You are on page 1of 25

Faulkner, Camuslahat silaang Noli at ang Fili at, oo, ang Don Quixoteang lalagyan

na salamin kung saan ang Inay nagkaroon ng mga natapos na bestida at sa tabi nitoang
lumang baul na gawa sa kahoy, ang ibabaw nito ay may gasgas kung saan nakaukit ang unang
titik ng aking pangalan na ginawa ko noong ako ay nasa elementarya pa lamang at dahil dito
ako ay napalo. Babalik ba ako dito sa lumang bahay na may bubong na gawa sa kugon,
babalikan ko ba ang Cabuwagan kung saan ginagapos ako ng aking alala kahit ano pa mang pilit
kong kumawala ditto? Bakit ba ako umalis sa ganoong paraan? Ngayon, huli na para
magpaliwanag sa kanya, at higit sa lahat, para sabihin na kung babalik akona siguradong
gagawin koiyon ay magiging para sa paghingi ko ng tawad sa kanya na kumalinga sa akin na
kailanman ay walang sinuman ang gumawa. At sa pag-baba ko ng isang baiting, ang lahat ng
naipong sakit at pighati sa wakas ay kumawala na, at umupo ako sa tuktok ng hagdanan, hindi
magawang gumalaw miski isang hakbang, at ang aking pighatiy naging luha na pinunit mula sa
akin, sa aking dibdib, sa aking puso, tila isang laman, at nagsimulang bumuhos ang luha mula sa
aking mga mata, nakakapaso at parang baha. Hindi ako makahintopatuloy lamang ang
pagdaloy ng luha mula sa aking mga mata, hindi ko mapigilan, kahit anong pilit ko ay ayaw pa
ring tumigil ng aking mata sa pagluha; ang kamay ni Padre Jess ay nasa aking mga balikat
habang bumubulong si Tiya Bettina ng Pepe, Pepepero patuloy pa rin ang aking pag-iyak.

Balik sa Tondo, dalawang mensahe ang nag-hihintay, at sinabi ni Padre Jess na ako raw
ay isang matagumpay na social climber sapagkat ang isa ay mula sa Juan Punetainiwan niya
ang kanyang tarheta na may maikling sulat para sa akin na tawagan siya agad. Ang isa namang
tawag ay mula kay Betsy. Ang kanyang lihamnakasulat sa papel ni Padre Jessay naka-
selyado. Sabi niya ay lubos siyang humihingi ng paumanhin sa narinig niya tungkol sa
pagkamatay ng Inayna sumama rin sana siya, kung nalaman lamang niya agad, na gustong-
gusto niya akong kausapin tungkol sa napaka-pansarili at napaka-importanteng bagay, na kung
maaari ay tawagan ko siya dito sa numerong ito sa araw na iyon o sa susunod na araw at kung
hindi man niya makuha ang tawag ay babalik siya sa baryo.
Nabanggit ni Tia Nena na dumating si Betsy ng pasado alas-nuwebe ng gabing iyon at
mukhang labis na nabalisa na wala ako roon. Iyon ay buong loob niya at mapanganibsinabi ni
Tia Nena na siyay nag-iisaat hindi ko gusting bisitahin niya kaming muli. Kaya sa pagsapit ng
alas-otso ng sumunod na umagasinabi niyang tatawag siya sa pagitan ng alas-siyete at alas-
nuwebe ng umagatinawagan ko siya.
Paumanhin, Pepetungkol sa iyong ina, mahinahon niyang sabi. Ni minsan ay hindi
ko siya nakilala, at kailanman ay hindi ko na siya makikilala pa. Humihingi ako ng paumanhin
may kahit ano bang bagay na maaari kong gawin?
Pinasalamatan ko siya, at sinabi kong dapat magpatuloy ang buhay.
Kailangan kitang makita agad. Napaka-importante nito. Sana maintindihan mo.
Magagawa mo ba iyon? Ang makita ako?
Tumatawag ako mula sa bilihan ng gamot sa Bangkusay; walang telepono sa baryo
kahit isa. Nandito ako sa Tondo, sabi ko. May trabaho ako sa simbahanalam mo yan. At
ngayong hapon, kailangan kong pumunta sa paaralan. Ayoko ng masangkot pa sa kanya.
Hindihindi awa mula sa kanya o sa kahit na sino.
Pakiusapkaya kong pumunta diyan, ngayon.
Baliw ka, sabi ko. Sa pagdating mo dito kagabi. Pumunta ka ba ng mag-isa?
Hindi siya umimik.
Maaari kang manakawan. Nabalaan na kita noon.
Dapat na ba akong pumunta diyan ngayon?
Ayokong asarin ako ni Padre Jess tungkol sa kanya. Hindipupunta ako kahit saan mo
gusto, sabi ko. Saan naman tayo pupunta sa oras na ito? Pabalik sa burol na iyon?
Hindihindi, sabi niya na tilay natatakot. Kahit saan ngunit hindi roon. Susunduin
dapat niya ako kung ayos lamang sa akin sa bayan, marahil ay sa harap ng Avenue Theater.
Pinag-usapan naming iyon ng daglian, at napagdesisyunan naming dapat ay sa Recto pagpasok
sa Unibersidad.
Nang makarating ako roon, ang kanyang dilaw na Volks ay nakaparada na bago ang
isang linya ng mga sasakyan at dyip. Nakita niya ako at bumusina siya ng ilang beses,
nababahala na baka hindi ko siya makita. Paanong hindi ko ang kanyang dilaw na Volks ay
kapuna-puna.
Binuksan niya ang pinto at hinayaan akong makapasok. Salamat, sabi niya kasabay ng
pagtakbo ng aming sinasakyan.
Ano ang napakahalaga, tanong ko, na kailangan mo pang pumunta sa baryo ng hating
gabi? Ngayon, ako talagay yamot na sa kanya. Huwag na huwag mo na iyong uulitin. Hindi
mo ba alam na ako, sa aking sarili, ay hindi mapalagay doon kahit araw?
Hindi siya sumagot; inabot niya ang aking kamay at marahan iyong pinisil. Tinanong niya
ako tungkol sa Cabuwagan, ano ang lagay niyon, ano ang naging reaksyon ni Padre Jess sa aking
nayon. Paniguradong gusto niyang umuwi sa inyo, sabi niya. Nabuo na niya sa kanyang isip
kung saan kami pupunta noong sinabihan ko siyang sabihin na sa akin kung ano ba talaga an
gaming pag-uusapan, sabi niya. Hintayin mo hanggang sa makarating tayo roon.
Ang lawa, at akala ko ay pupunta na naman kami sa isang French na kainan, na
mayroong talaan ng mga putaheng hindi ko naman maintindihan noon pero kung ngayon ang
Pranses ay katulad ng Espanyol at sa aking isipan, nais kong subukan ang Pranses sa susunod na
taon. Subalit hindi siya nagmaneho patungo sa bakuran ng Villa Develoment Corporation; sa
halip ay lumiko siya pakaliwa at tumungo sa Simbahan ng Malate.
Akala ko ay dadalo kami ng misa, ngunit pinarada niya nag sasakyan sa may patyo, at
sinundan ko siya patungo sa kalapit na tindahan ng mga kape sa Mabini kung saan malimit
islang pumupunta sapagkat pagmamay-ari ito ng isang kaibigan.
Walang tao sa loob nito; ang mga kagamitan ay katutubo ngunit detalyado, habing-
kamay na kurtina, maganda ang mga silyang gawa sa kahoy ng punong narra, at akoy napapa-
isip kung paano ito nakakagawa ng salapi. Ang serbidora na naka-suot ng matingkad na berde at
may tatak na kuwadra-kuwadradong bestida ang nakakilala sa kanya at ang kumuha ng aming
gusting kainindalawang hamburger, dalawag kape.
Sinuman kay Mama o Papa ay hindi pupunta dito, sabi niya. Nagtaka ako kung ano ang
nais niyang ipahiwatig at pagkatapos nito, alam ko na kung ano ang dahilan sa likod ng kanyang
pagkabahala, sa aming pagsasama. Pupunta ako sa Estados Unidos, simple niyang inihayag.
Marahil iyon ang pinakamahusay na paraan. Mabuti para sa iyo, sabi ko, talagang
nakakalungkot na siyay aalis. Tiyak na mangungulila ako sa kanya sa kabila ng aking pasiya na
huwag na muling mapasama pa sa kanya.
Paniguradong mangungulila ang lupon sa iyo, dugtong ko. Sino na ngayon ang
matiyagang magtatala ng lista; at magtatanong ng matatalas at mapanuyang mga katanungan?
Ang sama mo, mapait niyang sabi. Hindi mo naiintindihan.
Pupunta ka sa Estados Unidos, ulit ko.
Hindi mo ba ako tatanungin kung para saan?
Kaya mo iyon, sabi ko. Kailangan bang may dahilan? Pamimili? Ano man iyon.
Pinapadala ako nina Mama at Papasa lalong madaling panahon kung maaari. Subalit
dahil halos tapos na rin ang semestro
Isang buwan pa.
Mayroon na lamang akong nalalabing isang buwan sa Maynila kung ganoon. Isang
buwan lang.
Kung ako sa iyo ay aalis na ako agad, sabi ko. Biruin mo naman ang pagpunta sa
Estados Unidos.
Kinagat niya ang kanyang ibabang labi. Ilang beses na akong nakapunta roon, sabi
niya. Pagkatapos, habang hindi tumitingin sa akin, mahinahon niyang pinagpatuloy, Akala nila
na sa pagpapadala nila sa akin doon ngayon, hindi na kita muling makikita pa. Iyon ang dahilan.
Ano naman ang kinalaman ko sa pag-alis mo? tanong ko sa kanya ng may nanlilisik na
mata. Wala akong kabuluhan sa buhay mo. Akoy isang walang kuwentang tao mula sa baryo
na nag-aaral doon sa Diploma Mill na iyon. Nakalimutan na ba nila iyon?
O, Pepe, sabi niya, may pagsamo sa kanyang mga mata.
Hindi ako nag-salita.
Pumunta si Mama sa club noong isang araw. Pumupunta siya roon tatlong beses sa
isang lingo para makipag-laro sa kaniyang mga kaibigan at sinabihan siya ng guwardiya na
nakapunta na ako roon. Tinanong niya kung sino ang kasama ko, sa pagpunta roon ng gabi at
inilarawan ka niya, mahabang buhok, malapad na noo ngumiti siya sa kabila ng kanyang
sarili, at gwapo Nagkaroon kami ng alitan pagkadating ko sa bahay. Tinawagan niya si Papa sa
Zurich at nagpasiya sila noong oras ding iyon.
Anong inaasahan mong sabihin ko?
Walang imik siyang napatungo.
Buhay mo iyan, Betsy. Wala lang ako sayo wala!
Tumingin siya sa akin, ang kanyang madidilim na mga mata ay nagsusumamo, at noong
siyay nagsalita, halos hindi ko na marinig ang kanyang sinabi. Pepe, hindi ko kayang umalis.
Gu nahihirapan siyang sabihin ito: Gusto ko gusto kong makasama ka.
Itinaas ako ng mga salitang iyon papunta sa mga ulap, sa malawak, magiliw na langit, at
napuno ako ng kagalakan.
Subalit hindi ito maaari, hindi ito maaari kailanman. Betsy, matining kong sabi, Gusto
kong sabihin sa iyo na lagi kang tumatakbo sa aking isipan. Araw-araw simula noong araw na
unang beses kitang nakita, at noong hinalikan kita
Hindi siya makatingin sa akin at, muli, tumungo siya.
Ngunit alam ko kung sino ako at ano ang kainlang sinasabi? Tubig at langis? Hindi
sobra sobra pa roon. Magkakaroon ka ng kasintahanyung taong kabilang sa mundo mo.
Makakasal ka, at makakalimutan mo ako, ang iyong kalandian sa pulitika, ang Brotherhood.
Tumindig siya ng tuwid, nagliliyab ang kanyang mga mata.
At higit sa lahat, sabi ko, labis akong nagpapasalamat sa iyo, para sa iyong kabaitan,
sa iyong pagka-mapagbigay-loob Naalala ko ang liham na sinulat ko. Pakiusaphindi ko
kailangan ng tulong mo, ng awa mo, ayaw ko noon.
Awa! Awa!, sigaw niya. Pepe, hindi iyon awa. Hindi, hindi iyon awa sa ano mang
paraan!
Iniling ko ang aking ulo. Determinado ako. Hindi iyon maaaring iba pa.
Dumating na ang aming hamburger, pero ni hindi namin iyon hinawakan maging ang
gaming kape. Nakita ng serbidora na nagkakaroon kami ng masinsinang pag-uusap at dali-dali
kaming iniwanan.
Anong gusto mong gawin ko? Patunayan sayo na hindi iyong awa? Hinihingal na siya,
dumadagsa ang kanyang mga salita. Pakawalan mo kami, sabi niya, at para sa serbidora,
nagbigay siya ng sampung piso. Ni hindi niya inintay ang kanyang sukli at hindi din niya kinuha
ang hamburger na hindi naming nagalaw.
Sinundan ko siya sa kanyang sasakyan at umalis na, ang mga gulong ay magaralgal
kaalinsabay sa pagkambiyo niya at paghimok ng mas mabilis na takbo. Lumagpas kami sa M.H.
Del Pilar at sa dulo ng daan, walang kahit anong banta, lumiko siya sa kanan, papunta sa
Hawaiian Motel.
Masyado akong nagulat para magsalita ukol sa mga nangyari
May isang lalaking dali-daling tumungo sa amin habang pinabagal niya ang takbo ng
sasakyan. Tinuro nito ang bukas na pinto ng garahe, at nagmaneho siya diretso papunta doon,
ipininid ng malakas ang preno. Sa isang saglit, sumara ang pinto ng garahe at mag-isa lang
kaming dalawa sa medyo may kadilimang garahe. Lumingon siya sa akin, matatag pa rin ang
mukha. Kung patunay ang iyong kailangan, makukuha mo iyon ngayon. Hindi iyon awa. Hindi,
hindi iyon awa sa ano mang paraan.
Hindi pa ako nakakapunta sa isang motel bagaman alam ko kung paano nila ito
pinapatakbo sa maikling-oras na batayan. Siyay biglang natauhan at biglang nagdalawang-isip;
pagkatapos ay nagtanong, Pepeanong gagawin natin? Paano tayo?
Nagtagpo ang aming mga mata. Parehong unang beses na mapunta sa ganoong
sitwasyon, at kabado kaming tumawa, hiyang-hiya. Ang pinto sa isang tabi ay halatang patungo
sa kwarto sa itaas. Pumunta kami roon at binuksan ang pinto patungo sa isang maliit na sala na
mayroong mumurahin at hindi tunay ang balat na pahingahan, isang lamesa at dalawang
hungkag na baso. Makalampas dito ay ang silid-tulugan, at, maingat na maingat, pumasok kami
sa loob. Tumambad sa amin ang isang malaking kama, musika, bukas na air-conditioner, at, sa
isang panig ng kama, kahilera nito, ay isang malaking salamin.
Napatawa kami ni Betsy. Tumunog ang buzzer, sabay kaming lumabas. Dumating ang
isang lalaki na may dalang malinis na kumot, isang puting pitsel na may lamang malamig na
tubig, at isang sulatan na sa palagay koy aklat-talaan ng mga parokyano. Sa palagay koy
nalilibang ang lalaking ito kay Betsy habang sinimulan kong suriin ang aklat-talaan, ang mga
magugulo at maalong linya sa mga pangalan.
Ilagda ninyo ang inyong pangalan dito, Ginoo, sabi ng lalaki, ngunit ang mata nitoy
nakatuon kay Betsy.
Lumingon ako kay Betsy. Ano ang isusulat ko?
Mister at Misis Pepe Samson, syempre, mariiin niyang sabi
Sinulat ko iyon tulad ng kanyang sinabi, sa napakalinaw na sulat-kamay.
Tirahan: Tondo, Maynila. Residence Tax Number?
Wala ako noon, sabi ko sa lalaki.
Ngumiti ito. Kahit ano pong numero, Ginoo.
Nagsulat ako ng maraming numero na pito.
Magkano? tanong ko.
Maikling oras ho ba?
Tiningnan ko si Betsy. Gaano kahaba ang maikling oras? tanong niya.
Apat na oras, miss.
Misis! pagtatama niya sa lalaki.
Misis, nangingiming sabi ng lalaki. Dalawamput dalawang piso, ho.
Wala akong ganoong halaga, bulong ko sa kanya.
O sige, sabi niya, binuksan ang kanyang pitaka. Sinabi ng lalaki na maaari kaming
magbayad mamaya, ngunit nagbayad siya agad-agad.

