You are on page 1of 801

Playboy’s BABY.

© 2012 HippityHoppityAzure of Wattpad


http://www.wattpad.com/HippityHoppityAzure

* This is not proofread & fully-edited.

** Private chapter is not included.

*** And please, DO NOT PLAGIARIZE.

THANKS.
xx1: A Teasing CLASH with an EX

[ADRIAN's PoV]

"Sorry honey, I'm late..." bulong ko sa isang babaeng nakaupo sa bench dito sa
university campus.

"It's okay..." nakangiti nyang sabi sabay yakap sakin pagkaupo ko. "Alam ko namang
babawi ka. Diba??"

Ngumiti lang din ako at hinalikan sya sa pisngi malapit sa tenga nya. I know that
is her WEAKNESS spot.

She's Myra. Obviously, girlfriend ko sya. OR to be EXACT, sya ang CURRENT


GIRLFRIEND ko.

Why CURRENT?? Kasi pwede ako magpalit ng girlfriend anytime. I play with every girl
who catches my eye and I put them aside once I
have enough of them.

Yes. Pwede nyo ko tawaging PLAYBOY, CASANOVA, PLAYER o kung anupaman! Pero hindi
ako maituturing na ULTIMATE. Hindi
naman kasi ako ganun kalupit, yung tipong ilang oras lang o isang araw ang
pinakamaiksing pakikipagrelasyon. Medyo may awa pa ko
dahil tumatagal ako ng isang linggo sa isang babae bago ko magsawa.

"Uhh... W-Wait..." nag-aalangan nya kong tinulak. "Not here..."

"But I wanna kiss you..." patuloy lang ako sa paghalik sakanya. Gusto naman nya ang
ginagawa ko eh pero dahil sa kilala sya dito
bilang isa sa matatalinong estudyante, syempre nako-conscious rin sya.
Huminga sya nang malalim at tumayo hawak ang kamay ko. "Tara na."

"Saan naman??"

"Hmm... To somewhere VERY PRIVATE??"

I grinned. Alam ko ang tinutukoy nya...

Hinayaan ko syang hatakin ako hanggang sa mapunta kami sa loob nitong Camera Club.

Medyo maliit ang kwartong toh. Puro libro, mga kahoy na upuan at mesa at mga lumang
bagay na may kinalaman sa photography. The
only good thing here is, WALANG IBANG TAO NGAYON DITO.

Pagkapasok namin ay agad nya kong hinalikan. Grabe lang tong babae na toh pag
walang ibang tao sa paligid. Nagiging wild.

We kept on frantically kissing until I made her sit down on a table.


Bakit kaya ang dali makuha ng mga babaeng nakakarelasyon ko..?? Lagi nilang
binibigay ang gusto ko...

"Ian..." humigpit yakap nya sakin when my kisses went down on her neck with my one
hand rubbing her waist under her shirt.

*creeeaak~*

Bigla kaming natigilan nang may nagbukas ng pinto!

"Oh..." nagulat na reaksyon ng babaeng may hawak na mga libro.

WAIT. I know her...

"Sor---"

"SORRY!" si Myra ang nagtuloy sa pag-sorry nya. Nagmadali syang tumayo at


nahihiyang inayos ang sarili.

"No, no. Sige. Babalik na lang ako mamaya."

"H-Hindi..." pinigilan sya ni Myra. "Isasauli mo lang naman yang books diba??"
"Oo... Sana..."

"Go ahead." umepal ako sa usapan nila. "Ayusin mo na yang mga libro sa lalagyan
nila."

Hindi sya sumagot at tinignan lang ako nang seryoso. Tahimik syang pumasok papasok
pumunta sa isang shelf.

Tulad ng sinabi ko kanina, KILALA KO SYA. She's Rachellyn Quintos. Classmate ko


nung high school. An EX-girlfriend of mine. And
not to mention, she's my first BED experience.

Kaya malamang galit sya sakin, dahil matapos ang nangyari samin, nakipaghiwalay na
ko sakanya. Sobra nya yatang dinamdam ang
break up namin. After kasi ng last grading exams namin nung 3rd year HS pa kami,
hindi na sya umattend ng klase namin. Balita ko
nagkasakit sya tapos bigla syang nag-transfer on the following school year. Since
then, wala na kong narinig pa tungkol sakanya.
Ngayon, makalipas ang halos 5 years, who would have thought na magkikita pa kami
ulit? At sa ganito pa ka-awkward na sitwasyon.

"New member ka??" tanong ko sakanya. Pero di nya ko pinansin.

"Oo..." si Myra ang sumagot sakin. "New member namin sya.. Transferee rin, 3rd year
Journalism student."

"3RD YEAR???" gulat kong tanong.

"Oo, 3rd year..." ulit ni Myra. "Bakit..??"


"Wala lang..." pinanood ko na lang syang mag ayos ng mga libro.

Pero nagtataka pa rin ako... Dapat parehas na kaming 4th year eh... Nag-stop kaya
sya dahil sa sakit nya?? Imposible naman kung
dahil sa pera kasi may kaya ang pamilya nya...

Sa gitna ng katahimikan namin ay may nagbukas ulit ng pinto at sumilip ang isang
babae.

"MYRA! Sabi na nga ba nandito ka lang. Hinahanap ka na ng groupmates natin!"

"A-Ah oo nga pala!" kinuha ni Myra ang bag nyang nasa sahig at sabay kaming lumabas
ng kwarto. "Sorry hon... May group work pa
kami eh..."

"Sige lang... Kaw naman ang babawi bukas ah?"


Ngumiti sya at hinalikan ako. "Oo naman... Bye."

Umalis na sya kasama ang babaeng tumawag sakanya kanina. Tsk... Nabitin naman ako.
Ang daming hadlang. Kahit pala hindi
dumating si Chelle eh may darating din palang iba para istorbohin kami. Kung
nangyari yun, malamang mas malala pa nakita nilang
ginagawa namin ni Myra...

And speaking of Chelle, bumalik ako sa loob ng clubroom para kausapin sya.

Chelle-- that's how I used to call Rachellyn before. Mahilig sya kumuha ng mga
litrato kaya di na ko magtataka kung bakit sya sumali sa
club na toh.

Tapos na pala sya mag-sauli ng mga libro pero kumukuha naman sya ng mga bago.

Di ko maiwasang titigan sya... Pansin ko ang laki ng pinagbago niya... Kung may
sakit sya, bakit ang healthy ng itsura nya? Ang totoo
nga, mas gumanda sya ngayon at mas nag-mature pero simple pa rin mag-ayos...

"Chelle."

Tinawag ko sya pero di nya ko ulit pinansin. Ganyan ba sya ka-bitter?? Umaastang di
ako kilala?? Nakakatawa ah.

Dahil natatawa ako eh napatingin sya sakin.

"Sorry. Hehehe. Kaw kasi, nagka-amnesia ka ba at ini-snob mo na lang ako?"

Great. Di na naman nya ko sinagot. Pinaninindigan nya ang pagiging seryoso at


binuhat na ang mga librong kinuha nya. Papalabas na
sya pero nakaharang ako sa pintuan eh.
"Excuse me." pagtataray nya.

I smiled at her and asked for a SHAKEHAND. "Kinalimutan mo na nga yata talaga ko
so... Papakilala na lang ako. I'm Adrian Louis
Guillermo."

"Ah. WHAT A NICE NAME. Sige. KAILANGAN KO NANG UMALIS."

Pilit nyang bubuksan ang pinto pero sinandalan ko yun para pigilan sya.

"Kamusta ka na ba, Chelle?? Balita ko nagkasakit ka..."


"I'm very fine, as you can see." kalmado sya pero may sama ng loob ang boses nya.

"Galit ka pa rin ba sakin dahil sa mga nangyari satin noon??"

"Hindi."

"Kung hindi, bakit mo ko iniiwasan?"

"Dahil ayoko na magkaroon pa ng kahit anong koneksyon sayo."

Ganun ah... Bigla ko sya hinatak at nagpalit kami ng pwesto. Sya ang pinasandal ko
sa pintuan. Nahulog ang mga dala nyang libro
pero wala akong pake... Kinulong ko sya sa mga braso ko at hinarap sya nang
malapitan.

Ang posisyong toh... It makes me feel nostalgic. Marami akong naaalala. Parang
gusto ko tuloy syang halikan...

"Now I'm sure. Pinagsisisihan mo ang nakaraan natin..." bulong ko sa kanya habang
nagtititigan kami.

Ngumisi sya sakin. "Nagkakamali ka. Wala akong pinagsisisihan."

"Ah... Wala naman pala eh. Then okay lang kung maging tayo ulit? Kung gawin natin
yun ulit?" nilapit ko pa mukha ko to kiss her.
"Chelle... I missed you..."

*SLAP!!*

AWW... Malakas ang sampal nyang yun ah... Nilabas nya yata lahat ng kinikimkim
nyang galit sa sampal na yun.

"Glad to know that you missed me, Mr. Guillermo. But sad to say, I don't have time
to play with you. Wala ka naman dapat na ipag-alala
if ever na magsawa ka na kay Myra. Marami pang babae sa paligid mo. Mga babaeng
virgin at magpapakatanga sayo."

"Magpapakatanga sakin??" tanong ko habang hawak ang pisngi kong sinampal nya.
"TULAD MO?"
"OO." lumuhod sya at mabilis na dinampot ang mga nahulog na libro. "But thanks to
that stupidity at nahanap ko rin ang kaligayahan
ko..."

"ANO??" sobrang na-curious ako sa sinabi nya. Anong kaligayahan ang tinutukoy nya?
Di nya ulit ako pinansin at tuloy nang binuksan ang pinto.

"Sandali." hinatak ko sya pabalik. "May boyfriend ka ba ngayon??"

"That's none of your business." inalis nya ang pagkakahawak ko sa kanya at naglakad
na paalis.

Totoo...

Napakalaki na ng pinagbago nya, hindi lang sa pisikal kundi pati sa ugali...

Si Chelle na sweet at caring sakin noon, ngayon palaban at mataray na...

At MASAYA raw sya ngayon... Bakit kaya?? May iba na bang lalaking nagpapasaya
sakanya ngayon??

Nakaka-irita... Pero di ko na rin sya dapat pag-aksayahan ng panahon. Past is past.


Di ko na babalikan pa ang mga babaeng minsan
ko nang pinagsawaan.....

...o hindi na nga ba talaga???

Tsk...

xxxxxx

xx2: A Big NO to EARLY FATHERHOOD!!

Ugh. Pagod na ko sa pinag-gagawa namin ni Myra... So ganito pala sya bumawi sa


nangyari kahapon...

Anong ginagawa namin..?? Hehe.. Hindi kami pumasok ng school ngayon para mag-mall.
Kaninang tanghali pa kami nagmo-mall
hopping. Ito naman kasing si Myra, di na nakuntento sa iisang mall tapos ang ginawa
lang namin ay KUMAIN, LAKAD-LAKAD, NOOD
SINE, TUMAMBAY at KWENTUHAN. Tss...

"R-Rachellyn Quintos??" inulit ko ang pangalang bigla nyang binanggit habang


naglilibot kami dito sa bilihan ng damit sa loob ng
department store.

"Oo. Yung girl kahapon na nahuli tayo sa Camera Club, limot mo na??"
"Hindi.. Eh pero bakit sya nagquit sa club nyo..??"

"Ewan... Nahiya siguro sa nakita nya kahapon... Pero okay na yun, nawala kaba ko
nung nagquit sya."

"Ano ba namang dahilan yun..."

"Bakit parang affected ka sa pagquit nya..?? Type mo sya noh..??"

"=___= Hindi ah..."

"Buti naman... Di hamak na mas maganda ako sakanya eh diba?"

Ngumiti lang ako. Pilit na ngiti. Parehas silang MAY ganda eh, pero mas sexy lang
pumorma si Myra.

"Ang cute oh!" sigaw ni Myra sabay hatak sakin sa...sa damitan sa KIDS' SECTION.
"Ay mas cute toh! Pang-baby!!" at tinignan nya isa-
isa yung mga pink na damit na pang-baby girl. "Honey, bili ka nito para sa future
baby natin.. Hihi.. X3"

"Future baby eh wala pa ngang nangyayari satin. Tsaka wala kong balak maging tatay
sa edad kong toh noh.. 20 years old lang ako,
marami pa kong gustong gawin bago yun."

"Wala daw balak, eh ang dami-dami mo nang naging babae... Paano na lang kung isa
sakanila magpakita sayo bigla tapos... May
dalang bata at sabihing an---"

"IMPOSIBLE." mabilis kong pagtanggi.

Napatitig at napangiti sya sakin. "Kung maka-IMPOSIBLE ka naman..."

"Syempre. Alam ko kaya kung paano mag-ingat."

"Oo na. Obvious naman na ang katulad mo ay hindi basta-basta gumagamit ng babae
without protection."

"Ta..." hindi ko natuloy yung pag-sang-ayon ko sakanya. Naaalala ko kasi yung first
time ko. It's an exception kasi it was...unprotected,
unlike ng sinabi nya. Pero ano naman? First time nga eh, hindi ako handa nun, hindi
ko pinagplanuhan ang pangyayaring yun samin
ni....ni Chelle. At wala akong dapat ipag-alala. Kung nagbunga ang ginawa namin edi
sana pinakita na ni Chelle ang bata.

"Uy, hon? Natulala ka na? Tsaka ano ba yung sasabihin mo? Ta..??"

Niyakap ko ang isang braso ko sa waist nya at naglakad na kami. "TARA NA, iuuwi na
kita sa bahay KO. Mag-ready ka na dahil dun ka
talaga babawi."
"Hala... Haha. Naku, ikaw ang mag-ready.... Magugulat ka na lang sa kayang kong
gawin para makabawi sayo..." mahina nyang sabi
with her forefinger on my lips.

Hanep talaga ang babaeng toh. Sabi nya dati ako ang magiging FIRST nya pero di ko
yata sya dapat maliitin sa kama.

Papalabas na kami ng mall. Lalabas na nga lang kami pero si Myra nag-CR pa muna. Ay
naku... Dahil dun, hinintay ko sya sa labas,
nagmuni-muni, at may napansin akong maliit na batang lalaki na tumatakbo paikot.
Naglalaro yata sya mag-isa.

Takbo. Hinto. Takbo. Talon. Takbo. Ayun NADAPA.

"UWAAAAAAH!!!" iyak nya.

"Hon, let's go~" nakalabas na pala si Myra at yumakap na sa braso ko.

"Okay..."

"UWAAAAH! WAAAAAH!!" patuloy sa pag-iyak yung bata. Nakaupo lang sya sa kung saan
sya nadapa.

"Ay..." napahinto si Myra sa paglalakad at nilingunan yung bata. "Bakit walang


lumalapit dun sa bata??"

"Malay ko... Halika na." naglakad na ko ulit pero si Myra bumitaw sakin at lumapit
dun sa bata. No choice ako, sinundan ko sya.

Lumuhod sya sa harap nung bata na iyak pa rin nang iyak at mag-isa. "Bata... Nasaan
na kasama mo??"

"UWAAAAAH!!"

Tumingin sa paligid si Myra. Pati ako. Yung ibang tao nakatingin samin pero wala
sakanila ang lumalapit para kilalanin yung bata.
"Nawawala ka yata..." sabi ni Myra at pinunasan ang luha nung bata. "Tara, help ka
namin. Hahanapin natin mga kasama mo."

Hinawakan nya ang dalawang kamay nung bata pero ayaw nun tumayo.

"Halika na. Paano ka namin matutulungan kung di ka tatayo..??" hinatak nya yun
patayo pero ayaw talaga.

"Myra, wag mo hatakin. Baka mapilay." suway ko sa kanya.

"Eh..." binitawan nya yung bata. "Paano na..."

Lumuhod din ako at binuhat yung bata. Ang gaan nya. Hindi kasi mataba pero di rin
payat. Sa liit nya, siguro 3 or 4 years old lang toh.

"Tahan na..." tinapik-tapik ko likod nya. "Sino bang kasama mo?? Sina Mommy at
Daddy ba??"
Niyakap nya ko at humina pag-iyak nya. "Ma... Mommy..."

"Si Mommy kasama mo?" tanong ko.

"Mommy..." ulit nya. Hayy.

"Okay... Wag ka na umiyak. Hahanapin natin ang mommy mo." tumingin ako kay Myra na
mukhang gulat. "Hon, customer service
tayo."

"S-Sige..."

Naglakad na kami. Si Myra, tahimik sa tabi ko at yung bata, tumigil na talaga sa


pag-iyak. Ni-rest nya ang ulo nya sa balikat ko.

"Anong pangalan mo..??" bulong ko sa bata.

"An... Andy..." sagot nya habang humihikbi.

"Ah.. Andy.. Wag kang matakot, makikita mo rin mommy mo..."

Humigpit yakap nya sakin. Parang ang sarap naman... Ganito ba talaga pag may batang
yumayakap sayo?
"Hon..." tawag ni Myra. Nakatitig sya kay Andy. "Parang anak mo yan."

"HA??"

"Anak mo. Kahawig mo eh. Parehas kayo ng mga mata oh..."

"Talaga? Parehas?" gusto ko sana makita pero yung pwesto kasi nya eh. Di ko tuloy
macheck.

Si Myra sobra lang kung ngumiti. "Hehe.. Anak mo sya, tapos ako nanay. Bale, anak
natin! Para lang tayong isang pamilya oh..."

=___= He-he... Kinilabutan ako sa sinabi nya ah.

Medyo naligaw pa kami. Si Myra kasi, sobrang dinistract utak ko.

Sa may customer service, dumiretso kami sa babaeng clerk.

"Miss, i-rep---"

"ANDY!!!" may sumigaw sa likuran namin kaya napalingon kami dun. Isang lalaki yun
na kasing-edad ko lang yata. Hinihingal sya at
akmang kukunin ang bata sakin. "Thanks God... You're safe..."
"WAIT." nilayo ko si Andy. "Sino ka?? Pasensya na ah, sabi kasi nung bata kanina,
MOMMY nya ang kasama nya."

"Ah." ngumiti lang yung lalaki. "Naiintindihan ko.." lumapit sya at hinarap yung
bata. "Andy... Wake up, baby."

Wake up?? Natutulog na pala sya?? Gumalaw yung bata at kinusot ang mata.

"Andy... Tell them, sino ako??" tanong nya sa bata.

"Uh... Daddy..." at inalis na ni Andy ang pagkakayakap sakin para lumipat dun sa
lalaki.

Parang ayoko pa rin ibigay yung bata pero... Sya na mismo ang tumawag sa lalaki na
DADDY. Sya ang tatay. Kailangan ko syang
ibigay.

"Thank you, pare." sabi nung lalaki nang makuha na nya yung bata. Niyakap sya nun
kung paano nya ko niyakap kanina.
"Makikipagkita kasi kami dapat sa mommy nya ngayon kaso... May kinausap lang ako
saglit sa cellphone then nawala na sya...
Pasensya na sa abala."

"Walang problema. Basta next time..." lumapit ako sa bata at hinaplos ang ulo nya.
Nakita ko na mga mata nya. Half closed,
namumula, mukhang antok at... Parehas nga kami ng mga mata. "Next time doblehin mo
pag-iingat sakanya..."

"Of course." sagot nung lalaki. "Andy, anong sasabihin mo kay Kuya who helped
you..??"

"Thank you po..." mahina nyang sabi. Ang cute. Nakakatuwa.

"You're welcome. Tandaan mo, laging kang hahawak sa kamay nina mommy at daddy para
di ka ulit mawala ah??"

Tumango sya. Medyo luhaan pa rin kaya pinunasan ko mga mata nya.

"Bye na, Andy.."

Di na sya sumagot. Antok na antok na eh. Kaya lumayo na ko.

"Sige pre. Alis na kami." paalam ko.

"Okay. Salamat ulit."

Hinawakan ko na ang kamay ni Myra na nasa likuran ko lang at umalis na kami.

Kaso parang nanggigigil na kinikilig si Myra habang nakayakap sa braso ko.

"Anong meron, hon?" tanong ko sakanya.


"Ang cute pala nung daddy ni Andy!"

"=___= GANUN?? Cute nga, batang ama naman at napaka-iresponsable pa. Tsk."

"Galit ka na nyan..??"

"HINDI. Nakakairita lang. Bakit nya kasi nawala nang ganun yung bata... Tsk.
Talaga. Kung ako ang tatay, di ko hahayaang mangyari
ang ganun sa anak ko. Paano kung ang nakapulot sa bata eh masamang tao? Edi baka
kung napaano na sya. Kainis. Nag-anak pa
sya kung di nya naman maalagaan ng tama."

"Hon..!! Easy.. Relax..." niyakap ni Myra nang napakahigpit ang braso ko. "CUTE sya
pero GWAPO ka. Wag mo na problemahin ang
problema ng iba. Sya ang tatay, hindi ikaw."

=___= May punto sya. Napa-buntung hininga na lang ako. Tapos nakita ko expression
niya, naka-pout sya. That made me cup her
cheeks and give her a quick kiss.

"Handa na ko..." bulong nya on a very sweet tone. "Iuwi mo na ko and promise,
aalisin ko yang bad mood mo..."

Nabuhay dugo ko. Nakalimutan kong may 'session' pala kami nito ngayong gabi.

"Then let's hurry." I grinned at her and pulled her hand. Sobrang willing syang
ibigay ang sarili nya sakin ah so I will take it.

xxxxxx

xx3: Chelle

[ADRIAN's PoV]

A slender forefinger gently tracing my nose while I'm asleep...

Then moist lips planting little kisses on my cheek...

Napakatagal na since the last time na nakaramdam ako ng ganito... Na mahal na mahal
ako ng babaeng kasama ko. Mabuti bumalik
na sya. Na-miss ko sya nang sobra.

"Chelle..."

"HUH?? Anong CHELLE??"


Napadilat ako at nakita ko ang isang babae nakadapa sa dibdib ko. We're both naked
under the blanket at naalala ko... Dinala ko nga
pala si Myra dito sa bahay ko kagabi at nangyari na ang gusto naming mangyari.

I just groaned at tinakpan ang mga mata ko.

Nakita ko si Chelle sa panaginip ko.. Sya ang naramdaman kong kasama ko pero...
Bakit sya?? Tapos na kami... At imposibleng
maging kami ulit...
"Uy hon... Ano yung Chelle na sinabi mo..?? Pangalan ba yun ng....babae??" tanong
nya na ayaw ko pansinin. Ayokong isipin si Chelle
ngayon.

"Wala yun.." iniwan ko si Myra sa kama at nagbihis na ko.

"May problema ba..??" tanong nya ulit pagkaupo nya.

"Wala..."

"Hm... Hihiwalayan mo na ba ko..??"

Napatingin ako sa kanya sa tanong na yun.

"Balita ko kasi, lahat ng ex mo hiniwalayan mo after you slept with them... Sana
lang, hindi yun totoo..."

I smirked at that. "It's true."

I sounded pretty harsh there kaya nagulat sya. Ni hindi na sya kumurap nang marinig
ang sinabi ko.

"Magbihis ka na." pinutol ko ang katahimikan namin at lumabas na ko ng kwarto.


Nakapagbihis din sya agad at sumunod sakin. Aalis
na nga sana sya ng unit ko nang mag-isa pero pinilit kong ihatid sya sa bahay nila
gamit ang kotse ko. Nang nandoon na kami, nanatili
muna sya sa loob ng kotse at hinarap ako.

"Makikipag-break ka na ba sakin..??" mahina nyang tanong.

I sighed and held on the steering wheel very tight. "Hmm..."

"Please, Ian..." lumapit sya sakin at hinalikan ako sa lips. I kissed her back, but
it won't change anything. "Seryoso ako sayo... And I
love you... So much..."

"I know." humiwalay na sya't tumitig sa mga mata ko. "But I don't feel the same
way. Nakuha ko na ang kailangan ko sayo and that
ends our relationsh---"

*SLAP!*
Cool. Sampal na naman nakuha ko. Pagkasampal nya sakin, naiiyak syang bumaba na ng
kotse.
Natawa na lang ako sa sarili ko... Bakit ba may babaeng ganun maka-react??
Papatulan nila ang isang playboy tulad ko then magagalit
sila pag makipag-hiwalay ako. Tss...

Anyway, I'm SINGLE again. Kaya after ko umattend ng classes ko, pumunta ko sa bar
na tambayan ng barkada ko. Nang samahan ko
sila sa table nila, naging sentro na ko ng kantyawan. Alam nila kasi na pag
sinasamahan ko sila, ibig sabihin READY TO MINGLE na
naman ako.

"Akala ko si Myra na makakatuluyan mo pre! Umabot din kayo ng two weeks oh...
Record breaking." pang-aasar ni Jude at inakbayan
nya pa ko. Sya ang loyal supporter ko pagdating sa pangbababae. At RECORD BREAKING
daw?? Lahat pala sila naging kaibigan ko
nang mag-college na ko kaya wala silang alam sa mga nangyari sakin nung high school
pa ko. Kaya wala rin nakakaalam sa kanila
tungkol sa 3-month-relationship ko kay......kay Chelle.

Ang totoo, si Chelle ang pinakamatagal kong nakarelasyon. Si Chelle ang


pinakamasarap kasama sa lahat ng babaeng nakarelasyon
ko. She was so sweet, caring, simple and loving. Simula nang makita ko ulit sya,
parang....parang gusto ko ulit maramdaman yung
pagmamahal nya sakin noon. I need her now. But... Argh...

Ginulo ko buhok ko at ininom na ang isang shot ng alak na kanina ko pa hawak-hawak.

CHELLE. Umalis ka na sa utak ko!!

Tatagay pa sana ko pero may nagsidatingan na babae na taga school namin. Ang se-
sexy lang ng porma nila, talagang nang-se-
seduce mga toh eh and it's just perfect. Kailangan kong makalimot kaya kailangan ko
ng bagong babae.

"Hey... You're Adrian Louis Guillermo, right??" tanong ng isang babae na umupo sa
pagitan namin ni Jude.

"Ako nga yun." hinarap ko sya at parang sinadya nyang magcross-legs para mapansin
ko ang maputi nyang mga hita.

"I'm Hannah, 4th year Engineering student." pakilala nya with a wicked smile on her
face.

From there, ang kwentuhan at inuman namin ng babaeng yun ay mabilis na nauwi sa
'making-out'. Doon mismo, naghahalikan kami at
walang pakialam ang mga barkada ko. Yung iba naman sa kanila busy rin sa sarili
nilang babae.
"Rachellyn Quinto??? Di ko kilala yan."

Napatigil ako sa ginagawa ko nang marinig ko ang pangalan ni Chelle na binanggit ng


isa kong kabarkada.

"QUINTOS! With S!" sigaw ni Jude.

"Adrian..." bulong ni Hannah. Hinawakan nya mukha ko at tinitigan ako sa mata.


"What's wrong?"
"Uh..." di ko sya masagot. Gusto ko makinig sa pinag-uusapan nina Jude.

"Maganda ba yang Rachellyn na yan?" tanong ng kabarkada kong kausap ni Jude.

"OO noh! Pwede ba namang hindi maganda ang mapansin ng mga mata ko?! Kahit pa kamo
simple sya manamit, kitang-kita pa rin
magandang figure nya pre!"

"Hey Adrian..." sweet na tawag ni Hannah habang yakap ako.

"Ah, inom muna tayo." binigyan ko sya ng isang shot ng alak at sabay kami uminom.
"Weww...... Oi JUDE."

"Oh pare!" lokong yan. Umarte pang nagulat sa pagtawag ko. "Akala ko nakalimutan mo
nang may barkada ka pang kasama dito!
Hahahaha kamusta na ba?? Kayo na ba ni Hannah??"

Natatawa lang akong inakbayan si Hannah na nakayakap parin sakin. "EH IKAW?? Di mo
ba popormahan yang babaeng kinukwento
mo??"

"WOW! Nakikinig ka pala sa usapan namin?!"

"Ganyan talaga si Adrian. Kahit busy makipaghalikan, basta babae ang usapan malakas
ang tenga nyan." galing lang mang-asar ng
mga barkada ko noh?

Pero gustung gusto ko malaman ang plano ni Jude kay Chelle. Di ako mapakali eh.
Same course kasi sila kaya di malayong maging
magkaibigan sila o higit pa. May itsura pa naman si Jude at malakas ang appeal.

"Sagutin mo tanong ko, Jude." pangungulit ko sakanya.

"Kung popormahan ko ba si Rachellyn??"


"Oo. Yun nga." tsk. Ang dami pang tanong! Di na lang sumagot!

"Gusto ko sana kaso parang may syota na yun eh!"

Parang may syota..??

"Pansin ko kasi, laging may kausap sa cellphone yun at laging pang nakangiti!!
Minsan nga, nakita kong may sumundo sakanyang
lalaki na naka-kotse. Mukha namang di nya kapatid yun!"

No... Walang kapatid si Chelle... Baka nga boyfriend nya yun... Tsk.

"Pare, stalker ka na yata ng Rachellyn na yan ah! Dami mong alam tungkol sa kanya!"
pang-aasar nila kay Jude.
"HAHAHA OO! Hanggang sa work nga nya, nasundan ko na sya eh!" -Jude

"Nagwowork siya??" bigla kong tanong sakanya. Bakit sya magtatrabaho eh may kaya
nga pamilya nya? Nasa Amerika nga nanay nya
eh sa pagkakatanda ko...

"Oo pre! Nagpa-part-time sya sa Mcdo! At take note, pati sched nya, ALAM KO!
Uhm..." tumingin sya sa wristwatch nya. "7:30 na... In
one hour, mag-a-out na yun! Hehe!"

Nagtawanan ang buong barkada sakanya. Pati ako, nakitawa rin... Salamat sa
impormasyon nya at madali kong mahahanap si Chelle
ngayon.

Iniwan ko sila pati si Hannah. Paalam ko mag-c-CR lang ako pero tuluyan na kong
umalis ng bar. Sumakay ako sa kotse ko at pumunta
sa pinagtratrabahuan ni Chelle.

Pagkapark ko sa labas ng McDo....

INUMPOG KO ANG ULO KO SA MANIBELA!

Argh! Bakit ako nagpunta dito?!

=___= . . . . . . *sigh*

Kailangan ko si Chelle ngayon... Kailangan ko makatikim ulit ng isang sampal mula


sakanya nang matauhan ako sa kabaliwan kong
toh.
Nanatili ako sa driver's seat habang nakapahinga ang ulo ko sa manibela at
pinapanood ang mga taong palabas at papasok dun sa
McDo.

Later, I spotted Chelle na lumabas na mula doon. Simple pa rin talaga sya, on that
peach blouse and tight skinny jeans. Nakatali buhok
nya pero she still looks very charming... Oh what the hell am I thinking right
now?!

Inabangan ko syang makalapit sa kotse ko pero bago yun, tumigil sya at may kinuha
sa shoulder bag nya. Cellphone yun. May tawag
syang sinagot na NAGPANGITI SA KANYA. It must be her boyfriend asking her if she's
done working. Tsk. Habang may kausap sya,
tumuloy na syang maglakad. Nang madaanan na nya ang pintuan ng kotse ko, bumaba na
ko.

"Yes baby... Basta wait mo lang ako ah... I love you..." rinig kong sabi nya sa
kausap nya bago nya binaba ang cellphone. Tss may
nalalaman pa silang BABY na tawagan ah.

"UY CHELLE."

Lumingon sya sakin at halos mapatalon sya sa gulat nang makita nya ko. Niyakap nya
ang cellphone nya at ang mukha nya, di
maipinta.
"Uhm... Nagtatrabaho ka ba dito??"

". . . . . ."

"Bakit ka naman pala nagtatrabaho?? May... May problema ba kayo ng parents mo??"

"W-Wala kang pakialam... Tsk." tinalikuran na nya ko at lumayo pero sinundan ko


sya.

"Wait Chelle. Pwede ba? Mag-usap muna tayo."

"Ayoko. Wala akong time para makipag-usap sayo." dumiretso pa sya sa gilid ng
kalsada at tumawag ng taxi.

"Wag ka namang ganyan... Just give me 5 minutes. Or 3 minutes! Please." di ko na


alam pinagsasabi ko. Basta gusto ko lang talaga
sya makausap sa di malamang dahilan.

Tsk. Badtrip! May taxi na huminto sa tapat nya! "Kahit isang minuto di ako mag-
aaksaya ng panahon sayo. And please lang din, layuan
mo na ko."
"Ch---" wala na. Sumakay na sya ng taxi at pinagsarahan na ko ng pinto. Oh geez, I
feel lost here! Parang na-basted lang ako kahit di
naman ako nanliligaw! Ay bwisit!

"RACHELLYN!!" sigaw ng isang babaeng tumatakbo papunta sa direksyon ko. Hinahabol


nya yata si Chelle kaso... Saktong umandar
na paalis yung taxi pagdating nya. "AY... Naman..."

"Sinong Rachellyn hinahabol mo??" tanong ko sakanya.

"WAH! O///O" nagulat ko yata sya.

"Si Rachellyn Quintos ba??"

"Uhh o... Oo eh... O///O" pinakita nya sakin ang hawak nya which is a couple of
books. "Naiwan nya mga toh eh... Ang alam ko pa
naman, kailangan nya toh ngayon..."

"Ganun ba?? Ako na magbigay nyan sakanya pag-uwi ko."

"Talaga??"

"Yup. Friends kami so it's okay. Kaso... Di ko alam exact address nya ngayon eh."

"Walang problema! Alam ko complete address nya! ^///^"


Binigay nga nung babaeng yun ang address ni Chelle pati yung books na naiwan nun.
And while I'm driving my way to her place, di ko
mapigilang ngumiti. Ganito ba kasi ako ka-swerte?? Kahit anong iwas ni Chelle
sakin, ang tadhana na ang gumagawa ng paraan para
mapuntahan sya.

Medyo nahirapan pa kong hagilapin ang bahay nya but there it is. Two-storey
apartment yun at maliit lang. May gate pero mababa lang
kaya kita ko yung bintana. Maliwanag kaso may kurtina, di ko makita yung loob.

Nag-doorbell ako.

Walang sumasagot kaya inulit ko yun ng dalawa pang beses.

"SAGLIT LANG!" sigaw nya mula sa loob then binuksan na nya ang pintuan. And again,
nagulat na naman sya sakin.

"Wag mo kong awayin ah? I'm not here to talk but rather, to give you THESE." tinaas
ko yung books para makita nya.

Wala syang sinasabi pero sa facial expression nya, alam kong nashock sya. Parang
nagdadalawang isip rin sya kung lalabas ba sya
para lapitan ako hindi.

"Kung ayaw mo lumabas, ako na lang ang mag-aabot nito sayo dyan." tinulak ko yung
gate para makapasok ako.

"NO! D-DYAN KA LANG!" napatigil ako sa sigaw nya... This is the first time na
narinig ko syang sumigaw... Ano bang problema nya at
ayaw nya kong lumapit sakanya? Parang may tinatago lang sya sakin ah. Hindi kaya
kasama nya sa loob yung boyfriend nya??

Pumunta sya sakin at kinuha ang mga libro without opening the gate. "S-Sige.
Salamat."

"Wait. Pwede ba kong pumasok ng bahay mo?"

"WHAT??"

"Di mo man lang ba ko aayaing uminom o kumain ng kung ano?"

"H-HINDI NA. Umuwi ka na sa inyo. Tsk." nagmadali syang bumalik sa pintuan at ako?
Binuksan ko yung gate kaso tumunog yun kaya
napalingon sya sakin. She looked mad. "ADRIAN..?! Please, umuwi ka na..!!"

"Pero... Naiihi ako. Pagamit ng CR nyo." oh yeah. What a lame excuse.

"HINDI PWEDE..!! Dun ka sa pader umihi at umalis ka---"

"MOMMY...."

Huh? Sino yung tumawag na yun? Boses ng bata.


"Nandyan na ba si Daddy??" boses ng bata ulit yun. At may bata nga na lumabas sa
pintuan! Tumakbo yun sa likuran ni Chelle!

"N-NO BABY.. Go back inside..!!"

A..Ano toh?? Ang batang yan... Sya yung tinulungan namin ni Myra sa mall kahapon
ah...

Mula sa likuran ni Chelle, sinilip nya ko. "Sino po sya Mommy??"


He's definitely that kid... That ANDY from yesterday... Yung batang may mga matang
katulad ng akin...

"Oh please Andy... Please go back inside..." di na mapakali si Chelle at ako naman,
nakaramdam ng kabang may halong pagkalito.
WHO IS ANDY EXACTLY?? BAKIT MOMMY TAWAG NYA KAY CHELLE?? ANO TONG NARARAMDAMAN KO
SA BATANG YAN??

"Yey!! There's Daddy!!" sigaw ni Andy at tumakbo sya ulit papunta sakin. Ah, no,
hindi sakin dahil nilagpasan nya lang ako..

"Andy??" boses ng lalaki yun na nasa likuran ko. "Bakit ka nasa labas and why
aren't you wearing your slippers??"

Nilingunan ko sila and there I saw that guy again. Buhat buhat na nya si Andy,
parang nung kahapon lang. Napansin nya ko agad at
namukhaan.

"Uy, ikaw yung kahapon ah?? Bakit ka---" natigilan sya nang makita nya si Chelle.

Binalik ko ang tingin ko kay Chelle at di na sya makakilos sa kinatatayuan nya. She
looked defeated, disappointed and worried. Nakita
ko ring may namumuong luha sa mga mata nya.

Hindi ko gusto ang sitwasyon namin ngayon. Hindi ko rin alam kung paano toh iha-
handle. Hindi ko alam kung anong iisipin ko at
sasabihin sa mga nakita ko ngayon.

"Mag... Mag-uusap tayo bukas, Chelle." tumalikod na ko't umalis.

"Bye po..." sabi pa ni Andy nang lagpasan ko lang sila nung lalaking may buhat
sakanya, nung lalaking tinatawag nyang DADDY.

Gusto ko nang umalis pero nilingunan ko pa yung bata at nginitian. Looking at his
eyes... It made me feel like... Like he's my kid... Like
he's from my own blood and flesh...

Pagkasakay ko ng kotse, nagdrive ako. Di ko alam kung saan na ko napadpad basta


huminto ako sa isang lugar kung saan inisip ko
isa-isa ang mga pangyayari...

In 5 years na wala akong balita kay Chelle... 5 years matapos ang nangyari samin...
Posibleng... Posible ngang nagka-anak kami...
Kung ganun, bakit... Bakit tinago nya sakin ang bata..?? Bakit nilalayo nya ko
sakanya..?? At sino ang lalaking yun na tinatawag nya na
daddy..?? Asawa ni Chelle?? Sya ba ang ama ni Andy?? Pero hindi! Andy resembles me
a lot! Tch. Now I'm fuckin' confused!
Sa sobrang lito, iniumpog ko ulit ang ulo ko sa manibela! Argh...

Oh Chelle.. Di ko alam kung mahihintay ko pa ang bukas para kausapin ka.

xxxxx

xx4: Her Point of View

[RACHELLYN's PoV]

"BABY~ Let's change your clothes na bago dumating si Daddy mo."

"vroom... whoosh..."

Ay. Ayaw ako pansinin ng anak ko! Busy sya maglaro ng bago nyang toy cars sa sofa.
T3T

Hayy... Minsan talaga mahirap maging nanay oh. Lalo na sa edad ko, 20 years old
lang, nag-aaral, nagwo-work ng part-time at pag-uwi
aalagaan ko pa ang aking 3-year old na baby boy! Hehe! Para sakin baby pa rin si
Andy kahit pa-4 years old na sya!

"Baby..." ako na ang lumapit sa kanya at pilit syang tinayo mula sa pagkakadapa nya
sa sofa then hinuburan ko. "Bakit ayaw mo na
sumunod kay Mommy ah? Hindi na nga kita ipapasundo at ipapabantay bukas kay Lolo
mo. T3T"

"Not Lolo? Si Daddy na po?"


"Hindi rin si Daddy. Wala ka nang kasama bukas dito except the MUMUs and
leprechauns." pananakot ko sakanya habang
pinupulbusan ang likod nya. X3

"WAAA NO MOMMY!! I want Lolo tomorrow please!!" nagpapadyak na si Andy. Hihi ang
cuuuute lang matakot ng baby ko! ^3^

*dingdong!*

Uh-oh. Doorbell.
"I was just kidding, baby!" mabilis ko syang binihisan ng Thomas and Friends
pajamas, which are his favorite. "Basta mag-sleep ka na
pagdating ni Daddy ah?"

"Opo!"

Niyakap ko sya at hinalikan sa cheeks. Sarap nya panggigilan! Ang bango kasi! Hihi.
"MMM! I love you baby!"

"I love you too, Mommy!"

*dingdong-dingdong!*

Two consecutive doorbells. Nabubwisit na yata yung taong yun. Hehe!

"SANDALI LANG!" sigaw ko sa kung sinuman ang nasa labas. Sino kaya yun? Si CJ kaya
yun? But no. Hindi nagdo-doorbell si CJ kasi
diretso na syang pumapasok ng bahay pag bumibisita sya.
Bumalik na sa pagkakadapa sa sofa si Andy to play his toy cars at binato ko naman
ang damit nyang hinubad sa may single couch.
Then I went to the door to check who's out there. Binuksan ko yun at...

Oh.... My.... God....

B-BAKIT NANDITO SI ADRIAN??!!

Nagsimulang kumabog ang dibdib ko sa kaba. THAT GUY SHOULDN'T BE HERE!

"Wag mo ko aawayin ah? I'm not here to talk but rather, to give you THESE." tinaas
nya kamay nyang may hawak na... Oh god! Mga
journalism books ko yun! Bakit na sa kanya mga yun?!

"Kung ayaw mo lumabas, ako na lang ang mag-aabot nito sayo dyan." tinulak nya ang
gate pabukas at papasok sya pero ayoko!

"NO! D-DYAN KA LANG!!" sigaw ko na alam kong ikinagulat nya. He knows that I was
never the yelling-type of woman kaya malamang
lang na magulat sya. Di ko lang napigilang sumigaw ngayon dahil ayokong mapalapit
pa sya sa lugar kung nasaan si Andy. Ayaw kong
magkita sila. Ayaw kong makilala nya ang...ang anak namin. Ayoko... Ayoko mangyari
yun. Ayokong malaman nya ang bagay na pilit
kong nilihim sakanya for almost five years... Kaya ako na ang lumapit sa kanya at
kinuha ang mga libro nang di binubuksan ang gate.

"S-Sige. Salamat." I briskly walked back towards the door after that. Habang
papalapit ako, unti-unting nawawala kaba ko.

"WAIT. Pwede ba kong pumasok ng bahay mo?"

"WHAT??" napahinto ako at bumalik ang sobrang kaba ko!


"Di mo man lang ba ako aayaing uminom o kumain ng kung ano?"

"H-HINDI NA. Umuwi ka na sa inyo. Tsk." naiirita na kong tumuloy pabalik ng pintuan
pero narinig ko yung gate na tumunog! I looked
back at him and my god! Tinulak nya pala yun at pilit syang papasok! "ADRIAN..?!
Please, umuwi ka na..!!"

"Pero... Naiihi ako. Pagamit ng CR nyo." argh! Halatang nagpapalusot lang sya eh!

"HINDI PWEDE! Dun ka sa pader umihi at umalis ka---"

"Mommy..." oh no... Th-That was Andy calling me... "Nandyan na ba si Daddy??"

Oh God. Oh God. What do I do now?? Para akong naparalisa nang marinig ko si Andy,
at lumala pa yun nang naramdaman kong
tumakbo sya papuntang likuran ko! Oh God... This can't be happening.... Hi..hindi
dapat sya makita ni Adrian pero ngayon... Nakita na
nya ang bata... I saw his reaction and I could tell na nabigla sya at nalito... At
bakit nga ba di sya magugulat?? Matapos ang mga
nangyari samin, lumayo ako sa kanya. Wala syang naging balita sakin for years tapos
ngayon, makakakita sya ng batang kahawig nya
at tinatawag akong Mommy??

"N-NO BABY... Go back inside..!!" sinabihan ko si Andy pero hindi sya sumunod.
Yumakap sya sa isang hita ko at... Sinilip si Adrian...

"Sino po sya Mommy??"

"Oh please Andy... Please go back inside..." halos nagmamakaawa na ko sa anak ko.
Hindi ko alam kung anong isasagot sa tanong
nya. Hindi ko alam sasabihin ko. Takot ako... Natatakot ako...
"Yey!! There's Daddy!!" Andy exclaimed and ran away from me...
Nandyan na yata si CJ, ang kinikilalang ama ni Andy ngayon kaya hindi ko na sya
hinabol... Ni hindi rin naman na ko makakilos sa
kinatatayuan ko eh... I'm stucked here, lost in my own thoughts...

Hindi ko pinaghandaan ang pangyayaring toh. Kahit pa nalaman ko na schoolmate ko si


Adrian, nanatili pa rin akong confident na
never silang magtatagpo ni Andy but now... How come this happened?? Paano na lang
kung magtanong si Adrian about Andy?? Hindi
ko talaga alam ang sasabihin ko... I can't tell him the truth... Natatakot ako sa
magiging reaksyon nya but... I can't lie either...

Oh God... Ano na bang dapat kong gawin?? Sa sobrang lito, takot at disappointment
ko sa sarili ko, naiiyak na ko dito...

"Mag... Mag-uusap tayo bukas, Chelle..." yan na lang ang narinig ko na sinabi ni
Adrian at umalis na sya. I should be relieved by now
pero hindi... May bukas pa... Bukas, di ko na sya pwede iwasan... Mag-uusap daw
kami bukas, surely about Andy...

"Rachel..." nag-aalala akong tinawag ni CJ habang papalapit sya sakin. Buhat-buhat


nya si Andy. "Are you okay??"

"CJ..." malapit na talaga kong umiyak. Gusto kong umiyak lalo nang hawakan ni CJ
ang isang pisngi ko.

"C'mon Mhie, pasok tayo sa loob..." hinawakan nya kamay ko and led me inside the
house. Iniwan nya si Andy sa sofa kung saan sya
naglalaro kanina at ako naman ay dinala nya sa kusina at pinainom nya ko ng tubig.
Nakatayo lang kami sa tapat ng lababo, tahimik,
pero ramdam ko ang pag-aalala nya.

"Kamusta na pakiramdam mo..??" tanong nya at hinawi ng kamay nya ang buhok kong
nasa may noo ko.
"A little better, i think...." mahina kong sagot. Niyakap naman niya ko nang
mahigpit. Niyakap ko rin sya. I need this hug from him, this
kind of comfort from him. I'm so thankful, na nandito ngayon si CJ...

"That guy... Uhm... Is he....."

"He's Adrian..." hinigpitan ko ang yakap ko sakanya sa pagbanggit ko sa name ni


Adrian. Parang naiiyak lang ako ulit eh... Buti na lang
di ko na kailangang mag-explain pa sakanya kasi alam na nya kung sino si Adrian.
Alam nya kung ano si Adrian sa buhay ko, sa buhay
namin ni Andy...
"I see... Nasabi mo na ba sakanya??"

Umiling lang ako without breaking the hug, without looking at him. I felt him take
a very deep breath and his one hand patted my head.

"Daddy!" biglang tawag ni Andy na pumunta dito sa kusina. "My feet are dir--- WAAH!
YAKAAAP!!"

Maghihiwalay na sana kami ni CJ pero tumakbo samin si Andy at niyakap kami! Nakuuu,
adik kasi baby ko sa yakapan. Twing makikita
nya kaming nagyayakapan, lagi syang makikisali. >3<

But thanks to my baby, napangiti at napatawa nya ko pati si CJ na binuhat na sya


after the hug.

"Marumi feet mo noh? Tara hugasan natin." pumasok silang dalawa sa CR habang nag-
uusap about sa pagsusuot ng slippers. Rinig na
rinig ko sila kasi malapit lang sa lababo yung CR at di ko mapigilang matawa sa
cute na pagsagot ng anak ko kay CJ.

Paglabas nila, buhat pa rin ni CJ si Andy. "Mhie, patulugin ko na muna si baby ah?
Anong time na oh..."
"Okay..." lumapit ako sakanila and I kissed Andy. "Good night, baby..."

"Good night Mommy!"

"Wait mo ko dito, we'll talk later." CJ told me that with a smile then umakyat na
sila sa taas.

At ako? I stayed down here, sa may dining table. Sinusubukan kong i-relax ang
sarili ko habang iniisip ang mga nangyari in 5 years...

5 years ago...

I loved Adrian 5 years ago... Sobra ko syang minahal to the extent the binigay ko
pati sarili ko... But my love was wasted 'cause soon
after I gave myself to him, iniwan nya ko... Masakit pero nagpakatatag ako. Pilit
kong inisip na normal lang ang nangyari, na ganun
talaga pag magmahal ka lalo na ng katulad nya. Pilit akong umarte na ayos lang ang
lahat twing makikita ko syang masaya kasama
ang ibang babae but no, I was never okay. Seeing that kind of scene always made me
feel like my heart was being stabbed A MILLION
TIMES. Mahal ko talaga sya eh... But I got no other choice... I knew I had to move
on...
I struggled to move on, hanggang sa sumama na pakiramdam ko. I felt very ill.
Sobrang dizziness, sleepyness, throwing up--- it was
terrible. Akala ko nagkasakit na ko dahil sa depression but I was wrong. Buntis na
pala ko... That time, buntis na pala ko kay Andy...

Nang malaman ko yun, ilang beses kong sinubukang sabihin kay Adrian ang kalagayan
ko pero hindi ko nagawa. Paano ko naman kasi
sasabihin sakanya yun kung lagi na lang syang busy sa ibang babae?? Paano kung
itanggi nya ang bata?? Fear of rejection took over
me kaya lumayo na lang ako nang walang sinasabi sa kanya... After taking our last
period exams, hindi na ko umattend ng school. My
parents were disappointed about me being pregnant at 15, pero tinanggap pa rin nila
ako pati ang desisyon ko na mag-isang palakihin
ang baby ko. Thereafter, my dad sent me to my mom na nasa America. I stayed there
habang lumalaki tyan ko, at doon ko rin nakilala
si Chris John na tinatawag kong CJ, or Dhie. Mhie at Dhie kasi tawagan namin ngayon
and yes, we're in a relationship. Nagawa ko
syang mahalin dahil marami na syang nagawa para sakin. Bukod dun, tanggap nya ang
nakaraan ko, nirerespeto nya ko at higit sa
lahat, tanggap at mahal nya rin ang anak ko...

Sabay nga kaming bumalik dito sa Pilipinas noon with Andy para mag-aral. Sya
college na while me, 4th year HS pa lang that time.
Nag-stop kasi ako nung buntis ako so....that was it. Ngayon, masaya ako with CJ and
my Andy. I need nothing more than what I have
now kaya bakit kailangan pang bumalik ni Adrian para guluhin ang buhay ko?? God...

Ang tagal ni CJ... Baka pahirapan na namang patulugin si Andy. Umakyat na rin ako
at pumasok sa kwarto ni Andy. Medyo madilim sa
kwarto nya, dim light lang kasi nakabukas.

Tulog na pala anak ko, at si CJ nakahiga sa tabi nya while tapping Andy's thigh. I
smiled seeing them like that. CJ really loves to be
Andy's dad at ang cute nila tignan.

Napaupo si CJ nang umupo ako sa kabilang side ng kama. I patted Andy's head and
kissed him.

"Andy looks a lot like his dad. I mean, his real dad..." mahinang sabi ni CJ.
Nakangiti sya pero di ko masabi kung affected ba sya...
Ngumiti na lang din ako-- half smile.

"So, bukas... Kaya mo na bang sabihin sakanya ang tungkol kay Andy..??"

Nawala ang ngiti ko sa tanong na yun ni CJ. Parang dahan-dahan na namang gumuguho
ang kalooban ko.

Kaya ko na nga ba magtapat kay Adrian??


Na..natatakot pa rin ako...
I was spacing out kaya di ko namalayang lumipat pala sa tabi ko si CJ. Inakbayan
nya ko at hinayaan akong i-rest ang ulo ko sa balikat
nya habang nakasandal kami sa headboard ng kama ni Andy. Again, it's so comforting
being in his arms like this...

"Andy and his real dad, they were fated to meet. To tell you the truth, hindi
kanina ang first time na pagkikita nila..."

"HA??" tumingala ako to look at him. I was confused. "Pero---"

"Sorry di ko sinabi toh sayo agad... Uhm... Kahapon kasi, nawala ko si Andy sa mall
habang hinihintay ka namin and.... It was that
Adrian who found him and gave him back to me..."

No way.... Bigla kong nilayo ang ulo ko sa balikat nya sa pagkagulat... Nawala ang
anak ko sa mall nang di ko namamalayan?? At...
Nagkita na pala sila ng...ama nya??

"I'm really sorry, Mhie... But I swear, I'll be extra careful next time." hinawakan
nya pa kamay ko and I felt how sorry he is..

"It's... It's okay..." binalik ko ulo ko sa balikat nya at niyakap sya. "Pero...
Bukas... Di ko...di ko yata kayang sabihin sa kanya... Natatakot
ako CJ..."

"Anong ikinatatakot mo?? Imposible namang i-deny nya si Andy diba? Kahawig nya ang
bata..."

"I know pero... Who knows what he'll say?? Kahit may big resemblance sila, pwede
nya pa ring i-deny si Andy. Pwede nyang
kwestyunin ang pagiging ama nya sa bata. Pwede rin nyang kilalaning anak si Andy
pero...hindi nya...hindi nya bibigyang pansin yung
bata..." nagsimula na kong sipunin. Iniisip ko pa lang ang mga pwedeng sabihin ni
Adrian bukas, naiiyak na ko...
"Ayokong marinig ang mga bagay na yun mula kay Adrian... Ayokong...balewalain nya
si Andy pag sinabi ko ang totoo... Pag mangyari
yun...ewan ko... Parang magiging kawawa lang ang anak ko... Parang mabilis lang na
babalik yung sakit na naramdaman ko nung
iniwan nya ko at nung pinagbubuntis ko si Andy... Ayoko nun... Ayoko na..."

Di ko na napigilang umiyak sa dibdib ni CJ... Ayokong mag-ingay kaya kinokontrol ko


paghikbi ko pero kailangan ko tong iiyak ngayon
kundi... Baka sa harapan ni Adrian ako umiyak bukas...

CJ hugged me tight and patted my head. "Don't worry... All you have to do is tell
him about Andy and---"
"I can't, CJ..."

"Yes you can, Rachellyn."

"But---"

"Adrian is Andy's REAL FATHER, you can't change that fact. You can't hide it nor
lie about it forever."

T-Tama sya... Pero...

"Sabihin mo na sa kanya ang totoo.." CJ sounded concerned kahit pa ang dating nya
ay pinipilit nya ko sa ayaw ko. I can't blame him
though... Naiintindihan ko ang punto nya... "If he denies his son, let him be. Di
mo yun kawalan. Basta ikaw, you've done your part and
Andy's still with you. And about the pain?? Take it. Wala ka namang dapat ipag-
alala eh, 'cause I'm here. Just like before, I'll help you
get through that pain. Kahit pa gaano katagal yan, I'll stay by your side. I'll
stay with you and keep on taking good care of you and
Andy."
Napatigil naman ang luha ko sa mga sinabi ni CJ... I felt very protected... Lalo
nang halikan nya pa noo ko...

"I love you, Rachel... Kaya gagawin ko ang lahat para sayo... Para sayo at kay
Andy..." parehas kaming ngumiti at pinunasan nya luha
ko.

"Thank you, Dhie..." I hugged him tight at sinimulang ipunin ang lakas ng loob na
binigay nya sakin.

"Don't mention it.." bumalik ang kamay nya sa ulo ko at hinimas yun like I'm a
little girl. "Just trust me, okay Mhie? Trust me that
everything will be alright..."

Tumango ako habang nakayakap sakanya. I do trust and believe him. Bukas, gagawin ko
ang pinayo nya... Wala akong dapat ipag-
alala 'cause I know, everything will definitely be alright, as long as CJ and my
baby are with me...

xxxxxx
xx5: OUR Andy

[RACHELLYN's PoV]

Bakit kaya di pa nagpaparamdam si Adrian ngayong araw..?? Hapon na pero di pa rin


kami nagkakatagpo. Diba mag-uusap dapat kami
ngayon? Handa na kong harapin sya pero sya naman ang wala... Dito na nga ko nag-
stay sa may mga bench and tables na pinaka-
tambayan dito sa school para madali nya kong mahanap eh..

Baka naman...ayaw na nyang alamin pa ang tungkol sa nakita nya kagabi?? Baka ganun
na nga... Mas mabuti na yun, di ko na sya
kailangang kausapin pa.
Pero..... Bakit parang ang sakit?? Ang sakit sa puso ko na di man lang nya tinanong
kung sino si Andy... Wala man lang ba syang
naramdaman na lukso ng dugo?? Ni di man lang ba sya nagtaka kung bakit nya kamukha
ang anak ko?? Nakaka...argh... Tama na.
Ayaw ko na mag-isip. Di ko na sya hihintayin o hahanapin pa.

Pinatay ko na laptop ko at tinabi yun sa bag ko kasama ang iba kong books. Tsk...
UUWI NA LANG AKO.

"NAMAN... Nandito ka lang pala..." Si-Si Adrian!! Bigla na lang syang dumating at
umupo sa tabi ko! Pagkaupo nya, nilagay nya black
bag nya sa mesa at.... Binagsak ang ulo nya dun. Di na sya kumilos at nagsalita
after nun.

O___O 3 minutes na yata ang lumipas?? Ganun pa rin pwesto nya. Ano bang problema
nito? Don't tell me na natutulog sya??

.
.

=___= 5 or 6 minutes already passed. Tulog nga yata toh...


"Oi Adr---"

Di ko na sya nagawang gisingin kasi may lalaking dumating at tinapik sya nang
napakalakas sa likod. "ADRIAN!! HUY! Wag ka matulog
dito!"

"H-HA?!" napaupo sya nang maayos at lumingon sa paligid. "DI AKO NATUTULOG NOH!"

"Hahahaha! Di raw! Eh tignan mo nga yang mga mata mo! Haha SUS! Sabi sayo dapat
nag-shift ka na eh! Imbis na sa babae ka
napupuyat eh puro walang katapusang plates kinakaharap mo!"

Plates?? Ibig sabihin, architecture pala ang tini-take ni Adrian??

"Ay ewan... Tsk." naiiritang ginulo ni Adrian ang buhok nya at sumimangot.

"Oh, wag ka na ma-badtrip! Mamaya may inuman sa bahay ko! Maraming chics ang
pupunta kaya sama ka samin ah!"

"Oo na."

Tss.. Basta talaga may babae, OO agad sya..

"Sige! Kita-kits mamya!" tinapik sya ulit nung lalaki at umalis na yun.

Si Adrian naman, natulala at nakasimangot pa rin. "Sorry... Nakatulog ako..."


Wow. Nakatulog nga talaga sya...

"Wui Chelle??" tumingin na sya sakin. "Di ka nagsasalita dyan??"


*budum*budum*

My god.. Ngayon, bumalik na naman kaba ko... Sana kasama ko si CJ ngayon para
bumalik lakas ng loob ko!

"Hmm... Wala ka bang...sasabihin sakin??" tanong nya sabay alis ng tingin sakin.

"W-Wala." ayan ang bigla kong nasagot! "Ikaw ang nagsabing mag-uusap tayo ngayon
diba?? Kaya baka ikaw ang...may gustong
sabihin...o itanong sakin..."

Binalik nya tingin nya sakin at tinitigan ako.

*budum*budum*

Ito na... Magtatanong na sya...

"Yung...yung bata kagabi...anak mo ba sya..??"

"Oo..." OO. ANAK NATIN...

"Uhm... Ano ulit pangalan nya??"


Ano bang tanong yun..?? Kinalimutan nya agad pangalan ng anak namin... XC

"Andy..." mahina kong sagot.

"Andy..??"

"Oo..."
"Hindi hindi. Andy ano? Ano buo nyang name? Ano apelyido nya?"

"Quintos... A..Andy Louis Quintos..."

Napatingin sya sa malayo at ngumiti. "HE'S DEFINITELY MY KID."

*budum*budum*

Tama ba pagkakarinig ko?? Hindi tanong yung sinabi nya eh... It was a statement.
Sinabi nyang...anak nya si Andy...

"Andy Louis..." banggit nya pa sa pangalan ng anak namin habang nakangiti. Ibig
bang sabihin nito... Tanggap na nya si Andy??

"P-Paano mo nasabi yan ah??" tanong ko nang di ko namamalayan. "How could you be
THAT SURE that Andy is your son huh??"

Halatang nagulat sya sa tanong ko. Kahit ako nagulat din eh... Bakit ba ako pa ang
nagtatanong ng ganito sakanya?? >.<
"Lumayo ako sayo Adrian... Ilang taon, wala kang naging balita sakin tapos ngayon,
ganyan ka kasigurado na ikaw ang ama ni Andy??
Yes, may nangyari satin, but I might have slept with other guy right after I went
away."

"Yes, YOU MIGHT HAVE done that, but for sure, YOU DIDN'T. Sure na sure na sure na
sure ako, di mo ibibigay nang basta-basta lang
ang sarili mo sa ibang lalaki matapos ng nangyari sa atin because I know, YOU LOVED
ME. You loved me SO MUCH to do it so."

To..totoo yun...

"Alam ko hindi ka rin ganung tipo ng babae.... Tsaka... Pagdududahan ko pa ba si


Andy?? Sobrang kahawig ko sya. Pati sa pangalan,
parehas kaming 'A', parehas may Louis. Gagawin mo ba yun kung hindi ako ang ama?"

Oo nga...

"Tsk... Nilihim mo na nga sakin ang tungkol sakanya FOR ALMOST 5 YEARS tapos ganyan
ka pa ngayon. It was 5 years, Chelle.
Imagine that, 5 YEARS, at wala man lang akong kaide-ideya na tatay na pala ko. Then
ngayong nakilala ko na sya at obvious na ang
katotohanan, ayaw mo pa ring aminin sakin ang lahat??"
Ewan... Wala kong masagot... Ayaw ko magsalita... Na-gi-guilty ako...

Hindi naman kasi sa ayaw ko umamin... Pinangunahan ko lang ang takot ko... Takot
akong masaktan kaya instead na sya ang marinig
kong magtanong ng mga bagay na yun, ako na ang nagtanong. Pero mali yata ginawa
ko...

"Chelle, please give me a chance." Napatingin ako sakanya and there he is, looking
at me with a serious face. "Give me a chance to be
his father. Gusto ko...gusto kong maging responsable. Gusto ko bumawi sa halos
limang taon na wala man lang akong nagawa para sa
anak natin."
'ANAK NATIN'... Kumabog na naman dibdib ko nang marinig ko yun sakanya, hindi dahil
sa kaba kundi dahil sa....tuwa?? Oo. Natutuwa
ako. Kinikilala ni Adrian bilang anak si Andy, bilang anak namin...

"Chelle?" bumalik atensyon ko sakanya sa pagtawag nyang yun. Nawala na naman pala
ko sa sarili ko eh. >.<

"B-Bahala ka... Kung yan ang gusto mo, gawin mo... Karapatan mo yun...bilang ama ni
Andy..."

Ngumiti sya sakin. Ngiting-ngiti. "That's...good. Salamat."

Gusto ko ngumiti pero parang ayaw ko rin. Ang gulo! Masaya ako eh kaso may
something na pumipigil sakin na ngumiti...

"Uhm... Pwede ko ba syang makita ngayon..??" nahihiya nyang tanong.

"Si Andy??"

Naka-pout syang tumango sa tanong ko. Ang childish naman nya... Childish pero cute,
parang si baby ko lang! Hehe.. What do I
expect... Mas marami talagang namana ang anak ko sa lalaking yan... Ama sya eh.
Kaya pumayag na rin akong makita nya ang bata
ngayon. Ito na siguro ang tamang oras, para ipakilala kay Andy ang totoo nyang
tatay...

[ADRIAN's PoV]
YES!! Buti pumayag si Chelle na makita ko si Andy ngayon!! Excited ako... I know, 2
times ko nang nakita ang bata pero this time is
very different. Ngayon kasi, makikipagkita ako sakanya bilang ama nya...
Akala nyo mabilis kong natanggap toh noh? Hindi rin ah! Napuyat nga ko kakaisip sa
batang yun kagabi! Tapos sumabay pa yung pag-
cram ko para tapusin yung plates! Ay naku! Pag naaalala ko ang mga lintik na plates
na yun, nabuburnot ako! Argh! Idagdag mo pa
yung mga bwiset na professor! Magbibigay ng deadline sabay hindi naman papasok sa
araw na yun! Tsk! Pero wala na kong pake dun!
Masaya ako ngayon!

'Karapatan mo yun...bilang ama ni Andy...'

Ang saya-saya talaga nang marinig ko yan kay Chelle. Biruin mo yun, umamin din sya
sa huli. Ang totoo, kahit di nya yun sabihin,
tanggap ko na na anak ko talaga si Andy. Gusto ko lang marinig mismo mula sakanya
ang tungkol dun. Gusto kong matanggap nya rin
ako bilang ama ng anak namin.

Matapos namin mag-usap, sabay na kaming pumunta sa bahay nya gamit ang kotse ko.
Swerte ko lang at off nya ngayon sa part-time
nya.

Habang nagda-drive ako, tahimik lang kami ni Chelle na nasa tabi ko. Pero maya-
maya, kinausap ko sya. Tinanong ko sya kung sino
kasama ni Andy sa bahay at ang sagot nya ay ang lolo nun. LOLO. Meaning TATAY nya!!
Pag hinaluan nga naman ng kamalasan ang
swerte oh!! Hindi kaya mapatay ako ng tatay nya?? Hindi ko pa nakikilala personally
ang parents ni Chelle pero syempre, matapos ang
pinagdaanan niya, malamang lang na magalit ang mga magulang nya sakin diba?

=___= GULP.

Hay. Bahala na. Pinakalma ko na lang sarili ko habang papalapit kami nang papalapit
sa destinasyon namin.

Doon, tinigil ko ang kotse ko sa likod ng isang black crosswind.


"Wala na pala si Dad eh..." sabi ni Chelle pagkatanggal nya ng seatbelt.

"WALA??"

"Si CJ ang nandito ngayon." at nakangiti syang bumaba ng kotse.


CJ?? Sino yun??

Hmm.. AH! Yung...yung lalaking tinatawag ni Andy na Daddy ba yun??

Ack... Wala nga ang tatay ni Chelle pero nandyan naman yung tatay-tatayan ni Andy!
Amp!

*umpog ulo sa manibela*

Uh. Bakit ko inuumpog ulo ko dito? SO WHAT if that guy is there? Malay ko ba kung
PINSAN lang ni Chelle yun! HAHAHAHAHA! Tama
ba tong iniisip ko?! Feeling ko pinapaasa ko sarili ko eh! HAHAHAHA-- oops. Pumunta
sa tapat ng kotse ko si Chelle at sinenyasan ako
ng 'TARA NA'.

Bumaba na rin ako ng kotse ko at sabay kaming pumasok ng bahay nya.

Aba.. Ang linis dito. Maayos. Tahimik, parang walang tao. Tsaka... ANG BANGO! Amoy
pagkain! Parang may nilulutong may sauce or
something.

"CJ??" tawag ni Chelle at dumiretso sya sa way dining area ng bahay habang ako,
nandun lang sa may pintuan.
"MOMMY!!!!!!" sigaw ng isang bata... At ang batang yun... Si Andy... Nakita kong
tumakbo sya kay Chelle na binuhat sya at
pinaghahalikan. "I love you Mommy!!"

Napangiti naman ako dun. Ang cute nila...

"I love you too, baby... Uhm... CJ..."

"Ah, ako na pala ang nagsundo kay Andy kanina." rinig kong sabi ng isang lalaking
di ko makita. Siguro nasa may kusina sya and he
must be CJ. "Gusto ka naming i-surprise eh kaya nagluto kami nito."

"Mommy!! I helped Daddy!! Ako naghiwa po ng bell peppers!!"


"Wow naman.. Parang gusto ko na tuloy kainin ang niluto nyo." natutuwang bati ni
Chelle. "Pero baby, bago yun, may bisita ka pala..."

"Bisita??" tanong nung lalaki sabay silip sa kung nasaan ako. "Oh..."

Sa reaksyon nya, tingin ko, alam na nya kung sino ako at kung bakit ako nandito.

"WAAH!" tinuro ako ni Andy. "Sya yung kagabi po!"

"That's right, baby.." lumapit sila sakin, including the guy who Andy calls DADDY.

"CJ, sya si Adrian..." pakilala ni Chelle. "And Adrian, sya si CJ, boyfriend ko."

OUCH. Did she just stab me on the chest??


"Nice meeting you, AGAIN.." nakangiting sabi nung CJ at nakikipag-shakehand sakin.
Pero ako lang ba o ano? Para kasing
nagkikidlatan sa paligid namin. Nagkikidlatan pero nasa loob kami ng bahay? Ano
kaya yun? =.=

I shook his hand and smiled back. Wala akong masabi. Parang bigla akong naubusan ng
salitang pwedeng sabihin eh..

"Hmm... So, labas muna ko..." sabi nya pa ulit. Mukha naman syang mabait pero...
Ugh.

"Sama ko Daddy!" si Andy pilit umaalis sa pagkakabuhat ni Chelle para lumipat kay
CJ.

"No baby..." suway ni Chelle.

"Andy, may bisita ka oh? At dyan lang naman ako sa may tindahan. Babalik ako
mamaya, okay?" CJ patted Andy's head, kissed him
and took his leave.

BUTI NAMAN! SOLO KO NA MAG-INA KO! Hmp!

Nang kaming tatlo na lang, umupo kami sa may sofa. Si Andy naka-kandong kay Chelle
at nakatitig sya sakin. As in titig, eye to eye.
Parang nakikita ko lang tuloy sarili ko nung ganyang edad pa ko...
"Baby... Why don't you introduce yourself to him?" ayun. Nabasag din katahimikan
namin sa sinabi ni Chelle.

"Hello po... I'm Andy po..." AW.. Ang cute. Manang-mana sakin! Nahihiya pa sya nyan
kasi dinadagan nya ulo nya sa balikat ni Chelle.
Nginitian ko sya. "And I'm Adrian. I'm......"

Uhh... Should I tell him? Baka malito sya kasi may Daddy syang tinatawag ngayon...

"He's your real father, Andy.." si Chelle na nagtuloy!

"Tatay ko po?? Like Daddy??"

"Uhm, no.." Yan. Paano mo i-e-explain yan ha Chelle?! "Mag..Magkaiba sila.."

"Magkaiba po???" tinignan ako ni Andy. I could tell, sobrang nalilito sya.

"Yes, magkaiba kami, anak." Nilapit ko kamay ko sakanya para yayaing lumipat sa lap
ko na di nya tinanggihan. Kumandong sya sakin
and... It feels great. "Ako kasi yung totoong tatay mo. Look at me, magkahawig tayo
diba?? Our eyes are the same... Pati yung nose
oh... At lips.."

Hinawakan nya naman yung mukha ko at yung mga parts na sinabi ko. Hehe. Kulit..
"Ano pong totoo??"

"Totoo. Ibig sabihin, real. Ako yung real dad mo. Ako yung tumulong kay Mommy mo
para mabuo ka."

"Eh-Adrian..?! Ano ba yang pinagsasabi mo kay Andy..?!" maka-react naman si Chelle


oh! Haha! Nako-conscious masyado!

"Hehe! Nagpapaliwanag lang ako sa anak natin noh." XD


"A-Alam ko pero bakit pati yung pagbuo sinasabi mo..?!" >3<
"Para mas maintindihan nya... Diba anak? Hehehe.."

"O___O" ganyan lang tingin ni Andy sakin. "Tinulungan mo po si Mommy para mabuo
ako?? Paano po yun??"

"Uh..." Hahaha patay ako!

"Yan na nga ba sinasabi ko. Tsk. Utak mo kasi, daming alam pag dating sa pagbuo ng
bata..." - Chelle

"Hehehe ay basta anak. Ako ang totoong tatay mo." yan na lang nasabi ko! XD

"Ganito yun, baby.." umusog si Chelle sa tabi namin at hinawakan ang isang kamay ni
Andy. Ang sarap naman sa feeling nito. Isang
pamilya kami dito... "Sya ang real dad mo kasi sya ang reason kung bakit nandito ka
ngayon. Kung wala sya, wala rin akong Andy
ngayon..."

"Ah..." Andy looked at me again with a smile. "Then tatawagin kita rin pong
Daddy??"

"Ay.. Ano.." napaisip ako dun ah! Ano nang itatawag sakin ng anak ko?! Eh may iba
nang lalaking gumagamit ng DADDY! Yun pa
naman ang gusto kong itawag sakin ng magiging anak ko pero, amp!

"Daddy..." Andy called me.

"No... Call me... Papa. That's it. Mula ngayon, ako na ang papa mo." I cupped his
cheeks na napakalambot! Kagigil!

"PAPA! May papa na ko! Yey!"

"Tama! So pwede mo bang i-kiss si Papa mo??" I demanded at kiniss nga nya ko. At
wag ka! May tunog! MMMWAH talaga!

"I love you Papa!"

"I love you too.." waaa ang saya.. Kahit si Chelle, nakita ko, nakangiti sya samin
ni Andy..
Nang ma-settle na namin yung 'father issues', marami akong tinanong tungkol kay
Andy na sinagot lahat ni Chelle. Like his birthday,
September 12 ang birthday nya! Parehas kaming 12! Haha! May 12 kasi ako. Tapos,
nag-i-school na pala sya. Nursery pa nga lang
kasi pa-4 years old pa lang sya. Madalas lolo nya raw ang nagsusundo at nagbabantay
sakanya habang busy sa school at work si
Chelle. Sa Amerika rin pala sya nagpunta noon... Dun nya pinagbuntis at pinanganak
si Andy. Now I know, di pala sya nagkasakit kundi
nabuntis ko pala sya kaya sya lumayo...

Later on, ang topic namin napunta sa CJ na yun. I dared to ask her about him.

"Si CJ??" sobra ngiti ni Chelle nang banggitin ang pangalan nya. "Sa Amerika ko sya
nakilala... One time kasi, nung 5 months pregnant
ako, nahilo ako habang naglalakad at sya tumulong sakin. Since then, napalapit na
kami sa isa't isa. Lagi nya kong tinutulungan at
inaaalalayan sa mga ginagawa o pinupuntahan ko. Kahit nga sa pangaanganak ko, nag-
stay sya sa tabi ko... CJ's a very good guy
so....you don't have to worry. Mahal na mahal nya si Andy. He has been very nice to
him eversince... :))"

=___= OO NA. SYA NA MABAIT AT AKO NA MASAMA! Tss.. Though I know, hindi intensyon
ni Chelle na ipamukha sakin ang mga
ginawa ng CJ na yun.. Masaya lang sya, kasi mahal sya ng lalaking yun at mahal nya
rin yun... Tsk. Buti na lang di pa sila
nagpapakasal o nagli-live in! MAY PAG-ASA PA KO!! HA-HA-HA!!
"Mag-di-dinner time na pala. Dito ka na kumain. Nagluto si CJ ng meatball pasta."
yaya ni Chelle.

"Papa! I helped Daddy sa pagluluto!" pagmamalaki ng anak ko while playing some toy
cars sa sahig.

"Talaga?? Mukhang magiging chef ang anak ko ah.. Hmm, halika nga dito..." binuhat
ko sya at niyakap nang mahigpit. "Next time,
pagluto mo ko ulit ah? Di na kasi ako makakakain dito ng dinner ngayon.."

Napatingin sakin si Chelle at parang nagulat. "Aalis ka na?"

"Uh, oo..."

"Ay. Oo nga pala, may GIMIK ka nga pala ngayong gabi.." =.= Aba? Parang nang-aasar
sya ah!

"H-Hindi ako pupunta dun noh! Marami pa kaya kong gagawing plates!" palusot ko lang
yan pero di talaga ko pupunta dun sa gimik
mamaya ng barkada ko! Ayaw ko lang kumain dito. Ayaw ko kayang kumain ng luto ng
ibang lalaki, lalo na ng lalaking INAGAW ang
papel ko sa buhay niya at ni Andy.
Sa pagka-defensive ko, napangiti naman si Chelle. I missed that smile of hers...
Nitong huli kasi, laging masama tingin nya sakin. Buti
na lang nagiging okay na ulit ang relasyon namin ngayon dahil sa anak namin and...
I'm very glad about it.

"Papa?? Gumagawa ka po ng plates?? Pati spoons po??" -Andy

"HAHAHA!" takte napatawa ako ng anak ko! "No! Hindi yun, anak! Drawing yun ng mga
bahay at buildings! Hahaha"
"O___O" nalito na naman sya. Hahaha ang gwapo lang! Ang gwapo naming mag-ama! XD

"Yaan mo anak, minsan papakita ko sayo example nun ah? Pero uwi muna ko at bukas,
pupunta ako ulit dito para bisitahin ka. Mmm..
Kiss mo na ulit si Papa oh, dali."

He kissed me again, gave me a hug and umalis na ko. Dapat nga ihahatid nila ko sa
labas pero tumanggi ko. Sabi ko kumain na sila at
baka mangayayat pa anak ko! Hahaha! Tatay na tatay lang dating ko huh!

Pagpunta ko sa kotse ko, nakasalubong ko pa yung CJ. Galing sya dun sa tindahan sa
tapat ng bahay ni Chelle.

"Pre? Aalis ka na? Di ka magdi-dinner kasama nila?" tanong nya on a concerned tone.

"Di na. May gagawin pa ko eh..."

"Ganun ba.. Sige. Ingat sa pag-drive." tumuloy na sya papuntang gate at ako sa may
kotse ko.

Pero bago pa ko sumakay ng kotse, napatigil ako. May gusto akong sabihin sa
lalaking yun eh. "PARENG CJ."

Huminto naman sya't lumingon sakin.

"Ano.. Salamat... For taking good care of them... Of Chelle and OUR Andy.." tama.
Yan ang gusto ko sabihin. Nagpapasalamat talaga
ko na sinuportahan nya mag-ina ko PERO SANA ma-gets nya ang sinabi kong OUR ANDY.
When I say OUR, I'm referring only to
MYSELF and CHELLE. Sa amin lang si Andy at sya? Boyfriend lang sya ni Chelle
NGAYON.
"My pleasure." sagot niya nang nakangiti at pumasok na sya ng bahay.
=___=

MY PLEASURE MO MUKHA MO! Tch.

Pumasok na ko ng kotse at ini-start ang engine.

MARK THIS DAY and MARK MY WORDS. Sa araw na toh kung kailan maraming nagbago sa
buhay ko... Sa araw na ito kung kailan
tinanggap ko ang pagiging tatay ko sa anak namin ni Chelle... Sa araw ring ito,
ISINASANTABI KO NA ang pagiging playboy ko
'CAUSE FROM THIS DAY ON, babawiin ko ang lahat ng kung ano ang dapat na sa akin---
ang anak ko, at ang ina ng anak ko--- my
Andy and my Chelle. Babawiin ko kayo from that CJ at bubuuin ang pamilya natin, I
swear that.

xxxxxx

xx6: Another Confrontation & BABYSITTING??

[ADRIAN's PoV]

T___T

Nandito ako ngayon sa tapat ng bahay ni Chelle... After ng huli kong klase, dito na
ko pumunta. Dapat kasama ko si Chelle ngayon dito
kaso may work pa sya eh.

Tsk.. Tatay nya ang nandito ngayon kasama si Andy.. Tama lang ba na nagpunta ako
dito nang mag-isa?? Parang di yata.. Pero
nangako ako kahapon sa anak ko na bibisitahin ko sya ngayon eh! AY NAMAN!! Chelle
kasi!! Bakit ba kasi kailangan mo pa mag-part
time?! May kaya naman kayo ah!! Ngayon tuloy...mag-isa ko haharapin tatay mo...

*sighhh*

Tinalikuran ko na lang muna ang bahay nila para mag-isip. Dapat yata bumili ako ng
pasalubong para sa anak ko at ng suhol para sa
lolo nya...... SUHOL?? Hehehe tama. Bibilhan ko na lang ng donuts si Andy at alak
para sa lolo nya! Pwede na kaya yun?? Hahaha
waaa...
=___=

"PAPA?!!!" Si Andy ang sumigaw na yun ah? Lumingon ako sa pintuan ng bahay nila at
nandun nga sya. Mabilis syang nagsuot ng
tsinelas at patakbong pumunta sakin dito sa labas ng gate.

Binuhat ko sya pagkalapit nya sakin. "Andy, bakit ka lumabas??"

"Bibili ako po dun!!" Tinuro nya yung tindahan sa tapat ng bahay nila. "Bibili ako
po ng stik-o!!"

"Nang mag-is---" Di ko na natuloy itatanong ko kasi may isa pang lumabas sa


pintuan. Isang lalaki yun na medyo may edad na. Nasa
early 40's siguro sya at mukhang seryoso. He must be Chelle's dad...

Nagtitigan lang muna kami. Di ko alam kung ano ba sasabihin ko.. Gusto ko syang
batiin pero paano??

"Samahan mo na si Andy dun sa tindahan." bigla nyang sabi on a cold tone.


Malamang...kilala nya na rin ako..
"S-Sige po.." buhat ko pa rin si Andy nang pumunta kami dun sa tindahan. Inupo ko
sya sa kahoy na nasa harap ng rehas at sinilip ang
loob ng tindahan. "Wala yatang nagtitinda dito eh.."

"PABILI PO!!!!" sigaw ni Andy at gamit ang hawak nyang 5-peso coin, paulit-ulit at
malakas nyang kinatok yung glass na lalagyan ng
candy!! Waah!!

"ANAK! Stop! Baka mabasag mo yan!!" >.<

"O___O" Buti tumigil naman sya. Masunuring bata!

Natatawa tuloy akong hinimas ang ulo nya. "Dahan dahan lang kasi sa pagkatok..."

Di nagtagal lumabas na rin yung matabang tindera at pinagbentahan na si Andy. At


dahil malakas ang anak ko sakin, pinadagdagan ko
na yung stik-o nya. Kaysa 5, ginawa ko ng 15! Hehehe! Bago pa kami umalis dun,
biglang nagtanong yung tindera kung kaano-ano ko
raw ba si Andy..
"Uh... Anak ko po... Bakit?" sagot ko sakanya.

"SABI NA NGA BA! Hahaha mas magkamukha kayo eh. Kaysa kay CJ!"

Malamang ako ang kamukha! Ako nga ang tatay eh at hindi si CJ!! Tss. Nagpaalam na
ko agad dun sa tindera na mukhang tsismosa at
baka kung ano pa itanong sakin. Pero in fairness... Ang sarap sa pakiramdam na
maipakilala si Andy sa ibang tao bilang anak ko.
Hehe.. Sige. Ako na ang PROUD na ama!

Pagkabalik namin sa bahay nila, inupo ko si Andy sa sofa.


"LOLO!! Ang dameng stik-o po oh!!" ^___^ Talagang pinagyabang nya pa yun ah? Hehe
ang cuuute..

Yung lolo nya naman na nakatayo sa pagitan nitong sala at dining, ngumiti lang.
"Basta wag mo kalimutang uminom ng tubig pagka-
kain mo."

Tumango si Andy at kumain na while watching TV. Playhouse Disney channel yun at
yung palabas, puro tren na may mukha na
nagsasalita.

"Adrian." tawag ng lolo ni Andy kaya napatayo naman ako! "Tama ba?? Adrian pangalan
mo diba??"

"O-Opo.."

"Pwede ba tayong mag-usap? Dun sa labas."

"Pwede po.."

"Okay. Andy, behave ka lang dyan ah? Usap lang kami ng papa mo sa labas."

"Opo.." sagot ni Andy na nakatitig pa rin sa TV habang nakain.


At ako, sinundan ang lolo nya sa labas ng bahay, dito lang sa may garahe. Sumandal
ako dun sa may bintana ng bahay at sya umupo
sa may bakal na silya at nagsindi ng yosi.

"Gusto mo?" tanong nya sabay abot sakin ng kaha ng yosi.


"Hindi po.."

"Wow." binulsa na ulit nya ung kaha ng yosi. "Wala kang bisyo?"

"Uh.. Meron din naman po.. Inom.. Ganun.." AT PANGBABABAE, DATI. Wahahaha =.=

Sa malayo sya nakatingin habang naghihithit ng yosi at pinapagpag ang upos nun sa
ashtray na nasa bakal rin na mesa. "So... Anong
plano mo? Sa anak nyo ni Rachellyn."

". . . . . ." SPEECHLESS. Hindi ko pa napapag-isipan yun..

"Ah, nagtataka ka siguro at kilala na kita noh? Kinwento ka na ng anak ko sakin.


Pati yung mga nangyari kahapon."

"Ganun po ba..."

"Ganun na nga."

=___=

"Uhm... Yung plano ko po...para kay Andy..." Dun ko na lang binalik yung topic.
Binabara nya kasi ako eh! "Hindi ko pa po napapag-
isipan yun pero sa ngayon, gusto ko po syang suportahan...alagaan..."

"Good to hear that. Masaya ako para sa apo ko at tanggap sya ng totoong ama nya."
Masaya raw sya pero parang wala naman sa itsura nya... Matapos ng sinabi nyang yun,
natahimik na kami. Awkward silence. Awkward
situation. Nang maubos na yosi nya, tumayo sya at hinarap ako.
"Aasahan kong magiging responsable kang ama in spite of the fact that Rachellyn hid
Andy from you for years."

"I will, sir. At wala na po sakin yun..yung paglihim nya tungkol sa anak namin. Ang
mahalaga, binigyan na nya ko ng chance ngayon
para gawin ang responsibilidad ko kay Andy." sagot ko nang nakatitig sa mga mata
nya. Seryoso sya eh kaya seryoso rin ako. We're
talking about a very serious matter after all.

Tumatango-tango sya sa sinabi ko. "One more thing. Alam mo naman siguro..na
maraming pinagdaanan si Rachellyn simula nang
maghiwalay kayo."

Nakaramdam naman ako ng hiya dun. "A..Alam ko po yun.."

"Gusto lang kita i-remind...na wag ka na ulit gumawa ng bagay na makakasakit


sakanya. Sakanya at kay Andy."

