You are on page 1of 343

Mi Amore Series#2: My Hot Pre...

Prologue [Mi Amore Series#2: My Hot Pre...]

      

"Ma naman bakit kailangan kasama pa ako dito?"  bagot na sabi ko. Antok na antok pa
ako dahil anong oras na kami nakauwi galing sa party ng lolo ni kaliwa tapos
isinama pa ako ni Mama dito sa school nila.

May sariling school sila Mama pero kahit na ganon hindi ako dito nag-aral dahil
ayoko lang na maging sikat sa school na 'to dahil lang anak ako ng may ari tsaka
kaming magkakaibigan, mas gusto namin na tatayo kami sa sarili naming mga paa na
hindi kailangan ng tulong galing sa mga magulang namin. Kaya nga si kaliwa may
sarili ng bahay at kotse, si Fin kasama pa din ang mga magulang pero nagpa-part
time sya sa isang photo shop studio, si Veron na may bar na pinaghirapan nya
talagang itayo tapos si Gia na madalas mag-isa sa kanila kaya namumuhay na sya na
mag-isa. Ako? basta ako hindi dumedepende kanila Mama.

"Ate please lang tumahimik ka muna kahit saglit lang lalong sumasakit ulo ko sa
boses mo eh." sabi ng kapatid kong panget.

"Hoy ano na naman problema mo sa boses ko? tsaka wag mong sisihin ang boses ko sa
sakit ng ulo mo. Kaka-computer mo yan."

"Ang lakas ng boses mo! para kang nakalunok ng megaphone sa sobrang lakas tsaka wag
mo ngang pakialaman ang pagco-computer ko." kumunot noo ko. Malakas ba boses ko?
hindi naman ah.

"Tumahimik nga kayong dalawa dyan." sabi ni Mama. 

"Pero Ma, bakit kasi kailangan kasama ako?" maktol ko. Nakakainis naman eh, ayaw na
ayaw ko kayang pumupunta sa school na 'to.

"Kulang kami sa tao para asikasuhin ang mga mag-i-inquire dito sa school kaya
isinama ko kayong dalawa ni Michael" sagot nya. Napasimangot ako. Bakit hindi na
lang sya kumuha ng mga estudyante dito para gawin yon. Bakit ako pa na hindi naman
nag-aaral dito. Ano bang malay ko ba dito.

"Ma'am Jo!" may limang magagandang babaeng lumapit kay Mama. "Good morning, ma'am."
bati nung nakasalamin at kulay red ang buhok nya. Pwede pala yon dito? knowing
Mama, mahigpit sya.

"Good morning ma'am." bati nung apat. Napatingin sakin yung isa at nginitian ako
kaya ngitian ko din sya.

"Good morning din, nakaayos na ba ang lahat?" tanong ni Mama sa kanila.


"Yes ma'am! may mga dumating na nga po eh." sabi nung nginitian ako.

"Good, na i-tour nyo ba sa buong campus? dapat mapa-enroll ninyo yon kundi lagot
kayo sakin." panakot ni Mama. Nailing ako. "By the way, kasama ko ang mga anak ko
na tutulong satin. Si Michael at si Jade, ang pangalawang anak ko" pakilala ni
Mama.

"Hi." bati nilang lima sakin. Dito nag-aaral si Michael kaya for sure kilala sya ng
mga ito.

"Hi din." sabi ko sa kanila.

"I'm Marie, you can call me baby." nagulat ako nung kumindat sya sakin. Napakamot
ako ng ulo. Kalahi nila kaliwa ito ah. Hindi halatang lesbiana sya, ang sexy at ang
ganda nya kasi.

"Nako Marie straight yang anak ko, hindi yan papatol sayo." sabi ni Mama.

"Ma'am naman, wala kayong bilib sakin? marami na akong nakakarelasyon na straight
dati." proud na sabi ni Marie.

"Nako, wag ang anak ko. Kilala kita." sabi ni Mama. Mukhang ka-close ni Mama ang
limang ito.

"Tumigil ka na Marie, naiilang na sayo si Jade oh." sabi nung nginitian ako. "Ako
si Chelsea, nice to meet you, Jade." inilahad nya ang palad nya sakin. Tinanggap ko
naman yon dahil ayoko maging rude.

"Nice to meet you too, Chelsea." nginitian ko dahil kanina pa sya nakangiti sakin.
Hindi ba sya nangangawit?

"Ako naman si Ino." sabi nung kulay red ang buhok. Ngumiti ako sa kanya.

"Ako naman si Princess, but call me Cess." tumango ako sa kanya pero nagulat ako
nung kindatan nya din ako. Natawa naman si Chelsea at Ino.

"Ma'am Jo mukhang lapitin ata ng chics 'tong anak nyo ah?" sabi ni Ino.

"Anong lapitin? ni wala nga yan manliligaw." napa-pout ako sa sinabi ng Mama ko.
Meron naman, ayoko lang sa kanila. Ayoko nga magaya kay Gia na ilang beses niloko.

"Hayaan nyo ma'am Jo, liligawan ko anak nyo." sabi nung hindi pa nagpapakilala.
Hala sya, ang daming kalahi nila kaliwa dito sa school na 'to.
"Sabi ko sa inyo, wag ang anak ko." sabi ni Mama. Ito ang maganda kay Mama, hindi
nya ako pinamimigay.

"Whatever, Ma'am. Hi my future girlfriend ako si Honey Love so sweet." napakunot


ang noo ko. Totoong pangalan nya yon? weird. "Joke, I'm Rin."

Tumango ako sa kanya. Naiilang ako sa mga 'to, sana talaga hindi na lang ako sinama
ni Mama dito eh.

"O sya tara na at puntahan na natin sila baka nahihirapan na sila don." sabi ni
Mama. Nauna syang nalakad saming lahat.

"Tara Jade." sabay na kumapit sa magkabilang braso ko si Marie at Rin. Natawa naman
sila Chelsea sa tabi.

"A-ah teka okay na ako." marahan kong tinaggal ang kamay nila sa braso ko. Nginitan
ko sila ng pilit. Mabilis kong sinundan si Mama para makalayo sa mga yon.

"Ma, wag nyo naman ako iwan sa mga yon." mahinang sabi ko kay Mama baka marinig
nila ma-offend pa. Napatawa ng mahina ang magaling ko ina.

"Wag kang mag-aalala hindi mga seryoso ang mga yan." sabi ni Mama. Tumingin ako sa
likuran namin kung saan nakasunod silang lima habang kinakausap si Michael.

"Close na close mo sila Ma ah." sabi ko dahil yung closeness nila, parang kami lang
ni Mama.

"Sila ang mga Student Council ko kaya natural lang na close ko sila." ah kaya pala.

"Nakakagulat na lesbiana yung tatlo, ang gaganda nila at hindi sila halata." sabi
ko kay Mama. Sabagay nakakagulat din yung dalawa kong kaibigan na si Fin at kaliwa.

Tumingin ulit ako sa likuran namin. Nakatingin pala silang lima sakin at nginitian
ako. Si Marie nag-flying kiss pa. Nginitian ko sila ng pilit at bumalik sa harapan
ang tingin.

"Anong tatlo? lahat sila lesbiana."

"Weh?!" gulat na sabi ko. Napatakip pa ng taonga si Mama kaya napa-pout ako.

"Ate yung bibig mo talaga nakalunok ng megaphone!" sigaw ni Michael.


"Manahimik ka panget!" sigaw ko sa kanya at tumingin kay Mama. "Hindi nga? pati si
Ino at Chelsea?"

"Oo nga kulit mo din 'no?" napa-pout ako. "May bakla din sa SC ko pero hindi mo
mahahalata sa sobrang gwapo."

"Ma, lgbt ba 'tong school nyo?"

"Siguro dahil karamihan ng mga estudyante dito ay gay." nakangiting sabi ni Mama na
mukhang wala lang sa kanya kung may mga gay na nag-aaral sa school nya. Hindi naman
against sila Mama don, dahil sabi nya sakin dati na si Tita Letti pa lang tanggap
na tanggap nya na at kung isa saming magkakapatid ang maging gay ay okay lang sa
kanya pero kaming tatlong magkakapatid ay straight lalo na si kuya na may
girlfriend.

"Good morning ma'am!" bati ng mga estudyante dito sa Information Center. Napakunot
noo ko. Saan dito ang kulang? eh ang dami nga nila dito.

"Good morning. Kamusta?" tanong ni Mama at nilapitan sila. Nanatili lang ako sa
kinatatayuan ko.

"Ayos ma'am may lima na tayong naka-enroll tapos mahigit sampu na ang nag-inquire.
Tinour naman yon ng iba." sabi nung lalaking gwapo. Masyadong maaga para makalima
silang enroll. Alas otso pa lang ng umaga.

"That's good. Nasaan si Paris?"

"Hey." napatingin ako kay Chelsea. Ngumiti ako ng tipid sa kanya. Hindi talaga ako
komportable sa kanila. "Wag kang mailang samin, ganito talaga kami." sabi nya.
Napakamot ako ng ulo at tumango na lang.

"Jade halika dito!" tawag ni Mama. Ngumiti ako kay Chelsea bilang pagpaalam at
pinuntahan si Mama. Buti tinawag ako ni Mama dahil naiilang talaga ako sa kanila.
"Ayoko sana kitang papuntahin don kaso busy kasi ang mga tao dito kaya ikaw na lang
uutusan ko."

"Ano pa nga ba ang magagawa ko. Saan po ba?" bumuntong hininga muna sya. Napakunot
noo ko don.

"Sa baseball field." natigilan ako. Napansin yon ni Mama. "Sorry, okay lang wag mo
ng gawin. Ako na lang ang pupunta." patalikod na sya nung pigilan ko. Mabilis ang
paghinga ko.

"No, ako na. Kailangan ka nila dito." pumikit ako at namulat.

"Are you sure anak?" ngumiti ako ng tipid sa kanya at tumango. Mukhang hindi sya
naniniwala pero hindi na lang nya pinilit pa. "Tawagin mo si Paris don, naglalaro
sya don. Pwede kang magtanong kung sino si Paris sa kanila." sabi nya. Tumango ako.

Naglakad na ako papunta sa field. Dito ako nag-aral nung highschool kaya kabisado
ko ito. Sa totoo lang ayoko pumunta sa field na yon dahil may past ako don. Hay
bahala na nga.

Nilibot ko ang paningin ko habang naglalakad ako patungo sa field. Wala pa ding
pinagbago ang school na 'to simula nung umalis ako dito. Kung ano yung huling kita
ko dito, ganon pa din. Alagang alaga pa din ang mga halaman at bulaklak dito.
Malinis at wala kang makikitang basura sa paligid.

Tumigil ako sa paglalakad nung matanaw ko na ang baseball field. Huminga ako ng
malalim at pumikit. Kaya yan, Jade, wag kang bakla!

Inimulat ko ang mga mata ko nang may maamoy akong mabango. Saktong pagmulat ko ay
may nakita akong napakagandang babae na maihahantulad sa isang dyosa. Ang buhok
nyang kulay blonde na nakalugay kaya malayang lumilipad ito sa hangin at hindi ito
natatabing ng kanyang mukha kaya malaya ko itong napapagmasdan. Ang mata nyang
kulay blue, nakakapigil hininga itong pagmasdan. Hindi ko maalis alis ang tingin
dito lalo na nakatingin din sya sakin, para akong nalulunod sa tingin nyang yon.

Hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko. Nakalagpas na sya sakin pero hindi pa din
ako makakilos. Para akong napako sa kinatatayuan ko. Ang lakas din ng kabog ng puso
ko na para bang sasabog.

Ano ba 'tong nangyayari sakin?

---------------

        Chapter 1 [Mi Amore Series#2: My Hot Pre...]

      

Jade's POV

"Ang boring kapag wala si kaliwa." sabi ni Fin.

Ilang araw na kasing hindi pumapasok si kaliwa. Huling kita namin sa kanya nung pa-
party ang lolo nya tapos wala na, hindi na nagparamdam ang kaliwang yon. Dinalaw
namin sya kahapon sa bahay nya pero wala naman sya. Hindi tuloy namin alam kung
nasaan yon.

"Guys, may narinig ako kanina kay Mama." sabi ni Veron.

"Ano naman yon?" tanong ni Gia.

"Nagkaroon ng problema ang pamilya nila kaliwa. Narinig ko pang pinaghahanap ng mga
police ang lolo nila kaliwa." sabi ni Veron.

"Huh? bakit naman?" tanong ko. Kahit na mukhang nakakatakot ang lolo ni kaliwa,
bakit naman ito hahanapin ng mga police?

"Narinig ko lang na may pinatay ang lolo ni kaliwa kaya sya pinaghahanap. Nahuli
nila akong nakikinig kaya hindi ko na alam ang iba pa." sabi ni Veron. 

"Mamamatay tao ang lolo ni kaliwa?" tanong ko at tinakpan ni Gia at Fin ang bibig
ko. 

"Ang ingay mo. May nakarinig sayo dyan eh." sabi ni Gia. Napakamot ako ng ulo.

"Kung totoo nga yon, ang laking problema nga yon sa pamilya ni kaliwa." sabi ni
Fin. "Kaya siguro hindi natin nakikita si kaliwa dahil doon."

"Baka nga, gusto man natin syang damayan pero hindi naman natin alam kung nasaan
sya." sabi ni Veron.

"Well, ipagdasal na lang natin na walang mangyari sa pamilya nya." sabi ni Gia.
"Ah!"

Nagulat kaming tatlo sa kanya. Kung makasigaw kasi sya pabigla bigla.

"Nagagaya ka na ba kay Jade?" tanong ni Veron na ikinasimangot ko.

"Nag-text sakin si kaliwa. Sabi nya, wala sila ni Nissan sa bahay nya kundi sa
condo ng kuya nya. Kung may assigment daw tayo pakipasa na lang daw sa kanya para
magawa nya." sabi ni Gia habang nakatingin sa cellphone nya.

"Tara, puntahan natin ngayon! sakto uwian na." sabi ni Veron.

Sumang-ayon kaming lahat kaya nagsilabasan na kami ng classroom. Nag-taxi lang kami
papunta sa condo unit ni Kuya Kaysaysayan, wala naman kaming mga sasakyan. Dumaan
muna kami sa supermarket para bumili ng pagkain. Hindi ko nga alam kung bakit kami
bibili ng pagkain eh, wala naman sakit yung pupuntahan namin. Pauso lang ni Veron
eh.

"Sorry po ma'am bawal po magdala ng pagkain." sabi ng lalaking mukhang bodyguard


dahil sa suot nya na humarang samin sa entrance ng condo unit.

"Bawal? bakit naman?" tanong ni Fin.

"Bawal na ba magdala ng pagkain sa condo na 'to?" tanong ni Gia. "Hindi ko alam na


nagbago na ang rules ng condo na 'to." kilala kasi ni Gia ang may ari nitong condo.

"Hindi po. For safety lang po ni Ms. Nissan. Kayo po ang ine-expect nyang bisita
hindi po ba? Ms. Gia, Ms. Fin, Ms. Veron and Ms. Jade?" nagkatinginan kaming apat
bago tumango sa kanya. "Ihahatid na po namin kayo sa unit ni Sir History pero
maiiwan po ang pagkain at iche-check lang po namin kayo."

"Okay." sabi naming apat.

May lumapit saming dalawang babae na kaparehas ng suot nung lalaki at kinapaan
kami.

"Clear." sabi ng dalawang babae.

"Sunod po kayo sakin." sabi nung lalaki at naunang pumasok sa loob. Sumunod naman
kaming apat sa kanya.

"Sa tingin ko may nangyaring hindi maganda kaya sobrang higpit ng seguridad nila
kaliwa." sabi ni Gia.

"Okay lang kaya sila?" tanong ko. 

Nakarating kami sa unit ni Kuya Kaysaysayan. Bumungad samin ang nakasimangot na


mukha ni kaliwa.

"Grabe parang ayaw mo kaming makita huh?" sabi ni Veron.

"Ayaw talaga." sabi ni kaliwa. Ang bad nito.

Pumasok kaming lahat sa loob.

"Bakit pinagbabawal magdala ng pagkain?" tanong ni Gia.


"Nag-iingat lang." sagot naman ni kaliwa.

"Ang ganda dito, pwedeng makitulog din dito?" tanong ni Veron. Tumingin naman ako
sa paligid. Ang ganda nga dito. Mas maganda pa ito sa bahay ni kaliwa.

"Hindi pwede, wala na kayong tutulugan." sabi ni kaliwa.

"Kahit dito lang kami sa sala okay lang, masarap dito malamig." sabi ni Fin na
nakahiga sa carpet.

"Hindi nga pwede, manggugulo lang kayo dito tsaka may mga aircon naman kayo sa
inyo." inis na sabi ni kaliwa. 

"Ang KJ talaga nitong ni kaliwa, minsan na nga lang tayo mag-overnight umaayaw ka
pa." sabi ni Veron. Tumango naman ako.

"Wag ngayon, hindi maganda ang kalagayan ni maid kaya kailangan todo ingat kami."
sabi nya.

"Nakakapangselos na yan si Nissan, naagaw ka nya na samin." sabi ko. Medyo natawa
ako ng mahina nung napangiwi sya.

"Kadiri." sabi nya.  Natawa kaming lahat. "Oo nga pala, tumawag sakin si Ms. Dani
kahapon." dagdag nya pa. Tumingin naman ako kay Fin na napatingin kay kaliwa. Ang
bilis talaga nito pagdating kay Ms. Dani.

Sa mismong araw din ng party ng lolo ni kaliwa, umalis ang professor namin na si
Ms. Dani na nagugustuhan naman ni Fin. Sa tanan ng buhay nya ngayon lang sya
nagkagusto sa isang tao tapos sa babae pa kaya nga nakakagulat na isa palang
bisexual ang bestfriend kong ito. Si kaliwa, well maganda naman kasi si Nissan kaya
hindi na makakapagtataka kung mahulog ang loob nya kay Nissan.

Saming lima, kami lang ni Veron ang single, ay single na din pala si Gia dahil sa
paulit ulit na panloloko sa kanya ng ex nya. Wala naman nagugustuhan ngayon ang
dalawa lalo na si Gia na tumigil muna dahil sobra ang panloloko sa kanya habang si
Veron, busy sa bar nya kaya walang time na maghanap ng the one nya. Ako? wala din.
Chill lang.

"Weh? ano sabi? kamusta na sila?" tanong ni Gia.

"Yun nakatira na daw sila sa kalsada." sabi nya.

"Imposible, kahit maghirap ang mga yon hindi sa kalsada titira ang mga yon 'no."
sabi ni Veron Tama. Baka nga magpresinta pa si Fin na sa kanila muna matulog sila
Ms. Dani kung sakali.
Mayaman ang pamilya nila Ms. Dani yun nga lang bigla itong bumagsak kaya naman
umalis sila ng bansa kung saan talaga nakatira ang pamilya nila.

"Ano pa sabi nya?" tanong ko. Nakitbitbalikat lang si kaliwa.

"Kinamusta lang ako, yun lang." sagot nya.

"Wala man lang syang sinabi tungkol sa nangyari sa kanila ni Fin?" tanong ni Gia.

Bago ang araw ng party ng lolo ni kaliwa. Pumunta kaming apat sa bar ni Veron tapos
hindi namin inaasahan na nandon si Ms. Dani na umiinom at problemado. Hinayaan
namin sya kay Fin tapos nalaman na lang namin na may nangyari sa kanila ni Ms.
Dani, yun nga lang, iniwan din agad sya at yun din ang huling kita nila ni Ms.
Dani.

"Wala." aw grabe din si Ms. Dani pagkatapos ng lahat ng nangyari sa kanila ni Fin.

"Okay lang yan, Fin. Mas mabuti pang mag-move on ka na sa kanya." sabi ni Veron.

"Tama yon, hindi lang si Ms. Dani ang tao sa mundo." sabi ni Gia.

"Nagsalita." sabi ni kaliwa. Napahawak ako sa bibig ko para hindi matawa.

"May sinasabi ka, kaliwa?" mataray na sabi ni Gia. Nakitbitbalikat lang si kaliwa.

Nagkwentuhan kaming lima. Nalaman din namin kung ano naging problema nila. Sobra
kaming nagulat na nangyari iyon sa pamilya ni kaliwa. Hindi lang pala sa itsura
nakakatakot ang lolo ni kaliwa, lahat lahat sa kanya nakakatakot. Isang mamamatay
tao ang lolo ni kaliwa na walang sinasanto. Pati ang mga magulang ni Nissan at Kris
pinatay nya. Napakawalang awa.

"Guys! kain na tayo!" sigaw ni Ate Yani na nasa dinning area.

Pagkarinig palang namin sa pagkain, nag-unahan na kaming apat na pumasok sa dinning


area. Natawa pa nga si Ate Yani at Nissan samin.

"Kayo talaga, hindi naman kayo mauubusan." sabi ni Ate Yani.

"Mahirap na. Matakaw pa naman si Jade." sabi ni Fin.

"Lah, parang sya hindi matakaw." sabi ko.


"Sus, lahat kayo matatakaw." sabi ni Kuya Kaysaysayan na natatawa pa.

"Hindi ako kasali dyan, napakasexy ko kaya." sabi ni Veron. Pinagmasdan ko naman
ang katawan nya.

"Sexy din naman kami ah?" sabi ni Fin. "Mas sexy pa nga ako sayo."

"Syempre nagbawas ka nung may mangyari-" tinakpan ko ang bibig ni Veron para hindi
matuloy ang sasabihin nya. Grabe papahiyain nya ba si Fin kanila Kuya Kaysaysayan?

"Ang bunganga." sabi ni Gia habang umiiling iling.

"Ano yon?" takang tanong ni Ate Yani. Nagtatakang nakatingin pala samin yung tatlo.

"Ah wala, wala. Kain na lang tayo." sabi ni Veron. Naupo kaming lahat sa upuan.
Nag-uunahan na kaming kumuha ng pagkain habang natatawa naman samin sila Kuya
Kaysaysayan at hindi pinapagalitan dahil nauubusan namin sila sa pagkain.

"Si kaliwa?" tanong ni Veron.  Napatingin naman kami sa paligid. Walang kaliwa
kaming nakita.

"Teka, baka nasa sala pa. Puntahan ko." sabi ni Fin at pumunta ng sala.

Nung makalabas na ng dinning area si Fin, kinuha ko agad yung hot dog sa kanya.
Natatawa at naiiling naman sila. Napangiti na lamang ako sa kanila.

Maya maya, wala pa din yung dalawa kaya sumunod sa kanila si Kuya Kaysaysayan.
Nagkwentuhan naman kaming natira pero natigil lang yon nung marinig naming sumigaw
si Kuya Kaysaysayan.

"Anong nangyari?" tanong ni Ate Yani.

Napatingin ako kay Nissan na tila natakot sa nangyari.

"Nissan, okay ka lang ba?" sa tanong ko napatingin ang lahat kay Nissan. Tumango
ito pero medyo nanginginig.

Nakarinig kami ng basag sa kusina. Nagulat kami syempre pero mas natakot si Nissan
kaya nilapitan ko ito at niyakap. Sobrang syang natatakot.

"Butler Kim?!" sigaw ni Veron nung lumabas si Butler Kim sa kusina. May hawak itong
patalim.
Nagulat kaming lahat nung ibinato nya ang isang kutsilyo samin. Napasigaw kami nila
Ate Yani sa gulat. Tinignan ko ang mga kasamahan ko kung nasugatan ba sila.
Nakahinga naman ako kahit papaano na walang natamaan sa kanila ng kutsilyo.

"Gago ka!" sigaw ni Veron. Sinugod nya si Butler Kim.

Hindi naman nakakagulat na ginawa yon ni Veron. Matapang yan eh. Pagkatapos sipain
at sapakin ni Veron si Butler Kim, umalis ito patungo sa kusina. Hindi ko alam kung
paano sya nakapasok sa loob lalo na nasa tenth floor ang condo unit ni Kuya
Kaysaysayan, depende na lang kung nasa kabilang unit sila.

Pumasok si Kuya Kaysaysayan na may pag-aalala sa mukha. Niyakap nya pa ng mahigpit


si Ate Yani pagkakita dito.

"Mabuti naman okay lang kayo." nag-aalalang sabi ni Kuya History.

"Ayos ka lang ba Nissan?" tanong ko sa kanya. Tumango ito at medyo kumalma. Mabuti
naman,

Lumabas kaming tatlo para i-check sila kaliwa. Nagulat kami nung makitang may tama
yung dalawa at mas nagulat kami na makitang walang malay at duguan ang lolo nila.
Inalalayanan namin si Fin na lumabas ng condo. Ang kulit kasi ni kaliwa, ayaw pang
umalis hangga't hindi nakikita si Nissan pero nung si Nissan ang humila sa kanya
palabas ng condo, agad naman sumunod. Iba talaga.

Isinugod namin sila sa malapit na hospital. Inasikaso naman agad yung dalawa para
gamutin ang sugat nila. Natagalan gamutin si Fin dahil ang likot nito. Grabe, para
syang batang takot na takot gamutin. Hindi na nahiya sa nurse.

Pagkatapos gamutin yung dalawa. Nagpaalam na kami kay kaliwa na uuwi na at dadalaw
na lang bukas. Sobrang nakakapagod ang nangyari ngayon. Akalain mo yon? muntik na
may mangyaring masama samin kung hindi lang nilabanan ni Veron si Butler Kim.

Naunang nakasakay sila Veron. Nagpaiwan muna ako saglit para dumaan ng 7/11, bibili
lang ako ng ice cream na guminhawa naman ang pakiramdam ko dahil sa nangyari.

Pagkalabas ko ng 7/11 na saktong dumaan naman sina Paris at Chelsea. Naestatwa ako
habang dumadaan sila. Mukhang hindi naman nila ako napansin dahil dire-diretso sila
sa paglalakad at patuloy pa din sila sa pag-uusap. Nakahinga ako ng maluwag nung
makalagpas sila.

"Jade!" nagulat ako nung may tumawag sakin. Pagtingin ko sila Ino. Akala ko pa
naman sila Chelsea lang makikita ko.

Speaking of, tumingin ako sa kanila. Napatigil din pala sila sa paglalakad at
nakatingin sakin. Si Chelsea na nakangiti habang yung isa walang kaemosyon na
pinapakita.
"Hi." nakangiting sabi ni Marie. Napangiti naman ako ng alanganin sa kanya.

"Naaawkwardan na naman sa inyo si Jade." sabi ni Ino. "Hi. Anong ginagawa mo dito?
bukod sa pagkain ng ice cream?" tanong nya.

"Ah pauwi na din ako, bumili lang ako nito." sabi ko. Alam nyo yung feeling na,
lima silang nakatingin sakin? mauuna ata akong matunaw kaysa sa ice cream na
kinakain ko.

"Double dutch. Paborito yan ni Paris." sabi ni Chelsea na nakalapit na pala samin.
Tumingin ako kay Paris. Nakatingin sya sa ice cream ko.

"At namin. Pwedeng patikim? ng ice cream...mo?" iba ata ang dating sakin ang
pagkasabi ni Cess. Natawa sila Ino sa hindi ko alam ang dahilan.

"Cess ano ba? ayusin mo nga yang pananalita mo iba ang pumapasok sa isip ko eh."
sabi ni Rin. Hindi lang pala ako ang nakahalata.

"Syempre yung deep ang tinutukoy ko." sabi ni Cess at kumindat pa sa mga kasamahan
nya na ikatawa naman nila.

Okay?

"Hoy, malalagot tayo kay Ma'am Jo nyan, tinitira nyo na naman ang anak nya" sabi ni
Ino.

Bakit parang hindi ata maganda sa tanga ang pinagsasabi nila?

"Tumigil nga kayo." naiiling na sabi ni Chelsea pero nakangiti naman.

Hays ang weird talaga ng grupo na 'to. Hindi talaga ako komportable sa kanila.

"Jade." napatingin ako sa gilid, pati din pala sila tumingin.

"Save." bulong ko nung makita si kaliwa at Nissan. "Kaliwa!" agad akong lumapit sa
kanila.

"Grabe ka naman Jade, hindi naman kami nangangagat." sabi ni Rin. Napakamot ako ng
ulo. Nagtatakang tumingin sakin si kaliwa.

"Nandidila lang." sabi ni Cess. Nanlaki ang mga mata ko habang natatawa naman sila
pwera syempre kay Paris na naiiling iling.
"Tara na nga. Kung ano ano pinagsasabi nyo, hindi na kayo nahiya sa kasama ni
Jade." sabi ni Ino. "Sige, Jade. Mauna na kami." tumango ako sa kanila at hindi na
nagsalita pa.

"Sino ang mga yon? grabe ang bibig ah." sabi ni kaliwa.

Napakamot ako ng ulo. "Student Council yon ni Mama sa school nya. Puro nga lesbian
ang mga yon eh, hindi nga ako komportable sa kanila."

"Alam mo hindi ko alam kung nang iinis ka. Baka nakakalimutan mong dalawa kami ni
Fin sa org. nila." sabi ni kaliwa.

Natawa ako at inakbayan sya. "Siyempre iba naman kayo ni Fin. Bestfriend ko kayo,
naiintindihan ko kayo. Hindi naman ako against sa lesbian or gay na yan, ang kaso
lang sa mga yon, iba ang pakiramdam ko. Hindi ako komportable sa kanila." sabi ko
habang nakatingin sa lima na palayo samin.

"Halata nga, kahit ako hindi magiging komportable sa kanila. Mas pipiliin ko pang
makasama kayong mga gago kaysa sa kanila na grabe magsalita." sabi ni kaliwa.
Natawa ako sa sinabi nyang mga gago kami, hindi nya pa dinamay sarili nya eh isa
din naman sya samin.

"Saan pala kayo? bakit wala kayong bodyguard na kasa-kasama?" tanong ko. Hindi ko
na pinansin pa ang namumugtong mga mata ni kaliwa. Alam kong umiyak sya kanina,
siguro sa nangyari kay Kuya Kasaysayan. Nasa ER sya ngayon at sabi 50-50 daw ang
buhay. Sana okay lang si Kuya Kaysaysayan.

"Dyan sa 7/11, bibili lang ng pagkain tsaka nasa tabi ang mga bodyguard namin.
Bakit pala hindi ka pa umuuwi?" tanong nya.

"Pauwi na, bumili lang ng ice cream." sabi ko at tumingin sa ice cream kong
natutunaw kaya agad ko itong kinain.

"Umuwi ka na at magpahinga." sabi nya.

"Sa tingin ko ikaw ang dapat magpahinga, kaliwa. Masyadong madaming nangyari.
Ipahinga mo na ang sarili mo. Ikaw din Nissan." sabi ko sa kanilang dalawa. Ngumiti
naman si Nissan habang si kaliwa at bumuntong hininga.

"Masyado ngang maraming nangyari. Sige na. Ingat ka sa pag-uwi." sabi nya.

"Kayo din."

Hinintay nila muna akong makasakay ng taxi bago sila pumasok ng 7/11. Huminga ako
ng malalim. 

Sobrang daming nangyari ngayong araw.

---------------------------

        Chapter 2 [Mi Amore Series#2: My Hot Pre...]

      

Tumingin ako kay Mama na busy sa pagbabasa ng mga kung ano anong papel na nakalatag
sa table nya dito sa library room namin.

"Ma." tawag ko sa kanya.

"Yes?" tanong nya na hindi lumilingon sakin.

Naglakad ako patungo sa harapan ng table nya at naupo sa upan. Pinagmasdan ko ang
mga papel na nasa table nya. Maloloka ata ako kung iintindihin ko ang mga 'to.
Codes pa nga lang sa thesis namin hirap na ako.

"Anong klaseng tao ang mga Student Council mo?" tanong ko at pinagmasdan ang mukha
nyang tumingin sakin.

Nakataas ang mga kilay nya. Tinanggal nya ang salamin nya at sumandal sa swivel
chair.

"Bakit mo natanong yan?" napakamot ako ng ulo ko.

"Eh kasi kanina nakasalubong ko sila. Ganon ba talaga sila, Ma? yung salita nila
parang ang bastos." pag-aamin ko. Lagi naman ako nagsasabi ng kung ano ano kay Mama
kaya okay lang na sabihin ko ang tungkol sa mga Student Council nya. Alam ko naman
na hindi nya sasabihin sa mga yon ang sasabihin ko ngayon.
"Nilandi ka na naman ba nila?" imbis na sagutin ay nagtanong sya.

"Ata? Ewan. Hindi ako komportable sa kanila." sabi ko.

"Ngayon ka lang kasi nakasalamuha ng iba bukod kanila Left kaya feeling mo hindi ka
komportable sa kanila."

"Hindi din Ma. Sa kanila lang talaga na hindi ako komportable . Ang weird nila eh."

"Wow, mula sa bibig mo, sinabi mo yan? nilalagnat ka ba?" napasimangot ako habang
sya natawa. "Mula sa anak kong baliw, siraulo, loka loka, megaphone at gago."

"Ma! sinasabihan ninyo ganyan ang anak nyo?" sabi ko. Okay lang sana kung sina
kaliwa lang magsabi non eh kaso mula kay Mama?

"Oh bakit? ganon kayong magkakaibigan 'di ba?" natatawang sabi nya. Napasimangot
ako. "Ang tatanda ninyo na pero parang pa din kayong bata." naiiling na sabi nya
pero mukhang hindi naman sya disappoint na ganon kami. "Alam nyo? napagdesisyunan
naming mga magulang ninyo na bigyan kayo ng business na may gawin kayong seryoso."

"Lah si Mama, IT kami hindi business ad student. Tsaka si Veron may business naman
sya at lalo na seryoso naman kami." sabi ko. Bakit nauwi sa ganito ang usapan
naming dalawa?

"Nope, malaki ang ibibigay namin sa inyong business na pagtutuunan nyo talaga ng
pansin na lima. Tsaka IT nga kayo pero may alam ba kayo sa IT? parang ang ginagawa
nyo lang don ay pumasok para sa baon."

"Ma, may alam naman kami sa pagiging IT namin. Hindi naman kami aabot sa fourth
year kung wala. Para naman wala kayong bilib sa anak nyo." sabi ko na may himig na
pagtatampo.

"Anak, hindi bagay na magtampo ka dyan. Oo nga't fourth year na kayo, eh kaso ang
grades nyo sa mga Major, tres o kaya two point five."

"At least bawi sa minor." proud na sabi ko. Nailing naman si Mama na nakangiti.
"Teka Ma, nalalayo na tayo eh, bigla napunta samin yung usapan, nasa Student
Council mo tayo kanina eh."

"Bakit ba interesado ka sa kanila?" tanong nya.

"Hindi ako interesado Ma, nagtatanong lang ako dahil miski nga si kaliwa ay hindi
komportable sa mga yon dahil sa pananalita nila." pangdadahilan ko.
"Hmm..playgirl kasi ang mga yon, mahilig din sa kama at makipaglandian." sabi nya
na para bang walang kaso yon sa kanya.

"Ma, bakit may mga ganyan kang Student Council? hindi ba ikakasira ng school mo
yan?" ano na lang iisipin ng iba na yung school nila Mama ay mahaharot na paaralan?
na puro nag-aaral don malalandi nang dahil sa mga ganyang image na estudyante tapos
Student Council pa.

"Hindi, dahil kapag nasa school sila, seryoso sila, mababait at hindi mo maiisip na
playgirl sila. Hinahayaan ko sila sa gusto nila as long as hindi ikakasira ng
paaralan. So far wala naman akong naririnig na balita na paninira sa paaralan kaya
okay lang. Tsaka makukulit lang talaga ang mga yon, ang dating nga nila sakin ay
tropa kapag kami kami lang pero kapag may kasama kaming iba ay makikita mo talaga
sa kanila ang pagiging professional na Student Council." mahabang sabi nya.

Pinagmasdan ko si Mama. Seryoso talaga sya sa Student Council nya?

"Anything else? may gagawin pa ako." nakangiting sabi nya. Napabuntong hininga ako
at tumayo.

"Wala na pero sana lang hindi ko na sila ma-encounter pa. Iba talaga pakiramdam ko
kapag nasa paligid ang mga yon." sabi ko.

"Sa pagiging lesbian nila? hindi ba lesbian din si Left?"

"Ma, naging lesbian lang naman si kaliwa dahil kay Nissan, wala naman syang ibang
nagustuhan kung hindi si Nissan lang. Tsaka hindi sa pagiging lesbian nila kung
bakit hindi ako komportable, siguro dahil ang lalandi nila sakin?"

"Wag mong seryosohin yon, nagbibiro at naghahanap lang napaglalaruan ang mga yon."

"At hinahayaan nyong paglaruan nila ako." nakasimangot ko sabi.

"Nang matuto ka naman lumandi. Nagka-boyfriend ka nga noon pero isang buwan lang
ang itinagal tapos wala na." sabi nya.

"Ma, wag kayong atat na magka-boyfriend ako dahil baka maaga akong mabuntis."

"Well, gusto ko ng mabuntis ka." nanlalaki ang mga mata ko sa sinabi nya.

"Ma!" grabe hindi ko maintindihan ang mga magulang ko, atat na atat sila. Grabe,
ayoko ngang mabuntis agad, gusto ko muna i-enjoy ang buhay 'no.

Lumabas na ako ng library room dahil naiiba na ang usapan namin ni Mama. Pumunta
ako sa sala at nakita ko don si Papa at Michael na nonood ng Ben10. Seryoso ba ang
mag-amang ito?

Napatingin ako sa may pintuan nung may mag-doorbell. Tumingin ako sa dalawa na
patuloy lang sa panonood ng tv. Naglakad ako patungo sa gate para tignan kung sino
ang nag-doorbell. Pagbukas ko ng pinto, nagulat ako nang makita si Paris at
Chelsea.

Sila na naman? kakasabi ko lang na sana hindi ko sila ma-encounter eh.

"Hi. Good evening Jade." nakangiting bata ni Chelsea.

"Good evening." pilit na ngiti ko. "Pasok kayo." gumilid ako para makapasok silang
dalawa.

"Thank you." ngumiti lang ako kay Chelsea. Nauna na silang pumasok sa loob habang
sinara ko naman ang gate.

Akala ko pa naman hindi ko na sila makikita pa. Nailing na sumunod ako papasok sa
loob.

Kampante na nakaupo yung dalawa habang kinakausap ni Papa nung madatnan ko. Nakita
ko din pababa si Mama sa hagdan na may hawak ng cellphone.

"Mike, namatay na daw ang Papa ni Letti." pagbibigay alam ni Mama kay Papa. Halata
din ang gulat ni Mama sa balita. Akala ko alam na nila kaya hindi ko sinabi.

"Seryoso? ano ang ikinamatay?" gulat din na tanong ni Papa. Nagtaka tuloy yung
tatlo kung ano ba yung tinutukoy nila Papa.

"Mamaya natin pag-usapan yan, at ikaw Jade." nagmamadaling lumapit sakin si Mama.
Napaatras naman ako dahil parang naiinis si Mama. "Nandon ka nung nangyari pagpatay
sa lolo ni Left. Ayos ka lang ba? may sugat ka ba o natamaan ka ba?" biglang
napalitan ng pag-aalala ang mukha ni Mama.

"Teka ano? nandon ka nung mamatay si Mr. Mateo? Okay ka lang ba?" lumapit sakin si
Papa at tinignan ang katawan ko kung may tama.

"Hey, ayos lang ako, walang sugat, buong buo. Wag kayong mag-alala dyan, nakakahiya
sa bisita." sabi ko at pasimpleng tumingin sa dalawa.

"Hindi mo kami mapipigilan mag-alala sayo. Paano kung mapaano ka huh?" sabi ni
Mama. Napakamot ako ng ulo.

"Ayos lang ako, Ma, Pa. Si Fin at kaliwa ang nasugatan habang si Kuya Kaysaysayan,
nasa ER nung umalis kami." sabi ko sa kanila. "Wag kayong mag-alala sakin, okay
lang ako."

"Mabuti naman kung ganon. Siguradong hindi ka nasugatan huh?" nag aalalang sabi ni
Papa.

"Opo, okay lang ako." nakangiting sagot ko.

"Sige, tatawagin ko muna ang mga magulang ni Fin para kamustahin sya." sabi ni Papa
at pumunta sa labas.

"Siguradong okay ka lang huh?" tanong ulit ni Mama.

"Ma, paulit ulit." sabi ko. "Okay lang ako, buhay na buhay at buo na buo."

"Baliw na baliw at siraulo na siraulo." tumingin ako ng masama kay Michael.

"Hindi ko ma-imagine na si Jade, baliw at siraulo?" napatingin ako kay Chelsea.


Nakangiti sya na tila nag-iisip.

"Kung alam mo lang, itong anak ko? akala nyo mahiyain yan? loko loko yan." sabi ni
Mama.

"Ma! pinagsasabi nyo dyan?" tae nakakahiya sa dalawa yung pinagsasabi ng mga 'to.

"Lalo na kapag kasama nya ang mga bestfriend nya. Para silang nakawala sa
kulungan." sabi pa ni Mama. Natatawa naman si Chelsea.

"Ewan ko sa inyo Ma." sabi ko sa kanila at umalis sa sala dahil hiyang hiya ako sa
pinagsasabi ni Mama.

Siyempre nakakahiya sa dalawang yon na kakilala ko lang at hindi pa ako komportable


sakanila tapos sasabihan ni Mama sa mga yon ang mga kalokohan ko, baka kapag
nagkita kami ng mga yon asarin ako at hindi tantanan. Ayoko nga sa kanila.

"Bakasyon na!" sigaw ni Veron pagka-dismiss samin ng last teacher namin. Nakisabay
ang ilan naming kaklase sa pag-celebrate ng bakasyon.

"Tuwang tuwa ka dyan, hindi mo pa nga pinapasa ang survey kay sir." sabi ni kaliwa.
Napatigil naman si Veron sa pag-celebrate.

"Buti na lang!" sabi ni Fin. "May kasama ako!" natatawang sabi nya pa.

"Mga siraulo. Ipasa nyo na ang survey tapos magwalwal tayo ngayon." sabi ni Gia.
"Saan? sa bar ko na naman? hoy magbayad naman kayo, nalulugi ako sainyo." sabi ni
Veron.

Naglabas ako ng limang piso. "Ito, ambag ko."

Naglabas naman ng piso si kaliwa habang si Fin sampung piso, si Gia naman dalawang
piso ang nilapag.

"Mga siraulo!" pero natawa kaming lima.

"Oo nga pala, kaliwa kamusta naman kayo?" tanong ni Gia. Naglalakad kami patungo sa
library para tulungan tapusin ng dalawa yung survey nila.

"Okay naman, naayos na din ang mga issue na kinakaharap at tuloy na din ang kasal
nila Kuya." sagot ni kaliwa.

Dalawang linggo na din nakakaraan simula nung nangyaring trahedya sa condo unit ni
Kuya Kasaysayan.    Hindi naman namin iniwanan si kaliwa nung mga panahon na yon
pati sila Mama laging dinadalaw sila Tita Letti dahil nag-aalala din sila sa baby
nila. Si Fin at kaliwa, yung tama nilang bala hindi pa masyadong magaling pero
naigagalaw naman nila ang braso nila. Nahuli na din si Butler Kim kaya payapa na
ulit ang buhay nila kaliwa.

"Mabuti naman, grabe ang kinaharap ninyo. Hindi ko mata-take yon." sabi ni Veron.
"Mabuti naman hindi din napano si Tita Letti. Sobrang stress sa kanya ang
nangyari."

"Hindi naman, nasa tabi nya palagi si Papa tsaka yung apat na binabantayan talaga
sya."

"Good to hear that. Mabuti na lang at tapos na." sabi Gia.

Pumasok kami sa loob ng library. Nagtaka pa kami na may mga estudyanteng


nakikisawsaw. Wala yung librarian kaya hindi sila mapigilan sa kakabulong na parang
bubuyog.

"Ano meron?" tanong ko. Nakitbitbalikat yung apat.

Hindi na kami nakisawsaw pa kung ano meron. Tumungo kami sa bakanteng mesa at
nilabas ang mga gamit namin.

"Bayad na yung pang inom namin ngayon, Veron. Tutulungan ka naming gumawa ng
survey." sabi ko. Napangiti yung dalawa at nag-thumb ups.
"Tama, tama." pang sang ayon ni Gia.

"Minsan talaga gumagana ang utak mo, Jade." napasimangot ako sa sinabi ni kaliwa.

"Bwisit kayo. Kahit naman hindi nyo ako tulungan hindi kayo mababayad." sabi ni
Veron, natawa naman kaming apat.

"Shhh! nasa library kayo." napatingin kaming lahat sa librarian.

Nanlaki ang mga mata ko nung makita si Chelsea kasama si Paris at Cess.

"Oh hi Jade. Dito ka pala nag-aaral." nakangiting sabi ni Cess.

"Kilala mo sila?" bulong sakin ni Fin dahil sya ang katabi ko.

"Yun lang po Ms. Mayor. Kung may mga tanong po kami ay sasabihin na lang po namin."
sabi ni Paris sa librarian.

"Sige, take your time libutin ang library." nakangiting sabi ng librarian at
umalis.

"Ang ganda ng school nyo, Jade." sabi ni Cess. Tumango naman ako at tumingin sa
thesis paper ko.

"Hi, ako nga pala si Chelsea, ito naman si Cess at Paris. Estudyante kami ng
Everest University." sabi ni Chelsea.

"Sa school ng Mama mo, Jade?" tanong ni Gia. "Hi, nice to meet you guys. Ako si
Gia, sila si Veron, Fin at ka-I mean Left. Anong kailan ng taga Everest sa school
namin? kung okay lang malaman dahil bihira lang ang may pumunta na taga ibang
school dito."

"Thesis purposes. Alam nyo na, ang mga Literature at Foreign." sagot ni Chelsea.
Tumango at sumang-ayon sila Gia.

"Thesis rin ang ginagawa mo hindi ba, Jade?" nagulat ako na nasa likuran ko na si
Cess at ang lapit pa ng mukha nya sakin.

"Oo." inusog ko ang upuan ko na medyo lumayo ako sa kanya.

Nakita ko pang napangisi sya at umupo sa tabi ko. Inilapit nya pa yung upuan nya
sakin. Hindi talaga ako tatantanan neto!
"Cess." may babala sa boses ni Paris. "Wag kang gumawa ng kalokohan dito."

"Wala pa naman akong ginagawa." sabi ni Cess.

PA! ibigsabihin may balak sya. Hays! bakit kasi nakilala ko pa ang mga 'to.

"Sige, mauuna na kami." sabi ni Chelsea. Mabuti naman aalis na sila. "Bye Jade, see
you around." ngumiti naman ako ng alanganin sa kanya.

"Alright, bye Jade." sabi ni Cess tsaka silang umalis na tatlo.

Doon naman ako nakahinga ng maayos. Hindi talaga ako komportable sa kanila. Hindi.

"Ayoko sa kanila." prankang sabi ni kaliwa habang nakatingin sa thesis paper nya.

"Bakit naman? mukha naman silang mabait." sabi ni Veron.

"Nah, mabait nga pero may dating silang bastos." tumingin sakin si kaliwa. "Like
last time, sinabi nung Cess na yon na hindi sila nangangagat pero nandidila."

"Na-meet mo na sila? tsaka sinabi talaga nila yon?" tanong ni Gia. "Pero mukha
silang hindi naman ganon."

"Napaka-judgemental mo naman kaliwa. Baka kasi nagbibiruan lang." sabi ni Fin.


"Ganon din naman tayo."

"Pero hindi tayo bastos magsalita. Sana nilulugar nila ang sasabihin nila." iritang
sabi ni kaliwa. "Ni hindi nga komportable si Jade sa kanila dahil ganon sila
magsalita."

"Totoo Jade?" tanong ni Gia. Napakamot naman ako ng ulo.

"Oo. Minsan kasi yung sinasabi nila ay double meaning tapos mamaya sasabihin nila
yung deep yung tama. Ewan ko sa kanila. Ayokong napapalapit sa kanila dahil minsan
nilalandi nila ako." sabi ko at nanlaki ang mga mata nila pwera kay kaliwa.

"Lesbian sila?" gulat na tanong ni Gia at Veron.

"Sinasabi na nga ba. Nung una palang pansin ko na nilalandi ka nung Cess na yon."
sabi ni kaliwa.

"Hindi lang naman sya, tatlo sila katunayan." sagot ko.


"Wow, hindi sila halatang lesbian sa sobrang ganda nila." sabi ni Veron. "At ikaw
ang trip nila." may ngisi sa mga labi ni Veron. Napasimangot naman ako.

"Ayoko sa kanila, hindi ko sila trip. Katulad nga ng sabi ni kaliwa non, mas
gugustuhin ko pa kayong makasama kaysa sa kanila."

"Sweet naman." natatawang sabi ni Fin.

"Bilisan nyo para matapos na yan. Gusto ko ng umuwi." sabi ni kaliwa.

"Atat ka na naman makita si Nissan." sabi ni Fin. "Isama mo kaya sya mamaya? ang
panget naman na iiwanan mo lang sya mag-isa sa bahay mo."

Kahit na tapos na at wala ng magtatangka sa pamilya ni kaliwa, may mga bodyguard pa


din sila, yun nga lang hindi mo makikita dahil nasa malayo silang nakapwesto pero
laging nakabantay. Sa bahay nga ni kaliwa may bodyguard na nakabantay dahil naiiwan
mag-isa si Nissan kapag pumapasok si kaliwa.

"Hindi pwede, bukas na ang start nyang pamahalaan ang kompanya ng mga magulang nya.
Kailangan nyang matulog ng maaga na maaga syang makapunta sa kompanya nila." sabi
ni kaliwa.

"Hindi ko aakalain na mayaman pala si Nissan. Grabe, inaapi api mo noon yon tapos
rich kid pala yon." sabi ko. Sinamaan naman ako ng tingin ni kaliwa.

"Wag mo ng ipaalala pa. Nagsisisi nga ako sa pinaggagawa ko kay maid at sa mga
sinabi ko sa kanya." sabi nya. Napangiti naman kaming apat dahil alam namin mahal
na mahal talaga ni kaliwa si Nissan.

Pagkarating ko sa bar ni Veron, ang dami agad na tao kahit na kakabukas lang nito.
Sikat kasi ang bar ni Veron lalo na sa school namin. Naglakad ako patungo sa usual
na pwesto namin. Nakita ko si kaliwa na kakwentuhan si Gia.

"Kayo pa lang?" tanong ko sa kanila. Nagbukas naman ako ng isang bote.

"May inasikaso lang si Veron pero si Fin wala pa." sagot ni kaliwa.

"Halos lahat ng tao dito puro sa school natin." sabi ko nung makilala ang ilan sa
mga tao dito.
"Well, bakasyon na kaya nagkakasaya sila. Dalawang linggo din ang bakasyon natin.
Any plan?" tanong ni Gia.

Nakitbitbalikat kami ni kaliwa. Iniba na lang namin ang topic dahil hindi kami
makakabuo ng plano kapag wala yung dalawa.

"Hey, sorry late."  syang dating ni Fin.

"Saan ka ba naggaling at late ka?" tanong ni kaliwa.

"Ah dinalaw ko lang si Rose." nahihiyang sabi nya. Napakunot noo namin. Hindi namin
kilala yung Rose na tinutukoy nya. "Yung nurse na gumamot sakin."

"Bakit mo naman sya dinadalaw?" tanong ko. Napayuko naman si Fin pero nakangiti
ito.

"Hula ko, gusto mo sya 'no?" tanong ni Gia. Napakamot ng ulo si Fin at tumango.

"Mabuti naman may nagugustuhan ka ng iba, Fin." dumating na din si Veron. Umupo sya
sa tabi ni Gia.

"Mahilig ka talaga sa strict ah." katyaw ni kaliwa. "Pero sure kang magmo-move on
ka na kay Ms. Dani?" tanong nya pa.

"Bakit parang ayaw mo pa syang pag-move onin?" tanong ko. "Hindi ba dapat maging
masaya tayo sa kanya dahil hindi na sya aasa pa kay Ms. Dani pagkatapos ng may
nangyari sa kanila pero wala lang yon sa kanya." ako ang naawa sa dinadanas ni Fin.
Sobra syang umaasa kay Ms. Dani tapos hindi man lang sya pinapansin.

"Hindi naman sa ganon." sabi ni kaliwa. Akala ko may sasabihin pa sya pero wala na
palang kasunod.

"Tama lang na magkagusto ka sa iba at ituon ang nararamdaman mo kay Ms. Dani sa
iba. Wala ka talagang pag-asa kay Ms. Dani kahit na binusted na sya ni kaliwa,
tsaka walang kasiguraduhan kung babalik pa ba sila." naiinis na sabi ni Gia.

"Chill, si Fin nga chill lang eh." biro ni Veron. Napangiti ako.

"Anong chill? naiinis ako dahil nasasaktan si Fin." sabi ni Gia. "Bakit kasi umaasa
ka pa dyan na magkakagusto din sya sayo."

"Aba Gia, sayo ko pa narinig yan." sabi ni kaliwa. "Parang nung last five months
nag-iiyak ka dahil niloko ka na naman ng panget na Teron at nagpapakatanga sa
pagmamahal nya." natawa kaming tatlo sa sinabi ni kaliwa. Naalala ko yung time na
yon.
"Gago!" binato ni Gia ng chips si kaliwa. Nagsitawanan kami bukod kay Gia na
nakasimangot.

Nagawi ang tingin ko sa may bar counter na may babaeng nakatayo na cool manamit.
Naka-leather jacket sya, black pants at nakaboots. Kulay blonde ang buhok nya na
nakalugay. Humarap sya pwesto ko at nagawi ang tingin nya sakin. Nanlaki ang mga
mata ko na matanto kong si Paris pala yon.

Hindi ko alam kung nakatingin ba sya sakin talaga dahil mukhang hindi man lang sya
nagulat nung makita ako kaya tumingin ako sa likuran ko. Isang grupo ng mga lalaki
na nagkakasiyahan ang nasa likuran namin. Ibinalik ko ang tingin ko kay Paris, sa
gawi ko pa din sya nakatingin at bigla syang umirap at naupo sa may stool sa bar
counter.

Napakamot ako ng kilay ko. 

"Jade kumuha ka ng chicken wings sa counter." utos ni Veron. "Panget kung puro
chips kakainin natin."

"Bakit ako?" tanong ko. Tae ayokong pumunta don, nandon si Paris.

"Sumunod ka na lang." sabi nya pa. Napasimangot naman akong tumayo.

Tumungo ako sa bar counter. Medyo malayo ako sa kanya puwesto nung makarating ako
sa bar counter

"Hey Jade!" bwisit ang lakas pa ng pagkasabi ni Clarke sa pangalan ko. Nagawi tuloy
ang tingin sakin ni Paris pero hindi ko sya nilingon.

"Hey Clarke. Isang bucket ng chicken wings." sabi ko.

"Magpapakawalwal kayo ngayon?" tanong nya habang kumukuha ng liligyan.

"Bakasyon na eh. By the way, Clarke bago ang DJ nyo?" tanong ko at tumingin sa
bagong DJ. Gwapo ang bagong DJ nila at masasabi kong magaling sya dahil ang daming
mga tao sa dance floor at halatang enjoy na enjoy sila.

"Oo, pinsan ko yan. Naghahanap kasi ng trabaho kaya nirekomenda ko kay Veron. Trip
mo?" may ngising sa mga labi nya.

Pekeng tumawa naman ako. "Hindi, gago." biglang seryoso kong sabi. Natawa naman sya
at nailing.
"Ikaw ang gago dito, Jade." napasimangot ako.

Bakit ba lahat na lang sinasabihan akong gago? hindi naman ako ganon kagago.

"Mamaya makikita ko na naman kayo sumasayaw sa taas ng lamesa habang binubuhos ang
laman ng bote." sabi nya.

"Gago. Kilala mo naman kami kapag nakainom iba ang trip." natatawang sabi ko.
"Matagal pa ba yan?" tanong ko.

"Saglit niluluto palang. Naubusan kayo. Ito, uminom ka muna." sabi nya sabay ligay
ng kung anong alak sa shot glass.

Hindi ko na tinignan pa kung anong klaseng alak yung binigay nya sakin. Ini-
straight ko yon at nakaramdam ako ng hapdi sa lalamunan.

"Woah! Nice, Jade. Yan ang gusto ko sayo eh." sabi nya na natatawa. Nailing ako.

"Mr. bartender, bigyan mo sya ng vodka." napatingin ako kay Paris. Nakalimutan kong
nandito pala sya.

"Alright, Jade wag mong ipahiya ang magandang dilag." sabi ni Clarke at binigay
sakin ang shot glass na medyo malaki kanina.

"Bwisit ka Clarke ang dami nito! Pinuno mo pa talaga." sabi ko. Napatingin ako kay
Paris na nakatingin sakin. "Salamat." sabi ko na medyo nakangiwi.

Ininom ko ng straight ang vodka. Shet maaga akong malalasing nito.

"Nice, nice! bilib talaga ako sayo, Jade." sabi ni Clarke na mukhang naaaliw.

"Siraulo." sabi ko. Tumingin ako kay Paris. Naka-smirk sya tapos inubos ang laman
ng baso nya bago naglapag ng pera tsaka umalis.

Nakatingin kaming dalawa ni Clarke sa kanya.

"Damn she's hot." sabi ni Clarke. Para naman akong nainis sa sinabi nya.

"Siraulo. Dalhin nyo na lang sa pwesto namin yung order." sabi ko. Tumingin ako sa
dinaanan ni Paris bago bumalik sa pwesto namin.

"Let's party! Bakasyon is rock!" sigaw ni Fin na nasa ibabaw ng lamesa.


Nagsihiyawan naman yung ilan na nasa paligid namin.
---------------------

        Chapter 3 [Mi Amore Series#2: My Hot Pre...]

      

"Ma! Ayoko ko!" sabi ko habang hinihila ako ni Mama palabas ng kotse na naka-park
sa parking lot ng school nila.

"Jade! Wag ka ng makulit!" sabi ni Mama at panay pa din ang hila nya sakin at tila
hindi inaalinta na nagugusot na ang suot nya.

"Ma, pabayaan nyo na kasi yan." sabi ni Michael na nakatayo sa likuran ni Mama.

"Tama sya Ma! Kayang kaya nyo na yan na walang tulong ko!" sabi ko. Ang higpit nang
pagkahawak ko sa upuan.

"Ma'am Jo." shit dumating na sila. Binitawan ako ni Mama kaya pumasok ako sa loob
at isinara ang pintuan ng kotse.

Napansin kong tumatawa ang lima sa ginawa ko habang naiiling si Mama.

Bakit kasi kailangan sumama ako dito! bakasyon na nga pero ito ako, isinama ni Mama
dito sa school nila para tumulong sa kanila. Kainis eh! dapat nakatambay lang ako
sa kwarto habang naglalaro ng video games. Online pa naman si Veron at Gia.

Maya maya umalis sila Mama. Nakahinga naman ako na hindi na ako pinilit pa. Ilang
segundo ang tinagal ko sa loob tsaka ako lumabas. Nakangiting tumalikod ako pabalas
ng school pero hindi ko inaasahan na nasa likuran lang pala ng kotse si Paris.
"Saan ka pupunta?" tanong nya at umalis sa pagkasandal sa kotse.

"U...uwi." sabi ko at pinagmasdan ang katawan nya. Naka-baseball tee sya na maluwag
na yung kabilang side nakapasok sa suot nyang ripped jeans nyang black tapos yung
isang side nasa labas tapos nakasuot sya ng nike shoes. Nakasuot din sya ng
sumbrero ng team nila.

"Done checking me out?" masungit na sabi nya. Namula naman ako at umiwas ng tingin.

Tumalikod ako para umiba ng direction. Maglalakad na sana ako kaso pigilan nya ako.

"Hindi ka uuwi. Tutulong ka sa ayaw at sa gusto mo." sabi nya. Napasimangot akong
tumingin sa kanya. Tinaasan nya ako ng kilay. "You're not cute so stop doing that,
mukha kang tanga." inirapan nya ako. Ang sama nito.

"Hoy teka!" bigla ba naman akong hinila kung saan direction pumunta sila Mama.
"Hindi ako tutulong! hindi naman ako nag-aaral dito eh!" sabi ko at pilit na
tinatanggal ang pagkahawak nya pero shete, ang higpit! medyo nasasaktan na din ako
ah.

"Can you please shut your mouth? para kang nakalunok ng megaphone." sungit na sabi
nito.

"Bitawan mo kasi ako!" wala akong paki kung naiingayan sya, ang mahalaga makalayas
ako dito na hindi ko sila makasama.

"Damn! I'll kiss you kapag hindi ka tumigil!" sigaw nya. Parang maamong tupa naman
akong hindi nakasagot. Ayokong mahalikan ng isang babae! "Tatahimik din pala, gusto
pinapatagal pa." irap nya.

Psh! kung hindi sya nagbanta ng ganon hindi ako titigil.

"Teka!" nagulat ako nung biglain nya ako sa paghila. Hindi naman sya tumigil para
gawin ang banta nya nung napasigaw ko. Napakabrutal nito.

Wala na akong nagawa kundi magpahila sa kanya pero siyempre binibigatan ko sarili
ko nang mahirapan sya sa paghila sakin at baka sakaling sumuko sya. 

"Hi Paris." may isang gwapong basketbolista ang bumati kay Paris pero hindi sya
nito pinansin. Aw sad. "Hey beautiful." bati naman nito sakin. Wow ganda ng ngiti.
Ngingitian ko sana yung lalaki kaso binigla na naman ako hinila ni Paris.

"Bastos." bulong ko. Nilingon ko yung lalaki at naiiling na lang ito. Siguro
nasanay sa ugali nitong Paris.
Napabuga ako ng hiniga dahil wala na talaga akong kawala sa isang 'to. Napatingin
ako sa kalangitan at humiling na sana makawala ako kay Paris. Pero iba ata ang
binigay ni God. 

"Ilag!" sigaw ko at hinila sya palapit sakin. Sa sobrang lakas ng pagkahila ko


natumba kaming dalawa.

Nasa ibabaw nya ako na naagapan ko ang ulo nya dahil baka tumama sa bato. Tumingin
ako kay Paris kung okay ba sya. Nakapikit sya at biglang dumilat. Mabilis nya akong
itinulak paalis sa ibabaw nya. Psh! Salamat ah!

Tumayo ako at pinagpag ang pantalon ko. Tumingin naman ako kay Paris na lumapit sa
bola ng baseball na muntik na sya matamaan. Kinuha nya ang bola at tinignan.

"Hindi ito samin." sabi nya tapos naglakad patungo sa baseball field.

Alright, pagkakataon ko para makatakas. Tumalikod ako at patakbo na sana nung


makita ko si Chelsea na nakangisi. Shet hindi pa pala ako makakatakas.

"Saan ka naman pupunta, Jade?" tanong nya habang naka-cross arms sya. Napakamot ako
ng ulo.

Umatras ako. Napansin nya yon kaya napaayos sya ng tayo at sumeryoso. Mabilis na
tumakbo ako palayo sa kanya pero mabilis din naman sya sumunod sakin.

Oh shet bakit ba ayaw nila akong tantanan!

"Gotcha!" sabi nya nung mahuli nya ako. Tae ang bilis nyang tumakbo! "Sorry pero
hindi ka makakatakas."

"Bakit ba ayaw nyo na lang ako paalisin, hindi nyo naman kailangan ng tulong ko."
sabi ko.

Hindi nya ako sinagot. Nakatingin lang sya sakin. Naiilang ako sa tingin nyang yon.

"Puntahan natin si Paris." hinila nya ako katulad ng paghila sakin ni Paris kanina.
Ang lalakas naman ng mga 'to.

Nakarating kami sa soccer field. May tatlong lalaki na naka-civilan tapos dalawang
babae na naka-baseball uniform ng school at si Paris.

Napakunot noo ko na may hawak ng baseball bat yung isang lalaki na maangas na
kinakausap si Paris.
"Mukhang may gulo. Tara, makichismis tayo." at hinila na naman nya ako. Badtrip ang
mga 'to.

"Wala naman nasira hindi ba? kaya tumigil ka dyan. Wala naman kwenta ang school na
'to." sabi nung lalaki. Nainis ata ako don. Kahit naman na hindi ako dito nag-
aaral, school pa din ito ng pamilya ko.

"Wala naman panama ang mga players nyo dito, lagi naman talo." sabi nung isang
lalaki sa kaliwa ng may hawak na bat.

"Laging talo?" napasmirk si Paris.

"Patawa ka kuya." sabi naman ng isang babae na kasama ni Paris.

"Tanga mo, gago." nagulat ako sa sinabi ng isang babae. Ang tapang.

"Ano sabi mo?!" napasugod yung isang lalaki pero hirangan sya nung may hawak ng
bat.

"Excuse me pero nasa school namin kayo. Hangga't maari ayaw namin ng gulo."
nakisali na si Chelsea sa kanila

"Ayaw din namin ng gulo. Nanahimik kami dito tapos bigla kayong lalapit samin."
sabi nung isang lalaki.

"Kung hindi nyo ginawang playground ang school, hindi kami lalapit sa inyo." sabi
ni Paris. Seryoso sya ngayon. "Ang ginawa ninyo ay maaari kayong makasira ng kahit
anong bagay dito sa school at makapanakit na muntik na mangyari sakin."

"Aakuin naman namin ang kasalanan namin kung sakaling mangyari nga." sabi ng
lalaking may bat.

"Pero hindi pa din tama ang ginawa ninyo." sabi ni Chelsea. "School ito, hindi
palaruan tapos wala kayo sa mismong field, nasa tapat kayo ng building nung maglaro
kayo. May chance na makabasag kayo."

Teka hindi sila dito naglaro? sabagay hindi naman aabot yon sa pwesto namin ni
Paris kahit na home run yon. Ang layo kaya ng parking lot sa soccer field.

"Aakuin nga namin, ang kulit nyo 'no?" banas na sabi ng isang lalaki.

"Aakuin ba yung tumakas kayo?" sabi ni Paris.


"Tsk." hindi naman nakasabat yung tatlo.

Kaya siguro umabot dito sa soccer field dahil tumakas sila.

"Sa susunod pumili kayo ng paglalaruan ninyo." sabi ni Paris.  "Sa susunod na gawin
ninyo ito, mapaparusahan kayo." dagdag ni Paris at tumalikod sa tatlo.

"Psh!" sabi na lang ng tatlo at naglakad din palayo.

"Wait! yung bola nyo pala." sabi ni Chelsea. Napahinto yung tatlo.

"Nasaan?" hanap nila.

"Ayon oh." sabay kaming napatingin sa tinuro ni Chelsea. Kay Paris.

Nanlaki ang mga mata ko na nakahanda na ibato ni Paris ang bola at binato nya na
ito sa tatlo. Sobrang bilis ng bato nya pero buti na lang naiwasan ng tatlo.

"Aba't gago ka ah!" sigaw nila.

Gulat na napatingin ako kay Paris. Ang bilis ng pitch na yon. Hindi ko aakalain na
isa palang pitcher si Paris.

"Piliin nyo din pala kung sino ang kakalabanin ninyo." paalala ni Chelsea na
nakangiti. "Let's go." sa pangatlong pagkakataon ay hinila na naman ako ni Chelsea.
Papunta kami kay Paris.

"Let's go." sabi ni Paris at nauna saming maglakad. Balak talaga nilang hindi ako
pakawalan.

Pagdating namin sa Information Center na sobrang daming tao, kanya kanya sila ng
ginagawa kahit pa yung mga kaibigan nila Paris. Nakita nila ako pero kinindatan
lang nila ako dahil may kinakausap sila.

Iniwan din naman agad ako nung dalawa at tumulong sa mga kasamahan nila. Tignan mo
nga naman, dinala nila ako dito tapos ano gagawin ko? tutunganga? para naman kasing
alam ko ang patakaran dito.

"Ate Jade!" napatingin ako sa tumawag sakin. Familiar yung boses nya kaya ako
lumingon.

"Hoy! Fynch! sino kasama mo?" tanong ko sa kababatang kapatid ni Fin.


"Mga kaibigan ko po. Gusto kasi namin dito mag-aral pagkatapos namin ng grade ten."
sabi nya.

"Ayaw ninyo sa school namin? doon nag-aaral ate mo 'di ba?" napahawak naman ako sa
ulunan ko nung may nambatok sakin, sisigawan ko sana sya kaso nakita ko si Mama.

"Imbis na tulungan mo kaming makahakot ng mga mag-aaral dito, pinapalipat mo pa."


sabi ni Mama. Natawa naman si Fynch at binati si Mama. "Nasaan ang mga kaibigan mo?
ako na mag-aassist sa inyo dahil baka hindi pa kayo dito mag-aral."

"Dito po talaga ako mag-aaral tita, alam ko naman pong maganda ang school ninyo
kaya po niyaya ko ang mga kaibigan ko na dito mag-aral." sagot naman ni Fynch.

"Tama, mabuti ka pa alam ang kagandahan ng school na ito. Yung ate mo at mga
barkada nya hindi ko alam kung ano meron sa utak nila."

"Grabe Ma, nandito lang ako." sabi ko na ikatawa ni Fynch.

"Nandyan ka pala. Hi." pang-asar talaga si Mama. "Tara Fynch, ia-assist ko kayo.
Sobrang daming tao kaya hindi kayo ma-assist ng mga alagad ko." sabi ni Mama at
umalis silang dalawa ni Fynch.

Psh! sana hindi na lang kasi nila ako pinilit na isama pa dito. Ano gagawin ko
dito? tatayo lang?

"Ay wait, Jade, pakitawag nga si Paris, sabihin mo kakausapin ko sya." sabi nya
sabay talikod.

Ako pa ang nautusan.

Napabuntong hininga ako at hinanap si Paris pero hindi ko sya makita. Nagdadalawang
isip ako kung lalapitan ko si Chelsea para tanungin sya kung nasaan si Paris pero
ayoko kasing napapalapit sa kanila.

No choice, nilapitan ko si Chelsea.

"Chelsea, ano...nakita mo ba si Paris?" tanong ko habang kamot ang batok ko.

Nakangiting bumaling sya sakin. Alam mo yung tingin at ngiti nya? parang mapang-
asar eh.

"Sa SC room. Gusto mo samahan kita?"

"Ah hindi na, kaya ko na sarili ko. Alam ko naman kung saan yon." sabi ko at
nakitbitbalikat sya.

"Ikaw bahala." sabi nya.

Nagpasalamat ako sa kanya bago naglakad patungo sa SC room. Ang bilis naman mawala
non, parang kadarating lang namin tapos pumunta na sya don.

Ang tahimik ng hall way. Walang katao tao. Ang creepy tuloy. Naglalakad akong mag-
isa sa hall way na walang katao tao makikita sa paligid. Shit. Naalala ko tuloy ang
nakakatakot na kwento dito nung highschool pa ako. Bwisit yan. 

Binilisan ko ang paglalakad ko na halos takbuhin ko na dahil tila ako nakaramdam ng


lamig nung maalala ko ang kwento. Bwisit kasi ang mga kaklase ko non! wala lang
teacher, nagtakutan na!

Nakarating ako sa tapat ng SC room. Kumatok agad ako at nung makarinig ako ng 'come
in' pumasok agad ako. Nakahinga naman ako ng maluwag. Tumalikod ako sa pintuan at
hinanap si Paris.

At ayun sya, nakaupo sa swivel chair sa tapat ng table nya na may sandamakmak na
paper works. Napalunok ako nang makita syang nakasuot ng reading glasses. Spell
hot. P-A-R-I-S. Ang hot nya! para syang si Ms. Dani kapag suot ang reading glasses,
napakastrikto ng dating pero ang hot pa din tignan.

"Ano ang kailan mo?" nakataas kilay nyang tanong.

"Hot."

"What?"

Nanlaki ang mga mata ko na matanto ang sinabi ko.

"Wa-wala! a-ano..tawag ka ni Mama." sabi ko na hindi makatingin sa kanya dahil alam


kong sobrang pula ng mukha ko. Tae ano ba naman pumasok sa isip ko at nasabi ko
yon?

"Nag-text na ako kay Ma'am Jo na hindi ako makakapunta." sabi nya at naging busy sa
paper works nya.

"O-okay." tumalikod na ako at naglakad patungo sa pintuan. Bwiset, bakit hindi ko


pala naisip na pwedeng i-text ni Mama si Paris? naghanap pa ako at nagtanong kay
Chelsea para lang hanapin itong si Paris, pwede naman i-text na lang.

"At sinabi nya na wag kang paalisin." napatigil ako sa pagbukas ng pintuan.
Nilingon ko sya. "Huh?"

"Dahil siguradong tatakas ka." sabi nya at may pinindot sya na kung ano sa remote
control.

Pinagmasdan ko ang distansya naming dalawa. Hindi nya ako mahuhuli.

Pinihit ko ang doorknob pero hindi ko mabuksan. Tae paanong nangyaring na-lock 'to?

"Wag mo ng ipagpilitan pang makatakas, mapapagod ka lang." sabi nya.

"Buksan mo 'to." sabi ko sa kanya.

"Tumahimik ka." napatigil naman ako dahil ang seryoso nya. Tae naman eh. "Ayoko din
naman na nandito ka pero anong magagawa ko? binilin ka sakin. Wag kang mag-inarte
dyan dahil parehas lang tayong ayaw makasama ang isa't isa." mataray na sabi nya.

Napangiwi ako. Ang taray naman nito. Nagmumukhang Ms. Dani talaga sya.

"Ano naman gagawin ko dito?" tanong ko, mababagot lang ako dito na imbis naglalaro
ako ngayon.

"Do whatever you want." sagot nya lang. Tumingin ako sa paligid. Hays. Walang
magagawa dito.

Tumingin ako sa kanya. Makikita sa mukha ni Paris ang pagiging seryoso, lalong
ikinadagdag sa appearance nya ang suot nyang reading glasses, nagmukha syang
striktong teacher at nakakatakot na boss.

Nanlaki ang mga mata ko nung umangat ang tingin nya sakin. Hindi ko magawang umiwas
ng tingin. Hindi ko alam. Hindi din sya umiwas ng tingin. Pinagmasdan ko ang asul
nyang mga mata. Tila na naman ako nalulunod sa mga tingin nya. Hindi ko alam kung
bakit parang hindi ako makahinga ng maayos. Para na talaga akong nalulunod na ang
hirap umahon.

"What's up!" napaiwas ako ng tingin at tumingin kay Marie. "Oh! you're here!"

Ngumiti ako ng alanganin tsaka ako huminga ng maayos. Ang bigat ng pakiramdam ko
kanina.

"Okay ka lang?" tanong ni Marie na lumapit sakin. Nagtaka ako kung paano sya
napasok eh naka-lock ang pinto kanina. "Tubig gusto mo?" hindi nya na hinintay pa
ang sagot ko at pumasok sa isa sa mga pinto.
Tumingin ulit ako kay Paris pero naging busy na ulit sya sa paper works nya.
Napabuntong hininga na lamang ako.

----------------------------

        Chapter 4 [Mi Amore Series#2: My Hot Pre...]

      

Jade's POV

"Break muna!" sabi ni kaliwa. Napatigil kami sa pag-practice ng sayaw.

Naupo kaming lahat at uminom ng tubig.

Ganito ang ginagawa naming lima kapag bakasyon namin para naman ma-maintain ang
body namin. Tsaka susurpresahan daw ni kaliwa si Nissan sa nalalapit nilang
monthsary, isa na don ang sasayawan namin si Nissan.

Kami ni kaliwa laging nasa likuran nakapwesto habang nasa gitna si Gia at nasa
kabila nya naman ang dalawa. Si Gia ang pinakamagaling sumayaw saming lahat. Pero
sa ngayon si kaliwa ang nasa gitna para kay Nissan.

"Kamusta naman si Nissan sa kompanya nila?" tanong ni Veron.

"Ayun, kinakapa pa ang mga gawain doon." sagot ni kaliwa. "Alam naman ninyo yon,
ayaw magsalita sa ibang tao. Mabuti na lang unti-unti nakakapagsalita na sya sa
harap ng board members nya."

"Mabuti naman kung ganon." sabi ni Gia. "Nakangiti na naman ang loko oh."
Napatingin kami sa tinutukoy nya. Si Fin na nakangiti sa cellphone nya. Napatingin
sya samin at mabilis na itinago ang cellphone nya.

"Ano?!" sigaw nya.

"Makasigaw, halatang may tinatago." sabi ni kaliwa.

"Wa-wala ah!" sabi nya pero namumula ang mukha nya.

"Naniniwala kami." sabi ko.

"Nai-inlove ka na naman kay Nurse Rose." sabi ni Veron.

Nakayukong namumula ang mukha ni Fin.

"Nga pala, ano balak ninyo? malapit na mag-second semester." tanong ni Gia. 

"Oo nga hindi pa tayo nakakapag-outing." sabi ko. Busy din kasi kaming lima nitong
nakaraang araw kaya hindi kami makapagplano kung ano ang gagawin namin.

Kung hindi lang kasi sana ako sinasama ni Mama sa school nya.

"Sakto ang init ngayon, mag-beach tayo!" suggest ni Fin. "Doon tayo sa pinuntahan
natin nakaraan. Ang ganda kasi doon eh."

"Kakapunta lang namin doon kahapon eh." sabi ni kaliwa.

"Grabe hindi man lang nag-aaya." sabi ko.

"Ganon talaga." nakangising sabi nya. "Sa iba na lang tayo."

"Saan naman?" tanong ni Veron. "Ah! alam ko na." nakangiting sabi nya na pinagtaka
namin.

"Pero tayong lima lang ba ang sasama?" tanong ni Fin.

"Bakit? balak mo bang yayain si Nurse Kim?" nakangising tukso ni kaliwa.

"Uy hindi ah!" mabilis naman na despensa ni Fin. Natawa naman kami sa kanya.
Halatang nagsisinungaling eh.
"Isasama ko si maid. Kayo?" sabi ni kaliwa at hindi na pinansin si Fin.

"Tayo tayo na lang. Hindi na rin naman iba si Nissan satin eh." sabi ni Veron.

"Sige, so kailan naman tayo aalis?" tanong ko.

"Bukas agad." sabi ni Gia. "Baka hindi pa matuloy kung papatagalin pa natin."

Sumang-ayon kaming lahat dahil minsan nadra-drawing ang plano namin.

"Edi mamili na tayo ng pagkain natin ngayon." sabi ko.

"Good idea! pagod na din ako kakasayaw eh." sabi ni Fin.

"Sus! gusto mo lang puntahan si Nurse Rose." pang-asar ni kaliwa.

"Hindi ah." agad na sagot ni Fin. Hindi na lang namin pinansin ang pagsisinungaling
nya.

Nag-ayos na kaming lahat at lumabas ng gym room namin. Wala naman kasing mga gym
ang mga bahay nila kaya dito kami palaging nagpra-practice.

"Oh hi!" napangiwi ako nung makita si Chelsea. Nandito nga pala sya kasama si Paris
dahil may meeting sila ni Mama.

"Hi." bati nila Gia.

"Pawisan kayo ah?" napatingin sya sa mga katawan namin. Naka-sports bra lang kasi
kami tapos shorts. 

"Jade, pahiram na lang kami ng damit. Baka matagalan pa mag-ayos ang mga ito kapag
uuwi pa kami." sabi ni kaliwa. Sila Gia ang kumausap kay Chelsea.

"May mga damit naman kayong naiwan dito." sabi ko.

"Chelsea, akala ko ba kukuha ka ng tubig?" napatingin kami sa kaliwa namin.

Agad akong napatingin sa porma nya. White long sleeve blouse, ripped jeans and vans
shoe. Grabe talaga ang pormahan ng taong ito. Lagi syang nagmumukhang hot at sexy
sa mga suot nya, paano pa kaya kung ayos na ayos sya? sigurado akong sobrang ganda
nya lalo.
"Bilisan mo, may idi-discuss pa si Ma'am Jo." sabi ni Paris at bumalik sa library
room.

"Mauna na ako sa inyo." nakangiting paalam ni Chelsea at pumunta sa unang palapag


ng bahay.

"Sungit talaga non. Hindi man lang tayo binati." sabi ni Fin.

"Kilala ka ba nya?" pambabara ni kaliwa.

Naglakad kaming lahat patungo sa kwarto ko.

"Kahit na, si Chelsea nga binati tayo eh."

"Ganon ba talaga yon?" tanong ni Veron. Tumango ako.

"Oo, lagi nga ako sinusungitan non eh." sabi ko.

"Lagi ka nasa school ninyo nitong nakaraang linggo." sabi ni Gia. "Ikaw ang pinaka-
busy sating lima."

"Ang tanong, may naitulong ka ba sa school ninyo?" napasimangot ako kay kaliwa.

"Grabe ka naman sakin. Pero wala." nakangiting sabi ko sa dulo.

"Kitams." iling na sabi ni kaliwa.

Pumasok kaming lima sa kwarto ko. Agad naman na naghaligap ang apat sa damit na
susuotin nila pero patuloy pa din kami sa pagkwentuhan.

"Ewan ko ba kay Mama. Sinasama pa nya ako don tapos wala din naman akong gagawin."
sabi ko. "Pero buti na lang, sa huling linggo ng semester break ay hindi na ako
pupunta pa sa school nila. Naawa na din dahil hindi ko pa nae-enjoy ang semester
break."

"Fin, bilisan mong maligo ah!" sigaw ni Gia dahil balak nilang maligo.

"Hindi ka naman nilalandi ng mga kaibigan nya?" tanong ni kaliwa.

"Araw-araw." nakasimangot na sabi ko. 


Lalong lalo na yung tatlo. Grabe kung makadikit sakin parang mga linta! Minsan pa
nga nakakanakaw sila ng halik sa pisngi ko eh. Si Mama naman tuwang tuwa lang sa
pinaggagawa ng tatlo sakin. Hindi man lang ako tinulungan! Hinahayaan nya akong
mamanyakan ng mga Student Council nya. Anong klaseng ina yon?

Pagkatapos namin magbihis lahat. Pumunta na kami sa mall ni Kuya gamit ang sasakyan
ni kaliwa. Nagpla-plano na kami ng gagawin namin sa pupuntahan namin at kung ano
ano ang mga dadalhin namin habang nasa byahe kami.

Dalawang malaking cart ang kinuha namin pagkarating namin sa supermarket. Naghati
kami sa dalawa. Kami ni kaliwa ang magkasama habang yung tatlo naman ang magkasama.

Sa junk foods kami pumunta ni kaliwa at kung ano ano ang pinagliligay nyang
malalaking chitchirya.

"Bakit hindi ka kumukuha?" tanong nya.

"Paano pa ako kukuha eh lahat ng klase ng chitchirya kinuha mo." sabi ko.
Napatingin sa cart namin.

"Oo nga 'no. Lahat kasi masasarap eh." napailing ako. "Bili pala tayo ng mangga.
Hindi ko nasabi sa tatlo." naka-assign ang tatlo sa lulutuing pagkain ang bibilhin
nila habang mga madaling kainin naman samin ni kaliwa.

Sa sobrang dali, puro chitchirya ang nasa cart namin.

"Bili tayo ng chocolate at candy." sabi ko.

Madami din kaming kinuhang candies at chocolates. Ilang araw din kami sa pupuntahan
namin kaya madami kaming bibilhin na pagkain. May sariling bahay sila Veron sa
resort na pupuntahan namin at sariling sikap kami doon. Kung baga kami na bahala sa
mga kakainin namin.

"Bili tayo ng pancakes tapos bread." sabi ni kaliwa. Kumuha pa kami ng isang cart
dahil hindi na kasya sa isang cart ang mga pinamili namin. "Malalagot tayo kay Gia
nito." natawa kaming parehas.

"Hayaan mo sya, hindi naman sya magbabayad nito eh." sabi ko. "Makikinabang din sya
dito lalo na sa chocolates." mahilig sa chocolates si Gia.

"Pagbabayaran ko talaga sya nito kung hindi lang masarap magluto si Gia eh." sabi
ni kaliwa.

Si Veron at Gia naman ang taga luto namin sa grupo pero minsan si Gia lang dahil
hilig talaga non magluto. Ewan ko nga kung bakit IT kinuha non kung pwede naman sya
mag-Culinary.

"Ilan kukunin ko kaliwa?" tanong ko kay kaliwa. Nasa harapan ko ang mga bread
habang tumitingin tingin naman  sya sa pancakes.

"Tatlo. Matatakaw kayo eh." napasimangot ako. Parang sya hindi. "Apat na pala."
kitams.

Apat ang kinuha kong bread. Lumapit ako kay kaliwa. Napatingin ako sa hawak ni
kaliwa. Napangiwi ako nang may maalala ako sa Nutella. Natapunan ko ang white long
sleeve polo shirt ni Paris ng Nutella dahil binunggo ako ni Cess. Hindi ko matanto
kung galit ba sya sakin nung mga oras na yon dahil wala syang pinapakitang emosyon
na nakatingin lang sa namatsahan nyang damit tapos umalis na sya. Panay naman ang
panakot nila Cess sakin na lagot daw ako kay Paris pero wala naman ginawa sakin si
Paris nung sumunod na araw.

"Ayoko nito." sabay balik ni kaliwa ng Nutella. "May panget akong naalala dito."
napakunot ang noo ko pero hindi na ako nagtanong pa.

Hinanap na namin sila Gia dahil tapos na kaming mamili pero minsan kapag may
nadadaanan kaming trip namin ay kinukuha namin.

"Si Nissan yon 'di ba?" tanong ko kay kaliwa nung mapansin ko si Nissan kasama nila
Fin.

"Oo nga 'no? bakit nandito sya?" nakakunot ang noo na tanong ni kaliwa.

Agad namin pinuntahan ang apat na masayang nagkwe-kwentuhan.

"Maid." tawag ni kaliwa.

"Bakit ba maid pa din ang tawag mo kay Nissan?" nakakunot na tanong ko.

"Bakit ba? nasanay ako eh." napailing kaming apat.

Niyakap ni kaliwa si Nissan at hinalikan pa sa lips ni Nissan.

"Hoy PDA." sabi ni Gia.

"Ingit ka lang." natawa kami sa sinabi ni kaliwa. "Ano palang ginagawa mo dito?"

"Tumatae sya, kaliwa." sabi ni Fin. Sinamaan naman sya ng tingin ni kaliwa pero
kami natawa.
"Wala na kasi tayong stocks sa bahay kaya namili ako." sagot ni Nissan. Ang ganda
talaga ng boses ni Nissan. Sarap pakinggan.

"Hindi ka ba busy sa kompanya mo?" nag-aalalang tanong ni kaliwa. Umiling si


Nissan. "Nga pala, sasama ka samin bukas. Magbabakasyon tayo sa resort nila Veron.
Siguro mga four days tayo doon kaya magpaalam ka kanila Papa na mawawala ka ng
ilang araw."

"Nasabi nga nila Fin. Nakapagpaalam na din ako at okay naman sa kanila." tumango
naman si kaliwa.

"Hoy grabe ka naman kayo sa pinamili ninyo!" sabi ni Gia na nakatingin sa dalawang
cart namin ni kaliwa.

"Ang dami naman nito. Mauubos ba natin ang lahat ng ito?" sabi ni Veron.

"Kaya yan! matakaw kayo eh." sabi ni kaliwa.

"Nagsalita." sabi ni Veron.

Binayaran na namin ang pinamili namin. Kung makareklamo sila Gia na madami yung
pinamili namin, eh nakadalawang cart din sila.

"May dala ka bang sasakyan?" rinig namin tanong ni kaliwa kay Nissan. Simula nung
magkita sila, lagi na silang magkatabi. Yung cart nga na dala dala nya, si Fin na
nagtulak.

Nilingon namin silang dalawa. Sakto naman na umiling si Nissan.

"Paano yan? hindi kasya lahat ng pinamili natin sa sasakyan ni kaliwa." sabi ni
Veron.

"Grab na lang. Mag-book ka na, Gia." sabi ni Fin.

"Saan naman?" tanong ni Gia habang nakatingin sa cellphone nya.

"Edi sa bahay ninyo. May van kayo 'di ba?" sabi ko.

"Bakit? may van din naman kayo." irap ni Gia. Natawa ako.

Pero sa huli ay sa kanila pa din kami pupunta tutal wala naman parents nya doon eh.
Sumabay ako kay Gia tapos kay kaliwa na yung dalawa kasama si Nissan. Pagkarating
namin sa bahay nila Gia. Dinala na namin sa van ang ibang pagkain habang pinasok
muna sa ref. ang mga karne at iba pa.

Ni-ready na din namin ang mga dadalhin namin. Pagkatapos namin maihanda ang lahat
ay umuwi na kami. Sumabay ako kanila kaliwa dahil madadaanan nila ang bahay namin.

"Thank you, bukas ulit." nakangiting sabi ko kay kaliwa.

"Magpabili ka na kasi ng sasakyan mo." sabi nya.

"Ayoko, nandyan ka naman." natatawang lumabas ako ng sasakyan nya. "Bye Nissan.
Ingat kayo." tumango silang dalawa at umalis na.

Pumasok naman ako sa bahay. Napatingin ako sa relo ko kung anong oras na, kung
bakit nandito pa din sila Paris?

"Dito sila kakain." napatingin ako kay Mama. Nagtatanong ang mga mata kong
nakatingin sa kanya. "Bakit ba?" minsan talaga ayokong kausapin ang taong ito. Ang
ganda ng sagot eh.

"Ma, aalis pala ako bukas. Apat na araw akong mawawala. Kasama ko sila kaliwa kaya
hindi ninyo kailangan mag-alala sakin." sabi ko. Hindi ko pinansin ang tingin na
pinukol ng dalawa sakin.

"Saan naman kayo pupunta at ganon katagal kayong mawawala?" 

"Secret." baka may sumunod pa. "Next week pasukan na kaya gusto lang namin i-enjoy
ang sembreak." sabi ko.

"Okay, pero mag-iingat kayo ah?" tumango ako. "Sama mo kaya sila Paris?"

"What? No way!" alam nyang ayokong makasama sila Paris tapos pinaglalapit nya kami?
dapat pala hindi ko na sya kinausap tungkol sa kanila eh!

"Napaghahalataang ayaw mo samin." sabi ni Chelsea. Umiwas ako ng tingin.

"Ayaw nya naman talaga sa inyo." natatawang sabi ni Mama. Napaka-supportive


talagang Mama nya.

"Ayoko din naman sa kanya." tumingin ako kay Paris. Hindi sya nakatingin sakin
kundi sa tasang hawak nya.

"Buti naman." bulong ko pero sobrang talas ng pandinig ni Mama kaya kung ano na ang
pinagsasabi.
"Kung ganon, Paris sumama ka bukas kay Jade."

"Ma!" nilalayuan ko nga tapos pasasamahin nya si Paris? "Hindi pwede Ma! hindi
naman sya kilala nila kaliwa. Mao-op lang sya don at siguradong busy si Paris, 'di
ba?" um-oo ka, 'di ba ayaw mo sakin? um-oo ka!

"Sa pagkakaalam ko kumuha ng leave si Paris ng isang linggo." sabi ni Chelsea.


"Kaya hindi sya busy simula bukas." napangiwi ako.

"Yon naman pala. Isama mo sya para naman makapag-relax si Paris. Sobrang dami nyang
stress sa school kaya kailangan din nya mag-relax relax. Hayaan mo ako ang kakausap
kay Left tugkol sa pagsama ni Paris." Sabi ni Mama.

"Ma, nakakahiya kanila kaliwa." Naman oh, lumalayo na nga ako kay Paris, inilalapit
naman nila. Ano bang gusto nilang mangyari huh?

"Ah basta sasama si Paris." napanganga ako.

"Bahala nga kayo dyan." sabi ko na lang at naglakad patungo sa kwarto ko. Medyo
nainis ako kay Mama dahil gusto nyang isama ko si Paris. Hindi naman kami non
close, sila kaliwa pa kaya?

Mabilis kong binuksan ang laptop ko at pumunta sa group chat namin para sabihin sa
kanila na pinipilit ni Mama na isama ko si Paris. Pati sila nagulat at nagtataka
kung bakit isasama si Paris. Hindi ko alam kaya hindi ko sila masagot.

Napabuntong hininga ako na sinabi ni kaliwa na hayaan na lang daw. Tinawag sya ni
Mama at nakiusap na isama si Paris, walang nagawa si kaliwa kaya yon. Sasama at
sasama samin si Paris.

"Ate kakain na!" sigaw ni Michael sa labas ng kwarto. Nagpaalam na muna ako sa
kanila tsaka sumunod sa kanya sa dinning area.

Tumingin ako sa gawin ng dalawa at naupo sa tabi ni Mama. Nagkwe-kwentuhan lang


silang lahat bukod sakin na tahimik lang na kumakain. 

"Anong oras kayo aalis?" tanong ni Mama.

"Ala singko." simpleng sagot ko na hindi sila nililingon.

"Agahan mong pumunta dito Paris para hindi ka maiwanan." sana nga maiwan sya bukas.

"Baka nga iwanan pa sya." rinig kong sabi ni Chelsea. Nilingon ko sya at nakangisi
sya sakin.

"Nako Jade kapag ginawa mo yon, makakatikim ka sakin." sabi ni Mama. "Bakit ba ayaw
na ayaw mong nakakasama sila Paris huh?"

"May problema ba sa kanila, anak?" tanong ni Papa.

"Wala po." sagot ko lang. Uminom ako ng tubig pero muntik ko na mabuga yon dahil
nakita ko kung paano landiin ni Paris strawberry na hawak nya.

"Ayos ka lang?" tanong ni Mama.

Tumango ako at umayos ng upo.

"Um..tapos na po akong kumain. Maghahanda pa ako ng gamit para bukas. Excuse me."
paalam ko sa kanila at mabilis na umalis ng dinning area.

Kinuha ko ang malaking bag ko at niligay ang mga damit na susuotin ko at mga gamit
ko. Pagkatapos kong ihanda lahat ng dadalhin ko para sa bakasyon namin, nahiga na
ako sa kama ko at nag-cellphone.

Nakita ko sa newsfeed ko ang mga iba't ibang klase ng prutas na pwedeng gawing
kakaibang klaseng pagkain. Pinanood ko lang yon hanggang sa napunta sa strawberry.

Mabilis kong inalis ang video at nag-scroll down na lang ulit. Naalala ko lang kasi
yung ginawang pagdila ni Paris sa strawberry kanina.

Tsk! makatulog na nga, maaga pa kami aalis bukas. Sana maiwanan yung isa.