Mag-isa lamang kaming dalawa, habang naka-kandado ang pinto, pinanood ko siyang
alinlangang umupo sa gilid ng malaking kama sa loob ng silid. Nang tumingin siya sa akin,
namula ang kanyang mukha na parang rosas, nakakabighani, lumapit ako sa kanya, hinalikan
ang kanyang pisngi at sinabi, Misis Samson, hindi ko kailangan ng kahit anong patunay.
Unti-unti niya akong niyakap ng mahigpit, ang kanyang bibig ay matamis at mainit-init.
Kailangan mo pahayag niya.
Sa kabila ng kanyang pagka-sopistikada at ng kanyang kalayaan sa mga salita na tilay
isang katarantaduhan, ang totoo ay napaka-pormal niya, at mapag-timpi. Sa kahulihan ay kami
na lamang dalawa, ni hindi siya makapag-hubad kapag kasama niya ako. Pumunta siya sa banyo
at, nang lumabas siya, may tela ng nakabalot sa kanyang katawan. Isinara niya lahat ng
panangga sa bintana, habang ang buong kahubdan ay balot ng tela. Inabot kami ng matagal
bago mag-simula lagpas dalawang oras, sa tingin ko, at namangha ako nang aking nalaman na
ako ang naka-una sa kanya at lahat ng iyon ay nandoon ang maliliit na batik batik sa kumot,
puro pula ang dating kulay puting tela. Nakasimangot siya, pero hindi siya nagreklamo at naisip
kosa pagkakakita ko kung paanong ang lubos na kaligayahan at sakit ay bumakas sa kanyang
mukha sa parehong paraan na nakarating siya sa walang taros na taas, ngunit ang totoo ay
nagdusa siya at nang iyon ay tapos na, napagmasdan naming ang kagusutan. Niyakap niya ako
at bumulong, Ngayon tayoy isa.
Matapos ang ilang sandal, dinanggil niya ako, pero ako rin, ay nasaktan at hindi na
makatugon. Isa pa, ang tangi ko lamang naiisip ay iyong katawa-tawang salamin na nakalimutan
ko ng tingnan pa, at matapos ang maraming taon, sa wakas ang nakahiga rin ako sa kamang
may kutson. Naalala ko ang dalawang hamburger na hindi man lang naming naisip dalhin, sa
oras ding iyon ay nakaramdam ako ng sobrang gutom.
Tahimik naming tinatahak ang daan patungo sa Unibersidad. Ang imensidad ng nangyari
ay nagsimula ng bumagabag sa akin; iyon ay dapat naging katuparan tulad ng nararapat, ngunit
akoy hinahatak pailalim ng kumunoy ng pagtutol na nais kong takasan. Gayunman,
nagpapasalamat ako sa kanyang pagmamahal ang kaisahan ng aming buong pagkataot
kaluluwa. Hinamak ako ng babaeng ito na kailanman ay hindi magiging akin, na pinatunayan
hindi ang kanyang kalinisang-puri kundi ang katotohanang tanggap niya ako bilang ako.

