You are on page 1of 236

Prologue

Prologue:
Sinisigaw ng PUSO ko ang labis na pagmamahal sayo,
Yung mga labi kong sinanay mo sa mga halik mo,
Yung buong katawan ko na binulabog mo,
Yung pagkatao ko na niyanig mo,
Hindi ko alam kung anong meron ka,
Ang hirap mong iwasan,
Pero wala naman akong karapatan kasi,
Pumayag ako sa sitwasyon na ganito,
Walang commitment.
Walang usapan,
Basta sa tabi mo lang kung kailangan,
Sarili ko lang.
All of ME.
At ikaw lang din naman ang gusto ko..
All of ME.
ALL OF MARK ETHAN.
_casper_

Chapter 1
Nagising ako sa pagdantay ng kamay nya sa dibdib ko. Ang mainit na sensasyon na
muling binubuhay ng mga daliri nya, wala ba syang kapaguran? Halos magdamag na
halos hindi kami nagpahinga.
Naramdaman ko ang pagkulong ng mga daliri nya sa pinakatutok ng dibdib ko. Hindi ko
alam kung alam ba nya na gising na ako o gusto nya lang talagang gumising ako?
Marahan nya ako hinarap sa kanya, hindi ko alam kung magpapanggap ba ako na tulog o
magpaubaya na ulit sa init na binibigay nya. Muli kong naramdaman ang mga labi nya
sa leeg ko, pababa sa dibdib ko. Muli syang nagsawa sa parteng iyon ng katawan ko
habang ang isang kamay nya ay tinatahak ang isang bahagi ng katawan ko kung saan
medyo masakit pa kasi halos wala nga kaming pahinga kagabi.
"Mark.."
Impit na ungol ko. Hindi ko na napigilan yun dahil sa paglilikot ng daliri nya sa
ibabang bahagi ng katawan ko. Pinantay nya ang mukha nya sa akin para siguro makita
ang reaksyon ko sa ginagawa ng mga daliri nya. Hinalikan nya ako sa labi ko at
katulad lang ng laging nangyayari lagi ko din naman yung tinutugon ng kasing alab
ng ginagawa nya. Parang automatic na lang kasi, parang nasanay na ang katawan ko.
Hinawakan nya ang kamay ko at ipinahawak nya yung sa kanya. Shet. Kahit matagal ko
ng nagagawa yun, everytime na gagawin ko hindi pa din maiwasan na magulat ako. At
hanggang ngayon hindi ko lubos maisip na nagkasya yun sa akin. Hindi ko alam na
pwede palang ibigay sa isang tao lahat, Gwapo,Matalino. Mayaman at ang Magandang
pangangatawan. Kaya kahit wala kaming usapan sa kung ano ako sa buhay nya. Ang
swerte ko pa din kasi madaming babae ang nagkakandarapa sa kanya.
Umupo ako para magawa ko ng maayos at gusto nyang gawin ko. Sa pagbangon ko din
naalis ang mga daliri nya sa ibabang bahagi ng katawan ko. Hindi na din sya kumilos
pa, pagkakataon ko naman para mapaligaya sya. Hindi ko alam kung sa ilang taon na
ginagawa namin to, kung natuto na ba talaga ako?
Hinawakan ko ng dalawang kamay ko ang bahaging yun ng kanyang katawan, ang bahagi
ng katawan nya ata na walang kapaguran, ni hindi man lang mababakasan na halos
magdamag na nagtrabaho. Ibinaba ko ang mukha ko sa bahaging yun, sinakop ng bibig
ko ang matikas na bagay na yun. Maingat kong binaba ang bibig ko, naramdaman ko ang
paghawak nya sa buhok na parang inaalalayan ako sa pagbaba at pagtaas na ginagawa
ko. Nung una kong ginawa to halos mabilaukan ako, at tinawanan nya lang ako,
nakakahiya. Pero kagaya ng laging nangyayari hindi umaabot sa puntong sa bibig ko
lalabas ang dapat nyang ilabas. Pinapatigil nya ako at mabilis syang ibabaw sa
akin. Mabilis na pagkilos ang gagawin nya hanggang sa puro pangalan nya na lang ang
maririnig sa kwarto nya. Tas yayakap sya sa akin pagkatapos.
"huwag ka ng umuwi."
Dati pag ganyan ang sinasabi nya. Laging pautos. Yung tipong wala akong choice.
Pero ngayon, parang may pakiusap na. Mahalaga na ba ako sayo Mark Ethan?
"parang ang layo naman ng uuwian ko. dyan lang ako sa kabila"
Oo. Magkatabi kami ng unit. Pinilit nya na lumipat sa tabi ng unit ko. Nung mabili
nya ako as a SLAVE sa ACQUIANTANCE PARTY namin nung 3rd year college ako. At dahil
senior nga namin sya. At dahil sa sobrang laki ng inilabas nyang pera para maging
slave nya ako wala ng nagawa yung mukhang manyakis na fourth year para bawiin pa
ako kay Mark Ethan. Pero hindi nga ako sa mukhang manyak napunta. Parang ganun na
din naman ang nangyari. Yun nga lang GWAPO sya at choosy pa ba ako? eh kaya nga
Mechanical Engineering ang course ko eh crush ko na sya simula pa lang. Kaya ang
dali dali ko lang ibigay ang sarili ko sa kanya, kahit sa halos tatlong taon na
ganito ang sitwasyon namin, wala syang sinasabi na gusto nya ako. Ni hindi kami nag
uusap ng ibang bagay. Ang kagandahan lang, walang ibang babaeng involved. Wala na
akong nabalitaang girlfriend nya simula nung pumasok ako sa buhay nya. Kaya
masisisi nyo ba ako na hindi umasa?
"wala naman akong susi ng unit mo. kaya malayo ka pa din sa akin kung uuwi ka."
Sumiksik na lang ako sa dibdib nya. Fifth year college na ako. Si Mark naman after
mag Top sa Board Exam Last year ay mataas na ang position sa kompanya nila. At
sigurado ako na madaming babae na lumalapit sa kanya. Kaya hindi ko alam kung bakit
hanggang ngayon hindi pa din nya ako pinapakawalan?
Pero gusto ko nga bang kumawala?
_casper_

Chapter 2
Paano nga ba kami nagsimula? Paano humantong sa sitwasyon na parang SEX SLAVE nya
ako. Oo parang lang. Kasi malaya pa din naman ako. Hindi din naman nya ako
sinasaktan o pinapahirapan. Nung araw na naging Master ko sya. Lahat ng slave
lalapit sa mga Master nila. Hiyang hiya talagaa ako nung time na yun. Kasi yung
ultimate crush ko ang nakabili sa akin. Two months nya akong magiging slave. Two
months ko syang makakasama. Paglapit ko sa kanya noon, hindi ko alam kung paano ko
ba sya iimikan. Nagtatalo yung kaba at kilig na ewan.
"Kuya Mar..."
"Master. Call me Master"
Nakakatakot yung pagkaseryoso ng mukha nya nung time na yun. Pero hindi din
napigilan ang pagbilis ng tibok ng puso ko nung marinig ko ang boses nya. Parang
kung anong bumalot sa pagkatao ko. Ganun pala ang epekto na yunh lalaking
tinitingnan mo lang sa malayo dati ay kaharap mo na. Na kinakausap mo na.
"sorry Master"
Inabot nya ang gamit nya sa akin. So magsisimula agad pala ang pagiging slave ko.
Ni hindi ko pwedeng paghandaan. Kasi agad agad magiging sunod sunuran nya ako.
Nakatungo lang ako habang sumusunod sa kanya sa parking lot. Ang alam ko first
slave nya ako kasi last time daw wala naman syang binili. Kaya hindi ko alam kung
ano ba ang binabalak nya? O dahil isa ako sa matatalino sa batch namin kaya ganyan
sya? Wala naman akong balak na ungusan sya o kalabanin sya. Anong laban ko sa THE
GREAT MARK ETHAN.
"sakay"
Hindi ko namalayan na nasa tapat na kami ng sasakyan nya. Kinuha nya ang gamit nya
sa akin, ako naman ay walang magawa kundi sundin sya. Bakit kasi ang seryoso nya?
Bakit ang gwapo nya? Ang hirap ng sitwasyon ko. Yung gusto ko syang tingnan lang
pero nakakailang kasi hindi man lang sya ngumingiti.
"Saan ka nakatira?"
"ihahatid nyo ako Master?"
"Para alam ko kung saan kita pwedeng puntahan agad pag kailangan kita"
Nang makarating kami sa unit ko. Seryoso pa di sya. Ewan hindi na din siguro ako
aasa na ngumiti sya.
"Mag isa ka lang?"
"Yes. Master."
Nung buksan ko ang pinto. Nagdadalawang isip pa ako kung papasukin ko sya dahil
wala akong pinapapasok na lalaki sa condo unit ko pero nauna pa syang pumasok sa
akin. Nang maisara ko ang pinto ay bigla bigla nya lang ako isinandal dun at
nilapit nya ang mukha nya sa mukha ko. Shet. ang gwapo.
"Slave kita. Kahit anong iutos ko gagawin mo"
"Yes Master"
Napapikit na lang ako. Bakit sa tagal kong humahabolnsa kanya dati hindi ko nalaman
na ganito ang ugali nya? Nabulag nga lang ba akonng kagwapuhan at katalinuhan nya?
"Good. Then Kiss Me"
"Po?!!!"
Napamulagat talaga ako. Eh kasi yung utos nya. Hindi sa ayaw kong gawin. Pero hindi
ko pa nararanasan sa buong buhay ko ang pinagagawa nya.
"Ayaw mo?"
Natakot ako bigla sa pagkunot ng noo nya. Bakit ganito ba ang epekto nya. Huminga
ako ng malalim. Sobrang kinakabahan talaga ako. Paano nga ba? Inilapit ko ang mga
labi ko sa labi nya. At habang papalapit yun feeling ko mahihimatay ako ng wala sa
oras sa sobrang kaba. Nung maramdaman ko na lumapit na ang labi ko sa mainit nyang
labi. Agad akong lumayo. At hindi ko alam kung bakit ganun ang reaction nya? Parang
nagtataka na ewan.
"Yun na kiss para sayo?"
"sorry"
Napatungo na lang ako. Ewan nakakaiyak. Parang kasalanan na ba ngayon na hindi
marunong humalik? Nakakabawas ba ng ganda at talino yun? Naramdaman ko ang mga
kamay nya sa leeg ko. Kaya naman wala akong nagawa kundi ang tingnan sya. At
nagulat ako sa ginawa nya. Hinalikan nya ako. Hindj katulad ng ginawa ko kanina na
inilapat ko lang. Sa kanya halos mapatid ang hininga ko sa ginagawa ng labi nya.
Naramdaman ko ang kamay nya sa ibabaw ng dibdib ko kaya sobrang nagulat ako. Kaya
nagawa nya lalong sakupin ang labi ko. Naipasok nya ang dila nya sa loob ng bibig
ko. Nagawa kong sundan ang galaw ng labi nya. Kaya hindi ko alam kung gaano nga ba
katagal magkalapat ang mga yun. Hindi ko din halos namalayan ng buksan nya ang
blouse ko. Nagulat na lang ako na balat na mismo ng dibdib ko ang nahahawakan nya.
"Mark.."
Banggit ko nung iwanan nya ang mga labi ko. Ngayon ay leeg ko naman ang hinahalikan
nya. Hindi ko alam kung saan ba nanggagaling yung init na nararamdaman ko? Galing
ba sa mga labi nya?
"Master.."
Pagtutuwid nya. Bakit ko nga ba nakakalimutan yun? Na kaya nga pala nangyayari kung
ano man ang nangyayari ngayon ay dahil SLAVE nya ako.
"MASTER!"
Sinong hindi mapapasigaw? Nung sakupin ng mga labi nya ang ibabaw ng dibdib ko.
Hindi lang ata first kiss ang balak nyang kunin sa akin ngayong araw na to. Palipat
lipat ang mga labi nya sa dibdib ko. Hindi ko naman sya magawang pigilan kasi hindi
ko alam pero habang tumatagal nagugustuhan ko na din kung anong ginagawa nya.
Binuhat nya ako sa may sofa. Umupo sya at kinalong nya ako.
"Kiss Me"
Hindi katulad kanina na inilapat ko lang yung labi ko. Ginawa ko yung kung paano
nya ako hinalikan kanina. Nung ilayo ko ang mukha ko sa kanya. Nakatingin lang sya
sa akin.
"walang ibang lalaking pwedeng lumapit sayo. Walang kang ibang lalaking lalapitan.
Ako lang."
"Yes master"
Isinara nya yung blouse ko. At niyakap nya ako. Akala ko kung saan na kami
makakarating. Buti ligtas pa ako. Kinuha nya ang cellphone nya at binigay sa akin.
"Number mo. Tatawagan kita maya. At isend mo din sa akin ang schedule mo."
Nung ibigay ko ang phone nya. Tumayo na sya. Inihatid ko sya sa may pinto. Pero
bago pa sya lumabas ay mabilis nya akong hinalikan.
"susunduin kita bukas"
Papayag nga ba ako na ganito? Hinalikan nya ako sa labi at kung saan saan pa. Pero
parang balewala lang sa kanya ang nangyari. Ni hindi nga sya kinakabahan na
magsumbong ako dahil sa ginawa nya. Parang nung bilhin nya ako itinuring nya talaga
ako na pag aari. Pati ang katawan ko.
Idinamay pa pati Puso ko.
_casper_

Chapter 3
Simula ng halikan nya ako. Sa lahat na lang ng bagay naging sunod sunuran ako sa
kanya. Buti nga na lumipat sya sa tabi ng unit ko kasi iwas eskandalo. Sino ba
kasing mag aakala na ganito ang kahahantungan ko sa pagiging slave? Pero sino nga
ba ang magdududa na sa ibang bagay ako inalipin ni Mark Ethan? Pag nasa university
kami, hindi nya ako nilalapitan madalas. Pag alam nya tapos na ang klase ko bigla
bigla na lang susulpot para ipadala ang gamit nya. Akala ko dalawang buwan lang nya
ako magiging slave, pero iba ata ang nabasang rules ni Mark. Kasi hanggang ngayon
na gagraduate na ako at lahat, SLAVE pa din nya ako.
Pag ganito naman na last sem wala na masyadong ginagawa. Wala na masyadong
inaasikasong exam kasi more on sa thesis and sa design na lang. At dahil ayaw ni
Mark na may makakalapit sa aking ibang lalaki, at ayaw nya na makuha ng iba ang
atensiyon ko. Siya ang gumagawa ng Thesis and Design ko. Wala kasi akong kagroup.
At dahil kagustuhan nya yun, bahala syang mamroblema sa bagay na yun. Pero sino nga
bang niloko ko? Sa talino na nya sisiw na lang sa kanya yun. Kaya ako lang ata ang
gagraduate na hindi prinoblema ang thesis.
"asan ka?"
Kanina pa sya tumatawag. Pero hindi ko agad masagot kasi kaharap ko ang mga
classmate ko, medyo lumayo ako kasi ayaw ko na kung kailan gagraduate ako saka sila
makakahalata.
"sa room"
Alam naman nya ang schedule ko di ba? Bakit kailangan pa na tanungin nya ako?
Minsan nakakapag isip din kasi parang nawawala na yung pagkatao ko mismo dahil sa
ginagawa nya, pero sa tuwing hahalikan nya ako, sa tuwing titingnan nya ako, hindi
maiwasang hindi umasa na sana magawa din nya akong mahalin, kahit konti lang.
"hihintayin kita sa may gate ng university"
Tinapos na nya ang aming pag uusap. Ni walang pagkakataon para magpaliwanag pa ako,
wala ng pagkakataon para sabihin na may klase pa ako. Sabagay sino nga ba ako?
"Una na ako. Medyo sumama lang pakiramdam ko."
Dali dali akong lumabas para hanapin sya. Minsan kasi sumosobra na sya,
nasweswertehan lang na hindi ako nagkakaproblema sa pag aaral ko kaya pinapalampas
ko sya. Pero kahit naman siguro magreklamo ako. May pakialam ba sya?
Pagsakay na pagsakay ko sa kotse nya at pagsara ko ng pinto,agad nya akong
hinalikan. Hindi lang simpleng halik, yung halik na akala mo isang buwan kaming
hindi kami nagkikita. Yung parang sabik na sabik siya.
"Mark.."
Itinulak ko sya. Oo tinted ang sasakyan nya. Na imposible na may makakita sa kung
ano man ang ginagawa namin sa loob ng kotse nya. Pero iba pa din na nag iingat.
"Ayaw mo na ba?"
Seryosong tanong nya. Isang tanong na napakahirap sagutin. Na kahit anong isagot ko
masasaktan lang ako. Pag sinabi ko na ayaw ko na, hindi ko naman kakayanin kung
bigla syang lalayo. Naibigay ko ng lahat sa kanya. Malaki na ang naipusta ko. Buong
puso ko naisugal ko na. Pag sinabi ko naman na gusto ko pa? Parang lalo ko lang
ilulubog ang sarili ko sa kinasasadlakan kong sitwasyon.
"Mark.."
Hinawakan ko ang kamay nya. Kahit kinakabahan ako kung babawiin nya ba o hindi. Sa
tatlong taon na ganito ang sitwasyon namin,kahit kailan hindi ko naipakita na
mahalaga sya sa akin o ang maging malambing man lang, pag nasa ibabaw lang ng kama
nya nagagawa ko ang lahat sa kaniya. Ang mahalin sya ng sobra sobra. Naramdaman ko
ang pagpisil nya ng kamay ko. Mas gusto ko na ganito siya, yung sa simpleng bagay,
sa simpleng hawak nya lang kasi mas nararamdaman ko na kahit paano, na kahit konti
lang, na magagawa nya din akong mahalin. Kasi alam ko na init lang ng katawan nya
ang nangingibabaw pag mas maalab pa ang ginagawa nya.
Muli nya akong hinalikan bago nya paandarin ang sasakyan. Pero hindi pa man
nagtatagal muli nyang kinuha ang kamay ko para hawakan. Napatingin lang ako sa
kanya. Pero katulad ng dati seryoso lang sya habang nagmamaneho. Pero hindi naman
ako nag eexpect na titingnan nya din ako. Nung nagpasabog siguro ng kasweetan wala
siyang kahit anong nasalo.
Nung makarating kami sa tapat ng unit namin,akmang papasok ako sa unit ko pero
pinigilan nya ako. Pero anong magagawa ko kung tatanggi ako? Gagamitan na naman nya
ako ng seryosong tanong kung ayaw ko na? Buti na lang may ilang damit na ako sa
unit nya. Pero hindi ko pa din masasabi na naglilive in kami. Kasi umuuwi pa din
ako sa unit ko. At ang mga naglilive in, sila yung kasal na lang ang kulang pero
mahal nila ang isat isa. Sa kaso naming dalawa. Ako lang ang nagmamahal.
"anong gusto mong kainin?"
Tiningnan ko lang siya habang abala siya sa kusina. Sa loob ng tatlong taon, hindi
ko siya pinagluluto o ipaghain man lang. Ayaw ko kasi na parang katulong na nya
ako. Alipin sa kama? Katulong pa? Kaya kahit yung bagay man lang na yun iniwasan
kong gawin, para kahit paano may itinira pa ako sa sarili ko.
"ikaw ang bahala"
Umiling na lang siya. Pag sinabi ko ba na ganito ang gusto ko susundin nya? Pag
naglambing ba ako na gusto ko na sa labas na lang kami kumain pagbibigyan nya ako?
Kaya mas mabuti na yung wala akong sasabihin. Hindi ako masasaktan.
Inaabala ko na lang ang sarili ko sa pagbabasa ng drafts ng thesis ko. Tinawag nya
lang ako nung tapos na syang magluto at nakahain na. Bago ko magawang umupo,
hinapit nya ako sa bewang ko at mabilis na hinalikan. Ipinulupot ko ang mga kamay
ko sa batok nya, kaya lalong mas naging maalab ang ginawa nyang paghalik. Mabilis
nyang nahubad ang uniform ko, bumaba ang paghalik nya hanggang sa nagtagal sa
dibdib ko. Napakapit na lang ako sa lamesa kasi nakakapanghina ng tuhod ang
ginagawa nya. Nagawa nyang alisin ang lahat ng saplot ko, patuloy ang paglalaro ng
mga kamay nya sa dibdib ko habang ang mga labi nya abala sa pagitan ng hita ko.
"Mark..."
Anong magagawa ng ungol na yun? Lalo lang nyang pinagbuti ang paghalik sa bahaging
yun ng aking katawan. Napahawak na lang ako sa buhok nya nung sobrang hinang hina
na ako dahil sa inilabas ng katawan ko. Tumayo sya at niyakap ako. Lumayo sya ng
konti sa akin at nagsimulang syang maghubad sa harap ko. Seryoso lang siyang
nakatingin sa akin habang ginagawa nya yun. Hindi ko naman maiwasan na hindi
mapalunok ng palihim ng matanggal na nya lahat ang damit nya. Lumapit sya ulit sa
akin, marahan nyang pinaghiwalay ang hita ko. Napakapit na lang ako sa balikat nya
ng maramdaman ko ang pagpasok nya. Napapikit na lang ako habang dahan dahan siyang
kumikilos.
"open your eyes"
Unti unti kong iminulat ang mga mata ko. Nasalubong ko ang mga mata nya na
nakatingin lang din sa akin. Pero hindi yung seryosong tingin na lagi nyang
ginagawa. Yung nakakatunaw na tingin. Patuloy pa din sya sa dahan dahan na
paggalaw. Hanggang sa iangat nya ako, yung mga paa ko ay nakapulupot sa kanya at
yung kaninang mabagal na pagalaw ay biglang bumilis. Hindi ko alam kung paano nya
natatagalan na ganun. At hindi ko alam kung bakit pero hindi din naman nangyayari
na hindi ako nagiging maligaya pagkatapos.
Matapos nyang paghiwalayin ang mga katawan namin ay giniya na nya akong umupo. Ni
hindi sya nag abala na pagbihisin ako o magbihis man lang siya. Hindi ko alam kung
makakain ba ako ng ganito.
"siguradong pagod ka kaya makakain ka na ng ayos"
Napatingin na lang ako sa kanya. So nangyari yung kanina para kumain ako ng ayos?
Napapansin nya ba na pag pinagluluto nya ako ay hindi ako kumakain ng madami? So
kaya nya ginawa yun? Umiling na lang ako. Kasi tama sya. Napagod ako sa ginawa
namin kanina. At hindi ko din alam kung kailan mapapagod ang Puso na maghintay sa
kanya. Wala ba syang gagawin dun? Sa pagod kung puso?
_casper_

Chapter 4
Matapos naming kumain, agad kong inayos ang sarili ko at nagpaalam na uuwi sa unit
ko. Siguro hindi nya din inaasahan na uuwi ako kaya nde na sya nakapagsalita pa
bago ako lumabas ng unit nya.
Nung mga unang linggo namin sa ganitong set up,hindi hindi nya ako pinapayagan
talaga na umuwi. Kahit anong dahilan ko dati ayaw nya akong pakinggan,nitong mga
nakaraan hindi na siya ganun kahigpit, o baka nagsasawa na din siya. Baka
naghihintay na lang siya ng pagkakataon para sabihin na hindi na niya ako
kailangan. Na wala na siyang pakinabang sa akin. Sabagay sino nga bang lalaki ang
magseseryoso sa ganitong sitwasyon? Pumayag akong kunin nya ang lahat lahat ng
hindi ko alam kung may patutunguhan ka ba kami, ni wala siyang sinabi kung gusto
niya ba ako, sinong lalaki ang magseseryoso sa isang babae na nadadala na lang
basta ng isang halik. Sa isang halik lang naman talaga nagsimula ang lahat, sa
isang halik na kung saan saan napadpad. Siguro ang baba baba ng tingin nya sa akin.
Na kahit siguro magkalisensya ako hindi mabubura sa isip niya na ang dali dali kong
makuha.
Masakit. Hindi dahil sa mga luhang isa isang nag uunahan sa mata, masakit na hindi
ko maipaliwanag kung anong meron sa dibdib ko. Yung ideya na wala talagang pag asa
na magugustuhan niya ako ay labis na nagpapaguho ng pagkatao ko.
Hindi pa man ako nagtatagal na nakahiga sa kama ko ay nakita ko na tumatawag siya
sa akin. Naka sielnt ang phone ko pero hawak ko naman ito kaya kita ko ang gwapo
nyang mukha na nagrehistro sa screen ng cellphone ko. Hindi ko sinagot yun. Isipin
na niya na tulog ako. Pero ano nga bang aasahan ko kay MARK ETHAN? Hindi siya
titigil hanggat hindi ko yun sasagutin. Sa palima niyang tawag, saka ko lang
sinagot siya. Yung pinahalata ko sa pag hello ko na tinatamad akong kausapin siya.
"I'm sick"
Medyo napakunot naman ako sa sinabi niya. May sakit? Parang kanina naman wala. Oo
mainit siya pero sigurado ako na hindi init yun ng dahil sa nilalagnat siya.
"Maaga pa ako bukas"
Engineering student ako. Hindi ako ang kailangang niya kung totoo man na may sakit
siya. Anong alam ko diyan? Kung yung sakit nga ng puso ko hindi ko magawang
pagalingin.
"Umuwi ka na"
Mahinang sabi niya. Ayan na naman yung pagsasalita niya na kahit kailan hindi ko
matanggihan. Umuwi? Iniisip niya ba talaga na pag aari na niya ako? Na sa bahay na
niya ako nakatira? Yung tipong siya talaga ang boss? Sabagay MASTER ko nga pala
siya.
"uuwi ka o ako ang pupunta diyan?"
Napatayo ako bigla sa sinabi niya. Agad kong pinutol ang tawag niya Nakakakaba yung
binabalak niya, baka kung anong pambubulabog ang gawin niya. Ayaw ko ng sumugal sa
kung ano niyang gawin, matagal naming nailihim ang sitwasyon namin kaya hanggat
maari kailangan kong mag ingat. Kasi sa sitwasyon namin kung sakaling
magkabukingan, ako lang naman ang kawawa, ang talo.
Pagkapasok ko sa unit niya agad ko siyang pinuntahan sa kwarto niya. Kailangan nga
ba niya ako binigyan ng duplicate key ng unit niya? Nung matapos yung two months
contract namin as master-slave. Kontrata lang sa school, kasi lingid sa kaalaman ng
iba nagpatuloy pa din na Slave niya ako. Agad kong hinawakan ang noo niya, nadatnan
ko siyang nakahiga sa kama niya.
"wala ka namang lagnat. asan ang thermometer mo?"
"bakit pa?"
"para masigurado ko kung may lagnat ka nga. Para kung wala, uuwi na ako."
Pagalit siyang tumingin sa akin. Siya pa ang may ganang magalit? Eh sino ba ang
nang iistorbo? May klase pa ako bukas, kaya wala akong panahon para sa panloloko
niya.
"kailangan mo talaga makita na nilalagnat ako? na makita kung mainit ako? Hindi
lahat ng nakikita mo yun ang paniniwalaan mo. Baka nakakalimutan mo na sa mas
mainit ang steam sa kumukulong tubig."
Tinalikudan na niya ako. Napaisip aa sinabi niya. Tama nga na mas mainit ang steam
sa kumukulong tubig, tama na hindi natin nakikita ang steam kasi singaw nga lang
siya. Pero Mark Ethan yun nga ang masakit, yung mga bagay na hindi ko alam.
Lumabas ako ng kwarto niya at naghanap ng parang gamot sa parang sakit niya. Nung
tangkang papainumin ko siya ay tinanggihan niya. Seryoso pa din siya. Sabagay
kailan ba hindi siya seryoso?
"Hindi naman yan ang gamot sa sakit ko"
"ano ba kasing sakit mo? saan ba masakit?"
"dito"
Hinawakan niya ang kamay ko at itinapat iyon sa dibdib niya.
"ang kailangan mo espesyalista para diyan."
"hindi ko kailangan ng doctor na gaya ng sinasabi mo"
Brokenhearted siya? Sino namang babae ang mananakit sa damdamin mo Mark Ethan?
Parang dumoble ata yung sakit ng dibdib ko sa kaalamang nasasaktan siya para sa
iba. Hinila niya ako palapit sa kanya. Inaayos ko lang pwesto ko para maging maayos
ang pagkakayakap niya sa akin.
"dito ka lang"
Mahinang sabi niya. Ayaw kong tingnan ang mukha niya. Baka hindi ko kayanin lalo na
makita siya na nasasaktan para sa iba. Hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha ko.
May isasakit pa pala, akala ko todo na yung sakit na naramdaman ko pero may
isasakit pa pala. Yung dahilan kung bakit ka nasasaktan ay nasasaktan din pero
dahil ng ibang tao, ng ibang babae. Akala ko naibigay ko na lahat sa kanya. Akala
ko sapat na yun para hindi na siya tumingin sa iba. Akala ko lang pala. Sa huli
malinaw na katawan ko lang talaga ang habol niya. Na simula pa lang wala na siyang
balak na mahalin ako, o kahit pag aralan mang mahaiin. At ang sakit sakit lang.
_casper_

Chapter 5
Nagising ako kinabukasan na yakap yakap pa din ni Mark. Bibihirang pagkakataon ito
na natulog ako sa kwarto niya na wala kaming masyadong ginawa, hindi niya ako
pinagod. O para madali sa akin na paniwalaan na may sakit nga siya. Kaya wala
siyang ginawa.
Sabi ko sa kanya na maaga akong pupunta ng university pero anong oras na andito pa
din ako sa tabi niya. Baka isipin niya na nagdahilan lang din ako kagabi na maaga
ako ngayon para hindi ko siya alagaan. Akmang tatayo na ako ng humigpit lalo ang
yakap niya. Nung tingnan ko siya, nakapikit pa din naman siya. Kaya hindi ko alam
kung tulog ba siya or nagtutulog tulugan lang. Nagsasakit sakitan, nagtutulug
tulugan, ok lang din naman sa kin kung kunwari Mahal mo din ako Mark Ethan.
"May klase pa ako."
Sabi ko ng ilang beses na sinubukan ko na kumawala sa kanya. Kumawala? Sa simpleng
yakap niya hindi ko na ngang magawang kumawala. Sa sitwasyon pa kaya namin?
Naramdaman ko ang pagluwa ng yakap niya. At pagdantay ng isang kamay niya sa ibabaw
ng tiyan ko.
"Wala pa ba?"
Hindi ko alam kung seryoso ba siya sa sinabi niya? Iniisip niya ba talaga na
mabubuntis ako? Oo sa ginagawa namin malabong hindi magbunga yun. Pero hindi pa
naman ako ganun katanga para hayaan na magdalang tao ako. Naghirap ako na itago ang
sitwasyon namin tapos magpapabuntis lang ako?
"imposibleng mabuntis ako"
"bakit? babae ka kaya posibleng mabubuntis ka. at lalaki ako na may kakayahan na
gawin yun"
Bumangon na ako. Hindi ko alam kung itutuloy ko ba ang pakikipag usap sa kaniya
tungkol sa bagay na ito o lalabas na lang ng silid niya para umalis at pumasok na
lang. Nung lingunin ko siya. seryoso lang siyang nakatingin sa akin, hindi ko alam
kung hinihintay ba niya na magsalita ako o ipaliwanag kunga bakit hindi ako
mabubuntis o bakit ayaw kong magbuntis.
"hindi ko pa din itinitigil ang pag inum ng pills"
Mahina kong sabi. Pero malakas ata ang epekto sa kanya kasi mabilis siyang bumangon
at dali daling nilapitan ako. Mahigpit niyang hinawakan ang braso ko. Galit siya.
Hindi lang pala galit. Galit na galit siya. Na hindi ko alam kung bakit kasi
katawan ko pa din naman ito. Kung mabubuntis ako, ako yung magdadala ng siyam na
buwan, kaya ako ang dapat mangalaga sa sarili ko.
"Ayaw mong mabuntis ka?!"
"OO!!"
Napaatras siya sa pagsigaw ko. Ayaw kong magbunga kung ano man ang ginagawa namin,
ayaw kong dahil aa sitwasyon namin ay magdalang tao ako. Kahit kalahati ng
pagkatao ko gustong gusto na mabuntis ako. Na kung sakaling maisipan niya na iwan
ako atleast may anak ako, na yung lalaking sobrang minamahal ko ay siya yung ama ng
magiging anak ko. Pero hindi ako nakatira sa mundo na ako lang ang tao, na sarili
ko lang ang iisipin ko. May pamilya akong masasaktan kung mabigo ko man sila kasi
hindi natupad ang pangarap nila para sa akin.
"hindi kita maihahatid ngayon. pwede ka ng umalis"
Tinalikuran na niya ako. So ganun lang iyon? akala ko mag uusap kami. Akala ko
totoong galit nga siya. Akala ko gusto niyang magkaanak talaga kami. O baka naman
iniisip niya na kabawasan sa pagkalalaki niya yun, na hindi siya makabuo.
"Mark Ethan, hanggang kailan ba tayo ganito?"
Siguro kailangan kong malaman yun. Kung hanggang kelan ako mahihirapan. Mukhang
malabo kasi yung isang bagay na inaasam ko mula sa kanya. Yung mahalin nya ako.
" hanggat gusto ko"
Hindi pa din siya humaharap sa akin. Hanggat gusto niya? Pag nanawa na siya pwede
na niya akong iwan basta basta.
"pag malapit ka ng manawa, sabihan mo lang ako. Para.."
"para makalapit na sayo ang ibang lalaki?!!"
Ewan kung saan ko nakuha yung lakas ng loob para sampalin siya. Hindi man diretsong
pang iinsulto pero pakiramdam ko na ang baba ng tingin niya sa akin. Sa tingin niya
ba na hahanap ako ng lalaki pag lumayo siya? Sa tingin ba nya na basta basta ko
makakalimutan lahat? Pero sa halip na magalit siya sa ginawa ko, bigla na lang niya
akong niyakap.
Hindi ko magawang kumilos sa higpit ng pagkakayakap niya. Naramdaman ko na lang ang
mumunting halik na ginagawa niya sa leeg ko. Yung mainit na hininga niya na
naghahatid ng kakaibang kilabot sa pagkatao ko. Nung umalis siya mula sa
pagkakayakap sa akin agad niya akong hinalikan sa labi. Matagal. Maalab.
Lagi na lang ba sa ganito hahantong ang lahat? Lagi na lang ba akong paulit ulit na
magpaparaya sa isang sitwasyon na ang mga halik ni Mark Ethan ang batas. At ako ay
isang sunod sunuran lang.
_casper_

Chapter 6
Kasalukuyan kaming nakatambay sa may hallway ng building namin. Kung ano anong
napag usapan, dahil nga sa wala na masyadong ginagawa pag fifth year at bibihira
din ang nagbabagsak ng graduating. Kumbaga naranasan na namin lahat ng hirap na
pwedeng maranasan ng isang engineering student. Nakarating na kami sa huling sem.
Kumbaga formality na lang.. graduate na kami.
"uy si kuya Mark"
Nagulat ako sa sinabi ng classmate ko. At napalingon din sa direksiyong tinitingnan
niya. Tama si Mark Ethan nga. Bakit siya nandito? Oo lagi siyng pumupunta pero
tuwing hinahatid at sinusundo niya lang ako. Hindi siya kailanman pumasok sa
university.
"Baka isa siya sa magiging panel natin sa design at thesis, kaya pumunta siya dito.
"
Posible naman yun. Kasi kalimitan na alumni yung kinukuha nila para magpanel pag
nagdedefense ng thesis. Kaso ilang buwan pa bago mangyari yung Defense namin. Kaya
hindi ko alam kung bakit siya nandito.
"Kuya Mark! Kamusta? ang gwapo natin ahh?"
Napailing na lang ako sa sinabi ni Maan. Oo, lagi niyang sinasabi na crush niya si
Mark Ethan. Na inggit na inggit siya sa akin nung Third Year kami kasi si Mark
Ethan ang Master ko. Kaya ang pagpapakita ng harap harapang pagkagusto sa binata ay
hindi na bago sa akin. Sana katulad ko siya. Yung matapang na ipakita yung
nararamdaman.
"wala akong magawa kaya napadaana ako. Balita ko madaming magagandang junior ahh?"
Nakangiting sabi niya. Kaya naman hindi mawala lalo ang ngiti ni Maan. Yung tipong
kilig na kilig siya. At nakakainggit yung ngiting yun ni Mark Ethan. Kahit kailan
hindi niya ako nginitian ng ganun. Kahit anong gawin sa kanya nanatiling seryoso
ang pakikitungo niya sa akin.
"Magaganda naman lahat kami Kuya. Gusto mo bang makita sila?"
Lumapit si Maan sa kanya at hinawakan si Mark sa braso niya. Para igiya kung saang
direksyon nandun ang mga 3rd year. Naghahanap na ba siya ng ipapalit sa akin?
Sabagay hindi naman siya mahihirapang gawin yun. Ako nga nahulog sa kanya eh
estudyante panlang siya. Eh di lalo ng magkakandarapa ang mga 3rd year sa kanya
kasi, Engineer na siya. Maayos na trabaho. At higit sa lahat mas gwapo siya ngayon.
"Maan, una na ako ahh. May gagawin pa kasi ako."
"agad? hindi mo man lang ba namiss Kuya Mark?"
Hindi ko ba siya namiss? Sa araw araw naming magkasama namimiss ko pa din siya.
Yung ang lapit lapit niya pero namimiss ko pa din siya. Yung kahit siguro magkatabi
kami namimiss ko siya. Mahirap kasi na kasama mo ang mahal mo pero hindi mo alam
kung anong nararamdaman niya. Yung pakiramdam na ang layo layo niya.
"Hello Kuya.. pasensya na po. pero kailangan ko ng umalis"
Hindi ko alam kung paano ko natapos yung sinabi ko. Na pinipigilan ko na huwag
mahalata na kinakabahan ako. Na nagawa kong salubungin yung seryoso niyang mukha.
Hindi siya nagsalita. Kaya tumalikod na ako. Bakit ang dali dali sa kanya na
ngumiti sa iba? Pero sa akin nanatili siyang suplado. Ano pa bang kailangan kong
ibigay para sa ngiti niya?
Ayaw kong umiyak. Pero nagkukusa na lang kasi yung mata ko. Mabilis ko itong
pinahid, ayaw kong makita ng iba na umiiyak ako. Na mahina ako. Kahit sa loob ko
hindi ko alam kung kaya ko pa. Kung hanggang kailan ko makakaya.
Bago pa ako nakarating sa may gate ay naharang na ako ng classmate ko na lalaki at
pinilit na sumabay sa kanya. Si Julian. Ang hindi nagsasawa na magsabi na gusto
niya ako. Kahit ayaw kong sumakay sa sasakyan niya, inisip ko na lang na kailangan
kong lumayo sa lugar na ito. Kung nasaan si Mark Ethan na nagpaplanong palitan na
ako.
"umiyak ka ba?"
Umiling na lang ako. Kasi hindi ko naman din masasabi kung bakit ako umiyak.
"Napuwing lang"
Napabuntong hininga na lang siya. Halata ba masyado na nagsisinungaling ako?
"saan mo gusto kitang ihatid?"
Saan nga ba? Kung uuwi ako, malamang na makikita ko agad si Mark Ethan.
"kahit saan. ayaw ko pang umuwi. parang gusto kong uminom. Tara inom tayo?"
Pinilit kong mag mukhang masaya habang sinasabi ko yun. Tama kahit ngayon lang
gusto kong makalimutan ang sakit na nararamdaman ko.
"Napuwing pala. Alam mo hindi ko alam kung bakit hindi mo ako pinayagan na manligaw
sayo. Wala din akong nakikita na boyfriend mo. Kaya hindi ko alam kung saan ako
lulugar. Wala naman akong karibal pero ang hirap hirap makuha ng puso mo. Maganda
ka. Gwapo din naman ako sabi ni Mommy. Kahit saang anggulo Bagay tayo."
Tama nga naman. Kahit hindi sabihin ng Mommy niya. Gwapo siya. Mabait din siya.
Lahat siguro magkakagusto sa kanya. Maliban sa akin. Kasi kahit anong katangian na
pwede niyang ipagmalaki, hindi kasi natuturuan ang Puso kung sino ang pwedeng
mahalin. Kahit sobrang nasasaktan na patuloy pa din na yun ang mamahalin niya.
"Pero hindi tayo Bagay Julian. Tao tayo"
Umiling na lang siya. Hindi ko din alam kung saan niya ako dadalhin. Masyado pang
maaga para makahanap ng maiinuman. Dumaan na lang kami sa isang convenient store at
bumili siya ng iinumin namin at pwedeng ipulutan. Hindi namin kami naka uniform
kaya madali sa kanya na makabili nun. Mga isang oras pa kaming nagbiyahe bago kami
nakarating sa isang resort. Mabilis niyang inihanda ang iinumin namin. Ako naman,
pinagmamasdan lang siya.
"Hindi kita dinala sa condo unit ko kasi baka masyadong mapadami ang inum ko at
hindi ko mapigilan ang sarili ko. Ayaw kong mangyari yun. Masyado kitang mahal para
pagsamantalahan. Kaya dito na lang. Kahit magpakalunod ka sa alak. Sige lang. Hindi
ako masyadong iinum kasi magdadrive pa ako. Ayaw ko naman na maaksidente tayo kasi
lasing ako. Gagawin ko lahat para huwag kang mapahamak."
Bakit nga ba ako nagtiyatiyaga sa isang sitwasyon na walang kasiguraduhan? Kung
ganito naman na may nagmamahal sa akin ng walang hinihinging kapalit? Masyado daw
niya akong mahal para pagsamantalahan? Ibig sabihin ba na huwag na akong umasa pa
kahit kailan kay Mark Ethan?
"hindi ako ang karapat dapat sayo Julian"
Nagsimula na lang akong uminum. Sunod sunod na pagtagay. Yung parang mauubusan ako.
Sabi nga ni Julian. Uminum lang ako. Hindi naman niya ako pababayaan.
"bakit hindi?"
Hindi na lang ako sumagot. Wala na akong maipagmamalaki sa kanya. Wala na akong
tinira pa para sa sarili. Kaya kung iiwan man ako ni Mark Ethan hindi ko alam kung
saan ako magsisimula.
Gaya nga ng sinabi niya. Hinayaan niya lang akong uminum. Siya siguro dalawang
tagay lang. Nung alam niya na hindi ko na kaya. Saka lang niya ako inihatid. Pero
hindi ako nagpahatid sa mismong unit ko. Kaya ko pa naman kaya hinayaan niya na
lang din ako. At ayaw ko na makita niya si Mark Ethan.
Halos hindi ako makalakad ng tuwig ng matanaw ko ang unit ko. Napangiti na lang
ako. Napadami nga ang inum ko. Matagal tagal na din nung huling inum ko. Kaya
siguro nabigla ang katawan ko. Bago ko pa man mabuksan ang unit ko. May humablot ng
susi ko. Hindi na ako nagulat kung sino yun. Sino pa ba ang nangingialam sa buhay
ko? Agad niya akong hinila papasok sa unit niya.
Agad din akong dumiretson sa kusina kasi naramdaman ko na susuka ako. Bakit kasi
hard drinks ang binili ni Julian? Pwede naman beer lang. Ang sakit tuloy sa tiyan.
Sumunod sa akin si Mark Ethan. Oo mukhang galit siya. Pero hindi ko naman ramdam
yun sa haplos niya sa likod ko. Magaan ang paghaplos na ginagawa niya. Hindi ko
tuloy alam kung epekto pa ba ng alak yung init na nararamdaman ko o dahil sa
ginagawa na niya.
"di ba bawal kang lumapit sa ibang lalaki?"
Hindi ko na pinansin yung nagtitimping galit niya. Ang sakit ng ulo ko. Hilong hilo
ako. Naghilamos ako,para mabawasan yung sakit ng ulo ko. Hindi pa ako nakuntento at
itinapat ko mismo ang ulo ko sa gripo.
Hindi na siya nagsalita pa. Pero dali dali din naman na binuhat ako papunta sa
banyo. Agad niya akong itinapat sa shower. Seryosong seryoso ang mukha niya. Agad
niya ding hinubad ang lahat ng suot ko. Tumungo lang ako. Hindi ko magawa siyang
tingnan habang pinapaliguan niya ako.
Nang matapos niya akong paliguan, siya na din ang nagtuyo sa katawan ko. Mabilis
din niya ako binuhat sa kwarto niya. Siya na din ang nagbihis sa akin. Lahat ng yun
nanatili lang akong nakatungo. Hindi ko kasi alam kung anong mararamdaman ko. Sa
mahabang panahon na nakakapagsolo kami ngayon lang ata nangyari na hindi ko
naramdaman na katawan ko lang ang gusto niya. Sa ginagawa niyang pag aasikaso sa
akin, pwede bang umasa na mahalaga ako sa kanya?
"magpahinga ka na"
Lumabas na ito ng kwarto. Hindi ko alam kung makakatulog ba ako o kung
makakapagpahinga ba ako dahil sa ginawa niya. Mas lalo ata akong nalasing sa ginawa
niya. Kahit siguro ilang litrong alak ang inumin ko mababalewala lang kung sa
simpleng kilos niya mamahalin ko ulit siya. Ng paulit ulit.
_casper_

Chapter 7
Paglabas ko kinabukasan sa building namin para sana pumasok ng makita ko si Julian
na ang aabang na dun. Napalingon naman agad ako kung kasunod ko si Mark Ethan. Buti
na lang hindi. Sabi niya kasi ihahatid niya ako. Matapos niya akong ipaghanda ng
almusal kanina, hindi niya din inulit kung ano man nangyari kagabi. Parang hindi
nga sin siya galit. At ang nakakapagtaka ni hindi niya ako hinalikan bago kami
lumabas ng unit niya.
Way na kaya niya yun ng pag iwas niya? Nakakita ba siya kahapon ng ipapalit sa
akin? Siguro. Sabagay, pipili siya ng mas bata at mas maganda. At ako na
napagsawaan na niya. Balewala na lang.
"ok ka lang ba? kaya mo bang pumasok? nag aalala ako sayo kaya naisipan kong
sunduin ka"
"ok lang ako Julian. Hindi mo na kailangang sunduin ako. Malaking abala na ang
ginawa ko sayo kahapon."
"ok lang kung abalahin mo ako habambuhay"
Nakangiting sabi niya. Napangiti na lang din ako. Sanay na kasi ako sa mga banat
niyang ganyan. Kumbaga wala ng epekto. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan niya.
Hindi na lang din ako nagdalawang isip na sumakay. Baka kasi makita pa kami ni Mark
Ethan.
To MASTER:
Uuna na ako.
Nagtext na lang ako sa kanya. Mas ok na din na ganito. Yung medyo malayo muna sa
kanya. Palaisipan pa din pa kasi ang kinilos niya kaninang umaga. At oo, nanibago
ako na hindi niya ako hinalikan. Sa halos tatlong taon, hindi siya pumalya dun.
Yung parang naging parte na siya ng umaga ko. Ng sistema ko. Kaya ngayon parang may
kulang.
Master:
Kagabi kasama mo siya. Ngayon ngumingiti ka sa kanya.
Napalingon na lang ako. Hindi ko alam na andun na siya kanina. O siguro nagtago
lang din siya para hindi siya makita ni Julian. Ayaw niya din sigurong mabuko.
Nakakahiya siguro sa parte niya kung mangyayari yun.
"kukuha ka ba ng board exam pagkagraduate natin? o magrereview ka muna? Kayang kaya
mo naman yun eh"
"Baka magreview muna ako."
Kahit imposible susubukan ko, gusto kong mag Top 1 sa Board Exam. Kahit paano pwede
kong ipagmalaki yung kay Mark Ethan. Kahit paano pwede na akong pumantay sa kanya.
Na yung SLAVE niya. Parehas din niyang nag top 1.
"huwag mong gagalingan huh? baka kasi hindi kita maabot lalo."
Napailing na lang ako. Nakakaewan lang. Ako inaabot ko si Mark Ethan. Ako inaabot
ni Julian. Ang komplikado. Bakit kasi hindi na lang si Julian ang piliin ko? at
alam ko naman na imposible din yun.hay
Naging busy ako sa school maghapon. Hindi ko na din pa tiningnan ang cellphone ko.
Kasi ilang beses ng tumawag si Mark Ethan sa akin. Kung papalitan niya ako. Dapat
ngayon pa lang, umiwas na ako.
Paglabas ko ng gate ng school akala ko makikita ko si Mark Ethan pero nabigo ako.
Akala ko dahil hindi ko sinagot ang mga tawag niya. Susunduin na niya ako. Pero
sabagay, bakit nga ba ako aasa na mag effort siya? Sino ba ako?
Nagcommute na lang ako pauwi. Ayaw ko din na makita ako ni Julian. Siguro tama lang
na huwag ko siyang paasahin pa. Kasi alam ko kung gaano kasakit ang umasa. Sa unit
ko ako dumiretso. Hindi din naman ako tumatambay sa kabilang unit kung wala dun si
Mark Ethan. Pag pinapapapunta niya lang ako o paghinihila niya lang ako saka ako
papasok dun.
Ginawa ko na lang yung sa thesis ko. Nakakapagtaka na wala pa si Mark Ethan, hindi
naman siya ginagabi. Wala siyang bisyo kaya hindi siya mahilig uminum. Imposible
naman na may date siya kasi nga simula nung pumasok ako sa buhay niya. Walang ibang
babaeng involved. Ako lang. Sabagay Ako lang sa ngayon. Binabalak na nga pala niya
akong iwanan.
Mag aalas diyes ng gabi ng kumatok siya aa unit ko. Hindi na siya nakapang trabaho.
Sabagay kahit naman simple ang suot nya o pambahay o pantulog hindi pa din naman
nababawasan ang kanyang kagwapuhan.
"kumain ka na?"
Tanong niya. Tumabi na siya sa akin at tiningnan lang niya kung anong gingawa ko sa
harap ng laptop.
"tapos na."
Hindi na siya nagsalita pa. Basta pinagmamasdan niya lang ako. At dahil hindi din
naman ako makapagconcentrate sa ginagawa ko dahil sa pagmamasid niya. Pinatay ko na
ang laptop at humarap sa kanya. Hindi ko din naman alam kung anong sasabihin ko.
Tumayo na siya at hinawakan ang kamay ko. Nakatingin lang siya sa akin. Hanggang sa
inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Yung mga labi niya sa mga labi ko. Magaan
ang ginawa niyang paghalik. Kakaiba ka sa mga paghalik na ginagawa niya dati. Yung
hindi mapang angkin. Yung may kung anong gusto siyang iparating. Pagkatapos ng
halik na yun ay niyakap niya ako. At naramdaman ko ang paghalik niya sa ibabaw ng
ulo ko.
"tara tulog na tayo"
At iginiya niya ako papasok aa kwarto ko. Na mabilis ko naman pinigilan yun.
"Mark Ethan hindi pwede.."
First time niyang papasok sa kwarto ko pag nagkataon. At hindi ko hahayaan yun.
Ayaw kong mag iwan siya ng alaala sa kwarto ko. Baka mahirapan lalo ako na
makalimutan siya.
"Bakit hindi pwede? makikitulog lang ako."
"Ayaw ko lang."
"Basta tutulog ako dito. Kasi andito ka."
At pumasok na siya sa kwarto ko. Humiga sa pinakagitna ng kama ko. Yung tipong
konting espasyo na lang ang tinira niya para mahigaan ko. Makikitulog ka lang ba? o
mang aagaw ng tutulugan? Lumapit ako sa kama at dun humiga sa pinakatabi. Yung
hindi madidikit sa kanya. Pero hindi pa man nakakatagal na nakahiga ako ay hinila
na niya ako palapit sa kanya. Iniunan niya ang ulo ko sa may braso siya at niyakap
niya ako. Nung tingnan ko siya nakapikit lang siya. Pumikit lang din ako. Kasi sa
higpit ng yakap niya. Hindi din naman ako makakawala.
_casper_

Chapter 8
"Morning! Tara kain na tayo"
Nakangiting bungad sa akin ni Mark Ethan. Nakangiti sya? at bagong ligo siya. Ako
nga hindi pa nakakapaghilamos. Nagising ako na wala akong katabi kaya nagmadali ako
lumabas. Kaya gulat na gulat ako na makita si Mark Ethan Na naghahanda ng almusal.
Yung parang sanay na sanay siyang kumilos sa kusina ko. Dali dali akong naghilamos
kasi nakakahiya naman sa itsura niya. Ang presko presko niyang tingnan.
Pagharap ko nakita ko na nakaharap na siya sa akin. Agad niyang inilagay ang mga
kamay niya sa may sink. Na parang nakulong ako sa mga kamay niya. Yung akala mo
yakap yakap nya ako.
"Mas maganda ka pala sa umaga"
Agad niya akong hinalikan sa labi. Na agad din naman inilayo ang bibig ko kasi
nakakahiya hindi pa ako nakakapagtoothbrush. Pero lalo lang niya akong hinapit sa
kanya. Mas malalim na halik ang ibinigay niya. Mas mapusok. Ipinulupot ko ang mga
kamay ko sa batok niya. Hindi ko alam kung gaano katagal naming pinagsaluhan ang
halik na yun. Pero ang saya lang sa pakiramdam. Lagi kasi na kung matutulog ako sa
kanila, ako ang unang nagigising. Uuwi sa unit ko para mag ayos ng sarili.