Bagay na makakasakit kay Chelle?? Hinding hindi ko na ulit magagawa ang ganung
pagkakamali. DEFINITELY NOT. Lalo na sa anak
namin.

"Masaya sya ngayon, being with her son and CJ. Alam kong wala na syang mahihiling
pa kaya sana lang...."

W..WHAT?? Tama ba?? Pangalan ba ni CJ ang narinig ko??

"...Sana lang wag mo sirain ang kaligayahang meron sya ngayon. Be Andy's dad and a
good friend of Rachellyn, YAN LANG ANG
GAWIN MO."
BANG.

Hindi na ako nakakilos sa kinatatayuan ko dahil parang binaril nya lang ako kasabay
ng mga sinabi nya. Nagawa nya pa kong tapikin
sa balikat bago ko iwan dito...

Tsk. Hindi ko pa nga nasisimulan ang plano kong bawiin ang mag-ina ko eh may
humarang na kaagad sa daan ko?? Ang masaklap pa,
hindi lang pala si CJ ang makakalaban ko... Pati pala ang tatay ni Chelle...kontra
sakin.

'Be Andy's dad and a good friend of Rachellyn, YAN LANG ANG GAWIN MO.'
Andy's dad? Chelle's good friend? YUN LANG? SERYOSO BA SYA?

Tsk... NAKAKAINIS...

Pinakalma ko muna sarili ko bago pumasok uli ng bahay. Tumabi ako sa anak ko sa may
sofa na busy pa rin manood at kumain. Yung
lolo naman nya, napansin kong may kausap sa cellphone sa dining area.

HAYY... Ano na bang gagawin ko... Gusto ko makasama anak ko at si Chelle...pero


posible ba yun??

"ADRIAN." tawag ulit ng lolo ni Andy na lumapit samin.

"Po?"

"Kung iiwan ko ba si Andy ngayon sayo, makakaya mo ba syang bantayan?? May


kailangan kasi kong puntahan but...if you c---"
"Kaya ko po, don't worry. Pwede po kayo umalis kung kailangan nyo." sabi ko nang
nakangiti to assure him na kayang kaya ko at
willing akong gawin yun. Bukod dun, mababawasan din ang tensyong meron dito pag
umalis sya. Gusto ko sya umalis pero di ako galit
sakanya ah? Nakakainis yung mga sinabi nya kanina pero naiintindihan ko sya...
Pinoprotektahan nya lang ang anak at apo nya...

Nagpaalam na sya kay Andy, hinalikan yun at sinabihang sumunod sakin then umalis na
sya. Ako naman nanatili lang dito sa tabi ng
anak ko. Sinubukan kong panuorin yung pinapanood nya pero ang boring masyado. =.=

Mga bata nga naman... Tinitigan ko na lang sya...

Ang bait naman ng anak ko. Tahimik. Hindi magulo. Masunurin. PARANG AKO LANG
TALAGA. Hahaha!

Napatingin sya sakin at sinusubo sakin yung isang stik-o. "AHH~~"

Wahaha sinubo ko naman yung binigay nya. "Thank you anak.."


"You're welcome po." ^___^ Kinain nya rin yung isa pang stik-o. Last piece na pala
yun pero binigay nya pa tong isa sakin. Hayy ang
bait lang talaga ng anak ko. XD

Nang maubos nya yung kinakain nya, saktong natapos din yung pinapanood nya at
humingi sya ng tubig na binigay ko naman.
Nagpatulong nga lang ako sakanya kasi di ko alam ang pasikot-sikot dito sa bahay
nila. Pagka-inom namin, balik kami sa sala. Sa
sahig sa tabi ng center table na sya pumwesto at dun nya pinagpipila't kinalat ang
mga maliliit nyang toy cars. Hehe.. Nagsawa na sya
sa TV ah. Pinatay ko na lang yun at sya na lang pinanood ko.

Eh ang kulit din talaga maglaro nito. Gumagawa sya ng sariling sound effects! May
'vroomvroom', 'wangwang' at 'eeeng'! Hahaha
parang ang saya ng ginagawa nya kaya sumali ako at nagkwentuhan kami. Nalaman ko
tuloy na mahilig sya sa tren. Pero wala naman
syang train toys dito. Puro kotse lang.

"Yun pala favorite mo eh. Gusto mo ba bilhan kita nun??"

"YES PAPA! I want Thomas!!"

"Thomas?? Ano yun??" O___o

"Si Thomas po! Yung train kanina po sa TV!"

"Ohh... Thomas pala name nun... Sige. Hahanap ako nun para sayo.." :)

"YEHEY!!"

"Pero kiss mo muna si Papa.." :3

Niyakap nya naman ako at hinalikan. Tulad kahapon, isang malupit na MMWAH at I LOVE
YOU ang binigay nya sakin. Hehe. Sarap
maging tatay oh. Sayang lang wala si Chelle dito... Sana dalawa kami ditong
inaalagaan ang anak namin...

Maya-maya nagsawa na kong maglaro. Pinanood ko na lang ulit sya sa ginagawa nya...
Then napansin ko ang books sa ilalim ng
center table. Kinuha ko yun at tinignan... Mga coloring books pala... Isa dun ay
Thomas and Friends. Ito yata yung tinutukoy ni Andy?
Ito rin yung pinapanood nya kanina eh... At yung isa pang book ay.....DISNEY
PRINCESSES!! Waah!!
"ANAK! BAKIT NAGKUKULAY KA NITO?! Pang-girl toh eh!!"

Lumapit sya sakin at tinignan ang coloring books na hawak ko. "Si Mommy nagko-color
po nyan. Ito yung akin po!" at tinuro nya yung
Thomas and Friends. "Ako nag-color po kay Thomas!"

Ah.. Mali pala ko ng hinala.. Nag-panic ako agad eh. Gwapo gwapo ng anak ko tapos..
Hahaha..

"Color po tayo!!" tumakbo sya bigla sa isang cabinet at may kinuhang box. UWOW
lang. Box yun ng JUMBO CRAYONS.

Bumalik sya sa tabi ko at ready na sya magkulay pero no space na yung mesa dahil sa
mga laruan nya. Sabi ko magligpit muna sya
and sumunod naman sya. I helped him though. Excited kasi akong magkulay kami eh!

Nung okay na ang mesa, naghanda na kaming mag-kulay. Kay Andy yung Thomas and
Friends at sakin yung Disney Princesses!!
Amp.

=___= Ayoko na magkulay. Makakasira lang toh sa aking pagkalalaki. Hahaha. Ini-scan
ko na lang yung book. Marami nang tapos na
kulayan at sa taas ng bawat page, talagang sinulat pa ni Chelle pangalan nya. Ah
hindi pala pangalan, MOMMY yung sinulat nya..
Hehe.. Ang cute.. Ganito pala bonding nila ng anak namin..

"PAPA! Color ka na po! Ito... PINK!" inabot nya sakin yung pink jumbo crayon! Waaah
pink.. Bakit pink.. =.=

Chineck ko na lang muna ang kinukulayan nya.. WAH! Kaliwete rin pala sya! At ang
galing rin sa arts! Walang lagpas sa pagkulay! Like
father like son! Haha kawawa naman si Chelle, wala yatang namana si Andy sakanya.
XD

Kina-career ni Andy yung pagkukulay eh kaya ako rin nagsimula na magkulay. Eh sino
ba tong kinukulayan ko? Hehe.. Sorry na lang
kay Chelle kung magkamali ako ng kulay na magamit dito. Gagandahan ko na lang para
makabawi. XD
From coloring books, nauwi sa paglalaro ng airplane si Andy. Takbo sya nang takbo
mula pintuan hanggang sa kabilang dulo ng bahay.
Ay naku... Nagsisimula na syang maging magulo... Sinuway ko sya pero...ewan
ko...bigla na lang kaming naghabulan tapos nag-tagu-
taguan! Sa likod ng pintuan, ilalim ng dining table, sa CR, sa likod ng sofa, kung
saan-saan kami nagsusumiksik ng anak ko! Tawa lang
kami ng tawa. Parang naging baliw na yata ako?? Haha pero wala na kong pake! Ang
saya eh! Ang sarap kaharutan ng anak ko!

At 6PM, nagpahinga na kami. Grabe. Kapagod lang. Parehas na rin kaming pawisan.
Niyaya ko syang magpalit ng damit at ginuide
nya ko sa kwarto nya sa taas. Maliit pero maayos. Pang-batang lalaki ang theme,
puro color blue kasi yung gamit. Doon agad ko syang
pinalitan ng damit at nilagyan ng towel likod nya.

"Papa.. Gutom na po ko.." =___=

"Ano bang gusto mong kainin??" tanong ko habang pinupunasan ang pawisan nyang ulo.
Para lang syang bagong ligo oh.

"HOTDOG!"

Naku.. Sana meron silang ganun dito. Pagkababa namin, chineck ko ref nila at
SWERTE! Meron silang stock nun. Tuluyan na kong
nakialam ng mga gamit nila dito. No choice kasi kailangan ko ipagluto at pakainin
anak ko noh! XD

Success naman. Kinain ni Andy ang hinanda ko at nagpa-toothbrush sya after nun.
Galing lang talaga mag-alaga ni Chelle. Naging
habit na pala ng anak namin na mag-toothbrush pagka-kain..

After all of that, balik tambay kami sa sala. Magkatabi kami ulit sa sofa at nanood
ng TV. Spongebob ang palabas. Maganda toh. Sa
lahat ng cartoons, dyan lang ako natatawa eh.
Passed 7PM na rin pala.. Malapit na umuwi si Chelle..pati yung CJ dadalaw pa.. Tsk.

"An---" Ay. Tulog na anak ko! Kaya pala nakadagan na ulo nya sakin eh.. Napangiti
naman ako at paakbay na niyakap sya.
Nakakatuwa eh.. Sa maiksing oras, ang dami naming ginawa. Mas naging malapit kami
at marami akong nalaman sakanya. Gusto ko
sanang mas mapasaya sya eh... Ayaw kong matulad sya sakin...na lumaki sa isang
sirang pamilya... Kaya sana..sana magawa ko ang
plano ko para sakanya...na mabuo ang pamilya namin kasama si Chelle, ang mommy
nya...

[RACHELLYN's PoV]

>___< Naku! Si Dad talaga! Di nya dapat iniwan si Andy kay Adrian! Baka mahirapan
sya. Di nya pa alam ang tindi ng kakulitan ng
anak namin eh... Di ko pa naman din alam number ni Adrian para kamustahin sila!

Kaya pagka-out ko sa trabaho, nagmadali tuloy akong umuwi. Sa sobrang kaba ko nga,
di ko masusi nang maayos yung pinto ng
bahay namin! Hay naman!
Nang ma-unlock ko yun, pumasok ako agad. Mukhang okay naman, nakabukas ang TV
at.........

Tulog silang dalawa.. Tulog yung mag-ama dun sa sofa..

Nakahinga ako nang maluwag at napangiti habang papalapit sakanila. Itong dalawa na
toh...pinakaba ako masyado... Kinuha ko yung
remote na nasa tabi ni Adrian at pinatay yung TV. After that, napatitig ako
sakanilang dalawa... Di ko akalaing makikita ko silang ganito..
Na sabay matulog.. Nang magkayap kahit nakaupo sila..

^///^ Hehe.. Sige na, kayo na mag-ama. Pati sa pagtulog, parehas kayo ng itsura eh!
Yung tipong yung bibig eh medyo naka-open.
Hihi.. Ma-picturan nga...
Kinuha ko digicam ko mula sa bag ko and without a flash, kinuhanan ko sila ng
picture! Hehehe..

I stared at their picture.. Sa wakas, may picture na si Andy kasama ang totoo nyang
tatay.. Kaso nga lang, tulog sila. X3

Mula sa picture nila, bumalik titig ko sakanila... Hay.. Sarap nila panooring
matulog.. Hindi ko tuloy napigilan ang kamay ko na hawiin
ang buhok ni Andy then sumunod yung kay Adrian.....

:)) Adrian......

Uh. No. I suddenly felt something WEIRD kaya agad kong inalis kamay ko sa mukha nya
at tinitigan na lang sya...

Right. May naramdaman akong weird pero di ko pa rin mapigilang ngumiti. Masaya ako
eh... Masaya ako para sa anak ko... Masaya
ako at nagkakasundo sila ng papa nya... Masaya ako...para sakanilang dalawa. :))

[CJ's PoV]

Right after school, I headed to Rachel's house para makita sila ni Andy. Lagi na
nga lang akong gabi nakakadalaw kasi gabi rin
natatapos klase ko, like now... I'm supposed to park my car in front of their house
pero di pwede. May ibang naka-park dun and I know,
it's Adrian's car. Hindi pa pala sya umuuwi... Alam kong nandun na rin si Rachel
kasi nagtext sya sakin pagka-out nya sa trabaho mga
an hour ago kaya for sure, magkasama ulit silang tatlo sa loob ng bahay...
Hayy... Gusto ko na sanang makita sina Rachel at Andy pero...ayaw ko namang
umepal...

Hayy ulit... Okay lang.. Hihintayin ko na lang umalis si Adrian. Bumaba ako ng
kotse ko at tumambay sa may tindahan. Umupo ako sa
batong upuan dun at nag-yosi. Yeah, I smoke, mostly when I feel uneasy.. Aminado
naman ako sa sarili ko na affected ako sa mga
nangyayari ngayon kina Rachel eh...but I don't want and I don't have to show it to
her. Gusto ko ang mga nangyayaring toh kasi
masaya si Rachel and that's what matters the most. Gusto ko lang na sumaya sila ni
Andy.

Tsk. Natapos na ko mag-yosi dito pero di pa rin lumalabas si Adrian. Hindi na ko


makapaghintay eh...kaya tumuloy na lang akong
pumasok ng bahay. Okay lang siguro na gawin ko toh. Boyfriend naman ako ni Rachel
diba?

May duplicate key ako para sa main door ng bahay nya pero di ko na yun nagamit.
Nakabukas na kasi yung pinto. Tulak na lang ang
kinailangan para makapasok ako at..... Nakita ko si Rachel, nasa harapan nina Andy
at Adrian na parehas natutulog sa sofa. She's
staring at Adrian while smiling and you know what? It somehow hurt me... Ayaw ko
man maging sobrang sensitive at unreasonable
pero di ko mapigilan ang nararamdaman ko...nagseselos ako.

"MHIE." I called her and she turned her head to look at me. Nakangiti pa rin syang
umayos sa pagkakatayo.

"CJ." :))

"HINDI AKO NATUTULOG!!" >___< Biglang sigaw ni Adrian.

Parehas kami ni Rachel na nagulat sakanya. What a weird guy... O.o

"Uy Adrian.." natatawang tawag sakanya ni Rachel. "Hanggang dito ba naman ganyan ka
gumising??"

"Uhh.. So..Sorry... Nakatulog ako... Si Andy kasi..." bigla syang napangiti while
rubbing his sleepy eyes. "Pinagod ako... Napagod din
sya sa pinaggagawa namin kaya ito sya, bagsak."
"Halata nga.. Pasensya na ah.." :)

"Tss.. Pasensya ka dyan... Uhm buhatin ko na ba sya sa kwarto nya?"


"HINDI NA." bigla kong singit sa usapan nila. Di ko na napigilan sarili ko eh.
Pakiramdam ko lang kasi, sobra na ginagawa nya. "A..Ako
na magbubuhat sakanya.. Kagigising mo lang eh.."

Hindi sumagot si Adrian. Napakagat labi lang sya at tumitig sa sahig.

"Oo nga Adrian.. Pahinga ka muna tapos kain tayo ng dinner." :) - Rachel

"Uhm... Di na... Kailangan ko na ring umuwi eh..." pinahiga muna ni Adrian si Andy
nang maayos sa sofa bago sya tumayo at nag-inat.

"Pero kakagising mo lang, magda-drive ka na agad?" si Rachel naman, mukhang nag-


aalala. And again...nakakaramdam talaga ko ng
selos kahit ayaw ko...

"Nakakapag-drive nga ko nang maayos kahit wala akong tulog sa loob ng isang araw
eh, ngayon pa kayang nakatulog ako kahit unti?"
XD - Adrian

"Naku... Bahala ka nga..." T3T - Rachel

"Wag ka na mag-alala! Di ako mapapaano noh! Hindi ako pwedeng mamatay kasi may
gwapo pa akong anak na dapat alagaan!
Hehe!" - Adrian
Napangiti na naman nya si Rachel.. Di na rin humaba usapan nila kasi nagpaalam na
si Adrian. Hinalikan nya pa muna sa noo si Andy
at saka umalis.

Pagkasara ni Rachel sa pintuan, hinarap nya ko. Nakangiti sya and I can feel na
sobrang saya nya ngayon. Actually, I've never seen
her this happy before, except when she gave birth to Andy and carried him in her
arms for the first time. Nasaksihan ko yun kasi ako
ang nasa tabi nya nung mga panahong yun.

Mahirap pero sinubukan kong ngumiti rin sakanya, kahit pa medyo sumasama na loob ko
kasi pakiramdam ko, hindi na ako ang
nagkakapag-pasaya sakanya...

"Thank you, CJ.." :))

Instead na ngumiti, nagulat ako sa sinabi nya. "H-Ha..?? For what..??"


Nag-pout sya sabay yakap sakin. Ang bilis lang nawala nung selos at sama ng loob ko
sa yakap nyang toh. "Hindi mo ba alam?? Ang
saya-saya ko ngayon... Napakasaya ko para kay Andy... Masaya akong magkalapit na
sila Adrian... At di naman mangyayari ang mga
toh kung di dahil sayo..."

Come to think of it, kasalanan ko nga ang lahat nang ito. I was the one who asked
Rachel to transfer to that university kung saan sila
muling nagkita ni Adrian and... I was also the one who encouraged her to tell
Adrian about Andy.

Everything's my fault. I smiled to myself at hinigpitan na lang ang pagkakayakap ko


kay Rachel. Siguro katangahan ang mga ginawa ko
but I don't mind...

"Thank you, Dhie... And I love you." Rachel looked up at me with a smile and gave
me a quick, sweet kiss. "Ay.. Nagyosi!" >3<

Huli ako. Haha. "One stick lang po yun, Mhie! Tsaka..... I love you too.." then ako
naman ang humalik sakanya. I made it longer and
sweeter than what she gave me.

"Oh, tama na.." natatawang tumigil sa paghalik si Rachel pero nakayakap pa rin sya
sakin. "Ehh Dhie~ Buhatin mo na si baby.
Pleeease~"

"Yes momhieee~" Binigyan ko sya ng isa pang smack before going to Andy na mahimbing
na natutulog sa sofa.

Hmm.. Masyado ba kong nagpapaka-tanga o nagpapaka-martir? Kung ganun......ano


naman?? I swear, I don't really mind it all. Kahit
pa masaktan ako ayos lang basta masaya si Rachel. Kahit pa magselos ako pag nandyan
si Adrian, hinding hindi ako papatalo sa
pakiramdam na yun. Parte lang ng nakaraan nya si Adrian at yun lang yun. Sinabi rin
naman ni Rachel na mahal nya ko at naniniwala
ako sakanya. Well, I fell in love with her because of her honesty. Simula nang
magkakilala kami, naging totoo sya sakin, wala syang
nilihim sakin. She is a very honest girl, that's why I trust her.

That's right. I will, ALWAYS, trust and love her.

xxxxxx

xx7: Chic Magnet


[ADRIAN's PoV]

"1, 2, 3!!"

*flash*

"Let me see it Papa!"

"Wait. Ito oh." at pinakita ko na kay Andy yung cellphone ko na kanina ko pa


ginagamit para kumuha ng pictures naming dalawa. Isang
oras na yata namin tong ginagawa? Ngayon ko lang kasi napagtanto na wala pa kaming
picture ng anak ko eh! Hehe..
Nandito nga pala ko ulit sa bahay nila Chelle at muling binabantayan ang anak
namin. May one week and a day na rin nang makilala
ako ni Andy bilang totoong ama nya. Lagi ko syang binibisita after school simula
nun at pag weekdays, ganito ang nangyayari-- lagi na
syang iniiwan sakin ng lolo nya at papabantayan.

Pakiramdam ko lang, sinusubukan ng lolo nya kung hanggang saan ang kaya ko sa
pagiging ama ko kay Andy eh. Akala nya yata
madali akong magsasawa at susuko sa pag-aalaga ng anak ko pero pasensya sya!
Nagkakamali sya ng akala!

"Isa pa." Sabi ko kay Andy at kinandong ko sya para kuhanan ulit ang sarili namin.
"1, 2, 3!"

*flash*

Sabay ulit namin tinignan yung picture at parang natatawa si Andy habang tinuturo
nya ang sarili nya dun.

"Small Andy." sabi nya then ako naman ang tinuro nya dun sa picture. "Big Andy."

Aww.. NAKAKAGIGIL ANAK KO! Katuwa sya at nagawa nyang pansinin ang pagkakahawig
namin! Amp. Ginulo ko tuloy buhok nya at
pinisil ang isang pisngi nya.

Ginawa ko ring wallpaper ng cellphone ko yung kuhang yun namin. At sa kakatitig ko


dun, napansin kong may namana rin pala si Andy
kay Chelle kahit papaano...... Parehas sila ngumiti. :)

Matapos ang aming 'photoshoot' bonding, hinayaan ko na ulit maglaro ng mga toy cars
si Andy habang ako, malalim ang iniisip dito sa
may sofa. Iniisip ko pa yung gagawin ko dun sa designs. Mahirap yun eh pero wala pa
ko nasisimulan at ang pinakamalala pa, sa
Lunes na pasahan nun! =.=

Nang oras na para mag-dinner si Andy, tinanong ko kung ano gusto nya kainin pero di
nya ko sinasagot. Tulala lang sya dun sa isang
silya sa may dining table.

"Andy??" Lumapit ako sa kanya at lumuhod. I checked kung may lagnat ba sya pero
wala naman. "Tell me, ano gusto mo kainin for
dinner?"

"Mommy..." bulong nya.


"Si Mommy? Gusto mo kainin si Mommy mo? Hahaha"

"Asan na si Mommy po?" malungkot nyang bulong ulit.


"Eh anak.. Nasa work pa sya."

Bigla syang sumimangot sa sagot ko. "I want to see Mommy..."

"Pero.. Nasa work pa nga sya.." Sinubukan kong i-comfort sya by patting his head
pero walang epekto.

"Mommy..." :(

"Wait ka lang anak, tatawagan nya ko mamaya pag pauwi na sya at ipapakausap kita.
Basta paka-good boy ka muna at kumain ng
dinner, okay?"

Hindi sya sumagot. Malumbay lang syang tumayo sabay punta dun sa sala! Iniwan nya
ko dito! O.o

Hay.. Sa isang linggong pag-aalaga ko sakanya, first time ko syang makita na nasa
bad mood..

Sinundan ko sya sa sala. Nandun sya sa mahabang sofa, nakahiga at nakatakip ang
mukha ng isang throw pillow.

Akala ko nga tulog na sya pero yung balikat nya gumagalaw eh. Kaya lumapit pa ko
sakanya at tinanggal yung unan sa mukha nya.

"An...." O___O

"Ma.. *sob* Mommy..." WAAAH!! U-Umiiyak sya!!

"A-Andy..?! B-Bakit ka umiiyak..?!" NATATAKOT AKO! PINAIYAK KO YATA ANAK KO! >O<

Patuloy lang sya sa pag-iyak habang paulit-ulit na tinatawag mommy nya.. Naku
naman.. Chelle, anong ginawa mo sa anak natin?! >.<

Tsk. Pinawisan na sya kakaiyak at namaga na mga mata nya. Pinalitan ko sya ng damit
at ilang beses ko na ring sinabi na malapit
nang umuwi mommy nya pero iyak pa rin sya ng iyak..

"Da.. *sob* Daddy.." Napatigil ako sa sinabi nya. "Tell Dad.. *sob* Dy to bring me
to Ma.. *sob* Mhie.."

Na.......Naiinis na ko.
"Call.. *sob* Daddy.." ;'(

No. No. Di dapat ako mainis...


Huminga ako nang malalim at pinunasan ang mga luha ng anak ko.

"Wag mo hanapin daddy mo.. Nandito ako oh? Si Papa.."

"Pa.. *sob* Papa.." Napangiti naman ako sa pagtawag nyang yun. "Bring me.. *sob* to
Mommy.."

Nakakatuwa... Hindi sa gusto ko sya makitang umiiyak pero parang panibagong


fulfillment toh sakin bilang tatay nya..yung tatawagin
nya ko pag malungkot sya. Napaisip din tuloy ako, ano kaya ginagawa ni Chelle pag
ganitong tinotopak at umiiyak anak namin?
Nahihirapan siguro sya..lalo na nung sanggol pa si Andy tapos mag-isa lang sya..

"Pa.. *sob* Pa.." Binuhat ko na sya para patahanin katulad nung ginawa ko nang
makita ko sya noon sa mall. Napangiti ulit ako nang
maalala ko yun. Kung maglaro nga naman ang tadhana... That time, wala pa kong
kamalay-malay na anak ko na pala ang binubuhat
ko.

"Anak... Stop crying first and promise, dadalhin kita kay Mommy."

Unti-unti, huminto na sya sa pag-iyak at puro hikbi na lang. Sinunod nya sinabi ko
kaya kailangan ko ring sunurin pangako ko! Umalis
kami ng bahay at gamit ang kotse ko, nagpunta kami sa fast food resto kung saan
nagtatrabaho si Chelle.

Ganito ba talaga pag tinotopak ang bata? Umiyak lang eh ayaw na maglakad? Pumasok
tuloy kami dun nang buhat-buhat sya.

Sa loob, nakita ko kaagad si Chelle. Ang bilis lang ng mga mata ko noh? Nandun sya
sa may counter..sa fourth counter kaya dun na rin
ako pumila.

Una, di nya kami napapansin pero nung pangatlo na kami sa linya, halatang-halata sa
mukha nya na nagulat sya at matawa-tawa.
Hindi nga lang sya makita ni Andy kasi buhat ko pa rin sya at naka-rest ulo nya sa
balikat ko.

"Anak, harap ka dun oh.." sabi ko kay Andy nung kami na ang nasa counter. Si Chelle
naman, ngiting-ngiti pero si Andy, ayaw ako
sundin!
"Welcome to McDonald's.." natatawang bati ni Chelle samin. Nakilala yata ni Andy
boses nya kasi napalingon na sya sa mommy nya
kaso parang di sya mamukhaan.

"Hala anak, sino yan??" tanong ko kay Andy. Hindi sya kumikilos, tulala lang kay
Chelle.

"What's your order, sir, baby?" :)) - Chelle

"Ma...... MOMMY!!!!" Ang lakas ng sigaw ni Andy! Napatingin samin yung ibang
customers na nakapila pati yung mga katrabaho ni
Chelle!

Napatakip na lang ng bibig si Chelle tapos si Andy umaalis na sa pagkakabuhat ko


para lumipat sakanya dun sa kabila ng counter!
"Mommy!" pilit inaabot ni Andy ang kamay nya kay Chelle pero niyakap ko sya nang
mahigpit.

"N-No anak..!!" bulong ko sakanya. "Bawal ka dun. Gusto mo bang hulihin ka ng


guard??"

Tumigil sya at parang natakot. Napayakap kasi sya ulit sakin pero nakatingin pa rin
sya kay Chelle.

"Wait ka lang.. Kain daw muna tayo tapos pupuntahan na tayo ni Mommy.." bulong ko
ulit kay Andy at saka na ko umorder kay
Chelle...kay Chelle na pinipigilang tumawa.

I ordered double cheeseburger and large fries para sakin at happy meal na spaghetti
naman sa anak ko. Yun lang order ko kaya
nagulat ako nang maglagay si Chelle ng isang McFlurry sa tray namin.

"Isama mo na toh." nakangiting sabi niya. "Favorite ni Andy." :)

Napailing lang ako at sya? Nag-pout sya. Akala nya siguro ayoko ng ginawa nya.
"Gawin mo namang dalawa? Dalawa kami oh? Diba?
Mag-ama?"

Ayan. Matawa-tawa na naman sya. "Ay.. Sure, sir."

Kumpleto na order ko at nakapagbayad na ko pero nagtanong pa sya kung may dala ba


raw akong pamunas ni Andy. Sabi ko wala,
towel lang sa likod nya. Sa sagot kong yun, naglagay sya ng maraming tissue sa tray
namin! Siguro x5 sa normal na dami yun! Tas
sabi nya pa, "LAGOT KA SAKIN PAG MAABUTAN KONG MARUMI BABY KO." :)
Gulp. Sinabi nya yun nang nakangiti pero sa nakakatakot na tono. =.=

Matapos nun, binaba ko na si Andy para mabuhat ko yung tray at pumwesto na kami sa
isang table sa tapat ng palaruan nila. Kumain
kaming dalawa at maya't maya ko pinupunasan ang bibig ng anak ko. Ang kalat din
pala kasi nito kumain ng may sauce. At mahirap na
pag maabutan ni Chelle na marumi ang itsura ni Andy, baka itago nya ulit sakin ang
bata...pero di naman nya siguro gagawin yun!

Ang hassle pero ang saya ng ganito. Maulit nga toh! Pero next time, sisiguraduhin
kong kasabay na namin kumain si Chelle dito..

[RACHELLYN's PoV]

Finally! Out na ko! Nitong huli, lagi na lang yata akong nagmamadali kumilos pag
natatapos na ko sa trabaho! Psh.. Si Adrian kasi..
Pero nakakatuwa, lalo na ngayon. For the first time, naging customer ko ang baby
ko! Kaso mukhang nagta-tantrums sya.. Alam ko
umiyak sya kasi yung mga mata nya namamaga..

Pagbihis ko, hinanap ko sila agad. Si Adrian nga lang ang nakita kong nakaupo at
tulala sya dun sa...palaruan. Ah. Nandun pala si
Andy, naglalaro kasama ang dalawang batang babae. He looks better now kaysa kanina.

Habang papalapit ako kay Adrian, napansin kong may dalawang babaeng nakaupo sa
bandang kaliwa nya ang nakangiting tumititig
sakanya at nagbubulungan. Sa itsura nila, masasabi kong kinikilig sila
at....naglalandi. Tss. Sarap nilang sabihan na 'HUY! MAY ANAK
NA YAN! AT AKO ANG INA!'. Hehe.. Pero syempre, di ko naman kayang gawin yun at alam
kong wala ako sa lugar para sabihin yun.
XD

"Adrian." tawag ko sakanya at umupo sa tabi nya. "Kamusta? Kumain ba sya nang
maayos?"

"Ah, oo, medyo."

Nakita ko naman yung mga maruruming tissue paper sa tray nila. Sabi na nga ba. Tama
lang na ganun karami ang binigay ko. At buti
naman...di hinayaan ni Adrian na maabutan kong madumi anak namin.

"Pasensya na ah... Bigla yata syang tinopak, napapunta pa tuloy kayo dito..."

"Wag ka nga magpasensya dyan pag dating sa anak natin."


Eh?? Edi wag... =3=

"Tignan mo na lang sya oh... Chic magnet din tulad ko! Hahaha"

"Chic magnet??" Tinignan ko nga si Andy at naging tatlo na pala yung batang babaeng
kalaro nya kanina!

"Manang-mana lang talaga sakin huh~" ANG YABANG NITO! >3<

"Oo na. Sayo na talaga mag-mana! Sobra! Kaya nga sobrang sama rin ng loob ko eh! 9
months ko syang dinala sa tyan ko tapos...puro
genes mo lang nakuha. Tsk." T3T

Bigla syang napatingin sakin na parang nagulat sya sa sinabi ko. Tapos, ngumiti
sya... Pilyong ngiti ba... Feeling ko tuloy, may iniisip
syang di kaaya-aya... O///O

"A-Ano??" tanong ko sakanya.

Di sya sumagot! Nakakaloko pa rin ngiti nya with matching pailing-iling ng ulo! T3T

"RACHELLYN!!" malakas na tawag sakin ng isang babae na may kasama pang dalawang
babae. Mga katrabaho ko sila dito pero bakit
kaya nila ko hinahanap.. O.o

"Asan na baby mo?!" Excited nilang tanong nang sabay-sabay!

"UY!!" Sabi ng isa kong katrabaho na si Angel, sabay turo kay Adrian. "I-Ikaw..??"
Nagba-blush yata sya?? At kilala nya si Adrian??

"AH.. Natatandaan kita!" Nakangiting sagot ni Adrian. But..don't tell me...may


something sa kanila..

Yung dalawa pa naming katrabaho, inasar sya tuloy..


"M-Magtigil nga kayo! Crush kayo dyan..." >///< - Angel

"Impernes gurl, good looking ang natipuhan mo!" - coworker 1

"Ayiee~ Si Angel namin~ Umeeching na!!" - coworker 2

"ANGEL pangalan mo??" Nakangiti pa ring tanong ni Adrian. "Bagay sayo.."

=___= Wooh... BOLERO.


Namula lalo tuloy si Angel at lalo rin syang inasar nung dalawa.

"Ano ba kayo! Parang nagbibiro lang yung tao eh.." >///< - Angel

"Di ako nagbibiro." Ano ba tong si Adrian? Nagseseryoso?? "Angel ka talaga kasi
kung di mo binigay sakin yung journalism books ni
Rachellyn non, may mga mahahalagang bagay akong di malalaman at...hindi kami
magkaka-ayos ngayon."

O___O

Ah... O..Okay... Yun pala yun... Si Angel pala ang salarin kaya nakapunta samin si
Adrian non... Ito naman kasi si Angel, walang sinabi
sakin tungkol dun...

Err. Napansin ko yung tatlong katrabaho ko na nilipat ang tingin sakin! Si Angel
mukhang shocked at disappointed habang yung
dalawa, nakangiti!

"Sya pala boyfriend mo?" O.O - Angel

"CJ name nya diba?" - coworker 1

"Well hi, CJ! Mga katrabaho kami ni Rachellyn!" - coworker 2

"H-HINDI SYA SI CJ..!! Hindi sya ang boyfriend ko..!!" >3< - AKO!

O___O - Silang tatlo naging estatwa na.

=___= - Ganyan naman si Adrian.

AY NAKU. >___<

"Sya..Sya si Adrian, tatay ng anak ko..." Sa tatlong katrabaho ko, isa lang sa
kanila ang mukhang nakaintindi sa sinabi ko. Si Angel kasi
at yung isa pa, mukhang gulat at naguguluhan pa rin.
"AH... Heh..hehe... Ganun ba... Sorry, Adrian.." ^^ - coworker 1

"Ayos lang yun..." Si Adrian, alam ko napipilitan na lang sya ngumiti.. T3T

"MOMMY!!!" Biglang tumakbo sakin si Andy at yumakap. Sa kanya lumipat ang atensyon
ng mga katrabaho ko, sya rin pala kasi ang
pinunta nila dito. Pinagkukurot nila pisngi nya, binuhat, niyakap, hinalikan at
inabutan pa ng mga happy meal toys!

Naniniwala na tuloy ako sa sinabi ni Adrian... Chic magnet nga tulad nya ang anak
namin.

Habang pinagkakaguluhan nila baby ko, bumalik tingin ko kay Adrian. Nakangiti na
sya ulit pero hindi na pilit, habang pinapanood nya
ang anak namin na nilalamog ng mga katrabaho ko.

"WAA RACHELLYN! Ito na baby mo!" Binalik nila sakin si Andy na malapit nang umiyak!
"Pinaiyak ni Angel! Pinanggigilan nya
palibhasa kamukha ng tatay! Hehehe!"

"H-Hindi ah!" >3< - Angel

Pagkatapos nila paiyakin baby ko, si Angel naman yata balak nilang paiyakin. Mga
baliw rin mga katrabaho ko dito eh noh.. Nagpaalam
na rin sila agad after nun.

"Adrian, sorry kanina ah.. Ang gulo nila.."

"Wala yun.. Tara, uwi na tayo. Tinotopak na naman anak natin oh." Sabay pat nya sa
ulo ni Andy.

Kakaiba talaga sa feeling yung ganito... Yung magkatabi kami kasama si Andy at
'ANAK NATIN' ang tawag nya sakanya..

Minsan ko na kasi ini-imagine ang scene na toh noon.. Akala ko never na mangyayari
pero ito kami.. Nawala na toh sa mga pangarap
ko pero ngayon...parang nakakaramdam ako ng pagka-kumpleto..

"Uh, m-mag-CR muna ko.." paalam ko sakanya at kinuha nya si Andy para kandungin
nya.

Nag-CR nga ako pero di ko alam kung bakit. Hindi naman kasi ako nawiwiwi o ano..
Tss..

Ano bang nangyayari sakin.. T3T

Hinugasan ko na lang kamay ko at bumalik sa table namin kanina.

Pero bago pa ko makalapit sakanila, napatigil ako dahil may isang babaeng nakatayo
sa harap nina Adrian...
Maganda sya, kaedad lang yata namin. Medyo matangkad, medyo curly ang buhok, pero
ang sama ng tingin nya kay Adrian.
Si Adrian naman, nakatingala lang sakanya habang nakaupo at kandong parin si
Andy...

Kinakabahan ako... Hindi ko kilala ang babaeng yun at...mukhang nasa di magandang
sitwasyon ang anak ko ngayon...

"ANO YAN ADRIAN??" mataray na tanong nung babae. "SINO ANG BATANG YAN HA??"

Oh god... That question...

xxxxxx

xx8: Lokaret!

[RACHELLYN's PoV]

"ANO YAN ADRIAN?? SINO ANG BATANG YAN HA??"

Oh God. That question.. Lalo akong kinabahan nang itanong yun ng babaeng kaharap ni
Adrian.. =/

"A---"

"KAPATID MO??" Hindi nya hinayaang sumagot si Adrian, patuloy lang sya sa mataray
na pagtatanong. "EH WALA KA NAMANG
KAPATID AH??"

"Ka---"

"OW!! HINDI!!" yung pagtataray nung babae biglang napalitan ng sobrang pagka-
curious habang malapitang tinitignan si Andy. "WAG
MO SABIHING KAPATID MO SA TATAY YAN?!"

"Hi---"

"AT KAILAN KA PA PALA NAGKAROON NG KONEKSYON SA TATAY MO HA?! ALAM BA NI MAMA


YAN?!"
O___o

Uhm.. Naguguluhan ako..

"Pwed---"

"NAKU ADRIAN!! LALO SYANG MALULUNGKOT PAG MALAMAN NYA TOH!!"


"ARGH! ATE HAZEL! PAGSALITAIN MO KO! PWEDE?? PWEDEHH??!!"

Tinawag nya yung ATE?? Ate Hazel?? O.o

"EDI MAGSALITA KA! SINO BA MAY SABING DI KA PWEDE MAGSALITA?!" - Ate Hazel

"YUNG BIBIG MO LANG NAMAN!!" - Adrian

"Pa.. Papa.." naiiyak na tawag ni Andy kay Adrian. Natatakot na anak ko sakanila..
>.<

"Uh.. No, sorry anak.." kinomfort naman ni Adrian si Andy habang yung Hazel,
nagulat.

"PA...PAPA TAWAG NYA SAYO?? AT TINATAWAG MO SYANG ANAK?????" O.O

"MALAMANG? TATAY nya ko eh at ANAK ko sya. Ngayon, alam mo na? Malinaw na?
Mananahimik ka na ba?"

"Ahh... Hahahahaa tekaaa... Mali yata mga narinig ko, gutom na gutom na kasi ako
dahil sa maghapong paghahanap ko sayo! Oh sya,
bili muna ko ng makakain ko. Dyan ka lang at maguusap pa tayo ah! Wag ka aalis
kundi, hahabulin kita!" Umalis na yung Hazel at ako
naman ang agad-agad na lumapit sakanila.

"Adrian..."

"Uy Chelle. Ano... Pwede stay muna tayo dito saglit? Yung pinsan ko kasi..nakita
ako at gusto nya raw ako kausapin."

PINSAN?? O___o

Hmm....

Ay. Oo. Walang kapatid si Adrian pero dati nakwento nya na may pinsan syang babae
na pinalaki rin ng mama nya kasama nya..
"Wag ka mag-alala Chelle..." nakangiting sabi ni Adrian. "Hindi masungit yung
pinsan ko. Uhm, medyo loka-loka nga lang. Hahaha.."

Adik nito.. Napangiti na lang ako at umupo sa tabi nya. Hindi nya na pinasa sakin
si Andy. Kandong nya pa rin yun at hinayang laruin
ang mga laruang nakuha nya kanina.

Pagbalik nung Hazel, may dala na syang tray na maraming pagkain. Imbis na umupo sya
agad, natigilan muna sya at natulala samin.

"H-Hindi nga ilusyon ang nakita ko kanina.." sabi nung Hazel. "Nandyan pa rin yung
bata at...nadagdagan pa! Sino naman yang katabi
mo Adrian?! Panganay mong anak?!"

Ako?? Panganay na anak ni Adrian?? Pfft.. =3=


Naiiritang kinamot ni Adrian ang ulo nya. "Umupo ka nga muna at kumain! Lumalala
saltik mo eh!"

"Ahh okayy." Umupo nga sya at nagsimulang kumain pero papalit-palit ang tingin nya
samin ni Andy..

Err.. Tumigil ang tingin nya sakin.. Nakakailang.. Mukhang....loka-loka nga toh
tulad ng sinabi ni Adrian.. ^^'

"Hindi kayo magkamukha.." sabi nya sakin. "Magkapatid ba talaga kayo??"

O.O

"Ah.. H-Hin---"

"Siguro magkaiba kayo ng ina! Babaero yang tatay mo eh!" Pati ako di nya
pinapatapos magsalita! T3T

"HAYY ATE HAZEL! Asan naba utak mo? Paano ko magiging anak yan eh magkaedad lang
kami?!" - Adrian

"Bakit? Imposible ba yun?" - Ate Hazel

"TSK. Ewan ko na sayo! Basta! Sya si Rachellyn, ang mommy nitong anak ko na si
Andy, ANDY LOUIS!"

Natigilan na naman siya sa sinabi ni Adrian.


"At Chelle, ang lokaret na yan ay pinsan ko. Si Hazel. Naalala mo siguro
non..sinabi kong may pinsan ako.."

"O..Oo.. Na---"

"CHELLE??!! Ikaw si CHELLE?!" sabat nung Hazel sabay turo sakin. "Naaalala kita!!"

Naaalala? Eh di pa kami nagkakakilala ah.. O.o

"Ano namang kalokohan yan Ate Hazel?? Ngayon pa lang kayo nagkakilala noh." T.T -
Adrian

"Teka, ano yun eh, hmm..." Nag-isip sya nang napakalalim at parang may pilit na
inaalala. "AH, AH! 3rd year high school kayo nun! May
times na doble ang bilis ng pagkapikon ni Adrian pag inaasar ko sya non tapos
magkukulong sya sa kwarto nya tapos maririnig ko
syang nagwawala dun at sinisigaw pangalan mo!!"

O___O Ta..TALAGA??

"A-ATE HAZEL?! Ano ba yang pinagsasa---" - Adrian


"Siguro pag ganun, may LQ kayo!! Kasi minsan narinig ko sabi nya, 'ARGH CHELLE!!
NAGSO-SORRY NA NGA AYAW MO PA
TANGGAPIN!! BWISIT NA BUHAY OH!!' Ganyan na ganyan, Chelle! Maniwala ka! HAHAHAHA"
Pati boses ni Adrian gayang-gaya
nitong pinsan nya. Halatang magaling mang-asar.

Pero..di ko inaasahan yung sinabi nya.. Totoong nagkaka-LQ kami ni Adrian noon at
alam ko, wala lang sakanya pag may
pinagtatalunan kami tapos ngayon...malalaman kong nagagawa nya palang mabadtrip at
magwala pag nagkakaganun kami??
Nagiging affected din pala sya??

Bakit parang...natutuwa akong malaman yun..?? =///=

[ADRIAN's PoV]

AMPOTEK TONG PINSAN KO ANG DALDAL! Ang sarap nya ihagis pabalik kay Mama!

"Tigilan mo na nga yang kaka-daldal mo, Ate Hazel! Tsk!"

Naiinis na talaga ko. Hindi nya na dapat kinwento yun eh! Kung may bagay pa naman
na ayaw nang maalala pa si Chelle, malamang
lang na NAKARAAN NA NAMIN yun. Sino ba kasing gustong balikan ang nakaraan na
nakasakit lang sa kanya? Tsk. Nanahimik na
tuloy si Chelle..

"Oh Adrian, EASY? Wag pikon? HAHAHAHA YUMM~" kakain na lang ng burger nang-aasar
pa! "Eh kasi... BAKIT MO NILIHIM SAMIN
NG MAMA MO ANG PAGKAKAROON MO NG PAMILYA??"

Huminga muna ko nang malalim bago ko sya sagutin. "Hin---"

"Kasal ba kayo?"

"Hindi. Kasi---"

"Ay, hindi? Live-in lang? Kaya pala madalang ka na umuwi satin!"

"A-TE HA-ZEL." Badtrip kong tawag sakanya. "HINDI KAMI NAGSASAMA!"

"EH?? HINDI??" O.o

"OO, HINDI. Ma---"

"AH! Alam ko na! TAKOT KAYONG MASUNDAN ANG ANAK NYO NOH?! HAHAHAHA"

=___=
*hilot ulo*

"H-Hindi po yun ganun.." Biglang sagot ni Chelle sakanya. "Wala po kaming relasyon
ni Adrian at--"

"WALA?! Tsk! Adrian, lintik ka! Matapos mo anakan, hiniwalayan mo?!" Magpapaliwanag
sana ko kaso wala pa kong nasasabing isang
syllable eh nagsalita na naman sya. "AT PINAKAMALUPIT PA AY NILIHIM MO SAMIN TOH!"

"MAKINIG KA KASI MUNA SA SASABIHIN KO! Hi..Hindi ko gustong ilihim sa inyo ang anak
ko, OKAY??"

"Anong HINDI?? Eh ilang taon na ang anak mo oh! For sure, ni minsan, di mo naisip
na ipagtapat kay Mama ang tungkol sakanya!
Adrian naman..kung alam mo lang..sobrang lungkot na ni Mama sa mga pinag-gagawa
mo.." :(

Hayy.. Tsk.. Paano ko ba toh ieexplain? Hindi ko kasi masabing tinago ni Chelle
sakin yung bata, parang sasama ang dating nya eh...
"Totoo po yun, Ate Hazel. Di po gusto ilihim ni Adrian ang tungkol sa anak namin
kasi po...nitong huling linggo lang po nya nalaman ang
tungkol sa bata..." Nahihiyang nagpaliwanag si Chelle at kaming dalawa ni Ate
Hazel, nagulat sa sinabi nya. "Ako ang naglihim.. Nilihim
ko sakanya ang pagkakaroon namin ng anak...nang ilang taon... Kaya...wag kayo
magalit kay Adrian.."

Natahimik na kami, pati si Ate Hazel. Malamang iniisip na nya nang mabuti ang
totoong sitwasyon namin ni Chelle.

"Uhm, Chelle.." mahinahong tawag ni Ate Hazel sakanya. At nakiki-CHELLE na pala


sya?? "Una...... Wag kang mag-PO sakin."

O___ó ???

"At wag mo kong tawaging ATE." tuloy pa nya! "PWEDE BEH?? Isang taon lang tanda ko
sa inyo noh! Ito kasing si Adrian! Tsk!
Sinabing wag akong i-ate, ATE KA PA RIN NG ATE!!"

"MAS MATANDA ka pa rin kahit isang taon lang yang tanda mo samin noh!" depensa ko
sabay tingin kay Chelle na mukhang nawi-
weirdohan na sa pinsan ko. "Oh Chelle, wag ka mag-PO at mag-ATE sa kanya ah? Mag-HO
ka lang at tawagin mo syang LOLA!"

"Eh.." ^^' - Chelle

"ADRIAN!! Kukutusan na kita bwisit ka!!" >.< - Ate Hazel

"HUH. Ang bayolente. Kaya walang lalaki ang nagkakamaling pumatol sayo eh."

"TSEH! Hmpf.." Umayos ng upo si Ate Hazel at nagseryoso. Hindi talaga bagay sakanya
ang magseryoso. Para sakin, nakakatawa
sya. "Pero Adrian... Ito matinong usapan na... Naiintindihan ko ang mga nangyari sa
inyo... Uhm so ngayon, ayos na kayo?
Napagkasunduan nyo na ba kung paano palalakihin ang anak nyo?"

"Oo Ate. Napagkasunduan namin na magtutulungan kami sa bagay na yun."


"Buti naman..." Si Ate Hazel talaga.. Lokaret nga pero minsan, lumalabas pagka-ate
nya. Mag-pinsan lang nga kami pero para na
kaming magkapatid. Palibhasa, mama ko rin ang nagpalaki sakanya. "Eh Adrian, alam
ko playboy ka. Wala ka pa bang balak magtino
para sa anak mo?"

"ANONG WALA? For your---"


"Ano na nga bang relasyon nyong dalawa?? Ganyang may anak kayo, bakit di na lang
kayo magkabalikan??"

"HINDI YUN PWEDE. May boyfriend kaya si Chelle ngayon." =.=

"WOW NEMEN!" Aba. Natuwa pa sya ah. "Sure ako! Mas gwapo at mas mabait kay Adrian
yun! Noh Chelle?? HAHAHA!"

=___= HINDI RIN.

"Hehe.. Opo.." - Chelle

O___ó SUMANG-AYON SYA!!

Yung magaling na CJ na ang pinag-usapan nila at ako naman ang nanahimik. Bilib na
bilib si Ate Hazel sa mga kwento ni Chelle
tungkol sa lalaking yun. Bihira na raw ang lalaking katulad nya, na ang swerte raw
ni Chelle, BLAH BLAH BLAH BLAH. Tsk.

"Ah teka. Apelyido ba namin ang dala nya??" tanong ni Ate Hazel sabay nguso kay
Andy.

"Uh..hindi po.. Apelyido ko po ang pinagamit ko sakanya.." - Chelle

"AY NAKOW ADRIAN! Ayusin mo yan! Dapat Guillermo sya! Sayang ang magandang apelyido
natin at ang maganda nating lahi!"

OO NGA NOH??? Dapat apelyido ko ang gamit nya!! Kaso..

"Kung..kung papayag si Chelle.." tumingin ako sakanya at nakangiti sya.

"Payag ako... Ayusin natin yun pag di na tayo busy sa school.." :)

Waaa... PAYAG SYA AGAD! Kinabahan ako...kala ko pag-iisipan nya pa ang tungkol dun
eh..

"VERY GOOD!! Asikasuhin nyo yan ah! Sayang kasi, ang gwapo ng pamangkin ko tapos di
namin ka-apelyido! Hehe! Halika nga
baby!" ^3^ Tumayo si Ate Hazel at sinubukang kunin si Andy sakin pero yumakap ang
bata sakin nang mahigpit!

"Lumayo ka nga. Ayaw sayo oh."


"Aish.." T3T Tinusok tusok na lang nya ang pisngi ng anak ko. "Bakit ayaw mo kay
Tita Hazel?? Binulungan ka ng papa mo na wag
lumapit sakin noh?? Uwaii! Ang lambot ng pisngi! Ang cuuute! Mas cute ka pa dito sa
papa mo!"
"Tigilan mo nga! Mabutas mo pa pisngi eh! Tsk!" suway ko kasi patuloy sya sa
pagtusok sa pisngi ni Andy!

*yaaaaaaawn* =___= - wagas na hikab ni Andy.

"Oh. Antok na anak nyo. Anong oras na kasi nandito pa kayo. Tsk." - Ate Hazel

"AY? DAHIL LANG NAMAN SAYO KAYA NANDITO PA KAMI." sarkastiko kong sagot sakanya.

"WAG MO NGA KO SISIHIN! UMUWI NA LANG KAYO!"

"Di mo kami kailangang ipagtabuyan! Uuwi na talaga kami noh! Tsk. Halika na
Chelle.."

Natatawang tinabi ni Chelle ang mga laruan ni Andy sa bag nya at binuhat ko na nang
maayos ang anak namin.

"Bye po Ate Hazel.." ^___^ paalam ni Chelle pagkatayo namin.

"Bye! Pagpasensyahan mo na pinsan ko ah! Tanga lang talaga yan kaya iniwan nya ang
babaeng katulad mo! Pero yaan mo na, may
CJ ka naman na eh! Ayieee"

Kailangan ba talagang ulit-ulitin ang tungkol kay CJ?? Tsk.

"At hoy, pinsan kong tanga. Pwede ba? Matuto kang mag-reply pag tinetext kita at
wag mo ko patayan ng cellphone pag tinatawagan
kita! TSK! Imbis na trabaho ang hanapin ko dito sa Manila eh ikaw tuloy ang
hinahanap ko para lang makausap ka! Buti sana kung
andun ka lagi sa condo mo PERO HINDI EH!"

=.= Grabe talaga toh si Ate Hazel magsalita.. Dire-diretso at ang bilis.

"Tsaka... Umuwi ka satin bukas ah? Alam mo naman siguro kung anong araw bukas..."

"Ewan. Susubukan kong umuwi."

"Adrian, wag mo subukan, GAWIN MO MISMO. Please lang, wag mo na pahirapan si Mama.
Kailangan nyo nang mag-usap..
Kailangan mong sabihin sakanya ang tungkol sa anak mo.."
Di ko na sya sinagot. NABUBWISIT NA KO EH. Isa pa naman sa pinaka-ayoko eh yung
pinipilit ako sa ayaw kong gawin. Tsk.

Alam ni Ate Hazel na iba na tong pagkainis ko kaya di na sya nangulit pa at tuluyan
na kaming pinaalis.

Halata naman siguro, hindi maganda ang relasyon namin ng nanay ko. High school pa
lang ako lagi na kaming nagtatalo nun. Lagi
kaming nagtatalo twing nagtatanong ako tungkol sa tatay ko at paano ba naman akong
di maiinis kung maski pangalan ng tatay ko
ayaw nya sabihin? Gusto ko sya makilala pero ayaw nyang mangyari yun. Dahil dun,
sobrang sumama ang loob ko sa kanya.
Hanggang ngayon... Kung di lang din nya bibigyang kasagutan ang mga tanong ko eh di
ako magpapakita sa kanya. Kahit pa bukas.
Kahit pa birthday nya bukas. Kahit pa kailangan nyang malaman ang tungkol sa
pagkakaroon na nya ng apo, AYAW KO PA RIN.

Sa kotse, tahimik lang kami ni Chelle. Ako nagda-drive at nasa tabi ko silang mag-
ina. Nagte-text si Chelle habang kandong si Andy na
tulog na.

Hayy...

Sana lang hindi yung CJ katext nya...

Nang makarating na kami sa bahay nila, tamang inasar lang ako ng una kong nakita--
ang kotse nung CJ, naka-park sa tapat ng gate.
At talagang nandun sya ulit sa may tindahan ah, halatang hinintay ang pag-uwi ng
mag-ina ko!

"Sige Adrian.. Thank you..." Paalam ni Chelle habang nahihirapang tanggalin ang
seatbelt nya. Tinulungan ko sya at pagkatanggal nun,
hinalikan ko ang anak kong natutulog.

"Bye anak.. Bukas ulit.."

"Uhm.. Adrian..."

"Hm?"

"Hindi naman sa gusto kong makialam ah... Pero sana...sana maayos na ang problema
nyo ng mama mo..."

PATI BA NAMAN SYA GANUN ANG GUSTONG MANGYARI??


"Naisip ko lang kasi...na kung sakaling mangyari samin ni Andy ang nangyayari sa
inyo ng mama mo...na kung layuan nya rin ako pag
malaki na sya.....ma...malulungkot din ako... Iniisip ko pa lang na pwede mangyari
samin yun eh nasasaktan na ko... Paano pa kaya
ang nararamdaman ng mama mo ngayong nangyayari na yun sakanya..??"

Biglang nanlambot ang puso ko sa mga sinabi nya. Naramdaman ko ang lungkot na
tinutukoy nya. Pero oo nga naman... Kung may
taong pinaka-makakaintindi sa nararamdaman ni Mama, si Chelle na yun...

"Uh, ano.. Pasensya na sa mga sinabi ko.. Wag mo na yung pansinin." nagmadali na
syang bumaba ng kotse pero..

"Chelle." huminto sya sa pagsara ng pinto nang tawagin ko sya. Napakamot pa ko ng


ulo kasi parang nahihiya ako na ewan.
"Sa..Salamat.. Dahil sa mga sinabi mo, pag-iisipan ko na...kung paano ko makikipag-
ayos sa mama ko.."

Ngumiti sya and what a sweet smile she has. Nakakagaan ng loob. "Then... That's
good... Kaya mo yan, Adrian." :))

Natatawa akong napatango sa cheer nya. "Oo naman. Ako pa? Kayang kaya ko yun.."
"Yabang talaga.. Sige na, good night na.. At ingat sa pag-drive ah?" Masaya nya pa
kong inalalahan bago sinara ang pinto ng kotse ko.
Pinanood ko syang lumapit kay CJ na sinalubong sya. Kinuha ni CJ si Andy at....nag-
kiss sila ni Chelle... Sabay silang dumaan sa tapat
ng kotse ko para pumasok ng gate at si Chelle kumaway pa sakin. Nginitian ko lang
sya at umalis na ko.

Ang gandang scene nun.. Tsk. Ako dapat ang nasa posisyon ni CJ eh... Pero tulad ng
sinabi ni Ate Hazel, tanga ako... Napaka-tanga ko
at iniwan ko ang babaeng katulad nya...

xxxxxx

xx9: Perfect Weekend...or is it?

[RACHELLYN's PoV]

6:37 AM...

Ugh.. Antok pa ko..

=___= *kusot mata*


Ehh.. Napangiti naman ako bigla nang mag-isa... Naalala ko kasi si Ate Hazel. Dahil
sa sobrang tuwa ko sa kanya kagabi, pati
panaginip ko sya na ang laman. Hehe.. Hayy.. Makabangon na nga at baka maunahan pa
ko ng anak ko. Aga pa naman lagi gumising
nun..

Pagkahilamos ko, pumunta ko ng kwarto nya. I checked him and he is still fast
asleep habang yakap-yakap sya ni CJ na tulog na tulog
din..

Nandito nga pala si CJ. Dito sya natulog kasi...gusto nya raw dito matulog. Hehe..
Naglalambing sya kagabi eh kaya di ko na sya
natanggihan. Tutal naman, pinaghintay namin sya ni Andy nang napakatagal kagabi at
di ko man lang sya natext agad na male-late
pala kami umuwi..

Hmm.. Dapat gising na sila nang ganitong oras ah.. Siguro nagharutan pa sila bago
natulog! Kagabi kasi nagising pa si Andy habang
pinapalitan ko sya ng damit at nang makita nya si CJ, nawala antok nya. Sabi ni CJ
sya na bahalang magpatulog ulit kay Andy pero di
ko lang alam kung natulog nga ba sila agad. Tss.. Mga pasaway..

I shook my head while smiling at them and inayos ko ang kumot nila. Pagbibigyan ko
na sila, weekend naman ngayon at minsan lang
magpuyat ang baby ko.. :)

Habang tulog pa sila, naghanda na ko ng breakfast namin. Pancakes for today.

Mix-mix. Hugas. Luto. Ayos ng mesa. May one hour din nang matapos ako pero yung
dalawa, di pa gising! T3T
Bumalik ako sa kwarto ni Andy at tulog pa rin siya pero si CJ, nakita kong gumalaw
patalikod kay Andy.

"CJ??" tawag ko sakanya pero di sya sumagot kaya lumapit na lang ako sa side nya.
"CJ? Bangon na.."

Di na naman sya sumagot! Pero alam ko, nagtulug-tulugan na lang sya.. T3T

"DA-DHIEEE~" Inalog-alog ko sya para mapilitan syang sumagot pero--- BIGLA NYA KONG
HINAWAKAN SA PULSO SABAY HATAK
SAKIN PAHIGA AT NIYAKAP AKO SA ILALIM NG KUMOT!! O///O

"Bakit Mhie.." Mahinang tanong nya sabay press ng labi nya sa noo ko!

>///< . . . .
Airconditioned tong kwarto ni Andy kaya ang sarap ng ganito....malamig pero
nakabalot ka ng makapal na kumot at may nakayakap pa
nang mahigpit sa katawan mo.. Not to mention, lalaking mahal mo pa ang kayakapan
mo.. Hayy.. Ang sarap talaga.. Ang sarap
matulog..

Niyakap ko rin si CJ, tight enough to feel his warmth, smell his not-that-strong
scent and hear his heartbeat.

"Natutulog ka na yata?" Mahina nya pa ring sabi.

"Hindi ah... Ano ba kasing ginawa nyo ng baby ko kagabi..?? Bakit napuyat sya..??"
Tanong ko naman on a childish tone while keeping
our hug tight.

"Hmm.. Wala kaming ginawa ah.."

"Psh.." T3T

"Hehe.. Sige na nga.. Gusto mo ba talagang malaman??"

"Oo. Talaga." Sa pagsagot ko naramdaman ko yung kamay nya na gumapang papuntang


waist ko.

"Sabi mo yan ah.."

"Oo nga--- WAAHAHAHA WAAA CJ!!!!!" Sigaw ko kasi kiniliti nya ko! "CJ!!! S-Sto--
WAAHAHAHA" >O<

"Ganyan lang naman ginawa namin kagabi.. Hahaha." Tuloy pa rin sya sa pagkiliti
sakin kaya halos mamilipit na ko kakaiwas sa
ginagawa nya.

"WAAHAHAA CJ PLEEEASE?!" WAAA NAWAWALAN NA KO NG LAKAS. >3<


Tumigil naman sya bigla at niyakap ako uli nang mahigpit. "Ang likot mo. Baka
mahulog ka.."

"Ehh ikaw kasi..!!" Ayan.. Hiningal tuloy ako.. >3<

"Anong ako kasi? Sinagot ko lang tanong mo eh.. Hehe.. I love you Mhie.."

"Ayoko na sayo..!! Pero..mahal din kita.." >///< Ayt.. Pinagsasabi ko.. Hehe.. Kasi
naman eh.. Ang sarap kaya mahalin ng lalaking toh..
Ang lambing. Mabait. Hindi pikon. Pag nagagalit nga sya, tahimik at kalmado lang
sya.

Di tulad ni Adrian. Ang galing mang-asar nun pero pag sya na inasar mo, ang dali
mapikon. Pag nagagalit sya, tahimik lang din sya
pero nakakatakot kausapin, tulad kagabi... Naglakas-loob lang akong bigyan sya ng
advice kasi naaawa ako sa mama nya. Good thing
tinanggap nya sinabi ko. Pero...katuwa lang din sya kahit mainitin ang ulo nya.
Nakakatakot nga sya kausapin pero once na makausap
mo na sya ulit, bigla na lang syang magiging malambing and...that actually makes
him cute and lovable... :)

Err..

Mali. >___<

Di ko sila dapat pinagkukumpara ni CJ.. >3<

Hayy..

Niyakap ko na lang ulit si CJ... Then may naramdaman akong kamay na humawak sa
kamay kong nasa likuran niya... It was a small
and soft hand... I smiled knowing that it was my baby's hand. Sinilip ko sya over
CJ's broad shoulder and there he is...gising na,
nakadapa at tulala sa kamay ko.

"Good morning, baby.." Bati ko sakanya pero tulala pa rin sya..

"Gising na??" Pilit nilingunan ni CJ si Andy kahit nahihirapan sya kasi magkayakap
pa rin kami.

"Baby... Help... Yakap ako ni Daddy oh..." T3T

Binitawan ni Andy ang kamay ko at...gumapang sya papunta samin at sumiksik sa gitna
namin ni CJ! Natawa tuloy kami sakanya at
sya na lang niyakap namin..

Ay saglit. Napapatagal na kami dito!

"Naku kayong dalawa! Maghilamos na kayo!" Tumayo na ko mula sa higaan at inayos ang
buhok ko pero yung dalawa, nagyayakapan
pa rin dun. "Dali na! Nagluto ako ng pancakes." ^3^

"Wow. Pancakes daw baby... Di naman tayo mahilig dun diba... Tulog na lang tayo
ulit..." WAAH SI CJ! Ang salbahe! >3<
"Yes Daddy! Sa McDo tayo po kumain ng pancakes!" Pati rin baby ko! T3T
"Ganun ah.." Sagot ko sakanila. "Bahala na kayo dyan.. Uubusin ko na lang nang mag-
isa yung pancakes. PATI YUNG CHOCO
SYRUP UUBUSIN KO."

"NO MOMMYYY!!" Ayun bumangon na si Andy! Haha! I knew it. Di sya papayag na ubusin
ko ang favorite pancake topping nya. :3

Natawa na lang si CJ at bumangon na sila para sabay na maghilamos habang ako


hinintay lang sila sa may kainan.

Pagkababa nila, si CJ ang nagtimpla ng kape. Sya laging gumagawa nun kasi ang sarap
nya magtimpla. Ewan ko ba...may ibang
sarap pag sya ang nagtitimpla nun. Dahil kaya HRM student sya?? Masarap din sya
magluto eh... Oh, and kung may coffee, may milk
din syempre for my baby!

And all set. Sabay-sabay na kaming kumain. Pag ganitong tatlo kami sa hapag-kainan,
mag-isa lang ako lagi dito sa isang side ng
table tapos sina Andy at CJ ang magkatabi sa harapan ko. Tss.. Sila na lang lagi
ang magkatabi.. =3=

Uhm.. Parang ang weird namin kumain ng pancakes. Sakin normal lang kasi I eat it
with butter and honey, pero itong dalawang kasama
ko, HINDI. Andy eats it with choco syrup while CJ eats it with...err...cheese
spread. Pag butter and honey naman ginagamit nya,
hahatiin nya yung pancake sa gitna at pagpapatungin sila like a sandwich.. Weird
diba?? ^^

"Mhie, nagriring cellphone mo.."

"Eh??" Pinakinggan ko pa nang maiigi yung paligid at... OO NGA!! Mahinang nagriring
ang cellphone ko!! Naiwan ko pala yun sa
kusina kanina kaya pumunta pa ko dun para kunin yun at masagot ang tawag.

'CALLING.....

adrian'

O___o Si Adrian..?? Bakit kaya natawag nang ganito kaaga ang lalaking toh..??

[CJ's PoV]

"Hello?" Rinig ko si Rachel na nasa kusina at sinagot ang tawag sa cellphone nya..
"Adrian?"
Uh. It's Adrian.. Natigilan tuloy ako kumain.. I stayed still here para makinig sa
kung anumang sasabihin ni Rachel sakanya.

"OVERNIGHT??......O..Okay lang, maganda nga yun eh.......Ah, hindi


na..........Sure, sure........Hehe, siraulo.........Kumakain, kausapin
mo??" Lumabas na si Rachel mula sa kusina at lumapit sya kay Andy. Nilagay nya ang
cellphone nya sa tenga nun. "Baby, si Papa..."
"PAPA!! Kumakain ako po ng pancakes!!" Sigaw ni Andy at natawa si Rachel na syang
taga-hawak ng cellphone. "TALAGA PO??!!
YEHEYYY!!! Opo!!! Opo!! Bye po!! I love you Papa!!"

Kinuha na ni Rachel yung phone at muling kinausap si Adrian. Saglit lang yun then
bumalik na sya sa pag-kain.

"Baby.. Wag pasaway mamaya ah? Susunod ka sa mga sasabihin ni Papa mo.." Sabi ni
Rachel nang nakangiti but at the same time,
with anxiety.

"Opo!"

"Bakit, Mhie? Aalis ba sila mamaya?"

"Oo... Nagpaalam si Adrian na dadalhin nya si Andy mamayang hapon sa Bulacan para
ipakilala sa mama nya and...overnight sila
dun..."

"Ah... Hmm.. Di ka sasama?? Rest day mo ngayon diba??"

"Oo pero...hindi na.." She's still smiling pero I can tell na nag-aalala talaga
sya.

From that moment on, naging hyper si Andy. Excited sya na naaalis sya mamaya at
bukambibig na nya ang PAPA nya.

Hayy...

Inasahan ko nang magseselos ako sa muling paglapit ni Adrian kay Rachel pero...di
ko akalaing pagseselosan ko rin ang pagiging ama
nya kay Andy...

Napakahirap pa rin talagang tanggapin ng sitwasyon naming toh, lalo na sa parte


ko... Para sakin kasi, pamilya ko na sina Rachel at
Andy...
Pakiramdam ko tuloy, inaagaw sila sakin... Dalawang napakahalagang tao sa buhay ko
ang parang inaagaw sakin pero wala akong
karapatang lumaban.

WALA akong karapatang lumaban kasi, SINO ba ang kalaban ko?

Si ADRIAN lang naman--ang totoong ama ng anak ni Rachellyn..ng babaeng mahal ko...

ARGH..

Enough of those dramatic thoughts!

Si Rachel na lang dapat ang isipin ko sa ngayon. She's staying back here and for
sure, malulungkot sya dahil magdamag mawawala
ang baby nya.
Di ko na lang sya iiwan dito nang mag-isa. Matagal na rin since the last time na
nakapag-solo kami eh kaya magandang pagkakataon
toh para i-strengthen pa ang relationship namin.

Tama.. Kaysa magmukmok ako, gagawin ko na lang PERFECT ang weekend na toh para
saming dalawa.. :))

After lunch, busy si Rachel magpack-up ng gamit ni Andy habang ako, nandito sa
living room, binabantayan ang baby nya na nagdo-
drawing at ako naman ay nag-iisip na ng kung anong magandang gawin mamaya..

Napag-isipan kong mag-dinner date kami dito. Syempre ako ang magluluto. Rachel
loves pasta so... Lasagna ang gagawin ko! But
before that, we'll do the groceries first. Bibili na rin ako ng dvd na pwede namin
mapanood after dinner... Hmm.. Ano kayang maganda
panoorin?? Gusto ko sana yung maiiyak si Rachel... Ang cute nya kasi pag sobrang
affected sya sa pinapanood nya tapos luhaan
syang yayakap sakin! Ganun ang nangyari samin nung last anniversary namin eh.
Nagpuyat kami watching a couple of chick flicks.
Naiyak sya sa first movie at ako ang naging tagapahid ng luha nya. Sa second one
naman, nakatulog sya! But it was still awesome.
Nakatulog kasi sya sa braso ko and we spent the whole night sleeping that way--
nakaupo sa sahig at nakasandal kami sa sofa habang
nakaakbay ako sakanya. Pag gising ko nga lang nangangalay na braso ko but!! IT WAS
ALL WORTH IT.. XD

"Dhie? Nangingiti ka mag-isa dyan??"

AY! Nandito na pala sya, sa tabi ni Andy!

"Ah eh...wala lang.. Hehe.."


She smiled at me but that smile...it was not her usual smile.. Hindi kasi sya
mukhang masaya..

Umupo sya sa tabi ko dito sa sofa at malungkot na pinanood si Andy..

"Mhie.."

"Hm?" Di man lang sya tumingin sakin..

"Anong problema?"

"Problema?? Wala ah.."

"Wala? Pero malungkot ka.."

"Hmm... Di naman sa malungkot ako.." Sinampa nya paa nya sa sofa sabay tagilid ng
pagkakaupo at sumandal sya sakin. Tss..
Naglalambing.. :))

Ni-wrap ko tuloy isang braso ko sa tyan nya para mayakap sya. "Nag-aalala ka kay
baby noh?"
"Ganun na nga.. Di kasi ako sanay na nag-o-overnight stay sya sa ibang bahay bukod
kina Dad.."

"Bakit? Wala ka bang tiwala kay Adrian??"

"Hindi ah. Nag-aalala lang talaga ako.. First time lang din kasi nyang kukunin si
Andy.."

"Kung ganun, bakit di ka sumama sakanila?" OH WHY THE HECK DID I ASK THAT?? Tch..
"Di ka ba...niyaya ni Adrian??"

"Niyaya.. Pero kasi.." >.< Napayakap sya sa braso na parang nahihiya sya.
"Diba..parang mali naman kung..sasama ko.."

"Mali? Anong mali dun??"

"Overnight stay kaya yun...sa bahay ng EX ko..sa bahay ng pamilya ng EX ko


na..tatay ng anak ko... Maling gawin ko yun kasi may
boyfriend ako at alam ko, di mo magugustuhang gawin ko yun...diba??" Tumingin sya
sakin and she's pouting. Ako naman, napangiti
sakanya.

Masaya ako 'cause she's considering my feelings..


"Right.. Di ko gusto ang ideya na yun pero..okay lang kung sasamahan mo sila. You
have to go with them."

"Talaga?? Di ka.....magseselos??" T3T

"Magseselos pa rin."

"SEE?! Kaya ayoko eh.. Di na lang ako sasama.." >3<

"HAHAHA you're overthinking, Rachel! Normal na pagseselos lang yun. Alam ko naman
na ako mahal mo ehh." XD

"Ikaw nga mahal ko pero...sure ka bang okay lang talaga sayo kung sasama ako??" T3T

"VERY SURE. Okay na okay lang sakin yun. Sasama ka naman para kay baby and NOT for
Adrian, diba?"

Ngumiti sya at sumandal na ulit sakin. "SYEMPRE! Lahat naman ng ginagawa ko, para
sa anak ko eh..."

Strange..

Masaya ako but at the same time, nasasaktan din ako...

I tried to ease that pain by taking a deep breath and tightening my hug around her.

It was effective. Nakakagaan ng loob lalo nang yakapin nya rin braso ko.
"Ang swerte ko noh?" Sabi nya. "Biruin mo... May boyfriend akong very understanding
and supportive? Hihi.." ^///^

Natawa naman ako sa sinabi nyang yun. "Ako rin, swerte. May girlfriend akong very
sweet and responsible eh."

"WEH! Hahaha ehh dyan ka na nga.." >///< Papatayo na sya pero dahil yakap ko sya sa
tyan, hinatak ko ulit sya paupo sa may lap ko
at niyakap sya!

"Penge ng kiss.." bulong ko sakanya.

"Eh?? Ayaw! Nandyan si baby oh." =///=


"Nakatalikod naman sya eh. Dali, one smack lang." X3

Inobserbahan nya muna si Andy at nang di talaga lumilingon samin yung bata...
HINALIKAN NYA KO! Pero dahil makulit ako, yung one
smack namin naging paulit-ulit. HEHEHE kaadik kasi..

"UY.. Kala ko ba isa lang?? 10 na yun eh!" >3< - Rachel

"Wow.. Bilang na bilang??" XD

"Naman. Hehe sige na, tawagan ko muna si Adrian.." Pinisil nya pa pisngi ko bago
sya tumayo at pinuntahan ang cellphone nyang
nasa kainan yata.

Tatawagan na nya si Adrian...

Sasama sya mamaya sakanila at...di ko na magagawa yung plano kong perfect weekend
para saming dalawa...

*face both palms*

Parang gusto ko nang bawiin yung mga sinabi ko kanina.. Parang gusto ko na syang
pigilang umalis..

Oh damn it... Nalilito na ko... Did I make the right decision or was I being stupid
again???

xxxxxx

x10: The Visit (part1-- ACCEPTANCE?)

[ADRIAN's PoV]

Matapos kong atupagin magdamag ang lahat ng schoolworks ko, NAGMADALI na kong
nagpunta sa bahay nina Chelle. Masaya ako
kasi pumayag sya na dalhin ko ang anak namin sa mama ko pero...MAS MASAYA ako kasi
pati sya ay sasama na samin! HOHOHO!
Ako na ang excited! Nung girlfriend ko pa kasi si Chelle noon, hindi ko sya
nagawang ipakilala kay Mama...
Nang marating ko ang bahay ni Chelle...ang galing lang! Yung sasakyan ni CJ, naka-
park na naman sa tapat ng gate nila! Ampucha!
Bakit ba nandito na naman ang lalaking yun?!

Tsk. Bumaba na lang ako ng kotse tsaka tinawagan si Chelle sa cellphone. Sinabi ko
sakanya na nandito na ko sa labas at di naman
nila ko pinaghintay nang matagal. Lumabas sila kaagad ni Andy kasama yung CJ. Si CJ
yung may bitbit ng bag nila. =.=

"San ko toh ilalagay?" Nakangiting tanong ni CJ sakin. Tss. Kinuha ko na lang yung
bag at binato yun sa backseat ng kotse ko. Sya
naman nag-squat para harapin si Andy. "Oh bye na baby.. Behave ka dun ah?"

"Yes Daddy!" hinalikan ni Andy ang lalaking yun sa cheeks then tumakbo sya papunta
sakin. "PAPAAA!!!!"

Kung makasigaw naman tong anak ko! Natawa tuloy ako sakanya at binuhat sya. "Ready
ka na??"

"OPO! Let's go na po kay Lola!"

LOLA.. Hahaha.. Baka mawindang nanay ko nito pag marinig si Andy na tinatawag syang
lola. Ayaw pa naman nun na nagmumukha
syang matanda..

Pinaupo ko si Andy sa backseat, katabi nung bag nila at tsaka ko lang napansin si
Chelle na nakayakap na pala kay CJ!! Hindi yun
ganun 'kalanding' yakapan pero NAKAKAINIS PA RIN SILA TIGNAN! Tapos nagbubulungan
at nagngingitian pa sila!! Hmp.

"CHELLE. TARA NA." T___T

"Oh MHIE, aalis na kayo.." Sabi ni CJ sabay hiwalay kay Chelle. At 'MHIE' huh??
O___ó

"Sige.. Wag mo kakalimutan yung mga sinabi ko ah? Hehe. Bye.." Nakita ko na naman
silang nag..argh. Bwiset. Sumakay na lang ako
ng kotse. Pero mali. Dapat pinagbuksan ko ng pinto si Chelle eh!! Ay naku!! Yung CJ
tuloy gumawa nun!!

"Sige pre, ingat kayo ah?" Sabi ni CJ SAKIN?? Haha.. Oo, sakin nga.

Tumango ako sakanya at pilit na ngumiti. =.=

Sinara na rin nya ang pintuan sa side ni Chelle at umalis na kami.

....

Sa umpisa ng byahe, tahimik lang kami. Si Andy ang maingay kasi may nilalaro syang
mga kotse. Ang bilis nga mawala ng pagka-
badtrip ko dahil sakanya. Twing tinitignan ko kasi sya sa may rear-view mirror
natatawa ako. Ang galing nya gumawa ng sound effects
eh at yung mga kotse nya...nalipad. XD

Ito namang si Chelle, kanina ang saya-saya nya tapos ngayon, di na maipinta mukha
nya.
"May problema ba, Chelle??" Tanong ko sakanya nang nakatingin sa dinadaanan naming
kalsada.

"Uh, w-wala.."

"Kinakabahan ka??"

"Hmm.. Medyo.."

"Hahaha relax ka lang! Wala kang dapat ika-kaba kasi di naman nangangain ng tao ang
nanay ko noh."

"Tss.." Eh? Ano ba? Nagjo-joke ako dito para mabawasan ang kaba nya pero
nagseseryoso pa rin sya! "Ano bang sabi ng Mama
mo..tungkol kay Andy??"

"Tungkol kay Andy??"

"Oo.. Anong reaksyon nya..nang sabihin mong may anak ka na??"

"Ah... Wala.."

"WALA..?? Paanong wala..?? Hindi man lang ba sya nagulat nang malaman nya yun..??"

"Hindi kasi..di ko pa sinasabi sakanya ang tungkol dun."

"H-HINDI PA??!!"

Nagtaas ng boses si Chelle kaya napalingon ako uli sakanya. Nakakunot noo syang
nakatingin sakin. "Hindi pa nga.. Bakit ba??" O.o

"N-NABABALIW KA NA BA?? Dadalhin mo ang anak ko dun nang di mo muna sinasasabi sa


mama mo ang tungkol sakanya??"

"Oo?? Gusto ko kasing masurprise si Mama mamya kaya ayun.." Sagot ko nang papalit
palit ang tingin ko sakanya at sa kalsada.
"Wala namang masama dun diba??"
"M-MERON! Mali yun Adrian! Ibalik mo na nga lang kami sa bahay!" >.<

"Chelle, huminahon ka nga! Walang mangyayaring masama sa inyo, okay??"

"WALA HUH?" Sarkastiko nyang tanong. "Paano kung...kung sa pagkabigla ng mama


mo...may masabi syang... ARGH! Ayoko.. Ayoko
makarinig ng ganun Adrian! Iuwi mo na lang kami!" Hinatak-hatak nya na sleeve ng
polo ko na parang bata. Nang nilingunan ko ulit
sya, nakita ko na..malungkot sya. "Please Adrian.. Ayokong pumunta dun nang---"
"TRUST ME." Nginitian ko sya at hinawakan ang kamay nyang hinahatak ang sleeve ko.
Di ko sya matitigan nang matagal eh kahit
gusto ko kaya hinawakan ko na lang ang kamay nya nang mahigpit as a sign of
assurance. "Maniwala ka sakin, magugulat nga si
Mama pero di sya yung tipo ng taong magsasalita ng di maganda kaya.....wala kang
dapat ipagalala." :)

[RACHELLYN's PoV]

Wala raw akong dapat ipagalala??

Paanong wala eh never ko pa kaya nakilala ang parents nya! Kaya hindi ako mapakali
kakaisip sa kung anong magiging reaksyon nila
pag biglaan nilang makilala si Andy! Dati rin kasi, nang tanungin ko sya tungkol
sakanila, ang sagot nya lang ay SIRAULO raw ang
nanay nya at yung tatay nya, EWAN lang sinabi nya. Di na ko ulit nagtanong pa
tungkol sa tatay nya kasi lagi syang nababadtrip non
pag yun ang topic..

So ngayon, ayoko maniwala sakanya na wala akong dapat ipagalala.

Pero...sa pagkakahawak nya sa kamay ko, unti-unti nang nawala yung kabang meron ako
kanina... His hold is very tight...and very
reassuring...

"Okay na, Chelle?" Naka-smile pa rin sya.

Ayoko na makipagtalo.. Tulad ng sinabi nya, pagkakatiwalaan ko na lang sya. Tumango


ako sakanya at inalis na ang kamay ko sa
pagkakahawak nya.

=___= Hay...

I can't believe this. Pumayag ako sa kalokohan nya. Bahala na lang kung anong
mangyari mamaya..
Mahaba-haba ang byahe namin. Buti nakakawala ng antok si Andy. Natawa ko sakanya
nang makita nya yung MRT eh. Tuwang tuwa
sya dahil si Thomas daw yun..

Nang nasa Bulacan na kami, nakaramdam naman ako ng...excitement?? Ah basta, hindi
sa excited ako. Matagal na kasi nung huling
beses na nagpunta ko sa lugar na toh.. Taga-dito kami ni Adrian noon eh.. Dito kami
nag-highschool..

Bumili pa muna si Adrian ng round cake bago kami dumiretso sa isang private
subdivision. Doon huminto kami sa tapat ng isang bahay.
Ito na marahil ang bahay nila. Simple, maayos at di sya ganun kalaki. Mas malaki pa
nga yung isang bahay nila eh.

Oo. May isang bahay pa sila Adrian kung saan dati silang nakatira kaso nasa ibang
subdivision yun. Minsan na kong nagpa-pasyal kay
Adrian dun at nang makita ko ang bahay na yun, talagang nagustuhan ko ang disenyo
nun at--- ah, hindi. Di ko na dapat isipin pa ang
bahay na yun. Baka kung ano pa maalala ko... =.=

"Lika na, Chelle." Yaya ni Adrian pagkababa nya ng kotse. "Pakidala na lang yung
cake, bubuhatin ko kasi si Andy.. Yung gamit nyo ako
na bahala dyan mamaya." :))
Binitbit ko nga yung cake box at sinundan syang pumasok ng gate hanggang sa may
loob ng bahay nila. Halos kasing-laki lang pala
toh ng apartment ko. Mas malaki nga lang yung garahe nila. Yung samin kasi, may
garahe nga pero wala naman yatang kotse ang
magkakasya dun.

Tumigil kami sa may sala. Walang tao. Tahimik lang.

"ATE HAZEL! MAMA!" Sigaw ni Adrian at umupo sya sa may sofa kandong si Andy.

And God.. Kinakabahan na ulit ako.. >.<

"Chelle? Upo ka dito oh.."

"Ah.. O-Oo.." pero di naman ako makakilos sa kinatatayuan ko. T3T

Pinatong ko na lang yung cake box sa may center table then may narinig akong boses
ng babae mula sa looban pa ng bahay.. Boses
yun ni Ate Hazel..

"Dali na Ma! May surprise kaya sayo si Adrian!" Rinig kong sabi ni Ate Hazel.

"Anong surprise?? Baka naman isnabin lang ako ulit nun.." Sabi ng isa pang babae na
di ko kilala.. O.o

"MA! MAY SURPRISE NGA KO! LABAS NA KAYO DITO!" - Adrian

Ilang saglit pa, lumabas si Ate Hazel hatak-hatak ang isang babae na medyo may edad
na mukhang bata. Ay. Ang gulo. Basta
maganda sya. Sya na siguro ang mama ni Adrian.

As expected, natulala sya nang makita nya si Adrian na may kandong na bata. Sa
eksenang toh, naging triple ang bilis ng pagtibok ng
puso ko.. >.<

"Ma.." Nakangiting tawag sakanya ni Adrian. "Meet Andy Louis. Anak ko."

*budumbudumbudum*

"Gwapo noh, Ma?!" XD - Ate Hazel

"At sya si Rachellyn, ang mommy nya.." Pakilala sakin ni Adrian kaya napatingin
sakin ang mama nya.

*budumbudumbudum*

Yung tingin nya sakin..nandun ang pagkabigla at pagkalito..


"G-Good afternoon po.." Bati ko sakanya. >.<

"Ah, anak.. Sya si Lola oh.." Tinuro ni Adrian kay Andy ang mama nya.

Tinignan sya ni Andy, innocently. "Lola..??"

"WAG MO KO TAWAGING LOLA!!" Sigaw ng mama ni Adrian! M-My God!

*BUDUMBUDUMBUDUM*

Gusto ko na tuloy hablutin ang anak ko para umalis sa lugar na toh! Sabi na nga ba
kasi..ito ang kinatatakutan ko eh.. XC

"MA?!" Suway ni Adrian sa mama nya. "WAG KANG SUMIGAW!"

