You are on page 1of 94

My Kissing Monster

PROLOGUE

Paano kung magkaboyfie ka ng isang kissing monster?

Sa campus--

Sa kwarto--

Sa kusina--

Sa garahe--

Sa kalye---

Sa mall at kahit pa sa Banyo!

Yeah ganyan siya ka-Kissing Monster!

He is my one and only Kissing Monster---

Nathan Wright.

Pero sa halip na matakot ako sa isang monster na katulad niya?

Bakit kinikilig ako?

HE'S like a drugs!

So addicting.

HIS lips are like wine.

Nakakalasing-- And I want to get drunk!

BY THE WAY-- I'm Sky Blue Fonacier.

Yeah-- you read it right!

Sky Blue as in yung kulay!

And here is my story.

My One Great Love.

Get ready to fall in love.


Author's Note

Maraming Salamat po sa mga nag-view na nitong "My kissing Monster".

Hello 👋👋👋
Thank you for viewing/reading my stories. Hope you'll enjoy this too.
Maraming type errors. Maraming punctuation marks dahil two years ago ko pa po ito
isinulat.
Jejemon days pa 😂😂 Unedited po ito. Maraming wrong grammars.
Please understand?

Enjoy reading ✌�?

Tats naman ako sa mga nagmemessage sakin...

Hmmm love you so much!!

Support niyo din yung mga completed stories ko. ^_^

Just visit my works on my profile.

Turn page para sa Chapter 1 ^__^

Highest Rank Achieve: Number Two in Teen Fiction Category.

Maraming salamat po ❤😗�?

Chapter One: Maniego High

MANIEGO HIGH

I'm here at the Corridor. Gaya ng ibang estudyante ginagawa ko itong tambayan kapag
break time. May inaabangan kasi ako. Ilang minuto pa ay natanaw ko na siya. Oh my
God ang cute niya talaga. I can feel my heart beating so fast! I blushed just
seeing him. I touch my chest. I bit my lips the moment I saw him. Wanna know kung
sino ang inaabangan ko?

He's Nathan Wright. Lahat kinikilig kapag ngumiti na siya dahil bihira naman talaga
siyang makitang ngumiti maliban nalang kung ang kaharap niya ay si Lindsay na
girlfriend niya for two long years at ang mga kabarkada niya. He's suplado looks
makes him more appealing. Kung tutuusin? Hindi naman boyfriend material ang
paguugali niya. Bakit? Mayabang siya! Masungit! Maarte siya! Maangas. Kilala sa
pagiging basagulero! Lagi siyang nagpapaiyak ng mga babaeng may gusto sa kanya! He
always dump girls na nageexpress ng paghanga sa kanya. At ang pinakamalala pinagti-
tripan niya ang mga teachers dito sa Maniego High! Pero despite ng lahat ng yon?
Ewan ko nga ba at ang lakas ng hatak niya sa mga kapwa ko estudyante. Even me
nabaliw sa kaangasan niya! Kaya nga kahit pangit ang ugali niya crush ko pa rin
siya! Gwapo eh. Tsaka wala namang masama sa humanga. I know mas mahalaga ang ugali
kaysa sa looks pero hindi ko mapigilan ee isa pa kahit ano naman kasing gawin ko di
niya rin ako mapapansin kaya naman eto hanggang silay nalang ako ng palihim. I
sighed nung makalampas na siya sa harapan ko.

Anyway i'm Sky Blue Fonacier. Dating nerd pero sumubok magpamakeover para lang
mapansin ako ng ultimate crush ng bayan na si Nathan. Before? Kulot na buhaghag ang
buhok ko. Alam mo yung parang alambre talaga siya sa tigas? Ganun! Sungki din ang
ngipin ko. Maraming pimples at blackhea. Pero thanks sa mommy ko, pina-derma niya
ako, pina-braces at pina-rebond ang buhok ko. Oh di ba? Kaya I love my Mom so much.
She's so supportive at alam niya ang tungkol kay Nathan. Ni hindi siya nagalit in
fact? Natuwa pa siya dahil ginagawa kong inspirasyon ang paghanga ko kay Nathan.
Yun nga lang nasa Dubai siya. OFW ang mommy ko. Wala na kasi akong daddy dahil
sumakabilang bahay at simula nung iwan kami ay hindi na nagpakita pa. May mga
kaibigan din akong maituturing.

"Hoy Sky! Tulala ka na naman! Nakaalis na oh?" Speaking of friends siya si Donna.
Isa sa mga classmate/bff/kaaway ko. Yeah kaaway talaga. Lagi kasi akong
pinagagalitan niyan-- ginawa ko naman na daw lahat para mapansin ni Nathan pero
wala parin. Bakit ayaw ko pa daw maggive-up! Ano bang magagawa ko? Daily routine ko
na ata ang silayan siya tuwing break time, kahit pa nga kasama niya pa si Lindsay.
Even it breaks me into pieces? Keri lang basta makita ko si Nathan!

"Hep-Hep! Huwag mo ng dugtungan okay? Tara na baka malate pa tayo sa next subject."
Pigil ko sa kanya. I'm sure tatalakan na naman ako niyan eh.

"Tss. Hindi pa kasi magising!" Oh di ba? Ano bang magagawa ko? First Crush ko kaya
yun!

TO BE CONTINUED...

Chapter Two: My Bad Boy

Natapos ang lahat ng subjects namin na lumilipad ang utak ko. Well ganito talaga
ako. Laging nagde-daydream. Dreaming of what? Syempre ang nagiisang bad boy ng
buhay ko. Si Nathan! Lagi nga akong nasisita ng teachers namin pero once na
tinanong nila ako about sa lessons namin? Whoaaa gulat sila noh? Kahit naman nagde-
day dream ako sa klase nila nagaadvance reading ako. Sayang naman ang pagiging Top
2 ko sa klase kung magpapabaya ako. At gaya nga ng sabi ko. Inspiration ko si
Nathan hindi distraction! Pero i'm sure kung hindi lang umiiral ang kalanturan ko
about Nathan? Ako ang top one for sure!

Nandito na ako sa bahay. As usual, mag-isa na naman ako. Sanay naman na ako. Ilang
taon na ba akong mag-isang nakatira sa bahay na ito? Four years? Yeah four long
years na akong Home Alone! Simula grade five ako ay natuto na akong mamuhay ng
magisa. Simula kasi noon ay iniwan na nga kami ng aking amang sumama sa kabit niya!
At dahil doon napilitan si Mommy na iwan ako at mangibang bansa para makapag-aral
ako at masuportahan lahat ng pangangailangan ko. How I misses my Mom.
*Ring...Ring...Ring...* Speaking of my mom. Araw-araw niya akong tinatawagan to
check if nasa bahay na ba ako. Kung kumain na ako? Kamusta ang maghapon? How sweet
of my mother. Kahit malayo siya? Hindi niya pinaramdam na wala siya sa tabi ko.

"Hello mom-- I miss you!"

"Hello Sky how was your day? I missed you more anak." As always kinwento ko sa
kanya lahat ng nangyari sa maghapon. And take note. Open ako kay mommy about sa
feelings ko for Nathan! Siya pa ang nag-insist na baguhin ko ang physical
appearance ko. Sino bang magaakala na isa akong dating nerd? Hmmm nung matapos ang
tawag ni Mommy. Nag-Facebook muna ako. Di naman ako masyadong stalker. Pero lagi
kong tinitingnan ang mga pictures ni Nathan sa facebook page niya. Well hindi naman
talaga siya ang may ari nito. Siguro isa sa mga poser account niya. Pero okay na
din kahit mga stolen shots natititigan ko ang mga iyon ng matagal. May mga pictures
din na magkasama sila ni Lindsay pero hindi ko na yun pinansin. I don't know. I
know it's just a crush. But everytime I saw them together? I feel a pang on my
chest. Para akong batang inagawan ng laruan. Pero sa totoo lang? I don't like
Lindsay. May pagka-plastic kasi siya. Bitter much? Nah i'm just stating the fact.
Kapag si Nathan ang kaharap niya ay para siyang anghel pero kapag nakatalikod na?
Nevermind!

"What the--- tatanga-tanga ka!" Hindi sinasadyang nakabangga ko siya once sa


corridor. Late na ako at nagstart na yung first class ko. Hindi sinasadyang
nabunggo ko siya. I fell down at nahulog lahat ng dala kong libro at gamit pero sa
halip na tulungan ako ay nakarinig pa ako ng masasakit na salita.

"Sorry."

"Sorry? Next time don't be so stupid bitch! Nakakasira ka ng araw!"

Anyway wala naman akong magagawa kahit alam ko pa ang tunay na kulay ng Lindsay
Hunter na yun. Basta ang alam ko I like Nathan. Kahit sa malayo lang kahit hindi
niya ako nakikita. Kahit hindi niya ako napapansin. Hindi ko nga alam if may
katiting na idea siya na nageexist ako sa mundo but that doesn't change my feelings
for him. Feelings? I mean yung paghanga ko sa kanya. Bago ako natulog ay ini-
screenshot ko yung mga pictures niyang bago at sinave sa private folder niya sa
cellphone ko.

MyBB. Short for My Bad Boy. I smiled like an idiot. Nagpagulong-gulong pa ako sa
higaan ng scroll down ko yung mga dati niyang pictures sa cellphone ko. He's so
cute. Masungit at suplado pero mas nakadagdag lang yun ng appeal sa kanya. Kyaaah!
Kinikilig ako! "I can't wait to see you tomorrow." With that I fell asleep with a
smile on my face.

To be continued...

Chapter Three: O__O He kissed me!!!

Gaya ng araw-araw kong routine pagkagising nagtoothbrush, naligo at pumasok na ako.


Hindi uso sakin ang kumain sa umaga hmmm siguro nakasanayan na din? Pagpasok ko
palang sa gate ng Maniego High tilian at sigawan na ng mga kapwa ko estudyanteng
babae ang maririnig. Ganyan naman araw-araw tuwing papasok si Nathan ee. He's
famous. Wala atang babae dito sa Maniego ang hindi nakakakilala at walang gusto sa
kanya. He's so handsome na nakadagdag pa yung angas niya.

"Oh my gosh-- Nathan ang gwapo mo!"

"Kyaaaah ayan na siya. I'm gonna die!"

"Para siyang greek god! Ang lakas ng dating-- ang sarap-- titigan."

"Hi Nathan!"

"Aaaaah! Nathan pansinin mo naman ako please?"

Halos mabilaukan at mawalan na ng boses ang mga babae sa paghanga sa kanya. I


rolled my eyes and enter the Maniego High. As i've said crush ko din siya pero duh?
Hindi pa ako nababaliw para ipagsigawan yun sa buong campus! I don't know. Yes I
had a crush on him. Pero hindi ako fan girl! Hindi ko naman ipahihiya ang sarili ko
na malaman ng lahat na pati ako ay may gusto sa isang Nathan Wright. Tama na yung
sinisilayan ko siya ng palihim. That's enough para sakin.
But I admit. Siya na yata ang bukod tanging lalaki dito sa campus na mukhang modelo
kapag suot na yung school uniform namin. Bakit ba kasi kahit school uniform lang
ang suot niya feeling ko para siyang artista kung pumorma. Pero gaya ng inaasahan
ni hindi niya magawang ngumiti man lang.

Suplado.

He even smirk at the girls na halos magtulakan na para lang makita siya. See? Bakit
ko sasaktan lalo ang sarili ko kung alam ko naman na kahit ipangalandakan ko pa na
gusto ko siya ay hindi naman niya ako mapapansin? Pero kahit na ganon? Tinitilian
pa rin siya. Yung mga lalaking estudyante, hayun at mga nakabusangot! Wala silang
magagawa. Bakit nga? Hot naman talaga kasi si Nathan sa school uniform niya. Shit.
Napailing nalang ako ano ba itong iniisip ko? Pakiramdam ko namumula ako. Hot? Saan
nanggaling yun Sky? Ah basta. Palagay ko nga wala pa sila sa daliri ni Nathan! Ang
hard ko sa kanila.

CLASSROOM

"Hay..." I sighed. Kinalabit naman ako agad ni Jane. Si Jane? Isa sa malapit kong
kaibigan at kaklase. Well alam din niya na ultimate crush ko si Nathan pero
kabaligtaran siya ni Donna. Supportive yan sa feelings ko for Nathan.

"Oh bakit? Ang lalim nun ah?" Bulong niya sakin.

"Naiinip na ako. Ang tagal mag-break time." bulong ko din. As expected agad na nag-
react itong si Donna. I rolled my eyes.

"Sus sisilay na naman yan Jane." Hindi ko nalang siya pinansin. Kontrabida talaga
siya sa lovelife ko.

"Ano ka ba Dona. Okay lang yan. Pagbigyan mo na ang kaibigan natin I smiled at
Jane. Waaah. Naiintindihan niya talaga ako! Minsan lang mainlove yan. Tsaka
ginagawa naman niyang inspiration hindi naman niya pinapabayaan ang grades niya."
Nginitian ko ng ubod ng tamis si Jane. Si Donna binelatan ko. Nakuha tuloy namin
ang atensyon ng English teacher namin. Patay!

"Miss Fonacier! Miss Reyes and Miss Castro! Quite!! We're in the middle of.."

*KRING...........*

Okay save by the bell literally! Yes. Hindi na itinuloy ni Ma'am ang sinasabi niya.

"Okay class dismissed." So ayun nagtuloy-tuloy na ako sa pagtambay sa corridor.


Inaya ako nila Jane at Donna na kumain sa canteen pero tumanggi ako. Hindi pa ba
sila nasanay? Bago pa ako pumasok sa klase nakabili na ako ng miryenda para di ako
magutom habang nagaantay kay Nathan. Napapailing nalang si Donna. Kaibigan ko ba
talaga siya? Di niya gayahin si Jane supportive. Umupo ako sa sahig at kinuha yung
libro ko. I'm not reading. Props lang ito para walang makahalata na may inaabangan
ako. Ilang taon ko na ba ito ginagawa? Three years? Yeah tatlong taon na pala. The
first time I laid my eyes on him? Hinangaan ko na siya. Third year na ako ngayon at
fourth year naman siya. Pero kahit isang tingin hindi ko nakitang pinagaksayahan
niya akong tingnan. Pero despite that? Kahit kailan hindi ako nagsawang titigan
siya tuwing maglalakad siya sa harapan ko. Well hindi naman halatang siya ang
inaabangan ko dahil lagi kong hawak ang librong binabasa ko parati. Ayokong maging
obvious. Tanging si Jane, Donna at syempre ang mommy ko lang ang tanging nakakaalam
ng dahilan ng pagpapa-makeover ko. Okay I heard the girls screaming. Puro hiyawan
at tilian na lang ang naririnig ko. Ibig sabihin padaan na siya! My heart skip a
beat. Kinakabahan ako tuwing malapit na siya sumilip ako sa librong hawak ko.
My God! Ang puso ko sobrang bilis ng tibok. Pero parang may mali? Galit ba siya? At
bakit parang hinahabol siya ni Lindsay? LQ? Medyo nakaramdam ako ng tensyon sa
paligid. Alam kong naramdaman din yun ng mga estudyante dahil natahimik ang lahat.

"Wait lang Nate!" Parang nagmamakaawang tawag ni Lindsay. He even grabbed Nathan's
wrist pero umiwas agad si Nathan. Okay. Anong nangyayari. What's really happening?
Nathan is angry. And Lindsay was crying. Hindi ko ugaling makialam sa problema ng
iba kaya aalis nalang muna ako. Mukang next time nalang ako sisilay. Tss ano ba
yan. Ang tagal ko pa namang nag-hintay. Tumayo ako para umalis na. Pinagpag ko pa
yung school uniform ko at kinuha lahat ng gamit ko. Wait bakit papunta siya sa
direksyon ko? Waaaah! Feeling ko tumalon na sa 10th floor ang puso ko. Bakit parang
sakin siya pupunta. Hindi ako makahinga. Titig na titig lang ako sa mukha niya. My
knees we're shaking. Ni hindi ko alam kung paano siya napunta sa harap ko. Pero! My
eyes are wide open! Pwede bang mag-cuss? Damn! Shit. shit. Processing!

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

He kissed me!

TO BE CONTINUED...

Chapter Four: He kissed me! *Part2*

He kissed me! OMG! My first kiss. Pakiramdam ko hindi lang ako ang hindi humihinga.
Ghaaad! My heart was beating so fast! My precious virgin lips. I heard some gasp.
May mga tumitili. Nagwawala. Naiinggit! Gulat na gulat rin si Lindsay! Hello? Kung
gulat ka mas lalo naman ako? Hindi ko alam kung pipikit ba ako? Kung itutulak ko
siya, kung hihinga na ba ako. Kung gaganti ba ako? Paano naman? This is my first
kiss! Meaning hindi ako marunong! Wala akong alam! Kahit smack nga wala pa akong
experience tapos ii-invade niya ang mga labi ko? Humiwalay siya sa labi ko at akala
ko tapos na. I felt "Sayang!" Ano ba kasing malay kong humalik? NBSB ako mula't
sapol. I touch my lips-- this is not a dream Sky! Totoong hinalikan ka ng ultimate
crush mo. Nasa harapan ko pa din siya. Hindi ako makapaniwala. Si Nathan Wright?
Hahalikan ako!? Then suddenly he cupped my face and kissed me AGAIN! I can't
breathe. Yung puso ko nagwawala na. My ghaaad. He is kissing me torridly? I don't
know basta ang alam ko lang he bit my lower lip to seak for entrance at ako namang
kinikilig bumigay naman! Our tongue met but it felt so good! Nakakaloka but I kiss
him back! Hindi ko alam pero gumanti ako, wala na akong pakialam sa sigawan at
labis na pagtataka ng ilang estudyante. I can't help it. I like the feeling of
kissing him back. Tasting each other's lips savoring this previous moment.

But he stopped. Nakita kong tumakbong umiiyak si Lindsay. Okay what was that?
Naguguluhan ako. Feeling ko nasa GMA Telebabad ako! Ano bang nangyari? Yeah. Ano
nga bang nangyayari? Dahil sa pagkabigla ni hindi ko na inisip kung bakit niya ako
hinalikan. Ginamit ba ako ng lalaking ito? Pero bago pa ako makarecover hila-hila
na ako ni Nathan papuntang parking lot. Ano ba itong napasok ko? Di ba dapat masaya
ako? But instead I felt so cheap. Dapat masaya ako. I should be happy dahil yung
lalaking hinahangaan ko ang first kiss ko. Yung palihim kong sinisilayan sa loob ng
tatlong taon. Pero bakit parang mali? Bago kami makarating sa Parking Lot? Puro
bulungan ang naririnig ko about sakin syempre. Mga foul words na hindi ko akalain
na maibabato sakin. Na maririnig ko. I am just a simple student na humahanga at
nagaaral pero ngayon nagbago ang lahat in just a snap! Slut? Bitch? Whore? Ako?
Samantalang itong si Nathan? Poker Face lang! Oh my God ang tahimik ng buhay ko
kanina lang tapos sa isang iglap? Grabe ang sakit na talaga ng paa ko. Hindi ba uso
sa kanya ang salitang gentleman?

Ang kinakatakot ko lang baka hindi na ko makalabas ng buhay nito mamaya. Kitang-
kita ko kung paano ako patayin sa tingin ng mga babaeng humahabol dito sa kasama
ko. Nyemas naman! I'm really so dead! Donna! Jane nasaan ba kayo? Help! Bakit ba
kasi hinalikan ako nito?

"Wait lang TIGIL!" ang sakit na kasi ng paa ko. Napangiwi na ako sa sakit.

"What?" WHAT the? What? Itatanong pa talaga? Yeah crush ko siya pero hindi ko naman
siya nakakasama! Alam kong masungit, suplado, at mayabang siya pero iba pala ang
dating kapag ikaw mismo ang kaharap niya. Nakakainis siya pero mas naiinis ako sa
sarili ko dahil ang gwapo niya talaga!

"What? Hello. Kanina mo pa kaya ako kinakaladkad at ang sakit na ng paa ko! *pout*"

"Tss don't pout lady! It's disgusting!" He just smirk. At ano? Disgusting? Ee bakit
hinalikan niya ko? Mayabang pala talaga itong lalaking ito ee. Whoo! Kalma Sky.
Kalma. Turn off! Pero bakit kahit ganon? Gusto ko pa rin siya?

"Saan mo ba kasi ko dadalhin?"

"Can't you see sa parking tayo papunta? Stupid!" I calm myself. Shit lang. Stupid?
Ako?

"Stupid? Ako? Kung tanga pala ako para sayo ee bakit ninakawan mo ako ng halik! Ang
kapal mo!"

"Simply because you're stupid!" Okay that's enough Sky. Kahit crush ko pa siya
hindi ako makakapayag na kung ano-anong masasakit na salita ang sabihin niya sakin!
Nakakainis ang hangin niya! Pasalamat siya gwapo talaga siya at mabango yung
hininga niya. What the-- erase Sky. Kinuha ko ang kamay ko. Ghaaad! HHWW pala kami
kanina pa? Tumalikod ako at akmang aalis na. Walk out ba?

"Waaah!! Let go of me! Ibaba mo ako! Ano ba?!" Paano ba naman binuhat ako na parang
isang kabang bigas? Kung sa ibang pagkakataon siguro kikiligin ako pero naiinis
talaga ako sa kanya. Napakayabang! Pero stupid nga ata ako bakit ganito? My heart
races so fast. Freaking heartbeat inilalaglag ako! Kinikilig ako na hindi ko
maexplain. Naiinis ako pero natutuwa ako na finally. Napansin niya na rin ako.

"Huwag ka ngang malikot. Look. I'm sorry okay? Wala lang ako sa mood. I'll explain
it to you later." Ayiii sorry daw. Apology accepted. Okay ang harot ko.

To be continued...
Chapter Five: Officially his Girlfriend?

Nang marating namin ang parking lot agad niya akong ibinaba. Well after that sorry
hindi niya na ulit ako kinibo. Naiilang naman akong magtanong dahil halatang bad
mood talaga siya. Pinasasakay niya ako sa motor pero hindi ako gumagalaw. First
time kong sasakay ng motorsiklo at kinakabahan ako!

"Ano ba? Sasakay ka ba o sasakay ka?"

"Tss parang may pagpipilian ako sa choices mo? Hmmmm ayoko! Hindi pa ako
nakakasakay sa ganyan." mahina kong sagot.

"Ah ganun ba? Bahala ka! See that? Kapag hindi ka sumakay? Nakikita mo ba ang mga
grupo ng babaeng yun?" Sabay turo sa mga babaeng nakasilip sa gawi namin. Yun yung
mga babaeng kanina lang ay halos patayin na ako sa tingin. "Ayaw mo naman sigurong
umuwing baldado o walang buhok?" Ang bwisit tinakot pa ako! Heto nga at nanginginig
na ko sa takot. Hindi biro yung dami ng mga babaeng humahanga sa kanya at hindi
malabong makalbo nga ako!

"Eto na nga oh sasakay na po!" I said sarcastically. Bwisit ito ba ang lalaking
pinagaksayahan ko ng tatlong taon para makita araw-araw sa corridor? Well alam ko
namang bad boy siya pero di ko inaasahang ganito siya ka-rude! Halos malaglag yung
puso ko sa takot ng paharurutin niya yung motor niya!
Pwede bang magmura ngayon lang? "Ihinto mo! Ayoko pang mamatay! Dahan-dahan naman!
Damn you! Itigil mo na!" Napayakap na ako sa bewang niya sa takot na mahulog pero
kahit kinikilig ako at sobrang bango niya gusto ko na talaga siyang sakalin kung
hindi lang ako mahuhulog sa bilis ng takbo namin! Ang walanghiya ni hindi man lang
pumreno kapag may mga humps! Bwisit! Parang hinahatak ni kamatayan ang puso ko!
Saan ba kasi kami pupunta? Nasagot ang tanong ko nung huminto kami sa harap ng
isang mansion. "Bahay niyo?"

"..." Okay. Nice talking. Inilibot ko nalang ang mga mata ko. Ang daming paintings.
Mga vase na mukhang sa ibang bansa pa binili! May mga chandelier na parang sa mga
pelikula mo lang makikita! Oh my! Ganito siya kayaman? Weh?? Palasyo ata ang tamang
term dito eh. Hindi ko alam kung saan ito. Paano ko malalaman? Nakapikit ako the
whole time!! Remind me to kick this crush of mine later. Heto na naman po
kinaladkad na naman ako!

"Teka nga bakit mo ko dinala dito?" I rolled my eyes. Napakabait niya grabe! Ni
hindi ako sinagot. Andito na kami sa salas pero bakit walang tao? Teka baka naman
hindi kanya itong bahay? Kahit mga maids wala. Anong oras na ba? 9:00 a.m. ang
break time namin. Wait! Ibig sabihin? "Teka! May klase pa ako! Wala sa vocabulary
ko ang salitang cutting classes!" Lagot ako nito hindi lang sa teacher ko pero pati
kila Donna!

"Wala ka ng magagawa! Nandito na tayo at kailangan kitang makausap tungkol sa


nangyari kanina!" I remember our kiss-- Shit. I can feel my blood rushing through
my face! Namumula ako! Nakakahiya!

"Now that you've mention that!!! Bakit mo ba ako biglang hinalikan? Ni hindi mo nga
ako kilala di ba? Isa pa nandun yung girlfriend mo! Kung may problema kayo bakit
idadamay mo pa ako?" My heart skip a bit. Bakit ba ang lapit niya? Kinabahan akong
bigla. We are now inch from each other. Nararamdaman ko na ang hininga niya sa
pisngi ko.

"Wait ano ngang pangalan mo?"


"S-sky." Oh no! I'm under his spell. Bakit ba kasi sobrang gwapo niya? Sky Blue
Fonacier." Bwisit nauutal ako! Bakit kasi ang lapit niya?

"Nice name. Sky. About your question?" I can't breath! Ang lapit na ng labi niya sa
akin. Magkadikit na ang dulo ng mga ilong namin. "Masama bang halikan ko ang
girlfriend ko?" What the hell. Girlfriend? Okay nakakaamoy ako ng panggagamit! The
nerve! Bakit ba natututo na akong mag-cuss simula ng makausap ko itong si Nathan? I
gasp when he pulled me and kissed me again! Shit. Wala si Lindsay. Walang audience
so bakit hinalikan na naman niya ko? The next thing I knew? He's kissing me
passionately at tumugon naman ako! Shit I feel so perv right now. Ano bang ginawa
mo sakin Nathan ka? Second kiss ko palang ito pero ang bilis kong makasabay? Oo
tumutugon ako sa hindi ko malamang dahilan! He's totally a monster! A Kissing
Monster! He wrapped his arm around my waist at parang may sariling isip ang mga
kamay ko at ikinawit ito sa batok niya. Grabe ala bang magpapatalo samin? Ilang
minuto na ba kaming nagkikissing dito? I need air. I gasp for air at humiwalay na
ako sa kanya.

"Well base sa pag respond mo? Your my girl now!" WHAT the? Yes I enjoy it but I
feel so cheap right this time. Baka akalain nito mababang uri ako ng babae na kahit
ngayon lang kami nagkausap eh bumibigay na ako! Ang nakakahiya pa, nahuli niya pa
kong nakapikit!

"Hold on Nathan."

"Why Sky?" Naman! Bakit ang sarap pakinggan ng pangalan ko kapag siya ang nagsabi?
Ayokong kiligin sa pagkakataong ito pero di ko mapigilan!

"Hell there's no way na papayag ako sa plano mo! I know that you and Lindsay are in
relationship at hindi ako tanga para makisawsaw sa inyo. Tell me, bakit mo ko
hinalikan kanina? Napansin kong galit ka kanina at nagtatalo kayo ni Lindsay, aalis
na sana ako dahil ayokong nakikialam sa gulo ng may gulo pero sa halip na umiwas
hinalikan mo pa ako!" Humihiyaw na talaga ako! Kahit naman crush ko siya ayokong
pasukin ang mundo niya noh! Ang gusto ko lang mapansin niya ako dati, pero hindi ko
naman hinangad na maging girlfriend niya. Ayos ng mag hi at hello kami sa isat-isa.
Weird pero takot ako sa mga atensyon at sa mga babaeng patay na patay dito kay
Nathan.

"So isa ka din pala sa mga chismosa sa Campus? Hmmm sabagay sino bang di
makakakilala sa akin?" Tss. Hambog!!! Gggrrr. Ang yabang talaga! "I'm sure tuwang-
tuwa ka pa sa halik na pinagsaluhan natin. Pero sa ayaw at sa gusto mo Sky Blue
Fonacier? Girlfriend na kita ngayon! Wala kang choice! Kapag itinanggi mong hindi
tayo? Tsk kukuyugin ka ng mga fan girls ko sa school at i'm sure kahit isipin hindi
mo gagawin kung ano ang gagawin nila sayo! I'm sure they think that you're a bitch
and a slut right now dahil alam ng lahat ay kami ni Lindsay." Ano ito bina-
blackmail niya ba ako?

"Are you blackmailing me?"

"Unfortunately yes?" Oh I can't take this! I can't believe this! Di ba dapat


kiligin ako? Dahil yung pinapangarap ko nandito na magiging boyfriend ko na. But
the hell. Alam kong ginagamit niya lang ako!

"Are you insane Nathan? Hindi ko pinangarap na maging hot topic at tampulan ng
tsismis araw-araw! Kanina lang ang tahimik ng buhay ko pero bigla mong ginulo at
ano ako? Mistress? Second gf? Third party? I'm not that pretty after all!" Kung
malalaman lang ito nila Donna at Jane.

"Para matigil ka wala na kami ni Lindsay! Wala ng marami pang tanong kung bakit!"
Biglang gumuhit ang galit sa mukha. Kinilabutan ako aaminin ko. Hindi ko pa siya
nakitang nagalit kahit noon. Ano kayang dahilan ng away nila? Aisst ano namang paki
ko? "And I know that you're not that pretty it's obvious anyway? Nagkataon lang na
ikaw ang kaharap ko kanina kaya ikaw ang nahalikan ko. Pero good thing dahil hindi
ka isa sa mga fan girl na umaaligid sakin araw-araw." I blushed. Paano kaya kapag
nalaman niyang inaabangan ko nga siya kanina? Na isa rin akong fan girl? "Tss.
Admit it Sky? You enjoy the kiss we shared! That's enough reason para maging tayo.
We enjoy kissing each other. Even though your not my type sapat ng dahilan yun para
maging tayo!" Okay. Mukhang napasok ako sa isang problemang kahit gusto kong
takasan ay wala na akong lusot!

I'm officially his girlfriend/PANAKIP BUTAS!!!!!!!

TO BE CONTINUED...

Chapter Six: She cheated on him.

Nakauwi na ako dito sa bahay pero hindi pa rin ako makapaniwala. I can't believe
it. Totoo ba lahat ng nangyari kanina? Kinurot ko yung braso ko. Shit. Ang sakit!
Baka kasi na nanaginip lang ako? Pero hinatid niya pa ko pauwi eh.

*Flashback*

"Dito pala ang bahay mo? Hmmm medyo malayo sa amin pero susunduin kita bukas sabay
tayong papasok. Ayokong kuyugin ka bukas dahil sakin." Tumango nalang ako. Hindi ko
alam kung kikiligin ba ako o maiinis pero sa huli nagtitili nalang ako papunta sa
kwarto ko.

*End of flashback*

Alam ko na rin ang dahilan kung bakit niya ko biglang hinalikan kanina. Ramdam ko
ang sakit at galit habang nagkukwento siya.

*Flashback*

"Alam kong mahal mo si Lindsay Nathan! At kung hindi mo sasabihin sakin ang totoong
dahilan kung bakit mo ako hinalikan kanina at kung bakit gusto mong maging
girlfriend ako pwes kahit kuyugin pa ako ng mga Fans Club mo hindi ako papayag sa
gusto mo!" Hindi talaga ako papayag hanggat hindi niya sinasabi ang totoo!
Gagamitin na nga ako tapos gagawin pa akong tanga? Pssh. Nevermind!

"Tsk fine! I saw her kissing another man. It's that enough para makipaghiwalay ako?
Okay na ba yang dahilan huh? I will just ignore them aalis na sana ako pero nakita
na ako ni Lindsay. Ayokong masaktan ko siya sa sobrang galit ko kaya naman mabilis
akong naglakad palayo pero inabutan niya ako sa corridor kung saan nandon ka!
Sinabi kong break na kami pero ayaw niyang pumayag kaya naman tinalikuran ko siya
at good thing na nandun ka at hinalikan kita. I don't know? To get even? Psssh. I'm
sorry kung ginamit kita pero nandito na ito at ayoko namang maging unfair sayo.
Kaya from now on girlfriend na kita sa ganung paraan walang maglalakas loob na
saktan ka." Napanganga talaga ako, nagawa yun ni Lindsay? Bakit? Anong dahilan
niya? Nathan is every woman's dream. Nasa kanya na ang isang Nathan Wright tapos
hahanap pa siya ng iba? Ang tanga niya! "Nakakagulat ba? Hmmm huwag kang mag-alala
hindi lang ikaw ang nagulat. Kaya kahit hindi ka naman kagandahan, as long as we
enjoy kissing each other you're now my girl."

"Ayos ka din ee noh? Makalait wagas? Baka gusto mong hindi kita tulungan?"
"So payag ka na? Don't worry hindi nga kita niligawan but i'll treat you the way I
treat her baka mas pa nga!" Sobra siguro talaga siyang nasaktan? He's so mad.
Kitang-kita yung galit sa mukha niya. Imagine two years silang mag-on tapos si
Lindsay nagawa talagang ipagpalit si Nathan? Sabagay hindi na din ako magtataka
napaka-hambog niya ee. Pssh.

"May magagawa pa ba ako? Eh nahalikan mo na nga ako eh! Dalawang beses pa! Kahit
alam kong ginagawa mo lang akong panakip-butas-- wala na akong magagawa!" He smirk
then smiled at me. *Dugdug* Gosh! Yung puso ko-- aatakihin ata ako sa puso. Huwag
mo akong ngitian ng ganyan Nathan ka--

*End of flashback*

So ayun kahit mayabang at antipatiko pa siya tinulungan ko na din. I don't know may
halong inis at kilig yung nararamdman ko. Inis dahil alam kong panakip-butas lang
ako at kilig dahil yung matagal ko bg gustong mangyari yung pansinin niya ako?
Nangyari na. Ang taggal ko ding hinintay na mapansin niya ako at natupad naman
kaso girlfriend agad? Pero anong malay ko baka isang araw malipat na sakin yung
nararamdaman niya? How I wish. Hindi naman masamang umasa tutal magulo na rin ang
buhay. Isa pa sabi niya he will treat me the way he treat her. My heart skip a
beat. Paano bang maging girlfriend ng isang sikat ay hinahangaan?

Hindi pa rin ako makapaniwala, dati sinisilayan ko lang siya. Tinitingnan yung mga
stolen pictures niya sa facebook pero sa isang iglap he took my first kiss and the
next thing I knew girlfriend na niya ko. Ang bilis ng pangyayari at kinakabahan
talaga ako para bukas. I'm sure talk of the crowd ako. Sigurado din akong alam na
ito nila Jane at Donna. At siguradong marami ang gustong malaman ang totoong
nangyari. Possible din na marami ng galit saking fans ni Nathan at gusto na akong
kalbuhin shit. Kakilabilot naman!? Pero hindi naman niya ko pababayaan di ba?
Nakatulog akong may ngiti sa mga labi kahit alam kong panakip-butas lang ako.

TO BE CONTINUED...

Chapter Seven: I feel safe.

*Beep! Beep!*

"Aist! Sino ba yun? Natutulog yung tao ee mambubulahaw pa!" Bumaba ako para
paalisin yung hinayupak na driver na abot ang ingay sa tapat ng bahay namin. Pero
pagsilip ko. What the? Anong ginagawa niya? Pero nawala rin ang pagkabigla ko ng
maalala ko na girlfriend na nga pala ako ng isang Nathan Wright. Pssh. GOODMORNING
Sky! This is it! Hinanap ko agad yung cellphone ko at tiningnan ang oras.
Seriously? Ten miscall kay Jane. Twenty kay Donna and five miscall galing kay
Mommy? Shocks si Mommy! Oh shit how can I forget my own mother? Agad kong tinext si
Mommy na sobra akong napagod kahapon para hindi na siya magalala. Mahirap na baka
magalala yun, kagabi lang ako hindi nakasagot sa tawag niya. Si Jane at Donna sa
school ko na siguro kakausapin. Late na din kasi.

*Beep*

"Ay impakto!" Shit! Si Nathan nga pala! Agad kong binuksan yung gate.

"Kanina pa ako bumubusina ah? Bakit ba ang tagal mo?" Asar na asar niyang sabi
pshh-- magagawa ko? Ang aga kasi niya, teka anong oras na nga ba? Tiningnan ko yung
hawak kong cellphone at laking gulat ko. 7:30--- okay. What the hell! 7:30? I'm
dead!
"Hala Nathan late na tayo! Bakit tinanghali ako ng gising? Wait lang maliligo na
ako." Pero natigilan ako ng napansin kong nakatulala siya sa akin. Bwisit bakit ba?

"Oh nakatulala ka?" Pero hindi siya nagsalita. Nung mapansin ko kung bakit.

"Waaaah! Bwisit ka! Hindi ka lang mayabang at hambog! Manyak ka pa! Pervert!
Pervert ka! Nakakainis ka talaga!" Bwisit bakit ba nakalimutan kong nakashorts na
maikli lang ako kung matulog at naka t-shirt lang ako, and for the record wala
akong bra! Waaaah! Nakakahiya! Ni hindi pa nga pala ako nakakapagsuklay. Naging
comcious tuloy ako sa itsura ko letche! Paano kung may tulo laway pa pala ako?
Nakakahiya ka talaga Sky! Mabilis akong gumayak at binalikan siya sa salas. Hindi
ako makatingin nakakahiya talaga kanina.

"Tsk. Huwag ka ng mahiya dahil nakita ko na! Kahit hindi ka sexy, pwede na rin. May
laman naman kahit papaano!" Ano daw? Bwisit!

"Pervert!"

"Gwapo naman. It's not my fault if you're seducing me girlfriend? *smirk*"


Arrrghhhh mukhang kung kailan boyfriend ko na siya tsaka ko naman isusuko ang three
years kong paghanga sa kanya! Gwapo lang siya pero ang ugali bagsak!

"I'm not seducing you Pervert!"

"Really?" Kalma ka lang Sky. Hinga.

"Tara na pasok na tayo. Late na tayo sa first subject!"

"Teka hindi ka ba kakain?"

"Sa school na hindi talaga ako kumakain sa umaga." Naks concern ba siya?

"Sabay tayong uuwi mamaya maggo-grocery tayo. Nasaan ba kasi ang mga magulang mo?
Bakit parang nag-iisa ka dito?"

"Nangibang bansa ang mommy ko dahil iniwan na kami ng Daddy ko na sumakabilang-


bahay. Grade schooler palang ako magisa na akong namumuhay na mag-isa." Hindi ko
alam bakit nagoopen-up ako kahit alam ko namang wala siyang pakialam sa istorya ng
buhay ko. Hmmm panakip-butas lang naman ako. What do I expect?

"So dapat pala talaga kitang alagaan." Bulong niya pero narinig ko naman. Alagaan?
Ako? At bakit naman? Dahil naaawa siya?

"Huh? May sinasabi ka?" Nagkunwari nalang ako.

"Wala tara na! Late na tayo di ba? Pssh." Sabay hila sakin sa motor niya infairness
may helmet na. Palusot pa siya ee narinig ko naman. Hmmm hayaan na nga late na
talaga ako at ayokong bumagsak sa mga Acads ko. Shit! Nung patakbuhin niya yung
motor? Bwisit! Hindi niya ba alam ang salitang dahan-dahan?

"Nathan pwede ba bagalan mo naman!" Bakit ba kasi ganito magpatakbo tong lalaking
ito? Parang hinahabol ni kamatayan! Hindi ko man sinasadya pero napapa-yakap tuloy
ako! I blushed. Ang bango niya. Aist! Bad Sky!