Pero nagkamali ako dahil pagkagising ko nasa sala na sya at nagkakape. Napatingin
ako sa gilid nya. May dala syang hindi kaano kalaking bag. Akala ko sya yung tipong
magdadala ng maleta kahit ilang araw lang kami magbabakasyon. Hindi pala.

Napatingin ako sa cellphone ko. Sinagot ko ang tawag ni Fin.

"OTW na kami." bungad nya.

"Saan? sa cr?" biro ko.

"Hindi sa batanggas." sabay din nya.

"Siraulo." binaba ko na ang tawag at bumalik ako sa kwarto ko tsaka kinuha ang bag
ko.
Tulog pa sila Mama kaya hindi na ako nakapagpaalam pa sa kanila. Nagsabi na lang
ako sa kasambahay namin na sabihin kanila Mama na umalis na ako.

"Paris, let's go. Malapit na sila." sabi ko sa kanya na madaanan ko sya sa sala.

Sumunod naman sya. Naghintay kami sa tapat ng bahay namin. Tumingin ako sa suot
nya. Naka-jacket sya na pula tapos shorts na tinernuhan nya lang ng topsider shoes.

Tumingin ako sa ibang direction at hinawakan ang kwelyo ng damit ko.

"Ang aga, ang init." sabi ko. Napansin kong napatingin sya sakin pero hindi ko sya
nilingon.

Dumating sila Fin. Si Gia ang driver habang nasa tabi nya si Fin. Nasa pinakadulo
naman si Veron na natutulog.

"Tulog agad yan. Hindi pa nga tayo nakakalayo." sabi ko. Sa likuran nila Gia kami
puwesto ni Paris.

"Hindi pa sya nakakatulog dahil nagkaroon ng problema sa bar nya kanina." sagot ni
Gia.

"Gusto mo Paris?" pag-aaya ni Fin kay Paris ng pandesal.

"Thanks." kumuha naman si Paris. "Hot."

"Hot naman talaga." bulong ko lang.

"May sinasabi ka?" tanong nya pero umiling lang ako.

"Ako din, Fin pahingi." baling ko kay Fin.

"Wala na, isa na lang yon." sinamaan ko ng tingin si Fin. "Share na lang kayo."

"Hindi, wag na lang." no way na makikipag-share ako sa kanya.

Dumating kami sa tapat ng bahay ni kaliwa. Nasa labas na silang dalawa ni Nissan.
Napatigil saglit si kaliwa nung makita si Paris.

"Nissan?" napatingin kaming lahat kay Paris. Kilala nya si Nissan?


"Oh hi Paris. Anong ginagawa mo dito?" nakangiting sabi ni Nissan na may bahid ng
pagtataka.

"Isinama sya ni Mama satin. Magkakilala kayo?" tanong ko.

Pumasok silang dalawa ni kaliwa ng van. Sa likuran namin sila puwesto katabi ni
Veron.

"Yup, anak sya ni Vice Gremory." sagot ni Nissan.

"Oh buti naman at hindi mao-op si Paris satin." sabi ni Gia.

"Nandyan naman si Jade kung sakaling hindi sila magkakilala." sabi ni Fin. Ngumiwi
ako.

"Nakalimutan mo na ba? ayaw makasama ni Jade si Paris." sabi ni kaliwa. Bwisit na


kaliwa ito, akala mo wala dito yung pinag uusapan eh.

"Huh bakit?" tanong ni Nissan pero walang sumagot sa kanya.

"Bakit pala tulog itong si Veron?" imbis na tanong ni kaliwa.

"Hindi pa yan natutulog kaya hayaan na lang muna sya." sabi ni Fin.

"Okay...maid may saging ka dyan 'di ba?" hindi na lang namin pinansin pa si kaliwa.

Kinuha ko ang cellphone ko at isusuot na sana ang earphone ko sa tainga ko nung


marinig ko si kaliwa sa likuran.

"Veron, may tawag ka, sagutin mo." sumilip naman ako sa kanila.

"What the fuck?" sabi ko dahil pinipilit ibigay ni kaliwa ang saging kay Veron.

"Sagutin mo." seryoso ang boses ni kaliwa pero nakangiti sya habang nililigay sa
tainga ni Veron ang saging.

"Hello?" inaantok na sagot naman ni Veron habang nakapikit. Napahawak ako sa bibig
ko para pigilan ang pagtawa ko. "Hello?"

"Anong ginagawa ninyo?" tanong ni Fin at sumisilip pa sa likuran.


"Wala naman." ibinalik ulit ni Veron kay kaliwa yung saging na hindi dumidilat.
Natawa naman kami ni kaliwa pero pigil lang dahil baka magising.

"Nakuhaan mo ba?" tanong ni kaliwa kay Nissan.

"Bad." sabi ni Nissan na umiiling.

"Cute naman."

"Ay kapal." sabi ko at umayos na ako ng upo.

"Natutulog yung tao pinagtri-tripan ninyo." sabi ni Fin. "Mga baliw."

Naging tahimik ang van na sumunod na oras. Natutulog na ang tatlo sa likuran pati
din si Fin. Kaming tatlo lang nila Gia at Paris ang gising pa. Hindi ako makatulog
kahit na pinipilit kong matulog kanina.

Tumingin ako kay Paris na busy sa laptop na dala nya. Kahit na magbabakasyon sya,
trabaho pa din inaatupag nya. Seryosong seryoso ang mukha nya habang nagtitipa sa
keyboard.

Kahit saang angolo talaga tignan itong si Paris napaka-hot nya. Kahit nga sa mga
porma nya eh. Minsan naisip ko kung hot pa din ba sya kung taong grasa sya? sa
tingin ko angat pa din ang kagandahan nya kung mangyari nga yon.

Hindi ako nakaiwas ng tingin sa kanya nang tumingin sya sakin. Nagulat ako at hindi
ko alam kung saan ako babaling kaya hindi nakaiwas ng tingin.

Tinarayan nya ako tsaka bumalik sa laptop ang tingin. Nakahinga ako ng maluwag na
wala syang sinabi pero nahiya pa din ako dahil nahuli nya akong nakatingin sa
kanya.

Dadalasin ko na talagang wag mapatitig sa kanya. Sana nga lang magawa ko. Ang hirap
hindi mapatingin sa isang dyosa.

--------------
        Chapter 5 [Mi Amore Series#2: My Hot Pre...]

      

Jade's POV

Nasa sala kaming tatlo nila Fin at kaliwa dito sa rest house nila Veron habang nasa
kusina naman ang apat at hindi namin alam kung ano nangyayari sa kanila don dahil
nakakarinig kami ng tawa pero hindi kami nag-aksaya na puntahan sila. Busy kami sa
panonood ng basketball.

"Grabe fan na fan talaga ako ng KillVey." sabi ni Fin nung ipakita sa screen kung
paano bigyan ni Avey ang coach ng team ni Kill  na star player ng basketball ng
towel.

"Halata nga eh." sabi ni kaliwa.

"Sobrang dami na natin kaliwa. Sa larangan ng basketball, ang dami nila." sabi ni
Fin. Nakikinig lang ako sa kanilang dalawa habang nanonood ng tv.

"Oo yung isa dyan malapit na." sabi ni kaliwa. Tumingin naman ako sa kanya. Nasa
gitna namin sya ni Fin.

"Sino?" takang tanong ni Fin. Pati ako nagtataka kung sino tinutukoy nya.

"Nandyan lang yan, sa tabi tabi." nagkatinginan kami ni Fin na nagtataka kay
kaliwa.

"Hoy mga mahal na hari, luto na po ang almusal." sabay kaming napatingin na tatlo
kay Gia.

"Buti naman! kanina pa ako gutom." naunang tumayo si kaliwa. Sumunod naman kami ni
Fin.

"Hanep ah?" mataray na sabi ni Gia at naunang bumalik sa kusina.

"Alam mo, naisip ko dati. Kayo ni Gia ang madalas na magkaalitan, iniisip ko na
baka kayo ang magkatuluyan." biglang sabi ni Fin na pinandirian ng sobra ni kaliwa.
Natawa naman ako sa itsura nya.
"Yuck, Fin! pinagsasabi mo?"

"Gago ka, purkit close na close lang yung dalawa." sabi ko. Si kaliwa at Gia kasi
ang mas close dahil laging inaasar ni kaliwa si Gia. Ako naman, madalas kong kasama
si Fin sa mga kalokohan pero minsan si Veron kapag nadedemonyo nya ako.

"Wala lang." nakangiting sabi ni Fin.

"Bwisit ka. Tigilan mo nga kakaisip ng mga ganyan. Kinikilabutan ako sayo." natawa
naman kami ni Fin.

"Ang tagal ninyo naman." sabi ni Veron.

"Ito kasi si Fin. May sinabing kalaswaan." sabi ko. Umupo ako sa tabi ni Paris
dahil yun lang ang bakante. Nasa right side ko si Fin.

"Kayo talaga." sabi ni Gia.

"Lah parang sya hindi ganon." sabi ni kaliwa.

"Nasa harap ng pagkain. Tumigil." sabi ni Nissan kaya tumigil na kaming lahat.

Kahit na may kasama na kaming iba which is si Paris. Hindi pa din mawala wala sa
hapagkainan namin ang kulitan. Hindi lang ako masyado nagkukulit dahil nahihiya ako
kay Paris. Mamaya pag-isipan pa ako nito ng kung ano.

Sunod sunod ang subo ko ng kanin dahil kanina pa talaga ako gutom. Medyo
nabibilaukan ako na kinuha ang baso na may tubig kaso kamay ni Paris ang nahawakan
ko.

"Akin 'to." walang emosyon na sabi nya at ininom ang tubig.

Hindi ako makapag-sorry dahil may laman ang ibibig ko. Baka matalsikan ko sya,
hindi pa naman sila Fin ito. Hinanap ko ang baso ko pero naalala ko wala pala akong
basong kinuha. Napahampas ako sa dibdib ko dahil nasasamid na ako.

Kinalbit ko si Fin para painumin nya ako.

"Kape 'to." sabi nya na medyo natatawa dahil nga nabibilaukan na ako. Taena nito
nagawa pa akong tawanan, gusto ata ako nitong mamatay eh.

"Paris, painumin mo muna si Jade ng tubig. Puro kape yung samin eh." sabi ni Gia.
Hinampas hampas ko ang dibdib ko dahil talagang hindi na ako makahinga. Tumayo na
ako at kumuha ng baso pero kasamaang palad wala ng baso.

"Gago tulungan ninyo si Jade, mamamatay na." rinig kong sabi ni kaliwa.

Napatingin ako kay Paris na tumayo dala ang baso. Lumapit sya sakin at inabot ang
baso. Hindi na ako nagdalawang isip pa at kinuha yon tsaka inubos ang laman ng
baso.

Tila ako nakahinga nung mahimasmasan ako.

"Tila kasi gago, akala mo naman kasi parang hindi kumain ng isang taon." sabi ni
Gia.

Napasimangot ako sa kanya. "Gutom ako." 

"PG." sabay sabay na sabi nilang apat. Natawa tuloy si Nissan. Inirapan ko sila.

"Salamat." sabi ko kay Paris. Nakatingin lang sya sakin na inabot ang basong
binigay ko sa kanya. Nagtataka ako kung bakit ganon sya makatingin sakin. May dumi
ba ako sa mukha?

Pasimple ko tuloy hinawakan ang mukha ko kung may dumi pero umalis din sa harapan
ko si Paris at bumalik sa lamesa. Nagtataka ako sa kanya.

Pagkatapos naming kumain, nagpahinga muna kaming lahat. Si Paris ang kasama ko sa
kwarto dahil sabi nila, close daw kami ni Paris. Close ba yung hindi kami nag-
uusap? mas close pa nga sila ni Nissan kaysa sakin.

Nahiga ako sa kama habang si Paris ay inaayos ang gamit nya. Mamaya ko na aayusin
yung sakin.

Tumingin ako sa kanya. Nakatalikod sya sakin kaya naman malaya ko sya natitignan
kahit likod nya lang nakikita ko. Kahit nakatalikod ang taong ito, sexy pa din eh.
Swerte ng lalaking makakarelasyon nito. Laging may pagkain kasama.

Natawa ako ng mahina dahil sa naisip ko. Ginawa ko namang pagkain si Paris. Paano,
tignan mo lang ang sarap na eh. Makinis, maputi, sexy tapos dyosa pa. Kahit sino
mapapanganga sa kanya at pagpapantasyahan sya.

Pero nawala din ang ngiti ko nang mapansin na tila ako manyak sa iniisip ko. Bigla
kasing pumasok sa isip ko ang walang saplot na katawan ni Paris.
"Shit!" sabi ko dahil ayaw mawala sa isip ko ang imahe na yon.

Napatingin tuloy sakin si Paris kaya tumalikod ako ng higa sa kanya. Nakakahiya!
isipin non minamanyak ko sya.

Hindi ko namalayan na nakatulog ako. Nagising na lang ulit ako nung kakain na naman
kami. Nagtataka ako na sa labas kami kakain tapos mga nakabikini na silang lahat.
Halatang nag-enjoy na nung natutulog ako.

Hinanap ng mga mata ko naman si Paris. Napakunot ang noo nang makitang naka-rash
guard sya sa itaas tapos bikini underwear. 

"Weird 'di ba?" napatingin ako kay Veron. Nasa tabi ko na pala sya dala ang mga
iihawin na barbecue. "Akala ko magtwo-two piece din sya pero nagulat na lang kami
naka-rash guard sya."

"Weird nga. Baka ayaw nya lang ipakita ang sexy nyang katawan?" sabi ko. Napatingin
naman sakin si Veron na may halong kahulugan. "What?"

"Nothing. Nakita mo na ba syang naka-tshirt o sando man lang? kada nakikita ko kasi
sya naka-long sleeve sya palagi. Naisip ko na baka may tinatago sya."

Napaisip naman ako kung nakita ko na nga bang naka-tshirt lang si Paris.

"Tshirt nakita ko na sya pero one time lang." yun yung pangalawang beses na pumunta
ako sa school na pinaghihila nila ako ni Chelsea.

"Long sleeve ang school uniform ng school ni Tita 'di ba?"

"Oo. Pero wala naman akong nakita sa mga braso nya." sabi ko.

"Baka sa likuran nya o sa harapan nya?" napatingin ako kay Veron. "Like tattoo?"

Nakitbitbalikat ako. "Hayaan na natin. Hindi natin sya masyadong close para
tanungin sya ng ganon."

Nagsimula na kaming lumapit sa mga kasamahan namin.

"Ang hirap nga nya maging ka-close." medyo mahinang sabi nya dahil palapit kami sa
mga kasamahan namin. "Kay Nissan lang sya close."

"Ewan ko ba kasi kay Mama." sabi ko. Natawa na lamang si Veron dahil nakalapit na
kami sa mga kasamahan namin.
"Bakit hindi ka pa nagpapalit?" tanong ni Fin. Naka-jeans pa din kasi ako.

"Maya na, gutom na ako eh." kumuha ako ng paper plate at naupo sa tabi ni Paris.
Sinasadya yata nilang wag tumabi kay Paris.

"PG talaga." sabay sabay na sabi na naman nila.

Sinamangutan ko lang sila at kumuha ng pagkain. Habang kumakain kami, nagpla-plano


kami ng gagawin namin ngayon. 

"Boy hunting!" suggest ni Veron habang nakataas pa ang dalawang kamay.

"Kayo na lang." mabilis na sabi ni kaliw at Fin.

"Ay oo nga pala iba pala gusto ninyo."

"Lol, bakit pa ako maghahanap ng iba kung nandito si maid?" sabi ni kaliwa.

"May Nurse Rose na ako kaya hindi na ako maghahanap ng iba." sabi ni Fin.

"Kayo ba, kayo ba?" pang-asar ko. Sinamaan nya ako ng tingin na ikatawa lang namin.

"Wala naman kayo kung makaangkin ka dyan." sabi ni Gia.

"Heh! magiging kami din non!" confidence na sabi nya.

"Sige good luck." sabi ko. Kung kanina ako ang nakasimangot, si Fin na ngayon.

"Are you guys lesbian?" tanong bigla ni Paris.

"Sila lang dalawa." sabi ni Gia. "Hindi mo ba alam na girlfriend ni Nissan si


kaliwa?"

"Alam ko lang na may girlfriend si Nissan pero hindi ko alam na girlfriend nya si
Left." sabi ni Paris. "Hindi halata na lesbian kayo."

"Pati din naman ikaw." nakangiting sabi ni Fin.

"Huh?" napatanga ata ako sa sinabi ni Fin.


"Alam mo, Jade, sating lima. Ikaw ang pinaka-slow sa lahat." sabi ni kaliwa na
ikasimangot ko. "Aray! maid! masakit yon ah." napangisi naman ako dahil kinurot sya
ni Nissan.

"Lesbian ka rin ba, Paris?" tanong ni Veron.

"Yes." walang paligoy ligoy na sagot ni Paris. Napanganga naman ako.

"Anong itsura yan Jade?" tanong ni Gia.

Umiling iling ako at umayos.

"Nagulat lang ako." sagot ko at nagpatuloy sa pagkain.

Alam kong lesbian ang mga kaibigan nya pero hindi ko inaasahan na isa din pala sya.
Sabagay, lahat ba naman ng mga kaibigan nya lesbian, sinong hindi mahahawa? Si Fin
nga nahawa ni kaliwa.

"So kayong tatlo straight?" tanong ni Paris. Mukhang nakakausap na nga talaga nila
Veron si Paris.

"Yup kaya magbo-boy hunting kami mamaya." sabi ni Veron na taas baba ang mga kilay
nya.

"Gia, maghanap ka na ng gwapo huh?" pang-asar ni kaliwa. Binato tuloy sya ng kanin
ni Gia.

"Gia! sayang yun!" sabi ni Fin.

"Edi damputin mo." irap ni Gia.

"Ayoko, madumi na eh." umiling naman si Gia.

"Hayaan mo, lapitin naman ng gwapo si Jade kaya irerekomenda namin sya." natatawang
biro ni Veron.

"Bwisit kayo." natawa na lang kami sa pagkapikon ni Gia.

"Lapitin ka pala bakit hanggang ngayon single ka?" tanong ni Paris. Tumigil ako sa
pagtawa.

"Eh kasi choosy yan." singit ni Fin.


"Hindi kaya. Puro pakama lang naman hanap nila eh." sabi ko at kumain.

"Sa inyong lima, sino sa inyo ang hindi na virgin?" biglang tanong ni Nissan na
ikaubo naming lima.

"Anong klaseng tanong yan maid?" tanong ni kaliwa.

"Sino nga?" pangungulit ni Nissan.

"Hindi mo na kailangan pang malaman yon." sabi ulit ni kaliwa at nagpatuloy sa


pagkain.

Wala naman umimik saming apat.

"Left." banta ni Nissan.

"Baka lahat sila hindi na virgin." sabi ni Paris. Hindi kami umimik ulit lima.
"Seryoso kayo?"

"Ohmygosh. Hindi ka na virgin pero hindi mo man lang ako pinagbibigyan!" maktol ni
Nissan na ikatawa naming apat.

Hindi ko alam na may pagkamanyak din pala itong si Nissan. Akala ko mahinhin sya
pero nung simula nung nakakapagsalita na sya. Isa rin syang kalog, lagi nya din
kaasaran si kaliwa.

"Gosh maid virgin pa ako! sinabi ko na sayo after graduation, pwede na." sabi ni
kaliwa na may pamumula ang mukha.

"Mahina ka Nissan." sabi ni Fin.

"Tsaka isa sa rule namin magkakaibigan ang manatiling virging hangga't hindi pa
nakaka-graduate." sabi Veron.

"Pero yung isa dyan." natatawang sabi ko. Hindi naman nakaimik yung isa at nakayuko
na lamang.

"Sino?" takang tanong ni Nissan pero hindi namin sya sinagot.

Nagpatuloy na lang ulit kami sa pagkain na may kulitan pa rin. Pagkatapos namin
kumain bumalik ako sa room namin ni Paris para magpalit ng damit. Two piece black
bikini ang sinuot ko at kinuha ko ang floral beach robe tsaka isinuot.
Lumabas ako room at pinuntahan sila sa labas na nagsisimula na maglaro sa dagat. Si
Nissan at si Paris lang ang natira sa lamesa kanina.

"Doon lang ako." paalam ko sa kanila nang mapadaan ako sa kanila. Tumango na
nakangiti sakin si Nissan habang tinignan naman ako mula ulo hanggang paa ni Paris.

Nailang ako sa ginawa nya kaya minadali ko ang paglalakad ko papunta kanila kaliwa
na naghahabulan at naglulunuran sa dagat.

Tinanggal ko ang robe sa katawan ko at inilapag sa tabi na alam kong walang kukuha
non. Naglakad ako papunta sa dagat na may humarang saking lalaki.

"Hi." nakangiting bati nya. Naka-shades sya pero makikita pa din sa itsura nya ang
pagkagwapo.

"Hi." hindi ko alam kung ngiwi o ngiti ang ginawa ko dahil nagulat ako sa pagharang
nya.

"I'm Jade." nakalahad ang kamay nya sa harapan namin. Wow, parehas pa kami ng
pangalan.

"Well, my name is Jade." nakangiting tinanggap ko naman ang kamay nya. Not bad.
Gwapo naman at may abs pa.

"Wow really? hindi mo ba naisip na baka itinadhana tayo?" sabi nya.

Wala na bang bago? narinig ko na yan eh. Gusto ko sanang sabihin kaso wag na.

Nginitian ko lang sya tapos tumingin sa kamay naming hawak nya pa din.

"Oops. Natuwa lang." nakangiting sabi nya. Ngumiti lang ako sa kanya. "So.."

"Jade." sabay kami napatingin ni tokayo sa tumawag sakin. Sakin kasi si Paris ang
tumawag eh.

"Sino samin, Miss?" nakangiting sabi ni tokayo. Halatang nagandahan at nasexyhan


kay Paris kahit na naka-rash guard itong si Paris. Kita naman ang maputi at mahaba
nyang legs. Napatingin nga don si tokayo eh.

Tinaasan lang sya ng tingin ni Paris at hinawakan ang kamay ko sabay hila sakin
papunta kanila kaliwa. Hindi naman nakaimik si tokayo na nakatanaw lang samin.

"Wait! hindi mo na kailangan pang hilain ako." sabi ko dahil medyo nasasaktan ako
sa paghila nya. Ang hilig nya akong hilain.

Binatawan naman nya din ako. Nasa bewang na namin ang tubig dagat nang bitawan nya
ako.

"Hoy saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya nung bigla na lang lumangoy palayo. Hindi
nya ako pinansin. "Grabe yon. Sana hindi na lang nya ako hinila kay tokayo."

"Jade!" tumingin ako sa gawi ni Gia.

Naglakad ako palapit sa kanila pero muli kong nilingon ang pinanggalingan ni Paris.
Malayo layo na din ang nalangoy nya.

"Baka matunaw Jade!" sigaw ni kaliwa. Nagtawanan naman yung tatlo. Sinamangutan ko
sila.

"Lapitin talaga ng gwapo itong si Jade, tapos hindi man lang kami dinadamay." sabi
ni Veron.

"May abs ah Jade." taas baba ang mga kilay na sabi ni Fin. Lahat kaming mahilig sa
mga may abs kaya swerte ni kaliwa na may abs si Nissan.

"Pero may abs din si Paris." sabi ni kaliwa. Kumunot ang noo ko kung paano nya
nalaman na may abs nga si Paris pero nagtaka ako kung bakit napasok sa usapan si
Paris.

"Paano mo nalaman?" tanong ko. Ngumiti naman na makahulugan si kaliwa. Lalo tuloy
ako nagtataka sa kanya.

"Interesado?" nakangising sabi nya. Kumunot ang noo ko. "Nakita ni maid si Paris na
nakahubad at may abs din daw si Paris."

"Kaya sobrang hot talaga tignan ni Paris." sabi ni Fin. "Siguro kung nauna ko lang
sya nakilala kaysa kay Nurse Rose, popormahan ko sya. Pero may abs din naman si
Nurse Rose kaya hindi bale na lang."

"Weh nakita mo na ba syang nakahubad?" nagsaboy ng tubig si Gia kay Fin.

"Oo." namumula ang mukha ni Fin kaya naman pinagsasaboy namin sya ng tubig. Tawang
tawa kami dahil nakakainom sya ng tubig.

"Oo nga pala, si Ms. Dani may abs?" tanong ko. Naalala ko may nangyari sa kanila.

"Grabe pinaalala pa yung taong wala naman na." sabi ni kaliwa. "Pero may abs nga?"
kita mo ito.

"Wala." sabi ni Fin na para bang wala na para sa kanya si Ms. Dani. Mukhang malaki
epekto ni Nurse Rose sa kanya.

"Oh? sayang. Doon ka na lang talaga kay Nurse Rose. Bukod na nandyan, yummy pa."
binirong siniko ni Veron si Fin na ikamula naman ng mukha ni Fin kaya naman nilunod
sya ni kaliwa.

Tawang tawa kaming lahat sa pinaggagawa namin. Nagawi ang tingin ko kay Paris na
pabalik sa lupa. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya lalo na nung inalis nya ang
rash guard nya. Napanganga ako dahil lalong uminit ang panahon dahil sa kanya.
Naka-two piece bikini na sya. Kaya pala naka-rash guard sya kanina dahil may tattoo
nga sya. Nasa likuran nya ang malaking tattoo na red rose na may ahas na
nakapalibot. Sumakop sa buong likod nya ang tattoo nya.

"Wow. Ang laking tattoo non." rinig kong sabi ni Gia.

"Jade, tumutulo na laway mo." napahawak ako sa bibig ko dahil sa sinabi ni kaliwa.

"Wala naman ah!" sabi ko pero tinawanan nya lang ako. Inirapan ko sya at muling
tinignan si Paris na ngayon ay kausap na ni Nissan.

"Mukhang nagdadalawang isip na ako kung si Nurse Rose ba o si Paris." tumingin ako
kay Fin.

"Siraulo. Doon ka na lang kay Nurse Rose. Kay Jade na si Paris." sabi ni kaliwa.

"Anong..." pinagsasabi nito?

"Palapit na sila, tumigil kayo." sabi ni Veron kaya naman napatingin kaming lahat
sa dalawang palapit samin.

Para silang model na naglalakad samin.

"Laway mo, kaliwa." ngayon sya naman ang biniro ni Gia. Natawa kami nang hampasin
sya ni kaliwa.

Tumingin ako kay Paris na nakalapit na ngayon samin. Tumingin ako sa bewang nya
paitaas sa malulusog nyang dibdib. Napalunok ako. Umangat ang tingin ko sa mukha
nyang mataray na nakatingin sakin. Napaiwas ako ng tingin. 

"Do-doon muna ako." sabi ko sa kanila na hindi lumilingon at lumangoy sa kanila.


Kailangan kong magpalamig.

---------------------------

        Chapter 6 [Mi Amore Series#2: My Hot Pre...]

      

Jade's 

Nasa gilid lang ako nakatayo at nakasandal sa pader habang pinagmamasdan ko ang mga
kasamahan kong nakikipagkwentuhan kay Paris tungkol don sa tattoo nya sa likuran.
Tumingin ako kay kaliwa na tumabi sakin at inabutan ako ng beer in can. Kinuha ko
naman yon at binuksan.

"Fuck!" sabi ni Fin. Inimon ko ang beer habang nakatingin sa kanila.

"May mga ganon klaseng tao pa rin talaga. Makagawa lang ng masama para lang mapunta
sa kanila ang minamahal nila." sabi ni Veron.

May dating kasintahan si Paris pero bago naging sila ng babaeng mahal nya, may
isang lalaking patay na patay sa babae na naging nobyo ng babae. Dahil hindi
tanggap ng lalaki na break na sila at ipinagpalit sa isang babae, which is si Paris
ay nagawa nitong saktan si Paris. Pinaghahampas ng lalaki si Paris sa likod dahilan
para magpatattoo si Paris para hindi makita ang bakas na peklat na gawa ng lalaki
sa kanya.

"Anong nangyari sa babae?" tanong ni Gia.

"I don't know. Bigla na lang syang naglaho." sagot ni Paris. Naging close na talaga
nila Gia itong si Paris. Si kaliwa na lang hindi pa at pati ako.

"Parang yung isa dyan." sabi ni Fin.

"Wow ah? sino kaya din yung iniwanan din bigla?" komento ni kaliwa na ikatawa nila
Gia. Napailing ako nang makitang napasimangot si Fin. Inumpisahan nya eh.

"Are you single o not?" tanong ni Gia.


"Single." napatingin ako kay kaliwa na sikuhin nya ako. Nagtatakang tinignan ko
sya.

"Single pa daw." bulong nya sa tainga ko.

"What the heck?" mariin na bulong ko sa kanya. Nakangisi lang syang umayos ng tayo.

Nawe-weirduhan na talaga ako sa taong ito.

"Sino?" tumingin ulit ako sa kanila.

"Dali na Paris, sino?" nakangiting tanong ni Nissan.

"You don't know her so it's doesn't matter." sabi ni Paris. Ano bang tinanong nila?
si kaliwa kasi eh.

"Malay mo kilala namin." sabi ni Veron. Nailing si Paris pero hindi nagpapigil ang
apat.

"Dali na Paris, kanino ka interesado?" tanong ulit ni Nissan. Yun ang tanong nila? 

"Fine. Her name is Kris."

Bigla kaming napabugha ni kaliwa ng beer ng iniinom namin. Sumakit pa ilong ko


dahil umabot pa sa ilong. Maluha luha ako sa nangyari.

"Anong nangyari sa inyo?" tanong ni Gia pero walang sumagot samin ni kaliwa.

Ang sakit putcha!

"Kris ano?" tanong ni Fin na para bang walang paki samin ni kaliwa.

"Kris Alfonzo."

"What?!" sigaw nila pwera samin ni Nissan.

Hindi ako makapaniwala na interesado si Paris kay Kris.

Nakakunot ang noo ni Paris habang nakatingin sa mga kaibigan ko.


"Paano mo sya nakilala?" tanong ni Fin.

"New student sya sa school namin. Why? Do you know her?"

Sa pagkakatanda ko, nag-shift si Kris ng Business Ad. Kahit na may course non sa
school namin, lumipat pa din sya ng school. Hindi ko alam na sa school ni Mama sya
lumipat.

"Oo, karibal ni kaliwa yon kay Nissan eh. Tsaka dati namin syang kaklase." sabi ni
Fin. Napatingin sa gawa namin si Paris.

"Oh.." sabi na lang ni Paris at bumalik ang tingin sa apat.

"Karibal ko dati, karibal mo ngayon." sabi ni kaliwa na ikinagulat ko.

"Huh? Pinagsasabi mo?" pero hindi nya na ako pinansin. Talagang nawe-weirduhan na
ako kay kaliwa.

Pagkatapos nilang magkwentuhan, naghanda na sila ng hapunan. Nakigulo si Fin sa


kanila kaya kaming dalawa lang ni kaliwa ang nandito sa sala.

"Anong gagawin natin bukas?" tanong ko kay kaliwa.

"Pupunta tayo sa kabilang isla. Balak nilang pumasok ng kuweba pero syempre hindi
ako kasama." natawa ako matatakotin talaga ito sa dilim.

"Eh saan ka nyan habang nasa loob kami ng kuweba?"

"Kakain. May nagsabi sakin na may masarap na halo-halo doon, so kakain na lang ako.
Sama ka?"

Napaisip naman ako. Gusto kong pumasok ng kuweba dahil exciting yon kaso
nakakatakam din ang halo-halo.

"Wag na mag-isip, samahan mo na lang ako. Kakain tayo ng masasarap na dessert nila
doon."

"Wala ka lang kasama kaya sinasabi mo yan eh." sabi ko.

"Buti alam mo." natawa ako sa walang paligoy ligoy nya. Ang honest masyado.

"Sumama ka na lang kasi samin."


"Ayoko nga." natatawa na lang ako kay kaliwa. Bahala sya mag-isa bukas.

Panay ang pangungulit ni Nissan kay kaliwa na sumama saming pumasok sa kuweba pero
sandyang matigas ang ulo ni kaliwa, hindi sya sumama samin kaya nakabusangot tuloy
si Nissan habang papasok kami sa kuweba.

"Hayaan mo muna sya Nissan, araw araw naman kayong magkasama eh." sabi ni Veron.

"Girls careful! madulas ang mga bato!" sigaw ni Fin na nauuna samin pumasok ng
kuweba kasama ang maggu-guide samin.

Tumingin ako sa likuran ko dahil kami ni Paris ang nahuhuli. Nasa itaas sya ng
bato. Inangat ko ang kamay ko para tulungan syang makababa. Tinignan nya muna ang
kamay ko tapos sa mukha ko.

"Baka madulas ka." hindi sya nagsalita pero hinawakan nya naman ang kamay ko na
ikinangiti ko. Inalalayan ko syang makababa ng bato.

Binuksan ko ang flashlight sa helment na suot ko dahil papasok na kami ng kuweba.


Nauna akong humakbang papasok habang inaalalayan ko syang sumunod sakin.

"Kuya, baka may ahas dito." rinig kong tanong ni Gia.

Mabilis ang kilos ko na inagapan ang pagdulas ni Paris. Mabuti na lang nakahawak
ang kamay ko sa kanya kaya naman mabilis ko syang nasalo.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko. Umangat ang mukha nya at doon ko na-realize kung
gaano kami kalapit.

Nagkatinginan kami pero agad din syang umayos ng tayo.

"Mag..mag-iingat kasi." sabi ko sa kanya. Tinaasan nya ako ng kilay at naunang


naglakad. Napailing ako sa kanya. Hindi man lang nagpasalamat.

Sumunod ako sa kanila. Palayo kami ng palayo, lalong pahirap nang pahirap ang
pagpasok sa kuweba. Nandyan pa na dadapa kami para makalusot. Dadaan kami sa
masikip na daan na kailangan pa namin tumagilid para makalusot.

Isang oras din kami naglakbay sa kuweba bago nakalabas. Nakakapagod man pero masaya
ang nangyari sa tour namin sa kuweba. Magandang experience din yon. Sayang lang
hindi nakasama si kaliwa, trip pa naman non ang mga adventure experience.

"Hanep, may pambawi." natatawang sabi ni Veron nang makita namin si kaliwa paglabas
namin na may dalawang bulaklak at chocolates.

Tuwang tuwa naman si Nissan na nilapitan nya ito at nag PDA na silang dalawa.
Pagkatapos nilang maglambingan, bumalik kami sa rest house nila Veron. Pinauna ko
muna si Paris na maligo.

Habang hinihintay sya ay inilipat ko sa laptop ko ang videos namin sa kuweba at


nag-post ng ilang pictures namin.

Narinig kong bumukas ang pintuan ng banyo kaya napalingon ako sa kanya. Napatanga
na naman ako nang makita syang nakatapis lang. Hindi nya ako pinansin at dumiretso
sa gamit nya. Halos mahulog ang panga ko nang tumuwad sya. Napaiwas agad ako ng
tingin at nagmadaling pumasok sa loob ng banyo.

Shit lang!

Hindi mawala wala sa utak ko ang nakita ko. Meron naman ako non pero bakit hindi
yon mawala wala sa utak ko? Napahilamos ako ng palad ko dahil ramdam ko din ang
pamumula ng mukha ko.

Mabilis kong tinanggal ang suot ko at nag-shower para naman mahimasmasan ako sa
nangyari. Nagtagal ako don na mahigit isang oras dahil hindi madaling kalimutan ang
nakita ko. Lumabas lang ako nung marinig ko tinawag ako kaya naman wala akong
choice kundi lumabas.

"Ang tagal mong maligo ah?" sabi ni Fin. Nakaupo sya sa higaan ko. Wala sa kwarto
namin si Paris.

"Tumae pa ako eh." kahit hindi naman.

"Tagal ah?"

"Bakit ba?" tanong ko habang pinupunasan ang buhok ko. Umupo ako sa higaan ni Paris
kaharap ni Fin.

"Magpapasama ako sayo. Bibili ako ng pasalubong kay Rose." nakangiting sabi nya.

"Inlababo ka talaga sa nurse na yon 'no? Rose na lang tawag mo sa kanya eh." lalong
ngumiti ang loko.

"Oo naman 'no!" halata sa mukha nya ang saya. Last semester hindi ko madalas makita
si Fin na ganito kasaya, lagi kasi syang malungkot dahil madalas magkasama sina Ms.
Dani at kaliwa dahil sa play tapos hindi pa sya pinapansin ni Ms. Dani. Mabuti na
lang itong si Nurse Rose pinapansin si Fin.

"Ano na ganap sa inyo?" tanong ko. Sinuklay ko ang buhok ko.

"Ayun, madalas pa din ako sungitan pero wag ka! may extra food syang dala para
sakin. Sweet 'no?" ngiting ngiting sabi nya.

"Masungit ba talaga si Nurse Rose?" tanong ko.

"Sakin lang." napakamot sya ng ulo at natawa naman ako. "Mabait sya sa iba pero
kapag nasa paligid nya ako? minsan hindi pa ako pinapansin pero madalas ko naman
syang nahuhuling nakatingin sakin."

Kinuha ko ang unan sa higaan ni Paris at binato sa tagmumukha ni Fin na kilig na


kilig.

"Hoy!" kahit na nainis sya sa ginaw ako pero halata pa din ang saya nya.

"What if..." tumigil ako at pinagmasdan si Fin na halatang hinihintay ang sasabihin
ko. "Bumalik si Ms. Dani?" halatang hindi nya inaasahan ang tanong ko. Hindi sya
nakasagot agad.

Hinintay ko naman syang magsalita kahit na halatang nilulunod na sya sa malalim na


pag-iisip.

"I don't know." sabi nya at tumigil. Alam kong may sasabihin pa sya kaya naghintay
pa ako. "Pero siguro hindi na ako aasa sa kanya, ayokong saktan si Rose." napangiti
sya nang banggitin nya ang pangalan ni Rose. "Alam kong gusto nya na din ako. Hindi
nya lang sinasabi." nakangiti na ulit sya. Iba talaga ang epekto ni Nurse Rose sa
kanya.

"Feeling mo lang yon." sabi ko para asarin sya.

"Hindi kaya."

"At paano mo naman nasabi aber?"

"Eh kasi lagi kaming magkasama at hindi sya nagrereklamo doon tapos sa gabi lagi
akong nakatambay sa bahay nya. Ipinagluluto nya din ako ng pagkain."

"Nakapunta ka na sa bahay nila? tapos gabi gabi pa?" gulat na tanong ko. "Baka
naman naka-home run ka na naman."
"Baliw hindi. Nanonood lang kami ng tv. Alam mo pa ang masaya don? Nayayakap ko
sya!" proud na sabi nya. Napailing ako. "Kaya alam kong gusto nya din ako, ayaw nya
lang aminin."

"Ewan ko sayo. Tara na, bumili na tayo ng pasalubong para sa Rose mo." lumawak ang
ngiti nya dahil sa sinabi ko. Hay tamang tama talaga ang mokong na 'to kay Nurse
Rose.

Pumunta kami sa mga pamilihan ng mga pasalubong. Ang daming pinagbibili ni Fin
halos pagkain ang binili nya tapos bumili din sya ng couple shirt. As if naman sila
na. Advance mag-isip. Bumili na din ako ng konting pagkain pero hindi para sa
pasalubong, sa huling araw na lang ako bibili kasama ang iba at alam kong bibili pa
ulit si Fin ng pasalubong.

Wala silang lahat pag-uwi namin ni Fin. Hindi muna namin sila hinanap at isinantabi
muna ang mga pinamili namin. Nag-text ako kanila Veron kung nasaan sila. Sabi nya
na may pinuntahan din sila pero babalik din kapag magtatanghalian na. Inaasahan nya
pang may pagkain na pagbalik nila.

Parang baliw, hindi kami marunong magluto ni Fin. Bahala sila dyan.

Lumabas ako ng kwarto para sabihan si Fin pero nagulat ako na pagbukas ko ng pinto
ay si Paris ang bumungad sakin.

"Teka, hindi ka kasama nila Veron?" tanong ko.

"Obvious ba?" hinawakan nya ang balikat ko at itinulak ng mahina paalis sa daan.

"Sungit." bulong ko.

Lumabas na ako ng kwarto at pinuntahan si Fin.

"Gago, anong lulutuin natin? itlog?" natawa ako sa sinabi nya. "Alam nilang hindi
tayo marunong magluto tapos tayo pa magluluto."

"Bili na lang tayo? nakakahiya naman kay Paris kung sya ang magluluto."

"Nandito si Paris? hindi yan. Ako kakausap." sabi nya at naunang lumabas. Napataas
ang kilay ko na sumunod sa kanya.

Nadatnan ko sila na nag-uusap at napapayag ni Fin na magluto si Paris. Wow, sila na


close.

"Tulungan na kita." pero napatigil din si Fin dahil tumunog ang cellphone nya.
Napangiti agad sya nang makita kung sino ang tumatawag. "Jade ikaw na lang tumulong
kay Paris, kausapin ko lang si Rose." sabi nya at bumalik sa kwarto nila ni Gia.

Tumingin ako kay Paris na pumunta ng kusina. Wala akong choice na sumunod sa kanya.
Itinaas nya ang sleeve na suot nya hanggang siko at nilabas ang mga sangkap para sa
lulutuin nya.

"Anong maitutulong ko?" tanong ko sa kanya at tinignan ang mga sangkap.

"Hiwain mo ito. Maliliit lang." sabi nya sabay bigay ng bawang at sibuyas.

Kumuha ako ng kutsilyo at sinimulan na hiwain ang sibuyas. Habang tumatagal


napapaluha ako sa pinaggagawa ko kaya naman napapatigil ako para punasan ang pisngi
ko. Nakakunot ang noong tumingin sakin si Paris.

"Ilayo mo kasi ang mukha mo sa sibuyas." sabi nya at nagpatuloy sa pagkatay ng


baboy.

Ginawa ko naman ang sinasabi nya pero naluluha pa din ako. Binilisan ko na ang
pagtapos para matigil na itong paghihirap ko. Hindi muna ako naghiwa ng bawang
pagkatapos ko sa sibuyas.

"Pahirap kang letche ka." kausap ko don sa sibuyas.

Nailing naman si Paris sa ginawa ko. Tinapos ko ang mga pinapagawa ni Paris sakin.
Nang wala na akong gagawin ay nagtimpla ako ng juice. Fresh orange juice.

Binigyan ko si Paris. Mukhang uhaw sya dahil agad din nyang ininom pero nangasim
ang mukha nya. Hindi ko alam kung tatawa ako o mapapangiwi dahil maasim yung ginawa
kong juice.

"Ang asim." sabi nya.

"Hindi naman eh." sabi ko at ininom ang basong ininuman nya. "Sakto lang."

"Maasim, dagdagan mo pa ng tubig o asukal." utos nya. Napakamot naman ako ng ulo na
sinunod sya.

Pagkatapos kong tikman ang juice ay binigyan ko ulit si Paris. Tinikman nya iyon at
hindi na nangasim ang mukha nya pero wala syang sinabi at nagpatuloy lang sa
pagluluto. Napangiti naman ako.

Sumandal ako sa counter at nag-cellphone. Habang nagce-cellphone ako, napatingin


ako kay Paris na medyo nakayakap na sakin dahil may kinukuha sya sa gilid ko habang
nakatingin sya sa kawali na niluluto nya.
Napatingin ako sa inaabot nya, hindi nya ito maabot dahil medyo malayo ito.
Nilingon ko sya at saktong napalingon sya sakin. Ang lapit na naman ng mukha namin
pero sa pagkakataong ito hindi agad sya lumayo. Nakatingin sya sa mga mata ko at
ganon din ako sa kanya.

Nalulunod na naman ako sa ocean blue nyang mga mata. Parang nakikita ko sa mga mata
nya na nasa gitna ng karagatan.

Parang nung una ko syang nakita, hindi ako nakakilos kahit na lumayo na sya sakin
at nagpatuloy sa ginagawa nya. Natulala ako.

"Oh anong nangyari sayo, Jade?" tanong ni Fin na pumasok ng kusina.

"Wala." umayos ako ng tayo. Pasimpleng tumingin ako kay Paris na busy sa pagluluto.

Napatingin sya sakin at mabilis naman akong umiwas.

----------------

        Chapter 7 [Mi Amore Series#2: My Hot Pre...]

      

Jade's POV

"Ma naman!" reklamo ko habang sinusundan sya papunta sa library. "Ma!"

"Nako Jade tigilan mo ako ah! dalian mo at kunin mo na sa bahay ni Paris ang
papeles." sabi nya at naupo sa swivel chair nya. "Kailangan ko ngayon yon."

"Bakit kasi ako pa? pwede ninyo naman ipadala na lang dito kay Paris o kaya utusan
ninyo si Michael." maktol ko. Naman eh ayoko nga muna makita yon dahil nung
nagbakasyon kami puro weird ang nangyayari samin. Napapadalas yung paglapit ng mukh
namin. Alam ko naman na hindi sadya yon pero nakakailang kaya yon! lalo na hindi ko
maiwasan hindi tumingin sa mga mata nya.

"Jade dalian mo! dami mong reklamo ah!" sabi nya habang busy sa mga papel na nasa
table nya.

Padabog na lumabas ako ng library namin at sinabunutan ang buhok ko sa sobrang


inis. Bakit kasi ako pa?!

Pinuntahan ko si Papa sa kwarto nila ni Mama para hiramin ang susi ng kotse nya.
Ayoko kasing bumili ng kotse. Ang mahal. Ginagastusan ko pa ang bahay na pinapagawa
ko. Ayoko naman umasa sa parents ko kaya tyaga tyaga muna sa commute kapag hindi
nahahatiran ni Papa.

Napabuntong hininga ako habang nagdri-drive papunta sa bahay ni Paris. Bakit kasi
hindi na lang dalhin ni Paris yung mga papeles ni Mama sa bahay edi sana hindi ko
sya makikita. Hindi naman ako lalabas ng kwarto kapag nandyan sya. Ayoko muna syang
makita.

Bumaba ako sa saksakyan pagkarating ko sa tapat ng bahay nila Paris. Simple lang
ang bahay nila Paris pero ang ganda ng pagkadesinyo ng bahay nila. Pumunta ako sa
tapat ng gate at nag-doorbell.

Ilang segundo lang ay lumabas ang kasambahay nila.

"Yes po?" tanong nya.

"Nandyan po ba si Paris?"

"Sino po sila?"

"Jade." nagpaalam ito na papasok lang saglit sa loob. Para siguro sabihin kay Paris
na nandito ako.

Naghintay ako ng ilang minuto bago bumalik ang kasambahay nila at pinapasok ako.
Pinaupo nya ako sa may sala nila. Napatingin naman ako sa kabuoan ng bahay nila.
Napakasimple lang din ng loob nila pero modern style. Ang linis tignan.

"Juice po ma'am." napaangat ang tingin ko sa kasambahay nila.

"Salamat po." sabi ko at tinanggap ang basong juice sa kanya.

Uminom lang ako ng konti at iniligay sa coffee table na nasa harapan ko. Napatingin
ako sa sapatos ko na natanggal ang sintas. Yumuko ako at tinali ng mabuti ang
sintas. Habang tinatali ko ang sintas ay may mapuputing legs ang dumaan sa gilid
ko. Nasunod ako ng tingin doon at hindi natuloy ang pagsintas.
"Pakipapirmahan ito kay Tita." nagulantang ako nung magsalita si Paris kaya naman
umayos ako ng upo.

Umupo sya sa harapan ko at nag-cross legs. Pinilit ko naman wag mapatingin doon
dahil nakamaikling shorts lang sya at litaw na litaw ang mapuputi at makinis nyang
legs.

"Lahat yan?" napatanga ako nung makita ang makapal na puro papel.

"Paki-check ito kay Tita." at hindi nya ako pinansin. Bigay lang sya ng bigay ng
instruction. Grabe ginawa akong messenger nito.

"Bakit hindi ka na lang pumunta sa bahay?" putol ko sa sinasabi nya. Tinignan nya
ako masungit dahil sa pagputol ko sa pagsasalita nya. Dami nya kasing sinasabi eh
pwede naman na pumunta na lang sya sa bahay.

Tinignan nya lang ako at hindi man lang nagsalita. Naiilang na naman ako pero hindi
ko naman maalis ang tingin ko sa kanya. May part kasi sakin na nakakatuwa syang
tignan habang ang sungit ng mukha nya.

"Madami pa akong gagawin." sabi nya at inalis ang tingin sakin para kunin ang isa
pang makapal na mga papel. "Ito..." blah blah blah. Tsk! sa dinami nyang sinasabi
wala akong naintindihan.

Kung pumunta na lang kasi sya sa bahay na hindi sya nagsasayang ng laway.

Ininom ko ang juice habang nakikinig sa mga pinagsasabi nya. Pinagmasdan ko ang
mukha nya. Ang seryoso nya talaga kahit kailan. Hindi ko pa nga sya nakikitang
ngumiti o tumawa man lang. Nung bakasyon, sya lang ang bukod tanging hindi tumawa
kapag may kalokohan kaming ginagawa. Ang seryoso masyado sa buhay.

"Excuse po ma'am." napatigil sa pagdiscuss si Paris nang dumating ang kasambahay


nila. "May bisita po kayo, si ma'am Kris po daw." Kris?

Napatingin ako kay Paris na umayos ng upo. "Papasukin mo sya." hindi ko alam kung
ako lang ba o sadyang mahimig na saya sa boses ni Paris?

Sabagay may gusto nga pala si Paris kay Kris.

"That's all." sabi ni Paris at inayos ang mga papeles. "Please lahat ng sinabi ko
sabihin mo kay Tita." masungit na sabi nya.

"Okay." hinahayaan ko lang syang ayusin ang mga papeles dahil baka malito pa si
Mama kapag nakialam pa ako.
"Jade?" napatingin ako kay Kris.

"Hi Kris." nakangiting bati ko sa kanya.

"Here." ibinalik ko ang tingin kay Paris. Napangiwi ako sa daming papel na inaabot
nya sakin.

Kinuha ko sa kanya ang mga yon. Buti na lang pala hindi ako susunod sa yapak nila
Mama kundi, mararanasan ko ito.

"Need help?" umiling ako kay Kris.

"Kaya ko naman. Una na ako." sabi ko. Tumango naman si Kris. Wala na talaga nagbago
sa taong ito. Napakaseryoso pa din.

Tumingin ako kay Paris. Tumango lang sya sakin kaya naman tumalikod na ako.

"Let's go to my room, Kris." hindi na ako lumingon sa kanila.

Pero nagtataka ako kung bakit sa kwarto pa ni Paris sila pupunta?

Nah hindi ko na problema yon.

Ilang araw na nakalipas, pasukan na naman. Tamad na tamad ako habang naglalakad sa
pasilyo ng building namin. Ang aga pa ng schedule ko ngayon. Nakakainis.

"Good morning Jade!" napatingin ako kay Fin na umakbay sakin.

"Ang saya mo ah? excited pumasok? wala naman na si Ms. Dani." sabi ko.

"Shh! pinagsasabi mo?" natawa ako. Napatingin sya sa paligid kung may nakarinig sa
sinabi ko.

"Ang saya mo kasi eh parang natuwa ka pang pasukan na." sabi ko.

"Syempre naman 'no." nakangiting sabi nya. Napakunot noo ko. Sobrang saya nga ni
Fin ngayon, anong nakain nito at natuwang pumasok ng school lalo na wala na din
naman dito si Ms. Dani?
"Bakit?"

"Eh kasi..." nakahalikgik muna sya bago ipagpatuloy ang sinabi nya. Nawe-weirduhan
na ako sa taong ito. "Dito na nagtra-trabaho si Rose."

"Weh?! seryoso?" kaya pala sobrang saya ng mokong.

"Yup! saya 'no?" nakangiting sabi nya. Napailing ako. "Mamaya nga magsasakit
sakitan ako eh para makapunta sa kanya."

"Siraulo. Tatakas pa eh." sabi ko pero tinawanan nya lang ako. Masyadong inlababo
ang isang 'to.

Pumasok kami sa room namin. Nandon na ang tatlo at nagkwe-kwentuhan ng kung ano
ano. Nakisali kami ni Fin sa kanila lalo na may ikwe-kwento ang isa. Pinagmasdan ko
si Fin habang masayang nagkwe-kwento tungkol kay Nurse Rose.

Sobrang saya nya. Halatang inlove na inlove ang taong ito. Ganito minsan si kaliwa
kapag kasama si Nissan o naikwe-kwento nya samin si Nissan. Alam kong magkaiba ang
saya kapag kasama ang kaibigan at sa taong mahal. Masaya naman ako dahil kahit
papaano ay masaya ang dalawang ito. Sana lang magtagal ang sayang yon. 

Bumaling ang tingin ko kay Gia. Napabuntong hininga ako. Sana mahanap na din ni Gia
ang taong magpapasaya sa kanya. Yung katulad kay Fin at kaliwa. Yung hindi sya
sasaktan katulad ng ex nya. Alam kong naiingit din si Gia sa dalawa dahil masaya
ang pagsasama ng taong mahal nila. Hindi katulad nung sila pa ng ex nya, puro sakit
lang sa ulo ang dinadala ng ex nya sa kanya.

Kami naman ni Veron, chill chill lang. Though nagkaroon na ako ng ex. Hindi naman
ako nasayahan kasama ang mga yon. Nadala lang ako sa pangangatyaw nila Fin noon
kaya naman sinagot ang mga ex ko pero walang nakakatagal sa mga yon ang ugali ko na
minsan may sayad sa utak lalo na kapag kasama ko ang mga ito. Ikinahihiya nila ako,
kami. Kaya naman nakikipag-break ako sa kanila at payag din naman sila. Well, mas
okay dahil wala akong resposibilidad sa kanila tsaka dalasan, katawan lang naman
ang habol nila sakin, mga lalaki talaga. Yung iba namansa kanila ay kasikatan ang
habol dahil hindi din naman lingid sa school na ito na sikat kaming lima.

"Nag-bell na. Umayos na kayo." sabi ni Gia kaya naman inayos namin ang upuan namin
na kanina ay nakabilog.

Pati ang mga kaklase namin ay umayos na din. Balita kasi namin na ang Spanish
Teacher ay terror kaya naman magiging mabait na muna kami.

Bumukas ang pinto ng classroom at pumasok ang hindi namin inaasahan na magiging
prof. namin sa Spanish.
"Beunos diaz." sabi nya at tumayo sa harapan namin.

"Ms. Dani?!" gulat na sabi naming lahat. Yung iba pa ay nagtatanong kung kailan pa
sya bumalik o akala hindi na sya magtuturo.

Napatingin kaming apat kay Fin. Sya agad ang una namin naisip pagkakita kay Ms.
Dani. Gosh hindi kami makapaniwala na bumalik sya!

"Fin?" nag-aalalang tawag ni kaliwa dahil walang reaction si Fin na nakatingin lang
sa harapan.

"Oh bakit?" napakunot ang noo namin dahil sa sagot nya.

"Hindi ka man lang ba naaapektuhan na bumalik si Ms. Dani?" tanong ni Gia.

"Hindi."

"Weh?" sabay sabay na sabi namin kaya naman yung ilan naming kaklase napatingin
samin.

"Ano ba kayo? seryoso ako. Besides, may Rose na ako." nakangiting sabi ni Fin. Pero
ang ngiting yon ay hindi katulad kanina.

Hindi na namin pa inusisa pa si Fin. Mamaya na lang namin sya kakausapin.

Nagsimula na din magkwento si Ms. Dani kung bakit sya bumalik at kung ano nangyari
sa kanya. Pagkatapos ay konting discussion about sa Spanish at dinismiss nya kami.

"Guys, sumakit tyan ko pupunta lang ako sa clinic para magpahinga." sabi ni Fin
pagkalabas ni Ms. Dani.

"Tyan mo talaga o puso mo?" sabi ni kaliwa. Siniko naman sya ni Gia dahil alam
naman namin kung ano ang nangyayari.

"O baka naman pupuntahan mo lang si Nurse Rose ah?" pilyong sabi ni Veron.

Bigla naman napangiti si Fin. Napailing naman kami sa kalokohan nya.

"Sige na, mukhang si Nurse lang naman ang gagamot sayo." sabi ni kaliwa.

"Naman, sya lang naman ang pinakamagaling na nurse sa buong mundo."


"Corny mo Fin. Lumayas ka na nga." sabi ko. Natatawang nagpaalam sya. "So anong
gagawin natin?" tanong ko pagkaalis ni Fin. May two hours pa kami bago ang sunod na
klase namin.

"Narinig ko na may practice game ngayon ang baseball girls natin, nood na lang
tayo? tutal karamihan na kasali don ay kaklase natin." sabi ni Veron.

"Practice game agad sa unang araw ng pasukan?" sabi ni kaliwa. Ako din nagtataka.

"Kailangan dahil malapit na din ang Regional Tournament. Kailangan maka-experience


ng laban ang mga players dahil kakabuo lang nila." sabi ni Gia.

Naalala ko, ngayon lang pala kami nagkaroon ng Baseball team. Hindi naman kasi
gaano sikat ang baseball dito sa pilipinas kaya kokonting school lang ang merong
baseball team.

"At sa pagkarinig ko din, Everest University ang ka-practice game nila ngayon."

"Huh? school nila Mama?" ibigsabihin nandito din si Paris?

"Oo kaya panoorin natin." sabi ni Gia. Napangiwi naman ako dahil ayokong manood
dahil nandon si Paris.

"Tara." pang-aaya ni kaliwa. Wala naman akong magawa kundi sumunod sa kanila.
Majority wins eh alangan naman pumunta ako sa clinic at samahan si Fin, hindi naman
pwedeng tumambay sa clinic at ayoko din naman mag-isa 'no.

Habang papunta kami sa bagong field ng school namin, ang baseball field.
Nakasalubong namin sina Sean, Ralph at Lyrn.

Si Sean na ex ni kaliwa na umaasa pa din magkakabalikan sila ni kaliwa kahit na may


girlfriend na si kaliwa, ganon din si Ralph. 

Si Lyrn naman kahit na may gusto sya kay kaliwa hindi naman sya gumawa ng moves.
Mukhang alam nyang talo talaga sya.

 Masyadong mahaba ang buhok ni kaliwa.  Sarap putulin.

Walang masyadong taong nanonood sa laban. Sabi ko naman sa inyo, hindi masyadong
kilala ang Baseball. Mas pipiliin ng ibang manood ng pratice ng basketball kaysa sa
baseball.

Tumingin ako sa score board. Nakakatatlong inning na sila. Parehas na may one score
ang dalawang team.
"Eh?!" nagulantang ako dahil hindi si Paris ang pitcher. Akala ko isa syang pitcher
dahil sa pinakita nya noon.

"Problema mo dyan Jade?" tanong ni kaliwa pero hindi ko sya pinansin.

Pinanood ko si Cess na mag-pitch. Sya ang pitcher ng Everest Uni. Kasali din pala
sya sa baseball, at hindi lang sya, halos lahat ng mga kaibigan nya at lahat sila
ay nasa lineup. Pwera lang kay Paris dahil hindi ko sya nakikita kahit sa bench.

Wala ata sya dito.

"Dating naglalaro ka ng baseball 'di ba?" tumingin ako kay Sean. Sumama kasi silang
tatlo samin.

"Oo." kahit hindi ako tumingin sa gawi ng tatlo ay alam kong napatingin sila
sakin. 

"Strike! Batter out! Change!" sigaw ng umpire.

"Bakit ka tumigil?" tanong ni Sean pero binatukan sya ni kaliwa.

"Tigilan mo yan. Tara, doon tayo sa lilim." sabi ni kaliwa at nauna maglakad
patungo sa malaking puno sa gilid.

Narinig ko pa na sinabi nila Veron na wag akong tanungin tungkol don. Napangiti ako
sa kanila. Bago ako sumunod sa kanila ay tumingin ako sa bench ng Everest Uni.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Paris na may suot ng gear. Sya ang catcher?
akala ko talaga sya ang pitcher. Sabagay, kailangan rin ng malakas na braso ang
catcher para mapasa ang bola sa second base.

Naglakad na ako palapit sa mga kasamahan ko habang nakatingin sa field. Si Paris


ang batter. Nakaabang lang sya hanggang sa ibato na ng pitcher ng team namin ang
bola. Mabilis din ang bato ng pitcher ng team namin pero nagawa pa din tamaan ito
ni Paris. Foul nga lang.

Bumato ulit ang pitcher ng team namin. Natamaan ulit ni Paris pero papunta naman sa
direction ko ang bola.

Teka sakin?!

"Jade!"
"Play ball!" sigaw ng umpire.

Huminga ako ng malalim habang nakatingin sa pitcher ng kalaban namin. Iniisip ko


kung anong klaseng pitch ang gagawin nya. Fastball ba o forkball.

Inihanda ko ang sarili ko na magsimula na bumwelo ng pitcher. Mahigpit na hinawakan


ko ang bat.

Kailan kong matamaan ito para makahabol kami. Kahit makapunta man lang ako sa first
base.

Mabilis na binato ng pitcher ang bola. Inihanda ko ang sarili ko lalo na ang bat.
Sa bola lang ako nakatingin. Nanlaki ang mga mata ko na papunta sa ulo ko ang bola.
Huli na para makaiwas pa ako.

"Jade!"

Ang sakit ng ulo ko. Biniyak ang ulo ko sa nangyari.

"Ayos ka lang ba?" nag-aalang tanong ni coach.

Inilalayan nila akong tumayo.

"Ayos naman coach." sabi ko pero masakit yon ah buti na lang pala may helmet ako.

May lumapit saking medic at tinignan kung okay lang ba ako. May mga tinanong sya
sakin na nasagot ko naman. Like kung kailan birthday ko at saan ako pinanganak.

"Kaya mo pa bang maglaro?" tanong ni coach.

"Kaya pa po." nag-aalala man pero pinayagan pa din ako ni coach maglaro.

Pinalitan nila ang pitcher dahil sa delikado nitong pitch. Kilala ako ang team ng
kalaban namin. Madumi talaga silang maglaro pero hindi ko aakalain na aabot sila sa
ganito.

Nag-pitch na ang kalaban. Mabilis ko naman tinamaan ang bola pero hindi ito gaano
kalayo napadpad kaya naman binilisan kong makarating ng first base.

Kasabay ko ang pitcher nila sa pagpunta sa base. Nag-slide ako para mabilis na
makarating ng base pero sana hindi ko na lang iyon ginawa dahil sa pag-slide ko ay
naapakan ako ng pitcher nila.
Tila ako nablanko na maramdaman ko ang matinding sakit sa paa ko.

"Ahhhh!"

"Ohmygosh Jade okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Gia. Hinawakan nya ang
magkabilang pisngi ko. "Jade. Can you hear me? Jade!"

Ipinikit ko ang mga mata ko.

"Hindi naman sya natamaan 'di ba?" rinig kong boses ni Cess.

"Hey. Open your eyes and look at me, Jade." parang batang sumunod ako sa utos ni
Gia. "Breathe. Hindi ka humihinga."

Napabugha ako ng malalim na hininga.

"Inhale.." sinunod ko ulit si Gia. "Exhale..Inhale...Exhale..." ilang beses kong


ginawa yon hanggang sa medyo kumalma ako.

"A-a-alis..na-na-na ta-tayo." kahit naman na kumalma ako, kung ang katawan ko ayaw
kumalma dahil sa matinding trauma. Mahina pa din ako.

"Halika." kinuha ni kaliwa ang kanang kamay ko at iniligay sa balikat nya. Sa


kabila ko naman si Gia.

"Okay lang ba sya?" rinig kong tanong ni Lyrn.

"What's the big deal? hindi sya natamaan." habang naglalakad kami palayo sa kanila
ay naririnig pa din namin sila.

Pagdating namin sa clinic nandon si Fin na nakahilata sa higaan habang dumadaldal


kay Nurse Rose. Pagkakita nya samin ay bigla syang napatayo at lumapit samin.
Tinanong kung anong nangyari.

"Bakit kasi pumunta pa kayo don?!" sigaw nya. Habang sinesermunan ni Fin yung
dalawa ay chinecheck naman ako ni Nurse Rose.

Pinagpahinga na muna nya ako pagkatapos i-check habang yung apat ay pinaalis na ni
Nurse Rose dahil panggulo lang daw sila kaya naman si Fin ay luging lugi dahil
hindi nya makakasama si Nurse Rose. Napailing na lang ako at ipinikit ang mga mata
pero mabilis din napadilat dahil naalala ko ang ngiti ng pitcher na nakalaban ko
noon.
Sinadya talaga nilang sirain ang baseball career ko.

----------------------

        Chapter 8 [Mi Amore Series#2: My Hot Pre...]

      

Jade's POV

"Ma! bakit ba ang hilig ninyo akong pinapapunta kay Paris? Sinasadya nyo ito eh!"
maktol ko kay Mama dahil pinapapunta na naman nya ako sa bahay ni Paris.

"May sakit ngayon si Paris kaya hindi sya makakapunta dito kaya ikaw ang pupunta
doon ngayon."

"Ma si Michael na lang. Alam ninyong hindi pa ako nakaka-get over sa huling
encounter namin eh." dahil sa taong yon naalala ko na naman yung nangyari sa akin
noon.

"Umalis ang kapatid mo kaya wala kang choice kundi puntahan si Paris sa kanila.
Dalian mo at may pupuntahan pa ako." 

Napahilamos ako ng mukha gamit ang dalawang palad ko.

"Shoo! dalian mo ah." makautos talaga. "Ay wait! bilhan mo ng prutas si Paris.
Mahilig yon sa mansanas."

"Akala ko ba nagmamadali ka sa dokumento na kukunin ko sa kanya tapos pinapabili mo


ako ng prutas para sa kanya."
"Mamaya ko na aasikasuhin yon baka ma-late pa ako sa lakad ko ngayon." hindi ako
makapaniwala sa Mama kong ito. Kanina minamadali nya ako tapos ngayon. "Alagaan mo
muna sya ah?"

"What?!"

Mygod hindi ako makapaniwala sa Mama kong yon. Sinasadya nya talaga ito eh! alam
nyang ayokong nakakasama ang taong yon tapos pinipilit nyang magsama kami.

Bakit hindi na lang si Kris ang mag-alaga sa kanya? tutal mas pabor yon sa kanya.

"Ma'am, dito po tayo." sabi ng kasambahay nila Paris.

Sumunod ako sa kanya papunta kung saan man si Paris ngayon. Sa susunod talaga hindi
ko na susundin pa ang utos ni Mama. Nakakainis.

Kumatok ng ilang beses yung kasambahay sa isang pintuan tapos binuksan.

"Pasok na po kayo." sabi nya. Tumango ako at pumasok sa loob.

Nakita ko agad si Paris na nakaupo sa higaan nya.

"Nasa study table ang mga dokumento." mahinang sabi nya pero kahit papaano ay
naintindihan ko naman. Tumingin ako sa study table na tinutukoy nya. 

Napangiwi ako dahil ang kapal na naman ng papel.

"Ayos ka lang ba?" imbis na tanong ko. Napatingin sya sakin.

"Kukunin mo lang yung dokumento hindi ba?" sungit.

"May dala akong mansanas. Gusto mong kumain?" hindi ko pinansin yung sinabi nya.

Tinignan nya ako dahil sa pagbabaliwala sa sinabi nya kaya naman napangisi ako.

Sakto naman na may kumatok sa pintuan kaya binuksan ko muna ang pintuan. Yung
kasambahay lang na dala ang mansanas na hiwa na. Lumapit ako kay Paris dala ang
mansanas.

"Sabi ni Mama paborito mo daw ito kaya ito ang pinabili nya. Kain ka." sabi ko
habang kumuha ng isang slice ng mansanas.
"Umalis ka na."

"Hmm..sarap." pagbabaliwala ko sa kanya at pinuntahan ang study table nya.

Ini-scan ko ang mga papel. Iniisip ko kung may time pa ba magsaya si Paris sa
ginagawa nya. Ang dami nito tapos naglalaro pa sya ng baseball.

Tila ako lalagnatin habang tinitignan ko ang mga papeles sa sobrang dami kaya naman
tinigilan ko na. Nilingon ko si Paris na nakahiga na ngayon sa higaan nya.

Siguro naman pwede na akong umalis? sa totoo lang kanina pa ako nangangating umalis
eh. Natuwa lang ako sa pagsusungit nya kanina.

Inubos ko ang mansanas ko. Lalapitan ko na sana sya pero may kumatok sa pintuan.
Pagbubuksan ko sana kaso kusa na iyon binuksan ng taong kumatok.

"Jade?" takang tanong nya.

"Kris." bakit tuwing pupunta ako dito, pumupunta din ang isang 'to?

"Anong ginawa mo dito?" tanong nya pero nilapitan nya si Paris at hinawakan ang noo
ni Paris.

"May pinapakuha sakin si Mama na dokumento na hawak ni Paris." sabi ko.

Tumango sya. Hinaplosan nya ang pisngi ni Paris.

"May tanong ako Kris. Nililigawan mo ba si Paris?" tanong ko sa kanya. Napatingin


sya sakin.

"What? No. She's my cousin." tila nahihibang na sabi nya.

"Huh?!"

Napakunot ang noo nya dahil sa pagsigaw ko. Napatakpan naman ako ng bibig. Nilingon
ko si Paris at mabuti na lang ay tulog pa din sya.

Seryoso? magpinsan sila? ibigsabihin may gusto si Paris sa pinsan nya? what the
heck?!

"Bakit?" takang tanong nya.


Umiling iling ako. "Wala. Napansin ko lang ang closeness ninyo." akala ko pa naman
may malalim na relasyon ang dalawang ito. "Alis na ako tutal nandito ka na din
naman." sabi ko.

Kinuha ko ang mga dokumento ni Mama. Nagpaalam muli ako kay Kris bago lumabas ng
kwarto ni Paris.

Hindi ako makapaniwala na may gusto si Paris sa pinsan nya. Kung ano pa ang bawal.

Dahil sabado ngayon at may kanya kanya lakad ang apat kaya mag-isa akong naglalakad
sa mall. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ayokong manatili sa bahay dahil baka
utusan na naman ako ni Mama pumunta kanila Paris. Lagi pa naman ganon yon kapag
nakikita nyang wala akong ginagawa mandamag. Kaya ginagawa ko na ang thesis ko
kahit na hindi pa nagdi-discuss ang prof. namin para lang makaiwas sa utos ni Mama.

Effective naman dahil isang linggo na nya ako hindi inuutusan pumunta kay Paris at
naririnig kong si Michael ang inuutusan nya.

Wala talaga akong maisip na puntahan kaya naisipan ko na lang puntahan si Kuya dito
sa mall nya.

Pagkarating ko sa tapat ng office nya ay walang katok katok kong binuksan ang
pinto.

"Kuya!" sigaw ko pero napatigil ako nung makita ko si Paris kasama ang mga kaibigan
nya. What the hell? Sila na naman?

"Jade! ilang beses ko bang sasabihin sayo na kumatok ka bago ka pumasok?" naii-
stress na sabi ni Kuya. Gusto ko sana matawa sa itsura ni Kuya pero nandito kasi
ang Paris and friends eh.

"Mamaya na lang pala." sabi ko at isasarado sana ang pintuan pero pinigilan ako ni
Kuya umalis.

"No, sit there. Kapag umalis ka dyan, ipapa-ban kayo ng mga kaibigan mo dito."
panakot nya. Parang maamong tupa naman akong umupo sa couch. Buti na lang nakatayo
ang anim sa harap ni Kuya kaya wala akong katabi dito sa couch.

Napasimangot ako habang hinihintay sila matapos na mag-discuss. Hindi ko naman alam
kung ano ang pinag-uusapan nila pero mukhang pinipilit nila si Kuya.

"Madami akong ginagawa. Hindi ako sigurado." sabi ni Kuya.

"Sige na, Kuya Maitan." pamimilit Rin.


"I don't know Rin. Ang dami kong trabahong gagawin ngayon. Nalalapit na din ang
anniversary ng mall."

Oo nga pala, magkasunuran lang ang anniversary ng school nila Mama at mall ni Kuya.
Kaya pala this past few days ang daming katawagan ni Mama. Sana lang hindi mai-
stress yon dahil buntis. Hindi naman sya matulungan ni Papa dahil busy din ito.

"Bakit hindi na lang kayo maghanap ng ibang banda?" sabi ni Kuya. Banda pala pinag-
uusapan nila. Dating miyembro ng band group si Kuya kasama ang mga kaibigan nya.
Sya ang vocalist ng banda nila.

"Kayo ang pinakahinahangaan ng mga estudyante sa school kaya nga pinipilit namin
kayo na tumugtog sa anniversary ng school." sabi ni Marie.

"Grabe ah limang taon na simula nung umalis ako sa school. Wala ng makakakilala
samin." sabi ni Kuya.

"Hindi sinabi sayo ni Mama?" napatingin silang lahat sakin. Napangiwi naman ako
dahil lahat sila napatingin sakin. Umepal pa kasi ako eh.

"Ang alin?"

"Na pinapalabas sa school ang mga record ng banda ninyo tuwing break time." may mga
monitor kasi sa mga lobby ng bawat building, cafeteria at sa iba pang parte ng
school nila Mama. Tuwing break may pinapakita ang school kung ano ang nangyayari sa
nakaraang taon.

"Ano?!" napatayo sya. OA. "Totoo ba yon?" tanong nya sa anim.

"Oo. Akala ko alam mo." sagot ni Cess.

Napa-facepalm naman si Kuya at naupo ulit. Mukhang nai-stress sa nalaman nya. Oops.

Natahimik sila ng ilang segundo at hinayaan mag-isip si Kuya.

Tumingin tingin na lang ako sa mga magazines na nasa coffee table ni Kuya.

"Hindi pa din ako sigurado. Busy na din ang mga kaibigan ko kaya hindi ako
sigurado. Kahit naman gusto ko, masyado kaming busy."

"Wala na ba talagang ibang paraaan?" tanong ni Chelsea.

Hindi sumagot si Kuya dahil tila ito nag-iisip.


"Pinapakita din ba sa school ang event na Ms. Everest nung 2008?" nanigas ako sa
sinabi ni Kuya.

"2008?"

"Ms. Everest 2008, isa si Jade sa candidates noon at ang ginawa nya para sa talent
nya ay ang kumanta. Madaming humanga sa ginawa nya noon at sya ang nanalong Ms.
Everest nung 2008."

Napatingin sakin ang anim. May pangdududa ang mukha nila kung totoo ba ang sinasabi
ni Kuya. Mukhang nung college lang sila napadpad sa Everest University kaya hindi
nila alam ang tungkol don. I mean, hindi ko sa pinagmamalaki pero lahat ng nag-aral
sa school nila Mama simula highschool hanggang college kilala nila ang mga taong
nanalo sa bawat event.

"And you're saying?" rinig kong tanong ni Paris.

"Dahil busy kami, si Jade na lang ang yayain ninyo kumanta sa anniversary?"

"No way!" napatayo ako sa suggestion ni Kuya. "Bahala kayo dyan! busy din ako 'no."
galing magpasa ng trabaho itong si Kuya ah.

"Hindi mo kailangan sumigaw." masungit na sabi ni Paris.

"Ah basta! bahala kayo dyan. Aalis na ako." sabi ko at naglakad papunta sa pintuan.

"Wait Jade!" tawag nila pero nagmadali akong lumabas ng office ni Kuya.

Mabilis din akong umalis sa lugar para hindi nila maabutan. Naman oh. Pahamak si
Kuya. Hindi ako sigurado kung pipilitin din nila ako pero sana hindi. Bukod sa
ayokong kumanta, ayokong makasama ang anim na yon!

Hindi na muna ako umuwi at pinuntahan na lang ang bahay ni kaliwa. Inis na inis sya
nung dumating ako dahil naglalambingan sila ni Nissan pagdating ko. Tawa lang ako
nang tawa pero wala naman syang palag kung hinayaan ako ni Nissan na manatili sa
bahay nila.

"Ilang percent ka na sa system mo?" tanong ni kaliwa. Gumagawa na sya ngayon ng


system nya dahil nagluluto na si Nissan ng hapunan tsaka nandito ako hahaha.

"Ninety percent." napatingin sya sakin.

"Talaga lang huh?" kita mo ito, nagtanong tapos hindi maniniwala.


"Eh para makaiwas sa utos ni Mama pumunta kanila Paris, nagpaka-busy ako sa thesis
ko kahit na masiraan ako ng ulo sa mga codes."

Napailing sya. "Mukhang sinasadya ni Tita na papuntahin ka kay Paris."

"Ewan ko don. Alam nyang ayoko sa mga yon pero pinipilit nya akong makita ang mga
taong yon." sabi ko at tumabi sa kanya. "Error!" tawa ko nung makita ang error sa
screen ng laptop nya.

"Siraulo, manahimik ka nga dyan. Kanina ko pa nga ito inaayos. Bwisit 'to. Teka nga
bakit ba ayaw mo kay Paris? mabait naman yon. Mukhang malayo naman ang ugali nya sa
mga kaibigan nya."

"Ako nga." kinuha ko ang laptop sa kanya at niligay ang tamang codes. "Iba nga si
Paris sa kanila pero syempre kaibigan nya sila Cess at nakakasama nila yon. Ayokong
makasama sila."

"Pero si Paris gusto mong makasama?"

"Hindi din. Sungit eh." natawa sya sa sinabi ko. Ibinalik ko sa kanya ang laptop
nya pagkatapos kong ayusin ang error nya. "Oo nga pala, alam mo ba na pinsan nya
pala si Kris?"

"Huh? pinsan nya si Kris?" gulat na tanong nya.

"Oo. Tinanong ko si Kris nung minsan pumunta sya sa bahay ni Paris kung nililigawan
nya ba si Paris dahil lagi syang pumupunta doon. Ang sabi nya pinsan nya daw si
Paris. Nakakagulat 'no? ang taong gusto ni Paris, pinsan nya." sabi ko.

"Incest." sabi nya. "Anong pumasok sa utak ni Paris para magkagusto sa pinsan nya?
at si Kris pa? wala naman maganda sa babaeng yon." natawa ako.

"Hanggang ngayon bitter ka pa din kay Kris?"

"Hindi ako bitter sa taong yon. Nakakainis lang dahil binibisita nya pa din si maid
dito." iritang sabi nya.

"Selos ka naman."

"Hindi ako nagseselos. Girlfriend ko na si maid dapat lang lumayo na sya kay maid
pero ang kapal ng mukha, hindi na nahiya sakin."

"Hindi naman nya maaagaw pa si Nissan sayo kaya wag ka na mainis dyan."
"Feeling kasi yon." natawa ako. Ang laki ng galit nito kay Kris.

Ilang oras akong tumambay sa bahay nila kaliwa, sa kanila na din ako kumain na
hindi naman ikinaangal ni kaliwa dahil madami akong natulungan sa system nya.

Ayoko pa sanang umuwi sa bahay kaso pinapalayas na ako ni kaliwa. Maglalaro na lang
ako ng video games, baka online ngayon si Fin or baka sa bahay ni Nurse Rose yon
ngayon.

"I'm home." sabi ko pagkapasok ko ng bahay. Nanigas ako pagkakita ko sa anim na


babae na masayang nakikipagkwentuhan kay Papa.

Sabi ko na nga pipilitin ako ng mga ito. Kita mo, nagawa pa akong puntahan dito
kaya ayokong umuwi eh.

"Hey sweetie." nakakindat na sabi ni Cess.

"Oh Jade, buti dumating ka na. May sasabihin sila Paris sayo." sabi ni Mama na may
dalang dessert.  May kutob na ako kung ano ang sasabihin nila.

"Tungkol ba ito sa anniversary?" tanong ko.

"Oo. Narinig mo naman yung pinag-usapan namin kanina ng Kuya mo." nakangiting sabi
ni Chelsea.

"Pasensya kung tatanggi ako."

"Jade!" saway ni Mama.

"Ma, hindi naman ako nag-aaral sa school ninyo, bakit ako ang kukunin nila?" sabi
ko. 

"Yung nga ang point. Kinukuha nila ang mga nanggaling sa Everest." sabi ni Mama.

"As if naman grumadaute ako sa school ninyo. Remember? nag-transfer ako nung third
year high school pa lang." yung ang time na lumipat ako sa school nila kaliwa. Ako
lang kasi ang nahiwalay sa kanila kaya naman pinakiusapan ko sila Mama na lilipat
ako ng school.

"Sikat ka pa din naman sa school kahit wala ka na don." sabi ni Ino. Napangiwi ako.

"Bakit naman? seven years na akong wala doon, impossible naman ang sinasabi mo.
Unless.." tumingin ako ng makahulugan kay Mama.
"Wala akong ginagawa." maang ni Mama pero nakangiti naman. Napailing ako.

"Kahit anong sabihin ninyo hindi ako papayag. Akyat na po ako." sabi ko at hindi ko
na sila hinintay pa na magsalita pa. Nagmadali akong pumunta sa kwarto ko dahil
baka pilitin pa nila ako.

Tatalon na sana ako sa higaan ko nang biglang bumukas ang pintuan. Shit nakalimutan
kong i-lock.

"Ano?" may bahid na inis na sabi ko kay Paris. "Please lang, wag ninyo akong
pilitin dahil nagsasayang lang kayo ng laway."

"Bakit ba ayaw mo?" masungit na sabi nya. Nakasalubong pa ang mga kilay nya.

Kita mo ito. Sya may kailangan sakin, ang lakas magsungit. Kapag ako talaga
kinakausap nito ang sungit. Hindi naman sya ganyan kanila Fin.

"Kasi bukod sa ayoko talaga, hindi na ako kumakanta at ayokong kumanta sa harap ng
madaming tao." sabi ko. 

"How about.." napaatras ako na nag-step forward sya." Let's have a deal?"

"Deal? anong klaseng deal? tsaka ayoko nga sabi! bakit ang kulit mo?" inis na sabi
ko. Tumalikod ako sa kanya at naglakad palayo. Hindi ko gusto na napapalapit sa
kanya.

"Maglaro tayo ng baseball." mabilis na nilingon ko sya.

"Anong sabi mo?" nababaliw ba sya? lalong hindi ako papayag sa gusto nya! bakit
kasi ayaw nya na lang ako tantanan. Ayaw nya sakin diba? tigilan nya na ako, ano
ba!

"Kapag nanalo ka, kahit anong gusto mo, gagawin ko pero kapag nanalo ako kakanta ka
sa anniversary." sabi nya. Napailing ako.

"Umalis ka na. Nagsasayang ka lang ng oras." sabi ko at nahiga sa higaan ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at nagpaka-busy don. Hindi ko na lang papansinin si


Paris na tumigil sya.

Tinatawag nya ang pangalan ko at pinipilit ang deal na gusto nya. Ano bang problema
ng isang 'to at ayaw tumigil? ang kulit ah!
Gusto nya pa akong paglaruin ng baseball, eh may trauma nga ako don. Ayoko na
maglaro ng baseball. Nasira na ito kahit na magaling na din naman ang paa ko. Ayoko
na maulit pa muli iyon. 

"What the..hey!" umupo ako sa higaan ko nung kinuha ni Paris ang cellphone ko.

Pero napahiga ulit ako dahil tinulak nya ako. Nanlaki ang mga mata ko na sumampa
sya at umupo sa tyan ko.

"U-u-umalis ka dyan." nauutal na sabi ko.

Napa-smirk sya dahil doon. Bwisit.

"I-itutulak kita kapag hindi ka umalis dya-dyan." umiwas ako ng tingin sa kanya
pero napapatingin pa din ako sa kanya pero iiwas din agad.

"Hindi ako aalis..." tumaas ang balahibo ko na magsalita sya sa tainga ko. Shit
sobrang lapit nya na sakin! "Hangga't hindi ka pumapayag sa deal natin." hindi
talaga sya titigil tungkol sa bagay na yon?

"A-ayoko nga sabi." huminga ako ng malalim dahil tila ako hindi makahinga ng maayos
sa pwesto namin. "Kahit ano pa ang gawin mo."

"Kahit halikan kita?"

"Hoy iba na yon!" nilingon ko sya pero sana pala hindi ko na ginawa yon dahil
sobrang lapit ng mukha nya sakin. Halos magkadikit na ang mga ilong naming dalawa.
"La-layo."

"Alam mong hindi ko gagawin yan." ako lang ba o sadyang mapang-akit ang boses ni
Paris ngayon?

"Hep!" mabilis na inilayo ko sya sakin nang dahan dahan syang lumapit sakin. 

Napangisi sya dahil don. Bwisit talaga ang taong ito.

"Wait! wait!" lumapit na naman sya pero itinutulak ko sya.

"Stop wasting my time, Jade." kinabahan ako nang hawakan nya ang dalawang kamay ko.
Pinipilit ko naman makawala sa hawak nya pero masyado talaga syang malakas para
makawala sa kanya.

"Eh kung tinitigilan mo na kasi ako para hindi masayang oras mo." sabi ko habang
pinipilit pa din makawala sa kanya. Nasasaktan na nga ako sa pinaggagawa ko eh, ang
higpit kasi ng hawak ni Paris.

"Ayokong gawin ito pero pinipilit mo akong gawin ang bagay na ayoko." sabi nya. Ano
naman ang tinutukoy nya?

Nagulat ako nung iniligay nya sa ulunan ang dalawang kamay ko.

"Te-teka! anong gagawin mo?!" 

Nanlaki ang mga mata ko na dahan dahan nyang nilalapit ang mukha nya sakin. Wag
nyang sabihin na..

"Oo na, oo na! papayag na lumayo ka sakin!" sabi ko at pilit na pumipiglas sakin.

Ang laki ng ngisi nya na binitawan nya ang mga kamay ko at umalis sa ibabaw ko.

"Good. See you tomorrow sa baseball field." nakangising sabi nya at naglakad
palabas ng kwarto.

"Bwisit!" sigaw ko pagkalabas na pagkalabas nya.

I'm dead!

----------------------------

        Chapter 9 [Mi Amore Series#2: My Hot Pre...]

      

Jade's POV

"Kapag may mangyaring hindi maganda kay Jade. I swear, masasaktan ko kayo."
seryosong sabi ni kaliwa habang masamang nakatingin kanila Paris.

"Chillax, maglalaro lang naman sila." sabi ni Marie. Kung ganon lang naman kadali,
ayos lang.

"Alam ninyo ba ang salitang trauma huh?" mataray na sabi ni kaliwa. "May trauma si
Jade sa baseball!"

"Huh? seryoso?" gulat na sabi nila Cess.

"Bakit hindi mo sinabi agad?" sabi ni Chelsea na nakatingin sakin.

"Hindi ninyo alam?!" sigaw ni kaliwa na tila naii-stress na. Ang aga, highblood
agad itong si kaliwa. 

"Hindi namin alam." nag-aalalang sabi ni Chelsea.

Kumunot ang noo ko tapos tumingin ako kay Veron.

"Akala ko nasabi mo na sa kanila?" tanong ko sa kanya. Sya ang hindi sumama samin
sa paghatid sakin sa clinic pero sumunod rin sya. Akala ko nasabi nya sa kanila ang
tungkol doon.

"Hindi, kanila Sean ko sinabi. Umalis din sila pagkaalis ninyo." sabi nya.

"Sa tingin ko ay wag na natin ituloy ito, Paris. Malalagot tayo kay Ma'am Jo nito
kapag nalaman nya ito." sabi ni Chelsea.

"Mabuti pa nga." sabi ni kaliwa.

"Chill, kaliwa. Highblood ka na dyan." sabi ni Fin. Inirapan lang sya ni kaliwa.

Tumingin ako kay Paris na nakatingin pala sakin. Lumapit sya sakin at inabot ang
bat.

"What the? ipagpipilitan mo pa din ang gusto mo?!" sigaw ni kaliwa.

Napatingin ako sa kanya. Seryoso syang nakatingin sakin. Alam kong pinapahiwatig ng
mga mata nya na kunin ko ang bat.

Tinignan ko ang bat. Napaatras ako na biglang mag-flashback sakin ang nangyari.
Umiling iling ako.

"Sorry, I can't." sabi ko. "Hindi ko kaya." mariin kong ipinikit ang mga mata ko.
"Paris, wag na natin syang pilitin pa." sabi ni Chelsea.

Hinawakan ako ni Gia at itinago sa likuran nila.

"May trauma si Jade lalo lang ninyo pinapahamak si Jade sa ginagawa ninyo. Sana
maintindihan mo yon Paris." sabi ni Gia.

"Don't worry. Hindi na namin sya pipilitin pa." rinig kong sabi ni Chelsea.
"Pasensya na Jade kung umabot pa sa ganto. Hindi talaga namin alam."

Tumango ako sa kanila. Buti naman hindi na nila ako ipipilit pa sa ayoko.

"Tsk, tsaka pwede? layuan ninyo si Jade. Siguro naman napapansin ninyong ayaw nya
kayong makasama?" sabi ni kaliwa.

Grabe walang preno ang isang ito. Hindi ko nga sinasabi sa kanila na ayoko silang
makasama pero sya.

"Pero hindi naman maiiwasan yon dahil lagi kaming pinapatawag ni Ma'am Jo sa
kanila." sabi ni Ino.

"Exactly, si Tita ang pinuntahan ninyo, hindi si Jade." minsan talaga nagiging
bitch si kaliwa kapag naiinis sya.

"Tama na yan. Aalis na kami." sabi ni Gia.

Hindi na nila hinitay pa magsalita sila Chelsea at inalalayan nila akong umalis ng
baseball field. Habang palayo kami sa kanila ay panay pa din ang salita ni kaliwa
kanila Chelsea. Pinapakalma na sya ni Nissan pero wala pa rin itong tigil.

"Saan tayo ngayon?" tanong ni Veron pagkadating namin sa parking lot ng school nila
Mama.

"Sa bahay ni kaliwa!" masayang suggestion naman ni Fin.

"Oo, masyado pang maaga para sa bar ni Veron." sabi naman ni Gia.

"Mga gago." sabay na sabi ni kaliwa at Veron na ikatawa naming apat.

Pumasok kami sa van ni Gia. Si Veron ang magdri-drive. Katulad ng napag-usapan, sa


bahay ni kaliwa kami pumunta pero namili muna kami ng pagkain namin dahil wala na
daw stock si kaliwa.
"Sa tingin ko, titigilan ka na ng mga yon." sabi ni kaliwa.

"Siraulo ka ba naman at sinabi mo yon sa kanila. Pahiya sila eh." sabi ni Veron
habang nasa daan ang tingin.

"Hindi ko kasi alam kung bakit naging pipe ang isang 'to at hindi nya masabi sa
kanila na ayaw nyang makasama ang mga yon." sabi ni kaliwa na ikinasimangot ko.

"Ayokong maging rude sa kanila 'no." sabi ko.

"Kaya ka hindi tinitigilan ng mga yon eh." sabi nya. "Akala ko pa naman
maintindihin yan si Paris pero mapilit din pala."

"Hindi naman alam ni Paris ang tungkol sa trauma ni Jade." sabi ni Nissan. "Kung
alam ni Paris yon hindi nya pipilitin si Jade."

"Maid, pinagtatanggol mo pa sya tsaka anong hindi pinipilit? eh kanina lang inaabot
nya yung bat kay Jade. Ang sarap ipukpok sa ulo nya yon."

"Chill lang kaliwa." natatawang sabi ni Fin. "Baka sinusubukan nya lang si Jade
kaya ganon."

"Tsk. Mapilit pa din sya." sabi ni kaliwa.

Napailing na lang kami sa kanya.

Buong araw ay nasa bahay kami nila kaliwa. Nag-practice kami ng sayaw pero sinure
naming busy si Nissan sa pagluluto dahil baka malaman nya ang surprise sa kanya ni
kaliwa sa nalalapit nilang monthsary. Hindi nga lang yon ang pakulo ni kaliwa.
Madami pa at damay kaming apat. Syempre, susuportahan namin si kaliwa.

Alas otso na ng gabi nang makauwi ako sa bahay. Nakapaghapunan na ako kanila kaliwa
kaya hindi na ako kakain pa. Dumiretso na ako sa kwarto ko. Hindi ko na nakita pa
ang mga magulang ko at kapatid ko. Baka nasa sariling kwarto na nila.

Binuksan ko ang kwarto ko at tumambad sakin ang taong akala ko ay hindi na ako
guguluhin pagkatapos na nangyari.

"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

Tumayo sya sa higaan ko at naglakad papunta sakin. Bigla naman akong napaatras.
Tumigil sya sa harapan ko.

"Hindi kita pipilitin makipaglaro sakin pero hindi ako titigil pilitin kang kumanta
sa anniversary ng school." seryosong sabi nya.

Maraming namamatay sa akala. Naprangkahan na sila ni kaliwa pero ito, may lakas
loob pa syang pilitin pa din ako.

"Bakit ba-"

"Hangga't hindi ka pumapayag, hindi ako titigil..." huminto sya saglit at tinignan
ako sa mga mata ko. Nagtataka ako kung tapos na ba yung sinabi nya o may kasunod
pa. "Halikan ka." sabi nya. 

"No way!" bigla ko agad reklamo.

"Wala kang magagawa kung ayaw mong halikan kita, pumayag ka." blina-block mail nya
ako. 

Halata itsura nya ang pagkaseryoso at feeling ko nga hindi rin marunong magbiro ang
taong ito. Napakaseryoso nya madalas. Minsan nga lang ngumiti.

"Te-teka naman!" taranta kong sabi nung bigla syang humakbang palapit sakin. 

Hindi naman sya tumigil kaya naman tumakbo ako palayo sa kanya. Sumampa ako sa kama
at kumuha ng unan.

"Jade." napangiwi ako nang tawagin nya ako.

"Teka lang naman kasi, hindi ba pwedeng mag-isip muna?" sabi ko sa kanya.

"Hindi. Madami pa akong gagawin." sabi nya at lumapit sakin. Agad naman ako umalis
ng kama at lumayo sa kanya. "Jade." naiinis na sabi nya. Hindi ko alam kung
ngingiti ako o ngingiwi. Naiinis na sya pero nakakatakot sya.

"Wait!" lumayo ulit ako nang lumapit sya sakin.

"Jade, hindi ako nakikipaglaro sayo." sabi nya at natawa naman ako. Inis na inis na
kasi sya. Magkasalubong na ang dalawang kilay nya.

"Ang cute mong mainis." natatawang sabi ko.

Napatigil sya sa paglapit sakin at sinamaan ako ng tingin. Hindi ko alam kung bakit
hindi ako natatakot sa kanya ngayon. Natatawa pa ako sa itsura nya.

