You are on page 1of 19

Ang Kwento ng Greenminded

This story is dedicated to the following: Casper, Yanyan at Demisse at sa lahat na


din ng mga shrek sa Greenland. Hello! hello!
Trip trip lang ito kaya wag niyong seryosohin. Sampung chapters lang pero baka
abutin ako ng isang taon bago matapos kasi nga trip trip lang.
Ang Kwento ng Greenminded
Prologue
Hindi ako malandi, greenminded lang talaga.
Hindi ako maharot, greenminded lang talaga.
Hindi ako balahura, greenminded lang talaga.
Hindi ako bastos, greenminded lang talaga.
Hindi ako easy to get, greenminded lang talaga.
At lalong lalong hindi ako pakawala, greenminded lang talaga.
Ako ay sexy, maganda, matalino, mayaman, mabait at greenminded.
Greenminded to the point na kapag may lalaking nagturo sa akin ng ibon, hindi
ako titingin sa itaas. Titingin ako sa gitna, to the place where the belly and the
legs
meet.
Sabi nga nila always 'think out of the box'. Be creative, be imaginative and be
perceptive.
Ganyan ako.
Ako si Raziel. Greenminded.
And welcome to my world.
The Greenland.
- 5 -

1. Lime
1. Lime
Haaaaaaayyyyyy Stress with a Capital S!! Stress talaga pag andito si Grandma.
Katulad na lang ngayon, nagbbreakfast kami pero nagmamadali ako kasi dadaan pa
ako sa Breadtalk kasi bibili ako ng favorite bread niya para dalhin sa office.
Kakastressssss.
“Raz!” Napalingon ako bigla kay Kuya Jude. Nakanganga pa ako niyan.
“Anong ginagawa mo?” Nakakunot pa ang noo niya habang nakatingin sa akin.
“Why?” napatigil naman ako sa ginagawa ko.
“Bakit mo sinusubo ang itlog?” Parang nanggigilalas pa siya nung sabihin niya
yun.
“Bakit? Masama bang isubo ang itlog? Sa pagkakaalam ko, hindi masama sa isang
babae na katulad ko ang sumubo ng itlog.” I smirked at my brother na nakita kong
namula. Lahat ba talaga ng ulo madaling magreact? I mean mukha pala!
“I mean, bakit mo isusubo ang itlog kung may balat pa? Ni hindi mo man lang
kinuha ang balat.” Napatingin ako bigla sa itlog na hawak hawak ko. Sus! Oo nga
pala! Hindi ko pa pala nababalatan.
“Ayyyy oo nga ano! Dapat kasi bago ihain ang itlog binabalatan muna. Kadiri
naman kasi pag may balat yun. Ewww ha! Dapat kasi hindi boiled egg ang hinanda
nila Ate. Mas masarap kaya kainin ang binating itlog.” Sabay kagat sa binalatan
kong itlog. Hmmmm! Infairness ha! Ang kinis ng itlog na to. Ahehehe.
“Raziel!” Pulang pula na ang mukha ni Kuya. Shucks! Bakit siya namumula?
“Bakit na naman!?” Hindi ko tiningnan si Kuya. Nakafocus ako sa itlog. Ito ang
gusto ko na luto ng boiled egg. Yung medyo moist sa gitna. Malinamnam kasi pag
ganun.
“Pwede bang umayos ka! Pag may ibang taong makakarinig sayo sasabihin nilang
bastos ka!” Susme! Ano ba ang pinagsasabi ni Kuya?
- 6 -

“Anong masama sa sinabi ko? Ang greenminded mo talaga Kuya! Makaalis na


nga!” Tumayo na ako at uminom ng tubig tapos iniwan na si Kuya.
Sumakay na ako sa aking Green na Range Rover. Gustong gusto ko ang kotse na
to hindi lang dahil sa green ang kulay niya kundi dahil sa malaki siya at mahaba. I
fell in love with it the first time. Mahilig talaga ako sa malalaki at mahahabang
bagay.
In no time, nakarating agad ako sa SM kung saan ako bibili ng bread. 9AM na at
8AM ang pasok ko pero papatawarin naman ako ni Grandma kasi may pasalubong
naman akong tinapay. Sasabihin ko na lang na hinitay ko pang magbukas ang Bread
Talk.
Agad akong pumasok sa Bread Talk at kumuha ng tray. Hinanap ko na din ang
favorite bread ni Grandma. Nung makita ko ang bread na favorite niya kumuha
kaagad ako ng tatlo. Napangiti pa ako. Alam niyo yung bread na may sausage sa
loob? Bakit kaya sa loob nilagay ang sausage? Mas masarap ba pag nasa loob ang
sausage? Hahaha!
Kumuha na din ako ng favorite kong Fire Floss at siyempre makakalimutan ko ba
ang all time favorite kong Eggstraordinary? Dalawa na lang ang natira kaya
nagmadali akong pumunta sa eggstraordinary pero bago pa ako nakalapit na
distract ako ng lalaking muntik ko ng mabangga.
“Mukhang monay?” Napatingin ako sa kanya. Ano daw? Monay?
“Ano kasi ang pangalan?” Pause.
“Bakit hindi mo matandaan?” Pause
“Ano? Monay na may itlog sa loob?” Nanlaki ang mga mata ko. Shit! Bakit sila nag
uusap ng ganyan dito?
“Sige sige. Itatanong ko na lang.” Tapos binaba na nung lalaki ang phone tapos
tumingin sa akin kais nga nakatingin ako sa kanya at nanlalaki pa ang mga mata ko.
Baka sabihin niyang nakikinig ako sa usapang monay nila!!! Eh nakikinig naman
talaga ako.
“Miss, excuse me, alam mo ba ng name ng tinapay daw na mukhang monay na
may itlog sa loob?” Feeling ko namula ako from roots to tips. Kumalma ka raziel.
Tinapay lang yan. Tinapay! Pero ano ba ang hinahanap niya? Yung freshly baked ba?
Mas masarap ata ang freshly baked.
- 7 -

Pero hindi ako makapagsalita. Hindi maalis sa isip ko ang monay na may itlog sa
loob.
“Ahmmm Miss.” Naghihintay siya ng sagot ko. Kaya tinuro ko sa kanya ang
eggstraordinary. Yan naman kasi talaga ang hanap niya.
Pero teka!! Akin yan eh!
Kukunin na niya sana nung pinigilan ko siya.
“Akin yan.” Napatigil naman siya sa pagkuha. Kaya I took the opportunity para
kunin ang monay este ang eggstraordinary ko.
“Miss naman, pa share naman ng monay mo!” Huwat!!! Bakit ko iseshare sa kanya
ang mon—eggstraordinary ko? Eh kulang pa nga sa akin ang dalawa? No way
mister! Hindi pa tayo magkakilala kaya no way na iseshare ko to sayo.
“Ayoko nga! Magtanong ka dun sa saleslady kung meron pa silang
mon--eggstraordinary!” Para naman uto uto yung lalaki na lumapit sa naglalagay ng
mga bread.
“Miss, may monay pa kayo?” Sabay turo ng bread na nasa tray ko. Napangiti at
natulala ang saleslady. Susme! Tapos after ilang seconds bumulalas siya.
“Madami po Sir!” Oh my God! Dali dali akong pumuntang cashier at binayaran
ang mga tinapay na pinamili ko! Tapos umalis na ako sa lugar na yun.
Pagkatapos naglakad na ako papuntang parking. Magte-10AM na. Pagkadating ko
sa parking napatulala ako sa napakagandang kotse na nasa tabi ng kotse ko.
Sosyal! A Porsche sportscar. At dahil wala namang masyadong tao sa parking, I
check out the car. Ito ata ang bagong model ng Porsche. Ang ganda!
Aliw na aliw ako sa pagtingin sa Porsche nung may marinig akong tumikhim.
Napalingon ako at nagulat pa ako nung makita ko ang lalaking mahilig sa monay.
“Is this yours?” Tinuro ko ang kotse. Ngumiti naman siya at lumapit sa akin.
“Yes. Mahilig ka sa kotse?” Nahiya naman ako bigla. Nahuli kasi niyang akong
tinitingnan ang kotse niya.
“Medyo. Nadala kasi ako ng kuya at ng mga pinsan kong mahihilig sa kotse at sa
- 8 -

pagdadrive. Anong model ito ng Porsche?”


“Porsche Boxster S” Hanudaw? Hehehe! Sounds like..hehe.
“Wow! You’ve got a nice car.” Sabi ko na lang at inerase ang nasa isip ko.
“Thank you.” Tapos pinindot na niya ang hawak niyang remote kaya tumunog ang
kotse tapos binuksan na niya ang pinto.
“You wanna see the inside of my Boxster?” Nakangiti pa siya habang sinasabi niya
yun. Nanlaki naman ang mga mata ko. Ano daw? Bakit nagiging bingi ata ako?
“The inside of your boxer!?” Napalakas ang boses ko at napalunok ako. Bakit
ipapakita niya sa akin? At dito sa parking? Baka mahuli kami!!
“The inside of my car.” Nakangiti niyang sabi. I can see the glint in his eyes na
parang naaliw siya sa usapan namin.
“Owwww!” Sabi ko na lang habang tumatango. “Is it okay with you if I take a look
inside your boxer este Boxster S?”
“Sure!” Tapos binuksan na niya ngh maluwang sa may bandang driver’s seat.
Hindi naman ako pumasok, sinilip ko lang ang Boxster niya kasi nakakahiya naman.
Kakakilala lang namin.
His Boxster is obviously new and new cars generally smells so good. Sa loob kaya
ng Boxster niya, mabango din.
It makes me wonder tuloy how sleek and fast he is. I mean his car.
Yung laman kaya ng Boxster niya mabilis din?
Smooth kaya pag dinadrive?
And I’m dying to know and smell the inside of his boxer… I mean Boxster.
Pagkatapos kong tingnan ang loob ng kanyang Boxster nagthank you na ako at
binuksan ko na din ang Range Rover ko. Pero bago pa ako makapasok nagsalita ulit
siya.
"By the way, I'm Rex!" pahabol niya tapos ngumiti. Ohhh my!! Pati ba naman
- 9 -

pangalan!
"I'm Raziel. Nice meeting you S-ahmm..Rex. And thank you for allowing me to see
the insides of your Boxst-ehem-er."
"No problem. Pag nagkita ulit tayo, I'll let you drive it. Nice meeting you too
Raziel" Ngumiti ako at ngumiti din siya tapos sabay na kaming pumasok sa aming
mga kotse.
Pinauna niya akong lumabas sa parking at nagwave pa kami sa isa't isa when we
parted our ways. Dumiretso na ako sa office ni Grandpa na office rin ni Kuya Ralph.

