You are on page 1of 5

MAY LIHIM ANG BAHAY-BAHAYAN

ni Lamberto B. Cabual

MASAKIT ang sigid ng init ng araw sa balat, ikasampu pa lamang ng umaga. Sinimulan na
ang paggawa ng isang mansiyon na umanoy pag-aari ng isang maykaya. Hindi namin kilala
ang may-ari ng ipinagagawang ito. Ayaw raw na magpakilala. Sa isip-isip ko, marahil ay
isang malaking pulitiko na ayaw mabisto ang kayamanan sa pangambang baka siyay
imbestigahan at makasuhan ng Inexplicable Wealth.
Isa akong arkitekto, at bukod sa ritoy Civil Engineer pa. Dalawa ang kurso kong natapos.
Matiwasay akong nakapagtapos ng high school sa pagpupunyagi ng aking mga magulang.
Mapangarapin ako at nag-working student ako sa siyudad. Awa ng Diyos, maluwalhati
akong nakatapos ng dalawang kurso na kapuwa ko naipasa sa eksamen ng pamahalaan.
Kaya ngayoy licensed Architect at licensed Civil Engineer ako. Sa ginagawang malaking
gusali, ako ang arkitektong gumuhit ng plano at ako rin ang enhenyero. Hindi ko alam kung
sino ang nagpapagawa, basta may kinatawan siyang nakipagkontrata sa akin. Pumayag
ako, di ko man kilala ang may-ari, tutal babayaran naman ako sa halagang
napagkasunduan. Ang kinatawan ng nagpapagawa ang pumirma sa kontrata.
Ang foreman na raw ang bahala sa lahat, sa pagbili ng mga materyales, pagpapatrabaho
sa steel man, kapentero, tubero, electric man at labor. Bastat akoy manaka-naka raw
lamang na sisilip upang tingnan kung tama ang ginagawa ng mga trabahador. Ngunit ang
nais koy tumutok sa ginagawang bahay. Gusto kong makita at masubaybayan nang
malapitan ang lahat nilang ginagawa. Hangad kong ang bawat bahay o gusaling ako ang
arkitektong gumuhit at enhenyerong namamahala ay magawa nang tama sa plano at pulido
ang pagkakayari.
Kinausap ko ang kinatawan ng may-ari na gusto koy naroroon ako habang ginagawa ang
bahay upang makatiyak na magiging maayos ang lahat. Subalit sabi ng kinatawan ay
pangingilagan at kasisilungan ako ng mga manggagawa. Para daw sa kabutihan at
kapanatagan ng mga manggagawa, minsan-minsan na lamang akong sumipot. Naroon daw
naman ang kapatas para ipatupad ang lahat ng nais ko sa pagpapagawang ito.
Iginiit ko ang gusto ko. Iminungkahi kong magpapanggap akong trabahador din, sasama
ako sa mga manggagawang nasa grupo ng labor. Pumayag siya at yaon nga ang nangyari,
kaya narito ako, kasamang nagtatrabaho at nagpapawis sa init ng araw.
Pedro, bilis-bilisan mo nga ang paghahakot ng hallow blocks, sigaw sa akin ng kapatas.
Aabutin tayo ng kuwaresma sa paggawang ito kung ganyan ka kabagal!
Opo, tugon ko naman habang tagaktak ang pawis sa buo kong katawan.
Ang talagang palayaw sa akin ay Peter, ngunit ditoy Pedro ang itinatawag nila,
palibhasay nasa labor group lamang ako, busabos ang pagtingin nila sa akin. Wala silang
kamalay-malay na ako ng arkitekto at enhenyero ng pagpapagawa ng malaking tahanang
ito. Ngali-ngali na akong mainis, magpakilala, at sila ay pagmumurahin ko. Datapwat dahil
nga sa may misyon ako, kaya dinagdagan ko ang pagpipigil ng sarili.

Tumulong ka sa paghuhukay pagkatapos niyan.