Nabigla ako nung mabilis syang nakalapit sakin at tinulak ako sa pader.
"Shit!" ngiwing sabi ko dahil sa sakit na naramdaman ko sa pagtama ng katawan ko sa
pader.

"Sinasagad mo ako." at ngayon ako natakot sa kanya. Nakakatakot sya ngayon. Para
syang mangangain sa itsura nya.

Alam ko na ang tumatakbo sa isipan nya kaya bago nya pa yon ginawa ay nagsisigaw na
ako.

"Pumapayag na ako, pumapayag na ako!" hell! hindi ako papayag na halikan nya ako
'no! no freaky way!

Tumingin ako sa kanya dahil hindi nya pa din ako pinapakawalan. Ganon pa din ang
mukha nya. Galit na galit. Pumayag na ako 'di ba? bakit ganyan pa din sya?

Maya maya ay lumayo sya sakin pero hindi sya umalis sa harapan ko.

"Pinapatagal pa." sabi nya at dumitresong lumabas ng kwarto.

Nakahinga ako ng maluwag pagkalabas nya. Naupo ako sa sahig dahil tila naubos ang
lakas ko sa pagpayag sa gusto nya para lang wag nyang mahalikan. Kahit maganda sya,
hindi ako papayag na mahalikan ng isang babae. Ayoko lang.

Kasalanan ito ni Kuya. Kung bakit ba naman kasi sinabi sabi nya na kumakanta ako
edi sana hindi ko na makikita pa si Paris. Lagot talaga sakin yon!

Kinabukasan ay tamad na tamad ako habang naglalakad papunta sa classroom namin.


Bukod na asar na asar ako dahil napapayag ako ni Paris ay ang aga pa ng klase ko. 

"Oh ano nangyari sayo?" tanong ni kaliwa. Sya pa lang ang nandito sa kanilang apat.

"Akala mo titigilan na ako nila Paris? hindi. Nasa bahay sya kahapon." sabi ko at
tumabi sa kanya.

"Pinilit ka pa din nya maglaro kayo?" naiinis agad sya.

"Hindi, pinilit nya ako doon sa pagkanta sa anniversary ng school nila Mama." sabi
ko.

"Ano nangyari?"

"Ayon, binantaan ako na hahalikan nya kapag hindi ako pumayag." sabi ko at ngumiwi.
"Pfft.." pigil na tawa nya. Inirapan ko nga. "Ayaw mo pa non? ang ganda ganda ni
Paris eh."

"Ayokong humalik ng babae." sabi ko at humalumbaba.

"Ikaw bahala." sabi nya. "Anong kakantahin mo sa anniversary?"

"Pampatay." bagot na sagot ko dahil naiinis talaga ako kapag naaalala kong kakanta
ako sa anniversary ng school ni Mama.

"Gago." at nakatanggap ako ng batok sa kanya.

"Ang sakit non gago." sabi ko habang himas ang ulo kong binatukan nya.

"Tinatanong ka ng maayos ah." sabi nya. Mula sa himas ay nakamot ako ng ulo ko.
Dali talaga nitong mainis eh.

"Hindi ko pa alam, baka tanungin ko na lang si Paris kung ano bang gusto nyang
kantahin ko."

"Good morning!" sigaw ni Fin pagkapasok nya ng room. 

Nagtaka naman kami ni kaliwa dahil mukhang good mood sya. Ano kaya nangyari sa
isang ito?

"Walang good sa morning Fin." banas na sabi ni Gia na tinulak pa si Fin na nakatayo
sa pintuan.

Nakangisi naman na sumunod si Veron. Lumapit silang tatlo samin.

"Problema mong babaita ka?" tanong ni Fin sa kanya. Nawala yung good mood nya dahil
kay Gia.

Hindi naman sya sinagot ni Gia at pabalang na naupo sa tabi ko. Yung dalawa naman
ay iniligay lang sa tabing upuan ni Gia ang bag nila at tumayo sa harapan namin.

"Maya sabihin ko sa inyo." natatawang sabi ni Veron.

"Bakit hindi na lang ngayon?" tanong ko.

"Eh kasi maingay kayo. Isisigaw ninyo kapag nalaman ninyo kaya mamaya na lang."
natatawa pa din sya. Nainis ata si Gia kaya binato nya ito ng bag na nasalo naman
ni Veron.

"Bwisit ka! tumahimik ka dyan!" inis na sabi ni Gia.

"Nagtataka na talaga ako kung ano nangyari." sabi ni kaliwa.

"Guys! may meeting ang mga prof. ngayon, walang klase!" sumigaw ang kaklase namin
na galing labas.

Naghiyawan naman ang mga kaklase namin.

"Tara sa labas para malaman na natin kung ano nangyari sa isang ito." sabi ni Fin
kaya naman ay kinuha namin ang mga gamit namin at naglakad palabas. 

Pumunta kami sa parking lot para doon mag-usap. Mabuti na lang nakapwesto sa lilim
ang kotse ni kaliwa kaya hindi kami naiinitan.

"So spill it." sabi ni kaliwa na nakasandal sa hood ng kotse nya katabi nya si Fin.

"Muntik na ma-rape si Gia." natatawang sabi ni Veron.

"Ano?!" sabay na namin ni kaliwa.

"Gago ka muntik na ma-rape pinagtatawanan mo pa!" sinapok ni Fin si Veron kaya


natigil ito sa pagkatawa.

Tumingin ako kay Gia na saktong inirapan si Veron pero naiinis pa din.

"Seryoso?" tanong ko.

"Oo." inis na sabi nya na tila may lumabas pang usok sa ilong nya.

"Paano nangyari yon? taena Gia hindi ka nag-iingat!" sabi ni kaliwa.

"Kasalanan ni Veron yon!" sigaw din pabalik  ni Gia habang nakaturo kay Veron.
Pinanikitan naman ng mga mata ni kaliwa si Veron.

"Hoy! kasalanan ko bang ininom mo yung alak na para sa kapatid mo?!" sigaw din ni
Veron.

Grabe akala mo naman magkakalayo sila kung makapagsigawan tapos sasabihan nila
akong nakalunok ng megaphone, eh kita mo nga sila.

"Bwisit ka!" sabi nya kay Veron parang gustong sabunutan pero hindi nya ginawa.

"Easy! ano bang nangyari?" tanong ni Fin. "At wag nga kayong magsigawan, nagagaya
kayo kay Jade eh." aba't nadamay pa ako, nanahimik na nga ako eh.

"Ano bang meron sa alak na ininom mo na para dapat sa kapatid mo?" tanong ko.

"Meron iyong pampatulog dahil gusto nyang uminom, eh under age pa yung batang yon.
Na-brokenhearted lang gusto nang uminom ng alak." sabi ni Veron.

"Si Jellal?" tumango si Veron. "Seryoso? ang nerd na yon iinom?" hindi
makapaniwalang tanong ni kaliwa.

Si Jellal na sumunod na kapatid ni Gia na sobrang nerd talaga ang dating. May
salamin ito dahil sa malabong mga mata nya. Seventeen years old ang pagkakatanda
kong edad nya. Maganda din si Jellal gaya kay Gia, yun nga lang natatapad ng bangs
nya at salamin. Wala nga ka-pimples pimples ang batang yon.

Sya ang nerd na hindi mabully bully ng mga estudyante dahil sa school lang naman ni
Mama sya nag-aaral. Kami lang talagang lima ang hindi nag-aral sa school ni Mama
tapos ang iba namin kapatid ay sa school na ni Mama, pwera din pala kay kanan na
sumama kay kaliwa dito.

"Broken hearted nga kasi. Ganon naman talaga kapag nasaktan ka." parang may malalim
pa pinaghugutan si Fin.

"Pero ang bata nya pa para uminom." sabi ko.

"Kaya nga papainumin ko ng isang beses para hindi na sya makaulit pa dahil niligyan
ko ng pampatulog yung inumin nya, nakakainis din kasi yung iyak nya." sabi ni
Veron.

"Pero si Gia ang nakainom." sabi ko at tumingin kay Gia na nakasandal sa puno at
nakahalukipkip ang mga braso. "Ano nangyari pagkainom mo noon?"

"Umalis agad sya at pumunta ng dance floor. Hindi agad tumalab sa kanya yung gamot
dahil hindi naman gaano kadami ang iniligay ko tapos hindi ko na alam nangyari sa
kanya hanggang sa lumapit sakin yung taong ra-rape sa kanya na sinabing nasa VIP
room si Gia at natutulog." sabi ni Veron.

"Ano? lumapit pa talaga sayo yung rapist?" tanong ni Fin. Ako din hindi
makapaniwala. Naguguluhan ako.
"Oo sinabi pa nga nya na nabitin sya dahil tinulugan sya ni Gia." natatawang sabi
ni Veron.

"Bakit natutuwa ka pa ba dyan?" takang tanong ni kaliwa. "Muntik na ma-rape ang


kaibigan natin."

"Hindi naman sya mara-rape kung hindi nya inakit ang rapist." naguluhan kami.

"Hindi ko sya inakit!" despensa ni Gia.

"Hindi daw. Sinabi sakin ng rapist mo na inakit akit mo sya tapos tutulugan mo."
tuwang tuwa ang taong ito sa nangyari kay Gia.

"Shut up!" sigaw ni Gia.

"Kilala mo ba kung sino ang rapist nya?" tanong ni Fin.

"Tigil tigilan nga ninyo yang kakasabi na rapist ko ang taong yon!"

"Hindi ko kilala eh pero maganda sya kaso may pagka-brat the way she talked to me."
sabi ni Veron na hindi pinansin si Gia.

"Babae?!" sigaw naming tatlo.

Napatingin kaming tatlo kay Gia na namumula ang mukha dahil siguro sa inis. Kanina
pa sya naiinis sa rapist nya.

"Sexy, hot, brat. That's her rapist." sabi ni Veron.

"Shut up Veron!" naiinis na sabi ni Gia.

"Hey sabihin mo ang details." sabi ni kaliwa. "Anong nangyari?"

"I don't know! hindi ko nga maalala ang itsura nya." sagot ni Gia.

"Sabagay, patulog ka na din non at lasing pa." sabi ko. "Kapag nalalasing talaga
nakakalimutan ang pangako."

"Nagpapatama ka ba, Jade?" natawa kami dahil nagreact si Fin.

"Sa susunod mag-iingat kayo." sabi ni kaliwa. "Mabuti mabait pa yung rapist mo
kundi na-rape ka na talaga."
Bumuntong hininga si Gia. "Yeah."

Pagkatapos namin mag-usap ay pumunta kami sa cafeteria para doon ituloy ang pagkwe-
kwentuhan. Alas dose pa ang sunod naming klase kaya naman tamang tambay lang.

Habang nagkwe-kwentuhan ay tumunog ang cellphone ko. Chineck ko kung sino ang nag-
text. Unknown number. Nagtataka man ay binasa ko pa din ang messages nya.

From: 09*********
Maghanda ka ng list na kakantahin mo. I'll check it later. -Paris.

Si Paris. Paano nya nalaman ang number ko? baka kay Mama tsk. Sa tingin ko
pinamimigay na ako ni Mama tapos kay Paris pa.

Bakit sa babae pa.

--------------------------------

        Chapter 10 [Mi Amore Series#2: My Hot Pre...]

      

Jade's POV

Nandito kami ngayon sa restaurant nila Fin. Dito namin naisipan mag-lunch after
class namin. Kahit na kaibigan namin si Fin at anak sya ng may ari nito ay
nagbabayad pa din kami dito. May pera naman kami kaya binabayaran rin namin tsaka
nakakahiya kung hindi kami magbabayad, mahal kaya ng mga pagkain dito. Pinakamura
na ang four hundred pesos pero sobrang sarap naman at sulit kaya ayos lang na
gumastos ng malaki para sa masarap na pagkain.
"Nag-text na sakin ROG, kasali tayo sa tournament." sabi ni Fin.

ROG means Republic of Gamers. Isa syang brand na hardware for PC gaming. Meron din
silang branch for computer shop. Ang sinasabi ni Fin na kasali kami sa tournament
ay sa larong DOTA 2, bukod kasi sa sayaw, libangan din namin magkakaibigan ang
maglaro ng online games.

"Ayos! practice na tayo mamaya." sabi ni Veron.

"Saan tayo? sa shop o bahay bahay?"

"Bahay bahay na, maingay sa shop eh." sabi ni kaliwa.

"Sige, after nito uwi na tayo para makarami tayo ng laro." sabi ko.

Habang nagkwe-kwentuhan kami sa gagawin namin mamaya lumapit samin si Tita Fiona.

"Buti naabutan ko kayo. Jade, pwede mo bang ihatid yung pagkain na in-order ng Mama
mo? wala kasing available na delivery man kaya hindi mahatid yung pagkain ng Mama
mo." sabi ni Tita.

"Ayos lang po, Tita." nakangiting sagot ko. Kahit na ayokong pumunta sa school ni
Mama, ayoko naman tanggihan si Tita. Wala naman akong idadahilan sa kanya kung
bakit ako tatanggi eh.

"Salamat, Fin ihatid mo si Jade, madami dami kasi yon." sabi ni Tita.

"Sige po."

"Hintayin mo na lang, patapos na din lutuin lahat."

"Sige lang Tita hindi pa naman kami aalis basta po may libreng dessert." sabi ko.

"Ayon!" nagtawanan kaming lahat. "Oh sya, umorder kayo ng dessert ninyo. Kayo
talaga." sabi nya at nagpaalam.

"Nakahirit si Jade." sabi ni Gia pero tuwang tuwa naman. Nauna na ngang pumili ng
dessert nya.

"Ice cream na lang sakin." sabi ni kaliwa.

"Okay, ganon din sakin." sabi ni Gia sa waiter.


"Gawin mo ng lima." sabi ni Fin.

Tumango ang waiter at nagpaalam na alis na.

"Akala ko tatanggi ka kanina." sabi ni kaliwa.

"Sana kaso walang magandang dahilan eh." sabi ko.

Alam nilang ayokong pumunta ng school ni Mama dahil makikita ko ang mga kaibigan ni
Paris. Nasanay na ako kay Paris dahil araw-araw kaming nagkikita non sa umaga para
mag-practice. Natutuwa na nga ako minsan kay Paris dahil araw-araw na lang badtrip
na badtrip sya dahil nahihirapan syang gisingin ako. Kasalanan ko bang sobrang aga
nyang pumunta? sarap na sarap ako sa pagtulog tapos mang-iistorbo sya.

Naiinis din sya kapag hindi ko inaayos yung pagkanta ko. Ulit, kasalanan ko ba?
inaantok ako eh lalo pa din sya naiinis kapag tumatawa ako kapag naiinis sya.
Nakakatuwa kasi talaga sya kaya minsan sinasadya kong inisin sya.

"Pero lagi mo naman kasama si Paris." sabi ni Veron.

"Kay Paris nasasanay na ako sa kanya. Hindi naman sya katulad nila Cess na green na
green." sagot ko.

"Halata naman. Ang seryoso nya kahit na nakasama natin sya sa bakasyon." sabi ni
Gia.

"Edi kung araw-araw mo din makakasama yung mga kaibigan nya, masasanay ka din?"
nakangising tanong ni Fin.

"Siguro matatagalan. Ayoko talaga na nasa paligid sila lalo na sina Cess? feeling
ko nahahalay ako eh."

"Ganda ka?" sabi ni kaliwa, natawa naman sila sa sinabi nya habang ako
napasimangot. 

Maya maya dumating si Tita dala ang mga pagkain. Sa sobrang dami nga, tatlong
waiter pa ang nakasunod sa kanya.

"Fin, yung kotse mo para mailigay na ito." utos ni Tita kay Fin.

Nagsitayuan na kaming lahat at tumungo sa parking lot. Lahat ng pagkain iniligay sa


kotse ni Fin pero masyado talagang madami kaya pati kotse ni kaliwa meron na kaya
kaming lima na tuloy ang pupunta sa school ni Mama.
Tinawagan ko si Mama na papunta na kami sa school nila at maghintay sa parking lot
para makauwi din agad kami. Sana lang hindi sila Cess ang ipapunta nya.

Papasok pa lang ng parking lot sila Fin nang makita ko si Mama at limang lalaki ang
naghihintay. Nagsibabaan kaming lima pagkaparada ng dalawa. Kita ko naman sa limang
lalaki ang pagkahanga nila pagbaba namin pero hindi namin sila pinansin.

Ang dalawa ay binuksan ang compartment nila habang kaming tatlo ay lumapit kay
Mama.

"Hi Tita." bati nila.

"Hello, samang sama talaga kayo ah?" sabi ni Mama.

"Sayang pamasahe kaya sumabay kami sa dalawa." natatawang sabi ni Gia.

"Bakit kasi hindi kayo bumili ng mga kotse ninyo para hindi kayo sumasabay sa
dalawa?"

"May pinag-iipunan lang Tita." sabi ni Veron. Kaming lima ay may pinag-iipunan
talaga kami para sa future namin kaya nga minsan tipid tipid kami. Naghihintay lang
sa biyayang ibibigay ng mga magulang katulad ng kotse pero syempre hindi pa din
kami umaasa sa kanila, hindi lang namin sila matanggihan sa mga binibigay nila.

"Hay nako ang yayaman ng mga magulang ninyo bakit hindi kayo humingi sa kanila
pambili ng kotse?"

"Hindi na, Tita alam naman ninyong ayaw namin umasa sa inyo." sabi ni Gia.

"Tsaka naghihintay lang kami sa biyayang ibibigay ninyo." sabi ko at itinaas baba
ang mga kilay ko.

"Oo nga, Tita. Kita mo si Fin may kotse na, binigay nila Tita. Waiting lang kami."
sabi ni Veron.

"Aba akala ko ba hindi kayo aasa samin? bakit naghihintay kayo ng ibibigay namin?"
naka-cross arms na sabi ni Mama.

"Nagbabakasakali lang." sabi ko at natawa kaming tatlo. Lumapit naman samin ang
dalawa habang nakatingin sa mga lalaking kinukuha ang mga pagkain.

"Itong si Left gayahin ninyo, may pambili ng kotse." sabi ni Mama. Nagtataka naman
yung dalawa kung ano ang pinag-uusapan namin.
"Mahal kasi yung kotse tsaka yung bahay ka nya galing sa parents nya." sabi ni
Veron.

"Tsaka mas malaki allowance nya kaysa samin. Twenty thousand every week? lamang
kami five thousand lang." sabi ko.

"May himutok ka Jade?" sabi ni Mama.

"Wala po." nakangiting sabi ko.

"At anong five thousand ka dyan? tig-five kami ng Papa mo tapos sa mga lola mo pa,
sigurado akong ten mahigit ang ibinibigay nya sayo." sabi ni Mama at hindi sya
nagkakamali doon. Paborito kasi ako ng mga grandparents ko kaya spoiled ako sa
kanila. "Makakabili ka na nga ng kotse dahil pati mga Tito't Tita mo may nakukuha
ka din."

"May plano kasi ako." sabi ko pero hindi ko sasabihin sa kanila kung ano.

"Anong malaki allowance ko? mas malaki yung kay Gia 'no." sabi ni kaliwa. "Sila
kaya ang mas mayaman satin."

"Paanong hindi? pang international ang business ng mga magulang nya." sabi ni Mama.
"Nakuha uwi na ba parents mo?" tanong ni Mama.

"Next week pa po sila uuwi." nakangiting sagot ni Gia.

Ang tibay ng magkapatid na ito, hindi kayang magtampo sa parents na nalaging wala
dahil nasa ibang bansa. Katulad ng sabi ni Mama pang international ang business ng
parents ni Gia. Kilala iyon sa buong mundo kaya panay ang labas ng bansa ang
parents nya. Pero grabe naman kapag umuwi ang parents nya, bawing bawi ang mga time
na umalis sila ng bansa kaya siguro hindi nagtatampo ang magkapatid sa parents
nila.

"Talaga? may balak ba kayo pag-uwi nila?" tanong ni Mama.

"Ma'am Jo, dalhin na namin ito sa loob." pasingit ng lalaki. Tumango naman si Mama
tsaka umalis ang lima.

"Meron po, pupunta kami sa palawan, three days kami doon tapos bonding bonding na
lang po kami sa bahay hangga't nandito sila." sabi ni Gia na tila nae-excite sa
pag-uwi ng parents nya.

"Iniisip ko tuloy kung ilang araw bago ulit sila umalis ng bansa. Nakakatampo na
yang si Kelly laging wala sa mga lakad namin." napangiwi ako sa pagnguso ni Mama.
"One month daw sila ngayon dito. Dito naman daw ang aasikasuyin nila."

"Naks, makakasama ninyo sila ng matagal ngayon." sabi ni Fin. "Uy pasalubong ah?
galing kanila Tito tapos sa palawan."

"Mabuti kung ganon! makakasama na sya sa mga lakad namin. Sabihin mo sa parents mo
na mag-set ng dinner date okay? nung nakaraan hindi sila nakasama eh." tukoy nya
nung mag-propose si kaliwa kay Nissan. Parents lang ni Gia ang wala non pero nandon
ang magkapatid though nag-video call naman sila non pero saglit lang dahil may
lakad ang mag-asawa.

"Yes po, sasabihin ko iyon sa kanila." nakangiting sabi ni Gia.

"Oh sya sige na, naiistorbo ko na kayo, alam kong may mga kalokohan pa kayong
gagawin."

"Grabe sa kalokohan, Tita." sabi ni kaliwa.

"Aba totoo naman. Kahapon lang nalaman ko na inubos ninyo yung stuff toys sa claw
machine sa limang arcade sa mall." napailing na sabi ni Mama.

Ngiti-ngiti kaming lima sa sinabi ni Mama.

"At least nakatulong kami sa mga batang gustong magkaroon ng stuff toy." sabi ni
Fin.

"Kayo talaga. Sige na. Lumayas na kayo." sabi ni Mama kaya naman isa isa  silang
humalik sa pisngi ni Mama.

"Bye Ma-" pinutol ni Mama ang sasabihin ko.

"Oops dito ka lang."

"What?!" bigla ako napasigaw at nagtakip naman ng tainga ang apat. "Ma naman!"

"Mag-practice kayo ni Paris. Bukas na ang anniversary kaya kailangan ninyo ma-
perfect ang gagawin ninyo bukas." napapadyak padyak naman ako sa harapan nya.

"Ma naman, maglalaro kami ngayon eh." maktol ko.

"Aba pwede kayong maglaro sa susunod. Mas mahalaga ito." sabi ni Mama.
"Pero kailangan namin mag-practice dahil kasali kami sa tournament, 'di ba?" baling
ko sa apat.

"Pero pwede naman tayo mag-practice sa susunod na araw. Next week pa naman ang
tournament." sabi ni Fin. Sinamaan ko sya ng tingin. Hindi marunong makisama.

"Ayun naman pala eh. Mag-practice kayo ngayon ni Paris."

"Pero hindi po ba busy si Paris ngayon lalo na bukas ang anniversary?" buti pa si
kaliwa marunong makisama!

"Hindi. Sa katunayan nga sya ang nagsabi na magpra-practice sila ngayon ni Jade."

"Sa susunod na lang tayo mag-practice. Pahinga muna tayo." sabi ni Veron. "May
event din pala ako mamaya sa bar kaya kailangan gising na gising ako mamaya."

Nakasimangot ako sa kanila. Ayoko pa naman mag-stay dito para naman hindi nila alam
yon. Hindi ko maisip kung bakit naging bestfriend ko ang mga ito. Hindi marunong
sumuporta.

"Bye Jade." paalam nila na magdesisyon na sa susunod na lang mag-practice.

Pabalang na sumunod ako kay Mama papunta sa SC room. Nandon daw kasi si Paris.

"Ay ikaw na pala ang pumunta doon. Aasikasyun ko pa pala ang pagkain. Padadalhan ko
na lang kayo ng pagkain doon." sabi ni Mama na papasok kami sa building.

"Hindi pa, Ma. Kumain na ako, si Paris na lang dalhan ninyo."

"Sige." humalik ako sa pisngi nya at nagpatuloy sa pagpunta sa SC room.

May mga estudyanteng napapatingin sakin. Alam kong nagtataka sila lalo na iba ang
uniform ko sa kanila. Hindi man lang ako nakapagpalit ng damit. Bakit kasi
kailangan dito pa. Pwede naman sa bahay. Sigurado akong makikita ko ang mga
kaibigan nya dito. Okay na sya lang makita ko eh wag na sila Cess.

Kumatok muna ako sa pintuan bago buksan ang pintuan. Nakita ko si Paris na busy sa
table nya.

Yan ba ang hindi busy?

Pumasok ako nang tumingin sya sakin saglit. Naglakad ako papunta sa harapan nya.
Tumingin ako sa mga papel na nasa lamesa. Napangiwi ako sa dami. Hindi ba sya naii-
stress sa mga papel na yan?

"Magpra-practice ba tayo?" tanong ko sa kanya.

Tumango sya pero busy pa din sya. Talaga lang huh?

Naisipan ko munang maupo sa couch. Siguro magpra-practice kami pagkatapos ng


ginagawa nya. Kung matatapos ba naman.

Paupo na ako na mahagip ng mga mata ko ang gitara na nasa gilid.

"Pwedeng mahiram ang gitara?" tanong ko kay Paris.

Hindi naman sya sumagot. Tutok na tutok sya sa ginagawa nya. Nakitbitbalikat ako at
kinuha ang gitara. Napansin ko ang pangalan ni Chelsea sa gitara. Sa kanya pala
ito. Nagdadalawang isip tuloy ako kung gagamitin ko ba kaso wala ako ibang gagawin
dito kung hindi ko ito gagamitin. Pero sa huli ay kinuha ko pa din. Sayang time
kung walang gagawin.

Nag-iisip ako ng kakantahin ko nang bigla ako napatingin kay Paris. Nakatingin ito
sa harapan habang nakahawak sa baba nya na tila nag-iisip. Napansin ko ang blue
eyes nya.

Alam ko na ang kakantahin ko.

Nagsimula na ako mag-strum ng gitara.

My eyes are no good, blind without her


The way she moves, I never doubt her
When she talks, she somehow creeps into my dreams

Hindi ko alam pero bigla ko na lang naalala ang mga panahon na inis na inis sakin
si Paris kaya naman napangiti ako habang kumakanta.

She's a doll, a catch, a winner


I'm in love and no beginner
Could ever grasp or understand just what she means  

 Baby, baby blue eyes  

Pagkasabi ko non ay napatingin sya sakin pero hindi ako nakatingin sa kanya, sa
harap lang ako nakatingin habang patuloy sa pagkanta. Damang dama ko ang kanta lalo
na sya ang naiisip ko sa kantang ito. Sakto kasi sa kanta ang kulay ng mga mata nya
kaya bigla ko naisip na iyon ang kantahin.
Baby, baby blue eyes,
Stay with me by my side,
'Til the mornin', through the night.
Baby, stand here, holdin' my sides,
While closin' your eyes;
Every moment feels right.  

Ngayon sa kanya ako nakatingin habang kinakanta ang lyrics na yon. Nakatingin din
naman sya sakin pero wala emosyon syang pinapakita kahit na nakangiti ako sa kanya
habang kumakanta. Napailing na lang ako.

    My eyes are no good, blind without her


The way she moves, I never doubt her
When she talks, she somehow creeps into my dreams.

Pagtatapos ko sa kanta pero hindi na ako nakatingin sa kanya. Bigla ako nailang sa
titig nya. Tila na naman kasi ako nito nilulunod kaya minabuti ko ng umiwas para
safe.

Napatingin ako sa likuran ko nung may marinig akong palakpak. Napatayo ako bigla at
maingat na ibinaba ang gitara nya. Hindi ko napansin na pumasok sya.

"Wow, walang duda, ang galing mo ngang kumanta." sabi nya habang nakangiti.

Ngumiti naman ako sa kanya ng alanganin. "Sa-salamat." sabi ko.

Ngumiti din sya at lumapit kay Paris. Ngayon ko lang napansin na may dala syang
pagkain.

"Kain ka muna. Ako na bahala dyan." sabi nya.

"Pakiayos please?" sabi ni Paris bago tumayo at kinuha ang pagkain kay Chelsea.

"Yes, boss." halikgik na sabi ni Chelsea. Napangiti ako dahil ang cute nya. Kung
hindi ko lang nakilala sya na hindi nya kaibigan sila Cess, sigurado akong hindi
ako maiilang sa kanya. Sa kanilang magkakaibigan, sya ata ang mabait. Si Ino mabait
naman pero nakikisabay sa asaran minsan.

Naupo si Chelsea sa pwesto kanina ni Paris habang yung isa ay naupo sa tabi ko at
nagsimulang kumain.

"Kanta ka lang, Jade. Nakaka-relax ang boses mo eh." sabi nya.

Napakamot naman ako ng ulo. Bigla akong nahiya.


"Maririnig naman ninyo sya bukas. Hayaan mo muna ipahinga ang boses nya." sabi ni
Paris.

"Sabagay. Sige wag na nga." sabi ni Chelsea at nagsimula gawin ang ginawa ni Paris.

"Edi hindi tayo magpra-practice ngayon dahil ipapahinga ang boses ko?" patanong ko
kay Paris.

"Sinabi ko na 'muna' ibigsabihin saglit lang." sabi nya.

"Sabi ko nga." sabi ko na lang dahil napatigil sya sa pagkain para lang sabihan
ako. Mukha syang gutom kaya hahayaan ko muna sya.

"Hinahanap ka pala ni Kris kanina." sabi ni Chelsea.

Tumingin ako kay Paris. Tila nag-light ang mood nya pagkarinig nya sa pangalan ni
Kris. Napailing ako, nahihibang sya na nagkagusto sya sa pinsan, okay na lesbian
sya pero ang magkagusto sa pinsan, nahihibang na sya.

"May sinabi ba sya sayo?" tanong nya naman.

"Oo, sinabi nya na tulungan mo daw sya sa kompany nya. Wala daw kasi tutulong sa
kanya ngayon. Tambak ang gawain nya kaya humihingi ng tulong."

"May sinabi ka ba sa kanya?" tanong nya habang kinukuha ang cellphone sa bulsa nya.
Ite-text siguro si Kris.

"Sinabi ko na baka hindi mo sya matulungan dahil anniversary bukas, busy ka


ngayon." sabi ni Chelsea habang nasa papel ang tingin. Hanep multitasking.

"Bakit mo sinabi yon?" tila naiinis na sabi ni Paris.

"Eh sa busy ka naman talaga. Wag mong sabihin na tutulungan mo sya? magpra-practice
kayo hindi ba? may gagawin ka pa mamaya sa stage, yung mga stall pa iche-check mo."
napakabusy naman pala nito ni Paris tapos siningit nya pa practice namin na okay na
din naman.

Napabuntong hininga si Paris. Mukhang naghinayang na hindi nya matutulungan si Kris


sa sobrang busy nya. Talagang gustong gusto nito si Kris. Grabe ang taong ito.
Magkakagusto na lang sa pinsan pa.

"Busy ka pala, sana hindi na lang tayo mag-practice. Okay na din naman ang gagawin
natin bukas." sabi ko.
"Kailangan maayos na maayos. Hindi ka naman nag-aayos sa mga practice natin." pang
susungit nya.

"Maayos kaya." sabi ko. Inirapan nya ako pero ako nailing lang.

"Mag-practice na tayo." sabi nya.

Napatingin ako sa pagkain nya. Tila nakakadalawang subo lang sya sa pagkain nya.

"Ubusin mo muna kaya yan? kaya ang payat mo eh." sabi ko kahit naman na ang sexy ng
taong ito.

"Anong sabi mo?" masamang nakatingin sya sakin.

"Ang payat mo." ulit ko dahil natutuwa ako sa tingin nya. Akala nya naman natatakot
ako sa kanya. Parehas lang naman sila ni Gia kung mainis kaya hindi ako natatakot.

"You..." mariin na sabi nya na tila nauubusan ng pasensya. "Umalis ka na nga lang."

"Good!" sabi ko at tumayo. Mas pabor yon sakin, anong akala nya?

Natawa ako nang makitang inis na inis si Paris bago ako lumabas ng SC room pero
napatigil din nang makita ko ang mga kaibigan nya.

"Jade my loves!" sabi ni Marie. Lalapit na sana sya sakin pero inunahan sya ni Rin.

"I missed you Jade! dito ka muna." at hinila nya ako papasok ulit ng SC room.

Hindi ako nakapag-react agad sa sobrang gulat na makita sila. Panay naman ang harot
ng tatlo sakin.

Gosh! kaya ayokong makita ang mga ito eh!

------------------------------
        Chapter 11 [Mi Amore Series#2: My Hot Pre...]

      

Jade's POV

Hindi magkaugaga ang mga tao sa back stage sa nalalapit na palabas. Tumingin ako sa
orasan na nakasabit sa pader. Ilang minuto na lang magsisimula na ang palabas pero
parang hindi pa okay ang lahat dahil nagkakagulo ang mga tao rito.

"Ano ba?! bilisan naman ninyo oh! malapit na tayo mag-umpisa!" sigaw ni Cess.

Napailing ako. Kung kailan malapit na mag-umpisa, hindi sila magkadaugaga.

"Nasaan si Paris?!" sigaw ulit ni Cess.

Doon naman ako napatingin sa paligid para hanapin si Paris. Kanina ko pa pala yon
hindi nakikita simula nung dumating ako. Sakto naman pumasok sya ng back stage.

"Bakit nagkakagulo pa din kayo? mag-uumpisa na." sabi ni Paris.

"Mag-uumpisa na nga bakit hindi ka pa din nakaayos?" tanong ni Ino sa kanya. "May
speech ka pa, aba mag-ayos ka na."

Nakausot na long sleeve polo while si Paris tapos naka-black pants sya.

"Papatungan ko lang ito ng blazer." nakakunot ang noong sabi ni Paris.

"What?! hindi ka magdre-dress?!" ang highblood ata ngayon ni Cess. Kanina pa sya
sigaw na sigaw.

"Hindi." sagot ni Paris.

Napa-facepalm ang mga kaibigan nya. Napangiti ako. Si Cess at Ino naka-dress silang
dalawa at napaka-daring ng dress nila kaya yung ibang lalaki dito kahit na busy,
nagagawa pa din tumingin sa dalawa. Iniisip ko nga kung ano ang gagawin nila at
nakaayos din sila.

"Sinabihan ko na yan pero ayaw nya talagang mag-dress ngayon." sabi ni Chelsea na
lumapit sa tatlo.

Naka-uniform lang si Chelsea at dala nito ang blazer ni Paris. Tinulungan nyang
isuot ang blazer kay Paris.

"Jade. Nandyan ka pala." bati ni Chelsea nang makita ako. Napatingin naman sakin
yung tatlo. Ewan ko nga sa kanila kung bakit hindi nila ako napapansin kanina, eh
nasa likuran lang nila ako at sampung hakbang lang ang pagitan namin.

"Ohmygosh! Jade! ang ganda mo!" napangiwi ako sa sinabi ni Cess at mabilis na
lumapit sakin. Pinatitigan nya ako mula paa hanggang ulo.

Nakasuot ako na Mermaid Halter Silver Dress. Wala sana akong balak na magsuot nito
dahil kitang kita ang kurba ng katawan ko, wala akong balak ipalantaran ang
kasexyhan ko 'no, lalo na kanila Cess, baka lalo lang nila ako hindi tantanan kaso
si Mama, ayaw magpapigil. Kailangan daw maganda ako ngayon dahil anak nya ako. As
if dito ako nag-aaral. Tapos ang dating buhok ko na laging naka-ponytail, ngayon ay
nakalugay tapos pinakulayan pa ni Mama ang ibabang parte.

"Hot." narinig kong sabi ni Ino at sumipol pa ito.

"Damn, you're so freaking sexy and hot, Jade!" sabi ni Cess.

"Cess, tigilan mo yan para kang manyak dyan eh." sabi ni Chelsea at tumabi sakin ng
tayo. "Kulang na lang maglaway ka dyan."

"Ganyan naman talaga yan kapag nakakita ng sexy." sabi ni Ino habang nakangisi. Sa
ginawa nyang yon ay nagmumukha syang nang-aakit lalo na kaakit akit ang suot nya
ngayon.

"Pwede ba kitang maaya na lumabas? saktong sakto ang suot natin." sabi ni Cess.
Napailing ang dalawa sa pag-aaya ni Cess.

"Cess let's go na." singit ni Paris. Tinignan nya ako saglit tsaka naglakad papunta
sa gilid ng stage.

"Shoot, later na lang Jade." sabi nya at kumindat pa bago sumunod kay Paris.

"Wag mo na lang pansin yon." sabi ni Ino. "Doon lang muna ako, maya maya lang
sasalang na kami." tumango kami ni Chelsea sa kanya at umalis na sya.

"Anong gagawin nila?" tanong ko. Naging komportable na din ako kay Chelsea dahil
sya ang kasama ko kahapon at sya din ang naglalayo sakin kanila Cess kaya naman
hindi na ako naiilang sa kanya. Ibang iba talaga si Chelsea sa mga kaibigan nya.
Masasabi kong sya ang pinakamatino bukod kay Paris.
"Sasayaw ang mga yan."

"Na naka-dress?" takang tanong ko.

"Oo, daring kasi ang isasayaw ng dalawang yon." iling na sabi nya. "Hindi dapat
sila papayagan ni Ma'am Jo dahil may mga board members din ang manonood ngayon kaso
nakisali sa pamimilit ang dalawa kaya ayan pinayagan sila."

Napangiwi ako. Tila silang baliw, karamihan sa board members ay lalaki. Bahala
sila, gusto nila yan eh.

"Tara sa dressing room? huli ka pa naman eh, maiinip ka lang dito." sabi ni
Chelsea.

Nakakainis nga at huli ako. Sampu daw kaming mag-e-entertain tapos may mga speech
pa ang mga taong successful ngayon na dito grumaduate. Daming alam ni Mama, akala
naman nya makikinig ang mga estudyante sa mga speech na mga yon. Ang habol lang
naman ng mga estudyante na nanonood ay yung mga palabas na gagawin nila.

Punong puno na nga ang auditorium nung sumilip ako kanina, may mga nakatayo pa sa
gilid. Kahit naman hindi sila pumunta dito ay live naman sa monitor ang mangyayari
rito. Iyon ang maganda sa school na ito tuwing may event, live ang bawat palabas na
nangyayari lalo na sa mga laro dahil sa sobrang daming tao sa gym ay hindi
makapanood ang iba.

"Hindi ka ba busy ngayon?" tanong ko kay Chelsea na prenteng nakaupo sa upuan at


nagbabasa ng magazine.

"Tapos na ang duty ng SC sa event ngayon, ang ROTC na lang ang naka-duty para
magbantay sa event, so I'm not busy." sabi nya na hindi ako nililingon.

Napatango na lang ako sa kanya.

"Inimbitahan mo ba ang mga kaibigan mo pumunta dito?" tanong nya.

"Ah hindi, hindi sila mahilig sa ganitong event." si kaliwa lang naman hindi
mahilig sa ganitong event pero kapag ayaw non ayaw na din namin. Hindi kami solid
sa kalokohan kung wala ang isa. Naipilit lang namin yon sa foundation day sa school
dahil kasama si Nissan.

"Close na close kayo ng mga kaibigan mo 'no?" sabi nya na ngayon ay nilingon ako.

"Ah oo, since birth na kasi kami magkakasama dahil magbe-bestfriend din ang mga
magulang namin." sagot ko. "Kayo ba nila Paris?"
"Kami ni Paris since kinder, lamang yung apat nitong college lang."

"Paano ninyo naging kaibigan ang mga yon? I mean kasi..." manyak kasi ang mga yon.
Gusto ko sanang sabihin kaso wag na lang alam naman nya yon.

"Pagpasensya mo na ang mga yon ah? sa katunayan nga hindi ko din alam." natatawang
sabi nya. Tinignan ko lang sya dahil wala naman nakakatawa sa sinabi nya. Napaayos
sya ng upo nang mapansin na tinitignan ko lang sya.

"Nahahawa ka na ata sa kanila." sabi ko.

"Sila ba naman ang kasama mo araw-araw? pero seryoso, hindi ko na matandaan kung
paano namin sila naging kaibigan ni Paris. Sa pagkakatanda ko sumama na lang sila
samin bigla sa table tapos ayun na." sabi nya at nakatingala na tila iniisip ang
nakaraan.

"Lahat ba kayo naglalaro ng baseball?" tanong ko.

"Oo, nakisali lang yung apat dahil kasali kami ni Paris. Since elementary kami ni
Paris ay naglalaro na talaga kami ng baseball." sabi nya. "Pero magagaling din yung
apat na yon lalo na sa batting, nakaka-home run ang apat na yon."

"Wow, magaling nga sila kung ganon."

"Ikaw ba? bakit ka tumigil sa paglalaro ng baseball?" alam kong tatanungin nya yon.

"Sekretong malupit. Akala ko si Paris ang pitcher dahil ang bilis ng pitch nya."
natawa sya nung hindi ko sinabi ang dahilan.

"Pitcher sya pero ayaw na nya magpitch kaya nag-catcher sya." sabi nya.

"Bakit?"

"Sa braso nya, winarningan sya ng doctor na kapag pinagpatuloy nya ang pagpi-pitch,
masisira ang baseball career nya. Kaliwete si Paris noon pero nung elementary kami
na-injury ang kaliwang braso nya, hindi na nya iyon magagamit pa. Muntikan na sya
tumigil sa paglalaro ng baseball noon pero naisip nya ang kanang braso nya at
pinagpatuloy ang paglalaro ng baseball." kwento nya.

Mahal na mahal ni Paris ang baseball kung ganon. Nasira na ang kaliwang braso nya
pero hindi sya tumigil sa paglalaro ng baseball. Napahanga ako sa determinado nyang
maglaro ng baseball. Kung kaya ko lang din maglaro ulit, bakit hindi? kaso takot na
ako maglaro pa non, baka maulit pa ulit yon.
Dalawang oras ang itinagal ko sa dressing room na ikinaidlip ko pa dahil sa mga
speech ng mga guest ni Mama na ginawang kalhating oras. Grabe, sigurado akong
kokonti na lang ang mga taong manonood sa ginawa nila at may mga nakatulog.

"Good luck." sabi ni Chelsea. As if naman contest ito.

Nginitian ko na lang sya at lumapit kay Paris na nasa gilid. Dala nya ang violin
nya. Tumingin sya sakin saglit tapos sa stage.

"My daughter, Jade Monasterio and Student Council President, Paris Gremory!" sabi
ni Mama at nagpalakpakan naman ang mga audience.

Nagulat ako nung inalalayan ako ni Paris na umakyat ng stage hanggang sa papunta sa
gitna ay hindi nya ako binatawan.

"Galingan mo, anak." rinig kong bulong ni Mama sa gilid. Nginitian ko sya at
humarap sa audience.

Hindi ko sila masyado makita dahil madilim sa parte nila pero parang hindi sila
nabawasan.

Tumingin ako kay Paris at tumango. Iniligay nya sa balikat nya ang violin nya at
sinimulan tumugtog.

When I am down and, oh my soul, so weary


When troubles come and my heart burdened be
Then, I am still and wait here in the silence
Until you come and sit awhile with me  

You Raise Me Up ang kinakanta ko ngayon. Hindi pa man graduation pero gusto ko
ipadama sa mga estudyante dito kung gaano kalaki ang naitulong ng school na ito sa
kanila. Katulad ng mga guest ni Mama, kilalang mga successful sila at ang dami na
nilang nagawa sa buhay. Malaking tulong ang school na ito dahil madami ka talagang
matutunan at madaming offers agad ang naghihintay sayo paglabas mo ng paaralan na
ito.

Nung nag-aaral pa ako dito, may mga time talaga na ang hirap ng mga gawain at sabay
sabay pa pero pagkatapos naman ng lahat ng iyon, maiisip mo talaga na worth it
naman ang lahat dahil hindi naman ipapagawa ng professor ang mga project na yon
kung hindi ito makakatulong sa pag-improve ng knowledge.

Hindi lang pahirap ang school na ito. Madami ding activities na pwedeng mag-enjoy
kaya hindi lugi ang mga estudyante dito lalo na after exam may pa-camping sila Mama
sa mga makakapasa kaya lahat talaga ng estudyante dito subsob sa pag-aaral.

Napangiti ako na sinasabayan na ako ng ilang estudyante sa pagkanta. Nakataas pa


ang mga kamay nila ay sina-sway nila ito. Nakita ko naman sa harapan na nakaupo ay
may tila umiiyak pa.

Tumingin ako kay Mama na hindi pa ako kumakanta. Nakita ko sya na tila naluluha.
Ngumiti sya sakin at nag-thump ups. Ngumiti din ako sa kanya at tumingin kay Paris
na nakapikit habang tumutugtog. Napansin nya atang nakatingin ako sa kanya kaya
napadilat sya.

Napatitig ako sa mga mata nya. Hindi din naman sya umiwas ng tingin habang
tumutugtog. Ngumiti ako sa kanya. Umiwas ako ng tingin sa kanya nung kakanta na
ulit ako. Mabuti na lang hindi ako tuluyan nalunod ng mga mata nya.

You raise me up, so I can stand on mountains


You raise me up, to walk on stormy seas
I am strong, when I am on your shoulders
You raise me up... To more than I can be  

May naririnig na akong hiyaw sa pagtaas ko ng boses dahil ang taas naman talaga ng
part na yon. Sinasabayan pa din naman ako ng iba na tila na damang dama nila ang
kanta.

You raise me up... To more than I can be  

Pagtatapos ko, nagpalakpakan naman silang lahat at nagsisigaw. Nakangiti ako sa


kanila. Tumingin ako kay Paris tapos sa kamay nyang nakalahad. Hinawakan ko iyon ay
sabay kaming nag-bow sa harap ng audience.

"Let's give them a warm of applause!" Lalo pa nagpalakpakan ang mga estudyante.
"Jade and Paris! gosh ang gagaling ninyo." sabi ni Mama. Ngumiti lang kami sa kanya
ni Paris. "Nakaka-touch ang ginawa ninyo, damang dama namin ang kanta mo." ngumiti
lang ulit kami. "Again, Jade and Paris!"

Ngumiti muna kami sa audience bago um-exit. Sinalubong naman kami ng mga kaibigan
ni Paris.

"Oh-my-gosh! babe Jade ang galing mo!" sabi ni Marie na mabilis na nakakapit sa
kanang braso ko habang sa kaliwa naman si Rin.

"Baby ang galing mo naman." sabi ni Cess at hinawakan ang pisngi ko. Ang lapit din
ng mukha nya sakin at mukha pa syang nang-aakit pero syempre hindi ako naakit.
Napangiwi pa ako sa ginawa nya.

"Cess." natatawang awat ni Chelsea.

"Lumabayan ninyo si Jade." sabi ni Ino sa dalawa kaya naman umalis sa pagkakapit
sakin ang dalawa.
"Ang galing mo pala talaga kumanta, Jade." sabi ni Chelsea.

"Thank you." nahihiyang sabi ko.

"Jade, Paris!" napatingin kami sa likuran namin. "Picturan ko kayong dalawa, dali."
sabi nya at pinapatabi nya kaming dalawa ni Paris.

"Ang daya silang dalawa lang?" maktol ni Cess.

"Mamaya na kayo, sila muna. Game." itinapat samin ni Mama ang cellphone nya.

Umayos naman ako ng tayo at ngumiti sa camera.

"Grabe, Paris smile naman dyan tapos ayos ng tayo para ka ewan dyan." sabi ni
Chelsea.

"Oo nga, mahiya ka naman kay Jade, ang ganda ganda eh." pinilit kong gawin ngiti
ang ngiwi ko dahil sa sinabi ni Marie.

"Isa pa." sabi ni Mama kaya umayos ulit kami pero sa pagkakataon ito nasa likuran
ko ang kamay nya.  "Nice! ang ganda, isa pa dali!"

"Ma, abusado?" sabi ko. Medyo nailang ako sa lapit namin ni Paris.

"Last na, game tingin sa camera." napailing na lang ako kay Mama at sinunod na lang
ang gusto nya. "Ang ganda talaga, bagay kayong dalawa. Anyway, tara..."

"Lah kami pa!" hirit nila Cess.

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Mama na bagay kami ni Paris. Nakipagpicturan ako
kanila Chelsea, natagalan pa dahil sobrang dami nilang shots. Pagkatapos ay
nagpaalam ako sa kanila na magpapalit ako damit para makauwi na din.

Mabilis ako nagbihis. Hindi na muna ako nagtanggal ng make up, sa bahay na lang at
hinayaan ko din na nakalugay ang buhok ko. Lumabas ako ng dressing room at hinanap
si Mama para magpaalam.

"Chelsea, si Mama nakita mo?" tanong ko.

"Ah kasama ang mga guest nya nag-tour sa campus." sagot nya.

"Sige, salamat." ite-text ko na lang siguro si Mama. "Mauna na ako." paalam ko sa


kanya.

"Ingat." ngumiti ako sa kanya at naglakad palabas ng auditorium.

Habang naglakad ay panay ang tunog ng cellphone ko. Yung tunog pa naman na yon ay
may nag-notification sa mga account ko kaya naman tinignan ko kung ano yon dahil
bihira lang ako makatanggap na ganito kadaming notif.

Sa twitter. Huminto ako sa paglalakad at gumilid para hindi makaharang sa daan.


Tinignan ko ang naka-tag sakin na post ni Mama. Napa-what-the-hell ako nung makita
ang picture namin ni Paris at nakakapaggulat pa na hindi kami pareho nakatingin sa
camera dahil sya nakatingin sakin habang ako nakaall-smile sa camera. Hindi ko alam
na nakatingin pala sakin si Paris, akala ko kasi hindi nya ako tinitignan.

Binasa ko ang mga comment lalo na ang apat na kahit tatlong minuto palang
nakakalipas na ma-post ni Mama yung picture, update na update agad sila.

kaliwakyo:
Walis ang nagdala.

finfantasticalonso:
Ang ganda ng dress mo, pahiram!

verongarcia:
Wow! Paris is so hot!

giannispark:
Nice dress, I like it! pahiram ako.

Kita mo nga naman, napaka-supportive ng mga ito. Tinignan ko din ang mga comment ng
iba, nandon si Papa na sinabihan na ang ganda ko daw. Buti pa si Papa. Pero may mga
comment pa yung apat, mabuti naman tungkol na sakin.

verongarcia:
Nice hair Jade! maglugay ka na palagi, bagay sayo yan.

kaliwakyo:
Nagmukha kang tao ngayon, Jade.

Siraulo itong si kaliwa. Hindi talaga matino ang isang ito.

giannispark:
Btw, you look hot, Jade. Try mong ilugay buhok mo palagi na magkaboyfriend ka.

finfantasticalonso:
Sexy naman this girl. Curve na curve ang coca-cola. Nagmahal na ang mga softdrinks,
ikaw kaya kailan magmamahal? hahaha!

      kaliwakyo replied:
      Mauunahan ka pa nyan, maniwala ka sakin.

      giannispark replied:
      Kanino kay Paris? why not? bagay naman sila.

      verongarcia replied:
      Ayyiieeeuutt!

      finfantasticalonso replied:
      Tarantado ka Veron! HAHAHAHA!

       kaliwakyo replied
      Gago! Hahahahahaha!

Tarantado talaga. Pinagsasabi nito ni Veron? bwisit ang mga ito kaya pala tunog
nang tunog cellphone ko dahil ginawang gc ang post.

Bago ko in-exit ang twitter ay tinitigan ko muna si Paris sa picture namin dalawa.
Sa dami na pwedeng ipost ni Mama ito pa. Pero ang ganda nito. Sinave ko ang picture
namin at naglakad ulit. Wala akong kotse kaya mag-aabang ako ng taxi.

Pero may iba ang tumigil sa harapan ko. Kotse pa lang ay kilala ko na. Ibinaba nya
ang bintana.

"Hop in." nakangiting sabi nya.

"Sean." banggit ko sa pangalan nya at pumasok sa loob.

"Wow, Jade, ang ganda mo ngayon ah." sabi nya bago nya pinatakbo paalis ang
sasakyan.

"Ngayon lang?" natawa sya sa sinabi ko.

"Gumanda ka lalo ngayon." sabi nya at tumingin sakin saglit. "Lahat naman kayo
magkakaibigan magaganda."

"Pero mas maganda si kaliwa sa paningin mo." sabi ko at natawa naman sya. Napailing
ako at napangiti. Sa labas ng bintana na lang ako tumingin.

"Pero mas maganda ka ngayon sa paningin ko." habol nya kaya napatingin ako sa
kanya. "Ngayon lang kita nakita na nakalugay ang buhok mo tapos nag-iba na din ang
kulay, naka-make up ka pa kaya nakakagulat na sobrang ganda mo ngayon."

"Thank you." nakangiting sabi ko sa kanya. Nakaka-flattered talaga itong si Sean.


Kaya madaming nagkakagusto sa taong ito sa mga papuri nya. Buti nga hindi nagselos
si kaliwa noon sa ginagawa nya.

"Nah, nagsasabi lang ako ng totoo."

"Oo na lang." natatawang sabi ko.

-------------------------------

        Chapter 12 [Mi Amore Series#2: My Hot Pre...]

      

Jade's POV

"Sabihin mo nga Michael, bakit kailangan nandito ako?" tanong ko sa kapatid ko


habang nasa field ang tingin.

"Pinapapunta tayo ni Mama dito dahil after game daw may date kayo ni Paris."

"What?" pinagsasabi nito? date kami ni Paris?

"Treat daw ni Mama sa inyo dahil sa magandang performance ninyo kahapon." sabi
nito. Tinignan ko sya kung seryoso ba sya sa pinagsasabi nya.

Mukhang seryoso naman sya pero what the hell? kami ni Paris magda-date? imposibleng
pumayag ang isang yon tsaka hindi na kailangan pa ni Mama i-treat kami ng date.

Tumingin ulit ako sa field. Malayo kami sa mismong field pero kita naman namin ang
mga naglalaro. Nasa nine inning na sila at lamang sila Paris, sigurado akong
matatapos din ito agad dahil lima score ang hahabulin ng kalaban.

Nag-pitch si Cess, nag-swing naman ng bat ang kalaban pero hindi ito natamaan, yun
nga lang hindi nasalo ni Paris ang bola na ikinatayo ko sa inuupan ko dahil
dumiretso ang bola sa head gear nya. Napatayo si Paris at parang chinecheck nya ang
sarili nya. Maya maya nagpatuloy sila sa paglalaro.

Mukhang hindi naman nasaktan si Paris sa nangyari.

Nakahinga ako ng maluwag. Akala ko matutulad pa sakin si Paris, mabuti na lang


hindi ganon kabilis ang pitch ni Cess na pinagtataka ko kung bakit hindi man iyon
matamaan ng kalaban.

Pagkatapos ng laro ay lumapit kami sa kanila. Si Mama sa sobrang daming time nagawa
pang manood ng game na 'to. Kakaiba sya sa mga may ari ng school, lahat ata ng
event or game nandon sya para suportahan ang school nya kaya hindi na ako nagtataka
na close na close sya ng bawat estudyante sa school.

"Congrats, girls!" bati ni Michael kaya napatingin silang lahat samin.

"Jade!" at syempre nandito sila Cess, lalapitan nila ako.

"Hep! wag ninyong lapitan si Jade, pawisan kayo." nakahinga ako ng maluwag dahil
pinigilan ni Chelsea ang tatlo. Lumingon sya sakin kaya ngumiti ako sa kanya.
Savior talaga itong si Chelsea pagdating sa tatlo.

"Nandito na kayo, Paris ito ang susi. Enjoy kayo okay?" sabi ni Mama at binigay ang
susi kay Paris.

Nakabuntong hininga si Paris na tinanggap ang susi kay Mama.

"Tita, you don't have to do this. Alam ko pati si Jade ayaw nito." sabi ni Paris.

"No, gusto ko mag-enjoy kayong dalawa dahil deserve ninyo ang gift ko sa inyo."
sabi ni Mama. "Jade, come here." lumapit ako sa kanya. "Since wala naman kayo pasok
bukas, hanggang bukas kayo doon." sabi nya.

"Saan?" takang tanong ko. "Kaming dalawa lang?"

"Oo, basta alam na ni Paris kung saan." sabi nya.

"What?! silang dalawa lang?!" napatingin kaming lahat kay Cess.

"May problema ka Cess?" tanong ni Chelsea.


"Bakit sila lang?" takang tanong ni Marie.

"Sana kasama naman kami." sabi ni Rin.

"Bakit sila lang may gift? nag-perform din naman kami ah." sabi ni Ino.

"Oo nga, Tita! unfair!" sabi ni Cess.

"Hay nako, itre-treat ko na lang kayo sa restaurant." sabi ni Mama. "Sige na,
umalis na kayo. Para masulit ninyo ang bakasyon ninyo. Kung magustuhan ninyo pa
mag-stay sa linggo na kayo umuwi." dagdag nya.

"Daya!" sigaw nila Cess pero hindi sila pinansin ni Mama dahil pinagtutulakan
kaming dalawa ni Paris paalis.

"Umuwi muna kayo at kumuha ng gamit." sabi ni Mama. "Enjoy!"

Labag sa loob ko ang sumunod kay Paris papunta sa kotse nya. Tahimik lang sya pero
seryoso ang mukha nya. Lagi naman.

Niligay nya sa back seat ang bag nya at pumasok sa driver seat. Walang imik naman
ako sumakay sa passenger seat. Tahimik pa din sya na pinaandar ang sasakyan paalis.
Tumingin na lang ako sa labas ng bintana. Lagi naman din ganito kapag magkasama
kaming dalawa. Nakakapag-usap lang kami kapag may itatanong.

"Sa bahay na muna tayo para makapag-shower ako." sabi nya.

"Sige lang." sagot ko.

Pagdating namin sa bahay nila niyaya nya ako pumasok sa loob dahil matatagalan daw
sya. Nanonood na lang ako ng tv habang iniinom ng juice na bigay ng kasambahay nila
habang hinihintay sya.

Naisip ko tuloy kung saan ba kami pupunta ni Paris at hindi sinabi sakin ni Mama
kung saan ba.

Napatingin ako sa gilid ng couch nung may sumilip na bata or baby dahil sa tantsa
ko ay nasa isang taon pa lang ito. Nakaluhod na tila gumagapang ito. Napatingin din
sya sakin tapos gumapang papalapit sakin.

Natuwa ako dahil ang cute din nya tapos mapisngi pa sya.
"Hi." nakangiting bati ko sa kanya. Kumapit sya sa upuan at pilit na tumayo,
inalalayan ko naman sya dahil baka matumba sya at tumama sa coffee table.

Napangiti ako lalo naung ngumiti sya sakin. Gusto ko tuloy syang tadtarin ng halik
pero magkaimpeksyon sya. Hindi maganda sa baby na tadtarin ng halik.

Binuhat ko sya at inupo sa tabi ko.

"Hello, baby." sabi ko habang hawak hawak ang maliliit nyang kamay. "Bakit ka mag-
isa? sino kasama mo?" tanong ko na akala mo naman sasagutin ako.

Yung isang kamay nya na tila nanghahampas at tumawa ang baby. Hinawakan ko ang
pisngi nya at kinurot ng mahina na alam kong hindi sya masasaktan, lalo pa nga sya
natuwa eh.

"Ang cute cute mo, baby." nanggigigil na sabi ko pero hindi ko sya pinaggigilan.

"France? Nay si France!" napatingin ako kay Paris na nakababa na pala at dala ang
isang duffle bag.

May isang matandang babae ang lumabas sa kusina.

"Nako! paanong nakalaabas ang batang yan sa crib, jusko po." lumapit samin ang
matanda.

Lumayo ako nung kunin ng matanda si baby.

"Sino po ba nagbabantay kay France?" tanong ni Paris. Nakatingin sya kay baby na
nakangiting nakatingin sa kanya. Nakita ko naman na napangiti din si Paris sa
kanya.

"Nako, wala, busy ang lahat kaya pasilip silip ako sa crib nya. Hindi ko alam na
nakaalis na pala ito sa crib nya." sabi ng matanda. "Napalikot talaga nitong batang
ito." dagdag nya at hinalikan sa pisngi si baby.

"Hey little boy, wala lang si Mommy, naglilikot ka na." pakausap ni Paris kay baby
na magiliw naman natawa. Pati ako napangiti kay baby. Ang cute cute nya.

"Aalis ka ba ngayon?" tanong ng matanda kay Paris.

"Opo pero hindi na ako sure kung aalis pa ako lalo na walang bantay kay France."
sabi nya at kinuha si baby sa matanda.

Doon naman ako napansin ng matanda, nagulat pa itong nandito pala ako. Mukha ba
akong multo at hindi nila alam na nandito lang ako?

"May kasama ka pala." ngumiti sakin ang matanda kaya nginitian ko din sya. "May
kasama ka pala, hindi naman pwedeng ica-cancel mo ang lakad ninyo. Uuwi din naman
Mommy mo dahil nasa bahay lang yon ng kapatid mo."

"Kanina pa po ba umalis?"

"Mga kalhating oras na, alam mo naman yon makikipagkwentuhan pa."

"Bakit hindi nya sinama si France?" hindi inindian ni Paris ang hampas sa kanya ni
baby. Gusto ko sanang matawa dahil panay ang hampas sa mukha nya si baby.

"Tulog kasi sya kanina kaya hindi na isinama pa." sagot ng matanda.

"Sige po, hihintayin na lang muna namin si Mommy bago umalis. Ako muna bahala kay
France." sabi nya.

"Ikaw bahala, sige doon muna ako sa kusina." tumango si Paris at umalis na papunta
sa kusina ang matanda.

"Kapatid mo?" tanong ko. Tumingin sakin si Paris at tumango. Nagulat naman ako.
"Nakaya pa ng Mommy mo ang manganak?"

"Bata pa naman si Mommy. She's thirty five years old." sagot nya at naupo sa couch
habang nasa kandungan nya si baby na nilalaro nya.

"Seryoso? edi ang bata pa pala nya nung- ikaw ba panganay?" tumango sya. "Ilan taon
sya nung pinanganak ka nya?"

"Fifteen years old."

What the hell. Ang bata pa non! sobrang aga naman ng Mommy nya magkaanak.
Siguradong ang bata pa ng Mommy nya.

Tinignan ko si baby na nakatingin kay Paris. Ang cute lang. Magkahawig sila ni
Paris pero yung jolly naman na Paris ang makikita kay baby.

Bigla itong tumawa nung tumingin sa kanya si Paris at pinaghahampas sya kaya natawa
din ako sa kakulitan at ka-cute ni baby.

"France. Arh!" naiinis man pero hindi naman nya mapigilan si baby kakahampas sa
kanya. "Bakit mo ba lagi akong hinahampas?" kausap nya dito at hinalikan sa pisngi.
Natuwa naman si baby at niyakap ang mukha ni Paris kaya naman napangiti si Paris.

"Mukha ka atang punching bag." biro ko na ikasama nya ng tingin sakin pero
tinawanan ko lang.

Tumingin sakin si baby at nagpapakalong sakin. Tumingin ako kay Paris. Walang
salitang inabot nya sakin si baby.

"Yes baby?" kausap ko sa kanya. Tumawa sya at hinampas ako. Nagulat ako sa ginawa
nya. Tinawanan lang ako ni baby.

"Sino ang punching bag?" nakaarko ang isang kilay na tanong ni Paris.

Napailing na lang ako. Umupo ako sa couch at inupo sa lap ko si baby.

"Ikaw ah, bad yon." sabi ko na akala mo naman alam nya ang pinagsasabi ko.

Napatingin ako kay Paris na naupo sa tabi ko. Ibinalik ko ulit ang tingin kay baby.

"Laway." sabi ni Paris at pinahiran ang laway ni baby.

"One year old palang si baby 'no?" tanong ko.

"Yeah, last week birthday nya." napatingin ako sa kanya.

Last week lang? sana pala nakilala ko agad si baby. Sa tuwing pumupunta kasi ako
dito wala ang parents nya kaya hindi ko pa din nakikilala ang parents nya.

Mga kalhating oras pa kami nagtagal ni Paris dahil hindi pa din dumadating ang
Mommy nya. Nakatulog na nga sya sa couch habang nakasandal sa balikat ko. Ganon din
si baby na mukhang napagod kakalaro sakin kaya ang resulta, naging unan ako na
magkapatid na ito.

Medyo nangangalay na nga ako dahil kapag gumalaw ako, may magigising sa dalawang
ito. Sakit na ng balikat ko at braso ko sa dalawang ito. Sana dumating na mommy
nila.

Si manang nga naaawa na din sa kalagayan ko pero ayoko naman gisingin si Paris
dahil alam ko minsan lang ito makaramdam ng pahinga kaya hinayaan ko muna.

May pumasok sa bahay nila Paris pero hindi ako makalingon kung sino yon dahil
nakaharang ang ulo ni Paris. Mabuti na lang naglakad sya papalapit samin at nagulat
sya nang makita ang dalawa na natutulog sakin.
Mukha pa lang ay mukhang Mommy nila Paris ito. Ang bata pa nga nya talaga. Para
syang ate nila Paris kung titignan at hindi rin halata sa kanya na nanganak sya
last year. Kahawig nya si Paris. Hindi na ako magtataka kung bakit napakaganda nito
ni Paris. May pinagmanahan naman pala.

"Gosh, pasensya na kung nakatulog ang mga batang yan sayo. Ginawa ka pa talagang
unan." napapailing na sabi nya.

"Wala po iyon, ma'am." nakangiting sabi ko

"Ikaw ba yung unica hija ni Jo?" tanong nya habang dahan-dahan nya kinukuha sakin
si baby.

"Sa ngayon, yes po." sagot ko dahil hindi pa namin alam kung lalaki o babae ba ang
sunod namin kapatid.

"Tita na ang itawag mo sakin. Nasabi sakin ni Jo na may lakad kayo ni Paris. Bakit
nandito pa kayo?" sabi nya.

"Wala po kasing magbabantay kay baby kaya kami po muna ang nagbantay. Busy din po
kasi si manang."

"Pasensya na ah? nawili kasi ako sa pakikipagkwentuhan kaya nakalimutan ko na may


baby pa pala akong aalagan." natatawang sabi nya.

Ang hinhin nya. Ang layo ng ugali nya kay Paris. Siguro sa Daddy nya sya nagmana na
pagiging seryoso at masungit. Ang bait kasi ng Mommy nya at palangiti pa.

"Wala po yon. Hindi din naman po kami nagmamadali." sabi ko.

"Sayang pa din ang oras para mag-enjoy kayo. Gisingin mo na yan para makaalis na
kayo. Mag-relax kayo sa pupuntahan ninyo. Alam kong stress na stress kayo lalo na
yan si Paris. Mana talaga sa Daddy nya workaholic."

Mukhang sa Daddy nya nga sya nagmana.

Umalis na muna saglit si Tita para ibalik si baby sa kwarto nila. Ginising ko naman
si Paris kahit ayoko pa sana syang gisingin para makapagpahinga man lang kaso
nangangalay na din ako.

"Nasa kwarto nila." sagot ko kay Paris nung tanungin nya ako kung nasaan ang Mommy
nya.
"Alis na tayo. Pupunta pa tayo sa bahay ninyo." sabi nya at kinuha ang duffle bag
nya.

"Paalam muna tayo sa Mommy mo." sabi ko.

Ewan ko pero parang sanay ata si Paris na hindi nagpapaalam sa parents nya na aalis
sya. Lamang kami kapag may aalis samin nagpapaalam kami dahil baka hanapin nila
kami kung sakaling nakaalis na kami.

"Tita, alis na po kami." sabi ko habang nakasilip sa pintuan ng kwarto nila.

"Sige ingat kayo. Have fun." nakangiting sabi nya kaya naman napangiti ako.

"Let's go." sumunod agad ako kay Paris palabas ng bahay nila.

"Hindi ba kayo close ng Mommy mo?" tanong ko.

Pumasok ako sa loob ng sasakyan nya habang inililigay nya sa backseat ang duffle
bag nya.

"Close kami. Please wag ka muna magsalita? ayokong makipagkwentuhan ngayon."


masungit na sabi nya.

Hindi talaga sya nagmana sa Mommy nya. Mukhang si baby pa ang nagmana kay Tita na
pagiging jolly at happy.

Hanggang sa makarating kami sa bahay namin ay wala kaming imikan. Sungit eh. Hindi
na nga sya pumasok sa loob ng bahay at pinamadali pa akong kunin ang gamit ko.
Mukhang maganda ang pupuntahan namin kaya dinala ko din ang camera ko at video cam.
Mahilig kasi ako mag-video sa lahat na pinupuntahan ko. Remembrance kungbaga. At
ilang damit din na kakasya na pang tatlong araw dahil baka ma-extend kami.

Mabilis akong lumabas ng bahay dahil baka mainip si Paris. Pagdating ko ay


nakapikit sya. Dumilat lang sya nang makapasok ako ng sasakyan. Hindi nya ako
kinausap na pinaandar ang sasakyan.

"Beast mode ka ba tuwing bagong gising?" tanong ko.

Masungit na tumingin sya sakin saglit.

"Oo kaya manahimik ka dyan." masungit na sabi nya.

Napangiti naman ako. Paano yan? natutuwa ako kapag nagsusungit sya?
"Saan tayo pupunta?" tanong ko imbis na manahimik. Napangisi ako nung makita syang
mariin syang pumikit saglit.

"Sa rest house ninyo sa La union." inis na sabi nya.

"Sa La union? hindi ko alam na may rest house pala kami don." sa totoo lang
maraming bahay sila Papa, ewan ko lang kung saan saan ang mga yon basta ang alam ko
binibisita naman nila ang mga bahay nila kaya nga may nabuo pa dahil mahilig sila
magsolong dalawa.

Tumingin ako kay Paris na hindi na nagsalita. Ayaw talaga ako nito kausapin. Hayaan
na nga. Pagod na sya sa game tapos magdri-drive pa sya ng ilang oras kaya mabuti
pang manahimik na lang ako.

Naglaro na lang muna ako ng games sa cellphone. Gustohin ko man maglaro ng PUBG
mobile kasama ang apat, maiingayan si Paris kaya naman yung baseball game na lang
nilaro ko. Nakakadalawang game lang ako nung naboringan na ako kaya tinigil ko na
ang paggamit ng cellphone.

Tumingin na lang ako sa daan na tinatahak namin kaso ang boring talaga. Hindi naman
ako inaantok.

"Paris, anong pangalan ng Mommy mo?" tanong ko na hindi sya nililingon. Nang hindi
sya sumagot ay nilingon ko sya. "Uy, anong pangalan ni Tita?" kumunot ang noo nya.

"Hindi ka talaga mapagsabihan 'no?" napasimangot ako.

"Boring kaya." sabi ko at humalumbaba habang nakatungkod ang siko ko sa pintuan ng


sasakyan. "Bakit ka nagkagusto kay Kris kung ganong pinsan mo sya?"

"None of your business, so please, shut your mouth." inis na sabi nya. Mukhang
below the belt ata yung tanong ko dahil iba yung inis nya.

Hindi na lang ako umimik. Gustuhin ko man sya na naiinis pero iba na yung parang
galit na sya.

Ilang oras din nakarating na kami sa rest house namin. Hindi na ako nagulat sa
desinyo ng bahay. Sa tatlong rest house namin na napuntahan ko at ang bahay namin,
iisa lang ang desinyo nila pero magkakaiba naman ang desinyo sa loob. Hindi ko alam
kung ano trip ng mga magulang ko at lahat ata ng bahay nila pare-parehas ng desinyo
sa labas.

May kaedaran namin ang nakaupo sa harapan ng pintuan. Nang makita nya kami ay agad
syang tumayo at lumapit samin.
"Hi." nakangiting bati nya. "Ako pala si  Lenard. Ako ang anak na nagbabantay dito
sa rest house nila ma'am Jo. May sakit ngayon si Mama kaya ako ang nandito.
Tulungan ko na kayo sa mga gamit ninyo."

"Salamat." sabi ko at ibinigay sa kanya ang gamit ko pero si Paris hindi nya
ibinigay kay Lenard ang gamit nya. Kaya napakamot na lang ng ulo si Lenard.

Masungit pa din ito.

Humingi na lang ako ng pasensya kay Lenard sa inasta ni Paris. Pumasok kami sa loob
ng bahay. Simpleng simple lang ang loob, walang masyadong gamit pero malinis. Kahit
na hindi kami napupunta ditong magkakapatid, may mga litrato kaming nakasabit sa
pader. At yung mga akala kong itinapon o nasa bodega ang mga gamit namin ay nandito
pala ang iba. Katulad ng isa kong trophy sa baseball nung bata pa ako ay nandito.

"Kung may kailangan kayo pwede ninyo akong tawagin sa telepono, nandon na din ang
number namin. Malapit lang dito ang bahay namin kaya madali rin ako makakarating
dito kung may kailangan kayo. Pasensya na kung walang makakapagluto sa inyo ng
pagkain, may sakit kasi si Mama at kailangan ko syang bantayan sa bahay." sabi ni
Lenard.

"Ayos lang yon. Marunong naman magluto si Paris." pagkasabi ko non ay napatingin
sakin si Paris. Nginitian ko lang sya at tumingin kay Lenard. "Okay na kami, balik
ka na sa inyo para mabantayan mo ang Mama mo."

"Sigurado kayo? baka may kailangan pa kayo."

"Wala na, kaya na namin ito. Nga pala ako, si Jade tapos sya si Paris." turo ko kay
Paris na umaakyat sa second floor. "At pagpasensyahan mo na ugali non."

"Ayos lang. Ikaw pala ang anak ni ma'am Jo. Sige, mauuna na ako. Tawagin ninyo lang
ako kung may kailangan kayo." tumango ako sa kanya.

Pagkaalis nya ay umakyat na din ako sa second floor. Naghanap ako na pwedeng
gamitan ng kwarto. Kinuha ko ang malapit sa hagdanan. Simple lang din ang itsura ng
bahay, walang masyadong gamit kundi ang kama, cabinet at table. May banyo rin ang
kwarto.

Sila Mama, kapag bahay bakasyunan ang ipapagawa nila. Hindi sila nagliligay masyado
ng gamit kahit tv hindi sila bumibili dahil mas maganda ang lumabas kaysa tumambay
sa bahay. Kaya nga bakasyon eh, kailangan mag-aliw aliw sa labas.

Pagkatapos kong iayos ang mga gamit ko. Dala ang camera ay lumabas ako ng kwarto.
Saktong lumabas rin si Paris na lumabas sa katabing kwarto.

"Hindi ka magpapahinga?" tanong ko dahil mahaba haba din ang byahe namin at pagod
pa sya sa laro.
Hindi nya ako pinansin at dire-diretso lang sya naglakad pero pinigilan ko sya.

"Tinatanong kita, sumagot ka naman." kanina pa ito tahimik.

"Pwede ba?" inis na inalis nya ang kamay ko sa braso nya. "Tigilan mo ako kahit
ngayong araw lang?"

"Sungit mo naman. Binigyan tayo ni Mama ng time para mag-relax pero ang sungit
sungit mo dyan. Alam mo, minsan ka lang makakapagpahinga dapat sinusulit mo na.
Masyado ka kasing hot- I mean workaholic. Kaya ka walang lovelife eh."

"Wala kang pakialam sa buhay ko lalo na sa lovelife ko." masungit na sabi nya at
bumaba ng hagdan.

"Sungit talaga." iling na sabi ko at sinundan sya pababa.

Pumunta sya ng kusina pero hindi ko sya sinundan doon. Pumunta ako sa likod ng
bahay at doon ako napahanga dahil may swimming pool pala kami dito at kitang kita
ang dagat. Hindi kasi kita kanina ang dagat dahil maraming puno ang nakapalibot sa
bahay kaya nagulat talaga ako nung makita ang likod bahay. Sobrang ganda!

May dalawang pool sa likod ng bahay tapos white sand din ang beach. Ayos ito.
Makakapag-relax nga ako lalo na kami lang ang tao dito. May nakita din ako sa gilid
na jet ski. Pwede kaya namin iyon gamitin? itatanong ko na lang mamaya kay Lenard.
Tapos may barko din at may lambat doon. Pwede din kayang manghuli ng isda sa dagat?
kailangan ko talagang tawagan si Lenard para masagot ang mga tanong ko pero sa
ngayon, kukuha muna ako ng litrato dito.

After one hour na pagkuha na magagandang litrato ay bumalik ako sa loob para
tanungin na si Lenard tsaka nagdidilim na din. Hinanap ko ang pangalan ni Lenard sa
phone book, nang makita ay agad ko syang tinawagan.

"Hello?" bati nya pagkasagot nya.

"Hi Lenard, si Jade ito."

"Jade, ikaw pala. May kailangan ba kayo dyan?"

"Ah wala naman, may itatanong lang ako. Yung jet ski at yung barko dito pwede bang
gamitin iyon?"

"Ah oo naman. Marunong ba kayo gumamit non? kung hindi pwede ko kayo turuan." ayos!
"Marunong ako, don't worry. Yung barko, ano pwede bang manghuli ng isda kasi may
nakita akong lambat doon."

"Pwede. Pwede ko kayong samahan kung saan makakahuli ng isda at pwede din kayo mag-
scuba diving."

"Talaga?" na-excite ako sa scuba diving. Hindi ko pa kasi natr-try yon.

"Oo. Anong oras ba ninyo gusto gawin?"

"Hmm siguro sa susunod na araw muna. Baka magswimming at mag-jet ski muna kami at
para din mabantayan mo bukas ang Mama."

"Sige, kayo bahala. Tawag ninyo lang ako."

"Salamat Lenard." ibinaba ko na ang telepono at pumunta sa kusina.

Naamoy ko agad ang nilulutong pagkain ni Paris. Mabuti na lang talaga marunong
magluto ni Paris kung hindi lagot, walang pagkain na makakain bukod sa prito.

"Wow mukhang masarap yan ah." sabi ko kahit hindi ko pa nakikita kung ano ang
niluluto nya pero amoy pa lang nakakagutom na.

Napatingin sya sakin saglit tapos sa niluluto nya. Hindi talaga ako nito
kakausapin.

"Nga pala, marunong ka ba mag-jet ski?" tanong ko. "May jet ski kasi dito at sabi
ni Lenard pwede natin iyon gamitin." dagdag ko habang tinitignan ko ang mga kuha ko
kanina.

"Wala akong balak turuan ka kung hindi ka marunong." imbis na sagot nya.

"Good. Turuan mo ako bukas ah?" all smile na sabi ko sa kanya. Walang emosyon syang
tumingin sakin na ikangisi ko. "Smile naman dyan." sabi ko at itinapat ang camera
sa kanya.

Mabilis naman sya hindi tumingin sa camera. KJ. Pero kahit na hindi sya tumingin ay
kinuhaan ko pa din sya ng litrato.  Parang model sya na kinuhaan ko ng madami.
Siguro napansin nya na kinukuhaan ko sya ng litrato ay tumingin sya sakin. Sakto
naman na nakuhaan ko yon.

"Beautiful!" sabi ko at kinuhaan ko pa sya ng madami. Natatawa ako sa sarili ko


dahil para akong photographer sa lagay ko.
"Shut up at tigilan mo yan." sabi nya at bumalik sa pagluto.

"Okay!" sabi ko at tinigilan na nga. Masyado na akong maraming picture nya.

Isa isa ko iyon tinignan. Napapangiti ako sa mga kuha ko lalo na sa mga kuha ko na
nakatingin sya sakin. Ang sungit sungit pa rin sya sa picture pero may isa akong
kuha nya na tila namula bahagya ang pisngi nya. Bakit kaya?

--------------------------------

        Chapter 13 [Mi Amore Series#2: My Hot Pre...]

      

Jade's POV

"Wooh!" sigaw ko habang minamaneho ang jet ski.

Sinundan ko naman si Paris na gumagamit din ng jet ski. Hindi na sya ganon kasungit
ngayon kaya nagagawa ko na syang kausapin kahit papaano. Nagawa nya pa nga akong
turuan kung paano mag-jet ski na inakala nya talagang hindi ako marunong. Mabuti na
lang magaling akong umacting na walang alam kanina.

Pero ngayon ang sama ng tingin sakin habang tuwang tuwa ako sa pagje-jet ski. Ang
cute talaga ni Paris.

Pagkatapos namin mag-jet ski ay nagpahinga muna kami. Hanggang bukas kami dito,
lunes ng umaga kami uuwi. Sinabi ko kay Mama na hindi kami papasok ni Paris sa
lunes kaya i-clear nya ang schedule ni Paris para wala syang aabalahin.
Matatambakan nga lang sya ng mga papeles pero sinabi ni Mama na para mapabilis ang
tapos ni Paris at ako naman nag-request na hindi kami papasok ni Paris sa lunes ay
tutulungan ko syang tapusin iyon. No choice ako, hindi naman ako masyadong busy
kaya naman pumayag ako. Magpapatulong na lang ako kay Chelsea kapag wala akong
naintindihan.

Gusto ko makapag-relax man lang si Paris. Ang dami nyang ginagawa, wala na syang
time para sa sarili nya.

"Bukas mag-scuba diving tayo." sabi ko at uminom ng juice na tinimpla ko. "Tapos
mangisda na rin tayo." nae-excite na sabi ko.

"Anong position mo nung naglalaro ka pa ng baseball?" ang layo ng sinabi nya sa


sinabi ko. Hanep.

"Pinch Hitter." sabi ko kahit hindi baka mamaya paglaruin na naman ako nito.

"Pinch hitter or Pitcher?" napataas ang kilay ko at tumingin sa kanya.

"Pinch Hitter, paano naman ako magiging pitcher?" nagtatakang alam nyang pitcher
ako.

Tinignan nya lang ako tapos unimon ng juice. Hindi na sya nagsalita.

Okay.

"Nakaka-relax 'no?" mapapanis talaga laway ko kapag hindi ko kinausap ang isang
'to.

"Kapag kasama ka, hindi." napasimangot ako. As if gusto ko din syang makasama dito.
Nakakapanis kaya ng laway syang kasama, kung sila kaliwa ang kasama ko dito
siguradong ubos ang laway ko.

"Nasabi na ba sayo ni Mama na sa lunes na tayo uuwi?" tanong ko.

"Yes but we're going home tomorrow night."

"Huh? ayaw mo na ba dito?" ayaw man lang sya mag-relax man lang?

"Marami akong gagawin. Hindi ako katulad mo na pa-chill chill lang."

"FYI, hindi ako chill chill lang, mabilis ko lang natatapos ang trabaho ko kaya
chill na lang ako ngayon." sabi ko. Thesis lang naman ang problema namin na natapos
naming magkakaibigan agad, tapos na rin kami sa OJT namin kaya marami kaming time
para mag-chill chill.

"Whatever."

"Nasabi ba sayo ni Mama na tutulungan naman kita-"


"I don't need your help." ang pride naman nito, sya na nga tutulungan. "And please,
shut your mouth, hindi ko ma-enjoy ang vacation na ito kakadada mo." sungit.

Ipinikit nya ang mga mata nya at nahiga sa nakalatag na tela sa bungahin. Nakadapa
ang pwesto ng higa nya at sa kabilang side sya nakatingin kaya hindi nya nakikita
na nakatingin ako sa kanya.

Pinatitigan ko ang likod nya lalo na ang tattoo nya. Ang angas ng tattoo nya at
lalo sya naging hot sa paningin ko dahil bukod sa uhm...nice butt nya na malusog
din, ang sexy ng curve ng katawan nya tapos dumagdag pa ang tattoo nya.

Kung isa lang akong manyak, siguro kanina pa ako naglalaway. Napailing ako sa
naisip ko. Swerte ng taong makakarelasyon ninyo.

"Ligyan ko ng sunblock ang likod mo?" tanong ko dahil baka magka-sunburn sya. "Sige
na baka magka-sunburn ka sige ka."

"Sanay na ako sa init. Remember, baseball player ako." sagot nya.

"May suot ka naman damit non, eh halos 1/8 lang ng katawan mo yung naiinitan." sabi
ko habang binubuksan ang sunblock bottle. "Sayang ang maputing kutis mo." niligyan
ko ang kaliwang kamay ko ng sunblock. "Ligyan ko na ah?" Hindi sya sumagot, so I
assume na pumayag sya. "Tanggalin ko ang pagkabuhol ng bikini mo ah?" hindi ulit
sya sumagot kaya naman tinanggal ko ang pagkabuhol.

Pinagdikit ko ang dalawang palad ko para maihalo sa isang kamay ko ang sunblock
tapos dahan dahan kong ipinahid ang palad ko sa likuran nya. Sinimulan ko sa
balikat nya pababa. Medyo natuyuan ako ng laway habang ginagawa ko ito. Hindi ko
alam kung mainit lang talaga kaya mainit ang katawan ni Paris o talaga hot talaga
ang isang ito pero imposible, siguro dahil lang yon sa init ng panahon kaya
pinagpapawisan rin ako. Tama.

Lumunok ako dahil talagang natutuyuan ako ng laway habang nahahaplos ko ang likuran
ni Paris. Hindi ko din maiwasan hindi mapatingin sa pwetan ni Paris na 1/8 lang
yung natatakpan ng tela kaya yung dalawang pisngi non ay kitang kita ko. Hindi na
ako naniniwala na dahil lang sa init kaya ako pinagpapawisan, ang hot talaga nito
ni Paris.

"A-ahm..liligyan ko din ba yung mga hita mo?" tanong ko pagkatapos kong ligyan ang
likuran nya.

"No, I can handle." sabi nya at naupo.

Sayang.

Binigay ko sa kanya ang sunblock at sya ng apply non sa sarili nya para sa harapan
nya. 

Pagkatapos nyang ligyan ang katawan nya ng sunblock niyaya ko syang mag-swimming sa
pool o sa dagat.

"Sa pool na lang." sabi nya. Tinulungan ko syang tumayo. Naglakad kami papunta sa
pool.

Habang naglalakad sa gilid ng pool ay nakaisip ako ng kalokohan. Tinulak ko sya sa


pool pero parang alam nya atang gagawin ko yon dahil umikot sya paiwas kaya ang
resulta ako yung nahulog sa pool. Mabilis akong umahon para tignan sya.

"Too bad for your kalokohan." nakangising sabi nya at naglakad papunta doon sa may
hagdanan.

"Galing ng instinct mo ah." sabi ko habang naglalakad palapit kanya.

Pinatitigan ko naman sya na dahan dahan lumubog sa tubig. Lahat ata ng bagay o
gawin nito ni Paris ang sexy nyang tignan at napapatigil ako at napapatitig sa
kanya.

"Sinabi sakin ni Gia na madalas kang manulak sa pool." sabi nya. Napataas ang isang
kilay ko.

"Nag-uusap kayo?"

Hindi na nya ako sinagot dahil lumangoy na sya. Pinanood ko lang ulit sya. Sa totoo
lang parang isang magandang display si Paris na madalas kong titigan. Ayoko lang
titigan ang mga mata nya dahil nalulunod talaga ako at nawawala sa katinuan.
Napapahiya kasi ako kapag ganon, ang tagal kong nakatingin sa kanya.

Maya maya naisipan ko na lumangoy na rin pero may nakaisip na naman akong
kalokohan, hindi ako sure kung nasabi din ni Gia na nanghihila ako ng paa kapag
nasa pool kami pero ginawa ko pa din. 

Nasa gitna kami at seven feet ang lalim ng pool. Sakto naman na tumigil sya don at
nasa ilalim ako ng pool. Hinila ko ang paa nya pati ang kamay nya pababa. Napansin
ko ang pagka-panic nya kaya napangiti ako habang pigil ang hiningal. Humarap sya
sakin at nang makita nya ako ay sinipa nya ako dahilan para mabitawan ko sya.

Agad din ako umangat dahil nawawalan na ako ng hangin pero pagkaahon ko ay
nakatanggap ako ng sampal kay Paris which is hindi ko inaasahan na gagawin nya.

"Papatayin mo ba ako?" inis na sabi nya.


"Sorry." yun lang ang nasabi ko habang nakahawak sa pisngi ko na sinampal nya.
Medyo masakit kasi hindi ko inaasahan yon tapos pagkaahon ko pa nasampal.

"Hindi ako mga kaibigan mo na kayang sumabay sa trip mo. Kung gusto mong ma-relax
ako sa bakasyon na 'to, lubayan mo ako." sabi nya at lumangyon palayo.

Napabuntong hininga ako. Mukhang na-badtrip ko talaga sya don ah. Hindi ko na sya
pinigilan na umalis ng pool. Mabuti pa ngang hayaan ko muna syang mapag-isa para
ma-enjoy nya itong bakasyon pero ang boring kung ako lang.

Sana man lang may kasama ako.

Bumalik ako sa loob ng bahay para makapagbihis. Tinamad na ako lumangoy langoy.
Nasa dagat si Paris nung hinanap ko sya kanina. Gagawa na lang muna ako ng snacks
na alam ko.

Sandwich! 

Nagluto ako ng bacon and egg. Hinugasan ko naman ang lettuce at naghiwa ako ng
tomatoes, nilabas ko ang cheese tsaka ko pinagsama sama sa bread. Apat ang ginawa
ko tapos hinati ko pa sa dalawa ang isang bread. Nagtimpla ulit ako ng juice tapos
niligay ko sa tray tsaka ako nagtungo palabas ulit ng bahay. Hinanap ko si Paris.
Nasa dagat sya at lumalangoy langoy sya.

Iniligay ko na lang sa buhangin ang tray kung saan kami nakapwesto kanina. Kumuha
ako ng isa at kumain. Tsaka ko naalala yung video cam ko kaya dali dali ako pumasok
sa loob at tumakbo papunta sa kwarto ko. Kinuha ko ang video cam ko na nasa lamesa.
Binuksan ko ito at nagvideo hanggang palabas ng bahay.

Tinapat ko kay Paris ang camera na nasaktuhan ko pang pag-ahon nya. Kuhang kuha sa
camera ang paghagod nya sa basang buhok nya at dahan dahan naglakad paalis ng
dagat.

Napalunok ako habang pinagmamasdan sya palapit. Gosh ang hot nya. Okay, ilang beses
ko na ba ngayong araw nasabing ang hot ni Paris? pero ang hot nya talaga eh. Siguro
kung sino man ang cold na tao matutunaw sa kainitan ni Paris.

Sinundan ko ng tingin si Paris hanggang sa makapunta sya sa pwesto namin. Hindi na


sya nag-abala pang punasan ang katawan nya at kumuha ng sandwich. Lumingon sya
sakin at ngumisi. Napanganga ako. Shit, tila ako naakit sa ginawa nyang yon.

Pinagmasdan ko sya bago lumapit sa kanya. Kumuha ako ng isang sandwich.

"Magfi-film lang ako." sabi ko sa kanya. Hindi sya sumagot bagkus ay tumango sya.

Naglakad lakad na ako at kinuhaan ng video ang lugar. Gumawa ako ng transition para
maipost ko ito. Sigurado akong gegerahin din ako ng apat kapag nalaman nila ang
paradise rest house namin. Pare-parehas lang naman kami ng taste sa magagandang
tanawin ng mundo kaya alam kong magugustuhan nila dito.

Bumalik ako kung saan naroroon si Paris. Napangiti ako nang makitang gumagawa sya
ng sand castle. Lumapit ako sa kanya. Pinigilan kong wag matawa nang makita ang
ginagawa nyang castle. Hindi sya mukhang castle sa totoo lang, pinagpatong patong
nya lang yung hugis baso.

Nahuli nya akong pinipigilan ang tawa ko kaya sinamaan nya ako ng tingin. Hot.

"Castle ba yan o.."

"O ano?" maangas na sabi nya na kapag nakakainsulto ang sagot ko ay makakatanggap
ako ng suntok sa kanya.

"Wala." sabi ko na lang para iwas sa pagsusungit na naman nya sakin.

Nakaisip ako na gagawin kaya pinatay ko muna ang video cam tapos buo ng sand Eiffel
tower. Isang oras ang ginugol ko sa paggawa non dahil kasing tangkad ko ang ginawa
kong Eiffel tower tapos niligyan ko din ng lettering sa ibaba ng Paris. 

"Tapos na!" masayang sabi ko. Pinagpawisan ako sa ginawa ko pero worth it naman.

Nilingon ko si Paris at nagulat ako na hawak nya ang video cam at nakatapat sakin.
Ngumiti ako kinalaunan.

"Gusto mong picturan kita dito?" tanong ko. Tumingin sya sa ginawa ko tapos
tumango.

Kinuha ko ang cellphone sa kanya at puwesto sya sa tabi ng ginawa ko. Kinuhaan ko
sya ng marami. Syempre hindi papayag na wala akong picture kasama sya. Hindi sya
umangal kaya naman lalo akong natuwa.

Pagkatapos kong ilapag sa blanket ang cellphone ni Paris. Kumuha ako ng buhangin at
binato sa kanya.

"The fuck?" gulat na sabi nya pero nginisian ko sya at binato ulit. "Jade!"

Tumakbo ako na simulan nya ako habulin na may hawak din buhangin.

"Bumalik ka dito!" sigaw nya at binato nya yung buhangin na hindi man ako inabutan.

"Ayoko nga!" sigaw ko na nakangiti tapos tumakbo ako sa dagat pero hindi ako
pumunta sa ilalim yung hanggang tuhod ko lang.

Sinabuyan ko sya ng tubig habang lumalapit sya sakin.

"Damn it!" natatawa ako dahil alam kong nakakainom sya ng tubig dagat.

Nakiganti na din sya sa pagsaboy ng tubig sakin. Tawang tawa ako dahil mabilis ako
magsaboy ng tubig kaya hindi sya makasaboy sakin dahil tinatakpan nya ang sarili
nya.

Napansin ko na dahan dahan syang lumalapit sakin pero lumalayo ako.

"Kapag nahuli kita makikita mo!" sigaw nya.

"Kung mahuhuli mo." tatawa na sana ako na mapitad ako kaya napaupo ako.

Nag-panic agad ako na biglang kumilos palapit sakin si Paris kaya agad agad akong
tumayo pero tumalon sya sakin at dinaganan ako. Nakalunok ako ng tubig dagat sa
ginawa nya at agad din umahon dahil napailalim ako pero ibinababa ni Paris ang ulo
ko.

Hinawakan ko ang kamay nya para tumigil sya. Pinipilit ko naman umangat dahil
nawawalan na ako ng hangin.

"Papatayin mo ba ako?" tanong ko sa kanya. Ulo ko na lang ang nakaangat sa tubig


dahil nakadagan sya sakin.

