You are on page 1of 186

The Bad Boy's First Kiss

PROLOGUE [The Bad Boy's First Kiss]

Isa lang naman ang pangarap ko.


Ang makatapos ng pag-aaral.

Pero paano ko iyon gagawin kung


Napapaligiran ako ng mga masasamang estudyante.

Sa kauna-unahang pagkakataon naramdaman ko kung paano ma-bully.

Ang pagtawanan at paglaruan.


Kakayanin ko naman ang lahat ng iyon wag lang ang isang utos nila.

Ang nakawan ng halik ang pinakamasamang lalaki sa unibersidad.

Si Ryuuji. Paano ko gagawin iyon sa tuwing magtatama ang landas namin


nanginginig na ako sa takot.

Ang nakawan pa ka siya ng halik.


(Baka gutay-gutayin niya ako.)

Paano ko gagawin iyon?

Ano ba ang pipiliin ko?

Ang mamatay ka sa kamay ni Ryuuji dahil sa pagnanakaw ko ng halik. O ang


torturin bago patayin ng mga bully na mga estudtyante ng school.

Hays! Katapusan ko na.

Kayo ng bahala sa Mama ko kapag nawala ako sa mundo.

Vote&Comment.

CHAPTER 1 [The Bad Boy's First Kiss]

[Aika]

Nag-uumpisa ng pumatak ang ulan ngunit nanatili pa rin kaming nakatayo sa labas
ng malaking university ng Eastberg. Ang paraan na ito ang isa sa pinakamalaki
at pinakamagandang school sa bansang ito. Marami kaming nababalitaan na
magaganda tungkol sa school na ito kaya naman karamihan sa mga nagtatapos ng
highschool pinapangarap na makapasok sa school mg Eastberg ngunit dahil sa
masyadong mahal ang suition fee rito hindi afford ng mahihirap na katulad ko ang
makapag-aral dito. Mabuti na lang at nagkaroon sila ng exam para sa scholar
nagkaroon ako ng pagkakataong makapag-exam at ito na nga ang araw para malaman
ang nakapasa sa scholar nila.
"Sana makapasok tayo diyan."

"Swerte natin kung makakapasok tayo ang daming gwapo."

Ipinikit ko ang mga mata ko at mabilis na nag dasal. "Lord, kailangan ko po ang
scholar na ito para makatulong kay Mama."

Simula kasi ng ipagpalit kami ni Papa sa iba hindi na naging maganda ang buhay
namin. Si Papa ay Senior manager ng isang electronics company ngunit nang
makagusto ito sa kaniyang amo tuluyan na kaming iniwan dalawa ni Mama, kaya
naman napilitan si Mama na magtrabaho at nagtayo siya ng maliit na karinderia sa
palengke upang mabuhay kami at makapag-aral ako. Kaya naman ng sabihin ako ng
teacher ko sa high school na mag-exam ako sa Eastberg hindi ko na pinalampas.

Ilang saglit pa lumabas ang security guard ng school at may dinikit sa dingding
sa labas. Pagkadikit pa lang ng security guard ng mga listahan ng nakapasa
dimunog na ito.

Hindi ako nakisabay sa kanila dahil siguradong maiipit lang ako kaya naman
hinintay ko silang matapos.

"Yes! Nakapasa ako."

"Ako rin."

"Sayang hindi ako nakapasa."

Sari-sari ang naririnig ko matapos nilang basahin ang naka-lista. Habang


papalapit ako sa listahan ng mga pumasa pabilis naman nang pabilis ang pagkabog
ng dibdib ko.

"Miketsukame Aika Cassidy." Ilang beses kong inulit basahin ang pangalan ko
hanggang sa mag-sink in na siya sa utak ko.

"Ang galing nakapasa ako." Pagkatapos umalis na ako doon.

"Miss, nakapasa ka ba?" Tanong sa'kin ng security guard.

Ngumiti ako. "Opo,"

"Bakit parang hindi ka masaya? Yung ibang mga bata halos mangisay sa tuwa ikaw
para wala kang reaksiyon."

"Ganito na po talaga ako matuwa manong. Sige po aalis na ako."

Bitbit ang magandang balita nang umalis ako sa school na iyon agad akong pumunta
sa palengke kung saan naroon si Mama. Pagdating ko doon abala na si Mama sa mga
customer niyang kumakain. Alas-onse na kasi ng umaga. Simula kasi alas-diyes ng
umaga hanggang ala-una ng hapon maraming bumibili ng pagkain sa karinderiya

"Oh, Aika. Nandito ka na pala." Sabi ni Mama habang nagsasandok ng ulam.

Nilapag ko ang bag ko at tinulungan ko siyang mag-abot ng mga order ng mga


customer.

"Nalaman ko na po ang resulta ng exam ko Mama."

Saglit na tumingin sa'kin si Mama. "Bakit naman kasi doon mo pa gustong mag-aral
ang mahal-mahal doon pwede ka namang mag-aral sa public school, scholar ka pa
doon."

"Mama, full scholar din naman ako sa Eastberg." Tumingin sa'kin si Mama. "Pumasa
po ako."

"Mabuti naman kung ganoon, hindi nasayang ang pagpupuyat mo para mag-review."

"Aika, nakapasa ka pala dapat masaya kayong dalawa ng Mama hindi mukhang
biyernes santo ang itsura ninyo magandang balita 'yan dapat masaya kayong
dalawa." Sabad ng baklang si Timmy ang isa sa mga katulong ni Mama sa
karinderiya.

Tumingin ako kay Timmy na naka-crop top at may headband na kulay pink at tenga
ng pusa ang design. Ang kapal din ng lipstick niya ay naka-make up din siya.

"Masaya naman kami Timmy."

"Hindi kayo mukhang masaya. Hayss! Kayo talagang dalawa mag-ina wala kayong
kabuhay-buhay." Umiling pa si Timmy pagkatapos dinala niya ang order ng
customer.

"Pagluluto kita ng paborito mong palabok anak. Magce-celebrate tayo dahil


nakapasa ka."

"Mama, palagi ka naman nagluluto ng palabok may kasama pa ngang spagetti, turon
at banana Q."

"Hindi naman pang meryenda ang lulutuin ko anak para sa'tin, maaga akong
magsasara ng tindahan."

"Wag na po Mama. Sayang naman ang kikitain mo kung magsasara ka."

"Hay nakung bata ka! Wag mo akong intindihin basta maaga akong magsasara kahit
ayaw mo."

"Ay! Type ko 'yan para makapag-hada naman ang beauty ko." Sabad ni Timmy.
Nagkatinginan kaming dalawa ni Mama at ngumiti kami. Pagkatapos muli naming
pinagpatuloy ang pagse-serve ng pagkain sa customer.

Pinauna akong umuwi ni Mama sa bahay namin dahil silang dalawa na lang ni Timmy
ang magsasara ng Karinderya. Habang naglalakad ako sa gilid ng kalsada na
dinadaanan ng mga sasakyan biglang may huminto na puting kotse. Babaliwalain ko
sana ito at magtutuloy-tuloy ako sa paglalakad pero nagulat ako nang biglang
bumaba ang tatlong lalaking nakasakay sa kotse. Bigla akong napa-atras inisip ko
kasi ang napapabalitang nangunguha ng tao at kinukuha ang lamang loob. Tumakbo
ako at nagtago sa likod ng sirang drum na pinaglalagyan ng mga basura.
Nakatalikod ang mga ito kaya hindi ko nakita ang mga mukha. Ilang segundo pa may
humintong pulang kotse may bumaba ring mga kalalakihan doon at pagkatapos
nagsuntukan na sila.

Napatakip ako sa bibig ko upang hindi ako mapasigaw sa takot. Nanginginig ang
buo kong katawan at parang papanawan ako ng ulirat dahil sa nasaksihan ko.

Isa pa yata ako sa magiging testigo sa magiging patayan ng mga ito.

"Lord, please! Wag sana akong madamay sa kanila."

Halos madurog na ang mukha ng ibang kalalakihan ng makita kong bumagsak.

"May pulis!" Narinig kong sigaw ng isang lalaking naka-black jacket.

Nagmamadali silang tumakbo pabalik sa kotse nila na kahit ang mga kalalakihang
halos hindi na makabangon ay pilit na tumayo upang makabalik sa kotse nila.
Ilang saglit pa umalis na ang mga ito. Daig ko pa ang nabunutan ng tinik nang
makaalis sila. Feeling ko tuloy ako yung kriminal sa nasaksihan ko.

Wala tuloy ako sa sarili habang naglalakad pauwi. Nang makauwi ako uminom ako ng
malamig na tubig at pagkatapos huminga ng malalim.

"Grabe naman ang mga iyon, sana walang masyadong napuruhan sa kanila." Sabi ko
matapos kong maka-recover sa pagkagulat.

Imbes na isipin ko nang isipin ang nangyari hinanda ko na ang mga gagamitin ni
Mama sa pagluluto. Gusto ko nga sanang ako na lang ang magluto para hindi na
mapagod si Mama. Si Mama kasi palagi siyang maaga nagigising para magluto ng
pagkain tapos sa gabi siya namimili ng mga lulutuin niya. Alam kong nakakapagod
ang ginagawa ni Mama pero hindi niya sa'kin pinapakita O nagrereklamo.

"Oh, Aika. Sabi ko sa'yo ako na ang gagawa ng mga iyan. Magpahinga ka na lang."

"Tapos ko na po hiwain ang mga sangkap."

"Ikaw talagang bata ka. Ayaw na ayaw mo talaga akong napapagod." Ginulo pa niya
ang buhok.
Ngumiti ako. "Mama naman e."

Bigla kaming natigilan nang marinig namin ang tunog na mula sa cellphone.

"Cellphone mo yata iyon Aika."

"Ay! Oo nga po." Kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sa table na malapit sa


may sofa. "Hello!"

"Hello, good morning may i speak to miss Aika Cassidy Miketsukame."

"Yes, speaking?"

"This is Rose from Eastberg university. Congratulation you will passed the
examination."

"Thank you."

"Please, report tomorrow and submit your document by 8am.

"Okay, Ma'am. Thank you."

"Okay, bye!"

"Thank you so much." Pagkatapos biglang naputol ang tawag.

"Sino ang tumawag sa'yo anak. Boyfriend mo?" Sabay ngiti ni Mama.

"Wala po akong boyfriend. Yung school na pinag-exam ko pinagpapasa na ako ng mga


requirements bukas."

"Tuloy na tuloy na talaga ang pag-aaral mo sa social na school na 'yon."

"Opo, Mama. Gagalingan ko po. Mag-aaral akong mabuti para sa inyo."

"Naku.. napakabait talaga ng anak ko."

Isang ngiti ang tinugon ko kay Mama. Pagkatapos magluto ni Mama dumating naman
si Timmy, kung kaya't pinagsaluhan naming tatlo ang ihandang pagkain.

*******

Eastberg University.
Halos sumakit ang leeg ko kakatingin sa building ng Eastberg university. Mas
maganda pala siya sa loob kung para sa nanatanaw mo sa labas. kung sabagay
mataas ang gate nila sa labas kung kaya't hindi masyadong nakikita ang loob.
Dahil hindi pa nag-uumpisa ang pasukan wala pa akong masyadong nakikitang mga
tao. Karamihan sa mga nakikita ko ang mga sasakyan na palabas at papasok ng
school.

"Beep! Beep!"

"Ay! Kambing." Napasigaw ako sa pagkagulat ko.

Paglingon ko nakita ko ang puting sport car na nasa harapan ko. Halos konting-
konti na lang at mababangga na niya ako. Dumungaw ang nasa driver seat. Nakasuot
siya ng black shades ng makita ko.

"Do you want to die idiot!" He shouted.

Nilingon ko ang kabuan ng kinatatayuan ko. "Excuse mo po, hindi rito ang daan ng
kotse doon po sa kabila. Tinuro ko pa ang daan. "Hallway po ito daanan ng mga
tao." I explained carefully.

"I don't care. Don't block my way or i will block you life forever." Sabi ng
lalaking naka-shades. Binuksan pa niya ang makina ng sasakyan mukhang desedido
siyang sagasaan ako.

"Akala mo kung sino." Umalis ako sa dadaan ng sasakyan niya pero siyempre hindi
ako nakatiis na hindi ako makaganti. May nakita akong bato sa gilid na
kinatatayuan ko. Dinampot ko iyon at pagkatapos ibinato ko.

"Shit!" Narinig kong sigaw ng lalaki ng matamaan ko ang likod na salamin ng


kotse niya.

"Patay!" Nagmadali akong tumakbo bago pa makababa ang driver ng kotse. Tumakbo
ako at nagtago para lang hindi niya makita. Makalipas ang ilang minuto na
pagtatago narinig kong umandar ulit ang kotse niya. Kaya naman lumabas ako sa
pinagtataguan ko.

"Hayss! Kung inabutan ka nga naman ng swerte."

Dire-diretso ako sa paglalakad at hinanap ang office na tinutukoy nang tumawag


sa'kin hanggang sa matagpuan ko iyon.

"Excuse me." Agaw ko sa atensiyon ng babaeng nasa loob ng office.

Ngumiti sa'kin ang babae na nasa edad kwarenta. "Yes?"

"Pinagre-report po ako ni Miss Rose para po ipasa ang mga credentials ko."
"Ako si Rose, sige ipasa mo na sa'kin."

"Thank you Ma'am."

Pagkatapos lumapit ako sa kaniya upang ipasa ko ang mga documents ko. Napalingon
ako sa kanan ko dahil pakiramdam ko may nakatingin sa'kin. Hindi nga ako
nagkamali may isang lalaki na kasing edad ko ang matalim na nakatingin sa'kin.
Naka-dikwatro siya habang pinapapaputok ang bubble gum sa bibig niya. Tirik na
tirik din ang buhok niya dahil sa gel parang buhok ni goku sa tuwing nag
supersayans. Makapal ang kilay na parang higad, mapula at manipis ang labi niya.
Maganda ang mga mata niya na may pagka-chinito, mahaba ang pilikmata, napansin
ko rin ang balat niyang makinis at maputi. Over all gwapo siya as pang artista
siya or baka nga isa siyang model or artista talaga.

"Why are you looking at me?" Sabi ng lalaki.

Mabilis kong iniwas ang tingin sa kaniya. "Napatingin lang ako sa kaniya galit
agad."

"Ryuuji, wag mong takutin si Miss Miketsukame, lumabas ka muna sandali."

"Ryuuji."

"Wag mo akong pakialam. Rose."

Gusto-gusto kong makialam dahil sa pambabastos ng lalaking iyon kay Miss Rose.
Hindi ba siya tinuruan ng good manner and the right conduct kung kausapin niya
si Miss Ross parang tropa lang niya.

"Wag mo na lang siyang intindihin." Sabi sa'kin ni Miss Rose.

Isang ngiti ang naging pagsang-ayon ko pagkatapos kong magpasa ng requirements


at pagfill-up ng form. Umalis na rin ako sa office na iyon. Maghihintay na lang
ako ng araw ng pasukan.

Paglabas ko ng office na iyon napansin kong sumusunod sa'kin ang lalaking nasa
office ni Miss Rose. Nagmadali ako sa paglalakad at nagpanggap na parang hindi
ko siya napapansin.

"Hey!"

Hindi ko siya pinansin nagpatuloy ako sa paglalakad.

"Hey! Idiot."

"Aray!" Napahawak ako sa ulo ko nang may tumama sa'kin. Nang hanapin ko ang
kung anong bagay na iyon nakita kong isang i phone 11 pro max ang tumama sa'kin.
Sobrang mahal ng cellphone na iyon para ipambato.
"Are you deaf?"

Lumingon ako at nakita ko yung lalaki na si Ryuuji. "Sa'yo ang i phone na 'yan?"

"Yes."

"Ang mahal niyan binabato mo lang."

"Anong pakialam mo. Kanina pa kita tinatawag." Nakatingin siya sa'kin ng masama.

Mabilis kong pinasadahan ang paligid marami namang naglalakad sa loob siguro
naman hindi niya ako gagawan ng masama.

"Hindi po kita kilala." Sabay talikod ko sa kaniya.

"Ikaw yung babae na bumato sa kotse ko kanina."

"Siya yung lalaki na iyon. Patay!"

"Wala akong natatanda, sige alis na ako." Pagkatapos tumakbo ako palabas ng
school.

"Come back here, idiot!"

Hindi ako sumunod sa kaniya. Sinong tanga na babalik doon. Sabihin natin gwapo
siya pero hindi lahat ng gwapo may magandang ugali. Pawisan ako nang makalabas
ng school.

Muli kong pinagmasdan ang school.

"Eastberg university sana marami akong matutunan sa'yo, sana ikaw ang magbigay
daan sa'kin para sa pangarap ko."

"Beep! Beep!"

Narinig kong busina ng kotse. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang kotse ni
Ryuuji na nasa gate at palabas. Nagmamadali akong tumawag ng taxi upang
makaalis.

"Ako kaya ang hinahabol niya?"

CHAPTER 2 [The Bad Boy's First Kiss]

[Aika]
Napahigpit ako sa pagkakahawak ko sa shoulder bar ko habang naglalakad ako sa
loob ng Eastberg. sampung beses na yata akong huminga ng malalim hindi kasi ako
kampante sa mga estudyanteng nakatingin sa'kin. Para kasi akong paninda sa
palengke na sinusuring mabuti kung bulok O bago pa.

Huminto ako nang may tatlong babaeng humarang sa dadaanan ko. Tumingin ako sa
kanila ngunit mukhang pinanganak yata sila sa sama ng loob dahil nakasimangot
sila sa'kin.

"Excuse me." Tipid akong ngumiti sa kanila.

"Transferee ka?" Nakataas pa ang kilay ng mistisang babae.

Tumango ako. "Yes."

Nagkatinginan ang tatlo pagkatapos nag ngitian sila pagkatapos binigyan nila ako
ng daan.

"Thank you." Pagkatapos nagpatuloy ako sa paglalakad.

Habang hinahanap ko ang classroom ko napansin kong nakasunod ang ibang


estudyante sa'kin. Kapag nililingon ko sila humihinto sila at nagku-kunwari
silang hindi ako sinusundan.

Huminto ako at tumingin sa kanila.

"Excuse me." Sabi ko.

Tumingin sila sa'kin ngunit hindi nagsalita.

"Bakit ninyo ako sinusundan?"

Tinuro nila ang nasa likuran ng palda ko. Kinapa ko iyon at may nakapa akong
isang puting papel.

"You'll die."

Tinaas ko ang papel at tinanong sa mga estudyanteng obvious naman na ako ang
sinusundan.

"Anong ibig sabihin nito?"

Ngunit para lang akong kumakausap sa hangin dahil walang nagsalita sa kanila.

"Ang weird nila." Pailing-iling ako pagkatapos nagpatuloy ako sa paglalakad


hanggang sa mahanap ko ang classroom ko.
Nag-umpisa ang klase ngunit hindi katulad sa ibang school na sa tuwing unang
araw ng klase nagpapakilala ang mga estudyante. Dito hindi nagpapakilala. Nag-
attendance lang ang lahat ng prefessor at pagkatapos binigay ang magiging
lecture para bukas. Wala rin gaanong pumasok sa class room namin.

Nang sumapit ang lunch break. Hindi na ako lumabas ng classroom para kumain
dahil may baon naman ako.
Sinarado ko na lang ang classroom namin at kumain ako mag-isa doon.

"Wag po! Tama na."

Huminto ako sa pagsubo ng pagkain at tiningnan ang ingay sa labas. paglabas ko


nakita ko ang isang lalaki na binubully ng mga estudyante doon.

Tinapunan ng basura ang lalaki kaya naman nadumihan ang suot niyang damit.
Pinagbabato siya ng kung ano-ano. Napansin ko ang kalalakihan na nakaharap dito
at tuwang-tuwa sa pambubully nila samantalang ang ibang estudyante nagtatawanan
pa sila.

Kuyom ang kamao ko habang pinapanood sila. Hindi ko kayang panoorin na lang ang
ginagawa nila. Matagal ng pinagbabawal ang pangbu-bully makukulong na. Ngunit
bakit sa magandang school pa na ito nangyayari?

"Anong ginagawa ninyo sa kaniya?" Lumapit ako sa lalaki at pilit na binubuhat.

"Wag kang makialam dito Miss." Sagot ng lalaking binubully, tinutulak pa niya
ako para umalis.

"Tutulungan kita."

"Hindi mo alam ang ginagawa mo."

"Wag mo na siyang pakialam Miss, gusto nga niyang nahihirapan siya."

Kuyom ang kamao ko at pagkatapos tumayo ako at humarap sa mga lalaki.


Ngunit mas nagulat ako nang makilala ko ang isa sa mga lalaking nambubully.

"You!" Sabi ng lalaking si Ryuuji.

Lumapit siya sa'kin at pagkatapos kinuwelyuhan ako at umangat ang paa ko dahil
sa ginawa niya.

Kinagat ko ang kamay niya.

"Ouch! Damn it!" Sigaw niya.


"Wala kang karapatang saktan ako Or kahit siya hindi mo dapat sinasaktan."

"Hindi mo kilala ang binabangga mo!" Sumenyas siya sa kasama niyang lalaki
pagkatapos hinawakan ang magkabilaang kamay ko. Tiningnan ko ang mga estudyante
nanonood lang sila sa ginagawa ng grupo ni Ryuji.

"You'll die." Muling lumapit si Ryuuji sa'kin pero bago pa siya makalapit ng
sobra sa'kin sinipa ko siya sa balls niya.

"Ouch!" Lumakas ang sigaw niya dahil sa lakas ng sipa ko. Binitawan ako ng
dalawang kasama niya at tinulungan si Ryuuji.

"Let's go!" Lumapit ako sa lalaki at pagkatapos umalis na kami doon.

Sinabihan ko siyang magsumbong sa principal upang maparusahan ang mga iyon


ngunit hindi siya pumayag.

"Ano ba ang pangalan mo Miss?" Tanong sa'kin ng lalaki.

Nasa loob kami ng gym sabi kasi niya doon daw ang safe na lugar.

Ngumiti ako sa kaniya. " Aika." Tapos inilahad ko ang kamay ko sa kaniya.

"Tacky Alejandro nursing student."

"Bakit ka pala nila binubully, ano ang ginawa mo sa kanila?"

Huminga siya ng malalim. "Scholar kasi ako ng school nila at lahat ng scholar
dito binubully. Hindi mo kilala ang grupo ni Ryuuji. Sila ang kinatatakutan dito
sa school. Lahat ng transferee pinagti-tripan nila. Kaya ikaw mag-iingat ka
dahil sa ginawa mo kay Ryuuji, siguradong hindi ka nila papayagang maging normal
ang pagpasok mo rito." Mapait siyang ngumiti. "Isang taon na rin akong nagtitiis
sa pambubully nila."

Naawa ako kay Tacky dahil isang taon na pala siyang nagtitiis sa kamay ng mga
anak ni Hudas.

"Bakit hindi mo na lang iwanan ang school na ito maghanap ka ng ibang school na
tatanggap sa'yo. Isa pa, pwede mo silang i-demanda kasi bawal na ang pangbu-
bully."

"Hindi mo talaga sila kilala. Ang magulang nila ang may malaking share dito sa
school. Lalo na si Ryuuji fifty percent nag share ay sa magulang nila kaya ang
lalakas ng loob nila. Hindi lang pader ang kinalaban mo Aika.

"Anong gagawin nila sa'kin? Papatayin nila? Akala ko sa mga korean nobela lang
may ganyang kwento pati pala sa totoong buhay may ganyan."
"I'm sorry Aika nadamay ka pa."

"Transferee rin ako rito kaya siguro kahit hindi kita tulungan isa rin ako sa
mga bubulihin nila. Don't worry about me." Sabay ngiti ko.

"Tara na umuwi na tayo."

"Wala na ba sila?"

"Hindi naman sila nagtatagal dito sa school siguradong wala na sila."

"Tara na."

Sabay kaming lumabas ng gym ni Tacky, unang araw ko sa school may bago akong
kaibigan. Nang malapit na kami sa exit ng school hinarang kami ng mga
estudyanteng lalaki at babae.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Tacky.

"Anong kailangan ninyo sa'min?"

"Sila walang kailangan pero ako may kailangan sa'yo Miss Miketsukami."

Salubong ang kilay ko at kuyom ang kamao habang nakatingin kay Ryuuji na
binibigyan ng daan ng mga estudyante. Masama ang tingin niya sa'kin nang lumapit
siya.

"Ikaw at ang lalaking kasama mo ay mananagot sa'kin."

"Duwag ka ba? Bakit kailangan mong gamitin ang kapangyarihan mo para manakit ng
iba."

"You have no right to talk to me that way."

"Anong gagawin mo sa'kin? Ipapabugbug mo sa kanilang lahat, papahirapan mo ako.


Ako na lang pahirapan mo wag na siya." Sabay turo ko kay Tacky."

"Your wish is my command." Tapos ngumiti siya at tumalikod.

Pagkatapos hinila nila ako palayo kay Tacky.

"You're safe now." Sa isip-isip ko habang nakatingin kay Tacky.

Kitang-kita ko sa mukha ni Tacky ang pag-aalala sa'kin pero wala siyang magawa.
Hinila ako ng mga estudyante hanggang sa masubsob ako. Pagkatapos binuhusan ako
ng pintura na kulay pula at binuhusan akong basura.
Halos mabingi ako sa tawanan nilang lahat habang ang mga anak ni Hudas
pinapanood akong pinapahirapan. Gigil na gigil ako habang nakatingin kay Ryuuji
na tawa nang tawa. Ngunit wala akong lakas para tumayo dahil sinisipa nila ako.
Hanggang sa hindi ko na magawang bumangon.

Yumuko si Ryuuji at pang-asar na ngumiti. "See you again tomorrow Miss


Miketsukame."

"Hudas!"

Isa-isa na silang nagsi-alisan lahat pagkatapos tumayo ako at pumunta sa female


comfort room upang linisin ang sarili ko. Kahit anong gawin ko hindi na maalis
ang stain ng puti kong damit. Kung araw-araw ganito ang damit magagalit sa'kin
si Mama.

"May araw din kayo sa'kin." Sabi ko habang nakatingin ako sa salamin.

Pumunta ako sa locker area upang kumuha ng damit ko. Mabuti na lang at dinala ko
na ang p.e uniform ko.
Nang makapagpalit ako ng damit naglakad na ako palabas ng school.
Ala-singko ng hapon iyon at wala ng mga estudyante doon habang naglalakad ako
biglang may humintong kotse sa harapan ko. Tumakbo ako nang makilala ko ang
sasakyan na iyon pero hinabol nila ako hanggang sa mahuli nila ako at ipasok sa
loob ng sasakyan.

"Anong kailangan mo sa'kin!" Sigaw ko.

"Sa tingin mo sapat na ang ginawa sa'yo kanina sa ginawa mong pambabastos
sa'kin."

"Ryuuji, ano bang gagawin natin sa kaniya?" Tanong ng isang lalaking kasama
niya.

Ngumisi si Ryuuji at pagkatapos naglabas ng baril at tumingin sa'kin.

Doon ako nakaramdam ng takot. Nanlambot ang tuhod ko at halos mautal ako sa
sobrang takot. Hindi ko lubos maisip na hahantong ang pambu-bully nila sa'kin sa
kamatayan ko.

"A-Anong gagawin mo sa'kin?" Nauutal kong sagot.

Parang demonyo siyang tumingin sa'kin. "Ano pa ba ang ginagawa sa babaing


kumakalaban sa'kin." Sabay tawa niya.

Tumawa ng malakas ang mga kaibigan niya. "Wag kang matakot hindi ka namin
pahihirapan."

"Mga hudas! Saklolo! Saklolo!" Sumisigaw ako ng malakas habang nasa loob ako ng
sasakyan.

"Tumigil ka!" Sumigaw si Ryuuji at tinutok sa ulo ko ang baril.

"W-Wag! W-Wag ninyo akong sasaktan." Nagsama-sama na yata ang sipon at luha ko
dahil sa pakiusap sa kanila. Hindi ko lubos maisip na kaya nilang manakit ng
iba.

"Kasalan mo kinalaban mo ako. Una binasaag mo ang salamin ng kotse ko at


pangalawa muntik ng mabasag ang kaligayahan ko." Ani Ryuuji.

"Hindi ko iyon sinasadya patawarin mo ako—Ayy!" Sigaw ko nang bigla silang mag-
preno.

"Ang grupo nila Francis." Sabi ng kaibigan ni Ryuuji.

"Naghahanap ng sakit ng katawan."


Isa-isa silang bumaba ng kotse.

Susuno sana ako sa kanila para lumabas ngunit hinarangan ako ni Ryuuji. "Wag na
wag kang lalabas ng kotse kahit anong mangyari." Utos niya. Pagkatapos sinarado
niya ang kotse.

Nakita ko silang pinalibutan ng higit sa sampung kalalakihan may mga motor na


dala ang iba. Pagkatapos nakipagsuntukan silang tatlo. Kitang-kita ko kung
paano sila hampasin ng baseball bat.

"A-Anong gagawin ko."

Kung hindi ako kikilos dito baka mamatay ang tatlo sa sitwasyon nila hindi sila
mananalo. Aksidenteng napatingin ang kalaban nilang lalaki pagkatapos lumapit sa
kotse. At pilit na binubuksan ang kotse.

Sumigaw ako sa takot at pilit na pinipigilan na buksan ang kotse. Nakita ko si


Ryuuji na lumapit at hinila ito palayo sa kotse at sinuntok niya ito. Ngunit
dahil marami sila nabugbog pa rin sila.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan ko ang numero ng mga police.

"Hello, tulungan ninyo kami nasa panganib po kami."

"Nasaan kayo miss. Wag kang mataranta."

"H-Hindi ko po alam kung nasaan kami ang alam ko lang pag hindi kayo agad
makarating hindi ninyo na kami aabuting buhay."

"Miss, buksan mo ang gps ng cellphone mo. Tatawag kami ulit sa'yo pagkatapos
makinig ka sa sasabihin namin."
Sunod-sunod ang pagtango ko at pagkatapos tumawag sila sa'kin. Nanatiling na
connect ang tawag ko sa kanila upang malaman nila kung nasaan ako.

"Gosh!" Nakita kong tinutukan ng baril ang tatlo.

"Beep! Beep!" Ilang beses kong pinatunog ang kotse ni Ryuuji. Hindi ko iyon
tinigilan upang makatawag ng atensiyon.

Lalapit sana ang mga kalalakihan sa'kin nang dumating ang mga tinawag kong
pulis.

Nagsitakbuhan sila ngunit ang iba sa kanila ay nahuli. Agad akong lumabas ng
kotse at lumapit kay Ryuuji at sa mga kaibigan nito.

"Tulong! Tulungan ninyo po sila."

Agad naman rumisponde ang mga pulis pagkatapos dumating ang rescue. Sumama ako
sa polisya upang magbigay ng statement. Pagkatapos umuwi na rin ako ng bahay.

"Anong nangyari sa'yo anak?" Bakas sa mukha ni Mama ang pag-alala sa'kin nang
makita niya ako.

"Mama, pagod po ako bukas ninyo na ako kausapin." Dire-diretso akong pumasok sa
kwarto.

"Kumain ka muna anak paghahanda kita ng pagkain."

"Matutulog na po ako Mama bukas na lang."

Umupo ako sa gilid ng kama at pagkatapos umiyak nang umiyak. Isang araw pa lang
akong pumapasok sa school pero ang dami kong naranasan. Hindi ko lubos maisip na
madadawit ako sa ganoong gulo.

"Hindi na ako babalik doon."

Bago ako matulog buo na ang pasya akong hinding-hindi na ako babalik sa
impiyernong school na iyo.

CHAPTER 3 [The Bad Boy's First Kiss]

[Ryuuji]

"Good morning Mom." Sabay halik sa pisngi.

Nasa hapag kaininan kaming dalawa. Tuwing umaga madalas kami ang magkasabay
kumain dahil palaging nasa ibang bansa si Daddy. Palagi siyang may business
meeting na pinupuntahan kaya naman nasanay na akong wala siya.

"Himala yata maaga kang papasok ngayon sa school."

"I would like to welcome the scholar students of Eastberg university."


Pagkatapos muli kong pinagpatuloy ang pagkain ko.

"Last year madami akong natatanggap na reklamo tungkol sa'yo i hope this year
mabawasan na ang nagrereklamo sa'yo much better kung wala."

"Mom, wag mong pansinin ang mga 'yon masyado silang na-inggit sa'kin kaya sila
gumagawa ng kwento."

Tumingin sa'kin si Mommy at kumunot ang noo. "Are you sure? Bago matapos ang
taon may pinagamot akong binubog mo."

"It's not my intention."

"Hayss! Sana makanap ka ng babaing magpapatino sa'yo."

"Never comes to my mind to have a girlfriend. I'm enjoying my self."

"Baka sakaling magtino ka."

"Mom, wag nating pagtalunan ang bagay na 'yan let's enjoy our breakfast." Putol
ko sa sasabihin pa ni Mommy."

Sport car na kulay blue na binili sa'kin ni Daddy noong nag birthday ako ang
pinili kong gamitin.
Binuksan ko ang speaker ko at nagpatugtog ako ng kanta na sobrang lakas at
pagkatapos mabilis kong pinaharurut papunta sa school.

Pagbaba ko sa kotse ko sinalubong na ako ng kaibigan kong Dan Carly at si


Fujima. Sila ang matalik kong kaibigan mula pa noong grades school kami. Sa
school na ito kami ang kinatakutan ng lahat ng estudyante madalas kaming
napapaaway. Madalas naming binubully ang mga scholar students. Gusto kasi namin
silang kusang umalis sa school na ito. Hindi namin gusto na mayroong scholar
students sa school kaya sila ang palaging trip naming pahirapan.

"Kumusta!" Sabay tapik ni Dan Carly ang balikat ko.

"Ayos naman may bago ba tayong laruan."

Inabot sa'kin ni Fujima ang list ng mga scholar. "Marami sila pero hindi ko pa
napapansin ang iba."

"Nandito pa rin ang nursing student."


"Immune na yata siya sa mga sakit ng katawan." Ani Dan Carly.

"Pumasok ba siya?"

Tumango ang dalawa. "Let's go!"

Habang naglalakad kami sa hallway ng school namin ang lahat ng makikita naming
mga estudyante ay binibigyan kami ng daan ang iba sa kanila ay sumusunod sa'min.
Nagpunta kami sa classroom ng Nursing student na si Tacky na hindi talaga
madala-dala sa pambubully namin. Hanggang ngayon nandito pa rin siya.

"Dalhin siya rito." Utos ko sa ibang estudyante.

Agad naman sumunod ang tatlong lalaki at pinasok si Tacky sa loob ng classroom
at binitbit sa harapan namin.

"Wag maawa na kayo sa'kin." Nakaluhod siya sa'ming tatlo.

"Ang tigas talaga ng ulo mo." Sumenyas ako at pagkatapos hinagisan na siya ng
kung ano-ano. Tubig, basura, pintura, juice pinagsasabunot naman siya ng ibang
babae.

"Maawa kayo sa'kin." Pagmamakaawa niya. Ngunit mas lalo akong naiinis sa kaniya.

"Kung sumunod ka sa'min sana hindi ka na naghihirap ngayon. Hindi ka pa umalis


sa school na ito." Sabi ko.

"Anong ginagawa ninyo sa kaniya?"

Lahat kami napalingon sa babae. Napakuyom ako ng kamao nang makilala ko ang
babaing tumutulong kay Tacky.

"Isa 'yan sa scholar ng school." Bulong ni Fujima.

"I know her." Tugon ko.

"Saan kayo nagkakilala?" Tanong ni Dan Carly.

"Siya ang bumasag ng salamin ng kotse ko."

"Tsk! Tsk! Kawawang babae." Umiling-iling pa si Fujima.

"Wag kang makialam dito Miss." Sagot ni Tacky.

"Tutulungan kita."
"Hindi mo alam ang ginagawa mo."

"You!" Duro ko sa kaniya. Lumapit ako sa kaniya at kinuwelyuhan ko siya at


matalim na tinitigan. "Do you remember me?"

"Ouch! Damn it!" Sigaw ko.

Nabitawan ko siya dahil bigla niya akong kinagat sa kamay.

"Wala kang karapatang saktan ako Or kahit siya hindi mo dapat sinasaktan."

"Hindi mo kilala ang binabangga mo!" Sumenyas ako kay Fujima at Dan Carly
pagkatapos hinawakan nila ang babae.

"You'll die." Muli akong lumapit pero bago pa ako makalapit ng sobra sa kaniya
sinipa niya ang balls ko. Ang bagay na pinapangarap ng mga babae mukhang basag
na. Ugh!

"Ouch!" Lumakas ang sigaw ko dahil sa lakas ng sipa niya. Halos mamatay ako sa
sobrang sakit. Hawak-hawak ang balls ko habang namimilipit sa sakit.

"Dude, okay ka lang ba?" tanong ni Fujimana pinipigilang tumawa.

"Fuck that girl!"

Inalalayan ako ng dalawa kong kaibigan patungo sa clinic doon ko pinakalma ang
nararamdaman kong sakit.

"Dude, buhay pa ba 'yan?" Sabay tawa ng malakas ni Fujima.

"Fujima. Siguradong bugok na. Sobrang lakas ng pagkakasipa parang tinalo ang
sipa ni Jackie chan." Sabay tawa ng malakas.

"Mga g*g*! Humanda sa'kin ang babaing iyon sisiguraduhin kong pagsisihan niyang
tumapak pa siya sa school na ito."

"Aika Cassidy Miketsukame ang name niya." Ani Fujima.

"Aika pala ang name niya."

"Alam mo pwede mo naman siyang ipabugbug sa ibang estudyante kanina utusan mo


lang sila. Bakit hinayaan mo silang makaalis." Ani Dan Carly.

"Gusto ko ako ang magpapahirap sa kaniya."


"Baka naman type mo siya." Biro ni Fujima.

"Ugok! Hindi ko pa natatagpuan ang babaing magpapalambot sa'kin."

"That's good, so anong plano mo?" Ani Fujima.

"Ipahanap ninyo sila sa mga estudyante ngayon na."

Agad naman tumawag si Dan Carly upang ipahanap ang babae. Ilang saglit may
dalawang babae ang lumapit sa'min. Nakita na raw nila ang dalawa.

Agad kaming lumabas upang salubungin ang dalawa dahil ang sabi pauwi na raw ang
dalawa. Naabutan namin ang mga estudyante na pinapalibutan silang dalawa.

"Anong kailangan ninyo sa'min?" Ani Aika.

"Sila walang kailangan sa inyo pero ako may kailangan sa'yo Miss Miketsukami."
Sabi ko.

Nagkatitigan kaming dalawa. Halos patayin ko siya ng mga titig ko.

"Ikaw at ang lalaking kasama mo ay mananagot sa'kin."

"Duwag ka ba? Bakit kailangan mong gamitin ang kapangyarihan mo para manakit ng
iba."

"You have no right to talk to me that way."

"Anong gagawin mo sa'kin? Ipapabugbug mo sa kanilang lahat, papahirapan mo ako.


Ako na lang pahirapan mo wag na siya." Sabay turo ko niya kay Tacky."

Ngumiti ako. "Your wish is my command."

Inilayo nila si Tacky at Pagkatapos binuhusan siya ng pintura na kulay pula at


tinapunan ng basura.

Nagtawanan kami habang pinapanood namin siya na pinahihirapan. Kitang-kita ko


ang galit niya nang magkatitigan kaming dalawa. Pinapanood ko siya habang
sinisipa at sinasampal ng mga estudyante hanggang sa napasusob na ito sa lupa.

"Fvck!"

Nai-angat ko ang pwet ko sa pagkakaupo ko nang makita ko siyang humalik na sa


lupa. Nakaramdam ako nga awa habang pinagmamasdan ko siya.
"Tama na!" Sigaw ko.

Napansin kong tumingin sa'kin ang dalawa kong kaibigan pero hindi ko iyon
pinansin.

"Magsi-uwi na kayong lahat." Sabi ko sa kanila.

Agad naman silang sumunod at isa-isang nagsi-alisan. Huli akong umalis sa lugar
na iyon upang siguraduhin na wala ng estudyante pagkatapos lumapit ako kay Aika
at yumuko. pang-asar akong ngumiti. "See you again tomorrow Miss Miketsukame."

Isang nagbabagang tingin ang pinukol niya sa'kin.

"Ryuuji, mukhang lumalambot na yata ang puso mo." Ani Dan Carly habang naglalaro
kami ng billiards hindi kalayuan sa school.

"Psh! Ayoko lang malaman ni Mommy ang ginawa ko, kailangan kong maging mabait."
Alibi ko.

"Hindi kaya gusto mo siya." Ani Fujima.

Matalim ko siyang tinitigan. "Basagin ko 'yang mukha mo."

"Relax, wag masyadong mainit ang ulo." Ani Fujima.

"Uuwi na ako."

"Pasabay kami naka-park sa school ang kotae namin." Ani Dan Carly.

Hindi ako umimik sa dalawa habang papunta kami sa school nakita namin si Aika na
nakatayo at mukhang naghihintay ng sasakyan.

Tumakbo siya nang makita niya ako pero hinabol namin siya hanggang sa mai-pasok
siya loob ng sasakyan.

"Anong kailangan mo sa'kin!" Sigaw niya.

"Sa tingin mo sapat na ang ginawa sa'yo kanina sa ginawa mong pambabastos
sa'kin."

"Ryuuji, ano bang gagawin natin sa kaniya?" Tanong ni Dan Carly.

Ngumisi ako at pagkatapos naglabas ako ng baril bago tumingin kay Aika. Gusto ko
lang naman siyang takutin. Wala naman akong ibang gagawin sa kaniya na masama.

"A-Anong gagawin mo sa'kin?"


"Ano pa ba ang ginagawa sa babaing kumakalaban sa'kin."

Tumawa kaming tatlo upang mas lalong matakot si Aika.

"Mga hudas! Saklolo! Saklolo!" Sumisigaw siya ng malakas.

"Tumigil ka!" Sigaw at pagkatapos tinutok ko sa ulo niya ang baril.

"W-Wag! W-Wag ninyo akong sasaktan."

"Kasalan mo kinalaban mo ako. Una binasag mo ang salamin ng kotse ko at


pangalawa muntik ng mabasag ang kaligayahan ko."

Tiningnan ko ang dalawa kong kaibigan pigil na pigil ang tawa.

"Hindi ko iyon sinasadya patawarin mo ako—Ayy!"

Bigla akong nag preno ng may humarang na kotse sa dinadaan namin.

"Ang grupo nila Francis." Ani Fujima.

Tiningnan ko si Aika. Hindi siya dapat madamay dito.

"Naghahanap ng sakit ng katawan." Ani Dan Carly.

Bumaba kaming tatlo susunod sana si Aika pero pinigilan ko. "Wag na wag kang
lalabas ng kotse kahit anong mangyari."

Paglabas namin tatlo nagulat kami dahil sa marami pala silang kasama pinalibutan
kaming tatlo. Bukod sa marami sila may gamit pa sila.

"Mga duwag talaga kayo. Nagtawag pa kayo ng kakampi mga b*b*!" Sabi ko.

Ngumiti si Francis. "Lahat sila gustong gumanti sa inyo."

"Ang dami ninyo sinasabi." Sabay suntok ko sa lalaking malapit sa'kin.

Pinagtulungan kami nilang lahat kahit anong lakas namin hindi namin sila kinaya.
Nakalimutan ko pa naman ang baril ko sa loob ng kotse.

"Ano! Nasaan ang tapang mo Ryuuji." Sinipa-sipa ako ni Francis habang nakalupagi
ako.
Napatingin siya sa kotse ko at ngumiti. "Mukhang may magandang chiks doon na
pwede naming pulutan. " Lumapit sila doon at pilit na binubuksan.

"Aika..."

Pilit akong tumayo upang lapitan sila. Nang makapaglakad ako hinila ko si
Francis palayo sa kotse ko at pinagsusuntok ko siya.

"G*g* ka Ryuuji!"

Muli kaming lumipagi sa semento dahil hinampas kami ng baseball bat. Nilingon ko
si Dan carly at Fujima. Halos hindi na rin magawang tumayo puno sila ng dugo sa
mukha at katawan.

"Katapusan ninyo na." Ani Francis.

Tinutok sa'min ang mga baril nila. Ipinikit ko ang mga mata ko. Ito na ba ang
katapusan ko.

Ngunit bago pa nila kinalabit ang gantilyo dumating na ang mga pulis.

"Ryuuji! Gumising ka!" Pilit kong iminulat ang mga mata ko nakita ko si Aika na
bakas ang labis na pag-aalala.

"Bakit niya pa kami tinulungan."

"Tulong! Tulungan ninyo sila!" Sigaw niya.

Ilang saglit may bumuhat na sa'min. Nilingon ko si Aika na kausap ang pulis
pagkatapos ipinikit ko na ang mga mata ko.

************

Nagising ako dahil sa ingay na narinig ko. Nang lingunin ko iyon biglang may
kumirot sa katawan ko.

"Ryuuji, gising ka na pala." Lumapit sa'kin si Mommy.

"Anong nangyari?"

Sumimangot si Mommy. "Hindi mo alam na halos ikamatay mo 'yan. Muntik na kayong


mamatay ng mga kaibigan mo, mabuti na lang at tumawag ng tulong ang girlfriend
mo." Ani Mommy.

"Girlfriend?"
"Dalawang araw ka ng tulog yung dalawa mong kaibigan unang nagising sa'yo sila
ang nagsabi na girlfriend mo ang kasama ninyo. Anak, akala ko ba wala kang
girlfriend bakit hindi mo sa'kin sinabi."

"Mga g*gong iyon."

"Saan nakatira ang girlfriend mo gusto kong magpasalamat sa kaniya."

"Wala po akong girlfriend Mommy."

"Ano hiwalay na agad kayo, kung sabagay kahit ako naman makikipaghiwalay ako
kung katulad mong barumbado ang boyfriend. Hayss! Hindi ko na alam ang gagawin
sa'yo."

Ipinikit ko ang mga mata ko. Feeling ko tuloy mas lalong sumakit ang
nararamdaman ko dahil sa sermon ni Mommy.

"Ryuuji, bakit hindi ka magsalita diyan?"

"Mommy, next time mo na ako sermunan ang sakit pa ng katawan ko."

"Ayan! Ayan na nga ba ang sinasabi ko. Ayaw na ayaw sermunan."

Si Mommy talaga sobrang ingay kaya minsan ayokong umuwi ng mansiyon dahil palagi
ako may sermon kapag umuuwi.

"Mom, wag ka ng maingay kapag magaling na ako ipapakilala kita sa kaniya."

"Oh, hindi pa pala kayo break. Ipakilala mo sa'kin para sabihin ko diyan sa
girlfriend mo na hiwalayan ka na."

Kung maigagalaw ko lang sana ang kamay ko tinakpan ko na ang tenga ko, balot
kasi ng benda ang kamay ko. Ipinikit ko ang mga mata ko upang matulog ulit. Mas
magandang matulog na lang kaysa pakinggan ang walang katapusang sermon ni Mommy.

CHAPTER 4 [The Bad Boy's First Kiss]

[Aika]

"Mama, papasok na po ako." Sabay halik ko sa pisngi.

"Dinala mo na ba ang baon mo?"


Tanong ni Mama.

Tumango ako. "Opo, salamat po."

"Mag-iingat ka."
Agad akong umalis at sumakay ng jeep pagkasakay ko ng jeep nakaramdam ako ng
lungkot. Isang linggo na kasi akong hindi pumapasok sa school madalas tumatambay
lang ako sa simbahan at didiretso sa Mall tapos uuwi ako tuwing oras ng uwian sa
school. Simula kasi ng ma-bully ako hindi na ako pumasok sa school isang linggo
akong nagsisinungaling kay Mama. Gustong-gusto kong sabihin sa kaniya kaya lang
natatakot ako.