"EH KASI! BAKIT LOLA?! PANG-MATANDA LANG YUN EHH!" T3T -mama ni Adrian

"PERO LOLA KA NA!" - Adrian


"A-ALAM KO! Pero ayoko patawag ng lola sa apo ko!" >3<

O___o To..Totoo ba tong nasasaksihan ko?? Parang bata kung umarte ang nanay ni
Adrian??

"Mama~" malambing ni tawag ni Ate Hazel sakanya at niyakap sya. "Hindi pa nga pang-
lola ang beauty mo pero tanggapin mo na ang
katotohanan! Lola ka na at yun dapat ang itawag sayo ni Andy beybe!"

"Pinagtutulungan nyo ko..." T3T - mama ni Adrian

"Hahaha tama na yang drama, Ma. Ano na bang masasabi mo sa iyong first apo? Kamukha
ko sya diba?" Tanong ni Adrian nang
nakayakap kay Andy at pinagtabi ang mga mukha nila.

Napangiti na ang mama nya habang tinititigan silang mag-ama.

Lumuhod din sya sa tapat nila, hinawakan ang dalawang kamay ni Andy at nilagay ang
mga yun sa pisngi nya. "Oo nga... Parehas na
parehas kayo nung ganyang edad ka pa... Ilang taon na pala sya..??"

"Going 4 years old, sa September." Masayang sagot ni Adrian.

Nakangiti pa rin ang mama ni Adrian pero parang may lungkot sa mga mata nya.. "Pa-4
years old na pala sya....pero ngayon mo lang
sya pinakilala sakin..."

Ouch.. Ako ang nasaktan sa sinabi nya.. =/


"Di naman yun katulad ng iniisip mo.. Nagkataon lang na--"

"Ayos lang. Di mo kailangan mag-explain. Alam ko namang kasalanan ko kung nagawa


mong ilihim sakin nang napakatagal ang
tungkol dito.." Napalingon sya sakin, still with that sad smile. "Ah, Rachellyn!
Pasensya na!"

O___o ??

Bigla syang tumayo, lumapit sakin at nagbeso. "Ako nga pala si Margaret, ang
magandang mama ni Adrian! Tawagin mo na lang din
akong MAMA!" ^o^

^___^' WAAA.. Tatawagin kong MAMA ang nanay ng EX ko??


"Tsaka wag kang tumayo lang dito! Upo ka dun oh sa tabi ng asawa mo!" ^o^

O///O A..ASAWA KO??!!

"Ma.." Naiiritang tawag sakanya ni Adrian habang si Ate Hazel, natatawa lang.
"Dapat pinatapos mo ko mag-explain kanina eh! Hindi
kasi kami mag-asawa ni Chelle. Wala kaming...relasyon ngayon.."

"W-WALA?? Paano?? Bakit?? Anong nangyari??" O___O

Sinagot naman ni Adrian ang mga tanong nya. Ang mga nangyari samin 5 years ago, ang
pagkakaroon namin ng relasyon hanggang
sa paghihiwalay namin, ang pag-stay ko sa Amerika at paglihim ko tungkol sa
pagkakaroon namin ng anak, pati ang mga nangyari at
napagkasunduan namin nitong nakaraang linggo-- sinabi lahat yun ni Adrian. Tumulong
mag-explain si Ate Hazel pero gumulo lang
yung usapan sa mga sinasabi nya kaya ayun, nagtalo sila ni Adrian at tinawanan sila
ng Mama nila.

Ang gulo nila mag-usap. Samantalang ako, tahimik lang na nakaupo dito sa may single
couch at medyo nakakaramdam ng hiya sa
ginawa ko nitong nakaraang limang taon...

"Ayyy naiintindihan ko na..kahit ang gulo magkwento nitong dalawa." Nakangiting


sabi sakin ng mama ni Adrian. "At ang masasabi ko
na lang ay....hmm....MAGANDA ANG KOMBINASYON NYO NG ANAK KO!" ^o^v

"TALAGA." Mayabang na pagsang-ayon ni Adrian. "Di tulad ng isang Guillermo dyan..


Kahit kaninong lalaki mo sya ipares eh
paniguradong panget ang kalalabasan ng anak nya. HAHAHAHA"

"HAHAHA GANUN HUH??!!" biglang sabi ni Ate Hazel.

"Uy, may nag-react??? WAHAHAHAHA" Si Adrian talaga oh.. Mamaya pikon na yan. =.=

"HAHAHA alam mo ba pinsan?? Unti na lang at MASASAPAK NA KITA! HAHAHAHA"

"Magtigil nga kayong dalawa! Kung mag-aaway kayo wag sa harap ng apo ko!" Kinuha ng
mama ni Adrian si Andy at binuhat sya. "Wag
mo tularan yang tatay at tita mo ah, Adrian the Second?" ^3^
Hala? Si Andy? ADRIAN THE SECOND?? Ehe.. Pwede.. Kaso di naman mage-gets ng anak ko
ang ibig sabihin nun kaya napatitig
lang sya sa lola nya.

"Ayan, sinigawan mo kasi sya kanina kaya naiilang sya ngayon sayo.." - Adrian
"G-Ganun ba?! Eh.. Sorry apo! Malakas lang talaga ko magsalita eh! Uhm.. Wag ka na
matakot sakin please.. Love ka ng Lola Margie
mo.." T3T

Sa sinabi nyang yun, sya naman ang pinagtulungang asarin nung dalawang magpinsan.
Aayaw ayaw pa raw syang magpatawag ng
lola kanina pero ngayon feel na feel na nya yun. At di daw dapat LOLA MARGIE tawag
sakanya kundi LOLA MARGA. Hahahaha..

^///^

Ang tatay ni Andy, ang lola at ang tita nya...lahat sila makukulit.

To think that my baby has the same blood as them, magiging ganyan din kaya sya ka-
pasaway paglaki nya??

"AY NAKOW LOWLA MARGA! May nakakalimutan ka!" >o< - Ate Hazel

"Ano naman yun?? At teka! Sinabing LOLA MARGIE, hindi MARGA!" >3< - Lola MARGIE.
Hehe..

"Divah ayaw mo maniwalang bibisita si Adrian ngayon?? KAYA WALA KANG HINANDANG
PAGKAIN!!"

"O..OO NGA NOH! Teka.." Iniwan na kami dito ng mama ni Adrian para magpunta sa
kusina.

Si Andy, nakaupo sa sahig at may nilalarong mga lumang action figures kasama ang
tatay nya at si Ate Hazel. Yung mga laruan na
yun, laruan pa yata nilang magpinsan yun nung bata pa sila.

I smiled while watching them. Ang saya nila panuorin. Masaya ako at walang problema
ang anak ko sa pamilya ni Adrian..

Bigla namang napatingin si Adrian sakin. Nakangiti sya at yung mga mata nya, parang
may sinasabi sakin. Weird enough, alam ko
kung ano yun. His eyes are saying something like, 'SABI KO SAYO EH, WALA KANG DAPAT
IPAG-ALALA'...

Dahil dun, dumoble tuloy ang ngiti ko sakanya.. :'))

"ANAK~" Tawag ni Miss Margie kay Adrian pagkabalik nya dito. Ehe ang cute
naman...parehas sila kung paano tawagin ang anak nila.
And may inaabot pala sya kay Adrian na wallet yata. "Favor naman oh! Pwedeng mag-
grocery ka muna ng mga kailangan ko para sa
dinner natin??"
"Sure Ma.." kinuha ni Adrian yung wallet at tumayo. "Uhm, Chelle, sama ka
sakin." :)
Doing the groceries with Adrian?? I don't feel that good about it but.... "Sige."

xxxxxx

x11: The Visit (part2-- COOKIEZ n CREAM!)

[ADRIAN's PoV]

Mula sa bahay hanggang sa pagpark ko ngayon ng kotse ko dito sa may grocery


store... TAHIMIK LANG SI CHELLE.

Pumayag syang samahan akong mag-grocery at kasama rin sana ang anak namin kaso si
Ate Hazel kasi...nagpumilit na iwan sakanya
si Andy para MAY KALARO raw sya. Tsk. Lokaret talaga. Ngayon tuloy nag-aalala si
Chelle..

"Ano, Chelle. Wag ka mag-alala kay Andy.." Sabi ko sakanya nang itigil ko na ang
kotse sa parking lot. "Lokaret nga yung si Ate Hazel
pero expert magbantay ng bata yun. Tsaka kasama naman nila si Mama.."

"Di naman yun ang iniisip ko." Tumingin sya sakin. Mukha talaga syang worried.
"Ikaw... Okay na ba yang ulo mo??"

"Uh.." Sa tanong nyang yun, napakamot ako ng ulo, dun sa bandang gitna talaga kung
saan nakakaramdam ako ng sakit. Binatukan
kasi ako nang NAPAKALAKAS kanina ni Ate Hazel bago kami umalis. =.=

"Adrian.."

"O-Oo. Okay lang toh, sanay na kong nababatukan lagi nun. Yaan mo, gaganti ako
mamaya. Hahaha"

"Siraulo.. Tara na nga.." Natatawa syang bumaba na ng kotse and I grinned as I


watched her go first...

Katuwa kasi... Si Chelle..nag-aalala sakin.. X3

Sabay kaming pumasok ng store at ako syempre ang taga-tulak ng pushcart. Una naming
dinaanan yung first aisle sa kaliwa na puro
toiletries. Nagtanungan pa kami kung bakit kami nandun. Eh bakit nga ba?? Hahaha..
Parehas naming di alam..

Buti nga dumaan kami dun kasi may nakita akong toothbrush and toothpaste set na
Thomas and Friends!

"Thomas oh! Magugustuhan toh ni Andy!" Kinuha ko yun at binato sa pushcart.

"Ano ka ba?? Di yan pinabibili ng mama mo at may toothbrush pa si Andy noh.." =3=

"Wag ka na magreklamo Chelle. Para naman sa anak natin yan." XD


"Mga dahilan mo.. Alis na nga tayo dito at baka kung ano pang bilhin mo na di naman
kailangan." Inagaw nya sakin yung pushcart at
sya na ang nagtulak! AMP! Naku. Pasalamat sya...malakas sya sakin.

Pero kahit sya pa ang nagtutulak nun, di nya pa rin ako maaawat sa mga gusto ko
bilhin! Nang napadaan kami sa snack section, kung
anu-anong chichirya ang binato ko sa pushcart.

"Hay Adrian.. Ang pasaway mo.." >3<

"Bakit ba.. Midnight snack namin yan ni Andy.." u.u

"HINDI. Di ko pinapakain ng mga ganyan ang baby ko kaya...." Tinanggal nya yung mga
chichirya mula sa pushcart at binalik yun sa
istante! "OUT ang mga toh sa bibilhin natin." T.T

=___= Di na ko umangal...

"Alam mo ba kung anu-ano ang pinabibili ng mama mo?" Tanong nya.

"Hindi."

"Wala kang list??"

"Wala."

"EH??? Paano na tayo dito??"

"Edi puro chichirya na lang bilhin natin! Hehehe"

"Tss.. Chichirya mo mukha mo.. Eh kahit ba yung mga lulutuin nya, di mo alam??"
"Sabi nya mag-wa-white spag sya. Pati vegie salad at afritada."

"Hmm..." Tumingin sya sa paligid at parang nag-iisip nang malalim. "Di ko kabisado
ingredients ng mga yun eh.. Ikaw ba?"

"AKO PA? Syempre wala akong alam dun."

Napailing sya at napangiti. "Ang galing mo talaga."

Mula sa bag nya, kinuha nya ang phone nya at nag-dial.

"Nagtetext ka?" Usisa ko.

"Hindi.. Tatawagan ko si CJ. Marami syang alam pag dating sa pagluluto eh kaya sya
na lang tatanungin ko."
"WAG NA..!!" Natigilan sya sa biglang pagsigaw ko. "B-Bakit si CJ pa aabalahin mo?
Kahiya naman sakanya.." =.=

"Pero---"

"Ako na lang.. Tatawagan ko na lang si Mama.."

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan ang magaling kong ina.

"Oh anak.." Sagot ni Mama sa linya.

"Ma---" Napatigil ako kasi narinig ko sa kabilang linya si Ate Hazel. Tumatawa sya
at kakaiba ang tawa nyang yun. "Anong ginagawa
nina Andy at Ate Hazel??"

"Ah.. Ano.. Hahahaha.."

"Ano??"

"Nag..naglalaro lang sila ni Hazel! Hehehehe.."

=___= Hmm... Bakit parang may pagdududa ako...

"Ehh bakit ka ba napatawag? Naligaw ba kayo ni Rachellyn??"

"AY! Hindi Ma! Yung mga bibilhin pala namin, di namin alam eh! Paki-text naman oh.
Yun lang. Sige." Binaba ko na ang phone at...

T___T - Ganyan ang mukha ni Chelle sakin.

"Bakit Chelle??"

"Mag-PO ka nga pag kausap mo Mama mo! Psh.." Tinalikuran na nya ko at iniwan yung
pushcart. "Itulak mo yan! Hmp."

[RACHELLYN's PoV]

Kainis tong si Adrian! Walang galang sa mama nya! Paano na lang kung gayahin sya ni
Andy?!

"Itulak mo yan! Hmp." Utos ko sakanya nang talikuran ko sya pati yung pushcart.

Pagkatalikod ko, narinig ko syang pinipigilan ang tawa nya! Tsk. Kainis talaga. >.<
"OPO..." Matawa-tawa nya pa ring sagot at tinulak na ang pushcart sa tabi ko. "Ah,
ito na PO. Tinext na PO ni MAMA yung mga
kailangan PO nating bilhin. HEHEHE"

=___= HAYYY NAKOOO.. Malapit na ko mapuno.. At pag ako napuno..masasaktan ko na ang


lalaking toh..

Buti na lang, nanahimik na sya nang manahimik ako. Hinanap at kinuha na rin namin
yung mga tinext ng mama nya. Noodles, cheese,
ham, mga sauce, pati yung mga gulay at meat dito na namin binili.

Nang kumpleto na yung mga kailangan namin, naglakad na kami papuntang counter
pero...biglang tumigil si Adrian sa tapat ng isang
magandang babae. Promodiser pala yun ng isang bagong brand ng hotdog na nag-aalok
ng free taste.

"UY, FREE TASTE.. Pwede kumuha?" Tanong nya dun sa promodiser na nasobrahan yata sa
blush-on at red lipstick.

"OF COURSE, SIR!" ^///^

Kumuha naman si Adrian ng isang maliit na hiwa ng hotdog na naka-toothpick at


kinain yun. "Mmm.. Masarap ah!"

"Hindi po kayo nagkakamali! Masarap po talaga yan kaya bili na kayo!" Mag-aalok na
lang tong promodiser, kailangan pang mag-
beautiful eyes?

"Uhm.. Pwede pa ko kumuha ng isa??" Isa pa tong si Adrian, pa-cute. Cute nga,
parang patay-gutom naman. =.=

"SIGE LANG PO!" ^///^

Sa pag-sige ng promodiser, muling kumuha at tumikim si Adrian ng hotdog. Di na


nahiyang lantakan yung free taste eh noh.. Di ko
tuloy lubusang maisip kung bakit ba nahulog ang loob ko noon sa lalaking toh.. =.=

Solved na si Adrian sa 2 small pieces ng hotdog na kinain nya kaya naglakad na kami
papuntang counter pero napahinto na naman
kami nang maka-receive sya ng text mula sa mama nya. Dagdagan daw namin yung ham at
bumili na rin daw kami ng mayonaise kaya
ito, bumalik kami sa kung saan meron ng mga yun at naglakad na kami ulit papuntang
counter.

BUT THEN AGAIN... Huminto si Adrian dun sa may free taste ng hotdog! Tuwang tuwa
tuloy yung promodiser.. Akala nya siguro sya
yung binabalikan ni Adrian.. =.=

"Hehe salamat ah!" Sabi ni Adrian dun sa promodiser nang payagan sya nun na tumikim
ulit.

"ADRIAN.." mahina pero inis kong tawag sakanya. "Pwede ba tigilan mo na yang
kakakain mo..?? Mahiya ka naman.."

"Ehh ang sarap kaya!" Sabi nya habang nanguya. "Tikman mo rin kasi!"

"Ayoko nga.." =.=


"Tss.." Ang kapal talaga nito! Kumuha ulit sya ng isa pang piraso! "Tikman mo oh."

O___o Err.. Yung kinuha nyang hotdog eh sakin nya sinusubo..

"A-Ayoko nga sabi.." Pagtanggi ko.

"AMP! Dali na para malaman mo kung bakit ko toh binalikan!"

OKAY FINE. Kinain ko na yung pinasusubo nya..

"AH! Masarap nga.." O___O

"Sabi ko sayo eh.. Hehe!"


"GIRLFRIEND NYO PO, SIR??" Malisyosong tanong ng promodiser!

"HINDI NOH!!" Kung maka-hindi naman si Adrian! "KATULONG KO TOH! Hahaha"

KATULONG HUH?!

Di ko tuloy napigilan ang kamay ko! Kinurot ko sya sa tagiliran nya! >.<

"Aw Chelle! Hahaha JOKE lang yun! Ano, sya pala ang nanay ng anak ko." X3

O.o

"Edi.. ASAWA NYO PO??" :O - Promodiser

"Hin---"

"HAHAHA" pinutol ng tawa ni Adrian ang sasabihin ko sabay tulak nang mahina sa
likod ko at naglakad na kami. "Taralets na Chelle!
Ah, salamat ulit sa free taste! Sa Manila na kami bibili nyan kasi taga-dun kami!"

=___=

Ang sama... Matapos nya paasahin yung promodiser eh ganun ganun na lang??

Sa counter, binayaran na nya mga pinamili namin at sya ang nagbuhat ng mga bag.

"Chelle! Bili muna tayo dun!"

Naku naman.. Papalabas na nga kami ng store may nakita pa syang gustong bilhin?
Daig pa nya ang anak namin kung magturo!
Sinundan ko sya at ice cream na ini-scoop pala ang gusto nyang bilhin.

"Dalawang tig 2 scoops ng cookies n' cream!" Request nya dun sa tindero. Dalawa nga
binili nya pero sana tinanong man lang nya
muna kung anong flavor gusto ko noh? =.=

"Sana yung one gallon na lang binili mo para lahat tayo nakakain sa bahay.."

"Wag na. Ang mahal kaya."


Wow. Di ba nya naisip na mas nakakatipid pag one gallon ang binili?

Nang iabot na sakanya yung ice cream, binigay nya sakin yung isa syempre. Habang
papalabas kami kinakain namin yun.

"Dyan muna tayo sa labas." Nilagay nya yung grocery bags sa backseat ng kotse nya
tapos lumabas ulit sya at umupo sa may
pahabang flower pot na nasa tabi lang ng pinag-parkingan nya. Doon relax na relax
lang sya habang kinakain yung ice cream nya.

Para lang syang bata oh.. Ehe..

Tumabi na rin ako sakanya. With a distance of course. Mga isa't kalahating ruler
siguro? Tama nang dito namin ubusin tong ice cream
kaysa magkalat pa kami sa kotse nya..

Then I smiled thinking that cookies n' cream ang flavor nito.. May naaalala ako..

"Dito mo pinaglihi si Andy diba??" Bigla nyang tanong na nagpa-ubo sakin! "Oh? Ice
cream lang yang kinakain mo pero nabubulunan
ka pa?? Hahaha"

"Eh.. Paano mo ba kasi nalaman yun?? Na dito ko pinaglihi si Andy??" O.o

"Hula ko lang yun! Hehe! Dati kasi after natin maghiwalay , napansin kong lagi kang
kumakain nito after school.."

Na..Nagawa nya pang mapansin yun sa kabila ng paghihiwalay namin noon???

"Akala ko dati pangpatanggal mo lang yun ng depression sa break-up natin pero


ngayong nalaman kong buntis ka na pala nung mga
panahong yun...naisip ko lang na baka naglilihi ka na pala nun.. Hehehe.."

Ngumiti na lang ako at tinitigan yung ice cream ko na unti na lang..

Akala ko rin stress reliever ko lang ang pag-kain nito dati eh pero... "Tama ka..
Dito ko nga pinaglihi ang anak natin." :))

Kinain ko na ulit yun at inalala ang panahong nasa Amerika pa ako, kung kailan
nakaranas ako ng ABNORMAL na paghahanap ng
cookies n' cream flavored ice cream. At di lang basta cookies n' cream ang hinanap
ko ah! Sobrang choosy ako nun! Gusto ko yung
may chocolate chunks pa at maraming cookies! Ang malala pa minsan, madaling araw
ako kung atakihin ng paglilihi! Haha grabe lang
talaga ang buhay preggy ko noon..
Napatingin na lang ulit ako kay Adrian nang mapansin ko syang natatawa at nakatitig
sakin.. O.o

"Bakit ka tumatawa??"

"Uhm.. Sabi mo dati walang namana si Andy sayo pero meron naman ah."

"At ano yun??" O.ó

Tinuro nya mukha ko, sa corner ng lips ko to be exact. "Parehas kayo ngumiti."

O___o T-Talaga?? Bakit di ko napansin yun?? Mula na lang din kasi nang ipinanganak
ko si Andy, sa paningin ko, kuhang kuha nya
ang lahat ng facial features and expressions nitong tatay nya..

"Tsaka.." Yung kamay nyang tinuturo lang kanina ang lips ko ay hinawakan na ang
mukha ko then his thumb wiped the corner of my
lips!

O///O Uhh eh nagpa-palpitate ba ko?! Yung puso ko kasi nagwawala!!

"Parehas din kayong messy eater.." He said while grinning!

>///< Geez..!! Nakaka...hiya.. Ang kalat ko rin pala kumain..!!

Tumawa pa sya pagkaalis nya ng kamay nya mula sa mukha ko! At naubos na nya agad
ang ice cream nya samantalang yung akin,
hindi pa..

"Uwian na~~" Tumayo na sya't nag-inat. "Ano na Chelle? Mauna na ko ah at mag-


commute ka na lang pauwi. Hahahaha"

T///T

Ganun na nga lang siguro... Sa ginawa nya kanina, parang ayoko na umalis dito sa
kinauupuan ko eh... Hanggang ngayon kasi, di pa
kumakalma ang puso ko...

"Ito naman.. Nagbibiro lang ako.." Lumapit sya sa kotse nya at binuksan ang pinto
sa side na inuupuan ko. "Sakay na, ubusin mo na
lang yan habang pauwi tayo."

T///T
"Dali na PO Chelle. Nami-miss ko na PO ang anak ko eh! Hehehe"
=///= Tumayo na ko at sumunod sakanya. "Hindi ANAK MO, ANAK KO yun noh."

"Wag mo solohin. Alalahanin mo, dalawa tayong gumawa sakanya. Hahahaha"

>///< AYT! Tinulak ko tuloy yung pintuan at tinamaan sya!

"Aray! Kanina ka pa nananakit ah! Baka gusto mong gumanti ako sayo.." =.=

"EWAN! Umuwi na lang tayo! Nami-miss mo na ang anak NATIN diba?? At okay na yun ah,
NATIN, di ko na sinolo!" >///<

Sumakay na ko ng kotse at ako na ang nagsara ng pinto. Tsk. Nakakainis.

Ang totoo, ayokong maging ganito kalapit ulit kay Adrian eh... Ayoko...
Masyadong...delikado.

Pero..maiiwasan ko pa ba toh?? XC

xxxxxx

x12: The Visit (part3-- SAME FATE?)

[ADRIAN's PoV]

Aysus si Chelle... Nananahimik na naman. Parang kanina lang nag-aasaran kami bago
umuwi galing sa grocery store ah? Ano bang
problema nito? Hormonal imbalance??

Hayy.. Ayun.. Napabuntung-hininga na lang ako nang makauwi na kami. Binuhat ko na


ulit yung grocery bags at pumasok kami ng
bahay.

Aba. Walang tao sa sala??

"Ang cute mo talaga!! HIHIHIHI!!" Yung tawang yun ni Ate Hazel, parehas sa narinig
kong tawa nya kanina nang tawagan ko si Mama.
O.o
"Naku Hazel.." Rinig kong sabi ni Mama na alam kong nasa dining din kasama ni Ate
Hazel. "Tanggalin mo na yan at baka magalit pa si
Adrian pag makita nyang---"

"OKAY LANG TOH! Hihihi.. Oh Andy beybe, gayahin mo ang pose ni Tita Hazel ah??"

POSE?? Ano bang ginagawa nila?? Nagkatinginan kami ni Chelle at parehas kaming
mukhang nagtataka.

"Halika dun sa dining.." Yaya ko sakanya at naglakad na kami papunta dun. "NANDITO
NA KA---"
O___O

Potek... Ang anak ko...

"Mommy..!!" Masayang tawag ni Andy na nakatayo sa isang silya at naka...naka...


ARGH!!! Naka-pink sya na pangbatang gown at may
pink headband at naka-make up habang si Ate Hazel kinukuhanan sya ng picture gamit
ang digicam!!!

"ANONG GINAWA NYO SA ANAK KO??!!" Sigaw ko sakanila!

"Yan na nga bang sinasabi ko.. Wala akong alam dyan ah.. Hehe.." Ito talaga si
Mama! Wala raw alam pero paniguradong sakanya
galing yung damit!!

"Uyy andyan na pala ang loving parents ng aking pretty star model! Ano na bang
masasabi nyo sa make-over na ginawa ko sa inyong
Andy Louis-- mali, Andy LOUISA pala! Perfect dibe?! Hihihi~" At PROUD pa sya sa
ginawa nya?!

"LOKA-LOKA KA NA BA TALAGA?! Sino bang magulang ang matutuwang makita ang anak
nilang lalaki na binaboy nang ganyan?!"

"The term!! BINABOY?! Halerr!! Ang ganda-ganda nga ng anak nyo oh!! Kahit nga si
Chelle, nagagandahan!!"

"Anong nagagand---" Lumingon ako kay Chelle at di sya mukhang naiinis tulad ko. In
fact, NAKANGITI pa sya habang hawak ang mga
pisngi nya na parang kinikilig ba!!

"Ang baby ko..." *o*

"Wui, Chelle..!!" Siniko-siko ko sya. "Ano ba yang pin---"


"Ang ganda ng baby GIRL ko..!!" >///<

*jawdrop*

SI CHELLE.. NAHAWA NA SA KALOKAHAN NI ATE HAZEL????

"Teka baby, kukuhanan din kita ng picture!!" Nagmadali syang kinuha ang cellphone
nya mula sa shoulder bag nya at kinuhanan na
ang anak naming binaboy. T.T

Ang saya-saya nila dun oh, nagtatawanan habang nagpi-picture picture.

Badtrip. Bakit pati ang anak ko kailangan pagdaanan toh sa kamay ng pamilya ko??
Tsk.

Hinayaan ko na lang sila at padabog na nilapag sa mesa yung grocery bags. Natigilan
silang lahat at napatingin sakin sa pagdabog na
ginawa ko.
"Wag ka nga magalit!!" - Ate Hazel

"AT BAKIT HIN---"

"Dapat nga matuwa ka pa kasi sumusunod sa yapak mo ang anak mo! HAHAHA"

ACK!! Ò.o

"Paanong sumusunod sa yapak nya??" Curious na tanong ni Chelle! Naman oh!

"AHH di mo ba alam?? Si Adrian din gi---"

"WALA YUN!!" Pagputol ko sa sinasabi ni Ate Hazel. Di dapat malaman ni Chelle yun o
kahit sino pa man!!

"Uhh, oo, wala lang yun..." Buti sumang-ayon si Ate Hazel! "Naging ADRIANA LOUISA
lang naman sya non tulad ni Andy!! HAHAHA"

>___< TAKTE KA ATE HAZEL!! ANG DALDAL MO!!!!

"Wow.. Talaga??" O___O - Chelle

"TALAGA!! Gusto mo makita yung ebidensya?? Merong picture si Mama!!" - Ate Hazel
"Tigilan nyo na si Adrian.." Natatawang suway sa kanila ni Mama. Tama lang yan.
Dapat kampihan nya ang anak nya! "Oras na para
mag-prepare ako ng dinner eh kaya mamaya ko na lang ipapakita yung picture ni
Adriana Louisa.." ^o^v

T___T Ampucha.. Sige. Ganyanin nyo ko.

Natigil na ang nakakaburnot na usapan nang pumunta na ng kusina sina Ate Hazel at
Mama para maghanda ng dinner habang si
Chelle inayos na si Andy. Sa wakas, babalik na sa normal ang anak ko.

Tapos nun, sa sala kaming tatlo tumambay. Ako nakikipaglaro kay Andy habang si
Chelle, nakaupo sa may sofa at ginagamit ang
cellphone nya.

Nagtetext siguro sya. Pero bakit kailangan nya pang ngumiti nang ganyan kung
nagtetext lang sya???

AH. Hindi kaya...si CJ ang katext nya??

=___=

"Adrian." Nakangiting tawag sakin ni Chelle.


"B-Bakit..??"

"Pahiram muna kay Andy, kakausapin lang namin si CJ.." :))

"Uhh.." Si CJ nga! Lintek talagang lalaki yun oh! Ayoko nga ipakausap sakanya ang
anak ko!

"Okay lang?? Dun kami sa may garahe." Pero yung ngiti kasi ni Chelle.. Yan yung
ngiti nya na nagpapahirap sakin na tanggihan sya..

"S-Sige.." Naibigay ko sakanya si Andy kahit labag sa kalooban ko at lumabas na


sila ng bahay.

At ako..napaupo na lang dito sa sofa.

Naririnig ko ang masayang boses ni Chelle mula sa labas pero di ko maintindihan


kung anong sinasabi nya.

Bwiset. Palagi na lang bang ganito?? Lagi na lang eepal yung CJ na yun sa buhay
namin??
=___=

>___< *gulo buhok*

"Oh anak??" Napa-ayos naman ako ng upo sa biglang pagsulpot ni Mama!! "Nasan na
sina Rachellyn?"

"Ano..nasa labas..may kausap lang po sa cellphone.."

"Ah.." Ngumiti sya sakin. Hindi pang-asar na ngiti pero parang may ibig sabihin ang
ngiti nyang yun. "Ready na pala ang dinner..
Tawagin mo na lang sila ah?"

Tumango ako sakanya at bumalik na sya sa kainan.

Okay. Oras na para tapusin ang masayang usapan nina Chelle at CJ. Tumayo ako para
puntahan sila pero napahinto ako sa may
pintuan. Para kasing magiging EPAL din ang dating ko pag inistorbo ko sila. Dapat
si CJ lang ang epal eh. =.=

Nanatili muna ako dito at tinitigan na lang ang mag-ina kong nakatalikod sakin. Si
Chelle naka-squat para maabot ni Andy yung phone
nya. Naka-loudspeaker pala yun kaya ngayon, rinig ko na pati ang mga sinasabi ni
CJ.

"HAHAHA talaga ah?! Send mo sakin agad yun pic, Mhie!!" - CJ

"Ayaw ko nga.. Pag magkita na lang tayo.." Malambing na sagot ni Chelle.

"Baby oh! Ayaw ipakita sakin ni Mommy yung girly picture mo! Convince her, please~"

"Mommy! Ipakita mo po kay Daddy yung picture ko po! Please!" - Andy


DADDY. DADDY. Bakit ba Daddy tawag sakanya eh di naman sya ang tatay ni Andy??
Bwiset talaga.

"Sige Mhie. Pag di mo isesend sakin yun ngayon, di ka na namin love ni Andy. Noh
baby??" - CJ

"Yes Daddy! Di na natin po love si Mommy!"

"Ehh sige na! Ako na talo sa inyong dalawa! Isesend ko na yun mamaya after nitong
call!" - Chelle

"HAHAHA very good, Mhie! Hihintayin ko yun!"


"Hintayin mo. Mag-hintay ka sa wala.. Hehe!"

"Ganun?? Okay lang. Sino bang di namin love ni Andy pag wala yun?? Hahaha"

"Psh.."

"Oh. Nagpa-pout na yan.." Natawa si Chelle sa sinabing yun ni CJ. "Mhie.. May
sasabihin nga pala kong importante.."

"Ano yun??"

"Uhm.."

"Uy, ano yun?? May nangyari ba??"

"Wala naman.. Sasabihin ko lang na mahal kita. I LOVE YOU MOMHIEE~"

"Grabe. Napakahalaga nga ng sinabi mo! Hehe.. I love you too.."

"DADDY!! Love rin kita po!!" - Andy

Taena. Mali pala talagang makinig sa usapan ng iba noh? Di mo alam..pwede ka palang
masaktan sa mga maririnig mo..

"At love ka rin ni Daddy! Kiss and hug mo naman si Mommy for me oh!"

Niyakap nga ni Andy si Chelle sa leeg at hinalikan sya sa lips. "I love you Mommy!"

"I love you too, baby.." Sagot ni Chelle while patting his head. "Dhie.. Baba ko na
ah? Dinner time na kasi.."

"Sure. Eat well ah. I love you both."

KAILANGAN TALAGANG PAULIT-ULIT YUNG I LOVE YOU??? Kailangan talagang ipamukha sakin
na mahal nya ang mag-ina ko??
Argh.. Naaasar ako sakanya. Sobra. Pero at the same time, naaasar din ako sa sarili
ko..

Napayuko ako while I find myself VERY PATHETIC.


Pakiramdam ko, napaka-walang kwenta ko.. Pilit ko ngang ginagampanan ang papel ko
bilang ama ni Andy pero walang-wala pa rin
ako pag dating kay CJ.. Kung sakin lang, mas tinuturing syang ama ni Andy..kahit si
Chelle..ganun ang turing sakanya. Bakit nga ba
hindi?? Nakasama sya ni Chelle sa panahong ako dapat ang kasama nya. Ginawa nya ang
mga bagay na dapat ako ang gumawa. At
di naman ako maaagawan ng papel kung...kung di ako nagpakatanga non at iniwan sya..

"Adrian??" Uh, si Chelle. Akay nya si Andy at papalapit na sakin. "Anong ginagawa
mo dyan??"

[RACHELLYN's PoV]

"Adrian?? Anong ginagawa mo dyan??" Tanong ko kay Adrian na nakatayo sa pintuan,


nakayuko at tulala sa sahig.

"Uh.. Ano.." Yumuko ulit sya habang hinihimas ang batok nya.

Napayuko rin ako tulad nya. "Ano bang tinititigan mo dyan sa sahig??"

"W-Wala ah.."

"ANTS!" Biglang sabi ni Andy at tinuro yung linya ng langgam sa sahig. So..ayun ang
tinititigan ni Adrian?? Mga langgam?? Ang adik
lang ng trip nya ah..

"Tara na, handa na yung dinner.. Pinapatawag na kayo ni Mama.." Bakit parang ang
lungkot ni Adrian?? Ah, hindi. Malamang antok na
yan.

Sya na ang umakay kay Andy nang pumunta kami sa kainan. Nakahanda na ang pagkain sa
mesa kaya pumwesto na kami. Si Adrian
yung nasa pinaka-dulo ng mesa, para bang sya yung head ng pamilya. Dito sa kaliwa
nya ako nakapwesto at katabi ko si Ate Hazel.
Yung baby ko naman ang nasa kanan nya katabi ang lola nun.

Bago kami kumain, si Ate Hazel pinatong sa mesa yung cake na binili ni Adrian
kanina. May mga kandilang nakasindi yun kaya
automatic, may kantahang naganap para sa birthday celebrant na si Miss Margie. Si
Andy feel na feel yung pagkanta pati si Ate Hazel.
Lahat kami kumanta except kay Adrian.. After ng kanta, hindi si Miss Margie ang
nag-blow ng candles! Hinayaan nilang si Andy ang
umihip nun.. ^^

Habang kumakain kami, napag-usapan namin ang mga buhay namin. Nagtanong si Miss
Margie about my parents at sinagot ko yun.
Nurse ang Mom ko sa Amerika eh, habang si Dad ay editor-in-chief sa isang
broadsheet newspaper company dito. Pati yung
pagbubuntis ko noon, naitanong nila. Si Ate Hazel ang pinaka-interested sa topic na
yun. Sya kasi ang tanung nang tanong, like kung
mahirap at masakit ba magbuntis, natural or CS ba ko, ano pinaglihian ko and so on.
Grabe. Sa dami ng tanong nya, parang soon-to-
be mom na sya. XD
Sa side naman nila, nalaman kong may-ari pala ng isang nursery school si Miss
Margie. Mahilig pala talaga sya sa mga bata kaya pati
si Ate Hazel noon, sya na ang nag-volunteer na mag-alaga at magpalaki. Yung parents
din daw kasi ni Ate Hazel, magulo ang relasyon.
Minsan hiwalay, minsan magkasama, feeling teenagers daw ba kung mag-away.

Matapos ang kainan at kwentuhan namin, tutulong sana ko magligpit kaso di ako
pinayagan ng mama ni Adrian. Kaya ito tuloy, balik
tambay kaming tatlo dito sa sala. Magkakatabi kami dito sa sofa: ako, si Adrian
then si Andy sa kabilang dulo. Naka-akbay sakanya si
Adrian habang nanonood ng TV. Cartoons ang palabas kaya tuwang tuwa ang baby ko.

Pero..bakit ba ganyan ang mukha ni Adrian? Kanina pa yan.. Ang seryoso masyado..

"Psh. Ang moody." bigla kong naibulong sa sarili ko. Bulong lang yun pero dahil
katabi ko si Adrian, malamang na narinig nya ko kaya
napatingin sya sakin!

"Sinong moody?"

=3=

"Ako ba ang tinutukoy mo huh?" Tanong nya pa nang nakataas ang isang kilay.

"Ikaw nga." =.=

He smirked at my answer. "Nagsalita ang hindi moody."

"Bakit? Di naman ako moody tulad mo noh.." =.=

"Tss.. Hindi raw.." Binalik na nya ang tingin nya sa TV. Pero parang di naman sya
nanonood. Tulala lang sya.

"Adrian..." I know I suddenly sounded TOO worried sa pagtawag kong yun sakanya.
Ewan ko ba't di ko maiwasang mag-alala sa
lalaking toh. "May problema ka ba??"

Great. My worries were wasted. Di kasi nya ko sinagot o nilingunan man lang.
"Ako..Ako ang tatay ni Andy, diba??" biglaan at mahina nyang tanong without looking
at me.

Lalo akong nag-aalala sa tanong nyang yun. PINAGDUDUDAHAN NA NYA BA SI ANDY??

"Adrian naman.." ramdam kong nanikip dibdib ko. Masakit. Parang naiiyak ako. Bakit
ba kasi naitanong nya yun? "Ikaw ang tatay ni
Andy... I swear... Maniwala ka... Ikaw lang..." Napatingin sya sakin, he looked
surprised. "Please... Wag mo syang..pagdudahan.."

"PAGDUDAHAN?? Chelle talaga oh!" Natatawa nyang ginulo ang buhok ko. "Pwede ba
yun?! Ngayon pa ko magdududa?! HAHAHA!"
T3T *sniff*

Kanina napaka-seryoso nya tapos ngayon nang-aasar na ulit.. Moody talaga..

"Wala namang ibig sabihin yung tanong ko kanina eh." Tuloy nya pa with a smile.
"Kahit unting pagdududa wala ako nun. Naniniwala
ako sayo at alam ko, ako ang tatay ni Andy. Ako LANG ang tatay nya at anak KO-- ay
hindi. Anak pala NATIN sya kasi tayong dalawa
ang---"

"HEP!" Pinutol ko ang pananalita nya kasi malamang na sasabihin nya na kaming
dalawa ang bumuo kay Andy. "Wag mo na ituloy!
Alam ko na yun kaya di mo kailangang ulit-ulitin!"

"Anong ulit-ulitin?? Di ko pa nasasabi sayo na tayong dalawa ang magulang nya ah!"

Ah.. Okay.. Ako na ang nag-iisip ng kung anu-ano.. Haha.. Hmp. Lalo nya tuloy akong
inasar. Natapos na lang kami nang oras na para
patulugin si Andy.

Hinilamusan ko muna ang anak namin then si Adrian na ang nagkusang magpatulog
sakanya dun sa kwarto nya. Dun din daw ako
matulog kasi dalawa lang ang kwarto dito. Wala naman daw akong dapat ipag-alala,
lilipat kasi sya sa sala para matulog so hinayaan
ko na syang magpatulog kay Andy habang turn ko na para maghilamos.

Naligo ako sa bathroom nila na nasa kusina. Half-bath lang. Pagkatapos ko dun,
naabutan ko pa si Miss Margie na mag-isang umiinom
ng canned beer sa dining table.

"Oh Rachellyn! Tara inom tayo!" ^o^

O.o
"Ay. Hindi ka yata nainom. Hehe! Si Hazel kasi dapat ang kainuman ko ngayon kaso
kailangan nyang matulog nang maaga ehh..
Pasensya na.." ^3^

"Okay lang po yun.. Umiinom naman po ko pero di ganun karami.."

"Oww.. So, gusto mo ba?" Tanong nya while smiling and holding another can of beer.

Di ako tumanggi. Kahiya kasi tsaka birthday nya pa ngayon. Umupo na ko sa tabi nya
at sinaluhan sya sa pag-inom.

Masaya rin kaming nagkwentuhan. Una tungkol sa picture ni 'Adriana Louisa' na di


nya mahanap. Feeling nya tinago raw yun ni Adrian
eh. Haha sayang.. Then nauwi ang usapan kay Andy. Pati si CJ napag-usapan namin and
she doesn't seem to be against him.
Thankful pa nga sya kay CJ kasi may nag-alaga raw sakin at sa apo nya habang
nagliliwaliw lang ang anak nya dito.

"Pasensya na sa ginawa sayo ng anak ko ah.. Alam ko, nasaktan ka nya ng sobra.."
Nakangiti pa rin sya pero nandun yung sincerity sa
boses nya.
"W-Wala na po yun sakin! Ang mahalaga ngayon, ginagampanan na ni Adrian ang
responsibilidad nya. Nakikita ko ang effort nya para
makabawi kaya..balewala na sakin kung anong nangyari samin sa nakaraan." :)

Ngumiti pa sya lalo at uminom. "Wew.. Buti naman.. Masaya ako't di natutulad si
Adrian sa tatay nya.."

Oh.. First time toh na naging topic namin ang tatay ni Adrian..

"Uhm, asan na po pala ang tatay ni Adrian??"

"Hindi ko alam eh! Hehehe!" ^o^

=.=

"Basta. May ibang pamilya na sya."

O.o

"Buti nga nagkapamilya pa ang lokong yun! Napaka-babaero kasi nun eh at isa ako sa
naging biktima nya. Napa-ibig nya ko sa di
malamang kadahilanan at nang nakuha na nya ang LAHAT sakin, iniwan na nya ko.
Hehehe!" ^o^
Hala? Nagagawa nya pang tumawa sa kwento nya??

"Kaso nga lang, nabuntis ako.." Bigla syang nagseryoso. "Tulad mo, di ko sinabi
sakanya ang pagbubuntis ko. Tinago ko sakanya ang
tungkol kay Adrian. Pero kahit anong tago ko, nagkita pa rin sila noon... 6 years
old lang si Adrian nun at aksidente nyang nakita ang
anak namin..narinig nyang tinawag akong 'mama' ni Adrian..obvious na ALAM na nya
kung ano nya si Adrian pero..." Napailing sya at
pinipilit na lang na ngumiti. "Pero di nya kami pinansin.. Nilagpasan nya lang kami
na parang wala lang.. Ang mas masakit pa,
naghintay ako at nagbaka sakaling hanapin nya ko para alamin ang tungkol kay
Adrian. Naghintay ako ng ilang araw..bwan..at taon
pero wala talaga... Walang wala... Oh GOSH~ Kaloka maghintay ah pero hindi na. Alam
kong katangahan na kung maghintay pa ko.
HAHAHA!" ^3^

Natatawa pa sya pero sa boses nya, naiiyak na sya.. =/

"Kainis nga lang minsan.. Pag nagtatanong kasi si Adrian tungkol sa sakanya, di ako
makasagot. Ayoko na ring hanapin pa nya ang
tatay nya eh kasi malamang lang na itatanggi sya nun at masasaktan sya. Kaya nga
lang..hayy..kami naman ang nag-away dahil sa di
ko pagsagot sa mga tanong nya at nagbago na sya matapos nun.. Natuto syang
uminom..mangbabae..at lumayo sya sakin. Bilang
nanay nya, masakit yung mga ginagawa nya lalo na yung paglayo nya sakin
pero...ayoko nang magreklamo. Hehe. Okay lang naman
sakin yun eh... Di baleng ako na ang masaktan, wag lang sya.."

My god.. Ano ba tong nanay ni Adrian..

>___< *sniff*
"Halos parehas lang pala tayo ng pinagdaanan noh?" Masaya nyang tanong sakin. "Mas
maswerte ka nga lang. Nakakilala ka ng
lalaking katulad ni CJ at..tinanggap si Andy ng totoong tatay nya." :))

Napatayo ako. Lumapit ako sakanya at niyakap sya sa balikat. For some reasons,
grateful ako sakanya. "Thanks po.. Maraming thanks
po Miss Margie.." >3<

"MISS MARGIE?! Parang dalaga lang ako dun ah!! Hehe!! Tawagin mo na lang akong
Mama!! Yun eh kung okay lang sayo.."

Humiwalay ako sakanya at nginitian sya, the same way as how she's smiling at me.
"Sige po, Mama Margie.." ^^

"KYAAAH! Dalawa na ang anak kong babae! Hihi!" Hinawakan nya mukha ko at ni-wipe
ang luhang namuo sa mga mata ko. "Antok ka
na oh! Matulog ka na.." :))
Natawa na lang ako at sumunod sakanya. Oo, antok na ko, pero di ako naluha dahil
dun. Naluha kaya ko dahil sa kwento nya.

"Ay wait!" Pagpigil ni Mama Margie sakin nang papaakyat na ko ng hagdanan. "Kita ko
kanina na tulog na si Adrian dun eh! Gisingin ko
muna sya at papalipatin dito sa sala."

Tumayo sya at sasabay saking umakyat pero pinigilan ko sya. Sinabi kong ayos lang
na dun na rin matulog si Adrian kasi igigitna ko
naman si Andy. Kawawa rin yung lalaking yun eh. Puyat sa schoolworks at sa BABAE at
nag-drive pa sya ng ilang milya.

Di na umangal si Mama Margie sa sinabi ko, basta sumigaw lang daw ako pag may
ginawang kung ano si Adrian. XD

Sa kwarto ni Adrian, tulog na nga at magkayakap silang mag-ama. :')

Pagkaligpit ko sa mga gamit na pangligo ko, humiga na ko sa kaliwang side ng kama


at tulad ng sabi ko, nasa gitna ang anak namin.
Antok na ko pero nakatitig pa rin ako sa mag-amang toh..lalo na kay Adrian.

Nakakalungkot..may problema pala sya non sa pamilya nya pero never syang nag-share
sakin tungkol dun..

Ngayon tuloy napapaisip ako.. Nung kami pa noon, wala ba syang tiwala sakin?? Totoo
kayang minahal nya ko o laru-laro lang ang
lahat para sakanya?? I know those questions don't matter anymore but still..I'm
dying to know..

xxxxxx

x13: Reconciliation~

[ADRIAN's PoV]

"Papa..."
"MMMM..." Napaungol lang ako sa pagtawag ng anak ko.. Antok pa ko eh..

Unting tulog na lang.. Saglit..

Argh.. Kulit ng anak ko.. Naramdaman kong pinatong nya sakin ang binti nya..
=___= Mm.. Medyo mabigat ang binti nya ah..

"Uhh anak.. Yung..binti mo.."

Hinawakan ko yun para alisin pero...kailan pa pala naging ganito kabigat at kalaki
ang binti ni Andy???

With my eyes still closed, bigla kong naalala ang mga nangyari kagabi.

Pinatulog ko si Andy sa kwarto ko at nakatulog din ako. Nakatulog ako sa...sa kung
saan matutulog din dapat si CHELLE!!! Kaya sya
malamang ang katabi ko ngayon!!!

Gulp.. Binitawan ko na ang binting nahawakan ko at dumilat na rin ako.

And wow...

How breathtaking...

Di ako nagkamali ng hinala. Ang ganda ng babaeng natutulog sa tabi ko eh...

Magkalapit lang kami at magkaharap dito sa kama kaya naririnig ko ang paghinga nya.

Napangiti ako just by watching her sleep. Parang bata sya matulog. Yung mga kamay
nya naka-clench sa harap ng mukha nya.

Ang mga mata ko naman, tinitigan ang bawat parte ng mukha nya. Mula sa mga
nakapikit nyang mga mata, sa matangos nyang ilong,
hanggang sa....mga labi nya.

HAYYYY...

Chelle...

PWEDE BA KITANG HALIKAN???

Erm.. Hahaha.. Naku..

Hinawakan ko na lang yung kaliwang kamay nya at nilagay yun sa pisngi ko. Na-miss
ko yung ganitong pakiramdam..yung
pakiramdam na hinahawakan ng malambot nyang mga kamay ang mukha ko.
Buti na lang, si Chelle ang tipo ng tao na hindi madaling magising kahit anong
galaw mo sa katawan nya. Tried and tested ko na yun
mula pa nung high school kami. Ang totoo nga, pwede sya mahalay nang di nya
namamalayan eh.

=___=

Sinabi ko bang PWEDE SYA MAHALAY???

Hehe.. Kung anu-ano na pumapasok sa utak ko. Epekto yata toh ng may isang linggo na
wala akong nakakatabing babae sa kama.

Inialis ko na mula sa mukha ko yung kamay niya at baka kung ano pang maramdaman at
maisip kong gawin. Mahirap na...mahirap na
magpigil. HAHA. Talaga. Napakahirap magpigil kaya ito di ko na napigilan pa ang
sarili ko, nilapit ko ang mukha ko sakanya para
halikan sya sa no---

"Papa..."

AMP! Forehead kiss na nga lang naudlot pa dahil sa pagtawag ng anak ko! Nalimutan
ko na ang tungkol sakanya at nandito pala
sya???

Umupo ako at kinusot ang mga mata ko. Kita kong nakaupo sya sa sahig habang may
hawak na libro. May mga nakasambulat ding
mga papel sa paligid nya.

"Anak.. Anong ginagawa mo dyan??" =.=

"Mommy's picture.."

Picture daw ni Chelle?? Ano kayang picture yun??

Lumapit ako sa kanya. May dalawang picture syang hawak sa magkabilang kamay nya.
Ang inabot nya sakin ay picture nga ng
mommy nya. Ay, high school picture namin toh! Yakap ko si Chelle dito pero di ako
nakilala ni Andy kasi para akong pusa na tinatago
ang mukha sa balikat ng mommy nya na syang kumuha ng picture na toh. Hehe. Cute ni
Chelle dito.. Ang bata..

May isa pang picture na inabot si Andy. Picture ng isang bahay yun na dati naming
tinitirahan. Namana ni Mama ang bahay na yun
mula sa namatay na nyang mga magulang pero nalalakihan sya masyado dun para saming
tatlo ni Ate Hazel kaya napalipat kami dito
sa kasalukuyang tinitirahan namin.

Luma na ang bahay na yun pero di halata. Unting renovations lang ang kailangan nun
para mas gumanda pa sya at pwede na ulit
tirahan...

'Hmm.. Oo. Gusto ko tumira dito. Basta ba kasama kita eh.. :))'

Napangiti na naman ako nang maalala ko ang sinabing yun ni Chelle sakin dati.
Dati kasi nakita na nya ang picture na toh mula sa mga gamit ko sa school. Hanggang
ngayon wala akong ideya kung bakit ba
nakahalo toh sa mga gamit ko non pero nang makita toh ni Chelle, hiniling nya na
ipasyal ko sya sa bahay na yun. Tuwang tuwa nga
sya nang dinala ko sya dun kahit ba binagyo na kami sa daan. Very memorable ang
pagpasyal namin dun...lalo na't hindi kami
magkakaroon ng gwapong anak ngayon kung di kami nagpunta dun nung panahong yun. XD

"Anak.. Gusto mo ba tumira dito??" Tanong ko kay Andy habang hinihimas ang ulo nya.

"Yes Papa! Ang ganda ng house po! It's big!"

"Hahaha okay! Soon...titira tayo dito with Mommy... Pero secret lang muna natin yun
ah??"

"Opo! SECRET yun po ni Andy at ni Papa!"

Ngayon may nadagdag na sa mga plano ko.. Pag ako nagkaroon ng free time, pag-
aaralan ko ang pag-renovate sa bahay na yun para
tuparin ang pangarap ni Chelle dati..ang pangarap nya na sa bahay na yun titira ang
magiging pamilya namin.

Niligpit ko na ang mga kinalat ni Andy at binuhat ko sya palabas ng kwarto para
makapaghilamos kami. Pinagamit ko sakanya yung
toothbrush na binili namin ni Chelle kahapon. Ewan ko ba dun, di pa yun ang ginamit
nila kagabi. Then nag-stay na kaming mag-ama
sa kusina kung saan nandun na si Mama at busy magluto ng pancakes. Tss. Yan din
yung inalmusal nina Andy kahapon eh!

"Lola!! Good morning!!" Malakas na bati ni Andy nang iupo ko sya sa tabi ng lababo.

"Oh! Gising na pala ang gwapo kong anak at MAS gwapo kong apo!!" ^o^

=___= MAS GWAPO talaga yung apo?? Daya..

"Anak, wag ka muna malikot dyan ah.." Paalala ko kay Andy at nagpunta na ko sa ref.
Naghanap ako dun ng iba pang pwede ipaluto
kay Mama pero ampucha. Puro canned beers na naman laman nito! Yang si Mama at si
Ate Hazel kasi, mahilig uminom.
Swerte at may bacon pa dun. Nilabas ko yun pati yung choco syrup. Pinaluto ko kay
Mama yung bacon tapos yung choco syrup
gagamitin ko pang-topping sa pancake.

Naglagay ako ng isang bilog ng luto nang pancake sa pinggan at bumalik ako kay Andy
sa may tabi ng lababo.

"Weee!! Choco syrup and pancakes!!" Masayang tinuro ni Andy yung mga hawak ko.

"YUP! Masarap toh, anak! Panoorin mo ko ah. Ituturo ko sayo kung paano kumain ng
pinakamasarap na pancakes!" Ginamit ko yung
choco syrup para mag-drawing sa pancake. Drawing yun ng stick na bata na may stars
sa paligid! "Yan.. Yan si Baby Andy! Naka-
smiling face!"

"WOW... Me too, Papa!! Gusto ko mag-draw po sa pancake!!"

Kumuha ko ng hiwalay na pancake para sakanya at binigay ko na rin yung choco syrup.
"Draw mo naman si Mommy!" request ko sakanya.

"Sige po!"

Pinanood ko sya at matawa-tawa ako sa kung gaano sya kaseryoso sa ginagawa nya. Sa
edad ni Andy, maganda na yang nado-
drawing nya pero...pfft...ang sagwa pa rin ng pagkaka-drawing nya sa mukha ni
Chelle. XD

"Magkasundung-magkasundo kayong mag-ama ah.." Nakangiting bati ni Mama habang


nililipat sa isang pinggan ang naluto na nyang
bacon.

"Ganun talaga.. Parehas kaming gwapo eh. HAHAHA"

Di na sumagot si Mama. Nakangiti pa rin sya at patuloy lang sa pagluluto. Fried


rice naman ngayon.

Pansin kong lagi syang nakangiti. Parang balewala na sakanya


yung pinagdaanan namin nitong huli. Pero ako
ngayon...nakokonsensya. Nakonsensya ako simula nang sinabi ni Chelle na masasaktan
sya kung lalayo sa kanya si Andy tulad ng
ginagawa ko sa mama ko.

Ibig sabihin lang nun, nasasaktan ko na si Mama.. Wala akong kamalay-malay na


nasasaktan ko na pala si Mama na nagpakahirap sa
pagpapalaki sakin..
"Ma.. Sorry.." Mahina kong sabi sakanya. Nakokonsensya ako pero nahihiya rin ako
eh!

Napalingon sya sakin. "H-HA???" O.O

"Tsk." Napakamot ako ng ulo sa reaksyon nya. "Sabi ko po, SORRY!" =.=

"Ah.." Binalik nya tingin nya sa niluluto nya. "Sorry saan??"

"Alam nyo na yun. Wag nyo na po ko pag-explainin, dadrama lang dating natin eh.
Basta alam ko na, na mali ang mga ginawa ko
sayo.."

Napangiti na lang sya ulit sakin. This time, napakalapad ng ngiti nya.

"At tsaka...di ko na po hahanapin ang tatay ko."

Sa pagbanggit ko tungkol dun, naging worried ang tingin ni Mama sakin and that made
me look away.

"Hindi na po ko interesado sakanya. Di ko na sya pagaaksayahan ng panahon kasi


ngayon, first priority ko na si Andy, ang pagiging
tatay ko sakanya then..si Chelle. Kaysa guluhin ang utak ko sa mga walang kwentang
bagay, mag-aaral na lang ako nang mabuti para
sakanilang dalawa."
Si Mama naman, sumimangot. "GANUN??" =3=

"Bakit ganyan po ang itsura nyo huh??" T.T

"Naiintindihan ko na first priority mo ang anak mo pero...bakit pati si


Rachellyn??"

"Sy-Syempre.. Nanay sya ng anak ko eh.." Ò.o

"Bakit pangalawa sya sa priorities mo?? Di ba pwedeng una si Andy, then AKO, tapos
pangatlo lang sya??" T3T

"Mama naman.." =.=

"Hehe! Biro lang!" ^3^

Tss.. Si Mama talaga oh.. Ngumiti na ulit sya at nagpatuloy sa pagluluto.


"Pero anak.." Malambing nyang tawag sakin. "Maghinay-hinay ka lang ah.."

"Ano po??" Nalito naman ako dun. Maghinay hinay raw ako..??

Pinatay na nya ang kalan at tumingin sya sakin nang seryoso. "Gawin mo lang kung
ano ang dapat mong gawin. Wag kang sosobra.
Sige ka, ikaw rin...baka masaktan mo lang ang sarili mo sa huli."

HUH?? Gawin ko kung ano lang ang dapat kong gawin?? Wag ako sosobra?? Baka masaktan
ko lang ang sarili ko??

"An---" Natigilan ako kasi si Mama, biglang parang kinilig na ewan.

"Hihi! First time toh ah!! Nagha-heart-to-heart talk tayong mag-ina!!" >3<

"HEART-TO-HEART TALK??" Ò.o

"Nakakatuwa!!" Lumapit sya sakin at niyakap ako. "Kaso ang laki laki mo na!! Mas
malaki ka na sakin oh!! Parang kailan lang kaya pa
kitang buhatin!!" >O<

"M-MALAMANG LUMAKI NA KO! MATAND--- ACKK!" pinanggigilan akong yakapin ni Mama!

"I LOVE YOU ANAK KO!!" ^O^

Eh ano ba toh?! Na..nakakahiya! >.<

"WAAAH!! YAKAPAAAN!!" Isa pa si Andy! Niyakap nya ko mula sa likod! Tong mag-lola
na toh oh! Tss..
=___='

O___O . . . . ! ! ! !

xxxxxx

x14: Bitter Interview

[RACHELLYN's PoV]

EHH~??!!
Ang sarap-sarap pa ng pag-inat ko dito sa kama pero 7:30AM na pala?! Kaya wala na
rin pala sa tabi ko sina Andy?!

Kahiya naman kay Mama Margie kaya nagmadali na kong kumilos. Kinuha ko ang mga
gamit na panghilamos ko mula sa bag namin ni
Andy pero wait lang...unahin ko munang i-check ang cellphone ko. ^3^

8 MESSAGES RECEIVED...

WALO yun pero ISA lang sa mga yun ang gusto ko basahin and that is a message from
CJ!!

--- TEXT MSG. FROM: dhie♥

'gud morning mhie!!tulog kpa for sure.naririnig ko paghilik mo eh.hehe!just txt me


wen u wake up.i miss you and i love you..'

---

>///<

Miss na rin kita CJ at mahal din kita..

PERO ANO YUNG NARIRINIG MO ANG PAGHILIK KO?! Di naman ako nahilik sa pagtulog ehh..
T3T

Psh. Ma-replyan na nga lang sya.

*typing*

'humihilik pla ah?hmpf..lagot ka sakin mamaya T.T kggcng ko lng pla.miss na rn kita
and i love you too~ X3'
--- MESSAGE SENT.

Somewhat cheesy, right? Ehe. Ganito talaga kami palagi pag malayo kami sa isa't
isa. Nagtetext-text ng kung anu-ano.

Bumaba na rin ako agad para pumuntang CR na nasa kusina. Pero bago pa ko tumuloy
dun, napahinto ako dahil narinig kong
nagsisigawan sina Adrian at Mama Margie! Para silang nag-aaway!

"M-MALAMANG LUMAKI NA KO!! MATAND--- ACK!!" - Adrian


"I LOVE YOU ANAK KO!!" - Mama Margie

"WAAAH!! YAKAPAAAN!!" - Andy

Sa pagsigaw ng baby ko, sinilip ko na sila at.... HEHE.. Nagyayakapan lang pala
sila dun! Yung mag-lola parang mga ahas kung
makayakap kay Adrian. Si Mama Margie nasa harap niya habang si Andy sa likod nya.
Si Adrian naman, nakasimangot. Ang cute nya
sumimangot oh. X3

Katuwa sila panuorin kaso napansin na ko ni Adrian! Nanlaki ang mga mata nya nang
makita nya ko.

"T-Tama na nga, Ma! Tsk!" pilit nyang inialis na ang pagkakayakap ni Mama Margie
sakanya at yung mukha nya, naiirita na nahihiya.

"GOOD MORNING MOMMYYY!!" Kung makasigaw naman ang baby ko! Buti di nabingi sakanya
si Adrian na yakap-yakap pa rin nya.

"Kaya pala!!" Hinampas ni Mama Margie ang braso ni Adrian bago sya lumayo. "Nahiya
ka pang ipakita kay Rachellyn ang
paglalambingan natin!"

"Eh nagugutom na kaya ko!!" yan na naman ang walang galang nyang pakikipag-usap sa
mama nya! Sumama tuloy tingin ko sakanya
at napansin nya yun. "Kaya bilisan nyo na PO dyan! At ikaw rin Chelle, maghilamos
ka na nga PO! Tss."

Pasaway.. But it made me smile at him. :)

Right after kong maghilamos, diretso na kaming apat sa kainan.

Nakakapanibago. Wala si Ate Hazel eh. Umalis pala sya kaninang madaling araw para
mag-training sa isang call center.

Pero mas nagulat ako sa hinain sakin ni Adrian! Pancake yun na may drawing gamit
ang chocolate syrup! Drawing yun ng
isang..err..babae? Ang gulo ng pagkaka-drawing eh but at least, marerecognize mo pa
rin kung ano yun.

"Anak natin ang may drawing nyan! Kainan mo yan kahit ayaw mo!" sabi ni Adrian bago
sya pumwesto sa upuan nya.

Drawing pala ng baby ko toh?? Hihi.. Ang cuuute.. >3<


"Mommy!!" tawag ni Andy na nakaupo sa tapat ko. Pinakita nya sakin yung pancake nya
na may choco syrup din at may drawing ng
batang lalaki. "Papa drew this!! Ako po daw yung boy na drawing po!!" ^o^

"Wow.." Kabilib talaga si Adrian. Ang galing-galing nya mag-drawing. Another thing
yun na namana sakanya ni Andy. Tapos ngayon ko
lang din nalaman na sya pala ang salarin sa pagkakaroon ng weird taste ng anak
namin. Parehas silang wagas kung maglagay ng
choco syrup sa pancakes nila eh! Psh. Grabe talaga. Ang lakas ng dugo ni Adrian..

Nanghihinayang akong kainin ang pancake na toh kasi sayang yung dinrowing ng baby
ko! Kung pwede ko nga lang toh ipa-frame,
gagawin ko yun pero dahil sa pagkain toh, no choice ako kundi kainin sya. And
honestly, first time kong kumain nito with choco syrup at
NANDIDIRI ako pero...masarap pala sya ah!

Medyo tahimik ang pag-kain namin ngayon. Dahil kaya wala si Ate Hazel?? Hehe..
Pasimple ko na lang ginagamit ang cellphone ko
para i-check kung may text si CJ.

At meron nga! ^3^

--- TEXT MSG. FROM: dhie♥

'ohh lagot dw ako mmya..better prepare my lips now.mag-ma-mouthwash rn ako ng 3


times pra di mhalatang nagyosi ako..xD but mhie,
uwi na kayo ng lunchtime ah?ipgluluto ko kayo'

---

Pagkabasa ko nun, tinanong ko si Adrian kung pwede nga ba kaming makauwi by


lunchtime. Wala akong sinabing dahilan pero 'pwede'
agad ang sagot nya! Weee~ Nireplyan ko na si CJ about it. Nag-reply rin sya agad.
OK daw and maghihintay raw sya. Hihi.. So excited
na ko.. Gusto ko na syang makita.. ^3^

***

Later after breakfast, ready na kaming bumyahe pa-Manila. Nasa kotse na kaming
tatlo nang biglang pinabalik ni Mama Margie si Andy
sa bahay dahil may ibibigay raw sya sa apo nya.

Magkatabi kami ni Adrian na naghintay dito sa kotse. Mukha syang badtrip.. Bakit
kaya?? Ay. Basta ako, MASAYA! Nagtetext-text pa rin
kami ni CJ ehh.. ^3^

Maya-maya lumabas na ulit si Mama Margie pero mag-isa lang sya.


Masaya syang lumapit sa may bintana ni Adrian. "Umuwi na kayo! Di na sasama si Andy
sa inyo. Gusto na raw nya dito tumira eh!"
^o^v

A..ANOOOOOH???? O___O

"TSK. PALABASIN NYO NA NGA PO SI ANDY NANG MAKAALIS NA KAMI." iritableng sabi ni
Adrian.
"Easy ka lang anak! Tingin mo ba kaya kong totohanin yun??"

"EWAN."

O.o Bakit ba ang init bigla ng ulo ng lalaking toh??

"LOLAAA!! Kumuha ako ng marami po!!" Sigaw ni Andy habang tumatakbo pabalik ng
kotse. May buhat syang mga maninipis ng libro.
"Thank you po!!"

"You're very welcome apo ko~" Niyakap at hinalikan nya si Andy.

"I love you Lola! Buh-bye po!" pumasok na si Andy sa kotse at agad na pinagmayabang
sakin yung mga nakuha nyang books. Mga
coloring, story at activity books yun. May box of crayons ding kasama.

"Thank you po Mama Margie.." :))

"Naku, wala yun! Balik kayo dito ah?? At ikaw naman, gwapo kong anak.." Pinisil nya
ang ilong ni Adrian.

"M-MA?!" hahaha si Adrian, ngongo!

"Wag ka nga sumimangot!! Tatanda ka kaagad nyan!! Gusto mo bang magmukha ka nang
lolo kahit wala ka pang apo?!"

"Tsk!" Hinilot ni Adrian ang ilong nya na kakabitaw lang ng mama nya. "Imposible
pong mangyari yun! Habang buhay kaya kong
magiging gwapo!"

=___= Tss. Yabang. Pero kaiingit yung closeness nilang mag-ina.. Sana ganyan din
kami ni Andy pag lumaki na sya..

Di nagtagal at umalis na kami.


Tahimik pa rin kami sa byahe. Kahit si Andy tahimik lang kasi busy syang magkulay
ng coloring books nya habang nakadapa sa may
backseat.

At ako, syempre, tahimik dahil busy akong magtext! Hihi..

--- TEXT MSG. FROM: dhie♥

'mhie!!sorry!!di na ko mkkpunta sa house mo at mkkpgluto ng lunch.may bigla kc


kaming kailangang gawin nina Daddy..im really sorry
mhie..babawi ako sa dinner'

---
Bigla namang nawala ang ngiti ko sa nabasa ko...

Excited akong makauwi kaagad para makita sya, tapos.... :(

Hayy..

*typing*

"okay lng..bsta lhat ng request ko iluluto mo ah..X3 ano nga pla ang kailangan
nyong gwin nina tito?'

--- MESSAGE SENT.

Hayy ulit..

Kalungkot pero okay lang yun.. Alam ko naman na marami rin syang kailangang gawin
para sa sarili nyang pamilya..

But five minutes has already passed..

Ten minutes.. Fifteen minutes..thirty..forty five..

Napahigpit ang hawak ko sa cellphone ko..

Mag iisang oras nang di nagtetext si CJ. Parang kanina lang ang bilis nya mag-reply
ah! Dati rin pag alam nyang di na sya makaka-
reply agad, lagi syang magpapaalam sakin bago sya mawala pero ngayon....WALA. Bigla
na lang syang nawala at ayoko ng ganun..
:(

[ADRIAN's PoV]

Kung makatitig naman si Chelle sa cellphone nya.. Ganyan ba kahalaga ang pinag-
uusapan nila ng CJ na yun?? Sa sobrang halaga di
na nya mabitawan cellphone nya?? Kanina pa sya ganyan eh! Puro cellphone! Habang
kumakain, cellphone! Habang nag-aayos sila ni
Andy, cellphone! Habang nasa byahe kami, cellphone!

Di ba pwedeng ako na lang kausapin nya??? Tsk. Kung ayaw nya, edi ako na lang!!

"CHELLE."

"Hm?" wui Chelle tumingin ka sakin! Kausap kita!

"Ano..si CJ.. Nasa bahay mo ba sya pag-uwi nyo??" kasi kung wala, mag-i-stay ako
kasama nyo. Hahaha.
"Hindi.. Wala sya dun.." YES! Yeees!

"Ah.. May pasok ba sya ngayon??"

"Wala.. May kailangan lang syang gawin ngayon kasama ang parents nya.."

KAYA KA MALUNGKOT NGAYON?? =.=

"Ganun ba.. Uhm.. Kamusta naman pala kayo ng pamilya nya? Na..nakilala mo na ba
sila?" tanong ko ulit.

"Oo.. Nasa Amerika pa lang kami nakilala ko na sila at..hmm..medyo.. Medyo okay
kami.."

"MEDYO?? Paanong medyo?? Ayaw ba nila sayo??" Ò.o

Malungkot na natawa si Chelle at napabuntung hininga pa. "Di naman sa AYAW nila
sakin pero syempre..halatang mas prefer nila ang
isang dalagang babae para kay CJ.."

Ampucha.. Ang choosy pala ng pamilya ng lalaking yun?! Ano naman kung may anak na
si Chelle?? Di naman sya katulad ng ibang
batang ina dyan na mas inuuna pa ang gimik kaysa sa anak nila ah! Bukod dun,
maganda sya! Matalino! Sweet! Maalaga!
"Pero kahit papaano, in good terms kami at gusto nila si Andy. Natutuwa sila sa
kanya lalo na yung daddy ni CJ.."

Talaga lang ah...

Pero MALI toh! Malungkot na nga si Chelle kanina, mas napalungkot ko pa yata sya
dahil sa mga walang kwenta kong tanong! Amp!
Tanga mo talaga Adrian! Gumawa ka dapat ng paraan ngayon para mapasaya sya!

"TARA MALL MUNA TAYO!!" yaya ko sakanya. "Wala naman kayong gagawin sa bahay eh..
Diba??"

Tumingin sya sakin. Pinag-iisipan nya nang mabuti ang paanyaya ko.

"Dali na PO Chelle.. Sunday ngayon oh.. FAMILY DAY."

Napa-ngisi sya sa sinabi ko. "Family day huh??"

"Oo! Bakit?? Pamilya pa rin naman tayo ah kahit na...wala tayong relasyon.."

Nainis ako dun sa sinabi ko ah. HA-HA.. =.=

Pero ang mas mahalaga, napangiti ko na si Chelle.

"Baby..." Nilingunan nya ang anak namin na nasa backseat. "Gusto mong magpunta ng
mall??"
"MALL?!" Mula sa rear view mirror, nakita kong mabilis na napaupo si Andy. Mukha
syang excited. "GUSTO KO PO!!"

Sa sagot na yun ng anak namin, nakangiti pa ring binalik ni Chelle ang tingin nya
sakin. "Narinig mo yun.. Gusto raw ng anak natin
mag-mall."

"Soooo??" Tanong ko with matching beautiful eyes. Ang ewan ko lang talaga pag
dating kay Chelle.

"Ano ba yan, Adrian.. Haha.. Ang adik mo. Dalhin mo na nga lang kami sa mall!"

OH YEAH!

"As you wish, Mommy Chelle!" ;)


xxxxxx

x15: FAMILY DAY!

[RACHELLYN's PoV]

"As you wish, Mommy Chelle!" Kailangang may kindat pa pagkasabi nya nun?? Haha..
Pa-cute talaga lagi tong si Adrian. Kaya ang
dami nyang nalolokong babae eh..

Pagdating namin sa Manila, sa mall kami dumiretso instead na sa bahay. Ang saya-
saya lang nilang mag-ama nang maglakad na kami
sa loob. Sila ang magkahawak kamay habang ako, nandito sa may likuran nila.

Nag-e-emote pa rin kasi ako. Gusto ko nang makita si CJ eh kaso..hayy.. Naka-ilang


sigh na nga ba ko kakaisip dun?? :(

Masyado akong na-preoccupied kaya di ko namalayang sa isang arcade and amusement


center pala kami napadpad.

Ang daming tao dito. Ang ingay rin at ang gulo.

Sa may clerk, binuhat ni Adrian si Andy. Tinitignan yata nila yung prizes na naka-
display dun na karamihan ay mga laruan at stuffed
toys.

"TRAIN SET!! I want that Papa!!" Sabi ni Andy sabay turo dun sa isang box ng train
set worth...5000 TICKET POINTS?!

"Okay.. Tignan natin.." Binaba na ni Adrian si Andy at kinuha ang wallet nya. May
nilabas syang card at sinuksok yun sa card-reader
something then may lumabas sa maliit na screen nun-- '3455 tickets'. "Wala na
palang 2K tickets ang kulang! Haha! Makukuha natin
yung train set ngayon!"
Natuwa si Andy sa sinabi nya and God! Gumastos sya agad ng 200 pesos para bumili ng
tokens!

"Yan, Mommy Chelle!" Binigay nya sakin yung isa sa dalawang maliit na pack ng
tokens. "Maglaro ka! Mag-ipon ka ng tickets para
makuha natin yung gusto ng anak natin! Tandaan mo, 1545 tickets pa ang kailangan
natin!"

"Pero Adrian?? Grabe ka gumastos.. 200 pesos para lang sa tokens??"


"Okay lang yan! Marami naman akong pera eh! Hehehe!"

"Marami nga pero buti sana kung ikaw ang nagpapakahirap kumita nun.." =3=

"Sus.. Kung anu-ano iniisip mo eh ganun ka rin naman." =.=

"EX-CUSE-ME. May work ako noh di tulad mo. Kaya ko nga ginagawa yun para kahit
papaano may sarili akong panggastos pag may
luho akong gustong bilhin para kay Andy. Hindi yung puro asa ako sa parents ko eh
ang dami na nga nilang ginagastos saming
dalawa.."

Oopsie..

Sumobra yata mga sinabi ko.. Natahimik kasi si Adrian at parang nahiya??

"Ehh maghagilap na nga tayo ng tickets!" Hinatak ko na si Andy para humanap ng


malalaruan. Si Adrian sumusunod lang samin.

>___<

Nakokonsensya ko.. Bakit ba kasi ang daldal ko?? Pero malay ko bang tatagos sa buto
nya yung mga sinabi ko!! Haha waaah.. Sorry
na, Adrian.. T3T

Sa saglit naming pag-iikot, basketball shooting ang una naming nalaro. Oo. 'NAMIN'
kasi pinilit nila kong maglaro! Pero ka-enjoy rin
naman. Tuwang tuwa kasi ang baby ko tsaka bumabalik na ang kakulitan ni Adrian. :))

Marami kaming nakuhang tickets sa ilang rounds naming paglalaro dun. Then lumipat
kami sa iba pang pwede makuhanan ng tickets.
Lahat na nga yata ng malalaro dito na may tickets, nilaro nila.

At ako?? Masaya na ko sa panonood sa kanilang mag-ama habang bitbit ko ang rolyo-


rolyong tickets na nakukuha nila. Minsan,
patago ko silang kinukuhanan ng picture gamit ang digicam ko at minsan din nauuto
nila kong makipaglaro sa kanila.

Hayy Adrian... :))

Sya na ang pinaka-adik na lalaking nakilala ko. Sumakay ba raw kasi sya dun sa
train ride na pangbata lang?! Yung ride na
hinuhulugan ng token tapos aalog alog lang!!
"YIEE! Mommy! Sakay ka din po!" Yaya sakin ni Andy na syang driver kunwari ng
train. Papa naman nya yung kunwaring pasahero na
nasa likod.

"Oo nga Mommy Chelle! Tara PO dito ka sa tabi ko PO!" ayy nakuu si Adrian.
Nagpapaka-bata. Pansin ko rin ah, kanina nya pa ko
tinatawag na Mommy Chelle..

"Bumaba ka na nga dyan. Di ka ba nahihiya huh?" sita ko sakanya.

"Hindi." XD

=___=

MAHULI KA SANA NG GUARD. HAHAHA.

Joke. Wag naman sana.

Dahil feeling ko ay mukha na kong tanga kasama si Adrian plus may bitbit pa kong
sandamukal na tickets, iniwan ko na lang sila para
ipacount ang mga yun.

Ginamit ko yung card ni Adrian kanina and from 3455, naging 4689 ticket points na
sya! WEEE! Unti na lang!! >o<

After nun, di muna ko bumalik dun sa mag-ama.. Hihi.. Naglaro muna ko nang mag-isa.
Dun sa may parang UFO catcher! Gusto ko
sanang makakuha ng stuffed toy eh pero....I FAILED. Psh. May daya naman yata ang
mga machines na yun ehh! >3<

Hinanap ko na sina Adrian matapos kong aksayahin yung mga tokens na binigay nya
sakin kanina.

Nakita ko silang naglalaro ng car racing habang kandong ni Adrian si Andy.

Eh oo nga pala.. Di pa pwedeng magsolo si Andy sa larong yun kasi di pa nya abot
ang mga pedal nun.

"Ang galing mag-drive ng anak ko oh! Woop.."

Natawa ako kay Adrian dun ah! Bukod sa inuuto nya ang anak namin eh nakalabas pa
yung dila nya habang naglalaro! Si Andy naman,
sigaw nang sigaw. Akala nya sya talaga yung naglalaro. X3

"Daliiii! Amp. Wala na. Game over na. Naubusan na tayo ng time." - Adrian
"Ehh?? Papa.. Gusto kong maglaro pa ng car racing po.." - Andy

"Hanapin muna natin si--- Oh!" Napahinto sya sa pagtayo nang makita nya kong
nakatayo sa gilid nila. "Nandito na pala si Mommy
Chelle! Tara laro tayo nito!"
"Ayo---" WAAA ang bilis nyang hinulugan ng token yung katabi nilang car racing
machine pati yung kanila!

"Wag ka na tumanggi! Alam kong marunong ka nyan! Ako pa nga nagturo sayo diba?"

=3= True.. High school pa lang kasi kami mahilig na sa mga ganitong tambayan si
Adrian at minsan na nya kong tinuruan kung paano
maglaro nyan pero AYAW ko talagang maglaro!

"Mommy! Let's play na po!" ehhh baby.. Pag ikaw, di na ko makatanggi.. T3T

Sige. Nagpa-uto na naman ako. Nakipaglaro ako sakanila at nakakainis lang.


Binabangga nila lagi yung kotse ko tapos tatawanan nila
ko!! >3<

"Sinong WINNER??" - Adrian

"Si Papa and Andy!!" - Andy

"Sinong LOSER??"

"Si Mommy!!"

"HAHAHAHA" ginulo ni Adrian ang buhok ko habang tumatawa. "Okay lang yan Mommy
Chelle. Better luck next time. Hahaha"

"Tigilan nyo na nga ko! Tuwang tuwa kayo dyan eh kulang pa kaya tickets nyo para
dun sa train set.." T3T

Tumigil na sila sa pang-aasar sakin at naglaro na ulit ng kung anu-ano para


makaipon ng ticket. Gumastos pa nga ulit si Adrian ng 100
pesos para sa tokens. Tss..

AT MATAPOS ANG ILAAAANG TAON....

...nakuha rin nila ang pinakainaasam ng anak namin na train set! Kung tuwang tuwa
si Andy kanina sa paglalaro, MAS tuwang tuwa na
sya ngayong nahawakan na nya ang box nung laruan.
"WEEE!! PAPA!! Play natin po toh sa sahig!!"

"Haha oo! Later anak pagkauwi natin, help kitang i-assemble yan." Adrian patted our
son's head then napatingin sya sakin. "May unti
pang sumobra sa ticket points. Pili ka ng gusto mong prize." :)

"Hindi na.." pagtanggi ko sa alok nya.

"Tsk.. Anak! Ikaw ang pumili ng prize na ibibigay natin kay Mommy!"

T3T
Lumapit sila dun sa may istante kung saan nakalagay yung prizes na mababa lang ang
kailangang ticket points.

Parang nahihirapan pa silang pumili dun. Nagbubulungan pa kasi sila. At pagbalik


nila sakin, may binigay sakin si Andy na dalawang
pink hairclips!!

"Wear that Mommy! Para mas pretty ka po!"

I smiled and napatingin ako kay Adrian. Feeling ko kasi tinuro nya kay Andy na
sabihin ang pangbobolang yun sakin.

"Thank you, baby.." sinuot ko na yung hairclips na binigay nya. Basta kasi sinabi
ng baby ko, nahihirapan na kong tumanggi.

"Tama nga si Andy." sabi ni Adrian na nakasmile sakin. "Mas pretty ka nga pag suot
mo yan."

=///=

"K-Kumain na tayo.. Gutom na ko.." Yun ang nasagot ko kay Adrian. Naiilang kasi ako
sa compliment na sinabi nya.

Mula sa arcade center, tumuloy kami sa isang fast food resto para kumain ng lunch.
Hanggang dun, si Adrian ang nag-aasikaso kay
Andy. Sya yung naghimay ng chicken ng anak namin at ang nagpupunas sa mukha nun pag
madumi na.

Nakaka-impress naman sya.. Sino ba kasing mag-aakala na ang isang playboy na tulad
ni Adrian ay magiging responsableng ama
pala??

Napangiti na lang ako with that question and with the thought na tinawag nyang
FAMILY DAY ang araw na toh.

Masaya kong kinu-consider nya kami ni Andy bilang pamilya nya, kahit ba wala kaming
relasyon..

^///^

Tinuloy ko nang kumain.

Hmm.. Parang may...tumititig sakin??

MERON NGA.

Si Adrian na nasa tapat ko.

"Bakit, Adrian??" tanong ko sakanya.

Ngumiti lang sya, nag-relax sa upuan nya at tumingin sa ibang direksyon.


Ò___O

Tinignan ko kung saan nya nilipat ang tingin nya and guess what...

Dun lang naman sya nakatingin sa grupo ng mga babaeng ang se-sexyyy ng suot. Mga
naka-fitted, spaghetti-strapped na damit at
micro mini shorts.

Napailing ako at kumain ulit. "Mga type mo talagang babae noh?? Tss.."

"Type ko??"

"Oo.. Yung mga sexy tulad nyang mga tinititigan mo." =.=

"Ah! Oo naman! Ang hot nila eh oh."

"Hot huh.. Sa bagay. Labas na kaluluwa nila sa mga suot nila."

"HAHAHA! Tama!"

=___=

*nguya*nguya*
"Pero ah, may babae rin na hot na kahit di magsuot nang ganyan. Yung tipong magsuot
lang ng pink hairclips, hot na." XD

=___= Pink hairclips? Anong konek nun? Labo nya. Tinapos ko na lang yung kinakain
ko.

"Hehehe.." kung makatawa sya huh.. Binaling na lang din nya ang atensyon nya kay
Andy at tinulungan yung kumain. "Anak, simutin
mo na yan nang mahatid ko na kayo pauwi. May work pa si Mommy mo mamaya eh."

=___=

*inom inom*

Pink hairclips....

Uhm...

O___o

Diba.. May suot akong pink hairclips?? Yung binigay ng baby ko kanina sakin??
*budum*budum*budum*

S-So... Ang ibig bang sabihin ni Adrian kanina, HOT AKO??

O///O

>///<

Loko talaga sya..!!

*RIIIIING!*

Oh.. That's my phone ringing. Kinuha ko yun mula sa bag ko at tinignan kung sino ba
ang tumatawag. It's CJ!!!

"CJ??" agad kong sinagot yung tawag.

"Mhi@#/@=@&%" WAAA CHAPPY!!


"Dhie, cha---"

*TUUUTUUUTUUUT*

>___< Naputol agad..

Ayt. Marami na rin pala kong di nababasang text! Simula kasi kaninang pumasok kami
ng mall, di ko na nahawakan tong phone ko.
Waiii puro text pa naman toh ni CJ!!

*RIIIIING!*

Yun! Si CJ ulit tumatawag!

"Adrian, excuse me. Mauna na kong lumabas ah, sagutin ko lang tong tawag." ^^

"Sige.. Sunod na lang kami ni Andy sayo.."

Nagmadali na kong lumabas at sinagot yung tawag.

"CJ! Bakit chappy ka at naputol yung tawag??" Dirediretso kong tanong pagkapwesto
ko sa labas ng entrance nitong fast food resto.

"Chappy ka@/*=%# Asan k--&*@#%"

"DADHIEE.. Di kita maintindihan.." >3<


Narinig ko sya na parang hinihingal. "Nasa---@*&%/= san kayo??"

>___< Chappy na nga, nagtutunog robot pa sya..

"Di talaga kita maintindihan.. Pero nandito kami sa mall.. Nagyaya kasi si
Adrian.."

Di sya sumagot. Di ko alam kung narinig nya ba ko nang maayos o kung di nya gusto
ang sinabi kong nasa mall kami kasama si
Adrian. Di ko kasi nasabi sakanya ang tungkol sa pagpunta namin dito.. T3T

"Dhie... Sor---" Natigilan ako nang may biglang nagtakip ng mga mata ko mula sa
likuran at niyakap ako!!