Nagpapark na ako nung biglang...


Blag!
Fuck!
Pagkatingin ko, nakita kong nasagi ko ang isang....
Boxster!!
Author's Green Note:
Pagpasensiyahan niyo na po ang sangkatutak na advertisement. madami lang po
kasing sponsors.
Nangyari po ang lahat ng to bago pa masilayan ni Paeng ang kilikili ni Ana sa
batis at bago pa siya masuspend ni Grandma.
Nasa gilid po ang picture ng BOXstER S ni Rex. Nasa External link naman ang
malaki at mahabng Range Rover ni Raziel.
- 10 -

2. Emerald
2. Emerald
Hindi ako nagkakamali! Yan ang Boxster ni Rex. Bakit ko ba kasi nasagi yun? Buti
sana pag nasasagi eh biglang tatayo tapos manunuka pero hindi eh. Baka ang
balahibo ko ang tatayo sa laki ng ibabayad ko sa pagpapaayos nito sa casa. At bakit
ba kasi andito siya sa building namin?
Inayos ko na ang pagpapark at lumabas ng sasakyan ko tapos chineck ko ang
damage sa Boxster. Takte! Nagasgasan ko. Kainis naman!
At dahil kahit na greenminded ako ay honest naman, kumuha ako ng papel at
nagsulat.
‘Rex,
As you might see, there’s a dint on the bumper of your Boxster, I accidentally
bumped on it. I’m sorry but I am willing to pay for the damages. Here’s my number,
you can call me anytime, 24/7. 09169696969.
Raziel.’
Baka kasi di kami magkita kahit nasa iisang building lang kami. Dumiretso na ako
sa Department namin. Nasa Marketing Department kasi ako at isa akong ulirang
empleyado. Kahit GOO (Granddaughter of the Owner) ako, ayaw na ayaw ni
Grandma na inaabuso namin ang aming posisyon kaya dahil nagsisimula pa lang
ako, isa akong hamak na Rank and File employee. Pero okay alng masaya naman
ako.
Mamaya ko na ibibigya kay Grandma ang bread niya pag sinita na niya ako.
Wahahaha. Umupo na ako sa table ko at nagsimulang mag work.
Pumunta ako ng CR kasi naiihi ako nung may marinig ako sa may bandang fire
exit.
“Ba’t ang tigas nito?” Boses ng babae ang naririnig ko.
“Ganyan talaga yan, pero masarap yan. Tikman mo! Ito hawakan mo.” Boses
naman ng lalaki. Ano ang ginagawa nila sa fire exit?
- 11 -

“Ang tigas eh!” yung babae naman.


“Sige lang kainin mo lang.” Paksyet!
“Masarap nga!” Humagikgik pa yung babae.
“Sabi ko sayo eh. Sige na I blow mo na! Ayan! Di ba lalong lumalaki! O
dahan-dahan lang, malapit nang pumutok oh!” WoooaaahhhH! Don’t tell me…
“Isa lang muna ngayon kasi bawal to. Baka mahuli tayo.” Sabi pa ulit ng lalaki. At
may plano pa silang ulitin. Makikita niyo!!
“Oo nga! Bawal. Pero masarap siya ha!.” Humagikgik ang babae sabay din ang
tawa ng lalaki.
“Oo nga. Ang galing mo palang mag blow. Sige isa pa. Pero wag mo munang
paputukin ha!” Sabi nung lalaki. Di ko na nakayanan. Bigla kong binuksan ang pinto
ng fire exit. Nagulat ang dalawang tao na nasa loob ng fire exit. Pati sila nagulat
din.
“Raz!” Sabay pa nilang sabi.
“Anong ginagawa niyo dito!?” Sabi ko sa kanila. Huli kayo!! Dito pa kayo gagawa
ng kababalaghan sa office ha! Masisisanti kayo!
“Ahmmmm…kasi Raz… bawal kasi sa office…” nag iistammer ang girl na taga
Finance Department.
“Talagang bawal! Isusumbong ko kayo!”
“Wag!!” Sabay nilang sabi.
“Wag mo kaming isumbong. Gusto ko lang naman ipatikim kay Gem anmg
pasalubong ng Ate ko na bubble gum galing Japan. Masarap kasi eh. Kung gusto mo
sayo na lahat wag mo lang kaming isumbong.” Sabay bigay sa akin ng isang pack ng
bubble gum. Napatingin na lang ako sa kanilang dalawa.
Bubblegum? Langya!
“Hindi na! Sa susunod, pag kumain kayo ng bubblegum wag masyado maingay ha!
Pahingi nga!” Tapos kumuha ako ng tatlong piraso at tinalikuran ko na sila.
Nag CR na ako at pumunta sa table ko at kinuha ang bread para ibigay kay
- 12 -

Grandma tapos umakyat na ako sa floor ng office nila.


“I can’t believe that you choose that fish over me Raphael!” Narinig ko ang boses
ni Grandma. Mukhang galit siya. Ano daw? Fish over her? Tama bang icompare niya
ang sarili niya sa isang isda? Kung sisiran lang din ang pag uusapan aba! Walang
panama si Grandma!
“Grandma, you know how important this fish is!” Malumanay na sabi ni Kuya
Ralph.
“More important than me? You know what you just did? It’s as if you wanted to
kick me out of this office! Remember that I am still the owner and you are just the

President!” hala!!! So mad to the highest level na si grandma oh!


“Grandma, it’s not like that. It’s just your portrait, for God’s sake! Kung gusto
mo
ibalik natin. Walang problema.” Sabi naman ni kuya Ralph.
“Talagang ipapabalik ko yun whether you like it or not Raphael. That’s
insubordination and you’re suspended indefinitely!” Sigaw pa ulit ni Grandma. Tagal

naman nila mag usap!


“What!! You’ll suspend me just because of that fucking portrait?” Sigaw din ni
Kuya Ralph.
“No! It’s because of that fucking fish!” Sigaw din ni Grandma. And now, they’re
fucking each other. Gross! Pumasok na ako bago pa lumala ang kanilang pag uusap.
“Hello fucking people!” Napatingin silang dalawa sa akin. Ngumiti ako ng malaki.
“You’re late again Raziel!” Sigaw pa ni Grandma. I smiled at her and showed her
the plastic with the bread.
“I bought your favorite bread. And yours too.” Sabay bigay ng bread nilang
dalawa.
“Thank you!” Sabi ni grandma. “Raphael, your suspension is effective today!”
Sabay irap kay Kuya Ralph.
“But Grandma…”
“No buts.” Tapos tumalikod na siya sa at lumabas ng office. Ang saklap ng mukha
ni Kuya Ralph. Napatingin siya sa aquarium na nasa gilid ng wall at tiningnan ko
din
- 13 -

ito.
“Nice fish!” Sabi ko kasi maganda talaga ang isda.
“Fucking diver!” Pabagsak siyang umupo sa kanyang chair at kumain ng monay
na may egg sa loob. Nakikain na din ako sa kanya at pinapanood ang frustration ng
pinsan ko. Maya maya may kumatok kaya pinapasok ni Kuya Ralph.
Muntik na akong mabulunan nung makita kong pumasok si Rex sa office ni Kuya
Ralph with his monay and without his BOXstER.
“Hi Raziel!” Mukhang nagulat din siya pagkakita sa akin pero bumaling agad siya
kay Kuya Ralph.
“O! ito na ang monay mo!” tapos napatingin siya sa kinakain ni Kuya Ralph. “bakit
ka pa nagpabili eh kumakain ka na pala ng monay?” Ang dami namang monay yan!
Mahirap ba talaga sabihin ang Eggstraordinary? Iba tuloy ang napipicture ko pag
nag uusap sila about sa pagkain ng monay!
“Dinala ni Raz. Magkakilala na pala kayo?” Sabi pa ni Kuya Ralph. Sarap na sarap
siya sa kinakain niya. Pumipikit pikit pa! Goodness!
“Oo nagkita kami kanina sa Mall nung bumili ako niyan tapos magkatabi lang pala
sa parking at naging interesado siya sa aking Boxster.” Sabi ni rex.
“At nagasgas ko kanina ang kanyang Boxster sa parking sa baba.” Dagdag ko pa
sabay yuko. Sana wag siyang magalit. Baka parusahan niya kasi ako. Please lang,
wag mo akong pagalitan, halayin mo na lang ako.
“Nagasgas mo!” Napanganga si Kuya Ralph.
“You what!?” Bulalas ni Rex. Lalo akong napayuko. Ayan na hahalayin na niya ako.
Ayaaann na!! Pwedeng wag sa harap ni kuya Ralph?
“Pasensiya na talaga Rex. Hindi ko naman gusto na masagi ang BOXstER mo.
Nagmamadali kasi ako!” I gave him a puppy look na parang nagsisisi talaga ako sa
ginawa ko. Alam ko kasi na nagmumukhang anghel ako pag ginagawa ko to.
“It’s okay!” Napatingala ako bigla. Weh? Okay lang na masagi siya palagi?
“Talaga?” Tuwang tuwa naman ako. Pwede ko na ba siyang yakapin? Tapos
halikan? Sa lips? Ooopppss… Raz, greenminded ka lang di ka manyak.
- 14 -