"tara kain na tayo. Since saturday ngayon. May plano ka ba?"


Naguguluhan talaga ako sa ikinikilos niya. Sa mga binibitawan niyang salita. Siya
na din ang naglagay ng pagkain sa pinggan ko. Yung asikasong asikaso niya ako. Yung
kulang na lang subuan niya ako.
"nga pala. Naglagay ako ng mga damit ko sa closet mo. Dito na kasi naligo kanina"
"Mark Ethan.."
Paano kung may mga kaibigan ako na pumunta sa unit ko? At sa di sinasadyang
pagkakataon makita nila yung gamit ni Mark Ethan. Paano ko ipapaliwanag yun.
"Mas ok na yung ginawa ko na maglagay ng gamit ko dito kesa ang ipabutas ang pader
sa pagitan ng unit para lang masigurado na mababantayan kita"
Bumalik na ulit siya sa pagiging serysoso. Ipabutas talaga? Nababaliw na siya?
"hindi mo naman ako kailangang bantayan. Matanda na ako"
"Tama. Matanda ka na. Maganda pa. At yung lalaking yun hindi mapigilan na lumapit
sayo"
"Si Julian? Classmate ko siya. At di ba papalitan mo na naman ako? dapat nga ngayon
inihahanda mo na ako sa gagawin mong pang iiwan"
Nabitawan niya ang hawak niyan kutsara. Halos ibagsak niya yung kamao nya sa
lamesa. Galit siya. Hindi ko siya magawang tingnan, dahil hindi ko alam kung bakit
ba sya nagagalit.
"Sino bang maysabi na papalitan kita?!! At huwag na huwag kang sasama ulit sa
Julian na yun!"
Nanginginig ang boses nya sa galit. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sinabi
niya. Nakakatuwa na hindi niya ako papalitan. Pero ibig sabihin ba nun habangbuhay
din akong aasa na magagawa niya akong mahalin?
"Hahaha Bakit ka ba nagagalit? Bakit ayaw mong sumama ako kay Julian? Sabihin mo
Mark Ethan, masyado bang masakit sa ego mo na may ibang lalaki na magkakagusto sa
akin? Na may nagmamahal sa slave mo? Na nirerespeto niya yung babaeng PARAUSAN kung
ituring mo!!"
Nabigla ako sa sunod niyang ginawa. Itinayo niya ako at marahas niya akong
hinalikan. Yung halik na puno ng galit. Na masakit sa labi. Masakit sa pagkatao.
Kahit naman SLAVE niya ako hindi niya kailanman ginawa ang ganito. Tumigil lang
siya nung maramdaman niya yung luha ko. Yung galit niya kanina medyo nabawasan.
Gusto ko siyang sampalin pero nanghihina pa din ako sa ginawa niya.
Lumayo ako sa kanya. Tama nga siguro sila. Lahat ng lalaki may kakayahang maging
halimaw. May kakayahang saktan ka sa paraang hindi mo inaasahan
"Sorry.."
Umiwas ako sa kamay niya na hahawak sana sa braso ko. Gusto ko munang lumayo sa
kanya. Kasi baka paghinawakan na naman niya ako unti unti na naman akong bumigay sa
kanya.
Dali dali akong pumasok sa kwarto ko at inilock yun. Buti na lang Sabado ngayon.
Pwede akong magkulong sa kwarto ko maghapon. Pwede kong iwasan si Mark Ethan.
Narinig ko ang ingay mula sa labas ng silid ko. Parang kung anong dumagundong sa
dingding. Pero ayaw kong lumabas. Kahit sa pagkakataon lang na ito gusto kong
manindigan. Na kaya kong lumayo. Kahit ngayon lang.
_casper_

Chapter 9
"at saan ka pupunta?"
Lumabas ako ng kwarto na ayos na ang sarili. Ni wala ngang bakas na galing ako sa
pag iyak. Hindi na ako nagdalawang isip na pumayag sa imbitasyon ni Julian na
gumala kami. Hindi ko siya pinansin. Lumapit sya sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"Galit ka pa din ba?"
Noon ko lang napansin ang benda sa kanang kamao niya. Siguro yun yung narinig ko
kanina. Sa dingding niya inilabas yung galit na hindi ko alam kung para saan. Kung
galit pa daw ako? Parang ganun ba kadaling mawala yun? O iniisip niya lang na hindi
ko siya matitiis ng matagal kaya akala niya hindi na ako galit?
"Manunuod kami ng sine ni Julian."
Nilampasan ko lang siya. Saan ko ba nakukuha ang tapang ko ngayon? O siguro pag
sobrang sakit na yung naramdaman mo parang mamanhid ka na din. Yung pagkamanhid na
yun ang tinatawag nila na GALIT.
"ng ganyan ang suot mo?"
Anong masama aa suot ko? Bawal na bang manuod ng sine pag sobrang ikling short at
off shoulder na blouse? Makakasuhan na ba agad pag ganun?
"magpalit ka"
Seryosong sabi niya. Yung kamao niya nakakuyom na ulit. Masama ba ang tulog niya
kagabi at nagising siya para magalit maghapon?
"Pati ba naman damit ko papakailanman mo?"
Hinawakan niya ulit ang kamay ko. Siguro kong magagawa niya akong suntukin nagawa
na niya dahil sa sobrang galit na nararamdaman niya.
"May damit ka o wala may pakialam ako!! Kaya magpalit ka na. O baka gusto mo na ako
ang magpapalit sayo?"
Hindi ako kumilos. Tiningnan ko lanv siya. Pinag aaralan ang mukha niya. Kung bakit
ba siya nagagalit? Pwede ko bang isipin kahit ngayon lang na kaya siya ganyan ay
nagseselos siya? Sa halos tatlong taon na magkasama kami ngayon lang siya nagreact
ng ganyan. Kung tutuusin ay napakasimpleng bagay.
Kaya nagseselos ka na nga ba MARK ETHAN VALERO? Mahal mo na din ba ako ng lagay na
yan? Isang MALAKING TORPE nga ba ang MASTER ko? Master TORPE?
Yung mga mata niya namumula na. Lalo siyang gumwapo sa paningin ko. Naging bulag
bulagan nga ba ako sa nararamdaman ko kaya hindi ko nakikita ang mga pagbabago niya
sa pakikitungo sa akin? Pero paano ko nga ba mapapatunayan?
Nagulat siya ng ilapit ko ang mukha ko sa kanya. At sinakop ang kanyang mga labi.
Siya ang nagturo sa akin kung paano humalik. At ngayon ipapakita ko sa kanya.
Ipinulupot ko ang mga kamay ko sa batok niya. Naramdaman ko ang pag angat ng
katawan ko. At dinala niya ako sa loob ng silid ko ng hindi pinaglalayo ang mga
labi namin. Magpapaubaya ba ulit ako? Matagal akong umasa na mamahalin niya din
ako. Nagtiis ako ng ilang taon, ipinaubaya ang katawan ko ng paulit ulit. Ngayon pa
ba ang susuko? Kung may 1.69% akong nakikitang pagbabago? Na posibleng Mahal din
niya ako?
Agad kong hinubad ang damit ko ng ilapag niya ako sa kama. Nagugulat siya sa
pagiging agresibo ko. Yung ako yung nagdodomina ng halik. Kailangang gawin ko to,
kailangang maging agresibo. Kailangan para mapilitan siyang magsabi ng kung anong
nararamdaman niya. Kailangang baliwin ko siya para masabi niya na Mahal niya ako.
Ayaw ko munang mag isip kung may patutunguhan nga ba tong desisyon ko, pero atleast
lumaban ako.
Naramdaman ko ang marahang paghaplos niya sa dibdib ko. Agad ko namang itinaas ang
laylayan ng t-shirt niya. Siya na din ang nagkusang maghubad nun. Isinunod na din
niya yung pangbabang damit niya, nakaboxers na lang siya ng muli niya akong tabihan
sa kama.
Hinalikan niya ako sa labi. Masuyo yun. Wala na yung bakas ng galit na gaya ng
ginawa niya kaninang umaga. Bumaba ang paghalik niya sa leeg ko. Habang ang isang
kamay niya ay naglalaro sa dibdib ko.
"Mark Ethan.."
Hindi ko napigilan na sambit ko. Hindi ko na halos makayanan ang sensasyon na
binibigay niya. Ang init ng mga labi niya sa mga balat ko. Tumigil siya sa ginagawa
niya. Itinapat ang mukha niya sa mukha ko. Ngumit siya. Yung ngiting pwede kong
panghawakan. Yung nagsasabi na Mahal niya ako.
"Ako lang."
Tama siya lang. Sa mga pinagsaluhan namin sa tingin ba niya maghahanap pa ako ng
iba?
Isipin mo na MARK ETHAN na SLAVE mo ako, pero hindi mo mamamalayan na magiging
ALIPIN ka din ng pagmamahal ko.
_casper_

Chapter 10
"Wala ka talagang date ngayon di ba?"
Hindi ko alam kung paano ko pipigilan ang pag ngiti ko. Yung itsura nya kasi.
Parang batang naisahan. Umiling lang ako.
"Plano ko lang sanang bumili ng makakain sa baba"
Nakahiga pa din kami sa kama ko. At tanging kumot lang ang tumatakip sa aming
kahubdan. Bahagya niyang iniangat ang sarili niya. Yung parang nakadagan siya sa
akin pero nakasuporta yung kamay niya. Itinapat niya yung mukha niya sa mukha ko.
"Pinagseselos mo lang ako?"
Bahagya siyang sumimangot. Ang cute cute niya. Posible palang mangyari yun? Na
maging cute ang super gwapong tulad niya.
"Wala naman akong karapatang pagselosan ka Mark Ethan. Kasi ang salitang selos para
sa nagmamahalan lang."
"sabagay. Pero pinaglaruan mo pa din ako. At kailangan mo yung pagbayaran."
Inilapat niya ang labi niya sa labi ko. Ito na yung kabayarang sinasabi niya? Ang
mahalikan ako? Parang halos tatlong taon na akong nagbabayad sayo Mark Ethan.
Bumaba ang paghalik niya sa leeg ko. Nagtagal siya dun. Yung hindi lang paghalik
ang ginagawa niya. Bahagya ko siyang naitulak. At ang nakangisi niyang mukha ang
bumungad sa akin.
"Hindi ka na makakalabas talaga niyan para makipagdate"
Agad kong kinuha ang phone ko para tingnan ang ginawa niya. Ang pula ng leeg ko.
Love Mark? Kiss Mark! at kahit ano pang markang ginawa ni Mark. Kahit siguro sa
uniform ko halata to.
"Ang sama mo. Makikita ito ng mga classmate ko."
Ngayon lang niya kasi ginawa ang ganito. Kasi nga anong iisipin ng makakakita? Ni
wala
akong boyfriend.
"Eh di dun naman sa hindi makikita"
Hinila niya ako. At agad niyang hinalikan ang dibdib ko. Gaya ng ginawa niya sa
leeg ko kanina. Hindi lang paghalik ang ginagawa niya. Parehas niyang ginawa yun sa
magkabilang dibdib ko. Hindi ko alam kung saan ko ba ibabaling ang ulo ko dahil sa
sensasyonh hatid na ginagawa niya. Oo medyo masakit kasi parang nanggigil siya.
Pero mas nangingibabaw na nagugustuhan ko ang ginagawa niya kesa ang patigilin
siya. Bumaba siya sa may puson ko. Nagtagal din siya dun. Ang totoo Mark Ethan,
buong katawan ko ba ang balak mong lagyan?
Hindi ko alam kung paano ko natagalan ang ginawa niyang kabayaran ko. Sa maseselang
parte ng katawan ko dun siya nagtatagal. Parang hindi ako magsasawang magkasala
kung ganito ang kapurasahan ko.
"gaya ng lagi kong sinasabi. Bawal kang makipaglapit sa ibang lalaki."
Niyakap na niya ako. Hindi na ako nakapagsalita pa. Kasi sa ginawa niya sinong may
lakas pa para makipagtalo?
"hindi mo ako papalitan?"
Alam ko naman na kalmado na siya. Wala na yung galit niya kaninang umaga. Kaya
siguro hindi na siya magagalit kung magtanong ako. Lalo lang niyang hinigpitan ang
pagkakayakap sa akin.
"Bakit naman kita papalitan?"
"hindi ko alam. Baka nagsasawa ka na. Baka mas gusto mo ng mas bata. Yung maganda."
"Ganun ba ang tingin mo sa akin? Parang SEX lang ang mahalaga? Para naman akong
manyak kung bata at maganda ang hanap ko. O para akong adik sa bagay na yun para
palitan ka"
Sabagay ang gwapo niyang manyak? At sabagay kahit kailan hindi ko naramdaman na
binaboy niya ang katawan ko. Kaya nga sa tagal ko na kasama siya. Sa halip na
magalit ay lalo ko lang siyang minahal.
" o siguro nga adik ako. kung hindi man kita pinapakawalan. Kung ayaw ko na lumayo
ka. yun ang dahilan. Pero hindi yung bagay na iniisip mo"
Yung pagka adik niya ang dahilan kung bakit ako nanatili sa sitwasyon namin? Pero
saan siya adik? Para bang sakit yun? Ang hirap naman. Pero kailangan kong
panghawakan ang sinasabi niya, na hindi niya ako papalitan.
"tara labas tayo."
Agad siyang bumangon. Nakita ko tuloy ang perpektong katawan niya Hinila niya ako
para tumayo. Kahit gustuhin ko man na takpan ng kumot ang katawan ko hindi ko na
nagawa.
"Matapos mong lagyan ng ganito ang leeg ko. Yayain mo akong lumabas?"
"Sa ibang lugar tayo pupunta. Yung walang makakakilala sayo."
Out of Town? DATE na ba ang tawag dun? Mabilis niya akong hinila papasok ng
bathroom. Siya na din ang nagpaligo sa akin. At hindi mawala ang ngiti sa mga labi
niya habang ginagawa niya yun. O siguro tuwang tuwa siya sa mga markang nakikita
niya sa katawan ko. Minsan hinahalikan niya ako.
"Allergy lang to."
Habang inisa isa yung mga markang yun sa katawan ko. Tapos na kaming maligo at
pinapatuyo na lang niya ang katawan ko.
"Allergy ka diyan"
Niyakap niya ako. Ano bang meron sa araw na to at ang sweet sweet niya?
"Eh di YGRELLA ang tawag diyan"
"YGRELLA. Parang monthly period?"
Humarap siya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko. Tas medyo sumeryoso siya.
"YGRELLA. kabaligtaran ng ALLERGY. Kasi yung ALLERGY lalayuan mo yung bawal sayo.
Yang sayo dapat hindi ako lumayo sayo"
Tumalikod na lang ako sa kanya. Kahit gusto kong magtitili sa sinabi niya. YGRELLA
pala ang tawag dito. Hindi KISS MARK. Hindi LOVE MARK. Isang sakit lang sa balat na
gawa ni MARK. Sakit sa balat na tagos sa Puso
.
_casper_

Chapter 11
Nung lumabas kami ng unit, wala akong idea kung saan ba ako dadalhin ni Mark Ethan.
O masyado lang siguro akong nadistract dahil hawak hawak niya ang kamay ko simula
nung lumabas kami ng unit ko hanggang makarating kami ng sasakyan niya.
"Saan tayo pupunta?"
Tanong ko sa kanya ng makasakay kami ng sasakyan niya. Hindi ko din mapigilan na
pagmasdan siya kasi parang ang saya saya niya. At ang gwapo gwapo niya.
"kay Mayor"
Napakunot ang noo ko. Akala ko ba magdadate kami? Bakit kay Mayor?
"kay Mayor?"
"oo, magpapakasal na tayo"
Napanganga naman ako sa sinabi niya. As in NGANGA kung NGANGA. At napahagalpak
naman siya ng tawa. Kainis. Nagbibiro lang pala. Nahampas ko nga siya tas tumalikod
ako sa kanya. O para itago din ang namumula kong mukha. Shet. Masyado bang halata
sa reaction ko? Na parang gustong gusto ko yung idea na magpapakasal kami?
Matagal din niya akong kinulit na humarap sa kanya. Pero nahihiya pa din ako.
Isipin na lang niya na nagtatampo ako o galit ako kesa makita niya yung mukha ko na
namumula. At dahil nga nagmamaneho siya, hinayaan na lang din niya ako. Kesa naman
maaksidente kami dahil lang sa kalandiang pagtatampo ko.
Naramdaman ko na tumigil ang sasakyan niya. Ang pagbukas ng pinto ng sasakyan sa
tapat niya at ang pagbaba niya. Saglit lang ay naramdaman ko ang kamay niya na
nakalahad sa akin. Wala na akong nagawa kundi ang kunin yun.
"Tara na Misis"
Nahampas ko ulit siya. Paano kasi nakakaasar na naman yung ngiti niya. Nakakaloko.
Nakakapanghina ng tuhod.
Magkahawak kaming pumasok ng Mall. Tama sa isang Mall. Ito na yung labas na
sinasabi niya. Yung tipong walang tao na makakakita at makakahalata sa kung anong
merong sa leeg ko. Ito na yun. Ang sweet lang.
Nung tingnan ko siya nakangiti lang siya. At hawak hawak pa din niya ang kamay ko.
Ala Sais pa lang ng gabi, at sobrang daming tao. Naglibot libot lang kami. Ayaw ko
munang isipin kung makikita pa nila yung nasa leeg ko. Basta ang mahalaga kasama ko
kung sino man ang gumawa nun.
After 30 mins ng paglalakad napansin ko na parang wala ng tao sa paligid namin.
Alas nwebe pa ang sarado ng Mall kaya imposibleng wala na agad tao. May nangyari
ba? Uulan ba kaya nagsiuwian na silang lahat?
"Mark.. bakit wala ng tao? Umalis na din kaya tayo?"
"Bakit tayo aalis? Pinasara ko nga tong Mall para masolo ka? Para walang taong
makakita sa kung anong nasa leeg mo na sa palagay ko naman ay mas lalo kang
gumanda"
Nakangiti niyang sabi.
"Pinasara mo? Mark Ethan hindi mo kailangang gawin yun.."
Sigurado ako na sobrang laking bayad nun. Ang ipasara ang Mall. Sa loob ng isang
oras at kalahati? Eh sana pala hindi ko na pinangarao ang date na to? sa Bahay na
lang kami.
"nagawa ko na. At gagawin ko pa din yun kung kinakailangan. Saka kami ang may ari
ng Mall na ito. Madaling sabihin na for security/safety purposes kaya nagsara ang
mall"
"Security Purposes?"
"Oo. Security Purposes. Kailangan kong gawin to para maprotektahan ko ang sa akin"
Hinawakan na niya ang kamay ko. Hindi ako makapagsalita sa sinabi niya. Protektahan
ang sa kanya? Ako ba yun?
Hinila hika niya ako kung saan. Andung naglalaro kami ng kung ano ano. Nakita ko
yung side niya na parang bata lang. Yung parang walang problema sa mundo. Yung
hindi seryoso. Yung parang hindi ako magsasawang pagmasdan siya ng ganito.
"pataasan ng score ahh? tas ang difference ng score KISS ang bayad"
Nakakalokong sabi niya. Nasa tapat kami ng Basketball Ring. At seryoso siya talaga
na Kiss ang bayad? Pumayag na lang ako. Kasi kahit sinong manalo hahalikan? So
anong talo ko sa larong ito? Matagal din akong hindi nakapaglaro nito kaya nga
nangapa pa ako nung una. At tulad ng inaasahan. Ang layo ng score. 44 lang ang
score ko. Siya 113 pts.
"wow. 69 pts difference."
Nakakalokong sabi niya. Ewan. Hindi ko alam kung bakit bigla akong namula sa sinabi
niya. O dahil iba ang naiisip ko sa numerong binanggit niya. Bakit kasi sa daming
numbers, ayun pa.
"isa pa? makabawi ka naman?"
Umiling na lang ako. Kasi masakit na sa braso. At isa pa pagod din ako. Pinanuod ko
na lang siya na maglaro pa. Para kasing hindi halata na magaling siyang
magbasketball. Wala kasi sa itsura niya. Kasi yung itsura niya. Pang Model. Kung
ano ano ang sinubukan niyang laruin, may mga nakuha din siyang stuff toy at
iniaabot niya sa akin. Akala ko susubukan din niyang kumanta kasi ayun na lang ang
hindi niya nilapitan. Ngunit bigo ako. Asa naman kasi ako na kakantahan niya ako.
Kung saan saan din kaming pumasok na kainan. Pero konti lang ang kinakain namin.
Parang pagpasok naman sa mga restaurant may mga nakahanda na na pwede naming
tikman. Ewan, ang khulet mag food trip, sa loob ng Mall. Pero masaya. Kahit nga
siguro saan kung kasama ko siya magiging masaya ako. Lalo na at ganito siya. Yung
normal na tao.
Pumasok kami sa isang stall ng cellphone. Sikat na brand ng cellphone. At nilapitan
ni Mark Ethan yung pinakabagong labas na unit. May inilabas na dalawang unit yung
staff at ibinigay ni Mark Ethan sa akin yung isa. Wala sa loob na kinuha yun.
Inexplore. Maganda talaga siya. Naramdaman ko ang pagtunog ng camera. Pagharap ko
nakatutok sa akin yung hawak ni Mark Ethan.
"Maganda nga pala camera niya."
Nakangiting sabi niya. Tas ibinaba na yun. Ako naman ibinigay ko na sa staff yung
cellphone. Siguro pagkagraduate ko yun na lang ang hihingin ko kay Mommy at Daddy.
"Miss kunin ko na yung dalawang unit"
Madali namang inasikaso nung staff yung mga cellphone. Pagkaabot ni Mark Ethan ng
card niya,maya maya ay lumabas na kami. Sa dalawang paper bag nakalagay yung
cellphone. Hindi pa man kami nakakalayo ay iniabot na niya sa akin ang isang paper
bag.
"ano yan?"
Nagtatakang tanong ko. Kasi kahit obvious pa nga na binibigay niya yun.
Nakakapagtaka pa din.
"Cellphone."
Nakangiting sabi niya.
"Para saan?"
Seryoso pa din ako.
"Para sayo"
At inilagay na niya sa mga kamay ko yung isang paper bag. Wala na akong choice?
Kahit nakakatuwa na may bago akong cellphone. Ayaw kong tumanggap ng mamahaling
bagay mula sa kanya.
"Pero bakit?"
Hindi kami. Walang rason. Nagdate lang kami. Hindi niya ako kailanganga bayaran sa
paglabas namin.
"Kasi gusto ko"
Kasi gusto niya? Napailing na lang ako. Magkaiba kasi yung "Gusto niya" sa "Gusto
niya ako".
"Gagawan mo ba ng issue yan? Sabihin na natin na graduation gift ko sayo? Ok na
ba?"
Tumango na lang ako. Kasi sumeryoso na siya. Nakakakaba. Ayaw kong bumalik siya sa
ganyan. Mas masaya yung kaninang masaya siya. Yung parang Normal lang siya. Yung
pwedeng pwede ko siyang abutin.
_casper_
Chapter 12
Inihatid lang ako ni Mark Ethan pagkatapos ng "Date" namin. Tinawagan kasi siya ng
daddy niya kanina. Baka dahil sa ginawa niyang pagpapasara ng Mall kaya kakausapin
siya. Ang adik lang naman kasi. Simpleng oras lang naman ang kailangan niyang
ibigay. Hindi na kailangang gumawa ng ganung eksena. Bawas tuloy yung kilig na
dapat kong maramdaman kasi nag aalala ako sa kanya.
Itinago ko lang din yung cellphone na bigay niya. Ayaw ko talaga yung idea na
bibigyan niya ako ng mamahaling bagay. Para kasing kabit na ewan ang dating. Saka
sinabi naman niya na graduation gift niya yun kaya pagkagraduate ko na lang siguro
gagamitin. Dalawang buwan na lang naman yun.
Ano nga kayang mangyayari pagkatapos ng dalawang buwan na yun? Papakawalan na kaya
niya ako? O mananatili kami sa sitwasyon na ganito. Neighbors With Benefits.
Hindi na siya dumating nung gabing yun. Kahit kinabukasan hindi din siya nagpakita
sa akin. Hindi ko alam kung nasa unit niya ba siya. Ayaw ko siyang puntahan. Ayaw
ko ding magtext sa kanya kung nasaan ba siya. Kasi ano niya ba ako?
Halos dalawang linggong hindi siya nagpakita sa akin o nagparamdam man lang. Kahit
simpleng text lang wala. Pinilit kong balewalain ang pambabalewala niya. Kasi sa
tingin ko wala akong ginawang kasalanan. Maayos naman yung huling nakasama ko siya
kaya hindi ko alam kung bakit ginaganito niya ako. Yung sobra sobrang sinasaktan.
Pero akala ko kaya ko. Pero natagpuan ko na lang ang sarili ko na nasa tapat ng
building kung nasaan ang opisina niya. Ang adik ko lang din ano? Pwedeng pwede
naman kasi na sa unit ko na lang niya ko siya hintayin pero andito ako. Nagmamasid
na parang ewan. Nagtatago kung saan. Kasi ayaw ko na makita niya ako. Sisilip lang
ako. Gusto ko lang siyang makita. Kasi kahit sobra sobra akong nasasaktan ngayon
mas nangingibabaw na namimiss ko siya.
Hindi naman nagtagal ang paghihintay ko nakita ko siya na palabas ng building. May
kasamang babae. Ang sweet nila. Magkaholding hands. Kaya siguro hindi siya
nagparamdam ng ilang linggo kasi nakahanap na siya ng ipapalit sa akin. Nakahanap
na siya ng mamahalin niya. Ang ganda nung babae. Mukhang kagalang galang. Sabagay
sinong lalaki ang hindi siya mamahalin? At sinong lalaki ang pipiliin ako para sa
kanya? Siya na mukhang may napatunayan na. At bagay na bagay sila ni Mark Ethan.
Iiwan talaga ako ni Mark Ethan para sa kanya. Sino ba ako? Isang babaeng nakuha
niya sa halagang sampung libo?
Pero ang tanga tanga ko din kasi. Kinuha ko ang cellphone ko at nagsend ng message
kay Mark Ethan. Simpleng "Hi" lang yun. Titingnan ko lang ang reaction niya. Pero
gaya ng inaasahan. Kinuha niya lang phone niya sa bulsa, tiningnan kung sino yun at
itinago ulit ang cellphone niya. Ni walang naglarawan sa mukha niya na masaya siya
sa nabasa niya. Parang kumunot pa nga ang noo niya. Parang abala na ba talaga ako?
Umalis ako sa harap ng building nila. Hindi ko din alam kung saan ba ako pupunta.
Kung siguro hindi kasagsagan ng pag aasikaso ng thesis namin siguro uuwi muna ako
sa amin sa probinsya. Gusto ko munang lumayo sa kanya. Yung literal na malayo.
Pero kailangang unahin ko ang pag aaral ko. Ngayon pa ba ako susuko? Kaya kahit
masakit na humarap sa laptop para asikasuhin ko ang thesis ko na si Mark Ethan ang
gumawa wala akong choice. Kahit paulit ulit bumabalik yung eksenang nakita ko sa
harap ng building niya kailangan kong tiisin yung sakit na nararamdaman ko.
Defense day. Dahil nga wala akong kagroup sobrang kinakabahan ako. Pero iniisip ko
na lang na kaya ko to, MATALINO naman ako. Naging TANGA lang sa PAG IBIG. Kaya nung
pumasok ako sa room kung saan ako magprepresent. Kahit papano narelax na ako. Hindi
ako running for cum laude para kabahan. Pero nabalewala lahat ng pag aangat ko sa
sarili ko nung makita ko si Mark Ethan na nakaupo kasama ng ibang panelist. Seryoso
lang siya. Bakit hindi ko alam na isa siya sa magpapanel? sabagay ano nga bang alam
ko sa kanya?
Pinilit kong balewalain ang presensya nung nagsimula na akong magpresent. Naging
maayos naman lahat. Nakakatakot lang pag siya na yung magtatanong sa akin kasi siya
naman ang gumawa ng thesis ko. Kaya alam na alam niya ito. Pero hindi siya
nagtanong. O siguro iniiwasan din niya na magtama ng mga mata namin. Iniiwasan niya
din na mag usap kami. Iniiwasan niya kahit anong interaction na pwedeng mangyari.
Iniiwasan niya ako na para bang may sakit ako. Oo may sakit ako. Sakit sa puso na
ikaw din ang may gawa Mark Ethan.
Wala naman masyadong revision sa thesis ko. Yung mga tanong nila na hindi ko
maipaliwanag masyado si Mark Ethan ang dumedepensa.Siya ang sumasagot. Ako ang
huling nagpresent kaya halos hapon na nung matapos ako. Pagkalabas ko ng room dali
dali umalis na ako. Ni hindi ko na nalapitan ang mga classmate ko na naghihintay sa
akin. Usapan kasi namin yun na walang iwanan. Para paglabas ng room na yun may
mayayakap ka kung sakaling redefense pero nakalimutan ko ang usapan na yun. Lahat
na lang ng bagay nakakalimutan ko pag andyan lang sa paligid si Mark Ethan. Kahit
sana simpleng ngiti lang ang binigay niya kanina baka sakaling mabalewala yung
sakit na idinulot ng pag iwas niya ng ilang linggo.
"Tara na magcelebrate"
Nagulat ako sa biglaang pag akbay at sa pamilyar na boses na yun. Naghihintay kasi
ako ng masasakyan sa may labas ng gate. Hindi ko alam na sumunod siya. Pag angat
ko ng mukha ko. Nakangiti na siya. Ang totoo? Pinaglalaruan mo ba ako Mark Ethan
Valero?
_casper_

Chapter 13

Bago pa man ako nahila ni Mark Ethan sa kanyang sasakyan ay dumating na yung mga
classmates ko. Buti na lang. Hindi ko kasi alam kung ano ang pwede kong maramdaman
pag nakapagsolo na kami. Baka ipagkanulo ako ng pangungulila ko sa kanya.

"Kuya Mark grabe kinabahan kami sa inyo kanina. Hindi namin napaghandaan yung mga
tanong niyo."

"Ganun ba? Pasensya na. Pero ok naman kayong lahat di ba? Gagraduate na kayo"
Nagtanong pala siya sa ibang group? Samantalang sa akin hindi man lang niya ako
matingnan. O kahit sulyap lang. O kahit konting atensiyon lang.

"Paalis na kayo? May pupuntahan kayo?"

Tanong ng isa sa kanila. Hindi ko alam kung paano yun sasagutin.

"Oo sana. Namiss ko tong slave ko."

Sabay akbay sa akin. Slave? Bakit kahit yun naman talaga ako kanya pero bakit ang
sakit sakit pa din pag sa kanya mismo galing? Yung tipong yung sakit na alam mo na
may sugat na, dun pa paghahampasin.

"kaya pala hindi na kami naalala ng isang bata diyan? basta na lang umalis? Sige
na. Una na kami Kuya Mark"
Hindi ko na nagawa pang idepensa pa ang sarili ko. Kasi may kasalanan naman talaga
ako. Para makaiwas kay Mark Ethan wala akong hinagad para ang lumayo. At naiwan ko
ang mga kaibigan ko na naghihintay sa akin. Pero paano ko ipapaliwanag sa kanila?
Kung bakit kailangan kong iwasan ang lalaking ito?

Pagkasakay ko sa sasakyan niya. Agad niyang hinawakan ang kamay ko. Pinaloob niya
ito sa kamay niya. Sabay dinala sa kanyang labi para hagkan. Ayaw ko siyang tingnan
kahit hindi mapagkaila na nakakakilig yung kanyang ginawa. Na hatid ay ilang
boltaheng kuryente sa pagkatao ko. Sa isang halik na naman ba ako bibigay?

"Master.."

Hinila niya ako palapit sa kanya. Kung kanina yung kamay ko ang hinahalikan niya.,
ngayon ay mga labi ko na. Magaan na paghalik. Na pakiramdam ko maiiyak ako. Tatlong
linggong hindi siya nagparamdam pero bakit napawi lahat ng halik na ginagawa niya
ang lahat ng sakit na naranasan ko?

"Mark Ethan. Mas gusto ko na yun ang tawag mo sa akin. Matagal mo na naman akong
tinatawag sa pangalan ko di ba? "

Hindi ko magawang salubungin ang pagkatitig niya sa akin. Pero Mark Ethan parang
kanina lang SLAVE ang tawag mo sa akin? Ang gulo mo. Ang gulo gulo mo. Kasing gulo
kung paano mo ginulo ang buhay ko. Ang puso ko. Ang pagkatao ko.
"Ok."

At inilayo ko na ang sarili ko sa kanya. Kahit parang kung may anong pwersa na
humahatak sa akin na huwag lumayo sa kanya. Kahit ang bilis bilis ng tibok ng puso
ko. Kahit ang tanging gusto kong gawin ay ang makulong sa bisig niya. Naramdaman ko
na lang na namasa ang mata ko. Shet. Bakit ba miss na miss kita? Agad kong
pinunasan yun para hindi niya mahalata. Kasi paano ko yun ipapaliwanag? Na kaya ako
umiiyak dahil sobrang miss ko siya.

"Galit ka ba?"

Mahinang tanong niya.Hindi siya nakatingin sa akin kasi busy siya sa pagmamaneho.
Hindi ko magawang sumagot. Pag sinabi ko ba na galit ako Mark Ethan anong gagawin
mo? Hindi mo naman ako mamahalin pag nalaman mo yun di ba?

"Sabagay sino nga ba ang matutuwa sa ginawa ko? Three weeks akong hindi nagparamdam
sayo"

Alam mo naman pala yun. Bakit kailangang tanungin mo ako? Para ba sakaling itanggi
ko na hindi ako galit? Para hindi ka na makokonsensya? Ganun ba yun Mark Ethan?
"Hindi mo naman obligasyon yun. Na magparamdam sa akin. Sino ba ako?"

Kahit anong pagpipigil na huwag magsalita, naisantinig ko pa din yun. O dahil sobra
sobrang sama ng loob yun ng nararamdaman ko. Yung sakit dahil sa pambabalewalang
ginawa niya.

" Bakit sino ka nga ba sa buhay ko?"

Yung luhang kanina ko pang pinipigilan nagtuloy tuloy na. Sabi na kasi na balewala
lang ako eh. Magsasalita sana ulit ako nung magsalita ulit siya. Ngayon may diin at
kung anong galit ang tono ng boses niya.

"Bakit ba ang tingin mo parang balewala ka sa akin? sa tingin mo sa loob ng tatlong


taon nagtiyatiyaga lang ako sayo? sa tingin mo hindi ka mahalaga?!"

Itinabi niya yung sasakyan. Kaya hindi ko napaghandaan nung hatakin niya ako
palapit sa kanya. Yung mga kamay niya bumabaon sa balikat ko. Yung mga mata niya.
Galit na galit. Ganun ba yun dapat Mark Ethan? Na dapat uunahan mo ako na magalit?
Para matutunaw na yung galit na nararamdaman ko?

"Nasasaktan ako Mark Ethan.."

Niluwagan niya ang pagkakahawak sa braso ko. Pero hindi niya inilayo yung mukha
niya sa akin.

"Mark Ethan.."

"Kaya itanong mo na lahat sa akin pero huwag na huwag kung sino ka nga ba sa buhay
ko"

Matapos niya akong halikan ng mabilis ay pinaandar na niya yung sasakyan. Gusto ko
sanang tumutol sa sinabi niya. Na huwag akong magtanong? Kasi hindi ko naman alam
talaga alam kung ano ako sayo Mark Ethan. Mahirap mag assume. Mahirap na hindi
masaktan lalo na sa isang relasyong na hindi ko alam kung ano ba ang tawag? o sa
isang relasyon na ako lang ang nagmamahal? Kasi Mark Ethan may mga bagay na
kailangang pa ding sabihin. Kasi kung sa kilos mo lang ang pagbabasehan at sa
pinaparamdam mo sa tuwing tayong dalawa lang, sa bawat halik na binibigay mo? At sa
bawat pag iisa ng katawan natin ang dali daling sabihin na MAHAL MO AKO. Pero paano
pala kung init lang ng katawan yun? Hindi dahil sa pagmamahal? Kaya pakiusap
sabihin mo kung ano tayo. Na sana nga di ba? MAHAL mo ako.
_casper_

Chapter 14
Sa condo unit niya kami dumiretso. So dito niya balak magcelebrate? Sabagay kesa
magpasara na naman siya ng Mall. Mas ok na to. Agad akong umupo sa sofa at siya
naman ay may tinawagan. Pumikit na lang muna ako.

Nakakapagod ang araw na to. Pagod ng katawan,utak at puso. After 30 minutes ay


tumunog na ang doorbell. So nagpadeliver na lang siya? Hinayaan ko na lang siya na
mag ayos ng lamesa. Ayaw ko munang lumapit sa kanya.

Naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin. Hindi pa din ako nagmulat. Naramdaman ko
ang paghawi ng kamay niya sa hibla ng buhok na naligaw sa mukha ko. Hinalikan niya
ang mukha ko. Sa magkabilang pisngi. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko ba
makakaya na pumikit lang at hindi magreact sa pinaggagawa niya. Magaan niya akong
hinalikan sa labi.

"Kain na tayo."

Mahina niyang sabi. Pero yung boses niya parang nagpipigil lang. Parang pinipigilan
lang niya na ituloy yung halik na ginawa niya. Pagmulat ko nasalubong ko ang mata
niya.

"Namiss kita. Akala ko makakaya ko na hanggang graduation mo na hindi lumapit. Kaso


hindi,,"

Mabilis niya ulit akong hinalikan at itinayo na niya ako. Iginiya niya ako sa may
lamesa. Lamesa na puno ng paborito kong pagkain. Halos lahat ata andito. Bibitayin
na ba ako? Pizza, burges,fries at chichow?? At sang lumalop siya nakakuha ng
chichow? Napangiti ako.

"Mas maganda ka talaga pag nakangiti ka ng ganyan. At namiss ko yan"

Napatingin na lang ako sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko. Bakit ba siya ganyan
ngayon? Baka nga bibitayin na ako?

"At babawi ako. Gagawin ko lahat para mapangiti ka lagi. Ang mapasaya ka. Yung
lahat ng sakit na naramdaman mo at luhang sinayang mo sa akin lahat yun papawiin
ko."

"Mark Ethan.."

Lagi naman siyang seryoso pero iba ngayon. Parang hindi ko mapaliwanag. Parang
lahat ng salitang lumalabas sa bibig niya ay may hatid na kilig.
"Sabi mo hindi mo alam kung ano ka sa buhay ko. Ikaw ang Buhay ko"

Akala ko ba magcecelebrate kami! Pero bakit pinapaiyak sa mga sinasabi niya? Ako
daw ang buhay niya. Kailangan ko ba ng tatlong salitang matagal ko ng hinihintay?
Parang sapat na sa akin yung mga binitawan niya. Na ako ang buhay niya.

"Hey bakit ka umiiyak? Sabi ko wala akong gagawin kundi ang mapasaya ka. Tas ngayon
pa lang umiiyak ka na?"

Niyakap na niya ako. Yung yakap na parang ayaw ko ng kumawala pa.

"Ikaw kasi.."

"Hahaha tara kumain na tayo"

Habang kumakain kami ay siya yung inaasikaso niya ako. May pagkakataon na
sinusubuan niya ako. Nakangiti lang siya. Yung ang gwapo gwapo niya. Matapos naming
kumain ay pumasok na ako sa kwarto niya siya naiwan para maglinis ng pinagkainana
namin.
Medyo nagulat ako sa ayos ng kwarto niya. Itinulad niya kasi aa kung anong kulay ng
kwarto ko. Pati Bedsheet. Hindi tuloy mawala ang ngiti ko. Dumiretso ako ng banyo
at naligo. May mga ilang damit ako dito kaya ok lang. Ang totoo pwede naman talaga
na dito ako tumira kaso baliw lang talaga ako dati. Paglabas ko ng bathroom ay
andun na si Mark Ethan. Nakaligo na din siya. Dalawa kasi ang bathroom ng unit.
Nakaboxers lang siya. Ako naman naka bathrobe lang kasi hindi ako nakapagdala ng
bihisan ko sa loob.

Agad siyang lumapit sa akin. Parang nahihiya ako. Kung kailan alam ko na kung ano
ako sa buhay niya saka ako nahiya. Inabot niya yung tali ng bathrobe ko, inalis ang
pagkakabuhol at tuluyan niyang inalis ang natatanging tumatakip sa katawan ko.

"Naalala ko nung unang makita ko ang katawan mo. Hindi ko alam ang gagawin ko.
Nakakahiya mang aminin pero unang beses ko din yun"

Nagulat ako sa sinabi niya. Virgin siya nun? Oo may pagkakataon na natitigilan siya
nun. Pero akala ko nahihiya lang din siya. Ako din ang una niya.

"Kung tama ba ang ginagawa ko. O kung napaligaya ba kita"


Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Yung isang kamay niya na sa bewang ko.
Yung isa humahaplos sa kaliwang dibdib ko.

"Pero kailangan kong magmukhang eksperto sa bagay na yun kasi baka pagtawanan mo
ako nung oras na yun."

Patuloy lang siya sa paghaplos sa kaliwa kong dibdib. Mabilis niya akong hinalikan
sa labi tas inilayo nya din ang mukha niya.

"Ang gusto ko lang naman nun ay mahalikan ka. Pero hindi ko na nakontrol ang
sumunod na pangyayari. Nung ilapat ko ang tenga ko sa dibdib mo at mapakinggan ang
tibok ng puso mo, ayaw ko ng lumayo. Kasi masama bang maghangad o mangarap na sa
oras na yun ako ang itinitibok nun?"

Malalim na ang paghinga niya. Siguro nagtatalo ang isip niya kung magsasalita pa
siya o ang halikan ako ulit. Kasi kahit ako hindi ko alam kung anong gusto kong
unahin. Ang pakinggan ba siya o pagbigyan ang init na unti unting binubuhay ng
kamay niya sa ibabaw ng dibdib ko. Inalapit ko na ang mukha ko sa kanya at ako na
mismo ang humalik sa kanya. Na tinugon niya din naman na mas mainit na paghalik.
Binuhat na niya ako sa kama niya na hindi napuputol ang halik namin. Agad siyang
umibabaw sa akin. Yung kaninang hinahaplos niya ay ngayon ay sakop na ng kanyang
labi. Matagal siyang nanatili dun. Parang yung tatlong linggong hindi siya
nagparamdam ay binabawi na niya ngayon. Yung mga labi niya na busy sa dibdib ko at
ang isang kamay niya ay naglilikot sa pagitan ng hita ko.
"Mark Ethan.."

Bumangon siya at inalis ang suot niya. Akala ko tatabihan niya ako pero dumiretso
siya sa pagitan ng hita ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko matatagalan ang
ginagawa niya naramdaman ko na lang ang pagkawala ng kung ano sa ibabang bahagi yun
ng katawan ko. Sunod nun ay pumwesto na siya para tuluyan akong angkinin. May
kakaiba ngayon sa pag iisa ng katawan namin. Kasi alam ko na kung ano ako sa buhay
niya. Hindi katulad dati na puro takot at galit ang nararamdaman ko. Ngayon sa
bawat paggalaw niya alam ko na kung anong ibig sabihin. Kaya sobrang saya ko lang.

Humiga siya sa tabi ko pagkatapos. Hinalikan niya ako ng magaan sa labi at niyakap
niya ako.

"nung unang beses na yun hindi kita magawang yakapin pagkatapos. Nagtatalo ang isip
ko kung napaligaya ba kita o galit ka ba? Kinakabahan ako nun. Kaya umalis agad ako
sa tabi mo. Na dapat hindi ko ginawa"

"akala ko nandidiri ka sa akin nun. Na nakuha mo ako ng ganun ganun lang"

Humigpit ang yakap niya. Ganun naman talaga ang pakiramdam ko dati. Pero wala akong
magawa. kasi nga Mahal ko na siya nun.
"Kaya nga dapat hindi kita iniwan. Pasensya ka na. Hindi ko kasi alam. pero sabi ko
nga babawi ako."

Sumiksik na lang ako sa dibdib niya. Kasi tapos na naman yun. Ang mahalaga ay kung
ano ang ngayon. Na kahit papaano malinaw na kung ano ako sa kanya.

_casper_

Chapter 15
Nagising kami kinabukasan mga alas diyes na ng umaga. Hindi din naman ako makaalis
sa pagkakayakap niya. At ayaw ko din namang kumalas. Ngayon pa ba? Paglabas namin
ng kwarto niya may mga tao dun. Sa sobrang gulat ko nagtago ako sa likod ni Mark
Ethan. Buti na lang pala na nakapag ayos na kami ng sarili bago kami lumabas ng
silid niya. Nakakahiya.

"Mom! Dad!"

Mahigpit ang pagkahawak sa akin ni Mark Ethan. Hindi ko alam kung para saan ba yung
higpit ng pagkakahawak niya. Para ba hindi ako tumakbo pabalik ng kwarto niya o
para hindi ako umalis sa likod niya para magpakita? Pero hindi ko din naman
gugustuhin na umalis sa likod niya.
"Kanina pa namin kayong hinihintay lumabas."

Seryosong sabi ng Daddy niya. Nakakatakot. Hindi naman sa ganitong sitwasyon ko


gustong makilala ang pamilya niya. Nakakahiya. Siguro nakita nila ang ayos namin
kanina sa kwarto ni Mark Ethan. Magkayakap sa ilalim ng kumot.

"Dad.."

"Anong pangalan mo Anak?"

Hindi ko namalayan na nasa tapat ko na ang Mommy ni Mark Ethan. Mukha naman siyang
natutuwa sa pagtatanong niya. At ang ganda ng Mommy niya.

"Ahm.."
Nagulat ako ng bigla na lang niya akong hinila palayo kay Mark Ethan at niyakap
niya ako.

"Pagkagandang bata!!"

Hindi ko na nagawang sabihin ang pangalan ko sa higpit ng yakap niya. Nakakatuwa


ang Mommy niya. Ang Cool. Bakit nagkaanak siya ng kasing suplado ni Mark Ethan?

"Mom!!"

Hinila ang ni Mark na makalayo sa Mommy niya. Yumuko lang ulit ako.

"Siya ba ang kasama mo nung pinasara mo ang Mall? Huh Mark?"


Sa Daddy niya ata nagmana si Mark Ethan. Nakakatakot ang pagiging seryoso niya. At
infairness mas gwapo ata ang Daddy niya sa kanya. Bagay na bagay silang mag asawa.

"Yes Dad"

"Anong problema mo Ethan? Tingnan mo naman ang kinalolokohan ng anak natin. Ang
ganda ganda. Kahit ata yung kumpanya ok lang ipasara kung sasagutin naman ang anak
natin"

"Janine.."

"Magtigil ka nga. Ngayon lang ako nakakita ng babae na kasama nga anak natin.
Nawala tuloy ang pagduda ko na bading siya"

"Mom!"
Kung hindi siguro ako kinakabahan baka humagalpak ako ng tawa. Si Mark Ethan?
bading? Hindi ko maimagine.

"Tara na kumain na tayo. Hayaan niyo ang Daddy niyo."

Iginiya na ako ni Mark Ethan sa may lamesa. At madaming pagkain silang dala.
Masyado ba nilang namiss si Mark Ethan?

