sa
akin.

"Jorhem," tawag ni Architect Javier habang nakatingin sa labas ng pintuan ng


opisina ko, mayamaya naman ay pumasok si Jorhem.

"Kuya?" Tanong ni Jorhem napakunot naman ang noo ko tapos tinitigan ang dalawa.
Kaya pala sabi mo may kamukha si Jorhem.

"Sabi ko sa iyo bantayan mo si Miguel, bakit mo iniwan dito kay Engineer Morales?"
Nakanot noong sabi nito.

"Si Miguel kasi kuya," sabi ni Jorhem habang kumakamot sa batok niya.
"Hello ikaw po daddy ni Miguel?" Tanong ni Aisee na nasa tapat na pala ni Architect
Javier, nakatingala ito kay Architect Javier. Ngumiti naman si Miguel at nagpababa
sa tatay niya tapos lumapit kay Aisee at hinawakan ang maliliit at matabang kamay
ni Aisee.

"Daddy share kami sa iyo tapos share rin kami kay mama, wala raw daddy si Aisee,"
sabi ni Miguel. Nagpalipat-lipat naman sa akin si Architect Javier at kay Aisee.

"Aisee come here baby," tawag ko kay Aisee lumapit naman siya sa akin.

"Ano kailangan mo Architect?" Tanong ko kay Architect Javier.

"Daddy gutom na ako kain na tayo," sabi ni Miguel sa ama niya kaya naman ay
napatingin ito sa anak niya.

"Mama gusto ko rin foods," sabi naman sa akin ni Aisee.

"Kaya lalo kang tumataba e," sabi ni Ara tapos kinurot ang pisngi ni Aisee
hamagikgik naman si Aisee.

"Kakausapin lang sana kita about sa project, pwede ba pag-usapan na lang natin over
lunch? Mukhang gutom na iyong mga bata," sabi ni Architect Javier.

"Mama foods," sabi sa akin ni Aisee.

"Okay," sabi ko naman. Pumunta ako sa table ko tapos kinuha ang bag ko. Si Aisee
naman at tuwang-tuwa habang sinusuot ni Ara ang maliit na bag nito. Nang masuot na
nito ang bag ay lumapit si Miguel kay Aisee tapos hinawakan ang maliliit nitong
kamay at sabay silang naglakad palabas ng opisina.

"Aba nakahanap ng kalaro si Aisee," sabi ni Ara natawa naman ako tapos ay sabay
kaming lumabas sumunod naman si Architect Javier sa amin. Nasa harapan namin ang
dalawang bata at nasa likod nila si Jorhem.

"Jorhem alalayan mo ang mga bata," sabi ni Architect Javier kaya naman ay pumagitna
si Jorhem sa dalawang bata pero mukhang ayaw bitawan ni Miguel si Aisee, nang
mapaghiwalay kasi ni Jorhem iyong dalawa ay mabilis na bumitaw si Miguel sa hawak
ng tito niya at tumakbo papunta sa kabilang side ni Aisee kaya ang nangyari si
Aisee ang nasa gitna nila ni Miguel at Jorhem.

"Pasensya na makulit ang anak ko," sabi ni Architect Javier. Tumango lang ako sa
kanya.

"Nasaan nanay ng anak mo?" Tanong ni Ara kay Architect Javier kaya naman ay siniko
ko si Ara.

"Busy," sagot lang nito.

Nang makarating kami sa tapat ng elevator ay nilapitan ko na si Aisee.

"Mama karga," sabi ni Aisee habang nakataas ang dalawang kamay niya sa akin. Akmang
kakargahin ko na si Aisee ng unahan ako ni Architect Javier.

"Architect ako na mabigat si Aisee," sabi ko sa kanya.

"Okay lang, sanay na ako," sabi niya.

"Ano ito family day tapos ako ang yaya," sabi ni Ara kaya naman tiningnan ko siya
ng masama. Bumukas iyong elevator tapos pumasok kami roon. Nang makarating kami sa
lobby ay napagdesisyunan namin na sa tapat ng ng office kami kumain may restaurant
kasi sa tapat ng office namin.

Nauna maglakad si Architect Javier habang karga niya si Aisee kaya naman ay
hinawakan ko ang kamay ni Miguel ang isang kamay nito ay hawak ni Jorhem.

Tumawid kami sa kabilang side at pumasok kami sa restaurant. Pinaupo namin sa baby
seat si Aisee. Tapos katabi nito si Miguel sa upuan. Pabilog iyong table namin
katabi ko si Aisee sa kabilang side tapos katabi ko naman sa kabila si Ara. Katabi
naman si Miguel sa kabilang side si Architect Javier at sa kabilang side ni
Architect Javier ay si Jorhem.

Nag-order na kami ng makakain namin si Aisee naman hingi na ng hingi ng foods sa


akin. Gutom na nga yata itong bata na ito. Nang dumating na ang foods ay sinubuan
ko si Aisee habang kumakain ako.

"Nanay na nanay ang dating mo Lila," sabi ni Ara sinipa ko naman ang paa ni Ara sa
ilalim ng table.

"Ano nga pala pag-uusapan natin Architect?" Tanong ko kay Architect, napansin ko
naman na nakatitig siya sa akin. Iyong anak niya naman ay maganang kumakain ito
hindi na niya sinusubuan.

"Mamaya na lang nating pag-usapan kumain na muna tayo," sabi niya. Tinanguan ko
naman siya tapos tinuloy ko ang pagpapakain kay Aisee.

"Daddy ako riyan gusto ko katabi si Aisee," sabi ni Miguel ng ilipat ni Architect
Javier ang upuan niya sa gitna ni Aisee at Miguel.

"Anak papakainin ko muna si Aisee para makakain na ng maayos si Engineer Morales,"


sabi ni Architect Javier sa anak niya tiningnan naman ako ni Miguel tapos nakanguso
siyang tumango sa tatay niya. Si Architect Javier na ang nagpakain kay Aisee.

"Kumain ka na," sabi niya sa akin. Tinitigan ko muna siya habang pinapakain si
Aisee bago ako magsimula kumain.

"Muling ibalik na ba?" Biglang sabat ni Ara kaya naman inapakan ko na ang paa niya.
"Aray ha!"

"Manahimik ka baka ikaw ang muling ibalik ko riyan," sabi ko sa kanya habang
pinandidilatan siya.

"Pikon," sabi ni Ara tapos inirapan ako.

Pinagpatuloy ko naman ulit ang pagkain ko. Tapos na kasi sila kumain ako at ang mga
bata na lang ang kumakain.

"Magkapatid pala kayo Jorhem ni Architect Javier, kaya pala sa kanya ka sumabay
pauwi matapos noong buhos." Biglang pagkausap ni Ara kay Jorhem napatingin naman sa
kay Ara si Jorhem.
"Opo ma'am," sabi nito.

"Hindi mo rin alam girl?" Tanong sa akin ni Ara.

"Hindi," sabi ko.

"Mag-ex kayo tapos hindi mo alam," sabi ni Ara kaya naman kinurot ko na siya
napaaray naman siya. Napatingin ako kay Architect Javier na ngayon ay nakatitig sa
akin habang si Aisee naman ay nakaabang sa isusubo ni Architect Javier. Sa totoo
lang kasi wala akong alam talaga ang alam ko lang ay may dalawang kapatid siya pero
hindi ko sila nameet dati. Hindi ko pa nga siya ganoon kakilala noon. Hindi ko nga
nameet sa personal ang mga magulang niya e. Kaya wala talaga akong idea na
magkapatid si Architect Javier and Jorhem.

"Daddy food," sabi ni Aisee rito kaya naman ay parang natauhan ito tapos sinubuan
na si Aisee.

"Aisee hindi siya ang daddy mo," sabi ko.

"Sino po?" Tanong sa akin ni Aisee. Natigilan naman ako mali yata ang nasabi ko.

"Oo nga sino nga?" Tanong din ni Architect Javier.

"Ha?" Tanong ko rin. Hindi ko alam ang isasagot ko.

"E 'di si S-- Lila ha sumasobra ka na," sabi sa akin ni Ara paano kasi kinurot ko
ulit. Pinanlakihan ko ulit siya ng mata.

"Manahimik ka," sabi ko sa kanya bigla naman niya zinip ang bibig niya.

"Iyong daddy mo baby busy pa siya soon makikilala mo na siya," sabi ko kay Aisee.
Patay ako sa nanay nito. Tumango naman si Aisee sa akin tapos nagpasubo ulit ng
pagkain. Ako naman ay tinapos ko na ang pagkain ko.
Matapos namin kumain ay bumalik na kami sa office si Ara ay hindi na sumama sa amin
kasi babalik na raw siya sa site. Kaya kami na lang ang bumalik sa office.

Sa opisina ko kami nag-usap ni Architect Javier habang ang mga bata ay naglalaro
lang. Mukha kasi magkasundo iyong dalawa, tuwang-tuwa si Miguel kay Aisee siguro
dahil ay mataba itong bata lagi nga pinipisil ni Miguel ang pisngi ni Aisee tapos
si Aisee ay tatawa siya.

"Nasaan iyong tatay ni Aisee?" Tanong sa akin ni Architect Javier ng matapos kaming
mag-usap.

"Busy nga," sabi ko.

"Ilang taon na si Aisee?" Tanong niya ulit napalingon naman ako sa kanya at
tinaasan ko siya ng kilay.

"Bakit ba tanong ka ng tanong? Close ba tayo?" Mataray na tanong ko sa kanya.


Napatawa naman siya sa akin. "Kung wala ka ng sasabihin pwede ka na umalis."

"Mamaya na mukha kasing masaya pa sa pakikipaglaro si Miguel sa anak mo," sabi


niya. Napalingon naman ulit ako sa kanya tapos napatitig ako siya naman ay
nakatingin sa mga bata. Iniisip ba talaga niya na anak ko si Aisee?

"Mama milk," biglang sabi ni Aisee sa akin kaya naman kinuha ko agad iyong formula
ni Aisee tapos timplahan ko siya.

"Kakakain mo lang magmimilk ka agad," natatawang sabi ni Architect Javier kay Aisee
habang pinipisil ang pisngi ni Aisee, tumawa naman si Aise sa ginawa ni Architect
Javier. Ewan ko ba sa bata na iyan at tuwang-tuwa siya kapag pinipisil ang pisngi
niya.

"Kaya tuwang-tuwa kami ni Ara sa bata na iyan matakaw kasi," sabi ko habang
nakangiting inabot kay Aisee ang milk niya. Kinuha naman iyon ni Aisee at tumakbo
papunta sa couch at humiga roon sumunod naman agad sa kanya si Miguel.

"Masarap iyan?" Tanong ni Miguel, tinanggal naman ni Aisee ang pagdede niya sa
tsupon at sinubo iyon sa bibig ni Miguel tapos pinainom siya mabilis niya lang
binigyan si Miguel tapos ininom niyo ulit ni Aisee ang dede niya habang nakahiga.

"Daddy gusto ko rin noong gaya kay Aisee," biglang sabi ni Miguel habang nakatingin
sa ama nito at nakaturo kay Aisee. Nilapitan naman ni Architect Javier ang anak
niya tapos ginulo nito ang buhok ng bata.

"Malaki ka na anak hindi na pwede sa iyo ay pangbaby lang iyan," sabi ni Architect
Javier.

"Baby pa si Aisee?" Tanong naman ni Miguel tinaas naman ni Aisee ang kamay niya at
pilit na pinapakita ang dalawang daliri niya pero hindi niya kaya kaya naman
tinanggal muna nito ang dede niya at nagsalita.

"Two pa lang ako, magte-three na ako punta ikaw sa birthday ko," sabi ni Aisee
tapos nagdede ulit siya natawa naman ako sa kanya.

"Daddy punta tayo sa birthday niya," masayang sabi ni Miguel.

"Kailan birthday ni Aisee?" Tanong sa akin ni Architect Javier.

"Sa September 9 na," sabi ko. Tumango naman siya.

"Next month na pala," sabi niya tinanguan ko lang siya.

"Daddy punta tayo," sabi ni Miguel. Tumango naman si Architect Javier kaya
nagtatalon ito at sinabi kay Aisee na pupunta ito sa birthday niya. Tapos mayamaya
ay humiga na rin si Miguel sa tabi ni Aisee. Hinayaan na lang namin ito ni
Architect Javier. Umupo lang ito sa single sofa habang nakatingin sa dalawang bata
na nagkukwentuhan ako naman ay nagbabasa ng mga pipirmahan ko.

"Aalis na kami," sabi ni Architect Javier na karga na ang anak niya tulog na ito at
nakayakap na sa ama nito napatingin naman ako kay Aisee na tulog na rin.

"Okay," sabi ko lang tapos binalik ko ulit ang tingin sa binabasa ko. Naramdaman ko
naman na nagsara na ang pintuan ng office ko kaya naman napabuntong hininga ako at
inayos ang mga gamit ko at gamit ni Aisee tapos kinarga ko na rin si Aisee. Uuwi na
kami pagabi na rin baka matraffic kami. Pagkarating ko sa tapat ng kotse ko ay
sinakay ko si Aisee sa backseat, hiniga ko siya roon inayos ko ang posisyon niya
baka kasi mahulog matapos noon ay sumakay na ako sa kotse ko at nagdrive na pauwi.

Ginabi na ako ng uwi dahil inabutan ako ng traffic gising na rin si Aisee. Pag-uwi
naman ay sakto naman na dinner na kaya iyong bata tuwang-tuwa na kakain na. Matapos
namin kumain ay binihisan ko si Aisee bago ko siya iniwan sa kama ko habang
nanonood siya sa tablet nagbihis na rin ako ng damit tapos binalikan ko si Aisee.
Mayamaya ay tumawag ang nanay ni Aisee nagvideo call kami si Aisee ay tuwang-tuwa
naman makipag-usap sa nanay niya. Natapos din naman ang pag-uusap nila nakatulog na
rin si Aisee kaya naman natulog na rin ako.

Kinabukasan ay iniwan ko lang kay mama si Aisee pinasama ko sa restaurant, sinabi


ko kasi na pupunta ako ng site bawal naman doon si Aisee, delikado para sa kanya
atsaka baka magalit nanay niya sa akin hindi na iwan iyong bata sa akin.

Pagkarating ko sa site ay nag-ikot lang ako, patapos na iyong ground floor. Maayos
naman sa site at walang problema. Inabot ako hanggang alas tres ng hapon sa site
dahil nag-usap pa kami ni Sprouse at Ara. Matapos noon ay dumeretso na ako sa
office at may pipirmahan na naman daw kasi ako kaya naman tinapos ko na ang
pipirhaman ko tapos ginawa ko na rin ang mga office work about sa project.

Bandang alas syete na ako ng gabi umuwi, natraffic pa ako kaya naman mag-alas nwebe
na ako nakauwi ng bahay tulog na rin si Aisee. Kumain lang ako tapos nag-ayos ng
sarili at natulog na rin sa tabi ni Aisee.

Kinabukasan ay nagulat ako na dumating na agad ng nanay ni Aisee maaga raw kasi
natapos ang seminar niya kaya naman ayon umuwi agad siya. Hanggang tanghali lang
sila sa bahay umuwi rin agad sila kasi sa Batangas pa sila uuwi. Next month na ulit
kami magkikita sa birthday na ni Aisee. Hinatid ko lang sila sa labas ng bahay nang
makaalis na sila ay napatingin naman ako sa tapat ng bahay namin na may naglilipat
ng mga gamit doon.

Tapos na yata ang renovation ng bahay sa tapat ng bahay namin. Noong isang buwan pa
kasi ginagawa iyon nirenovate iyon ng lilipat sa bahay na iyon. Iyong dating may-
ari kasi pumunta na sa America kaya naman binenta na iyon. Napatingin ako sa bahay
mas gumanda ang design ng bahay ang galing ang Architect na nagdesign ng bahay na
ito parang hindi na iyong dating bahay.

"May naglilipat na pala sa tapat namin ma," sabi ko kay mama pagkapasok ko sa loob
ng bahay at ng makita ko si mama sa kusina.

"Oo nga nakausap ko kanina iyong kasambahay ngayon daw lilipat ang titira roon sa
bahay kaso baka mamayang gabi pa raw kasi nasa trabaho pa," sabi naman ni mama
napatango naman ako.

Umakyat muna ako sa kwarto ko at umidlip ako hindi na ako pumasok ngayong araw wala
na rin naman akong gagawin at pipirmahan.

Nagising na lang ako ng kakain na kami ginising ako ng kapatid ko.

"Nagdala ako ng ulam kanina sa tapat nakausap ko iyong kasambahay, mag-ama lang daw
nakatira roon." Kwento ni mama habang kumakain kami. Hindi ko naman pinansin ang
sinabi ni mama at tuloy akong kumain. Matapos namin kumain ay umakyat ulit ako sa
kwarto tapos nag-ayos ng mga kailangan kong ayusin sa project. Mga bandang alas
dose ng madaling araw ay inantok na ako kaya tumigil na ako. Wala rin akong office
bukas kasi Sabado na kaya okay lang na mapuyat ako. Inayos ko na ang higaan ko at
pinatay ang ilaw sa kwarto ko aayusin ko sana iyong kurtina ko roon sa may veranda
malapit ay natigilan ako napatingin ako sa tapat ng bahay namin sa mismong tapat ng
kwarto ko may lalaki roon na naglalakad tapos nakatopless lang towel lang sa
baywang nito ang suot nito. Mabilis ko sinaraduhan ang kurtina ko ng biglang
lumingon iyong lalaki sa kaba ko napahawak pa ako sa dibdib ko. Napailing lang ako
tapos humiga na ako sa kama ko.

Kinabukasan ay alas nwebe na ako nagising pagbaba ko ay wala na roon si mama at


papa iyong kapatid ko nasa living room nagcecellphone lang siya.

"Sila mama?" Tanong ko sa kapatid ko.

"Nasa restaurant na, pinapasunod na ako roon ikaw daw muna rito sa bahay," sabi
niya tapos umakyat na sa taas. Dumeretso naman ako sa kusina at nagtimpla ng kape
ko at kumuha ako ng slice bread tapos nilagayan ko ng mayonnaise. Habang kumakain
ako ng tinapay ay ginanahan ako magluto ng carbonara kaya naman nagluto ako. Sakto
pagkatapos ko magluto ay bumababa na iyong kapatid ko nakabihis na kaya naman
sinamahan ko lumabas kasi isasara ko iyong gate plano ko kasi sa kwarto lang muna
ako mamayang gabi pa naman siya uuwi. Paglabas ng bahay ay may kotse na nakaabang
sa tapat ng gate namin iyon yata ang grab na sasakyan ng kapatid ko. Nang makaalis
na ang kapatid ko ay isasara ko na sana ang gate ng may tumawag sa akin na bata.

"Mama!" Sigaw nito sa akin napalingon naman ako sa tapat ng bahay namin. Nakita ko
roon si Miguel na kumakaway sa akin nasa labas siya ng gate nila mukhang kalalabas
lang niya. Mayamaya ay tumakbo ang bata papunta sa akin napalingon naman ako sa
kaliwa't kanan wala naman napadaan na kotse.

"Miguel," sabi ko sa bata.


"Mama may food kayo? Gutom na po ako si Daddy po tulog pa tapos iyong kasambahay
namin namalengke pa po wala pa pong food sa bahay gutom na po ako," sabi ni Miguel.
Naawa naman ako sa bata pinapason ko siya sa loob tapos dinala ko siya sa kusina
pinaupo ko siya sa may counter table at binigyan siya ng carbonara kumuha rin ako
ng fresh milk para sa kanya. Magana naman kumain ang bata ng pagkain mukhang gutom
na gutom nga ito.

"Bakit hindi mo ginising ang daddy mo?" Tanong ko sa kanya.

"Pagod po kasi siya," sabi niya sa akin. Pinahiran ko naman ang gilid ng labi niya
dahil may sauce iyon.

"Iyong mommy mo nasaan?" Tanong ko sa kanya. Lumungkot naman ang itsura ng bata.

"Sick po siya mama," sabi nito.

"Ha?" Naguguluhang tanong ko.

"Nasa hospital po siya nagpapagaling," sabi niya tapos kumain ulit. "Mama isa pa po
ang sarap po kasi."

Kinuhaan ko naman siya ng carbonara pa kinain niyo ulit iyon. Napatingin naman ako
sa kanya. May sakit yata ang mommy niya, bigla akong nakaramdam ng awa sa bata.

"Ubusin mo iyan ha," nakangiti kong sabi sa kanya. Masaya naman siyang tumango sa
akin tapos sumasayaw-sayaw pa. Matapos niya kumain ay ininom niya iyong gatas.

"Mama pwede po bigyan ko rin si daddy ng pasta?" Tanong niya sa akin nginitian ko
naman siya.

"Oo naman, sandali lang lalagyan ko siya sa tupperware," sabi ko sa kanya. Binaba
ko muna siya sa pagkaka-upo niya tapos kumuha ako ng tupperware at naglagay ako
roon ng carbonara.

"Tara na uwi na ikaw baka hinahanap ka na ng daddy mo," sabi ko sa kanya habang
inaabot ko ang kamay ko sa kanya. Nakangiti naman niyang kinuha ang kamay ko tapos
sabay kaming lumabas ng bahay. Sakto paglabas namin ng bahay ay nakita namin ang
daddy niya na kalalabas lang ng gate nila nakasando lang ito at nakajersey shorts.
Mukhang nag-aalala ang itsura nito nakahinga naman ito ng maluwag ng makita niya
ang anak niya mabilis siyang lumapit sa amin. Mukhang hindi niya ako napansin dahil
sa anak niya lang siya nakatingin.

"Daddy pumunta ako sa house nila mama ang sarap noong pasta ni mama, daddy may dala
kami sa iyo," sabi ni Miguel ng makalapit ang ama niya napatingin naman siya sa
akin tapos napanganga siya tapos tumingin sa anak niya.

"Nakita ko kanina nagugutom na raw kasi siya kaya pinapain ko na," sabi ko sa
kanya.

"Mama tara sa house namin," sabi ni Miguel habang hinihila ako papunta sa bahay
niya natatawa naman akong sumunod sa kanya. Sumunod naman sa amin ang tatay niya
pagkapasok namin sa loob ng bahay nila napanganga ako ang ganda kasi ng design ng
bahay nila. Hinila ako ni Miguel hanggang sa dining table nila.

"Daddy tikman mo iyong pasta ni mama ang sarap," sabi ni Miguel sa ama niya na
ngayon ay nakaupo na sa tabi ni Miguel ako kasi ay nakatayo lang sa tabi ni Miguel.

"Okay," nakangiting sabi ng tatay niya tapos kumuha ng plato at tinidor.

"Mama nasaan si Aisee?" Tanong sa akin ni Miguel. Umupo naman ako sa tabi niya.

"Kinuha na siya ng mommy niya umuwi na siya," sabi ko sa kanya.

"Hindi mo anak si Aisee?" Tanong sa akin ni Architect Javier ng makabalik ito na


may dalang plato at tinidor, inabot ko naman sa kanya ang dala kong carbonara.
Inopen naman niya iyon tapos naglagay siya sa plate niya.

"Bakit akala mo anak ko?" Tanong ko sa kanya. Tumango naman siya sa akin.

"Saan siya umuwi mama?" Tanong sa akin ni Miguel.

"Sa Batangas," sabi ko.


"Saan po iyon?"

"Malayo iyon."

"Daddy punta tayo roon."

"Anak malayo iyon atsaka may school ka pa," sabi ni Miguel sa anak niya.

"Sa birthday niya punta tayo daddy ha," sabi ni Miguel. Nginitian naman siya ng
tatay niya.

"Okay lang ba iyon?" Tanong sa akin ni Architect Javier.

"Oo naman," sabi ko.

"Sino ang nanay ni Aisee?" Tanong niya sa akin. Tipid na ngitian ko lang naman
siya. Nahalata yata niya ayaw ko sabihin kaya naman tumango siya.

"Sorry," sabi niya. Tinanguan ko lang siya tapos tinuloy niya ang pagkain niya ng
carbonara.