Masusunod po.
Malimit kaming binubulyawan na nasa pangkat ng labor hindi lamang ng foreman. Ang iba
pang matataas sa amin ang tayo, tulad ng steel man, mason, at karpentero, sa paggawang
iyon, ay nambubulyaw din.
Lumipas ang mga araw. Nang makapag-layout at iskuwalado na ang mga sulok,
sinimulan ang excavation at kaming nasa labor ay pinapaghukay ng pagbubuhusan ng
graba, buhangin at semento. Sabi sa akin ng kapatas ay doon daw mag-aasinta ng hallow
blocks. Sa loob-loob ko, talagang bangag ang tingin sa akin ng kamoteng ito. Gusto ko
nang mayamot at harapin siya, ngunit nagpigil pa rin ako.
Tutulong sana ako sa pag-aasinta ng hallow blocks subalit nagalit ang foreman.
Kay bagu-bago mo e mag-aasinta ka, naloloko ka na ba?
Kung hindi po ako magsisimulang gumawa nito, paano po ako matutoto, sabi ko.
Hoy, magtigil ka nga, Pedro, gusto mo bang makagalitan ako ng arkitekto at enhenyerong
nagplano at namamahala nito? wika niyang mabalasik.
Ako yon, sigaw ng isip ko na hindi ko maisatinig. Pasensiya na po kayo, Bossing, gusto
ko lamang po namang makatulong.
Doon ka nga sa paghahalo ng buhangin, graba at semento, nakaismid siya, at huwag
kang parang laging natitikbalang.
Opo, Sir, mahinahon akong nagtungo sa mga naghahalo.
KUNG gabing pagod ako sanhi ng maghapong paggawa, sa pamamahingay nagugunita ko
si Melinda, ang kasintahan kong lumimot na sa akin. Nasasaktan ako kung naaalaala ko
siya.
Kay saya ng aming kamusmusan. Mga bata pa kamiy magkapalagayang-loob na kami.
Laging kami ang magkalaro palibhasay magkapitbahay. Iisa ang harapan ng aming bahay
ngunit sa gawing likuran ng tahanan ng cute kong kababata ay malimit kaming
nagbabahay-bahayan.
Ikaw ang tatay, ako naman ang nanay, payag ka.
Siyempre, payag ako, sabi mo e.
Napapalakpak si Melinda, Sige, pasok na tayo sa bahay natin.
Pumasok kami sa bahay-bahayang yari sa pinagsagpi-sagping karton. Karton din ang
bubong at halos kasiyang-kasiya lamang kaming dalawa.
Pano naman ako magiging tatay, at pano ka naman magiging nanay e wala naman
tayong anak.
Meron na, nakapikit na ngumuso siya sa akin. Nasan?
Dyan ka lang, lumabas si Melinda, kukunin ko ang anak natin.
Naghintay akong nakahalumbaba, at di nagtagal bumalik siya. May kung anong dala na
nasa kamay niyang nakatago sa likuran.
O, ano yang tinatago mo? Inilabas niya ang itinatago sa likod, O, ito na ang anak
natin.
Inabot ko sa kanya ang isang manika, tuwang tuwa ako, at sa katuwaan koy niyapos ko
siya at hinagkan sa kaliwang pisngi.
Napahagikhik siya, parang nagustuhan ang ginawa ko. Hagkan mo rin itong kabila.
Bakit?