"Gaano na ba kayo katagal Ineng?"

Medyo nagulat ako sa tanong ng Mommy niya. Gaano katagal? Nakakahiya namang sabihin
na kagabi lang kami nagkalinawan? Tas may nangyari na agad sa amin? Ano na lang
iisipin nila?

"Almost Three Years."


Mas nagulat ako sa sagot ni Mark Ethan. Kaya napalingon ako sa kanya. Ganun na kami
katagal? Bakit hindi ko alam?

"ganun na katagal? at bakit parang gulat na gulat ang girlfriend mo? Hindi ba niya
alam?"

"Hindi lang malinaw sa kanya. Pero ganun na kami katagal"

Hinawakan niya ang kamay ko na nasa ibabaw ng lamesa. Yung paraan ng pagtitig niya
nakakatunaw.

"ikaw lang pala ang may alam na kayo? Manang mana ka sa Daddy mo talaga. Ang hilig
sa patago"
"Janine.."

Iiling iling yung Daddy niya. Pero nakangiti na. Hindi katulad kanina na seryosong
seryoso siya.

"Anong course mo Hija? Tapos ka na ba?"

"Mechanical Engineering Sir. Graduating po."

"Parehas pala ng sa anak ko. Pag nakapasa ka sa Board. Bakit hindi mo itry sa
company namin?"

"Pero Sir,, nakakahiya po


"at bakit ka mahihiya? Alam ko naman na ikaw na para sa anak ko. Minsan lang kami
magmahal. Kaya bakit hindi mo pag aralan ang pamamalakad ng kumpanyang magiging sa
inyo din naman banda banda diyan?"

Kanina nakakatakot ang Daddy niya pero sa mga sinabi niya parang nawala lahat ng
kaba ko. At yung sinabi niya na naniniwala siya na kami na talaga. Nakakataba lang
ng puso.

"Dad, Mom Huwag niyo namang ipressure masyado tong girlfriend ko"

Girlfriend? So Official na? Tayo na talaga Mark Ethan?

"Eh kung dati mo pa siya pinakilala eh di hindi mabibigla ng ganyan"


"Eh di nawala ang atensyon niya sa akin Mommy? Selfish ako Mom. Akin lang ang Mahal
ko"

MAHAL?!! Kung wala sigurong ibang tao baka nagtatalon na ako. Kanina Girlfriend?
Tas ngayon Mahal? Eh bakit sa Harap ng magulang lang niya sinabi lahat? Totoo ba
lahat yun? Umayos ka Mark Ethan. Nakakamatay ang sobrang kilig.

_casper_

Chapter 16
Ilang oras din na nanatili ang Mommy at Daddy ni Mark Ethan sa unit niya. At sa
panahon yun tamang ngiti lang ako at sang ayon sa kanila. Kahit ok yung parents
niya sobrang nahihiya pa din ako. Nung inihatid sila ni Mark umuwi naman ako sa
unit ko.
Iniisip ko yung itsura ng Daddy niya. Medyo kamukha siya ni Mark. Hindi ko tuloy
maiwasan na isipin na ganun ang magiging itsura niya kung magkakaedad na. At sana
ako pa din ang kasama niya sa mga panahon na yun. Kasi wala naman akong maisip na
kasama kundi siya lang. Lalo pa ngayon na alam ko na kung ano ako sa kanya.
Hindi pa man ako nagtatagal sa unit ko ay andyan na agad si Mark. Nambubulabog.
Nambubulabog ng tibok ng puso ko. Pagkabukas ko ng pinto ng unit ko ay agad niya
akong niyakap at iginiya papasok sa loob.
"Kamusta ang Parents ko?"
"ang bait ng Mommy mo. Medyo nakakatakot ang Dad mo nung una. Pero ok naman sila"
"Good"
Magkatabi kami ngayon na nakaupo sa sofa. Hawak hawak niya ang kamay ko. Masuyong
pinaglalaruan ang mga daliri ko.
"Mark about sa sinabi mo sa kanila kanina? Seryoso yun?"
Nahihiya akong ungkatin yun. Yung dalawang salitang muntik muntikang magpatalon sa
puso ko. Yung Girlfriend At Mahal.
"Alin don?"
Medyo masasaktan sana ako sa sinabi niya kaso pagtingin ko sa mukha niya nagpipigil
lang ng ngiti. Yung anytime bigla bigla na lang siyang hahagalpak ng tawa. Gusto ko
sana siyang kurutin sa inaakto niya kaso nahihiya ako. Wala pa naman kami sa ganun.
Na parang normal couple.
"Ituloy mo kaya"
"Ang alin?"
Nakakunot kong tanong. Dinala niya yung kamay ko sa may bandang tagiliran niya.
"Yung plano mong pagkurot. Hindi ko pa nararanasan ang ganun. Yung parang naiinis
na naglalambing na girlfriend."
Gustong gusto ko talaga siyang kurutin. Lalo na at siya na mismo ang naghain ng
tagiliran niya sa akin. Kaso nung lumapat naman yung mga kamay ko dun. Mas natukso
akong haplusin yun.
"Sabi ko kurot hindi haplos"
Nakangiting sabi niya Agad kong binawi ang kamay ko sa kanya. Nakakahiya. Pero kasi
hindi ko mapigilan. Ilang beses ko ng nakita yun. At masasabi ko na yun ang isang
parte ng katawan niya na perfect talaga. Yung bahaging yun na may kung anong
babaybayin ka pababa. Napalayo ako ng konti sa kanya. Nakakahiya ang iniisip ko.
"Mas maganda ka talaga pag ganya na nagbablush ka. At natutuwa ako sa tuwing
namumula ka ng ganyan. Kasi may epekto ako ng ganyan. sayo. Halika nga. Sige na
pwede ng haplos"
Inilapit niya ako sa kanya. Yung kamay ko ipinasok niya sa loob ng T-Shirt niya.
Hindi ko tuloy masalubong ang tingin niya. Hinaplos niya ang mukha ko.
"Naalala ko yung tanong mo, kung hanggang kailan tayo ganito? O kung kailan kita
papakawalan? Sabi ko, kung kailan ko gusto." Ngumiti siya at inalis niya yung mga
kamay ko sa parteng yun ng katawan niya. Pinagsalikop niya ang aming mga kamay.
"Kung kailan ko gusto ko. Kasi yun ang kontrolado ko. Ayaw kong sabihin na pag sawa
ka na pwede mo na akong iwan. Kasi hindi ko kaya. Kaya selfish man ang dating ng
sagot ko o parang kinukulong kita pero masisisi mo ba ako? Kung yun lang ang paraan
para hindi ka makawala?"
"Mark Ethan.."
"Kung ano man ang sinabi ko aa harap ng parents ko. Totoo lahat yun. Hintayin mo
lang akong direktang sabihin yun sayo. Yung tatlong salitang yun. Kasi nahihiya pa
ako. At kailangan ko pang patunayan yun sayo"
"Nahihiya?"
Isang napakagwapong torpe nga siguro itong si Mark Ethan. Pero hindi ko din naman
kakayanin kung sabihin niya yun. Parang kailangan lagyan ko muna ng bakal na harang
yung puso ko. Baka kasi biglang tumalon pag sinabi na niya.
"Nahihiya ako. Kasi kung kailan nakuha ko na ang lahat sayo saka ko sasabihin na
MAHAL KITA? Sinong basta basta maniniwala dun na seryoso ako na MAHAL nga kita? Na
matapos lahat ng sakit na dinulot ko sayo basta na lang ako magsasabi ng I LOVE
YOU?. Kaya hindi ko pa kayang sabihin."
"adik."
Yumakap na lang ako sa kanya. Kasi hindi ko talaga kayang ganyan siya. Hindi ko din
kayang marinig yung I LOVE YOU niya. Ganun pala yun? Pag sobrang hinahangad mo ang
isang bagay tapos andyan na sa harap mo parang ang hirap paniwalaan agad. Kasi baka
pag bigla mong sinunggaban. Baka hindi pala totoo. Masasaktan ka lang. Kaya tama
lang yun Mark Ethan. Mahiya ka na lang muna sa ngayon.
"saka hindi mo pa din naman sinasabi yun"
Bigla akong kumawala sa pagkakayakap nya. So kailangang mauna ako? Ganun?
"Ang alin ang sasabihin ko?"
"Alam mo na yun."
"Itatanong ko ba kung alam ko?"
Ako naman yung nagpipigil ng ngiti. Pero imposible naman na kurutin ako nito. Baka
mapatunayan ko yung sinasabi ng Mommy niya na bading siya.Si Mark Ethan? Hindi ko
talaga maimagine. Ang kulit ng Mommy niya para isipin yun. Hinila niya ulit ako
palapit sa kanya. Mas mahigpit ang ginawa niyang pagyakap.
"Alam mo yun. Na ano.. Na sobrang gwapo ko"
Pagtingin ko sa kanya. Bigla siyang ngumiti. Yung ngiting hindi ko nga pagdududahan
na gwapo siya Yung ngiting sobrang nakakatunaw. Yung parang ang ganda ganda ko para
ngitian niya ng ganyan.
Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya.
"Oo nga. Ang gwapo nga." Ibinaling ko sa kanan tas sa kaliwa. " Ang gwapo gwapo ka"
Tas inilapit ko ang mukha ko sa kanya at mabilis siyang kinintalan ng halik sa labi
niya. Mabilis lang yun. Nakaw lang talaga. Yung tipong harap harapang pagnanakaw.
"Sobrang gwapo talaga"
Ikinabig niya ulit ako palapit sa kanya at niyakap. Bakit ba ang hilig niyang
mangyakap ngayon? Pero gusto ko naman yun. Yung pakiramdam na parang ayaw niya
akong pakawalan. Pero parang hindi normal ang paghinga niya. Tas yung paghaplos
niya sa may bandang braso ko bumaba sa parteng bewang ko.
"Sa dami ng mga halik na napagsaluhan natin. Pinakagusto ko talaga yung halik na
ikaw ang naguumpisa. At dalawang beses mo palang ginagawa yun. At parehong dito pa
sa unit mo. Iniisip ko tuloy kung dito lang sa unit mo ikaw may lakas ng loob na
gawin yun?"
"Siguro"
Hinuli ko ang kamay niya na papasok na sana sa pababang ilalim ng blouse ko. Ngayon
ko lang din naman gagawin to. Ang biruin siya. Na kunwari tumututol ako. Pero
pinagsalikop niya lang din yun. Kapagdakay dinala sa labi niya para halikan.
"Parang gusto ko tuloy lumipat na dito para araw araw maranasan yung halik na yun"
"parang pwede"
"At bakit hindi pwede?"
"Mark Ethan.."
Medyo kinabahan ako sa biglang pagseryoso ng boses niya. Pero hindi pa din naman
siya kumakalas sa pagkakayakap sa akin.
"Pag sinabi ko na ba yung salitang yun. Pwede na akong lumipat?"
"Ang daya"
Naramdaman ko ang paghalik niya sa ibabaw ng ulo ko. Hindi na din siya nagsalita
pa. Yung paglilikot din ng kamay niya kanina hindi na niya inulit pa. Siguro gusto
lang din niya na ganito kami. Na magkausap lang. Kasi ayun naman ang kulang sa
amin. Ang pag uusap. Pero napaisip din ako sa sinabi niya. Yung tatlong salitang
yun kapalit ng paglipat niya dito. Pero Mark Ethan parehas pa akong hindi handa sa
dalawang bagay na yun. Mag iipon pa ako ng paglalagyan ng kilig para sa sandaling
yun. At madami dami ang kailangan kong pag ipunan.
_casper_

Chapter 17
Ilang araw na lang gagraduate na ako. Andito ako ngayon sa school. May ilang
requirements lang na kailangang ibigay pero pag ganitong mga panahon wala na
talagang ginagawa ang mga fifth year. Bukod sa graduation pinaghahandaan na din ng
mga juniors ang JS PROM namin. Sa College of Engineering kasi, per department yung
JS PROM. Usually after defense ng thesis siya. Yung tipong sigurado na ang mga
fifth year na gagraduate sila. Yung wala ng aalalahanin. Third Year ang bahala mag
ayos ng lahat. Ganun ang kalakaran. Kasi tribute nga siya sa mga gagraduate. Pwede
ding magdala ng partners/date ang mga fifth year. At speaking of date? Nahihiya
akong magsabi kay Mark Ethan. Baka kasi busy siya. Kasi syempre puyatan yun eh.

"Saan pala kayo pumunta ni Kuya Mark Ethan after Defense?"

"huh?"

Medyo nagulat ako sa tanong ng kaklase ko. Akala ko hindi na nila uungakatin pa?
Kasi maghapon na wala silang binabanggit. Tas kunh kailan malapit na kaming umuwi
saka na lang magtatanong?

"Ang cute niyo ngang tingnan. Bagay kayo girl!"

Ay adik. May paghampas pang nalalaman. Hindi ko alam na may fan na agad ang aming
loveteam ni Mark Ethan.

"wala kumain lang."

Mas safe na sagot. Kasi alangang sabihin ko na sa unit ni Mark Ethan kami tumuloy?

"Ito naman. Kwento na dali."


"Ano naman ikwekwento ko?"

"suplada"

Nangingiti na lang ako. Iniisip ko lang kung legal siguro kami parang ang sayang
magkwento. Na parang ang sarap din sanang ipangalandakan yung pagmamahalan namin.
At pagmamahalan talaga?

"May date pala ulit kayo?"

Medyo nagtaka ako sa sinabi niya. Naglalakad na kami palabas ng gate. Tas
napatingin ako sa itinuro niya. Andun si Mark Ethan. Nakatayo sa tabi ng sasakyan
niya. Dati naman na hindi siya lumalabas? Eh bakit ngayon?

"Hindi ko alam"

Kahit parang medyo nahihiya ako kasi kasama ko mga kaklase ko. Kinikilig naman ako
na makita siya. Kaya pala hindi siya nagpaparamdam maghapon? Sosorpresahin niya
pala ako?

Paglapit namin sa kanya. Nag aalangan akong lumapit sa kanya. Hindi ko kasi alam
ang ikikilos ko. Lalapit ba ako sa kanya? Nahihiya ako.

"Hello"

Nakangiting sabi niya. Inilang hakbang niya yung pagitan namin at mabilis niya
akong hinalikan sa pisngi. Hinawakan niya yung kamay ko at iginiya niya ako palapit
sa sasakyan.

"Kuya Mark akala ko ba SLAVE lang?"

Hindi ko magawang tumingin sa kanila. Eh kasi naman. May patanggi tanggi pa ako
kanina. Kung ako ba ang

pakay niya. Tas bigla siya manghahalik.

"May sinabi ba akong SLAVE? Sabi ko LOVE"

Medyo nahampas ko siya ng kaunti. Kasabay ng pagtitilian ng mga classmate ko.


Nakakatakot dati na hindi siya nagsasalita. Pero mas nakakatakot ngayon na vocal
siya. Yung anytime basta basta na lang siya babanat at magpapakilig.

"Guys una na kami"

"Sige kuya. see you sa prom kuya"

Hindi ko alam kung anong reaction niya sa sinabi nila about sa prom. Nakatalikod na
kasi ako nun sa kanila. Ang aadik talaga ng mga yun. Hindi ko nga alam kung paano
ko sasabihin kay Mark Ethan yung sa prom. Ok lang naman kasi na hindi niya ako
samahan.

"For sure hindi ako titigilan ng mga yun ng pangangantiyaw"

"Atleast titigil na yung mga lalaki na lumapit sayo"

Medyo seryosong sabi niya. Sinapian na naman siya. Seryoso na naman. Mali pala.
Kanina pala siya sinapian. Kasi hindi siya seryoso.

"Wala namang lalaking lumalapit sa akin"


"So bakla pala yung lalaking kasama mo nung naglasing ka? At yung sumundo sayo
kinabukasan?"

"Nagseselos ka na ng lagay na yan?"

Hindi ko alam kung saan ko ba nakuha yung lakas ng loob para tanungin siya.

"Bakit bawal ba akong magselos? Wala ba akong karapatan na magselos?"

"Wala"

Nahampas niya yung manibela sa sinabi ko. Yung mukha niya galit na galit. Pero
bakas din na nasasaktan siya. Pero hindi siya nagsalita. Nagpatuloy lang siya sa
pagmamaneho.

"Mark Ethan.."

"Isusumbong kita kay Mommy kasi sinasaktan mo ako"

Medyo napatawa ako. Mama's Boy? Hinawakan niya ang kamay ko. Pero hindi pa din niya
ako tinitingnan.

"Ano nga bang karapatan ko na masaktan? Pero masakit talaga. Iniisip ko pa lang na
wala akong karapatan na magselos? na wala akong karapatan sayo? Kung hindi kita
kasama ngayon baka naibangga ko tong kotse sa sobrang sakit na nararamdaman

ko."

Nakakatakot ang sinabi niya. Na ibabangga niya yung sasakyan. Mabigat din sa dibdib
yung mga sinabi niya kasi ramdam na ramdam ko yung sakit ng bawat salitang
binitawan niya.

"wala kang karapatan kasi wala ka naman pagseselosan"

Pagbaling niya sa akin. Ang lapad lang ng ngiti niya. Hinila niya ako ng mabilis
para mabilis din niya akong halikan sa labi. Tas nagfocus siya ulit sa pagdadrive.

"Ang adik mo Mark Ethan"

"Kasalanan mo. Hindi mo man sinasadya o wala kang kaplano plano pero naadik ako
sayo ng ganito"

Naadik? So dati yung kinikilos nya parte lang ng pag aamok niya?

"Kailan ang JS PROM niyo?"

"sa friday"

"so wala kang balak na gawin akong date sa Prom niyo?"

"Kumukuha pa ako ng lakas ng loob para magsabi sayo"

"Sige. Sabihan mo lang ako para pumayag agad ako"

Payag siya? Seryoso payag nga siya? Ibig sabihin sobrang gwapo ng date ko sa PROM?
At first time ko na makakasayaw siya? Na nung third year kami pinangarap ko na sana
isayaw niya ako. Pero hindi naman siya pumunta.
"Sige Date na kita"

"Yes!"

Napailing na lang ako. Ang kulit niya. Yung side niya na ganito. Parang gustong
gusto na laging masaksihan. Kahit siguro walang label kung ano kami. Mahalaga pa ba
yun? Eh ang saya saya lang namin ngayon.

_casper_

Chapter 18
PROM NIGHT
Kinakabahan ako na medyo excited din. Hindi mawala sa isip ko yung kasiyahan sa
mukha ni Mark Ethan nung sabihin ko na siya na ang date ko. Para siyang bata.
Nakakatuwa. At ngayon na konting minuto na lang ay susunduin na niya ako. Unang
beses namin na lalabas na sobrang daming makakakilala sa amin. Although alam na ng
mga classmate ko na may something sa amin ni Mark Ethan. Nakakakaba pa din. Narinig
ko ang pagtunong ng doorbell ng unit ko. Agad kong pinasadahan ng tingin ang itsura
ko. Ang reflection ko sa salamin. Ang kulay pula kong Dress. Mahaba siya na may
slit hanggang sa medyo taas ng tuhod ko.

Matapos kong masiguro na ok na ako. Pinuntahan ko na si Mark Ethan. Hindi ko alam


kung ano ba ang suot niya. Tinanong pang niya kung ano bang kulay ng suot ko. Medyo
huminga ako ng malalim bago ko buksan ang pinto antipasyon sa kagwapuhang
masisilayan ko.

"Ready?"

Bungad niya ng pagbuksan ko siya ng pinto. Oo. Alam ko na gwapo siya. Pero hindi ko
akalain na may igwagwapo pa pala siya? Ngayon ko lang siya nakita na ganito ang
suot. Kulay Itim na amerikana, na ang pang ilalim ay kakulay ng damit ko. Ang gwapo
niya talaga.
Hindi ko alam kung paano ko natagalan ang titig niya sa akin. Kung nagustuhan ba
niya? Pero tinalikuran niya lang ako.
"Mark Ethan.."
Napansin ko ang pagbuntong hininga niya bago siya humarap sa akin.
"Gusto kitang halikan. Yakapin. Hilahin papasok sa loob ng unit mo. Pero pag ginawa
ko yun baka hindi na tayo matuloy sa PROM. Bakit kasi ang ganda mo? Bakit
nagpaganda ka ng ganyan?"
Napangiti na lang ako. Ang adik lang ng lalaking to. Akala ko hindi niya nagustuhan
kaya niya ako tinalikuran. Yun pala umiwas lang siya para sa mga bagay na pwede
niyang gawin.
Lumapit siya sa akin. At niyakap ako. Saglit lang yun. Lumayo ulit siya at
hinawakan ang mga kamay ko.
"Hindi ko alam kung bakit kailangan mo pang maglagay ng lipstick?"
"kailangan kasi.."
"Sino ba kasi ang nag imbento niyan? Yang Lipstick na yan! Hindi kita magawang
halikan ngayon. Yan ang huling beses na maglilipstick ka. Kahit sa kasal ko wag na
wag kang maglilipstick!"
"Tara na nga. Ang adik mo"
Hinila ko na siya palayo sa unit ko. Kasal ko? Kasal niya lang? Hindi niya sinabing
kasal namin.
Buti nung nasa sasakyan na kami. Medyo kumalma na siya ng kaunti. Kung makapag amok
tungkol sa halik akala mo naman pinagkakait ko sa kanya yun. Parang kagabi lang
magkasama kami sa unit ko. At hindi lang halik ang ginawa niya. Ganun mo ba ako
kamiss agad? O ganun lang talaga ako kaganda ngayon? Shet. Haba ng Hair.
Bago niya paandarin ang sasakyan ay may kinuha siya sa likod na upuan.
"Para sa napakagandang date ko ngayon"
Nakangiting sabi niya sabay abot ng isang pirasong long stem rose. Kulay pula yun.
Katulad ng suot ko. Kukuhanin ko na sana yun ng ilayo niya sa akin.
"Bawal kang makipagsayaw sa iba mamaya."
Tumango na lang ako. Ayaw kong umiyak pero naluluha ko. Ito ang unang beses na
binigyan niya ako ng bulaklak. Kaya kahit anong sabihin niya papayag ako. Hinawakan
niya ang kamay ko. At dinala yun sa labi niya at masuyong hinalikan.
"Alam mo ba na madaming beses na na plinano ko na bigyan ka ng bulaklak? Minsan
nakatago lang sa unit ko. Iaabot na lang. Pero nauunahan ako ng hiya. Hindi ko din
naman maipapaliwanag kung bakit kita bibigyan. Pero ngayon kahit hindi ko
maipaliwanag. Alam ko naman na hindi ka na malilito. Ngayon gagawin ko ang lahat o
ibibigay ko ang lahat sayo para kahit isang segundo hindi mo maiisip na lumayo sa
akin"
Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. Magaan ko siyang hinalikan sa labi niya. At
agad din na lumayo. Wala akong masabi sa lahat ng sinabi niya. Sana sapat na ang
halik na yun para maparating kung anong nararamdaman ko.
Habang nagmamaneho siya ay hawak hawak niya ang kamay ko. At ako naman hawak hawak
ko yung bigay niyang bulaklak. Nakarating kami sa venue ng hindi na kami nag usap
pa. Tanging mga kamay na lang namin ang nagkaintindihan. Iniwan ko sa sasakyan yung
bigay niya. Baka kasi kung saan ko lang yun maiwan maya. Ipapaframe ko pa yun.
Pagpasok namin sa Venue ay agaw atensiyon agad kami. Lalo na siguro ang kasama ko.
Yung paghangang nakikita ko sa mga mata ng lower years. Lalo kong hinigpitan ang
pagkakahawak ko sa kamay niya. Baka kasi malingat ako at maagaw siya ng iba. Bakit
nga ba naka attend pa kami? Kung alam ko lang na ganito na madaming hahanga sa
kanya sana nagkulong na lang kami sa unit ko.
"Hindi mo kailangang higpitan ang hawak sa akin. Wala akong planong lumayo sayo"
Bulong niya sa akin. Medyo napahiya naman ako sa sinabi niya kaya binitawan ko ang
kamay niya. Pero agad din naman yung kinuha. At mahigpit na pinagsalikop yun.
"Pero ikaw kailangang hawakan ko ng mahigpit. Baka bigla na lang may maglayo sayo"
Napatingin ako sa tinitingnan niya. At dun nakita ko si Julian. Bakit nga ba nawala
sa isip ko na posibleng magkita sila? Masyado ba akong natuwa na siya ang date ko
at nawala sa isip ko na posibleng magkasakitan sila?
"Kung papayag akong ilayo niya"
"at lalo na ako. Para ka lang kay Mark Ethan"
Hinila ko na siya dun sa table kasama ng mga barkada ko. At para din maitago ang
ngiti sa labi ko. Para lang daw ako sa kanya.
Naging maayos naman ang presentation ng 3rd year. Maayos ang venue. Masarap ang
pagkain. Hindi ko na madetalye lahat kasi masyadong maasikaso si Mark Ethan para
magkaroon pa ako ng pakialam sa paligid. Nung kumain kami may pagkakataon na
sinusubuan pa niya ako. Nung una nahihiya ako kasi alam ko na may nakakakita pero
naisip ko na lang bakit papalampasin ko ang pagkakataon na ito? Matagal kong
hinintay na sana pahalagahan na din niya ako. At ginagawa na niya ngayon. Sino ako
para umarte pa?
Hindi pa kami nagsasayaw dalawa kasi after pa ng announcement ng PROM PRINCE/KING
and PROM PRINCESS/QUEEN saka magstart ang sayawan. Kumbaga yung sayaw ng mapipili
ang magiging hudyat na simula na ng sayawan. Halos maghahating gabi na kaya malapit
na nilang iannounce yun.
"sabi kasi huwag kang magpapaganda."
Nagulat ako sa sinabi niya. Iaannounce na kasi ang Prom Queen. Si Julian ang Prom
King. Nagulat ako nung sunod kong marinig ang pangalan ko. Pagtingin ko kay Mark
Ethan ang seryoso niya. Nakadalawang beses akong tinawag bago ko nagawang tumayo.
Ayaw kong lumayo kay Mark Ethan. Ayaw ko na hindi siya ang First Dance ko. At yung
itsura niya. Alam ko na ayaw niya din. Pero wala siyang magagawa.
Pumunta ako sa may gitna ng nakayuko lang. Kinabitan ako ng sash pero hindi ako
tumitingin sa kanila. Baka kasi makita ko si Mark Ethan. Madami namang maganda sa
mga classmate ko bakit ako pa ang napili nila. Hindi ko din nagawang tingnan si
Julian. Nakatungo lang talaga ako. Nung nagsimula na nilang patugtugin kung ano man
ang sasayawin namin. Lalo akong hindi nakakilos. Sana kasi si Mark Ethan na lang.
"Baby.."
Napatunghay ako sa boses na narinig ko.
"Mark Ethan.."
Ngumiti siya. Inilahad niya ang kamay siya sa akin. Agad ko naman na ipinatong yun.
Bakit siya andito sa harap ko. Hinanap ko si Julian. Nung makita ko siya ngumiti
lang siya at nag thumbs up. Ngumiti na lang ako sa kanya.
"Our First Dance"
Naramdaman ko ang kamay niya sa bewang ko. Inilapit niya ako sa kanya. Yung mga
kamay ko inilagay ko sa may balikat niya. Gusto ko din sanang sabihin na First
dance ko din talaga to. Hindi naman bongga ang celebration nung 18th birthday ko.
Ayaw ko kasi ng ganun.
"at lalong hindi huli"
Sabi pa niya. Sana nga hindi ito ang huli. Sana nga kung ano man ang meron sa amin
ni Mark Ethan ay hindi na matapos. Sabi nila wala daw FOREVER. Pero hindi ko naman
hinihiling na ganun. Hindi din ako naniniwala sa INFINITY. Lahat ng bagay may
katapusan. Ang maganda sa amin ni Mark Ethan wala pa namang nasisimulan talaga. So
paano matatapos?
Hinapit niya ko palapit sa kanya. Yung bibig niya nasa tapat ng tenga ko. Nagulat
ako nung bigla niyang sabayan yung kanta. Yung parang hinaharana niya ako.
"'Cause all of me
Loves all of you
Love your curves and all your edges
All your perfect imperfections
Give your all to me
I'll give my all to you
You're my end and my beginning
Even when I lose I'm winning
Cause I give you all of me
And you give me all of you, oh"
Bawat salitang binibitawan niya ramdam na ramdam ko. Anong panama ng original
version sa version niya? Ang ganda ng boses niya. Natapos ang kanta pero hindi ko
magawang lumayo sa kanya. Hindi ko kasi alam kung masasalubong ko ang titig niya.
Hindi ko kasi lubos maisip na dalawang first time ang ginawa niya. Ang isayaw ako.
At kantahan ako. Sino pa ang magkakaroon ng sapat na lakas matapos maranasan yun?
Ang pagpapakilig ng isang Mark Ethan.
_casper_

Chapter 19
Hindi ko alam kung paano na natapos ang PROM namin. Sa lahat ng kilig na pinadanas
na Mark Ethan nawala na ako sa katinuan na mag isip pa. Pagpasok ko sa university
hindi na ako lalo nakaligtas pa sa kantiyawan ng mga classmate ko. Na ang swerte ko
daw. Na napakalihim ko daw. Bakit daw wala silang kaalam alam na meron na palang
something sa amin ni Mark Ethan.
Buti na lang talaga at malapit na kaming grumaduate nung malaman nila. Kasi kahit
sabihin na masaya ako na alam nila. Nahihiya pa din akong pag usapan ang tungkol sa
amin. At may posibilidad na malaman din nila kung ano ang set up namin. Na hindi
naman kami nagsimula as normal na couple. Na ngayon lang talaga kami nagkaayos.
Kaya mas ok na na hanggang dun lang ang alam nila. Na kami ni Mark Ethan. Kami na
nga ba talaga?

Graduation Day.

Akala ko magiging ok ang araw na ito para sa akin. Kasi di ba ito na yung
pinakamasayang araw ng isang estudyante. Ang matapos ang lahat ng paghihirap sa
kursong pinili. Pero kagabi tumawag si Daddy na hindi sila makakapunta. Sumama
pakiramdam ni Mommy. Hindi kakayanin ang bumyahe. Hindi ko din naman gusto na
iwanan niya si Mommy para puntahan ako. Alam ko na hindi din siya makakapagfocus sa
event. Kaya matapos ko silang makumbinsi na ok lang ako para sa araw na to na ako
lang mag isa. Saka lang sila napanatag. Formality lang naman kasi ang araw na ito
ang mahalaga yung diploma na maibibigay ko sa kanila. Hindi ko din sinabi kay Mark
Ethan na mag isa lang ako. Baka kasi magpumilit siya na samahan ako. Busy pa naman
siya sa mga panahon ngayon. Ilang araw na ba kaming hindi nagkikita? Sa sobrang
gabi niyang umuwi hindi na kami nagpapang abot.
Kaya mag isa lang ako na pupunta sa school. Buti na lang na kahit hindi ko
masyadong ginagamit hindi ko naisipan na iwan sa bahay namin ang sasakyan ko. Oo
marunong akong magdrive. Kaya nga sa halip na bonggang birthday celebration nung
18th birthday ko ay pinilit ko na sasakyan na lang ang iregalo sa akin. Na hindi ko
din naman masyadong nagamit kasi nga hatid sundo ako ni Mark Ethan. Pero siya din
naman ang nangangalaga ng sasakyan na ito.

(Asan ka na?)

Nakailang ring bago ko nagawang sagutin ang tawag ni Mark Ethan.

"Papunta na ako sa school"

(Ako? Hindi mo kasama ang parents mo?)

"Hindi.."
Ang adik lang. Bakit nga ba nakalimutan ko na hindi niya pwedeng malaman. O dahil
sa narinig ko ang boses niya na ilang araw kong pinanabikan ay nawala na ako sa
katinuan. Ang lakas lang talaga ng epekto mo Mark Ethan.

(Bakit hindi mo kasama? sinong kasama mo sa graduation mo? At bakit hindi mo sinabi
sa akin?)

"Emergency kasi. Kagabi ko lang nalaman na hindi sila makakapunta"

(Kagabi pa?! Dapat sinabi mo sa akin)


Naiimagine ko na ang itsura niya sa kabilang linya. Yung seryosong mukha niya. Yung
nakakunot na noo niya. Yung salubong na kilay niya. Yung mga bagay na lalong
nakakapagpagwapo sa kanya.

"Hindi na kailangang sabihin pa. Ayaw kong makaabala sayo Mark Ethan"

(At kailan ka nakaabala? Akala ko ba ok na tayo? Pero bakit ganyan ka pa ding mag
isip? Boyfriend mo ako. Sunod sa pamilya mo ako ang andyan para sayo. Hindi ko
naman hinihiling na unahin mo ako sa pamilya mo pero sana hayaan mo ako na gawin
ang responsibilidad ko sayo.)

Hindi ko na magawang magsalita pa. May kasalanan nga ako na hindi pinaalam sa
kanya. Pero nangangapa pa din naman ako sa kung ang pwede at hindi sa relasyon
namin.
(Pupuntahan kita)

At ibinaba na niya. Napangiti na lang ako. Isipin ko na lang na siya ang makakasama
ko ay hindi na mawala ang ngiti ko. Lalo na at sinet mo sa sarili mo na mag isa ka
lang dapat haharap sa isang sitwasyon. Pagkarating ko ng school dun ko lang
naramdaman na hindi ko nga kakayanin na mag isa ito. Ang wala kang makita kundi ang
mga estudyante na masayang kasama ang mga magulang nila,dun ko lang naramdaman ang
kalungkutan. Kung hindi siguro ako sasamahan ni Mark Ethan baka umuwi na lang ako.
Kasya ang mag isa. Nalulungkot. Naiinggit. Pinapila na kami kasi malapit ng
magumpisa. Ngiti na lang ang sinasagot ko sa nagtatanong kung bakit mag isa lang
ako. Bago pa man kami maglakad papunta sa pinakaloob ay naramdaman ko ang pagtabi
sa akin ni Mark Ethan.

Handa na sana ang pagngiti ko kasabay ng magkahawak niya sa kamay ko ng mahagip ko


ang nasa tabi niya Nakahawak sa may braso niya. Siya yung babaeng kayakap niya dati
sa harap ng building nila. Medyo nakasimangot ito.
"Tara"

Mahinang sabi ni Mark Ethan. Hindi ko kasi namalayan na naglalakad na pala. Hindi
ko din namalayan ang unti unting sakit na namumuo ngayon sa dibdib ko. Hindi ko na
magawag magtanong pa o walang pagkakataon na ipakilala siya ni Mark Ethan kasi nga
biglang nag umpisa na. Kanina akala ko hindi ko kayang mag isa na manatili sa
okasyon na ito, pero mas gugustuhin ko pala na mag isa na lang kesa ang may kasama
na sobrang sakit ang idinudulot sa akin. Magkalayo ang upuan ng graduates at
parents kaya naman nakalayo ako ng kaunti ng Mark Ethan. Nakalayo ng kaunti pero
yung sakit unti unting nadaragdagan. Na para akong ibinabaon sa kinauupuan ko na sa
tuwing lilingunin ko sila makikita ko na nakahilig yung babae kay Mark Ethan.
Masakit. Sobrang sakit. Ganun ba kahalaga yung babaeng yun para isama niya sa
okasyon na dapat sa akin nakatuon ang atensiyon nya? Masyadong mahalaga ba yung
babae na yun na hindi niya magawang lumayo sa paglalambing nito?

Nung tawagin isa isa ang eatudyante para tanggapin ang kunwa kunwariang diploma
iniaabot sa kanila at papagitna para ibaling ang sa kabila ang taling nasa suot
nila sa ulo. Para katunayan na graduate na nga sila. Nung ako na ang tinawag. Hindi
ko alam kung makakalakad pa ako ng ayos dahil sa sobrang gulo ng isip ko. Ng lagay
ng puso ko. Hindi ko alam kung paano ko nagawang ihakbang ang mga paa ko. Ang
pumagitna sa harag ng madaming tao. Pero ang mata ko ay iisa lang naman ang
hinahanap. Ang inaasahan. Pero bigo ako. Akala ko makikita ko na nakatingin sa akin
si Mark Ethan. Na magsasalubong ang aming tingin. Na ngingitian niya ako. Na bakas
sa mukha niya na proud siya. Pero lahat yun wala. Ang atensyon niya ay nasa babaeng
katabi niya. Habang hawak hawak yun sa magkabilang pisngi. Ang sweet nila.
Nakakamatay ang kasweatan nila.
Sabi nila pag nilagay ko sa kabila ang tali sa suot kong toga katunayan na yun na
Graduate na ako. Sana kasabay din yun ng pagtatapos ng lahat ng sakit na pwede kong
maranasan. Na tapos na din ako sa kung ano mang kalokohan ko kay Mark Ethan. Tama.
Lahat ng bagay may katapusan. Lahat ng sakit may hangganan.

Pagbaba ko ng stage. Hindi na ako bumalik pa sa pwesto ko. Agad akong lumayo sa
lugar na iyon. Agad na hinubad ang suot kong toga. Dali daling sumakay ng sasakyan.
Sa pagtatapos ko ngayong araw na ito ay katapusan na din ng kabaliwan ko. Katapusan
na din ng pagasa na pwede kami. Nakarating ako sa sasakyan ko ng walang bakas ng
pagsunod ni Mark Ethan. Na kung tutuusin kung nasa akin ang atensyon niya madali
niyang makikita ang pag alis ko sa lugar na iyon. Pero wala. Wala na talaga. Tama
nga pala lahat ng takot ko para sa araw na ito. Nung hindi pa kami ok ni Mark Ethan
iniisip ko na pagdumating ang araw na to makakalaya na ako. Pero ngayon na nag iba
na ang sitwasyon. Akala ko mag iiba din ang pwedeng mangyari. Pero hindi. Akala ko
dati makakalayo na ako sa kanya dahil wala naman talagang pag asa na kami. Pero
ngayon, nagkaroon ng konting pagasa na sana Mahal din niya ako, kahit konti, kahit
pilit. Pero bumalik pa din ako sa katotohanan na hindi talaga kami para sa isat
isa. Kaya ito na ang huling pagkakataon na lumayo sa kanya. Ang iwan siya. At ang
sakit sakit lang.

_casper_

Chapter 20
Dedicated kay BlackLily. Excited na ako na makita ka ulit. Promise hindi na ako
bangag at pawisan katulad nung last time hahaha At papicture po hehehe
--------------------------------

Ilang araw na ba akong andito sa bahay namin. Hindi ko din matandaan. Kasi sa bawat
araw yung sakit na nararamdaman ko mas lumalalim. Nagulat ang parents ko nung bigla
na lang akong dumating nung araw ng graduation ko. Ni wala akong dalang ibang
gamit. Kaya medyo mahirap ipaliwanag na planado ang pag uwi ko. Siguro napalitan na
lang silang paniwalaan na miss na miss ko na sila kaya ako biglang umuwi.

Nakapatay din pala ang cellphone ko. Hindi ako nagbubukas ng


facebook,twitter,instagram at wattpad. Baka kasi biglang dun ako inaabangan ni Mark
Ethan. Pero umaasa nga ba ako na gagawin niya yun? Malabo. Kainis. Sabi ko sa
paglayo ko sa kanya malaya na din ako sa kung anong meron sa amin. Pero simula nung
dumating ako dito sa bahay maghapon lang din akong nakakulong sa kwarto ko.
Kinukulong ang sarili sa mga alaala niya.

Pero hindi ko din naman kaya na ilang araw na walang balita sa kanya. Kaya nag open
ako ng facebook. Aasa sa mga picture na nakatag sa kanya. Bihira kasi yung mag
facebook. At oo friends kami dun. Iniadd niya ako matagal na. Eh nahiya naman akong
hindi siya iaccept. Saka pagkakataon ko na yun dati. Ang mapalapit sa ultimate
crush ko. Naka favorite friend din siya sa akin kaya lahat ng tungkol sa activity
niya lumalabas sa notification ko.

At sobrang nagulat ako sa sumalubong sa akin. Naka IN A RELATIONSHIP na siya. Baka


dun sa babaeng kasama niya? Kasi kalokohan man na umasa tiningnan ko kung may
Relationship request siya. Pero wala. Kaya malamang sa malamang hindi ako yun. Pero
sana ako na lang.

Hindi ko alam kung bakit nga ba ang bilis bilis kong lumayo sa kanya. Mahirap kasi
na nasanay ako na ako lang. Na kaming dalawa lang. Pero sa tuwing nakikita ko na
kasama niya yung babaeng yun, hindi ko maiwasan na hindi masaktan. Hindi ko naman
siya isinusuko talaga pero kasi pag nakikita ko silang dalawa bakit pakiramdam ko
talo na agad ako? Hindi ko siya kilala. At alam ko na hindi siya kapatid ni Mark
Ethan. Kasi kilala ko ang kapatid niya. Masyado silang close magkapatid na laging
dumadalaw ito sa unit ni Mark Ethan.

Kaya masisisi niyo ba ako na hindi masaktan? Kasi alam ko na posibleng maagaw ng
babaeng yun si Mark Ethan sa akin. Nakakatakot. Nakakainis. Lahat ng pwede kong
maramdamang takot at sakit nagsabay sabay na. Kasi Mahal ko talaga si Mark Ethan.

Nakatitig lang ako sa wall niya. Umaasa na kahit papaano magpost siya. O bigyan man
lang ako ng clue kung sino na ang Girlfriend niya. Hindi naman nagtagal at nagstat
na siya.
"Can I hug you tonight?"

Ililike ko sana yung stat niya. Buti napagilan ko. Hindi nga pala ako yung
tinatanong niya. Asa naman ako na ako yun. Bakit kasi ako andito sa wall niya? Eh
puro sakit lang naman sa puso ang makukuha ko dito. Kasi kahit gaano ko siya
kamiss. Hindi pa din magbabago na hindi na siya para sa akin. Kahit magcomment pa
ako sa stat niya. Na pilitin siya na ako na lang ang yakapin niya. Pero hindi. Wala
na akong karapatan sa kahit ano na may kinalaman sa kanya. At hindi ako nagkaroon
ng karapatan kahit kailan. Kaya malaya siya kung sino ang gusto niyang halikan at
yakapin.

Siguro nasanay lang si Mark Ethan na andyan ako sa buhay niya. kaya akala niya yung
nararamdaman niya pagmamahal na. Kaya ng may dumating na iba, na makakasama niya,
makakapagpangiti sa kanya dun lang niya narealize na hindi pala niya ako Mahal.
Akala lang niya pala yun. Pero sana pati yung sakit na nararamdaman ko ngayon AKALA
lang din. Yung hindi totoo. Yung pwedeng pwede kong tawanan lahat ng katangahan ko.
Sana ganun lang kadali. Akala niya Mahal niya ako. Akala ko hindi masakit. Ganun.
Pero alam ko na makakaharap ko pa din siya. Kasi babalik pa din ako sa unit ko.
Pero sa ngayon hindi ko pa kayang makita siya. Ngayon lang ako nagkalakas ng loob
na lumayo sa kanya. Susuko agad ba ako? Alam ko din na pagnakaharap ko siya bibigay
lang ulit ako. Kaya habang malayo ako sa kanya. Kailan kong mag isip. Kung lalayo
ba ng tuluyan? o mananatiling magpapakatanga lang?

Kasalanan ko naman kasi pinaabot ko sa ganito. Yung tipong wala akong tinira sa
sarili ko. Ibinigay ko lahat para sa isang walang kasiguraduhang sitwasyon. Kaya
kung nasasaktan man ako ngayon dapat lang talaga. Kung mawawala man siya sa akin ng
tuluyan. Sana kayanin ko. Sana kayanin ko pa. Sana.

_casper_

Chapter 21
"Ikaw lang ata ang kilala ko na kung kailan graduate na saka mukhang haggard na
haggard"

Yan ang sabi ni Mommy kanina sa akin sa Dinner namin. Ayaw ko sanang bumaba para
kumain kaso sinundo na niya ako. At nagulat siya sa itsura ko. Yung halatang halata
na galing ako sa pag iyak. Yung walang kaayos ayos. Pinilit pa nga niya muna akong
maligo bago kami kumain. Ano ba kasing nangyayari sa akin? Ang hirap kasing alisin
sa sistema yung sakit. Akala ko pag naiiyak ko nung una. Sapat na yun. Pero hindi.
Parang nabwelo lang para sa panibagong dagsa ng sakit. At kahit anong gawin ko
hindi mawala wala yung sakit.

Hindi pwedeng ganito pa din ako. Malapit ng magsimula ang pagrereview ko for board
exam. Kaya kailangang mahagilap ko si FOCUS. Saan ba pwedeng bumili nun? Samahan ko
na din ng gamot at proteksiyon sa Puso.

Kailangan kong matulog ng maaga ngayon, ilang araw na ba akong hindi natutulog ng
maayos? Kaya nga inilayo ko yung laptop/cellphone ko sa akin at nahiga na.
Kailangang malakas ako. Malakas ang katawan para makaya ko pa.

"Can I hug you?"


Sa pagpikit ng mata ko yun ang paulit ulit na sinisigaw ng utak ko. Yung status
nya. Sa sobrang daming bese kong parang naririnig feeling ko boses na mismo ni Mark
Ethan ang naririnig ko. Ganun na ba ako nangungulila sa kanya?

"Mark Ethan lubayan mo ako!"

Nasabi kong bigla. Sabay takip sa dalawang tenga para kahit papaano hindi ko
marinig ang tinig niya. Pati ba naman utak ko sinakop mo na din?

"No!"

Medyo natigilan ako sa narinig ko. Grabe nag uusap na sila sa utak ko. At pati ba
naman sa isip ko nananalo ka pa din? Pero lalo akong hindi nakagalaw ng maramdaman
ko na mahigpit na pagyakap sa aking likuran. Totoo? Andito siya? Hindi guniguni ang
lahat? Yung init ng yakap niya ang makakapagsabi na totoo lahat. Hindi ko magawang
pumaling sa kanya. Hindi na kailangan pa na makumpirma kung sino ang yumayakap sa
akin ngayon.Ang lalaking sinisigaw ng puso at isipan ko.
Naramdaman ko ang paghalik niya sa batok ko. Ang lalong paghigpit niya sa pagyakap
sa akin. Namiss ko to. Sobrang namiss ko siya. Dahan dahan niya akong iniharao sa
kanya. Gustuhin ko mang pumikit para hindi ko masalubong ang tingin niya. Nagwagi
pa din ang kagustuhan ko na makita siya. Ang aking Mark Ethan.

"Dapat magalit ako sayo. Kasi iniwan mo akong parang ewan nung graduation mo. Dapat
hindi kita susundan dito. Dapat hahayaan ko na ikaw ang bumalik sa akin."

Hinawakan niya ang mukha ko at marahang hinaplos yun. Yung mata niya. Hindi ko
magawang matagalan yung mata niya. Ramdam ko yung sakit din ng pinagdaanan niya.

"Pero ano nga bang silbi ng lahat ng DAPAT na yun kung ang tanging gusto ko ay
mayakap ka?"

"Mark Ethan.."

Ikinulong niya muli ako sa bisig niya. Yung yakap na ginagawa niya parang pinawi
lahat ng sakit at pangungulila ko nitong nakaraang araw. Nung inilayo niya ang
sarili niya sa akin gusto ko sanang magprotesta kaso medyo natigilan lang din ako
nung maramdaman ko ang mukha niya na palapit sa muka ko. Ang mga labi niya sa labi
ko. At ang marahang paglapat ng mga yun. Napapikit na lang ako. Gusto kong maalala
ang halik na to. Ang halik na akala ko hindi ko na mararamdaman pa. Na kasabay na
malalayo kasama niya.

Unti unting bumaba ang paghalik niya sa leeg ko. Na hindi ko na namalayan na
naitaas na niya ang pangtulog ko. Wala akong saplot sa ilalim nun kaya ramdam ko
ang init ng katawan niya sa dibdib ko. Bumaba ulit ang mga labi niya sa dibdib ko.
Ilang beses nagpalipat lipat yung mga labi niya sa dibdib ko. Tapos bahagya siyang
lumayo sa akin.

"Alam mo naman na hindi ko naranasan sa iba. At wala akong balak. Pero base sa
napanuod ko. Bakit ang liit?"

Alam ko na namumula na ako. Bukod sa pamumulang dahilan ng ginawa niya kanina. Yung
itsura niya kasi. Parang nakakalokong ewan.

"Ito, bakit maliit? o parang wala? Bakit sa napanuod ko?" Masuyo niyang hinaplos
ang tuktok ng dibdib ko. Tas yung ngiti niya parang nakakaloko na ewan. Nakakahiya.
"Kawawa naman ang magiging anak ko niyan"

"Naubos mo na kasi"
Hindi ko alam kung paano ko nasabi yung mga katagang yun. O nadala lang din ako ng
nakakaloko niyang ngiti. Kawawa daw ang anak niya pagnagkataon. Kikiligin na ba
dapat ako?

"Naubos ko?HAHAHA"

Mabilis kong tinakpan ang bibig niya. Ang lakas kasi ng pagtawa niya. Hindi ba niya
naisip na nasa kabilang kwarto lang ang mga magulang ko? At patago lang ang ginawa
niyang pagpasok dito?

"Sorry. Hindi na ako mag iingay" Tas yung ngiti niya. Bakit ba lalong nakaka inlove
yung pag ngiti niya ngayon? Inilapit niya ulit ang mga labi niya sa may dibdib ko.
"Uubusin ko lalo huh"

Ang adik. Pero bago pa man nakalapat yung labi niya. Bahagya ko siyang itinulak.

"Paano ang magiging anak mo?"


Nakangiti kong sabi. Ibinaba na niya ang pangtulog ko at niyakap na niya ako.

"Ngayon pa lang mag iipon na ako ng pambili ng gatas niya."

Yumakap na lang din ako sa kanya. Madayang tatay to pagnakataon.

"Sabi ko nga pala yakap lang. Baka mapagod ka. Mapagod ako. At tanghaliin ng
gising. At mahuli tayo bukas. Lagot ako. ayaw kong mabad shot sa parents mo."

"Mark Ethan."
"Gusto kong maging maayos na ang lahat. Magpapakilala ako bukas sa kanila. Kaya
wala ka ng kawala sa akin"

"Hindi ko alam ang sasabihin ko Mark Ethan."