Oo nga! Greenminded lang ako kaya nga hanggang pag iisip lang. Kung manyak
ako eh di sinunggaban ko na siya. Wag kang OA author, di kesyo manyak ka,
itutulad mo na ako sayo. Bwahahaha.
“May insurance pa naman yun, kaso ikaw nga lang magbabayad ng participation
fee.” Sabi pa niya habang nakangiti. Napatitig ako bigla sa kanya. Napakurap pa
ako. Naku ang ngiti teh!!!! Pamatay. Ganyan siya kagwapo? Isipin niyo ha! In my 21
years of existence ang gwapo lang sa akin ay ang Kuya ko at ang mga pinsan ko
pero hindi ko alam na may hihigit pa sa kanila!
“Oo! Magpaparticipate ako! Kahit saan, kahit kailan” Namamalikmata pa din ako
sa ngiti niya. Hala! Bakit di na siya tumigil sa kakangiti?
“Hoy! Raziel! Matunaw si Rex.” Biglang sigaw ni Kuya Ralph. Tiningnan ko siya at
inirapan. Panira to!
“Bakit andito ka pa Kuya? Di ba sinuspinde ka na?” Umasim ang mukha niya sa
sinabi ko. Hah! Akala mo ha! Pero napahiya ako dun ha!
“Makaalis na nga. Tara na Rex. Ipadala mo na alng ang bill ni Raziel.” Umalis na
siya sa kwarto. Si Rex naman, ngumiti sa akin at nagwave. Ngumiti din ako at
nagbye tapos nung naisara na nila ang pinto, ang laki ng ngisi ko.
Nakita niyo yung kamay niya? Ang linis di ba? Weakness ko pa naman ang mga
malilinis na kamay ng mga lalaki. Kaya hindi ko maatim na madumi ang mga kuko at
kamay ng mga Kuya ko kaya ako ang official na tagapedicure at manicure nila.
Sino kaya ang naglilinis ng kamay niya? Gusto niya kayang linisan ko din yun?
Hindi ko maimagine kung ano ang pwedeng gawin ng mga kamay na yun. Ay
naiimagine ko pala pero hindi ko sasabihin. Baka sabihin na naman ng author na
manyak ako. Hindi naman totoo.
Pag uwi ko nung hapon, dumiretso ako sa bahay ni Kuya Ralph at nakita ko siyang
nagliligpit ng gamit.
“Saan ka pupunta?”
“Eh di magbabakasyon. Suspended nga di ba?” Ang bitter talaga ni Kuya Ralph.
Ano ba ang nakita ng mga babae sa kanya at hinahabol habol siya.
“Ohhhkay. Pero bago ka umalis may tanong ako sayo.” Napatingin siya sa akin.
Nakakunot pa din ang noo.
- 15 -

“Ano yun!?”
“May gf na ba si Rex?” Nakangisi kong sabi. Napatingin bigla sa akin si Kuya
Ralph.
“Hoy Raziel, umayos ka! Hindi ka pa pwedeng mag asawa!”
“Exag ka Kuya, parang nagtatanong lang kung may gf pag aasawa kaagad? At
saka napopogian lang naman ako sa kanya tsaka ang cute cute niya ngumiti,
mukhang mabait din siya at panigurado mayaman. Thoughtful din at malinis sa
katawan lalo na ang kuko niya. Siya ang ideal husband ko.” Heheh. Hindi daw pag
aasawa.
“Type mo na ganun?” I smiled sheepishly at Kuya Ralph and nodded. Napapa –tsk
–tsk na lang siya. Tapos nag isip.
“Wala pa namang gf yun pero…wag na siya. Hindi kayo talo nun!” nanlaki naman
ang mga mata ko.
“Bakla siya?” Hindi ako makapaniwala? Kaya ba binilhan niya ng monay si Kuya
Ralph?
“Hindi! Adik to. Nagkagf din yun nung college kami. Kaso hindi kayo bagay. I
mean, hindi ka bagay sa kanya. Baka mahawaan mo pa siya ng pagiging green mo!”
Tapos ngumisi si Kuya Ralph. Ay bwisit to! Parang hindi pinsan kung makapagsalita.
“Ang sama mo! Makikita mo! Darating ang araw na makakakilala ka ng babae na
hindi mo madadala sa charm mo! Yung babalahurain ka. Yung sasaktan ang egg
mo.” Banta ko pa sa kanya. Bakit kasi masyadong mayabang ang mga pinsan ko?
“Ego?” At bingi pa.
“Hindi! Egg! Hindi Ego! Bingi!”
“Hindi pa yun napapanganak. Ni hindi pa ata napfertilize ang egg para mabuo
yun!” Buong kumpiyansang sabi ng over mayabang kung pinsan.
“Hmp!” Inismiran ko si Kuya Ralph. Tapos biglang nagbeep ang cellphone ko.
Unknown number
‘Hi, This is Rex. Are you free this Sunday?’
- 16 -

Napangiti ako ng malaki. Tapos taas noong hinarap ko ulit si Kuya Ralph.
“Hindi ko na kailangan ang tulong mo.” Tapos pinakita ko kay Kuya Ralph ang
message ni Rex. Ngiting ngiti pa talaga ako.
“Type din niya ako. Bye bye.” Tapos tinalikuran ko na siya. Pagkadating ko sa
elevator nagtype ako sa cellphone ko.
“Yes, I am free.” Malayang malaya para sayo. Wahehhehehe. Ang landi. AY teka!
Di pala malandi. Greenminded lang.
- 17 -

3. Chartreuse
Chapter 3. Chartreuse
Eggcited na eggcited ako ngayon. Ngayon kasi ang date namin ni Rex. Susunduin
niya daw ako. Special ang araw na ito kaya nagsuklay ako. Bibihira ko lang gawin
yun. Mga 9AM siya dumating. Tinawag na ako ng katulong na may naghihintay daw
na pogi sa akin sa labas.
Bumaba na ako at nakita ko siyang nakaupo sa living room at umiinom ng juice.
Napatingin ako sa straw at napalunok ako. Ang swerte ng straw na yun sana naging
straw na lang ako para sipsipin niya din. He will taste all the sweetness that I
can
offer. Wahaha.
Ngumiti siya nung makita niya akong pababa at it nearly knock me down.
Napahawak tuloy ako sa hawakan ng stairs. Grabe! Nakakasilaw ang ngiti! Why so
pogi naman kasi Kuya? Lumapit na ako sa kanya tapos niyaya ko na siyang lumabas.
Kabadtrip kasi kanina pa siya pinagnanasaan ng mga katulong namin. Pagdudukutin
ko mga mata nun eh.
Oo pinagnanasaan talaga. Ako lang naman ang wholesome sa bahay, lahat sila
mga manyak. Ako lang ang wholesome at greenminded.
Nakapark na ang Boxster niya sa harap ng bahay namin. Nawala na yung sira.
Magkano kaya ang isisingil niya sa akin?
Pinagbuksan niya ako ng boxster niya at namangha ako nung makita ko ang loob
ng malapitan. It was so sleek at napakabango. Siguro ang sarap hawakan
ng….manibela nito. Tapos ang sarap din himas himasin ng… upuan. I wonder how it
would feel pag nakakulong sa mga palad ko ang … kambyo. Would it perfectly fit my
hand? At dahil ba sa automatic ito aarangkada na ba kaagad at my mere touch?
Gaano kaya ito kabilis?
Umupo na ako sa loob ng Boxster niya at inhaled its alluring scent. Nakakaadik.
Hmmmm…
“Rex, magkano ang utang ko sayo?” tanong ko kaagad pagkaupo niya sa upuan.
Tiningnan niya ako saka ngumiti. Gaahhhhhd! Napakurap ako ng mga mata.
“Okay na ang pagsama mo sa akin ngayon.” Natuwa naman ako sa sagot niya.
- 18 -

Ayyyy inlove na ang lolo niyo sa akin. Nagpapacute pa.


“Talaga? Kung gusto mo sasamahan pa kita habangbuhay eh!” Nagulat siya sa
sinabi ko. Pati ako nagulat sa sinabi ko. Taeng mouth ito. Para mapagtakpan ang
kahihiyan ko ngumisi na lang ako at sinabing…
“Joke! Hihihi.” Tandaan mo Raziel. Greenminded ka lang pero di ka malandi.
Umayos ka!
Ngumiti lang siya sa akin tapos nagkwentuhan na lang kami ng kung ano ano
habang nagbabyahe. Ang swabe lang niyang magdrive. Ang galing niyang diver este
driver pala. Swak na swak lang.
At sa aming pag uusap nalaman ko na kaklase niya nung college si Kuya Ralph at
graduate siya ng Business Administration Summa Cum Laude. Basketball player din
pala siya nung college so ibig sabihin magaling siyang magshoot. Kahit ba madilim,
naisoshoot niya? Wahahaha. Gusto kong malaman yun!!!
“So ano ngayon ang ginagawa mo sa buhay?” Curious na tanong ko.
“Ako ngayon ang humahawak ng business namin. Nasa packing business kami,
yung Philippine Packing Corporation.” Ang cute talaga niya ngumiti. Pambihira, pati

mata niya nagniningning kapag ngumingiti siya.