"Hoy nageenjoy ka masyado sa pagkakaakap sa abs ko. May papikit-pikit ka pa! Naubos
na din ang pabango ko kakaamoy mo! Para kang aso!" What the? How dare him compare
me with an animal? I feel so red right now! Nakakahiya! Nandito na pala kami sa
parking lot ng Maniego?
"Hoy kapal! Natatakot lang ako sa pagpapatakbo mo noh!?" Iniwan ko nga! Tss.
Nakakahiya talaga! Huling-huli ako sa akto! Pero nagulat ako ng nakasunod agad siya
at inakbayan ako papasok ng campus. I can feel my heartbeat. Natigilan din ako ng
bahagya. Nanginginig yung tuhod ko-- ano ba Sky? You kissed him already. Ano bang
nakakakaba sa akbay lang?

"She's a slut!"

"Yeah! Ang kapal ng mukha niya! Sino ba siya sa akala niya?"

Help me God. Papatayin na ata ako ng mga fan girl nitong hambog na ito. Ano ba
itong napasok ko? Naramdaman ata niyang nanginginig ako. "Huwag kang magalala hindi
ka nila pwedeng saktan." I blushed. Bakit ba nakakakiliti ang pagkakabulong niya?
Hala napalitan ng kilig yung takot ko. Pakiramdam ko habang kasama ko siya walang
pwedeng manakit sakin. I feel so safe right this time.

To be continued...

Chapter Eight: Live show.

Malapit na ako sa room namin. Believe me parang may mga daga sa dibdib ko!
Kinakabahan ako dahil first time kong ma-late. Ayokong mapagalitan. Takot ako sa
atensiyon. Tapos yung tingin pa ng mga babaeng fans nitong kasama ko feeling ko
sasakmalin na ako any minute. Sabi nga nila kung nakamamatay lang yung tingin baka
kanina pa ako walang buhay.

"Ano bang pinakain niya kay Nathan?"

"She's a famewhore!"

"Sarap kalbuhin!"

"Halata namang ginagamit lang siya ni Nathan para magselos si Lindsay "

"Lindsay must see this. Nakakasuka!"

I look down. Grabe ngayon pa lang ang dami na nilang nasasabi sakin. Paano pa sa
susunod na mga araw? Dapat ba akong kabahan? But I need to trust Nathan. Alam kong
hindi niya ko pababayaan dahil kung hindi sasapakin ko talaga siya! Hindi ko pa
gustong makalbo at lalong hindi ko gustong mabugbog ng mga babaeng ito noh! Naging
fan girl din naman ako pero never akong nagisip ng ganyan sa kapwa ko. Napansin ko
din na walang hiyawan at tilian na nangyari ngayong araw nung pumasok kami Nathan.
Kung noon ay puro sigawan kapag paparating na si Nathan ngayon ay napakatahimik.
Walang gustong kumibo o magtanong. Sabagay sino bang magrereact kung makikita mo
ang isang Nathan Wright na may kaakbay na ibang babae maliban kay Lindsay? Parang
lahat nakikiramdam at gustong malaman ang buong detalye sa drama nila ni Lindsay
kahapon at sa pagiging extra ko.

"Oh paano? Papasok na ako. Salamat sa paghatid. Kung hindi mo ako sinundo baka wala
na akong buhok ngayon. Ikaw din pumasok kana graduating ka pa naman." I turn
around. Binuksan ko yung pinto. Papasok na sana ko pero bigla niya nalang akong
hinila. He wrapped his arm on my waist and smirk at me. Freaking heartbeat. Gosh!
My heart was pounding! He kissed me. Again! Hala ano bang nangyayari sa lalaking
ito? Ganito rin ba siya kay Lindsay? Bigla nalang nanghahalik? I gasp when he suck
my lower lip. Pero imbis na itulak siya o sigawan siya bakit nagrespond agad ako? I
enjoy it too! I respond that easily. Aminin ko man o hindi. I'm under his spell.
Nawawala ako sa sarili ko everytime he's near yun pa kayang halikan niya ako? Oh
no! I don't want to fall for him kung panakip-butas lang ang drama ko dahil alam
kong sa huli ako ang talo. Paano pala kung isang araw sila na ulit? Na magkabalikan
sila ni Lindsay at ako namang si Tanga ay hulog na hulog na? No. Hindi pwede. I
need to control my feelings. Crush ko palang naman siya di ba? Hindi pa ako inlove
sa kanya kaya maiiwasan ko pa! Itutulak ko ba siya? Shit! Parang may sariling isip
ang mga kamay ko. The hell but I wrapped my hands on his neck! Kahit pa
nagsisigawan pa sa paligid namin wala na akong pakialam. Hala?

Nagsisigawan? Agad kong itinulak si Nathan. Bwisit ano ba ang nangyari? Live show?
Putek pati pala classroom namin bukas na rin ibig sabihin nakita yun ng mga kaklase
ko? Ng teacher ko? Pati nila Donna at Jane? Hala feeling ko sasabog na ang pisngi
ko sa sobrang pula. He whispered at me na lalong nagpakabog ng puso ko!

"Tss you're blushing Sky. Kanina pa kita gustong halikan nung nasa bahay mo palang
tayo kaso bagong gising ka e." Tapos ngumiti pa ng nakakaloko at tumalikod na.
Naiwan akong nakanganga literally at hiyang-hiya. Nung makapasok ako sa room namin
hindi ko alam kung paano ako uupo. Diyos ko ano ba namang boyfriend yun?
Nanghahalik kahit saan? At ano daw? Gusto niya kong halikan kanina sa bahay? He's
totally a pervert! Bwisit ka Nathan! Hays. Itinuon ko nalang ang mata ko sa teacher
namin. Nagulat nga ako at hindi man lang kami binawal kanina pati pagiging late ko
hindi rin sinita? Crush din ba ni Teacher si Nathan? Ay grabe di naman siguro.
Ramdam ko naman yung mga makahulugang tingin nila Jane at Donna. Lalo na ng mga
kaklase ko! Aist parang napakahaba ng araw ko ngayon!!!

To be continued...

Chapter Nine: Jealous.

"Okay goodbye class tapusin niyo sa bahay ang pagbabasa. May pagsusulit tayo
bukas." I look at Jane tapos kay Donna. Kinakabahan ako. Ang totoo kanina ko pa
pinagdarasal na habaan pa ni Teacher yung klase. Parang ngayon lang nangyari na
ayoko munang matapos ang klase.

"E-ehem!" Bwisit ayan na si Donna.

"Hehe." Ako yan. Hindi ko kasi alam kung paano ko sila haharapin.

"Huwag mo akong ngitian dyan Sky. Hindi mo ako makukuha sa pagngise mo.
Magpaliwanag ka!" Tss. Ayan na naging tigre siya.

"Ah eh kasi." Napansin kong nakikinig ang buong klase sa amin kaya binulungan ko si
Donna. "Doon tayo sa canteen, daming nakikinig dito please?" bulong ko. Psssh eto
na nga ba ang sinasabi ko eh dati parang hanging dinadaanan lang ako ng mga kaklase
ko pero ngayon all attention sakin. Lahat gustong malaman kung ano talaga ang
totoong nangyari.

"Doon nalang tayo sa may gym mukhang walang tao doon ngayon. Ang alam ko kasi
walang practice ang basketball team." Suggest ni Jane. Mukhang tama siya kung sa
canteen kasi kami pupunta, tiyak na marami ding tao. Worst baka kuyugin pa ako! But
guess what? Bago kami makarating dito sa Maniego Gym sangkatutak ang pinagtaguan
naming fans club ni Nathan! Grabe namang lalaki yun dinaig pa artista! Bakit ba
kasi ako ang napasok sa ganitong gulo.

"Oh ngayon nakatakas na tayo sa mga bitches na yun! Tell us the whole story!
Kaibigan mo kami pero kami pa ang huling nakaalam ng tungkol sa kissing scene niyo
sa corridor ng Nathan Wright na yun!" Si Donna na nakacrossed-arm na. I'm sure
nagtataka talaga siya. Sa kanilang dalawa kasi ni Jane siya ang mas nakakaalam na
hindi ako kahit kailan tinatapunan ng tingin man lang ni Nathan sa loob ng tatlong
taong pag-aantay ko sa kanya palagi sa corridor. Tapos heto parang magic na bigla
nalang na kami na.

"Oo nga naman Sky. Nakakatampo ka talaga. Ni hindi ka na pumasok kahapon sa klase
buti walang mga quiz o test na binigay. Pero girl hala paanong nangyari at
hinalikan ka ni Nathan! Sikat ka na ngayon! Ang daming gustong saktan ka hehe." Si
Jane.

"Okay makinig kayo!" So ayun kinwento ko ang nangyari simula kahapong nag-aabang
ako sa corridor hanggang sa ihatid niya ako kanina. Reaksyon nila? Halos sapukin na
ako ni Dona! Pero syempre suportado naman ako ni Jane.

"Gaga ka ba kung panakip butas ka lang bakit pumayag ka? Tapos pati sa bahay nila
dinala ka niya? Paano kung may ginawa siyang masama sayo?" I sighed. Nakagat ko din
yung labi ko. Grabe naging amazona na naman siya. Alam ko namang para sakin lang
din yung pagaalala niya kaso traydor kasi ang katawan ko. Isang halik lang ng
hambog na yun nawawala na ako sa sarili ko. "At ano? Pati sa bahay nila hinalikan
ka din niya? What the hell Sky magisip ka nga? He took advantage of you! Tapos
kanina wala naman sa paligid si Lindsay para pagselosin niya pero hinalikan ka na
naman niya sa harap naming lahat at pati ng mga estudyanteng nakatambay sa labas ng
room nila! Sky! Masasapok talaga kita ng bongga! Tapos bakit pumayag ka ng ganun na
lang dahil ba crush mo siya kaya magpapagamit ka? Ang TANGA MO alam mo yun?" Galit
na galit talaga sakin si Donna. I chew my bottom lip. Naiintindihan ko naman siya.
Gets ko naman yung point niya ee.

"Aist! Ano ka ba naman Donna? Suportahan nalang natin si Sky. Matagal na niyang
gustong mapansin siya ni Nathan tapos ngayong sila na kokontra pa ba tayo? Kaibigan
natin siya at dapat suportahan natin siya kahit pa mali ang dahilan para maging
sila." Pagtatanggol sakin ni Jane na lalo lang ikinainis ni Donna.

"Hay bahala kayo. Basta ako sinasabi ko sayo Sky kapag nasaktan ka ng dahil sa
katangahang yan makakatikim yang Nathan na yan sakin. Sasapakin ko talaga siya!
Hindi kita kinukunsinti sa kagagahan mo pero wala naman akong magagawa kung gusto
mo." Kaya love ko yan kahit kontrabida sa buhay ko ee. Hindi ako matitiis. I hugged
her tight and kiss her forehead na ayaw na ayaw niyang ginagawa ko.

"Thank you Donna. The best ka talaga!"

"Pssh. Don't kiss me! Shit. Yuck ka!" Tawa lang kami ng tawa ni Jane.

"Thank you din Jane. Kahit kailan talaga suportado mo ako sa mga kalokohan at
kagagahan ko." After our interrogation. I mean confrontation. Tumuloy na kami sa
Canteen. Gutom na talaga ako. Hindi ako nagbe-breakfast remember kaya lagi akong
gutom kapag break time na. Pero-- Nakakapagtaka? Bakit wala ni isang tao sa
dinaraanan namin? Kanina kulang nalang magtakip ako ng mukha huwag lang nila akong
makilala at baka the next thing I knew kalbo na ako. Pero ngayon as in wala
talagang tao sa bawat daanan namin.

"Sky? Donna? Bakit? Anong nangyari bakit walang tao?" Tanong ni Jane. Nagkibit
balikat lang kami ni Donna, hindi ko rin alam magkakasama kaya kami? Nasagot yung
mga tanong namin ng makarating kami sa Canteen. Lahat halos ng estudyante ay
nagkukumpulan dito sa loob ng canteen at walang kakurap-kurap. Walang nais
magsalita dahil sa tensyon. Tanging ang maririnig ay ang paghinga ng ilang malapit
sa kanila. I must know dahil ganito sila kasikat.
Si Nathan at Lindsay pala.

Pero bakit hindi ako makahakbang? Hindi ako makagalaw. I feel a pang on my chest
and it really hurts. Bakit? Bakit nasasaktan ako ng ganito? Bakit hindi ako
makakurap man lang? Naghihintay din ako kung anong mangyayari at kung anong
maririnig ko. I can't breath literally. Nakatitig lang ako sa kanila. Paano kung
nagkabalikan na pala sila? Na okay na sila at kinalimutan na ni Nathan yung
ginawang pagtataksil ni Lindsay? Paano kung mahal talaga nila ang isat-isa? Shit.
Why this sudden heartbeat? Why this sudden pain?

Ano naman? From the start alam ko naman ang role ko sa relasyon nila di ba?
PANAKIP-BUTAS. Siniko ako ni Jane at Donna pero hindi ko sila pinansin. Nakatuon
lang ang mata ko sa dalawang nag-uusap sa gitna ng canteen nitong Maniego High.
Halos manigas ako ng halikan ni Lindsay si Nathan. He kissed back at nagsimula ng
magkagulo. Lahat masaya. May pumapalakpak at may mga nagsisigawan. Kabaligtaran ng
reaksyon nila ng halikan ako kahapon ni Nathan.

That's it. Pigilan ko man pero I'm crying dammit! Bakit ganito kasakit? Nahawakan
ko yung dibdib ko? I can't understand. Crush ko siya, Yes. But i'm not in love with
him right? So bakit ako umiiyak? Why I feel so damn broken? I sighed and calm
myself. Tapos na ang pagpapanggap namin. Bakit ba kasi umasa pa akong pwede niya
rin akong magustuhan? Pero ang sakit talaga. Dati ko naman silang nakikitang sweet
sa isat-isa. Pero bakit ngayon? Hindi ko maintindihan. Mayabang siya diba?
Masungit? Bastos? Pero nasasaktan ako ngayon. Nagseselos ako! Tumalikod ako at
nagsimulang maglakad palayo sa canteen.

"Buti nga sa kanya! Ilusyunada."

"Para siyang basura na itinapon nalang ng basta."

"Nagising na si Cinderella."

Pssh. Oo na! Gets ko naman bakit kailangang isampal pa nila a pagmumukha ko?

"Sky okay ka lang?"

"F*ck! Sasapakin ko talaga yang Nathan na yan!" I wiped my tears from falling. Ano
bang meaning ng mga halik na yun sa kanya? Bigla nalang siyang manghahalik tapos
iiwan ako sa ere! Hihingi ng tulong tapos makikipagbalikan din pala? Tss. He's
Nathan after all. Ano bang dapat asahan ko? Arrrghhh ayoko ng nararamdaman ko! I
fake a laugh. Para lang akong tanga.

"Sky teka lang!" Si Jane. Hindi ko na sila pinansin at patuloy na lumakad palayo
habang umiiyak.

"Hoy Sky Blue Fonacier! Saan ka pupunta?!" Shit lang Donna! Ang bwisit ang lakas ng
boses niya! Lumingon ako pero laking gulat ko ng sa akin na nakatuon ang atensyon
ng lahat! At ang labis kong ikinabigla, parang hinawi ang mga estudyante at unti-
unti kong nakita ang imahe ni Nathan. Ayokong makita niya akong ganito. No. Hindi
ko siya bibigyan ng kasiyahan na makita akong parang tangang umiiyak. Baka lalong
yumabang. Knowing him. Aasarin niya lang ako sabagay wala na kami. There's no
reason para kausapin niya pa ako. Baka sasabihin niya sakin na tapos na ang
pagpapanggap? No. Gets ko naman na bakit kailangan niya pang ipamukha? Tumakbo ako
pero inabutan niya rin ako.

"F*ck it Sky! Hindi mo dapat nakita yun! It's not what you think okay?" Hindi ko
siya nilingon. Bwisit nagpipigil ako ng luha pero bakit lalong lumala? Humagulgol
na ako. Ang sakit kasi. Lalo ko lang nararamdaman na ginamit niya lang ako.
"It's o-okay Nathan. Naiintindihan ko naman. Umiiyak ako dahil sa tuwa. Haha--Yeah.
Natutuwa talaga ako dahil okay na kayo ni Lindsay. Hindi mo na ako kailangan at
hindi na natin kailangan pang magpanggap. Bakit ba kasi pumayag ako sa gusto mo?
Ngayon lang nagsink-in sakin na ginamit mo lang ako. Na ang tanga ko talaga.
Pinagtatawanan na ako ng lahat-- I feel so cheap." Tss. Sinong niloko ko? Hindi ako
natutuwa! Ramdam kong sa amin na sila nakatingin bakit ba kasi iniwan pa niya si
Lindsay? Baka mamaya okay na sila tapos gumulo na naman dahil sakin.

"I said it's not what you think!"

To be continued...

Chapter Ten: Kilig much.

"It's not what I think? Nathan wala ka namang dapat ipaliwanag sakin. Kung tutuusin
hindi naman talaga tayo magkakilala hindi ba? Hinalikan mo ako kahapon to get even
with her. At ngayong okay na kayo nagmukha akong cheap sa lahat! Nagmuka akong
kontrabida sa lahat ng fans club mo at.." Letche ano na naman ba ito? Hindi ko na
natapos ang sinasabi ko dahil hinalikan na naman niya ako. But this time hindi ako
nagrespond. Ayoko, masakit. Isa pa nakakainis siya! Hahalikan niya ako matapos
niyang halikan si Lindsay? Mukhang kailangan kong mag-mouthwash after this.

"Oh my Ghaad! Bakit? Nathan bakit mo hinalikan yang slut na yan?"

"Look at Lindsay. She's crying!"

"Shit. Ano bang kalokohan ito?"

"Akala ko ba okay na sila? Bakit hinalikan niya na naman yang aist ang sakit sa
mata!"

Kung ano-ano pang mga bulungan at sigawan ang narinig ko pero hindi ko sila
pinansin. He's still kissing me pero ayoko talaga. Grabe, para akong nasa
telenobela! Live! Naramdaman niya yatang wala akong balak na tumugon kaya lumayo na
siya sa akin. "So ano na? Hindi ako laruan Nathan. Na kung kailan mo gustong
halikan ay pwede! Para ano? Para lalo akong magmukhang kontrabida sa love story
niyo? Ano pa bang..." Darn it! Ano na naman ba? Hinalikan na naman niya ko! My
knees were shaking. My heart was beating so fast. No! Ayokong bumigay! Hindi niya
na ako madadala sa halik niya!

"Can you listen to me first? I can explain everything dammit! Napansin niya na rin
sigurong nakapaikot na sa amin ang mga estudyante. He hold my hand and look at the
crowd. I saw Lindsay. She's crying habang tukop yung bibig niya. Shock? Siguro
naman mas bagay sakin yung salitang shock di ba? I thought okay na sila pero bakit?
Bakit nasa gitna na naman ako ng mga matang gusto na akong patayin? "Listen! Kayong
lahat makinig kayong mabuti! From now on walang sino man ang pwedeng manakit sa
girlfriend ko maliwanag? Siya si Sky Blue Fonacier! She's my girl. Ang sino mang
maglalakas loob na kantiin man lang kahit dulo ng daliri niya ay mananagot sakin!"
Okay ayokong kiligin pero shit lang kinikilig na ako. Halatang gulat ang lahat.
Pwes ako din. Pero bakit kanina naghahalikan sila di ba? Bakit ngayon pinakikilala
niya akong girlfriend niya? Naguguluhan na talaga ako. Halatang hindi makapaniwala
ang ilang mga estudyante. Pero hindi naman kami artista para magpa-presscon pa!
"F*ck ano ba manunuod ba talaga kayong lahat dito? Tapos na ang break time
magsipasok na kayo!" Sigaw niya sa mga estudyanteng hindi malaman ang gagawin.
Bipolar na warfreak! Nung umalis na ang mga estudyante tanging sila Donna at Jane
pati ang mangilan-ngilang fans club niya na halatang binubugbog nako sa mga isip
nila ang natira. Hinila niya ako palabas pero huminto kami sa tapat nila Donna.
"Hindi ako sanay magpasalamat, but thanks." Huh? Ano daw? Si Donna ba ang kausap
niya? Bakit abot langit ang ngiti nitong si Jane? Si Donna naman nag-smirk lang.
Ano ba talagang nangyari? May namiss ba akong kaganapan nung tumalikod ako?

"Teka-- saan tayo pupunta?"

"Tss."

"Sungit! Saan nga tayo pupunta may klase pa ako!"

"Shut up. May paguusapan lang tayo!"

To be continued...

Chapter Eleven: Kilig Much part2.

Hindi ko alam kung saan kami papunta. Hindi ako nagsasalita at ganun rin siya.
Nakakapagtaka lang-- sumakay ulit ako sa motor niya ng hindi natatakot o kinabahan
man lang. Hindi ko mapigilang hindi yumakap sa kanya. It feels so right. Ewan ko
ba. Crush ko lang siya alam ko! Simula pa lang alam ko ng crush ko siya! Pero what
the hell with this feeling? It's strange. Imposible namang agad-agad mahal ko na
siya? Is it because we kissed? Dahil ba don mahal ko na agad siya? Tss. Ang tahimik
ng buhay ko kahapon lang pero simula ng mainvolve ako sa isang Nathan Wright
biglang para akong nasa isang pelikula. Well tama nga ang kasabihan ang buhay ay
parang isang pelikula, you'll never know what's happens next.

"Baba!" Tsk. Ayan na naman bumalik na naman sa pagiging mayabang at bossy. I glared
at him. Napakabipolar! Kanina lang ang bait-bait tapos ngayon? Aist. Neveemind.
"Baba kako, hindi na ako makahinga sa higpit ng kapit mo sa abs ko!"

"Ang yabang payatot ka lang naman!"

"Kaya pala sarap na sarap ka! Tara na nga." Sumunod nalang ako.

"Bakit tayo nandito? May klase pa tayo, alam mo BI ka! Lagi akong nagka-cut ng
class kapag kasama kita!" Seriously? Nasa mall kami ngayon. Hindi siya nagsalita at
nagtuloy-tuloy lang papasok sa isang fast food chain. Grabe ni hindi man lang ako
inintay. Nauna na siyang maglakad. Akala ko kakain kami pero nagtake-out? Bakit
nagtake-out pa siya? Gutom na talaga ako! Nagwewelga na yung mga buwaya sa tiyan
ko! Sinundan ko nalang siya. Ang bilis pa maglakad!

"Ano ito piknik sa loob ng mall?" Nangaasar kong tanong. Bakit hindi nalang kami
doon kumain bakit dito pa sa hagdan? Grabe lang. Ano bang trip niya?

"Dami mong satsat kumain ka nalang! Gutom na ako at ayokong kumain sa isang lugar
na harap-harapang sinisipat ang girlfriend ko! Baka makapanapak lang ako!" *Dugdug*
I cupped my face. I feel so red! Yung puso ko parang lalabas na sa dibdib ko. Bakit
ba lintik magpakilig itong lalaking to? Ano daw? Nagseselos ba siya? Shit. Asa
naman ako! Naguguluhan na talaga ako. Bakit parang totoong girlfriend niya ako kung
magsalita siya? Ramdam ko ngang may mga nakatingin sakin kanina pero as if naman
may gusto yung mga yun sakin? Hindi naman ako ganun kaganda. Cute lang joke.

"Alam mo naguguluhan na ako sayo pero dahil gutom na din ako sige kakain muna ako."
Hindi din kasi ko nakakain kanina, remember? Magmimiryenda sana kami ng makita
naming may shooting pala kanina. Yari na kaming kumain pero nakaupo pa din kami
dito. Promise enjoy palang kumain sa hagdan? O dahil kasama ko lang siya? Tss. Ang
keso ko! "Nathan."

"What?" Pssh. Sarap sapakin. Sungit na bipolar!

"Yung nangyari kanina?" I sighed. I need to know. Kanina pa din ako curious ee.
Akala ko okay na sila tapos hinalikan na naman niya ako. "Bakit mo ba ako hinalikan
sa harap ng marami? Nakita kong hinalikan ka ni Lindsay at alam kong gumanti ka.
Mahal mo siya hindi ba?"

"Kaya pala umiyak ka." He smirk at me. Grabe ang yabang! Eh kung sipain ko kaya
ito?

"Tss lakas ng aircon dito!" Kapal talaga! "Pero seryoso ako Nathan ginawa mo ba yun
para gamitin mo ulit ako at saktan siya? O niligtas mo lang ako sa isang
nakakahiyang senario?" He sighed heavily.

"Mali ka. May hindi pa malinaw sa akin ngayon pero malalaman mo rin yun sooner! And
I don't intend to use you! I just like kissing you and I don't know why. And about
Lindsay tapos na kami." Waaah! Bakit ganyan siya? Kinikilig ako!

"Tapos na kayo? Talaga?"

"Makinig kang mabuti okay? Papunta kami ng mga tropa ko sa canteen dahil hinihintay
kita. I want to eat with you. Gusto kong sabay tayong magmiryenda dahil alam kong
may mga fangirl dyan na inaabangan ka na, sinundo kita sa room niyo pero wala ka.
Bumalik ako sa canteen but to my surprise-- Nandoon na si Lindsay. Begging and
kneeling down. Gusto niyang makipagbalikan sakin. She's crazy! Matagal ko ng alam
na niloloko niya ako pero wala akong ebidensiya kaya nagtitiis ako sa kanya.
Nakakasakal siya! Ayaw niyang may kinakausap akong ibang babae kahit nga minsan
lalaki pa! Yung unang taon namin okay naman kami. Minahal ko talaga siya. Pero
unti-unti masyado niya kong inaari! Pakiramdam ko isa lang akong bagay para sa
kanya."

"Clingy siya ganun?"

"More than you know. Pero ayun nga ako na mismo ang nakawitness ng kataksilan niya.
Sa totoo lang? Pabor pa sakin yun. You know hindi kita ginagamit lang Sky. Matagal
na akong walang feelings para sa kanya. I broke up with her. Well that's a relief.
Ayoko na talaga sa kanya, baliw siya. Tinatakot niya akong magpapakamatay siya once
na makipag-break ako kaya hindi ako makawala sa kanya. Lagi akong nakikipagaway
dahil sa kanila ko ibinubunton ang inis ko kay Lindsay, babae pa rin siya at dapat
irespeto. Yung kanina. Nakita mo naman sigurong siya ang humalik sa akin? Ang hirap
sayo nagselos ka agad eh hindi mo naman alam ang totoong nangyari. Ni hindi mo
nakita na tinulak ko siya, hindi ko alam na nandon ka but thanks for that friend of
yours! She caught my attention when she calls you! I followed you. I don't know.
Hindi ko maintindihan pero hindi ko gustong makita mo yun ayokong masaktan ka. I
mean you're my girl. I just wanted to protect you!
I don't know but after we kissed at the corridor, all I want is to be near by you,
all I want is to kiss you." I blinked many times. Did I hear it right?

I just wanted to protect you!


I don't know but after we kissed at the corridor, all I want is to be near by you,
all I want is to kiss you.

Ayokong umasa pero kinikilig ako! Is it possible na may nararamdaman na siya sakin?

To be continued...
Chapter Twelve: Kissing At The Mall.

"So you mean-- hindi mo na siya mahal?" Halata na ba ako? Pero naniniguro lang ako.
Sobrang kinakabahan talaga ako sa isasagot niya.

"Minahal ko siya. Pero sa ngayon naawa na lang ako sa kanya." He said emotionless.
What the yung puso ko! Yung heartbeat ko. Bakit ang saya kong malaman na hindi na
niya mahal si Lindsay? May pag-asa kayang magustuhan niya din ako? Yung hindi lang
dahil sa iniisip niyang baka bugbugin ako ng mga fangirl niya? Yung magustuhan niya
din ako bilang isang babaeng mamahalin. Aist! Masyado bang malabo ang iniisip ko?

"But what about your sweet moments sa facebook?" Shit. Ang daldal mo Sky!
Nakakainis! Naningkit yung mata niya at unti-unting inilapit ang mukha niya sa
mukha ko. *Dugdug* Okay ngayon para ng may naghababulang daga sa dibdib ko.

"Bakit mo alam yung tungkol sa Facebook thing na yun? Are you also may stalker? Fan
girl din ba kita huh? Well it's fine with me because you're my girl now. Hindi din
naman ako magtataka na kaya ka nandon sa corridor ay hinihintay mo ako. Lahat naman
ata ng girls sa Maniego ay kilala ako." He smirk bago ako tinalikuran. Gosh
napakahangin! Tsk. Pero ang gwapo pa din kainis! Aarrrrgggh pero ang yabang talaga!
Kaso kasalaman ko din naman. Kailangang putulin ko ang dila ko! Bakit ang daldal
ko? Ayokong malaman niyang siya nga ang dahilan kung bakit ako nandoon dahil lalo
lang magyayabang ang hambog na ito!

"H-Huwag ka ngang feelingero dyan! Masyado kang assumero! Nagbabasa lang ako that
time kaya nandoon ako sa corridor! Your not that h-hot and absolutely not my type
kaya huwag kang mayabang at antipatiko dyan! Basagulero! Hmmm!" Leshe naman ee!
Seriously? He kissed me again at wala akong magawa kahit itulak ko siya dahil
nakayakap na siya sakin! I admit. I like it too but. What the F! We're here at the
mall! Nasa hagdan kami for the record at madami na ding nagdadaan! Ang nakakaasar
lang pabebe lang yung gulat at inis ko! Tinatraydor ako ng katawan at puso ko! Wala
akong makapang pagtutol? In fact? I respond. I kiss him back and everything feels
so magical. Halos manlaki yung mga mata ko ng makarinig ako ng hiyawan at
palakpakan. Itinulak ko siya palayo sakin pero sumiksik din ako agad sa dibdib
niya. Sa HIYA! Waah! Nakakahiya talaga! Ang dami ng taong nakapalibot sa amin. Some
are taking photos and videos.

Aist! Another live show?! Bakit ba kasi napakahilig gumawa ng eksena nitong si
Nathan? I look at him pero parang walang nangyari at agad akong hinila papuntang
supermarket. He even pulled me to him at nakayakap na siya sa waist ko. I blushed.
Yung puso ko nagsuicide na ata. Hindi ko na siya maramdaman sa sobrang manhid ng
pagkakilig ko sa lalaking ito!

"Oo mayabang ako. Antipatiko. Bastos. Basagulero? Pero may nakalimutan ka pa bukod
sa gwapo ako. I'm a good kisser right?" He wink at me dahilan para mamula na naman
yung mukha ko! Pakiramdam ko hanggang tenga ko mapula na! Kainis kang Kissing
Monster ka! Minsan mabait ka. Minsan mahangin ka. Minsan ang seryoso mo pero
madalas ang labo mo! Ginugulo mo ang isip at puso ko leshe! Minamanyak mo ang isip
ko bakit ba kasi ang gwapo mo?

"You're a kissing monster!" sigaw ko sa kanya.

"Well atleast sayo lang." He winked again. Grabe lang! Ano ba balak niya? Ang
magkasakit ako sa puso? I can't deny it kinikilig ako. Ni hindi ko napansing
holding hands while walking na pala kami. I smiled for no reason. Ang gaan lang sa
pakiramdam. We look like a couple and I like it. I swear sana ganito nalang siya
ka-sweet palagi.

To be continued...

Chapter Thirteen: Buking.

"Ano bang gagawin natin sa supermarket?" Tanong ko habang kinakaladkad niya pa rin
ako. Grabe kikiligin na sana ako ng bongga ee ang kaso HHWW nga kami pero ang bilis
niya naman maglakad! Kinakaladkad talaga ang tamang term. Tss.

"Tss. Ano ba ang ginagawa sa supermarket? May pako ba don? Semento? Alam ko na baka
may antibiotic?" I rolled my eyes. Bwisit kanina lang kinikilig ako ngayon gusto ko
na siyang ibaon sa mga tiles dito sa mall!

"Oo na! Yabang mo!" Nakakaasar!

"Di ba sabi ko mag-gogrocery tayo? Hindi mo makuhang mag-umagahan dahil wala kang
stock sa bahay mo!" Ayiiee. Okay binabawi ko na kinikilig na ulit ako haha. I smell
concern! Parang aso lang ee.

"Teka? Hindi na tayo papasok? Nathan naman-- malalaglag ako sa ranking nito!
Mahalaga sakin yung studies ko!"

"Ano ba ang mas mahalaga? Ako o yang ranking mo?" Wala akong maisagot. Hindi ako
makakibo. Bwisit pinapili pa ako! Natural siya! Pero mahalaga din ang studies ko! I
pout. Nakakainis naman ee. Ilang araw akong absent at nagcut ng class!

"Nathan importante kasi sakin ang pag-aaral ko."

"Ganon ba?" Amfufu. Bigla akong binitiwan. Hala? Iiwan niya ba ako rito? Akala ko
nagbibiro lang siya pero umalis talaga siya! Iniwan niya ako dito! He left me
dumbfounded.

"Nathan!" Bwisit ano na naman bang drama niya? Ni hindi ako nilingon at nagsisimula
na din akong maiyak. Nathan naman eh. I bit my lower lip. Pinipigilan ko yung
paghikbi pero ayaw talaga. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak. Dahil takotna
siguro talaga akong maiwan. Iniwan kami noon ni Daddy at sumama sa ibang babae.
Iniwan ako noon ni Mommy dahil kailangan niyang magabroad at kumita ng pera para
mapagaral at mabigyan ako ng magandang buhay. And now-- Iniwan ako ni Nathan.
Pakiramdam ko lahat iniiwan ako. Para na akong tanga ritong pinagtitinginan ng mga
tao. Iyak lang ako ng iyak habang pinagmamasdan ang pinanggalingan niya. Iniwan
niya talaga ko? Bakit ang sakit?

"Mahalaga ka naman sakin ee. Pero mahalaga din ang pag-aaral ko. I don't want to
dissapoint my Mom. Pinagkakatiwalaan niya ako tapos-- sasayangin ko lang. You mean
to me. Bakit ba iniwan mo ako?" Paulit-ulit ko yang sinasabi habang patuloy pa rin
ako sa pagiyak.

"Kawawa naman yung babae. Iniwan ata nung boyfriend."

"Nakipagbreak ata yung lalaki. Grabe ang pula na ng mukha niya."

"Hindi naman sila bagay nung lalaki ee. Ayos lang yan. Move on nalang siya."

"Lalaki na talaga nangiiwan? Kawawa naman siya. Hay naku Hon kapag ikaw iniwan mo
ako puputulan muna kita!"

Gusto ko ng maglahong parang bula. Ilang minuto na ba akong nakatayo dito?


Tumalikod na ako para umuwi. Pakiramdam ko mugto na mata ko. Iyakin pa naman ako at
konting iyak lang mamumula na itong mga mata ko pati ilong. I gasp when someone
grabbed my wrist.

"Nathan." Nakakainis. My lips we're trembling. I wipe my tears from falling pero
lalo lang akong naiyak.

"F*ck. Shhhh-- sorry. Sorry. Stop crying. Shit." I cried so hard. Kinakapos na dina
ko ng paghinga.

"Nakakainis ka!" Mag wo-walk out na sana ako pero ang bilis ng kamay niya. Niyakap
niya akong bigla at-- Shit! Ano ba namang lalaki ito? He cupped my face and kiss me
again. He suck my lower lip dahilan para mapakapit ako sa batok niya. Siya na good
kisser! Kainis. He stopped and touch my cheek. Hindi ko na alam kung gaano na ako
kapula ngayon. Ang dami ng tao sa paligid. Lahat sa amin nakatingin. Baka akala
nila may shooting?

"I'm not sorry for kissing you but for leaving you. Nainis lang ako." At ang
hinayupak lang he just smirk sa lahat ng taong nakapalibot sa amin. Ni hindi na ako
nakapagreact dahil kinaladkad na naman ako. Wala na kaming kibuan nung makapasok
kami sa loob ng supermarket. Kumuha siya ng pushcart tapos kuha lang siya ng kuha.

"Bakit ang dami mong pinamimili?"

"Hindi para sakin yan. Para sayo yan."

"Ah-- okay." Pero teka-- para sa akin? Pero wala akong dalang pera. One hundred
lang ang laman ng bulsa ko!

"Nathan teka lang wala nga pala akong dalang pera!"

"Hindi kita aayain dito kung wala akong dala. Okay na siguro yan tara na sa
counter." Nahihiya man ako may choice pa ba ako? Mapilit siya ee. Pero ang saya
naman para tuloy kaming magasawa habang tulak itong cart.

"Nathan? Ganito ka rin ba kay Lindsay?" Out of curiousity naitanong ko. Parang ang
sarap niya kasing maging boyfriend. Maalaga kaso mahangin lang madalas.

"Tss sa tingin mo?" Hanggang sa makabayad kami nakasibangot ako. Hindi ko din siya
kinikibo. Nakakaasar. Tinatanong tapos magsusungit.

"Huwag ka ngang ganyan! Ano bang mukha yan? Sayo lang ako ganito. Happy now?"
Parang hinipan ng sampung anghel ang mukha ko. Ang lapad tuloy ng ngiti ko.
Kinikilig ako.

"Talaga?"

"Gusto mo ng proof?" Naniningkit ang matang lumapit siya sakin. Bwisit live show na
naman ba?

"Teka-teka easy naman! Oo na naniniwala na ako! Tsk. Hindi mabiro." My heart was
beating way too fast.

"Tsss." Buti nalang at medyo sanay na akong mag-balance pasakay ng motor niya. Ang
hirap kayang sumakay sa motor na may bitbit. At ang dami nito! Ngalay na ngalay
tuloy yung mga braso ko.
"Pasok ka muna? Wait lang maghahanda ako ng miryenda." Pagbalik ko? "Waaaaaah!
Bakit mo pinakialaman ang phone ko?! Nakakainis ka! Bakit ang likot ng kamay mo!"

"Yan pala ang YOU'RE NOT MY TYPE HA? Anong sabi mo? Mayabang ako?? Antipatiko?
Bastos? Tapos may sarili akong folder dyan sa Gallery mo? MBB? What does it mean?"
Napalunok ako ng bongga! Waaah bakit ba ang lapit niya?

"Hehe let me explain?" Bakit ba kasi nakalimutan ko yung phone ko? Patay ako nito!

"Sinasabi ko na nga ba at kaya ka nasa corridor ay dahil isa ka rin sa mga


nagkakandarapa sakin eh!" He grin at me. Grabe ang lakas niyang mangasar!

"Hoy kapal mo! Tsaka bakit ba ang lapit mo? Lumayo ka nga?!"

"Eh kung ayoko? May magagawa ka ba?"

"Ba-bakit ba? Crush lang kita. Pero hindi ako tulad ng iba na nagkakandarapa sayo
gets mo ba!?"

"Talaga?" Bwisit inch nalang yung pagitan namin hahalikan na naman ba niya ako?
Pumikit ako sa pagaakalang hahalikan niya ako.

"Pftttt haha! Sana nakita mo yang itsura mo-- hahaha may papikit-pikit kapa!
Ahahaha." *Pokkk!!!!!* Batukan ko nga! Nakakaasar pahiya ako dun ah?

"Damn bakit ka nambabatok? Nananakit ka dyan?"

"Nakakaasar ka eh! Dyan ka na nga! Pagkayari mong magmiryenda pakisara yung gate at
umalis ka na!" Arrrrrggghh. Makaligo na nga lang. Masyado akong napagod isa pa,
kailangan kong marelax. Masyadong maraming nakakahiyang pangyayari ang nangyari
ngayong araw.

To be continued...

Chapter Fourteen: Sleepless Nights.