"Daddy ang sarap 'di ba?" Tanong ni Miguel sa daddy niya nakangiti naman tumango
siya sa anak niya.

"The best magluto talaga," sabi niya habang nakathumb up pa. Ginaya naman siya ng
anak niya. Matapos niya kumain ay hinila ako ni Miguel sa may garden kung nasaan ay
may mini park doon na paglalaruan ni Miguel may maliit na kotse roon tapos may
maliit na bahay rin. Tapos napapalibutan iyon ng mga bermuda grass.

"Wow," bigla kong nasabi.

"Ang galing ng daddy ko 'di ba po? Paglaki ko gusto ko rin ng gaya kay daddy," sabi
ni Miguel tapos tumakbo ito papunta sa kotse niya at sumakay roon. Ngumiti siya sa
akin tapos kumaway bago niya paandarin iyon at nagpaikot-ikot lang siya.

"Ginawan ko siya ng mapapaglaruan niya para hindi siya nasa loob lang ng bahay,"
sabi ni Architect Javie na nasa tabi ko na pala napatingin ako sa kanya habang siya
nakangiting nakatingin sa anak niya.

"Mahal na mahal mo iyang anak mo ano? Bakit hindi niyo sundan para may kalaro na
siya?" Tanong ko sa kanya tumingin naman siya sa akin tapos ngumiti siya. Iyong
pilyong ngiti pero labas na labas ang dalawa niyang dimples.

"Payag ka ba?" Tanong niya sa akin habang nagtataas baba ang kilay niya. Nanglaki
naman ang mata ko tapos pinalo ko siya sa braso niya sunod-sunod iyon.

"Grabe Bri iyang kamay mo mabigat pa rin," sabi niya sa akin. Lalo ko naman siyang
pinalo sa braso.

"Bwisit ka, hindi tayo close huwag mo akong tawaging Bri," sabi ko sa kanya. Bigla
naman siyang tumawa.

"Grabe ka naman ate," sabi niya sa akin tiningnan ko naman siya ng masama tapos
pinalo ko ulit siya sa braso niya. Tinawanan niya ulit ako.

"Sabi sa akin ni Miguel nasa hospital daw ang mommy niya, may sakit?" Tanong ko sa
kanya. Natigil naman ang ngiti niya tapos tumingin sa bata ulit.

"Cancer stage three," sabi niya habang seryosong nakatingin sa bata. Napalingon din
naman ako kay Miguel na masayang naglalaro sa kotse niya.

"Kaya ba hindi kayo magkasama ng nanay ni Miguel? Bakit hindi mo inaalagaan?"


Tanong ko sa kanya. Tumingin naman ulit siya sa akin.

"Kung iniisip mo na may relasyon kami ni Cassie nagkakamali ka, wala kaming
relasyon si Miguel lang ang mayroong koneksyon sa amin kahit na wala akong
karapatan sa bata," sabi niya. Napatingin naman ako sa kanya.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya. Natigilan naman siya tapos tinitigan niya akong mabuti
at ngumiti siya. Iyong malungkot na ngiti nakikita ko sa mga mata niya.
"Three years ago nagkasakit si Miguel, kailangan niya masalinan ng dugo kaya naman
ako nagpatest kung match ako pati si daddy at mga kapatid ko pero ni isa sa amin
walang nagmatch. Hindi rin sila match ni Cassie, mabuti na lang at may kaibigan si
daddy sa blood bank kaya mabilis na nasalinan ng dugo si Miguel. Pagkatapos noon
bigla akong nagduda kahit masakit sa akin nagpa DNA ako." Nakita ko na napakuyom
siya ng kamao niya. "Lumabas ang resulta nagulat ako sa nalaman ko, nasaktan ako
tatlong taon akong niloko ni Cassie, minahal ko iyong bata."

Napatakip ako sa bibig ko dahil sa sinasabi niya at bigla na lang napapatak ang
luha ko sa huling sinabi niya.

"Hindi ko anak si Miguel."

Chapter 21 - Chapter 20

Chapter 20

"Hindi ko anak si Miguel."

Napatitig ako sa kanya habang nakatingin siya sa anak niya.

"Noong nalaman ko iyon ang dami kong what ifs pero kung mas maaga ko naman nalaman
ay hindi ko makakasama at makakapiling si Miguel, si Miguel ang naging liwanag ko
rati. Noong una ko siyang nakarga sobrang tuwa ko, mahal na mahal ko si Miguel.
Pinalangin ko na sana ay akin na lang talaga si Miguel," sabi niya habang
nakatingin pa rin sa anak niya.

"Alam ba ni Miguel?" Tanong ko sa kanya humarap naman siya sa akin tapos tipid na
ngumiti.

"Hindi, at hindi na kailangan niyang malaman iyon sa mata ng batas ako ang ama ni
Miguel hindi man siya sa akin pero anak ko pa rin siya," sabi niya habang
nakangiting nakatingin na kay Miguel. Napatingin din naman ako ay Miguel at
napangiti.

"Swerte ni Miguel sa iyo halatang mahal na mahal mo siya," sabi ko sa kanya habang
nakatingin kay Miguel na nakatingin sa amin tapos kumakaway ito.

"Ikaw rin naman," sabi niya napatingin naman ako sa kanya. Sakto naman nagtagpo ang
mata namin nakatitig siya sa akin.

"Ha?" Kunot noo kong tanong sa kanya. Nginitian lang naman siya ako.

Akmang sasagot siya ng marinig namin na umiyak si Miguel kaya naman ay mabilis
kaming tumakbo papunta sa bata na ngayon ay nakataob na kotse nitong maliit.

Mabilis naman na dinaluhan ni Seph ang anak niya at tinayo ito pero umiiyak pa rin
ito habang nakatingin sa tuhod nitong may gasgas may kaunting dugo roon.

"Daddy," umiiyak na sabi ni Miguel habang nakaturo sa sugat nito. Agad naman itong
kinarga ng ama at dinala sa loob ng bahay sumunod naman ako. Nilapag ni Seph ang
anak niya sa isang upuan tapos iniwan niya ito at pumunta sa may kusina. Tumabi
naman ako sa tabi ni Miguel.

"Mama may dugo," humihikbing sabi ni Miguel habang nakatingin sa sugat niya.
Mayamaya ay niyakap niya ako sa may baywang ko kaya naman niyakap ko rin siya.

"Huwag ka na umiyak, maliit na sugat lang iyan gagaling din iyan." Pag-aalo ko sa
kanya.

Mayamaya ay bumalik na si Seph may dala itong panlinis ng sugat. Nilinisan niya ang
sugat ni Miguel habang nakayap sa akin si Miguel. Matapos niya malinisan ay
nilagyan niya ng betadin iyon.

"Gagaling na iyan," sabi ko ka Miguel na tumigil na sa pag-iyak.

"Huwag na iiyak Miguel ha, malaki ka na dapat strong ka na," sabi naman ni Seph sa
anak niya.

"Opo," sagot naman ni Miguel sa tatay niya. Nginitian ko naman si Miguel.


Nagtagal din ako ng kaunti sa bahay nila nakipaglaro rin ako kay Miguel sa playroom
nito kasama ang daddy niya. Halatang close na close silang dalawa at tiyak ko na
kapag nalaman ni Miguel na hindi niyang tunay na daddy si Seph ay sobra itong
masasaktan.

Lagi lang akong tinatanong ni Miguel tungkol kay Aisee, halatang gustong-gusto
kalaro ni Miguel si Aisee. Tinatanong niya ako kung kailan daw kami pupunta kila
Aisee. Si Aisee lang ang bukambibig niya habang nagkukwentuhan kami, mukhang
malapit si Miguel kay Aisee, siguro ay natutuwa sa malusog na batang iyon.
Nakakatuwa naman kasi talaga at ang taba-taba ng batang iyon tapos ang bibo pa
minsan nga lang ay suplada mana sa nanay niya.

Bandang hapon na ako umalis sa bahay nila Miguel, noong nakatulog na ito umalis ako
kasi ayaw ako paalisin ng bata sa bahay nila. Doon na rin ako pinakain ni Seph, may
kasambahay sila isa lang iyon iyon daw ang nag-aalaga kay Miguel. Mukhang bata pa
iyong yaya ni Miguel siguro ay nasa twenty years old lang iyon.

Pag-uwi ko sa bahay ay umupo muna ako sa sofa namin saglit tapos pumunta ako sa
kusina, nakita ko naman iyong niluto kong carbonara. Nag-init ako noon tapos kumain
ako matapos noon ay umakyat na ako sa kwarto ko nilock ko muna ang bahay bago ako
umakyat. Pagkarating ko sa kwarto ko ay humiga ako sa kama ko at natulog ako.
Inantok din ako sa pakikipaglaro ko kay Miguel.

Nagising ako ng madilim na ang paligid kaya naman bumangon na ako at binuksan ang
ilaw ng kwarto ko tapos bumaba na ako. Six thirty na ng gabi, wala pa sila mama
nasa restaurant pa yata kaya naman ay nagluto na muna ako ng dinner namin. Sakto
naman na matapos ako magluto ay dumating na sila mama nagpahinga lang sila saglit
bago kami kumain ng dinner.

Matapos namin magdinner ay umakyat na ako sa kwarto ko nag-half bath na rin ako
tapos nagbihis na ako ng pantulog ko nakapajama lang ako at naka-t-shirt lang ako
na kulay puting may design na SpongeBob. Kinuha ko ang laptop ko at umupo ako sa
kama ko nagcheck ako ng email tapos ay gumawa na ako ng kailangan ko gawain.
Malapit na kasi mag-end ng month marami na naman kaming aayusin at tatapusin na
kailangan mapasa agad namin. Kaya naman ay sinisimulan ko na ngayon pa lang gumawa.
Nag-estimate na rin ako para sa ibang mga materyales na gagamitin.

Bandang ala una ng madaling araw ay inantok na ako. Pinatay ko na ang laptop ko at
nilagay sa side table ko. Kinuha ko naman ang cellphone ko na nasa may kama lang.
Inopen ko iyon at nakito ko na may unknown number na nagtext roon. Hindi ko naman
pinansin iyon. Mayamaya ay tumawag ito, nagdadalawang isip naman ako kung sasagutin
ko iyon, pero sinagot ko na rin baka kasi about sa trabaho iyon. Tumayo ako sa kama
ko at pumunta ako sa may veranda.

"Hello?" Sabi ko.


"Bakit gising ka pa?" Tanong nito sa akin, kinilala ko naman ang boses nito.
Napatingin ako sa tapat ng bahay namin. Nasa may veranda si Seph habang nakapagay
sa tainga niya ang cellphone niyo nakatukod ang dalawang braso niyo sa may veranda.

"Ikaw bakit gising ka pa? At kanino mo nakuha ang number ko?" Tanong ko sa kanya
habang nakatingin sa kanya. Natawa naman siya sa akin.

"Hindi ka naman nagpalit ng number, nakablocked lang iyong dati kong number sa
iyo," sabi niya. Inirapan ko naman siya kahit hindi ko alam kung nakikita niya ba
ako, hindi naman kasi ganoon kaliwanag sa pwesto ko ganoon din naman sa pwesto
niya.

"May ginagawa lang ako na paper works," sabi ko.

"Walang pasok ngayon dapat chill ka na lang," sabi niya sa akin.

"Malapit na mag-end ng month matatambakan ako ng trabaho kapag hindi ako kumilos
agad."

"Kung sabagay."

"Ikaw bakit gising ka pa?" Tanong ko sa kanya. Nakita ko naman na napangiti siya sa
akin.

"Iniisip kasi kita," sabi niya sa akin. Tinaas ko naman ang kanang kamao ko at
pinakita ko sa kanya iyon.

"Sapak gusto mo?" Narinig ko naman na tumawa siya sa akin.

"Nagdesign lang ako, may inaayos lang din."

"Si Miguel?" Tanong ko sa kanya.


"Tulog na tulog na kanina hinahanap ka sabi ko bukas ka na lang niya dalawin," sabi
niya sa akin.

"Magsisimba kami bukas, gusto niyo ba sumama?" Tanong ko sa kanya.

"Sure."

"Okay, sige na matutulog na ako. Goodnight," sabi ko tapos inend na ang call.
Pumasok na ako sa loob at sinaraduhan na ang slide door ng veranda. Tapos pinatay
ko na ang ilaw sa kwarto ko nag-alarm ako ng alas sais. Alas otso kasi ng umaga ang
start ng simba.

Kinabukasan ay nagising ako sa alarm ko, bumangon agad ako at naligo tapos bumaba
ako para magbreakfast sakto na naroon na rin sila mama sa table. Pagkatapos namin
kumain ay umakyat ulit ako nag-toothbrush ako tapos nagbihis na ako ng damit.
Nakadress na kulay white na may print na mga maliliit na bulaklak, off-shoulder
iyon.

Mayamaya ay punta na kami sa simbahan na nasa loob ng subdivision namin sa labas ng


simbahan ay nakita ko roon si Seph at ang anak niya. Nang makita ako ni Miguel ay
tumakpo ito palapit sa akin tapos yumakap sa baywang ko.

"Mama," sabi nito habang nakatingin sa akin. Nginitian ko naman siya.

"May anak ka na Lila ng hindi namin nalalaman?" Tanong ni papa sa akin habang
nakatingin kay Miguel.

"Pa, hindi a." Sabi ko kay papa. Mayamaya ay lumapit na sa amin si Seph. Nagulat
naman sila mama at papa ng makita nila si Seph.

"Nagkabalikan na kayo?" Tanong ni mama.

"Hindi, may boyfriend ako mama." Sabi ko sa kanila. Naramdaman ko naman na


napatitig sa akin si Seph pero hindi ko siya tiningnan.

"Hello po," bati ni Seph sa mga magulang ko.


"Laki ng pinagbago mo na, ang gwapo ng anak mo," sabi ni papa kay Seph. Actually
wala silang alam kung ano nangyari sa amin ni Seph dati hindi na rin sila ganoon
nagtanong noong sinabi ko na break na kami noon.

"Si Miguel po pala," sabi ni Seph habang hawak na sa ulo ang anak niya.

"Hello po," nakangiting bati ni Miguel kila mama.

Nginitian din naman nila mama si Miguel. Mayamaya ay pumasok na kami sa loob ng
simbahan. Magkatabi kami ni Miguel sa upuan tapos sa kabilang side naman ni Miguel
nakaupo ang daddy niya bale napapagitnaan namin si Miguel.

Matapos kaming magsimba ay umuwi na kami si Miguel ay sumama sa amin ang daddy niya
naman ay umalis kasi bigla raw siyang tinawagan ng isang kleyente niya na
nagpapagawa ng bahay sa kanya. Walang mapag-iwanan kay Miguel dahil day-off ng yaya
nito kaya sabi ko sa amin na lang iwanan si Miguel, nahihiya man ay pumayag na rin
si Seph.

Tuwang-tuwa naman sila mama kay Miguel at naaliw sila sa bata. Si Miguel ay
halatang nag-e-enjoy rin siya.

Hapon na ng nakabalik si Seph kinuha niya naman si Miguel agad at umuwi na silang
dalawa sa bahay nila kaya sa bahay naman ay natahimik na ulit kasi wala ng bata.

"Dapat kasi mag-anak ka na Lila," sabi ni papa sa akin.

"Tsaka na iyon pa busy pa ako," sabi ko.

"Ano tsaka na, bente otso ka na Kalila hindi ka na bata," sabi ni papa. Hindi na
naman ako umimik hinayaan ko na lang si papa.

Kung dati boyfriend ang hinahanap niya sa akin ngayon naman anak na ang hinahanap
niya lagi niyang sinasabi na hindi na raw ako bata. E, nababataan pa ako sa edad ko
marami pa akong gusto pang gawin din. Hindi naman ako nagmamadali sa mga ganoon
bagay.

Kinabukasan ay maaga akong umalis ng bahay. Nakita ko pa nga si Miguel na papasok


sa school nito kasama niya ang daddy niya at ang yaya nito kinawayan ko lang siya
tapos umalis na ako.

Pagkarating ko sa opisina ay nasa table ko na naman ang mga pipirmahan ko. Marami
talaga akong pinipirmahan lalo na't matatapos na ang buwan. Mamaya bibisita pa ako
sa site magbubuhos na kasi ulit busy na ulit iyong mga tao sa site lalo na sila Ara
at Sprouse.

Tinapos ko na pirmahan ang mga nasa table ko tapos ay gumawa na ulit ako ng office
works ko, ngayong araw ay may meeting din pala ako sa contractor at kay Architect
Javier. Mauuna iyon bago ako pumunta sa site.

Mayamaya ay may tumawag na ako sa akin magsisimula na raw ang meeting kaya naman
pumunta na ako sa conference room. Nandoon na sila pati na rin si Boss. Umupo ako
sa bakanteng upuan sa tapat ni Architect Javier. Nagsimula na ang meeting. Nag-usap
lang naman tungkol sa project namin ngayon.

Matapos ang meeting ay bumalik ako sa office ko at kinuha ang bag ko tapos bumaba
na ako sa parking lot at sumakay sa kotse ko. Nagdrive na ako papunta sa site wala
namang gaanong traffic kaya madali akong nakapunta roon. Tapos pagkarating ko roon
ay hindi muna ako bumaba ng kotse nag-suot muna ako ng safety shoes ko tapos kinuha
ko ang kulay green kong vest at puting hard hat tapos bumaba na ako sa kotse ko.

"Kamusta rito?" Tanong ko agad kay Sprouse na nakita ko ito na nakatingin sa may
dalawang floor na building.

"Ayos pa naman, iyong mga ibang materyales parating na raw sa isang araw," sabi
niya sa akin.

"Good," sabi ko naman.

"Alas nwebe ulit start ng buhos pero baka malate na ang mixer," sabi ni Sprouse
habang nakakunot noo.
"Dapat mas agahan na sabihan na maaga pumunta rito ang mixer," sabi ko.

"Sinabihan ko na sila." Tinanguan ko naman siya. Nagsuot na ako ng vest at hard hat
tapos pumunta kami sa site. Basa ang floor noon kasi nagcu-curing sila. Nag-ikot
ako sa site at tumingin sa mga nagawa nila.

"May nagawang balikong column pinabakbak ko kasi hindi iyon pwede," sabi ni Sprouse
tinanguan ko lang naman siya.

Kasama namin sa pag-iikot ang foreman. Nag-usap kami matapos namin mag-ikot tapos
may pinapirmahan sa akin si Sprouse. Pumunta ako sa office habang tinatanggal ang
hard hat at vest ko, nakita ko roon sa loob si Ara na busy sa tapat ng computer
habang ang mga ojt rin ay busy sila, may pinapagawa yata si Ara sa kanila.

"May papapirmahan ka ba sa akin Engineer Ramos?" Tanong ko kay Ara. Saglit na


tumingin sa akin si Ara tapos kinuha niya iyong folder niya lumapit ako sa kanya
nakita ko na AutoCAD ang ginagawa niya.

"Aalis ka ba?" Tanong niya sa akin habang nakatingin sa ginagawa niya.

"Oo may pinapacheck sa akin si boss na hospital kakausapin ko rin ang may-ari,"
sabi ko habang pinipirmahan ang pinapapirma ni Ara.

"Bagong project na naman?" Tanong sa akin ni Ara.

"Oo, gusto mo ba?" Tanong ko sa kanya.


"Renovation lang ba iyan?" Tanong niya sa akin.

"Oo."

"Sige."

"Kakausapin ko na si Boss kapag nakausap ko na punta ka sa office, gusto mo ba


sumama ngayon doon para makita mo rin?" Tanong ko sa kanya. Natigilan naman siya
tapos napaisip.

"Jorhem, paki tapos itong ginagawa ko gayahin mo lang ito." Sabi ni Ara kay Jorhem.

"Magaling iyang batang iyan sa AutoCAD mabilis ang kamay," bulong sa akin ni Ara.
Nag-ayos lang ng gamit si Ara.

"Tara na," sabi ni Ara.

"Saan kayo pupunta?" Tanong sa amin ni Sprouse.

"May project kaming iche-check ikaw muna rito," sabi ni Ara. Tumango naman si
Sprouse.
"Bumalik agad kayo bago mag-alas otso ng gabi," sabi ni Sprouse sa amin. Tumango
naman kami.

"Parang si Sprouse pa boss sa inyong dalawa," sabi ni Ara habang tumatawa.


Naglalakad kami papunta sa kotse ko.

"Hayaan mo na Boss iyon talaga," sabi ko sabay tawa. Si Sprouse kasi nagdo-
doctorate siya ngayon tapos sumaside line din na professor sa dati naming
University. Nag-top five kasi iyan si Sprouse sa board exam kaya naman nililigawan
ng university namin dati na magturo sa school namin. Tinanggap naman iyon ni
Sprouse bale dalawang taon na siyang nagtuturo, nakaka-enjoy din daw naman kami nga
ni Ara sinasabihan niya na magturo rin daw kaso ayaw namin ni Ara.

"Kamusta kayo ng ex bebe mo?" Tanong sa akin ni Ara habang nagdidrive ako.

"Siraulo ka talaga," sabi ko sa kanya.

"Bakit naman? Hindi mo ba siya ex, kayo pa rin?" Tanong niya inirapan ko naman
siya.

"Ewan ko sa iyo," sabi ko sa kanya tinawanan lang naman niya ako.

"Kayo ng jowa mo kamusta?" Tanong ulit ni Ara. Napabuntong hininga tuloy ako.
"Busy yata, ilang araw hindi nagpaparamdam sa akin," sabi ko.

"Baka iba ang pinagkakaabalahan, ayoko talaga sa lalaking iyon iba pakiramdam ko,
ano ba nakita mo roon? Mas gwapo naman si Seph doon," sabi pa ni Ara kaya naman
inirapan ko siya.

"Bakit ba lagi mong dinadamay ang pangalan noong tao? Crush mo?" Tanong ko sa
kanya.

"Hindi oy, sa iyo na iyon huwag ka na magselos." Tumatawang sabi ni Ara.

"Siraulo ka Ara, kayo ng contractor boy mo kamusta?" Tanong ko habang nakangisi sa


kanya siya naman ang umirap sa akin.

"Mananahimik na nga 'di ba, sabi ko nga huwag na ibalik ang nakaraan kasi masakit
sa bangs," sabi niya. Ako naman ang natawa this time, alam na alam ko na kasi kung
paano siya gagantihan.

Hanggang sa nakarating kami sa hospital ay hindi na namin pinag-usapan pa si Seph


dahil alam ni Ara na babaliktarin ko rin siya. Sabay kaming bumaba ng kotse ko,
sabay rin kaming pumasok sa loob ng hospital. Lumapit ako roon sa may nurse na
nakita ko.

"Miss saan ang office ni Mister Chou?" Tanong ko.

"A, si Doctor Chou po nasa fifth floor po ma'am," sabi niya nginitian ko naman siya
at nagpasalamat. Sumakay kami ng elevator ni Ara at pumunta sa fifth floor.
Pagkarating namin sa fifth floor ay nagtanong-tanong pa kami.

"Ayan po si Doc," sabi noong nurse habang nakaturo sa lalaki siguro ay nasa fifties
na.

"Doctor Chou?" Tanong ko.

"Yes?"

"Engineer Morales po tapo ito naman po si Engineer Ramos, taga-Villaluna


Architectural and Engineering Firm po kami," sabi ko. Ngumiti naman sa amin ang
Doctor na nakapang doctor pa na damit.

"Kayo pala iyon, tara mag-ikot-ikot tayo para maipakita ko ang mga gusto kong
ipabago sa hospital," sabi nito sa amin. Sumunod naman kami sa kanya.

Pumunta sa fourth floor inikot namin iyon. Malaki ang hospital kaya nakakapagod
maikot ang buong isang floor. Matapos noon ay umakyat kami sa sixth floor. Puro
private room na ang nandoon. Tinuturo niya sa amin ang mga gusto niya ipaayos kami
naman ni Ara ay nakatingin lang at nakikinig sa sinasabi niya. Habang naglalakad
kami ay may nakita akong pamilyar na bata na papasalubong sa amin. Nang makita ako
ng bata ay ngumiti ito sa akin tapos tumakbo palapit sa akin at niyakap ako.