“Ahhhh… ang galing mo naman na kaya mo I manage ang fu—ahmmm—packing
business niyo. So ikaw ang President ng mga packers? Eh di palagi mong
nakakasalamuha ang mga packers? Eh di magaling ka din mag
ahmmm..pweee—pack?” Feeling ko nag iinit ang atmosphere sa loob Boxster niya.
Holy….
“Hindi naman masyado, kasi bago ko namanage ang business, nagtrain muna ako
as a packer para malaman ko talaga ang pasikot sikot at maging isang magaling na
packer.” Tumango ako. Siempre perfect makes practice. Ay practice makes perfect
pala. Huwawa! Nagkabali baliktad na ang thoughts ko. Pero ano daw? magaling na
packer? Pa try nga! pa try!
“So nakakailang pack ka naman sa isang araw?” Tumingin siya sa akin saglit tapos
ngumiti.
“Hindi ko mabilang eh. Basta madami. Ang standard kasi 100 pack per minute.”
Nanlaki ang mga mata ko. Ganun kadami? Nakakayanan niya? Makakaya ko kaya?
Ohhh my!!! At sinabi niyang standard lang yun?
- 19 -

“So nalagpasan mo na ang standard of packing?” Amaze na amaze ako sa kanya.


Di ba pag ganun dapat nasa guinness na?
“Oo naman.” Holy COW!!!! Pinaypayan ko ng kamay ko ang mukha ko.
“Raz, okay ka lang?” Tumango ako ng mabilis. I can’t even find my voice dahil sa
nalaman ko. 100 packs per minute. WOOOOOOWWWW!!
Pinilit kong ibahin ang topic at ilayo sa aming packing talks kasi mukhang
ipapahamak ako ng aking packing thoughts. Siguro nagtataka siya bakit namumula
ako eh ang pagpa-pack lang naman ang pinag uusapan namin.
At kahit hindi na pagpapack and usapan namin naaliw pa rin ako sa pakikipag
usap sa kanya hindi ko namalayan na nakapark na kami sa labas ng simbahan.
SIMBAHAN?
Packing Church?
Anong gagawin namin dito? Dito na ba ngayon nakikipagdate? Tumingin tingin
ako sa paligid at nakita ko nga na madaming pairs ang nagsisimba. Mukhang dito na
nga ang venue sa pakikipagdate! Bagong trend?
Nanlalaki ang mga mata ko at hindi ako makagalaw sa inuupuan ko. Tapos
napansin ko na nabuksan na ni Rex ang pinto sa passenger side and he offered his
hand para alalayan akong lumabas ng Boxster niya.
Ayoko! Dito lang ako sa loob ng Boxster. Ayokong lumabas. Mas comfortable diot
sa loob.
“Raz, shall we?” Ngiting ngiti pa siya habang nakalahad ang kamay niya. At
nakakahiya naman kung paghihintayin ko siya kaya napilitan akong ilagay ang
kamay ko sa nakaoffer niyang hand. Dahan dahan akong tumawa.
Holy Shit!
Baka masunog ako!
Matagal na akong di nagsisimba kasi ayaw kong makipag face to face sa
nakakaalam ng lahat sa akin. Ang nakakaalam kung ano ang iniisip ko sa lahat ng
segundo ng buhay ko. Ang nakakakita kung gaano ka berde ang utak ko. Ang
nakakakilala sa akin through and through.
- 20 -

Baka the moment na umapak ako sa loob ng simbahan ay tamaan ako ng kidlat o
kaya may boses na lalabas tapos sasabihin…’Raziel, I know what you think last
summer.’ Peking duck!
Atubili akong sumunod kay Rex. Ganito ba talaga siya? MakaDiyos, makatao at
makabansa? O baka naman dinala niya ako sa simbahan kasi pakakasal na kami?
Possible ba yun? Wala ng ligawan? Kasalan agad?
Pero nagtaka ako na hindi kami pumasok sa simbahan kundi dumiretso kami sa
likod sa may kumbento. Pagkapasok na pagkapasok pa lang namin gusto ko ng
lumabas pagkarinig ko na ang kinakanta ang…’I seek you for I thirst’
“R-Rex ano ang gagawin natin dito?” Totoo ba na magpapakasal na kami? O kaya,
magpapaschedule na ng kasal namin?
Ngumiti siya sa akin ng nakakatunaw. Sa pagkakangiti niya gusto ko na agad mag
‘I do’. Ampupu!
“Aattend tayo ng recollection.”
Whaaaaaaaaattttttt!!!!????
- 21 -

4. Army
Chapter 4
Pagkatapos namin ma confirm ang schedule ng recollection, dumiretso na kami sa
pagsisimba. Dapat nga siguro ma impress ako kay Rex kasi kahit busy siya sa
pagpapack, religious pa din siya. Bibihira na lang ang mga ganung lalaki na kusang
pupunta ng simbahan mag isa at isa na doon si Rex. Yun nga lang dahil taken na siya

ngayon, kasama na niya ako.


So ayun nga nagsimba kami at laking pasasalamat ko at hindi naman ako umusok
o nasunog kaya. Pagkatapos namin magsimba doon na kami gumala este nagdate
pala. Pumunta kami sa isang ice cream house at nag order ako ng icepop. Bakit ba?
Masarap kaya ang icepop. Lalo pag buo mong sinusubo tapos tapos iroroll mo sa
tongue mo? Hmmmm..yummy!
Si Rex naman, nagorder ng banana split. Napatingin ako sa saging niya. Sobrang
laki. Nakakagulat sa sobrang laki. Siguro pag kinain ko yun mabibilaukan ako. Pero
I wonder kung ano ang lasa ng saging na nilagyan ng ice cream? Mahilig naman ako
sa saging pero hindi kasi ako sanay kumain ng saging na kasing laki ng saging ni
Rex. OMG! Kakasimba ko lang di ba?
Para mawala sa isip ko ang pinag iisip ko sumubo na lang ako ng ice pop. I lick the

tip of the ice pop at isinubo ito. Sobrang sarap lalo na at leche flan ang flavor,
masarap talaga ang lasa ng itlog. Di ba may itlog ang leche flan? Napapapikit ako
habang nasasarapan sa pagkain ng icepop. Nung nagmulat ako ng mata nakita ko si
Rex na nakatulala sa akin.
“Why are you looking at me like that?” He blink a few times tapos nagfocused na
siya sa akin.
“Ganyan ka ba talaga kumain ng icepop? Kailangang nakapikit?” Parang
namumutla pa siya nung sinabi niya yun. Nakakapagtaka talaga siya. Ahahah. Ako
pa daw ang nagtaka.
“Masarap eh. Para feel na feel. Malalasahan mo talaga ang flavor especially when
you lick it.” Tapos nagdemo ako. Napalunok siya. I don’t really know why. Hahaha.
So anyway, siempre we enjoyed our ice cream after that namasyal na kami at
umuwi. Hindi ko na ikkwento ang lahat ng nangyari sa buong araw naming paggala
kasi normal lang naman ang mga nangyari. Normal lang sa first date.
- 22 -

Normal lang naman sa first date ang pumasok agad sa isang 3-star hotel at
magrosary ng 10 hours di ba? Oo normal yun. Wahahaha. Joke lang. Hindi kami
pumasok sa 3-star hotel, sa 5-star hotel naman! Joke ulit. Hindi kami pumasok sa
kahit saang hotel. Asa naman! Conservative kaya si Rex! So ang ibig mo bang
sabihin Raziel, ang mga concervative hindi pumapasok sa mga ganun? Bias ka ah!
Ahhh Basta! Ayoko na ngang makipagsagutan sa isip ko. Nakakasira lang ng ulo.
Anyway, Pagkatapos naming magmall umuwi na kami. Yun na yun. Okay lang naman
sa akin kasi bukas na ang recollection namin at magkikita na ulit kami.
Magpopropose na kaya siya bukas? Ahehehe!
So natulog ako ng maaga kasi maaga niya akong susunduin. Napakagentleman
talaga niya. Ang aga ko na naman makakapasok sa mabango niyang Boxster.
Pumunta kaming Antipolo at doon kami magrecollection. Hindi ko naman first time
magrecollection kasi nagrerecollection at nagreretreat naman kami dati nung
highschool ako Every year pa nga eh, tapos ang popogi pa ng mga seminarista.
To summarize, nakakaenjoy ang recollection na yun at parang may LSS pa nga
ako sa isa sa mga songs. Yung song na..
‘Ang mga ibon, na nangingitlog.’ Yung ganung song. Tama ba? Nagingitlog ba o
lumalangoy? Ah basta parang ganun. Alam niyo na siguro yun. Tapos may naging
close ako na isang seminarista doon. Ang pogi lang pero mas pogi pa din si Rex. Ang

name nung seminarista ay George ang dinig ko nga ay Urge pero buti na lang at
inulit niya ang name niya bago pa ako ma shock. Isipin niyo na lang ang seminarista

na may urge. Whew!