Walang makakapagpaliwanag ng aking sarili ng mas mabuti maliban sa akin. Ilang beses
na ba akong tumayo sa harap ng salamin sa lumang aparador sa Antipolo, sa harap ng medyo
basag na salamin sa loob ng maliit at makitid na silid na pinaghatian namin ni Toto at dinuro ang
mapang-akusang daliri sa mukhang ito at sinabing na putangina mo winasak mo na naman
ang lahat. At nagawa ko na ito, kamuhian ang lahat ng bagay, sa kaalaman na walang
namamagitan sa aking sarili at sa kapahamakan. Dapat akong tumanaw ng utang na loob kay
Betsy, kaya niyang magkaroon ng lahat at hindi ko na kailangan pang makasagabal. Wala akong
maibibigay sa kanya kundi kamalasan at kahirapan. Sino ako para gustuhin siya? Bakit kasi
kailangan niya pang hingahin ang kapareho ng putanginang hangin na nasa baga ko? Hindi ko
dapat ulitin ang mga ginawa ng aking ama.
Nais kong sabihin sa kanya lahat ng ito at ng mapansin niya ako, ang amoy ng
panibagong ani, ang maagang gabi at ang malamig na simoy ng Disyembre sa tuwing ang usok
mula sa apoy ng umaga ay pumapaligid sa amin sa manipis na ulap at ang mundoy parnag pilak
na may kalakip na pangako; ngunit dumating siya mula sa mundo na lampas sa aking paningin,
at ang tangi kong binubulong ng paulit-ulit ay tungkol sa tanginang trapik, ang pagkakita k okay
Propesor Hortenso; nakalimutan ko pa ngang pasalamatan siya nang makarating kami sa Recto.
Si Propesor Hortenso ay nasa silid ng mga guro. Sinabi ko sa kanya na natanggap ko ang
mahalagang tawag ngunit di ko maikwento sa kanya ang lahat sa harap ng iba pang propesor na
nasa loob din ng silid. Lumabas kami papunta sa pasilyo.
Kailangan mo ng maging maingat ngayon, sabi niya. Napansin mob a ang mga bagong
mukha sa loob ng mga silid-aralan, mga estudyanteng mas matanda kaysa karamihan?
Nakapasok sila bagaman ang semestro ay malapit ng magtapos.
Hindi ko sila napansinhindi sa klase naming may animnapung mga mag-aaral. Sinabi ni
Propesor Hortenso na matatalino sila, at maaaring nakapasok na sila sa Brotherhood.
Pero ano naman nag malalaman nila? tanong ko. Lahat ng ginagawa natin ay
publikoating mga paglalathala. Panigurado, alam na nila lahat.
Napatigil si Propesor Hortenso; tumunog na ang kampanilya at nagsimula ng magsipasok
ng mga estudyante sa kani-kanilang silid-aralan, unti-unting naging batis ng magulo at
naggigitgitang pagkatao ang dating pawisang pasilyo dahil sa dami ng tao.
Nagkakamali ka, Pepe, sabi niya. Hindi ka maaaring mag-alsa ng walang
pagsasabwatan. Ikaw at ako miyembro tayo ng sabwatang iyon. Ang mga pinuno ng
Brotherhood at isa ka sa mga kasangkot.
Hindi ko alam, protesta ko.
Malalaman mo rin, paninigurado niya sa akin.
Sinabi ko sa kanya ang tungkol kay Juan Puneta, na pumunta na naman siya sa Tondo,
iniwan ang kanyang tarheta sa may kumbento at sinabi ko rin na gusto niya akong tumawag sa
kanya.
Tila, siyay nag-aalala. Hindi ko alam kung ano ang gusto niya. Pero tulad ng dati,
tawagan mo siya at sabihin mo sa akin kung ano ang nangyari.
Pupunta siya sa kanyang klase, at niyaya niya akong sabayan siya sa paglalakad patungo
sa Gusali ng Edukasyon kung saan siya nag-aasikaso ng pantas-aral para sa mga nag-tapos ukol
sa kultura ng Pilipinas.
Naipadala na nila sa Diliman ang ilan sa mga estudyante nating lalaki, sabi niya. Wala
pa tayong naririnig mula sa kanila. Hindi natin alam kung ano na ang nangyari sa kanila. Pinilit
natin silang tawagan ngunit wala pa rin. Bigla na lang silang nawala na parang bula. Kaya, mag-
iingat ka, Pepe. Lahat tayo ay maaaring mawala ng walang kahirap-hirap.
Maaari nila akong arestuhin ano mang oras, sabi ko. Wala silang mahihita sa akin.
Umiling siya. Pepemarami silang malalaman. Basta mag-ingat ka.
Naalala ko nag banta ni Ka Lucio. Pero anong mayroon doon para ipagkanulo? Wala
akong lihim, wala akong nagawang mahahalagang desisyon.
Nagpatuloy si Propesor Hortenso. Kung mawawala ako o kung aalis ako ng Maynila,
alam mo ba kung saan ako hahanapin?
Umiling ako. Hindi ko alam kung saan nakatira ang karamihan sa ating Directorate na
miyembro
Sa ganon, kayang-kaya kitang hanapin, sabi niya. sa simbahan.
At ikaw?
Tumutulong ako sa pagsasa-ayos ng ating lupon sa Central LuzonTarlac, Nueva Ecija.
Tama ka, Pepe ang Huks, ang kanilang mga anak na ngayon ay malalaki na importanteng
koneksyon sila hindi lamang sa nakaraan kundi maging sa masa ang ating pundasyon.
Ka Lucio
Oo, sabi niya, ngayon ay sigurado na ako na napakahalaga ng kaniyang tulong.