"NAKITA RIN KITA.." Hinihingal na sabi ng yumakap sakin. But that voice.. His
scent.. And his hug.. Kahit di ko pa sya nakikita, alam ko
na kung sino sya.. "I'M SORRY, MHIE..."
xxxxxx

x16: CJ Strikes! (part1~)

[CJ's PoV]

*tick

*tick

*tick

ARGHHHH.. Ang bagal ng oras..

Kalmado ako kung titignan nyo ko dito na nakahandusay sa kama at nakatulala sa


plain white ceiling nitong kwarto ko pero deep
inside, HINDI AKO MAPAKALI.

Gusto ko nang magtanghali para makita ko na si Rachel. Hindi ako makukuntento sa


pagtetext-text lang namin. I need to hug her..to
kiss her..to hear her voice..

OH DAMN.. I'm missing her so much.. Siguro nga TOO MUCH na tong pagka-miss ko
sakanya since wala pa naman kaming isang
araw na hindi nagkikita pero kasi...kasama nya si Adrian ngayon..

Isipin ko pa lang na magkasama sila sa malayong lugar, parang gusto ko nang lumusob
sa kung nasaan man sila at tangayin silang
dalawa ni Andy.
=___=

*bzzzz*

Nag-vibrate ang cellphone na hawak ko. Alam kong text message lang ang nareceive ko
kasi yung calls lang ang nilalagyan ko ng alert
tones at malamang din na si Rachel ang nagtext. Sya lang naman katext ko mula pa
kanina eh.

I checked my phone and hindi nga ko nagkamali.


--- TEXT MSG. FROM: mhie~

'on the way na kami!hehe..daming nakuha ni baby na books galing sa lola nya X3'

---

WOOH!! SA WAKAS!!

Napaupo na ko sabay type ng reply ko.

*typing*

'yehey pauwi na sila!!maligo muna ko ah pra mkpunta na rn ako sa inyo.ingat kayo'

--- MESSAGE SENT.

Nang ma-send na yun, binato ko na sa kama ang cellphone ko at nagmadaling pumunta


sa bathroom for a quick shower then nagbihis
na ko. Casual clothes for today. Busy ako mag-ayos pero ito, nagagawa ko pa ring
makipag-text kay Rachel. Ganito yata talaga pag
katext mo ang mahal mo noh?? Ang hirap bitawan ng cellphone mo kahit may ginagawa
kang iba.

Pagkabihis ko, tumungo na ko sa garahe ng bahay namin to get my car.

"Where are you going, CJ dear?" Biglang tanong ng isang babaeng nasa may main door
ng bahay.

That's my mom. She's on her early 40's and tulad ng ibang asawa ng mga businessman,
she is very sophisticated in every way. Sa
pananamit, pananalita at pananaw.

"To Rachel's." maiiksi kong sagot at binuksan na ang pinto ng kotse ko.

"Para ano? Isn't she with her SON'S FATHER?"

I paused at her question. Ramdam ko ang pag-emphasize nya sa kung sino ang kasama
ni Rachel eh. Tsk. Nagsisisi tuloy ako. I
shouldn't have told her about Rachel and Andy spending an overnight with Adrian's
family.
"She is. Pero pauwi na sila." Sagot ko sakanya. Bluntly.

"Hmm.. Is that so.. But dear, you can't go to her place right now. May iba tayong
kailangang puntahan."
"WHAT??"

"You heard me. MAY IBA TAYONG KAILANGANG PUNTAHAN."

Kairita. Alam kong nananadya lang sya. "Saan naman po ba yun??"

"To one of our resto's to..to do some surprise inspection." she then gave me a
smile. A wicked one.

"Bakit pati ako? You can do it alone, Mom."

"Yes I can pero ako ba ang dapat na gumawa nun? Sino ba ang tagapag-mana ng mga
business ng daddy mo huh, Chris John
Villarama?"

Here we go again, talking about that shit. Dahil sa mana-mana na yun nagkakaroon ng
dahilan si Mommy para mabawasan ang time
na ini-spend ko kay Rachel. Alam kong di sya pabor sa relasyon namin eh. She may
not be saying it directly but I'm not that stupid para
di mapansin yun.

"Your dad will be there too." dagdag pa nya. "He's expecting you to be there doing
your 'job' and then..we will be taking our lunch
together."

Nilayo ko na lang ang tingin ko sakanya at huminga nang malalim. "Fine, Mom. I'm
going."

Pumayag na ko kasi inaalala ko ang health condition nya. If I go against her


demands, baka ma-high blood lang sya ulit.

Di ko nga lang din alam kung bakit ba sya nagmamadaling umalis. Ni hindi na nga nya
ko hinayaang magpalit ng damit into a more
formal one. Right after kong pumayag sa gusto nya, agad at sabay kaming sumakay ng
kotse ko. Ini-start ko na ang engine nun pero
bago pa ko magdrive, chineck ko pa muna ang cellphone ko. May text ulit si Rachel,
saying that Andy's behaving sa byahe nila.

"God CJ.. Kagabi ka pang ganyan, do you know that?"

"Huh?" I looked at her. Ano na naman ba kasing nirereklamo nya?

"Oh, seems like you don't know. For your information, CJ, kagabi ka pa nakatutok
dyan sa cellphone mo. Hanggang ngayon ba na
magda-drive ka, cellphone pa rin? Gusto mo bang madisgrasya ka pa muna bago ka
matuto?"

Ah.. Oo nga.. Aminado ako dun, kagabi pa ko nakatutok dito sa cellphone ko. And why
wouldn't I?? Girlfriend ko kaya ang kausap at
katext ko!
"CHRIS JOHN, DON'T YOU GET ME??!!" Oh. Ngayon nagalit na sya sa di ko pagpansin sa
mga pinagsasabi nya. "I WANT YOU TO
STOP USING YOUR PHONE!! Bitawan mo na yan at marami ka pang kailangang gawin!!
Can't you take your hands off of it even just
for this afternoon?!"

"OKAY, OKAY.. Last one na po toh.." Binilisan ko na lang ang pagtatype, making my
mom sigh.

*typing*

'mhie!!i'm sorry!!di na ko mkkpunta sa house mo at mkkpgluto ng lunch.may bigla kc


kaming kailangang gwin nina Daddy..im really
sorry mhie..babawi ako sa dinner'

--- MESSAGE SENT.

Binulsa ko na ang cellphone ko after nun at nagdrive na.

Ugh.. Naramdaman kong nagvibrate ang phone ko. Damn it.. GOD DAMN IT. Nakalimutan
ko palang sabihin na di na ko makakareply
sakanya!

Tch. Mabilis tuloy na nangati ang mga kamay ko para ma-check ang phone ko pero
malas ko lang. Mom is sure keeping her eyes on
me kahit pa nang makarating na kami sa isang mall kung saan may branch ang resto
namin. Nasa dugo kasi namin ang pagiging
magaling sa pagluluto kaya ito, we are into food business. Most of them are steak
house tulad nitong pupuntahan namin. My
grandparents originally started this business back in the States then si Dad naman
ang nagdala nito dito sa Pinas some years ago.

"CJ?? Sweetheart?? Why are you two here??" Nagulat ako sa reaksyon ng tatay ko na
nakapwesto sa isang table na nasa labas ng
resto namin. He was having a cup of coffee while talking to one of our staffs.

Tumayo sya agad at hinalikan si Mommy. Yung staff naman na kausap nya, binati kami.

"Honey naman! Nandito kaya kami para sabay-sabay tayong maglunch!" Masayang sagot
ni Mommy sakanya which made me a little
CONFUSED.
"Wow. That's nice." BAKIT PARANG WALANG ALAM SI DAD SA PAGPUNTA NAMIN DITO?? I
thought he was expecting me here
doing my stupid job??

"Tsaka may usapan kami ni Nelly! Magla-lunch kasi sya dito with her daughter na
kagagaling lang ng Paris so I'm thinking that it would
be super great if CJ will meet her."

WHAT?? Not again!! Ilang beses ba nya tong gagawin sakin?? Ilang beses nya ko
ipapakilala sa kung sinu-sinong anak na babae ng
mga kaibigan nya??

Tumingin ako kay Mommy with a puzzled look. She just gave me a smile. Another
wicked smile. Tsk. She tricked me.
"My..Speaking of Nelly and her daughter! HERE THEY ARE!" Sigaw ni Mommy nang may
dalawang babae ang dumating. Yung isa
mukhang ka-henerasyon nila ni Daddy at yung isa, kasing edad ko lang yata. She
looks like a model, I must say. She's slim and sexy
yet pretty conservative in that fitted jeans and checkered blouse. Her long,
straight black hair is tied up kaya naman kitang kita ang
looking-sweet and bright nyang mukha.

Dito muna kami sa labas nag-stay. Marami kasi silang pinamili at bitbit na
paperbags kaya hihintayin daw muna nila ang driver nila para
kunin ang mga yun. As usual, they all started chatting. Pinakilala nga ko ni Mommy
sakanila, letting me know that Charmaine pala ang
pangalan ng anak ng kaibigan nya at kasalukuyang nag-aaral ng fashion designing sa
Paris, France.

But after ng pagpapakilala nila samin, nanahimik na ko. Pati naman si Charmaine
tahimik lang pero minsan nakikita ko syang
nakatingin at nakangiti sakin. I don't feel that awkward with her at all. I can
tell, she's only trying to be friendly but sorry..I'm not in the
mood to make friends with her right now.

Gusto ko na talagang kalikutin ang phone ko eh.. I wanna text Rachel.. I wanna know
if they're already back home..

Hay.. RACHEL.. I really miss y---

O___O

IS THAT....

RACHEL?? Medyo malayo kasi sya mula dito sa pwesto ko pero..OO! I'm very sure, si
Rachel yun! Naglalakad sya sa likuran nina
Andy at Adrian na magkahawak kamay!
"Hey CJ?? Honey?? Bakit kayo tulala??" Napatingin na ko kay Mommy na nakatayo na
pala kasama yung mag-inang kaibigan nya.
The three of them chuckled.

"Mag-ama nga sila.. Parehas kung matulala.." Natatawang bati ng mom ni Charmaine.

Nagkatinginan kami ni Dad na katabi ko lang. Our eyes were asking something like
'DID YOU SEE THAT??'.

"Hay naku.. Stop that staring contest already! Tara na sa loob para makapag-lunch
na tayo.. Dali.." Nauna na si Mommy pati yung
dalawang babae sa pagpasok sa resto at sumunod kami ni Dad.

"Uhm, I think I just saw Rachel and Andy.." Bulong ni Dad habang sinusundan namin
yung tatlong kasama namin.

"I saw them too.."

"Oh.. So di pala ko nagkamali ng tingin.. The guy who Andy was holding hands with,
is he..." Dad was hesitant to continue his question.
He knows how I feel about that issue, unlike my mom na napaka-insensitive at
pinamumukha pa sakin ang existence ni Adrian.

"He's Andy's real dad.. You know, Adrian.." sabi ko kay Dad na napa-tango lang. He
also patted my back before taking our seats.
Nag-umpisa na kaming kumain and the ladies are still chitchatting. Kahit si Daddy
hindi ring mapigilang makipagkwentuhan sa kanila
pero ako? I remained quiet. Di ko maiwasang isipin si Rachel. Di ko inaasahang
magmo-mall sila ngayon ni Adrian. Ang alam ko kasi
diretsong uwi na sila eh..

Tsk..

Adrian must be making a move now para mabawi si Rachel..

Ah. No. No. I slightly shook my head to erase that thought. Napapa-paranoid lang
ako. Alam ko namang ginagampanan lang ni Adrian
ang pagiging ama nya kay Andy. Yun lang yun.

Pero..iba talaga tong nararamdaman ko sa naiisip ko.. There's this strong feeling
in me telling that Adrian is SERIOUSLY trying to take
Rachel back-- to take Rachel and Andy away from me. BUT NO. I WON'T LET THAT
HAPPEN.

"NEVER.." naibulalas ko nang di ko namamalayan. Napahigpit na rin ang hawak ko sa


fork and knife na gamit ko.
"What's that, CJ??" tanong ni Mommy sakin pero agad nya ring binalik ang atensyon
nya sa mag-inang kakwentuhan nya. "Oh by the
way Nelly, don't you think na bagay si CJ ko kay Charmaine mo??"

WHAT THE??

Charmaine smiled at me while her mom let go of a giggle.

"They make a perfect couple, right??" tanong pa nya ulit na nagpawala na sa


pasensya ko.

"WHAT THE HELL ARE YOU TALKING ABOUT, MOM??" Natigilan silang lahat sa reaksyon
kong yun.

Just...damn it. I had enough of Mom's insensitivity.

"What's with your reaction? Sinabi ko lang naman na bag---"

"Yes. Bagay naman po ako sa kahit sinong babae na anak ng mga kaibigan mo eh BUT
LET ME REMIND YOU THIS, MOM.. I still
have a girlfriend so please, quit dragging me with this kind of crap again and
again."

"Chris John.." Dad tried to calm me down but I already put down the utensils and
threw the table napkin away.

And si Mommy?? She grinned at me. DEVILISHLY. "Then let me remind you as well my
dear CJ, that the father of your GIRLFRIEND's
son is already back in the scene so...don't expect her to stay with you for any
much longer."

Tch.. She's so..argh! Ayokong tuluyang mawala ang respeto ko sakanya kaya nagwalk-
out na lang ko. I heard Dad calling me back
pero tumuloy pa rin ako sa paglabas.
CURSES. Di totoo ang sinabi nya diba? Di ako iiwan ni Rachel dahil nandyan na si
Adrian.. Hindi..

Subconciously, I started walking to look for her and Andy. I need to find them. I
won't let them spend more of their time with Adrian.
Tama na ang nag-overnight sila kasama ang pamilya nya kaya ngayon, kukunin ko na
sila.

While walking, I'm using my phone to make a call. Kaso ayaw. Ang hirap kumontak.
Tsk. I texted her instead. Sinabi kong nakita ko sila
dito sa mall at tinanong ko rin kung nasaan na sila ngayon para mapuntahan ko sila.
Habang naghihintay ako sa reply nya, patuloy ako sa paghahanap sakanila.

Alam ko di ko naman toh kailangang gawin. I'm overreacting. But heck..di ko


mapigilan ang sarili ko. My mind tells me that I have to find
them now or else...I'M GOING TO LOSE THEM.

Ilang minuto na ba kong naghahanap sa kanila? I have no idea. Di ko na pinapansin


ang oras. Basta..matagal tagal na rin.. Kanina ko
pa iniikot ang mall na toh pero di ko pa rin sila makita at wala pa ring reply si
Rachel sakin. Hindi rin ako makatawag. Tsk. Ano bang
problema ng cellphone signal sa mall na toh?!

Lakad. Konting takbo. Ikot. Na-check ko na halos lahat ng alam kong pwede nila
puntahan pero wala talaga. Bakit ba di ko sila makita?
Wala na ba sila dito? Kung wala, bakit di man lang makapag-reply si Rachel sakin??

God..

Napapagod na ko..

I tried to make another call and... YES! Nag-ring!

"CJ??" sagot ni Rachel sa tawag ko!!

"Mhie.. Asan kayo??"

"Dh@/=&%@#---"

*TUUTUUTUUUT*

BULLSHIT! Chappy na nga naputol pa! Sarap ipa-demolish ng mall na toh!

Buti na lang, kumonek ulit yung sumunod na tawag ko. Medyo ang tagal sumagot ni
Rachel.

"CJ! Bak#=@%chappy ka at na=*/@#tawag??"

"Chappy ka rin eh!! Asan na ba kayo??"


"#@dhiee! Di ki=#@&%dihan!"

ARGH! Naiinis na talaga ko! Nahihirapan pa kong huminga! Tsk! Pag napapagod nga
naman ako oh. Bwisit na katawan toh.
Napakahina..

"Nasa mall ako kung saan kayo nagpunta. Nakita ko kasi kayo kanina. Nandito pa ba
kayo? Nasaan kayo??"

"Di tala=@?#/=&*#%¿\@nandito kami=$@*%#/*drian.."

Natawagan ko nga sya, di naman kami magkaintindihan! Nawawalan na ko ng pag-asa.

But.. LUCK MUST BE ON MY SIDE.

Iniisip ko na kasing umalis na at pumunta na lang sa bahay ni Rachel pero


ito..habang pababa ako ng escalator, may babae akong
mabilis na napansin. Isang babae na nasa tabi ng entrance ng isang fast food resto,
nakatalikod at may kausap sa cellphone.

I smiled as I was staring at that girl's back.

Sobrang kilala ko na pala si Rachel eh noh.. Kahit nakatalikod pa sya, mabilis na


syang makilala ng mga mata ko..

Di ko na hinintay ang escalator na maibaba ako. Kusa na kong naglakad at mabilis na


pinuntahan ang babaeng kanina ko pa gustong
makita at mayakap.

"Dhie.. Sor---"

Di na nya natuloy ang sasabihin nya dahil mula sa likuran nya, bigla ko na lang
tinakpan ng isang kamay ang mga mata nya habang
ang isa ko pang kamay na may hawak na cellphone ay niyakap sya sa tyan.

"NAKITA RIN KITA.." I hugged her tight and rested my head on her shoulder. "I'M
SORRY, MHIE.."

xxxxxx

x17: CJ Strikes! (part2~)

[CJ's PoV]

"NAKITA RIN KITA.." I hugged her tight and rested my head on her shoulder. "I'M
SORRY, MHIE.."

"Ano ba yan, CJ.." natatawa nyang tinanggal ang kamay kong nakatakip sa mga mata
nya at binaba na ang tawag ko sa cellphone nya.

Hinarap nya rin ako agad. Nakangiti sya na nakasimangot. Ah basta, parang
pinipigilan nya na ngumiti at ang cute nya lang.
"Mhie.. Sorry na.." Hinatak ko sya at pinanggigilang yakapin. "Sorry di na ko naka-
reply kanina.. Si Mommy kasi.."

"Hay naku!" sus. Magrereklamo pa sya pero niyakap nya rin ako. Hehe. Sarap nya
yumakap. "Wala naman na sakin yun.. Naiintindihan
kita pero..bakit ka ba hinihingal ngayon??"

"Uhmm.. Hinanap kasi kita?? Hehe.."

"ANOH..?!" sa gulat nya halos umalis na sya sa pagkakayakap ko pero syempre di ko


sya pinakawalan! "CJ naman.. Alam mo namang
bawal ka mapagod diba?? Mamaya...hikain ka nyan." T3T

"Okay lang. Nakita naman na kita ngayon at nayakap pa." Hinigpitan ko ang yakap ko
sakanya kasabay ng paghinga ko nang malalim
at paghalik ko sa noo nya. "I MISSED YOU, RACHEL. SO MUCH.."

Natawa sya ulit at binalik na ang pagkakayakap sakin. "I missed you too, Dadhie..
And I love you.."

AKO NA ANG NGITING NGITI DITO. Ang saya eh..knowing that Rachel loves me..

"I-love-you-too." pabulong kong sagot sakanya. "Pero Mhie, alam mo ba..."

"Ano??"

"Pinagtitinginan tayo ng mga tao.."

"H-HALA..!!" hahaha bigla nyang tinago ang mukha nya sa dibdib ko! "Sobrang nag-pi-
PDA pala tayo dito..!! Kaw kasi.." >///<

"DADDYYY!!!"

Oh! Si Andy! Magkahawak-kamay silang lumabas ni Adrian mula sa loob nitong fast
food resto. Halatang nagulat si Adrian nang makita
nya ko habang si Andy, bumitaw na sakanya at tumakbo papunta samin ni Rachel.
"YAKAPAAAN!!" kahit kailan talaga, gustung-gusto nya ang yakapan! Kaso tuluyan nang
humiwalay sakin si Rachel kaya sya na lang
mag-isa ang nayakap at binuhat ko. God. I missed this kid too.

"Daddy! We played po dun sa may arcades! Maraming tickets kaming nakuha po and pati
yung train set po!" Mabilis nyang kwento
habang tinuturo yung bitbit ni Adrian na plastig bag na may malapad na toy box.

"Wow.. May bagong toy ka na naman pala noh.. Eh teka, nasaan na kiss ko??"

Sa tanong ko yun ay binigyan nya nga ko ng trademark kiss nya, yung may malakas na
MWUAH at may kasunod na 'I LOVE YOU!'.
"I love you too, baby.." Binaba ko na sya at hinimas ang ulo nya. Napansin ko rin
si Adrian na lumapit na samin. "Uhm, may gagawin pa
ba kayo dito??"

Nagkatinginan sila ni Rachel.

"Wala na." sabay nilang sagot. Rachel was smiling and Adrian was..I don't know. He
looked kinda dismayed.

"I see.. Then uuwi na kayo?? Ako na maghahatid sa inyo ni Andy kung ganun.." I
suggested, looking at Rachel and that surprised them
both. Lalo na si Adrian.

"SURE KA??" tanong ni Rachel sakin. "Hindi ba..kasama mo ngayon ang parents mo??"

"No. Uh, I mean, yes kasama ko sila pero..wala na kong kailangang gawin kasama
sila.."

Nakatingin lang si Rachel sakin. Alam ko, nagdududa sya sa sagot ko.

"Pero nasa kotse ko ang mga gamit nila." Adrian told me that on a tone na parang
ayaw nyang ako ang maghatid kina Rachel pauwi.
Geez.

"That's not a problem. Pwede naman naming kunin yun bago kami umalis, diba?"

Pasimpleng sumimangot si Adrian sa sagot ko sakanya at nilayo ang tingin sakin.


"Sabi ko nga."

Tss.. Kokontra pa kasi eh wala na nga syang laban. He should keep in his mind that
Rachel is MY girlfriend.

"Rachel, let's go get your things now."


"Okay.. Tara na Adrian.."

Naglakad na kami palabas ng mall. Tahimik lang kami, except for Andy na kwento nang
kwento sa tatay nya. Magkahawak kamay ulit
sila habang naglalakad at kami ni Rachel ang nasa likuran nila.

"AH MOMMY!" Andy stopped walking and faced us.

"What is it, baby?" malambing na tanong nya kay Andy pero bigla na lang sya nung
hinatak-- hinatak sya para sabay-sabay silang tatlo
nina Adrian na maglakad habang magkakahawak-kamay.

=___= PAANO NAMAN AKO??

"Pero baby.." di malaman ni Rachel kung bibitawan ba nya si Andy. Knowing her, she
can't turn down any of her baby's request but this
time, she's thinking about it. Yung request naman kasi ni Andy oh. Nakaka-out of
place lang sakin.
Kakatingin ni Rachel sakin, napatingin din si Andy sakin. "DADDY!!"

Si Adrian naman ngayon ang binitawan nya at ako ang hinawakan nya kasama si Rachel!
Ehem.. Pwede tumawa?? Hahahaha..

"Eh anak?? Paano na ko??" Nagkukunwaring malungkot pa si Adrian. Tsk. Wag ka na


magreklamo. Kanina nga di ako nagreklamo eh.

"PAPA! Sali ka po!" Si Rachel naman ang binitawan nya para kay Adrian! Eh ano na
toh?! Kaming dalawa ni Adrian ang may hawak
sakanya?!

"Baby! Stop na.. Ang gulo mo.." >3< Binuhat na lang ni Rachel si Andy. "H-Halika na
nga."

Nauna na syang naglakad habang buhat si Andy at iniwan kami ni Adrian. Hayy..

Di na pumalag si Andy kaya nanatili na lang kami ni Adrian sa likuran nilang mag-
ina hanggang sa marating na namin ang parking lot
nitong mall. Una naming pinuntahan ang kotse ni Adrian para kunin ang gamit nina
Rachel. Isang bag lang naman yun. Binigay sakin
yun ni Adrian para dalhin ko, kasama na yung bitbit nya kanina na laruan. May
siniksik din syang maraming children books sa may
plastic bag ng laruang yun.

"Yan na lahat yun.." sabi nya sakin then lumapit na sya kay Andy na karga pa rin ni
Rachel. "Paano na? Bukas na lang ulit ako dadalaw
sayo ah?"

"Papa! Play tayo po ulit dun sa arcades po!"

"Sure anak! Magpe-play tayo ulit dun basta ba magpaka-good boy ka eh.."

"Promise po! I'll be a good boy po!"

Natawa si Adrian at ginulo ang buhok ni Andy. "Okay, promise mo yan ah! Hehe..
Sige, alis na ko. Bye anak."

"Baby.. Kiss and hug mo na si Papa.." Rachel demanded him and sumunod sya. Andy
reached up for Adrian, hugged him and kissed
him the same way as how he kissed me earlier.

"I love you Papa!"

"Love you din.." nakangiting naglakad na si Adrian papuntang driver's seat.


"Chelle, yung anak NATIN huh."

Anak NILA.. Tss..

"Oo na." Natatawang sagot sakanya ni Rachel..

"Ingat kayo pauwi.." sabi pa ni Adrian na binaling bigla ang tingin sakin, giving
me a very cold look.
"Ikaw rin, ingat." paalala sakanya ni Rachel habang tinuturuan si Andy na mag-wave
sakanya.

I guess.. Adrian and I are not in good terms. Sa mga tingin at pananalita pa lang
nya, ayaw na nya sakin. But I don't care. It's not
something worth thinking about. Ang mahalaga, mahal ako ni Rachel at wala na syang
magagawa pa dun. Kaya laking tuwa ko lang
nang makaalis na sya. FINALLY.. Solong solo ko na ulit sina Rachel.. :))

Pilit kong binuhat yung mga gamit nila using only one hand para maakbayan ko sya
habang papunta kami sa kotse ko. Doon, sa
backseat nya pinaupo si Andy at kaming dalawa naman ang sa harap.

Pagkasakay nga lang namin, pansin ko yung unusual nyang pagkalungkot habang
nakatingin sa may cellphone nya.

"Mhie." I called her with my one hand caressing her cheek. "What's with the long
face??"
She really is sad. Her eyes are telling me that. "Anong ginawa nyo nina Tito
kanina??"

Tito.. She's referring to my dad. Tita naman ang tawag nya kay Mommy.

"We..We ate lunch together. You know, dun sa resto namin."

"AND..??"

"AND?? Kumain nga lang kami, sabi ko.."

Tinitigan nya lang ako. Damn it. Nakaka-guilty. She knows I'm hiding something.

Inialis ko na ang kamay ko sa pisngi nya pati ang tingin ko. "Alright. We ate lunch
together AND...." I paused as I started the car's
engine. "And I fought for you Rachel. That was it."

"How?? Nakipagtalo ka na naman sa mommy mo??" there was a bit of annoyance in her
voice. Si Rachel kasi, alam nya ang status
namin ni Mommy pag dating sa relasyon namin at ayaw na ayaw nyang nagtatalo kami,
lalo na kung dahil sakanya. "Then iniwan mo
sila, just because of me?? To find me and Andy??"

"Tsk. TAMA NA. Wag na natin toh pag-usapan." kainis. Nagsimula na lang akong mag-
drive at nanahimik na kami. Bakit ba kasi di na
lang nya i-appreciate ang ginawa ko? Is she NOT HAPPY that I'm fighting for her?
Tch..

Sa bahay nila, dumiretso si Rachel sa kwarto nya para ayusin ang gamit nila ni
Andy. So ako at si Andy ang naiwan dito sa sala.
Magkahiwalay kaming umupo sa couch.

Sinubukan kong mag-relax.. But I can't! Ayoko nang ganito kami ni Rachel
eh..nanahimik at parang nag-iiwasan.

Hayy.. Rachel ko.. Ano na bang dapat kong gawin??


Busy ako mag-isip pero bigla ko na lang napansin si Andy. Tahimik syang nakaupo sa
may single couch at nakatitig sa box ng train set
nya.

"Baby, di ka nagugutom? You want meryenda?"

"No Daddy! But I want to play this!" ^o^


"Edi tara, play na natin yan.." ^___^

"Hindi pwede po!" ToT

"Bakit hindi pwede??"

"Kasi po I'll play this with Papa!" ^o^

"Ah.... Sinabihan ka ba ng Papa mo na..wag makipaglaro sakin??"

"Ha???" O___o

Ay.. Ano ba yung tinanong ko kay Andy.. Pero sa reaksyon nya, mukha namang walang
tinuturo na kung ano ang tatay nya sakanya.

"Come here, baby.." Niyaya ko syang tumabi sakin at sumunod sya. Sumandal pa nga
sya sakin katulad ng laging ginagawang
paglalambing sakin ng mommy nya. Kaya nga lang, nakatitig pa rin sya dun sa train
set na hawak nya. "Baby, love mo pa ba si
Daddy??"

"Opo!"

"Kung love mo ko, bakit di na lang tayo ang maglaro nyang train??"

"Ehh.. Papa gave this train to me.. And sabi ni Papa po, kaming dalawa ang mag-
assemble po nito sa sahig po.."

Hayy.. Medyo nasaktan ako sa pag-reject nyang yun sakin pero ayos lang.. At least,
mahal nya pa rin ako at ramdam kong tinuturing
nya pa rin ako bilang ama nya kahit nandyan na si Adrian. Sapat na yun sakin, para
sumaya ako.

Niyakap ko na lang sya habang nakasandal pa rin sya sakin. Di ko napansin na tina-
tap ko na pala ang braso nya kaya maya-maya,
nakatulog na sya. Mabilis talaga makatulog nito basta kinakamot sya o tina-tap,
lalo na pag pagod sya.

Binuhat ko sya at inakyat sya sa kwarto nya. Nang maihiga ko na sya, naalala ko
naman si Rachel. Oras na para makipag-ayos ako
sakanya. Nami-miss ko lang sya ulit pag ganito kami eh..

I went to her room which is opposite of Andy's. Naka-bukas nang unti yung pinto
pero kumatok pa rin ako.
"Pasok.." tsaka lang ako pumasok pagkasabi nya nun. Nakaupo sya sa kama nya,
nakasandal sa mga unan at tinitignan ang digicam.

Umupo ako sa tabi nya at sinilip yung cam. Uh.. Mga kuha nina Andy at Adrian yun sa
mall..

=___=

Malambing ko na nga lang sya.. Pinatong ko na lang ang baba ko sa balikat nya at
nakinood sa bina-browse nyang pictures.

"Nasaan na si baby..??" tanong nya nang nakatingin pa rin sa digicam nya.

"Sa room nya.. Nakatulog eh.."

"Eh... Gabi na magigising yun.."

"Hm.. Kaya di na kita mahahatid sa work mo.."

"Okay lang.. Rest day ko naman ulit ngayon.."

"TALAGA??"

She just nodded. Walang smile, walang tingin-tingin. Tsk. Masakit na, kanina nya pa
ko di nililingon! Kahit pa nung pumasok ako dito at
tumabi sakanya, di talaga nya ko nilingunan! Badtrip na ko sa digicam na yan ah..
Puro picture naman nina Adrian ang laman.. Naiingit
tuloy ako..

At sa inggit ko, inagaw ko sakanya yung digicam!

"C-CJ?!" O.ó

"Kuha tayong picture!" Inakbayan ko sya and..

*flash!*

I then checked our picture but..pfft..

"HAHAHAHA ang panget oh, nakasimangot na, nakapikit pa! Hahaha" todo tawa talaga
ko. Katawa si Rachel dun sa kuha namin eh!

"I-delete mo yan!" >3<


"Ayaw.. Hahaha."

"Akin na nga yan! Digicam ko yan eh!" >o<


"A-YAAAW.."

"TSK!" pilit nyang aagawin sakin yung digicam pero tinaas ko yung kamay ko para di
nya yun maabot. Pataas ko nga lang din chine-
check yung iba pang mga kuha dun. Tss.. May nakita ulit akong pic ni Adrian..
Burahin ko kaya yun??

Teka. Tatayo si Rachel para maabot yung digicam kaya hinatak ko sya sa waist nya at
pinaupo ulit sya sa tabi ko.

"CJ.. Please.. Akin na yan.." T3T

Binaba ko na ang kamay kong may hawak sa digicam pero di ko pa yun binigay sakanya.
Di ko rin inalis ang kamay kong nakahawak
sa waist nya para di sya makaalis sa tabi ko.

I looked at her. Sa wakas, nagkatinginan na rin kami.

"KISS MUNA.."

Natawa sya sa demand ko. Parang achievement toh sakin ah. Matapos nyang sumimangot
kanina, ngayon tumatawa na sya. Ni-rest
din nya ang ulo nya sa balikat ko. She's still looking at me in the eyes with her
one hand touching my cheek like she's ready to kiss me.

Pero ang tagal! Nakikipag-titigan lang sya sakin eh!

"NO KISS, NO DIGICAM." I tried to sound very threatening there. Pero syempre
kunwari lang yun!

"Wehh.." =3=

"I'm serious, Rachel." kunwari lang ulit. Hehe..

"I love you, Dadhiee.." =3=

Shit. Nawala na yung pa-serious na acting ko! Isang 'I love you' nya lang kasi
napapangiti na ko!
"Hahaha!" wala na.. Tinawanan na nya ko at pinisil ang pisngi ko.. "Nananakot ka pa
eh wa-epek naman.. Woooh.."

"PSH.." =3=

"EHHH! Nanggagaya na ng pagpout ko pati ng expression ko oh! Hahaha" hinampas nya


dibdib ko bago nya binalik ang
pagkakahawak nya sa pisngi ko. She then gave me a kiss, quickly but gently.. "YAN
NA." ^///^

"KULANG PA.." =___=

*chuup*
"KULANG PA RIN."

*chuup*

"KULANG NA KULANG TALAGA."

"Abuso ka na! Pshh.. Kaw kaya humalik noh?? Hahaha"

"Okay.. Madali akong kausap." Natawa sya nang ako na ang naglapit ng mukha ko
sakanya.

And without any further ado, I kissed her the way I wanted to do it-- more
passionate, more intimate.

Her hand moved from my cheek down to my shoulder, letting me rule over our kissing.

My hand on her waist held her tighter and pulled her closer to me.

Hindi ito ang unang beses na naghalikan kami nang ganito. Hindi rin ito ang unang
beses na pipigilan ko ang sarili ko na magawa ang
bagay na di pa namin dapat gawin.

And everytime this happens, it kills me. Holding myself back is almost like a
suicide. Especially now, now that we are on her bed, her
baby is sleeping in another room and it's her day-off today. Idagdag ko pa dyan ang
kasalukuyan nyang pagsagot sa halik ko.

Yes, she's responding to my kiss. Yes, she has already done IT with another man
before. BUT I RESPECT HER and I LOVE HER.
Kaya di ko na hinihintay na sya pa ang magpahinto sa ginagawa namin. I always stop
before I go overboard.
"I love you, Rachel.." I whispered when our lips parted.

"Mahal din kita.." She smiled at me and let me give her another kiss on her
forehead.

Binigay ko na rin sakanya yung digicam pero di na nya yun kinalikot pa. Niyakap nya
na lang ako at humiga kami dito sa kama.

Para nga lang din si Andy tong si Rachel.. Nakatulog sya agad dahil hinihimas ko
ulo nya habang nakayakap pa rin sya sakin..

I smiled as I looked down at her sleeping face over my chest. Ang ganda lang nya
kahit natutulog sya. I'm so lucky to have a girlfriend
like her. So lucky that I will never want to lose her.

"I'm sorry Mhie.." bulong ko habang hinahawi ang buhok sa noo nya. "You may not
want it but I will STILL fight for you. Be it against my
mom or even against Adrian, I will still fight for you.. I won't give you up no
matter what.. Just, NEVER.."

xxxxxx
x18: That Killer Look

[RACHELLYN's PoV]

"How was he? Bad mood pa rin?" tanong ni CJ nang sumakay ako sa kotse nya. Si Andy
ang tinutukoy nya na kahahatid ko lang sa
pinapasukan nun na nursery school.

"Medyo hindi na.." sagot ko habang inaayos ang seatbelt ko. "Natuwa na sya nang
makita na nya classmates nya."

"I TOLD YAH~" he chuckled and pinched my cheek bago sinimulang mag-drive ulit. "Na-
miss lang nya classmates nya kaya tinotopak
sya."
Ngumiti ako. Siguro nga tama sya. Simula kasi nang gumising si Andy nitong
tanghali, badtrip na sya. As in tahimik, di magulo. At
tanghali talaga sya nagising kasi nagpuyat sya kagabi. Remember? Nakatulog sya nang
hapon kahapon diba? At gabi na sya nagising
kaya ayun. Mag-a-alas dose na kagabi eh gising pa sya.

Ngayon naman, ako ang ihahatid ni CJ sa school. Oh, and speaking of CJ...ang weird
nya ngayon. Actually, kagabi pa yan weird. Tulad
ni Andy, gabi na rin ako nagising mula sa pagkakatulog ko nung hapon at pagkagising
ko, tentenenen! Naging mas maasikaso sya
sakin! Sya na nga ang nag-prepare ng dinner, sya pa ang naghugas ng mga pinagkainan
namin! At di lang yun, naging mas masaya at
mas sweet din sya ah..

Tulad ngayon..sinasabayan nya yung kanta sa radyo habang nagda-drive sya.

I watch him while he sings a love song. Buti na lang, maganda-ganda ang boses nya.
Naalala ko tuloy yung times na kinakantahan nya
ko nung buntis pa ko. He was always doing it kasi gustung-gusto raw yun ng mga
babies na nasa tyan pa lang ng mga mommy nila..

"♫Looking in your eyes.. Seeing all I need..♫" bigla syang lumingon sakin with his
eyes looking straight at mine. "♫Everything you are,
means everything to me..♫"

He then grinned at me, making my heart...waaah.. >///<

"♫These are the moments.. I know heaven must exist..♫"


Pero binalik na nya agad ang tingin nya sa daan. Syempre, baka mabangga kami noh.

"♫And these are the moments.. I know all I need is this..♫"

Inabot ko ang radyo para hinaan yun. Gusto ko sanang sya lang ang naririnig kong
kumanta pero mabilis nyang nahawakan ang
kamay ko eh.. T3T

"♫I'VE GOT ALL I'VE WAITED FOR.. Yeah..♫" tumingin sya ulit sakin at hinigpitan ang
hawak sa kamay ko. "♫And I could not ask for
more..♫"

Yung paghawak nya sa kamay ko nauwi na sa holding hands.. Holding hands while he's
driving and singing?? My god.. Ang lakas ng
loob nyang mag-drive using only one hand.

"♫I could not ask for more than this time together, I could not ask for more than
this time with you.. Every prayer has been answered
and every dream I have's come true. YEAH, right here in this moment..is right where
I'm meant to be.. HERE WITH YOU, HERE WITH
ME..♫" :))

Ehhhh.. Tumingin na naman sya sakin dun sa last line! Ano ba toh.. Di ko na
mapigilang ngumiti at kilabutan sa kilig.. Kasi naman tong
si CJ..

"Feel na feel mo kumanta.. Baka mabangga tayo nyan??"

"No. I won't let that happen. Not now that you're with me."

"Sus.." hehe. Ako na walang masabi dahil sa kilig..

Di nya pa rin binibitawan ang kamay ko at sya naman, todo ngiti.

"Bakit nga ba super saya mo ngayon??" curious na talaga ko. Dahil ba hinayaan ko
syang matulog ulit sa bahay ko kagabi? Di lang
pala basta tulog yun kasi for the first time, magkatabi kaming natulog sa kama ko.
"Kasiiii... Mahal kita at wala na silang magagawa pa dun. Hahaha"
"Ano??" Ang labo nya. Pero pinakilig na naman nya ko! HINALIKAN NYA KASI KAMAY KO!
Waaa ano ba yan! Para akong nakuryente
dun ehhh.. >///<

"Ang cute mo pala dyan sa pink hairclips na suot mo.." nge? Kahapon ko pa toh suot,
ngayon nya lang pinansin?

"CUTE lang??" =3=

He chuckled again. "Uhm.. Pwede na ring MAGANDA."

"Maganda AT??" =3=

"Maganda at..mukhang bata?? Hehehe"

Tss.. Di ba nya sasabihing HOT ako?? =3=

"Oh Mhie.." hininto na nya ang kotse sa tapat ng campus gate ng school ko. "Nandito
na tayo."

"Sige. Bye na." bigla kong pagsusungit sakanya. Bababa na nga ako ng kotse eh pero
naka-lock pa rin yung pinto. "CJ, bababa na ko.
Paki-unlock na toh oh."

"May password yan. Hahaha"


"Password ka dyan.." T3T

"May password nga yan! Try mo." lakas din ng trip nya ah.. Halata naman kung ano
yung password.

"I love you." =3=

"TUT-TUT. Wrong-pass-word. TUT-TUT." ano sya?? Robot?? "Pero ah, malapit na! Kulang
ka na lang ng isang word. Hehe."
Natatawa na ewan ako sakanya. Para kasi syang may sapi. Oo, sweet talaga sya at
makulit minsan, pero yung maging ganito kakulit??
It's only once in a blue moon.

"Fine.. I love you DADHIE." =.=

"PASSWORD ACCEPTED! And.." He smiled, leaned closer to me then gave me one quick
kiss on the lips. "I love you too."

T//3//T

Ina-unlock na nya yung pinto kaya nakababa na rin ako. Pagkapaalam ko sakanya,
umalis na sya agad. Kailangan nya pa munang
umuwi bago dumiretso sa school nya eh kasi nandun ang uniform nya..

Ako naman, dumiretso na sa loob nitong campus. Mamayang 3 pa pala yung first and
ONLY class ko for today. Maghihintay pa ko ng
mahigit isang oras. Napa-aga pasok ko ngayon eh dahil kinulit ako ni CJ na isabay
sa pag-uwi nya. Pero ayos lang yun, di na ko
gumastos ng pamasahe eh at pinakilig nya pa ko on the way.. ^3^

Naglakad na ko papunta sa main tambayan dito sa campus pero...bigla akong may


naramdaman na kakaiba. Parang...may tumititig
sakin mula sa kung saan.

Huminto ako at lumingon sa paligid. Pero wala naman. Lahat ng tao dito, busy
maglakad at makipagkwentuhan.

Naku.. Kinakabahan tuloy ako. Hindi lang kasi basta titig yung naramdaman ko,
MASAMANG TITIG yun.

I took a deep breath tsaka naglakad na ulit. Imagination ko lang siguro yun kaya di
ko na lang iisipin..

Tumuloy na ko sa tambayan. Medyo maraming tao dito, karamihan kumakain kasabay ng


pag-aaral. Yung iba, nakatambay lang talaga.
Sarap din kasi magpalipas ng oras dito, covered ba naman yung lugar at mahangin pa
dahil sa mga puno.

Naki-upo ako sa isang long table. Plano kong mag-net na lang gamit ang laptop ko
pero di ko na yun nagawa. Nakita ko kasi si Adrian
na naglalakad at tatambay rin yata dito. Kaya nga lang, di nya ko napansin. Mukha
syang puyat eh at inaantok tapos..may babae pang
nakasabit sa braso nya. Tsk. Playboy talaga. Iba na kasi yang kalandian nya ngayon.
Hindi na si Myra.
Pumwesto sila sa table na malayo-layo mula sakin. Nakatalikod sila pero tanaw ko pa
rin ang bawat galaw nila. Nag-uusap sila...at
naglalandian.

Sila na ang napagtuunan ko ng pansin. Kita ko yung kalandian nila, lalo na yung
babae na hindi na nakuntento sa pahawak-hawak sa
mukha ni Adrian. Hinalikan nya pa kasi yun sa..uhh, di ko masyado nakita kung sa
lips nga ba o ano. Pero basta! Halik pa rin yun!
Hinalikan nya ang tatay ng anak ko.. T3T

=3=
Ay. Ano na bang next na nangyari? Pumikit lang ako saglit eh bigla na lang
humiwalay yung babae kay Adrian at nakasimangot na sya.
Pati si Adrian, mukhang badtrip. Ano na kayang pinag-uusapan nila??

Uh-oh.. Umalis na yung babae. Dito pa nga yun napadaan sa pwesto ko kaya nakita ko
ang pagmumukha nya na napaka-imposible
nang mapinta.

Tsk. Si Adrian talaga. Malamang nakuha na nya ang gusto nya sa babaeng yun kaya
ngayon, tinaboy na nya yun. Nakakainis sya.. Sa
inis ko eh gusto ko syang sabunutan. >.<

Naiinis nga ko sakanya pero ito...napapangiti pa rin ako habang pinapanood syang
nag-aaral. May binabasa sya at napapakamot pa
nga sya ng ulo oh sa sobrang concentration. Hehehe.. Hayy. Playboy nga sya but look
at him..seryoso naman sya pag dating sa pag-
aaral.. :))

Di na ko nakatiis dito sa pwesto ko. Nilapitan ko na sya sa table nya.

"Adrian.. Ang busy mo mag-aral ah?"

"WAH!" bigla nyang sinara yung binabasa nya at mabilis na inipit yun patago sa
portfolio nya. "Ch-Chelle naman!"

"Kung magulat ka naman.. Eh ano ba yung binabasa mo??"

"W-Wala lang yun!"


Ngumisi ako sakanya. Reaksyon nya kasi oh, kaduda-duda. "Adrian huh? Hanggang sa
school dinadala mo yang DIRTY mags mo?"

"Dirty mags ka dyan..!! Wala ako nun noh..!!"


"Weh?? High schooler ka pa nga lang meron ka nang mga ganun, ngayon pa kayang
college ka na??"

"Ang kulit mo..!! Sinabing wala na nga kong mga ganun eh..!! TSK!!"

T3T

Sinisigawan na nya ko.. Mali yatang binati ko sya..

"Ganun ba.. Sige.. Alis na ko.." paalam ko sabay talikod pero hinawakan at hinatak
nya ang kamay ko.

"Teka Chelle, san ka pupunta?!"

"Ewan. Sa kung saan di kita maiistorbo." T.T

"HUH??? Hahahaha" psh.. Ngayon tatawa-tawa sya. "Wala ka pa naman yatang klase eh!
Dito ka muna! Istorbohin mo muna ko!
Hahaha"

"Nakakainis ka Adrian.. Ang hirap mo kalkulahin..kung galit ka ba o ano.." T3T

"Tss.. Wag mo na isipin yun! Kahit kailan kaya, di ko magagawang magalit sayo."

O___o
"Upo ka na muna kasi dito." hinatak nya ko ulit. This time, malakas na hatak yun
para mapa-upo ako sa tabi nya. "Nag-lunch ka na
ba??"

"O-Oo.." bakit di ako makasagot nang maayos?!


"Tsk. Buti ka pa." =o=

"B-Bakit? Di ka pa ba kumakain??"

"Di pa. Kasi naman..mas gusto ko matulog kaysa kumain!"

"Siraulo.. Kumain ka kaya.." =.=

"Hmm.. Sige.. Sabi mo eh. Tara."

Huh?? Tara raw?? Bakit pati ako?? Tumayo na sya't umalis pero ako naiwang nakaupo
dito. O.o

Huminto rin sya agad sa paglalakad at lumingon sakin. "CHELLE?? Gusto mo bang
hatakin kita ulit??"

Ahh EWAN!! >.<

Sumunod na lang ako sakanya! Tinawanan pa nga nya ko pero di ko alam kung bakit.
Tsk. Siraulo na nga sya, baliw pa.. T3T
Lumabas kami ng campus at grabe lang tong hi-way na dapat naming tawirin! Lagi na
lang madaming nadaan na mabibilis na
sasakyan dito! Bakit ba kasi nandun pa sa kabila yung mga kainan at iba pang mga
tindahan na laging kailangan ng mga estudyante?!
Psh. Buti na lang may overpass dun sa may kanto.

"San ka pupunta??" tanong ni Adrian nang naglakad ako pa-kanan para dun sa
overpass.

"Tatawid tayo diba? Ayun yung overpass oh!"

"EH! Ayoko dun! Ang layo masyado! Tumawid na lang tayo dito!"

"Ayoko nga! Di mo ba makita kung gaano ka-delikado tumawid dyan?! Ayoko pa mamatay
noh!"
"Ako?? Hahayaan kang mamatay?? Pwede ba yun?! Haha ayaw ko kayang mawalan ng
magandang mommy ang anak ko!"

T///T

"Basta dumikit ka lang sakin at walang mangyayaring masama sayo." hinawakan nya
kamay ko at hinatak para dumikit ako sakanya at
sabay kaming mag-jay walking! Waaaah God please..please guide us sa pakikipag-
patintero namin sa mga bus at mga kotse dito!!
Wag sana kaming mabangga!! Huhu.. CJ.. Help me.. >3<

WAAAH BWISIT TONG SI ADRIAN!! Alam na nga nyang takot ako sa pagtawid dito,
tinatawanan at tinatakot pa nya ko!! Nung nasa
gitna na kami ng hi-way, iiwan na raw nya ko dun!! Binitawan pa nga nya ko dun eh
at medyo tinulak palayo pero syempre, kumapit ako
ulit sakanya nang mahigpit!! WAAAAH Adrian..I hate you.. >3<

"HAHAHA WUI CHELLE! Nakatawid na tayo at buhay pa tayo! Hahaha"


O___o N-Nakatawid na kami?? At buhay pa kami!!

"CHELLE~~ Napapasarap na yata yakap mo sa braso ko.."

O___o YAKAP SA BRASO NY---

WAAAH! >///<

Inalis ko na ang pagkakayakap sakanya sabay kurot sa braso nya!!

"ARAY! Tsk! Matapos kitang PROTEKTAHAN, sasaktan mo lang ako ngayon?? HAHAHA"

"So ganun ka pala pumrotekta?! Bigla na lang mang-iiwan at mang-tutulak dun sa


gitna ng hi-way?!" >o<

"Para namang tototohanin ko yun.. Hahaha"

"Pero ginawa mo na nga eh!!"


"JOKE NGA LANG YUN! Tss.. Halika na, gutom lang yan Chelle. Hahaha"

T___T

Gutom.. Tsk.. Oo. Dahil dun sa pagtawid na ginawa namin, nagutom na ko!
"Wag ka na magalit. Ililibre na lng kita. Hehehe"

"Ano ko?? Batang mauuto mo sa libre??"

"ITO! Dito tayo kumain, may tinda rin silang ice cream oh." para na naman syang
bata kung ituro yung karinderyang may freezer ng ice
cream sa labas. "Gusto mo ng cookies n' cream??"

T3T Cookies n' cream.. Waa.. Para kong maglalaway pagkarinig ko nun..

"Ayiee.. Papauto na yan.. Hahaha" galing nya mang-asar! Pero sige.. Dahil gusto ko
nun, magpapauto na ko.

Sa loob ng karinderya, sabay kaming kumain. Sya, SUPER HEAVY RICE MEAL ang inorder
at ako, binilhan nya ng ONE PINT NG
COOKIES N' CREAM NA ICE CREAM! Weee! Perfect. Init din ng panahon ngayon eh.. ^3^

Habang kumakain kami, si Andy topic namin. Naging seryoso na sya nang anak na namin
ang usapan. Tinanong pa nya kung nalaro
na ba ni Andy yung train set, eh hindi pa..

"HINDI PA?? Pinagbabawalan mo syang maglaro noh??" T.T

"Never kong pinagbawalang maglaro baby ko noh! Sya kaya ang may ayaw laruin yun..
Gusto raw kasi nya na kayong dalawa ang
maglaro nun.."

Napangiti sya sa paliwanag ko at inubos na ang pagkain nya. Tss. Tuwang tuwa naman
sya at pumapabor sakanya ang anak namin.
After kumain, balik school na kami. Dun na kami sa overpass dumaan. Himala nga at
sya pa ang nag-suggest nun. Pero mas okay na
yun ah! Kaysa pagtripan nya ko ulit sa gitna nyang hi-way! Psh.. T3T

Bigla akong may na-receive na text nang nasa campus na kami. It's from an unknown
number.

--- TEXT MSG. FROM: 0953xxxxxxxx

'Rachellyn Quintos, ryt?? member ako ng camera club! alala mo p, ung club mu dti!
my naiwan ka kcng personal stuff dto. i'll wait 4 u
hir in d clubrum ngayon pra maibigay qu na un sayo :)'

---

Personal stuff?? But I don't remember anything na pwedeng naiwan ko sa clubroom..


Hmm.. Nag-reply ako. Tinanong ko kung sino sya
at kung ano yung naiwan ko.

"Chelle.." lumingon ako kay Adrian na nasa tabi ko. Nagulat naman ako sa sudden
mood change nya. Kanina ang hyper nya then now,
ang lungkot ng itsura nya.

"Bakit Adrian??"

"Uhm.. May itatanong lang ako.." napakamot pa sya sa batok nya.

"Edi itanong mo na."

Tumingin sya sa malayo. "Nung...nung naghiwalay tayo noon.. Ano exactly ang
naramdaman mo??"
T___T

Bakit kailangan nya pang itanong yun?? Obvious naman ah kung anong naramdaman ko
non!

"COMMON SENSE, ADRIAN. Ano sa tingin mo ang naramdaman ko that time huh?? Iniwan mo
ko after I...argh.." napahilot ako ng noo
sa inis! Tsk! Naiinis ako sa bigla nyang pagtanong nun! Naalala ko lang ang
katangahan ko non eh!
"Syempre alam ko kung anong naramdaman mo non.. Hehe.. Sensya na tinanong ko pa
yun.." alam pala nya pero tinanong nya pa!
Hmp! Tapos ngayon..guguluhin nya lang ang buhok ko.. "Ah, anong time pala klase
mo??"

"M-Mamyang 3 pa.." T.T

"Oh.." tumingin sya sa relos nya. "May 30 minutes ka pang vacant.. Gusto mo bang
pumunta na sa klase mo?? Ihahatid kita."

"H-Hindi na.. Dadaan pa kong camera club eh.." =.=

Akala ko maghihiwalay na kami nang landas sa pagtanggi ko sa alok nyang paghatid


sakin pero hindi pa rin pala. 4PM pa kasi ang
klase nya kaya ang dami nya pang oras para manggulo ng mundo ng ibang tao-- ng
mundo ko to be exact. Without any questions kasi,
sinamahan nya ko papunta sa camera club.

Hindi na rin pala nag-reply yung nagtext sakin.. Baka wala ng load. Hehe kawawa
naman. Tinext ko na lang yun ulit at sinabing
papunta na ko sakanya.
Pagdating namin sa building kung nasaan yung camera club, may lalaking bumati kay
Adrian. I know him. Classmate ko sya sa ibang
klase ko.

"J-Jude?? Bakit ka nandito??" parang naiiritang tanong ni Adrian sa kaibigan nya.


So Jude pala ang name nya.

Since familiar kami sa isa't isa, nag-nginitian kami and in fairness, cute sya with
his pair of dimples. Perrro..walang wala pa rin sya kay
CJ! ^3^

"Um-attend ako ng photojourn session dito." sagot ni Jude na binalik na ang tingin
kay Adrian. "Uh, pwede ba pala tayong mag-usap
saglit??"

"O-Oo naman. Ikaw Chelle, mauna ka na dun sa clubroom." kung makapag-utos tong si
Adrian! Parang hari lang! Psh. Pasalamat sya
at nagmamadali na rin ako.

I went up on the second floor and rushed to the Camera Club room's door. Napangiti
ako sa paghinto ko sa tapat nun..
Sa lugar kasi na toh..nakita ko ulit si Adrian after so many years.. ^///^

However, I met him again while he was doing something 'private' with other girl..
=___=

Hinawakan ko yung doorknob at di yun naka-lock. The door creaked as I pushed it


open, at agad kong nakita ang isang babaeng
nakaupo sa may table.

God.. Bumilis ang tibok ng puso ko nang titigan nya ko. I..I know this feeling..
Ito yung naramdaman ko kanina nang pumasok ako ng
campus..yung pakiramdam na may nakitingin sakin nang masama. Now, I'm speechless.
What's with that killer look?? AND WHY
HER??
Bigla syang tumayo at lumapit sakin with her fiery eyes still locked on mine.

"Buti naman dumating ka.. BITCH.."

xxxxxx

x19: "BACK OFF"

[RACHELLYN's PoV]

"Buti naman dumating ka.. BITCH.."

What the.. MYRA?? Calling me a BITCH??


And wait.. Sya ba yung nag-text sakin kanina??

Pagkalapit nya sakin ay hinatak nya ako nang napakalakas sa pulso para maipasok ako
nang tuluyan dito sa clubroom. Buti hindi ako
tumilapon sa pagkakahila nya sakin pero napahawak ako sa pulso ko. Masakit yun
dahil pinangigilan nya kong hawakan nang hatakin
nya ko.

"M-Myra.." nakita kong sinara na nya ang pinto at sumandal sya doon. "A..Ano bang
problema mo??"

She smirked at my question.


Pilit kong huminga nang normal, pero ang hirap gawin nun ngayong sobrang bilis ng
tibok ng puso ko. Hindi naman talaga ako madali
matakot eh. Pero yung ganitong sitwasyon na may taong mukhang gusto ako saktan?? Di
ko maiwasang makaramdam ng takot.

Natatakot ako sa Myra na kaharap ko ngayon. She's very different now from how I've
met her. From being friendly and sweet, she's
now become a very furious one.

"Ang galing mong umarte noh??" malamig nyang tanong sakin. Her eyes remained its
sharp look at me. "Kunwari ka pang walang
pakialam nang makita mo kami ng BOYFRIEND KO dito noon, pero yun pala, balak mo na
syang landiin??"

NANG MAKITA KO SILA NG BOYFRIEND NYA DITO?? She must be talking about Adrian!! Nung
nahuli ko silang nag-aanuhan dito!!
>o<
"Nagkakamali ka Myra. Kahit kailan di ko naisip gawin yang sinasabi mo." ngayon
matapang na ko. Alam ko wala akong ginagawang
mali.

"Ohh.. Di mo siguro tanggap ang salitang LANDIIN. Then lets just change it. Binalak
mo AGAWIN SI ADRIAN SAKIN."

"Landiin o agawin si Adrian sayo?? God Myra, I never planned to do either of it."

"PERO DAHIL SAYO INIWAN NYA KO!!" she began raising her voice. Pero ako, kalmado
lang kahit ba ang lakas pa rin ng kaba ko
deep inside.

"Wag mo kong sisihin sa break-up nyo, pwede?? Dahil kung naghiwalay kayo, KASALANAN
MO YUN. Let me guess, binigay mo na
ang katawan mo sakanya noh??"

Di sya sumagot. Kita ko ang panggigigil ng mga kamay nya at ang mas lumalang galit
sa mga mata nya.

"Silence means yes." pagpuputol ko sa katahimikan namin. "So, kuha mo na ba ang


point ko?? PINAG-SAWAAN KA NA NYA KAYA
INIWAN KA NA NYA."

Wow. Somehow, nasaktan ako sa sinabi ko. Naaalala ko ang nakaraan namin ni
Adrian..that time, iniwan nya rin ako dahil pinag-
sawaan na nya ko..
"AND THAT WAS VERY STUPID OF YOU." dagdag ko pa, making me think that I ONCE HAD
THE SAME STUPIDITY.

"NO.." mahina pero matapang nyang sagot. "Kahit ba binigay ko na ang sarili ko
sakanya, alam kong di nya ko magagawang iwan..
PERO DAHIL SAYO..INIWAN NYA KO."

Napailing na lang ako. This girl sure knows how to put the blame on others. Tsk.
Pathetic.

"Simula nang makita ka nya, alam kong naging interesado sya sayo. Pero paano kayo
umabot sa ganito?? Ano bang klaseng
paglalandi ang ginawa mo sakanya huh??"

I sighed. "Listen to me.. Una, NEVER KO SYANG NILANDI. And lastly, wag kang
magsalita na parang may relasyon kami, OKAY??"

"WALA KAYONG RELASYON?? Then that's good! It's better na isa ka lang sa mga ka-
fling nya!"

"Hindi nya rin ako ka-fling." =.=

Natawa sya. Sarcastically. "Maybe, you're in-between of being his fling and his
girlfriend?? Kasi kung hindi, bakit sya ganun ka-lapit
sayo?? Naghahawakan at hatakan kayo ng kamay..sinasakay ka nya sa kotse
nya..madalas na pag-uusap..hmm ano pa kaya ang
ginagawa nyo pag kayong dalawa na lang ang magkasama??"

T3T Paano ko na ba ito ie-explain sakanya?? Naging malapit lang naman kami ni
Adrian dahil may anak kami pero..ayoko i-bring out
ang pagkakaroon namin ng anak 'cause for sure, di magugustuhan ni Adrian na may
ibang tao ang makaalam nun..

"See?? Di ka na nakasagot. Wag mo na ikahiya yang KALANDIAN mo kay Adrian. Marami


naman kayong BITCH dito na nilalandi sya
eh." lumapit sya sakin with crossed arms. "Tapusin na nga natin ang usapang toh.
Tutal..sinabi mong wala kayong relasyon ni Adrian,
DIBA??"

"OO." that's the truth kaya sinagot ko sya nang nakatingin sa mga mata nya.

Her pinkish lips formed an evil smile. "HONESTLY, masaya akong malaman na wala
kayong relasyon. But I wouldn't be contented with
that so...I'll be warning you.. Kung gusto mo pang manatiling normal ang school
life mo dito...then LAYUAN MO NA SI ADRIAN."

ANO?! Di ko kaya pwedeng gawin yun!! Kailangan naming i-maintain ang kung anumang
klaseng relasyon na meron kami ngayon para
kay Andy..para sa anak namin..

Nilapit nya pa ang mukha nya sa may tenga ko para bumulong. "BACK OFF, get it??"

Napapikit ako. Inipon ko ang tapang na meron pa ko. "Sorry Myra but.. I CAN'T DO
THAT."

There was silence. For one second..two seconds..five---


"AH! M-MYRA?!!" I shouted in pain dahil sinabunutan nya ko bigla!!
"MALANDI KA NGA TALAGA!! ARRRRGGHHHH!!!" ramdam ko ang galit nya dahil ang lakas ng
ginagawa nyang pagsabunot sakin!
Hinatak pa nga nya ko at tinulak sa may bookshelf kaya ngayon, di lang ulo ang
masakit sakin kundi maging ang likuran ko. Halos
iumpog nya rin ako doon, dahilan para may mahulog na mga libro at kung ano pang mga
gamit sa sahig.

"S-STOP IT MYRA!!" I swear, nasasaktan na ko. It feels like a part of my scalp


would be pulled off kung di sya hihinto sa pananabunot
at pag-alog sa ulo ko. >____<

BUT SHE'S TOO STRONG FOR ME. Ni hindi ko sya maitulak palayo. Hindi ko matanggal
ang mga kamay nya sa buhok ko. Hindi ako
makalaban.

"NOW ANSWER ME.. LALAYUAN MO BA SI ADRIAN O HINDI?!"

"H-HINDI.." nasasaktan na nga ko pero ang lakas pa rin ng loob kong kumontra
sakanya. I..I just can't do what she wants. Kahit saktan
nya pa ko, HINDING HINDI ko gagawin yun. "I SAID STOP!!!"

Bigla ko na lang syang naitulak palayo sakin. Hindi ko alam kung saan ako nakakuha
ng lakas para maitulak sya nang ganun kalayo.

We stayed apart since then. Sya nakasandal sa may table, ako dito sa tabi ng
bookshelf.

Parehas kaming hinihingal at patuloy na nagtitigan.


God.. Sino ba sya para saktan ako at utusang lumayo kay Adrian?? Sya nga dapat ang
lumayo kay Adrian eh diba?? Sya ang dapat
lumayo sa tatay ng anak ko..
"YOU BETTER STAY AWAY FROM MY BABY'S FATHER.." nabasa ba ni Myra ang laman ng isip
ko?? "Hindi mo naman siguro
gustong maging homewrecker, diba Rachellyn??"

"A-Anong ibig mong sabihin??" I felt my chest tightened as confusion hit me.

"Gusto ko sanang sya ang unang makaalam ng kalagayan ko...pero dahil pinaninindigan
mo yang kalandian mo...nasabi ko tuloy yun
nang wala sa oras..sayo.."

"You.. You mean you're.." NO.. NO WAY..

She smirked at me again while her one hand touched her tummy. "YES.. Buntis ako..
I'm carrying Adrian's child.."

SOMETHING INSIDE ME CRUSHED INTO PIECES.. AGAIN.

Ang isiping magkakaroon na ng kapatid ang anak ko..ng kapatid sa ama..anak ni


Adrian sa ibang babae.. HINDI..
I'm frustrated. I'm disappointed. I'm...hurt. But at the same time, I'm
worried..kay Myra.. Delikado tong ginagawa nya..

"I.." may gusto akong sabihin pero ano?? Nalilito ako..

"Please.." now she sounded humble yet strong. "Leave us alone.. I'm sure babalikan
ako ni Adrian pag malaman na nya yun.. Para rin
sayo tong sinasabi ko.. Para di ka masaktan.."

I don't know..
Bakit parang gusto lumabas ng mga luha ko?? Bakit nakakaramdam ako nang pagsisisi??
Bakit napupuno ng 'SANA' ang isip ko?? NA
SANA SINABI KO RIN KAY ADRIAN DATI ANG GANYANG KALAGAYAN KO..EDI SANA MASAYA KAMING
PAMILYA NGAYON..EDI
SANA DI NANGYAYARI ANG MGA GULO KATULAD NITO.. SANA... SANA... SANA DI NA KO
PAULIT-ULIT NA NASASAKTAN..

"CHELLE!!" Bigla na lang may nagbukas sa pinto nang napakalakas.

Both me and Myra looked at the doorway. And there he is.. Ang lalaking pinag-
aawayan namin..

Sa pagtawag nya sa pangalan ko, nandoon ang feeling na..na nag-aalala sya sakin..na
dumating sya para iligtas ako.

I should feel safe by now but...how come seeing him at this moment makes me feel
more hurt..??
xxxxxx

x20: The Truth in a Bunch of Lies :D

[ADRIAN's PoV]

Agad kong pinauna si Chelle sa may camera club nang yayain ako ni Jude na makipag-
usap. Kasi naman, type kaya sya ng mokong
na yun! Sobrang type to the point na naging stalker na nya yun! TSK.

Pinanood ko muna si Chelle hanggang sa makaakyat na sya ng hagdanan.

Naku.. Baka isipin naman pala ni Jude na sinusulot ko ang babaeng gusto nya.. O.O

"PARE.. Ano yan??"

Napatingin na ko kay Jude sa tanong nyang yun. Sya naman ay nakatingin sa portfolio
ko na nakaipit sa braso ko.
"Anong ano??" tanong ko rin sabay baling ng tingin ko sa tinitignan nya.

Ay AMPOTEK! Yun yung binabasa ko kanina na tinago ko kay Chelle! Dumulas na pala
nang unti yun mula sa portfolio ko! WAAAA..
Mabilis ko yung inipit ulit patago dun!

"JOB FINDER yun ah? Diba???" ang galing! Nagtanong pa sya kanina eh alam na rin
naman pala nya kung ano yun!

"Job finder nga! Ano naman sayo?!" >___<

"Ahh... Hah... HAHAHAHAHA" potek. Sige. Tawa. "Parang suicide lang yun ah?? Balak
mong magtrabaho kasabay ng pag-aaral mo ng
arki?? Hahahaha.."

=___=

Totoo.. Sa pag-aaral ko pa nga lang kasi ng 'arki' eh kulang na ang 24 hours ng


isang araw ko tapos balak ko pang magtrabaho
ngayon?? Para nga lang talaga akong magpapakamatay nun.

Pero kasi..nahihiya na ko kay Chelle. Sya, nagagawang magtrabaho para sa anak namin
tapos ako na naturingang ama, walang
ginagawa?? Puro gastos lang ako eh. Gastos ng mga perang bigay ni Mama.
"PERO AYOS LANG YAN PRE!" buti naman hindi na sya natatawa! "Naiintindihan ko,
kailangan mo nang mag-bagong buhay. Para
sa..hmm..para sa anak mo diba??"

O___O

A..ALAM NI JUDE ANG TUNGKOL DUN???? PAANONG..

"Wag ka na magtaka kung bakit alam ko yun! Diba nga, halos stalker na ko ni
Rachellyn?? At aksidente ko kayong nakita nung
Friday..dun sa pinagtatrabahuan nya.. Paalis na kayo nun at may buhat kang batang
lalaki...na kamukha mo."

Ah...

"Pero..tama ba ko?? Anak mo yung bata?? At..si Rachellyn ang nanay??"

HAYYY...

Ilag saglit pa ko nanahimik..


Sana lang ay hindi magalit si Chelle sa gagawin kong pag-amin na toh sa kaibigan
ko..

"T-Tama ka.. Anak ko yung bata.. Anak namin ni Chelle..I mean, ni Rachellyn."

Napayuko at napatango sya. "Sabi na nga ba.. High school ka pa lang eh pumapatos ka
na ng mga babae. At ang masaklap pa eh
yung babaeng type ko pa ang naanakan mo.."

=___=

"UY! PERO HINDI MASAMA LOOB KO DUN AH! Hahaha!" di daw masama ang loob nya pero
sinapak nya ang braso ko. "Kaya nga
lang, bakit di mo man lang yun sinabi sa aming barkada mo?? Kung di pa kita
tinanong ngayon eh mukhang wala ka talagang balak na
sabihin yun..kahit sakin man lang ba.."

"Tss.. Pasensya naman." napakamot ako ng ulo. Galing mangonsensya ng mokong na toh.
"Nitong nakaraan ko lang din kasi yun
nalaman..ang tungkol dun.."

"H-HA?? Yung pagkakaroon nyo ng anak?? Nitong nakaraan mo lang yun nalaman??" O.O

Tumango lang ako sakanya. =.=

"Ibig sabihin.. Tinago ni Rachellyn sa---"

Natigilan si Jude sa sinasabi nya at nagkatitigan kami.


Narinig nya rin siguro yung narinig ko mula sa may 2nd floor. Nakarinig ako ng
sigaw ng babae pero di ko naintindihan yung sinabi.

"Na..Narinig mo yun??" si Jude oh, kung magtanong parang multo yung narinig.

"Oo naman."

"Eh.. A-Anong sabi??"

"Ewan ko. Di ko naman narinig nang malin---" ako naman ngayon ang natigilan. Muli
akong nakarinig ng sigaw mula sa taas but this
time, kilala ko kung kaninong boses yun..kilalang kilala ko kaya naman napatakbo
ako agad para umakyat sa 2nd floor.

Boses yun ni Chelle eh. At sa tono nya, mukhang may di magandang nangyayari sa kung
nasaan sya.
"O-OI PRE! SAAN KA PUPUNTA?!" si Jude sinusundan pala ko sa pagtakbo ko sa
hagdanan.

"KAY CHELLE!!"

"K-KAY RACHELLYN?!"

Nang makatuntong na kami sa 2nd floor, tahimik na. Wala nang sigawan o kahit anong
ingay. Wala ring ibang tao. Mukhang walang
problema sa paligid pero kinakabahan pa rin ako.

Si Chelle..gusto ko syang makita. Gusto ko maka-sigurado kung ayos lang sya kaya
tumuloy ako papunta sa kwarto ng camera club
kung saan alam kong nandoon sya.

"CHELLE!" sigaw ko pagkabukas ko nang napakalakas sa pintuan.

Dalawang babae ang napatingin sakin. Isa na dun ay si...si Myra. Yung huling
girlfriend ko. Nakasandal sya sa may lamesa.

At syempre yung isa ay si Chelle. Eh ano bang nangyari sakanya??? Nasa may tapat
sya ng bookshelf at yung buhok nya..medyo
magulo.

"ANONG NANGYARI DITO??" tanong ko habang papalit-palit ang tingin ko sa kanilang


dalawa.

Napansin ko rin tuloy na parehas silang hinihingal. At yung kwarto..makalat. Ang


daming gamit sa sahig na mukhang nahulog mula sa
may bookshelf.

"I..Ian?? B-Bakit ka..nandito??" tanong din ni Myra sakin pero kay Chelle nauwi ang
tingin ko..

Bigla naman inialis ni Chelle ang tingin nya sakin at dali-daling inayos ang buhok
nya pati ang pagkakabitbit nya sa shoulder bag nya.

"Chelle.." lumapit ako sakanya. Para syang hindi mapakali. "Anong nangyari??
Narinig kitang sumigaw.."
"Uh.. Ah.. Wa.." ramdam ko ang nerbyos sa boses nya. Hindi sya makapagsalita nang
maayos.

Pagkalapit ko sakanya ay hinawakan ko ang kamay nya at.. GRABE LANG! Nilalamig sya
at nanginginig!
"WUI CHELLE! Bakit ang lamig ng kamay mo?! At nanginginig ka pa!"

"W-WAG MO NA YANG PANSININ.." inis nyang hinahatak ang kamay nya pero hinigpitan ko
pa ang pagkakahawak ko sakanya. "A-
ANO BA ADRIAN?? Bitawan mo na ko! K-Kailangan ko nang umalis at may klase pa ko!"

"Pero hindi ka okay sa lagay na yan! Ano ba kasing nangyari sayo?!"

"S-SINABI NA NGANG WAG MO NA TONG PANSININ EH..!!" napatingin sya kay Myra. Ang mga
mata nya ay may bakas ng takot at
pag-aalala. "S-Si Myra na lang kasi ang asikasuhin mo.. Please.."

Please.. May kung ano sa PLEASE nya.. Idagdag pa dun ang biglang pamumuo ng luha sa
mga mata nya kaya kusang lumuwag ang
pagkakahawak ko sa kamay nya.

Gusto ko pa sana syang tanungin pero mabilis na syang nakaalis nang mahatak na nya
ang kamay nya mula sakin.

Naiwan na kami ni Myra dito. Nandito rin pala si Jude. Nasa may pintuan sya. Di nga
nya alam kung mananatili ba sya dito o susundan
si Chelle pero sa huli, di na sya umalis.

"S-So.. Sya pala si CHELLE.." asar na salita ni Myra. "Sya pala yung babae na
tinatawag mo non habang tu---"

"ANONG GINAWA MO SAKANYA?" may galit na sa boses ko. Hindi ko pa alam ang mga
pangyayari pero nakakaramdam ako ng di
maipaliwanag na GALIT kay Myra. Nandoon din ang pagtataka, kung bakit sya ang
pinapaasikaso sakin ni Chelle kung sa itsura pa
lang nila ay mas maayos ang lagay nito ni Myra.

"A-ADRIAN?? D-Di ko gusto yang tono mo! Parang inaakusahan mo na ko agad eh! For
your information, PINAGTANGGOL KO LANG
ANG SARILI KO SAKANYA NOH!!"

"PINAGTANGGOL??" sarkastiko kong tanong sakanya.

"OO! M-May binalik lang akong libro sakanya eh tapos..bigla na lang nya kong..k-
kinonfront! LAYUAN KO RAW SYA PATI IKAW! Alam
nyang ex mo ko Adrian kaya ang init ng dugo nya sakin!"

Napangisi na lang ako sa mga narinig ko. Halatang gawa-gawa lang nya ang mga
pinagsasabi nya.
Kita kong napa-kunot noo sya sa naging reaksyon ko. "D-Don't tell me..na di ka
naniniwala sakin.. Na mas kakampihan mo pa ang
babaeng yun na kailan mo lang nakilala.."
Mas napangisi ako dun. Si Chelle?? Kailan ko lang daw nakilala?? Tss..

"ADRIAN NAMAN!! Di mo pa kilala ang babaeng yun para panigan mo sya nang ganyan!
Hindi mo pa ba naririnig yung mga tsismis
huh?? NA MAY ANAK NA SYA!!"

A..Ano?? Na..Na-TSISMIS na ang tungkol dun??!!

Sa pagkagulat ko ay si Myra na ngayon ang gumanti sakin ng ngisi.

"DI KA MAKAPANIWALA NOH?? Well, ako rin naman, di makapaniwala nung una. Mukha
syang inosente eh pero sa ginawa nya
ngayon sakin, naniniwala na ko dun. Napatunayan ko na rin na nasa loob pala ang
kalandian nya."

KALANDIAN??

Pero kahit kailan, HINDI NAGING GANUNG KLASENG BABAE SI CHELLE.

"Shut it, Myra." mariin kong utos sakanya. "Walang katotohanan yang mga pinagsasabi
mo."

"Anong wala?? Di pa ba sapat na ebidensya ang sobra-sobrang paglapit nya sayo??


Isn't it very obvious that SHE IS OBSESSED
WITH YOU?? So much that she even tried to hurt me?! Dahil lang sa ex mo ko, ginusto
na nya kong saktan! Just imagine that! Ganyan
din malamang ang ginawa nya sa mga ex ng ibang lalaking nilandi nya!"

"Sabi ko Myra, MANAHIMIK KA..."

"AYOKO! You should know everything para matauhan ka! I'm telling you and I assure
you Adrian, na hindi ka na masisiyahan sa kanya
dahil pinagsawaan na sya ng marami at iba't ibang lalaki! BECAUSE SHE'S A BITCH!!"

Bigla na lang nag-dilim ang paningin ko sa huli kong narinig. Di ko namalayang


mabilis na pala akong lumapit sakanya para
pagbuhatan sya ng kamay.

GUSTO KO SYANG SAKTAN. Yan na lang bigla ang naging laman ng isip ko.

Nabigla sya nang ambahan ko na sya pero pasalamat sya dahil may pumigil sa braso ko
at hinatak ako palayo sakanya.
Si Jude yun.

"P-PARE. Kalma lang. Babae pa rin yan.."

Pumikit na lang ako at inisip ang sinabi nya.

Oo nga naman..babae pa rin si Myra.. Maling-mali kung sasaktan ko sya.


Buti na lang nandito si Jude. Tuluyan na syang pumagitna samin ni Myra at ako naman
ay pumunta sa may bookshelf.

Kailangan kong lumayo kay Myra. Kailangan kong pakalmahin ang sarili ko.

"H-How dare you Adrian.." tsk. Naiiyak na si Myra. "Magagawa mo kong saktan.. *sob*
dahil sa babaeng yun??"

"Ano.. Myra.. Tama na yan.. Intindihin mo na lang si Adrian kasi.. Ano.. Uhm.." -
Jude

"IINTINDIHIN KO NA ANO?? *sob* NA MAS KAKAMPIHAN NYA ANG.. *sob* BABAENG YUN KAYSA
SAKIN?? NA MAS
PAPANIWALAAN.. *sob* NYA ANG KAINOSENTEHAN NUN??"

Napakamot na ng ulo si Jude. Alam kong nahihirapan sya sa ginagawa nyang ito samin
ni Myra.

Habang ako dito ay napailing at halos matawa na lang sa mga reklamo ni Myra. Di ko
akalaing magiging ganito sya sa kabila ng
pagiging sweet at humble nya noon.

Sakto naman nang mapayuko ako, nakakita ako ng isang pink hairclip sa sahig.

Isa yun sa mga hairclip ni Chelle..yung binigay namin ni Andy sakanya..

Dinampot ko yun at hinawakan nang mahigpit kasabay ng pag-atake ng konsensya sa


loob ko.

Ang mga gulo na kinaharap ni Chelle ngayon, KASALANAN KO YUN LAHAT. Yung
tsismis..yung pananakit sakanya ng ex ko..lahat
yun nangyari dahil sakin.

Tch. Nakakainis isipin na wala na kong ginawang maganda sakanya.. LAGI KO NA LANG
SYANG NASASAKTAN..
Binulsa ko na yung hairclip at naglakad na palabas nitong clubroom.

Kailangan kong kausapin si Chelle. Kailangan kong magpaliwanag sakanya. Kailangan


kong humingi ng tawad.

"I-IAN..!!" napatigil ako sa may pintuan dahil tumakbo si Myra sakin at niyakap ako
sa likuran. Umiiyak pa rin sya.

"MYRA.. TIGILAN MO NA TOH.." pilit kong tinatanggal yung pagkakayakap nya sakin
pero para syang linta! Takte naman oh.

"Please Ian.. Wag mo ko iwan.. And please.. Believe me.. Di mo pa ganun kakilala si
Rachellyn.."

*sighhh*

Di ko na pinilit alisin ang pagkakayakap nya sakin. Hinawakan ko na lang ang kamay
nya.

"Lilinawin ko lang.. Hindi mo kailangang magmakaawa sakin na wag kita iwan kasi
iniwan na kita diba?? Nung isang linggo??"
"A-ALAM KO.. Pero---"

"At wag ka na rin magmakaawang paniwalaan kita. Wala naman kasing totoo sa mga
sinabi mo eh, except dun sa...sa may anak na si
Chelle.."

"A-ALAM MO NAMAN NA PALA YUN EH..!! PERO BAKIT PINAGSISIKSIKAN MO PA ANG SARILI MO
SA ISANG BABAENG
DISGRASYADA TULAD NYA..?!"

"Disgrasyada?? Oo nga. Disgrasyada nga sya. At ako lang naman ang naka-disgrasya
sakanya..5 years ago.."

"H-HUH???" sa wakas..lumawag na rin yung pagkakayakap nya sakin.

"Yung anak ni Chelle na tinutukoy mo sa tsismis...dugo ko ang dumadaloy sa batang


yun.. DAHIL ANAK KO RIN SYA.. ANAK NAMIN
SYA NI CHELLE."

Nanahimik na sya at di kumilos. I took that chance para alisin ang pagkakayakap nya
sakin.

"N-NO.." lumayo na sya sakin. "You're only making that up..to get rid of me.."
Hinarap ko sya. Umiling sya sakin as a sign na di talaga sya naniniwala sakin.

"I don't have to get rid of you. At di kita pipiliting paniwalaan ako pero...kung
sasaktan mo pa ulit ang nanay ng anak ko...ASAHAN MO
MYRA, NA MAY MAGAGAWA AKONG HINDI MAGANDA SAYO."

Natahimik na ulit sya.

Ang totoo, naaawa na rin ako sakanya. Ayoko maging ganito kalupit sakanya pero pag
naalala ko yung mga ginawa at sinabi nya
tungkol kay Chelle, wala na. Mas nangingibabaw na ang galit sakin.

Nang makita kong naiiyak na naman sya, tumalikod na ko at iniwan na sila ni Jude.

Di na rin ako umattend ng 4PM class ko at sa halip ay dumiretso ako sa klase ni


Chelle. Naghintay ako sa labas ng classroom nila
hanggang sa matapos na ang klase nila at isa-isa nang nagsilabasan ang mga
estudyante.

Inasahan kong isa si Chelle sa mga lalabas mula dun pero... WALA SYA.

"SAGLIT!" bigla na lang akong nanghila ng isa sa mga estudyanteng babae na


kalalabas lang ng kwarto.

"B-B-BAKIT??" O///O

"Si Rachellyn Quintos?? Asan sya?? Classmate mo sya diba??"


"O..OO.. K-Kaso di sya umattend ng klase namin ngayon ih.. Di ko rin alam kung
nasaan sya ngayon pero nakita ko sya kanina,
palabas sya ng campus.." >///<

"Pa..Palabas ng campus..??" binitawan ko na yung babae at medyo lumayo sya sakin.

"Oo.. May sakit yata sya ih? Kasi tulala sya nang makita ko sya.. Ni hindi nga nya
ko pinansin nang sinigawan ko sya.." >///<

Tulala.. Parang may sakit.. Tsk..

Ewan. Iniwan ko na lang basta-basta yung babaeng pinagtanungan ko at pinuntahan na


ang kotse ko sa may parking lot nitong
campus.

Doon tinawagan ko si Chelle, pero busy ang line. Limang beses ko pang inulit yun,
pero busy pa rin!! ARGHH!!

Sa inis ko ay ginulo ko ang buhok ko. Bwisit talaga na buhay toh. Argh! Tsk!

Chelle naman kasi! Sino ba kasing kausap mo sa cellphone mo nang ganitong oras?!
At...nasaan ka na ba..??

xxxxxx

x21: Protector

[RACHELLYN's PoV]

*budum*budum*

A-Ano ba toh.. Nakalabas at nakalayo na nga ko sa clubroom pero ito..

*budum*budum*

Yung puso ko..ayaw pa ring kumalma tapos yung dibdib ko naninikip pa..

Sa gulo ng pakiramdam ko, di ko namalayang sa CR sa may kabilang building pala ako


nakapunta.

Doon hinugasan ko ang mga kamay ko. Baka sakaling matanggal ang panlalamig at
panginginig ng mga ito.

*sniff..*

Tch.. Pinatay ko na yung gripo at pinatuyo ang mga kamay ko.


*sniff..*

EHHH ANO BA... >___<

Bakit ba gusto kong umiyak?! Wala naman akong dapat iiyak ah!!

Diba?? Wala naman??

Kahit ba nakakasama talaga ng loob yung nalaman ko kanina..di pa rin sapat na


dahilan yun para umiyak ako..

Di ko naman kasi hawak ang buhay ni Adrian eh.. Gustuhin man nya o hindi, pwedeng-
pwede sya ulit magka-anak sa...sa kahit sinong
babae..

AT ANG SAKIT LANG TALAGA TANGGAPIN NUN.

*sniff*sniff*

MALIIII... >___<

Wala lang toh. Wala lang ang sakit na toh.

Ayos lang na magkaroon na ng kapatid si Andy kay Adrian, basta para sakin sya lang
baby ko. Ayos lang na mabawasan na ang
atensyon ni Adrian sakanya, basta ako, nasa kanya lang ang buong atensyon ko.

Kahit pa hindi na kami ang ituring ni Adrian na pamilya nya...a..ayos lang..

Kinagat ko ang labi ko at pilit na huminga nang napakalalim.

"Ayos lang yun, Rachellyn.. Ayos lang yun.." bulong ko habang nakatitig sa
reflection ko sa salamin.

Tsaka ko lang napansin na medyo magulo pa rin pala ang buhok ko at...

OH NO... Iisa na lang yung hairclip ko?! Yung hairclip na binigay sakin nina Andy
at Adrian!! Nawawala yung isa!!

Naguluhan na ulit ako! Di ko alam kung babalik ba ko sa clubroom para hanapin yun
pero ayaw ko rin naman nang bumalik ulit dun!

Kahit kailan..ayaw na ayaw ko nang mapadpad pang muli sa lugar na yun.

Ayoko nang maalala pa ang mga nangyari dun kanina..yung mga naramdaman ko..maging
ang mga nakita ko noon..

Isipin ko pa nga lang ang lugar na yun, sumasama na ulit ang loob ko. Lalo na
ngayon kasi nakawala ako ng napakahalagang gamit..
Oo, hairclip lang yun pero binigay sakin yun ng anak ko eh.. Lahat ng bagay basta
may kinalaman kay Andy, pinapahalagahan ko nang
sobra kaya sobra rin ang sakit na nararamdaman ko ngayong may nawala ako sa isa sa
mga yun.. Pakiramdam ko lang wala akong
kwentang nanay kasi di ko man lang maingatan ang mga binibigay sakin ng anak ko..