Yung lahat ng pagdadrama ko nitong nakaraan, isang yakap lang pala ang katapat.

"Kahit wala ka namang sabihin. Basta ba huwag mo na ulit akong iiwan."

Tumango na lang ako. Saka ko na itatanong kung sino ang babaeng yun. Ang mahalaga
gusto niyang maging maayos ang lahat. Magpapakilala pa siya sa parents ko.

"SiLi"

Napakunot noo ako sa sinabi niya. Ano daw? Sili? silly? Sisi?
"Ano?"

"Wala. Tulog na tayo"

At inilapit na niya ang ulo ko sa may dibdib niya. Yung mga kamay niya sa may
bewang ko. Sana ganito na lang kami lagi.

_casper_

Chapter 22
Ang Meaning po ng "SiLi" ay nasa Profile ko. Andun din kung saan galing story siya.
Lagi ko din siyang ginagamit tuwing nagmemessage ako sa inyo. Ang salitang gamit na
gamit ko pero may dating pa din kahit papaano hahaha
------------------------------------------

"nakakapagtaka ang bahay niyo"

Akala ko talaga tutulog na kami. O matutulog na siya. Pero hindi pa man matagal
akong nakapikit nagsalita na naman siya.
"Bakit naman?"

Medyo lumayo ako ng kaunti sa kanya para makapag usap kami ng maayos. Kasi kung
magkadikit ang mga katawan namin alam kong hindi mangyayari yun.

"Kasi Engineer ang Daddy at Mommy mo. Pati kuya mo. At ikaw. Para sa pamilyang puro
Engineer bakit ang dali daling Pasukin ang bahay niyo?"

"Nasa probinsiya tayo Mark Ethan. Kaya hindi ganun kadelikado. Ikaw lang naman ang
naglakas ng loob na pumasok sa bahay namin"

Anong silbi ng paglalagay ng kung anong seguridad? Eh ENGINEER di. naman ang
mangangahas pumasok?

"Kahit na. Pag nakasundo ko ang Daddy mo, sasabihin ko sa kanya yun. Na maglagay ng
Alarms at CCTV. CCTV sa kwarto mo, sa banyo mo na nakadirekta sa Phone ko"

Nahampas ko nga. Akala ko seryoso na. Yun pala plano lang mamboso. Ang adik lang.
"Ang manyak ng dating. kung pwede nga lang na lagyan ng chips ang katawan mo para
alam ko kung laging nasaan ka. Yung hindi ka na makakalayo sa akin. Yung hindi ka
na makakawala"

"Mark Ethan.."

Hinawakan niya ang kamay ko at masuyong hinalikan yun.

"Kung pwede lang iposas kita. Kung pwede lang paliitin kita para maibulsa." Seryoso
pa din siya. At yung titig niya hindi ko alam kung paano ko natatagalan. Nanunuot
sa buo kong pagkatao. "Hindi mo alam kung anong takot ang naramdaman ko nung bigla
ka na lang nawala. Nasanay kasi ako na kahit hindi mo ako tinitingnan o ang layo
layo ng loob mo sa akin atleast andyan ka. Pwede kong yakapin. Pwede kong Mahalin

Mahalin? Mahal niya ako? Hindi ko alam kung hanggang saan ko makakaya na ganito
siya. Parang nagcoconfess? Hindi ko alam kung matatagalan ko yun. O kung kakayanin
ng Puso ko ang sunod niya pang sasabihin.

"Mali ang paraan ko na itali ka sa akin. Na halos ikinulong kita sa buhay ko. Pero
masisisi mo ba ako? Isipin ko palang na magtatapat sayo umuurong na ang dila ko.
Bumibilis ang tibok ng Puso ko. Na ang tangi kong magagawa ay ang yakapin ka at
halikan."

"Sino yung kasama mo nung Graduation?"

Alam ko na mali na isingit yun. Pero bago ako bumigay sa emosyon na bumabalot sa
akin ngayon gusto kong malinawan. Gusto ko na kung magsisimula kami ay wala na yung
takot na pwede kong maramdaman. Yung takot na anytime pwedeng may umagaw sa kanya.
At ilayo siya.

"anak ng business partner namin. Nirereto ni Dad sa akin" Medyo napalayo ako sa
kanya. Akala ko ok na ako sa Daddy niya? Bakit may nirereto pa? Agad din naman niya
akong inilapit sa kanya. "Pero nilinaw ko na sa kanya na hanggang magkaibigan lang
kami. Nagkataon lang na gusto niyang sumama nung Graduation mo kaya wala akong
magawa"

"Bakit parang close na close kayo? Nakalagay pa ang kamay niya sa brado mo. At
muntik mo na siyang halikan habang nasa stage ako nun"

"HALIKAN?!!"

"Ssshhhh" Tinakpan ko ulit ang bibig niya. Ang adik lang. Magkakaayos nga kami tas
mahuhuli kami ng Parents ko. Panibagong problema na naman.

"Halikan? Hindi ko ginawa yun. Hindi ko kayang gawin yun"

Hindi daw kayang gawin? Hindi ko napigilan ang pagkunot ng aking noo sa sinabi
niya.
"Baka nung time na kinukulit niya ako. Na bigyan siya ng pagkakataon. Na ituloy ang
plano ni Daddy. Kaya nahawakan ko siya sa mukha. Para magfocus siya sa sinasabi ko.
Para makinig siya."

"Mukhang hindi kasi ganun ang dating.. Ang sweet niyo lang. Bagay kayo. Anong laban
ko sa kanya?"

Anong laban ko sa inenereto ng Daddy niya? Nakakaiyak lang. Yung umpisa pa lang
talo na.

"Wala ka naman talagang laban sa kanya"

Seryosong sabi niya. Nakakainis. Ipamukha ba? Tumalikod ako sa kanya. Para itago
ang namumuong luha sa mga mata ko. Ayaw ko ng ganito. Yung nakakaewan na
pakiramdam. Akala ko ok na? Na magigising ako kinabukasan na masaya na kami. Dapat
kasi natulog na lang talaga kami. Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin. Ayan na
naman ang yakap na yan. Tapos bibigay lang ulit ako. Paulit ulit lang. Pero yung
sakit kahit paulit ulit hindi ko makakasanayan.

"Wala kang laban kasi panalo ka na agad. Wala naman talagang dapat paglabanan.
Nakuha mo ako matagal na"
At yung kilig paulit ulit din. Babaliwin mo ba ako Mark Ethan? Sa pabago bagong
emosyon na pinaparamdam mo sa akin?

"Nung naging slave kita. Ako ang naging Alipin mo. Di ba nakakatawa lang. Binili
kita para magpaalipin ako sayo"

Masuyo niya akong iniharap sa kanya. Hindi ko magawang salubungin ang titig niya.

"Paano ko magagawang halikan ang iba?" Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.
Pero yung mga mata niya hindi maalis ang tingin sa mga labi ko. " Hindi ako
marunong pag sa kanila. Kasi ang tanging labi na gusto kong halikan ay sayo. Yung
nagkukusa lang. Yung hindi ko pinag aralan. Yung parang ganito lang"

Nung lumapat ang mga labi niya. Marahan lang ang pagalaw na ginawa niya. Yung
ramdam sa bawat pagalaw ang hindi niya magawang maisang tinig. Yung halik na pwede
kong panghawakan na hindi ko kailangan layuan siya. Yung halik na wala na din akong
gustong maging halik kundi ang sa kanya lang.

Mahal kita.
Gusto ko sanang sabihin yun nung maghiwalay ang aming mga labi. Pero nakakahiya.
Baka mabigla siya. At sana alam na din niya yun. Sana naramdaman niya din kanina.

"Kung pwede nga lang na pagpinakilala mo ako sa Parents mo diretso pamamanhikan na"

"adik."

"Kung pwede na sa sunod na araw kasal na natin."

"Mark Ethan.."

"Tapos sa isang buwan. Kung gusto nila may apo na agad. Kakayod ako umaga gabi para
dun"

"Baliw"

At nakakabaliw lalo an pinagsasabi niya. Mark Ethan bakit ba hindi ko naisip na


dati pa lumayo? Para matagal na tayong ok.

"Bakit kasi ang sayang isipin ng hinaharap kung ikaw ang makakasama"
Hindi ko na napigilan na kabigin siya para halikan. Bahala na kung saan hahantong
ang halik na ako ang nag umpisa. Bahala na kung mahuli kami nina Mommy at Daddy.
Ngayon pa ba ako kakabahan? Pabor pa nga yun. Mapapaaga ang kasal na gusto niya.

_casper_

Chapter 23
"buti naman at maaga kang bumaba anak"
Salubong sa akin ni Mommy. Maaga talaga akong nagising kahit na parang ang dami
dami naming ginawa kagabi. Gising na ako nung umalis si Mark Ethan sa kwarto ko.
Kung hindi nga lang daw sa natatakot siyang mahuli kami, natatakot siya para sa
akin pero ayaw niya daw talagang umalis.
"At buti maayos na ang itsura mo. Ang aga ng manliigaw mo ahh"
Napailing na lang ako. Sobrang aga nga. 7:30 pa lang. Anong oras na ba siya umalis
ng kwarto ko? 5 AM? Kahit gusto kong takbuhin ang kinaroroonan niya medyo pinigilan
ko ang sarili ko. Baka sabihin ni Mommy atat na atat akong makaharap ang manliligaw
ko. Namimiss ko na kasi siya. Alam ko na medyo hindi healthy yun. Na sa dalawang
oras at kalahati namin na paghihiwalay ay sobrang miss ko na siya. Dapat hindi ako
ganun ka clingy. Wala daw relasyon na tumatagal pag ganun. Sabi ng isang Author na
kakilala ko. Mas mapapadali daw ang FOREVER pag ganun. Pero anong magagawa ko?
Hindi ko madidiktahan ang puso at utak ko na hindi siya mamiss agad.
Hindi ko maimagine ang itsura ni Mark Ethan na naghihintay sa living room. Inip na
inip na din kaya siya? Katulad ko ba na namimiss niya din ako?
"Prince?"
Hindi ko din naman alam kung anong ikikilos kung sakaling si Mark Ethan ang
madadatnan kong nakaupo. Kasi alam ko na kasunod ko si Mommy. Pero medyo nalungkot
ako na hindi siya yung nakita ko. Akala ko ba maaga siya? Akala ko magpapakilala na
siya? Akala ko ba kahit mag isa lang siya mamamanhikan siya?
"Engineer. My Engineer"
Matagal ng nanliligaw sa akin si Prince. Pero dahil nga malayo ako at halos hindi
na nga umuuwi. Hindi ko naramdaman na nanliligaw siya. At dahil na din siguro hindi
ko din naman inaabala ang sarili ko na bigyan ng pansin ang panliligaw niya.
Pagkatayo nito ay agad niyang hinawakan ang kamay ko. Dinala sa labi niya.
Mapangahas. Agad ko din naman na binawi ito. Pagtingin ko sa kanya ang lapad lapad
ng ngiti niya. Mayabang. At anong sabi niya? My Engineer? Hindi ako nagpakahirap ng
limang taon para sa kanya.
"Graduate ka na. Matutupad ko na ang pangako ko sa parents mo"
"Anong pangako?"
"Isasama na kita sa pag alis ko. May magandang trabaho para sayo sa ibang bansa."
Napailing ako. Alam ko na gusto ng Parents ko na magamit ko ang pinag aralan ko.
Nabanggit na nila yun na ok lang sa kanila na umalis ako pagkakuha ko ng lisensya.
Kayang kaya ko naman daw yun.
"Wala sa plano ko ang umalis ng bansa Prince"
Sumeryoso ang mukha niya. Gwapo din naman siya. Kaso kasi kung si Mark Ethan ang
pamantayan ko ng kagwapuhan? Walang wala siya. At hindi mayabang si Mark Ethan ko.
"Good Morning"
Paglingon ko seryosong Mark Ethan ang nakita ko. At alam ko dahil sa magkaharap
kami ni Prince ngayon. Buti na lang talaga nabawi ko agad ang kamay ko kay Prince
kanina.
"Ang ganda ganda mo naman anak. Dalawang manliligaw eh ang aga aga pa"
Lagot. Lagot na ako. Lalong sumeryoso ang mukha ni Mark Ethan. Hindi ko alam ang
ikikilos ko.
"Kanina pa kita hinihintay"
Paglapit ko kay Mark Ethan ay mabilis ko siyang hinalikan sa labi. Bahala na si
Mommy kung anong isipin niya. Mas nakakatakot kasi kung anong iiisipin ng lalaking
kaharap ko ngayon.
"Sorry may dinaanan pa ako" Nakangiti niyang sabi. Hinawakan niya ang kamay ko.
Humarap siya kay Mommy " Good Morning Maam, Pasensya na po kung napaaga ang
pagpunta. Kinagagalak ko po kayong makilala" Inilahad niya ang kamay niya para
makipagkamay kay Mommy.
Yung itsura ni Mommy hindi ko maipaliwanag. Parang natutuwa na nabibigla. Buti na
lang gwapo si Mark Ethan.
"Engineer Mark Ethan Valero po"
"Boyfriend ka ba ng anak ko?"
"Hindi po."
Kung hindi niya siguro hawak ang kamay ko malamang nabatukan o nakurot ko siya.
Itanggi daw ako?
"Anak hindi mo pala Boyfriend bakit mo hinahalikan? At ikaw bakit ka nagpapahalik
sa anak ko? Ano ka kaladkaring lalaki?!"
Pero hindi naman nagpasindak itong katabi ko. Kalmado lang siya.
"sa anak niyo lang po naman ako nagpapahalik"
Seryoso siyang tumingin sa akin. Tas bigla siyang kumindat. Ang gwapo niya lalo.
Mark Ethan huwag kang ganyan.
"Ang totoo po Maam, hindi ko din po alam kung ano ako ng anak niyo. Hindi ko siya
nililigawan. Alam ko po na pag ginawa ko yun baka po mahiya siyang sagutin ako.
Kaya mas ok na po ako ng ganito. Yung malabo naming sitwasyon. Dun kami
nagkakaintindihan"
"Pero Tita, nag usap na kami ni Tito"
Noon ko lang naalala na nasa paligid nga lang pala si Prince. Masisisi niyo ba ako
na makalimutan ko siya? Nababalewala lahat ng mga lalaki pagkasama ko si Mark
Ethan.
"Ako pa din ang magdedesisyon para sa sarili ko Prince"
"HAHAHA Mahal mo talaga ang lalaking yan?!!" Siguro kanina pa siya galit. Na hindi
ko nga namalayan kasi nga nakalimutan ko siya. "Alam mo ba na ako ang First kiss
niya?" At humalakhak ito na parang demonyo. Bakit kaya nagawang magtiwala nina
Daddy sa kanya? Ang sama sama naman ng ugali niya.
"Mark Ethan!!"
Bago ko pa man napigilan si Mark Ethan ay nagawa na niyang suntukin si Prince. Sa
sobrang bilis at pagkagulat ni Prince ay hindi na niya nagawa pang makaganti o
makaiwas man lang. Hindi ko alam na may kakayahan si Mark Ethan na gawin yun. Hindi
ko kasi yun nabalitaan na nakipag away dati at lagi kasing kalmado siya sa pagharap
ng mga sitwasyon. Si Mommy iiling iling lang. Nakangiti pa nga siya. Natutuwa ba
siya na pinag aawayan ako ng mga lalaki? Ang baliw lang ng aking ina.
Hinila ko na si Mark Ethan palayo kay Prince. Doon kami sa likod bahay.
"Ang adik mo" Pinagkukurot ko siya nung alam ko na wala na kami sa paningin ni
Mommy. " Alam mo naman na hindi totoo na siya ang First Kiss ko. may pagsuntok ka
pa na nalalaman"
Ngumiti lang ito. Hinawakan niya ang kamay ko.
"Alam ko naman yun" Tapos ngumiti lang lalo. " Kasi base sa pagkakatanda ko. Parang
manika lang yung hinalikan ko noon. Walang reaction. HAHAHA"
"Eh bakit mo siya sinuntok?"
Binalewala ko lang yung sinabi niya at yung nakakaloko niyang tawa. Kahit alam ko
na sobrang namumula na ako dahil sa pagbabalik tanaw niya.
"Para yun sa paghawak niya sa kamay mo. At yung pangalawa ay sa paghalik dito.
Kanina pa ako nagpipigil na gawin yun. Buti sa kanya na mismo nanggaling yung
paraan para suntukin ko siya. Walang pwedeng humawak sayo. Walang pwedeng humalik
sayo. At walang pwedeng maglayo sayo sa akin"
"Paano kung napuruhan siya? Maospital? Magdemanda? Paano kung makulong ka sa
padalos dalos mong desisyon?"
Paano nga kung nangyari yun? Niyakap niya na lang ako. Siguro naramdaman niya din
na sobra akong kinakabahan ngayon. Hindi ko hawak ang mangyayari. Kaya hanggat
maari ayaw kong gagawa kami ng mga bagay na makakapaghiwalay sa amin.
"Ang layo na ng naisip mo? Saka sa tingin mo ba papayag ako na mangyari yun? Na
makulong?" Medyo lumayo siya sa akin at hinaplos niya ang pisngi ko. "Papayag lang
akong makulong kung sa puso mo at sa buhay mo."
Napangiti na lang ako. Minsan kahit ang korni korni ng banat niya dahil gwapo siya
ang lakas pa din ng dating. Yung kilig sagad sa buto diretso sa ugat hanggang sa
Puso ko.
"At anong kasalanan mo para ikulong kita?"
"Ninakaw ko ang Puso mo"
Natatawa na din siya sa mga sinasabi niya. Pero kahit ganun ramdam ko pa din yung
pagmamahal na hindi niya masabi. Tama nga siya. Nagkakaintindihan na kami sa malabo
naming sitwasyon.
"at wala na akong ibalik yun.. kaya wala din akong balak na ipahiram din yun sa
iba. Kahit habangbuhay akong makulong ok lang."
"Adik"
"Alam ko na sa ginawa ko baka mag iba ang tingin ng Mommy mo. sabi ko ayaw kong
mabadshot sa parents mo. pero wala pang isang oras na nakaharap ko ang isa sa
kanila barumbado na agad ang tingin nila sa akin. Pero kung kailangang patunayan ko
sa kanila na AKO lang ang para sayo gagawin ko. Kahit gaano katagal pa yun. o kahit
mahirapan ako. Kasi IKAW ang nakasalalay."
"Mark Ethan.."
Hindi ko mapigilan na hindi maluha sa sinasabi niya. Sino nga ba ang kailangan ng
tatlong salitan yun? Kung pupunuin naman ako ni Mark Ethan ng aobrang nakakakilig
na banat.
"tandaan mo. Walang AKO kung walang IKAW"
Yumakap na lang ako sa kanya. Para itago ang kilig na pilit na naguumalpas. Yung
gusto kong magtatalon at magtitili sa sobrang kilig/saya. Alam ko na madami pa kami
pagdadaanan ni Mark Ethan. Nakakatakot mang harapin ang problema alam ko na andyan
si Mark Ethan para sa akin.
"Mahal kita Mark Ethan"
Akala ko matutuwa siya sa sinabi ko. Pero sumeryoso lang siya. At medyo nakakakaba
ang reaction niya. Akala ko ba alam mo ang nararamdaman ko? O magkaiba ba tayo ng
pagkakaintindi sa MALABO NATING SITWASYON?
_casper_

Chapter 24

"Pinagpapaalam mo ang anak ko para lumabas kayo?"

Seryosong sabi ni Daddy. Kumakain kami ngayon ng breakfast. At kanina nga sinabi ni
Mark Ethan yun. Kung pwedeng lumabas kami. Yun ang unabg salitang narinig ko sa
kanya mula nung sabihin ko na Mahal ko siya. Matapos kasi nun bigla na lang kaming
pinatawag kasi andun daw si Daddy at kakain na din daw kami. Kaya hindi ko na
nalaman kung ano bang sagot ni Mark Ethan. Kung bakit seryoso siya nung marinig
niya ang mga katagang yun.
"Yes Sir"

Seryosong sabi ni Mark Ethan, nagawa niyang lumaban ng titigan kay Daddy.
Nakatulong siguro na sanay na siyang makiharap sa business nila. Kaya ang Pressure
ay wala sa vocabulary ni Mark Ethan. Kaya mahirap din basahin ang iniisip niya.
Kaya hindi ko din alam kung anong nararamdaman niya. Sabi nga niya malabo ang
sitwasyon namin. Malabong malabo pero kasama ko siya. Anong paliwanag pa ang
kailangan ko.

"Bakit naman ako papayag?"

"Kasi nasa tamang edad na po ang dalaga niyo. Mamasyal lang po kami Sir. Ibabalik
ko din po siya dito. Hindi ko po siya ilalayo sa inyo ng tuluyan gaya ng
ipinagmamalaki nung isa niyang manliligaw."

Umiling lang si Daddy. Pero nangingiti siya. Hindi ko alam kung ano ba ang iniisip
niya. Bakit ba ang hirap basahin ang isip ng mga lalaki? Naramdaman ko ang paghawak
ni Mark Ethan sa kamay ko na nakapatong sa mga hita ko. Nung tingnan ko siya.
Seryoso pa din siya na nakatingin kay Daddy
"Bakit parang siguradong sigurado ka na ikaw ang pipiliin ng anak ko?"

Naramdaman ko ang pagpisil niya sa kamay ko. At ang pagsalikop niya dun. Siguradong
sigurado siya Daddy kasi kakasabi ko lang na Mahal ko siya.

"Hindi po ako sigurado Sir."

Pagtingin niya sa akin ang lapad lang ng ngiti niya. Ang adik lang. Sa harap pa ni
Daddy talaag siya ngumingiti ng ganyan? Hindi ko siya makukurot. At hindi pa siya
sigurado ng lagay na yan?

"Nagkataon lang po na wala ng pagpipilian ang Anak niyo. Ako lang po ang para sa
kanya. Napipilitan lang po talaga siya sa akin."

Kung wala siguro kaming kasama nabatukan ko na siya. Pansin ko lang bakit ang sweet
niya pag kaharap ang parents namin? Sa ibang lalaki hindi ganun kavocal.
Samantalang itong lalaking ito kung kailan dapat mahiya siya dun siya malakas ang
loob.

" Sige pumapayag na ako." ngumiti lang si Daddy. "Tutal naman mukhang hindi mo
papakawalan ang pagkakahawak mo sa kamay ng anak ko" Nagulat ako nung ipakita niya
ang picture na kuha niya. Ang kamay naming dalawa. Ang adik lang din ang ama ko.
Paano pala kung hindi hawak kamay lang ang ginawa ni Mark Ethan? Eh di lagot kami?

"Ibinibigay niyo na po ba ang kamay ng anak niyo sa akin?"

"Hoy lalaki! Date lang ang pinagpapaalam mo."

Tatawa tawang sigaw ni Mommy. Nakikinig lang din siya kanina pa. Hinayaan niya na
yung dalawang lalaki sa buhay namin ang mag usap. Pero alam ko naman na gusto niya
si Mark Ethan para sa akin.

"Oo nga po. Magdadate kami sa may simabahan. Sa harap ng pari"

Hinila ko na siya baka kung anong masabi niya. Baka sa halip na natutuwa si Mommy
ay biglang mahigh blood sa pinagsasabi niya. Mark Ethan hindi mo pa binabalik ang
"Mahal kita" na sinabi ko kaya huwag mong banggitin ang salitang simbahan. At kung
ano man na may kinalaman sa salitang Kasal.

"Ang baliw mo"


Nasa may sasakyan niya kami. Sa tapat ng bahay namin yun nakapark. Hindi pa niya
inistart kasi hindi pa namin alam kung saan kami pupunta.

"Kahit sinong lalaki mababaliw pag Mahal kami ng babaeng pinapangarap namin"

Hanggang ngayon mababakas pa din sa mukha niya na sobrang saya niya. Samantalang
kanina nung sabihin ko yun halos hindi ko mabasa kung anong iniisip niya. Kung
anong nararamdaman niya.

"Pero bakit kanina parang nabigla ka? na parang ayaw mo?"

"Kasi hindi ko alam kung paano ako magrereact. Paano ba yung gusto mong magtatalon
sa sobrang saya pero yung puso mo biglang tumigil sa pagtibok? Ganun pala yun?"
Hinawakan niya ang kamay ko at itinapat sa may Puso niya. "Akala ko kanina mawawala
siya sa pwesto niya. Huwag mo na ulit akong bibiglain ng ganun ahh. Baka ikamatay
ko"

"adik"

Siguro nga hindi kami sanay ng ganun. Na sinasabi ang nararamdaman. Hindi ko tuloy
maimagine kung siya na ang magsasabi ng katagang yun. Baka himatayin ako.
"May utang tuloy ako sayo. Hindi ko alam kung kailan ko maibabalik yung Mahal Kita
mo" bigla siyang sumeryoso habang nakatingin sa akin. Yung kamay ko hawak hawak pa
din niya. "Ang totoo parang ayaw kong ibalik. Para lang kasi sa akin yun. Hayaan ko
na lang na mabaon ako sa pagkakautang sayo. Kahit lagyan mo pa ng interes. Yung
tipong sa sobrang laki ng utang ko sayo. Hindi na ako makakabayad. Tapos hindi ako
aalis sa tabi mo. Pagsisilbihan kita. Wala na akong kawala. At wala akong balak
kumawala."

Hindi ko na magawang magsalita pa. Baka kasi masabi ko na naman yung mga salitang
yun. Pero masisisi mo ba ako Mark Ethan? Sa sobra sobra ng pagmamahal ko sayo..
Umaawas na. Nagkukusa ng kumawala. Hindi na kayang pigilan ng utak. Ganun kita
kamahal Mark Ethan.

_casper_

Chapter 25

Ilang araw lang din akong nagtagal sa bahay at bumalik na din ako sa unit ko. Ang
totoo napilitan lang din akong bumalik kasi si Mark Ethan wala atang balak umuwi
kung hindi ako kasama. Araw araw siyang nasa bahay. Nagpapalakas ata sa magulang
ko. Tas sa gabi pupuslit siya sa kwarto ko at doon matutulog. Kaya bago pa man kami
mahuli sa pinagagawa niya. Nagdesisyon akong bumalik na lang. At kailangan kong
asikasuhin ang mga requirements ko. At ilang araw na lang magstart na kami sa
pagrereview para sa Board Exam.

"Bakit kasi kailangan mo pang kumuha ng Board Exam?"


Andito kami ngayon sa Review Center, magtitingin kami ng schedule.Buti na lang at
madaling nakuha ang Transcript of Record ko. Para pag malapit na yung pag fill up
ng application wala na akong magiging problema. Ayaw ko kasi ng masyadong isipin
pag malapit na mismo ang exam. Mahirap man ang goal ko pero gusto ko sanang
mapasama sa Top 10. Alam ko na malabo na yung Top 1 na pinapangarap ko.

"Bakit ba Engineering ang kinuha ko kung hindi naman ako magiging lisensyado?"

Kanina pa siyang ganyan. Parang ayaw niya na magreview ako. Para sa parehas ang
course hindi ko alam kung bakit hindi niya ako maintindihan?

"Mas gusto mo na tawaging Engineer?"

"Alangan"

Anong silbi na nagpakahiram ako ng limang taon kung hindi din naman ako magiging
Engineer? Pangarap lahat yun ng mga Engineering ang kinuhang course. Yung apat na
letter na madadagdag sa unahan ng pangalan namin ang kapalit lahat ng paghihirap
namin.
"Mas gusto mong tawaging Engineer kesa Mrs. Valero?"

Medyo napatigil ako doon. Kaya pala ganun siya kaseryoso kanina pa? Mas gusto niya
ba na itali niya ako sa kanya kesa ang tupadin ang pangarap ko?

"So ayaw mo na makapasa ako?"

Hinila niya ako palayo sa karamihan. Akala ko nga lalayo lang kami pero dirediretso
yun hanggang sa sasakyan niya. Wala na akong nagawa kundi ang sumakay. Kasi bakit
ba ang seryoso seryoso niya?

"Hindi ko sinasabi na ayaw ko na pumasa ka. Kasi alam ko naman na makakapasa ka.
Tas pag may lisensya ka na alam ko na hindi papayag agad ang daddy mo na palitan ko
agad ang apelyido mo. Syempre dala dala mo apelyido niya eh tas papalitan ko agad?"

Ang baliw lang din ng lalaking ito. Hindi ko tuloy magawang mainis ng tuluyan.

"Pangarap ko kasi yun Mark Ethan"


Dahil nga pamilya kami ng Engineer mula pagkabata pa lang yun na ang gusto ko. Ang
maging Engineer. Kahit pa nagulo ni Mark Ethan ang buhay ko habang nag aaral ako
hindi pa din nawala yung kagustuhan ko na yun.

"Pangarap ko din kasi yun...

Napatingin ako sa kanya. Yung paraan ng pagsasalita niya kasi. Yung parang wala na
siyang magawa. Yung parang talo agad siya.

"Pangarap ko na palitan ang apelyido mo"

"Mark Ethan.."

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Parang ang bigat kasi sa dibdib. Sa sobrang saya ko
dahil ng sinabi niya.

"Hindi ba pwedeng Engr. Valero ka na lang muna?"


Napailing na lang ako. Hindi ko kasi maibibigay yung hinihiling niya. Pangako ko
yun kay Daddy. Pangarap naming dalawa. Kaya kahit gusto ko din yung inaalok niya.
Hindi ko pwedeng balewalain si Daddy.

"Hindi pwede Mark Ethan.."

Matagal siya bago nagsalita. Seryoso pa din siya. Nakakainis. Ayaw kong mamili sa
dalawang lalaking malapit sa akin.

"Ok. Naiintindihan ko. Tumingin ka na schedule. Hintayin na lang kita dito"

Hindi niya ako tinignan. Kahit gaano na kami katagal magkasama. Hindi ko pa din
alam kung paano siya kakausapin o susuyuin pag ganyan siya. Bago ako lumabas ng
sasakyan ay mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi.

"Girl, Sama sama na tayo ahh?"


Sumangayon na lang ako. Wala din naman ako sa katinuan para magdesisyon. Saka gaya
ng napagkasunduan ng mga kaklase ko dapat same schedule na lang. Kung may group
study man magiging available lahat. Hinayaan ko na lang sila na pumili. Sinabi ko
na sabihan na lang ako kung ano ang magiging desisyon nila. Agad akong bumalik sa
sasakyan ni Mark Ethan.

"Mark Ethan.."

Bakit kasi sa tuwing ganito kami pangalan lang niya ang nasasabi ko? Bakit ang
sakit sakit sa puso na makita siya na nalulungkot?

"Alam ko naman na sobrang laking bagay ng hinihiling ko. Pagpasensyahan mo na.


Nakakatakot lang kasi.."

"Nakakatakot?"

"Nakakatakot kasi pag naging matagumpay ka baka ang hirap mo ng abutin. Ang daming
aagaw sayo sa akin. Saan ka kasi makakahanap ng ganun? Maganda at Matalino pa. Kaya
masisisi mo ba ako? Na itali ka muna? "
Hinawakan ko ang mukha niya. ang gwapo niya pa din kahit nagdadrama siya.

"Pero ok lang naman kung anong desisyon mo. Sino ba ako? Isang manliligaw na hindi
masabi na Mahal kita pero ang lakas magsabi na papalitan ang apelyido mo"

"Ang baliw mo"

Pinaandar na niya ang sasakyan pero ganun pa din ang itsura niya. Hanggang
makarating kami sa unit niya ganun pa din siya. Dirediresto nga lang siya sa kwarto
niya. Parang nakalimutan niya na kasama ako. Umuwi na lang ako sa unit ko. Hindi ko
din naman alam kung paano siya susuyuin ng ganyan siya.

Mahirap kasi na sinanay ko siya na bigay ko lahat. Na siya ang priority ko. Mamaya
ko na lang siya kakausapin ko o bukas. Kasi hindi pwede na may problema kamk ng
ganito pag nag umpisa na akong magreview. Ayaw ko ng kahit anong distraction sa
pagrereview ko.

Hindi na din niya nagawang magparamdam sa akin hanggang sa makatulog ako. Siguro
nga nakukuha niya lahat. Pero Mark Ethan. Kahit ito lang. Ibalato mo na sa akin.

_casper_

Chapter 26

Maaga akong nagising kinabukasan. At pumunta ako sa unit ni Mark Ethan. Yung susi
na matagal na niyang binigay mukhang magagamit ko ngayon. Ayaw ko kasi talaga na
pumapasok ako sa unit niya. O nasanay lang ako na hinihila niya papasok dun. At
nahihiya ako. Parang oo parang naglilive in kami pero dahil hindi ako labas masok
sa unit niya at hindi ako nakikialam sa pamamalakad niya dun hindi kami officially
magka live in. Napailing na lang ako sa naiisip ko. Meron pa palang ganun?
Officially live in?

Dumiretso ako sa kusina at naghanda ng makakain naming dalawa. Ngayon ko lang ata
siya ipagluluto? Kasi bukod sa hindi ako sanay kumilos sa kusina eh nahihiya ako na
pakainin siya ng luto ko. Nakakahiya na mas magaling pa siyang magluto sa akin.
Pero ngayon kailangang kalimutan ko ang hiya hiya na yun. Kasi manunuyo ako ng
nagtatampong bata.

"Good Morning"

Matapos ng isang oras na hindi ko alam ang ginagawa ko ay lumabas na din si Mark
Ethan. Nakapangtrabaho na siya. Medyo kumunot ang noo niya nung makita niya ako.
Hindi ba siya natutuwa na makita ako? at hindi ba niya ako namiss kagabi?

"Malalate na ako. Dapat hindi ka na nag abala pa na magluto"

"Kahit konti lang o kahit kape lang?"

Hindi ito kumilos. Parang ayaw niya talagang kumain o itry man lang yung niluto ko.
Kung hindi nga lang talaga ako nanunuyo ng lagay na to magwawalk out ako ng dahil
sa ikinikilos niya.

"Mark Ethan"

Atubili pa itong umupo. Inabot lang niya yung tasa ng kape at humigop ng konti.

"Buti na lang 3 in 1"


Iiling iling na sabi niya. Pakiramdam ko ang pula pula ng mukha ko.

"hindi naman makakabawas ng kagwapuhan ko kung kakain ako ng uling di ba?"

Nakangiting sabi nito nung tinusok na niya yung sobrang itim ma hotdog. Yung
alanganing hilaw na sunog na itlog. At yung matanda lang ng kaunti sa lugaw na
kanin. Atleast nag effort di ba? Kumuha na din ako ng hotdog. Eh alangan na hindi
ako kumain? Sino pa ba ang tatangkilik sa gawa ko kundi ako din? Nung isubo ko yun.
konting nguya lang tas lunok na agad. Medyo ok pag ganun. Inulit ko lang ng ilang
beses at medyo nakakasanayan ko na. Nawala lang ako sa momentum nung biglang
kabigin ni Mark yung mukha ko at inangkin ang labi ko. Medyo matagal yun.
Aprodisiac ba ang niluto ko? at biglang nanghahalik ang lalaking ito? At dahil
kumain din ako ng niluto ko siyempre sasagutin ko ang halik na ginawa niya.

"May dumi ka sa labi kaya nilinis ko lang. Baka kumapit yung uling"

Sabi niya nung maputol ang paglalapat ng labi namin. At talagang pinandigan niya
yung uling?

"Huwag mo na lang kainin yan. Makauling naman"

"Hahaha Alam mo hindi mo kailangang magluto at ipamukha sa akin na hindi ka


magiging mabuting asawa. Kasi hindi na magbabago ang isip ko."
"Ang adik mo."

Hinawakan niya ang kamay ko. Tumigil na din kami sa pagpapanggap na natutuwa kami
sa kinakain namin.

"Sabihan mo ako sa schedule ng review mo. Hatid sundo kita lagi"

"Pero makakaabala ako sa trabaho mo. Hindi naman ito katulad nung college na labas
ka na talaga kaya nasusundo mo ako. Ngayon alangang oras na."

"Basta hatid sundo kita"

"Okay. Magkakasama namin kami ng classmate ko. Para daw pag nagroup study or
overnight sama sama kami"

"Overnight? Tapos may mga lalaki?"


"Oo."

"Sasama din ako sa overnight niyo"

"Pero Mark.."
Hindi naman niya kailangang gawin yun. Para kasing sa ilang buwang magrereview ako
yun din yung buwan na makakaabala ako sa kanya.

"Hinahayaan na kita sa desisyon mo na magtake ng Board Exam. Kaya hayaan mo din ako
na gawin ko yun. Yun lang naman ang magagawa ko. Ang samahan ka. Ang magselos sa
mga makakasama mo."

"Pero sasamahan mo ba ako o babantayan lang?"

Iginiya niya ako na tumayo tapos pinaupo sa kandungan niya. Yung dalawang kamay
niya nakapulupot sa bewang ko.
"Syempre para hindi masyadong halata na binabantayan kita at nagseselos ako
tutulong naman ako sa pagrereview niyo"

Inilapit niya ang katawan ko sa kanya. Masuyo niyang hinalikan ang leeg ko. Pababa
sa may gitna ng dibdib ko. Nung maramdaman ko na itataas niya yung pang itaas ko.
Pinigilan ko siya.

"Akala ko ba malalate ka na?"

Ngumiti ito ng nakakaloko. At nagawa niyang tuluyang alisin ang pang itaas ko.

"Dapat siguro magawa ako ng rules sa unit ko"

"Rules?"

Inalis niya ang pagkakawit ng bra ko sa likod. At nung malantad ng tuluyan ang
dibdib ko. Masuyo niyang hinalikan ang pinakatuktok noon. Habang ang isang kamay ay
naglalaro sa kabila.
"Bawal kang magsuot ng bra pag andito ka sa unit ko"

"Oh.."

Bago pa man ako makapagreact sa bagong rules na sinabi niya. Binuhat na niya ako
papasok sa kwarto niya. At nung maihiga na niya ako. Naghubad na din siya ng pang
itaas niya.

"Sinong maysabi na sa office ako pupunta kaya nakabihins ako ng ganito? Balak sana
kitang puntahan kanina. Yayain na mamasyal."

Dahan dahan siyang umibabaw sa akin. Yung iniwan niya na ginagawa niya sa dibdib ko
kanina ipinagpatuloy lang niya.

"Mamasyal ng ganung kaformal ang suot mo?"

Hindi ko alam kung saan ko pa nakukuha yung lakas ko para magtanong ni hindi ko nga
alam kung saan ako hahawak dahil sa ginagawa niya. Sa sensasyong binubuhay ng mga
kamay at labi niya. Tuluyan na pala akong walang saplot. Hindi ko man lang
namalayan. At ganun din siya. Bago niya ako tuluyang angkinin ay masuyo niya akong
hinalikan sa mga labi ko.

"Bakit ba eh gusto kong gwapo ako sa paningin mo kaya ganun ang suot ko?"

"Talaga lang?"

"Ano ba ang gusto mong marinig? Na sobrang miss na miss kita kaya kahit may trabaho
na naghihintay sa akin. Andito ako. Kasama mo. Minamahal ka?"

Magtatanong pa sana ako pero maaantala lang lalo ang pag iisa ng mga katawan namin.
Na para bang sinasadya niya na bitinin kasi pinaparamdam lang niya yung kanya. Pero
saglit lang din naman ang paghihintay ko. Sa tuluyang pag iisang ng aming katawan.
Ramdam na ramdam ko ang pagkamiss niya sa
akin.

"pero namiss talaga kita kagabi. Hindi dahil sa ganito. Kundi nasanay lang ako na
yakap yakap ka"

"Talaga lang?"
Magkayakap na kami ngayon. Hindi pa kami nagbibihis. At parang walang balak lumabas
ng silid na to.

"sanay na kasi ako na andito ka. Kaya sana sa susunod na ganun ako. Samahan mo pa
din ako. Kasi kahit gaano ako nagtatampo sayo. Isang yakap lang naman ang katapat
noon. Kung hindi man ako magsasalita. Huwag ka pa ding lalayo. Kasi hindi dahil
hindi ako magsasalita. Balewala ka na. Alam ko na yun ang kulang sa atin. Ang pag
uusap. At kasalanan ko din naman yun. Pag kaharap na kasi kita nawawala na ako sa
sarili"

"Bolero"

"Hahaha Bakit hindi ba kapani paniwala yun? Na nanghihina ako pag andyan ka. Ikaw
ang lakas at kahinaan ko."

"Pwede ko bang sabihin ulit yun?"

Hinigpitan lang niya ang pagkakayakap sa akin.


"Huwag. Sige ka. Baka hindi na talaga tayo makalabas ng kwarto ko."

Sumiksik na lang din ako sa kanya. Sasabihin ko sana yung "Mahal kita". Kasi yun
naman talaga ang nararamdaman ko. Kahit ilang libong salita ang sabihin ko. Iisa
lang ang ibig sabihin pa din. Sa dalawang salitang yan pa din ako babalik. Pero
hindi pa siya ready. At hindi pa din ako ready sa naiisip niya kung sasabihin ko
yun. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi kaya wala akong lakas para sa maghapong
activities na naiisip niya. Kaya yayakap na lang muna ako. At namiss ko din siyang
kayakap kagabi.

_casper_

Chapter 27

Maayos naman ang simula ng pagrereview ko. At seryoso din si Mark Ethan na hatid
sundo niya ako. Nakakatawa nga nung unang araw ng review kasi andun din talaga siya
sa Room. Ayaw niya akong iwan. Yung parang bata ako na hindi ko kakayanin ang
pinasok ko. Yung tipong iiyak ako pag may umaway sa akin. Ganun ang dating ng
kinikilos niya. Akala ata niya makakalusot siya na mag sit in dun pero nawala ata
sa isip niya na dating Top 1 siya sa Board Exam kaya kilala siya ng mga Professor
sa Review Center.

"Engr. Valero, magrereview ka ulit?"


Nung tingnan ko siya tatawa tawa lang siya. Yung parang batang nahuli sa paggawa ng
kalokohan. Ganung ganun ang itsura niya. Ako gusto ko man siyang tawanan din pero
bigla akong nahiya at kinabahan sa mapanuksong tingin nung Professor namin.

"So andito ka na lang din. Bakit hindi mo sila bigyan ng payo para sa pagkuha nila
ng Board Exam?"

Akala ko hindi niya pagbibigyan si Sir. Pero dahil nga sa napahiya na siguro siya
kaya wala siyang nagawa kundi ang tumayo at pumunta sa may harap. Ang gwapo niya
talaga. Kahit yung ibang kasama namin sa room hindi mapigilan ang paghanga sa
kanya. Gusto ko sanang sabihin na Akin na sya kaso hindi pa nga pala kami legal.
Wala pa akong panghahawakan sa kanya. Hindi pa niya binabalik yung "Mahal Kita".
Kaya kahit anong selos ang pwede kong maramdaman, babalik pa din ako sa tanong na.
Kami ba?

"Wala naman akong gustong sabihin. Hindi ko din alam kung maniniwala kayo sa akin."
simula niya. "Bago ako mag fifth year college. Ang goal ko lang ang mapantayan si
Daddy. Ang mapasama sa Top 10. Kahit paulit ulit na sinasabi ng parents ko na hindi
ko kailangang pahirapan ang sarili ko. masaya na sila na maging Engineer ako."
bigla siyang tumingin sa akin. "Sabi nila huwag mo iaalay ang pagpasa mo para sa
iba. Na papasa ako para kay ganito. Kasi pagnagkalayo kayo ng taong yun pati ang
pagkuha ng Board Exam baka katamaran na din. Dapat alam mo kung anong Goal mo sa
buhay. Kaya siguro ako pumasa."

Habang sinasabi niya yun hindi niya inaalis ang titig niya sa akin. Hindi ko tuloy
alam ang ikikilos ko.

"Kuya ano nga yung Goal mo? Bukod dun sa pamantayan ang Daddy mo?"
Tanong ng isang babaeng simula pa lang ay alam ko na nagpapacute lang kay Mark
Ethan. Kanina nung magkatabi kami nasa unahan siya namin. Ngayon na nasa harap si
Mark Ethan lumipat din.

"Hindi ano. Sino. Sino ang Goal ko"

Tas kumindat siya sa akin. Ang adik lang. Hindi ko na nga alam ang ikikilos ko tas
kikindatan pa ako. Pwede na ba akong matunaw sa kilig?

"Akala ko ba huwag ialay sa ibang tao ang pagkuha ng Board Exam? kasi baka
pagbagkahiwalay kayo. Mawawalan ka ng ganang kumuha"

"Oo nga. Pero sabi nila yun. Hindi ko naman sila sinunod. At alam ko na naman na
hindi kami magkakahiwalay. Ang goal ko ay ang humanga siya sa akin. Kasi anong
silbi ng kung anong mararating ko kung balewala lang din naman sa kanya.
Ipagpapalit ko ang pagiging Top 1 ko sa board exam para maging Top 1 ng buhay niya"

Napuno ng tili at kantiyawan ang room dahil sa sinabi niya. Ako bigla ata akong
gumaan kasi pakiramdam ko nakalutang ako. Si Mark Ethan mabilis na lumabas ng Room
namin. Ang adik lang kasi. Napaka unexpected magpakilig.

Akala ko hanggang dun lang ang kilig na pwede kong maramdaman nung araw na yun.
Pero wala pang 10 minutes nakarecieve ako ng text mula sa kanya.

From: Mark Ethan


Siguro naman wala ng lalaking makakalapit sayo. O magtatangkang lumapit. Kasi akin
ka lang.
Ang lapad lang ng ngiti ko. Hindi ko alam ang irereply ko. Kaya hinayaan ko na
lang. Ano ba ang dapat ireply bukod sa "baliw" at "adik"? kasi wala akong maisip.
Sa mga ginawa niya makakapag isip pa ba ako ng matino? Yung tibok nga ng puso ko
hanggang ngayon hindi pa bumabalik sa normal.

From: Mark Ethan


Pag may nagtangka pa na lumapit. Sabihin mo lang. Para aayusin ko pa pambabakod
sayo.

Wala na naman siguro. At kung may lumapit man. Sa palagay ko hindi ko din naman
papansinin.

From: Mark Ethan


Kung sino man ang lalapit sayo ay hindi makakapag apply sa company namin.
Me:
Ang adik mo.
From: Mark Ethan
Pinapahalagan ko lang ang sa akin.
Me:
Start na ng review. Ingat ka.

Itinabi ko na yung cellphone ko. Nakinig na lang ako at inabala ang sarili ko.
Hindi ko naman sinasabi na nakakagulo si Mark Ethan. Kasi panget lang tingnan na
ngiting ngiting ako habang nagrereview. Baka isipin nila na hindi ako seryoso at
walang planong ipasa ang Board Exam.

Nung matapos kami. Lumabas na ako agad. Hindi ko na chineck kung nagtext ba ulit si
Mark Ethan. O kung nagtext siya para sabihin na andyan na siya. Lagi naman kasing
maagang dumating yun. Kahit nung college ako pag sinabi niya na susunduin niya ako
maaga pa lang andun na siya.
"Kamusta?"

Pagpasok na pagpasok ko sa sasakyan niya ayun agad ang sabi ko. Mabilis naman niya
akong hinalikan sa labi bilang pagbati.

"Ok lang naman. Nakaleave ako ngayon eh"

"Nakaleave?"

"Yeah. Sabi ko kay daddy mga 1 month akong hindi papasok."

"Pumayag siya?"

Simula kasi nung nagstart siyang magtrabaho hindi siya nagleleave. Lagi siyang late
pero bihira siyang magleave.

"Sabi ko kasi babantayan ko ang magiging nanay ng apo nila. Ayun ang bilis pumayag"

"so bubuntisin mo lang ako? hanggang dun lang?"


Pwede naman niya kasing sabihin na future wife o future daughter in law. Pero nanay
ng apo lang. Hinawakan niya ang kamay ko. Ayaw ko sanang tumingin sa kanya pero
hinawakan niya ang baba ko para tumingin sa kanya. Kahit anong banat ang sabihin
niya o kahit anong pagpapakilig ang gawin niya. Kung walang label. Kung hindi ko
alam kung ano ako sa buhay niya. Kung parte ba ako ng future na sinasabi niya. Kung
naging goal lang niya ako nung kumuha ng Board Exam. O literal na goal na score
lang ng score?

" Bakit papakasalan mo ba ako?"

Seryosong tanong niya. Nakakainis.

"Mahal mo ba ako?"

Ngumiti lang siya. Kung papakasalan ko siya. Syempre. Pero gusto ko munang marinig
kung anong nararamdaman niya. Gusto ko na legal na kami. Na legal lahat ng
pagseselos na nararamdaman ko. Na legal na pwedeng mang away sa magtatangkang
umagaw sa kanya.

"Sabi na eh. Babalik na naman tayo sa tanong na yun. Kung Mahal kita. Kung masasabi
ko na Mahal kita. Na ibabalik ko yung Mahal kita Na sinabi mo dati. bakit nga ba
ang hirap sabihin na Mahal Kita? Lalo na siguro yung sobrang Mahal kita. Baka
abutin ako ng taon bago masabi ko yun. At yung sobrang Mahal na Mahal kita. Baka
abutin ako ng pagputi ng buhok ko bago ko masabi yun."
Seryosong sabi niya. Pero yung dating ng mga salita niya tumatagos. Sagad.

"Kaya mahihintay mo bang sabihin ko yun? Hanggang sa pagputi ng buhok ko?"

Kanina nagpapakilig siya. Ngayon nagpapaiyak. Kaya nakakabaliw kang Mahalin Mark
Ethan. Hindi ko magawang magsalita. Baka kasi mapaiyak ako sa harap niya ng wala sa
oras. Kaya niyakap niya na lang ako.

"Pero kung hindi ka makakapaghintay ng ganung katagal. Willing naman akong


magpakulay ng buhok. Kasi Mahal kita"

Aalis sana ako sa pagkakayakap niya para makita ang mukha niya. Pero lalo lang
niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin.

"Pinanagutan ko na yung pagmamahal mo sa akin."