Matapos ang aking klase sa ganap na alas-otso y media, pumunta ako sa isang maliit at
hindi kalugodlugod na tinadahan ng mga libro sa Recto kung saan mayroong pay phone at
tinawagan ang numerong iniwan ni Puneta. Wala siya roon isa sa mga alipin niya ang
sumagot sa aking tawag. Pero magiiwan ba ako ng mensahe sa kung saan niya ako maaaring
maka-usap bukas? Hindi siya makakabalik hanggang hating gabi
Nasa paaralan ako sa hapon, sabi ko; at nasa baryo sa buong umaga.
Binabagabag ako ng babala ni Propesor Hortenso. Unti-unti akong nahihigop sa puyo ng
tubig, at hindi ko iyon gusto; ang babala ni Ka Lucio, ang kanyang pangaral tungkol sa
pagkakanulo ay bumabagabag din sa akin, ngunit tulad nga ng sinabi ko kay Propesor Hortenso,
wala akong lihim at hindi ako sasali sa anumang armadong grupo kahit pa gaano ko kagustong
maghiganti para sa pagkamatay ni Toto. Hindi iyon dahil sa takot ako sa karahasan nakikita ko
iyon araw araw sa baryoang mabagal at nakakamatay na karahasan na nakagiit sa amin, ang
labanan ng mga grupo ng masasamang-loob, ang mga saksakan na palasak na sa Tondo, ang
malnutrisyon, ang makapigil-hiningang pagkasindak na nakapagpabago sa pagkatao at kaluluwa
ng sinuman. Pero nagsimula na rin akong maranasan at malaman ang pag-ibig ng babae, ang
kumain ng hindi lamang sapat kundi kung ano ang aking nais; sa kaunti pang pagsisikap, hindi
lamang ako magiging sakristan; ang mga pintong pinagsaraduhan ako sa wakas ay nagbubukas
na at, sa kabila noon, ang mga nakaka-adik na pangarap ay unti-unting kumakaway, nakaka-
akit. Hindi ko nililinlang o dinadaya ang aking sarili dahil lamang naging miyembro ako ng
National Directorate o isang ganap na iskolar; pagkatapos kong mag-aral ng Espanyol,
napagtanto ko na kung pinaghirapan ko ang mga bagay na talagang gusto ko, kaya ko silang
higitan. At ang pagiging manghihimagsik ay wala sa aking saklaw. Humahanga ako sa kung ano
nag nagawa ni Ka Lucio, sa kung ano ang ginagawa ng Brotherhood at gumagawa ako ng
kaunti upang maging karapatdapat sa aking posisyon at para papanatagin ang aking konsensya;
subalit simula sa simula, ang politika at ang mga politico ay naging nakakayamot sa akin at hindi
ako handa ngayon na baguhin ang aking sarili upang maging malansang nilalang na lagi kong
kinaiinisan.
Kailangan kong makahanap ng paraan kung saan magagawa kong umurong sa
pangasiwaan ng Brotherhood ng tahimik. Kung tutuusin ay wala rin naman akong napala sa
Brotherhood. Kasabay nito, gusto kong panatilihin ang pagkakaibigan naming ni Propesor
Hortenso, hindi dahil kinakailangan iyon para sa pagpapatuloy ng aking trabaho sa pahayagan
ng eskwelahan, kundi dahil natutunan ko na siyang respetuhin at gusto ko siya at ang kanyang
asawa. Lalahok pa rin ako sa mga pagpapakita, tutulong sa mga pagpa-plano, magsusulat ng
mga pahayagmga bagay na inaasahan sa akin ngunit akoy magiging isang anino na lamang,
pagkatapos ay maalwan akong lalayo bago ako makatapos ng kolehiyo.
Gumugulo sa aking isipan ang bagong relasyon naming ni Betsy, hindi ng konsensya
kundi ng pagkalito. Mahal ko siya, ngunit kaalinsabay niyon, gusto ko rin si Lily, at desperado na
ako sa kanya, nais malaman ang mga bagay tungkol sa kanyang mga parokyano, at ang
pakiramdam na pinapadama niya sa kanila. Madalas akong hindi makatulog sa gabi, hinihintay
ang kanyang pagdating sa bahay, at saka lamang nakakatulog sa oras na marinig ko ang kanyang
mga yabag sa kalyehon, binabati ang kanyang ina ng magandang gabi. Matutulog siya hanggang
alas-diyes ng umaga; saktong katatapos ko lang mag-linis, at makikipag-usap sa akin mula sa
kanyang bintanamga walang kuwentang bagay tungkol sa amin at sa baryo. Tapos ay aalis
siya ng alas-onse pagkakain ng mabilisang tanghalian sapagkat inaasahan siya sa Kolonyal
simula tanghali hanggang hating gabi. Kapag siyay tinanghali ng dating ay mumultahan siya, at
kung mahuli siya ng dating ng tatlong beses sa isang lingo, masu-suspende siya ng isang lingo.
Tuwing martes lamang talaga niya kayang makipag-usap sa akin ng matagal, ngunit ang araw na
ito niya ay ginugugol niya sa pamimili, pananahi, at pagtulong sa kanyang ina.
Minsan, ginugunita namin ang mga alaala ni Toto. Ngayon ay nagta-trabaho ako ng
maayos sa simbaha at itinaas ni Padre Jess ang aking suweldo o rasyon. Minsan ko na siyang
natanong kung kukuha pa siya ng isang kasama, subalit seryoso niyang sinabi sa akin na sa akin
nakasalalay nag desisyon na iyon sapagkat ang bagong lalaki ay makakasama ko sa isang silid;
hindi ba tulad lamang iyon ng kay Toto? Siya ang nagdala sa akin sa Tondo. Si Roger na nakatira
sa kalapit na bahay ay tumutulong sa akin kahit papano sa simbahan. At saka, nagugustuhan ko
na ang pagiging mag-isa at paniguradong mahihirapan akong isaayos ang aking sistema sa
bagong kasama sa kuwarto katulad ng nakasanayan ko kay Toto.
Oo, naaalala ko siya, ang kanyang malupig at matatag na pag-tulak sa tuwing akoy
nanlalambot, at higit sa lahat, ang aming mga kalmadong pag-uusap. Madalas kong nahuhuli
ang aking sariling malakas na nagtatanong at kahit papanoy umaasa akong masasagot ang
lahat ng iyon. Ngunit wala roon si Toto, at hindi ganun katalino si Roger para masagot ang mga
katanungan ko.
Napagpasiyahan kong makipag-kitang muli kay Ka Lucio. Makikipag-kita sana ako sa
kanya ng madalas kung makikinig lamang ako sa kanyang kuwento tungkol sa digmaan laban sa
mga Hapon. Tinakot ako ni Propesor Hortenso gamit ang kanyang nalalaman na ang ilan sa
aming miyembro ay nawalang parang bula at na meron pang madadagdag sa mga nawawala.
Hindi ako magtatanong ng mga tangang katanungan na siyang nagpasakit sa amin sa
nakaraan, iyong mga walang hiyang katanungan tungkol sa pagkatotoo ng gobyerno, ang mga
obligasyon ng mga nasasaklawan at namamahala. Nalaman ko na nag mga kasagutan sa mga
katanungang ito sa Cabuwagan.
Nakakita rin ako ng ilan sa mga pagtitipon, iyong mga propesor ng Unibersidad, ang
semantikong pagkakabaluktot na kanilang naranasan, kung pagninilay-nilayan ang mga tanong
na iyon na talaga naming libangan ng mga taong naka-upo sa mataas na posisyon. Walang
dumanak na dugo sa kanilang mga pagtatanong, ni hindi nadumihan ang ilalim ng kanilang mga
paa, at ang hanging kanilang nilalanghap ay pinamanguhan.
Si Ka Lucio ang nagtataglay ng mga kasagutan, at nalaman niya ang karamihan sa mga
iyon sa Sierra Madre. Isa sa mga sagot ay ito: walang bagay na binibigay ng libre. Nang ibigay ni
Juan Puneta ang mga matipid na matipid na katibayan sa Brotherhood, dadating ang araw na
hihingi siya ng mas malaking kabayaraniyong bigay loob, sapagkat para saan naman niya
kakailanganin ang pera diba? Magugumon siya doon at marahil ay mabubulunan rin
pagkatapos.
Tinatong ko na rin ang aking sarili, ano bang ginawa ko sa buhay ko, paano koi yon
nagamit? Anong karapatan ko para husgahan nag iba na hindi ko naman magawa sa sarili ko? Sa
totoo lang, talagag pinilit kong tingnan ng mabuti at matapat ang aking sarili ang pagtalikwas
ang nagbukas sa aking balat, ang kumamay sa aking mga nerbiyo, mga ugat, at ang sumuri sa
dugo sa loob nila. At ano nag nakita ko?
Galitito ang bumubuhay sa akin, kahit na pinipilit ko itong patigilin, pigilin ang pag-
agos nito, at tukuyin ito sa ibang paraan, at ipahayag ito ng walang karahasana kundi ng may
pangungutya.
Nabanggit ni Ka Lucio kanina, na mayroong dalawang paraan ng pagtingin natin sa
buhaymaalin sa tadhana o kaya naman ay sagupaan. Tanging mga baboy lamang ang
tinadhana sapagkat wala silang kayang gawin kundi ang kumain sa sabsaban bago nila harapin
ang kutsilyo ng magkakarne. Pero ang mga lalaki ay mga lalakimay kakayahan silang gumawa
ng mga bagay tungkol sa hinaharap. Sa makatuwid, ang buhay natin ay isang sagupaan. Silao
tayo. Pagtatanggol sa sarili, pagkaligtas ng buhay. Kahit anong gawin natin, kaya natin itong
gawing simple. At ang gobyerno? Hindi na kailangan pang sabihin ni Ka Lucio sa akin na ang
gobyerno ay instrument ng mga mayayaman, na gumagawa sa atin ang gobyerno ng karahasan
araw-araw sa pamamagitan ng hindi pagbibigay sa atin ng hustisya. Dito sa baryo, nabubuhay
kami sa kawalan ng katarungan at alam namin iyon bilang parte ng buhay. Pero hindi, hindi iyon
parte ng buhay. At sa pagkakataong matutunan natin iyon, nabubuo ang pagpapasiya: tayo o
sila.
Sa mga oras na iyon, walang kasinungalingan tungkol sa pagkaligtas ng aking buhay;
minahal ko ang buhay ko ng buong katamisan, marubdob. Si Ka Lucio ay mayroong naimpok na
karanasan para mabuhay ng ganito katagal. Sasabihin niya sakin, utang na loob, kumpirmahin
niyo sa akin!
Nagsusulat siya sa dilaw na papel, nang pumasok akobukas ang pinto ng kanyang
bahay gaya ng dati. Katatapos niya lang magluto, at nag maliit at maruming kusina ay mausok
pa rin. Inutusan niya kaong umupo, habang ipinapatong ang kanyang kamay sa kanyang
kandungan, nagtanong siya kung anon a ang nangyayari sa pag-aalsa.
Nahiya ako para sa mga nakalipas na oras, ni hindi ko maintindihan kung sineseryoso ba
niya kami o hindi. Napagdesisyunan kong huwag na lamang pansinin ang kanyang pahayag.
Hindi iyon mag-sisimula ng wala ka, Ka Lucio, sabi ko.
Napatawa siya saka ako tinanong kung gusto ko ng kape; kakapa-init niya lamang ng
tubig at ang nanigas na ang hindi pa natitimplang kapekung hindi ko iyon inisip sa ganoong
paraan. Tumayo siya: grabe ang ipinayat niya, at kung tutuusin ay ilang linggo pa lamang nag
lumipas mula ng huli ko siyang nakita. Napaisip tuloy ako kung umiinom ba siya ng kahit anong
gamut o kaya naman ay nakakakain ng tama kailanmay hindi siya pumasok sa loob ng
simabahan at, kahit na malimit niyang batiin at kausapin tungkol sa mga walang kabuluhang
bagay si Padre Jess, kalianman ay hindi siya humingi ng tulong kahit na sigurado akong
kailangan niyon.
Sana sinusulat mo ang iyong mga gunita, sabi ko.
Hindi, Pepe. Napaisip ako sa huli nating pag-uusap. Nagsusulat ako ng manwal paano
itatag at buuin ang mga magbubukid, paano lumikom ng pondo, paano lumabanalam mo na,
isang sagot-isang tanong na manwal.
Ka Lucio, sabi ko, iyan na marahil ang pinaka kapaki-pakinabang na bagay na
kailangan natin ngayon, particular na ang mga alituntunin ng organisasyon. Ikinuwento ko sa
kanya kung paano ko siya pinakilala bilang pinagmumulan ng karunungan. Sa aming sumisibol
pa lamang na kapangahasan, hindi namin nabibigyang pansin ang mga taong tulad niya na
mayroong maraming maibibigay. Tumingin siya sa akin, maaninag ang pasasalamat sa kanyang
mga mata, para sa pagkakaalala ko sa kanya.
Alam mo ang karamihan sa mga bagay na ito sapagkat nanggaling ka sa nayon, sabi
niya.
Pero nasubukan mo na lahat ng iyan, sabi ko, ang kailangan ko ay kumpirmasyon.
Pinagkakatiwalaan mo ba kami? Gusto ba ng iyong dating mga tauhan ang tumulong muli
particular na ang kanilang mga anak?
Pepe, syempre naman, tutulong sila. Hindi mo ba alam? Ang isang manghihimagsik, ay
palaging manghihimagsik. Nasa dugo na iyan. Hindi ka sumali sa Huks kasi gusto mo ng
pambihirang karanasan o ng peraat kahit na sumali ka para sa ganitong rason, pagkaraan, ang
paglaban, ang pamumuhay ng magkakasamabinago ka nila.
Naintindihan ko ang nais niyang iparating; sumali ako sa Brotherhood sa aking sariling
kadahilanan, pero sa ngayon, tila unti-unti itong nahihigop sa puyo ng tubig. Kahit na gusto ko
ng maka-alis, upang hindi na masangkot sa sabwatan na nabanggit sa akin ni Propesor
Hortenso, nakikita ko na lamang nag sarili kong kahit papanoy gusting maging parte nito, siguro
dahil kung hindi dahil sa Brotherhood ay hindi ko makikilala si Betsy, siguro dahil galit ako sa
kung anong nangyari kay Toto.
Paano ka nakatakas sa mga Hapon? Ganon ba talaga sila kasama?
Napa-upo siya, mababakas ang gulat sa kanyang mukha. Palagi kong nakakalimutan,
sabi niya, na ang digmaan ay tatlong dekada na ang nakalipas, na hindi alam ng henerasyon
mo kung ano ang pakiramdam ng mapasa-ilalim ng mga sundalo. Oo, Pepe, walang magiging
matagumpay na kilusan ng guerillahindi naming makakayang buuin at itatag ang mga
magbubukid kung hindi nag-dusa ang mga tao sa ilalim ng pamumuno ng mga Hapon. Pinatay
nila ang karamihan sa amin, ngunit mas marami kaming napatay sa kanila.
Isinalaysay niya kung paano nila pnagtagumpayan ang pagtambang sa ilog ng Pampanga,
kung paanong ang tubig na datiy malinaw ay naging pula. Hindi niya dinetalye ang lahat;
parang basta na lamang niya isinalaysay ang mga pangyayari. Nanlambot siya, sabi niya, sa mga
tao at oo ngumiti siya sa paggunitamaraming beses siyang nagsuot ng damit pambabae.
Magtatagal pa sana ako, ngunit hinahanap na ako ni Tia Nena; mayroon daw akong
bisita kay dali-dali akong bumalik sa kumbento; tsuper iyon ni Juan Puneta; gusto ko raw bang
kumain ng tanghalian kasama si Dr. Puneta? Nasa may kalsada ang kotse, naghihintay.
Talagang pataas kapataas, sabi ni Padre Jess nang nagpaalam ako sa kanya.
Gusto kong sumakay sa harap ng sasakyan, sa tabi ng tsuper, pero sabi niya na dapat
akong maupo sa likudan. Iyon ang unang sakay ko sa may airkon na Continental, at namangha
ako. Pinaglaruan ko ang di-kuryenteng hawakan ng pinto na nagtataas-baba ng bintana. Sa gilid
ko ay isang panel, at kinokontrol nito ang radio at kaseta. Binuhay koi yon at nakinig sa maingay
na tagapagbalita na ginigiit ang pagkawasak ng pamunuang Marcos at isang martsa ng mga
estudyante patungo sa Malacaang. Mayroon siyang napakalakas na boses at tiyak na mahal
niya iyon sapagkat pinagdidiinan niya ang kanyang pagbigkas ng r, at tumitigil katulad ng
pagtigil na tanging mga artista lamang ang gumagawa. Hindi na natin maatim ang lalaking kung
tumingin ay nanghahamak sa mga tao, na nangungutya sa demokrasya, na ibinenta ang sariling
basa sa mga Amerikanopalasak, kaya lumipat ako sa ibang estasyon. Talagang maganda at
kaibig-ibig ang Bee Gees

How can you mend a broken heart


How can you stop the rain from falling down
How can you stop the sun from shining