Matapos kong maligo ay bumaba ako para i-lock ang pinto. Nakakahiya naman yung
kanina! I blushed. Alam na niyang crush ko siya. Paano ako haharap sa kanya bukas?
Bakit ba kasi nakalimutan ko yung cellphone ko? Ang tanga ko naman kasi. Nakahiga
na ako sa kama pero nakakainis! Pabiling-biling lang ako dahil naiisip ko pa din
yung PDA moments namin ni Nathan sa loob ng mall. Bakit ba kasi ang hilig niyang
manghalik? Totoo kayang sa akin lang siya ganito? Good thing talagang pina-braces
ako noon ni Mommy. Isa pa wala akong badbreath. Malinis ako sa katawan.

*RingRingRing*

"Hello Sky?"

"Mom! I misses you! Mommy sorry kagabi hindi ko nasagot yung tawag mo."

"Okay lang naman naisip ko lang baka pagod ka. Ngayon mo lang kasi hindi sinagot
ang tawag ko. Anyway kamusta ang maghapon?"

"Mom to tell you honestly? May nangyari kahapon. Remember mo pa yung kinukwento
kong crush ko sa school?"
"Paano ko naman makakalimutan? Araw-araw mo siyang binabanggit. Kung gaano siya
kagwapo. Kung paano ka kiligin. Dalaga ka na talaga. But what about him?"

"He kissed me Mom at kami na."

"Ano?" Nabigla ko ata si Mommy. So ayun kinwento ko lahat ng nangyari pwera lang
yung pagiging kissing monster ni Nathan okay? Nakakahiya baka akala ng mommy ko
nagkekerengkeng ako. Aist oo na pero slight lang naman. "Basta tandaan mo Sky I
trusted you. Alam mo na ang tama at mali. May tiwala ako sayo kaya buwag mo sanang
sisirain. Sige na at may trabaho pa ako. Take care anak. I love you Baby."

"Love you too Mommy. So much. I miss you." Ito ang gusto ko sa Mommy ko ee.
Kunsintidor este supportive! Humiga na ako. I tried to take a nap pero bigo ako!

9:00 pm

10:00

11:00

Hanggang naging 4:30? What the F! Bwisit bakit ba puro yung kiss namin ang nakikita
ko tuwing pipikit ako?

Time Check: 5:30 A.M.


Arrrghhh! Nakakainis ka Nathan! Bwisit. Bakit ba ayaw niya akong tantanan kahit sa
pagtulog? I always remember our image kissing each other. Bigla nalang akong
babangom at magtatatalon. Buti sana kung panaginip lang ee. Kaso hindi na ako
pinatulog! Kyaah. Nakakatulog pa ba siya? Ang sakit ng ulo ko. Gusto ko ng matulog.
Please naman. Patulugin mo na ako Kissing Monster ka! Bakit ba kasi takbo siyang
takbo sa isip ko? Hindi ba siya napapagod? Kasi ako? Gusto ko ng matulog! I want to
sleep!

6:30 A.M.

Gumayak na rin ako dahil wala ng choice. Sobrang nanlalambot ako. Gusto ng pumikit
ng mata ko pero male-late naman ako. Infairness dahil pinag-grocery ako ni Boyfie
haha naks pinanindigan ko na talaga! So as i've said dahil pinag-grocery niya ako
kahapon, nag-almusal muna ako. Sayang naman kasi effort at pagaalala niya. Nagluto
ako ng? Pancit canton! Lucky Me. Wala ee itlog nga nasusunog ko pa? Yung hotdog
nagmumukhang uling. Buti nga may mga instant na. Pampagaan ng buhay. Hinintay ko
munang mag alas-siete pero 7:30 na wala pa siya! Oo na assumera ako! Ako na ang
feelingera! Akala ko kasi susunduin ulit ako hindi pala. Ang ending puyat kana nga
dissapointed ka pa!

MANIEGO HIGH

Hala? Nakakapanibago naman? Naghihiyawan na ulit? So nandito na si Nathan? Para


tuloy akong pinagbagsakan ng langit at lupa. I sighed. TSS. Bakit ba kasi umasa
ako? Ayan! Ako din ang nasaktan! Hinintay ko pa naman tapos nandito na pala at
pinagkakaguluhan? Di ko na siya sinilip! Badterp eh.

CLASSROOM

Hanggang makarating ako sa classroom namin ay nakabusangot ako!

"Oh bakit ganyan mukha mo? Nakatulog ka ba? Alam mo tutol talaga ako dyan sa
panakip-butas relationship niyo ee! Bad influence ang loko! Lagi ka nalang nagka-
cut!" I smiled at Donna. Haist wala akong oras sa sermon ngayon. Antok na talaga
ako.

"Oo nga Sky. Parang tutol na rin ako sa Nathan na yan. Baka sa halip na inspiration
baka lalo kang hindi maka-focus sa studies mo kaka-absent at cut mo ng classes."
Hindi ko muna sila pinansin, wala ako sa mood. Tapos totoo naman ang mga sinabi
nila. Ni hindi nga ako nakapag-advance reading kakaisip ko sa kanya. Dumukdok lang
ako sa desk kahit dumating na yung teacher namin. Mali nga ata na pumayag akong
maging kami. Ngayon palang kasi talo na ako. Crush ko siya kahit papaano may
feelings na iningatan na ako para sa kanya eh siya? Ano bang nararamdaman niya para
sakin? Wala hindi ba?? Isa lang akong panakip-butas. Tsk. Saklap!

"Ma'am excuse me po? Pwede po ba akong pumunta sa clinic? Masama po kasi pakiramdam
ko." Sa clinic muna ako. Masama talaga pakiramdam ko. Hindi din ako makakapag-
focus. Tiningnan lang ako nila Jane at Donna na sinasabing SEE? Habang papunta ako
ng clinic napamura nalang ako ng bongga! *%@%@&%$$@ Don't say bad words daw pero
bakit naman sa lahat ng makakasalubong sila pa? Tinatanong niyo kung sino ang
makakasalubong ko? Ang galit na galit na Fans club lang naman ni Nathan! Pero bago
ako makatakbo pabalik ay nahablot na ng isa ang uniform ko.

I'M SO DEAD!

To be continued...
Chapter Fifteen: Trouble.

"Look what we have here. The perfect slut of our school! Girls hawakan niyo yan.
Make sure hindi makakatakas yang malanding yan!"

"Bitawan niyo ako!" Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga fans ni Nathan.
Pagkahablot kasi sakin nung Tabatina bigla nila akong piniringan at binusalan yung
bibig ko. At dahil nag umpisa na ang klase mabilis nila kong nakidnap at ni wala
man lang nakapansin dahil nga abala ang lahat sa klase. Ni hindi ako napalaban
dahil nanlalambot talaga ako. At ano naman ang laban ko sa kanila? Nagiisa lang
ako! Pumanik kami sa hagdan. Saan ba talaga nila ko dadalin? Hindi naman ako
makasigaw dahil nga may tapal ang bibig ko. Naramdaman kong iniupo nila ko sa isang
upuan tapos ay iginapos. Holo? Kinidnap na ba talaga nila ko? Hindi ba nila alam na
pwede silang maexpel dahil sa gagawin nila sakin? Bwisit ka Nathan! Kasalan mo ito
eh. Nasaan ka na ba? Akala ko ba walang pwedeng manakit sakin? Pero bakit nakidnap
na ako wala ka pa din?! Bakit kasi pumayag pa kong maging girlfriend mo eh!
Kinakalag na nila yung piring ko. Nung masanay na ulit ako sa liwanag-- bigla akong
kinabahan.

"Hmmm! Hmmm!" Bwisit bakit ba kasi hindi nila tinanggal pati itong nasa bibig ko?
Pero waaaah! Katapusan ko na ba? Bakit ang dami nila? Wala ba silang balak pumasok
sa klase? Teka nataandaan ko yung ilan sa kanila? Sila yung halos saksakin na ako
at patayin kung makatingin ng mangyari yung kissing scene namin ni Nathan sa
Corridor!

"Nandito na pala ang mangaagaw." Nagulat ako ng biglang sumulpot si Lindsay. Siya
ang mastermind? Siya ang may pakana ng lahat ng ito? Bakit ba parang naging
pelikula ang buhay ko ng pasukin ko ang buhay ni Nathan?

"Yes Lindsay that bitch! Ni wala sa lebel ng ganda mo o ng ganda namin tapos nakuha
niyang makipaghalikan kay Nathan?" Sabi nung blonde yung buhok na may malaking
hikaw. Grabe sobrang ganda mo. Nite the sarcasm pwe!

"Alam mo kung anong bagay sayo?" Tanong sakin nung tabatina na humila ng uniform ko
kanina.

*Paaaaaaak!!!!*

"Hmmm! hmmm! hmmmm!" galit na galit kong ungol! Ang ibig kong sabihin ay HAYOP KA!
TABA! PAGNAKAWALA AKO DITO IBABALIK KO SAYO YANG SAMPAL MO! Semento ba yung kamay
niya? Grabe pakiramdam ko namanhid yung buong pisngi na sinampal niya. Yung mommy
ko nga ni hindi ako makurot tapos siya sinampal ako?

"Enough! Yung iba pumasok na kayo sa klase niyo! Baka may makahalata pero ikaw
Sheena! Katrin and Lauren maiwan kayo at may tatapusin tayo!" Saway at taboy ni
Lindsay. Hala ano bang balak nila sakin? Tatapusin? Ako ba? Katapusan ko na ba?
Ngayon ko lang napansing nasa rooftop kami pero saang parte ito ng campus?

"Kilala mo ba kami?" Natural hindi pero alam kong baliw kayo!

"Let us introduced ourselves bitch! I'm Sheena ang President ng NathanForever."


Pakilala nung blonde ang buhok. Psssh pakialam ko sa kanya?

"I'm Lauren. President ng Fans Club ni Nathan na NathanFever." Hala? Parang lagnat
lang? So siya yung Tabatina? Lauren pala name niya? Humanda talaga ito kapag
nakawala ako dito.
"And i'm Katrin. The one and only President of NathanLovers." Pakilala naman nung
isang sobrang pula ng nguso. So silang tatlo pala ang president ng mga Fans Club ni
Nathan. Grabe para na akong babalatan ng buhay ng mga ito. Nasaan ka na ba Nathan?
Sabi mo hindi nila ako masasaktan? Na hindi nila ako pwedeng saktan? Sabi mo walang
pwedeng manakit sakin? Ee nasampal na nga ako ngayon eh!

"Kilala mo naman siguro ako? Lindsay Hunter. Yung inagawan mong malandi ka!? And
you know what? Ito lang ang masasabi ko-- you messed up with me? Then i'll give you
war! Alam ko namang nagawa ka lang halikan ni Nathan in front of all the students
para gumanti sakin at pagselosin ako but damn you little fucking bitch. Babalik
sakin si Nathan. Back off! Mahal ako ni Nathan, babalik at babalik siya kung saan
siya nararapat!"

"Hmmmp! Hmmmp!" Gaga! Ikaw ang nanloko kay Nathan. Masyado ka kasing clingy kaya
iniwan ka niya. Huwag mo akong sisihin!

"Oww i'm sorry bitch paano ka makakasagot eh may tapal ang bibig mo?" Inalis niya
yung nakabusal sakin at di ko na napigilan ang inis ko!

"Ano bang problema niyo? Nababaliw na ba kayo? Pwede ko kayong ireport sa


principal's office kapag nakaalis ako dito!"

*Paaaaak!!!!*

"Bakit mo ako sinampal?" Shit.

"You deserve it! Napaka-ilusyunada mo! Layuan mo si Nathan!" Parang baliw na sabi
ni Lindsay.

"Bakit hindi mo sa kanya yan sabihin? Mahal ka pala eh bakit kailangang kidnappin
niyo pa ako? FYI lang Lindsay hindi ako ang lapit ng lapit kung hindi siya. It's
not my fvcking problem kung bakit nababaliw ka ngayon!" Matatag kong sabi kahit
gusto ko ng umiyak sa sakit ng sampal nila ni Tabatina.

*Paaaaakk!!!!* Sampal sakin nung Katrin.

*Paaaaakk!!!!* Sampal din nung Sheena.

"Ano ba talagang gusto niyo? At talagang tigi-tigisa pa kayo ng sampal? Bakit hindi
niyo ba matanggap na ako na ang girlfriend ni Nathan at hindi kayo?" Inis na inis
na kasi ako pero pinagtulungan nila akong apat!

"Matapang ka huh?" Sinabunutan, sinuntok, tinadyakan!

"Tama na please." Pagmamakaawa ko pero wala ata silang balak na tumigil. Ang
masaklap pa ay nakagapos ako at walang laban. Bukod sa wala akong tulog buhat
kagabi ay talaga masama na ang pakiramdam ko. Hindi ko na ata kaya. Feeling ko
katapusan ko na. Ang saklap naman ng buhay ko. Naramdaman kong tumigil na sila.

"Lindsay paano kung magsumbong yan?"

"Ee di magsumbong siya! Kayang ayusin yan ng daddy ko." Matapang na sagot ng
impaktang ex ni Nathan. Matapang ka lang dahil nakagapos ako. Tama nga si Nathan
mukhang baliw na nga ata itong si Lindsay. Hindi na ako magtataka ngayon kung bakit
nasasakal siya dito sa babaeng ito. Kung ganito naman pala talaga ugali niya hindi
ako papayag na bumalik pa sa kanya si Nathan.

"Sabi mo yan ah?"


"Tara alis na tayo malapit ng mag-break time nagutom ako dahil sa babaeng yan!
Libre ko kayong tatlo dahil sa tulong niyo." Seriously iiwan nila ako rito? Nang
nakagapos? Pero wala na akong lakas. Pakiramdam ko nalamog ng husto ang katawan ko.
Nanlalabo na rin yung paningin ko. Umiyak ako ng tahimik. Ang sakit na talaga ng
katawan ko.

"Sinungaling ka Nathan sabi mo di nila ako pwedeng saktan!" Patuloy lang ako sa
pag-iyak hanggang sa nawalan na ako ng malay.

To be continued...

Chapter Sixteen: Dissapointed/Angry.

Nagising ako dahil sa malakas ng buhos ng ulan. Akala ko panaginip lang ang lahat
pero heto ako at umiiyak nanaman sa katotohanang totoo lahat ng sakit ng katawan na
nararamdaman ko. Wala man lang bang naghanap sakin? Wala bang nakapansin na
nawawala ako? Si Jane at Donna? Si Nathan? Hindi ba sila nagtaka na hindi na ako
nakabalik? Anong oras na ba? I'm sure uwian na dahil bahagya ng dumidilim. Baka ako
na nga lang ang estudyanteng nandito. Giniginaw na ako pero wala akong magawa
pakiramdam ko wala na rin akong mailuha o dahil sumasama na sa patak ng ulan ang
mga luha ko? Nawawalan na ako ng pag-asa. Pero nagulat ako ng biglang bumukas ng
malakas ang pintuan patungo dito sa rooftop. Masyadong malakas ang ulan pero
naaninagan kong lalaki siya base sa uniform niya. Salamat naman at mukhang may
tagapagligtas na ako. Pero wala na akong lakas para aninagin kung sino man siya
dahil kusa ng pumikit ang talukap ng mga mata ko. Kung sino ka man-- MARAMING
SALAMAT.

"Humanda talaga sakin yang Lindsay na yan! Kulang pa ang pagiging suspended niya sa
lahat ng ginawa nila sayo Sky!" Huh? Si Donna?

"Friend please gumising ka na. Ilang oras ka ng walang malay. Tinawagan na namin si
Tita at alalang-alala siya sayo. Sky naman gumising kana." Si Jane? Ligtas na ba
ako? Wala na ba ako sa rooftop? Unti-unti kong minulat ang mga mata ko kahit na
hirap na hirap ako.

"Donna! Donna! Bilis si Sky-- nagkakamalay na!"

"Hmmmm tu-tu-tu--big." Hirap na hirap kong sabi. Uhaw na uhaw talaga ako.

"Jane bilis tumawag ka ng doctor." Agad na umalis si Jane at binigyan naman ako ni
Donna ng tubig. Pagbalik ni Jane ay kasama na nito ang Doctor. Pero lumilipad ang
isip ko kaya hindi ko naman din naiintindihan ang mga napagusapan nila.

"Sky sabi ng doctor okay ka na, pero kailangan mong magpahinga ng husto dahil grabe
ang bugbog na natamo mo." Jane was crying. Pati tuloy ako naiiyak na naman. Sino
bang hindi? Sa edad kong ito ay naranasan ko ang mga ganung klaseng pangyayari?
Paano kung walang nakakita sakin? Mamamatay ako dun ng walang nakakaalam? Wait
speaking of nakakita? Sino ang nagdala sakin dito? Si Nathan kaya yun? Ayokong
umasang siya pero sana naman.

"God Sky alalang-alala kami sayo. Ano ba talagang nangyari? Ikaw lang ang
makapagsasabi kung anong ginawa sayo ng hayup na Lindsay nayun. Galit na galit na
tanong ni Donna. Pero gusto ko mang magkwento walang lumalabas sa bibig ko. Parang
na-trauma yung dila ko. Pagod ka pa siguro. Magpahinga ka muna ulit." Sorry Donna.
Hindi ko pa lang talaga kaya.
"Waaah! Tama na please-- ayoko na!"

"Sky! Sky! Nananaginip ka!" Huh? Nakatulog ako? Pero kausap ko pa si Donna kanina.

"Jane?"

"Ano bang napanaginipan mo? Buti naman at nakakapagsalita ka na. Sabi ng doctor mo
ay muhka daw natrauma ka pero pwede ka na daw lumabas mamaya."

"Jane." I hugged her tight. Natatakot akong magisa. Natatakot akong may manakit na
naman sakin.

"Okay na Sky. Shhhh okay na." Hindi ko alam kung ilang oras akong umiiyak. Pero
gumaan kahit papaano ang pakiramdam ko. Napagalaman kong nasuspinde sila Lindsay at
yung tatlong gumulpi sakin. Pero dahil may mga kaya sila, sa halip na maexpel ay
nagawan ng paraan na suspension lang ang maging parusa sa kanila.

"Nasaan si Nathan Jane?" Tanong ko nung medyo nakabawi na ako.

"Sky."

"Dinalaw man lang ba niya ako?" Hindi siya sumagot.

"Alam niya ba ang nangyari sakin?"

"Kalat na sa school ang nangyari. But sorry Sky. Ni hindi kasi siya nagpakita after
nitong nangyari sayo. Galit na galit nga si Donna sa kanya at nasuntok siya pero
parang walang nangyari at nagtuloy-tuloy lang." Ayoko ng umiyak pero nasasaktan
ako. Ano ba talaga ang totoo?

"Sino ang nagdala sakin dito? Sino yung nagligtas sakin? Si Nathan yun di ba? Alam
kong siya yun please siya yun hindi ba?"

"I'm sorry talaga Sky. Pero hindi si Nathan yun, andito kanina yung nagligtas sayo,
nagpapasalamat nga kami ni Donna at narinig niya ang kwentuhan nila Lauren at agad
na pumunta sa rooftop. Akala kasi namin ay masama talaga ang pakiramdam mo kaya
umuwi ka na kaya hindi ka na namin hinanap." Hindi si Nathan? Tss. Kasinungalingan
lang ba lahat g sinabi niya? Bakit Nathan? Bakit hindi mo man ang dinalaw?

"Kung hindi si Nathan sino?"

"Yung kaklase nila Nathan, si John Matias?" Bakit ganun? Akala ko ba hindi niya
hahayaan na may manakit sakin tapos pinagsigawan pa niya na Girlfriend niya ako sa
lahat ng estudyante nung nasa canteen kami. Ginawa niya ba yun para guluhin lang
ang buhay ko? Para mabully ako? Pero hindi. Hindi yun ang naramdaman ko nung
magkasama kami. Alam kong tunay lahat ng pinakita niya. Yung concern sa mga mata
niya. Alam kong totoo lahat ng iyon. Pero bakit? Anong dahilan at hindi man ang
siya nagpakita. Argghhh. Ayoko na! Naiinis ako sa kanya but still gusto ko padin
siya!

"Tama nga ata si Donna. Siguro dapat ko ng ihinto ang ilusyon kong ito para kay
Nathan. Biglang gumulo ang buhay ko simula ng mainvolve ako sa kanya. Pero nasaan
siya? Kahit ano pang dahilan niya kung bakit hindi siya nagpakita still he broke
his promise. Pero Jane? Mahal ko na ata siya! At ang sakit sakit na wala siya
ngayon dito! Masakit palang magmahal ng isang Nathan Wright? Hindi lang emosyonal
pati pisikal!"

"Tama na Sky atleast maaga pa lang alam na natin na hindi ka niya kayang
protektahan. And atleast ang first kiss mo napunta sa crush mo."
"Tss ewan ko sayo nakuha mo pang magbiro! Pero naisip ko lang dapat pala akong
magpasalamat kung sino man yang John Matias na yan? I owe him my life." Bumukas
yung pinto at iniluwa si Donna na nakabusangot sa amin.

"Buti nalang at late ako, hindi ko nasaksihan yang kadramahan niyo, pwede na tayong
umuwi nabayaran ko na yung bill."

"Donna kahit hindi ka showy thank you ha? Hmm dapat talaga simula pa lang nakinig
na ako sayo."

"Sky kaibigan kita kaya kahit nagpakatanga ka pa, susuportahan pa rin kita. Don't
worry naiganti na kita. Oh tara na bihis na at tatawagan ko pa yung praning mong
nanay." Natawa na lang ako, sa totoo lang medyo oa nga ang mommy ko pagdating
sakin. Mukhang mahabang kamustuhan ito paguwi ko. Pero kahit tumatawa ako ngayon?
Deep inside nasasaktan ako sa katotohanang wala siyang pakialam sakin kahit bilang
kaibigan man lang.

TO BE CONTINUED...

Chapter Seventeen: He loves me?

Lumipas ang isang Linggo at medyo maayos na ang pakiramdam ko. Medyo hindi pa
nawawala yung mga pasa sa katawan ko pero kaya ko ng makapasok. Simula nung umuwi
ako galing hospital ay dito na ako kila Jane tumutuloy. Nakiusap kasi ang Mommy ko
na bantayan daw muna ako. Alalang-alala si Mommy sakin. Gusto niya na ding umuwi
pero sinabing kong okay na ako. Gusto ko na din siyang makasama pero iniisip ko
naman yung gastos kapag bumili siya ng ticket. Siya na naman ang mahihirapan para
mapalitan yung pinambili niya ng ticket kaya huwag na lang. Makakasama ko nga siya
pero pagbalik niya sa trabaho papagurin naman niya ang sarili niya.

I sigh. Miss ko na si Nathan. I smiled bitterly. Ayoko mang maramdaman ito pero
namimiss ko na talaga siya. I miss him terribly lalo na yung pagiging kissing
monster niya. Arrrrghh! Galit ako sa kanya dahil simula ng may mangyari sakin ay
hindi niya man lang ako sinilip o nadalaw man lang pero bakit ganun? Mahal ko parin
siya! Pero ano bang aasahan ko sa isang mayabang, bastos, antipatiko at sinungaling
na katulad niya? Malinaw ko pang naalala yung sinabi niya noon sa mall. I just
wanted to protect you!
I don't know but after we kissed at the corridor, all I want is to be near by you,
all I want is to kiss you. Protect-protect! Nabugbog na nga ako ni hindi niya man
lang ako dinalaw! Naiinis ako pero gusto ko pading paniwalain ang sarili ko na may
dahilan siya. Pero ramdam kong totoo lahat ng sinabi niya. Lahat ng pinakita niya.
May dahilan nga kaya siya. Ayoko mang umasa pero ayoko munang sumuko hanggat hindi
siya mismo ang nakakausap ko.

"Ano Sky okay ka na ba? Kaya mo na bang pumasok?"

"Oo Jane salamat. Nga pala Jane pakisabi kila Tita kaya ko naman na-- uuwi na ako
mamaya sa bahay medyo naho-homesick na din kasi ako?" Ang totoo medyo nahihiya na
kasi ako sa pamilya ni Jane. Ayoko ng nagiging pabigat kahit na nga itinuring nila
akong parang miyembro ng pamilya. Ngayon ko nga napatunayan na hindi lahat ng
mayaman ay matapobre dahil isa ang pamilya ni Jane sa mga yun.

"Huh? Sigurado ka ba? Sky binilin ka samin ni Tita, dito ka muna hanggat maging
maayos ka na talaga."
"Ano ka ba Jane. Sobra na yung pagaalaga niyo sakin nung mauwi ako dito pero kaya
ko na talaga."

"Oh sige sasabihin ko. Nakakainis ka ang kulit mo ano? Pero tandaan mo huh? Welcome
ka dito. Tara na baka malate pa tayo."

MANIEGO HIGH

"Jane anong nangyayari? Bakit lahat nakatingin sakin ng ganyan?" Paano kasi
pagpasok ko palang sa gate ng school titingin sakin ang mga estudyante tapos
magbubulungan. Hello? Masyadong halata!

"Ah Sky, sorry ah ayoko kasing masaktan ka kaya hindi ko sinabi."

"Sinabi ang alin?" Biglang dumating si Donna.

"Si Lindsay at Nathan na ulit kaya nga hindi ka niya nakuhang dalawin eh. Kapal di
ba?" So sila na ulit? Sila na? Sila na. SILA NA!!!!!!!

"O-okay lang yun almost two weeks naman ng nangyari ang lahat ng yun, kinalimutan
ko na!" Sige pa Sky magsinungaling ka pa! Saktan mo pa lalo yung sarili mo tsk.
Pero akala ko ba matagal na niyang gustong hiwalayan si Lindsay? Sabi pa niya
nasasakal na siya. At blessing indisguise pa na nahuli niya itong nakikipaghalikanm
sa classmate nila? Ano ba talaga ang totoo Nathan? May mali sa mga nangyayari. Ano
bang dahilan mo Nathan?

"Tama yan Sky. Andito lang kami ni Jane para sayo. Nga pala nandito na rin si
Lindsay at yung tatlong bitches na president ng Fans Club niyang Nathan na yan.
Pero huwag kang magalala dahil pina-blatter ko na yan sa pulis kaya kung may
mangyari ulit sayo mananagot na talaga sila!"

"Thanks Donna. Wait lang, CR lang ako. Sige na mauna na kayo sa room saglit lang
ako promise." Aisst! Kapag sinuswerte ka nga naman! Bakit naman sa lahat ng
makakasalubong ko siya pa?

"Look who's here. So okay ka na pala? That's what you get when you messed up with
Lindsay Hunter! Tandaan mo kahit kami na ulit ni Nathan layuan mo siya! Kayang-kaya
kitang ipapatay kaya huwag mo akong kalabanin." Hala? Ipapatay? Baliw na nga ata
itong si Lindsay gaya ng sabi ni Nathan. Lalagpasan ko na sana siya pero nagulat
ako ng dumating si Nathan. He pulled me to him. Itinago niya pa ako sa likuran
niya. My heart was beating so fast. Shit I miss him so much! Namiss ko yung amoy
niya. Namiss ko lahat sa kanya! Pero ano bang nangyayari? Bakit ako ang nilapitan
niya. Di ba sila na ulit? Ngayon ako labis na naguguluhan.

"Ano na naman ba ito Lindsay? Tayo na ulit hindi ba bakit ayaw mo pa ding lubayan
si Sky?" Galit na galit si Nathan kaya nakakuha na naman kami ng atensyon sa mga
papasok na estudyante.

"Oo tayo na nga pero hanggat nandyan yang malanding babae na yan! Hindi ako
matatahimik knowing that you care for that ugly bitch!" Slut? Bitch? Is she
pertaining for herself? Ee kung upakan ko na kaya ito baka akala niya nakalimutan
ko na yung ginawa niya sakin.

"Please Lindsay ginawa ko naman na lahat hindi ba? Tayo na ulit. Hindi na ako
nakipagkita sa kanya. Ni hindi ko siya nadalaw nung oras na kailangan niya ko. So
please leave her alone! Lubayan mo na siya." Is he really crying? Shit. Natukop ko
yung bibig ko. Umiiyak si Nathan? Totoo? Bakit? At anong ibig niyang sabihin?
Kagagawan ba lahat ng Lindsay na ito ang lahat kaya hindi na ako binalikan pa ni
Nathan?
"Lubayan? Pssh. Ngayon pang nakita kitang nagkakaganyan sa tingin mo mananahimik
ako? Iniiyakan mo yang dating nerd na yan?" Wait hala paano naman niyang nalaman na
nerd ako dati?

"Ano? Nagtataka ka kung bakit alam kong nerd ka before? Alam ko rin na may mommy
kang nasa Dubai Bitch! Marami akong connection at kaya ko kayong ipapatay."
Nababaliw na siya. Pati mommy ko idadamay niya? Dahil doon para akong bulkang
sumabog. Hindi ako makakapayag na pati si Mommy idamay niya! Inalis ko ang
pagkakahawak ni Nathan sa kamay ko at lumapit kay Lindsay! *Paaaaak!* Rinig ko ang
pigil na pagsinghap ng mga lintek naming audience. Dami talagang chismosa dito sa
Maniego.

"That's for hurting me! Physically and emotionally! Akala mo ba nakalimutan ko na


yung mga sampal mo sakin?"

*Paaaaaaaaaaak!!!* Mas malakas ngayon ang sampal ko.

"Para naman yan sa mga bugbog at pasang hanggang ngayon ay nakamarka pa sa katawan
ko!"

*PAAAAAAAAAK!!!!!*

"That slap suits you! Baliw kana! Subukan mo lang na saktan at idamay ang Mommy ko
sa kabaliwan mo?! Ako mismo ang gigilit sa leeg mo!" Hindi ko alam kung saan ako
humugot ng lakas ng loob at tapang para masabi lahat ng yan pero siguro dahil na
rin sa galit at sakit na nararamdaman ko. At dahil na rin involve ang magulang ko.
Sino ba siya sa akala niya? Paglingon ko sa paligid hala ang dami na palang
estudyante. I look at Lindsay na halatang gusto na akong patayin. Hindi ako
natatakot sayo. Ngayon pa?

"How dare you-- Damn! Papatayin kita!" Sasampalin niya sana ako pero pinigilan siya
ni Nathan.

"Stop it Lindsay."

"Shit Nathan sinampal niya ako! Dapat ako ang pinagtatanggol mom! I'm your fvcking
girlfriend!" Nagwawala na siya.

"We should stop this game Lindsay. Accept thefact na hindi na kita mahal." Shit
umiiyak na naman ba to? Ano bang nangyari sa dating Nathan?

"No! May kasunduan tayom Nate! Once na iwan mo ako, hindi mo gugustuhin ang gagawin
ko. Papatayin ko siya. Pati ang nanay ng haliparot na yan!" Kinilabutan akong
bigla. Baliw na nga ata si Lindsay pero shete kinabahan ako sa inaakto niya. Hindi
na normal. Pero anong kasunduan? Kaya ba hindi ako dinadalaw ni Nathan? Kaya ba di
man lang siya nagpakita?

"Tama na Lindsay. Itigil mo na ito, si Sky ang mahal ko." What the-! Mahal? Mahal
niya ako? Dahil nakanganga pa rin ako. Hindi ko napansing nakalapit na samin si
Donna at may hawak siyang recorder?

"Ayos Lindsay. Buti nalang at matabil ang dila mo. Sakto may ibedensiya na ako.
Kaya once may mangyari ulit kay Sky o sa nanay niya? Tandaan mo sa kulungan ka na
titira!"

"Arrrggghhh! Hindi pa tayo tapos!" Nung makaalis si Lindsay agad akong niyakap ni
Nathan.
"Nathan." Napansin ata niyang nakapalibot na samin yung mga estudyante at
kinaladkad na naman ako. Pero bago kami tuluyang umalis. Lumingon siya sa gawi ni
Donna.

"Donna right? Tinaasan lang naman siya ng kilay ni Donna. Ang sungit talaga niya.
Salamat." Tapos kinaladkad na naman ako! Leshe namiss kong kaladkarin. Namiss ko
lahat kapag kasama ko siya! Namiss kong magwala ang puso ko ngayong hawak niya ako.

TO BE CONTINUED...

Chapter Eighteen: It's my turn!

Hindi ko alam kung saan kami papunta. Matapos niya kong kaladkarin ay sumakay kami
sa kanyang OMG! Color black na Lamborghini? Shocks akala ko big bike lang ang meron
siya! First time kong makakasakay sa ganito kasosyal na sasakyan. Pero hindi na nga
pala ako dapat magtaka. Yung bahay nga nila mala-palasyo ee. Tsk. Pero pwede na ba
siyang magmaneho? Una Bigbike. Ngayon naman fourwheels. Ang bata niya pa masyado
para magmaneho! Hindi ko namalayang huminto na kami. Wait? Bakit kami nandito sa
bahay? Hindi na ako nakapagtanong pa dahil kinaladkad na naman ako! Takenote! Dun
din ako dumaan sa driver's sit!

"Susi?" Iritableng tanong niya. Tss bipolar? Kanina parang night in shining armor
ang peg tapos ngayon? Argggh balik sungit na naman? May paiyak-iyak pa siya kanina
tapos.. Hayaan na nga namiss ko din naman ang pagiging GANYAN niya. "F*ck! This
door is full of shit!" Haha gusto ko ng matawa! Pero pinipigil ko bakit kasi ayaw
bitawan yung kamay ko? Mabubuksan niya ba kasi yung lock kung iisa yung kamay niya?
Pero nageenjoy ako kaya hindi ko na pinansin. Namiss ko kaya itong kolokoy na ito.
Ayan after 6151656777 minutes (pupusta ko di mo binasa yung number haha) nabuksan
din yung pinto.

"Saan kwarto mo?" Init ng ulo. Pero ano? Bakit niya tinatanong?

"B-Bakit?"

"Damn just answer it. Dammit!" Tinuro ko nalang yung kwarto ko. Pero shemay naman,
pagpasok namin agad akong niyakap! Putek yung puso ko naghuhuramentado na! I
blushed when he cupped my face. Bakit kasi ang gwapo mo huh Nathan? Bakit ang bango
mo? Tapos may pandesal ka pa! We-wait! Ano ba Sky? Minamanyak mo na yung tao.

"Sorry." He said and kiss my hair. Kinikilig ako. Akala ko hindi ko na siya
malalapitan ng ganito.

"Huh?"

"I said sorry damn it!"

"So nag-sosorry ka na niyan?"

"I miss you. Sobrang na miss kita!" Okey! Kenekeleg ako.

"Wait lang bitaw muna. Itinulak ko siya palayo. Magpaliwanag ka nga Nathan. Ano
bang nangyari? Nung mabugbog ako ng mga Fans mong baliw at ng ex mong mastermind
bakit hindi mo man lang ako dinalaw? Tapos nakauwi na ako at lahat wala ka pa rin?
Sabi mo? Sabi mo? Sabi mo hindi nila ako pwedeng sa-saktan tapos, ginulpi nila ako
pero wala ka naman!" Kainis para na akong batang umiiyak. Bumalik na naman kasi
lahat. Inaasahan ko talagang darating siya pero nadissapoint lang ako. Walang
Nathan na dumating and worst hindi na siya nagpakita pa then the next thing I knew
sila na. Alam ko namang may dahilan pero gusto ko pa ding sa kanya mismo
manggaling.

"I'm the one who saved you. Ako yun Sky. Ako ang nagligtas sayo sa rooftop."

"Nagbibiro ka ba? Oo akala ko din ikaw pero sabi nila Jane si John Matias daw yun.
Ni hindi pa nga ako nakakapag thank you sa kanya dahil kakapasok ko palang."

"It was me. Narinig ni John yung paguusap nila Lindsay at sinumbong niya agad
sakin. F*ck kung alam mo lang kung gaano ko gustong patayin ang apat na yun dahil
sa itsura mo that time. Puro pasa at sugat ka. At umuulan pa!" I bit my lower lip
para pigilan yung mga luha ko. Yung mga impaktang yu huwag sanang magkasalubong ang
mga landas namin. "Sumunod pala sakin si John kaya ibinilin kitang dalin ka sa
ospital at tawagan ang mga kaibigan mo." So siya talaga? Bwisit nagalit pa man din
ako dahil akala ko pinabayaan na niya ko!

"Pero bakit hindi mo man lang ako dinalaw? May kinalaman ba si Lindsay sa lahat ng
ito?"

"Napilitan lang ako. Hindi ba sabi ko sayo walang pwedeng manakit sayo? I mean it!
Pinrotektahan kita sa abot ng makakaya ko. Nung ibinilin kita kay John. Agad akong
pumunta sa bahay nila Lindsay and good thing na wala ang parents niya! Muntik ko na
siyang mapatay! Hindi ko ma-imagine na minsan ko siyang minahal! Baliw siya!
Pinagbantaan niya akong papatayin ka niya once na hindi ako makipagbalikan sa
kanya! Wala akong magawa! Kilala ko siya at kaya niya talagang gawin yun. Alam mo
bang one time na subukan kong dalawin ka sa ospital??? F*ck! F*ck this fucking
tears!" I wiped his tears from falling. Nasasaktan akong nakikita siya mahina at
nasasaktan. I feel so numb and so weak ngayong umiiyak siya. Pwede rin palang
lumuha ang isang Nathan Wright? Akala ko napaka-tapang niya pero hindi. May
kahinaan siya at ako yun. Haba ng buhok ko.

"Baliw siya! Pinasusundan niya pala ako! May nakatutok na baril sayo habang
mahimbing kang natutulog! Hindi siya nagbibiro. Tototohanin niya lahat ng sinasabi
niya" Hala? Muntik na talaga akong ipapatay ni Lindsay? "After that incident hindi
na ako nagtangkang dalawin ka pa o puntahan ka man lang kahit alam kong kamumuhian
mo ako. Alam kong magagalit ka sakin. But believe me. Ginawa ko lahat ng ito para
sayo. Dahil mahal kita." I can't breathe. Pengeng oxygen. Mahal niya talaga ako?
Mahal niya ako! Finally mahal niya na din ako!

"Lagi akong tinatawagan ni Lindsay. Gusto niyang lagi akong nasa bahay nila buhat
ng masuspend siya. Pumayag ako dahil ikaw ang inaalala ko. Pero kanina, hindi ko na
kaya. Nung makita kitang pumasok. Bigla kong nakalimutan ang deal namin ni Lindsay.
Nung makita kita all I want is to hugged you. I missed you."

"WHY?"

"Tss. Sinabi ko na kanina di ba?"

"Kailan pa?" I grin at him.

"After I kissed you at the Corridor. Damn this so gay! You stole my heart! Psssh.
Ngayon lang ako nagconfess sa buong buhay ko at nakakahiya dammit!" I giggled. Ang
kyot niya kasi. May pakamot-kamot pa ng ulo! Haha ngiting tagumpay ako syempre.
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa! Sinunggaban ko na! I missed him too. I am
longing this to happened again.

"I love you too My Kissing Monster."


It's my turn.

I KISSED HIM!

TO BE CONTINUED...

Chapter Nineteen: Ligawan 101.

I laugh between our kisses. Hindi ko mapigilan. Mukha kasi siyang nakagat ng aso o
parang nakakita ng multo. Priceless yung reaksyon niya. His eyes are wide open at
parang hindi humihinga.

"Para kang ewan Nathan. Natulala ka na dyan?" Haha sarap asarin. He even blushed!
Ang pula talaga ng mukha niya! "Marunong ka din palang mag-blushed? Parang makopa
na yang mukha mo."

"Shit!" I gasp when he cupped my face and kiss me hungrily. Grabe parang taon
kaming hindi nagkita. I really miss him. Kahit minsan masungit at unpredictable
yung ugali niya gusto ko siya laging makasama. I want to be with him. I want to
hold his hand. I want to cherish every moment with him. Mukhang nakabawi na siya. I
smiled between our kisses. I wrapped my arms around his nape. And kissed him back.
My heart was beating so fast. Teka bakit parang uminit? Bago pa mawala ang V-Card
ko bumitaw na ako sa kanya. We are panting. Hindi ako makatingin sa kanya. Nahihiya
ako. Muntik na yun. Lalaki siya at babae ako. Mahirap na nasa kwarto kami at kami
lang dito. Pwede may mangyari na pagsisihan namin. I chew my bottom lip and look at
him. Ang gwapo niya talaga. Leshe nagwawala pa din yung puso ko.