Sa sobrang sama ng loob at pagkainis ko sa sarili ko, tuluyan nang tumulo ang luha
ko. Agad ko rin yung pinunasan at pinilit na pigilan
ang pag-iyak ko.

Nakakainis.. Kanina sa clubroom lang pero ngayon, sa buong school na ko nagagalit..


Kinasusuklaman ko na ang lugar na toh..

Inayos ko na muli ang sarili ko. Inalis ko na rin sa buhok ko yung isang hairclip
at tinabi yun sa bag ko. Natakot na ko. Baka pati yun eh
mawala pa at di ko na mate-take kung mangyari yun.

Umalis na ko ng school kahit nanlulumo ako. Kasi nga nawala yung hairclip ko at
gusto ko yun hanapin pero mas gusto ko nang
makaalis sa lugar na toh. Mas gusto ko nang makalayo sa kung nasaan si Adrian.

Tutal naman, lalayuan nya rin kami ni Andy sa huli eh.. Syempre, kailangan nyang
asikasuhin si Myra..si Myra at ang baby nila..

*sniff..*

ITO NA NAMAN..!! >___<

AYOKOOO.. Di ako iiyak noh! Not now! And dami kayang tao sa paligid.. Psh.. T3T

Nagpunta na lang ako ng mall. Naglakad-lakad ako dun habang wala sa sarili hanggang
sa nakaramdam ako ng pagod.

Umupo ako sa isang bench. Tulala. Pinapanood ang mga taong dumaraan sa tapat ko.

Then may nakita akong babae.. Isang babae na buntis..

Ka-edad ko lang siguro sya.. Naka-maternity dress sya at sa laki ng tyan nya, sa
tingin ko 6 months na ang pinagbubuntis nya. May
kasama syang lalaki na inaalalayan sya.

Napangiti ako sakanila. Ang swerte nung babae at super inaasikaso sya ng tatay ng
anak nya. Ang cute nila tignan. :')

Pero agad din nawala ang ngiting yun kasi biglang pumasok sa isip ko sina Adrian at
Myra.

Iniwan ko nga pala sila sa clubroom para mag-usap kaya sa ngayon siguro, alam na ni
Adrian ang tungkol sa pagbubuntis nya.

Nakaka-inggit lang si Myra.. Buti pa sya, may lakas ng loob na umamin kay Adrian..
Buti pa sya, mararanasang maalagaan ni Adrian
habang nagbubuntis sya..
SANA LANG TALAGA.. NOON.. NAGAWA KO RIN ANG MGA BAGAY NA YUN..

Naaawa tuloy ako sa anak ko ngayon.. Hindi na nga sya naalagaan ni Adrian noong
baby pa sya, ngayon naman may kahati na sya sa
atensyon ng tatay nya AT KASALANAN KO YUN LAHAT..

Kung nag-isip lang ako nang mas maayos non, kung di lang ako naging duwag at naging
selfish..edi sana hindi magulo ngayon ang
mga bagay-bagay sa buhay ng anak ko..sa buhay naming tatlo..

I sighed at that stupid thought. Totoo ngang nasa huli ang pagsisisi.

I rubbed my eyes then checked the time on my phone. It's already 5PM. Tapos na pala
ang klase ko na di ko inatenan. Kailangan ko na
rin palang magpunta sa work ko.

Habang naglalakad ako palabas ng mall, tinawagan ko si Dad para kamustahin si Andy.

"MOMMY!!!" ay, si Andy ang sumagot! Psh. Si Dad talaga, si Andy palagi ang
pinasasagot pag tumatawag ako.

"Baby ko.. Anong ginagawa mo??"

"DRAWING PO!! PERO MOMMY!!" hala bigla syang naiiyak! "YUNG RED CRAYON KO PO..
*sob* NAWALA SA SCHOOL PO.. *sob*
KULANG NA CRAYONS.. *sob* KO PO.."

Naku baby.. Ako rin may nawala ehh.. :(

"Baby.. Don't cry.. Nasa school lang yun and for sure tinabi na yun ni teacher..
Tatanungin natin sya bukas kaya wag ka nang umiyak,
okay ba baby??"

"O.. *sob* OPO.."

"Yan.. Paka-good boy ka muna kay Grandaddy ah?? I love you baby.."

"I.. *sob* I love you.. *sob* Mommy.."


"HELLO RACHELLYN??" ginulat naman ako ni Dad! Bigla-bigla na lang sya ang nagsalita
sa line!

"D-Dad.. Pasensya na po kay Andy ah.. Tinotopak na naman.."

"Hindi problema yun sakin.. Pero anong time ba makakapunta si Adrian dito?? Mula pa
kasi nang sunduin ko si Andy, tanong sya nang
tanong tungkol sa papa nya."

OUCH.. =/
"Ano, Dad.. Baka..di makapunta si Adrian dyan ngayon.."

"OH? Bakit?"

KASI INAASIKASO NYA PO SI MYRA NGAYON.. XC

"RACHELLYN?? Ano na?? Nagkaproblema ba kayo huh??"

"H-Hindi po ah! Kasi ano..may iba pa syang kailangang asikasuhin.."

"Ganun ba.."

"Sorry Dad..sana mapagtyagaan nyo si Andy hanggang mamaya.."

"Sus. Syempre mapapagtyagaan ko ang apo ko noh. Eh sige na, you better go now to
your work."

"Opo.. Thank you po... Bye.."

Sakto pagkatapos ng tawag ay nakalabas na ko ng mall. Napa-buntung hininga na naman


ako nang itabi ko na sa bag ko ang phone
ko at naglakad na papunta sa pinagtatrabahuan ko. Walking distance na lang yun mula
dito sa mall eh.

Hanggang sa trabaho, wala pa rin ako sa sarili ko. Swerte ko nga at di ako
nakakagawa ng kung anong pagkakamali kahit super
preoccupied itong isip ko.

Yung mga ka-trabaho ko na sina Angel, may mga kinikwento sakin pero wala naman
akong naintindihan. Tumatango na lang ako sa
kung anumang sinasabi nila.

Pag napapahinto naman ako saglit sa ginagawa ko, bigla na lang akong inaatake ng
paninikip ng dibdib. Bigla na lang ulit sumasama
ang loob ko. Bigla ko na lang ulit gugustuhing umiyak. Pero syempre, nilabanan ko
lahat ng pakiramdam na yun kahit mahirap..

Later after work, nagmadali akong nag-ayos para makauwi na at makita si Andy.

Kasabay ko si Angel sa paglabas. Katulad kanina, may mga sinasabi sya sakin na di
ko maintindihan.

"UYY RACHELLYN!! Ano ka ba..??" tanong ni Angel sabay hatak sa braso ko.

"Hm..??" yan lang tugon ko sakanya.

"DI MO BA NARINIG?? MAY TUMATAWAG SAYO DUN OH..!!" >3<

"Tumatawag..??" may tinuro sya sa likuran namin.


Isa yung pamilyar na kotse na nilagpasan lang namin dito sa labas at..may
nakatayong lalaki sa tabi nun na naka-smile sakin.

Tinitigan ko pa nang napakatagal yung lalaki bago ko na-realize kung sino sya.

"CJ.." nanikip muli ang dibdib ko nang mamukhaan ko sya.

"Wow.. Sya si CJ??" *o*

"O-Oo sya nga.. Sige mauna na ko.. Bye Angel.."

"Uh.. Okay.. Magpahinga ka rin ah?? Para kasing di maganda pakiramdam mo ngayon.."

Tumango lang ako sakanya. Gusto ko sana syang ipakilala kay CJ kaso wala ako sa
mood.

Naglakad na ko nang mabilis papunta kay CJ. Pagkalapit ko sakanya, agad ko syang
niyakap at napa-iyak na ko sa dibdib nya.

"R-RACHEL?? Bakit ka umiiyak??" tanong ni CJ habang yakap ang ulo ko. "Anong
problema??"

Ano nga bang problema ko?? Di ko alam..

Basta di ko na napigilang ilabas tong sama ng loob ko na kanina ko pa kinikimkim..


Basta gusto ko na tong iiyak ngayong nandito na si
CJ..
Di ko sya nasagot pero niyakap nya pa rin ako with his one hand gently patting my
head like I'm a little girl.

Natauhan din ako bigla. Nasa labas pala kami ngayon at may mga taong nakakakita
saming ganito.

Pinigil ko nang umiyak pero yung paghikbi ko, ayaw tumigil.

"C.. *sob* CJ.. Uwi na tayo.."

"Yes, Mhie.." tinulungan nya kong punasan ang mga luha ko tapos inalalayan nya ako
hanggang sa mapaupo na nya ko sa
passenger's seat ng kotse nya.

Sa byahe namin pauwi, pag-sniff ko lang ang ingay na maririnig. Tahimik lang kasi
kami. Alam ko gusto akong kausapin ni CJ pero kasi
nasanay na kaming sa bahay pinag-uusapan ang mga problema namin.

Kahit na ganun pa man, di pa rin nawawala ang pag-aasikaso nya sakin ngayon. Tuwing
hihinto yung kotse sa traffic light, lagi nya
kong haharapin at kung di sya ngingiti, yung kamay naman nya ay hahaplusin ang
mukha ko. Kaya kahit papaano tuloy, gumagaan ang
pakiramdam ko.

Pero wala.. Nang huminto na ang kotse nya sa tapat ng bahay ko, sumama na naman ang
loob ko. Yung kotse kasi ni Adrian..nandito..
"Mhie, baba na tayo."

"P-Pero.."

"Pero..??"

"N-Nandyan..si Adrian.."

CJ gave me a puzzled look.

Adrian naman kasi.. Di sya dapat nandito eh.. Diba si Myra dapat ang pinagtutuunan
nya ng pansin ngayon..??

Pero..di kaya nandito sya para kausapin ako? Para sabihin ang tungkol sa kalagayan
ni Myra. Para sabihing..mababawasan na ang
oras nya kay Andy kasi may bago na syang dapat paglaanan ng atensyon.

O hindi kaya..hindi kaya may nangyari sa baby ni Myra?? Baka napano na yung baby
kasi pinasama ko ang loob ni Myra tapos tinulak
ko pa sya!

Oh my God..now my heart started beating faster than ever. Oh please God..wala


sanang nangyaring masama sa baby nila..

"RACHEL." bumalik na ang atensyon ko kay CJ sa pagtawag nyang yun. Hinawakan nya
rin nang mahigpit ang kamay ko. "WHAT'S
WRONG?? May nangyari ba na kung ano sa inyo ni Adrian??"

"C-CJ.."

"Tell me Rachel, ano bang nangyari?? Ang lamig ng kamay mo oh and you're
trembling."

"K-Kanina kasi CJ.. Inaway ako..ng ex ni Adrian.."

"WHAT??" his face turned sour, making me tremble more.

"Lu-Lumaban ako sakanya but I think I..I made a wrong move.. Di ko sya dapat
pinatulan kasi..kasi buntis pala sya.." ramdam kong
tumulo na ulit ang mga luha ko.

But CJ's hand was very fast. It wiped every tear I shed.

With his touch, nagkalakas na ko ng loob na sabihin sa kanya ang lahat ng


nararamdaman ko kahit alam kong mahihirapan ako kasi
humihikbi na ulit ako.

"CJ.. Ang totoo..masakit sakin nang..malaman kong..magkakaanak na si Adrian sa


ibang babae.. Paano na kasi si..si Andy pag
mangyari yun?? But the worse is..paano kung..may nangyaring masama sa..baby ni
Adrian?? C-CJ..tinulak ko yung babae eh at..at
sinagot-sagot ko sya.. Baka..napaano na yung baby sa..ginawa ko.. Baka awayin ako
ni Adrian.. Baka..galit sya sakin.. Baka pati kay
Andy..magalit sya.."

My tears kept on falling and CJ kept on wiping them away.

"Don't worry.. I'm here.." CJ cupped my face. "Nasaktan ka na kanina.. Di ko


hahayaang masaktan ka pa ulit ngayon.."

[CJ's PoV]
"Don't worry.. I'm here.." I cupped Rachel's face as I continued on wiping her
tears. "Nasaktan ka na kanina.. Di ko hahayaang
masaktan ka pa ulit ngayon.."

Hinawakan nya ang mga kamay kong nasa mukha nya at kita ko ang effort nya na
ngumiti at pigilan ang pag-iyak nya.

"Thank you, CJ.." she then reached for the tissue box at pinunasan ang mukha nya. I
helped her with that na medyo ikinatawa nya.

HAYY.. God damn that woman of Adrian..and that Adrian as well. He's such an
irresponsible jerk. Mangba-babae sya then now, he can't
handle one of his women? How could he let Rachel get dragged into his mess? Oh just
damn it..wala na nga sila pero ito, napaiyak at
nasaktan na naman nya si Rachel. Tsk.

Nang kalmado na si Rachel, ako na ang nagtanggal ng seatbelt nya at nagbukas ng


pinto sa side nya.

I heard her take a very deep breath when she stepped out of the car. There I cupped
her face again and kissed her forehead.

"Everything's gonna be fine, Mhie." bulong ko sakanya.

Niyakap nya ko. "I know.. 'Cause you're here.."

"That's right.." ginantihan ko sya nang mahigpit na yakap. "And I'm not just here.
I'M HERE TO PROTECT YOU. You and Andy.
Always."

She tried to give me a smile then pumasok na kami ng bahay nang magkahawak-kamay.
Tahimik doon. Wala sina Andy at Adrian sa
paligid. Nagulat na lang kami nang nakasalubong namin si Adrian na kabababa lang ng
hagdanan.

"Nandito na pala..kayo." seryoso nyang sabi nang nakatingin sa mga kamay namin na
magkahawak pero tumingin din sya agad kay
Rachel. "Tulog na pala ang anak natin, Chelle. Inakyat ko na sya sa kwarto nya."

Di sumagot si Rachel. Her eyes are set on the floor while Adrian is looking
straight at her.

"Chelle. Pwede ba tayong mag-usap?"


"Uh ano.. Adrian, s-sorry pero---"
"CHELLE.. SAGLIT LANG.. PLEASE.." Adrian seriously begged but Rachel tightened her
hold on my hand. That tells me, na di sya
handang makipag-usap kay Adrian.

"PARE.." sumingit na ko sa usapan nila.

Adrian looked at me and I felt a mild tension starting to build up between us.

"Masama ang pakiramdam ni Rachel ngayon so she has to take a rest already. Kung may
pag-uusapan kayo, pwede bang bukas na
lang yan?"

Adrian's eyes suddenly narrowed at me. Malamang minasama nya ang pag-interfere ko
sa pag-uusap nila ni Rachel.

Buti na lang din at agad nyang inialis ang tingin nyang yun sakin kundi..iisipin
kong naghahamon na sya ng away.

He shrugged, looking away. "OKAY. UWI NA LANG AKO."

Naglakad na sya, nilagpasan kami ni Rachel tsaka umalis.

But his leave didn't make Rachel feel better.. Malungkot syang umakyat sa taas
habang ako ay nagpaiwan dito para mapag-luto sya
nang makakain.

I made her corn soup and when I was done, umakyat na ko sa kwarto nya. She was not
in her room, though. Sa kwarto ni Andy ko sya
nakita.

She's lying down next to her baby while hugging him and playing his hair.

"Mhie.. Kain ka na.."

"Sige.. Mamya na.."

I sighed. Wala yata syang balak kumain. Kahit nga yata magpalit ng damit wala syang
balak kasi yun pa rin suot nya oh.

Lumapit ako sakanya pero napansin ko yung shoulder bag nyang nasa sahig sa gilid ng
kama. May umiilaw kasi mula dun and it was
her cellphone.

Kinuha ko ang phone nya para i-check yun. Gawain naman namin toh minsan, ang
kalikutin ang cellphone ng isa't isa.

May 3 missed calls sya at lahat yun galing kay Adrian. He was trying to call Rachel
earlier, mga passed 5PM. Malas nya, busy na si
Rachel that time papuntang work nya.
Chineck ko rin inbox nya. Daming texts na puro galing sa classmates nya.

"Mhie.. Dami mong texts na di mo pa binabasa.." umupo ako sa tabi nya habang
kinakalikot ang phone nya. "Puro galing sa
classmates mo.. Baka may importanteng text ka na dapat mabasa oh.."

"Mamya na yan..." she bluntly gave me the same answer without looking at me. Tss.
Walang-wala talaga sya sa sarili nya.

Bibitawan ko na rin sana tong phone nya kaso may new text message na dumating which
is from... Adrian.

Sa lahat ng text, yun lang ang binuksan at binasa ko.

--- FROM: adrian

'di ko na mhintay ang bukas chelle.kaya ngayon p lng magsosorry na ko!sorry sa


ginawa ni myra..sorry sa gulo..dpat personal akong
mgsosorry pero ayaw mo ko kausapin eh!khit mga tawag ko ayaw mo sagutin!tsk napatxt
tuloy ako!nkakatamad kyang mgtxt!ikw nga
ang unang tinext ko simula ng mauso ang postpaid kaya magpasalamat ka!pero
chelle..seryoso.bukas ah?wg mo nako iwasan..gusto
pa rn ktang kausapin bukas at my ibbigay ako sayo.okay??cge..good nyt na po mommy
chelle'

--- END OF TEXT MSG.

Ang kapal. Kung umasta ang lalaking toh parang isa lang si Rachel sa mga babae nya
ah? Dapat nga tantanan nya na si Rachel eh
dahil may ibang babae na rin naman syang mas kailangang bigyan ng pansin ngayon.
Tsk.

Sa inis ko di ko na napag-isipan itong sumunod na pinisil ko sa cellphone..

'DELETE MESSAGE?'

Biglang umikot ng higa si Rachel paharap sakin at niyakap ako. She's still sad and
THAT IS ALL BECAUSE OF ADRIAN.

Now I know. Para ma-protektahan sya, kailangan maparamdam ko ulit sakanya na di nya
kailangan si Adrian.
And to do that, I have to do this first.

I pressed another button on her phone and....

'MESSAGE DELETED'

xxxxxx

x22: SORRIES & A PROMISE (part1~)


[RACHELLYN's PoV]

Alam nyo yung feeling na ang sarap-sarap matulog kasi pagod ka kaka-emote at kaka-
iyak nung gabi?

Yung tipong umaga na at need mo nang bumangon pero nakakatamad?

At lalo pang naging nakakatamad kasi may biglang tumabi sayo na niyakap ka at
hinaplos-haplos pa ang ulo mo?

Well that's how I feel right now..now that CJ's next to me, cuddling me and kissing
my forehead.

"Dhieee.." sinubsob ko pa ang ulo ko sa dibdib nya at niyakap sya nang mahigpit.

"Good morning.." he whispered.

"Anong oras na...??"

"Hm.. 8:30.."

=___=

Dapat nagmamadali na kong bumangon ngayon kasi may klase pa ko mamayang 10, pero
katamad talaga ehhh..

"Kung di mo kaya, wag mo piliting pumasok ngayon.."

Umupo na ko at kinusot ang mga mata ko nang sabihin yun ni CJ. "Kaya kong pumasok..
Di dapat maapektuhan ang studies ko dahil
lang sa mga nangyayari samin ni Adrian.."

"That's right. But it will better if..if you'll reconsider my advice last night."

His advice last night..

Ah. Oo. Sabi nya mag-transfer na lang daw ako ulit ng school para mabawasan ang mga
problema na binibigay sakin ni Adrian but I
refused to do that.

"CJ.. Diba napag-usapan na natin yun kagabi? Ayoko na talagang mag-transfer ulit.."

"I know but..." he sighed, taking a seat and murmuring. "How I wish I didn't ask
you to go to that school..."

Natulala ako sa narinig ko. Bakit parang nagsisisi sya? Di nya naman kailangang
pagsisihan ang ginawa nyang yun ah?

Oo, kasalukuyan nga akong may problema dahil kay Adrian, dahil nasa iisa kaming
school pero kahit ganun, thankful pa rin ako. Kung
di kasi ako pumasok sa school na yun, edi hindi rin nagka-chance ang anak ko na
makilala ng totoong tatay nya. =/
"Dalian mo na.." tumayo na sya't nagtungo sa pintuan.

"CJ---"

"Andy's been waiting for you downstairs.." at tuluyan na syang lumabas. Psh.

Nakaka-ano naman.. Pinaliwanag ko na rin yun sakanya kagabi eh. Ayoko nang lumipat
pa ng school kasi una, maganda naman dun
sa pinapasukan ko ngayon. Pangalawa, nakakahiya kina Dad kasi mapapa-gastos lang
sila ulit kung gagawin ko yun.

Ewan ko ba at nagiging 'medyo' mapilit si CJ ngayon. Pero sabagay..pinag-alala ko


sya kagabi eh. Sa sobrang pag-aalala nga nya, di
na sya ulit umuwi sakanila para lang samahan at damayan ako sa problema ko.

Bumaba na rin ako agad pagkahilamos ko for breakfast. Solo flight ang drama ko sa
may dining table kasi nauna nang natapos kumain
sina Andy. =.=

Binilisan ko na lang kumain para mahabol ko sa mga hinuhugasan ni CJ tong


pinagkainan ko. Hehehe..
Kaso..nang ilagay ko na sa lababo yung pinagkainan ko, hindi ako pinansin ni CJ!!
Pshh. Edi sya na ang isnabero.. >3<

Bahala na nga sya. Mamaya, lalambingin din nya ko for sure. Hihi.. ^3^

Naligo na lang ako then nagbihis for school.

I paused at one point, thinking that I'll be going back to my school-- ang lugar na
sinabi ko na 'kinasusuklaman' ko.

Honestly, wala na yung galit ko sa lugar na yun. Nawala na yun nang iniiyak ko na
lahat ng sama ng loob ko kagabi.

Ang di pa rin mawala-wala sakin is yung kaba pag maisip ko na pwede kaming magkita
ulit ni Adrian..na maririnig ko na ang mga
kinatatakutan kong marinig..

Pero gaano man katindi ang kaba na toh, I still have to face Adrian. Kailangan ko
nang tanggapin ang mga sasabihin nya. Kailangan ko
nang mag-sorry sa ginawa ko kay Myra.

For now, habang di pa kami nagkakaharap ni Adrian, papalakasin ko muna ang loob ko.

=O= *INHALE~~*

=o= *exhale*

Wew.. Alright. I'M READY.


**

With Andy on the backseat, hinatid nila ko ni CJ sa school.

It was a quiet ride..until we stopped in front of the schoolgate.

"WOWW.. Mommy! Ang big ng school mo po!! Kailan ako po mag-school dyan?!" *o*

Natawa kami ni CJ sakanya. Halos halikan na rin kasi nya yung bintana kakatitig sa
labas.

"Soon baby! Pag big boy ka na." I answered him habang chinecheck ang bag ko.

"Big boy?? As big as Daddy??"


"Yup." sagot ni CJ with a nod. "That's why you need to eat more vegies baby. Para
maging kasing-laki mo ko."

"Oooh.." *o*

"Baby.. Alis na ko.." paalam ko sakanya.

Dumaan si Andy sa pagitan ng upuan namin ni CJ para ma-reach nya ko at mahalikan.

After we kissed and exchanged 'I love you's', napatingin ako kay CJ. He was smiling
but his smile faded away when our eyes met! Tch.
Nagi-guilty na ko ah! Masama yata loob nya sa pagtanggi ko sa advice nya ehh..

"Dhie.. Sorry.." T3T

"Huh??"

"SABI KO, SORRY..!! Kasi..di ko magawa yung advice mo.."

"No need to say sorry about it." inalis nya ang tingin nya sakin. "Ako nga dapat
ang mag-sorry sayo eh.."

Psh..

At instances like this, mas gusto kong manahimik na lang. Ayaw ko kasi yung nag-
uusap kami nang seryoso pero walang man lang eye
or skin contact. Feeling ko lang, walang sincerity pag ganito..

A few minutes of awkward silence passed. Inalis ko na ang seatbelt ko nang


makalayas na lang ako.

"Mhie.." eh? What a sudden change of tone! Bigla na lang naging malambing si CJ!
"Bakit..??"

Hinawakan nya kamay ko and now, nakatingin na sya nang diretso sa mga mata ko.

"Pa..Paano na pala pag kausapin ka na ni Adrian??"

His eyes.. Fear ba itong nakikita ko sa mga mata nya?? Maybe not.. Malamang sobrang
nag-aalala lang sya.

"Kung kausapin nya ko, kakausain ko rin sya. We really need to talk anyway.."
ramdam kong humigpit ang hawak nya sa kamay ko. "At
wala kang dapat ipag-alala.. It isn't like Adrian's going to hurt me."

Hurt me? Yeah. NEVER physically but.... *sigh*

Napahigpit din ang hawak ko kay CJ at nginitian ko sya. "Everything's gonna be


fine, right? As long as you're with me.."

Finally.. Nginitian na ko ni CJ!

Di lang ngiti ah. Lumapit pa sya sakin and syempre.. Ni-hug and kiss nya rin ako.

With that, alam ko okay na kami ulit.

Kaya nga lang, may unting worry pa rin sa expression nya nang bumaba na ko ng
kotse. Di ko na yata maaalis yun eh. Not until
everything between me and Adrian gets settled for good.

Pinaalalahanan ko na lang si Andy na sumunod kay CJ at magpaka-good boy sa school


then naglakad na ko papunta sa klase ko.

Nang malapit na ko sa pintuan ng classroom na papasukan ko, napahinto naman ako


kasi si Adrian..

Naglalakad sya papasalubong sakin at..at..

*GULP*

AT ANG SAMA NG TINGIN NYA SAKIN.. >___<

Naka-kunot noo sya eh tapos sakin lang talaga sya nakatingin habang naglalakad!

EHHH NAKU... BINABAWI KO NA YUNG SINABI KO KANINA NA READY NA KONG MAKIPAG-USAP SA


KANYA! P-Pwede ba
tumakbo?! O magtago?!

My God... He's getting nearer..and nearer..and..geez! Yung puso ko! Sana maka-
survive ka hanggang mamaya.. >3<
He was like 10 feet away from me nang may lalaking humatak sakanya at kinausap sya
sa gilid nitong corridor. Sakto rin, kasi nandyan
na rin ang prof ko!

THANK GOODNESS! Pumasok na ko ng classroom at umattend ng klase at nakinig sa


lessons.
Ay. Hindi pala ko nakinig. Nag-pray pala ako the whole time! I prayed na sana..sana
okay lang talaga ang lahat. Na sana, kung pwede,
bukas na lang ako ulit kausapin ni Adrian kasi di pa talaga ko ready! Please-
please-please God! Wag nyo po muna pagtagpuin ulit ang
mga landas namin! PLEASE! Di pa po kasi ako ready na masaktan ulit eh..

After almost two hours, class dismissed na.

Nagmadali akong lumabas ng classroom, expecting that God will answer my prayers BUT
NO...

Adrian's waiting for me out there.

Kaya wala na yatang matutupad sa mga hiniling ko..

[ADRIAN's PoV]

Nagbunga rin ang may dalawang oras na paghihintay ko dito sa labas ng classroom ni
Chelle!!

DALAWANG ORAS LANG KUNG DI KO ISASAMA YUNG GINAWA KONG PAGHIHINTAY SA WALA KAHAPON
PATI YUNG
PAGHIHINTAY KO SA REPLY NYA SA TEXT KO KAGABI! Tsk.

Di na importante yun. Basta ngayon, nasa harapan ko na ulit si Chelle at makaka-


usap ko na sya nang masinsinan.

Pero bakit tulala lang sya nang makita nya ko??

Lumapit ako sakanya at napaurong naman sya ng isang hakbang!

"Wui Chelle?"

"A-Ano??"

"Anong a---" nakaramdam ako ng pagka-ilang kasi ang daming nakatingin samin!
Badtrip lang eh! Mga tsismosa ampotek! "HALIKA
NGA."

Hinawakan ko ang kamay nya at hinatak sya habang naglalakad kami.


Tsk. Nanlalamig na naman sya.
Umakyat kami ng hagdanan. Sa fourth floor kami tumigil kung saan wala masyadong
tao. Doon lumabas kami sa may fire exit na isang
maliit na balcony.

Binitawan ko na si Chelle nang isara ko ang pinto. Mukha lang syang...takot?

"Bakit ba parang natatakot ka? May sinabi ba ko sa text ko kagabi na lalamunin kita
o gagahasain?" hahaha bigla syang nagtaas ng
isang kilay sa sinabi ko. "Diba ang sabi ko, mag-uusap lang tayo?"

"A..Anong text ang sinasabi mo?" Ò.o

"Text. Malamang yung message na sini-send sa cellphone!"

"Alam ko kung ano ang text, Adrian. Ang tinatanong ko eh kung ano yung sinabi mong
text mo kagabi." T.T

"Ah.. Yun ba.." =___= "TEKA... Ibig sabihin, DI MO BINASA YUNG TEXT KO?? DINELETE
MO AGAD YUNG TEXT NA
PINAGHIRAPAN KO I-TYPE KAGABI??"

Tumingin lang si Chelle sakin na para bang di nya naintindihan ang sinabi ko. Aba?

"S-So..nagtext ka nga?? Pero..wala naman akong na-receive na kahit anong text na


galing sayo.."

Argh.. Napailing ako sa inis. "TSK, SABIHIN MO NA LANG NA DINELETE MO YUN AGAD KASI
GALIT KA SAKIN!"

"H-Hindi ah.. Wala talaga kong na-receive! Baka naman tinype mo lang yun pero di mo
na-send sakin? O baka na-wrong send ka.."
>3<

"IMPOSIBLE. May message sent kaya na lumabas."

"Eh na-check mo ba sentbox mo..??"

"HINDI PA. PERO ITO... TSK." inis kong kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ng
pants ko at inopen ang sentbox nun.

AY AY.. BAKIT WALANG MESSAGE DUN??!!


"Asan na?? Patingin.."

"Eh.. Ano.. Walang message dun sa sentbox.." O.O

"Psh.. Pinagloloko mo lang yata ako eh.. Kung nag-send ka ng text edi sana nandun
yun sa sentbox.."

"AY EWAN! BASTA TINEXT KITA AT NASEND YUN! KA-BWISIT! NOBELA PA NAMAN YUNG TEXT NA
YUN TAPOS.. TSK!"
Di na naka-imik si Chelle dahil sa reaksyon ko. Kainis naman kasi talaga! Ayaw na
ayaw kong nasasayang mga pinaghirapan ko eh!
Kahit ba text lang yun.

Dumungaw na lang ako dun sa balcony at nagmukmok.

Tsk.. Dapat nga pala kausapin ko si Chelle..

"Sorry..." mahina kong sabi sakanya.

"S-Sorry??"

Umikot ako't sumandal sa railing nitong balcony para harapin sya. "Yung sinabi ko
sa text, sabi ko dun sorry. Sorry sa gulong kinaharap
mo kahapon..sorry sa kung anumang ginawa sayo ni Myra.."

Yan na naman yung tingin nya sakin na para bang di nya ko na-gets.

"Sinabi ko rin na dapat mag-usap na tayo ngayon. Pero yun lang din naman ang
sasabihin ko ngayon eh..puro sorry."

Bigla syang napayuko. Malungkot sya.

"I'm really sorry, Chelle.. Lagi na lang kitang nasasaktan.."

"O.. Okay lang.. Naiintindihan ko naman kung bakit nangyari yun.." tumingin na ulit
sya sakin with a broken smile. "K-Kamusta na pala
si Myra??"

Napangiti at halos matawa naman ako sa tanong na yun! Hahaha si Chelle talaga oh..

"Ibang klase ka rin noh, Chelle?? Nagawa mo pang kamustahin ang babaeng nang-away
sayo??"
"SY-SYEMPRE.." bakit ba napaka-seryoso pa rin nya? Tsaka malungkot? "Inaway at
sinaktan nga nya ko pero..hinding-hindi naman
kakayanin ng konsensya ko kung may mangyaring masama..sa baby nyo ni Myra.."

O___O

BABY???

BABY NAMIN??? NI MYRA???

Ibig ba nyang sabihin..bu.. BUNTIS SI MYRA??!!

xxxxxx
x23: SORRIES & A PROMISE (part2~)

[RACHELLYN's PoV]

H-HALA...

Nang nabanggit ko ang tungkol sa baby nila ni Myra, yung reaksyon ni Adrian, gulat
na gulat lang!

His eyes are wide open, pati bibig nya, nakanganga!

Naku naman.. Mukhang di pa nya alam ang tungkol dun. Di pa yata yun nasasabi ni
Myra sakanya eh.. Tsk.. >.<

"S-SORRY, Adrian.. Ano kasi..di ko sinasadyang manguna sa pagsabi nun sayo.. A-


Akala ko rin kasi umamin na si Myra sayo
nung..nung iniwan ko kayo sa clubroom kahapon.."

O___O - Adrian

Ano ba yan.. >___<

Ang stupid ko rin kasi! Di naman ganun kadali umamin na buntis ka sa lalaking
iniwan ka kaya malamang lang na nag-alangan pa si
Myra kahapon!

I should have known that Myra would hesitate, dahil ganun din ang naramdaman ko
noon.. Tch. Stupid me..
"S-Since nalaman mo na yun..dapat mo nang puntahan at kausapin ngayon si Myra
kasi..." I paused as I felt like I was hurting myself
with my own words. Huminga na lang muna ko nang malalim bago ko muling nagsalita.
"KASI NGA, BUNTIS SYA.."

"HINDI.." mahinang sagot ni Adrian na tulala pa rin.

"Anong HINDI?? Don't tell me..na ayaw mo panagutan si Myra??"

"WALA AKONG DAPAT PANAGUTAN SAKANYA, CHELLE." he seriously told me that, with his
eyes already looking straight at me.

At sa sinabi nyang yun, nakaramdam ako ng SOBRANG PAGKAINIS! Nakakainis sya kasi
ayaw nya panagutan si Myra! Bakit ba
nagpapaka-iresponsable sya ngayon?!

At the same time, NAIINIS DIN AKO SA SARILI KO. Bakit ko ba pinaglalaban ang bagay
na toh na nakakasakit lang sakin??

Tch..
"Sa mga imposibleng mangyari sa buhay ko, ang mabuntis ko si Myra ang PINAKA-
IMPOSIBLENG mangyari sa lahat." wow.. How
could Adrian say that so cooly?? Parang kanina lang, gulat na gulat sya nang
mabanggit ko ang tungkol sa baby nila ah??

"PAANONG NAGING IMPOSIBLE YUN HUH??" sarkastiko kong tanong sakanya.

"Chelle naman.. Pwede bang wag mo na ko pag-explainin??" at nagawa nya pang ngumiti
sakin?! Di ba nya alam na lalo lang akong
naiinis sa kinikilos nya?!

"EX MO SI MYRA, Adrian! At lahat naman ng nagiging BABAE MO, iiwan mo lang kung
nakuha mo na ang GUSTO MO sakanila! Kaya
anong IMPOSIBLE ang sinasabi mo huh?? DIDN'T YOU DO THE SAME TO ME?? And look at me
now.. MAY ANAK LANG NAMAN NA
KO NGAYON DAHIL SAYO!"

Napatango sya. Sumasang-ayon sya sakin pero yung mukha nya! Mapang-asar! "Hmm..
Totoo.. Kaya may anak na TAYO ngayon..na
gwapo at kamukha ko. Hehehe"

"GOD, Adrian.." napatakip ako ng mukha. Naluluhang naiiyak na ko eh dahil sa


sobrang inis ko sa..sa siraulong nilalang na toh!

"Chelle." ramdam kong lumapit si Adrian sakin.


"I'm not kidding with you so BE SERIOUS about this.." napahinga ulit ako nang
malalim, with my hands still covering my face. "PLEASE
Adrian.. Wag mo namang hayaang maranasan ni Myra yung..yung sakit na naranasan ko
noon nung kailangan kita pero wala ka sa
tabi ko.."

Hinawakan nya ang mga braso ko para alisin ang mga kamay ko na nasa mukha ko. Pero
di ko hinayaang maalis nya ang mga yun!
Ayaw ko kayang makita nya kong naluluha! >.<

Nang di nya yun matanggal, tumigil sya. Pero bumwelo lang pala sya! He pulled my
wrists once more and it was forceful enough para
matanggal na nya nang tuluyan ang pagkakatakip ko sa mukha ko!

"SABIHIN MO NGA MUNA SAKIN..." hinawakan nya nang mahigpit ang mga kamay ko habang
nakatitig sya nang diretso at seryoso sa
mga mata ko.

Tsk. Ginusto ko ngang mag-seryoso sya pero ngayong seryoso na sya, natatakot naman
ako..

"SABIHIN MO.. Paano ko mabubuntis si Myra kung gumamit ako ng condom huh?"

(O___o) Uhh...

Hmm... ( .___.)

Paano nga ba.. ( =///=)

WAAAA.. BAKIT BA DI KO NAISIP NA PWEDE SYANG GUMAMIT NUN??? >///<


"Hayy Chelle.." ngumiti na ulit sya.

Binitawan na rin nya ang mga braso ko at sya ang nagkusot sa naluluhang mga mata
ko! As in kusot, hindi punas! >///<

"Sinisigurado ko sayo, na napaka-imposibleng nakabuntis ako ng kahit sino sa mga ex


ko, including Myra. Lagi kaya kong
PROTEKTADO noh. HAHAHA" psh.. Proud na proud pa sya dun ah.. "Oh, EXCEPT lang nung
first time ko gawin YUN which was...with
you."

O///Ó

Except his first time?? Which was..WITH ME??


Para namang may nagbubunyi sa loob-loob ko?? Eheheheh--- HINDI PALA!!

Bakit ako magbubunyi ha?! Think, Chelle! Sa lahat ng naging babae nya, IKAW LANG
ANG MINALAS AT NABUNTIS!

But on the second thought..ayaw ko i-consider na malas ang nangyari sakin.


Nabuntis, nasaktan at nahirapan nga ko, pero may
immeasurable happiness naman ako ngayon dahil sa baby ko.. ^///^

"Ano na, Chelle??"

Ay. Kaharap at kausap ko pa pala si Adrian.

"Di mo na siguro ipagpipilitan ngayon na dapat ko panagutan si Myra??" kung


makangiti tong si Adrian.. Mapang-asar talaga.

Nako-conscious tuloy ako. Kung anu-ano kasi naisip ko kanina.

"Ehhh s-si.." ayan! Di rin tuloy ako makapag-salita nang maayos! "S-Sigurado ka ba
dyan..sa mga sinabi mo??"

"HAHAHA OO..!! SIGURADONG SIGURADO AKO. Tsaka ang bilis naman nyang nalaman na
buntis sya kung ganun? Eh nung last-last
week lang kaya may nangyari samin!"

Kailangan pa nya talagang sabihin yun?! >///<

"Maniwala ka na lang kasi sakin Chelle.." :]

T///T

"Di pa nakaka-get over si Myra sa breakup namin. Mahal nya pa ko. Ayaw nya lang na
makita akong may kasamang ibang babae kaya
ayun..nasabi nya ang KASINUNGALINGAN na yun sayo." paliwanag nya na gusto ko nang
paniwalaan pero..may unting doubt pa rin
ako eh..
"S-SURE KA BA ADRIAN..?? Na.. Na nagsinungaling lang si Myra sakin..??"

"Very sure." :]

"S-Sure ka ba talaga.. Na di sya buntis??"

"Sure na sure." :]
"S-So ibig sabihin..hindi ka pa..hindi ka pa magkaanak ulit sa ibang babae..??"

Natawa na naman sya. "Ganun na nga.."

WEWW.. WHAT A RELIEF. Parang may malaking tinik lang ang nawala sa dibdib ko. Pero
nakaramdam naman ako ng hiya! Nagdrama
ba naman kasi ako kay Adrian dahil sa bagay na di pala totoo?? Psh.. >3<

"Pero bakit Chelle??" nakangiti nyang tanong sakin. "Ayaw mo ba kong magkaanak sa
ibang babae??"

"OO. AYOKO." mabilis at naka-pout kong sagot sakanya.

Lumapad ang ngiti ni Adrian at tsaka ko lang napansin yung sinagot ko sakanya! BAKA
KUNG ANO NA INIISIP NYA DAHIL DUN!

"W-Wag ka nga ngumiti nang ganyan!" suway ko sakanya. "Ayaw lang kita magkaanak sa
ibang babae kasi..kasi si Andy! Baka kasi
mapabayaan mo sya kung mangyari yun.." >///<

"HEHEHE.. Talaga lang huh.."

T///T

Adrian kept his naughty smile at me. His hands are hidden in his pockets, his
shoulders are down and his lower back is leaning against
the railing. Yang pose nya ngayon, ang astig nya lang tignan..

AY AY DI KO DAPAT PINAPANSIN YUN! Alam ko naman..matagal nang may astig looks si


Adrian.

"Wala kang dapat ipag-alala Chelle.." napatitig na ulit ako sa mga mata nya. "Dahil
ayaw mo, sige.. Hinding hindi ako magkaanak sa
ibang babae. PROMISE KO YAN."

*budum*budum*

Si Adrian? Pinapangako yun sakin??

Again, naniniwala ako sakanya. Pero gusto ko syang kontrahin! >.<


"WAG KA NGA MAG-PROMISE DYAN! Kasi for sure, di mo yan matutupad!"
"Anong hindi?? Alam mong di ako pala-promise na tao diba? Kasi nangangako lang ako
pag sigurado akong matutupad ko yun."

I smirked at him. "Oh.. So ngayon, ang PLAYBOY na tulad mo ay nangangakong HINDI


magkakaanak sa ibang babae?? HUH. Very
unbelievable.."

"OI OI.. Hindi na ko playboy noh." =.=

"WOW. Kailan pa? TEN SECONDS AGO?"

"No. More than a week ago, Chelle. Simula nang pinakilala mo sakin si Andy bilang
anak ko."

O..Okay?? Na-speechless ako dun eh.. It sounds very true, nagseryoso rin kasi sya
bigla.

Seryoso sya pero nakangiti. Mukha syang masaya na ewan.

"Simula nung araw na yun, napagdesisyunan ko nang itigil ang..ayun nga..ang pangba-
babae ko. Gusto ko kasi, kayo na lang ni Andy
ang pagtutuunan ko ng pansin. Gusto ko na mabaw--- uhm..na maibigay pala ang lahat
ng kailangan ng anak ko, ninyong mag-ina ko..
Hehehe."

Tss.. Ang ganda na sana ng sinabi nya kung di lang sya tumawa.

"Tsaka natakot na rin akong mangbabae, baka nga kasi makabuntis ako ulit. Hehehe..
Buti ba sana..kung katulad mo ulit ang magiging
nanay ng anak ko eh."

O___o . . . .

He sighed, looked at me in the eyes again and...and lumapit sya sakin.

His left hand touched my cheek, making me stiffen and shiver a little.. >///<

EH ANO BANG GAGAWIN NITO?!

Akala ko kung ano na eh may nilagay lang pala sya sa buhok ko na...hairclip???

"Sorry.." mahina nyang sabi without removing his hand on my cheek.


*blink*blink*

Buti dun sya nakatingin sa nilagay nyang hairclip kundi..psh..


"Sorry, isa lang nakita ko kahapon eh.. Kung alam ko lang na dalawa yung nawala,
sana hinanap ko na rin yung isa." tuloy nya pa.

"Y-Y-Yan ba yung hairclip na-na..na binigay nyo ni Andy sakin?" he nodded. "Ah.. A-
Ano, thank you at-at okay lang.. Nasa akin yung isa
pa.. Na-Nakatabi..sa bahay."

DUN NA SYA NAPATINGIN SAKIN na para bang nagulat sya sa sinabi ko AT ITO ANG AYAW
KO EHH.. >///<

Ayaw ko yung ganito kami kalapit tapos hawak nya pa mukha ko at nagtititigan
kami..!!

Palpitate.. Palpitate.. Waaa..

I heard him chuckle and ginamit na rin nya ang isa pa nyang kamay para hawakan ang
mukha ko!

Gusto ko syang itulak pero paano?! Nung isang kamay pa nga lang ang hawak nya sakin
kanina eh na-stiffen na ko, ano pa kaya
ngayong dalawang kamay na gamit nya?!

Then he slowly leaned forward to... TO KISS ME?! On the forehead?!

'ADRIAN??!!' gusto ko yang isigaw pero wala.. >.<

Napapikit na lang ako. Hindi sa gusto ko but I'm already expecting his forehead
kiss..

Nagtaka na lang ako kung bakit ang tagal, kung bakit walang lips na dumampi sa noo
ko.

I opened my eyes and yun pala, di nya tinuloy. He was already halfway when he
paused. Para syang may naalala kaya napatigil sya.

Nang tinignan na nya kong muli sa mga mata, napa-kagat labi sya at ngumiti
sabay...SABAY IPIT NG MGA PALAD NYA SA MUKHA
KO!

>//3//<
"A..Adri--- ANO BEHH?!" waaa ang mukha ko! Pinanggigilan nya yung ipitin! >O<

"Lunchtime na po Mommy Chelle! Wag mo kalimutang kumain ng lunch huh??" SA WAKAS!


Bumitaw na sya't tinantanan ang mukha
ko!

Lumayo na rin sya at nagtungo sa may pintuan habang nagkakamot ng batok.

"I-Ikaw Adrian? Di ka ba kakain?" tanong ko habang hawak ang nalamog kong mga
pisngi.. T///T

"Hindi na." pumasok na sya sa loob ng building. Sinundan ko sya. "May klase pa kong
hahabulin eh kaya una na ko ah??"
"Okay.." sagot ko pagkasara ko ng pinto. "Sige.."

"Bye." naglakad sya nang napakabilis paakyat nitong hagdan.

I sighed as I watched him briskly walking upstairs.

Grabe lang 'tong si Adrian.. Nakatalikod na sya pero ang lakas pa rin ng appeal
oh??

Bago sya umikot paakyat sa kabilang hagdanan, tumingin pa sya sakin at ngumiti.

I smiled back at him then..umalis na sya.

Umalis na nga sya pero ito ako, nakangiti pa rin.

Masaya ako sa mga sinabi nya sakin ngayon eh-- yung medyo 'detailed' nyang
pagpapaliwanag tungkol sa di totoong pagbubuntis ni
Myra..yung mga desisyong ginawa nya para sa anak namin..lalo na dun sa..sa PROMISE
nya sakin.

That promise of him... Aasahan ko yun. ^///^

xxxxxx

x24: 'TROUBLED' to 'IN-TROUBLE'

[CJ's PoV]
"DADDY!!!!"

AW. Gusto yata ko mabingi nitong si Andy?? Kung makatawag kasi, PASIGAW. Buhat-
buhat ko pa naman sya ngayon habang pababa
kami ng hagdan.

Buti na lang ang sarap pakinggan ng boses nya, especially when he calls me DADDY.

"Yes baby?" I asked him as I put him down.

"Pwede pa ko mag-play po sa living room po??"

"Sure. Basta wag ka na magpapawis huh? Pauwi na si Mommy eh."


"YEY!!! PAUWI NA SI MOMMY!!!" at tumakbo na sya sa may sala. Tss. Parang kakasabi
ko lang na wag magpapawis ah? Kakahilamos
ko lang sakanya eh.

Oh well.. Bata eh.

Nagpunta na lang akong kusina para hugasan ang pinagkainan namin ng dinner.

Whole day kong binantayan si Andy ngayon kasi wala akong pasok sa school. And since
buong araw ko sya kasama, Adrian wasn't
able to stay here like he has been doing lately.

Pumunta kasi yun dito kaninang hapon. He was supposed to babysit Andy pero dahil
nga nandito ako, umalis din sya agad. Wala pa
nga yata syang 10 minutes na nandito eh? All he did was talk to Andy a little and
treated him some snacks dun sa may tindahan sa
tapat then ayun, umalis na sya.

*BUGSHH!!!*

What the?? Tunog yun nung screen door na parang binangga ah??

"WAAAAAAAAHHH DA.. *sob* DADDYYY!!"

OH SHIT.

Mula lababo ay napatakbo ako kay Andy. He was sitting on the floor next to the
screen door. Umiiyak sya habang hawak ang noo nya.

"ANDY! WHAT HAPPENED?!" binuhat ko sya't chineck ang noo nya. Namumula yun.
"BI.. *sob* BINANGGA AKO NG.. *sob* NG DOOR PO!! WAAAAH"

"HUH?? Binangga ka ng pintuan?? Ehh shhh wag ka na umiyak."

Itinayo ko sya sa isang dining chair sa may kainan at madali rin akong gumawa ng
ice pack. Nilagay ko yun sa namumulang parte ng
noo nya habang patuloy sya sa pag-iyak.

"DA.. *sob* DADDY!! ANG BAD.. *sob* NG DOOR PO!! WAAAA" >O<

"SINONG BAD, BABY??" oh that was Rachel. Nakauwi na pala sya nang di ko
namamalayan. "What happened to you??"

May nilapag sya sa mesa na plastic bag ng McDo then lumapit sya samin.

As always, she's just calm when these kind of things happen to her baby. Sanay na
sya kasi napakalikot talaga nitong si Andy.
"Eh?? Binangga ka ng door?? Hahahaha.." see? Tinawanan nya lang ang paliwanag
sakanya ng anak nya oh. "Don't worry baby.
Papagalitan ko ang door na yun mamya. Ang bad nya, sinaktan ang baby ko.."

Rachel patted Andy's head and wiped his tears away. Napatahan nya agad si Andy just
by doing that.

"Sorry Mhie, that was my bad." I told Rachel. "Nasa kitchen kasi ako at..di ko sya
nabantayan nang maiigi.."

She looked at me with a sweet smile. "It's alright.."

That's smile.. Mukhang naka-move on na sya mula sa mga nangyari kahapon. I'm very
glad na sumaya na rin sya ulit. But I
wonder..nakapag-usap kaya sila ni Adrian??

To tell you the truth, nagi-guilty ako sa ginawa ko kagabi. I may have this strong
feeling na TAMA ang ginawa kong pagbura sa text ni
Adrian kay Rachel but still I can't help to feel guilty and SCARED. Paano na lang
kung malaman ni Rachel na nagtext pala si Adrian
kagabi pero wala naman syang nabasa tapos ako lang ang nangalikot ng phone nya?
Baka...arghh.. Ewan.. Ang sakit lang sa ulo isipin
nun..

"DHIE??" napatingin ako kay Rachel na nakatayo na pala sa tabi ko at kinakalikot na


ang plastic bag na nasa mesa. "You feel okay..??"
"O-Oo. I'm fine. Ano ba yang dala mo?"

"Ah. McFlurry's! Kaso medyo tunaw na.." T3T

I chuckled at that. Kinalikot ko na rin yung bag pero... "Bakit apat tong inuwi
mo??"

"Kay Adrian sana yung isa. Kala ko nandito sya eh.." bigla na lang sya nalungkot.
Dahil ba sa wala dito ang Adrian na yun?? TSK.
"Pero mas ayos nang wala sya! Para dalawa makain ko! Hehehe!" ^3^

What's with her??

Kahapon ayaw na ayaw nyang makaharap si Adrian but now..she was expecting him to be
here? She even bought him a share of that
food?

Damn.. I don't know what to think right now..

"Ayaw mo ba nito..??" Rachel asked me, pouting. Pansin ko naman si Andy na


sinimulan nang kainin ang McFlurry nya.

"Gusto ko noh. Pero dapat dalawa akin!" I grabbed two of the McFlurry's from the
bag at tumabi ako kay Andy.

"Ang daya mo! Gusto ko rin dalawa akin ehhh.." T3T

Natawa naman ako sa childish reaction nya. "Then come sit beside me! Share na lang
tayo dun sa isa."
"AKO DIN PO! SHARE PO TAYONG.. *sniff* THREE PO!" pakikisali pa ni Andy.

Rachel took a seat to my right kaya napagitnaan nila ko ni Andy. There we ate those
McFlurry's together and I ended up giving the last
one to them. Favorite nilang mag-ina yun kaya pinaubaya ko na. Pero swerte ko rin,
sinusubuan ako ni Rachel. Pati si Andy gumaya,
sinubuan din ako. Nang lagyan ni Rachel ng ice cream ang mukha ko, nilagayan din
ako ni Andy tapos tinawanan nila ko! Tss.

Napasimangot ako. Ang lagkit kaya nun. Pero nang sabihan nila ko ng 'I love you
daddy', wala na. Todo ngiti na ko.

Ang sarap lang din kasi ng ganito oh? Ang sarap magkaroon ng ganitong pamilya.

**
LATER pinatulog ko si Andy. I was relieved na di sya nagkabukol sa nangyari kanina.

Si Rachel naman ang pinuntahan ko sa kusina. Tsk. Sya na pala ang nagtuloy nang
naiwan kong gawain kanina.

I went behind her and wrapped my arms around her waist with my chin resting on her
right shoulder.

Bakit ba slim pa rin 'tong si Rachel kahit may anak na sya? And how I love this
scent of hers.. Sweet floral.

"Mhie..."

"Hm? Uwi ka na??" that question somehow disappointed me.

"Bakit? Gusto mo na ba kong umuwi?" =___=

"Hindi sa gusto ko but..you already need to. Two consecutive nights ka na rin
kasing nag-o-overnight dito. Baka magtampo na mommy
mo sayo.."

"That doesn't matter."

"Psh.." she pouted. Eh oo nga pala, ayaw nya na ginaganun ko ang nanay ko. Pero
himala at ngumiti sya ulit agad-agad unlike dati na
pagtatalunan pa namin ang tungkol dun.

"Mhie, ang saya mo ngayon huh?"

She nodded, still smiling. Nilagay na nya ang last plate na hinugasan nya sa may
rack then umikot sya paharap sakin habang
pinupunasan ng towel ang mga kamay nya.

"YES." she threw the towel on the counter then clung her arms around my neck. "I AM
HAPPY." :))
I kept her between my arms as I leaned against the counter. Nilapit ko ang mukha ko
sa kanya till our noses touched.

We were looking eye to eye. I could see that she is REALLY happy.

"And may I know the reason WHY you're happy?" tanong ko sakanya.

"Hmm.." para pa syang batang nag-isip. "Maraming dahilan. Isa na dun is


kasi...nandito ka."

I smiled at her answer at hinalikan sya.

Lulubusin ko tong paghahalikan namin ngayon. Kanina kaya nung umuwi sya di nya ko
hinalikan tapos nung umaga, may distansya pa
kami.

That made me miss her..so much that I would want to kiss her forever.

Our make-out ended with little kisses. But everytime she parts her lips from mine,
I'll always ask for more. Hehe. Ako na talaga ang
abusado sa halik nya.

"Nga pala! One more reason kung bakit happy ako.." ^3^

I sighed. Di na ko pwede humirit ng kiss. "What is it??"

"Nag-usap na kami ni Adrian.."

WHAT THE HECK?

"Okay na kami. Tsaka..di pala nya nabuntis si Myra, yung ex nya. It was just a lie
she made up, hoping that I'd stay away from Adrian."

"A-Ah.. Ganun ba.." that was all I could say. Medyo napalayo na rin ako kay Rachel
mula sa posisyon namin kanina.

"Sooo.. Hindi pa magkakaroon ng kapatid si Andy. Hehe.. Nahiya nga ko sa sarili


ko...umiyak at nagdrama pa ko kagabi tapos
kasinungalingan lang pala yung mga iniiyakan ko.." =3=

Nginitian ko na lang sya even though I feel all messed up inside.

FEAR. JEALOUSY. DOUBT. They were all rumbling inside me.

"I'm very happy that everything between me and Adrian got settled. And thank you
Dhie.. Thank you at di mo ko iniwan nung pinaka-
kailangan kita.." she lifted herself up, holding on my shoulders to kiss me.

*chup*
"I love you CJ.." ^///^
I hugged her very tight. She said she loves me, but how come I'm hurting?

"I love you too.." I kissed her forehead then cupped her cheeks. "Uhm.. Uwi na
ko.."

"Okay.." ^///^

Hinatid nya ko sa may pintuan. Ayaw ko na rin kasi syang lumabas ng gate.

"TEXT MO KO PAG-UWI MO AH!" pahabol nyang sigaw nang nakalabas na ko ng gate.

"I WILL. Isara at i-lock mo na yang pintuan."

Sumunod sya. But before she totally closed it, her lips moved as if she was telling
me something and wow. I didn't know that I can
actually read her lips! 'Cause I'm sure, Rachel just said another 'I LOVE YOU' to
me.

Masaya akong pumunta sa kotse ko pero nang nakapwesto na ko sa driver's


seat..argh.. Here it goes again. Yung jealousy, fear,
doubt-- they attacked me all at the same time.

Susubukan ko na lang na wag pansinin ang mga yun. I started the engine and drove my
way to...to somewhere else instead na sa
bahay.

To a place where I know I can think deep and shake those negative emotions off of
my head.

Maya-maya'y tinigil ko ang kotse ko sa parking lot ng isang bar.

This bar is owned by one of our family friends but tonight is my first time to come
here.

Pagbaba ko ng kotse, may nakita naman akong isang babae na naka-fitted, sexy and
shiny dress, pati isang lalaki na naka-hippy outfit.
They must be a couple, naka-akbay kasi yung lalaki sa babae habang tumatawid sila
ng kalsada.

"Echosero ka! Tantanan mo na ko, pwede?!" inis na sigaw ng babae pagkatawid nila
sabay alis sa braso nung lalaking naka-akbay
sakanya.

Bigla kaming nagka-tinginan nung babae but I quickly turned my look away from her.
Baka isipin pa nyang tsismoso ako tsaka di rin
maganda ang pakiramdam ko sakanya. She looks suspicious and..kinda dangerous.

Sinara ko na ang pintuan ng kotse ko para makapunta na ko sa may bar.


"GOSH! Bitawan mo na ko sabi! Nandyan na boyfriend ko!" I heard the girl said that
then bigla na lang akong may naramdamang
yumakap sa braso ko! It's her! "SORRY BABE NATAGALAN AKO PUMUNTA DITO! MAY KUMAG
KASI NA PINIPILIT ANG SARILI
NYA SAKIN KAHIT SINABI KONG TAKEN NA KO!" >3<

O___O ? ? ?

"HA! Boyfriend ka dyan!" kontra nung lalaking naka-akbay sakanya kanina. "Halatang
basta-basta mo na lang hinatak yang mokong na
yan eh! Tignan mo yung mukha! Halatang nagulat sa ginawa mo!"

"Anong nagulat! Natural na ganito ang itsura ng boyfriend ko noh! Mukhang gulat
pero hindi naman!"

O___O EHH???

"Sinong pinagloloko mo ha?? Halika nga dito nang mapatunayan natin yan!!" hinatak
nung lalaki sa braso si babae.

Dapat papagitna na ko sa gulo nila. Dapat hahatakin ko na rin yung babae pero di
nya yata kailangan ang tulong ko. Parang may super
strength lang sya kasi nagawa nyang alisin mag-isa yung hawak nung lalaki sakanya.

"POTEK HA! WAG NA WAG MO NGA KONG MAHAWAK-HAWAKAN ULIT KUNDI MASASAPAK NA TALAGA
KITA!" hala? Tomboy
yata toh eh? Tomboy na maganda at naka-sexy dress? "KUNG GUSTO MONG PATUNAYAN KO
YUN, DI KO NA KAILANGANG
LUMAPIT PA SAYO! MAPAPATUNAYAN KO YUN, DITO MISMO!"

"HAHAHAHA TALAGA?! PAAN---"

Th-This girl..

THIS GIRL SUDDENLY KISSED ME!! ON-THE-LIPS!!

xxxxxx

x25: One Crazy Night


[CJ's PoV]

Th-This girl..

THIS GIRL SUDDENLY KISSED ME!! ON-THE-LIPS!!

"MMM..." talagang may seductive sound pa ang kiss nya ah!

But thanks God, tinigil nya rin agad ang paghalik nyang yun!
She kept her tight hold on my cheeks while smiling and looking at me SEDUCTIVELY.
Err.. Seductively but somehow, I feel like her
eyes are trying to tell me something.

'PLEASE SUMABAY KA NA LANG! PLEASE PLEASE PLEASE!'

Huh? Paanong yun ang naisip kong sinasabi ng mga mata nya??

"I LOVE YOU BABE.." she said that to me with an obviously faked smile.

"O-Oh.. Right. I love you too babe." I replied with the same, fake smile.

Paninindigan ko na toh. Wala namang masama kasi gusto ko lang tumulong diba? Mamaya
baka kung ano pa mangyari sa babaeng
toh pag hinayaan ko sya.

Napangiti uli yung babae though it wasn't faked anymore. I could feel that she was
relieved, lalo na nang yakapin nya pa ko nang
mahigpit. Niyakap ko rin sya then tinitigan ko nang masama yung lalaking kasama
nya.

"SINO BA ANG LALAKING YAN HUH?" seryoso ako pero gusto ko tumawa! Yung lalaki kasi,
nakanganga samin. =___=

"Ehh babe.. Hayaan mo na ang kumag na yan! Tara pasok na lang tayo dun sa loob,
pleaaase.." Lumipat ang yakap nitong babae sa
braso ko at hinatak ako papasok ng bar.

Pagkapasok namin, madali syang dumungaw sa may pintuan.

"Pfft.. Umalis na rin yung kumag na bakulaw! Kala ko susundan pa tayo dito eh!
HAHAHAHA" buti naman kung ganun. Bumalik yung
babae sa tabi ko nang tumatawa pa rin at hinampas-hampas ang braso ko. "GRABE! ANG
GALING MO! KALA KO PAPAHIYAIN MO
KO DUN SA GINAWA KONG PAGHALIK SAYO EH! HAHAHAHA..HA..HA..HA.."
What happened to her? Natulala sya bigla eh at humina ang paghampas nya sakin.

"G-Gawd.. HU..HUMALIK PALA AKO SA DI KO KAKILALA??!! WAAAAAAAA" >///<

Aba't lumakas naman ngayon ang hampas nya na para bang galit sya sakin!

"WAAAA NA-KA-KA-HI-YA!!" tinakpan na nya ang namumula nyang mukha. Oh well, dapat
lang sya mahiya. "SORRYYYYY!!!" >///<

Uh-oh.. Pinagtitinginan na pala kami ng mga tao dito sa bar. Lakas kasi ng boses ng
babaeng toh.

"Okay lang yun. Basta mag-ingat ka na lang sa susunod." asar ko syang iniwan at
naglakad na ko patungo sa may counter.

TSK. Kainis lang talaga. Nadagdagan pa ang mga gumugulo sa isip ko.
Minutes ago, I was only troubled about Rachel and Adrian's making-up then now..

"UY UY TEKA!!" then now, this girl's kiss troubled me more. How could I let other
girl kiss me when I have a girlfriend?

Nilingunan ko yung babae at..

O___O

Anong nangyari sa porma nya??

"NAKALIMUTAN KONG MAG-THANK YOU!!" magte-thank you lang pero bakit naka-balot na ng
scarf ang mukha nya at naka-shades
pa? Para syang Arabic na Muslim na Indian na ewan. "Wala ka bang kasama? Kung wala,
hayaan mong ilibre kita ng maiinom bilang
THANK YOU ko! Tara dali!"

Di ko pa nga nasasagot ang tanong nya eh hinatak na nya ko sa braso papuntang


counter! Geez. Buti na lang wala nga akong
kasama.

At the counter, she asked me to take a seat on one of the high stools while she
took the other one which is TWO SEATS AWAY FROM
ME.

"Ang layo mo naman sakin??" tanong ko sakanya.


"Hindi ah! HAHAHAHA okay lang yan! Order ka na ng gusto mo inumin! Psst-psst! Huy!
Wafung bartender!"

Natatawang lumapit sakanya yung bartender. Kung makatawag naman kasi parang ewan
lang.

The bartender asked what our orders are and he served it to us afterwards. Apple
Martini drink for the girl and a bottle of a premium
rhum for me. Right. ISANG BOTE TALAGA. Nilubos ko lang ang panglilibre nitong
babae.

"Oooh.. Seryoso?? Uubusin mo yan??" tanong nung babae sakin.

"OO." I answered while pouring rhum into my shotglass.

"Ehh wala ka namang problema nyan ha??"

Problema? Wala nga ba? Napailing lang ako at ngumiti sabay inom. WEW.

Tumagay ulit ako. Pero napatigil ako kasi ramdam kong nakatitig sakin yung kasama
ko.

"WHAT?" I asked her. "At pwede ba tanggalin mo na yang scarf at shades mo?
Seriously, para kang ewan."
"AYOKO NGA! PORMA KO TO EH KAYA WAG KA MAKIALAM! Hmpff.." ang galing nya sumigaw
pero kung uminom, masyadong
graceful. Masyadong ma-poise.

Kaso di ko matiis na makita ang porma nyang yan. Just imagine it, scarf and shades,
tapos nasa bar sya? Tss.

Lumipat ako sa tabi nya sabay tanggal ng scarf at shades nya.

"WAAAA HANUBEH?!" she protested.

"I told you, mukha kang ewan pag suot mo ang mga toh."

"EH PERRO.." >///<

"Pero?"

"PERO NAHIHIYA NGA KO SAYO! SOBRANG HIYA KAYA AYAW KO NA IPAKITA ANG MUKHA KO
SAYO!" >///<
"Ah.. HAHAHAHAHA" natawa naman ako sakanya! "What's the point of hiding your face?
Eh nakita ko na yan kanina nang malinaw at
malapitan nung halikan mo ko. Hahaha"

O___O - She paused with that look on her face! Ibig sabihin, di man lang nya naisip
yun? Hahaha this girl is so unbelievable. She looks
very mature and all pero kung kumilos, total opposite ng itsura nya.

Pinatong ko na sa counter yung scarf at shades nya. Mabilis nya yung kinuha at
tinabi sa bag nya.

Ako naman ay nagpatuloy na sa pag-inom habang yung babae, nanahimik na.

Nang nilingunan ko sya, grabe. Para lang syang inosenteng bata na pinaglalaruan ang
apple garnish ng inumin nya.

"Hey." I called her attention.

"Hm??" di man lang sya tumingin sakin oh.

"What's your name?"

"Name ko.. Hmm.." dun pa rin sya nakatingin sa inumin nya. Tss. "Apple.. Ayun.
APPLE name ko."

"Oh.. Apple."

"Ikaw??"
"CJ."

"TJ?" ay. Bingi. Maganda at sexy nga, bingi naman. Pero sabagay, may malakas na
music na pinapatugtog dito eh.

"Yup." sumang-ayon na lang ako kaysa mapahiya sya.

"Hmm.. TJ.. TJ for??"

"TJ for.... TIMOTHY JOHN." naman.. Ang galing ko na pala magsinungaling?

"Wow.. Diba mga ano sa bible yun?? TIMOTHY.. JOHN.. Pfft.. Ang banal ng dating.
HAHAHAHA" pagtawanan ba raw ang name na
binigay ko?! Pasalamat sya at di yun ang totoong name ko.

"Ikaw naman Apple.. Di bagay sayo name mo." hindi sa gumaganti ako ah? Totoo yun.
Di talaga bagay sakanya ang pangalan nya.

"HINDI TALAGA! HAHAHAHA" eh? Sumang-ayon naman sya? At mukhang proud pa sya ah?

Hay ang labo nya. Maka-inom na nga lang ulit.

*tagay*inom*tagay*inom*tagay*

I stopped all of a sudden.

Naalala ko, nagpapatext pala si Rachel pag makauwi na ko. Pero di naman ako umuwi..

Should I tell her where I am now? Kaso paano na kung magtanong sya kung bakit ako
nandito? She knows that I don't go to places like
this. Di ko rin naman kayang umamin na masama ang loob ko sa mga nangyayari
sakanila ni Adrian kaya nagawa kong magpunta dito.

Tsk. ADRIAN. That jerk. Nakakapang-init ng ulo ang pangalan nya.

BAKIT PA KASI SYA BUMALIK SA BUHAY NI RACHEL??

Oh. Kasalanan ko nga pala kung bakit sila ulit nagkita. It all happened because of
MY STUPIDITY.

Ininom ko na yung huling tinagay ko then *BLAG!*. Padabog kong nilapag sa counter
yung shotglass.

"WO-HO! Pareng TJ! Baka mabasag mo yang BOSOHH!" >o< - Apple

"I've decided to fight for her but now.." I said in a defeated, low voice. "I don't
know what to do anymore.."

"HA???" O.O
Napangisi ako. Di ko gawaing mag-drama sa harap ng ibang tao eh pero ito ako
ngayon, nagdadrama sa taong di ko pa kilala nang
lubusan.

I lighted up a cigarette to smoke and nagpatuloy ako sa pagtagay at pag-inom. Until


my head started to feel a little heavy.
"Wui TJ? May bukas pa. Kaya pwede ba easy ka lang sa pag-inom?" - Apple

"HOW THE HECK WILL I TAKE IT EASY WHEN HER EX IS BACK AND THEY'RE GETTING ALONG
VERY WELL?!!"

Apple was shocked. Dunno if it was because I shouted at her or because of the shits
I just blurted out.

"Her ex.. Her ex who played her..fooled her..hurt her..left her years ago.. Then
now? He's back, acting like a very nice guy to her
and..argh! Everything's my fault, damn it!"

I faced my palms in CONFUSION and DIZZINESS.

I can't believe myself too. Kailan pa ko natutong maglabas ng sama ng loob sa ibang
tao bukod kay Rachel?

"O-M-G.." Apple murmured, more like to herself. "STRAIGHT ENGLISH YUN AH."

"Tsk. You know? I love her. I trust her. I can feel that she loves me too but.. I
can't help myself to feel jealous..to feel scared. Eversince
her ex came back, I've been afraid that..that she might fall for him again and
leave me.."

"Oooh... Shet." huh? SHET? Was that a cuss? "May girlfriend ka na pala. Hahahaha
waaa.. Patawarin naman sana nya ko sa ginawa
ko kanina.." >///<

I chuckled. Then sighed. Naguguluhan ako. Parang wala na kong maintindihan sa


pinag-uusapan namin?

Next thing I know was inagaw ni Apple ang shotglass ko at sya ang uminom ng huling
tinagay ko.

"WEW! Hooo.. Shet talaga.. Isa pa ah? Wait." tumagay ulit sya ng rhum ko sabay
inom.

I thought it would be her last shot but no. Nagpalitan kami sa pagtagay at pag-inom
sa iisang shotglass. Napa-order pa nga sya ng isa
pang bote ng rhum kasi nabitin kami.

We just kept on drinking, talking, drinking, laughing, drinking until...argh.. I


can't think straight anymore..
***

**

***
Shit.. My head.. It hurts like hell..

I opened my eyes, only to find myself sleeping in a dark, unfamiliar room!

I checked myself and.. I was relieved. Mag-isa lang kasi ako dito sa kama at may
damit pa ko. Naka-sapatos pa nga ako eh oh at yung
mga personal stuffs ko, nasa bulsa ko pa. Akala ko kung ano na nagawa ko dahil sa
paglalasing ko kagabi kasama yung babaeng
Apple ang pangalan.

Si Apple..

Lalong sumakit ang ulo ko nang maisip ko ang pangalan nya. May mga sinabi kasi sya
kagabi na bigla at mabilis na nag-playback sa
utak ko.

'Kung takot kang mawala sya, edi ituloy mo lang yung pakikipaglaban mo para
sakanya! Pero kung puro inom ka na lang ng alak at
hithit ng yosi, AYSOWS! Asahan mo, iiwanan ka talaga nya!"

'Mag-usap kaya kayo noh?! Walang maaayos kung hindi mo sya kakausapin! Dapat
ipaalam mo rin sakanya yang mga nararamdaman
mo noh! Tsk!'

'BUT-BUT-BUT KA DYAN! Batukan kita eh gusto mo?! Maging honest ka naman sa


girlfriend mo uy! Mahalaga kaya sa isang
relationship yung pagiging open nyo sa isa't isa..'

'Love is all about timing ya know. Hahaha shet! Napapa-English na rin ako! But
seriously TJ, totoo yun. Kung di mo sasabihin agad ang
mga dapat mong sabihin sakanya, nakow.. Pagsisisihan mo yan. Sayang naman yang
feelings nyo sa isa't isa ngayon kung mangyari
yun. Tsktsk.'

'WAAAA MAIGAWD TJ!! Ang hina mo pala sa inuman!! Hahaha wuii!! GISING!!'

>___<

Ang sakit talaga sa ulo! Para kasing naka-record na sa utak ko yung malakas nyang
boses!
Tsaka marami pa syang nasabi tungkol sa problema ko pero yan lang mga natatandaan
ko eh. Yan lang kasi yung mga pinaka-tumatak
sa isip ko at sinang-ayunan ko. Lasing na din kasi ako nun at grabe lang ang
kadaldalan ng babaeng yun. Halos di na nga nya ko pag-
salitain sa dinami-rami ng mga sinasabi nya.

Pero..nasaan na kaya sya? At ako? Nasaan na ba ko?

Biglang may nagbukas ang pinto nitong kwarto. One sophisticated woman entered with
a big smile.

It was my mom.
"CJ dear.. Buti nagising ka na.. Anong oras na oh." she turned on the lights and
checked her silver wristwatch. "It's already 11AM."

11AM?! Tanghali na pala?! Tsk! Mukhang di na ko makakapasok ng school.

Umupo ako nang maayos sa gilid ng kama and there I lazily rubbed my eyes.

"Where am I?" I asked her.

"Oh, nandito ka lang naman sa isang kwarto sa 2nd floor ng bar na pinuntahan mo
kagabi."

Ah.. Pero paano nya nalamang nandito ako??

"Hmm.." Mom walked closer, grinning. "Did you and Rachellyn break up already??"

"What-- NO! We didn't break up!" just where the heck did she get that idea?!
Hearing it pisses me off big time, especially now!

"Oh? Then why did you go here and spent the whole night drowning yourself in
alcohol with the company of ANOTHER WOMAN?"

Napataas ako ng isang kilay sa narinig ko. "ANOTHER WOMAN??"

"Yeah? The woman you were drinking with? The one you KISSED outside the bar?"

What the? Is she talking about Apple? Pero paano nya nalaman ang tungkol dun?! Lalo
na yung sa halik?!

Great! Now she's laughing at me! "I can read your thoughts, CJ. Wonder no more, si
Raymond lang naman ang nagkwento nun sakin."
Raymond? Our family friend who owns this bar? OH CURSE THAT GUY! NAKITA NYA PALA
ANG MGA NANGYARI SAKIN KAGABI!

"But don't forget to thank him, okay dear? Sya rin kasi ang nagmagandang-loob na
patulugin ka dito. And about your other woman--"

"SHE'S NOT MY OTHER WOMAN, DAMN IT!" damn it, really! Lalong sumasakit ang ulo sa
mga sinasabi nya!

Nakangiti pa rin sya even though I've raised my voice to her. "Alright, if you say
so. Umuwi rin daw yung babaeng yun kagabi. Sayang
nga, di ko man lang sya nakilala. Hmm.. But.. Alam ba ni Rachellyn yang mga
pinaggagawa mo last night??"

Tsk. Rachel.. Di ko pala sya naitext kagabi.. Dapat ko na syang kausapin agad
ngayon..

"Seems like Rachellyn doesn't know a thing about it huh? Hmm.." Mom crossed her
arms and grinned at me again. "SHOULD I TELL
HER EVERYTHING I KNOW??"

Her question made me throw a very deadly glare at her.


"JUST TRY TO SAY A SINGLE SHIT TO HER AND.." masakit pa ang ulo ko pero sa sobrang
pagka-inis ko, nagawa kong tumayo at
maglakad papalapit sakanya. "AND YOU'RE GOING TO REGRET IT, MOM. I ASSURE YOU
THAT."

She got dumbfounded by my threat. Nilagpasan ko lang sya sa kinatatayuan nya at


hinanap ang daan papalabas ng lugar na toh.

Sa labas, diretso ako sa kotse ko. TCH. Ramdam ko na naman yung grabeng sakit ng
ulo ko.

"CJ! Let me drive you home!" that was Mom. Sinundan pala nya ko ah. "YOU CAN'T--"

Di ko na sya pinatapos. Agad ko nang pinaandar ang kotse ko paalis.

Bahala na kung may mangyari sakin. Basta, kailangan ko nang puntahan si Rachel. I
need to talk to her. Tulad ng sinabi ni Apple,
kailangan ko nang sabihin ngayon ang mga dapat kong sabihin sakanya..before it gets
too late.

xxxxxx
x26: Disappointment

[RACHELLYN's PoV]

*sigh..

Tambay mode ako dito sa school. Wala na kong klase eh. Hinihintay ko na lang si CJ
na makapunta dito kasi sabi nya ihahatid daw nya
ko sa work ko ngayon..

Si CJ..

Ano kayang nangyari sakanya kagabi??

Sabi nya kasi itetext nya ko pag makauwi na sya pero di naman sya nagtext..

Naisip ko na baka nakatulog na sya agad pagka-uwi nya pero hanggang umaga, di pa
rin sya nagtext. Ako na nga ang unang nagtext
sakanya, nangulit at nagpa-ring pa ko pero WALA TALAGA. Tanghali na sya nakapag-
reply, saying sorry sa hindi nya pagtext sakin at
nakauwi na rin daw sya.

Ako naman nagtanong kung anong nangyari sakanya at kung kakauwi nya lang ba, pero
ang layo ng sagot nya! Mag-charge daw
muna sya at susunduin nya raw ako after school! Psh..

Di ba nya alam na nakaka-frustrate para sakin yung ginagawa nya..


Kinakabahan tuloy ako. In almost 3 years na pagkakaroon namin ng relasyon, ngayon
lang sya naging ganito eh. Ngayon lang sya
naging kaduda-duda.

Posible kayang may ginagawa sya na kung ano behind my back? Tulad ng....ng
pangbababae??

>___<

HINDEEE..

CJ's not that kind of guy! Ni hindi nga sya madaling ma-attract sa mga babaeng
maganda at sexy manamit eh! Di tulad ni Adrian! Yung
lalaking yun, basta may ganung babae sa paligid, tsk. Titig na kung titig, kulang
na lang maglaway!
*sigh..

Pinatong ko na lang sa mesa ang shoulder bag ko and there I rested my head.

CJ's very different from Adrian kaya wala akong dapat ipag-alala. I do trust him.
For sure, may valid reason sya kung bakit sya
nagkakaganito ngayon..

*BUDUMP*BUDUMP*

Kumontra naman daw ang puso ko sa iniisip ko!! Ano ba toh.. >.<

I trust CJ. I trust CJ. I TRUST CJ! Kahit anong protesta ng puso ko sa
pinapaniwalaan ko, FINAL NA YAN!

I strongly believe that CJ won't do anything na makakasakit sakin. Mahal na mahal


kaya nya ko. Until now nga kinikilig pa rin ako dun
sa back-hug and kiss nya sakin kagabi ehh. Hihihi..

Kinikilig nga ko pero yung KILIG na yun, mabilis din napalitan ng KABA.

Ang gulo.. Ang gulo ng puso ko, ng utak ko, lahat na!

Nakakaantok tuloy..

Kaantok mag-isip at maghintay..

Medyo matatagalan pa naman si CJ na makarating dito kasi katetext nya lang na


umalis na sya sakanila kaya hinayaan ko munang
umidlip ang sarili ko..

.
.

"Wui.."
I heard a familiar voice..sa panaginip ko..

"Wui, Chelle ko.."

I smiled in my dreams as I heard that familiar voice again calling me-- what??
CHELLE KO??

"Gising na wui.."

Napadilat na ko. Agad kong nakita si Adrian na naka-upo sa tabi ko at..at nakatitig
sakin with a smile.

This scene is very familiar..

Yung gigising ako tapos nasa tapat ko si Adrian na nakangiti sakin..

Ah oo, nangyari na pala toh nang maraming beses noon nung high school pa lang kami.
Lagi kasi akong natutulog sa classroom non
twing lunchbreak at pag gigising ako, Adrian would always be there, sitting in
front of me with a smile. Lagi syang ganun kasi raw
binabantayan nya ko. Pero malakas ang hinala ko na pinagtitripan nya lang ako non
eh. =___=

"Chelle." sa tawag nyang yun naalala ko yung narinig ko kanina.. Yung 'Chelle ko'.

"May sinabi ka ba kanina..??" inaantok kong tanong sakanya sabay angat ng ulo ko
mula sa mesa. "Nung tulog ako..??"

"Oo? Sabi ko, gumising ka na." naka-ngiti pa rin nyang sagot.

"At..??"

"At ano??"

=///=

Di bale na nga.. Malamang panaginip nga lang yun..


Though hearing it made me feel a little nostalgic. Ganun kasi ako tawagin ni Adrian
non pag naglalambing sya, kahit nung di pa kami.
Hindi pa kami pero feeling nya kami na. Kapal din nito noon eh noh?

"Uy, natulala ka na? Okay ka lang ba?" ehh ano ba tong kamay ni Adrian! Bigla na
lang nanghawak ng mukha!
>///<

"Wala ka namang sakit.." inialis nya agad ang kamay nya sa mukha ko pero tinitigan
naman nya ko ng MALAPITAN! "May problema ba
Chelle?"

"Psh.." napatakip ako ng mukha. Di ko alam, parang gusto ko lang itago ang
pagmumukha ko sakanya. "EWAN KO SAYO."

"Aba, ang taray mo ah.. Meron ka ba ngayon??"

"WALA NOH!" totoo wala naman pero bakit kailangan nya pa yun itanong?! >///<

"Ah.." tinignan ko na sya ulit at naman oh? Nakangiti lang sya nang nakakaloko.
"Malamang malapit ka na magkaron nyan."

"Tantanan mo nga ko Adrian! Bakit ba kasi nandito ka?!" >///<

"Ay, may hinahanap kasi ako.." inikot nya ang tingin nya sa paligid.

"Oh.." =///=

"Mga babae talaga.." inis nyang bulong habang paikot-ikot pa rin ng tingin. "Pag di
mo hinahanap, bigla-bigla na lang susulpot. Pag
kailangan mo naman, dun pahirapan hanapin. Tsk."

T///T HUH? BABAE?

"Sino bang hinahanap mo ah?" tanong ko sakanya.

"Uhm.. Basta.." nagseryoso sya bigla.

At lalo naman akong nainis.

Feeling ko kasi di na nya matutupad yung promise nya sakin. Feeling ko di totoo
yung sinabi nyang tumigil na sya sa pangbababae.

Ang mas ikinaiinis ko pa eh kung bakit ba ko naniniwala sakanya. Playboys will


always be playboys so ano pa nga bang dapat kong i-
expect sa tulad nya? MALAMANG LANG NA DI NYA KAKAYANING MABUHAY NANG WALANG BABAE
DIBA?
"Anong oras na pala.." sabi nya nang nakatingin sa relos nya. "May group meeting pa
pala kami. Tsk. Ikaw ba Chelle? Hatid na kita sa
next class mo?"
"Wala na kong klase. Hinihintay ko na lang ang sundo ko.." matamlay kong sagot
sakanya.

"Sundo??"

"Oo. Susunduin ako ni CJ.."

"Ah. Tss.. Sige.." tumayo na sya't aalis na.

Kanina nakakainis, ngayon naman..nakakalungkot..

"Adrian.." biglang tawag ko sakanya bago pa sya makahakbang palayo. Teka. Bakit ko
ba sya tinawag??

Lumingon sya sakin. "Hm?"

Tch.. Makapagpalusot na nga lang. "Ano... Si Andy.." :((

Biglang nanglaki ang mga mata nya. "BAKIT?? MAY NANGYARI BA SAKANYA??"

"Wala ah.. Na..nami-miss ka lang nya.." eh?? Hehe..

Adrian sighed, frowning. "Sus naman Chelle. Akala ko kung ano na nangyari sa anak
natin!"

From inis to lungkot, ngayon naman napangiti na ko.

Natutuwa lang talaga ako kapag 'anak natin' ang tawag ni Adrian kay Andy.. :))

"Pinagtitripan mo ba ko ha, Chelle?" Naku, nagalit na yata si Adrian. Hehe. Grabe.


Ang gwapo naman magalit ng nilalang na toh?
Parang si Andy lang pag tinotopak.

"Hindi kita pinagtitripan noh.. Umalis ka na nga.." = 3=

Ngumisi sya then tumalikod at umalis na.

Eh? Yun lang yun? Walang buh-bye man lang?


Psh. WALA. Pinanood ko na lang syang maglakad palayo.

Habang pinapanood ko sya, bumalik naman itong magulong pakiramdam ko..

Yung pakiramdam na nalulungkot ako na naiinis pero natutuwa rin.


AYT.. MABABALIW NA YATA KO.. >___<

Buti na lang nagtext na si CJ. Nasa may tapat na raw sya ng gate kaya naman
nagmadali na kong lumabas ng campus.

Agad kong nakita ang kotse nya. And through the windshield, I saw him waved at me
and gave me a smile.

Naka-smile nga sya pero I can tell na may mali sa ngiti nyang yun.

Sumakay na ko sa may passenger's seat ng kotse nya and he still has that smile.

"How's school?" masayang bungad nya.

"Okay naman.." Tinitigan ko sya sa mga mata nya. "Ikaw? How's school?"

He stared back at me. "Di ako nakapasok eh kasi masama pakiramdam ko.. Uhm, hatid
na kita sa work mo.."

Inialis na nya ang tingin nya sakin at nagsimula na syang mag-drive.

Di ba nya na-gets yung pagtitig na ginawa ko sakanya?

Gusto ko sanang sya ang magsimulang mag-open up ng tungkol sa kung anumang nangyari
sakanya kagabi pero parang iniiwasan
nya naman ang topic na yun.

Nanahimik lang kami hanggang sa tinigil na nya ang kotse nya sa may
pinagtatrabahuan ko.

"CJ.. You're making me worry, alam mo ba yun??" Di ko na napigilan ang sarili ko.
Nakakasama kasi ng loob yung ganito. Na nagkita
nga kami ngayon pero kahit unti wala man lang syang sinasabi tungkol sa kagabi.

"I.. I know. Sorry.." Bakit parang sya pa ang mukhang nagugulahan ngayon?