Tinatahak naming ang del Pan, patungo sa magandang bansa ng berde, mataas, at
antiseptikong mga gusali, ang Rizal Park. Bumagal siya sa maluwag na lansangan at lumiko pa-
kaliwa patungo sa gusaling may bubong na gawa sa baldosa, ang Spanish Club.
Pakiusap, sabi ng tsuper, nasa loob si Don Juanitanong mo na lang sa serbidor.
Dali-daling lumapit sa sasakyan ang bantay-pinto at binuksan ang pinto. Sa aking
pantalon at kamiseta, naglakad ako patungo sa balwarte ng mga piling tao. Nasa loob ng kainan
si Puneta, umiinom ng alak kasama ang ilang mestizo nan aka-puting pantalonisang
pagkukunwari, sapagkat wala ng nagsusuot ng puting pantalon ngayon kahit na, minsan nang
nabanggit ni Tiyo Bert, bago ang digmaan lahat ng tao ay pumupunta sa kani-kanilang trabaho
ng nakaputing pangsanay na terno kahit na maalinsangan ang panahon.
Lumapit sa akin si Juan Puneta at pinisil ang aking kamay, habang pabulong na
sinasabing: Buweno Pepitokahanga-hanga na tinanggap mo ang aking paanyaya. Matagal ko
ng ninanais na magkaroon tayo ng mahabang pag-uusap. Giniya niya ako sa isang lamesa at
ipinakilala sa kanyang mga kasama sa wikang Espanyol, dagdag pa na isa ako sa mga
mahuhusay na estudyanteng namumuno. Naintindihan ko lahat at, sa isang saglit, natukso
akong magsalita sa wikang Espanyol, ngunit pinigilan ko ang aking sarili. Nakipag-kamay sila sa
akin, pagkatapos ay nagpaalam para umalis. Kahit na may tiwala ako sa aking Espanyol kasama
sina Tia Nena at Padre Jess, hindi ko pa iyon nasusubukan sa taong nakalakhan na ang
pagsasalita ng wikang iyon. Nanatili akong tahimik at nakaupo habang ibinalik niya nag wikang
Inggles, tinanong ako kung anong gusto kong inumin.
Simula sa mga libro at pahayagan, kaunti lamang ang aking alam na klase ng alak,tanging
serbesa at alak lamang ang aking alam. Kailanman ay hindi pa ako nakakarating sa lugar na
tulad ng Casino kaya inutusan ko siya para gawin ang pag-uutos. Sangria,sabi niya. Maaari
akong humingi kay Jerez, ngunit walang singkatulad ang Sangria na ginagawa ng mga bartender
dito.
Kahit na siya ay nasa edad kwarenta na, si Juan Puneta ay mukha pa ring nasa edad
tatlumpu lamang. Halatang inalagaan niya ang kaniyang pangangatawan sapagkat wala siyang
tiyan at ang kanyang mga braso ay matipuno at matigas. Patuloy niyang pinapalagutok ang
kanyang mga daliri.
Dumating na an gaming inumin, ang Sangria. Tagay, sabi niya, habang tinataas ang
kanyang baso sa akin, ang kanyang mga mata ay kumikinang. Biglang napag-tanto ko iyon. Ang
kanyang mga mata ay maingat at mapanlinlangnagbunyag sa kanya, hindi sa kanyang
paglalakad o paguugali. Mababatid sa kanyang mata, ngayon na siyay naka-ngisi, may tiyak na
kataliman. Kailanman ay hindi ako tumutol sa mga homoseksuwalwala akong rason para
sumalungat sa kanila. Sa Cabuwagan, mayroon kaming isang kapitbahay; naninirahan siya
kasama ang mga binata mula sa kabilang baryo, gumagawa ng kakanin at piniritong saging at
pinagbebenta ang mga ito. Ang kanyang mga kakanin partikular na ang kanya kutsinta at
puto ay sikat na sikat sa buong bayan. Kami ni Toto ay nagkaroon din ng mga kaklase, at sila
ay may karapatan sa kanilang mga kagustuhan hanggat hindi nila ako iniistorbo. Gusto ko ang
mga babae, noon pa man ay gusto ko na ang mga babae, at wala akong pakialam na magbago.
Natawa ako kay Juan Puneta sapagkat napaka-maskulado niya, napaka-matipuno,
gayunpaman ay kabaligtaran noon ang sinasabi sa akin ni Lily. Siya ang umorder ng pagkain
piniritong pusit, sumunod ay bouillabase na napaka-sarap, at tripamatapos ito ay minatamis
at kape naman ang sumunod.
Dumating na ang pusit, tustadong tustado at hinati sa maliliit na bahagi, malutong
parang isang tsitsaron. Sa paligid naming ay ang ngawa ng mga negosyante, ng mga naninirahan
sa Pobres Park, mga piling tao, at naiintindihan ang ilan sa kanilang mga pinag-uusapan, presyo
ng mga mineral, walang pakundangang mga tsismis, biyahe patungong EuropaAlam mo,
Pepito, sabi ni Pepito, ng walang biro; tinapos na niya ang lahat ng maaaring maiikling pag-
uusap ang klima ng panahon, ang pataas na pataas na anarkiya. Kailangan mo na talaga
ngayong biyan ng pansin ang trabaho ng organisasyon. Nakinig ako sayo dati, kung alam mo
lang. Maari kang mag-ayos sa mga kabukiran. Anong nararamdaman mo tungkol doon?
Nagbigay siya ng ilang pera sa Brotherhood, kaya hindi ko dapat siya kalabanin.
Kailangan ko siyang pakitunguhan ng maayos, magalang. Maamo niyang sinabi: Hindi ko po
talaga alam, Ginoo.
Huwag mo kong matawag-tawag na ginoo, pagalit niyang sinabi. Talaga nga, hindi mo
ako guro kayat huwag mong hayaan ang aking edad at ang aking Ph.D. na tumakot sa iyo.
Opo, Ginoo.
Tumawa siya. Buweno, kung hindi mo ako matatawag sa aking palayaw na Juan, ay
tawagin mo na lang akong Mister.
Sige po, Mister Puneta, wala akong intension na tawagin siyang Dr., wala talaga
matapos siyang tuligsain ni Misis Hortenso. Hindi koi yon pinagiisipan ng kahit ano, ngunit
kung ano man ang iatang na gawain sa akin, gagawin koi yon.
Mahusay! masigla niyang sabi, habang pinapalagutok na naman ang kanyang mga
daliri.
Dumating na ang bouillabaisse. Ito ang pinakamasarap na pagkain sa Casino, sabi ni
Puneta. Naalala ko ang minsan kong nabasa tungkol dito, sabi doon ay isa iyong putahe mula
Marseilles na sopas na may kasamang pira-pirasong isda, tahong, alimangochopsuey na gawa
sa mga lamang dagat at nagustuhan ko iyon.
Pagkatapos ay tinanong niya ako tungkol sa dating pinuno ng Huk na nasa Baryo.
Nagsusulat siya, sabi ko. Natigilan ako, hindi sigurado kung sasabihin ko ba sa kanya
ang mga kinuwento sa akin ni Ka Lucio, ang manwal na kanyang ginagawa, ang talaan ng mga
dating miyembro na kailangan naming makitasa Laguna, Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija,
Pangasinan, Bicol, at maging sa malayong lugar ng Panay, sa Mindoro, at sa Mindanao. Hindi ko
alam na ganoon na kalayo ang kanilang naabot. Akala koy nakapinid lamang sa Central Luzon
ang kilusang Huk, particular na sa Tarlac at Pampanga.
Anong sinusulat niya?
Ang kanyang mga gunita, pagsisinungaling ko. Siya ay lubos na may sakit.
Kailangan ko siyang makita, sabi ni Juan Puneta. Sa tingin koy nag-aaalala siya.
Sigurado akong kailangan niya ng tulong.
Dumating na ang aming tripa. Inasahan ko na pag-uusapan naming ang tungkol sa
politika; gusto kong malaman kung hanggang saan ang kaalaman niya sa komunismo ng
Pilipinasang paksa ng kanyang disertasyon sa Cambridgeat kung gaano katalas ang kanyang
isipan. Nagpaalam ako sa kanya kung maaari kong basahin ang kanyang ginawang sanaysay,
ngunit dinispatsa niya ang aking kahilingang ng may mapagmataas na kumpay ng kamay. Isa
lamang iyon sa mga pang-akademyang kailangan, tutol niya. Mabuti pay basahin mo ang
aking bagong koleksyon ng mga sinulat kong sanaysay; malapit na iyong malimbag, hinatayin
mo na lamang. Saka niya ako tinanong ng walang pag-aalinlangan kung naranasan ko na bang
maging puta.
Nagulantang ako. Nangapa, natigilan, hindi ako makasagot. Kinumpas niya ang kanyang
kamay sa harap ko at ngumisi: Mukhang mas interesado ka sa politika kaysa sa pagtatalik.
Akala ko ay kukuwestiyonin niya ako, ngunit maligaya niyang binigkas na: Ang mga pag-
aalsa ay dapat hindi maka-gulo sa damdamin o emosyon ng mga babae. Masama iyon sapagkat
magiging mahina sila. Kahit anong oras ay pwedeng-pwede kang humanap ng kalapating
mababa ang lipad para makaraos.
Hindi ako umimik.
Nag-hinala siya, marahil, na hindi ko nagustuhan ang kanyang sinabi. Seryoso ako sa
sinabi ko, sabi niya. Isa iyon sa mga paraan para makaraos ka. Sigurado ka bang bente anyos
ka na, Pepito?
Bente-kwatro na ako, magiging bente-singko, sabi ko.
Buweno, ikaw ay nasa tugatog ng iyong kapangyarihang seksuwal. Wala naming mali sa
pakikipagtalik sa mga parausankung magiging maingat ka.
Kailanman ay hindi ko pa iyon nasusubukan, Ginoo, sabi ko.
Subukan mo sa ibang araw, sabi niya. Iwawaksi niyon ang iyong isipan sa mga
babaeng pipigil at tatapakan ka.
Ni hindi ko pa naisip ko nag sinabi sa akin ni Lilynasusubukan ang isang bagay na
katamtaman lamang tulad ng sauna at masahe.
Naiiling siyang tumawa. Siguro ay isa kang Puritan ano? Naghahanap-buhay kasama
ang paring iyon sa Tondo.
Hindi ho, Ginoo, sabi ko. Hindi talaga, sigurado ako.
Napa-iling siya at napa-umis: Kung ganun, saunasiyon ang isang lugar na hindi ko pa
napupuntahan.
Napakadali sa kanya ang mag-sinungaling. Pero subukan mo ring pumunta sa isang
saunaalamin mo kung ano ang pinaka-maganda, para baling araw kuminang ang kanyang
mga matapwede tayong pumuntang dalawa?