Matagal niya akong niyakap. Tas nung hinayaan niya akong kumalas. Medyo namumula
ang mata niya. Kaya ba hindi niya ako pinapakawalan kanina? Kinabig ko siya para
mahalikan siya sa labi. Halik na naging mas malalim at lalong tumagal. Bakit pa ako
mahihiyang halikan siya? Pinanagutan na niya ang pagmamahal ko. At buti tinted ang
sasakyan niya. Kaya ok lang na maghalikan kami sa loob. Pero nung maramdaman ko
yung kamay niya sa may dibdib ko. Napalayo ako. Baka hindi nga umaandar itong
sasakyan pero baka kung saan kami makarating.
"Ikaw kasi..".

Sabi niya habang inistart na niya yung sasakyan. At sisihin daw ako?

_casper_

Chapter 28
"Pinanagutan ko na ang pagmamahal mo"

Paulit ulit na bumabalik sa isipan ko ang sinabi ni Mark Ethan. Pati yung muntik na
naming pagkalimot kanina sa sasakyan niya. First time kasi namin yun sa isang hindi
pribadong lugar. At sisihin daw ako? Sino ba kasi ang nagsabi sa kanya na magtapat
sa loob ng sasakyan niya? Hanggang ngayon hindi pa din mawala ang ngiti ko sa labi.

Kami na talaga. Official na. Pwede na akong magselos. Pwede ko na siyang ipagdamot.
Pwede ko na siyang bakudan din. Akin ka lang din Mark Ethan. Wala ng bawian.

"Hindi ka pa tutulog? 10 na. Uwi na tayo"

At nakalimutan ko na kasama ko nga pala siya sa unit ko habang nagrereview ako.


Naka upo lang siya sa sofa. Ayun ang set up na ginawa namin. Sa unit ko ako mag
aaral. Sa unit niya ako matutulog. Bawal niya akong guluhin o landiin habang kami
ay nasa unit ko. At bawal akong magreview pag nasa unit niya.

"Susunod na lang ako. Saglit na lang. Mauna ka ng matulog."

"At dahil Boyfriend mo na ako uutos utusan mo na lang ako?" Medyo seryosong sabi
niya. Magrereact pa sana ako pero agad din siyang ngumiti. "Gusto sanang sundin ka.
Pero gabi na. Kailangan mo na ding magpahinga."

Sumunod na lang ako. Pero medyo napaisip ako sa magpahinga? Magpapahinga na talaga
kami? Niligpit ko ang mga books and notebooks ko. Hindi nga naman maganda na
magpuyat ako lagi. Baka mamaya wala na ding pumasok sa isip ko. Nauna akong lumabas
aa unit ko. Tas pagkalabas na pagkalabas ko saka lang hinawakan ni Mark Ethan ang
kamay ko. Sumusunod sa usapan. At pagkalabas na pagkalabas talaga?

Pagkapasok namin sa kwarto niya agad niyang inayos ang hihigaan ko. Tas pumasok
siya sa bathroom. Since pagod din naman ako maghapon at sa lahat ng pagpapakilig na
ginawa niya kaya humiga na ako at pumikit. Nung maramdaman ko na lumabas siya ng
bathroom ay pinilit ko na huwag na lang magmulat. Sabi niya kasi magpapahinga kami.
Baka kung anong suot niya. Nung tumabi siya sa akin at niyakap niya ako. Hindi ko
na napigilan na tingnan siya. Nakasando at boxers lang siya. Bibihira na ganun ang
suot niya. Usually kasi may short pa talaga siya. So pag official na wala ng hiya
hiya? Ganun ba Mark Ethan?

"Tulog na tayo"

Sabay yakap niya sa akin ng mahigpit. Yumakap na lang din ako sa kanya.

"Kung pwede ko lang hilahin ang araw para matapos na Exam mo, ginawa ko na."

"Hindi pa ako ganun kaready para madiliin mo ako sa araw na yun"

"Kayang kaya mo naman yun"

Mas nakakakaba yung sobrang tiwala niya sa akin. Nakakatuwa na naniniwala siya pero
sobrang kaba yung kapalit. Parang paano kung hindi ko pala kaya? Paano kung mabigo
ako? Na nagpumilit ako na kumuha ng Board Exam,na muntik na kaming magkatampuhan
tapos babagsak lang ako?

"Paano kung bumagsak ako?"

Medyo inilayo niya ako sa kanya tas tiningnan niya ako ng seryoso.

"Sasaluhin naman kita"

"adik"

Siguro napagdadadaanan lahat ito ng mga kukuha ng Board Exam. Yung takot at kaba.

"Pero seryoso, kahit anong maging result ng Exam mo. Andito lang ako. Proud
Boyfriend."

"Pero dapat pumasa ako." Hinaplos ko ang mukha niya. "Ang panget naman na Top 1 ka
tapos ako Bagsak? Nakakahiya. Gusto ko yung karapat dapat ako sayo"

"Anong nakakahiya dun? Bakit ba big deal yun?"

"Hayaan mo na lang na mahiya ako. Kasi kahit pagbalikbaliktarin mo man issue yun
pag bumagsak ako."

Bigla itong ngumiti. Yung pigil na ngiti. Ang adik lang ng lalaking ito. Kanina
napakaseryoso tapos biglang ngingiti ng nakakaakit.

"It's our first official fight huh?" Tas ang lapad lapad lang ng ngiti niya. Nag
aaway na nga kami or nagtatalo na nga nakuha pa niyang ngumiti. "at hindi ko na
mahintay lahat ng First na pwedeng mangyari."

"Pervert"

"Hahaha atleast sayo lang." Kung kanina medyo namumula ako dahil sa pinaglalaban
ko. Ngayon namumula ako dahil sa kung akong pinaglalaban niya. "Pero seryoso, huwag
mong isipin kung Top 1 ako kasi ayaw kong mapressure ka. Ayaw kong isipin mo na
Engineer ako o kung ano man ang narating ko. Kasi pag kasama kita. Ako lang ito.
Ako na para sayo. At saka pa lang ako nakukumpleto"

"Pero.."

Siguro Pride ko na lang ito. Na pwede kong balewalain dahil sa pagmamahal niya.

"Pag talaga sinabi mo na iiwan mo ako pag bumagsak ka. Hinding hindi kita
mapapatawad"
"adik. Hindi ko naman naisip yun. Pero salamat sa suggestion"

Lumayo siya sa akin. Yung mukha niya yung nakakatakot na talaga dahil sa sobrang
seryoso. Tumalikod siya sa akin. Napasobra ata ako. Pero binibiro ko lang naman
siya. Hindi ko naman naisip na makipaghiwalay sa kanya dahil doon.

"Mark Ethan.."

"Tulog na ako"

Nagkumwari pa aiya na humihilik. Napailing na lang ako. Parang bata talaga siya
minsan. O dahil bunso nga siya at malapit sa kanyang Mommy. O dahil ayaw lang
niyang makipagtalo pa.

"Joke lang kasi yun."

"hindi magandang biro. Lalo na at seryoso ako sa nararamdaman ko sayo. Mahal kita.
At ang isipin na iiwan mo ako parang hindi ko kaya. Kaya last mo na yang biro na
yan"

Niyakap ko na lang siya. Alam ko naman na hindi siya makikipag usap na. Ano nga
yung sabi niya dati? Pag ganito siya yakapin ko lang siya? First day pa lang namin
pero ang dami ng nangyari. Hindi ko alam kung paano ba mag handle ng isang
Relationship? Lalo na kung nagsimula kami sa Mali. Pero alam ko naman na mapapawi
lahat ng pagkakamali na yun. Dahil sa tamang nararamdaman namin para sa isat isa.

_casper_

Chapter 29
"Hindi ba talaga pwede?"
Simula nung umalis kami sa unit niya ay kinukulit ko siya. Tungkol sa group study
namin ng mga classmate ko. At overnight yun. Akala ko dati ok lang sa kanya yun.
Sabi pa nga niya basta kasama siya. Ok lang din naman sa akin na sumama siya.
Malaking tulong siya sa pagrereview namin. Pero ayaw niya.
"Papayagan kita pero hindi overnight. Pag inaantok ka na susunduin ko na ikaw"
"Syempre pag inantok iidlip tapos pagnagising magrereview na ulit. Ganun naman di
ba? Kaya nga Group study. Para magshare ng idea. Para may mapagtanungan"
"Hindi dahil wala akong tiwala sayo o dahil alam ko na magseselos ako kaya ayaw
kong pumayag. Masyado mong pinapagod ang sarili mo sa pagrereview. Tapos
magoovernight ka pa?"
Seryosong sabi niya. Ihahatid niya ako ngayon sa review center. Tama naman nga
siya. Halos gabi gabi mga 11 na ako natutulog. Tapos gigising ng maaga.
Pagkapark niya ng sasakyan ay hinarap niya ako sa kanya. Masuyong hinaplos ang
pisngi ko.
"Tingnan mo nangangalumata ka na. Buti sana kung ako pumupuyat sayo"
Nakakalokong sabi niya. Kinurot ko siya sa tagiliran niya at agad din naman niyang
hinuli yun at dinala sa labi niya para hagkan. Yung halik mula palad ko bumaybay
hanggang sa siko ko. At nung magtapat ang aming mukha ay inangkin niya ang mga labi
ko. Buti na lang talaga tinted ang sasakyan niya. Kaya malaya kong sinagot ang
ginagawa niyang paghalik.
"Napapabayaan mo na ang sarili mo. Pati sa akin wala ka ng oras. Buti pa dati halos
gabi gabi napaparamdam ko yung pagmamahal ko. Tapos kung kailan naging tayo. Once a
week na lang"
Mahihimigan mo ng pagtatampo ang bawat salitang binitawan niya.
"Anong gusto mong iparating Engr. Mark Ethan Valero? Na mas gusto mo nung hindi pa
tayo? Nakikipagbreak ka na ng lagay na yan?"
"Oo aminado ako na baliw na baliw ako sayo pero hindi pa ako nasisiraan ng ulo para
isipin na makipagbreak sayo" Medyo pinisil pa niya ang pisngi ko. "kaya nga
nagtitiis na lang ako sa yakap at halik tapos mag oovernight ka pa?"
Dahil maaga pa naman para sa review kaya hindi muna ako lumabas sa sasakyan niya.
At gusto ko din siyang makausap. Naiilang pa din kasi ako hanggang ngayon.
"Hindi ka kaya manawa sa akin? sabi mo dati halos gabi gabi nga. Tapos wala ka pa
ding experience sa iba. Hindi kaya dumating yung puntong magigising ka na lang na
umay sa sitwasyon natin? Na lagi na lang ako ang kasama mo? Paano pala kung hindi
ako ang para sayo? Paano pala kung napalampas mo yung para sayo dahil ikinulong mo
ang sarili mo sa akin? Hindi naman malabong mangyari yun di ba?"
Kahit medyo kinabahan ako sa bigla niyang pagseryoso hindi ko pa din inalis ang
tingin ko sa kanya. Nakakakaba na masyado kaming masayang dalawa. Kaya kailangan
kong ihanda ang sarili ko kung sakaling may kahihinatnan ang kaligayahan namin.
Wala naman permanente sa mundo. Kahit ang damdamin ng tao nagbabago.
"Ano pa ba ang kailangan kong gawin para mawala lahat ng pagaalala mo?" Hinawakan
niya ang mga kamay ko. Yung boses niya malumanay. O siguro yun ang kailangan ko.
Kasi kung sasabayan pa niya ako na hindi matino ang pag iisip baka magkagulo lang
kaming dalawa. "Ilang taon bago ko nasabi sayo na Mahal Kita. At wala akong balak
bawiin yun kahit kailan. At wala din akong balak na sabihin yun sa iba. Kung totoo
man na nakalampas na yung para sa akin dahil ikinulong ko ang sarili ko sayo..
hindi ako magdadalawang isip na palampasin ulit siya kung sakaling babalik siya.
Paulit ulit kong itatago ang sarili ko kasi masaya na ako sa Mundo na ikaw ang
kasama."
Hindi ko na magawang magsalita pa. Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko.
Parang gusto kong maiyak. Hindi ko akalain na darating sa punto na yung inaasam
kong pagmamahal niya ay sobra sobra pa yung ibibigay niya.
"Mahal mo talaga ako?"
Medyo garalgal na yung boses ko. Kahit nararamdaman ko naman na seryoso siya
hanggang ngayon kasi hindi pa din ako makapaniwal. Akala ko habambuhay akong aasa.
"Mahal na Mahal na Mahal na Mahal. Na hindi ako magsasawang sabihin yun. Gaya ng
hindi ako kailanman magsasawa sayo. Saan mo ba nakukuha ang ganung idea?"
Umiling lang ako. Hindi ko magawang magsalita pa. Yung isang salita nga sobrang
kilig ang hatid eh yung apat pa?
"At pakiusap huwag kung ano ano ang isipin mo. Nakakatakot kasi." Medyo sumeryoso
ito "Iisipin ko na lang na dala yan ng kaba mo sa pagrereview at sa nalalapit na
exam mo kaya bigla mong nasabi na hindi ka para sa akin at darating sa puntong
mananawa ako sayo. Kasi hindi mangyayari yun. Sigurado ako doon. Sa lahat ng bagay
na may kinalaman sayo sigurado ako"
"Sorry. Siguro konting panahon pa masasanay din ako na Boyfriend na kita. Na Mahal
mo ako." inayos ko na ang sarili ko kasi malapit ng magsimula ang review. "Mahirap
kasing kumawala sa tatlong taon na nabuhay ako na Alipin ang turing mo. Oo hindi
literal na ganun. Pero yung takot at sakit na naranasan ko sa panahon na yun hindi
ko maalis agad agad."
"Alam ko naman yun. Panget ang naging umpisa natin." hinawakan niya ang kamay ko.
"Kaya nga naiintindihan kita. Kaya nga wala akong karapatang masaktan kung
pinagdududahan mo man kung anong meron tayo. Pero isa lang ang hiling ko. Huwag mo
akong bibitawan. Aalisin ko lahat at takot sa puso mo. Kasi seryoso talaga ako
sayo."
Hinalikan ko siya ng mabilis sa labi bago ako lumabas ng sasakyan niya. Sabi ko
gusto ko siyang makausap. Pero hindi ko pala kaya ng ganyan kaserysong usapan.
Hindi ko kaya yung mga lumalabas sa bibig niya. Yung kilig na hatid noon. Siguro
konting panahon lang naman ang kailangan ko para paniwalaan ang lahat ng ito.
Naniniwala din naman ako na Mahal talaga ako ni Mark Ethan. Siguro kailangan ko
lang masanay sa lahat ng pagpapakilig niya. Sa I wala sa lugar na pagseselos niya.
Nakakatawa lang na kaya naging kami ay dahil Mahal niya ako. Nung aminin niya na
Mahal niya ako. Parang ako pala ang nanligaw sa kanya? Sabagay nauna naman talaga
ako na magsabi ng katagang yun. Sinagot lang niya.
"Engineer" Napalingon ako kasi boses ni Mark Ethan yun. Hindi pa naman ako ganun
nakakalayo sa sasakyan niya. "Handa akong ibigay sayo ang lisensya para itali mo na
ako sayo"
"Makakapaghintay yang lisensyang yan Mark Ethan. At yan ang plano kung kunin sa
sunod"
Tumalikod na ako sa kanya. Grabe lang. Kung ano anong naiisip ng lalaking yun. Kung
ano anong biglaang inaalok. Nagrereview ako para sa PRC license. Gusto agad niya
Marriage License ang ipasa. Ang adik lang. Ang adik sa pakiramdam. Makakapagreview
kaya ako ng lagay na to ngayong araw? Kung ang utak ko ay okupado ni Mark Ethan.
_casper_
---------------------------------------
If gusto niyo pong sumali sa FB Group click niyo lang po yung nasa profile ko.
Salamat.

Chapter 30

Dalawang buwan na lang Exam na. Nasusunod ko naman yung schedule na ginawa ko sa
pagrereview. Sa mga major subject ko dun ako nagfocus talaga. Sa General
Engineering subjects yun ang ihuhuli ko. Tutal naman yung ilan dun ay nagagamit ko
din sa Major Subject kaya parang konting review na lang talaga.

"Bakit kasi nung estudyante tayo itinuturo muna ang long method ng solution tapos
saka ituturo ang Short method? Eh parehas lang naman ang magiging final answer."

Medyo naiinis na kasi ako sa sinosolve ko. Nasagutan ko na kasi siya using short
method tapos gusto ni Mark Ethan ang ipakita kong solution ay yung long methor ang
gamit. Nasa unit ko kami. At tinutulungan niya akong magreview. Kaso sobrang higpit
niya. Sobrang seryoso niya.

"Parang IKAW lang yan. Nakuha ko sa short method pero dahil gusto ko na makasiguro
long method ang ginagamit ko para paibigin ka"

Nahampas ko nga siya. Kaasar. Seryosong seryoso kami sa pagrereview tapos biglang
babanat ng ganun? Hindi ko tuloy mapigilan na hindi mapangiti. Ang adik lang.

"Tapos yung Final Answer mo na lang yung hihintayin ko"


Yung ngiti niya yung tipong nakakaloko na ewan. Yung sagad sa buto ang hatid na
kilig. Final Answer ko daw? Ano ba yung tanong niya? Pero syempre ayaw kong
tanungin yung tanong niya. Baka hindi ko mapigilan na hindi sagutin. Pag ganito ng
ganito ang mangyayari tuwing magrereview kasama siya. LOVE EXAM na lang kaya ang
kunin ko? Tas Marriage License na nga lang yung lisensyang kukunin ko.

"Pag pumasa ako aa Board Exam anong ibibigay mo na gift sa akin?"

Tutal wala na ako sa sarili para magreview pa. At malapit na din naman kaming
magpahinga sa kunwaring pagrereview namin. Kaya ngayon pa lang itigil na ang dapat
itigil.

"Hindi pa ba sapat ang katawan ko?"

Nahampas ko ulit siya. Eh kasi bakit ba ganun siya ngumiti? Yung ngiti pa lang
parang ngayon pa lang gusto ko ng kunin yung gift ko. Kainis.

"Adik. Bukod dun"


Napatawa na lang din siya. Eh kasi pumasa o hindi naman mabibigay niya yun eh.
Medyo nawawala na yung pagkailang ko sa kanya. Yung medyo nagbibiruan na kami. Yung
normal na kaming couple. Yung kahit papano wala na yung kaba ko pag kasama siya.
Yung wala na yung sakit na dati dati kong nararamdaman. Sa loob ng maikling panahon
pinaramdam niya yung pagmamahal niya. Na wala dapat akong ikatakot. Na seryoso
talaga siya sa akin.

"May tanong nga pala ako Mark Ethan? Hindi ka ba talag nag iinum? Kasi hindi ko
nabalitaan na nakikisali ka sa mga inuman nung nag aaral ka. Eh imposible naman yun
kasi bihira lang sa course natin ang hindi marunong uminum ng Alak?"

Binitawan niya na lang din yung reviewer na hawak niya. Tapos tumabi na lang siya
sa akin. Kanina kasi magkaharap kaming dalawa.

"Umiinum naman ako. Kahit anong alak. Sabi mo nga parang kalakaran na sa
Engineering yun. Kaso nung makilala kita medyo naglaylo ako sa alak."

"Bakit?"

"Narealized ko lang na kahit gaano pa kataas ang Proof o alcohol content ng alak o
kahit gaano pa kadami ang nainum ko pag ikaw ang kaharap ko nawawala ang
pagkalasing ko." hinawakan niya yung mga kamay ko at seryosong tumingin sa akin
"Kasi bumabalik lahat ng kaba ko. Natatameme ako. At natotorpe pa din ako. Kung
effective sana yung alak sana dati ko pang nasabi sayo na Mahal kita di ba?"

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Bakit kasi ako nagtanong pa? Lahat ba ng tanong ko
may kaakibat na pagpapakilig mula sa kanya?

"Kaya galit na galit ako nung umuwi ka ng lasing. Kasi ganun ka pa din. Lasing ka o
hindi wala pa din akong epekto sayo."

"Yaan mo sa sunod na maglalasing ako ipapakita ko sayo kung gaano kalakas ang
dating mo"

"Parang gusto ko tuloy na lasingin ka ngayon"

Nakakalokong sabi niya. At medyo kinabahan ako bigla. Hindi ko kaya kung ano man
ang naiisip niya. Sinabi ko lang naman yun para mawala yung tampo niya. Para hindi
na niya isipin yung paglalasing ko.

"Bawal. Baka sumakit ang ulo ko bukas hindi ako makakapagreview ng maayos"

Hinawakan niya yung baba ko at kinabig yun para magkaharap kami.


"Eh kung sa halik na lang kita lasingin?"

"Eh sigurado ka bang malalasing ako?"

Medyo inilapit ko ng kaunti ang mukha ko sa kanya.

"Hindi ko alam. hindi ko kasi alam kung yung labi mo ang nakakalasing o yung labi
ko? Pero malalaman.."

Bago pa man ako makapagsalitang muli ay sinakop na niya ang labi ko. Magaan yung
ginagawa niyang paghalik. Yung sa bawat kilos ng labi ay may pag iingat. Yung
parang pinaparating na kahit kailan hindi niya ako sasakyan. Yung wala akong magawa
kundi ang tugunin din. Yung nagkukusa na lang ang labi ko para sabayan ang labi
niya sa nakakalasing na pagkilos nila.

Hindi ko magawang tuminging ng diretso sa kanya matapos ang halik na yun.


"Oh shot pa?"

Nakangiting sabi niya. Nung akmang hahalikan niya ulit ako ay lumayo ako.

"Mark Ethan baka nakakalimutan mo na nasa unit ko tayo. Bawal ang intimate moments
dito habang nagrereview ako "

Kahit na hirap na hirap na magmukhang seryoso sa sinasabi ko ay pinanindigan ko pa


din. Kahit yung nakangiti niyang mukha ang nakabalandra sa akin.

"Intimate Moments? Nagpapakalasing lang ako"

"Adik"

"hindi ka na naman nagrereview eh. Kaya pwede na ang yakap." Hinapit niya ako
palapit sa kanya "Bakit kasi kahit kasama kita namimiss pa din kita? Akala ko mahal
na kita.."

Medyo lumayo ako sa kanya kasi nakakagulat yung sinabi niya. Ano yun? Nabigla lang
siya ganun?

"Yun pala Mahal na Mahal kita" Ngumiti ito at sinandal ulit ako palapit sa kanya. "
Hindi ko man lang alam. Nagulat na lang ako kasi nabibingi ako.."

"Nabibingi?"

"Nabibingi kasi segu segundo pangalan mo ang sinisigaw ng Puso ko"

Kaso baka mapagod ka na mahalin ako. Nakakatakot na sobrang saya/perpekto ng kung


anong meron kami ni Mark Ethan. Baka hindi ko kayanin ang labis na kalungkutan na
kaakibat ng kasayahan na ito.

_casper_

Chapter 31

"Engr. Cruz masyadong magastos yang design mo."


Andito ako ngayon sa Office ni Mark Ethan. Nung sunduin niya kasi ako bigla siyang
pinatawag ng Daddy niya. Emergency meeting daw. Kaya kasakasama niya ako dito.
First Time ko na pumunta sa Office niya. First time ko na makita siya na kausap ang
mga katrabaho niya.

Base sa narinig ko parang hindi nagustuhan nung client yung design. Tapos base sa
mga equipment na ginamit sobrang mahal pa. Ayaw ko sanang makinig sa kanila,kaso
hindi din pumayag si Mark Ethan na sa lobby ako maghintay. At medyo nakakakaba yung
tingin na pinupukol ni Engr. Cruz.

"Engr. Valero hindi ba dapat ang meeting na ito ay confidential? Dapat yung
nagtatrabaho lang dito at hindi magandang idiscuss ang isang design na maririnig ng
ibang tao na wala namang kinalaman sa design?"

Tama nga naman siya. Pero gustuhin ko man na sundin siya hindi ko kayang suwayin si
Mark Ethan. Kaya kahit gustong gusto ko na tumayo parang pinipigilan ako ng tingin
niya.

"Lahat ng andito ay may kinalaman sa kung anong pinag uusapan natin. Lalo na ang
girlfriend ko." Akmang magsasalita ulit si Engr. Cruz pero pinatigil lang din siya
ni Mark Ethan. "Dahil siya yung nagdesign nung finorward ko sa client at nagustuhan
nila"

May kung anong pinakita si Mark Ethan sa kanila. At wala akong natatandaan na may
ginawa ako.

"Yung design niya ay isa sa situational problem na binigay ko. At nagawa niya yun
na hindi masyadong gumamit ng mamahaling Pump."
Naalala ko na. Minsan kasi tinuturuan niya akong magreview. At binibigyan niya ako
ng mga ganyang sasagutan. Malay ko bang para sa company yun? Ang ginawa ko kasi ay
mula sa taas para pababa yung flow. Wala na masyadong Pump na gagamitin. Gravity.
Libre na naman yun bakit hindi gamitin? Maayos na pinaliwanag ni Mark Ethan sa mga
andun yung design. Hindi na ako nakialam pa. Alam ko naman na may binago dun si
Mark ethan. Nakakatuwa lang na pagmasdan siya habang nagpapaliwanag. Ibang iba sa
Mark ethan na kilala ko.

"Siguro nga magaling ka talaga sa aspetong yun."

Kami na lang dalawa sa office niya. Bago umalis yung mga kasama niya mga
nakipagkamay pa sa akin.

"Saang banda?"

"sa pag gamit ng GRAVITY?"

"Paano mo nasabi?"

Yung daddy niya pala andun din kanina. Kaso si Mark Ethan talaga ang nakikipag
usap. Siya ang nagdesesisyon.

"Kasi nahulog din ako ng kusa sayo"


"Engr. Valero may nagsabi na ba sayo na ang korni korni mo?"

Ang korni korni pero sagad sa pagpapakilig. Bakit ba kasi hindi ako masanay sanay
sa mga banat niya?

"Sabi ni Daddy ok talaga yung design mo. Ok na ok daw na maging partner tayo. Sa
hanapbuhay..at sa buhay"

"At sinama mo pa ang Daddy mo sa kakornihan mo?"

Ang kulit lang talaga ng lalaking to. Parang hindi ko maimagine yung Daddy niya na
magsasabi ng ganun.

"Sa kanya kaya ako nagmana ng kakornihan" Hinila niya ako palapit sa kanya at
pinaupo sa kandungan niya. "Kaya si Mommy lalong nahulog sa kanya. Ikaw kaya? Hulog
na hulog na ba?"

"Hindi pa masyado"

"Ganun?" Inilapit niya yung mukha niya sa mukha ko. "Kulang pa pala ang kakornihan
ko? Ano pa ang kailangan kong gawin?"
Magsasalita pa sana ako kung ano pa ang kailangang gawin niya pero hindi ko na
nagawa kasi paano ko gagawin eh nasakop na niya ang labi ko? At yung pagalaw nito
wala akong magawa kundi ang tugunin din. Nagbibiro lang naman ako Mark Ethan. Kahit
wala kang banat na sabihin halik mo pa lang hulog na hulog na ako.

Naramdaman ko ang mga kamay niya sa may likod ko. Banayad na humahaplos yun. At
naglakbay papunta sa tapat ng dibdib ko.

"Mark.."

Hindi ko alam kung sapat ba yung ginawa kong pagtutol pero mukhang iba yung dating
sa kanya. Kasi ipinailalim pa niya sa mga damit ko para mas mahawakan niya ang
dibdib ko.

"Wala tayo sa unit mo.."

Bulong ko sa kanya. Pero balewala lang yun. Patuloy pa din siya sa ginagawa niya.
Ngayon nga ay nahubad na niya ng tuluyan ang blouse ko. Sinunod niya ang munting
saplot na tumatakip sa dibdib ko. Hindi ko na magawang magsalita pa. Kasi yung mata
niya. Yung paraan ng pagtingin niya mukhang walang makakapigil sa kanya. Sinakop ng
mga labi niya ang pinakatuktok ng dibdib ko. Salitan niya yung hinalikan. Naihiga
niya ako sa sofa ng hindi ko namamalayan.

"Mahal kita"
Pinantay niya yung mukha niya sa mukha ko. Matagal lang niya akong tiningnan. Tapos
binangon niya ako. Siya na din ang nagbihis sa akin.

"Pasensya ka na. Muntik na akong makalimot. Na miss kita maghapon." Niyakap niya
ako. Ok lang naman sa akin kung makalimot siya. Medyo nakakahiya nga lang kung
nasaan kami. Pero kahit saang lugar pa naman yun kay Mark Ethan ko lang naman din
planong makalimot. "Bakit ba kasi parang ang manyak manyak ko pag ganito ka
kalapit?"

"Ang gwapo mo namang Manyak"

Natawa na lang din siya. Matagal kami sa ganung posisyon. O siguro kinakalma niya
muna ang sarili niya.

"Siguro yun ang pagkakaiba nung sitwasyon natin dati. Nung akala mo slave kita.
Kaya nagagawa ko lahat" Medyo inilayo niya ako sa kanya para magkaharap kami. Para
matingnan niya ako. At para matunaw ako sa paraan ng pagtitig niya. "Mahal na kita
dati kaya malakas ang loob ko na gawin lahat. Pero ngayon na alam ko na Mahal mo
ako, ayaw kong gumawa ng kahit ano para mawala yun. Kaya kahit gustong gusto kong
ituloy kung ano man ang nasimulan ko ngayon, itinigil ko kasi baka magalit ka.
Siguro saka ko na lang gagawin dito pag mag asawa na tayo. Yung wala ka ng dahilan
na magalit at iwan ako"

Hindi naman sa magagalit ako. Pero siguro ito yung unang beses na wala kami sa
kwarto. At siguro alam niya na mahihiya lang ako kung sakaling lalabas na kami sa
office niya. Nakakatuwa na iniisip niya yun. Nakakatuwa na balak pa din naman
niyang gawin yun dito yun nga lang pag asawa na niya ako. Ang adik lang.
"Medyo nakakapanibago lang na nagiging agresibo ka na kahit nasaang lugar Mark
Ethan. Feeling ko tuloy ang ganda ganda ko"

Nginitian ko na lang siya. Para kahit papaano mawala yung pagkaseryoso niya. Ayaw
ko na isipin niya na magagalit ako ng dahil sa ganung bagay. Hindi naman siya
gumagawa o lumalampas na parang binababoy niya ako. Sa bawat pag iisa ng mga
katawan namin ramdam na ramdam ko yung Pagmamahal niya. Hindi dahil kailangan niya.

"Maganda ka naman talaga." Hinaplos niya ang mukha ko. "Yung sobrang gandang
nabalewala lahat ng kagandahan ng iba"

"Mambobola."

"Korni, Mambobola. Bakit ba kasi ang gwapo gwapo ko?"

Napatawa na lang ako sa sinabi niya. Kasi siya din naman hindi napigilan ang
pagtawa sa sinabi niya. Yung hindi natuloy na gagawin niya ang pumalit ay yung saya
na nakikita ko sa mukha niya dahil sa simpleng pag uusap namin.

"Tara na nga Mrs. Valero baka kung ano pang maisipan kong gawin. Uwi na tayo"
"Mr. Valero ipinapaalala ko lang magrereview ako mamaya"

"Alam ko naman na hindi ako nakaschedule ngayon. Tsk. Sayang talaga yung kanina"

"Ikaw eh"

Lumabas na kami sa office niya. Konti na lang ang tao nun. Siguro dahil mag
aalasais na ng hapon nun.

"Ok lang naman. Nakaset lang naman talaga ang utak ko sa yakap at kiss ngayon. Yung
kanina lang talaga hindi ko napigilan."

Ang kulit lang. At nakasched din pala yun sa utak niya. Paano kaya siya nagrereview
din tungkol sa bagay na yun? Dapat sinasali niya ako. Teach Me Master!

_casper_

---------------------------------------------
Hindi ko masyadong naipaliwanag yung sa design. Wala akong masyadong idea sa
MECHANICAL ENGINEERING. Ang alam ko lang ay Large Scale yung pinag aaralan nila sa
Chemical Engineering. Sa kanila yung sa design,kung anong TUBO at PUMP ang
gagamitin, sa amin ay kung anong nangyayari sa fluids na dadaan dun sa loob ng
TUBO. Tama nga ba ang pagkakaintindi ko? Hahaha Kaya ayun. Hindi ko na lang
nilagyan.

Chapter 32
"Dad! Mommy!"

Nagulat talaga ako na makita sila sa harap ng unit ko. Hindi man lang kasi sila
nagsabi na pupunta sila.

"Anak, kamusta?" Yumakap si Daddy sa akin. "At may Engineer na taga hatid at sundo
sayo?"

"Good Evening po Tito,Tita"

Nakipagkamay si Mark Ethan kay Daddy tapos nagbeso kay Mommy. Wala man lang kakaba
kaba na makaharap ang parents ko.

"so kayo na ba ng anak ko? Sinagot mo na siya Mark?"


Nakangiting sabi ni Mommy. Ang baliw lang talaga. At si Mark Ethan pa ang sasagot?
Hindi ko na makita ang reaction ni Mark Ethan kasi abala na ako sa pagbubukas ng
pinto ng unit ko. At yung kakalatan ko habang nagrereview ang bumungad sa Parents
ko.

"Nakakatulog ka pa ba anak? Eh pinuno mo na ng kung ano anong formula itong unit


mo"

Iiling iling na sabi ni Daddy. Ngali ngali ko ng sabihin na nakakatulog naman ako
ng maayos. Yun nga lang sa poging kapitbahay. Na nagngangalang Mark Ethan.

"Mark hindi mo na sinagot ang tanong ko? Kayo na ba ng anak ko?"

"Opo Tita. Napilitan ko na po siyang sagutin"

Kung hindi nga lang parents ko ang kaharap ko napagkurot ko na siya. At napilitan
talaga? Nakakabaliw ka Mark Ethan.
"Boyfriend ka na ng anak ko?"

Medyo nakakakaba na biglang sumeryoso si Dad. Oo si Mommy kabiruan niya pero


siyempre iba pa din ang dating nun kay Daddy na parang napipilitan siya sa relasyon
na to.

"Opo Tito. Mahirap po kasing pigilan kung anong nararamdaman ko sa anak niyo."
Tumingin siya sa akin na seryosong seryoso "Parang kung anong mahika meron siya. Na
lumukob sa sistema ko."

"Ginawa mo namang witch ang anak ko"

Biglang ngumiti si Daddy. Hinawakan ni Mark Ethan ang kamay ko at seryosong


tumingin sa akin.
"Kung ganun po ayaw ko na pong mawala yung spell na ginawa niya sa akin"

"Mga bolerong Engineer. Ganyan na ganyan ang Daddy mo anak."

Tumawa na lang ako. Atleast naiintindihan ako ni Mommy, kung bakit hindi din ako
makawala kay Mark Ethan. Na sa salita niya ay hulog na hulog din ako. Inayos lang
namin ni Mommy yung dala nilang pagkain. Habang naiwan si Daddy at si Mark Ethan na
nag uusap sa may sofa. Pero siyempre pakinig pa din naman namin. O mas tamang
pinapakinggan ko din talaga.

"Saan ka ba nakatira Mark? Hindi ba nakakaabala na hinahatid sundo mo ang anak ko?"

"Malapit lang naman po ako dito."

"Talaga? Buti naman. Alam ko na busy ka sa company niyo kaya ayaw kong maging abala
ang anak ko"
"Ang totoo Tito. Diyan lang po ako sa kabilang unit." Gulat na gulat ang mukha ni
Daddy. " Pero malapit o malayo man po ako sa anak niyo hindi po kailanman siya
kailanman naging abala sa akin."

"Matagal ka na diyan sa kabila? Akala ko ba sa school kayo nagkakilala? yun pala


magkapitbahay din kayo?"

"Lumipat po ako dito almost Three years ago. Nung panahon na alam ko sa sarili ko
na anak niyo lang po ang mamahalin ko"

"Grabeng pambabakod naman yung ginawa mo?"

"Kailangan po eh. Pero hindi lang naman po pambabakod ang balak kong gawin.
Ibabahay ko din naman po siya pagkatapos ng kasal namin"
Muntik ko ng mabitawan yung pinggan na hawak ko. At sa paraan ng pagkakasabi niya
kay Daddy walang kakaba kaba.

"Kung ako po ang masusunod Tito gusto ko sana na makasal agad kami. Pero may
pangako po ang anak niyo sa inyo. Kukuha muna daw po siya ng lisensya na apelyido
niyo ang nakalagay." Matiim na nakatingin sa kanya si Daddy. Bakit kasi napunta dun
ang usapan? "Pero sana po hayaan niyo na makasal agad kami pagkakuha ng lisensya
niya."

"Ganun kabilis?"

Hindi na nakatiis si Mommy na hindi sumingit sa usapan nila. Napalapit na din ako
sa kanila. Ito yung usapan namin dati na akala ko sumang ayon siya. Pero bakit
ngayon sa magulang ko naman niya pinipilit yun? Ganun mo ba talaga kagusto na
makasal agad tayo Mark Ethan?

"Sana po Tita." Tumayo si Mark Ethan at lumapit sa akin. Hinawakan niya ang kamay
ko. "Hindi po kasi ako manalo sa anak niyo tungkol sa bagay na yan. Seryoso po ako
sa anak niyo."
"Mark Ethan, hayaan mo muna na mag enjoy ang anak ko. Kung seryoso ka talaga sa
kanya mangyayari naman na makakasal kayo. Pero gusto ko na maranasan ng anak na nag
eenjoy magtrabaho. Ang gumala pag bagong sweldo. Yung sarili lang niya ang iniisip
niya."

"Ganun din naman po ako Tito. Siya lang din naman ang iniisip ko" bakas sa mukha
niya ang pagkabigo. Yung sakit na dulot ng pagtutol ni Daddy.

"Mark Ethan.."

Ramdam ko yung sakit na nararamdaman niya. Yung pamumula ng mata niya. Parang hindi
ko maimagine na magpapakita siya ng kahinaan sa harap ng magulang ko.

"Yang sobrang pagmamahal mo Mark Ethan sa anak ko ang magiging problema niyo banda
banda diyan"
"Sige po Tito,Tita. Una na po ako"

Tumalikod na ito. Yung nakalaylay niyang balikat ang patunay na pagkabigong


naranasan niya.

"Hindi ka ba muna kakain? Madami ang dala namin?"

Umiling lang ito at dumiretso na ito sa paglabas. Ang bigat sa dibdib na makita
siya ng ganun. Naramdaman ko na lang na may luha ng naglalakbay sa pisngi ko. Hindi
ko kaya. Gusto ko siyang yakapin.

"Mom,Dad.."

"Sige sundan mo na yung Boyfriend mo. Sa lahat ng napipilitan sa isang relasyon.


Siya yung gustong gusto kang itali"
Paglabas ko ng unit ko agad kong kinuha yung susi para sa unit niya. Hindi
makaturangan na sobrang nasasaktan siya ngayon. Mahal lang talaga niya ako.
Pagpasok ko sa unit niya, dumiretso agad ako sa kwarto niya. Pero wala siya.Kahit
saang bahagi ng unit niya wala siya. Tinangka ko siyang tawagan pero yung phone
niya naiwan niya sa sala. Asan ka ba Mark Ethan? Nakakatakot na isipin na
magmamaneho ka ngayon. Baka kung saan mo ibangga yang sasakyan mo. Bumalik ako sa
unit ko. Niyakap lang ako ni Mommy. Gusto ko siyang hanapin pero andito sina Mommy.
Minsan lang nila ako dalawin dito tapos ano na lang iisipin nila? Na nagpapadala
ako sa pagtatampo ng boyfriend ko? Pero kilala ko siya. Sobra siyang nasasaktan
ngayon. Doble ng sakit ng nararamdaman ko ngayon.

_casper_

Chapter 33

Hindi naman nagtagal sina Mommy at Daddy sa unit ko. Ayaw nga sana nilang umalis
pinilit ko lang talaga sila. Bukod sa importante yung pupuntahan nila, hindi ko
kasi alam ang ikikilos ko, hindi ko alam kung Paano ko hahanapin si Mark Ethan na
nasa paligid lang sila. Hindi mawala sa isip ko ang itsura niya kanina. Yung kahit
hindi siya magsalita hindi ko alam pero naiiyak ako. Sobrang nasasaktan ako.

Bakit kailangan niyang masaktan?

Yung ang tanging ginawa lang naman niya ay ang Mahalin ako? Kaya hindi katanggap
tanggap na nasasaktan siya ngayon.

Asan ka na ba Mark Ethan?


Gusto ko sanang tanungin sa mommy niya kung andun si Mark Ethan sa bahay nila kaso
paano kung wala? Baka mag alala lang din sila. Bago mag hating gabi may kumatok sa
unit ko. Kaya agad akong binuksan yun ni hindi ko na tiningnan kung sino ba yun?
Pero malakas ang kutob ko na si Mark Ethan yun. Kasi sa paraan ng pagkatok niya aa
pintuan ay para na ding sa puso ko siya kumakatok. Kaya sobrang bilis lang ng tibok
nito ngayon.

"Miss..Nyah.."

Nagulat talaga ako na kapatid niya yung napagbuksan ko ng pinto. Ngumiti lang naman
siya. Mabait naman talaga siya. Close sila ni Mark Ethan.

"Mukhang nagkwekwento si brother about sa akin ahh.. " Inabot niya sa akin ang susi
ng sasakyan ni Mark Ethan. "Inihatid lang namin siya"

Si Mark Ethan akay akay ng isang lalaki. Tulog sa kalasingan.

"Sa bahay namin sana ihahatid para maasikaso ni Mommy.. kaso may bahay naman daw
siya" tatawa tawa siya habang nagsasalita "tapos nung bubuksan ko na yung unit
niya. Dito niya kami hinila. Andito daw ang May Bahay niya."

Pakiramdam ko ang pulang pula ang mukha ko. Kahit lasing bumabanat pa din. Kahiya
sa kapatid niya.

"Akala ko pag nagkwekwento si Mommy ng kakornihan ni Daddy nung kabataan nila hindi
siya nakikinig. Tapos ngayon ginagamit pa niya. mukhang mahal na mahal ka ng
kapatid ko."
Bigla siyang sumeryoso. Nakakahiya na sa ganitong sitwasyon kami nagkaharap. Sa
panahon na nasaktan ko ang kapatid niya ng hindi ko sinasadya.

"Mahal na mahal ko din naman po siya" Ipinasok na nila si Mark Ethan. Pinadiretso
ko na sa kwarto ko.

"buti nakita namin siya sa bar kanina. Hindi kami lumapit agad sa kanya. Hinayaan
namin siyang magpakalasing kasi mukhang ang lungkot lungkot niya." Tumingin siya sa
akin ng seryoso " Hindi pala. Mukhang sobra siyang nasasaktan. Ilang babae ang
lumapit sa kanya pero hindi niya pinapansin. Wala pa akong idea about sayo kaya
medyo nagduda talaga ako kung lalaki ang kapatid ko. Ang gaganda ng lumalapit sa
kanya. Yung iba pinipilit siyang halikan pero itinutulak lang niya. Kaya nung medyo
gumagawa na siya ng eksena at yung mga lalaking naiinggit kasi siya ang nilalapitan
ay medyo galit na din at baka kung anong gawin sa kanya.. hinila na namin siya
pauwi"

"Sorry.."

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko naman ginusto na masaktan ko siya. At
walang kwenta yung sorry ko kasi hindi ko na mapapawi yung sakit na nararamdaman
niya ngayon.

"Kaya pala balewala sa kanya lahat ng mga babae sa bar kanina. Dahil sayo. Hindi ko
naman siya masisisi eh ang ganda ganda naman pala ng itinatago niya sa akin. Pag
medyo matino na siya saka ko na lang siya babatukan ng malakas. Paano aalis na
kami"
Inihatid ko lang sila sa may pinto. Hinawakan nung kasama nilang lalaki yung kamay
niya. Siguro boyfriend niya yun.

"Ingatan mo ang Kapatid ko. Hindi ako sanay na ganito siya." Inilahad niya yung
kamay niya. Yung hindi hawak ng boyfriend niya. "Nice meeting you"

Kahit medyo nahihiya pa din ako at nagulat kasi nakaharap ko na siya, napangiti na
lang ako nung tanggapin ang kamay niya. Nakakaguilty din kasi yung family ni Mark
Ethan ok silang lahat. Yung hindi ako sinasaktan.

"Nice meeting you bilas. " nakangiting sabi nung kasama niya " Jace Michael nga
pala. Double date tayo minsan nina bestfriend"

Tumango na lang ako. Ang gwapo din ng boses niya. Pagkasara ko ng pinto saka nag
sink in sa akin kung sino siya. Mechanical Engineering din siya. Ahead ata siya kay
Mark Ethan ng isang taon. Kaya hindi ko siya naabutan. Bilas talaga ang tawag niya
sa akin. Nakakakilig. Hindi dahil sa yun ang tawag niya. Nakakakilig na may balak
din siyang pakasalan ang kapatid ni Mark Ethan gaya ng gustong mangyari ni Mark
Ethan sa aming dalawa.

Bago ako pumasok sa kwarto konay naghanda ako ng panglinis kay Mark ethan.Buti na
lang may mga damit siya dito. At buti na lang hindi yun nakita nina Mommy kanina.
Pagpasok ko ng kwarto tulog na tulog pa din si Mark Ethan.

"Akala ko ba walang epekto ang alak sayo?"

Kausapin daw ang tulog. Inumpisahan kong punasan ang mukha niya. Ang gwapo niya
talaga. Ang ilong niya. Ang labi niya. Normal bang halayin sa utak ang isang
lasing? Isang gwapong lasing.

Hinubaran ko siya ng pang itaas niya. Para mapunasan ko na din siya. Medyo
nagdalawang isip pa ako kung pati yung pantalon niya ay huhubadin kon din. Baka
magising siya. Nakakahiya. Ano na lang sasabihin niya? na pinagsasamantalahan ko
ang kanyang kahinaan?

Pero hinubad ko pa din. Para naman maging maayos ang pagtulog niya. Pinunasan ko
ang katawan niya. Tapos sinuotan ko siya ng sando. Nakakatuwang isipin, ganito kaya
kami pag mag asawa na kami? Yung aalagaan ko siya ng ganito. Matapos ko siyang
punasan ay tinitigan ko ang mukha niya. Bakas pa din na nasasaktan siya. Hindi
maitago ng gwapo niyang mukha yun.

Tumabi na ako sa kanya at niyakap siya. Kung mapapawi lang ng yakap ang sakit na
nararanasan niya kahit hanggang bukas ng gabi ko siya yakapin. Hindi pa man
nagtatagal na yakap yakap ko siya ay naramdaman ko ang pagkilos niya. Kaya
napabangon ako bigla para matingnan siya.

"Ok ka na?"

Medyo alanganin kong tanong. Umupo na lang din siya. At bigla siyang ngumiti nung
napansin niya na iba na ang suot niya.

"Ok na ako. Yung isipin na inasikaso mo ako ok na ok na ako"


"Buti nakita ka ng kapatid mo. Paano kung hindi? Magdadrive ka ng lasing? Konting
ingat naman Mark Ethan"

Hindi ko alam pero yung kaba ko kanina na baka kung anong nangyari sa kanya hindi
pa din nawawala.

"Sorry" hinawakan niya ang kamay ko at hinila palapit sa kanya at masuyong niyakap.
"Hindi ko kasi alam ang gagawin ko. Ngayon ko lang naranasan na ma reject. Masakit
pala. Mas masakit kasi tungkol sayo yun"

"Hindi ka naman nireject ni Dad."

"Ganun din kasi ang dating. Pero naiintindihan ko naman siya. Nabigla lang ako."

"Sabi ng ate mo madami ka daw babae kanina sa bar?"

"Kanina ko lang narealize na sobrang gwapo ko nga pala"

"Ganun?"

"Sa daming lumalapit kanina. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kaya itali mo na
kasi ako sayo. Para wala na silang dahilan para lumapit"

Kung pwede nga lang. Kung sana ganun kadali. Pero sina Daddy kailangan ko din
isipin. May mga kailangan pa akong patunayan. Mahal naman kita Mark Ethan. Pwede
yun na lang muna ang panghawakan mo? Para hindi ka makuha ng iba?

_casper_

Chapter 34

"Sabi ng Ate mo ang gaganda daw ng lumalapit sayo kanina. Bakit hindi mo sila
pinatulan? Hindi ko naman malalaman yun kung nagkataon. Hindi ka man lang ba nadala
sa ginagawa nila?"

Nakasandal ako sa kanya. Parehas kaming nakaupo na lang. Nakayakap yung isang kamay
niya sa akin.

"Lalaki ako. syempre magrereact ang katawan ko. Pero hindi dahil hindi ako
nakaschedule sayo ngayon eh magpapaschedule ako sa iba" Seryosong sabi niya. "Saka
bakit ko naman sila papatulan? Para sayo lang si Mark Ethan"

Matino at lasing walang palya kung magpakilig. Para lang daw siya sa akin. At para
lang din ako sa kanya. Ang sayang isipin na ganun talaga ang mangyayari. Gusto ko
din naman na kami na talaga. Kung pwede nga lang magpakasal ng hindi alam ng mga
magulang ko ginawa ko na. Pero masyado ng malaki ang kasalanan ko sa parents ko.
Yung set up namin dati ni Mark Ethan alam kong hindi nila yun matatanggap. At labis
silang masasaktan kung sakali man na malaman nila. Baka nga paghiwalayin pa kami.
Kaya kailangan kong maging masunuring anak hanggang sa pwede na kami ni Mark Ethan.
Yung wala na silang magagawa kung malaman man nila na naging slave ako ni Mark
Ethan kasi nakatali na kami sa isat isa.

"Pero sana sa susunod na masasaktan ka. Sana huwag mo ng uulitin na umalis at


magpakalasing. Kasi sobrang nagalala ako sayo. Kahit sa akin mo na ibunton ang sama
ng loob mo ok lang. Basta huwag mong sasarilinin yung sakit"

"Bibili pala ako ng posas"

Napatingin ako sa mukha niya. Aanhin naman niya yun?

"Para saan?"

"Para kung sakaling sa hindi inaasahang pagkakataon na masasaktan ako iposas mo ako
sayo. Para kasama kita kung saan man ako pupunta. Kung magpakalasing man ako sa
bar. Andun ka para hindi ako lapitan ng iba. Para ipagdadrive mo ako kung hindi ko
man kayang umuwi." Nakatitig lang siya sa akin habang sinasabi niya yun. "Kahit
anong gawin mo. Kahit itanan mo ako hindi ako tututol."
"At ako pa ang magtatanan sayo?" Ngumiti lang ako para kahit papano mapagtakpan ko
yunh sobrang kilig na nararamdaman ko. Grabe ang naiisip niya. Posas lang yun. Pero
parang buong pagkatao niya pinagkatiwala na niya sa akin.