"Oo." inirapan nya ako na ikatawa ko pero ibinaba nya ang ulo ko sa tubig kaya
nakainom ako.

"Bwisit!" sabi ko dahil tila pati ilong ko napasukan ng tubig.

Nginisian nya ako pero hindi sya lumayo. Nakaupo na ako tapos nasa harapan ko sya.
Nasa kabila side ko ang dalawang kamay nya.

"Sakit, pumasok sa ilong." sabi ko habang nakahawak sa ilong ko.

"Nauna ka, tinapos ko lang." ngising sabi nya. Napailing ako.

Tumingin ako sa kanya. Ngumiti ako nung nakatingin rin sya sakin. Pinagmasdan ko
ang maganda nyang mukha pero natigil ako sa mga mata nya. Hindi ko na naman maalis
ang tingin ko sa kulay asul nyang mga mata. Nasa mababaw na tubig lang kami pero
tila ako nalulunod.
Nawala ang magnet nang umibaba ang tingin nya sakin. Dumapo ang tingin nya sa mga
labi ko. Kinabahan ako bigla at napalunok. Ayokong mahalikan ng isang babae pero
hindi ko alam kung bakit gusto ko rin mahalikan ang isang Paris.

Nakagat ko ang labi ko nang mapansing lumalapit ang mukha nya habang nasa labi ko
pa din ang tingin. Nae-excite ako na kinakabahan sa mangyayari.

Hahalikan nya ba ako?

Ilang inches na lang ang pagitan namin nang tumigil sya.

Tangina!

Napamura ako dahil bakit sya tumigil?

Tumingin sya sa mga mata ko at sinagot ko naman ang mga tingin nya. Tila nag-uusap
ang mga mata namin at nung nagkasundo ay tinawid nya na ang natitirang distansya
samin.

Ipinikit ko ang mga mata ko na maramdaman ko ang malalambot na labi ni Paris.


Bumilis ang tibok ng puso ko na sana hindi nya iyon marinig dahil sa sobrang lakas
nito. Agad akong tumugon sa halik nya na lumalim. Ninamnam ko ang bawat sandali at
bigla na lang ako naadik sa labi nya.

"Damn." sabi ko na lang.

--------------------

        Chapter 14 [Mi Amore Series#2: My Hot Pre...]

      
Jade's POV

"Ilang araw ko na napapansin ang saya mo." sabi ni Veron.

Kami pa lang ang nandito sa room dahil nagsi-lunch break ang mga kaklase namin
kasama ang tatlo. Kami ni Veron, kumain na kanina bago pumasok kaya hindi na kami
lumabas.

"Paano mo nasabi?" napa-poker face sya pero nginisian ko lang sya.

"Iba yung saya mo nakaraan sa ngayon simula nung matapos ang bakasyon ninyo ni
Paris sa rest house ninyo." sabi nya.

"Oh tapos?" napa-poker face na naman sya.

"Gago umayos ka ah! naging masaya ka lang lumala ang pagkagago mo." natawa ako sa
sinabi nya. "Seryoso nga kasi!"

Nakitbitbalikat ako.

"Isusumbong kita kay Gia, nagtatago ka ng sekreto samin ah." panakot nya na ikatawa
ko. "Saya mo 'no?"

"Yup!" sagot ko.

"Ewan ko sayo. Ang tino mong kausap." pagsusuko nya na ikangisi ko.

Limang araw na simula nung bakasyon namin ni Paris sa rest house namin. Hindi pa
ako nagkwe-kwento sa kanila kung ano nangyari samin ni Paris pero nakwento ko sa
kanila na maganda mag-relax sa rest house namin.

Isang bagay kaya ayokong sabihin sa kanila ang nangyari samin ni Paris doon. Dahil
ayokong maniwala sa sasabihin nila na alam ko na kung ano. Ayokong maniwala kahit
na nae-enjoy ako sa pinaggagawa ko. Simula nung maghalikan kami ni Paris, naulit pa
uli yon. Hindi sya umaangal bagkus tumutugon agad sya sa mga halik ko kaya hindi
lang dalawang o tatlo na beses kundi marami pa hanggang sa makauwi kami ng lunes.
Ako pa lagi ang humahalik sa kanya dahil parang wala syang balak na halikan ako.
Ayos lang dahil hinahalikan rin nya naman ako kapag nahalikan ko na sya.

At syempre kahit na nakauwi na kami, sa tuwing nagkikita kami at kaming dalawa lang
ay nahahalikan ko pa din sya. Kaya gumagawa ako ng paraan na makita sya araw araw
dahil feeling ko, hindi buo ang araw ko na hindi sya nakikita. Natutuwa kasi ako
kapag nakikita ko din ang inis sa mukha nya, madalas ko syang bwisitin kaysa sa
halikan sya dahil madalas kami may kasama.
"Bakit hindi pa kayo nagbibihis?" tanong ni Fin pagkarating nilang tatlo.

"Isang oras pa naman bago mag-P.E." sagot ni Veron. Tinatamad pa kami ni Veron
magbihis kaya nga hindi kami sumama sa kanila kumain kanina.

"Nga pala samahan ninyo ako sa sabado maghanap ng pwesto para sa shop ko. Meron na
akong supply ng computers at iba pa tapos tulungan ninyo akong maghanap ng tauhan."
sabi ko.

Pinush talaga ni Mama na mag-business ako at katulad na sinuggest sakin ni Fin nung
nakaraan, computer shop ang gagawin kong business. Mas malaki ang shop ko kumpara
sa mga shop dahil two hundred na PC ang kinuha ko at maghahanap pa lang ako ng
pwesto na two storey. Meron na akong isa na nakita, maganda ang lugar pero nung
nag-survey ako sa paligid ay wala masyadong naglalaro ng computer doon kaya naman
maghahanap ulit ako kasama ang apat. Mas maganda kung may magsu-suggest sakin.

"Sa tapat nga." sabi ni Fin.

"Maliit yon, Fin. Hindi kasya ang two hundred na PC doon." sagot ko. Nung tignan ko
na din kasi ang bakanteng lote sa tapat ng school namin kaso isang floor lang yon
tapos hindi pa ganon kalaki.

"Wow ang dami naman ng PC mo, tinalo mo pa ang ibang magagandang computer shop."
sabi ni kaliwa.

"Ganon talaga." ang laki ng budget kasi na binigay nila Mama sakin kasama pa si
Kuya na nagbigay pa sakin ng pera kaya tinodo ko na ang mga kagamitan tapos yung
pwesto naman, si lola ko pa ang magbabayad kaya naman marami rami talaga ang binili
ko.

"Paano proseso sa pag-rent ng PC? may account bang involve?" tanong ni Gia.

"Oo, mahirap na sa sobrang daming PC kailangan ng account. May VIP sa room rin
akong ipinagawa bukod pa don ang VIP room na para sating lima."

"Yan ang gusto ko sayo Jade!" tuwang sabi ni Fin.

"Wala kaming bayad dyan ah? aba wala kang bayad bayad sa bar ko." natawa ako sa
sinabi ni Veron.

"May lay out ka na ba sa itsura ng shop mo?" tanong ni kaliwa.

"Wala pang pwesto kaya wala pa pero gumagawa na ng example si Uncle Oliver." si
Uncle Oliver ang architect ng pamilya namin. Sya gumagawa ng lahat ng design ng
bawat bahay, company, school at sa magiging shop ko.

"Saan tayo mag-uumpisa sa paghahanap?" tanong ni Gia.

"Natapos ko na ang pagtatanong dito malapit sa school." sagot ko. "Sayang nga dahil
hindi malapit dito. Madali ko sanang matitignan ang shop kung sakali."

"Sayang nga." sabi nila.

Pagkatapos ng klase naming ngayon araw ay naghanap na kami ng pwesto. Sinigurado


rin namin na maraming maglalaro ang pagpwe-pwestuhan namin kaya karamihan na
pinupuntahan namin ay malapit sa school dahil patok na patok talaga sa mga
estudyante ang computer kaso kamalas malasan walang bakanteng lote, meron man pero
maliit naman.

"Ito na ang huling pupuntahan natin ngayong araw." sabi ni kaliwa. Tumango ako.

Lumabas kami sa sasakyan. Tumingin ako sa katapat ng building na pupuntahan namin.

"Pabor sayo 'to." sabi ni Fin na lumapit sakin. "Araw araw mo makikita si Paris."
natawa ako sa taas baba ng mga kilay nya.

Katapat lang ng building ang school ni Mama. Una ko din naisip na kung maganda ang
pwesto at kaya ang two hundred na PC ay makikita ko nga talaga si Paris. 

"Tara na." sabi ni Veron, kasama nya na ang magpapa-rent.

Pumasok kami sa building, nasa second floor bakante. Binuksan ni manong yung glass
door. Pumasok naman kaming lima at tumingin sa paligid.

"Ano bang ipapatayo ninyo mga bata?" tanong ni manong.

"Computer shop po." sagot ko habang tumitingin tingin.

Malawak ang second floor pero hindi kasya ang two hundred na PC dito, mga one
hundred na PC lang ang kaya dito dahil balak kong magligay ng lobby at snack area.

"Hindi kakayanin ang two hundred na PC dito, Jade." sabi ni Gia.

"Bakante din ang ikatlong palapag, pwede ninyong ipaayos pero dapat matagal ang
kontrata ninyo dito kung ipapabutas ninyo yan." tinuro nya ang kisame. "Walang
kumukuha na dalawa ang floor ang mga nagpapatayo dito."
"Pwede ba rin namin makita ang third floor?" tanong ni kaliwa.

"Sige, tara." sumunod kami kay manong papunta sa third floor.

Kaparehas lang din ng size ang third floor pero may mga pader na nakaharang sa
ibang parte.

"Ano Jade?" tanong ni Veron. "Para sakin okay na ito eh. Maayos yung pagkagawa at
wala ka pang makikitang sira sa bawat sulok."

"Yun din naisip ko kaya kukunin ko ito. Manong kontrata." napangiti si manong at
nagpaalam na kukunin lang ang mga papeles.

Habang naghihintay ay tinawagan ko si Uncle Oliver para papuntahin dito at matignan


nya ang lugar. Sakto naman na nasa school lang sya ni Mama kaya mabilis lang rin
sya nakarating. Sinabi ko sa kanya ang balak ko lalo na pagkonektahin ang dalawang
floor. Two months bago magawa ang shop. Hinayaan ko na si Uncle Oliver sa pag-ayos
ng shop, dadalawin ko na lang ito paminsan minsan.

Pagkatapos ko din makipag-usap kay manong ay umalis na din kaming lima. Balak muna
namin kumain bago umuwi. Sa isang eat all you can kami kumain. Marami kaming kinuha
na halos maubos na namin yung mga putahe. Natatawa na nga lang kami kapag
pinagtitinginan kami ng mga tao dahil punong puno ang lamesa namin.

Masaya kaming kumain habang nagkwekwentuhan sa mga gagawin namin. Malapit na din
ang pasko kaya pinag-iisipan namin kung saan kami magchri-christmas. Dahil
magkakaibigan din naman ang mga parents namin ay magkakasama kami Christmas at New
Year kaya sobrang saya ng okasyon na yon samin.

"Hayaan na natin ang mga matatanda ang umisip kung saan, nung nakaraan tayo nag-
isip eh sila naman ngayon." sabi ko. Nakakatamad kaya mag-isip ng gagawin sa
Christmas Party namin.

Tumingin ako kay kaliwa na nakatingin sa iba tapos sa tinitignan nya. Una ko agad
nakita si Nissan na katabi si Kris tapos napansin ko ang nasa harapan nila na si
Paris.

"Kasal na lang kulang pero nagseselos ka pa din dyan." sabi ko kay kaliwa.
Napatingin naman samin yung tatlo.

"Bakit ba? si Kris yan eh." nakasimangot na sabi ni kaliwa.

"Selosa." natatawang asar ni Gia.

"Pero 'di ba may gusto si Paris kay Kris?" tanong ni Fin. "Hindi ka nagseselos?"
"Bakit ako magseselos?" takang tanong ko sa kanya.

"Kasi gusto mo sya?" sagot na tanong ni Veron.

"Hindi ko sya gusto." gusto ko lang yung lips nya. Napangiti ako sa naisip ko.

"Hindi pero ngingiti ngiti ka dyan. Siraulo ka talaga 'no?" natawa ang tatlo sa
sinabi ni kaliwa habang ako nailing na lang.

Tumayo si kaliwa at lumapit kanila Nissan. Tumingin sa gawa namin yung tatlo.
Kinawayan naman sila nila Veron. Maya maya tumayo sila dala ang mga pagkainin nila
na lumapit samin. Sa harap ko umupo si Kris at Nissan habang sa tabi ko naman si
Paris.

"Kamusta Kris? kamusta ang bagong school mo?" tanong ni Gia.

"Ayos naman. Walang maingay na katulad ninyo ang nandon." natawa naman kaming apat.

"Boring naman ng school ng Mama mo, Jade." sabi ni kaliwa na panira talaga sa mga
sinasabi ni Kris. Napailing ako.

Tumingin ako kay Paris na tahimik na kumakain. Napatingin sya sakin kaya nginitian
ko sya.

"Hindi ka pumasok ngayon sa school?" tanong ko.

"Hindi pero pagkatapos nito ay pupunta ako ng school." sagot nya habang hinihiwa
ang steak na kinuha nya.

"Sabay ako, kakausapin ko si Mama mamaya." sabi ko habang nakatingin sa steak nya.
Mukhang masarap kasi, hindi ko alam na may steak pala dito, hindi ko man lang
nakita.

"Bakit hindi mo na lang kausapin sa pag-uwi ninyo sa bahay?" alam kong sasabihin
nya yon.

"Hindi na ako makapaghintay sabihin kay Mama yon tsaka may date sila ni Papa
mamaya." sabi ko at iniwas na ang tingi sa steak dahil baka makatakam ako lalo.
"Yung parents ko pa naman yon, yung date nila parang honeymoon babalik sila
kinabukasan ng gabi." dagdag ko.

"Balak atang gawin kambal yung anak nila ngayon." natatawang sabi ni Gia.
"Alam ninyo, feeling ko pinag-usapan nila na magkaroon ulit ng anak dahil kaninang
umaga lang, binalita ni Mommy samin na buntis rin sya." sabi ni Veron.

Naibuga ni kaliwa ang iniinom nyang tubig na ikabigla namin.

"Bwisit ka kaliwa!" sabi ni Fin. Natawa ako dahil sya lang katapat ni kaliwa, so
sya ang nabugahan. "Langya ka." hindi mapigilan na sabi ni Fin habang pinupunasan
ang basang mukha nya.

"Ang sakit sa ilong." sabi ni kaliwa habang hawak ang ilong nya. Nakaalalay naman
sa kanya si Nissan.

"Pero seryoso? buntis rin si Tita?" tanong ko. Una si Tita Letti tapos si Mama
ngayon si Tita Velcia? sino sunod? si Tita Fiona o si Tita Kelly?

"Posible, kanina lang narinig namin ni Fynch ungol ni Mama sa kwarto nila." sabi ni
Fin na hindi pa din tapos sa pagpupunas sa sarili.

"Well, hindi ako sure sa parents ko. Kakauwi lang nila at hindi naman nila sinabi
na buntis si Mommy." sabi ni Gia.

"Hindi ba sila gumagawa ng milagro?" tanong ni kaliwa.

"Hindi, lagi silang may time samin ni Jellal so walang ganap na ganon." sagot ni
Gia. Nakakatuwa talaga ang parents nila Gia, kahit lagi silang wala sa bahay, pag-
uwi naman nila nasa mga anak nila ang time nila.

"Baka ngayon pa lang gagawa." natatawang sabi ni Fin.

"Pambihira ang mga yon." iling na sabi ni kaliwa.

"Sa tingin ko, kung mag-aasawa kayo, ganon rin ang gagawin ninyo." sabi ni Paris na
ikatingin naming lahat.

"Paano mo naman nasabi?" takang tanong ko. "Wala akong balak na manganak ng marami
kung sakali." dagdag ko.

"Sakin, ayoko naman mahirapan si Rose sa panganganak kaya baka hindi din." sagot ni
Fin.

"As if naman na kayo magkakatuluyan." asar ko. Binato nya ako ng carrot na ikatawa
ko.

"Hindi ko masasabi kung ano balak ng mapapangasawa ko pero ayoko ng maraming anak."
sabi ni Veron.

"Sapat na sakin ang dalawa." sabi naman ni Gia.

Tumingin kaming lahat kay kaliwa kung ano ang sasabihin nya.

"Masaya ang maraming kapatid kaya baka magaya nga ako sa parents ko." sagot ni
kaliwa. "Wife, handa ka na ah? lalamangan natin sila Mama." napanganga si Nissan sa
sinabi ni kaliwa habang kaming apat ay natawa.

"Siraulo ka! maka-demand ka dyan, akala mo naman ikaw manganganak!" sabi ni Gia.

"Pahihirapan mo pa si Nissan." sabi ni Fin.

Natatawang napailing ako. Noon palang sinabi nya samin na kung sila ni Sean ang
magkakatuluyan, dalawa lang daw ang magiging anak nila dahil ayaw nyang mahirapan
sa panganganak pero ngayon na si Nissan ang mapapangasawa nya, lakas maka-demand ng
marami purkit hindi sya yung manganganak.

"Hindi pwedeng si Nissan lang yung manganganak, dapat ikaw din para fair." sabi ko.

"Oo nga, babae ka rin kaya dapat manganak ka din." pagsasang-ayon ni Veron.

"Manahimik kayo." napailing na lang kami sa pagiging unfair ni kaliwa.

"Lah, Nissan pumapayag ka na ganon ganon? hindi dapat!" sabi ni Gia kaya sinamaan
sya ng tingin ni kaliwa.

"Hindi pa naman kami kasal kaya tsaka na muna ang anak." nakangiting sabi ni
Nissan. Ang ganda talaga ng boses ni Nissan kaya nakakagulat din minsan ang
pagsalita nya kapag matagal syang nanahimik. Nasanay ba naman na hindi nagsasalita.

"Ikaw Paris? kapag nagpakasal ka, ilan gusto mong anak?" tanong ni Veron.

"Depende sa taong mapapangasawa ko." sabi ni Paris.

Nakaramdam naman ako ng sipa sa paanan ko. Tumingin ako kay Nissan pero mukhang
hindi sya yung gumawa kaya tumingin ako kay kaliwa. Nakangisi ito at nginuso si
Paris. Takang tingin ang pinukol ko sa kanya.

"Ikaw Kris?" tanong ni Fin.

"Depende." sagot nya.


"Depende kung makakapangasawa sya." sabi ni kaliwa at sinaway sya ni Nissan. Hindi
talaga makasundo ang dalawang ito.

"Kung ikaw ang mapapangasawa ni Nissan, ilan magiging anak ninyo?" tanong ni Gia.

"What the hell Gia? wag ka ngang magtanong ng ganyan." sabi ni kaliwa pero hindi
sya pinansin ni Gia.

"Isa o dalawa, okay na sakin para hindi sya mahirapan." sagot ni Kris at tumingin
kay Nissan.

"Sweet naman." sabi ni Veron.

"Walang sweet don, Veron." natawa kami dahil nagseselos si kaliwa para namang
maagaw pa sa kanya si Nissan.

Pagkatapos namin kumain ay nagbalak na kaming umuwi. Kay kaliwa na sumabay si


Nissan pabalik sa company nya habang yung dalawa kay Fin na sasabay. Si Kris at ako
kay Paris.

Nasa passenger si Kris habang nasa backseat ako. Ihahatid pa kasi ni Paris si Kris
sa company nya tutal same way lang din. Habang nasa byahe nagkwe-kwentuhan yung
dalawa. Tahimik lang ako habang nakikinig sa kanila. OP ako eh.

"Where do you want to go?" tanong ni Paris.

Balak ni Kris magbakasyon ngayong weekends dahil nai-stress daw sya sa kompanya nya
kasama nya si Paris na magbabakasyon.

"Gusto ko ng hot spring, so sa Laguna tayo." hindi naman umangal si Paris.

Sa tingin ko nga lahat ng gusto ni Kris pagbibigyan nya dahil gusto nya ito.

Pinagmasdan ko si Paris. Ibang iba ang aura nya kapag nakakausap nya si Kris.

"Jade, mauna na ako." napatingin ako kay Kris tapos sa labas. Nandito na pala kami
sa kompanya nya.

"Sige, ingat." nakangiting sabi ko.

"Mamaya na lang ulit." sabi ni Kris kay Paris at bago lumabas ng sasakyan ay
hinalikan nya sa pisngi si Paris.
Nakita ko ang pamumula ng mukha ni Paris nung halikan sya ni Kris. Hindi naman
nakita yon ni Kris dahil bumaba din agad ito.

Incest.

"Alam mo, tigilan mo na yang nararamdaman mo sa kanya dahil masasaktan ka lang."


sabi ko habang nakatingin sa kanya. Tumingin naman sya sakin pero hindi sya
nagsalita.

Napailing ako.

Bahala ka sa buhay mo.

Pagkarating namin sa school ay agad din akong lumabas ng sasakyan. Hindi ko


inaasahan na makikita si Sean dito.

"Hey, anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

"Sinusundo ko si Ate, kinausap nya kasi ang Mama mo dahil hindi makarating si
Daddy." nagtataka ako sa pinagsasabi nya at mukhang napansin nya yon. "Si Daddy ang
may ari ng school natin." nagulat ako sa sinabi nya. Hindi ko alam yon sa totoo
lang.

"Sa tagal natin magkakilala, hindi ko alam na pagmamaari pala ninyo ang school
natin." sabi ko. "Pero buti hindi nadamay ang school nung alam mo na, na-down
kayo?"

"Yon ang sumagip samin at yun na lang din ang natira samin dahil yung ibang
kompanya nila Daddy ay wala na." sabi nya na nakangiti pa din.

"Nice kaya galingan mo para maibalik ang mga yon. Paano mauna na ako? kakausapin ko
pa si Mama."

"Sige, ingat." ngumiti ako sa kanya bago dumiretso sa office ni Mama.

Kumatok muna ako sa pintuan bago pumasok dahil sigurado akong kausap pa rin ni Mama
si Ms. Dani at tama nga ako nang makita ito. Bumati ako sa kanya bago naupo sa
couch at hinayaan muna sila mag-usap.

Ilang minuto lang ay may kumatok ulit at pumasok si Ino at Paris. Binati ako ni Ino
at ayoko naman maging rude sa kanya kaya binati ko din sya. Sa totoo lang ang weird
ng isang ito, madalas ko kasi syang nahuhuling nakatingin sakin tapos ngingisi sya
kapag nahuli ko sya imbis na umiwas.
Dahil kausap pa rin ni Mama si Ms. Dani ay naupo din sa couch ang dalawa at
talagang pinaggitnaan pa ako. Kasalanan ko rin dahil naupo pa ako sa gitna ng couch
kaya naupo sa magkabilang tabi ko ang dalawa pero may dalawang single couch kaya sa
gilid.

Tahimik lang kaming tatlo habang nakikinig din sa dalawang nag-uusap. Maya maya
lang ay nagpaalam na si Ms. Dani.

"Jade, naging professor mo ba si Ms. Griv? sa Hills University sya nagtuturo." sabi
ni Mama pagkalabas ni Ms. Dani.

"Actually, prof. ko sya." at sya din ang nagpapagulo sa lovelife ni Fin.

"I see. She's amazing." napangiti na lang ako sa turan nya. "Ano pala ginagawa mo
dito? nasabi sakin ni Oliver na nakahanap ka na daw ng pwesto kaya umalis sya
kanina."

"Yes Ma, yun ang pinunta ko dito pero unahin mo muna sila Paris." sabi ko.

"Sabihin mo eh." kinausap ni Mama si Ino dahil si Paris ay nakaupo lang.

Tinignan ko si Paris pero nasa harap lang ang tingin nya. Napangiti ako habang
nakatingin sa kanya. Ang ganda nya kasi kahit na seryoso lang sya na nakatingin sa
harap.

"Matunaw naman." nagitla ako na may bumulong sa kaliwang tainga ko.

Paglingon ko si Chelsea lang pala. Namula ako nang ngumisi sya sakin habang
nakatingin ng makahulugan.

"Paris, lalim ng iniisip mo ah?" pagkukuha atensyon ni Chelsea kay Paris.


"Matutunaw ka tuloy."

Pinanlakihan ko ng mga mata si Chelsea pero hindi nya ako pinansin. Tae, ilalaglag
pa ata ako nito sa harap nila Mama.

"Nga pala, may lakad ka ba this weekends?" tanong nya kay Paris na hindi pinansin
kanina.

"Meron, bakit?" tanong ni Paris. Akala ko hindi nya ulit papansinin si Chelsea.

"Yayayain sana kita mag-EK." kumunot ang noo ni Paris.


"EK?"

"Yup, pero dahil may lakad ka na pala, Jade ikaw may lakad ka?" baling ni Chelsea
sakin.

"Wa-"

"Good! sunduin kita sa inyo around four in the afternoon." sabi nya at pumunta
kanila Mama.

Hindi man lang ako hinayaan matapos magsalita. Hindi pa naman sana ako papayag
dahil gusto kong puntahan ang shop ko pero hapon pa pala ang lakad namin kaya
hahayaan ko na.

"Pero tayong dalawa lang?" tanong ko since hindi naman sya kinakausap ni Mama
nakatayo lang sya sa gilid.

Nilingon nya ako. "Yup." sabi nya at kumindat.

Napanganga ako.

Wag naman sana syang makigaya kanila Cess.

--------------

        Chapter 15 [Mi Amore Series#2: My Hot Pre...]

      

Jade's POV

Malapit na mag-alas cuatro ng hapon at hinihintay ko na lang dumating si Chelsea.


Nag-text sya sakin kani-kanina lang na malapit na sya kaya any minute lang ay
nandito na yon. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ni Chelsea para yayain
akong lumabas. Ni hindi man lang nya ako hinayaan magdesisyon kung sasama ba ako o
hindi. Ewan ko sa taong yon, wag sana mahawa kanila Cess.

Nakarinig ako ng busina sa labas kaya kinuha ko na ang cellphone ko at wallet ko.
Parehas ko iyon iniligay sa bulsa ko habang palakad palabas ng bahay. Napa-wow ako
nung makita ang magadang kotse ni Chelsea. Lalo pa ako napahanga nung lumabas ito.
Naka-sun glasses sya pero tinanggal nya ito at nginitian ako.

"Hello, gorgeous." bati nya. Napailing ako.

"Hey, handsome woman." bati ko rin. Ang cool kasi ngayon ni Chelsea. Hindi ko
aakalain na sa labas ng school ay ganito ang pormahan nya. Naka-long sleeve polo na
white tapos bukas pa ang dalawang butones nito sa itaas kaya medyo kita ang
cleavage nya. Naka-black pants rin sya at vans shoes.

"Para makahanap ng chicks." sabi nya at naglakad sa kabilang side ng sasakyan.

"Hanep ka, dinamay mo pa ako sa paghahanap mo ng chicks." sabi ko at pumasok sa


loob ng sasakyan nya. Sa kanya talaga ito dahil kaamoy nya.

"Wag nga ako, para ka nga rin maghahanap ng chicks eh." sabi nya nung makapasok.
Iniharap nya pa ang katawan nya sakin at tinignan ang katawan ko.

"Huh? ang simple lang ng suot ko ah." naka-long sleeve rin ako pero shirt at light
green ang kulay nito. Parehas kaming naka-pants pero naka-running shoes ako.

"But you look hot." sabi nya at kinindatan muna ako bago suotin ang sun glasses nya
at humarap. "Let's go."

Pinaandar nya na ang sasakyan nya patungo sa EK.

"Bakit pala ako ang niyaya mong lumabas?" tanong ko rito.

"Hmm? nakakasawa na kasing yayain sila Ino kaya ikaw na lang tsaka dapat may iba
akong ka-date kaso biglang umayaw. So yun." nakitbitbalikat na sabi nya.

"Akalain mo, may umaayaw rin pala sayo." pagbibiro ko na tinawanan nya naman.

"Okay lang, hindi ko rin naman trip ang babaeng yon. Masyadong maharot." sabi nya
sabay tingin sakin pero saglit lang.

"Sayo ko pa narinig yan." sabi ko. Tumawa ulit sya. Masayahin talaga ang taong ito.
Kung hindi nakangiti, nakatawa. Kailan ko kaya makikita itong galit o malungkot?
Nakarating kami sa EK at pagbaba pa lang nito ni Chelsea ay nakahatak agad ng
atensyon ang taong 'to. Parang artista naman syang ngumiti sa mga kababaihan. Itong
taong 'to.

Pumasok kami sa loob at naglibot libot na muna. Mabuti na lang nadala ko ang camera
ko kaya nakakuha ako ng picture kahit na ilang beses na ako nakapunta rito.

"Hey, kuhaan mo naman ako, wag puro sila." may himig na pagtatampo ni Chelsea.
Nakangiting itinapat sa kanya ang camera at nag-pose naman ito.

"Nice pose, wag masyadong galingan baka isipin nila nagsho-shooting tayo." sabi ko
pagkatapos ko syang kuhaan ng dalawang beses.

"Hayaan mo silang hayaan ang kagandahan ko."

"Ang kapal ah." sabay kaming natawa at nag-try na kaming sumakay ng mga rides.
Madalas ko syang kuhaan ng picture at todo pose naman ang isang 'to. May ilan-ilan
kaming picture na magkasama tapos minsan ay kinukuhaan nya rin ako.

"Nag-enjoy ka ba?" tanong ni Chelsea. Nasa ferris wheel kami ngayon at magkaharap
kami.

"Yeah, ang dami mo ring kalokohan eh." sagot ko sa kanya. Alas otso na ng gabi at
pagkatapos nito ay uuwi na kami.

"Ganito rin sila Ino, may kasama lang kabastusan." nakangiting sabi nya. Ngumiti na
lang ako sa kanya at tumingin sa labas ng bintana dahil malapit na kami sa
pinakatuktok. Napakahanga na lang ako sa ganda ng tanawin.

Itinapat ko sa camera sa labas at kumuha ng maraming picture. Tumingin ako kay


Chelsea na saktong nakatingin sa labas kaya kinuhaan ko rin ito. Napatigil ako
dahil mukhang hindi nasasayahan si Chelsea. Ang lungkot ng mga mata nya at hindi
rin sya nakangiti. Kahit na ganon ay kinuhaan ko pa rin sya ng isang shot.

"Ngayon lang kita nakitang malungkot." sabi ko pagkatapos kong makuhaan sya na
talagang makikitang malungkot sya.

Napatingin sya sakin na may konting gulat sa mukha tapos ngumiti. Bigla tuloy ako
nagduda kung masaya ba talaga si Chelsea. Kanina lang malungkot sya pero bigla
syang ngumiti na madalas nyang ipakita.

"May naalala lang ako." sabi nya.

"Alam mo, pwede kang hindi umacting sa harap ko." sa sinabi kong yon ay nawala ang
ngiti nya at tumingin ulit sa labas ng bintana.
"Ngayon mo lang napansin na umaacting lang ako?" sabi nya na may konting ngisi pero
hindi pa rin nakatingin sakin.

"Noon pa lang, hindi mo na pinapakita ang totoo mong nararamdaman? kahit kanila
Paris?" tanong ko rito.

"Syempre alam nila."

Wow, kanina lang hinihiling kong makita syang malungkot, ngayon kitang kita ko na
sobrang lungkot ni Chelsea. Gusto ko syang tanungin kung bakit sya malungkot pero
hindi kami ganon ka-close na kailangan alam ko yon. Hahayaan ko na lang ito.

Tahimik lang kaming parehas habang naglalakad papunta sa sasakyan nya. Hindi ako
sanay na tahimik itong si Chelsea. Nakakapanibago.

Narinig ko syang bumuntong hininga at humarap sakin. Ngumiti na naman sya na


madalas nyang ipakita.

"Wag mo na lang ako intindihin." sabi nya sabay bukas ng sasakyan nya.

Nakitbitbalikat ako. Ayokong makialam kung ayaw nya akong makialam. Sabi ko nga,
hindi kami ganong ka-close para magsabi ng personal na bagay. Alam kong ganon rin
iniisip nya sakin kaya hindi nya sinasabi kung bakit. Parehas lang kaming wala pang
tiwala sa isa't isa kahit na parang close kami.

"Thanks sa paghatid." nakangiting sabi ko habang nakatayo sa gilid ng kotse nya.

"No problem. Ah nga pala, ikaw na bahala mag-explain sa mga magtatanong sayo
tungkol sa picture." nakangiting sabi nya. Kumunot ang noo ko.

"Anong picture?" takang tanong ko.

"Malalaman mo rin. Sige, una na ako. Bye bye!" nakangiting itinaas nya ang salamin
ng kotse nya at umalis. Naguguluhan ako kung anong picture ang tinutukoy nya.

Tinignan ko ang cellphone ko pagkatapos kong makapaligo. Nagtaka pa ako sa daming


notification sa twitter. May picture na pinost si Chelsea na naka-tag sakin pero
hindi ko pa alam kung anong picture kaya binuksan ko dahil pati yung apat ay nagco-
comment.

Napatayo ako sa pagkahiga nung makitang picture ko ito kanina sa ferris wheel.
Nakatingin ako sa labas ng bintana habang may malaking ngiti sa labi. Ganda ng
pagkakuha nya rito ah. Hindi ko namalayan na nakuhaan nya ako bago sya nalungkot
kanina.
Natatawa ako sa mga nagco-comment lalo na sila Cess na madaya daw si Chelsea dahil
naka-date ko raw ito. Sila kaliwa naman kung ano-ano ang pinagsasabi na hindi
patungkol sakin, puro sa paligid. Walangya ang mga yon.

Mabilis akong tumayo at naglakad sa computer ko. Kinuha ko ang memory card ng
camera at trinasfer ang mga picture namin ni Chelsea. Kinuha ko ang pinaka-cool na
picture ni Chelsea at nag-post rin. Niligyan ko ng caption na model ng EK tapos
tinag si Chelsea. Wala pang isang minutong nag-comment si Chelsea na puro heart
emoji. Natawa na lang ako.

Madalas na akong hindi nakakapunta sa school nila Mama. Mas madalas ko na kasing
makasama sila kaliwa kaya hindi ako napag-uutusan ni Mama. Kapag hindi ko naman
kasama sila kaliwa ay nakatambay ako sa kwarto ko magdamag. Bigla akong tinamad
maggala kapag hindi kasama sila kaliwa. Nararamdaman ko lang yung pagiging single
ko dahil December na, malamig na ang panahon. 

Si Veron busy sa bar nya kaya minsang walang pasok ay natutulog yon para may lakas
sa gabi. Tapos si Gia naman ay dahil nandito ang parents nila, mas marami silang
pwedeng gawing magpapamilya. Kami lang naman ang mga walang may jowa samin
magkakaibigan.

Dati nung wala pa si Rose, kahit kaming apat lang nakakagala kami pero ngayong may
pinagkakaabalahan na ring lovelife ang isang yon, nagkakatamaran kaming tatlo. Ang
panget kapag hindi buo ang barkada.

"Ate, gising ka na ba? kakain na!" sigaw ni Michael sa labas ng kwarto ko. Tumingin
ako sa orasan at nakitang alas dose na tanghalian.

Tumayo na ako at nag-toothbrush. Hindi ko na inaayos ang buhok ko dahil babalik rin
naman ako sa pagkahiga mamaya at hindi na rin ako nagbihis. Dali-dali akong lumabas
ng kwarto at tumungo sa dinning area.

"Good-!" napatigil ako sa pagsigaw dahil hindi lang pala sila Mama ang nandito.
"Shete!" sigaw ko at nagmamadaling pumunta sa kwarto ko.

Ano na naman ang ginagawa nila rito? Nakita nila ako na ganon ang itsura,
nakakahiya!

Inayos ko ang buhok ko at nagpalit na maayos na damit. Bigla na naman akong nahiya
nung makita ko ang nighties ko na suot ko kanina. Kahit na mabilis akong nakaalis
kanina ay siguradong may nakakita ang ilan sa kanila. Kahiya talaga.

Bigla tuloy ako nagdalawang isip kung kakain na o hintayin na lang sila matapos
kumain. Nagugutom pa naman ako. Kung umalis na lang kaya ako? mas safe kung aalis
na lang ako tapos kanila kaliwa na lang ako kakain.

Kinuha ko ang gamit ko. Napagdesisyon kong aalis na lang. Baka ano pa mangyari
sakin kapag nanatili ako kasama sila.

Binusak ko ang pintuan ng kwarto ko at nagulat ako na nandon si Ino.

"Hoho...mukhang may tatakas ah." ngising sabi nya.

"Ah eh, ganun na nga?" sabi ko sabay tulak sa kanya paalis sa harapan. "Sorry!"
mabilis na paumanhin ko nung marinig ko syang umaray.

"Si Jade, tatakas!" what the hell?

Dali-dali akong tumakbo pababa ng hagdanan at mukhang narinig nila ang sigaw ni Ino
kaya lumabas sila Cess ng dinning area.

"Jade myloves!" sigaw ni Marie.

Humarang sya sa hagdanan na ikamura ko. Tumigil ako tapos tumingin sa itaas at
nandon na si Ino.

"Saan ka pupunta ah?" tanong ni Marie.

"Hindi pa ba halata? edi palayo sa inyo." natatawang sabi ni Chelsea. 

"Babe Jade, bakit ba ayaw mo samin? hindi ka naman namin kakainin eh." sabi ni Rin.

Nakangiwing tumingin lang ako sa kanila. Tumingin ako sa paligid kung saan ako
pwedeng makatakas. Bigla naman ako nag-panic nung kumilos si Marie paakyat. Hindi
ko naman sya pwedeng itulak dahil nasa hagdanan kami.

Tumingin ako sa gilid ng hagdanan. No choice. Nagtungo ako ron at tumalon. Nagulat
ko pa nga sila dahil napasigaw sila. Napangiwi ako nung tumama ang paa ko sa sahig.
Na-out of balance pa ako.

"Jade run!" rinig kong sabi ni Chelsea. Nung tumingin ako sa kanila ay palapit
sakin si Cess at Rin.

Mabilis akong tumakbo papunta sa garden. Dumaan ako sa garahe at habol-habol pa rin
sila Cess sakin. Nagtataka ako kung bakit nila ako hinahabol eh dati naman kapag
lumalayo ako sa kanila ay hinahayaan na nila akong makalayo tapos ngayon.
Malapit na ako sa gate namin nung makita ko si Paris. Napatigil ako sa paglapit sa
kanya.

"Ikaw rin?!" sigaw ko.

"Jade!" sigaw nila Cess.

Nakita kong nakitbitbalikat lang si Paris. Muli akong tumingin sa paligid.


Masyadong mataas ang bakod namin, hindi ako makakatakas ron.

Nakita ko ang puno ng manga namin. Mabilis akong lumapit ron at umakyat. Maingat
akong tumawid ng bakod habang nasa gilid na naghihintay sila Cess na sinasabing
bumaba ako dahil baka ako mahulog.

"See 'ya!" nakangiting sabi ko sa kanila at tumalon sa kabilang side. Nagmamadali


naman akong tumakbo dahil nakita kong lumabas si Ino ng gate.

Ano bang trip nila at hinahabol nila ako?

Napansin ko ang pamilyar na sasakyan. Kumaway ako para tumigil ito sa harap ko.
Mabilis akong pumasok.

"Sean, go! wag kang hihinto sa bahay namin ah!" sabi ko kay Sean.

"Anong nangyayari?" takang tanong nito. "Tsaka papunta ako sa inyo." nakakunot ang
noo nitong sabi.

"Mamaya ka na pumunta samin! Ihatid mo muna ako kanila kaliwa, dali!" sabi ko.
Mabuti na lang ay sinunod ako ni Sean kundi, malalagot ako sa mga yon.

"Bakit tila ka tumatakas kanina?" tanong ni Sean nung makalayo na kami.

"Tumatakas talaga, kita mo yung mga babae kanina na humahabol sakin? hindi ko alam
kung ano trip nila at hinahabol nila ako." sabi ko.

"Chicks mo ata ang mga yon." pagbibiro nya.

"As if 'no." sabi ko at nakitawa na rin. "Ano pa lang gagawin mo sa bahay?" tanong
ko.

"Inutusan lang ako ibigay yung dokumento na pinapabigay ni Daddy. Magiging mag-
partner na kasi ang dalawang school." sagot nya.
"Balik ka na lang pagkahatid mo sakin. Libre kita sa susunod sa pagligtas mo sakin
ngayon."

"Parang yun lang eh. Ayaw mo ba sa kanila? ang gaganda kaya nila."

"Lesbian sila, Sean." gulat syang napalingon sakin pero saglit lang. "Seryoso."
natatawang sabi ko.

"Sayang." natatawang sabi nya.

"Akala mo naman may popormahan." patay na patay pa rin ito kay kaliwa. Napa-loyal
ng isang 'to.

"Kilala mo talaga ako." nakangiting sabi nya.

"Alam ko lang kung gaano ka kapatay na kapatay kay kaliwa. Move on rin."

"Maybe next time." nailing ako. Engaged na yung dalawa pero umaasa pa rin sya kay
kaliwa. Sayang talaga ito kung mananatiling single.

"Thanks, Sean." sabi ko habang inaalis ang seatbelt pero hindi ko ito matanggal.
"Uy, sira na ata lock ng seatbelt mo." hindi ko pa rin maalis yung pagka-lock ng
seatbelt. Mukhang bago pa naman sasakyan ni Sean, bakit sira na agad itong
seatbelt?

"Akin na. Pinupwersa kasi 'to." sabi nya at sya na nagkalikot ng lock. Kahit sya
nahihirapan sa pagtanggal hanggang sa nilakasan nya yung paghatak at tumama sa baba
ko ang kamay nya. "Sorry! sorry!"

"Ang sakit ah." sabi ko habang hawak ang baba ko.

"Sorry." nakangiwing sabi nya.

"Oh ayan, hindi na kita ililibre, sinaktan mo ako." sabi ko at binuksan ang pintuan
ng sasakyan nya.

"Okay lang basta mapatawad mo ako pero iniisip ko na nakatipid ka sa parte na yon
ah." sabi nya na natatawa sa dulo.

"Medyo." sabay kaming natawang parehas.

Nagpaalam na ako sa kanya at pumasok sa bahay ni kaliwa. Nakakagulat na si kaliwa


lang ang nasa bahay nila. Linggo naman ngayon kaya bakit wala si Nissan?
"Bakit namumula yang baba mo?" tanong ni kaliwa. Pinaghanda nya ako ng pagkain na
niluto daw ni Nissan. Mabuti rin pala na wala si Nissan, hindi ako pinapalayas ni
kaliwa.

"Yung seatbelt kasi ng sasakyan ni Sean sira na ata. Hindi maalis agad eh.
Kailangan pinupwersa tapos tumama sa baba ko yung kamay nya." sagot ko.

"Si Sean? bakit magkasama kayo?" takang tanong nya.

"Selos ka?" syempre, nang-aasar lang.

"Gago, bakit naman ako magseselos? curious lang ako na magkasama kayo."

"Papunta sya sa bahay namin tapos ako tumatakas kanila Cess. Nagpahatid ako sa
kanya rito."

"Sa loob ng tatlong linggo, ngayon ka lang binulabog ng mga yan ah." binigyan nya
ako ng juice dahil sunod sunod na ang subo ko pagkatapos kong sumagot sa kanya.

Nilunok ko muna ang pagkain sa bibig ko bago sumagot. "Nakakapagtataka nga na


hinahabol nila ako. Dati naman hindi sila ganon, pero ngayon talagang hinabol nila
ako."

"Lakas ng tama sayo ng mga yon." sabi nya sabay tayo para lumabas ng kusina.

Binilisan ko naman ang pagkatapos kumain. Sinundan ko si kaliwa papunta sa kwarto


nya at nakita ko syang nakaharap sa computer nya.

"Ay putek kayo, naglalaro pala kayo." sabi ko dahil nakita kong online silang
lahat.

"Nagcha-chat kami sa gc pero hindi ka naman sumasagot. OTW ka na pala rito." sabi
nya habang nagty-type sa gc namin. Pinapaalam nya na nandito ako sa bahay nila.

"Walang lakad sila Gia?" tanong ko.

"Umalis daw, nag-grocery. Hindi na sumama ang loko." sagot nya naman. "Open mic,
guys." sabi nya.

Narinig ko naman sa speaker nya ang tatlo. Ang daya, hindi ako makakasali at
talagang pang-apatan yung nilaro nila.

"Umuwi ka na kasi, Jade." rinig kong sabi ni Veron.


"Ayoko, nandon pa ang mga yon eh. Mamayang gabi na lang ako uuwi." sagot ko. Pero
baka nga nandon pa rin ang mga yon kaya late ako uuwi mamaya.

Tumambay ako sa kwarto ni kaliwa hanggang sa maghapunan. Ayoko pang umuwi pero
pinapalayas na ako ni kaliwa. Dumating na kasi si Nissan kaya gusto na nyang masolo
ito. Araw-araw naman sila magkasama pero kung umasta si kaliwa kay Nissan ay parang
ilang taon silang hindi nagkita. Lakas rin ng tama ng isang yon kay Nissan.

Halos malapit ng mag-alas onse ako nakauwi sa bahay. Napagod ako kakalakad sa park
tapos ako na lang natitirang tao ron kaya umuwi na ako. Sigurado naman na umuwi na
ang mga yon dahil anong oras na.

Walang gising na tao nung nakauwi ako kaya hindi ako gumawa ng kahit anong ingay
para magising sila Mama. Nagtungo ako sa kwarto ko. Kinapa ko ang switch sa gilid
ng pader at binuksan ito. Laking gulat ko na nandon ang tatlo na sila Cess.

"Nakauwi ka na pala." napatalon ako sa gulat nung may magsalita sa likuran ko.

"Walangya ka, Chelsea. Bakit nandito pa rin kayo?" tanong ko at pinatay ang ilaw ng
kwarto ko at sinarado para hindi sila magising.

"Dito kami pinatulog ni Tita. Kumain ka na ba?"

"Tapos na. Anong ginagawa ng tatlong yon sa kwarto ko?" tunkoy ko sa tatlong lapit
ng lapit sakin.

"Nagtaka ka pa." nakangiting sabi nya.

"Saan ko matutulog nito?" problemadong sabi ko. Akala ko pa naman wala na sila
rito, pero nandito pa pala ang mga 'to.

"Doon ka na lang sa tinutulugan ko. Gamit na nila Paris at Ino yung dalawa pang
ninyong guest room." sabi nya at hindi nya na ako hinintay pang sumagot. Hinila nya
ako sa pinakadulong guest room namin.

Hinayaan ko na lang dahil okay naman kasama si Chelsea. Wag nya sana akong ibenta
bukas sa mga kaibigan nya.

Pagod na pagod akong nahiga sa higaan katabi ni Chelsea pagkatapos kong magpatuyo
ng buhok.

"Maaga naman kami aalis bukas kaya pwede kang makatulog ng matiwasan ngayon." sabi
ni Chelsea.
"Hindi mo ipagsasabi na nandito ako?" tanong ko.

"Hindi." natatawang sabi nya. "Basta wag lang sila pumasok rito kundi mayayari ka."
napasimangot ako.

"Ano ba kasing trip nila at hinahabol nila ako?" tanong ko at napapikit dahil
ramdam ko na ang antok ko.

"Trip ka lang nila. Matulog ka na." hinaplusan nya ang buhok ko kaya mas lalo akong
inaantok.

Tumagilid ako at niyakap sya. Narinig ko pa itong napatawa ng mahina pero hindi ko
ito pinansin dahil tuluyan na akong nakatulog.

-------------------------------

A/N: Welcome back! 

Hindi ako sure sa araw ng update nito kaya wag umasa.

Hindi rin ito katulad ng MIP na mahahaba ang Chapter kaya wag pa rin umasa.

        Chapter 16 [Mi Amore Series#2: My Hot Pre...]

      

Jade's POV

"Jade, puntahan mo si Paris sa kanila at kunin mo ang mga pipirmahan ko."


nabilaukan ako sa sinabi ni Mama habang nasa hapagkainan kami. Mabilis kong kinuha
ang baso ni Michael dahil walang laman yung sakin.

"Ate!" sigaw ni Michael pero hindi ko sya pinansin at inubos ang laman ng baso.

"Ma!" anak ng tokwa ka nga naman. Nagsisimula na naman si Mama mang-utos.

"Walang magbabantay sa kapatid nya kaya hindi sya pwedeng umalis ng bahay nila. May
mga lakad ang mga kapatid mo kaya hindi ko sila mauutusan." sabi ni Mama. Ang bilis
nyang magdahilan.

"Pero Ma!" maktol ko.

"Jade, pakikuha na rin sa office ko ang papel. Alam na yon ni Cathy, sa kanya mo
kunin." pag-uutos ni Papa. Mas lalo nila akong pipilitin puntahan si Paris nito eh.

Pagkatapos kumain ay pinaalis na nila ako. Ilang beses ko pa sila pinilit na wag
ako yung utusan pero mapilit itong mga magulang ko. Galing. Linggo na linggo puro
trabaho pa rin nasa isip ng mga yon. Kapag talaga ako nagtrabaho, hindi ko sila
gagayahin. Kailangan may pahinga pa rin ako.

Inuna kong puntahan ang office ni Papa. Mabilis lang rin ako umalis dahil mukhang
inaabangan ni Cathy, ang secretary ni Papa na dating ko. Sunod na pinuntahan ko ang
bahay nila Paris. Nag-commute lang ako dahil hindi ko pinahiram ni Papa ng sasakyan
nya. Galing talaga eh, nang-utos na nga, hindi pa ako pinahiram ng sasakyan.

Nasa sala lang si Paris habang nilalaro ang kapatid nyang si France nung pumasok
ako. Tinext kasi ako ni Paris na pumasok na lang pagkarating ko.

"Hey baby." nakangiting bati ko kay France at mahinang pinaggigilan ang pisngi nya.
Tuwang tuwa sya sa pinaggagawa ko.

"Pakibantay saglit si France, kunin ko lang sa kwarto ko yung dokumento." sabi ni


Paris.

"Okay." sabi ko at kinalong si France. Agad naman nya akong hinampas sa mukha.
"Aba't, magiging boxingero ka ba at nanghahampas ka ng mukha?" tanong ko rito pero
syempre, hindi nya ako sasagutin, hahampasin lang.

Ibinaba ko sya para tumayo sya. Alalay na alalay ko syang hinayaan na lumakad sa
paligid. Sa damit ko na lang sya hinahawakan pero may time pa rin na natutumba sya.

"Nandito na lahat." tumingin ako sa likuran dahil palabas na kami ng garden nila
napadpad ni France.
"Okay, tama na ang lakad." sabi ko at kinalong si France. Bumalik kami kay Paris.
Ibinaba ko sya sa sahig kung saan nakalatag ang mga laruan nya tsaka ako umupo sa
tabi ni Paris.

Tinignan ko ang bawat papel. Binilin kasi sakin ni Mama na tignan ang bawat papel
kung may mga pirma si Paris at kung kompleto lahat. Minsan daw kasi may isang papel
na hindi napirmahan si Paris.

"Paris, wala kang pirma rito." sabi ko sabay bigay sa kanya ng papel na wala syang
pirma. Hindi ko sya masisisi kung hindi nya napirmahan yon, halos magkadikit yung
isang papel sa papel na walang pirma. Parang isang papel tuloy sila kung hindi ko
lang napansin yung kapal ng papel.

"Thanks." napangiti ako at tinignan pa ang ibang papel.

"Lahat pirmado na." sabi ko nung makitang okay naman na lahat. Inayos ko ang mga
papel at ipinasok sa envelope.

Tumayo na ako para umalis pero napansin ko na tila may kinakain si France. Wala
naman pagkain na nakahanda para may kainin si France. Bigla naman ako kinutuban.

"Baby, ano kinain mo?" tanong ko habang ibinubuka ang bibig nya sa pagpisil ng
pisngi nya.

"Bakit?" takang tanong ni Paris at lumapit samin. "France! iluwa mo yan." sya ang
kumuha sa maliit na laruan sa bibig ni France habang nakapisil pa rin ang kamay ko
sa pisngi nya.

"Nakong bata ka, gutom ka na ba at pati laruan mo kinakain mo?" naalis na namin ang
laruan sa bibig ni France. Mabuti hindi nya nalunok yon.

Kinuha ni Paris si France para pakainin. Pumunta sila sa kusina at sumunod naman
ako. Bigla akong ginutom kahit na kakain ko lang kanina.

"Wala kayong kasambahay?" tanong ko dahil pansin ko na silang dalawa lang talaga
rito sa bahay.

"Day off nila lahat." napatango-tango ako sa sagot nya.

"Akin na muna si France para mapaghandaan mo yung pagkain." lumapit ako sa kanila
at kinuha si France.

"Hindi ba kailangan ni Tita ang mga papel?" tanong nya.

"Hindi yon." sagot ko. 


Tumabi ako ng tayo sa kanya habang ginagawan nya ng pagkain si France. Tuwang-tuwa
si France habang nakatingin sa pagkain nya. Kung ano ano ang pinagsasabi nya na
hindi naman namin naiintindihan.

"Ayan na, kakain na ang baby." pakikipag-usap ko dahil natapos na gawan ni Paris
ang pagkain nya. 

Kalong-kalong kong sinusubuan ni Paris si France. Napapangiti kami ni Paris dahil


nagliligalig si France kada sinusubuan sya. Gutom na gutom talaga ang batang 'to
kaya nakakain ng laruan.

Tumingin ako kay Paris na nakangiti habang pinapakain si France. Minsan ko lang sya
makitang ngumiti kaya nakakatulala sya ngayon. Mukhang napansin nyang nakatingin
ako sa kanya kaya tumingin sya sakin. Parang nakalimutan na namin si France dahil
magkatitigan kami ngayon at tumatagal ang titigan namin. Kung hindi lang naglilikot
si France baka hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa kanya.

Nagpapakalong si France kay Paris kaya naman lumapit pa ako sa kanya para ibigay sa
kanya si France. Nagulat ako dahil bigla na lang hinila ni France si Paris
pagkakapit nito. Ang lapit tuloy ng mukha naming dalawa. Ngumiti ako sa kanya at
ibinigay na ng tuluyan sa kanya si France.

"Kaya mo na si France? aalis na ako." sabi ko.

"Yeah..." ngitian ko sya at lumabas ng kusina. Sumunod naman sya sakin.

Nagulat kami nung makita si Chelsea na pumasok, pati sya nagulat siguro dahil
nandito ako.

"Jade, hello." nakangiting sabi nya kinalaunan.

"Hi." bati ko naman.

"Paris, kailangan pala ni Ma'am Jo ito. Pirmahan mo muna bago ko dalhin sa kanila."
sabi ni Chelsea at lumapit kay Paris.

"Pahawak si France." kinuha ni Chelsea si France at kinuha naman ni Paris ang


envelope.

"Ano palang ginagawa mo rito, Jade?" tanong ni Chelsea pagkaharap sakin.

"Katulad mo, may pinapakuha si Mama kay Paris. Nakakainis nga, pupunta ka rin pala
samin, sana ikaw na lang inutusan." nakangusong sabi ko. Natawa naman si Chelsea.
"Ito na." parehas kaming tumingin kay Paris.

"Ako na magbibigay nyan kay Mama." sabi ko at kinuha ang envelope kay Paris.

"Wala kang dalang sasakyan 'no? Wala akong nakitang sasakyan sa labas." sabi ni
Chelsea.

"Wala. Hindi ako pinahiram nila Mama." sabi ko.

"Hatid na kita." ibinigay ni Chelsea kay Paris si France. "Mauuna na kami, Paris."
hindi pa nga ako sumasagot, nagpapaalam na agad sya kay Paris. Hindi talaga ako
makapagdesisyon dito kay Chelsea.

"Babye, baby." paalam ko kay France at hinalikan ito sa pisngi nya dapat pero
lumingon ito sakin kaya sa labi nya ko sya nahalikan. Napangiti naman kaming
parehas. "Alis na kami, Paris." paalam ko rin rito.

Naglakad na kami palabas ng bahay ni Paris. Nagtaka ako dahil iba ang kotse na dala
ngayon ni Chelsea nung dating lumabas kami.

"Marami kang sasakyan 'no?" tanong ko habang pinagbuksan nya ako ng pinto ng
sasakyan nya. Gentlewoman naman this girl.

"Hindi naman, dalawa lang." ngiting sagot nya.

"Yayamanin." sabi ko bago nya sinara ang pintuan.

"Sakto lang." mabait at humble talaga si Chelsea. 

"Nakakapagtataka na wala kang girlfriend sa bait mong yan."

"Walang nagseseryoso sakin eh."

"Bakit naman?" nilingon nya ako saglit tapos sa daan uli ang tingin.

"Madalas ang gusto nila ay matikman ako. Ang sarap ko kasing tignan."

"Konti na lang mahahawa ka na kanila Cess." sabi ko na ikatawa nya.

Hindi na pumasok pa sa loob ng bahay si Chelsea pagkarating namin. Talagang hinatid


nya lang ako. Ibinigay ko na lahat ng mga papel kay Mama tsaka ako nagkulong sa
kwarto ko.
Pagod akong lumabas ng room at niluwagan ang necktie na suot ko. Nakaabang ang mga
kaklase ko sa sasabihin ko habang yung kasunod ko naman ay pumasok ng room.

"So?" tanong ni Gia.

"Ako pa ba?" nakangiting sabi ko.

"Yabang!" natatawang sabi ni Fin.

"Congrats! Ano ang mga tinanong sayo?" tanong ng kaklase kong sunod na magde-
defense.

"Kung ano yung nasa system ko. Bilib na bilib sila kaya sakin." sabi ko na may
pagmamayabang. Pinagtatapon naman nila sakin yung paper cup na hawak nila na walang
laman. "Mga siraulo 'to."

"Si Gia at kaliwa na lang satin ang hindi pa nakakapag-defense. Makakapasa kaya?"
nakangiting sabi ni Veron. Kaming tatlo ay nakapasa na sa defense ng thesis namin.
May ilan-ilan na ang hindi pa nakakapasa sa defense sa section namin pero
pinagbigyan sila kaya nasa isang room sila para gawin yung nag-error sa kanila na
hindi nila nagawa kanina sa defense.

"Wag kayong bumagsak rito para maaga tayong makapagbakasyon." sabi ko. May re-
defense naman kung sakaling bumagsak rito pero syempre, mas maganda kung makapasa
na agad para wala ng proproblemahin.

Lumapit ako kay kaliwa na nakatingin sa laptop nya. Tinitignan nya ata yung system
nya.

"Ayos na ba system mo?" tanong ko rito.

"Somehow." sabi nya na hindi ako nililingon. "Nagugutom na ako. Ang tagal ko pa,
langya." natawa naman ako.

"Kain muna tayo? Matagal pa naman kayo ni Gia eh." sabi ko. Mga pang-anim pa si Gia
tapos pang-sampu pa naman si kaliwa.

"Tara, kain. Ala una na rin." sabi nya. Nilingon ko naman yung tatlo na nakikipag-
usap sa mga kaklase namin.
"Tatlong pugo, kain daw!" sigaw ko. Sound proof naman yung room na pinagde-defense-
an namin eh kaya hindi nila rinig yung labas.

Nagpaalam sila sa mga kaklase namin. Nag-aya sila na sa labas kumain pero malapit
lang sa school. Pinagtitinginan kami ng ilan tao dahil sa formal suit namin. Si Gia
at Veron ay naka-dress habang kami naman ni Fin ay naka-long sleeve polo at black
pants. Ako lang naka-necktie. Si kaliwa naman naka-tshirt na white tapos may suot
syang blazer na black at black pants.

"Oh, nandito sila Paris." sabi ni Veron na nasa unahan kasabay si Fin. Sinilip ko
naman ang tinitignan nila. Napangiwi ako dahil kompleto sila at napansin nila kami
dahil nga sa mga taong pinagtitinginan kami.

"Hoy." pag-aawat ko kanila Veron dahil sinabi nilang pupuntahan nila si Paris.

"Hayaan mo na." sabi ni kaliwa. Napasimangot naman akong sumunod sa kanila.

"Looking good huh. Defense nyo?" tanong ni Chelsea. Naka-school uniform silang
lahat.

Ang layo naman ng napadpad ng mga 'to.

"Babe Jade, ang hot mo talaga." sabi ni Rin. Napangiwi ako.

"Maki-share na tayo sa kanila ng pwesto." tumingin ako kay Gia. Anak ng tokwa ka,
Gia!

"Dito ka Jade!" sabay sabay na sabi nila Marie, Rin at Cess.

"Tumigil kayo dyan. Dito ka na lang sa tabi ko, Jade." nakangiting pag-aawat ni
Chelsea.

"Daya mo." parehas na ngumuso ang tatlo nung naglakad ako papunta kay Chelsea. 

"Same na rin ako ng order kay kaliwa." sabi ko nung umorder na yung apat.

"So, nakapasa na ba kayo sa defense nyo?" tanong ni Cess pero sakin nakatingin.

"Nakapasa na kami nila Veron at Jade. Si Gia at kaliwa na lang ang hindi pa." sabi
ni Fin.

"Matagal pa sila kaya naisipan na muna namin kumain." sabi ni Veron.


Tumingin ako sa mga pagkain na inorder nila. Hindi pa iyon nangangalahati, mukhang
kakasimula lang nilang kumain.

"Gusto mo?" pag-aalok ni Chelsea nung sa pagkain nya ako tumingin. Sasagot pa lang
ako pero isinubo nya na agad sa bibig ko.

"Hindi ka talaga marunong maghintay ng desisyon 'no?" tanong ko habang nginunguya


ang karne na isinubo nya sakin. Nginitian nya lang ako.

Ilang minuto ay dumating na ang order namin. Inalis ko na ng tuluyan ang necktie ko
at ialis ang unang botones ng polo ko.

"Sherep." napatingin ako sa harapan at nakita kong nakatingin si Cess sa bandang


leeg ko. Napayuko tuloy ako kung masyado bang litaw ang katawan ko pero hindi
naman.

"Wag mong pansinin yan." bulong sakin ni Chelsea. Nilingon ko sya at malapit na ang
mukha namin. Ngumiti na naman sya bago lumayo at kumain. Nakibitbalikat ako at
hindi na nga sila pinansin.

Pagkatapos namin kumain ng main dish, nagsiorderan pa sila ng dessert. Hindi na ako
om-order dahil tatlong rice na ang nakain ko kaya busog na ako. Nagpaalam ako s
akanila na magbabanyo lang. Dala ang necktie kong tumungo sa banyo. Mag-aayos na
rin ako kaya gusto kong magbanyo.

Pagpasok ako sa restroom ay sya naman ang labas ni Paris sa cubicle. Hindi ko sya
napansin na wala na sya sa table kanina.

"Diet ka? ang konti lang ng kinain mo tapos hindi mo pa naubos." sabi ko sa kanya.
Kaming dalawa lang ang nandito. "Payat payat na nga eh." sabi ko.

"Excuse me? hindi ako payat." napangiti ako dahil nainis sya.

Tumabi ako ng tayo sa kanya sa harap ng sink. Ipinulupot ko ang necktie sa leeg ko,
sa ilalim ng kwelyo ng polo at inali ito kaso hindi ko magawa ng maayos. Si Gia
kasi nag-ayos nito sakin kanina.

"Akin na." iniharap ako ni Paris sa kanya at kinuha ang necktie. Sya na mismo ang
nag-ayos nito sakin.

Habang inaayos nya ang necktie ko ay nakatingin lang ako sa kanya. Ang ganda talaga
ni Paris. Ngayon ay naiintindihan ko na si Fin bakit mahihilig sya sa mga strickto
babae, ang hot kasi nilang tignan tapos kapag ngumiti at tumawa na sila, para ka
naman nakangiti ng anghel sa ganda nila.

Natapos na atang ayusin ni Paris ang necktie ko sya tumingin sya sakin. Nakita ko
na naman ang ocean blue nyang mga mata. Kahit na ilang beses ko na ito natitignan,
hindi ko pa rin maiwasan hindi ito tignan. Nahy-hypnotize talaga ako ng mga mata
nya. Nawala lang ang pagka-hypnotize ko sa kanya nung umiwas sya ng tingin.

Kusa naman gumalaw ang kamay ko para hawakan ang mukha nya at iniharap sakin.
Ikinilos ko ang katawan ko para lumapit pa sa kanya at hinalikan sya. Kailan ba ang
huling halik ko sa kanya? Ilang months na rin nakakalipas sa tagal. Namiss ko ang
lasa ng labi nya at ang lambot nito. Hindi rin sya umangal at mukhang namiss nya
rin dahil hinalikan nya rin ako. Hindi ko tuloy maiwasan hindi mapangiti. Gustohin
ko man magtagal pero baka mahuli kami kaya lumayo rin ako.

"Sarap." sabi ko at dinila ang labi ko.

"Shut up." sabi nya at naglakad palabas ng banyo. Natawa naman ako at pumasok ng
cubicle para maglabas ng tubig.

Pagkabalik ko ay pauwi na sila Paris. Sinabayan na namin silang lumabas ng


restaurant tsaka kami bumalik sa school. Kahit na tapos na kami ay hinintay namin
matapos ang buong section para malaman kung sino ang mga nakapasa at matulungan na
rin ang mga magre-re-defense. Isang buwan na lang ay tapos na ang school year namin
tapos dalawang buwan naman bago kami officially graduate.

Gabi na ako nakauwi sa bahay. Saktong maghahapunan na kaya hindi na muna ako
nagbihis kahit na kanina ko pa gustong maligo.

"Nasaan si Mama?" tanong ko.

"Pababa na sila." sagot ni Kuya. Napakunot ang noo ko. Sila? Wag naman sana tama
ang iniisip ko, kakakita ko lang sa kanila kanina eh.

"Dito ka na matulog since wala naman pala tao sa inyo." narinig ko na ang boses ni
Mama kaya naman hinintay ko silang pumasok ng dinning area.

"If that's okay with you." boses yon ni Paris.

Pumasok silang dalawa at hinintay ko kung may iba pang kasama si Paris pero sya
lang. Mabuti naman wala sila Cess.

"Bakit hindi ka pa nagbihis, Jade?" tanong ni Mama.

"Pagkatapos na lang kumain para diretso tulog na." sagot ko.

"Nakapasa ka naman?" tanong nya ulit habang umupo sa kanang gilid ng kabisera. Sa
tabi ko naman naupo si Paris.
"Ako pa ba?"

"Yabang ah." sabi ni Michael.

"Congrats, anak." sabi ni Papa. Ngumiti naman ako sa kanila.

"Dito pala matutulog si Paris, dear. Walang tao sa kanila ngayon kaya inaya ko
syang dito matulog." sabi ni Mama.

"Mas maganda nga na dito ka muna. Delikadong mag-isa sa bahay lalo na babae ka."
sabi ni Papa.

"Pa, si Gia madalas mag-isa sa bahay nila. May sariling condo unit si Jellal at
wala silang kasambahay pero wala naman nangyari kay Gia. Masyado kayong mag-isip
dyan." sabi ko.

"Mas matatakot pa ang masamang tao kay Gia." natatawang sabi ni Kuya.

"Hmm...sabagay, warfreak rin yon minsan eh." sabi ko at natawa kami.

Pagkatapos kong kumain ay mabilis akong nagpaalam sa kanila para makaligo na.
Kanina pa ako nangangating maligo. Nagbabad ako sa tubig ng isang oras tsaka ako
natapos. Dahil nandito sa bahay si Paris, pajamas ang susuotin kong pantulog.
Nadala na ako nung pumunta sila rito na naka-nighties lang ako.

"Jade, pahiramin mo ng damit si Paris." katok ni Mama sa pintuan. Lumapit ako para
pagbuksan ito. Akala ko si Mama lang nasa labas, si Paris rin pala. "Wala syang
dalang damit kaya pahiramin mo muna sya. Magka-size lang naman kayo. Ikaw na bahala
kay Paris, okay?"

"Alright." sabi ko at pinapasok si Paris. "Pili ka na lang ng damit dyan. May mga
underwear rin akong hindi gamit dyan." sabi ko rito.

Hinayaan ko syang pumili ng susuotin nya. Nagbukas ako saglit ng computer habang
nasa kwarto ko pa si Paris. Sa banyo ko na rin kasi ito nakiligo.

Mga ilang minuto nung narinig ko syang tinatawag ang pangalan ko. Lumapit tuloy ako
sa pintuan para marinig sya ng maayos.

"Paabot ng tuwalya, hindi ko nadala." sabi nya.

"Wait lang." lumapit ako sa higaan kung saan nya naiwan ang tuwalya nya. Bumalik
ako at kumatok sa pintuan. "Ito na, Paris." bumukas ang pintuan at hindi inaasahang
nakita ko ang hubad nyang katawan kahit na nakabukas lang ito ng konti pero nakita
ko yung pink!
"Thanks." tila hindi nya pinansin na nakita ko yung pink nya. Right!

Bumalik ako sa harap ng computer at pinaypay ang mukha ko gamit ang kamay. Hindi ko
makalimutan yung pink nya!

---------------------------------

A/N: Sadyang may naisip lang ako kaya nakagawa ako ng update. Wag pa rin umasa sa
update. Ipagdasal na lang ninyo na may naiisip akong update.

        Chapter 17 [Mi Amore Series#2: My Hot Pre...]

      

Jade's POV

"Miss, pa-account po." tumingin ako sa harapan nung may customer. Tumingin ako sa
paligid.

"Pa-assist. Salamat." sabi ko at ibinalik ang tingin sa monitor. May ginagawa ako
kaya hindi ko ma-assist yung customer.

Isang buwan na simula nung nagbukas ang shop ko. Marami agad akong customer nung
unang linggo. Gamit lahat ang two hundred na PC ko. Hindi lang mga estudyante sa
school ni Mama ang pumupunta sa shop ko. Yung kalapit high school rin kaya araw-
araw na lang ay maraming tao. Kaya madalas na akong pumunta rito para i-check at
tumulong na rin. Wala na rin naman kami pasok at waiting na lang kami sa graduation
na gaganapin next week kaya mas marami akong time sa shop ko.

"Kuya, fried noodle with beef siomai, dalawang order!" sigaw ng customer sa snack
center. Ang lakas ng boses nito. Napapailing na lang ako.

Marami akong tindang snack rito at yung iba ay niluluto pa like fried noodle at mga
silog. Twenty four hours bukas ang shop ko kaya may mga taong magdamag naglalaro at
hindi na umuuwi para kumain. May isa nga akong customer na ginawa ng bahay itong
shop dahil dalawang araw ng hindi umuuwi. Nakiusap pa ako sa taong yon na umuwi
muna para maligo dahil baka madumihan nya yung mga equipment lalo na yung headset.
Hindi lang sya yung naglalaro rito kaya kailangan malilinis lahat ng gamit.

"Hi, miss." pamilyar sakin yung boses kaya umangat ang tingin ko.

"Sean." nakangiting bati ko sa kanya. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.

Humalumbaba sya sa counter. "Hinihintay ko si Ate matapos makipag-usap sa Mama mo.


Naalala ko may shop ka rito kaya dinalaw na kita."

"Pansin ko na driver ka ni Ms. Dani." sabi ko. Bumuntong hininga sya at sumubsob sa
counter.

"Ganun na nga pero naawa kasi ako kay Ate dahil madalas itong busy kaya nga nag-
offer ako sa kanya na ihatid sundo sya kahit saan sya pumunta." sagot nya at
sumilip sa pagkasubsob. "Kumain ka na? Kain tayo, nagugutom ako." tumingin ako sa
orasan sa monitor. Tanghali na pala.

"Sige, tapusin ko lang ito saglit pero hindi mo ba hihintayin si Ms. Dani?" tanong
ko.

"Matatagalan daw sya. Manlilibre naman siguro Mama mo ng pagkain nila kung talagang
matatagalan sila." sabagay.

Tinapos ko na ang ginagawa ko para makakain na rin. Binili ko sa mga staff ko ang
shop bago kami lumabas ni Sean.

"Saan naman tayo kakain?" tanong ko.

"Doon tayo sa mura lang para marami tayong makain. Jollibee, Mcdo, KFC, o
Chowking?" tanong nito.

"Hindi halatang gutom ka." natatawang sabi ko.

"Hindi, inaalala ko lang yang alaga mo." nawala ang tawa ko at hinampas sya. Sya
naman yung natawa. "Mang Inasal? Unli rice?" taas baba ang mga kilay nyang suggest.

"Game!" sabi ko. Medyo malayo yung Mang Inasal kung lalakarin kaya nag-jeep kami.

"Malapit na kayong grumaduate ah. Tapos na ang paghihirap ninyo sa school."


"Sa trabaho naman ang sunod namin kalbaryo." sabay kami natawa ng mahina sa sinabi
ko. "Ikaw? kailan ka gra-graduate?"

"Next year pa pero tumutulong ako sa mga trabaho ni Ate katulad nung restaurant
nya. Ang school at restaurant nya na lang ang natira samin." nakangiting sabi nya
pero hindi iyon ganon kasaya. Ikaw ba naman pagtaksilan ng mga tauhan mo at
bumagsak ang kompanya.

"At least hindi nadamay talaga yung school at restaurant pero bakit umalis pa kayo
last year?" curious na tanong ko.

"Hindi kinaya ni Mommy ang stress. Kailangan nilang mag-unwind ni Daddy. Si Ate,
ayaw nya naman pabayaan ang mga magulang namin kaya nag-resign sya sa school. Ganon
rin ang nararamdaman ko kaya sumama ako sa kanila." sagot nya.

"Bakit hindi na kayo nakapagpaalam samin?"

"Biglaan lang talaga yon."

Napatango na lang ako. Ayoko na magtanong tungkol ron. Nakikita ko lang ang
paghihinayang ni Sean dahil sa nangyari sa kanila.

Pumasok kami ng Mang Inasal at si Sean na mismo ang umorder ng pagkain namin habang
naghanap ako ng mauupuan. Tanghali na kaya maraming kumakain.

"Ano? Walang bakante?" medyo nagulat ako nung nasa likuran ko na pala si Sean. May
dala syang number na may mahabang stick. "Ayun! Dali." sa pangalawang pagkakataon
ay nagulat ako dahil sa paghila nya sakin papunta sa lamesang naging bakante.

"Akala mo naman mauunahan tayo." sabi ko. Tumawag si Sean ng maglilinis ng lamesa
dahil naiwan pa ang pinagkainan ng nahuling kumain.

"Mahirap na." nakangiting sabi nya.

Pagkalinis ng lamesa ay naupo na kami.

"Makakailang rice ka kaya? tatlo?" tanong nya.

"Anong akala mo sakin? mahina? anim." sabi ko na may diin sa anim. Natawa naman sya
sakin.

"Ang takaw mo talaga, Jade."

"Grabe ka, makatakaw rin sila Fin." pagdadamay ko sa apat. Hindi lang ako malakas
kumain ah.

"Mabuti hindi ka tumataba, kayo kahit na ang tatakaw nyo."

"Nag-eexercise kami. Hindi lang namin sinasabi." madalas akong mag-exercise sa


umaga pero kapag hindi ko nagawang mag-exercise sa umaga, sa gabi ko ginagawa.
"Tsaka dancer kami, need talaga namin i-maintain ang body namin."

"Si Gia lang naman ang dancer sa inyo." ngising sabi nya.

"Mas magaling lang si Gia pero dancer kami." hindi nagpapatalong sabi ko.

"Okay, okay." pagsusuko nya.

Dumating na yung pagkain namin kaya tahimik kaming kumain. Nakakaanim na kanin ako
at ganon rin si Sean. Simot na simot ang manok namin dahil sa dami namin nakain.
Nanatili pa kami sa Mang Inasal pagkatapos namin kumain. Umorder pa kasi ng dessert
na halo-halo itong si Sean.

"Si Gia, magsisimula na rin mag-business?" tanong nito.

"Hmm? Ah oo, gusto kasi ng mga magulang namin na mag-business kami tapos ang napili
nyang business ay dance studio naman. Computer shop rin sana kayo ayaw nyang
kalabanin ako." sagot ko at sumubo ng ice cream.

"Si Gia lang talaga ang dancer sa inyo." pinaliitan ko sya ng tingin. "Kailan bukas
ng studio nya?" tnaong nya.

"Next month pa. Naghahanap pa sya ng mga dancer. Hindi nya pwede kunin yung mga
dancer sa dati nyang pinupuntahan studio. Malalagot sya ron." nakangiting sabi ko.

"Edi si Yumi at Fin magbu-business rin? si Veron meron na kaya hindi na nya
kailangan mag-isip." sabi nya.

"Ayaw ni kaliwang mag-business. Dapat nga nung nabubuhay pa ang lolo nya, pinapa-
manage sa kanila ng kambal yung cafe shop nila pero ayaw ni kaliwa. Si Fin naman,
gusto nyang magtrabaho sa kompanya nila kaya hindi sya magbu-business. Sya magta-
take over ng kompanya nila eh."

"Speaking of work, ano na balak mo pagka-graduate ninyo? May shop ka na, magtra-
trabaho ka pa?"

"Oo, titignan ko kung sa kompanya rin nila Fin ako papasok o sa iba. Basta IT
related pa rin ang gusto kong trabaho. Ganon rin yung tatlo pero kapag maganda ang
kinalalabasan ng studio ni Gia, baka hindi na tumuloy yon sa pagtrabaho." sagot ko.
Balak ko nung una sa kompanya nila Fin na lang pero titingin muna ako sa ibang
kompanya.

"Akala ko pangkuha lang ng degree ang ginawa ninyo sa IT pero talagang trip ninyo
pala ang IT."

"Hoy! Seryoso kami ah, hindi lang halata." natawa kaming parehas sa sinabi ko.

"Tara, lakad lakad muna tayo." pang-aaya nya. 

Uminom muna ako ng tubig bago sumunod sa kanya palabas ng Mang Inasal. Naglakad
kami sa sidewalk at tinuloy namin ang kwentuhan. Puro tungkol naman sa kanya ang
pinag-usapan namin kung ano nangyari sa buhay nya ngayon na hindi na sya masyado
ginugulo si kaliwa. Kita kong masaya talaga si kaliwa kay Nissan at botong boto ako
sa kanila, nakakahinayang lang ang isang tulad ni Sean. Well, kasalanan nya rin
kaya wala na sa kanya si kaliwa.

"Watch out!" nagulat ako sa paghila sakin ni Sean. "Hoy!" tumingin ako sa harapan.
May nakabiseklata na dumaan talaga ng sidewalk. Marami nga syang muntik na
masagasaan eh. "Loko yon, may bike lane naman, sa sidewalk pa talaga dumaan."

"Thanks. Siraulo nga yon." sabi ko at umayos ng tayo.

"Alam mo, malalapit ka talaga sa digrasya 'no?" sabi nya. Naglakad na ulit kami
pero pinagpalit nya kami ng pwesto. Sa side sya ng kalsada.

"Huh? hindi naman ah." sabi ko.

"Oo kaya, last year, December muntik ka na ma-kidnap kung hindi lang ako napadaan
sa lugar na yon." sabi nya. Napakamot naman ako ng ulo at natawa ng mapakla.

"Aba, malay ko bang magagandang dalaga na pala ang kinukuha ng puting van." sabi
ko. Katulad ng sabi nya, muntik na nga ako ma-kidnap ng puting van nung December.
Hindi naman ako kasing lakas ni Veron para patulan yung mga lalaki pero
nagpupumiglas pa rin ako. Mabuti na lang dumating si Sean, kundi nasa news na ako
na namatay.

"Siraulo ka, nagawa mo pang magbiro." sabi nya pero tumatawa naman. Siraulo rin 'to
eh. "Uuwi ka na ba o babalik ka sa shop mo?" tanong nya kinalaunan.

"Babalik ako sa shop. May mga lakad kasi yung apat kaya walang gala. Maglalaro na
lang siguro ako." sagot ko.

"Alam kong ayaw mong pumunta pero may practice game ngayon ang baseball girls natin
sa school ninyo." sabi nya.
"Bakasyon na pero may practice pa rin sila." sabi ko. "Pwede naman akong manood
basta layo lang tayo ng konti."

"Balak ko sana sa bench pero sige."

"Sa bench, ayos lang rin." sabi ko. Sumakay kami ng jeep para makarating agad sa
school.

Bigla akong napaisip. Ang alam ko graduate na sila Paris last week. Nandito pa rin
kaya sila? Wala akong balita sa kanila nitong nakaraang araw pagkatapos nilang
grumaduate lahat. Iba na kasi ang pumupunta sa bahay dahil bago na ang mga Student
Council ni Mama. Mayayaman sila Paris kaya siguradong trabaho na ang
pinagkakabusyhan nilang lahat.

Tumungo kami sa baseball field. Hindi pa ata sila nagsisimula dahil ang team namin
ang nasa field at wala rin batter.

"Sean!" sigaw ng hindi ko kilalang babae.

"Mauuna lang ako saglit." paalam ni Sean tsaka sya nagmamadaling tumakbo papunta sa
bench ng team namin.

Tumingin ako sa kabilang bench at nagulat ako dahil nandon si Paris. Kahit na
malayo pa ako, kitang kita ko sila Cess na nagkukulitan.

"Jade! paabot ng bola!" tumingin ako sa tumawag sakin. Malapit sya sa second base.
Kaklase ko sya na pinagtataka ko kung bakit sya nandito.

Hinanap ko naman yung bola at nakitang nasa paanan ko pala yon. Shete. Buti hindi
ako natamaan. Hindi ko namalayan na may bola na palang nagsisiparan.

Aabutin ko sana ang bola pero bigla akong napatigil. Naalala ko na naman ang pitch
ng dati kong nakalaban na tinamaan ako sa ulo. Nakaramdam ako ng takot pero
nilalabanan ko yon. Huminga ako ng malalim at pumikit. Dumilat ako nung okay na ako
at kinuha ang bola.

Ngayon lang uli ako nakahawak ng bola ng baseball. Nanginginig pa rin ang kamay ko
sa konting takot na nararamdaman ko. Sobrang higpit ng pagkahawak ko sa bola.

Tumingin ako sa kaklase ko na naghihintay sakin. Nagsimula na akong lumakad.

"Ibato mo na lang!" sigaw nya. 

Napatigil naman ako na may pag-alala. Biglang pumasok sa isip ko na binato ko ang
bola sa kanya at tumama sa ulo nya. Bumilis ang tibok ng puso at paghinga ko.
Umiling iling ako at nagpatuloy sa paglalakad. Mas magandang hindi ko yon gawin.

"Sana ibinato mo na lang." nagtatakang tanong nya.

"Palakad na rin naman ako." nginitian sya at nagtungo sa bench ng team namin.

Nadatnan ko sila Sean at ang captain ng team na problemado ang mukha.

"Anong problema?" tanong ko.

"Kulang tayo ng member. Hindi makakapunta ang tatlo pang miyembro." sabi ni Sean.

"Ohh." komento ko na lang.

"Nakakahiya naman sabihin sa Everest team na magba-back out na tayo. Ilang beses pa
naman namin sila pinilit na magkaroon ng practice game. Nakakahinayang rin ito."
malungkot na sabi ni captain.

"Ilan na lang ba ang kulang sa inyo?" tanong ko.

"Isa."

"Baka pwedeng humiram kayo ng isa sa kanila. Sabihin ninyo lang para sa practice
lang naman." suggest ko.

"Bakit hindi ikaw ang maglaro." napatingin kami sa likuran at nakita si Mama.

"Ma." may balalang tono na sabi ko.

"Anak, hindi mawawala ang takot mo kung hindi mo ito haharapin. Alam ko mahirap
pero matagal na iyon nangyari. Six years? Hindi na rin natin alam kung nasaan ang
may gawa non sayo at kung sakali man na bumalik sya, mas maganda na wala na yung
takot mo hindi ba?" napayuko ako sa sinabi ni Mama. "Pero hindi kita pipilitin.
Gusto ko lang sabihin na dapat hinaharap mo na ang takot mo sa tagal na nangyari.
Maggra-graduate ka na kaya wala ng dahilan para harapin ang baseball pero what if,
yung gumawa sayo nito ay nakita mo? Alam kong sa kanya ka mas natatakot at alam
mong mas lalo ka nyang bibigyan ng takot."

Napayukom ako ng palad. Tama ang sinasabi ni Mama, hindi magdadalawang isip ang
taong yon mas dagdagan ang takot ko sa kanya.

"Pero alam mo, baka hindi na kami pumayag na magkaroon ng practice game sa Hills
University." tumingin ako kay Mama. Hindi sya nakatingin samin, nakatingin sya sa
field habang hinihimas ang tiyan nyang lumobo na. 

"Jade." nag-aalalang sabi ng captain namin.

Alam kong nagbibiro lang si Mama. Hindi naman sya ganong tao.

"At sayang naman ang punta nila Paris sa kabila ng busy schedule nila. Pinilit-
pilit ko pa naman silang maglaro para bigyan ng tips ang Hills University." sabi pa
ni Mama.

"Jade, baka masira ang samahan ng dalawang school." nag-aalalang sabi ni Sean. Wow,
kumagat ka sa sinasabi ni Mama? Kinokonsensya nya lang kaya ako.

Lumingon sakin si Mama na may ngiti sa bibig. "Kung ako sayo, maglaro ka na. Pwede
mo naman ihanda ang sarili mo bago sa mismong laro. Kung hindi mo talaga kaya,
pwede natin tigilan. Just try it, anak." sabi nya na may pag-aalala na sa dulo.

Bumuntong hininga ako. Naiintindihan ko naman na gusto lang ako tulungan ni Mama
pero hindi ko alam kung kaya ko ba talaga.

"Ano? dumating na sila?" dating ng mga miyembro ng Hills University.

"Hindi talaga sila makakarating. May mga sakit talaga sila." sabi ni captain.

"Ano? tuloy pa ba? Kanina pa naghihintay ang Everest team."

"Hindi ko sure, pero mukhang hindi matutuloy."

"Sayang naman. Isang buwan rin natin sila napilit makipag-practice game satin."

"Jade." tumingin ako kay Sean. "Subukan mo lang, kapag hindi mo talaga kaya hindi
ka na namin pipilitin pa. Kung may mangyari man sayo ay ako ang bahala. Dadalhin
agad kita sa clinic. Kailangan lang talagang magkaroon ng practice game ang
dalawang team."

Tumingin ako sa field. Sila Paris na ngayon ang nagwa-warm up. Hindi si Cess ang
pitcher nila, siguro sya ang papalit na pitcher sa team nila. Hindi ganong kabilis
ang pitch nya.

"Wala rin naman akong susuotin." sabi ko. Napangiti si Sean at si Mama.

"May extra kayong uniform?" tanong ni Sean sa Hills team.


"Wala eh." malungkot na sabi ni captain.

"May extra uniform kami. Yun na lang gamitin mo." sabi ni Mama. Tinignan ko ng
mabuti si Mama bago napailing at sumunod sa kanya papunta sa locker room.

"Hindi ako naniniwala na hindi na kayo makikipaglaro sa Hills team." sabi ko.
Natawa naman si Mama.

"Pero ang Hills team ay naniwala." pati si Sean naniwala sa kanya. "Take your time
para harapin ang takot mo. Sasabihin ko kanila Paris na bigyan ka ng light pitch."

Hindi na lang ako umimik dahil pinag-iisipan ko pa rin itong gagawin ko. Habang
nagbibihis ng uniform ng Everest team na iba ang kulay sa gamit ngayon nila ay
nire-relax ko ang sarili ko. Sinasabi ko sa sarili ko na kailangan ko itong gawin
para mawala ang trauma ko. Iniisip ko ang tapang na ginawa ni Nissan na magsalita
muli. Kung kaya nya, kaya ko rin. Mas malala pa sa kanya ang nangyari sa kanya kaya
magagawa ko rin harapin itong takot na nararamdaman ko.

"Unahin mong gawin ay ibato ang bola. Sa left field ka naman ililigay ng mga kasama
mo." sabi ni Mama. Kinuha ko ang bola na inaabot nya. "Captain, pagtyagain mo muna
itong anak ko. Kapag okay na sya, sa batting naman." sabi nya pa.

"Roger that! Game Jade!" sabi ni captain. Huminga ako ng malalim.

Mahinang binato ko muna ang bola at napapikit pa ako nung tatama ang bola sa ulo
nya.

"Nice one!" dumilat ako at tumingin sa kanya. Nasalo nya. "Don't worry, sasaluhin
ko lahat ng bato mo, catcher ata 'to." nakangiting sabi nya pero nawala rin dahil
napalitan ng pagtataka. "Pero sa pagsalo ng bola? wala naman problema sayo?" tanong
nya. Tumingin naman sakin si Mama.

"Meron pero mabuti na rin i-practice para hindi na sya ganon katakot mamaya sa
batting." sabi ni Mama.

"Okay, Jade. Game?" tanong ni captain. Huminga ako ng malalim at tumango. Itinaas
ko ang kamay kong may gloves para saluhin ang bola na mabagal na ibinato sakin ni
captain. Nung malapit na ito sakin ay bigla akong kinabahan. Bumilis ang tibok ng
puso ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at sinalag ang kamay ko.

"Nice catch, Jade!" napamulat ako sa sigaw ni Mama. Ibinaba ko ang kamay ko at
tinignan ang gloves. Nandon pa rin ang bilis ng tibok ng puso ko pero hindi ko alam
kung sa takot ko ba yon. Ewan pero nakaramdam ako ng konting saya. Saya nung
naglalaro pa ako.

"Keep it up, Jade." sabi ni Sean. Nakakaramdam ako ng konting takot pero
nakakaramdam rin ako nagpakahiya dahil nasa akin lahat ang tingin ng Hills team na
para bang bata akong tinuturuan.

Hinawakan ko ang bola ng mahigpit. Huminga ako ng malalim at ibinato ang bola kay
captain. Lagi akong humihinga ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Ramdam ko
pa rin yung takot pero unti-unti ay nawawala na ito. Hindi na ako ganong natatakot
kapag ibinabato at sinasalo ko ang bola.

"Medyo bilisan mo ng konti ang bato, captain." nanlalaki ang mga matang tumingin
ako kay Mama. "Jade, hindi pwedeng sayangin ang oras. Naghihintay rin sila Paris."
tumingin ako sa kabilang bench. Bigla naman ako nahiya dahil nakatingin rin sila sa
gawi namin.

"Fine." sabi ko. Muli akong huminga ng malalim.

Pagkatapos ng ilang minutong pagsalo at bato ng bola ay pina-try na ako ni Mama sa


batting. Si Paris ang catcher at yung bago nilang pitcher ang tutulong sakin.
Huminga ako ng malalim bago tumapak sa box line. Ipinikit ko ang mga mata ko at
pinakalma ang sarili. Bumalik yung kaba at takot ko.

"You can do it, Jade." dumilat ako at tumingin kay Paris na nakaupo na. Suot-suot
nya ang gear. Hindi ko masyado makita ang mukha nya pero kitang kita ko ang ocean
blue nyang mga mata na medyo nagpakalma sakin.

Ngumiti ako sa kanya at tumingin sa pitcher na naghihintay samin.

"Play!" sigaw ni Paris. Inihanda ko ang sarili ko. Nakita kong pumorma na ang
pitcher nila. Bumato ito ng mabilis na ikinapikit ko ng mga mata ko. Bumilis ang
paghinga ko sa kaba. "Jade." naramdaman kong may humawak sa braso ko at pagdilat ko
ay si Paris. Ipinakita nya ang mitt nya, nandon ang bola. Tinapik nya ang braso ko
bago nya ibinalik ang bola.

Huminga ako ng malalim at bumuga. Inulit ko yon ng tatlong beses bago umaayos ng
tayo. Pinatatagan ko ang sarili ko nung pumorma uli ang pitcher. Pinilit kong wag
mapapikit nung ibinato na nya ang bola. Hindi ko napigilan pero lumagpas na yung
bola nung pumikit ako.

"Go, Jade!" pagche-cheer nila Sean, nakisabay tuloy sila Chelsea.

Nakailang pitch bago ko nasanay ang sarili ko sa bola. Hindi ko nagawang mag-swing
pero nakikita ko na ng maayos ang bola ng harapan. Nagsimula na kaming maglaro
dahil may mga lakad rin kasi sila Chelsea.

Nasa left field na ako ngayon. Pinagmasdan ko maigi ang field. Ganitong ganito ang
nararamdaman ko nung naglalaro pa ako. Masaya ako kahit papaano na bumalik ako sa
field na ito at makakalaro. Parang man akong bata kanina, at least kahit papaano ay
na-overcome ko ang takot ko.
"Left!" pero bakit ang aga naman sakin?

--------------------------------

A/N: Wag umasa.

        Chapter 18 [Mi Amore Series#2: My Hot Pre...]

      

Paris's POV

"Hmm...mabilis kumilos si Jade ah." komento ni Ino nung masalo ni Jade ang bola
mula sa unang swing ni Cess na hindi umabot sa fence.

"Si Jade talaga ang una mong pinuna imbis yung pitcher nila." sabi ni Chelsea.

"Madalas naman laging ka-one on one ni Cess yung pitcher nila kaya talagang mag-
iimprove ito para hindi na sya i-home run ni Cess." sabi ni Rin.

"Ang sabihin ninyo, si Jade lang talaga ang gusto ninyong panoorin." iling na sabi
ni Chelsea.

"Wag ka na magtaka pa, Chelsea." nakangising sabi ni Cess na kababalik lang.


"Sinandya ko nga talagang sa kanya papuntahin yung bola." sabi nya habang inaalis
ang helmet.

"Ma'am Jo, nasabi ninyo na magaling si Jade maglaro noon. Sa tagal nyang hindi
naglaro, siguradong hindi na sya ganong kagaling." sabi ni Marie.

"Parang bata nga syang tinuturuan kanina." sabi naman ni Cess.

"Preparation lang yon, Cess. Maghintay lang kayo ng konti at malalaman ninyo kung
bakit sya tinawag na Jack of All Trades." sabi ni Tita Jo.
"Jack of All Trades?" takang tanong ng lima. Nakikinig lang ako sa kanila habang
pinapanood ang laro. Kaya kami nandito para bigyan ng tips at advise ang dalawang
team pero ang ginagawa ng mga 'to ay si Jade lang binibigyan ng pansin.

"Malalaman ninyo rin." nakangiting sabi ni Tita Jo.