Maya-maya panapaisip ako tungkol sa kakaibang pagpupulong at nagtaka sa kung


anong nakita ni Juan Puneta para sa akin. Nagkuwento siya ng nagkuwento tungkol sa mga
babae, pinagyayabang niya ang kanyang mga pamamaraan, kung gaano kahalaga na
mapasailalim ang mga babae sa control ng lalaki. Mayroon siyang napakadaming koleksyon ng
pornograpiya, sabi niya, na kailangan kong makita balang araw. Bukod pa roon, kailangan ko
siyang bisitahin sa kaniyang tirahanat nakapagtakda na siya ng petsaisang linggo
pagkatapos ng Biyernesganap na alas-nuebe ng umaga; kailangan akoy nasa opisina na niya
at kami ay magsa-sanay sa pagbarilhindi, hindi sa bahay ng mga pusa, kundi sa kanyang
bahaymayroon siyang malawak na sanayan sa pagbaril doon, nangongolekta rin siya ng ibat
ibang klase ng baril at kailangan kong matuto kung paano bumaril at umasinta kung
mapapapunta ako sa pamunuan ng Brotherhood. Sa totoo lang, sabi niya, kung gugustuhin ko
ay maaari kaming pumunta sa kanyang bahay sa oras ding iyon. Ngunit may klase ako sa hapon,
at lagpas alas-tres iyon.
Pinirmahan niya ang memorandum, tinanong ako kung gusto ko ng iba pang inumin
maliban sa anisadounang beses kong uminom ng alakinubos ko iyon sa isang lagukan at tila
nasunog nito ang aking lalamunan. Umeepekto na ang sangria, pati ang anisado, nagiginng
madaldal na siya at bulagsak. Hindi na, ayaw ko nakailangan ko ng dumiretso sa paaralan;
papalapit na ang aming pagsusulit at ayaw kong maalis sa pagiging iskolar. Kung hindi lang dahil
dito sasama ako siya para mag-sanay sa pagbaril, hindi lamang sa kanyang bahay.
Tumawa siya nang buong kasiyahan, dinala ako sa kanyang sasakyan, at nagmaneho
patungo sa Recto. Nang papalapit na kami sa Unibersidad at sa magulong trapik, nilabas niya
ang kanyang pitaka, kumuha ng ilang limampung pisong papel at ibinigay iyon sa akin. Ayokong
tanggapin iyon, ngunit isinuksok niya iyon sa aking bulsa. Hindi iyan para sa iyo, sabi niya,
ngumingisi, para sa Brotherhood. Pumunta sa saunahumanap ka ng pinakamagaling,
pagkatapos niyon ay turuan mo ako. At matapos ang lahatang page-ensayo sa pag-asinta.
Pakiramdam ko ay hindi ko dapat sabihin kay Propesor Hortenso ang nangyariang pag-
uusap tungkol sa mga pamamaraan sa pag-tatalik at pagsa-sanay sa pagbaril; masyado iyong
magara para isalaysay. Buti na lang, hindi ako kinuwestiyon ni Puneta. Nang makarating ako sa
aking klase, binilang ko ang peraeksaktong limang daang piso. Iyon nag pangalawang beses
na nagkaroon ako ng ganoong kalaking halaga at, paniguradong sa loob ng linggong ito, si Roger
at ang mga kasamahan nito ay magkakaroon ng isa pang kainan sa Panciteria Asia o kaya ay sa
ibang lugar na mas magarbo. At marahil, sa wakas ay mabibisita ko na si Lily sa kanyang
pinagta-trabahuhan.