"Sige ako na lang ang magtatanan sayo" mabilis niya akong hinalikan sa labi "Tas
itatanan mo din ako. Itanan natin ang isat isa"

"Pero seryoso bakit ba atat na atat na makasal tayo Mark Ethan?"

"Bakit ikaw ba hindi?"

"Gusto ko din naman. Kaso ano ba yung isang taon na maghihintay ako kung kapaiit
nun ay kasiyahan ng magulang ko at yung wala akong pagsisihan kasi nagawa ko na
yung gusto ko." kahit anong iwas namin sa topic na to wala kaming magagawa.
Kailangan namin yung pag usapan. At dapat sa aming dalawa malinaw na yun. Para
hindi na ulit mangyari yung kanina. "Ikaw kasi ang dami mo ng nagawa. sa Career
mo. Sa pamilya mo. Ako wala pa."
"Tulog na tayo" at medyo inilayo niya ako sa kanya at humiga na siya. Tumalikod din
siya sa akin.

"Mark Ethan kailangan nating pag usapan yun."

"Naiintindihan ko na naman. Pero masakit kasi kung sayo mismo galing." humarap na
siya sa akin. Yung mga mata na niya. Medyo namumula ulit. Yung katulad nung si
Daddy ang kausap niya. "Natatakot ako. Madaming pwedeng mangyari sa isang taon.
Gaano ka kasigurado na hindi mo ako iiwan? Kung sakaling may nagawa akong
kasalanan? siguro sa tingin parang ang OA ko. Pero maiintindihan mo din ako pag
dumating yung puntong basta basta mo na lang ako iiwan"

"Bakit ko naman gagawin yun?" Medyo nakakakaba. Imposibleng may iba siya. "At ano
bang magiging kasalanan mo? At bakit iniisip mo na iiwan kita?"

"Gaya ng sabi ng Daddy mo.. kasi sobrang Mahal kita." Hinaplos niya yung mukha ko
"Pero sana hindi mo ako iiwan."
"Medyo naguguluhan ako.. Ano ba kasi yun?"

"Ilang linggo na lang malalaman mo na din yun"

Bakit pakiramdam ko sobrang laking bagay nun? Kasi hindi ko makikita na umiiyak
siya ngayon. Bakit sigurado siya na iiwan ko siya?

"Mark Ethan.."

"Mahal na Mahal kita" Pinunasan niya yung mata niya. Yung pilit na itinatago yung
luhang nakita ko na naman. Ang sakit sa dibdib na makita siya na ganyan. Masakit sa
ulo kasi hindi ko alam kung bakit. "Akala ko kasi matutuwa ka sa ginawa ko. Akala
ko pag ginawa ko yun matutuwa ka na matali sa akin. Pero hindi ko naisip na may
gusto ka pang gawin."

Niyakap niya ako. Yung yakap na parang ayaw niya akong pakawalan. Yung yakap na
hindi ko alam pero nasasaktan din ako. Yung yakap na ramdam ko yung pag iyak niya.
Masakit. Sobrang sakit. Yung hindi ko alam kung bakit siya nasasaktan.
"Hindi ko maisip kung gaano pa ang isasakit ng nararamdaman ko kung sakaling galit
na galit ka na at lalayo ka na" Inilayo niya ako ng konti sa kanya. Kaya kita ko na
yung mukha niya. Yung mukha niya na ayaw ko makita sana. "Sana hindi kita sobra
sobrang minahal para hindi ganun ka grabe yung sakit. Pero alam ko na hindi ko
magagawa yun. Mamahalin pa din kita ng sobra sobra kahit kapalit nun ay doble
dobleng sakit."

"Mark Ethan.."

Hindi ko na napigilan na hindi umiyak din. Hindi siya nagdadrama lang. Yung bawat
salita niya ramdam na ramdam ko. Nasasaktan talaga siya. Yung luha niya. Bakit
kailangang iyakan niya ako ng ganito?

"Sana sa pagkakataong ito mali lahat ng naiisip ko. Sana kahit ito man lang mali
ako." Masuyo niya akong hinalikan sa labi. Pinunasan ko ang luha sa pisngi niya.
"Sana mali ako na iiwan mo ako. Kasi hindi ko talaga kakayanin"

Hinila ko an ulit siya para mahalikan. Kahit papaano sana gumaan ang pakiramdam
niya. Wala akong maisip na dahilan kung bakit siya nagkakaganito. Ang sigurado ko
lang Mahal na Mahal niya talaga ako.
_casper_

Chapter 35

"Alam mo para kang naglilihi"

Pabirong sabi ni Myka. Kaklase ko at kasama din sa Review Center. Nitong nakaraang
mga araw kasi kung ano ano ang naiibigan kong kainin. Yung mga hindi ko kinakain
dati sarap na sarap ako. Pero imposible ang sinasabi niya.Dahil lang to sa kaba ko
sa nalalapit na Exam. Wala na halos dalawang buwan.

"Yung halos ubusin mo yung tindang kalamares diyan sa baba nung isang araw. Yung
parang sarap na sarap ka. Eh hindi ka nga halos namin mapakain nun sa school. Tapos
ngayon anong hinihingi mo?"

"Manggang hilaw na may alamang"


Medyo wala sa sarili na nasabi ko. Posible nga ba ang sinasabi niya? Pero hindi
pwede yun. Hindi pumapalya si Mark Ethan sa pagpapainum nun sa akin. At hindi maari
na mabuntis ako kasi sobrang puyat at pagod ko nitong nakaraan. Kaya hindi pwede.

"Pero imposibleng mabuntis ka. Kasi kakasagot mo lang kay Kuya Mark. Ang bilis
naman na may nangyari agad sa inyo? Hindi ikaw yan"

Tama nga siya. Hindi ako yun. Hindi yun ang pagkakilala nila. Pero wala naman
silang alam sa set up namin ni Mark Ethan. Ito ba ang kinatatakot ni Mark Ethan?
Kung bakit siya naiyak nung isang gabi? Ito ba yun? Pero paano? Hindi naman ako
pumapalya sa pag inun ng pills. Nitong pahuli nga si Mark Ethan mismo ang
nagppainum nun sa akin. Medyo natigilan ako. Posible ba na iba na ang pinapainum
niya? Kaya posible na buntis ako? Hindi. Hindi pwede.

"Myka alis muna ako. Baka hindi na din ako pumasok maya"

Hindi ko alam kung paano ko nasabi yun ng hindi niya nahahalata na maiiyak na ako.
Paglabas ko sa review center sa drug store agad ako dumiretso. Kahit nakakahiya na
bumili ng Pregnancy Kit kailangan ko yung gawin. Mga tatlong magkakaibang brand ang
binili ko. Para makasiguro. Nakakahiya sa makakakita. Lumabas ako sa Review center
tapos Pregnancy Test ang ipapasa ko? Sana hindi. Hindi dahil sa ayaw ko. Pero paano
ang mga pagpupuyat ko nitong nakaraan? Paano kung may buhay nga sa sinapupunan ko?
Kaya hindi pwede. Diyos ko sana po hindi.

Sa unit ko agad ako dumiretso. Agad kong binasa kung paano ito gagamitin. Itong
bagay na to na wala sa hinagap na gagamitin ko sa panahon na to. Sabi nila sa umaga
daw dapat gamitin ito. Pero hindi na ako makakapaghintay ng umaga. Mag iiwan na
lang ako ng isa para bukas. Pero kailangan ko ng gawin to ngayon.

Dalawang Linya.

Shet. Hindi sa ganitong sitwasyon ko gustong malaman na nagdadalang tao ako. Yung
ang sakit sakit sa dibdib. Yung hindi ako makahinga. Yung hindi ko mapigilan ang
mga luha ko na nag uunahang pumatak. Hindi dapat ganito. Dapat masaya ako kasi si
Mark Ethan ang Ama ng anak ko. Pero tuwing iniisip ko yung pagdodomina na ginawa
niya sobrang nasasaktan ako.

Nakakapagod na. Akala ko yung tatlong taon na yun ok na. Yung immune na ako sa
sakit pero bakit ngayon ang sakit sakit pa din? Bakit kailangang pangunahan niya
ako?Bakit kailangang balewalan niya ako? Bakit kailangan niya akong alisan ng
pagkatao? Bakit kailangang gawin niya akong tanga ng paulit ulit?

Mahal ko siya. Mahal niya ako. Malinaw naman yun pero kailangang gawin niya ito?
Mukhang tama siya sa ikinatatakot niya. Kasi sa nararamdaman ko ngayon parang ayaw
ko na siyang makasama. Nagtapos ako ng pag aaral hindi para magpakatanga ng paulit
ulit.
Mark Ethan isang taon lang ang hinihiling ko sayo. Ito lang ang pagkakataon ko na
kumuha exam. Pero mukhang imposible na. Hindi na ako makakapagreview ng maayos.
Hindi na ako makakapagpuyat. Hindi ko na magagawa lahat ng yun. Ayaw kong
isakripisyo ang kalagayan ni Baby. Kaya pala ayaw mo agad na magfile ako para sa
exam. Kasi alam mo na hindi ako makakakuha. Ang talino mo talaga. Ginawa mo akong
tanga. Salamat sa makasariling pagmamahal mo. Pwedeng ako naman ngayon? Ang maging
makasarili? Yung ako na lang muna. Kasi hindi ko talaga kaya na makasama ka. Hindi
ko kaya na makita ka. Hindi ko kaya na makaharap ka. Hindi ko kaya na marinig ang
paliwanag mo. Hindi ko matanggap na minahal nga kita.

_casper_

Chapter 36

"Ang tagal kong naghintay sa Review Center andito ka na pala." Yan ang bungad ni
Mark Ethan nung pagbuksan ko siya ng pinto ng unit ko. "Tinatawagan kita pero hindi
mo naman sinsasagot. Ok ka lang ba? May sakit ka ba?"

Tumalikod lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko alam
kung kaya ko bang matagalan na kaharap ko siya. Na kasama ko siya. Pero kailangan
naming mag usap. Kung ano nga ba ang patutunguhan ng relasyon na to.

"Galit ka ba sa akin?"

Mahinahong tanong niya. Hinawakan niya ako sa braso at iniharap sa kanya. Yung
pinipigilan kong pag iyak sa harap niya hindi ko napanindigan. Pagharap ko sa kanya
automatic din na pumatak ang mga luha ko. Sobrang sakit. Tama nga sila kung sino
yung sobrang mahal mo yun ang magbibigay sayo ng hindi maipaliwanag na sakit. Yung
wala kang choice kundi ang umiyak na lang.
Iniabot ko sa kanya yung Pregnancy Kit na hawak ko. Yung may dalawang linya.
Natigilan siya. Yung takot na pinakita niya sa akin nung nakaraan na baka iwan ko
siya ay nakikita ko ulit sa mukha niya.

"Paanong nabuntis ako? sumablay yung pills?" Nakatingin lang ako sa kanya ng
diretso. "Tanggap ko naman kung yun ang nangyari. Nakakapagtaka lang kung bakit
parang idea ka na mangyayari ito. Bakit Mark Ethan?"

"Pinalitan ko ng candy yung iniinum mo na pills..Hindi ko.."

Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita. Hindi ko napigilan pero nasampal ko


siya. Isang malakas sa kanang pisngi niya. Pero bakit parang ako din ang nasasaktan
sa ginawa ko? Sa bawat paghampas ko sa dibdib niya ako din ang nasasaktan. Bakit
kasi Mahal na mahal kita kahit ang sakit sakit na?

"Alam mo ang mga plano ko. Isang taon lang naman ang hinihiling ko. Bakit kailangan
mo akong pangunahan?"

Ilang hampas pa ang nagawa ko bago niya ako tuluyang yakapin.

"Tama na" Mahinang sabi niya. "Alam ko na malaki ang kasalanan ko. Pero pwede bang
ischedule mo na lang ang galit mo sa akin pagkapanganak mo? Ayaw ko na mapahamak
kayo dahil sa sobrang galit mo ngayon."
"Kailangan ko pa din ng paliwanag.. "

"Pinalitan ko siya before graduation mo." Inilayo niya ako ng kaunti para
magkaharap kaming dalawa. " Yung time na ok na tayo pero hindi ko magawang magtapat
sayo. Yung sobrang hulog na hulog na ako. Yung wala akong gusto kundi ang makasama
ka. Dahil sobrang natotorpe ako inisip ko na pag nabuntis ka wala ka ng kawala.
Wala kang choice kundi ang pakasalan ako." Hinaplos niya yung mukha ko. Sobrang
mahal ba kita para patawarin ka agad? O kailangang isantabi ko ang galit ko muna?
Sabi mo nga saka na lang ako magalit? "Pero nalaman ko ang plano mo. Kung gaano ka
kaseryoso dun. Na nagtampo pa ako. Kasi parang last priority ako. Pero ang totoo
kinakabahan na ako noon. Paano kung mabuntis ka? Matatanggap mo ba? Kasi di ba
hindi ako ang priority mo?"

"Mark Ethan.."

Medyo nasaktan ako sa sinabi niya. Medyo tinamaan din. Sino nga ba kasi ang
matinong babaeng tatanggi ng paulit ulit sa alok na kasal ng pinakamamahal niya?

"Gusto ko naman na matupad mo yun. Pero hindi ko pwedeng ibalik yung pills na
iniinom mo. Kasi paano kung buo na pala? Tas iinum ka pa din. Mas delikado para
sayo." Hinaplos niya ang mukha ko "Kaya mas pinili ko na magalit ka na lang sa akin
kesa ang mapahamak ka"

"Sana nagwithdraw ka na lang" medyo lumayo ako sa kanya kasi hindi ako makapag isip
ng tama pag ganitong sobrang lapit niya. "Pwede naman yun. May kakayahan kayo na
gawin yun"
"Tapos magtataka ka bakit ko gagawin yun eh nagpipills ka?" medyo iniwas niya ang
tingin niya sa akin "At hindi ko kaya. Alam mo naman na baliw na baliw ako sayo"

Medyo natigilan ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko namula din ang pisngi ko dahil
dun. Kahit anong sitwasyon ba papakiligin mo ako Mark Ethan?

"Akala ko ba natatakot ka na iiwan kita pagnalaman ko ang tungkol dito? Pero bakit
ang hinahon mo? Bakit parang wala lang sayo yung galit ko?"

"Akala mo lang yun" hinawakan niya ang dalawa kong kamay. Sobrang lamig nun. At
medyo nangangatal siya. "Sobrang kinakabahan ako ngayon. Pero kung magpapatalo ako
sa takot ko baka tuluyan ka ng lumayo. Alam ko na hindi naman 100% na galit ka.
Kaya panghahawakan ko yung katiting na pagasa na mananaig na Mahal mo ako. Kahit
nakakakaba. Kahit gusto ko ding umiyak. Pero hindi ko magawa. Naiiyak ko na ata
lahat. Pero yung takot andun pa din. Kaya sana kahit galit ka dito ka lang."

"Hindi na ako makakapagtake ng board exam.."

"Sorry"
"Hindi ako magpapakasal sayo hanggat hindi ako Engineer"

"Naiintindihan ko."

"Hindi na ako matutulog sa unit mo"

"Ok"

Medyo nasasaktan din ako na nakikita ko na nasasaktan siya sa mga kundisyon ko.

"Hindi mo ako pwedeng halikan"

"Kahit sa pisngi lang?"

"Bawal pa din."

"Kahit yakap?"
"Pag iisipan ko"

"Kahit anong sabihin mo susundin ko. Basta huwag ka lang lalayo"

"Ikaw ang magpaliwanag sa parents ko"

"Ok Mahal"

Alam ko na hindi ko siya matitiis ng sobrang tagal. Pero hanggat iniisip niya na
sobra sobra ang galit ko sa kanya. Sasamantalahin ko yun. Kailangan niyang matuto.
Kailangan niyang tanggapin na dalawa kami sa relasyon nato. Kung kailangang
magpalit kami na siya ang SLAVE ngayon gagawin ko. Para matanggap niya na dalawa
kaming magdedesisyon. Na tapos na yung tatlong taon na naging ALIPIN niya ako.
Hanggat hindi mawawala yun sa aming dalawa hindi kami makakausad sa kung anong
meron kami. Kaya kailangan kong gawin ito. Kalimutan ko muna ang galit. Kasi alam
ko na hindi ko din makakaya na tuluyang lumayo sa kanya.

_casper_

Chapter 37
"Magpapahinga na ako"

Matapos niya kong tulungan na alisin yung mga kung ano anong kinapit ko sa wall ng
condo unit ko na mga formula at equation para sa pagrereview ko bigla akong
nakaramdam ng antok.

"Ayusin ko lang yung hihigaan mo" At pumasok na siya ng kwarto ko. Pinanuod ko lang
siya sa ginagawa niya. Hindi ako pwedeng magpakita na kinikilig ako. Kailangan kong
paglabanan ang ginagawa niyang pagpapakilig.

"Hindi ka ba talaga nagugutom Mahal ko?"

"Ok lang ako Mark Ethan"

Kahit pakiramdam ko tumilapon yung puso ko sa sinabi niya. Yung paraan ng


pagkakasabi niya ng "Mahal Ko" ang hirap na hindi ngumiti. Bakit ba ganyan ka?
"Pwede ba akong matulog sa sala? Kahit ilock mo yung pinto ng kwarto mo kung
sakaling nag aalala ka na baka pumasok ako habang tulog ka.Pero sana pumayag ka.
Hindi din naman ako makakatulog sa kwarto ko. Atleast sa sala mo. Pinto lang ang
pagitan nating dalawa. Pag kailangan mo ako madali lang akong makakapunta.
Nakikiusap ako"

Napatango na lang ako. Hindi ko alam kung matatagalan ko ang ganitong sitwasyon.
Ang hirap. Yung ang cute cute niya habang nakikiusap. Parang ang sarap pisilin ng
pisngi niya. Parang ang sarap kagatin ng ilong niya. Ito ba yung tinatawag nilang
paglilihi? Pero bakit kay Mark Ethan pa? Paano ako iiwas sa taong gustong gusto
kong panggigilan?

"Ok pwede kang matulog dun"

Umalis na ako sa harap niya. Para iiwas ang sarili na kurutin siya. Mamaya na lang
pag tulog siya. Tama. Sasalisi ako sa kanya.

"Bukas pwedeng pumunta tayo sa bahay namin? Gusto ko lang sabihin sa magulang ko
ang sitwasyon mo. Para makahingi na din ng tulong. Para makausap mo na din si Mommy
kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawain o kainin." Lumapit siya sa akin at
inayos kumot ko. Hinalikan niya ako sa noo. Umiwas na lang ako ng tingin. Sabagay
sa pisngi at labi lang bawal. Ang adik lang ng lalaking ito. Hinaplos niya ang
tiyan ko. "Iingatan ko kayo ni Baby. Sorry ulit kung pinangunahan kita. Mahal na
Mahal kita. At si baby ang ebidensiya. Nabuo siya dahil sa sobrang mahal kita. Mali
nga lang ako ng paraan na ginamit pero ganun pa din naman ang mangyayari.
Magkakababy pa din tayo. Ikaw pa din ang makakasama ko sa pagtanda ko. Sobrang
Mahal kita."

"Tama nga si Daddy. Yang sobrang pagmamahal mo ang magiging problema natin"

"At ang sobrang pagmamahal ko sayo ang bumubuhay sa akin"

Seryoso niyang sabi. Tumalikod na lang ako sa kanya.

"Matutulog na ako Mark Ethan"


Pinakiramdaman ko na lang ang kilos niya. Ang mabagal niyang paglabas ng silid ko.
Ang mahina niyang pagsara ng pinto ng kwarto ko. Ilang araw akong makakatagal sa
sitwasyon namin? Ang lakas ng loob ko na sabihin na bawal ang yakap o halik pero
ngali ngali ko ng bumigay sa pagpapakilig niya. At wala pang isang araw yun.

Kinabukasan nagising ako na may handa na siyang almusal para sa akin. Para sa akin
lang.

"Baka kasi ayaw mo akong makasabay kumain. Baka mawalan ka pa ng gana. Kaya masaya
na ako na makita ka na nabubusog"

Hinayaan ko na lang siya sa gusto niya. Kahit medyo masakit sa dibdib yung
kinikilos niya. Kasi alam ko na nahihirapan siya. Yung kailangan na isipin niya ako
lagi at ilayo niya yung sarili niya. Hindi naman ako ganun kagalit na para umiwas
talaga siya. Pero hindi ko na mababawi yung mga kondisyon ko sa kanya.

Pagkakain ay pinaalala niya na pupunta kami sa bahay nila. Kaya inayos muna niya
yung gagamitin ko sa pagligo bago siya umuwi sa unit niya para mag ayos din ng
sarili. Pagkatapos kong maligo at magbihis andun na siya sa Sala paglabas ko ng
kwarto. Hindi agad nga niya napansin na andun na ako. Parang malalim ang iniisip
niya. Parang ang lungkot lungkot niya. Kanina naman nakangiti pa siya. O pinipilit
lang niya na masaya siya pagkaharap ako? Nung lumingon siya sa direksiyon ko parang
automatic na ngumiti siya.
Umuna na siya sa paglabas ng unit ko para ipagbukas ako ng pinto. At paglabas ko
nakalahad na yung kamay niya. Hindi ko alam ang ikikilos ko kasi nasa isip ko pa
din yung itsura niya kanina.

"Bawal din ang Holding Hands?"

Mahinang tanong niya. Agad ko namang pinatong ang kamay ko sa nakaabang niyang
kamay. At yung ngiti niya. Alam ko na hindi yun kunwaring ngiti lang.

"Pwede ang halik sa noo. Pwede ito" Itinapat niya ang mga kamay namin sa tapat ng
puso niya. "Sana sa bawat araw madadagdagan yung mga pwede. Sana bago lumabas si
baby ok na lahat. Hindi naman nagbago di ba? Mahal mo pa din ako di ba?"

"Wala sana ako dito kung hindi kita Mahal Mark Ethan" Hinaplos ko ang mukha niya.
Yung kagabi ko pang gustong hawakan. "Huwag mo masyadong ilayo ang sarili mo Mark
Ethan kasi baka masanay ako. Na ok lang na wala ka. Kaya umayos ka"

"Yes Master"

Pinisil ko ang ilong niya bago ako lumayo sa kanya. Ang cute talaga ng ilong niya.
Bakit ba ang gwapo gwapo mo? Hinaplos ko ang tiyan ko. Baby ang gwapo ng Daddy mo.

_casper_

Chapter 38

Pagkarating namin sa bahay nina Mark Ethan nakaabang na agad yung Mommy niya. Ang
ganda talaga ng Mommy niya. Ang kwela lang. Paano kaya naging sila eh ang seryoso
ng Daddy ni Mark Ethan?

"Nung tumawag ka kagabi anak kinabahan na ako kung anong sasabihin mo. Ang seryoso
mo kasi. Pero dahil kasama mo naman ang maganda mong Girlfriend medyo nakahinga na
ako ng maluwag na wala kayong problema"
"Good Morning Tita"

Yumakap ako sa kanya. Kung ano man ang ginagawa kong pagpapahirap kay Mark Ethan
labas dun ang parents niya. Hindi ko sila pwedeng idamay. At isa pa hindi naman
magtatagal ang ganitong sitwasyon.

"Lalo ka atang gumanda anak" at giniya na niya ako papasok ng bahay nila. May mga
nakahanda na silang pagkain dun. Bigla tuloy akong nakaramdam ng gutom. Konti lang
ang kinain ko kanina kasi hindi ko kasabay si Mark Ethan. "Hiyang ka sa anak ko"

"Siguro nga po Tita"

Nakatingin lang si Mark Ethan sa amin. May pagkakataon na nahuhuli ko siyang


napapangiti na lang. Siguro natutuwa siya na magkasundo kami ng Mommy niya.
"Parating na din maya ang Daddy niyo" Medyo sumeryoso ng kaunti ang Mommy niya "
Ano ba yung sasabihin niyo?"

Hindi ko alam kung ako ba ang kailangang magsabi o si Mark Ethan. Paano ko
sasabihin? Nakakahiya pa din na hindi kami kasal pero nagpabuntis ako. Medyo uso na
siya ngayon pero ayaw ko pa din na bumaba ang tingin ng pamilya ni Mark Ethan sa
akin. Wala pa akong napapatunayan.

"Magiging Lola ka na Mommy"

Mahinang sabi ni Mark Ethan. Hindi ko na din nagawa pang umiwas ng tingin nung
hawakan ng Mommy niya ang kamay ko. Medyo naluluha na siya. Alam ko na masaya siya
sa sinabi ni Mark Ethan.

"Totoo ba? Magkakaapo na ako?" Yumakap na siya sa akin " Kahit medyo bata pa ako
para maging Lola ok lang. Alam mo naman kung gaano kita kagusto para sa anak ko"

"Salamat po Tita"

Hindi ko na maiwasan na hindi maluha din. Sobra sobrang pagtanggap na yun. Kung
tutuusin ay hindi siya dapat ibigay sa akin kasi pinapahirapan ko ang anak nila.

"So kailan ang Kasal?"

"Sinong ikakasal?!"

Bago pa man kami makasagot ni Mark Ethan ay hindi namin namalayan na andun na yung
kapatid niya. Si Miss Nyah. Bago pa makahuma si Mark Ethan ay nasapak na niya ito.
"May utang ka pang sapak sa akin dahil sa pagtatago na may Girlfriend ka na"
Kakamot kamot lang ng ulo si Mark Ethan. Syempre hindi naman siya makakaganti dito
bukod sa kaharap ang Mommy niya ay kaharap pa ako. "Ikakasal ka na brother? Uunahan
mo ako? May kasunduan pa tayo. Pag inunahan mo ako bibhin mo yung kotse na gusto
ko"

"Kahit anong model pa yan Ate bibilhin ko." Seryosong sabi ni Mark Ethan "Kaso
mukhang mauuna ka pa din kasi hindi pa kami magpapakasal dalawa. Kailangan kong
pagbayaran ang kasalanan ko sa kanya. Kailangan kong maghintay kung kailan niya ako
papakasalan"

"Bakit? Anong nangyari? Anong kasalanan ng anak ko?" Seryosong tanong ng Mommy niya
sa akin. Hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko.

"Mommy kasalanan ko kung bakit nabuntis siya. Pinalitan ko ng candy ang iniinum
niyang pills. Hindi na tuloy siya makakakuha ng Board Exam kasi ayaw niyang
isacrifice ang health ni Baby. Pinangunahan ko siya. "
Nasapak ulit siya ni Miss Nyah. Ilang beses niya itong ginawa. Wala namang ginawa
si Mark Ethan. Tanggap lang siya ng Tanggap.

"Ang gago mo Mark Ethan" Galit na galit ang ate niya. O dahil parehas kaming babae
kaya naiintindihan niya yung sitwasyon "Hindi dahil mahal ka ng babae pwede mo ng
gawin lahat. May mga pangarap kami. May sarili kaming pagkatao. Hindi yung basta
basta mo sasaklawan yung desisyon namin. Buti kasama mo pa siya ngayon. Kung ako
yan iniwan na kita"

Gusto ko sanang sabihin na yun talaga ang plano ko. Ang magpakalayo layo. Pero mas
nanaig na mahal ko si Mark Ethan kesa sa galit na nararamdaman ko. At saan ako
dadalhin ng galit na yun? Masasaktan lang kami pareho.
"Mark Ethan.." Lumapit ang Mommy niya dito. "Alam mo ba na para hindi maapektuhan
ang pag aaral ko dati nagpakalayo layo ang Daddy mo? Dalawang taon siya sa
Singapore hindi siya nagparamdam sa akin. Wala kaming relasyon nun. Ang tanging
pinanghahawakan lang niya ay yung alam niya na Mahal ko siya at may babalikan siya.
Ginawa niya yun kasi naniniwala siya na may mga pangarap pa din ako bukod sa
makasama siya. Kahit nung ikasal kami ok lang sa kanya na magtrabaho ako. Ayos
naman ang relasyon niyo di ba? Mahal ka niya. Bakit kailangan mong gawin yun?"

"Sorry Mom"

Nung nag usap kami kagabi hindi siya umiyak. Siguro dahil sa sobrang lapit niya kay
Tita at kay Miss Nyah kaya hindi na niya napigilan na umiyak.

"Mahal na Mahal ko po siya" hindi ko magawang tingnan siya habang nagsasalita.


Habang umiiyak. "Alam ko po na mali ako at handa po akong maghintay hanggang sa
mapatawad niya ako. Hanggang sa pwede na siyang magpakasal sa akin. Kahit gaano
katagal. Basta hindi siya lalayo sa akin"
"Anak.." Bumaling ang Mommy niya sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko. "Salamat at
hindi mo iniwan ang anak ko. Pahirapan mo siya hanggang sa magtanda. "

Napangiti na lang ako. Nakakatuwa na hindi nila ako hinusgahan sa desisyon ko. Na
kakampi ko sila.

"Makakaasa kayo Tita"

"Sapak sapakin mo din siya paminsan minsan"


"Susubukan ko Miss Nyah"

Natatawa kong sabi. Lumapit na lang siya sa akin at niyakap ako.

"Ate Nyah na lang" Nakangiting sabi niya "kahit medyo matagal pa yun ngayon pa lang
winiwelcome na kita sa Family namin."

"Salamat Ate"

Hindi pa din kumikilos si Mark Ethan. Nakatingin lang siya sa amin.


"Ang iyakin mo. Baka magmana sayo si Baby"

Lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa kamay. Hindi ko naman siya matitiis
talaga.

"Kahit ilang beses akong umiyak kung makakabawas naman yun ng galit mo iiyak ako ng
iiyak"

"Mababawasan ang kagwapuhan mo niyan"

"Kahit pumangit pa ako"


"Kayong dalawa tama na yang kakesohan niyo. Tara na kumain"

Hinila na ako ni Ate Nyah papunta sa lamesa. Nakasunod lang si Mark Ethan sa amin.
Yumakap din siya sa Mommy niya bago niya ako tabihan. Sabi nila yung lalaking
sobrang mahal ang ina nila ay magiging mabuting asawa din. Kaya alam ko na
napakaswerte ko kay Mark Ethan. Hindi pa man kami ikakasal pero alam ko na ngayo pa
lang maswerte na ako.

_casper_

----------------------------------------

A/N:
Wala pa pong name si Girl para sa nagtatanong ng paulit ulit. Wala pa po akong
naiisip na babagay. Yung tipong pag binanggit ni Mark Ethan yung name niya
nakakakilig na. At iwasan po natin na magcomment ng "update" at "bitin". Anong
aasahan niyo sa isang "On going" na story? Hindi ko po kaya ang araw araw na
update. Mahirap magpakilig/magpaiyak. At wala pong plot ang All of ME. Kaya mahirap
ang mag isip ng susunod na chapter.

Pasensya na sa napakahabang A/N. Malay niyo last na to.

Chapter 39

Iniwan muna ako ni Mark Ethan sa bahay nila. Kumuha kasi siya ng gamit namin kasi
ayaw pumayag ng Mommy niya na umuwi agad kami. Tutal naman daw hindi na ako
magrereview dun na lang muna daw kami tumigil. Para daw mapag usapan din namin kung
paano sasabihin sa magulang ko ang sitwasyon.

Andito ako sa sala kasama ang Mommy niya. Si Ate Nyah kasi ay umakyat muna saglit
kasi may gagawin pa din daw siya. Yung Daddy niya hindi pa din dumadating. Hindi ko
din alam kung ano magiging reaction ng Daddy ni Mark Ethan. Kasi napakaseryoso
niya. Sana maging kakampi siya ni Mark Ethan kasi napagtulungan na siya kanina ng
Mommy at Ate niya.

"Mahal mo talaga ang anak ko?" May inabot siya na photo album. "Kasi tama si Nyah.
Kung sa akin din ginawa yan lalayo ako. Aminin na natin mapride tayong mga
Engineering ang tinapos. Kaya nga yun ang kinuha natin kasi gusto natin yung idea
na makikipagsabayan tayo sa mga lalaki. Na walang babae at lalaki sa course natin.
Kaya below the belt talaga ang ginawa sayo ng anak ko"

"Tita pangarap ko nga po yung hinadlangan niya." Pagbukas ko ng Album nakangiting


batang Mark Ethan ang nakita ko. "Pero hindi ko po kakayanin na pati yung isang
pangarap ko mawala din. Ang makasama ang anak niyo. Hindi naman po ako magiging
masaya kung magagalit ako sa kanya. Kung iiwan ko siya. Saka yung alam niya na
galit ako sobrang nasasaktan na siya. Nasasaktan din po ako na makita na ganyan
siya kalungkot." Pinakita ko yung picture ni Mark Ethan. "Itong ngiti niya po na to
ang dahilan kung bakit ko siya minahal. At hindi ko po maatim na hindi ko na
makikita itong ngiting ito"

"Hindi ko naman akalain na magiging ganyan katorpe ang anak ko." Nakangiting sabi
ni Tita. "Akala ko talaga gwapo din ang gusto niya kaya wala akong nakikitang babae
na kasama niya. Kaya nga sobrang tuwa ko lang nung makilala kita. Muntik na siyang
pagbuhatan ng kamay ng Daddy niya nung ipasara niya ang Mall. Pero nung malaman ko
kung bakit niya pinasara. Ok lang naman pala"

"Sorry po about dun Tita. Wala po talaga akong idea sa ginawa niya. Ang alam ko
lang mamasyal kami. May mga desisyon po si Mark Ethan na pabigla bigla. Pero
nakakaya naman niya pong lusutan."
"Katulad ng sitwasyon niyo. Akala niya sapat na yan para matali ka sa kanya.
Padalos dalos" Napailing na lang ang Mommy niya. "Pero sa huli alam ko na magiging
mabuting ama siya at asawa sayo."

"Alam ko naman po yun Tita. Maasikaso po si Mark Ethan. Pero hindi po ba kayo
nagagalit o nagtatampo sa kanya kasi sobrang bata niya pong mag aasawa?"

"Sabi ko nga akala ko dati gwapo din ang gusto niya. Kaya natutuwa ako na isipin na
magkakaanak na kayo. At banda banda diyan ay ikakasal"

Mabait talaga ang Mommy ni Mark Ethan. Hindi naman ako papayag na magpaiwan dito
kung hindi ko siya makakusap ng ganito. Yung pwede kong sabihin lahat sa kanya na
may kinalaman si Mark Ethan.

"Kung hindi ka komportable na magkatabi tayo maya sa pagtulog kahit diyan na lang
ako lapag"
Pagkadating ni Mark Ethan ay agad kaming pinapasok ni Tita sa kwarto. Magpahinga
muna daw kami. At para makita ko din ang kwarto ni Mark Ethan.

"Ok lang naman sa akin na tabi tayo Mark Ethan. Nakakahiya kaya na kwarto mo to tas
sa sahig kita papatulugin."

"Kwarto mo din to. Kasi lahat ng pagmamay ari ko ay sayo din. Nauna na nga ang Puso
ko di ba?"

Hindi ko mapigilan na hindi mapangiti. Nag uumpisa na siyang bumanat. Mas gusto ko
yun kesa seryosong seryoso siya.

"Naniniwala ka ba sa Forever Mark Ethan?"

Tumabi siya sa akin. Nakaupo kasi ako sa kama niya. Hinawakan niya ang kamay ko at
bahagyang pinisil ito.
"Hindi"

Akala ko oo na ang isasagot niya. O masyado lang akong nag expect na babanat siya.
Masyado akong nag expect sa kilig na pwede kong maramdaman. Baka tama nga sila.
Walang Forever.

"Madalas kong naririnig dati na sana Forever Baby, Forever Bata na lang o sana
Forever na nasa High School na lang daw." Seryosong sabi niya. "Kaya ang Forever
parang salita na lang siya na pantukoy sa panandaliang emosyon para sa isang hindi
permanenteng sitwasyon." Hinaplos niya ang mukha ko "Mas naniniwala ako sa
nararamdaman ko sayo. Kung hanggang saan tayo dadalhin nito. At alam ko na hindi
panandalian lang ito. At hindi magbabago"

Napangiti na lang ako. Hindi ko na din napigilan na hindi siya mabilis hagkan sa
labi. Na ikinatigil niya.
Parang gulat na gulat siya na hinalikan ko siya? Siya lang naman ang bawal humalik.
Ako pwede.
"Sa sobrang bilis ng halik mo hindi ko nahuli"

Nakangiting sabi niya. Nung medyo nakabawi na siya.

"Paano ba sanang panghuhuling gagawin mo?"

"Gusto ko sanang ipakita kaso bawal eh. Saka na siguro pag magpapahuli ka na
talaga"

Depende daw kung magpapahuli na ako? Sabagay malapit na naman yun Mark Ethan.

_casper_

Chapter 40
"Alam mo ba na ikaw ang unang babaeng nakapasok sa kwarto ko syempre bukod kay
mommy at Ate."

"Syempre sabi mo nga ako lang ang naging Girlfriend mo"

"Yeah. Ikaw lang naman talaga"

Nakangiting sabi niya. Magkatabi kami ngayon na nakaupo sa kama niya.

"Sabi din ni Mommy yun. Na ang tanging babaeng papasukin ko dito ay yung
mapapangasawa ko na. Kung balak ko daw magbilang ng babae huwag na huwag ko daw
iaakyat dito sa bahay may condo at motel naman daw."
"Talaga? May mga offer sayo na ganun? Parang one night stand lang?"

"Syempre gwapo ako eh"

Nahampas ko nga. Akala ko seryoso tas biglang isisingit ang kanyang kagwapuhan.
Pero tama nga pala ang iniisip ko dati. Madami akong magiging kaagaw sa kanya.

"Ilan na yung tinanggap mo ang offer?"

"Wala"

Seryosong sabi niya. Parang nag aalangan siya na hawakan yung kamay ko. Pero ginawa
pa din niya. Dalawang kamay niya ang gumagap sa kamay ko.

"Bakit? Habang nag iinarte ako na galit ako sa sayo madami ka naman palang pwedeng
magbalingan eh"

Bigla niyang binitawan ang kamay ko. At hindi ko kinaya yung sakit na nababanaag ko
sa mga maya niya. Iniisip ko lang naman yung pangangailangan niya bilang lalaki.

"Gusto mo akong ishare?" Umiling siya. "Nakakatawa lang na gusto mo akong ishare sa
iba samantalang wala akong ibang naiisip kundi kung anong anong buhay ang
pagsasaluhan nating dalawa"

"Hindi naman sa ganun Mark Ethan.. iniisip lang kita. Ang pangangailangan mo"
"Huwag mo akong isipin. Kasi ikaw lang naman ang kailangan ko. Hindi dahil sa kung
anong pwedeng gawin natin kundi dahil ikaw lang naman ang gusto ko. Pwede bang
alisin mo na sa isip mo kung paano tayo nagsimula? Hindi kita Sex Slave. Mahal kita
at gagawin ko lahat para maging karapat dapat sayo"

"Sorry"

Yumakap ako sa kanya. Sa maling salitang nabibitawan ko lagi ko na lang siyang


nasasaktan. Pero mahirap din kasing kalimutan kung ano ang nangyari dati. Tatlong
taon yun na ininda ko yung sakit sa dibdib sa paghihintay na sana Mahalin din niya
ako. Siguro ako lang to at yung takot ko pa din.

"Kung hindi ka lang buntis baka iniwan na kita dito kasi sobrang nasasaktan ako
ngayon"

Salamat pala na buntis ako. Yung dahilan kung bakit ko siya iiwan dapat ay yun din
ang dahilan para hindi niya ako iiwan. Ang kapangyarihan ng isang buntis.
"Hindi mo ako iiwan kasi lagot ka sa Mommy at Ate mo"

Kinabig niya ako para yakapin. Sabi ko naman pwede ang yakap eh.

"At lagot pa ako kay Daddy kasi mukhang babalik siya sa company."

"At bakit?"

"kasi po gusto ko na kasama mo ako lagi. Malaki na naman ang ipon ko kaya ok lang
na hindi ako magtrabaho ng isang taon o higit pa. O kaya naman special project lang
na pwede kong gawin sa bahay."
"Nakakahiya Mark Ethan"

"Anong nakakahiya? Gusto kong maranasan yung mangangarag ako sa paghahanap ng gusto
mong kainin. Sa unang pagsipa ni baby gusto ko kasama mo ako. Yung hahagod sa likod
mo sa umaga everytime na maduduwal ka. Gusto ko andun ako lagi"

"Pero hindi mo kailangang gawin yun na hindi ka magtatrabaho.."

"Ok lang na itigil ko ang buhay ko basta kasama ka. Hindi pa sapat yun sa pangarap
mo na hinadlangan ko. Kaya hayaan mo lang ako Misis"

"Misis ka dyan"
Naalala ko na naman yung unang beses niya akong tinawag na "Misis". Yung unang date
namin yun. Yung hindi ko mapigilan na hindi mapangiti. Yung isang salita lang yun
pero grabe ang yanig sa pagkatao ko.

"Syempre. Misis na kita. Ayaw mo lang maging official pa. Pero sa puso at isip ko
Misis na kita"

"Pag nakapagpaliwanag ka na sa Parents ko mapapadali yang pagiging official Misis


Valero ko"

"Talaga? Tara na"


Tumayo ito at nakangiting inilahad ang kamay niya.

"Ngayon na agad agad?"

"Kung pwede lang magteleport gagawin ko para makaharap ang Parents mo. Agad Agad.
Pero dahil hindi ka pwedeng mapagod. Tara lang sa baba. Hintayin natin si Daddy."

Ang kulit lang din ng lalaking ito. Nakakatuwa yung mga plano niya. Yung lahat ng
gusto niyang maranasan sa pagbubuntis ko. Bata pa naman siya pero hindi ko alam
kung bakit nagmamadali siyang magkapamilya. Na maging ama.

"Seryoso ka talaga Mark Ethan sa pagpapakasal sa akin?"

Dahil nakaupo pa din ako. Tumapat siya sa akin tas parang lumuhod siya. Parang
ganun. Para magpantay ang mukha namin.
"Nung kumuha ako ng Board Exam oo seryoso ako nun kasi nga gusto ko maging proud
sina Daddy. Pero iniisip ko na may mga pagpipilian naman na mga sagot. Pero yung
tanong mo kung seryoso ako sa pagpapakasal sayo? Ako na mismo ang pumili ng
isasagot. Oo at Yes lang. Final Answer."

Pag may ganito kagwapong nasa harap mo magiisip ka pa ba na iwan siya? At yung
sobrang pagmamahal niya nakakatunaw ng galit at paninindigan. Mark Ethan hindi ko
na din mahintay na maranasan lahat. Kahit ano pa yun. Basta kasama ka.

_casper_

Chapter 41

"Kung mapapayag mo ang anak ko na makasal kayo sa loob ng isang buwan papayag ako
na sumama siya sayo. Pero kung hindi Engr. Valero hindi ka na makakalapit sa kanya"
"Pero sir.."

Yung mukha ni Mark Ethan sobrang nagulat at nasaktan sa sinabi ni Daddy. Ilang araw
na ang nakalipas nung tumigil kami sa bahay nina Mark Ethan. Ngayon ay kaharap na
namin ang Parents ko at alam na nila ang sitwasyon. Ang hindi ko pagkuha ng Board
Exam.

"At hanggat hindi siya nakakapagdesisyon dito muna siya sa bahay. Pwede mo naman
siyang puntahan"

"Pero sir hindi ko po maaring pilitin na makasal ang anak niyo sa akin kahit
gustong gusto ko pa yun. Masyado ko na siyang pinangunahan sa kalagayan niya
ngayon. Ibibigay niya muna ang gusto niyo na maging Engineer na apelyido niyo ang
gamit saka pa lang siya magdedesisyon tungkol sa aming dalawa."

"Kaya nga kung Mahal ka talaga ng anak ko ikaw ang pipiliin niya kahit pa yung
napag usapan namin ang nakasalalay. Kahit yung pangarap ko pa yun"
"Dad!"

Hindi ko akalain na masasabi niya yun. Na parang pinagdududahan niya ang pagmamahal
ko kay Mark Ethan. At bakit parang pinapipili niya ako sa pagitan ng Pangarap niya
at Pangrap ko? Ngayon ko lang narealize na ang unfair ko nga pala kay Mark Ethan.
Mahal niya ako. Kaya ako buntis ngayon kasi nagmamahalan kaming dalawa. Hindi niya
kasalanan. Ginusto namin yun. Medyo nauna lang pero mangyayari din naman talaga
yun.

"Pero Mahal niya po ako.."

Medyo garalgal na ang boses ni Mark Ethan. O siguro pinipilit lang niya na huwag
umiyak sa harap ng aking magulang.

"Sapat na pagmamahal ba para piliin ka niya? Hindi ko pwedeng ibigay ng ganun ganun
lang ang anak ko Valero. Kahit buntis na siya ok lang. Mapapalaki ko naman ang apo
ko kahit wala ka"
"Pumapayag po ako Sir."

"Mark Ethan.."

Hindi ko alam kung paano ko mapapawi yung sakit na nararamdaman niya ngayon.

"Pumapayag ako kasi wala naman po ako magagawa. Ayaw ko po na pilitin ang anak niyo
na makasal sa akin kasi minamadali niyo siya. Pero kung hindi ko man siya mapapayag
sa paraan ko hindi po ako susuko. Kahit araw araw po akong manligaw gagawin ko."

"Pero hindi ka na makakalapit sa kanya kung sakaling ayaw niyang magpakasal"


"Hindi po kayo ang magdedesisyon nun Sir. Kaya maghihintay ako kung kailan siya
handang magpakasal sa akin"

Tumingin siya sa akin. Hindi ko magawang kumilos. Hindi ito ang inaaasahan ko.
Akala ko madali lang sa parents ko lahat. Hindi ko akalain na may mga kondisyon pa
sila.

"Uuna na ako"

Paalam niya sa akin at tumalikod na ito. Masakit na makita siya na ganyan.

"Dad anong ginawa niyo? Sinaktan niyo siya"

"At ako hindi nasakan? Na malaman na buntis ka?"


Seryosong sabi ni Daddy. Hindi ko din naman kaya yung galit niya pero hindi mawala
sa isip ko si Mark Ethan.

"Sorry Dad. Sorry kasi binigo ko kayo" Naiiyak ako. Hindi ko akalain na aabot sa
ganito. Naging mabuting magulang sila. At masakit nga sa kanila ang sitwasyon.
Kakagraduate ko pa lang. Pero ayun buntis na. "Pero sasama po ako kay Mark Ethan.
Hindi ko po matatanggap ang mga kundisyon niyo sa kanya. Oo pinapahirapan ko siya
dahil sa ginawa niya pero wala po sa plano ko ang iwan siya ng tuluyan. Mahal ko po
siya Dad. At kahit gaano katagal siyang maghintay ok lang sa kanya."

"Kahit pa itakwil kita ngayon?"

Medyo natigilan ako. Si mama na nasa tabi ni Daddy nagulat din. Bakit ganito? Wala
naman siyang nababanggit na ganito ang mangyayari kung sakaling mabigo ko sila.
Hindi ko to inaasahan. O ganun lang ba ako kamahal ni Daddy kaya nakakapagsalita
siya ng ganyan.

"Ako o si Mark Ethan? Magdesisyon ka ngayon. Huwag na nating patagalin pa ng isang


buwan. Ngayon pa lang gusto kong malaman kung ano ang desisyon mo."
"Pero Dad.."

"Pag pinili mo siya hinding hindi ka na makakalapit sa amin. Lalo na sa Mommy mo."

Pinunasan ko ang luha ko. Hindi ko maimagine na hindi ko na malalapitan si Mommy


kung sakaling piliin ko si Mark Ethan. Hindi ko kaya. Mahal na mahal ko sila.

"Dad bakit biglang ganito? Di ba mabait ka?"

"Masakit na binigo mo kami anak"


"Pero.."

"Si Mark Ethan o kami ng Mommy mo?"

Parang namamanhid na ang mata ko sa daming luhang lumabas. Ang sakit. Alam ko na
malaki ang kasalanan ko. Namin ni Mark Ethan. Siguro lalo silang magagalit kung
malalaman nila yung naging sitwasyon namin ni Mark Ethan nung SLAVE niya pa lang
ako. Siguro isusumpa na nila si Mark Ethan. Kabayaran siguro ito ng lahat ng
paglilihim ko sa magulang ko. Ang mamili sa pagitan ng taong mahal ko at sa
magulang ko. Makakaya mo naman siguro na wala ako sa buhay mo di ba Mark Ethan?

_casper_

Chapter 42

"Mark Ethan.."

Naabutan ko siya sa may sasakyan pa din niya. Buti hindi pa siya nakakaalis.
Nakakaba na baka kaya nga niya na wala ako sa buhay niya. Pero ako hindi ko ata
kaya. Saka na lang ako babalik dito sa bahay namin. Pag malinaw na ang isip ni
Daddy. Alam ko na naiintindihan ako ni Mommy na hindi ko sila pinili. Naranasan na
din naman niya ito. Ang magmahal pero hindi ibig sabihin na nabawasan ang
pagmamahal niya sa Magulang niya. Hindi makatarungan na papapiliin tayo sa parehas
na mahal natin. Kung sino ba dapat ang mas matimbang. Hindi nasusukat ang
pagmamahal dun. At wala pa din naman naiimbento na pangsukat sa pagmamahal. Kaya
Mom at Dad sa pagtalikod ko ngayon hindi ibig sabihin mas Mahal ko si Mark Ethan.
Mahirap din yun sa akin. Pero kung magiging masama akong anak para sa inyo atleast
hindi doble doble ang magiging kasalanan ko. Sa gagawin ko na bigyan ng kumpletong
pamilya ang magiging anak ko atleast kahit paano naging mabuting Ina ako.

"Bakit ka sumunod? Hindi makakatulong yan para mapapayag ko ang magulang mo"

Kahit ganun ang sinabi niya mababakas pa din yung biglang pagliwanag ng mukha niya
ng makita niya ako. Buti na lang talaga andito pa siya. Ayaw ko na mangyari ulit na
aalis na naman siya dahil sa nasasaktan siya ng dahil sa akin na wala akong magawa.
Na hindi ko siya mahahanap.