Hindi ako sigurado kung maipapakita nga yon ni Jade sa larong 'to. Masyado pa syang
mahina para harapin ang baseball. Matagal tagal pa bago sya ma-overcome ang takot
nya. Hindi nya yon magagawa sa larong 'to.

Second inning at sa pagkakataong ito ay magba-batting si Jade. Hindi ako magiging


easy sa kanya. Kung gusto nyang mawala na ang takot nya, harapin nya ang totoong
laban. Hindi lang para sa kanya ang laro itong, para sa ibang miyembro rin ng
dalawang team.

Nag-sign ako sa pitcher na si Joyce na fastball ang ibato nya. Tumango ito sakin at
humanda na. Hindi nag-react si Jade sa unang pitch. Mukhang nabigla sya sa bilis na
binato sa kanya at medyo namutla.

Tumayo ako at ibinablik ang bola kay Joyce. Muli akong umupo habang nakatingin kay
Jade na pinapakalma ang sarili. Nag-sign ako na magbato si Joyce ng curveball na
unang pansin sa balikat nya ito tatama pero magcu-curve ito at baba ito sa strike
zone. Mukhang nag-alanganin si Joyce dahil kita ko ang gulat sa mukha nito. Tumango
lang ako para sabihin sa kanya na seryoso ako.

Alam ko kung bakit sya nag-aalanganin, iniisip nya lang ang magiging reaction ni
Jade kapag ginawa namin yon pero sabi ko nga, hindi lang sya ang kailangan tulungan
sa larong 'to.

Ibinato na ni Joyce ang bola. Napasalag ng katawan si Jade dahil sa curveball.


Narinig ko naman sumigaw sila Chelsea dahil sa ginawa kong desisyon. Hindi ko sila
pinansin at pinagawa ulit ang curveball. Na-strike out sya na hindi nakapag-swing.

"Paris, ang sama mo naman." sabi ni Rin nung bumalik kami sa bench.

"Kaya nga, alam mo naman sitwasyon ni Jade pero talagang tinakot mo pa talaga."
sabi naman ni Ino.

"Joyce, sa susunod wag mo ng sundin si Paris kung alam mong hindi maganda para kay
Jade." sabi ni Chelsea kay Joyce.

"Pero.." nag-aalanganin na tumingin sakin si Joyce.

"Hindi para kay Jade ang larong ito. Saling ketket lang sya para matuloy ang laro.
Palibhasa masyado kayong na-attached sa kanya. Kung gusto ninyong tulungan si Jade,
gawin ninyo sa susunod na laro." sabi ko.

"Napaka-heartless mo na naman." sabi ni Cess.

"No. Tama lang ang ginagawa ni Paris. Mas mapapabilis mawala ang takot ni Jade kung
haharapin nya ito ngayon. Na kay Jade na ang desisyon kung haharapin nya ito ngayon
o hindi." sabi ni Ma'am Jo.

Tinignan ko sya ng matagal bago kumuha ng helmet at bat. Naglakad ako papunta sa
batter's box. Tumingin ako sa left field. Napailing ako nung makita itong
nakayuko. 

Sinadya kong hindi lakasan ang palo ko. Pinapunta ko ito sa gitna ng center at
right. Pinanood ko kung anong desisyon ang ginawa ng dalawa pero parehas silang
nag-alanganin kaya naman nakapunta pa ako ng second base.  Pinagmasdan ko ang mga
nasa infield tsaka ako nagbigay ng sign sa batter. Kumpara sa dating miyembro ng
Hill University, mas mahina ang players nila ngayon. Hindi na ako nagtaka kung
bakit gusto nilang magka-practice game sa Everest University.

"Nice one." sabi ni Cess pagkabalik ko. Tumingin ako sa scoreboard. Five - zero. 

"Hindi na ako maglalaro sa fifth inning." sabi ko.

"Ang aga naman." sabi ni Marie. "Pero sabagay, kailangan rin mag-practice ng
catcher natin."

Hindi ko alam kung bakit nandito sila. Kami lang ni Cess ang naglaro pero nagsuot
pa sila ng uniform. Hindi ko lang alam kung magkakaroon pa ng second game at
maglaro ang mga 'to pero hindi na ako magtatagal rito dahil kailangan kong bumalik
sa office.

Si Cess na uli ngayon ang magba-bat. May tao sa first base at second base. Kahit
masalo sa outerfield ang bola, makakapunta pa rin ng third base ang nasa second
base at kapag bumagsak sa lupa ang bola, pwedeng maka-home base ang nasa second
base at makapunta ng third base ang nasa  first base pero depende iyon kung
hahayaan nilang makapuntos kami o hindi at kung makaka-home run si Cess.

Bumato na ang pitcher nila at sa unang pitch pa lang ay nag-swing na ng bat si


Cess. Si Cess ang tipong walang paki kung anong klaseng pitch ang ibabato. Lahat ng
unang pitch ay natatamaan nya at palagi itong nasa outerfield.

Pinanood namin ang bolang lumipad. Naka-standby ang dalawang nasa base habang
tumatakbo na si Cess. Nakita nilang tumama sa fence sa gitna ng center at left
field ang bola. Agad tumakbo dalawa. Pinanood ko naman ang center na kinuha ang
bola. Papunta na ng home base ang isa naming player at tumigil naman sa second base
ang isa.
"Score na naman natin." nakangiting sabi ni Ino.

Napatigil kami nung nasalo ng catcher nila ang bola at idinikit ang mitt sa player
namin na hindi pa nakakatapak sa home base.  Agad akong napatingin sa center field
nila. Akala ko ang center nila ang bumato pero nakita ko si Jade na naglalakad na
pabalik sa left field.

"Wait, kailan pa bumilis ang bato ng center nila?" tanong ni Rin.

"Hindi ang center nila ang bumato." tumingin kami kay Tita Jo. "Si Jade." gulat ang
makikita sa mukha namin sa sinabi ni Tita Jo. "Hindi ko ba nasabi? dating pitcher
si Jade." alam kong pitcher si Jade dahil nakikita ko ito sa mga picture nila sa
bahay nila. Suot suot nya ang ace number na one. 

Naka-three strike out na kami kaya naman kami na uli ang defense. Ito na rin ang
last inning na maglalaro ako. Bibigyan ko na ng trabaho ang nasa infield kaya
pagbibigyan ko ang kalaban na makapunta ng base.

May tao sa third base. May isa na rin silang out at ngayon, si Jade uli ang magba-
bat. Tinignan ko kung kaya nya na bang harapin muli ang curveball at sa tingin ko
naman ay oo dahil pinapakalma nya ang sarili nya. Nag-sign ako ay Joyce na
curveball pa rin ang ibabato nya kay Jade.

Sa unang pitch ay hindi nag-swing si Jade pero hindi na ito katulad kanina na
natakot. Mukhang tinatapangan nya ang sarili nya. Sa pangalawang pitch ay ganon pa
rin. Naririnig ko na ang cheer ng dalawang i-team na mag-swing ng bat si Jade.
Parang gusto nila na harapin na ito ngayon ni Jade.

"Ball!" sigaw ng umpire pero player rin sya ng Everest University. Pinasadya kong
i-ball yon para tignan ang gagawin ni Jade pero katulad ng dalawang pitch ay
nanatili syang nakatayo.

Tapusin na natin 'to.

Pagka-pitch ni Joyce ay inihanda ko ang mitt sa pagsalo ng bola. Nung akala kong
masasalo na ang bola ay doon naman nag-swing si Jade ng bat. Nagulat ako sa pag-
swing nya at tumama ang bola sa bat.

"Foul!" pero sa likuran namin lumipad ang bola.

Tuwang-tuwa ang lahat sa pag-swing ni Jade. Tinignan ko ito at nakitang kalmado na


talaga si Jade. Bahagya ako napangiti dahil sa oras na 'to, wala na ang takot nya.

"Foul!"

"Foul!"
"Foul!"

Tumayo ako at ibinato ang bola kay Joyce. Pansin ko na medyo pagod na si Joyce
dahil sa ilang pitch ang ibinato nya kay Jade. Lagpas sampu na ang pitch ni Joyce
pero lahat iyon ay natatamaan ni Jade kaso puro foul. Kahit na foul ay hindi naman
umaabot ng outerfield ang bola. Nasa gilid lang ng first base at third base
lumilipad ang bola.

"Paris!" narinig kong sigaw ni Cess.

"Time." sabi ko sa umpire.

"Time!" sigaw nya. Muli akong tumayo at naglakad papunta sa mound kasama ang apat.

"Ayos ka lang Joyce?" tinanong nila si Joyce na medyo pagod na. Tumingin ako kay
Cess na lumapit samin. Sya ang nasa center field namin.

"Ako magpi-pitch kay Jade." nakangiting sabi nya. Napataas ang kilay ko.

"Kanina lang tutol kayo sa ginawa ko kay Jade pero ngayon, gusto mong ikaw ang mag-
pitch kay Jade?" tanong ko sa kanya.

"Patitikimin ko lang sya ng fastball ko." proud na sabi nya.

"Heyo." napatingin kami kay Chelsea na dumating. Nagtaka ako dahil may suot syang
gloves. "Joyce, pahinga ka na daw. Naglaro kayo kahapon kaya siguradong pagod ka na
ngayon."

"Alright. Cess, ikaw na bahala." ibinigay ni Joyce ang bola kay Cess.

"At ikaw?" tanong ko kay Chelsea.

"Center field." kinindatan nya ako bago naglakad papunta sa center pero napatigil
rin ito at lumingon samin. "Sabi pala ni Ma'am Jo, pag-isipan mo kung hindi ka na
talaga maglalaro sa susunod pag inning." sabi nya at tuluyan ng umalis.

"Ayos! Warm-up lang saglit." sabi ni Cess.

"Bahala kayo." sabi ko at bumalik na sa pwesto ko. Umupo ako at sinalo ang tatlong
pitch ni Cess para sa warm-up nya. Lahat iyon mabilis pero hindi pa iyon ang
totoong bilis kapag nagsimula na ang laro.
Tumingin ako kay Jade na nakahanda na habang nakatingin kay Cess. Magkatitigan
silang dalawa ngayon.

"Play ball!"

Humanda na si Cess sa pagbato ng bola. Hindi nagpaligoy si Cess at talagang bumato


sya ng fastball sa strike zone pero ikinagulat namin na natamaan pa rin iyon ni
Jade at lumagpas sa fence ang bola.

"Foul!"

Gulat na gulat kami dahil kahit na foul yon, lumagpas pa rin sya sa fence. Kung
hindi iyon lumagpas sa foul line, naka-home run na sya.

"So sinasabi mo na mas mabilis ang pitch ni Joyce kaysa sakin?!" sigaw ni Cess.

Tinignan ko si Jade na hindi pinansin ang sinabi ni Cess. Inihanda nya lang ang
sarili nya sa pag-bat kaya nainis si Cess at muling nag-pitch. Lahat ng pitch ni
Cess natatamaan ni Jade at puro foul pero lahat lagpas sa fence. Nakakagulat na sa
bilis ng pitch ni Cess ay nagagawa nyang tamaan iyon at ang lakas ng pagkahampas
nya kaya umaabot ito sa fence.

Muling nag-pitch si Cess at natamaan uli ni Jade pero sa pagkakataong ito ay


napunta sa gitna ng center at right field ang bola. Walang nakasalo sa dalawa bola
pero agad nilang ipinasa ang bola sa first base. Naka-safe pa rin si Jade sa first
base.

"Ayos!" sigaw ng naka-home base.

Lalo nag-cheer ang Hills University dahil nakapuntos na rin sila. Tinignan ko si
Jade. Nakita ko syang hindi ganong pinapansin ang nangyayari sa paligid. Wala syang
emosyon na pinapakita na ngayon ko lang makita sa kanya.

Umupo muli ako. Lumapit ang sunod na batter. Inihanda na namin ang sarili namin.
Napansin ko na lumalayo ng konti si Jade sa base. Nilingon ko si Cess at palingon-
lingon sya kay Jade. Ibinato nya ang bola sa first base pero nakabalik agad si
Jade. Muli na namang lumayo si Jade sa base. Hinahamon nya si Cess.

"Cess!" sigaw ko. Tumingin sya sakin na may inis sa mukha. Mahina si Cess pagdating
sa pick off. Naiinis sya sa ganon.

Lumayo na naman si Jade pero sa pagkakataong ito ay mas malayo pa. Sa ginagawa nya
ay mas lalong syang papansinin ni Cess. Nakuha ko na ang atensyon nya kanina pero
kinuha naman iyon ni Jade. 

Ibinato ni Cess ang bola sa first base pero nakapag-safe pa rin si Jade. Napag-dive
ito. Napakunot ang noo ko dahil lumayo na naman si Jade.

"Cess! Ako na bahala sa kanya! Focus ka sa batter!" sigaw ko.

No choice sya kundi harapin ang batter.  Napansin ko na malayo si Jade sa base kaya
siguradong tatakbo sya sa second base. Nag-pitch na si Cess kaso ball. Mabilis kong
kinuha ang bola sa mitt at tumayo para ipasa ang bola sa second base pero imbis na
sa second base tumakbo si Jade ay bumalik ito sa first base.

Nakakunot ang noong ibinalik ko ang bola kay Cess. Umupo ako at napansin lumayo na
naman si Jade. Hindi ko alam kung takot ba si Jade na ma-out o nang-iinis.

Pangawalang pitch ni Cess at ball pa rin. Mabilis rin akong naka-abang dahil akala
ko pupunta na sa second base si Jade. Umasta kasi ito kanina na patakbo sa second
base pero pagkatayo ko pabalik na ito sa first base.

Nang-iinis lang ang taong ito.

Nag-sign ako kay Cess na wag na lang pansinin si Jade at mukhang naiintindihan
nyang iniinis lang kami ni Jade. Sa layo nya kanina sa base, makakapunta sya ng
second base pero hindi nya tinuloy. Hindi ko alam kung aware ba sya sa bilis ng
bato ko.

Napansin ko na naman na lumayo si Jade. Hindi ko ito pinansin at nakatuon kay Cess.
Inihanda nya na ang pag-pitch at nung ibabato na lang nya ang bola ay mabilis na
tumakbo si Jade sa second base. Pakasalo ko ng bola ay agad ako tumayo para ipasa
ang bola sa second base pero nandon na si Jade kaya hindi ko na naituloy.

Masamang tinignan ko si Jade. Hindi ko alam kung nababasa nya ba kami.

Umupo muli ako at lahat kami ay nagtaka dahil lumalayo si Jade sa base.
Napapatingin tuloy sa kanya si Cess. Kahit mabilis kumilos si Jade, kung ang third
base ang tatakbuhin nya, malabo syang makapunta ron. Mas maikli ang distansya ko sa
third base kumpara sa second base.

Napailing ako dahil pinapatulan ni Cess si Jade. Muli na naman akong sumigaw kay
Cess at umiling. Hindi nya dapat intindihin si Jade. Kailangan nyang mag-focus sa
batter dahil nakatatlong ball na sya. Hindi nya pa ito nastri-strike.

Pinagmasdan ko si Jade habang hinihintay si Cess. Mabilis itong tumakbo nung


ibinato na ni Cess ang bola. Mabilis akong kumilos at ibinato ang bola sa third
base.

"Safe!" sigaw ng umpire na player namin.

"Tsk." nakapag-dive si Jade kaya naunahan nya ako. Naka-ball four pa si Cess kaya
naman nakapunta sa first base yung batter. "Time." sabi ko.

Lumapit kami kay Cess na nakabusangot na ang mukha.

"Nakakainis sya ah." sabi nya.

Tumingin ako kay Ino na lumapit samin.

"Mukhang nahihirapan kayo kay Jade ah." natatawang sabi nya.

"Nakakainis kaya sya." tumingin kaming lahat kay Jade. Nakatingin lang sya sa
harapan habang pinupunasan ang damit nyang may mga lupa.

"By the way, may pinapasabi si Ma'am Jo. Ang sabi nya, ganyan talaga maglaro si
Jade kaya nga daw tinawag syang Jack of All Trades. Magaling sa lahat ng skills ng
baseball si Jade. Pitching, batting and base running. Magaling rin syang mang-
pressure ng catcher at pitcher katulad ng ginagawa nya ngayon. Kapag ganyan daw
sya, wag na lang ninyong pansinin at mag-focus sa batter. Nasa third base na sya
ngayon kaya wala syang ibang gagawin kundi hintayin ang mangyayari." sabi ni Ino.

"Okay." sabi ko.

"Good luck." sabi nya bago umalis. Tumingin ako kay Cess.

"Focus lang sa batter." sabi ko kay Cess at naglakad pabalik sa pwesto ko.

Tumingin ako kay Jade na hindi na kumilos sa pwesto nya. Tumingin naman ako sa
first base at ganon rin sya. Mukhang si Jade lang talaga ang mahilig mag-steal ng
base.

Inihanda ko na ang mitt ko sa pagsalo ng pitch ni Cess. Kumilos na si Cess para


mag-pitch pagkabato nya ng bola ay sya naman ibinaba ng batter ang bat para i-bunt.
Mabilis kong tinignan si Jade pero preteng nakatayo lang ito sa third base. Yung
player sa first base ay agad tumakbo papunta sa second base. Yung batter naman ay
agad tumakbo nung matamaan nya ang bola. Agad kumilos si Cess para kunin ang bola.
Hindi ako pwedeng umalis sa pwesto ko.

"First!" sigaw ko.

"Home!" may sumigaw kaya napatingin kami ni Cess sa kaliwa. Nagulat kami na nasa
harapan ko na si Jade. Nag-slide pa ito kaya huli na para ibato sakin ni Cess ang
bola.

Gulat na tinignan namin ni Cess si Jade na tumayo.


"I'm back." yung kaninang walang emosyon na pakita ang mukha ni Jade, ngayon ay
pilyong nakangiti samin.

"Third!" may sumigaw na naman kaya napatingin kami sa third. Patakbo ang isang
player ron kaya ibinato ni Cess ang bola. Hindi naman na-out ang player.

"Shit!" sigaw ni Cess bago bumalik sa mound.

Tumingin ako kay Jade na nakikipag-apir sa mga kakampi nya. Bumalik ako sa pwesto
ko at umupo.

"Ano, Paris, Maglalaro ka pa?" nakangiting tanong ni Chelsea pagka-three strike out
namin sa kalaban. Nakapuntos lang sila ng isa pagkapuntos ni Jade.

"Maglalaro sya, tatalunin namin si Jade." sabi ni Cess. Halatang nainis sya sa
ginawa ni Jade.

Nakatingin naman sakin sila Chelsea kung ano ang magiging desisyon ko.

"Paris, pwede kang mag-pitcher kung gusto mong talunin si Jade." napatingin kaming
lahat kay Tita Jo. "At pagpi-pitcher ko rin si Jade. Alam mo, matagal ko ng gusto
kayo magkaharap simula nung makita kitang mag-pitch."

"Kapag nag-pitcher si Jade, gusto ko mag-bat." sabi ni Ino at gumusto rin yung iba.

"Kakausapin ko sila na gawin nilang pitcher si Jade para maka-experience ang lahat
ng fastball ni Jade pati na rin sila. Ituloy na lang natin sa susunod ang practice
game." sabi ni Tita Jo at lumabas ng bench.

"Hindi ko aakalain na ganon kagaling si Jade." sabi ni Chelsea.

"Kaya nga eh. Sa tagal nyang tumigil ah?" sang-ayon ni Marie.

"Sana all." sabi naman ni Rin.

Mukhang napapayag nila si Jade kaya sya na ngayon ang nasa mound. Pinanood namin
mag-warm up si Jade. Hindi ganong kabilis ang pitch nya pero sa tingin ko ay hindi
iyon ang pinaka-pitch nya dahil kung ganon nga lang ang bilis ng pitch nya, hindi
aabot ang bola kanina sa home base.

"Sino ang gustong mauna? hindi na natin susundin ang line up." sabi ni Tita Jo
pagkabalik.
"Ako! Ako! Babawian ko yan." sabi ni Cess at nagmamadaling kumuha ng helmet at bat.

Naririnig naming sumisigaw si Cess kay Jade pero hindi sya pinapansin ni Jade.
Balik na naman sya sa walang emosyon.

"Ah nga pala, kapag nasa field si Jade masyado yang nagco-concentrate kaya yang
pagbubunganga ni Cess ay wala lang sa kanya." sabi ni Tita Jo. Kaya naman pala
pagka-home base nya ay bumalik sya sa normal.

"Sayang boses ni Cess." natatawang sabi ni Ino.

Narinig namin ang 'play ball' kaya pinanood na namin sila. Tutok na tutok ako sa
bawat galaw ni Jade. Ibinato na ni Jade ang bola at nagulat kami sa bilis non. Ni
hindi nakakilos si Cess at napaupo pa sa lupa ang catcher nila sa gulat. Rinig rin
namin ang malakas na hampas ng bola sa mitt.

"Isa pa pala, sa tatlong huling laro ni Jade, naka-no hit, no run sya."

"What?"

--------------------------------

A/N: Sports muna bago landi.

        Chapter 19 [Mi Amore Series#2: My Hot Pre...]

      

Jade's POV

"Ang sakit ng balikat ko." reklamo ko habang iniikot-ikot ang kanang balikat ko. 

"Ano bang ginawa mo at sumakit yan?" tanong ni Gia at pumunta sa likuran ko para
masahiin ang balikat ko.

"Ahh~ thanks Gia. Hmm...naglaro kasi ako ng baseball kahapon." sabi ko.
"Wait, naglaro ka ng baseball?" gulat na tanong nya. Kaming dalawa pa lang sa bar
ni Veron. Nasa loob ng office nya si Veron habang papunta pa lang sila kaliwa.

"Hmm..pinaglaro ako ni Mama kahapon." sagot ko.

"Wait, wala na ang trauma mo?" tanong nya at pumunta pa sa harapan ko.

"Yeah...pilitin ka ba naman ng Mama mo pero hindi naman sa pilitan. Para bang


sinasabi nya lang na kailangan ko ng harapin ang takot ko. Nahirapan naman ako
kahapon pero pinatatagan ko ang sarili ko hanggang sa bumalik yung saya na
nararamdaman ko habang naglalaro ako." nakangiting sabi ko.

"Yung saya pero hindi halata sa mukha." nakangiting sabi nya at bumalik uli sa
likuran ko. "Mabuti naman at okay ka na. I'm so proud of you, sigurado pati sila
kaliwa."

"Anong ikaka-proud namin sa panget na yan?" sya naman dating nila kaliwa kasama na
rin nila si Veron.

"Lah, panget rin kayo." sabi ko.

"Naglaro na uli si Jade ng baseball." pagbabalita ni Gia.

"Talaga?!" gulat pero masayang sabi nilang tatlo. Ikinukwento ko sa kanila ang
nangyari kahapon kahit yung laro.

"Lakas, pinanis ang mga matagal na naglalaro." sabi ni Fin.

"Nakabawi ka na rin sa kanila lalo na kay Cess pagtri-trip nya sayo." sabi ni
kaliwa na umiinom na. Hindi pa bukas ang bar ni Veron at nag-aayos pa lang sila.
Nauna lang talaga kami.

"Kung hindi lang ako seryoso sa paglalaro kahapon, pinagtatawanan ko na yon sa mga
sinasabi nya sakin." nakangiting sabi ko. Aware pa naman ako sa mga nangyayari sa
paligid ko pero hindi ko lang ito pinapansin dahil baka masira ang concentration
ko.

"Sana napanood namin, gustong gusto ko pa naman makita yung mga pag-steal mo ng
base. Sarap panoorin yung pitcher kapag ganon eh." sabi ni Veron.

Nagkwentuhan kami ng mga puro kalokohan hanggang sa dumami na ang tao sa bar. May
time na umaalis si Veron para puntahan ang mga ilan na sikat na tao na pumunta sa
bar nya. Tuwang-tuwa syang bumabalik samin na nagugustuhan ng mga taong iyon ang
bar nya.
Proud na proud kami sa kanya. Sa aming lima, sya ang mas umaangat na sya lang
kumikilos para sa sarili nya. Sa tingin ko nga ay magfo-focus na lang sya sa bar
nya at hindi na humanap ng iba pang trabaho.

"Veron, balak mo bang magtayo ng ibang branch?" tanong ko.

"Pinag-iisipan ko na yan, actually. Katuld ng nakikita ninyo, marami ng pumupuntang


sikat na tao dito at mas lalo pang dumarami dahil sa kanila. Balak ko nga rin mas
palawakin ang bar." sagot ni Veron.

"Magtayo ka muna ng isa pang branch. Malulungkot sila kapag nagsarado ka para ipa-
renovate ito." sabi ni Gia.

"Lalo na dumarami ang mga nagsisipuntahang sikat na tao. Ayun nga oh, may artista
akong nakita." sabay turo ni Fin sa isang direction. Tumingin naman kaming lahat sa
tinuro nya.

"Hayop ka, Veron. Hindi lang isang artista ang nandito, lima." sabi ni kaliwa.

"Ma'am." tumingin kami sa tauhan ni Veron na lumapit samin. "Gusto po daw kayo
makilala nila Miss Salvatore." nagugulat at natutuwa naman kami para kay Veron.
Sila Miss Salvatore na sinasabi nya ang artista na tinitignan namin.

"Yabang!" sabi ni kaliwa.

"Siraulo." nakangiting sabi ni Veron. "Balik ako." paalam nya at pinuntahan ang mga
artista.

"Siguradong magkakaroon ng isa pang branch si Veron." sabi ni Gia.

"Sinabi mo pa. Kaya pala madalas itong puyat dahil sa mga yon. Nagustuhan nila ang
bar at nirekomenda sa iba pang kakilala nila. Sobrang big time na ni Veron kung
pati ang anak ng presidente ay pumunta rito." sabi ni kaliwa.

"Hindi na tayo kilala ni Veron." sabi ko at nagsitawanan kami.

"Heyo!" napatingin kami sa dumating at nagulat kami na nandito sila Nissan. Agad
napatayo si kaliwa sa gulat at taka.

"Anong ginagawa ninyo rito?" sabay na tanong ni Gia at kaliwa. Kasama ni Nissan si
kanan at Johan.

"Hoy kanan! Ang gwapo mo kapag wala kang salamin ah? ang ayos rin ng buhok natin.
Medyo bad boy ka sa porma mo ngayon." sabi ni Fin.
Makakagulat talaga ang itsura ni kanan ngayon. Hindi sya mukhang nerd na gwapo,
mukha syang bad boy. Katulad ng sinabi ni Fin, walang suot na salamin si kanan,
naka-contact lens ito pero same ng kulay ng mata nya. Mas malabo ang mga mata ni
kanan kay kaliwa kaya kailangan nitong mag-contact lens o magsalamin, hindi katulad
ni kaliwa. At yung buhok nyang palaging bagsak ay nakaayos. Nagpagupit sya ng
tapered cut. Mas lalong gumwapo ang taong 'to.

"Pinilit lang ako nila Mama na magpagupit dahil nga daw gra-graduate na." sagot ni
kanan.

"Iiwan mo na ba ang pagiging bookworm mo?" tanong ni kaliwa na akbay-akbay na si


Nissan.

"Pinilit ko lang rin yan sumama samin." sabi ni Johan na katabi na rin si Gia.
Nililigawan nya si Gia. Mag-iisang buwan na nya ito nililigawan. May tiwala kami
kay Johan na hindi nya sasaktan si Gia pero hindi na madali para kay Gia na
magmahal uli dahil sa mga naging past nya.

"Tama lang yan. Turuan mo ngang mambabae yan, Johan. Iisipin na namin na bakla yan
eh." sabi ni Fin.

"Hindi ako bakla, mga siraulo kayo." sabi ni kanan na ikatawa namin.

"Sige nga, lumandi ka nga ngayon." sabi ni kaliwa.

"Woah! Woah! sino 'tong gwapong kasama ninyo." lumapit samin si Veron. "Kanan?! Ang
gwapo natin ah! Dapat ganyan palagi itsura mo, mas dadami ang hahabol sayong
chicks." sabi nya pa.

"Kahit naman marami nagkakagusto sa kanya, hindi naman nya pinapatulan. Dapat
siguro naging padre ka na lang at hindi Architecture." sabi ni kaliwa.

"Sira ka." natatawang sabi ni Veron. "Tara, kanan, hanap tayo ng jowa." sabi nya at
hinila papunta sa dance floor si kanan. Hindi naman pumalag si kanan.

"Go kanan!" pagche-cheer namin. Lumingon sya samin at tinaas kami ng middle finger
kaya tawang tawa kami rito.

"Sa wakas, tao na rin si Right." sabi ni kaliwa.

"Sang-ayon kami dyan." sabay na sabi namin nila Gia.

Tinuloy namin ang kwentuhan namin. Hindi kami naiingit o naasar sa dalawang may
lovelife ni Fin. Sumasali sa usapan yung dalawa at ang ginagawa namin ni Fin ay
inilalabas namin ang katarantaduhan ng dalawa kaya si kaliwa nakakatanggap ng
hampas mula kay Nissan tapos si Gia  na sinasaway ni Johan kaya tuwang tuwa kami ni
Fin kapag hindi sila makaganti samin.

Ilang saglit ay naiwan na lang ako sa table namin. Nasa dance floor na yung apat
kasama sila Veron. Hindi na ako sumama dahil sumasakit ang balikat ko.
Ipinagpahinga ko na lang ang sarili ko.

"Ma'am, may nagpapabigay po." tumingin ako sa waiter na dumating. May dala syang
isang Margarita Glass.

"Sinong nagpapabigay?" tanong ko. Hindi ko pa iyon kinukuha dahil mamaya kung sino-
sino yung nagbigay.

"Sya po." tumingin ako sa tinuro nya. Sa bar counter at may isang babaeng
napakagandang nakaharap samin at nakatingin sakin.

"Anong ginagawa nya rito?" bulong ko at kinuha ang inumin.

Inubos ko muna ang alak at naglakad papunta sa kanya.

"Anong ginagawa mo rito, Paris?" tanong ko rito. Tumayo ako sa tabi nya.

"Bawal na ba akong pumunta rito?" masungit na tanong nya.

Napangiti ako at napailing. "Hindi ka ba busy?" kakasabi lang ni Chelsea kahapon na


full time na hina-handle ni Paris ang kompanya nila kaya madalas itong busy.

"Busy pero kailangan ko rin mag-unwind." sagot nya at uminom. "Naiintindihan ko


na." nilingon ko sya na may pagtataka.

"Ang alin?" tanong ko.

"Naiintindihan ko kung bakit ginawa sayo yon ng dati mong kalaban." sagot nya.
Baseball ba ang pinag-uusapan namin? "Nasabi ni Tita Jo na no hit no run ka sa
huling laro mo. Lamang kayo ng anim na puntos sa kanila. Para matalo kayo, nandaya
sila."

"Ah." sabi ko at tumingin sa harapan. "Hindi ko na iyon iniisip pa."

"Sayang ang talent mo."

Napangiti ako ng mapakla. "Matagal na rin yon. Hindi naman ako katulad ni Cess na
gustong sumali sa Philippines team o sa Major League. Iba pa rin ang gusto kong
mangyari sa buhay ko. Pero maagang natigil yon, ang baseball career ko." napansin
kong tumingin sya sakin pero wala syang sinabi.

"Bakit hindi mo gustong maglaro? I mean tumuloy ng katulad kay Cess? Seryoso akong
kapag sinabi kong mas magaling ka sakin." sabi nya.

Nilingon ko sya at ngumiti. "Hindi purkit bumalik ako ngayon, tutuloy ako sa
baseball. Ayoko ng maulit yung nangyari. Masaya na ako na nakapaglaro ulit ako."
nakatingin lang sya sakin na tila binabasa ako. "Gusto mo sa table namin?" pag-aaya
ko dahil nakita kong bumalik na sila Gia. "Kahit na bar ito ni Veron, sa suot mo
ngayon, pwede kang mabastos. May kasama tayong mga lalaki ron kaya walang lalapit
satin don." dagdag ko pa. Naka-office attire pa kasi ito.

"No need, aalis na rin ako." sabi nya at inubos ang iniinom. "May pasok pa ako
bukas." ramdam ko ang pagod sa boses nya.

"Wait, hatid na kita." sabi ko.

"Hindi na." naglapag na sya ng pera sa counter. "See 'ya." hindi na nya ako
hinintay at naglakad na palabas.

Nagmadali akong tumungo sa table namin.

"Go na, nakita namin kayo." sabi ni Fin pagkalapit ko sa kanila.

"Wow ah? alam ninyong susundan ko si Paris." sabi ko.

"Kami pa ba. Alis na baka hindi mo na sya masundan." sabi ni kaliwa.

"Okay, bukas uli. Ingat kayo!" sabi ko at nagmadaling lumabas ng bar. Tumingin ako
sa paligid kung nasaan si Paris at nakita ko syang naglalakad papunta sa sasakyan
nya. "Paris!" sigaw ko at tumakbo papunta sa kanya.

Nakakunot ang noo nya nung maabutan ko. "Hindi mo na ako kailangan ihatid dahil may
sasakyan ako at hindi ako lasing." sungit talaga.

"Ako walang sasakyan." nakangiting sabi ko. "Doon na lang ako sa malapit sa inyo
sasakay para makatipid."

"Sa yaman mong yan." nakitbibalikat ako.

Wala na syang nagawa kundi hayaan ako. Pinilit ko syang ako na magdri-drive para
hindi na sya ganong mapagod at sa pangungulit ko ay pumayag sya. Habang nasa byahe
ay nakatulog si Paris. Pagod na pagod sya at nagawa nyang makatulog. Mabuti na lang
talaga ay inihatid ko sya.
Pagkarating namin sa bahay nila ay pinagbuksan kami ng kasambahay nila. Nagulat pa
ito nung ako yung lumabas sa driver seat. Nginitian ko sya at pumunta sa kabilang
side. Tulog na tulog pa rin si Paris.

"Pakikuha na lang ang mga gamit nya. Bubuhatin ko na lang sya." sabi ko sa
kasambahay nila. Tumango ito kaya naman kinuha ko na si Paris. Napamura ako sa
isipan ko na ang bigat ni Paris.

Tiniis ko ang bigat nya at naglakad papasok sa bahay nila. Nakita kami ng parents
nila at nung napansin na nahihirapan ako ay tinulungan ako ng Daddy nya. Sya na
nagdala kay Paris sa kwarto nya.

"Dito ka na muna kaya? anong oras na oh." sabi ng Mommy nya. Tumingin ako sa orasan
nila at nakitang alas onse na ng gabi.

"Ah hindi na po. Kaya ko naman po umuwi." nakangiting tanggi ko.

"Sure ka ba?" tanong nya.

"Yes po. Mauuna na po ako." pagpapaalam ko. Hinatid ako ng Mommy nya hanggang gate.

"Good luck." sabi ni Mama pagkatapos kong magpaalam sa kanya para pumasok sa
trabaho.

First day ko ngayon sa trabahong pinasukan ko. Isang technical support ako sa isang
big company. Hindi na ako tumuloy kanila Fin nung nakapasa agad ako. Isang perfume
company yung napasukan ko pero wala naman akong paki sa mga business nila dahil
taga-support lang naman ako ng mga technology nila.

Sinundo ako ng magiging lead ko sa lobby. In-orient nya na ako habang naglalakad
kami patungo sa office namin. Mabait yung lead ko at panay biro. Gusto ko nga
sanang makipagbiruan pero hindi ko muna ilalabas ang kademonyohan ko dahil bago pa
lang ako. Kapag nagtagal na lang.

Ipinakilala nya ako sa buong team. Marami-rami rin kami dahil big company talaga
itong napasukan ko. First day, puro lang turo sakin. Wala pang naka-assign na
trabaho kaya puro knowledge transition lang. Nakikipagkaibigan na rin ako sa iba
kong katrabaho. Lahat sila mababait at palabiro. Kating kati na nga akong makibiro
sa kanila kaso mamaya sabihin masyado akong bilib sa sarili o baka ma-offend sila
kaya nakikitawa lang ako. Kikilalanin ko muna sila para alam ko kung anong klaseng
biro ang pwede kong gawin.
"Tara, lunch." pag-aaya sakin ni Ate Mau. Ang naka-assign na magtuturo sakin.

"Saan tayo kakain?" tanong ng katabi nyang si Lem.

"Unli samgyupsal!" may sumigaw ng isa.

"May trabaho pa tayo, mangangamoy usok pa tayo." sabi ni Ate Mau.

"Guys, una na kayo. May aayusin lang ako sa Design Dept." sabi ni Kuya Kups. Kupal
daw kasi sya kaya Kups ang nickname nya pero totoong pangalan nya ay Darwin.
Masyado lang malakas ang tama ni Kuya Kups. Sya nga nangunguna sa biruan eh.

"Tara, Mcdo!" sigaw ng isa. Wala ng nagawa ang iba kaya sa Mcdo na kami tumuloy
lahat. Katapat lang ng building namin ang Mcdo kaya hindi mahaba-haba ang nilakad.

Pagkatapos namin kumain ay tumambay pa sila pero kami ni Ate Mau ay pumunta coffee
shop. Balak nya pa sana ako ilibre pero hindi ako pumayag dahil first ko pa lang at
nililibre agad ako. Wala pa akong napapatunayan.

"Anong department ang madalas tumatawag ng IT support?" tanong ko habang hinihintay


namin ang coffee namin.

"Hindi ko masabi. Madalas kasi pwede natin i-call yung issue nila pero kung PC na
mismo ang problema ay pinupuntahan natin. Parang si Kups, PC issue ang problema ng
nag-report sa kanya. Madalas na ganong issue yung nabi-bit lock yung PC." sabi ni
Ate Mau.

"Nagkaroon na ba ng issue na kailangan kalasin yung CSU?" tanong ko.

"Kapag ganon, pinu-pull out na nila yon at papalitan ng maayos tapos kapag nasa
atin na, doon na natin aayusin." napatango-tango ako.

Dumating na yung order namin at bumalik na kami sa office. Nandon rin yung iba.
Nagsimula na ulit kami ni Ate Mau sa pagturo nya sakin. Since gusto ko naman ang
trabahong ito ay madali lang sakin sundin ang lahat pero hindi pa rin nila ako
pinahawak ng mga reported issue.

Isang linggo yon hanggang sa nakakapag-support na ako. Madalas call support ang
ginagawa ko. Puro ganon kasi ang ina-assign sakin na issue ni Ate Mau. Tsaka na daw
ako mag-handle ng issue na need puntahan.

Ngayon ay holiday kaya konti lang ang pumasok ngayon pero ako lang ngayon ang nasa
office dahil nag-break sila. Hindi na ako sumama dahil busog pa ako at walang
magtatao rito. Yung pag-report ng issue sa IT support tumatawag muna sila sa
Helpdesk tsaka gagawan ng ticket yung Helpdesk tapos kami na magfi-fix ng issue ng
nag-report.
Napatingin ako sa pintuan nung may kumatok. Tumayo ako at lumapit sa pintuan.
Kinuha ko ang id ko at nag-badge para ma-unlocked ang pintuan.

"Hello, secretary ako ng CEO natin. I would like to ask your help kasi hindi
mabuksan ni president ang PC nya." sabi ng kaedaran siguro ni Kuya na babae.

"Ah.." tumingin ako sa loob dahil hindi ako sigurado kung ita-take ko ba. Shete,
wala sila Ate Mau. "Wait lang ah? Bago lang kasi ako, hindi ako sure kung pwede ko
na i-handle. Tawagan ko lang kasamahan ko." sabi ko at mabilis na nilabas ang
cellphone ko.

"May meeting kasi kami, need makuha ni presidente yung file sa PC." tila
nagmamadaling sabi nya.

"Ahh." hindi ako mapakali dahil hindi rin sinasagot ni Ate Mau yung tawag ko.
"Sige, tara na." no choice na sabi ko. Mamaya matanggal pa ako.

Tumungo kami sa fortieth floor. Nasa twentieth floor yung office namin tapos may
fifty floor ang kompanya. May dala na tablet yung secretary at busy sya ron.
Halatang natataranta ito.

"This way." sabi ng secretary pagkarating namin sa floor. Sobrang busy sa floor na
'to. Ang daming aligaga at hindi mapakali.

Sinundan ko ang secretary sa malaking pintuan. Kumatok ito at nakarinig kami ng


nagsalita sa loob. Pumasok yung secretary kaya sumunod ako.

"Nandito na po ang IT support." sabi ni secretary. Lumingon ako sa paligid. Nasaan


yung presidente?

"Please pakiayos na ang-" parehas kaming nagulat ni Paris nung makita ko syang
lumabas sa isang pintuan rito. "What are you doing here?" takang tanong nya.

"Ah dito ako nagtra-trabaho?" sagot na tanong ko. "Hindi ko alam na kompanya mo
pala ito." sabi ko.

"Yeah but let's talk about that later.  Can you fix my computer?" sabi nya.

"Sure." lumapit ako sa table nya at tinignan ang computer nya. May laptop rin sya
pero may isa rin syang computer. Ang daming papel sa table nya.

"Carla, pakisabi sa board members na mala-late ako saglit." sabi ni Paris at


lumapit sakin. Kumuha sya ng mga papel lamesa nya.
"Yes po, ma'am." sabi ng secretary at lumabas ng office ni Paris.

"Anong nangyari sa computer ko?" tanong nya na hindi ako nililingon.

"Hindi ko alam." sabi ko. Chinecheck ko pa rin yung CSU nya.

"Seriously?" napangiti ako dahil sa kasungitan nya. "Jade, I really need the file.
Hindi mo ba yan maayos?" sungit talaga.

"Maayos ko ito. Chill lang." sagot ko. "Bakit kasi hindi mo sina-save sa OneDrive
yung file? Hindi ka sana maggagahol ngayon."

"I forgot, okay?" napailing ako. "Hindi ko naman alam na masisira ang computer ko."
yung laptop na nya ngayon ang inaasikaso nya.

"Alright, alright." sabi ko at inayos na ang computer nya.

Mahigit kalhating oras rin ang ginugol ko sa pag-aayos ng computer nya bago ito
nabuksan. Laking luwag sa dibdib ni Paris nung maayos ko ito at dali-daling kinuha
ang file.

"Stay here." sabi nya habang inaayos ang papel at laptop.

"Huh? May trabaho pa ako." sabi ko.

"Fine, I will call you na lang after ng meeting ko. Carla, pakidala na ito sa
meeting room." sabi nya at binigay ang laptop at mga papel kay Carla. Walang paalam
na umalis silang dalawa ng office.

Wow. Wala man lang thank you. Hindi ko aakalain na boss ko pala si Paris.

---------------------------------------

A/N: Yo.

        Chapter 20 [Mi Amore Series#2: My Hot Pre...]


      

Jade's POV

"Good job, Jade!" sabi ni Ate Mau sakin pagkapasok ko kinabukasan. "Laking tuwa
sayo ni lead. Nagawa mo daw ng maayos yung computer ni president."

"Ah." nahihiyang napakamot ako ng ulo. Nasa akin tuloy ang tingin ng mga tao rito.
Hindi ko alam kung paano nila nalaman ang incident na yon eh hindi na nga ako
nagkwento sa kanila.

"Nice job, Jade. Nagulat na lang ako kanina na dumating si Ms. Carla na secretary
ni Ms. Gremory para sabihin na nagpapasalamat sila sayo." sya naman dating ni Sir
Martin ang lead namin.

"Salamat po." nahihiyang sabi ko. Ano ba yan, dalawang linggo pa lang ako rito.

"At dahil dyan, hahayaan na kitang mag-handle ng mga issue na kailangan puntahan.
Mau, ikaw na bahala kay Jade, okay?" tanong ni Sir Martin.

"Roger that, lead." sabi ni Ate Mau. "Galing galing naman ng bata ko." sabi nya
pagkaalis ni Sir Martin.

"Nice one, Jade. Mukhang mapapabilis ang regularization mo ah." pagbibiro ni Kuya
Kups.

"CEO ba naman ang tinulungan nya." sabi ni Pia. "Mabuti hindi ka kinabahan na si
president ang haharapin mo?"

"Kinabahan ako. Syempre, CEO yon tapos bawal pa ako mag-handle ng ganong issue kaya
medyo nataranta ako lalo na sinabi na ni Ca- Ms. Carla na need nila yung file,
naisip ko agad na baka tanggalin ako kapag hindi ako kumilos." pang-aamin ko.
Muntik ko pa hindi marespeto si Carla sa kanila. Wala akong balak sabihin sa kanila
na kaibigan ko si Paris. Ibahin pa trato sakin rito.

"Kaya good job ka. Bibigyan tayo ng bonus nyan." sabi ni Kuya Kups.

"Kupal ka talaga eh 'no? kaka-treat lang satin nung nakaraan." sabi ni Ate Mau. "Oh
sya, back to work!"

"Ang aga pa eh." pangrereklamo ni Kuya Kups.

"Edi wag kang magtrabaho dyan nang masita ka. Lumabas lang saglit yung lead, nag-
chill ka na dyan." sabi ni Ate Mau.

Hinahayaan na lang namin yung dalawa dahil madalas naman sila magbangayan. Kahit
nga nandyan si Sir Martin ay ang ingay ng dalawa. Hindi naman sila sinisita dahil
nag-eenjoy rin si Sir Martin. Ewan ko ba kung anong meron sa team na 'to.

"Lunch lang ako." paalam ko kay Ate Mau pagkasapit ng alas dose ng tanghalian. "May
kasabay ako kaya hindi ako makakasabay sa inyo." paumanhin ko.

"Saan ka kakain? baka pwedeng magpa-order. Busy eh hindi ako makakalabas." sabi ni
Ate Mau.

"Hindi ko pa alam pero ano ba?"

"Jollibee lang, dalawang one piece chicken joy tapos yum burger. Paki-large yung
dalawang drinks. Bayaran na lang kita pagdating."

"Alright, una na ako." paalam ko.

Lumabas na ako ng building habang chinachat sila Gia kung saan kami magkikita kita.
Si Gia at Fin lang makakasama ko kumain. Nasa bakasyon pa si kaliwa habang puyat si
Veron. Saming lima, si kaliwa na lang ang hindi pa nagtra-trabaho dahil gusto muna
nito magbakasyon. Si Gia at Veron ay yung business nila ang inaatupag habang kami
ni Fin ay tinuloy ang trabahong IT.

"Jade?" napatingin ako sa likuran nung marinig ko ang pangalan ko.

Oh shit. Okay sana kung si Chelsea at Paris lang pero buo silang anim.

"Anong ginagawa mo rito baby Jade?" tanong ni Rin at sumabit na sa kanang braso ko
habang sa kaliwa si Cess.

"Ahh.." shit ayokong sabihin sa kanila na dito ako nagtra-trabaho baka araw-arawin
nila ang pagpunta rito.

"May dinala syang file sakin kanina. Akala ko kanina ka pa umalis?" sabi ni Paris
na pinagtaka ko nung una pero agad ko rin naintindihan. Lihim akong nagpasalamat sa
kanya.

"Ah hinihintay ko kasi sila Fin. Sabay-sabay daw kami kakain. OTW na sila."
nakangiwing sagot ko dahil yung dalawa kung ano-ano ginagawa sa kamay ko.

Tumunog ang cellphone ko kaya agad kong inalis yung dalawa sa braso ko. Nagpaalam
na ako sa kanila at lumabas ng building. Napakunot ang noo ko dahil pangalan ni
Chelsea ang tumatawag. Tumingin ako sa loob at nakangiting kumaway lang sakin si
Chelsea.

In-end ko ang tawag at nag-compose ng text na nagpapasalamat sa kanya. Lumayo na


ako dahil baka sumunod pa sila. Saktong sa Jollibee na lang naisipan nila Gia na
kumain. Hindi na ako mahihirapan pa para sa pagkain ni Ate Mau.

"Seryoso?" gulat na tanong ni Fin.

Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang gilid ng labi nya dahil may sauce ng
spaghetti.

"Paulit-ulit? Tsaka ayusin mo yang pagkain mo, wala rito si Rose." sabi ko.
Napairap ako dahil ngumiti sya pagkabanggit ko ng pangalan ni Rose. Corny.

"Small world." sabi ni Gia. Hays, isa rin ito eh. Kumuha uli ako ng tissue at
pinunasan rin si Gia.

"Kung alam ko lang." sabi ko. Kumuha ako ng fries mula kay Gia.

"Hindi ka mag-aapply sa kanila?" tanong ni Fin.

"Oo, hindi naman sa ayoko syang maging boss pero wala lang. Tsaka madalas pumunta
dyan sila Cess. Kanina lang bumisita sila. Mabuti na lang tinulungan ako ni Paris
at Chelsea na lumayo kanila Cess."

"As if naman madalas magkaroon ng technical issue si Paris." sabi ni Gia.


"Nagkataon lang talaga na nasira ang computer nya tapos walang ibang tao kundi
ikaw."

"Pero kung sakali man na magkaroon, sigurado akong si Jade ang ipapatawag nya."
sabi naman ni Fin. May punto sya ron.

"Ayun lang pero katulad nga ng sabi ko, hindi iyon madalas. Pinalitan na rin naman
yung computer nya 'no?" tanong ni Gia.

"Oo, kanina lang ibinaba yung luma nya." sagot ko naman.

"Kahit na nasa kompanya nya ikaw, hindi kayo madalas magkikita nyan dahil business
ang pinagtratrabahuan ni Paris habang IT ka naman."

"Ayan, ayaw mo pa samin ah." sabi ni Fin. Napanguso na lang ako.

"Hindi ko alam kung bakit ayaw mo kay Paris. Okay naman sya." sabi ni Gia.
"Hindi naman sa ayaw ko sa kanya. Komportable naman ako sa kanya pero kanila Cess
ay hindi." uminom ako ng pineapple juice.

"Nasupalpalan mo naman sila sa baseball eh, ayos na yon." nakangising sabi ni Fin.
"Wala kang pasok ng sabado hindi ba? Check natin sa Friday yung isang branch ni
Veron."

"Bukas na agad yon?" tanong ni Gia.

"Hindi pa, nag-aayos pa lang sila. Dating bar rin yung nakuha nyang pwesto kaya
konting ayos na lang yung gagawin ni Veron pero dumating na kasi ngayon yung mga
alak nya. Syempre, tayo ang unang magbibinyag ng bago nyang bar." loko talaga ang
isang 'to.

"Ayaw mo bang mag-business?" tanong ni Gia kay Fin.

"Nah. Ako ang hahawak ng kompanya namin kaya ayoko ng dagdagan pa ang trabaho ko."
sagot ni Fin. "Ayoko pa naman sanang umasa sa mga magulang ko pero itong si Fynch
gustong maging pulis kaya walang ibang mamamahala sa kompanya namin."

"Pati sa mama mo?" tanong ko. May tatlo silang restaurant sila tapos may apat na
branch ang gaming company nila.

"Oo, sana nga yung magiging baby namin mahilig sa pagluluto para sya magpatakbo
non."

"Gagu, ang tagal pa magyayari yon." ilang taon nyang pamamalakarin yung restaurant
bago pa magkamuang ang baby nila.

"Ikaw, Jade? ayaw mo bang magkaroon ng ibang branch yung computer shop mo?" tanong
naman sakin ni Gia.

"Hmm? hindi na muna, tuwing weekends ko lang napupuntahan yung shop eh." sagot ko.
"Bakit pala?"

"Bakante na kasi yung nasa itaas ng studio ko. Niyaya ko rin si kaliwa pero
tinatamad ang loko." sabi nya.

"Lakas eh, purkit hindi sya yung mamamahala ng mga kompanya nila tapos okay pa ang
mga magulang nyang wag mag-business." sabi ni Fin. Dahil kasi sa nangyari sa kanila
nung nakaraang buwan, hindi na pinilit nila Tito Cyrus ang mga anak nila sa ayaw
nila. Hinahayaan na nila ito basta safe sila.

"Bakit hindi mo na lang i-extend yung studio mo? O kaya gawin mong gym kaysa
pumupunta ka sa gym." suggest ko.
"Ay bet ko yan." pang-sasang-ayon sakin ni Fin. Tila napaisip naman si Gia.

"Mas maraming gastos sa gym dahil yung mga equipment." may pag-aalalang sabi ni
Gia. "Magagastos ko yung inipon kong pambahay."

"Sira ka, babalik rin yan kapag nagsimula na yung gym mo. Double pa." sabi ni Fin.

"Umutang ka na lang kay kaliwa, siguradong pahihiramin ka non." sabi ko.

"Tae wag na. Pahihirapan pa ako non bago ako pahiramin." natawa kami ni Fin sa
reaction ni Gia. "Kayo na lang magpautang sakin."

"Wala na akong pera, bumili na ako ng lupa sa Grand Elite Subdivision."

"What?!" sabay na sigaw ng dalawa kaya may napatingin samin.

"Hoy, bakit hindi ka nagsasabi?" nakakuot na noong tanong ni Gia.

"Lah, si Veron meron na ring lupa ron ah." Yun ang pinag-iipunan naming
magkakaibigan, ang magpatayo ng bahay sa Grand Elite Subdivision. Kahit na
nakakasawa na silang makita, gusto namin na magkakasama kami sa iisang subdivision.

Napakamahal magpatayo ng bahay sa Grand Elite Subdivision kaya talagang pinag-


iipunan namin. Gusto namin ron dahil napaka-secure ng subdivision na yon. Hindi
basta basta makakapasok ang outsider. Ubos ang isang oras sa pag-process bago
makapasok ng tuluyan. Ang sabi samin ng may ari non, talagang inaalam nila ang
identity ng papasok para maging safe ang mga tao sa subdivision. Kaya rin mahal ang
magpatayo ron dahil parang may sarili itong city. May sariling supermarket nga ang
subdivision na yon, dalawa pa. Hindi ko nga alam kung subdivision pa ba ang
matatawag sa lugar na yon sa sobrang laki at lawak. Mas malaki pa sa isang
probinsya eh.

"Bwisit kayo, hindi kayo nagsasabi." sabi ni Fin.

"Akala ko alam na ninyo yung kay Veron, tsaka yung sakin, kakabili ko lang
kahapon." sabi ko.

"Nakakainis, mas lalo tuloy ako nagdadalawang isip kung ie-extend ko yung business
ko." sabi ni Gia na kinakagat ang hinlalaki nya.

"Lupa pa rin lang yung kay Veron?" tanong ni Fin.

"Hindi, nagsisimula na rin magpatayo si Veron ng bahay ron. Alam naman ninyong
malakas yung bar ni Vero kaya marami na yon naipon." sabi ko. Matagal na kasi yung
bar ni Veron tapos lumalakas pa lalo ngayon kaya talagang makakaipon sya.

"Kainis yon, hindi nagsasabi." nakangusong sabi ni Fin.

"Hindi naman ninyo kailangan magmadali. Kami pa lang ni Veron ang may lupa sa
Louisiana Street." bandang likuran na ang Louisiana Street, madalas na nagpapatayo
ay yung malapit sa main gate.

"Kailan mo patatayuan yon ng bahay?" tanong ni Gia.

"Baka next year pa. Ubos na pera ko eh. Hindi pa ako nakabili ng sasakyan." sana
regaluhan ako nila Mama ng sasakyan.

"Si Veron lang talaga yung umaasenso satin." sabi ni Fin.

"Dapat pala inagahan na rin natin mag-business 'no?" sabi ko. Nag-start si Veron
magpatayo ng bar nung first year college kami. Sikat pa sa school namin ang bar nya
kaya tuwing Friday, puno ng mga estudyante ng Hills University ang bar nya.

"Wala kasing jowa si Veron kaya yung sa bar na lang inaatupag."

"Nagsalita ang no jowa since birth." sabi ni Gia. Natawa naman ako.

"Friday feels!" sigaw ni Kuya Kups pagkapasok ng office. "Inom tayo!" marami naman
gustong sumama sa kanya sa pag-inom mamaya.

"Ikaw, Jade?" tanong ni Ate Mau.

Umiling ako. "May lakad ako mamaya eh." iinom rin kami nila kaliwa sa bagong branch
ni Veron. Kami-kami lang at ilan namin mga kaibigan.

"Aw sad, okay lang, next time na lang. Lumabas naman tayo last Friday eh." sabi ni
Kuya Kups. Linggo-linggo umiinom ang mga 'to. Hindi daw nila mararamdaman ang
weekends kung hindi sila iinom.

Wala masyadong nag-report ng issue ngayon kaya ayun, naglalaro kami ng board game.
Kaya pala hindi masusungit ang mga tao rito dahil marami talagang time na walang
trabaho kaya hindi nai-stress ang mga 'to. Si Ate Mau lang madalas may ginagawa
dahil sya ang nagre-report sa lead namin.
"Jade, pwede bang ikaw na lang gumawa nito." kinuha ko ang inabot na papel ni Ate
Mau. "Internet Connection lang naman problema. Inaasikaso na ni Lemuel pero need mo
lang kunin kung anong mga cube ang walang internet." sabi nya.

"Sige, umayaw na rin naman ako sa laro eh." sabi ko.

"Nice, thanks Jade." ngumiti ako kay Ate Mau bago lumabas ng office. Nagtungo ako
sa tenth floor kung saan nawalan ng internet connection.

Karamihan sa bay ang walang internet. Kinuha ko lahat ang listahan ng cube ang
walang internet pero hindi muna ako umalis pagkatapos ko malista. Tumatawag sakin
si Lemuel na ipa-try i-restart ang mga computer rito para ma-check kung may
internet na. Nakailang trial kami bago nagkaroon lahat.

"Lumabas na pala si Ate Mau. Dumiretso ka na rin kumain." sabi ni Lemuel. Magkausap
pa rin kami sa phone. Lunch na nung natapos kami sa pag-ayos.

"Ikaw?" tanong ko.

"May baon ako. Sa Shakey's ata sila kakain dahil narinig kong nag-aaya ron si Kuya
Kups." sabi nito.

"Sige, sunod na lang ako sa kanila. Babye." paalam ko. Mabuti na lang ay dala ko
ang wallet ko kaya hindi ko na kailangan bumalik sa office.

Palabas na sana ako ng building nung marinig kong may tumawag sa pangalan ko.
Pamilyar sakin yung boses at sigurado akong hindi sila Cess yon kaya nagawa kong
lumingon.

"Nissan!" nakangiting bati ko sa kasama ni Paris. "Hi, Paris." binati ko na rin ito
dahil mamaya sabihan akong snobber.

"Totoo nga ang sinabi ni Left na dito ka nagtratrabaho. Maglu-lunch ka na?"


nakangiting tanong ni Nissan.

"Ah oo, kayo ba?" tanong ko.

"Same, sabay-sabay na tayo pero baka may kasabay ka?"

"Wala, nauna na sila." sagot ko.

"Alam mo ba, Jade, itong si Paris kung hindi pa ako dumalaw sa kanya, hindi pa sya
kakain." sabi ni Nissan habang palakad kami papunta sa parking lot. Sasakyan ni
Nissan ang gagamitin namin. "Madalas syang mag-skip ng lunch." sinamaan nya ng
tingin si Paris.
Close na close talaga ang dalawang ito. Sinabi ni kaliwa na bukod samin, si Paris
ang isa pang kaibigan ni Nissan kaya naiintindihan ko kung gaano sya mag-aalala kay
Paris.

"Manong Jun, kayo po pala ng driver ni Nissan." sabi ko pagkakita ko sa dating


driver ni kaliwa. Pinagbuksan nya ng pinto ang dalawa sa backseat. Sa passenger
seat ako uupo.

"Madalas maraming pinupuntahan si Nissan." sabi ni Manong Jun. Pumasok kaming


parehas sa loob ng sasakyan.

"Akala ko si kaliwa ang naghahatid at sundo sayo?" tanong ko habang nakalingon sa


likuran.

"Sa gabi nya lang ako sinusundo. Madalas tulog pa si Left kapag pumapasok ako."
sagot ni Nissan.

"Bakasyon na bakasyon ang gunggong ah." natatawang sabi ko at humarap sa harapan.

"Niyaya ko pala si Paris mamaya sa bar ni Veron." sabi ni Nissan.

"Wag mong yayayain sila Cess ah?" nagmamakaawang sabi ko kay Paris na nilingon sya.

"Ayaw mo talaga sa kanila huh." ngumuso ako.

"Ayaw."

"Cute mo." sabi ni Nissan at kinurot ang pisngi ko. Napangiti naman ako.

Pumunta kami sa restaurant nila Fin. Kalhating oras rin ang byahe namin pero hindi
naman ganong marami ang trabaho kaya okay lang na ma-late bumalik. Ayoko lang
sabihin kanila Nissan nung nag-alala sila sa trabaho ko dahil kasama namin si Paris
na syang CEO ng kompanya.

Habang kumakain ay nag-uusap yung dalawa tungkol sa business. Hindi ako maka-relate
sa kanila kahit na naiintindihan ko yung mga pinagsasabi nila.

"Sorry to interrupt pero kumain kaya kayo?" pag-sisingit ko dahil konti pa lang ang
nakakain nila habang ako ay tapos na. "Alam nyo, gutom pa ako, pwede kong kainin
yang pagkain ninyo."

"PG." sabi ni Paris.


"Don't worry, hindi ko kakainin yung sayo. Ubusin mo yan para tumaba ka naman, ang
payat payat mo oh." sabi ko.

"Excuse me? Hindi ako payat." pangsusungit nya.

"Hindi ka sexy kaya kumain ka dyan. Nissan, akin na lang 'to ah?" hindi pa sya
pumapayag pero kinuha ko ang isang manok nya. Tumawa naman sya sakin habang si
Paris ay nakakunot ang noo. "Kumain na kayo. Tsaka na ninyo pag-usapan ang trabaho
kapag nasa office na kayo." sabi ko.

Sumunod naman sila sakin. Umorder ko ng palabok habang hinihintay sila. Ang babagal
talagang kumain ng mga 'to. Masyadong mahinhin pagdating sa pagkain. Iniisip ko si
kaliwa kung ano ang ginagawa nya pagkatapos nyang kumain habang kumain pa rin si
Nissan.

"Jade, madalas ka bang sumabay sa mga katrabaho mo kumain?" tanong ni Nissan.

"Hindi naman. Madalas kasi natye-tyempuhan na may mga ginagawa kami sa lunch."
sagot ko.

"Buti ka pa kahit late na, kumakain ka pa rin."

"Kaya kong magtiis na hindi kumakain ng isang araw, hindi ako katulad ni Jade na
hindi mabubuhay na hindi kumakain kahit lunch lang." sabi ni Paris.

"Ang sama ah." sabi ko. Natawa naman samin si Nissan.

"Kapag wala kang kasabay, puntahan mo si Paris sa office nya at ayain mong kumain.
Wala kasi ito madalas kasabayan kaya hindi kumakain eh." sabi ni Nissan.

"Busy ako kaya hindi ako kumakain hindi dahil wala akong kasabay." sabi naman ni
Paris.

"Kahit na, dapat kumakain ka pa rin para may lakas ka. Tama nga si Jade, namamayat
ka." napatawa ako dahil sa pangsang-ayon sakin ni Nissan kahit na nakatanggap ako
ng masamang tingin mula kay Paris.

"Okay, I will do that." sabi ko. Mas lalong sumama ang tingin skain ni Paris.

"No need." inirapan nya ako kinalaunan.

"Sa ayaw at sa gusto mo, pupuntahan kita sa office mo. Magdadala na agad ako ng
pagkain para hindi ka tumanggi." nginitian ko sya ng napalaki.
"Thanks, Jade." nakangiting sabi ni Nissan.

"Basta ikaw magbabayad ng pagkain namin, Nissan." pagbibiro ko. Natawa ako nung
nawala ang ngiti ni Nissan.

"Kuripot talaga kayo ni Left."

"Mayaman ka naman na eh." ngising sabi ko.

"PG lang talaga kayo." sabi ni Paris.

"Masarap lang ang pagkain." hindi naman ako nagpapatalo sa kanya. Kinindatan ko sya
nung sinamaan nya ako ng tingin. Sungit talaga.

------------------------------------

A/N: Stay Safe.

        Chapter 21 [Mi Amore Series#2: My Hot Pre...]

      

Jade's POV

"Dumating ka rin!" sigaw ni Fin pagkapasok ko sa bar. Marami-rami rin pala kaming
nandito.

"Heyo." lumapit ako sa kanila. Nagsisimula na silang mag-inuman.

"Akala ko hindi ka na makakarating." sabi ni Veron.

"Ah nag-OT kasi ako eh." sabi ko. Kinuha ko agad ang isang bote ng alak. "Mabuti na
lang wala ng pasok bukas." dagdag ko at naupo sa tabi ni Lyrn.

Pagod at medyo inaantok ako. Dumami yung trabaho ko pagkatapos ng lunch kanina.
Pabalik-balik ako sa office namin.

"Laro tayo ng truth or dare!" sigaw ni Veron. Marami naman gustong sumali sa pakulo
ni Veron.

"Mamaya na ako. Pahinga lang ako saglit." sabi ko.

"Hayaan nyo na si Jade." sabi ni kaliwa na ikangiti ko. Hindi na nila ako pinilit
pa.

With the twist ang truth or dare nila since marami sila ngayon. Hindi sila gagamit
ng bote para i-spin ito. Magpipikpak boom sila. Sasabihin nila ang pikpak boom
tapos number na gusto nilang itaya. Kung natawag ang number mo at ayaw mong mataya,
mag-pikpak boom lang at gusto mong pasahan. Kapag nabulol at hindi agad nakapagsabi
yung sinabihan ng number, sya na yung taya.

"Sorry, late." napatingin kaming lahat sa dumating. Nagulat kami dahil kasama ni
Rose si Ms. Dani. Totoo nga yung sinasabi ni Fin na close ang dalawang ito.

"Okay lang, nagsisimula pa lang naman eh." sabi ni Fin. Naupo ang dalawa sa tabi ni
Fin. Hindi magkabilaan, pinaggigitnaan ni Fin at Ms. Dani si Rose.

"Okay game na! Sali ba kayo Ms. Dani at Rose sa truth or dare?" tanong ni Gia.

"Yeah, sure." sabi ni Ms. Dani kaya napapayag na rin si Rose. In-explain nila ang
twist sa dalawa.

"Okay, ako ang start! Pikpak boom number eight!" sabi ni Veron.

"Pikpak boom number one." nakangising sabi ni kaliwa habang nakatingin kay Veron.

"Pikpak boom number two." sabi ni Veron na may masamang tingin kay kaliwa.

Tumingin lahat kay Sean dahil sya ang number two. Nakita namin sya nasamid dahil
umiinom sya nung tinawag ang number nya.

"Truth or dare!" masayang sabi nila Gia.

"Walangya. Sinakto pa sa pag-inom ko." sabi ni Sean. Natawa kaming lahat. "Truth
muna."

"Mahal mo pa rin ba si kaliwa?" tanong ni Veron.


"Ang panget ng tanong mo kasing panget mo. Alam naman ng lahat yan. Ito na lang,
may nagugustuhan ka na bang iba? hindi si kaliwa ah?" tanong ni Fin.

"Ganda mo ah." komento ni Veron na ikatawa namin pero hinintay namin si Sean na
sumagot.

"Meron yan." imbis na si Sean ang sumagot, si kaliwa.

"Bakit alam mo? kayo ah." nakikisaling sabi ko.

"Alam ah pero hindi ikaw si Sean kaya manahimik ka dyan." sabi ni Gia.

"Meron." nakangiting sagot ni Sean kaya naman na-curious ang lahat.

"Sino yan ah?" curious na tanong ni Lyrn.

"Hoops! nasagot ko na yung tanong kaya next!" nakangiting pag-iiwas ni Sean.

"Corny!" sigaw nila.

Nagsimula na uli silang maglaro. Hindi na rin nag-truth si Sean kapag natataya sya.
Halatang umiiwas sa tanong.

"Paris! sa wakas!" sabi ni kaliwa. Uminom ako ng alak habang hinihintay ang ipapa-
dare ni kaliwa kay Paris. Nabulol si Paris kaya nataya sya. Kanina pa sya pinipili
ni kaliwa. Hindi ko alam sa taong yan. "Choose one of us na gusto mong maka-slow
dance sa dance floor. Isang kanta dapat tatapusin mo."

"Akala ko naman exciting yung ipapagawa mo." sabi ni Sean.

"Kaya nga eh. Kung maka-react ka dyan, may ipapagawa kang kakahiyan." sabi ni
Ralph.

Itong dalawang 'to. Nung natalo sila ni Nissan, naging mag-bestfriend uli sila.
Syempre, sa tulong ni Lyrn para mabuo uli silang tatlo.

"Okay." tumayo si Paris at lumapit kanila kaliwa. Napatakpan ako ng bibig para
hindi matawa. "Ikaw ang isasayaw ko kung ganon." natawa kami sa reaction ni kaliwa
na nakabuka ang bibig.

Nung una ay ayaw ni kaliwa pero napilit sya ni Nissan kaya wala syang nagawa kundi
sumama kay Paris. Mukhang tinamad na silang maglaro kaya hindi na sila nagpatuloy
sa paglalaro. Karamihan ay nakatingin sa dalawa na nasa dance floor. Nag-uusap yung
dalawa habang mabagal na sumasayaw. Si Paris ang nakahawak sa balikat ni kaliwa
habang si kaliwa ang nakahawak sa bewang ni Paris. Magkasing tangkad lang naman
sila.

"Nissan, can we dance?" pag-aaya ni Kris. Nakangiting tumayo si Nissan at tinanggap


ang kamay ni Kris. Nakita namin kung paano samaan ni kaliwa ng tingin si Kris.

"Siraulo talaga itong si kaliwa. Nagseselos pa sya kay Kris." naiiling na sabi ni
Fin.

"Mahal na mahal talaga nya si Nissan. Hindi naman sya ganyan nung kami pa." sabi ni
Sean.

"Wag ka na magselos. Tara, sayaw rin tayo." sabi ni Veron at hinila si Sean papunta
sa dance floor.

"Pustahan tayo, i-interrogate ni Veron yang si Sean kung sino ang gusto nya
ngayon." sabi ni Lyrn.

"Chismosa yan eh." sabi ni Jellal. Natawa naman kami.

Inaya na rin ni Fin si Rose na sumayaw sila pero itong si Gia, dinala sa dj si
Johan at pinalitan yung tugtog kaya napalitan ito na hype music. Lahat sila ay
sumayaw sa dance floor pwera sakin. Wala pa talaga ako sa mood ngayon.

Ipinikit ko ang mga mata ko sa pagod at antok. Ilang minuto siguro nung makaramdam
ako na may umupo sa tabi ko. Idinilat ko ang mga mata ko at tumingin sa tabi ko.

"Pinapahirapan ka ba sa inyo?" tanong ni Paris.

"Hindi, sadyang marami lang kaming ginagawa kanina. Mas madalas na wala pa nga
kaming ginagawa eh." sabi ko at muling ipinikit ang mga mata. "Gusto ko ng umuwi at
makabawi ng tulog."

"Bakit hindi ka na magpaalam?" tanong nito.

Tinignan ko ang orasan. Nakakaisang oras na rin ako simula nung dumating ako.

"Bakit ba hindi nakakagising itong alak." kinuha ko ang pangalawa kong bote.

"Immune ka na siguro." natawa ako.

"Hindi naman ako madalas uminom." thrice a week nung nag-aaral pa kami pero ngayon,
once a week na lang dahil sa busy schedule namin.
"Kumain ka ba bago ka uminom ng alak?" nahihiwagahan ako sa pagiging concern nya
ngayon. Hindi kaya dahil empleyado nya ako?

"Tinapay lang." sabi ko. "Nabusog naman ako ron eh."

"Hindi nakakabusog ang tinapay. May chicken wings dyan. Ubusin mo." sabi nya.
Tumingin ako sa lamesa.

"Lahat yan?" tanong ko. Tinaasan nya ako ng kilay. "Sabi ko nga, uubusin ko."
kinuha ko ang isang malaking pinggan ng mga chicken wings. "Mauubos ko ba 'to?"
mahinang bulong ko.

Sinimulan kong kumain habang tumawag naman ng waiter si Paris. Nagpakuha sya ng
isang pitchel ng juice.

"Ayaw mo?" pag-aaya ko sa kanya.

"No, thanks." sabi nito at uminom ng alak nya.

"'di wag."

Nung medyo nabusog ako ay tumigil ako sa pagkain. Nagising ang diwa ko dahil sa
pagkain.

"Ano, Jade? tamang pulutan lang?" tanong ni Fin na dumating.

"Maya maya." sagot ko.

"Fin, iwanan mo yang dalawa!" sigaw ni kaliwa na ngayon si Nissan ang kasayaw.

"Loko 'tong kaliwa pero sige." sabay alis naman ni Fin pagkatapos nyang kunin ang
boteng alak nya.

"Bakit hindi si Kris yung pinili mong makasayaw kanina?" tanong ko nung maalala ang
dare nya.

"Kahit na gusto ko, hindi ko magagawa."

"Aww, saklap naman. Bakit kasi sa pinsan mo pa ikaw nagkagusto?" imbis na sagutin
ako ay uminom lang sya ng alak. Tumayo na ako at nag-unat. "Tara, sayaw?" pag-aaya
ko.
"Mamaya na ako." nakitbitbalikat na lang ako at nakisali na sa kasayahan.

Halos ala una na kami natapos sa kasayahan. Antok na antok na rin ako. Magdamag
talaga akong matutulog mamaya.

"Jade, nakaalis na sila kaliwa. Kanino ka sasabay? dadaanan ko pa kasi sila Rose sa
bahay nila." sabi ni Fin.

"Kay Veron na lang siguro ako sasabay." sabi ko.

"Sige, ano? bukas uli. Ingat kayo." tumango ako sa kanya. Nakatanaw lang ako sa
kanya papunta sa sasakyan nya kung saan naghihintay ang dalawang taong nagugustuhan
nya. Siguradong nahihirapan si Fin sa sitwasyon nya.

Tumango ako at nagpaalam sa mga kasamahan pa namin na pauwi na. Naiwan na lang ako
sa labas ng bar dahil hinihintay ko si Veron na matapos sa loob ng bar. Nakalipas
ng ilang minuto ay walang Veron na lumalabas kaya naman pumasok ako uli sa loob.
Naglilinis ang mga tauhan nya.

"Ah ma'am Jade nandito pa pala kayo." sabi ng bartender.

"Si Veron? hinihintay ko kasi sya." sagot ko.

"Nako, nakatulog na si ma'am Veron. Nasa office nya na ito." sagot naman ng isang
waiter.

"Lah, seryoso?" siraulong Veron yon. "Sino magbabantay nitong bar?" tanong ko.
Hindi pwedeng maiwan mag-isa rito si Veron.

"Maiiwan lang po ma'am Veron. Sabi nya i-lock lang daw ang mga pintuan at pwede na
kaming umuwi." napatingin ako sa oras. Wala na akong masasakyan na taxi nito.

"Sige, pakibilisan na lang yung paglinis." sabi ko at naupo sa isang couch.

"Dito rin po ba kayo matutulog?" tanong ni bartender.

"Oo, sasabay sana ako kay Veron eh tsaka walang kasama ang isang yon rito kaya
matutulog na lang ako rito." sagot ko.

"Sige po. May extrang kumot at unan po sa office ni ma'am Veron." sabi nito.
Tumango ako.

Hinintay ko muna silang matapos sa ginagawa nila at makaalis. Sinigurado kong


nakasara lahat ng mga pintuan tsaka ako nagtungo sa office ni Veron. Mahimbing na
natutulog na ito sa couch nya rito sa office nya. Kumuha ako ng dalawang kumot para
yung isa ay kay Veron. Lumabas ako ng office nya at nagtungo sa isang couch.
Hininaan ko ang aircon para hindi ako masyado lamigin. Dahil sa pagod ay nakatulog
agad ako.

Nagising ako dahil kay Veron. Nakapaligo at nakabihis na ito. Mukhang plinano nyang
dito matulog at nakadala sya ng extrang damit.

"Bakit hindi ka umuwi kanina?" tanong nito habang inabutan ako ng kape.

"Sasabay sana ako sayo. Nagsialisan na kasi sila kaya hindi na ako nakasabay." sabi
ko at dahan-dahan na humigop ng kape. "Anong oras na?" tanong ko.

"Alas dose na. Nagpa-deliver na rin ako ng pagkain para pagkauwi natin sa bahay ay
matutulog na lang uli. Bakit hindi ka nagpahatid kay Paris?" napataas ang kilay ko
sa taong tinukoy nya.

"Magkaiba ang direction ng bahay namin, baka lang hindi mo alam." sabi ko at
humigop ulit. "Tsaka ihahatid pa non si Kris. Ayoko na rin abalahin yung tao. Mas
marami pang trabaho yon kaysa sakin."

"Workaholic daw sabi ni Nissan."

"Kahit pa nung nag-aaral pa sya. Ni ayaw ngang mag-break."

"Wala kasing pinagkakaabalahan na jowa eh. Jowain mo kasi."

"Sirualo ka?" muntik na ako mapaso sa sinabi ni Veron. Mabuti na lang hindi ko
tinuloy sa paghigop. "Straight ako gagu."

"Ganyan rin sinabi ni kaliwa." nakangiting sabi nya. Nag-eenjoy sya rito. "Eh kay
Sean?"

"Lahat kaya sa kanya sumabay. Isang van ba silang pumunta rito? puno yung van eh."

"Hindi ko alam na isang van sila, ang alam ko lang sabay-sabay silang dumating."
tumayo ito dahil may kumatok. Tumayo na rin ako at naupo sa isang lamesa na
nakababa na ang mga upuan.

Bumalik si Veron na may dalang mga pagkain. Marami syag inorder. Alam nyang gutom
kaming parehas.

"Bakit pala hindi ka sumabay kanila kaliwa?" tanong nito habang inilalabas ang mga
pagkain.
"Umalis na raw sabi ni Fin. Iniwan ako ng dalawang letcheng yon. Si Fin naman
ihahatid pa si Rose at Ms. Dani." sabi ko.

"Loko talaga si kaliwa." natawang sabi nya.

"Sinabi mo pa!"

Nagsimula na kaming dalawa. Nagkwentuhan pa kami kung ano ang naganap kahapon.
Tinanong ko rin sya kung may nahaligap syang balita kung sino ang gusto ni Sean
pero hindi daw sya sinasagot ni Sean. Malihim masyado yung taong yon.

Pagkatapos namin kumain ay umalis rin agad kami. Nakabili na rin ng sasakyan si
Veron. Ang yaman talaga ng babaitang 'to. Mas mauunang madadaanan namin ang bahay
nila pero hinatid nya pa rin ako samin.

"Thanks. Ingat sa pag-drive." sabi ko habang nakatayo sa gilid ng sasakyan.

"Okay, pahinga ka ng matagal mukhang pagod na pagod ka eh."

"Opo 'nay." sabi ko. Nailing na nagpaalam na ito sakin. Tinanaw ko muna ito bago
pumasok sa loob ng bahay.

"Oh, nandito ka na pala." nagulat ako dahil nakita ko si Kuya. Madalas kasi itong
wala tapos nakapangbahay pa sya na damit.

"Jade, saan ka natulog?" tanong ni Mama na lumabas ng kusina kasama sila Paris. Ang
aga naman nitong nandito at talagang kompleto sila. Ano 'to reunion?

"Sa bar ni Veron. Sobrang antok ko kaya doon na muna ako natulog." ayokong sabihin
na wala akong kasabay umuwi.

"Oh sya, magligo at magpahinga ka na." sabi ni Mama. Tumango ako at naglakad na
paakyat sa kwarto. Hindi ako humalik kay Mama dahil amoy alak ako.

Mabilis akong naligo dahil inaantok na naman ako. Pagkalabas ko ng kwarto ay


nagulat ako na nasa loob si Paris.

"May kailangan ka?" tanong ko.

"Bakit hindi ka na lang sumabay sakin kanina?" nakakunot na tanong nya. "Narinig ko
kayo ni Fin na sasabay ka kay Veron kaya wag mong dahilan na inaantok ka."
"Akala ko kasi uuwi ng bahay si Veron." sagot ko. Kinuha ko ang blower at pinatuyo
ang buhok. Tahimik lang si Paris na nakaupo sa higaan ko. "Hindi ka ba hahanapin
nila Chelsea?" tanong ko.

"Umalis na sila." ohh.

"Eh ikaw?"

"Anong ako?"

"Hindi ka ba aalis?" hindi naman sa ayoko na nandito sya, matutulog kasi ako.

Hindi ako sinagot ni Paris. Mukhang hindi sya aalis. Hahayaan ko na lang ito. Basta
ako matutulog. Pagkatapos kong magpatuyo ng buhok ay naglakad ako papunta sa higaan
at nahiga.

"Matutulog na ako." sabi ko.

"Matulog ka." wow.

"Uhm...hindi ka ba lalabas?" tanong ko sa kanya. Napapikit pikit na ako sa antok.

"Matulog ka na lang." rinig kong sabi nya at naramdaman kong lumapit pa sya sakin.
Hinaplos nya ang buhok ko kaya mas lalo akong inantok.

"Paris.." hindi ko na narinig pa ang boses nya dahil nakatulugan ko sya.

-------------------------------------

A/N: Hatdog.

        Chapter 22 [Mi Amore Series#2: My Hot Pre...]


      

Jade's POV

"Lunch time!" masayang sabi ko pagkapasok ko sa office ni Paris. Natawa ako dahil
nakita ko syang napatalon sa inuupuan. Sinamaan nya ako ng tingin pagkatapos. "Kain
na tayo." itinaas ko ang malaking lunch box na dala ko. "Luto ko 'to."

"Hindi mo ako maloloko." sabi nya at tumayo naman sa inuupuan nya na ikangiti ko.

"Grabe ka pero sabi ko nga, si Mama nagluto nito. Pinadalhan nya ako ng pagkain,
sabi ko dagdagan nya dahil sasabay ako sayo." lumapit ako sa mababang lamesa nya sa
harap ng office table nya.

Inihanda ko ang pagkain. May mainit na sinigang na baboy, mga gulay, fried chicken
at hotdog. Tubig lang drinks namin.

"Sa isang liligyan lang ng kanin tayo kakain?" tanong nito.

"Oo nga 'no?" napakamot kong sabi. Wala naman extrang liligyan para pagligyan ng
kanin. Nadagdagan nga yung pagkain pero hindi naman pinagdalawa ng liligyan yung
kanin. "Sa takip na lang ako kakain."

"May sabaw, baka matapon lang kung sa takip ka kakain." sabi nya. "Hayaan mo na."
dagdag nya at nagsimula na syang mahigop ng sabaw.

"Mabuti hindi kita napilit na kumain." nakangiting sabi ko. Kumuha ako ng chicken
gamit ng kamay at kumagat. Sumandok ako ng kanin. Nakatatlong subo ako ng kanin.

"Alam kong si Tita Jo nagluto kaya agad ako tumayo. Namiss ko ang luto nya." sagot
nya.

"Edi sabihan ko si Mama na palagi tayo paglutuin." akala ko matutuwa sya sa sinabi
ko pero sinamaan nya ako ng tingin.

"Nasisiraan ka na ba? buntis ang Mama mo tapos paglulutuin mo." sermon nya.

"Si Mama naman may gustong maluto ih." nakangusong sabi ko. Humigop ako ng sabaw at
napaso pa ako. "Ang init pala nito."

"Malamang." sungit talaga nito.

"Kapag ako ang nagluto, kakain ka agad?" tanong ko sa kanya.


"Ayokong masiraan ng tiyan."

"Wow, grabe ka talaga." may himutok kong sabi. "Bukas ako magluluto." nakangiting
sabi ko.

"Ikaw lang kakain ng niluto mo." ang hard talaga nito.

Natapos kaming kumain pero hindi ako umalis ng office nya. Sya balik sa
pagtratrabaho pagkatapos mag-toothbrush. Wala akong ganon kaya hindi ako makakapag-
toothbrush. Masarap naman kinain ko kaya hindi naman ganon kabaho hininga ko.

Nilingon ko si Paris na busy sa laptop nya. Minsan tumitingin sya sa computer nya.
Nakasuot sya ng salamin kaya ang hot nyang tignan habang seryoso sa ginagawa nya.
Bagay na bagay sa kanya ang ganitong trabaho. Marunong syang mag-handle parang kung
paano nya rin i-handle ang baseball team. Mas cool lang tignan si Paris sa baseball
uniform pero mas hot tignan si Paris kapag naka-office suit. Ako kasi naka-polo
shirt, jacket, pants at rubber shoes ako kapag pumapasok. Hindi naman required
saming mga IT na kailangan naka-formal dress kaya komportable ako kapag
nagtratrabaho.

Lumingon sya sakin pero hindi ako umiwas ng tingin. Nagsusungit na naman syang
tumingin sakin.

"Mas nagmumukha kang hot kapag nagsusungit, Paris kaya hindi uubra yan sakin."
nakangiti kong sabi.

"Lumayas ka na nga rito. Nakakairita ka." natawa ako.

"Sa ganda kong 'to?"

"For your information, panget ka." mas lalo akong natawa. Tumayo ako at naglakad
papunta sa harap ng lamesa nya.

Ipinatong ko ang dala kong kamay sa lamesa nya at lumapit ng konti sa kanya. Ang
sama ng tingin nya sakin. Nakangiti lang ako sa kanya.

"You know, I would like to kiss you." hindi man lang sya nag-react sa sinabi ko.
"Pero baka biglang pumasok si Carla. Mahirap na." nakangising sabi ko. "On a second
though." inilapit ko ang mukha ko sa kanya. Ipinikit ko lang ang mga mata ko nung
maglapat ang labi namin. Tila parehas kaming namiss ang mga labi ng isa't isa dahil
sabay pa namin iginalaw ang mga labi namin.

Hindi pa ako nakuntento at hinawakan ang mukha nya. Kahit na nahihirapan ako sa
pwesto ko. Hindi ako nagpapigil at talagang ninamnam ko ang labi nyang napakasarap.
Kung hindi nga lang narinig ang boses ni Carla sa intercom, hindi kami titigil eh.
Habol hiningang bumitaw ako sa kanya.

"At least hindi sya pumasok." natatawang sabi ko. Itinuro ko ang labi ko. "Next
time, wag ka na mag-lipstick. Maganda ka pa rin naman kahit wala kang make-up."

"You may go now. May bisita ako." imbis na sagot nya habang nililinis ang lipstick
na nasira.

"Alright." nakataas ang dalawang kamay na sabi ko. Naglakad ako pabalik sa mababang
lamesa nya at kinuha ang lunch box. Nilingon ko sya at nakitang nag-aapply na naman
sya ng lipstick. "Aalis na ako." paalam ko at lumabas ng office nya. Napansin ko
naman ang isang lalaki na naghihintay sa harap ng desk ni Carla. "Nag-aayos lang
saglit si Paris. Kakatapos lang namin kumain eh."

"Mukhang matagal bago mo sya napilit kumain." sabi ni Carla.

"Pakipot eh." sabi ko at natawa. "Sige, una na ako. See you later." paalam ko. Nag-
bow ako ng konti sa lalaki na nakatingin samin. Mukha kasing importanteng tao.

Nagtungo na ako sa office ko. May fifteen minutes pa ako pero magtratrabaho na ako
para maagang makauwi.

"Jade!" sabi ni Kuya Kups pagkarating ko. "May outing tayo. Ano gusto mong gawin?
Paulit-ulit na kasi ang suggest ng mga 'to."

"Talaga? kailan?" nae-excite na tanong ko. Ito ang unang outing ko rito.

"Sa holiday next month. Naka-leave naman tayong lahat non kaya magandang makapag-
outing non. Tatlong araw rin." sabi ni Ate Mau.

"Ano-ano bang naisip ninyo?" tanong ko.

"Swimming." sabi ni Pia.

"Ayaw mo non? Mainit pa rin naman ngayon eh." sabi ko kay Kuya Kups.

"Nakakailang swimming na kasi yan. Palibhasa, maraming gala." sabi ni Ate Mau.

"Kaya pala nangitim ka." sabi ko.

"Ah basta, wag swimming." sabi ni Kuya Kups.

"Eh gusto namin swimming eh. Majority wins!" sigaw ng isa na sinundan naman ng
lahat.

"Majority wins!"

Nakanguso naman si Kuya Kups. Wala syang magagawa dahil karamihan gustong mag-
swimming. Ang init pa rin kasi kahit June na.

"Okay! Okay! Kayo na nanalo!" sabi ni Kuya Kups na ikahiyaw namin.

"Panalo talaga kami sa una pa lang." sabi ni Ate Mau. "So, saan naman tayo?"

"Syempre, si Jade na bahala dyan." napaturo naman ako sa sarili ko na may mag-
suggest sakin.

"Tama, ikaw na bahala mag-asikaso ng outing natin, Jade." tinapik ako ni Kuya Kups
sa balikat.

"Hindi naman ako makakatanggi dahil baguhan pa lang ako." sabi ko. No choice, bawal
pang tumanggi.

"Buti alam mo position mo." nakangising sabi nya.

"Wag mong pansinin yan. Kung kailangan mo ng tulong, sabihan mo lang ako." sabi ni
Ate Mau.

"Thanks, Ate Mau! Libre kita sa susunod." sabi ko.

"Lah! kami rin!" binelatan ko lang sila.

Medyo pagod ako nung matapos ang shift ko. Nagpaalam na ako sa mga kasamahan kong
natira. Marami kasing nauna nang umuwi. Naglakad ako sa abangan ng grab. Wala pang
grab na uma-accept ng book ko kaya taghintay ako. Rush hour rin kasi kaya pahirapan
sa pagsakay.

May tumigil na sasakyan sa dapat ko. May susunduin na iba pero pamilyar sakin yung
sasakyan kaya naman napatitig ako sa bintana. Ibinaba nya ang bintana at nakita ang
taong hula ko.

"Hop in!"

"Nice one." sabi ko at agad kinansel ang pag-book ng grab tsaka pumasok sa sasakyan
ni Sean. "Buti napadaan ka rito at nakita mo ako. Ang tagal mag-accept ng book ko."
"Inihatid ko kasi si Ate sa isang restaurant malapit rito. Saan ka pala
nagtratrabaho?" tanong nito. Pasulyap-sulyap sya sakin dahil nagdri-drive na sya.

"Sa Parisiacus." sabi ko sa company ni Paris. Tsaka ko lang na-realize na talagang


sa kanila ang kompanyang pinapasukan ko.

"Sa kompanya ni Paris?" tanong nya.

"Yup. Nagulat na nga lang rin ako na kompanya nya pala yon."

"Small world."

"Sinabi mo pa. Kumain ka na? kain tayo, libre mo." natawa sya sa sinabi mo.

"Ang galing." napangiti na lang ako. "Kaso kumain na ako eh." napanguso naman ako.

"Samahan mo na lang ako. Mag-dessert ka na lang." sabi ko.

"Para lang malibre kita? ang galing talaga." ngiti-ngiti naman ako. "Kayo itong may
mga trabaho tapos akong estudyante pa ang manlilibre."

"Mayaman ka naman." hindi ako nagpapatalo sa kanya.

"Parang hindi ka mayaman ah." sumulyap sya sakin na nakangiting tapos umiling.
"Alright pero sa Jollibee tayo."

"Kuripot naman nito."

"Gusto mo o ayaw mo?"

"Syempre, masarap ang Jollibee." natawa sya dahil hindi ako tumanggi. Okay na rin
dahil Jollibee naman, masarap pa.

Pagkarating namin sa Jollibee, pumila agad kami. Nag-iisip pa ako kung ano ang
kakainin ko. Gusto ko yung mabubusog ako.

"Ano? dalian mo, tayo na sunod." sabi ni Sean.

"Maghintay. Hindi ikaw yung kakain."

"Ako yung manlilibre, baka lang nakakalimutan mo. Sige ka, ikaw magbabayad nya."
"Kuripot mo talaga. Super meal na lang tapos tatlong extra rice. Dalawang drinks,
large." sabi ko sa kakainin ko.

"Wow. Gutom na gutom ah." naglakad kami pasulong dahil kami na. Sinabi nya ang
order ko pati na rin yung sa kanya na sundae lang.

"Minsan ka lang manlibre eh." sabi ko.

"Napilitan lang ako rito." natawa naman kaming parehas.

Naghanap kami ng lamesa pagkakuha namin ng inorder namin na si Sean rin nagbuhat.
Dami nyang reklamo pero ginagawa naman. Lakas ng topak nito.

"Saan magandang mag-outing?" tanong ko kay Sean.

"Outing? sino-sino kayo?"

"Mga katrabaho ko. Sakin kasi na-assign eh." kahit na next month pa yon, kailangan
pagplanuhan para makapagpa-reserve ako.

"Swimming ba?" tumango ako. "Bakit hindi na lang sa mga rest house ninyo?"

"Sira, ayokong malaman nila na mayaman kami."

"Malalaman rin nila yan. Magtatagal ka sa trabaho mo."

"I don't think so." nagtatakang tumingin sya sakin. "Alam mo naman na gusto namin
magtayo ng business namin. Itong trabaho ko, parang ito lang pinagkukuhaan ko ng
pag-iipunan ko bukod sa shop. Naisip ko na palakihin yung shop ko, I mean,
magkaroon ng ibang branch kapag nakaipon ipon pa ng konti."

"Si Yumi? sya lang ata ang alam kong wala pang business. Si Fin, 'di ba sya ang
tagapagmana ng kompanya nila kaya hindi na sya need magpatayo?" tumangoa ako sa
kanya.

"Si kaliwa, bakasyon pa rin. Wala daw kasi syang maisip na gusto nyang ipatayo na
hindi sya mahihirapan. Gusto nga nya sana computer shop rin pero dahil nauna ako,
hindi sya nagpatuloy."

"Pwede ba yun, hindi mahihirapan. Yung taong yon talaga, tinatamad." napangiti ako.

"Mag-eenjoy daw sya kapag IT related yung business nya o yung mga hilig nyang
gawin. Doon daw, hindi sya mahihirapan. Yung cafe shop nga na gustong ipahawak sa
kanya dati, umaayaw sya eh." sabi ko. Daming reklamo non samin kaya tandang tanda
ko.

"Bakit hindi na lang bookstore? bookworm naman yon eh." natawa kaming parehas sa
sinabi nya.

"Dati yon sira ka, pero suggest mo sa kanya. Maganda rin yon." sabi ko.

"Tignan natin kung gagawin nya ba." sabi nya.

"So back to main topic." tukoy ko  sa outing. Nag-suggest rin sya ng iba't ibang
lugar na magandang puntahan na hindi masakit sa bulsa. Nagustuhan ko yung sinuggest
na maraming water activity.

"Busog lusog!" sabi ko nung makalabas kami ng Jollibee.