Habang naglalakad ako papuntang simbahan may nakita akong matandang lalaki na
nagtitinda ng ice drop, hirap na hirap na siyang maglalakad pero kinakaya niya
bitbit ang isang malaking lagayan ng ice drop. Lumapit ako upang bumili.

"Pabili po ng isang ice drop." Sabay abot ko ng isang daan piso.

"Ineng wala akong barya ikaw buena mano ko."

Ngumiti ako. "Wag ninyo na akong suklian sa inyo na po."

"Hindi ineng nakakahiya naman sa'yo estudyante ka pa lang naman."

"Okay lang po."

"Salamat kung ganoon."

"A-Ah, manong bakit po kayo nagpapakahirap magtindi ng ice drop?"

Pinunasan ng ni Manong ang pawis niya bago nagsalita. "May anak kasi akong nag-
aaral ng high school kailangan kong tulungan ang asawa ko sa pagtatrabaho para
mapag-aral namin ang anak namin hanggang kolehiyo."

Bigla akong nakunsensiya sa sinabi ni Manong naisip ko si Mama na nagpupuyat sa


pagtitinda para lang mapag-aral niya ako pagkatapos malalaman niyang hindi pala
ako pumapasok.

"Ang swerte po ng anak ninyo." Sabay ngiti ko.

"Ma-swerte rin kami sa kaniya dahil nag-aaral siyang mabuti."

"Manong palagi ba kayo dito sa simbahan?"

Tumango siya. "Malapit lang dito ang bahay namin."

"Simula po ngayon regular customer ninyo na po ako, palagi akong bibili ng ace
drop ninyo."

"Salamat ineng."
"Ako po ang dapat magpasalamat sa inyo. Sige po, papasok na po ako."

"Mag-aral mabuti ineng."

Buo na ang isip ko na babalik ako sa Eastberg at ipagpapatuloy ang pag-aaral


kailangan kong harapin ang pambubully nila para sa pangarap ko.

Makalipas ang ilang minuto nasa harapan na ako ng Eastberg university. Huminga
ako ng malalim at pagkatapos pumasok na sa loob. Malikot ang mga mata ko dahil
baka may kung anong bumagsak sa'kin O tumama sa'kin.

"Bakit kaya wala ng bully?"

Nakarating ako sa classroom namin ng walang nangyari sa'kin nakahinga ako ng


maluwag.

"You are Aika Cassidy Miketsukame?" Tanong ng professor namin.

"Yes, po sorry po kung-

"Mabuti okay ka na akala namin sa susunod na linggo ka pa papasok."

"Po?"

"Ayos ka na ba?"

"H-Ha? Opo."

"Mabuti naman sige maupo ka na."

"Thank you po."

Palaisipan sa'kin kung bakit ganoon ang sinabi sa'kin ng professor ko. Akala ko
nagkamali lang siya pero dahil lahat ng professor ko ganoon ang sinabi sa'kin
akala nila nagkasakit ako kaya hindi nakapasok ng ilang araw. Iniisip ko tuloy
kung sino ang nagsabi na may sakit ako.

"Aika!"

Nakangiti ako nang makita ko si Tacky na kumakaway sa'kin. Nasa loob ako ng
cafeteria at naghahanap ng table.

Lumapit ako sa kaniya. "Kumusta ka na?"

"Ikaw ang kumusta? Ayos ka na ba ngayon?"


"Oo, ayos lang ako pero sino nagsabi na nagkasakit ako?"

"Pumunta rito ang Tita mo at sinabing baka two weeks kang hindi makakapasok,
mabuti na lang at okay ka na."

Kumunoot-noo ako. "Tita? Wala naman akong malapit na kamag-anak dito."

"Kumusta ka na pala ngayon? Hindi ka na ba binu-bully rito?" Pag-iiba ko ng


usapan.

"Hindi na salamat sa'yo dahil normal na ang buhay ko rito."

"Ano kayang nangyari bakit mukhang naging mabait na si Ryuuji."

Sabay kaming dalawa na kumain ng lunch pagkatapos bumalik na ako sa school.


Naging normal ang buong mag hapon ko kaya naging panatag ang loob ko.

Habag naglalakad ako sa palabas ng school hinarang ako ng kaibigan ni Ryuuji.

"Hi, Aika!"

"A-Anong kailangan ninyo sa'kin?"


Umatras ako pagkatapos tumakbo palayo sa kanila. Akala ko ligtas na ako sa
kanila hindi pala.

"Ay! Bitawan ninyo ako!" Sigaw ko nang mahuli nila ako.

"Wag kang maingay kung ayaw mong mabutas ang tagiliran mo." Bulong ng isa sa mga
kaibigan ni Ryuuji.

"Please! Pakawalan ninyo ako."

"Wala kaming gagawing masama sa'yo basta sumunod ka lang."

Sinakay nila ako sa kotse.

"Ano bang kailangan ninyo sa'kin!"

"Relax ka lang Aika. Hindi ka namin sasaktan."

"Fujima, wag mo kasing tinatakot si Aika." Ani ng lalaking nag-drive.

"Hindi ko siya tinatakot Dan Carly."


"Fujima at Dan Carly pala ang pangalan nila.

"Ano bang kasalanan ko sa inyo!"

"Wala kang kasalanan sa' min pero may ipapagawa kami sa'yo at kapag hindi mo
sinunod papatayin ka namin." Ani Fujima.

Kinilabutan ako sa sinabi niya. Hindi ako magtataka kung kaya nilang pumatay
dahil kaya nga nilang makipag-rambulan na halos magpatayan na sila.

"A-Anong gagawin ko?"

Huminto ang kotse. "Nasaan tayo?"

"Relax, nasa pilipinas ka pa." Sabay ngiti ni Fujima.

Sapilitan nila akong hinila palabas ng kotse at pagkatapos dinala nila ako sa
malaking bahay. pagpasok ko sa loob ng malaking bahay nagulat ako ng salubungin
ako ng mga babae.

"Agad akong pinahubad ng damit at pinagsuot ng kulay pink na gown na labas ang
likod. Nilagyan nila ako ng make up kahit labag sa loob ko. Pagkatapos kong
ayusan bumalik ang dalawa nakasuot na sila ng pormal na damit. Pinagmasdan nila
ako.

"Ayos na!" Sabi ni Dan Carly.

"Ano ba ito? Bakit ganito ang itsura ko?"

"Birthday ngayon ng Mommy ni Ryuuji at pupunta ka doon bilang girlfriend niya."


Ani Fujima.

"Ayoko! Gusto ninyo ba akong patayin ni Ryuuji?"

"Wag kang mag-alala mabait si Ryuuji sa harap ng parents niya. Ang gagawin mo
lang kapag kaharap mo si Ryuuji hahalik mo siya sa labi ng tatlong minuto sa
harap ng parents niya." Ani Dan Carly.

"H-Hahalikan?" Bigla akong kinilabutan sa sinabi niya.

Tumango ang dalawa. "Kapag nabigo ka hindi ka na makakauwi ng buhay sa inyo."


Ani Fujima.

"Baka ako naman ang patayin ni Ryuuji."

"Hindi ka sasaktan ni Ryuuji." Ani Fujima.


Ano bang pinasok kong gulo bakit ba ako nandito sa sitwasyon na ito. Sa lahat
naman ng hahalikan si Ryuuji pa. Never pa naman akong nakipaghalikan tapos ako
pa talaga ang gagawa.

Huminga ako ng malalim. "Wala na pala akong choice."

"Yes, wala kang choice kung hindi ang sumunod. Let's go!" Ani Fujima.

Hawak nilang dalawa ang kamay kong nanlalamig dahil sa nerbiyos. Muli kaming
sumakay ng kotse. Habang nasa daan kami pabilis nang pabilis ang tibok ng puso
ko. Feeling ko hihimatayin ako sa kaba at takot. Hanggang sa huminto ang
sasakyan. Inalalayan ako ng dalawa habang naglalakad kami papasok sa loob.

"Ngumiti ka." Bulong ni Dan Carly sa'kin.

May kumukuha kasi ng larawan sa'min. Sapilitan akong ngumiti.

"Fujima, Dan." Narinig kong bati ng isang matanda na nasa edad kwareta isingko.
Mistisa ito at makinis ang katawan na parang isang artista.

"Happy birthday Tita."

"Ito siguro ang Mommy ni Ryuuji."

Lumapit ako sa Mommy ni Ryuuji. "Happy birthday po." Sabay beso-beso ko.

"Thank you."

Tumingin ang Mommy ni Ryuuji sa dalawang kaibigan ni Ryuuji. "Sino siya?"

"Tita siya po ang girlfriend ni Ryuuji." Ani Dan.

Gusto kong himatayin sa nerbiyos dahil sa sinabi ni Dan. Ngiting aso naman ako.
"Nice meeting you po."

"Ikaw pala ang girlfriend ni Ryuuji. Teka tatawagin ko ang boyfriend mo."

Kinalabit ako ni Fujima at bumulong.


"Kapag lumapit si Ryuuji halikan mo na."

"Ryuuji, nandito na ang girlfriend mo." Ani ng Mommy niya.

Yumuko ako nang magtama ang mga mata namin ni Ryuuji. Natatakot sa kaniya.
Huminga ako ng malalim pagkatapos pilit akong ngumiti kay Ryuuji. "Hello, Baby.
"
"What are you doing here?" He whisper.

"I'm sorry, i need to this."

"What?"

Lumapit ako sa kaniya na isang dangkal lang. Ang sama ng mga tingin niya sa'kin
pero mas gusto ko pang mabuhay. Hinawakan ko ang batok ni Ryuuji at hinila ko
iyon pagkatapos hinalikan ko siya sa labi.

"1...2...3..." pagkatapos bumitaw ako sa pagkakahalik ko at lumayo.

Nakita ko ang mommy niya na ang lapad ng pagkakangiti maging sila Fujima at Dan
Carly nakangiti rin pero si Ryuuji nakatulala lang.

"A-Ah- Excuse me lang po kailangan kong gumamit ng comfort room."

"Ituturo ko sa'yo kung saan ang comfort room." Ani Fujima.

Pagkatapos inalalayan niya ako palayo sa kanila.

"Fujima, gusto ko na umuwi nagawa ko ang gusto ninyo."

Ngiting-ngiti siya. "Sure." Pa-simple kaming tumakas sa maraming tao at


pagkatapos sumakay kami ng kotse.

Hindi ko na alam kung anong mangyayari sa'kin bukas. Hindi ko gustong gawin iyon
kay Ryuuji pero wala akong magawa dahil papatayin nila ako.

"Nandito na tayo." Ani Fujima.

Nakahinga ako ng maluwag nang nasa tapast na kami ng bahay namin.


"Salamat." Sabay alis ko.

Mabuti na lang at tulog na si Mama nang dumating ako dahil magtataka iyon sa
suot ko. Hindi na kasi ako nag palit ng damit.

Habang nakahiga ako sa kama. Naaalala ko ang mukha ni Ryuuji. Kitang-kita ko ang
pagkagulat niya at pamumula ng mukha.

"Hayss! Lagot na ako nito bukas."

Nagpagulong-gulong ako sa kama ko pero hindi pa rin ako dalawin ng antok


palaging sumasagi sa isip ko ang naging reaksiyon ni Ryuuji.
"Kayo na po ang bahala sa'kin bukas."

CHAPTER 5 [The Bad Boy's First Kiss]

[Ryuuji]

Hindi ako magawang tingnan ng ibang estudyante habang naglalakad ako papasok ng
Eastberg university. Dire-diretso ako hanggang sa makarating ako sa office ng
Dean namin.

Pumasok ako sa loob at umupo na naka-dikwatro.

"Silvana. Anong balita sa transferee na si Miss Miketsukame?" Tanong ko sa Dean.

Simula ng lumabas ako ng hospital una kong hinanap si Aika sa school. Ngunit
nalaman kong hindi na ito pumapasok. Kinausap ko si Yaya Belen upang mag panggap
na Tita ni Aika at sabihing nagkasakit ito upang hindi ito ma-drop at tanggalin
ang scholar. Hindi ko na rin binu-bully ang nursing student na si Tacky.

"Wala po kaming balita kung magaling na siya."

"I see... Tawagan mo ako kung pumasok na siya." Tumayo ako at lumabas ng office
niya.

Una kong hinanap ang dalawa kong kaibigan na si Fujima at Dan Carly. May
importante kasi akong sasabihin sa kanilang dalawa ngayon. Hinanap ko sila sa
school pero hindi ko sila nakita kaya naman napagpasyahan kong puntahan sa lugar
na paborito nilang puntahan.

Pitong kilometro ang layo ng pad ni Fujima sa school kaya mabilis lang akong
nakarating doon. Kilala na rin ako ng security guard sa labas ng malaking
building na iyon na pagmamay-ari ng mga Takouari.

Dahil sa madalas akong nandito alam ko na rin ang password ng pad ni Fujima.

Nang makapasok ako sa loob napailing ako dahil nagkalat sa lapag ang mga damit
ng babae at damit ni Fujima at Dan Carly. Umupo ako sa malambot at mahabang sofa
upang hintayin silang lumabas sa kwarto. Nang nakahiga na ako sa sofa may nakapa
akong tela. Inalis ko iyon ngunit ng tingnan ko bigla ko iyon tinapon.

"Yuck!" Bigla akong tumayo at naghugas ng kamay. Nahawakan ko kasi ang kulay red
na panty.

Kaya minsan ayokong nandito sa pad ni Fujima dahil hindi ko gusto ang ginagawa
ng dalawa. Ang pakipag-flirt sa mga babae.

Nang makarinig ako na tunog mula sa kwarto nilakasan ko ang sound ng Tv.
Pagkatapos ng ilang minuto lumabas si Dan Carly na nakatapis ng puting towel.
"Ilang round 'yan?" Tanong ko ng hindi tumitingin sa kaniya.

Dumiretso siya sa kusina at binuksan ang refrigerator at kumuha ng inumin.

"Dalawa masyado kasing magaling." Uupo sana siya sa tabi ko pero pinigilan ko.

"Maligo ka nga amoy zonrox ka."

"Mamaya na baka mapasma." Sabay tawa niya.

Ilang saglit pa lumabas ang isang maganda at maputing babae sa kwarto na


nilabasan ni Dan Carly. Lumapit ito kay Dan Carly.

"You want another round." Ani Dan habang hinahaplos nito ang malaking dibdib ng
babae at hinihimas ang pwet.

"Tomorrow." Sabi ng babae.

Napangiwi ako ng maghalikan ang dalawa bago umalis ang babae.

"Kaya pala para kang leon diyan."

"Bakit kaya hindi mo subukang tumikim para naman maranasan mo ang nararanasan
naming dalawa ni Fujima."

"Wag ninyo akong itulad sa kalibugan ninyo, mabuti hindi ninyo nabubuntis ang
mga babae ninyo.

"Uso ang condom." Sabay ngiti ni Dan.

"Psh!"

Lumabas si Fujima na naka-brief lang gulo-gulo ang buhok niya. Kasunod na niya
ang babae na nakabihis na.

"Tingnan mo nga naman ang bisita ko." Lumapit si Fujima upang makipag kamay pero
hindi ko inabot.

"Hugas ka muna ng kamay mo."

Tumawa si Fujima at pagkatapos dumiretso sa banyo ang babaeng kasama niya umuwi
na rin.

"Kung hindi ka namin kilala iisipin naming bakla ka." Ani Dan Carly.
"Mga g*g*! Sapakin ko kayo e, hindi ko lang gustong makipaglaro ng apoy sa
babae."

"Ikaw lang ang badboy na kilala ko na NBSB at never been kiss and touch. Mag
bago ka ng prinsipyo Ryuuji. Mamatay ka ng hindi mo natikman ang langit." Ani
Fujima.

"Gusto ko katulad ng kay Daddy. First girlfriend niya si Mommy at first kiss
niya."

"Paano ka magkakaroon ng ganyan kung hindi ka manliligaw. Marunong ka bang


manligaw?"

Tinitigan ko ng masama ang dalawa. "Hindi ako pumunta rito para pakialam ang
buhay ko. Nandito ako para sabihin na bukas birthday ni Mommy at kahit ayokong
invite kayo wala akong choice dahil gusto ni Mommy na pumunta kayo mga ugok."

Nagkatinginan ang dalawa at pagkatapos ngumiti.

Salubong ang kilay ko. "Anong nakakatawa?"

"Wala naman naisip lang namin na baka may chiks doon." Ani Fujima.

"Meron mga matatanda." Sagot ko.

Tumayo ako upang umalis. "Hihintayin ko na lang kayo sa school masyadong mabaho
rito."

Humalakhak ng malakas ang dalawa. Ako naman ay dumiretso ng school at doon ko na


lang sila hinintay.

**********

Abala ang lahat ng tao sa loob ng mansiyon namin dahil sa paghahanda. Dumating
na rin ang mag-aayos ng birthday ni Mommy si Mommy hindi makanda-uga-uga sa pag-
aayos sa birthday. Samantalang ako nasa loob ng kwarto ko at naglalaro ng online
game.

Sumapit ang gabi nagsimula ng dumating ang ibang bisita ni Mommy. Naging abala
naman ako sa pag-aasikaso ng ibang bisita ni Mommy kung kaya't hindi ko
namalayan na dumating ang mga kaibigan ko.

"Ryuuji!"
Nakangiti pa si Mommy ng lumapit sa'kin.

"Yes, Mom?"
"Nandito na ang kaibigan mo at ang girlfriend mo."

Kumunot-noo ko. "Girlfriend?"

Hinila ako ni Mommy. "Asikasuhin mo ang girlfriend mo."

Ang lapad ng ngiti ni Fujima at Dan samantalang hindi ko makilala ang babae na
nakakulay pink na gown dahil nakayuko ito.

"Ryuuji, girlfriend mo." Ani Mommy.

"Aika."

Nakayuko si Aika habang papalapit sa'kin.

What are you doing here?" I whisper.

"I'm sorry, i need to this."

"What?"

Lumapit siya sa'kin na halos isang dangkal ang pagitan ng mukha namin. Nagulat
ako ng hilahin niya ang batok ako at pagkatapos hinalikan niya ako sa labi.
Natulala ako at parang hindi ako makagalaw. May kuryenteng dumaloy sa buo kong
katawan at parang naninigas ang katawan ko.

"1...2...3..."

Tatlong segundo yata ang tinagal ng paglapat ng labi niya sa labi ko. Pagkatapos
kumalas siya sa'kin.

Nakita ko si Mommy at ang dalawa kong kaibigan na nakangiti sa'min.

"A-Ah— Excuse me lang po kailangan kong gumamit ng comfort room." Ani Aika.

Gusto ko siyang lapitan pero hindi ko magawang ikilos ang katawan ko.

"Ituturo ko sa'yo kung saan ang comfort room." Ani Fujima.

Tinanaw ko si Aika at Fujima na papunta sa comfort room.

"Ang sweet naman ng girlfriend mo." Ani Mommy.

Doon ako bumalik sa ulirat. Nang tingnan ko si Dan Carly. Ang lapad ng ngiti.
"Mommy, kakausapin ko lang ang mga kaibigan ko."

"Sige, ikaw na ang bahala sa mga kaibigan mo." Pagkatapos umalis.

Humakhak ng malakas si Dan Carly. Nang makaalis si Mommy.

Kinuwelyuhan ko si Dan. "Sinadya ninyo ito."

"Woah! Wala akong alam diyan."

"Humanda kayo sa'king dalawa."

Hinintay namin na makalabas si Fujima at Aika ngunit hindi na ito nagpakita


sa'min nakaramdam ako ng inis dahil biglang nawala ang dalawa. Kasama pa naman
niya si Fujima.

"Bakit hindi pa sila bumabalik?"

Pilyong ngumiti si Dan Carly. "Baka sinamahan ni Fujima sa loob ng cubicle si


Aika."

Muli kong kinuwelyuhan si Dan. "Hindi ako nakikipag-biruan sa'yo."

"Easy lang dude. Wag kang masyadong pikon. Safe ang naka-first kiss sa'yo. Hindi
namin siya gagalawin."

Binitawan ko si Dan. "Where is she?"

"Nagtext sa'kin si Fujima hinatid na niya sa bahay si Aika. Nagyaya na raw na


umuwi. Hintayin mong bumalik si Fujima pagkatapos suntukin mo."

"Bullshit!" Sigaw ko.

Umupo ako sa round table habang nakatanaw sa entrance ng malaking gate namin.
Hindi ko tuloy magawang kumain O makihakalubilo sa iba hanggat hindi ko nakikita
si Fujima.

Isang oras ang lumipas nang matanaw ko si Fujima agad akong tumayo upang
salubungin siya. Sumunod naman sa'kin si Dan Carly.

"Bakit ang tagal mo?" Inis kong tanong kay Fujima.

"Yan ba talaga ang tanong mo O gusto mong tanungin kung safe na nakauwi si
Aika." Pilyo siyang ngumiti.
"Wala akong pakialam sa babaing iyon. Pagbabayaran niya ang ginawa niya sa'kin."
Sabay iwas ko ng tingin sa kanila.

"Inuwi ko si Aika sa bahay niya ng walang labis at walang kulang. She safe now.
Don't worry." Ani Fujima.

Matalim ko silang tinitigan. "Bakit nandito siya? Tinakot ninyo siya na gawin
sa'kin 'yon."

Nagkatinginan ang dalawa pagkatapos tumawa ng malakas na halos manakit na ang


tiyan sa kakatawa.

"Nakakatawa ang itsura mo nang kinuha ni Aika ang first kiss mo. You look pale
akala ko nga hihimatayin ka." Ani Dan Carly pagkatapos tumawa ng malakas.

Lumapit ako sa kanila at marahan kong sinuntok sila sa braso.

"Sinasabi ko na nga ba at kayo ang may pakana ng lahat ng iyon. Kaya ako
nagtataka ng biglang sumulpot si Aika sa birthday party ni Mommy."

"Atleast naranasan mo na ang halikan. Binata ka dude bilog na ang utot mo." Ani
Fujima sabay tawa ulit.

"G*g*!" Sigaw ko.

Naputol lang ang pang-aasar nilang dalawa ng may makita silang dalaga na bisita
ni Mommy. Iniwan nila ako at pinuntahan ang mga dalaga. Mag-isa akong umiinom ng
alak habang pinapanood ang mga kilos ng mga bisita namin. Biglang sumagi sa isip
ko ang larawan ng mukha ni Aika.

Kinapa ko ang dibdib ang bilis kasi ng tibok niya. Pagkatapos kinapa ko ang labi
kong hinalikan ni Aika. Feeling ko nakadikit pa rin ang labi niya sa labi.

"Psh! Baliw talaga ang babaing 'yon." Then i smile.

*********

Kinabukasan maaga akong pumasok sa school dahil nabalitaan kong kahapon pa


pumasok sa school si Aika. Kaya siguro nadala nila Fujima si Aika dahil pumasok
na ito. Nasa loob ako ng office ng dean. Naka-dikwatro habang hinihintay ang
pagdating ni Aika. Sinabihan ko kasi ang Dean namin na papuntahin si Aika sa
office niya.

Ilang saglit pa nakarinig ako ng katok sa pintuan.

"Come in." Hininaan ko ang boses upang hindi niya ako makilala.

Pagpasok niya sa loob nanlaki ang mata niya ng makita niya ako. Napaatras siya
ng tumayo ako.

"Hep! Hep! Wag kang lalabas."

Huminto si Aika at nakayuko sa'kin.


Habang papalapit ako sa kaniya pabilis naman nang pabilis ang tibok ng puso ko
hindi ko maalis ang tingin sa kaniya.

"W-Wag mo akong sasaktan. Hindi ko ginustong halikan ka. Napag-utusan lang ako
ng mga kaibigan mo. Papatayin nila ako kung hindi ko sila susundin." Aniya.

Huminto ako at pagkatapos tumawa ako ng malakas hindi ko na kasi mapigilan na


hindi tumawa kitang-kita ko kasi ang takot sa mukha niya.

Nakataas ang kilay niya ng tumingin sa'kin.

"Hindi ka galit?" Takang tanong niya.

"Hindi ako galit. Galit na galit!" Sumigaw ako upang mas lalo siyang matakot
sa'kin.

"Sorry." Aniya.

"Simula ngayon hindi ka na aalis sa tabi ko."

"Ha?" Gulat na gulat siya.

"Kung gusto mong makapagtapos ng pag-aaral just stay with me."

"Pero ayokong kasama ka madami kang kaaway baka madamay pa ako."

Tinitigan ko siya ng masama. "Anong gusto mo hindi ka na makalabas ng buhay


rito?"

Ilang beses siyang umiling. "Gusto kong mabuhay ng matagal."

"Good girl, then stay with me."

Huminga siya ng malalim. "Okay."

"Good. Let's go!"

Hinawakan ko ang kamay niya. Gusto kong bitawan pero hindi ko na nagawa. Lumabas
kami ng office ng Dean at naglakad ng lobby na magkahawak kamay.
Marami ang nagulat ng makita kaming dalawa na mag-kasama pero wala kahit isa ang
nagtanong. Marahil natatakot sila sa'kin.

"Teka nga!" Sabay hila niya ng kamay niya.

Tumingin ako sa kaniya. "What?"

"Saan ba tayo pupunta? May klase pa ako."

Matalim ko siyang tinitigan. "We will eat in the cafeteria, I haven't eaten
yet."

"Ikaw na lang busog ako." Tumalikod siya sa'kin upang umalis.

"I will kill you."

Huminto siya at humarap sa'kin. Tapos ngumiti. "Tara na! Gutom pala ako." Aniya.

"Psh! Susunod ka rin pala." Nauna akong naglakad sa kaniya hindi ko na ulit
hinawakan ang kamay niya.

"Ikaw na bumili ng pagkain natin."

"Bakit ako? Ikaw ang bumili."

"Inuutusan mo ba ako?" Inis kong tanong.

"Hindi kita inuutusan wala akong pera pambili."

Naglabas ako ng pera. "Here."

"Two thousand ang laki naman nito."

"Why are you complaining so much? Bumili ka na!"

"Tse!" Sabay talikod ni Aika.

Umiling ako. Ganito ba talaga kapag may kasamang babae nakakaasar.


Pakalipas ng ilang minuto may dala na siyang pagkain.

Nakakunot ang noo ko. "What is that?"

"Lason."
"You pissed me off."

Pang-asar siyang ngumiti. "Joke lang! Kain ka na."

Dalawang burger. Vegetable salad pineapple juice at fruit salad ang binili niya
para sa'kin."

"Why don't you eat?"

"Busog pa ako."

Kinuha ko ang isang buong burger at sinubo ko sa kaniya. "Eat the food."

Pinanlakihan niya ako ng mata at pilit na nginunguya ang isang buong burger.

Tawa ako nang tawa sa kaniya dahil nabibilaukan na siya.

"Papatayin mo ba ako!"

Nagkibit-balikat ako. "If you die, why not." Pagkatapos sinubo ko ulit ang
burger.

"Napakasama ng ugali mo. Hanggang anong oras ako magiging sunod-sunuran sa'yo?

"Until i get bored."

"Hudas! Unggoy! Kapreee!" Sigaw pa na niya

Nakangiti ako habang inis na inis siya sa'kin. Ang sarap kasi niyang asarin.

"I think, I'm happy to be with you"

CHAPTER 6 [The Bad Boy's First Kiss]

[Aika]

Trip to kama ang ginawa ko ng paulit-ulit ngunit hindi pa rin ako dalawin ng
antok. Ilang beses na rin akong nagtimpla ng gatas pero wala pa rin epekto.
Sinilip ko ang orasan ng cellphone at nakita kong malapit ng tumunog ang alarm
ko para mag handa sa pagpasok.

"Ano ba 'yan alas-tres na, dalawang oras na lang tutunog na ang alarm ko."

Sinubsob ko ang unan sa mukha ko at mariin akong pumikit. Nakakainis kasi si


Ryuuji siya ang palaging laman ng isip ko. Hindi ko maintindihan kung bakit
paulit-ulit na nag-flash back sa'kin ang paghalik ko sa kaniya ang mga ngiti
niya at ang pagiging mabait niya sa'kin. Muli kong idinilat ang mga mata ko at
tinaas ko ang kamay ko.

"Ilang beses niya itong hinawakan."

Ipinikit ko ang mga mata ko habang si Ryuuji ang nasa isip ko. Siguro mas
maganda na isipin na lang siya para sakaling makatulog ako. Ilang minuto nga ang
lumipas unti-unti na akong nakakaramdam ng antok hanggang sa tuluyan na akong
makatulog.

"Aika! Gumising ka na!"

Nagising ako sa tawag ni Mama pero hindi ako bumangon dahil kakatulog ko pa lang
at sobrang antok pa ako.

Narinig ko ang yabag ng paa ni Mama na papunta sa kwarto ko pero hindi pa rin
ako bumabangon.

"Aika, hindi ka ba naririndi diyan sa alarm ng cellphone mo? Bumangon ka na may


pasok ka pa sa school."

"Mama, wala po kaming pasok." Pagsisinungaling ko.

"Bakit wala kayong pasok? Ilang linggo pa lang nagsisimula ang klase wala na
agad ang pasok."

"Mama, anniversary po ang school walang pasok pero may celebration sa school.
Ayokong pumunta para lang doon mas gusto kong matulog."

"Hayss! Dapat nga nakikihalubilo ka sa mga ganyan para naman masanay ka na."

"Mama, matutulog na po ako wala pa akong tulong kasi gumawa ako ng project ko."

"White lies naman ito, hindi naman masama."

"Okay, sige kumain ka na lang diyan nagluto na ako ng almusal mo. Pupunta na ako
sa palengke."

"Ingat Ma."

Pagkatapos muli akong natulog. Hindi naman siguro ako tatanggalan ng scholar
kung palagi akong absent.

*******
Napabalikwas ako ng bangon ng makarinig ako ng sirena ng ambulansiya. Bigla
akong kinabahan dahil sobrang lapit ng tunog ng ambulasiya sa'min. Nagmadali
akong nagtapis ng tuwalya pagkatapos lumabas ako ng bahay. Marahil may dadalhin
sa ambulansiya na malapit sa'min O baka may nag-away sa labas at nasaktan.

Pagbukas ko ng pintuan nakita ko ang ambulansiya na nasa tapat ng bakuran namin


ang lakas-lakas ng sirena nito na halos rinig sa kabilang baranggay. Bigla akong
kinabahan dahil baka si Mama ang dadalhin. Napatakbo ako papunta sa ambulansiya.

"M-Mama!" Sabay bukas ko ng pintuan ng sasakyan.

"Good morning Aika."

"Ikaw?!"

Nakasuot ng uniform si Ryuuji habang pangisi sa'kin. Lumabas siya at pinagmasdan


ang buong paligid. Parang hindi niya alintana ang malakas na tunog ng
ambulansiya na dala-dala niya.

"Iskwater ba 'to?"

Gigil na gigil akong lumapit sa kanya. Imagine nagpunta rito na may dalang
ambulansiya kung hindi ba naman sira ang tuktok. Urgh!

"Hoy! Ano bang utak ang meron ka! Bakit ka may dalang ambulansiya hindi mo ba
alam na nakaka-perwisyo sa mga kapitbahay ang ginagawa mo!"

Umatras siya sa'kin ng kaunti at nagtakip ng ilong.

"Paano ka nakakaharap sa'kin na ganyan ka kadumi at kabaho."

"Ha?" Bigla kong naalala na kagigising ko lang. "Waah!" Mabilis akong tumakbo sa
loob ng bahay namin. Bakit hindi sumagi sa isip ko na wala pa akong toothbrush
at hilamos siguradong nakita niya ang morning star ko at panis na laway ko.

"Come in Ryuuji." Narinig kong sigaw ni Ryuuji. Ang hudas pumasok ng bahay
namin.

"Maliligo lang ako hintayin mo ako."

"Sus! Nothing will change even if you bathe."

Ang sarap lumabas ng banyo at batuhin ng tabo. Nakakainis masyado siyang hambog.
Kung sabagay kamag-anak nga pala niya si Hudas.

"Bilisan mong maligo nakakaboring dito."


Simula ng lumaki ako ngayon ko lang naramdaman na ma-stress habang naliligo.
Hindi niya ba alam na siya ang dahilan kung bakit ako puyat at absent tapos
aasarin lang niya ako.

Pagkalipas ng kalahating oras nakaligo at nakapagpalit na ako ng damit habang si


Ryuuji nasa kusina kumakain.

"Teka? Kumakain!" Nagmadali akong lumapit sa kaniya inagaw ko ang pagkaing


hinanda ni Mama para sa'kin.

"Hey! Bakit mo kinuha 'yan nakita mong kumakain ako."

"Hoy! Pagkain ko ito hindi pa ako kumakain."

"Nagugutom na ako hindi pa rin ako kumakain dahil sa kakahintay ko sa'yo."

Tumingin ako sa kaniya. "Kakahintay sa'kin?"

"Maaga akong pumasok hindi pa ako nag breakfast pagdating ko sa school wala ka.
Hinintay kita pero hindi ka dumating kaya kinuha ko ang address mo sa office.
Pinuntahan kita rito, hinintay kitang lumabas pero inabot na ako ng isang oras
walang lumalabas sa bahay ninyo kaya nag-arkila ako ng ambulasiya para marinig
mo."

Bigla naman akong nakunsensiya dahil sa sinabi niya. Talaga bang ginawa mo
iyon?"

"Paulit-ulit ka? Penge ako ng pagkain."

Inabot ko sa kaniya ang ulam na niluto ni Mama sa'kin. "Hati na lang tayo sa
pagkain."

"Bibigyan naman kita e, kinuha mo pa napakadamot mo talagang babae ka."

Nagsandok ako ng kanin ko upang kumain. "Penge ako ng ulam."

"Here!" Kinuha niya ang isang hotdog pero pinutol niya.

"Bakit kalahati lang binigay mo sa akin? Apat 'yan ah."

"Tama na 'yan sa'yo payat ka naman."

"Ang kapal talaga ng bwisit na ito! Nakiki-kain ka na nga lang siya pa madamot."
Gigil na gigil akong pinagtiisan ang kalahating hotdog. Nakaka-badtrip. Ako yung
nagtitiis sa kaunting ulam. siya parang akala mo may binigay na pambili. Letche!

"Sino kasama mo sa bahay ng kalapati?"


Titigan ko siya ng masama. Kung nakakamatay lang ang tingin ko dead on the spot
na ang hudas na ito.

"Okay lang na bahay ng kalapit atleast ang nakatira ay tao kaysa naman sa
malaking mansiyon hudas naman ng kagaya mo ang nakatira."

"Is that a compliment?" Sabay ngiti niya.

"Pagkatapos mong kumain pwede ka ng umalis at pwede wag kang bumalik dito."

"Hindi ako aalis ng hindi ka kasama."

"Bakit dala ko ba ang mansiyon ninyo?"

"Ganyan ka ba mainis cute pa rin."

"Tse!" Sabay iwas ko, pero ang totoo medyo natuwa ako sa sinabi niya.

"Joke lang!" Pagkatapos nagpatuloy siya sa pagkain.

"Mabulunan ka sanang hudas ka!"

Speaking of the devil ayun nabulunan nga.

"I need water."

Hindi ako sumunod sa sinabi niya ano siya hari? Nakikain na nga siya, inubos pa
niya ulam ko.

"W-Water." Tumayo si Ryuuji at kumuha ng tubig.

Tagumpay ako dahil nakaganti rin ako kahit papano sa kaniya.

"Bakit hindi mo ako binigyan ng tubig!' galit niyang sabi.

"Wala akong naririnig, may sinabi ka ba kanina?" Alibi ko.

"Payatot ka na nga binge ka pa!"

"Hindi mo na appreciate ang salitang sexy kaya ka ganyan."

Nakakainis! Kung makapayat sa'kin hindi naman ako payat sexy lang ako. Mas lalo
akong nainis dahil parang wala siyang narinig. Nagpatuloy siya sa pagkain
hanggang sa maubos niya ang lahat ng ulam ko.

"Busog na ako sobra." Hinimas pa niya ang tiyan niya. Tumingin siya sa'kin.
"Nabusog ka ba?"

"What a stupid question. You ask me if i am full? Samantalang inubos mo ang ulam
ko?"

"Bakit tama lang 'yon sa'yo kasi payat at maliit ka."

"Five two ang height ko matangkad na iyon. Isa pa, sexy ako inubos mo ulam ko
samantalang wala ka naman ambag sa biniling ulam ni Mama."

"I see... Sige, babayaran ko ang kinain ko." Dumukot siya ng pera sa walet niya.

"Here."

"One thousand pesos?"

"Yes, bumili ka ng maraming hotdog kung kulang pa rin 'yan yung hotdog ko na
lang free."

"Bastos!"

Tumawa siya ng malakas. "Ang ingay-ingay mo kasi. Hindi mo ba alam na masamang


nag-aaway sa harap ng pagkain."

Alam ko naman 'yon hindi ko lang talaga napigilan ang mainis kanina.
Kapag kasi si Ryuuji ang kasama mo baka malosyang ka sa asar sa kaniya, feeling
ko nga ngayon fourty years old na ako.

"Busog ka na umuwi ka na sa inyo."

"Papasok tayo sa school."

Kumunot ang noo ko. "Absent na nga ako di'ba?"

"Pinaalam na kita sa mga professsor mo ng morning class sinabi kong hindi ka


makakapasok kasi nagtatae ka."

"Ganda naman ng dahilan mo."

Pigil na pigil ang tawa niya. "atleast pinagpaalam na kita, you should thank me
for that."

Tumayo ako. "Magbibihis na ako ng school uniform." Padabog akong bumalik sa


kwarto upang magpalit ng uniform.

*******

Kuyom ang kamao ko habang nakatayo ako sa tapat ng isang mataas at malaking
building. Humarap ako sa kaniya. "Akala ko ba papasok tayo sa school."

"Bigla kong naalala na sinabi ko pala sa lahat ng professor mo na absent ka


ngayon." Nakapamulsa pa siya ng maglakad papasok sa malaking building.

"Hindi ako sasama sa'yo!"

Huminto siya at sumimangot. "Hayss! Kayo talagang mga babae masyado talaga
kayong maarte." Nang nasa tapat na niya ako bigla niya akong kinarga."

"Aya!bitawan mo nga ako!"

"Shut up! Yats!" Sabi niya.

"Hindi ako si Yats. Ibaba mo ako!"

Sumakay kami ng elevator bigla akong nahiya dahil may dalawang lalaki na nasa
edad fifty ang kasabay namin.

"Ryuuji. Sino 'yang kasama mo?"

"Girlfriend ko po."

"Hudas na ito ang daming kasinungalingan."

"Ang ganda naman ng girlfriend mo, anong nanyari sa kaniya?"

"Nahilo po siya."

Siniksik ko ang mukha ko sa dibdib ni Ryuuji dahil tinitingnan ako ng matanda.

"Buntis na ba ang girlfriend mo?"

"Opo, two months na."

Palihim ko siyang kinurot. "Ang hudas napakasinungaling."

"Magandang balita 'yan sabihin mo sa'kin kung kailan ka ikakasal."


"Sure."

Mabuti na lang at bumukas nag elevator at lumabas na kami kung hindi baka madami
pa silang napag-usapan. Hindi pa rin ako binaba ni Ryuuji hanggang sa pumasok
kami sa isang pad. Marahil sa kaniyang Pad iyon dahil alam niya ang password ng
entrance door.

"Bakit mo ba ako dinala rito? Isa pa, bakit ka ba nagsisinungaling sa matanda?"

"Pasalamat ka nga hindi ko sinabing asawa kita e."

"Wow! Dapat pala akong magpasalamat sa'yo. Okay, salamat." Sarcastic kong sabi.

"Good Yats"

"Bakit mo ba ako tinatawag na Yats? Aika ang pangalan ko."

"Yats short for yatot." Sabay tawa niya.

"Bwiset ka Huds."

Nagsalubong kilay niya. "What the meaning of Huds?"

Ngumisi ako. "Short for Hudas."

"Damn you!" He glared.

I smile. "Likewise."

"Bakit ba kayong dalawa nag-aaway? Kahit sa kwarto ko naririnig ko ang ingay


ninyo." Ani Fujima.

Tumahimik ako at nakinig na lang sa kanilang dalawa.

"Bakit ang tahimik mo Aika?" Tanong ni Fujima.

"Wala naman."

"Natatakot sa'yo mukha ka raw nangangain ng tao." Ani Ryuuji.

Nakaupo si Ryuuji sa sofa habang nakataas ang paa.

Ngumiti sa'kin si Fujima. "Don't be afraid of me, we can be friends." Inilahad


pa niya ang kamay niya.
Tipid akong ngumiti sa kaniya at pagkatapos nakipagkamay ako sa kaniya.
"Friends."

"Hoy! Fujima wag mo isama sa bilang si Aika sa mga kinain mong talaba."

"Hindi kita tataluhin alam kong para sa'yo ang talaba niya."

Nakakunot ang noo ko habang nakikinig sa pinag-uusapan nila. Hindi ko kasi


maintindihan. Napunta na kasi sa pagkain ng talaba ang usapan. Ano ba 'yon
paborito nilang dalawa iyon?

"Paborito ninyo ba ang talaba?" Sabad ko.

Sabay silang tumingin sa'kin. Ngumiti ako sa kanila. "Masustansiya naman talaga
ang talaba. Actually, paborito ko rin iyon lalo na kapag adobo."

Ang tagal nilang nakatingin sa'kin at hindi ko alam kung bakit pagkatapos
humalakhak sila ng malakas na halos mamatay na sa kakatawa.

"Ano bang masama sa adobong talaba?"

CHAPTER 7 [The Bad Boy's First Kiss]

[Aika]

"Anak bilisan mong kumain kanina pa naghihintay ang sundo mo."

Sabi ni Mama sa'kin habang kumakain ako ng almusal. Hindi kasi nagbukas ng
tindahan ni Mama ngayon dahil pupuntahan niya mamaya ang dati niya kaibigan na
umuwi ng pilipinas.

"Wala naman akong sundo. Wala naman tayong driver at isa pa, wala tayong kotse
Mama." Lumalabi kong sabi.

Hindi kasi magandang joke ang sinabi ni Mama.

Tumayo si Mama at sumilip sa bintana pagkatapos muling umupo at pinagpatuloy ang


pagkain. "Hindi ba ikaw ang hinihintay ng gwapong lalaking nasa tapat ng bakuran
natin?"

"Ha?" Lumabas ako upang tingnan ang tinutukoy ni Mama. Sumimangot ako ng si
Rayuuji ang nasa labas. Nakasandal siya sa kotse niyang kulay puti. Naka-uniform
na siya, at nakangiti sa'kin habang kumakaway.

"Ano kaya ang ginagawa ng hudas na ito rito?"


Tumalikod ako upang bumalik sa kusina at ipagpatuloy ang pagkain.

"Hindi ko makilala yung nasa labas nakatalikod e." Pagsisinungaling ko.

"Magkapareho kayo ng tatak ng uniform. Ikaw lang naman kasi sa lugar na ito ang
nag-aaral sa Eastberg."

"Hindi ko nakita ang uniform niya Mama nakatalikod kasi."

"Tok! Tok! Tok!"

Narinig namin ni Mama na kumakatok. Madiin kong pinikit ang mga mata ko at
napahawak ako ng mahigpit sa tinidor ko.

"Letche ka talaga Ryuuji!"

"May kumakatok anak." Tumayo si Mama upang malaman kung sino ang nasa labas.
Ilang saglit pa naririnig ko ang boses ni Mama na kausap si Ryuuji, ngunit hindi
pa rin ako umalis sa kinauupuan ko.

"Anak, ikaw ang hinahanap lumabas ka na diyan."

"Saglit lang po Mama tatapusin ko lang ang kinakain ko." Inubos ko ang pagkain
ko at pagkatapos nag-tooth brush ako at padabog na lumabas habang humahaba ang
nguso ko sa inis.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo at ngumiti sa'kin. Good morning. Yats!"

Pinanlakihan ko siya ng mata dahil nandoon si Mama baka kung ano ang isipin
niya.

"Bakit ganyan ang mata mo lumalaki?" nakangisi niyang sabi.

Ang hudas na 'to kung anong kinaganda ng itsura siyang kinahina maka-gets.

Lumapit ako sa kaniya. "A-Ah, napuwing kasi ako, hahaha! Ano ginagawa mo pala
rito?"

"Sino siya anak?" Tumingin si Mama kay Ryuuji.

Kinuha ko ang bag ko nasa mahabang upuan namin na gawa sa kawayan. "Ah, Mama si
Ryuuji mo kaklase ko po siya."

Tumingin sa'kin si Ryuuji. "Hoy! Hindi tayo—

Tinakpan ko ang bibig niya. "Mama, papasok na po kami.bye!" Hinila ko si Ryuuji


palabas ng bahay namin.

"Bakit mo ba ako hinila mapupunit ang damit ko sa'yo," reklamo ni Ryuuji. Habang
palabas kami ng bahay, nakita ko ang kapitbahay namin na nakatingin sa'min
marahil nagtataka sila kung bakit may sumundo sa'kin na may magarang sasakyan at
isang gwapong lalaki. Kung sabagay hindi ko naman masisi sila dahil bihira sa
lugar namin ang may dumadayong ganitong sasakyan.

"Bakit kasi nandito ka?" Inirapan ko pa siya.

Nasa loob na ako ng kotse niya at siya ang driver at katabi niya ako sa front
seat.

"Wow! Dapat magpasalamat ka pa sa'kin, sa'yo ko lang ginawa 'to." Sabay iwas
niya ng tingin.

tumingin ako sa kaniya. "Hindi mo kailangan gawin 'to,"

"Ang dami mong reklamo Yats."

Pinaandar niya ang kotse niya at umalis na kami, mabuti na lang talaga at hindi
si Mama masyadong matanong kung nagkataon hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Yats, sabay tayo maglunch mamaya, hihintayin kita."

"Wag na mauna ka na marami akong gagawin mamaya."

"Basta hihintayin kita mamaya."

"Hindi ko dala kaldero ninyo kumain ka mag-isa mo."

Bigla niyang inihinto ang sasakyan niya. Tapos nakatingin sa'kin ng matalim.
"Wag mong ubusin ang ka-baitan ko sa'yo."

Nag-peace sign ako sa kaniya. "Joke lang."

"Wag mo na ako susundin bukas."

He glared at me. "Don't dare me."

Siniksik ko ang sarili ko sa gilid ng kotse niya galit na siya baka itapon niya
ako sa labas ng kotse niya.

Pagdating namin sa school para naman Hari na bumaba si Ryuuji sa kaniyang kotse.
Hinawakan niya ang kamay ko habang naglalakad siya.
"Bilisan mo ang paglalakad," sambit niya. Ang kanang kamay niya ay nakahawak sa
bulsa ng pantalon.

Nakikita ko ang mga estudyante na umiiwas sa dinadaanan ni Ryuuji habang


hinahabol naman kami ng tingin ng mga ibang estudyante roon.
Sa labas ng pintuan lang niya ako hinatid.

"See you later." Kumaway pa siya sa'kin. Pumasok ako sa loob ng class room pero
napansin kong hindi pa rin umaalis si Ryuuji sa labas. Hindi tuloy ako maka-
focus sa lecture ng prof namin.

"Bakit hindi pa siya umaalis?"

Nakatingin ako sa kaniya habang nakatayo siya sa pintuan at abala sa cellphone


niya. Hindi naman siya sinisita ng prof namin.