"Mahal mo talaga ako?"

"Kahit hindi ka kagandahan mahal kita. ARAY! Fvck! Bakit ka ba nananakit?!" Sa asar
ko binatukan ko siya.

"Aamin ka nalang may lait pa ee ano? Mahirap bang sabihing mahal mo ako?" I crossed
my arm.

"Sky naman! Alam mong hindi ako sweet at showy na tao!? But i'm trying! Dammit" I
smiled. Tapos nilapitan ko siya. Wala lang nakatayo lang ako sa harap niya
samantalang siya nakasandal sa likuran ng pinto habang pa-cool na nakalagay yung
dalawang kamay niya sa pocket niya. He's so hot on that pose. Aisst oo na! Gwapo ka
na! Kainis.

"Oo na! You're Nathan after all ano pa bang aasahan ko? Wala ka nga palang asukal
sa katawan. Tell me paborito mo ba ang ampalaya?"

"So? Tayo na?"

"Sinuswerte ka naman?! Hindi pa." Aba? Ngayon lang ako magkakaboyfriend. As in yung
for real. Gusto ko namang maging special yung pagsagot ko sa kanya. Gusto ko naman
makaramdam ng effort. Gusto ko din na ligawan ako. I want to feel so special gaya
ng ibang mga teenager.

"You told me you love me. At mahal din kita! Huwag ka na ngang pakipot pa! Tsk."
Did he pout? Peste. Bakit ba siya nagpapacute?! Sobrang cute at gwapo na niya tapos
gaganun pa siya! Aist! Baka ako ang hindi makapagpigil. Shit. Ang bad ng naiisip
ko. Sarap halikan kainis.
"Why? Did you confess already? Ang pagkakatanda ko kasi-- kay Lindsay mo inamin na
mahal mo ako-- hindi sa akin." I turn around at umupo sa kama ko.

"Damn I already said it! Sinabi ko na. Kaya nga iniwasan kita hindi ba? Kasasabi ko
lang kanina."

"Wala akong matandaan." Pinipigilan kong hindi matawa. Nakakatuwa kasi yung
reaksyon ng mukha niya. Asar na asar siya. Yeah narinig ko naman gusto ko lang
talagang marinig ulit na mahal niya ako. Pabebe ba. Bakit ba? Sarap niya kasing
asarin.

"Fvck! He sighed bago tumabi sakin. Kinikilig ako. Aist. Listen okay. Pakinggan
mong mabuti dahil ngayon lang ako magpapauto sayo! Mahal kita. Mahal na mahal kita.
I love you. I do love you dammit!" Ang lapad ng ngiti ko. I cupped his face and
kiss the tip of his nose.

"Mahal din kita"

"So tayo na talaga?" I rolled my eyes. Bakit ba nagmamadali siya?

"Hindi pa din."

"Damn it! Pinaglalaruan mo ba ako?"

"Manhid ka ba? Ligawan mo muna ako noh! Make me fall for you over and over again.
Make me love you more patunayan mong mahal mo ako! Kung ayaw mo okay lang naman---

"Fine! Damn. Bakit ba kasi sayo pa ako tinamaan?"

"So nagsisisi ka?"

"Hell no! I love you and I mean it!" Haha success paano kaya manligaw itong
mayabang na ito? He's about to kiss me pero pinigilan ko siya.

"NATHAAAAAAAAAAN!!!!!" Bwisit ngayon ko lang naalala!

"F*ck! Bakit ka ba sumisigaw?"

"First day ko sa school eh! Tapos pinag-cut mo na naman ako!"

"Tsk. Akala ko kung ano!"

"Ah ganun ah? Simula ngayon kung gusto mo talagang maging tayo, bawal ka ng mag-
cutting classes. Graduating ka na hindi ba? At isa pa bawal mo muna akong halikan
hanggat hindi pa kita sinasagot."

"Damn! Okay sakin yung bawal mag-cut pero yung kiss? Shit ayoko! That's unfair!"
Haha kinikilig ako. Haba masyado ng hair ko.

"Deal or no deal?"

"Arggggh. Fine! You win! Pasalamat ka mahal kita. Aist I tried okay? But I will not
promise."

"May sinasabi ka?"

KINABUKASAN...

*MANIEGO HIGH*
"Kyaaah! Grabe kinikilig ako. Aist bakit ba ang swerte masyado ng Sky na yun!
Waah!"

"Shit! Ang swerte ni Sky!"

"Whooo Nathan! Ang gwapo mo sana ako nalang! Ako nalang please!"

Pagdating ko sa school puro sigawan lang ang naririnig ko. Teka ano bang
nangyayari? Nakipagsiksikan ako para malaman yung pinagkukumpulan nila but to my
surprise. Shit. I blushed. Kinikilig ako. Nahihiya. Mix emotion! Kainis. Teary eyed
na din ako. Pinuno ba naman ng red roses itong stage tapos my tarpaulin pa. "I love
you Sky Blue Fonacier! Please huwag mo akong pahirapan." Tell me? Hindi ka ba
kikiligin? Freaking heartbeat. Sobrang kinikilig na talaga ako. Hindi ko akalain na
mageffort siya ng ganito. I'm happy. Feeling ko mahal na mahal niya talaga ako.

"Mic test." My heart skip a beat when I heard his voice. Teka-- nasaan siya?
Tiningnan ko yung stage pero wala siya doon. "Damn. This is so gay! I've never did
this in my whole life! Ni hindi ko naisip na gagawin ko ito but I did. Because I
love her. Hindi pa ako nakaexperience manligaw. Even to Lindsay-- ngayon lang.
Yes-- I am courting you Sky. Shit-- nasaan ka ba?" Bigla siyang lumabas and Shit
ang gwapo niya! Hindi siya naka-uniform. He's wearing a blue longsleeve tapos ah
basta ang gwapo niya talaga! Naglock-jaw na ata yung panga ko sa kakangiti.
Pakiramdam ko nakalutang ako. I feel so special. Someone shouted na katabi niya ako
kaya napalingon siya kung nasaan ako. "You." Sabay turo sakin. Para namang hinawi
lahat ng estudyanteng naririto at pinalibutan ako.

"Nathan--"

"Yes YOU! I love you! Mahal kita. Shit-- this is so gay! John humanda ka mamaya
sakin after this!" I giggle. So plano lahat ito ni John? Humingi siya ng tulong kay
John? Tapos naka mic siya? Rinig siya ng buong campus? Is he proud of me?
Nakakataba naman ng puso. Sobrang lapad na talaga ng ngiti ko. I bit my lips pero
wala nakangiti pa din ako. Paano ko ba siya pahihirapan kung ganito palang bibigay
na ako? Baka wala sa oras sagutin ko na siya. Pero hindi aba paghirapan niya muna
yung oo ko. Magpapaka-maria clara muna ako.

"Gosh kinikilig ako! Ang sweet ni Nathan."

"I'm gonna die. Nakakainggit!"

"Ang gwapo ni Nathan sayang wala siyang taste sa babae."

"Nathan! Waah akin ka na lang!"

Ang daming comments sa paligid pero all eyes na ako sa kanya. Bahala sila kung ano
man ang tingin nila sakin. Si Nathan lang naman ang mahalaga. Wala akong pakialam
sa sasabihin nila.

"Sky. Shit nakakahiya pero para sayo ito." What the? Kakanta siya? Kakantahan ako
ni Nathan? Oh my Oxygen nga! Hindi na ako makahinga sa sobrang kilig!

Bangin ka ba? Kasi--


Nahuhulog na ako sa'yo, naman kasi--
Unggoy ka ba? Kasi--
Sumasabit ka sa puso ko, naman kasi--
Pustiso ka ba? Kasi--
You know I can't smile without you.
Pagod na pagod na ako
Maghapon ka na kasing tumatakbo sa isipan ko--
Kasi naman kasi--
Mahal kita ahaha---
Bagay tayong dalawa
Papicture nga--
Para mapadevelop kita
Hindi tayo tao hindi rin tayo hayop
Bagay tayo, bagay talaga.

Seryoso? Yan talaga yung kanta niya? Haha. Hindi ko mapigilang takpan yung bibig
ko. Natatawa ako na kinikilig. Shit. Talagang yung kantang may pick-up line ah?
Aist Nathan bakit ganyan ka!

Papupulis kita, kasi--


Ninakaw mo ang puso ko, naman kasi--
Kuto ka ba? Kasi--
Palagi ka sa ulo ko naman kasi--
Apoy ka ba? Kasi--
Alab-alab I love you

Mag salbabida ka nga


Kasi baka malunod ka sa pag-ibig ko
Kasi naman kasi--
Mahal kita
Bagay tayong dalawa
Papicture nga--
Para mapadevelop kita
Hindi tayo tao, hindi rin tayo hayop
Bagay tayo, bagay talaga.
Pustiso ka ba, kasi
I really really can't smile without you.

After niyang kumanta? Lahat hindi makapaniwala. Shit. Priceless yung mukha nung mga
estudyante. Sino ba kasing magaakalang yun ang kakantahin niya? Pwede namang All of
me? O kaya Fallin? O kahit anong sweet song? Haha laugh trip! Pero shit kinilig ako
talaga!

"F*ck! Bakit ganyan mga mukha niyo?" He's talking to the crowd. Lahat nagpipigil ng
tawa. "Shit. Stop staring! Sky mahal kita naririnig mo ba?" Reaksyon ko?

"Ptff ahahaha! Shit. Sorry hahahaha sorry talaga. Wait hihinga lang ako." sorry
hindi ko na talaga mapigilan.

"Sky." *gulp* Bwisit bakit naman ang husky nung boses niya kinikilabutan akong
bigla.

"Bakit?"

"Gusto mo bang malaman ang meaning ng Love?"

"Huh?"

"Sige mahalin mo lang ako may meaning ka na may demonstration ka pa!" Siya with a
serious tone yan. Parang nalunok ko yung dila ko i'm sure sobrang pula ng pisngi
ko.

"AYIIIIIIIIEEEEEEEEE Nathan kinikilig ako! Kainis!"


"Kainis ang sweet ni Nathan. Nakakainggit!"

"Sky? Ang ganda mo sa lahat ng view. Pero isang view lang naman ang gusto ko mula
sayo. I LO-view." Shit hindi ako makahinga! Oh my oo na! Kinikilig ako! Sino bang
hindi kikiligin! Si Nathan yan. Yung supladong hindi marunong ngumiti tapos heto
pinapakilig ako. Pumipickup-line sa harap ng marami para lang ligawan ako. Effort
talaga. Grabe! Halos mabingi ako nung bumaba siya at pumunta sa harap ko.
Kinaladkad na naman niya ako. Daily routine na ata namin ang kaladkaran tss. "Tss
makangiti wagas! Kinilig ka noh?" Hindi ko na siya sinagot kasi naman kinikilig
talaga ako.

TO BE CONTINUED...

Chapter Twenty: Impossible

Matapos akong kaladkarin este ihatid ni Nathan sa room namin sobrang laki padin ng
ngiti ko. Lahat nga ata ng tanong sa recitation namin nasagot ko. Inspired! Hindi
pa din ako makapaniwala. Kinikilig pa din ako kainis.

"Okay class dismissed." I smiled. Kung dati nagmamadali ako sa pagligpit ng gamit
ko para pumunta sa corridor at silayan si Nathan-- ngayon naman-- siya na ang
lumalapit para makita ako. Kyaah. Kailangan na bang putulan ng buhok ko?

"Hoy Sky magkwento ka nga late ako kanina ano yung usap-usapang eksena niyo kanina
ni Nathan?"

"Jane-- nililigawan na kasi ako ni Nathan. Ayun-- mga pakulo niya nakakainis.
Kinantahan niya ako sa stage kanina tapos-- ang daming roses sa paligid." Grabe
para akong kinakagat ng hantik. Di ako mapakali sa upuan ko.

"Kung naiihi ka huwag ka dito magkalat!" I glared at Donna. Kontrabida pa din siya.
I pout.

"Psssh panira ka! Kinikilig ako hindi naiihi!"

"Totoo ba? Kyaah ang haba ng buhok mo sa kili-kili! Ang sweet naman pala ni
Nathan?! Teka-- ano bang nangyari matapos niyong mawala kahapon ni Nathan? Donna
told me he confess his feelings for you. Lakas ng kamandag mo girl para kang si
Nads! Charismatic!"

"He told me what really happened. Kung bakit natiis niya akong hindi dalawin. Kung
bakit naging sila ulit ni Lindsay. And guess what? Siya talaga yung nagligtas sakin
noon sa rooftop! Ibinilin niya lang ako kay John. Kagagawan lahat ito ni Lindsay.
Binlackmail niya si Nathan. Pinagtangkaan niya pa yung buhay ko."

"Alam ko." Si Donna.

"Alam mo?" Sabay pa kami ni Jane.

"Oo sinabi ni Nathan sakin na pinagtangkaan kang patayin ng baliw na yun! Kaya nga
pina-blatter ko na siya sa pulis. And good thing sinundan kita kahapon at nairecord
ko ang usapan niyo. Pero Sky hindi pa tayo nakasisiguro na lulubayan ka na ng baliw
na yun! Mapera sila at maraming koneksyom kaya ingat pa rin, don't worry hindi ko
ito sinabi sa mama mo ayoko namang magalala pa siya." Bigla nalang akong kinabahan.
Sa sobrang saya ko nakalimutan ko ng nasa panganib pa pala ako hanggat may Lindsay
Hunter sa paligid. Bakit kasi hindi nalang niya tanggapin na wala na sila? Paano
kung saktan niya talaga si Mommy? Paano kung idamay niya nga ang nanay ko? Si Mommy
nalang ang meron ako. Ngayon lang ako natakot ng ganito. Pero poprotektahan naman
ako ni Nathan di ba? Malayo si Mommy dito kaya safe siya-- ako ang kailangan
magingat.

"Wait nga naguguluhan ako! Kwento niyo nga ng buo!" Si Jane.

"Ako man naguguluhan kung alam mo pala bakit hindi mo sinabi sakin na may dahilan
si Nathan kung bakit hindi niya ako dinalaw? Galing mong umarte Donna kainis ka!"

"Wala lang. Gusto ko lang malaman kung mahal niyo talaga ang isat-isa. Best actress
ba?"

"Aarrggh naguguluhan na talaga ko!"

"Jane ako nalang magpaliwanag sayo mamaya. Ikaw Sky! Punta ka na sa Canteen at
inaantay ka ni Nathan." Si Nathan? Hala ano na naman pakulo niya?

"Donna? Kasabwat ka ba ni Nathan all this time?"

"Slight?"

"Akala ko ba ayaw mo sa kanya ee bakit tinutulungan mo siya ngayon?"

"Wala lang mukha namang mahal ka talaga ni gagu ee. Ayaw mo non? Hindi na ako
against sa kabaliwan mo."

"Donna magkwento ka na ngayon. Kainis kayo OP na ako sa inyo ni Sky!" After ko mag-
thank you kay Donna. Tumakbo agad ako papuntang Canteen. Hingal na hingal ako pero
hinanap ko pa din siya. Pero shit. NATHAN! You're impossible!

TO BE CONTINUED...

Chapter Twenty one : He's blushing.

My heart races too fast. Believe me I can feel this butterfly in my stomach.
Kinikilig? Overwhelm? Happy? Surprised? Lahat ng pwedeng maramdaman ng taong masaya
nasa akin na ata? Kainis ka Nathan! Kinikilig ako! Kakaumpisa mo pa lang manligaw
pero parang ayoko ng pahirapan ka pa. You deserve a yes and i'm willing to give it
to you. Hindi ko lang alam kung kailan pero sasagutin din kita. Konting push pa. I
look at him. Syempre dahil siya si Nathan he just smirk.

"Akala niya ba kinaganda niya yan? Tara na nga sakit sa mata niyang Sky na yan!
Feelingera!"

"Nakakainggit. Bakit ba ang swerte niya? Kanina kinantahan siya-- tapos ngayon--
aist nakakainis!"

Believe me. Pinapatay na ako ngayon bg mga fan girl ni Nathan. I'm sure kung wala
lang si Nathan dito may sumabunot na sa buhok ko. Lumakad ako papunta sa kanya.
Parang nag-slow motion ang lahat. Kyaah yung puso ko nalaglag na ata! He has this
effect on me. Nakakapanlambot ng tuhod yung tingin niya. Here he is. Standing in
front of me wit a bouquet of roses. Never pa akong nakatanggap ng bulaklak. Kung
sakali ngayon pa lang at naiiyak talaga ako. Malapit na ako sa kanya ng bigla
nalang naglabasan yung mga member ng Basketball team.
"Hi. Sky right? Sagutin mo na si Nathan. Mahal ka niya promise. Here." Oh my-- Si
Joemer! Yung captain ball ng Varsity Team! Tapos binigyan pa ako ng rose! Naging
crush ko din kaya siya dati kaso I saw Nathan kaya nawala agad yung paghanga ko sa
kanya.

"Say Yes. Hindi halata pero seryoso siya sayo." Si Teddy. One of the heartthrob ng
team. Isa siya sa pinakasikat na myembro ng team. I gasp when he wink at me. Hindi
ako nagtataksil Nathan promise. Inienjoy ko lang itong pakulo mo hehe. Minsan lang
maglakad aa harap ko lahat ng gwapo sa school. I'm super blessed. Halos lahat ng
member ng varsity team binigyan ako ng rose at lahat sinasabing sagutin ko na si
Nathan. Effort ka talaga Nathan ah? My heart jump nung siya na yung lalapit sa
akin.

"Psssh. I hate it when you blushed and it's not because of me. I am fvcking jealous
here pero kinikilig ka pa dyan! Oh! Isaksak mo sa baga mo!" Grabe kabod nalang
hinagis sa dibdib ko yung bulaklak. Pero ano daw? Nagseselos siya? Aist. Nagseselos
siya at natutuwa ako! Sorry naman. Naguilty naman ako pero teka-- maasar nga.

"Kinikilig kasi ako kay Joemer. Nathan ang pogi niya!" Haha yung mukha niya hindi
na maipinta!

"Ah ganun?" Shit. Nainis na ata. Ang cute niya talaga mainis. I laugh and kiss him.
Baka kasi mauwi pa sa away. Nageffort na nga aawayin ko pa. Ang bad ko naman di ba?

"Mwah! Huwag ka na magalit Kissing Monster. Thank you, you made my day. Sweet ka
naman pala ee."

"A--akala ko ba b-bawal muna kiss?" Nautal ba talaga siya?

"Oo nga. Sayo bawal. Sakin hindi." I winked at him dahilan para mamula ng sobra
yung mukha niya. Grabe-- ang pula niya talaga! Para siyang nakakain ng sili!
"Pfffhh hahahaha Nathan! Yung mukha mo! Ahahahaha! Kasing pula ka na nitong rose!
Hahaha"

"F*ck!!!" I gasp when he kissed me. Shit! Nasa canteen kami! Public place ito at
bawal ang PDA! My eyes are wide open and tried to push him pero lalo niyang lang
akong niyakap palapit sa kanya! Madami ng tao at lahat sumisigaw may ibang kumumuha
ng litrato. May ibang maraming bad comments pero ang nakakahiya, may mga teachers!
Ano ba itong si Nathan? Matatanggihan ko ba kasi yung kissable lips niya. Darn it
but I kissed him back.

"Bwisit naman Nathan ee! Bakit ba ang hilig mong manghalik sa public places?"

"Pssh. So? I love you and that's how I express my love for you." Kyaah. Kainis kang
Kissing Monster ka! Bakit ba bumabanat ka dyan! Kinikilig ako kahit naiinis sayo! I
look around at ang daming nakataas ang kilay. Sorry naman addict kasi sa lips ko
itong lalaking ito. Pssh.

"Alam mo sasagutin na sana kita ee. Kaso huwag muna. Sabi ko bawal muna kiss tapos
PDA ka pa diyan. Tsk."

"Sky naman ee!"

"Pagbutihan mo pa Tan-Tan! Konting pilit pa! Malalate na ako sa next class ko! Bye
kissing monster!" Malayo na ako pero ang lapad pa din ng ngiti ko. I touch my
lips. I missed that. Masama ba? Masyado na kasi akong attached sa kanya.

"SKY BLUE FONACIER! I LOVE YOU AT HINDI AKO SUSUKO! TANDAAN MO YAN!" Napangiti
nalang ako! Shemay baka sa next time na kiligin ako sagutin ko na siya kainis.
TO BE CONTINUED...

Chapter Twenty Two: Officially Mine.

Fastforward.

Lumipas ang isang buwan ng panliligaw ni Nathan. Araw-araw hindi ko mapigilang


hindi kiligin! Araw-araw may surpresa siya na hindi mo aakalain na kaya niyang
gawin. Sundo't hatid niya din ako sa bahay hanggang classroom hanggang pauwi. Ewan
ko ba dun-- sabi niya para kasing kinakabahan siya tuwing mawawala ako sa paningin
niya. As if naman paaagaw pa ako? I am lucky to have him. In fact I am planning to
say YES to him kaso tuma-timing pa ako. Hindi ko din kasi alam kung paano gagawin.
Yun lang, old habbits are hard to die. Mayabang pa rin siya. Mapangasar. And yeah--
Kissing Monster pa din siya. Buti nga hindi na siya nakikipagaway. Hindi na rin
siya nagcut ng class gaya ng pinangako niya. Medyo good boy na pero bad boy pa din.

Lagi rin kaming sabay maglunch or miryenda. Nagagalit na nga minsan sila Donna at
Jane dahil hindi na kami nagkaroon ng time sa isat-isa. Hindi ko alam kung clingy
na ba si Nathan o over protective.

About naman kay Lindsay. Hindi na siya pumasok after nung nangyari. Buhat nung
makipagbreak si Nathan at ng sampalin ko siya-- hindi na siya nagpakita pa. Good
for her. Dahil hindi ko talaga siya aatrasan kung mommy ko na ang madadamay.
Inaamim ko kinakabahan din ako sa banta niya pero nilalakasan ko pa rin ang loob
ko. She's only sixteen years old. Kaya niya bang manakit at magpapatay ng tao?
Grabe naman kung ganun. Napakabata niya pa para maisip ang ganung krimen. She must
learn to forget and move on para hindi na siya masaktan. t

Uuwi na nga pala next month si Mommy. I'm so excited! I really missed my mom.
Imagine? Grade five pa ako noong huli kaming magkita. Oo nga at may skype at
messenger para makapagusap at magkita kami pero iba pa rin yung mayakap ko siya ng
personal. I love my mom so much at gusto ko na talaga siyang makita. She's all I
have and Nathan too.

Anyway. Nandito ako ngayon sa STAGE.

"Sky calm down. Aist kinakabahan talaga ako!" Calm down Sky. Breath in. Breath out.
I closed my eyes. Ito na yun. This is our big day. Yeah-- I am planning to say yes
to him. Sasagutin ko siya. I bit my lips. Kinakabahan ako na masaya. Siguro naman
sapat na lahat ng pinakita niya para mapatunayang mahal niya talaga ako. At mahal
ko din siya. I love him damn much. Sobra at ayoko ng pakawalan pa siya. Siya yung
taong hindi ko maabot noon pero ngayon-- akin na siya. And I am planning to be with
him forever. He's my one great love.

Sobrang effort niya nung iannounced niya na liligawan niya ako kaya nag-effort din
ako ngayong araw para sagutin siya. Nakakahiya itong gagawin ko pero gagawin ko
para sayo Nathan. I gasp when I heard the crowd screamed. Meaning nandyan na siya.
Padating na siya.

"Sky mukha ka ng suka. Kakanta ka lang naman ah? Bakit para ka ng bibitayin dyan?"

"Hihi agree ako kay Donna. Sky relax ano ka ba? It's your big day. Dapat maganda
ka. Ayieee. Kinikilig ako for you! Ito na yun Sky! Yung pangarap mo ito na!" Gosh
lalo lang akong kinabahan ee. Calm down. Hinga. Aist! Napalunok ako ng biglang
magtilian na yung mga babaeng nandito sa gym. Hinigpitan ko yung hawak ko sa
microphone. Sayang naman yung effort naming tatlo kung aatras ako! Ang hirap kayang
mapapayag nung Principal at Student Officers. Syempre dahil bitter much yung mga
babae dito sa school-- kaiba kay Nathan kaunti lang ang nagaksayang magusisa dito
sa gym.

"Wait lang Sky ah? Ummm puntahan ko lang si Nathan medyo slow si gagu tsk." Knowing
him hindi talaga yun makikiusyoso dito. My heart races so fast when I saw him. He's
so handsome on his uniform. Bukas pa yung tatlong butones ng polo niya! Nanlambot
ako ng biglang dumami yung mga estudyante dito sa gym. Shit. Naninigas ako. Focus
Sky. Don't ruined this day. I look at him and everything feels like a fairytale.
Nagslow-motion ang lahat at tanging siya lang ang nakikita ko. He's serious at wala
man lang reaksyon.

"I-- Uhmmm. Nathan. Ano, hi?" Kainis ano ba itong ginagawa ko? "Ahmmmm nandito ako
kasi-- ano."

"Look at her. She's so stupid."

"And pathetic too."

"She has the nerve to step on that fvcking stage?!"

"Poor girl. Epal masyado."

I sighed. Aist kung wala silang sasabihing maganda umalis nalag sila! Kinakabahan
na nga ako tapos may mga bully pa sa paligid.

"PUTEK KA SKY! KUMANTA KA NALANG! DAMING SATSAT EH." I blushed. Nakakahiya! I


sighed and tried to speak. I look at him.

"When I first saw you I don't have the slightest idea na mapapansin mo din ako. But
fairytales are really true. You're my night in shining armor and i'm your princess.
Every moment I spent with you is like a beautiful dream come true. Para sayo ito
Nathan Wright."

SA ISANG SULYAP MO. By: 1:43

Bakit kapag tumitingin ka natutunaw ako.


Bakit kapag lumalapit ka kumakabog ang puso ko.
Bakit kapag nandito ka sumasaya araw ko.
Lahat ng bagay sa mundo parang walang gulo.

Bakit kapag nakikita ka parang nasa ulap ako.


Bakit kapag kausap kita nauutal-utal sayo.
Bakit kapag nandito ka nababaliw ako.
Nababaliw sa tuwa ang puso ko.

Sa isang sulyap mo ay nabihag ako para bang himala ang lahat ng ito.
Sa isang sulyap mo nabighani ako nabalot ng pag-asa ang puso.
Sa isang sulyap mo nalaman ang totoo ang sarap mabuhay punung-puno ng kulay.
Sa isang sulyap mo ayos na ako sa isang sulyap mo napa-ibig ako.

Bakit kapag kasama kita ang mundo ko'y nag-iiba.


Bakit kapag kapiling kita ang puso ko'y sumisigla.
Bakit kapag nandito ka problema ko'y nabubura.
Ikaw ang aking pag-asa at ang tanging ligaya.

Sa isang sulyap mo ay nabihag ako para bang himala ang lahat ng ito.
Sa isang sulyap mo nabighani ako nabalot ng pag-asa ang puso.
Sa isang sulyap mo nalaman ang totoo ang sarap mabuhay punung-puno ng kulay.
Sa isang sulyap mo ayos na ako, sa isang sulyap mo, napa-ibig ako.

Sa isang sulyap mo ay nabihag ako para bang himala ang lahat ng ito.
Sa isang sulyap mo nabighani ako nabalot ng pag-asa ang puso.
Sa isang sulyap mo nalaman ang totoo ang sarap mabuhay punung-puno ng kulay.
Sa isang sulyap mo ayos na ako, sa isang sulyap mo, napa-ibig ako.

Sa isang sulyap mo, ayos na ako.


Sa isang sulyap mo, napa-ibig ako.

Natapos na yung kanta pero yung mukha ni Nathan? Nevermind. Wala ba siya sa mood?
Mali bang sagutin ko siya ngayon?

"Nathan.."

"Ano bang sasabihin mo?" My eyes are ready to cry pinipigilan ko lang. Bakit
napakasungit niya? He's so cold?! May nagawa ba ako? Pinaghirapan ko pa naman
ngayon. Sayang lang ata effort namin nila Jane.

"Finally mukang natauhan na si Papa Nathan."

"Baka naman pinaglaruan lang si Sky?"

"Kawawa naman mukh na siyang tanga sa stage."

Tumingin ako kila Jane at Donna tapos sinenyasan nila kong ituloy. Tapos tiningnan
ko ulit si Nathan-- Ganun pa rin reaksyon niya habang nakatingin sa akin. Wala na
akong magagawa, isulit na ang kahihiyan.

"Sabi ko may sasabihin ka ba? Kung wala aalis na ako!" I sob. Leshe naman ee!
Pinipigil ko yung luha ko pero heto na sila. Naguunahan na sa pagpatak. Do I look
like stupid right now?

"I just wanted you to know that I'm ready. I'm ready to be your girl. I don't want
anyone else to have your heart, kiss your lips, be in your arms, be the one you
love. I don't want anyone to take my place." I wipe my tears from falling. "And I
just wanted to tell you that i'm sure of one thing and it's you right now." I
sighed and glared at him. Yes naiinis ako. Akala ko ito yung big day namin. Akala
ko ito na ang pinakamasayang moment ng High School Life ko! But it's not. Sarap
niya sapakin ng paulit-ulit! "Bwisit ka! Sasagutin na sana kita may pakanta-kanta
pa akong nalalaman tapos-- Argggh! I hate you!" I hate him. Naiinis ako. Galit ako.
Dapat pala hindi na ako nageffort! Dapat pala-- Shit ang sakit ee. Tumakbo ako
pababa ng hagdan pero sinalubong niya ako. I glared at him and push him. Sobrang
nakakainis siya! He has the nerve to grin at me? Kapal ng mukha niya!

"Sky."

"Nathan let go. Bitawan mo ako!"

"Look at me."

"Ayoko!"

"Kapag hindi ka lumingon hahalikan kita." Kinuha ko yung kamay ko at tinalikuran


siya. Bahala ka dyan! But he grabbed my waist and kiss me. I sob between our
kisses. Nakakainis siya dahil kahiy galit ako gusto ko pa rin yung pagiging Kissing
Monster niya! I kissed him back aggressively. Gusto kong iparamdam sa kanya yung
sakit!
"I'm only yours and you're mine now. Thank you for this day. I feel so fvcking
special." He whispered between our kisses. Nangunot yung noon ko. Ano bang
kalokohan niya?

"Pinaglalaruan mo ba ako Nathan?"

"I wish I can explain to you how I feel. Because every night before I go yo sleep
you're all I think about. I love you. Thank you for saying yes. You're now my girl.
You're officially mine and mine alone get it?"

"Pero-- bakit-- Nakakainis ka! Bakit ganyan ka kanina? Parang hindi ka masaya!" I
punched his chest.

"It's Donna's idea. Sabi niya magpoker face daw ako." What the? Nilapitan ko sila
at sinapok. Oo sinapok ko silang dalawa. Mga bwisit pinaiyak pa nila ako!

"Mga gagi kayo may patulong-tulong pa kayo sakin tapos paiiyakin niyo lang pala
ako?!"

"Oh fvck! Yes! Yes! Kami na! Dammit I love you Sky Blue Fonacier!" Si Nathan habang
sumusuntok sa hangin. Ee? Kinikilig ako. Yung mga mukha nung mga fangirls sa baba
ng stage mukhang pinagsukluban ng langit at lupa. Sorry girls. Akin na siya. Gosh.
Inari ko na ba talaga siya? "So tayo na? Pwede na kitang halikan whenever I want!
Tara pakilala kita kay Lola at kay Mom. Sakto andito sila!"

I gulp. What? Meet and greet agad?!

TO BE CONTINUED...

Chapter Twenty Three: Meet and Greet.

"Nathan? Sabi mo papakilala mo ako sa mga lola mo." Nagtataka kong tanong paano ba
naman kasi, sa principal's office kami papunta.

"Yeah."

"Ee bakit dyan tayo papunta sa office ng principal." Kainis talaga hindi man lang
ako sinagot? Bwisit first day namin tapos ala man lang kasweet-sweet. Bipolar
talaga siya. Ni hindi man lang siya kumatok nung kinaladkad niya ako papasok sa
loob. I look down. Aist babatukan ko siya mamaya! Nakakahiya sa Principal!

"Lola." Lola--Lola??! What the fudge-- hinalikan niya sa pisngi si Mrs. Maniego.
Nanlaki naman yung mata ko.

"What brings you here Nathan?"

"Lola meet my girlfriend. Sky Blue Fonacier. Sky ang lola ko, ang principal ng
Maniego High." Totoo nga. Lola niya si Mrs. Maniego?! Nakakaloka hindi ko alam kung
paano ko siya babatiin. Nakakahiya.

"Ma-magandang araw po Ma-Ma'am." Nagmano ako sa kamay niya. I bit my lip. Kainis
namumula na ata ako. Halos magmakaawa at lumuhod pa kasi ako sa kanya para lang
payagan niya akong gamitin yung stage kanina tapos-- tapos-- arggh! Nathan ka!
Bakit ngayon mo lang sinabi? Sa tagal kong humanga sa kanya ni hindi ko nalaman na
apo siya ng mayari ng school!
"Natatandaan kita iha? Ikaw yung nagmamakaawa sakin na payagan kitang magamit yung
gym hindi ba?" Mukha ni Nathan? Tss. Abot tenga! Kaasar siya! Kaya pala walang
kahirap-hirap siyang pinayagang punuin ng rosas yung stage ng gym at kaya pala ang
lakas ng loob mang-trip ng mga teachers dahil apo siya ng may-ari! Kaya pala wala
lang sa kanya lahat ng kalokohan niya! Dahil alam niyang di siya maeexpel!

"Uhmm o-opo. Ako nga po."

"Ikaw pala ang girlfriend ni Nathan dapat sinabi mo."

"Actually lola kakasagot niya lang sakin kanina. Kaya nga niya hiniram yung gym
kasi kinatahan niya ako--uhmmm! Hmmm!" Bwisit ang daldal takpan ko nga ang bibig!

"Tama po yun. Kakasagot ko lang po sa apo niyo. Sobrang bait po kasi hehe."

"Fvck! Naghugas ka ba ng kamay mo? Bwisit bakit ba tinakpan mo bibig ko? ---Aray!
Bakit mo ako binatukan?!"

"Eh ang bastos niyang bibig mo ee! Nakaharap ka sa lola mo tapos abot ang cuss mo
dyan!"

"Naku hija sanay na ako dyan sa batang yan pero sana mapatino mo. Huwag mo na akong
tawaging ma'am. Lola nalang din." Okay medyo magkasundo na kami ni Lola. Lola na
daw tawag ko sa kanya. Si Nathan ayun nakabusangot.

"Hi Mama. Nathan? It's good to see you here. May ginawa ka na namang kalokohan?"
Hala ang ganda naman niya? Kahit may edad na siya ang ganda at ang kinis pa rin.
Siya ba yung Mommy ni Nathan?

"Tss. Thanks Mom. Really." Kyaah siya nga? Bakit ang bata niya pa ding tingnan? Ang
ganda niya. Para siyang manika.

"Wow ang ganda niyo po. Modelo po ba kayo?"

"Naku naman hija. Talaga ba?"Grabe pati boses ang ganda!

"Sky mommy ko lang yan! Pssh. Lalaki nalaman ulo niyan!"

"Anak naman." *pout*

"Mommy mo talaga siya Nathan? Grabe-- parang magkapatid lang kayo. Ang ganda-ganda
niyo po." Alam ko masyadomg O.A. na reaksyon ko pero totoo naman kasi. Sobrang
ganda ng lahi nila! Kapag nagkaanak pala kami ni Nathan gandang lahi! Aist erase!
Ano ba yang iniisip ko ang dumi.

"Ano namang nakakagulat don? Gwapo ako ee." Ayan na naman ang hari ng yabang!

"Psshh manahimik ka! Ano connect? Ma'am ang ganda niyo po talaga, eh gaano po ka-
gwapo yung daddy ni Nathan?"

"Nakakatuwa ka. Oo nga pala ikaw ba ang girlfriend ng anak kong masungit?"

"O-opo."

"Anong pangalan mo?"

"Sky Blue Fonacier po." Hindi ko talaga maialis yung tingin ko sa kanya. Nakaka-
amazed yung kaputian niya tapos ang tangkad pa. Parang may halo silang ibang lahi
ang tangos kasi ng ilong.

"And i'm Cathalina Maniego Wright. Bakit Sky blue name mo? As in kulay?"

"Favorite po kasi ng Mommy ko yung kulay na Sky Blue."

"I like you hija. Sana pagtyagaan mo ang anak ko. Alam mo na? Medyo mayabang,
iresponsable, mainitin ang ulo--

"Mom stop it! Sky tara na nga! First day natin date tayo! ---Araay! Nakakarami ka
na ah!" Sinapok ko ulit.

"Eh bahog ka eh, hindi ba sabi ko sayo bawal ka ng magcut ng class?"

"Lola excuse mo na kami sige na?" My heart skip a beat. Loko! Bakit nagpapacute
siya? Ang cute niya talaga promise.

"Apo sa mommy mo.ikaw magpaalam."

"Pasaway kang talaga! Sige na Sky! Minsan lang naman, sasabihin ko nalang na may
inutos ako sa inyo." Wow bakit ang bait ng mommy at lola niya?

"Yes! Tara na bilis!"

"Sige p-po nice to meet you po!"

Shit kinaladkad niya na naman ako!

TO BE CONTINUED...

Chapter Twenty Four: Best Day Ever

Malapit na kami sa parking ng Maniego pero hinila ko bigla yung kamay ko. Hilig
niya talaga akong kaladkarin. Pssh.

"Bakit?"

"Alam mo mainam pa nung nanliligaw ka? Mas sweet ka sakin ngayong tayo na lahat ng
langgam nagtago sa kayabangan mo!"

"Psssh." Yun lang sagot niya?

"Bakit hindi mo sinabing lola mo pala si Mrs. Maniego?"

"What for? Wala naman talagang nakakaalam kung hindi ang barkada ko at yung baliw
na si Lindsay. Isa pa, hindi ba stalker kita for three years bakit hindi mo alam?"
He smirked at me tapos tinalikuran ako. Leshe! Paano niya nalamang--

"Waaaah! Paano mo nalaman--- bwisit ka!" Shete naman ee nakakahiya! Ayan malamog
ka! Takte lang. Hindi ko alam kung paano niya nalaman pero I feel so red by now.
Ang init ng pisngi ko at-- at-- ah basta nakakainis siya!

"Shit stop it! Aray! Stop it Sky! Damn isa pa hahalikan na kita!" Pero wala
pinaghahampas ko pa rin ng bag ko!
"Bwisit ka paano mo nalaman! Aist paano mo nalaman!"

"Stop it! Nasasaktan na ako! First day natin tapos mananakit ka!"

"Wala akong pake! Sasabihin mo o magbe-break tayo?"

"As if kaya mo?"

"Fine." Walkoutan na yan! Bwisit! Sa kahihiyan ko ngayon wala na akong pakialam!


Okay lang na malaman niyang crush ko siya pero yung pagiging stalker ko? Gosh
lamunin na sana ako ng lupa!

Malapit na ako sa gate ng bigla niya akong niyakap. He hugged me from the back at
hawak pa niya yung mga braso ko!

"Bitaw Nathan!"

"Ayoko nga!"

"Bitaw sabi."

"Mwah. Huwag ka ng magalit baby."

BABY?! Shit yung puso ko-- Freaking heartbeat pero parang may mga paru-paru sa
dibdib at tummy ko. Sa cheeks lang naman niya ko hinalikan pero ang sarap sa
pakiramdam.

"Huwag ka ng magalit baby. Shit naman Sky eh, bakit hindi kita matiis." Haru jusko!
Ang puso ko nasan na? Kinuha na niya lahat!

"Baby?"

"Tss. Kinikilig ka?"

"Ewan! Sabihin mo muna kung kanino mo yan nalaman?"

"Kay Donna. Pero huwag kang magalit sa kanya. I love you at kahit habangbuhay mo pa
akong stalk okay lang dahil mahal kita." He lean his face on my neck. Oh em-- hindi
ako makahinga. Humarap ako tapos sinalat yung noo niya.