Kasi, nakikita ko, pag hinahagkan ni tatay si inay, magkabilang pisngi ang hinahagkan.
Ikaw naman, kulit-kulit . Sige na nga, hinagkan ko ang kanang pisngi ng kababata ko.
Tuwang-tuwa siya. NAITAYO na ang malalaking poste ng bahay at mataas na ang asinta
ng hallow blocks. Inihanda na ang porma para sa pagbubuhos ng biga. Pinatulong ako ng
kapatas sa pagtatayo ng mga pala-pala. Mataman kong inobserbahan ang paglalagay ng
mga batangan at suliras. Naisagawa iyon nang ayon sa hangad kong tatag ng bahay.
Nagporma ng mga plywood na de medya para sa pag-iislab at yaon ay nilatagan ng bakal
na tama sa sukat na gusto ko. Tinalian ang mga bakal ng kawad sa tamang distansiya.
Habang pinagmamasdan ko ang ginagawang bahay, sumilid na naman sa isip ko si Melinda.
Tapos na kami noon ng mataas na paaralan at kasintahan ko na siya. Nasa huling taon na
siya ng kursong Nursing. Ako namay matatapos na rin ng Architecture. Nasa isip ko na rin
ang plano kong kumuha ng Civil Engineering.
Sweetheart, kung kasal na tayo at magpapagawa ng bahay, gusto koy matibay at
matatag, wika niyang tila nangangarap, saka yaong malaki mansiyon.
Bayaan mo, tugon ko, magsisikap akong mabuti. Pag natapos ko ang dalawang kursong
gusto kong tapusin e maghahanapbuhay ako nang puspusan para sa yo.
Oo, lam ko namang gagawin mo yon, tiwala ako sa iyo. Inilapit ko ang mukha ko kay
Melinda, at naghinang ang aming mga labi. Maligayang-maligaya kami.
HOY, Pedro, ano bat parang namamatanda ka na naman? bulyaw ng kapatas. Hindi
puede ang babagal-bagal, abay nag-iislab na tayo. Bilis-bilisan mo ang paghahakot ng
halo at baka abutin tayo ng ulan, tingnan mot nagdidiklom ang langit.
Opo, sabi ko.
Binilisan ko ang aking pagkilos.
Bawat isay naging masigasig sa aming pag-iislab. Tuloy ang paghahalo ng buhangin,
semento at graba, tuloy ang paghahakot ng ng halo, ang ibay nagpapasa-pasa ng timba ng
halo hanggang sa makasapit ito na lugar na binubuhusan.
Nang mahinangan at mabuo na ang mga steel truss, iginayak na ang pagbububong.
Ipinahanda at ipinahakot sa amin ng foreman ang nalalabing PVC para sa electrical wiring,
at mga yerong pambubong. Elite type ang bubong na gagamitin, kulay maroon. Anupat
sa mabilis na paglipas ng panahon ay halos yari na ang ipinagagawang mansiyon. ISA nang
ganap na nars si Melinda noon, ako namay ganap nang arkitekto at Civil Engineer, nang
isang araw ng Sabadong nasa White Beach kami ng Puerto Galera ay magpaalam siya sa
akin. Pet, mag-a-abroad ako, nakalingap sa akin ang mapupungay niyang mata. Gusto
kong magkaroon naman ng ibang karanasan sa pagiging nars. Saan ka naman pupunta?
tanong ko. Sa London. Payag ka ba?
Kung gusto mo, at inaakala mong makabubuti sa iyo, turing ko, siyempre, payag ako.
Di ba para din sa atin ito at sa kinabukasan ng ating magiging mga anak?
Oo, alam ko yon, sang-ayon ko, pero magkakalayo tayo!
Lumayo man ako iiwan ko sa yo ang aking puso at pag-ibig.
Talaga? Oo, naman, humilig siya sa aking dibdib. Pagbabalik ko, payag na akong
pakasal tayo. Promise? Nangangako ako. Ang pangakong iyon ng kasintahan koy
naglahong parang bula. Nitong mga nakaraang buwan ay nawalan na kami ng
komunikasyon. Sa limang taong ipinamalagi niya sa United Kingdom, lagi kaming nag-uusap
at nagbabalitaan. Kung di man kami makapag-usap sa telepono, nagpapalitan kami
ng text o kayay nagpapahatiran kami ng email sa pamamagitan internet.
May ilang buwan na ngayong wala kaming ugnayan. Hindi ko na siya ma-contact. Tila