"Aika, boyfriend mo si Ryuuji?" Bulong sa'kin ng kaklase ko na katabi kong


upuan.

Ilang ulit akong umiling. "Hindi!"

"Nakakapagtaka lang na may nakakausap siyang babae mula ng mawala si Anastasha."

"Sino si Anastasha?"

Tinakpan niya ang bibig niya at sinampal ang sarili. "Ang daldal ko talaga!
Hayss! Siguradong lagot ako kay Ryuuji, please...wag mo akong isusumbong kay
Ryuuji."

"Hindi naman kita isusumbong, pero sino si Anastasha?"

"Hayaan mo na lang na siya ang magsabi sa'yo isipin mo na lang na wala kang
narinig sa'kin." Hinila pa niya ang upuan ng kaunti palayo sa'kin pagkatapos
hindi na niya ako kinausap.

Tinanaw ko si Ryuuji, hindi pa rin siya umaalis. "Sino kaya si Anastasha?"

Hindi ko alam kung paano natagalan ni Ryuuji na manatili ng ilang oras sa labas.
Binigyan na nga siya ng upuan sa gilid. Napansin ko rin nakatulog na siya sa
kakahintay sa'kin. Para tuloy akong kinder student na hinihintay ng Guardian ko.

Pagkatapos ng limang oras lumabas na kami upang kumain ng lunch. Nakita ko si


Ryuuji na nakatulog sa labas habang naka-dikwatro. Yumuko ako upang magpantay
kaming dalawa at tinitigan ko siya pagkatapos pinitik ko ang ilong niya.

"Ouch!" Bigla siyang nagising dahil sa pitik ko.

"Good afternoon." Nakangiti pa ako sa kaniya.


Para siyang bata na papungas-pungas pagkatapos tumayo siya. "Tapos na ang
morning class ninyo?"

Tumango ako. "Wala na kaming klase mamaya wala yung professor namin."

"Good, let's go!" Nauna siyang naglakad papunta sa cafeteria.

Tulad ng dati palaging siya ang nanlilibre sa'kin ng pagkain tuwing kumakain
kaming dalawa. Madalas kaming dalawa ang magkasabay kumain minsan ko lang
makasamang kumain ang kaibigan niyang sina Dan at Fujima. Hindi na rin ako
naiilang sa dalawa dahil katulad din sila ni Ryuuji, mukhang nakakatakot sa
unang tingin pero palabiro at makulig kapag nakakasama mo.

"Huds, may tanong ako sa'yo pero sana wag kang magagalit sa'kin."

Huminto siya sa pagkain. "Binigyan ba kita ng karapatan para magtanong?" Huminto


siya sa pagkain ng vegetable burger.

"Masama na ba magtanong sa'yo? Bakit mo ba ako gustong kasama kung palagi mo


naman akong inaaway."

"Hindi kita gustong kasama ayoko lang malaman ng iba ang ginawa mo."

Ano bang ginawa ko sa kaniya. Hinalikan ko lang siya sa lips wala pa ngang five
seconds 'yon. Masyado naman siyang affected baka nga mas higit pa doon ang
nagawa niya sa iba.
Masyadong big deal ang halik hindi ko naman ipagsasabi.

"Kung ganoon mula bukas hindi na tayo magkikita, hindi ko naman sasabihin sa iba
ang ginawa ko. Isa pa, masyado ka naman apektado do'n baka nga higit pa diyan
ang ginagawa mo sa mga naging girlfriend mo, kung makapagreact ka parang first
time mong halikan."

"Kaya ayoko sa babae masyadong madaldal, hindi pwedeng kumain ng walang ingay."

"Bakit ka pala hindi pumapasok sa klase mo?"

"Wala gusto ko lang."

"Ano 'to mall araw-araw kang namamasyal."

Tinitigan niya ako ng masama pagkatapos sinubo sa'kin ang malaking burger. "Shut
up!"

Pinandilatan ko siya ng mata. Tapos inalis ko ang burger at uminom ako ng juice.
Kainis ang hudas na ito pinagkasya ba naman ang burger sa bibig ko. Grrr!
"Hudas ka talaga! Muntik na akong mabilaukan. Ang sama mo talaga!"

"You deserve that, you're too noisy."

Tumayo ako at binitbit ang gamit ko. "Uuwi na ako." Naglakad ako palabas ng
cafeteria. Nakalimang metro na ang layo ko sa cafeteria pero walang sumunod
sa'kin. Iniisip ko kasi hahabulin ako ni Ryuuji pero hindi pala. Kung sabagay
sino ba naman ako sa kaniya.

Tinuloy ko na ang pag-uwi ko ng maaga. Lumabas akong school at naglakad papunta


sa terminal ng trycycle. Habang naglalakad ako may humintong itim na van sa
harapan ko. Babaliwalain ko sana ito pero biglang bumaba ang sakay ng van at
lumapit sa'kin. Tumakbo ako at sumigaw. "Saklolo! Saklolo!"

Hinabol ako ng dalawang lalaki. Nakaramdam ako ng takot para sa kaligtasan ko.
Hindi ko alam kung anong gagawin nila sa'kin. Wala pa naman gaanong tao kapang
katanghaliang tapat sa lugar na iyon,
Naabutan nila ako at pilit na sinasakay sa van. Nanlaban ako habang sumisigaw ng
tulog.

"Tulong! Tulong!"

Nang nasa bukana na ang ng van biglang may tumapik sa balikat ng isa sa lalaking
pilit na sinasakay ako sa kotse.

"Ryuuji?"

Hinila ni Ryuuji ang lalaki palayo sa kotse at sinuntok. Nabitawan ako ng isang
lalaki kaya naman nanlaban ako sa isang lalaki na may hawak sa'kin. Nakawala ako
sa kaniya pero hinabol niya ako. Sinipa ni Ryuuji ang lalaking humabol sa'kin
pagkatapos hinila niya ako palapit sa kaniya.

Nakatitig siya sa'kin. "Run to my car."

Tumango ako sa kaniya.

"Run!" Sigaw niya.

Tumakbo ako papunta sa kotse niya na nasa likod ng van na dudukot sana sa'kin.
Nakasakay ako ng kotse niya pero si Ryuuji kinuyog ng tatlong lalaki na sakay ng
van. Pawang mga kasing edad lang ito ni Ryuuji at tiyak na isa sila mga kaaway
ni Ryuuji. Ang isang lalaki may hawak na dospordos ang dalawa ay wala. Sabay
nilang sinugod si Ryuuji. Nasangga ni Ryuuji ang isang lalaking may hawak na
dospordor pero hindi ang sipa at suntok ng dalawa.

"A-Anong gagawin ko?"

Natataranta ako sa nangyayari dahil mukhang mabugbog si Ryuuji. Magaling si


Ryuuji kung suntukan ang laban pero madaya sila dahil may gamit sila.
Lumabas ako ng kotse at tumakbo ako papunta sa security guard ng school. Medyo
malayo-layo iyon pero kailangan kong makapunta doon.

"Manong! Tulungan ninyo si Ryuuji. Binugbog siya ng mga lalaki!" Sigaw ko.

Mabilis namang sumunod ang security guard at tumakbo kami papunta sa


kinaroroonan ni Ryuuji. Kinabahan ako nang matanaw kong nakahandusay ang tatlong
lalaki maging si Ryuuji nakahiga na rin.

"Ryuuji!" Lumapit ako sa kaniya. "Ryuuji Gumising ka!" Marahan ko pang tinapik
ang pisngi ni Ryuuji pero hindi ito nagigising. "Ryuuji!!" Umiyak ako ng
sobrang lakas. Inalay ni Ryuuji ang buhay niya para sa'kin. Ang hirap tanggapin.

"Ryuuji!!" Palahaw kong iyak.

"Ano ba ang ingay mo naman!"

"Ryuuji?" Tumingin ako sa kaniya.

"Nagpapahinga lang ako, hindi pa ako mamatay."

Sa sobrang tuwa ko niyakap ko siya ng mahigpit. "Ryuuji, salamat naman ay okay


ka na," lumuluha ako sa saya.

Nakatingin siya sa'kin. Wag ka ng umiyak i'm okay."

Hindi ko natupad yung sinabi niyang wag umiyak dahil patuloy pa rin ang pag-iyak
kahit na nga dumating ang medic na gagamot sa kaniya. Pagkatapos kaming hingian
ng statement sinamahan ko si Ryuuji sa mansiyon nila at doon ko nilinis ang
sugat niya.

"I'm sorry,dahil sa'kin nabugbog ka."

"Kaya ngayon wag ka ng mag-walk out dito ka lang sa tabi, sisiguraduhin kong
safe ka sa piling ko."

Ngumiti ako. "Thank you."

"Anong thank you, bukas dapat mo akong ilibre ng lunch bukas."

Ngumiti ako sa kaniya habang nakatingin ako sa kaniya.

"Name it," pagyayabang ko

"Good." Tipid niyang sagot.


Huli na para mapagtanto ko na magastos pala si Ryuuji sa pagkain at kung ano-
ano.

"Patay ang allowance."

CHAPTER 8 [The Bad Boy's First Kiss]

[Aika]

"Anong meron sa inyong dalawa ni Aika?" Diretsang tanong ni Mama kay Ryuuji

Sinundo naman kasi ako ni Ryuuji para pumasok sa school, nagiging usap-usapan na
rin ako ng mga tsismosa kong kapitbahay dahil si Ryuuji ang nagsusundo at
naghahatid sa'kin.

"Mama, magkaibigan lang kami ni Ryuuji." Lumalabi kong sagot.

Tiningnan ko si Ryuuji na nakatingin kay Mama at nakangiti. Inakbayan ako ni


Ryuuji at hinila palapit sa kaniya, para akong matatae dahil sa ginawa niya, mas
lalo kasing maghihinala si Mama sa'min kahit wala naman talagang dapat
paghinalaan.

"We're good friends po."

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya atleast nagsasabi siya ng totoo.

"Sabi ko sa inyo eh, friends lang kaming dalawa."

"Mabuti naman kung ganoon, wag ka munang mag-aasawa anak. Kailangan mo munang
magtapos ng pag-aaral."

"Asawa agad Mama?" Tumingin ako kay Ryuuji at sumenyas ako na aalis na kaming
dalawa. "Mama, aalis na po kami." Humalik ako sa pisngi ni Mama bago umalis.

"Aika."

Huminto ako at lumingon kay Mama. "Bakit Ma?"

"Pero kung siya rin naman ang mapapangasawa mo pwede na rin," pagkatapos ngumiti
si Mama.

"Mama, magtatapos muna ako ng pag-aaral." Tumalikod ako at sumunod kay Ryuuji.

"Yung Mama mo masyadong istrikto sa'yo." Ani Ryuuji nang nasa kotse kami.
"Gusto kasi niyang makapagtapos ako ng pag-aaral bago magkaroon ng boyfriend."

"Malaki pala talaga ang pagkakaiba ng mga mayayaman at mahihirap na estudyante."

Tumingin ako sa kaniya. "Bakit naman?"

"Kami kasi hindi naman pinagbabawalan na magkaroon ng girlfriend samantalang


kayo kailangan magtapos ng pag-aaral bago mag-boyfriend."

"Kayo kasi kahit mag-asawa ng maaga pwede ninyong pagsabayin ang pag-aaral at
pag-aasawa ng hindi nahihirapan sa financial. Kami kapag maagang nag-asawa
siguradong hindi na kami makakapagtapos ng pag-aaral."

"Paano kung katulad kong mayaman ang maging boyfriend mo papayag ba ang mama
mo?" kumindat pa siya sa'kin.

"T-Teka? Bakit mo naman sinama ang sarili mo?."

"Ginawa ko lang example ang sarili ko dahil ako kasi ang perfect na mayaman at
gwapo."

Inirapan ko siya. "Assuming ka naman. Hindi kita gusto."

"Wag kang mag-alala hindi rin kita gusto ang pangit mo kaya."

"Tse! Ang ganda ko kaya ilang beses akong naging muse noong high school ako."

Tumawa si Ryuuji. "Bulag sila."

"Tse! Palibhasa gwapo."

Tumawa si Ryuuji. "Inamin mo na rin na gwapo ako."

"Tse!"

Pagkatapos hindi ko na siya muling kinausap.

Pagdating namin sa School nakita ko si Fujima at Dan Carly na naghihintay


sa'ming dalawa. Nakasuot sila ng uniform ngunit wala silang dalang gamit.

Nakangiti sila habang nakatingin sa'ming dalawa.

"Kanina pa namin kayo hinihintay." Tumingin si Fujima sa'kin. Hi, Aika!"

"Aika, sinabi ni Ryuuji na manlilibre ka raw mamaya."


"H-Ha?" Tumingin ako kay Ryuuji.

"Di'ba sinabi mo na ililibre mo ako kaya sinama ko na sila." Nakangisi pa ito.

"Pero—

"Hindi pala gusto ni Aika na ilibre kami." Malungkot na sabi ni Dan.

"Sige na ililibre ko kayo pero ako ang mamimili kung saan ko kayo ililibre."

"Baka lason ang ipakain mo sa'min." Ani Ryuuji.

"Bakit kumakain ka ba ng lason? Kung kumakain ka pwede naman."

"Psh...siguraduhin mo lang na mabubusog kami. Let's go!" Sabi niya sa dalawa at


umalis na silang tatlo.

Huminga ako ng malalim at pagkatapos tiningnan ko ang laman ng pitaka ko. Six
hundred pesos lang ang pera ko pagkatapos tatlo pa silang ililibre ko.

"Bahala na nga!" Pumasok na ako sa classroom namin.

Naging abala ang isip ko kung saan ko sila pwedeng ilibre na mabubusog sila.
Hanggang sa dumating ang oras ng lunch break. Bago pa ako makalabas ng classroom
namin nakita ko si Ryuuji na nakaabang sa'kin.

"Kanina pa naghihintay sila Fujima at Dan."

"Sorry, tumagal ng discussion ni Maam."

Pagdating namin sa parking area may van ng naka-park doon. Hindi ko sana
sisilipin ngunit bumukas ang pinto ng van at lumabas doon si Fujima.

"Tara na! Sumakay na kayo."

Agad kaming sumakay sa likod. Si Fujima ang driver at katabi niya si Dan kami ni
Ryuuji ang magkatabi sa likod.

"Saan mo kami ililibre." Tanong ni Ryuuji.

"Saan ko nga ba sila ililibre."

"Mag-isip ka na Aika dahil gusto ko full meal." Ani Ryuuji


"Full meal? Alam ko na kung saan!"
Lumiwag ang mukha ko ng maka-isip ako ng lugar.

"Saan?" Kunot-noong tanong ni Ryuuji.

"Sa palengke, doon sa pwesto namin sa palengke."

"Baka magkasakit kami sa kakainin natin." Ani Ryuuji.

"Kung ayaw ninyo edi wag! Masarap magluto si Mama marami siyang customer," sabay
irap ko sa kanila.

"Wag na tayong mapili guys. Subukan natin ang sinasabi ni Aika." Tumingin sa'kin
si Dan at kumindat sa'kin.

Umiwas ako ng tingin sa kaniya. Kilala ko na ang dalawang kaibigan ni Ryuuji.


Mahilig sa babae lagi ko silang nakikita na iba-iba ang kasama.

"Sige, pero kapag sumakit tiyan namin ikaw mananagot." Warning ni Ryuuji.

"Kapag sumakit tiyan mo kaartehan mo na 'yon, ang tagal ng karinderiya namin sa


palengke wala pang nagreklamo dahil sumakit ang tiyan."

"Psh... Ang dami mong sinasabi." Ani Ryuuji.

Nakatingin sa'min ang mga tindera nang pumunta kami sa pwesto ni Mama. Mabuti na
lang at medyo maaga pa ng pumunta kami wala pang gaanong customer.

Lumapit ako kay Mama. "Mama, dito kami kakain."

Tumingin si Mama sa tatlo. "Mga kaklase mo?"

"Mga kaibigan ko po sila. Gusto po nilang matikman ang luto mo, pinagmalaki ko
sa kanila ang luto ninyo."

"Ganoon ba, sige na asikasuhin mo na sila, ano bang gusto nilang kainin?"

Pumili ako ng ulam na, sinigang na baboy, inihaw na pork chop, laing, ginataang
tulingan, kanin at softdrinks.

Kami ni Mama ang nagserve sa kanila ng pagkain. Inilagay namin sa table nila ang
pagkain.

"Masarap 'yan kumain na kayo," sabi ko ng mailagay ko na lahat ang pagkain.


"Mukhang masarap siya tingnan." Ani Fujima.

"Masarap talaga 'yan," pagyayabang ko.

"Ikaw hindi ka kakain?" Ani Ryuuji.

"Kakain ako siyempre sasabay ako kay Mama."

"Aika, sabayan mo na sila sa pagkain."

"Oo nga Aika, sabayan mo na kami." Ani Dan.

Tumango ako at umupo sa katabi ni Ryuuji. Naglagay ako ng kanin sa plato ko at


ulam at kumain na ako. Napansin kong nakatingin sa akin ang tatlo. "Ano
ipagsusubo ko pa kayo? Kumain na kayo."

"Hindi lang kami makapaniwala na matakaw ka pa lang kumain." Ani Fujima.

"Tikman ninyo kasi ang luto ni Mama para malaman ninyo kung gaano kasarap."

Nagsimula na silang kumain tatlo. Pinanood ko silan habang nilalasahan ang mga
ulam. Pagkatapos sunod-sunod na ang naging pagsubo nila.

"Masarap noh?"

Tumango silang tatlo. "The best ito." Ani Dan Carly.

Ngumiti ako sa kanilang tatlo. Si Ryuuji tahimik lang na kumakain, hindi siya
nagsasalita pero napapansin kong napapadami na rin ang kain niya. Naka-dalawang
cup na rice silang tatlo ng matapos.

"Ang sarap! Busog na busog ako." Ani Fujima hawak-hawak pa niya ang tiyan.

"Magkano lahat ang nakain natin?" Ani Ryuuji.

"Mga six hundred pesos lang ang nakain nating apat."

"Wow! Ang mura naman, ang dami na nating nakain pero six hundred pesos lang?"
Ani Dan.

Tumango ako. "Mura na masarap pa."

"May kinikita pa ba ang Mama mo sa mura ng tinda ninyo?" Ani Fujima.

"Yes, meron din naman sakto lang sa


Pang araw-araw na gastusin namin. Kapag walang pasok tumutulong ako kag Mama sa
pagtitinda."

"Madami mga lalaki ang bumibili rito?" Nakakunot-noo pa si Ryuuji.

"Siyempre, lahat welcome rito basta may pangbayad."

"Bakit hindi kayo maghired ng tao, bakit kailangan mong tumulong pa?" Ani
Ryuuji.

Tumaasa ang kilay ko. "Ano naman masama?"

Ngumiti si Fujima. "Ang masama ayaw ni Ryuuji na ipakita ka sa ibang lalaki


nagseselos siya."

Tumawa si Dan Carly. "Nagseselos siya."

Tiningnan ko si Ryuuji. Hindi siya makatingin sa'kin ng diretso habang asar-asar


siya sa dalawa niyang kaibigan.

"Ako naman napagtripan ninyo!" Inis na sabi ni Ryuuji.

"Jelous si Ryuuji Ha-ha-ha!" Pang-aasar ni Fujima.

Tumayo si Ryuuji. "Bumalik na tayo sa school." Nauna siyang naglakad palabas.

"Mauna na kayo magpapaalam lang ako kay Mama."

Sumunod ang dalawa kay Ryuuji ako naman ay lumapit kay Mama. "Mama bayad po
nila."

"Anak, ibalik mo sa kanila ang bayad nakakahiya."

"Mama, tanggapin mo na po."

Ayokong sabihin kay Mama na galing sa'kin ang pera. Gusto ko kasing bayaran ang
kinain namin para naman may pang dagdag siya sa kikitain niya.

"Anak, saka na lang sila magbayad kapag bumalik sila."

"Pero... Mama."

Ngumiti si Mama. "Natutuwa ako dahil may kaibigan ka na. Sabihin mo next time na
bumalik sila rito magbabayad na sila."
"Sige po, babalik na kami sa school."

"Ingat kayo anak."

"Salamat po."

Pagkatapos sumunod na ako sa tatlo. Bumalik kami sa school.

"Class! Sino ang may gusto sa inyong sumali sa mga sports ng school?" Ani ng
professor namin.

"Anong open?"

"Open ang Volleyball, ang cheerings Squad, basketball, soccer at magkakaroon din
ng Binibing Eastberg."

Nakikinig ako sa sinasabi ng professor namin ngunit hindi ako nakikihalubilo sa


kanila. Hindi kasi ako interesado sa mga sport.

"Si Aika Miketsukami ang ilaban natin sa binibini." Narinig kong sabi ng kaklase
ko.

Tumingin ako sa kanila. "Hindi ako interesado kayo na lang."

Lumapit sa'kin ang professor namin at iba kong kaklase pinalibutan nila ako.

"Aika, sumali ka na sayang naman 'yon malaki din ang prize may trip to boracay
two person. Sayang naman 'yon full tuition pa."

"Scholar na po ako."

"Yes, scholar ka pero kapag hindi mo na maintain ang grades mo mawawala sa'yo
ang scholar mo. Atleast kapag nanalo ka full tuition ka, at kapag hindi mo na
maintain ang scholar mo magagamit mo pa rin ang full tuition ng isang taon.
Pwede mo rin siya i-refund kung talagang consistent nag pagiging scholar mo ng
buong taon."

"Aika, tutulungan ka namin." Ani ng mga kaklase ko.

"Pag-iisipan ko po."

"Wag mo na pag-isipan dahil ililista na kita mamaya." Ani Professor ko.

"Pero Ma'am..."

"Class, makakaasa ba ako na tutulungan ninyo si Aika?"


"Yes, Maam!" Sigaw nila.

Natampal ko ang mukha ko. Wala pala akong pagpipilian. Hindi pa naman ako sanay
makihalubilo sa tao.

"Hayss! Paano na."

CHAPTER 9 [The Bad Boy's First Kiss]

[Aika]

"Good morning, Aika!"

Isang matamis na ngiti ang sinalubong sa'kin ni Dan nang lumabas ako ng bahay
namin para pumasok. Tiningnan ko ang kotse na dala niya hindi iyon ang kotse na
palagi dala ni Ryuuji.

"Wala si Ryuuji, hindi makakapasok kaya ako ang tinawagan niya para sunduin ka."

"Bakit? Anong nangyari sa kaniya?"

"Tinablan ng sakit. Let's go!"

Sumakay ako sa kotse ni Dan. Kahapon lang ang lakas-lakas niya.


Pagkatapos ngayon may sakit na.

"Bakit siya nagkasakit?"

Pilyong ngumiti si Dan. "Kulang sa dilig?"

Nagsalubong ang kilay ko. "Anong dilig?"

Tumawa si Dan. "Never mind, kumusta pala ang pag-aaral mo?"

Saglit akong natahimik. Hindi niya dapat malaman na kasali ako sa binibi dahil
baka pagtawanan niya ako.

"Okay lang."

"May sinalihan ka bang sport?"

"Wala hindi ako mahilig sa sport."

"Wag kang sasali sa mga sports lalo na sa cheering squad at binibing Eastberg.
Ayaw ni Ryuuji ng ganoon."

"Ano naman pakialam ni Ryuuji kung sakaling sumali ako?"

"Basta wag kang sumali kung ayaw mong magalit siya sa'yo."

"Sorry, pero kasali na ako kahit ayaw ko."

"Hindi niya hawak ang buhay ko."

"Pero hawak mo naman ang puso niya." Sabag lingon sa'kin.

"Pusong bato si Ryuuji, kaya sobrang sama ng ugali niya. Hayss! Ang sungit pa."

"Masasanay ka rin sa kaniya basta wag kang sumali."

"Hindi ko masasabi kapag required siya mapipilitan akong sumali. Isa pa, may
balak na akong lumipat ng school pagkatapos ng buong taon.

"Sigurado kang lilipat ka ng school?"

"Plano ko pa lang naman hindi kasi ako nababagay sa school na 'yon."

Hindi na kumibo si Dan sa'kin hanggang sa makarating kami ng school. Pagkababa


ko sa kotse ni Dan agad akong pumunta ng class room namin.

Lumapit sa'kin ang professor namin.

"Aika, mamaya may praktis kayo sa binibi pagkatapos bukas ng umaga meron sa'yong
magtuturo para sumayaw."

"Bakit kailangan kong sumayaw?"

"Talent mo 'yon mabuti nga at inalis na ang swimsuit. Evening gown na lang."

"Sir, wala po akong pera para sa pang-gastos ng mga damit kong susuotin. Hindi
ko pinaalam sa Mama ko na kasali ako."

"Wag kang mag-alala dahil nag-offer ang mga kaklase mo na papahiramin ka ng gown
na damit nila. Wala ka ng ibang iisipin. Ang dapat mo na lang intindihin ang
praktis dapat manalo ka."

"Paano po kung hindi ako manalo?"

"Wag kang negative, Aika mananalo ka okay."


Bumuntong-hininga ako. "Ano ba itong napasukan ko."

"Gagawin ko po ang makakaya ko."

"Good!"

Isang subject lang ang pinasukan ko dahil pinatawag na ako para mag praktis sa
binibi. Pagdating ko sa venue napansin ko na halos labing lima kaming kasali.
Napansin ko rin na magaganda silang lahat. Yumuko ako at pumihit patalikod upang
mag back up.

"Miss kasali ka ba?"

Huminto ako ngunit hindi ako lumingon sa kanya.

"Miss kasali ka sa Binibini?"

Mariin kong pinikit ang mata ko at huminga ng malalim pagkatapos humarap sa


kaniya at pilit na ngumiti.
"O-Opo."

"I see... Pumunta ka na doon para makapag-umpisa na tayo." Sabi ng bakla.

Tumango ako at nakayuko ako habang naglalakad papunta sa kanila. Pagdating ko


doon sa'kin sila nakatingin. Mabuti sana kung tingin lang kaya lang yung mga
tingin nila sa'kin parang gustong basahin pati kaluluwa ko.

"Okay girls! Magsisimula na tayo!" sigaw ng bakla.

Tinuruan kami kung paano maglakad sa stage at rumampa. Ang mga ibang babae halos
na-perfect nila ang paglalakad siguro dahil sanay na sanay na sila pero ako
ilang beses na akong napapagalitan.

"Aika! Ayusin mo dapat fierce." Sabi ng bakla na si Mamita.

Nagtawanan ang mga candidates sa'kin pero hindi pa rin ako sumuko.

"Wag kang yumuko chin up, lagyan mo ng landi ang paglalakad mo!" Sigaw pa niya.

Halos marindi na ako sa sermon niya sa'kin. Ang nasa isip ko na lang matapos ang
oras dahil gusto ko ng umuwi. Pagkatapos ng paulit-ulit na sermon sa'kin nakuha
ko na rin ang tamang paglalakad.

"Finally! You made it."


Nakahinga ako ng maluwag pagkatapos umupo ako at uminom ng tubig. Ganito pala
ang pakiramdam ng sumasali sa mga contest sobrang sakit sa katawan.

"Bukas na ulit nag praktis."

Kinuha ko ang bag ko at nauna ako umalis. Ito yung hinihintay ko ang uwian.
Dumiretso ako sa comfort room at nagpalit ng damit.

"Kilala ninyo ba si Aika yung kaninang pinapagalitan ni Mamita?"

Narinig ko sabi sa labas ng cubicle. Hindi ako lumabas at nakinig ako sa pinag-
uusapan nila.

"Yung laging kasama ni Ryuuji?"

"Yes, siya nga ang lakas ng loob sumali sa Binibining Eastberg palibahsa
boyfriend niya si Ryuuji nagpi-feeling maganda at magaling na."

"Hindi ko naman boyfriend si Ryuuji, hindi ko rin naman gustong sumali."

"Hindi naman siya marunong. Hayaan ninyo na magkakalat lang siya sa stage."
Sabay tawa.

"Kung sabagay mas maganda ngang makita ng marami nanonood ang pagiging looser
niya.

Humalakhak silang lahat.

Napakuyom ang kamao ko dahil sa sinabi nila. Gusto kong lumabas ng cubicle upang
sabihin sa kanila na hindi ko naman gusto ito nangyayari sa'kin.

"Gagawin ko ang lahat para hindi ako maging looser sa paningin nila."

Nang umalis na silang lahat saka ako lumabas ng cubicle pagkatapos lumabas na
rin ako ng female comfort room. Dahil may sakit si Ryuuji. Mag-isa akong uuwi
ngayon. Habang naglalakad ako sa coridor ng school natanaw ko si Ryuuji na
papalapit sa'kin.

"Akala ko ba may sakit siya? Bakit siya nandito?" Nagkunwari akong hindi ko siya
nakita umiwas ako ng daan upang hindi kami magkasalubong pagkatapos binilisan ko
ang lakad ko.

"Ay!" Nagulat ako nang biglang hinila ang kamay ko.

"Ano ba! Bakit mo ako iniiwasan?" Nakasimangot ang mukha ni Ryuuji. Gulo-gulo pa
ang buhok niya at hindi siya nakasuot ng uniform.
"Ryuuji? Akala ko may sa'kit ka?" Kunwari nagulat ako na nakita ko siya.

"May sakit nga ako pero naalala ko walang maghahatid sa'yo pauwi. Yung dalawa
kong kaibigan may lakad sila."

"Pwede naman akong mag commute."

"Hindi ako papayag ng mag commute ka." Hinila niya ang kamay ko at naglakad
siya.

Sumunod naman ako sa kaniya. Hanggang sa makasakay ako sa kotse niya.

"Sigurado ka bang kaya mo, pwede naman akong sumakay ng taxi."

"Shut up! Sinabi ko na sa'yong ihahatid kita." Pagkatapos pinaandar na niya ang
kotse niya.

Hindi ako kumibo pagkatapos hinawakan ko ang leeg niya. "Sobrang init mo."

"Malayo sa bituka 'yan don't worry about me, i'm okay."

"Maraming salamat."

Naging mabilis ang pagpapakbo ng sasakyan niya kaya mabilis din kaming
nakarating sa bahay namin.

"Hindi na ako baba." Aniya.

"Bumaba ka muna at kumain ng meryenda."

"Hindi na nga sabi ang kulit mo!" Inis niyang sabi.

"Sige, hindi na ako sasabay sa'yo kahit kailan kung hindi ka lalabas." Plano ko
kasing painumin muna siya ng gamot bago umalis.

"Psh.. okay!" lumabas siya ng kotse niya at sumabay sa'kin papasok ng bahay.

Naabutan namin si Mama nakahiga sa may sofa.

"Mama." Sabay Mano ko.

"Dumating ka na pala Aika. May kasama ka pala." Tumayo si Mama. "Maupo ka."

"Ryuuji po ang pangalan ko." Pagkatapos umupo si Ryuuji.


"Mama meron pa kayong meryenda?"

"Ay! Oo meron pa, sandali at kukunin ko." Pumunta si Mama sa kusina.

"Magpapalit lang ako ng damit," pagkatapos pumunta na ako sa kwarto ko.

Paglabas ko ng kwarto nakita ko si Ryuuji na nakabaluktot ng higa sa sofa.


Hinipo ko ang leeg niya sobrang taas ng lagnat niya.

"Nakatulog na si Ryuuji anak." Ani Mama.

"Mama, may sakit po siya pero hinatid pa rin niya ako sa pag-uwi."

"Kawawang bata, pakainin mo muna at painumin ng gamot. Dito na siya matulog baka
kung anong mangyari sa kaniya kapag umalis pa siya."

"Opo."

"Kukuha ako ng gamot," umalis si Mama.

"Ryuuji... Kumain ka muna para makainom ka ng gamot."

"Hmm... Uuwi na ako." Pilit siyang bumangon.

"Dito ka na muna sa bahay matulog."

Tiningnan niya ako. "Sigurado ka?"

Tumango ako. "Para mabantayan na rin ang pag-inom mo ng gamot. Tawagan mo na


lang ang parents mo."

"Thank you." He said.

"Kumain ka na." Sinubuan ko siya ng gintaang bilo-bilo. Hindi naman siya tumutol
sa pagkain. Pagkatapos pinainom ko siya ng gamot.

"Aika, doon na lang siya sa kwarto ko matulog." Sabi ni Mama.

"Wag na po Mama sa kwarto ko na lang po siya matutulog dito na lang ako sa sala
matutulog."

"Dito na lang ako matutulog," sabad ni Ryuuji.

"Doon ka na lang sa kwarto ko." Tumayo ako upang samahan siyang pumunta sa
kwarto ko.

Pinagmasdan ni Ryuuji ang loob ng kwarto ko. "Ang liit ng kwarto mo mas malaki
pa ang comfort room ko."

"Hindi naman mansiyon ang bahay namin kaya wag ka na magtaka. Ang mahalaga
komportable ka sa pagtulog."

"Magpalit ka ng damit mo." Naghanap ako ng damit na medyo maluwag sa'kin.

"Damit mo 'to. Masikip 'yan sa'kin."

"Yan ang pinakamalaki kong damit. Suotin mo na kasya 'yan sa'yo."

"Pero ang pangit. Bakit hello kitty?"

Nabunot ko kasi 'yon sa exchange gift noong pasko. Hindi ko masuot dahil extra-
large ang t'shirt.

"Wag ka ng magreklamo ang mahalaga may isusuot ka, anong gusto mo yung saya ni
Mama?"

"Ito na lang." Tumalikod ka at magpapalit ako ng damit baka bosohan mo ako.

"Ang kapal mo," pagkatapos tumalikod ako sa kaniya.

"Okay na," sabi niya.

Gusto kong bumunghalit ng tawa pero hindi ko ginawa dahil baka hubarin ni Ryuuji
ang damit. Nakakatuwa kasi dahil hello kitty ang suot niyang damit hindi bagay
sa personality niya.

"Matulog ka na babalik na lang ako mamaya kapag oras ng pag-inom mo ng gamot."

"Aika...."

Tumingin ako sa kaniya. "Bakit?"

"Thank you."

Ngumiti ako sa kaniya at pagkatapos lumabas na ako ng kwarto ko.

"Aika, magtapat ka nga sa'kin. Boyfriend mo ba si Ryuuji?" Tanong sa'kin ni Mama


habang nanonood kami ng tv.
"Hindi po, bakit ninyo naman natanong 'yan?"

"Kasi hinatid ka niya kahit may sakit siya."

Natahimik ako hindi ko alam kung paano sasabihin na wala kaming relasyon ni
Ryuuji.

"Ganito po kasi 'yon. Natalo siya sa pustahan namin sa klase ang kapalit no'n,
siya ang magsusundo at maghahatid sa'kin. Mabuti nga at hindi ako natalo dahil
kung hindi, pako-kopyahin ko siya palagi." Alibi ko.

"Kaya pala ganyan siya sa'yo. Mabuti na rin at nanalo ka dahil kung natalo ka
kahit hindi na siya mag-aral may libre kopya pala sa'yo."

"Ganoon na nga po Mama."

"Ikaw na ang bahala kay Ryuuji hindi na kita masasamahan magbantay pa sa kaniya
dahil maaga akong gigising bukas para mamili ng paninda."

"Ako na po ang bahala sa kaniya."

Nanood kami ni Mama ng paborito niyang teleserye pagkatapos natulog na kaming


dalawa. Nag-alarm ako sa cellphone ko upang magising ako sa tamang oras.

Noodles ang binigay kong pagkain sa kaniya nang tumunog ang orasan ko para
painumin siya ng gamot. Pinagpawisan na siya ng marami kaya muli ko siyang
pinalitan ng damit. Mabuti na lang at may damit akong malalaki sa'kin kaya
nakakapagpalit siya ng damit. Pinunasan ko ang katawan niya bago ko siya
binihisan.

"Matulog ka na ulit," sabi ko matapos kong painumin ng gamot.

"Thank you, Aika."

"No problem. Sweet dreams." Kinumutan ko siya pagkatapos pumihit ako patalikod
upang umalis na.

"Aika!"

Huminto ako at lumapit sa kaniya. "May kailangan ka?"

Bumangon siya at pagkatapos bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Nagulat ako sa
ginawa niya at hindi ako makagalaw.

"Thank you so much." He whisper.

Nakatulala pa rin ako nang muli siyang humiga sa kama.


"M-Matulog ka na diyan." Nagmadali akong lumabas ng kwarto niya.

Hawak-hawak ko ang dibdib ko nang makalabas ako ng kwarto.

"Anong pakiramdam 'to?"

CHAPTER 10 [The Bad Boy's First Kiss]

[Ryuuji]

Nagising ako sa malakas na tilaok. Bumangon ako at pinagmasdan ang paligid nasa
loob pala ako ng kwarto ni Aika. Napansin ko ang graduation picture niya na
nasa ibabaw ng table. Kinuha ko 'yon at pinagmasdan. Kasama ni Aika ang kanyang
Mama. Napansin ko rin ang mga balat ng gamot na ininom ko kagabi. Hindi ko tuloy
mapigilang ngumiti dahil naalala ko kung paano ako alagaan ni Aika kagabi.
Tuluyan na akong bumangon. Humarap ako sa salamin at nakita ko ang suot kong
damit na barbie ang tatak medyo masikip sa'kin ang suot ko pero hindi ko na 'yon
napansin dahil sa sobrang sama ng pakiramdam ko. Kung may ibang makakakita
sa'kin sa suot ko ngayon siguradong pagtatawanan ako. Hinanap ko ang suot kong
damit at nakita ko 'yon nakatupi at plansiyado na.

"Sobra-sobra pa lang effort nina Aika at Mama niya sa'kin."

Lumabas ako ng kwarto bitbit ang damit ko sa kotse na lang ako magbibihis.

"Gising ka na pala Ryuuji." Ani ng Mama ni Aika. Nagsusuklay siya ng buhok


habang naka-harap sa salamin.

"Good morning po." Lumapit pa ako sa kaniya.

"Magandang umaga rin. Kumusta na ang pakiramdam mo?"

"Maayos na po ako maraming salamat po sa pag-aasikaso ninyo sa'kin."

"Mabuti naman, kumain ka muna." Hinila niya ako papunta sa kusina.

"Salamat po pero sa bahay na lang ako kakain."

"Wag ka ng mahiya sa'kin. Kailangan mong kumain bago umalis dahil kakagaling mo
lang sa sakit."

Pinaghanda niya ako ng pagkain kaya wala akong nagawa kung hindi ang sabayan
siya sa pagkain.

"Ahm... Tita, bakit maaga po kayong gumising?" Tanong ko.


"Alas tress talaga ako ng umaga nagigising dahil nagluluto ako ng almusal para
dadalhin ko sa palengke. Kailangan kasi pagbukas ko ng tindahan may almusal na
akong luto. Yung mga tindera at kargador sa palengke ang suki ko kapag maaga."

"Ang sipag ninyo naman po."

"Ganito talaga para kay Aika itong lahat ng ginagawa ko." Ngumiti siya sa'kin.
"Kumain ka lang nang kumain."

"Sabay na po tayo umalis. Ihahatid ko na kayo sa palengke."

Ilang beses umiling ang Mama ni Aika. "Naku! May inarkila akong trycycle kaya ko
na ito. Isa pa, baka magasgasan pa ang kotse mo."

"Okay lang po 'yo para naman makabawi ako sa inyo kahit papaano."

"Sigurado ka ba?"

Tumango ako. "Opo."

"Salamat naman kung gano'n."

Pagkatapos naming kumain. Binitbit ko na mga dadalhin niya sa palengke at


nilagay sa kotse ko. Pagkatapos sinabihan niya akong buhatin si Aika at ilipat
sa kwarto ni Aika bago kami umalis.

Nakatayo ako sa harapan ni Aika. Mahimbig pa rin ang tulog niya habang nakabalot
ng kumot ang katawan.

"Maraming salamat. Napuyat ka tuloy dahil sa'kin."

Dahan-dahan ko siyang binuhat at dinala sa kwarto niya. Ibinababa ko siya sa


kama at pagkatapos umupo ako sa gilid ng kama niya habang pinagmamasdan ko siya.

"Tama ka nga maganda ka rin naman."

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman kong kaba. Siguro dahil dahil na rin sa
pagkakasakit kaya ganito. Natukso akong ilapit ang mukha ko sa mukha niya
hanggang sa ipikit ko ang mga mata ko. May bahagi ng isip ko ang nagsasabi na
halikan ko siya. Kaya naman 'yon ang sinunod ko. Pakiramdam ko tumigil ang pag-
ikot ng mundo habang papalapit ang labi ko sa labi niya. Hanggang sa maglapat
ang labi namin. Tatlong segundo lang 'yo at mabilis kong inalis at tumayo ako
upang lumabas. Paglabas ko kinapa ko ang puso ko na halos pumutok na sa lakas ng
tibok.

"Ninakawan mo ako ng halik kaya ninakawan din kita."

Nagmadali akong lumabas ng bahay at hinintay ko ang Mama ni Aika sa labas.


"May sakit ka pa rin ba?" Hinipo pa ng Mama ni Aika ang leeg ko.

"Wala na po akong sakit."

"Pulang-pula kasi ang mukha mo, akala ko mataas ang lagnat mo."

"H-Ha?" Bigla kong kinapa ang mukha ko.

"Shit!"

"Sigurado ka bang okay ka lang Ryuuji? Pwede naman wag mo na akong ihatid."

Binuksan ko ang kotse ko. "Sumakay na po kayo."

"Salamat."

Hinatid ko ang Mama ni Aika sa palengke bago ako umuwi.

"Salamat Ryuuji."

"Maraming salamat din po. Mauna. Na po ako mag-aasikaso pa sa pagpasok."

"Si Aika ba susunduin mo sa bahay?"

Tumango ako. "Opo."

"Wag mo na siya sunduin. Mahirap siyang gisingin kapag puyat."

"Okay lang po, maghihintay na lang ako sa kaniya kung anong oras siya
magigising."

"Pero baka mahuli ka sa klase kapag hinintay mo pa siya."

"Walang problema sa'kin 'yon, ako naman ang dahilan kung bakit siya late
magising. Aalis na po ako." Kumaway pa ako bago umalis.

******

Nakapameywang si Mommy habang nakaharang sa may pinto ng kwarto ko. Alas-kwatro


na kasi ako nakauwi ng mansiyon.

"Where have you been?"


"Sa condo ni Fujima." Alibi ko.

She raise her eyebrow. "Are you sure?"

I took a deep breath. "Fine. I lied, i'm with my girlfriend."

"Jesus! Bakit nagpadalos-dalos ka naman, you're too young."

"Mom, kung ano-ano ang iniisip mo. Kasama ko siya sa bahay niya nandoon ang Mama
niya. May sakit ako kagabi at hindi na nila ako pinauwi."

"Okay, akala ko kung ano na. How do feel right now?"

"I'm better than yesterday. Matutulog muna ako ng sandali."

"Okay, sige anak."

Umalis na si Mama sa kwarto ko, ako naman ay muling natulog. Nag-alarm ako ng
ala-sais ng umaga dahil alas-otso naman ngayon ang umpisa mg klase sa Eastberg
dahil may meeting ang mga professor.

"Shit!"

Napamura ako dahil nagising ako ng alas-diyes ng umaga. Bumangon ako at nag-
madaling naligo at nag-ayos ng sarili. Siguradong nasa school na si Aika ng
ganitong oras. Isang oras pa ang lumipas bago ako naka-alis ng mansiyon.

"Where's Aika?" Salubong ang kilay kong tanong sa dalawa kong kaibigan na may
kasamang babae habang nakaupo sa kanilang desk.

Tumingin sa'kin si Fujima. "Bakit mo sa'min hinahanap ikaw ang lagi niyang
kasama." Pagkatapos muli niyang tinuon ang pansin sa babaeng katabi niya.

"Tinanghali ako ng gising kaya hindi ko siya hinatid."

"Nandoon na 'yon sa classroom niya."

"Pupuntahan ko siya."

"Hep! Hep! Wag mong iistorbohin ang taong nag-aaral ng mabuti." Ani Fujima.

"Gusto ko lang maka-sigurado na nandoon siya."

"Bakit hindi mo siya i-text or tawagan?"


"Wala akong number niya."

Humalakhak si Fujima. "Ano ka ba naman Ryuuji, ang tagal-tagal mo ng kasama si


Aika hindi mo pa rin alam ang number niya. Ito nga nasa tabi ko may mga number
na ako."

"Hindi lang ako interesadong kunin ang number niya." Sabay alis ko.

Pumunta ako sa classroom ni Aika, pero hindi ako nagpakita sa kaniya. Sinilip ko
lang siya. Pagkatapos sumakay ako ng kotse at pumunta ng Mall.

"Sir, anong unit ang hanap ninyo?" Nilapitan pa ako ng sales man.

"Anong cellphone ang maganda?"

"Marami kaming magagandang cellphone kung gusto ninyo ng mahal at pasok sa


budget meron kami, dito po kayo pumili."

Sumunod ako sa kaniya. Marami siya sa'king ipinakitang cellphone simula sa mahal
at mura ng cellphone. Ngunit hindi ko naman alam kung anong bibilhin ko.

"Sir, may napili na po kayo?" Tanong mg sales man.

"Meron ba kayong cellphone na pangbabae?"

"Lahat po ng sinabi ko ay pwede sa babae. Ang mga babae po gusto nila ang
magandang camera kasi mahilig ang mga 'yan mag selfie."

"Alin diyan ang pwede sa babaing weirdo?"

"Weirdo po ba sir kahit yung android phone na lang kasi baka hindi niya ma-
appreciate ang mga masyadong mahal na cellphone, pero kung may budget kayo mas
magandang brand ang piliin ninyo."

Muli akong tumingin sa mga cellphone na nasa estante. "Yung smart phone na
lang."

"Ay, sige po sir alin po diyan?"

Tinuro ko ang cellphone na kulay rose na nagkakahalaga ng twenty thousand pesos.

"Palagyan na rin ng sim." Sabi ko.

"Sige po sir."
Pagkabili ko ng cellphone bumili ako ng maliit na paper bag na paglalagyang ng
cellphone pagkatapos bumalik ako sa school upang hintayin si Aika na lumabas.

Eksaktong pagpunta ko sa classroom ni Aika palabas na rin ang mga kaklase niya.
Hinintay ko siyang lumabas. Ngunit wala na ang mga estudyante sa classroom pero
hindi ko nakita si Aika na lumabas.

"Excuse me, Ma'am." Sabi ko sa Professor nila na nagliligpit ng gamit.

"Yes, Ryuuji."

"Si Miss Aika Miketsukame po."

"Ah si Aika..." Saglit na nag-isip ang professor. "My praktis siya ngayon."

Kumunot-noo ako. "Praktis po saan?"

"Ha? Sa—

"Miss Oliver, pinapatawag mo kayo ng principal my meeting daw po kayo." Sabad ng


estudyante.

"Ay! Oo nga pala! Nakalimutan ko." Nagmadali si Miss Oliver na bitbitin ang
gamit niya at umalis.

Napakapit ako ng mahigpit sa hawak kong paper bag. "Kanina pa ako naghihintay sa
kaniya saan kaya siya pumunta?"

Habang naglalakad ako sa papunta sa office ng Dean napansin ko si Aika na


naglalakad papuntang cafeteria. Nagmadali akong naglakad upang maabutan ko siya.

"Yats!" Sigaw ko.

Nanlaki ang mata niya nang makita ako.

"H-Huds? A-Anong ginagawa mo rito?"

Salubong ang kilay kong nakatingin sa kaniya. "Kanina pa kita hinahanap saan ka
ba nagpunta?"

"P-Pumasok ako sa klase ko. B-Bakit?"