“So, gusto mong position ang missionary.” Tanong ko sa kanya habang nagbbreak.
Si Rex kasi busy at may kinakausap din na ibang seminarista.
Napatawa ng mahina si George. “Raz, ang tawag doon Missionary Works. At oo
gusto ko ang missionary ..works.” May ngiti sa mga labi niya habang sinasabi niya
yun. Ganun ba kasaya ang missionary..works?
“Missionary works or position ganun din naman yun. Yung position niyo sa Chrush
pwedeng Priest, deacon, bishop, or missionary. Pasensiya na nasanay kasi ako sa
company namin na madaming positions.” Napatawa ulit siya. Aliw na aliw talaga
siya sa pakikipag usap sa akin.
“Hahaha. Ang kulit mo lang.” Sabi lang niya pero namumula na sa kakatawa. Ang
cute cute niya.
“Pinagtatawanan mo na ako. So anyway, pag nagmimissionary ba kayo
- 23 -

naghehelicopter kayo?” Curious talaga ako sa missionary position este works pala.
Sabi kasi nila masarap daw ang feeling pag naggaganun. Makakaramdam ka ng
fulfillment sa buhay mo. Gusto kong I try kaya tanong ako ng tanong. Pero itong si
George mukhang hindi ako siniseryoso kasi tawa ng tawa.
“Hindi. Usually nasa ibang bansa kami so plane ang sinasakyan namin.” Madami
pa sana akong itatanong kay George kaso tapos na ang break at nagsimula na ulit
ang session. Pero napagdesisyunan ko na gusto ko din ng missionary. I try kaya
namin ni Rex yun?
All in all enjoyable ang recollection at madami akong natutunan. Ang gaan ng
feeling afterwards. Pero ang ikinatutuwa ko talaga, sa buong araw habang
nagrerecollection kami.
Hindi ako naging greenminded.
Hurray!
Bagong buhay na ata ito!
- 24 -

5. Teal
Chapter 5
Simula nung recollection, naging super close na kami ni Rex. We went to church
every Sunday, we date when we have time at ang sweet sweet niya sa akin. He is the
perfect gentleman. Everyone thinks that we are together pero hindi namin pinag
uusapan ang bagay na yun. Kaya I conclude, na ang tawag sa klase ng relasyon that
we have is MU. Uu uso pa yun sa time namin. Hahaha.
Pero aaminin ko na minsan, nagtataka din ako bakit hanggang ngayon hindi pa
siya nagtatapat sa akin. Torpe ba siya at puro paramdam na lang? Ako na lang kaya
ang manligaw? Pero hindi eh, patience is a virtue, kaya maghihintay ako.
At dumating ang araw na pinakahihintay ko when Rex invited me sa wedding
anniversary ng parents niya. Masayang masaya ako. Ibig bang sabihin ipapakilala na
niya ako sa parents niya? Shet! Kami na nga ata talaga kasi ipapakilala na niya
ako.
At after ng parents introduction ano pa ba ang kasunod? Eh di kasal na! Rex is
really
a man of few words. Ni hindi nanligaw, pero di bali exempted na siya. Pogi naman
siya eh. Hahahaha.
Sinundo niya ako sa bahay kasi sa hotel iheheld ang party. Grabe sa wakas,
maghohotel na din kami. Wahaha. Oooppss! Magbehave ka nga Raziel. Pwede ba,
kahit ngayong araw pigilan mo ang pagkagreen mo?
So ayun nga pumunta kami sa party ng mga magulang niya at pagpasok pa lang
namin, pinagtitinginan na kami ng mga tao.Siempre kasi bagay na bagay kami. And
flattered na flattered ako kasi ang gentleman lang ni Rex. Alam niyo minsan nga
naiisip ko, at hindi kagreenan ang iniisip ko ha! So ayun nga, minsan iniisip ko na

parang ang surreal ni Rex. I mean, saan ka pa ba makakakita ng lalaking saksakan


sa pogi, saksakan sa yaman, saksakan sa kabaitan, saksakan sa pagkagentleman,
saksakan sa pagkasingle at higit sa lahat, magaling magpack. Sa panahon ngayon,
it’s either ang mga ganung lalaki ay either taken or bakla. Siguro nga nag iisa na
lang si Rex kasi I’m sure na single siya at mas sigurado ako na hindi siya bakla.
Kaya, napakaswerte ko at nagkita kami at nagkasundo. AT ngayon nga, ipapakilala
na niya ako sa parents niya. Oo kinakabahan ako pero mas lamang naman ang pagka
excited ko.
“Ma’am this is Raziel, Raziel Villegas. Raz, met my Mom and Dad.” Ngumiti ako sa
parents ni Rex nung ipinakilala na niya ako. Ibinigay ko na din ang gift ko at
- 25 -

nakipagshake hand sa Dad niya at nakipagbeso sa Mom niya.


“So, ikaw pala ang palaging kinukwento ni Rex sa amin. So are so pretty hija.”
Nakangiting sabi ng Mommy ni Rex.
“Thank you Tita.” Feeling ko namula ako sa sinabi ng Mom niya. Pero siempre pa
demure ako. Pero ano daw? Kinukwento ako ni Rex sa kanila? Damn! Kinikilig ako!
Baka nagpaplano na sila ng kasal namin ng hindi ko alam. Naku! Baka hidni green
ang piliin nilang motif! Hindi ako makakapayag!
Nag usap pa kami saglit tapos nagpaalam na sina Mommy at Daddy na kakausapin
daw ang ibang guest. Naks! Maka Mommy at Daddy naman ako oh!
“Ladies and gentlemen.” Napatingin kaming lahat sa harap. Magkatabi ang
parents ni Rex at nakangiti sa lahat ng bisita.
“Thank you all for coming and for sharing with us this day.” Nagpalakpakan ang
mga guest kasama na din ako.
“Today we are not only celebrating our 25th anniversary. We are also celebrating
something very important.” Medyo kinabahan ako sa sinabi ni Daddy. I aanounce na
ba ang engagement namin? Holy Shit!
“This is also the thanksgiving and despidida party of our son, Rex. Next week
marks the end of his sabbatical and he will be returning to the seminary. “ Parang
sinuntok ako sa dibdib sa narinig ko.
Seminary?
Sabbatical?
And it dawned on me. Rex is a seminarian. Napahawak ako sa dibdib ako at
muntik na ako natumba if not for the arms that caught me.
“Are you okay Raz?” I immediately straightened myself. Ang lakas ng kaba ng
dibdib ko. Lumayo ako ng kunti sa kanya.
It all fits. His gentle manner, ang pagkagentleman niya, and pagiging religious
niya and of course ang pagiging single niya. He is a freaking seminary and he is
going to be a freaking priest.
Madami pa ang sinabi ang Daddy niya. Thanking him for sharing his time with
- 26 -

them. Everyone looked at him and smiled at him. Ako nakatingin din sa kanya pero
hidni ko makuhang ngumiti. How could I smile kung parang hinihiwa ang puso ko?
My God!
I fell in love with a seminarian.
I fell in love with a soon to be priest.
At buong buhay ko, hindi ko pinangarap na maging karibal ang Diyos.
“Raz…” Napapikit ako pagkarinig ko sa boses niya. His gentle, soothing voice.
“Rex, I wanted to go home.”
- 27 -

6. Asparagus
Chapter 6.
Nakasakay na kami’t lahat sa kotse tulala pa din ako. Parang humiwalay ang
katinuan ko sa katawan ko. Gustong gusto kong hindi paniwalaan ang narinig ko
pero parang pirated dvd na nagrereplay ang sinabi ng Daddy ni Rex.
Namamanhid ang buong pagkatao ko pati ang pakiramdam ko namamanhid na
din. Gustong kong umiyak at magsisigaw pero hindi ko magawa. Ganito pala ang
mabigo. Ang sakit pero hindi mo alam kung saan ang masakit. Pati ata ngipin ko
sumasakit na.
Tahimik kami sa loob ng kotse. Mabuti naman at hindi siya nagsasalita. Hindi ko
alam kung alam niya ang dahilan ng bigla kong pagyaya pero kasi sinabi kong
masakit ang ulo ko kaya kailangan ko ng umuwi. Nag offer pa nga ang Mommy niya
na mahiga muna ako sa hotel room na kinuha nila para makapagpahinga pero
siempre hindi ako pumayag. Ayaw kong magkalat sa hotel.
Nakatingin lang ako sa harapan ng kotse. Nakatingin ako pero wala akong
nakikita, everything is a passing blur.
“Raz, are you okay?” I stiffened nung marinig ko ang boses niya. Raziel naman
kasi, sa dinami dami ng lalaking pwedeng mahalin bakit siya pa?
Eh malay ko ba naman na magpapari siya? Sino ang mag aakala na ang lalaking
mahilig mag pack eh pangarap palang maging priest? Na mas gusto pala niya ang
missionary kaysa sa packing? Aaaahhhh! Gusto kong sabunutan ang sarili ko. Kaya
pala…. Kaya pala mahilig siyang magsimba. Kaya pala close siya sa mga seminarista
at sa mga priest.
Waaaaaa!! Gusto ko na lang magpakamatay!
“Raz!” Bigla niyang hinawakan ang kamay ko na nakalagay sa lap ko. Para akong
napaso kaya agad kong inalis ito. Siguro nga nagtataka nasiya sa pagiging tahimik
ko. Paano naman kasi, pag nagkakasama kami, ang daldal daldal ko. Pero ngayon
ang tahimik ko.
“Gusto mo bang bumili muna tayo ng gamot?” Gamot? Gamot sa heartache meron
ka? Magagamot ba ang sugatan kong puso? Makakayanan ba to ng mefenamic acid?
- 28 -