"Sa susunod, ikaw naman manlibre." sabi ni Sean.

"Ayoko nga." naglakad kami papunta sa sasakyan nya.

"Ang kapal talaga." natawa na lang ako.

"Hatid mo na ako samin." pumasok ako sa sasakyan nya. Tawang tawa ako dahil yung
mga reaction talaga ni Sean. Ang cute lang nito pagtripan.

"Traffic pa." sabi nito.

"Kaya nga eh. Antok pa naman na ako."  sabi ko at humikab. Sarap matulog pagkatapos
kumain.

"Matulog ka na muna. Mukhang aabutin tayo ng syam-syam rito eh." sabi nya.

"Ayos lang?" baka ma-bored sya dahil wala syang makausap.

"Sige lang. gisingin kita kapag nakarating na tayo sa inyo."

"Sabi mo eh. Buksan mo na lang itong radio para hindi ka ma-bored." sabi ko at ako
mismo ang nagbukas ng radio nya. "Gising mo ako ah."

"Oo nga. Kulit mo talaga." nginitian ko sya at ipinikit ang mga mata.

Dahil maaga akong nagigising at ten hours ang pasok ko. Inaantok talaga ako at
nakatulog ako habang traffic pa. Nagising na lang ako nung nakarating kami samin.
Parang ang bilis lang ng tulog ko pero nakakalhating oras rin ako.

"Salamat sa paghatid, Sean." nakangiting sabi ko.

"Sa paghatid lang?" natawa kaming parehas.

"Pati sa libre." kinindatan ko sya. "Ingat ka sa pag-uwi ah."

"Yes 'nay." sinaman ko sya ng tingin. "Pasok ka na sa loob."

"Goodnight." paalam ko sa kanya at pumasok sa loob ng bahay.

"Sinong naghatid sayo." patalon ako sa gulat dahil kay Kuya na nasa gilid ng
pintuan.

"Siraulo ka ba?" natawa sya sa reaction ko. "Si Sean naghatid sakin. Nakita nya
akong nag-aabang kanina."

"Ah akala ko manliligaw mo."

"Siraulo, wala ako ganon." naglakad kami papunta sa sala.

"Panget ka kasi." sabi ni Michael.

"Mas panget ka." sabi ko bago hinalikan ang mga magulang namin.

"Kailan ka ba kasi magkaka-boyfriend?" tanong ni Papa.

"Next year." biro ko.

"Baka girlfriend gusto mo." nakangiting sabi ni Mama.

"Lah ka, straight ako, Ma."

"Malaman ko lang na kayo na ni Paris." napakunot ang noo ko sa sinabi nya.

"Si Paris? bilib na ako kapag nakuha nya ito." sabi ni Kuya.

"Hindi sya magugustuhan ni Paris. Ang panget kaya nyan." binato ko ng unan si
Michael.
"Ma, anong si Paris? May ibang gusto yon at hindi ako magkakagusto sa kanya." sagot
ko.

"Wag kang magsalita ng tapos." sabi ni Papa. Pati ba naman sya?

"Ah bahala kayo dyan. Matutulog na ako. May pasok pa ako bukas." paalam ko sa
kanila.

Pati ba naman dito sa bahay, bukang bibig na si Paris sakin.

------------------------------

A/N: Sinisipag lang ako ng konti.

        Chapter 23 [Mi Amore Series#2: My Hot Pre...]

      

Jade's POV

"Tara, lunch." tumingin ako kay Pia na kinalbit ako sa balikat.

"Lunch na ba?" sabi ni Ate Mau at nag-unat.

"Mukhang may hindi nagugutom ah?" sabi ni Lemuel na lumapit samin kasama si Kuya
Kups.

"Ngayon ko lang napansin ang gutom ko. Tara, kain na." sabi ni Ate Mau.

"Sorry, pass. May baon kasi ako at may kasabay." pangtatanggi ko.

"Aba iba, nagbabaon na." sabi ni Kuya Kups.

"Tipid tipid rin." nakangiting sabi ko.


"Mukhang hindi ka na namin makakasabay kumain nyan." sabi ni Pia.

"Mamayang merienda na lang ako sasabay." nakangiting sabi ko. "Tuwing lunch lang ay
hindi na ako makakasabay." paumanhin ko.

"Aw nanlilibre pa naman minsan si Mau." sabi ni Kuya Kups.

"Hayaan mo na, libre na lang kita sa merienda." napangiti ako sa sinabi ni Ate Mau.

"Ano arat?" tanong ni Lemuel.

Nagpaalam na sila sakin na kakain na. Tumingin ako sa orasan at may limang minuto
pa bago mag-alas dose. Kinuha ko ang pinabaon sakin ni Mama. Masesermunan na naman
ako ng isa kapag nalaman na si Mama ang nagluto.

Nagtungo ako sa office ni Paris dala ang lunch box. Wala si Carla nung dumating
ako. Walang pasabi akong pumasok sa office ni Paris.

"Heyo!" bati ko sa kanya na busy na naman. "Lunch time." sabi ko at pinakita ang
lunch box.

"Later." napataas ang kilay ko.

"Si Mama ang nagluto nito." wala sana akong balak sabihin pero mukha kasing hindi
kakain si Paris.

"Later." napakunot ang noo ko. Ibinaba ko ang lunch box sa lamesa at lumapit sa
kanya. Pumunta ako sa likuran nya para tignan ang ginagawa at katulad ng inaasahan,
wala akong maintindihan.

"Mamaya na yan. Kumain ka muna." pag-aawat ko.

"I said, later." pagsusungit nya.

"Hindi ka ba nagugutom?" pangungulit ko.

"Hindi." pwede ba yun, anong oras na kaya.

"Sure ka?"

"Jade!" inis na nilingon nya ako. "Hindi mo ba nakikita?! busy ako!"


"Woah chill!" nagulat ako sa paninigaw nya.

Napahawak sya sa ulo nya at bumuntong hininga. "Umalis ka na lang, busy ako."
binalikan nya ang ginagawa nya.

Mukhang busy talaga sya.

"Okay pero iiwanan ko yung pagkain. Kainin mo na lang after mo dyan. Kakain na lang
ako sa labas." sabi ko. Tumango lang sya. Busy talaga.

Nagpaalam na ako sa kanya at wala akong nakuhang sagot sa kanya. Napailing na lang
ako. Tinawagan ko si Ate Mau kung nasaan sila para sumabay ako sa kanila.
Nagtatanong pa sya kung ano nangyari pero sinabi ko na lang na busy yung kasabay
ko.

Pagsapit ng alas tres, naisipan kong magmerienda kasama si Paris. Since sumabay
naman na ako kanina kanila Ate Mau, pwedeng hindi ako sumabay sa kanila. Nagtungo
agad ako sa office ni Paris. Nakita ko si Carla na busy sa computer nya.

"Hi Carla." nakangiting bati ko.

"Hello Jade. Wala si ma'am sa loob. May ka-meeting." sagot nya.

"Kanina pa?" mukhang hindi ko pa makakasabay si Paris ah.

"Kanina pa. Siguro pabalik na rin yun."

"Nice. Kumain pala yon?"

"Oo, naubos nya nga yung lunch box mo." nanlalaki ang mga mata ko. Sa dami non,
naubos nya?

"Hindi naman sya gutom na gutom non." natatawang sabi ko. "Anong oras na ba sya
kumain?"

"Bago sya nag-meeting kanina. Mga alas dos na rin." sagot nito.

"Sobrang late na nyang kumain talaga." iling na sabi ko. "Sige, sa loob na lang ako
maghihintay." tumango ito kaya pumasok na ako sa office ni Paris.

Nakita ko ang lunch box ko sa mababang lamesa. Binuksan ko ito at nakitang malinis
na. Talagang naubos nya yung pangtatlong tao. Pangtatlo talaga dahil malakas akong
kumain. Muli kong inayos ang lunch box. Pinag-iisipan ko tuloy kung magluluto ako
para samin ni Paris. Ayoko rin talagang ipagluto si Mama dahil buntis nga ito kahit
na kaya pa nitong magkikilos. Mahirap na at mapahamak pa sila ni baby. Hindi pa
namin alam kung anong gender ni baby. Gusto nila Papa na surprise ang gender nya
pagkapanganak. Malaki daw tiwala nilang babae ang baby pero sigurado akong hindi.

Si Tita Letti at Tita Fiona ay gustong hinihiling na baby girl ang magiging anak
nila dahil kaming tatlo nila kaliwa ang only daughter ng pamilya. Si Tita Velcia ay
may dalawang anak na babae tapos si Tita Kelly rin. Si Tita Kelly lang ang walang
anak na lalaki pero mabuti na lang ay si Jellal ang susunod sa yapak ng mga
magulang nila kaya naman kahit walang anak na lalaki, may tagapagmana sila kapag
ayaw talaga ni Gia. Pero alam ko buntis na rin si Tita Kelly, totoo nga talaga ang
hula namin na balak nilang magkakaibigan na magkaroon pa ng isang generation. Hayp
yan.

"I'm afraid so." napatingin ako sa pintuan nung bumukas ito. Nagulat pa ng bahagya
si Paris nung makita ako.

"Oh c'mon." may kasunod syang lalaki na kaedaran ni Kuya. "Oh may bisita ka."

"Are we good, Mr. Lopez?" tanong ni Paris at naglakad papunta sa table nya.

"Pinapalayas mo agad ako." hindi ko kita ang itsura ng lalaki dahil sumunod sya kay
Paris pero halata sa boses na nagpapa-cute sya. "How about a date? last time sabi
mo next time, siguro naman papayag ka na?" naupo yung lalaki sa harapang upuan ng
lamesa ni Paris.

Nakatayo si Paris habang may tinitignan sa mga papel nya.

"Hindi ko sinabi na ito ang next time na tinutukoy ko." walang lingon na sabi ni
Paris. Kinagat ko ang labi ko para magpigil ng tawa dahil sa kasungitan ni Paris sa
lalaki.

"You hurt my feelings, my lovely Paris." napataas ang kilay ko dahil sa sinabi ng
lalaki. "Okay, ito na lang. Be my date in Mr. Carver's Party." bigla naman akong
napaisip nung marinig ko ang dadaluhan nilang party. Ang alam ko may nabanggit si
Papa non kahapon eh. Kailangan kasama kami ni Kuya. Hindi ko alam kung bakit kasama
rin ako eh. Sigurado naman nandon sila Fin kaya okay lang.

"I don't need your accompany." sabi ni Paris.

"Wala ka naman ka-date non. Well, as always naman." tumingin ako sa lalaki dahil
kanina pa nya pinipilit si Paris. Napakunot ang noo ko dahil parang namumukhaan ko
sya.

"Mr. Lopez." tumingin ako kay Paris dahil ibinaba nya ang hawak nyang papel at
seryosong tinignan si Mr. Lopez.
Ah! Mr. Lopez, sya yung nanliligaw kay Papa na halos araw-araw na sa bahay sya nung
last month. Ewan ko kung ano meron pero gusto nyang maging business partner si Papa
kaya panay ang punta nya sa bahay. Ang alam ko nakapag-deal na sila kaya hindi na
ito masyadong pumupunta sa bahay.

"Mr. Lopez." sabi ko at tumayo. Napatingin silang dalawa sakin. "Hindi mo dapat
pinipilit si Paris kung ayaw nya."

"Paris, hindi ba empleyado ka rito? You should respect your boss." nakakunot na
tanong nya sabay tingin sa i.d ko. Pati ako napatingin ron eh. "Kahit si Carla ay
ma'am ang tawag kay Paris kahit close sila."

Nakitbitbalikat ako. "So ayun na nga, ayaw nya kaya wag mong pilitin, and besides,
ako ang ka-date nya."

"What?" sabi nya at natawa na tila nahihibang ako sa sinasabi ko. Tumayo sya at
kinuha ang i.d ko. "IT Department. Jade Monaste...rio." napangiti ako dahil bumagal
ang pangbanggit nya sa pangalan ko.

"Yes, the only daughter of Mike Monasterio, for now." napabuka sya ng bibig sa
gulat.

"I..I.." pfft! nakakatawa naman ng itsura nito. Parang nakakita ng multo.


"But...how?"

"How na alin? na dito ako nagtratrabaho? Trip ko." sagot ko at kinuha ang i.d sa
pagkahawak nya. 

"I...I'm sorry!" nagulat ako sa pag-bow nito.

"We-well, kung aalis ka na at hindi na kukulitin si Paris, pag-iisipan ko." sabi


ko.

"Ye-yes, aalis na ako. I'm sorry." sabi nya at nagmamadaling umalis.

Napatawa ako ng malakas pagkaalis ni Mr. Lopez. Siguradong kabado yon dahil
pinagsalitaan nya ako ng ganon.

"Kain tayo." sabi ko pagkatapos tumawa na para bang walang nangyari.

"Kakakain ko lang." sabi nya at naupo na sa upuan nya.

"Sige na, kahit dessert lang. Hindi mo ako sinabayan kanina eh." nakangusong sabi
ko habang nakaharap sa kanya. "Tsaka niligtas kita kay Mr. Lopez oh. Nga pala, ako
ka-date mo sa Friday ah?"

"Kasama ka?" nakakunot ang noong tanong nya.

"Oo, pinapasama ako ni Papa eh. Magpapaalam na lang ako sa lead ko na early shift
ako sa Friday para maaga ako makauwi at makapag-ayos pa." sabi ko. Umupo ako sa
harapan ng lamesa. "Ako ka-date mo ah?"

"Whatever." napangiti ako.

"Kain na tayo, dali na. Libre mo." umangat ang tingin nya sakin at sinamaan ako ng
tingin. "Wala akong pera, ubos na sahod ko."

"Kahit wala kang sahod, marami kang pera."

"Wala kaya. Dali na, Paris." nakangusong sabi ko. Tinignan nya muna ako ng matagal
bago sya tumayo. Nagdiwang naman ako. "Doon tayo sa restaurant nila Fin, masarap
dessert nila don. Makaka-discount ka pa." tumayo na rin ako at sinabayan si Paris
na maglakad palabas ng office nya.

"Carla, kapag may naghanap sakin sabihin mo kumain lang." bilin ni Paris kay Carla.

"Okay." nakangiting sagot ni Carla. Nagpaalam na kami sa kanya.

Pagkarating namin sa parking lot ay may inihagis si Paris sakin na bagay. Mabuti na
lang ay nasalo ko.

"Drive." sabi nito at pumasok sa loob.

"Ayos ah." iling na binuksan ko ang driver seat. "Let's go!" natawa ako dahil
nakita ko syang napatalon sa gulat.

"Bata ka ba at excited kang kumain?" pagsusungit nya. Nginitian ko lang sya at


pinaandar ang sasakyan nya papunta sa restaurant nila Fin.

Habang nasa biyahe ay sinasabayan ko ang pagkanta sa stereo nya. Nagpatugtog sya
galing sa cellphone nya at puro classic song. Hindi naman sya umaangal sa pagkanta
ko. Ang ganda kaya ng boses ko.

Pagkarating namin sa restaurant nila Fin, saktong nandon si Tita Fiona. Kahit na
buntis sya gusto pa rin syang magtrabaho sa restaurant nya.

"Jade!" hinalikan ko si Tita Fiona sa pisngi nya. "Nice to see you here."
nakangiting sabi nya.
"Namiss ko pagkain ninyo eh." sagot ko at tumingin kay Paris na nasa likuran ko.
"Tita, si Paris dating Student Council President ni Mama."

"Ooh Paris." hindi ko ata gusto yung tingin at ngiti ni Tita Fiona. "Nice to
finally meet you, Paris. Ang daming kwento ni Jo tungkol sayo." napakunot ang noo
ko. Ganon ba kapaborito ni Mama si Paris para ikwento nya ito kanila Tita Fiona.

"Hello po." magalang na sabi ni Paris.

"Oh sya, kakain kayo right? my treat." 

"Woah! Hindi lang discount makukuha natin, libre pa." sabi ko kay Paris.

"Thank you." hindi ako pinansin na sabi ni Paris kay Tita Fiona. Narinig kong
tumawa si Tita Fiona.

Sinabi na namin ni Paris ang io-order namin bago kami pumunta sa table namin. Nag-
alala ako dahil si Tita Fiona pa ang gagawa ng pagkain namin. Pinilit ko syang wag
na syang magluto pero mapilit si Tita kaya wala na akong nagawa kundi pagsabihan
ang assistant chef na tignan tignan si Tita Fiona.

"Ano pala susuotin mo sa Friday? Dress?" pagbubukas ko ng topic.

Napataas ang isang kilay nya. "No freaking way." natawa naman ako.

"Bakit naman? Hindi pa kita nakikitang mag-dress." pero nakita ko ang picture nila
na naka-dress sya nung graduation nila.

"Hindi ako mahilig mag-dress." halata nga eh.

"Pero naka-pencil cut skirt ka."

"Iba ang dress sa pencil cut skirt." inirapan nya ako.

"Okay, ako na lang magdre-dress." sabi ko at humalumbaba. "Susunduin mo ako samin


ah." hindi sya sumagot pero nakatingin sya sakin.

"Hey lovebirds, nandito na foods nyo." naalis ang tingin namin nung dumating si
Tita Fiona ang bilis nyang magluto ah.

Inihanda ng kasama nyang waiter ang pagkain namin sa lamesa.


"Wait, lovebirds?" takang tanong ko kay Tita Fiona.

"Hmm?" nakangiti pero may patatanong sa mukha. "Sabi mo eh." mas lalo akong
naguluhan. Wala naman akong sinabi, nagtanong lang ako. "Iwan ko na kayo. Eat
well." kinindatan nya pa ako bago sila umalis.

"Weird." sabi ko at kumain na lang. Tumingin ako kay Paris na umorder lang ng
letche plan. Nakatingin sya sa tablet nyang nasa lamesa. Trabaho pa rin yung
ginagawa nya kahit na kumakain.

Kumuha ako ng letche plan kaya napatingin sya sakin. Nginitian ko lang sya at
kumain ng pagkain ko.

"PG talaga." rinig kong sabi nya. Hindi ko ipagkakaila yon.

"Kumakain ka na lahat lahat, trabaho pa rin inaatupag mo." sabi ko. Tumingin uli
sya sakin. "Kailan ang huling bakasyon mo?" tanong ko.

"Hindi ko kailangan ng bakasyon." sagot nya naman.

"Anong hindi? wag ka masyadong workaholic. Hindi maganda yan." sya lang ang taong
kilala ko na ayaw magbakasyon. Hindi naman agad babagsak ang kompanya nya kung
magpapahinga sya ng ilang araw. "Magbakasyon tayo, doon uli sa rest house namin na
gusto mo." pag-aaya ko.

"Ayoko."

"Oh come on. Tayong dalawa lang naman para makapag-relax ka talaga." pagmimilit ko.

"Yun na nga, hindi ako nakakapag-relax kapag ikaw kasama." napanguso ako. 

Ilang beses ko syang pinilit pero ayaw nya talaga. Napaka-workaholic talaga nito at
ayaw iwanan ang trabaho nya.

Pagsapit ng Friday ay nakahanda na kami nila Mama. Hinihintay na lang namin ni Mama
sila Kuya at Papa dahil may pinag-uusapan pa ito tungkol sa mall ni Kuya. May
tumalon kasi mula sa fourth floor at namatay kaya inaasikaso nila Papa ang
problemang yon.

"Susunduin ka ba ni Paris rito?" tanong ni Mama.

"Dapat." sabi ko. Pinagmasdan ko si Mama. Nakasuot sya ng off shoulder red dress.
Kahit na buntis sya ay sexy pa rin syang tignan.
"I-text mo kung nasaan na sya. Maya maya lang bababa na yung dalawa." sabi nya.

Imbis na i-text si Paris ay tinawag ko ito para alam ko agad kung nasaan na sya
baka mamaya rin nagdri-drive pala ito eh.

"On the way." bungad nya pagkasagot.

"Hello rin." iling na sabi ko.

"Malapit na ako. Mamaya na. Nagdri-drive ako."

"Sungit. Ingat ka." sabi ko. Hindi sya sumagot at ibinaba lang yung tawag. "Ang
lakas ng topak talaga ng presidente mo, Ma." natawa naman ng mahina si Mama sa
sinabi ko.

"Let's go, ladies." tumingin kami ni Mama sa likuran. Nasa likod na pala ang
nagsisi-gwapuhan namin Papa at Kuya. Parehas silang naka-suot ng formal suit. Si
Kuya naka-white coat pati pants, pero yung panloob nya ay gray. Si Papa naman ay
all black.

"Mauna na kayo, Pa. Malapit na rin si Paris." sabi ko.

"Alright." sagot nya habang inalalayan si Mama na tumayo. "Michael!" sigaw nito sa
taong maiiwan sa bahay.

"Pa, kanina pa ninyo ako pinagsasabihan." nakasimangot na sabi ni Michael na


lumabas ng kusina. May dala itong mga chitchirya. Mukhang magmo-movie marathon ang
isang 'to.

"Ikaw lang kasi ang maiiwan. Dapat kasi sumama ka na." sabi ni Kuya.

"Walang kasing edad ko ang sasama sa party na yon, Kuya." sagot naman ni Michael.

"Tumawag ka kapag nagkaroon ng problema okay?" hinalikan ni Mama si Michael.

"Aalis na kami. Jade, siguraduhin mong naka-lock lahat kapag aalis na kayo ni
Paris, okay?" tumango ako kay Papa. "Let's go na." pag-aaya ni Papa. Nagpaalam muli
si Mama samin bago sila lumabas na tatlo.

"Ikaw na bahala magsarado ah? akyat na ako." sabi ni Michael at naglakad papunta sa
hagdanan.

"Wag magpuyat!" sigaw ko.


"Walang pasok bukas!" sigaw na sagot nya. Napailing na lang ako.

Ilang minuto pa ang hinintay ko bago ko narinig ang pagbusina sa labas. Mukhang si
Paris na yon kaya kinuha ko ang pouch ko at lumabas ng bahay. Sinigurado ko naman
na naka-lock ang pintuan. Mahirap na, si Michael lang naiwan sa bahay.

Naglakad ako palabas ng gate at nakita ko ang cool na cool pero hot rin tignan na
si Paris. Naka-white long sleeve lang sya at white pants. Nakita ko naman sa
backseat nya ang coat nya. Mukhang ayaw nya muna itong magusot.

"You look gorgeous." napangiti ako sa puri ni Paris. "Pero masyadong kita ang
cleavage mo." napatingin naman ako sa dibdib ko.

Nakasuot rin ako ng black off shoulder dress at may hiwa rin sa kaliwang hita.
Napatingin nga ron si Paris.

"Let's go." nagulat ako na pinagbuksan nya ako ng pintuan. Wow, gentlewoman ngayon
si Paris.

Pagpasok nya sa driver seat, may kinuha pa sya sa backseat. Akala ko yung coat nya
na pero isang bouquet of white roses.

"My, thank you." nakangiting tinanggap ko ang bulaklak. "Ang sweet mo ngayon ah."
panunukso ko.

"You're my date, of course." sweet na sana kaso inirapan nya ako at sinusungitan.

"Kung lalaki ka lang, nahulog na ako sayo." sabi ko at inamoy ang bulaklak.

------------------------------

A/N: Lol.
        Chapter 24 [Mi Amore Series#2: My Hot Pre...]

      

Jade's POV

"Ang boring talaga." sabi ko habang nakatayo sa gilid. Iniwanan ko si Paris dahil
puro business yung pinag-uusapan nila. Wala akong naiintindihan. Hindi ko pa
nakikita sila Fin kaya wala rin akong kausap. Nakita ko sila Tito Cyrus pero si
Kuya Kasaysayan lang kasama nila. Ayaw nila kaliwa ang ganitong klaseng party kaya
hindi ko yun inaasahan na pupunta rito.

"Jade."

"Sawakas!" sabi ko nung makita si Nissan. "Teka, kung nandito ka, dapat nandito rin
si kaliwa." nilingon ko ang paligid baka matanaw ko si kaliwa.

"Wala sya rito. Kahit kasama ako nila Tito, hindi sya sasama. May allergy daw sya
sa ganito." nakangiting sagot ni Nissan.

"Loko yon, iniwanan ka talaga mag-isa rito." sabi ko. "Mabuti pinayagan kang
pumunta rito."

"Ayaw nya pero kailangan kong pumunta rito dahil ka-business partner ko si Mr.
Carver. Ayokong masira sa kanya." sagot nito at uminom ng wine. "Pero mahigpit ang
bilin nya kay Kuya History na syang ka-date ko rito."

"Ano pa nga ba aasahan ko kay kaliwa." natatawang sabi ko.

"Ikaw? bakit mag-isa ka lang rito?" tanong nya. Kinuha ko na ang wine glass sa
kanya dahil baka masobrahan sya.

"Sabi ni Papa na kailangan kasama kami ni Kuya kaya ako ang ka-date ni Paris."
sagot ko. Nung may dumaan na waiter ay ibinigay ko sa kanya ang wine glass.

"Ni Paris? Bakit hindi mo sya kasama?"

"Ayoko ng pinag-uusapan nila." sabi ko. Natawa sya ng mahina. Kung lalaki lang ako,
mahuhulog rin ako sa ka-cute tumawa ni Nissan. Swerte talaga ng lokong yon kay
Nissan.

"Parehas kayo ni Left pero ikaw kaya mo pang dumalo." sabi nya.

"Lahat naman kami. Si kaliwa lang talaga yung sobrang hate na hate ang ganitong
party. Speaking of, nakita mo ba sila Fin?" tanong ko.

"Nakita ko ang mga magulang nila pero wala sila."

"Nice, mukhang ako lang dumalo." bakit ba hindi ako nagtanong kung pupunta sila sa
party na 'to?

Napansin namin ni Nissan na palapit samin si Paris. Mukhang tapos na itong makipag-
usap sa ibang businessman at woman. Nag-beso yung dalawa nung makalapit si Paris.

"Iniiwanan mo ang ka-date mo." sermon ni Nissan. Napaiwas naman ako ng tingin kay
Paris dahil nilingon nya ako. Ako yung nang-iwan sa taong 'to.

"Anyway, about sa..." oh my god, pati ba naman yung dalawang 'to business pag-
uusapan? hindi ba sila nagsasawang pag-usapan yon?

Dahan-dahan akong lumayo sa kanila. Nabuburyo ako sa pinag-uusapan nila. Nagtungo


ako sa mga pagkain. Kahit kumain naman ako bago umalis ay nagugutom ako dahil sa
mga naririnig ko. Sa susunod nga kapag wala yung apat hindi na ako sasama. Ang
boring kapag wala akong kasama kahit isa sa kanila.

"Finally!" napatingin ako sa gilid ko nung may nagsalita. "May kaedaran ko rin ang
nandito." sabi nya. Mukhang kaedaran ko nga sya.

"Bakit, puro matatanda ba ang nakikita mo." nakangiting pagsasakay ko. Gwapo eh.

"Halos." bulong nito kaya natawa kami.

"Pero may nakikita ako na kaedaran rin natin." sabi ko.

"Siguradong business rin ang pinunta nila rito." nagulat ako na umirap ito. May
nase-sense akong iba sa lalaking 'to.

"Bakit? napilitan ka rin bang pumunta rito?" curious na tanong ko. Mukhang hindi na
magiging boring ang gabi ko ah.

"Of course." napangiti ako dahil umarko ang isang kilay nya. Tama ang hula ko sa
lalaking 'to. Aww sayang, gwapo sana.  "Anyway, I'm Kurt."

"Sa gabi?" nakangiting tanong ko. Mukhang napansin nyang alam ko kung ano sya.

"I like you." natawa naman ako. "But, still Kurt." kumindat sya sakin.
"Jade." sabi ko at inabot ang kamay nyang kanina pa nakalahad.

"Lesbian?" tanong nito.

"Ah no, I'm straight."

"Oh really?" nakataas ang kilay nyang pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa. "Bakit
may nase-sense ang gaydar ko?" napapailing na lang ako. "Denial ka lang siguro."

"Sure akong straight ako." nakangiting sagot ko.

"I don't believe you. Nakahalik ka na ba ng babae? hindi lang smack." mukhang alam
ko na kung saan ito mapupunta. Nakitbitbalikat lang ako kaya mas lalo syang nagduda
sakin.

Magsasalita sana sya kaso may tumawag sakin. Bahagya pa akong nagulat nang makita
si Sean pero naalala ko na may business rin ang pamilya nya. Napansin ko naman na
napaayos naman ng tayo si Kurt.

"Sabi na nandito ka rin." nakangiting sabi ni Sean. "Hi, sorry to interrupt." sabi
nito kay Kurt.

"No, it's okay. I'm Kurt." pigil ngiti ako nung maging matigas ang boses ni Kurt na
hindi katulad kanina na medyo soft.

"Sean, pre." nailing ako dahil sa itsura ni Kurt na napipigil sa reaction nung
mahawakan ang kamay ni Sean.

"Yeah, ako lang nandito. Hindi nagsipuntahan sila Fin." sagot ko kay Sean. "Sino
kasama mo?"

"As usual, si Ate." sagot ni Sean at kumuha ng finger chocolates.

Hinanap ko naman sa paligid si Ms. Dani pero iba yung nahaligap ko. Si Paris at may
kasayawan sa gitna na babae. Nakakapagtataka ang closeness ng dalawa. Konti na lang
rin ay maghahalikan na sila sa sobrang lapit ng mukha sa isa't isa.

Nakitbitbalikat na lang ako at nakinig sa usapan ng dalawa. Hindi naman business


yung pinag-uusapan nila kaya hindi boring silang pakinggan. Sarap pa ngang panoorin
si Kurt kung paano pasimpleng pumoporma kay Sean.

Lagot ka.
Monday ang pinakaayokong araw talaga. Balik trabaho na naman at puro meeting pa.
Kakatapos lang ng isang meeting namin na inabot ng lunch sa daming pinag-usapan.

"Sasabay ka ba samin, Jade?" tanong ni Pia.

"Nah pero pabili ako ng coffee pagbalik ninyo." sagot ko. Pabalik kami ngayon sa
desk namin.

"Jade, mamayang team meeting pahanda yung napaghandaan mong outing." sabi ni Kuya
Kups.

"Okay." kakatapos lang ng meeting, iniisip agad nila yung isang meeting.

Kinuha ko ang lunchbox ko na ako na mismo ang nagluto. Maaga ako nagising para lang
magluto. Trial and error kasi ang ginawa ko kaya kailangan ng mahabang oras para
makagawa ng edible na pagkain. Mahirap na baka hindi na ako sabayan ni Paris kapag
hindi nya nagustuhan.

"Hello, Carla." nakangiting bati ko kay Carla na naabutan ko.

"Hi Jade, nako, umalis si ma'am Paris." sabi nya na ikakunot ng noo ko.

"Saan pumunta?" tanong ko.

"Nag-lunch out."

"Oh himalang kusang kumain na yon." bakit hindi man lang nagsabi yon sakin na
kakain na pala sya sa labas?

"May kasabay syang kumain eh." sabi ni Carla.

"Business partner?" tanong ko.

"Mukhang kaibigan." napatango ako. Mukhang sila Chelsea yon.

"Jade?" napalingon ako sa likuran. Speaking of. "Anong ginagawa mo rito?" may
pagtatakang tanong nya.

"Ahh." hindi ko alam ang isasagot ko.


"Dito ka nagtratrabaho?" nakatingin sya ngayon sa ID ko kaya naman napatingin rin
ako ron.

"Oo." nakangiwing sagot ko. Alam nya na tuloy na dito ako nagtratrabaho.

"Talaga? Kaya pala nandito ka nung nakaraan na nakita ka namin." napakamot na lang
ako ng ulo. "Nga pala, si Paris nandyan ba?" tanong ni Chelsea. Napakunot ang noo
ko. So hindi ang mga kaibigan nya ang kasama ni Paris.

"Nag-lunch out kasama si Ms. Trixie." sagot ni Carla.

"Trixie? Nakauwi na pala yon." sabi ni Chelsea.

"Kilala mo?" tanong ko.

"Childhood friend namin ni Paris si Trixie pero first crush ni Paris si Trixie.
Alam ko may gusto pa rin si Paris kay Trixie." sagot ni Chelsea. Bata pa lang pala
lesbian na si Paris. "Anyway, kumain na ba kayo? tara, kain tayo."

"Kumain na ako, salamat." nakangiting sagot ni Carla.

"Kaya pala naabutan kita." biro ko. "May baon ako pero dapat share kami ni Paris
kaso kumain na pala. Gusto mo sayo na lang yung para kay Paris? ako nagluto nito."

"Really? hindi ko tatanggihan yan kung ikaw nagluto." masayang sabi nya.

"Sana lang hindi sumakit diyan mo." nawala ang ngiti nya sa sinabi ko. Natawa naman
ako. "Hindi ako marunong magluto pero nag-try ako ngayon. Nakakain naman daw sabi
ni Mama kaya pwede naman siguro pagtyagain 'to." sabi ko.

"....Right." napanguso ako dahil mukhang nagdadalawang isip si Chelsea. "Joke lang,
tara kainin na natin yan. Sa cafeteria na lang tayo." tumango ako.

Nagpaalam na kami kay Carla. Nagtungo kami pantry rito sa floor.

"Bakit pala dito ka nagtrabaho?" tanong ni Chelsea. "Init muna natin yung pagkain."
hindi na ako nakasagot dahil kinuha nya ang lunchbox ko at nagtungo sa microwave.

"Hindi ko alam na si Paris ang may ari nito kung yan ang iniisip mo. Nagulat na
lang ako na boss ko pala sya nung inayos ko ang computer nya." sabi ko.

"Okay, naniniwala ako." pinaliitan ko sya ng mata dahil mukhang hindi naman sya
naniniwala. Tinawanan nya ako. "Mukhang masarap naman yung niluto mo." sabi nito at
nilingon ang microwave.
"Mukha lang yan." wala akong bilib sa luto ko eh. "Saan ka pala nagtratrabaho?"
tanong ko.

"Onti-onti kong tina-take over ang kompanya ng pamilya ko. Magka-business partner
kami ni Paris kaya may time na pumupunta ako rito." sagot nya. Pansin ko na mayaman
sila Chelsea pero hindi ko alam na may kompanya pala ang pamilya nila.

"Ah okay, wag na natin pag-usapan yang business." sabi ko. Natawa naman sya.

Kinuha nya ang lunchbox na pinainit nya sa microwave tsaka lumapit sa lamesa namin.

"Ang dami pala nitong dala mo. Nauubos ninyo ni Paris 'to?" tanong nya.

"Malakas ako kumain." nakangiting sagot ko.

"By the way, bakit pala magka-share kayo ni Paris sa pagkain?" muling tanong nya.
Akala ko hindi nya na itatanong yon.

"Well, pinagsabihan ako ni Nissan, ewan ko kung kilala mo sya."

"Kilala ko sya, ka-business partner ko rin sya." mukhang hindi lang si Paris ang
kaibigan ni Nissan.

"So yun na nga, hindi daw kasi kumakain si Paris ng lunch, madalas late pa kaya
sinabihan ako ni Nissan na sabayan kumain si Paris." nakitbitbalikat ako. "Hindi
madaling pakainin si Paris. Masyadong busy kaya hindi maiwan-iwanan ang ginagawa."
sabi ko.

"Sinabi mo pa. Nung nakita ka namin last time, kung ano-ano pa ginawa nila Cess
mapapayag nila ang taong yon." sabi nya. "Ang sarap ah."

"Okay lang magsabi ng totoo, Chelsea." natatawang sabi ko. "Alam kong hindi masarap
luto ko."

"Seryoso, masarap." napailing na lang ako kay Chelsea.

Marami kaming pinag-usapan ni Chelsea. Masaya talagang kasama si Chelsea. Ibang iba
talaga sya kanila Cess. Hindi sya bastos kausap pero malakas magbiro at mang-asar.

"Sa Friday pupunta uli ako rito. Dagdagan mo yung baon mo ah." sabi nya habang
palabas kami ng pantry.
"Baka naman dapat ikaw naman magdala." sabi ko. Napaisip naman sya sa sinabi ko.
"Biro lang."

"Hindi, sige ako magdadala sa Friday." sabi nya. Hinayaan ko na lang sya. "Oh sya,
hihintayin ko pa si Paris."

"Okay, balik na ako." paalam ko. Pagtalikod ko ay sila naman ang lumabas ng
elevator. Sila Paris at yung babaeng nakasayawan nya nung Friday. Hula ko ay sya si
Trixie.

"Chelsea!" bati nung babae.

"Trixie." nakangiting sinalubong ni Chelsea si Trixie. Nagyakap silang dalawa.


"Kailan ka umuwi at hindi ka nagsabi sakin?" tanong ni Chelsea.

"Last Wednesday pa. Nagpahinga muna ako syempre bago ako nakipagkita sa inyo."
sagot ni Trixie.

"At inuna mo talaga si Paris na puntahan." sabi ni Chelsea.

"Well." nakita kong kinindatan ni Trixie si Chelsea. Napatingin sya sakin kaya
napatingin rin si Chelsea sakin.

"Ah kaibigan namin ni Paris, si Jade." pagpapakilala sakin ni Chelsea.

"My, handsome girl." medyo nagulat ako sa sinabi ni Trixie. Tumingin ako kay
Chelsea pero natawa lang sya. "Trixie." inilahad nya ang kamay nya kaya naman
nakipagkamay ako sa kanya.

"Jade. Nice to meet you." sabi ko.

"Lesbian ka ba?" nanlaki ang mata ko sa gulat.

"Straight ako." sagot ko. Mukha ba akong hindi straight?

"Habulin lang sya ng mga lesbian." pagsisingit ni Chelsea.

"Isa ka na ron?" tanon ni Trixie sa kanya.

"Maybe." nagugulanta talaga ako ngayon. "Maybe not." sagot ni Chelsea na nakatingin
sakin.

Nag-usap yung dalawa pero tungkol naman sakin. Parang wala lang ako kung makapag-
usap sila. Tumingin ako kay Paris dahil kanina pa sya tahimik. Nakita ko syang
nakatingin kay Trixie. Kung ano yung tingin nya dati kay Kris, ganon rin ang tingin
nya ngayon kay Trixie. Mukhang may gusto nga talaga sya kay Trixie.

"Pwede ko rin ba matikman ang niluto mo, Jade?" napatingin naman ako kanila Trixie.

"Sana lang hindi sumakit ang tiyan mo. Mamaya kasi sasakit na tiyan ni Chelsea."
biro ko.

"Hindi sasakit ang tiyan ko dahil masarap ang niluto mo." sabi ni Chelsea. "Ang
swerte pala ni Paris na palaging natitikman ang luto mo."

"First time ko lang magdala ng niluto ko." sabi ko.

"Seryoso? ako pala ang unang nakatikim ng luto mo." masayang sabi ni Chelsea.

"Hindi, si Mama." sabi ko na ikatawa namin ni Trixie.

"Bumabawi ka ngayon ah." nginisian ko si Chelsea.

"Kanina mo pa ako inaasar eh."

"Jade, you are so hot." tumingin ako kay Trixie. "I like you na."

"Huh?"

Tawang tawa ang apat na loko pagkakwento ko sa kanila ang nangyari kanina. Nandito
kami ngayon sa bahay nila kaliwa para dalawin na rin ito.

"Mas mahaba pala ang buhok ni Jade kaysa kay kaliwa." sabi ni Veron.

"Pero puro babae lang nagkakagusto sa kanya." sabi ni Gia.

"May lalaki rin nagkakagusto sakin ah." sabi ko.

"Mas maraming nagkakagustong babae sayo tapos hindi ka pa tinatantanan. Mga


lalaking nagkakagusto sayo, isang basted mo lang titigil na eh." sabi ni Fin.

"Malakas hatak ni Jade sa mga babae." sabi ni kaliwa. "Talo ako sa charisma mo."
dagdag nya pa.

"Hindi masayang habulin ka ng mga babae lalo na straight ako."

"Ulol!" sabay sabay na sabi nila.

"Hindi mo kami maloloko." sabi ni kaliwa.

"Mga siraulo kayo, straight ako." pagpupumilit ko. Kaya ayokong pag-usapan ang
ganito kasi ipipilit nilang baliko na rin ako katulad ng dalawa.

"Nye nye. Maghanap ka ng maloloko mo." sabi ni Gia. Napailing na lang ako sa
kanila.

"Alam namin na may something ka kay Paris." napataas ang kilay ko sa pagtataka sa
sinabi ni Fin.

"Anong something?" tanong ko.

"Bakit hindi mo itanong sa sarili mo yan." sabi naman ni kaliwa. Mas lalo akong
naguguluhan sa kanila. "Hay nako, buang talaga." natawa yung tatlo sa sinabi ni
kaliwa. Napasimangot naman ako.

"Sinabi mo na natutuwa ka kapag nagsusungit si Paris sayo. Ang mga taong ganyan ay
inlove." sabi ni Veron.

"Wow, sayo nanggaling yan eh highschool ang huling karelasyon mo." sabi ko.

"Naramdaman ko kasi ang ma-inlove. Hindi katulad mo na fling lang."

"Choosy na nga, in denial pa." sabi ni kaliwa. "Ano nararamdaman mo kapag may
kasamang iba si Paris?"

"Wala." totoong sagot ko.

"Weh?" napakunot ang noo ko dahil ayaw maniwala ng mga 'to.

"Nag-kiss na ba kayo ni Paris?" tanong ni Fin.

Doon naman ako nagdalawang isip kung sasabihin ko ba sa kanila ang totoo.

"Nag-kiss na sila!" ilang segundo pa lang akong hindi nakakasagot, inisip nila agad
na nag-kiss na nga kami ni Paris.

"Kailan?"

"Masarap?"

"Naulit ba uli?"

"Sino ang unang humalik?"

Sunod-sunod na tanong nila. Hindi ako makasagot dahil lumapit talaga sila sakin
para lang kornerin.

"Wait! Layo!" pagtataboy ko. Lumayo naman sila pero halatang hinihintay yung
sasabihin ko. "Hindi ko maalala kung sino ang nauna pero nangyari yon nung
nagbakasyon kaming dalawa sa rest house namin pagkatapos ng anniversary ng school
nila Mama."

"Ohh naalala ko na. Sobrang saya mo nga nung pagbalik ninyo. So, may nangyari pala
talaga." sabi ni Veron.

"Naulit pa?" tanong ni Gia.

Hindi ako sumagot kaya napahiyaw silang tatlo nila Fin. Si kaliwa ay nakangiti lang
na nang-aasar sakin.

"Masarap ba, masarap ba?" ulit na tanong ni Fin.

"Sira ka ba? hindi iyon mauulit kung hindi." sabi ni kaliwa. "Pero ilang beses
naulit?" tanong nya.

Hindi uli ako sumagot.

"Walangya, uncountable ba?" sabi ni Gia.

Muli, hindi ako sumagot.

"Hayop ka!" binato ako ng apat ng unan kaya naman napasalag ako ng mukha ko.

"Masakit!" sabi ko para tumigil sila dahil pinaghahampas na nila ako.

"Siraulo ka tapos sasabihin mong hindi ka straight!" boses iyon ni kaliwa.


"Tama na! ang sakit na ah!" pagpipigil ko sa kanila.

"Dapat lang sayo yan!" sabi ni Gia. Walangya ang mga 'to.

Tumigil rin sila pagkatapos ng isang minutong paghahampas at kung ano-ano ang
pinagsasabi sakin.

"Gago kayo, unan lang yan pero ang lakas ninyong manghampas." sabi ko sa kanila.

"Baka katulad ka ni kaliwa na kay Nissan lang nabaliko." sabi ni Fin.

"Nagkagusto rin ako kay Ms. Dani." sabi ni kaliwa. Hindi ko alam kung inaasar lang
ba ni kaliwa si Fin.

"Whatever." natawa kami sa sinabi ni Fin.

"Baka nga kaya sinasabi mong straight ka pa rin pero nakikipaghalikan ka kay
Paris." sabi ni Gia.

"Wala akong gusto kay Paris." sagot ko.

"Pero nakikipaghalikan ka kay Paris. Sure naman akong ikaw ang unang humahalik kay
Paris." sabi ni Veron. Hindi na naman ako sumagot. "Hayop ka talaga!"

"Jade, may gusto ka kay Paris, hindi mo lang inaamin sa sarili mo. Ewan ko na lang
kapag na-realize mo talagang may gusto ka kay Paris at huli na ang lahat." sabi ni
kaliwa.

"Gayahin mo si kaliwa, binabakuran si Nissan kahit hindi nya alam na may gusto sya
kay Nissan." sabi ni Fin.

"Ewan ko sa inyo." sabi ko na lang.

"Sinabi mo na may gusto si Paris kay Trixie at hindi natin sure kung talagang may
gusto rin sayo si Trixie. Paano kapag umamin si Paris kay Trixie at nagkagustuhan
sila? Hindi mo na pwedeng mahalikan si Paris." sabi ni kaliwa.

"Ayos lang." sagot ko.

"Oh talaga? Hindi mo mamimiss ang masasarap na labi ni Paris?" sabi ni Fin.
"Hindi." sagot ko.

"Labas sa ilong ah." sinamaan ko si Veron. Ayaw naman maniwala ng mga 'to.

"Ikaw rin." sabi ni kaliwa. "Kapag ikaw nahuli. Ewan ko na lang sayo." ewan ko pero
tinamaan ako sa sinabi ni kaliwa.

Hindi ko naman sure kung talagang may gusto ako o wala kay Paris. Oo nagugustuhan
kong makipaghalikan kay Paris pero wala na akong ibang nararamdaman kay Paris.
Hindi kaya...

"Manhid na rin ba ako katulad ni kaliwa?" wala sa sariling sabi ko.

"Gago." naramdaman ko na lang na binato ako ni kaliwa ng unan.

---------------------------------

A/N: Mas madali atang mag-isip kapag puro landi. Lol.

        Chapter 25 [Mi Amore Series#2: My Hot Pre...]

      

Jade's POV

Nakaramdam ako ng gutom pero may sinu-suportahan pa ako. Nasa call ako habang
pinapanood ko ang ginagawa nyang pinapagawa ko para maayos ang issue nya.

"Ayun, okay na. Thanks." sabi nya nung gumagana na ang apps na kailangan nya.

"Nice, may need pa po ba kayo?" tanong ko. Sa wakas ay kakain na ako.

"Ayun lang. Salamat." tumango ako sa kanya kahit hindi nya naman nakikita. Wala
kaming video call.

"No problem. Thank you." in-end ko na ang call at umunat. Makakakain na rin.
Tumingin ako sa orasan at halos mag-aala una na. Ang tagal ko palang na-support
yung caller. Nauna na rin kumain sila Ate Mau. Hindi ko na sila pinaghintay kahit
na sinabi nilang hihintayin nila ako. Mabuti na lang talaga dahil anong oras na.
Siguradong gutom na gutom rin sila katulad ko kung hinintay nila ako.

Kinuha ko na ang wallet ko at cellphone tsaka lumabas ng office. Lumabas ako ng


building habang nag-iisip kung saan ba ako kakain. Nakakasawa na rin ang mga
pagkain malapit sa building. Isang linggo ko na rin hindi nakakasabay si Paris
dahil kay Trixie. Dalawang araw akong nag-try na makasabay sya pero nakaalis na
sila ni Trixie kaya hindi na ako nagbaon simula non at sumabay na lang uli kanila
Ate Mau. Ngayon lang ako hindi nakasabay dahil sa issue kanina.

Nakalabas ako ng building na hindi pa rin alam kung saan kakain o ano kakainin. Ang
hirap talagang mag-isip ng kakainin. Napatingin ako sa bulsa ko nung mag-vibrate
ang cellphone. Agad kong kinuha at nakita ang pangalan ni Carla na tumatawag.

"Hello, Carla." bati ko pagkasagot ko.

"Hi Jade, kumain ka na?" tanong nito.

"Hindi pa, kakain pa lang. Bakit?" pabalik na tanong ko.

"Bakit na-late ka atang kumain? Anyway, hindi pumunta ngayon si Ms. Trixie ngayon
kaya hindi pa kumakain si ma'am Paris. Baka lang gusto mong isabay." nahihimigan ko
ang panunukso nya sa boses nya.

"Hindi pumunta si Trixie? himala. Sige, paakyat na ako dyan." naglakad na ako
papasok uli sa building.

"Bilisan mo baka biglang dumating." panakot nya pa. Nagpaalam na ako sa kanya.

Pagkarating ko sa floor ng office ni Paris ay nakita ko agad si Carla na tumingin


sakin. Na-sign ako kung nandyan ba si Trixie at umiling naman ito.

"Treat kita next time." sabi ko sa kanya bago kumatok sa office ni Paris at
pumasok. Hindi ako namalayan ni Paris na pumasok. "Hey." malumanay na sabi ko dahil
ayoko syang magulat.

Umangat ang tingin nya sakin. "Anong ginagawa mo rito?" ano pa nga ba aasahan ko sa
kanya? palagi na lang syang nagsusungit.

"Kain tayo." pag-aaya ko.

"Busy ako." ibinalik nya ang tingin nya sa laptop.


"Ngayon lang ulit tayo kakain ng sabay eh." nakangusong sabi ko. Bumuntong hininga
sya at itinigil ang ginagawa kaya napangiti ako. "My treat." dagdag ko.

"Fine." sabi nya. Inayos nya muna ang mga gamit nya bago sya tumayo.

"Ano gusto mong kainin?" tanong ko. Naglakad kami palabas ng office nya.

"Kahit ano." napanguso ako dahil ako nga nahihirapan kanina mag-isip tapos
dadagdagan nya.

Kinindatan ko si Carla pagkalabas namin ng office ni Paris. Ngiti-ngiti naman sya


sakin. Nagtungo kaming dalawa ni Paris sa elevator.

"Gusto mong kumain ng Italian food? pasta?" suggest na tanong ko.

"Lalayo pa tayo?" balik na tanong nya. Walang malapit na Italian restaurant rito
kaya natanong nya.

"Ikaw ba? nakakasawa na kasi mga pagkain rito." sabi ko.

"Bumalik tayo agad. Marami pa akong gagawin." sabi na lang nya habang nakatingin sa
relo nya.

"Okay po." napaka-busy talaga nito. "Nga pala, bakit wala si Trixie ngayon?"
lumabas kami ng elevator at nagtungo sa parking lot.

"Nasa Cebu sya ngayon." sagot nya.

"Wow, bakasyon?"

"Hindi, may photo shoot sya ron. Isang international model si Trixie." namangha ako
sa nalaman.

"Sabagay, ang ganda naman talaga ni Trixie." sabi ko. Inabot nya na naman ang susi
ng kotse nya. "Nakakapagtataka nga na hindi ka model eh." pinagbuksan ko sya ng
pinto ng sasakyan nya.

"What?" nakakunot ang noong tanong nya.

"Sabi ko kako nakakapagtataka na hindi ka rin nag-model. Masungit ka lang pero


maganda ka." tinignan nya ako saglit tapos napailing bago pumasok sa loob.
Naguluhan naman ako sa kanya.
Nakarating kami sa restaurant na si Trixie ang pinag-usapan namin sa byahe.
Tinanong ko sya kung may gusto ba sya kay Trixie pero ayaw nyang umamin. Halata
naman sya lalo na kinukwento nya si Trixie.

"Good afternoon." nakangiting bati ng waiter at binigay samin ang menu. Nag-bow ito
ng bahagya at umalis.

Tumingin naman ako sa menu at dahil gutom ako, apat na putahe ang inorder ko bukod
pa ang pasta at dessert kong tiramisu. Hindi na nagulat si Paris sa dami ng inorder
ko. Isa lang inorder nya at pasta pa. Mabuti hindi sya nagkakasakit sa konti ng
kinakain tapos napaka-busy nya pa.

"Kailangan mo talaga magbakasyon." puna ko.

"Marami akong gagawin. Hindi ko kailangan non." napailing ako.

"Magbakasyon tayo sa weekends. Pagod na rin ako eh." sabi ko na hindi pinapansin
ang sinasabi nya. Ang tigas ng ulo. Aangal sana sya pero inunahan ko na agad sya.
"Please? isang linggo na nga tayong hindi nagkakasabay tapos kapag dumating uli si
Trixie, sya na naman kasabay mo." pagmamakaawa ko.

Nagmakakaaawang nakatingin ako sa kanya at sya naman 'tong walang emosyon na


pinapakita. Grabe, napaka-cold naman nito.

"Fine." right, hindi sya papayag.

"Wait, what?" gulat na sabi ko. "Magbabakasyon tayo?"

"Gusto mong bawiin ko?" nakataas ang kilay na sabi nya.

"Syempre, hindi." nakangiting sabi ko. "Friday night tayo umalis para kinabukasan
ay may energy tayo. Doon uli tayo sa rest house namin. May mga pwede tayong
paggalaan ron."

"Ikaw na bahala." napanguso ako. Tila ayaw pa nitong magbakasyon.

"Here you go." dumating na ang pagkain namin. May push tray pang dala ang waiter
dahil sa dami ng inorder ko. "Enjoy your meal." nginitian ko sya.

"Let's eat." sabi ko at hindi na hinintay ang sasabihin nya at sumubo ng Fiorentina
Steak. Natakam ako sa picture at hindi naman ako nabigo sa itsura nung dumating
ito. Mas lalo akong natakam.
Naubos ko na yung tatlong putahe nung maalala ko na kasama ko pala si Paris. Nung
lingunin ko ito ay tapos na rin sya kumain. Nakataas ang kilay nya sakin habang
umiinom ng wine. Napatingin naman ako sa labi nya.

"Naalala mo pa pala ako." sabi nya pagkatapos uminom. Umangat ang tingin ko sa mga
mata nya.

"Sorry, gutom na gutom na talaga ako." sabi ko.

"Bakit kasi late ka na kumain." tanong nito. Bahagya akong nagitlang nung punasan
nya ng tissue ang gilid ng bibig ko.

"Nag-support kasi ako." sagot ko at muling kumain. "Gutom mo?" napa-sorry rin ako
dahil may tumalsik.

"Kulang pa sayo yan."

"Good." napailing sya sakin. 

Habang kumakain ako ay napapansin ko na panay ang tingin nya sa relo nya. Mukhang
kailangan na nyang bumalik. May natitira pa akong pasta at tiramisu. Tumawag ako ng
waiter at sinabi na ita-take out ko na lang yung pasta at tiramisu tsaka ko kinuha
ang bill.

"Ang dami mong inorder, hindi mo naman pala uubusin." sabi nya.

"Hindi, mukhang kailangan mo ng bumalik kaya kakainin ko na lang sa office yung


dalawa." sabi ko at pinunasan ang bibig ko.

Hindi naman sya nagsalita. Binayaran ko na yung inorder namin at hinintay ang
tinake out ko.

"Hanggang kailan pala si Trixie sa Cebu?" naalalang tanong ko.

"Tatlong araw." simpleng sagot nya.

Binilang ko naman ang araw at saktong Friday rin ang uwi ni Trixie.

"Klaro ko lang, tayong dalawa lang magbabakasyon ah?" pagkla-klaro ko dahil mamaya
kasama namin si Trixie.

"I know."
"Good." saktong dumating ang waiter dala ang tinake out ko. "Let's go." pag-aaya ko
at lumabas kami ng restaurant.

Nagtungo kami sa sasakyan nya at pinagbuksan ko uli sya ng pintuan. Nagdududa ang
tingin nya sakin pero wala syang sinabi. Napakamot ako ng ulo.

"Magdadala na ba ako ng baon hanggang wala pa si Trixie?" tanong ko pagkapasok ko


sa driver seat. Ini-start ko na ang engine.

"Bahala ka." tipid na sagot nya.

"Mukhang ayaw mo naman. Hindi na nga ako mangungulit sayo kumain." sabi ko at
pinaandar ang sasakyan. Tine-testing ko lang sya kung talaga ayaw nya akong
makasabay kumain pero mukhang ayaw nya talaga dahil hindi naman ito sumagot. Si
Trixie lang talaga gusto nyang makasabay.

Nakarating kami sa kompanya na hindi nag-uusapan. Well, may kausap kasi sya sa
cellphone nya. Ibinigay ko sa kanya ang susi habang may kausap pa rin sya sa
cellphone.

"Give me a second." sabi nya sa kausap nya at tinakpan ang cellphone. "Sabay tayong
kumain bukas." bahagya naman ako nagulat sa sinabi nya.

"O...kay." sabi ko na lang.

"Mauuna na ako." sabi nya sabay itinapat uli sa tainga ang cellphone at umalis.

"Yes!" napaayos ako nung may nakita akong tao na nakatingin sakin. Naglakad na ako
papasok ng building na may ngiti sa labi.

Isang linggo ko sya hindi nakasabay kumain kaya naman masaya ako na makakasabay ko
uli syang kumain kahit ilang araw lang. Kailangan kong pasarapin yung luto ko nito.

Dumating ang Friday pero nasa office pa rin ako. Patapos na rin shift ko pero mag-
oout na ako. Inayos ko na ang gamit ko at nagpaalam na sa mga katrabaho ko na
mauuna na. Hindi muna ako umuwi at pinuntahan si Paris. Hindi ko sya nakasabay
kanina sa lunch dahil dumating na si Trixie kaya naman hindi ko sya napaalala sa
lakad namin mamaya.

"Hi Carla, nandyan si Paris?" bati at tanong ko kay Carla na busy sa ginagawa kaya
hindi nya ako napansin.

"Jade, oo nandyan si ma'am. Sya lang nandyan." nakangiting sagot nya.

"Nice. Pasok na muna ako." sabi ko sa kanya at kumatok sa pintuan ng office ni


Paris. "Hey president." bati ko sa kanya na busy rin.

"Don't worry, Jade, hindi ko naman nakalimutan ang bakasyon natin." sabi nya na
hindi ako nililingon.

"Pero bakit ang dami mo pa atang ginagawa?" tanong ko. Ibinaba ko ang bag ko sa
upuan at lumapit sa kanya sa likuran nya.

"Mawawala lang naman ako ng dalawang araw." sabi nya. Kumunot ang noo ko.

"Weekend naman ah. Nagtratrabaho ka pa rin kahit weekend?" tanong ko.

"Yes." napatampal ako ng noo dahil sa kanya. Mabuti na lang talaga inaya ko syang
magbakasyon. "Mauna ka ng umuwi para makapaghanda ka."

"Nakaayos na gamit ko. Sayo ba?" tanong ko.

"Not yet." napanguso ako.

Tumingin ako sa ginagawa nya. Mukhang marami-rami pa yon. Maaga pa naman pero dapat
makaalis na rin kami dahil aabutin kami ng traffic.

"Bibili muna ako ng dinner natin." sabi ko. Naglakad ako patungo sa bag ko at
kinuha ang wallet. "May gusto ka bang kainin?" tanong ko.

"Ikaw na bahala." nasa akin na naman ang desisyon. Ang hirap mag-isip kaya.

Lumabas na ako ng office nya. "Carla, bibili ako ng pagkain. May gusto ka bang
ipabili?" tanong ko.

"Okay lang ako. Thanks." nahiyang sabi nya.

"Burger? Fries?" tanong ko.

"Jade, ayos lang ako."

"Okay, burger at fries." nakangiting tumalikod ako.

"Ewan ko sayo." rinig kong sabi nya. Nilingon ko sya at kinindatan.

Nagtungo ako sa Mcdo. Umorder ako ng dalawang chicken meal, apat na burger at
dalawang fries. Pineapple ang drinks na pinili ko at ginawa kong large. Bumalik ako
sa office at binigay kay Carla ang para sa kanya. Umaayaw pa sya pero dahil mapilit
ako ay hinayaan na nya at nagpasalamat.

"Kumain ka muna oh." inilapag ko sa may space ang pagkain nya. "Please? Kumain ka
at hindi kita pagmamadaliin sa ginagawa mo." pagpupumilit ko dahil aangal sana sya.

Bumuntong hininga ito at kinuha ang pagkain nya. Napangiti ako. Naglakad ako
patungo sa mahabang lamesa at inilapag ang pagkain ko ron. Naupo ako at sinimulan
kumain ng fries. Nilingon ko si Paris at kumakain na ito pero nakatingin sa laptop
nya. Workaholic talaga.

Bumaba ang tingin ko sa labi nya. Simula nung usapan namin nila kaliwa hindi ko
maiwasan hindi isipin si Paris at kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para sa
kanya. Hindi ko pa rin maintindihan pero gusto ko syang makasama. Simula nung hindi
ko na sya nakakasabay kumain dahil kay Trixie ay tila may kulang sakin kaya nung
tumawag sakin si Carla na wala si Trixie ay hindi ako nagdalawa isip at pinuntahan
agad si Paris. Doon ko nalaman na namiss ko sya.

Isa't kalhating oras pa kaming nasa office bago sya natapos sa ginagawa nya. Una
muna namin pinuntahan ang bahay namin para kunin ang gamit ko. Nagbihis lang ako ng
komportable na short at tshirt. Hindi na ako naligo dahil sa rest house na lang ako
maliligo para masarap ang tulog.

Pagdating namin, nandon na ang buong pamilya nya. Inaya pa kaming kumain pero
tumanggi kami dahil tapos na rin kami kumain. Isinama ako ni Paris sa kwarto nya
dahil baka daw tanungin ako ng Papa nya.

"Maliligo lang ako saglit." sabi nya pagkatapos nyang mailigay sa isang malaking
bag ang mga gamit nya.

"Take your time." sabi ko at nahiga sa higaan nya.

Ang lambot ng higaan nya at ang bango. Hindi na nakakapagtataka dahil isang perfume
company ang pinalalakad ni Paris. Kaya ang bango nya rin eh.

Napatingin ako sa paligid para hanap ang tumutunog na bagay. Tumayo pa ako para
hanapin iyon at nakita ko iyon sa bag ni Paris. Nakita kong tumatawag si Trixie.
Napasimangot naman ako at bumalik sa higaan.

Ilang beses iyon tumawag hanggang sa lumabas si Paris na bihis na rin. Lumapit agad
sya sa cellphone nya. Hindi naman tumawag si Trixie pero sya itong tumawag. Lumabas
pa ito ng balcony. May gusto talaga iyon kay Trixie.

"Let's go." nilingon ko sya. Katulad ko ay naka-short at tshirt lang sya.

Tumayo ako at kinuha ang malaking bag nya. Binuhat nya naman ang isang bag nya at
laptop nya. Sana lang talaga hindi sya magtrabaho sa bakasyon namin.
"Magpahatid na lang tayo." sabi nya nasa garahe kami ngayon.

"Nah. Dalawang oras lang naman byahe natin eh." sabi ko. Sa Laguna na kami ngayon
pupunta. Gusto ko kasing mag-hot spring at may rest house rin kami ron.

"Pumasok ka rin kanina. Sigurado naman na pagod ka." pagpupumilit nya.

"Ayos lang. Gusto ko na wala tayong kasama sa bakasyon na 'to." iniligay ko sa


backseat ang bag nya. "Tara na para makapagpahinga na rin tayo ron." muli ko syang
pinagbuksan ng pintuan.

"Thanks." ngumiti lang ako sa kanya at nagtungo sa kabilang side.

"Wag mo akong tulugan dahil baka antukin ako." biro ko.

"Sinabi ko naman kasi na nagpa-drive na lang sana tayo." nakitbitbalikat ako. Hindi
ko na lang sinagot yung sinabi nya dahil baka ipagpupumilit nya lang.

Napailing ako dahil nagtra-trabaho si Paris. Gamit-gamit nya ang laptop nya. Mabuti
hindi sya nahihilo sa ginagawa nya. Bumabiyahe kami tapos nagla-laptop sya. Inaliw
ko na lang sarili ko sa pagsabay ng kanta. Nilingon ko si Paris at bahagya pa akong
nagulat dahil nakatingin sya sakin. Agad ko naman inalis ang tingin sa kanya dahil
nagdri-drive ako. Hindi ko alam kung pagdri-drive ba ako kinabahan o sa kanya.

Napansin ko na sinara nya na ang laptop nya at iniligay sa likuran. Mukhang tapos
na syang magtrabaho.

"Bakit tumigil ka sa pagkanta?" nilingon ko sya saglit.

"Nakakailang kang tumingin eh." sagot ko.

"Ang sarap mo lang kasing panoorin." napaawang ng konti ang bibig ko pero itinikom
ko rin at lumingon sa kanya. Saktong dumaan sa mukha nya ang ilaw kaya naman nakita
ko ang blue eyes nya. "Eyes on the road, Jade." mabilis ko naman ibinalik ang
tingin sa harapan.

"Nakaka-distract talaga ang kagandaha mo." sabi ko para pagtakpan ang kahihiyan ko
dahil sa pagtingin sa kanya ng matagal.

"Look who's talking." napakunot ang noo kong nilingon syang saglit.

"Huh?"
"Nothing." mas lalo akong nagtaka.

Nakarating kami sa rest house namin. Isang katiwala namin ang sumalubong samin.

"Hi 'tay!" bati ko sa kanya pagkalabas ko ng kotse.

"Hija, kamusta?" nakipag-yakapan ako sa kanya. Dating inalagaan nya kami ni Kuya
nung isang linggo may business sila Papa rito.

"Ayos na ayos, 'tay. Kayo po? Sana po yung apo na lang ninyo yung naghintay samin.
Anong oras na oh, dapat natutulog na kayo." sabi ko sa kanya. Seventy-eight na si
tatay Renato pero kaya pa nitong maglibot-libot.

"Kaya ko pa. Gusto kitang makita." napangiti naman ako. "Sya ba ang kasama mo?"
tanong nya habang nakatingin kay Paris na lumapit samin. "Ang gandang binibini pero
mas maganda ka pa rin."

Natawa ako. "Si tatay talaga oh." kinuha ko na ang gamit namin ni Paris. Hindi ko
na hinayaan pang magbuhat si tatay Renato dahil hindi nya na ito kakayanin.

"Walang nagbago, ano?" sabi ni tatay pagkapasok namin sa bahay.

"Nakakamiss dito." tumingin-tingin ako sa paligid. "'tay, hatid ko na kayo sa inyo.


Kaya na namin ito ni Paris." sabi ko.

"Hindi na, katapat lang naman ng bahay namin." sabi nya.

"Kakamustahin ko rin si nanay Linda, 'tay." pagpupumilit ko.

"Tulog na." ayaw rin magpatalo nito ni tatay eh. "Magpahinga na kayo rito at bukas
pumunta kayo samin. Ipagluluto namin kayo ng almusal."

"Nako 'tay, hindi na. Kaya naman namin." kahit na malakas sila, ayoko silang
pagurin.

"Hay nako, wag matigas ulo, Jade." napanguso ako. Napagalitan pa nga.

"Sige na nga po pero ihahatid ko kayo." pagpupumilit ko. Napailing sakin si tatay
Renato.

Inihatid ko hanggang gate nila si tatay Renato. Lumabas ang apo nya para alalayan
rin na pumasok ng bahay. Bumalik ako sa rest house namin. Nakita ko si Paris na
dinala ang bag nya sa isang kwarto. Kinuha ko ang bag ko at tumungo rin sa kwarto
na tinutuluyan ko rito.

Nagulat naman ako dahil nasa loob si Paris.

"Sorry, sa iba na lang ako." sabi ko at isinara ang pintuan. Pinili ko na lang ang
kwarto ni Michael na katapat lang.

Kumuha ako ng damit ng ipangtutulog ko. Ternong pajama ang dinala ko dahil
makakasama ko si Paris. Hindi pa naman ako sanay matulog na naka-pajama pero ayoko
naman makita ako ni Paris na naka-nighties.

Pagkatapos kong maligo ay agad akong humiga sa higaan kahit na basa pa buhok ko
pero umupo rin ako at sumandal sa headboard. Kinuha ko ang isang libro na
nakapatong sa drawer. Isang fantasy book pero pambata. Huling punta namin rito
seven years old pa lang si Michael. Mukhang iniwan nila tatay itong libro kung saan
naiwan ni Michael.

"Jade." tumingin ako sa pintuan. Nabitawan ko ang libro dahil naka-nighties si


Paris. "Sira yung aircon sa kwarto at naka-lock yung ibang kwarto rito."

"A-ah yeah, wait." mabilis akong kumilos pero hindi ko alam kung anong gagawin ko.
Na-distract ako sa suot ni Paris. Litaw na litaw ang legs nya. "Wait." naglakad ako
palabas at triny yung ibang kwarto. Naka-lock nga talaga. Nag-aalala naman akong
istorbohin si tatay para sa susi ng kwarto. Nasa kanila kasi yon.

"Okay lang na matulog ako katabi mo, kung okay lang rin sayo." napalingon ako kay
Paris. Nasa likuran ko pala ito.

"Ahh.." tumingin ako sa katawan nya pero inalis ko rin agad. "Okay lang." hinawakan
ko ang kwelyo ng damit ko at hinanginan.

"Kukunin ko lang yung unan sa kwarto." tumango ako sa kanya. Tumalikod na sya at
tumungo sa kwarto na dapat tutuluyan nya. Iniwas ko ang tingin ko sa ibabang parte.

My god. Mas malala pa 'to nung naka-bikini sya pero bakit ako naiinitan?

-------------------------------------

A/N: Nakalimutan ko, ang daming comment nung last last chapter kung sino bottom at
top sa dalawa. Ewan ko kung bakit bigla ninyong naisip yon.

        Chapter 26 [Mi Amore Series#2: My Hot Pre...]

      

Jade's POV

Nagising ako kinabukasan. Nakaramdam ako na pangangalay sa kanang braso ko.


Tumingin ako sa kanan at nakitang mahimbing na natutulog si Paris. Shemay.

Hinanap ko ang cellphone ko para tignan kung anong oras na. Madilim pa rin pero
nagiging blue na ang kalangitan. Mag-aala singko na sigurado.

Tumigil ako sa paglingon sa tabi nung gumalaw si Paris. Dahan-dahan itong namulat.

"Good morning gorgeous." bati ko sa kanya. Tumingin sya sa paligid.

"Morning. Anong oras na?" tanong nya at humikab.

"Mag-aala singko na siguro." sagot ko. Nakaunan pa rin sya sakin. "Pero siguradong
gising na sila tatay Renato." dagdag ko.

"Hmm." umupo sya at nag-unat. Dahil sa ginawa nyang yon ay umangat ang nighties nya
at lumitaw ang black nyang underwear. 

Iniwas ko ang tingin ko at tumayo na. Hinanap ko ang cellphone ko at nakita iyon sa
study table. Hindi ko matandaan kung bakit nandon yon. Ala singko na talaga nung
tignan ko ang oras. Lumabas ng kwarto si Paris, babalik ata sa kabilang kwarto.
Tumungo ako sa banyo para makapag-hilamos at toothbrush. Hindi na ako naligo dahil
naligo naman ako kahapon at maliligo rin kami mamaya.

Lumabas ako ng kwarto pagkatapos kong makapag-ayos. Tumingin ako sa kwarto ni


Paris. May kausap na naman sya sa cellphone. Narinig ko na binanggit nya ang
pangalan ni Trixie. Ang aga naman non magising.

Tumungo na ako sala at doon sya hihintayin. Hindi naman ako naghintay ng matagal
dahil dumating rin agad si Paris. Inaya ko na syang tumungo sa kabilang bahay.
Pagkalabas namin ng bahay ay nakita namin si nanay Linda.

"Jade!" natuwang lumapit sya sakin. Niyakap ko sya ng mahigpit. "Ang laki-laki mo
na at ang ganda ganda."

"Naks talaga si nanay talaga oh." nakangiting sabi ko. "Sya nga po pala, si Paris,
kaibigan ko po." pagpapakilala ko kay Paris.

"Hello po." nagmano si Paris kay nanay Linda.

"Ang ganda mo hija pero mas maganda pa rin ang apo kong si Jade." natawa ako. Gusto
kong umangal dahil halatang mas lamang si Paris sa kagandahan. "O sya, tara sa
loob. Nakaluto na siguro si Lea ng almusal." si Tita Lea ang nag-iisang anak nila
ni nanay Linda.

Ang alam ko wala na itong asawa pero hindi na rin nag-asawa dahil nag-focus na lang
ito sa anim nyang mga anak at sa mga magulang nya.

Nagtatakang tumingin samin ang mga apo ni nanay linda na mga bata pa. Nginitian
lang namin sila ni Paris.

"Jade!" tumingin ako sa tumawag sa pangalan ko.

"Brother!" tawag ko sa panganay ni Tita Lea. Childhood namin sya ni Kuya.


Magkasing-edad sila ni Kuya.

Humalik ako sa pisngi nya at nagkayakap kami. Pagkatapos ay ginulo nya ang buhok ko
na ikasimangot ko.

"May pasok ka?" tanong ko. Isang pulis si Kuya Owen. Nakasuot na ito ngayon ng
uniform nya.

"Oo, maaga ang pasok ko. Mauuna na nga ako eh. Catch up na lang tayo mamaya
pagbalik ako." sabi nya.

"Okay, ingat ka." sabi ko. Nagpaalam na sya sa pamilya nya. Napatingin sya kay
Paris pero hindi na ito nagtanong dahil mukhang nagmamadali ito.

Tumungo na kami sa kusina at nandon si Tita Lea na nag-aayos ng lamesa kasama ang
dalawang anak nito. Yung sumunod kay Kuya Owen ay mas matanda ako ng isang taon
tapos yung isa ay kasing-edad ni Michael.

Nakipag-kamusta ako sa kanila at pinakilala na rin si Paris. Ipinakilala rin ako ni


Tita Lea sa tatlo nyang anak na hindi ko nakilala. Masaya ang naging almusal namin
sa kanila. Ang dami nilang hinanda dahil alam nilang malakas akong kumain.

Pagkatapos namin makipagkwentuhan sa kanila ay bumalik kami sa bahay. Inigala ko si


Paris sa bahay namin. Sa harapan mukhang simpleng bahay lang yung bahay namin pero
sa likod nito ay doon na magiging gara ang rest house. May pool kami, isang hot
spring at hindi. Tapos may malaking space sa gilid kung saan tuwing gabi naglalatag
kami ng tela at ng mga unan para doon magkwentuhan.
Pero maganda ang likuran kapag gabi na. May mga nakasabit na lantern sa mga puno,
nagbu-bonfire rin kami kaya ang nakaka-relax tuwing gabi. Tamang kwentuhan lang.

"Ano na gagawin natin?" tanong ni Paris.

"Maliligo tayo sa falls maya maya. Ihahanda ko lang ang tanghalian natin para doon
na lang tayo kakain." sabi ko.

"Let me help you." aangal sana ako kaso nauna syang pumasok ng loob. "Magri-rice ka
ba?" tanong nito nung makarating kami ng kusina.

"Hindi na muna siguro." sabi ko.

"Pero marami ang gagawin natin." sabi nya. Napangiti naman ako.

"Dapat." napailing sya sakin.

Nagsimula na kaming magluto. Hindi nya ako pinagkikilos sa kusina. Pinagawan nya
lang ako ng sandwich at salad. Gusto ko pa naman gumawa ng main dish kaso sya na
daw bahala. Natapos kami at inihanda na ito sa isang basket. Pumanik kami sa kani-
kanilang kwarto para ihanda ang susuotin. Isinuot ko na bikini na susuotin ko kapag
maliligo na para tatanggalin ko na lang mamaya yung short at damit ko. Walang banyo
ang pupuntahan namin kaya dapat dito pa lang ay nakapagpalit na.

Lumabas ako ng kwarto pagkatapos kong mag-ayos. Naabutan ko si Paris na nag-aayos


ng basket. Lumapit ako sa likuran nya at nagulat ako na bigla syang humarap.
Parehas kaming nagulat.

"Alis na tayo." sabi ko at lumayo ng konti. Kinuha ko ang basket na medyo mabigat.

Fifteen minutes walk mula sa bahay ang falls. Nung malapit na kami, marami na
kaming kasabay na pumunta sa falls. Marami-raming tao nung nakarating na kami sa
falls. May ilan-ilan na foreigner na dumayo. Iniligay namin sa isang tabi ang gamit
namin na hindi masyadong mapapansin ng mga tao.

"Woah." reaction ko nung tanggalin ni Paris ang damit nya. "Hindi makapaghintay?"
nilingon nya ako at tila naakit ako sa ginawa nyang yon.

"Kanina ko pa gustong maligo." sabi nya at inalis na rin ang short nya. Naka-bikini
na lang sya.

Naglakad na sya papunta sa tubig. Maraming napapatingin sa kanya lalo na ang mga
lalaki. Parang isang dyosa ang naglakad sa harapan nila kaya napapatigil sila.
Napasimangot ako nung may ilan-ilan na ang lumalapit kay Paris. Filipino o ibang
lahi.
Kinuha ko ang camera sa bag na dala ko. Nilingon ko si Paris na may kinakausap na
isang gwapong lalaki. Sya dapat ang kukuhaan ko ng litrato kaso may kasama.
Kinuhaan ko na lang ang falls at nasa paligid. Naglakad ako ng konti pero
sinigurado kong hindi ako lalayo sa gamit namin. Sinabi ko kanina kay Paris na wag
magdala ng pera at gadget para walang mawala samin. Itong camera ko lang ang dinala
ko.

Mga kalhating oras rin ako kumuha ng litrato at video tsaka ako lumapit kay Paris
na bumalik. Kumukuha ngayon ito ng pagkain.

"Bakit ayaw mo pang maligo?" tanong nito nung makakuha ng sandwich.

"Maya na." itinapat ko sa kanya ang camera at kinuhaan sya ng picture. Kahit
nagsusungit sya sa harap ng camera ay hindi ako tumigil. Kinuhaan ko sya ng iba't
ibang angle. "Ang ganda talaga ng model ko." ngising sabi ko.

"Shut up. Kumain ka na nga." isinubo nya sakin ang isang hita ng manok. "Hawakan
mo. Hindi mo ako alalay." sabi nya.

"Ay akala ko pagsisilbihan mo ako." napangisi muli ako nung samaan nya ako ng
tingin. Iniligay ko sa likuran ang camera at kinuha ang manok.

May natira pa kaming pagkain nung mabusog kami. Hindi muna naligo si Paris. Nakaupo
sya sa malaking bato habang umiinom ng tubig na dala namin. Marami pa rin
nakatingin sa kanya. Muli ko uli syang kinunan ng litrato. Ewan ko kung hinahayaan
nya lang ako o hindi nya napapansin na kinukuhaan ko na naman sya.

Tumigil ako nung ma-satisfied ako. Tinignan ko isa-isa ang mga kuha ko at napatigil
ako nung mapansin ang malaking tattoo nya sa likuran. Tumingin ako kay Paris tapos
sa likuran nya.

Yung iba siguro hindi magandang tignan ang malaking tattoo sa katawan pero kay
Paris, mas lalo pa syang naging hot dahil don. Sobrang sexy at ang ganda nya pa.

Bumalik si Paris sa tubig. Ibinalik ko na ang camera sa bag ko. Nagdala ako ng lock
para talaga walang magnakaw ng camera. Inalis ko ang damit at short ko tsaka
lumusog sa tubig. Hinanap ko si Paris at nakita ko sya sa itaas kung saan pwedeng
tumalon.

Pinanood ko sya nung tumalon sya. Maraming humiyaw nung sya yung tumalon.
Napapailing na lang ako sa mga tao. Lumangoy papunta sakin si Paris. Napasinghap pa
ako nung hawakan nya ako sa bewang.

"Hey." napangiti na lang ako kinalaunan.


"Excuse me, girls." tumingin kami sa gilid at isang lalaki ang lumapit samin.
Napatingin ako sa katawan nya dahil maskulado sya at may abs pa. "I'm Kevin."
pagpapakilala nya.

"So?" manghang nilingon ko si Paris. Tila napahiya naman ang lalaki at napakamot ng
basa nyang buhok.

"Gusto ko lang magpakilala. Type kasi kita." sabi ng lalaki. Sinusungitan na sya ni
Paris pero hindi sya nagpadaing. Wow.

"Sorry, brad." pagsisingit ko at hinawakan ang bewang ni Paris. "Girlfriend ko ang


pinupormahan mo." hinila ko palapit sakin si Paris.

"Huh?" sabi nya at natawa. Nainis naman ako ron. "Okay pa sana kung boyfriend eh."

Napangiti naman ako at tumingin kay Paris. Nilingon nya ako na may pagtataka sa mga
mata. Walang pakundangan ko syang hinalikan. Hindi smack ang ginawa. Halik kung
halik. Ninamnam ko ang labi nyang ilang araw ko ng tinitiis. Hindi ako nakuntento
at hinawakan ko ang mukha nya. Sinasabayan ni Paris ang halik ko na tila parehas
kaming uhaw na uhaw. Akala ko hindi na ako hahayaan ni Paris na halik sya dahil kay
Trixie pero masaya ako na hinayaan nya ako.

Nung maubusan ng hangin ay tumigil kami. Dinilaan ko ang labi ko. Nalalasahan ko pa
rin ang matamis na labi ni Paris. Tumingin ako sa paligid dahil nakarinig ako ng
hiyawan. Nakatingin pala samin ang karamihan at wala na rin yung lalaki kanina.

"Wag na lang natin sila pansinin." sabi ko at hinalikan uli sya pero smack lang.
"Yummy." pang-aasar ko. Sinabuyan nya ako ng tubig tsaka sya lumangoy palayo.
Hinabol ko naman sya at naglaro kami sa tubig.

Alas tres kami umuwi. Napagod kami kaya uuwi na lang kami sa bahay. Agad nagtungo
si Paris sa kwarto nya para makapagbanlaw. Ako naman ay binigay ang natirang
pagkain sa mga apo ni nanay Linda pati sa mga kalaro nila tsaka ako nagtungo sa
kwarto ko para makapagbanlaw na rin.

Paglabas ko ay nagulat ako dahil nakahiga sa higaan si Paris. Nakapikit ito at


hindi ako sure kung katulog na ba ito. Matagal tagal rin kasi ako sa banyo.
Pinatuyo ko muna ang buhok ko tsaka sya sinamahan sa higaan. Tinignan ko kung tulog
ba talaga sya.

"Gising ako." biglang salita nya at dilat nya.

"Nakakagulat ka naman." sabi ko at nahiga sa tabi nya. "Nag-enjoy ka ba?" tanong


ko.

"Hindi." ngumuso ako.


"Bukas, maggagala tayo. Bukas ng gabi rin tayo uuwi dahil alam ko naman na
kailangan mong pumasok sa lunes." sabi ko.

"Parang hindi ka papasok kung makapagsalita ka."

"Naka-leave ako, sorry." ngiting sabi ko. "Marunong kasi ako mag-take ng leave.
Hindi ako katulad mong workaholic."

"Hindi ka kasi may ari ng kompanya." rebat naman nya.

"Kahit na ikaw ang may ari, dapat nagpapahinga ka." tumalikod ako para humarap sa
kanya. Nakatingin pa rin sya sa kisame. "Anyway, magpahinga na muna tayo.
Siguradong mapupuyat ako mamaya."

"Bakit naman?" tnaong nito.

"Mag-iinuman kami panigurado ni Kuya Owen. Wala syang pasok bukas kaya okay lang na
mapuyat rin sya." ipinikit ko na ang mga mata ko dahil nakakaramdam na rin ako ng
antok.

"Akala ko ba maggagala tayo bukas?"

"Kaya ko naman kahit may hangover at puyat ako." hindi ko na sya narinig pang
magsalita kaya naman tuluyan na akong nakatulog.

Pagsapit ng gabi ay nakabukas na ang lantern sa likod. Nandon na rin ang buong
pamilya ni Kuya Owen. Nag-barbecue si Kuya Owen at sila nanay Linda naman ay
nakababad sa hot spring kasama ang dalawang apo. Yung apat na apo nila nasa
kabilang pool.

"Hindi pa ba luto yan?" tanong ko kay Kuya Owen habang nakatingin sa mga barbecue
na iniihaw nya.

"Nagising na ba ang mga alaga mo?" natatawang biro nya.

"Oo, tatlo na silang gising." pagsasakay ko naman. Nailing si Kuya Owen at imbis na
barbecue ang iabot sakin, isang boteng beer ang inabot. "Wag kang madaya ah.
Nakakadalawa na ako, ikaw isa pa lang."

"Nagluluto ako." pangrarason nya.

Iniwanan ko muna si Kuya Owen at pinuntahan si Paris na naupo sa harap ng bonfire.


Naupo ako sa tabi nya.
"Ayaw mo bang uminom?" tanong ko. Tumunga ako ng beer.

"I'm good." napatango-tango na lang ako.

Itinabi ko muna ang beer at kinuha ang gitara. Nagsimula akong mag-strum at
kumanta. Sumabay naman si Kuya Owen sakin hanggang sa pati na rin ang mga kapatid
nya ay nakisabay na rin. Nauwi sa jamming ang gabi namin. Salitan kami ni Kuya Owen
sa paggamit ng gitara at pagsapit ng alas nueve ay kaming tatlo na lang natira.
Hindi na kami nagkantahan, nagkwetuhan na lang kami ni Kuya Owen.

"Jade, tumigil na kayo. Lasing ka na." pag-aawat ni Paris.

"Hindi pa ako lasing." sabi ko at muli sanang tutungga pero pinigilan na ako ni
Paris.

"Lasing ka na." pagpupumilit nya. Wala na akong nagawa dahil kinuha nya ang beer.

"Ubusin na lang namin 'to, Paris. Lima na lang naman eh." sabi ni Kuya Owen.

"Kaya nga. Konti na lang eh." sabi ko. Nagmamakaawang tumingin ako kay Paris.

"Fine." ibinalik nya sakin yung beer ko. Nginitian ko sya at muling tumungga.

"Alam mo ba Kuya Owen..."

Napaungol ako sa sakit ng ulo ko. Idinilat ko ang mga mata ko pero ipinikit ko rin.
Hindi dahil sumakit ang ulo, kundi ang mukha ni Paris agad ang bumungad sakin.
Idinilat ko uli at hindi nga ako nagkamali na sobrang lapit talaga ng mukha namin.
Mahimbing pa rin syang natutulog. Dahan-dahan akong lumayo at tumayo. Napahawak ako
ng ulo ko dahil kumirot. Naglakad agad ako patungo sa banyo para makapagligo.

Masakit pa rin ulo ko pagkatapos kong maligo. Tulog pa rin si Paris nung lumabas
ako. Tinignan ko ang orasan at himalang nagising ako ng maaga kahit na nakainom
ako. Lumabas ako ng kwarto at tumungo sa kusina para gumawa ng kape. Pagkagawa ko
ay tumungo ako sa likuran. Malinis na ang paligid lalo na yung pinagpwestuhan namin
ni Kuya Owen. Hindi ako sure kung sino ang naglinis pero baka si Paris kaya tulog
pa rin ito.

Pumunta ako sa upuan at doon nag-kape. Masarap magkape dahil mahangin at ramdam na
ramdam ang umaga. Nakakawala tuloy ng hangover. Naubos ko na ang kape nung lumabas
si Paris na may dala rin ng kape pero hindi sya lumapit. Nandon lang sya sa may
pintuan. Tumayo ako at lumapit sa kanya.
"Good morning gorgeous." hinalikan ko sya sa labi. Smack lang dapat ang gagawin ko
pero hinalikan nya rin ako kaya naman nauwi sa torrid.

"Morning, may hangover ka pa ba?" tanong nito pagkatapos ng halikan namin.

"Medyo meron pa pero kaya ko naman." sagot ko. Inilapag ko ang baso sa tabi tsaka
yumakap sa likuran ni Paris. "Anong oras mo gustong umalis?" tanong ko.

"Mga tanghali na para makapagpahinga ka pa." sagot nya at humigop ng kape. "Bukas
na rin tayo umuwi."

"Seryoso?" nagulat ako ron ah. "Pero papasok ka bukas?" tanong ko. Mamaya bukas ng
umaga pala kami uuwi.

"Hindi."

"Wow. Nag-iba ata ang ihip ng hangin." sabi ko. Hinigpitan ko ang yakap sa kanya at
ipinatong ang baba ko sa balikat nya. "Bukas ng hapon tayo umuwi bukas para
siguradong hindi ka magtrabaho."

"Don't worry, si Papa na ang bahala sa trabaho ko bukas at sa susunod na araw. Sya
mismo nagsabi na mag-take ako ng leave at sya magta-take over ng trabaho ko." sagot
nya.

"Mabuti na lang nandyan si Tito." sabi ko. "So, free ka pala sa Tuesday?"

"Hindi, aalis kami ni Trixie." napasimangot ako sa nalaman ko. Ang bilis naman
makuha ang araw ni Paris.

"Well, ngayon at bukas, akin ka." sabi ko. Nilingon ako ni Paris. Hinawakan nya ang
pisngi ko at hinalikan ako.

"Whatever." pumasok sya sa loob at ako naman ay natulala.

Kung tama ang pagkakatanda ko, ngayon lang ako hinalikan ni Paris. Hindi ko maalala
kung sino ba samin ang unang humalik dahil ilang beses rin nangyari ang halik namin
nung unang bakasyon namin.

Anyway, basta hinalikan ako ngayon ni Paris. At least, alam kong gusto nya rin ang
kissing moment namin.
------------------------------------

A/N: Walang exact date ang pag-update nito. Kung kailan may maisipan at matapos ko
ang isang chapter ay pino-post ko agad.

By the way, light lang ang story na 'to kaya magugulat na lang kayo Epilogue na. Sa
limang magkakaibigan talaga, kay Jade ang pinakamadaling gawan ng story kaya light
lang talaga 'to. walang twist pero may konting drama.

Wag kayong mag-alala. In denial pa si Jade kaya matagal pa matatapos. 

        Chapter 27 [Mi Amore Series#2: My Hot Pre...]

      

Jade's POV

"Hey." umangat ang tingin ko at napangiti rin nung makita si Sean.

"Napadayo ka ata?" tanong ko. Itinigil ko ang paglalaro sa computer na nasa counter
ng shop ko.

"Nag-service na naman kasi ako." sabi nya sabay nguso sa katapat na school ni Mama.

"Baka driver ang maging trabaho mo ah." pagbibiro ko.

"Oh please!" natawa ako sa reaction nya. "Free ka ba? Gala tayo sa school nyo."

"Sa school talaga namin?" tanong ko. Nag-logout sa nilalaro ko dahil sure na gagala
kami ni Sean.

"Ano, mall na lang? arcade?" tanong nya.

"Mall na lang. Hanggang anong oras ba si Ms. Dani?" naglakad na ako palabas ng
counter. Pinaiwan ko na sa staff ko ang shop.

"Matagal raw eh pero sa malapit na mall lang tayo para kapag tumawag si Ate, hindi
sya mainip." sabi nya. Naglakad na kami palabas ng shop.
"Mukhang malapit na mag-merge ang school ng pamilya natin." sabi ko at nagpasalamat
rin nung pinagbuksan nya rin ako ng pinto ng sasakyan nya.

"Yeah, once a week pumupunta rito si Ate para ayusin ang connection nila ni Tita
Jo. Kada punta nya rito lagi syang may magandang balita kanila Daddy." sabi nya
habang nasa pintuan pa rin ng passenger seat. Isinarado nya ang pinto at umikot sa
kabila. "And...tutulong ang Everest University sa foundation week ng Hills
University kaya nandito rin si Ate para i-confirm ang mga kailangan." sabi nya.

"Malapit na rin pala ang foundation week. Gustuhin ko man pumunta, kung yung mga
gunggong ay ayaw naman, hindi ako pupunta." sabi ko.

"Aayain ko nga kayong pumunta eh." sinimulan nya na mag-drive sa malapit na mall.
"Magpla-play ako. Ako ang main character."

Manghang nilingon ko sya. "Really? Ano ipla-play nyo?" tanong ko.

"Well, si Ate ang director namin so, gusto nya unique at hindi common yung storya.
Fantasy at romance ang genre ng play namin. Todo effort kami sa mga effect." sagot
nya.

"Wow, mukhang maganda ang play ninyo ah." gusto ko tuloy mapanood.

"Sana." natatawang sabi nya. "Pumunta kayo. May wedding booth rin ang klase namin.
"

"Bahala na kung sino ang makakasama ko sa foundation week." sagot ko na lang.


Mahirap mangako dahil sigurado akong aayaw si kaliwa.

Nakarating kami sa mall at agad naming pinuntahan ang arcade. Nanlibre ngayon si
Sean ng mga coins. Marami kaming triny na machines lalong lalo na yung maglalaban
kaming dalawa. Natatawa ako dahil natatalo ko sya. Inaasar tuloy sya ng mga
nanonood samin na natatalo sya ng isang babae.

"Hayop, ayoko na." sabi nya nung matalo ko na naman sya.

"Weak." sabi ko at nakihiyaw naman ang mga nanonood samin. Tinapik ko ang balikat
nya. "Pagaling ka, boy." natatawang asar ko.

Iniwanan ko sya at lalabas na sana pero nakita ko ang claw machines. May nakita
akong stuffed toy na nagpa-remind sakin kay Paris. Agad kong kinuha ang limang
coins na natira ko at sinubukan makuha ang stuffed toy na fox na nakasimangot.
Naubos ko yung limang coins kaya naman bumili pa ako. Nakasampu akong coins bago ko
nakuha yung stuffed toys.
"Kapag hindi ka natuwa sa effort ko, ewan ko na lang." pagsasalita ko sa stuffed
toy.

"Jade, balik na tayo. Patapos na daw sila." lumapit sakin si Sean habang nakatingin
sa cellphone. Umangat nya ang tingin nya sa mukha ko pero napunta rin sa hawak kong
stuffed toy. "Really, Jade?" halata sa boses nya ang pang-aasar.

"Whatever, Sean. May pagbibigyan ako nito." sabi ko at nauna na maglakad. Nakasunod
naman sya.

"Sino naman?" tanong nito.

"Si Paris. Kamukha nya kasi." sabi ko sabay harap sa kanya ng stuffed toy.

"Parang hindi naman." inirapan ko sya dahil hindi sya sumang-ayon. "Mas sexy pang
tignan si Paris dyan."

"Sabi na pati ikaw nase-sexy-han kay Paris." sabi ko.

"Sinong hindi?" natatawang sabi nya. "Pero hindi ko sya popormahan."

"Good."

"Ano sabi mo?" tumingin ako sa kanya at umiling.

"Wala akong sinasabi." nakitbitbalikat na lang sya.

Bumalik kami sa school nila Mama. Saktong palabas si Ms. Dani nung makarating kami.

"Hello, Ms. Monasterio." bati sakin ni Ms. Dani.

"Jade na lang, Ms. Dani. Wala na tayo sa school eh." sabi ko na medyo nahihiya.
Hindi ko madalas makausap si Ms. Dani kaya nakakahiya.