Umiwas siya sa'kin ng tingin. "Sigurado ka ba?"

"Oo! Bakit pumasok ka na? Kumusta na pala ang pakiramdam mo?"


"Magaling na ang pakiramdam ko. Hinintay kita sa classroom mo wala ka naman saan
ka pumunta?"

"Aray! Aray!" Sabay hawak niya tiyan niya.

"Anong nangyari sa'yo?"

"Ang sakit ng tiyan ko gutom na ako."

Huminga ako ng malalim. "Let's go! Kumain na tayo."

Hinawakan niya ang kamay ko at pagkatapos sabay kaming kumain ng lunch.

"Hihintayin kita mamaya sa pag-uwi."

"W-Wag na!"

"Bakit naman?"

May meeting kaming lahat ng class officer baka matagalan ako."

"Maghihintay ako sa'yo kahit gaano katagal."

Yumuko siya sa'kin. Pakiramdam ko may tinatago siya sa'kin at iyon ang gusto
kong malaman.

"Ikaw ang bahala."

Pagkatapos naming kumain hinatid ko siya sa class room niya at pagkatapos


pumasok na ako sa klase ko.

"Ang gaganda ng mga candidates sa binibini Eastberg ngayong tao."

"Pare my swimsuit sila. Wow!"

"Talaga! Akala ko wala ng swimsuit. Mabubusog ang mga mata natin."

"Nagkaroon na mga dudes kaya busog na busog tayo." Humalakhak sila.

Sumimangot ako sa mga naririnig ko. Taon-taon palaging inaabangan ng mga lalaki
ang contest sa Binibini. Naalala ko tuloy sila Fujima at Dan. Sila ang
pinakamasaya dahil palagi silang nagiging escort ng mga binibini. Sa mga ganoong
araw mas gusto kong matulog sa mansiyon.
"Ang boring."

Ala-singko ng hapon natapos ang klase ko. Hinintay ko si Aika sa parking area.
Hindi ko kasi alam kung saan ang meeting nila. Lumipas ang isang oras natanaw ko
na si Aika na tumatakbo papalapit sa kotse ko.

"I'm sorry natagalan ako." Hingal na hingal pa siya.

Inabot ko sa kaniya ang mineral water. "Uminom ka muna."

"Thank you."

Sabay inom niya ng tubig. Pagkatapos inabot sa'kin ang mineral water na kalahati
pa ang laman. Ininom ko 'yon.

"Bakit mo ininom?" Tanong niya

"Bakit nauuhaw na rin ako."

"Ininuman ko na 'yan e."

"Ano naman may virus ka ba?"

"W-Wala kaya lang dumikit na diyan yung labi ko." Sabay iwas niyang tingin
sa'kin.

"Sus! Ninakawan mo nga ako ng halik tapos ganyan ka pa."

"Hindi ko 'yon gusto! Tinakot ako ng mga kaibigan mo." Namumula pa ang mukha
niya.

Naalala ko ang paper bag na dala ko.

"Oh, sa'yo na 'yan."

"Ano 'yan?"

"Bomba." Inis kong sagot.

"Bomba pala nilagay mo pa sa paper bag."

"Buksan mo kasi ang dami mong tanong."

"Para sa'kin ba 'to?"


"Psh! Akala ko ba matalino ka? Natural sa'yo 'yan kaya ko nga binigay sa'yo."

"Ang suplado mo." Pagkatapos binuksan niya. Nang makita niya ang laman gulat na
gulat siya.

"R-Ryuuji, cellphone 'to."

"Sa'yo na 'yan may sim na 'yan naka-save na sa'kin."

"Pero bakit mo ako binigyan ng cellphone? Ang mahal nito."

"Isipin mo na lang pasasalamat ko 'yan dahil inalagaan mo ako kagabi. Isa pa,
para may communication tayong dalawa."

Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap at hinalik-halikan sa pisngi dahil sa
tuwa. "Thank you! Thank you! Dream come true ito. Thank you!"

Bumilis ang tibok ng puso ko at namumula ang mukha ko. Natulala ako at parang
umurong ang dila ko.

"Ay! Sorrry." Sabay talikod niya sa'kin.

Pinaandar ko ang kotse ko. "Let's go!"

"Salamat sa gift mo sa'kin dream come true na 'to."

Napangiti ako. Ilang beses kasing nagpapasalamat si Aika sa'kin hanggang sa nasa
tapat na kami ng bahay niya.

"Kanina ka pa nagpapasalamat sa'kin, baka malunod na ako sa thank you mo."

"First time kong makatanggap ng gift sa isang kaibigan."

"Bakit hindi ka ba friendly?"

Tumango siya. "Sanay akong mag-isa."

"Simula ngayon hindi ka na mag-iisa, susunduin kita bukas. Good bye!" Sabi ko.

"Wait lang." Lumapit siya sa'kin na halos magkadikit ang mukha namin. Para naman
akong naputulan ng dila. Lalo ng akbayan niya ako.

"First picture natin sa bago kong cellphone. Smile!" Sabi niya.


Ngumiti ako. Pagkatapos ilang beses kaming nag selfie sa bago niyang cellphone.

"Thank you Huds."

"Teka lang." Dinukot ko ang cellphone ko. "Picture tayo sa cellphone ko.

"Sige." Sabay ngiti niya.

Ilang beses kaming nag-selfie gamit ang cellphone at kinuhanan ko rin niya ng
solo lang siya.

"May panakot na ako sa daga." Sabi ko.

Sumimangot siya. "Ang ganda ko naman maging panakot sa daga."

"Assumera ka talaga Yats. Sige na bumaba ka na baka itulak pa kita diyan." Biro
ko.

"Tse! Ang sama mo talaga sa'kin." Pagkatapos lumabas siya ng kotse ko. Bago siya
tuluyang pumasok sa bahay niya. Kumaway pa siya sa'kin.

Umiling ako pagkatapos nakangiti ako habang nagdi-drive. Nang huminto ako sa
stop light. Hinawakan ko ang pisngi ko na pinugpog niya ng halik.

"Baliw talaga ang babaing 'yon."

CHAPTER 11 [The Bad Boy's First Kiss]

[Aika]

Halos manlumo ako matapos sabihin ng trainor namin sa Binibini na mayroon ng


swinsuit competition na magaganap. Sa ibang mga contestant walang problema mas
natuwa pa sila dahil masusuot daw nila ang two piece nila samantalang ako hindi
ko nga kayang magsuot ng maikling short ang magsuot pa kaya ng two piece at
maraming nakakakita.

Hinintay kong magsi-alisan ang mga kasama ko sa contest pagkatapos lumapit ako
sa trainor namin na si Tita. Tita ang tawag namin sa baklang trainor namin.

"Tita, pwede ba akong magback out?"

Nameywang siya sa'kin at lumaki ang butas ng ilong dahil sa narinig.

"Ulitin mo nga ang sinabi mo?"

"Hindi na po ako sasali sa contest. Magba-back out na po ako."


"Isang linggo ka ng nagpraktis at dalawang araw na lang contect ninyo na tapos
bigla kang mag-back out! Ako ba iniinis mo Aika?"

"Kasi Tita may swimsuit competition."

"Ano naman kung may two piece competition? May kurikong ka ba? Malaking balat O
tadtad ba ng peklat ang katawan mo? Don't worry kaya naman takpan ang lahat ng
'yon."

"Hindi po, hindi kasi sanay magsuot ng two piece."

"Masasanay ka rin kaya wag ka ng mag back out, isipin mo na lang ang mga
professor po at classmate na sobrang daming ginawa para sa'yo."

"Pero Tita-

"I have to go Aika, bukas halfday lang ang praktis natin." Pagkatapos umalis na
ito.

Huminga ako ng malalim wala na talaga akong pag-asang mag back out.
Nanlulumo ako naglalakad palabas ng room na 'yon nakayuko ako habang naglalakad
kung kaya't hindi ko napansin ang taong kasalubong ko. Nagkabanggaan kaming
dalawa.

"Aray!" Una ang pwet ko nang bumagsak sa lupa.

"I'm sorry miss." Inilahad pa niya ang kamay niya upang tulungan niya akong
buhatin.

Isang lalaki ang nakabangga ko nang tumingala ako. Hindi siya nakasuot ng school
uniform kaya hindi ko masasabing estudyante siya ng school na ito.

"Thank you." Sabi ko nang tulungan niya akong tumayo.

"Sorry kung hindi kita napansin nangmamadali kasi ako." Sabay ngiti.

Hindi ko napigilan ang hindi ngumiti dahil sa kaniya. Nakakadala kasi ang ngiti
niya pati ang mata niya ngumingiti na rin.

"Okay lang."

"Ako nga pala si Aeron." Sabay lahad niya ng kamay sa'kin.

Saglit kong tinitigan ang kamay niya. Iniisip ko kasi kung dapat ko pa siyang
kausapin. Napansin naman 'yon ni Aeron.
"It's okay." Muli siyang ngumiti pagkatapos umalis na siya.

Nanatili akong nakatayo at tinatanaw siya habang papaalis. Si Aeron ay maputi,


matangkad, matangos ang ilong at makinis ang balat. Halata sa itsura niya ang
galing sa may kayang pamilya. Nakakadala rin ang mga ngiti niya.

Muli akong naglakad patungo sa parking area. Sigurado kasing naroon si Ryuuji at
naghihintay sa'kin. Simula ng sumali ako sa contest palagi na akong
nagsisinungaling kay Ryuuji. Hindi ko kasi kayang sabihin sa kaniya na kasali
ako. Bukod sa professor at classmate ko ayoko ng may ibang nakakaalam kaya nga
hindi ko pinalagay ang itsura ko sa tarpuline ng mga contestant dahil ayokong
may makaaalam.

"Bakit ganyan ang itsura mo?" Tanong ni Ryuuji sa'kin.

Binabagtas nami ang daan pauwi sa bahay namin.

"Wala naman." Pilit pa akong ngumiti sa kaniya.

"May problema ka ba?" Hindi ako sanay na malungkot ka."

Pilit akong ngumiti sa kaniya. "Hindi ako malungkot masyado lang akong napagod."

"I see..."

Huminga ako ng malalim at tumingin kay Ryuuji. "Malapit na pala ang contest sa
binibibi Eastberg excited na akong manood." Alibi ko.

"Hindi ako interesado."

Tumingin ako sa kaniya. "Hindi ka ba nanonood?"

Umiling siya. "Hindi."

"Ako rin ayokong manood." Alibi ko.

"Wag kang mag-aksaya ng oras sa mga kabaduyan nila. Mamasyal na lang tayo sa
araw na 'yon."

"H-Ha?"

Nilingon niya ako. "Mamasyal tayo."

"H-Hindi pwede!" Sabay iwas ko ng tingin sa kaniya. Hindi ko kasi kayang


salubungin ang tingin niya dahil baka malaman niya na nagsisinungaling ako."
"Bakit?"

"M-May gagawin kami sa araw 'yon. Tama! Busy kami."

"Wala pala akong choice kung hindi ang matulog na lang sa mansiyon."

"Ayaw mo ba talaga manood?"

Tumanga siya. "Masyading boring ang papangit pa ng mga kasali."

Nakahinga ako ng maluwag. Mabuti na lang at hindi siya nanonood hindi niya ako
makikita.

********

Maaga akong pumasok sa school upang kausapin ang professor ko at ang kaklase
kong si Timmy. Si Timmy kasi ang nag-aasikaso ng lahat ng mga gagamitin ko bukas
sa contest.

"Hindi ka na pwedeng umatras Aika," sambit ng professor namin.

"Kaya mo 'yan Aika, nandito lang kami nakasuporta sa'yo," ani Timmy

Huminga ako ng malalim. "Hindi ako nagsusuot ng two piece na nakikita ng


maraming tao."

"Maging confident ka Aika. Maganda, matalino at sexy kaya wag kang mahiya,"
sambit ng professor namin.

Huminga ako ng malalim. Hindi naman biro ang ginawa nilang efforts sa'kin dahil
lahat ng kailangan ko sa contest sila nag provide. Wala akong ginastos na pera
pinagtutulungan nilang lahat. Todo suporta sila sa'kin kaya naman ang hirap
bumitaw.

"Excited na kami bukas nagpagawa kami ng banner sa'yo," ani Timmy

"Wala na pala akong magagawa."

"Galingan mo ha! Isama mo ang parents mo or boyfriend mo para naman lumakas ang
loob mo." Ani Professor namin.

"Hindi alam ni Mama na kasali ako. Wala akong boyfriend."

"Akala namin boyfriend mo si Ryuuji kasi palagi kayong magkasama. Dapat sinabi
mo sa Mama mo na kasali ka mas maganda na alam niya." Ani Timmy.
"Nahihiya ako."

"Naku Aika. Wag mong pairalin ang hiya mo dapat maging proud ka." Ani Prof.

"Oo nga Aika. Maging proud ka kasi pinaghirapan mo 'yan." Ani Timmy.

"Salamat, susubukan kong sabihin sa kanila."

"Good, kaya wag magback out." Ani Timmy.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko dahil sa kawalan ng pag-


asang mag back out.

*******

"Yats, napapansin ko sa'yo ilang linggo ka ng malungkot. May problema ka ba?"


Tanong ni Ryuuji sa'kin habang kumakain kami ng lunch sa cafeteria.

Pilit akong ngumiti sa kaniya. "Huds, may sasabihin sana ako sa'yo."

Huminto sa pagkain si Ryuuji at seryosong tumingin sa'kin. "Anong problema?"

Huminga ako ng malalim. "Wag ka sanang magagalit sa'kin or wag mo akong


pagtatawanan."

"Ano nga 'yon?"

"Mag promise ka muna."

Bumuntong-hininga siya. "Okay!" Tinaasan niya ng kanang kamay niya at tumingin


sa'kin. "I promise."

"Ryuuji, kasali ako sa binibining Eastberg."

"What!!" Sigaw niya ng malakas. Sa'min tuloy nakatingin ang lahat ng nasa loob
ng cafeteria.

"You promise me."

Napalunok si Ryuuyi habang ang kamay niya ay nakatikom. "Bakit ka sumali?"

"Hindi ko gustong sumali napilitan lang ako dahil pinilit nila akong lahat."

"Humanda silang lahat sa'kin!"


"Nangako ka sa'kin na hindi ka magagalit. Sinabi ko lang sa'yo 'to. Hindi ka
naman di'ba nanonood."

Hindi umimik si Ryuuji. Tinitigan niya ako at pagkatapos tumayo siya at umalis.
Sinipa pa niya ang table na nadaanan niya.

Umiling ako. "Kaya nga ayokong sabihin sa kaniya ang totoo. Siguradong magagalit
siya." Pinagpatuloy ko ang pagkain ng lunch kahit umalis na si Ryuuji.

Hindi siya nagtext at tumawag. Wala rin siyang reply sa mga text at tawag ko
kaya pagdating ng hapon iniaasahan ko ng mag-isa lang ako uuwi.

Habang naglalakad ako palabas ng school my bumato sa'kin.

"Aray!" Nilingon ko iyon. Nakita ko si Ryuuji na nakatayo sa likuran ko at


nakapamulsa ang dalawang kamay at nakaiwas ng tingin sa'kin.

"Ryuuji." Ngumiti ako sa kaniya pagkatapos lumapit ako sa kaniya.

"Ihahatid na kita sa inyo." Pokerface ang mukha niya.

"Galit ka ba?"

Tiningnan niya ako at pagkatapos nauna siyang naglakad papunta sa parking area.

"Huds!" Habol ko sa kaniya.

Hindi pa rin niya ako kinikibo hanggang sa makarating kami sa bahay namin. Hindi
ako sanay na ganito kaming dalawa ni Rayuugi. Mas gusto ko yung palagi siyang
nagagalit sa'kin pero kinakausap pa rin niya ako pero ngayon galit siya sa'kin
pero hindi niya ako kinakausap.

"Salamat sa paghatid." Sabi ko.

Hinintay kong umalis siya bago ako pumasok ng bahay ngunit dalawang minuto na
ang lumipas hindi pa rin siya umaalis.

Lumapit ako sa may kotse niya. "May nakalimutan ka bang sabihin sa'kin?"

Huminga siya ng malalim pagkatapos umalis na siya.

"Ano bang problema niya? Ang hirap niyang intindihin."

Nang hindi ko siya matanaw pumasok na ako sa loob ng bahay. Naabutan ko si Mama
na nanonood ng tv habang nakahiga. Lumapit ako sa kaniya.
"Mama, nandito na ako." Nagmano ako sa kaniya.

"Nandito ka na pala hinatid ka ba ni Ryuuji?"

"Opo, magpapalit lang ako ng damit."

"Sige, maghahain na ako ng pagkain natin."

"Salamat po Mama."

Pagkatapos pumasok na ako sa loob ng kwarto ko upang magpalit ng damit.

"Siguro kailangan na rin malaman ni Mama na kasali ako sa contest tutal bukas
naman 'yon." Kausap ko sa sarili habang nasa salamin ako.

Paglabas ko ng kwarto nasa kusina na si Mama at hinihintay ako.

"Tara na anak kumain na tayo." Nilagyan ako ni Mama ng kanin at ulam sa plato
ko.

"Ahh... Mama."

Tumingin siya sa'kin. "Bakit?"

Huminga ako ng malalim. "Mama, sinali po nila ako sa contest sa school.


Binibining Eastberg."

Lumiwanag ang mukha ni Mama. "Talaga? Kailan 'yo naku kailan magpatahi tayo ng
susuotin mong gown."

"Wala na pong problema sa susuotin kong damit, sinagot na ng mga kaklase at


professor namin."

"Ang babait naman nila. Masaya ako para sa'yo anak."

"Hindi ba kayo galit?"

Ilang beses na umiling si Mama. "Bakit naman ako magagalit. Natutuwa nga ako
dahil sumasali ka na sa mga ganyang contest."

"Mama bukas na po ang contest, sorry kung hindi ko sinabi agad sa'yo, akala ko
kasi magagalit ka. "

"Bakit naman ako magagalit natutuwa nga ako."


"Salamat po Mama."

"Sayang kung sinabi mo agad sa'kin masasamahan sana kita bukas."

"Okay lang 'yon Mama. Mahihiya rin ako kapag alam kong nanonood ka."

Ngumiti si Mama. "Good luck anak."

"Salamat po."

"Kumain na tayo."

Tumango ako at pagkatapos kumain na ako. Magaan na ang pakiramdam ko ngayon


dahil wala na akong tinatago kay Mama at kay Ryuuji. Handa na ako para bukas.

CHAPTER 12 [The Bad Boy's First Kiss]

[Ryuuji]

Inihinto ko ang kotse sa isang disco bar na pag-aari ng pamilya ni Dan Carly.
Agad akong pumasok sa loob ng bar upang hanapin sina Dan.

Nakita ko si Dan na kumakaway sa'kin. Lumapit ako sa kaniya at umupo.

"Ryuuji, anong problema mo bakit ka nagyayang uminom?" Bungad niyang sabi


sa'kin.

Nagsalin ng alak si Dan at ibinigay sa'kin. Tumingin siya sa'kin at itinaas ang
shot glass. "Cheers!"

Hindi ako umimik. Itinaas ko lang ang shot glass at in-straight ko ang inom
nito.

"Ryuugi."

Tinitigan ko ang shot glass habang pinaglalaruan ko. "Si Aika kasali sa
binibining Eastberg."

"What!" hindi makapaniwala sambit ni Dan. "Nag-volunteer siya?"

"Pinilit siya ng mga kaklase niya at professor niya." Muli niyang ininom ang
nasa baso niya pagkatapos naglagay ulit ng alak sa baso. Gusto kong
magpakalasing. Sa tuwing iniisip ko na kasali si Aika sa contest gusto kong
pumatay ng tao.

"Suportahan mo na lang siya."


"Fvck!" Sigaw ko.

Napatingin tuloy sa'kin ang waiter na dumaan sa table namin. "Woah! Relax wag
kang magalit."

"Napaka-tanga talaga ng babaing 'yon. Bakit kasi sumali-sali pa siya."

"Ikaw na rin ang nagsabi na sinali siya. Wala na tayong magagawa bukas na ang
contest. Hindi ka naman nanonood 'di ba?"

Matalim kong tinitigan sin Dan. "So what?"

"Hindi mo naman siya totoong girlfriend kaya wala kang karapatan na magalit sa
kaniya."

Napadiin ang hawak ko sa shot glass kulang na lang mabasag ito sa kamay ko.
Hindi ko rin alam kung bakit ganito ang pakiramdam ko. Tama naman si Dan wala
akong karapatang magalit sa kaniya pero bakit ako naiinis.

"Ang swerte ni Aeron dahil siya ang escort sa magiging top 10."

"Ulitin mo ang sinabi mo?"

"Hindi na sinabi sa'yo ng Mommy mo na dumating na ang kuya Aeron mo at siya ang
kinuhang escort sa magiging top 10."

Tumayo ako upang umalis. "I'm going home."

"Teka uuwi ka na agad, hindi pa tayo nakakadami ng inom."

Hindi na ako kumibo. Dire-diretso akong umalis at sumakay sa kotse. Uuwi ako ng
bahay upang kausapin ang nakakatanda kong kapatid na si Aeron. Si Aeron ang
panganay kong kapatid na lalaki. Matanda siya sa'kin ng tatlong taon. Sa America
siya nag-aaral at hindi ko alam kung bakit nandito siya sa pilipinas.

Halos kalahating oras ang naging biyahe ko nang makarating ako sa mansiyon.
Dire-diretso akong pumasok.

"Good evening po Senyorito." Bati sa'kin ng isa sa mga katulong na nakasalubong.


Tiningnan ko lang siya pagkatapos pumunta ako sa silid ni Kuya Aeron.

"Tok! Tok!Tok!"

Halos gusto ko ng sipain ang pintuan ng kwarto niya sa inis ko.


"Hey! Gusto mo na yata sirain ang pinto." Sabi niya ng buksan niya.

Nakasuot siya ng jogging pants at t-shirt nang pagbuksan ako ng pinto. Salubong
pa ang kilay niya.

Matalim akong tumingin sa kaniya. "Why are you here?"

"What a stupid question. Ofcourse this is my home. Ano bang problema mo?"

Tiningnan ko ang kwarto niya pagkatapos pumasok ako sa loob na walang paalam sa
kaniya pagkatapos pinagmasdan ko ang paligid nakita ko ang poster ng mga binibi.
Kinuha ko 'yon. Pagkatapos nilamukos ko. Ang sabi ni Aika wala siya sa picture
sa poster bakit nandoon siya.

"Hey! Ano bang problema mo?!" Inis niyang sambit.

"Ikaw ang escort sa pageant?" nakasimangot ako sa kaniya.

"Yes, what's your problem?"

Ibinato ko sa kaniya ang ginusot kong poster na ikinainis niya. "Damn!"


Kinuwelyuhan niya ako.

"Wag kang mag-escort bukas." Nakipagtitigan pa ako sa kaniya.

"At bakit naman kita susundin?" Tinulak niya ako. "Psh! Isip bata."

Hindi ako nagpatinag sa kaniya. "Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko," warning
ko sa kaniya.

Pang-asar na ngumiti si Kuya Aeron at umiling. Alam kong hindi siya natakot sa
sinabi ko, kaya mas lalo akong nainis.

"Gabi na kailangang kong matulog." Humiga siya sa kama.

Tikom ang kamao ko habang nakatitig sa kaniya at pagkatapos dinampot ko ang unan
sa tabi niya at binato ko 'yon sa kaniya bago ako lumabas ng kwarto niya.

"Fvck!" sigaw niya sa'kin, pero hindi niya ako sinundan upang patulan sa ginawa
ko sa kanya.

Paglabas ko ng kwarto ni Kuya Aeron nakita ko si Mommy na bumaba mula sa second


floor. Nakasuot na siya ng pantulog niyang damit. Sinundan ko siya hanggang sa
kusina.

"Ryuuji, may kailangan ka ba sa'kin?" tanong ni Mommy sa'kin.


Umupo ako sa upuan at huminga ng malalim. "Mom, gusto kong maging escort bukas
sa pageant."

Lumapit sa'kin si Mommy, habang nakakunot-noo. Marahin nagtataka siya sa'kin.


Hindi ko naman kasi kailaman pinakialaman ang lahat ng events sa school, lalo na
ang pageant.

"Ikaw ba iyan Ryuuji?" hindi mapaniwalang tanong ni Mommy.

"Kasali ang girlfriend ko sa pageant at ayokong si Kuya Aeron ang mag-e-escort


sa kaniya."

Ang alam kasi ni Mommy girlfrend ko si Aika kaya 'yon din ang sinabi ko sa
kaniya ngayon. Ayoko talagang nandoon si Kuya Aeron, ayokong may ibang titingin
kay Aika.

"Bakit hindi mo sinabi agad sa'kin? Sana...ikaw na lang ang sinabihan ko."

Huminga ako ng malalim. Kung nalaman ko sana agad marahil sinabi ko iyon kay
Mommy. "Hindi agad sa'kin sinabi ng girlfriend ko, ngayon lang niya sinabi kung
kailan bukas ang pageant."

Ngumiti si Mommy pagkatapos ginulo ang buhok ko. "Masyado kang seloso, sige,
sasabihin ko sa kuya Aeron mo na ikaw ang escort sa girlfriend mo kapag nakasama
siya sa top 10."

"I'm sure makakasama siya baka nga siya pa ang manalo."

"Matulog ka na dahil baka magbago pa ang isip ko," inamoy niya ako. "Amoy alak
ka pa."

Tumayo ako. "Maliligo lang ako bago matulog," tuluyan na akong umalis ng

**************

Umaga pa lang pumunta na ako ng school, hindi ko hinatid si Aika dahil alam kong
may susundo sa kaniya. Tiningnan ko ang pagdadausan ng venue. Gusto ko kasing
makasigurado na walang magiging aksidente mamamaya. May naglalagay pa rin ng
decoration ng stage kaya naman gulat na gulat sila dahil nakita nila ako.

"Totoo ba ang nakikita ko? Nandito ka Ryuuji?" tanong ng Dean ng school na


binisita ang venue.

Sinimangutan ko siya. "What's the problem?"

Lumapit siya sa'kin at tiningnan. "Ryuuji, hindi talaga ako makapaniwala na


nandito ka ngayon, sabihin mo nga sa'kin anong masamang hangin ang nagdala sa'yo
rito?"
"Hindi ibig sabihin na malakas ka Mommy ko, puwede mo na akong kausapin ng
ganyan."

"Oh, I'm sorry, masaya lang ako dahil nandito ka," ngumiti pa siya sa'kin at
pagkatapos tinuon ang pansin sa mga nagde-decoration.

Pagdating ng gabi nagsimula umingay sa buong Eastberg dahil sa lakas ng speaker.


Nagsimula ng magsidatingan ang mga tao sa loob ng gym. Nakita ko na rin sa back
stage ang mga candidates ngunit hindi ako lumapit para tingnan si Aika. Umupo
ako sa pinaka-unahang upuan sa likod ng judges. Ilang saglit pa nagsimula na ang
open ceremony. Nagkaroon ng mga mensahe ang presidente at ibang kasapi nito.

Dumating na rin ang sina Fujima at Dan. "Ang aga mo naman dito," tanong ni
Fujima.

Hindi ako kumibo alam ko kasing aasarin na nila ako.

"Nakita ko si Aika sa back stage ang ganda niya," sabi ni Dan.

Nakangiti siya nang lumingon ako sa kaniya. "Siguradong marami kang karibal
bukas Ryuuji," sabi ni Dan.

"Maganda naman talaga si Aika," sabad naman ni Fujima.

Hindi ako nakisali sa usapan nilang dalawa. Nakatuon ang tingin ko sa stage.

"Good evening ladies and gentlement," sabi ng emcee.

Nakaramdam ako ng kaba nang magsalita ang Emcee.

"Excited na ba kayong makita ang mga candidates ng binibing Eastberg?!"

Naghiyawan ang mga tao sa paligid.

"Hindi na namin patatagalin. Let's all welcome the candidates of Binibining


Eastberg 2020.

Malakas na hiyawan ang naging tugon ng mga taong nanonood, pagkatapos


nagpatugtog sila ng One in a million. Isa-isang lumabas ang mga candidates at
nagpakilala.

"Wow! Ang gaganda nila!" sigaw ni Fujima.

Nakatitig ako kay Aika nang lumabas siya. Naka Red long gown siya na punong-puno
ng bids kaya naman kumikinang ang damit niya kapag nasisinagan ng liwanag.
Pinakulot ang buhok niya at kitang-kita sa mukha niya ang fierce. Hindi mo
mahahalata na baguhan lang siya sa pageant.

"She's beautiful."

Siniko ako ni Dan at Fujima. "Ang ganda-ganda ni Aika."

Nakatitig ako kay nang magpakilala siya. Ang puso ko ay halos lumundag sa saya
nang makita siya.

"Good evening Ladies and gentlemen my name is Aika Cassidy Miketsukame,


representing BS Psychology! Thank you."

Nagtama ang mga mata naming dalawa. Nakita ko sa kanya ang pagkagulat kaya bigla
itong huminto. Mabuti na lang at hindi iyon napansin ng mga tao.

"Ang ganda ni Aika."

"Hindi ko akalain na sasali siya sa ganitong pageant, mukha kasi siyang


mahiyain."

"Liligawan ko siya pagkatapos ng pageant."

Bigla akong tumayo at lumapit sa lalaking nagsabing liligawan si Aika.


Nagulat pa ang lalaki nang makita niya ako sa harapan niya.

"What did you say?!" hinawakan ko ang kwelyo niya.

Inawat naman ako ni Fujima at Dan. "Relax, lang Ryuuji," sabi ni Fujima.

Hinila nila ako palayo sa lalaki.

Dahil sa takot ng mga lalaki lumipat sila ng pwesto.

"Ryuuji, wag ka ngang masyadong mainit."

"Masyado naman itong selosong boyfriend paano pa kaya kung makita mo siyang
naka-two piece?" sabi ni Fujima.

"Fvk!" napamura ako sa inis

Muling kong pinanood si Aika na nagpapakita ng talent niya. Drama ang ginawa ni
Aika.

Wala akong ibang babaing pinapanood kung hindi Aika lang sa kaniya lang nakatuon
ang mga mata ko.
"Thank you beautiful candidates. And now for swim suit competition."

Halos wala ka ng marinig dahil sa lakas ng ingay sa palagid.

"Iyan na ang hihintay ko," sabi ni Fujima.

Tumayo ako upang umalis. Napansin naman iyon ng kaibigan ko.

"Saan ka pupunta, Ryuuji?!"

"Kay Aika," pagkatapos umalis na ako at pumunta sa back stage.

CHAPTER 13 [The Bad Boy's First Kiss]

[Aika]

"ANG ganda mo talaga, Aika." Ilang beses pa akong pinagmasdan ni Timmy at ang
dalawa kong kaklase na tumutulong sa'kin sa pagbibihis. May inarkila rin silang
make up artist para may make up sa'kin.

"Hindi ko akalain na may igaganda ka pala," sabi ng kaklase ko na si Beverly.

Nakasuot na ako ng gown at naka-ayos na rin ang buhok ko. Kulot-kulot din ang
buhok ko. Ang gown na pinasuot sa'kin ay punong-puno ng bids at may hati sa
gilid makikita ang legs ko.

"Kinakabahan ako," sabi ko.

"Wag kang kabahan, kaya mo iyan." Tinapik ako sa balikat ni Timmy.

"Girls, mag ready na kayo tatawagin na kayo isa-isa." Sabi ng babae.

"Good luck, Aika!" sabay ngiti ni Timmy.

Huminga ako ng malalim. "Thank you."

Sumunod ako sa candidates na nakapila. Pagkatapos narinig kong tinawag na ang


mga candidates. Ang lakas ng kaba ko dahil sa naririnig kong ingay sa labas ng
back stage.

"Aika, ikaw na ang tatawagin, be ready," sabi ng babae nag-assist sa'min.

Tumango ako at pagkatapos nag sign of the cross ako. Kayo na po ang bahala
sa'kin.
"Candidate number sixteen miss Aika Cassidy Miketsukame."

Huminga ako ng malalim pagkatapos dahan-dahan akong lumabas sa back stage.


Narinig ko ang malakas na hiyawan sa labas. Tulad ng turo sa'kin kailangan
palagi akong nakangiti kaya naman kahit punong-puno ako ng kaba. Nakangiti pa
rin ako. Rumampa ako sa stage.

"Good evening. My name is Aika Cassidy Miketsukame representing BS Psychology.


Thank you!"

Nagpalakpakas silang lahat ngunit ang hindi ko inaasahan na makita sa audience


ay si Ryuuji. Napatulala ako nang magtama ang mata namin. Saglit akong huminto
pagkatapos muli akong naglakad upang rumampa bago bumalik ng back stage.

"Aika, ang galing-galing mo," sabi ni Timmy.

"Salamat," pilit akong ngumiti.

Umupo ako dahil para akong nanlambot nang makita ko si Ryuuji na nanonood.

Bakit nandito siya?

Muli akong nagpalit ng damit upang sumayaw namin kaming lahat ng mga candidates
pagkatapos magkakaroon kami ng talent portion.
Sa tuwing lalabas ako ng stage mukha ni Ryuuji ang nakikita ko kaya feeling
magkakamali ako.

Drama ang ginawa kong talent. Isang babae na iniwan ng asawa at namatayan ng
anak. Pagkatapos nakulong dahil pinakulong ng amo hanggang sa tuluyan ng
nabaliw. Iyon ang ginawa ko sa drama ko. Hindi ko tiningnan si Ryuuji noong nag
talent ako dahil baka makalimutan ko ang linya ko.

"And now for swim suit competition."

Naghiyawan ang mga nanonood nang-i-announce ng emcee ang swim suit competition.

Lumapit sa'kin si Timmy at Beverly.


"Aika, maghubad ka na suotin mo na itong two piece na kulay red."

Lumapit pa sa'kin ang nagme-make up sa'kin upang palitan i-retouch ako at


ayusing muli ang buhok ko.

"Hindi ko kayang magsuot ng two piece," sabi ko.

"Ngayon ka pa ba susuko? Nandito na tayo, Aika."

Tiningnan ko ang two piece na binili nila para sa'kin. Paano ako maglalakad sa
labas na parang nakahubad na. Mama ko nga nahihiya akong magpakita ng naka-bra
at panty lang pagkatapos dito sa pageant halos ibalandra ko ang katawan ko.

"Aika, magpalit ka na."

Muli akong huminga ng malalim. Pagkatapos pinikit ko ng mariin ang mga mata ko.
Bahala na!

Tumayo ako upang magpalit ng two piece. Ilang saglit pa suot ko na ang two piece
ko.

"Wow! Ang sexy mo, Aika." Hindi makapaniwalang sabi ni Timmy.

Yumuko ako. "Hindi ko kayang lumabas."

"Where's Aika?!"

Tumayo ako nang marinig ko ang pangalan ko. Pagkatapos gulat na gulat ako nang
makita ko si Ryuuji.

"R-Ryuuji?" nauutal kong sabi.

Gusto kong takpan ang sarili ko dahil naka two piece na lang ako sa harap ni
Ryuuji. Nakatulala sa'kin si Ryuuji pagkatapos tumalikod siya sa'kin.

"L-Let's talk," sabi niya.

"Hindi na pwede Ryuuji, lalabas na sila," sabad ni Timmy.

Nagulat ako nang hilahin ako ni Ryuuji pagkatapos hinubad niya ang jacket at
tinakip sa'kin.

"Ryuuji! Saan mo dadalhin si Aika?!" sigaw ni Timmy.

"Mag-uusap lang kami sandali," sabi ni Ryuuji.

Pagkatapos kinuha ni Ryuuji ang cellphone niya at tinawagan ang Mommy niya.

"Mom, pakisabi na mag-adjust ng five minutes kakausapin ko lang ang girlfriend


ko."

"Okay, five minutes lang."

"Thank you, Mom."

"Bakit ka ba nandito? Akala ko ba hindi ka manonood?" nakayuko ako sa kaniya


dahil hindi ko kayang makipagtitigan sa kaniya.

"Hindi ko matiis na hindi manonood."

"Sorry, kung hindi ko agad sa'yo sinabi."

Bumuntong-hininga siya. "Wag kang sumali sa swim suit competition."

Tumingin ako sa kaniya. "Hindi naman pwede matatalo ako."

"And so? Gusto mo bang maging Binibining Eastberg?"

"Walang problema sa'kin kung manalo ako o matalo, kailangan kong lumaban para sa
mga kaklase at professor ko na nag-effort para sa'kin."

Nakita ko ang pagtikom ng kamao niya. Pagkatapos huminga ng malalim.

"Okay, sige sasamahan kita sa stage."

"Ano? Paano 'yon?"

"Sasamahan kita sa stage hanggang sa makalabas ka pagkatapos aalis na rin ako."

P-Pero baka hindi pwede iyon?"

"Papayag ka ba o hindi ka na aakyat ng naka-swim suit?"

"Ikaw ang bahala."

Hinawakan niya ang kamay ko. "Let's go!"

Bumalik kami sa back stage. Pagkatapos kasama ko si Ryuuji na naka-pila.


Nakayuko dahil sa'min nakatingin ang mga candidates ako lang naman kasi ang may
escort sa paglabas.

Isa-isa nang lumabas ang mga candidates pagkatapos tinawag ako.


Pinisil ni Ryuuji ang kamay ko kaya tumingin ako sa kanya, pagkatapos ngumiti
siya sa'kin.

"Contestant number sixteen. Miss Aika, Cassidy Miketsukame."

Bitbit ang ngiti ko nang lumabas ako. Naghiyaw sila ngunit mas malakas ang
hiyawan nila nang makita nila si Ryuuji na escort ko. Kasama ko si Ryuuji noong
rumampa ako sa stage ko. Sabihin na natin na hindi maganda na may escort ako
pero nakatulong siya para mawala ang kaba ko. Pagkatapos kong rumampa. Hinatid
niya ako sa pila ko pagkatapos nagulat ako nang halikan niya ako sa noo.
Muli naman bumilis ang kaba ko. Pagkatapos ng swim suit competition bumalik kami
sa back stage.

"Akala ko ba hindi mo siya boyfriend. Binakuran ka na kanila."

"Hindi naman siguro."

"Kung hindi presidente ng school ang Mommy niyan hindi dapat pinapayagan ang
ganyan. Kaya nag-escort sa'yo si Ryuuji para ipaalam sa mga nanood na siya ang
boyfriend mo. Ang takot lang ng mga estudyante kay Ryuuji."

Hindi ako kumibo, alam ko naman kasi ang totoo. Nagpanggap lang naman kaming
magboyfriend sa Mommy niya.

Muli kaming nagpalit para sa evening gown pagkatapos pinili na ang top 10.
Nakapikit ako habang nagdadasal na sana mapasama ako sa top 10 kahit top 10 na
lang.

"For top ten candidates. Contestant number sixteen, Miss Aika Cassidy
Miketsukame!"

Naghiyawan ang mga tao. Pagkatapos nagulat ako ng makita ko si Ryuuji na naka-
formal ang suot. Lumapit siya sa'kin upang isama ako sa mga top ten.

"I'm so proud of you," he whisper.

"Thank you," sagot ko.

Nakita ko ang si Aeron ang lalaking bumangga sa'kin at escort din siya.

Ngumiti siya sa'kin nang magtama ang mga mata naming dalawa.

Nagkaroon ng question ang answer para sa top ten. Pagkatapos muling pinili ang
top 5. Ako ang kauna-unahang tinawag kaya sobrang tuwa ko. Kampante na ako dahil
pasok na ako sa top 5 ibig sabihin kahit 4th runner up masaya na ako.
Muli kaming pinabunot upang sumagot sa napili namin tanong. Pagkatapos naming
sagutin ang tanong sasabihin na ang tatanghaling mananalo.

Tinawag ang first second, third at fourt runner up. Pagkatapos dalawa na lang
kami. magkahawak kamay kami ni Number 7 habang ako nakapikit at nagdasal.

"Lord, piliin ninyo sa'min ang karapat dapat na manalo, maraming salamat po."

"Ang unang tatawagin namin ay ang first runner up," sabi ng emcee.

"For first runner up goes to contestant number seven!"


Namilog ang mga mata ko sa tuwa dahil ako ang Binibini. Tumakbo si Timmy at
Beverly sa saya. Pagkatapos may bumagsak na confetti mula sa taas

"Our Binibining Eastberg 2020 is contestant number sixteen, Miss Aika Cassidy
Miketsukame, congratulation!"

"Aika! Nanalo ka!" sigaw nina Timmy at Beverly.

Lumapit sa'min ang Judges upang batiin ako. Maging si Aeron ay lumapit din
sa'kin. "Congrats, Aika." nakangiting bati niya.

"Thank you."

Kinoronahan ako bilang Binibini ng Eastberg. Masaya ako dahil hindi ko naman ito
inaasahan. Kanina ko pa gustong matapos ang contest na ito dahil hiyang-hiya na
ako sa nanonood. Habang marami ang nagpapapicture sa'kin, nakita ko si Ryuuji sa
di kalayuan sa'kin na nakatingin sa'kin at hindi lumalapit. Kinawayan ko siya
upang lumapit sa'kin.

"Congrats, Yats," sabi niya nang lumapit siya sa'kin.

"Thank you."

Nagpapicture kaming dalawa ni Ryuuji. Pagkatapos sina Timmy at Beverly at iba


kong kaklase at ang mga professor ko.

Bitbit ko ang dala-dala kong mga bag palabas ng gym. Pauwi na kasi ako. Kaunti
na lang din ang mga tao dahil ang iba ay kanina pa nakauwi pagkatapos sabihin
ang nanalo. Paglabas ko nakita ko si Ryuuji na naghihintay sa'kin. Lumapit ako
sa kaniya.

"Akala ko umuwi ka na."

Sumimangot siya. "Hindi kita pwede iwan dito maraming mag-aalok sa'yo na ihatid
ka."

"Wala naman maghahatid sa'kin."

Kinuha niya sa'kin ang bitbit kong mga bag at pagkatapos naglakad na kami
papunta sa parking area. Habang naglalakad kami may nakakasalubong kaming mga
lalaki.

"Hi, Aika, congrats!"

"Congrast! Beautiful."
Ngumiti ako sa kanila. "Thank you."

Nang nasa tapat na kami ng kotse ni Ryuuji. Hinagis niya sa loob ang mga gamit
ko at padabog na sinarado ang pinto ng kotse.

"Get in."

Pumasok ako sa loob gayon din siya. "Bakit galit ka?"

"Hindi ako galit!" sigaw niya pagkatapos pinandar niya ang kotse.

"Huds, ano bang problema mo?"

"Enjoy na enjoy ka pa sa pakikipag-usap sa mga lalaking iyon."

Tumaas ang kilay ko. "Ano naman ang problema roon?"

Hindi siya umimik sa'kin sa halip


Pinaharurut niya ang sasakyan.

"Huds, wag ka na magalit hindi na ako makikipag-usap sa kanila."

"Crush mo si Aeron?"

"Yung lalaking gwapo na escort rin?"

"Mas gwapo ako roon, bulag ka pa ba?"

"Alam kong gwapo ka, gwapo rin siya may hawig nga kayo, eh."

"So, crush mo?"

"Hindi, bakit ko naman magiging crush iyon."

"Good, wag kang magkaka-crush sa iba dapat sa'kin lang."

"Bakit ikaw lang?"

"Dahil ako ang boyfriend mo."

"Sa Mommy mo lang naman tayo magkasintahan."

Tinitigan niya ako ng masama. "So, ayaw mo na?"


"May sinabi ba ako?" Sabay irap ko sa kanya.

Hindi na siya nagsalita hanggang sa nasa tapat na kami ng bahay namin. Hinatid
niya ako sa loob ng bahay namin.

"Thank you and good night," sabi ko. Ngunit mukhang badtrip pa rin dahil hindi
siya nakatingin sa'kin. Pumihit siya patalikod sa'kin upang umalis. Ngunit
tinawag ko siya.

"Huds!"

Huminto siya ngunit hindi siya humarap sa'kin, kaya ako ang lumapit sa kaniya at
humarap sa kanya. Hinawakan ko ng dalawang palad ko ang mukha niya para tumingin
sa'kin.

"Thank you." Pagkatapos bigla ko siyang hinalikan sa pisngi at tumakbo ako


papasok ng bahay at sinarado ko ang pinto ngunit hindi ako umalis. Nasa likod
lang ako ng pinto hawak-hawak ang dibdib ko. Ninakawan ko naman kasi ng halik si
Ryuuji. Ginawa ko lang iyon para hindi na magalit. Nang marinig ko ang kotse
niyang umalis na, saka ako pumasok sa kwarto.

Nakahiga na ako sa kama ngunit si Ryuuji pa rin ang nasa isip ko.

"Ano bang ginawa mo." Pinalo ko pa ang mukha ko.

Narinig kong tumunog ang cellphone ko agad ko iyon tiningnan. Marami akong
natanggap na text mula sa mga kaklase ko pero ang una kong binasa ay ang text ni
Ryuuji.

"Congrats, Yats. Sunduin kita bukas. Lagot ka sa'kin ninakawan mo naman ako ng
halik."

Hindi ako nagreply sa text niya.

"My gosh! Patay ako nito bukas."

CHAPTER 14 [The Bad Boy's First Kiss]

[Ryuuji]

ILANG minuto akong nakatayo sa harap ng bahay nila Aika, matapos niya akong
halikan sa pisngi. Daig ko pa ang pinako dahil hindi ko magawang ihakbang ang
mga paa ko
Hindi ko kasi inaasahan na nanakawan ulit ako ni Aika. Dahan-dahan kong kinapa
ang pisngi kong hinalikan niya, parang nakadikit pa ang labi niya sa pisngi ko
pagkatapos hindi ko rin maintindihan ang tibok ng puso ko parang gusto ng
lumabas mula sa katawan ko.
Nakarinig ako ng tahol ng aso kaya kumilos na ako, humakbang ako papunta sa
kotse ko, bago ko pa i-start ang engine ng kotse ko sinulyapan ko muna ang bahay
nila Aika.

Good night, Yats.

Pagkatapos pinaandar ko na ang sasakyan ko pauwi ng mansyon. Kalahating oras


lang ang itinagal ko sa biyahe dahil wala naman traffic ng gabing-gabi.
Pagkatapos diret-diretso akong pumasok sa loob ng mansyon, bago pa ako maka-
akyat sa second floor kung saan naroon ang kwarto ko nakita ko si Mommy at Kuya
Aeron sa may sala na nag-uusap. Saglit akong huminto para tingnan sila.

"Ryuuji, mabuti naman at nandito ka na, halika rito may pag-uusapan tayong
tatlo," sabi ni Mommy.

Nagkatitigan kami ni Kuya Aeron. Pagkatapos umupo ako sa katabi ni Mommy.

"Ryuji, kumusta na pala ang girlfriend mo? Ang galing niya siya ang nanalo,"
sabi ni Mommy.

"Girlfriend ni Ryuuji ang Binibini?" sabad ni Kuya Aeron.

"Yes, girlfriend niya si Aika," sagot ni Mommy.

"Iyan lang ba ang pag-uusapan natin?" inis kong sabi.

"Hindi 'yon ang pag-uusapan nating tatlo, ang gusto kong pag-usapan natin ay ang
Family reunion natin,"
sabi ni Mommy.

Tumayo ako. "I'm not interested, kayo na lang ang mag-outing hindi ako sasama,"
sabi ko.

"Kung ayaw mo si Aika na lang Mommy ang isama mo," sabi ni Kuya Aeron.

Matalim ko siyang tinitigan. "Wag mo'ng pakialaman ang girlfriend ko kung ayaw
mong makalimutan kong matanda ka sa'kin." Pagkatapos pumunta na ako sa kwarto.