"Mama," sabi nito.


"Anak mo Engineer?" Tanong sa akin ni Doctor Chou. Ngumiti lang naman ako.

"Mama bibisitahin mo ba si mommy ko kaya ka nandito?" Tanong niya sa akin,


napatingin naman ako kay Ara.

"Ano kasi Mi--"

"Tara mama punta ka kay mommy papakilala kita," sabi niya sa akin habang nakahawak
sa kamay ko. Napatingin naman ako kay Ara. Tinanguan naman niya ako.

"Okay na ako, balikan na lang kita mamaya," sabi sa akin ni Ara nginitian ko siya
ganoon din naman si Doctor Chou tapos sumama ako kay Miguel na hila-hila ako.

"Kanina ka pa rito Miguel?" Tanong ko sa kanya. Umiling naman siya.

"Kararating ko lang din po kasama ko po si daddy pero umalis din po siya," sabi ni
Miguel. Nginitian ko naman siya. Tumigil kami sa isang pintuan tapos pumasok doon
si Miguel tapos hinila niya ako papasok.

"Mommy may bisita tayo," sabi ni Miguel sa mommy niya. Napatingin naman sa akin ang
babaeng nakasuwero, mapayat at namumutla na.

"Lila," mahinang sabi niya.


"Hello," nakangiting bati ko sa kanya. Tumingin si Cassie kay Miguel.

"Anak nasaan ang yaya mo?" Tanong nito sa anak niya. Sakto naman na pumasok ang
yaya ni Miguel.

"Che labas muna kayo ni Miguel," sabi ni Cassie sa kapapasok lang na yaya ni Miguel
kinuha nito si Miguel tapos dinala sa labas. Lumapit naman ako kay Cassie at umupo
sa upuan malapit sa kama niya.

"Kamusta na?" Tanong ko sa kanya.

"I'm dying," malungkot na sabi niya hinawakan ko naman ang kamay niya at pinisil
iyon.

"Lumaban ka kailanga ka ni Miguel," sabi ko sa kanya. Umiling naman siya sa akin.

"Sorry," sabi niya sa akin.

"Ha?" Tanong ko. Lumuluha naman siyang tumingin sa akin.

"Sorry kasi dahil sa akin nasira kayo ni Seph. Mahal na mahal ko kasi siya dati pa
pero hindi niya ako mapansin, nakikita niya lang ako bilang kaibigan. Noong
birthday niya na at wala ka natuwa ako kasi may chance ako sa kanya na makasama
siya, nakainom kami, may nangyari sa aming dalawa," sabi niya sa akin habang
lumuluha siya hindi siya nakatingin sa akin sa mga kamay niya lang siya nakatingin.

"Nabuntis ako pero hindi si Seph ang ama, may dalawang linggo matapos may mangyari
sa amin ni Seph may lalaki akong nakilala at may nangyari sa amin, noong na buntis
ako si Seph agad ang naisip ko." Mas lalong nadagdagan ang pagdami ng luha niya,
pinisil ko naman ang kamay niya.

"Hayaan mo na iyon matagal na iyon tsaka nangyari na," sabi ko sa kanya. Umiling
naman siya sa akin.

"Sorry Lila, akala ko dahil kay Miguel mamahalin na ako ni Seph pero nagkamali ako
si Miguel lang ang minahal niya," sabi niya tapos pinahid niya iyong luha niya.

"Hindi anak ni Seph si Miguel pero minahal niya ang anak ko," sabi sa akin ni
Cassie. "I'm very sorry Lila."

"Okay na iyon hayaan na natin nakaraan na iyon basta magpagaling ka, lumaban ka
para kay Miguel," sabi ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at hinawakan niya ang
kamay ko.

"Kapag nawala ako pwede bang alagaan mo si Miguel?" Tanong niya sa akin, nginitian
ko naman siya.

"Oo, pero hindi ka mawawala lumaban ka," sabi ko sa kanya tapos niyakap ko siya
niyakap niya rin ako habang umiiyak siya.
Nagtagal pa ako ng kaunti sa kwarto niya nagkwentuhan lang kaming dalawa pero siya
sorry ng sorry sa akin. Umalis lang ako sa kwarto niya ng dumating si Ara.
Nagpaalam ako kay Miguel bago ako umalis.

"Kamusta?" Tanong niya sa akin. Habang nagdadrive ako papunta sa malapit na mall,
nagugutom na kasi kaming dalawa kaya kakain muna kami.

"Okay naman, ikaw kamusta?" Tanong ko.

"Okay rin," sabi niya.

Nang makarating na kami sa mall ay nagparada lang ako ng kotse bago kami pumasok sa
loob. Kumain lang kami sa Mang Inasal para unli rice raw, gutom na gutom na rin
kasi kami mabuti na lang ay wala masyadong tao pa sa Inasal. Matapos namin kumain
ay nagpahinga lang kami tapos nagbanyo kami matapos noon ay naghanap kami ng milk
tea. Habang nakapila kami ay nakita namin si Architect Javier.

"Architect!" Tawag ni Ara rito kaya naman lumingon siya sa amin tapos lumapit sa
amin.

"Hey," sabi niya sa amin. Si Ara naman ay nag-order kaya kami na lang ang naiwang
dalawa.

"Hoy," sabi ko.

"Bakit kayo nandito?" Tanong niya.


"May project kaming cheneck kanina dumaan lang kami kami kasi nagutom kami," sabi
ko sa kanya. Tumango naman siya sa akin. "Ikaw?"

"May kleyente ako kanina." Ako naman ang napatango sa kanya. Bumalik na si Ara na
dala ang milk tea umupo kami sa tapat ng milk tea-han may mga upuan kasi roon.

Nagtanong si Ara kung bakit nandito si Architect Javier at sinagot naman niya ito.

"Kami galing sa nanay ng anak mo nag-usap na sila," sabi ni Ara habang nakaturo sa
akin sinipa ko naman ang paa ni Ara tapos tiningnan siya ng masama.

"Nagkita kayo ni Cassie?" Tanong niya sa akin. Tipid na ngumiti naman ako sa kanya
at tumango.

"Ay wait lang," sabi ni Ara ng magring ang cellphone niya tumayo siya at lumayo sa
amin. Kaming dalawa lang naiwan sa table.

"Kamusta?" Tanong niya sa akin.

"Okay lang."

Napatingin ako sa paligid, napakunot noo ako ng may makita akong pamilyar na mukha.
Tumayo ako sa pagkakaupo ko tapos si Seph ay sumunod sa akin na parang naguguluhan.
"Bri saan ka pupunta?" Tanong niya sa akin. Hindi ko naman siya pinansin. Galit na
galit akong sumugod sa nakita ko ng makalapit ako sa dalawang tao na magkadikit na
magkadikit ay natigilan si Rocco, iyong boyfriend ko.

"Lila," sabi niya sa akin. Sinampal ko naman siya pati ang babaeng kasama niya.

"Akala ko ba nasa Cebu ka?" Umiiyak tanong ko sa kanya. Hindi naman siya makasagot
sa akin. Sinampal ko ulit siya bago ako naglakad palayo.

"Lila!" Tawag sa akin nito at hinabol ako hinawakan niya ako sa braso ko.

"Bitawan mo ako," sabi ko sa kanya pero hindi niya ako binitawan. Kaya mayamaya ay
may sumuntok na kay Rocco, nagulat naman ako na si Architect Javier iyon. Agad ko
naman inawat si Architect Javier, maraming tao na rin ang nakatingin sa amin.
Hinila ko papunta sa parking lot si Seph tapos pumunta ako sa may gilid ng kotse ko
pero bigla akong napaupo roon agad naman ako dinaluhan ni Seph. Niyakap niya ako.

"Shh Bri," sabi niya sa akin habang nakayakap sa akin.

"Bakit ganoon lagi na lang akong niloloko?" Tanong ko sa kanya. Simula kasi ng
matapos ang relasyon naming dalawa lahat ng sumunod na nakarelasyon ko niloloko na
ako.

"Hindi ba talaga nila o niyo na kaya akong mahalin na hindi ako niloloko? May
kulang ba sa akin?" Tanong ko sa kanya habang umiiyak ako niyakap naman niya ako ng
mahigpit ng medyo kumalma na ako ay hinawakan niya ang mukha ko gamit ang dalawang
kamay niya pinahid niya ang luha ko gamit ang dalawang daliri niya.

"Tandaan mo Lila, walang mali o walang kulang sa iyo, hindi kita niloko Lila mahal
na mahal kita para gawin ko iyon sa iyo muna noon hanggang ngayon hindi kaya kitang
lokohin," sabi niya sa akin.

"Huwag mo ng iyakan ang lalaking iyon," sabi niya sa akin tapos niyakap niya ulit
ako.

"Lagi lang akong nandito Bri, hinding-hindi na kita pakakawalan pa, hindi ko
hahayaang mawala ka ulit sa akin."

Chapter 22 - Chapter 21

Chapter 21

Matapos noong pangyayari sa parking lot ay umalis na kami bumalik na kami sa site,
doon din kasi ang punta ni Architect Javier. Pagdating namin sa site at tumambay
muna kami sa office nila Sprouse. Hindi rin naman tagal ay dumating na rin si Ara
na nakanguso sa akin tapos iniirapan ako. Iniwan daw kasi naman siya. Ako naman ay
tahimik lang. Hanggang sa magsimula ang buhos ay tahimik lang ako nag-oobserve lang
ako sa buhos.

Napabuntong hininga ako sa loob ng office ko at as usual may pinipirmahan na naman


ako. First Monday ng month ngayon at every first Monday ay may meeting kaming mga
project engineer at iba pang mga bosses.

"Engineer magsisimula na raw po ang meeting," sabi sa akin ni Jorhem na nasa may
pintuan ko. Tinanguan ko naman siya tapos nag-ayos na ako, may pinauna na akong tao
ko rito sa office siya ang taka take notes ko sa mga pag-uusapan.

Pumunta na ako sa conference room nandoon na ang ibang mga bosses, Engineers at
Architects, wala pala si Boss pero hindi rin nagtagal ay dumating na siya. Hindi
rin nagtagal ay nagsimula na ang meeting namin. Katabi ko sa Ara at Sprouse sa
meeting namin nasa tapat ko naman si Architect Javier na napansin ko na kanina pa
sumusulyap sa akin pero hindi ko pinapansin tahimik lang akong nakikinig at kapag
may tanong ako ay nagtatanong ako.

Tumagal ang pag-usap dahil maraming sinasabi si boss na dapat matapos na project
lalo na ang mga malapit na ang deadlines. Tapos nagdiscussion din tungkol sa mga
bagong projects namin.

Alas dos na ng hapon natapos ang meeting namin gutom na gutom talaga kami. Tubig
nga lang ng tubig kami dahil iyon lang ang pantawid gutom namin, noong namigay ng
sandwich ay kinain agad namin iyon habang nakikinig kami sa meeting.

"Lunch tayo sa unli rice, gutom na gutom na ako," sabi ni Ara habang nakahawak pa
sa tiyan niya kalabas lang namin ng conference room.

"Tara," sabi ko naman sa kanya. Dala ko naman ang phone at wallet ko kaya hindi na
ako pupunta sa office ko.

"Sama ka?" Tanong ni Ara kay Sprouse. Tumango naman si Sprouse.

"Tara na," sabi ko sa kanila.

"Hoy Architect Javier sama ka maglunch sa amin?" Tanong ni Ara ng makita nita si
Architect Javier. Napairap naman ako kay Ara. Napalingon naman sa amin si Architect
Javier na mayroon kausap na isang Architect din. Nagpaalam siya sa kausap niya
tapos lumapit sa amin.

"Sure," sabi ni Architect Javier.

"Tara na gutom na gutom na ako," sabi ni Ara. Umalis na kami at naghanap kami ng
malapit na Mang Inasal. At nang makakita na kami ay mabilis kaming pumasok sa loob
noon. Humanap agad kami ng vacant na upuan at umupo kami si Architect Javier at
Sprouse naman ay ang mag-oorder.

"Ano sa inyo?" Tanong ni Sprouse sa amin ni Ara.

"Bangus sisig," sabi ko.


"Ako rin," sabi naman ni Ara tumango naman si Sprouse. Umalis naman agad sila ni
Architect Javier para makaorder na. Mayamaya ay bumalik na sila. Wala naman kasi
masyadong tao kaya mabilis silang nakaorder may dala silang number na nakastick
nilagay nila iyon doon sa lalagyan ng stick.

"Aalis kayo sa September 9?" Tanong ni Spouse sa amin. Nagkatinginan naman kami ni
Ara. Bago pa kami makasagot ay dumating na iyong pagkain namin kaya naman kumain na
agad kami.

"Aalis nga kayo? Saan punta niyo?" Tanong ulit ni Sprouse.

"Sa Batangas," sagot ko habang kumakain.

"Ano gagawin niyo roon?" Tanong naman ni Architect Javier.

"Birthday ni Aisee," sagot ni Ara kaya naman sinipa ko siya sa ilalim ng table.

"Sino si Aisee?" Tanong ni Sprouse.

"Kaibigan namin," sabi ko tapos tiningnan ko si Architect Javier na nakakunot noo.

"Aisee iyong batang dala mo?" Tanong ni Architect Javier. Nagkatinginan naman kami
ni Ara.

"Sinong bata?" Tanong ni Sprouse.

"Anak ng friend namin na taga-Batangas," sagot ko.

"May kaibigan kayong taga-Batangas?" Tanong ni Sprouse.

"Oo naman bakit hindi ba pwede? May friend nga rin kami na taga-Cebu," sabi ni Ara.
"Si Miguel pwede ba isama namin?" Tanong ko kay Architect Javier. Tumingin naman
siya sa akin tapos ngumiti na kita ang dalawa niyang dimples.

"Sure matutuwa si Miguel na makita ulit si Aisee," sabi niya.

"Aisee," sabi ni Sprouse kaming dalawa naman ni Ara ay pasimpleng nagsisipaan sa


ilalim ng table.

"Bakit may problema ka sa pangalan ng bata?" Tanong ni Ara. Umiling naman si


Sprouse.

"May katunog lang iyong pangalan niya," sabi ni Sprouse.

"Hindi mo pala kilala iyong bata akala ko nga anak mo iyon pare," sabi ni Architect
Javier kaya naman sinipa ko siya sa ilalim din ng table tapos pinandilatan ko.

"Anak? Paano magkakaanak iyan si Sprouse hindi naman buntis si Veronica," sabi ni
Ara. Si Veronica ay long time girlfriend ni Sprouse.

"Veronica?" Tanong ni Architect Javier.

"Jowa niya matagal na," sagot ko tapos sinipa ko ulit siya sa ilalim ng table.
Napakunot noo naman sa akin si Architect Javier.

"Bakit?" Tanong niya sa akin.

"Manahimik ka na," sabi ko sa kanya.

Tumahimik naman siya at nagpatuloy na lang kumain matapos namin kumain ay


nagpahinga lang kami.

"Si Aislinn pala nasaan?" Tanong ni Architect Javier. Napatigil naman kaming tatlo.
"Hindi namin alam apat na taon na naming hindi nakikita," sabi ni Sprouse.

"Akala ko anak ni Aislinn si Aisee magkamukh-- aray Bri!" Sigaw ni Architect Javier
ng batuhin ko siya ng kutsara sa mukha niya.

"Alam mo ikaw kalalaki mong tao chismoso ka, ma-issue ka akala ko ba mga classmates
ko lang noong college ang ma-issue ikaw rin pala," sabi ko habang nakatingin sa
kanya ng masama.

"Sino ba iyong Aisee?" Tanong ni Spouse na nakatingin sa amin ni Ara.

"Anak nga ng friend namin na nameet namin noong pumunta kami sa Batangas five years
ago," sabi ni Ara.

"Oo nga, hindi mo iyon kilala kaya huwag ka na magtanong pa chismoso ka rin Sprouse
sabi sa iyo lumayo ka na kila Harold at Evo kasi mga ma-iissue iyon dati pa," sabi
ko sa kanya.

"Tara na balik na tayo sa site Sprouse baka kailangan na tayo roon," sabi ni Ara
kay Sprouse.

"Kaya nga balik na kayo hindi ko kayo binabayaran para tumunganga lang," sabi ko sa
kanila.

"Excuse me bayad ang oras ko ng Villaluna sa iyo," sabi ni Ara. Natawa naman ako.

"Duh may dugo akong Villaluna tingnan niyo patatalsikin ko sa pwesto si Kuya Dash,"
sabi ko parehas naman kaming natawa ni Ara at naghigh five pa kami.

"Tara na baka kung anong chismis na naman ang maungkat," sabi ni Ara. Tumayo na
kami at umalis na kami ni Architect Javier ay bumalik na sa office iyong dalawa
naman ay pumunta na sa site.

Pagdating namin sa office ay naghiwalay na kami ni Architect Javier, ako ay


dumeretso na sa office ko at ginagawa ang dapat kong gawin.
Isang araw bago kami pumunta sa Batangas kung saan gaganapin ang birthday ni Aisee.
Sa isang resort gaganapin ang birthday ni Aisee. Iyong resort na iyon ay pag-aari
namin ni Ara at ng nanay ni Aisee negosyo namin iyon mga tatlong taon na iyong
tumatakbo ay maayos naman itong napapatakbo ng nanay ni Aisee na si Aislinn siya
kasi ang namamahala roon dahil busy kami rito sa Manila.

Sa bahay namin ay maaga pa lang nandoon na si Ara, mamayang hapon kasi ang alis
namin. Si Miguel naman ay excited siya na pumunta kami kila Aisee.

Nang magpapahapon na ay naglalagay na kami ng mga dadalhin naming gamit papunta sa


resort ni Ara nilagay na rin namin ang regalo namin kay Aisee. Habang nag-aayos
kami ay may narinig kaming boses ng bata na papalapit sa amin.

"Mama!" Sigaw nito napatingin naman ako nakita ko si Miguel na nakabihis na rin
nakashorts lang ito tapos nakadamit na kulay blue na may design na Ben 10, may
sunglasses pa ito sa mata nito. Nasa likod nito ang tatay niya na nakabihis din na
may dalang bag at isang malaking teddy bear na kulay pink.

"Excited ka na?" Tanong ko sa kanya ng makalapit na siya sa akin. Nakangiti naman


siyang tumango sa akin.

"Makikita ko na ulit si Aisee," sabi niya sa akin habang tumatalon.

"Kanina pa iyan gusto magbihis at punta rito gustong-gusto na makita si Aisee,"


sabi ng tatay niya na nakalapit na sa amin.

"Sasama ka ba?" Tanong ko sa kanya.

"Opo mama sasama si daddy ko," sagot naman ni Miguel. Nginitian ko naman siya.

"Okay lang ba?" Tanong ni Seph sa amin.

"Okay lang naman," sagot ko.

"Okay na ready to go na," sabi ni Ara na sinaraduhan na ang likod ng kotse. Nasa
grahe pa namin kami at nakabukas lang ang gate namin kaya nakapasok agad si Miguel
at nakalapit sa amin.

"Tara na," sabi ko.

"Ako na magdadrive," sabi naman ni Seph habang nakalahad ang kamay niya.

"Ako na tsaka hindi mo pa alam iyon."

"Edi ituro mo sa akin," sagot naman niya sa akin.

"Hoy tara na itong batang ito excited na!" Sigaw sa amin ni Ara na nasa loob na ng
kotse nakasakay na ito sa backseat kasama si Miguel. Nakababa ang salamin habang
nakatingin sa amin si Ara. Nagulat naman ako ng kunin si Seph ang susi ng kotse ko
na nasa kamay ko. Napairap na lang ako. Sumakay na sa kotse si Seph.

"Sige na labas mo muna iyang kotse isasara ko pa ang gate," sabi ko. Wala kasing
tao ngayon sa bahay nasa restaurant sila mama at papa tapos iyong kapatid ko naman
nasa school pa.

Nilabas muna ni Seph ang kotse at nang mailabas na ito ay sinaradi ko na ang gate
bago ako sumakay sa passenger seat. Pagkasakay ko at pagkalagay ko ng seatbelt ay
umalis na kami.

"Mama gaano kalayo iyong bahay nila Aisee?" Tanong sa akin ni Miguel habang
nakatingin sa akin.

"Malayo pa iyon mga dalawang oras na byahe pa," sabi ko kanya.

"Maganda po ba roon?" Tanong niya sa akin.

"Oo Miguel super ganda roon may beach doon," sabi ni Ara kay Miguel. Katabi ni
Miguel ang malaking teddy bear bali nasa gitna si Miguel ni Ara at ng malaking
teddy bear.
"Daddy pwede ako magswimming?" Tanong ni Miguel sa tatay niya.

"Pwede basta may kasama ka," sagot ni Seph habang nakatingin sa salamin ng kotse.

"Okay po," sabi nito.

"Sa resort gaganapin birthday ni Aisee?" Tanong ni Seph na saglit ako tiningnan
dahil nagdidrive siya.

"Oo."

"Actually sa aming tatlo iyon ni Aislinn at Lila," biglang sabi ni Ara tiningnan ko
naman siya ng masama.

"Wow may negosyo pala kayo, sabi na si Aislinn ang ina ni Aisee," sabi ni Seph.

"Hoy huwag kang chismoso ha, huwag kang maingay," sabi ko sa kanya.

"'Di ba hinahanap ni Sprouse si Aislinn? Bakit hindi niyo sinasabi na alam niyong
dalawa?" Tanong ni Seph.

"Basta huwag ka na magtanong at huwag kang madaldal about dito," sabi ko sa kanya.
Natatawa naman siya sa akin.

"Okay boss," sabi niya sa akin habang nakatingin sa daan.

"Magsosound ako ha," sabi ni Ara habang kinakalikot niya ang cellphone niya.
Nakaconnect naman siya kaya madali na lang. Mayamaya ay may sound na napakalakas sa
loob ng kotse.

"Hoy Ara ang lakas," sabi ko sa kanya.

"Okay lang iyan, 'di ba?" Tanong ni Ara habang nakatingin kay Miguel nakangiti
naman tumango si Miguel. Napairap naman ako. Mukhang okay lang din naman kay Seph
kaya hinayaan ko na lang si Ara. Gusto kasi niyan ni Ara na max ang volume kapag
nagpapatugtog kaya naman ayan akala ko hindi sanay sa maingay si Seph at Miguel. Si
Miguel ay busy sa pagkain ng bread pan na kinakain din ni Ara. Mayamaya ay nagpalit
na ang kanta.

Lagi na lang ganito

Isipan ay gulong-gulo

Lagi na lang nabibigo

Ngunit ikaw pa rin, sigaw ng puso

Ilang liham na ang sinulat sayo

Ilang luha na rin ang natuyo

Kailan kaya muling makakatawang

Hindi ko pinipilit, walang lungkot na sumisilip?

Kailan kaya muling makakamit

Ang iyong yakap at halik nang hindi sa panaginip?

Kailan? Kailan? Kailan ang dating tayo?

Napatingin ako kay Seph na sinasabayan niya iyong kanta. Nakatingin pa rin siya sa
daan habang kumakanta siya.

Kung anuman ang totoo

Isip man ay litong-lito

Handang handa akong sumalo

Pagkat ikaw pa rin sigaw ng puso

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng bigla siyang tumingin sa akin at ngumiti na
kitang kita ang dimples niya.

Ilang awit na ang inalay sayo


Ilang luha na rin ang natuyo

Kailan kaya muling makakatawang

Hindi ko pinipilit, walang lungkot na sumisilip

Kailan kaya muling makakamit

Ang iyong yakap at halik ng hindi sa panaginip?

Kailan? Kailan? Kailan? (Kailan)

Kailan ang dating...

Kailan kaya muling matatamasa?

Ikaw ay makasama't sabay tayong kakanta

Kailan kaya muling mararanasan?

Sa pag dilat ng mata, ika'y hindi lang ala-ala

"Dating tayo raw, isunod ko muling ibalik," sabi ni Ara habang tumatawa siya si
Miguel naman ay napatingin sa kanya.