"Amfufu Nathan? May lagnat ka ba? Bakit ang bait mo? Bakit ang sweet mo?"

"I am trying but you're ruining the moment."

"Teka.."

"Bakit na naman?"

"Sabi mo nag-usap kayo ni Donna?" Napansin kong nagbago yung ekspresyon ng mukha
niya. Parang biglang sumeryoso na may halong takot at galit.

"Wala yun, huwag mo ng intindihin. Sinabi niya lang sakin yung pagiging stalker mo
at pati yung trip nila kanina nung sinagot mo ako." Pero hindi may mali at
nararamdaman kong may iba pa silang pinagusapan o mas mainam sigurong si Donna
nalang ang kausapin ko.

"Ano ba yang iniisip mo? Alam mo Sky? May padeny-deny ka pa! Pero totoo palang ako
inaantay mo n sa corridor. Tsk. Saya mo siguro nung halikan kita. Tsuuup!"
Shit-- minsan ang sweet niya madalas bipolar siya!

"Ano nakatulala ka na?"

"Nathan! Ang kapal mo! Humanda ka sakin!"

"I love you too baby!" Kainis pero kinikilig ako ng bongga! Bigyan naman niya ako
ng signal kapag pakikiligin niya ako! Nakakaloka kasi yung mood niya ee! Ang ending
para kaming tanga na naghabulan sa parking lot.

But i'm happy. No words can express how happy I am right now.

I love you Nathan Wright!

This is the best day ever.

I love you MY KISSING MONSTER.

Nung mapagod kami, sa halip na sa mall kami magdate doon ko siya inaya sa cart ni
Manong Jun. Sino si Manong Jun? Ang the best chef ng isaw, fishball, kikiam,
squidball, tokneneng, kwek-kwek at kung anu-ano pang masasarap na tinutusok ng
stick.

"Ano yan? Bakit mo tinutusok?" I giggled. Muntanga lang! Ngayon lang ba siya
makakakain nito?

"Ngayon ka lang kakain nito?"

"Kinakain yan?" Mayayaman nga naman. Kawawa naman pala silang may mga kaya sa
buhay. Hindi nila natitikman ang ganito kasarap na pagkain.

"Say ahh--"

"Ayoko nga baka madumi yan. Kung ano-anong kinakain mo! Tara sa restau--" Bago pa
makapagreact ng kung ano sinubuan ko na! Hindi ko naman diniinan kawawa naman kasi
yung lips niya kapag nasugatan baka hindi ko na mahalikan. Aist. Kire mo Sky!

"Ano masarap di ba?" Ang walanghiya! Nguya nalang ng nguya! Hindi na ako pinansin.
Pero napangiti ako. Atleast hindi siya maarte. Nakakatuwa naman. Nung mabusog kami,
pumunta kami sa park.

"Panao mo nalaman yung mga pagkain na yun?"

"Psssh hindi halatang nagustuhan mo. Dati kasi nung hindi pa kami iniiwan ng daddy
ko, lagi kaming kumakain sa tusok-tusok. Yun yung bonding namin, pero ngayon kasi
wala na ee. Ngayon na nga lang ulit ako kumain ng ganun-- nakakamiss din pala."
Nagulat ako kasi niyakap niya akong bigla. He sighed heavily at ang higpit talaga
ng yakap niya.

"Huwag kang magalala, nandito na ako. Ako na ang sasama sayong kumain ng kwek-
kwek." Hindi ko alam pero bigla nalang tumulo ang luha ko. Ang totoo kasi, galit
man ako kay Daddy pero namimiss ko siya. Namimiss ko yung mga oras na magkasama
kami. Kami nila mommy.

"Thank you Nathan."

"Anything for you baby." Baby. Ang sarap pakinggan. I hugged him tight. Ayaw ko na
siyang pakawalan. Ewan ko ba feeling ko pagkasama ko siya lahat kaya ko, lahat
masaya, parang wala akong problema.
"Masyadong chansing na yan sa abs ko baby."

"Ayiiie kunyari ka pa gusto mo namang niyayakap kita-- Nathan yung mukha mo!
Hahahaha ang pula! Ayiiie kinilig ka sa yakap ko aminin."

"Shit tumigil ka nga! Kita na bagang mo katatawa."

"Psssh. Ang baby ko pikon."

"Damn. I love you Sky." He kissed me. Ewan ko ba pero once na hinalikan niya na
ako, nawawala na ako sa sarili ko. I kissed him back, like there's no tomorrow. Oh
I love this bipolar monster. Wala na akong mahihiling pa. Wala na akong pakialam sa
paligid.

TO BE CONTINUED...

Chapter Twenty Five: Happy Monthsarry.

Lumipas ng matulin ang mga araw at hindi ko namalayang bukas na pala ang uwi ni
Mommy. Paano naman kasi si Nathan kung saan-saan ako inaaayang mag-date. Yeah,
tumawag kasi sakin si Mom last week at sinabing magkakasama kami for two months!
Isn't that amazing? I really miss my mom. Hindi ko alam kung paano ko siya
yayakapin pero talagag miss ko na siya. Excited na ako, sabi ko nga susunduin ko
siya bukas sa airport pero huwag na daw at mapapagod pa ako.

It's friday today. Half day lang kami ngayon. I look at my watch-- shit alas onse
na? Kinuha ko yung mga gamit ko at nilock yung pinto. Sabi ni Nathan may surprise
daw siya sakin. Ewan ko ba dun laging may gimmick! Pero ako na kinikilig. I always
feel so special. Sabagay wala naman atang oras-- minuto o segundo na hindi ako
kinikilig sa mga simple gestures niya. Minus the fact na bipolar pa din siya.

After ko masecure na nakalock na yung pinto at mga bintana ay lumakad na ako. Maaga
pa din naman dahil 1:00 P.M. pa yung first subject namin sa hapon kaya okay lang na
hindi ko bilisan. Hindi kasi ako nasundo ni Nathan dahil may inutos daw kasi si
Tita Cathalina sa kanya. Grabe namimiss ko na si Tita, lately madalas kami sa house
nila kaya nakilala ko na din si Tito Jayson. Kaya naman pala ang gandang lalaki ni
Nathan, ee bukod sa mukhang manika ang mommy niya yung daddy naman niya ay half
foreigner pala. Promise kung gwapo si Nathan gwapo din yung daddy niya. I'm sure
maraming pinaiyak na babae yung nung kabataan niya. Nakakapagtaka pero bakit ganun?
Ang babait ng parents niya well mabait naman din si Nathan kaso kung minsan hindi
talaga mapigilan yung kayabangan niya. Moody din siya. Papalit-palit ng behavior.
Minsan tahimik. Minsan sibangot. Minsan sweet madalas hambog hehe. Tapos yung
temper niya hindi rin mapigilan. Pero dahil mahal ko siya keri nalang. Sumusunod
din naman siya sa mga sinasabi ko ee.

Malayo na ako sa bahay namin ng mapansin kong may sumusunod sa akin. Ewan ko ba
pero bigla akong kinabahan. I feel my chest, kinakabahan talaga ako. Binilisan ko
yung lakad ko. Takbo na nga ata pero bigla nalang may tumigil na motor sa harap ko
at may hinagis na black box sa dibdib ko. Ni hindi ako nakagalaw dahil baka
masamang tao sila. Dalawang taong nakabonet ang nasa harapan ko ngayon at-- At baka
may dalang baril. Kung ano-ano ng tumatakbo sa isip ko. Hindi naman siguro sila
riding in tandem? O holdapper? Aist huwag naman po. Nakahinga lang ako ng humarurot
sila palayo kung saan ako nakatayo.
Grabe yung kabog ng puso ko. Ano naman kaya ang laman nitong box na ito? Pinulot ko
yung kahon at inalog? Tss. Baka naman napagkamalan lang ako? Ang dami na talagang
masasamang loob ngayon. Binuksan ko yung kahon but to my surprise--
"Aaahh!!!!" sa takot ko ay naihagis ko ng bahagya yung kahon. My knees we're
shaking. Nagsimula na rin akong matakot at umiyak.

Yung laman ng box-- picture ni Mommy at m-may mga dugo at may pugot na ulo ng
manika na kasama.

"M-mommy." Bumalik ako sa bahay at nilock lahat ng pinto. No! Not my mom! Bukas na
ang uwi niya. W-wala naman sigurong masamang mangyayari? Tinawagan ko agad si Mommy
pero ring lang ng ring. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ngayon lang kumabog ng
ganito ang puso ko. Tinawagan ko pa rin si Mommy pero wala talaga. Bigla kong
naalala si Lindsay. Hindi! Hindi naman siguro siya ang nagpadala nito-- Nasa ganyan
akong pagiisip ng marinig kong may tumatawag sakin.

Akala ko si Mommy na pero si Nathan pala.

"He--hello."

"Where the are you? Kanina pa kita hinahanap dito sa campus! F*ck it Sky mukha na
akong tanga dito!"

"Huh? B-bakit?"

"Tss. It's out first month being a couple and you forgot about it? You're
impossible. Oh-- Happy Monthsarry Baby. Thank you ah? Salamat talaga!" He said
sarcastically before ending the call. Shit. It's-- it's our first month at
nakalimutan ko! Kaya pala sabi niya may surpresa siya sakin. Pero nawala na sa isip
ko dahil kay Mommy. Hanggang ngayon iniisip ko pa din yung black box pero si
Nathan-- He's mad at me at naguiguilty ako. What should I do?

"Nathan-- Arggh! Ang tanga ko! Bakit sa lahat naman ng araw ngayon ko pa
nakalimutan? I feel so bad. Sa halip na ako ang makaalala ako pa ang nakalimot!
Nakakainis naguiguilty ako. Siya na laging nageefort-- siya na laging may surprises
para mapasaya ako pero lagi ko nalang nate-take for granted. Agad akong kinuha yung
bag ko at nilock ulit yung mga pinto. Pupuntahan ko si Nathan kahit alam kong huli
na. Wala naman sigurong masamang mangyayari kay Mommy. Please huwag niyo pong
hayaang may masamang mangyari sa Mommy ko.

Nagtaxi na ako papuntang Maniego. Kinakabahan ako tapos traffic pa! Iba kasi
magtampo si Nathan. Nasubukan ko na yun nung minsang may date kami at naghintay
siya ng three hours sa park and take note umuulan nung araw na yun at ako?
Nakalimutan kong may date kami. Two days niya akong hindi pinansin noon at parang
wala lang ako sa kanya. After that nagpromise ako na hinding-hindi na ako
makakalimot sa mga lakad o events na mangyayari samin. Noon ko lang din nalaman na
may pagka-childish pala itong si Nathan. Akala ko mayabang lang siya pero hindi
unti-unti malalaman mo yung magagandang side niya.

Hingal-kabayo na ata ako ng makarating sa Maniego. Nakita ko si Donna kaya


nilapitan ko siya.

"Donna nasaan si Nathan?"

"Wala na."

"Anong wala na? Saan nagpunta? Donna tell me!" Medyo nasigawan ko pa siya pero kasi
kinakabahan ako. Iba talagang magtampo yung kissing monster na yun. Ayokong
magkatampuhan pa kami sa mismong monthsarry pa namin. I know it's my fault pero
kasi-- papunta naman na talaga ako di ba? Nagkataon lang na may naghagis sa akin ng
black box na yun. Shit. Is that a threat? No. Hindi naman siguro.

"Umalis na siya. Sira ka kasi. Didn't he tell you na may surprise siya sayo? And of
all people ikaw pa talaga ang nakalimot sa monthsarry niyo." I sighed. I really
need air right now dahil pakiramdam ko may nakabara talaga sa dibdib ko. Alam mo
namang hindi sanay magpaka-sweet yung tao pero dahil sayo nagbago siya! Saksi ako
don alam mo yan. Against pa nga ako sa inyo pero dahil pinatunayan niyang iba
siya-- na mahal ka niya? Sinuportahan ko kayo." I cried. I feel so guilty. Kaya
hindi ka niya sinundo kanina kasi maaga siyang pumasok para i-surprise ka.
Nagpatulong pa sakin si gagu pero nakalimutan mo! Akala niya late ka lang pero
kinalimutan mo talaga yung araw niyo! Nagwala siya tapos sinira lahat nung hinanda
niya para sayo. Hindi ko alam kung saan siya pumunta pero galit talaga siya."

"Donna magpapaliwanag ako--

"Huwag sakin. Sa kanya." Dahil sa sinabi ni Donna lalo lang akong naiyak. Iniwan
niya pa ako dito. Inis din siguro siya sakin at naiintindihan ko naman kaso sana
pinagpaliwanag niya muna ako. My death threat sa buhay ng mommy ko kaya hindi ako
tumuloy dito kaya nakalimutan ko yung surprise ni Nathan. Siguro nga ang sama ko
dahil nakalimutan ko yung big day namin.

Palabas na sana ako ng Maniego para hanapin si Nathan pero nagulat ako sa
sumalubong sakin.

"Kamusta ka na Sky?" Si Lindsay. Bigla kong naalala yung black box.

"Anong kailangan mo?"

"Matapang ka na talaga huh? By the way-- happy monthsarry! Poor bitch. Kawawa ka
naman mukhang galit na galit sayo ni Nate. Tsk. Sa lahat naman kasi ng kakalimutan
yung araw niyo pa? Stupid bitch." I glared at her. Bwisit siya kung nandito siya
para manginis-- leshe siya nagtagumpay siya dahil inis na inis na ako! "Mag-ingat
ka Sky. Pinagbigyan lang kita ng isang buwan. Okay na siguro yun? Magiging akin
ulit si Nathan at pinapangako ko yan! How's my gift? Nagustuhan mo ba ang laman?"
Siya nga? Siya ang nagpadala ng-- Shit sa inis ko sa kanya bigla ko nalang siyang
nasampal. Dahil sa kanya kaya hindi ako nakarating ng mas maaga dito. Kaya nagalit
si Nathan at kaya umiiyak ako ngayon, nasasaktan! Kaya sobrang laki ng takot at
pagaalala ko sa mommy ko. Damn her and her crazy mind!

"Baliw ka na ba talaga? Anong karapatan mong magbiro ng ganun! Anong karapatan mong
takutin ako! Sino ka ba sa akala mo? Bakit kasi hindi mo nalang tanggapin na tapos
na kayo ni Nathan! Tanggapin mo na hindi na siya babalik pa sayo! Pathetic!
Nakakaawa ka Lindsay. Alam mo kasing wala ng magmamahal sayo! Sa ugali mong yan?
Huwag ka ng magtaka kung magising ka isang araw na nagiisa ka nalang!" I breath so
hard. Sobra talaga yung inis at galit ko.

"How dare you slutty bitch! Iniipon mo talaga ang mga utang mo sakin ah? Huwag kang
magalala palalampasin ngayon na sinampal mo ako. Pero tandaan mo mahal akong
maningil! Buhay. Buhay ang kapalit ng utang mo sakin. At hindi ako nagbibiro. Kung
akala mong hindi ko kayang gawin? Just see. Try me bitch." Ang totoo kinilabutan
ako. Alam kong mayaman siya pero kaya niya ba talagang pumatay ng tao? She's crazy!
She's only seventeen! Bakit ganyan siya magisip?

"Poor you. You look like a scared little kitten!"

"Huywag na huwag mong idadamay ang mommy ko!"

"Bukas na ang uwi niya right? Sulitin niyo na ang araw niyong magkasama anong malay
mo? Baka huli na yan." Hindi ako makagalaw. Nakaalis na si Lindsay pero hindi pa
rin ako umaalis sa kinakatayuan ko. Gusto kong magwala. Gusto kong umiyak pero wala
akong maiiyak. Heto ako, tulala-- takot. Bakit kung kailan kailangan ko si Nathan
tsaka pa nangyari ito? Nung makabawi ako sa pagkabigla ay agad kong idinial ang
number ni Mommy.

"Sky hello? Bakit napatawag ka? Ang dami mong miscall kanina?"

"Mommy-- mommy."

"Oh bakit umiiyak ka? Miss mo na si Mommy? Don't worry bukas nandyan na si Mommy. I
miss you. I love you see you tomorrow baby."

"Mom." Hindi ko alam pero puro mommy lang ang nasasabi ko. Nanginginig na rin ako.
I'm afraid of losing her. Siya nalang ang pamilya ko.

"Sige na anak huwag kang masyadong excited! Bye Sky. Take care."

Si Mommy. Huwag naman sana. No! Kailangan kong maging possitive. Magkikita na kami
bukas!

TO BE CONTINUED...

Chapter Twenty Six: Last day.

KINABUKASAN...

"Uhhhmmm." Aist ang sarap ng tulog ko ee. Sino ba kasi yung nangangalabit? Alas
kwatro na kasi ako nakatulog kakaiyak dahil galit pa rin sakin si Nathan. I tried
to call him pero hindi niya sinasagot. Pinagpatayan pa niya ako ng phone. Tapos si
Mommy pa. Inaalala ko pa rin yung threath sakin ni Lindsay.

"Anak. Gising na. Ang kawawa kong anak mukhang pagod. " Anak? Teka boses ni Mommy--

"Mommy!" Tinalon ko agad si Mommy. "Mom I miss you! Mommy-- Sobrang miss po kita.
Mommy." Para akong bata na iyak lang ng iyak habang yakap ko siya.

"Hala anak? Ganyan mo ba ako namiss?" Tumango nalang ako habang nakasiksik pa rin
ako sa leeg niya.

"Mom-- huwag mo na akong iiwan please. Huwag mo kong iiwan! Hindi ba pwedeng dito
ka nalang magtrabaho?"

"Anak hindi naman kita iiwan kaso hindi naman pwedeng hindi ako bumalik sa Dubai.
Paano nalang ang pagaaral mo sa college? Teka bakit ba puyat na puyat ka? Alas dos
na ng hapon tulog ka pa rin? Ang mabuti pa ay maligo ka na at ambaho mo na anak.
Magpapahinga lang ako tapos mall tayo. Kahit nakakasawa na itsura mo sa skype
namiss kita."

"Mommy naman ee."

"Sige na mukhang may ikukwento ka sakin. Itsura palang ng mata mo halatang umiyak
ka! Sige na punta lang ako sa kwarto ko. After nating magmall buksan natin yung mga
pasalubong ko sayo."

"Mommy."
"Bakit?"

"W-wala po, I love you mom!"

"Mahal din kita anak." Bago ako naligo ay tinawagan ko muna ulit si Nathan pero
nakapatay pa din yung phone niya. Ganun ba siya kagalit sakin? Paano ko siya
ipapakilala kay Mommy kung hindi kami okay? Alam ko namang kasalanan ko pero alam
naman niyang ngayon ang uwi ni mommy. Sana naman pagpaliwanagin niya muna ako. I
sighed. Hayaan ko na nga muna siya. I missed my mom si much at ayoko namang maging
unfair kay mommy. Kailangan masaya ako ngayon! Four years kaming hindi nagkasama
tapos ipapakita kong malungkot ako.

Tinext ko sila Donna at Jane. Sinabi kong nakauwi na si Mom galing Dubai.

"Sky sori. Ksma ko si mom. Pnta kmng hospital. Naconfine kc si Tita. Bukas ko na
dalawin si mom mo okay?" Text ni Jane. I said okay.

"Sky senxa na! Si Nathan kasi, tinwagan aq." Nangunot yung noo ko sa text ni Donna.
Whats going on? Bakit naman siya itetext ni Nathan? Samantalang ako? Pinagpapatayan
pa ng phone! Si Jane naiintindihan ko pero si Donna? Tinawagan ni Nathan?
Samantalang halos sumabog na ang inbox niya at call register niya sa pag contact ko
sa kaniya? Donna's with him and i'm really confuse right now.

Alam kong kaibigan kita Donna. But i'm jealous! Bakit ikaw tinawagan niya? Bakit
ako? May tinatago ba sila sakin? Lately hindi ko nalang pinapansin yung closeness
nila pero-- imposible. Mahal ako ni Nathan! Alam kong mahal niya ako pero bakit
lagi silang magkasamam ni Donna? Minsan nahuli ko din silang lihim na naguusap pero
inisip ko nalang na baka may surpresa sakin si Nathan at kakuntsaba niya si Donna
pero ngayon-- nagdududa na ako. Niloloko ba nila akong dalawa?

Bakit nga ba lagi nalang niyang timutulungan si Nathan? My motibo ba siya? Arrgh!
No! Ano bang totoo? Ayokong magisip ng hindi maganda pero nagsisimula na akong
magduda!

Ganun ba sila ka-close? Na magkikita sila kahit wala ako!?

***

Nandito na kami ni Mommy sa Pacific Mall. Grabe miss na miss ko talaga si Mommy.
Lagi akong nakakapit sa braso niya. Kinalimutan ko muna si Nathan pati na si Donna.
May oras para magusap-usap kami pero hindi ngayon. I want to spend my time with my
mom.

"Sky? Alam kong may problema ka. Care to share it with your mom?" Nagulat ako nung
magtanong si Mommy. Alam naman na ni Mommy na kami na ni Nathan. Tumawag agad ako
nung araw na sinagot ko si Nathan. Pero tama bang sabihin ko ngayon sa kanya yung
problema ko? Dapat magenjoy kami ngayon. Ayokong masira yung araw naming magkasama.

"Mom sa bahay nalang po. Magenjoy muna tayo ngayon. Ayoko namang sirain yung mood.
Masyado kitang namiss mommy para pagusapan yung problema ko."

Pero sa lahat naman ng makikita at makakasalubong bakit sila pa?

It's Nathan and Donna. They talking seriously. Ano ba talaga ang namamagitan sa
inyo? Bakit ang sakit-- It really breaks my heart right now. My heart-- parang
pinipiga. Parang tinutusok ng malaking katayom. Hindi ako makahinga. Kung titingnan
sila para silang nagde-date. Oo nga at medyo boyish si Donna pero hindi hamak na
mas maganda siya sakin! Aminado naman akong average lang ang itsura ko. I breath so
hard para pigilan sa pagpatak yung mga luha ko.

"Sky okay ka lang anak? Bakit ka umiiyak?" Huh? Umiiyak? Sinalat ko yung pisngi ko
at umiiyak nga ako. I thought napigil ko-- I wipe my tears from falling. Kainis
nakita pa ako ni Mommy.

"Wala mom, namiss ko lang to. Yung magkasama tayo! Yung nandito ka sa tabi ko."
Palusot ko, ayoko namang magalala pa si mommy. Pero pagminamalas ka nga naman.
Umiiwas ka na ngang makita nila, tapos heto makakasalubong mo pa. I look at them at
parehas silang natigilan ng makita ako. Halata sa mukha nilang dalawa ang gulat at
hindi ko na mapigilan yung mga luha ko. Parang sinabi na rin nilang nahuli ko sila
sa akto.

"Mom mag-Cr lang ako." Narinig ko yung boses ni Donna at Nathan na tinatawag ang
pangalan ko. Alam kong sinusundan nila ako pero parang wala akong naririnig, tuloy
pa rin ako sa pagtakbo.

Isang putok ng baril ang umalingawngaw sa loob ng mall kaya natigilan ako.
Nagkagulo na ang lahat pero hindi pa din ako makagalaw. Si mommy-- God no! Bakit
iniwan ko siya? Tumakbo ako pabalik at nakasalubong ko si Nathan.

"Sky kung ano man ang iniisip mo hindi yan totoo!"

"Hindi pa man nageexplain ka na. Not now Nathan." Medyo nanginginig na yung boses
ko.

Nakita kong nagkakagulo na yung mga tao. Nakisiksik ako. No! Hindi si Mom yun hindi
ba? Hindi! Magbo-bonding pa kami. Nung nasa harap na ako-- parang binawi na rin
yung buhay ko. Nawalan ako ng lakas. Pakiramdam ko said na said yung lakas ko. Si
mommy-- yung mommy ko. Nakahiga at walang malay habang duguan. Yung puso ko sobrang
lakas ng tibok. Nanginginig ako. Natatakot. Hindi ito totoo.

"Mom-- mommy! Mommy naman bumangon ka dyan! Hindi-- hindi ito totoo! Mommy! Mommy
i'm sorry hindi kita dapat iniwan! Kasalanan ko ito! Mom-- huwag mo akong iwan!" Si
mommy may tama ng baril sa ulo. Niyakap ko siya ng mahigpit. Wala na akong pakialam
sa mga taong naguusyoso. Wala akong pakialam kahit duguan na din ako. Bakit? Bakit
mommy? Ngayon pa lang tayo nagkasama. "Bakit nakalusot ang baril sa isang mall na
gaya nito?! Anong klaseng seguridad ba ang meron kayo?! Mga hayup kayo!Ano bang
tinatanga niyo! Tumawag kayo ng ambulasiya!" Nagwawala na talaga ako! Hindi ko
matanggap. Hindi ko kayang tanggapin.

"Sky." narinig ko si Donna sa likuran ko at hinawakan ako sa likuran.

"Lumayo ka sakin! Dahil sa inyo! Dahil sa inyo kaya iniwan ko si mommy! Kung hindi
niyo ako niloko! Sana magkasama pa kami ni mommy! Wala kang kwentang kaibigan
Donna!"

"Sky mali ang iniisip mo!" I glared at Nathan.

"Mali? Ano pang tama ngayon huh? Ang namatay ang mommy ko? Mga bwisit kayo! Ano ba?
Tumawag kayo ng pulis! Tumawag kayo ng ambulansiya! Wala kayong mga kwenta!"
Sinigawan ko na lahat ng mga security guard na sa halip na tumulong nakikiusyoso
pa! Bigla kong naalala yung threath ni Lindsay. Tinotoo niya yung banta niya. Hayup
siya. Humanda ka sakin Lindsay.

"LINDSAY HUNTER! ALAM KONG IKAW ANG NASA LIKOD NITO! DUWAG KA! MAGPAKITA KA NGAYON!
NAPAKAWALANGHIYA MO! BAKIT MOMMY KO PA? BAKIT MO PINAPATAY ANG MOMMY KO! DAHIL SA
LALAKI NAGKAKAGANYAN KA? BALIW KA NA! GAGANTI AKO. HAYUP KA!" Para na akong sira na
humihiyaw dito sa loob ng mall habang kandong ko ang wala ng buhay na katawan ni
mommy. Sila Nathan alam kong nasa likod ko lang pero wala na kong pakialam sa
kanila! Kung alam ko lang na ito na ang huling beses na magkakasama s-sana, sana
hindi nalang siya umuwi. Sana hindi na niya ako inuwian. Doon nalang sana siya sa
Dubai. Sana ngayon buhay pa siya! Ayoko na! Si mommy nalang ang meron ako pero wala
na. Dahil siguro sa labis na pagiyak awalan na ako ng malay.

TO BE CONTINUED...

Chapter Twenty Seven: Blue.

Isang linggo na ang nakalipas simula ng mailibing si Mommy at walang awang barilin
sa loob pa mismo ng mall. At sa loob ng mga araw na iyon para akong lutang at wala
sa sarili. Iyak lang ako ng iyak hanggang sa makatulog. May mga pulis na
nagimbestiga at nagpunta sa burol ni mommy pero hindi ko sila kinausap. Laman ng
bawat balita sa telebisyon ang nangyari kay mommy pero ano? Wala silang makuhang
lead kung sino ang may gawa! Kasi maimpluwensiya ang pamilya ni Lindsay! Tinapalan
na ng pera nila ang hustisya! Kaya what for para makipagtulungan pa ako sa kanila?
I'm sure binayaran na rin sila tss.

Hanggang sa mailibing si Mommy ay tahimik pa din ako. Isa lang ang nararamdaman ko
ngayon. Galit. Galit para sa impaktang Lindsay Hunter na iyon. Hayup siya! Huwag
lang niyang tatangkaing magpakita sakin dahil buhay ang kinuha niya? Buhay niya din
ang kukunin ko!

Dumalaw din sila Nathan at Donna pero pinagtabuyan ko sila. Tanging si Jane lang
ang nandoon pero hindi ko din siya kinakausap. Nakiramay din ang mga magulang ni
Nathan kasama si Lola Agueda pero maging sila ay hindi ko kinausap. Hindi pa rin
ako pumapasok sa school. Nawalan na akong ganang pumasok o mas tamang sabihing wala
na akong ganang mabuhay pa. Ang sakit! Sobrang sakit! Ito ba ang kapalit ng
pagmamahal ko para kay Nathan? Kung alam ko lang na buhay ni Mommy ang magiging
kapalit noon pa ako tumigil sa katangahan kong ito.

I still love him at naiinis ako sa sarili ko dahil kahit galit ako sa kanya ay
namimiss ko siya! Maraming beses na nilang tinangkang magpaliwanag sakin pero ewan
ko ba? Lagi ko silang pinagtatabuyan. Siguro dahil sa galit o sa posibilidad na
baka aminin nilang tama ang hinala kong pinagtaksilan nila ako. Shit. I cried
again. Wala na bang lubay ang pagiyak ko? Hanggang kailan ba ako luluha? Tsaka
bakit ngayon lang? Bakit ngayon pa! Kung kailan wala na si Mommy tsaka sila
magpapaliwanag? No. Hindi na lang. Save all their lies! Tanging si Jane at ang
pamilya niya lang ang nakakausap ko dahil napalapit ako sa kanila noong pinatuloy
nila ako nung mabugbog ako nila Lindsay. Speaking of that Bitch. Hayup siya! Walang
awa niyang pinapatay ang Mommy ko. Humanda talaga siya dahil hindi ako titigil
hanggat di ako nakakaganti sa kanya. Huwag lang siyang magkakamaling magpakita
dahil hindi ako mangingiming gilitan siya ng leeg! Tama na ang bait-baitan ko.
Nakakasawa na rin! Wala naman ng kwenta ang buhay ko ee. Wala na si Mommy. Iniwan
kami ni Daddy. Si Nathan? Mukhang ipinagpalit na ako. Wala ng nagmamahal sakin.

Yung black box? Tinago ko yun. Wala akong pinagsabihan ng tungkol doon kahit pa si
Jane o ang mga pulis. Bakit pa? Wala naman silang magagawa hindi ba? Kontrolado
sila ng koneksyon ng mga Hunter! Humanda ka Lindsay Hunter. Ingatan mo ang buhay mo
dahil sa muli nating pagkikita? Hindi ka na sisikatan ng araw.

MANIEGO HIGH. F*ck ano bang problema ng mga estudyante? Ngayon lang ba sila
nakakita ng maganda. Pssh. Well hindi ko sila masisisi. Sino bang hindi magugulat
at mapapanganga sa itsura ko ngayon.
Bago ako pumasok ay dumaan muna ako sa isang sikat na salon. Pina-blonde ko yung
buhok ko at pinaiklian. Nagpaturo rin ako kung paano magmake-up at tinernuhan ng
red lipstick! Nagpatahi rin ako ng bagong uniform well mas maikli kaysa dati. Above
the knee lang naman na tinernuhan ko pa ng sandals na six inches. I just smirk at
the bitches. Nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad pero labis na akong nairita. The
hell pero kung magbubulungan sila siguraduhin nilang hindi ko maririnig!

"What? Anong tinitingin-tingin niyo?" Halatang nagulat sila pero pake ko? Mind
their own bussiness! Iba na ako ngayon! Tama na yung Sky na talunan. Yung Sky na
mabait! Yung Sky na tanga! Pinatapang ako ng mga pangyayari sa buhay ko! Ako na
ngayon si Blue at ang sino mang tatawag saking Sky ay magtago na!

"Kala mo kung sino hindi ba yan si Sky yung pinatay yung nanay? Karma siguro ang
landi kasi."

I composed myself and breath so hard. What did she say? Karma? Karma para saan? Ano
bang ginawa ko? Malandi? Sinong nilandi ko? May inakit ba ako? As far as I know
niligawana ko at wala akong nilandi! I turn around and slapped the bitch.

"Nagulat ka? Look who's talking? Malandi? Ako? Try mo kayang manalamin para makita
mo ang salitang MALANDI! Next time piliin mo yung mga taong pariringgan mo. Patay
na si Sky! It's Blue. BLUE ang itawag niyo sakin simula ngayon. Hindi mo pa alam
ang kaya kong gawin! At huwag na huwag mong babanggitin ang Mommy ko kung gusto mo
pang makilala yang pangit na pagmumukha mo!" Shock? You must! Hindi na ako paaapi.
Hindi na ako mananahimik lang.

"What?!! Problema niyo?"

PATAY NA SI SKY! AKO NA NGAYON SI BLUE. AT HUMANDA KA LINDSAY. THE NEXT TIME NA
MAGKITA TAYO-- PAGSISISIHAN MONG NABUHAY KA PA! AT IKAW NATHAN? PATI IKAW DONNA!
PAGSISISIHAN NIYONG NILOKO NIYO AKO!

TO BE CONTINUED...

Chapter Twenty Eight: It's Blue.

Nandito na ako sa loob ng room. Ano pang aasahan ko? How pathetic! Mukha silang mga
tanga! Bakit? Hindi ba nila matanggap na mas maganda at hot na ako sa kanila?

Umupo agad ako sa upuan ko. I smiled at Jane pero inirapan ko si Donna. She
deserves that. Gusto kopa nga siyang sampalin ee. Tss.

"Sky anong problema mo? Bakit ganyan ang ayos mo?"

"Jane kung kaibigan talaga kita huwag mo akong pakialaman!" Mataray kong balik sa
kanya.

"Yun na nga Sky, kaibigan kita at nagaalala na ako para sayo! Bakit binago mo ang
sarili mo?"

"Ano? Pati ikaw? Wala na si Mom Jane. Si Dad iniwan ako hindi ba? That jerk Nathan
and that slut Donna betrayed me! So kakampi ka na nila? Magsama kayo!" Papalabas na
sana ako ng pintuan pero tumigil ako. "Oh one more thing, all of you! Wala na ang
dating Sky! Ako na si Blue, at kung sino man ang tumawag saking Sky? Sasampalin
ko!"
"Sky!" Shit! Sinabi ko na hindi ba? Bumalik ako at hinarap siya. I hear their gasp
but the f*ck I care? "I told you. That's for calling me Sky! And Donna?" I slapped
her again. "That's for ruinning my life! Thank you so much!" Sabay alis ko sa
classroom. Nakasalubong ko pa ang teacher ko pero nilagpasan ko lang siya.

"Ms.Fonacier saan ka pupunta? Magsisimula na ang klase at bakit ganyan ang ayos
mo?"

"Paki mo?!"

"Sky Blue Fonacier! Go to the principal's office now!" I rolled my eyes at umalis
na. They're pissing me off! Nakakainis!

I'm here at the corridor. Ayoko ngang pumunta sa principal's office. Ayokong makita
si Lola Agueda. Napalapit na ako sa kanila kaya ayokong mabastos sila. Medyo nainip
ako kaya pumunta muna akong gym. I sighed. Sa lahat naman! Bakit ba kasi dito pa
ako nagpunta? I miss this place-- Lalo lang akong nasasaktan. I wipe my tears from
falling. Ang sakit pa din pala. Bakit hindi? Nandito lahat ng memories ko with
Nathan. That jerk. Ni hindi ko naisip na sasaktan niya ako ng ganito.

"I wish you told me from the start that you we're gonna break my heart." I promise.
This is the last time na iiyakin kitang Monster ka! I smiled but you know what? The
worst kind of pain is when you're smiling just to stop the tears from falling.
Kinuha ko ang bag ko at kumuha ng sigarilyo. Yeah. Nag-smoke na rin ako. Alam kong
mali pero ano pa bang tama sa buhay ko? Mukhang talo ko na nga si Nathan sa bad boy
image niya. I cried again. Hindi ko deserve ang ganitong buhay! Pero wala na! Wala
ng natira sakin. Nagrerebelde? Siguro. Masisisi niyo ba ako?

Sisindihan ko na sana ng biglang may umagaw sakin. I smirk at him.

"Look whos here? My Jerk ex-boyfriend."

"Shit Sky! Ano bang nangyayari sayo!"

"Sky? Patay na ang Sky na kilala mo Nathan! I'm Blue. Pinatay ni Lindsay ang Sky na
kilala niyo! Binago niyo ako ni Donna! Wala ng natira sakin! Wala na!"

"Sky. Listen to me." B-bakit umiiyak siya? Nathan please. Huwag kang ganyan.
Nakakainis ka! I bit my lips dahil gustong-gusto ko na siyang yakapin. Sino bang
niloko ko? I missed him. Sobrang namiss ko siya pero may pumipigil sakin na hawakan
siya.

"Umalis ka na! H-huwag mo akong dramahan!"

"Mali ang iniisip mo sa amin ni Donna. Wala kaming relasyon! Please makinig ka
naman kahit ngayon lang."

"What for? My mom died. And you fooled me. Niloko mo lang ako. Ano bang naging
kasalanan ko? Na hindi ako dumating nung araw na susurpresahin mo ako? Kaya nagalit
ka? Kaya sa halip na ako si Donna ang kasama mo?! I tried to call you dammit!
Tinext kita! Tinawagan, pero pinatayan mo pa ako ng phone mo! Tell me? You don't
know how it feels when you ignore me. I just feel so paranoid all day by thinking
what have I done? Dahil lang sa hindi ako nakarating hindi mo na ako kayang
patawarin? Well sorry Nathan. I'm done trying." Aalis na sana ako pero hinigit niya
ko. He grabbes my waist and kiss me. I kissed him back. I missed him. I missed how
he kissed me. Bakit ba ang bilis lumambot ng puso ko sa isang halik lang niya. Alam
kong galit ako sa kanya pero mahal ko pa din siya. Hindi ko alam kung saan ko
hinugot lahat ng lakas ko para itulak siya palayo.
"Sky."

"It's Blue Nathan. I love it when you kissed me. Pero ako na ngayon si Blue hanggat
hindi ko nahahanap si Lindsay? Hindi ako babalik sa dati! They thought i'm a bitch?
A whore? A slut? Might as well panindigan ko na. Tapos na tayo Nathan. We're over!"

"Nagbibiro ka lang di ba? I remember how much we used to mean each other. I want
that back. Please Sky. Believe mahal kita. I love you baby and it really tearing me
apart right now. Sobrang sakit kaya huwag mong sabihin na tapos na tayo. I told
you, wala kaming relasyon ni Donna. Nung nakita mo kami sa Mall the day na nawala
ang mommy mo, pinaguusapan namin ang banta sa amin ni Lindsay! Papatayin ka niya!
Yun ang pinaguusapan namin!" Ako? Papatayin? Bakit hindi nila sinabi sakin?

"Why you didn't tell me. Bakit nilihim niyo? I thought-- damn. Bakit itinago niyo!"
Ano bang ginawa ko? Ibig sabihin? Namatay si Mommy dahil sakin? Pinairal ko ang
pagseselos? Hindi ko sila pinakinggan. Hindi ko namanlayang pumapatak na naman ang
mga luha ko.

"Please don't cry. Nasasaktan ako.."

Hindi ko alam pero humagulgol na ako. Naramdaman kong niyakap niya ko at niyakap ko
din siya.

"I don't deserve you! Nawalan ako ng tiwala sa inyo. San--sana buhay pa si Mommy
kung hindi ako tumakbo para iwasan kayo!" Naalala ko yung black box. Mas lalo kong
gustong makita si Lindsay. "Leave now Nathan! Hindi na ako ang dating Sky. Hindi
ako makapapayag hanggat hindi ako nakagaganti kay Lindsay."

"Sky please hayaan mo na yung batas ang maghanap ng hustisya para sa mommy mo!"

"Hustisya? Bakit? Parang hindi mo alam kung anong koneksyon ng mga Hunter? Di ba
pati ikaw napaikot ni Lindsay? Kaya nga pinagtiisan mo siya di ba? Hindi mo na
mababago ang isip ko!"

"F*ck Sky! Huwag mong dumihan ang kamay mo!"

TO BE CONTINUED...

Chapter Twenty Nine: We're over.