Nagpalit ako ng damit ko at nag half bath ako. Pagkatapos ay nag-umpisa na akong
matulog.

********************

Hindi ko sinundo si Aika dahil hindi ito papasok ng morning class niya. May
pupuntahan daw sila ng Mama niya, kaya naman kasama sina Fujima at Dan.

Nakatambay kami sa likod ng class room namin kung saan may tatlong mamalaking
puno ng narra roon. Sa ilalim ng puno may dalawang kubol na pahingaan ng mga
estudyante.

May kasama sina Dan at Fujima na babae. Marahil ito ang bago nilang ka-fling.

"Ryuuji, kung ako sa'yo, seseryosohin ko na si Aika, baka maunahan ka pa ng


iba," sabi Fujima. Nakahiga siya sa binti ng isang estudyante habang sinusubuan
siya ng ubas.

Matalim akong nakatingin sa kanya upang ipaalam na maririnig ng babaing kasama


nila. Napansin naman iyon nina Dan at Fujima.

"Baby girl, alis muna kayo mamaya na lang tayo magkita ulit," sabi ni Fujima.
Bumangon siya pagkatapos hinalikan ang babae bago pinaalis. Gano'n din ang
ginawa ni Dan sa kasama niyang babae.

Napangiwi na lang ako sa kanilang dalawa, hanggang ngayon hindi pa rin ako
nasanay sa pagiging babaero nilang dalawa.

"So, Ryuuji, anong plano mo?"

Kumonot-noo ako. "Ano'ng plano?"

Nagkatinginan ang dalawa pagkatapos sabay na umiling. "Napakahina mo talaga


Ryuuji, naturingan kang matinik sa kaaway pero pagdating sa babae, ang hina ng
utak mo. Kailangan mong ligawan si Aika kung ayaw mong maunahan ka pa ng iba,"
sabi ni Fujima.

"Bakit ko naman siya liligawan?" sabay iwas ko ng tingin sa kanilang dalawa.

"Alam namin na gusto mo si Aika, kung hindi mo siya liligawan kami ang
manliligaw sa kanya," nakangisi pa si Dan.

"F*ck you!" sambit ko.

"Seryoso kami, kung hindi mo siya type kami na lang manliligaw sa kanya. 'Diba
Dan?" ani Fujima.

"Yes, may the best man win sa'tin," sagot ni Dan.

Bumuntong-hininga ako. "Hindi ko alam kung paano manligaw."

Nagkatinginan ang dalawa pagkatapos humalakhak sila na halos gumulong sa


kakatawa.

"Seryoso ako, hindi ako marunong manligaw," sabi ko.


Huminto si Fujima sa kakatawa at tumingin sa'kin. "Kailangan ka namin turuan sa
mga teknik para madaling mapasagot ang isang babae, magpa-salamat ka dahil
expert kami pagdating sa ganyan."

"Tama, kami ang bahala sa'yo, with in this week mapapasagot mo na si Aika," ani
Dan. Pagkatapos nag-apiran pa sila.

Hindi ko alam kung tama na sinabi ko sa kaibigan ko ang totoong dahilan ko, sa
style kasi ng pambabae nila hindi ko nagugustuhan. Pero dahil natatakot ako sa
sinabi nilang baka may ibang lalaki ang manligaw kay Aika. Sumugal na ako.

HINDI ako pumasok sa last morning subject namin upang bumili ng flowers. Ang
sabi kasi ni Fujima kailangan ko raw bumili ng bulaklak bago ko sunduin si Aika.
Kaya naman pumunta ako sa flower shop.

"Hello, Sir, ano'ng gusto n'yo? Marami po tayong mga bagong fresh na flowers
ngayon," sabi ng tindera.

Isa-isa kong pinagmasdan ang mga bulaklak na naka-display, inamoy-amoy ko pa


'yon. "Ano ba'ng magandang ibigay para sa nililigawan?"

"Ay, Sir, mas maganda kung red roses, ito po ang madalas ibigay sa mga babae,"
Kinuha niya ang bouquet na red roses.

Pinagmasdan ko 'yon. Maganda siya pero parang hindi maganda sa paningin ko.
"Pwede ba'ng haluan ng white and yellow roses?"

"Ay, Sir, pwedeng-pwede." Inayos niya ang mga bulaklak at pagkatapos inabot
sa'kin. "Nilagyan ko na po ng design."

"Salamat," Dumukot ako ng pera sa wallet ko upang ibayad.

"Ano'ng ilalagay ko po sa card, sir?" sabi ng tindera.

Saglit akong napa-isip, hindi ko kasi alam ang dapat ilagay sa gano'n card. "Ano
ba dapat ilalagay diyan?"

"Kahit ano puwede ilagay, kung gusto n'yo po, I love you, na lang isulat ko,"

"Wag na, congrats na lang ilagay mo."

"Okay, sir," sabi ng tindera.

Pagkatapos niyang sulatan ang card idikit niya iyon sa bouquet pagkatapos
binigay sa'kin.

"Salamat," sagot ko.


"Good luck, sir."

Dire-diretso ako sa kotse, ipinatong ko sa upuan ng kotse ang bouquet pagkatapos


pumunta ako sa bahay nila Aika.

Pakalipas ng isang oras, nasa tapat na ako ng bahay nila, Aika. Bigla akong
kinabahan sa gagawin ko. Tiningnan ko ang mukha ko sa side mirror at pagkatapos
sinuklay ko ang buhok ko, naglagay din ako ng pabango sa katawan pagkatapos
tinawagan ko si Aika.

"Hello, Aika."

"Hi, Ryuuji, nasaan ka na?"

Nararamdaman ko ang butil-butil na pawis sa noo ko dahil sa kaba. Ngayon ko lang


naramdaman ang ganitong kaba mula noong nabubuhay ako.

"Nandito na ako sa tapat ng bahay n'yo."

"Nandiyan ka na pala, sige, lalabas na ako."

"Okay, sige, hintayin na kita."

"Okay, thank you, bye!"

"Bye," pagkatapos in-off ko ang tawag ko.

Ilang segundo pa natanaw ko si Aika na lumabas ng bahay nila. Kitang-kita ko ang


ngiti sa mukha niya habang papalapit. Hinayaan ko siya ang magbukas ng pinto sa
may front seat.

"Ano 'to?"

"Ano sa tingin mo?"

"Bakit may bouquet ka? Kanino mo 'yan ibibigay?" Kinuha niya iyon upang makaupo
siya.

"P-Para sa'yo 'yan."

Umiwas ako ng tingin sa kanya nang tumingin siya sa'kin.

"Para saan 'to? Bakit mo ako binigyan?"

"G-Gusto kong manligaw sa'yo." Pinaandar ko ang kotse ko upang makaalis na kami.
"Bakit ka manliligaw sa'kin?" tanong niya.

Parang umurong ang dila ko sa sinabi niya, hindi ko alam kung ano ang sasabihin
ko, ano ba dapat sabihin sa ganitong sitwasyon? Shit!

"Kung ayaw mo eh, 'di 'wag mo'ng kunin."

Sumimangot siya sa'kin. "Ang sungit mo naman, binigay mo na sa'kin pagkatapos


babawiin mo."

"Dami mo kasing sinasabi, binigyan kita kasi manliligaw ako sa'yo."

"Eh, bakit mo nga ako liligawan?"

Bigla kong inihinto ang sasakyan pagkatapos humarap ako sa kaniya. Nagkatitigan
kaming dalawa. Ang bilis-bilis na ng tibok ng puso ko.

"L-Liligawan kita, kasi gusto kita."

"S-Seryoso ka?"

Nakatitig ako sa kanya, pagkatapos bigla ko siyang kinabig palapit sa'kin.


Nagulat din ako sa ginawa ko, pero nandito na 'to, nakatigtig sa'kin si Aika,
tila gulat na gulat sa ginawa ko. Pinagmasdan ko ang mukha niya. Hanggang sa
mapadako ang mga mata ko sa labi niyang manipis at mapula kahit walang lipstick.
Napalunok ako.

"Ryuuji..."

Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa mukha niya hanggang sa isang hibla na
lang ng buhok ang pagitan naming dalawa. I smell her breath and her sweet
perfume. Tila nalalasing ako sa gano'n.

Kaya ko ba siyang halikan?

Pumikit ako pagkatapos inilayo ko ang labi ko da labi niya bagkus ay hinalikan
ko siya sa pisngi. Doon nagtagal ang labi ko sa kanyang pisngi. Ramdam na ramdam
ko ang malakas na pagtibok ng puso ko, ganito pala ang pakiramdam ng may babaing
hinahalikan.

Nakarinig ako ng malakas na busina ng sasakyan kaya bigla akong kumalas kay
Aika, tumalikod si Aika sa'kin ako naman ay saglit na natulala pagkatapos ng
ilang segundo muli kong pinaandar ang kotse ko.

Katahimikan ang namayani sa'ming dalawa habang binabagtas namin ang daan
papuntang school. Nahiya na akong kausapin si Aika, pagdating namin sa school
agad na lumabas si Aika, bitbit ang flowers na binigay ko. Nauna siyang naglakad
sa'kin papuntang classroom. Akala ko hindi na niya ako hihintayin ngunit huminto
siya upang hintayin ako.

Umiwas ako ng tingin sa kanya, hindi ko siya kayang tingnan.

"Kung manliligaw ka sa'kin dapat magpakitang gilas ka sa'kin para naman sagutin
kita."

Tumingin ako sa kanya. "Anong gagawin ko?"

"Bitbitin mo ang bag ko," ngumiti pa siya.

"Iyon lang ba," lumapit ako sa kaniya at kinuha ko ang bag niya pagkatapos
binitbit ko.

Kinuha niya ang kamay ko. "Dapat ganito tayong dalawa palagi kapag naglalakad.
Magkahawak ang kamay natin "

Tipid akong ngumiti sa kanya. Bakit gano'n? Ako yata ang kinikilig sa ginagawa
niya.

"Bakit ganyan ang mukha mo? May sakit ka ba?" tanong niya.

"Huh? Bakit?"

"Namumula kasi, may sakit ka naman yata."

Shit!

Inakbayan ko si Aika nang mapadaan kami sa grupo ng mga kalalakihan. Nakita ko


kasing nakatingin sila kay Aika.

"Hoy, manliligaw ka pa lang, 'wag kang feeling boyfriend," bulong niya.

"Tinitingnan ka nila, nakaka-badtrip!"

"Selos ka agad."

"Hindi ako nagseselos." inis kong sagot.

"Talaga? Kung hindi ka nagseselos, bitawan mo ako at pupuntahan ko sila,


tinatawag nila ako."

"Hays! Oo na, nagseselos na ako, happy ka na?"


Matamis siyang ngumiti. "Happy naman."

Hinatid ko siya sa classroom niya.

"Magkita na lang tayo mamaya, Huds."

"Hindi mo ba ako sasagutin ngayon?"

"Agad-agad? Maghintay ka kung kailan kita sasagutin, bye!" sabay talikod niya.

Kakamot-kamot ako sa ulo nang umalis ako sa classroom ni Aika. Pumunta ako sa
class room ko, pagdating ko nandoon na si Fujima.

"Kumusta ang panliligaw mo?" tanong ni Fujima.

Sumimangot ako. "Hindi ako sinagot, baka basted na ako."

Tumawa si Fujima. "Kailan ka ba nanligaw?"

"Kanina binigyan ko siya ng flowers."

Humalakhak si Fujima, sa'min tuloy nakatingin ang mga kaklase namin.

"Ano'ng nakakatawa?" inis kong tanong.

"Hindi mo agad-agad malalaman ang sagot no'n, Ryuuji. Maghintay ka ng buwan o


kaya taon."

"What! Bakit ang tagal?"

"Depende iyon kay Aika, sinabi ko naman kasi sa'yo no'n, gayahin mo na kami ni
Dan, hindi ka sana nahihirap ngayon." sabay tapik niya sa balikat ko.

Hindi na ako umimik hanggang sa dumating na ang professor namin. Pagsapit ng


hapon muli akong pumunta sa class room ni Aika upang ihatid ko siya sa pag-uwi.
Ngunit pagpunta ko roon wala si Aika.

"Miss, nakita mo ba si Aika?" tanong ko sa kaklase niya na palabas ng classroom.

"Si Aika? Pinatawag ng Dean kanina," sagot ng babae.

"Okay, thank you."

Pumunta ako sa office nang Dean. Hindi ako kumatok. Dire-diretso kong binuksang
ang pinto ngunit nagulat ako sa nakita ko.
"You're so beautiful, Aika," sabi ni Kuya Aeron.

Nakaupo si Kuya Aeron sa upuan ng Dean habang si Aika ay nakaharap sa kaniya.

Kuyom ang kamao ko, nang makita kong sinuklay ni Kuya Aeron gamit ang daliri
niya ang buhok ni Aika.

F*ck!

Lumapit ako sa kanilang dalawa at pagkatapos sinuntok ko si Kuya Aeron.

"Ryuuji?!" sigaw ni Aika.

Hinawakan ako ni Aika upang hindi makalapit kay kuya Aeron.

"Stay away to my girlfriend!" sigaw ko.

"Ryuuji, ano ba'ng nangyayari sa'yo, nag-uusap lang kami." sabi ni Aika.

Tinitigan ko ng masama si Aika. "Ganyan ba kayo mag-usap? Ang sweet n'yo naman!"
kumalaas ako sa pagkakahawak ni Aika at padabog kong isinarado ang pinto.

"Ryuuji!" tawag ni Aika.

Ngunit hindi ko siya pinansin. Tumakbo ako papunta sa parking area at pagkatapos
sumakay ako sa kotse ko. Naririnig ko pa ang boses ni Aika na tinatawag ako pero
hindi ko siya pinakinggan. Pina-andar ko ang sasakyan ko at mabilis kong
pinaharurut iyon. Wala na akong pakialam kung sobrang bilis ang pagpapatakbo ng
kotse ko. Dahil hindi do'n hindi ko naiwasan ang kotseng mag-U-u-turn. Bumangga
ako sa kotse. Pagkatapos naramdaman ko ang dugo sa mukha ko at ang kirot na
nararamdaman ko at pagkatapos unti-unting panlalabo ang paningin ko.

CHAPTER 15 [The Bad Boy's First Kiss]

[Aika]

Hindi ko napigilang ngumiti habang pinagmamasdan ko palayo si Ryuuji, pagkatapos


inamoy ko ang bouquet na ibinigay niya sa'kin.

"Ngiting in love ka, Aika," sabi ni Timmy na nasa likuran ko.

Humarap ako sa kaniya at pagkatapos ngumiti. "Hindi naman."

Ngumiti siya sa'kin, nakita ko ang boyfriend mo na bitbit 'yan,"


Muli kong pinagmasdan ang bulaklak at inamoy ko 'yon, napakabango ng bulaklak na
binigay niya sa'kin. "Galing nga 'to kay Ryuuji."

"Sabi na nga ba sa kanya 'yan galing. Napapansin ko lang, Aika. Bantay sarado ka
ni Ryuuji, hindi ba siya nakakasakal?"

Umiling ako. Kung alam lang niya na hindi ko totoong boyfriend si Ryuuji.

"Kung sabagay, maganda na rin na palagi mo'ng kasama si Ryuuji, dahil sigurong
marami na ang nagpa-pantasya sa'yo."

"Wala naman," sabi ko.

"Anong wala? After ng Binibini ang daming nagchat sa'kin hinihingi ang number mo
sa'kin. Sinabi ko lang sa kanila na boyfriend mo si Ryuuji."

"Gano'n ba?"

Tumango siya. "Nakaka-proud nandito sa class na ito ang Binibi ng Eastberg, ang
galing mo talaga Aika." Ngumiti pa siya.

Dumating ang professor namin kaya natahimik kaming dalawa ni Timmy, sa buong
sunject namin hindi nawala ang pag-congratulate nila sa'kin.

"Aika, pinapatawag ka pala ng Dean, pumunta ka raw sa office ngayon," sabi ng


Professor namin.

Tumango ako at pagkatapos tumayo upang umalis.

"Dalhin mo na ang gamit mo, Aika baka matagal ka roon," sabi ng professor namin.

Binitbit ko ang bag ko pati ang binigay ni Ryuuji na bulaklak, hindi ko iyon
iiwan dahil ipapakita ko ito kay Mama mamaya pag-uwi ko.

Nasa pintuan ako ng office ng Dean at pagkatapos marahan akong kumatok bago ko
dahan-dahan ang binuksan ang pinto.

"Good afternoon, Sir."

"Come in, Miss, Miketsukame."

Pumasok ako sa loob ng office at nakita ko si Aeron ang kapatid ni Ryuuji. Tipid
akong ngumiti sa kanya nang ngitiian niya ako.

"Have a seat." Tinuro pa ng Dean ang upuan sa harapan niya.


"Thank you, sir."

"Miss. Aika Miketsukame. I just want to congratulate you for being Miss
Binibining Eastberg 2002," sabi ng Dean.

"Thank you, Sir."

"May gusto pa lang sabihin sa'yo si Aeron." Tumayo ang Dean sa kinauupuan niya.
"Bibigyan ko kayo ng oras para makapag-usap." Lumabas ng office ang Dean.

Tumayo si Aeron at umupo sa inuupuan ng Dean. Yumuko ako dahil nakatingin siya
sa'kin.

"Miss. Aika, congrats pala sa pagkakapanalo mo, marami ang taong humanga sa
galing mo at ganda mo ngayon." Tumingin siya sa'kin. "Kasama na ako sa mga
humahanga sa'yo."

Yumuko ako dahil hindi ko siya kayang tingnan. "Thank you,"

"May gusto akong i-Offer sa'yo?"

Tumingin ako sa kanya. "Ano iyon?"

"Puwede kitang tulungan para maging Model. Siguradong matutulungan mo ang


magulang mo kung magiging Model ka."

"Model? Anong i-model ko?"

"Anything, clothes and underwear."

"Underwear? Ibig sabihin magsusuot ako ng two piece?"

Tumango siya. "You're very beautiful and sexy."

"Fvck!"

Nagulat na lang ako nang biglang bumagsak sa upuan si Aeron. Tumayo ako upang
awatin si Ryuuji.

"Ryuuji?!" sigaw ko.

Hinawakan ko si Ryuuji sa braso upang hindi siya makalapit kay Aeron. Galit na
galit siya.

"Stay away to my girlfriend!" sigaw ni Ryuuji.


"Ryuuji, ano ba'ng nangyayari sa'yo, nag-uusap lang kami."

Tinitigan niya ako ng masama. "Ganyan ba kayo mag-usap? Ang sweet n'yo naman!"
kumalaas siya sa pagkakahawak ko at padabog siyang isinarado ang pinto.

"Ryuuji!

Tumakbo siya palayo nang hahabulin ko na siya bigla akong hinawakan sa kamay ni
Aeron. Dumudugo ang bibig niyang nang tingnan ko siya.

"Wag mo na siyang sundan," bakas sa mukha niya ang pagsusumamo sa'kin.

Hinila ko ang kamay ko at tumingin sa kanya. "I'm sorry, pero kailangan kong
sundan ang boyfriend ko." Pagkatapos tumakbo ako palabas.

"Ryuuji!" sigaw ko.

Hindi ko na pinansin ang pangilan-ngilang estudyante na nakakatingin sa'min.


Hinabol ko si Ryuuji hanggang sa parking area, ngunit hindi niya ako pinansin.
Pinaandar na niya ang kotse niya at mabilis na umalis.

"Ryuyji."

Napaupo habang pinagmamasdan ang kotse ni Ryuuji. Hindi ko napigilang umiyak.


Nakaramdam ako ng lungkot dahil kay Ryuuji, gusto kong magpaliwanag sa kanya
upang mawala ang galit niya sa'kin.

"Aika..."

Tiningala ko ang tumawag sa'kin. Nakita ko si Dan na malungkot na nakatayo sa


harap ko. Tumayo ako at hinawakan ko ang braso niya.

"Sundan natin si Ryuuji, gusto kong magpaliwanag sa kanya, please."

Bumuntong-hininga siya. "Pabayaan na lang natin siya makapag-isip," sagot ni


Dan.

"Gusto ko siyang makausap."

Ilang segundo pa akong tinitigan ni Dan at pagkatapos muli siyang nagpakawala ng


buntong-hininga. "Okay, let's go!" tumalaikod siya sa'kin at naglakad papunta sa
kotse niya. Sinundan ko naman siya at pagkatapos sumakay ako sa kotse niya.

Habang hinahanap namin si Ryuuji, ilang beses naman akong tumatawag sa kanya.
Ngunit hindi niya sinasagot ang tawag ko.
Naramdaman kong parang hindi na kami gumagalaw sa pwesto namin.

"Anong nangyari?"

"Sobrang traffic," sagot ni Dan.

Sumilip ako sa may bintana. Sobrang traffic nga. Hindi naman ito nagkaka-
traffic.

Binuksan ko ang bintana ng kotse at nang dumaan naka-motor, tinawag ko iyon.

"Sir!"

Lumingon naman sandali ang lalaki nakasakay sa motor.

"Bakit po traffic?"

"May banggaan sa unahan."

Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Nagkatitigan kami ni Dan nang tumingin ako
sa kanya. Pagkatapos lumabas ako ng kotse.

"Aika, saan ka pupunta?!"

"Titingnan ko ang banggaan sa unahan," pagkatapos tumakbo na ako palayo.

Habang tumatakbo ako papunta sa banggaan. Mas lalo naman akong kinakabahan dahil
sa iniiisip ko.

Wag naman po.

Ngunit ng nasa malapit na ako bigla akong nanlambot ng makita ko ang sasakyan ni
Ryuuji.

Tumakbo ako palapit. "Ryuuji!"

Hinarang ako ng mga police ngunit nagpupumiglas ako. Balon-balon na ang luha ko.
Nakita ko si Ryuuji na binitbitbit ng first aid team sa ambulansya. Duguan ang
mukha ni Ryuuji at wala itong malay.

"Ryuuji!"

"Ma'am, relax lang po kayo dadalhin na siya sa hospital."


"Ryuuji!"

Pinapasok ako sa loob ng ambulansya. Hinawakan ko ang kamay ni Ryuuji habang


walang tigil ang iyak ko. Hindi ko inaasahan na mangyayari ito. Sobrang sakit na
makitang walang malay si Ryuuji.
Mabilis ang pagpapatakbo ng ambulansya ngunit parang pakiramdam ko mabagal ang
takbo. Gustong-gusto ko ng maidala agad si Ryuuji sa hospital.

"Ryuuji, wag kang sumuko. Please!"


Hawak-hawak ko ng kamay niya.

Pagdating namin sa hospital agad siyang inasikaso ng mga nurse at doctor.

Iyak ako nang iyak habang nag-aabang sa labas emergency room.

Lord, please pagaling n'yo po si Ryuuji.

Ilang saglit pa dumating na rin si Dan.

"Kumusta na si Ryuuji."

"S-Si Ryuuji, siya ang na-aksidente. Dan, baka kung anong mangyari sa kanya,"
hagulgol ko ng iyak.

Niyakap ako ni Dan. "Wag kang umiyak, malakas iyan si Ryuuji."

"Kasalan ko ito, kasalan ko ang nangyari sa kanya, dapat hindi na lang ako
pumunta sa Office ng Dean. Ako ang may kasalanan kung bakit siya nandiyan."

"Ssshh! Wag mong sisihin ang sarili mo. Wag ka ng umiyak."

"Si Ryuuji, Dan." Hagulgol ko ng iyak.

"Don't cry, everything will be okay."

Naghintay kami ni Dan sa labas habang si Ryuuji nasa loob pa rin ng emergency
room. Dumating na rin ang mommy ni Ryuuji at si Aeron. Iyak nang iyak ang mommy
niya ngunit si Aeron. Tahimik lang sa isang tabi.

"Ang tagal naman dumating doctor, ilang oras na sila sa loob," sabi ng Mommy ni
Ryuuji.

"He will be okay, Mom," sabi ni Aeron.

"Ang tigas kasi ng ulo ng kapatid mo'ng iyan, sinabi kong 'wag magdi-drive ng
mabilis," umiiyak na sabi ng Mommy niya.
Yumuko ako nang tumingin sa'kin si Aeron. Hindi kasi alam ng mommy ni Ryuuji ang
totoong nangyari kung bakit na-aksidente si Ryuuji.

Binaling sa'kin ang tingin ng mommy ni Ryuuji. "Aika, umuwi ka na baka hinahanap
ka ng mama mo."

"Nagpaalam na po ako sa kanya, hihintayin ko po na malaman ang kundinsiyon ni


Ryuuji bago ako umuwi."

"Salamat, Aika," sagot ng mommy niya.

Tipid na ngiti ang naging tugon ko sa kanya. Ilang saglit pa lumabas na ang
doctor sa emergency room. Sabay-sabay kaming lumapit sa doctor.

"Doc, kumusta na po ang anak ko?" tanong ng mommy ni Ryuuji.

Tumingin ang doctor sa'min. "Stable na po ang kalagayan ng anak n'yo,"

Para akong nabunutan ng tinik sa sinabi ng doctor.

"Pasalamat na lang po tayo, dahil hindi malalim ang mga natamo niyang injury."

"Salamat po, doctor," sabi ng Mommy ni Ryuuji.

"If you dont mind, i have to go, may pasyente pa ako." Pagkatapos umalis na ang
doctor.

"Mabuti naman at ligtas na si Ryuuji." Binaling sa'kin ang tingin ng Mommy ni


Ryuuji. "Aika, umuwi ka na muna sa inyo bumalik ka na lang bukas."

"Ihahatid na kita, Aika," sabi ni Aeron.

"Ako na ang maghahatid sa kanya, let's go Aika," sabad ni Dan.

"Mauna na po ako sa inyo," pagkatapos umalis na kami ni Dan.

Tahimik kaming dalawa ni Dan habang binabagtas namin ang daan pauwi. Kahit
sabihing ligtas na si Ryuuji, nag-guilty pa rin ako dahil sa nangyari sa kanya.

"Ligtas na si Ryuuji, wag ka na masyadong mag-alala." Basag niya sa katahimikan.

Huminga ako ng malalim. Pagkatapos lumunok ako upang pigilan ng luha ko sa mga
mata ko.

"Seloso talaga si Ryuuji."


Tumingin ako kay Dan. "Bakit siya nagseselos?"

"Hindi mo ba nakikita? May gusto sa'yo si Ryuuji. Marami siyang naging kaaway
pero kahit isa wala pa siyang naging girlfriend."

"Akala ko parte lang iyon ng pagpapanggap namin sa Mommy niya."

"Sa nakikita namin, hindi siya nagpapanggap sa nararamdaman niya sa'yo, kaya
sana intindihin mo na lang siya."

Natahimik ako, kaya ba gano'n na lang ang galit niya nang makita niya kami ng
Kuya niya, nagseselos na pala siya.

Pagdating ko sa bahay agad akong sinalubong ni Mama at sunod-sunod niya akong


tinanong ngunit hindi ko sinagot si Mama. Dumiretso ako sa kwarto at natulog,
wala na akong lakas para sabihin kay Mama ang nangyari. Magulo ang isip ko at
kailangan kong magpahinga.

CHAPTER 16 [The Bad Boy's First Kiss]

[Aika]

I was standing outside the door of Ryuuji's patient room. He's been in the
hospital for a week. Tatlong beses lang akong nakapasok sa loob para bantayan
siya. Iyon ang mga araw na hindi pa nagigising si Ryuuji, but since Ryuuji woke
up I was banned from entering his room. Ang sabi ng Mommy ni Ryuuji, ayaw daw
akong makita ni Ryuuji bagay na ikalungkot ko.

"I'm sorry, Aika, but Ryuuji really didn't want to see you, "his mom explained.

I smiled. "Okay lang po, gusto ko lang malaman kung kumusta na po siya ngayon?"

"He is getting stronger everyday." she grabbed my arm. "Pasensiya ka na Aika,


hindi ko puwedeng ipagpilitan sa kanya ang gusto ko, dahil baka hindi inumin ni
Ryuuji ang mga gamot niya." She said, and look like sad.

"Wala po kayong dapat ipag-alala sa'kin, sige po, aalis na po ako, babalik na
lang ulit ako mamaya," I turned away from her.

"Aika!" she shouted.

Muli akong lumingon. "Bakit po, Tita?"

"Do you have a problem with Ryuuji, so he doesn't want to see you?" she asked.

I shook my head. "Wala naman po kaming problema."


She sighed. "Just let Ryuuji do what he wants, talk to him when he gets better
though he is tough to understand."

"Maghihintay po ako, hanggang sa kausapin niya ako, ang mahalaga lang po sa'kin
malaman kong gumagaling na siya. Mauna na po ako, papasok pa ako sa klase."
pagkatapos umalis na ako. After I left, tears flowed down my cheeks as I walked
out of the hospital.

I was hurt when Ryuuji ignored me, I wanted to ask him why he was angry, but he
didn't want to talk to me.

While I was waiting for the tricycle to go to school, the maroon car stopped in
front of me. The car door opens, and Aeron exits. I avoided looking at him since
Ryuuji got into an accident.

"Aika." he shouted.

I didn't turn around pretending I didn't hear him. I felt him come closer until
he patted my shoulder.

"Ikaw pala," I smiled.

Seryoso ang mukha niyang nakatingin sa'kin. "Nakausap mo na ba si Ryuuji?"

I shook my head. "Tulog kasi siya," alibi ko.

"Gusto mo gisingin natin para makapag-usap kayo?"

Umiling-iling ako. "Hindi na, papasok na rin ako sa klase." I stepped a little
farther away from him. "Alis na ako,"

"Aika!"

I didn't turn around, but I raised my hand to let him know I was leaving,
We are the reason Ryuuji's accident. Ayoko ng madagdagan pa ito.

Pumara ako ng jeep at sumakay ko, imbes na sa school ako pupunta dadaan muna ako
sa simbahan upang ipagdasal si Ryuuji ng sa ganoon gumaling siya agad.

"Aika!" someone called my name.

I smiled when I saw Manong. I approached him, and I drew some money in my skirt
pocket

"Pabili po ako ng dalawa,"I gave him fifty pesos of money.


Inabot sa'kin ang dalawang ice drop at pati ang sukli. "Keep the change, sa inyo
po ang isa," I smiled.

"Ang bait mo talaga Aika, palagi ka na lang nanlilibre sa'kin, baka naman
tinitipid mo ang baon mo parang mabigyan ako."

We are standing on the edge of the church where a mango tree was covering us in
the heat of the sun, the older man opened the ice cream stick and ate it as he
wiped the body with sweat.

"Libre ko iyan sa inyo kasi nanalo po ako sa contest sa school."

He smiled at me. "Congrats sa'yo, hindi ka lang mabait at maganda, matalino ka


pa."

"Binobola ninyo naman po ako, Manong, papasok muna po ako sa simbahan."

Tumango siya sa'kin. "Sige, isama mo naman ako sa dasal mo Aika,"

"Sige po," pumasok ako sa loob ng simbahan at taimtim na nagdasal. Simula nang
ma-aksidente si Ryuuji palagi na akong dumadalaw dito. Pagkatapos kong
manalangin agad din akong pumasok sa school.

Nagle-lecture ang prof namin sa biopsychology ngunit ang isip ko ay nasa


cellphone kong hawak, ilang beses ko na itong tinitingan kung may darating na
text mula kay Ryuuji.

I couldn't even count my sighs as I watched my professor teaching ahead of us.

"He really forgot me. I murmured.

"Miss Aika!"

Suddenly I looked ahead and saw that our prof was looking at me, her eyebrows
raised as she looked.

"Y-Yes, ma'am?" I got nervous.

Inayos pa niya ang makapal niyang salamin sa mata. "Stand up,"

I immediately stood up and looked at her, hoping she would not ask me for her
lectures, as I would surely be embarrassed. I didn't listen to her while she was
teaching.

She raised her right eyebrow. "Are you listen to my lectures?" she asked.

"Yes." kahit ang totoo hindi ko masyadong naintindihan ang tinuturo niya kanina.
"Let see... What is Neurotransmitters?"

"Neurotansmitters is chemicals that are used to relay, amplify and modulate


signals between a neuron and another cell.Often referred to as the body’s
chemical messengers.Molecules used by the nervous system to transmit messages
between neurons, or from neurons to muscles." I answered politely.

Mabuti na lang at natandaan ko pa ang meaning na 'yon, ito kasi ang binasa ko
kagabi dahil kasama iyon sa assignment niya.

"How about Acetylcholine?"

"Acetylcholine..." I briefly thought about what that meant.

"Miss Aika?" tawag ng professor namin nang hindi agad ako nakapagsalita.

"A chemical messsenger..." said Timmy in a low voice.

"Acetycholine a chemical messenger that causes our skeletal muscles to contract


and regulates our endocrine system."

"Very good, sit down."

Napabuga ako ng hangin, instant recitation tuloy ako ngayong araw. Tumingin ako
kay Timmy. "Thank you," I whispered to her.

Isang ngiti ang naging tugon niya sa'kin. Pagkatapos nakinig na ako sa professor
ko, mahirap na baka mapatayo naman.

"Aika," sambit ni Timmy.

I turned to her. Nakadikit na ang braso niya sa braso habang nakatingin kunwari
sa professor namin na natuturo ng philippines history.

"Bakit?" tanong ko sa kanya. Nakatingin din ako sa professor namin.

"Anong nangyari kay Ryuuji?"

I smiled bitterly. Pinipilit na kontrolin ang luha kong gusto ng pumatak. "He's
in the hospital."It was like a thorn in my throat when I said that.

"Anong nangyari?" tanong niya.

"Na-aksidente ang kotse niya, aray! Napuwing ako," kinusot ko ang mga mata ko.
"Mukhang pati ikaw dapat madala sa hospital." she teased.

Ano ba ibig sabihin ng Limbic system?" Pag-iiba ko ng usapan.

Bumuntong-hininga siya. "A complex system of nerves and networks in the brain,
involving several areas near the edge of the cortex concerned with instinct and
mood. It controls the basic emotions. Fear, pleasure, anger and drives hunger,
sex, dominance, care of offspring.

"Thanks, I forgot." I avoided looking at her.

*******
I was standing in front of Ryuuji's room door. I couldn't knock because Ryuuji
might wake up and see me here. Like this morning I came here, here I am again. I
took a deep breath several times because I was hesitant to go in. The door
opened, and the nurse came out on duty. She smiled sweetly, and I smiled. He was
holding a white try containing a drugs.

"Ma'am, pumasok na kayo walang kasama ang pasyente tulog siya," sabi ng Nurse.

I nodded at her. "Thank you." I went inside. I tried not to make a noise so that
Ryuuji wouldn't wake up. Ryuuji's room was large with a refrigerator and a
massive 40 inches smart Tv, and I also saw fruit and food from the table. I
approached Ryuuji and looked at him. His left knee has a bandage as well as his
head with a bruise on his right arm. I slowly sat down on the edge of his bed
and watched her.

"Magpagaling ka Huds, hindi ko alam kung bakit ka nagagalit sa'kin noong nakita
mo kami ng Kuya mo na nag-uusap, hindi naman ako pumayag na maging model, hindi
naman ako pumayag sa alok niya. 'Wag ka ng magalit sa'kin. 'wag mo naman 'kong
ipagtabuyan tuwing dadalaw ako sa'yo rito." Pakikipag-usap ko sa tulog.

I was tempted to hold his hand and then slowly squeezed it. "I miss you, Huds."

"Aika?"

Binitawan ko ang kamay ni Ryuuji at tumingin sa nasa may pinto. Tumayo ako.
"Tita," bati ko sa mommy ni Ryuuji.

She put the paper bag over the table. Lumapit siya sa'kin at tiningnan niya si
Ryuuji na mahimbing na natutulog. "Pinapasok ka ba niya rito?"

I shook my head and tried to smile at her. "Lumabas 'yung Nurse kanina at
sinabing tulog daw si Ryuuji,"

Nilingon ng Mama niya si Ryuuji. "Ang anak kong iyan talaga, gusto siya lagi
nasusunod."

"Okay lang po, ang mahalaga nakita ko siya ngayon, sige po, uuwi na ako."
I turned around to go away.

"Ipapahatid na kita sa driver," she offered.

Umiling ako at ngumit. "Salamat po, isang jeep lang naman ang sasakyan ko, alis
na po ako."

"Mag-iingat ka,"

I sighed. It's hard for me to leave Ryuuji in this situation, but what can I do
if he doesn't want to see me.

Siksikan ang sa loob ng jeep dahil rush hour na. Kaya naman halos maghalo na ang
pawis ko sa katabi ko sa jeep. Pagdating ko ng bahay nakita ko si Mama na may
kausap, kaya sumenyas na ako kay Mama na papasok na sa loob ng kuwarto ko.

"Siya na ba si Aika?" narinig kong sabi ng babaing kausap ni Mama.

"Oo," sagot ni Mama.

"Dalaga na siya."

I entered my room and changed my clothes. I comb my hair when I hear someone
knocking on the door.

"Aika, lumabas ka muna sandali,"

Hininto ko ang pagsusuklay at Binuksan ko ang pinto. "Bakit po, Mama?"

"Gusto ka kausapin ni Ate Lorie."

Umarko ang kilay ko. "At Lorie? pag-uulit ko.

"Kapatid siya ng Papa mo," sabay iwas ng tingin ni Mama.

I was shocked at what my Mama said, since I was a child, I have never seen my
father, and I don't know what he looks. I also never had the opportunity to meet
my father's family or relatives. Mom was always with me. We were together until
I grew up.

"Bakit nandito siya?"

"Kausapin mo na anak," sabi ni Mama. Nakita ko sa mukha niya ang saya.

Wala akong maramdamang pagkasabik sa sinabi ni Mama. Marahil nasanay akong kami
lang ang magkasama.
I nodded and got out of the room. I saw Auntie Lorie sitting and watching TV.
Ngumiti siya nang makita niya akong papalapit sa kanya.

I sat down next to him.

"Ako nga pala si Lorie, bunsong kapatid ng Papa mo," paunang sabi niya.

"Sinabi na nga po ni Mama," walang kagana-gana kong sagot.

Bumuntong-hininga siya. "Pinapunta ako rito ng Papa mo, gusto ka niyang makita,"

Tumaas ang kilay ko. "Buhay pala siya," I sarcastically answered.

"Aika!" Saway ni Mama sa'kin.

"Alam kong galit ka sa Papa mo, kaya ako nandito para sabihin sa'yo ang gusto
niyang sabihin, gusto niyang bumawi sa'yo."

Kuyom ang kamao ko at nagpipigil ako sa galit. "Hindi ko na po siya kailangan,


maayos naman akong pinalaki ni Mama,"

"Pagbigyan mo sana ang Papa mo, Aika," sabi ni Tita Lorie.

"Kung wala na po kayong sasabihin, babalik na ako sa kuwarto ko, marami akong
gagawing assignment." tumayo ako at pagkatapos bumalik ako sa kuwarto ko. I
cried when i was in the room. Ang tagal kong hinintay ang Papa ko na makita siya
pero kahit anino niya hindi siya nagparamdam sa'kin. Pagkatapos ngayon bigla
siyang susulpot.

I wiped my tears. "Hindi ko na siya kailangan."

CHAPTER 17 [The Bad Boy's First Kiss]

[Ryuuji]

"She's go home, don't pretend that you're sleep." Mom said.

I slowly opened my eyes and stared at the ceiling of the room. I took a deep
breath. Since I was in the hospital, I have never talked to Aika. that week I
was in pain, but I was trying to ignore it so I could endure her

I fell in love with Aika. No, I loved her. I realized I loved her when I saw her
talking to my brother Aeron. Nasaktan ako ng sobra na parang pinag-taksilan niya
ako bagay na hindi ko dapat maramdaman dahil wala naman kaming relasyon. Maybe
I'm just unfair because she's hurting for the things I do to her. But what
should I do? Should I tell her that I love her? Natatakot akong mabigo sa unag
babae na minahal ko.

"Mom, I want to go home." I said.

Lumapit sa'kin si Mama at namaywang siya sa harapan ko.

"Isang araw ka na lang dito hindi mo pa kayang tiisin?"

"I don't want to see, Aika."

"Hindi ko alam kung bakit ka nagagalit diyan sa girlfriend mo, sinabi sa'kin ng
Kuya Aeron mo na kata ka na-aksidente dahil nakita mo silang magka-usap dalawa."

Umiwas ako ng tingin kay Mommy, masyado talagang madaldal si Kuya Aeron.

"Is that true, Ryuuji?"

"Mom, 'wag mo na akong pagalitan may sakit ako," alibi ko.

"Hays! Ewan ko ba sa'yong bata ka, bakit naman pati ang Kuya mo pinagse-selosan
mo."

"Gano'n talaga kapag mahal mo ang isang tao nagseselos," sabi ko.

Biglang tumigil si Mommy sa pagsasalita at umupo sa gilid ng kama. "If you love
him, why are you avoiding her?"

Tumingin ako kay Mommy. "What should I do?"

Tumingin si Mommy sa'kin pagkatapos hinampas ako sa braso.

"Ouch!"

"Naiinis ako sa pagiging torpe mo, ang tapang-tapang mong makipagsuntukan sa


kahit kaninong tao pagdating kay Aika para kang tuta."

"May injury pa ang ako," inis kong sabi.

"Kausapin mo si Aika bago ka lumabas dito."

"Ayoko Mommy, hindi ko siya kayang harapin."

"Hays!bahala ka nga sa buhay mo."


Dahan-dahan akong bumangon at isinandal ko ang likod sa headboard ng kama ko at
nanonood ng palabas sa telebisyon.

Private room kasi ang kuwartong 'to para lang akong nasa isang kuwarto dahil may
refrigerator at smart TV.

Hawak-hawak ko ang cellphone ko at iniisip ko kung tatawagan ko ba si Aika.


Kanina pa kasi ako kinukulit ni Mommy na humingi ako ng sorry sa kay Aika, pero
hindi ko ginawa.

Biglang bumukas ang pinto at pumasok doon ang mga kaibigan ko. Naka-suot pa sila
ng uniform nila. Lumapit sila sa'kin.

"Dude! Kumusta na? Ang tagal mo naman dito masyado ka talagang lampa." Sabi ni
Fujima sa'kin. Marahan pa niyang hinampas ang balikat ko.

"Gago ka! Ang sakit." Inis kong sabi.

"Nasaan ang Mommy mo?" tanong ni Dan. Naka-dikwatro siya sa brown leather coach
chair.

"Lumabas saglit."

"Pumasok ka na ang walang gagu sa classroom," sabi ni Fujima.

Tinitigan ko siya ng masama. "Ulol! Bakit ba kayo nandito?" inis kong tanong.

Nagtinginan ang dalawa at pagkatapos muling tumingin si Fujima sa'kin "Dinadalaw


ka namin, 'diba ang sweet namin sa'yo?" Kinuha niya ang isang buong mansanas at
kinagat niya iyon.

"Tang ina n'yo!" sigaw ko.

Imbes na mainis sila sa'kin, tumawa pa sila ng malakas bagay na kinaiinis ko.

"Lumayas na nga kayo rito hindi ko kayo kailangan."

"Chill lang Dude, oo nga pala bakit hindi pumapasok si Aika?"

"Hindi na siya pumapasok?" Pag-uulit ko.

"Akala ko alam mo'ng hindi siya pumapasok?"

Umiling ako. "Hindi ko alam pero kanina dumalaw siya rito."


Napaisip tuloy ako kung bakit hindi pumapasok si Aika, samantalang palagi
siyang nandito para dalawin ako.

"Tatlong araw na siyang hindi pumapasok. Akala ko alam mo na?" Sabi ni Fujima.

"Ryuuji, kinakausap mo na ba si Aika?" tanong ni Dan.

Yumuko ako. "Hindi ko siya kinakausap."

"Gagu! Ikaw pa ang nagalit wala ka naman karapatan, sisihin mo ang pagiging
torpe mo." ani Dan.

"Pasalamat ka at pinatulan ka pa ni Aika kung ako ang gusto niyan ni Aika,


nabasag ko na ang puri niyan," sabi ni Fujima.

Hinampas ko ang unan sa mukha niya. "Ulol ka!" kahit kasi nagbibiro lang siya
naiinis pa rin ako sa kanya.

"Tanga ka! 'para kang bakla." Kinuha ni Fujima ang una at hinampas din sa akin.

Narinig ko ang tumatawa ng malakas si Dan sa aming dalawa. Pasalamat talaga si


Fujima at hindi pa may injury pa ako kung hindi basag ang mukha niyan sa'kin.

"Oh, nandito pala kayong dalawa," sabi ni Mommy nang pumasok sa loob.

"Dinadalaw lang po namin si Ryuuji," sabi ni Dan.

"Lalabas na siya ngayon,"

"Tama po pala ang punta namin dito, Tita, ihahatid na namin kayo baka tumakas si
Ryuuji," panunukso ni Fujima.

"Gago!" Sigaw ko.

Sumama ang dalawa kong kaibigan namin hanggang sa mansiyon namin. Akala ko
pagkahatid nila sa'min aalis na silang dalawa ngunit hindi sila umalis, nasa
loob sila ng kuwarto ko at nakikipagkuwentahan sa'kin.

"Fujima, Dan. Kayo na munang bahala diyan sa kaibigan n'yo may meeting ako
pupuntahan," tumingin sa'kin si Mommy. "Ryuuji, tawagin mo na lang ang mga
katulong natin kung may kailangan ka," sabi ni Mommy.

"Yes,Mom."

"Kami na ang bahala kay Ryuuji, Tita," sabi ni Dan.


"I have to go," pagkatapos umalis si Mommy.

Ilang minuto pa ang lumipas nang umalis si Mommy binato ako ng unan ni Fujima.

Nakahiga siya sa kama ko habang si Dan ay naka-upo sa malambot na sofa na nasa


loob ng kuwarto ko.

"Aray!"

"Hoy, tukmol tumayo ka diyan," sabi niya sa'kin

Salubong ang kilay kong nakatitig sa kanya. "Ano bang problema mo?"

"Pupuntahan natin si Aika ngayon sa bahay nila,"

Umiwas ako ng tingin sa kanilang dalawa.

"'Wag kang bakla diyan alam naming gusto mo'ng makita si Aika," ani Dan.

Sumimangot ako. "Fine!"

Lumapit sa'kin si Dan at Fujima upang alalayan ako sa paglalakad palabas ng


mansiyon. Nakita kami ng Yaya ko na lumabas ng mansiyon ngunit hindi ako
nagpapigil sa kanya.

Nakasakay kami sa kotse ni Fujima habang binabagtas namin ang daan papunta sa
bahay nila Aika. Pagdating namin doon sa bahay nila nakita ko ang Mama ni Aika
na nagwawalis ng bakuran nila. Lumabas si Dan upang kausapin ang mommy ni Aika.
Ako naman ay nakatingin sa kanila. Hindi ako lumabas ng kotse.

"Hello, Tita!" He greeted.

"Ikaw pala," pagkatapos tumingin sa kotse ang Mama ni Aika. Mabuti na lang at
tinted ang salamin ng kotse hindi niya makikita ang nasa loob.

"May pinuntahan kami diyan sa kabilang kanto naisipan naming dumaan dito. Nasaan
pala si Aika?" tanong ni Dan.

"Nasa probinsiya siya, kakaalis lang niya kanina," sagot ng Mama ni Aika.

Parang gusto ko ng lumabas ng kotse at ako na ang magtanong sa kanya, sa unahan


lang kasi ng kotse ang bukas ang salamin kaya naririnig ko sila.

"Bakit naman po siya pumunta ng probinsiya?"

"Sabi niya hihinto na raw siya sa pag-aaral."