"Bakit po?" Tanong ni Miguel kay Ara.

"Miguel payag ka ba na si daddy mo at mama Lila mo magjowa?" Tanong ni Ara kay


Miguel tiningnan ko naman ng masama si Ara na walang pakialam sa akin nakatingin
lang ito kay Miguel.

"Ano pong magjowa?" Kunot noong tanong ni Miguel.

"Iyong magkarelasyon, iyong pwede mo maging mama na totoo si Lila tapos pwede ka pa
magkaroon ng kapatid," sabi ni Ara habang nakatingin kay Miguel at nakangiti si
Miguel naman ay biglang napangiti rin kaya naman inabot ko ang buhok ni Ara at
sinabunutan.

"Ikaw kung ano pinagsasabi mo sa bata," sabi ko kay Ara habang hawak ang buhok niya
tinawanan niya naman ako. Tinanggal ko rin naman agad ang pagkakahawak sa buhok
niya.
"Opo gusto ko ng baby sisters and brothers." Masayang sabi ni Miguel.

"Ay jusko po," bigla kong na sabi. Mamaya talaga pagkababa ng kotse kukurutin ko si
Ara. Si Ara naman ay sobrang lakas ng tawa sa sagot ni Miguel.

"Daddy gusto ko ng kapatid," sabi ni Miguel habang nakatingin sa ama at humihinga


lang ng akala niya ay nabibili lang sa tindahan.

"Sure anak, wait ka lang ng nine months." Nakangiting sagot ni Seph kaya naman
pinalo ko siya sa braso niya at tiningnan siya ng masama.

"Okay po daddy," sabi ni Miguel habang nakangiti.

"Bwisit kayo kung ano-ano sinasabi niyo sa bata," sabi ko habang nakatingin ng
masama kay Ara at Seph na tawa ng tawa. Nakakainis itong mga ito.

"Bri kailangan makagawa agad tayo para hindi malungkot si Miguel." Nakangising sabi
ni Seph si Ara naman ay lalong tumawa kay Seph.

"Alam mo pakyu ka," sabi ko sa kanya na mahina lang iyong hindi maririnig ni
Miguel.

"Harder babe," sabi niya kaya naman kinurot ko siya sa baywang. Bwisit talaga.

"Tumigil kayo may bata!" Sigaw ko sa dalawa na lalong ikinatawa nila. Humarap na
lang ako sa may bintana at tumingin na lang doon mga abnormal kasama ko.

Bandang alas sinco ng hapon kami nakarating sa resort. Tulog na tulog si Miguel
dahil napagod yata sa pakikipagdaldalan kay Ara at itong si Ara kung ano-ano ang
tinuturo at sinasabi sa bata. Iyong ama niya naman tinatawanan lang si Ara. Nang
maiparada na ni Miguel ang kotse at bumaba na kami ni Ara si Seph naman ay kinuha
si Miguel at kinarga kinuha ko na ang bag namin at dinala ko na rin ang bag nila
Seph.

"Ako na sa bag," sabi ni Seph sa akin habang karga-karga si Miguel.


"Ako na magaan lang naman," sabi ko sa kanya. Napabuntong hininga na lang siya sa
akin. Kinuha ko na rin iyong malaking teddy bear.

"Ang ganda rito," sabi ni Seph habang naglalakad kami papasok sa lobby kung nasaan
ang reception. Doon ay nakita namin si Aislinn na kasama si Aisee at nang makita
kami ni Aisee ay tumakbo ito sa amin tapos niyakap agad ako sa bente ko umupo naman
ako at hinalikan siya. Lumapit din siya kay Ara at yumakap dito. Nang mapansin ni
Aisee si Seph na karga si Miguel ay tumingin ito kay Miguel na natutulog. Inabot
nito ang sapatos ni Miguel tapos hinila iyon.

"Anak bad iyan," sabi ni Aislinn sa anak niya kinarga naman niya ito.

"Miguel mommy," sabi ni Aisee habang nakaturo kay Miguel at pilit na inaabot si
Miguel.

"Anak tulog siya mamaya na lang kapag gising na," sabi ni Aislinn sa anak niya
nakanguso naman na tumango si Aisee. Tapos napatingin siya sa dala ko na kulay pink
na teddy bear tapos ngumiti siya.

"Nagkabalikan na kayo?" Tanong ni Aislinn agad sa amin habang nakatingin sa akin at


kay Seph si Ara naman ay tumawa ng malakas.

"Late ka na sa balita Ais, buntis na si Lila," sabi ni Ara habang tumatawa kinurot
ko naman agad siya tapos si Miguel ay parang naalingpungatan pero nakatulog ulit.

"Kamusta Aislinn may anak ka na pala," sabi ni Seph. Ngumiti lang naman si Aislinn.

"Gandang bata nito mana sa akin, ikaw ang laki na ng anak mo," sabi naman ni
Aislinn ngumiti lang naman si Seph.

"Tara na sa cabin niyo para makapagpahinga na ng maayos iyang bata," sabi ni


Aislinn. Lumapit lang siya sa receptionist at kinuha ang susi ng cabin namin. May
sariling cabin kasi kami rito sa resort. Magkakatabi lang ang cabin namin nila Ara
at Aislinn.

"Doon ka na sa cabin ni Lila, Seph ha dalawa naman kwarto roon," sabi ni Aislinn
napatingin naman ako sa kanya katabi niya si Ara na nakangisi sa akin.

"Bakit?" Tanong ko.

"Sira iyong aircon ng cabin ni Ara doon siya muna sa cabin ko," sabi ni Aislinn na
nakangisi rin sa akin. Mga hinayupak talaga.

"Okay lang naman kung hindi pwede kukuha na lang ako ng ibang cabin," sabi ni Seph.

"Ay walang available punuan na roon ka na kay Lila malaki naman iyong cabin niya
siya mismo nagdesign noon," sabi ni Aislinn tapos naglakad na.

"Tara na," sabi ko kay Seph sumunod naman siya sa akin. Naglalakad kami papunta sa
cabin namin at nang makarating kami roon ay binuksan ko iyon at pinapasok si Seph.
Binuksan ko iyong katabing kwarto ng kwarto ko at pinapasok si Seph. Hiniga niya
naman agad si Miguel sa kama.

"Not bad," sabi ni Seph habang nakatingin sa cabin ko. Inirapan ko naman siya.

"Pwede na akong mag-architect 'di ba?" Tanong ko sa kanya.

"Pwede na rin," sabi niya tiningnan ko naman siya ng masama. Simple lang naman ang
design ng cabin ko. Gawa ito sa kawayan at maganda ang pagkakadesign. Wooden floor
din ito. Iyong kwarto naman ay glass ang pader nito na makikita ang dagat mayroon
itong kurtina na kulay puti rin. Binuksan ni Seph ang sliding door para makapasok
ang hangin sa loob. Lumabas siya sa may sliding door at lumabas siya sa may veranda
may kahabaan iyon kasi. Napatingin naman siya sa kabilang kwarto kung nasaan may
sliding door din.

"Kwarto mo iyan?" Tanong niya sa akin. Tumango naman ako sa kanya.

"Sige lalagay ko muna mga gamit ko sa kwarto ko," sabi ko tapos lumabas sa kwarto
nila at pumasok sa kwarto ko. Mayamaya ay narinig ko na bumukas ang pintuan ng
cabin ko. Lumabas ako ng kwarto ko at nakita ko si Aisee ngumiti lang siya sa akin
tapos ng makita niya ang nakabukas na kwarto nila Seph ay tumakbo siya roon papasok
tapos umakyat siya sa kama at nagtatalon tapos niyakap niya iyong kulay pink na
teddy bear.
"Baby tulog si Miguel," sabi ko sa kanya. Ngumiti lang naman siya sa akin tapos
nagtatalon sa kama kaya ayon nagising si Miguel narinig ko naman na natawa ng
mahina si Seph. Si Miguel naman ay napadilat ang mata masama ang tingin nito pero
biglang umamo ng makita si Aisee.

"Aisee," sabi ni Miguel tapos kinurot ang matatabang pisngi ni Aisee na nakayakap
sa teddy bear.

"Akin na lang ito," sabi ni Aisee habang nakayakap sa teddy bear ngumiti naman si
Miguel.

"Gift ko sa iyo iyan," sabi ni Miguel ngumiti naman si Aisee.

Napalingon ako ng bumukas na naman ang pintuan ng cabin ko.

"Jusko buti naman nandito lang iyang tabachingching na iyan," sabi ni Aislinn ng
marinig niya ang tawa ng anak niya.

"Ginising si Miguel," sabi ko.

"Tinakasan ako iniwan ko lang saglit kasi inaayos ko kwarto ni Ara nagtatakbo na
pala papunta rito," sabi ni Aislinn. Nginitian ko naman siya.

"Kakain na tayo tara na," sabi ni Aislinn sa amin napatingin ako sa relo ko. Alas
sais na rin pala.

"Food!" Sigaw si Aisee tapos bumaba sa kama at tumakbo papunta sa mommy niya.

"Kakain na tayo," sabi ni Aislinn sa anak niya.

"Tara na," sabi ko kay Seph kasi si Miguel tumakbo rin papunta kay Aisee tapos
hinawakan ang kamay ng bata at sumabay ito palabas. Tumango naman si Seph tapos
sabay kaming lumabas sa cabin.
Sa isang cottage kami kumain puro mga seafood ang nakahain sa mesa. Sabay-sabay
kaming kumain habang nagkukwentuhan matapos namin kumain ay bumalik na kami sa
cabin. Nag-ayos lang ako ng sarili ko bago ako humiga sa kama ko, napagod din kasi
ako sa byahe hindi rin ako nakatulog sa sasakyan kanina. Mukhang iyong mag-ama ay
matutulog na rin kasi tahimik na sila.

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil ginising ako ni Aislinn tulungan ko raw
siya sa pag-aayos ng party ni Aisee. Kaya naman bumangon na ako at naligo tapos
nagbihis lang ako ng short shorts at kulang puting damit.

Sinarado muna namin iyong parte lung saang gaganapin ang birthday party ni Aisee
mga invited na tao lang ang nandoon. Si Aislinn ay aligang-aligaga dahil mamayang
ala una ng hapon ang start.

Natapos kami mag-ayos ng mga dapat ayusin ng bandang alas dose na ng tanghali kaya
naman mabilis na kaming kumilos para magbihis. Nagdress lang ako na kulay blue off
shoulder iyon. Si Miguel naman ay nakita ko na nakabihis na rin ng pang prinsepe na
costume.

"Gwapo naman ni Miguel." Puri ko sa bata. Nginitian lang naman ako ni Miguel tapos
tumakbo na palabas ng cabin. Tiyak na pupunta iyon kay Aisee sa kabilang cabin.
Mayamaya ay lumabas na sa kwarto si Seph bihis na rin ito nakasimpleng t-shirt lang
ito at nakapants na kulay black pero ang lakas ng dating niya.

"Tara na," sabi ko sa kanya at nauna na akong lumabas ng cabin.

Nang magsimula ang party ay masaya lang akong nakatingin kay Aisee na laging kasama
si Miguel. Nakapangprincess na gown si Aisee. Marami ring bisita iyong bata.
Nakaupo lang ako sa table namin kasama ko si Ara na kumakain. Si Seph ay nakabantay
sa anak niya na gusto magswimming sa dagat pati tuloy si Aisee gusto na rin
magswimming. Kaya naman ayon nasa dagat na si Seph na nakatopless na lang kasama
niya si Aisee at Miguel na may salbabida.

"Kamusta na kayo ni Seph kayo na nga ulit?" Tanong ni Ara sa akin.


"Hindi," sabi ko agad.

"Laki na ng anak niya," sabi ni Aislinn.

"Hindi niya tunay na anak si Miguel," sabi ko.

"Ano?!" Sabay na sigaw ni Aislinn at Ara.

"Kailan ko lang din nalaman," sabi ko.

"Nabudol siya?" Tanong ni Aislinn.

"Sira three years ago niya lang din daw nalaman," sabi ko.

"Napamahal na siya sa bata? Halata naman na mahal niya e," sabi ni Aislinn.

"True," sagot naman ni Ara.

"Kamusta kayo ng jowa mo?" Tanong ni Aislinn.

"Break na kami nahuli ko may kasamang iba," sabi ko.

"Seryoso?!" Sigaw ulit ng dalawa.

"Oo nga," sabi ko tapos nagkwento na ako sa kanila.


"Kaya ayoko sa lalaking iyon e, mainit dugo ko talaga." Nanggigil na sabi ni Ara
habang kumakain ng hipon.

"So mas may chance na kayo na ulit ni Seph?" Tanong ni Aislinn.

"Tumigil nga kayo mga abnormal talaga kayo," sabi ko sa kanila.

"Sus," sabi noong dalawa. Natigil lang ang pang-aasar nila ng natapos na maligo si
Aisee binanlawan na ito ni Aislinn pero ayaw pa sumama sa nanay niya dahil hindi pa
tapos magbanlaw si Miguel kaya naman si Aislinn ay kumuha na lang ng damit ng anak
niya habang si Aisee nakikipaglaro pa kay Miguel na nagbabanlaw pa.

"Lila, Ara?" Sabay kaming napatingin sa tumawag sa amin. Sabay rin. Nanlaki ang
mata namin ni Ara.

"Hoy Sprouse anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa taong tumawag sa amin.

"May kleyente ako rito na nakausap tapos sinama ako rito sa birthday party," sabi
niya sa amin.

"Bakit ka umalis sa site walang bantay roon?" Sabi ni Ara.

"Hindi naman kailangan bantayan ng site Ara," sabi ni Sprouse.

Mayamaya at dumating na si Seph na karga iyong dalawang bata na may tuwalya na


nilapag niya iyo sa tabi namin.
"Mama nasaan mommy ko?" Tanong ni Aisee sa akin. Napatingin naman ako kay Aisee
tapos kay Sprouse na nakatingin ngayon kay Aisee.

"Aisee tara kay mommy mo," sabi ni Ara at mabilis na kinuha si Aisee pero iyong
bata ayaw umalis na hindi kasama si Miguel.

"Ninang sama ko si Miguel," sabi ni Aisee habang nakatingin kay Miguel na


binibihisan na ni Seph.

"Architect Javier?" Kunot noong sabi ni Sprouse. Tumingin naman si Seph sa kanya.

"Engineer Sebastian ikaw pala," sabi nito habang binibihisan si Miguel.

"Mommy ko!" Sigaw ni Aisee kay Aislinn na papalapit sa amin may dala itong damit ni
Aisee. Mukhang hindi naman napansin ni Aislinn si Sprouse kasi dinaanan niya lang
ito at kinuha si Aisee kay Ara.

"Magkakasakit ka anak niyan," sabi ni Aislinn kay Aisee na pinupunasan niya ang
bata.

Si Sprouse naman at nakatitig lang sa nakatalikod na si Aislinn sa kanya.

"Aislinn," tawag ni Sprouse. Natigilan naman si Aislinn sa pagbihis sa anak niya


pero saglit lang ay tinuloy na niya ang pagbihis sa anak niya hanggang sa matapos
ito.

"Anak sama ka muna kay mama roon sa cabin nila," sabi ni Aislinn kinarga ko naman
si Aisee tapos si Miguel ay sumunod sa amin kasabay si Seph at Ara.
"Patay tayo Lila," sabi ni Ara. Napailing naman si Seph sa amin ni Ara.

"Bakit kasi nilapit mo pa iyong dalawang bata sa amin," sabi ko kay Seph.

"Sa inyo gusto punta noong dalawa," sabi nito. Pinagpapalo ko naman sa braso si
Seph hanggang makarating kami sa cabin namin.

Hays patay talaga kami kay Sprouse nito.

Chapter 23 - Chapter 22

Chapter 22

"Okay lang kaya si Aislinn?" Bigla kong tanong. Halos maghating gabi kasi ngayon
iyong dalawang bata tulog na roon sa kwarto ko.

Na text kasi sa akin si Aislinn na sa akin daw muna si Aisee, si Ara naman nasa
cabin ni Aislinn pero wala raw doon si Aislinn pa.

"Hayaan mo na lang muna baka bukas okay na iyon," sabi ni Seph na kasama ko na nasa
may veranda kaming dalawa umiinom kaming dalawa ng beer in can. Kanina pa kami rito
iniisip ko kasi si Aislinn. Nakaupo kaming dalawa ni Seph sa tapat ng kwarto ko
kasi nandoon ang dalawang bata tulog na tulog na.

"Matulog ka na Bri," sabi niya sa akin.

"Hindi rin naman ako makakatulog," sabi ko habang nakatingin lang sa beer na hawak
ko wala pa iyong kalahati kanina ko pa iyong hawak pero hindi ko gaano iniinom.

"Sige sasamahan na lang kita," sabi niya sa akin.

"Matulog ka na antok ka na yata," sabi ko sa kanya. Umiling naman siya sa akin.


"Kamusta ka na pala? Kamusta ka sa loob ng pitong taon?" Tanong niya sa akin.

"Okay naman ayon natupad ko lahat ng plano ko," nakangiting sabi ko nakita ko rin
naman na napangiti siya sa akin tapos uminom siya sa beer niya.

"Masaya ako para sa iyo," sabi niya sa akin.

"Ikaw kamusta ka?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti rin siya sa akin na kitang kita na
naman ang malalim niyang dimples.

"Okay naman, natupad ko rin ang mga pangarap ko," sabi niya sa akin.

"Siguro proud na proud sa iyo ang mommy mo kasi isa ka ng architect." Tumingin
naman siya sa akin tapos uminom ulit ng beer at tumingin siya sa langit na puno ng
butuin.

"Mommy proud ka ba sa akin?" Tanong niya habang nakatingin sa langit. Napanganga


naman ako sa kanya.

"Patay na ang mommy mo?" Tanong ko sa kanya. Tipid na ngumiti siya sa akin.

"Noong fourteen years old pa ako," sabi niya.

"Loko ka bakit hindi mo naikwento sa akin?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ka naman nagtanong e, atsaka bago pa kita maipakilala sa pamilya ko break na


tayo plano ko sana ipakilala ka pagkatapos mo magreview," sabi niya sa akin.
Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya.

Sa totoo kasi hindi niya talaga ako naipakilala sa pamilya niya kasi busy ako dati
sa pagrereview ko. At hindi ko rin siya gaanong nakilala noon dahil mabilis lang
din naman naging kami at mabilis din naghiwalay.

"Alam mo ba minsan napapaisip ako, paano kaya kung hindi tayo nagbreak dati?"
Tanong niya habang nakatingin na sa dagat na naririnig namin ang hagaspas ng alon.

"Siguro ganito pa rin naabot natin mga plano natin pero wala kang Miguel," sabi ko
sa kanya. Napangiti naman siya at sumilip sa glass kung saan nakikita iyong
dalawang bata na tulog na.

"Si Miguel ang naging pangyayari sa akin noong nawala ka," sabi niya habang
nakatingin kay Miguel na mahimbing ang tulog.

"Swerte sa iyo ni Miguel," nakangiti kong sabi sa kanya. Tumingin naman siya sa
akin at nginitian din ako.

"Swerte rin ako sa kanya," sabi niya sa akin.

"Parehas kayong dalawa," sabi ko sa kanya na mahinang tumatawa. Napatitig naman


siya sa akin habang nakangiti.

"Siguro kung tayo pa rin hanggang ngayon mag-asawa na tayo at marami na tayong anak
mga walo na," sabi niya. Tiningnan ko naman siya ng masama, mahina naman niya akong
tinawanan.

"Siraulo ka talaga," sabi ko sa kanya.

"Pero seryoso siguro mag-asawa na talaga tayo," sabi niya.

"Makapagsalita ka parang alam mo lahat a," sabi ko sa kanya. Tinawanan niya naman
ulit ako.

"Syempre siniguro ko iyon baka nga pagkapasa ko pa lang ng board exam niyaya na
kita magpakasal," sabi niya napailing naman ako sa kanya.

"Ewan ko sa iyo kung ano-ano pinagsasabi mo," sabi ko sa kanya.

"Bakit tatanggihan mo ba ako kung sakali?" Tanong niya sa akin. Tiningnan ko naman
siya tapos iniwas ko rin ang tingin ko kasi sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa
titig niya sa akin. Mayamaya ay lumapit siya sa akin at tumabi sa akin.

"Bri tinatanong kita," sabi niya sa akin.

"H-ha?" Kinakabahang tanong ko sa kanya.

"Kung yayain kita magpakasal anong isasagot mo?" Tanong niya sa akin.

"Ano?" Malakas na tanong ko sa kanya. Nginitian niya naman ako.

"Kung tatanungin kita ng will you marry me, ano isasagot mo?" Sabi niya sa akin na
malapit na ang mukha niya sa akin.

"A-anong tanong iyan kanina past tense pinag-uusapan natin bakit present na
ngayon?" Kinakabahang tanong ko sa kanya. Mahina naman siya natawa sa akin tapos
tinitigan ako. Sobrang lapit na niya sa akin ngayon amoy na amoy ko ang pabango
niya at ang hininga niya.

"Ano nga Bri?" Tanong niya sa akin habang nakatitig sa mga mata ko.

"H-hindi ko pa alam, atsaka ang bilis," sabi ko sa kanya nginitian niya naman ako.
Napaiwas na ako ng titig sa kanya dahil sa intensidad na titig niya sa akin,
napayuko na ako. Hinawakan naman niya ang baba ko at inangat ang mukha ko.

"Pitong taon Bri, pitong taon ako umaasa at naghihintay na malapitan kitang muli ng
gaya nito," sabi niya sa akin at dinikit niya ang noo niya sa noo ko. "Pitong taon
kung pinagdasal na sana bumalik ka na sa akin, nasa akin ka na ulit."

"Seph."

"Pitong taon pero ikaw pa rin Bri, ikaw pa rin ang mahal ko hindi iyon nawala,
walang sino man ang pumalit ikaw lang, ikaw lang ang babaing minahal ko ng ganito,"
sabi niya sa akin habang nakatitig sa mga mata ko, ako naman ay halos maduling na
dahil sa sobrang lapit namin. Sobrang bilis na rin ng tibok ng puso ko.
"H-hindi ko alam sasabihin ko." Pag-amin ko sa kanya, hindi ko kasi talaga alam ang
sasabihin ko sa kanya. Hindi ko alam naguguluhan pa ako, napangiti naman siya sa
akin tapos hinawakan niya ang dalawa kong pisngi.

"It's okay Bri, I love you." Napanganga naman ako sa kanya at sinalubong ang titig
niya sa akin. Hindi ko na inasahan ang sumunod na nangyari dahil lumapat na ang
labi niya sa labi ko.

Hindi ko alam kung ano ang ire-react ko sa ginawa niya nagulat ako sa ginawa niyang
paghalik sa akin. Marahan ang paghalik niya sa akin at puno ng emosyon. Hindi ko na
rin alam dahil sinasabayan ko na rin ang paggalaw ng labi niya sa labi ko.
Nakahawak na sa baywang ko ang isa niyang kamay habang ang isa ay nasa pisngi ko,
ang dalawang kamay ko naman ay nakalagay sa leeg niya.

"Daddy!" Sigaw ni Miguel mula sa kwarto kaya naman ay mabilis na naghiwalay kaming
dalawa. Si Seph naman ay mabilis na pumasok sa kwarto at pinuntahan si Miguel na
umiiyak. Nanaginip yata ang bata, mayamaya ay tahimik na ulit si Miguel at tulog na
ulit ito sa tabi ni Aisee. Bumalik sa pwesto namin si Seph, hindi naman ako
makatingin sa kanya ng deretso. Hiyang-hiya ako sa nangyari.

Jusko! Ano ba iyon Lila?!

"Matulog ka na roon sa kwarto namin ni Miguel doon na lang ako sa sala."

Tumango naman ako at mabilis akong pumasok sa kabilang kwarto. Pagkapasok ko ay


napahawak agad ako sa dibdib ko. Oh my gosh! Ano bang nangyari kanina.