nagpalit siya ng numero ng cell phone at ng email address. Walang sumasagot


sa landlinena dati kong tinawagan upang kausapin siya. Nilihaman ko siya sa huling
pahatirang-sulat na ibinigay niya sa akin, ngunit walang sagot akong natanggap.
Masamang-masama ang loob ko. Ganito pala ang hirap ng kalooban ng isang tunay na
nagmamahal kung limutin ng kanyang minamahal. Ang kutob ng loob kong lumimot at
nagtalusira siya sa aming suyuan ay nagkaroon ng bahagyang linaw nang si Tito Bert na
nangingibang-lupa din sa London ay magbalik-bayan. Ibinalita niyang nakita raw niya si
Melinda at nakausap. Naging Private Nursedaw ang nobya ko ng isang
bilyonaryong British. Pansin niyang si Melinda ay malapit na malapit sa ubod ng yamang
pinaglilingkuran. O! Melinda, bakit mo nagawa sa akin ito! sigaw ng puso kong
nagdurusa. Gayunpaman, hindi ko pinabayaan ang aking sarili, ipinagpatuloy ko ang
pagsisikap at puspusang paghahanapbuhay. Marami akong naging kliyente bilang Arkitekto
at Enhenyero, at ito nga, sa ngayoy pinagbubuti ko ang pagtatayo ng isang malaking
mansiyon dito sa Lungsod ng Batangas.
NAYARI na ang malaking tahanang ginawa namin, liban sa ilan pang bagay.
Dalhin mo nga rito, Pedro, ang kahon ng mga bisagra at kandado, utos sa akin ng isa
sa mga karpentero. Ang ipinadadala ay mabilis kong kinuha, narito na po.
Mabuti! Nang mapintahan ang loob at labas ng buong mansiyon ay sumunod ang paglalandscape. Kay ganda ng ginawang halamanan sa paligid ng tahanan. At sa wakas, tapos
na ang pinagpaguran naming lahat.
KAHARAP kaming lahat noon ng kinatawan ng may-ari ng ipinagawang bahay. Sabi niyay
gusto niya kaming makausap na lahat. Mamayang gabi, mga kasama, ay darating ang
may-ari ng tahanang ginawa ninyo, sabi ng kinatawan, at isang salu-salo ang inihanda
niya para sa inyo. Makikilala na ninyo siya. Sino po siya? tanong ng kapatas.
Mamaya, pagdating niya ay malalaman ninyo, ngiti ng kinatawan.
Ikapito na ng gabi nang pumarada sa tapat ng mansiyon ang isang bagungbagongMercedes Benz. Laking pagkabigla ko nang bumaba sa sasakyan si Melinda, kasabay
ng isang may-edad nang British.
Sa isip ko, marahil ay ang lalaking Puting kasama niya ang bagong nagmamay-ari ng
kanyang puso. Sumulyap siya sa akin at ngumiti, ngunit hindi siya lumapit. Ginanti ko siya
ng isang tipid ngunit may pait na ngiti. Mga kaibigan, narito ang may-ari ng tahanang ito,
pagpapakilala ng kanyang kinatawan, si Bb. Melinda Bituin. Nagpalakpakan ang lahat,
liban sa akin. Hindi ako makapalakpak dahil sa hapding nararamdaman ko sa puso
ko.Magandang gabi po sa inyong lahat, pasakalye ni Melinda. Maraming salamat sa
pagpapagod ninyo para sa tahanang ito. May ilang bagay akong nais ibunyag sa inyo.
Tumahimik ang bawat isa. Ang tahanang itoy hindi ko lamang pag-aari. Kasama kong
nagmamay-ari nito si Peter Katindig, ang aking kasintahan. Siya ang Arkitektong gumuhit
ng plano at Enhenyerong namahala sa paggawa nito. Siyay kasama ninyo sa pagbuo nito.
Nagpanggap siyang nasa pangkat ng labor upang tingnan nang malapitan ang
pagpapagawang ito. Alam kong malaking pagod ang dinanas niya. Ginawa niya ang lahat
ng iyon upang hindi siya pangilagan at kasilungan ng mga manggagawa habang siyay
nagmamasid. Nagtaka ang bawat isa. Sino kaya siya? umugong ang bulungan ng mga
nakikinig. Ibinunyag ni Melindang nalaman niya ang lahat sa kanyang kinatawan.
Ipinagtapat niyang sinadya niyang huwag makipagkomunikasyon sa akin ng ilang buwan
upang sorpresahin ako sa gabing ito.

Lumapit siya sa akin, hinawakan niya ako sa sa kamay, saka isinama ako sa gitna.
Takang-taka ako, ngunit sumama ako sa kanya. Napasulyap ako sa kapatas na nambulyaw
at nagmalabis sa akin sa buong panahon ng paggawang iyon ng mansiyon. Hiyang-hiya
siya at hindi makatingin nang tuwid sa akin Malaking halaga ang ipinagkaloob sa akin ng
pamilya ng British kong pinaglingkuran bilang Private Nurse sa London kaya nakapagpagawa
ako ng ganitong kaluhong tahanan. Kasama ko ngayong gabi ang isang myembro ng
kanilang pamilya. Siya ang isa sa magiging ninong namin ni Peter sa aming kasal. Di
magtatagal, ikakasal na kami at lahat kayoy inaanyayahan namin.
Ang kasamang Puti ni Melinda ay nagsalita rin. Nagmagandang gabi siya, at matapos na
magpasalamat sa ginawang paglilingkod ng kasintahan ko sa kanilang pamilya bilang nars,
ay sinabi niyang magpapatayo siya ng ilang malalaking gusali rito sa Pilipinas upang
simulan ang malaking negosyong Hardware. Lahat daw na gumawa sa tahanang katatapos
namin ay kukunin niyang mga trabahador. Si Peter Katindig daw ang gagawin
niyang General Manager ng mga Hardware na malapit nang simulan. Tuwang-tuwa ang
lahat at pinagsaluhan ang isang masaganang hapunan.
Nang magkasarilinan kami ni Melinda, hinawakan ko ang kanyang mga kamay.
Totoo ba ang lahat ng ito, Sweetheart? bulong ko. Totoong-Totoo! Akala ko talaga,
nalimot mo na ako at nakakita ka na ng iba. Hindi mangyayari yon. Habang buhay, ikaw
lang ang mahal ko. Tunay na tunay?
Oo, naman. At maitutuloy na natin ang sinimulan nating bahay-bahayan nang mga bata
pa tayo.
Saan natin itutuloy?
Sa mansiyon nating ito.
Bigla kong kinabig si Melinda at hinagkan. Hindi namin namamalayang nakapaligid pala
sa amin ang lahat. Nagpalakpakan sila.

You might also like