"Fvck!"

"Easy pilantod ka pa," sabi ni Fujima.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Gusto ko siyang kausapin."

"Ipaubaya mo na 'yan kay Dan," sagot ni Fujima.

"Sayang naman po ang scholar niya kung hihinto siya sa pag-aaral." ani Dan.

"Hindi ko nga alam kay Aika, sinisisi niya kasi ang sarili niya sa pagkaka-
aksidente ni Ryuuji."

Halos halikan ko na ang windshield ng kotse ni Dan upang buo kong marinig ang
usapan nila. Kung bubuksan ko ang pinto ng kotse nasa harapan ko lang silang
dalawa na nag-uusap.

"Bakit naman niya sinisisi ang sarili niya?" tanong uli ni Dan.

"Ang sabi ni Aika. Inutusan daw kasi niya si Ryuuji na ibili siya ng kakailangan
niya sa project niya pagkatapos nabangga raw."

Nakaramdam ako ng inis sa sarili ko. Dahil sa'kin hindi na nagpatuloy ng pag-
aaral si Aika. Tinawag ko si Dan at upang sabihin sa kanya na umuwi na kami.
Agad namang nagpaalam si Dan sa Mama ni Aika pagkatapos pumunta kami sa school
upang sabihin sa principal na hindi makakapasok si Aika ng dalawang linggo dahil
biglaang umuwi ng probinsiya.

Galit na galit si Mommy nang ihatid ako nila Fujima at Dan sa mansiyon, pati
silang dalawa napagalitan ni Mommy.

"Hindi ka lubos na magaling nakuha mo ng lumabas!" Namaywang pa si Mama sa'kin.

Patihaya akong humiga ako sa kama at nakatingingin sa kisame habang si Mommy ay


sermon nang sermon sa'kin.

"Ryuuji!" sigaw ni Mommy.

"Mom, i'm tired i need to rest."

She sigh. "You're hard headed, don't forget to take your medicine, " sabi ni
Mommy bago umalis.

Kinuha ko ang cellphone na nasa ibabaw ng kama ko pagkatapos kinuha ko iyon.


Hinanap ko ang number ni Aika at pagkatapos hindi ko napigilan ang sarili kong
magtext sa kanya.
Me: I'm sorry, please text me." sabay sent ko ng text ko sa kanya.

Inakala ko na kapag nagtext ako sa kanya ay magrereply siya agad ngunit ilang
oras ang lumipas wala pa rin akong natatanggap na text mula sa kanya hanggang sa
makapatulog ako.

CHAPTER 18 [The Bad Boy's First Kiss]

[Aika]

Nakatingala ako habang pinagmamasdan ang malaking bahay na kinatatayuan ko,


bitbit ko ang bag pack ko at ang maliit travel bag na kulay itim. Ito ang unang
beses na makikilala ko ang pamilya ng Papa ko at kahit ang Papa ko ay hindi ko
pa nakikilala, kanina pa tinatambol ang dibdib ko sa kaba habang nasa loob ako
ng kotse ngunit mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko ngayong nasa harap na
ako ng bahay nila.

Hindi katulad sa mga probinsiya na mapapanood mo sa telebisyon na pawid ang


bahay o 'di kaya ay kahoy ang mga dingding na bahay, ang bahay ng pamilya ng
Papa ko ay isang modernong bahay na yari sa mga bato at mahahaling nuebles
malaki at makapal din ang bakal nilang gate. Napansin ko rin sa loob ng gate
nila ang kulay pulang motor at isang kulay itim na kotse. Malalayo rin ang
pagitan ng bawat bahay sa lugar na 'to.

Aunt Lorie patted me on the shoulder. "Pumasok na tayo sa loob," she smiled.

I nodded to her, and I still didn't feel comfortable with her though we were on
the trip together, sa tuwing tinatanong niya ako saka ako sasagot sa kanya.

Aunt Lorie opened the gate, and we rode in the car again and entered the yard of
their house. Hindi pa kami nakakalabas nakita kong may lumabas sa entrance door
ng bahay. Dalawang lalaki at isang matandang babae.

Nakangiti ang mga ito nang makita ang kotse ni Tita Lorie.

"Sila ang mga kapatid ng Papa mo at 'yang matandang babae iyan ang Lola mo,"
sabi ni Tita Lorie.

Mula sa bintana ng kotse pinagmasdan ko sila. Nakatayo sila sa harapan ng pinto


ng kotse at hinihintay na buksan iyon ni Tita Lorie.

"Let's go, Aika,"

Lumabas ako ng kotse at pagtapak pa lang ng paa ko sa semento sinalubong na ako


ng yakap ng lola ko.

"Apo ko, ang laki-laki mo na," wika niya.


Nakangiti silang tatlo sa'kin nang tingnan ko sila. Dahan-dahan kong inangat ang
mga kamay ko upang yakapin din ang lola ko. Sa totoo lang wala akong
nararamdamang excitement sa kanila para akong napipilitan sa lahat ng ikinikilos
ko ngayon.

Kumawala si Lola sa pagkakayakap sa'kin. May luha ang kanyang mga mata habang
nakatingin sa'kin. "Apo ko, patawarin mo ako kung ngayon lang tayo nagkita,"

I stared at him and clenched my fist. Ang dami kong gustong sabihin sa kanya sa
kanilang lahat pero hindi ko kayang sabihin ngayon. Pakiramdam ko kapag
nagsalita ako baka hindi ko na magawang kontrolin ang mga sasabihin ko sa
kanila.

"Mama, pagod sa biyahe si Aika, hayaan muna natin na makapagpahinga siya," ani
Tita Lorie.

Pinahid ni Lola ang mga luha sa kanyang mga mata at ngumiti. "Apo ko, ako nga
pala si lola Nida mo, at ito naman ang bunsong kapatid ng Papa mo si Russel."
Turo niya sa lalaking nakasuot ng t-shirt na white. "Ito naman ang Tito Delfin
mo, siya ang panganay na kapatid ng Papa mo," turo niya sa lalaking nakasuot ng
blue sando.

I give them a fake smile without saying anything.

"Ang ganda ng anak ni Kuya Heraldo," sambit ni Tito Delfin.

"Maganda po kasi ang Mama ko," i scoffed sarcastically.

Nagkatinginan silang apat sa sinabi ko,I didn't mean to say that. It just popped
out on my mouth. I looked away.

Inakbayad ako sa balikat ni Tita Lorie. "Tayo na sa loob,"

I nodded and followed them. Hindi naman tumigil sa kuwentuhan ang mga ito habang
papasok kami ng bahay, pagpasok namin sa loob mas na-patunayan kong hindi lang
basta modernong bahay ang tinitirahan ng Papa ko dahil lahat ng mga display sa
loob ng bahay nila ay pawang mamahalin. Marmol ang dingding ng bahay nila na
kulay brown, they have a elegant blank circle coach in living room. May
malaking smart tv na parang nanonood ka sa sinehan. I noticed some maids walking
around. Hindi nga sila typical na probinsiya na lang dahil mukhang may sinabi
sila sa buhay.

Lumapit sa'min ang isang maids at naglagay ng pagkain sa center table na nasa
sala. Katabi ko si Tita Lorie habang si lola ay nakaupo sa harapan ko.

"Ituring mo itong bahay, Aika," sabi ni lola.

"Thank you, gusto ko lang malaman kung nasaan si Papa?" Though it's awkward to
see my Father, I still want to see him. raised my chin, proud of who I am today.
Ito na 'yung iniwan niyang fetus sa tiyan ni Mama.
"On the way na siya nagkaroon siya ng meeting with his investor. Your father is
brilliant when it comes to his position as a general manager of the
manufacturing industry," pagyayabang ni Tito Russel.

I glanced to him. "No wonder, kaya nga iniwan niya si Mama noong pinagbubuntis
ako para sa dreame niya. "I scoffed.

They all silence.

"Don't worry po maghihintay ako sa pag-uwi ni Papa,"

"Mamaya darating na rin siya kumain ka muna mukhang gutom na gutom ka na, bukas
ipapakilala kita sa mga relatives natin,"

"May handa bukas para sa'yo, Aika. Gusto ka nilang ipakilala sa mga kamag-anak
namin bukas," masayang sabi ni Tita Lorie.

Tiningnan ko siya at tipid na ngumiti. Bigla kong naalala si Mama, dapat kaming
dalawa ni Mama ang ipinapakilala nila sa mga kamag-anak nila. Ibig ba nilang
sabihin hindi nila tanggap ang Mama ko.

Bumuntong-hininga ako. "Sana nandito si Mama para na-exprience niya ang warm
welcome n'yo,"

"Aika, I know how you feel right now, but there are things in the world that we
think is wrong, but eventually find out that we did right, "said Aunt Lorie.

My lips parted for a few seconds I wanted to say something to defend my belief,
"Gusto ko na po'ng magpahinga, saan po ang magiging kuwarto ko?" I look away.

Tumayo si lola Nida. "Ihahatid na kita sa kuwarto mo, Apo."

Bitbit ko ang travel bag ko at sumunod ako sa lolo ko. Umakyat kami sa second
floor ng bahay at sa pang-anim na kuwarto kami huminto. Binuksan ng lola ko ang
silid at pumasok kami roon.

Inilapag ko sa gilid ng kama ang travel bag ko at ang bagpack ko ay pinatong ko


sa kama. Mabilis kong pinasadahan ng tingin ng kuwarto ko. Kulay pink ang
pintura ng silid ko at may aircon sa loob sa gilid naman ay may maliit na sofa
at table. Ang ganda rin ng pink na kurtina na nakalagay sa bintana.

"Inayos namin ang kuwarto ito nang malaman naming pumayag ka na pansamantalang
tumira sa bahay namin," sabi ni lola.

"Maraming salamat po,"

"Mag-pahinga ka na diyan gigising ka na lang kapag nandito na ang Papa mo,"


tumalikod si lola upang umalis.
"Lola!" tawag ko sa kanya.

Huminto si lola at nakangiti siya na humarap sa'kin. "Tinawag mo akong lola?"


Bakas mukha niya ang kaligayahan dahil sa sinabi ko.

Tumango ako at ngumiti sa kanya. "Thank you, lola."

Nakita ko ang pagpatak ng luha ni lola. "Walang anuman iyon Apo," pinahid niya
ang kanyang luha pagkatapos lumabas ng silid.

I smiled when I saw my grandmother's smile. Maybe I shouldn't be angry with them
dahil si Papa lang ang dapat sisihin ko.

Inilabas ko ang lahat ng gamit ko sa loob ng bag ko at inilagay ko sa loob ng


cabinet pagkatapos pumunta ako sa banyo, may sariling banyo ang kuwarto ko,
maluwag ang banyo ko may shower sa loob, ibang-iba sa banyo namin sa Manila kung
tutusin malayong-malayo 'to sa kuwarto ko. Gayumpaman mas nanaisin kong bumalik
sa manila kasama si Mama. Okay lang na walang shower ang banyo at walang aircon
ang bahay namin ang mahalaga kasama ko si Mama.

Nagsusuklay ako sa harap ng salamin nang mapansin kong nag vibrate ang cellphone
ko na nasa ibabaw ng lamesa. Kinuha ko iyon upang tingnan kung may nagte-text or
may tumatawag sa'kin. Mula ng dumating ako hindi ko naalala ang cellphone ko,
nakalimutan ko rin tumawag kay Mama para sabihin okay ako rito.

My hands tremble when I saw the name of Ryuuji on my inbox. Ang bilis ng tibok
ng puso ko na tila ma-heart attack ako. Binuksan ko ang text ni Ryuuji.

Ryuuji: I'm sorry, please text me.

Tears streamed down my face. I don't know why I was crying at his simple
message.

Gusto kong mag-reply sa kanya pero pinipigilan ko ang sarili ko. Isa rin sa mga
dahilan ko kung bakit umalis ako sa bahay namin dahil sa kanya.

Pinigilan ko ang sarili na magtext kay Ryuuji bagkus nagtext ako kay Mama upang
sabihin na nakarating na ako sa bahay ni Papa at sinabi kong hindi ko pa kami
nagkikita ang Papa ko, pagkatapos in-off ko ang cellphone ko ay inilagay ko sa
loob ng drawer pagkatapos humiga ako sa kama.

Ilang oras na akong nakahiga ngunit hindi pa rin ako dalawin ng antok.
Nakatingala ako sa ceiling ng kuwarto ko habang iniisip ko si Ryuuji.

"Nakalabas na kaya siya sa hospital?"

Naputol ang pagmuni-muni ko nang marinig ko ang katok mula sa silid ko.
Nagtalakbong ako ng kumot at nagpanggap na tulog. Patuloy ang katok sa pinto ng
kuwarto ko pagkatapos bigla itong huminto sa katok. Narinig ko ang yabag ng paa
na paalis.

Inalis ko ang nakabalot na kumot sa katawan ko at tumingin ako sa may pinto.

"Aika, anak ko,"

Bigla akong kinabahan sa narinig ko. Hindi ako sa nakakilos hanggang sa narinig
ko na bumukas ang pinto ng silid ko. Pumasok doon ang isang lalaki na nasa edad
kuwarenta isingko. Nakasuot siya ng dark polo at black pants. Nakatitig siya
sa'kin habang papalapit.

"I-Ikaw na ba 'yan anak ko?" nanginginig ang kanyang boses.

Hindi ako nagsalita nakatingin ako sa kanya habang hindi ko mapigilan ang luha
ko na bumabagsak sa mukha ko.

Siya ang Papa ko. Ang tagal ng panahon na pinapangarap kong makita siya ng
personal at ngayon ko lang siya nakita.

"Papa."

Lumapit siya sa'kin at umupo sa gilid ng kama ko. Nakatitig siya sa'kin.
Tumutulo ang luha niya. He smiled at me. "Anak ko…" Niyakap niya ako ng mahigpit
at umiyak siya. "I'm sorry! I'm sorry, Aika."

My tears continued to flow as he embraced me. The first time I felt the hug of a
father, I always wanted to feel. Ang yakap niyang matagal ko ng gustong
maramdaman. Gusto kong magtanong sa kanya, gusto kong sumbatan siya pero kahit
isang salita walang lumalabas sa bibig ko.

"Aika, I'm sorry if I was cowardly then. I'm sorry if I was afraid of being a
father to you. I'm sorry for my sins to you and your mom. "His tears kept
flowing down his face.

I was looking at him. "Why are you coming back?" My heart is full of resentment.

"I want to be a father to you."

I wiped the tears from my face. "When I can stand on my own feet when I don't
need you anymore."

Nasapo niya ang mukha niya at humagolgol ng iyak. Masakit sa'kin na makita
siyang umiiyak pero mas masakit ang nararamdaman kong hinanakit.

"Naduwag ako … I am afraid that I would not be able to fulfill my dream, my


parents' dream."
"Naduwag ka? Kaya pala wala ka noong mga panahon na nahihirapan si Mama. Wala
kang noong kailangan ko ng Papa, kapag malungkot ako, kapag may family day sa
school wala ka, noong bata ako palagi akong umiiyak kasi tinukso ako na wala raw
akong Papa, butok sa buho raw ako, wala kang sa panahon na kailangan ko ng isang
Ama. Pagkatapos bigla mo kaming ipapahanap? Ano tingin mo sa'kin isang bagay na
sinanla mo na pagkatapos mo'ng iwan ng matagal babawiin mo kung kailan okay ka
na!"

"Anak, Let me fill all my sins with you. Please, give me a chance!"

I wiped away my tears. "I'm sleepy. I don't want to talk to you."

"Aika… please!"

Kinuha ko ang unan ko at pagkatapos ay humiga ako sa kama at binalot ko sa buong


katawan ang kumot.

I heard him cry pero nagmatigas ako sa kanya hanggang sa naramdaman kong lumabas
siya ng kwarto.

Umiyak ako nang umiyak nang umalis si Papa hanggang sa nakatulugan ko na iyon.

*******

Nagising ako nang marinig ko ang alarm ng cellphone. Hindi ako agad bumangon
dahil nararamdam ko ang antok. Kinapa ko ang cellphone sa ibabaw ng table upang
i-off ang alarm niya. Nang makapa ko iyon nakita kong alas kuwatro pa lang ng
umaga. Nakalimutan kong tanggalin ang alarm ng cellphone ko sa tuwing pumapasok
ako sa school. Pagkatapos kong i-off ang alarm ng cellphone ko muli akong
natulog. Ngunit ilang minuto pa lang yata akong nakakabalik sa tulog muli namang
tumunog ang cellphone ko. Inis na inis akong bumagon upang tuluyan ng i-off ang
cellphone upang wala ng istorbo sa'kin sa tulog.

"Si Mama." Sinagot ko ang tawag ni Mama.

"Hello, Mama, Good morning."

"Pasensiya ka na kung tumawag ako sa'yo ng ganito ka-aga, hindi ka kasi tumawag
kagabi. Ano'ng nangyari sa'yo diyan?"

I sigh. "Mama, nakita ko na si Papa at nakausap ko na siya."

Hindi agad nagsalita si Mama ilang minuto ang naging katahimikan sa linya ni
Mama. "Mama, nandiyan ka pa?" tanong ko.

"Nandito pa ako may kinuha lang ako sa kuwarto, nagkita na pala kayo ng Papa mo,
ano'ng sabi sa'yo?"

"Humihingi siya ng tawad sa'kin, gano'n lang ba 'yon kadali," bumuga ako ng
hangin upang pigilan ang luha ko, kapag si Papa ang topic hindi ko mapigilang
ang umiyak.

"Subukan mo'ng patawarin ang Papa mo, hayaan mo siyang bumawi sa'yo anak,"

Natahimik ako. Hindi ko kasi alam kung ano ang isasagot ko kay Mama. Ang hirap
sabihin sa kanya na hindi ko pa kayang subukan. Hindi naman ako pinalaki ni Mama
na magalit kay Papa.

She signed. "Aika, hindi kita pinalaki para magtanim ng galit sa Papa mo, kahit
anong gawin mo siya pa rin ang Papa mo at dapat kang magpasalamat sa kanya dahil
buhay ka ngayon, alam mo ba'ng kahit iniwan niya ako nagpapasalamat pa rin ako
sa kanya dahil ibinigay ka niya sa'kin. Sana gano'n ka rin wag mo'ng tingnan ang
pagkukulang sa'yo ng Papa mo, isipin mo na lang yung magandang nangyari,"
paliwanag ni Mama.

Si Mama na yata ang pinaka-mabait na tao sa mundo palagi niyang tinitingnan ang
bright side ng mga taong nakagawa ng kasalanan sa kanya.

"Pumunta rito ang mga kaibigan ni Ryuuji hinahanap ka," change topic ni Mama.

"Ano po sabi n'yo? Kumusta na raw po si Ryuuji?"

"Nakalabas na raw si Ryuuji, bumalik ka na raw sa school,"

I bit my lower lips. "Sabihin n'yong hindi na ako papasok sa school."

"Sigurado ka na ba diyan sa desisyon mo, Aika?"

Natigilan ako. "Hindi ko po alam Mama. Masyado akong maraming iniisip ngayon,
mag-iingat ka palagi diyan Mama."

"Ikaw din anak, mag-iingat ka diyan," sagot ni Mama.

"Sige na po Mama, mamaya na lang po ulit ako tatawag sa'yo, bye!" I cut the
call.

Ilang beses akong huminga ng malamin bago tuluyan akong bumangon upang
maghilamos at magtoothbrush pagkatapos kong gawin iyon lumabas ako ng kuwarto
ko. Pababa ako ng hagdan nang makita ko si Tita Lorie na pa-akyat huminto siya
at sinalubong ako.

"Good morning, Aika. Tamang-tama susunduin na sana kita, halika ka na sa kusina


para kumain ng almusal," hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming pumunta sa
kusina.

"Good morning, Aika!" Sabay nilang bati sa'kin.


"Good morning sa inyo," tipid kong sagot.

Hinila ako ni Tita Lorie sa katabing upuan ni Papa. "Dito ka umupo sa katabi ng
Papa mo," sabi ni Tita Lorie.

"Apo, alam mo ba'ng maagang gumising ang Papa mo para ipagluto ka ng pagkain mga
paborito mo itong lahat, tinanong pa namin sa Mama mo ang paborito mo'ng
pagkain." pagyayabang ni lola.

Sinulyapan ko si Papa. "Thank you."

Ngumiti si Papa gayun din si lola at Tita Lorie, wala roon ang dalawa kong Tito
na sina Tito Russel at Tito Delfin.

"Kumain na tayo," sabi ni Tita Lorie.

Nagsimula na kaming kumain ngunit hindi ko halos nagamit ang mga kamay ko dahil
si Papa ang naglagay ng pagkain sa plato ko maging tubig siya na rin ang
naglagay kulang na lang subuan niya ako.

"Aika, mamaya mamasyal tayo sa mall ibibili kita ng mga damit," sabi ni Papa
sa'kin.

"I'm sorry, wala po akong ganang lumabas ng bahay," nakayukong sagot ko.

"Okay lang, baka pagod ka pa sa naging biyahe mo kagabi," sabi ni Papa.

Pagkatapos nagpatuloy kami sa pagkain. Marami silang napag-uusap habang ako


nakikinig lang sa pinag-uusapan nila.

"Aika, napagdesisyon namin na sabado na lang namin ikaw ipapakilala sa nga


relatives namin," sabi ni Papa.

"Kayo po ang bahala," walang kagana-gana kong sagot.

"Susunduin ko kasi mamaya ang Mama mo para makasama siya bukas," sabi ni Papa.

Nai-angat ko ang mukha ko at lumiwanag ang mukha ko. "Talaga po?"

Tumango si Papa. "Yes,"

"Thank you, Papa!" Sabay yakap ko ng mahigpit sa kanya.

Niyakap ako ng mahigpit ni Papa. Hindi ako makaalis sa yakap niya lalo na't
naramdaman ko ang pagpatak ng luha niya sa balikat ko. Hinimas ko ang balikat
niya upang in-comfort siya.
"T-Thank you, Anak ko." He whispered.

"Thank you rin po." Sagot ko.

Ilang minuto kaming magkayakap dalawa pagkatapos kumalas siya sa'kin. Nakita ko
si Lola at Tita Lorie na nagpapahid ng luha sa mga mata nila.

"'Wag na po kayong umiyak papangit po kayo," biro ko.

Pagkatapos nag-tawanan kaming lahat. Pagkatapos naming kumain sumabay na rin ako
kay Papa para mag-jogging unti-unti ko ng natatanggap si Papa lalo na kapag
nakikita ko siyang masaya.

Pagdating ng bahay agad kong tiningnan ang cellphone ko, gusto ko sanang sabihin
kay Mama na susunduin siya ni Papa ngayon pero gusto kong magulat si Mama kapag
sinundo siya ni Papa.

Habang nagta-type ako ng sasabihin ko kay Mama bigla namang nag-ring ang phone
ko at nakita ko ang pangalan ni Ryuuji nasagot ko ang tawag niya ng hindi
sinasadya.

"Hello, Yats!"

Hindi ako kumibo sa kanya nakikinig lang ako sa sinasabi niya.

"Alam kong naririnig mo ako, nasaan ka ba ngayon pupuntahan kita kailangan


nating mag-usap dalawa,"

Tanging buntong-hininga lang ang maririnig niya sa'kin.

"I'm sorry If I hurt you, please, come back, I badly miss you, Yats. I love
you."

It was like a bomb that my heart exploded because of what Ryuuji said. I'm just
like a statue, and my tongue retreated, So I quickly turned off my cellphone. I
looked in the mirror and saw my face turning red.

Itinapat ko ang kamay ko sa tapat ng puso ko, ang bilis ng tibok niya. "He loves
me."

CHAPTER 19 [The Bad Boy's First Kiss]

[Aika]

HABANG lumilipas ang mga oras ko kasama ang pamilya ng Papa ko unti-unti ko na
silang natatanggap sa buhay ko. Siguro dahil alam kong sinusubukan din nilang
tanggapin ang Mama ko dahil sa'kin. Humingi sa'kin ng tawad ang lola ko dahil
siya raw ang na-udyok sa Papa ko na iwan ang Mama ko noo dahil ang Papa ko pala
ay papunta ng ibang bansa upang doon magtrabaho. Kasalan daw ni lola ang lahat
kaya nagka-hiwalay sila Mama at Papa, hinanap daw nila kami nang umuwi si Papa
pero umalis na si Mama sa dati nitong tinitirahan hanggang sa may nakakita raw
kay Mama na nagtitinda sa Palengke. Doon na raw sila nagkaroon ng communication
kay Mama.

"Aika, hindi ka pa ba matutulog?" tanong ni Tita Lorie sa'kin.

Pasado alas-onse na kasi ng gabi at nasa sala pa ako at nanonood ng tv,


hinihintay ko kasing dumating si Mama at Papa.

"Mamaya na lang po, Tita, hindi rin ako makakatulog dahil excited na akong
makita si Mama," sagot ko.

"Sige, maiwan na kita diyan, gisingin mo na lang ako kapag dumating na sila,"
ani Tita Lorie.

Ngumiti ako sa kanya. "Okay, Tita, good night."

"Good night, Aika," pagkatapos umalis na ito at umakyat sa second floor nandoon
kasi ang kuwarto niya.

Muli kong tinuon ang pansin ko sa panonood ng tv upang malibang ako sa oras,
ngunit matatapos na ang late night show hindi pa rin dumarating si Mama at Papa,
kating-kati na ang mga kamay ko na i-text si Mama pero baka pagalitan lang niya
ako dahil hindi pa ako natutulog. Gusto kong surpresahin siya kahit magalit pa
siya sa'kin. Ilang saglit pa nakarinig ako ng tunog ng sasakyan mula sa labas ng
bahay, tumakbo ako sa may pinto at bahagya kong sinilip kung sina Mama nga at
Papa ang dumating. Nang makita ko ang kotse ni Papa binuksan ko na ang pinto at
tumakbo palabas para salubungin si Mama.

"Mama!" tawag ko sa pangalan niya nang makita ko siyang palabas sa kotse.

Nakangiti si Mama. "Aika," sabay yakap ni Mama sa'kin. Dinala naman ni Papa ang
gamit ni Mama.

"Bakit gising ka pa?" sabi ni Mama.

"Hinintay ko kayo, na-miss na kita,"

Ginulo niya ang buhok ko. "Aysus! Parang bata."

"Pumasok na tayo sa loob para makapagpahinga na kayo," sabi ni Papa.

Tumango ako kay Papa at pagkatapos sinama ko si Mama sa kuwarto ko, saglit na
nag-usap si Mama at Papa, nakikinig lang ako sa kanila, pagkatapos umalis na rin
si Papa upang makapagpahinga.

"Matulog na kayo bukas dahil may welcome party sa inyong dalawa," sabi ni Papa.
Nginitian siya ni Mama ako naman ay yumakap kay Papa. "Thank you, and goodnight
Papa,"

"Good night, anak,"

Humiga ako sa kama habang kayakap ko si Mama.

"Ang lamig naman dito sa kuwarto mo anak, nakakaantok," sabi ni Mama.

Kinuha ko ang kumot at inilagay ko sa katawan niya. "Mama, na-miss na kita,"

Tumingin sa'kin si Mama. "Miss rin kita pero mayroong nakakamiss sa'yo sa
manila," sabay ngiti ni Mama.

Kumunot-noo ako. "Sino po?"

"Si Ryuuji, hindi na umalis ng bahay, tanong nang tanong kung nasaan ka,"
panunukso ni Mama.

Sumimangot ako. "Niloloko n'yo naman ako e, bakit naman siya pupunta sa bahay?"

"Bakit nga ba?" Balik na tanong ni Mama.

"Hindi ko alam sa kanya," Tumagilid ako ng higa kay Mama. Baka kasi makita
niyang namumula ang mukha ko, bigla ko naman naalala ang text niya sa'kin.

"Siguro boyfriend mo na si Ryuuji, ayaw mo lang sabihin sa'kin ang totoo,"


panunukso ni Mama.

"Hindi po, Mama, magkaibigan lang kami," sagot ko.

"Bakit hindi ka makaharap sa'kin?" tanong ni Mama.

Pumikit ako at nagpanggap na tulog, kapag kinausap pa ako ni Mama baka mahalata
niya ako.

"Hays! Tinulugan na ako ng anak ko," sambit ni Mama.

Gusto ko pa sana si Mama na makausap kaya lang ibabalik niya ang topic kay
Ryuuji, kaya imbes na mag-usap kami natulog lang ako.

**********
NAGISING ako nang wala sa tabi ko si Mama kaya naman bumangon ako upang
maghilamos bago lumabas ng kwarto, paglabas ko ng kwarto nakita ko si Mama na
abala sa pagluluto ng malagkit, kutulong niya si Papa.

Nakatayo ako sa may pintuan habang nakatingin ako sa kanilang dalawa. Hindi nila
ako napapansin dahil busy silang dalawa. Ang sarap panoorin ng Mama at Papa ko
habang masaya silang nagluluto ng malagkit sana may chance pa na maging isang
pamilya kami.

"Aika, gising ka na pala," sabi ni Tito Russel.

Biglang lumingon si Mama at Papa sa'min.

"Kanina ka pa diyan, Anak?" tanong ni Mama.

Umiling ako. "Kadarating ko lang po," alibi ko. Lumapit ako sa kanilang dalawa
at pagkatapos tinikman 'ko ang malagkit na nilalagay nila sa bilao.

"Nag-request ang Papa mo na magluto raw ako ng malagkit, matagal na raw siyang
hindi nakakain nito," sabi ni Mama.

"Ang Mama mo kasi ang pinakamasarap magluto ng malagkit," sabi ni Papa.

"Aysus! Baka dagdagan n'yo pa si Aika niyan," panunukso ni Tito Russel. Kumuha
siya ng kutsara at tinikman rin ang ginawa ni Mama.

Sabay na umiwas sila Mama at Papa dahil sa sinabi ni Tito Russel.

"Masarap nga siya," sabi ni Tito Russel. Pagkatapos muli itong lumabas.

"Aika, gusto mo ba'ng bumili ng bagong damit para isuot mo mamaya?" tanong ni
Papa.

Umiling ako. "Marami akong damit na binili ni Mama," sabay tingin ko kay Mama.

"Ikaw ang bahala," malungkot na sabi ni Papa.

"Next time na lang po para tayong tatlo ni Mama ang magkakasamang bumili ng
damit ko," sabi ko.

Muling natuwa si Papa sa sinabi ko. "Sure!mag-date tayong tatlo," sabi ni Papa.

Hindi kumibo si Mama. Ngunit alam kong masaya si Mama na muli niyang nakita si
Papa.

Sa loob ng bakuran ng bahay nina Papa, abala ang mga tao sa pagde-decoration.
Nagpa-catering si Papa upang hindi mapagod sa pagluluto ang mga tao roon.
Maraming mga kapitbahay ni Papa ang tumutulong sa paglalagay ng decorations,
feeling ko tuloy, tanggap na tanggap na nila kami.

Pagsapit ng gabi isa-isa ng dumating ang mga kapitbahay nila Papa at isa-isa
kaming ipinakilala sa mga ito. Naka-pink na dress ako habang si Mama ay naka
black dress. Naka-akbay sa'kin si Papa habang pinapakilala kami sa bawat
bisitang dumarating.

"Ito na ba ang anak mo?" tanong ng isang kamag-anak ni Papa sa kanya.

Nakangiti si Papa. "Opo,"

"Dalaga na at maganda," sabay tingin sa'kin ng matanda.

"Nag-mana po siya sa Mama niya," sabay tingin ni Papa kay Mama.

Hindi ko maiwasan na hindi kiligin sa reaction ni Mama. Hiyang-hiya kasi siya.

Habang nakikipag-usap ako sa mga kamag-anak ni Papa lumapit sa'kin si Tito


Lorie.

"Aika, may naghahanap sa'yo," ang lapad ng ngiti ni Tita Lorie habang nakatingin
sa'kin.

Kumunot-noo ako, hindi ko kasi alam kung sino naghahanap sa'kin. Mga kamag-anak
namin ang alam kong pwedeng maghanap sa'kin ngayon.

"May dumating po ba na kamag-anak ni Papa?" tanong ko.

"Hindi, 'yung boyfriend mo dumating,"

Wala naman akong boyfriend pero ang unang pumasok sa isip ay si Ryuuji. Sa
puntong iyon bigla akong kinabahan.

"Nasaan po?"

"You don't have to look for me, because I'm here, Yats."

I turned to the owner of that voice, my eyes fluttering when I saw Ryuuji
standing in front of me with his two friends. His face was serious as he stared
at me. I noticed his holding flowers.

I was shocked and didn't blink as he walked toward me, as if the world had
stopped spinning.

"I miss you, Yats. "He said in a low tune.


Halos atakihin na ako sa lakas ng tibok ng puso ko. Nakadagdag pa ang hininga
niyang dumadampi sa leeg ko.

"H-Huds…" sambit ko.

Ryuuji stared at my face and sighed. "I'm sorry if I endure you for a long
time," he said.

"Ryuuji…" anas ko.

"Ano ba 'yan Ryuuji, ibigay mo na ang bulaklak malalanta na 'yan sa kamay mo,"
sabad ni Fujima.

Biglang nawala ang kaba ko at napalitan ng ngiti.

"Huwag ka ngang makialam!" sigaw ni Ryuuji.

"Hindi mo tinuturuan 'yan si Ryuuji, ang baduy manligaw." Panunukso ni Dan.

Lumapit si Ryuuji sa dalawa niyang kaibigan at dinuro. "Umuwi na nga kayo!" ani
Ryuuji.

Sa lakas bose nilang tatlo, sa kanila tuloy nabaling ang atensiyon ng ibang
bisita, akala siguro ng mga ito nag-aaway na sila. Lumapit ako sa kanilang
tatlo.

"Tara sa loob ng bahay, kumain muna kayong tatlo," pagyaya ko sa kanila.

"Yats, saglit lang," sabi ni Ryuuji.

I stopped and walked towards him. "Bakit?"

"Flowers for you," he said.

I was surprised when he suddenly kissed me on the cheek.

"Ryuuji..."

I look like a statue where I stand. I didn't think Ryuuji would do that in front
of so many people.

"Oh, shit!"

"Uy! Tara na pumasok na tayo sa loob nagugutom na kami," ani Fujima


Saka lang ako bumalik sa ulirat. "Tara na!" sabi ko.

Pumasok kaming apat sa loob. Naroon ang mga iba naming kamag-anak.

"Hello, good evening, every one. Ako nga pala si Fujima ang pinakagwapo sa
tatlo, itong pilatod na ito ang boyfriend ni Aika." Turo ni Fujima kay Ryuugi,
binatukan naman ni Ryuuji si Fujima. "Ito naman isang ang pinaka-walangkwenta
sa'min," sabay tawa ni Fujima.

"Gago!" sabi ni Dan.

Natatawa tuloy ang mga kamag-anak namin dahil sa tatlo, sila kasi yung tao na
walang pakialam kung may nanonood sa kanila, basta sasabihin nila ang gusto nila
sabihin.

*******

Ryuuji and I were sitting in front of his car after the party Fujima and Dan had
slept in, my grandmother's house was large with eight rooms on the second floor
and four on the first floor.

"Kumusta ka na pala? Are you sure you're okay? " panimula ko

"Okay na ako ngayon kasi nakita na kita," sagot niya.

I bow down I can't even look at him. Lately, Ryuuji is getting serious. I find
it hard to read how he feels.

"Aika, my text to you is true, mahal kita."

I bit my lower lips. And my body trembled, and I felt like dying in shock.

He sighed, "I was jealous when I saw you talking to my brother Aeron." He took a
deep breath. "You must be happy with me, not with my brother or with any other
man," he said.

"Ryuuji..."

"I love you, Aika. Ngayon ko lang 'to naramdaman, sa'yo ko lang 'to naramdaman,"
he took my hand and kissed

I could feel the electricity flowing through my whole body. I swallowed my


saliva. "I...I love you too."

He looked at me. His eyes filled with happiness "Repeat it,"


I looked at him. "I love you too, Huds."

"Oh, thanks! Yes! Yes!" He shouted.

I laughed. "Don't be noisy. The neighbors will wake up."

He hugged me and caressed my back. I felt comfortable as I leaned my head to his


chest.

"I love you, Aika," he whispered.

CHAPTER 20 [The Bad Boy's First Kiss]

[Ryuuji]

HALOS mabingi ako sa lakas ng pintig ng puso ko habang mag-kayakap kaming dalawa
ni Aika. Ngayon ko lang ito naramdaman mula ng magkamalay ako sa mundo.
Nararamdaman ko rin ang pag-iinit ng pisngi ko. Ang malamig na dampi ng hangin
sa aking balat ay hindi nakakatulog sa nararamdaman ko ngayon. Ganito pala ang
pakiramdam ng ma-in love. Masaya.

"Yats, tayo ng pumasok sa loob baka lamigin ka rito sa labas," pabulong ko sa


kanya.

Naka-upo kami sa bubung ng kotse ko habang magkayakap kaming dalawa.

Hindi sumagot ai Aika kaya naman sinilip ko siya at nakita kong nakatulog na
pala siya sa dibdib ko. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mukha niya. Tama
nga sila maganda si Aika. Hindi ko napigilan ang kamay kong marahang haplusin
ang buhok niya. Pagkatapos pumikit ako habang hinahamplos ko ang buhok niya.
Limang minuto ko rin ginagawa iyon bago ko napag-desisyunan na buhatin siya at
dalhin siya sa kanyang silid. Dahan-dahan akong bumaba sa kotse habang yakap
siya, pagkatapos pumasok kami sa loob ng bahay at dinala ko siya sa kanyang
silid. Nang nasa tapat na ako ng pintuan ng kwarto niya kumatok ako.

Ilang saglit pa bumukas ito at bumangad sa'kin ang Mama ni Aika.

"Oh, anong nangyari kay Aika?" May pag-aalala sa mukha ng kanyang Mama nang
makita si Aika na walang malay.

"Tita, nakatulog po siya habang naku-kwentuhan kami sa labas. Ginigising ko


siya, hindi naman magising kaya dinala ko na siya rito,"

Niluwagan ng Mama ni Aika ang pagkakabukas ng pinto. "Naku, tulog mantika talaga
'yan si Aika, mahirap 'yan gisingin kapag natutulog," sabi ng Mama ni Aika.

Dahan-dahan kong inihiga si Aika sa kama at pagkatapos pinagmasdan ko siya


habang natutulog.
"Maraming salamat, Ryuuji sa pagdala mo rito kay Aika," sabi ng Mama nito.

Ngumiti ako sa kanya. "You're welcome, Tita."

"Sige na matulog ka na, alam kong pagod na pagod ka na,"

"Salamat po, good night," sabi ko pagkatapos lumabas na ako ng kuwarto ni Aika
at pumunta ako sa silid na tutulugan namin. Pagbukas ko ng kuwarto nakita ko ang
dalawa kong kaibigan na mahimbing na natutulog habang nakabalot ng kumot,
hinubad ko ang suot kong jacket at pagkatapos ay humiga na ako sa kama katabi
ang mga kaibigan ko, habang nakatingin ako sa kisame hindi ko mapigilang ngumiti
habang inaalala na ang nangyari kanina. Hindi ko akalain na sasagutin ako agad
ni Aika. Ang akala ko tatanggihan niya ako. Our friendship is over, and we will
go to the next level of our relation ang pagiging magkasintahan ay magsisimula
na bukas.

*************

APAT na oras lang naitulog kanina ngunit sinadya kong bumangon kahit sumasakit
ang ulo ko dahil sa alak na inimom ko kagabi at idagdag mo pa ang puyat. Ngunit
kinakailangan kong bumangon ng maaga para surpresahin si Aika. Agad akong naligo
pagkatapos sumakay ako ng kotse ko upang maghanap ng bouquet of roses. Ang sabi
kasi sa'kin ni Fujima at Dan kailangan ko raw bigyan ng bulaklak si Aika. Gusto
raw kasi ng mga babae ang bulaklak.

"Sir. Ito po ang mabenta sa'min na bouquet medyo pricely lang siya pero maganda
siya," sabi ng tindera sa flowers shop.

Tumingin-tingin kasi ako ng mga bulaklak na maganda. Hinawakan ko ang bulaklak


na hawak niya ng tindera.

"Sigurado ka ba'ng magugustuhan 'to ng girlfriend ko?" tanong ko.

Tumango ang tindera. "Opo, mas maganda po kung bibigyan n'yo siya ny love
letter,"

Nagsalubong ang kilay ko. "Mukhang baduy 'yon," sagot ko.

"Hindi po mas gusto pa rin namin mga babae ang binibigyan kami ng bulaklak at
love letter kaysa sa mga expensive things,"

"Sigurado ka diyan?"

"One hundred percent sure, karamihan sa mga babae gusto ng love letter, para may
binabalik-balikan kaming basahin sa tuwing namimiss namin ang mahal namin,"

"Okay, I'll take that as an advice, thank you! Bibilhin ko rin 'yang bulaklak."
"Two thousand five hundred po," sabi ng tindera.

Dumukot ako sa wallet ko ng three thousand pesos. "Keep the change, thank you!"

Ang lapad ng ngiti ng tindera. "Wow! Thank you, Sir. Hindi ka lang gwapo ang
bait n'yo pa, sige po i-arrange ko na po ang mga bulaklak n'yo," sabi ng
tindera.

Tumango ako at pagkatapos hinintay kong i-aarrange ang bulaklak, may mga buo
naman ng bouquet pero mas maganda kasi yung ipapa-arrange mo dahil parang mas
fresh na fresh ang mga bulaklak. Pagkatapos niyang ayusin naghanap naman ako ng
pwedeng pagbilhan ng stationary at ballpen para magsusulat ako ng love letter
kay Aika. Nang makabili na ako umuwi na rin ako.

Habang binabagtas ko ang daan pauwi sa bahay ng Papa ni Aika. Naka-ilang beses
namang tumatawag si Dan at Fujima sa'kin. Ang sabi nila hinahanap na raw ako ni
Aika.

Sinabi ko na lang sa kanila na papauwi na ako. Ilang minuto lang ang lumipas
nasa harapan na ako ng bahay. Bago pa lang ako makalabas ng kotse nakita ko na
sina Aika, Dan at Fujima na lumabas at sinalubong ako.

"Huds, saan ka galing?" tanong ni Aika sa'kin.

Mabilis kong pinasadahan ng tingin ang paligid nang wala akong makitang mga
kamag-anak ni Aika. I bent down para halikan siya ng mabilis sa labi.

"Woah! Tang ina ang bilis!" ani Fujima.

Nakita ko ang pamumula ng mukha ni Aika dahil sa ginawa ko, parang sasabog naman
ang puso ko dahil sa malakas na tibok.

"I have something for you," sabi ko.

"Ano 'yon?"

Bigla kong naisip ang sinabi sa'kin ng tindera. Kailangan ko munang gumawa ng
love letter bago ko ibigay sa kanya.

"Malalaman mo mamaya, hindi pa tapos e,"

"Gano'n ba, ikaw ang bahala, kumain na tayo," sabi niya.

"Oo nga, kanina pa kami gutom,"sabad ni Fujima.

Sumimangot ako. "Bakit hindi kayo kumain, hindi ko naman dala ang kaldero?"
"Umiral naman ang pagiging moody mo, tara na kumain na tayo," ani Aika.

"Sige, mauna na kayo may kukunin lang ako sandali sa kotse,"

"Sige, sumunod ka na lang," sabay talikod no Aika.

Pagka-alis nilang tatlo pumasok ako sa loob ng kotse at nagsimula na akong


magsulat ng love letter kay Aika.

Dear Aika.

You are the reason I wake up every morning with a smile because you bring an
everlasting sweetness of my life. I want to say thank you for letting me be your
boyfriend, this is my first experience with a girlfriend, but I will do my best
to make you happy. I want you to be satisfied with me because you are the one
that I want for the rest of my life. I love you. Aika.

Ryuuji.

Paulit-ulit kong binasa ang love letter ko sa kanya, hindi 'ko alam kung tama na
ba ang ganitong messege dahil first time ko lang naman ito ginawa. Pagkatapos
kong isulat inipit ko 'yon sa bulaklak na binili ko at pagkatapos binitbit ko
'yo papasok ng bahay. Huminga ako ng malalim nang nasa entrance door ako.
Kinakabahan kasi ako. Hindi naman ako dapat mailang sa mga tao sa loob dahil
alam naman nilang girlfriend ko si Aika. Ngunit nakakaramdam pa rin ako ng
kaba.

"Bahala na!" sambit ko.

Humakbang ako papasok ng bahay at dumiretso ako sa kusina. Nagkatingininan


silang lahat sa'kin nang pumasok ako. Hindi ko tuloy alam kung saan ko ibabaling
ang leeg ko dahil sa nakatitig sila sa'kin. Mabuti na lang talaga at tatlo lang
sila sa kusina kung naroon pa ang pamilya ni Aika baka hindi na ako tumuloy
pumasok sa loob.

"Wow! Nagle-level up ka na may pa-flowers na siya," pan-aasar ni Fujima.

"Binata na si Ryuuji," sabay tawa ng malakas ni Dan.

"Gago kayo!" Inis kong sabi.

Lumapit ako kay Aika. Pulang-pula ang mukha nang nasa harapan niya ako. "Flowers
for you, Yats," sambit ko.

Ang lapad ng ngiti ni Aika nang tanggapin niya ang bulaklak. Inamoy-amoy pa niya
ito, ganito pala ang pakiramdam na na-appreciate ng taong mahal mo ang efforts
mo, sulit ang puyat ko dahil nakita kong masaya siya.

"Thank you, ang ganda at ang bango,"


"May love letter ako basahin mo mamaya," nahihiya kong sabi.

Narinig kong humalakhak ang dalawa kong kaibigan, nagsisi tuloy ako kung bakit
sinama ko pa sila. Wala kasi silang ginawa kung hindi ang asarin ako ang sarap
nilang bugbugin.

"Putcha! Nilalanggam ako, pa-halik naman Dan," sabi ni Fujima.

"Humingi ka ng halik wala namang pulis," sabad ni Dan.

Napakamot ako sa ulo ko dahil sa sinasabi nila. Nagka-tinginan kaming dalawa ni


Aika pagkatapos nagulat ako nang tumayo siya at bigla niya akong hinalikan sa
labi. Mabilis lang 'yon pero gumapang ang kuryente sa katawan ko. Nanlamig ako
at natulala, hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

Naghiyawan ang dalawa kong kaibigan, dalawa lang sila pero parang isang buong
baranggay ang ingay nilang dalawa.

"Kilig na si Baby Boy, Yiee!" Ani Fujima.

Tumalikod ako kay Aika at lumapit sa dalawa kong kaibigan pagkatapos marahan ko
silang sinuntok sa braso.

"Gago kayo!"

Humalakhak ang dalawa. "Ang baduy ng reaction mo para kang Alien!" sabay
halakhak ni Fujima.

"Kumain na tayong tatlo, ang sabi ni Papa, mamaya raw maliligo tayo sa batis,"
ani Aika.

"Maganda ba ang batis rito?" tanong ni Fujima.

"Marami ba'ng babae na naliligo sa batis?" tanong naman ni Dan.

"Hindi ko alam dahil first time ko lang din na pupunta sa batis mamaya, excited
na nga ako," sagot ni Aika.

"Kumain na tayo para makapaghanda na tayo ng dadalhin," sabi ni Fujima.

Sabay-sabay kaming kumaing apat. Naging sweet naman sa'kin si Aika dahil
nilalagyan niya ako ng pagkain sa plato ko. Nakakaramdam ako ng hiya sa dalawa
kong kaibigan pero mas maganda ang pakiramdam 'ko ngayon, siguro ito 'yung
sinasabi nilang kilig.