Iniling-iling ko ang ulo ko tapos humiga na ako sa kama ko pero hindi ako makatulog
dahil sa tuwing pipikit ako ng mata ay naririnig ko ang sinabi niya sa akin o kaya
biglang papasok sa isipahan ko iyong nangyari kanina. Wala sa loob akong napatitig
sa kisame.

"Lila, huwag mo isipin iyon matulog ka na." Pagkunbinsi ko sa sarili ko.

Mayamaya pa ay sa kakaisip ko sa nangyari ay nakatulog na rin ako.

Nagising ako ng may humahalik sa leeg ko pataas papunta sa labi ko.


"I love you, Bri." Nakatitig na sabi sa akin ni Seph ng idilat ko ang mga mata ko.

"Seph," sabi ko matapos niya akong muling halikan.

Hindi ko na alam kung paano nangyari basta ang alam ko na lang ay wala na kaming
damit na dalawa at nasa ibabaw ko siya habang hinahalikan niya ako pababa sa leeg
ko papunta sa mga dibdib ko.

"Seph."

"Lila." Hindi ko alam ang nararamdaman ko at ang nangyayari.

"Kalila!" Bigla akong napabangon sa pagkakahiga ko ng may pumalo sa akin ng


napakalakas na unan. Napatingin naman ako sa paligid ko, maliwanag na sa labas at
si Ara ay nakapamaywang na nakatingin sa akin habang nakataas ang isang kilay niya
sa akin.

"Ano? Sarap ng tulog kasi napanaginipan mo si Seph. Ugh Seph! Ugh ka pa," sabi niya
sa akin habang nakangisi. Bigla naman akong nahiya. Shit ano ba kasi ang nangyayari
sa akin.

"Aha! Sabi na nagwet dream ka," sabi ni Ara sa akin. Tiningnan ko naman siya ng
masama at binato ng isang unan tumawa naman si Ara.

"Siraulo ka Maria Arabella!" Sigaw ko sa kanya.

"Hoy Kalila Aubrey huwag mo ako tawagin sa buong pangalan ko akala ko matutuwa ako!
Isusumbong kita kay Seph pinagnanasaan mo siya," sabi niya sabay takbo ng kwarto.
Mabilis ko naman siyang hinabol. Hanggang sa makarating kami sa labas doon sa
cottage kung nasaan sila Seph, Miguel, Aisee, at Sprouse.

"Sep---" tinakpan ko agad ang bibig ni Ara bago siya makapagsalita. Napatingin
naman sa amin sila Seph at Sprouse.

"Nasaan si Bebs?" Tanong ko sa kanila si Sprouse naman ay tiningnan ako ng masama.


"Pareng Sprouse pasensya na napag-utusan lang," sabi ko sa kanya. Tiningnan lang
niya ako tapos iniwas ang tingin at nakatingin na siya ngayon kay Aisee na puno ng
bibig ng pagkain.

"Si Aislinn kumuha lang ng maiinom," sabi ni Seph. Napatango naman ako at iniwas ko
ang tingin ko sa kanya.

"Okay," sabi ko tinanggal naman ni Ara ang kamay ko sa bibig niya tiningnan ko
naman siya ng masama nginisian niya naman ako tapos umupo na sa upuan sa gitna ni
Miguel at Aisee.

"Ninang, Miguel diyan e." Biglang sabi ni Aisee kay Ara.

"Ay sorry naman baby, grabe ka naman mas love mo na si Miguel kaysa sa ninang?"
Tanong ni Ara kay Aisee.

"Jowa ko si Miguel," nakangiting sabi ni Aisee. Napanganga naman ako sa sinabi ni


Aisee pati sila Seph at Ara.

"Aisee baby bawal ka pa magjowa bata ka pa," sabi ni Sprouse habang nakakunot noo.

"Sabi ni Miguel jowa ko raw siya," inosenteng sabi ni Aisee. Si Ara naman ay
humalakhal, hinila ko siya palapit sa akin tapos kinurot ko.

"Ayan kung ano-ano pinagsasabi mo," sabi ko sa kanya.

"Ugh Se-"

"Arabella!" Sigaw ko sa kanya, nginisian niya naman ulit ako.

"Ugh sige pa, sige pa." Sabi niya habang kinakanta iyong banyo queen na uso sa
tiktok.
Mayamaya ay dumating na si Aislinn na may dalang tubig na nasa lalagyan. Lumapit
agad siya kay Aislinn at kinarga ang anak niya bago tumabi sa amin.

"Mommy tabi kami ni Miguel," sabi ni Aisee.

"Aislinn may jowa na pala anak mo," sabi ni Ara kay Aislinn napatingin naman si
Aislinn kay Ara.

"Ano?" Malakas na tanong ni Aislinn pa pati si Aisee ay nagulat din sa pagsigaw


nito.

"Mommy galit ka?" Tanong ni Aisee sa nanay niya. Hinawakan naman ni Aislinn sa
pisngi ang anak niya tapos hinalikan sa noo.

"No anak, nagulat lang si mommy," sabi nito kay Aisee.

"Seryoso iyon Aisee, si Miguel daw jowa niya tanong mo pa sa anak mo," sabi ni Ara
kay Aislinn.

"Jowa ko Miguel mommy," nakangitinging sabi ni Aisee sa mommy niya na akala ko ay


pinagbigyan ito sa gusto nito.

"Talaga anak? Kailan pa?" Nakangiting tanong ni Aislinn.

"Matagal na po," sabi naman ni Miguel.

Humalakhak naman si Aislinn sa sinabi ni Miguel.

"Kailan kasal niyo?" Tanong ni Aislinn na mukhang sinasakyan lang ang biro ng mga
bata.

"Kapag malaki na po kami," sabi ni Miguel.


"Bata pa si Aisee tapos kasal na sinasabi mo Aislinn," sabi ni Sprouse napatigil sa
pagngiti si Aislinn at tumingin kay Sprouse.

"Anak ko ito, humanap ka ng sariling anak mo na paghihigpitan mo," sabi ni Aislinn


kay Sprouse. Natahimik naman si Sprouse at napatitig lang kay Aisee at Aislinn.

"Napuyat ka yata Bri tinanghali ka ng gising," biglang sabi ni Seph na nasa tabi ko
na pala nakaupo.

"Anong oras na ba?" Tanong ko.

"Alas onse na," sabi niya.

"Baka may nagpuyat sa kanya," sabi ni Ara habang nakangisi.

"Ara ha, tumigil ka na," sabi ko sa kanya tinawanan niya naman ako.

Umalis muna ako sa cottage at naghilamos muna at hugas na rin ng kamay dahil kakain
na kami ng tanghalian iyong mga bata ay nauna lang kumain dahil si Aisee kapag may
nakikita iyang pagkain ay kakainin niya na lang talaga. Pagbalik ko ay tumabi ako
kay Aislinn, ayaw pa sana ako paupuin ni Ara dahil siya ang katabi ni Aislinn pero
sumiksik ako sa gitna nila hanggang sa wala ng nagawa si Ara.

"Kamusta kayo?" Bulong kong tanong kay Aislinn habang nakatingin kay Sprouse.

"Okay naman," sabi ni Aislinn habang pinapakain si Aisee.

"Paanong okay?" Tanong ko ulit.

"Basta ayos naman," sabi niya.

"Weh? Alam na niya?" Tanong ko. Tiningnan naman ako ni Aislinn tapos tumingin kay
Sprouse na nakatingin kay Aisee na maganang kumakain.
"May dapat ba siyang malaman?" Tanong ni Aislinn napabuntong hininga naman ako.
Bahala na nga sila malalaki na sila.

"Sprouse sabay ka sa amin umuwi bukas o mamaya ka uuwi?" Tanong ko sa kanya.


Tiningnan niya naman ako saglit tapos binalik niya ang tingin kay Aisee.

"Sasabay na ako sa inyo bukas," sabi nito tapos kumuha ng tubig at pinainom kay
Aisee, nginitian naman siya ni Aisee.

"Sprouse gandang bata ni Aisee ano? Mini version ng nanay niya," sabi ni Ara
kinurot ko naman ulit siya.

"Yeah," nakangiting sabi ni Sprouse habang nakatingin kay Aisee.

Kumain na lang ulit kami habang nagkukwentuhan, si Ara lang ang kwento ng kwento
dahil mukhang awkward kami dahil sa mga nangyari kami ni Seph na-awkwardad ako
tapos sila Sprouse at Aislinn naman ay mukhang nagkakailangan din sila.

"Si Lila kanina umung--- Aray Lila!" Sigaw ni Ara ng sabunutan ko siya.

"Bebs alam mo ba si Ara tsaka si contractor niyang mabango nakita ko sila nag---"
nilagyan ni Ara ng pagkain ang bibig ko.

"Ang sarap ng seafood grabe kain ka lang Lila, hindi na ako madaldal promise," sabi
ni Ara ako naman ay napangisi sa kanya. Akala niya ha.

"May nakita ako kagabi," sabi ni Aislinn. Napakunot noo naman ako.

"Ano?" Tanong ko.

"Bebs nagkabalikan na ba kayo ni Seph?" Tanong ni Aislinn.

"Chismis, gusto ko iyan." Masayang sabi ni Ara.


"Hindi," naiilang kong sabi.

"Bakit kayo nagkiss?" Tanong niya sa amin.

"H-ha?" Kinakabahan kong tanong.

"Aha kaya pala!" Sabi ni Ara.

"Bebs baka nagkamali ka lang naku bilisan na natin kumain parang ang sarap
magswimming."

Matapos namin kumain ay nagpahinga lang kami at nang magbandang alas dos na ng
hapon ay nagkayayaan kaming nagswimming sa dagat ang mga bata naman ay nakasuot ng
salbabida habang bantay-bantay ni Seph ang anak niya si Sprouse din naman ay
binantayan.

"Ano iyong kiss?" Tanong ni Ara na nasa tabi ko na nakaupo sa buhangin


napapagitnaan ako ni Aislinn at Ara.

"Oo nga bebs? Ano iyong nakita ko kagabi?" Tanong naman ni Aislinn.

"W-wala iyon mga chismosa kayo," sabi ko sa kanila.

"Wala raw, baka nagkabalikan na talaga kayo ha tinatago niyo lang," sabi ni Ara.

"Wala nga kasi."

"Wala pa," sabi namam ni Aislinn.


"Tigilan niyo nga ako," sabi ko tapos tumingin ako kay Seph na masayang
nakikipaglaro kay Miguel.

Hindi ko kasi talaga alam kung ano na ang mangyayari sa aming dalawa matapos ng
nangyari kagabi. Hindi rin naman namin napag-uusapan. Tumingin sa akin si Seph at
nginitian niya ako. Napatitig naman ako sa kanya kasabay ng pagbilis ng tibok ng
puso ko.

Ano ba talaga nangyayari ulit sa akin?

Chapter 24 - Chapter 23

Chapter 23

"Kamusta na rito?" Tanong ko pagkapasok ko sa loob ng office nila Ara at Sprouse.


Nasa site ako ngayon. Isang linggo na rin ang nakalipas matapos makauwi kami galing
sa Batangas at ngayon ay balik trabaho na kami.

"Okay naman," sagot ni Sprouse habang nakatingin sa computer niya. Tiningnan ko


naman si Ara nagkibit-balikat lang siya sa akin. Lumapit naman ako kay Ara na
nakaupo sa table niya habang hawak ang calculator niya.

"Problema ni Sprouse?" Mahinang tanong ko sa kanya.

"Ewan ko riyan, noong isang araw pa hindi na mamansin iyan." Nakangusong sabi ni
Ara.

"Ehem, Ara at Lila hindi ba kayo magpapaliwanag kung bakit alam niyo kung nasaan si
Aislinn?" Tanong ni Sprouse na nakatingin sa amin.

Nagkatinginan naman kami ni Ara.

"Ara may bagomg recipe si mama na ilalabas sa restaurant ngayon gusto mo try
natin?" Sabi ko kay Ara habang nakangiti.
"Tamang tama gutom na ako."

"Ara, Lila tinatanong ko kayo." Inis na sabi ni Sprouse kami naman ni Ara ay
nagkunwaring walang naririnig.

"Dito ka lang Sprouse aalis lang kami ni Ara balik din naman agad si Ara," sabi ko
tapos sabay kaming labas ni Ara sa office. Narinig naman namin na nagsisigaw si
Sprouse tinawanan lang naman namin iyon ni Ara.

Pumunta nga kami sa restaurant ni mama at doon kami kumain ng lunch ayaw rin kasi
namin pag-usapan ang tungkol kay Aislinn dahil baka sabunutan kami noong babaing
iyon. Problema nilang dalawa iyon kaya bahala na sila roon malalaki na naman sila
at nasa tamang edad na para magdesisyon.

Matapos namin maglunch ay bumalik na sa site si Ara ako naman ay bumalik sa office
dahil may kailangan daw akong pirmahan agad.

Pagkarating ko sa lobby ng office ay nakita ko si Rocco na naghihintay na may


dalang bulaklak ng makita niya ako ay mabilis siyang lumapit sa akin.

"Lila," sabi niya sa akin sabay abot ng bulaklak tiningnan ko naman ang bulaklak na
hawak niya.

"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin.

"Love," malambing na pagtawag niya sa akin tapos hinawakan niya ang isang kamay ko
mabilis ko naman tinanggal ang pagkakahawak niya sa kamay ko, napatingin naman siya
sa akin.

"Wala na tayo," sabi ko sa kanya. "Makakaalis ka na marami pa akong gagawin."

Tinalikuran ko na siya pero bago pa ako makahakbang ay mahigpit niya akong


hinawakan sa braso.

"Ano ba bitawan mo ako," sabi ko sa kanya.


"Makinig ka muna sa akin Lila, Lila mahal na mahal kita." Napaaray naman ako sa
higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko.

"Rocco nasasaktan ako bitawan mo ako," sabi ko sa kanya habang pilit na tinatanggal
ang kamay niya sa pagkakahawak sa akin.

"Lila sa akin ka lang," sabi niya sa akin habang nakatingin ng masama.

Nagulat na lang ako ng biglang bagsak si Rocco at nasa likod na ako ni Seph na
nakakuyom ang kamao hindi ko nakikita ang mukha niya dahil nakaharap siya kay
Rocco. Mabilis naman na tumayo si Rocco ay sumugod kay Seph napasigaw naman ako.
Nagsusuntukan silang dalawa mayamaya pa ay lumapit na ang guard at ilang tao na
nasa lobby at pinipigilan ang dalawa.

"Tandaan mo Lila akin ka lang hindi ka mapupunta sa lalaking iyan," sabi ni Rocco
habang dinuduro niya si Seph.

"Umalis ka na," sabi ko kay Rocco.

"Ilabas niyo na iyan," utos ni Seph sa mga guard na may hawak kay Rocco
nagpupumiglas ito pero wala itong magawa ng mailabas na ito. Nilapitan ko naman si
Seph na may sugat sa kaliwang gilid ng labi niya.

"Okay ka lang ba?" Tanong ko kay Seph. Tumango naman siya sa akin. Hinila ko siya
papunta sa opisina ko ng madala ko siya ay kumuha ako ng first aid kit at ginamot
ko ang sugat niya.

"Ayos ka lang ba?" Tanong niya sa akin. Tumango naman ako sa kanya, napakunot noo
siya ng habang nakatingin sa braso ko na namumula at halatang kapag tumagal iyon ay
magkaroon ng pasa ito. Hinawak niya iyon ng marahan.

"Okay lang ako, mawawala rin iyan," sabi ko sa kanya habang nakangiti ng tipid.

Hindi rin siya nagtagal sa office ko dahil pinatawag siya, ako naman ay pumunta sa
table ko at kinuha ang mga papel na nasa lamesa ko binasa ko iyon bago ko pirmahan.
Mga materyales ito na kailangan sa site at ang iba naman ay galing sa office ni
boss.
Matapos ko pirmahan ang mga papeles ay ginawa ko na lang ang mga kailangan kong
ayusin tungkol sa project. Nang matapos ko ka iyon ay nagpahinga muna ako saglit
masakit ang batok ko dahil sa ginagawa ko.

Lumabas na ako ng opisina babalik na ako sa site pero paglabas ko ay nakasalubong


ko si Seph na nagmamadali.

"Anong problema Architect Javier?" Tanong ko sa kanya. Tumingin naman siya sa akin.

"Si Cassie nasa emergency room," sabi niya sa akin.

"Ano?" Gulat na tanong ko sa kanya.

"Si Miguel umiiyak nakita niya raw ang mommy niya," sabi niya. Bigla naman akong
nag-alala para kay Miguel.

Sumama ako kay Seph papunta sa hospital kung nasaan si Cassie. Pagkarating namin
doon ay nakita namin si Miguel na umiiyak ng makita niya kami at tumakbo siya sa
daddy niya tapos kinarga ito ni Seph.

"Daddy si mommy wala na raw po," sabi niya habang umiiyak. Hinaplos ko naman ang
likod ni Miguel.

Binaba ni Seph si Miguel lumapit naman agad sa akin si Miguel at yumakap sa akin,
dinala ko naman siya sa upuan sa may gilid at niyakap ko rin siya.

"Mama wala na akong mommy." Humihikbing sabi sa akin ni Miguel.

"Shh may mama ka pa naman nandito pa ako." Pag-aalo ko sa bata. Si Seph naman ay
pumasok sa loob kung nasaan si Cassie.

Nakayakap lang sa akin si Miguel habang umiiyak siya, iyak siya ng iyak habang
nakayakap sa akin. Inutusan ko muna saglit ang yaya ni Miguel na kuhaan ito ng
tubig mabilis naman itong kumilos at inabutan ako ng tubig pinainom ko naman iyon
kay Miguel. Ininom niya naman iyon habang humihikbi siya. Mayamaya ay lumabas na si
Seph.

"Bri pwede bang makisuyo na sa inyo muna si Miguel aasikasuhin ko lang si Cassie,
wala pa kasi ang mga mga magulang niya pauwi pa lang dito sa Pilipinas." Nakiki-
usap na pahayag sa akin ni Seph, nginitian ko naman siya.

"Oo naman," sabi ko. Tumayo ako sa pagkaka-upo ganoon din naman si Miguel.

Lumapit si Seph sa anak niya at pinahid niya ang luha nito gamit ang daliri niya.

"Anak kay mama Bri ka muna ha," sabi nito sa anak tumango naman si Miguel sa ama
nito. Tiningnan ni Seph ang yaya nito ay kinausap ito.

"Tara na Miguel," pagyaya ko sa bata. Hinawakan ko naman ang kamay ni Miguel


humawak rin naman siya sa kamay ko ay sabay kaming naglakad pababa. Wala akong
dalang kotse kay magta-taxi na lang kami pauwi ang yaya naman ni Miguel ay
nasasunod lang sa amin pero pagbaba namin ay iniwan ko muna si Miguel sa yaya niya
para ako ay magpara sa taxi. Nagulat na lang naman ako ng may kulay itim na van ang
tumigil sa harapan ko at pinasok ako sa loob ng dalawang lalaking nakaitim na bonet
sa mukha nila.

"Bitawan niyo ako," sabi ko habang pilit na kumakawala ako sa kanila.

Bigla na lang akong sinikmuraan ng isang lalaki tapos may pinaamoy sa akin gamit
ang panyo. Nanghina naman ako at unti-unti nawalan ng malay. Bago ako mawalan ng
malay ay narinig ko ang pagsigaw ni Miguel ng mama.

Nagising na lang ako na nakatali ang dalawang kamay ko sa dalawang poste ng kama.
Napatingin naman ako sa sarili ko at nakahinga ako ng maluwag ng makita kong
kompleto pa ang suot kong damit. Napatingin ako sa paligid ko. Nasa loob ako ng
isang kwarto hindi ko makita ang labas dahil nakaharang ang makakapal na kurtina sa
glass wall.

Sino ang may gawa nito sa akin?

Napatingin ako sa pintuan ng bumukas iyon pumasok doon si Rocco na may dalang isang
tray na may laman na pagkain.
"Anong ginawa mo Rocco?" Tanong ko sa kanya habang papalapit siya sa akin. Umupo
siya sa kama at nilapag ang tray na dala niya.

"Kumain ka na love," sabi niya sa akin habang hawak niya ang kutsara na may lamang
pagkain.

"Hindi ako nagugutom," sabi ko sabay baling ng leeg ko sa ibang direksyon ng ilapit
niya sa akin ang pagkain.

"Kumain ka na," mahinahon niyang sabi sa akin.

"Pakawalan mo na lang ako," sabi ko sa kanya. Binaba niya ang kutsara at tiningnan
ako.

"Hindi kita papakawalan at hahayaan na mapunta sa lalaking iyon." Mariin niyang


sabi habang nakatitig sa akin. Naluluha naman akong tumingin sa kanya.

"Please pakawalan mo na ako," pagmamakaawa ko sa kanya hinawakan naman niya ang


pisngi ko tapos pinahid niya ang luha ko.

"Akin ka lang Lila," sabi niya sa akin bago niya tanggalin ang pagkakatali sa mga
kamay ko. Nang matanggal niya iyon ay tumayo niya at tinalikuran ako.

"Kumain ka na Lila," sabi niya bago siya lumabas ng kwarto. Mabilis naman akong
tumayo sa kama at pilit na binuksan ang kwarto pero hindi ko mabuksan nakalock
iyon. Nilapitan ko ang telepono na nasa side table pero hindi iyong gumagana.
Binuksan ko ang kurtina pero madilim na sa labas at wala na akong makita, sinubukan
ko rin buksan ang glass door pero nakalock rin ito.

Wala akong makitang ibang paraan na para makaalis dito. Wala rin akong magalit para
makalabas ako, hindi ko alam kung paano ako makakatakas dito.

Sa kakaisip ko kung paano ako makakatakas ay nakaramdam ako ng gutom napatingin ako
sa iniwang pagkain ni Rocco. Nilapitan ko iyon at kinain ko hindi dapat ako
manghina kailangan ko makatakas dito.
Matapos ko kumain ay tinabi ko ang pinagkain ko at umupo ako sa kama at nag-isip ng
paraan kung paano makakaalis dito. Sa kakaisip ko ay hindi ko na malayan na
nakatulog na ako nagising na lang ako sa sinag ng araw na nanggaling sa labas.
Hindi ko pala naisarado ang kurtina kaya tumagos ang init doon. Mabilis akong
bumangon sa pagkakahiga ko at tumingin sa labas pero puro mga puno lang ang
nakikita ko para akong nasa bundok o malayong lugar na para bang napakaliblib na
nito.

"Nasaan ako?" Tanong ko sa sarili ko. Napatingin ako sa may pintuan ng bumukas
iyon.

"Good morning." Nakangiting bati sa akin ni Rocco habang may hawak ulit itong tray
na may dalang pagkain.

"Nasaan ako Rocco?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ko sasabihin sa iyo at kung susubukan mo naman tumakas ay hindi mo ka


makakatakas," sabi niya sa akin matapos niya malapag ang pagkain sa kama ko.
Tumingin naman ako sa kanya.

"Paakawalan mo na ako." Pagmamakaawa ko sa kanya.

"Kumain ka na Lila," sabi niya na para bang walang siyang narinig sa sinabi ko
kinuha niya iyong tray na dala niya kagabi bago siya lumabas ng kwarto. Napaiyak
naman ako.

Gusto ko na umuwi.

Hindi ko kinain ang pagkain na dala ni Rocco, hinayaan ko lang iyon hanggang sa
pumasok siya sa kwarto ko na may dala ulit na pagkain pangtanghalian naman iyon.
Napatingin siya sa dinala niyang pagkain sa akin.

"Kumain ka Lila." Utos niya sa akin hindi ko naman siya pinansin kaya naman
hinawakan niya ako sa braso at pilit na sinubuan ng pagkain. Wala naman akong
magawa kung ang kainin ang pilit niyang pinapakain sa akin. At nang matapos akong
kumain ay lumabas na ulit siya ng kwarto dala ang tray na pinagkain ko.

Hanggang umabot ulit ng gabi ay ganoon ulit ang nangyari iniwanan niya ako ng
pagkain at lalabas siya ng kwarto. Kinain ko naman ang pagkain na dala niya. Inayos
ko muna ang pinagkainan ko bago ako matulog.