"Look Nathan. Ikaw na nga ang nagsabi hindi ba? May balak si Lindsay na patayin
ako! Kaya nga kayo naguusap ni Donna behind my back right? Kaya inakala kong may
tinatago na kayo sa akin ni Donna, na baka nagkakamabutihan na kayo! At isa pa,
nung araw ng monthsarry natin may dahilan kung bakit hindi ako nakarating ng
school." I wipe my tears. Heto na naman bumalik na naman lahat. "I admit nawala sa
isip ko na monthsarry natin that day but I have reasons kung bakit hindi ako
nakapunta. Reason na sana pinakinggan mo muna." Bigla na naman akong nakaramdam ng
sobrang galit. "Nung araw na yun ay pinadalan ako ng black box ni Lindsay. May
inutusan siyang tao para ihagis sa akin ang isang kahon. Damn her Nathan. It's a
threath pero hindi ko inakalang gagawin niya talaga. It's a picture of my mom.
There's a blood at may pugot pang ulo ng manika!" Hindi ko mapigilan ang galit ko.
I closed my fist. I swear I can kill her for killing my mom.

"Pero bakit hindi mo sinabi sakin? Kila Donna? Sa pulis!"


"Sabihin? Bakit Nathan! Ilang beses ba kitang tinext at tinawagan? Alam mong
kinabukasan ang uwi ni Mommy! Tinext kita! Pero ano? Wala! Dahil galit ka sakin.
Hindi mo ako pinagaksayahang pakinggan kung may dahilan ba ako! Tapos nalaman ko
kay Donna na siya tinawagan mo!"

"I'm sorry baby. Please listen. That day pinaguusapan namin yung tungkol sa banta
sa buhay mo ni Lindsay. Anak siya ng isa sa mga kasapi ng Mafia kaya kayang-kaya
niyang pumatay! Natatakot ako para sa buhay mo! Ayokong dahil sakin ay mapahamak
ka. Please i'm sorry. Kasalanan ko ito. Sa kakaisip ko kung paano kita
mapoprotektahan nawala ang mommy mo-- and I don't wanna lose you Sky. Hindi ko
kaya."

"Pero huli na Nathan. Si Mommy-- wala na ang mommy ko. Apat na taon kaming hindi
nagkita at nagkasama pero pinatay lang siya ng hayup na Lindsay na yun! And that
bitch? Inamin niya pa talaga na siya ang nagpadala ng pugot na ulo ng manika! She's
sick but that doesn't mean na pwede na niyang patayin ang mommy ko! You see? Siya!
Siya ang dahilan ng pagkamatay ni mommy at dahil anak siya ng isa sa mga kasapi ng
mafia,wala ng hustisya? Pwes ibahin mo ako Nathan! Wala na si Sky! Ako na ngayon si
Blue! Hinding-hindi mo ako mapipigilan sa paghihiganti ko! Ako ang kukuha ng
hustisya para sa nanay ko!"

"Sky! O kahit si Blue ka pa! Ibigay mo sakin yung black box! Tutulungan kitang
mahanap ang hustisya! But please ipaubaya mo na sakin ang lahat, may hawak na
kaming ibang ebidensiya."

"No! Kahit pa alam ko na ang totoo between you and Donna, hindi magbabago ang
desisyon ko! About sa black box kunin mo sa bahay! Wala na akong pakialam! Pero isa
lang ang maipapangako ko, huwag lang kaming magkikita ni Lindsay, dahil sigurado.
Buhay ang kinuha niya? Buhay din ang kapalit!" Nagderederetso na ako palabas ng gym
ng maniego. Narinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko pero patay na si Sky. Wala
na siya. Mahal kita Nathan. Hindi magbabago yun pero hindi ako matatahimik. Wala ng
mawawala sakin dahil wala naman na saking natira! We're over!

Lumipas ang mga araw at lalo akong nagrerebelde. Natuto na akong uminom at magBar.
Hindi na rin ako madalas pumapasok sa eskwela.Para saan pa? Isa lang ang goal ko!
Ang hintayin ang araw na magkasalubong ang mga landas namin ng walanghiyang baliw
na si Lindsay Hunter. Nalaman ko ding laglag na ako sa ranking. Who cares? Kung
buhay pa si Mommy may pagaalayan pa ako ng mga achievements ko.

Hindi rin lingid sa kaalaman kong lagi akong binabantayan ni Nathan. Kung ilang
beses ko pa siyang nahuling nasa labas ng bahay namin. Pero hindi ako nagaksaya ng
panahon na pansinin lahat ng ginagawa niya. Oo nga at natutuwa akong may pagtingin
o inaalala pa rin niya ako but I don't deserve him. Nagbago siya para sakin. Yung
dating mayabang, bastos, antipatiko, bully at masungit na Nathan nagbago para
sakin. Pero ako? Hindi na kami bagay! Dinaig ko pa nga siya! Miss ko na rin siya!
Pero wala na! Sira na ang buhay ko.

Sila Donna at Jane lagi nila akong dinadalaw sa bahay. Nahihiya ako kay Donna dahil
all this time ako pala ang inaalala niya. But I am now Blue. Hindi ako nagsorry sa
kanya! Hindi ako karapat-dapat sa pagkakaibigan namin.

Pauwi na ako ngayon galing sa isang sikat na bar dito sa lugar namin ng may
mapansin akong sasakyan sa tapat ng bahay namin. Kung nagtataka kayo kung paanong
ang menor de edad na gaya ko ay nakakalusot sa mga bar, well with my looks now? May
magiisip bang fifteen years old lang ako? May naiwan namang mana si Mommy para
sakin may pera siyang iniwan para sakin kaya yun ang ginagamit ko. Mabuti nalang at
hindi ako nagpakalasing. Agad kong binuksan ang gate at laking gulat ko kung sino
ang nagaantay sa labas ng pintuan namin.
"Mukhang gusto mo ng mamatay Lindsay Hunter?"

TO BE CONTINUED...

Chapter Thirty: Revenge.

"Sky. Hindi ako nagpunta rito para makipagaway."

"Really? Tumabi ka dyan! Bubuksan ko yung pinto." Habang papasok ng bahay


naramdaman kong nakasunod siya sakin. Well it's time for my revenge! My sweetest
revenge. Palay na ang lumalapit sa manok! "Anong kailangan mo? Anong ginagawa ng
isang mamamatay taong katulad mo sa pamamahay ko?" Ang hindi niya alam ay in-on ko
ang recorder ng cellphone ko.

"Ibang-iba ka na ngayon at alam kong dahil yan sa akin. Look Sky-- inaamin kong ako
ang may kasalanan ng mga nangyari sayo at sa mommy mo--

"So inaamim mong ikaw ang nagpapatay kay Mommy!" Kailangan kong magpigil kailangan
ko ng ebidensiya na siya ang pumatay kay mommy!

"No! Oo may inutusan ako pero para takutin ka lang, hindi ko alam na tinuluyan niya
ang mommy mo!"

"Tinakot? Kailan pa naging biro ang buhay ng isang tao? Hindi mo alam ang
pinagdaraanan ko ngayon! Baliw ka na Lindsay! Baliw ka na para pumatay ng dahil sa
lalaki! Now masaya ka na bang hindi na kami ni Nathan? Oo hindi na kami! Hindi ka
na mahihirapan para maagaw siya sakin." Bwisit! Hindi ko na kaya! Sobra na ang
galit ko! Pinatay ko yung recorder ng phone ko at nilapitan siya. I slapped her
really hard. Medyo sumakit yung palad ko.

"Sky please sorry." Sorry? May magagawa ba yung lintik na sorry niya? Sinabunutan
ko siya. Nanggigigil ako.

"Big clap. Ang isang Lindsay Hunter nagsosorry? Bakit? Maibabalik ba niyan ang
buhay ng mommy? And excuse me patay na si Sky! Pinatay mo si Sky! Ako na si Blue!
Tandaan mo yan!"

"Sky--" Shit I told her! I slapped her again.

"I told you! Sky is dead!" Mabilis kong tinakbo ang pintuan ng bahay at inilock
yun. "Buhay ang kinuha mo hindi ba? Buhay mo rin ang magiging kapalit! At kung
akala mo natatakot ako sa mafia-mafia na yan? Sa tingin mo may kinakatakutan pa ako
ngayon? Wala ng natira sakin! Wala na! Kasalanan ko bang mahalin ko ang ex mo?
Kasalanan bang mahalin niya rin ako? Kasalanan ko bang mas masarap akong humalik
kaysa sayo? Damn you. Nagpabulag ka sa isang katangahan! Pati buhay ko sinira mo!"

"Sky please makinig ka! Oo naging tanga ako at nagsisisi na ako! Kasalanan kong
namatay ang mommy mo, dahil ako ang nagutos non. Kung alam mo lang kung paano ako
kinokonsensiya gabi-gabi. Pero nagising na ako sa kabaliwan ko kay Nathan. Gusto ko
ng sumuko pero pinipigilan ako ng daddy ko." Akala ba niya, mapapaniwala niya ako?
Sinampal ko siya! Tinadyakan! Sinikmuraan!

"Tatama n-na!"

"Ganyan nga! Magmakaawa ka!" Hindi ko alam pero parang nawalan na ako ng awa!
Natabunan na ako ng galit. Matagal kong hindi nakasama si Mommy pero f*ck! Sa isang
iglap! Kinuha niya ang buhay ng mommy ko! Nawalan siya ng malay kaya itinali ko
siya agad sa isang upuan. Para magising ay binuhusan ko siya ng isang timbang
tubig!

"Masarap ba Lindsay?!" Hindi pa ako nakuntento hiniwa ko ng blade ang mukha niya.
Shit. Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita kong maagos yung dugo
galing sa pisngi niya. Ano ba itong ginagawa ko-- bakit-- bakit ako nagkakaganito?
Kaya ko ba talagang pumatay ng tao? Pero si Mommy. Si mommy--

"Sky tama na. Please, hindi ako lalaban dahil magkapatid tayo!" What the--
Magkapatid? Magkapatid kami? Paano? Sinungaling!

"Hayup ka. Akala mo ba maniniwala ako sayo? Kung inaakala mong maloloko mo ako para
lang makatakas ka nagkakamali ka!" Wala akong pakialam kung dumudugo na yung
parteng sinugatan ko pero sinampal ko siya.

"Nagsasabi ako ng totoo. Iisa lang ang ama natin, pinaimbestigahan ka ni Daddy nung
nalaman niya yung pinlano ko kaya nalaman niyang ikaw yung anak na inilayo sa
kanya! Inilayo ka ng mommy mo Sky!! Inilayo ka niya kay Daddy!"

"NOOOOOOOOO!!! AKALA MO BA MANINIWALA AKO SAYO?"

"P-pero yun ang t-totoo!!" Shit ano ba ang totoo?

"I dial mo ang number ng daddy mo!" Sinunod niya ang sinabi ko at ibinigay sakin
yung phone ko. Itinali ko agad yung kamay niya para hindi siya makatakas.

"Hello. Nasa akin ang anak mo! Kung gusto mo pang abutan siya buhay pumunta ka
ngayon dito! I'm sure kilala mo na ako! Member ka ng mafia hindi ba? Get your
connections!" Hindi ko na hinintay na makapagsalita siya. Shit! Paano kung totoo
nga!? Nagulat ako sa isang malakas na pagkabasag galing sa itaas. Shit sa kwarto ko
yun. Pagbukas ko ng pinto.

"Nathan?"

"Sky!? Sasakyan ni Lindsay yung nasa labas! Nasaan siya?"

"Anong ginagawa mo rito? Umalis ka na! Huwag kang makialam!" Pero agad siyang
bumaba.

"Sky! Anong ginagawa mo? Sa ginagawa mong ito ano pang pinagkaiba mo sa kanya? Sa
tingin mo ba matutuwa ang mommy mo sa mga ginagawa mo?"

"Pinatay niya si Mommy!"

"Kaya papatayin mo rin siya? Sky please mahal na mahal kita! Nagbago ako para sayo!
Wala na yung dating Nathan! Kaya please tama na! Ibalik mo yung dating ikaw.
Pangako hindi na ako magsusungit, hindi na ako magcucut ng class, hindi na rin kita
aasarin, hindi na ako magtatampo, iintindihin kita palagi. Please bumalik ka na
ibalik mo na yung Sky na minahal ko! Yung Sky na isang halik lang kumpleto na ang
araw ko! Yung sky na simple! Yung walang arte at walang bisyo. Sky miss na miss na
kita! Miss na miss ko na yung mga oras at araw na magkasama tayo." Shit! Miss na
miss na rin kita Nathan. Nakita kong nawawalan na ng malay si Lindsay. Shit.
makakapatay din ba ako?

Mommy gusto ko lang naman maipaghiganti ka! Pero tama si Nathan. Ano pang
pinagkaiba ko kay Lindsay kung papatayin ko siya? At paano kung magkapatid nga
kami?
Nagulat kami ng biglang bumukas ang pinto at bumungad ang mga armadong lalaki,
pawang nakatutok samin ni Nathan ang mga baril nila. No! Huwag si Nathan! Labas
siya dito. Pero labis akong nabigla ng bumulaga ang isang pamilyar na bulto ng
lalaki.

"Da-----Daddy..."

TO BE CONTINUED...

Chapter Thirty One: Second chance.

"Damn! Ibaba niyo ang mga baril ninyo at kunin ninyo si Lindsay! Itakbo niyo sa
ospital!" Si Daddy. Yung daddy ko-- Paanong totoo ngang iisa kami ng ama? Kapatid
ko si Lindsay? Imposible! That's bullshit! Hunter si Lindsay at Fonacier ako! No.
Hindi talaga. Si Daddy na lagi kong kasama sa pagkain ng kikiam at fishball. Sh*t
umiiyak na pala ako habang nakatitig sa kanya. Bumalik lahat ng sakit noong iniwan
niya kami ni Mommy. Noong pinabayaan niya kami at sumama sa babae niya.

"Sky." I wipe my tears from falling and glared at him. Bumalik lahat ng galit at
poot ko sa kanya noong iwan niya kami para sumama sa kabit niya. So ang nanay ni
Lindsay ang kabit niya? Hindi na ako magtataka ngayon kung bakit ganyan ang ugali
ng Lindsay na yan!

"Enrique Fonacier. We meet again at ngayon ko lang nalaman na isa ka na palang


mafia member?" Binalingan ko si Nathan na halatang naguguluhan. "Huwag mong
sasaktan ang lalaking yan kung ayaw mong magkagulo! Nathan pumanik ka sa kwarto
ko!"

"Sky! Hindi! Dito lang ako!"

"Huwag ng matigas ang ulo!"

"Anak! Anong nangyari sayo? Bakit mo sinaktan ang kapatid mo?"

"Kapatid? Wala akong kapatid na baliw. Wala akong kapatid na mamamatay tao! Alam
mong pinatay niya si Mommy! Pero ano? Itinago mo siya sa batas? Imposibleng hindi
mo makilala si Mommy! Imposibleng hindi mo ako makilala pero kinunsinti mo ang
kagagahan ng anak mo sa labas! Ang kapal ng mukha mong tawagin akong anak? Hindi ka
naging ama sa akin kaya huwag mo akong tawaging anak!" Namiss ko ang daddy ko pero
ang sakit! Ang sakit na iniwan niya kami para sa ibang pamilya! Pinabayaan niya ako
at hinayaan niyang mamatay si mommy ng ganun nalang. Wala siyang ginawa! Wala! Alam
kong alam na niya na kami ang pamilya na ginawan ng masama ng anak niya pero wala
siyang ginawa para makita kami. Ako! Wala siyang kwentang ama!

"Sky hindi kita iniwan! Inilayo ka ng mommy mo! Please anak--- patawarin mo ako
pero huwag mong kamuhian ang ate mo. Nagmahal lang siya at hindi niya sinasadya ang
nangyari kay Stella!"

"Inilayo? Tss. Grabe ngayon ay magtatahi pa kayo ng kwento? Kung totoo man yang
sinasabi mo bakit hindi mo ako hinanap? Bakit hindi ka gumawa ng paraan para makita
ako! Kami ni mommy! Bakit hinayaan mong mamuhay akong magisa habang nasa abroad si
Mommy at kumakayod para buhayin ako? I hate you Enrique! Galit ako sayo! Ngayong
sinaktan ko ang pinakamamahal mong anak? Papatayin mo rin ba ako? You're a mafia
member right? Kung si mommy naipapatay ng anak mo kaya mo ding gawin sakin ngayon
yun!"
"We need to talk pero hindi sa ngayon. Babalikan kita para magpaliwanag pero
kailangan ako ngayon ni Lindsay. I'm sorry Sky I need to go."

"Sige lang! Sanay na akong iniiwan mo! Sanay na akong sila ang pinipili mo! Lumayas
ka na! Lumayas ka na ng tuluyan sa buhay ko! Wala ka ng anak! Wala ka ng babalikan!
Get lost! I hate you!" Nakaalis na si Daddy pero heto ako at tulala parin.

"Sky."

"N-Nathan!" Sa isang iglap para akong batang nagsusumbong at umiiyak habang


nakayakap sa kanya. I cried so hard. Hindi na nga ako makahinga sa sobrang higpit
ng paghinga ko.

"Go on. Iiyak mo lang. Makakagaan yan sa pakiramdam mo. Nandito lang ako baby."

"Bakit kami pa? Bakit kapatid ko pa ang taong pumatay sa mommy ko!? Bakit iisa kami
ng ama! Ang gulo! At sa pangalawang pagkakataon ako na naman ang iniwan! Mas pinili
niya ulit ang pamilyang ipinagpalit niya samin! Mas pinili niyang iwan ako!"

"Sky, masyadong nabugbog si Lindsay at may sugat din siya sa mukha! Intindihin mo
nalang ang sitwasyon. Please Sky bumalik ka na sa dati, ayusin mo ang buhay mo.
Nandito pa ako. Sila Donna at Jane! Nandito pa kami. Marami pang nagmamahal sayo!
Sila Mommy at Lola. Nag-aalala sila sayo! Marami pa kaming nandito. Mahal kita Sky.
I love you. I still love you." I close my eyes and he kiss me. Isang halik lang
niya parang napawi lahat ng galit sa puso ko. Hindi ko alam kung ilang minuto
kaming ganito. I missed him. Mahal din kita Nathan. Sobra. I'm sorry sa lahat ng
nagawa ko. Sorry sa lahat. "Sky give them a second chance. Hayaan mo silang
magpaliwanag." Siguro nga nabulagan ako ng galit. Pero paano ang hustisya para kay
mommy? Ganun nalang yun? Hahayaan ko nalang na wala na siya. Na namatay siya? Anong
gagawin ko? Hindi ko namalayang nakatulog akong nakayakap kay Nathan.

TO BE CONTINUED...

Chapter Thirty Two: Mr. and Mrs. Wright.

KINABUKASAN...

Hmm. Bakit ang bango ng unan ko? "Hmmmmm." Ang bango talaga. Sumiksik pa ako lalo.
Ayoko tuloy dumilat. Pakiramdam ko pagod na pagod ako. I just want to cuddle with
my pillow. "Hindi pa naman ako naglalaba bakit ang bango ng dantayan ko?" Pero
bakit ang tigas? At mainit? Kailan pa tumigas ang unan ko? And why is my pillow
hugging me back? Halos manigas ako ng biglang mag-vibrate yung unan ko. Shit!

"Pttfhh. Haha. Shit. Sky gumising ka na nga! Kahit sa panaginip pinagnanasaan mo


ako! Haha!" Napabalikwas ako ng bangon. Bwisit!

"Hoy! Anong g-ginagawa mo dito?"

"Sus kunyari ka pa! Nilapastangan mo nga yung abs ko haha." Amfufu lang! I feel so
damn red. Ang gwapo niya habang tumatawa. I chew my lower lip. Kainis. Bakit ganyan
ka Nathan? Ang gwapo mo kahit bagong gising. Gulo-gulo yung buhok mo at may muta ka
pa pero ang hot mo talaga. Tss.

"Ewan ko sayo! Layas! Maliligo ako!"

"Sky." Shocks bakit huma-husky voice ang loko? Biglang uminit. Naibalot ko tuloy
yung kumot sa katawan ko.

"Ba--bakit?"

"Hoy-- anong ginagawa mo!? Bakit ang lapit mo?!"

"Alam mo bang mas masarap kang halikan kapag bagong gising? And do you think hindi
ko alam na sineseduced mo ako by chewing your bottom lip?"

"Waaah! Kainis ka Nathan! Bastos! Bwisit lumayas ka sa kwarto ko! Bwisit ka!" He's
about to kiss me pero ang ending ako ang nagtatakbo sa banyo sa sobrang kahihiyan--
harujusko! Wala naman akong badbreath pero nakakahiya baka tulo laway pa ako tapos
ikikiss niya. Nagumpisa na akong maligo. Naalala ko bigla yung mga pangyayari
kagabi. Naging masama na ba ako? Sumobra na ba ako? Sa kagustuhan kong makuha ang
hustisya para kay mommy kaya kong pumatay. Tama si Nathan wala na din akong
pinagkaiba kay Lindsay o sa ibang kriminal. But they killed my mom! Hindi naman ako
tutunganga lang habang nagaantay na may managot?! Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Napaupo nalang ako sa sahig habang patuloy na umiiyak at iniisip si Mommy. Si
Daddy? Ano ba talaga ang totoo? Bakit niya kami iniwan? Kung magkapatid nga kami ng
taong nagpapatay sa mommy ko bakit magkaiba kami ng apelyido? Paanong mas matanda
sakin si Lindsay ng isang taon. Haissst. Naguguluhan ako.

Tumayo ako para tapusin na ang paliligo baka naiinip na si Nathan. Yung lalaking
yun-- I smiled. Wala pa din siyang pagbabago. Bipolar pa din siya. Ngayon okay siya
mamaya masungit na naman siya. Pero namiss kong tumawa. Namiss kong makipagasaran
kay Nathan. Namiss kong maging masaya. Namiss kong maging ako. Yung walang galit sa
puso. Masarap kasi sa pakiramdam na hindi nagpapanggap.

Ngayong nakaharap ako sa salamin mas lalo kong naisip na ang laki na nga pala ng
pinagbago ko. Mula sa panlabas hanggang sa paguugali ko. Babalik na ba ako bilang
ako? Bilang si Sky? Pero paano ang kamatayan ni Mommy? Paano ko makukuha ang
hustisya para sa kanya? Matatanggap pa ba ako nila Jane? Ni Donna? Ng Maniego?
Naging masama ako sa lahat! Matatanggap pa ba ako nila lola Agueda? Paano kung ako
naman ang hindi mabigyan ng second chance?

"F*ck naman Sky! Hanggang kailan ka pa ba dyan? Ang sakit na ng tiyan ko! Lalabas
na!"

"Bwisit ka ayan TUMAE ka na!" Diniinan ko talaga yung word. Ganun na ba siya
kakampante sakin at hindi na siya nahiya sa ganung bagay! Putek ako nahihiya ee.

"Hahaha Sky namumula ka! hahaha joke lang naman! Sinabi ko lang yun para lumabas ka
na! Parang nilamon ka na kasi ng inidoro! Haha." Ah ganun ah? Pinagti-tripan niya
ako?

"I'm not Sky! It's blue." I said in cold tone.

"Sky." Haha putik. Laugh trip ito.

"I SAID IT'S BLUE! LUMAYAS KA SA HARAP KO NAAALIBADBARAN AKO SAYO. BAKIT BA NANDITO
KA? DI BA TAPOS NA TAYO? GUSTO MO BANG ITORTURE DIN KITA?" Believe me hindi ko na
alam kung paano ko pipigilan yung tawa ko. Nakakainis ang cute niya. Teary eyed na
din siya. Ang pula ng mata niya!

"Sky hindi ba okay na tayo?" Shocks iiyak na naman ba siya?

"Kailan ka pa ba sumali sa drama class at natuto ka ng umiyak? Nasaan na yung


Nathan na laging mayabang? Mapangasar? Antipatiko? Bastos? Nasaan na yung Nathan na
basagulero? Nasaan na yung Nathan Wright na laging binubully ang mga teacher niya?
So ganyan mo ako kamahal para baguhin ang sarili mo? Tss. Ganda ko naman! Hindi na
ako si Sky! Hindi na ako..." Bwisit. Buti nalang bagong toothbrush ako! Pati oral
cavity ko ata ininvade na ng Kissing Monster na ito. Choz. I mean he's kissing me
aggressively. Nakakaloka pero nakatuwalya lang ako. I blushed. Pero hindi ko siya
itinulak. Why I will do that kung gusto ko din ito? Nalulunod ako. Pero nagulat ako
ng bumaba na sa leeg ko yung labi niya. Napalunok ako. "Nath---Nathan." Peste baka
kung saan mauwi ito? Ayoko pang maging nanay. Pero kasi I like it too. The way he
kiss me makes me crazy. Bago pa kung saan mauwi itong mainit na eksena sa harap pa
mismo ng banyo o-- "NATHAAAN!! Tigil! Bwisit pinagtitripan lang kita ee."

"Shit! Don't shout! Ang lapit lang natin ee."

"Eh ka--kasi baka, kung saan mauwi yung alam mo na?!"

"Alin?" bwisit nananadya ba to? Inaakit ata ako nito ee.

"Hoy Mr.Wright!"

"Bakit Mrs.Wright? Anong problema? Bumalik na ako sa dati! Ako na ito! Si Nathan
Wright! Di ba sabi mo nasaan na yung mayabang? Mapangasar? Antipatiko? Bastos?
Bully na Nathan? Oh nandito na ako! SKY SKY SKY SKY!! IKAW SI SKY! AT WALA KA NG
MAGAGAWA DAHIL SKY ANG GUSTO KONG ITAWAG SAYO! MAGBIHIS KA NA PESTE NAKAKAASAR!
EWAN KO NGA BA AT SAYO AKO NAGKAGANITO! BINAGO KO ANG SARILI KO PARA SAYO TAPOS
YUNG DATING AKO PALA GUSTO MO! PAKSHET! BILISAN MO AANTAYIN KITA SA BABA I'LL GIVE
YOU. TWENTY MINUTES TO FIX YOURSELF!" Jusmiyo anong nangyari don. HE'S REALLY A
MONSTER! Ako itong nangaasar tapos--- Argggh tsaka ano daw? Mrs. Wright? Kinikilig
ako bwisit!

"Waaah! Nathan nakakaasar ka!"

"Mahal din kita!" Bwisit makopa na ata pisngi ko!

Nandito na kami sa Walter Mall, mas malayo ito kaysa sa Pacific mall kung saan
walang awang binaril si Mommy. Mas gusto ko na dito, para kasing bumabalik na naman
ako sa pagiging Blue kapag nakikita ko kung saan mismo pinatay si Mommy. Bumabalik
yung sakit. Yung galit sa dibdib ko. Inaya ako ni Nathan dito para daw makalimutan
ko sandali ang mga nangyari. Wala parin akong balita kay Lindsay o kay Enrique
Fonacier. Magsasaya daw kami ngayon bago ako bumalik sa Maniego. Natutuwa ako sa
concern ni Nathan para sakin. Kahit bumalik na siya sa pagiging mayabang okay lang
mas gusto ko na yung dating Nathan kaysa sa iyakin. Hindi bagay sa kanya. Mas okay
kapag bad boy siya. Mas cool. Mas hot. Aist bad Sky! Kung ano-ano iniisip ko!

"Nathan. Bakit ang tahimik mo?" Tanong ko habang nakasunod sa kanya.

"Paki mo?" Anong nangyari dito?

"Bakit ang sungit mo?"

"Matagal na akong masungit. Tss bilisan mo nga napakabagal mo!" Ay binabawi ko na


mas gusto ko na ata yung iyaking Nathan. Habang abala ko sa pagtingin sa mga
dinaraanan namin.

"Araaaay/Ahhhhh" sabay naming sabi nung nakabangga ko.

"Blue?" Huh? Kilala ko ba siya?

"Christoff remember? Sa Forbes Bar?" Wait parang namumukhaan ko nga siya.

"Hala? Christoff Jimenez? Anong ginagawa mo dito? Sinong kasama mo?"


"I'm with my friends. You can join us if you want. Medyo nahiwalay lang ako dahil
galing akobg CR. Paglabas ko wala na sila. But good thing nagkita ulit tayo." Hala
baka makita ito ni Nathan. Teka nasaan na nga pala yun? Lumingon ako sa paligid
pero hala nagkahiwalay din kami?

"Sinong hinahanap mo? May kasama ka ba? Nga pala bakit madalas ka ng wala sa bar?
You know I missed you." Paktay tayo diyan. Nung kasing si Blue pa ako, medyo naging
bad girl talaga ako. Pinanindigan ko ang salitang bitch at slut. Kahit sinong
kasayaw ko pinapayagan kong halikan ako. O kahit mahipuan ako, wala lang sakin.
Pero noon yon. Nung hindi pa ako natatauhan.

"Ah e, Christoff kasi----

"Sky." Shit. Bakit bigla nalang sumulpot si Nathan? Kinakabahan ako. Nanginginig pa
ata ako. Shete, parang papatay naman ito kung makatingin.

"Ah Christoff, si Nathan nga pala. Nathan si Christoff----

"Boyfriend niya pare." Parang may kuryente sa pagitan nila. Kyaah. Kinakabahan ako.

"Hehehe. Christoff sige huh? Mauna na kami kita ulit tayo! Bye bye!" Sabay hila ko
kay Nathan na parang papatay na talaga.

"At sinong nagsabing magkikita pa kayo? Tsaka sino ba yun? Ganun na ba kayo ka
close para makipagngitian ka dun? Tss." Haha ang kyut talagang magselos nito.

"Ah nagkakilala--

"SKY KITA NALANG TAYO SA BAR! DUN WALANG ASUNGOT! MISS NA KITA! PUNTA KA DUN AH?"
Nung nilingon ko nakatakbo na. Buti nalang kasi pinipigilan ko lang Itong si
Nathan. Kayang-kaya niyang patumbahin si Christoff.

"Siguraduhin mong magpapaliwanag ka!"

"Ayieeee Mr.Wright nagseselos ka ba?"

TO BE CONTINUED...

Chapter Thirty Three: I love you till death.

"Siguraduhin mong magpapaliwanag ka!"

"Ayieeee Mr.Wright nagseselos ka ba?"

"Ako magseselos? Ee paa ko lang yung mokong na yun ee. Pssh." Ah hindi pala ah.
Kaya pala nanlalaki yung butas ng ilong niya. He's cute when pissed off.

"Sus gwapo din si Christoff noh! Good kisser din siya."

"ANO?" Ang lakas ng boses niya. Napatingin na tuloy samin yung ibang mga tao dito.
I pout at hinila siya paalis kung nasaan kami. Baka akala nagaaway kami.

"Wala. Sabi ko mas gwapo ka. Tara na gutom na ako."

"Hindi yun! Anong good kisser? Nagpahalik ka sa tukmol na yun?" Ang daldal ko kasi!
Aist I'm do dead. Inis na talaga siya. Ang seryoso niya.

"Nath--an tara muna sa World's of Fun?" Aya ko sa kanya atleast doon magsisigaw man
siya hindi pansin. Maingay dun ee. Habang abala ako sa pagbili ng token.

"Sky huwag mo akong libangin!"

"Hindi naman ah? Laro muna tayo baby. Badtrip ka agad ee." Nginitian ko siya ng
ubod ng tamis kahit nanginginig na ako sa kaba. Ni hindi ko nga maishoot yung token
kainis. Ngayon ko lang din siya tinawag na Baby at hindi ako mapakali. Ang cheesy
kasi at-- at nakakailang hehe. Mas gusto ko yung Nathan o Kissing Monster. Sweet
naman kaso-- hindi talaga ako sanay.

"SKY!" Shit nakakatakot naman ito. Mabuti pa nung parang anghel siya at ako yung
badgirl. I giggled on my thought.

"Bhui ang ganda nung chix oh?"


"Sino diyan?"
"Yung blonde yung buhok? Shit. Otso ang katawan. Para siyang manika."

Napalunok ako ng tingnan niya ng masama yung dalawang estudyante na nakatingin sa


akin. Grabe ganun ba nagbago ang itsura ko para mapansin ng ibang lalaki?

"Bitawan mo ako Sky. Bibigwasan ko yung mga bastos na yun! Damn. Bakit ba kasi
nagpa-blonde ka ng buhok?!"

"Calm down okay?"

"Kakalma lang ako kung sasabihin mo kung bakit ka nagpahalik sa mokong na lalaking
kausap mo kanina. I can kill him I swear. Hindi ko maisip na may ibang lalaking
humalik sayo peste!" I sighed. Hindi niya talaga ako titigilan. Aist. Kaya mo yan
Sky. Isa pa-- hindi ako yung humalik kay Christoff. Si Blue yun!

"Alam mo namang naging bitch ako nung si Blue pa ako di ba? Laman ako ng mga Bars.
Gabi-gabi akong umiinom para makalimutan yung mapapait na pangyayari sa buhay ko.
Nagyoyosi at nakikipagsayaw sa lalaki. I kissed and flirted with other guys pero
Nathan--

I gasp when he cupped my face and smirk at me before kissing me. Aist pasaway
talaga siya! Bakit naman dito pa? Ang daming tao! I closed my eyes para hindi
makita ang mga taong ngayon ay nakapalibot na samin. Kainis but I can't help it,I
kissed him back. I wrapped my arms on his neck ang kiss him passionately. One
minute? Three minutes? Ten? I dont know kung gaano na kami katagal sa ganitong
ayos. May mga sumisigaw at pumapalkpak pero sa lakas ng music dito sa WOF halos
hindi din sila madidinig. I punch his chest when he stop.

"Burado na ba yung halik ng mga lalaking nakasayaw mo? Shit! Kung alam ko lang sana
minu-minuto kita binantayan! Malaman ko lang kung sino-sino nakatikim sa labi mo,
sasapakin ko. Lalamugin ko sila dammit!" Kinikilig ako kaya niyakap ko siya.

"Huwag kang magalala ikaw lang naman ang KISSING MONSTER ko. Isa pa bumalik na ako
sa dating ako. Tsaka hindi naman ako ang humalik sa kanila si Blue kaya yun." I
giggle when he pout. I kiss him pero smack lang. Huwag ka ng magpacute kasi cute ka
na. Tara dun sa karaoke kantahan mo ako bilis!"

"Hell no! Nakakahiya."

"Pssh ee hindi mo naman pala ako mahal ee, kinakahiya mo ako."


"Tss. Oo na! Dammit Sky. Don't use that puppy eyes again! Halika na! Malubay ka
lang!"

"Yey! Haha tara na! Gusto ko yung kinanta mo noon sa gym nung nanliligaw ka!" Haha
hindi ko alam na gagawin niya talaga! Laught trip. Ang cool na lalaki tapos kumanta
ng ganun. Pero infairness chix magnet talaga. Ang daming kinikilig and believe me
dudukutin ko na mga mata nila! Parang hinuhubaran na si Nathan. Pssh.

"Oh masaya kana?"

"Hindi pa." I pout. Pacute lang.

"Tss. Huwag ka ngang mag-pout hahalikan kita!"

"Nathan pwede bang gawin mo ang lahat para sumaya ako ngayong araw at makalimutan
lahat ng pait na nangyari sa buhay ko? Magagawa mo ba yun? Promise after this,l
aalisin ko na lahat ng galit sa puso ko at hahayaan ko ng batas na ang humusga sa
mga nagkasala sa amin ni Mommy. Bibigyan ko din ng second chance si Daddy gaya ng
sabi mo just make me happy today..m I want this day,l to be our best date ever."

"Yun lang ba? He cupped my face and I turn into red. Kinikilig ako. My heart
flatters. Almost jumping like a ball. *Tsuuup!* Promise. *Tsuuup!* It will be our
best date! But promise me one thing. Hindi ka na babalik sa pagiging Blue. 'Cause I
will kill those fvcking bastard na humalik sayo! Gusto ko ako lang. Ako lang ang
pwedeng gumawa nito sayo." He kissed me and I closed my eyes. He's still the
Kissing Monster I loved. Wala pa rin siyang pagbabago. Hahalikan ka kahit nasaan
kayo. He deepened the kiss but I bite his lip. Pero hindi pa din siya tumigil. He
just smirk and kiss me again. Another live show tss. I kissed him back. Siya lang
naman ang tanging lalaking gusto ko. Oo nga at marami akong naging kissing
experience nung ako pa si Blue but my hearts belong to this kissing monster. My
heart is longing to be Sky again and kiss him until my last breath. Korni man pero
siya lang talaga ang may kakayahang magpatibok ng puso ko ng ganito. It feels like
there's a lot of butterfly in my stomach.

After we kissed. Kinaladkad niya naa naman ako. Namiss ko ito. Yung kaladkarin
habang holding hands kami. Nakakamiss lahat. Nung magutom kami ay kumain kami. Saan
pa ba? Nandito na naman kami sa hagdan. Picnic sa loob ng mall. Pero mas gusto ko
na ito, naaalala ko yung happy moments namin noon.

"Nathan bakit dito na naman tayo sa hagdan kumakain? Anong trip mo? Paki explain
love you."

"Can't you see? Kung noon ngang plain pa yang itsura mo marami ng matang nakatingin
sayo, ngayon pa bang ganyan yang-- Argggh! Pakulay ka na ulit ng buhok! Ipa-black
mo na yan! Huwag ka na din magmake-up maganda ka kahit simple ka!" My heart was
beating so fast. Kainis pero napasubo ako ng malaking rice.

"Sus sabi mo noon hindi mo ako type at hindi ako kagandahan. Ee di binabawi mo na
yun?"

"Oo na! Kumain ka na nga!" ang lapad ng smile ko.

"Nathan? Mahal mo ba ako?" tanong ko sa kanya habang palabas na kami ng mall.


Stroll daw kami.

"Pakshet naman Sky hindi pa ba halata?"

"Talaga? Mahal mo ako??"


"Ano ba gusto mo isigaw ko pa? Tsk!"

"Oo."

"Seryoso?" Haha tumango lang ako.

"I LOVE YOU SKY BLUE FONACIER! MAHAL NA MAHAL KITA!" Siya sabay hawak sa kamay ko
at tumakbo kami palabas ng mall. Grabe mahal niya nga ako. Nung malayo na kami sa
exit. "Shit Sky, unpredictable mga magpapasaya sayo!"

"Haha hayaan mo na, nagpromise ka naman di ba?!"

"Kilig ka naman?!"

"Sus, kulang pa! Kinantahan mo na ako. Pinagsigawan mong mahal mo ako. You even
kissed me in a public place."

"Oh? Ngayon?"

"Pakasalan mo ako!" Biro ko sa kanya. Nagbibiro lang naman ako.

"Yun lang ba?"

"Hoy nagbibiro lang ako!" Pero holo hindi ako pinakinggan! Kinaladkad ba naman ako
sa pinakamalapit na simbahan. Nung makapasok kami sa loob, may iilang mga
nagsisimba. Seryoso ba talaga siya?

"Dyan ka lang." Ano bang balak niya? Paglingon ko kinakausap niya yung ilang
nagsisimba at nagpunta sila sa harap ng altar..m

"Tara." Kahit nagtataka sumunod na lang ako.

"Sky, sila ang witness sa kasal natin. Tss. Corni man pero hindi pa naman kasi tayo
pwedeng ikasal hindi ba? Under age pa tayo at gusto ko pang makapagtapos ng pag-
aaral para sayo. Para sa atin. I want to be the man you deserve. Mahal na mahal
kita Sky. Imagine ang isang Bad boy na katulad ko napatino mo? Masaya ako at ikaw
ang nandoon sa corridor." I remember that day Nathan. Yun na ata ang araw na hindi
ko makakalimutan. Nawala man ang mommy mo, alam kong masaya siya na bumalik ka na
sa pagiging ikaw. Nandito ako Sky, mamahalin kita panghabang-buhay at pangako yan.
Sa harap ng Diyos pinapangako kong kamatayan lang ang makapaghihiwalay sa atin. Me
too. I love you till my last breath. I just love you so much I become a jealous
f*ck even when it comes to girls like Donna and Jane. Even though I know you
doesn't dig girls it's just who I am. I got jealous of guys who kissed you for
f*cking sakes." Grabe pati sila Donna pinagselosan niya? I love you so much beyond.
You have no idea how much I wanted to protect you. How I wanted to love you. You're
my absolute world. Can't wait to get old with you and die with you and love you in
the after life." I cried so hard. Ramdam ko lahat ng salitang binibitawan niya.
Tagos lahat sa puso ko. Aantayin ko ang araw na pwede na kitang iharap sa altar
para maging legal na Mrs. Wright."