"You're sorry.. Pero parang wala ka man lang balak na magsabi sakin ng tungkol sa
kung anong nangyari sayo kagabi.." patampo kong
kontra sakanya.

"No. It isn't like that. I'm actually planning to tell you everything about it
later at home. May work ka pa kasi ngayon oh.."

"But I'm too worried to wait until later and I still have 20 minutes before work.
Sabihin mo na, san ka ba nagpunta kagabi..??" T3T

Ni-relax nya muna ang sarili nya bago muling tumitig sa mga mata ko. "I went to..a
bar. Our family friend's bar."

"Ah.. Uminom ka ba??"

"I did. Kaya ang sama ng pakiramdam ko the whole day eh.."
Now I get it. Kaya pala parang wala sya sa sarili nung magreply sya sa text ko kasi
may hungover sya. Di na rin ako nagulat kung
uminom sya. I know that he drinks pero hindi nga lang sya ganun kadalas uminom.

"Ganun naman pala eh. Sana sinabi mo agad na iinom ka sa bar ng family friend nyo
para di na ko nag-worry. Psh.. Natakot ka ba na
di kita papayagan kung nagpaalam ka sakin??"

Medyo natawa sya sa tanong ko sabay hawak sa kamay ko. "Hindi noh.."

I smiled at him, holding his hand back. "Sinong kasama mo kagabi? Cousins mo?"

Cousins talaga una kong tinanong. Wala naman kasing barkada tong si CJ. Di
masyadong halata but CJ is somewhat a loner. He
prefers to be alone than to hang-out with others. Pero syempre, he prefers more to
be with me than to be alone! Hihi..

I felt CJ's hand tightened its hold on me. "I was with a..a friend.."

"A friend?" nagulat naman ako dun. Parang kasasabi ko lang na wala syang barkada
ah? "School friend? So, natututo ka na pala
makipag-socialize? Ayiee" ^3^

"No." natatawa sya pero pinipilit nya magseryoso. "She's a new friend who I just
met last night.."

Napatigil ako. That 'friend' he was talking about is a 'SHE'? Meaning, BABAE??

SO NAKIPAG-INUMAN SYA SA ISANG BABAE NA DUN NYA LANG MISMO NAKILALA?


"Paano mo naman nakilala ang new friend mo na yun..??" I asked, keeping myself
calm. Yes, may pagdududa na ko pero gusto ko pa
rin syang pagkatiwalaan.

"Uhh nagkakilala kami..kasi..I helped her.."

"You helped her with??"

Humigpit ulit ang hawak nya sakin. His eyes still looking straight at me. "I helped
her dump the guy who was hitting on her."

"Oh.. And how??"

"By.. By acting as her boyfriend.."

I stiffened. Nawala rin ang kapit ng kamay ko sa kamay nya.

"But I swear, that was just an acting." CJ kept his hold on my hand.
"O..Okay.. Ano naman kayang mga ginawa nyo to make your ACTING work??" I sounded
bitter. Why not? Kung nag-acting sila,
malamang may ginawa silang mga bagay na ginagawa ng mga mag-on diba?

"We... We kissed."

My heart felt like it stopped from beating.

CJ KISSED OTHER GIRL. W-Wow..

"Ah, hindi. It isn't 'WE KISSED'. I just let her kiss me." he cleared but I don't
think I can understand him anymore.

Binitiwan ko ang kamay nya at mabilis akong bumaba ng kotse.

"R-RACHEL?! WAIT!" pinagsarahan ko sya ng pinto.

God.. He acted as other girl's boyfriend! AND THEY KISSED! Idagdag pa dun yung
magdamag nilang pag-iinuman! They enjoyed
being with each others' company SO MUCH that by lunchtime na nakauwi si CJ! What
else could have happened in that period of
time?? Lasing sila eh kaya maraming posibleng mangyari! If they had the guts to
KISS then they might even have... They might even
have slept together.. Oh God..
Pagkatalikod ko, mabilis namang may tumulo na luha mula sa mga mata ko. Agad ko rin
yung pinunasan at nagmadali akong naglakad
papunta ng fastfood.

"RACHEL..?!" hinabol ako ni CJ. Nang maabutan nya ko, pilit nya kong pinaharap
sakanya. "I'm sorry.. But I still have more
explanations to say so please.. Please listen to me.."

"Maybe later.." nanghihina kong sabi sakanya. Ang hirap kaya magsalita. It was like
something's stucked in my throat, in my chest.
Something that is heavy and painful. Something na gusto ko iiyak na lang but I
can't.

"Rachel.. I'm really sorry.."

I slightly nodded and gently pulled my hand away from his hold. "Sige.. Kailangan
ko nang pumasok.."

He unwillingly let me go.

Pumasok na ko sa loob ng fastfood at dumiretso sa CR.

There I locked myself up in one of the cubicles and... I cried. Silently.

Ang sakit..

Ang sakit isipin na mag-isa akong umiiyak ngayon..


Ang sakit isipin na yung lalaking lagi akong kino-comfort pag umiiyak ako ay syang
nagpa-sama ng loob ko ngayon nang sobra..

Ang sakit isipin na ito lang pala yung kapalit ng trust na binigay ko sakanya..

I leaned against the wall as I cried more. God.. This is really painful..

Akala ko di ko na ito mararamdaman ulit, yung pagiging helpless at mag-isa. I


believed I'd never feel this miserable again as long as I'm
with CJ but now..

But now, that CJ who I trust so much has betrayed and disappointed me.. That CJ who
I love so much has hurt me..

Now..what should I do..??


Xxxxxx

x27: Advice

[ADRIAN's PoV]

Currently driving our way to my condo unit. OUR WAY kasi kasama ko ang napaka-kulit
kong anak!

Dapat bibisitahin ko lang sya sa bahay nila eh kaso..argh..NANDUN NA NAMAN SI CJ.


Nakakawalang gana kaya pag nasa paligid ang
lalaking yun. Parang nung kahapon lang. Kahapon saglit ko lang nakasama itong si
Andy kasi nga nandun ang lalaking yun.

And lalaking yun.. May mali sakanya kanina. Dati rati pag nagtatagpo ang mga landas
namin, automatic na may mararamdaman akong
TENSYON sa pagitan naming dalawa pero kanina..WALA. Tulala nga sya eh at parang
lutang ang utak.

Ay pakealam ko ba sakanya! Ang mahalaga ngayon, kasama ko na ang anak ko! Dun na
lang kami sa bahay ko tatambay para walang
epal!

"OOOH.." *O* Namamanghang dumungaw si Andy sa bintana nang magpark kami sa basement
nitong condiminium building. "PAPA!
Dito ka nakatira po?!"
"Oo. Pero dun sa taas ako nakatira ah! Di dito sa parking! Hahaha tara na?"
tinanggal ko ang seatbelt nya at binuhat sya palabas ng
kotse.

Holding hands kami habang naglalakad pa-elevator. Pero nang nakulong na kami sa
elevator, natatakot syang yumakap sa binti ko!
First time nya yata makasakay dito eh!
"PAPA.." >.< Tawag nya nang umandar na itong elevator.

Natatawa ko syang binuhat. "Wag ka matakot! Parang elevator lang eh.."

*ting~*

Nagstop yun sa 6th floor. Lumabas na kami at naglakad nang buhat-buhat ko pa rin si
Andy.

"HEYY ADRIAN~~" ang malanding tawag na yun.. Siguradong si Liza yun. Si Liza na
isang gym instructor at kapitbahay ko.
Magkatapat lang ang unit namin.

Nilingunan ko sya. WOAAHH YAN NA NAMAN SUOT NYA! Black leggings at fitted sando na
kita ang kanyang malulusog na dibdib!
AHH POTEK! Napapaisip tuloy ako! Gaano katagal na nga ba kong walang naaano na
babae?? ARGHH HINDI! MALI TOH! TAKTE
NAMAN KASI TALAGA ANG BABAENG TOH! BWISET! Di ko sya dapat pagpantasyahan! Mas
matanda kaya sya sakin! Tsaka may
Chelle na ko noh. Tsk.

Tumalikod na ko agad at naglakad. Pero si Liza! Tumabi sakin at tinitigan si Andy!


"AWW.. ANG CUTE NAMAN NG KAPATID MO!" ^3^

"Di ko sya kapatid. Anak ko sya." sagot ko habang binubuksan na ang pinto nitong
unit ko.

"EHHH?! DI NGA?! S-SINO NANAY NYAN?!" oh bakit sya naiinis?

"Wala ka ng pake dun." pumasok na ko sa unit at pinagsarahan sya ng pinto.


HAYYY. =___=
Mga babae talaga.. Bakit nyo ko pinapahirapan nang ganito??

"WOWW!" nagpababa na si Andy. Tumakbo sya sa sala nang ibaba ko sya. Sumampa pa sya
sa may sofa at tumalon-talon. "ANG
GANDA NG COUCH MO PO PAPA!!!"

Hala? Hahaha. Palibhasa medyo malapad yung sofa na yan kaysa nung sakanila. Leather
pa.

Binato ko na dun yung bag ko na may lamang towel at spare clothes nya. Syempre
natuto na ko. Ayaw ko namang iuwi mamya ang
anak ko na dugyot. Baka magalit si Chelle. =.=

Niyaya ko si Andy sa kusina para kumain. Tumakbo-takbo ulit sya dun. Grabe talaga
ang kalikutan ng batang toh. Ganito kaya ako
kakulit non? Kung ganito rin..naku. Kawawa naman pala si Mama non.

Ay potek. Wala pala kong pagkain dito. Nagpa-deliver na lang tuloy ako ng McDo.
Tsk. Kung alam ko lang na wala kong pagkain dito,
sana dumaan kami dun sa pinagtatrabahuan ni Chelle.

Habang hinihintay namin ang delivery, tumambay kaming mag-ama sa sala. Binuksan ko
ang flatscreen TV para makapanood ang
anak ko. Cartoons kaya ayun, nag-behave lang sya sa may sofa.

Sasamantalahin ko na ang pagkakataong toh para gawin ang schoolworks ko. Umupo na
ko sa may tapat ng drawing table ko na
nandun lang din sa sala at sinimu--

"PAPAAA!!" Amp. Wala pa kong nasisimulan eh ginulo na nya ko! "MAGDO-DRAWING KA


PO?!"
"Yes anak. May homework ako eh."

"Oooh.." namamangha ulit nyang tinitigan ang ibabaw ng table ko. "ANG DAMING
PENCILS!! ANG BIG NG PAPER!! WHITE
LAPTOP!! SAME AS MOMMY'S!!" *O*

Natawa na lang ako at kinandong ko sya. "Hindi yun white anak. Silver yun."

"ANO PO TONG DRAWING MO PO?!" tanong nya pa sabay turo dun sa isang papel.
"Floor plan ng isang building.." sagot ko naman.

"OOOH.. WAH PAPA!" dun naman sya tumuro sa may corkboard. "YUNG PICTURE PO NG BIG
HOUSE!"

Ah. Yung pic pala yun ng bahay kung saan namin sya ginawa ni Chelle. Pinin ko yun
dun sa corkboard eh para magsilbing inspiration.
Hehe.. Pinagpaplanuhan ko na rin kasi ang gagawing renovation dun para sa kanilang
dalawa..

"KAILAN TAYO PO TITIRA DUN SA BIG HOUSE PO??" aba't naaalala nya pa ang sinabi kong
yun sakanya?!

"Uh..haha.. Basta, malapit na. Ano bang kulay ang gusto mo sa room mo?"

"BLUE!!" ^O^

"Okay. Sige. Gagawin ko yung blue." ginulo ko ang buhok nya.


"KAY MOMMY PINK!" ^O^

"Ehh.. Wag naman pink! Dalawa kaming gagamit nung room na yun eh. Hahahaha"

"HMM.. KAY DADDY NA LANG PO ANG PINK!" ^O^

"Anak naman.. Di natin isasama ang Daddy mong yun dun." Tsk. Ako na ang bitter.
=___=

"BAKIT DI KASAMA SI DADDYPO..??" nalungkot si Andy.

"Kasi pang-family lang natin ang house na yun. Pang-PAPA, MOMMY at ikaw, BABY
namin.."

Nagblink lang sya. Di nya ko siguro naiintindihan. Tss. Kung anu-ano pa kasing
sinabi ko. Mga wala pa namang kasiguraduhan yun
pero sana..sana magkatotoo..

*dingdong~*
May nagdoorbell. Baka yung delivery na yun. Pinaupo ko muna si Andy sa may sofa
tsaka ko pumunta sa pintuan.

Pagbukas ko... Si Myra ang nandoon.

"UY." bati ko. Nagulat din ako eh. Hinahanap ko sya kanina sa school pero di ko sya
makita. Ngayon namang di ko na sya hinahanap,
ito na sya. "KAMUSTA NA PALA ANG.. ANG PINAGBUBUNTIS MO HUH??"
Inalis nya ang tingin nya sakin. "Wag mo kong ganyanin.."

Nagulat ulit ako. Kakaiba kasi yung boses nya. Para syang nanghihina. And speaking
of kakaiba, kakaiba rin ang porma nya. Ang
simple lang nya ngayon oh. Jeans and shirt. Nakalugay pa ang buhok.

"Nagpunta ko dito kasi sabi ni Jude hinahanap mo ko kanina.. Plano ko na rin sanang
mag-sorry ngayon dahil sa kasinungalingang
YUN na sinabi ko kay..kay Rachellyn.. Pero kung ipamumukha mo lang sakin ang ginawa
kong yun sakanya.. Aalis na ko.."

"Di ko kailangan ang sorry mo. Hinahanap lang kita kanina kasi gusto kong marinig
mula sayo mismo na kasinungalingan lang talaga
ang sinabi mong yun kay Chelle."

"Well, ito na. Umamin na ko." nag-crack ang boses nya at naluha sya. "Are you happy
now?"

Medyo nakonsensya naman ako.. Pero di ko na lang yun ipapahalata. "Not yet. Hindi
pa hangga't di ka pa nagso-sorry sa nanay ng
anak ko."

Napayuko sya, ngumisi at umiling.

*BAGH!*

"UWAAAAAA!!" biglang iyak ni Andy!

Napatakbo ako papasok ng unit at ayun sya, nakaupo sa sahig sa tabi ng center table
habang hawak ang likod ng ulo nya! "A-ANAK?!
ANONG NANGYARI SAYO?!"
"PA.. *sob* PAPAAAA!! Yung.. *sob* YUNG TABLE!! WAAAAAA" >O<
"A-ANONG NANGYARI SA TABLE?!"

"ANO KA BA ADRIAN!" sigaw ni Myra na sinundan pala ko dito sa loob. Mabilis syang
lumapit kay Andy. "DI BA OBVIOUS?!
NAUNTOG SYA SA TABLE NA YAN!"

*blink*blink* NAUNTOG??

"ADRIAN?!" sigaw ulit ni Myra habang hinihilot ang ulo ni Andy. "WAG KA MAGPACUTE
DYAN! GUMAWA KA KAYA NG ICE PACK
NOH?!"

"Ahh oo! Ice pack!" kumaripas ako sa kusina.

Ice pack. Ice pack. PAANO BA GUMAWA NUN?! AYY AMPUCHA NAMAN!

Kinuha ko na lang yung isang tray ng ice cubes mula sa freezer ng ref at yun ang
binigay ko kay Myra.

"SUS ADRIAN!!" galit si Myra! Mali ba yung binigay ko?! "GIVE ME A TOWEL NA LANG!"

Okay. Towel. Kinuha ko yung towel ni Andy na nasa bag ko at binigay kay Myra. Gamit
yun ay binalot nya ang mga ice cubes at nilagay
yun sa likod ng ulo ni Andy.

Oooh.. So ganun pala gumawa ng ice pack??


"MA.. *sob* MOMMYY.." patay ako. Hinahanap na nya ang nanay nya. >.<

"Shh baby.. Wag ka nang umiyak.. Mawawala rin ang sakit nyan.." Ngumiti si Myra at
pinunasan ang mga luha ni Andy habang hawak
pa rin ang ice pack sa may ulo nito.
Napakamot ako ng ulo habang pinapanood sila. TSK. PATAY TALAGA KO KAY CHELLE NITO.
PINABAYAAN KO ANG ANAK NAMIN..
>.<

"Yan.. Okay na??" sweet na tanong ni Myra kay Andy na kakatahan lang. Tumango ang
anak ko sakanya.

Binuhat ko sya para makita nang malapitan ang ulo nya. "A-Anak? Di na ba masakit??"

Umiling sya at yumakap nang mahigpit sa leeg ko.

"Adrian.. Wag mo syang patulugin. Alam ko masama yun pag nau-untog nang malakas ang
bata.." paalala ni Myra.

"G-Ganun ba? Uh eh Andy anak, gusto mo mag-drawing? Drawing muna tayo dali.."

Tinignan nya ko. "Ga.. *sob* Gagamitin ko po yung pencils mo po at yung.. *sob*
yung big paper po??"

"OO NAMAN! Halika.."

Pinahiram ko sakanya ang drawing pencils ko at binigyan sya ng isang tracing paper.
Umupo sya sa sahig at nagdrawing sa may
center table.
WEW. Buti nagpauto! Napaupo na lang ako sa sofa kasi naman..kinabahan talaga ko
kanina.

Si Myra, nandun pa rin nakaluhod sa pwesto nya kanina. Tulala sya kay Andy.

"Pamilyar sya noh, Myra?" tanong ko sakanya.

Nakapout syang tumango, tulala pa rin kay Andy. "Andy name nya diba.. Yung
tinulungan natin sa mall.."

"Sya nga.. Sya si Andy Louis. Anak ko. Anak namin ni Chelle."

Napangiti sya. Ngiti ng nasasaktan, alam nyo yun? "Destiny nga naman oh.. Parang
kasasabi mo lang non na ayaw mo magkaanak
tapos..." medyo natatawa syang tumayo at nagsigh. "Ay. Pero diba.. Sa mall nun..
May.. May cute na lalaki syang tinatawag na
DADDY???"

"Meron nga." KA-BITTER NA NAMAN! UGH. "Pero ako ang totoong tatay nya."

"Alam ko. Halata naman noh. Pero ang lalaking yun..boyfriend ba sya ni Rachellyn??"

AYY NAMAN! Di ko na sya sinagot! Nakakabwisit ang tanong nya eh!

Tinitigan nya pa rin ako. Puno ng curiousity ang mga mata nya. "May... May balak ka
bang makipagbalikan kay Rachellyn??"

Tinitigan ko rin sya. Mukha syang seryoso na worried?


"Oo.." matipid kong sagot.

"Bakit..??"

"ANONG BAKIT? Malamang lang na gustuhin kong makipagbalikan sakanya kasi gusto kong
mabuo ang pamilya namin."

"YUN LANG?" pinagtaasan nya ko ng kilay.

"Ano pa bang gusto mong maging dahilan ko ha?" naiinis kong tanong sakanya.

Umiling syang nakangisi. "For sure, Rachellyn will never want to be with you again.
NOT WITH THAT REASON OF YOURS."

Huh?? Naguguluhan ako sa babaeng toh! "AN---"

"SIGE. Aalis na ko." paalam nya pero lumapit pa sya ulit kay Andy. Hinaplos nya ang
ulo nun at tinignan ang dinodrawing nya. "Grabe
lang.. Ang dami mong namana sa papa mo noh?? Pero sana..wag mo sana mamana ang
takbo ng utak nya pag dating sa mga
babae.."

"O-OI!" suway ko kay Myra. "PINAGSASABI MO SA ANAK KO?!"


"Pfft.." aba't tatawanan pa ko nito?! "Basta baby Andy.. Magpaka-bait ka tulad ng
mommy mo.. At pag magka-baby girl naman ako,
pakasalan mo sya ah??"

"OPO!" ^o^ Sumang-ayon naman ang anak ko! Tss..


Tumayo na ulit si Myra at ngumiti sakin. "Bye.. Ian."

Ramdam kong tumaas ang mga balahibo ko sa paalam nya. Ewan ko ba. Kinilabutan ako.

Sinundan ko sya hanggang sa may pintuan. Wala na syang sinabi pa. Nakangiti lang
syang umalis.

Habang ako..sumasakit ang utak dahil sa mga ikinilos at sinabi nya.

Binalikan ko na si Andy. Seryoso sya sa pagdodrawing pero pawisan ang likod nya.
Kaso wala na syang towel kasi ginamit yun
pangbalot sa yelo kanina. Kaya pumunta na lang ako sa kwarto ko at baka may towel
ako na pwedeng magamit.

Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ko..

O___O *BUDUMP*BUDUMP*

Naisara ko ulit yung pinto.

M-May nakita akong babae na nakatayo sa gilid ng kama ko eh. M-Magulo ang buhok at
nakaputing damit..

Bigla namang may sumubok magbukas nitong pinto mula dun sa loob! TAENAA! Hinatak ko
yun pa-sara para di yun mabuksan ng
kung sinumang nilalang na andun sa loob! Eh sino ba yun?! BABAENG MAGNANAKAW?!
WHITE LADY?!
"A-ANDY! PAABOT NG PHONE KO!" sigaw ko sa anak ko pero tinitigan nya lang ako!
"ANDY?!"

"HOY ADRIAN!!" sigaw nung babae mula sa loob. "TARANTADO KA!! PALABASIN MO KO
DITO!!!"
Uh.. Boses yun ni Ate Hazel ah.. O___O

Hinayaan ko nang mabuksan nya ang pinto. Maayos-ayos na ang buhok nya. May bitbit
syang shoulder bag at isang pares ng high
heels. At yung tingin nya sakin, MASAMA!

"A-ATE HAZEL NAMAN! TSK! AKALA KO MULTO NA NAKITA KO EH!" reklamo ko sakanya.

"Ang ganda ko namang multo." T___T

"ALAM MO BA ANG DEFINITION NG MAGANDA, HA?! TSAKA BAKIT KA NANDITO?! PANO KA


NAKAPASOK?! KA---"

"PWEDE BA MAGPASALAMAT KA NA LANG NA AKO ANG NAKAPASOK SA BAHAY MONG DI NAKA-LOCK?!


DAHIL KUNG IBANG
TAO YUN, AY NAKOW! MALAMANG WALA NA ANG MGA MAGAGANDA MONG GAMIT DITO!" ehh ganun
ba yun. Di ko pala nai-lock
tong bahay ko kanina. Si Ate Hazel naman, bigla-biglang nanlata. "At wala ako sa
mood kaya wag mo ko sigawan.."

Matamlay syang nagpunta sa kusina. Sinundan ko sya kaso may nagdoorbell ulit.
Chineck ko muna yun at yung delivery lang pala yun.
Pagkakuha ko nun ay hinain ko yun kay Andy tsaka ko binalikan si Ate Hazel sa
kusina. Matamlay pa rin syang nakaupo sa isang silya
habang sinusuot ang high heels nya.

"Ano bang nangyari sayo ha?" iritado kong tanong sakanya.


Natulala sya bigla.

"Wui Ate Hazel? Kung maka-asta ka para kang na-rape ah."

"WAAAAAA" bigla nyang sigaw sabay takip sa tenga nya! "AYOKO NA MAALALA YUN!
WAAAAA!" >O<

"ATE HAZEEEL!!" tumigil naman sya nang sumigaw ako. "NA-RAPE KA NGA?! DI NGA?!
POSIBLE BA YUN?!"

"Hmm.. Posible. Maganda at sexy ako eh. Pero hindi ako na-rape ah. HAHAHAHA" taena.
Lokaret talaga toh.
"Eh anong ikinatulala at isinigaw mo bigla??"

"Kasi... Di ako natanggap dun sa call center na pinagte-trainingan ko. Masakit pa


ulo ko. Inaantok din ako at nagugutom pero ayoko
nang matulog at kumain. Gusto ko na ring umuwi tsaka..." natulala na naman sya.

"Tsaka?"

Bumuntong-hininga sya. "Uuwi na ko.."

Tumayo na sya't naglakad paalis. Problema nun? Sinundan ko sya ulit. Huminto sya
kay Andy na busy kumain ng fries habang
nagdodrawing.

"OW HELLOW ANDY BEYBE! NANDITO KA PALA?! NA-MISS KITA!" niyakap nya ang anak ko.
"KAMUSTA KA NA?!"
Di sumagot si Andy. Sinubuan nya lang ng fries si Ate Hazel.

"Ayiee.. ANG SHWEET NAMAN NG PAMANGKIN KO!! Pero uwi na ko ah.. Baka tuluyan na
kong mabaliw pag magtagal pa ko dito.."
Anong baka matuluyan na syang mabaliw? Matagal na kaya syang baliw. Sumipsip pa sya
sa softdrinks ni Andy at hinalikan sya sa
cheeks. "BYE ANDY BEYBE!"

"BYE PO!!" ^O^

Dumiretso na sya sa pintuan pero bago sya tuluyang lumabas..

"ATE, SAGLIT LANG." tawag ko sakanya.

"ANO?" tanong nya nang nakataas ang isang kilay.

"Uhm.. Ano bang dapat kong gawin? Balak ko kasing makipag..makipagbalikan kay
Chelle.." naglakas loob na kong itanong yun kay
Ate Hazel. Kahit papaano kasi, MINSAN, nakakapagbigay sya ng matinong advice.

"TALAGA? Bakit ka naman makikipagbalikan sakanya?" tsk. Parehas sila ni Myra ah.
"Syempre kasi gusto ko mabuo ang pamilya namin. Alam mo naman, di ko naranasan yun.
Ayokong matulad si Andy sakin."

"Oh.. Feeling mo naman babalikan ka ni Chelle sa dahilan mong yan ha?" halos
parehas na naman sila ng sinabi ni Myra!

"BAKIT BA?! DI PA BA SAPAT NA DAHILAN YUN PARA MAGKABALIKAN KAMI?!" >___<


"ISTUPIDO! TANGA! BOBO! SIRAULO! Ano yun ha?! Babalikan mo lang si Chelle kasi may
anak kayo?! HALERR!! F-Y-I, kaming mga
babae, kung bubuo lang din kami ng pamilya eh syempre dun na sa lalaking mahal
namin at mahal kami! Eh ikaw? Mahal mo ba si
Chelle? AT MAHAL KA BA NI CHELLE?"

Mahal ko nga ba si Chelle??

OO.

SOBRA.

MATAGAL NA.

Pero ako..mahal nya ba ko? Magagawa pa nga nya ba kong mahalin ulit matapos ng mga
ginawa ko sakanya?

"Oh ano na pinsan kong tanga? May napag-tanto ka na ba?" napayuko lang ako. "Ang
kapal mo rin kasi alam mo ba yun? Hahangad-
hangad ka na makipagbalikan sakanya eh alam mo namang may boyfriend pa sya.
Boyfriend na mas gwapo raw sayo at
SOBRAAANG BAIT PA! Eh kung ako si Chelle, di ko na iiwan ang ganung tipo ng lalaki
noh! HAHAHAHA"

T___T+

"Pero yaan mo.." tinapik-tapik nya ang balikat ko. "Kung naka-destined naman na
maging kayo eh malamang na magiging kayo rin sa
huli. Pero kung hindi...edi hindi! Pasensya ka na lang! HAHAHAHA"
"TSK." tinapik ko palayo yung kamay nya at tinulak sya palabas ng unit ko. "UMALIS
KA NA NGA."
"OO. ITO NA. AALIS NA. HAHAHAHA PERO PIN--"

*PAG!*

Sinarahan ko na sya ng pinto at sumandal ako doon.

"TADU KA TALAGA ADRIAN!" binira nya ang pinto. "MAY SASABIHIN PA KO EH!! HOOYY!!"

"ANO BA YUN?!" sigaw ko rin nang di binubuksan ang pinto.

Tinigil ni Ate Hazel ang pagbira sa pinto. "Ito, seryosong advice. WAG MO NA IPILIT
YANG GUSTO MO MANGYARI SA INYO NI
CHELLE."

A-Ano raw??

"Makuntento ka na lang sa relasyon nyo ngayon. Kasi kita mo naman.. MASAYA NA SYA
DIBA?"

Oo? Masaya na nga sya kasama si CJ.. Tsk. Ang hirap naman aminin nun..

"Ikaw, bahala ka. Pag pinilit mo yun, panigurado..may masasaktan lang sa


inyo..ulit."

*face both palms*


"Hayaan mo na lang kasi yun.. Hayaan mo na lang na mangyari ang kung anong dapat na
mangyari basta ikaw, gawin mo lang kung
anong dapat mong gawin. Okay Adrian?" kumatok sya ng dalawang beses. "Alis na ko
ah."

Natahimik na ang paligid. Malamang umalis na si Ate Hazel.

Ako naman na-stucked na sa pagkakasandal dito sa pintuan.


Nakakalito..

Susundin ko ba ang payo ni Ate Hazel? O susundin ko ang gusto kong gawin?

xxxxxx

x28: Honesty

[CJ's PoV]

How will I make up with her?

How will I make up with her?

HOW THE HELL WILL I MAKE UP WITH RACHEL??

Kanina ko pa yan tinatanong sa sarili ko simula nang pumasok si Rachel sa work nya.
I've decided to tell her the truth. Everything. But I doubt that she will listen to
my further explanation. Kanina nga lang nang umpisahan
ko nang umamin, tinalikuran na nya ko agad. Nasaktan ko na sya agad. Ngayon,
bibigyan nya pa kaya ko ng chance na makapag-
explain? Magagawa kaya nya kong patawarin?

Oh damn..

I was spacing out the whole afternoon, mula nang sunduin ko si Andy sa school nya
hanggang sa hiramin sya ni Adrian.

Ah, wait, HINIRAM NI ADRIAN SI ANDY??


Shit. Sa sobrang abala ko kakaisip ng solusyon sa problema ko kay Rachel, hindi ko
namalayang napa-sige ako ni Adrian nang hiramin
nya ang bata. Ugh.

Kaya pala ang tahimik ng bahay ni Rachel ngayon.. Wala si Andy.

Patuloy lang ako sa pamumroblema, hanggang sa napagplanuhan ko na magluto lang ng


dinner.

Dinner for Rachel..kaya nagluto ako ng pasta.

Doon naubos ang oras ko. Sa pagluluto at pag-aayos ng table.

Until it was already seven in the evening. I know Rachel will be home anytime now.

Sa living room ako naghintay. Umupo ako pero tumayo rin ako after a few minutes
then naglakad. Sa huli, napaupo na lang ulit ako.
Sana lang.. Sana hindi pa muna uwuwi si Andy. Sana pakinggan ako ni Rachel.

Maya-maya, dumating na nga sya.

Napatayo ako bigla nang makita ko sya. "RACHEL.."

She just looked at me, blankly, sadly, habang dahan-dahan nyang sinara ang pintuan.
I saw her eyes starting to get teary.

Nilayo nya ang tingin nya sakin at kita kong pa-simple syang nag-sigh.

"A-Andy's with Adrian.." I started. "S--"

"Alam ko.." mahina nyang sagot nang di nakatingin sakin. "Tinext ako ni Adrian
about dun.."

"Ah.. Ganun ba.. C'mon, kain ka na ng dinner." nilapitan ko sya and I escorted her
to the dining room.
Di naman sya tumanggi. Di naman sya umiwas. Magkatabi kaming naglakad pero there
was an immeasurable distance between us.

Kinuha ko ang bag nya, nilagay yun sa ibabaw ng isang table roon at inasikaso ko
sya sa pag-kain.

Magkaharap kaming pumwesto dito sa mesa. Tahimik lang kami sa upuan namin.
Natutulala sya at hindi naman nya kinakain ang
hinanda ko. She was just playing it with a fork.
"Mhie.." tawag ko sakanya.

"S-Sorry.." her voice was broken. Binitawan nya ang fork sa mesa sabay tayo. "W-
Wala akong gana kumain eh.. Akyat muna ko.. E-
Excuse me.."

Papaalis na sya but I swiftly stood up from my seat and pulled her wrist, making
her face me.

"C-CJ.. Please.." Why is she begging? And what for?

"NO.. PLEASE RACHEL, I WANT YOU TO LISTEN TO ME.. PLEASE.." I tightened my hold on
her wrist.

She reacted like she got defeated, that she had no other choice but to listen to
me.

Para syang nanghina. Napasandal na medyo napaupo na lang sya sa gilid ng dining
table.

"F-Fine.. Let me hear your..your explanation.." she sadly said that with her gaze
fixed on the floor.

"I.." simula ko ulit. From her wrist, pinadulas ko ang hawak ko pababa sa kamay
nya. "I love you Rachel.."

Napatingin na sya sakin. But her eyes were still sad. Those eyes looked like
they're QUESTIONING my statement.
"Really Rachel. I really love you." sagot ko sa tanong na nabasa ko sa mga mata
nya.
"T-Then.." her voice was still broken, her eyes still teary. "Then why..why did you
kiss another girl??"

"No Rachel. I didn't kiss her. SHE KISSED ME. And my mistake there was that I LET
HER KISS ME." I strongly cleared my side.

"But it was still a kiss.. On your lips.."

"AND it was just an acting. It wasn't like I got interested to her. Diba sabi ko
naman kanina? Na tinulungan ko lang sya to dump the
sicko who was hitting on her?"

"O-OO.. Acting nga.. T-Tapos nun, nagpakalasing kayo. Now, tell me, what else
happened after that?? Did you.. Did you.." she bit her
lower lip. She was about to break down.

But before it happens, lumapit na ko sa kanya, wrapped my arms around her shoulders
and hugged her very tight.

Alam ko.. Alam ko kung anong iniisip nya.

[RACHELLYN's PoV]

"O-OO.. Acting nga.. T-Tapos nun, nagpakalasing kayo. Now, tell me, what else
happened after that??" ito na. Masakit pero itatanong
ko na. "Did you.. Did you.."

Pero sa sobrang sakit ng nararamdaman ko sa bawat salitang binibitiwan ko, hindi ko


na magawang ituloy ang gusto kong itanong.
Gusto ko na lang umiyak.

Pero bago pa ko tuluyang maiyak, niyakap na ko ni CJ.

He wrapped his arms around my shoulders, tightly hugging me while I let myself bury
my face on his right shoulder.
Tamang-tama.. Ganitong comfort ang kailangan ko ngayon sakanya eh..

But thinking that CJ is also the one who's making me feel very bad right now,
parang gusto ko na sya itulak palayo. Pero gusto ko rin
talaga syang yakapin. Pero..ayy di ko na alam.. Ang gulo at ang sakit sa puso.
Napa-iyak na lang tuloy ako.

"I didn't sleep with her, Rachel." H-Huh? Di ko pa nga yun natatanong eh sumagot na
sya? "You're thinking about it, right?"

Sa gulat ko eh napahinto ako sa pag-iyak.

"Oo, umarte kami na may relasyon kami but we didn't go that far, I swear." medyo
lumayo sya para matitigan nya ko sa mga mata. "I
wouldn't let that happen anyway. Syempre, iniisip din kita habang kasama ko sya."

"T-TALAGA..??" para lang akong batang inosente.

Ngumiti sya sakin sabay pahid sa mga luha ko. "Talaga. Bakit ko naman gagawin yun
sa babaeng di ko mahal?"

"P-Pero..nag-inuman nga kayo diba? At nalasing kayo.. Paano kung.."


Medyo natawa sya. "Nalasing nga kami. Ay, oo ako, nalasing, pero sya? Ewan ko. Para
kasing walang epekto ang alcohol sakanya.
But, I assure you, wala talagang nangyari kahit nalasing kami--or AKO. Tanda ko pa
nga yung mga pinag-usapan namin eh."

Tsk. Sinipon na ko. Sniff na ko nang sniff. "Eh ano nga bang mga pinag-usapan nyo?
At bakit ka nga ba nagpunta dun? Binalak mo ba
uminom mag-isa? B-Bakit naman?"

He sighed, facing me closer and locking me in between his arms na ni-lean nya dito
sa table na inuupuan ko.

We are very close. Halos maduling na nga ko sa sobrang lapit nya but I like this. I
love how we stare at each other this close.

Then nagsimula na syang magpaliwanag..

"First.. Nagawa kong umamin at magpaliwanag sayo ngayon dahil sa mga pinag-usapan
namin..dahil sa mga advice na binigay nya
sakin. Isa na dun is..dapat maging honest daw ako sayo. So right now, I'm being
honest and I'll be honest."
Titigan pa rin kami..walang sumusuko samin.

"Second.. Nagpunta ako sa bar para uminom mag-isa kasi..masama ang loob ko. Then
there I accidentally met her na syang
napagsabihan ko ng sama ng loob ko. Sumama ang loob ko dahil sa mga nangyayari sa
inyo ni Adrian.. Nagseselos ako, naiinis ako,
natatakot ako..natatakot ako na baka iwan mo ko dahil sakanya.."

That surprised me.. All this while, I thought na okay lang sakanya ang lahat nang
nangyayari samin ni Adrian but then now..
"I, I'm really sorry about that Mhie. I know, I was being too unreasonable.
Pinipilit ko naman intindihin na kailangan nyong maging
malapit para sa anak nyo eh pero di ko lang talaga mapigilan na maramdaman yun..
Ewan ko ba.. Naiinis na nga rin ako sa sarili ko.."

I feel guilty. Natural lang na maramdaman nya yun diba? Dahil girlfriend nya ko.
Tapos ako, na girlfriend nya, ay nagiging malapit ulit di
lang basta sa isang EX-BOYFRIEND kundi sa..sa tatay ng anak ko.

I cupped both of his cheeks with my eyes still fixed on his. "Ako pala ang dapat na
nagsosorry sayo eh.. 'Cause I was so dense..so
unfair.."

Yes I was so unfair. Hinahayaan nga nya kong mapalapit sa tatay ng anak ko pero
umabuso ako. Hindi ko man lang inisip ang
posibleng nararamdaman nya sa mga ginagawa ko..

"Well I was unfair too." hinawakan ni CJ ang sang kamay ko na nasa mukha nya. "Di
ako agad naging open sayo and I've even done
something I shouldn't have..like deleting Adrian's text message on your phone.."

"H-HAA??? Nag..Nagbura ka ng text ni Adrian??? Sa phone ko???" na-estatwa ako dun.


Di ko expected na magagawa yun ni CJ!

He pouted, slightly nodding. "I DID.. Pero isa lang naman yun.. That time kasi,
gusto kita protektahan kasi nga lagi ka na lang nyang
nasasaktan. But as time passed by, I realized that it was not the right way to
protect you, that it was something VERY WRONG for me
to do. So, sorry talaga Rachel.. Please..forgive me.."

I sighed, keeping my hold on his cheeks.

Di naman nya kailangang magmakaawa na patawarin ko sya..


After all, he has done so many good things to me and to my baby, much more than
those mistakes that he has committed..

"I promise too, na hindi na ko ulit magiging ganun kabait sa ibang babae." parang
bata naman tong si CJ kung magpromise.. "Di ko na
hahayaang may humalik saking iba bukod sayo. Di na rin ako babalik dun sa bar na
yun para hindi ko na makita ulit si Apple."

"APPLE??" inulit ko ang pangalang binanggit nya.

"Yeah, Apple.. Yung babaeng humalik sakin.."

"Ang cute naman ng name nya.. Maganda ba sya? Sexy?" curious kong tanong. CURIOUS
LANG AH! WALANG MALISYA YUN O
PAGDUDUDA!

He chuckled at my question. "HONESTLY? Yes? Maganda sya at sexy.."

"Psh.." = 3= Pero feeling ko may malisya ang sagot nya..

"Hey Mhie??" natatawa pa rin sya. "Maganda't sexy nga sya pero ano naman? She
couldn't attract me the same way as how you can
attract me. Kahit simple ka pa compared to her, mas malakas pa rin ang appeal mo
para sakin."

"WEHH?!" >//3//< Hinatak ko ang pisngi nya! Psh. Pinapakilig ako na ewan eh. "Pero,
promise mo ah.. Di ka na babalik sa bar na yun..
Ayoko nang magkita kayo ulit kasi..ayy basta.." T3T

"Yes Mhie. I promise you that. Pero ah, thankful ako sakanya. Kung di dahil sa
advice nya, malamang hanggang ngayon naglilihim pa
rin ako sayo.."
I stopped from pulling his cheeks. Pinalupot ko na lang ang mga braso ko sa leeg
nya. "Ako rin siguro, dapat maging thankful
sakanya.."

"Hm.. Siguro nga.." He smiled, leaning much and much closer to me. "Ngayon Mhie,
okay na tayo ah?"

I nodded. "Pero.. Ano nang kailangan kong gawin para di ka magselos kay Adrian?"
He just paused.

"CJ, mahal kita..di kita kayang iwan tulad ng ikinatatakot mo at ayaw ko ring
nasasaktan ka dahil samin ni Adrian kaya sabihin mo..ano
bang dapat kong gawin??"

"Nothing much.." nakangiting sagot nya na nagpa-lito sakin. "Just say that you love
me and..that's all."

"EH? Y-Yun lang?" nagulat ako. Iba kasi ang inaasahan kong magiging sagot nya.

"Oo, yun lang. Isang 'I love you' mo lang, mabilis nang mawawala yung selos ko.."

"SERYOSO KA??" di pa rin talaga ko makapaniwala! Akala ko hihilingin nya na bawasan


ko ang pagiging malapit ko kay Adrian pero
nagkamali ko.

"Ahuh.. I AM SERIOUS.." bulong nya sabay dampi ng mga labi nya sa pisngi ko. "I
love you Rachel.."

Napangiti ako. I feel so lucky that a very understanding guy like CJ is loving me
this much.

I turned my head to face him. "I love you too, CJ."

He smiled back at me then slowly pressed his lips against mine.

We kissed, gently and sweetly. Ang sarap nga lang talaga nang ganito, lalo na pag
may problema kaming naaayos.

But this kiss..this kiss feels kinda different. I do love it but there is something
wrong with it. Di ko nga lang alam kung ano ba yun..

We just kept on kissing in spite of that thought. I held on his shoulders and
allowed him to deepen our kiss.

*dingdong-dingdong!*
We heard it but that didn't stop us from kissing. Patuloy lang ako sa pagsagot sa
bawat galaw ng mga labi ni CJ.

*dingdong-dingdong-dingdong-dingdong-dingdong!*

Woah. WAS THAT 5 CONSECUTIVE DOORBELLS?!

Huminto na tuloy kami ni CJ at natawa kami pero ganun pa rin ang pwesto namin sa
mesa.

"Malamang sina Andy at Adrian na yun.." sabi ko.


Tumango sya nang nakapout. "Puntahan mo na.. Invite mo na ring kumain dito si..si
Adrian.."

Nase-sense ko na.. Nagseselos na toh ulit!

"Dhie.. I love you." sabi ko sabay bigay ng smack sa lips nya.

Natawa sya. "I know, I know. And I love you too. Tuloy na lang natin mamya ang
halikan natin." sabi nya sabay pinch sa ilong ko.

EH TEKA! Di pa pala tapos ang paghahalikan namin?! O///O

"Hurry Mhie. Wag mo paghintayin nang matagal ang mag-ama dun." inalalayan nya kong
tumayo mula sa mesa. Hay naman.

"Opo.. Ito na po." =//3//=

[ADRIAN's PoV]

Ang tagal naman. Kainis na ah.


Ilang minuto na ko nandito na buhat-buhat ang tulog kong anak at ilang beses na ko
nagdoorbell pero wala man lang sumasagot?!
Bakit wala eh nandito si CJ?! Nandito nga sa labas yung kotse nya oh!

Magdo-doorbell na sana ko ulit nang nagbukas na ang pinto. Si Chelle ang lumabas.

Nandito na pala sya. So, magkasama pala sila ni CJ sa loob ng bahay..


"SORRY! Natagalan ako lumabas! Hehe.." nagmadali syang pagbuksan kami ng gate.

At nakangiti sya ah..

'Makuntento ka na lang sa relasyon nyo ngayon. Kasi kita mo naman. MASAYA NA SYA
DIBA?'

Argh.. Bigla namang umepal sa utak ko ang sinabing yun ni Ate Hazel..

"Hala! Tulog na ang baby ko.." naka-pout na bati ni Chelle. Kinuha nya si Andy mula
sakin.

"Sobrang napagod kanina eh.. Kaya ayan, nakatulog na sya on the way.." paliwanag
ko.

"Ikaw rin Adrian, mukhang pagod. Pinagod ka nito noh? Hehehe" ^3^

Tanungin ko na kaya sya ngayon? Sabihin ko na kaya sakanya na mahal ko sya at gusto
kong mabuo na ang pamilya namin?

'Ikaw, bahala ka. Pag pinilit mo yun, panigurado..may masasaktan lang sa


inyo..ulit..'

TSK! SI ATE HAZEL NAMAN KASI! Bakit ba kontra sakin ang payo nya?!
"Adrian." tawag sakin ni Chelle. "Tara kain tayo ng dinner sa loob." ^3^
Dinner.. Sa loob ng bahay nya.. Kung saan nandun si CJ.. Si CJ na nagpapasaya
sakanya..

'Makuntento ka na lang sa relasyon nyo ngayon.'

'MASAYA NA SYA DIBA?'

'Panigurado..may masasaktan lang sa inyo..ulit..'

"Adrian..." tawag ulit ni Chelle. Mukha syang nag-aalala. "Ayos ka lang ba?
Natulala ka na?"

"Ahh oo. Ayos lang ako. Ano, kasi, nalimutan ko pala sa bahay yung ano..yung damit
at towel ni Andy. Dalhin ko na lang pag napa-
laundry ko na ah?"

"Okay.." ngumiti sya ulit. "Tara na sa loob?"

"Ha? Bakit?" pagtataka ko.

"Anong bakit? Niyaya kitang magdinner diba?" O.o

"Ay. Oo nga pala! Hehe! Ehh hindi na, salamat na lang. Kumain na kami ni Andy
kanina eh." Pero si Andy lang talaga ang kumain
kanina, ako hindi pa. =___=

"Psh.." nagpout na naman si Chelle. Pero ngumiti rin sya agad.


Ang ngiti nya..

Ayoko nang mawala ang ngiti nyang yan..

At para di na yun mawala, para di na sya masaktan ulit...hindi ko na dapat ipilit


ang gusto kong mangyari samin..

Tama nga si Ate Hazel. Dapat makuntento na lang ako.


"Uwi na ko." paalam ko sakanya pero lumapit pa ko muna sakanila at hinalikan si
Andy sa noo. "Bye."

"Sige.. Ingat ka sa pagdrive ah??"

Ngumiti ako at nag-nod kay Chelle. "Goodnight."

"Goodnight din." :))

Tumalikod na ko at nagtungo sa kotse ko.

Bago ko sumakay roon, nilingunan ko pa ang bahay ni Chelle.

Nandun pa pala sila sa labas. Nakakatuwa sila tignan, niwe-wave kasi ni Chelle yung
kamay ni Andy eh tulog na nga yun. Pasaway
lang na nanay eh noh.

Sumakay na ko ng kotse. Nakita kong pumasok na rin ng bahay sina Chelle pagkasakay
ko.

Hayy..

Sana dumating pa rin yung time na iisang bahay lang ang inuuwian namin. Yung di na
ko umaalis tulad ngayon. Yung tipong pag-uwi
ko eh sila ang makakasama ko.

AHHH HAHAHAHA TAKTE.. ANG DRAMA KO! HINDI BAGAY SAKIN! HAHAHAHA-hayy..

Mukha akong tanga. Ngayon naman tumatango-tango ako mag-isa dito. Hahaha taena
talaga..

Huminga na lang ako nang malalim. Tatanggapin ko na lang din toh. Ito ang
consequence ng mga katangahan ko noon kaya sige.. Sige
lang..

'Hayaan mo na lang na mangyari ang mga dapat na mangyari basta ikaw, gawin mo lang
kung anong dapat mong gawin.'
Ganun na nga lang siguro..

Gagawin ko na lang ang kung anong dapat kong gawin, bilang ama ni Andy at bahala
na.. Bahala na kung ano na ang mga dapat na
mangyari sa buhay ko..sa buhay namin nina Chelle..

xxxxxx

x29: An Afternoon Together~

[ADRIAN's PoV]
Ano na bang nangyari sakin..

Mahigit isang bwan na rin simula nang napag-desisyunan ko na makuntento na lang sa


relasyon namin ni Chelle at..

At di naman yata mali ang naging desisyon ko. Masaya pa rin sya eh..

Kung nagtapat siguro ako sakanya nung gabing yun, malamang, naging kumplikado lang
ang mga bagay-bagay saming dalawa. Kaya
mabuti na yung ganito.

*sigh..*

Mabuti nga pero ito naman ako.. Medyo nawala sa sarili at naging malilimutin..
=___=

Tulad ngayon, nalimutan ko ang sched ko.

Papunta na sana ko sa isang bookstore para bumili ng mga gamit ko pero bigla ko
naalala na may isa pa pala kong klase na dapat
atenan.

Nagdrive tuloy ako ulit pabalik ng school. Tsk. Sayang sa gasolina. =___=

Nang napadaan naman ako sa one-way road sa gilid nitong campus, napahinto ako.

Huminto ako sa tapat ng isang kariton na nagtitinda ng mga hilaw na mangga na naka-
stick.

Nandun si Chelle eh. Nakatalikod at kumakain. Siguro wala na syang klase kaya
nandito sya sa labas ngayon.
Binuksan ko ang bintana sa side ko para tawagin sya.

"WUI, CHELLE." Humarap naman sya sakin nang kagat-kagat ang manggang naka-stick.
"Ang sarap lang ng kain mo ah?"

Ngumiti sya't ngumuya. "Mmm-sarap talaga. Lalo na yung bagoong! Gusto mo?" ^w^

Nag-make face lang ako. Yung parang nasusuka.

"Mm-haha.." natawa sya habang nanguya. "Ang panget mo.." ^w^


AKO?! PANGET?! "Tss.. Papunta ka na ba sa work mo?"

"Hindi. Wala kong work ngayon eh. Susunduin ko na lang si Andy sa school nya."

Ooh.. Susunduin nya ang anak namin sa school.. Di ko pa nae-experience yun ah!

"Ikaw Adrian? Ba't ka nandito?" tanong nya sabay simot na sa kinakaing mangga.

"Uhh wala lang. Napadaan lang ako." PAGSISINUNGALING KO. Hehe.. "Chelle, pwede ba
ko sumama sa pagsundo mo sa anak
natin??"

"Oo naman.." YES! PWEDE!

"Oh edi tara na. Sakay ka na dito, dali!" minadali ko sya.

Natawa lang si Chelle sakin pero bago sya sumakay, bumili pa muna sya ng tatlo pang
mangga na nabalatan na. Kinain nya yun
habang nasa byahe kami.

"Uhm, Adrian.." tawag ni Chelle sakin. "Pag may madaanan kang tindahan, ihinto mo
muna ah? May bibilin lang ako."

"Na ano?" tanong ko nang di nakatingin sakanya. Syempre, nagdadrive ako.

"Tubig."

"Ah.. Sus. Ito na lang, may bottled water ako dito." inabot ko sakanya yung bote ng
tubig na nasa tabi ko. "Kakabili ko lang dyan kanina
at di ko pa yan naiinom."

"Wow.. Salamat." masaya nya yung tinanggap at ininom.

Pagkainom nya ay nagpatuloy sya sa pag-kain. Ang takaw lang nya ngayon. Pangatlong
mangga na yang kinakain nya.
"Sarap na sarap ka talaga dyan ah.." bati ko sakanya.

"Masarap naman kasi talaga! Tikman mo oh." Woah. Susubuan nya ko ng isang hiwa ng
mangga na may bagoong!

Minsan lang ganito si Chelle. Kaya kinain ko yung sinusubo nya sakin.

"ACKK!" halos maubo ako kasi napaka-anghang nung bagoong! Agad kong inagaw yung
bote ng tubig na ininuman nya kanina!
Ginamit ko ang siko ko para di ko mabitawan ang manibela at para makainom din ako!
"WOOH! Ack.. CHELLE NAMAN! BAKIT ANG
ANGHANG NUN?!"

"Uhh.." di ako nakatingin sakanya pero ramdam kong natulala sya sakin. "Di ko
ba..nasabing..maanghang yun.."

"HINDI! TSK!"

Natahimik na sya. Kasi naman! Amp. Naubos ko pala yung tubig. Bumili na lang ako
ulit nun sa naglalako sa daan at binigay ko yun
sakanya. Pero hinawakan nya lang yun!

"Chelle? Inumin mo na yan. Namumula na mukha mo oh." sabi ko sakanya.

"Psh.." T//3//T

"Inumin mo na yan! Wag ka na mahiya! Di ako galit. Nagulat lang ako. Ikaw kasi,
bigla ba naman ako paka-inin ng maanghang. Tss.."
nagsimula na kong magdrive ulit.

"Di naman yun ang iniisip ko.." mahina nyang sabi habang nakatitig dun sa bote ng
tubig na binigay ko sakanya. Namumula pa rin sya.

"Oh eh anong iniisip mo?"

"WALA. Bilisan mo na nga, baka mag-isa na lang si Andy dun sa school. Psh.." di ko
pa sana sya titigilan pero ininom na nya yung
tubig eh. Yun lang naman ang gusto kong gawin nya, ang uminom. Ayokong tiisin nya
na hindi uminom eh napaka-anghang ng kinakain
nya.

**

Sa nursery school ni Andy, dalawa kaming pumasok ng gate.

Maganda dito. May gwardya, malinis ang paligid, pang-bata talaga ang ayos. Pero
unti na lang ang tao. Iilan na lang ang mga batang
naglalaro sa may playing area dun sa dulo. Isa na dun si Andy.

Talagang napaka-likot nya. Sa limang batang nandun eh sya lang yung takbo nang
takbo.

"Andy! Nandito na mommy mo!" sigaw ng isang babaeng nagbabantay sakanila.


Lumingon si Andy samin. Ngumiti sya sabay takbo. "PAPAAA!!!"

Tumakbo sya papunta sakin. Binuhat ko naman sya. "Oh, hinihingal ka na! Di ka ba
napapagod kakatakbo huh?"

"PAPA! MAY STAMP AKO PO!!" Pinakita nya sakin ang stamp nya sa kamay. "STAR STAMP!!
NAGCOUNT KASI AKO PO NG ONE-
TO-TEN!!" ^O^

"Aba! Haha! Ang galing ah?!" Ginulo ko buhok nya at humarap kami kay Chelle. "Mommy
Chelle oh! Ang galing ng anak natin!
Nakapagbilang sya at may stamp pa sya!"

T3T - Ganyan ang tingin ni Chelle samin.

"Wui Chelle?! Di mo man lang ba pupurihin ang anak natin??" mahina kong reklamo
sakanya.

"Ehh kasi.. Bakit ikaw?? Bakit ikaw ang tinawag nya?? Bakit ikaw ang tinakbuhan
nya?? Dati naman..ako.." T3T

Ganun?! Pinatawa naman ako nitong si Chelle! Yun lang pala kasi ang isinisimangot
nya? Yung pagtawag at pagtakbo sakin ni Andy?
Haha!

"Ganun talaga Chelle! Mas close na sakin ang anak natin eh! Hahaha" pang-aasar ko
pa sakanya na lalo nyang ikinasimangot.

"MOMMY RACHELLYN!" tawag nung babaeng nagbabantay kanina sa mga bata. Masaya syang
lumapit samin nang may dalang blue
na bagpack. "ITO NA ANG BAG NI ANDY!"

Kinuha ni Chelle yung bag. "Thank you Teacher Riz. Oh baby.. Buhbye ka na kay
Teacher."

"BYE PO TEACHER!!" ^o^

"Buh...bye.." natulala si Teacher Riz kay Andy. O sakin yata?

"Ah Adrian, sya pala ang teacher ni Andy, si Teacher Riz.." pakilala ni Chelle
sakanya. "At Teacher Riz, sya naman si Adrian, papa ni
Andy.."

"P-PAPA NI ANDY?? Pero diba.. Yung C--"


"I'm Adrian Louis and.." sadya kong pinutol ang sasabihin nya na alam kong may
kinalaman kay CJ. Tsk. Inabot ko na lang sakanya
ang kamay ko for a shakehand. "I'M ANDY'S FATHER.."

"O-Oh.." Nakipagkamay naman sya at natulala ulit sakin.

"TEACHER RIZ??" tawag ni Chelle sakanya.


"AHH OO! HAHA!" tumingin sya kay Chelle sabay hawi ng buhok nya. "Ano.. Ipapaalala
ko lang pala na malapit na ang birthday ng
anak nyo and papatak yun on a weekday."

"Ay oo nga noh??" sabay kami ni Chelle na nag-react kaya nagkatinginan kami.

May two weeks na lang pala at 4th birthday na ng anak namin.. Nakaka-excite.. Ito
ang unang birthday nya na mase-celebrate ko eh..

Sinabihan lang kami nung Teacher Riz na 'pag may plano na kaming gawin sa okasyong
yun, ipagbigay alam daw namin sakanya para
mapaghandaan. Lahat pala kasi ng estudyante nila, nagpapa-party sa school pag
sumaktong may pasok ang araw nung birthday.

So may party pala kaming dapat paghandaan. Dapat din may maicontribute ako. Tatay
ako eh!

On the way pauwi kina Chelle, napag-usapan namin ang tungkol dun. Kakausapin daw
nya muna ang mom nya eh. Ganun na lang din
ang sinabi ko. Kakausapin ko muna si Mama. Nakakahiya pero kakailanganin ko pa rin
ang tulong ng nanay ko financially..

Medyo nakaka-depress lang din isipin na tatay na nga ko pero umaasa pa rin ako sa
magulang ko. Parang gusto ko tuloy na
maghanap ulit ng part-time job kaso.. Tsk. Di ko talaga kakayanin yun kasabay ng
pag-aaral ko.

Di bale! Titipirin ko na lang yung allowance ko! Para naman may mai-contribute ako
na kahit papaano eh masasabi kong
PINAGHIRAPAN KO ring ipunin!

Nang nasa bahay na kami nila Chelle, tatlo lang kami dun. Sa sala kami nag-stay
habang nagmemeryenda ng donuts na binili namin.

Kami ni Andy, kumakain na dito sa may center table habang naka-upo sa sahig pero si
Chelle, nakaupo sa sofa at kinakalikot ang bag
ni Andy.

"Chelle? Kain na tayo.." yaya ko sakanya. Kung anu-ano pa ginagawa nya eh ngayon na
lang ulit kami nagkasamang tatlo nang ganito!
Yung last time pa kaya na nangyari toh eh nung nag-mall kami tapos umepal si CJ.

"Wait lang. Check ko muna mga ginawa ni Andy sa school.." seryoso nyang sabi at
nagpatuloy sya sa pagtingin isa-isa sa mga
notebook.

Napangiti na lang ako. Ganito pala tutukan ni Chelle ang pag-aaral ng anak namin.

Di nya alam, nakaka-in love ang pagiging ganyang klaseng ina nya..yang pagiging
responsable nya..

*sigh..*

Mas pinapa-lala nya tong nararamdaman ko para sakanya eh.. Mas nahihirapan din
tuloy akong makuntento at pigilan ang sarili ko na--

"PAPA!!" May hinatak na libro si Andy sa ilalim nitong center table. "PICTURES!"
Ay, di pala libro. Photo album pala yun. Ako ang nagbuklat nun at nakaramdam naman
ako ulit ng excitement sa mga una kong nakita.
Puro pictures toh ni Andy eh, noong baby pa sya!

[RACHELLYN's PoV]

Done checking my baby's notebooks! Buti wala syang hindi natapos gawin sa school.
Pag ganun kasi, ipapatapos ko rin yun sakanya
ngayon.

Tinabi ko na ang bag nya at sumalo na sa pag-kain nila ni Adrian ng donuts pero
busy silang mag-ama sa pagbasa ng libro.

AY! HINDI PALA YUN LIBRO! P-PHOTO ALBUM KO YUN!!

Puro baby pictures ni Andy ang nandoon pero!! Pero may pictures din ako dun nung
buntis pa ko ehh!! Naku.. Nakakahiya.. Nahihiya
ako sa itsura ko non.. >___<

"Ang liit lang pala ni Andy non noh? Nung pinanganak mo sya.." nakangiti si Adrian
habang tinititigan ang bawat baby picture ni Andy.

"Oo nga eh.." sumang-ayon ako. Marami rin kasing nagsabi nun sakin dati. "Napaaga
rin ng one week ang panganganak ko sakanya
non pero healthy naman sya..kahit maliit.."
"One week early?" he chuckled and patted Andy's head na nasa kanan nya. "Di ka
naman masyadong nagmamadaling lumabas non
noh, anak?! HAHAHA"

"PAPA, AKO YUNG BABY PO??" di makapaniwalang tanong ni Andy habang tinuturo ang
isang picture nya.

"Oo, ikaw yan!" natatawa pa ring sagot sakanya ni Adrian. "Tignan mo, may diaper ka
pa dito oh! At dumedede pa! Oh, pati ito, ikaw
toh!" Tinuro nya ang isang ultrasound picture ni Andy.

"HAA??" nalilitong tinitigan ni Andy yung picture. Hehe. "WHAT'S THAT PO??"

"Ultrasound picture mo! Diba diba, Mommy Chelle?? Sya toh??"

"Oo.." sagot ko naman. "15 weeks pa lang si Andy dyan.." ^///^

"Nice.. 15 weeks.." tinitigan yun ni Adrian nang malapitan.

"NO MOMMY! HINDI AKO PO YUN!" >O< Hala? Ayaw maniwala ni Andy na sya yung nasa
ultrasound picture!

"Anak, ikaw toh! Kaya lang madilim yung kuha at mukha kang alien kasi nasa loob ka
pa ng tyan ni Mommy Chelle nyan!" todo
paliwanag si Adrian. Pero mukhang ALIEN daw?! T3T
"Asa loob ng tyan ako po ni Mommy non??" tinignan ako ni Andy. Naku. Mukhang
curious na naman sya.

"Yes baby.." sagot ko sakanya nang nakangiti. "Nasa tyan lang kita dati eh.."

"Oooh.." tumakbo sya palapit sakin at hinawakan ang tyan ko. "PAANONG NASA TYAN MO
PO AKO DATI?!" *O*

"Uhh kasi.." PAANO KO BA YUN IEEXPLAIN?! >.<

Si Adrian, natawa. "Anak, wag na maraming questions. Basta nilagay kita dyan sa
tyan nya dati, okay?"

"REALLY PAPA?! PWEDE PONG ILAGAY MO AKO PO ULIT SA TYAN NI MOMMY?!" *O*

TUMAWA NANG MALAKAS SI ADRIAN! >///<

"DI NA YUN PWEDE, ANAK! HAHAHAHA! MASYADO KA NANG BIG OH, DI KA NA MAGKAKASYA DUN!
HAHAHAHA" Adrian talaga..
Tuwang-tuwa pag ganito ang topic. Psh.

Kumain na lang ako ng donut. Sila patuloy lang sa pag-scan nung pictures.

"Uy, first walk mo raw oh.." mahinang sabi ni Adrian kay Andy.

Tinignan ko yung pic na tinitignan nila. Yun pala ang kuha ni Andy nang unang beses
nya maglakad mag-isa. Sa sobrang tuwa ko non
eh sinulatan ko pa yung ibaba nung picture ng, 'my baby's first walk!'. ^3^

"Sayang..sana nakita ko rin toh non.."

Napatigil ako kumain sa sinabing yun ni Adrian..

Para kasing tinusok bigla ng karayom ang puso ko.. Ramdam ko sa boses nya ang
lungkot at panghihinayang nya.. :(

Nakakakonsensya.. Sana talaga, nagawa kong umamin sakanya non pero..huli na eh..
Marami na syang hindi naexperience bilang
ama ni Andy dahil sa ginawa kong pagtago sa anak namin..

Sa ngayon, ang magagawa ko na lang ay mag-sorry sakanya..

"Ad.." gustung-gusto ko mag-sorry pero hirap na hirap naman ako magsalita.. Ewan ko
ba, nahihiya na natatakot ako..

Pero alam ko na ito na ang tamang oras para mag-sorry ako sakanya OFFICIALLY, para
sa ginawa kong pagkakamali.

Huminga muna ko nang malalim..nang dalawang beses..


"Sor--"

"Ang panget mo pala nung buntis ka noh??" bigla nyang sabi!

Nandun na pala sila sa part na puro preggy pictures ko! Psh! Wala na! Nawalan na ko
ng ganang mag-sorry! Tawagin ba raw kasi
akong panget non?! Ang sama nya! >3<

"Pero worth it naman ang pagiging panget mo non.." TALAGANG INULIT PA NYA PA ANG
PAGIGING PANGET KO HUH?! "Ang gwapo
kasi ng naging anak natin tsaka..hmm..mas gumanda ka pa ngayon."

O///O
Ako..mas gumanda pa raw ngayon??

Ehh.. Hehehe.. Sige.. Nakabawi na sya sa pagtawag nya sakin kanina na panget..
^///^

"Oh? Bakit pati SILA may picture dito??" gulat na tanong nya nang makita nya ang
isang picture ng high school friends namin dati.

Picture yun ng bestfriend ko na babae, si Millie at ang bestfriend ni Adrian na


lalaki, si Levi.

"Gusto ko lang ilagay dyan ang picture nila, bakit ba??" mataray kong sagot sakanya
at tinuloy ko nang kumain.

Ang totoo, that time, namimiss ko lang ang mga kaibigan ko kaya naisama ko sa album
na yan ang picture nila. Kalungkot din kasi
noon nung umalis ako pa-Amerika, hindi ako nagpaalam sakanila. Mahirap yun para
sakin pero yun ang ginusto ko eh.. Ginusto kong
mawalan na ng contact sa mga taong kakilala rin ni Adrian, including the girl who I
considered as my bestfriend..

Hayy.. Now I'm missing her.. I miss Millie.. Kamusta na kaya sya? Gusto ko sanang
tanungin si Adrian about her pero mukhang wala na
rin syang balita sa mga HS friends namin..

"Bago ko nga pala malimutan.." sinara na ni Adrian yung album. "Punta kayo ni Andy
sa condo ko sa Sabado. Mga..dinnertime. May
surprise ako sa inyo."

"Surprise?" tumango sya. "Anong surprise yun??"

"Aysus! Surprise nga eh! Basta, pumunta na lang kayo. Susunduin ko kayo dito ng
5PM." nakangiti nyang sabi.

"Psh.. Sige, sige. Sa Sabado pa naman yun. Magpapaalam muna ko kay CJ."

Tumingin sya sa malayo at nag-sigh. "Okay.."

♫OHHH~ WHO LIVES IN A PINEAPPLE UNDER THE SEA??♫


Ring yun ng cellphone ni Adrian. Agad nya yung kinuha mula sa bulsa nya at tamad na
sinagot ang tawag.

"Hello.. Oh?... AY! HEHE... OO, OO! TEKA LANG.... OO NGA SABI EH! TSK. Sige.."
binaba na nya ang tawag at tumayo habang
nagkakamot ng ulo. "Tss.. Kailangan ko na palang umalis.."

Nagnod ako. "Sige. Baby, aalis na raw si Papa.."

Tumingala sakanya si Andy na busy kumain. "PAPA! SAMA AKO!" ^O^

"Hindi pwede anak! Hehe" lumuhod sya kay Andy at nilinis ang bibig nun na puro
confectionary sugar. "Sa Saturday, pag pinayagan
kayo ni CJ, aalis tayo. Pupunta tayo sa house ko."

"YEYY!! SA SATURDAY AALIS KAMI!!" nagbunyi naman agad ang anak namin.

"Pero paka-good boy ka muna kay Mommy! Pag hindi, hindi ka namin isasama."

"YES PAPA! I'LL BE A GOOD BOY PO KAY MOMMY!" >O<

Natatawa syang hinalikan ni Adrian and they exchanged 'I love you's'. May yakapan
pa ah.

I just smiled as I watched them.

Nakaka-gaan ng loob na makitang ganito si Adrian twing nagkikita sila ni Andy.


Ngumingiti sya at tumatawa. Nitong huli kasi sa school,
pansin kong lagi syang may iniisip na malalim at wala sa sarili. Grabe siguro ang
hirap nya sa pag-aaral ng architecture..

Kaya bilib din ako sakanya eh.. Hirap na nga sya pag-aaral pero nagagawa nya pa rin
paglaanan ng time ang anak namin.. :))

"Chelle.." tawag nya sakin nang makatayo na sya ulit. "Sa Sabado ah? Pilitin mo si
CJ.. Wala naman akong balak na gawin sayo na
kung ano eh.."

I smiled at him. "Siraulo ka talaga. But don't worry, paniguradong papayag naman
yung si CJ."

"Buti naman kung ganun.. Geh.. Alis na ko."

Hinatid namin sya ni Andy sa may gate at pinanood syang magdrive paalis.

Hmm.. Sa Sabado.. By dinnertime..

Ano kayang pinaplano ng lalaking yun??


xxxxxx
x30: At His Place.. (part1~)

[RACHELLYN's PoV]

Saturday, quarter to 6PM na.

Papunta kami ngayon ng baby ko sa condo ng tatay nya.

Naka-taxi lang kami. Di kami masundo ni Adrian eh kasi biglang nasira raw ang kotse
nya.

Buti na nga lang din at pinayagan kami ni CJ. Alam ko namang papayag sya pero nang
nasabi ko na ang tungkol sa 'surprise' ni Adrian,
para syang nag-alangan bigla.

Syempre, alam ko na kung bakit..

At alam ko rin kung paano ko sya mapapayag..

Para mapapayag sya, binigyan ko lang naman sya ng hindi mabilang na kiss and 'I
LOVE YOU'!

And as usual, UMABUSO SYA ULIT. Naka-ilang kiss at 'I love you' na nga ko sakanya
eh hiniling nya pa na matulog sa tabi ko kagabi!
>///<
Pinagbigyan ko naman sya. Mahal ko ehh. Hehe..ayt! Madalang na rin kasi sya
makapag-stay sa bahay kaya ganun..

Super busy na kaya sya sa school nya. Graduating na kasi sya tsaka unti-unti na rin
syang sinasanay ng parents nya sa pag-handle ng
family business nila..

*sigh..

Lagi na lang ako napapa-sigh pag naiisip ko kung gaano na sya ka-busy ngayon..
Feeling ko kasi, nagiging pabigat na kami ni Andy sakanya..

Napakarami na nga nya kasing ginagawa tapos pinipilit nya pang dumalaw samin kahit
gabing-gabi na, kahit pagod na pagod na sya..

Minsan nga nang super late na sya nakadalaw, hindi na kami nakapag-usap pa kahit
saglit kasi bumagsak at nakatulog na sya agad sa
sofa!

Naaawa tuloy ako sakanya.. Masyado na syang nahihirapan sa dami ng inaasikaso nya
tapos dumagdag pa kaming mag-ina..

"PAPAA!!" sigaw ni Andy dito sa tabi ko. Nakadungaw pala sya sa bintana kaya agad
nyang nakita si Adrian na hinihintay kami sa may
labas ng condominium building.

Pinahinto ko ang taxi sa tapat ni Adrian.

Pagkahinto nun, sya na ang nagbukas ng pinto sa side ni Andy at agad na binuhat
palabas ang anak namin.
"Labas na Chelle." utos nya sakin.

"Teka. Di pa ko nagbabayad noh." sagot ko sabay kalikot sa bag ko.

"Di na. Ako na magbabayad." may inabot syang perang papel dun sa driver. "Keep the
change na ho."

"AH SALAMAT!" tuwang-tuwa naman si Manong.

"CHELLE? HALIKA NA." Psh! Bakit ba sya nagmamadali?!

Inis akong bumaba ng taxi habang sya, todo ngiti.

Pumasok na kami ng building nang buhat-buhat nya pa rin si Andy habang ako,
sumusunod lang sakanila.
Sumakay kami ng elevator. Medyo nag-alala ako sa baby ko kasi takot sya pag nasakay
sa ganito eh!

Pero mukhang okay naman si Andy. Nakayakap lang sya sa leeg ng tatay nya..

Sa 6th floor kami huminto at lumabas then naglakad ng unti.

#1220..

Yan ang number ng pintong hinintuan namin.


Number 1220.. Quite significant..

Err..did I say SIGNIFICANT??

Nagulat na lang ako nang nag-doorbell si Adrian! Bakit nya ginawa yun sa sarili
nyang bahay?!

Pagka-doorbell nya eh binuksan nya yung pinto. Parang siraulo lang talaga sya. =.=

"Chelle, una ka na." Wow naman. Nagawa nya pang magpaka-gentleman ah?

But in fairness, bagay sakanya. Nakakakilig. Pero unting kilig lang ah! Very slight
lang! >///<

Una nga kong pumasok sa unit nya.

Aba, ang linis at--

"CHELLYYYY!!"

O___O May bigla na lang yumakap saking babae!


Wait.. CHELLY raw.. Isa lang ang tumatawag saking CHELLY eh!

"MI..MILLIE??" niyakap ko itong babae at kinapa-kapa ang likuran nya. "I..IKAW BA


YAN??"
"AKO NGA!!" bumitaw sya sakin at hinarap ako with a very cheerful smile.

Oh God.. It is Millie! Yung bestfriend ko nung highschool na..iniwan ko..

I managed to give back a smile but I couldn't help to get teary as well.

Parang nung nakaraan araw lang ah, naalala at namiss ko sya then now.. She's right
in front of me..

"CH-CHELLY?! WAG KA UMIYAK!" para syang nag-panic.

Naiyak na nga ko at niyakap ulit sya. "So..Sorry Millie! Sorry bigla na lang akong
uma..umalis non.. Bigla na lang..akong--"

"ANO KA BA!" hinimas nya ulo ko. "Alam na namin kung bakit mo nagawa yun at
syempre, naiintindihan ka namin.. Never din kaming
nagalit sayo kaya wag ka na umiyak.." ginantihan nya ko ng mahigpit na yakap. "WE
MISSED YOU, CHELLY.."

"ANONG KAGULUHAN TOH??" mayabang na tanong ng isang lalaki na nagmula pa sa looban


nitong bahay.

Minukhaan ko pa sya and.. IT WAS LEVI! ANG PLAYBOY RIN NA BESTFRIEND NI ADRIAN!

"LEVI.." tawag ko sakanya habang naiiyak at nakayakap pa rin ako kay Millie. >___<
"Tsktsk, Millie! Ba't mo pinaiyak si Chelle?!"

"UY, DI KO SYA PINAIYAK NOH!" depensa ni Millie. "DI KO KAYA MAGAGAWANG PAIYAKIN
ANG BESTY KO!" >3<

"HINDI MAGAGAWA PERO AYAN NA NGA! UMIIYAK NA SYA DAHIL SAYO!"


"ANG KULET! SABI NANG DI KO SYA PINAIYAK EH!" >O<

Natatawa akong humiwalay kay Millie at kinusot ang luhaang mga mata ko.

"Grabe.. Namiss ko yang pagtatalo nyo.. Hanggang ngayon, aso't pusa pa rin kayo."
^///^

Ngumiti sila parehas sakin.

Si Levi, lumapit kay Millie at inakbayan sya. "YEP! Aso't pusa pa rin kami pero
ngayon, ASO'T PUSANG NAGMAMAHALAN NA KAMI!"

"YUUCK! ANG SAGWA!" siniko ni Millie si Levi. Hehe. Parang nung high school lang
ang eksena ngayon.

Nag-aasaran sila, nag-sasakitan tapos mamya, magta-tampuhan na yan. Ang kaibahan


nga lang ngayon eh nag-mature na ang mga
itsura at porma nila.

"Edi palitan natin!" inalis ni Levi ang pagkakaakbay nya kay Millie pero hinawakan
naman nya ang kamay nun. "NGAYON, ASO'T
PUSANG MAG-ASAWA NA KAMI!"
O___O

Di sana ako maniniwala pero pinakita ni Levi yung mga kamay nilang magka-hawak na
may WEDDING RING!

"K-KASAL NA KAYO?!" pasigaw kong tanong sakanila! O///O

They smiled at me again.

"Yes Chelly.." nagbablush na sagot ni Millie. "Married na kami for two years.."

"Oh my god.." napatakip ako ng bibig in too much surprise and happiness.
I can't really believe it.. My two closest friends na pag nagdidikit dati eh parang
bombang sasabog, ay kasal at mag-asawa na
ngayon??

"ANG TAGAL NAMANG KAMUSTAHAN YAN?" rinig kong reklamo ni Adrian na nasa likuran ko.

Sina Millie at Levi, natulala kina Adrian kaya napalingon ako sa likuran ko kung
nasaan silang mag-ama.

Buhat pa rin ni Adrian si Andy at kakapasok lang pala nila.

"UYY!! YAN NA BA SI ANDY?!" excited na lumapit sakanila si Millie.

"SYA NA NGA." nakangiti at mayabang na sagot ni Adrian.


"NICE PARE.. ANG LAKAS LANG NG DUGO MO AH?" bilib na bilib naman si Levi.

"TALAGA! ANG DAMI YATANG NAMANA NITO SAKIN KUMPARA SA NANAY NYA!" ang yabang talaga
ni Adrian!! Nakaka..psh! >3<

"HINDI RIN! YUNG SHAPE KAYA NG MUKHA, KAY CHELLY! PATI YU--" naputol ang sinasabi
ni Millie dahil may bigla kaming narinig
na NABASAG na crystal-something mula sa mas loob nitong bahay.

"AH SHIT!" napatakbo si Levi papunta sa kung saan nanggaling yung tunog. "DEMI!!"

Demi?? O___o

Si Millie sumunod kay Levi.

Si Adrian tumabi naman sakin. "Hayy ang likot din ng anak nila eh noh."

"ANAK??" ulit ko sa sinabi ni Adrian.


"Oo. Anak nina Levi at Millie, si Demi."

"TALAGA?! MAY ANAK NA RIN SILA?!"

Tumango si Adrian at mabilis akong napasunod kina Millie.

Sa dining ko sila nakita. Si Levi, naglilinis ng nabasag na pinggan sa sahig. Si


Millie, may buhat na batang babae!
WAAAA.. ANG GANDANG BATA.. *O*

"Demi baby, that was bad. Di ka dapat nangingi-alam ng gamit dito. Mag-sorry ka kay
Tito Adrian ah?" sabi ni Millie sa anak nya na
mukhang walang kamuwang-muwang sa mga nangyayari. Ang bata pa kaya nya. Mas bata pa
nga sya sa baby ko eh tsaka..ang
ganda nya talagang bata.. Mana kay Millie!

"Ayos lang, wag mo na pagalitan ang bata.." suway ni Adrian na nasa tabi ko na pala
at buhat pa rin talaga si Andy. Di ba sya
nangangalay?

"PAPA!!" tawag ni Andy kay Adrian sabay turo kay Demi. Si Demi naman, sumama bigla
ang tingin sakanya. "ANG PRETTY NG GIRL
PO.." *O*

"EH?" - Adrian

"Ay Andy! Hindi ka nagkakamali dyan!" - Millie

"Aba, aba. May taste yang anak nyo pag dating sa mga babae ah!" sabat ni Levi na
tapos na sa paglilinis.

"ANAK NAMAN!" inalis ni Adrian ang pagkakaturo ni Andy kay Demi. "GUTOM KA LANG
KAYA MO NASASABI YAN! TARA NA NGA'T
MAG-DINNER NA TAYO!"

Adrian talaga.. Inaway tuloy sya nung mag-asawa dahil sa sinabi nya.
Sa pag-kain, pinagtabi namin ni Millie ang mga anak namin. Hehe, tuwang-tuwa ko
masyado sakanila! Kinikilig ako kahit ba
sinusungitan lang ni Demi ang baby ko.. >///<

Habang kumakain, kwentuhan na rin kami, lalo na kami ni Millie! Kami ang lubos na
nakakapag-kwentuhan kasi yung dalawang lalaki
ang busy sa pag-assist sa mga anak namin na kumakain.

Tinatawan nga namin sila ni Millie habang dini-differentiate namin ang 'Levi and
Adrian' NOON sa 'Levi and Adrian' NGAYON.

Noon, pangbobola lang ng mga babae ang inaatupag ng dalawang yan then ngayon, nag-
aalaga na sila ng anak nila.

Napaka-unbelievable lang. It's still very hard to believe na nagbago na nga ang mga
playboy na toh nang magka-anak sila.

After dinner, nagyayang uminom ng konti si Levi. Pumayag na rin ako kasi canned
beers lang naman ang iinumin tsaka konti lang
talaga. Magbabyahe rin kasi silang mag-asawa pauwi tulad ko.

Bago ang inuman, iniwan muna namin ang mga anak namin sa sala. Doon, nagkasundo
silang dalawa sa pagdodrawing habang
nanonood ng TV at kaming matatanda naman ay sa dining.

"ADRIAN!" tawag ni Levi na may itinaas na canned beer. "PARA SA SUCCESSFUL NATING
PAGKAKALAT NG LAHI! CHEERS!"

At nag-cheers nga ang dalawang loko-loko but very proud na mga ama.

"TAYO RIN CHELLY!" gumaya si Millie. "PARA SA PAGKAKARON NA NATIN NG MAGANDA AT


GWAPONG ANAK! HIHI.. CHEERS!"
Natatawa akong nakipag-cheers sakanya.

Pero si Levi, humabol ng isa pa. "PARA SA REUNION NATING APAT! NA SANA MAULIT PA!"

We all raised our canned beers and altogether we shouted, "CHEERS!".

Umayos na kami ng pwesto sa table afterwards.


Yung mag-asawa, super close na nakaupo sa tapat namin, as in naka-akbay pa si Levi
kay Millie while kami ni Adrian, magkatabi nga
pero may distance. Medyo ang awkward nga eh.

Nagsimula ang kwentuhan sa pagkakaplano ng reunion na toh.

Si Adrian pala ang may pasimuno nito at ni-rush lang ang pagplano kasi paalis na
pala sina Millie pa-Amerika! Nakakalungkot naman,
dun na pala sila titira at mag-aaral kasama ang baby nila..

Alam na rin pala nila ang lahat ng nangyari at ang sitwasyon namin ni Adrian
ngayon..

Adrian told them everything just a few days ago, kasabay ng pagplano nya sa reunion
na toh.

Pero napansin ko, parang iniiwisan nilang maging topic yung tungkol saming dalawa
ni Adrian? Mabilis kasing napunta ang kwentuhan
namin sa story nina Millie at Levi..

Their story caught my whole attention though. I was shocked to know na nabuntis
lang pala ni Levi si Millie nung first year college pa
lang sila! But it was still good, kasi mahal naman nila ang isa't isa at
pinanagutan sya ni Levi. Nagpakasal pa sila ah after nya
manganak..

Sobra akong natutuwa sa nangyari sakanila. Para sakin, bagay talaga sila sa isa't
isa.

I am really happy for them but at the same time, nakakaramdam ako ng..pagka-
inggit..

"Ma.." malambing na tawag ni Levi kay Millie. "Naiingit ako sa kanila.. Gusto ko
rin ng baby boy.. Gawa tayo mamya ah??"

"EHH AYOKO NA! ANG HIRAP KAYA MAGBUNTIS AT MANGANAK NOH! TSS.." tanggi naman ni
Millie sabay inom.

Parang batang nagtampo si Levi. "Mahirap nga pero dadamayan naman kita ah! Tulad
kay Demi! Nahirapan din ako dun lalo na nung
naglilihi ka! Utos ka nang utos, hanap nang hanap ng mga pagkaing out-of-this-
world, MAHIRAP YUN AH PERO GINAWA KO
LAHAT!"

"Walang-wala naman yan kumpara sa physical pain na naranasan ko! Masakit kaya
magbuntis, diba Chelly??"
Nakangiti akong tumango sakanya. Totoo naman yun eh.

"Ano naman.." ayaw talaga magpatalo ni Levi. "At least, nasa tabi mo ko at
inalagaan kita nung panahong yun.."

Bigla akong napatingin kay Adrian nang sabihin yun ni Levi.


Nakangiti sya but I know, his smile is just a forced one.

Natamaan kaya sya sa mga sinabi ni Levi? 'Cause he wasn't there when I needed him
to support me..

Pero..kaya lang naman sya wala sa tabi ko kasi di ko sya binigyan ng chance na
gawin yun..

Nakaka-konsensya.. At MAS nakonsensya pa ako nang napunta ang usapan sa pag-aalaga


ng baby.

Levi was so proud na nagawa nya ang mga bagay tulad ng pagtitimpla ng gatas,
pagpapalit ng diaper, pagpupuyat pag tinotopak ang
baby, LAHAT NA NG BAGAY NA HINDI KO PINA-EXPERIENCE KAY ADRIAN. Parang nananadya
lang si Levi eh..

"Ang yabang mo.." natatawang binato ni Adrian ng mani si Levi. "Kaya ko rin naman
gawin ang mga yan eh kaso.."

Natigilan magsalita si Adrian. He finished his sentence with a little sigh then
tumayo sya.

"Oh san ka pupunta?" tanong ni Levi sakanya.

"Ichecheck ko lang ang anak ko." at iniwan na nga nya kaming tatlo dito.

"Hala, napikon na yata si Adriani.." si Millie talaga, di pa rin nya nalilimutang


tawaging ADRIANI si Adrian. Ganun kasi nila yun tawagin
dati, para raw magkakatunog ang pangalan namin- Levi, Millie, Chelly, Adriani. =.=
"Di yun pikon. Malamang napapag-isipan na nya na sobrang mali ang ginawa nya kay
Chelle." confident si Levi habang nainom.
Oo, sobrang mali nga ang ginawa sakin ni Adrian pero may mali rin ako diba..??

"OI LEVI!" sigaw ni Adrian mula sa sala. "YUNG ANAK NYO, INAAWAY ANG ANAK KO!!"

Madali kaming tatlo na pumunta sa sala.

Adrian's comforting Andy na umiiyak while si Demi, nakatayo lang sa tapat nila at
masama ang tingin sa baby ko!

"Baby ko.. Anong nangyari?" lumapit ako at tinulungan si Adrian sa pagpapatahan


sakanya.

"DEMI!! *sob* GINULO NI DEMI PO YUNG.. *sob* YUNG DRAWING KO PO!!" >o<

"Demi! Say sorry to Andy." utos ni Levi sa anak nya.

"SORRY.." nakasimangot na sabi ni Demi.

Si Andy, umiiyak pa rin! Psh. Ang iyakin naman ng baby ko.. T3T

"No, Demi baby." nilapitan ni Millie si Demi. "Say sorry again and kiss him!" ^3^

"SORRY ANJI." kiniss nga ni Demi si Andy sa..sa LIPS! WAAAA..