"Then call me Dani." medyo nagulat ako. "Hindi na kita estudyante at kahit na ilang
taon ang agwat natin, hindi naman ako mukhang matanda." napangiti ako dahil sa
confidence nya. Ayokong sabihin na mayabang dahil totoo naman talaga. Aakalain mo
ngang estudyante rin sya.

"So, mauuna na kami, Jade." sabi ni Sean. Tumango ako sa kanya.

Pagkaalis nila ay bumalik ako sa shop ko. Nagtaka ako nung makita si Paris pero
natuwa rin ako.

"Hey." nakangiting tumabi ako sa kanya. "For you." iniharap ko sa kanya ang stuffed
toy.

"Para saan?" tanong nya pero tinanggap nya naman.

"Wala lang, naalala kasi kita dyan. Ano palang ginagawa mo rito?" tanong ko. Umayos
ako ng upo. Medyo napagod ako sa lakad namin ni Sean.

"Pupunta dapat ako kay Tita Jo pero may ka-meeting sya." sagot nya naman.

"Ah, kakatapos lang nila. Maaga ka atang nag-out sa trabaho mo?" isa pang tanong
ko.

"Natapos ko ang mga gagawin ko. Nag-request si Tita Jo na turuan ko ang baseball
team bukas kaya kailangan kong tapusin ang mga trabaho ko para bukas." 

"Kayo nila Chelsea uli?" ang dami kong tanong, mabuti hindi nasusura 'tong isa.

"Kami lang ni Chelsea ang available. Bakit hindi ka sumali?" tanong nya.

"No way. Kahit na nagawa kong maglaro nung nakaraaan, ayoko." sabi ko.

"Bakit naman?" umayos sya ng pagkaupo paharap sakin.

"Tinatamad ako." sabi ko. Tinaasan nya ako ng kilay na ikangiti ko. "Basta, ayoko.
Papanoorin ko na lang kayo bukas. Buong araw ba kayo magpra-practice?"

"Hindi, may lakad rin kami ni Trixie sa hapon." napasimangot ako dahil narinig ko
na naman ang pangalan ni Trixie.

Nung bumalik kami galing bakasyon, sila na naman ang magkasamang mag-lunch. Kung
hindi pupunta si Trixie, si Paris naman ang pumupunta sa photo shoot ni Trixie. May
something na ata sa dalawang 'to eh.

"Hmm..si Chelsea na lang aayain ko." may nagbigay kasi sakin ng ticket sa isang
aquarium amusement park. Dalawa yung ticket at hindi ko pa sure kung sino ang
aayain. Sya sana kaso may lakad na pala pagkatapos ng practice nila.

"Saan?" tanong nya.

"Aquarium amusement park. May dalawa akong ticket kaya naghahanap ako ng isasama.
May mga lakad na kasi sila kaliwa bukas kaya hindi sila available. Aayain sana kita
pero may lakad ka na rin. Sana pwede si Chelsea, sayang ticket, hanggang bukas na
lang yon."

Tinignan ko si Paris dahil hindi ito nagsalita. Nagtataka ako dahil titig na titig
ito sakin.

"I need to go." sabi nya kinalaunan. Tumayo sya at tumayo na rin ako. Inihatid ko
sya sa pintuan ng shop.

"Ingat." hindi nya ako pinansin at dire-diretso lang sya sa pag-alis.


Nakitbitbalikat na lang ako at bumalik sa counter.

Kinabukasan, nagsisimula na mag-practice sila Paris. Nanonood lang ako sa kanila.


Si Chelsea ang nagba-bat para i-practice infields at outfields. Si Paris naman ay
nagca-catcher sa mga pitcher sa bullpen.

"Ate Jade." napatingin ako sa gilid. Isa sya sa pitcher. "Pinapapunta po kayo ni
Ate Paris sa bullpen." sabi nya.

"Sige, pero wag mo na akong i-po. Ilang taon lang nalalayo edad natin." nakangiting
sabi ko. Second year college sya, sa pagkakatanda ko.

Nagtungo kami sa bullpen. May apat na pitcher ang Everest team at may dalawa naman
silang catcher. Lumapit ako kay Paris.

"Alam kong ayaw mo tumulong pero need ko ang help mo sa batting." sabi nya.

"Paris."

"I will go out with you." natigilan ako. Ipagpapalit nya talaga ang lakad nila ni
Trixie? "Nakaka-intimidate ka kapag nasa field ka. Hindi sanay ang apat sa ganong
aura kapag magpi-pitch sila sa katulad mo na magba-bat kaya gusto kong masanay
sila." sabi nya.

"Bakit hindi ikaw? mukha mo pa lang..." tinignan nya ako ng babala. "ang ganda na."
ngumiti ako ng malawak. Inirapan nya ako at tumingin sa lima na medyo natawa sa
sinabi ko. "Pero naaya ko na yung isa eh." bumalik ang tingin nya sakin.

"Fine." muli nya akong inirapan at sinuot ang helmet gear.

 "Nagtampo ka agad. Joke lang eh, papayag na ako basta sasamahan mo ako."
nakangiting sabi ko. Hindi sya sumagot pero inirapan nya na naman ako. Natawa na
lang ako.
Nagpunta kami sa field. Nakahanda naman ang mga fielders. Gusto ni Paris na
ipapunta ko ang bola sa kanila para masanay sila. Yung iba naman ay sila yung
tatakbo para sakin. Need ng may tumakbo para makita ang bilis ng fielders.

"Oh." nakangiting inabot ni Chelsea ang bat. Nginitian ko sya at kinuha ang bat.
"Sana tumakbo ka rin, para masanay rin ang pitcher sa pick-off."

"Kaya na nila yan." nakangiting naglakad ako sa batter box.

Huminga ako ng malalim bago tumapak sa batter box. Inayos ko ang helmet at inahanda
ang bat. Tumingin ako sa pitcher. Naghanda na yung pitcher at ibinato. Hindi ako
nag-swing dahil nakita kong ball.

"Ball!" sigaw ni Chelsea na syang umpire. "Nice eyes." komento nya pero hindi ko
ito pinansin.

Nakatingin lang ako sa pitcher. Nakaapat na syang pitch at puro ball. Muli sya nag-
pitch at ball na naman pero nag-swing ako at natamaan ko. Umabot ng center field
ang bola.

"Ball yun ah." rinig kong sabi ni Chelsea.

Inayos ko ang sleeve ng tshirt ko at tumingin muli sa pitcher. Walang kahihinatnat


ang team na 'to.

Nakarating kami sa aquarium amusement park bandang ala una pagkatapos namin kumain
ng lunch. Dala ko ang camera ko at panay ang kuha ko ng litrato ng mga isda.

"Bakit pala pinagpalit mo ang lakad ninyo ni Trixie rito?" tanong ko at ibinaba ang
camera. Tinignan ko si Paris na nakapamulsa habang nakatingin sa aquarium. Nasa
underwater kami. Ang hot na naman tignan ni Paris. Naka-white long sleeve polo
shirt sya tapos naka-tank in ang isang side at yung isa nakalabas. Nakatupi
hanggang siko ang sleeve. Nakalugay ang buhok at naka-sun glasses kahit nasa loob
na kami. Naka-maong na pants at naka-leather boots.

"Kinancel nya." sagot nya na hindi ako niililingon.

"Ginawa akong option." nailing na sabi ko. Tumingin ako sa iba para maghanap ng pi-
picture-an at may nakita akong magandang babae na nakatingin sa itaas ng aquarium.
Agad ko syang kinuhaan ng picture.

Pagkatapos kong kuhaan ay tinignan ko ang kuha ko. Napangiti ako dahil ang ganda ng
kuha ko. Muli akong tumingin sa babae pero may kasama na itong isa pang magandang
babae. Nagulat naman ako nung hinalikan sya nung dumating. Mabilis ko silang
kinuhaan. Parang wala silang pakialam sa paligid. Ang tagal ng halik nila.
"Tigilan mo yan." sabi ni Paris at sya ang nagbaba ng camera ko.

"Ang cute lang nilang tignan." nakangusong sabi ko. "Parang tayo." sabay ngiti ko
kinalaunan. Kahit na nakasalamin sya alam kong napairap sya sakin. "Ah, wait lang."
lumapit ako sa isang babae. "Pwedeng pa-picture kami?" pagtatanong ko. Wala kaming
ka-picture picture ni Paris kapag camera gamit ko eh.

"Okay." nakangiting sabi nya. Nagsalamat ako sa kanya at binigay ang camera.

Lumapit ako kay Paris. "Picture tayo." himalang hindi naman sya umangal at humarap
sa magpi-picture samin.

Nagpasalamat ako sa nag-picture samin. Ang ganda rin ng kuha nya.

"Mag-merienda na tayo." pag-aaya nya.

"Okay." naglakad na kami palabas ng underwater aquarium. Nagtungo kami sa food


court na katabi rin ang mga souvenirs. "Ikaw muna bumili ng pagkain. Titingin lang
ako saglit sa isang shop. Damihan mo ah?" nakangiting sabi ko.

"Go." tipid talaga nito.

Agad akong tumungo sa shop. Binili ko agad yung nakita kong sumbrero na shark.
Bumalik ako na suot-suot yon. Nakita ko si Paris sa isang table pero wala pang
pagkain. May number na nakaligay sa lamesa. Nakasandal sya sa upuan habang
nakahalukipkip ang braso. May ilan-ilan na nakatingin sa kanya pero hindi nya
pinapansin.

"Hey, gorgeous." bati ko pagkaupo ko sa harap nya. Weird naman syang tumingin sakin
dahil sa sumbrero ko. Kinindatan ko lang sya.

"Sa inyong limang magkakaibigan, ikaw ang pinaka-weird talaga." komento nya.

"At proud ako dyan." nakangiting sabi ko. "Yepey! nandito na ang pagkain." sabi ko
nung naglapag ang waiter na pinagbilhan ni Paris ang mga inorder nyang pagkain.
"Ang dami mo ngang talagang binili. Love mo talaga ako 'no?" kinuha ko ang kutsara
at tinidor.

"Kumain ka na lang."

"Roger that." nasimula na akong kumain.

Pagkatapos namin kumain at naglibot-libot na uli kami. May mga rides naman pero
hindi kami nag-try dahil yung iba ay nakakabasa ng damit. Wala kaming dalang
extrang damit.
"Dumadami na ang tao." sabi ko. Ala sais na rin kasi ng gabi. Pauwi na rin kami
pero sasakay muna kami ng ferris wheel para matignan ang buong amusement park.

"Ang bagal mong maglakad." hinawakan nya ang kamay ko at hinila ako sa dami ng tao.

"Mukha ba akong bata." bulong ko.

Nakarating kami sa ferris wheel pero ang daming taong nakapila. Akala ko aayaw na
si Paris pero pumila sya. Pumila ako sa likuran nya.

"Aabutin ata tayo ng alas otso rito." sabi ko. Ang haba talaga ng pila.

"It's okay, hindi naman ako papasok bukas kaya makakapagpahinga ako." mabilis akong
napalingon sa kanya.

"Naka-leave ka?" himalang nag-take sya ng leave na hindi ko pinipilit.

"Maglilipat ako ng gamit sa condo unit ko." sabi nya.

"Wow, may condo unit ka na." napansin ko na binaba nya ang sleeve na nakatupi.

"Magbabakasyon sila Mommy sa ibang banda ng tatlong buwan. Walang maiiwan sa bahay
kundi ako kaya pinapalipat nila ako sa condo malapit sa kompanya." sagot nya.

"Kasama si baby France?" tanong ko. Tumango naman ito. "Saan sila pupunta?"

"Paris." pinigilan kong wag matawa. "Ayun ang paborito nilang lugar kaya taon-taon
dumadalaw sila sa Paris."

"Right, Paris." ngiting sabi ko at sinamaan nya naman ako ng tingin.

Niyakap nya ang sarili nya. Lumalamig na rin kasi dahil gabi na. Napansin ko naman
ang ilan na couple sa pila ay niyayakap ang jowa nila. 

"Gusto mo ba ng hot choco o coffee?" pag-aaya ko.

"Hindi ako nabusog kanina, ibili mo na lang ako ng mainit na makakain." sabi nya at
ilalabas sana ang wallet nya pero pinigilan ko sya.

"Ako na. Hintayin mo lang ako rito." sabi ko at naglakad na papunta sa food court
na malapit lang.
Naghanap ako na pwedeng magpainit ng katawan. Nakita ko ang sweet corn. Agad akong
bumili ng isa pero large binili ko. Bumili ako ng tubig at footlong. Bumalik ako
kay Paris at nakausad naman sya.

"Sweet corn, para naman maging sweet ka." sabi ko. Napatingin samin yung nasa
unahan sa sinabi ko.

"Thanks." sabi ni Paris pero nakairap naman.

"Footlong?" pag-aalok ko.

"No thanks, hindi pa kasya sayo yan kahit kakatapos lang nating kumain." nginitian
ko sya at kumagat.

Paminsan minsan ay sinusubuan ako ni Paris ng sweet corn pero hindi nya ako
pinapahigop ng sabaw. Ayun pa naman gusto ko. Mainit init pa kasi yung sabaw non.

Nakasakay na kami ng ferris wheel. Magkaharap kami ni Paris. Nakatingin ako sa


kanya at sya naman sa labas.

"Paris." pagtatawag ko. Lumingon naman sya sakin. Matagal kaming nagkatitigan bago
sya tumayo ng konti at lumapit sakin. Medyo nagulat ako pero mas nagulat ako nung
naupo sya sa lap ko.

Hinawakan nya ang mukha ko at hinalikan ako. Hindi naman ako umangal at ginantihan
rin sya ng halik. Hinawakan ko ang bewang nya para alalayan sya.

Shit nag-iinit ako.

----------------------------------

A/N: Shut up. Walang SPG.

        Chapter 28 [Mi Amore Series#2: My Hot Pre...]

      
Jade's POV

Lunch time na pero nauna na uling kumain sila Ate Mau. Inaya ako ni Paris na kumain
sa condo unit nya kaya papunta ako ngayon roon. Malapit lang ang condominium sa
kompanya ni  Paris kaya nilakad ko lang ito. Ngayon nasa elevator ako naghihintay
makarating sa floor ng unit ni Paris.

Nasa twentieth floor ang unit ni Paris. Nung makarating ay agad ko hinanap ang unit
ni Paris. Agad akong kumatok nung makita ko. Wala pang ilang segundo ay binuksan ni
Paris.

"Hey, gorgeous." bati ko at pumasok ako sa loob nung luwagan nya ang pinto.
Tumingin ako sa paligid at may ilan pang karton ang nakakalat sa sala nya. "Malapit
ka na matapos sa pag-ayos?" tanong ko.

"Sa tingin ko." sagot nya habang palakad sa isang direction. Sinundan ko sya at sa
kusina pala ang punta nya. "Maupo ka na. Luto na ang pagkain." sabi nya at tumungo
sa may kalan.

Ako naman masunurin ay naupo sa harap ng lamesa. Nakahanda na ang mga utensil sa
lamesa. Yung pagkain na lang talaga.

"Wow!" reaction ko nung makita ang mga niluto nya.

Steak, Kare-kare at ginataang hipon. Ang dami nyang nilutong ulam. Natatakam tuloy
ako.

"Easy tiger." tumingin ako kay Paris. Inilabas nya ang baso ng wine at iniligay sa
gilid ko at sa pwesto nya naman.

"Ang tagal mo, gusto ko ng tikman ang niluto mo." natatakam na sabi ko. Lalo akong
naglalaway. Ramdam na ramdam ko na ang gutom ko.

"Kukuha lang ako ng tubig. Siguradong mabibilaukan ka sa kakamadali mong kumain."


sabi nya at muling umalis. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Ang sarap tignan ng
niluto ni Paris.

"Sawakas!" sabi ko nung naupo na si Paris. Nailing naman sya sakin at hinayaan
akong kumuha ng kanin. "Pwedeng pwede ka na mag-asawa. Ikaw na lang kaya asawahin
ko? Mabubusog ako araw-araw." sabi ko. Kumuha ako ng ginataang hipon.

"Nice try, Jade." nginitian ko sya at nagsimula ng kumain pagkatapos kong alisin
yung balat ng hipon.
"Ang sarap!" sabi ko at hindi ko na napigilan pang sumubo ng sumubo.

Bigla akong nasamid kaya kinuha ko ang nakahandang tubig ni Paris.

"Ilang taon ka bang hini kumain?" pagsusungit na tanong nya at uminom ng wine.

"Ang sarap kasi." sabi ko. Kinuha ako ang maliit na kutsilyo at humiwa ng steak.
"Sayang, one time lang 'to." isinubo ko ang steak. Tumingin ako sa pinggan ni Paris
at ang konti ng kinuha nya. Wala syang kanin, puro ulam lang. Diet ba 'to? Ang sexy
na kaya nya.

Pagkatapos namin kumain at tumulong ako sa kanya sa paglinis ng kinainan namin.


Ayaw pa nga nya pero namilit ako. Ako na nga nakikain, wala pa akong gagawin at
tsaka pagdating sa hugasan, marunong ako, sa pagluto lang naman hindi masyado.

Natapos na ako sa paghugas ng pinagkainan. Pinupunasan na lang ni Paris. Tahimik


lang sya sa ginagawa nya. Tinignan ko naman ang oras kung ilang minuto na ba akong
nakalabas ng office. May twenty minutes pa ako pero okay lang naman masobrahan
dahil hindi naman mahigpit sila lead.

"Tapos ka na?" tanong ko nung makitang wala na syang pupunusan. "Magpahinga ka


muna." sabi ko. Kinuha ko ang kamay nya at hinila sya papunta sa sala. Naupo ako sa
couch nya at hinila nya para makayakap. "Nag-ayos at nagluto ka kaya kailangan mong
magpahinga." hinaplos ko ang buhok nya. Tumingin sya sakin ng masama at inalis ang
kamay ko sa buhok nya.

Nagulat naman ako na tinulak nya ako pahiga at humiga naman sya sa ibabaw ko.
Napangiti ako at muli syang niyakap.

"Kiss." hirit ko. Inirapan nya ako pero hinalikan rin naman ako. Tuwang tuwa ako
kaya hindi lang isang beses ang kiss namin bago ako pumasok muli sa office.

Kinabukasan ay balak kong ayain si Paris mag-lunch. Sumakay ako ng elevator at


nagulat ako nang makita si Chelsea sa loob.

"Hey, saan punta?" tanong nya.

"Ah kay Paris. Aayain ko sanang mag-lunch. Pupuntahan mo rin si Paris 'no?" sabi
ko.

"Yup, aayain ko rin kumain. Ayos naman sayo na tatlo tayo kakain?"

"Bakit naman hindi?" medyo nakakunot ang noo kong sagot.

"Baka maging hadlang ako." nakitbibalikat nya pero may pilyang ngiti. "Nandito na
tayo."

Lumabas kaming parehas sa elevator at tumungo sa desk ni Carla.

"Nako, nahuli na kayo." bungad nya agad samin. Nagtaka naman kaming parehas.
"Naunaha na kayo ni Ms. Trixie."

"Trixie?" sabay na sabi namin ni Chelsea pero ako may simangot.

"Uh-huh. Kailangan daw bumabi ni ma'am Paris kay Ms. Trixie dahil sa pag-cancel ni
ma'am Paris sa lakad nila nung linggo." sagot ni Carla na hindi na nakatingin samin
kundi sa computer nya.

"Si Paris ang nag-cancel?" medyo nagulat ako. Akala ko ba si Trixie ang nag-cancel
ng lakad nila?

"Naging option lang pala ako." rinig kong bulong ni Chelsea. "Anyway, tara na? tayo
na lang magsabay kumain."

"Ikaw, Carla? kumain ka na?" tanong ko.

"Hindi pa pero may kasabay na rin ako." nakangiting sagot nya.

"Okay, sabi mo eh. Una na kami." nakangiting paalam ko. Nagpaalam na rin si Chelsea
sa kanya. "Marunong ba magsinungaling si Paris?" natanong ko habang naghihintay
kami ng elevator.

"Lahat naman ng tao nagsisinungaling pero hindi madalas magsinungaling si Paris.


Bakit?" tanong na sagot nya.

"Nung sabado kasi niyaya ko syang lumabas pagkatapos ng practice sa baseball pero
sinabi nya na may lakad sya kasama si Trixie kaya napili ko na ikaw na lang ayain
pero nung linggo na, humihingi sya ng tulong sakin sa practice na mag-bat kapalit
na lalabas kami. Tinanong ko sya kung ano nangyari sa lakad nila pero sinabi nya na
kinancel ni Trixie." pagkwe-kwento ko.

"At nalaman natin ngayon na si Paris talaga ang nag-cancel." sabi nya. "Sabihin mo
ba naman na ako na lang aayain mo." nailing na sabi nya na pinagtaka ko.

"Anong masama kung ikaw aayain ko?" tanong ko.

"Ang slow mo." sabi nya at pumasok sa elevator na dumating. Sumunod naman ako.

"Ano nga?" paulit ko.


"Wag mo na lang isipin." mas lalo akong nagduda sa ngiti nya. "May alam akong
kainan, masarap ang mga pagkain ron tiyak na magugustuhan mo."

"Way to change the topic huh pero saan yan?" pagkakagat ko naman sa pag-iba nya ng
usapan.

"Marvelous Dish Restaurant. Medyo malayo pero sulit." sabi nya. Hindi ko alam yung
restaurant na yon.

"Narinig pala kita kanina na naging option ka lang?" tanong ko.

"Kasama ko si Trixie nung linggo." sagot nya. "Akala ko nga inaya nya ako dahil
gusto nya, ayun pala kinancel ni Paris kaya ako ang inaya."

"Tampo ka?" pang-aasar ko.

"Alam mo magkakaiba kaming tatlo pero parang sila lang magkaibigan dahil sila ang
madalas magkasama." sabi nya. Nagtatampo nga. "Kaya sila Cess ang madalas kong
makasama. Hindi na rin sumasama samin si Paris. Ewan ko kung talagang busy sya sa
trabaho o kay Trixie."

"Both." sagot ko. "Madalas magkasama kumain ang dalawang yon."

"Nakakatampo na talaga si Paris." sabi nya na halatang nagtatampo nga.

Fifteen minutes ang byahe namin nung makarating kami sa Marvelous Dish Restaurant.
Two storey yung restaurant at marami-rami rin ang naka-park sa parking lot nila
kaya siguradong patok ang restuarant.

"Table for two." sabi ni Chelsea sa mag-aassist samin.

"This way ma'am." nakangiting sabi ng lalaking mag-aassist.

Napahawak ako sa bulsa ko at medyo nag-panic ako dahil hindi ko nakapa ang
cellphone ko.

"Chelsea, mauna ka na. Check ko yung cellphone ko sa sasakyan mo." sabi ko.

"Okay, ito susi." nag-thank you sa kanya at muling lumabas ng restaurant. Nagtungo
ako sa sasakyan ni Chelsea.

"Shemay ka." sabi ko pagkakita ko sa cellphone ko na naiwan sa upuan.


Isasara ko na sana ang pintuan ng passenger seat pero may napansin ako sa backseat.
Isinara ko ang pinto sa passenger seat at tumungo sa backseat. Napangiwi ako dahil
nakita ko ang black underwear. Ang wild ni Chelsea.

Bumalik na ako sa loob. Wala sa first floor si Chelsea kaya naman tumungo ako sa
second floor. Hinanap ko si Chelsea pero hindi ko ito makita. Naglakad pa ako ng
konti at nakita ko syang kumakaway. Kaya hindi ko makita dahil nasa gilid at hindi
masyadong pansinin. Nagtaka ako dahil may kasama sya sa table at nung lumingon ang
dalawa ay mas nagulat ako.

"Sa dami ng restaurant?" mahinang bulong ko habang palapit sa kanila. "Hey."


nakangiting sabi ko.

"Hello, Jade." may mapang-akit na sabi ni Trixie. Medyo nailang naman ako pero
ngitian ko sya ng pilit habang umuupo sa tabi ni Chelsea na kaharap ni Paris.
"Every time na nakikita ka, mas lalo kang gumaganda."

Pilit na natawa ako. Shemay, parang sila Cess lang 'to.

"Dahil hindi ninyo ako inaya, ilibre ninyo kami ni Jade." sabi ni Chelsea at
tumawag ng waiter. Wala pa ang pagkain nila Paris, tila kakarating lang nila.

"Sure." sabi ni Trixie pero nakatingin sakin. Naiilang ako kaya itinuon ko na lang
ang tingin sa menu na binigay sakin ni Chelsea.

"Bakit kasi hindi ninyo ako inaaya." pagtatampo ni Chelsea. Ngayon lumalabas ang
ibang ugali ni Chelsea, siguro dahil kilala ng dalawang ito ang totoong ugali ni
Chelsea.

"Busy ka kaya." sagot ni Trixie.

"Kapag inaya ninyo ako, may time ako." himutok pa rin ni Chelsea. "May napili ka
na?" tanong nya sakin.

"Ano ba masarap rito?" tanong ko. Kanina pa ako nakatingin sa menu pero wala akong
mapili. Wala kasing picture. Mamaya ma-disappoint lang ako.

"Try mo ang paborito ko rito. Masarap yan sinisigurado ko sayo." sabi nya sabay
turo ng paborito nya daw.

"Hindi ka nagsasawa ron?" tanong ni Trixie. Napatingin kami ni Chelsea kay Trixie.
Napansin ko naman na nakatingin rin samin si Paris.

"Naman, sobrang sarap at hindi pa nakakasawa." sagot ni Chelsea. "At sigurado akong
mabibitin ka kaya order ka pa ng iba. Ito masarap 'to." sabay turo nya ulit sa
menu. "Ito i-try mo rin. Baboy para tumaba ka at magmukhang baboy." bulong nya
sakin.

Siniko ko sya dahil nagsisimula na naman syang mag-asar. Natawa sya ng mahina at
muling nagturo. Hindi ko napansin na ang lapit na pala namin sa isa't isa ni
Chelsea pero lumayo rin sya at binigay ang inorder nya para sakin.

"Siguradong magugustuhan mo ang mga inorder ko para sayo." sabi nya pagkaalis ng
waiter.

"Paano kapag hindi?" paghahamon ko naman. Ngumisi sya sakin. Sarap alisin ang ngisi
nya.

"Ililibre kita sa gusto mong restaurant pero kapag ako ang nanalo, ipagluluto mo
ako."

"Deal!" pwede ko naman sabihin na hindi masarap para makalibre ako kay Chelsea.

"Mamayang dinner mo ako ipagluluto kapag masarap, sa condo unit ko." sabi nya. May
condo unit rin pala 'to.

"Super close kayo ah." tumingin kami kay Trixie. Nakangiti ito samin.

"Ah oo, close na close kami ni Jade." medyo napayuko ako sa pag-akbay nya sakin.
"Sa sobrang close namin, nahuhulog ako sa kanya."

"Woah." sabi ko at lalayo sana sa kanya pero pinigilan nya ako. Tumingin ako sa
harapan para sana mag-explain pero napansin ko na nawala ang ngiti ni Trixie.

Lumuwag ang pagkaakbay ni Chelsea kaya umayos ako ng upo. Sa pagkaayos ko ay ang
masamang tingin naman ni Paris ang bumungad sakin. Ano na naman ginawa ko?

Dumating ang pagkain nila Paris. Parehas konti ang inorder nila. Pwede naman sila
mag-exercise kung tumataba sila. Hindi dapat nila pinapahirapan ang sarili nila sa
pagkain.

"Mauuna na kami kumain if you don't mind." sabi ni Trixie na nakangiti na uli.

"Sige lang, paluto na rin naman siguro yung samin." sagot naman ni Chelsea. "Eat
well." habol nya.

Natakam ako sa inorder ni Paris. Mukha kasing masarap dahil ang ganda ng
presentation ng pagkain. Kapag mamahalin talaga na restaurant, hindi ka madi-
disappoint sa itsura. Ayun ang nagpapamahal sa pagkain eh.
"Gusto mo?" pag-aalok nya. Ganon ba ako titig na titig sa pagkain nya?

Hindi pa ako sumasagot pero itinapat nya sa bibig ko ang hiniwa nyang parte ng
beef. Hindi na ako nahiya at isinubo ang nasa tinidor. Napapikit ako sa sarap pero
agad ko rin inalis sa mukha ang itsurang nasarapan at tumingin kay Chelsea na may
ngisi sa mukha na nakatingin sakin.

"Masarap?" napakagat ako ng labi. "Wag mo ng i-deny, halata naman." napanguso ako.

"Oo na, ipagluluto kita mamaya." sabi ko.

"Good. Aasahan ko ang masarap mong luto mamaya." kumindat pa sya sakin. Sayang,
hindi ako makakalibre.

"Paris, tikman mo ito. Masarap 'to." parehas kaming tumingin ni Chelsea kay Trixie.
Sinusubuan ni Trixie si Paris ng pagkain nya. Gusto kong sumimangot pero ayokong
ipakita sa kanila.

Tumingin ako kay Chelsea. Titig na titig sya kay Trixie. Hindi ko na lang ito
pinansin. Nagtatampo na naman siguro sya.

Dumating ang pagkain namin at todo asikaso sakin si Chelsea sa mga pagkain na
inorder nya. Hindi na talaga ako makatanggi na hindi masarap ang pagkain. Lahat
sila sobrang sarap! Mukhang dadalhin ko sila kaliwa rito.

"Chelsea!" pagsasaway ko dahil kumukuha ng pagkain ko si Chelsea.

"Konti lang eh." sabi nya pero umulit pa sya. Tawang tawa sya sa pagnanakaw nya ng
pagkain ko. "Sagot naman nila 'to kaya wag ka nga." napanguso ako. "Wag kang
ngumuso, baka halikan kita dyan." nawala naman agad ang nguso ko at sinamaan sya ng
tingin. Tawang tawa na naman sya sa pang-aasar sakin.

"Hindi ko sasarapan ang luto ko mamaya, akala mo." sabi ko.

"Ikaw rin, hindi makakakain ng maayos dahil sa luto mo." shemay, laging may pambawi
ang isang 'to. "Sabing wag kang ngumuso." napalayo naman ako nung lumapit sya
sakin.

"Siraulo ka ah." tawang lumayo sya at kumuha uli ng pagkain ko. "Chelsea,
nakakailan ka na."

"Titigil na. Iiyak ka na dyan eh."


"Pagkain ko yon eh." nakasimangot na sabi ko.

Kinurot nya ang kaliwang pisngi ko. "Ibibili kita ng dessert mamaya pagbalik sa
office nyo."

"Good." sabi ko sabay ngiti.

"Pagdating talaga sa pagkain." nakitbitbalikat akong kumain na uli.

"May dumi ka sa gilid ng labi mo." sabi ni Trixie kaya umangat ang tingin ko sa
kanilang dalawa ni Paris. May dumi nga sa gilid ng labi ni Paris. Natawa ng mahina
si Trixie dahil sa maling side nagpunas si Paris. "Let me."

Nagulat kami sa ginawa ni Trixie. Dinilaan nya ang gilid ng labi ni Paris kung saan
may natirang dumi ng pagkain. Nanlalaki ang mga mata ni Paris lalo na tinuloy ni
Trixie ang labi nya sa labi ni Paris.

Napayukom ako ng palad. Hindi ko dapat maramdaman pero naiinis ako na may ibang
humahalik kay Paris. Nung ini-imagine ko na may ibang kahalikan si Paris ay okay
lang sakin pero ngayon na nakikita ko, naiinis ako sa hindi malaman ang dahilan.

"Jeez, nakakawalan kayo ng gana." sabi ni Chelsea na may pilit sa mga labi. Alam ko
kung ano ang pilit sa mga ngiti ni Chelsea. "Get a room." may pagtawa pa sya.

"Oops sorry." sabi ni Trixie. Dinilaan nya pa ang labi nya.

Nakakawalan nga ng gana.

-------------------------------------

A/N: Surprise.

        Chapter 29 [Mi Amore Series#2: My Hot Pre...]

      

Jade's POV
"Jade, hindi ka pa kumakain?" lumingon ako sa humawak sa balikat ko. Si Ate Mau.

"Hindi pa ako gutom kanina pero ngayon gutom na." nakangiting sagot ko. Tumingin
ako sa oras, ala una na.

Tumayo na ako at kinuha ang wallet ko. Nagpaalam ako kay Ate Mau na kakain na muna.
Lumabas na ako ng office habang nag-iisip kung ano kakainin dahil ayun na naman ang
malaking problema ko. Gusto kong kumain ng masarap.

Napatigil ako sa paglalakad nung may humawak sa braso ko. Lumingon ako sa likuran
at nakita ang ayoko pa sanang makita. Inalis ko ang earphone ko sa tainga nung
makitang nagsasalita sya.

"Sorry, Trixie." paumanhin ko.

"It's okay. Lunch?" nakangiting tanong nya. "Sumabay ka na samin ni Paris." sabay
lingon nya kay Paris na nasa likuran nya. Tumingin ako kay Paris pero mabilis ko
rin inalis.

"Ah yeah pero may kasabay na ako." napakamot ako ng ulo.

"Sino naman?" nakangiti pa rin na tanong nya pero halatang curious sya.

"Me." may pumulupot sa bewan ko na ikinagitlang ko. Nilingon ko ang salarin at


napakunot ang noo ko dahil si Chelsea ang taong yon.

"Ikaw?" mabilis akong lumingon kay Trixie dahil may nahimigan ako sa boses nya.

"Uh-huh. Right, Jade?" nilingon naman ako ni Chelsea.

Hindi ko alam kung ano trip nya pero para makaiwas sa dalawang 'to. "Yeah."
nakangiting sagot ko habang nakatingin kay Trixie. Ayokong tignan yung isa.

"Mukhang napapadalas ang labas ninyo ah. Saan naman kayo kakain? Actually, kakain
rin kami ni Paris, bakit hindi na lang kayo sumabay?" sabi ni Trixie. Nakangiti sya
pero parang napipilitan na lang sya.

"No but thanks for invite. Sa condo ko kami kakain." gusto ko sanang mag-react pero
baka mahalata nilang gumagawa lang kami ng excuse.

"Kayong dalawa lang?" ayoko sanang tumingin kay Paris pero nakakagulat na magsalita
sya.
"Yes, kaming dalawa lang." ulit ni Chelsea na may diin sa salitang 'kaming dalawa
lang'. "Mauuna na kami. See you guys later, eat well." hinila ako ni Chelsea
palabas ng building.

"What was that?" tanong ko sa kanya. Inalis nya rin ang pagkahawak nya sa bewang ko
kaya hindi nila makikita na ako mismo nag-alis non.

"Sorry pero alam ko naman na gusto mong maalis sa sitwasyon na yon." nakangiting
sabi nya.

"Right, thanks dahil dumating ka pero ano pa lang ginagawa mo rito?" tanong ko.

"Aayain ko sana si Paris kumain kasama sila Cess pero may iba na pala 'tong lakad."
sabi nya at nahumigan ko ang mapaklang boses nya sa huli.

"Alam mo, konti na lang iisipin ko na may gusto ka kay Trixie." sa inaasta nya kasi
para syang nagseselos.

"Meron talaga." napalingon ako sa kanya sa gulat.

"Wow ah, straight forward." nailing ako dahil wala man lang intro intro ang isang
'to. "So kaya ka nagseselos?"

"Bakit ikaw? hindi ka ba nagseselos?" balik na tanong nya. Patungo kami ngayon sa
parking lot.

"At bakit naman ako magseselos, aber?"

"Well, nung Tuesday lang naman ay hindi mo naubos ang pagkain mo na which is hindi
mo naman ginagawa." sabi nya sabay sandal sa sasakyan nyang nakaparada. "Nawalan ka
na gana nung nag-kiss yung dalawa." nakangising sabi nya.

"Hindi kaya." tumalikod na ako at nagtungo sa passenger seat.

"Ang obvious mo, Jade." tuloy na pang-aasar nya. Sabay pa kami nagbukas ng pintuan
ng sasakyan nya. "Kung alam ko lang na iniiwasan mo sya."

"Hindi ko sya iniiwasan." pumasok na ako ng tuluyan sa sasakyan at ganon rin sya.
"Ayoko lang sila makasabay. Kawawa ang single na katulad ko."

"Sus!" bakit kaya ganon 'no? nag-eexplain ka naman pero ayaw maniwala tapos kapag
hindi sumagot binibigyan nila ng kahulugan. "Hindi mo talaga sya iniiwasan?"
"Hindi nga." pangungulit ko.

Actually, oo. Iniiwasan ko si Paris dalawang araw na nakakalipas. Siguradong


napapansin iyon ni Paris dahil dalawang araw na hindi pumunta si Trixie sa kanya.
Kapag wala si Trixie, matic na kasing pinupuntahan ko sya pero dahil iniiwasan ko
nga sya, hindi ko sya pinupuntahan at hindi ko rin sinasagot ang tawag ni Carla
sakin para ipaalam na hindi pa kumakain si Paris.

"Sabi mo eh." pagtitigil nya pero nakangisi naman. Hindi sya kumbisido. "Sa condo
tayo ah?"

"Magluluto ka pa ba? baka abutin tayo ng syam-syam kapag nagluto ka pa." marunong
magluto si Chelsea, tinulungan nya ako magluto nung natalo ako sa deal namin.

"Magpapa-deliver na lang tayo. Ito, cellphone, ikaw na magpa-deliver para pagdating


natin sa condo ay konti na lang hihintayin natin." kinuha ko ang cellphone nya.
Napangiwi ako dahil katawan ng sexy babae ang wallpaper nya. Hindi kita mukha kaya
hindi ko alam kung sino ang wallpaper nya. Pwedeng kinuha nya lang ito sa internet
o pwedeng isa sa babae nya 'to.

Sa Jollibee na lang ako tumawag. Isang bucket, spaghetti at burgers ang pina-order
ko. Ibabalik ko na sana sa kanya ang cellphone pagkatapos kong tumawag pero saktong
may nag-text sa kanya pangalan ni Trixie ang nakaligay. Nabasa ko ang message nya
na halatang sarkastiko.

"Anong meron sa inyo ni Trixie?" tanong ko.

"Anong meron?" takang tanong nya.

"Nag-message sya sayo, nakaligay 'Eat well' with exclamation point tapos
'magpakabusog ka ah?'" pagbabasa ko sabay tingin kay Chelsea. "Halata kasing
naiinis sya."

Napangisi naman si Chelsea at kinuha ang cellphone nya. Stop light kaya nagawa
nyang magbasa ng message. Napansin ko na hindi nya ito ni-replyan, inihagis nya
lang ang cellphone nya sa dashboard.

"Wag mong isipin ang babaeng yon. Magpakasaya sya kay Paris." sabi nya pero
sarkatiko rin.

Napasimangot naman ako dahil isipin na magkasama na naman yung dalawa.

Kinabukasan, sabado kaya wala akong pasok at tamang tambay lang ako sa bahay ni
kaliwa. Wala yung tatlo dahil kundi busy, may mga lakad. Ayoko rin naman pumunta ng
shop dahil feeling ko may dadating at kung sino man yon, ayoko munang makipag-usap
sa iba.
"Kailan mo balak magtrabaho, kaliwa?" tanong ko. Nasa sala kaming dalawa. Ako
nakaupo sa single couch, sya nakahiga sa mahabang couch at nagce-cellphone.

"Naisip ko ngang maging housewife na lang. Si maid na bahala magtrabaho para


samin."

"Maid pa rin talaga tawag mo sa kanya. Marunong ka na bang magluto?" tanong ko.
"Kung magiging housewife ka, dapat alam mo paano magluto." dagdag ko. Sure akong si
Nissan pa rin ang nagluluto para sa kanila.

"For your information, marunong akong mag-prito." proud pa sya ron.

Natawa na lang ako. "Magpaturo ka na magluto kung gagawin mo ang gusto mo." kawawa
si Nissan kapag sya pa rin nagluluto para sa kanila. Dapat si Nissan talaga ang
maging housewife sa kanila pero sadyang matamad na tao si kaliwa.

"Ikaw? hindi ba pinagluluto mo si Paris?" imbis na tanong nya.

"Hindi na. Madalas nyang kasama si Trixie kaya hindi na ako nagluto pa para sa
kanya." sabi ko.

"Hoh. May nahihimigan akong selos sa boses mo." napakunot ang noo ko sa sinabi ni
kaliwa. Naupo pa sya habang may nakakairitang mukha.

"Anong selos ka dyan?" bakit naman ako magseselos? kwento 'tong si kaliwa.

"In denial ka pa rin? Halata ka naman, Jade. Pinagsabihan ka na namin, kapag talaga
ikaw nahuli, wag kang iiyak samin." pagbabala nya at muling nahiga.

"Hindi ako iiyak dahil wala akong gusto kay Paris." sabi ko.

"Maniwala ako sayo. Nagseselos ka nga dahil hindi mo na nakakasabay si Paris


kumain. Kasama kasi palagi ni Paris si Trixie." pagkabanggit nya kay Trixie ay
tumingin sya sakin. Umiwas ako ng tingin sa kanya. "Nakasimangot ka dyan kasi
totoo." natatawang sabi nya.

"Hindi ako nagseselos."

"Walang maniniwala kapag ganyan ang boses mo, Jade. Halata ka masyado pati mukha
mong nakasimangot, ang panget."

"Ewan ko sayo." sabi ko na lang dahil ang hirap makipagtalo kay kaliwa.
"Paano na lang kaya kapag naging sila ni Trixie? Sad ka siguro kasi wala ka ng
kahalikan." sa sinabi nyang yon ay naalala ko ginawang paghalik ni Trixie kay Paris
nung Tuesday. Ang tagal ng kiss nilang yon kahit na nakadampi lang. Kung hindi nga
magsasalita si Chelsea ay hindi maglalayo ang dalawa.

Yun ang dahilan kaya ako umiiwas kay Paris. Hindi ako nagseselos dahil naiinis at
nalulungkot lang ako na may ibang humahalik kay Paris. Naisip ko na kaya siguro
hinahayaan nya akong halikan sya dahil ganon rin sya sa iba.

"Tara, mamili tayo." naupo nyang sabi. "Dito ka makikikain 'di ba? Ikaw magluto,
libre ko na." tumayo na sya at nagtungo paakyat.

Hindi pa nga ako sumasagot eh pero ayos na rin kahit na ako ang magluluto. Kawawa
talaga si Nissan sa kanya.

Pagkauwi namin galing supermarket ay nagluto na kami. Tinulungan ako ni kaliwa


dahil gusto daw nyang matuto. Niluluto namin ang paborito ni Nissan na ulam,
sinigang na baboy at nagluto rin kami ng adobong manok. Hindi kami kuntento ni
kaliwa na isa lang ulam. Marami rin kanin kaming sinaeng dahil mag-uunahan kami ni
kaliwa. At para sa dessert naman namin, gumawa si kaliwa ng cake. Ayun lang alam
nya dahil may cafe sila, nagawa nyang matuto.

"Ano oras uwi ng asawa mo?" sabi ko. Sumama ang mukha ko nung makitang ngumiti si
kaliwa pagkasabi ko ng asawa nya. "Corny mo, hindi pa nga kayo kasal." dagdag ko.

"Doon rin kami papunta." nakairap na sagot nya. "Hindi pa nga luto yung adobo, atat
ka ng kumain."

"Gutom na ako, hindi ka naman kasi nagpamerienda. Kuripot." sabi ko. Tanghali ako
dumating dito at nagawa ko pang makahabol ng tanghalian kay kaliwa. Nagtalo nga
kami dahil konti lang pina-deliver nya.

"Wow, ikaw itong may trabaho." sabi nya.

"Ikaw, kahit hindi ka magtrabaho, may pera kang nakukuha. Akala ko ba ayaw mong
umasa sa magulang mo?" tanong ko. Naglakad ako patungo sa ref nila para maghanap na
pwedeng makain.

"Gagu hindi na ako humihingi sa mga magulang ko. Nag-invest ako sa gym ni Gia at
bar ni Veron kaya may nakukuha akong pera." sagot nya naman. Kumuha sya ng baboy sa
sinigang. Kita mo 'to, isa rin itong nagugutom na. "Ang tagal nga ni maid."
napailing ako.

Pinagtyagaan na muna namin ni kaliwa ang chitchirya. Ayaw rin kasi galawin ni
kaliwa yung ginawa nyang cake baka daw maubos namin. Kalhating oras ang hinintay
namin nung marinig namin ang sasakyan ni Nissan. Si kaliwa ang sumalubong sa kanya.
Nanatili lang ako sa sala dahil makikita ko lang silang maghalikan at may maalala
pa ako.
"Hello Jade." tumingin ako sa pintuan para batiin si Nissan pero hindi ko natuloy
dahil yung taong iniiwasan ko ay kasama nya.

"Jade, sobrang halata ka." bulong ni kaliwa nung mapadaan sya sakin. "Tara, baby
bihis ka muna. Nandyan naman si Jade para asikasuhin si Paris."

Nanlalaki ang mga matang nilingon ko si kaliwa. Nakangisi sya sakin habang hinihila
si Nissan paakyat. Gagu yun ah.

Tumingin ako kay Paris pero umiwas rin agad. Tumayo ako at nagtungo sa kusina para
iinit ang nito naming ulam. Mabuti na lang ay hindi sumunod si Paris pero nadismaya
ako ng konti dahil hindi sya sumunod para kausapin ako.

"Ewan ko sayo, Jade." nagulat ako dahil nagsalita sa likuran ko si kaliwa.


"Iniiwasan mo daw sya?"

"Sino?" kahit na alam ko naman kung sino.

Inirapan nya ako at humalukipkip sa harapan ko. "Anong nangyari at iniiwasan mo si


Paris? kahit naman magkasama silang mag-lunch ni Trixie ay hindi mo naman ito
iniiwasan. Nagawa ninyo ngang mag-date nung linggo."

"Walang nangyari." sagot ko. "At hindi ko sya iniiwasan."

"Talaga? sabi ni Paris iniiwasan mo sya." napansin nya nga talaga.

"Wala nga. Kain na tayo, nagugutom na ako." pag-iiwas ko.

Mabuti na lang ay hindi na ako inusisa ni kaliwa pero ramdam ko na hindi sya
kumbinsido sa sagot ko. Nag-uusap si Nissan at Paris tungkol sa business tapos kami
naman ni kaliwa ay inihahanda ang pagkain.

"Let's eat." sabi ni kaliwa. Magkatabi kami habang nasa harapan namin yung dalawa.

Sabay kami ni kaliwa kumuha ng hitang manok sa adobo. Parehas nakatusok ang tinidor
namin.

"Jade, ako bumili nito." sabi nya na may balalang tono.

"Ako ang nagluto." hindi naman ako nagpatalo.

"Jade." sinamaan nya ako ng tingin ako. Inusog nya ang tinidor pero agad ko rin
inagapan. Muntik na nya makuha.

"May pakpak oh, ayan ulamin mo." sabi ko.

"Gusto ko ng hita." sabi nya. Inusog nya na naman at ganon rin ginawa ko.

"Pambihira ka naman kaliwa, ako nagluto nito eh." pagmamaktol ko.

"Wala akong paki, pera ko ginamit rito." sabi nya.

"Left, Jade!" napatigil kami sa pag-aagawan ng hita ng manok sa sigaw ni Nissan.


"Akin na ang hita." sabi nya at tumusok sa hita ng manok. "Alisin ninyo ang tinidor
ninyo kundi kayo ang tutusukin ko." sabay kami ni kaliwa alisin ang tinidor sa hita
ng manok. Nakakatakot kaya magalit si Nissan.

"Ikaw kasi eh." sabi ko kay kaliwa.

"Anong ako? kotongan kita dyan." sabi nya at kumuha na lang ng pakpak.

Kumuha rin ako ng pakpak ng manok pero dalawa kinuha ko. Tatlo lang yung pakpak ng
manok kaya inunahan ko na si kaliwa.

"Walangya ka." binelatan ko si kaliwa. Balak nyang kunin yung pakpak nung sawayin
sya ni Nissan. "Ah ganon ah." tila hindi ko gusto ang binabalak ni kaliwa. "So
Paris, sabi mo iniiwasan ka ni Jade?" sinipa ko si kaliwa sa ilalim dahil sa
pinagsasabi nya pero hindi nya ako pinansin. "Bakit ka naman nya iniiwasan?" tanong
nya pa.

Gusto ko atang umalis. Hindi baling gutom ako, makaalis lang ako rito.

"Hindi ko alam." sagot ni Paris. Ramdam ko ang tingin nya sakin.

"May nangyari ba?" nakikisaling tanong ni Nissan. Mag-jowa talaga sila.

"Ano ang nangyari bago ka iwasan ni Jade?" tanong pa ni kaliwa.

Aalis na talaga ako!

Tatayo na sana ako kaso hinawakan ni kaliwa ang braso ko. Tinignan nya ako na
sinasabing wag akong aalis.

Bwiset ka kaliwa!
"Paris?" tawag ni Nissan. Hindi kasi sumasagot si Paris. Ayoko syang tignan, alam
ko kasing nakatingin sya sakin.

"Jade, anong nangyari at iniiwasan mo si Paris?" tanong ni kaliwa.

"Hindi ko sya iniiwasan." bwiset ka kaliwa!

"Iniiwasan mo ako." mas lalo akong hindi tumingin kay Paris nung magsalita sya.

"Jade? bakit mo iniiwasan si Paris?" tanong na ulit ni Nissan. Hindi ako sumagot
dahil bwiset ang magjowa na 'to!

Nagsisisi tuloy akong dito ako tumambay. Nilalaglag ako ng dalawang 'to eh!

"Natanong ko si Chelsea." agad akong tumingin kay kaliwa. Hawak nya ang cellphone
nya sa kabilang kamay nya. Hawak nya pa rin kasi ako sa braso.

Kailan pa sila naging close ni Chelsea?

"Ano daw dahilan?" nakangiting tanong ni Nissan na halatang interesado.

"Well..." lumingon sakin si kaliwa at napaiwas naman ako. "nagseselos sya kasi
hinalikan ni Trixie si Paris."

"Hindi ako nagseselos!" agad na sagot ko.

"Yeah?" nakangiting sabi ni Nissan na para bang kinikilig sya.

"Talaga? Sabi ni Chelsea ayon lang ang magiging dahilan kaya mo iniiwasan si Paris.
Bakit may iba pa ba?" tanong ni kaliwa.

Hindi ako sumagot. Ayun naman talaga ang dahilan pero as if naman na sasabihin ko
yon pero hindi ako nagseselos.

"Nagseselos ka." tumingin ako kay kaliwa. "Nasabi mo ng malakas na hindi ka


nagseselos. Jade, nagseselos. Wag ka ngang in denial dyan. Ayaw mo pa kasing aminin
na may-"

"Wala akong gusto kay Paris." pagpuputol ko.

"Hindi naman ayun ang sasabihin ko eh." nakangising sabi nya. Napatigil naman ako.
"May gusto ka kay Paris."
"Wala!"

"Bakit namumula ka, Jade?" tumingin ako kay Nissan at napansin ko naman na
nakatingin pa rin sakin si Paris. Shemay.

"Hindi kaya." sagot ko.

"Namumula buong mukha mo, Jade." natatawang sabi ni kaliwa.

"Mainit lang." bwiset, pinagtri-tripan ako ng dalawang 'to.

"So alam mo na Paris, bawal kang magpahalik sa iba. Grabe magselos itong si Jade."

"Hindi nga ako nagseselos." pangungulit ko kay kaliwa.

"Naniniwala kami, Jade. Don't worry." napanguso ako. "Kung hindi, so okay lang na
halikan ni Trixie si Paris? Araw-araw? Minu-minuto?"

Napatigil naman ako at hindi makasagot. Ano ang pinag-aalanganin ko? Okay lang
naman sakin yon. Ano naman kung may ibang humalik sa kanya? Wala na ako ron. Hindi
naman nya ako girlfriend para pigilan sya. Wala lang talaga sakin.

Napasimangot ako dahil naiinis na naman ako kapag naalala ko ang magkalapat na labi
nila ni Trixie.

"Pagdating sayo, hirap na hirap akong pagsabihan ka." binitawan na ako ni kaliwa.
"Ayaw mo pang aminin sa sarili mo na gusto mo si Paris." magsasalita sana ako para
sabihin na wala akong gusto kay Paris pero inunahan nya ako. "Gusto ka rin naman ni
Paris, hindi ka talo." napatigil ako at napanganga.

Ano daw?

Sa pagkakataong ito ay tumingin ako kay Paris. Ang intense ng tingin nya sakin.
Naiinis sya panigurado sakin. Iwasan ko ba naman eh.

"Weh?"
----------------------------------------------

A/N: Akala ko may mga natuto na na readers tungkol sa pag-update. Advise ko lang,
kung gusto ninyong ganahan ang author na mag-update, wag humingi ng update.
Marunong maghintay. Mas maganda kung tungkol sa chapter yung kino-comment ninyo.

Ulit. Walang exact date ang pag-update nito. Kung kailan may matapos ako ay pinu-
publish ko.

Thanks.

        Chapter 30 [Mi Amore Series#2: My Hot Pre...]

      

Jade's POV

"Gago!" napayuko ako dahil sa lakas paltok ni kaliwa sakin. Akala mo nakakotong ng
buko eh. Ang sakit pucha.

"Masakit yon!" sigaw ko sa kanya.

"Anong weh?! Siraulo ka ba?!" sigaw nya rin. "My god, masisiraan talaga ako ng ulo
sayo, Jade."

Hinimas himas ko ang ulo ko na pinaltukan nya habang sini-sink in ang sinabi nya.
Seryoso ba sya o jino-joke time nya lang ako? Impossibleng magkagusto sakin si
Paris kahit na ang ganda ko 'no.

"Paris, bakit hindi ikaw magsabi kay Jade?" nakangiting sabi ni Nissan. Tumingin
uli ako kay Paris na ngayon ay kumakain na. "Alam mo, may gusto sayo si Jade pero
masyadong denial ang lola mo." napanguso naman ako sa sinabi nya.

"Straight ako, Nissan."

"Lokohin mo sarili mo. Sarap na sarap ka nga kay Paris." nanlalaki ang mga matang
nilingon ko si kaliwa.

"Gago ayusin mo term mo." nahawa na ba sya kay Nissan? ang harot kasi ni Nissan eh.
"Straight ka pero pagdating kay Paris, hindi. Madalas mo syang halikan tapos ayaw
mo pang may humalik sa kanyang iba." sabi ni Nissan na nagsisimula na rin kumain.

"Wala naman akong sinabi na ayoko na may humahalik kay Paris."

"So okay lang sayo na may humalik sa kanyang iba?" hindi ako nakasagot sa tanong
nya. "See? kung ako sayo, take your time intindihin ang nararamdaman mo kay Paris.
Kawawa naman 'tong kaibigan ko. Naghihintay sa wala." pangungunsensya ni Nissan.

"Se...seryoso ba kayo?" alaganin na tanong ko. Mas gusto kong malaman kay Paris
kung totoo ba pinagsasabi ng dalawang 'to. Mahirap paniwala dahil impossible.

"Kumain na tayo." ngising ngising sabi ni kaliwa.

At simula non hindi na binuksan ang paksa sa pagkagusto sakin ni Paris.


Nakasimangot tuloy ako kahit na sarap na sarap ako sa pagsubo ng pagkain.
Pagkatapos akong ilaglag ng mga 'to, iiwasan bigla yung paksa. Bwiset talaga ang
mga 'to.

"Ah may naalala pala ako, nung nakaraan Nissan nakita na may kasamang lalaki.
Inabkayan ka pa nga eh." pagbubuking ko na makaganti naman ako.

"What? sinong lalaki?" ngiting wagi ako nung nagagalaitin si kaliwa. Boo yeah!

Natapos na kaming kumain. Umiinom kami ng can in beer ni kaliwa habang nasa garden
kami. Yung dalawa nasa sala at nakikita namin sila mula sa garden.

"Ano pakiramdam na gusto ka rin ng gusto mo?" tanong ni kaliwa. Nakatingin kaming
parehas sa dalawang nag-uusap. Business na naman pinag-uusapan nila dahil may mga
papel silang mga hawak.

"Ang impossible kasi." sagot ko.

"So inaamin mo na may gusto ka sa kanya?" napasimangot ako dahil pinagpipilitan na


naman nyang may gusto ako kay Paris.

"Magkaibang magkaiba talaga kayo ni Nissan, ikaw namimilit, sya binibigyan ako ng
time." sabi ko.

"Ikaw rin, kapag napagod sayo si Paris, sige ka." ngayon nangongonsensya sya. "Pero
kung ako sayo, wag mo ng iwasan si Paris. Nasasaktan yung tao sa ginagawa mo." doon
naman ako nakonsensya.
"Nakakainis lang isipin na kaya nya ako hinahayaan na halikan sya dahil ganon rin
sya sa iba." himutok ko.

"Sure ka bang hinahayaan nya na mahalikan sya ng iba? Sabihin mo sakin kung
nagustuhan ba ni Paris na hinalikan sya ni Trixie."

"Hindi ko alam. Gulat lang nakikita ko sa mukha nya nung oras na yon. Hindi rin sya
umimik." sagot ko.

"See? kung nagustuhan nya yon, hinalikan nya na rin si Trixie." sabi nya. "Kung
ayaw mong may humalik sa kanya, bakuran mo."

"Hindi ko naman girlfriend si Paris."

"Ewan ko sayo." nai-stress na sabi ni kaliwa. Natawa na lang ako. "Basta wag mong
saktan si Paris. Lagot ka kay maid sinasabi ko sayo. Protective si Nissan kay
Paris."

"Mabuti hindi ka nagseselos kay Paris?" uminom ako ng beer habang nakatingin kay
kaliwa.

"Nung una nagselos ako pero nung makilala ko si Paris, hindi na. Alam mo yung
feeling na sawakas, may naging kaibigan akong matino?"

"Gagu, hindi ka naman matino." ngumisi lang yung loko sa sinabi ko.

"Pero seryoso, lagot ka kay Nissan. Hindi kita matutulungan kapag nagalit sya sayo
dahil sinaktan mo si Paris." sabi nya.

"Under ka kasi." sabi ko.

"Ulol, ako boss saming dalawa." sagot naman nya. Halata naman, naging maid nya ba
naman eh.

"Pero under ka sa ibang bagay." nakangising sabi ko. Namula naman si kaliwa na
ikinatawa ko. "Hindi ko talaga ma-imagine na si Nissan ang top sa inyo."

"Hindi ko rin naman inaasahan na ganon pala kaharot si Nissan." sabi nya. "Kung
makapagsalita ka pala dyan, sure akong bottom ka."

"Babae ako, natural." sagot ko.

"Sa inyo ni Paris, gunggong."


"Siraulo." sabi ko na lang. Kay Paris pa rin ang ending ng topic.

Bandang alas nueve at naisipan na namin umuwi ni Paris. Pinagpipilitan nila Nissan
na sumabay na ako kay Paris kahit naman na ibang way ang dadaanan namin kaya
hinintay ko pa sila matapos.

"Ingat kayo." nakangiting sabi ni Nissan. Nasa labas kami ngayon ng bahay nila.

"Paris, ingat ka kay Jade ah." sabi naman ni Nissan.

"Napaka-supportive mo talaga." sabi ko kay kaliwa.

"See you on Monday." nakipagbeso si Paris kay Nissan.

"Jade, wag kang magselos. Si Nissan lang yan." tinaasan ko ng middle finger si
kaliwa.

Pumasok na kami ni Paris sa sasakyan nya. Muli kaming nagpaalam sa dalawa at


pinaandar na ni Paris papunta sa bahay namin. Tahimik lang kaming dalawa. Hindi ko
alam kung ako lang ba ang naa-awkwardan sa sitwasyon.

"So..." shemay hindi ko alam kung ano sasabihin ko.

"Kung itatanong mo na may gusto ako sayo. Yes, Jade, I like you." napasinghap ako.
Shet, mas malakas ang impact sakin kapag sya nagsabi. Narinig kong bumuntong
hininga sya. "Gusto mo bang mag-usap sa tahimik na lugar?"

"Okay lang." nakatangong sagot ko. 

Nag-u turn si Paris. Hindi ko lang alam kung saan kami tutungo. Tahimik lang kami
buong byahe hanggang sa makarating kami sa hindi ko alam kung saan. Nasa bakanteng
lote kami napunta. Nakakatakot dahil wala man lang kailaw-ilaw sa paligid.

"Hey! Wait!" agad akong sumunod kay Paris na naglakad. Mabuti na lang iniwan nyang
nakabukas ang ilaw ng sasakyan nya. "Wag ka naman nang-iiwan ng ganon." sabi ko
nung makalapit ako sa kanya.

Tumingin ako sa harapan at napahanga sa ganda ng city lights. Nasa mataas na lugar
pala kami. Tumingin ako kay Paris at nakitang yakap nya ang sarili nya. Inalis ko
ang suot kong bomber jacket. Ipinatong ko ito sa balikat nya.

"Thanks." ngumiti lang ako sa kanya. Pinanood ko itong suotin ang jacket ko.
Napaiwas ako ng tingin nung lumingon sya sakin. Tumingin na lang ako sa city
lights.

"Bakit ako?" tanong ko nung humahaba ang katahimikan na namamagitan samin.

"Bakti hindi ikaw?" napaawang ng konti ang bibig ko pero kinagat ko rin. "Hindi ko
rin alam. Hindi ko gusto ang ugali mo nung umpisa."

"Bakit naman? ang bait ko kaya." tanong na nakalingon ko sa kanya.

"Dahil ayaw mo sa mga katulad naming lesbian." sagot nya.

"Wait, wait, wait. Klaruhin ko lang ah? Hindi sa ayoko sa mga katulad mo, ayoko
lang yung paglalandi sakin nila Cess. Bago ko kayo nakilala, bisexual na si Fin at
kaliwa." paglilinaw ko.

"Yun ang dahilan kaya ayaw na ayaw mong pumunta sa school ninyo?" tanong nya.
Tumango ako.

"Hangga't maari talaga, ayoko kayo makita. Hindi ko gusto ang tabas ng bibig nila
Cess." sagot ko. "Pero paano mo pala ako nagustuhan kung ayaw mo sa ugali ko?"

"Hindi ko rin alam." sabi nya pero titig na titig sakin. Madilim pero naanigan ko
ng konti ang kulay asul nyang mga mata. "Siguro nung hinalikan kita."

"Hinalikan mo ako?" patanong na sabi ko habang iniisip kung kailan nya ako
hinalikan bago yung mga nakaraan linggo lang.

"Our first kiss." napa-ahh naman ako. So sya pala ang unang humalik. "Mas lalo lang
ako nahulog nung ilang beses mo akong hinalikan." napakagat ko ng labi.

"Wala ka bang hinahalikan na iba?" tanong ko.

"Wala, hindi ako nagpapahalik ng basta basta."

"Pero hinalikan ni Trixie." bulong ko pero narinig nya dahil humarap sya sakin.
Nyek, lagot.

"Hindi ko inaasahan yon."

"Pero hindi ba may gusto ka kay Trixie?" Tumaas ang kilay nya. "Hindi ba? Lagi mo
nga syang kasama."

"I have a little crush on her at matagal kaming hindi nagkita kaya bumabawi kami sa
isa't isa." sagot nya. Napa-ohh ako.

"Kawawang Chelsea, hindi sinasama." sabi ko sa hangin.

"Kayo nga ni Chelsea ang madalas magkasama." sabi nya at may na-hint akong selos sa
boses nya. Nakakatuwa lang dahil pinapakita nya ang ibang emotion nya ngayon.

"Sinasamahan lang ako ni Chelsea kapag wala ka." sabi ko. "Ikaw itong palaging
wala." nakangusong dagdag ko.

"Bumabawi lang ako kay Trixie dahil hindi naman sya magtatagal rito." nakabuntong
hiningang sagot nya. Tinignan ko ito na nagtataka. "Nandito lang sya pilipinas
dahil may mga shooting sila sa iba't ibang lugar ng bansa."

"Poor Chelsea." mahinang bulong ko na sinigurado kong hindi maririnig ni Paris.


Hindi ko alam kung alam nyang may gusto si Chelsea kay Trixie.

"Can we stop talking about Trixie?" may konting iritang sabi nya. "Hindi kita
bibigyan ng time para intindihin ang nararamdaman mo sakin. Hihintayin ko lang ang
sagot mo maging girlfriend ko."

Napaawang ang bibig ko sa gulat. Si Paris ba talaga 'to? Ang hirap paniwalaan.

"Ehem." napaubo ako dahil shock pa rin ako sa pinagsasabi ni Paris. "So manliligaw
ka?"

"If that the way to make you mine." nakakailang nganga na ba ako ngayon?
Nakakagulat talaga si Paris ngayon.

"U...uwi na tayo." pag-aaya ko at naglakad papunta sa sasakyan nya habang hawak


hawak ko ang bibig ko. "Papasok ka ba bukas?" tanong ko nung parehas kaming nasa
sasakyan.

"No, why?" tanong nya rin at ini-start ang sasakyan.

"May pupuntahan ka?" imbis na tanong ko.

"Wala. Magpapahinga lang ako." sagot nya na hindi na ako nililingon dahil nagdri-
drive na sya.

"Pupunta ako sa inyo pero lunch na ako pupunta dahil dadaan muna ako ng shop." sabi
ko. Hindi ko idadahilan na gusto kong intindihin ang nararamdaman ko sa kanya kaya
gusto ko syang makasama, gusto ko lang talaga. "Luto ka ah?"
Lumingon sakin saglit si Paris. "Please, don't take advantage of me."

"Hindi ah. Gusto ko lang ulit matikman ang luto mo. Kung gusto mo para patas tayo,
ako magluluto ng dinner natin?"

"So you'll stay until dinner?"

"Ayaw mo?"

"Nagtatanong ako, Jade, wag mong sagutin ng tanong." masungit na tanong nya. Kahit
may gusto sya sakin, hindi nawawala ang pagkasungit nya.

"Sungit. Yes po, kung okay lang naman sayo." pagpapaalam ko.

"Okay." simpleng sagot nya. "Konti lang mailuluto ko dahil hindi pa ako
nakakapamili."

"Mabibitin ako nyan." nakangusong sabi ko.

"I know, magpapadeliver na lang ako ng iba." napangiti ako dahil mukhang hindi ako
hahayaan ni Paris 

Nakarating na kami sa tapat ng bahay namin. Nakatanggal na yung seatbelt sakin pero
hindi pa ako lumalabas ng sasakyan nya.

"No Trixie, please?" mamaya dumating si Trixie eh.

"Hindi ko na kontrolado kung bigla syang dumating." napasimangot ako. "Kakausapin


ko si Chelsea na ilayo satin si Trixie."

"You know?"

"Bestfriend nya ako kung nakakalimutan mo." napangiti ako dahil nagsusungit na
naman sya. Kanina may konting lambing boses nya.

"Alright, thanks sa paghatid. Ingat ka sa pag-drive." sabi ko at lumapit sa kanya.


Hinawakan ko ang pisngi nya at hinalikan sya sa labi. Saglit lang namin ninamnam
ang mga labi namin.

"Sleep well." malambing na sabi nya. Girlfriend material talaga itong si Paris, ang
swerte ko naman pala.

"Ikaw rin. Goodnight." huling sabi ko bago ako lumabas ng sasakyan nya. Kumaway ako
sa kanya bago naglakad papasok ng bahay. Narinig ko naman na umalis na sya.

What a day. Kasalanan talaga ng mag-jowa 'to eh.

Kinabukasan ay maaga akong pumunta sa shop. Agad kong tinignan ang kita ng shop sa
loob ng isang linggo. Hindi naman tumaas ng malaki yung kita nung last week pero
okay na rin kaysa bumaba. Pinatawag ko ng head staff ko pati na rin ang isang
active na active na tauhan ko. Kinausap ko sila tungkol sa pa-tournament ko ng
CSGO. Ayun kasi ang madalas laruin dito sa shop kumpara sa Dota2. Sinabi ko ang
buong detalye at to be discuss na lang muna ang prize. Kailangan ko munang hingin
ang opinion ng apat tungkol sa unang pa-tournament ko rito sa shop.

"Yung sa poster, ipapa-contest ko yon sa buong staff. Kayo na rin ang magsabi sa
kanila kung anong details na kailangan. End of the day sasabihin ko kung magkano
ang prize sa tournament. Sa poster making, sabihin ninyo na limang libo yon." sabi
ko.

"Wow, sasali ako dyan." nakangiting sabi ni Jeffrey.

"Second place, three thousand at third place ay one thousand. Bibigyan ko ng


consolation prize ang mga hindi nanalo ng five hundred." sabi ko. Hindi ko
sasayangin ang effort nila kapag hindi sila nanalo. Pinaghirapan nila yon at dapat
lang na bigyan sila kahit konting tulong.

Pagkasabi ko ng lahat ng gusto ko ay pinabalik ko na sila sa trabaho. Agad kong


chinat ang apat about sa tournament at sa prize. Nagbigay naman sila pero pag-
isipan ko daw ng mabuti. Mukhang kailangan ko ng second opinion kay Paris.

Bumalik na ako sa counter at nag-check ng mga emails. Wala akong office rito dahil
hindi ko yon gusto. May meeting room lang kami na maliit kung saan ko kinausap yung
dalawa at kinakausap ang mga gustong mag-apply.

Busy ako sa pagtingin ng emails nung may naglapag ng sandwich sa gilid ko. Pag-
angat ko ay si Sean.

"Hey, anong ginagawa mo rito? Sarado ang school ah." sabi ko at binuksan ang
sandwich. Nagpasalamat rin ako sa kanya.

"Wala akong magawa kaya pumunta ako rito. Busy ka masyado dyan ah." sabi nya.

"Hindi ako nakapunta rito kahapon kaya marami akong inaasikaso." sagot ko at muling
tumingin sa monitor.

"May iba ka pang gagawin after mo dyan?" humalumbaba sya sa counter.

"May lakad ako, bakit?" tanong ko.


"Aww, aayain sana kitang gumala." sabi nya.

"Sayang, may lakad na ako ngayon eh. Next time na lang." sabi ko.

"Okay lang." nakangiting sabi nya.

"Sila Ralph?"

"Busy." nakasimangot na sabi nya. "Kaya no choice akong pumunta rito."

"Wow ah!" natawa sya sa reaction. Kotongan ko kaya 'to?

Napatingin ako sa orasan. Nakita kong mag-aalas onse na.

"Mauuna na ako, Sean." sabi ko at kinuha ang sling bag ko.

"Alright, ingat ka. Maglalaro na lang muna ako rito." sabi nya.

"Yan, para naman kumita ako." pagbibiro ko.

Nagpaalam na ako uli sa kanya at lumabas ng shop. Pumunta ako sa sasakyan ng Kuya
ko na hiniram ko. Papasok na sana ako sa sasakyan nung makita ko ang flower shop.
Agad kong sinira ang pintuan at nagtungo sa flower shop.

"Yes po, ma'am?" tanong ng tao sa shop. Naka-apron pa ito.

"May bulaklak ba kayo na kulay blue?" tanong ko.

"Yes po, dito po tayo." sumunod ako sa kanya. "May Iris flower po tayo." inilahad
nya ang Iris flower na blue. Magkakadikit ang iba nya pang kulay. "Meron rin pong
Brunnera, Blue Orchid, Balloon Flower." nagustuhan ko yung Balloon Flower. "Blue
Hibiscus."

"Wait, ayan yung nakikita ko sa mga bahay-bahay pero kulay red lang. Ginagawa nga
namin yang palobo." sabi ko. Natawa naman yung babae sinabi ko. Totoo naman eh.

"How about Hydrangea?" pinakita nya sakin ang nagkukumpulan na mga bulaklak na sa


pagkakatanda ko ginagamit ito sa kasal. Hawak-hawak ng bride.

"I will take Hydrangea, please." Mas maganda ang Hydrangea.


Hinintay kong ayusin nila ang bulaklak. Nagpasalamat ako nung okay na at lumabas na
ng shop nila. Napaamoy naman ako sa binili kong bulaklak. Ngiting nagtungo na ako
sa sasakyan at nag-drive papunta sa condo unit ni Paris.

Pagkarating ko ay kumatok ako habang nasa likuran ang bulaklak. Nakangiti ako nung
binuksan ni Paris ang pintuan.

"Hey." sabay pa kami. Natawa ako ng mahina.

"Nag-commute ka rito na ganyan ang suot mo?" tanong nya na may konting kunot ang
noo. Tumingin naman ako sa suot ko. Nakasuot ako na white tshirt at maikling short
pero iniligay ko ang checkered long sleeve.

"Hindi, hiniram ko ang sasakyan ni Kuya dahil hindi ito pumasok." sagot ko.

"Pero ganyan ang suot mo nung nasa shop ka." hindi ko alam kung naiinis ba sya o
ano.

"Nasa counter lang naman ako eh. Sorry na. Ito oh." Inilabas ko mula sa likuran ang
bulaklak at inilahad sa harapan nya. "Para sayo." pagpapa-cute na sabi ko. Tinignan
nya muna ako ng masama bago kunin ang bulaklak na ikinangiti ko.

"Thanks." kinuha nya ito at inamoy. "Pasok." nauna syang pumasok kaya sumunod ako.

Nung unang punta ko rito ay may mga karton pa pero ngayon ay malinis na. Bukod pa
ron ay naamoy ko na ang pagkain. May Jollibee.

"Malapit na maluto ang ulam. Maghintay ka na lang muna dyan." sabi nya. Kinuha nya
ang vase na walang laman.

Imbis na manatili sa sala nya ay sumunod ako sa kanya sa kusina. Tama talaga ang
naamoy kong Jollibee dahil may isang bucket sa lamesa at may Burger Steak rin syang
binili na ngayon ay nasa malinis na pinggan. Apat na burger steak ang binili nya.

"Makulit ka talaga 'no?" sabi nya nung lumingon sya sakin. Nagliligay sya ng tubig
sa vase.

"Nakakagutom eh." sabi ko. Lumapit ako sa kalan at nakitang nagluluto sya ng
chicken curry. Sa lamesa may tempura rin syang niluto.

"Maupo ka na. Ihahanda ko lang 'to." sumaludo naman ako sa kanya at agad pumunta sa
lamesa. Kumurot ako ng balat ng chicken joy at isinubo.

Inihanda na ni Paris ang kanin at chicken curry nya. Amoy na amoy yung chicken
curry. Agad akong naligay sa kanin at sumubo. Halos masamid ako dahil ang init ng
chicken curry.

"Ilan taon ka bang hindi kumain?" tanong nya at inabutan ako ng tubig. Kaso hindi
tubig kailangan ko eh ang init lang talaga ng chicken curry. "Hinapin mo kasi bago
ka sumubo ng sumubo dyan." iritang sabi nya. Gusto kong sumimangot kaso mainit pa
yung nasa bibig ko.

Nung maubos ay nadala na ako kaya hinipan ko na kahit na nabibitin ako.

"Ang sarap." sabi ko. Kumuha ako ng tempura at sinawsaw sa sauce na ginawa nya rin.
"Kung magiging asawa kita, kawawa ka."

"Bakit naman?" nakakunot ang noong tanong nya.

"Kasi bukod sa CEO ka, ipagluluto mo pa ako ng pagkain." sagot ko.

"Then you cook." sabi nya sabay kuha ng chicken joy. Hita pa talaga ng manok ang
kinuha nya. Napansin nyang nakatingin ako ron kaya inilapag nya ito sa pinggan ko.

"Thanks Paris!" masayang sabi ko at hinawakan ang hita. "The best ka talaga kahit
ang sungit mo." sabi ko bago kumagat ng chicken joy.

"Ang takaw mo at mas malakas kapang kumain sa lalaki pero hindi ka naman tumataba."
sabi nya. Hindi katulad ko, mahinhin lang kumain si Paris kaya ang tagal matapos
eh.

"Nag-eexercise naman kasi ako." sagot ko. Nagtaka ako nung lumapit sakin si Paris.
Akala ko kung anong gagawin, pupunasan lang pala ang gilid ng labi ko. "Dapat
hinalikan mo." biro ko.

"Later." sabi nya na parang wala lang sa kanya.

"Cuddle and kiss?" sumubo ako ng kanin na may chicken curry.

"Whatever you want." nakakagulat lang talaga na hindi ako kinokontral ni Paris.
Ganito ba nya ako kagusto?

Napatigil ako sa pagkain nung tumunog ang cellphone ko na hudyat na may tumawag.
Pangalan ni Kuya ang sa screen. Ni-loudspeaker ko itong sinagot dahil busy ako sa
pagkain.

"Jade." bungad nya na parang hingal na hingal at natataranta.


"Oh? Anong problema?" takang tanong ko.

"Jade." kumunot ang noo ko. Anong trip nitong kuya ko? "Si..si Mama." napatigil ako
sa pagsubo ng chicken joy nung banggitin nya si Mama.

"Anong nangyari kay Mama?" bigla naman akong kinabahan, buntis si Mama baka ano
nangyari don!

"Nasa ER si Mama ngayon. Manganganak na sya!" nakasigaw na sabi nya.

"Seryoso?!" napatayo ako sa gulat. "Nasaan kayo?" tanong ko dahil hindi ako
mapakali. Natigilan lang ako nung hinawakan ko ni Paris sa braso.

"Relax." bulong nya. Tumango naman ako.

Pagkasabi ni Kuya ng hospital kung saan dinala si Mama ay aalis na dapat ako kaso
may hawak akong chicken joy kaya natigilan ako at tumingin kay Paris.

"You can go." sabi nya.

"Hindi ka sasama?" takang tanong ko. Kumagat ako ng chicken joy.

"Lilinisin ko pa 'to." tumingin ako sa lamesa. Ang dami pang pagkain.

"No, sasama ka sakin pero ubusin muna natin 'to. Sayang." bumalik ako sa pwesto ko.

"Seriously?" hindi makapaniwalang sabi ni Paris.

"Nandon naman sila Kuya. Health si Mama kaya sure akong walang mangyayari sa kanya
at kay baby. Bilisan na lang natin kumain ah?" sabi ko at binilisan ko nga ang
pagsubo ng kanin.

"Sana lang kapag nanganak ako ay hindi mo unahin ang pagkain." nabilaukan ako sa
sinabi nya. Hindi man lang nya ako inabutan ng tubig at amuse pang nakatingin
sakin. Bwiset 'to, pagkatapos nyang sabihin iyon na dahilan kaya ako nabilaukan ay
titignan lang ako.
------------------------------------------

A/N: Top o bottom? 

        Chapter 31 [Mi Amore Series#2: My Hot Pre...]

      

Jade's POV

"Ma!" sigaw ko pagkabukas ko ng pintuan ng private room ni Mama dito sa hospital.


Napatingin sakin ang lahat ng tao sa loob.

"Wala na bang mas lalakas sa boses mo?" mataray na tanong ni Gia.

"Ang daming tao ah." hindi ko pinansin ang sinabi ni Gia. Kapag sinabi kong madami,
as in sobrang dami. Nandito ang buong pamilya nila kaliwa, Fin, Gia at Veron. Wala
naiwan talaga. Hindi na nakakapagtatakang malaking room ang kinuha nila Papa para
rito.

"Bakit ngayon ka lang?" tanong ni Fin. Sasagot sana ako kaso napatigil rin sya at
binati ang taong nasa likuran ko na iniwan ko dahil kakamadaling pumunta rito.

"Siguro nabitin ka?" tanong ni Veron na may pilya sa labi.

"Hindi naman, tinapos ko naman bago pumunta rito." sagot ko. Hindi na kami pinansin
ng mga matatanda dahil kinakausap nila si Mama tapos yung mga kapatid naman namin
ay may kanya-kanya rin pinag-uusapan. Wala pa ang baby pati si Papa na siguro
kinuha si baby.

"Hayop ka." natatawang sabi ni Fin.

"Grabe ka, kahapon lang umamin si Paris sayo tinake advantage mo na." sabi ni Gia.

"Huh? teka, baka hindi tayo nagkakaintindihan rito, yung tinutukoy ko yung pagkain
ah? Kumakain kami ni Paris nung tumawag si Kuya." sabi ko.

Napa-facepalm naman si kaliwa at Veron.

"Wag na natin kausapin yan." sabi ni kaliwa. Naguluhan naman ako sa kanila.
"Bwiset kayo. Igaya ninyo ako kay Fin na bumibigay agad." sabi ko nung ma-realize
ko kung ano yung tinutukoy ni Veron kanina.

"Gagu." sabi ni Fin.

"Fin." saway ni Tito Fred. Nag-sorry naman agad si Fin na bineletan naming apat.

Nilingon ko si Paris, hindi ko ito naasikaso dahil sa apat na ito at mabuti na lang
kausap na nya si Paris at ibang kapatid namin.

Napatingin kaming lahat sa pintuan dahil may kumatok. Dahil si Ate Venice ang
malapit sa pintuan ay sya ang nagbukas nito. May dalawang nurse ang pumasok bitbit
ang dalawang baby.

"Kambal?!" sigaw namin halos lahat.

Bigla naman kaming sinaway ng nurse na wag masyadong sumigaw. Mabuti na lang ay
hindi umiyak yung dalawa.

"Wait, Jo, kambal?" tanong ni Tita Letti. Hindi sumagot si Mama at ngumiti lang.

Lumapit ang dalawang nurse at iniligay sa tabi ni Mama ang kambal. Agad naman akong
lumapit para tignan ang dalawang baby.

"Hey, hey." tumingin kami sa pintuan at mas magulat pa dahil may bitbit pa na baby
si Papa.

Hindi na kami makasigaw pero halata sa mukha namin ang gulat. No way! Triplet?

"Aww ang cu-cute nila. Anong gender nila?" tanong ni Tita Kelly. Oo nga, anong
gender ng triplet? tama na kaya ang hula nila Papa na magkakababae na ulit sila?

"All girls." napanganga at napangiti rin kami sa tuwa. Hindi lang isang babae,
tatlo pa sila.

"Ang swerte mo, Jo. Hindi lang isa, kundi tatlo pa. Palit tayo, sayo na lang si
Hokkaido." sabi ni Tita Letti na nakanguso.

Si Hokkaido ang bunso ng pamilyang Kyo. Panibagong weird name na naman ang binigay
nila sa anak nila at ang nickname naman na binigay naming apat kay Hokkaido ay
hapon. Bukod kasi na may lahing hapon talaga ang pamilyang Kyo, nasa Japan ang
Hokkaido. Kasama rin namin si hapon kahit na ilang buwan pa lang ito. Hawak-hawak
ito ngayon ni Ate Yani.
"History, Yani, magkaanak na kayo ng babae please?" sabi naman ni Tito Cyrus.
Natawa naman kami. Sigurado kasing naiingit sila kanila Mama dahil nagkaroon na rin
sila sa wakas ng babaeng anak.

Itinabi ni Papa si baby na hawak nya kay Mama. Nakatingin kaming lahat sa kanilang
apat. Ang cute cute ng triplet. Mistisa silang lahat.

"Anong pong ipapangalan ninyo sa triplets?" tanong ng isang nurse. May hawak na sya
ngayon ng clipboard.

"Jazlyn, Jaylyn and Joycelyn." nakangiting sabi ni Mama habang nakatingin sa


triplet. Sabi nila dati, kapag lalaki ang magiging anak nila, magsisimula sa letter
M tapos kapag babae naman ay J.

"At least hindi weird ang pangalan nila." sabi ni Tita Fiona na ikinatawa naman
nila pero si Tita Letti ay nakanguso. Ang tatanda na nila pero parang kami lang
nila kaliwa kung mag-asaran.

"Pakalong naman." dahan dahan kinuha ni Tito Jaren. "Aww ang cute talaga." lumapit
naman sa kanya si Tita Velcia.

"Kamukha ni Jade." komento ni Tita Velcia.

Kinuha naman ni Tita Kelly. Hindi pa naman masyado malaki ang tiyan nya kaya naman
hinayaan sya ni Tito Gerald na buhatin ang isa sa triplet. Yung dalawa kasi na si
Tito Jaren at Tito Fred hindi na hinahayaan na magbuhat ng kung ano ang mga asawa
nila.

"Ma, pwede?" paaalam ko. Gusto kong buhatin yung naiwan. Kawawa naman, baka maging
mailap pa 'to.

"Jade, wag mong ibalibag ah." sabi ni Fin. May mga natawa naman dahil sa sinabi
nya.

Gusto kong murahin si Fin kaso nandito ang mga magulang namin. Hangga't maari kasi
ayaw nila kaming nagmumura.

Dahan-dahan kong binitbit si baby. Hindi ko nabitbit noon si Michael dahil bata pa
lang ako non pero nabitbit ko si Leaf nung baby ito.

"Kahawig mo." tumingin ako kay Paris na lumapit sakin. "Sana lang hindi sila mahawa
sa kaweirduhan mo." napanguso naman ako.

"Hindi naman malala ang sakit ko." sabi ko.


"Proud ka talaga sa kaweirduhan mo 'no?" sabi nya. Ngumiti ako sa kanya.

"Wag naman kayong magpahalata na handa na kayong magkaanak." tumingin ako kay Tita
Letti dahil nagsalita ito. Namula naman ang mukha ko dahil sa amin sya nakatingin
ganon rin si Mama. Dahil rin sa sinabi nya ay tumingin ang iba sa kanila tapos
samin.

"Jade, wag mong unahan sila Kuya kaysaysayan, Kuya Maitan at Ate Venice." sabi ni
Fin.

"At samin rin ni Nissan." pakikisakay ni kaliwa. Hindi nya tinatawag na maid si
Nissan kapag may kasama kaming iba lalo na ang mga magulang namin.

"Ewan ko sa inyo." sabi ko na lang na ikinatawa nila.

Pagod na humilata ako sa kwarto ni Paris. Dito ako dumiretsong uwi pagkabalik ko
galing outing ng team namin. Walang tao sa bahay ng isang linggo dahil dinala nila
Mama ang triplets sa isa naming rest house. Pansamantalang dito ako makikitulog kay
Paris habang si Michael ay kanila Fin at si Kuya ay sa girlfriend nya. Dapat kanila
kaliwa ako o kanila Fin rin pero gusto ni Paris na dito na lang muna ako.

"Ang sakit talaga ng likod ko." maktol ko. Bukod kasi sa matagal ng pagkaupo sa
inarkilang van para sa team outing, nababalibag ang katawan ko dahil sa mismong
activity sa outing.

Gusto kong mag-sick leave bukas pero malilintikan kami sa lead namin kapag umabsent
kami. Ayaw non may umaabsent pagkatapos ng outing, okay sana kung nakapag-plot ng
leave.

"Hey." tumingin ako kay Paris na pumasok ng kwarto. "Magbihis ka muna." lumapit sya
sakin at naupo sa tabi ko.

"Bihisan mo ako." pagbibiro. Tinatamad ako eh.

"Sure." walang alinlangan na sabi nya.

"Joke lang." sabi ko at naupo. Mamaya biglang gawin eh. "How's your day?" tanong ko
at inilabas ang mga maduduming damit sa dala kong bag.

"Jade, halos wala pang tanghali." masungit na sabi nya.


"Sabagay, eh yung kahapon mo na lang. Hindi ba magkasama kayo ni Trixie?" tanong
ko. Maaga kaming umuwi para makapagpahinga pa kami at makapasok bukas.

"Kasama rin namin sila Chelsea." napansin kong lumapit ito sakin at kinuha ang
madumi kong damit. "Magpahinga ka na muna, mamaya na tayo mag-usap." sabi nya sabay
lakad palabas ng kwarto.

Nakitbitbalikat ako at binuksan ang maletang nauna pang dumating sakin rito. Bago
ako umalis nung Friday, inihanda ko na ang mga gamit ko sa pagtira ko rito ng isang
linggo. Kumuha ako ng tshirt at maikling short. Hindi na ako naligo dahil bago kami
umuwi ay naligo na ako.

Pagkatapos kong magbihis ay lumabas ako para tignan si Paris. May kausap ito sa
sala habang sa gilid ang mga maduduming damit namin. Mukhang tauhan ito sa laundry.
Hindi kasi naglalaba si Paris sa sobrang busy nito.

"May pagkain?" tanong ko pagkalabas ng kausap nya. Napataas ang kilay nito sabay
irap.

"Magluluto pa lang ako." naglakad sya papunta sa kusina na sinunod ko naman. "Bakit
hindi ka muna magpahinga?"

"Ayaw, hindi ako makakatulog ng gutom at tsaka para dire-diretso ang tulog ko
mamaya." sabi ko. Dalawang araw na akong puyat dahil sa inuman.

"May buko pie dyan, ayun na lang muna kainin mo." sabi nya at naglabas ng mga
kakailanganin nya.

"Galing sa lakad ninyo kahapon?" nasa Laguna sila kahapon. May photo shooting sila
sa bagong perfume ng kompanya nya. Sila Cess ang model nila tapos si Trixie ay
nakinood since professional model sya, pwede nyang bigyan ng tips sila Cess.

Tumango lang ito sakin. Naglakad ako patungo sa ref at kinuha ang buko pie na isa
pa lang nababawas. Kumuha ako ng dalawang slice tapos pumunta sa dinning table.
Habang kumakain ay pinapanood ko si Paris na magluto.

Ilang linggo na rin syang nanliligaw sakin. Wala naman nagbago bukod sa mas madalas
lang kaming magsama at may konting extra care sya sakin. Palagi kaming sabay kumain
ng lunch sa office kahit na dumating si Trixie. Sumasabay samin si Trixie at wala
naman ginagawa na kung ano kay Paris bagkus ay sakin pa may ginagawang kalokohan.
Hindi ko alam kung iniinis nya lang ba si Paris o talagang may gusto sya sakin.
Kapag kasama naman namin si Chelsea, sila yung naghaharutan na may kasamang
bangayan. Ewan ko sa dalawang yon.

"May trabaho kang gagawin?" tanong ko. Hindi ito sumagot at tumango lang. "Hindi ba
pwedeng samahan mo akong matulog?" dagdag ko.
Napalingon sya sakin. Nakatalikod kasi sya. "Sa ganyan ka rin ka-honest sa
nararamdaman mo sakin." napasimangot ako. Lagi nyang pinu-push yung feelings ko sa
kanya kapag gusto kong magpalambing sa kanya. Maghihintay naman daw sya pero grabe
sya makapag-push sa feelings ko.

"Samahan mo akong matulog." pagpapa-cute ko.

"Marami akong gagawin, Jade." sabi nya at humarap na sa niluluto nya.

Napaka-workaholic talaga nito.

"Kawawa naman ako kapag sinagot pala kita. Puro ka trabaho." sabi ko at sumubo ng
buko pie. Pinanood ko syang tignan ako ng masama. Lihim naman akong napapangiti sa
kanya. "You know, I need an attention." ngiting ngiti na sabi ko. Mas lalo nya
akong sinasamaan ng tingin.

Hot.

Hindi nya ako sinagot na ikinasimangot ko. Inaasahan ko na makikipagtalo sya sakin
pero nagluto lang sya. Talagang magtratrabaho sya? nag-aalala lang ako sa kanya
dahil siguradong konti lang ang tulog nya sa kakatrabaho. Si Paris ang tipong mas
gustong magtrabaho kaysa magpahinga. Kung hindi sya pipilitin, hindi pa sya
magpapahinga.

"Paris, kapag nag-asawa na tayo at nagkaanak, hindi ako papayag na ganyan ka."
pagpupumilit ko pa. Madalas nakukuha si Paris sa ganitong bagay eh.

"Kanina mag-girlfriend lang tapos ngayon mag-asawa?" hindi sya lumingon.

"Doon rin naman tayo papunta hindi ba?" inosenteng tanong ko.

"Why? do you like me now?" sabay lingon nya sakin. Nakitbitbalikat ako. Sinamaan
nya ako ng tingin na ikangiti ko.

"Nag-aalala lang naman ako eh. Magpahinga ka naman kahit weekends. Hindi naman
babagsak agad-agad yang kompanya mo." sabi ko.

Sure rin naman ako kung sakaling bumagsak ang kompanya ay tutulungan sya nila
Chelsea lalo na kay Nissan. Mabuti pa si Nissan na minsan lang magtrabaho tuwing
weekends. Sumbong ko kaya 'to kay Nissan? hindi rin matiis ni Paris si Nissan eh.

"Fine." sagot nya na ikinatuwa ko. Akalain mo hindi rin ako matiis.

Nakipagkwentuhan ako sa kanya habang nagluluto sya. Ikinukwento ko ang nangyari sa


outing namin kung bakit sumakit katawan ko.

"Bakit kasi inuuna mo likod mo?" tanong nya.

"Mas okay na yon kaysa sa harap. Plakda si Pia sa blob eh." natatawang kwento ko.
Pulang pula ang mukha at katawan ni Pia dahil paharap syang bumagsak sa tubig.

Matapos nyang magluto ay nagsimula na kaming kumain. Enjoy na enjoy ako sa pagkain
dahil ang sarap talagang magluto ni Paris. Patuloy pa rin kami sa kwentuhan pero
yung naganap naman sa kanya kahapon ang pinag-usapan namin. Dapat may trabahong
ginagawa si Paris habang nagsho-shoot sila Cess pero hindi ito makapagtrabaho dahil
kinukulit rin sya ng iba.

Pagkatapos namin kumain ay tumungo rin kami sa kwarto. Nakaunan si Paris sa kanang
braso ko habang magkayakap kami. Imbis nga na matulog kami ay nagawa pa namin
maghalikan. Ako ang nag-initiate dahil kailan pa naunang humalik si Paris? minsan
lang at namiss ko talaga sya dahil dalawang araw ko syang hindi nakita. Halos
mapaibabaw na ako sa kanya. Ayaw namin tantanan ang isa't isa. Titigil pero saglit
lang.

Bumaba ang halik ko sa leeg nya. Naririnig ko ang munting ungol nya habang mahigpit
ang pagkapit sa batok ko. Tumingin ako sa kanya na nakapikit at medyo nakaawang ang
mga labi. Fuck! Ang hot nyang tignan. Yung akala ko na kapag nagsusungit lang syang
hot tignan, mas nakakahumaling syang tignan ngayon. Hindi ko aakalain na makikita
ko ang ganitong reaction ni Paris. Sya ang dominant type kaya makitang syang
ganito...gosh!

Pagkatapos kong markahan sa bandang dibdib nya ay tinignan ko ito. Ayokong markahan
sya sa makikita lalo na papasok kami bukas. Tumingin ako sa mukha nya. Napangiti
ako dahil halatang na-turn on ko sya. Kitang kita sa mga asul nyang mata ang
pagkasabik nya. Paano ko ito tatanggihan?