"Kasi pinipili kita.."

Inalalayan niya ako na sumakay sa sasakyan niya. At pinaandar na niya yun. Hindi na
ulit siya nagsalita pa. Kaya hindi ko alam kung ano ba ang iniisip niya. Akala ko
sa condo niya kami uuwi. Kasi dalawang oras na biyahe yun at iniisip ko pa lang na
hindi siya magsasalita ng ganun katagal.. mababaliw ako. Pero nagulat ako nung
tumigil kami sa tapat ng isang Five Star Hotel after 30 minutes. Hindi na ako
nagsalita hanggang sa pag aasikaso niya ng pag checheck in namin. Kahit na andito
na kami sa loob ng kwarto.
"Mark Ethan.. "

"Magpahinga muna tayo dito. Hindi ko kayang magmaneho. Baka maaksidente lang tayo"
niyakap niya ako "Akala ko matagal bago kita makasama ulit. Kahit alam ko na galit
sila sa atin masaya ako na pinili mo ako. Kaya mula kanina na takot na baka hindi
na kita makakasama hanggang sa saya na pinili mo ako. Hindi ko na alam ang lagay ng
puso ko. Kaya pahinga muna tayo"

"Akala ko galit ka.."

Nakakatakot talaga na hindi siya nagsasalita kanina. Ayaw ko ng ganun siya. Ayaw ko
ng nasasaktan ko siya. Yun ang huling bagay na magagawa ko nung Mahalin ko siya.
Pero sa hindi sinasadayang pagkakataon lagi ko na lang siyang nasasaktan.

"Galit?" Inilayo niya ako sa kanya. At masuyong hinaplos niya ang mukha ko. "Kahit
kailan hindi ko magagawa na magalit sayo. Kumbaga nung Minahal kita pina disable ko
yung galit na pwede kong maramdaman ko sayo. Magtatampo ako pero hindi ako
magagalit"
"Pero sabi nila The More you hate the more you Love.."

"Kailan ba ako naniwala sa sabi sabi ng kung sino sino?" Hinalikan niya ako sa noo.
"Ang pinapaniwalaan ko lang ay yung sinasabi ng Puso ko."

Iginiya niya ako papuntang kama. Inihiga niya ako at tumabi siya sa akin at niyakap
niya ako. Matagal na din na hindi niya yun ginagawa. Nung nasa bahay nila kami.
Magkatabi kami sa kama. Pero malayo siya sa akin.

"Magpahinga muna tayo" Masuyo niyang hinaplos ang tiyan ko. Wala pa namang umbok
yun. Pero sa paraan ng paghaplos niya para bang nararamdaman niya kung nasaan ang
anak namin. "Ayaw ko na napapagod kayo ni Baby."

"Mark Ethan hindi ibig sabihin na pinili kita magpapakasal na agad ako sayo"
Patuloy lang siya sa paghaplos. Hindi man lang siya nagulat sa sinabi ko. Parang
inaasahan na niya yun?

"Sabi ko nga kanina hindi ako nagmamadali. Kung kailan mo gusto. Tama na yung
isang pagkakamali na muntik ka ng mawala sa akin" Medyo iniharap niya ako sa kanya
at mabilis niya akong hinalikan sa labi. Na hindi agad ako nakapag react. Hindi
dahil galit ako sa ginawa niya kundi dahil namimiss ko yung mga halik niya. At
ngumiti lang siya sa akin. Na para bang sigurado siya na hindi ako galit sa ginawa
niya. Pero ok na yun. Mas gusto ko na yun na mapangahas siya sa mga kilos niya kesa
ang layo layo niya. "Basta lagi lang akong handang magpakasal sayo"

"Paano sina Mommy at Daddy?"

Hindi namin pwedeng baliwalain yun. Mahalaga pa din na wala kaming problema sa mga
magulang namin. Kahit tinalikuran ko sila kanina hindi ibig sabihin nun hindi na
sila mahalaga.

"Sa sunod nating uwi sa inyo isasama natin sina Mommy at Daddy. Sila na lang mag
usap. Alam ko naman na hindi tayo pababayaan nila. Lalo na si Mommy. Gustong gusto
ka niya. Siguro nakita niya yung mga katangian mo kung bakit kita minahal kaya
tuwang tuwa siya sayo. At hindi ko siya masisisi."
"Nakakatuwa din ang Mommy mo. Hindi ko alam kung paano sila nagkakasundo ng Daddy
mo. Isang kwela at seryoso"

"Lumaki ako na saksi sa Pagmamahalan nila. Si daddy kahit gaano kaseryoso tiklop
yan kay Mommy. Gusto ko yung Love nila para sa isat isa. Kaya nga nung nakita kita
mukhang nakita ko na yung Janine ko"

Janine kasi ang name ng Mommy niya. Walang makakahigit sa pagmamahal ng isang
lalaking anak sa kanyang ina. Kaya nga madalas na laging may kaugali ang ina nila
sa hinahanap nila sa babaeng mamahalin nila. At yun din ang dahilan kung bakit
bihira lang magkasundong Biyenan at Manugang. At salamat ako na bihira man atleast
gusto ako ng Mommy ni Mark Ethan.

"Pero hindi ako kwela na katulad ng Mommy mo.."

"Oo nga" Nakangiting sabi niya. "Pero sapat na yun para mapatiklop mo ako"

Ayaw ko munang isipin ang problema namin. Sa ngayon pwedeng kiligin muna sa mga
sinasabi niya? Sa mga pangahas niyang kinikilos? Namiss ko talaga na ganito siya.
Kahit ang lapit lapit niya pero namimiss ko pa din siya. Kasi nga dahil akala niya
na galit ako sa kanya inilayo niya ang sarili niya sa akin.

"Akala ko talaga iiwan mo na ako kanina" Sobrang kinabahan talaga ako. "Tapos hindi
na naman kita mahahanap agad. Katulad nung huli na nasaktan kita"

"Iniwan kita kanina pero hindi ibig sabihin nun sumuko ako sayo" Patuloy pa din
siya sa paghaplos ng tiyan ko. Na hindi ko alam kung sinasadya ba niya pero medyo
tumataas yun at nasasagi ng konti ang dibdib ko. Ang totoo nang aakit ka ba Mark
Ethan? "Sabi ko nga kahit araw araw akong pumunta dun gagawin ko. Iniisip ko nga
kung bibili na din ako ng bahay na tutuluyan ko para mas malapit ako sayo. At
magiging bahay na din natin dito pag kinasal na tayo. Kahit nasasaktan ako kanina
hindi ko alam pero ayun pa din ang naisip ko. Ang magiging buhay nating dalawa."

"Kaya nga ba ang hirap mo lang bitawan Mark Ethan" Hinaplos ko ang mukha niya.
"Yung pagmamahal mo tinutunaw lahat ng galit na pwede kong maramdaman.
Nakakahinayang na baka pag binitawan kita mapagod ka na sa kakahintay sa akin.
Hindi ko na alam kung makakatagpo pa ako ng katulad mo"

"Nag iisa lang ako kaya huwag mo ng isipin na maghanap pa ng iba" At hindi nga
nagkakataon lang yung paghaplos niya sa dibdib ko. Kasi ngayon nasa mismong dibdib
ko na yung kamay niya.
"Mark Ethan.."

"Sabi mo kasi natunaw na ng pagmamahal ko yunh galit mo" Patuloy pa din siya sa
ginagawa niyang paghaplos. Hanggang sa inilapit na niya yung mukha niya dun.
"Ichecheck ko lang kung Pagmamahal na para sa akin yung nangingibabaw sa puso mo"

"Paraparaan" Nakangiting sabi ko.

"kung makakalusot lang naman" At itinaas na niya yung suot kong damit. "Hindi ko
masyadong marinig" Nagulat ako ng sakupin na niya mismo ang tuktok ng dibdib ko.
Hindi ko alam na ganun niya kabilis maaalis yung munting saplot na tumatakip dun.

"Kailan pa naging tenga ang labi?" Mahinang tanong ko. Hindi na din kasi normal ang
paghinga ko dahil sa sensasyon na binubuhay ng mga labi niya.
"Mas effective daw pag ganito" Patuloy lang siya sa ginagawa niya. Hindi ko din
naman gustong awatin siya.Sa daming sakit na naranasan niya kung ang tanging paraan
para maibsan ko yun ang magpaubaya gagawin ko. Ang pride nilulunok minsan. Kahit
bumula pa yan ng panlalait mula sa karamihan. Pag Mahal mo kakalimutan mo lahat. At
si Mark Ethan ang pinag uusapan. Ang lalaking sobrang magmahal at ang Ama ng anak
ko.

_casper_

Chapter 43

"Akala ko ba magpapahinga tayo? Bakit mo ako pinagod?"

Nakangiting bungad niya sa akin pagmulat ng mata ko. Nakaidlip kasi ako matapos ng
kanyang mapangahas na kilos.

"At ako pa talaga? Hoy Mark Ethan Valero mukhang dinadaya mo na ako ahh"
Medyo mataas ang boses na pagkakasabi ko. Para kunwaring galit ako. Pero alam ko
naman na hindi uubra yun sa kanya. Yung tunay nga na galit ko ang dali daling
nawala na wala pa siyang masyadong ginagawa. Yung kunwaring galit pa kaya?

"Hindi pandaraya yun kung parehas nating ginusto." Yung ngiti niya habang sinasabi
yun. Nakakaloko na ewan. Yung parang ang sarap sarap niyang kurutin. "At sabi na
nga ba hindi mo matitiis ang kagwapuhan ko"

"Ang yabang" Hinaplos ko ang tiyan ko. "Baby huwag kang gagaya sa Daddy mo ah..
Gwapong gwapo sa sarili"

Pero si Mark Ethan inayos niya yung sarili niya. Yung parang nakaunan siya sa akin.
Pero nakaalalay pa din siya para hindi maipit si Baby. Parang inilapit niya lang
ang mukha niya para makausap si Baby.

"Oo baby" Haplos din nito sa tiyan ko. "Kay Mommy ka dapat gumaya. Gwapong gwapo
kasi siya kay Daddy"

Nahampas ko nga siya. At alam niya talaga na gwapong gwapo ako sa kanya?
"Baby hinahampas ako ni Mommy Oh" Patuloy lang siya sa paghaplos ng tiyan ko. "Alam
niya kasi na Mahal na Mahal ko siya kaya kahit ilang hampas ang gawin niya titiisin
ko."

"Huwag mong idamay si Baby sa mga banat mo."

Pumantay na siya sa akin. At niyakap niya ako. Buti na lang binihisan niya ako
kanina. Masama daw sa akin ang malamigan.

"Para pag lalaki si Baby mamanahin niya yung kakornihang minana ko kay Daddy"
"Aminado ka na korni ka?"

"Lahat ng nagmamahal nagiging korni.Mas malala nga lang yung kakornihan ko pero ok
lang effective pa din naman di ba?" Alam ko na masaya siya ngayon dahil magkasama
kami. Halatang halata kasi sa mukha niya. Lalo siyang gumwapo. Kaya tama siya na
gwapong gwapo ako sa kanya. "At sayo lang naman ako ganito."

"Paano mo nasabi na effective eh sa akin mo lang naman ginagawa? Try mo din sa iba
para malaman mo ang feedback nila. Baka mainlove din sila sayo"

"Ayaw" nakanguso ito at umiling iling pa. "Hindi ko kaya sa iba. Alam mo naman na
suplado ako pagdating sa kanila. Kaya para sayo lang talga ang mga yun. Saka bakit
pakiramdam ko pinamimigay mo ako? Pinili mo ako pero pinagtutulukan mo ako ngayon"
"Hindi kita pinamimigay" Hinaplos ko ang mukha niya. Ang cute niya talaga pag
ganito. Yung parang nagtatampo. Bihira lang yun. Cute na gwapo. "Binibigyan lang
kita ng option. Baka kasi magsawa ka sa akin. Baka iwan mo ako. Tapos sa time na
yun yung tipong hulog na hulog na talaga ako sayo at hindi ko na kaya na wala ka sa
tabi ko. Ayaw ko lang mangyari yun. Kaya ngayon pa lang kung iiwan mo ako. Ngayon
na. Habang kaya ko pa"

"Ano bang kinain mo kanina at ganyan ang iniisip mo? Iiwan? Bakit? Para na din
akong nagbigti pag ginawa ko yun." kinabig niya ako palapit sa kanya at masuyong
hinalikan sa labi. "saka gusto kong dumating yung time na hulog na hulog ka na sa
akin. Para hindi mo na iisipin na ipamigay ako. Yung ayaw mo akong mawala sa tabi
mo. Ako na siguro ang pinakamasayang lalaki. Saka nakahanda nga akong magpakasal
kahit anong oras,araw at kahit saan. Pumayag ka lang"

"Wala pa akong kinakain. Balak mo ata kaming gutumin ni Baby eh"

Busog pa naman ako. Kumain naman kami kanina. Sinabi ko lang yun kasi wala akong
maisip sabihin matapos marinig yung mga sinabi niya. Tama sobra sobra siyang
magpakilig sa akin. Kung ganun sana siya sa iba pagdududahan ko siya. Na hindi niya
ako mahal, na bolero lang talaga siya. Pero hindi eh. Sa akin lang. Kaya ano nga ba
ang naiisip ko para ipamigay siya?
"Gutom na ba kayo ni Baby?" Tumayo ito at inayos ang sarili. "Bibili lang ako.
Magpahinga ka na lang dito. Ano ba ang gusto mo?"

"Kahit ano. Alam mo naman ang gusto ko eh"

"Bukod sa akin?"

At humalakhak pa ito. Bakit kahit halakhak niya ang sexy pa din ng dating?

"Pero seryoso? Wala ka bang gustong kainin? O pinaglilihian? Gusto kong maranasan
yung mataranta sa paghahanap ng pagkain na gusto mo."
"Wala" Bakit ba siya ganyan? Dati pinapangarap ko lang siya. Ngayon naman halos
pinagsisilbihan niya ako. Naging mabuti ba ako nung nakaraang buhay ko bigyan ako
ng katulad niya? Hindi ako kagandahan katulad ng gandang nababagay sa kagwapuhan
niya. Pero heto siya anytime handang magpakasal sa akin. "Yaan mo pag meron kahit
hating gabi at kalaliman ng tulog mo gigisingin kita para ipahanap yun"

"Sabi mo yan ahh" Lumapit na ito sa akin at mabilis akong hinalikan sa labi "Kahit
anong oras pa yan bulabugin mo lang ako. Alis mo na ako Misis."

Nasasanay na din siya na yan ang tawag sa akin. Misis. Kailan nga ba kami magiging
official? Nasa akin naman yun eh. Pero yun lang naman ang pwede kong panghawakan.
Yung hindi muna magpakasal sa kanya. Yung hindi ako atat na atat na magpakasal
kahit pa umpisa pa lang na mahalikan niya ako yun naman talaga ang gusto ko. Ang
matali kay Mark Ethan Valero.

_casper_

Chapter 44
Akala ko hindi seryoso sina Daddy sa sinasabi nila na itatakwil nila ako. Pero nung
isang araw habang namimili kami ni Mark Ethan at nakipag unahan ako ng pagbabayad
sa kaniya gamit ang credit card ko. Hindi ko na yun napakinabangan. Kahit yung
debit card ko. Kaya sa huli si Mark Ethan din ang nagbayad lahat. Nakakahiya tuloy.

Siguro nga padalos dalos ako ng desisyon tungkol sa amin ni Mark Ethan. Hindi ko
pwedeng isisi lahat sa kanya na nabuntis ako dahil katawan ko to. At alam ko na sa
ginagawa namin mabubuntis talaga ako. Dapat umpisa pa lang hindi na ako pumayag na
mangyari sa amin. Kaya ganito ang nangyari. Buntis ako. Galit sina Daddy. At
pinutol na nila ang pagsuporta sa akin. Ang maganda lang sa sitwasyon namin stable
na si Mark Ethan. Mabibigyan na niya kami ng magandang buhay ni baby. Pero paano
kung hindi? Paano kung parehas lang kami na kakagraduate lang? Nganga kami banda
banda diyan. Kaya mali talaga ang magpadala masyado sa pagmamahal. Yung papasok
agad sa sitwasyon na hindi naman talaga dapat pasukin. Kasi kahit anong pag iingat.
Malaki pa din ang posibilidad na magbunga ang lahat.

"Malamang yung condo unit naman ang sunod nilang bawiin"

Kumakain kami ngayon sa isang mamahaling kainan sa Mall kung saan din kami namili
kanina.

" ok lang yun, Kasyang kasya naman tayo sa unit ko" Nakangiti niyang sabi. Na para
bang hindi na nababahala sa mga ginagawa ng magulang ko. At sa mga balak pa nilang
gawin. "Iniisip ko dati na pabutasan siya para maging isang unit na lang tayo. Pero
naisip ko din sayang naman yung bahay na pinatayo ko para sayo kung sa condo tayo
titira? Kaya yung pera na dapat ilalaan ko sa pagrerenovate ng condo, ioopen ko na
lang ng account mo."

"pero hindi mo kailangang gawin yun Mark Ethan."

"Regalo ko yun kay baby. Since wala pa siyang pangalan at na sayo pa siya kaya sayo
ko muna ipapangalan yun. Para mabili mo ang gusto mo. Alam ko naman na mahihiya ka
lang na humingi sa akin. Kaya sa pera niyo ni baby gawin mo lahat. Bilhin mo kung
anong gusto mo. Hindi sa natutuwa ako sa ginawa ng Daddy mo. Alam ko na way niya
yun para ipakita na seryoso siya sa pagtatakwil sayo. Pero iba ang dating sa akin.
Na parang pinapaubaya ka na niya talaga sa akin. Inalisan ka niya ng sustento kasi
alam niya na kayang kaya ko namang ibigay yun sayo. "

"Matagal ka ng nakapagpatayo bg bahay?" Kesa makipagtalo sa binabalak niya na alam


ko na hindi din ako mananalo. At tama naman siya na mahihiya lang ako na humingi sa
kanya lagi.

"Two years ago ko siya sinimulan na pag ipunan. Tas nung isang taon natapos siya."

"Pero bakit? Hindi ba dapat sa edad mo mamahaling kotse ang pinagkakaabalahan mo?"
"Kasi everytime na magigising ako sa umaga na hindi ka katabi at umuuwi ka sa unit
mo. Sobrang nalulungkot ako. At ayaw ko na maging ganun ng matagal. Na darating
yung panahon na hindi ka na aalis sa tabi ko. Na hindi ka na uuwi kasi nasa
sariling bahay mo na ikaw. Kaya para mangyari yun. Kailangang may bahay muna akong
maibibigay sayo. Kaya ayun"

Yung mga unang buwan ng pagiging slave ko sa kanya. Na sa bawat gabi na may
mangyayari sa amin maaga akong aalis kinabukasan. Kasi ayaw kong umasa noon na may
something na kami. Ayaw kong magising sa tabi niya at isipin na panaginip lang
lahat ng nangyari kinagabihan. Mahirap yung sitwasyon namin noon. Nung torpe pa si
Mark Ethan ko.

"Akala mo lang ikaw yung alipin sa ating dalawa. Pero hindi mo lang kasi alam kung
paano ako naging sunod sunuran sayo. Yung tipong plinano ko na din ang buhay ko na
kasama ka."

Hinawakan niya ang kamay ko na nasa ibabaw ng lamesa. Bahagya niya itong pinisil.

"Kaya nga andito ako kasama mo Mark Ethan." Ngumiti lang din ako sa kanya. Ayaw ko
munang isipin kung anong problema namin. Pag nagkausap na siguro ang parents namin
magiging maayos ang lahat. "Kasi alam ko na tama lahat basta kasama ka"

"Pag lumabas na si baby. Wala na akong mahihiling pa. Kasama ko ang babaeng
pinakamamahal ko at ang bunga ng pagmamahalan namin" Medyo naging emosyonal ito ng
kaunti. Medyo para kasing pumiyok kasi ang boses niya. Medyo namumula ang mata niya
ngayon. Ang totoo Mark Ethan? Ang daming tao baka isipin nila na pinapaiyak ko ang
gwapong katulad mo.

"Ok lang sayo na hindi muna talaga tayo magpakasal?"

Bahagya nitong pinunasan ang mga mata niya. May namumuong luha na kasi. Napaka
emosyonal mo talaga. Kaya nga hindi ko mapigil ang sarili ko na mahulog sayo ng
paulit ulit.

"Kahit sabay na lang ng binyag ni baby. o kahit pag lumalakad na si baby. O kahit
pag malaki na si baby at may kapatid na. Kasi mas mahalaga na kasama kita, na mahal
mo ako. Na sobrang Mahal kita. Yung kasal napaghahandaan. Nakakapaghintay. Ayaw
kong irisk yung chance na ipilit na makasal tayo tapos lalayo ka. Kaya
makakapaghintay ako sa Kasal natin"

"Tutupadin ko pa din yung gusto ni Daddy" Tumango lang siya. " Kahit yun man lang
makabawi ako. At sayo lang naman ako eh. Ikaw lang naman balak kong pakasalan banda
banda diyan. Kaya sana nga seryoso ka na hihintayin mo ako"
"Kailan ba ako hindi naging seryoso sayo? Seryosong Mahal kita. Seryosong
hihintayin kita." Dinala niya yung kamay ko malapit sa labi niya at masuyo yung
hinalikan. "Seryosong ikaw lang din naman makakapagsaya sa akin. Kaya kahit gaano
pa yang katagal. Handa lang ako laging magpakasal"

Hinila ko siya palapit sa akin. Kaya ang ginawa niya umupo na siya sa tabi ko.
Yumakap na lang ako sa kanya. Kahit madaming tao pa na makakita sa amin. Ako pa ba
ang mahihiya? Eh ang niyayakap ko ay yung lalaking mahal na mahal ko at sobra
sobrang pagmamahal din ang binibigay sa akin. At ako lang naman ang makakayakap sa
kanya kasi para sa akin lang si Mark Ethan.

_casper_

Chapter 45

Mahabang Author's Note:

Ang totoo kung sa plano ko sa story na to dapat hindi ganito ang nangyayari. Dapat
malayo na si Unknown Girl at POV na ni Mark Ethan ang Chapter 36 onwards. Pero nung
nareveal na buntis si Unknown Girl, hindi ko kinaya ang bugso ng comment. Ang bugso
ng damdamin niyo. Nagulat ako at hindi ko napaghandaan. Ni wala pa akong naisip na
susunod. Kaya nagkasakit ako. Na tinatawanan ako ni Ela (DeMisse) kasi ako lang daw
yung kilala niya na nagkakasakit dahil sa sinusulat. Ang cute daw. Kaya hindi din
ako pwede ng araw araw ng update. Kaya hindi ko din kaya ng tragic na ending. Ang
kulit lang di ba? Sa mga nangyayari sa All of ME, mahirap po talaga na isipin kung
ano ba ang pinaglalaban ng story na to. Madami akong dapat iconsider. Kaya ang
makabasa ng mga bagay na parang hinuhusgahan ang desisyon ni Unknown Girl medyo
masakit po sa akin. Babae po ako. At kung ano man ang tatakbuhin ng story na to mas
lamang po yung desisyon ko bilang babae. Mas ipaglalaban ko po ang kapakanan ng
isang Babae. Kung ano man ang kakalabasan ng story kung mangyayari man yun sa akin
yun ang magiging desisyon ko. Kaya kung huhusgahan niyo po si Unknown Girl, para na
din ako ang hinusgahan ko.

Hindi po ako galit. At wala din akong masyadong ipinaglalaban. May nililinaw lang.

-----------------------------------

"Lagi na lang ba akong matatalo ng isang Ethan Valero? At bakit lahat ng mahalaga
sa akin sa inyo napupunta?"

Hindi ko alam kung anong sinasabi ni Daddy. Basta nung makita niya ang magulang ni
Mark Ethan hindi ko maintindihan ang pinagsasabi niya. At yung itsura ng Mommy ni
Mark Ethan. Bakit parang magkakilala sila ni Daddy?

"Akala ko nagkataon lang na Mark Ethan Valero ang pangalan mo. Ni hindi ka naman
kamukha ng Ama mo. Kaya pala kahit anong pigil ko na ilayo ang anak ko sayo ikaw
pa din ang pinipili niya. Gaya ng pagpili ni Janine sa Daddy mo"
Wala si Mommy sa bahay. Bigla na lang nagalit sa Daddy nung dumating kami. Akala ko
nga susugudin pa niya ang Daddy ni Mark Ethan. Ni hindi ko pa sila napapakilala
pero parang hindi na kailangan. Mukhang magkakilala na sila. At may kung anong
nangyari sa kanila dati. Kasi hindi ko alam kung bakit ganito kagalit si Daddy.

"Eric.." Malumanay na sabi ng Mommy ni Mark Ethan. "Akala ko ba natanggap mo na


kung ano man ang nangyari dati."

"Tanggap ko na nga Janine. Ilang taon din ang lumipas bago ko natanggap na hindi ka
para sa akin." Medyo huminahon ng konti si Daddy. O sadyang iba ang dating sa kanya
ng boses ng Mommy ni Mark Ethan. "Pero parag bumalik lahat ng sakit nung mawala ka,
ngayon na nalaman ko na konektado sa inyo ang lalaking naglayo sa akin sa aking
anak. Ang lalaking humadlang sa pangarap naming dalawa. Pero sa huli siya pa din
ang pinili ng anak ko. Gaya ng pagpili mo kay Ethan kahit dalawang taon ka niyang
iniwan."

"Daddy.." Gusto kong lumapit sa kanya. Ang yakapin siya. Ang bawasan ang sakit na
nararamdaman niya ngayon. Hindi makatarungan na pamiliin tayo sa pagitan ng Mahal
natin at Pamilya. Kasi kahit sino ang piliin parehas lang silang masasaktan. Sa
kaso ko pinili ko si Mark Ethan. Pero hindi ibig sabihin na kinalimutan ko na sina
Daddy. Kinalimutan ko na kung anong pangako ko sa kanya. Kahit anong mangyari sa
buhay ko mananatiling anak niya ako. Hindi kailanman nabawasan ang pagmamahal ko sa
kanila kahit pa nagkakaproblema kami dahil sa pinili ko ang lalaking mahal ko.

"Eric" Seryosong sabi ng Daddy ni Mark Ethan. Akala ko nung isama namin sila
magiging maayos na ang lahat. Pero mukhang may problema pa sila sa nakaraan na
kailangang ayusin. "Wala kaming atraso sayo ni Janine. Nung lumayo ako sa kanya
noon sumugal ako na baka mawala din siya sa akin. Na posibleng mabaling ang
pagmamahal niya sayo. Inihanda ko ang sarili ko noon sa pagkatalo. Kaya sana sa
ilang taon na dumaan. Sana matanggap mo na din yun. Ako ang pinili niya dati. Ako
ang mahal niya. Kaya nakikiusap ako kung ano man ang nangyari dati huwag mong
gawing dahilan yun para hindi sumang ayon sa mga bata. Malalaki na sila. Nakakapag
desisyon na sila para sa kanilang sarili. Hindi naman minamadali ng anak ko na
makasal sila. Tutupadin pa din ng anak mo ang pangako niya sayo. Kaya sana hayaan
mo na sila. Makakasama sa anak mo ang masyadong mag isip. Gusto mo ba na mapahamak
ang apo mo dahil sa pagmamatigas mo?"

Walang duda na mana nga si Mark Ethan sa Daddy niya. Bahagyang kulit na namana sa
Mommy niya. Kaya meron akong Limited Edition na Mark Ethan dahil sa kanila.

"Umalis na kayo" Nagulat ako na biglang nagsalita si Mommy. Hindi ko alam kung
karating lang ba niya o kanina pa siyang nakikinig sa usapan.

"Mom" Akmang lalapit ako sa kanya pero pinigilan niya ako. Naiiyak siya. Walang
duda na nasasaktan siya.
"Anak pakiusap umalis na kayo" At may kung anong sakit sa dibdib ang naramdaman ko
ng hindi na mapigilan ni Mommy na umiyak. Yung iyak na ramdam ko yung sakit na
pinagdadaanan niya. "Siguro matatagalan bago ko matanggap ang sitwasyon. Na
magiging bahagi ng buhay mo ang babaeng dahilan kung bakit hindi ako nagawang
mahalin ng Daddy mo ng buo. Napilitan lang siya ma pakasalan ako kasi nabuntis ako.
Napilitan lang siya na maging masaya kasama tayo kasi alam niya na wala na siyang
pagasa. At walang araw na hindi ako naiinggit sayo Janine. Kaya pakiusap umalis na
kayo. Pag wala na yung sakit pag nakaharap kita saka lang maayos ang lahat"

Hindi ko alam ang mararamdaman ko. Ang dami kong nalaman. Kahit si Mark Ethan hindi
na nagawang magsalita pa dahil sa mga narinig namin sa aming magulang. Yung sakit
na pinagdaanan ni Mommy. Parang hindi ko maisip na matagal siyang nasaktan. At
patuloy na nasasaktan. Masakit. Kasabay ng namumuong sakit sa aking sinapupunan.
Buti naging maagap si Mark Ethan nahawakan niya ako agad bago ako tuluyang matumba.
Bago tuluyang pumikit ang aking mata nakita ko pa ang paglapit nina Mommy at Daddy.
Ang nakakakilabot na pagsigaw ni Mark Ethan. At ang tuluyang pagkawala ko sa
kawalan.

_casper_

Chapter 46

Mark Ethan's POV:

Hindi pa din siya nagigising hanggang ngayon. Sabi naman ni Doc ok naman daw siya.
Pati si baby ok din daw. Masyado lang daw siyang nastress. Ang mahal ko. Hindi ko
siya pagsasawang pagmasdan. Pero mas masaya sana kung gising na siya. Yung
masisilayan ko ang kanyang ngiti. Yung kakausapin niya ako. Mas gusto ko yun.
Sobrang kinabahan talaga ako kanina nung nawalan siya ng malay sa aking mga bisig.
Hindi ko alam kung kakayanin ko kung may mangyayaring masama sa kanya. O kung
tuluyan siyang mawawala sa akin.

Agad kong pinahid ang mga luha ko. Kahit alam ko na ok na siya andun pa din yung
sakit. Hindi ko lubos maisip na aabot sa puntong mapapahamak siya dahil sa
pagmamahalan namin. Naalala ko nung una ko siyang makita. Fifth year college na ako
nun. Dahil sa pag aaral ang priority ko hindi ko inaabala ang sarili ko na pumasok
sa isang relasyon na alam ko na magiging sagabal sa pangarap ko. Akala ko magagawa
ko na. Isang taon na lang. Pero nakita ko siya. Hindi ko alam kung anong tawag sa
kabang biglang sumalakay sa dibdib ko nung masilayan ko ang mukha niya. Lalong
bumilis pa nga ang tibok ng ngumiti siya. Alam ko sa sandaling yun naging Alipin na
niya ako. Ni wala siyang idea na yung Puso ko sobrang nahulog ata. Sa pagkakataon
na yun na hindi siya hadlang sa pangarap ko. Kasi paano magiging hadlang? Kung
siya pa lang ang kukumpleto?

Ang sayang balikan ng lahat. At hindi ko pagsasawaang ikwento yun sa magiging anak
namin. Kung paanong nahulog ako sa Mommy nila. Naalala ko ang reaction nila nung
bilhin ko siya nung acquiantance party. Wala akong pakialam noon kung gaano kalaki
pa yung aabutin nung Bid sa kanya. Kahit mangutang ako kasi on the spot babayaran
din. Basta ang mahalaga sa akin ako ang maging Master niya. Kahit panay kantiyaw
ang inabot ko sa mga barkada ko kasi first time kong sumali sa ganun. Wala na sa
akin yun. Kasi ang iniisip ko noon, Paano na pag nakaharap ko siya? Paano ko siya
kakausapin? Parang wala pa man pero sobrang bilis na ng tibok ng puso ko.

After ng party lalapitan ng mga 3rd year ang mga Master nila. Nung lumapit siya
sobrang hiyang hiya siya. Tas yung mahinang pagkasabi niya ng "Kuya". Medyo nainis
ako. Nasupladuhan ko siya. Kasi ayaw ko ng Kuya. Hindi pwedeng kuya ang tingin niya
sa akin. Kaya hanggang sa pagsakay ng sasakyan inis pa din ako. Na lalo akong
nainis ng makita ko yung takot sa mukha niya. Una pa lang sablay na. Paano ko
sasabihin na mahal ko siya? Paano ko sasabihin na siya ang kukumpleto sa akin?
Paano ko sasabihin lahat ng nararamdaman ko kung hindi niya ako magawang tingnan?
Na andun yung takot sa mga mata niya sa tuwing hindi sinasadyang nagtatama ang mga
mata namin. Paano ako didiskarte kung simula pa lang pakiramdam ko talo na ako?
Kaya sa condo unit niya hindi ko na napigilan nagawa ko siyang halikan. Kung hindi
lang parang baliw magtatalon sana ako dahil sa sobrang saya. Pero nawala lahat ng
sayang naramdaman ko nung makita ko ulif yung mata niya. Yung takot. Kaya kahit
ayaw ko. Kahit gusto ko sanang maayos na manligaw ginamit ko yung takot niya para
maging sunod sunuran sa akin. Naging Slave ko siya na labas sa kung anong
panuntunan ng Organization namin. Lumipat ako sa tabi ng condo unit niya para
maging madali lang itago ang lahat. Naging kuntento na ako sa sitwasyon namin.
Akala ko ok na yun. Hindi naman niya ako iniiwan. Hindi na din siya lumalapit sa
iba. Pero hindi. Hindi ko siya napasaya kahit kailan. Mali ang pagmamahal na
pinakita ko sa kanya. Hindi ko nabawasan yung takot niya sa akin.

Maling paraan lahat. Pagdating sa kanya lagi akong sablay. Akala ko mapapaligaya ko
na siya. Akala ko ok na ang lahat. Kung naging matapang lang ako dati iba sana ang
sitwasyon ngayon. Kung hindi mali ang umpisa ng aming relasyon hindi sana aabot sa
puntong manghihimasok ang mga magulang niya. Kung nanligaw ako ng maayos dati pa
lang nalaman na namin ang sitwasyon sa aming magulang. Wala sana siya dito sa loob
ng Hospital. Hindi sana siya nahihirapan ngayon. Kung naging matapang lang sana ako
dati. Kasalanan ko lahat kung bakit siya nasasaktan. Sana hindi ka manawa. Kasi
ikaw lang naman ang kukumpleto sa akin. Ikaw lang.

_casper_

Chapter 47

"Hindi ka ba kakain anak? Ok na naman ang mag ina mo. baka ikaw pa magkasakit"

Malumanay na sabi ng mama niya. Mumulat sana ako pero narinig ko ang boses niya.
Kaya medyo nahiya ako. Nakakahiya ang mga nangyari kanina. Nakakahiya sa pamilya
nila na puro sakit ng ulo ang hinatid ko. Pinakiramdaman ko si Mark Ethan. Hindi
siya sumagot sa tanong ng Mommy niya.

"Iiwan ko na lang itong pagkain mo. Mamaya kakain ka ahh?" Hindi ko pa din narinig
ang tugon ni Mark Ethan. "Sorry anak. Aayusin namin to."

Gustong gusto ko ng imulat ang mata ko. Nakakapagtaka ang hindi pagsasalita ni Mark
Ethan. Sobrang close sila ng Mommy niya. Magkakasira ba sila dahil sa nangyari?
Hindi pwede.

Naramdaman ko ang paghaplos niya sa tiyan ko. Yung sa bawat pagkilos ng kamay niya
ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sa amin. Sabi ng Mommy niya ok kami pareho.
Kaya naniniwala ako na maayos si baby.

"Baby Mahal na Mahal ka ni Daddy. Kayong dalawa ni Mommy. Buti kumapit ka kanina.
Natakot ako na baka iwan mo agad kami. Nakakatakot na baka tuluyang mawala din ang
mommy mo sa akin kung nangyari yun. Kaya salamat Baby. Pangako magiging mabuti
akong ama para sayo"

Yung boses niya ang lungkot lungkot. Parang kanina gustong gusto kong marinig ang
boses niya. Pero ngayon hindi ko yun matagalan. Bakit kasi ang lungkot lungkot
niya? Parang ayaw ko tuloy makita ang mukha niya ngayon. Parang hindi ko ata
kakayanin.

"Kung ang paglayo sa lahat para masigurado ko na ligtas kayong dalawa. Ilalayo ko
kayo."

"Mark Ethan.."

Hindi ko na kayang ipagpatuloy ang pagpapanggap na tulog ako. Lalo na sa sinabi


niya ngayon. Kaya ba hindi siya sumasagot sa Mommy niya kasi bahagi yun ng
plinaplano niyang paglayo?

Dali dali siyang umalalay sa akin ng tangka kong bumangon. Inayos niya ang pagkaka
upo ko at hinawakan ang dalawa kong kamay.

"Nagugutom ka ba?"

Umiling lang ako.

"Nauuhaw?"

Iling lang ang naisagot ko. Hindi ko kayang magsalita. Bakit ganyan ang itsura
niya? Bakit kahit ngumiti siya ng nagising ako bakas pa din ang labis na
kalungkutan?

"Naiihi?"
Patuloy lang ako aa pag iling. Parang ewan lang. Nahilo lang ako. Hindi naputulan
ng dila.

"Iiwan mo ba ako?"

Wala aa sariling napailing ako. At naramdaman ko na lang na niyakap niya ako.

"Wala ng bawian ahh.. hindi mo ako iiwan di ba?"

Ngumiti na lang ako. Sino bang hindi na lang mapapangiti? Nakakabaliw ata ang
pagbubuntis? Tapos sinabayan pa ng nakakabaliw na pagmamahal ni Mark Ethan.

"Bakit ba takot na takot kang iwan kita? Madami ka namang pwedeng ipalit sa akin"

Hinaplos niya ang mukha ko. Medyo hindi na malungkot ang mukha niya. O siguro dahil
yung kinatatakutan niya hindi ko naman gagawin.

"Oo madami nga sila. Pero hindi ikaw sila. Ikaw lang ang para sa akin. Kaya iba
sila. Iba ikaw. Ikaw lang yan."

Sabi ko nga. Kahit anong sitwasyon nagagawa niyang bumanat. Walang lugar siyang
pinipili. Basta masabi niya ang nararamdaman niya.

"Ano yung sinasabi mo na ilalayo mo kami?"

Ayaw kong tanungin siya kung bakit hindi niya pinapansin ang Mommy niya. Baka
malaman niya na kanina pa akong gising at nakikinig sa kanila.

"saka na lang natin pag usapan yan pag nakalabas ka ng Hospital. Kailangang
magpalakas ka. Kasi ikaw ang kahinaan ko di ba?"

"Pero ayaw ko na magkaproblema ka sa pamilya mo Mark Ethan.."


"Kayo ang pamilya ko."

Medyo sumeryoso siya ng konti. Siguro natakot talaga siya kanina. Lilipas din yung
tampo niya sa magulang namin. Ayaw kong sabihan siya. Kasi ako nawalan lang ng
malay at hindi ko na alam ang nangyari. Siya ang nakasaksi sa lahat. Siya ang
nakaramdam ng lahat ng pwedeng maramdaman kanina. Kaya naiintindihan ko siya. Pero
sana hindi ganun katagal na ganito siya sa Mommy niya. Mahal na mahal siya nito. At
tanggap na tanggap ako ng Pamilya niya. Ayaw kong magulo yun dahil sa nakaraan.
Mahal na mahal ko si Mark Ethan. Kaya kung ang pagpapakasal ang tanging magiging
sagot sa kaguluhan nato. Pumapayag na ako. Ayaw ko na ulit makita ang malungkot
niyang mukha. Nakakahawa. Feeling ko ang lungkot lungkot ko. At para sa isang tao
na walang ginawa para mapasaya ako tama na siguro ang pagpapahirap sa kanya. Kaya
Mark Ethan magtanong ka lang kung handa na akong magpakasal sayo.Sa pagkakataon na
ito hindi ka na malulungkot sa magiging sagot ko.

_casper_

Chapter 48
"Dahan dahan"

Sabi niya habang inaalalayan niya akong humiga. Andito na kami ngayon sa bahay na
sinasabi niya. Sa ipinatayo niya para sa aming magiging pamilya.

"Mark Ethan ok lang kami ni baby. Kailangan ba talaga na humiga ulit ako ngayon eh
puro yun na lang ginawa ko sa hospital?"

"Yun po ang sinabi ng Doctor. Kaya sa ayaw mo at hindi dalawa kayo ni baby na
aalagaan ko. sabagay baby naman talaga kita."

Sa dalawang araw ko sa Hospital hindi siya halos umalis sa tabi ko. Lahat ng pag
alalay at pag aalaga ginawa niya. Hindi ko na din natanong kung nasaan ang Parents
ko. Kasi simula ng narinig ko ang Mommy niya nung nagising ako hindi na ulit sila
bumisita pa. Nagdadalawang isip ako na magtanong sa kanya. Alam ko na higit sa
kanino man siya ang higit na nasaktan sa nangyari sa akin. Kaya ayaw kong dagdagan
pa ang isipin niya. At masaya na ako na nakikita ko siyang ngumingiti katulad
ngayon.

"Hindi ba masyadong malaki itong bahay para sa atin?"

Nung ipaliwanag niya kasi ang kabuuan ng bahay medyo nalula ako sa laki nito. May
pinakataas pa ito na may nakaset up na malaking telescope. Sabi niya pag ok na daw
kami ni baby saka kami pupunta dun.

"hindi ba talaga pwedeng masilip yung taas?"

Pero sa halip na sumagot hinalikan niya lang ako sa noo.

"Saka na. Kahit gustong gusto na pumunta tayo dun. Na magset up ng dinner dun. Na
tumingin ng mga stars. Makakapaghintay naman yun. At isa pa masaya na ako sa star
na nasa harap ko ngayon. Ang star na tumupad sa lahat ng wish ko."

Hindi ko na siya pinilit pa. Paano ko pa siya makukulit kung binanatan na ako ng
ganun? Mark Ethan wala ka talagang kupas. Magkakaanak na tayo pero kung magpakilig
ka ganun pa din ang epekto. Sagad sa buto. Diretso sa puso.

"Pasensiya ka na kung nararanasan mo man ang ganito. Kung hindi kita pinangunahan
sa pagbubuntis hindi mangyayari sayo lahat ng to. Kaya sana hindi magbago ang
desisyon mo. Na pinatatawad mo na ako kahit muntik ka ng mapahamak. Sorry Baby sa
lahat. Sabi ko babawi ako pero sablay pa din. Bakit kasi pagdating sayo sablay lagi
ako?"

Hinawakan ko ang mukha niya at inilapit sa akin para masuyo kong mahagkan ang mga
labi niya. Kailan kaya maaalis ang mga isipin niya?

"Mark Ethan pwede bang alisin mo lahat ng isipin mo? Na hindi kita sinisisi. Andito
ako ngayon kasama mo dito sa magiging bahay ng pamilya natin. Hindi pa ba sapat yun
para maging masaya ka? Alam ko na hindi mo pababayaan na lumaki ang problema natin
sa parents natin. Hindi na ako magtatanong kasi alam ko na magagawan mo yun ng
paraan. Kaya pwede bang maging masaya tayo ngayon? Gusto ko yung unang araw natin
dito sa bahay maging masaya tayo. Pwede ba yun Engr. Valero?"

Humiga siya sa tabi ko at niyakap niya ako. Siguro nga sobra niya akong mahal. At
napakaswerte ko. Hindi siya nagdadalawang isip na magpakita sa akin na mahina siya.
Lahat ng emosyon siguro napakita na niya sa akin. Lahat ng mga hindi ko akalain na
masasaksihan ko nung unang beses na tinanggap ko sa sarili ko na Mahal ko na siya.

"Pwede naman yun Misis." At lalo pa niyang siniksik ang mukha niya sa may bandang
leeg ko. Ang mga kamay niya ay humahaplos sa may tiyan ko. Simula nung malaman niya
na buntis ako naging hobby na yan. Ang haplusin si baby. "Sabi ko sa parents natin.
Nung dalhin ka namin sa hospital. Na kung gusto nilang makita ang unang apo nila.
Pag usapan nila ang problema. Kaya kahit medyo masakit na hindi ko pansinin si
Mommy kailangan kong gawin para sa ikakabuti ng mga pamilya natin."

Kaya pala hindi niya kinakausap ang mommy niya. Ayaw ko ng kontrahin pa yung
desisyon niya. Tama naman siguro na mag usap sila, para sa ikakatahimik ng bawat
isa sa kanila. At isa pa kung hindi man magiging maayos ang tungkol dun sabi ko nga
kanina nakapagdesisyon na ako. Nakapili na ako. May pamilya na din akong kailangang
protektahan. Yung pamilyang bubuuin namin ni Mark Ethan.

_casper_

Chapter 49

"Paglabas ni baby ako mag aalaga"

Sabi niya habang hinihimas ang tiyan ko. Limang buwan na akong buntis. Pwede ng
magpa ultrasound para sa gender ni baby kaso ayaw pa namin. Mga seven months na daw
sabi niya para siguradong sigurado na talaga sa gender ni baby.

"Sabi mo lang yan. Mamamayat ka pag ikaw ng nag alaga. At sabi nila magmumukhang
mature agad, yung tipong tatay na tatay ang itsura. Gusto mo ba yun? Hindi ka na
gwapo. Hindi ka na hot"

"Sayo lang naman ako nagpapagwapo. Saka pag nanganak ka alam ko na hindi mo
masyadong iintindihin ang itsura ko kasi focus ka kay baby. Kaya ok lang na
magmukhang tatay na tatay ako. Ikaw naman ang nanay ng aalagaan ko eh"

Inilipat na niya lahat ng gamit dito sa bahay namin. Hindi na din siya pumupunta pa
sa condo. At tungkol naman sa parents namin. Wala pang masinsinang pag uusap talaga
pero si Mommy dumalaw na sa amin minsan. Gusto nga niya na pagkapanganak ko
sasamahan niya ako. Na dito muna siya mag stay sa bahay. Kasi hindi daw namin
kakayanin namin ni Mark Ethan lalo at unang anak daw namin. Hindi ko pa nasasabi
kay Mark Ethan lalo na ngayon at gusto niya na siya pa ang mag alaga sa baby namin.

"Hindi ba masyado mong inilalaan ang sarili mo sa amin? Hindi pa tayo kasal Mark
Ethan. Baka kasi magbago pa ang isip mo"

"Baby huwag mong pakinggan ang sinasabi ni Mommy" Patuloy lang siya sa paghimas sa
tiyan ko. Binalewala lang niya yung sinabi ko. Siguro ayaw lang niya makipagtalo sa
isang buntis kasi alam niya na wala din siyang magagawa. "Hindi na mahalaga kung
handa ka na bang magpakasal sa akin. Ang mahalaga andito ka at wala kang planong
umalis. Mahal kita. Sobrang Mahal kita na handa akong maghintay. At wala sa plano
ko na magbago ng isip tungkol sayo. Tungkol sa inyo ni baby. Bakit pa? Ano pang
kailangan kong pag isipan?"

Lagot. Mukhang wala na siyang balak magtanong about sa kasal? At paano ako "Oo"
kung wala namang tanong? Sabagay kasalanan ko din naman. Dati na pinipilit niya ang
kasal nag inarte pa ako. Ngayon na handa na ako. Kuntento na siya sa kung anong
meron kami at kung saan kami dadalhin.

"Ganito na lang. Pag lalaki si baby magpapakasal na ako sayo. Pag babae, pag
iisipan ko pa"
Sana sumakay siya sa kalokohan na naisip ko. Bigla niyang inilapit ang mukha niya
sa tiyan ko. At parang may pinakikinggan. Maya maya bigla bigla na lang parang
tumalsik siya.

"Malakas sumipa. Lalaki si baby. Magpakasal ka na daw sa akin Mommy"

"Adik"

Tawa lang siya ng tawa. Ang kulit lang. Kaya ayaw kong iopen ang tungkol sa parents
namin kasi sobrang saya niya ng ganito kami. Ayaw ko na ulit makita na sobrang
lungkot siya.

"Pero kahit babae naman si baby ok lang. sabi ko nga makakapaghintay ako."

Sabi ko nga maghihintay siya. Ako tuloy ang biglang nainip. Ako na kaya ang
magtanong? Ako na kaya magyaya na magpakasal kami. O bigla ko na lang siyang
hilahin para magpakasal? Tutal naman kapikot pikot naman talaga siya.

_casper_

Chapter 50

"Sumama ka na lang sa office?"

Sinusuklayan ko siya. Kanina pa siya nangungulit na sumama ako sa office. Yung


tipong bihis na bihis na siya tapos ako halos kakabangon ko pa lang. Bigla kasing
kailangan siya sa opisina. Tumawag ang Daddy niya kanina. Matagal tagal na din na
hindi siya pumapasok. Literal na nakabantay lang siya sa akin simula nung ma
ospital ako. Hinapit niya ako palapit sa kanya na hindi naman niya talaga ako
nailapit ng tuluyan kasi medyo malaki ma si baby. Anim na buwan na siya. Pero hindi
naman naging hadlang yun para hindi niya ako mahalikan sa labi. Na mabilis ko din
naman inilayo ang sarili. Sabi ko nga kanina halos kakagising ko lang. Nakakahiya
hindi pa ako nagtotoothbrush. Pero tinawanan lang niya ako.

"Kailan ka ba masasanay na gustong gusto ko na hinahalikan ka sa umaga. Kahit


kakagising mo pa lang?"
"Nakakahiya kasi.."

"Tuwing umaga kang mahihiya? kasi yun ang pinakamagandang umaga para sa akin. Ang
mahalikan ka. At gagawin ko yun araw araw ng buhay ko. Parang vitamins lang. Kasi
ikaw ang lakas ko di ba?"

At mabilis niya ulit akong hinalikan. Ang kulit ng lahi. Malamang si baby ganun
din.Magkalahi sila eh.

"Engr. Mark Ethan Valero halik ka ng halik hindi ka pa ba late?"

"Sumama ka na kasi. Hindi ako mapapakali maghapon sa office kasi mag isa ka dito.
Kahit pa naayos ko na ang mga kakainin mo maghapon at iinumin mo iba pa din na
nakikita kita."