ANG FIRST KISS NG BABY KO.. *o*

"OI!!" sabay na sigaw nina Levi at Adrian!

"KYAAAAA!!" tili naman ni Millie!

"HOY ADRIAN! TSANSING ANAK MO!" - Levi


"ANAK MO ANG HUMALIK! HINDI ANAK KO!" - Adrian

"MAGTIGIL NGA KAYO! PARA MATAPOS NA, IPAPAKASAL NA LANG NATIN ANG MGA ANAK NATIN SA
TAKDANG PANAHON,
OKIE?!" ^3^v - Millie

"AYOKO NGA!" - Adrian & Levi

"EHHH.. BAKIT NAMAN??" T3T - Millie

"AYAW KO KAYANG MAGING MANUGANG YAN!" sabay ulit sina Levi at Adrian with matching
turuan.

Natigil na lang sila nang tumakbo si Demi kay Levi at nagpabuhat.

Antok na ang anak nila..

Pa-9PM na pala kaya nagpagdesisyunan na rin nilang umuwi.


Pero bago yun, nagkuhanan pa muna kami ng picture for remembrance! And the best
shot was yung kay Demi at kay Andy! Sa kuhang
yun, ang antok na si Demi ay naging sweet! Ni-rest kasi nya ang ulo nya sa balikat
ng baby ko.. ^///^

"BYE CHELLY!" nagyakapan kami ni Millie sa may pintuan. "Alam mo na ah! Bantayan
mong maiigi si Andy mo! Dapat wala syang
girlfriend hanggang sa mag-dalaga si Demi namin!"

Ngumiti ako at tinignan si Demi na buhat-buhat ni Levi. Ayiee.. Nakatingin sya kay
Andy na nakatayo sa tabi ni Adrian! >///<

"REUNION ULIT AH! NEXT YEAR!" sinuntok ni Levi si Adrian sa braso.

"At balitaan nyo rin kami!" dagdag ni Millie. "Dapat iupdate nyo kami sa mga
nangyayari sa inyo! Ito kasing si Adriani, last minute na
kami binalitaan tungkol sayo kaya ito tuloy, bitin ang bonding natin.."

Millie embraced me one last time, Levi did too and then umalis na sila.
Nakakalungkot isipin na aalis na sila ng bansa sa Monday at next year ko pa sila
posibleng makita ulit..

"OOH! THOMAS!" tumakbo papasok ng unit si Andy nang marinig nya ang theme song ng
favorite show nya sa TV.

While I stayed here and waited for Adrian who was closing the door.

Nagkatinginan kami pagkasara nya ng pinto and that was when confusion hit me again.

Bakit kaya di nya binalita agad kina Millie ang tungkol sa pagkikita at pag-aayos
namin?
"Chelle.." napa-ayos ako ng tayo sa pagtawag nya. "Na..Nagustuhan mo ba ang
surprise ko sayo?"

Uh.. His surprise..

"Napansin ko kasi non, na parang namiss mo ang dalawang yun kaya..naisip ko na


gawin yung reunion.."

"Oo.. Namiss ko nga sila and.. Our reunion was great." nginitian ko sya. "Thank you
sa surprise mo, Adrian.."

Adrian just stared back at me with a very serious expression. Walang ngiti or any
emotion sa mukha nya.

Yung mga mata nya, they are only looking straight in my eyes, making my heart pound
so hard.

By his look, alam ko na may gusto syang sabihin sakin but I can't tell what it is..

Ang alam ko lang, KINAKABAHAN AKO NGAYON.

Kinakabahan nga ako pero hindi natatakot.. Just.. What exactly is this feeling??

"CHELLE..."
xxxxxx
x31: At His Place.. (part2~)

[RACHELLYN's PoV]

"CHELLE.."

Lalo akong kinabahan sa pagtawag na yun sakin ni Adrian.

Ang boses at expression nya kasi, talagang napaka-seryoso.

"Bakit?" I asked him calmly. CALMLY kahit ba ang totoo ay parang aatakihin na ko sa
puso!

"CHELLE, M--"

"PAPAAAAAA!!" Agad na nawala ang 'serious moment' namin dahil sa pagsigaw na iyon
ni Andy.

My baby sounded very scared there and was about to cry!

Mabilis kaming nagtungo ni Adrian sa kung nasaan sya. Kita naming nakatayo sya sa
sofa, marumi ang damit nya na natapunan yata
ng juice at.. may tinuturo sya sa TV.

"PA-PAAA! MAY COCKROACH POHH!" >o<

Cockroach?? Oh.. May ipis nga na gumagapang sa may gilid ng TV screen.

"BABY? Wag ka matakot at umiyak!" sabi ko kay Andy. "Parang ipis lang yan na
gumaga-- WAAAAAA~!!!"

BIGLANG LUMIPAD YUNG IPIS PAPUNTA SAMIN NI ADRIAN!! Napatakbo tuloy ako sa likuran
ng baby ko at dun ako nagtago!!
>___<

Rinig kong tumawa si Adrian. Lokong yun talaga!

"MOMMYYY!! BUHAT!!" niyakap ako ni Andy at nagpabuhat sya dahil sa takot.

At dahil takot din ako na maliparan ng ipis, sa may likod na lang ng sofa ako
nagtago habang yakap ko ang baby ko!
Takot na takot na nga kaming mag-ina pero si Adrian, tawa pa rin nang tawa!
"AY HALA CHELLE! LUMIPAD PAPUNTA SA INYO YUNG IPIS!"

"EEEEEEEE!!" napatili ako sa sinabi ni Adrian! Yung ipis, lumipad daw samin! Nasan
na yun?! Baka gumagapang na yun sa likuran ko
ah?! WAAAA NOOOO.. Para kong nanigas at napahigpit ang yakap ko kay Andy. "AD-RI-
YAAAAN!! PATAYIN MO NA YUNG I-PIIIIS!!"
>O<

Tumawa lang sya ulit! Ang sama nya ah!

*pzzzz*pzzzz*

Kumalma na ko nang marinig kong gumamit si Adrian ng spray..

Tumayo na ko't hinanap sya. Nandun sya sa may tabi ng shelf ng TV at may hawak na
pesticide.

Yung ipis, patay na rin sa sahig.

WEW.. Ang layo naman pala nung ipis samin.. T3T

"WALA NA YUNG COCKROACH PO??" tanong ni Andy.

Matawa-tawang napatingin samin si Adrian. "Wala na anak! HAHAHA! Wag ka matakot,


PARANG IPIS LANG YUN NA GUMAGA--
WAAAA~ HAHAHAHA" aba't ginaya pa talaga nya ang sinabi ko kanina?! >///<

Psh.. Umupo na lang kami ni Andy sa sofa habang sya, tinapon na yung ipis.

Marumi nga pala ang damit ng baby ko.. Kaso nakakatamad syang palitan ng damit..
Nakakainis kasi si Adrian eh.. >___<

"Oh?" si Adrian, cool na cool na tumabi samin ni Andy. "Bakit nakasimangot ang
mommy na kung umarte eh HINDI takot sa ipis? Hindi
takot pero nung lumipad na, pfft.. WAAAAA~ HAHAHAHA"

>///< Bakit ba tuwang-tuwa sya sa pag-WAA kong yun?!

Tsaka di naman talaga ko takot sa ipis eh! Basta gumagapang lang, di ako takot pero
pag nalipad na at dumikit na sakin, psh..ibang
usapan na yun..
"Hayy titigil na nga ko.." pilit tumigil si Adrian sa pagtawa pero kung makangiti
naman..hmp. "Mommy Chelle, wag ka na magalit.."

"Hindi ako galit.." mahina pero inis kong sagot.

Nakangiti pa rin syang tumitig sakin.


Naalala ko tuloy yung naputol na sasabihin nya kanina..

"Adrian, ano na ba yung sasabihin mo dapat sakin kanina? Yung bago sumigaw si
Andy?"

"A-Ah.." inalis nya ang tingin nya sakin sabay kamot sa batok. "Mmm.. Tsk.. Ano..
Yayayain ko na sana kayong umuwi.. Ihahatid ko
kayo.."

"Eh? Kala ko ba sira kotse mo?"

"Oo sira nga.. Sa taxi ang ibig kong sabihin, sasamahan ko kayo umuwi.."

"Ah.." Somehow, I feel DISAPPOINTED.. "Wag na. Nagtext nga pala kasi si CJ kanina..
Dadaanan na lang daw nya kami dito maya-
maya.."

"Ganun ba.. Uhm.. Si Andy, paliguan ko na lang. Natapunan sya ng juice eh oh."

"Di na. Sa bahay ko na lang sya papaliguan, wala kaming towel eh.."

"Tss. Dito na para diretso tulog na sya sa inyo tsaka marami naman akong towel dito
na pwede nya magamit." lumapit sya kay Andy at
kinandong yun. "Diba 'nak? Gusto mo bang maligo sa CR ko?"

"YES PAPA!!" na-excite naman si Andy.

Hinayaan ko na sila. May point si Adrian eh at ayaw ko namang maging KJ.

Nag-stay na lang ako dito sa sofa, still disappointed..

Sa sobrang seryoso ng facial expression kanina ni Adrian, yun lang pala ang gusto
nyang sabihin? Ang ihatid kami ni Andy? Psh..

I was expecting something else.. Something like, 'CHELLE, GUSTO MO BA, BUUIN NA
NATIN ANG PAMILYA NATIN?'.
Akala ko talaga sasabihin nya yan dahil sa mga sinabi ni Levi kanina. Akala ko
maiisip nya yun pero di naman pala.

Masyado akong nag-assume.

I know that Adrian is very willing to take responsibility as Andy's real father but
to settle down for good?? I don't think so.

Kaysa mag-settle down, mas gugustuhin nyang maging binatang-ama na lang. Playboy
eh. Papahirapan nya lang ang sarili nya kung
mag-aasawa na sya.

Pero buti na nga lang at napa-maling akala lang ako kanina.


Kung YUN kasi ang itinanong ni Adrian sakin, HINDI KO ALAM KUNG ANONG ISASAGOT KO.

Malamang, magugulo lang ang utak ko nang sobra-sobra kung yun nga ang tinanong nya.

*sighh..

GOD.. Thanks God at hindi yun ang itinanong sakin ni Adrian.

Although gusto ko sana ang ideyang yun para sa anak namin kaso..hindi naman tamang
magsama kami nang wala kaming
nararamdaman para sa isa't isa. And most importantly, I'm still with CJ. I love CJ
and I can't just leave him para buuin ang pamilya
namin ni Adrian. That's a big NO-NO.

Pero...

Argh.. Enough thinking na nga! Walang dahilan para problemahin ko ang issue na yun
'cause first and foremost, di naman yun tinanong
ni Adrian! Diba?! Psh..

Nagpunta na lang akong kusina. Sinimula kong hugasan ang mga maruruming gamit dun
para i-distract ang sarili ko at para kahit
papaano rin eh may naitulong ako sa naganap na reunion.

"MOMMY!!" ang saya-saya ni Andy na tumakbo palabas ng CR. Naka-tapis sya gamit ang
isang malaking towel. "TAPOS NA KO MAG-
LIGO PO!" at tumakbo ulit sya papuntang sala.

Sunod naman na lumabas ng CR si Adrian. Medyo basa ang damit nya pati buhok. Tss.
Paano nya ba pinaliguan ang anak namin at
nabasa sya nang ganyan?? =.=
"Anak, baka madulas ka ah." pinapagpag ni Adrian ang basang buhok nya nang bigla
syang napatingin sakin.

O///o

*budum*budum*

Err.. Bakit nagwawala ang puso ko nang walang dahilan??

"Chelle? Wag mo na hugasan ang mga yan.."

"Uhh h-hindi." NOW I'M STAMMERING! "Bihisan mo na si Andy.. Na..Nandun sa bag ko


yung mga damit nya.." >///<

"Ah, sige." sinundan na nya si Andy sa sala.

Habang ako, napa-hinga nang sobrang lalim and napangiti mag-isa..


I don't know.. I just feel..very happy. ^///^

[ADRIAN's PoV]

"PAPA!!" malakas na tawag ni Andy nang mabihisan ko na sya. "PWEDE NA AKO PO MAG-
SLEEP SA BED MO PO?!" ^O^

"Eh? Bakit? Antok ka na ba?"

"YES PAPA!" yes daw pero parang di naman? Ang hyper nya pa kaya.

"Geh, pagkatuyo ng buhok mo, patutulugin na kita."

"YEYY!!" at tumakbo na naman po ang anak ko papunta sa kwarto ko.

So ganun na pala ang antok ngayon? Ang daming energy para tumakbo nang ganun
kabilis?

Sinundan ko sya sa kwarto. Doon ay tumatalon-talon sya sa ibabaw ng kama ko.

Natawa na lang ako sakanya tsaka nagpalit na ko ng damit. Nabasa ako kanina eh
habang pinapaliguan sya. Likut-likot naman kasi
nya masyado.
Tulad ngayon, matapos nya tumalon nang wagas eh nagpagulung-gulong naman sya sa
kama.

*BAG!*

AMPOTEK! NAHULOG SYA SA KAMA, BUTI HINDI UNA ULO!

Syempre napatakbo ko sakanya! Kala ko iiyak sya pero di naman. Natawa pa nga sya
eh! AMP.

Na-estatwa tuloy ako dito. Natakot ako at baka narinig yun ni Chelle. Mamya, isipin
nya pang napaka-pabaya kong ama. =.=

Swerte. Di nya yata narinig ang pagkahulog ng anak namin.

Para magtigil si Andy sa sobrang kalikutan, pinatulog ko na lang sya.

Humiga ako sa tabi nya at wala pang 10 minutes ay nakatulog na sya. Kamot at
pagtapik lang katapat ng batang toh eh!

Nag-stay pa ko sa tabi nya habang tinititigan ang mukha nya.

Ang batang toh..anak namin sya ni Chelle..


Nakakatuwa naman at nakakabilib.. Di ko akalaing makakabuo kami ng ganito kakulit,
kalikot at kagwapong anak. HEHE.

Ay, si Chelle nga pala. Nalimutan kong nandito rin pala sya.

Sa kusina ko sana sya pupuntahan pero sa sala ko sya nakita. Tapos na siguro sya
maghugas. Nakaupo sya sa sofa eh at gumagamit
ng cellphone.

Tsk.. Si CJ na naman yan..

Tumuloy na lang ako sa kusina at pumwesto sa may table. Trip ko uminom kaya yun nga
ang ginawa ko. Okay lang din yun kasi di ko
naman na sasamahan umuwi ang mag-ina ko. Susunduin sila ni CJ eh..

Ano ba 'tong sitwasyon namin ngayon.. Nasa iisa kaming bahay kasama ang anak namin
pero tignan nyo naman, ang layo namin sa
isa't isa..

Bwiset. Tumagay na ko't uminom nitong brandy na bigay ni Levi. Ito dapat ang
iinumin namin kanina eh pero ayaw ni Millie.

HAYYY.. Sina Levi at Millie. Buti pa sila, isang happy family na. Sana kami rin ni
Chelle..

Kanina nga, aamin na sana ko kay Chelle na mahal ko sya, na gustung-gusto ko nang
makasama sila ni Andy kaso..argh! Bad timing!
Potek na ipis yun kasi! Buti nga pinatawa ako ni Chelle kanina kundi, hindi spray
ang pinangpatay ko dun sa pesteng ipis na yun!
Malamang nadurog ko sya sa sobrang burnot ko!

Napainom ako ulit then gulo sa buhok ko.

Nakakainis eh. Kanina nasabi ko na dapat yun eh tapos.. TSK.

"Adrian?" napalingon ako sa likuran ko kung nasaan si Chelle. "Si Andy??"

"Ahh nakatulog na eh.. Nandyan na ba si CJ?"

"Wala pa.." lumapit sya sakin. "Oh, umiinom ka ulit?"

Tumango lang ako.

Sya naman, napangiti. "SALI AKO!"

Kumuha sya ng isang lowball glass mula sa mga nahugasan nya kanina then tumabi sya
sakin.

"Dali, tagayan mo ko Adrian!" ^o^


"Sigurado ka?? Naka-inom ka na kanina eh.."

"Okay lang kahit malasing ako! Susunduin naman kami ni CJ diba?" ^3^

Tss. Kaya pala ang lakas ng loob nya.

Tinagayan ko sya at nag-inuman kami habang pinag-uusapan sina Andy at Demi.

"For sure, super cute nila maging bride and groom in the future! Maybe in 20 years?
Hihihi.." aysus. Kilig na kilig pala sya sa nangyari
kanina sa anak namin at bet nyang mapangasawa nun si Demi.

"Kung magkatuluyan sila, paano ka na?" tanong ko sakanya. "Makakaya mo ba kung iwan
ka na ng anak natin?"
"IWAN?? Bakit naman nya ko iiwan??" O.o

"Syempre mag-aasawa na sya. Kailangan na nyang lumipat ng bahay kasama si Demi."

"L-LUMIPAT NG BAHAY?!" tumango ako. "NO! AYOKO NGA! DAPAT DUN SILA TUMIRA SA BAHAY
KASAMA KO!" >3<

"Eh paano nga kung ayaw nila? Mag-asawa na sila Chelle, imagine that. Tapos gusto
nila mag-solo at bumuo ng sariling pamilya, yung
walang kasamang in-laws."

Nagpout sya at natulala sa basong iniinuman nya. "A..Ayoko nang ganun.."

"Pero ganun at ganun ang mangyayari pag mag-asawa na ang anak natin."

"BASTA AYOKO!" Ininom nya ng diretso yung huling tinagay ko sakanya.

Mukhang may tama na toh.. Namumula na sya eh at natutulala.

"Ayoko mangyari yun Adrian.. Ayokong iwan ako ng baby ko.." T3T

Medyo natawa ako. "By that time, di mo na sya baby. Malaki na sya non, ano ka ba.."

"Ehh kahit na.. Di yun pwede mangyari.. Inalagaan ko sya, nagpakahirap akong
palakihin sya nang mag-isa tapos ganun?? No..
Ayoko.. That will be very unfair.."

Nasaktan naman ako sa sinabi nya..

Inalagaan nya ang anak namin at nagpakahirap syang palakihin ito NANG MAG-ISA..
Sabagay, totoo naman. Sa pagbubuntis nya hanggang sa panganganak nya at pag-aalaga
kay Andy noong baby pa ito, WALA NAMAN
AKONG NAITULONG SAKANYA.

I was a useless father..even until now..

"I'm sorry, Chelle.." bigla kong sabi sakanya.

"Hm?" napatingin sya sakin. Mapupungay na ang mga mata nya.

"Sorry kasi.. Wala akong nagawa noon para sayo at sa anak natin.. Ikaw,
nagpapakahirap non sa pagbubuntis at pag-aalaga sakanya
habang ako..wala. Nagliliwaliw ako dito.. Nagpapakasaya.. Umiinom, nangbabae..
Tsk.. Napaka-wala ko lang kwenta.."

Wala syang sinagot sakin.

Tahimik lang sya at nagpatuloy sa pag-inom. Naka-ilang tagay rin sya sa sarili nya.
Nang alam kong nasosobrahan na sya, pinigilan ko
na syang uminom kaso..

"Ano ba Adrian??" inis nyang sita sakin nang agawin ko ang baso nya.

"Tama na. Magpahinga ka na."

"Psh.. Okay lang ako.. Tsaka.. Si CJ? Mamya pa darating yun kaya may time pa ko
uminom.. Ngayon lang naman ako uminom nang
ganito ehh?? Kaya walang problema yun kay CJ.. So hayaan mo na ko?? PLEASE??"
T//3//T

Yan na naman ang PLEASE nya na nakakapang-hina. Tsk.

Pero di ako nagpatinag. Di ko binalik sakanya ang baso.

"Hindi na Chelle. Tama na. Magtigil ka na kasi titigil na rin ako uminom. Okay?"

"TCH.." tinakpan nya ang mukha nya gamit ang dalawa nyang kamay.

Ganun lang ang pwesto nya sa table habang nililigpit ko ang pinag-inuman namin.

"ADRIAN..." tawag nya sakin.

Nilingunan ko sya pagkalagay ko ng huling baso sa lababo. Tinatakpan pa rin nya ang
mukha nya.

"ADRIAN.." tawag nya ulit. Para syang naiiyak.

"Chelle? Ano nangyayari sayo?"


"ADRIAN.. YOUR SORRY.. IT WAS NOT ACCEPTED.."

"Chelle naman.."

"Bakit.. Why say sorry for..for something you didn't intend to do??" hinarap na nya
ko. Naluluha sya. "Kung..kung wala kang nagawa
para samin ni Andy non.. Kung naging walang kwenta ka.. Hindi mo naman yun
kasalanan diba? At hindi mo yun ginusto.."

Tama sya.. Pero..

"Adrian.." tuluyan na syang naiyak! "I.. I'm sorry.. Ako dapat ang nagsosorry
kasi..kasi kasalanan ko yun..lahat..diba??"

"H-Hindi.." Nilapitan ko sya sa inuupuan nyang silya at niyakap sya nang mahigpit.
"Hindi Chelle.. Wala kang kasalanan.."

"P-Pero..dahil sakin..kaya marami kang hindi nagawa para kay Andy.. Marami kang
hindi na-experience bilang tatay nya kasi..kasi di
kita binigyan ng chance.. Naging selfish ako..at stupid.." niyakap nya rin ako nang
mahigpit. "I'm sorry Adrian.. I..I'm sorry.."

"Tama na Chelle.." lumuhod ako sa harap nya at pinunasan ang luha nya.

"A..Adrian.. I'm really sorry.." tsk. Yumakap ulit sya sa leeg ko at patuloy na
umiyak sa balikat ko. "I'm sorry.. I'm sorry.."

Di man appropriate pero napangiti ako sa inaasta ni Chelle ngayon..

Ganito pa rin kasi sya umiyak, parang bata..

"Chelle.. Wala na sakin yung ginawa mo dati kaya wag mo nang isipin yun.. Please,
tahan ka na.. Ayokong nakikita kang umiiyak dahil
sakin, alam mo ba yun?"

Unti-unti, ramdam kong tumitigil sya sa pag-iyak hanggang sa humihikbi na lang sya.

Habang magkayakap kami nang ganito, nagka-lakas na ko ng loob na sabihin sakanya


ang bagay na matagal ko nang gustong
sabihin.

"Chelle.. Mahal kita.."

Di sya sumagot.. Nagulat sya malamang sa biglang sinabi ko..

"Totoo yun Chelle.. Mahal kita.. Tulad dati.. Di naman sana kita iiwan non
pero..nagpakatanga nga ko. Dinamay ko ang relasyon natin
sa napakawalang kwentang problema ko sa buhay.. Nung bumalik ka, mabilis kitang
minahal ulit at lumala pa yun dahil sa anak natin..
Chelle, mahal ko kayo ni Andy.. This time, mabibigyan mo na ba ko ng chance para
panagutan kayong dalawa? Para buuin na ang
pamilya natin?"

". . . ."
"Please Chelle.. Please give me a chance.."

". . . . . . . . . ."

=___=

Parang alam ko na kung bakit di toh sumasagot..

"Chelle?" pilit kong tinignan ang mukha nyang nasa balikat ko at tama nga ang
hinala ko!! TULOG NA SYA!! ARGHHH!! BWISEEET!!

Tsk. Kalma lang Adrian.. Nakainom eh kaya nakatulog agad.. HA-HA-HAAA.. TAENAAA..
Yung speech ko kanina, nasayang..

Napabuntung-hininga na lang ako sabay yakap pa nang mahigpit sa babaeng toh.. Sa


babaeng toh na mahal na mahal ko..

Di ko na pinatagal at binuhat ko na sya papunta sa kwarto ko. Doon pinahiga ko sya


sa tabi ng anak namin.

Pagkahiga ko sakanya ay nanatili pa muna kong nakaupo sa tabi nya.

Tinitigan ko sya. Pero di ako makuntento sa titig lang eh.

Hinawi ko ang buhok nya then I kissed her, on her forehead.

"I love you, Chelle.." nakangiti ako habang tinititigan ko sya nang malapitan.

Ang saya lang. Ngayon ko lang sya ulit nahalikan mula nang maghiwalay kami years
ago. Kaso, parang di na naman ako makuntento..

Napatingin ako sa lips nya..

Parang gusto ko ulit sya halikan eh but this time, sa mga labi naman nya..

Okay lang siguro na gawin ko yun? Ilang beses ko naman nang ginawa yun dati eh,
yung mangnakaw ng halik pag tulog sya..

Hmm.. Sige.. Isa lang at makukuntento na talaga ko..


*riiiiiiiing*

ARGHHHH.. Ampocha talaga! Kaninong cellphone yun?!

Hinanap ko pa kung saan eh nasa bulsa lang pala yun ng jeans ni Chelle.

Dahil di naman nagigising yung may-ari, ako na ang kumuha nung phone nya at
tinignan kung sino ang pesteng tumatawag.
'CALLING...

dhie♥'

xxxxxx

x32: Frustrations

[ADRIAN's PoV]

'calling...

dhie♥'

Dhie.. Si CJ yata toh. MHIE at DHIE tawagan nila eh diba?

Dahil hindi nagigising si Chelle at patuloy pa rin 'tong cellphone nya sa pag-ring,
sinagot ko na ang tawag. Hindi nga lang ako nagsalita
agad kasi di ko naman alam ang sasabihin ko sa lalaking toh.

"Mhie??" nagtatakang umpisa ni CJ.

Potek. Di ko pa rin alam kung anong sasabihin ko. "Uhh EHEM.."

"HEY, WHO'S THIS??" parang nagpanic si CJ nang marinig nya ang boses ko.

"Ano, si Adrian toh.."

"Ah... Si Rachel?"
"Natutulog.."

"W-WHAT??" nagpanic na naman sya. Masyado bang nakakagulat ang sagot ko? Parang
natutulog lang si Chelle eh?

"SABI KO, TULOG NA SYA. Nakainom sya eh. Nilubos uminom kasi susunduin mo raw
sila." paliwanag ko.

"Tch.. Uhm, nandito na pala ko sa tapat ng condominium building mo so pakigising na


lang sya."

At agad na nya kong binabaan. Di man lang ako hinayaang sumagot ba. Tss. Ang galing
lang din ng timing nya noh? Kung kailan ko
nanakawan ng halik si Chelle eh tsaka pa sya tumawag. Para syang yung ipis kanina,
ISTORBO.
Binalik ko na ang cellphone ni Chelle sa jeans nya. Tinignan ko syang muli sabay
hawak sa isang pisngi nya. Marahan ko syang
tinapik.

"Chelle, gising na.. Wui Chelle.."

"Mm.." tumagilid sya ng higa paharap sakin.

"Chelle.. Nandyan na ang magaling mong sundo kaya gising na.. Wui.. Chelle ko.."

Minulat nya ng unti ang mga mata nya at tinignan nya ko.

Mabilis kong inalis ang kamay ko na nasa mukha nya. "Chelle.. Nasa labas na si..si
CJ."

"Si CJ?!" narinig nya lang ang pangalan ng lalaking yun eh napabangon na sya. Tsk.
Hinilot nya ang ulo nya kasabay ng pagsinok.
Sinisipon na rin sya, dahil siguro sa pag-iyak nya kanina.

"Kaya mo ba tumayo?" tanong ko sakanya.

"Mm.. Oo naman noh.. Psh.." tumayo sya at medyo nangangapa sa pagbalanse kaya
inalalayan ko sya. "Ay teka.. Ang baby ko.."
T//3//T

Lalapitan nya pa sana ang anak namin para buhatin yun pero pinigilan ko sya.

"Ako nang bahala sakanya Chelle. Ayusin mo na lang ang gamit nyo.."
Tahimik na sumunod si Chelle. Ako na ang bumuhat kay Andy at sabay kaming lumabas
ng unit ko.

Si Chelle, halatang nasobrahan sa inom. Maya't maya hinahatak ko sya kasi wala
syang direksyon kung maglakad.

Nang nasa elevator na kami, nagising si Andy. Naalimpungatan yata nang makita nyang
nasa ibang lugar na sya.

Pagkalabas naman namin ng building, agad naming natanaw si CJ na nakasandal sa


kotse nya. Gabing-gabi eh naka-formal attire sya.

Nagulat na lang ako nang tumakbo si Chelle. Mula sa tabi ko eh pumunta sya kay CJ.
Para syang bata na sabik yakapin ang lalaking
yun. Nagbubulungan pa sila habang magkayakap at kita kong tumatango si Chelle..

Ano ba toh.. Hindi ko na maitago sa sarili ko..na nasasaktan ako ngayon sa nakikita
ko..

Tsaka lang ako lumapit sakanila nang lingunan ako ni Chelle. Sinalubong nya ko para
kunin sakin si Andy. Pero ayaw lumipat sakanya
ni Andy eh. Kumapit pa nang mahigpit sa leeg ko itong bata.

"Baby?? Tara na, uuwi na tayo.."


Kahit anong pilit ni Chelle, ayaw bumitaw sakin ng anak namin.

"Anak, sama na kay Mommy.." ramdam kong umiling lang sa balikat ko si Andy. Hayy.

"Tsk.." napatakip ng mukha si Chelle. "Andy naman.. Wag na pasaway please?? Ang
sakit na ng ulo ko.."

"Baby.." lumapit si CJ samin. "Halika na para makapagpahinga na kayo ni Mommy sa


bahay.."

Di sya pinansin ni Andy. Huh. Eepal pa kasi eh kay Chelle nga na nanay ayaw sumama,
sakanya pa kaya?

"Baby?" tawag ulit ni CJ. Napalingon na itong si Andy sakanya. "C'mon, let's go
home.."

"Daddy.." inaantok na tawag ni Andy habang inaabot nya si CJ para magpalipat ng


buhat. PERO BAKIT??

"There, good boy." tuluyan nang nakuha ni CJ si Andy mula sakin. "Let's go now,
Mhie.."
Bumalik na si CJ sa kotse nya para ipwesto sa backseat si Andy, habang si Chelle,
lumapit ulit sakin.

"Adrian.. Pasensya na sa abala ah? Alis na kami.." nanghihinang paalam nya sabay
talikod.

Pinanood ko syang lumayo hanggang sa alalayan sya ni CJ at pagbuksan sya nito ng


pinto ng kotse.

Ang bigat lang talaga sa loob ko na makita toh. Ang babaeng mahal ko pati ang anak
namin, INAANGKIN NG IBANG LALAKI.

Parang gusto ko tuloy hatakin si Chelle pabalik sakin. Parang gusto kong buhatin
palabas ng kotse ang anak namin. Gustung-gusto ko
nang bawiin silang dalawa ngayon din pero..sasama kaya si Chelle sakin?

Malamang, HINDI.

Napangisi ako sa sagot ko sa sarili kong tanong.

Saktong napatingin din sakin si Chelle pagkasakay nya ng kotse. Ngumiti sya at
kumaway bago isinara ni CJ ang pinto sa side nya
then..tuluyan na silang umalis.

Bigla ko namang tinuktukan ang ulo ko nang makaalis na sila.

Ang tanga-tanga ko lang eh. Diba napagdesisyunan ko nang makuntento na lang sa


relasyon namin ni Chelle ngayon? Pero anong
ginawa ko kanina?

Dahil lang sa pagka-inggit ko kina Levi, muntik ko nang guluhin ang lahat-lahat
samin!
Buti na lang pumalpak ako. Buti na lang talaga at hindi narinig ni Chelle ang pag-
amin ko kundi..nasaktan lang ako sa gagawin nyang
pagtanggi sakin.

*sighhh..

Alam ko. Tama nang makuntento na lang ako pero ayaw ko pa rin sumuko eh? Tsk. Ewan.
Gulung-gulo na utak ko..

**
Dumaan ang Linggo nang hindi ko nabisita ang anak ko. Natambakan ako ng schoolworks
na di ko nagawa eh dahil sa naganap na
reunion. Through phonecall ko lang tuloy sya nakamusta.

Lunes naman na nang muli kong nakita si Chelle sa school. Nasa tambayan sya, mag-
isa at kaharap ang laptop nya. Ang aga-aga eh
nakasimangot sya at tulala.

Lalapitan ko sana sya kaso bigla akong hinatak ng mga walanghiya kong kaklase
papunta sa first class namin.

Nagtaka pa ko kung bakit sila nagmamadali eh ang aga pa pero yun pala, magpapaturo
lang sila para sa quiz namin ngayon! AMP.
May quiz pala kami. Nakalimutan kong magreview.

Gusto ko sanang magreview kaso di ko na nagawa. Tinadtad ako ng mga tanong nitong
mga kaklase ko eh! Tss. Pero ah? Di naman
ako nahirapan nang nag-take na kami ng quiz. Ang dadali kaya ng mga tanong. OA lang
ng mga kaklase ko eh.

After quiz, discussion na. Di naman ako nakikinig kasi busy ako mag-isip tungkol sa
nalalapit na birthday party ng anak ko.

Ano kayang magandang gamiting theme? Thomas and Friends kaya? Yun na lang kasi yun
ang favorite ni Andy! Pero... Paano na ang
mascot nun? Pwede ba i-mascot ang isang tren??

=___= *kamot ulo*

Sa gastos naman.. Tsk. Nabawasan pala ang pang-ipon ko kasi pinagawa ko yung kotse
ko! Pang-asar lang eh noh? Kung kailan
kailangan na kailangan ko mag-ipon tsaka pa sya nasira.

Kabadtrip kaya tinigilan ko nang isipin ang tungkol dun. Mamaya na lang ulit pag
makausap ko na si Chelle para nakakagana
magplano.

Dapat makikinig na ko sa discussion pero itong cellphone ko na nasa desk, biglang


nagvibrate. May nagtext kaya chineck ko yun.

-- FROM: jude
'pare!blitaan lng kta ah?pra lng alam mu kc nanay xa ng anak mu.c rachellyn kc
dinala sa clinic.hinimitay xa bgla sa klase nmin ee'
--
SI CHELLE, HINIMATAY BIGLA?!

Napatayo ako agad bitbit ang bag ko para umalis sa klase.


"MR. GUILLERMO! WHERE ARE Y--"

"SORRY SIR EMERGENCY LANG!" sagot ko kay Prof sabay takbo palabas ng classroom.

Si Chelle.. Ang alam ko, kailangan ko syang mapuntuhan agad kaya wala akong
pakialam kung may mabangga akong tao sa pagtakbo
ko.

*budum*budum*

Kinabahan ako bigla.

Kakaibang kaba toh kaya napahinto ako sa pagtakbo.

*budum*budum*

Yung pagkatulala nya kanina.. Yung katakawan nya nung nakaraang linggo sa hilaw na
mangga.. Yung pagkahimatay nya ngayon..

May HINALANG pumasok sa utak ko nang alalahanin ko ang mga bagay na yun. Isang
hinalang AYAW ko paniwalaan pero
POSIBLENG TOTOO..

*budum*budum*

AHH HINDI! AYOKO!

Hindi yun pwede. Hindi pwedeng buntis si Chelle sa ibang lalaki. HINDI.

xxxxxxx

x33: Tending Mommy Chelle~

[RACHELLYN's PoV]
"Rachellyn.."
"Ui Rachellyn.."

Pilit akong dumilat sa mga naririnig kong pagtawag sakin.

Unti-unti, naaninag ko ang isang babae at isang lalaki na nasa gilid ko. Kilala ko
sila. Mga kaklase ko sila, si Rhea tsaka..Karlo yata
name nung lalaki.

Napansin ko ring nakahiga na ko sa isang kama na nasa loob nitong puting kwarto.
Clinic siguro toh.

"Sa wakas.. Dumilat ka din!" napaluhod si Rhea.

"Ano Rachellyn? May masakit ba sayo?" nag-aalalang tanong ni Karlo.

Pinakiramdaman ko ang katawan ko.

Bukod sa bigat ng ulo ko, may nararamdaman akong sakit sa isang braso ko. Dahil
siguro toh sa pagkakabagsak ko kanina nang
mawalan ako ng malay?

Ay.. Hinimatay nga pala ko sa harapan ng buong klase kanina.. O///o

Nakakahiya.. >///<

"Rachellyn??" sabay na tawag nila sakin.


"Rhea kasi! Hanapin mo na yung nurse!" - Karlo

"Ehh saan ko ba yun unang hahanapin?!" >3< - Rhea

"Ah ano.. Wag na kayo mag-abala.." pag-awat ko sakanila habang dahan-dahan akong
bumabangon. "Wa--"
Di ko na natuloy ang sasabihin ko kasi may biglang nagbukas padabog nung pinto.

Si Adrian yun na naka-kunot noo at medyo hinihingal.

"Oh.." bumulong si Karlo kay Rhea. "Diba sya yung playboy na taga-Arki department?"

"Shh!" pasimple syang tinapik ni Rhea sa braso. "Si Adrian yan! Boyfriend ni
Rachellyn!"

B-B-BOYFRIEND?! O___o

"Tara iwan na natin sila.." tinulak nya si Karlo with a grin!

"Teka Rhea.." pagpigil ko sakanila. Gusto kong linawin yung sinabi nya na boyfriend
ko si Adrian eh. "Hin--"

"Okay lang Rachellyn!" pagputol ni Rhea sa sasabihin ko. "Mas maaalagaan ka ng


boyfriend mo kaysa namin! Hihi. Bye!"

Wala na. Mabilis at tuluyan na silang umalis. T3T


Si Adrian, umupo sa isang silya sa tabi ng hinihigaan ko. Naka-kunot noo pa rin
sya. Ehh ano bang ikinaka-badtrip nito? At bakit sya
nandito?

"Bakit ka nandito Adrian?" mahina kong tanong sakanya. Medyo natatakot kasi ako sa
pagkaseryoso nya.

"Kasi nabalitaan ko ang nangyari sayo.. Ano na bang nararamdaman mo ngayon?" In


fairness ah. Kahit seryoso sya, nasa tono pa rin
nya ang pag-aalala..

"M-Masakit na lang ang ulo ko.. Alam mo yung feeling na gusto mo lang matulog?
Parang ganun.."

"Tsk.." napatakip sya ng mukha sabay buntung-hininga. "Nag..Nagpacheck-up ka na


ba?"

"Check-up? Ang OA naman nun? Parang tina-trangkaso lang ako eh mag--"


"TRANGKASO??" tinanggal ni Adrian ang mga kamay nyang nasa mukha nya at tinignan
ako nang nakataas ang isang kilay.

"Oo? Trangkaso?"

"Oo nga.. Trangkaso.." para naman syang may inisip na malalim saglit tapos binalik
nya ang tingin nya sakin. "Ibig sabihin, nahimatay
ka kasi may sakit ka??"

"Ganun na nga.. Kahapon pa kasi ko may sakit tapos di ko man lang nagawang
magpahinga. Nagpuyat pa kamo ako.."
"Ahh.. May sakit ka lang talaga ah? At hindi ka nahimatay dahil buntis ka.."

O___o B-BUNTIS?? AKO?!

"H-HINDI AKO BUNTIS NOH! Ano yun? Porket hinimatay, buntis na ko agad?" >///<

"Di lang yun Chelle. Last week kaya ang takaw mo sa mangga.." malungkot nyang sabi.
Teka, bakit malungkot toh? "Diba, strong sign
ng pregnancy ang paglilihi?"

Gusto ko sya tawanan sa pinagsasabi nya. Pero napangiti lang ako sabay balik ng
higa dito sa kama. Bumibigat na naman kasi ang ulo
ko.

"Oo, pero hindi ako naglilihi non.." sagot ko sakanya. "Nagkataon lang na naging
kaibigan ko yung tindera nung mangga kaya madalas
ako kung kumain nun tsaka ang sarap lang talaga ng bagoong nya."

Nakatitig lang sya sakin nang seryoso! Parang ayaw nya maniwala sa sinabi ko! Psh.

"Basta Adrian, hindi ako buntis.." sabi ko then I closed my eyes to take a rest.

"Sure ka ah..??" mahina nyang tanong.


Tumango ako. "Oo naman.. Minsan ko nang naranasan yun kaya mabilis kong malalaman
if ever na mabuntis ako ulit.. Pero imposible
naman yun.. Wala namang nangyayari samin ni CJ noh.. CJ knows how to control
himself, unlike you.."

Oops..
For a moment there, I felt like I said something a little offensive.

Di ko sya dapat pinagkumpara kay CJ eh and also, yung nangyari samin non, it wasn't
like he was the only one who wanted it to
happen. Parehas kaming ginusto yun..

Dahan-dahan kong dinilat muli ang mga mata ko, only to find him staring at me with
a big smile.

Naka-ngiti pa sya kahit sinabihan ko sya ng something na nakaka-offend?

"A-Adrian.. Uhm, balik ka na sa klase mo.." nahihiya kong sabi sakanya.

Umiling sya nang nakangiti pa rin. "Di na. Uwi na lang tayo para makapagpahinga ka
nang mas maayos sa bahay mo.."

Tumayo sya mula sa kinauupuan nya at inalalayan akong bumangon.

"Pero Adrian? Pano na yung klase mo.." T3T

"Tss. Wag mo na isipin yun." kinuha nya yung shoulder bag kong nasa kabilang kama.
"Mas mahalaga ka kaysa dun."

*budum*budum*

"Halika na.." inalalayan nya ulit ako para tumayo.


Di na ko tumanggi. Wala akong energy para makipagtalo pa sakanya tsaka..gusto ko na
nga ring umuwi.

Mula clinic, nasa tabi ko lang sya habang naglalakad kami. Di sya nahihiya o nako-
conscious man lang na magbitbit ng dalawang bag
oh? Yung shoulder bag ko nga eh talagang suot-suot nya pa sa balikat nya.

Akala ko rin magkocommute lang kami pero dala nya pala ang kotse nya. Yun ang
sinakyan namin and on the way, umidlip lang ako.
Though aware naman ako pag humihinto kami o kung nasaan na kami. Alam ko nga na
tumigil kami sa isang botika at binalhan ako ng
gamot ni Adrian.

Hay.. Bigla ko namang naisip si CJ.. Sana pag-uwi ko, nandun sya.. Pero for sure,
wala sya. Busy na talaga sya masyado para
makadalaw sakin ng ganitong oras..

Nang makarating na kami ng bahay, naka-full assist pa rin sakin si Adrian.


Halatang-halata siguro na napakasama ng pakiramdam ko?
Sobrang bigat nga talaga ng ulo ko eh and feeling ko lumulutang ako at umiikot ang
paligid ko..

Hiningi ni Adrian ang susi ng bahay ko at sya ang nagbukas ng pinto. Wala nga
palang tao ngayon sa bahay. Si Andy kasi naihatid na
ni Dad sa school.

Nung pumasok ako ng bahay, natisod pa ko sa may step! Buti nasa harapan ko si
Adrian. Nahawakan nya ko sa magkabilang braso at
napigilan ako sa pagbagsak.

"Grabe Chelle, ang init mo!"

"Oo nga eh.." nanghihina kong sagot sakanya.


Papaayos na ko ng tayo nang..nang.. NANG BIGLA AKONG BINUHAT NI ADRIAN! NEWLYWED-
STYLE! >///<

"A-ADRIAN?!" sigaw ko kasi..kasi naman!

"Wag ka sumigaw. Dadalhin lang kita sa kwarto mo. Mamya, sa hagdanan ka pa matisod
eh at gumulong ka pababa."

T//3//T

Okay.. Di na ko ulit nakipagtalo..

Sa kwarto ko, inihiga nya ko sa kama. Pagkahiga nya sakin ay nagstretching sya.
"AYY ANG BIGAT MO!" reklamo nya!

"Psh.. Sino ba kasing may sabi na buhatin mo ko.." umupo ako't babangon pero
pinigilan nya ko.

"Teka teka, san ka pupunta ah? Magpahinga ka lang dyan!"

"Kukuha lang ako ng damit pamalit!" >//3//<

"Di na! Ako na kukuha!" lumapit sya sa may cabinet ko. Binuksan yun at kumuha ng
isang pares ng damit. "Ito, okay na mga toh?"
tumango ako sakanya. "Uhm, underwear, hindi na?"
"EHH HINDI NAA!!" >//O//<

Natawa sya sa reaksyon ko! Hmpff.. Binigay na nya sakin yung mga damit.

"Oi Adrian. Umalis ka na. Magbibihis ako." T//3//T

"AH OO. HAHAHA.." tumatawa pa rin syang naglakad papuntang pintuan. "Uhm, dun lang
ako sa baba ah? Pagluluto kita ng..bahala
na kung ano makita ko dun. Okay?"

I nodded to him then he left, closing the door.

Pagkapalit ko ng damit, kinuha ko ang laptop at handwritten drafts ko mula sa


shoulder bag ko. Umupo ako sa kama at sinimulang
magtype. Project kasi namin ang gumawa ng article at ipapasa na sya bukas kaya
kailangan ko na 'tong tapusin ngayon. Sana nga
matapos ko toh. Ang haba pa nito eh tapos maya't maya pa ko humihinto kasi ang
sakit talaga ng ulo ko.

Later, may nagknock sa pinto. Nagknock nga pero pumasok naman agad kahit di pa ko
sumasagot.

Pumasok si Adrian. May dala syang tray na may bowl of soup, baso ng tubig and yung
tablet na gamot. Nilapag nya yun sa kama
sabay agaw sa laptop ko. Pagkaagaw nya nun, pinagalitan nya ko! May sakit na nga
raw ako tapos laptop nang laptop pa ko!
Nagpaliwanag naman ako tungkol sa project ko at naintindihan naman nya yata ko..
"Ah.. Project pala.." tinitigan nya nang malapitan ang screen ng laptop ko na
hawak-hawak nya. "Sige. Kumain ka na. Ako na tatapos
nito."

"T-Talaga??" pakiramdam ko kumikinang ang mga mata ko sa tuwa ngayon. "Kaya mo ba


yang matapos ngayon?"
"Oo naman." umupo sya sa sahig sa tabi nitong kama at nagsimula na syang magtype.
"Wag mo ko panoorin Chelle. Kumain at
magpahinga ka na."

"Uhh oo!"

Sinunod ko sya. Sinimulan kong kainin itong soup na hinanda nya.

Kung luto nya lang talaga toh, sobrang matutuwa ako pero hindi eh. Instant soup
lang toh, yung pakuluan mo lang eh pwede na kainin.

Pero di na masama, at least pinaghanda nya ko and I do appreciate that. Ang saya
nga eh actually. This brings back good memories..

Yeah.. Good memories.. Yung kung paano nagsimulang mahulog ang loob ko sa lalaking
toh na akala ko eh never ko papatulan kasi
bolero, chicboy..

But that time, I did, completely fall for this guy. Why not? Eh ang lakas ng impact
ng ginawa nya para sakin non. Ano nga bang ginawa
nya?
NAG-CUTTING CLASS lang naman sya. BUT, he only did that kasi nalaman nya na may
sakit ako kaya wala ako sa school.

Nag-cutting sya, para lang puntahan ako sa bahay namin at alagaan ako, tulad
ngayon..

*budum*budum*

Ah! NO-NO-NO! Kung anu-ano na naiisip ko.. >///<


Madali ko nang inubos itong soup then ininom ko na yung gamot at humiga na ko. Nang
makahiga na ko, saktong nakita ko yung
screen ng laptop.
Eh hindi pala nagtatype si Adrian! Naglalaro sya ng Jewel Master!

"ADRIAN! NAGLALARO KA NA EHH!" >3<

"Ay. Sorry. Hehehe hmm teka lang.." kita kong chineck nya yung high score list.
"Galing naman, puro MOMMY toh ah.. May ANDY pa!"

"Sus.. Ako lang din naglaro nun.. Pero tuwang tuwa si Andy na makita ang name nya
dyan. Feeling nya sya talaga yung naka-high
score.."

Natawa si Adrian. "Yung batang yun talaga.. Oh ito, sino tong... XJOHN??"

"Si CJ yan.. Chris John kasi buong name nya.."

"Ah... Parang XMEN lang ah.." nag-exit na sya sa laro at binitawan ang laptop sa
sahig.

Tumayo sya para kunin ang tray na pinagkainan ko then lumapit sya sakin. Hinawakan
nya ang noo ko.

*budum*budum*

"Ang taas pa rin ng lagnat mo.." bati nya. "Matulog ka na muna."


"Pero..."

"Pero??"

"Na.. Natatakot ako.." halos pabulong kong sabi kasi..

"HAHAHA CHELLE NAMAN!" inalis nya ang kamay nyang nasa noo ko. "Wala kang dapat
ikatakot! Wala naman akong balak na
masama sayo noh."
Hindi yun.. Hindi yun ang ikinatatakot ko..

"Sige na Mommy Chelle.. Tulog ka na habang hinuhugasan ko 'tong pinagkainan mo.


Aakyat din ako agad dito para tapusin yang
project mo." lumabas na si Adrian ng kwarto ko. Pero binuksan nya ulit ang pinto at
tinignan ako. "Wag mo papakialaman yung laptop
ah! Magpahinga ka lang!"

Nginitian ko lang sya.

Tumango sya sakin at iniwan na ko.

Tss.. Si Adrian talaga..

*budum*budum*

Binalot ko ang sarili ko gamit itong kumot at pumikit na para matulog kaso ang
ingay eh..
Ang ingay nitong puso ko..

*budum*budum*

Tch.. Nakakainis na.. Bakit ba kasi kailangang mangyari ulit toh?

Natatakot tuloy ako..

*budum*budum*

Natatakot ako na baka mahulog ulit ang loob ko kay Adrian..

[ADRIAN's PoV]
Nagmadali akong hugasan tong pinagkainan ni Chelle. Kasi naman, baka naglalaptop na
ulit sya! Tsk.

Pagkabalik ko sa kwarto nya, nandun pa rin naman yung laptop sa sahig kung saan ko
yun iniwan.

At si Chelle? Ayun. Tulog na. Balot na balot pa sya ng kumot.

Nilapitan ko sya't muling chineck ang temperatura nya. Mainit pa rin. Pero bababa
rin naman siguro yan maya-maya. Uminom na sya
ng gamot eh. Tsaka mag-i-stay naman ako dito hanggang sa magising sya so in case na
lumala pa yang lagnat nya, nandito lang ako.

Yung kamay ko namanng nasa noo nya, pinadulas ko pababa sa may pisngi nya.
Natutuwa lang ako. Masaya ako at mali ang hinala ko kanina na buntis sya. Masaya
akong malaman na di pa sya naaangkin ni CJ. Oo,
sila nga, pero pakiramdam ko, akin pa rin sya.

Pumwesto na ko ulit sa sahig dito sa tabi ng kama nya at nagtype. Project toh ni
Chelle, parang feature article sya about MOMS. Ang
haba nga eh. Parang nobela. Napapagkahalataang nakaka-relate sya masyado dun sa
topic.

Every two page yata na natatapos ko, naglalaro ako nung Jewel Master. Nakakainis
eh. Bakit kasi yung XJOHN AKA CJ ang nakatop
score dun? Kailangan ma-beat ko yun!

TALUNIN SI CJ.

TALUNIN SI CJ.

MATATANGGAL KA RIN DYAN SA HIGH SCORE LIST NA YAN! AMP!

"Mmm.." umungol bigla at gumalaw si Chelle sa kama. Nai-exit ko tuloy yung laro.
Baka mahuli nya ko eh.

Pero patuloy sya sa pag-ungol. May naaalala tuloy ako.. AHH HINDI! Iba ngayon kasi
parang may masakit sakanya tapos di pa sya
mapakali sa pagkakahiga nya.
"Chelle? Wui?" umupo ako sa tabi nya at hinawakan ang noo nya. Mainit pa rin sya.
"Chelle.. May masakit ba sayo?"

Umiling sya pero nakapikit pa rin. Tumigil lang sya sa kakakilos nang simulan kong
haplusin ang ulo nya.
Napangiti ako. Katulad kasi sya ng anak namin 'pag hinahaplos ng ganito sa ulo.
Nagbebehave.

Nanatili na ko sa tabi nya. Doon ko na tinuloy ang pagtatype habang maya't maya
kong hinahaplos ang ulo nya. Napahimbing na rin
ang tulog nya.

Di ko na napapansin ang oras. Basta, natapos ko ring itype tong project nya then
yung Jewel Master na ulit ang pinagka-abalahan ko.

Tahimik lang kami dito sa kwarto. Todo ang pag-concentrate ko sa larong toh
hanggang sa bigla na lang nagbukas yung pinto.

Si CJ yun..

Nagtatangis ang mga bagang nya at...ang sama ng tingin nya sakin?

xxxxxx

x34: CHANGE

[CJ's PoV]

Kakatapos lang ng huling klase ko for today. Now, I'm going back home to change
clothes.

Next ko kasing pupuntahan ang business office ni Dad to attend a meeting so


kailangan kong magsuot ng something formal.
Pero nang makasakay na ko sa kotse ko, di ako nagdrive agad.
I lighted up a cigarette instead and smoked for the moment.

Alam ko pagagalitan ako ni Rachel dahil dito pero kailangan ko toh ngayon eh.
Through smoking ko lang nari-release 'tong stress ko.

It's been two weeks already simula nang maging ganito ka-stressful ang buhay ko.
Ang dami ko na kasing ginagawa sa school tapos
dumagdag pa yung family business namin.

And do you know whose fault was it?

It was my mom's.

She only wants to lessen the attention that I'm giving to Rachel kaya ayun, pinilit
nya ko na asikasuhin ang negosyo namin.

Mom should be happy by now. Dahil sa ngayon, talagang nabawasan na ang atensyon ko
kina Rachel..

Tinitigan ko ang cellphone ko. Plano kong tawagan si Rachel kaso passed 3PM pa
lang. May klase sya ng ganitong oras eh.

I sighed and tinapon ko na palabas ng bintana yung yosi ko.

It's just passed 3PM.. Naalala ko tuloy si Andy.. 4PM ang uwian nya sa school..
Pumikit muna ko at nag-isip.

After a few minutes, I decided to call Rachel's dad. I told him na ako na lang ang
susundo kay Andy.

Right. Susunduin ko na lang sya kaysa umaten ng meeting na ayaw ko naman talaga
atenan.

I went straight to Andy's school kaso medyo napaaga ako. I had to wait outside the
school premises while smoking. Again.

Tsaka ko lang tinigil magyosi nang nakita kong lumabas na ang ibang estudyante.
Uwian na nila.
Pumasok na ko sa loob ng school. Agad akong nakita ni Andy na mukhang handang handa
na umuwi.

"DADDYYY!" tumatakbo syang lumapit sakin. "SI PAPA PO?!"

Tch.

I'm the one who's here but he's looking for that jerk.

I can't blame this kid though. Tatay nya pa rin ang lalaking yun kahit anong
klaseng baligtad ang gawin ko sa mundo.

"Di ko alam eh.." sagot ko kay Andy. Kinuha ko ang schoolbag nya at inakay sya
palabas. "Did you do good in school huh, baby?"
"YES DADDY! NI-SING KO PO YUNG TWINKLE STAR PO!" Twinkle star daw? Hahaha.

While I'm driving our way home, I requested Andy to sing that 'TWINKLE STAR'. Para
nga lang syang naging iPod na naka-repeat
mode. Paulit-ulit sya tapos yung ibang lyrics parang kinakain nya pa. Tawa tuloy
ako nang tawa sakanya.

Naisip ko na bigyan sya ng reward kaya dumaan kami sa drive-thru ng McDo at


binilhan sya ng pagkain.

And when we arrived home..

"WAH! PAPA'S CAR!!" mabilis na napansin ni Andy ang kotse ni Adrian na naka-park sa
tapat ng bahay nila.

But why is he here? Di naman sya pumupunta dito nang ganito kaaga dati ah?

Pagpasok naman namin ni Andy sa gate, kinabahan ako sa nakita ko sa may doorstep.

May sneakers dun which I guess is Adrian's, and a pair of doll shoes na alam kong
kay Rachel.

Ibig sabihin, MAGKASAMA SILANG DALAWA DITO NGAYON??


Damn.

Pumasok na kami ng bahay pero wala sina Rachel sa sala. Wala rin sila sa dining,
maging sa kitchen.

DAMN IT. Don't tell me na nasa kwarto sila??


Damn it. Damn it. THEY CAN'T BE THERE.. NO..

Iniwan kong kumakain si Andy sa sala para umakyat sa taas.

Palakas nang palakas ang kabog ng dibdib ko sa bawat paghakbang ko dito sa


hagdanan.

What if they really are together in her room? And they're...argh! God damn it! Di
yun magagawa sakin ni Rachel! Just NO!

Huminto ako sa tapat ng kwarto nya.

There I took a couple of deep breaths first before I tightly put my grip on the
doorknob.

Di ko mapigilang manggigil sa pagbukas ng pinto.

Lalo akong nanggigil nang makita kong magkasama nga sila roon.

Rachel's lying on her bed, covered with a blanket while Adrian's sitting next to
her, naglalaptop at hinahaplos ang ulo nya.

I'd like to analyse this scene first pero di ko makontrol tong galit ko. I can't
stand seeing them together and that close here in Rachel's
room-- ON RACHEL'S BED TO BE EXACT.

Si Adrian, tinignan lang ako. Yung tingin nya, parang nagtatanong pa kung bakit
nandito na ko.

NANDITO NA NGA KO PERO WALA PA SYANG BALAK NA UMALIS SA TABI NG GIRLFRIEND KO?
Mukhang wala nga. Well then, ako na lang ang hahatak sakanya paalis sa pwesto nya!

"PAPAAA!!" naunahan ako ni Andy na pumasok ng kwarto. Di ko napansing sinundan nya


pala ko dito.

"SSHH!" napatayo na si Adrian para salubungin si Andy. "Wag ka maingay anak.. May
sakit at natutulog si Mommy mo.."

Napatakip ng bibig si Andy sabay tango sa tatay nya.

Even I was surprised. May sakit pala si Rachel?

"Good.. Tara muna sa baba.." pinatong ni Adrian ang laptop sa may bedside table
tsaka binuhat si Andy.

Pagkaalis nila, napahinga ulit ako nang malalim.

Buti na lang sinundan ako ni Andy. Kung hindi, baka nagkagulo na dito. May sakit pa
man din si Rachel..

I went to Rachel and checked her forehead.

Hindi sya ganun kainit but her temperature is still higher than normal.
Nakaramdam ako ng pagsisisi. I felt like I'm starting to become an irresponsible
boyfriend to her.

Dapat inasahan ko nang magkakasakit sya ngayon eh. Kagabi kasi nang magkausap kami
sa phone, napansin ko nang masama ang
pakiramdam nya pero wala man lang akong ginawa..

If only I didn't ignore it, edi sana ako ang nakapag-alaga sakanya, not that
Adrian..

My hand was still on Rachel's forehead when she suddenly moved a little and moaned
in discomfort.
"Adrian..." she uncosciously whispered, making me stiffen.

Tinawag nya ang lalaking yun sa pagtulog nya..

AND I DIDN'T LIKE IT.

Bigla na lang pumasok sa utak ko na konprontahin si Adrian kaya agad kong sinundan
silang mag-ama sa baba.

Nasa sala sila. Kandong ni Adrian si Andy na kinakanta ulit ang natutunan nya
kanina.

"VERY GOOD!" ginulo ni Adrian ang buhok ng anak nya nang matapos yun na kumanta.
"AT TWINKLE STAR NA PALA TITLE NUN?!
HAHAHAHA!"

Habang nagtatawanan sila, sadya kong binato ang susi ng kotse ko sa ibabaw nitong
low cabinet.
Napatingin sila sakin dahil sa ingay na nagawa ko.

"UMALIS KA NA." I told Adrian through gritted teeth. Galit ako, obvious yun sa
tingin at sa boses ko pero pinipilit ko pa ring maging
kalmado. "A..AKO NANG BAHALA KINA RACHEL.."

Tinitigan nya lang ako. I saw his lips formed a smirk.

Inupo nya muna si Andy sa sofa bago sya tumayo.

"Hmm.." nakangisi pa rin sya nang harapin nya ko and he's slightly nodding. "OKAY..
AALIS NA KO.."

Nagpaalam na sya kay Andy tsaka umalis.

Napaupo na lang ako sa sofa nang makaalis na sya.

I was relieved and guilty at the same time.


Relieved ako dahil umalis na ang taong pinagseselosan ko pero guilty rin ako kasi
alam kong mali ako.

Nagselos ako at pinaalis ang lalaking yun when in fact, tinulungan nya lang ang
girlfriend ko.

Pero kasi, I don't trust that guy. Call me paranoid or what pero malakas lang
talaga itong pakiramdam ko na may hidden agenda sya sa
bawat bagay na ginagawa nya kina Rachel.
Tch.. Di ko na alam. Isinantabi ko na muna ang isipin na yun para asikasuhin sina
Rachel.

While Andy was busy eating and watching TV in the living room, I took the chance
para magluto.

When I was done cooking, binalikan ko si Rachel sa kwarto nya. Tulog pa rin sya.

Umupo ako sa tabi nya at hinaplos ang ulo nya.

Ramdam kong sumiksik sya sa gilid ko at niyakap ang hita ko. I just smiled as I
witnessed how cute she was. Para lang syang batang
may sakit..

Nilipat ko ang paghaplos ko sa may likod nya nang mag-ring naman 'tong cellphone
ko.

"Hello?" pabulong kong sagot sa tawag. Nasa tabi pa rin kasi ako ni Rachel.

"WHERE ON EARTH ARE YOU NOW CHRIS JOHN?!" Tss. Nanay ko pala 'tong tumawag. "HAVE
YOU FORGOTTEN ABOUT THE
BUSINESS MEETING NA INASSIGN SAYO NG DADDY MO?!"

"I haven't Mom. Busy lang po ako ngayon kaya di ako makakapunta."

"BUSY WITH WHAT?! OH, SIGURO INUNA MO NA NAMAN ANG GIRLFRIEND MO NOH?!"

"Tch. Mamaya na lang po tayo mag-usap.." I already hung up bago pa sya makasagot
ulit. Sinilent ko na rin 'tong phone ko.
"Dhie.." mahinang tawag ni Rachel sakin. Nakayakap pa rin sya sa hita ko pero
nakadilat na sya.

Tinuloy ko ang paghaplos sa likod nya. "Yes Mhie?"

"Puntahan mo na si Tita.."

"W-WHAT??"

[RACHELLYN's PoV]

"W-WHAT??" nabigla si CJ nang sabihin kong puntahan na nya si Tita.

"Sabi ko, puntahan mo na si Tita.."

"Na..Narinig mo ba yung pag-uusap namin?"

Tumango lang ako. Kanina pa kasi ako gising, mula pa ng tumabi sya sakin. Tapos si
Tita naman, sumisigaw kanina sa line kaya
narinig ko ang lahat.

CJ sighed. "Sorry about that. Wag mo na lang yun pansinin. Ayaw ko namang puntahan
yung meeting na sinasabi nya eh.."

"Psh.." inalis ko ang pagkakayakap ko sakanya at tinalikuran sya.


Nakakainis lang. Ayoko talagang sinusuway nya ang mommy nya. Lalo na kung dahil
sakin..

"Mhie?? Wag ka naman magalit oh.."

"Puntahan mo na kasi yung dapat mong puntahan.."


"Pero mas dapat akong mag-stay dito.." tumabi sya ng higa sakin at niyakap ako.
"Mas kailangan kitang alagaan.."

T//3//T

Yun din naman ang gusto at kailangan ko. Kailangan ko ang pag-aalaga nya ngayon..

*budum*budum*

Pag-aalaga.. Speaking of it..

"Si.." umikot ako ng higa para harapin sya. "Si Adrian pala?"

CJ paused for a few seconds before answering. "Umalis na sya.."

"Ah.. Sayang.. Di man lang ako nakapag-thank you sakanya.."

Napansin ko naman yung tingin sakin ni CJ. It was so blunt and I could tell, he was
jealous.
"Dhie.. I love you.." lumapit ako sa kanya't niyakap sya.

Pinaliwanag ko rin kung bakit gusto kong pasalamatan si Adrian, na nagmagandang


loob lang sya na ihatid ako pauwi kasi sobrang
sama talaga ng pakiramdam ko kanina.

I also convinced him to go to the business meeting that he needs to attend pero
ayaw nya talaga!

"Dhie?! Magaling na kaya ko!" umupo ako para ipakita sakanyang malakas ako.
"Umepekto na yung gamot na ininom ko kanina kaya
wala ka nang dapat ipag-alala. You can go now to that meeting na pinapupuntahan
sayo ni Tita.." ^3^

Umupo na rin si CJ paharap sakin. He looks sad and serious. "Ayaw mo bang alagaan
kita?"
"Gusto ko syempre. Pero.." hinawakan ko at pinaglaruan ang dalawang kamay nya. "Mas
gusto ko namang sundin mo ang mommy
mo.."

Ngumiti sya at sya na ang humawak sa mga kamay ko. "Ganun talaga siguro noh? Mas
kakampihan ng isang nanay ang isa pang
nanay?"

"HINDI AH! Hindi sa kinakampihan ko sya kasi parehas kaming nanay. Ayaw ko lang na
maging pasaway na anak ka." = 3=

He grinned more and gently pushed me down on the bed with him on top of me.. >///<

"BAWAL KISS! BAKA MAHAWA KA SAKIN!" I warned him kasi aktong hahalikan na nya ko.

"Kala ko ba magaling ka na?" he asked on a teasing tone!


"O-OO NGA! Pero syempre..pwede ka pa ring mahawa.."

"Ah.. I don't mind.."

"EHH? Wag naman CJ. Ayokong magkasakit ka." T3T

Tumawa sya. "Trust me. Di ako magkakasakit. Just let me kiss you."

Ayaw ko talagang halikan nya ko pero nang dumampi na ang mga labi nya sakin,
sinagot ko naman yung ginawa nya.

I was kissing him back when suddenly, a picture of Adrian popped in my mind.

Bigla tuloy akong napahinto sa paghalik kay CJ.

*budum*budum*

"Mhie??" CJ looked very puzzled.


"N-Nagyosi ka.." yan ang nasabi ko.

Totoo naman. I tasted tobacco on his lips. Pero..bakit.. Bakit si Adrian..

"Ay. Oo nga. Sorry po.." he chuckled and pressed his lips against my forehead
instead. "I love you Rachel.."
"I.. I love you too.."

Bumangon na kami after that and he left to go back home. Uwi raw muna sya para
magpalit ng damit bago dumiretso dun sa meeting.

Nalungkot na ko nang umalis na sya.

Oo, gusto ko ngang sundin nya ang mommy nya kahit ba mabawasan na ang oras nya
samin ni Andy but I won't deny the truth that it
also makes me sad..

Namimiss ko na yung times na matagal kaming nagkakasamang tatlo dito sa bahay, yung
para ba kaming isang pamilya..

*sighh*
Kinain na lang namin ni Andy yung niluto ni CJ then nag-stay kaming mag-ina sa
kwarto ko.

Chineck ko ang laptop ko. Naka-open yung Jewel Master. Tinignan ko yung high score
list at..puro PAPA na ang nakalagay dun! May
dalawang ANDY rin na alam kong si Adrian ang naglaro. Yung kay CJ na dating nasa
top spot, nandun na sa pinakadulo! Hmp! Ako
hirap na hirap na talunin si CJ tapos sya..psh.

Akala ko paglalaro lang nito ang pinagka-abalahan nya habang binabantayan ako pero
natapos din pala nya itong project ko..

*budum*budum*

I smiled at it. Wala na pala kong poproblemahing itype eh..


I thanked Adrian thru text. I said 'thank you' para sa pagtype nya sa project ko.
Medyo nakakainis nga lang. I was expecting him to reply pero wala..

Nagyakapan na lang kami ng baby ko sa kama habang kumakanta sya ng Twinkle Twinkle
Little Star. Tawang tawa nga lang ako
sakanya, ang cute ng boses nya ehh.. >//3//<

Patuloy lang sya sa pagkanta ng may tumawag sa cellphone ko.

*budum*budum*

T-Tumatawag si Adrian!

Ay. Ba't ba ko kinakabahan?! Psh. Sinagot ko na yung tawag.

"Adrian?"

"YOUR WELCOME!" bungad nya sakin.

"Sana tinext mo na lang yan noh?" =///=

"Nakakatamad magtext! Ay ay, kumakanta na naman ang anak natin?! Yung twinkle
star?? HAHAHAHA" hala. Tuwang tuwa naman
ang loko.

Pinakausap ko si Andy sakanya habang nakahiga pa rin kami sa kama.


Natatawa na lang ako kasi ang ramdom ng pinagsasabi ng baby ko sa tatay nya.

Maya-maya pinasa na sakin ni Andy yung phone. Wala na raw papa nya eh pero buhay pa
naman yung tawag.

"Hello? Adrian??"
"Okay na! Nak, buhay ka pa?"

"Ako na toh.." =___=

"Eh.. Kaw na pala yan Chelle.. Hehe."

"Ano bang ginagawa mo? Parang ang busy mo eh.."

"Ahh nagdadrive kasi ako."

"A-ANO?! NAGDADRIVE KA HABANG GAMIT MO PHONE MO?!"

"Oo? Hehehe"

"Tawa ka pa dyan! Baka mapaano ka nyan.." T3T

"Di yan! Ako pa? Hahaha"


"I-end mo na nga yung tawag!"

"Tss.. Ayoko.."

"Adrian.. Ibaba mo na.."

"Ayoko. Ikaw na lang."

Ehh paano na ba toh? Ayoko ring ibaba eh.. T3T

"Mommy Chelle.." biglang lumambing ang boses nya ah.


*budum*budum*

"O-Oh ano?" mahina kong sagot sakanya. "Kaw na kasi magbaba.."

Natawa sya. "Sige na nga.. Baka mabinat ka pa eh.. Magpahinga ka ah?"

"O-Oo.."

"Bye."

"Bye.. Ingat ka sa pagdrive.."

"Mm.. Bye ulit."


"Bye.."

"Bye."

"ADRIAN?? ANG KULIT MO.." >___<

"HAHAHA! Uhm.. Baba ko na ah.."

"Oo na.."

"Bye.." that was the last 'bye' he said before ending the call.

HAAAY. Grabe ang lalaking yun! Napakakulit talaga! Nakakagigil! Sa sobrang gigil ko
eh itong anak namin ang pinangigilan kong
yakapin!

*budum*budum*
Napatigil ako at pinakiramdaman ang tibok nitong puso ko.

Nagwawala na naman sya eh pero di na dahil sa natatakot ako..

*budum*budum*

This heartbeat..
It makes me feel like something has changed in me. Something that I can't tell for
sure. Something na sana, epekto lang nitong sakit ko
ngayon. Sana nga...sana nga ganun lang yun..

xxxxxx

x35: Some Unexpectations

[RACHELLYN's PoV]

This passed week, madalas kaming nagkakasama ni Adrian.

Madalas kaming mag-usap at sabay kami kung maglunch. Minsan hinahatid nya pa ko sa
work ko o di kaya ay sasamahan nya kami ni
Andy saglit sa bahay.

Pero may dahilan naman ang lahat ng yun. Madalas kami nagkakasama kasi kailangan
naming pagplanuhan ang birthday party ng
anak namin which is bukas na!

Bukas na yun pero wala na kong dapat ipag-alala. Everything's been settled, all
thanks sa pagiging hands-on ni Adrian. He indeed has
helped a lot bilang papa ni Andy.. :)

Kaso..medyo naiilang ako sa pagiging malapit naming dalawa..


Nilalagyan kasi yun ng malisya ng mga tao sa paligid namin, lalo na nitong mga
classmates ko.

Lahat sila, iniisip na ako ang bagong girlfriend nya.. T///T


Ilang beses ko na ring sinabi na HINDI KAMI pero ayaw nila ko paniwalaan.

Paanong hindi raw? Eh nagawa akong sunduin ni Adrian noon sa clinic after ko
mahimatay? Tapos dumagdag pa 'tong madalas
naming pagsasama't paguusap.

Gusto ko na nga sanang ipaliwanag kung bakit kami ganun kaclose kaso natatakot
ako..

Natatakot akong magalit si Adrian 'pag ipagsabi ko sa ibang tao na sya ang tatay ng
anak ko..na may anak na kaming dalawa..

"OKAY! CLASS DISMISSED!" mabilis akong lumabas ng room pagkadismiss na


pagkadissmiss ng klase namin.

Gusto ko kasi iwasan ang walang kamatayang pang-iintriga ng mga classmate ko.

Sa labas ng classroom, may taong sumalubong sakin..

Si Myra..

Kinabahan ako nang makita ko sya. Ang tagal na rin eh since the last time na
nagkaharap kami and that was when she hurt me..in the
clubroom..

"Rachellyn.." lumapit sya sakin na mas ikinakaba ko. "Pwede ba tayong mag-usap?
Kahit saglit lang?"
Di ko alam kung bakit ba ko natatakot sakanya. Di naman sya mukhang nakakatakot.

Ang simple nga lang ng ayos nya eh. At yung boses nya, normal lang. Walang bakas ng
galit o kahit anong negative feelings..
Pumayag ako sa gusto nya. Sinabayan ko sya sa paglalakad. Una tahimik lang kami
pero maya-maya, huminto sya maglakad at may
inabot sya sakin na paperbag.

I took it and checked what's inside. May rectangular box na naka-giftwrap.

"Ano, peace offering ko yan sayo.." nahihiya nyang sabi.

"Peace offering?" O___o

Tumango sya. "Alam mo na.. Para sa ginawa ko noon na pananakit at..at


pagsisinungaling sayo.. I'm.. I'm sorry about those.."

Now, I'm speechless. Di ko toh inaasahan..

"Ang totoo, matagal ko nang gusto mag-sorry. Nahihiya lang ako kasi..nakakahiya
naman talaga ang ginawa ko.. Sana nga
lang..magka-ayos pa tayo.."

"A-Ano kaba. Syempre magkaka-ayos pa tayo. Naiintindihan naman kita eh, kung bakit
mo nagawa yun sakin non.."

Nginitian nya ko. Sweetly. It's like the 'old' Myra is back. Yung Myra na una kong
nakilala. Yung Myra na friendly.
"Ay, nga pala.." tinuro nya yung binigay nya sakin na paperbag. "Yang gift na yan..
Uhm.. Actually, para kay Andy yan.."

"HUH?" I was surprised again. Kilala na pala nya ang baby ko? O___o

"Sabi ko, para kay Andy yang nabili ko.. Di ko kasi alam kung anong ibibigay ko
sayo eh kaya naisipan kong magbigay na lang ng
something para sa anak nyo ni Adrian.. Sakto rin naman kasi birthday nya bukas,
diba?"

"Ahh oo.. Birthday nga nya bukas.. Salamat dito ah?"

She smiled at me again sabay dungaw dito sa may veranda. "Ilang taon na pala sya
bukas?"
"Four.. Magpo-four na sya."

"Wow.. Ang sarap siguro sa feeling nun noh? Yung makitang lumalaki ang anak mo.."

Nakidungaw ako sa tabi nya. "Masarap nga.. Kahit medyo nakakalungkot kasi lumalaki
na nga saya and sooner or later, di ko na sya
matatawag na baby.." T3T

Medyo natawa sya. "Uhm, Rachellyn.. Ma..Masakit at nakakatakot manganak diba??"

Tinitigan ko sya. Ang weird kasi ng dating ng tanong nya sakin?

"Oo naman.. Masakit at medyo nakakatakot nga yun pero.." unconsciously, napangiti
ako.
Naalala ko kasi yung time na pinanganak ko si Andy..

"Pero mabilis din mawawala ang takot at sakit na yun once na makita mo na ang baby
mo, once na marinig mo na yung first cry nya.. It
may be the hardest part of every woman's life but for me, it is definitely the
happiest.."

Ehh.. Masyado akong na-carried away sa pagkukwento! Kung titigan tuloy ako ni Myra
oh..

Though yung titig nya, agad na napalitan ng ngiti.

"Nakaka-inspire naman maging mommy sa sinabi mo.." tumayo sya ng maayos at huminga
ng malalim. "Thank you."

O___o

Bakit naman sya nag-'thank you' sa sinabi ko?

*riiiiiiing*

That was my phone. Tinignan ko yun and...si Adrian ang tumatawag.


Di ko alam ang gagawin ko kasi..si Myra..kasama ko..

To think na itong si Adrian ang pinag-awayan namin dati, diba parang ang awkward
kung sasagutin ko ang tawag nya ngayon?

"Go answer it na. Aalis na rin naman ako." nakangiting nagbeso si Myra sakin.
"Bye.. And thanks ulit.."
Pagkaalis nya, sinagot ko na ang tawag.

"Hello Adrian?"

"AYUN! SUMAGOT DIN! May klase ka pa ba?"

"Wala na. Bakit?"

"Nasa school ka pa?"

"Oo?"

"GOOD! Puntahan mo ko ngayon din! Sa N3L54! OKAY?!"

"Bak--" PSH! BINABAAN NA NYA KO! >.<

Nakakapagtaka. Pero dahil masunurin ako, pumunta nga ko sa kinaroroonan nya.

Nakita ko pa nga ulit si Myra sa baba. May kasama syang lalaki na parang inaaway
nya? At kung di ako nagkakamali..yun yung
kaibigan ni Adrian na classmate ko rin? Nakalimutan ko na yung name! But never
mind.

Dumiretso na lang ako sa North Wing building, umakyat sa 3rd floor at hinanap ang
room L54..
Nakabukas yung pintuan ng room kaya sumilip ako.

Kita kong may mga estudyanteng puro babae ang nagkukumpulan sa may teacher's table.

"OH YAN NA ANG HINAHANAP NYO!" sigaw yun ni Adrian. Relaxed na relaxed syang
nakaupo sa isa sa mga silya.

Yung nagkukumpulang mga babae, napatingin sakin.

"SYA~?!" sabay-sabay nilang tanong! O.o

"SYA NGA! HAHAHA" ano bang pinagsasabi ni Adrian?!

"MOMMYYY!!"

H-HALA!! SI BABY KO YUN AH?! O___o

EH SYA RIN PALA YUNG PINAGKUKUMPULAN NG MGA BABAE SA TABLE?! >___<

"Tinawag syang mommy.."

"Edi sya nga ang nanay?"

Nagbulung-bulungan na yung mga babae.


Si Adrian naman, tumayo na at kinuha si Andy mula sa table.

"Oh anak, magbabye ka na sa mga ninang mo!" - Adrian

"BUH-BYE MGA NINANG KO PO!" ^o^


"AWWW" sabay-sabay ulit nagreact yung mga babae. Yung iba sakanila, niyakap at
hinalikan pa ang baby ko.

"WUI! TAMA NA ABA!" suway na sakanila ni Adrian. "SA PASKO NA LANG ULIT! HAHAHA"

Nang lumapit na silang mag-ama sakin, napansin kong ang dami palang hawak ni Andy
na perang papel! O.o

Pinatabi yun sakin ni Adrian. Mga pa-birthday raw yun ng mga instant-ninang ng anak
namin. Then naglakad na kami paalis habang
buhat ko si Andy.

"MOMMYYY! ANG GANDA NG SCHOOL MO PO AT NI PAPAAA! ANG DAMING BIG STUDENTS PO!" *O*
- Andy

"T-Talaga?"

"OPOOO! GUSTO KO NA PO MAG-SCHOOL DITO!" >O<

Natawa si Adrian. Sya tuloy binalingan ko. "Uy Adrian, bakit mo naman sya dinala
dito? Diba bawal toh?" T3T
"Sus. Walang bawal-bawal sakin! Tsaka gusto ko lang naman ipamukha sa mga kaklase
ko na di ako nagsisinungaling na may anak na
ko.."

*budum*budum*

"G-Ganun? Ibig sabihin, pinagmayabang mo pa na tatay ka na?" tanong ko sakanya.

"OO NAMAN! Ang sarap kaya ipagyabang nyang anak natin.. Gwapo na, bibo pa."

Napangiti naman ako dun..

Kanina akala ko ayaw na ayaw nyang ipaalam sa marami ang tungkol sa pagiging tatay
nya, akala ko ikakahiya nya ang tungkol dun
pero kabaligtaran pala..
He's actually a very proud father and that is really cool of him..

Nakaka-in love lang.. AH! What I mean is, baka madagdagan pa yung mga bobong naiin-
love sakanya kaysa mabawasan.. =___=

While we were on our way home, inopen-up ko yung about sa TSISMIS sa school na
'kami' na raw.

Tinawanan nga lang nya yun. Okay lang daw yun sakanya. Lilinaw rin daw ang bagay na
yun ngayong pinakilala na nya ang anak
namin sa mga kaibigan nya.

I just sighed in relief. Okay lang daw sakanya eh so okay na lang din sakin.
Ang mahalaga naman ay yung kung ano ang totoo at ayun ay hindi nga kami..

Haaay.. I don't know. Feel ko lang na mag-sigh ulit..

"Mommy Chelle, bukas na lang ulit ah?" paalala ni Adrian nang bumaba na kami ni
Andy sa kotse nya.

Maaga-aga pa pero di na nya kami masasamahan dito sa bahay kasi natambakan na naman
sya ng mga gawain kakaisip sa party ni
Andy.

"Oo. Bukas." binuhat ko si Andy at tumayo kami sa tabi ng bintana nya.

"PAPA! KIIISS!" nagpumilit si Andy na halikan ang tatay nya through the car window.
"MMMMWAAA! I LOVE YOU PAPAA!"

"I love you too anak.." bigla namang napatingin sakin si Adrian.

*budum*budum*

Nag-a-assume ba ako o ano? Feeling ko kasi inaasar ako ni Adrian na..na halikan ko
rin sya.. =___=

Natawa pa sya mag-isa. Parang ewan lang. ToT


"Matulog ka pala nang maaga ha, anak! Dapat marami kang energy bukas sa party mo!
HAHAHAHA oh sya.. Alis na ko."

Andy and I watched him drive away then pumasok na kami ng bahay.
Doon pinabuksan ko na sakanya yung gift ni Myra which is a drawing tools set pala
for kids!

Daming tuwa tuloy ng baby ko. Love na love talaga nya ang pagdodrawing eh kaya ayun
agad ang inatupag nya.

Humiga na lang ako dito sa sofa at nag-isip.

Bukas na nga pala..

Bukas four years old na ang baby ko..

Excited na rin ako. First birthday party nya kasi yun eh. First time nya magse-
celebrate ng birthday together with other kids and of
course, with his real father..

Pero ako, di lang yun ang ikinaka-excite ko..

Double excitement 'tong nararamdaman ko 'cause aside from my baby's birthday, there
is something else that I'm going to celebrate
tomorrow...

..with CJ. :))

xxxxxx

x36: Twelfth of September


[ADRIAN's PoV]

SEPTEMBER 12..

Birthday na ng anak namin ni Chelle!

Dapat magsisimula na ang party nya sa school kaso magkakalahating oras na kong
stranded dito sa cakeshop!

Nagkaproblema kasi sa order kong birthday cake kaya ito. Kailangan kong maghintay.

Sa tagal ko na ngang naghihintay eh pumwesto na ko dito sa may isang table.

Habang tumatagal, dumadami ang tao. Wala na ngang mapwestuhan yung iba nilang
customer eh oh.

Tulad ng isang babae na yun..

Halatang may edad na pero maganda ah. May hawak syang tray at naghahanap ng
mapupwestuhan nang..

Nang bigla syang napatingin sakin.

Tsaka ko lang napansin na mukha pala syang mataray.

Sa tingin nya rin sakin eh nakaramdam ako ng hiya. Nakaupo ako pero hindi naman
kumakain. =___=

Tumayo na lang tuloy ako at sinenyasan syang pwede nya kunin ang pwesto ko.

Lumapit sya at umupo. "Thanks dear. But you can still take your seat there. Wala
naman akong kasama."

"Ahh okay po.." umupo ulit ako at nagshare kami sa iisang table.
Medyo ang gara nga lang kasi habang kumakain sya, ramdam kong tinititigan nya ko.

Tsk. Type pa yata ko nito. =___=

"Anong pangalan mo?" bigla at seryoso nyang tanong. Amp. Type nga ko nito.

"Adrian po.." =___=

Napangiti sya. Nakangiti na nga pero ang taray pa rin ng mga mata nya.

"I see.. Hmm.. Bakit ka nandito? May hinihintay ka ba?" aysus. Ininterview na nya
ko.

"Opo. Yung birthday cake lang po ng anak ko ang hinihintay ko.." =___=

"Ooh.." ngumiti ulit sya. "I bet, kamukha mo ang anak mo."

"HA! Di po kayo nagkakamali dyan! Manang-mana kaya sakin ang anak ko! Kaya nga
laking inggit lang sakin ng mommy nya eh!
Hehe!"

Di ko namalayang napasarap ang pakikipagkwentuhan ko sa babaeng yun. Tsk. Basta


yata anak ko ang topic, nagiging madaldal ako
masyado.

Natigil lang ang kwentuhan namin nang kinailangan ko na magpaalam sakanya kasi
pwede ko na makuha yung order ko.

At natuwa naman ako nang sa wakas ay napasa-kamay ko na itong cake!

PERFECT EH! Ang ganda ng design which is Thomas and Friends na favorite ng anak ko.
Panigurado, walang paglalagyan ng tuwa
ang batang yun pag makita nya toh.

Proud akong lumabas ng shop habang buhat 'tong malaking cake.


Proud talaga ko kasi ito lang kaya yung bagay sa party na ako lang mismo ang
gumastos! Sa ibang gastusin, kahati ko na si Chelle.

Pati mga magulang namin may contribution din pero 'no show' sila sa party. Mga busy
eh. Lalo na yung nanay ni Chelle, nasa Amerika
pa.

From cakeshop, nagdrive na ko patungong school ni Andy.

Doon dumiretso ako sa classroom nya kung saan walang ibang tao bukod kay Chelle..

Mag-isa syang nakaupo sa isang maliit na upuan at inaayos yung mga party bags na
pang-giveaway.
"WOW!" ngiting-ngiti syang lumapit sakin at tinitigan itong cake. "ANG GANDA
NAMAN!" *o*

"Syempre! Ako ang pumili ng design eh! Di pa ba nag-uumpisa yung party?"

"Di pa. Pero nandyan na si Ate Hazel." ^o^

Si Ate Hazel..

Nagpumilit nga pala ang lokaret na yun na maging emcee ng party. Good luck na lang
samin mamaya.