“Hindi na. Gusto ko na lang umuwi.” Mahinang sagot ko. Alangan naman na
maging enthusiastic pa ako.
“Are you okay?” Tanong niya ulit. Ngumiti ako ng tipid.
Oo! Okay lang ako. Hindi mo ba nakikita? I’m alive, alert, awake, enthusiastic. Sa
sobrang pagkaalive, alert, awake, enthusiastic ko, gusto kitang ihampas sa pader
para magising ka. Bakit ba kasi pagpapari ang pangarap mong propesyon? Pwede ka
namang maging ama ng mga anak ko bakit pagpapari pa? Bakit? Bakit? Bakit?
Kung ako ang pipiliin mo, tutulungan kita sqa pagpapack, pwede naman tayong
mag missionary kahit hindi ka pari ah!
Gusto kong sabihin yun sa kanya pero hindi ko maisatinig ang mga saloobin ko.
Dahil kapag ginawa ko yun para ko na ding kinalaban ang gusto niyang pagsilbihan.
At dahil sa mga nangyari, lumalalim ng lumalalim ang mga tagalog ko. Pag hindi na
ako brokenhearted, sasali ako sa balagtasan.
“Ang tahimik mo.” Sabi pa niya. Napatingin ako sa kanya at nakita ko ang profile
niya kasi nakaharap siya sa kalsada. Na focus ang tingin ko sa mga labi niyang
mapupula. Nanghinayang ang buong pagkatao ko. Ni hindi ko man lang nahalikan.
Waaaahhhh!!
“Masakit lang talaga ang ulo ko.” At ang puso ko dahil binasag mo. Pero raz, wala
naman siyang kasalanan. Hindi naman siya nagpakita ng motibo sayo. Ikaw itong
assuming sa relasyon niyo na hindi naman nag eexist. Bakit mo siya sinisisi.
Waaaaahhhhhh!
“Andito na tayo.” Nakapark na nga kami sa harap ng bahay namin ng hindi ko
napapansin. Dali dali siyang lumabas at umikot sa side ko at pinagbuksan ako ng
pinto ng kotse. Isa pa ang pagiging gentleman niya. Sino ang hindi maiinlove sa
kanya? Napaka ideal niya. Ang sarap niyang iharap sa altar. Pero ang gusto pala
niya, kung haharap siya sa altar, mag isa lang siya at hindi ako kasama. At
napakasakit tanggapin ng bagay na yun.
He offered his hand para tulungan akong bumaba sa Boxster niya pero hindi ko
kinuha ang kamay niya sa pagtataka niya. At nung hinawakan niya ang siko ko para
I guide ako, pumiksi ako. May pagtataka sa mukha niya.
“What’s wrong Raz? You’re acting strange.”
“Wag mo akong hawakan please. Makasalan ako, banal ka. Baka mahawa ka sa
- 29 -

akin.” Tapos iniwan ko na siya at dali daling pumasok sa gate namin sa pagtataka
niya.
- 30 -

7. Myrtle
Chapter 7.
“Nasaan ang monay ko?” Untag sa akin ni Gabriel pagkapasok na pagkapasok ko
sa opisina ko. Kung makatanong naman tungkol sa monay, parang pag aari niya ang
lahat ng monay sa mundo.
“Ang monay ko nasaan din?” Napatingin ako sa kay Michael na katabi ni Kuya
Jhudiel na kumakain ng tortang oyster. Favorite niya yan. Ang tortang talaba. Sarap

na sarap siya sa pagkain niya ng talaba.


At bakit ba andito ang tatlong to sa opisina ko sa ganitong oras?
“Ang aga aga kumakain ka ng talaba.” Puna ko kay Kuya Jhudiel.
“Anong umaga? Alas diyes na kaya meryenda na to. At ikaw bakit ngayon ka lang
pumasok? Dalawang araw ka daw nagkulong sa kwarto mo? Anong nangyari sayo?
Buntis ka ba?” Litanya ng kapatid ko.
“Wala namang matris yan.” Komento ni Michael.
“Malay mo, may nabilhan ng matris na magandang klase. Pero hindi naman yun
ang importante eh. Bakit wala kang dalang monay?” Sabi din ni Gabriel at nakikain
sa tortang talaba na kinakain ni Jhudiel.
“Bakit niyo ako hinahanapan ng monay!?” Bigla kong sigaw. “ Mukha bang
nagdadala ako ng monay palagi? May nakadikit ba na monay sa akin? Bakit palagi
niyo sa akin hinahanap ang monay! Walang kayong malasakit! Nakakainis kayo!
Nakakainis!” Binato ko ang bitbit kong bag sa kanilang tatlo. At nagdadabog at
hindi
ko na rin napigilan ang mga luha ko.
“Hoy! Bakit umiyak ka na lang bigla. Parang nagtatanong lang ng monay, umiyak
kaagad?” Nagtatakang tanong ni Michael habang hawak ang bag ko na nasalo nila.
Nakatingin silang tatlo sa akin na may pagtataka.
“Anong problema Raziel?” Seryosong tanong sa akin ni Kuya Jhudiel. Pinahid ko
ang mga luha ko.
“Magpari na lang kayong tatlo para may pakinabang kayo sa sanlibutan! Umalis
- 31 -

na kayo sa harapan ko!” Sigaw ko pa sabay upo sa upuan ko. Nakatingin pa din sila
sa akin na nagtataka.
“Oi! Nagriring ang cellphone mo.” Sabi ni Michael sabay bukas ng bag ko at kuha
ng cellphone.
“Rex calling, sasagutin ko?”
“Wag! Bigla akong napatayo sa upuan at nagdive para kunin ang cellphone na
hawak ni Michael. Nakuha ko naman pero nasubsob ako sa sofa tapos biglang
kinancel ang tawag.
“Grabe! Home run!” Pinagtawanan nila akong tatlo. Tiningnan ko sila ng masama.
“Brokenhearted ka ano?” Napatingin ako bigla kay Jhudiel. Ampupu! Magkapatid
nga kami.
“Waaaaahhhhhh! At umatungal ako. Naalarma silang tatlo, lumapit sa akin at nag
group hug kami.
“Okay lang yan Raz, dumadaan talaga ang lahat sa ganyan. Next time kung
mainlove ka, sa totoong lalaki na ha. Wag na sa bading.” Umurong ang luha ko.
“Talking from experience Jude?”
“Ulol.” Akmang babatukan ni Kuya Jhudiel si Michael nung bigla itong lumayo at
lumabas ng kwarto. Hinabol siya ni ni Kuya at sumunod naman si Gabriel. Mga sira
ulo! Pero buti naman at umalis na sila.
Hindi na nila ako kukulitin tungkol sa monay.
Pabalik na ako sa upuan ko nung nagring ulit ang cellphone ko. Si Rex na naman.
Simula nung party ang dami na niyang text at tawag na lahat ay hindi ko sinasagot.
Iisa lang naman ang laman. Nagtatanong kung okay lang ba ako. Kung may
problema ba ako. Alangan naman na sagutin ko na siya ang problema ko.
Kaya para hindi na niya ako istorbohijn inioff ko ang cellphone ko at sinabihan ang

secretary ko na pag may Rex na tumawag sabihin niyang tumalon na ako sa San
Juanico bridge kahapon ng hapon.
Nagtrabaho ako buong araw na kahit paglalunch ay hindi ko na nagawa. Mabuti
na lang at binigyan ako ng secretary ko ng food. Kaya kinain ko yun habang
- 32 -

nagwowork ako.
Nung uwian na nagpaalam na ang secretary ko.
“Ma’am mauna na po ako.” I just nodded.
“Oo nga pala Ma’am. Sabi nung nagdala ng food, hihintayin ka daw niya sa
parking para makapag usap kayo.” Napatingin ako bigla sa secretary ko.
“Sinong nagpadala?”
“Yung palaging pumupunta dito Ma’am na boyfriend niyong pogi. Rex ata ang
name. Sige po Ma’am alis na ako. Gusto kong isuka ang kinain ko. Ako na nga ang
umiiwas, siya naman itong lapit ng lapit.
Lumalayo na nga ako, siya naman ang habol ng habol? Gusto ba niya talagang
magkasala ako?
At dahil nga daw naghihintay siya sa parking, tumawag muna ako sa guard at
tinanong kung may nakapark ba na Porsche Boxster pero sabi naman ng guard wala
daw kaya kampante akong bumaba kasi mukhang di naman niya ginawa ang sinabi
niyang maghihintay siya.
Aaminin kong nadisappoint ako pero pilit kong inalis sa sistema ko ang
disappointment.
“Raziel!” Napatigil ako sa pagbukas ng kotse ko nung bigla siyang lumabas mula
sa isang kotse. Kaya pala hindi nakita ang Porsche niya, ibang sasakyan pala ang
dala niya. Natulala ako nung makita ko siya. Biglang bumilis ang heartbeat ko at
gustong gusto kong tumakbo at magtago. Pero hindi ko magawa kasi parang
naestatwa ako sa kinatatayuan ko.
“Bakit mo ako iniiwasan? May kasalanan ba ako sayo? Kung meron man I’m
sorry.” Yan na naman siya sa kabaitan niya. Sino ba ang sira ulong mag sosorry
kahit hindi alam na may kasalanan?
“Rex, hayaan mo muna ako pwede?” Kasi pag hindi mo ginawa yun baka hindi ko
mapigilan ang sarili ko at halayin na lang kita bigla para makalimutan mo ang
pangarap mo. Kaya parang awa mo na. Lumayo layo ka sa akin. Ayaw kong I tempt
ka at ayaw ko rin na ma tempt sayo at makalaimutan ko na hindi ka pala para sa
akin.
- 33 -