Kinabukasan ay ganoon pa rin ang nangyayari magdadala siya ng pagkain sa kwarto at


lalabas din siya pagkahatid niya. Ako naman ay pinagmamasdan ko ang labas na puro
puno ito may napansin din ako na may mga taong umiikot sa buong bahay.

Nang kinagabihan ay pinakiramdaman ko si Rocco na papasok sa loob ng kwarto. Hawak-


hawak ko ang isang vase sa kamay ko at nang bumukas ang pintuan ng kwarto ay pinalo
ko sa ulo ni Rocco ang hawak kong vase. Nahilo naman ito at bumaksan. Mabilis naman
akong tumakbo palabas ng kwarto marahan akong bumaba sa hagdan at kapag may mga
tauhan si Rocco na napapadaan ay tumatago ako ng mabuti hanggang sa makalabas ako
ng bahay. Malakas ang ulan sa labas pero tumakbo ako roon pero hindi pa ako
nakakalayo ay narinig ko na sumisigaw si Rocco kaya naman mas binilisan ko ang
pagtakbo ko kailangan ko makaalis dito. Tumakbo lang ako ng tumakbo kahit hindi ko
alam ang daan na dinadaan ko. May narinig akong ilang putok ng baril kaya naman
napapatigil ako at napapahawak sa tainga ko pero tatakbo ulit ako hanggang sa
makakita ako ng highway. Mabilis akong tumakbo papunta roon pero bago pa ako
makapunya roon ay may humawak na sa baywang ko.

"Hindi ka makakatakas Lila," sabi ni Rocco sa akin. Pilit ko naman tinatanggal ang
kamay niya sa baywang ko.

"Bitawan mo ako, tulong! Tulungan niyo ako!" Sigaw ko matapos ako buhatin ni Rocco
habang hawak ako sa baywang ko. Pinagsusuntok ko si Rocco sa mga nahahagip ng kamay
ko. Mayamaya ay binaba niya ako at hinawakan sa braso nagpumiglas naman ako.

"Bitawan mo ako please Rocco." Pagmamakaawa ko sa kanya. Bigla niya naman ako
tinutukan ng baril nakaramdam naman ako ng takot.

"Manahimik ka Lila, hindi na ako natutuwa sa iyo," sabi niya sa akin at pilit akong
hinihila pabalik sa bahay na pinagtaguan niya sa akin.

"Itaas mo ang mga kamay mo Mr. Cortisol!" Sigaw ang isang lalaking naka-uniform na
pangpulis. Bigla naman naalarma si Rocco at hinila niya ako palapit sa kanya at
pinulupot niya ang isang kamay niya sa leeg ko bago ako tutukan ng baril.

"Huwag kayong lalapit," sabi nito ng may pulis na papalapit.

Mayamaya ay may nagpaputok na isa sa mga tauhan ni Rocco kaya naman si Rocco ay
hinila ako ulit patakbo papalayo sa mga pulis na pinapaputukan ng tauhan ni Rocco.
Dahil medyo basa na rin kami ay pinilit kong makawala sa mahigpit na pagkakahawak
sa akin ni Rocco nagtagumpay naman ako dahil medyo dumulas ang kamay niya sa akin
dahil basang-basa na kami ng ulan. Mabilis naman akong tumakbo papalayo kay Rocco.

"Lila!" Sigaw niya sa akin at nagpaputok ng baril mabilis naman akong tumakbo
papalayo sa kanya. Nang mapagod ako kakatakbo ay tumago ako sa isang malaking puno.

"Lila lumabas ka na!" Gigil na sigaw ni Rocco bago magpaputok ulit tinakpan ko
naman ng kamay ko ang bibig ko dahil sa muntik na akong mapasigaw sa gulat. Sinilip
ko si Rocco na papalapit na sa akin. Marahan naman ulit akong tumakbo.

"Kalila!" Rinig kong sigaw ni Rocco. Nagulat naman ako ng may humila sa akin
sisigaw na sana ako ng bigla nitong takpan ang bibig ko.

"Shh Engineer Morales," sabi nito nakahinga naman ako ng maluwag ng makita na isang
pulis ito tinago niya ako sa likod niya at may sinenyasan siyang mga ibang pulis
din pala.

"Kalila lumabas ka!" Sigaw ni Rocco.

Mayamaya ay naglabasan ang mga pulis nagkaputukan sila ako naman ay nakatago lang
may puno habang nakatakip sa tainga ko ang mga kamay ko. Nagulat na lang ako ng may
yumakap sa akin napatingin naman ako ng makita ko si Seph iyon ay naiyak ako
niyakap ko rin siya ay umiyak ako sa kanya. Marahan niya akong tinayo.

"Ligtas ka na Bri," sabi niya sa akin napansin ko naman na wala ng putukan. Humina
na rin ang pagbagsak ng mga ulan dinala ako ni Seph sa may highway kung nasaan ang
nandoon ang mga kotse ng mga pulis may binigay siya sa akin na tuwalya.

Nakita ko si Rocco na hawak ng mga pulis napatingin siya sa akin at kay Seph na
masamang nakatitig dito habang nakikipag-usap si Seph sa isang pulis. Nagpumiglas
ito at dahil may kalakasan ang pagpumiglas nito at inagaw nito ang baril sa pulis
at tinotok kay Seph nanglaki naman ang mata ko mabilis akong tumakbo papalapit kay
Seph at hinarang ko ang sarili ko. Nakarinig ako ng tatlong sunod na putok at
nakaramdam ako ng sakit ng tumama ito sa likod ko. Napaubo ako ng dugo, nanghina
ako at nanglabo ang paningin napatingin ako kay Seph na nag-aalalang nakatingin sa
akin. Saglit akong ngumiti sa akin bago mawalan ng malay.

Hindi ko kaya na mawalan ng ama pa si Miguel. Masaya ako na ligtas si Seph.

Chapter 25 - Chapter 24

Chapter 24

Seph's

Freshmen na ako ngayon nakakatuwa at kaunti na lang matutupad ko na ang pangarap ko


na maging isang Architect gaya ni mommy.

"Tapos ka na sa mga plates mo Seph?" Tanong sa akin ni Loki na matalik kong


kaibigan simula high school pa. Tumango ako sa kanya habang kumakain ako.
Naglulunch kami ngayon sa canteen mamaya ay may klase na ulit kami.

"Buti ka pa," sabi nito at nagsimula na rin kumain. Habang kukamakain kami ay
nakaranig ako ng isang malakas na tawa na para bang tuwang-tuwa ito at wala itong
pakialam sa tao sa paligid nito.

Napatingin ako sa pinagmulan ng tawa at nakita ko ang isang babae at isang lalaki
pero hindi ko sure kung lalaki ba talaga ito.

Napatitig ako sa babaing malakas na tumatawa na akala mo ay walang mga matang


nakatingin sa kanya. Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang nakatingin ako sa
kanya.

Maganda niya pero lalo siyang gumaganda habang tumatawa siya na halos nawala na ang
mata niya kakatawa.

"Seph matunaw iyang tinitingnan mo, ganda ano?" Sabi sa akin ni Loki napatingin
naman ako sa kanya at ngumisi bago ko ibalik ang tingin ko sa babaing tumatawa pa
rin na para bang tuwang-tuwa ito sa kanyang kausap.
"Typo mo Seph?" Tanong ulit sa akin ni Loki hindi ko na siya pinansin at hindi ko
inalis ang tingin ko sa babaing tumatawa.

"Tangina type nga ni Joseph!" Sigaw ni Loki kaya naman tiningnan ko siya ng masama
at umiling-iling ako.

"Marinig ka niyan, huwag ka ngang maingay." Pagsuway ko rito.

"Tangina Seph binata ka na, hayaan mo ipagtatanong ko sa mga chicks ko pangalan ng


crush mo," sabi nito hindi ko na lang siya pinansin pero natutuwa ako kapag naisip
ko na malalaman ko ang pangalan ng babaing tumatawa.

Matapos namin kumain ay pumasok na kami sa classroom namin dahil may klase kami.
NSTP 1 ang subject namin kaya naman hindi ako masyadong nakikinig nagdodrawing lang
ako sa aking sketchpad. Dino-drawing ko iyong magandang babae na nakita ko sa
canteen kanina.

"Inlove ka na agad Seph?" Nakangising bulong sa akin ni Loki habang nakatingin sa


dinodrawing ko. Hindi ko na lang ulit siya pinansin, matapos kong magdrawing ay
tumingin ako sa may pintuan. May maliit na glass doon na makikita mo ang labas.

Napaayos ako ng upo ng makita ko iyong babaing nakita ko kanina sa canteen na


sumilip sa may glass. Si Loki naman ay mahinang sumipol-sipol habang nang-aasar.
Bumagsak ang balikat ko ng mabilis itong umalis ng akbayan ito ng isang lalaki.

"Pare may syota na yata ang type mo," sabi ni Loki habang mahinang tumatawa.
Napabuntong hininga naman ako at muling tumingin sa may pintuan na pinagsilipan
nito bago ako humarap sa professor namin na nagtuturo sa harapan namin. Nang
matapos ang klase namin ay umuwi ako na iniisip ko pa rin iyong babaing magandang
nakita ko sa canteen napapangiti ako kapag naalala ko kung paano siya tumawa
kanina.

Kinabukasan ay maaga akong pumasok at si Loki naman ay umakbay agad sa balikat ko.

"Good news! Walang jowa ang type mo," sabi nito napatingin naman ako sa kanya at
napangiti ako.
"Kanino mo nalaman?" Tanong ko.

"Nagtanong-tanong ako roon sa nakasabay ko kanina papasok kaklase pala iyon ng


crush mo. Chicks din iyong nakasabay ko pare kaso fifth year na pala sila mga
graduating na," sabi nito.

"Ano naman kung graduating," sabi ko sa kanya.

"Meaning mas matanda sa atin at hindi rin magtatagal dito aalis na rin," sabi ni
Loki sa akin. Natigilan naman ako.

"Ano naman kung mas matanda siya?" Kunot noong tanong ko. Tinapik naman ako sa
balikat ni Loki at nginitian ako.

"Pare kung gusto mo talaga ligawan mo agad balita ko magiging busy iyan sila
pagkagraduate raw nila," sabi sa akin ni Loki. Napailing naman ako sa sinabi niya
sa akin pero napaisip din ako.

Simula ng araw na iyon ay pumupunta ako sa canteen at siya agad ang hinahanap ng
mga mata ko nakikita ko naman siya sa canteen na mayroong kasama na tatlong babae
at tatlong lalaki tapos may laptop siya sa harapan niya habang kumakain siya ang
mga kasama niya naman ay busy sa pagsusulat sa papel habang mga kumakain din,
napansin ko na katabi niya iyong lalaking umakbay sa kanya at pilit siya nitong
pinapakain.

Humanap ako ng mauupuan ko at tsamba naman dahil malapit sa pwesto nila.

"Lila kumain ka na mamaya na iyan," sabi noong lalaki na umakbay sa kanya.

Lila pala ang pangalan niya.

Napangiti naman ako habang nakatingin sa kanya. Kinuha niya iyong plato niya tapos
sumubo siya ng tatlong sunod bago binalik ang atensyon ang ginagawa nito.

"Seph!" Sigaw ni Loki ng makita niya ako kasama niya ang mga kaklase namin na sila
Cassie, Lucas at Lesley.
Lumapit sila sa akin tumabi sa akin si Cassie habang nakangiti si Loki naman ay
ngising-ngisi sa akin habang nakatingin sa katabing table namin kung nasaan nakaupo
sila Lila. Bagay na bagay sa kanya ang pangalan niya. Lumapit sa akin si Loki at
bumulong.

"Kalila Aubrey Morales ang pangalan pare," sabi nito sabay nguso sa kabilang table
kung nasaan si Lila. Napangiti naman ako. Kalila Aubrey Morales.

"Sino tinitingnan niyo?" Tanong ni Cassie sa amin ni Loki habang nakatingin din sa
kabilang table kung saan ngumuso si Loki.

"Wala, kain na tayo ng lunch," sabi ko bago ako tumayo sa pagkaka-upo ko. Umorder
ako ng makakain ko nang makuha ko na iyon ay nilapag ko iyon sa table namin bago
bumalik ulit para bumili ako ng juice.

"Pineapple juice po," sabi ko sa tindera.

"Ate lemonade po." Napalingon naman agad ako sa tabi ko. Bigla akong kinabahan ng
magsalubong ang titig namin ni Kalila, iniwas agad nito ang tingin sa akin at
tumingin lang sa tindera na umaasikaso sa order namin.

"Pogi, pineapple juice mo," sabi sa akin ng tindera kaya naman kinuha ko na iyon at
binayaran. Nakatayo lang ako roon habang nakatingin kay Kalila. Nang makuha nito
ang order niya ay ngumiti ito at umalis na, napangiti naman ako habang nakatingin
sa kanya na naglalakad papunta sa table nila. Napailing ako sa sarili ko bago
bumalik sa table namin pagbalik ko roon ay pasipol-sipol si Loki.

Habang kumakain ako ay nakatingin ako sa dereksyon ni Kalila. Busy na busy ito sa
ginagawa niya ganoon din ang mga kasama niya. Sakto na natapos naman ako kumain ay
tumayo na ang grupo nila Kalila. Mukhang mga nagmamadali sila.

"Ara pakidala noong notes ko, sabi kasi bantayan ang oras ayan start na ng class sa
geotechnical engineering 2 natin." Nagmamadaling sabi ni Kalila, nang maayos na ang
mga gamit nila ay mabilis silang tumakbo palabas ng canteen hindi ko naman
mapigilan matawa sa kanila kasi halos madapa na sila sa pagmamadali nila.

"Bakit ka tumatawa Seph, nababaliw ka na ba?" Tanong sa akin ni Lucas.


"Wala lang," sabi ko.

Halos araw-araw ay inaabangan ko sa canteen si Kalila pero hindi siya madalas doon.
Mas madalas ko na silang nakikita roon sa mga benches na may mga puno sa gilid ng
building namin. Nandoon ang grupo niya na sabi sa akin ni Loki ay group mates niya
raw sa thesis nila. Pansin ko rin naman kay Kalila na stress na stress siya minsan
naman ay halatang puyat ito.

Tinititigan ko lang siya sa malayo habang busy siya sa mga ginagawa niya. At iyong
kaibigan niyang lalaki alagang-alaga rin si Kalila dahil minsan si Kalila hindi ito
kumakain dahil nakatotok lang ito sa laptop. Kung hindi nga lang sinabi ni Loki na
wala silang relasyon hindi ko paniniwalaan talaga.

Kapag naglalakad naman ako sa corridor ng building namin ay pasimple akong


sumusulyap sa mga classroom nagbabakasakali ako na makita ko siya. Isang araw
habang naglalakad ako sa fourth floor ay pasilip-silip ako sa mga classroom ay
nakita ko siya, nagdidiscuss ang professor nila tapos siya nakahalumbaba tapos
nalatingin sa notes niya. Pigil naman ako ng tawa ng muntik na siyang masobsob sa
notes niya, akala ko ay nagsusulat ito pero mukhang umiidlip ito. Puyat siguro sa
thesis nila. Balita kasi sa akin ni Loki malapit na rin daw ang title defense nila
kaya siguro puyat lagi siya.

Sinearch ko siya sa facebook pero hindi ko ina-add lagi ko lang tinitingnan ang
timeline niya pero wala akong makitang mga post niya puro tags at share post lang
ang nakikita ko sa wall niya. Si Loki ina-add siya sa facebook inaccept naman daw
siya pero wala naman itong mga post talaga.

Isang araw nagmamadali ako habang hawak ko ang mga plates ko dahil pasahan na namin
ng mayroon akong nakabangga na isang babae nahulog ang mga plates ko tapos ang
masama pa naapakan niya pa ito. Napasabunot naman ako sa buhok ko habang nakatingin
sa plates ko na marumi na handa na sana akong sumigaw ng makita ko ang magandang
mukha ni Kalila, halatang puyat ito sa itsura niya at nagmamadali ito.

"Hala sorry, sorry talaga pasensya ka na talaga," sabi niya sa akin habang
tinutulungan ako magpulot ng plates ko na nahulog.

"O-okay lang," wala sa loob kong sabi. Nang mapulot na namin ang mga plate ay
nagmadali siyang nagpaalam. Napangiti naman ako dahil nakausap ko siya kahit saglit
lang pero bagsak naman ang balikat ko ng mapatingin ako sa plates ko. Naipasa ko
naman iyon pero mababa na ang grades ko pinagpuyatan ko pa naman iyon pero ayos
lang aksidente talaga ang nangyari. Hindi ko nga alam kung malas ba iyon o swerte
ko e.
Isang araw habang nakatambay ako sa laging tinatambayan nila Kalila ay nakita ko
siyang mag-isa sa lang doon habang nagsusulat siya sa yellow pad.

"Lapitan mo na Seph," sabi sa akin ni Loki habang marahan na tinulak ang balikat
ko.

"Busy pa siya," sabi ko naman habang nakatingin kay Kalila.

"Torpe naman nito," sabi sa akin ni Loki tiningnan ko lang siya at umiling lang ako
sa kanya bago ko ibalik ang tingin ko kay Kalila.

Napangiti naman ako ng makita ko siyang nakahiga na sa papel niya. Mukhang puyat na
naman talaga siya at pagod na pagod balita ko kasi galing kay Loki na structural at
experimental ang thesis nila marami silang inaasikaso. Tapos malapit na mag title
defense according kay Loki. Hindi ko nga alam kung paano nalalaman iyon ni Loki
para siyang chismoso kung makasagap ng balita tapos sa senior pa namin.

"Aba lapit na nakatulog na iyong iniibig," sabi sa akin ni Loki. Tumayo naman ako
sa kinauupuan ko at lumapit sa inuupuan ni Kalila, tulog na tulog siya nakaharang
sa maganda niyang mukha ang ilang hibla ng buhok niya. Marahan ko naman tinanggal
ang ilang hibla na tumatakip sa mukha niya. Napangiti ako sa kanya dahil medyo
nakaawang pa ang bibig niya habang tulog siya. Tinitigan ko lang siya tapos nag
iwan ako ng sandwich at isang C2 na kulay red na napansin ko na lagi niyang
iniinom.

Mabilis akong umalis sa tabi ni Kalila ng makita ko ang mga kagrupo niya ng
papalapit. Nakangiti akong bumalik kung nasaan si Loki. Si Loki naman ay nakangisi
sa akin tapos tinapik ang balikat ko.

Title defense nila Kalila, sakto na sa tapat ng classroom namin sila mag-title
defense. Maaga ang klase namin kaya naman maaga pa lang ay nakita ko na siya. Tapos
nakita ko na gumugupit siya ng mga letters na pang design nila. Mukhang ngayon lang
sila nag-aayos. Nakalongsleeve na kulay puti si Kalila at nakaslacks ito tapos
nakatirintas ang buhok niya. Napansin ko na ang mga kagrupo niya ay ganoon din ang
kulay ng mga pang-itaas na damit nila.

Habang nagkaklase ako ay pasilip-silip ako sa labas ng room namin. Nakita ko naman
na una silang sasalang sa title defense. Nakita ko na kinakabahan ang buong grupo
nila. Tinutulungan siya noong kaibigan niya na si Ara na ayusin ang name plate ni
Kalila. Mayamaya ay pumasok na sila sa loob.
"Naggoodluck ka ba sa iyong miss CE?" Tanong sa akin ni Loki habang nakatingin din
pala sa tinitingnan ko kanina.

"Hindi," sabi ko.

"Mahina talaga," sabi niya bago tumingin na ulit sa harap. Natapos naman ang klase
namin hindi kami lumipat ng room na ikinatuwa ko naman dahil maghapon na iisang
room lang ang gagamitin namin. Natapos na rin ang sumunod naming klase ay hindi pa
rin lumalabas sila Kalila magdadalawang oras na sila sa loob tapos lunch na rin.
Nakita ko nga iyong mga kaklase nila Kalila na kumakain na ng lunch nila. Sakto
naman na palabas ako ng room ay lumabas na rin sila mga bagsak ang balikat nila
pero nakangiti sila.

"Ano balita?" Tanong ng isa nilang kaklase ako naman ay palihim na nakinig.

"Revise kami pero okay lang kaya namin iyon," sabi niya habang nakangiti napangiti
naman ako dahil nakita ko na mukhang medyo okay naman siya.

"Gutom na gutom na ako wala manlang nagpatubig sa amin," sabi pa niya.

"Nandiyan pagkain niyo kain na kayo," sabi ng kaklase niya pumasok na sila sa isang
classroom na okapado nila.

"Tara na lunch na tayo gutom na ako," sabi sa akin ni Loki. Bumaba na naman kami at
kumain ng lunch. Matapos namin kumain ng lunch ay umakyat agad kami sa room. Wala
pa naman kaming klase dahil one hour break pa kami kaya naman nagdrawing na lang
ako habang pasimpleng sumusulyap kay Kalila na pasilip-silip sa room kung saan may
nag ta-title defense. Mayamaya ay kausap na nito ang isa niyang kagrupo tapos umupo
siya sa sahig natawa ako ng bigla siyang ginupitan ng bangs ng babaing kasama niya.
Habang ginugupitan siya ng bangs ay may mga kaklase siyang lalaki na tinatawanan
sila tapos magpipicture kasama sila. Matapos noon ay tinirintasan na siya ng kasama
niyang babae mukhang sinasabi niya sa babae kung anong tirintas ang gusto niya.
Natapos siya tirintasan ay nakangiti na siyang tumayo ay pumasok sa isang classroom
nila.

Wala kaming professor ng sunod na subject dahil may emergency raw sila. Wala na
kaming klase pero nagpaiwan lang ako sa room kasama ko si Loki at Lucas na
nagpaiwan gumagawa sila ng plates ako rin naman ay gumagawa rin. Lumabas ako ng
room namin at pasimple akong sumilip kay Kalila nakita ko siya na nakaupo sa isang
upuan sa gilid sa classroom.
"Nagugutom na ako," sabi nito habang nakatingin sa tapat niya kung nasaan may
nakaupo rin na nonood sa laptop.

"Tamad pa ako bumaba mamaya na Lila," sabi noong lalaki na lagi niyang kasama.
Nanonood ito sa laptop. Si Kalila naman ay sumobsob sa armrest mukhang iidlip muna
siya halatang puyat pa rin kasi siya.

Saglit naman akong bumaba at bumili ng hotdog sandwich at isang malaking C2 na


kulay pula. Pasimple kung sinilip si Kalila nakasobsob pa rin siya sa kinauupuan
niya abala naman manood ng movie sa laptop ang mga kasama niya na nasa tapat.
Pasimple akong dumaan sa gilid ni Kalila at mabilis kong nilapag sa katabi niyang
upuan ang binili kong sandwich at C2.

Mayamaya ay nagising na siya tapos humikab pa siya, napangiti naman ako sa kanya.
Tumingin siya sa mga kaibigan niya na nanonood pa rin tapos tumingin siya sa katabi
niyang upuan napangiti naman siyang kinuha ang pagkain.

"Salamat Sprouse!" Sigaw ni Kalila habang kumakain. Napangiti naman, okay lang
kahit iba ang pasalamatan niya.

"Seph uwi na tayo," sabi sa akin ni Loki. Nagdadalawang isip naman ako kung uuwi na
ako pero sa huli ay sumama na ako kay Loki.

Pagkauwi ko sa bahay ay tinapos ko na ang mga assignments ko at ang plates ko na


kailangan matapos ko na. Bandang alas onse ng gabi ay natapos na akong gawin ang
mga gagawin ko nagcheck ako ng facebook ko tapos tiningnan ko rin ang facebook ni
Kalila nakita ko roon na may nakatag sa kanya na pictures tapos may capture na
'finally na tapos din'. Grabe naman ang title defense nila ginabi na sila.