"Ano na lang sasabihin ng mga tao mo pag nakita nila na may hila hila kang butete.
wala naman silang nabalitaan na kinasal ka. Ok lang ako dito. Ni hindi ko na
kailangang lumabas ng kwarto kasi parang inilipat mo na ang kusina dito."

"Ang ganda mo namang butete" hinaplos niya ang mukha ko. "Wala naman akong pakialam
sa sasabihin nila. Mas mahalaga ang kaligtasan niyo sa kung ano pa mang magiging
reaction nila. Kung hindi nila matanggap na ang Presidente ng kumpanya ay nabihag
ng napakagandang binibini, wala na akong magagawa dun"

"Kung sasama ako.. baka malate ka. Maliligo pa ako."

Bumigay na naman ako sa mga salita niya. Ganun naman lagi. Pero wala naman akong
pinagsisihan pa. Kahit paulit ulit akong bumigay sa kanya. Mahal ko siya. Mahal
niya ako. Sobrang pagmamahal pa nga na kahit ako hindi ko alam kung saan niya
kinukuha yun.

"ok lang yun.. gusto mo paliguan kita?"

"At sa palagay mo pag pinaliguan mo ako mas mapapadali ang panliligo ko?"

"Ayun ang hindi ko maipapangako Misis. Kasi yun pa din naman ang dating mo sa akin
kahit malaki na ang tiyan mo. Nawawala pa din ako sa sarili ko"

Medyo sumeryoso siya ng kaunti na nakakakaba lalo ang idea na paliguan niya ako.
Nung magpacheck up kami last month wala naman sa aming dalawa ang nagtanong pero
nabanggit ni Doc na pwede pa naman daw basta magiging maingat lang daw kami sa
gagawin namin. Hindi na din daw pwedeng madalas kasi madali na sa akin ang mapagod.
Kaya habang pauwi kami noon ang lapad lang ng ngiti ni Mark Ethan. Nakakaloko na
ewan pero nakakakilig din. Nakakakaba din. Lahat na lang ng emosyon.

"Hintayin mo na lang ako sa baba.. maliligo lang ako"

Pumasok agad ako sa banyo. Medyo mainit sa pakiramdam ang naiisip niya. Agad kong
hinubad lahat ng suot ko at tumapat agad sa shower. Mabilis lang naman akong
maliligo kasi ayaw ko naman na malate si Mark Ethan. Pero hindi pa man nagtatagal
ako na nakatapat sa shower ay naramdaman ko ang marahang paghaplos ng kamay niya na
may sabon sa tiyan ko.

"Hindi talaga ako mapakali na mawala kayo sa paningin ko kahit saglit lang"

Patuloy lang siya sa ginagawa niyang pagsabon sa katawan ko. Mas matagal nga lang
sa dalawang bahaging iyun ng katawan ko. At hinayaan ko na din siya kasi pumasok
din naman siya na handa sa kung anong binabalak niyang gawin kasi wala na siyang
suot na damit. Patunay ng kung anong matigas na bagay na tumutusok sa bandang
likuran ko. Nung iniharap niya ako sa kanya ay masuyo niya akong hinalikan sa labi.
Yung mga kamay niya patuloy pa din sa ginagawa nilang pagsasabon sa buong katawan
ko.

"Mark Ethan.."

Hindi ko kasi alam kung saan ko ibabaling ang ulo ko. Sa ginagawa niyang paghalik
sa dibdib ko at ang isang kamay niya ay masuyong humahaplos sa pagitan ng aking
hita. Tama nga naman siya kanina. Na ganun pa din ang epekto ko sa kanya. Kasi
hindi ko naman naramdaman ang pagbabago sa ginagawa niyang pagpapaligaya sa akin.
Mas ramdam ko pa nga ngayon ang pagmamahal niya. Itinapat niya ang mukha niya sa
akin.

"I love you"

Nung ilapat niya ang labi niya sa akin at ang masuyong pagalaw nito, yung klase ng
halik na ginagawa niya. Sino ako para magduda pa sa pagmamahal niya. Mahal ako ni
Mark Ethan. Agad niya akong binanlawan at agad na pinatuyo ang katawan ko sa towel
na nakalimutan ko ding dalhin kanina. Binuhat niya ako kahit medyo nag aalangan ako
sa gagawin niya kasi mabigat na ako. Pero nagawa niya.

"Kailangan kong magpractice na buhatin ka lagi para pag manganganak ka na. kayang
kaya kitang buhatin"

Dahan dahan niya akong inilapag sa kama namin. At alam ko na dito namin tatapusin
kung anong nasimulan namin sa cr kanina. Kasi masyadong delikado kay baby kung dun
namin gagawin. At hindi na din naman ako magrereklamo pa? Kasi sa binuhay niyang
damdamin sa akin kanina wala na yung atrasan pa. At gusto ko din naman na
maramdaman niya yun. Na sa kabila ng pagtutol ko sa alok niyang kasal dati hindi
din naman nagbago ang pagmamahal ko sa kanya. Yun pa din. Yung alam ko na siya lang
talaga.

_casper_

Chapter 51

"Ilang buwan na yan?"

Nakangiting tanong sa akin ni Julian. Andito din siya sa Company nina Mark Ethan.
Final Interview na daw. At baka nga daw si Mark Ethan pa ang mag interview sa
kanila. Nakapasa nga pala siya sa Board Exam. Sabagay lahat ng classmate ko pasado.
Dun namin kilala ang University namin na 100% Passing lagi sa Mechanical
Engineering Licensure Exam. Kung siguro bitter pa ako about diyan baka nagmumokmok
na ako sa kwarto ko. Pero aanhin ko nga naman ang lisensiya sa panahon ngayon? Kung
ang lisensyang inaalok sa akin ni Mark Ethan ay panalong panalo na ako. Saka alam
ko na papayagan pa din niya akong kumuha ng Board Exam pagkapanganak ko.

"6 months na"

"Lapit na. Babae o Lalaki?"

"Hindi pa namin alam. Sabi kasi nila para sure daw sa gender ni baby mga Seven
Months na magpaultra sound. Pero kahit ano naman ok lang sa amin."

Masuyo niyang hinaplos ang tiyan ko. Hindi agad kami nakapag usap nung malaman ng
lahat ang relasyon namin ni Mark Ethan. Medyo nahihiya din kasi ako na harapin
siya. Alam ko. na hindi ko naman siya pinaasa pero yung lagi din siya yung
nalalapitan ko,kahit sabihin na hindi ko siya pinapaasa. Lalo lang siyang
napapalapit sa akin. At wala akong mukhang maiharap sa kanya. Kung nakita ko agad
siya kanina bago niya ako nakita malamang umiwas ako sa kanya. Pero wala na. Nakita
na niya ako. At ok na din na makapagusap kami. Ayaw ko din naman na mawala yung
Friendship namin.

"Malamang Engineer din ito pqglaki. Kaya ok lang kung babae o lalaki. Kailan ba
naging issue sa course natin yun?"

"Kaya nga. Kaya namin lahat ng ginagawa niyo."

"Kaya nga ang hirap manligaw sa kapwa Engineering student."

"Julian.."
"Hahaha ok lang ako. siguro nagkataon lang na Mas matalino. Mas Gwapo. At Engineer
na yung naging karibal ko sayo. Pero kung hindi.. hindi ako papayag na basta na
lang ganito"

Medyo kinabahan ako sa mga binitiwan niyang salita. Pero siguro dala lang yun ng
emosyon niya. Na higit pa man isa siya sa nasaktan namin.

"Andyan na asawa mo"

Dun lang para akong natauhan. Inilayo ko ang sarili ko kay Julian. At paglingon ko
nakakunot na Mark Ethan ang nakita ko. Alam ko na nakita niya na hinahaplos ni
Julian ang tummy ko. At alam ko na sa oras na yun galit siya. Sabi na nga ba dapat
sumama na lang ako sa loob ng conference room kung saan siya andun. Para walang
gulong ganito. Paglapit ko sa kanya agad ko siyang hinalikan sa pisngi.

"Mark Ethan, Si Julian, Final Interview na ata siya sayo"

"Si Daddy na lang mag iinterview sa kanya. Andyan naman siya. Una na kami pre"

Seryosong sabi niya. Kaya nung hawakan niya ang kamay ko ay wala akong nagawa kundi
lumakad na din. Hindi ko na nagawang magpaalam pa kay Julian. Pagsakay na pagsakay
ko ng sasakyan ay agad kong hinarap si Mark Ethan.

"Bakit ayaw mong ikaw ang mag interview? Parehas kayo ng course."

Hindi pa din siya tumiingin sa akin.

"At ano? habang iniinterview ko siya ang maaalala ko kung paano ka makipag usap sa
kanya? at kung paano niya haplusin ang tiyan mo? Buti nga hindi ko sinabi na hindi
na kami naghahanap ng tao. Sa ibang kumpanya na lang siya mag apply"

Hindi ko napigilan ang sarili ko na hindi tumawa. Seryoso ba siya? Nagseselos siya?
At ngayon pa talaga siya magseselos ?

"Ang laki laki na ng tiyan ko pagseselosan mo pa?"

"Buntis ka o hindi. Hindi ko mapipigilan ang sarili ko na hindi magselos. Kasi akin
ka lang. Ako lang may karapatan na hawakan ka at tingnan ng buong puso. Ako lang.
Mahal na mahal kita kahit parang ang babaw babaw ng dahilan kung bakit
nagkakaganito ako pero wala akong pakialam. Basta nagseselos ako. At masakit sa
mata ang nasaksihan ko kanina"

"Baby ang drama ng Daddy mo" Hinaplos ko ang tiyan ko at kunwaring kinakausap na
lang si baby. Kasi wala akong maisip isagot sa sinabi ni Mark Ethan. Ayaw kong
salubungin kung anong kadramahan niya ngayon. Kasi siya na mismo ang nagsabi na
nagseselos siya.

Hanggang sa makarating kami ng bahay hindi na siya nagsalita pa. At yung pinakaayaw
ko na ugali niya. Yung seryosong ganyan. Yung hindi ko alam kung paano ko siya
kakausapin.

Dumiretso siya sa may gym niya. Meron dun gamit pangboxing. Nung makarating ako dun
ang lalakas ng suntok niya. Ni hindi siya gumamit ng gloves. Sa lakas ng pagsuntok
niya malamang susugat yun. Ang adik mo lang Mark Ethan.

"Bakit ka ba nagkakaganyan? Eh Ex Girlfriend mo na naman ako?"

"Ex Girlfriend?!!"

Lalo lang lumakas ang pagsuntok niya. Pero medyo kinabahan ako nh makita yung dugo
na tumutulo mula sa kamao niya

"Hoy Mark Ethan Valero. Baka gusto mong tigilan yang pagsusuntok mo diyan."

Hindi naman ganun kalakas ang boses ko. Pero buti na lang tumigil siya. O siguro
naisip niya na buntis pala ako at bawal mastress. Agad kong kinuha ang First Aid
kit niya. Paglapit ko kanya yung dalawang kamay niya nakatakip sa mukha niya. Kaya
malamang may dugo na din yun. Ganito ba talaga siya pag nagseselos? Naalala ko dati
na ganito din ginawa niya nung nasa condo unit ko siya. Nung sinabi ko na lalabas
kami ni Julian. Nagalit siya at ayun pinagsusuntok niya yung pader.

"Akin na nga yang kamay mo" Tahimik lang siya nung iaabot yun. "Paano mo maalagaan
si baby kung ganito na balak mo atang baliin ang buto mo sa daliri?"

"Makikipaghiwalay ka ba sa akin?"

"Hindi.Bakit mo nasabi? Kung balak kong makipaghiwalay sayo bakit ko pa tinitikis


ang magulang ko?"

"Pero bakit Ex Girlfriend kita?" Ang cute ng boses niya. Parang iiyak na ewan. Pero
isa talaga to sa katangian na gusto ko sa kanya. Hindi siya nahihiya na ipakita sa
akin na mahina siya. Na iiyak siya sa harap ko kung kinakailangan. Kumbaga lahat ng
emosyon hindi siya natatakot na ipakita yun.

"Siyempre po pag asawa mo na ako. Hindi mo na ako Girlfriend. Kaya Ex mo na lang


ako. Pwera na lang kung gusto mo na habang buhay na Girlfriend mo .."

Hindi ko na natapos ang iba ko pang sasabihin kasi sinakop na agad niya ang labi
ko.

"Magpapakasal ka na sa akin?" medyo basag na ang boses niya lalo. Alam ko naman na
masaya siya ngayon. Na yung mga luha na nakikita ko sa mga mata niya ay luha ng
kaligayahan.

"Handa na ako." Mabilis ko siyang hinalikan sa labi. "Hindi ka na ulit kasi


nagtanong about sa kasal. Nagbago na ba isip mo?"

"Ako? Magbabago ang isip?" Ngumiti lang ito. "Hindi kahit kailan. At nakuha lang
ako ng tiyempo. Kailan mo gustong magpakasal? Pagkapanganak mo na? o bago
manganak?"

"Pag magaling na yang kamay mo. Ayaw kong may benda ang groom ko. May gloves naman
diyan hindi gumamit."

"Sorry na" inilahad niya ulit ang kamay niya sa akin. "Pagalingin mo sila agad."

"Kung hindi lang kita Mahal. bahala kang gumamot sa sarili mo"

"Buti na lang Pogi ako."

Natawa na lang ako sa sinabi niya. Pogi naman siya talaga. Wala naman akong kontra
dun. Sana lang sa nalalapit naming pagpapakasal maisipan ni Mark Ethan na pormal na
hingin ang kamay ko sa magulang ko. Kahit tutol pa din sila. Mas maganda na din na
alam nila. Kasi kahit ano man ang mangyari sa muli naming paghaharap. Hindi
magbabago ang katotohanan na magpapakasal ako kay Mark Ethan.

_casper_

Chapter 52

Bago kami pumunta sa mga magulang ko. Nakipag usap muna kami sa magulang ni Mark
Ethan. Close talaga siya sa Mommy niya. Maluha luha kasi ito nung humingi siya ng
tawad dito. Sa pambabalewa at pagtitikis nitong mga nakaraanh araw.

"Anak hindi pwedeng ganyan ka sa asawa mo. Na pagnagtampo tampo talaga. Anak kita
kaya natiis kita pero kung ikaw ang Daddy mo lalayuan kita"

"Janine, para namang kaya kong magtampo sayo. Kaya hindi mangyayari na lalayo ka sa
akin"

Nakangiting sabi ng Daddy niya. Kitang kita mo talaga yung pagmamahal nila para sa
isat isa. Sana ganyan din ang mangyari sa amin ni Mark Ethan. Sana hanggang sa
magkaapo kami papakiligin pa din niya ako sa mga salitang bibitawan niya.

"Sorry Mommy. Nawala ako sa sarili ko ng muntik ng mapahamak ang mag ina ko. Hindi
na po mauulit."

"Kailan ang kasal? Mauuna pa ata kayo sa Ate mo. Sabagay ang bagal bagal naman kasi
ng boyfriend ng ate mo."

"Pag uusapan pa po namin. Saka makikipag usap pa po kami sa Parents niya. at Mommy
huwag kang makampante kay Jace. Baka pag uwi nung dalawa kasal na sila at buntis na
si Ate. At kailangang malaman ko agad kung kasal na sila kasi ayaw ko naman na
sukob kami ng taon. Hindi naman sa naniniwala ako dun pero mabuti ng mag ingat"

"Saka Tita pag magaling na po ang kamay ng anak niyo saka po ako magpapakasal sa
kanya"

Napatawa na lang si Mark Ethan. Medyo paga pa kasi ang kamao nito.

"Mag ama nga kayo ni Ethan Jacob. May mga pasa nung ikinasal."

"Para sa babaeng Mahal namin handa kaming magpabugbog o magkasugat makasigurado


lang na wala na silang kawala"

At nag high five pa yunh dalawang Ethan sa buhay namin. Ang baliw lang. Ang baliw
lang na nakakakilig. Kasi ang gwapo nila kung tutuusin hindi na nila kailangang
makipagbasag ulo o saktan ang sarili nila para sa mga babae. Pero ginawa pa din
nila. Kaya ang swerte lang namin ni Tita. Kasi Minahal kami ng dalawang ito.

"Dapat Normal Delivery ka"

Nasa biyahe na kami papunta sa bahay namin. At medyo nagulat ako sa sinabi niya.
Andun naman siya every check up ko at medyo hindi pa nakaposition si baby. At ayaw
ko din munang isipin yung panganganak ko. Ayaw kong pangunahan ng takot at kaba.
Alam ko na hindi magiging madali yun. At sabi ni Mark Ethan sasamahan daw niya ako
sa delivery room kahit anong mangyari. Kaya kahit papaano unti unti nawawala ang
kaba ko kasi alam ko na hindi ako mag isang haharapin ang panibagong yugto ng buhay
ko. Ang pagiging Ina.

"At bakit gusto mo normal delivery? Kasi ayaw mong magkatahi ako sa tiyan? Hindi na
ba ako magiging kaakit akit sa paningin mo pag nagkataon?"

"Hahaha ayan ka na naman" Inabot niya ang kamay ko. Dinala niya yun sa may labi
niya at masuyo yung hinalikan. Pero yung mga mata niya hindi naman naalis ang
tingin sa daan. Simula nung nalaman niya na buntis ako naging mas maingat siya sa
pagmamaneho pag magkasama kami. "Kasi pag Normal Delivery pwede sundan agad. Pag CS
ka matatagalan ang pagbuo ko ng GILAS 6.0"

Agad kong binawi ang kamay ko at masuyo siyang kinurot. Pero dahil nagmamaneho nga
siya hindi ko siya makurot ng madami. At Basketball Team talaga ang gusto niya?

"ang dami naman. Makakaya ko ba yun?"

"Ako bahala. Ako naman ang gagawa. hahaha"

Medyo namula ako sa sinabi niya. Sabagay siya naman talaga ang magpapakapagod na
gawin yun. At kung kasing gwapo niya ang magiging tatay ng Future Basketball
Player, hindi malabong pagkaguluhan ang mga anak ko.

Pero nakakatuwa lang na masaya si Mark Ethan ngayon. Hindi kakabakasan na


kinakabahan siya sa muling paghaharap nila ng magulang ko. Siguro kasi pumayag o
hindi sila alam ko na matutuloy ang kasal namin. Alam ko na hindi papayag si Mark
Ethan na humadlang na naman sila. Kaya din siguro siya masaya kasi ayos na sila ng
Mommy niya. Kaya nakakatuwang pagmasdan siya ngayon. At hindi ako magsasawa na
titigan ang mukha niya na sobrang saya. Kakapalan ko na ang mukha ko pero natutuwa
ako na isa ako dahilan kung bakit masaya siya ngayon. Kaya kahit ano mang mangyari
mamaya iisipin ko lang ang mukha niya ngayon alam ko na agad kung anong desisyon
ko. Hindi ko hahayaang hadlangan ng kahit sino ang pagkakataon na makita ang
masayang mukha niya sa araw araw hanggang sa huling araw ng buhay ko.

_casper_

Chapter 53
"Kailan ang kasal?"

Seryosong tanong ni Daddy. Pagkaupong pagkaupo namin yun agad ang tanong niya.
Parang siguradong sigurado siya na napapayag na ako ni Mark Ethan.
"Daddy.."

"Alam ko na pumayag ka na. Kasi wala kayo dito kung hindi pa. Hindi kayo haharap sa
amin ng wala ka pang desisyon anak. Pasensya na kung naging makasarili ako. Na
inuna ko yung pride ko lalo na nung makilala ko ang magulang ni Mark Ethan. Pero
nung mawalan ka ng malay anak dun ko narealized na mas ok na ipaubaya kita sa
lalaking mahal na mahal ka kesa ang magdelikado ang buhay mo at mawala ka sa amin
ng tuluyan. Sorry anak kung ako pa na sariling ama mo ang nagdulot sayo ng sama ng
loob. Sorry din sa apo ko. Baka paglabas niyan galit sa akin kasi parang hindi ko
agad siya tinanggap"

Hindi ganito ang inaasahan ko na dadatnan namin. Yung tipong masinsinang makikipag
usap talaga si Mark Ethan mapapayag lang na makasal kami. Naihanda ko na ang sarili
ko na baka hindi namin sila makausap at babalik na lang sa susunod na pagkakataon.
Hindi ako handa sa ganito. Na magpapakumbaba si Daddy. Akala ko iiyak ako ngayong
araw na ito. Pero alam ko na luha na kaligayahan ang luhang nanalatay ngayon sa
aking pisngi. Tumayo ako at lumapit kay Daddy. Si Mommy naiiyak na din. Matagal na
namang tanggap ni Mommy ang sitwasyon. O siguro mahirap lang talagang pakawalan
basta basta para sa isang ama ang kanyang anak na babae. Hinawakan ko ang kamay ni
Daddy at pinahaplos ko sa aking tiyan. Na para namang nakikisama si Little Mark
Ethan Sa loob kasi naramdaman ko ang pagsipa niya.

"kita mo Dad hindi siya galit sayo. "

Tuluyan ng napaluha si Daddy. Pero mababakas mo sa mukha niya na masaya siya. Na


parang nakikinita ko na na magiging spoiled ang anak ko sa kanya.

"Salamat Dad. Magiging Engineer pa din naman ako. Hindi naman nawawala yun sa plano
ko."

"Ok lang anak kahit kailan mo kunin yung lisensya na yun. Sabi ng nila pag graduate
ka ng Engineering parang formality na lang yang lisensya. Yung makagraduate ka ay
sapat na sa akin yun."

Yumakap na ako sa kanya. Baka nga nabigla lang siya dati sa mga sinabi niya. Kahit
naman sino mabibigla na basta basta na lang uuwi ang anak nila na nagdadalang tao.
Alam ko na madami akong maling nagawa. O dahil sa pagmamahal ko kaya Mark Ethan
madami akong hindi naisaalang alang. Pero kahit ano pa man yun alam ko na ang
makasama siya at ang mahalin niya ay sobra sobra ng kapalit sa lahat ng yun. Kasi
kung siya ang pinalampas ko baka wala na akong mahanap na katulad niya. Kasi ang
ganyang lalaking bibihira lang. O baka nga nag iisa lang siya.

"Maraming salamat po Tito, Pinapangako ko po na hindi ko pababayaan ang mag ina ko.
Mahal na mahal ko po ang anak niyo."
"Kahit hindi ka mangako. Alam ko kung paano magmahal ang lahi mo." Ngumiti lang si
Mark Ethan. "sabihin mo sa magulang mo na kailangan pa din silang mamanhikan dito.
At para magkausap na din kami. Ayaw ko naman na paglumabas ang apo ko eh
magkakaaway ang mga lolo at lola niya."

"Mark Ethan pwede bang pagkapanganak ng aking anak ay alagaan ko siya? Bago pa lang
kayong magiging magulang. Alam ko na mahihirapan kayo sa pag aalaga sa baby"

"Ok lang po Tita. Malaki naman po ang bahay kahit dun muna po kayo ni Tito pag
hindi po kayo busy. Sina Mommy kasi malamang magsabi din kasi excited na yun sa apo
nila."

"Sige. Para makabonding ko din ang Mommy mo."

Niyakap ko si Mommy. Nakakatuwa lang na masasamahan niya ako pagkapanganak ko.


Hindi ko kasi alam kung ano ba ang mga dapat gawin. Mahirap bumatay lang sa
nababasa. Kasi pag anak na yung pinaguusapan parang nakakabang magdesisyon. Kaya
kailangan talaga namin ang tulong ng magulang namin, kailangan namin sila para
maging mabuting magulang din ni kami ni Mark Ethan.

"so kailan na ang kasal?"

Napatawa na lang kami. Sa hinaba haba ng pag uusap namin hindi pa din namin nasagot
yung unang tanong ni Daddy. Kailan nga ba? Hindi ko din alam. Sabi ni Mark Ethan
siya na daw bahala dun.

"Malapit na po. Konting details na lang ang aasikasuhin ko. Tapos papadalhan ko na
lang po kayo ng invitation"

Medyo nagulat ako sa sinabi niya. Gaano kalapit na ang "Malapit na" niya? eh parang
hindi ko naman siya nakikitang abala. Ni hindi pa nga ako nasusukatan ng gown? So
paanong naging konting details na lang kung wala pa akong Bridal Gown? Ang totoo
Mark Ethan medyo bigla akong kinabahan at na excite sa kasalan na yan. Malapit na
nga talaga?

_casper_
Chapter 54

"Saan naman tayo pupunta Mark Ethan? Hindi ka pa ba napapagod gumastos? Ang dami na
nating pinamili kay baby kahapon"

Paano nalaman namin kahapon na little Mark Ethan nga itong nasa sinapupunan ko.
Seven Months na kasi kaya nagpa ultrasound ulit ako para sure sa gender ni baby. Ok
naman ang position niya. Maglakad lakad daw lang ako para sure na normal delivery
ako. Pagkagaling namin sa Clinic masyado atang excited itong kasama ko kasi
kinumpleto na ata ang gamit ni baby. Stroller, Crib, yung sa car seat, ang nasa
isip ko pa naman sa mga lolo at lola magiging spolied itong anak ko mukhang
mangunguna ang ama sa pagbibigay ng luho dito.

"Kahapon para kay baby yung pinamili ko. Ngayon naman magdedate tayo. Bawal ba yun
mahal ko?"

Yung ngiti niya parang nakakalokong ewan. Yung sagad sa buto yung hatid na kilig.
Parang hindi buntis yung sinasabihan niya,yung parang ang seksi seksi ko na
kailangan niya pa talaga akong pakiligin. Kaya ilang beses ko na bang sinabi na
napakaswerte ko dahil ako ang minahal niya. Na ako ang pinili niyang makasama
hanggang sa pagtanda niya. Sa akin niya inalay ang apelyido niya.

"Eh sa laki ng tiyan ko? kailangan pa ba?"

"Bakit ba? Hindi naman nagbago ang pagmamahal ko sayo kahit malaki na ang tiyan mo.
Mahal na Mahal kita."

Ewan ko hindi ko din naman mapigilan na hindi ngumiti sa idea na magdadate kami.
Nung una kasi na nagtatago pa kami wala naman talagang pagkakataon na magdate kami.
Tapos nung official na kami naging busy naman ako sa pagrereview ko. Kaya hindi
talaga kami nakapagdate. Kaya ngayon nakakatuwa din na naiisip pa niya ang ganito.
Na kahit malaki ang tiyan ko at sinong mag aakala na sa itsura niya ay magiging ama
na siya pero wala siyang pakialam basta magkasama kami. Kaya ng pumasok kami sa
mamahaling restaurant hindi na ako nagreklamo pa. Lalo at hindi naman niya
binibitawan ang pagkakahawak sa kamay ko. Kahit halos lahat ng kababaihan napatigil
talaga nung makita siya parang hindi alintana sa kanya yun kasi yung buong
atensiyon niya ay nasa akin.

Konti lang naman ang inorder niya. Kasi medyo sinabihan kami ni Doktora na huwag
masyadong kumain ng madami kasi baka lumaki ang bata. At baka mahirapan akong
manganak. Kaya tamang kwentuhan lang kaming dalawa. May panaka nakang hinahawakan
niya ang palad ko at pinipisil yun.

"Sigurado ka na ba talaga na magpapakasal sa akin?"

Gusto ko sanang humagalpak ng tawa kasi pailang beses na niya akong tinanong
tungkol doon. Simula ng pumayag ang mga magulang ko walang araw na hindi niya ako
tinatanong pero kakaiba ang paraan ng pagtatanong niya ngayon. Medyo seryoso at
hindi ko alam pero parang may kung anong gagawin siya.

"Pang ilang tanong mo na ba yan? Nagbago ba ang sagot ko? Seryoso nga kasi ako na
magpapakasal na sayo"

May kinuha siya sa bulsa ng pantalon niya. Medyo tinagalan pa nga niya ang pag
angat ng kamay niya tas nakakaloko yung ngiti niya.

"Huwag mong sabihing Engagement ring yan Mark Ethan?" Medyo napalakas ang boses ko
tas pinakita ko sa kanya ang mga daliri ko. "Pataba ng pataba ang mga daliri ko.
Paanong magkakasya yan?"

"HAHAHA ang cute mo talaga. Kaya Mahal na Mahal kita. Paano pa ako magsisimula sa
pagpropose ko? Eh inunahan mo na ako?" Tapos kumindat pa ito. Grabe pwede naman na
hindi niya ako pakiligin ng sobra sobra hulog na hulog na nga eh. Pero hind pa man
naproprocess ng utak ko ang binabalak niya ay nasa may tabi ko na siya at dahan
dahang lumuhod. Mark Ethan di ba sabi ni Doc bawal ang sobrang emosyon? Bakit
ganito? Hindi ko mapigilan ang pagbilis ng tibok ng puso ko. At ang mga luha na
namumuo sa mga mata ko. Kailan ba ako masasanay na ganito siya? Na sobrang
magparamdam ng pagmamahal. Yung mga tao sa paligid parang nag usap usap tumigil
sila sa pagkain at kanya kanyang labas ng cellphone.

"Tumayo ka na dyan.. Hindi mo kailangang gawin kasi.."

Hindi naman sa kinahihiya ko ang ginagawa niya pero para sa katulad ko na ayaw
masyado ng atensiyon ng karamihan, nahihiya talaga ako.

"Lahat na lang ng tungkol sa atin naging napakabilis. Hindi ako nanligaw ng maayos.
Kaya kahit ito man lang hayaan mo na gawin ko ng tama." Hinawakan niya ang kamay
ko. Yung kaninang namumuong luha ngayon ay pumatak na talaga. Yung paraan ng
pagtitig niya. Kahit hindi niya sabihin ang tatlong salitang yun ramdam na ramdam
ko pa din ang pagmamahal niya. "Mahal Kita. Matagal ko bago nasabi ang katagang
yan. Pero hindi ko pagsasawang sabihin sayo lagi lagi. Hindi ako perpekto, madami
akong maling desisyon sa buhay ko. Ang totoo ikaw lang ang tama at sigurado ako."
Hinalikan niya ang kamay ko. Yung parang paghalik ng isang prinsipe sa isang
prinsesa noong unang panahon. "Master mo ako dati pero ang totoo ako ang Alipin mo.
Naging sunod sunuran ako aa tinitibok ng Puso. Sobrang Mahal kita. Kaya huling
pagkakataon na magtatanong ako. At hindi na kita papakawalan pa. Pumapayag ka na ba
talaga? Na Magpakasal sa akin?"
Inilahad ko lang ang kamay ko aa kanya. Alam ko na once na magsalita ako maiiyak
lang ako. Ngumiti lang sa akin si Mark Ethan at binuksan na niya yung lalagyan kung
saan andun ang simbolo ng simula ng aming buhay bilang iisa. Isinuot niya yun sa
kamay ko, oo sa kamy ko. Hindi singsing kundi bracelet ang inilagay niya. May
nakaukit na "Future Mrs. Valero". Kasyang kasya lang siya sa akin. Pero hindi
kagaya ng singsing na BILOG na sumisimbolo ng walang hanggan ito ay pwede mong
iadjust. May locked din ito.

"Yan wala ka ng kawala Mahal ko." Tas pinakita niya yung suot din niya na kaparehas
ng binigay niya sa akin. "Ang tanging makakapagbukas niyan ay siyang nagdudugtong
dito."

Napailing na lang ako. Tas hinila ko siya na tumayo na. Pero narinig namin ang
tunog ng kutsara at baso sa aming paligid. Bigla akong namula. Pagtingin ko kay
Mark Ethan ang lapad lang ng ngiti niya. Hindi pa man ako nakakahuma sa
kinatatayuan ko nakabig na niya ako at masuyong hinalikan. Kasabay ng palakpakan sa
aming paligid. Kahit nahihiya ako sa mga nangyayari hindi ko maatim na hindi
tugunin ang halik na binibigay niya. Halik na puno mg pagmamahal. Kaya napatagal
ang halik na yun. Hindi ko alam kung paano ko itatago ang mukha ko matapos yun.
Pero pagtingin ko kay Mark Ethan medyo nangingilid na mata niya. Ang iyakin din
talaga ng Mahal ko.

"Wala ng bawian"

Hinila ko siya palapit sa akin at ako ma mismo ang humalik. Ako pa ba ang aatras sa
kasalang magaganap? Hindi ko alam kung paano kami nakalayo sa lugar na yun. Ang
sigurado ko lang sobra naming dalawa. Kakaibang saya ang nababakas din sa mukha ng
mapapangasawa ko. At masaya ako na mapaligaya siya ng ganito. Malapit na nga
talaga. Magiging MRS. VALERO na ako.

_casper_

Chapter 55

"Inuulit ko, tinatanggap mo ba ang lalaking ito bilang asawa at kabiyak


habambuhay?"

Meadyo nagulat ako sa pagtatanong ni Father. Sabagay mula kanina hindi na ako
makapag isip pa ng maayos parang nakalutang lang. Ni hindi ko nga narinig yung
pangalan ko ng banggitin ni Father. Sabagay sino nga ba ang makakapag isip ng
matino? Sino yung parang nakalutang dahil sa labis na kasiyahan? Sino yung
paggising kanina magugulat na lang sa ayos ng kwarto, sa ayos ng bahay. Sinong
makakapag isip ng matino kung sosorpresahin ka sa mismong araw ng kasal mo? Sinong
babalik sa normal ang utak kung ganito kagwapo ang Groom? Buntis lang ako at mahina
pa din sa ganitong pagpapakilig.

"Opo Father"
Pag angat ko ng tingin sa mukha ni Mark Ethan hindi ko alam kung nakangiti ba siya
pero yung mga mata niya may namumuo ng luha.
Ilang araw lang matapos siyang magpropose sa akin. Hindi ko naman akalain na ganito
kabilis ang aming magiging kasal. Parang hindi pa ako nakakaget over heto ngayon
nag uumapaw na naman na kilig. Kanina habang naglalakad ako palapit kay Mark Ethan
hindi ko na iniisip na malaki na ang tiyan ko. Na nakakahiya na buntis na tapos
saka magpapakasal. Nawala lahat ng dapat kong isipin at alalahanin dahil kahit
isang saglit hindi nagawang alisin ni Mark Ethan ang tingin niya sa akin. Kaya
feeling ko parang ang haba haba ng buhok ko. Parang ang sexy sexy ko sa paningin
niya. Alam ko sa mata ng ilan mali na buntis na pag nagpakasal. Nasa lipunan tayo
na mas madami pa ang sinasabing panghuhusga ng ilan kesa ang umunawa. Alam kong
mali lahat. Pero sa tuwing naiisip ko ang pagmamahal ko para sa lalaking kaharap ko
ngayon pakiramdam ko nasa tama ang lahat.

"Kakaibang kasalan nasa parehas ang wedding ring"

Nasa may reception na kami ngayon. Hindi ko alam kung kailan pa siya naghanda para
dito pero napaka perfect ng lahat.

"Ayaw kong bumili ng singsing na sukat sa daliri mo ngayon kasi hindi naman talaga
yan ang tunay na size mo. Sabi nga nila magkasize lang naman daw ang hinliliit ng
lalaki sa palasingsingan ng babae. Kaya habang hindi ka pa pwedeng magsuot ng
singsing sa akin muna to Mrs. Valero"

Tama Mrs. Valero na talaga ako. Wala ng atrasan. At wala naman talaga yun sa plano
ko. Sa daming pinagdaanan namin buti hindi siya bumitaw. Sabagay sa aming dalawa
yung pagmamahal naman talaga niya ang nagdala sa kung nasaan man kami ngayon. Gaya
ng pangako niya sa akin sa simbahan. Ako lang hanggang sa kung hanggang saan niya
kaya akong mahalin. Sabi nga wala daw Forever. Kaya after forever daw yung sa amin.
Kasi wala ngang basehan. Tuloy tuloy lang.

"sa Wakas" Hinapit lang niya aki malapit sa kanya. Pero yung sobrang gaan lang kasi
si baby naiipit. Nasa part na kasi kami ng program na kailangan naming magsayaw
dalawa. At itong kaharap ko paraglng hindi naman nakikita ang ibang tao kasi
parang balewala lang sa kanya. Basta basta na lang nanghahalik. Basta basta na lang
siya babanat. "Kung sakali man na pagdaanan ko ulit kung ano man ang pinagdaanan
natin para makarating tayo sa ganitong sitwasyon. Hindi ako magdadalawang isip na
ulitin lahat. Kasi kayo ni baby ang pinag uusapan. Ang tanging kukumpleto sa
pagkatao ko. Mahal na Mahal kita. Kayo ni baby. Sobrang mahal na mahal ko kayo na
wala akong ibang gagawin kundi masigurado na mapapaligaya ko kayo."

"Mahal na mahal din kita Mark Ethan. Alam ko na wala akong dapat pagsisishan sa mga
desisyon ko. kasi pagmamahal mo pa lang sobrang saya ko na"

"Iwan na natin sila?"

Ewan sa way ng pag ngiti niya pero hindi ko mapigilan na hindi tumawa ng malakas.

"Huwag mong sabihin na may Honeymoon pa din? Sa laki ng tiyan ko?"


"HAHAHA Masama na ba na masolo ka Mrs. Valero? Saka hindi naman tayo nila
pipigilian di ba? Hindi natin sila pinakain para doon"

Wala ng pagtutol pa na lumabas sa aking bibig na hilahin niya ako. Napansin ata ng
mga bisita kasi bgla bigla nilang pina ingay ang mga baso nila. At itong asawa ko,
parang ang sarap uliting sabhin yun, Itong asawa ko sa napaka mapagbigay niya na
tao ay halos hindi na ako makahinga bago niya bitawan ang aking mga labi. Na lalong
ikina ingay ng mga bisita. Alam ko na namumula ako mg sandaling yun. Pero hindi ko
kailanman siya sisitahin sa kanyang ginawa. Ang ipakita sa lahat kung gaano niya
ako kamahal? Sino ako para mag inarte pa? Ang pagmamahal na dahilan kung bakit
nagawa kong talikuran lahat. Ang pagmamahal na hindi ko kailanman pagsisihan na
hindi ko iniwan. Ang pagmamahal na alam ko na para sa akin lang.

_casper_

---------------------------------------
Epilogue na po ang kasunod. Pasensya na po ngayon lang. Bukod sa napapadalas ang
pagkahilo sa tuwing nagtatype pag bumabyahe. Nagkasakit po ako nitong nakaraang
linggo. Kaya pagpasensyahan niyo na po.

Epilogue
"Bakit diyan ka nagtitingin? Dito ka sa Top 10"

Nakangiting sabi ni Mark Ethan. Hindi ko alam kung bakit nakukuha pa niyang ngumiti
samantalang ako kanina pa hindi mapakali. Kakarealese lang kasi ng result ng Board
Exam. Ang katuparan ng aking Pangarap. Mahaba haba naman ang naging pagrereview ko.
Sa bahay nga lang ako nagreview. At si Mark Ethan ang nagturo sa akin. At hindi ko
din naman kaya na malayo sa anak ko ng matagal. Kaya habang inaalagaan namin siya
sinisingit namin ang pagrereview. Naimagine ko tuloy na nakikinig siya sa amin ng
Daddy niya. Wala pa siyang kamuwang muwang puro Engineering Terms na ang naririnig
niya. Pero malay natin yun din ang tahakin niyang kurso. Engr. Ethan Marco Valero.
Bagay anak. Halos siyam na buwan na din siya. Kaya eto habang nagkakagulo kami ng
Daddy niya tahimik lang siyang nakikinig.

Tuwang tuwa ang mga bagong lolo at lola ng ipinanganak ko si Marco. Kamukhang
kamukha ng Daddy niya. Walang sinong magdududa na hindi niya anak yun. Kung ganun
daw kagwapo ang anak niya dalian na daw namin ang paggawa ng kapatid ni Marco.
Halos kakakabawi ko pa lang ng lakas ng katawan matapos manganak. Normal Delivery.
Kaya kahit gusto kong kurutin si Mark Ethan dahil sa sinabi niya hindi ko nagawa.
Sabi nila pag nanganganak daw ang isang paa mo nasa bingit ng kamatayan. Hindi ko
alam kung paano ko ipapaliwanag yung sakit na naramdaman ko nung oras na yun. At
hanggang ngayon hindi ko pa din maisip na nakaya ko yun. Na nanganak na ako. Na ang
pogi pogi ng anak ko.

"Maya na lang natin kaya tingnan kung pumasa ka?"

Hindi pa din mawala ang ngiti niya. At inilipat pa niya sa Facebook para mawala sa
tingin ko ang result ng Board Exam.
"Mark Ethan.."

Ang totoo? Bakit ngayon pa niya naisip na mangulit? Yung kaba ko sobrang nag
uumapaw na. Pero hindi niya binalik sa website. Bagkus nanatili siya sa Facebook,
Tapos may balak pang mag status? Pero hinayaan ko lang siya. At hindi din naman
niya inilayo sa akin kung anong tinatype niya.

"Bakit ka ba kinakabahan Engr. Valero? Baka mapressure si Marco niyan. Top 1 and
Top 2 ang Daddy at Mommy niya"

Hindi pa man niya nacliclick ang "Post" eh kinuha ko na yung laptop sa kanya. Ang
baliw lang. Pero agad kong pinuntahan yung website na binuksan niya kanina. At
andun nga. Top 2 nga ako. Valero. Ako nga yun. Hindi ko tuloy alam kung anong
gagawin ko. Gusto kong magtatalon sa tuwa kaso nasa lap ko si Marco. Naramdaman ko
na lang ang kamay ni Mark Ethan na pinupunasan ang pisngi ko. Hindi ko namalayan na
umiiyak na ako.

"Kung ayos sana pagrereview mo. Baka nag top 1 ka pa"

Umiling na lang ako. Masaya na ako na nakapasa. At ang naging resulta ay sobra
sobra na.

"Mas gusto ko na Top 1 sa buhay mo"

Napatawa na lang siya. Bakit hindi? Linya niya yun.

"Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon. Sabi sayo kaya mo yan. At kung
gusto mo na magtrabaho. Kahit hindi sa company. Ok lang sa akin. Medyo malaki na
naman si Marco. At ok lang kay Mommy na mag alaga siya sa apo niya."

Medyo napaisip ako sa sinabi niya. Alam ko na ayaw niya na ulit na pangunahan ako
sa desisyon ko.

"Pag iisipan ko Mark Ethan." Hinawakan ko ang kamay niya. "At kung sakaling
magtatrabaho man ako. Gusto ko din naman na sa Company niyo. Pangarap ko din naman
na makapagtrabaho sa isang Company na magagamit ko ang pinag aralan ko. Kaya sana
sa Interview ko sayo sana makapasa ako"

"Baka hindi na ako makapagtanong sayo pag nagkataon? Kasi baka sa halip na ikaw ang
kabahan. Ako yung pinagpapawisan sa harap mo"

Ang kulit lang. Pero paano nga kaya yun? Baka hindi din ako makapagsalita kasi
sobrang gwapo ng mag iinterview sa akin. Baka yun ang pinakatahimik na interview na
magagawa niya.
Mark Ethan. Sino nga bang mag aakala? Lahat ng pangarap ko unti unti ng natupad.
Maging Engineer. At ang mahalin mo. Pero hindi lang yun ang nangyari. Naging asawa
pa kita. Sobra sobra na kung tutuusin. Meron pang bonus na sobrang pogi na anak.
Ano pa ba ang hihilingin ko? Parang hindi ko alam kung paano ko makakabawi sayo
Mark Ethan. Parang kulang pa ang sarili ko para sa lahat ng naibigay mo. Para sa
pagmamahal na inalay mo. Para sa pagpapsaya sa akin. Sa pag aalaga sa amin ni
Marco. Kaya ang maipapangako ko lang ay yung palaging andyan para sayo. Ang 100%
ko. ALL of ME.

_casper_

Special Chapter

"Sundan na kaya natin si Marco"

"Bakit natin susundan? Aalis ba siya?"

Natatawa kong tanong kay Mark Ethan. Ayun iniwan niya akong mag isa sa kama. Pikon.

Hanggang ngayon hindi pa din ako makapaniwala na tatlong taon na kaming kasal. At
si Marco kakatatlong taon lang din nung nakaraang buwan. Kaya hindi ko masisisi si
Mark Ethan na hindi mag isip na mag anak ulit kami.

Nagsuot lang ako ng roba at sinundan ang pikon kong asawa. Sinong mag aakala na
dati umaasa lang ako na mahalin niya ako pero ngayon halos malunod ako sa
pagmamahal na binibigay niya.

"Mark Ethan.."

Nakita ko siya sa bar at kasalukuyan ng tumutungga ng alak. Nagalit nga ata.


"Noong unang nabuntis ka nagalit ka kasi pinangunahan kita. Ngayon naman na
nagsasabi ako sayo parang lokohan lang sayo ang lahat. Hindi ka ba nasasayangan sa
lahi ko?"

"Ang yabang ahh"

Kinuha ko na din ang basong hawak hawak niya at uminum na din. Minsan lang din
naman ako nakakainum pag andito lang din sa bahay kasama siya o kaya pag may event
sa company o pag may client na kailangang imeet. Sa company na din ako nina Mark
Ethan nagtatrabaho. Sabi pag ganun daw na magkasama sa trabaho ang mag asawa parang
magkakasawaan na pero wala pa naman akong nakikitang pagbabago sa pinapakita sa
akin ni Mark Ethan.

"Paano ako makakabuo ng Gilas 6.0 kung si Marco lang? Kahit ata pang FIBA 3x3 hindi
pa ako makakaabot"

"Baka kasi pag nagbuntis ako ulit baka tumaba na ako.."


Hindi naman talaga yun ang dahilan. Kasi nung kay Marco naman hindi ako tumaba
talaga kaya hindi ko problema ang mag gain ng weight kung sakali mang sunod sunod
ang anak namin. Naging busy lang talaga ding kaming dalawa simula ng manganak ako.
Ako sa pagrereview siya sa tuluyang pag take over ng business nila.

"Anong problema kung tumaba ka? Wala namang kaso sa akin yun. Eight months nga
tiyan mo dati nagsesex pa tayo"

"Grabe kung makapagsabi ng sex walang pakundangan."

Napapangiti lang talaga ako sa mga ganitong sitwasyon. Yung pikon na siya pero ang
gwapo gwapo pa din niya.

"Ang sa akin lang kahit anong itsura mo hindi naman magbabago ang nararamdaman ko
para sayo. Mahal pa din kita. Mahal na mahal."
"Alam ko naman yun. Pero di ba hindi naman plinaplano ang pag aanak? kusang
binibigay yun."

"Kusang binibigay.." nakasimangot na talaga siya. Ang gwapo gwapo lang talaga ng
asawa ko. "May kusang binibigay ba pero umiinum ka pa din ng pills. Na hindi ko
alam kung bakit kailangan mong uminum noon."

"Para may palitan ka ulit ng candy hahaha"

Natigilan siya sa sinabi ko. Parang napahiya siya sa sinabi ko. Eh ang cute lang
kasi niyang kulitin ngayon.

"Sorry.."

Pag ganyan na siya hindi ko na alam ang gagawin ko pa din.


"Hindi magandang gawing biro yung isang bagay na muntik ng maglayo sayo sa akin. "

Hinaplos ko ang mukha niya. Dahan dahang inililapit ko ang mukha ko sa mukha niya
para maangkin ko ang labi niya.

"Sorry na. Pero hindi mo din naman pwedeng kalimutan na yung bagay na yun ang
dahilan kung bakit tayo may Marco"

"Oo nga Mahal ko. Pero hanggang ngayon masakit pa din sa akin na balikan na nagawa
kitang saktan dati. Kaya huwag mo na lang ipaalala."

"Pero wala ka namang papalitan ng candy kasi halos isang buwan na akong hindi
umiinum. Kaya hintayin na lang natin na bigyan tayo ng makakakampi ni Marco sa
basketball"
Hindi ko alam kung natuwa siya masyado sa sinabi ko kasi bigla na lang niya akong
hinalikan. Yung halik na nakakawala agad ng katinuan. Yung sakop agad ang pagkatao
ko. Bigla niya akong hinila patayo tas iniupo niya mismo ako doon sa bar counter.
Kaya halos magpantay ang mga mukha namin. Ipinilupot niya ang mga binti ko sa
bewang niya at lalo lang nilaliman ang ginagawa niya paghalik.

"Mark Ethan.."

Hinubad niya ang suot kong roba at sinunod ang pantulog ko. Wala akong suot na bra
kaya agad kong naramdaman ang mga daliri niya sa pinakatutok ng mga yun. Hindi
naman akong nag aalala na may makakita sa amin kasi tulog na panigurado ang mga
kasama namin sa bahay. At hindi ko naman mapipigilan ang asawa ko nsa ginagawa niya
na mas agresibo kasi medyo nakainum siya.

Bumaba ang paghalik niya sa leeg ko pababa sa ibabaw ng dibdib ko at doon matagal
naglaro ang mga labi niya. Habang ang isang kamay niya ay humahaplos sa pagitan ng
mga hita ko. Tuluyan na niyang hinubad ang huli kong saplot. At naramdaman ko ang
pagpasok ng daliri niya sa ibabang bahagi ng katawan ko.

Hindi ko alam kung saan ko ibabaling ang ulo ko sa sensasyon na binibigaya niya sa
akin. Na lalo pang nadagdagan ng mismong labi na niya ang ang umaangkin sa bahaging
yun ng aking katawan.
"Mahal kita"

Seryosong sabi niya bago niya ako tuluyang angkinin. Kung paanong nahubad ang suot
niya hindi ko alam. Masyadong nasakop ang aking isip at atensiyon ng
pagpapaligayang ginawa niya sa akin. At hindi ko na napigilan ang malakas na pag
ungol ng sabay namin marating ang ligayang para sa aming dalawa lang.

"Hindi na talaga nakatiis? Dito talaga Mark Ethan?"

"Kasi si Ethan Marco Engineer siya paglaki. Yung sunod sa kanya na ginawa natin
ngayon. Abogado"

"Abogado?"

"Oo. Nabuo siya sa Bar eh"

"hahaha ang korni mo pa din."


"gwapo pa din naman"

Niyakap niya lang ako. Tas maya maya binuhat na niya ako sa aming kwarto. Alam ko
naman na hindi pa tapos ang gabing ito para sa naghahabol ng basketball team na si
Mark Ethan Valero.

_casper_

You might also like