“Raz, magkaibigan tayo. Kung may problema ka, you can share it with me. I’ll try
to help in anyway I can.” Seryosong sabi niya. Sobrang seryoso na naiinsulto ako.
“Kaibigan? Tulong? Seryoso ka?” I said bitterly.
“Kahit ano.”
“Sige nga! Sabihin mo sa akin. How could I stopped myself from loving you?
Paano ko maalis ang sakit sa nalaman ko na ang lalaking mahal ko ay magpapari?
Kung matutulungan mo ako sa bagay na yan, I will consider you as my friend.”
Tiningnan ko siya at hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Natulala siya.Save &
Publish
I took the opportunity para iwan siya at pumasok sa kotse ko. I immediately
turned on the engine at nagmaniobra palabas ng parking. Muntik ko pa siyang
masagasaan kung hindi lang siya umiwas sa sasakyan ko.
- 34 -

8. Celadon
Chapter 8
Drive lang ako ng drive at hindi ko alam kung saan ako pupunta. Wala ako sa sarili
at mabuti na lang at hidni ako nadidisgrasya. Hindi na rin ako makaiyak kasi tuyong

tuyo na ang mga mata ko. Pati ata mga luha ko nagboycott dahil umibig ako sa
lalaking hidni ko dapat ibigin.
Pero malay ko ba na magpapari siya? Dapat kasi ang mga seminaristang katulad
niya, may sign na nakapaskil sa mga noo nila na may nakasulat na bawal silang
ibigin kasi taken na sila. Dapat ganun para walang magkakamali na katulad ko na sa
huli ay wala namang patutunguhan kundi ang pag iyak.
Wala naman na kasi pwedeng gawin kundi ang maggive up. Unless kung makapal
ang mukha mong landi landiin pa ang isang taong alam mo naman na magpapari pa.
Pwede kong gawin yun at magkunwaring walang malisya pero hindi ako ganun. At
kahit gawin ko yun alam kong sa pag iyak pa din ako patutungo sa huli. At kung
malandi ko man si Rex, matatahimik ba ako kung alam kung umalis siya sa
seminaryo ng dahil sa akin? Makakaya ba ng kunsensiya ko na ninakawan ko ang
Diyos?
Ahhhh.. Ang hirap hirap naman ng sitwasyon ko. Hindi na-k-carry ng greenmind
ko. Sinabunutan ko ang sarili ko. Tapos nakarinig ako ng nakakabinging mga busina.
Green light na pala kaya pinaandar ko ulit ang kotse ko hanggang sa makarating ako
sa isang sa tabi ng dagat na nagngangalang Surf Bar. Parang tanga lang ang
nagpangalan sa bar na ito.
Pinark ko ang kotse ko at pumasok sa bar. Dumiretso ako sa Surf bar counter at
umorder.
“Ano ang pinakamalakas niyong inumin dito? Yung ang oorderin ko.” Sabi ko agad
sa bartender.
“Tamang tama Ma’am may bago kaming discover na hard drink and we call it
Comfort.” Hindi ko na pinansin ang weird na pangalan ng inumin. Umorder agad
ako at ininom. Umorder din ako ng Downy at Joy na inumin na ang sabi ng
bartender ang tama daw tumatagal ng isang linggo. Yun ang hinahanap ko. Gusto
kong makalimot sa sakit na nararamdaman ko kaya wala akong pakialam kahit
umiinom pa ako ng inumin na kapangalan ng fabric conditioner at dishwashing
- 35 -

liquid.
After ng mga 5 shots, hilo na ako at naiinitan kaya hinubad ko ang blazer ko kaya
nakaexpose ang likod ko. Naka backless halter blouse kasi ako.
Pero kahit hilo na ako, masakit pa din ang puso ko. Bakit hindi maalis alis? Antae
naman!
Umorder ulit ako ng Comfort at habang hawak ang wineglass naglakad ako
papuntang dancefloor and there I drink and dance to my heart content. Wala na
akong pakialam, basta sayaw lang ako ng sayaw at kung sino sino ang
nakikipagsayaw sa akin.
Bakit hindi na lang ako nainlove sa isa sa mga lalaki dito? Yung mga lalaking,
hindi mahirap abutin? Yung mga lalaking game? Yung mga lalaking hindi sobrang
bait, hindi sobrang gentleman, hindi sobrang pogi. Yung katamtaman lang. Bakit sa
katulad ni Rex pa ako nahulog! Alam ko naman na hindi siya nababagay sa berde
kong mundo.
Dapat nainlove na lang ako sa lalakign kayang sakyan ang trip ko. Na
naiintindihan ang pagkagreen ko kasi siya may pagkagreen din. Bakit hindi ako
nainlove sa kalevel ko?
“Hey!” Medyo tinulak ko ang lalaking kasayaw ko na nakahawak na sa pwet ko.
“Do you want to go somewhere else?” Sabi niya sa tenga ko. Hahaha! Nakakakiliti
yun.
“Sure!” Walang isip isip na sinabi ko. Tama yan Raz, ibaling mo sa iba ang pag
ibig mong impossible. Hinawakan na ako ng lalaki sa bewang para ilabas sa bar
nung biglang may humila sa braso ko.
“Raziel.” Ay shit! Bakit siya andito? Di ba dapat hindi niya alam ang lugar na to
kasi banal siya?
“Hey Brod.” Sabi nung kasayaw ko. Ang galing niya. Akalain mo yun. Alam niyang
seminarista si Rex kasi brod short for brother ang tawag niya. Samantalang ako, ni
hindi ko napansin.
Pero nakita ko na lang ang dalawa kong pinsan na hinihila palayo ang guy at
hinihila naman ako palabas ng bar ni Rex. Pero bago pa kami nakalayo I felt a sting

at my behind.
- 36 -

“Ouch!” Tapos napatingin ako kay Kuya Jhudiel. Damn! Pinalo niya ang pwet ko in
public. How embarassing.
“Kuya!” Protesta ko.
“Ikaw na ang bahala dyan Rex.” Tapos tumingin siya sa akin. “Magtutuos tayo
mamaya sa bahay Raziel.” Sabi niya sa akin na may banta sa mga mata. “Ano ba!”
Inalis ko ang kamay niyang nakahawak sa akin nung nasa labas na kami ng bar.
Hindi na ako nakasagot kasi hinihila nga ako ni Rex palabas ng bar.
- 37 -

9. Mantis
Chapter 9
“Ano ba! Bitiwan mo nga ako.” Hinila ko ang kamay ko na hawak hawak niya.
“Raziel…Here, isuot mo to.” Ibinigay niya ang jacket niya sa akin kasi nga
nakabackless ako at malamig dito sa tabing dagat sa labas ng bar.
Pero instead na kunin ko ang jacket, I shoved it at him. Alam kong wala siya
kasalanan pero masama talaga ang loob ko at hindi ko mapigilan na ibunton sa
kanya ang nararamdaman ko. Hindi ko mapigilan ang makaramdam ng panibugho.
“Utang na loob Rex. Tigilan mo na. Stop using such gentle words towards me.
Stop protecting me. Just stop seeing me.” Nagiging hysterical na ako. Akalain mo
yun, gusto ko na ngang makalimot kaya pumunta ako sa bar na to tapos makikita ko
siya dito? Paano ako makakalimot nito?
“I’m sorry Raz.” Sabi pa din niya. I snorted.
“What are you sorry for? Dahil nainlove ako sayo? Nang iinsulto ka ba?”
Kasalanan ba niya na nag assume ako? Na nainlove ako?
“Nasasaktan kita. That’s what I’m sorry for.” Alam kong may kadugtong ang
sasabihin niya. He is sorry because dahil niya ako magawang mahalin. Hindi niya
masusuklian ang pagmamahal ko. Pero alam kong hindi niya yun kayang sabihin
dahil pag ginawa niya yun, mas lalo akong masasaktan and gentleman that he is,
ayaw niyang insultuhin ako sa pagmumukha ko.
My God! How could I hate him? Mabuti sana kung may kasalanan siya or salbahe
siya para madaling magmove on. Pero paano kung wala kang makikitang masamang
ugali sa kanya at kapag naalala mo siya pawang kabutihan ang maalala mo? Paano
ka makakamove on?
Mahirap na ngang mahalin siya, pati ba naman pagmove on mahirap pa din?
“Kung ayaw mong mas lalo akong masaktan then stop acting like my friend. Stop
following me. Stop acting as if you care!” Sumigaw na ako.
“But I care Raziel. Dahil kaibigan kita.“ Hindi ba niya alam na nasasaktan ako pag
- 38 -

sinasabi niya ang salitang kaibigan? Doesn’t he have any regards of what I feel?
Hindi ba niya naiintindihan ang salitang pagmamahal?
“Hindi ko kailangan ang friendship mo dahil iba ang kailangan ko sa yo. Hindi mo
ba naiintindihan Rex? Sinabi ko ng mahal kita at hindi ako kuntento sa friendship
na
ini offer mo. At hindi mo rin naman maibibigay ang gusto ko. Hindi mo pwedeng
ibigay sa akin ang puso mo because it belonged to someone. And that someone…
siya yung hindi ko pwedeng, mura murahin, sabunutan at lalong lalo ng agawan.
Wala akong laban. Kaya pwede ba? Kung ayaw mong mapikot at hindi matuloy yang
pangarap mong maging pari, layu layuan mo ako Rex.” Tumalikod na ako at iniwan
siya.
Nawala na ang kalasingan ko.
Naglakad ako papuntang kotse at binuksan ang pinto. Pero nagulat ako nung
pagbukas ko, nakaupo si Kuya Jhudiel sa driver’s seat.
“Sa passenger seat ka. Ako ang magdadrive.” Kung paano siya nakapasok sa kotse
ko ng walang susi wala na akogn panahong isipin. Masakit ang ulo ko. Masakit ang
puso ko. At maskait pa din ang pwet ko na pinalo ng kapatid ko.
Tahimik siyang nagdrive pauwi sa amin at nagtaka pa ako nung makarating kami
nung hindi niya ako pinagalitan. Instead, sinabi lang niyang matulog na daw ako.
- 39 -