Sa mga sumunod na araw naman ay mas naging busy sila Kalila, madalas ko siyang
nakikita na pagod na pagod na papasok. Minsan ay nakita ko siya madilim na noon
alas sais na ng gabi at mukhang may klase pa sila ako naman ay pauwi na dahil
katatapos lang ng klase namin. Nakaupo siya sa may gilid ng exit tapos nagrarant
siya roon kung bakit wala raw nagsabi sa kanila walang klase.

"Ang layo ng pinanggalingan namin tapos wala talagang nagsabi sa group chat." Inis
na inis na sabi nito habang nakatingin ng masama sa mga kaklase niya. Matapos noon
ay umuwi na rin siya, ako naman ay nasa likod niya lang habang palabas ng gate
mukhang pagod na pagod talaga siya.
Nang magfinals na kami ay naging busy ako marami akong tinatapos at nirereview
dahil sa mga pasahan na ng requirements. Tapos sabi pa ni Loki na magfi-final
defense na raw sila Kalila kaya mas madalas ko itong nakikita sa library at
nagbabasa ito tapos nakikita ko minsan na busy siya mag-ayos ng mga paperworks
minsan ay nagsosolve rin ito sa library.

Noong nag-final defense sila Kalila ay hindi ko alam kung saan dahil hindi ko sila
nakita sa mga classroom halos ikutin ko na nga ang buong building namin kaso wala
sila roon sabi naman ni Loki na sa circular building daw sila nagfinal defense.
Iyong circular building nandoon ang mga admin at president ng school namin may
limang palapag iyon at hindi basta nakakapasok doon kung wala naman dahilan.

Natapos ang semester ng hindi ko na nakikita si Bri, bigla kong naisip na itawag ko
sa kanya ang Bri para walang ibang tatawag sa kanya ng ganoon. Tinanong ko si Loki
kung ano pa ginagawa nila Bri sabi niya busy raw magpabookbind sila.

Enrollment nakita ko siya, sobrang saya ko ng makita ko siya kasi matagal-tagal din
ng huling kita ko sa kanya.

"Pare lapitan mo na iyan kung gusto mo talaga sinasabi ko sa iyo wala ka ng chance
lalo kapag nakagraduate na iyan. Isang semester na lang ang mayroon siya kaya kilos
na." Payo sa akin ni Loki. Gustong-gusto ko na talaga siya lapitan siguro ay pwede
na ngayon kasi wala ng thesis siyang pagkakaabalahan pa.

Sakto na nakita ko na bumibili siya ng lemonade na favorite niya. Nagulat naman ako
ng bigla akong itulak ni Loki kaya ayon natapon ang lemonade ni Bri.

"Sorry miss, itong kasama ko kasi tinulak ako," sabi ko sa kanya. Pinagmasdan niya
naman ako tapos tinaasan niya ako ng kilay.

"Mag-ingat kasi kayo sa susunod," mataray na sabi niya sa akin. Pigil naman akong
mapangiti ng talikuran niya ako.

"Pare suplada," sabi ni Loki sinikmuraan ko naman si Loki dahil mukhang narinig ito
ni Bri.

Nag-insist ako ng palitan ang inumin niya kaso ayaw niya sinusungitan niya lang
ako.
Nang nasa table na ako ay napansin ko na nakatitig siya sa akin habang kausap niya
iyong kasama niyang babae. Nginitian ko naman siya tapos iniwas niya ng tingin sa
akin at nakipag-usap na sa babaing kaibigan niya.

Noong uwian na ay nakasabay ko siya sa sakayan nagpakilala ako pero hindi niya ako
pinansin sinungitan niya lang ako. Napangiti na lang ako sa kanya.

"Hello miss Engineering," bati ko sa kanya nag makita ko siya sa canteen noong
first day, kunwari tiningin sa ID lace niya kung nasaan nakalagay ang course niya.
Alam ko naman na civil engineering siya pero syempre ayoko naman na halata niya na
alam ko. Nilibre ko siya ng pagkain niya pero sinungitan niya talaga ako.

Nakita ko siya sa library nakita ko na nagsosolve siya kinukulit ko rin siya pero
ayaw niya sabihin pangalan niya. Actually hindi na kailangan sabihin pangalan niya
kasi alam ko na naman talaga ang pangalan niya pero syempre hindi ako papahalata.

Sa tuwing nakikita ko siya ay kinukulit ko siya, inaadd ko na siya sa facebook at


inaccept niya ako pero hindi ako nagchat nahihiya pa rin ako sa kanya.

Isang araw nakikita ko na nahihirapan siya magsolve kaya tinulungan ko siya kasi
sakto naman na iyon din ang subject namin. One time na nakasabay ko siya bumili ng
libro, natuwa talaga ako noon kasi nakasama ko siya. Natutuwa ako tuwing tatawagin
niya akong arking feeling close.

Nang mabali niya iyong t-square ko problemadong problemado talaga ako noon kasi
gagamitin ko iyon nagulat na lang ako kinabukasan ay hinatid niya sa akin iyong t-
square niya hindi mabura ang ngiti ko habang nakatingin sa t-square niya na
nakasulat ang pangalan niya.

Isang beses din tinulungan ko siya sa calculus niya, nagpaturo ako sa daddy ko pa
para roon nagulat naman si daddy pero tinuruan niya ako ng magets ko ay nagsolve na
ako. Sinolve ko ang take home quiz ni Bri. Tapos nag-online ako ng matapos ko na
pinag-online ko si Bri tapos nagvideo call kami at pinakita ko sa kanya ang nasolve
ko. Pinagmamasdan ko lang siya habang nagsosolve ako ng maalala ko na may plates pa
pala ako ay ginawa ko iyon habang nagsosolve siya kapag may tanong siya ay
sinasagot ko naman siya.

At nang dumating ang birthday niya iyon na yata ang pinakamasayang araw ko rin na
nakasama ko siya. Tinanong ko rin siya kung pwede ko ligawan pero tinakbuhan niya
ako, natawa na ako sa kanya alam ko na nagulat siya sa akin. Nakakalungkot lang
noon at hindi niya pinapansin ang mga texts ko.
Hanggang ng dumating ang araw na may pasok na kami may dala akong bulaklak noon
pero hiyang-hiya ako lumapit sa kanya pero dumating si Aislinn hinila niya ako
papapunta kay Bri. At noong araw din na iyon natuwa ako dahil pinayagan niya na
akong manligaw sa kanya.

Sobrang saya ko talaga noon kasi binigyan niya ako ng pagkakataon.

Simula ng araw na iyon lagi ko na kasama si Bri at nagkakilanlan kaming dalawa.

Nang magmidterm at finals na kami ay sobrang busy naming dalawa lalo na siya dahil
graduating siya tapos naghahanap pa sila ng boarding house nila.

Matapos noong finals ay nakahinga na ako ng maluwag. Sobra akong natuwa ng isinama
ako ni Bri pictorial nila. Gusto ko na kapag ako rin graduate na isasama ko rin
siya.

Nang lumipat sila Bri sa boarding house nila ay sumama ako at tumulong sa kanila.
Naging mas busy si Bri dahil sa pagrereview naintindihan ko naman siya dahil alam
ko na naghahanda siya sa paparating na board exam kaya naman ako na lang ang
gumagawa ng paraan para magkaroon kami ng oras.

Noong June 7 iyon ang pinakamasayang araw ko dahil naging kaming dalawa na. Gulat
na gulat talaga ako noon.

"Sabi I love you too," sabi niya na sobrang ikinagulat ko talaga. Sobrang saya ko.
Kaya pinangako ko na hindi ko siya sasaktan.

Hinding-hindi ko siya sasaktan kahit na anong mangyari dahil mahal na mahal ko


siya.

Chapter 26 - Chapter 25

Chapter 25

Seph's
Hinding-hindi ko sasaktan si Bri iyan ang pangako ng maging kaming dalawa. Iyon na
yata ang araw na sobrang saya ko iyong babae kasing tinitingnan ko lang dati ay
akin na sobrang saya ko talaga.

Dumaan ang mga araw naging busy si Bri, nauunawaan ko naman siya dahil alam ko
naman gustong-gusto niya makapasa ng kaya sinusuportahan ko siya kasi iyon lang ang
magagawa ko sa kanya ang suportahan siya sa pagtupad ng pangarap niya.

Isang araw nagkayayaan ang tropa namin na kumain at lumabas kami. Tapos sakto na
gusto ko pumunta kila Bri dadalawin ko siya kaya naman doon ko sila niyaya sa
malapit lang sa boarding house nila Bri.

Habang kumakain kami sa KFC noon napatingin ako sa katabing table namin na parang
nagdadabog ng makita ko iyon ay nagulat ako kasi sila Bri iyon tapos si Bri ang
sama ng tingin sa akin. Nilapitan ko siya pero bad trip na bad trip sa akin,
pinagseselosan si Cassie pigil na pigil naman ako mapangiti dahil sa pinapakita sa
akin ni Bri. Sinabihan niya ako na huwag kausapin siya tapos ng hindi ko nga
kinausap parang mas nagalit sa akin, minsan mahirap talaga unawain ang mga babae.
Hanggang sa sumama ako hanggang sa pag-uwi nila sa boarding house naiwan lang
kaming dalawa sa labas at nag-usap kami. Nagkaayos naman agad kaming dalawa
nagselos lang talaga si Bri kay Cassie. Si Cassie kaibigan ko lang naman iyon at
hanggang doon lang iyon.

Dumating ang birthday ko tapos first monthsary pa namin may usapan kami na lalabas
kaming dalawa pero nagulat ako ng tumawag siya sa akin.

"Hello babe!" Masayang bati ko ng masagot ko ang tawag niya.

"Hello, happy birthday babe," sabi niya naman agad napangiti naman ako sa sinabi
niya.

"Papunta ka na ba?" Tanong ko sa kanya.

"Iyon na nga, hindi ako makakapunta may biglaang group study kami, sorry talaga,"
sabi niya. Natigilan naman ako at panabungong hininga. Birthday ko pa naman tapos
first monthsary naming dalawa.

"Okay lang, naintindihan ko naman ang priority mo." Malungkot na sabi ko sa kanya.
"Sorry talaga, bukas na lang tayo magkita sakto naman na wala akong class bukas,"
sabi niya sa akin.

"Sige," malungkot na sagot ko sa kanya.

"Sorry talaga babe, happy birthday and happy first month," sabi niya sa akin. Wala
sa loob ko naman na pinatay na ang tawag.

Nalungkot talaga ako kasi birthday ko at first monthsary namin ito pero ganoon ang
nangyari. Pilit ko naman na iniintindi dahil alam ko naman ang dahilan niya.

"O si birthday boy dumating!" Sabi sa akin ni Lucas ng makita niya ako nasa bar
kami ngayon kanina pa nila ako niyaya pero hindi ako sumama kasi may lakad kami ni
Bri pero hindi naman natuloy kaya naman pumunta na lang ako rito.

"Bakit wala girlfriend mo?" Tanong sa akin ni Cassie ng makalapit siya sa akin.

"Busy siya may group review," sabi ko tapos umupo ako sa upuan kung nasaan ang
barkada. Tumabi naman agad sa akin si Cassie at humawak sa braso ko. Binigyan ako
ni Lucas ng isang basong may alak ininom ko naman iyon.

"Walang time sa iyo ang girlfriend mo birthday na birthday mo," sabi ni Cassie sa
akin. Hindi ko naman siya pinansin at uminom na lang ako.

Naintidihan ko naman si Bri kasi nagrereview siya nalulungkot lang talaga ako na
hindi ko siya nakasama ngayong araw. Uminom lang kami ng uminom hanggang sa hindi
ko nakayanan.

Nagising ako kinabukasan na katabi ko si Cassie parehas kaming walang mga saplot.
Mabilis naman akong napabangon at nagbihis ng damit si Cassie naman ay nagising.

"Aalis ka na Seph?" Tanong niya sa akin.

"Anong nangyari Cassie?" Tanong ko sa kanya.


"May nangyari sa atin," sabi niya sa akin habang nakangiti. Napahawak naman ako sa
ulo ko. Wala akong maalala.

"Hindi iyan totoo," sabi ko. Tinitigan naman ako ni Cassie bago niya ituro ang dugo
na nasa kama.

"Iyan ang ebidensya Seph, may nangyari sa atin kagabi," sabi niya. Umiling lang ako
sa kanya at kinuha ko ang ibang gamit ko bago ako mabilis na umalis doon.

Kabadong kabado ako sa nangyari, hindi ito dapat malaman ni Bri. Kasisimula lang ng
relasyon namin at ayokong masira iyon tapos nagrereview pa siya ngayon.

Pumunta ako sa boarding house nila Bri matagal akong naghintay ng bumaba siya ay
niyakap ko agad siya at nagsorry ako sa kanya siya naman walang ka ideya-ideya kung
bakit ako nagsosorry sa kanya pero sanasabi niya sa akin na okay lang daw pero alam
ko na hindi iyon okay kung malaman niya ang totoong nangyari talaga.

Matapos noon ay naging maayos ang takbo ng relasyon naman, nagstart na ang klase
namin. Maayos naman lahat si Cassie nilalayuan ko na rin talaga ayoko na maulit ang
nangyari noong nakaraan, pero napapansin ko kay Cassie na lagi itong inaantok sa
klase siguro ay puyat ito dahil marami rin kaming ginagawa.

Hanggang isang araw kinausap ako ni Cassie may sasabihin daw siya sa akin. Nagulat
ako sa sinabi niya na buntis siya, tapos narinig pa lahat ni Bri. Nakita ko na
nasaktan at nagalit si Bri sa akin. Pinilit ko siyang kausapin pero ayaw niya at ng
huli niya akong kinausap ay nagpaalam siya sa akin wala na akong nagawa pa.

Narinig ko na nakapasa si Bri sa board exam nila masaya ako para sa kanya gusto ko
siya puntahan at batiin pero hindi ko magawa. Hindi ako makalapit sa kanya kaya
naman nilapitan ko si Aislinn tapos sakto na narinig ko na pupuntahan niya raw sila
Bri.

"Aislinn," tawag ko sa kanya. Kasama niya si Zeon nakausap niya kanina habang
binibida niya si Sprouse, Bri at Ara na nakapasa raw sila sa board exam. Tiningnan
naman ako ni Aislinn tapos tinaasan niya ako ng kilay.

"Ano?" Inis na tanong niya sa akin. Inabot ko naman sa kanya ang bulaklak na hawak
ko.
"Pwede bang pakibigay kay Bri, please." Pagmamakaawa ko sa kanya tiningnan niya ako
tapos tiningnan niya rin iyong bulaklak. Inirapan niya muna ako tapos kinuha niya
iyong bulaklak na binigay ko.

"Alis na ayoko makita mukha mo baka sapakin kita," sabi niya sa akin.

"Paki sabi sa kanila lalo na kay Bri na congratulation at sana huwag mo sabihin na
akong nagbigay ng bulaklak. Salamat Aislinn," sabi ko sa kanya tinaas na lang naman
niya ang kamay niya at sinesyasan niya ako ng umalis. Ngumiti muna ako sa kanya
bago ako umalis.

Nagsikap ako ng makatapos ng pag-aaral hanggang makatapos ako at makapasa ng board


exam. Iyong anak ko si Miguel, tuwang-tuwa ako sa kanya sila daddy rin ay natutuwa
sa kanya. Nagulat si daddy noong sinabi ko na may anak na ako pero tinanggap niya
rin. Si Miguel ang naging inspirasyon ko at minahal ko siya ng sobra, si Miguel
lang at kailan man ay hindi ko minahal si Cassie inalagaan ko siya noong buntis
siya pero dahil lang iyon sa bata gusto nga ng mga magulang ni Cassie na ikasal
kami pero hindi ako pumayag dinahilan lang ay hindi pa ako nakakapagtapos ng pag-
aaral. Pwede naman kasing panagutan ko ang bata na hindi kinakasal kami kasi kami
rin ang magdudusa kapag pinilit namin baka si Miguel lang ang masakta.

After three years nalaman ko na hindi ko anak si Miguel, nagalit ako kay Cassie.
Inisip ko paano kung maaga ko nalaman iyon siguro kami pa ni Bri, siguro masaya pa
kaming dalawa pero kung nangyari iyon hindi ko makakasama si Miguel. Kaya naman
tinanggap ko na lang ako pa rin ang ama ni Miguel sa papel kaya akin siya.

Sa isang project nagkita ulit kami ni Bri, nakita ko na nagulat siya. Pitong taon
din na hindi kami nagkita, pitong taon na hindi ko siya nalapitan at natitigan ng
malapitan. Napansin ko na wala pang asawa si Bri kaya naman masaya ako sa nangyari.
Tutuparin ko ang sinabi ko sa kanya dati noong college pa lang kami na kapag
nagkita ulit kami at wala silang asawa babawiin ko siya. At gagawin ko iyon.

Noong una ay ramdam ko na ayaw ako katrabaho ni Bri iniiwasan niya ako kaya naman
ginawa ko pinakialaman ko ang design niya galit na galit niya naman akong kinausap
dahil doon pigil na pigil akong mapangiti habang galit na galit niya akong inaaway.
Gusto ko siya yakapin pero pinigilan ko ang sarili ko miss na miss ko na siya.

Isang araw nagkita sila ni Miguel at nagulat ako sa pinagsasabi ng anak ko. Sa loob
ng kwarto ko kasi nandoon ang picture namin ni Bri noong graduation pictorial nila
atsaka noong graduation nila mayroon din siyang picture sa wallet ko. Tinanong ako
roon ni Miguel kasi lagi niya iyong nakikita pero hindi niya nakikita sa personal
kaya naman sinabi ko na iyon ang babaing mahal na mahal ko. Ngumiti naman si Miguel
at sinabi niya na mama niya na raw ito hinayaan ko lang naman si Miguel.
Mayroon akong nabiling bahay sa isang subdivision, pinarenovate ko muna iyon bago
kami lumipat ni Miguel doon at ng maayos na iyon ay lumipat na kami gabi na kami
natapos mag-ayos ng gamit noon late na ako natulog pero si Miguel naman ay maaga
kong pinatulog. Kinabukasan ay nagising ako na wala si Miguel kaya naman mabilis
akong bumangon para hanapin siya nagulat ako ng paglabas ko ng gate at nakita ko si
Miguel na kasama si Bri. Nakahinga naman ako ng maluwag doon. Noong araw din na
iyon sinabi ko sa kanya na hindi ko anak si Miguel nakita ko na nagulat din siya sa
sinabi ko lalo ng sabihin ko na may sakit si Cassie. Nagkasakit si Cassie at nasa
hospital ito ngayon.

Isang araw na nakita ko sila sa mall nagulat ako ng may lapitan siyang lalaki iyon
pala ang boyfriend niya. Galit na galit ako sa lalaking iyon dahil sinaktan niya si
Bri, ang Bri ko sinaktan at niloko niya wala siyang karapatan na gawin niya iyon
kay Bri.

At nang pumunta kaming Batangas kung saan naman magbibirthday si Aisee ay kasama
nila ako masaya ako at nakasama ako. Pinilit din ako isama ni Miguel kaya sumama na
rin ako sa kanila. At iyon ang isa sa pinakamasayang pangyayari sa buhay ko, umamin
ako kay Bri na mahal ko pa rin siya tapos nahalikan ko pa siya natigil lang iyon ng
umiyak si Miguel natawa ako kapag naalala ko iyon, iyon na kasi iyon pero wala pa
rin.

Nang bumalik na kami sa Manila ay balik trabaho na rin kami. At isang araw ay
nakita ko sa lobby si Bri at ang ex-boyfriend niya tinitingnan ko lang sila kasi
alam ko na nag-uusap sila hanggang sa lumapit na ako dahil nasasaktan na niya si
Bri at hindi ako nakapagpigil ay sinapak ko na iyong lalaki na iyon nagsuntukan
kaming dalawa at inawat naman kami pero nagsisigaw siya na kanya lang daw si Bri
pero hindi ako papayag na makuha niya ito.

Iyong araw din na iyon ay nakakuha ako ng tawag na si Cassie raw nasa emergency
room nirerevive na ito at nandoon si Miguel nakita raw nito ang mommy niya tinakbo
sa emergency room at iyak ng iyak si Miguel. Sakto na paalis ako kay nakita ko si
Bri at sinabi ko sa kanya ang nangyari sumama siya sa akin sa hospital at nang
makita ako ng anak ko lumapit ito sa akin at niyakap ako habang umiiyak. At
mayamaya ay lumapit ito kay Bri ako naman ay inasikaso na si Cassie dahil wala pa
ang mga magulang niya. Pinakiusapan ko muna si Bri na sa kanila muna si Miguel
dahil aasikasuhin ko pa si Cassie pumayag naman agad siya at umalis na sila.

Habang kausap ko sa cellphone ang mga magulang ni Cassie ay narinig ko ang boses ni
Miguel na tinatawag ako habang umiiyak napakunot noo naman ako kasi akala ko
nakaalis na sila.

"Daddy si mama kinuha siya noong bad guys," sabi nito nang makalapit sa akin habang
umiiyak ito napatingin naman ako sa yaya niya.
"Sir si Miss Lila po may kumuha sa kanya," sabi nito.

"Ano?!" Gulat na sigaw ko.

Iyak naman ng iyak si Miguel, tinawagan ko muna si daddy para siya ang umasikaso
kay Cassie dahil wala pa ng parents ni Cassie.

Si Miguel naman ay hinatid ko muna sa bahay nila daddy nandoon ang dalawa kong
kapatid ni Jorhem at si Johannary ang kapatid kong babae na first year college pa
lang. Iniwan ko sa kanila si Miguel na nakatulugan ang pag-iyak matapos noon ay
pumunta na ako sa polici station. Tinawagan ko na rin sila Ara at Sprouse ganoon
din ang parents ni Bri.

"Captain Sean Cunanan sir, kami ng bahala sa kasong ito Architect Javier," sabi sa
akin ng isang police.

"Salamat gawin niyo po sana lahat para mahanap si Bri," sabi ko tumango naman siya
sa akin.

Pinauwi na kami at sinabihan kami na babalitan kami ayaw ko sana umuwi pero
tinawagan ako ng kapatid kong babae umiiyak daw si Miguel ng magising ito kaya
naman umuwi muna ako. Pag-uwi ko ay humihikbing kumakain ng ice cream si Miguel,
halata pa sa mukha nito na umiyak ito.

"Kuya pinakain ko na ng ice cream ayaw tumigil sa kakaiyak e, si Kuya Jorhem hindi
ko naman maistorbo busy magreview," sabi sa akin ng kapatid ko tinanguan ko naman
siya.

"Sige na matulog ka na ako na bahala rito," sabi ko sa kanya tinalikuran niya naman
ako bago umakyat sa kwarto niya. Nilapitan ko naman si Miguel na kumakain ng ice
cream.

"Anak tama na iyan gabi na," sabi ko sa kanya tumingin naman siya sa akin at
tumigil na sa pagkain. Nilinis ko muna ang pinagkainan niya bago ko siya dalhin sa
kwarto ko at linisan ng katawan.
"Daddy nasaan na po si mama?" Tanong niya sa akin matapos ko masuotan ng pantulog.

"Huwag mo muna isipin iyon anak ligtas ang mama mo," sabi ko sa kanya bago ko siya
pahigain at patulugin hindi na naman siya nagtatanong pa.

Hindi naman ako makatulog naghihintay ako ng tawag na baka mayroon ng balita
tungkol kay Bri pero lumiwanag na lahat ay wala pa ring balita. Sinabihan nan ako
ni daddy na ayos na raw ang lahat ng kailangan ni Cassie. Tinanguan ko naman siya,
dumatin din naman ang mga magulang ni Cassie kinuha muna nila si Miguel at sinama
kung saan ang lamay kay Cassie. Ako naman ay pumunta sa presinto para makibalita at
sabi ay may balita na raw sila at mamayang gabi rin ay susugod na raw sila natuwa
naman ako pati ang mga magulang ni Bri nandoon din. Mayamaya at dumating din doon
si Ara na may dala pang blueprint.

"Kamusta na raw?" Tanong sa akin ni Ara.

"Alam na nila kung nasaan si Bri," sabi ko ngumiti naman sa akin si Ara.