Ang Colonial ay isang tatlong palapag na gusali na mayroong pulang karatula sa harap
nito. Ang naka asul na unipormeng guwardiya ay nakatayo sa gilid ng pinto na mayroong
palamuti; binuksan niya ang pinto pagkababa ko ng taksi, at bumati siya, Magandang hapon
po, Ginoo. Pumasok ako sa bulwagan na nalalatagan ng pulang alpombre. Ang malalaking ilaw
na hugis kabibe ang nagbigay liwanag sa buong pasilyo at kahit na lagpas alas-dos pa lamang,
mukhang magtatakip-silim na dahil sa marung kurtinang nakasabit sa bintana.
Ang tanggapan ng mga bisita ay napupuno ng ibat ibang klase ng mga negosyo. Iyon ay
oras ng sobrang dami ng tao sapagkat nagsidatingan na ang mga bisita mula sa kanilang
panananghalian sa kalapit na kainan.
Lumapit ako sa tanggapan matapos umunti ng mga tao roon. Dalawang babae ang
namamahala roon at ang isa sa kanila ang seryosong nagtanong sa kanya, Ano po iyon, Ginoo?
Executive o VIP? Minsan nang nabanggit sa akin ni Lily na ang kwarto ng mga Executive ang
mas mahal, pero ano bang pakialam ko? Pera naman ni Puneta ang hawak ko.
Executive, sabi ko. Kumuha ako ng isang limampung pisong papel sa aking pitaka at
inabot iyon sa babae, saka tinanong, Okupado ba ang 17?
Tiningnan muna ng babae ang talaan sa harapan niya at sinabing, Hindi. Kinuha niya
ang mikropono at saka nagsalita, Ihanda na ang 17. Isang lalaki sa tanggapan ang nag-abot sa
akin ng susi na may malaki at puting keychain.
Sa ikatlong palapag ho, Ginoo, sabi ng babae.
Umakyat ako sa ikatlong palapag, tinanong ako ng isang lalaki kung nais ko ba munang
maligo at magpasingaw. Hula niya, sa tingin ko, na ito ang unang beses ko dito sa Colonial. Ano
pong numero ninyo, Ginoo?
Pinakita ko sa kanya ang aking susi, at ginabayan niya ako papasok sa kwartomadilim,
wala akong maaninag na kahit ano. Wala akong makita dito, sabi ko. Natawa ang lalaki;
binuksan niya ang aparador sa may sulok at biglang nabalot ang silid ng dilaw na ilaw, napatalon
silaang mababang entablado na may kutson, sobrang tuwalya, tsinelas na yari sa goma na
nakabalot sa plastik.
Dito niyo po ilagay ang mga gamit niyo, Ginoo, paliwanag ng lalaki, habang tinuturo
ang aparador. Ikandado mo iyan at dalhin mo ang iyong susi. Ang liguan ay nasa harap ng
pinto na pinagpasukan mo.
Nagpasalamat ako sa kanya, saka umupo sa sapin. Sinarado ko nag aparador pati ang
ilaw, at muling binalot ng dilim ang silid. Tinanggal ko ang aking sapatos, ngunit hindi ako nag-
hubad; wala akong planong maligo, nais ko lang talagang magpamasahe. Ang pinto ay may
maliit na bintanang yari sa bubog, ngunit natatakpan ito ng isang kapirasong karton upang
magkaroon ako kahit papano ng pag-iisa. Ang pinto, gayun pa man, ay walang susian at kayang
kayang buksan ano mang oras, at ang mga harang sa pagitan ng bawat kuwarto ay hindi
umaabot sa sahig; mayroong makitid na espasyo sa pagitan nito at ng sahig.
Nahiga ako, iniisip kung ano kaya ang magiging reaksyon ni Lily pagpasok niya. Hindi rin
nagtagalnagbukas ang pinto at tinanong, Ginoo, ng may pag-aatubili. Ano pong gusto niyo,
langis? O lotion?
Laway, bulong ko
Natigilan siya, lumapit pa ng bahagya at inaninag ako. Sanay na siya sa dilim at ngayon
ako naman; ang kanyang maiitim na mata ay nanlaki, saka siya yumuko at yumakap sa akin,
namamagaw niyang sinabing; Pepe, Pepe. Nagsimula na siyang tumawa. Ngayon, Ginoo, ano
pong gusto niyong mauna, sensasyon ninyo? O masahe?
Hinalikan niya ako, at mainit niyang sinagot ang bawat hagod ng labi ko sa labi niya, ang
kanyang labi ay tila nangangako sa pamamagitan ng kanyang mga halik. Naglakbay pababa ang
kanyang mga malalambot na kamay.
Tangina, sabi ko habang naghahabol ng hininga. Ginagawa mo iyon sa lahat!
Pepe, sabi niya habang tinutulak ako, sabi ko sayo, trabaho koi yon!
Tangina talaga, ulit ko.
Mag-aaway na lang ba tayo? Pumunta ka ba dito para laitin ako? Nagbayad ka ng
limampung piso para dito, nakalimutan mo na ba?
Hindi ko pera iyon, sabi ko. Nakakawala sa ulirat ang magalit sa isang bagay na wala
naman na akong magagawa. Mabilis akong nilisan ng aking galit. Pumunta ako ditto upang
makita siya; alam ko kung ano ang dapat kong asahan. At hinalikan niya ako. Matapos ang ilang
sandal ng katahimikan, Dalawang gabi mula ngayon, pagkatapos ng huli kong pagsusulit,
dadalhin ko si Roger at ang iba pa sa labaskakain kami ng masarap na hapunanat kung
gusto mong sumama
Hindi ako makaka-alis hanggang hating gabi, Pepe. Ikaw ang una kong panauhin, sabi
niya. Ayoko talaga ng mga binatilyoat mukha kang binatilyo sa itsura mong iyan, idagdag mo
pa ang mahaba mong buhok. Sinabi iyon sa akin ng lalaki.
Ano naming mali sa mga binatilyo?
TYiyon yon. Salamat. Walang pabuya. Goriosiyon ang tawag naming sa kanila. Mas
gugustuhin pa naming na magkaroon ng parokyanong mataba at matandamataas silang
magbigay ng pabuya, halos lahat sa kanila.
Nahiga akong muli.
Ikaw ang una kong panauhin at gusto talaga kitang bigyan ng masahe, sabi niya
habang hawak hawak niya ang aking kamay. Magaling talaga ako, kung alam mo lang. Hard
mayroon akong ilang parokyanong Haponnagpupunta talaga sila dito para sa masahe, at
gusto nila ako kasi nga ika nga nila ako ay ichi bang.
Gusto lang kitang makita, sabi ko. Ngayon na kaya ko na. Binigyan ako ni Juan Puneta
ng pera para dito.
Napaatras siya sa sobrang gulat, at sinabing, Dapat naligo ka at naglinis. Nandiyan na
siya! Ngayon!
Sinabi niya sa akin na hindi pa siya kailanman nakakapunta sa sauna.
Tangina! sabi niya. Gusto mo siyang sorpresahin? Tumayo siya at pumunta sa may
pinto tila paalis na, ngunit hinawakan ko ang kanyang braso, pinigilan ko siya.
Kikitain ko si Girlie, sabi niya. Siya ang kaniyang palagian. Sinabi ko na sayo diba,
nakikipag-usap lang siya sa kanya.
Huwag mong sabihin sa kanyapakiusap.
Tumawa lang siya at saka lumabas.
Matapos ang ilang segundo, bumalik siya. Maswerte tayo, sabi niya. Nasa kabilang
kwarto sila. Maaari tayong makinig sa kanilang pag-uusapan o kaya ay sumilip sa kanila.
Nahiga siya sa aking tabi;magkayakap ng mahigpit, katulad na katulad ng gusto ko.
Napapaisip ako, Pepe, sabi niya matapos ang ilang sandali. Halos tungkol sa aking
sarilianong gagawin ko. Mag-aaral kaong muli at kukuha ng kursong fine arts. Ngunit
nakalimutan ko na ang gumuhit. Kasali ako sa mga sikat ngayonlahat kaming mga bata pa at
magaganda ang mga mukha, ngunit hanggang kalian ito magtatagal?
Mag-aral ka sa umaga, sabi ko. Huwag kang magmadalikahit na tumagal pa ito ng
anim na taon. Ang maganda doon, makakapaghanda ka para sa mas magandang trabaho. Sana
ay nag-iipon ka.
Ano ba talaga ang kukunin mo? Ako na dapat ang tatanungin ngunit bago ako
makasagot, bumuka ang pintuang katabi namin. Sinabi ng babae, Gagawin ko nag lahat ng
aking makakayangunit napaka-unti ng mga kabataang pumupunta rito.
Ang paglagutok ng kanyang mga daliri ay sapat na para makumbinse ako. Ang boses ni
Puneta nang sumagot siya ay napakahina, wala akong maintindihan kahit isang salita.
Bumulong si Lily, Hindi bat nasabi ko na sayo? Pinapaki-usapan niya si Girlie na
makipagkasundo sa mga kabataan para sa kanya. Limang daang pisoganoon kataas!
Nanginig siya; limang daang piso ang ibinigay niya sa akin. Ano ba talagang ginagawa
niya dito? tanong ko.
Sinabi ko na sayo, sabi niya. Halos araw-ara siyang pumupunta rito, at sa mga oras
na ito, kung kalian marami kaming bisita, o pagkatapos ng limang oras. Nagtagal siya sa steam
room, tintingnan ang mga putanginang lalaking iyon. Tapos pumasok siya, ngunit tumangging
magpa-masahe. Gusto niyang si Girlie lagi ang magmasahe sa kanya, iniintay niya ito kapag itoy
okupado. Umalis na naman siya sa pad, minungkahi niya akong sumilip sa maliit na espasyo sa
pagitan ng sahig at sa pumapagitan sa mga maliliit na kwarto.
Yumuko ako; ang ibang silid ay kasing dilim n gamin, ngunit naaaninag ko ang babaeng
nakaupo roon, at ang namumutla at gwapong mukha ni Juan Puneta.
Tama na, sabi niya, habang hinihila siya palapit sa aking tabi.
Ang lapit ng kanyang mga pisngi sa akin. Kahit ang iyong mga buhok ay may matamis na
halimuyak, sabi ko.
Hintayin mong magkaroon ako ng limang panauhin, sabi niya. Saka seryosong
pinahayag, Pepe, nag-aalala ako para sayo. Mayroong isang heneralang mga sundalong
opisyal ay pumupunta rito, kung alam mo lang. Ang heneral na itotuwang-tuwa siya sa
kanyang pagkalalaki. Binansagan nila siyang heneral ng mga heneral. Ni hindi ko pa siya
pinagsisilbihanngunit ang mga babaeng nakapagsilbi na sa kanya, sinasabi nilang napakalaki
noon. Sinabi niya sa isa sa mga babae na ang Army ay magiging malupit sa mga pagpapakita.
Talagang ginagawa nila iyon.
Maaari iyong mas lumala pa. Anong mangyayari sayo?
Hindi ko alam, sabi ko. Siguro, sa huli, ay pupunta ako sa kabundukan.
Mag-iisa ka at magugutom.
Hindi na iyon bago sa akin, sabi ko. Kaya kong mabuhay sa buko, hilaw na saging, at
papaya.
Papapakin ka ng mga lamok at linta. Magkakasakit ka tulad ng malaria at iba pang sakit
na kaugnay nito.
Mabuti na iyon kaysa sa gonorrhea. Walang sauna doon.
Nagkakamali ka, itinaas niya ang kanyang boses sa pagbubulungan namin.
Hinalikan ko ang kanyang baba. Kung sa ganon, wala ng mga nightclub, sabi ko.
At wala ng pagtatalik.
Kayang kaya ko namang makaraos ng mag-isa.
Paano kung ginawa ko iyon sa iyo? Paano kung sumama ako sa iyo?
Iyon na ba ang lahat ng kaya mong gawin? Wala ka talagang kakayahan. Hindi ka
makakakuha ng diktasyon at tipo. Sa tingin ko hindi mo kayang magdala ng mga karga.
Pinaparamdam mo sa akin na wala akong kuwenta, sabi niya.
Pero sapat ka na sa akin.
Isasama mo ba talaga ako kapag sumama ako?
Napaka-seryoso ng kanyang tinig. Hindi, sabi ko.
Kung ganon, hihintayin kita.
Tangina, bulalas ko. Maghihintay ka habang buhay.
Ang kabilang silid ay nagliwanag na; tapos na si Juan Puneta at malinaw na siya ay
nagbibihis. Natutukso akong tumayo at pumunta sa kanyang silis at komprontahin siya, subalit
pera niya ang aking ginagamit at isa pa, hindi ako handing kalabanin siya.
Maaari tayong sumilip sa pinto, sabi ni Lily, nakatayo, at iyon mismo ang ginawa
naming. Dali-daling lumabas si Puneta, at napa-isip ako kung dala ba niya ang kanyang
Continental.
Hindi, sabi ni Lily, lagi siyang mag-isa kapag siyay pumaparito, sakay ng taksi, sa
palagay ko.
Mayroon akong oras kaya nanatili pa ako kahit tapos ng magpalit si Lily ng kobre-kama.
Pinakiusapan niya akong magtagalwala ng naghihintay sa kanya. Malalaman naman niya iyon
kung meron man.
Ang malas ng araw mo, sabi ko. Binigyan ko siya ng limampung piso bilang pabuya na
ayaw naman niyang tanggapin, kaya isinuksok ko iyon sa bulsa ng kanyang puting blusa. Bago
kami makarating sa tanggapan ng mga bisita, hinalikan niya ako; saka ako lumabas sa
nakakasilaw na sinag ng araw.
Nagpunta ako sa bahay ni Propesor Hortenso kinabukasan sapagkat nagbilin siya sa akin
sa opisina ng pahayagan ng paaralan. Binuksan ni Misis Hortenso ngunit bago niya ito gawin,
sumilip muna siya sa bintana na may rehas.
Pumasok ka, Pepe, sabi niya na animoy nagmamadali, saka kinandado ang pinto.
Nakakain ka na ba? Alam niyang dumiretso ako mula paaralan papunta sa Dapitanat
nakahanda na ang mga plato sa ibabaw ng lamesa. Siya ay maalalahanin at mabaitbalang
araw, sabi ko sa sarili ko, kapag nagpakasal ako, iyon ay sa taong katulad niya.
Umupo sa tabi ko si Propesor Hortenso habang naghahayin si Misis Hortenso ng mainit
na kanin, pritong bangus, at sinigang na hipon. Gutom na gutom ako. Pinanuod niya akong
kumain, at matapos ang ilang sandal ng katahimikan, nagsalita siya tungkol sa aming mga
pagsusulit na parang madali lang ang mga ito. Hindi, nadalian ako sa aming pagsusulit, ni wala
nga akong libro; nakinig lamang ako sa leksyon ng guro imbis na paliparin ang aking isip.
Kung sa ganon, mananatili ang iyong pagka-iskolar, masaya niyang pahayag.
Kailangan mo. Hindi na tumatanggap ng mga aktibista ang Unibersidad na hindi naman
lehitimong estudyanteat ang mga estudyanteng nasa liderato ay binabantayankailangan
nilang umayos ng kilospara manatili, hindi lamang nag kanilang pagka-iskolar, subalit maging
sa Unibersidad mismo. Ang Army ay nagbubunyi ng puwersa.
Tahimik lamang ako. At maging maingat ka, Pepe, sabi ni Misis Hortenso. Hindi mo ba
alam na dalawang araw na nila tayong minamatyagan? Nandoon sila itinuro niya ang
kanyang baba tungo sa tabi ng kalsada. Sa dyip. Mayroon silang mga kamera. Napansin ko sila
kahapon nang pumunta ako a pamilihan. Hindi talaga ako mapaghinala, ngunit inobserbahan ko
sila; minamatyagan nila ang bahay.
Lumingon ako kay Propesor Hortenso. Dahan-dahan siyang tumungo.
Nang matapos ako, tumayo siya at sinabing, Lumabas tayo para maglakad-lakad.
Sinundan kami ni Misis Hortenso sa pinto. Mag-ingat ka, Tay, sabi niya, ang kanyang
mukhay nandilim sa sobrang pangangamba.
Naglakad kami patungo sa maluwag na lansangan at, panaka-naka, dagliang lumilingon
si Propesor Hortenso. Walang sumusunod sa amin. Isang linggo ko na siyang hindi nakikita.
Ngayon, sinabi ko sa kanya ang tungkol kay Juan Puneta, kung paano niya ako dinala sa Casino
para mananghalian, kung paano siya magsalita tungkol sa politikakaunti lamangwala ng iba,
tungkol kay Ka Lucio.
Gumagawa siya ng listahan ng mga tao na kailangan nating kausapinsila ay nasa ibat
ibang panig ng bansa, sabi ko.
Mabuti! Mabuti! bulalas ni Propesor Hortenso. Saka sinabi sa akin kung gaano siya
kaalala; ilang kalalakihan na naman ng Diliman sa Brotherhood ang nawala. Dahil doon limang
estudyanteng lider na ang nawawala na walang iniwang bakas. Kinailangan ng mga magulang na
pumunta sa Maynila, magtanong sa pulisya, sa Army, ngunit walang matukoy na ebidensya.
Nakapunta na ata sila pailalim, sinuhestiya ko.
Hindi, sabi ni Propesor Hortenso. Malalaman ko rin iyanmalalaman din iyan ng
Brotherhood.
Nakarating kami sa malawak na lansangan. Pepe, sabi niya, hindi ko alampero sa
tingin ko kailangan mo ng tigilan ang pakikipagkita kay Puneta. Hindi naman sa hindi ako
naniniwala sa kanyawala akong ebidensya para doon. Pero sa tingin ko ay mas makakasama
pa siya kaysa sa makatulong; binasa kong muli ang sulat ng iyong Tiyoat tama siya. Hindi na
natin kakayanin ang malinlang muli. Lalo na kung magamit sa maling paraan habang alam
natin.
Halos hating gabi na nang makabalik ako sa Tondo. Natukso akong sumakay sa taksi
mayroon pa akong natitirang tatlong daang piso mula kay Puneta, pero hindi naman ako
nagmamadali at gusto kong mapag-isa upang makapag-isip ako ng maayos at malinaw tungkol
sa kung ano ang nangyari. Kikitain ko dapat si Puneta sa Casino noong araw na iyontulad ng
napag-usapanngunit matapos akong balaan ni Propesor Hortenso, napagdesisyunan kong
huwag ng makipagkita sa kanya.
Ang maputik na eskinita ay natuyo na samantalang ang iba naman ay nasementohan na.
Nakalikom na kami ng pondo para sa basketball court. Napailawan na rin ang simbahan, at ang
mga tao ay nandoonhalos lahat ng kalapit-bahay. At ang nasa kalagitnaan ay kabaong. Nang
makita niya ako, si Coraang mas matanda sa dalawang magkapatid na babae na naninirahan
kasama si Ka Lucioay lumapit sa akin at nagsimula ng umiyak.
Pepe, si Tiyo
Binati ko siya noong umaga na umalis ako papuntang Unibersidad para magbalik-aral at
tinanong ko pa siya kung gusto niyang sumama sa amin sa Panciteria Asia at sinabi niyang
Mararamdaman ko lamang na hindi ako naangkop sa lugar, Pepe. At ngayon patay na siya.
Inatake ba siya sa puso? Inatake ba?
Hindi siya makapag-paliwanag; si Roger na ang gumawa niyon. Nakaalis na si Cora para
magtrabaho at si Nene iyon, ang pinakabunso, ang dumating sa bahay mula sa eskwelahan
noong tanghali para kumain. Si Ka Lucio ay nakahandusay sa salas, ang kanyang uloy nanliligo
sa sariling dugo. May isang pumasok at malakas na pinalo ang kanyang ulo. Higit sa lahat,
marahil ay hindi niya alam kung sino o ano ang pumalo sa kanya. Sa kanyang katandaan,
masyado siyang mabilis magtiwala ka naman ay pinapanatili niyang nakabukas ang pinto ng
kanyang bahay. Walang sinuman ang nakakita sa pumatay sa kanya. Walang ingay, walang
sigaw, walang pagpupumiglas; napakabilis ng pangyayari. Alam niya na kahit papanoy may
kapayapaan at katahimikan dito sa baryo, ngunit sinundan siya ng kamatayan, ito ang
nagsumpa sa kaguluhan ng lata at bato at kahoy. Nabuhay siya ng labindalawang taon sa
kulungan, sa pamamagitan ng pagtatambang at pagpapakahirap, para lang mamatay sa hindi
makilalang suspek.
Nasabi na naming sa pulisya, pahayag ni Roger habang napunta kami sa kabaong.
Tumingin ako sa kalmado, payat, at payapang itsura niya sa kabaong. Hindi pa siya nakakapasok
ng simbahan noong siyay nabubuhay pa. Mayroon pa akong tatlong daang piso, ngunit sinabi k
okay Roger na hindi na kami muli pang lalabasang pera ay para kay Ka Lucio.

