You are on page 1of 8

I Hate Math or I Love Math?

(Part 1)

Chapter 1 – Love Letter.

Lia Mendoza's POV

Two years, two years na akong may gusto sa kanya, pero sa loob ng two years na 'yun hindi 'ko
man lang nasabi sa kanya na gusto 'ko siya.. Hindj ako nag e-exist sa mundo niya.

*FLASHBACK*

March 27, 2019

Recognition day namin noong araw na 'yun nakita 'ko siya sa stage na nag sasalita ng speech
niya dahil siya ang Valedictorian sa klase nila, sobrang talino kasi niya kaya ang damin nag
kakagusto sa kanya dito sa school namin na Saint Micheal's Academy, hindi lang siya natalino
kundi sobrang gwapo niya din! Half Korean kasi siya.

Habang nag sasalita siua sa stage ay feeling 'ko ay biglang nawala ang lahat ng taong nandon at
kaming dalawa lang, napatulala ako sa kagwapuhan niya habang nag sasalita, love at first
sight... Ayun ba ang tawag don? Oo, 'yun ang nangyari sa'kin noong araw na 'yun..

Pagkatapos niyang mag salita sa harap ay nagpalakpakan ang mga tao kaya naman pumalakpak
na din ako habang nakangiting nakatingin sa kanyan, siya naman ay seryosong naglakad
papunta sa upuan niya. Ang totoo niyan hindi 'ko pa siya nakikitang ngumingiti parati siyabg
seryoso at walang emosyon, nakikita 'kong madaming babae ang naghahabol sa kanya ang iba
ay nag bibigay pa ng mga mamahaling bagay at mga love letters pero lahat ng 'yun ay wala man
lang siyang tibatanggap kahit isa. Ang sabi niya kasi noon ay 'Hindi ako interesado sa mga tao.'

Parang ang laki naman ng galit niya sa mga tao..


Nung araw na 'yun ay balak 'ko sanang mag congrats sa kanya pero pinigilan ako ng kaibigan 'ko
na si Grace..

"Hindi ka niya mapapansin Lia masyado siyang famous ano kaba, tara na.." Sabi niya.

Kaya naman malungkot akong naglakad palabas ng pintuan pero bago kami makalabas ay
humarap ulit ako sa lalaking gusto 'ko at laking gulat 'ko ng magtama ang paningin namin!
Napatulala ako sa kanya, feeling 'ko nag slow motion ang paligid..

dug. dug. dug. dug (tibok ng puso 'yan hehe)

Dadaan siya sa harap 'ko! Habang nag lalakad siya ay nakalagay ang dalawa niyang kamay sa
bulsa niya, ang gwapo niya..

Nang nasa harap 'ko na siya ay huminto siya sa harap 'ko at walang emosyon na nakatingin
sa'kin, ako naman ay parabg tanga na napatulala sa kanya, hindi 'ko magalaw ang buong
katawan 'ko, totoo ba 'to? Ang lapit 'ko sa kanya. Napasampal ako sa sarili 'ko dahil baka
nananaginip lang ako o nag iimagine pero masakit eh.

Nakita 'ko na naman na medyo napangiti siya pero as in sobrang konting ngiti lang! Pero
napansin 'ko pa din 'yung totoo ba 'to? Napangiti siya?! OMG ang puso 'ko sasabog na ata!

"Excuse me.." Walang ganang sabi niya sa'kin, nag taka naman ako.

"Who's that ugly girl? Bakit ba paharang harang siya sa dadaan ni Math myloves?!" Sabi nun
maarteng babae.
OMG! Bakit ngayon 'ko lang na realize na nasa gitna pala ako ng pintuan at nakaharang nga
ako! Jusko po! Kainin na sana ako ng lupa ngayon pleaseee! Nataranta naman akong umalis
bigla don, kaya naman nag lakad na si Math na parang walang nangyari, na parang hangin lang
ako sa kanya waahh nakakahiya talaga.. Napatakip nalang ako ng mukha sa sobrang hiya dahil
nakatingin sa'kin ng masama 'yung mga fangirls ni Math at 'yung iba naman ay nagbubulungan
pa pero dinig 'ko pa din!

'Papansin kay Math!'

'Parang tanga siya omg HAHAHA'

'Gusto lang niya na mapansin siya ni Math!'

Oo, gusto 'kong mapansin ako ni Math pero hindi sa ganito..

*END OF FLASHBACK*

Oo siya si Math Del Rosario.