"Mukhang mapapa-absent ka bukas." sabi ko at tinanggal ang damit ko.

Nagawa pa rin akong taasan ng kilay ni Paris. "No way na ako lang." sabi nya.
Napangisi ako at muli syang hinalikan.

Nagpaalam na ako kay Ate Mau na magta-take na ng lunch. Hindi na ako nakakasabay sa
kanila pero kapag merienda naman ay sumasabay ako. Kailangan pa rin na maka-bonding
ang mga katrabaho ko para maging solid kami. Ilang buwan pa lang ako pero
komportable na ako sa kanila at ganon rin sila sakin. Para bang hindi ako bago sa
kanila.

Nagtungo ako sa office ni Paris. Hindi kami nakapagluto ng babaunin dahil mala-late
na kami. Nag-take lang kami ng almusal sa drive thru kanina tapos ngayon magpapa-
deliver na lang si Paris. May meeting sya ng ala una kaya ayaw na nyang umalis ng
office.

"Hey Carla." bati ko sa kanya.

"Hello, nasa loob pala si Ms. Trixie." tumango ako at nagpasalamat sa kanya.

Kumatok muna ako bago pumasok ng office ni Paris. Nakita ko silang magkausap. May
pagkain na rin sa mahabang lamesa ni Paris.

"Hi Jade." nakangiting bati ni Trixie sakin. Tumayo pa ito para bigyan ako ng halik
sa pisngi. Napansin ko naman na masamang tinignan ni Paris si Trixie. Nakakagulat
na ngayon lang sya naging ganyan eh sa tuwing nagkikita kami ni Trixie ay
hinahalikan ako nito sa pisngi.

"Kumain ka na?" tanong ko kay Trixie.

"Nope, ako rin nagdala ng pagkain natin." sabi nya kaya napalingon kami sa mga
pagkain. Kaya pala mas madami ito.

"Kain na tayo. May ginagawa ka pa?" tanong ko kay Paris. 

"Wala na." tumayo ito.

Imbis na si Paris ang katabi ko ay si Trixie. Ewan ko pero parang naiinis si Paris
ngayon kay Trixie. Anong nangyari sa dalawang ito kanina?

"Nga pala kaya rin ako nagpunta rito na may dalang pagkain ay treat ko sa inyo bago
ako umalis bukas." sabi ni Trixie. Parehas naman kami nagtaka ni Paris. "Babalik na
ako sa America. Tapos na ang trabaho ko rito."

Nalungkot naman ako. "Hindi ka makakapag-extend? paano si Chelsea?" tanong ko.

"Anong meron kay Chelsea?" takang tanong nya.

"Hindi ba may something kayo? gusto ka ni Chelsea ah." kumuha ako ng sushi na dala
nya. Puro Japanese food kasi ang dala nya.

"Alam mo yon pero hindi mo alam na may gusto sayo si Paris noon." sabi nya na
nakangiti.

Napatigil ako sa pagsubo ng sushi pero itinuloy ko rin. Hindi ako sumagot dahil
hindi ko alam isasagot ko.
"Hindi ko alam sa kanya. Wala syang sinasabi lalo na nung sinabi kong babalik na
ako." nakangiting sabi ni Trixie pero malungkot ang ngiti nya. Siguro inaasahan
nyang pipigilan sya ni Chelsea o kaya aamin pero walang nangyari. Ano kayang
pumipigil kay Chelsea?

"Do you like her?" tanong ni Paris.

"Yes." sagot ni Trixie pero malungkot pa rin ang ngiti.

"Kaya mo bang isakripisyo ang career mo para kay Chelsea?" sa tanong iyon ni Paris
ay hindi nakasagot si Trixie. Nakatingin lang ako sa kanila habang kumakain.
Feeling ko hindi dapat ako nandito. "Alam ni Chelsea ang mangyayari kapag nalaman
ng buong mundo na isa kang lesbian. Masisira ang career mo at ayaw nyang mangyari
yon." mukhang naintindihan ko na kung ano nangyayari.

Nagkaroon ng boyfriend si Trixie sa America pero hindi iyon nagtatagal. Lesbian si


Trixie at para pagtakpan ang pagiging lesbian nya ay nakikipag-boyfriend sya.
Sobrang sikat ni Trixie at isang lantaran lang ay maari nyang ikasira. May ilan na
susuportahan sya pero mas maraming huhusgahan sya.

"Don't worry, sigurado naman akong hihintayin ka ni Chelsea. Wag mo lang tagalan."
sabi ni Paris. Tumango naman si Trixie.

Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam na si Trixie na pupuntahan pa si Chelsea. Bago


sya umalis ay inaya sya ni Paris na pumunta sa unit nya mamaya para magsaya bago
man lang sya umalis bukas.

"Papasok ka ba bukas?" tanong ko at naupo sa harap ng lamesa nya. Busy na naman sya
sa laptop nya. May fifteen minutes pa sya bago ang meeting nya ng ala una.

"After ko ihatid si Trixie bukas sa airport." sabi nya.

"Hindi ako papasok bukas." sabi ko. "Mas lalong sumakit katawan ko dahil sa ginawa
natin kahapon." umangat ang tingin nya sakin na may halong pag-aalala na imbis na
mahiya dahil sa nangyari samin kahapon.

"You can go home now kung hindi mo kaya." sabi nya.

"Wala naman akong ginagawa sa office kaya okay lang. Sayang sahod." natatawang biro
ko.

"I'm your boss."

"Pero hindi nila alam na magkakilala tayo kaya hayaan mo na. Maaga na lang ako uuwi
mamaya. Dadaan ako sa spa para magpa-massage." sabi ko.
Magsasalita pa sana sya kaso may kumatok sa pintuan. Pumasok si Carla.

"Nasa meeting room na po ang mga board member." pag-aanunsyo nya.

"I will be there." nag-bow lang ng konti si Carla bago isarado ang pintuan.
"Sabihan mo ako kapag uuwi ka na. Sabay tayo." manghang tinignan ko ito.

"Hindi ka busy?" tanong ko. Nag-aayos na ito ng gamit nya.

"Sa condo na ako magtratrabaho mamaya." sabi nya. "Kailangan ko rin i-check kung
may pagkain pa tayo."

"Magpa-deliver ka na lang." sabi ko. Mukhang magluluto pa ito para sa despedida kay
Trixie.

"Alright. Just text me, okay?" tanong nya bago nya ako hinalikan sa labi.

"Okay, take care." sabi ko. Nauna na syang lumabas ng office nya.

Tumingin ako sa orasan. Ang aga naman mag-umpisa ng mga yon.

Pagsapit ng alas cuatro ay nagpaalam na ako kay Ate Mau na maaga akong mag-oout
dahil masama ang pakiramdam ko. Tila ako lalagnatin.

"Wag ka na muna pumasok bukas kapag hindi mo kaya, okay?" nag-aalalang sabi nito.
Tumango ako.

"Una na ako." medyo nakangiting paalam ko. Kinuha ko ang gamit ko at lumabas ng
office.

Nagtungo ako sa parking lot dahil doon kami magkikita ni Paris. Nilalamig ako kahit
na naka-jacket ako. Mukhang nilalagnat talaga ako. Didiretso higa na lang ako imbis
na magpa-massage ng likod.

Tumingin ako sa itaas ng elevator para makita kung anong floor na. Parking lot na
pala. Lumabas ako at naglakad sa sasakyan ni Paris.

"Get off of me!" medyo nawala ang pagiging matamlay ko dahil boses ni Paris ang
narinig ko. Nakita ko si Paris na hawak-hawak ng isang lalaki. Naka-business suit
sya pero parang hindi maganda yung ginagawa nya kay Paris.

"No Paris! You will go with me! Your mine! Mine alone!" sigaw ng lalaki. Nakikita
ko naman na nasasaktan si Paris sa pagkahawak sa kanya ng lalaki.

Dali-dali akong lumapit sa kanila kahit na nanghihina ako at medyo nahihilo na.

"You are insane! Nababaliw ka na!" sigaw ni Paris.

Umapaw ang galit ko nung sapilitan hinalikan ng lalaki si Paris. Nandilim ang
paningin ko at mabilis na sinunggaban ng suntok ang lalaki. Napaupo naman yung
lalaki at balak pa sanang tumayo pero inapakan ko ang ari nya na ikinahiyaw nya.

"Fuck you! How dare you touch my girl?!" sigaw ko at balak pa sana syang sipain
pero pinigilan ako ni Paris.

"Let's go, Jade. Ang init mo." nag-aalalang sabi nito. "I will handle him later.
Umalis na tayo rito." tumingin ako sa lalaking namimilipit sa sakit ng ari nya.
Pilit pa nitong tumingin sakin.

"What's his name?" tanong ko habang hila-hila ako ni Paris papunta sa sasakyan nya.

"Ako na, Jade." pinagbuksan nya ako ng pinto sa passenger seat. "Nilalagnat ka na."
masuyo nyang hinaplos ang pisngi ko. Napapikit ako dahil ang lamig ng kamay nya.

"Can we go home?" mahinang sabi ko.

Hindi ko namalayan na nakatulog ako. Paggising ko ay nasa kwarto na ako ni Paris.


Bigat na bigat ang katawan kong kumilos. Napapikit na lang ako. Narinig kong
bumukas ang pintuan at hinintay kong lumapit ito sakin. Alam kong si Paris yon.

"Hey." bahagya nya akong inuga. "Wake up, Jade. Kailangan mong kumain." dahan-dahan
kong inimulat ang mga mata ko. Nanlalabo man ay naaanigan ko si Paris. "Kumain ka
muna para makainom ka ng gamot." inalalayan nya akong maupo.

"Anong oras na?" tanong ko. Sinubuan nya ako na medyo mainit na soup. Hindi ko
malasahan kung anong klaseng soup ang ginawa nya.

"Alas sais." sabi nya. "Nandito na rin sila Trixie pero sinabi ko na hindi ka
makakasama samin dahil may sakit ka." dagdag nya.

"Hmm." sabi ko na lang.

Pinaubos sakin lahat ni Paris ang soup at pinainom ng gamot. Muli akong humiga
pagkatapos. Tumingin ako kay Paris na nakaupo pa rin sa tabi ko. Masuyo nya
hinawakan ang pisngi ko.
"Next time, we will not do that kapag masakit katawan mo." sabi nya. Napangiti
naman ako. "Sleep." hinalikan nya ako sa noo kaya naman napapikit ako.

--------------------------------------

A/N: Hakdog.

        Chapter 32 [Mi Amore Series#2: My Hot Pre...]

      

Jade's POV

Namulat ako ng mga mata at tumingin sa paligid. Hindi na ganon kasama ang
pakiramdam ko pero ramdam ko pa rin ang init sa katawan ko. Napapikit muli ako nung
ako lang ang tao sa kwarto. Kinapa ko ang gilid ng unan ko para hanapin ang
cellphone ko. Tinignan ko kung anong oras na at makitang mahaba ang tulog ko na
inabot na ako ng kinabukasan.

Naupo ako at tumingin sa paligid kung may naiwan ba si Paris. May tubig at note sa
ibabaw ng drawer. Kinuha ko muna ang note at binasa. Sabi nya sa note na hinatid
nya si Trixie sa airport. Uuwi rin sya pagkahatid at hindi papasok sa office.
Nagbilin rin sya na iinit yung niluto nyang goto kapag nagising ako na wala pa sya.

Maaga ang flight ni Trixie at anong oras na kaya siguradong pabalik na yon pero
nakakaramdam na ako ng gutom. Tumayo na ako at lumabas ng kwarto. Nagtungo ako sa
kusina at hinanap ang niluto ni Paris. Nung makita ay ininit ko ito. Nakatulala
lang ako habang hinihintay ito uminit.

"Jade." napakurap ako at tumingin sa tumawag sakin. Napangiti ako nung makita si
Paris. "Kakagising mo pa lang?" lumapit ito sakin at tinignan ang temparature ko.
"Good thing naabutan kitang kakagising lang. Ako na bahala rito." wala akong
masagot kundi tumango.

Pinanood ko syang itinaas ang sleeve ng black long sleeve nya at humarap sa iniinit
na goto. Sinundan ko sya ng tingin patungo sa ref.
"Ikaw lang ba naghatid kay Trixie? Bakit hindi ka na pumasok? Kaya ko naman sarili
ko." tanong ko.

"Kasama ko si Chelsea. Dapat kanina pa ako rito pero dumaan ako saglit sa office
para kuhain ang gamit ko. Dito ako magtratrabaho. Gusto kitang alagaan kaya hindi
ako pumasok." sagot nya. Naglabas ng apat na itlog.

"Hindi ka pa kumakain?" tanong ko pa ulit.

"Hindi pa." crinack nya ito at pinaghalo-halo. Pagkatapos nya ron ay tinignan nya
ang goto. Pinatay nya ang kalan at sumandok tsaka niligay sa isang bowl. "Eat up."
sabi nya pagkaligay sa harapan ko ang bowl.

"Wait kita." sabi ko.

"Kumain ka na dyan. Lalamig pa yan." pagsusungit nya. Napanguso ako. May sakit na
nga ako eh.

Sinunod ko na lang sya. Dahan-dahan akong sumusubo dahil mainit yung goto.
Pinapanood ko pa rin syang magluto ng pagkain nya. Mas napapaso akong tignan si
Paris dahil ang hot nyang panoorin. Ang sexy ng bawat galaw nya.

Halos patapos na ako nung matapos magluto si Paris. Umupo sya sa harapan ko. Gusto
ko sanang makihati sa kanya pero pagkakita ko sa kakainin nya ay umayaw na ako.
Gulay pero may scrambled egg naman sya kaso ayoko non.

"Paris." tawag ko. Mula sa pagkain ay umangat ang tingin nya sakin. "Naisip ko
lang...may nangyari na satin pero hindi pa tayo."

"And?" napatingin ako sa labi nya dahil kumain sya ng broccoli.

"And..." ibinalik ko ang tingin sa mga mata. "Meron na dapat tayo."

"Why? do you like me now? kung hindi, hindi mo kailangan ma-guilty. I'm used to
having sex without label." napanguso ako. Kailangan pa bang sabihin yon? kainis
naman 'to.

"Hindi naman basta sex yun eh." 

"I know pero hindi kita pipilitin sa bagay na hindi ka naman sigurado. Hihintayin
kita." aww ang sweet naman nito. "Pero kailangan mo lang ng konting push." ano kaya
yung kaibahan non sa pagpipilit?

Bumuntong hininga ako. "I like you, Paris. Gusto kita." Napatigil sa pagsubo ng
scrambled egg si Paris sa sinabi ko. "Kahapon ko lang na-realize ang lahat dahil sa
lalaking yon." inis na sabi ko nung maalala ko ang lalaking hinalikan sya. "Hindi
ako papayag na kahit sinong lalaki o babae ang hahawak sayo." seryosong sabi ko.

"Are you sure?" medyo naguluhan ako kung ano ang tinutukoy nya. "Talaga bang gusto
mo ako? o baka naman napipilitan ka lang dahil sa nangyari satin."

"Gusto kita. Seryoso ako. Ang hirap lang paniwalaan nung una pero ayokong may
humahawak sayo." 

"Possesive."

Siguro, nung hinalikan sya ni Trixie kaya ko pang magtipid pero don sa lalaki na
yon. Bigla na lang nandilim ang paningin ko at nagawa kong manuntok ng ganon
kalakas para mapatumba sya. Bilib ako sa sarili ko non. Sarap ipagmalaki kay Veron.

"Anong nginingiti mo dyan?" tumingin ako kay Paris.

"Ah wala, naalala ko lang yung lalaking binasagan ko ng itlog." sabi ko at kumuha
ng scrambled egg.

"Kadiri." sabi nya at inilayo ang pinggan ng scrambled egg. Natawa naman ako.

"Pero seryoso, gusto kita Paris. Ayoko sanang paniwalaan pero para din akong tanga
na hinahalikan ka kung ayoko naman magkagusto sa babae." natawa ako ng mahina.

"Tanga ka talaga." inirapan nya ako pero pansin ko naman na namumula ng konti ang
pisngi nya.

"Kinikilig ka naman dyan eh." panunukso ko.

"Shut up. Ubusin mo na yang itlog." sabi nya at kumain ng gulay.

"So tayo na?" tanong ko.

"Bahala ka sa buhay mo." napangiti ako lalo. Ayaw nya akong tignan dahil siguradong
natutuwa sya.

"Okay! Tayo na. Girlfriend na kita at girlfriend mo na ako." ngiting ngiti na sabi
ko.

"Ubusin mo na ang pagkain mo para makainom ka na ng gamot." panenermon nya.


"Yes babe!" sabi ko na naka-salute pa.

Ngiti-ngiti naman ako habang inuubos na ang pagkain ko. Nakatingin rin ako kay
Paris na hindi tumitingin sakin. Hinayaan ko na lang ito dahil baka i-break pa ako.

Nasa kwarto kaming dalawa. Ako nakahiga, sya nakaupo habang may ginagawa sa laptop.
Sobrang busy na naman sya. Medyo nakakaramdam ako ng pagkaantok. Iginapang ko ang
kamay ko sa bandang tiyan ni Paris at niyakap sya. Ipinikit ko ang mga mata ko nung
haplusin nya ang buhok ko.

"Sleep." malambing na sabi nya. Hindi na ako sumagot at nagpalamon na lang sa


antok.

Maayos na ang pakiramdam ko kinabukasan kaya pumasok na kaming dalawa ni Paris.


Pagka-alas dose ay tumungo na ako sa office ni Paris. Napakunot ang noo ko dahil
nakatayo si Carla sa pintuan ng office ni Paris na para bang hindi ito mapakali.

"Carla." tawag ko rito.

"Jade! Si ma'am Paris." bigla naman akong nag-alala. Agad akong lumapit sakanya.
"Si sir Patrick po kasi dumating na galit na galit." pagkasabi nya non ay nakarinig
ako ng sigaw sa loob.

Hindi ako nagdalawang isip na pumasok. Nanlaki ang mga mata ko pero agad rin
napalitan ng galit. Dali-dali akong lumapit sa kanila at tinulak ang lalaking nasa
ibabaw ni Paris. Sya rin yung lalaking humalik kay Paris nung nakaraang araw sa
parking lot tapos ngayon, pinipilit nya ito. Naabutan ko syang nasa ibabaw ni Paris
at pilit na hinahalikan sa leeg ni Paris.

"Ikaw na naman!" sabi nya at tinulak ako. Napa-out of balance ako sa lakas nyang
manulak. Agad akong tumayo at niyakap ang bewang nya. Tumama kami sa lamesa ni
Paris. "Let go!" napabitaw ako sa pagsiko nya sa likod ko. Putek, babae ako ah!

"Patrick!" sigaw ni Paris.

Hinawakan ng Patrick daw ang damit ko at sinuntok ako sa panga. Napatumba ako sa
lakas nyang manuntok na halos mawalan ako ng malay. Mahilo-hilo ako sa ginawa nya.
Oh my god, hindi na talaga ako papatol sa lalaki.

"Jade." nag-aalalang lumapit sakin si Paris.

"Now." narinig kong nagpupumiglas si Paris at napalayo sakin. Pilit kong tignan ang
nangyari. Hawak na naman ng Patrick na yon si Paris. Sinisigawan ni Paris si
Patrick pero sinampal nya ito na ikinainit ng ulo ko.

Pilit kong tumayo pero bago ko pa magawa yon ay may mga pumasok na mga lalaki.
Itsura pa lang nila ay sila ang mga empleyado sa floor na 'to. Nakita ko na may
sumuntok kay Patrick. Inilayo naman ni Carla si Paris sa mga lalaking pinagtulungan
si Patrick.

"Okay ka lang, Jade?" nag-aalang tanong ni Paris. Hinawakan nya ang mukha ko kaya
napangiwi ako. "Sorry."

"What's happening here?!" napatingin kami sa pintuan. Ang Daddy ni Paris.

Napatigil yung mga lalaki pero hinawakan ni si Patrick.

"Daddy." agad lumapit si Paris kay Tito Dimitri.

"Jade, ayos ka lang ba?" inalalayan ako ni Carla na maupo sa couch.

"Ang sakit ng suntok ng Patrick na yan." sabi ko. Tumingin ako kanila Paris at
saktong sinuntok ni Tito Dimitri si Patrick. Galit na galit si Tito Dimitri kay
Patrick. Marami syang sinabi na hindi nya palalampasin ang ginagawa nya samin ni
Paris.

Lumabas na silang lahat at natira na lang kaming tatlo. Agad akong inasikaso ni
Paris. Dinadampian nya ng yelo ang pangang sinuntok ni Paris.

"Ikaw? Sinampal ka nya." nag-aalalang sabi ko. Hinawakan ko ang kaliwang pisngi nya
na namumula. Nainis ako dahil bakat ang kamay ni Patrick.

"I'm okay." sagot nya lang at patuloy sa pagdahan-dahan na pagdampi ng yelo sa


panga ko.

"I'm sorry, Jade." tumingin ako kay Tito Dimitri. "I didn't know na aabot sa ganito
ang gagawin ni Patrick."

"Sino po ba yun?" tanong ko.

"Ex-fiancé ni Paris." nagulat ako sa nalaman ko. "Dati ng pinagkasundo ang dalawa
pero last month ay umurong kami dahil seryoso si Paris sayo." nilingon ko si Paris.
"Hindi matanggap ni Patrick yon dahil gusto nya si Paris." muli akong tumingin kay
Tito Dimitri.

"Kaya pala." sabi ko. Pero dapat bang harassin nya si Paris? hinalikan at kung
hindi pa ako dumating kanina baka may ginawa pa sya kanina.

"I will handle him. Sigurado akong hindi palalagpasin ni Mike ang ginawa nya sayo."
oh sure ako dyan. Patutumbahin nya kung sino man ang nanakit sa prinsesa nya. Hindi
na pala ako ang prinsesa nila.
Nagpaalam na samin si Tito Dimitri. Tumingin ako kay Paris na kanina pa nag-aalala.

"Okay lang ako, though hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa mga katrabaho ko
dahil sa mukha ko. Nagiging ube ba?" tanong ko.

"Seriously? iniisip mo pa yon?" napanguso ako. "Kakagaling mo lang sa sakit tapos


masasapak ka." panenermon nya. Sungit talaga nito.

"Masakit lang pero okay lang ako." sabi ko. Hinawakan ko ang kamay nyang nasa
kabilang pisngi ko. "Kiss mo na lang." hirit ko. Akala ko hindi nya gagawin at
susungitan ako kaso hinalikan nya ako sa panga ko. "Shit. Bakit ganyan ka humalik?
natu-turn on ako." sabi ko. Naaakit ako sa dahan-dahan nyang paghalik sa panga ko.

Hindi sya sumagot pero napansin ko na nanginginig sya. Bigla naman akong nag-alala
at niyakap sya. Naalala ko na pinipilit sya kanina ng Patrick na yon. Bwiset na
lalaking yon. Mabuti pala natadyakan ko ari non nakaraan.

"Shhh...hindi ka na nya mahahawakan pa. Hindi ko hahayaan yon." masuyo kong


hinaplos ang buhok nya.

Babae pa rin si Paris kahit na minsan nakaka-intimidate sya. Hindi naman sya boyish
tignan dahil kahit na palaging long sleeve at pants nya, ang hot pa rin nyang
tignan. Siguro hindi sya makapalag sa Patrick na yon dahil bukod na naka-pencil
skirt sya, naka-heels pa.

Hinalikan ko ang noo nya para pakalmahin sya. Nung hindi pa rin sya nagiging okay
ay hinawakan ko ang mukha nya para iangat ang tingin sakin. Hinalikan ko sya labi.
Hindi ko minadali at naging gentle lang ako. Ayokong iparamdam sa kanya ang ginawa
ni Patrick. Mas lalo lang syang matatakot.

"You okay?" malambing na sabi ko. Pinatitigan ko ang asul nyang mga mata.

"Thank you." napangiti ako.

"Anything for my girlfriend." nakita kong namula ang magkabilang pisngi nya. Natawa
ako. "Cute talaga ng babe ko." hinalikan ko sya sa labi pero saglit lang. "May
banyo ka ba rito para makapaligo? Linisin mo ang katawan mo dahil hinalikan ka ng
Patrick na yon."

"Uuwi na lang ako sa condo." sabi nya.

"Samahan kita. Doon na rin tayo kumain." Tumayo na kami. Napatingin ako sa paligid.
Medyo hindi maayos ang pwesto ng mga gamit.
Bago umalis ay pinasalamatan ni Paris ang mga lalaking tumulong samin. Sinabihan
nya ito na kung sakaling may gawin si Patrick sa kanila ay sya ang bahala. Kilalang
tao daw si Patrick kaya siguradong hindi daw iyon palalagpasin ni Patrick pero
sisiguraduhin naman ni Paris na hindi magagalaw ang mga tauhan nya.

"May fiancé ka pala pero hindi mo sinabi sakin." sabi ko habang nasa elevator kami.

"Kahit naman hindi kita nagustuhan, hindi ako magpapakasal sa kanya. It just for
the show." hinawakan nya ang kamay ko.

"Madalas ba kayo magkita non at mahulog sayo yon ng todo?" tanong ko.

"Once a month." tipid na sagot nya.

"Hmm. Sabagay, maganda ka at kahit sino ay magkakagusto sayo."

"Ikaw lang hindi."

"Matagal lang bago ko ma-realize." nakanguso kong sabi.

"Ayaw mo lang tanggapin."

"Hindi na ako aangal dyan." natatawang sabi ko. "Mabuti na lang hinintay mo ako.
Ibigsabihin, seryoso ka sakin." ngiting-ngiti ko sa kanya. Nakatingin lang sya
sakin. "Huy, say something."

"Ano pa ang sasabihin ko kung sinabi mo na?" napatitig ako sa mga mata nya. "Hindi
ko hihingin kay Daddy na mag-backout sa engagement namin ni Patrick kung hindi.
Nag-girlfriend ako dati at nagkaroon ng mga fling pero hinahayaan ko lang."

"Aww, love na love mo talaga ako 'no?" pinisil ko ang kamay nya. "Thank you, ayoko
rin may sabit. Gusto ko wala akong kaagaw."

"Same with me, Jade. Now that you're my girlfriend, ayokong makita na may nilalandi
ka."

"Para naman akong malandi nyan. Ang bait bait ko eh."

"Sino nagsabi?"

"Lah, sila lumalapit sakin ah. Sayo nga lang ako panay ang dikit eh."

"Kaya pala nagbo-boy hunting." nahimigan ko ang inis sa boses nya. Natawa naman
ako.

"Grabe ka, dati pa yon." tumigil ako mag-boy hunting pagka-graduate ko. Nag-focus
na kasi ako sa trabaho at sa shop kaya walang panahon mag-boy hunt. "Kung ganyan ka
pala kaselosa, wag mo akong ilalapit kanila Cess. Mga linta yon."

"Hindi ko na kailangan gawin yon. Ikaw pa lang, iiwas na."

"Ipagtanggol mo naman ako." ako nga nakakadalawa na eh. Gusto ko naman makita kung
gaano ka-possessive itong si Paris. Subukan ko kayang pagselosin itong si Paris?

Pagkarating namin sa condo ay agad syang naligo. Hinintay ko sa sala ang pina-
deliver naming pagkain. Bago kami umalis ng office ay nagpa-deliver na ako kaya
maya-maya lang ay nandito na yon. Kakasabi ko lang pero may kumatok na sa pintuan.
Agad ko itong pinuntahan pero hindi deliverman ang nasa labas kundi ang mga taong
iniiwasan ko.

"Jade?" takang banggit ni Ino.

Bago pa ako makasagot ay sinugod ako ng tatlo. Napatumba pa kami sa sahig dahil
don. Nanlalaki ang mga mata ko dahil hinalikan nila ako sa mukha. Pumipiglas ako sa
kanya pero nakadagan ang katawan nila sa kamay ko.

"Tigilan na ninyo si Jade." natatawang sabi ni Chelsea. Hinila nya palayo si Rin na
nasa gitna nila. 

"Cess!" sigaw ko dahil hinalikan nya ang kaliwang tainga ko.

"Malilintikan ka talaga, Cess." sabi ni Chelsea na hila-hila palayo si Marie.


Sinunod nya si Cess na ayaw umalis.

"Ayaw! Dito lang ako kay Jade babe." sabi nya at hinalikan na naman ako sa pisngi.

"Cess." isang nakakatakot na boses ang narinig namin. Umangat ang tingin ko sa
itaas at nakita si Paris na nakatapis lang ng bathrobe. Tumutulo pa ang tubig  sa
buhok nya.

Hot.

"Ayan na ang sinasabi ko sayo eh." sabi ni Chelsea.

"Sus. Hindi naman sila eh." sabi ni Cess pero tumayo na rin. Naupo ako at agad rin
tumayo para makalayo sa kanila.
"For your information, she's my girlfriend." hinawakan ako ni Paris at pinunasan
ang pisngi ko. "Go take a bath."

"Siraulo ka, wala akong sakit." sabi ni Cess.

"So, kayo na?" tanong ni Rin. "Wala na akong pag-asa?" lungkot-lungkutan na dagdag
nya.

"Wala ka naman talagang pag-asa." nakangiting sabi ni Ino. "Tatlo ang humalik sa
kanya." panunumbong nya pa.

"Maligo ka. Maraming germs ang tatlong yan." tinulak ako ni Paris. Narinig ko ang
kung ano-anong reklamo na tatlo sa sinabi nya.

"Ikaw muna, hindi ka pa ata tapos maligo eh." sabi ko. Halata kasing umalis lang
sya bigla sa banyo. "Tsaka maghihilamos na lang ako. Baka magtaka ang mga kasama ko
kung bakit naiba ang suot ko." tinaasan nya ako ng kilay kaya naman napasunod na
lang ako.

"Anong nangyari sa mukha ni Jade?" rinig kong tanong ni Chelsea bago ako tuluyan
makapasok ng kwarto ni Paris. Hindi ko na pinakinggan pa sila.

Kumuha lang ako ng tshirt sa cabinet ni Paris. Susuotin ko na lang ulit ang
pantalon ko para naman hindi sila masyadong magtaka. Tumingin ako sa salamin ng
banyo ni Paris. Hindi naman sobrang ube pero halatang nasapak ako ng isang lalaki.

Topak talaga ang Patrick na yon para makasapak ng isang babae. Sure nauna akong
manapak sa kanya at sinipa rin ang ari nya pero masyado nyang hina-harass si Paris.
Deserve nya yon. Gawin nya ulit yon at siguradong sisirain ko ang ari nya para
hindi na sya makapag-harass pa.

"Jade?" lumingon ako sa pintuan.

"Wait lang!" agad kong hinubad ang damit ko para makaligo na. "Susunod ako!"

"Bilisan mo, dumating na ang pagkain. Mauubusan ka." sabi nya.

Oh shit. Nag-order pa naman ako ng para samin lang tapos dadating ang limang yon.
Dali-dali akong naligo pero sigurado kong sinabon ko ng maigi ang mukha ko dahil sa
tadtad na halik nila Cess. Gusto kong pagselosahin si Paris pero hindi kanila Cess.
May mangyayari sakin na hindi ko gusto.

"Kakasagot lang ni Jade kay Paris kahapon, wag mo ngang bigyan ng problema itong si
Paris." patungo na sana ko ng kusina nung marinig ko ang sinabi ni Ino.
"Eh totoong may gusto yon kay Jade. Lalaki pa. Paano kapag nagbago isip ni Jade?
Nag-aalala lang naman ako kay Paris." sagot ni Cess.

"Hindi magbabago ang isip ni Jade." seryosong sabi ni Paris.

"Ikaw ang bahala. Bantayan mo lang yang si Jade o kaya mas lalo mo syang pa-
inlovehin para hindi sya mahulog sa lalaking yon. Madalas pa naman sila magkita."
sabi ni Cess at inisip ko naman kung sino ang madalas kong kasama at sinasabi nyang
may gusto sakin.

Meron ba? parang wala naman.

-------------------------------------------

        Chapter 33 [Mi Amore Series#2: My Hot Pre...]

      

Jade's POV

Pagkatapos ng shift ko ay pumunta ako kanila Fin para bisitahin si Michael ron.
Lagi ko naman kinakamusta ito pero ilang araw ko na rin hindi sya na pupuntahan
kaya titignan ko ito bago pa umuwi ang mga magulang namin bukas. Nagpaalam na muna
ako kay Paris bago ako umalis. Sigurado kasing late na ako makakasundo sa kanya
dahil kanila Tita. Mag-iinuman kami mamaya kaya babalik pa ako sa kanya. Pinahiram
rin ako ni Paris ng sasakyan dahil medyo malayo ang bahay nila Fin. Since malapit
lang condo nya ay lalakarin na lang nya ito. Ayoko sanang pumayag dahil baka may
mangyaring masama sa kanya pero sumingit si Carla na ihahatid nya si Paris para
hindi ako mag-alala. Pinagkatiwala ko na lang si Carla sa kanya at ginamit ang
sasakyan nya.

Papasok na ako ng subdivision kung saan nakatira sila Fin nung makita ko ang apat
na naglalakad na mukhang kakauwi lang. Bumisa na ako sa kanila at tumigil sa gilid
nila.

"Hop in. Malayo pa lalakarin ninyo." sabi ko.

"Kaninong sasakyan yan?" tanong ni Michael at tatlo silang pumasok sa backseat.


Kung wala si Jellal siguradong ginawa nila akong driver.

"Kay Paris 'to. Bakit ngayon lang kayo umuwi?" tanong ko sa kanila. Saglit akong
lumingon kay Jellal tapos sa rear mirror para sa tatlong lalaking nasa likuran.

"Kumain pa kami sa labas." sagot ni Fynch. "May tira kaming burger, gusto mo?"
inabot nya sakin ang burger. Tinanggap ko yon at iniligay sa hita ko.

"Mag-oovernight ba kayo?" tanong ko pa. Nakakasura rin ang mga 'to. Pinakakawawa sa
kanila si Fynch dahil tatlong kaibigan nya puro matitipid magsalita.

"Madalas tuwing Friday ay nag-oovernight kami." sagot ni Jellal.

"Oh? hindi ko napapansin na wala si Michael sa bahay." sabi ko sabay tingin kay
Michael saglit.

"Lagi ka naman late umuuwi." sagot naman ng kapatid ko.

"Sabi ko nga." totoo naman, madalas diretso na agad ako ng bar.

Nakarating kami sa bahay nila Fin. Naunang bumaba yung apat na pinagbuksan ako ng
gate. Mabuti na lang talaga mabait si Fynch kahit na minsan ay loko-loko at
hinintay nyang makapasok ang gate bago nya isara. Yung tatlo kasi naunang pumasok
sa loob.

"Si Fin po, Tita?" tanong ko kay Tita Fiona nung pumasok ako sa loob.

"Hindi pa umuuwi. Mamaya pa yon dahil susunduin pa si Rose." sagot naman nito.
Hawak-hawak nito ang tiyan nya. Malapit na rin kasi ito manganak.

"Legend, pakuha ng juice ah!" sigaw ni Fynch. Nag-aayos na silang tatlo sa sala ng
PS4 habang si Alamat ay tumungo sa kusina.

"Ako rin!" habol ko. Nagtungo ako sa tabi ni Jellal. "Hindi ka ba nalulungkot na
puro lalaki kasama mo?" tanong ko. Alam ko wala syang ibang kaibigan bukod sa tatlo
at kay Victor na minsan sumasama sa kanila. Mas matanda ng dalawang taon ang apat
kay Victor at walang kasamang kaedaran si Victory sa pamilya namin kaya sumasama
sya kanila Michael.
"Mas okay pa silang kasama kaysa sa mga gusto lang mapalapit sakin dahil sa tatlong
yan." sabi nya. "Lalaki nga pero alam ko naman na hindi nila ako papabayaan."

"True." sabi ko. "Bakit pala hindi ninyo kasama si Victor?"

"May family dinner daw sila kaya hindi sya makakasama." sagot nya.

Wait, kung may family dinner sila paano kami mag-iinuman nito kung wala si Veron?
Agad kong tinanong si Veron sa group chat namin. Hindi lang ako yung nagbahala pati
si Fin na hindi pwedeng hindi kami iinom ngayon. Hindi naman sya stress sa trabaho
pero gusto nitong mag-unwind sa dami ng ginagawa nya. Maging CEO ka ba naman.

"Sup!" tumingin ako sa pintuan. Speaking of the devil.

"President na president tayo ah." panunukso ko. Ngayon ko lang sya makitang naka-
office attire. Kapag nagkikita kasi kami ay naka-casual clothes sya. 

"Syempre." nag-flip pa sya ng buhok nya. "Aba, nandito na naman kayo." sabi nya sa
apat. "Baka naman doon naman kayo kanila Jade o Alamat mag-overnight."

"Kapag samin, makikisali pa ang triplets at si Leaf." sabi ni Alamat. Mabuti naman
kinuhaan nya rin ako ng juice.

"Walang tao ngayon sa bahay. Nakalimutan mo na?" sabi ko at uminom.

"Kanila Jellal?" naupo naman si Fin sa tabi ni Michael.

"Ayaw ni Mommy ng maingay." sagot ni Jellal.

"Nako, mukhang katulad mo ang bunso ninyo." sabi ko. Kwento ni Tita Kelly, habang
pinagbubuntis nya si Jellal ay madali itong mairita sa ingay. Lagi nga daw may
takip sa bibig si Tito Gerald eh. Kaya ganito na lang ito katahimik si Jellal at
minsan ayaw ng maingay. Sanay lang sya sa tatlo kaya lagi nya ito kasama.

"Anong oras na tayo mag-iinom?" tanong ni Fin. Tumingin ako sa group chat namin.
Bago pa ako makasagot ay nabasa na nya yung chinat ni Veron na susunod na lang sya.
"Ah maganda 'to makakarami tayo." napailing na lang ako.

Nagpaalam itong magbibihis na muna sya. Sumunod ako sa kanya. Pinanood ko si Fin na
magbihis sa harapan ko. Sanay na kaming ganito kaya wala lang sa kanya yon.

"May problema ba?" tanong ko. Nag-iba kasi ang mood nya pagkapasok nya ng kwarto.
Tila pagod na pagod na sya.
Narinig ko syang bumuntong hininga. "Hindi ko na alam ang gagawin ko, Jade."
nahihirapan na sabi nya. Lumapit ako sa kanya at niyakap sya. Naiiyak na naman sya.

"Magiging ayos rin ang lahat." pag-aalo ko. Papapikit ako dahil umiyak na sya ng
tuluyan sa balikat ko. Hinayaan ko syang ilabas ang hinanakit nya.

Dapat celebration namin ni Paris ang inuman dahil naging kami na at kasali na daw
ako sa grupo nila Fin pero mukhang dadamayan namin ang pusong sawi ni Fin.

Bakit kasi ang saklap ni Fin pagdating sa pag-ibig? Sya itong pinakaseryoso at
hinihiling lang maging masaya kapaling ng taong gusto nya tapos ito ang palaging
nasasaktan. Parang tuloy syang si Gia pero si Gia masyadong patay na patay sa taong
niloloko sya kaya palaging nasasaktan. Parehas silang kawawa sa pag-ibig.

Pagkatapos namin kumain ay nauna na akong umalis kay Fin dahil pupuntahan ko pa si
Paris. Kanina pa sya nakauwi at nakakain na daw sya. Maliligo lang ako saglit at
aalis na kami. Suot ko pa rin ang damit na pinangpasok ko. Pagkarating ko sa unit
ni Paris ay nagtaka ako kung bakit nasa sala si kaliwa na preteng nakaupo.

"Anong ginagawa mo rito?" takang tanong ko. Lumingon sya sakin.

"Ewan ko kay maid. Dinala nya lang rin ako dito. Nasa loob silang dalawa ni Paris."
sabi nya habang nakaturo ang hinlalaki sa kwarto ni Paris.

"Bakit kaya." sabi ko at nagtungo sa kwarto ni Paris. Kumatok muna ako. "Nissan,
Paris, pwede ba akong pumasok?"

"Wait lang!" narinig kong sigaw ni Nissan. Maya-maya ay bumukas ang pintuan pero
sumilip lang si Nissan. "Hindi pa kami tapos. May kailangan ka ba sa loob? Kung
wala, hintayin na lang nyo kami sa sala." nagtataka ako kung anong ginagawa nila.

"Maliligo sana ako. Kanina ko pa ito suot eh." sabi ko.

"Maligo ka na lang sa may kusina." rinig kong sabi ni Paris sa loob. Sinilip ko sya
pero hinarangan ni Nissan. Lalo tuloy akong nagtaka.

"Jade, surprise 'to kaya mamaya mo na hanapin si Paris. Ikukuha kita ng damit mo,
sa kusina ka na lang daw maligo." pagkasabi nya ay sinara nya ang pintuan.

Naguguluhan na nilingon ko naman si kaliwa. Nakitbitbalikat lang ito sakin. Anong


pinaggagawa nila?

Maya-maya lang ay muling bumukas ang pinto pero konti lang. Ibinigay sakin ni
Nissan ang nakuha nyang damit ko. Hindi ko alam kung sinong pumili sa kanilang
dalawa pero mabuti na lang ay pants at tshirt ang pinili nila. Agad na akong naligo
sa banyo ng kusina. Mabilis lang rin akong natapos sa paliligo ko at pagkatapos ko
ay saktong lumabas ng kwarto si Nissan.

"Wow, naka-dress." nakangiting sabi ko. Pero hindi formal dress suot nya. Naka-wrap
mini dress features spaghetti straps and an exposed back for a touch of sexy.
Nilingon ko si kaliwa. "Buti pinayagan mo?" tanong ko.

"Kung alam mo lang na ilang beses ko sya pinilit na magpalit." may inis na sabi ni
kaliwa.

"Minsan lang naman ako magsuot ng ganito eh." nakangusong sabi ni Nissan.

"Whatever! Kapag ako napaaway, wag mo akong sisisihin." sabi ni kaliwa. Natawa
naman ako.

"Don't worry, hindi lang ikaw yung mapapaaway kung sakali." nakangiting sabi ni
Nissan. Nagtataka naman ako at bago pa ako makapagtanong ay lumabas si Paris.

Napanganga ako. Sobrang napanganga sa suot ni Paris ngayon. Nakasuot sya ng ruched
satin dress. Above the knee na nga pero yung kaliwang side naman ng hita nya ay
tumaas pa ng konti ang  dress dahil drawstring nito.

"Paris, turn around." nakangiting pag-uutos ni Nissan.

Tumalikod si Paris at napanganga na naman ako dahil crisscross backless ito. Kitang
kita tuloy ang tattoo nito. Pero naakit ako nung lumingon ito sakin habang
nakatalikod sya. Napalunok ako kung paano nya ako titigan.

"So? Let's go!" masayang sabi ni Nissan.

"Wait!" pagpipigil ko. Hinawakan ko pa si Nissan na palapit sana kay kaliwa. "No
way na papayag akong ganyan ang suot ni Paris! Masyadong...sexy!" sabi ko. Naramdam
ko ang pamumula ang mukha ko. Humarap na sakin si Paris.

"Parehas talaga kayo ni Left. Minsan lang 'to lalong sobrang dalang mag-dress ni
Paris." sabi ni Nissan. "Sure naman akong gusto mo makita naka-dress si Paris."
dagdag nya pa na may ngiting pilya. Hindi mo talaga ma-imagine na dating tahimik at
mahinhin na Nissan ay ganitong kapilya.

"Oo pero sobrang sexy naman ng suot ni Paris." sabi ko.

"Hayaan mo na! Late na tayo." sabi nya sabay nilagpasan ako.

Tumingin ako kay Paris para lang mapalunok. Titig na titig ito sakin. Bumuntong
hininga ako.
"Mapapaaway talaga ako." sabi ko at hinapit sya sakin. "You're so hot." bulong ko
sa kanya.

"Mamaya na yan!" sigaw ni kaliwa.

Napailing na lang ako. Lumapit na kami sa kanila. Inalalayan ko sa likod si Paris.


Minsan hinahaplos ng hinlalaki ko ang likod nya. Napapalingon sakin si Paris pero
wala syang sinasabi.

"Nandon na si Gia." sabi ni kaliwa habang nakatingin sa cellphone nya. Nakakawit sa


isang kamay nya si Nissan. Nag-aabang kami ng elevator. 

"May problema si Fin. Baka hindi celebration namin ni Paris ito." sabi ko.

"Anong problema ni Fin?" tanong ni Nissan.

"Problema sa puso." iling na sagot ko. Kanina sa hapagkainan, namumula ang mga mata
ni Fin sa pag-iyak pero walang nagtanong sa kanya. Paniguradong kakausapin sya ng
mga magulang nya kung ano nangyari.

"Bakit?" takang tanong ni kaliwa. "Kay Ms. Dani o kay Rose?"

"Both." sagot ko.

Bumuntong hininga si kaliwa. "Bakit ang malas nilang dalawa ni Gia pagdating sa
pag-ibig? Yung isa tanga, yung isa malas talaga." pumasok kaming apat sa elevator.
May dalawang lalaki ang nakasakay.

Pinapunta ko sa harapan ko si Paris para hindi sya masyadong mabosohan. Ganon rin
ginawa ni kaliwa kay Nissan. Nanahimik lang kami sa loob ng elevator. Parehas kami
ni kaliwa na iniingatan ang dalawa sa dalawang lalaking nasa likuran namin.
Tumingin ako sa reflection ng salamin. Napasimangot ako nung nakatingin sa hita ni
Paris yung lalaking nasa likuran ni kaliwa. Gusto ko syang sawayin pero pinipigilan
ko ni Paris gamit ang pagpisil sa kamay ko.

Mabuti na lang ay wala ng sumakay sa ibang floor kaya diretso agad sa ground floor.
Lumabas yung dalawa na nagawa pang tumingin kanila Paris.

"Bwiset yon." sabi ko pagkasara ng elevator.

"Chill." sabi ni Paris. Nakasimangot lang ako.

Pagkarating sa parking lot ay lumabas na kami. May sariling dalang sasakyan sila
kaliwa kaya hiwalay pa kaming aalis.
"Kita mo, wala pa tayo sa bar pero marami ng tumitingin sayo." sabi ko.

"Chill okay?" sabi nya na hinawakan pa ang hita ko. "Come here." hinawakan nya ang
pisngi ko at sya na mismo ang lumapit para halikan ako sa labi. Magtatagal pa sana
yon kung hindi lang bumisa si kaliwa na napadaan ang sasakyan samin. Tumigil pa sya
sa harapan. Nag-sign ito na umalis na kami.

"Kainis, bitin ako eh." sabi ko at ini-start ang engine. Hindi pa umalis si kaliwa
na hindi ko pinapaandar ang sasakyan. Naninigurado talaga 'to.

"We can continue later, Jade. Wag ka na sumimangot dyan." sabi ni Paris.

"Mamaya ah." paninigurado ko. Kinuha ko ang kamay nya at hinalikan ang likod ng
palad nito habang nasa daan pa rin ang tingin. "Labas tayo bukas after kong i-check
ang shop." sabi ko at lumingon sa kanya saglit.

"Sure." ngumiti ako sa kanya at nag-focus na sa pagdri-drive. Hindi ko inalis ang


pagkahawak sa kamay nya pero paminsan kapag kailangan ay binibitawan ko pero
hahawakan ko rin agad.

Nakarating kami ng bar ni Veron. Hinanap namin si Gia at nung makita namin ay
kasama na nya si Fin. Nakangiti itong sumalubong samin.

"Kamusta puso?" bungad ni kaliwa sa kanya. Nawala naman ang ngiti ni Fin.

"Left." saway ni Nissan.

"Dadamayan ninyo ako kaysa mag-celebrate ng pagkasagot ni Jade kay Paris?" tanong
ni Fin.

"Wag mo kaming isipin, Fin. Kailangan mong ilabas ang problema mo." sabi ko.

"Fine. Sabi ninyo eh pero habang wala pa si Veron ay mag-enjoy muna tayo, okay?"
nakangiting sabi ni Fin pero halatang pilit lang.

"Sexy natin ah?" pagsasakay ni Gia sa gusto ni Fin.

"Ikaw rin. Mabuti na lang nag-dress ka rin. Ayaw kaming pag-dressan ng dalawang 'to
eh." sabi ni Nissan. Naupo na kami.

Naka-dress rin si Gia pero hindi naman sobrang daring ng kanya kaysa dalawa. Above
the knee rin kay Gia at ang sexy nyang tignan pero sabi ko nga, hindi daring suot
nya. Mas nakakaagaw pansin ang dalawang 'to.
Lamang kaming tatlo nila Fin ay naka-pants. Naka-tshirt lang ako habang yung dalawa
may suot pang leather jacket.

Inabutan ako ni Paris ng inumin. Hindi ko alam kung ano ang inabot nya kaya ininom
ko lang.

"Wag kang magpapakalasing." bulong sa tainga kong sabi ni Paris.

"Hindi ko alam. Last time na nasaktan ng ganito si Fin, ako yung palagi nyang
binibigyan ng shot. Ang hirap tanggihan eh." sabi ko.

"Okay. Wag ka na munang uminom ngayon kung lalasingin ka pala ni Fin mamaya." sabi
nya at kinuha ang bose. Tumango ako.

"Let's go, girls. Sayaw tayo!" pag-aaya ni Gia.

"No, thanks!" sabi ni kaliwa.

"Hindi naman kita inaaya. Si Nissan at Paris inaaya ko." sabi ni Gia.

"Hindi pwede." sabay na sabi namin ni kaliwa. Natawa naman si Fin.

"Wag kayong kj, hindi kami pababayaan ni Gia." sabi ni Nissan at tumayo. Hinila nya
rin patayo si Paris.

"Paris/maid." sabay na naman na tawag namin sa dalawa.

"Just five minutes, please?" sabi ni Paris. Napanguso naman ako.

"Pakawalan ninyo jowa ninyo kahit ilang minuto lang." natatawang sabi ni Fin.

"Palib-"

"Left, please? ilang minuto lang naman eh." pagpuputol ni Nissan sa sasabihin ni
kaliwa na siguradong ikakasakit ng damdamin ni Fin. Sira talaga 'tong si kaliwa.

"Fine." pagsusuko ni kaliwa. Umalis na silang tatlo patungo sa dance floor. Ang
dami agad nakatingin sa kanila.

"Ang swerte ninyo sa dalawa." nakangiting sabi ni Fin.


"Wag kang ngumiti kung pilit lang." inis na sabi ni kaliwa. "Ilabas mo lang, Fin."

"Sana si Paris talaga ang nauna kong nakilala kaysa kay Rose." hindi pagpapansin na
sabi ni Fin.

Napaisip naman ako kung paano pala kung naunang nakilala ni Fin si Paris? Hindi
naman ako makikipag-agaw sa kanya kung sakali at siguradong straight pa rin ako
kung ganon. Kaya lang naman ako naging ganito dahil kay Paris.

"Sure akong magiging kayo ni Paris." sabi ni kaliwa na ikinasimangot ko. "What?"
natatawang sabi nya.

"For sure, mas maganda pa ako kay Jade eh." pagsasakay naman ni Fin.

"Siraulo, ang panget nyo!" sabi ko at binato sya ng  sliced lemon sa baso na
binigay sakin kanina ni Paris.

"Gagu ka." sabi nya pero natatawang inalis nya yung sliced lemon. "Nag-ano na ba
kayo ni Paris? Hindi ka na ba virgin?" tanong nya na ikamula ng mukha ko. Dim light
naman sa loob ng bar kaya hindi nila mapapansin ang pamumula ng mukha ko.

"Sila na kaya sigurado yan." sabi ni kaliwa. Kung alam lang nila na bago pa maging
kami ay may nangyari na.

"Kayo ba?" tanong ko.

"Nawala na pagka-graduate natin." sagot ni kaliwa. "My god, hindi ko talaga


makakalimutan kung paano kaatat si maid." natawa kaming parehas ni Fin.

"Bot!" pang-aasar ni Fin.

"Shut up!" sigaw ni kaliwa kaya mas lalo kaming natawa at inasar sya.

"Sinong bot?" tanong ni Veron na bagong dati. "Sorry, late." naupo sya sa tabi ni
Fin. "Nasaan sila Gia?" luminga pa ito sa paligid.

"Sumasayaw." sagot ko.

"Kamusta buhay may girlfriend?" ngiting tanong nya sabay kuha ng baso ni Gia at
ininom. "Ikaw ba sinasabihan na bot?"

"Hindi ah. Si kaliwa." sabi ko.


"Bakit hindi ka bot?" tanong ni kaliwa.

"Samin ni Paris, give and take kami kaya pwede kaming mag-dominant at hindi." sagot
ko.

"Mapapasana all si kaliwa nyan." tuloy na pang-aasar ni Fin.

"Siraulo." natawa kaming tatlo. Hindi maka-rebat itong si kaliwa. Aakalain mo nga
naman na kung sino pa bossy sya pa ang under pagdating sa make love. Kawawang
kaliwa.

Bumalik rin yung tatlo pagkatapos sumayaw. Hindi na muna namin inisip ang problema
ni Fin at nag-enjoy na muna pero nung nakakarami na ay doon na nagsimulang ilabas
ni Fin ang hinanakit nya. Nakikinig lang kami sa kanya pero ako madalas nagta-take
ng shot na binibigay ni Fin. Ewan ko ba rito kay Fin at ako lang binibigyan nya ng
shot. Nalalasing tuloy ako.

Natigilan lang nung panay na ang iyak ni Fin. Inaalo sya ni Veron at Gia. Malungkot
lang kami nakatingin sa kanya. Ang saklap lang ang nangyari kay Fin. Sya ang
pinakakawawa kahit na wala naman syang ginagawang masama. Nagmamahal naman sya ng
totoo pero ito nasasaktan sya.

"Let's go." sabi ni Paris. Inalalayan nya akong tumayo. Naisipan na namin umuwi
nung makatulog si Fin sa kakaiyak.

Si Gia na ang bahala kay Fin. Sa condo na lang ni Fin sila matutulog na dalawa
dahil malapit lang iyon dito. Sasabay naman si Veron kanila kaliwa.

"Okay ka pa?" tanong ni Paris pagka-seatbelt nya sakin. Hinaplusan nya ang pisngi
ko. "Sleep. Bubuhatin na lang kita pagkarating natin don."

"Nah. Naka-heels ka." sabi ko. "Gisingin mo ako kapag nakatulog ako. Kaya ko pa
naman." sabi ko kahit na medyo nahihilo ako. Ipinikit ko na lang ang mga mata ko.
"Paris, gisingin mo ako. Okay?"

"Okay." sabi nya at naramadaman ko na lang na hinalikan nya ako sa labi.

Pero hindi nya ginawa. Namulat ako na nasa higaan na ako. Nakangusong tinignan ko
si Paris na nakatalikod at nag-aalis ng damit. Napalunok naman ako lalo na nahulog
na sa sahig yung dress nya. Naka-underwear na lang sya. Napansin nya atang
nakatingin ako sa kanya kaya lumingon sya sakin.

"You okay?" tanong nito at lumapit. Hindi ba sya naa-awkwardan na naka-underwear


lang sya? kasi ako oo kahit pa girlfriend ko sya.
"Ma-magbihis ka na." sabi ko at iniwas ang tingin sa katawan nya.

"Maliligo lang ako. Gusto mong sumama?" nang-aakit na pag-aaya nya.

"Na-naligo na ako kanina." sabi ko.

"Ikaw ang bahala." sabi nya at naglakad na papunta sa banyo. Tumigil sya sa pintuan
at tumingin sakin. Ngumiti pa sya bago tuluyan pumasok sa loob.

"I changed my mind." sabi ko at agad tumayo. Naglakad ako papunta sa banyo at nung
bubuksan ko na ang pinto ay nakasarado ito. "What the? Paris bakit naka-lock ang
pinto?!" sigaw ko.

"Akala ko ba ayaw mo?" rinig kong sabi nya sa loob. Tumutulo na rin ang tubig sa
loob pero nahimigan ko pa rin ang pang-aasar nya.

"Paris naman eh! Sabi mo kanina, later!" sabi ko at pilit na binubuksan ang pinto
pero naka-lock talaga.

"Matulog ka na. May lakad pa tayo bukas." sabi nya. Napasimangot ako.

"Paris naman eh!" maktol ko.

Nanahimik sya pero nakabukas yung shower. Maya-maya ay bumukas ang pinto.
Nakasimangot ako sa harap nya pero nung makitang wala sayang saplot at basang basa
ng tubig ay nawala ako sa sarili.

"Come on." sabi nya at hinila ako papasok sa loob ng banyo.

Agad ko syang hinalikan sa labi. Bigla akong nasabik pagkakita ko sa katawan nya.
Makakita ka ba naman kasing sexy at hot ni Paris hindi ka masasabik? Ang swerte ko
talaga na si Paris ang girlfriend ko. Matalino na may pagkamasungit madalas ay ayos
lang. Hindi ko napapakawalan pa ang taong 'to. Sakin lang sya.

----------------------------------------------

A/N: Triny ko na simulan ang kwento ni Fin pero priority ko pa rin ito.
        Chapter 34 [Mi Amore Series#2: My Hot Pre...]

      

Paris POV

Mas maaga akong nagising kay Jade. Napangiti ako nung makita itong nakabuka ang
bibig at may konting hilik. Hinalikan ko sya sa noo bago tumayo. Dumiretso ako sa
banyo para maligo. Naligo ako kagabi pero gusto kong maligo ulit dahil may nangyari
samin ni Jade. May lakad kami ngayon kaya kailangan kong alisin ang amoy.

Pagkatapos kong maligo ay nagsuot lang ako ng malaking tshirt at underwear. Lumabas
ako ng kwarto at tumungo sa kusina para magluto ng almusal namin. Dahil malakas
kumain si Jade ay nagsaing ako ng kanin. Iniwan ko muna ito at bumalik sa kwarto.
Kinuha ko ang mga madudumi naming damit at iniligay sa liligyan ng mga maduduming
damit. Tumingin ako kay Jade na natutulog pa rin.

Hindi ko alam kung may hangover pa ba sya pagkagising nya dahil nalasing sya kagabi
pero nagawa nyang manatili hanggang alas tres ng umaga kaya baka hindi na sumakit
ang ulo nya. But just in case ay kumuha ako ng gamot at tubig. Iniligay ko yon sa
ibabaw ng drawer tsaka ako bumalik sa kusina.

Paluto na ang kanin kaya naman nagluto na ako ng uulamin ni Jade. Nagluto lang ako
ng uulamin nyang itlog at spam. Nagluto ako ng pancakes para sakin pero sinubrahan
ko dahil alam kong kakain si Jade. Naghiwa rin ako ng saging at naghugas ng mga
strawberry.

"Morning." napalingon ako sa likuran. Nakita ko si Jade na hawak-hawak ang ulo.


"Kape, babe please?" pagmamakaawa nya. Napailing ako at agad syang ginawan ng kape.

"Ininom mo ba yung gamot sa ibabaw ng drawer?" tanong ko. Hindi ko sya narinig
sumagot kaya nilingon ko ito. Napakipit ang mga mata nyang nakasubsob sa lamesa.
Lumapit ako sa kanya at nilapag sa harap nya ang kape.

"Ininom ko." umupo sya ng maayos at humigop ng kape.

Bumalik ako sa counter at kinuha ang mga niluto ko. Inihanda ko na lahat ng pagkain
sa lamesa at naupo sa harapan nya. Tila nawala ng konti ang sakit ng ulo nya at
magana na syang kumain.

 "Alis tayo mga alas nueve. Cuddle muna tayo." napataas ang kilay ko at napailing
na lang.
Kumain ako ng pancakes. Hindi ako kumakain ng rice sa breakfast. Si Jade, panay
kain ng kanin. Nakakadalawang sandok na sya ng kanin. Hindi mo talaga iisipin na
malakas kumain si Jade sa sexy nyang katawan.

"Sarap!" sabi nya pagkaubos nya ng pancakes na hindi ko na naubos. Sya ang sumimot
ng lahat ng pagkain. Masama daw na nagtitira ng pagkain kaya sinimot nya talaga
lahat. "Maliligo lang ako." tumango ako sa kanya.

Nagligpit na ang pinagkainan namin at hinugasan. Nagulat ako nung may yumakap sa
likuran ko at hinalikan ko sa pisngi.

"Good morning kiss ko." sabi nya sabay takbo paalis. Ngiting napailing ako.

Pagkatapos kong maglinis ng kusina ay agad akong pumunta sa kwarto. Tapos na rin
maligo si Jade at nagpapatuyo na lang ng buhok.

"Tumawag ko kanila Mama. Ngayon na kasi uwi nila galing bakasyon. Sabi ko dito na
lang ako titira sayo." napakunot ang noo ko pero masaya ako na naisip nyang tumira
rito.

"Ano sabi nila?" kinuha ko ang blower at ako mismo nagpatuyo ng buhok nya.

"Pumayag sila. Matagal na daw nila akong gustong palayasin. Kainis ang mga yon.
Nagkaroon lang sila ng bagong baby, tinatakwil na agad ako." himutok nya na.

"Hindi ka na kasi ang prinsesa nila." sabi ko. Nakwento sakin ni Tita Jo na kahit
hindi nila naspo-spoiled si Jade dahil ayaw ni Jade ng ganon, sya pa rin ang
pinakapaborito nilang anak dahil babae. Ang weird nga dahil last year ay dumedede
pa rin ito pero yung gatas naman nya yung pang-adult. Nasa bote lang ito umiinom.
Si Jade talaga ang pinaka-weird na nakilala ko.

"Kainis sila." nakangusong sabi nya. "Pero ayos na rin dahil agad silang pumayag na
dito ako tumira."

"Bakit? pumayag ba ako na dito ka titira?" gusto ko lang syang asarin. Ang cute nya
lang tignan kapag nakasimangot at nakanguso sya.

"Ayaw mo?" tilang batang humarap sya sakin.

"Silly." hinalikan ko sya sa pisngi. "Mas gusto ko na nandito ka kahit na maubos pa


ang stocks natin." sabi ko pero nakasimangot pa rin sya dahil sa sinabi ko.

"Mamimili na ako bukas." sabi nya pero nakasimangot pa rin. "Pero hindi ba pagbalik
rin ng mga magulang mo babalik ka sa inyo?" tanong nya.
"Kapag nalaman nilang kasama na kita rito, hahayaan na nila ako. Dadalaw dalaw na
lang ako sa kanila." sagot ko.

"So magkakasama na talaga tayo?" ngayon ay nakangiti sya.

"Yes." sabi ko at hinalikan sya sa labi. "Doon tayo sa higaan." pag-aaya ko dahil
tuyo na ang buhok nya.

"Babe, mamayang gabi na ulit. May lakad tayo ngayon." sabi nya habang tinatakpan
ang katawan nya. Sinamaan ko sya ng tingin.

"Sating dalawa, ikaw yung hayok dyan." sabi ko. Iniwanan ko na sya ron at nahiga sa
higaan.

"Gusto mo rin kaya." inirapan ko na lang ito. Mabuti na lang na wala kaming ibang
kasama. "Wala kang trabaho?" tanong nito at lumapit sakin.

"Wala." pinanood ko syang nahiga sa kama at niyakap ako. Pinagmasdan ko ang mukha
nyang nakatitig rin sakin.

Si Jade ang tipong madali mong mabasa. Halata sa mukha nya kung ano ang iniisip
nito. Pabago bago rin ang mood nya. Madalas syang masayahin. Minsan isip bata at
weird pero kapag nagseryoso sya ay ang sexy at ang cool nyang tignan. Halos
magkasalubong ang dalawang kilay nya kapag may bagay syang hindi maintindihan at
para syang tanga kapag ang slow nya. Manhid sya kapag may nagkakagusto sa kanya
pero ang dali nyang maka-pick up sa ibang tao. Literal na weird ang isang 'to.

"Ganda ko 'no?" tinignan ko lang si Jade sa sinabi nya. "Aminin mo na 'to naman.
Minsan lang mapuri eh." kinurot ko ang ilong nya.

"Wag mong hingin na puriin ka. Hayaan mo silang magsabi. Masakit pa ba ulo mo?"
tanong ko.

"Hindi na pero inaantok ako. Pinagod mo ako kagabi." ngising sabi nya. Tinaasan ko
sya ng kilay. "Bukas na lang tayo mag-date. Dito na lang tayo." sabi nya.

"Magtratrabaho ako bukas." pwede naman akong hindi magtrabaho bukas. Gusto ko lang
makita ang pagpupumilit nyang wag akong magtrabaho.

"Babe naman eh." nakabusangot na sabi nya. Palihim akong napapangiti kapag
tinatawag nya akong babe. It's a common call sign but I love it lalo na kapag si
Jade nagsabi. "Ngayon ka na lang magtrabaho." napataas ang kilay ko. "Magcu-cuddle
na lang ako sayo habang nagtratrabaho ka."

"No, it's okay. Inaasar lang kita kanina." sabi ko. Hindi madali mapikon ang isang
'to. Mapipikon o maiinis pero saglit lang.

"Nice! Sleep ulit tayo. Inaantok talaga ako." nakangusong sabi nya at halos
umibabaw na sya sakin dahil sa pagyakap nya. Ang dali talaga nitong kausap.
Hinalikan ko ito sa buhok tsaka rin natulog.

Kinabukasan ay maaga kaming pumunta sa shop nya. Nilibot ko ang buong shop na hindi
ko nagawa nung pumupunta ako rito. Sobrang daming computer at may ilan-ilan rin ang
naglalaro kahit na maaga pa. Twenty four hours ang bukas ng shop siguradong kanina
pa ang mga 'to.

Bumaba ako nung malibot ko at tignan ang third floor. Lumingon ako kay Jade at
napakunot ang noo ko dahil nakita ko si Sean na masayang nakikipag-usap kay Jade na
masaya rin na kausap si Sean. Nasa loob ng counter si Jade habang nasa harapan si
Sean.

Pinanood ko muna sila mag-usap. Chinecheck ko kung seryoso ba sila Cess na may
gusto ba si Sean kay Jade. Hindi ko naman sila madalas makitang magkasama kaya
paanong magkakagusto si Sean kay Jade? sa pagkakaalam ko ay patay na patay si Sean
kay Left pero hindi ko sya masisisi kung talagang may gusto sya kay Jade. Happy go
lucky si Jade. Hindi mo makikitang may problema sya.

"May lakad ka ba ngayon? Last time tinanggihan mo ako." sabi ni Sean. Doon ko na
napansin na talagang may gusto sya.

"Aww, may lakad ako ngayon. Sorry, next time na lang ah? Girlfriend duty eh." sagot
ni Jade.

"Girlfriend duty? may boyfriend ka na?" halatang gulat na tanong ni Sean.

"Girlfriend. Remember, Paris? Student Council President ni Mama? Sya ang girlfriend
ko." nakangiting sabi ni Jade. Napailing ako. Manhid talaga ang isang 'to.

"Ohh. Akala ko straight ka." natatawang sabi ni Sean pero halatang pilit. Halatang
nasaktan at hindi iyon napansin ni Jade.

"Akala ko rin pero sobrang ganda ni Paris kahit na palagi syang nagsusungit."
nakangiting pa rin na sabi ni Jade. I feel sorry for Sean. Sarap sapakin ni Jade
minsan.

"Yeah, she's pretty." nahihimigan ko ang sakit at lungkot sa boses ni Sean. "Kailan
pa naging kayo?"

"Nung Tuesday lang." sagot ni Jade at tumingin sa computer. "Next time na lang tayo
lumabas, Sean. Maybe next week?" sabay lingon nya ulit kay Sean pero saglit lang.
"Sure." nawala ang ngiti nya dahil hindi nakatingin sa kanya si Jade.

Lumapit na ako sa kanila at unang nakapansin sakin si Sean. Kitang-kita sa mga mata
nya ang sakit.

"Can we talk?" tanong ko sa kanya. Mula sa peripheral vision ko ay nakita kong


lumingon samin si Jade.

"Yeah. Labas lang kami, Jade." paalam nya kay Jade.

"Okay, kapag sa coffee shop kayo mag-usap pabili ng kape at cake ah? Thanks!"
napailing kaming parehas ni Sean sa kanya. Nagawa nya pang mang-utos.

Lumabas na kami ni Sean at tumungo sa katabing coffee shop. Umorder si Sean pero
sinabi ko na wag nya na akong bilhan dahil okay lang ako at nakapag-kape na rin
kanina. Hindi na muna sya bumili ng pang kay Jade.

"Narinig mo kami." hindi iyon tanong. Nakayuko ito na nakatingin sa binili nyang
cappucino. "Gusto ko si Jade. Sa kanya ko nagawang umibig ulit pagkatapos kong
masaktan kay Yumi." napaisip naman ako kung sinong Yumi. "Left. Ako lang tumatawag
sa kanyang Yumi." nakangiting sabi nya nung makita nyang nagtataka ako.

"You're too late. Siguro kung matagal ka ng umamin baka piliin ka nya kaysa sakin."
kahit na in denial sya, kung talagang pinipilit nyang straight sya, sasagutin nya
si Sean.

"We're not sure." nakangiting pilit nyang sabi. "Madalas ko syang makitang
tumitingin sayo kaya malilito lang sya kapag umamin ako sa kanya."

"Maybe." tinignan ko itong nakayuko na naman. Ni hindi nya binabawasan ang


cappucino nya. "May balak ka bang sabihin sa kanya?" kahit na girlfriend ko si
Jade, pwedeng magbago.

"Wala." iling na sagot nya sabay tingin sakin. "Kahit sabihin ko ay walang
magbabago. Magkakaroon pa ng awkward sa pagitan namin at ayoko ng ganon." malungkot
na sabi nya.

"Sure ka? ayos lang naman sakin kung sasabihin mo sa kanya. Doon rin natin
malalaman kung talagang gusto ako ni Jade." sabi ko.

"Nah. Ayos na akong hindi nya alam. Ayokong kaawaan nya ako. Nagawa nya akong
kaawaan nung nasaktan ako kay Yumi at mahirap na kapag nalaman nyang nasaktan na
naman ako nang dahil sa kanya."

"Ikaw ang bahala." sabi ko at tumingin sa labas.


"Ang malas ko 'no? Hindi ko na nakuha si Yumi, pati ba naman si Jade?"

"Sa maling tao ka lang nahulog. Siguro hindi si Jade ang para sayo."

"Kasi para sya sayo." nakitbitbalikat ako at tumingin sa kanya. "Try ko kaya si
Veron? sya na lang single sa kanila." biro nya. "Sana naman dumating na yung
babaeng mamahalin rin ako." at tumingin sa labas ng bintana.

"Baka lalaki ang para sayo." tinignan nya ako ng masama.

"Straight ako, Paris." nginisian ko lang sya. "Wag mo syang sasaktan, Paris."
seryosong sabi nya.

"Bakit ko naman gagawin yon? I love her, Sean kahit hindi nya pa ako mahal." iba
ang like sa love. Ni minsan hindi nya pa sinasabi na mahal nya ako kaya hindi ko
rin masabi sa kanya kung gaano ko sya kamahal. Mahirap dahil baka bigla na lang
syang lumayo.

"Ohh so may chance pa pala ako?" sinamaan ko sya ng tingin. Kaninang malungkot ang
ngiti nya ay napalitan ng pilyong ngiti.

"You can't have her. She's mine." mariin na sabi ko.

"Cute mong magselos." natatawang sabi nya.

"Hindi ako nagseselos." naiinis lang ako.

"Fine." pagsusuko nya. "Pasayahin mo sya, Paris kahit na hindi ko pa nakitang


nasaktan si Jade. Hindi nya yon deserve." hindi na ako nagsalita. Kahit hindi nya
sabihin ay alam ko yon.

Pagkatapos namin mag-usap ay bumili ako ng pinapabili ni Jade. Nagpaiwan si Sean sa


coffee shop. Kailangan nya ng time para sa sarili nya.

"Anong pinag-usapan ninyo ni Sean?" tanong ni Jade pagkabigay ko sa kanya ng


pagkain nya.

"Business." ayokong sabihin sa kanya dahil hindi naman aamin sa kanya si Sean.
"Hindi ka pa ba tapos dyan?"

"Malapit na. Ubosin ko lang rin itong binili mo tapos alis na tayo. Saan mo ba
gustong pumunta?" tanong nya.
"Ikaw nag-aya hindi ba?"

"Syempre gusto ko yung gusto mo ang pupuntahan natin." sumubo sya ng cake na binili
ko. "Gusto mo road trip? May bagong bili si Kuya ng McLaren unviels. Hindi nya pa
nagagamit kaya binyagan natin." ngiting ngiting sabi nya.

Napailing ako. "I actually have Lamborghini Aventador SVJ kung gusto mo ng no
roof." sabi ko.

"Yayamanin. Gusto ko pa naman sanang inisin si Kuya pero doon na lang tayo sa
Lamborghini chuchu mo para kapag nabangga ko, walang problema."

"Babayaran mo pa rin kapag nabangga mo." napataas ang kilay ko sa chuchu nya.
Halatang hindi mahilig ito sa sasasakyan. Kung sa pagkain siguro, bawat detalye
alam nya.

"Road trip na lang?" tumango ako. Wala rin naman akong maisip kung saan kami
pwedeng mag-date. Mas okay pa ang road trip. "Pero mamaya na tayo umalis. Ang init
eh." tinignan ko si Jade. Flinex nya pa ang no roof na bagong sasakyan ni Maitan
kung ayaw nya pala sa mainit. Ang laki talaga ng saltik nito.

"Tawagin mo ako kapag tapos ka na." sabi ko at maglalakad sana papunta sa may couch
pero tinawag ako ni Jade.

"Babe." tumingin ako sa kanya na nagtataka. "Kain tayo sa Mang Inasal after nito."
tumingin ako sa relong suot ko. Wala pang alas dies gutom na ang isang 'to. "And I
love you." agad akong napatingin sa kanya. Hindi na sya nakatingin sakin pero
kagat-kagat nya ang labi nya habang namumula ang mukha.

"Weh?" napangisi ako dahil tinignan nya ako na tila sya nalugi. Ginaya ko lang
naman sya nung nalaman nyang gusto ko sya.

"Hindi ba dapat mag-I love you too ka? Hindi mo ba ako mahal? Like lang talaga?"
maktol nya. Napatingin ako sa mga tauhan nyang napatingin samin. Sila lang
napatingin dahil yung mga cutomers nya ay naka-headset.

"Eh ikaw? Sure ka bang love na yan?" gusto kong manigurado. Ayokong sabihin ang
salitang yon kung hindi sya seryoso. Magkaiba ang love sa like.

Ngumiti sya sakin. "Seryoso ako, Paris. Alam ko wala pang isang linggong naging
tayo at na-realize kong gusto kita pero nung makausap ko si Fin, inisip ko kung
gaano kita kagusto na yung tipong paano kapag nagkagusto ka sa iba at iwan mo ako?
Isipin pa lang yon ay nasasaktan na ako. Ayokong makita kang may kasamang iba.
Ayokong may humahalik sayo, na may ibang brasong nakayakap sayo. Ayokong iwan mo
ako. Ayoko non." tila naiiyak nyang sabi nung huli.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang mukha nya.


"Don't worry. Hindi naman kita iiwanan dahil mahal rin kita." hinalikan ko sya noo
at pinagdikit ang noo namin. "Ang bagal mo lang talaga." sabi ko na ikinanguso nya.

"Malay ko bang katulad ako nila Fin." napailing ako. "Babe." tinignan ko sya na
nagtataka. "I love you ko?" hinalikan sya sa labi.

"I love you too." lalo syang napangiti at dahil nakakahawa ang ngiti nya ay
napangiti rin ako.

"Ang ganda mo talaga kapag nakangiti pero mas hot ka kapag nagsusungit." nawala
agad ang ngiti ko dahil sa sinabi nya. "See? So hot." napairap ako at lumayo sa
kanya.

----------------------------------------

        Epilogue [Mi Amore Series#2: My Hot Pre...]

      

Ayun na nga, namimilit yung isang peste dyan na gawan ko daw sya ng mahabang
message tapos dedicate pa sa kanya. Ayan na ah! Grabe ka sa 100 words. Anong
sasabihin ko? Hi, hello ang panget mo pati ng jowa mo. Nakakaurat kayo, sobra
hahahaha! Alam ko naman na miss na miss mo ako pre, konting tiis na lang magda-date
rin tayo tapos libre ng jowa mo hahahaha! Wala na ako masabi pre, tama na 'to ang
haba na rin oh. Wala naman akong sasabihin bukod sa ang panget mo. Ah alam ko na,
update ka sa Unforgettable dali! tapos dedicate mo lahat ng chapter sakin
bwahahahaha! So ayun na, bahala ka na dyan. Ang panget mo pre. 
Jade's POV

"Babye." hinalikan ko sya sa pisngi bago lumabas ng sasakyan. "I love you!" sigaw
ko bago ko sinara ang pintuan at patakbong pumasok ng building. Late na kasi ako ng
isang oras. Hindi kasi ako ginising ni Paris kaya ito nagkukumahug akong pumasok.
Hindi naman ako malilintikan pero ayokong ma-bad record kahit na hindi ako
magtatagal rito.

May ibang lakad si Paris kaya hindi ito pumasok ng building. Pupunta ito sa
laboratory para tignan ang bagong perfume na naman na nagawa nila. Parang kaka-
launch lang nila nung last month tapos may bago na naman sila. Pero sabay kaming
kakain ng lunch. Magluluto daw sya ng pagkain namin.

Hindi na ganong ka-workaholic si Paris pero nagtratrabaho pa rin sya minsan sa


weekends kapag may kailangan tapusin. Sinisigurado nyang binibigyan nya ako ng
attention na kahit okay naman sakin kung talagang busy sya ay hindi nya ako
intindihin. Ayoko lang yung halos subsub na sya sa trabaho na pati weekends ay
nagtratrabaho sya. Naiintindihan ko kapag weekdays kasi pati ako may trabaho pero
kapag weekends na wala akong trabaho ay gusto ko sakin lang sya.

Isang buwan na kami ni Paris. Mas lalo kaming napalapit sa isa't isa nung sinabi
kong mahal ko sya. Seryosong mahal ko na si Paris nung time na yon. Pagkatapos ng
narinig ko kay Fin, bigla akong natakot. Paano kung ganong mangyari samin ni Paris?
Ayokong mangyari yon. Gusto ko sakin lang sya. Kaya sinabihan ako ni kaliwa na kung
ayaw kong mawala sakin si Paris ay iparamdam ko sa kanya ang pagmamahal ko kaya
ayun ang ginawa ko simula non. Mas napadali dahil magkasama na kami sa condo unit
nya. Nagpaturo pa ako kay Veron at Gia magluto ng iba pang putahe para ako na ang
magluluto ng pagkain namin ni Paris. Mas maraming trabaho si Paris kaysa sakin at
mas nakakapagod yung sa kanya kaya naman gusto kong ako na magluto para samin. Yung
paglilinis ng condo unit ay may ibang gumagawa non pati ang laundry namin.

Sa isang buwan namin hindi maiwasan na hindi ako magselos. Marami talagang
umaaligid kay Paris. Sarap patulan ang mga lumalandi sa kanya pero mga importanteng
tao naman sila kaya nanahimik na lang ako habang nakasimangot. Mabuti na lang
talaga kapag may pumoporma kay Paris ay agad nyang sinasabi na may girlfriend sya
at ipapakilala ako. Ang sarap lang tignan ng reaction ng mga taong yon kapag
nilalait nila ako nung una dahil empleyado ako ni Paris pero nung sinabi ko na yung
last name ko tsaka sila tumitiklop. Hindi man kami kasing yaman nila Gia, kilala pa
rin ang pamilya ko sa business world.

Kahit si Paris natutuwa kapag nataranta yung lumalandi sa kanya kaya hindi nya agad
ako pinapakilala. Hindi ko alam kung ano trip ni Paris para hindi agad sabihin na
girlfriend nya ako. It's either pagselosin ako o gusto nya lang makita ang
pagkataranta ng lumalandi sa kanya pagkatapos akong laitin. Siguro both. Gumaganti
ata sakin dahil madalas ko syang asarin.
Dahil na rin sa ganong kaganapan, umabot na sa buong kompanya ang balitang may
girlfriend si Paris at ako yon. Doon ako na-corner ng mga ka-officemate ko. Kung
sino ba talaga ako at paano nangyaring naging kami ni Paris. Hindi sila
makapaniwala. Halos ituring nila akong mas mataas sa kanila nung nalaman nila pero
hindi ako pumayag lalo na sa lead ko na tila natakot. Kinausap ko sila na walang
nagbago. Ituring nila ako kung ano ng tinuring nila sakin nung hindi pa nila alam
na isa akong anak ni Mike Monasterio at girlfriend ng presidente ng kompanya. Ang
awkward kaya na ituring nila akong mas mataas sa kanila kung mas mataas naman ang
level nila sa level ko. Kaya ayoko talagang sabihin sa kanila na mayaman ang
pamilya namin dahil ganon ang ituturing nila sakin. Nung una awkward pa sila pero
habang tumatagal ay bumabalik kami sa dati pwera lang na madalas akong manlibre sa
kanila na hinahayaan ko naman. Hindi naman sila nagde-demand na mamahalin ang
bibilin eh. Mcdo at Jollibee lang ay ayos na sila.

"Lunch lang kami." paalam ni Ate Mau. Alam kasi nilang si Paris palagi ang kasabay
ko kaya naman hindi na nila ako inaaya mag-lunch. Tuwing merienda sila nag-aaya.

"Eat well." nakangiting sabi ko. Tumingin naman ako sa cellphone ko. Nag-text si
Paris na sa condo na lang kami kumain dahil hindi pa daw luto ang pagkain namin.

Cellphone at wallet lang dinala ko tsaka na ako tumungo sa condo ni Paris.


Pagkarating ko sa may lobby ay nakita ko si Paris na naghihintay. Agad ko syang
nilapitan. Gusto ko syang halikan pero masyadong maraming tao sa lobby.

"Ano pagkain?" tanong ko.

"Fiorentina Steak, Ossobuco, Risotto at Grilled Chicken Salad." sagot nya.

"Hula ko, sayo yung grilled chicken salad 'no?" hindi naman kasi masyado kumakain
ng meat itong si Paris. Paminsan minsan lang tapos konti pa. Diet ang isang 'to.
Napapalakas lang ng kain dahil sakin.

"Wag mong itanong ang obvious." pagsusungit nya na naman.

"May dalaw ka ba? kanina lang ang sweet mo eh." sinamaan nya ako ng tingin. May
dalaw nga.

Nanahimik na lang ako baka mainis sakin at itapon pa yung pagkain ko. Gutom pa
naman ako.

Pagkarating namin sa tapat ng unit ay nauna akong pumasok dahil may biglang tumawag
kay Paris pero nung makita ang loob ng unit ay mukhang sinadya nyang mauna ako kasi
ang romantic ng unit nya. Dim light lang yung unit nya tapos may mga heart balloons
na nasa kisame. May mga kandila sa sahig pero hindi sila yung totoong kandila, yung
mga LED na hugis kandila lang. Baka naisip nya na mag-alarm yung smoke alarm kaya
hindi totong kandila ang ginamit nya. Meron rin mga petals sa sahig na nakakalat.
Naglakad ako patungo sa dinning area dahil patungo ron ang LED candles. Mas lalo
akong napahanga nung makarating ako. Sa isang buwan na pagsasama namin ni Paris,
ngayon lang sya nagpakita ng ganito ka-sweet. Aba aakalain mong nasa restaurant ka
na pina-reserve mo para maging romantic ang lamesa namin. Nakaayos na ang pagkain
namin sa lamesa. May tissue na nakatupi ng pang-restaurant talaga at may totoong
kandila na sa magkabilang gilid ng lamesa. Mahaba ang kulay pulang kandila at may
liligyan pa ito na maganda. May tatlong LED candles pa rin pero nasa gitna ito.

"Did you like it?" nagulantang ako na may magsalita sa likuran ko.

"I love it. Hindi ka talaga pumunta sa laboratory 'no?" magligay ka lang ng LED
candles sa daan matatagalan ka na eh.

"Yes." hinawakan nya ang kamay ko at iginaya sa lamesa.

Napakagat ako ng labi nung ipag-usog nya ako ng upuan. Super duper sweet naman nito
ni Paris.

"So, wala kang dalaw?"

"Jade." balalang sabi nya. Napahalikgik naman ako.

"Sungit mo kanina eh." sabi ko. Napailing na lang ito sakin. Ayaw nya ata akong
sungitan ngayon para hindi masira itong ginawa nya. Pagbibigyan ko sya ngayon.
"Ikaw lang gumawa ng lahat ng 'to?" tanong ko. Nagsalin sya ng wine sa baso ko.

"Nope. Nandito kanina sila Chelsea. Sila gumawa nyan habang nagluluto ako."
napatango ako.

"Anong meron ay napaganito ka? Tapos na monthsary natin ah?" sabi ko. Last week pa
yung monthsary namin at nag-celebrate naman kami. Nag-date kami sa Batangas. Sakto
kasing sabado ang monthsary namin kaya nag-stay kami ng dalawang araw sa Batangas.

"Kailan may dahilan? Hindi ba pwedeng gusto ko lang iparamdam sayo kung gaano ka-
special?" kinikilig na napangiti ako. Sweet minsan si Paris at kinikilig talaga ako
pero ngayon, sobra sobra ang kilig ko lalo na nag-effort sya ngayon.

"Lalo mo naman ako pinapa-in love nyan eh." nakangiting sabi ko. Hindi na mawala
wala ang ngiti ko ngayon.

"Ayun naman talaga dapat. Kumain na tayo." sabi nya. Kumuha sya ng salad nya.
Hinayaan ko na lang sya sa gusto nya. Isa lang rin niluto nyang steak. Pang sa akin
lang talaga.

Sinabi ko pa naman na pagbibigyan ko sya ngayon at hindi aasarin pero hindi ko


maiwasan. Napapasimangot ko si Paris at sinasamaan nya ako ng tingin. Sinasabihan
nya ako na talagang sisirain ko ang romantic date namin.

"Nanghihina kasi ako kapag hindi kita naasar." ngising sabi ko. Tapos na kaming
kumain at nasa sala kami ngayon.

"Ang dami mong alam." sabi nya at hinalikan ako sa sentido. Kinikilig naman na
niyakap ko sya.

"Anong oras tayo babalik sa office?" tanong ko dahil may limang minuto na lang kami
ay mag-aala una. Kapag dito kami kumain, lumalagpas kami ng balik sa office. Minsan
halos mag-aalas dos na. Kapag nandito kasi, walang trabahong inaatupag si Paris.
Nagyayakapan lang kami at ine-enjoy na magkasama kaya lumalagpas talaga. Sa office,
pagkatapos na pagkatapos kumain, nagtratrabaho agad sya. Kinakausap pa rin naman
nya ako pero ang hirap kasing istorbohin sya.

"Tinatamad ako ngayon magtrabaho." gulat na tinignan ko ito.

"Himala!" imbis na sagutin ako ay sumubsob lang sya sa leeg ko.

"Wag ka na rin magtrabaho. Dito na lang tayo." napangiti ako dahil ang cute ngayon
ni Paris. May nanlalambing.

"Paano gamit ko?" tanong ko. Wala naman masyado laman yung bag ko. Snacks lang.

"Kunin mo na lang mamaya." sagot nya.

"Tatawagan ko muna si Ate Mau. Sira ka talaga. Isipin ng mga yon inaabuso ko ang
pagiging girlfriend mo." sabi ko at inilabas ang cellphone ko sa bulsa.

"Ngayon mo lang ito gagawin." masungit na sabi nya. Ang bilis magbago ng mood nito.

"Sabagay." sabi ko at tinawagan na si Ate Mau. Sinabihan ko ito na ayaw akong


papasukin ni Paris kaya magha-half day ako. Hinayaan naman ako ni Ate Mau. Wala
naman daw masyadong gagawin. Sinabi nya rin na idadaan nya gamit ko para hindi na
ako bumalik sa office. Madadaanan nya kasi yung condominium.

"Linisin mo muna yung kalat." napanganga ako sa sinabi nya pagkatapos namin mag-
usap ni Ate Mau. "Maliligo lang ako."

"Grabe ka." sabi ko. Nginitian nya lang ako na nang-aasar bago tumayo at tumungo sa
kwarto namin. "Ang galing." napakamot na lang ako ng ulo habang nakatingin sa
sahig. Iiwan ko yung balloons. Maganda eh.

Pagkatapos kong linisin ang kalat na pinag-effortan ni Paris ay tumungo ako sa


kwarto. Tapos na maligo si Paris at naka-shirt na puti na ito tsaka underwear.
Ganyan ang suot nya kapag kaming dalawa lang nandito sa unit nya. Nagbihis na rin
ako ng komportable at nakisama na ako sa kanya sa higaan.

"Babe." tawag ko habang nakayakap ako sa kanya. Tumingin naman sya sakin na
nagtataka. "Ang ganda mo talaga."

"Alam ko." napangiti ako dahil hindi man lang nya itinanggi.

"Unang kita ko pa lang sayo, napahanga na ako. Bukod sa ang bango mo, ang ganda pa
ng mga mata mo. Tila ako nalulunod kapag tumititig ako sa blue eyes mo."

"Akala ko natuod ka."

"Anong natuod ka dyan. Hindi ba pwedeng natulala ako sa ganda mo?"

"At hindi ka pa nagkagusto sakin non?"

"Hindi." ngiting sabi ko. "Nagandahan lang ako sayo non." sinamaan nya ako ng
tingin. Natatawa ako. Anong magagawa ko kung nagandahan lang talaga ako? Straight
kasi dapat ako.

"Mukha ka namang tanga nung unang kita ko sayo." natawa ako dahil gumaganti sya
sakin. "Sinabi ko na ito dati, ayoko sayo nung una dahil para kang ewan na gustong
lumayo samin. But I find you cute."

"Talaga?" nakangiting nagpapa-cute naman ako sayo. "Kung hindi mo lang kaibigan
sila Cess, baka naging close tayo nung una pa lang."

"Paano mo naman nasabi?" nakataas ang kilay na tanong nya.

"Walang nakakatiis sa pangungulit ko. Kita mo, nahulog ka rin sakin." confidence na
sabi ko.

"Yeah." akala ko naman itatanggi nya. Aasarin ko pa naman sana. "Yun naman talaga
ang dahilan kaya ako nagkagusto sayo bukod sa mga paghalik mo." napangiti ako.

"Kung hindi ka hinalikan ni Tricia non, baka hanggang ngayon hindi pa rin ako sure
sa nararamdaman ko sayo." doon ko lang nakitang may ibang humalik sa kanya kaya
doon lang ako nakaramdam ng pagkadismaya. Hindi kasi ako naniniwala kapag tinutukso
ako nila Fin na may ibang humahalik kay Paris. Alam ko naman na hindi gawain ni
Paris yon pero talagang gawain pala yon ni Paris. Marami na syang naging fling.
Tumigil lang daw sya nung panay na ako halik sa kanya.

"Slow ka pagdating sa sarili mo pero sa ibang tao, agad mong napapansin." sabi nya.
"Hindi naman." tinaasan nya ako ng kilay.

"Alam mo bang may kaibigan kang may gusto sayo?"

"Huh? Sino?"

"See?" napanguso ako. Wala naman eh. Pinagloloko ako ng isang 'to. "Napansin mo na
may gusto si Chelsea kay Tricia pero yung kaibigan mo na may gusto sayo, hindi."

"Sino nga? Wala naman kasi eh." Hindi naman kami talo ng mga kaibigan ko.

"Ewan ko sayo, Jade." sabi na lang ni Paris.

"Isang buwan na tayo at sweet mo minsan pero Jade pa rin tawag mo sakin. Gawin mo
naman babe." sabi ko. Magkatunog naman eh.

"Babe mo mukha mo."

"Pakipot." tinaasan nya ako ng kilay kaya ngumiti na lang ako. Baka mabenggahan pa
ako.

"Let's sleep na lang muna. Mapupuyat na naman tayo mamaya." sabi nya.

"Tila ayokong uminom pero gusto ko yung pagpupuyat." nakangiting sabi ko. Friday na
kasi ngayon at nag-aya na naman sila kaliwa na uminom. Hindi daw kasi nakapag-inom
last week dahil nga aalis kami ni Paris.

"Shut up. Matulog ka na." sabi nya at pumikit. Natawa ako.

"I love you, Paris." nakangiting sabi ko.

"Yeah, I love you too." sagot nya na nakapikit pa rin pero dumilat sya. Kitang kita
ko sa mga mata nya ang punong puno ng pagmamahal.

Hinawakan ko ang pisngi nya at hinalikan sya sa labi pero saglit lang. Tinitigan ko
rin ang mga mata nya. Hindi ako magsasawang titigan ito.

Napakaswerte ko na naging girlfriend ko si Paris. Sa lahat na pwede nyang mahalin,


ako pa? Ang swerte ko talaga. Loko loko lang ako pero marunong akong makuntento sa
isa. Hindi ko masasabi na hindi ko sasaktan si Paris dahil parte na sa pagsasama
ang nagkakasakitan pero sisiguraduhin ko na hindi ko paaabutin sa hiwalayan. Lagi
kong ipaparamdam sa kanya na mahal na mahal ko sya. Ayokong maghiwalay kami. Kung
hindi sya magiging akin, hindi pwedeng hindi sya sakin. Magrereklamo talaga ako.
"Bago pa lang tayo kaya marami pang pagsubok tayong haharapin pero promise natin na
kung ano man ang problema, lagi nating pag-uusapan. Walang lihiman." masuyo kong
sabi. "Ayokong maghiwalay tayo."

"Ayoko rin." sagot nya habang hawak hawak ang kamay kong nasa pisngi nya. Napangiti
na lang kami sa isa't isa. 

Ang sarap talaga sa feeling na kasama mo ang taong mahal mo. Hinding hindi ko
talaga bibitawan itong napakasexy at hot kong president.

THE END

A/N: Sinabi ko na 'to noon na light story lang itong kay Jade. Walang drama, walang
twist, walang thrill. Simpleng storya lang talaga. Next na itutuloy ko ang storya
ni Fin. Doon ako magseseryoso. Madrama ang kwentong yon at sinisigurado kong sa
inyong mahaba yon.

Anyway, maraming salamat dahil sinuportahan ninyo itong storya ni Jade. Sana
suportahan ninyo rin ang kwento ni Fin. Salamats!

    

You might also like