Kadena ng mga Siglo

Si Betsy ang sumagot ng telepono nang sinubukan ko siyang tawagan ng sala sa oras na
aming napagkasunduan. Nakaramdam siya ng pagmamadali kahit na pinilit kong tumunog
walang galang.
Anong nangyari? Maaari mo bang sabihin sa akin?
Hindi sa telepono, sabi ko. Sa pagitan n gating mga halik, sasabihin ko sa iyo.
Sinusundan ka ba nila?
Katulad na lamang ng pagsunod ko sa iyo, sabi ko.
Mabilis akong magmamaneho sa abot ng aking makakaya; kailangan ay nandoon na
ako sa loob ng dalawampung minuto.
Simula Makati, sa takipsilim kung kalian napakalala ng trapik, aabutin iyon ng isang oras.
Naglakad ako papunta sa tagpuan kung saan dapat naroroon ang aking mga kaibigan, ngunit
walang tao roon. Umupo ako sa isang lamesa sa sulok kung saan natatago ako sa karamihan ng
tao sa gabi, ang mga mag-aaral ay kumakain ng meryenda pagkatapos ng kanilang pang-hapon
na klase.
Napaka-ingay ng kalsada sa labas gawa ng trapik at nang lumabas ako, ang mabahong
amoy ng basura na nakasalansan sa kanal ang tumambad sa akin. Ang aming mga salawikain
nakatatakip sa buong dike na gawa sa bato, sa dingding ng mga gusali. Ang mga bago ay pulang
pula, sumisigaw: Marcos Hitler Diktador.
Lagi talaga akong natutuwa, naghihintay sa tabi ng daan, hanggang sa dumating si Betsy
lulan ng kanyang dilaw na Volks. Umalis siya mula sa trapiko papunta sa kung saan niya ako
laging sinusundo. Dali-dali akong sumakay sa sasakyan at habang lumilipat siya sa unang
kambiyo, yumuko ako at humalik sa kanyang pisngi.
Mabilis kaming naka-alis sa Quiapo at sa malawak na kalsada, bahagyang pagsasalita,
maliban na lang sa mga detalye, ang kanyang pang-terminong sanaysay tungkol sa Japan, ang
alitan nilang mag-ina. Ang kanyang mga sagot ay walang kasigla-sigla.
Wala kaming paboritong motel; pumunta kami sa kung anong pinkamalapit at
pinakamadaling puntahan. Bihira kaming pumunta sa isang lugar ng dalawang beses sapagkat
ayaw ko siyang sumailalim sa nakakahiyang pagkakakilanlan. Sa M.H. del Pilar, kumaliwa kami
sa unang motelang dating tirahan na itinayo bago maganap ang digmaan sa Malate ay naging
mumurahin na lamang ngunit tumutubo naman. Ang lalaking nakatayo sa hilera ng mga pinto
ng garahe ay tumuro sa isang bukas na garahe at nagmaneho kami papasok dito. Sinundan niya
kami at ibinaba ang pinto. Lumabas si Betsy at dali-daling umakyat sa hagdan. Sinundan ko siya
patungo sa maliit na salas at sinarado ang pinto; may karaniwan doong pares ng baso, ang
talaan ng pagkain ay nakapatong sa lamesa, at makalampas ditto, isang malaking kama na may
salamin sa gilid nito; ang airconditioner at ang radio ay naka bukas. Hinalikan niya ako, ang alat,
ang tamis ng lahat ng iyo, ay nagtagal sa aking bibig.
Tumunog ang kampanilya, at pinakawalan niya ang kanyang sarili, inabot ang kanyang
pitaka para sa pera, ngunit sa oras na ito, umiling ako. Mayroon ako kahit kaunti, sabi ko.
Ako na ang bahala rito.
Ngumiti siya, saka pumunta sa kuwarto at sinara ang pinto.
Dumating ang lalaki na may dalang parehistruhan , isang pitsel ng malamig na tubig, at
isang ekstrang kumot. Pinatong niya ang parehistruhan sa lamesa, at sinulat ko ang tunay kong
pangalan katulad ng lagi kong ginagawa kasama ang hindi tunay na sertipiko ng paninirahan na
nagtataglay ng maraming pitong numero. Binigyan ko siya ng dalawampung piso,
pinasalamatan niya ako pagkatapos at umalis na, sinara kong muli ang pinto. Ngayon, aming-
amin na ang oras. Wala ng pakialam si Betsy kung mabuntis siya, ngunit ayaw ko siyang
pahirapan. Sa loob ng ilang araw, pupunta siyang Bacolod para magbakasyon upang makapag-
paalam sa mga kamag-anak niya, kaibigan, at ang kanyang paaralan ng kindergarten.
Matapos iyon, sinabi ko sa kanyang patay na si Ka Lucio, at ang listahan at manwal na
ginagawa niya ay nawawala. Tahimik niyang nilulon ang balita. Mayroon tayong mga kaaway,
sa wakas ay nagsalita rin siya, nanginginig.
Halos isang taon na rin, Betsy, sabi ko. Sa tingin mob a ay mapagkakatiwalaan mo
ako?
Nahiga kami, magkahawak ang mga kamay. Pepe, pinagkatiwalaan na kita noong unang
beses pa lamang kitang nakita. Paano mo naitanong iyan? malumbay niyang pahayag.
Kahit na minsan, pakiramdam ko ay hindi kita maintindihan, pinagkatiwalaan kita ng
buong buo, sinabi sayo ang mga bagay, pahayag ko.
Anong bagay?
Ang buhay kohalimbawa na lang. Nahihirapan akong bumuo ng mga salitang
sasabihin. Sabi mo may mga kaaway tayo. Kailangan nating kumilos, maliban na lang sa mga
pagpapakita. Dapat pagkatapos ng semestrong ito, pupunta ako sa kabundukan.
Napaatras siya, ang kanyang mga mata ay napuno ng pangamba.
Wala na si Ka Lucio. Sabi ni Propesor Hortenso na tayong mga nakabunyag ay
nanganganib, pahayag ko.
Muli siyang nahiga. Tumaas-baa ang kanyang dibdib; nakatitig lamang siya sa kisame, sa
walang kuwentang ilaw na kulay pula doon na nakalimutan kong patayin. Lumapit ako sa kanya,
hinagod ang kanyang tiyan.
Pakiusap, Pepe, sabi niya. pag-isipan mo iyon ng mabuti. Tatlong linggo na langat
pupunta na ako sa America. Ayaw kong umalis. Mas gugustuhin ko pa ritokahit anong
mangyari.
Hinaplos ko ang kanyang pisngi, saka pumaibabaw sa kanya na tanging siko lamang ang
nakaalalay sa katawan at tinitigan ang maningning na mga mata, ang buong labi, ang ilang hibla
ng buhok sa kanyang makinis na noo.
Hinawakan niya ang aking kamay at idinampi sa kanyang dibdib. Ano ba itong nagawa
natin? San tayo pupunta? Natatakot ako.
Kailangan nating mabuhay hanggat kaya natin. Huwag tayong mag-aksaya ng kahit
isang sandali.
Paano mo naaatim na sabihin iyan? tanong niya. Ikawsa ganyang posisyon. Hindi
iyan ang pwestong nararapat para sa tao.
Kung ganon, kinamumuhian mo ako.
HindiPepe, paano mo nasasabi iyan? Lahat ng taong nagsisiksikan doonkinahihiya
ako. Kung paano tayo nabuhay. Isang bestidaiyon ang halaga ng kikitain ng isa sa kanila sa
loob ng isang buwan. O kahit na tatlong buwan. Iyon ang dahil kung bakitkalimitan,
nagsusuot ako ng pantalonhindi dahil iyon ay sunod sa moda, ngunit dahil sa nahihiya ako.
At sinusuot ko iyon para pagtakpan ang aking kahirapan, sabi ko.
Natatawa na ako; sa unang pagkakataon ay tinamaan akoang pagiging karaniwan
niyon, ang pagiging bakya niyon. Lumingon siya sa akin at tinanong: Nakakatawa ba ang
kahirapan?
Hindi, sweetheart, sabi ko, habang kinukurot ang kanyang ilong. Tayotayo ang
nakakatawa. Noong bata pa ako, nakasanayan kong makita ang nakakatawang litrato ng
Tagalog. Mayamang lalaki, mahirap na babae. Minsan na siyang naging probinsyana. At isang
beses, isang konduktor sa bus. Iyon ay kahanga-hangang libangan. Ngayon naman ay
mayamang babae, mahirap na lalaki. Nalalarawan mob a sa iyong isip ang mas nakakatawang
sitwasyon? Iyon ang tipo ng kuwento kung saan gawa ang mga pelikula at ang lahat ng serye sa
radio. Nang magpapakasal na ang dukhang lalaki at mayamang babae, may biglang nangyari
at naghiwalay sila. Hintayin ang sunod na yugto bukas, sa susunod na linggo, sa susunod na
buwan.
Buhay natin ito.
Sumasakit lamang iyon, sweetheart, kapag tumatawa ako. Matamis kong sabi sa
kanya.
Tigilan mo na ang pagiging matalino. Hindi mo ba nakikita? Gusto kong ikaw ang
maging pinakamagaling na iskolar sa iyong unibersidad, ang pinakamahusay na pinuno sa
Brotherhood, ang pinakamagaling na manunulat... mas higit pa sa iyong ama.
Huwag mo siyang isali rito, matalas kong sabi. Iyon ang kinintal sa aking isipan ni Tiya
Bettina at Inayang maging katulad niya. Hindi ako mabubuhay sa kanyang anino. Ayaw ko ng
basahin pa ang kanyang mga sinulat, ayaw ko na siyang alalahanin.
Pepe, ama mo siya!
Tangina, sa impyerno! Kung nagpakamatay siya ay doon siya nararapat, sa impyernong
kanyang nilalagyan.
Mayroonmay taglay siyang angking integridad.
Hindi mo masasabi iyan, total ay hindi mo naman siya nakita kailanman.
Sa pagbabasa ko ng kanyang libro, pakiramdam ko ay kilala ko siya.
Siguro, siya ang iyong mahal.

You might also like