"Mabuti naman jusko sana naman mahuli na may kasalanan nito," sabi ni Ara.

Naghintay lang kami roon para makibalita pa sa nangyari.

"Ay potek ka sir ha, binangga mo na nga ako tinapakan mo pa blueprint ko." Narinig
ko na sabi ni Ara napatingin naman ako sa kanya nakita ko naman na nakunot noo at
kapamaywang siyang nakatingin kay Captain Cunanan.

"Sorry madam," sabi ni Captain Cunanan habang pinupulot ang blueprint ng mapulot na
niya ito ay tiningnan niya ito tapos kunot noo siyang tumingin dito. Lumapit naman
ako kay Ara.

"Ano nangyari?" Tanong ko kay Ara na masama ang tingin kay Captain Cunanan.

"Ito binangga na ako tinapakan pa blueprint ko," sabi nito sabay agaw sa blueprint.

"May mali sa design mo madam," sabi ni Captain Cunanan. Lalo naman nagdikit ang
kilay ni Ara.

"Aba putangina nito with respect sir, anong may mali riyan Engineer ako at
structural engineer pa tapos sinasabihan mo akong may mali sa design ko!" Gigil na
sabi ni Ara.

"Pasensya na Captain Cunanan mainit lang ulo ng kaibigan ko," sabi ko kay Captain
Cunanan.

"It's okay sir nagsasabi lang naman ako ng totoo habang hindi pa naipapasa sa
Office of Building Official ang blueprint niya," sabi ni Captain Cunanan.

"Anong mali rito?" Matapang na tanong ni Ara. Kinuha ni Captain Cunanan ang
blueprint at tinuro ang nakita nitong mali.

"Masyadong lumagpas ka sa standard size ng bintana masyadong malaki ang design mo


tapos itong column mo masyadong malaki siya try to recompute Miss Engineer," sabi
nito. Asar naman na tinago ni Ara itong blueprint sa likod niya.

"Bakit mo alam iyon?" Tanong ni Ara rito. Pinakita ni Captain Cunanan ang wallet
niya kung nasaan ang tsapa niya at sa tapat noon ay ang PRC ID niya na license
civil engineer siya.

"Police Captain Engineer Sean Cunanan ma'am. Good day ma'am," sabi nito bago iwan
si Ara na nakanganga. Tinapik ko naman ang balikat ni Ara.

Nang dumating na ang hapon ay umalis na sila Captain Cunanan pinasama naman nila
ako pero bawal daw ako sumama sa pagsugod sa rest house. Pumosisyon na sila roon at
ng gumabi na ay madilim na ang paligid at sinabayan pa ito ng malakas na pag-ulan
ako naman ay nasa loob ng kotse hindi ako mapakali lalo na ng makarinig ako ng
putukan. Mabilis akong lumabas sa kotse at tumakbo ako sa kakahuyan kahit na anong
pigil sa akin ng mga pulis. Sinundan ko lang ang narinig kong mga putok ng baril
hanggang sa makita ko si Bri na nakatakip sa tainga niya habang nakapikit nilapitan
ko siya at niyakap ko ng mahigpit ng mapatingin siya sa akin ay niyakap niya ako at
umiiyak siya. Inalalayan ko si Bri na hanggang makarating kami kung nasaan ang mga
pulis binigyan ng tuwalya si Bri. Mabuti na rin at wala ng ulan.
Iniwan ko muna saglit si Bri at kinausap ko si Captain Cunanan ng bigla na lang
nagwala si Rocco habang masamang nakatingin sa akin nakita ko na nakatotok sa akin
ang baril nitong hawak pero nang iputok niya iyon biglang humarang ang katawan si
Bri. Nakadalawang sunod itong putok ng baril ng bigla itong barilin din ni Captain
Cunanan.

"Bri, Bri gising uuwi na tayo hinihintay ka na ni Miguel. Tulong! Tulungan niyo si
Bri!" Sigaw ko ng mawalan ng malay si Bri may lumapit naman sa amin agad at kinuha
si Bri sumunod naman ako ng dalhin sa ambulansya ito.

Nang makarating ng hospital ay biglang nagflat line si Bri, nirerevive naman ito ng
mga doctor.

"Lumaban ka Bri," sabi ko habang nakatingin sa salamin pero flat line pa rin ito.

xxx

Nilapag ko ang bulaklak na dala ko sa puntod na nasa harap ko nilinis ko ang puntod
niya, tinanggal ko ang mga dahon at mga damo sa paligid kung saan naroon ang
pangalan nito nakalagay.

"Kamusta ka na riyan? Miss ka na ni Miguel." Pagkausap ko rito. Lagi itong


hinahanap ni Miguel at namimiss na raw siya ni Miguel.

"Sana masaya ka na riyan kung nasaan ka man, huwag kang mag-alala aalagaan ko si
Miguel."

"Ang ganda ng dala kong bulaklak ano? Hindi gusto mo iyang sunflower." Nakangiti
kong sabi habang nakatingin sa pangalan niya.
"Tatlong buwan na simula ng mawala, sana maging mas masaya ko riyan. Aalis na ako
ha, may pupuntahan pa ako. Bye Cassie." Pagpapaalam ko kay Cassie.

Tatlong buwan na ang nakalipas at malapit na magchristmas, si Bri okay naman siya
pero na comatose siya at tatlong buwan na siyang coma. Araw-araw ako pumupunta sa
kanya at binabantayan siya. Iyong project na ginagawa naman namin si Sprouse na ang
humawak muna habang wala pa ring malay si Bri. Akala ko noong araw na nagflat line
na si Bri ay wala na siya talaga pero nagulat na lang daw ang mga doctor ng biglang
tumibok daw ang puso ni Bri. May tinaman kasi na vital kay Bri kaya hanggang ngayon
ay hindi pa rin siya nagigising maging maayos na naman siya at natanggal ang mga
bala sa katawan niya. Sabi ng doctor ay hintayin na lang daw na magising si Bri at
iyon ang ginagawa gawa namin. Lagi rin binibisita ni Miguel si Bri at kinakausap
niya ito lagi.

Nang makarating ako sa hospital ay nakasalubong ko ang mama ni Bri lumuluha ito
kaya naman nilapitan ko agad ito.

"Tita ano nangyari?" Nag-aalala kong tanong.

"Si Lila nagkamalay na, chinecheck na siya ng mga doctor at hinahanda na rin ang
private room na lilipatan niyan," sabi ni tita habang lumuluha bigla naman ako
napangiti ng marinig ko ang magandang balita. Mayamaya ay nilipat na si Bri sa
private room agad naman siyang pinuntahan doon sinabihan ko sila Aislinn, Ara at
Sprouse na nagkamalay na si Bri kaya naman pumunta sila agad. Nasa loob na sila ng
room ni Bri pero ako nasa labas lang hinahayaan ko muna sila.

"Pst, hanap ka ni Lila puntahan mo na siya," sabi sa akin ni Aislinn ng lumabas ito
ng room ni Bri kasama niya Ara na nakangiti sa akin. Pumasok naman ako sa loob ng
makita ako ng mama niya ay nginitian ako nito bago lumabas ng kwarto.
"Hi," sabi ko sa kanya habang nakangiti.

"Hello," sabi niya sa akin ng nakangiti rin. Lumapit ako sa kanya at niyakap ko
siya. Bigla na lang ako naluha ng mayakap ko siya.

"Hala bakit ka umiiyak?" Tanong niya sa akin.

"Akala ko mawawala ka na sa akin," sabi ko habang nakayakap sa kanya.

"Hindi na nga oy, huwag ka na umiyak," sabi niya kumalas naman ako sa pagkakayakap
ko sa kanya at hinawakan ko ang dalawang pisngi niya.

"Huwag mo na uulitin ang ginawa mo ha," sabi ko sa kanya. Nakangiti naman siyang
tumango sa akin.

"I love you," sabi ko habang nakatitig sa akin nginitian niya naman ako bago ako
yakapin muli.

Niyakap ko lang ulit siya at hinalikan ko ang ulo niya.

"Hala huwag hoy mabaho pa iyan ilang buwan pala akong walang ligo," sabi niya sa
akin natawa naman ako sa kanya.

"Okay lang," sagot ko habang nakayakap sa kanya.


"Sus, buti love din kita," sabi niya napabitaw naman ako sa pagkakayakap at
tiningnan siya.

"Ano sabi mo?"

"May sinabi ba ako?"

"Mayroon, ulitin mo."

"May sinabi ba ako?"

"Bri," sabi ko ngumiti naman siya sa akin.

" Sabi ko I love you bingi mo naman tapos ang pikon pa," sabi niya. Napatulala
naman ako sa kanya. Hinawakan ko naman siya sa dalawang pisngi niya hahalikan ko
sana siya ng umiwas siya.

"Hindi pa ako nagtoothbrush dito muna," sabi niya habang nakaturo sa noo niya
nginitian ko naman siya at hinalikan sa noo bago ko mabilis na halikan ang labi
niya.

"Seph naman e!" Sigaw niya sa akin. Niyakap ko lang naman ulit siya.

"Hindi na talaga kita papakawalan Kalila Aubrey," sabi ko sa kanya habang nakayakap
ako sa kanya.

Hindi ko na talaga hahayaang mawala pa siya sa akin at sisigaraduhin ko iyon sa


pagkakataon na ito.
Chapter 27 - Epilogue

Epilogue

Seven months later.

"Ara ayos na ba iyong mga balloons na sinabi ko sa iyo?" Tanong ko kay Ara na
kausap ko sa cellphone ngayon. Ngayong araw kasi ang birthday ni Seph at isu-
surprise ko siya. Ngayon ang twenty-seventh birthday niya.

"Oo nga ayos na, papunta na ako riyan," sagot ni Ara sa akin at pinatay na ang
tawag. Nasa bahay ako ngayon at nadedesign na ako ng cake kasama ko si Aislinn dito
sa bahay kasi marunong siya magbake ng cake tinutulungan niya ako.

"Mommy gusto ko cake," sabi ni Aisee habang nakatingin sa cake na pabilog na kulay
blue.

"Later na anak," sabi naman ni Aislinn sa anak niya. Ngumuso naman si Aisee.

"Mamaya baby ikaw una kong bibigyan ha," sabi ko kay Aisee sabay pisil sa pisngi
niya. Ngumiti naman si Aisee at inipit ang kamay ko na pinangpisil sa kanya gamit
ang mataba niyang pisngi at kamay. Natawa naman ako sa kanya.

"Bebs mag-ayos ka na roon sa taas ako na bahala rito mamaya nandito na si Ara,"
sabi ni Aislinn sa akin. Tumingin naman ako sa kanya at tumango. Umakyat na ako sa
taas at nagsuot ako ng dress na kulay blue. Nag-ayos na rin ako naglagay ako ng
make-up pero light lang.

Matapos kong mag-ayos ay sumilip ako sa kabilang bahay kung nasaan ang bahay nila
Seph. May ilaw pa roon at nakita ko si Miguel na tumatakbo na may dalang petals ng
bulaklak na nasa basket. Napailing naman ako katulong ko siya sa pagsurprise sa
daddy niya at mukhang tuwang-tuwa at kinacareer niya pa dahil may papetals siya.
Nasa trabaho pa si Seph kaya naman ang plano ay pupunta ako sa bahay nila at doon
siya isu-surprise. Sila mama nasa restaurant sila kasama kapatid ko tutulong daw at
marami raw customer ngayon.

Nakita ko naman si Ara na lumabas sa gate nila Seph tapos namatay ang ilaw sa bahay
nila Seph. Napakunot noo naman ako bago ako bumababa.

Pagbaba ko ay nakita ko si Ara na nasa living room may dala siya mga balloons na
pinapalobo nila ni Aislinn.

"Ano ginawa mo sa kabilang bahay?" Tanong ko kay Ara bago ako kumuha ng lobo at
pinalobo ito gamit ang pangpalobo.

"Sumilip lang ako tsaka nagdala ako ng ibang lobo roon na natapos na namin kanina
para kaunti na lang dadalhin natin sinabi ko rin kay Miguel na ikalat na iyong lobo
na dinala ko," sabi ni Ara. Tumango naman ako sa kanya at nagpatuloy kami sa
pagpapalobo si Aisee naman ay tuwang-tuwa sa lobo nilalaro-laro niya pa ito.

Nang matapos kaming magpalobo ay lumabas si Ara dala ang lobo na nakalagay sa
basket ihahatid niya raw sa kabilang bahay.

Pumunta naman ako sa kusina at inayos ang cake nilagyan ko iyon ng candles na may
age ni Seph.

Si Aislinn naman ay nagbihis na rin kasama si Aisee, mayamaya ay bumalik na si Ara.

"Okay na roon sa kabilang bahay si Seph parating na iyon mayamaya bilisan na natin
baka mauhanan tayo noon," sabi ni Ara napatingin naman ako sa relo ko na nasa kamay
ko. Mag-aalas otso na pauwi na nga iyon.

Mayamaya ay ayos na sila Aislinn at Aisee. Kinuha ko na ang cake na nakalagay na


ito sa karton para hindi madumihan.

Ilang sandali pa ay lumabas na kami ng bahay habang dala ko ang cake pero itong si
Ara may kinuha pa sa kotse niya iyong lobo na pakurting puso ito nasa tatlong
piraso iyon.

"Tara na excited na ako," sabi ni Ara habang hawa iyong balloons.

"Ninang pahingi balloons," sabi ni Aisee kay Ara binigyan niya naman ito ng isang
balloon at iyong bata ay tuwang-tuwa naman sa balloon.
"Tara na," sabi ko. Tumango naman sila sa akin. Marahan akong naglalakad dahil baka
madapa ako at masira ang cake ayoko maging palpak ito. Mamayamaya kasi ay nandito
na si Seph kaya dapat maayos na ang lahat.

Binuksan ni Ara ang gate ng bahay nila Seph si Aisee naman ay hawak ng nanay niya
sa kamay dahil medyo madilim sa labas walang ilaw roon pati sa loob ng bahay ay
napakadilim din.

Nang makapasok na kami sa gate ay pinigilan ako ni Ara.

"Ops teka lang, dito ka muna una muna kami sa loob buksan namin ang ilaw ang dilim
e," sabi ni Ara. Tumango naman ako sumama naman si Aislinn kay Ara.

Mayamaya pa ay sumigaw na si Ara na lakad na raw ako napakunot noo naman ako dahil
madilim pa rin pero naglakad na ako habang hawak ko iyong cake. Unang hakbang ko ay
lumiwanag ang paligid dahil sa mga ilaw na nakalagay sa gilid ng daanan papasok sa
bahay nila Seph. Mayroong mga maliliit na ilaw na nandoon tapos puro petals iyon.

Napakunot noo naman ako tapos natawa ako. Napakagirly naman ng ginawa nila para ka
Seph pero maganda ang set-up nila. Naglakad ako papunta sa main door nila Seph pero
nakasarado iyon.

"Hoy Aislinn, Ara papasukin niyo ako!" Sigaw ko pero walang nag-open. Nagulat naman
ako ng biglang lumiwanag sa may gilid ng bahay nila Seph iyong gaya rin doon sa
pagpasok ko sa gate nila may maliliit din ilaw sa lapag at may mga petals iyon.
Napailing naman ako tapos sinundan ko ng tingin iyong ilaw at petals. Papunta iyon
sa garden nila Seph. Wala sa loob na napakibit balikat ako at sinundan ang ilaw at
petals. Natatawa ako habang nakatingin sa mga petals at ilaw. Ano kaya ang magiging
reaksyon ni Seph kapag siya na ang nasa posisyon ko ngayon. Siguro ang sama ng
tingin niya sa akin dahil ang girly ng set-up. Sila Ara at Aislinn naman kasi ang
nag-ayos nito kanina ayaw nila ako pasalihin magbake na lang daw ako at magluto
sila na raw bahala. Hindi ko naman na expect na ganito ang ginawa nila masyadong
hindi nakakalalaki ang gawa nila.

Naglakad lang ako hanggang sa makarating ako sa garden nila. Madilim din doon at
walang tao. Wala akong makita dahil bigla ring namatay iyong mga maliliit na ilaw
kami.

"Hoy Ara at Aislinn ano pinagtitripan niyo ba ako?!" Sigaw ko dahil ang dilim
talaga tapos wala pang tao. Mayamaya ay may nagplay na kanta muntik na ako
mapatalon sa gulat talaga dahil biglang may nagplay na kanta. Tapos biglang
lumiwanag ang paligid napanganga ako ng makita ko paligid na puno ng ilaw ito at
may mga ballons sa lapag tapos may sunflower na bulaklak na nakakurting puso sa
gitna ng mga lobong nasa paligid.

I got these fresh eyes, never seen you before like this

My God, you're beautiful

It's like the first time when we open the door

Before we got used to usual

Napatingin ako sa likod ko ng marinig ko na mula roon na may kumakanta. Nagulat ako
ng makita ko si Seph na may hawak na microphone.

It might seem superficial, stereotypical, man

You dress up just a little and I'm like, "Oh, damn"

Anong nangyayari? Bakit si Seph nandito? 'Di ba dapat mamaya pa siya darating?
Nasaan sila Ara, si Aislinn?

So suddenly I'm in love with a stranger

I can't believe that she's mine

Now all I see is you with fresh eyes, fresh eyes

So suddenly I'm in love with a stranger

I can't believe that she's mine, yeah

And now all I see is you with fresh eyes, fresh eyes

Nang makalapit na sa akin si Seph ay nakatitig lang siya sa akin habang kumakanta
siya sa akin. Nagulat ako ng may kumuha ng cake na hawak ko si Ara iyon na
nakangiti sa akin, mabilis lang iyon at umalis na rin sila tumakbo siya papasok sa
loob ng bahay.

Appreciation, well, it comes and it goes

But I, I'll ride that wave with you

It's human nature to miss what's under your nose


'Til you, 'til you remind a fool

Maybe all of this is simple

My heart's unconditional, yeah

You dress up just a little and I'm like, "Oh, damn"

Hinawakan ni Seph ang kamay ko habang kumakanta siya ako naman ay gulong-gulo sa
nangyayari. Ako dapat ang mang-su-surprise bakit parang nabaliktad na?

So suddenly I'm in love with a stranger

I can't believe that she's mine

Now all I see is you with fresh eyes, fresh eyes

So suddenly I'm in love with a stranger

I can't believe that she's mine, yeah

And now all I see is you with fresh eyes, fresh eyes

If I could bottle this up, bottle, bottle this up, I would

I would bottle this up, bottle, bottle this up, I would

'Cause you're gorgeous in this moment

If I could bottle this up, I would

So suddenly I'm in love with a stranger

I can't believe that she's mine

Now all I see is you with fresh eyes, fresh eyes

So suddenly I'm in love with a stranger

I can't believe that she's mine, yeah

And now all I see is you with fresh eyes, fresh eyes

Nang matapos kumanta si Seph ay tumitig siya sa akin tapos inalalayan niya ako
papunta roon sa gitnang parte ng mga sunflower na kurting puso. May tinuro siya sa
akin sa likod ko tapos napalingon ako roon. Napanganga ako ng makita ko iyong mga
words na nakadikit sa munting bahay-bahayan ni Miguel.
'Will you marry me' ang nakalagay roon tapos napapalibutan iyon ng mga maliliit na
ilaw. Napalingon naman ako kay Seph pero paglingon ko ay nakaluhod na siya sa harap
ko habang hawak ang isang singsing, napatakip naman ako sa bibig ko.

"Bri, unang kita ko pa lang sa iyo naagaw mo agad ang atensyon ko. Lagi kitang sa
malayo lang tinitingnan at noong nakalapit ako sa iyo sobrang saya ko. Pitong taon
tayo nagkahiwalay at ngayon hindi ko na hahayaan na mawala ka ulit sa akin. Bri,
will you marry me?"

"Ay letse ka Seph, ako iyong isu-surprise ka tapos ako isusurprise mo. Ikaw may
birthday tapos parang ako na ang may birthday sa lagay na ito, sinira mo surprise
ko," sabi ko sa kanya habang naluluha na ako. Tinawanan niya naman ako.

"Bri, will you marry me?" Ulit niyang tanong sa akin. Tumango naman ako sa kanya.

"Yes!" Halos pasigaw ko na sabi sa kanya. Ngumiti naman siya sa akin tapos sinuot
niya iyong singsing sa daliri ko tapos tumayo siya at hinalikan ako sa labi.

"I love you Bri," sabi niya sa akin bago niya ako yakapin.

"Mabuhay ang bagong kasal!" Sigaw ni Ara habang may hawak na basket na may petals
tapos sinaboy niya sa amin iyon ni Seph. Si Miguel at Aisee naman ay tuwang-tuwang
nakikisaboy rin gaya ni Ara.

Nakita ko naman sila mama, papa at kapatid ko na nandito rin, tsaka na rin ang
daddy at mga kapatid ni Seph. Nandito rin sila Sprouse ang girlfriend niya na si
Veronica.

"Salamat naman at magpapakasal ka na akala ko tatanda ka ng matanda," sabi sa akin


ni papa. Tiningnan ko naman siya ng masama bago ko yakapin niyakap niya rin naman
ako ganoon din sila mama at kapatid ko. Niyakap din ako ng daddy at mga kapatid ni
Seph.

"Congratulation," bati sa akin ni Aislinn bago ako yakapin.

"Salamat, kayo ha kaya pala ayaw niyo ako tumulong," sabi ko sa kanya tinawanan
niya naman ako. Lumapit sa akin si Sprouse kasama ang girlfriend niya.

"Congratulation Lila," bati sa akin ni Sprouse bago ako yakapin.

"Salamat."

"Congrat Lila," bati sa akin ni Veronica. Tipid na nginitian ko naman siya. At


nagpasalamat ako.

"Mama sabi ni Tita Ara magkakaroon na raw ako ng kapatid, gusto ko boy and girl
mama." Masayang sabi sa akin ni Miguel. Tiningnan ko naman ng masama si Ara na
nakangisi sa akin bago ko ngitian si Miguel.

"Huwag ka masyadong magpapaniwala kay Tita Ara mo," sabi ko sa kanya. Hindi na
nagtanong si Miguel dahil lumapit na siya kay Aisee na ngayon nilalantakan na ang
cake na gawa ko para kay Seph.

"Aislinn iyong anak mo tingnan mo," sabi ko kay Aislinn. Nang makita niya ang anak
niya ay binatukan niya si Ara.

"Sabi ko itaas mo iyong cake ayan tuloy nilantakan na ni Aisee alam mo naman na
kanina pa masama ang tingin niyan sa cake," sabi ni Aislinn.

"Aray naman nakalimutan ko e, na-excite kasi ako hayaan mo na si Aisee," sabi ni


Ara. Inirapan naman ito ni Aislinn at nilapitan ang anak niya.

Naramdaman ko naman na may yumakap sa baywang ko napatingin naman ako nakita ko si


Seph na nakangiti sa akin na kitang-kita ang dalawa niyang dimples na napakalalim.

"I love you and thank you," sabi niya sa akin. Hinawakan ko naman ang kamay niya na
nasa baywang ko.

"Thank you rin and I love you too," sabi ko sa kanya.

"Hindi na ako makapaghintay na maging Kalila Aubrey Morales - Javier ka."


"Ako rin, salamat talaga." Nginitian niya naman ako bago saglit akong hinalikan sa
labi at yakapin niya ako ng mahigpit.

Wala ng sasaya pa sa naramdaman ko ngayon. Akala ko dati ng maghiwalay kami ni Seph


ay hindi na kami magkikita pang muli. Akala ko dati hanggang doon na lang ang kami
at natuldukan na ang koneksyon namin pero nagkamali ako nagtagpo ulit kaming dalawa
para ituloy ang dating nasira naming relasyon.

Si Joseph Miguel Javier na isang stranger sa akin noong college days namin. Isang
stranger na feeling close at lagi akong kinukulit. Ang dating stranger na ngayon ay
malapit ko na maging asawa.

xxx Kalila Aubrey and Joseph Miguel xxx

The End

Download by wDownloaderPro

topvl.net

You might also like