"Malayo pa ba?" ilang beses na tanong ni Dan habang naglalakad kami papunta sa
batis. Bawal kasi ang kotse dahil hindi kasya sa daanan. Mahigit sampung minuto
na kaming naglalakad papunta sa batis. Bitbit ko ang bag ko at ni Aika.
Samantalang bitbit naman ni Fujima ang mineral water na nakalagay sa isang
gallon, samantalang si Dan bitbit ang isang malaking basket na may lamang
pagkain. Kasama namin ang Mama at Papa ni Aika.

"Medyo malapit na tayo," sagot ng Papa ni Aika.

"Para tayong nag-mountain climbing ang layo pala ng batis rito, useless kung
maliligo ka pag-uwi mo pawisan ka rin," ani Dan.

"Hindi lang kayo sanay kaya akala n'yo malayo," sagot ng Papa ni Aika.

Kumindat ako kay Aika nang magkasalubong kami ng tingin. Tumawa naman siya
sa'kin pagkatapos hinawakan niya ang kamay ko, ako naman pinisil ko 'yon, kung
sila Dan at Fujima napapagod sa paglalakad ako mas na-eenjoy ko 'to dahil kasama
ko si Aika ng matagal.

"Dan, grabe ang daming langgam dito," ani Fujima.

Napangiti na lang ako nang marinig ko ang sinasabi ni Fujima.

"Kahit saan ka lumingon ang daming langgam,"

Alam ko na ang ibig sabihin ng dalawa dahil ang magulang ni Aika ay magkahawak
ang kamay habang masayang nag-uusap.

"Iwasan n'yo na lang para hindi kayo kagatin," sagot ko.

"Nandito na tayo," sabi ng Papa ni Aika.

Napanganga kami sa batis na sinabi ng Papa ni Aika. Maraming puno sa paligid at


ang linis ng tubig napansin din namin na may falls doon. Marami rin ang mga
taong naliligo roon. Ang lamig din ang hangin sa lugar na iyon.

"Sulit ang pagod natin Dan," nakangising sabi ni Fujima.

May mga dalaga kasing naliligo sa batis kaya gumanda ang mood ng dalawa kong
kaibigan.

"Oo nga, mukhang mag-eenjoy ako rito," ani Dan.

Naglatag kami ng banig at kumot sa gilid ng batis at pagkatapos inilipag namin


ang mga dala naming gamit. Pagkatapos agad ba lumusong ang dalawa kong kaibigan
kung saan maraming babae. Kami naman ni Aika ay lumusong sa tubig, naiwan ang
magulang ni Aika para mag-bantay ng dala naming gamit.

"Ang lamig!" ani Aika nang lumusong kami sa tubig.


Sobrang lamig kasi ng tubig sa batis. Pumunta kami sa may falls kung saan
malalim ang tubig doon, maligamgam naman ang tubig doon. Magkahawak ang kamay
naming dalawa ni Aika habang nagbabad kami sa tubig.

"Miss, ganda!" Narinig kong tawag ng lalaki na isang metro ang layo sa'min.

Hindi iyon pinansin ni Aika kahit alam kong siya ang tinutukoy nito.

"Miss na maganda na nakasuot ng red t-shirt!" tawag uli ng lalaki.

"Ako ba?" tanong ni Aika.

"Ikaw nga, anong pangalan mo? Pinapatanong ng kaibigan ko," turo nito sa
katabing lalaki.

Inakbayan ako ni Aika. "Itanong n'yo rito sa boyfriend ko," sabay ngiti sa'kin.

Tinitigan ko naman ng masama ang dalawa. Subukan nilang mangulit maiiwan ang
katawan nila sa batis.

"Pre, taken na pala siya," sabay alis ng dalawa.

"Huwag ng mainis," sabay haplos niya sa mukha ko.

"Hindi naman ako naiinis," pagsisinungaling ko.

"Hindi raw kaya pala ganyan itsura mo," pagkatapos bigla niya akong winisikan ng
tubig na sunod-sunod.

"Ikaw ha!" Winisikan ko rin siya ng tubig. Sumisid si Aika sa malamin at hinabol
ko siya. Pagkatapos nagulat ako nang biglang lumubog si Aika sa ilalim ng tubig.

"Aika!" Sumisid ako upang sagipin siya, mula sa ilalim nakita ako ang paa niya
ay naipit ng malaking bato kaya hindi siya makalangoy.

Inaalis ko ang bato ngunit dahil malaki ito medyo nahirapan akong alisin.
Nakakainom na ng tubig si Aika dahil nasa pinakamalim kami na parte ng batis.
Tumakbo na rin sina ang Papa ni Aika, Dan at Fujima para tulungan kami.
Pinagtulungan naming alisi nina Dan at Fujima ang bato mula sa ilalim. Nang
maalis namin iyon binitbit naman si Aika ng Papa niya, wala ng malay si Aika.
Kinabahan ako at natakot, nagkagulo na rin ang mga tao sa may batis sa'min na
natuon ang atensiyon. Inihiga si Aika sa batuhan.

"Ako na po," sabi ko.

Sini-CPR ko siya iyon kasi ang basic na ginagawa kapag nalulunod. "Aika, wake
up," sambit ko habang sini-CPR ko siya. Ilang minuto pa, bigla siyang umubo.
Nakahinga ako ng maluwag.

"Thanks God!" bigla ko siyang niyakap ng mahigpit. Wala na akong pakialam kung
magalit ang magulang ni Aika.

"I was scared of losing you," sabi ko.

"Thank you for saving my life."

Nagsibalikan na sa kanya-kanyang lugar ang mga tao at nagpatuloy na sila sa


paliligo. Hindi na kami muling naligo ni Aika. Kami na lang ang bantay sa mga
gamit namin. Pagkatapos nilang magsawa sa tubig, kumain kami ng sabay-sabay
pagkatapos magpahinga muli silang naligo kami naman ni Aika ay nagbihis na ng
damit. Nagbanlaw kami sa poso na malapit doon. Pagdating ng hapon umuwi na kami.

"Papa, babalik na po ako ng Manila, ipagpapatuloy ko ang pag-aaral ko," sabi ni


Aika habang naglalakad kami pauwi.

Pinisil ko ang palad ni Aika kaya tumingin siya sa'kin. Ngumiti siya sa'kin.

"Alam kong sasabihin mo 'yan sa'kin, sige, bumalik na lang kayo rito kapag wala
kayong pasok,"

"Salamat po," sabi ng Papa ni Aika.

"Ingatan mo ang anak ko, Ryuuji," sabi ng Papa ni Aika sa'kin.

"Makaasa po kayo," sagot ko.

"Good, dadalaw na lang ako sa inyo anak kung papayag ang Mama mo," sabay tingin
sa Mama ni Aika.

"Walang problema, free kang pumunta sa bahay," sagot ng Mama ni Aika.

"Salamat po, Papa sa pagtanggap mo sa'min dito,"ani Aika.

"Salamat din sa pagpapatawad mo sa'kin," nakangiting sabi ng Papa ni Aika.

Nakangiti ako habang nakikinig ako sa usapan nila. Proud ako sa girlfriend ko
dahil sobrang bait niya, nagawa niyang magpatawad sa Papa niya, pangako sa
sarili ko na hindi ko siya papaiyakin dahil ang katulad ni Aika ang babaing
dapat siniseryo at minamahal ng lubusan.

CHAPTER 21 [The Bad Boy's First Kiss]

[Aika]
"GOOD MORNING!"

Iyon ang salitang narinig ko matapos maputol ang panaginip ko, dahan-dahan kong
iminulat ang mga mata ako.

"R-Ryuuji?" Nauutal kong sambit nang makita ko si Ryuuji na nakahalukipkip ang


mga kamay habang nakatayo sa harapan ko at nakangiti, suot niya ang kanyang
school uniform.

Yumuko siya upang makalapit ang mukha niya sa'kin. Tinitigan niya ako ng ilang
segundo. "Bumangon ka na, Yats, kailangan nating pumasok sa eskuwela," sambit
niya, ngunit hindi pa rin nito inaalis ang mukha niya sa harapan ko.

Umiwas ako ng tingin sa kanya, hindi ko kasi kayang titigan lalo na't hindi pa
ako naghihilamos at nagto-toothbrush. Hindi ko nga alam kung may morning stars
ako sa mga mata.

"Anong papasok sa school?" sagot ko.

Inangat niya ang mukha niya at pagkatapos ay umupo sa gilid ng kama ko. Para
akong kinukuryente nang suklayin niya ang buhok ko. Ang bilis din ng tibok ng
puso ko, bakit kasi pinayagan ni Mama na makapasok si Ryuuji sa silid ko.

"Remember almost two weeks ka ng hindi pumapasok, mabuti na lang at ako ang
boyfriend mo kung hindi wala ka ng scholar ngayon."

Humarap ako sa kanya. "Oo nga pala, kailangan ko ng pumasok sa school," bumangon
ako at kinuha ang towel ko. Hinayaan ko na si Ryuuji sa loob ng silid ko. Kapag
kasi late na akong natulog sa gabi nahihirapan na akong gumising sa umaga, iyon
ang bagay na mahirap para sa'kin.

Sampung minuto lang ang tinagal ko sa banyo pagpasok ko sa loob ng silid ko


nakita kong nakahanda ang susuotin kong uniform maging ang underwear ko ay
nakahanda na rin. Marahil hinanda na ni Mama para hindi na ako maghahanap pa sa
loob ng kabinet. Pagka-bihis ko lumabas na ako ng kuwarto hindi pa ako
nagsusuklay sa kotse na lang ni Ryuuji.

Naabutan ko si Ryuuji at Mama sa kusina at kumain ng almusal. Umupo ako sa gitna


nilang dalawa. Nilagyan ni Ryuuji ng sinangang at piniritong hotdog ang plato
ko.

"Thank you, Huds," sabay ngiti ko sa kanya.

Napansin kong wala pa akong timplang kape. "Mama, penge po akong kape," sabi ko.
Naiinggit kasi ako kay Mama at Ryuuji may iniinom na kape.

"Here," sabay abot ni Ryuuji ng baso niyang may lamang kape. Umuusok pa ang kape
niya halatang bagong timpla pa lang.
"Sa'yo 'yan, e. Magtitimpla na lang ako," tatayo na sana ako para mag-timpla.

"No need, hindi ako nagkakape tinimpla ko talaga 'yan para sa'yo," matamis
siyang ngumiti.

Bigla akong nahiya sa sinabi niya. Yumuko ako. "Thanks," sabi ko.

"Ikaw talaga Aika, dapat hindi ka nagpupuyat kung may pasok ka, mabuti na lang
talaga at nandiyan si Ryuuji, hinanda na ang susuotin mo'ng damit," sabad ni
Mama.

Biglang akong huminto sa pagsubo ng pagkain. Ibig sabihin siya ang kumuha ng bra
at panty ko. Yumuko ako dahil sa sobrang hiya sa kanya, Natapos kaming kumain
nang hindi ko tinitingnan si Ryuuji.

"Mag-iingat kayong dalawa," habol na sabi ni Mama sa'min nang makasakay ako sa
kotse ni Ryuuji.

Nakayuko pa rin ako habang binabagtas namin ang daan patungo sa school.

"What's wrong with you? Hindi ba sumasakit ang leeg mo? Kanina ka pa nakayuko,"
tanong niya.

"Eh, kasi—bakit mo ako pinaghanda ng susuoting damit, nakita mo tuloy ang undies
ko," feeling ko pulang-pula ang mukha ko dahil sa sinabi ko.

"Psh! 'yon lang ba ang dahilan kung bakit hindi ka makatingin sa'kin? Masanay ka
na dahil kapag mag-asawa na tayo, ako pa ang magsusuot at maghububad ng bra at
panty mo," sabay tawa niya ng malakas.

"Bastos! Sasabihin ko kay Mama na huwag ka ng papasukin sa kuwarto ko,"

"Huwag kang mahiya sa'kin, Yats, ako lang 'to, ang pogi mo'ng boyfriend,"

Tumingin ako sa kanya at tinaas ko siya ng kilay ng lumingon siya. "Na-apektuhan


na rin yata ang ulo mo dahil sa pagkakabangga mo, 'yung oxygen na iniligay sa'yo
napunta sa utak mo, alam kong pogi ka pero 'wag mo'ng ipagyabang nakakaumay
din,"

"See...eh, di naging okay ka na, sabay tayong kumain ng lunch mamaya, 'wag kang
kakain ng wala ako," sabi niya.

"Opo, mahal na hari," sagot.

"Very good, aking mahal na reyna," sabay ngiti niya.

Nawala na ang hiya ko sa kanya nagsimula na ulit kaming mag-asaran dalawa, mag
gusto ko ang ganitong set up namin 'yung hindi kami nawawalan ng asaran sa
tuwing nag-uusap kami, ang hirap kasing maging seryoso ang usapan naming dalawa
dahil nagiging sweet si Ryuuji.

Alas sais pa lang ng umaga nang makarating kami sa school. Nauna akong lumabas
ng kotse at nagmadaling naglakad palayo kay Ryuuji, ngunit nagulat na lang ako
nang bigla niyang hilahin ang braso ko palapit sa kanya. Sa pagkabigla ko muntik
ng dumikit ang labi ko sa labi niya. Ilang segundo kaming nagkatitigan dalawa
habang ang mga puso namin ay parang nag-uusap.

"Hintayin mo ang boyfriend mo," sabi niya.

Tumango at pagkatapos mabilis na umiwas ng tingin sa kanya, napansin ko rin ang


mga pa-ilan-ilang estudyante na nakatingin sa'min dalawa. Ngunit hindi namin
iyon pinansin.

Pumunta kami sa opisina ng principal upang ipaalam na papasok na ako. Nakaupo


ako sa isang sulok habang hinihintay na dumating ang principal si Ryuuji naman
ay naka-dikwatrong nakaupo sa inuupuan ng principal.

Sinipat niya ang relo niyang pambisig. "Dapat bago mag-alas siyete ng umaga
nandito na siya," ani Ryuuji.

Tumingin ako kay Ryuuji. "Umalis ka nga diyan sa upuan ng principal, nakakahiya
diyan ka pa nakaupo,"

"Don't mind me, i want to sit here, mas kumportable," sagot niya.

"Hays! Bahala ka nga," sabi ko

Ilang saglit minuto pa dumating na rin ang principal namin. Tumayo ako sa
kinauupuan ko upang magbigay galang sa kanya samantalang si Ryuuji hindi man
lang ito tumayo.

"Good morning, Ma'am," bati ko.

"Good morning, Aika," bati niya sa'kin.

Kilala ako ng principal namin dahil sa pageant na sinalihan ko at higit sa lahat


marahil kilala ako dahil ako lang ang scholar na laging absent.

Sinenyasan ko si Ryuuji na umalis sa upuan ng principal. Agad naman itong umalis


at lumapit sa'kin.

"Anong mai-paglilingkod ko sa inyong dalawa?" tanong ng principal.

"Ma'am, gusto ko lang po'ng sabihin na papasok na ako sa klase," sabi ko.

"Okay, magaling ka na ba?" tanong ng principal namin.


"Po?" sabay lingon ko kay Ryuuji. Umiwas siya ng tingin sa'kin.

"Ang sabi ko kung magaling ka na," muling sabi ng principal.

Ilang beses akong tumango sa kanya. "Opo, magaling na po ako,"

"Good, uso talaga ang trangkaso ngayong panahon dahil malapit na ang tag-ulan,
sige na pumasok na kayo sa klase niyo," sabi ng principal.

"Salamat po," pagkatapos ay hinawakan ni Ryuuji ang kamay ko palabas ng opisina


ng principal.

"Sinabi mo'ng nagkasakit ako kaya hindi ako nakapasok?" tanong ko sa kanya nang
nasa labas na kami.

"Yes, para valid reason ang pagliban mo sa klase,"

"Parang nakakahiya nama, baka mamaya matuluyan na akong magkasakit,"

Huminto si Ryuuji sa paglalakad at humarap sa'kin at tinitigan ako. "Hanggat


maari hindi kita hahayaang magkasakit dahil aalagaan kita," sabi niya.

"Thank you," tipid kong sagot.

Hindi ko maintindihan ang puso ko sa tuwing bigla-biglang nagiging sweet sa'kin


si Ryuuji. Bumibilis kasi ang tibok ng puso at pati ang sistema ko nagugulo na
rin.

"Kinilig ka ba?" sabay kindat niya sa'kin.

"H-Hindi kaya!" sabay iwas ko ng tingin sa kanya.

Pinisil niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. "I may not be the
perfect boyfriend for you, but I can promise to you that you always will be my
baby,"

Napaka-impokrita ko naman kung hindi ako kinilig sa sinabi niya. Siyempre kilig
na kilig ako pero ayokong ipahalata sa kanya. Hinatid niya ako hanggang sa loob
ng classroom namin. Hindi siya umalis hanggat hindi dumadating ang professor
namin.

"Excuse me, kayong dalawa na ba?" lakas loob na tanong ng isa kong kaklase na
babae.

Hinawakan ni Ryuuji ang kamay ko at pagkatapos inangat niya ito upang makita ng
kaklase ko.
"What do you think, stupid?" Seryosong sagot ni Ryuuji.

"Ay! Sorry," sabay alis ng kaklase ko.

Nahiya ako sa inasal ni Ryuuji ngunit hindi ko naman siya pwedeng kontrahin
dahil gano'n talaga siya makipag-usap sa mga estudyante. Mayabang at ma-angas
ang image niya sa school at maging sa labas, sa unang tingin mo kay Ryuuji hindi
mo susubukang makipagbiruan sa kanya dahil baka hindi mo mahulaan kung saan ang
bagsak mo. Badboy look talaga siya, kaya naman ilag sa kanya ang ibang mga
estudyante.

Nang dumating ang professor namin ay tumayo na si Ryuuji.

"See you later, Yats!" sabi niya habang nakapamulsa siyang naglalakad palabas ng
classroom.

"See you," mahina kong sagot.

Nakatanaw ako sa kanya habang palabas siya maging ang mga kaklase ko at
nakatanaw rin sa kanya. Napakunot-noo ko nang bigla itong huminto sa paglabas
nasa may tapat na kasi siya ng pintuan ng classroom namin. Humarap siya sa'kin
bagay na pinuna ng professor namin.

"What's wrong?" nakataas pa ang kilay na tanong ng professor namin.

"May nakalimutan ako," sagot niya. Pagkatapos muling lumapit siya sa'kin.

"Anong nakalimutan mo?" takang tanong ko.

He bent down para magpantay kami. Nakasuksuk pa rin ang dalawang kamay niya sa
bulsa ng pantalon niya. Nakatitig siya sa'kin pagkatapos huminto sa labi ko. My
lips parted. Hindi ko alam kung anong iniisip niya.

"I forgot my energy drink," sabi niya.

Mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya. "Wala sa'kin ang energy drink mo, baka
nasa bag mo," sagot ko.

"Nope, nasa sa'yo at kukunin ko na," nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang
inilapit ang mukha niya sa mukha ko, bago pa ako makapa-reak sa sinabi niya
bigla niya akong hinalikan sa labi pagkatapos tumalikod siya at humakbang
papalayo.

Daig ko pa ang ginamitan ng spell dahil sa ginawa niya, he kissed me infront of


my classmates and professor. Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko na tila 'yon na
lang ang naririnig ko sa paligid ko. My cheeks heat up. Para akong may mataas na
lagnat na 40° temperature.
"Sila na nga talaga,"

"Grabe! Ang sweet ni Ryuuji, mapapa-sana all ka na lang talaga."

Naririnig kong bulong-bulungan ng mga kaklase ko. Napakagat labi ako habang
kunwaring nakikinig sa turo ng professor ko, pagkuway dahan-dahan kong kinapa
ang labi kong hinalikan niya, pakiramdam ko naka-dikit pa rin ang labi niya
sa'kin.

"Uy! Ang boyfriend mo," sabay siko sa'kin ng isa kong kaklase na si Jenica.

Nililigpit ko na kasi ang mga gamit ko upang lumabas at kumain ng lunch. Ang iba
kong kaklase ay kanina pa naka-alis.

Hindi ako na ako nakapagsalita dahil pumasok na si Ryuuji sa loob ng classroom


namin.

"Let's go, Yats," sabi niya. Kinuha niya sa'kin ang bag ko at siya ang nagbibit
pagkatapos kinuha niya ang kamay ko. "Dapat palagi tayong naka-holding hands sa
tuwing magkasabay tayong naglalakad," sabi niya.

Tumango at tipid na ngumiti.

"Kumusta na ang klase mo kanina?" tanong ko sa kanya.

"Boring nakatulog nga ako," sagot niya.

"Hindi ka naman yata pumapasok sa school, dapat nag-aaral ka ng mabuti dahil


sayang ang ginagastos sa'yo ng parents mo,"

"Magkaka-graduate ako kahit hindi ako pumasok,"

"Ayoko sa lalaki 'yung umaasa na lang sa magulang," sabi ko.

Biglang tumahimik si Ryuuji. Na-offend yata sa sinabi ko dahil hindi na


nagsalita hanggang sa makarating kami ng cafeteria.

"Ano'ng gusto mo'ng kainin?" tanong ko sa kanya.

"No, ako na ang bibili ng pagkain natin stay here, bantayan mo ang gamit natin."
pagkatapos ay pumila na siya.

Inilagay ko sa kabilang table ang bag naming dalawa habang naghihintay sa kanya
naglalaro naman ako ng game sa cellphone ko. Ngunit isang minuto pa lang ang
lumilipas narinig ko ang tunog ng ringtone ng cellphone. Hindi ko sana 'yon
papansin ngunit narinig kong galing iyon sa bag ni Ryuuji. Binuksan ko ang bag
niya at pagkatapos ay kinuha ko ang cellphone niya. Nakita ko sa screen ng phone
niya ang pangalan Baby Love Nakaramdam ako ng inis nang mabasa ko ang pangalan
na 'yon sinagot ko ang tawag na 'yon.

"Baby Boy, how are you, I miss you so much. I'm back, where are you, I will
fetch you,"

Nakaramdam ako ng lungkot sa narinig ko, gustong kong magsalita at sabihin,


Hello, this is his girlfriend, what do you need for my boyfriend?

Ngunit tila nanigas ang kamay ko at ang bibig ko ay hindi ko magawang ibuka para
magsalita.

"Are you there?"

In-off ko ang cellphone ni Ryuuji nang makita kong nagbabayad na siya ng binili
niyang pagkain. Mabilis kong inilagay ang cellphone niya sa bag. In-off ko pa
iyon upang hindi na muling tumawag ang babae.

Pinilit kong baliwalain ang tawag na 'yon ngunit sa tuwing naiisip ko ang
sinasabi niya hindi ko mapigilan ang mapaluha bagay na napansin ni Ryuuji nang
inilapag niya ang mga pagkain sa table.

"Bakit ka umiiyak? May umaway ba sa'yo nang wala ako?" lumapit pa siya sa tabi
ako at inakbayan ako.

Napakagat labi ako at huminga ng malalim. Humarap ako sa kanya at pilit na


ngumiti. "W-Wala may napanood ako sa youtube na nakakaiyak kaya nadala ako, tara
kumain na tayo," kinuha ko pa ang pagkain ko at sunod-sunod ko iyon sinubo,
dahilan para mabilaukan ako.

"Dahan-dahan lang kasi," pinainom niya ako ng tubig. Pagkatapos pinunasan niya
ang bibig ko gamit ang sarili niyang panyo.

"Bakit ang sweet mo sa'kin?" tanong ko.

"What a stupid question, of course you're my girlfriend, kailangan kitang


alagaan at protekhan kasi mahal kita," seryoso pa itong nakatingin sa'kin.

Tinitigan ko siya. "Ako lang please... Ako lang ang mahalin mo, Huds," sabi ko.

Nagsalubong ang kilay niya. "Ano ba'ng nangyayari sa'yo? Siyempre ikaw lang ang
mahal ko, hahanap ba ako ng bituin at buwan kung nasa akin ang mundo. I love
you, Yats," sambit niya.

"I love you too, Huds," sagot ko.

Nagulat ako nang bigla niya akong hinalikan sa labi, mabilis lang iyon ngunit
para na akong hihimatayin sa kilig.
CHAPTER 22 [The Bad Boy's First Kiss]

[Aika]

Bente minutos na akong naghihintay kay Ryuuji upang sabay kaming pumasok sa
eskwela. Simula nang bumalik ako sa school hatid sundo na rin niya ako.
Nasasanay na rin ako na may boyfriend dahil sobrang sweet ni Ryuuji.

Hindi ko na rin inisip ang tumatawag sa kanya na Baby Boy dahil alam kong hindi
naman iyon papansinin ni Ryuuji. Minsan pa nga naiiwan ni Ryuuji ang cellphone
niya sa bag ko.

"Aika, ano'ng oras ba darating si Ryuuji? Baka ma-late na kayo," ani Mama.
Hindi kasi siya nagtinda ngayon dahil dadalaw si Papa sa bahay namin mamaya,
sayang nga dahil hindi ko maabutan kasi hapon pa ako makakauwi.

"Hindi po siya tumatawag or kahit text sa'kin,"

"Baka tinanghali ng gising ang batang 'yon, mag-text ka na lang na mauuna ka


na,"

Tumango ako. "Sige po,"

Iyon nga ang ginawa ko nagtext ako kay Ryuuji na mauuna akong pumasok dahil baka
ma-late ako. Pagkatapos ay umarkila na lang ako ng trycycle hanggang sa school
namin.

Papasok na ako ng university nang may humintong puting kotse sa harapan ko.
Saglit akong tiningnan ito pagkuway tumalikod na ako ngunit hindi pa ako
tuluyang nakakapasok sa loob ng university narinig kong tinawag ang pangalan ko,
lumingon ako at nakita ko ang magandang babae na lumabas sa kotse.

"Ikaw ba si Aika?" nakataas pa ng kilay niyang tanong sa'kin.

Pinagmasdan ko siya mula ulo hanggang paa. Sigurado akong hindi siya estudyante
ng school dahil hindi naman siya nakasuot ng uniform, sa halip naka-maong short
lang siya at crop top na damit, nakatali ang buhok niyang kulay itim ngunit ang
bangs niya ay puti. Napansin ko ang tattoo niya sa kanyang pulsuhan. Ngunit mas
nagulat ako nang mabasa ko ang makita ko ng buo ang tatto niya. Ryuuji iyon ang
nakatattoo sa kanya.
Maliit ang mukha niya, may makinis siyang balat at makipot ang labi niya, hindi
rin nakaligtas sa'kin ang mahaba niyang pilikmata.

Siya si Baby love?

"Bakit mo tinatanong?" sagot ko.

Lumapit siya sa'kin at kinuha ang ID ko at binasa ang pangalan ko. "Tama nga
ako, ikaw si Aika, alam mo ba'ng kanina pa ako naghihintay sa'yo roon!" sabay
turo niya sa pinaka-unahan. Marahil doon siya naka-park kanina.

"Anong kailangan mo sa'kin?" diretsang sagot ko.

"Wala akong kailangan sa'yo, ang gusto ko lang hiwalayan mo si Baby Boy ko— I
mean si Ryuuji," sagot nito.

"Bakit ko naman 'yon gagawin— ouch!" napahawak ako sa pisngi ko nang bigla niya
akong sinampal.

"Hindi lang 'yan ang kaya kong iparamdam sa'yo kung hindi mo hihiwalayan si
Ryuuji. Matagal na kaming magkakilala, pareho kaming mayaman, ang pamilya namin
ay magkaibigan kaya kaming dalawa ang nakatakdang mag-pakasal, akin lang si
Ryuuji, naiintindihan mo! Akin lang siya!" sigaw niya sa'kin.

Sa lakas ng boses niya nakuha niya ang atensiyon ng mga estudyanteng dumadaan
sa'min.

"Mahal ko si Ryuuji kaya wala akong dahilan para hiwalayan siya," sabi ko.

"Matigas ka ha!" Muli niya sana akong sasampalin ngunit sa pagkakataong iyon
hinuli ko na ang kamay niya upang pigilan siya.

Matalim ko siyang tinitigan. "One is enough," sagot ko.

Pinisil ko ang palapulsuhan niya at pagkatapos ay itinulak ko siya. Muntik pa


siyang bumagsak sa lupa kung walang kotse nakaharang sa kanya.

"Magbabayad ka!" Sasampalin niya sana ako nang biglang may kamay na humarang sa
kanya, nang tingalain ko nakita ko si Ryuuji, nakasuot siya ng uniform at habang
ang isang kamay nito ay nakapamulsa. Seryoso ang mukha niyang nakatingin kay
Baby Love.

"Baby Boy," sambit ni Baby Love.

"Shantal, bakit mo sinasaktan ang girlfriend ko?" sabay tulak niya rito.

Shantal pala ang pangalan niya.

"Hindi ko siya sinasaktan ako ang tinulak niya kaya ako lumaban sinaktan niya
ako," umiyak pa ito.

Tumingin sa'kin si Ryuuji at pagkatapos hinawakan niya ang kamay ko bago muling
tumingin kay Shantal.

"Alam ko kung gaano ka kasinungaling, 'wag mo'ng sasaktan ang girlfriend ko


dahil ako ang makakalaban mo," sabay talikod ni Ryuuji. Tumalikod na rin ako at
pagkatapos magkasabay kaming naglakad papasok sa loob ng school.

"Ano'ng ginawa niya sa'yo, Yats?" tanong niya sa'kin.

Umiling ako. "Sasampalin niya sana ako pero dumating ka,"

"Nababaliw na talaga ang babaing iyon,"

"Close ba kayo? mukhang kasing may gusto siya sa'yo,"

Hindi siya kumibo sa'kin bagkus ay nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa


ihatid niya ako sa classroom namin.

"Ikaw ang mahal ko, Yats." sabi niya. Lumapit siya sa'kin pagkatapos yumuko siya
at hinalikan ako sa sintido. "Hihintayin kita mamaya sabay tayong kumain ng
lunch,"

Ngumiti ako sa kanya. "Sige,"good luck!"sabi ko.

Kumaway siya sa'kin habang naglalakad siya papunta sa classroom niya ako naman
ay pumasok na sa classroom namin.

Ngayon kilala ko na ang babaing tumatawag kay Ryuuji at alam kong hindi siya
gusto ni Ryuuji.

*******

Pagsapit ng tanghalian hinintay ako ni Ryuuji na matapos ang huling klase ko sa


umaga pagkatapos sabay kaming kakain ng lunch. Ngunit hindi kami sa cafeteria
kumain ngayon.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko habang nakasakay kami sa kotse niya.

"Nangyaya si Dan at Fujima na kumain sa bagong bukas na fast-food malapit sa


katabing mall na hindi kalayuan dito,"

"Sige, pero sandali lang tayo kailangan ko kasing humabol sa mga lectures,"

"Don't worry, Yats, ihahatid kita bago ang klase mo,"

Ngumit bago pa kami makarating sa pupuntahan namin may nag-over take na dalawang
motor sa'min pagkatapos humarang sila sa dadaanan namin. Ihinto ni Ryuuji at
matalim na nakatingin sa unahan kung saan nakaharang ang dalawang motor.

"Ryuuji, sino sila?" tanong.


Sa halip na sagutin ako muling pinaandar ni Ryuuji ang kotse niya.

"Teka, 'wag mo'ng sabihin na babanggain mo sila?"

Napahawak ako ng mahigpit sa gilid dahil pakiramdam ko tatalsik ako kapag


binangga ni Ryuuji ang dalawang motor. Ngunit nang malamit na kami bigla namang
umalis ang dalawang naka-motor sa dinadaanan namin. Nakahinga ako ng maluwag
dahil wala kaming nabanggang tao.

"Thanks God, hindi mo sila binangga,"

Kapag kasi sinadyang banggain ni Ryuuji 'yon baka mapatay nya ang mga nakasakay
at maging kriminal pa siya.

"Hindi sila magpapakamatay," sagot nito.

"Sino ba sila? Bakit gano'n ang trip nila?"

"Grupo 'yon ng isa sa mga nakaaway namin, gustong makabawi kaya gano'n,"

"Dapat ni-report mo ang ganyan, nakakatakot ang mga gano'n tao,"

"Hindi sila ang klase ng tao na natatakot,"

"Ay!" Napasigaw ako.

Nang biglang may bumangga sa likod ng kotse ni Ryuuji. Tumingin sa salamin si


Ryyuji.

"Anong nangyayari?" bakas sa mukha ko ang takot.

"Hold on," sabi niya.

Imbis na huminto kami at tingnan ang nakabangga sa'min mas pinabilis pa ni


Ryuuji ang pagpapatakbo sa sasakyan niya.

"Ryuuji!"

Dalawang kamay ko na ang nakahawak sa inuupuan ko. Hindi ko alam kung ano ang
nanyayari ngunit siguradong nasa panganib kaming dalawa.

Sinilip ko mula sa side mirror ang nasa likod namin at nakita ko ang itim na
kotse at ang dalawang motor kanina na humarang sa'min. Nakaramdam ako ng takot
sa kaligtasan naming dalawa.

"Sino sila?"
Ngunit hindi ako pinansin ni Ryuuji. Mabilis niyang pinatakbo ang sasakyan
hanggang sa huminto kami sa lugar na maraming tao. Doon bumagal ang takbo ni
Ryuuji, nang muli akong tumingin sa side mirror wala na ang humahabol sa'min.

"Wala na sila," sabi ko.

"Ihahatid na kita sa inyo bago ko sila balikan," seryosong sabi ni Ryuuji.

"Huds, please, 'wag mo na silang balikan baka mapahamak ka,"

"I'm sorry, hindi kita mapagbibigyan," sagot niya.

"Huds, nakikiusap ako sa'yo, kahit para na lang sa'kin,"

"I'm sorry, Aika," sagot niya sa'kin.

"Kung ayaw mo sasama na lang ako sa'yo hindi ako uuwi,"

Matalim niya akong tinitigan. "Huwag kang matigas ang ulo," ani Ryuuji.

Kahit sinabi ko sa kanya na ayokong umuwi, hinatid pa rin niya ako sa bahay
namin.

"Bumaba ka na," sabi niya sa'kin.

Nasa tapat na kasi ako ng bakuran namin ngunit hindi pa rin ako umaalis.

Sumimangot ako. "Ayoko!"

Bumuntong-hininga siya pagkatapos lumabas ng kotse. Umikot siya upang buksan ang
pinto na nasa harap ko. Pagkatapos tinanggal niya ang seatbealt ko. "Lumabas ka
na diyan, Yats,"

"Tse!" sabay irap ko.

Nagulat ako nang bigla niya akong buhatin. Hindi ako makasigaw dahil baka kung
ano ang isipin ng kapitbahay naming tsimosa.

"Ibaba mo ako," utos ko sa kanya.

"Ibaba kita kapag nasa loob ka na ng bahay n'yo," sabay kindat sa'kin.

Nakakainis hindi man lang siya na-apektuhan sa galit ko sa kanya.


"Ano'ng nangyari kay Aika?" tanong ni Mama nang makita niya akong binuhat ni
Ryuuji.

"Mama, gusto niyang buhatin ko siya," ani Ryuuji.

"Hindi po Mama,"

Inilipag ako ni Ryuuji sa sofa namin. Pagkatapos yumuko siya upang magpantay
kaming dalawa. Tumingin siya sa'kin. "Pangako ko sa'yo safe akong makakauwi ng
bahay, tatawag ako sa'yo pagnaka-uwi na ako," ngumiti siya sa'kin.

"Bakit kailangan mo silang balikan? Nag-aalala ako para sa'yo,"

"Gusto kong turuan ng leksiyon ang mga 'yon para hindi na umulit,"

"Ryuuji..."

Hinimas niya ang ulo ko. "Good night," pagkatapos lumapit siya kay Mama upang
magpa-alam.

Wala akong nagawa kung hindi ang sundan siya ng tanaw habang paalis siya.

CHAPTER 23 [The Bad Boy's First Kiss]

[Aika]

Halos hindi ako nakatulog dahil sa pag-iisip kay Ryuuji, alam ko kasing
binalikan niya ang mga taong humarang sa'min kahapon. Kilala si Ryuuji bilang
estudyante na mahilig sa gulo kaya sa tuwing may gulo sa school palaging si
Ryuuji ang bukang bibig ng mga estudyante kahit hindi naman siya ang nagsisimula
sa gulo.

"Bakit ganyan itsura mo?"tanong sa'kin ni Mama habang kumain kami ng almusal.

Umiling ako. "Hindi lang po ako nakatulog ng maayos,"

"Hays! sabihin mo diyan kay Ryuuji 'wag kayong magpupuyat sa pagte-text or tawag
may mga pasok pa kayo," sabi ni Mama.

Sumimangot ako. "Hindi naman po kami nagpuyat, hindi nga siya nagparamdam
sa'kin,"

"Ayun! Kaya ka napuyat kakahintay mo na tawagan ka ni Ryuuji."

Tumango ako bilang pagsang-ayon kay Mama. Hindi ko muna sa kanya sasabihin ang
totoong dahilan.

"Mag-iingat ka sa pagpasok, parang hindi ako sanay na makita kang nagco-


commute,"

"Papasok na po ako," sabay halik ko kay Mama sa pisngi.

Nag-arkila si Mama ng trcycle papunta sa school namin ngunit hindi pa kami


nakakalayo sa bahay namin nakita ko ang kotse ni Fujima na papunta sa bahay kaya
pinahinto ko ang tycycle sa gitna ng dadaan ng kotse ni Fujima. Nang huminto ito
ay bumaba ako ng trycycle at hinintay itong lumabas.

"Fujima!" tawag ko nang lumabas ito ng kotse. Nakangiti siya sa'kin habang
papalapit.

"Nahuli na pala ako," sabi niya. Tumingin si Fujima sa tycycle driver. "Hindi pa
ba siya bayad?" tanong ni sa driver.

"Ay! Oo nga sorry!" nakalimutan ko pa lang mag-bayad.

"Here, keep the change." sabay abot ng five hundred pesos ni Fujima sa trycycle
driver. Ang lapad ng ngiti ng trycycle driver nang tanggapin ang five hundred
pesos.

"Maraming salamat po," sabi ng driver bago tuluyang umalis.

"Let's go!" ani Fujima.

"Nasaan si Ryuuji?" tanong ko kay Fujima.

Sumeryoso nag mukha ni Fujima. "Walang nakakaalam kung nasaan si Ryuuji."

Bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Lalo na't sinabi niya kahapon na susundan
niya ang mga taong humabol sa'min.

"Baka sinundan niya ang mga lalaking humahabol sa'min kahapon."

Muntik na akong lumusot sa salamin ng kotse nang biglang nag-preno si Fujima.

"Sinabi niya 'yon?" ani Fujima.

Tumango ako. "Sinabi niya kahapon hindi nga ako makatulog dahil sa kakaisip sa
kanya."

Dinukot ni Fujima ang cellphone niya sa loob ng bulsa niya at pagkatapos ay


tumawag ito.
"Dan, magkita tayo ngayon sa school." narinig kong sabi ni Fujima.

Gusto ko sanang pakinggan ang pinag-uusapan nila ngunit hindi naman naka-loud
speaker, ngunit kahit gano'n alam kong tungkol iyon kay Ryuuji.

"Alam n'yo ba kung nasaan si Ryuuji?"

Tinitigan ako ni Fujima. "Mas magandang 'wag ka ng makialam dahil baka madamay
ka pa." Pagkatapos pinatakbo ulit ni Fujima ang kotse niya.

Hindi na niya ako kinausap hanggang sa makarating kami sa university. Hinanap ko


si Ryuuji sa classroom niya ngunit hindi siya pumasok. Mas lalo akong kinabahan
nang malaman kong hindi na pumasok si Fujima at Dan. Hindi na ako makapag-hintay
na na matapos ang subject namin ngayong araw. Gusto ko na kasing hanapin si
Ryuuji.

"Bakit hindi ka mapakali diyan, Aika?" tanong sa'kin ng kaklase kong si Kimmy.

"Huwag mo akong intindihin may iniisip lang ako."

"Dahil ba kay Ryuuji?"

"Alam ko kung nasaan si Ryuuji?" Napahawak pa ako sa braso niya.

"Sinasabi ko na nga ba at si Ryuuji ang hinahanap mo, hindi mo ba nabalitaan na


na-aksidente si Ryuuji kagabi, kawawa nga siya kakagaling lang no'n sa aksidente
—hoy! Saan ka pupunta!"

Tumakbo kasi ako palabas ng classroom namin. Wala akong pakialam kung bigyan ako
ng punishment ng professor namin ang mahalaga sa'kin ay si Ryuuji. Pumara ako ng
taxi papunta sa mansyon nila Ryuuji. Habang nasa loob ako ng taxi hindi ko
maiwasan na hindi umiyak dahil sa pag-aalala ko sa kanya. Ilang beses na rin
akong umusal ng dasal para iligtas si Ryuuji.

Nakarating ako sa mansyon nila Ryuuji ngunit kinakailangan kong humingi ng


permiso sa loob ng tao sa mansyon para maka-usap ang mga tao roon.

Kumatok ako upang marining ng tao sa loob. Agad naman lumabas ang isa sa mga
katulong ni Ryuuji. Lumapit ako sa kanya.

"Magandang tanghali po, alam niyo ba kung saan hospital si Ryuuji?" tanong ko.

"Si Sir Ryuuji? Hindi ko alam," sabay pasok nito sa loob.

"Sandali lang po," isasarado na sana nito ang gate ngunit pinigilan ko siya.

"Hindi ko alam kung saan. Makaka-alis ka na,"pagkatapos ay sinarado niya ang


pinto ng gate.

Muli akong kumatok ngunit hindi ako pinagbuksan. Hindi ko maintindihan bakit
pinagkakait nilang malaman ko kung nasaan si Ryuuji. Bagsak ang balikat ko na
hindi ko man lang nalaman kung anong nangyari kay Ryuuji. Hindi ko na rin
makontak ang mga kaibigan ni Ryuuji.

Hindi na ako bumalik ng school sa halip ay umuwi ako ng bahay namin.

"Aika?" Takang tanong ni Mama sa'kin

"Mano po, Mama." sabi ko pagkatapos ay dumiretso na ako sa loob ng bahay.


Sinundan naman ako ni Mama.

"Maaga ka yatang umuwi?" takang tanong ni Mama.

Umupo ako sa sofa at yumuko. Hindi ako pumasok."

"Bakit naman anak?" Tumabi pa siya sa inuupuan ko.

Huminga ako ng malalim. "Mama, hindi kasi pumasok si Ryuuji ang sabi na-
aksidente raw siya kaya pinuntahan ko siya sa kanila para alamin kung saan
siyang hospital dinala. Pero hindi naman alam ng katulong na nakausap ko kung
nasaan siya." Tumulo ang luha ko. "Sobrang nag-aalala na ako kay Ryuuji."

Hinawakan ako sa balikat ni Mama. "Huwag kang masyadong mag-isip ng masama


malakas si Ryuuji. Hintayin mo na lang na tumawag siya sa'yo."

Umiyak ako sa balikat ni Mama. Pakiramdam ko kasi hindi ko na makikita ulit si


Ryuuji. Hindi ako sanay na wala siya.

Kinagabihan hindi rin ako nakatulog kakaisip sa kanya ilang beses akong nagtext
at tumawag sa kanya at kahit sa social media account niya ay nag-chat na rin ako
ngunit sa lahat ng ginawa ko kahit isa wala siyang naging reply.

Kinabukasan nag-commute na talaga ako papasok ng university dahil hindi na ako


sinundo ni Fujima o kahit si Dan. Pagtapak pa lang ng mga paa ko sa loob ng
univeristy napansin kong sa'kin lahat nakatingin. Ang weird pero parang may mali
sa itsura ko ngayon. Imbes na dumiretso ako sa classroom namin dumaan muna ako
comfort room upang tingnan ang sarili ko. Baka kasi may kung anong mali sa
sarili ko.

Wala namang mali sa itsura at suot kong damit.

Isang minuto ko pa'ng tinitigan ang sarili ko sa salamin bago lumabas ng comfort
room. Paglabas ko may lumapit sa'kin na babae.

"Aika, wala na pala kayo ni Ryuuji?" tanong nito.


Kumunot-noo ako. "Ano?"

"May kasamang babae si Ryuuji nang pumasok ngayon, Nagpakilala ang magandang
babae na siya raw ang bagong girlfriend ni Ryuuji at ang sweet nila dahil
enggange na sila. Pinakita pa nga nila ang rings nila." kinikilig pa ito habang
nagku-kwento.

Pakiramdam ko pinagsakluban ako ng langit at lupa. Tumakbo ako papunta sa


classroom ni Ryuuji nang nasa tapat na ako ng classroom niya may humarang sa'kin
na dalawang lalaki na nakasuot ng white polo at black pants.

"Bawal po kayong lumapit kay Sir Ryuuji."

"Kakausapin ko lang siya." Pakiusap ko.

"Hinila nila ako palayo sa pinto ng classroom ni Ryuuji.

Anong nangyari bakit bigla nawala na ako sa buhay niya. Bakit biglang nag-bago
siya.

"Huds!" Huds!" sigaw ko sa pangalan niya.

Lumingon siya at nagkatitigan kaming dalawa. Tumulo ang luha ko nang makita ko
siya. Mabilis naman siyang umiwas ng tingin sa'kin.

"Huds! Mag-usap naman tayo," sigaw ko ulit.

"Huwag kayong maingay dito," sapilitan akong hinila ng dalawang lalaki.

Nagpumiglas ako. "Kakausapin ko lang siya wala naman akong gagawin masama sa
kanya,"

"Hindi nga kayo pwedeng lumapit sa kanya."

Wala na akong pakialam kung pinagtitinginan na kami ng mga estudyante ang


mahalaga sa'kin ay makausap ko si Ryuuji. Pero dahil malalaking tao sila at
malalaki ang katawan wala akong nagawa nang buhatin nila ako palayo sa classroom
ni Ryuuji.

Wala akong nagawa kung hindi ang pumasok sa klase pero wala naman akong ginawa
sa loob ng klase kung hindi ang umiyak. Alam kong nagmumukha akong kaawa-awa sa
paningin ng lahat pero anong magagawa ko nasasaktan ako.

"Aika, 'diba kaibigan ni Ryuuji ang nasa may pinto?" ani Kimmy.

Tiningnan ko ang sinasabi nila at nakita ko si Fujima at Dan nasa may pinto ng
classroom namin. Tumayo ako upang lapitan sila.

"Excuse me Sir." sabi ko nang dumaan ako sa harapan ng professor namin. Tumango
ito bilang pagsang-ayon.

"Aika, pwede ka ba namin maka-usap?" tanong ni Dan.

Tumingin ako sa kanilang dalawa at pagkatapos ay nauna akong naglakad sa


kanilang dalawa. Lumabas kami ng school at sa isang coffee shop na 'di kalayuan
sa university kami pumunta.

"Siguro naman alam mo na ang tungkol kay Shantal at Ryuuji?" panimula ni Dan.

Bumagsak ang luha ko. "Ano ba'ng nangyayari? Bakit biglang iniwan ako ni Ryuuji?
Hindi na ba niya ako mahal?" Pinunasan ko ang luha ko gamit ang daliri ko.

"Aika, alam mo naman na hindi basta-bastang angkan ang pamilya ni Ryuuji. Ang
nangyayari sa kanya ay kagustuhan ng Daddy niya. Arrange married ang dalawa at
isa sa pinagbabawal kay Ryuuji ang makausap ka, hindi ka niya
Pwedeng lapitan." ani Fujima.

Humagulgol ako ng iyak dahil sa sinabi niya. Hindi ko inisip na mangyayari


sa'min 'to, nakilala ko si Ryuuji bilang isang hard headed na lalaki. Bakit
ngayon kabaliktaran ang nangyayari.