Hate 'ko ang subkect na math dahil wala talaga akong maintindihan don pero dahil ang
pangalan ni Math ay math (subject) kapag subject na namin ang math ay bigla nalang akong
napapangiti kapag nababangit ni ma'am Lorna ang salitang 'math' dahil naiimagine 'ko ang
mukha ni Math kaya madalas ay napapagalitan ako ni ma'am at minsan nababato pa ng chalk
dahil lutang ako haha! Ang totoo niyan sobrang hina 'ko talaga sa subject na math minsan nga
himala nalang na maka line of 8 ako sa card lalo na sa math eh kadalasan kasi puro itak este
palakol ang grades 'ko doon, nagpaturo na ako sa kabigan 'kong si Grace Duran pero wala talaga
eh, mukhang kailangan 'kong bumalik ng grade 1, nasa lower section ako dito sa school namin
actually puro mayayaman at matatalino din ang nag-aaral dito, nakapasok lang ako dito dahil
kaibigan ni papa ang may ari ng school na ito.
Hindi naman kasi kami ganon kayaman eh, si papa ay manager sa isang restaurant, wala na
'kong mama dahil namatay siya noon 9 years old ako. Nag bakasyon kami noon sa Nueva Ecija
nag swimming kami sa dagat at nalunod si mama, iyak ako ng iyak no'n, alam niyo ba ang
ginawa 'ko? Syempre hindi niyo pa alam kaya nga eto ikiikwento 'ko. Kumuha ako ng malalaking
bato at pinaghahagis 'ko sa dagat dahil galot na galit ako sa dagat no'n. Nakakaiyak ba? Oh eto
tissue kainin niyo hehe joke. Pero sa totoo lang sobrang sakit mawalan ng mahal sa buhay lalo
na at nanay mo pa..

Pero sa ngayon ayoko munang umiyak dahil gusto 'ko maging masaya. 4th year highschool na
ako ngayon konting tiis nalang ay ga-graduate na 'ko, matutulungan 'ko na si papa sa mini
restaurant niya. Sana nga maka graduate.

*Lunch break*

Nandito kami ni Grace ngayon sa cafeteria, si Grace ay kaibigan 'ko simula pa noong Grade 6
kami, matalino si Grace kaya naman classmate niya si Math sa section 1, naiingit nga ako eh
haha, kaya ang goals 'ko ngayon ay mag-aral ng mabuti baka sakaling maiipat ako sa section one
at maging kaklase si crush hehe pero napaka imposible no'n.

Habang kumakain ako ay nagsusulat ako sa papel 'ko ng 'Love letter', oh diba ang harot haha
sabi 'ko mag-aral ako pero tignan niyo gumagawa ako ng Love letter para kay Math, huwag niyo
'kong tutularan. Naka ilang ulit na nga ako eh dahil feeling 'ko ang ko-korini ng mga
pinagsusulat 'ko dito.

"Hoy Lia, ano ba 'yang pinagkakaabalahan mo ha? Masyado kang busy diyan." Sabi ni Grace
habang binubuksan ang tubigan niya.

"Ah nako wala 'to, nililista 'ko lang 'yung mga utang 'ko sa tindahan ni Aling Puring."
pagsisinungaling 'ko.
Buti nalang ay naniwala siya hehe galing 'ko, diba?

Pagkatapos namin kumain ay nag paalam muna ako sa kanga na mauuna muna ako, at ngayon
nandito ako sa hagdan para lagyan ng design 'yung love letter na ginawa 'ko.

"Oy! Ano 'yan ha?"

"Ay pesteng kalabaw!" Gulat na sigaw 'ko kaya naman nabitawan 'ko 'yung letter pero agad 'ko
naman itong dinampot at inilagay 'ko sa bulsa 'ko, pagkatapos ay tumingin ako don sa nang
gulat sa'kin.

Si Nathan lang pala, boybestfriend 'ko since Grade 8.

"Mukha ba akong kalabaw? Ha Lia?!" Sabi niya habang naka ngisi.

"Bakit kaba kasi nang gugulat?!" Inis na sabi 'ko sa kanya dahilan para tumabi siya sa'kin at
umupo din

“Wala lang trip ‘ko lang tumambay dito, dahil tahimik.” Pagkasabi ‘ko no’n ay tumayo ako,
hindi talaga ako sanay sa mga matato.

“Para don ba ‘yan kay Math?” Biglang tanong niya at tumayo na din.

“P-pano mo nalaman?” Medyo nahihiyang tanong ‘ko kaya napahawak ako sa batok ‘ko.
“Love letter? Uso paba ‘yan ngayon? HAHAHA bakit hindi mo nalang siya i-add sa Facebook at
ichat mo.” Medyo natatawang tanong niya sa’kin.

Oo nga ‘no pwede din naman ‘yun kasi hindi naman ako ia-accept no’n eh, famous din kaya siya
sa Facebook.