"Nathan, masaya ako. I love you so much. Dati nagaantay lang ako tuwing break time
para masilayan ka, then you kissed me. I love it when were in a public place. When
you hold my hand and kissed me. When you get mad with the othee boys who look at
me. I feel so special when you say that you love me. If I kissed another man when
i'm Blue? Just trust me and remember ut was you I always think about. If only I
could give you one thing in life. I would give you the ability to see yourself
through my eyes only then would you realize hiw special you are to me. Thank you.
Salamat at hindi mo ako binitawan. Thank you for loving me in my worst days. My mom
told me 'You don't marry someone you can live with. You marry the person who you
cannot live without. And it was you. I love you My Kissing Monster. Till death do
us part." I sniff. Grabe sinipon ako kakaiyak. I really love him. Siya nalang ang
meron ako at nagpapasalamat ako na hindi niya talaga ako iniwan.

"Damn it. Kinilig ako." I giggle a bit. He hugged me. Sumiksik pa kasi siya sa leeg
ko.

"Mga anak, kasal-kasalan lang ito huh? Bawal ang pulot gata." nagulat kami kay
lola..

"Hahaha. S-si lola naman. Opo naman po. Sige po mauna na kami. Salamat po. Sa kasal
po namin imbitado ulit kayo." sabi ko at hinila na si Nathan palabas ng church.
Namumula na talaga ako. Nakakahiya. Nacarried away ako nakalimutan kong may mga
fake witnesses na kinuntsaba si Nathan.

"Teka Sky naman! Wala pa yung YOU MAY NOW KISSED THE BRIDE EE. Tss." Kissing
monster talaga.

"Wala, nakakailan ka na sakin!" Tumakbo ako at iniwan siya dun. Hindi man totoo ang
kasal namin. Masaya ako dahil sa puso ko kasal na kami, sa puso ko. Ako na si Sky
Blue Fonacier Wright.

TO BE CONTINUED...

Chapter Thirty Four: Asawa ko.

KINABUKASAN.

This is it. I sighed heavily and smiled at him. "Mrs. Wright ready ka na bang
bumalik sa Maniego? Tsk. Dapat kasi pinakulayan mo na yang buhok mo ee." Sinundo
kasi ako ni Nathan. Sabay daw kaming pumasok. I'm afraid but more of excited.
Hanggang ngayon wala pa akong balita kay Lindsay at maging kay Daddy. Hindi naman
sa naiinip na ako pero marami talaga akong katanungan.

"Nathan sa sunday nalang. Besides bagay naman sakin yung blonde na color."

"Oh ee bakit parang ang tamlay mo dyan?"

"Kasalanan mo kaya ito!"

*FLASHBACK*

"Sky gusto mo bang mas maging memorable ang date natin? Come may gagawin tayo."

"Huy Nathan anong ginagawa mo?"

"Halika tulungan mo ako masaya ito hehe."

Alam niyo ba ang ginagawa namin? Inilalagay lang naman namin sa gitna ng kalsada
lahat ng pasong nadadaanan namin. Juskooo mga trip nitong si Nathan! Pero ang saya!
Buti nalang walang CCTV dito kung hindi baka sa kulangan kami matulog.

At alam niyo ba kung ano pinakamalalang ginawa namin? I MEAN NIYA. Siya lang naman
gumawa ee. Ang siraulo! Kumuha pa ng remembrance! Abay inuwi lang naman namin yung
isang sementong palaka. You know yung pang display sa garden? Kaya ang ending,
masaya nga ang date namin-- may remembrance nga. Sobrang sakit naman ng katawan ko.
*END OF FLASHBACK*

MANIEGO HIGH. Inaasahan ko na yung mga reaksyon ng mga estudyante. Kung ako pa si
Blue baka nasabunutan ko na yung mga nagbubulungan sa tabi o hindi man ay nasabihan
ko na ng mga foul words. Naramdaman ata ni Nathan na hindi ako komportable kaya
inakbayan niya ako. "Okay lang yan, nandito lang ako." Mas lalo namang nagbulungan
yung mga estudyante. Ang alam nga kasi ng lahat ay wala na kami ni Nathan then
suddenly papasok kaming magkasama.

"Nathan kinakabahan lang ako paano kung hindi nila ako matanggap?m? Yung mga
teachers na nabastos ko? Yung mga classmates ko na--"

"Shhh. Its okay. Nakausap na sila ni Lola at naiintindihan ka nila. Gusto ka rin
palang makausap ni Lola bago ka pumasok sa klase mo." Pumunta muna kami kay Lola
Agueda.

"Sky mabuti naman at nakabalik ka na. Kamusta ka na hija." Nung niyakap niya ako
pakiramdam ko niyakap na din ako ni Mommy. I hugged her too. Nagsisimula naring
tumulo ang mga luha ko.

"Lola Agueda sorry po sa mga sakit ng ulo na binigay ko. Nagrebelde po ako dahil sa
pagkawala ni Mommy. Sana po mapatawad niyo ako. Akala ko po tama lahat ng mga
ginawa ko. Lola-- sana po-- sana po tanggapin niyo po ulit ako."

"Ano ka bang bata ka? Naiintindihan ka namin. Nawalan ka ng mahal sa buhay pero
sana naging aral na sa iyo ang mga pangyayari. Kung ang Diyos nga ay nakapagpatawad
tayo pa kaya?" Matapos naming makipagkwentuhan sa lola ni Nathan. Hinatid niya na
ako sa room ko.

"Alam mo Nathan, simula ng maging boyfriend kita---

"Asawa mo na ako!!"

"Fine. Simula ng maging asawa kita Lahat ng atensiyon nasa akin na. Ganun ka ba
talaga kagwapo?"

"Gwapo talaga asawa mo." I pinched his nose. Mayabang ka pa rin.

"Sige na! Late ka na sa klase mo, bwisit ka sakit ng katawan ko mga trip mo kasi
kahapon!"

"Ayaw mo nun best date ever kaya yun sayang wala tayong picture together mahirap ng
may ebidensiya baka masuplong tayo haha." Nung makaalis na si Nathan huminga muna
ako ng malalim bago kumatok sa pintuan ng room namin.

The ussual nung makita nila ako lahat nakairap. Yung ibang takot kay Blue nakayuko,
pero dalawang tao lang ang napansin ko. Si Jane at Donna na nakatingin sakin.

"Ma'am sorry i'm late."

"It's okay Miss Fonacier, you may now take your sit."

"Thank you po!" Kung ako pa si Blue masisinghalan ko mga reaksyon nila, pero ako na
ito. Blonde pa rin yung buhok ko pero ako na ito, suot ko na rin yung dati kong
uniform. Natapos ng mabilis ang klase at nakalabas na yung iba ng tawagin ko sila
Jane.

"Jane-- Donna. Can we talk?"


"Oo naman." nakangiting sabi ni Jane. Si Donna no reaction.

"Hmmm about sa mga nangyari at nasabi ko. Sorry. Sorry talaga. Nasaktan lang ako,
nawalan ng magulang at nagrebelde ako. Jane sorry. Donna i'm sorry. Sorry dahil
kahit kapakanan ko na ang iniisip mo ay hindi kita pinagkatiwalaan. Inakala kong
niloloko niyo ako ni Nathan. Sorry sa sampal. Sorry sa mga masasakit na salitang
nabitawan ko. Kinain ako ng galit at ng paghihiganti. Matatanggap niyo pa ba ako?"

"Sky, kahit kailan hindi ka namin iniwan, kahit noong naging Blue ka pa inunawa ka
namin. Hinayaan ka namin hindi dahil tinalikuran ka namin kundi para makapagisip
ka. Kaibigan mo kami kaya lang naisip namin na kung ipipilit namin yung ayaw mo,
lalo ka lang magrerebelde kaya hinintay namin ang oras na bumalik ka na sa dati." I
was shocked. Donna was crying at ngayon ko lang siyang nakitang umiyak.

"So kaibigan ko pa rin kayo hindi ba?"

"Ano ka ba Sky noon hanggang ngayon kaibigan mo kami!" Jane hugged me. Napaiyak
nalang ako. Ang swerte ko sa mga kaibigan.

"Dahil dyan lilibre ko kayo. Tara sa canteen?" The ussual yung tinginan ng mga
kapwa ko estudyante grabe. Hindi ko alam kung anong iniisip nila but the hell I
care.

"Grabe Sky! Alam mo bagay naman sana sayo yang buhok mo, pero pwede bang ipa-black
mo na ulit?" request ni Donna.

"Alam mo parehas kayo ng sinasabi ni Nathan! Ano bang problema sa buhok ko? Cute
nga ee haha."

"Ee kasi Sky naaalala namin yung Bitch na Blue ee, sorry pero kasi alam mo na
nakakailang hehe." Si Jane na naka-piece sign pa. Alam ko naman na awkward yung
nangyari dati. Ako man kasi kahit pinatawad na nila ako medyo nahihiya pa rin ako
sa mga inaakto ko noon.

"Nga pala Sky, kamusta na si Lindsay? Nabanggit sa amin ni Nathan na pinuntahan ka


niya sa bahay at alam mo na. Huwag kang magagalit kay Nathan kung bakit alam namin
ito, actually lahat naman ng nangyayari sayo updated kami. Kaibigan ka namin ee.
Natural lang na magalala kami sayo."

"Sorry ah? Nakakahiya na humantong ako sa puntong muntik na rin akong makapatay.
Pero salamat kay Nathanminulat niya ako. Tama naman siya, wala na rin akong
pinagkaiba kay Lindsay kung napatay ko rin siya."

"Titio bang magkapatid kayo? Paanong nangyari yun? Magkaiba kayo ng surname di ba?"
singit naman ni Jane.

"Pasensiya na ahm? Hanggang ngayon kasi hindi pa malinaw ang lahat. Hindi pa ako
binabalikan ni Daddy para magpaliwanag. Sabi ni Nathan bigyan ko sila ng second
chance kaya heto kahit mahirap na isinasantabi ko ang hustisya para kay mommy,
umaasa akong malilinawan din ako. Pero ako man kasi labis na nagtataka, Fonacier
ako di ba? Tapos Hunter si Lindsay. Haiist ewan magulo pa talaga. Si daddy lang ang
makakasagot ng lahat."

"Basta alam mong nandito lang kami para sayo pero promise mo huh? Pa-black mo na
yang buhok mo!? Huh? Huh? Please Sky." Ito talagang si Jane.

"Tss oo nga naman baguhin mo na yan. Kapag nakikita ko yang buhok mo naaalala ko
yung sampal mo ee! Kung hindi lang kita kaibigan nasapak na kita promise."
"Sorry talaga Donna, promise sa sunday black na ulit ito." Takot ko nalang kay
Donna. Sky is back. Sky is back for good.

"Oh okay na ba kayo?" Paglingon ko nasa likod ko na si Nathan.

"Oh anong ginagawa mo dito? Epal ka! Kakaayos palang namin nitong si Sky ee."
nayayamot na sabi ni Donna.

"Bakit masama bang sunduin ang asawa ko?"

"ASAWA?!" Hindi lang si Donna at Jane yan!! Pati ilang estudyante sa paligid
namin.

"Oo asawa! Bakit? She's my wife. Kinasal kami kahapon." Bwisit ako nanliliit dito.
Itong hinayupak na monster na ito proud pa! I'm proud of him too pero hindi naman
para iannounced?!

"Nathan! Nakakaasar ka!"

"Oh hindi ba kasal na tayo? Ang sungit mo. Dont tell me, naglilihi ka na?"

"KAAAAASSSAAAAL??????" Si Jane.

"NAGLILIHIIIIIIII??????????" Si Donna.

Sige isigaw niyo pa. Bwisit palipat-lipat ang mga mata nila samin ni Nathan. Shit
Nathan! Mga trip mo!

"Hoy Nathan baka gusto mong bumalik ng hindi oras si Blue?" Bulong ko sa kanya.
Believe me. Kulang nalang kurutin ko siya sa singit. I feel so red.

"Joke lang kayo naman O.A. makareact. Tss tara na nga!"

"Oh saan mo na naman dadalhin si Sky? Bawal magcut yan kapapasok lang." Si Jane.

"Oo nga Nathan! Huwag kang BI!!!" Sangayon ni Donna.

"Oo nga hilig mong mangaladkad ano?" sagot ko.

"Tss kung ayaw mo ee di wag! May sorpresa pa naman ako sayo! Magsama kayong tatlo!"
Holo? Galit agad? Ako nga itong hindi pa nakakarecover sa frank niyang naglilihi na
ako tapos. Arrrgghh bipolar talaga siya. Syempre hindi ko din natiis itong si
Nathan kaya sinundan ko. Nandito na kami sa office ni Lola Agueda. Nathan open the
door and--

"Da---dadd---y."

"Siya ang sorpresa ko sayo. Magusap muna kayo. Don't worry excuse ka sa lahat ng
klase. Nandito lang ako sa labas." Ni hindi ko nagawang lingunin si Nathan. Basta
nakatitig lang ako kay daddy.

"Anak." Anak? Matagal ko ng gustong marinig ulit na tawagin niya kong anak. I
missed him. Kahit iniwan niya kami noon, mahal ko si Daddy. Hindi ko alam kung
paano ko siya nayakap ng ganung kabilis. Basta ang alam ko, namiss ko ang daddy ko.
Umiyak lang ako ng umiyak habang nakayakap sa kanya.

TO BE CONTINUED...
Chapter Thirty Five: Truth.

"Anak patawarin mo ako. Hindi ko gustong mahiwalay sayo. Pero maniwala ka naman
sana na hindi kita kahit kailan nakalimutan." Umalis ako sa pagkakayakap ko sa
kanya. I wipe my tears. Namiss ko si Daddy pero hindi ko pa rin maialis sa isip ko
na iniwan niya ako.

"Pero iniwan mo ako daddy. Iniwan mo kami ni Mommy! Pinabayaan mo ako! Alam mo bang
grade five palang ako natuto na akong mamuhay mag-isa dahil nangibang bansa si
Mommy para matustusan ang pagaaral at pangangailangan ko! Tapos kung kailan kauuwi
lang niya bigla-biglang binawi na agad yung pagkakataon na magkasama kami! Hindi ko
na siya kahit kailan makakasama dahil wala na siya. Patay na siya daddy. Pinatay
siya ni Lindsay!" Ayoko mang manumbat pero bumalik na naman lahat ng sakit.

"I'm sorry about your mom. And i'm sorry that you suffer. Pero pwede bang makinig
ka muna sa akin? Pakinggan mo muna ang paliwanag ko anak." Tumango nalang ako
habang pinipigil ang mga luhang gusto na namang mag-unahan sa pagpatak. Hindi ako
nagsalita. I don't think makakapagsalita din ako dahil nanginginig na talaga ako.

"Hindi kita iniwan anak. Inilayo ka ng mommy mo. Kung nagtataka ka kung bakit mas
matanda sayo ng isang taon si Lindsay yun ay dahil sila ang totoo kong pamilya.
Masakit man para sayo na malaman ito pero naanakan ko si Stella noong manilbihan
siya sa mansion ng mga Hunter."

"No! Hindi yan t-totoo."

"Maniwala ka anak nagsasabi ako ng totoo. Alam ng mommy mo na hindi ako


nagsisinungaling."

"Ibig sabihin-- S-si mommy-- Si mommy siya ang kabit dito?"

"I'm sorry Sky." No! Hindi! Pero bakit hindi man lang naikwento ni mommy? Bakit
pinaniwala niya akong iniwan kami ni Daddy para sa kabit niya?

"Pero bakit pinaniwala niya ako na iniwan mo kami para sa kabit mo?"

"Anak, nung malaman kong buntis ang mommy mo ay ibinahay ko siya at ibinigay ang
pangangailangan niyo. Walang nakaalam na nagkaanak kami. Lagi akong maingat na
huwag malaman ni Michelle-- ng mommy ni Lindsay na may anak ako sa labas dahil
kapag nagkataon ipapapatay niya kayo. Pero pinaimbestigahan niya ako, nalaman niya
rin ang tungkol sa inyo ni Stella at nagbantang papatayin kayo kung hindi ko kayo
iiwan." Totoo ba lahat ng sinasabi ni Daddy? Pero patay na si Mommy para patunayan
na totoo lahat ng sinasabi niya! "Dahil doon kahit masakit iniwan ko kayo pero
inilayo ka ng mommy m sa pag-aakalang pinabayaan ko kayo dahil bigla nalang akong
nawala. Hindi ko kayo hinanap dahil natakot ako sa kayang gawin ni Michelle, anak
siya ng pinakamataas na lider ng mafia. At alam kong pagsinuway ko siya ikaw ang
mapapahamak." Hindi ako makareact! So all this time anak ako ng kasapi ng mafia? At
kung totoo nga lahat ng sinasabi ni Daddy-- isa akong anak sa labas? Sampid lang
pala ako. Bunga ng pagkakamali ng mga magulang ko.

"Pero bakit magkaiba kami ng apelyido ni Lindsay?"

"Enrique Fonacier Hunter ang totoo kong pangalan. Isinunod ka namin ng mommy mo sa
apelyido ng lola mo, para hindi ka matunton ni Michelle." Kaya pala magkaiba kami
ng apelyido. Pero hindi ko pa din maabsorb. Kapatid ko ang pumatay sa mommy ko--
aist ang sakit ng ulo ko.

"Ang pagkamatay ni Mommy? Paano na? Sabi ni Lindsay pinaimbestigahan mo ako. Alam
mong ako ang anak mo sa labas pero bakit hindi mo ako pinuntahan? Tell me Dad.
Minahal mo ba si Mommy? Ako? Mahal mo ba ako?" Ayoko ng umiyak. Pagod na ako pero
heto. Wala pa ring tigil ang mga luha ko kainis.

"Minahal ko si Stella anak maniwala ka. Bunga ka ng pagmamahalan namin at hindi ako
nagsisisi na ipinanganak ka. Mahal kita. Mahal na mahal. Walang magulang na hindi
kayang mahalin ang anak na kagaya mo. Hindi kita mapuntahan bantay sarado ako ng
mommy ni Lindsay. Pero anak-- hindi si Lindsay ang kriminal. Hindi ko siya
pinagtatakpan lang. Hindi ko siya itinago sa batas para makatakas sa kasalanang
hindi niya ginawa dahil maniwala ka hindi siya ang nasa likod ng lahat ng ito."
Shit! Kalokohan na ito! Mas mahal niya ba ang Lindsay na yun para pagtakpan pa
talaga ang kasalanan niya? Kahit kapatid ko siya kung mamamatay tao siya hindi ko
siya mapapatawad!

"Hindi si Lindaay? Tss. Ilang beses na niya akong binantaan. Ako at si mommy mismo!
Nagpadala pa nga siya ng black box with picture ni mommy na puno ng dugo! Dad
inamin niyang siya ang nagutos na barilin si Mommy! Dammit dad huwag mo ng
pagtakpan ang babaeng yun! Huwag mo namang ipamukha pa sa akin na mas mahal mo
siya!"

"No anak. Oo at nabulagan si Lindsay sa pagmamahal sa nobyo mo pero hindi ang


inutusan niya ang bumaril sa mommy mo."

"KUNG GANON SINO?" Paano nga kung hindi si Lindsay? Grabe yung pananakit na ginawa
ko sa kanya!

"Ang asawa kong si Michelle." That's it para na akong bombang sumabog. Umiyak ako
habang nakasalampak na sa sahig wala na akong pakialam kahit naghahalo na ang sipon
at luha ko! Kung totoo ngang yung Michelle na yun ang nagpapatay sa mommy ko--
naghiganti ako sa maling tao?

"Anak tama na."

"Nasaan si Lindsay? Daddy gusto kong magsorry. Dad sinaktan ko ang sarili kong
kapatid!"

"Shhhh it's okay. Sasamahan kita sa kanya."

TO BE CONTINUED...

Chapter Thirty Six: JS Prom.

Three months later...

"Mommy masaya ka na ba diyan sa Heaven? Nabigyan na ng hustisya ang pagkamatay mo."

Okay na nga pala kami ni Daddy at sa kanya na ako tumitira ngayon. About naman kay
Lindsay alam na din niyang hindi siya ang dahilan ng pagkamatay ni Mommy. Atleast
matatahimik na din ang kalooban naiya dahil sinisisi niya palang talaga ang sarili
niya sa pagkamatay ni Mommy at sa pagbabago ko noon bilang si Blue. Tama si Daddy
mabait ang kapatid ko. Nagsorry ako sa kanya sa nagawa ko sa kanya nung huli naming
pagkikiya at nagsorry din siya sakin about sa pambubugbog nila sakin sa rooftop
pati dun sa mga pananakot niya. Tanggap na rin niyang kami na ni Nathan. Yung mommy
ni Lindsay? Ayun nasa mental! Matagal na palang may sayad yun! Pati buhay ng mommy
ko dinamay niya! Diyos na ang bahala sa kanya sa kanya! Naka-move on na ako pero
hindi ko pa rin maiwasan yung sakit. Nanghihinayang pa din ako sa buhay ni mommy
pero sabi nga ni Daddy. Masaya na si Mommy dahil nalaman na kung sino ang tunay na
may sala.

Anyway ang bilis ng panahon. February na at Js Prom na namin bukas. I'm so excited.

"Sky my gown ka na ba? Waah kainis wala pa ako! Sa bukas na yung prom at waley pa
din ako gown! Si mommy kasi ee ang arte. Gusto ipatahi pa sa kaibigan niya. Ayan
tuloy nagahol na ako sa oras." Si Jane na sibangot na.

"Oo meron na sabay kaming bumili ni Lindsay nung isang araw." Dito na ulit kasi
nag-aaral si Lindsay and believe me close na din sila nila Donna! Hindi mo akalain
na may namuong super typhoon sa pagitan nila. Tanggap nila ang kapatid ko kaya nga
love na love ko sila ee.

"Talaga? Saan kayo bumili doon nalang din ako bibili?" Sinabi ko kay Jane kung
saang mall kami nakabili. Kung hindi lamg may klase kami tumakbo na ito papunta
don.

"Naks sister power ah. Di naman kayo excited magkapatid?" I grin at Donna.

"Eh ikaw Donna? May isusuot ka na ba? Bukas na ang prom don't tell me magtu-tuxedo
ka? Sasapakin kita! Aray ah? Di ka na mabiro!" Bwisit makabatok wagas. Binibiro ko
lang naman ee.

"Sky don't worry akong bahala dito kay Donna hehe. Isasama ko yan mamaya kapag
bumili ako ng gown. There's no way na magpapaka-prince charming siya bukas.
Gigisingim ko si Sleeping Beauty sa dugo niya." Inakbay pa si Donna. Pero binatukan
din siya. Ang kulit lang. The last time kasi na nag-gown si Donna may baon palang
pantalon at shirt nangangati daw siya sa gown. Hindi pa talos yung event may pants
na sa ilalim ng gown niya haha.

Pero excited na talaga ako para bukas kaso nakakainis si Nathan. Ilang araw ng
hindi pumapasok. Hindi din nagtetext. I missed him at hindi ko naman matanong sila
Lola Agueda kung nasaan si Nathan. Nahihiya ako kasi at isa pa-- I trust him.
Kinakabahan na nga ako sa tagal ng pagkawala niya. Sobrang miss ko na siya. Yung
kayabangan niya. Yung clingy side niya. Yung pagiging monster niya-- I sighed. I
really miss you Nathan. Siguro naman sisiputin niya ako bukas?

*FLASHBACK*
"Asawa ko! Mawawala ako ng one week at huwag mong tangkaing manlalaki! Kung hindi--
F*ck bakit ka ba nanununtok! Ang sadista mo Sky. Tss."

"OA mo ee manlalaki ka diyan. Alam mo namang ikaw lang ee." I giggle kasi naman ang
pula na ng mukha niya. Kinilig yan. Ang cute mo talagang mag-blushed! Ang pula ng
mukha ng hubby ko." Sabay kurot ko sa pisngi niya. Grabe makopa na yung pisngi
niya. Kinurot ko na nga nagbablushed pa!

He cupped my face. He look intently to my eyes. Aist Nathan kainis ka. Pinapakilig
mo ako. Nagwawala na naman itong puso ko. "Pero Sky--kahit anong mangyari ako lang
huh? Mangako ka!" Bakit bigla akong kinabahan? What's with the tone? Parang may
mangyayari?

"Ano ka ba Nathan!? Nakakainis ka. Kasal na nga tayo hindi ba? Isa pa hindi ba
pangako natin sa isat-isa kamatayan lang ang makakapaghiwalay satin." Nakakainis.
Bakit ba ang bigat ng pakiramdam ko? Hindi ko napansing umiiyak na ako. He hugged
me at alam kong umiiyak na din siya. Ano bang nangyayari? Ano bang mangyayari?

"Shit. Nagiging iyakin ako dahil sayo! Mamimiss kita e. Basta ha? Sa Prom ako date
mo! Huwag kang makikipagsayaw kahit kanino hintayin mo ako!"

"Saan ka ba kasi pupunta?" ni hindi niya ako sinagot at niyakap lang ako ng
mahigpit.

"Sige na ha? Alis na ako! Take care Mrs. Wright. Mamahalin pa kita habambuhay."
*END OF FLASHBACK*

Aaminin ko hanggang ngayon ang lakas pa din ng tibok ng puso ko kapag naalala ko
yung huling usapan namin ni Nathan. I don't know-- Pakiramdam lang ba o may masama
talagang mangyayari? Aist. Think possitive Sky. Bukas magkikita na kayo. I'm so
excited to see him. Ang totoo ay hindi naman sa prom ako naeexcite. Mas naexcite
ako dahil magkikita na kami. Finally after a week mayayakapnko na ulit siya.
Konting tiis nalang.

JUNIOR & SENIOR PROM. THIS IS IT. Prom Night na! Syempre papatalbog ba ako kay
Lindsay? Ganda kaya ng gown ko ang cute! Pink kasi ang color ng gown ng mga
Juniors. Sky blue naman sa mga seniors. Haha awkward nga ee dapat sky blue gown ko
kasi name ko yun ee. Daya! But rules are rules. Hihintayin ko nalang next year.
Tapos ang ganda pa nung hair ko, kulot-kulot. Bagay lalo sa medyo maikli ko ng
buhok.

Kinakabahan ako. Ano bang magiging reaksiyon ko kapag nakita ko si Nathan?


Yayakapin? Hahalikan? Aisst basta! Magkikita na kami. I can't wait to tell him that
I really missed him. Ang lungkot ng araw ko kapag wala siya. Nasaan na kaya si
Nathan? Di naman niya ako iinjanin hindi ba. Nangako siya. Darating siya alam ko.
Ano ba kasing pinagkakaabalahan niya? Kainis girlfriend ako pero wala akong alam sa
kanya.

"Sis una na ako ha? Dun lang ako sa mga classmates ko."

"Kuuu kunyari ka pa nakita mo lang yung date mo ee." I told yah close na kami ni
Lindsay. Akalain mo yun? Si John Matias pala yung lalaking kahalikan niya noon kaya
nagbreak sila ni Nathan? Iisa sila nung John Matias na akala kong nagligtas sakin
nung nabugbog ako.

"Aww. Sky ang sexy mo! Tutulo laway ng asawa mo hehe. Teka nasaan na ba yung date
mo?"

"I know right? Ewan ko ba hindi na nga ako sinundo tapos wala pa din ata dito
hanggang ngayon." Shit heto na naman yung kaba. I held my chest. Bakit ba
kimakabahan ako? Bakit kaya? Wala naman sigurong masamang nangyari.

"Baka on the way na. Saan ba kasi nagsusuot ang Nathan mo? Tss."

"Hayaan mo na Jane. Teka nasaan si Donna?"

"Sky hindi mo talaga nakilala si Donna?"

"Huh??" Tapos nginuso sakin kung nasaan si Donna. "Si Donna???" Sabay turo ko sa
isang girl na pinapalibutan ng mga lalaki. Maganda naman talaga si Donna pero
siopao, talbog ang beauty ko! Ang ganda niya talaga

"Ahuh?"

Ina-announced na kung sino ang Prom King and Queen pero wala pa ring Nathan na
dumarating. Are you breaking your promise? I can't help not to cry.

"Okay ka lang Sky? Baka naman my dahilan kaya hindi siya nakarating?"

"Okay lang ako Jane ano ka ba? Baka nga busy siya. Pero sana man lang di ba?
Tinawagan niya ako." Jane hugged me at lalo akong napaiyak. Pero tinupad ko yung
sinabi niya. Kahit madaming nagyayaya sa aking makipagsayaw? Lahat tinanggihan ko.
Nagbutas ako ng bangko para sa kanya.

Natapos ang program at si Donna ang tinanghal na Prom Queen. She deserves it.
Sobrang ganda niya talaga. I congratulate her at umupo na ulit. Dissapointed man
dahil hindi nakarating si Nathan inintindi ko nalang. Aalis na sana ako ng biglang
iannounced sa speaker na pinapupunta ako sa office ni Lola Agueda. Dali-dali akong
tumakbo kahit naka-heels pa ako. My heart was beating to fast. Bakit? Anong
nangyari? Is it about Nathan?

"Lola bakit po?" My heart races nung makita kong umiiyak si Lola Agueda.

"Sky, we need to go to the hospital!" halatang hirap na hirap na siyang huminga.

"Ba--bakit po?"

"Si Nathan." Huh? Si Nathan? Hospital? Shit!! Kaya ba ako laging kinakabahan? May
nangyaring masama kay Nathan?

"Lola anong nangyari sa kanya? Naaksidente ba siya?" Matagal bago sumagot si Lola
kaya naman inulit ko ulit. "Lola Agueda anong nangyari!!"

"He's dying." He's dying. No. Nananaginip lang ako. Hahaha. This is a prank? Nasaan
si Nathan? I know lalabas siya diyan at pagtatawanan ako. Pero walang Nathan na
lumabas.
Tulala pa rin ako.

He's dying...

He's dying...

He's dying...

No!! Hindi ito totoo. Nangako kami sa harap ng altar! Magpapakasal pa kami. Anong
mamamatay? Gusto kong magwala! Umiyak! Pero bakit wala akong lakas para gawin lahat
ng yon? Para akong nawalan ng kaluluwa.

He's dying. Si Nathan? Yung Kissing Monster ko? Bakit hindi ko alam?

Bakit nilihim niya ito? May sakit ba siya? Aist bakit hindi ako makapagsalita para
itanong lahat kay Lola? Gising Sky! Kaya ba nawala siya ng one week? Ano bang
nangyayari. Frank ba ito? Dahil sa sobrang pagkabigla at takot nawalan ako ng
malay, huli ko ng natandaang napahiyaw si Lola Agueda.

TO BE CONTINUED...

Chapter Thirty Seven: Wake-up Nathan.

Nagising ako sa isang puting kwarto. Suot ko pa rin itong gown ko meaning hindi
panaginip ang lahat? Nakita ko si Daddy na papasok sa room kaya bumangon agad ako.
"Daddy, nasaan ako??"

"Anak kumalma ka muna."

"No! Sabi ni Lola Agueda we need to go to the hospital! Si Nathan-- Daddy si


Nathan!" Si Nathan-- Hindi ko na naman mapigilan ang sakit at maging ang mga luha
kong walang humpay sa pagpatak.

"Anak lakasan mo ang loob mo."

"Dad gusto kong makita si Nathan please. Puntahan natin siya. Gusto ko siyang
makita. Hindi pa din ako naniniwala sa sinasabi ni Lola Agueda. Paanong mangyayari
sa mamamatay si Nathan? Dad-- this is not true right? Nagsisinungaling sila. Nathan
promise me na darating siya sa Prom pero-- Dad hindi ko kaya-- Nathan is my life
daddy. Mahal na mahal ko siya."

"Nandyan lang siya sa kabilang kwarto Sky. Nandito ka sa ospital dahil nawalan ka
ng malay. Nandito ka sa ospital kung saan naka-confine si Nathan." Hinugot ko yung
dextrose na nakakabit sakin at mabilis na tinakbo ang katabing kwarto ko. Pinigilan
ako ni Daddy pero hindi ko siya pinansin. Nakita ko si Tita Cathalina na sumenyas
sakin antayin ako sa labas. I saw Nathan-- my knees were shaking. Hindi ako
makapaniwala. Si Nathan. Totoo nga? Nathan is sick pero wala akong alam! Bakit
hindi niya pinaalam! He's so unfair! I missed him at umas akong darating siya pero
heto siya. Nakahiga at parang lantang gulay. I'm so stupid! Bakit hindi ko nahalata
na may sakit soya? Kaya ba nagpaalam siya last week na aalis para magpaconfine
dito? All this time he suffers pero wala ako sa tabi niya! Puro kapakanan ko ang
iniisip niya, pero ako? Anong ginawa ko para sa kanya. But dammit wala akong alam.
Kung alam ko lang sana ay inalagaan ko siya! Sila Lola at Tita Cathalina. Bakit
hindi nila sinabi? Bakit inilihim nila. Shit. Sumasakit ang ulo at dibdib ko sa
lahat ng nangyayari. Ngayon pa lang kami nagiging masaya babawiin agad?

"Sky." Nung lumabas si Tita Cathalina niyakap ko siya agad. Nanghihina akong makita
si Nathan sa ganong sitwasyon! Sanay ako sa Nathan na mayabang at presko! Sa Nathan
na isang Kissing Monster! Sa Nathan na walang ibang ginawa kung hindi inisin at
mahalin ako. Na isipin ang kapakanan ko.

"Tita-- Bakit? Paanong si Nathan. Bakit hindi niyo sa akin sinabi? Nakakainis naman
po ee. Gagaling pa siya Tita hindi ba?" Feeling ko in a minute magbebreak down na
naman ako. I can't accept this. Hindi ko kayang mawala si Nathan sa akin.

"Magusap muna tayo hija. Si Nathanayaw ka niyang makitang nasasaktan kaya pakiusap
huwag mong ipakita sa kanyang umiiyak ka. Na nasasaktan ka. Hangga't maaari gusto
ka niyang makitang nakangiti. Mahal na ma--hal ka ng an---anak ko." Nung nabasag
yung boses ni Tita-- niyakap ko siya ng mahigpit. Kung masakit para sakin ano pa
kaya para sa kanya? "Sky, nung time na nagrebelde ka, nung oras na sinabi mong
patay na si Sky at binago mo ang iyong sarili-- noon namin nalaman na may
karamdaman si Nathan. Alam niya ang tungkol dito kaya ginawa niya ang lahat para
protektahan ka. Ginawa niya ang lahat para bumalik ka sa dati. Dahil ayaw niya na
maging patapon ang buhay mo. Ipinilit kong unahin muna niya ang pagpapagamot pero
matigas ang ulo niya. Bago ang kanyang sarili ay ikaw muna ang iniisip niya.
Nagalit pa ako sak kanya pero ganun ka talaga niya kamahal." Shit! Bakit Nathan?
Bakit ikaw pa! Puro kapakanan ko ang iniisip mo pero ikaw pala itong kailangan ako!
I sob. Ang sakit. Bakit hindi ko man lang napansin? Ang tanga ko. Nakakainis.
Naiinis ako sa sarili ko! "My heart desease si Nathan at wala ng paraan para
malunasan ito. Hindi na rin siya pwedeng operahan. Pwedeng mapahaba pa ang buhay
niya sa tulong ng mga gamot at ilang treatments pero, walang kasiguraduhan ang
lahat." Sa sinabi ni Tita halos malaglag ang balikat ko. Nanlambot akong bigla.
Parang tinakasan ako ng lakas. Hindi ko maabsorb ang lahat. Heart desease?
Napakabata pa ni Nathan to suffer that kind of disease. Lord. Bakit naman si Nathan
pa? Bakit asawa ko pa. "This fast few weeks, napansin naming nahihirapan na siyang
huminga at namumutla na rin siya. Iniinom naman niya ang gamot niya pero yung
kinatatakutan namin ay unti-unti ng nangyayari. Nawawalan siya ng malay tuwing
nahihirapan siyang huminga. Kaya nagpaalam sna iya sayo na mawawala for one week
dahil gusto niyang kahit papaano ay humaba pa ang buhay niya pero hindi na kinaya
ng katawan niya na tuparin ang pangako niyang umattend sa Prom niyo. Nagpumilit
siyang pumunta kaya nawalan siya ng malay at hanggang ngayon hindi pa siya
nagigising." Nathan-- Ang Kissing Monster ko-- I cried so hard. Ang sakit.
"Patawarin mo sana si Nathan kung bakit hindi niya ito sinabi sayo, hindi sa wala
siyang tiwala sayo pero natatakot lang siya sa magiging reaksyon mo. Kagagaling mo
lang sa matinding problema kaya ginawa niya ang lahat para maging masaya ka. Ganun
ka kamahal ng anak ko Sky. I'm proud of him despite ng katigasan ng ulo niya. Kung
pumayag lang siya noon na magpaopera-- sana, sana hindi humantong sa ganito ang
lagay niya." Patuloy lang ang pag-agos ng mga luha ko. Hindi naman ako galit kay
Nathan ee, sa sarili ko mismo ako nagagalit! Wala akong kwenta. Dahil sa akin
maaring mamatay ang taong pinakamamahal ko. "Patawarin mo rin sana kami kung ngayon
lang namin ito sinabi. Hanggat maaari kasi gusto ni Nathan na huwag mo ng malaman
at itago nalang sayo ang totoo. Ayaw na niyang makaranas ka ng sakit, nawala na ang
mommy mo, iniwan ko noon ng daddy mo, tapos pati siya-- baka i-wan niya na in
tayo."

"Pero hindi ba niya naisip na mas gusto kong damayan siya sa ganitong pagkakataon?
Ang unffair naman Tita. Ginawa niya ang lahat para sakin tapos ako? Wala akong
nagawang kahit na ano para sa kanya! Then the last thing I knew his dying because
of that fucking heart desease?"

"I understand Hija. But you can't blame him. Sobrang mahal ka ni Nathan."

"Tita-- lalaban siya. Alam kong makakaya niya. Nangako siya sa akin. Magtatapos
siya ng pagaaral at magpapakasal kami. Tita alam kong lalaban si Nathan. Matapang
siya. Hindi siya madaling sumuko."

"Sabi ng doctor niya-- kailangan nating maging handa dahil anytime-- anytime pwede
na siyang kunin sa atin." Parang biglang tumigil ang pagtibok ng puso ko sa sinabi
ni Tita. Si Nathan mawawala? Iiwan ako? No! Nangako kami ee. Pakakasalan niya pa
ako pag dating ng tamang oras!

Bakit naman pati yung pangako naming kamatayan lang ang makapaghihiwalay sa amin ay
tinupad niya? Damn. Hindi ako makakapagayag. Pero heto siya at nakikipaglaban kay
kamatayan. Ito ba ang parusa sa pagiging masama ko ng maging si Blue ako!? Hindi ko
alam kung gaano ako katagal umiiyak habang yakap ni Tita Cathalina, nakita kong
papalapit sa amin si Daddy kasama si Lindsay at si Lola Agueda na halatang galing
sa pagiyak.
Niyakap nila ako at sinabing puntahan ko na si Nathan.

Habang palapit ako sa kanya kahit anong pilit kong pigilin ang mga luha ko ay wala
akong nagawa. Hirap na rin akong huminga dahil sa hikbing pinipigil ko. Hinawakan
ko yung namumutla niyang kamay. Napansin kong pumayat din siya but still he's the
most handsome kissing monster I met.