10. Harlequin
Chapter 10.
“Babalik na bukas si Rex sa seminaryo.” Biglang sabi ni Kuya Jhudiel habang
nagbbreakfast kami ng itlog at hotdog. Napatigil ako sa pagsubo ng hotdog.
Dalawang araw na ang nangyari sa bar at ngayon lang ulit namention ni Kuya
Jhudiel ang tungkol kay Rex.
“Paano niyo siya nakilala.” Ang alam ko kasi, si Kuya Ralph at si Rex ang
magkakilala. Common friend ba siya ng apat?
“Friend siya ni Raphael. Nung makita niyang pumasok ka sa bar, tinawagan niya
si Ralph at tinawagan kami ni Ralph at doon ka namin nakita na nagwawala.” Kaya
pala magkasama sila.
“Hindi mo ba siya kakausapin bago siya bumalik sa sementeryo?” Gusto kong
matawa sa sinabi niya. Obvious naman na nagpapatawa siya pero wala akogn lakas
na tumawa.
“Seminaryo, hindi sementeryo. Ginawa mong patay yung tao. At bakit ko pa siya
kakausapin? Maggogoodbye ako at magsasabi ng goodluck kahit labag sa loob ko?”
“Raz, lahat tayo nakakaranas ng kabiguan. Hahayaan mo bang bumalik siya doon
na may guilt kasi may nasaktan siyang tao na hindi pa siya napapatawad? Sa tingin
mo ba matatahimik siya sa loob gayung alam niyang masama ang loob mo sa kanya?
At least kung magkakausap kayo at malaman niya na willing kang I give up siya,
mawawala ang guilt and he could rest in peace.” Malumanay na sabi ng kapatid
kong nasapian ata ng kaluluwa ni Confucius.
“Kuya! Kanina sementeryo, ngayon Rest in Peace. Ginawa mo namang patay yung
tao.”
“Ganun din naman yun. Matatahimik na siya. At para makapag move on ka na din
ng maayos, liwanagin niyo ang lahat.” Nakatulala lang ako sa kanya ng matagal
tagal. Nagpaalam na siyang mauuna kasi may pupuntahan pa siya. Tapos tumayo na
siya at umalis. Nagpasalamat naman ako sa wisdom niya.
Pero nung kukuha na ako ng itlog, napansin kong ubos na ito. Wala na din ang
- 40 -

hotdog. Inubusan ako ng ulam ni Confucius. Nagpaluto na lang ako ulti tapos
tinapos ang pagkain ko at nag ayos.
Tinext ko na din si Rex na magkita kami sa isang restaurant. Sinabi ko ang oras
tapos hindi na ako naghintay ng reply niya at umalis na ako papuntang resto.
Nung pumasok na ako sa restaurant, nakita ko na siyang nakaupo sa isang table.
Nasilaw pa din ako sa kagwapuhan niya pero agad kong inignore ang pagbilis ng
tibok ng puso ko. Dumiretso na ako sa table at nung malapit na ako tumayo siya at
pinaghila ako ng upuan. Hindi na ako nagreklamo kasi ganun talaga siya. Una pa
lang dapat hindi ko na binigyan ng meaning ang mga ginagawa niya. Naging
sobrang assuming lang talaga ako.
We exchange pleasantries tapos nag order na kami. Inaamin ko na ang awkward.
Habang kumakain kami wala masyadong nagsasalita pero hindi pa din niya maalis
ang pagbibigay ng pagkain sa plate ko. Hays…sino ba ang hindi maiinlove sa kanya?
“Babalik ka na daw bukas?” Pinilit kong kalmahin ang sarili ko.
“Raz, Im sor—“ Pero hindi ko na siya pinatapos. Alam ko na ang sasabihin niya.
“Wag kang magsorry. Wala ka namang kasalanan. Hindi rin ako nakipagkita sayo
para sumbatan ka. Hindi rin ako magsosorry na nainlove ako sayo. Hidni ko naman
kasi mapigilan. Pero hindi rin ako magiging hadlang sa mga pangarap mo. Pero Rex,
magsosorry ako sa mga sinabi ko sayo, sa pagsigaw ko sayo. I know you don’t
deserve it.” Nakatingin lang siya sa akin. His face is so serious at lalo siyang
naging
pogi dahil sa seryoso niyang mukha. Panigurado pag naging pari na siya madami
ang magsisimba.
“Nakipagkita ako sayo to say that I will be okay at makipagbati na din. Ayaw ko
namang umalis ka na hindi tayo bati. Although, sa ngayon, hindi ko pa masasabi na
tanggap ko na ang friendship na inooffer mo, at least tanggap ko naman hindi ka
talaga para sa akin. Hindi ko lang siguro matanggap pag sa ibang babae ka
mapupunta. Aagawin talaga kita.” I smiled and he smiled. Pero may lungkot sa mga
ngiti ko. Hindi naman ako plastic para sabihin na hindi ako nasasaktan sa mga
sinabi ko. Siempre nasasaktan ako pero may magagawa pa ba ako?
“Thank you Raz.” Sabi pa niya. Umaliwalas na ang mukha niya at medyo lumuwag
ang dibdib ko. Ganito pala talaga pag nagmahal. Sasaya ka kung saan sasaya ang
mahal mo, kahit hindi pa siya mapunta sa piling mo. Per swear talaga, pag sa ibang
babae aagawin ko talaga siya.
- 41 -

“Anong thank you? Hindi yan libre. Pag kinasal na ako, ikaw ang ang pari ha?
Tapos wag mo na akong singilin. Tapos ikaw din sa binyag ng mga anak ko, pati
kasal nila. Libre lahat yun, kabayaran mo yan sa napakamahal kong pag ibig.” I
smiled sheepishly.
“Hindi ba ako malulugi niyan?”
“Hindi ka naman siguro gagawing negosyo ang pagpapari di ba?” Tapos
nagtawanan na kami. At we talked about other things. Pagkatapos naming kumain,
niyaya ko siyang bumili ng monay sa breadtalk at pagkatapos sabay kaming
pumuntang parking. Magkatabi na naman ang kotse ko at ang kotse niya. Parang
déjà vu.
At doon na kami maghihiwalay.
“Goodluck Raz.” Sabi niya
“Goodluck Rex.” Sabi ko din.
Pero bago pa ako umalis tumingkayad ako at mabilis siyang hinalikan sa lips.
Tapos mabilis na tumalikod at sumakay sa kotse ko at agad na sinara.
Abot tenga ang ngisi ko at nakita ko siyang kakamot kamot habang nakangiting
nakatingin sa kotse ko. It was just a smack pero paksyet, hindi ako makakapayag na
maghiwalay kami ng hindi ko man lang natitikman ang red, kissable lips niya.
- 42 -

Epilogue
Epilogue.
Nakaupo ako sa kubo at pinagmasdan ang paligid habang sinasamyo ang malamig
na hangin. Iniadjust ko na din ang aviator shades ko. It’s been a month simula nung

huli naming pagkikita ni Rex and everytime na maalala ko yun hindi ko mapigilan
ang ngiti ko.
Akalain mo yun, nakascore ako sa isang seminarista. Ahehehhe.
Hindi na ganun kasakit ang nararamdaman ko tuwing maalala ko siya at ang puso
kong bigo. Natanggap ko na ang lahat. Maluwag at buong puso kong tinanggap ang
nangyari. Nagpapasalamat na din ako na nakilala ko siya kasi madami din naman
akong natutunan sa mga panahon na magkasama kami.
Akala ko nga mahirap magmove on pero hindi pala. Sabi nila ipaglaban mo ang
pagmamahal mo pero mas maganda palang mag let go lalo na at alam mong fighting
is not a choice and you have nothing left to do but to give up and to move on. Mas
magaan sa dibdib at hindi nakaka-stress.
Oo, inaamin ko na masarap siyang tikman. Hahaha. Hanggang ngayon pangarap
ko pa din ang makasakay sa loob ng kanyang boxster pero madami pa namang lalaki
ang may Boxster. At mas madaming lalaki ang may boxer.
At sino ba ako para ipagkait sa Diyos ang isang bagay na sa Kanya naman talaga?
Sino ba ako para ipagdamot ang isang bagay na pag aari naman Niya?
Oo nga green minded ako pero…
Greenminded lang ako at may takot pa din ako sa Diyos.
Greenminded lang ako at nasasaktan din.
At being hurt is part of my greenminded life because dito ko matutunan kung
paano maging malakas at kung paano harapin ang buhay dito sa greenland.
Kaya wag na kayo magdemand pa ng kadugtong ng story namin ni Rex kasi wala
na talaga. Hanggang dito na lang talaga kami dahil hindi naman lahat ng babae at
lalaki na naging close ay nagkakatuluyan at nagkakaroon ng happy ending kahit
- 43 -

gaano pa sila kabagay.


In my case, uu minahal ko siya, pero alam ko naman kung kelan na titigil. Alam ko
naman kung kelan na maglelet go at alam ko naman na hindi talaga siya para sa
akin.
Bumuntunghininga ako at tiningnan ang tinitinda ko.
‘Buko for sale.
Malaki, mabilog, malaman, malasa at ma-juice.
Pwedeng i-shake, pwede may gatas, at pwede ding fresh.”
Hanggang ngayon wala pa ding bumibili. Hays…
A/N: At dito po nagtatapos ang kwento ng Greenminded. Yung mga chapter names
pala ay shades of green.
- 44 -

You might also like