“Tsk, bahala na Nathan.” Sabi ‘ko sabay napa buntong hininga ako.

Hays kelan ba ‘ko mapapansin ng crush ‘ko?

“Palabas na ‘yun, ibigay mo na ‘yan.” Nakangiting sabi niya at tinapik tapik pa ang balikat ‘ko.
Pinagmasdan ‘ko naman siya habang nag lalakad siya palayo, naalala ‘ko nung grade 8 kami
umamin siya sa’kin na may gusto daw siya sa’kin pero binawi niya din kinabukasan dahil nakita
niya si Grace, siguro nagandahan siya kay Grace maganda naman kasi talaga ‘yun maputi, sexy,
matalino pa! Jackpot! Samantalang ako? Eto hindi katangkaran, hindi kagandahan, hindi
palaayos, hindi din ako sexy san kappa? Edi kay Lia kana, malas mo.

Nandito na ‘ko ngayon sa gate dahil hinihintay ‘kong lumabas si Math napatingin ako sa hawak
‘kong letter.

Kasi naman eh bakit ba ganito sinulat ‘ko? Kelan pa ako naging corny? Aish!

“Dear Math Del Rosario ♡

Hindi mo ako kilala pero ikaw alam ‘ko lahat ng tungkol sa’yo, pati nga size ng brief moa lam ‘ko
na. Hindi biro lang haha ‘wag k asana magalit. Matagal na kitang gusto two years na kaya
naman hindi ‘ko na mapigilan sabihin kaya eto nag sulat na ‘ko at sana mabasa mo, Math ayos
lang sa’kin kahit hindi mo masuklian ‘yung pagkakagusto ‘ko sa’yo, ayos lang kahit may iba kang
magustuhan, basta sana payagan mo ‘kong tignan ka kahit sa malayo man lang. Ako nga pala si
Lia Mendoza nasa lower section ako pero alam mob a ikaw ang inspirasyon ‘ko sa pag-aaral, ang
talino mo kasi! ‘Yun din ang nagustuhan ‘ko sa’yo kaya thank you kasi nakilala kita.

Nagmamahal, Lia Mendoza 0927*******

Textmate sana tayo, hehe joke lang.”

Nahihiya talaga ako kaya naman tatalikod na sana ako pero nahagip nan g mga mata ‘ko si
Math! Seryosong naglalakad na akala mo walang mga babaeng naghahabol sa paligid niya.
Nakakahiya naman kung sasali ako sa mga fangirls niya.

Tatalikod na sana talaga ulit ako kaso parang sumisigaw ‘yung utak ‘ko at sinasabing ibigay mo
na ‘yan! Kaya naman napapikit ako at pagdilat ‘ko ay malapit na siya sa gate! OMG palabas na
siya ng gate! Kaya naman napatakbo ako ng mabilis at pumunta sa harapan niya.

Jusko Lia keribels mo ‘yan! Bahala na si Batman!

“U-uhm Math, p-para sa’yo ‘to!” Sabay abot sa kanya nung letter, napayuko ako dahi sa
sobrang hiya.

Abutin mo na PLEASEE!!

Nasa paligid pala naming ‘yung mga fangirls niya! Kaya napatingin ako sa paligid at ayon wow
feeling ‘ko pwede na ‘ko kainin ng lupa dahil sa kahihiyan na ‘to.

And sama ng tingin nila sa’kin mga besh! Problem aba nila?! Sila din naman ah!

“I am not interested” Biglang sabi ni Math kaya naman napatingin ako sa kanya, pagkatapos
niyang sabihin no’n nilampasan niya lang ako kaya ang ending?
Naiwan ako don na tulala, hindi ‘ko magalaw ang katawan ‘ko shet nakakahiya, ano ba ‘tong
pinaggagawa ‘ko sa buhay? Mag bibigti na ba ako? Marami pa ‘kong pangarap isa na don si
Math.

Nung nahimasmasan ako ay napatingin ako sa mga fangirls niya habang kagat ang lower lip ‘ko
feeling ‘ko maiiyak ako sa kahihiyan.

“Akala mo siguro papansinin ka ni Math?! How stupid! Mag-aral kana lang muna!” Sigaw ni
Kylene, ‘yung babaeng may gusto din kay Math at classmate din ni Math.

Nagtawanan ‘yung mga estudyante sa sinabi niya kaya naman napatakbo ako sa labas ng gate
at naiyak. Wow napaiyakin ‘ko talaga!

Sana kasi inabot nalang ni Math eh, bakit bag anon siya? Huhuhu.

I Hate Math or I Love Math?

You might also like