"Nathan naman ee,ang daya-daya mo! H-hindi mo na nga tinupad yung promise mo nung
prom tapos ayan ka tinutulugan ako." Para akong tangang umiiyak habang nakangiti,
ayaw niya daw akong makitang malungkot! Kaya heto ako nakangiti kahit para na akong
pinapatay sa ayos niya. "Kapag hindi ka gumising dyan wala ka ng kiss sa akin.
Bahala ka! Kahit sino hahalikan ko nalang kapag hindi ka gumising! Nathan wake-up!
Mahal na mahal kita! Please naman lumaban ka. Lakasan mo yung loob mo para sakin.
Sabi mo pakakasalan mo pa ako para maibigay yung buhay na nararapat sakin? Sabi mo
poprotektahan mo ako! Paano mo gagawin lahat ng yon ku--ng naka-hi-ga ka dyan!?"
Shinashake ko na yung kamay niya habang sinasabi ang mga yan pero para siyang
anghel lang na natutulog. "Di ba asawa mo ako? Gagawa pa tayo ng basketball team
kahit Soccer team kung gusto mo. Just please wake-up. Gumising ka diyan! Hindi ako
sanay na mukha kang anghel! Nasaan yung Nathan na mayabang? Yung astig? Yung Nathan
na antipatiko, yung Nathan na basagulero? At yung Nathan na addict sa mga labi ko?"
Para akong nagtime travel, naalala ko lahat ng nangyari sa amin. Simula nung first
kiss namin, yung mga kissing namin sa mall, sa school. Nung nililigawan niya ako
hanggang sa tulungan niya akong magbago at bumalik sa pagiging ako. Bakit ganon?
Masaya na kami di ba? Bakit kailangang si Nathan pa! Kung pwede ko lang ilipat
lahat ng sakit na nararamdaman niya sakin, ginawa ko na. "Nathan miss na kita!
Pleases gumising ka na. Mi--ss n--a miss na kita!" Hindi ko namalayang nakatulog
akong hawak ang kamay niya.

Nagising akong may humahaplos ng buhok ko. "Nathan???" Si nathan gising na at


nakangiti sakin. Bigla ko siyang niyakap. "Oh my ghaad. Nathan gising ka na!"
Umiiyak na naman ako. Kahit hirap sa pagsasalita, naintindihan ko yung sinabi niya.

"So---so--rry."

TO BE CONTINUED...

Chapter Thirty Eight: Last wish.

"So---so--rry."

"Nathan thank God gising ka na! Wait tatawag ako ng doctor." Pero piniga niya ng
mahina ang kamay ko at umiling. Shit don't cry Nathan! Sabi mo gusto mong makita
akong masaya?! Paano akong ngingiti kung ganyan ka?

"Shhhh-- Nathan please huwag kang umiyak."

"So--sorr--y." Paulit-ulit niyang sinasabi yan habang umiiyak. Shit, kahit anong
pigil kong humikbi wala na akong magawa.

"Nathan ang unffair mo naman ee, bakit ikaw? Nung kailangan ko ng tulong nandyan
ka, pero ikaw? Nung kailangan mo ako, inilihim mo ito sakin. Bakit kapag mag k-
asama ta--yo, masigla ka! Masaya! Mayabang! Maangas! Mapangasar! Kissing Monster
kita hindi ba? Paano mo na akong hahalikan niyan? Miss na miss kita Nathan! Bakit
hindi mo pinagtapat ito sakin? All this time akala ko okay ka." He smiled at me
weakly. It really breaks my heart into pieces seeing him like this. "Bakit mo ito
inilihim? Sabi mo one week kang mawawala tapos pinagantay mo ako sa prom! Nagbutas
ako ng bangko alam mo.ba yun?! Tapos malalaman ko, nandito ka at any minute--"
Hindi ko na kaya! Kung mamamatay lang din si Nathan. Mas mainam na mamatay nalang
din ako. "Bakit mo naman tinupad yung vows natin sa simbahan? Sabi natin kamatayan
lang ang makapaghihiwalay satin! Tapos heto ka! Nakikipaglaban kay Kamatayan! Gusto
mo na ba talaga akong iwan? Please Nathan huwag mo akong iiwan hindi ko kaya."

"So--rry, Sk--y. Sorr--y." Iyak lang ako ng iyak. Nakita kong nahihirapan siyang
huminga kaya tinawag ko na yung doctor. God! Please not now! Wag muna ngayon! Hindi
ko pa kaya! Ayoko pa siyang mawala.

"Doc kamusta ang anak ko?" Kinakabahan ako sa sagot ng doktor kaya nanahimik lang
ako.

"I'm sorry pero mas mainam sigurong iuwi niyo na siya para makasama niyo siya
hanggat kaya pa niya. I don't think tatagal pa siya." Bwisit! Anong karapatan
niyang taningan si Nathan!

"Sino ka para sabihin ang mga yan? Diyos ka ba? Ikaw ba si kamatayan kaya alam mo
kung kailan siya mawawala? Sabihin mo! Sumagot ka!"

"Sky tama na, huminahon ka."

"Tita? Huminahon!? Paano? That f*cking doctor said na maaaring hindi na magtagal si
Nathan!! Hindi yun pwede! Sabi niya magtatapos pa siya ng pagaaral! Aantayin pa
niya ang araw na pwede na akong maging Mrs. Wright! Tapos ano?" Alam kong mali na
sisihin ko ang doktor pero ang sakit! Tapos ipamumukha pa niya? Wala siyang
karapatan para sabihin lahat ng ito. "Kaya narito si Nathan ay para gumaling hindi
para mamatay! Anong klaseng ospital ba ito? Sa halip na bigyan niyo kami ng
pagasa-- lalo niyo pa kaming tinatakot. Dammit! F*ck!" Nakita kong paparating sila
Donna at Jane kaya lalo akong nagwala. Gusto kong magsumbong! Gusto kong isiping
panaginip lang ito. Pero hindi. Totoo ang lahat. Nathan was dying at wala akong
magawa.

"Sky please. Huminahon ka!" sabi sakin ni Jane. Huminahon? Sa ganitong pangyayari?

"Kaibigan ba kayo ni Sky? Pwede bang pakalmahin niyo muna siya?" hinging pabor ni
Tita Cathalina. Nung makalayo kami sa room ni Nathan.

"Ikaw Donna? Alam mo rin ba ito?? Alam mo ba ang tungkol sa karamdaman ni Nathan??
Close kayo di ba? Naglihim ka din ba sakin?"

"Sky, kahit ako hindi ko alam, sorry Sky. Please. Magpakatatag ka. Para kay
Nathan." Niyakap nila ako ni Jane pero parang manhid na ang katawan ko.

After ayusin ang mga bills at mga iba pang kailangan-- Kinabukasan inuwi na namin
si Nathan. Nakiusap ako kay Daddy na sa bahay muna nila Tita Cathalina ako tumira
at pinayagan naman nila ako ni Lindsay. Nagstop na rin muna ako sa pagaaral para
matutukan si Nathan. Awang-awa sila sakin pero hindi. Gagawin ko ang lahat para
mabuhay si Nathan. Gusto kong ako mismo ang magalaga sa kanya. Gusto kong makasama
siya sa lahat ng pagkakataon. Ayokong pagsisihan na hindi ko naiparamdam sa kanya
na mahal na mahal ko siya!

Lumipas ang mga araw at medyo lumakas na si Nathan. Nakakapagsalita na siya ng


maayos at nakakatayo na rin kahit paano.

"Sky? Pwede ba tayong lumabas? Mall tayo? Please." Kahit pumayat at pumutla na ang
balat niya, bakit ang gwapo pa rin niya.

"Nathan mapapagod ka hindi pwede." Hindi kasi siya pwedeng mapagod, sabi kasi ng
doktor isang atake pa ng paninikip ng dibdib niya, baka hindi na niya kayanin. Kaya
ginagawa ko ang lahat para maging maayos siya.

I blushed when he kissed me.

"Sige na." Kainis. Wala na kiniss na ako pero bawal kasi talaga ee.

"Nathan naman ee, huwag mo akong daanin sa kiss mo. Hindi talaga pwede." Pero
kainis hinalikan na naman ako. He kissed me and I love it! Namiss ko talaga itong
kissing monster na ito! I respond to his kisses. Walang duda mahal na mahal kita
Nathan! Hindi ko maisip na isang araw hindi ko na mararanasan ang mga halik na ito.
Hindi ko kakayanin kung mawawala ka sa akin. Naramdaman kong basa yung pisngi ko at
hinarap ko siya. Dammit he's crying. I cupped his face and wipe the tears from
falling. "Nathan naman ee,bakit ka umiiyak Shh-- stop crying makakasama yan sayo."
Bawal kasi siyang umiyak at sumama ang loob. Bawal sa kanyang mastressed kaya
hanggat maari kailangan niyang maging masaya palagi.

"Sk--y, salamat ah? Hindi mo ako sinusukuan kahit na alam kong nahihirapan ka na.
Pero please kung sakali mang mawala ako, ipagpatuloy mo ang buhay mo. Magtapos ka
ng pag-aaral. Selfish ba ako kung hihilingin kong ako lang? Mahal na mahal kita ee.
Hindi ko ata kayang makita ka sa itaas na may kayakap na iba." Umiling ako habang
nagsisimula na ring umiyak.

"I dont think na makakahanap pa ako ng isang tulad mo. Nag-iisa lang ang kissing
monster ko. Ikaw lang Nathan. Ikaw lang. Ikaw lang Mr. Nathan Wright. Ikaw ang
lahat ng first ko at pinapangako kong ikaw na rin ang last. Isa pa kasal na tayo
hindi ba? Hindi ko ipagpapalit ang asawa ko kahit kanino. Mabubuhay ka pa ng
matagal Nathan. Magkakasama pa tayo ng matagal. Ikakasal pa tayo. Magkakababy. Kaya
magpalakas ka." I cupped his face and kissed him. Ipinaramdam ko sa kanya lahat ng
pagmamahal ko. Selfish nga ba ang hiling niya? I don't think so. Kahit naman kasi
hindi niya hilingin yon ay yon ang gagawin ko. Siya lang ang mamahalin ko hanggang
kamatayan.

"Marry me Sky?"

"Serious? Pero wala pa tayo sa legal age?"

"Kahit na. Wedding ceremony lang naman, kahit hindi legal?"

"Pagiisipan ko." I grin at him. Inaasar ko lang naman siya. Nakita kong nalungkot
yung mukha niya. "Pssh hindi mabiro, hindi pa naman tapos yung sinasabi ee.
Pagiisipan ko kako yung motif!" Bigkang lumiwanag yung mukha niya at parang batang
biglang nakakita ng candy! Bipolar pa din siya hanggang ngayon. He's still Nathan.

"Thank you Sky, hindi ko kasi alam kung hanggang kailan pa ako, gusto kong tuparin
yung pangako ko sayo na magiging Mrs.Wright ka. Pero hindi ko na ata kasi
mahihintay yung right time. Hindi ko man matupad na matapos ang pag-aaral ko,
makakasal naman tayo. Parang last wish na rin ito." I bit my lower lip. Nakakainis
inis siya. Last wish niya mukha niya. Magtatagal pa siya. Para siyang tanga! Parang
naghuhuling habilin! Para namang namamaalam na siya sakin!

"NAATTTHHAAAAN!!!" Sinadya kong lakasan ang boses ko dahil anytime feeling ko


maglulupasay na ako.

"F*ck, ang sakit sa tenga bakit ba humihiyaw ka!" I cried so hard. I sob. Namiss ko
yung paghiyaw niya. Namiss ko yung Nathan na una kong nakilala.

"Please huwag kang magsasalita ulit ng ganun! Feeling k--o ka--s--i nagpapaa--lam
ka na. Nakakainis ka naman ee. Pinapaiyak mo ako." He gave me tiny little kisses on
my nose. Sa noo ko. Sa pisngi ko--

"Sky kailangang maging handa ka sa mga mangyayari, hindi ko na hawak ang buhay ko.
Nagpapasalamat ako na ikaw ang minahal ko ng ganito. You're my one great love. Pero
ipangako mo ha? Magmo-move on ka! Gaya ng sinabi ko, magtapos ka ng pag-aaral. At
sana ako lang. Wala ng iba. Huwag matigas ang ulo! At please kung mawawala man ako,
huwag ka na ulit magiging si Blue. Dahil lahat ng hahalikan mong lalaki? Mumultuhin
ko na papatayin ko pa!" Sa halip na matawa ako sa biro niya ay lalo lang akong
napaiyak. Feeling ko kasi iiwan niya na ako.

"Nathan nakakainis ka. Please naman huwag mo muna akong iiwan. Hindi ko pa kaya.
Hindi ko kaya! Sasabihin ko naman sayo kapag tanggap ko na ee. Pero hanggat kaya mo
pa-- Lumaban ka para sakin. Huwag mo muna akong iiwan." Naramdaman kong naninikip
na naman ang paghinga niya kaya inaya ko muna siya sa loob at pinainom ng gamot.
Lumaban ka Nathan. Huwag kang susuko. Hindi ko kakayanin.

TO BE CONTINUED...

Chapter Thirty Nine: Wedding Day.

Tinakda ang kasal namin ni Nathan sa loob lamang ng dalawang linggo. And two days
from now na yun. Natatakot kasi si Nathan na baka daw isang araw mawala na siya.
Napansin ko ding napapadalas yung paninikip ng dibdib niya at pati na ang
pagkawalan niya ng malay. Pero lagi ng naroon ako para alalayan siya at damayan
siya sa mga paghihirap niya. Kahit gusto ko ng umatungal ng pagiyak hindi ko magawa
dahil gusto kong ipakita sa kanya na matapang ako. Natatakot ako pero nilalakasan
ko ang loob ko. Pero alam kong hindi pa. Pagbibigyan naman siguro ako ng Diyos.

Hindi naman kami nahirapang mapapayag ang pamilya niya at si Daddy. Pinaliwanag
naming mabuti sa kanila na hindi naman legal yung magiging kasal dahil wala pa kami
sa sapat na edad. Ceremony lang talaga para matupad ni Nathan yung promise niya
sakin. Sino bang makakatanggi sa parang last wish niya? Hindi man legal ang kasal
namin pero sa puso ko two days from now ako na si Sky Blue Fonacier Wright.

WEDDING DAY.

Garden Wedding. Dito lang ginanap sa garden nila Tita Cathalina ang kasal namin.
Para daw kung sakaling sumpungin si Nathan ng sakit niya ay mabilis na maagapan
dahil nandito sa bahay lahat ng kailangan niya. Habang pababa ako ng hagdan.

"This is it anak ready ka na ba?" Si daddy talaga teary eyed pa pati tuloy ako
nahahawa.

"Dad, kadiri ka *sniff* laki-laki mong tao umiiyak ka."

"Kahit kasi hindi legal itong kasal niyo ni Nathan, feeling ko magaasawa ka na
talaga. Tingnan mo nga oh? Anak napakaganda mo." Sa papel lang naman talaga kasi
hindi legal ang kasal na ito dahil sa mata ng Diyos at sa puso namin kami ni Nathan
ay nakatali na panghabangbuhay.

Si Nathan din ang pumili ng wedding gown ko. The rest pinaubaya na niya sa mommy
niya at sa daddy niya. Kung titingnan kahit garden wedding ang kasal namin ay
halatang engrande. Nasunod ang hiling ni Nathan na ibigay sakin ang kasal na
nararapat pero kung ako ang tatanungin? Okay lang naman kahit simple ang mahalaga
ay sa kanya ako ikakasal.

Maid of honor si Lindsay. Best man naman si John Matias. Abay din sila Donna at
Jane.

Nagsimula na yung ceremony at pinatugtug na yung piano.

A THOUSAND YEARS 🎼🎶

Parang ang bilis lahat ng pangyayari. Kung iisipin mo kelan lang talaga kami
nagkakilala, kailan lang nangyari yung kissing scene namin sa corridor ng Maniego.
Parang kailan lang nung mabugbog ako dahil sa kanya. Nung ligawan niya ako. Nung
maging si Blue ako at makipagbreak sa kanya. Nung magkabalikan kami tapos heto kami
ngayon kinakasal na.

Akala ko noon hanggang silay lang ako tuwing break time. But dreams do come true.
Ikakasal na ako sa ultimate crush ko. I'm so happy. Hindi ko maiwasang hindi umiyak
habang inihahatid ako ni Daddy papunta sa altar kung saan siya naghihintay. Pero
labis akong naiyak nung makita kong pati siya ay nagpapahid ng luha. Napansin kong
umiiyak na rin ang Mommy at Daddy ni Nathan. Pati si Lola Agueda ay mapula na din
ang mga mata. Maging sila Donna at Jane ay umiiyak na din. Muli kong itinutok ang
mga mata ko kay Nathan. Malapit na ako sa kanya. Konting hakbang na lang at nasa
tabi ko na siya. Hindi ko maialis yung mga mata ko sa kanya. Siya na ata ang
pinakagwapong groom na nakita ko. Kahit pumayat na siya at nanlalalim na rin ang
ilalim ng mga mata niya-- walang dudang gwapo pa rin siya. Siya si Nathan Wright.
My Kissing Monster. Ang pinakasikat na bas boy na nakilala ko. He's all my first
and definitely my last.

Inilahad niya ang kamay niya para abutin ang mga kamay ko. I smiled and give my
hand to him na agad naman niyang ikinawit sa braso niya. He wipe my tears from
falling. "Ang ganda naman ng magiging asawa ko." bulong niya sakin. I blushed.
Kahit kailan talaga lakas magpakilig nito.

"Ang gwapo naman ng asawa ko." Napangiti lang siya pero bakit ganun parang
kinabahan ako sa ngiti niya?

"Nathan do you take Sky to be your lawful wife, to have and to hold, from this day
forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health,
until death do you part?"

"I do." Nakangiti lang ako sa kanya the whole time at patuloy ang pagtulo ng luha
ko. Masyado na akong masaya. Hindi ko na kaya pang mawala itong sayang nararamdaman
ko. At hindi ko na rin yata kaya pag nawala pa siya sakin.

"Sky, do you take Nathan to be you lawful husband, to have and to hold, from this
day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in
health, until death do you part?"

"...I do" Nakita kong lumuluha na rin siya kaya nginitian ko siya at binulungan ng
I love you.

"By the power vested in me. I now pronounced you husband and wife. You may now kiss
the bride."

Happiness filled me. I am now Mrs. Wright. Nagpalakpakan ang mga bisita at nakita
kong lahat sila ay lumuluha. Ano ba yan? Napuno ng luha itong kasal namin.

"I love you Sky, salamat. Thank you for marrying me." Hindi ko maintindihan yung
pakiramdam ko. Bakit ganun? Ang bigat sa pakiramdam. Pakiramdam ko, may mangyayari
hindi maganda? Ito na naman yung kabog ng dibdib ko. Ganitong-ganito nung one week
nawala si Nathan at nalaman kong may sakit siya.

"Nathan, I love you too. Thank you for coming into my life. I promise that I will
be the best wife ever." I kissed him at nagpalakpakan yung mga tao. I stop and
smiled at him. Naramdaman ko na namang may kung anong nararamdaman itong si Nathan.
"Nathan are you okay?" Tumango lang siya at hinapit ako sa bewang habang nakasandal
ang ulo niya sa balikat ko. Pero may mali ee alam kong sumasakit na naman ang
dibdib niya ayaw niya lang ipahalata dahil kasal namin ngayon.

"I love you Sky. Mahal kita. Mahal na mahal kita asawa ko. Finally you're my wife.
I love you." He whispered into my ears. Hindi ko na naman mapigilan ang luha ko.

"I love you too Nathan. I promise ikaw lang. Saranghae, Je'taime, mahal kita."

TO BE CONTINUED...
Chapter Forty: I love you Goodbye.

Masaya ang lahat. Congrats. Congratulations. Lahat bumati sa amin. Niyakap ako ni
Donna at Jane. Pare-pareho kaming umiiyak.

"Sky congrats ha? Akalain mo yun kasal ka na sa crush mo. Hindi ka na mahihirapang
sumilay tuwing break time dahil asawa mo na siya!" Umiiyak na sabi sakin ni Jane.

"Sky. Kahit tutol ako nung una sa inyo, alam mo naman hindi ba? Ang yabang kaya ni
Nathan dati! Tapos basagulero! Masungit! Antipatiko! Pero alam mo namang labs kita.
Bff tayo ee kaya inaalala lang kita. Sana maging masaya kayo, kah--it na--"
Napangiti nalang ako. Alam ko namang concern lang sila sakin.

"Sshh okay lang yan. Malakas si Nathan hindi niya pa ako iiwan. Gagawa pa kami ng
soccer team!" Pagbibiro ko pero ang totoo natatakot talaga ako. Nilapitan din kami
ni Lindsay.

"Sis, sorry ah? Alam kong pinatawad mo na ako sa mga kabaliwan ko pero sorry talaga
sa lahat, congrats! Alagaan mo yang ex ko!" Ito talagang si Lindsay. I hugged her
too.

"Naman asawa ko na ex mo ee haha."

"Asawa ko panik na tayo sa kwarto natin?" Medyo nagalala ako sa boses ni Nathan
parang tumamlay. Parang nanghihina?

"Ah sige, pagod ka na siguro. Saglit lang at magpapaalam lang ako sa mga bisita at
sa mga parents natin." Pero pinigilan niya ako.

"Hu--huwag na, tara na."

"Pero baka hanapin nila tayo?"

"Ple--leasse?" Pumayag na rin ako. Paakyat na kami sa kwarto niya ng bigla niya
akong halikan sa pisngi. Ni hindi ko naramdaman yung mga labi niya dahil parang
hindi naman talaga umabot sa pisngi ko.

"Sky? Yung promise mo huhm?"

"Alin don? Yung ikaw lang?"

"No. Na ipagpapatuloy mo yung buhay mo, magtatapos ka ng pag-aaral ikaw nalang ang
tumupad ng pangarap kong makapagtapos ng pagaaral." Parang tumigil sa pagtibok ang
puso ko. My heart was beating to fast. Sobrang hindi ako makahinga.

"Nathan ano ka ba? Kakakasal lang natin kung ano-ano pinagsasasabi mo? Tara na sa
kwarto. I'm sure pagod ka na." Nakakainis ka naman Nathan ee. Kasal natin ito pero
pinpaiyak mo ako. Bakit ganyan ka magsalita? Parang iiwan mo na ako. Biglang
lumungkot yung mukha niya. Inaalalayan ko siya sa kama. Niyakap niya ako ng
mahigpit.

"Sk--y. Mahal kita, kahit wala na ako, tumingin ka lang sa langit, isa ako sa mga
stars na--- na nagba--bantay sayo." Ramdam kong nahihirapan na siyang huminga.

"Nathan ano bang sinasabi mo! Matagal ka pang mabubuhay! Nakakainis ka naman ee."
"Hindi ba sabi ko sayo maging handa ka sa mga posibilidad? Hindi ko na hawak ang
buhay ko, at napapagod na rin ako." No! Hindi ko pa kaya! Lord hindi pa ako handa!
Hindi ba sabi ko naman sasabihin ko kapag kaya ko na? Huwag naman ngayon. Kasal
natin ngayon ee.

"Nathan? Hindi mo na ba kaya? Lumaban ka pa please. Para sa akin. Sige ka! Mamimiss
mo yung kiss ko. Nathan--" I hold his hand and kiss him. Nakita kong ngumiti siya
pero matamlay na.

"Sky patawad. Patawari--n mo ako.. Mahal na mahal kita.. pwede ba--ng ganito lang
tayo,magpapahi--nga lang ako.." Ramdam kong nahihirapan na siyang huminga kaya
niyakap ko rin siya ng mahigpit.

"Nathan huwag kang matutulog!"

Naramdaman kong tumango siya. Lord please. Huwag naman ngayon. Hindi ko kakayanin.
Alam kong pagod na siya pero konting sandali pa. Gusto ko pa siyang makasama.

"Sky mahal mo ba ako?"

"Ano bang tanong yan? Mahal kita kahit noong mayabang ka pa, mahal kita kahit bad
boy ka! Mahal kita kahit lagi mo akong inaasar! Mahal kita kahit masungit ka. Mahal
kita kahit payatot ka na. Kahit maputla ka na! Mahal kita dahil ikaw si Nathan
Wright ang KISSING MONSTER ko. Masaya ako dahil nakasama kita kahit papaano. Kahit
kaunting panahon lang tayo nagkasama masaya ako, I love you. I love you! Mahal na
mahal kita Nathan kaya please lumaban ka pa." Naramdaman kong basa yung balikat
ko,umiiyak siya at hinigpitan ang yakap sakin. "Hintayin mo ako. Kahit anong
mangyari hintayin mo ako, Nathan! Kahit matagal hintayin mo ako." Kumalas siya sa
pagkakayakap sakin at tiningnan ako sa mga mata.

"Aantayin kita Sky, kahit matagal hihintayin kita. Sky ka--hit ano--ng mang--y-ari
ako lang ha? Ako lang? Asa--wa na kita kaya ako lang ha?" Then he kissed me. Pero
hindi gaya ng dati, parang wala na siyang lakas. I bit my lips. Hindi ko kaya.
Without him my life would suck! Paano na ako kapag iniwan niya?

"Promise, ikaw lang Nathan."

"Pwede na ba akong magpahinga?" Nathan naman ee. Huwag naman ngayon.

"Pwede bang mamaya nalang? Ten minutes?"

"Hi--hindi ko na kasi talaga kay--a pagod na ak--o." Ito na ba talaga? Ayokong


makita niyang umiiyak ako,xkaya sinandal ko yung ulo niya sa balikat ko habang
tahimik na umiiyak.

Nathan...

Nathan...

Nathan...

Puro yan ang sinasabi ko sa isip ko habang kagat ko ang labi ko.

"I love you Sky... Mahal--kita." Then biglang bumigat yung ulo niya at bumitaw sa
pagkakakawit sa bewang ko ang braso niya.

NO!!!!!!!
"Nathan! Mahal din kita! Mahal na mahal kita, hintayin mo ako! Please hintayin mo
ako!" Tuloy-tuloy parin yung pagtulo ng mga luha ko. Hindi ko alam kung gaano
katagal akong iiyak habang buhay pa ako. Hindi ko alam kung paano pa akong
mabubuhay ngayong iniwan mo na ako.

�?===�?

A/N:

T.T

Epilogue na po ang kasunod :-(

Support me pls...

•clangCutie�?

EPILOGUE

Five years later...

Habang nakatingin sa kalangitan.

"Nasaan ka kaya dyan Nathan? Sabi mo tumingin lang ako sa langit at isa ka sa mga
stars na yan?? Pero bakit hindi kita makita? Binabantayan mo ba ako ngayon?"

Bakit ganun? Limang taon na ang nakalipas pero parang kahapon pa rin. Nathan masaya
ka ba dyan? Nakita mo ba si mommy? Magkasama ba kayo? Hindi ko na naman mapigilan
ang mga luha ko. Habang buhay na ata akong iiyak sa pagkawala mo.

"Miss na miss na kita asawa ko, bakit kasi hindi pwedeng magkasama tayo? Iniintay
mo ba ako? Huwag kang mambababae dyan! Hintayin mo ako."

Para akong tangang nagsasalitang mag-isa habang nakatingin sa langit.

"Sa makalawa na ang fifth death anniversarry mo. Pati na rin ang wedding
anniversarry natin. Hintayin mo ako ha?" Simula kasi ng mamatay si Nathan ngayon
palang ako aattend sa memorial niya. Ewan ko, takot lang ako sa katotohanang wala
na siya. Ni hindi ako umattend sa libing niya dahil baka hindi ko mapigilan ang
sarili ko at tumalon sa hukay kasama niya. Ilang gabi akong walang tigil sa
pagiyak. Para akong buhay na zombie.

Kinakamusta naman ako ng pamilya ni Nathan pero ewan ko ba? Ayokong makakita ng mga
nagpapaalala sakin about kay Nathan lalo lang kasi akong nasasaktan. Isang buwan
matapos mailibing ni Nathan ay lumipad ako papuntang America upang dito na
ipagpatuloy ang pagaaral ko. Nawalan ako ng balita kila Donna at Jane. Ang tanging
nakakausap ko ay si Daddy at Lindsay.

Miss na talaga kita Nathan. Miss ko na lahat sayo! Miss ko na ang kissing monster
ko.

HINDI ko naramdaman masyado yung inip habang nasa eroplano ako dahil masyadong
malalim ung iniisip ko. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko once na
makita ko na ang himlayan ni Nathan. Narinig ko na maglalanding na kami at kelangan
na naming isuot ang seatbelt.

Welcome back to me Philippines!

Naglakad ako papalabas ng airport ng salubungin agad ako ni Daddy at ni Lindsay.


Pero hindi lang pala sila ang sumalubong sakin. Si Donna at Jane kasama rin. Hindi
ko na naman mapigilan ang mga luha ko ng yakapin nila ako.

"Sky, ang daya mo! Matapos mong umalis hindi mo na kami kinontak!" umiiyak sa sabi
sakin ni Jane.

"Oo nga pero naiintindihan ka namin.." Si Donna.

Wala akong maisagot dahil totoo naman. Tinakbuhan ko ang sakit ng pagkawala ni
Nathan. Habang nasa byahe ay napag-alaman kong licenced nurse na si Jane,
samantalang si Donna ay siya ng namamahala sa kompanya nila. Good for them. Si
Lindsay na rin pala ang namamahal sa mga kompanya ni Daddy. Wala ng imik habang sa
biyahe.

ST. JOHN MEMORIAL.

Nakita ko palang yung pangalan ng cemetery ay napaluha na naman ako. Ramdam kong
umiiyak na rin sila Donna, marahil naaawa sila sakin.

Nakita ko sila Tita Cathalina at Si Lola Agueda. Ang daddy naman ni Nathan na si
Tito Jayson ay tahimik lang na nakamasid. My knees were shaking. Ramdam kong any
minute ay bibigay na ako.

Nakita ko rin ang ilang mga miyembro ng fans club ni Nathan noon sa Maniego. I
smiled weakly. Hanggang ngayon may fans ka pa rin asawa ko. Ang gwapo mo talaga.

Nakita ko yung picture ni Nathan.

Masaya siyang nakngiti.

I miss you My kissing Monster! Miss mo na rin ba ako?

Bumibigat na naman yung pakiramdam koc,feeling ko dinurog na naman ng paulit-ulit


ang puso ko.

Sinubukan kong maging masaya dahil yun ang gusto mo, pero para paring may malaking
kulang sa pagkatao ko dahil hindi kita kasama.

Napaluhod ako habang nanginginig na yung mga kamay ko.

Hinawakan ko yung himlayan niya. Hindi ko na napigilan pa ang mga luha ko.
Humagulgol na ako sa sobrang sakit.

"Limang taon na Nathan! Limang taon na rin ang nakalipas simula nung iwan mo ako.
Happy Anniversarry asawa ko. Limang taon na tayong kasal! Limang taon na tayo---
Hindi ko alam kung paano ko natiis na mabuhay ng wala ka. Minsan gusto ko na lang
sumuko.
Minsan naisip ko ng sundan ka para matigil na yung sakit, pero dahil sa may pangako
ako sayo heto ako at lumalaban." I hugged her tomb. "Graduate na ako gaya ng gusto
mo,cnakaya kong mabuhay kahit wala ka sa tabi ko kahit bawat araw ay bangungot para
sakin. Hindi ba gusto mo ikaw lang? Sabi mo ikaw lang! Nangako akong ikaw lang, at
hanggang ngayon ikaw pa rin." Umiiyak-- tumatawa-- para akong tangang nakaluhod
habang yakap ang himlayan niya. They are sobbing too.
"Ang galing ko di ba? Nakita mo ba kung paano ko bastedin lahat ng nanliligaw sakin
sa America?"
Hindi ko maiwasang hindi mapangiti kahit na umiiyak ako sa sakit. "Miss na kita
Nathan! Bakit mo kasi ako iniwan agad! Bakit ang bilis mo akong iniwan! Sorry, so--
rry dahil hindi kita inihatid nung nilibing ka! Sorry dahil ngayon lang kita
nadalaw, kasi baka kapag nakita kita hindi ko matupad yung promise ko sayo at
sundan na
Hihintayin mo ako di ba? Nangako ka! Hinhintayin mo ako! Mahal na mahal kita. I
love you Nathan."

Ilang beses kong sinasabing mahal ko siya sa harap ng puntod niya habang nakaluhod
ako at yakap siya.

"Sky tama na yan umupo ka muna sabi ni Daddy." hawak ni Lindsay ang balikat ko.
Nung tingnan ko ang bawat naririto ay umiiyak na silang lahat.

"Okay lang ako Lindsay pakisabi kay Daddy magiging okay din ako."

Pero hindi, kahit kailan hindi na ako magiging okay.

Alas tres na ng hapon ng magsimulang magsi-alisan ang mga tao.

Niyakap nila ako isa-isa.

Nilapitan ako nung in-laws ko, nagyakapan kami tapos may ini-abot sakin si Tita
Cathalina. Isang sulat?

"Mommy Cathy ano po ito?" Kinabahan ako, alam kong kay Nathan galing ito.

"Sky, anak. Nakita namin yan last year nung maglinis kami sa kwarto ni Nathan.
Nakapangalan yan sa iyo. Don't worry hindi namin yan binasa dahil alam kong para
sayo yan."

"Pero bakit ngayon niyo lang po sinabi?"

"Ayaw mo kasi kaming harapin noon, naiintindihan ka naman namin dahil naaalala mo
si Nathan sa amin at nasasaktan ka kaya naman nung sinabi ng daddy mo na finally ay
uuwi ka ay naisip ko na itong iabot sayo." Oo nga pala, ako ang lumayo sa kanila..

"Sorry po mommy, sige po mauuna na ako, babasahin ko lang po itong sulat ni Nathan.

Sky,

Alam kong kapag binasa mo ito ay wala na ako. Sinulat ko ito habang may lakas pa
ako. Alam mo ba? Mahal na mahal kita.

Mahal din kita Nathan. Hanggang ngayon hindi nabawasan yun.

Sorry dahil nilihim ko sayo ang sakit ko. Ayoko lang kasing masaktan ka pa. Naisip
ko sobra-sobra na yung mga pangyayari sa buhay mo. Alam ko namang tutuparin mo ang
pangako mo sakin. Ako lang hindi ba? Alam kong tutuparin mo na makapagtapos ka ng
pag-aaral. Ang patuloy na mabuhay.

Tinupad ko Nathan, tinupad ko.

Pero Sky. Selfish ba ako ng hiniling ko na ako lang? Na wala ka ng ibang mamahalin
kung hindi ako lang? Masama ba ako para hilingin yun?

Hindi ko mapigilang hindi mapahikbi, hindi Nathan kahit hindi mo hilingin yun ang
gagawin ko dahil ikaw lang.
Kahit kasi ata sa kabilang-buhay hindi ko kakayaning may ibang may magmamay-ari sa
puso mo.

Biglang kumabog ang puso ko sa sumunod kong nabasa.

Selfish din ba ako kung hihilingin kong samahan mo na ako dito? Ang lungkot kasi
kapag hindi kita kasama. Sorry kung selfish ako, pero hindi ba pwede??

Nathan. So all this time matagal mo na pala akong inaantay?

Nathan. Bakit ngayon ko lang ito nabasa? Bakit kasi ngayon ang ako umuwi.

Hindi ka selfish. Hintayin mo ako Nathan. Pease hintayin mo ako.

Agad kong kinuha yung susi ng kotse ko. Habang nagmamaneho ay malalim ang iniisip
ko. Lord, hindi naman masama ang gagawin ko hindi ba? Matagal ko pong tiniis yung
sakit. Limang taon akong nagtiis, nasaktan at umiyak. Ngayong alam kong hinihintay
niya ako, matagal na pala niya akong hinihintay. Siguro naman pwede na akong maging
masaya.

Kinuha ko yung cellphone ko at idinial ang number ni Daddy.

"Anak? Bakit? Narinig kong pinaandar mo yung sasakyan."

Sorry Daddy. Sorry.

"Daddy. I love you, say I love you kay Lindsay, pati sa pamilya ni Nathan. Kila
Jane at Donna. Please Dad, kahit anong mangyari, ginawa ko ito dahil dito ako
sasaya---

"Anak ano bang----

"Sorry, sorry dahil hindi ko na talaga kayang mabuhay ng wala siya.."

Nakita kong may paparating na Ten wheeler truck.

BEEEEEEEP!!!!!

BEEEEEEEEEEEEPPPPP!!!!!!

Kinabig ko ang kotse at sumalpok ako deretso sa unahan nito. Narinig ko pa ang
pagtawag ni Daddy sa linya.

Sorry daddy.

Hintayin mo ako Nathan..

Malapit na tayong magkita..

Napagdesisyunan ko na..

Hindi na kita hahayaan pang mag-isa at malungkot diyan..

Hindi ko na hahayaan na magkahiwalay pa tayo..

Huwag mong sisihin ang sarili mo. Wala kang kasalan na hilingin mong makasama mo
ako.
Kagustuhan ko lahat ng gagawin ko ngayon, ayoko ng masaktan..

Diyan tayo kung saan pwede tayong bumuo ng pamilya.

Konting oras na lang.

Magkikita na tayo..

My kissing Monster...

T H E E N D . . .

A/N : pakibasa po :)))

Hi READERS.... :))))

Thank you so much sa mga nagbasa,sa support! Sa votes and comment!!

Sana kahit mala titanic o romeo and juliet ang ending ng My Kissing Monster ay
nagustuhan niyo pa rin..

Lahat naman ng story ay hindi natin alam kung paano magwawakas di ba??

Ang kay Sky at Nathan nga lang ay mas pinili nilang magsama hanggang sa kabilang
buhay..

Thank you..

Maraming salamat..

Support niyo pa din ang ibang stories ko ah??

Pati na yung mga stories na gagawin ko pa!!!

Im so touch po sa mga comments and messages niyo sakin about dito sa "My Kissing
Monster" :)

I know hindi ako ganun kagaling..

Almost 2 months palang ako dito sa wattpad world pero ang hot ng pagtanggap niyo sa
mga stories ko.. Thank you.. thank you.

Nakakatuwa kasi may nagsasabing, sana mai-published tong story ko na ito.. Ang
totoo pangarap ko rin yun pero alam ko namang medyo malayo pang mangyari yun,
napakaraming magagaling na writters ee.. Pero totoo, Hmmm grabe para kong maiiyak,
di ko akalain na may magsasabi sakin ng ganun,.. Ang sarap sa feeling.. :)) So
thank you so much talaga..

Sa mga naghahanap ng book 2.. Hmmm pinagiisipan ko pa po.. Gusto ko kasi matapos
muna yung mga pending stories ko.. Pero dont worry sa dami ng nagrerequest baka
sakali :))) Baka lang ah? Di pa sure..

Sa mga nagagalit sakin, kasi bakit ko daw pinatay si Nathan At Sky.. Waaah!!! Wag
po kayo magalit sakin huhu. Yun po kasi ang need sa story.. So pls. understand po..
Sa mga bumaha ang luha, sa mga matang nagsi-pula kaiiyak, sa mga nagpuyat dahil
hindi mapakali kung ano ang mangyayari sa ending, isang malaking-malaking thank
you.. Sobrang thank you sa mga comments niyo.. Super saya ko tuwing magbabasa ko ng
mga comments, di po ako snob.. Binabasa at nagrereply po ako sa mga comments :))

***

Sa mga Silent Readers ko. :))

Thank you din, pero find time to vote or comment po sana :)) hmmm balato niyo na
sakin hehe.. :))

So ayun po, gusto ko lang talagang mag-THANK YOU!!!!

I love you all KISSERS!!!

Sa mga nagmahal kila Nathan at Sky, thank you.. thank you talaga :))

May book two po 😘😍


Dahil sa dami ng umiyak at nagrequest ng book two? Meron na hahaha 😊 Sana ay
support niyo din po. "Life without Him" ang title.

Pakisearch nalang po sa works ko 😁


Thank you. Eto po ang book cover
👇👇👇👇👇

�?

So ayun..

Bayiiiiiii ^_^v

THIS STORY IS ORIGINALLY MADE BY: CLANGCUTIE

You might also like