"A-Ang hirap talagang maging dukha. Pati pag-ibig pinagkakait sa'yo. Iyon pala
ang dahilan nila. Sana pala naging mayaman na lang ako para pantay kami ni
Ryuuji."

Hinimas ni Fujima ang likod ko dahil sa lakas ng iyak ko.

"Kilala ko si Ryuuji, hindi niya gagawin ang isang bagay na ayaw niya kung
walang mabigat na dahilan. Alam kong may mabigat na dahilan si Ryuuji kaya niya
tinanggap iyon."

"Mahal na mahal ko si Ryuuji," sabi ko.

"Alam namin at mahal ka rin niya. Kahit kaming mga kaibigan niya ay
pinagbabawalan rin na makita siya."

Tumingala ako "Kahit kayo bawal din?"

Tumango si Dan at Fujima.

"Pero hindi kami papayag na hindi namin malaman ang totoong dahilan ni Ryuuji at
kapag nalaman namin 'yon ay sasabihin namin sa'yo," ani Dan.

Tipid akong ngumiti. "Maraming salamat sa inyo,"


Hinawakan ni Fujima at Dan. "Nandito kami para sa'yo, Aika, kakampi mo kami."
sabi nila.

Muli akong nagpasalamat sa kanilang dalawa. Napaka-bilis ng pangyayari. Kahapon


lang magkasama kaming dalawa ngayon tinatanaw ko na lang ang lalaking mahal ko.

CHAPTER 24 [The Bad Boy's First Kiss]

[Ryuuji]

Mabilis ang pagpapatakbo ko nang sasakyan habang papunta ako sa taong nag-plano
na harangin kami ni Aika. Hindi ko palalapasin ang ginagawa niya.

Nang makarating ako sa kanilang mansyon agad akong pumasok.

"Good afternoon po, Sir Ryuuji." bati sa'kin ng katulong.

Hindi ko iyon pinansin sa halip ay dumiretso ako sa loob. Fuck! Napamura ako
nang makita ko kung sino ang mga nasa loob.

"Ryuuji, mabuti naman at dumating ka," nakangiting sabi ni Daddy.

Matalim ang mga tingin ko kay Daddy, Shantal at sa magulang nito. "Fuck!" sambit
ko. Akala ko si Shantal lang ang nasa mansiyon nila.

"Alam kong darating ka," nakangising sabi ni Shantal.

Gigil na gigil akong lumapit kay Shantal at kinuwelyuhan ko siya. "Bakit mo kami
pinasundan ng girlfriend ko?"

"Nasasaktan ako!" daing niya.

"Ouch!"

Nagulat na lang ako nang may biglang sumipa sa'kin. Tumalsik ako sa semento at
nabasag pa ang naka-display na tinamaan ko.

"Damn it!" sabay bangon ko.

Nakatayo sa harapan ko si Daddy habang nakasimangot. "Why are you hurting your
future bride? " he screamed.

How many times have told you that I would never marry that woman! " sabay duro
ko kay Shantal.
Lumapit sa'kin si Daddy at bigla niya akong sinuntok sa mukha. "How many times
will I tell you that you have to marry her whether you like it or not!"

Pinunasan ko ang dugo sa labi ko dahil sinuntok ni Daddy. I glanced at Shantal


and her parents. Nakangiti sila habang pinapanood kaming dalawa na nag-aaway.

I glanced at her. "I don't love her,"

"You will learn to love her." sabi ni Daddy.

Matalim kong tinitigan si Daddy. "I don't love her, I have a girlfriend and
she is the woman I will marry."

"And who? the girl relying on the school scholar! Is she the one you want?"
Nanginginig ang panga ni Daddy sa galit sa'kin.

"Yes, mahal ko siya!"

"Saan dadalhin ang pagmamahal mo sa kanya? Kaya mo ba siyang protektahan? Kaya


mo bang buhayin siya ng wala ang kayamanan ko? Kung pipilitin mo ang gusto mo
she will be damned!"

Kuyom ang kamao ko sa galit sa sinabi niya. Tumalikod ako upang umalis ngunit
tatlong hakbang pa lang ako ay biglang nagsalita si Daddy.

"Simula ngayong araw kakalimutan mo na ang girlfriend mo, tandaan mo kayang-kaya


ko siyang alisin sa mundo." Pagbabanta niya.

Kuyom ang kamao ko dahil sa galit. Humakbang ako palabas pagkatapos ay sumakay
ako pauwi sa mansyon namin.

Naabutan ko si Mommy sa mansyon. Lumapit siya sa'kin nang makita niya ako.

"Nagkita na kayo ng Daddy mo?"" Bakas sa mukha niya ang pag-alala sa'kin.

Tumingin ako kay Mommy. "Bakit pa siya bumalik? Guguluhin naman niya ang buhay
ko." sabay talikod ko at naglakad papunta sa kuwarto ko. Sinundan ako ni Mommy
hanggang sa silid ko.

"Sinabi ko naman sa'yo na 'wag ka ng maghanap ng iba dahil masasaktan ka lang,"

Tinitigan kong masama si Mommy. "Hindi kita maintindihan, Mom, noon masaya ka na
girlfriend ko si Aika ngayong dumating si Daddy, nabago na rin ang mga sinabi
mo?"

Natigilan si Mommy sa sinabi ko. Noon kasi halos ipagtulakan niya ako kay Aika
pero nang dumating si Daddy. Bigla na rin nag bago si Mommy. Naging sunod-
sunuran na lang siya.
"Dahil akala ko titigilan ka na ng Daddy mo pero hindi pala kaya kung ako sa'yo
sundin mo na lang siya."

Tinitigan ko si Mommy. "Ano'ng gusto n'yo pakasalan ko ang babaing hindi ko


naman mahal?"

"Ano'ng gusto mo Ryuuji, mapahamak si Aika dahil sa'yo?"

Natigilan ako. Bata pa lang kami alam ko na si Shantal ang gusto ni Daddy para
sa'kin kaya naman si Shantal tinatak sa isip niya na ako ang para sa kanya.
Habang lumalaki ako nagre-relbede ako sa Daddy ko. Hanggang sa nakilala ko si
Aika, siya ang nagbigay ng kulay ng buhay ko. Pero ngayon bigla na lang
mapuputol ang relasyon namin dahil kay Shantal.

"Matulog ka na dahil may engagement party kayo bukas," lumabas si Mommy sa


kuwarto ko.

"I want to see her," lumabas ako ng silid upang puntahan si Aika. Ngunit hindi
pa ako nakakalabas ng pinto hinarang na ako ng dalawang lalaki.

"Sir, hindi kayo puwedeng lumabas."sabi nito.

Kayang-kaya ko silang dalawa kung makikipagsuntukan ako. Ngunit baka sa gagawin


ko saktan ni Daddy si Aika. Wala akong nagawa kung hindi bumalik sa silid ko.

Kinaumagahan abala na ang lahat ng tao sa mansyon dahil dito gaganapin ang
engagement party namin ni Shantal. Sapilitan akong pinapunta sa salon upang
magpagupit pagkatapos ay nagkaroon kami ng engagement photo fictorial. Wala
akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanila. Kinagabihan ay isa-isang dumating
ang mga bisita nila Daddy.

"Ryuuji!" tawag sa'kin ni Fujima at Dan.

Lumapit sila sa'kin pagkatapos ay nag-usap kaming tatlo. Pumunta kami sa loob ng
silid ko.

"Kaya pala hindi ka pumasok dahil nandito na ang Daddy mo," ani Fujima.

Natahimik ako. "Kumusta si Aika?"

"Nag-aalala siya sa'yo akala niya kung napahamak ka,"

Nalungkot ako sa narinig ko. Parang nakikinita ko ang itsura ni Aika kapag
malungkot siya. Mas lalo ko siyang gustong makita.

"I miss her,"


"Paano kayong dalawa?"tanong ni Dan.

"Kung makikipagbalikan ako kay Aika, baka mapahamak siya."

"Ano'ng gagawin mo? Iiwan mo na siya?" tanong ni Fujima.

"Hindi ko kaya," sagot ko. Iniisip ko pa lang na hihiwalayan ko si Aika parang


mababaliw na ako.

"Paano si Aika?" tanong ni Dan

"Huwag n'yo na lang sabihin kay Aika ang totoong dahilan, magkunwari kayong
walang alam." pakiusap ko sa kanila.

"Makakaasa kang hindi namin sasabihin," ani Dan.

Natigil ang pag-uusap namin nang makarinig kami ng katok mula sa may pintuan
tumayo ako at binuksan ko iyon.

"Hinahanap ka ng mga bisita sa baba, Baby boy," sinilip niya ang loob at
ngumisi. Pumasok ito sa loob at lumapit sa mga kaibigan ko. "Nagpaplano ba kayo
kung paano hindi matutuloy ang kasal namin? Kung ako sa inyo itigil n'yo na
lang, kung ayaw n'yong mapahawak si Aika." Ilang segundo pa niyang tinitigan
sina Fujima at Dan pagkatapos lumabas ng silid.

"Let's go, Baby boy," sabi pa nito.

Nagkibit-balikat si Fujima at Dan pagkatapo ay sinaid ang ininom na alak.

"Ryuuji!" tawag ni Daddy.

Agad naman akong lumapit dito. "Why?"

"Come here, ipapakilala kita sa amigo ko," inakbayan pa ako ni Daddy.

"Teo, ito ang anak ko si Ryuuji," tumingin si Daddy sa'kin. "Ryuuji siya si Teo
Lugen siya ang magiging Ninong n'yo ni Shantal."

"Hello," tipid kong sagot.

Nakipag-shake hands ako sa kanya.

"Kumusta Ryuuji," ani Teo Lugen.

"Hindi masaya?" sagot ko.


"Teo, ipakilala ko naman sa'yo ang future wife niya," putol ni Daddy sa usapan
namin.

Ang alam kasi ng lahat ng mga bisita ay mahal namin ang isa't-isa kaya kami
magpapakasal. Pagkatapos akong ipakilala ni Daddy sa ibang mga bisita niya ay
bumalik ako sa kuwarto ko. Mas gusto kong magkulong sa kuwarto kaysa makipag
plastikan sa mga bisita ni Daddy at Shantal. Sila lang naman ang masaya party at
hindi ako. Pinagmasdan ko ang mga picture namin ni Aika sa cellphone ko hanggang
sa namalayan ko na lang na tumutulo ang luha ko.

"I miss you, Yats."

********

Maaga akong nagising upang maghanda sa pagpasok. Makikita ko na kasi sa wakas si


Aika. Hindi na ako kumain ng almusal sa sobrang excited ngunit nang palabas na
ako nakita ko si Shantal.

"Ano'ng ginagawa mo rito?"

"Sasamahan kita pumasok sa school mo," nakangisi pa siya.

"What the hell! Bakit hanggang sa school sasama ka? Lumabayan mo ako!"

"Ano'ng gusto mo? Isasama mo si Shantal sa school o ang girlfriend mo ang


patatalsikin ko sa school?" sabad ni Daddy.

Dirediretso akong lumabas ng mansyon. Hinayaan kong sumama si Shantal. Akala ko


siya lang ang kasama ko. Hindi pala dahil pati ang dalawang body guard ay
sumama. Inis na inis tuloy ako.

Nang makarating kami sa school. Hinawakan ni Shantal ang kamay ko. Napansin kong
nagulat ang ibang estuyante dahil hindi si Aika ang kasama ko.

Huminto si Shantal kaya napahinto ako.

"May i have your attention, please!" sigaw ni Shantal.

"What are you doing?" tanong ko.

Ngumiti siya sa'kin. "Just relax." Pagkatapos ay hinintay niyang dumating ang
maraming estudyante nang dumami na sila. Itinaas niya ang kamay naming dalawa
kung saan suot namin ang engagement ring.

"Fuck! Hindi ko natanggal."


"Nais kong ipaalam sa iyo na ikakasal na kami. " ani Shantal.

Hinila ko ang kamay ko at pagkatapos ay umalis. Sinundan naman ako ng dalawang


body guard hanggang sa pumasok ako sa classroom. Hindi ko ugaling makinig sa mga
professor namin noon pero ngayon mas gugustuhin kong makinig kaysa makita ang
nakabantay sa'kin sa labas ng pinto ng school.

"Huds!" Huds!"

Gayon na lang ang kabog ng dibdib ko nang makita ko si Aika. Hindi siya
makalapit sa'kin dahi hinarangan siya ng dalawang body guard. Gusto ko siyang
puntahan kaya lang bigla kong naisip si Daddy.

Nagkatitigan kaming dalawa ni Aika at halos madurog ang puso ko nang makita ko
siyang umiiyak. Mabilis akong umiwas ng tingin sa kanya. hindi ko kayang makita
si Aika na umiiyak dahil sa'kin.

"Huds! Mag-usap naman tayo," sigaw niya ulit.

Tikom ang kamao ko habang pinakikinggan ko siya. Wala akong magawa para sa
kanya.

"Huwag kang maingay dito," sapilitan siyang hinila ng dalawang body guard palayo
sa'kin.

Nagpumiglas si Aika."Kakausapin ko lang siya wala naman akong gagawin masama sa


kanya,"

"Hindi nga ka pwedeng lumapit sa kanya." sabi ng body guard ko.

Ilang saglit pa umalis na si Aika.

Hind naging maganda ang buong araw ko sa school. Parang hindi ko na kayang
pumasok dahil masasaktan ko si Aika.

"Ryuuji, gusto kang makausap ng kuya Aeron mo!" sabi ni Mommy sa'kin.

Nasa loob ako ng silid ko habang nakadapa. Hindi ako bumangon para pagbuksan
sila. Hanggang sa narinig kong bumukas ang pinto ng silid ko.

"Bro, kumusta ka na?" ani Kuya Aeron.

"Tumawa ka hanggat gusto mo," sabi niya.

"Ikakasal ka na pala, so pwede ko na ligawan si Aika."

Bumangon ako at pagkatapos ay kinuwelyuhan ko siya. "Huwag mo'ng pakikialaman


ang girlfriend ko!"

Ngumiti si Kuya Aeron. "Mahal mo nga siya,"

Binitawan ko siya. "Mahal na mahal."

"Gusto mo ba siyang makita ngayon?"

"Tutulungan mo ako?" Bigla akong nagkaroon ng pag-asa.

Tumango siya. "Let's go! Ihahatid kita doon,"

"Paano ang mga body guard?"

"Hindi ka pagdududahan dahil kasama mo ako," pumihit ito patalikod at lumabas ng


kuwarto ko. Sumunod ako sa kanya. Hindi kami close ng kuya ko pero sa pagkataong
ito makikinig muna ako sa kanya.

Paglabas namin ng kuwarto. Inakbayan ako ni Kuya Aeron. Nakita kami ng body
guard kaya lumapit ito sa'min.

"Isasama ko muna ang kapatid ko, ngayon lang kami nagkita. Mag-iinom muna kami
sandali, babalik din kami."

Tumango ang body guard at pinalabas na kami.

"Thank you, Kuya." sabi ko, habang binabagtas namin ang daan papunta sa bahay ni
Aika.

Tipid siyang ngumiti. "Ngayon ka lang naging mabait sa'kin," sabi niya habang
nakatutok ang mata sa daan.

"Ngayon ka lang din naging mabait," sagot ko.

"Mabuti na lang at hindi ako ang paboritong anak, hindi ako pinakasal sa babaing
hindi ko mahal," ani Kuya Aeron.

"Ayokong magpakasal sa kanya, tulungan mo ako,"

"You know that wherever you go, Daddy will look for you. Aika's family may be
affected."

Hindi na ako nagsalita pa dahil huminto na kami sa tapat ng bahay ni Aika. Agad
akong lumabas at kumatok sa pinto ng bahay nila alas-onse na kasi ng gabi kaya
siguradong tulog na sila.
"Aika! Aika!" tawag ko habang kumakatok ako sa pangalan niya.

Ilang saglit pa bumukas ang pinto. "Tita, gusto ko lang po makausap si Aika."

"Tulog na si Aika, gisingin mo na lang," niluwagan nito ang pagkakabukas ng


pinto. Pumasok muna kayo," sabay tingin kay Kuya.

Nauna akong pumasok sa loob ng bahay at pgkatapos ay dumiretso ako sa kuwarto ni


Aika. Sarado iyon kaya kailangan kong kumatok pa.

"Yats! Yats!" sabay katok ko.

Bumukas ang pintuan. "Huds?" tumulo ang luha niya.

Lumapit ako sa kanya at pagkatapos ay niyakap ko siya. "Yats, I'm miss you,"
sambit ko.

"Bakit? Bakit mo ako pinagpalit sa iba? Anong nagawa kong mali?"Humahagulgol


niyang iyak.

Hinila ko siya papasok sa loob ng kuwarto niya at umupo kami sa gilid ng kama.
Hinawakan ko ang mukha niya at pinunasan ang luha niya. "I'm sorry, kung
nasaktan kita. Matagal na akong naka-arrange married kay Shantal pero hindi siya
ang mahal ko. Ikaw ang mahal ko, Yats, at dahil mahal kita, kaya napilitan akong
sundin ang Daddy ko," tumulo ang luha ko. Ang sakit kasing makita si Aika na
umiiyak dahil sa'kin.

"Kung mahal mo ako, bakit mo ako iiwan? Kung mahal mo ako bakit ibang ang kasama
mo, bakit hindi ako?"

"Sobrang mahal na mahal kita. Kung tatalikuran ko si Shantal sasaktan ka nila


pati ang pamilya mo, ayokong mangyari 'yon,"

"P-Paano tayo?" tanong niya.

Huminga ako ng malalim. "Pangako babalikan kita, babalikan kita kapag kaya na
kita ipaglaban at protektahan, kaya mo ba akong hintayin?"

Tinitigan niya ako pagkatapos ay tumango siya. "Hihintayin kita."

"'m sorry pero kailangan kong gawin ito para sa'yo, I love you, Yats" Mariin
'kong pumikit habang umaagos ang luha ko sa pisngi, pagkatapos ay hinalikan ko
siya sa labi. Muli kaming nag-yakap habang walang patid ang pagpatak ng luha
naming dalawa. Ito na ang huling araw na magkakasama kaming dalawa.

CHAPTER 25 [The Bad Boy's First Kiss]

[Aika]
ILANG beses akong huminga ng malalim bago ko pindutin ang link ng site kung saan
makikita ang pumasa sa board exam bilang psychometricians. Limang taon na ang
lumipas nang lumipat ako ng ibang school para ipagpatuloy ang pag-aaral ko ng
college. Simula nang gabing pumunta si Ryuuji sa bahay namin iyon na rin ang
huling gabi na makita ko siya dahil kinabukasan walang Ryuuji na pumasok sa
university, at kahit ang mga kaibigan niya ay walang alam kung nasaan na siya.
Dahil sa nangyari hindi ko na rin pinagpatuloy ang pag-aaral ko kahit full
scholar ako roon.

"This is it!" pagkatapos ay pinindot ko ang mouse ng laptop ko. Ang bilis ng
tibok ng puso ko habang hinahanap ang school at pangalan ko. Nang may makita
akong pangalan ng school namin ay agad akong hinanap ang pangalan ko.

"25 Miketsukame Aika, R." Napatalon ako sa tuwa. "Pumasa ako! Pumasa akoo!"

"Aika ano'ng nangyayari sa'yo?" tanong sa'kin ni Mama.

"Mamaa!" nagtitili ako habang papalapit sa kanya. Niyakap ko siya ng mahigpit.


"Mama, pumasa ako sa board exam. Pyschometrician na ako!"

"Talaga! Congrats!" Nakangiting sabi ni Mama sa'kin. Kung gaano ako ka-energetic
dahil pumasa ako ay kalahati naman ng energy ni Mama.

"Mama, matutulungan na kita sa mga gastusin natin,"

"Tinutulungan mo naman ako sa gastusin."

Niyakap ko si Mama. "Ang gusto ko kasi ay hindi ka na magtitinda sa palengke."

"Hindi ako sanay na walang trabaho, maghahanda tayo dahil pumasa ka. Imbitahan
mo si Fujima at Dan."

Tumango ako. "Sige po, pupuntahan ko sila ngayon." Hinalikan ko muna si Mama sa
pisngi bago ako sumakay sa Mio I 125 na kulay pink kong motor at pagkatapos ay
sinuot ko ang helmet ko at pagkatapos ay pinatakbo ko na ang motor ko ng normal
speed.

Ni-regalo sa'kin Dan at Fujima ang motor na ito noong naka-graduate ako sa
college. Kahit wala na akong balita kay Ryuuji hindi naman naputol ang
pagkakaibigan naming tatlo mas naging close pa kami mula ng mawala si Ryuuji.
Huminto ako sa tapat ng malaking building kung saan nagtatrabaho si Fujima. Si
Fujima ang vice president ng BPO company ng kanyang Magulang. Sinasanay na siya
kung paano humawak ng kumpanya.

"Good morning, Ma'am Aika," sabi sa'kin ng security guard ng makita ako papasok
sa loob ng company.

"Good morning," nakangiti kong sagot.


Dahil palagi akong pumupunta dito. Kilala na ako ng mga empleyado rito maging
ang magulang ni Fujima ay kilala ako. Napagkakamalan pa nga nila akong
girlfriend ni Fujima.

Sumakay ako sa elevator dahil nasa second floor ang office niya. Nagulat ako
nang buksan ko ang pinto ng office ni Fujima. Nakita kong may babaeng nakaupo sa
hita ni Fujima habang naghahalikan sila.

"Ay! Sorry, ituloy n'yo lang 'yan," sabay talikod ko.

"A-Aika," sambit ni Fujima.

Umalis ang babae sa kandungan ni Fujima. Ngunit mas nagulat ako nang makilala ko
ang babae. Nakayuko ito nang lumabas ng office ni Fujima.

"Bakit palagi kang wrong timing," bakas sa mukha ni Fujima ang pagkadismaya
dahil sa naputol na love making nila.

"Pati ba bago mo'ng secretary hindi mo pinalampas?" pailing-iling akong tumingin


sa kanya.

Tumayo si Fujima at pagkatapos ay pinunasan ng tissue ang mukha niyang may


kalat-kalat na lipstick.
"Just for fun, Aika, I can't live without sex,"

Napangiwi siya. "Hindi pa ba napudpud 'yang batutoy mo? sa tuwing pumupunta ako
rito ay iba'iba ang kalandian mo."

Ngumisi siya. "Gusto mo ba'ng makita?"

Inirapan niya ko siya. "Gusto mo putulin ko 'yan?"

Natawa ako nang bigla siyang napahawak sa ibaba ng hita niya.

"You're bad, ano bang kailangan mo?" sabay simangot niya.

"Magluluto si Mama mamayang hapon pumunta kayo ni Dan."

"Bakit anong okasyon ang meron sa inyo?"

"Pumasa ako sa board exam. Isa na akong psychometrician."

"Congratulation!" Yayakapin sana niya ako ngunit umiwas ako sa kanya.


Hindi pa kasi ito naghuhugas ng kamay.

"Okay," itinago ni Fujima ang kamay niya sa likod niya. "I will call Dan." sabi
niya.
Tinawagan niya si Dan ngunit hindi ito sumasagot sa tawag niya. "Busy si Dan,
puntahan mo na lang siya sa condo niya."

"Iyon ang gagawin ko para siguradong makakapunta siya." sabi ko.

"Gusto mo ba'ng samahan kita?"

"No, Kasama ko si Dafu." Pinangalan ko sa binigay nilang motor ay Dafu.


Pinagsama ko ang pangalan nilang dalawa para palagi ko silang maalala.

Napangiwi si Fujimi. "Ang pangit naman ng pangalan pwede namang gwapo na lang
since gwapo kami ni Dan."

Umingos. "Ayoko nga! I like Dafu is cute,"

Namaywang sa'kin si Fujima." Ewan ko ba sa'yo,"

"Basta pumunta kayo mamaya sa bahay," sabi ko sa kanya pagkatapos ay umalis na


ako sa office niya. Pupuntahan ko naman si Dan sa office niya. Ngunit habang
pinapaandar ko ang motor ko sa kalsada napansin ko ang nagkakagulo sa daan na
malapit sa stop light. Dahil naka-motor ako nakarating ako sa unahan kung saan
nagsimula ang traffic. Nakita ko ang mga kotse na punong-puno ng pulang lobo.
Pagkatapos ay may sumasayaw sa gitna.

"May wedding proposal yata."

Napansin ko ang babaing may hawak na bulaklak habang nagpupunas ng luha. Pati
ako napahiyaw nang biglang may humintong kotse sa harap ng babae at bumaba ang
isang lalaki. Lumuhod ito sa babae at naglabas ng singsing. Hindi ko maiwasang
hindi kiligin sa napapanood ko kahit hindi ko nakikita ang itsura ng lalaki
dahil nakatalikod ito sa kinaroroonan ko.

Ang sweet nila.

Nagpalakpan ang mga tao nang sumagot ng Yes ang babae maging ako ay kinilig sa
kanilang dalawa. Nang alisin ng mga kasama nila ang kotse ay isa-isa ng pinaadan
ng mga ito ang mga sasakyan. Ang iba ay kumaway pa sa dalawang couple. Pinaandar
ko ang motor ko gusto ko kasing makita ng malapitan ang dalawa ngunit nang nasa
tapat na nila ako bigla akong natulala ng makilala ko ang dalawa.

"Shantal and Ryuuji?" pabulong kong sabi.

Nakatitig ako sa kanilang dalawa at hindi ko magawang paandarin ang motor ko.

"Hello," ani Ryuuji.

"Ay, sorry!" pagkatapos ay pinatakbo ko na ang motor ko, mabuti na lang at


nakasuot ako ng helmet hindi niya ako makikita. Sinikap kong magfocus sa
pagdadrive ko dahil baka ma-aksidente ako sa daan. Wala ako sa sarili nang
makarating ako sa condo ni Dan.

"What'a wrong?" tanong niya sa'kin.

Kanina pa kasi ako nakarating sa condo niya ngunit hindi ako nagsasalita
nakatulala lang ako.

"A-Anong sinasabi mo?"tanong niya sa'kin.

Inilapit ni Dan ang mukha niya sa mukha ko at nakatitig siya sa'kin. "Umamin ka
nga sa'kin Aika, nag-take ka ba prohibited drugs?"

Kumunot-noo ako pagkatapos ay hinawakan ko ang mukha ni Dan at pagkatapos ay


inilayo ko ito. "Ano'ng pinagsasabi mo,"

Naka-cross arm siya sa'kin habang nakatingin. "Kanina ka pa tulala."

Natahimik ako. "Nakita ko si Ryuuji,"

Saglit ang katahimikan ang namayani sa'min pagkatapos ay tumabi siya sa


pagkakaupo ko. "Nalaman mo na rin pala,"

Tumingin ako sa kanya. "Alam mo?"

"Tumango si Dan. "Alam namin ni Fujima pero hindi pa namin siya nakakausap
marahil ay pinagbabawalan siyang makita kami or ayaw na niya kaming makita."

Bumutong-hininga ako. "Nakita ko siyang nagpo-prose kay Shantal."

"Nagseselos ka ba?"

"Wala naman akong karapatan. Matagal kaming hiwalay," ngumiti ako kay Dan.
"Nandito ako para sabihin sa'yo na pumasa ako sa board exam."

Lumiwanag ang ngiti ni Dan. "Congrats!"

"Thank you, may handaan sa bahay mamaya pumunta ka,"

"Of course mawawala ba ako diyan,"

"Thank you, invite ko na si Fuji-"

"Love! Love!" napatingin ako sa kinaroroonan ng tinig na iyon at nanlaki ang mga
mata ko nang makita ko ang babaing nakatakip lang kumot ang lumabas mula sa
kuwarto. Nang makita niya ako ay bigla itong pumasok ulit sa kwarto,"

"Sino siya Love!" sigaw ng babae.

Kakamot-kamot sa ulo si Dan. "Aika, my sister." alibi nito.

"Pang-ilan 'yan sa girlfriend mo?" tanong ko sa mahinang boses.

"Twenty two." Patawa-tawa pa siya sa sinabi niya.

Umiling ako. "Hindi talaga kayo nagbabago ni Fujima. Uuwi na ako baka
nakaistorbo ako sa inyo. Isama mo na rin siya kung gusto mo," pagkatapos ay
lumabas ako sa condo ni Dan.

Muli akong dumaan sa lugar kung saan nag-propose si Ryuuji kay Shantal. Huminto
ako sa gilid ng kalsa kung saan nakaharap sa tinatayuan kanina ni Shantal at
Ryuuji. Nakaramdam ako ng sakit habang iniisip kong ikakasal na sila. Kung
sabagay noon pa naman alam ko ng ikakasal sila.

Excuse, Miss?"

Bigla akong yumuko nang makilala ko ang nagsalita.

"Aeron."

Kung kanina ay si Ryuuji at si Shantal ang nakita ko ngayon naman ang kapatid
nitong si Aeron. Mabuti na lang talaga at naka-helmet ako hindi niya ako
makikilala.

Pinaandar ko na ang motor ko at umalis. Hindi ko kinausap si Aeron dahil ayokong


makilala niya ako.

********

"Papa?" Hindi ako makapaniwala nang makita ko ang Papa ko nasa bahay namin.

"Aika!" sabay yakap sa'kin ni Papa ng mahigpit.

"I miss you na Papa."

Ginulo niya ang buhok ko. "Dalawang linggo pa lang akong hindi umuuwi rito,"
nakangiting sabi ni Papa.

Dalawang taon na mula nang muling magsama ang Papa at Mama ko. Ang pinangarap
kong pamilya ay nabuo na dahil napagdesisyon nilang magsama nila.
"Kahit na Papa miss pa rin kita,"

"Dahil pumasa ka sa board exam ay may regalo ako sa'yo pero mamaya ko na
ibibigay surprise pa 'yon,"

"Kahit wala po kayong regalo okay lang po ang mahalaga ay umuwi ka."

Marahan niyang pinisil ang pisngi. "Ang sweet naman ng anak ko." sabay halik
niya sa'kin."

"Papa naman," I pout.

Tumawa si Papa sa'kin pagkatapos ay pumunta kami sa kusina upang tulungan si


Mama na abala sa pagluluto. Kahit sinabi niyang 'wag na kaming tumulong ay
tumulong pa rin kami ni Daddy para matapos agad ang niluluto ni Mama.

Nakangiti ako habang pinagmamasdan ko si Mama at Papa na inaayos sa lamesa ang


mga niluto naming pagkain. Siguro dapat makuntento na ako kung ano'ng meron ako
ngayon. Hindi ko na dapat pinag-aaksayan isipin pa si Ryuuji.

Pagsapit ng ala-singko ng hapon ay isa-isa ng dumating ang mga bisita ko ang mga
kaklase ko at mga kapitbahay namin. Sila Dan at Fujima kasi ay mamayang gabi pa
darating.

"Aika! Aika!" tawag sa'kin ng kapitbahay namin. Nasa loob kasi ako at inaasikaso
ang mga bisita ko.

"Bakit po Aling Thelma?"

"May nagpadala yata sa'yo ng bulaklak may naghahanap sa'yo sa labas."

Lumabas naman ako at nakita ko ang bouquet na roses.

"Miss Aika Miketsukami?" tanong ng rider.

"Yes po,"

"May nagpadala po sa'yon ang flowers at balloons, paki-receive na lang," sabay


abot sa'kin.

"Salamat," sabay kuha ko ng flowers at balloons.

Napakaganda ng baloons dahil para itong may ilaw. Sa loob ng balloons ay may
nakalagay na pangalan ko.

"Si Dan at Fujima talaga, sabi kong 'wag ng gumastos."


Inilagay ko iyon sa loob ng kuwarto ko. Bago mag-alas siyete ng hapon ay huminto
ang dalawang expensive cars sa harap ng bahay namin. Lumabas sina Fujima at Dan.
Ang iba kong bisita na naroon pa ay hindi mapigilang hindi kiligin. Pareho kasi
silang guwapo para silang mga hot actor sa Korea.

"Aika," sabi ni Fujima.

"Hello, every one!" sabay kaway ni Dan na may kasamang ngiti.

Kilig na kilig naman ang mga bisita ko kulang na lang malaglag panty nila.

"Congratulation, Aika." sabay abot nila sa'kin ng flowers.

"Bakit may bulaklak na ulit kayo? Binigyan n'yo na ako kanina,*

Kumunot-noo ni Dan at Fujima. "Wala kaming pinapadala sa'yo," sagot ni Dan.

Hinilila ko sila sa kuwarto ko. "Ayan oh, sabay turo ko sa bouquet at ballons na
nakapatong sa ibabaw ng kama ko. Nagkatinginan silang dalawa pagkatapos ay
tumingin sa'kin.

Ngumiti si Fujima. "May secret admirer na ang Aika namin," biro ni Fujima.

"Hindi kayo ang nagbigay ng nito?"

"Hindi may secrey admirer ka na" ani Dan.

"Huwag na nga natin pag-aksayan ng oras 'yan kumain muna kayo," sabi ko.
Sinabayan ko sila sa pagkain at pagkatapos ay nagvideo-oke kami habang umiinom
ng alak. Nang kami na lang ang tao ay lumapit sa'kin sa Papa.

"Aika, ibibigay ko na sa'yo ang gift ko," ani Papa.

"Talaga po,"

Tumango siya. "Pero kailangan mo'n takpan ng panyo ang mga mata mo." sabi ko sa
kanya.

Tinakpan nila ang mga mata ko at pagkatapos ay inalalayan nila ako sa


paglalakad.

"Tanggalin mo na ang nakapiring sa mga mata mo," ani Papa.

Inalis ko ang piring sa mga mata ako at laking gulat ko nang makita ko ang
regalo sakin ni Papa.
"P-Papa para sa'kin ba 'to?" hindi ako makapaniwalang tanong niya.

Tumango siya. "Yes,"

Lumapit ako kay Papa at niyakap ko siya. "Salamat po." sabi ko.

Isang itim na kotse na Honda ang tatak. Hindi ko akalain na magkakaroon rin ako
ng kotse.

"Walang anuman para hindi ka na magmomotor," sagot niya.

"Testingin na natin 'yan," ani Dan.

Tumango at pagkatapos sumakay kaming apat. Hindi na sumama si Mama dahil


nagliligpit pa siya ng kalat. Walang paglagyan ang kaligayahan ko nang magkaroon
ako ng kotse. Hindi ko ito hiniling pero binigay nila sa'kin at nagpapasalamat
ako sa Diyos at sa pamilya at kaibigan ko na palaging nandiyan para sa'kin.

CHAPTER 26 [The Bad Boy's First Kiss]

[RYUUJI]

NAKATINGIN ako kay Aika habang pinagmamasdan ko siya sampung metro mula sa
kinaroroonan ng bahay nila. Ilang taon na ang lumipas mula ng hindi ako muling
magpakita sa kanya dahil na rin ayokong madamay siya. Mas gustuhin kong
magsakripisyo para sa kanya.

Wala siyang kaalam-alam na ako ang nagpadala ng bulaklak sa kanya at wala rin
siyang alam na may hospital na siyang mapapasukan kapag nag-apply siya ng
trababo. Kahit hindi niya ako nakikita palagi naman akong nakabantay sa kanya sa
tulong na rin ng dalawa kong kaibigam si Dan at Fujima.

Ilang saglit pa nakarinig ako ng busina ng sasakyan tinitingnan ko sa side


mirror at nakita ko ang sasakyan ni Dan at Fujima. Huminto ang mga ito at
lumapit sa kotse ko. Hindi ako pwedeng lumabas dahil baka may makakita sa'kin.

"Hindi ka pa rin ba magpapakita kay Aika?" tanong ni Dan sa'kin.

Pumunta sila sa bahay nila Aika dahil nakapasa siya sa board exam kaya naghanda
ang magulang niya para sa kanya. Natutuwa akong malaman na nakapasa si Aika
bagamat alam kong makakapasa siya dahil matalino naman si Aika.

"Hindi na ako magpapakita sa kanya nagbigay na ako ng flowers at ballons sa


kanya kanina," sabi ko.

"Okay, dito ka na lang ba?"

"Aalis na rin ako," pagkatapos ay pinaandar ko ang sasakyan ko paalis sa lugar


nila Aika. Dumiretso ako sa mansyon namin pagdating ko roon ay nakita ko si Kuya
Aeron na nakaupo sa mahaba at malambot na sofa. Naglalaro siya sa kanyang
cellphone. Tumabi ako sa kanya sa pagkakaupo at sinandig ko ang aking ulo sa
sofa.

"Nakita ko si Aika kanina," ani Kuya Aeron. Alam niya ang tungkol kay Aika alam
niya rin na mahal ko pa rin ito.

"Pumunta ako sa kanila kanina," sabi ko. Ipinikit ko ang mga mata ko para
makapag-relax.

Huminto ito sa pagkalalaro at tumingin sa'kin. "Nagpakita ka na sa kanya?"


tanong niya.

Umiling ako. "Hindi ko pa kayang magpakita sa kanya."

"Tama 'yan 'wag ka ng magpakita sa kanya dahil malapit ka ng magpakasal kay


Shantal."

Kuyom ang kamao ko nang maalala ko ang ginawa kong kahihiyaan kanina. Si Shantal
ang gumawa ng lahat ng wedding proposal sa highway pinalabas lang niya ako ang
nag-effort. Ang babaing 'yon hindi titigil hanggat hindi ako pumayag sa gusto
niyang mangyari.

"That bitch! Bakit kaya hindi na lang si Daddy ang magpakasal sa kanya?" Inis
kong sabi.

Tumawa si Aeron. "Alam mo bro, galit na galit ka kay Daddy pero sinusunod mo pa
rin ang gusto niya. Ang tanda mo na wala ka pa rin sariling dedisyon, tama nga
'yan na hindi kayo magkabalikan ni Aika kasi duwag ka. Hindi mo siya kayang
ipaglaban,"

"Kung ang pagiging duwag ko ang kaligtasan ni Aika. Mas gugustuhin ko na lang na
maging duwag," sabi ko.

"Kapag nagpakasal kayo ni Shantal mag merge na ang kumpanya natin at sa kanina
mas lalawak ang impluwensiya ni Daddy." ani Aeron.

Tumango ako. Iyon naman talaga ang gusto ni Daddy kaya noon pa niya ako gustong
ipakasal kay Shantal. Kung hindi lang tumutol ang Lolo at Lola ni Shantal noon
sana napagpakasal na kami. Gusto kasi ng mga Lolo at Lola niya magtapos muna ng
college bago mag-asawa kaya naudlot ngunit kahit gano'n binagbawalan pa rin ako
ni Daddy na makipagkita kay Aika, sa katunayan pina-aral ko ang college ko sa
ibang bansa. Kahit hindi ko hilig ang mag-aral ginamit ko ang pag-aaral para
makatakas ako sa mga plano nila sa'min ni Daddy. Nakatapos ako ng college nang
hindi ako ang ditch.

"Aeron! Ryuuji!" sigaw ni Mommy habang papalapit siya.

Bumangon ako si Kuya Aeron naman ay tumayo at lumapit kay Mommy. Bakas sa mukha
ni Mommy ang pangamba.
"Why Mom?" tanong ko.

"Ang Daddy mo nasa hospital!"

"What!" sabay sigaw namin ni Kuya Aeron.

"Na-aksidente ang kotse na sinasakyan niya pauwi,"

"Alam n'yo ba kung saan hospital siya dinala?" tanong ni Kuya Aearon.

Tumango si Mommy. "Alam ko."

"Let's go!" sabi ni Kuya Aeron.

Sumunod kami kay Mommy at ginamit namin ang kotse ni Kuya Aeron. Halo-halo ang
kaba naming tatlo habang binabagtas namin ang daan. Hindi ibig sabihin na galit
ako kay Daddy ay hahangarin ko na may mangyaring masama sa kanya dahil Daddy ko
siya kahit dinidiktahan ang buhay ko.

Paghinto pa lang ng kotse sa car park ng hospital tumakbo na si Mommy papunta sa


information upang itanong kung saan room si Daddy. Sinundan ko si Mommy hanggang
sa makarating kami sa room niya.

Unconcious si Daddy. May nakakabit na oxygen sa katawan niya. Pagkatapos ay may


benda ang kanyang mga paa at kamay. Namamaga ang mukha niya dahil sa
pagkakabangga nito.

"Kawawa naman Daddy n'yo," lumuluhang sabi ni Mommy.

Inakbayan ko si Mommy. "Mom, 'wag po kayong umiyak," sabi ko.

Dumating na rin Si Kuya Aeron at tumingin kay Daddy. "Magiging okay din siya.

Dumating ang doctor at kinausap si Daddy sinabi ng doctor na napuruhan ang paa
ni Daddy kaya naman matagal na panahon pa bago siya makakapaglakad.

Si Mommy ang naiwan sa pagbabantay kay Daddy. Tinawag na rin nila ang personal
nurse namin para may kasama si Mommy sa pagbabantay.

"What will you do?" Basag ni Kuya Aeron sa katahimikan.

Tumingin ako sa kanya. "What do you mean?" tanong niya.

"Gusto kong malaman kung anong gagawin mo? Siguradong mauudlot naman ang kasal
nyo ni Shantal."
"Much better kung hindi na matuloy,"sabi ko.

"Kung ako sa'yo alagaan mo si Daddy sa hospital baka magbago ang isip niya."

Bumuntong-hininga ako. "I miss Aika, gusto ko siyang makasama kahit saglit
lang,"

"Puntahan mo siya sa bahay nila."

"Psh.. gano'n lang sana kadali."

Kausapin mo ang mga kaibigan mo para makasama mo si Aika. Mag-isa ka ng paraan."

Bigla kong naalala ang mga kaibigan ko. "Very good idea," sabi ko.

Pagdating namin sa mansyon ay sumakay na ako sa kotse ko at pagkatapos ay


tinawagan ko si Dan ay Fujima. Hindi totoong wala na kaming kuminikasyon.
Pinaniwala lang namin 'yon kaya Aika. Ngunit ang totoo sila ang nagrereport
sa'kin sa mga nangyayari kay Aika.

"Anong nakain ko bakit mo kami gustong makausap?" sabay hagis ni Fujima sa'kin
ng beer sa nasa can.

"Gusto kong makakita si Aika."

"Iyon lang papuntahin namin dito kunwari gusto lang namin siya makausap
pagkatapos biglang susulpot dito at magugulat kami sa'yo." ani Fujima.

"Minsan may utak ka rin pala Fujima," pang-aasar ni Dan.

"Matalino 'to ul*l." sagot niya.

"Tawagan n'yo na si Aika," sabi ko.

Agad namang tinawagan ni Fujima si Aika pinarinig pa niya sa'kin ang sagot
nitong pupunta kaya umalis ako sa condo ni Fujima at pumunta ako sa
pinakamalapit na coffee shop upang doon maghintay ng tawag kay Fujima.

Mahigit isang oras nang magtext sa'kin si Fujima at sinabing pumunta na ako sa
condo niya. Agad kong binayaran ang order ko at pagkatapos ay pumunta ako sa
condo ni Fujima.

Habang nasa daan ako ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko hanggang sa nasa tapat
na ako ng pinto ng condo unit ni Fujima. Nag-doorbell ako pagkatapos ay binuksan
ni Fujima ang pinto. Sumenyas lang siya sa'kin dahil baka mahalata siya ni Aika.
"Fujima, sino ba ang bisita mo?" tanong ni Dan. Kunwari hindi nila alam na
pupunta ako.

Lumapit si Dan sa'kin at sumenyas din siya. "Ryuuji!" sigaw ni Dan.

"Kumusta na kayo Dan at Fujima," sabi ko.

"Pasok ka," pagkatapos niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto at pagkatapos ay


pinapasok ako.

Hhh
Pagpasok ko ay nakita ko si Aika. Gulat na gulat siya nang magkatitigan kaming
dalawa. Siya ang unang umiwas ng tingin.

"May bisita pala kayo," aalis na lang ako.

"Teka, 'wag ka na umalis ngayon ka na nga lang nagpakita sa'mim," ani Fujima.

Gusto ko siyang bigyan ng award na best actor ang galing niya.

"Papasukin mo na siya ako na lang ang aalis," sabay tayo ni Aika.

Bigla akong na-alarma sa sinabi ni Aika.

Pinigilan siya ni Dan.

"Bakit ka naman aalis pinapunta ka nga namin dito. 'wag na kayong umalis ngayon
lang tayo magkakasamang apat." ani Dan.

"Tama si Dan, mag-enjoy lang tayo ngayon," hinawakan ako sa balikat ni Fujima at
tinapik ng dalawang beses.

Sumunod naman si Aika. Magkatabi kaming umupo ni Aika. Hindi pa rin siya
tumitingin sa'kin pero ako nakatingin sa kanya. Kung alam lang niya gusto ko
siyang halikan at yakapin ng mahigpit.

"Dan, wala na akong stock na beer at wine, bibili lang ako," ani Fujima.

"Sasama ako Fujima may bibilihin din ako," ani Dan.

Katahimikan ang namayani sa'ming dalawa nang umalis ang dalawa naming kaibigan.

Bumutong-hining ako. "How are you?" basag ko sa katahimikan.

"Okay lang ako, ikaw ba?"


"Ayos lang din."

Nakita ko ang proposal mo. Congrats! Tuloy na tuloy na ang pagpapakasal n'yo ni
Shantal."

"Hindi ako masaya sa pagpapakasal ko."

"Bakit naman? Noong nagpropose ka parang in love ka nga."

"Ikakasal ako sa babaing hindi ko namankayang mahalin."

Tumingin siya sa'kin. "Hindi mo pa rin siya mahal?"

Tumango ako. "Ikaw pa rin ang mahal ko Aika."

Tumulo ang luha ni Aika. "Ang sarap pakinggan na ako pa rin ang mahal mo pero
hindi mo naman ako kayang ipaglaban,"

"Aika…"

"Nagmo-move on na ako Ryuuji kahit mahirap bakit napakita ka pa."

"I'm sorry, hindi ko lang kayang hindi ka makitang muli."

"Para ano? Para paasahin mo ulit pagkatapos hindi mo ako kayang ipaglaban!
Gano'n ba 'yon?"

"Ginawa kong lumayo sa'yo dahil mapapahamak ang buhay mo. Ayokong mawala ka
dahil sa'kin."

Matalim akong tinitigan ni Aika. "Alam mo ba nang umalis ka para mo na rin akong
pinatay. Ang sakit dito Ryuuji." sabay turo niya sa dibdib niya.

Lumapit ako sa kanya upang yakapin pero umiwas siya sa'kin. "I'm sorry. I'm
sorry!" tumulo ang luha ko.

"Kung tatanungin mo ako kung mahal kita. Oo mahal pa rin kita pero paano naman
ako Ryuuji, ayokong umasa sa wala."

Hinawakan ko ang mukha niya ay pinunasan ko ang luha niya. Hindi ko kayang
makitang umiiyak si Aika dahil sa'kin.

"Magpakasal tayong dalawa."


"A-Ano? sigurado ka ba diyan?"

Matagal kong tiniis na hindi kita kasama akala ko makakalimutan na kita. Hindi
pala dahil ikaw pa rin ang laman ng puso ko. "Umalis tayo dito magpakalayo tayo
pagkatapos magpakasal na tayo. Pumapayag ka ba?"

Tumango si Aika. "Kahit saan tayo pumunta basta ikaw ang kasama ko."

"I love you, Aika." Hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya at siilin
ng halik.

Niyakap ako ni Aika at pagkatapos ay tumugon siya sa'kin ng halik. Sinulit namin
ang mga taon na hindi kami nagkitang dalawa.

You might also like