"Tara na dun sa labas, Adrian." binuhat na ni Chelle yung maliit na box na puro
party giveaways at sabay kaming lumabas sa may
playground nitong school.

Nakaayos na ang lahat doon. Nangingibabaw ang color blue kasi Thomas and Friends
ang theme. Medyo nakakadismaya nga lang
kasi wala kaming nakuha na mascot. =___=

Pero okay lang. Masaya naman na si Andy eh..

Naka-party hat na sya tulad ng mga classmate nya at grabe..ang gugulo nila. Takbo
dito, lakad doon, talon kung saan-saan. Tapos
dumagdag pa ang lokaret kong pinsan sa kaguluhan nila.
Pagkapatong namin ng mga dala namin sa isang table, tinakbuhan ni Chelle yung isa
pang table na puro regalo.

"WAAA~ ANG DAMING GIFTS NG BABY KO.." *O*


"Eh yung regalo natin para sakanya? Naihanda mo naba?" tanong ko kay Chelle.

"OO NAMAN! Pagkapasok na pagkapasok nya sa school kanina, inayos ko na yun agad!"
^3^

"MOMMY!" biglang tawag ng isang batang babae kay Chelle na may inaabot na regalo.
"FOR ANDY PO!"

"W-Wow.." natatawang tinanggap yun ni Chelle. Kung maka-mommy naman kasi yung bata.
Feeling anak. "Thank you.. Ano palang
name mo?"

"JAYBEE PO! AND I'M ANDY'S GIRLFRIEND ONE PO!" ^o^

Nganga kami ni Chelle.

Gumu-girlfriend na pala ang anak namin??

"AKO DIN PO!" may isa pang batang babae ang lumapit samin.

Mukhang may lahi syang Japanese o Chinese o Korean. Ahh basta, singkit eh! At tulad
nung Jaybee, nag-abot din sya ng regalo kay
Chelle.

"Thank you.. Hehe.. What's your name naman?" tanong ni Chelle dun sa bata.

"HAZU! GIRLFRIEND NUMBER TWO PO AKO NI ANDY!" ^ω^


Nganga ulit kami ni Chelle!

DALAWA PO PALA ANG GIRLFRIEND NG ANAK NAMIN!


Natawa na lang ako. Si Chelle naman, nag-pout sakin.

At di pa pala dun nagtatapos ang lahat. May isa pang batang babae ang humabol at
nagbigay ng regalo.

Tulad sa naunang dalawa, tinanong din ni Chelle ang pangalan nya.

"MY NAME IS ALANNAH PO!" sagot nung bata.

"And you are Andy's girlfriend number three noh?" natatawa kong tanong sakanya.

"HINDI PO!" wew. Buti naman. "BECAUSE I'M ANDY'S REAL GIRLFRIEND PO!" ^O^

*facepalm*

Natatawa na lang talaga ko sa mga narinig ko.. Pfft..

Pagkaalis ng mga bata, hinarap ako ni Chelle nang naka-pout pa rin.

"Ano Adrian? Tuwang-tuwa ka naman kasi pati pangbababae mo namana ng anak natin?"
T3T
"HA?! HINDI AH! HAHAHA.. Uhm pero sa tingin ko.. Dapat na tayong maghanda.."

"Maghanda ng?"

"Maghanda maging lolo't lola in 10 plus years?"

"E-EH?! AYOKO!" kinurot nya ko sa braso! "IKAW ADRIAN AH! LAGOT KA SAKIN PAG MAGING
LOLA NA KO NG WALA PA KONG
40!" >3<

"Bakit ako pa ang mananagot?! Hahaha ARAY! CHELLE! MASAKIT NA AH.." =_=
"Ikaw kasi.." T3T

"Ito naman.." hinawakan ko ang kamay na ginagamit nya pangkurot. "Parang joke lang
yun eh.."

"HO-HO!" si Ate Hazel naman oh! Biglang sumulpot sa gitna namin ni Chelle!
Napabitaw tuloy kami. "CHELLE!!"

"Po?" - Chelle

"Pupunta ba si CJ MO?!" amp. Nang-aasar ba ang lokaret na toh?

"Ah oo. Pupunta raw sya." masayang sagot naman ni Chelle.

"WOOH! FINALLY! MAKIKILALA KO NA RIN ANG LOVEY-DUBS MO! AYIEEE~" inakbayan nya si
Chelle sabay tingin sakin nang
nakangisi. "Oww, uumpisahan ko na ang party in 15 minutes ah? So get ready, loving
parents of the birthday celebrant! MUHAHAHA~"
At iniwan na nya kami ulit ni Chelle.

Pero si Chelle busy na sa cellphone nya..

Tsk. Bwiset. Si CJ na naman yan.

Sana lang di makapunta ang lalaking yun..

[RACHELLYN's PoV]

15 minutes.. In 15 minutes, pinilit kong kontakin si CJ..

"KIDS~ BE SEATED NA!" naku. Sisimulan na ni Ate Hazel yung party. "OHHH OKAY!
MAAYOS NA! EHEM~ KIIIDS~ My-name-is-HA-
ZEL-NUT! But! Tawagin nyo na lang akong TITA HAZEL! TI-TA kasi pamangkin ko ang
very cuuuute na may birthday ngayon na si..??
Sino nga bang may birthday ngayon?!"

"SI ANDY POHHH!" mahabang sagot ng mga bata sakanya.

Buti naman at interactive itong mga bata..

Ay teka.. Si CJ pala..

Paulit-ulit ko syang tinawagan at tinext pero di sya sumasagot..


Sabi nya hahabol sya sa umpisa ng party ah? May one hour late na nga kami
nakapagsimula pero ba't hanggang ngayon wala pa
sya?

Tch. I shouldn't be asking that to myself..

Busy na nga pala syang tao.

Pero minsan nakakatampo na ang pagka-busy nya..lalo na ngayon..

Ngayon na hindi lang basta birthday ng baby ko ang dapat naming icelebrate.. Ngayon
na dapat magkasama kami kasi special ang
araw na toh para saming dalawa..

Oh wait, nagpe-perform na yung mga clowns!

Nilabas ko ang digicam ko at kinuhanan ang ginawa nilang magic tricks! Nakakabilib
sila.. *o*

After ng sa clowns, nagpa-games na si Ate Hazel. Todo kuha pa rin ako ng pictures
kasi ang ku-cute nitong mga bata lalo na nang nag-
stop dance sila! AT KASALI DUN ANG BABY KO! Pero bakit isang galaw lang ang alam
nya?! Bakit yung parang chicken dance lang?!
>//o//<

Buti nandun si Adrian. Kahit papaano tinuturuan sya. Hihi. Ang cute nila mag-ama.
*flash*flash*flash*flash*flash*flash*
Napatigil ako bigla sa pagkuha ng picture kasi..

*budum*budum*

PURO SI ADRIAN NA LANG KINUKUHANAN KO EHH! >///<

Dapat kasama baby ko sa kinukuhanan ko! Dapat silang dalawa!

Naka-focus pa rin itong cam ko kay Adrian nang lapitan sya ni Teacher Riz.

Pansin ko lang ah, kanina pa sya lapit nang lapit kay Adrian tapos may pahawak-
hawak pa sya sa braso nito.

Hmpf.. T___T

"BEFORE YUNG CANDLE BLOWING, PWEDE BANG PUMUNTA MUNA DITO SA HARAP ANG PARENTS NG
ATING BIRTHDAY
CELEBRANT?!" that was Ate Hazel. "MOMMY CHELLE AT PAPA ADRIAN, HALIKAYO DITO!
DALIII!"

Hala?! Kinabahan ako! Di ko alam kung bakit nya kami pinapupunta ni Adrian sa
harap! Wala naman syang nasabi samin tungkol dito
eh!

Nang nasa harapan na kami, binuhat ni Adrian si Andy at..

GULP.
Mas kinabahan ako!

Di lang kasi mga bata ang nanonood. May ibang mommies din ang nandito.
"MOMMY CHELLE AT PAPA ADRIAN, ANO BANG BIRTHDAY MESSAGE NYO FOR YOUR BABY ANDY?!"
inabot ni Ate Hazel ang
mic kay Adrian.

"Ano ba.. Hehe.." napakamot ng batok si Adrian.

Si Teacher Riz naman, kita kong kumuha ng picture ni Adrian! Kainis na ah! Ano ba
sya?! Fan ni Adrian?! >___<

"Umayos ka nga Adrian, tutuktukan kita dyan! Parang birthday message lang eh!" -
Ate Hazel

"Oo na. Tss. Uhm.. ANAK! Lumalaki ka na.. Pero sana, wag ka lumaking pasaway ah?
Wag mo na rin dagdagan ang tatlong girlfriend
mo. Wag mo muna kami bigyan ng apo hangga't wala pa kaming 40 ng mommy mo kasi
malalagot ako sakanya pag mangyari yun."

ADRIAN TALAGA! Tinawanan tuloy sya ng ibang nanay! >///<

"Tsaka..talent at kagwapuhan lang sana ang mamana mo sakin. The rest, lalo na sa
attitude, be like Mommy. Okay ba anak? Hmm..
Yun lang.. Happy birthday and I love you."

Kiniss sya ni Andy. "I LOVE YOU TOO PAPA!" ^O^

Then pinasa sakin ni Adrian ang mic.


"U-Uhm.." EHHH KINAKABAHAN AKO! "B-Baby ko.. Hm.. Ang gusto ko lang, mag-aral ka ng
mabuti.. Wag ka muna mag-girlfriend kasi
totoo ang sinabi ng papa mo.. Sya ang malalagot sakin pag magka-apo kami agad." ToT

Naku po.. Di ko rin napigilan ang sarili ko na banggitin yun..

"Uhh that's all? And stay healthy rin pala.. I love you baby and happy birthday."

My baby reached for me and kissed me. "MOMMYYYW! I LOVE YOU TOO!" >o<

I smiled at him and patted his head. Kami rin ni Adrian, nag-ngitian and... it felt
so great. So perfect.
From giving our messages, next na yung pagblow ng candles.

Pinwesto nila yung malaking cake sa tapat naming tatlo which made Andy very amazed
kasi Thomas din ang design nun.

All the kids surrounded us and kinantahan namin si Andy ng happy birthday song.
Pero di pa nga tapos yung kanta eh niblow na nya
yung four candles!

Wala. Tinawanan na lang namin ang ginawa nya. After that, nagsikainan na kami.

Kainan na pero wala pa rin si CJ..

I tried to contact him AGAIN pero... Haay.. Wala talaga.

Kumain na lang ako kasabay si Ate Hazel. Medyo nakaka-depress kasi si CJ topic
namin. But later on, we talked about Adrian.

Napatingin tuloy ako kay Adrian na nasa kabilang table at katabi si Andy. Katuwa.
Asikasong asikaso nya talaga sa pag-kain ang anak
namin.

*budum*budum*

Err.. Makakain na nga ulit..

Napansin ko naman si Ate Hazel na nakangiti nang kakaiba sakin.

"B-Bakit Ate Hazel?"

"Hmm.. Wala lang.. Hehe.." tinuloy na nyang kumain.

Ayt. Naconscious tuloy ako. Feeling ko marumi mukha ko kaya pinunasan ko ang sarili
ko pero wala namang dumi..
Psh.. Ate Hazel talaga..

Wala nang activities after kainan. Pinamigay na lang namin yung giveaways then
uwian na.

Pero kaming mga nagpasimuno nitong party ay naglinis at nag-ayos pa muna bago
umalis.

Sa pag-uwi, sinabay na namin si Ate Hazel. Pero dahil sa Bulacan pa sya, sa may
sakayan lang ng bus namin sya dinrop ni Adrian.
"BYE ANDY BEYBE! HAPPY BIRTHDAY ULIT!" pinanggigilan nya muna si Andy bago bumaba
ng kotse.

"Ate Hazel.." tawag ko sakanya. "Pasensya na ah di nakapunta si CJ.."

"Sows! Di yun problema! Di pa siguro nakatakdang magkakilala kami! HAHA! Pero!


Kayo! Dalaw naman kayo samin! Kahit si CJ mo na
lang ang isama mo at hindi na yang pinsan ko!"

"Hehe.. Sige po kapag..pag di na rin po sya busy.."

"Good! Aasahan ko yan! Oh, BYE NA!"

Ate Hazel closed the door and waved goodbye as Adrian continued on driving our way.

Si Adrian naman, parang nabadtrip bigla? Anong problema nito? Mood swings? Psh..

Sa bahay, sya ang nagbitbit sa sangkatutak na regalo ng anak namin then nagstay
kami sa sala.

Magkatabi kaming dalawa sa sofa at tahimik na pinapanood ang anak namin na


nagbubukas ng mga regalo sa sahig.

Karamihan naman sa mga natanggap nya ay puro laruan. Pero kada bukas nya, tuwang-
tuwa pa rin sya. Palibhasa first time nya
makatanggap ng ganito karaming birthday gifts.
"ANAK!" biglang tawag ni Adrian sakanya. "Alam mo, mas matutuwa ka sa gift namin
sayo ni Mommy!"
WAH! OO NGA NOH!

"May gift pa kayo po ni Mommy for me?!" lumapit si Andy kay Adrian with twinkling
eyes.

"OO! MERON PA! DIBA MOMMY CHELLE?!" nginitian ako ni Adrian.

"Ahh oo! Tara akyat tayo."

Nauna ako sakanilang umakyat sa taas. Excited eh! Hehe. Ako ang nagbukas ng pinto
ng kwarto ni Andy and..

"WAAAAAA THOMAAAAAS!!" napatakbo si Andy sa loob ng kwarto nya na puro Thomas and
Friends ang gamit. From bedsheet,
blanket, comforter, pillowcases, clock, lamp at pati yung wallpaper, naging si
Thomas na.

Sumampa pa sya sa kama at tumalon-talon habang yakap ang unan nyang naka-shape as
Thomas.

"AND DAMING THOMAS PO!! HIHIHI" ^O^

Nakangiti kaming nagtinginan ni Adrian.

I know, masaya kami pareho kasi masaya ang anak namin sa regalong kaming dalawa ang
nag-isip at gumastos.
Well yes, nag-share kami ni Adrian para mabili ang buong bedroom set na toh.

"MOMMY! PAPA! SLEEP NA TAYO PO!" humiga si Andy sa gitna.

Natawa kami. Aga aga pa eh nagyayaya na syang matulog?

"SIGE BA!" psh. Humiga't tumabi naman si Adrian sakanya.


Doon nagyakapan sila at mukhang nang-iingit pa!

"MOMMYYY! YAKAPAAAN!" ^O^ - Andy

"YAKAPAAAN!!" ginaya ni Adrian si Andy at talagang nang-iinggit sila! T3T

"MOMMYYY!"

"S-Sige.. Kayo na lang.. Hehe! Inom lang ako ng water sa baba.."

Iniwan ko na silang mag-ama. Napabuntong hininga ako nang makalabas ako ng kwarto.

Naiinggit talaga ko eh.. Gusto ko sumali kaso di naman yun pwede..

Bumaba na lang ako at nagpuntang kusina para uminom.

But much to my surprise..


CJ'S THERE!

Sa lababo sya nakaharap while drinking a bottle of orange juice.

"CJ?"

Napalingon sya sakin. "Oh, Mhie.."

I gave him a sad look. "Kararating mo lang?"

Nagnod sya. "Sorry.. Daming ginagawa sa office ni Dad.. Sinubukan kong tumakas pero
wala eh.. Sorry I didn't make it to Andy's
party.."
Nilapag nya sa counter yung bottled juice then may kinuha syang something mula sa
mismong lababo.

They are three red tulips tied with a pink lace..

Tulips ang bulaklak na lagi nyang binibigay sakin noon, nung di pa kami. Pero nang
sinagot ko na sya three years ago, same day as
my baby's first birthday, twing anniversary na lang nya ko kung bigyan nun. He
started by giving me one on our first anniversary, two sa
pangalawa, then now.. Tatlo na.

So somehow, special sakin ang tulips. And I can't believe this. Three years na pala
kami.

He came close and gave those tulips to me. "Happy 3rd anniversary satin.."
Tinanggap ko yun sabay yakap sakanya.

I am happy but.. Not as happy as how I expected myself to be ngayong nandito na


sya. Ewan. Ang gulo ng nararamdaman ko ngayon.

Then I felt his lips on my forehead. "I love you Rachel."

"I love you too..CJ.."

"Sorry kung nagkukulang na ko sa inyo ni Andy nitong huli ah? But promise, I'll
make up for all of it.."

Tiningala ko sya. "Aasahan ko yan..'cause we're missing you already..so much.."

"I know.." he chuckled while making our noses touch. "That's why sisimulan ko nang
bumawi ngayon.."

"OH?" oops, that was Adrian. Nahuli nya kaming nagyayakapan ni CJ.

Gusto ko na sanang lumayo kay CJ kaso di nya ko pinapakawalan eh..


"Uy, flowers?" tinaasan ng kilay ni Adrian ang hawak kong tulips. "Birthday lang ng
anak, pati nanay may regalo na?"

"Ano ka ba Adrian.. Di naman nya ko binigyan ng flowers dahil birthday ni Andy


noh.. Anniversary namin ngayon kaya ganito.."
Adrian was surprised with my explanation, kitang-kita ko yun sa mga mata nya.

"It's our THIRD anniversary." dagdag pa ni CJ.

"Ahh.. Nice naman.. THIRD anniversary.." Adrian shrugged, looking away. "Hmm..
Congrats.. Happy anniversary sa inyo.."

"Thanks." - CJ

Tumingin sakin si Adrian with a blunt look. "Chelle.. Uuwi na pala ko.. Uhm, si
Andy, nandun sa kwarto nya."

"O-Okay.."

Tinitigan muna ko ni Adrian ng mga 3 seconds yata? Tsaka sya tumalikod at naglakad
paalis.

Gusto ko syang pigilan umalis. Gusto ko syang mag-stay pa dito para..para sa anak
namin..

Basta gusto ko sana sya sundan kahit man lang para ihatid sya sa labas pero di ko
yun magawa kasi yakap pa rin ako ni CJ.

"Mhie.." CJ whispered on my ear. "Mag-ready na kayo ni Andy.. May pupuntahan


tayo.."

"S-Saan naman?"
"Sa mall. Bibilhan ko pa sya ng birthday gift and..I got a surprise for you as
well."

"Surprise?"
"Yup.." hinawi nya ang buhok na nasa noo ko and looked at me with a big smile. "One
surprise that I'm very sure, magugustuhan mo."

xxxxxx

x37: What Surprises Her the Most

[RACHELLYN's PoV]

Di nagtagal after umalis ni Adrian sa bahay, umalis din kami ni CJ kasama si Andy.

Tulad ng sabi nya, nag-mall kami. Sa may Toy Kingdom kami nagpunta. Tuwang-tuwa ang
baby ko nang pumasok kami dun. Ang dami
ba namang laruan sa paligid eh.

"Dali baby, pili ka na ng kahit anong gusto mo and I'll buy it for you." sabi ni CJ
kay Andy.

"REALLY DADDY?!" *O*

"Really." natatawang ginulo ni CJ ang buhok nya.

Tumakbo na si Andy sa isang 'bundok' ng laruan at nagsimulang pumili ng gusto nya.


"WAAA GUSTO KO TOH PO!" may tinaas si Andy na maliit na box ng kotse pero binaba
nya rin yun agad para itaas ang isa pang box.
"ITO DIN PO! WAAA TSAKA ITO PO! AT ITO PO!"

Hala! Ang dami nyang pinipili! At palaki pa ng palaki ang gusto nya! >___<

"Baby ko! Isa lang!" suway ko sakanya. "Puro toys na nakuha mo kaninang gift sa
school diba? Kaya tama na ang isa."

Nagpout sakin ang baby ko. Halatang di sya makapili ng isa.


"Mhie naman. Hayaan mo lang sya." ako naman ang sinuway nitong si CJ.

"Eh kasi.. Ang dami na nga nyang laruan sa bahay tapos ang dami nya pa ring gusto
bilhin?" T3T

Natawa si CJ sabay pinch sa ilong ko. "Mag-ina nga kayo.. Parehas kayo kung mag-
pout.."

"Psh.. Basta Dhie, wag mo bilhin lahat ng gusto nya. Wag mo sya masyado i-spoil."
=3=

"Tss. Di ko sya ini-spoil. Birthday nya ngayon kaya ibibigay ko kung anong gusto
nya." niwrap nya ang braso nya sa waist ko at lumapit
kami kay Andy. "Baby, dun tayo sa kabila. Mas maraming toys dun oh."

"OOH.. MORE TOYS!!" tumakbo si Andy sa tinuro ni CJ.

Napa-sigh ako. Bahala na nga si CJ. Kulit din nya eh.


Sinundan lang namin nang sinundan si Andy kahit saan man sya tumakbo. Ang dami nya
talagang gusto ipabili pero sa huli, blue trike
ang pinaka-natripan nya. Yung bike na tatlo ang gulong?

CJ bought it for him. Di na ko kumontra kasi wala pa naman syang ganun at ang cool
kaya nya tignan pag nakasakay sya dun! >///<

Habang papalabas kami ng mall hinayaan namin si Andy na sakyan yun.

Paglabas namin, grabe. Gabi na pala?

Sumakay na ulit kami sa kotse para umuwi.

"Baby? Okay ba ang gift ni Daddy sayo?" tanong ni CJ kay Andy na nakaupo na sa
backseat nitong kotse nya.

"YES DADDY! PWEDE PO I-PLAY KO YUNG BIKE PO MAMAYA SA HOUSE PO PAG-UWI?!" *o*
CJ started the engine. "Of course."

"YEYYY!" ^O^

Nakangiti lang akong pinapanood sila nang tumingin sakin si CJ.

"I'm done with Andy's gift.. Next naman yung sayo.."

I smiled more at him. Syempre, naexcite at nacurious ako eh. Ano kayang gift ang
tinutukoy nya?

Di kasi si CJ ang type ng boyfriend na material thing ang binibigay twing


anniversary namin. He's more on making me experience
something that we will both cherish..

After driving for a short while, nag-stop kami sa isang.. HOTEL?! A five-star one!

Sa loob ng hotel, hindi naman kami nagpunta sa may frontdesk so..mali ang akala ko.
Akala ko magchecheck-in kami dito at
magoovernight stay eh. Hehe. Ang ambisyosa ko. XD

Sa isang restaurant na naroon kami nagtungo. It was very high class. May attendants
na nag-welcome at nag-assist samin hanggang
sa isang table na...

Na may dalawang tao nang nakaupo and I know who they are!

"DAD? MOM?" agad akong lumapit sakanila at mom ko ang una kong niyakap!

I was very surprised to see her! Ang alam ko kasi nasa Amerika pa sya! Nagpadala pa
nga sya ng gift for Andy kasabay ng pinadala
nila Millie tapos ngayon, she's here? Ehh kaya pala di sya tumawag buong araw para
batiin ang baby ko!

"WAA GRANMOM!!" nakiyakap din si Andy samin. Pero dahil maliit lang sya, sa binti
lang namin sya nakayakap. Natawa tuloy kami
sakanya.

Binuhat sya ni Mom. "Di naman masyadong halata na na-miss ako ng anak at ng apo ko
ah!"
"Kasi naman po.. Last year ka pa po namin nakita tapos di mo man lang po sinabing
uuwi ka ngayon.." T3T

Mom laughed at me. "Blame it all on CJ, sweety."

Napatingin ako kay CJ na nakatayo sa tabi ni Dad. He was just smiling at me.

"He wanted to surprise you tonight kaya kahit anong kati ko na sabihing uuwi ako,
di ko ginawa." Mom explained, then put her focus on
Andy na buhat pa rin nya. "At ikaw baby namin! Ang bigat mo na! How was your
birthday party huh?"

Hyper namang sinimulan ni Andy ang pagkukwento sa lola nya habang ako, nilapitan si
Dad at niyakap sya as a greeting. Nang si CJ
na ang hinarap ko..psh. Natatawa akong nagpout sakanya.

He also chuckled and pulled me for a hug. "This is my anniversary gift, Mhie.
Double family dinnerdate."

DOUBLE FAMILY DINNERDATE?? I like that! And that idea made me really happy.
Ginantihan ko rin sya ng yakap.

"EHEM.." Dad cleared his throat. "Sige. Ako na ang walang kayakap dito."

Ehh? Oo nga noh! Si Dad lang ang walang kayakap!

"Kung magtampo naman ang matandang toh parang di nagsawa sa yakap ko kanina." pang-
aasar ni mom sakanya.

"Shh." haha! Nahiya na si Dad! Di kasi sya ganun ka-showy at ka-expressive 'pag
dating sa ka-sweetan nya kay Mom but if I know, pag
silang dalawa na lang ang magkasama, naku..
Nagyaya nang kumain si Dad. Pero ang totoo nyan, gusto lang nya matigil ang
panunukso ni Mom sakanya. XD

Magkatabi kaming umupo ni CJ sa isang side nitong table, si Dad ang nasa isang
dulo, while Mom made Andy sit down next to her.

Si Mom ang nag-aasikaso sa baby ko na kumain. She must have missed doing it to him.
Kwentuhan kami while eating, starting with the birthday party ni Andy na naganap sa
school kanina.

But since ADRIAN is part of the story, di na namin masyado pinag-usapan ang tungkol
dun. My parents are only trying to be sensitive
kasi ayaw nila ma-offend si CJ. However, CJ looked fine and unaffected. Alam naman
nya kasi, sya ang mahal ko..diba?

As soon as we finished taking all of the coarses, nag-toast kami to celebrate


Andy's birthday and of course, ang third anniversary namin
ni CJ.

Mom and Dad really love CJ. Botong-boto sila na sya na ang makatuluyan ko. Well,
sana nga. I'm..I'm looking forward to it..

Later, iniwan kami nina Dad at CJ dito sa table kasi mag-smoke daw muna sila. Psh.
Ayaw ko ngang nagyoyosi sila eh! Lalo na si CJ.
May asthma sya. Pero mga pasaway talaga.

Kita ko namang nag-alangan pa si CJ magyosi ngayon dahil sakin, dahil masama ang
tingin ko sakanya kaso nahihiya naman syang
tanggihan si Dad. Tch. Dad naman kasi. Smoking lang daw ang bonding nila ni CJ
tapos ayaw ko pa.
"Ohh dahan dahan lang baby, ang dumi na ng bibig mo oh.." pinunasan ni Mom ang
bibig ng apo nya. Kumakain kasi yun ng ice cream.
"Para kang mommy mo.. Ang kalat kumain.."

"Mom?! Di na po ko makalat kumain ngayon noh!" =3=

"Talaga lang ah." she faced me. "Kamusta naman ang totoong tatay ni Andy?"

*budum*budum*

"S-Si Adrian po?" tanong ko.

Natawa sya. "Oo? May iba pa bang totoong tatay si Andy ah?"

"Mom naman.."
"Kung maka-react ka kasi. So ano na? How is he doing as Andy's real dad?"

I took a deep breath then, ngumiti. "So far, he is doing very great."

"Ooh.. Hindi so far, so good. So far, VERY GREAT agad." nginitian nya ko.

"Yun po ang totoo eh. I can see him giving his full effort on everything that he's
doing for our baby kaya ganun.. He is indeed doing very
great as Andy's father."

She just nodded, taking a sip of wine.


"Mom.." tawag ko sakanya. "Uhm.."

"Yes sweety?"

"Gu.. Gusto mo po bang..makilala si Adrian?"

"Hmm.." nagrelax sya sa upuan nya. "Di na lang."

"B-BAKIT NAMAN PO?" I asked her, more on a protesting tone. "Kala ko po ba di kayo
galit sakanya?"

"Hindi nga." tinaasan nya ko ng kilay.

"Then bakit ayaw nyo sya makilala?" :(

She gave off a GRIN. "It's just because I...I already met him."

O___o

"TALAGA PO? KAILAN? SAAN? PAANO?" sunud-sunod kong tanong sakanya.


"EASY, SWEETY!" pinipigilan nyang tumawa. "I just met him earlier, okay? Sa isang
cakeshop."

Kanina lang daw.. Sa may cakeshop.. O___o


"As of kung PAANO, well.." umayos ng upo si Mom habang nageexplain. "Iniwan kasi
ako mag-isa ng tatay mo kanina and that made
me feel very bored the whole afternoon! Tapos nag-crave ako for cake kasi naiisip
ko ang birthday party ng apo ko so nagpunta kong
cakeshop. Adrian was there, silently sitting on one place habang walang kamalay-
malay na pinagpapantasyahan na sya ng mga babae
sa likuran nya.."

"P-Pero sure po ba kayo na si Adrian nga ang nakita nyo?"

"Haay sweety.. Isang tingin ko pa lang sakanya, I already knew that he is ADRIAN.
God, ang laki lang ng resemblance nya kay Andy.
And you know what made me more sure that he is Adrian?"

"W-What?"

"I asked his name and I was not mistaken.." ngumiti sya. "His name is ADRIAN."

*budum*budum*

"In fairness sweety? Gentleman sya. He offered me his table nung wala akong
mapwestuhan at nagkwentuhan pa kami. We talked
about his SON at nakakatuwa lang. Sobrang nakakatuwa, not only because he has no
idea that he was talking to ME, but also because
he is a proud father." nilingunan ni Mom si Andy at pinat ang ulo nito. "He is very
proud of Andy."

Di sya nagkakamali.. Proud talaga si Adrian sa anak namin..

"Hmm.. Okay na sweety?" nakangiting tanong ni Mom sakin. "Believe me. Hindi talaga
ko galit kay Adrian. In fact.. I like him."

I just smiled, hearing that from my mom. Masaya ako at nagustuhan nya si Adrian..
"Sweety.." malambing na tawag nya ulit sakin.
I was expecting her to say something pero nagtitigan lang kami. At yung titig nya
sakin, masyadong makahulugan. Idagdag pa dun ang
ngiti nya.

"Mo--" naputol ang sasabihin ko dahil may biglang umakbay sakin at humalik sa noo
ko.

It was CJ.

"Uwi na tayo, Mhie?" tanong nya sakin.

"H-Huh?"

"Uwi na kayo." Dad told us as he went next to Andy. "Antok na apo namin oh."

Andy blinked his eyes. Mukhang antok na nga sya. Kaya siguro di na nya maubos ang
ice cream nya.

Dahil dun, pumayag na kong umuwi kami. Buhat ko ang baby ko while we were walking
our way out of this hotel.

Sa may entrance kung saan hinihintay ko ang kotse ni CJ, nagulat ako sa nalaman ko.
Dito pala sa hotel mag-i-stay sina Mom at Dad!
Psh.. Naiinggit ako.. T3T

Pero sige. I understand. Kailangan nila ng quality time together kasi sobrang
minsan lang sila magkitang dalawa tapos itong uwi ni
Mom, saglit lang. She'll be heading back to US tomorrow afternoon. Busy talaga sya
dun at pinilit nya lang umuwi dito ngayon para
gawin ang favor na hiningi ni CJ.

Summer next year na raw sya uuwi ulit kaya nang nagpaalam na kami sa isa't isa,
todo yakapan kami. Ayaw nya ring magpahatid sa
airport bukas eh. Si Dad na lang daw kasi may school pa ko.

Pagkasakay ko naman sa kotse ni CJ, tinulungan nya ko sa pag-aayos ng seatbelt ko.


Baby ko kasi, tuluyan nang nakatulog sa
pagkakabuhat ko.

"You liked my gift?" tanong ni CJ pagka-lock nya sa seatbelt ko.


"I did.." ngumiti ako sakanya.

He smiled too then leaned closer to me and gave me one quick kiss. "I love you.."

"Love you too.."

Nagsimula na syang magdrive while I opened the car window on my side to wave
goodbye at my parents.

Haay. Ang saya lang ng araw na toh. Everything that had happened today was just
PERFECT-- mula sa celebration ng 4th birthday ng
baby ko, hanggang sa 3rd anniversary gift sakin ni CJ.

Kasama rin sa ikinasaya ko ngayon ang pagkakakilala ng mom ko at ni Adrian. Kahit


ba walang alam si Adrian na nagkakilala na sila,
masaya pa rin ako 'cause Mom got to like him..

I hugged my baby very tight as I stared out of the car window again.
CJ's driving slower than usual and sa shortcut pala kami dumaan.

Nakaka-aliw lang titigan yung mga ilaw sa labas. Puro restaurant, bars and clubs
kasi ang nasa street na toh.

Kakatitig ko sa labas, napansin ko ang kotseng katulad ng kay Adrian na nakapark sa


labas ng isang bar yata yun.

WAIT! It is really Adrian's car! Sure ako kasi iisa ang plate number nila!

*budum*budum*

Saktong paglagpas namin ng unti sa kotse nya, nakita ko si Adrian.

Nakita ko nga sya pero para namang huminto ang pag-ikot ng mundo ko. Parang biglang
nahirapan sa pagtibok itong puso ko.

Adrian was there, leaning on a woman right beside his car and..
AND THEY WERE KISSING... TORRIDLY.

God..

Natulala na lang ako nang tuluyan na naming nalagpasan ang kinaroroonan nila.

Ayokong paniwalaan ang nakita ko. Pero..hindi eh.


That scene was REAL..

So real that it hurt me..so much..

xxxxxx

x38: FIDELITY-- to who?

[ADRIAN's PoV]

'Ano ka ba Adrian.. Di naman nya ko binigyan ng flowers dahil birthday ni Andy


noh.. Anniversary namin ngayon kaya ganito..'

'It's our THIRD anniversary.'

"ARGHH!!" nilamukos ko 'tong tracing paper at binato yun kung saan.

Bwiset eh. Kanina pa ko walang magawang maayos na plate dahil kanina pa ko ginugulo
ng mga sinabing yun sakin nina Chelle at CJ.

Tsk. 3rd anniversary raw. Edi kayo na ang naka 3 years ni Chelle!

Pero.. 3 years na sila and still counting..

Samantalang kami noon, 3 months lang..


Ang laki ng difference noh? Kung ipaglalaban ko, walang panama ang 3 months namin
sa 3 years na na pagsasama nila ng lalaking
yun. WALANG-WALA.

Ugh. Ang sakit sa ulo isipin nun.. Parang gusto ko na iumpog ang sarili ko..

Ito na naman kasi ako..nagsisisi sa ginawa kong pag-iwan kay Chelle noon. Paulit-
ulit na lang. Hanggang kailan ba ko magiging
ganito?

Iniwan ko ang drawing table ko para humanap ng maiinom. Gusto ko makalimot kahit
saglit lang pero wala na kong stock dito sa bahay.
Lumabas na lang tuloy ako at nagpunta sa bar na tambayan ng barkada ko.
Ang OA ng reaksyon nila nang makita nila ko. HIMALA raw at nagawa ko pang magpakita
sakanila. Sabagay, simula kasi nang ipakilala
sakin ni Chelle ang anak namin, di na ko nagpunta dito. Gusto ko nga kasing
magbagong buhay para sakanilang mag-ina ko pero..para
saan pa yun kung di ko naman pala sila mababawi?

Napailing ako sabay inom ng alak. Dalawang magkasunod na shot.

Tapos sinimulan akong tanungin nitong barkada ko tungkol sa tsismis na kumakalat na


may anak na raw ako at dinala ko pa raw sa
school yung bata. Kinomfirm ko naman yun. Pero yung iba sakanila ayaw maniwala.
Amp. Tatanong-tanong tas di maniniwala sa sagot
ko. Kabwiset ampotek.

Di ko na sila pinansin. Uminom na lang ako ulit.

"Eh yung nanay pare? Balita ko Journalism student ah! Kayo na ba ulit? Nagsasama na
ba kayo?"

Natigilan ako sa tanong ng kabarkada ko. Then napangisi.

"Di kami nagkabalikan noh at lalong di kami nagsasama." sagot ko. "May mahal nang
iba yun kaya napaka-imposibleng mangyari nun."

Yun oh. Sinaktan ko sarili ko.

Pero tama lang. Para naman matauhan ako. Para naman di na ko umasa.

Oo. Di na ko aasang mamahalin ulit ako ni Chelle..na magkakabalikan pa kami..na


mabubuo pa ang pamilya namin kasi..

KASI MAY MAHAL NA NGA SYANG IBA. At 3 years na silang dalawa ah.

3 YEARS..

Napangisi ulit ako sabay inom.

TEKA TEKA. Kailan pa pala ko nagkaroon ng katabing babae dito sa upuan at


tinatagayan ako? Di ko sya napansin ah.
Ito ang himala. Maganda at ma-laman 'tong tumabi sakin pero di ko man lang sya
napansin.

"So daddy ka na pala.." nakangiting sabi nitong babae.


"Hindi hindi. Hindi DADDY, okay? PAPA."

"Huh?" natawa yung babae. "Ah, ibig mo bang sabihin, PAPA tawag ng anak mo sayo?"

Tumango lang ako at uminom ulit.

"That's nice.." napangiti sya. "Uhm, by the way.. I'm Jeremae. And you're Adrian,
right?"

Inabot nya ang kamay nya sakin at ano pa? Syempre nagshakehands kami at
nagkwentuhan. Sinasagot ko ang bawat tanong nya kasi
tungkol sa anak ko ang mga yun.

Kaso maya-maya, natahimik din ako. Yung relasyon ko na kasi kay Chelle ang napapag-
usapan namin.

"Oh.. Kung ganun, single father ka pala and.." dumikit sya ng pagkakaupo sakin.
"And you're available?"

Medyo natawa ko dun. "VERY MUCH AVAILABLE. Yun eh kung may magkakainteres pa sa
tulad kong single father?"

"Meron ah.." ngumiti sya. Pero ngayon, pilya na ang ngiti nya. "AKO. Interesado ko
sayo."

Nagkatitigan kami.

Gusto ko sana syang barahin pero naisip ko ang dahilan ko kung bakit ako nandito.

Nandito nga pala ko kasi gusto kong makalimot.

Gusto ko makalimot at di magiging sapat ang pag-inom ng alak para magawa ko yun.
Kailangan ko rin ng babae.

Kailangan ko nang mangbabae ulit.. Kailangan ko nang bumalik sa dati..

Tama.. Ganun na lang.

Inakbayan ko itong babae tulad ng gusto nya. Nagpatuloy kami sa pag-iinuman at


pagkwentuhan hanggang sa nagiging mas malapit
na ang mga mukha namin sa isa't isa.
Hindi pa ko lasing kasi di naman ako madaling maapektuhan ng alkohol pero ewan ko
lang kung naapektuhan na nun ang pang-amoy
ko. This woman I am with smells seductively sweet. Nakaka-akit ngang talaga kaya
bigla ko na lang syang hinalikan sa pisngi.
Nagulat sya sa ginawa ko pero nagustuhan naman nya yun. Ngumiti pa sya eh at
hinawakan ang mukha ko.

"Kiss me more.." bulong nya.

And so I kissed her more..on her lips. Sinagot nya ang ginagawa kong paghalik.

"HUUY! ADRIAN!" tawag sakin ng mga kabarkada ko. "HUUY!"

AMPOTEK! May binato sila sakin na kung ano kaya tumigil ako sa paghalik sa babaeng
toh.

"ANO BA?!" sigaw ko sakanila.

Tinawanan nila ko. "HINAY HINAY LANG PRE! HANDA KA BA AH? BAKA MAKABUO KA ULIT NG
BATA NYAN EH KAYA AYAN!
WELCOME BACK GIFT NAMIN SAYO!"

May tinuro sila sa mesa. Yun yung binato nila sakin kanina na..na isang pakete pala
ng condom. =___=

"ALAM MO PA BA GUMAMIT NYAN AH?! HAHAHA" amp. Ang galing talaga mang-asar ng mga
toh.

"MGA SIRAULO! DI KO KAILANGAN NYAN!" tumayo ko sabay hatak dito sa babae.

Lumabas kami ng bar. Daming istorbo sa loob eh.

Pagkalabas namin, sinandal ko sya sa gilid ng kotse ko at kinulong sya sa mga braso
ko.

Kung makangiti sya.. Halatang gustung-gusto nya ang ginagawa ko.

Napangisi ako nang pinalupot nya pa ang mga braso nya sa leeg ko.

Eh bakit ko pa nga ba pinagpipilitan ang sarili ko kay Chelle? Bakit ko pa


pinapahirapan ang sarili ko na buuin ang pamilya namin kung
pwede naman ako gumawa ng iba?
"So.." nang-aakit ang tono nitong babae. "Itutuloy na ba--"

Di ko na sya pinatapos magsalita. Hinalikan ko na ulit sya. It was torrid and deep
enough to make her breathlessly moan.

Hanggang sa bumaba ang isang kamay nya sa dibdib ko at marahan akong tinulak.

"Dun tayo sa kotse ko.." bulong nya at sya naman 'tong humatak sakin.

Nagpunta kami sa kotse nyang nakapark sa medyo madilim na parte nitong parking lot.
Binuksan nya ang backseat nun at doon ay
tinulak nya ko papasok at paupo sa loob.
Sumunod sya at kumandong sakin paharap with open thighs. At dahil naka-fitted, one-
piece sexy dress sya, medyo nahahatak pataas
ang damit nyang yun dahilan para halos makita ko ang suot nyang panloob sa baba.

Ang galing. Talagang binubuhay nya ang dugo ko..ang playboy spirit ko.

This woman wrapped her arms around my neck again and went back on torridly kissing
me while I slid both of my hands under her
dress. I touched her behind, rubbed all of her skin, and moved my kiss from her
lips down to her neck and shoulders.

'Pero bakit Chelle? Ayaw mo ba kong magkaanak sa ibang babae?'

'OO. AYOKO.'

Napatigil ako nang maalala ko ang pag-uusap naming yun ni Chelle dati sa school.

Maging yung pagpout nya nung oras na yun, alalang-alala ko pa. Nakakatuwa lang.
Talagang ayaw nya ko magka-anak sa ibang
babae.

Naalala ko rin tuloy ang sinabi ko sakanya..na tinigil ko nang mangbabae kasi sila
na lang ni Andy ang gusto kong pagtuunan ng
pansin.

Pati ang pangako ko na..na hinding hindi ako magkakaanak sa ibang babae dahil ayaw
nya.

Nangako ako pero ano 'tong ginagawa ko ngayon?

"Adrian?" tiningala nitong babae ang ulo ko para harapin sya. "Bakit ka tumigil?"
Di ako sumagot. Hinalikan na lang nya ko ulit. I kissed her back but stopped again.

Mali toh eh. Di ko dapat sinisira ang pangako ko..lalo na kay Chelle.

"ADRIAN??" naiinis na 'tong babae.

Sinubukan nyang tanggalin ang suot kong tshirt pero pinigilan ko ang mga kamay nya.

"Tama na." mahina ko syang tinulak paupo dito sa may backseat tapos lumabas na ko
ng kotse nya.

"H-Huh? W-Wait! Adrian!" hinabol nya ko at hinila.

"TAMA NA NGA SABI DIBA?! AYOKO NA!" sobrang lakas ng pagkakasigaw ko sakanya kaya
natameme sya.

Tuluyan ko na syang iniwan at sumakay sa sarili kong kotse.


Doon, napabuntung hininga ko bago sinimulang magmaneho.

Gusto kong tumawa. Gusto kong pagtawanan ang sarili ko.

Para kasi akong tanga.

Mahal ko pa rin si Chelle kahit alam kong may mahal na syang iba. Alam ko ring wala
na kong pag-asang mabawi pa sya kaya dapat
lang na gawin ko ang LAHAT para makalimutan na 'tong nararamdaman ko para sakanya
diba? Pero ito ako...

..nagpapaka-loyal sakanya.

[RACHELLYN's PoV]

"M-MOMMYY!" biglang nagising si Andy nang palitan ko sya ng damit dito sa kama nya.
"I-I'LL PLAY THE BIKE PO!"

"No.. Bukas na yun baby.. Gabi na oh.." mahina kong paliwanag sakanya. "Sleep ka
na.."

"N-NO PO!" tch. Pinilit nyang bumangon. "SABI NI DADDY PO MAGPE-PLAY AKO PAG--"

"WAG KA NA NGANG PASAWAY ANDY!! GABI NA NGA DIBA KAYA MAG-SLEEP KA NA!!"
Oh God.. Nasigawan ko ang anak ko..

Naluluhang natulala sya sakin habang kagat ang labi nya. Alam ko, natakot ko sya at
pinasama ang loob. Pero kasi naman..di
maganda ang pakiramdam ko ngayon tapos pasaway pa sya..

Naluluha na rin tuloy ako.. Ayokong nagkaka-ganito kaming mag-ina..

"Rachel?" pumasok si CJ dito sa kwarto ni Andy. Narinig nya siguro yung pagsigaw
ko.

Huminga ako nang malalim at pinahiran ang namuong mga luha ko.

"Rachel, maghilamos ka na lang muna. Ako nang bahala magpatulog kay Andy.."

"O-Okay.."

Hinalikan nya pa ko sa noo bago ko lumabas ng kwarto.

Naghilamos na nga lang ako, baka sakaling lumamig itong ulo ko.
Nakakainis kasi eh. Maya't maya nagpa-flashback sa isip ko yung scene na nakita ko
kanina sa daan. Yung scene na..na may
kahalikan si Adrian na kung sinong babae.

Twing naaalala ko yun, naninikip ang dibdib ko. Parang gusto ko umiyak sa inis at
sa..sakit.

Sabi nya kasi non, tinigil na nyang mangbabae. Sabi nya, kami na lang ni Andy ang
pagtutuunan nya ng pansin. Tapos, makikita ko
syang ganun?

Paano na lang din kung yung paghahalikan nilang yun eh mauwi sa..sa kama? Then
unexpectedly, mabuntis nya yung babae?

If that happens, paano na yung pinangako nya sakin? Yung pangako nyang di sya
magkakaanak sa ibang babae?

Bigla akong napatakip ng mukha. May na-realize ako..

Narealize ko na yung promise nyang yun.. It's useless and unfair.

It's useless 'cause in time, magpapakasal kami with DIFFERENT PARTNERS at bubuo ng
sarili naming pamilya. Magiging unfair
naman kung pipilitin kong tuparin nya ang pangakong yun, diba?

Tama.. Adrian and I have our own, separate lives. Pwede namin gawin ang kung
anumang gusto naming gawin sa buhay namin. At
kung may dapat kaming pakialaman sa isa't isa, yun ay ang anak lang namin..si Andy
lang..dahil si Andy lang naman ang kumokonekta
saming dalawa.

I sighed as I finished taking a shower. Nagbihis na ko ng pantulog then bumalik sa


kwarto ni Andy.

Tulog na sya't nakayakap kay CJ. Pagtabi ko sakanila, kita ko yung mga mata nya.
Mukhang umiyak sya nung umalis ako. =/

"U-Umiyak sya?" I asked CJ.

"He did.."

Niyukuan ko si Andy at hinalikan sya nang napakatagal sa pisngi. Nakokonsensya ko.


Nadamay ko sya sa sama ng loob ko sa tatay
nya.

"Baby ko.." bulong ko habang hinahaplos ang ulo nya. "Sorry nasigawan kita kanina
ah? I love you baby.."

I kissed him once more then umupo na ulit ako kaso, natigilan ako bigla. Naalala ko
na naman yung ginawa kanina ni Adrian eh..

Ngayon kaya, asan na sya? Siguro..magkatabi na silang natutulog ng babaeng yun..

"Mhie.." bigla kong naramdaman yung daliri ni CJ na may inalis mula sa isang mata
ko na..LUHA pala? "Antok ka na."
"A-Ah.. Di pa ko inaantok.." ako na ang kumusot sa mga mata ko.

"Tss. Di raw eh natutulala at naluluha ka na."

I pouted at him. "Dhi-- WAH! CJ..?!"

BIGLA KONG BINUHAT NI CJ!

"Dami mo ginawa maghapon so you must be very tired like Andy. Papatulugin na lang
din kita ah?" he was smiling while carrying me.
Sa kama sa kwarto ko nya ako hiniga. Tumabi sya sakin. He made my head rest on his
chest habang hinahaplos nya ang buhok ko.

"Dhie.." tumingala ko sakanya.

"Hm?"

Tinitigan ko lang sya. But then I gave him one quick kiss. "Thanks for everything
Dhie.. Happy 3rd anniversary.."

"My pleasure.." he smiled and kissed me as well. "I love you Rachel.."

"I love you too."

Again, we kissed. We shared short and little kisses at first but later on, it
became more passionate.

"I love you.." CJ told me again in a whisper as he tried to deepen our kiss.

I let him do it so. Napayakap na lang ako nang mahigpit sakanya.

Slowly, our position changed. He's now on top of me, locking me in between his
arms.

Nagkatitigan kami. And that stare of him, alam ko kung anong ibig sabihin nun dahil
na-encounter ko na ang ganung tingin dati sa ibang
lalaki.

That kind of stare is a question, asking me if he can go FURTHER.

Sinagot ko naman sya by wrapping my arms around his neck and pulling him down to
kiss me.

I'm going to let him take me. Kung dati ay nagawa kong ibigay ang sarili ko kay
Adrian na 3 MONTHS ko pa lang nakakarelasyon, kay
CJ pa kaya na 3 YEARS ko nang nakakasama?

Bumaba ang halik nya sa leeg ko. I also could feel him unbuttoning my upper
sleepwear.
CJ can go this far, right? He has already proven how much he loves me so..he
deserves this.

He can own me. I am very willing to give myself to him but..


Something strong is contradicting me deep inside and it's telling me that..

..that this is wrong; that this shouldn't be happening.

CJ was already on my bosom when all of a sudden, I found myself powerlessly PUSHING
him away from me.

"C-CJ.. S-Stop.."

Tumigil naman agad si CJ. It made me very relieved pero..di ko napigilang umiyak.

I feel guilty..

How could I excite CJ then stop him in the middle?

God.. Pinaasa ko sya.. Pinahiya ko sya.. All because of this feeling that I don't
understand.. Oh God.. What's wrong with me?

[CJ's PoV]

"C-CJ.. S-Stop.." ramdam ko ang mahinang pagtulak sakin ni Rachel while I was
pleasuring myself on her chest.

Then I.. I heard her sobbing.

SHIT.

I looked at her and damn! She's crying!

"R-Rachel?" I anxiously called her.

"CJ.. I-I'm sorry.. I-I.. I can't.."

Ah shit! I MADE HER CRY!

"Shh.." natataranta kong inayos ang damit nya. "Rachel.."

Tumabi ulit ako sakanya at niyakap sya nang mahigpit.


"S-Sorry CJ.. Sorry.." patuloy syang umiyak sa dibdib ko.
"Rachel? Okay lang yun.. Please..don't cry.."

"P-Pero.. Ang sama ko.. I'm.. I'm being unfair to you.."

"No you're not. Naiintindihan kita.." I kissed her forehead and hugged her tighter.
"Di mo kailangang magsorry kasi tama lang ang
ginawa mo.. I know, there's a right time for us to do it and..I can wait. Kasi
nirerespeto kita. Kasi mahal kita."

Unti-unti ay tumigil syang umiyak.

Nanatili lang syang nakayakap sakin hanggang sa makatulog na sya.

Napa-sigh ako sa isip ko.

Ano ba kasing ginawa ko? Masyado kong..tsk. Nagpadala.

3 years na nga kami but that's not enough reason for me to do that.

Rachel once made a mistake before and I don't want her to feel that she's going to
do the same mistake with me. NO. I will never be as
stupid as that Adrian. I will never be like him. JUST NO.

xxxxxx

x39: Father Material (part1~)

[RACHELLYN's PoV]

Ilang linggo na ang lumipas after ng 4th birthday ng baby ko, ng 3rd anniversary
namin ni CJ, at ng.. ng 'gabing' yun.

Until now, may nararamdaman pa rin akong hiya sa nagawa ko nung gabing yun pero si
CJ, patuloy lang sa pagprove sakin na ayos
lang yung nangyari, na kaya nya talagang maghintay kasi nga mahal at nirerespeto
nya ko.

Si Adrian naman.. Well. May nagbago samin. Medyo nag-iiwasan KAMI nitong huli. As
in KAMING DALAWA at hindi one-sided yung
pag-iwas.
Ako inaamin ko, iniiwasan ko sya. Kasi naman, di ko gusto yung nararamdaman ko pag
nagkakalapit kami. Di ko mapigilang mainis,
malungkot, malito..ahh tsaka wala naman nang dahilan para maging close pa kami sa
isa't isa. Sapat na yung nag-uusap kami minsan
tungkol sa anak namin..

Eh sya kaya, anong dahilan nya't iniiwasan nya ko?


Siguro guilty sya.. Siguro di na nya natupad ang mga sinabi nya sakin non kaya
ganun..

*sighh

Okay lang.. Matagal ko nang tanggap yun.. Basta ang mahalaga, di nya pinababayaan
si Andy..tulad ngayon.

Sinisipon at nilalagnat si Andy ngayon kaya dumalaw si Adrian kahit gabi na.
Actually, kagabi pa may sakit ang anak namin pero
kaninang umaga, nawala na yung lagnat nya. Naging matamlay nga lang sya maghapon
then now, bumalik yung lagnat. Hassle nga eh
kasi busy kaming mag-aral at magpa-finals na.

"WAHH! SIGE PO PAPA! MAG-GAGALING AKO PO!" sigaw ni Andy nang may binulong sakanya
si Adrian.

Nakakapagtaka. Ano kayang binulong ni Adrian kay Andy at nagkalakas syang sumigaw
nang ganun? O___o

"Haha. Sabi mo yan ah?" ginulo ni Adrian ang buhok ni Andy. "Pero para gumaling ka,
dapat magpahinga ka. Sumunod ka kay Mommy.
Okay ba 'nak?"

"YES PAPA! TAPOS PAPA, PAG MAGALING NA KO PO PU--"

"SHH!" napatakip ng bibig si Andy sa suway ni Adrian.

Nagbulungan ulit sila tapos tumango-tango na lang si Andy habang nakatakip pa rin
ang bibig nya.

Psh.. Sobrang naku-curious na ko huh.. = 3=

After that, nagpaalam na agad si Adrian sa anak namin.

"Chelle. Alis na ko." paalam nya naman sakin.


"Sige.." sinundan ko syang lumabas ng kwarto. "Ay teka. Ano palang pinagbubulungan
nyo ni Andy kanina?"

Nginitian nya ko. Ngiti na matagal ko nang di nakikita sakanya..

"SEC-RET." sabi nya. Psh.

I just rolled my eyes at him. Kala nya ah. Malalaman ko rin kay Andy mamaya ang
secret na yun. =.=

Hinatid ko sya hanggang sala. "So ano.. Diretso uwi ka na noh?"

"Hmm.. Di pa ko uuwi.." sagot nya nang di nakatingin sakin. "Mangbababae pa muna


ko.. Hehe.."

=/
Okay lang.. Okay lang yun Rachellyn. Just breathe deep..

"O-Okay.." sagot ko sakanya. "Good luck na lang sayo.."

Adrian gave me one plain smile then umalis na sya.

I sighed when he left. Nakakasama pa rin talaga ng loob pero..sabi ko nga..okay


lang yun..

Bumalik ako sa kwarto ni Andy. Tulog na sya. Dahil may sakit sya, tatabihan ko na
lang sya matulog.

"Baby ko.. Tulog ka na?" mahina kong tanong pagkahiga ko sa tabi nya.

"OPO!" >o<

HALA! Tulog na raw sya pero sumagot pa sya sa tanong ko!

"Niloloko mo ko baby!" natatawa ko syang pinanggigilan ng yakap! "Hmm.. Baby.. Ano


palang binulong ng papa mo kanina sayo ah?"

"SECRET PO!" ^o^

T3T
"Dali na baby.. Sabihin mo rin kay Mommy yung secret nyo.." pagmamakaawa ko. Hehe.

"EHHH.. MOMMY.. SECRET YUN PO NI PAPA LANG AT NI ANDY PO.." ToT

T3T

Di ako sumuko. Pinilit ko sya at inuto hanggang sa..psh..hanggang sa sumuko rin


ako! Hmp. Nakakainis. Pero di bale na nga. Baka
inuuto lang din ni Adrian 'tong anak namin para sumunod sya sakin. Kaya di ko na
sya kinulit. Pinatulog ko na lang sya.

Maaga ako nagising the next day. Una kong chineck ang baby ko and mainit pa rin
sya. Tumaas pa nga ang lagnat nya eh..

Buti Sabado. Walang pasok. Pinaghanda ko ng lugaw si Andy.

Ginising ko sya nung papakainin ko na sya. Kaso pahirapan sya pakainin kasi wala
syang gana kumain. Naka-ilang subo nga lang ako
sakanya tapos ayaw na nya. Di ko na rin sya pinilit kasi mahirap na, baka magsuka
sya mamaya.

Lalabas na sana ko ng kwarto nya para linisin ang pinagkainan nya nang..

"M-MOMMYYY.." mahina pero pasigaw na tinawag ako ni Andy.


"Yes baby k-- Oh my god.." napatakbo ko pabalik sakanya! NAGNO-NOSEBLEED KASI SYA!
>.<

Ginawa ko ang alam kong magpapatigil sa pagdurugo ng ilong nya. I pinched his nose
while he was tilting his head up.

God.. Kinakabahan ako.. This is not the first time that my baby experienced
nosebleeding pero first time na nangyari toh nang ako lang
ang kasama nya. Dati kasi, nandito si CJ at si mom kaya may nakatulong sakin.

Napawi ang kaba ko nang magtigil ang pagno-nosebleed nya in 5 minutes. Pinagpahinga
ko na ulit sya habang ako, naglinis pa bago
nagsimulang mag-aral sa kwarto nya.

I'm constantly checking him, like every 30 minutes. Mahimbing syang natutulog pero
yung gamot na pinapainom ko sakanya, parang
walang epekto. Di pa rin kasi nawawala yung lagnat nya. Kahit bumaba nga, hindi eh.

Naisip kong punasan sya bago ko sya pakainin ng lunch. Baka sakaling yun ang magpa-
baba ng init nya.
Pero natakot ako nang tanggalan ko na sya ng damit.. God.. Andy has light bruises
on his arms and rashes on his back!

WHERE DID THOSE COME FROM?!

"B-Baby? Baby ko?" nanginginig ko syang ginising. "Baby tell me.. A-Anong
nararamdaman mo? M-May masakit ba sayo? Baby.."

Medyo dumilat sya at umikot ng higa. Pero di nya ko sinagot! Natulog sya ulit!

Oh my God.. Di ko alam ang gagawin ko.. Nanginginig pa rin ako nang abutin ko ang
phone ko. Ehh sino bang tatawagan ko? God, di
ko alam!

"B-Baby.. W-Wait lang ah.." tinatapik ko sya sa binti nya habang iniisa-isa ang
pwede kong tawagan sa phonebook ko.

"Papa.." biglang salita ni Andy habang nakapikit sya.

T-TAMA! SI ADRIAN!

I dialled Adrian's number and..

'Subscriber cannot be reached. Please try again later.'

Tch. Dinial ko ulit ang number nya baka sakaling makontak na sya..

"Papa.." tawag ulit ni Andy. Kasabay nun ay ang pagdasal ko na sana mag-ring na ang
phone ni Adrian..

Pero hindi. CANNOT BE REACHED PA RIN SYA.


"GOD, ADRIAN.. OF ALL TIMES, BAKIT NGAYON KA PA HINDI MAKONTAK?!" naiyak na ko
habang sinisigawan tong phone ko.

Then I thought of CJ. Sya naman ang tinawagan ko. Nag-ring naman yun.

I know he's busy too pero sana sagutin nya.. Please God..

I held my baby's little hand while waiting and hoping..

"Mhie?" THANKS GOD AT SUMAGOT SI CJ!


"C-CJ.." ay naman. Nauna pa iyak ko. XC

"RACHEL? BAKIT KA UMIIYAK?"

"H-Help.. *sob* Di ko alam ang gagawin ko CJ.. S-Si Andy.. *sob* Si Andy kasi..
Puro pasa at rashes at.. *sob* At nilalagnat pa rin sya..
N-Natatakot ako CJ.."

I heard him whisper a curse. "Kalma ka muna Mhie. Then bring Andy to the hospital.
Pupunta rin ako dun to accompany you. Got it,
Mhie?"

"O.. *sob* Oo.."

"Good. Alis na ko para pumunta dun. And just stay calm. Pull yourself together
'cause your baby's going to be fine. Trust him."

Kahit papaano, gumaan ang loob ko sa sinabi ni CJ. Tama sya. I have to pull myself
together and believe that my baby's going to be
fine. He has to be fine..dahil sya ang buhay ko.

Sinunod ko si CJ. Sakay ang taxi, nagpunta kami ni Andy sa hospital. Tulug na tulog
pa rin sya habang nasa byahe kami and it made
me feel very scared. Di ko maiwasang isipin na baka di na sya magising.. XC

Sa hospital, nandun na si CJ. Sinalubong nya kami at sinamahan sa pagpapa-checkup.

Mas kinabahan ako after the checkup. Wala pang sinasabing results pero pina-admit
nila si Andy dito para raw mas maobserbahan pa
sya.

We did admit him in one of the private wards. Doon ay nanatili ako sa tabi ng baby
ko. Ang sakit nga lang para sakin na makita syang
ganito..bedridden at naka-IV. He looks very weak. =/

Buti nandito si CJ.. His comfort is a big help for me..

Kalauna'y dumating yung doktor. Napakaseryoso ng mukha nya.


"Uhm misis.. Based on the result ng checkup at blood test ng anak nyo.. He.. He is
diagnosed of having..dengue. Dengue fever stage
2."

"W-WHAT? S-STAGE 2? DENGUE?" napatayo ko pero parang di ko kaya. Parang nanghina


ako sa nalaman ko.
Buti nasa tabi ko si CJ. Inalalayan nya ko. "Rachel.. Kalma lang muna.."

"KALMA? That's one of the things that I won't be able to do now!" naiyak na naman
ako. "CJ.. May dengue ang anak ko and..and stage
2.. Diba..Diba nakamamatay ang sakit na yun? DIBA?"

"Yes, dengue is a fatal disease but it's different on your son's case." sabi nung
doktor. "Maliligtas ang anak nyo. Pwede natin agapan
ang sakit nya. He can undergo various treatments like blood transfusion but..may
problema kami sa supply ng dugo ngayon eh so I'd
like to suggest his father to.." tumingin 'tong doktor kay CJ. "To donate some
blood for him. Are you willing sir?"

"H-Huh? A-Ako po?" - CJ

"Of course, ikaw. You are this kid's father right?" - Doc

Nagkatinginan kami ni CJ.

"Uh but doc.. Hindi po ako ang tatay nya.." sagot ni CJ.

Tinitigan kami ng matagal ni doc. Parang di nya agad na-gets ang ibig sabihin ni
CJ.

"A-Ah.. Ganun ba.. Sorry.." binaling na lang ni Doc ang tingin nya sa hawak nyang
mga papel. "Anyway..anyone who has the same
blood type as the child may donate blood..or kung wala talaga eh pwede naman tayong
maghintay until our supply comes by..tomorrow
afternoon."

Tomorrow afternoon pa? Parang ang tagal naman? Hindi kaya mapaano na si Andy nun?

Sa takot ko eh di ko na naintindihan ang iba pang sinabi ng doktor.

Basta pagkaalis nya, iniwan ko muna si CJ kasama si Andy. I went out to make a
call. To call Adrian again.

Naluha na lang ako sa ginawa ko. Adrian was still 'can't-be-reached' no matter how
many times I try to call him. I even texted him pero
wala rin.

Sa huli, si Mama Margie ang tinawagan ko. I asked her if she knows where Adrian is
pero..hindi rin nya alam. Neither does Ate Hazel.

"What did they say?" tanong ni CJ nang makabalik na ko sa kwarto ni Andy.


"Di rin nila alam kung nasan si Adrian.. Pero pupunta raw sila ngayon to see
Andy.." mahina kong sagot nang makalapit na ko sa baby
ko.

I held his hand habang tahimik na naghihintay sa pagdating nina Mama Margie. Pero
naalala ko..na sa pagmamadali at pagpanic ko
kanina, di ako nakapagdala ng kahit anong gamit ni Andy. So I asked CJ to go to my
house and bring some stuffs of my baby.

Medyo naghesitate pa sya umalis kasi ayaw nya ko iwang mag-isang magbantay kay Andy
pero pumayag din sya.

Nang kami na lang dalawa ni Andy, huminga ako nang malalim.

I kept my hold on his hand as I started praying again.

Lord God.. Please.. Wag Nyo po hayaang may mangyaring masama sa baby ko.. Please..
Pagalingin Nyo po sya.. Please..

I repeated my prayer for so many times. Hanggang sa dumating na si Mama Margie


kasama si Ate Hazel na...umiiyak?

"Chelle..Sorry!" agad akong niyakap ni Ate Hazel.

"Ate Hazel? B-Bakit po?" tanong ko.

"K-Kasi..kasi kasalanan ko kung bakit di mo makontak si Adrian ngayon! K-Kasi


kinukulit ko sya magdamag sa text k-kaya
ayun..pinatay nya ang cellphone nya.. K-Kung di dahil sakin edi sana..sana alam na
ni Adrian ang mga nangyayari ngayon.." sinisipon
na si Ate Hazel kakaiyak. Para syang bata. "Ch-Chelle.. SORRY.."

"Ate Hazel naman.." niyakap ko rin sya. "Wala kang kasalanan.. Alam ni Adrian na
may sakit ang anak namin kaya di nya dapat pinatay
ang phone nya..dapat alam nya yun.."

"Tama sya Hazel. Wag mo na sisihin ang sarili mo." pinakalma rin sya ni Mama
Margie. "Tsk. Tignan mo mga mata mo oh..nawala na
kakaiyak mo.."

Gusto ko sana tumawa pero alam nyo yung feeling na nakakawalang-gana dahil sa
sitwasyon namin ngayon?

At kanina pa pala umiiyak 'tong si Ate Hazel sabi ni Mama Margie. Mula pa nang
sabihin ko sakanilang may sakit si Andy at kailangan
nya si Adrian for blood tranfusion, naiyak na sya. She feels very guilty, lalo pa't
wala silang maitutulong dahil di nila ka-match ang blood
type ni Andy.

Nung okay na si Ate Hazel, nilapitan nilang dalawa si Andy. They both held his
hands, kissed him and even talked to him kahit ba tulog
ang baby ko.

Later on..

"Hazel.." tawag ni Mama Margie kay Ate Hazel na nakaupo sa bedside at hawak pa rin
ang kamay ni Andy. "5PM na.. May trabaho ka
pa diba? At first day mo pa ngayon dun.."
"Pero Ma.." malungkot pa rin si Ate Hazel.

Nagsigh si Mama Margie at pinunasan ang naluluhang mga mata ni Ate. "Hazel anak,
stop blaming yourself na."

"Oo nga Ate Hazel.." pagsang-ayon ko. "I told you, wala kang kasalanan. And don't
worry, my baby's going to be fine, sinabi na yun ng
doktor nya so please..wag ka umabsent sa first day ng work mo dahil dito.."

Malungkot na tinitigan ni Ate Hazel si Andy. Then she kissed him on the forehead.

"Andy beybe.. Aalis na ko ah? Pagaling ka.. Pag magaling ka na, promise, ililibre
kita sa McDo.. At yaan mo, pag makita ko papa
mo...bu..bubugbugin ko sya para sayo.." she kissed him again, longer. "Tsaka..
Tsaka sorry ulit.."

Ako ang next na nilapitan nya after Andy. She hugged me and said sorry again before
she took her leave.

Si Mama Margie naman ay nanatili dito kasama ko. Ayaw nya raw ako iwang mag-isa
kaya hihintayin na lang daw nya dumating si CJ.

Si CJ nga pala.. Parang ang tagal nyang bumalik ah?

At kung kailan ko yun napansin ay tsaka sya dumating.

Nagulat sya nang makita nya si Mama Margie.

First time nga pala nilang nagkita ngayon..

Pinakilala ko sila sa isa't isa and they shook each others' hands.
"Finally, nakilala rin kita.." masaya si Mama Margie. "Salamat sa pag-aalaga sa apo
ko at kay Chelle.. Especially now..now that Andy's
sick and his real father is nowhere to be found.. Pasensya na ah?"

"Di po yun problema.. I don't mind it all.." nakangiting napayuko si CJ.

Pansin ko lang, medyo hinihingal si CJ. Di kaya inaasthma sya? =/

Nagpaalam na si Mama Margie soonafter that. Bibisita na lang daw sya bukas.

Si CJ naman, napaupo sa tabi ni Andy. Tulala sya.

Lumapit ako sakanya at hinawakan ang mukha nya. "Dhie.. Hinihingal ka.."

"A-Ah.. Oo.. Nagmadali akong umakyat dito eh kasi..kasi ang tagal kong makabalik..
I.. I was worried about you.."
Then he pulled me for a tight hug.

I hugged him back because I needed it..

I needed it for comfort and to show him how thankful I am that he's here..

Buti pa kasi sya, nandito at naaasikaso kami ni Andy kahit busy sya. Samantalang si
Adrian na totoong tatay ng anak ko..wala..

Anong oras na..di pa rin nagpaparamdam ang lalaking yun..

Di nya ba binuksan maghapon ang phone nya? Ano naman kayang pinagkakaabalahan nya
ngayon? Di man lang nya ba naalalang
kamustahin ang anak naming may sakit?

At asan na ba sya? Wala sya kina Mama Margie, wala sya sa unit nya, wala sya sa mga
barkada nya. JUST WHERE ON EARTH IS
HE NOW??

'Hmm.. Di pa ko uuwi.. Mangbababae pa muna ko.. Hehe..'

Naluha ako nang bigla kong maalala ang sagot na yun ni Adrian sakin kagabi.

Nangbabae nga pala sya and now, he's missing.

Tch. HOW COULD HE BE THIS IRRESPONSIBLE? Ngayon pa kung kailan pinaka-kailangan sya
ng anak namin?
Di ko tuloy mapigilan ang sarili ko na makaramdam ng..ng galit sakanya..

I..

I HATE HIM.. I HATE ADRIAN.

xxxxxx

x40: Father Material (part2~)

[ADRIAN's PoV]

"PAPA! PAPAAA!" malakas na sigaw ni Andy habang kumakaway sa kabilang side nitong
kalsada.

Ang wagas lang nya makasigaw nang makita nya kong dumating. Parang di sya galing sa
sakit ah.
"PAPAAA!" sigaw nya ulit sabay takbo papunta sakin!

"T-TEKA ANDY! WAG KA TUMAKBO!" sigaw ko naman.

MAY SASAKYANG MABILIS NA DADAAN EH!

"ANDY! WAG!" tatakbo ako papunta sakanya pero yung mga paa ko! Bakit ayaw gumalaw?!

Binalikan ko ng tingin ang anak ko. PERO NAKAHINTO NA SYA SA GITNA NG KALSADA
HABANG YUNG SASAKYAN, PAPALAPIT
NA SAKANYA!

Argh! Di toh pwede! Kailangan may gawin ako!

"A-ANDY!!" ayaw pa rin gumalaw ng mga paa ko pero pinilit ko. Ugh! GUMALAW KA! ANG
ANAK KO! KAILANGAN KO SYA ILIGTAS!
ARGHH--

*BAGH!!*

"A-ARAY.." napahawak ako sa noo ko.


Nahulog kasi ako mula dito sa sofa habang natutulog ako at sakto.. una mukha ko
nang mahulog ako.

Tsk. >___<

Sinubsob ko ang mukha ko sa mga palad ko. Antok pa ko eh at ang sakit pa ng mga
mata ko.

Then inikot ko ang tingin ko dito sa bahay. Ang gulo lang..

Nandito kasi ako sa bahay namin sa Bulacan. Dito sa una naming bahay kung
saan..alam nyo na..maraming nangyari.

Ay.. Anong oras na ba?

Chineck ko ang cellphone ko. Pero nakapatay nga pala toh. Tsk. Si Ate Hazel kasi.
Wagas lang makabulabog sa text at tawag kaninang
madaling araw para lang ipagmayabang na may bagong trabaho na sya.

Malamang finlood ako ng text nun nang di na nya ko makontak. Ayoko pa magbasa ng
mga kalokahan nya kaya iniwan ko na lang
yung cellphone sa ibabaw ng center table nang di yun ino-on.

Nagpunta kong kusina para maghilamos at kumain ng chichiryang binili ko sa


convenience store kaninang umaga.

Mga 8AM pa ko nandito eh. Pagdating ko nilinis ko muna yung sala na puro alikabok
tapos natulog ako.
Ngayon, sa tingin ko.. 1 or 2PM na. Yung sinag kasi ng araw sa labas oh.

Matapos ko kumain, umakyat ako sa kwarto ko dati na nasa 2nd floor.

Doon, pumasok ako't umupo sa kama ko.

Di ko maiwasang mapangiti.

Dito kasi yun eh.. DITO MISMO. Hehe.

Tss. Makapag-ayos na nga muna.

Nagpagpag ako para maalis ang mga alikabok sa paligid. Inusog ko rin yung ilang
muebles papuntang gitna at naglatag ng mga
lumang dyaryo sa sa sahig. Tapos bumaba ako ulit para naman kunin ang dalawang lata
ng pintura sa kotse ko.

Tama. Magpipintura ko. Papalitan ko ng kulay itong kwarto ko. From dirty white,
gagawin ko itong blue tulad ng gusto ng anak ko.

Di na ko nagpalit ng dami. Diretso pintura na ko.

Sa ngayon, ito muna ang gagawin kong pagbabago sa bahay na toh. Tsaka na yung iba,
tulad ng sa sala at sa kusina. Ginagawan ko
pa ng plano ang mga yun eh.

Ang mahalaga may maipakita ko kay Andy pag dinala ko sya dito. Napasubo ako eh.
Naipangako ko sakanya kagabi na dadalhin ko
sya dito pag gumaling na sya. Kaya ito muna..inuna ko muna itong magiging kwarto
nya sakaling...

..sakaling tumira kami dito nina Chelle.

Pero.. MANGYAYARI PA KAYA YUN?

Natawa ko. Alam ko namang imposible yun eh.

Pinapaasa ko lang ulit ang sarili ko. Para talaga kong tanga.

Pero di bale.. Kung hindi pamilya namin ni Chelle ang titira dito..edi yung
magiging pamilya na lang ng anak namin.. Ipapamana ko na
lang toh sakanya.

"HA.. HA.. HACHOO!" Amp. Ang kati ng-- "HACHOO!"

AMP TALAGA! Nangati na ilong ko. Ilang beses pa kong binahing habang nagpipintura
dahil dun.

At sa loob ng may mahigit dalawang oras yata ay natapos ko ring magpintura dito.
WEW. Kangawit sa braso!
Nagpahinga ko sa sala. Binuksan ko na yung cellphone ko para matawagan si Andy.
Sasabihin ko nang madadala ko na sya dito. Yun
eh kung tuluyan na syang magaling.

As expected, pag-on ko nun, puro text messages ng lokaret kong pinsan ang dumating.

Oh, meron ding iba. Merong galing kay Mama at kay.. kay Chelle.

Syempre, inuna ko ang text na nanggaling sa pinakamamahal kong babae.. HAHA. EWAN.
Basta yung kay Chelle. Mahal ko yun eh..

-- text msg. from: Chelle


'adrian?asan knb?bkt di kta mtawagan?god adrian pls wen u read dis,pls go to d
hospital.our andy needs u.pls..he needs ur blood..may
dengue xa adrian.pls sna mbasa mo na 2 :('
--
A-ANO?! DENGUE?!

Napatakbo ko palabas ng bahay at sumakay ng kotse ko.

Binuhay ko ang makina nun habang binabasa ang iba pang mga text na dumating.

Lahat ng text ni Chelle, nagmamakaawa sya. Pati yung ibang text ni Ate Hazel at ni
Mama, ganun din ang sinasabi. Hinahanap nila ko
dahil nga may sakit si Andy at kailangan nya ko para sa blood transfusion.

Madali akong nagdrive pa-Manila, papunta sa ospital na sinabi ni Chelle.

Tinawagan ko sya habang nagmamaneho ako pero di naman sya makontak! AMP!

Si Mama.. Sya ang sunod kong tinawagan.

Agad syang sumagot. "OH ANAK! AS--"

"MA! S-SI ANDY PO?! ANONG NANGYARI SAKANYA?! DI KO MAKONTAK SI CHELLE EH!"

"Oo, malamang lang na di mo sya makontak kasi bawal ang phone sa room ni Andy! Eh
ikaw ba asan ka na ba ah? Alam mong may
sakit ang anak mo pero kung saan-saan ka nagpupupunta!"

"Tsk. Ma? Si Andy? Ano na po bang lagay nya?"

"Nasa stable na kondisyon sya pero kailangan nya pa ring salinan ng dugo. Bukas pa
sya naka-sched mag-undergo ng blood
transfusion kasi bukas pa raw yung dating ng blood supply pero anak naman..dengue
stage 2 yun. Kung papatagalin pa natin yun,
baka kung anong mangyari sakanya.."

Napailing ako. Nangigigil ako sa sarili ko.


"Adrian.." malungkot na tawag ni Mama. "Kailangan na kailangan ka ng anak mo
ngayon.. Asan ka na ba ah?"

"O-On the way na po ko dun sa ospital.."


"Ah sige sige. Dalian mo na pero ingat sa pagdrive.. Baka ikaw naman ang mapano
nyan.."

"Opo.. S-Sige.."

Huminahon ako at nagpatuloy sa pagmaneho.

Pero di pa rin ako mapakali. Lalo na nang maalala ko yung panaginip ko kanina..

Ang anak ko.. Ang anak namin ni Chelle.. Mawawala samin? Di pwede yun.. Ayoko..

Madilim na nang marating ko yung ospital. Ang traffic ba naman kasi.

Pagpasok ko sa loob ay tumakbo ako at nagtanong sa helpdesk. Sa room 304 raw naka-
admit si Andy.

Sa 4th floor yun. Umakyat ako dun sakay ang elevator tapos ay muling tumakbo sa
kung saan naroon ang kwarto ng anak ko.

Room 304. Andy Louis Quintos. Dengue patient.

Kumatok ako roon. Hindi mabilang at sunud-sunod na katok ang ginawa ko. Hanggang sa
may nagbukas na ng pinto.

Si Chelle..

Nagulat sya nang makita nya ko.

"C-Chelle.." napunta ang tingin ko sa loob ng kwarto. Bumigat ang loob ko sa nakita
ko.

Si Andy.. Ang anak namin.. Nakahiga roon at naka-swero.

"Nagpunta ka pa.." may galit sa boses ni Chelle. Naging matalim din ang tingin nya
sakin. "Kamusta ang pangbababae mo kagabi?"

"H-HUH? Anong--"

"Masyado ka bang nasarapan at nakalimutan mong may sakit ang anak natin? Huh?"
sarkastiko syang tumawa. "Bakit ko ba tinanong
yun.. Malamang lang na nasarapan ka. Nagawa mo pang i-off ang phone mo eh para di
ka maistorbo."
"Chelle? Hin--"
"UMALIS KA NA." naluluha pero matapang nyang sabi. Isasara na nya itong pinto pero
pinigilan ko sya.

"CHELLE?! ANO BA?! WAG KA NGANG GANYAN! KAILANGAN AKO NG ANAK NATIN!"

"KAILANGAN?! DI KA NYA KAILANGAN ADRIAN! DI NYA KAILANGAN NG WALANG KWENTANG TATAY


TULAD MO!"

Natigilan ako sa sinabi nya.

Ako.. Walang kwentang tatay..

"NARINIG MO BA KO AH?! D-DI KA KAILANGAN NI ANDY! MA.. MAGAGAWA NYANG MABUHAY AT


GUMALING K-KAHIT WALA KA
KAYA.. KAYA UMALIS KA NA ADRIAN.. U-UMALIS KA NA!!"

*PAG!*

[RACHELLYN's PoV]

*PAG!*

Padabog kong sinara itong pinto matapos kong pagsalitaan at ipagtabuyan si Adrian.

Pagkasara ko naman nun, tuluy-tuloy na tumulo ang luha ko.

Mabilis kong pinunasan yun. Baka magpumilit pumasok si Adrian eh at makita nya kong
ganito.

Inaasahan kong kakatok ulit sya. Naghintay ako ng ilang segundo, ng ilang minuto
pero..di na sya kumatok pa ulit.

Ganun na lang ba yun? Di man lang nya ba ipaglalaban ang anak nya?

Muli na namang tumulo ang mga luha ko.

Nakakainis sya.. Talagang nakakainis si Adrian..


Pero..naiinis din ako sa sarili ko..

Kanina ko pa pinagdarasal na sana makontak ko na sya pero ngayong nandito na sya,


nangibabaw naman ang galit ko at
pinagtabuyan ko pa sya.

Gusto ko sanang kumatok sya ulit at ipilit nyang makita nya ang anak namin pero pag
ginawa nya naman yun, paniguradong magagalit
lang ako ulit sakanya at papaalisin ko sya.
Ahh ang gulo ko.. >.<

"Papa.."

Sumakit ang puso ko sa pagtawag na yun ni Andy. Kanina pa sya ganyan, hinahanap ang
papa nya kahit tulog sya.

Naiiyak akong bumalik ng upo sa tabi nya at hinawakan ang kamay nya.

"Baby ko.. Sorry ah? Sorry ang selfish ni Mommy.. Alam kong kailangan mo ang papa
mo ngayon pero..pinagtabuyan ko sya.. Sorry
ang sama ko.. Sorry baby.. Sorry.."

I kept on whispering sorry to him until I got tired of it.

Tulala lang ako habang hawak pa rin ang kamay nya at nag-iisip.

Si Adrian.. Di na ba sya babalik? ;(

I was very deep in thought when someone suddenly wrapped his arm around my
shoulders.

"Mhie.."

Si CJ pala toh. Di ko man lang namalayang nakabalik na sya.

"Sorry natagalan ako. Ang daming tao sa canteen nila eh and I also made a few
phonecalls."

Inayos nya sa may small table sa tabi ng sofa ang dalawang packed-meals and drinks
na binili nya.

"Kain na tayo Mhie.." yaya nya sakin.


"Ayoko.." binalik ko ang tingin ko kay Andy.

"Pero Rachel? Kaninang tanghali ka pa di kumakain."

"Si.. Si Andy rin naman eh.. Parehas lang kami na di pa kumakain mula pa kaninang
tanghali. Tapos ako..kakain ngayon? Habang
sya..ganyan lang?" di ko na naman napigilang umiyak. "Ayoko nun CJ.. Dapat..sabay
kami.."

Napasigh si CJ. Lumapit sya at lumuhod sa harap ko.

"Rachel." hinawakan nya ang mga kamay kong nasa lap ko. "Kumain ka na. 'Cause if
you don't, you'll get ill as well. At kung manghina
ka, sa tingin mo ba maaalagaan mo pa ang baby mo? NO, diba? Ganun ba ang gusto mo
mangyari? Mapabayaan sya kasi
pinabayaan mo ang sarili mo?"
Umiling ako sa tanong nya. "G-Gusto ko syang alagaan CJ.. H-Hanggang sa gumaling
sya.. G-Gusto kong gumaling na sya.."

"Then you have to eat and stay strong.." pinunasan nya ang mga luha ko.

"C-CJ.. Si.. Si Adrian pala.."

Napahinto si CJ sa biglang pagbanggit ko kay Adrian.

"H-Hindi mo ba sya..nakita?" tanong ko pa.

"I didn't. Mukhang wala namang balak na magpakita ang lalaking yun dito."

"H-Hindi.. CJ.. Nandito sya..kanina.. Dumating na sya kanina.." kita kong nagulat
ulit si CJ sa sinabi ko. "Pero.. Pero pinagtabuyan ko
sya CJ.. Kailangan sya ni Andy pero na..nagawa ko syang ipagtabuyan.. Ang sama
ko.." ;'(

"N-No.. No you're not. Kasalanan nya yun kung nagawa mo yun sakanya."

"Oo.. Pero--"

"Rachel, kung nagpapaka-ama talaga sya edi sana nandyan pa sya at hindi basta-basta
umalis. Pero hindi eh. He just gave up and
took his leave without doing anything for your baby."

Tama sya.. Di man lang nagpakita kahit kaunting effort si Adrian na matulungan ang
anak namin.. ;(
"Don't worry Rachel.." sabi pa ni CJ sabay yakap sakin. "Wala man si Adrian, di ka
pa rin nag-iisa sa pag-aalaga sa baby mo. I'm here."

Oo nga.. Bakit ko pa ba hinahanap ang wala? Nandito naman si CJ.. Si CJ na parang


tatay na rin talaga ni Andy..

"Even without Adrian's help, Andy's going to be fine so stop worrying already, okay
Mhie?"

Tumango ako habang nakayakap sakanya. Nakumbinsi nya rin akong kumain kahit kaunti
lang.

Maya-maya dumating na yung nurse na regular na nagchecheck-up kay Andy. Ganun kasi
every 4 hours, ichecheck yung temperature
nya at kung anu-ano pa.

"Hmm.. Nabawasan na ang rashes nya at bumaba na ang lagnat nya." masayang sabi ng
nurse. "And good news po pala. Pwede na
po masalinan ng dugo ang anak nyo mamaya."

Nakangiting nagkatinginan kami ni CJ. Thanks God.

"T-That's great. Buti napaaga ang dating ng blood supply nyo." sabi ko.
"Eh? Hindi po. Hindi po yung supply ang gagamitin namin. Di nyo po ba alam na may
nagdonate ng dugo para sa anak nyo?"

Nagkatinginan ulit kami ni CJ sa sinabi ng nurse.

"N-Nagdonate? Wala kaming alam.." sagot ko.

Wala nga kaming alam pero..may hinala na ko. Hindi kaya..

"Ah, sino po bang nagdonate? Alam mo po ba?" tanong ko.

"Oo naman." sagot ng nurse. May binabasa sya sa papel na hawak nya. "Ah ito. ADRIAN
LOUIS GUILLERMO."

TAMA ANG HINALA KO! SI ADRIAN NGA!

"ADRIAN LOUIS.. ANDY LOUIS.. Hmm.. Mag.. Mag-ama ba sila o ano?" curious na tanong
ng nurse.

"Oo, mag-ama sila." sagot ko nang..nakangiti.


Di ko itatanggi, masaya ko.

Masaya ko sa ginawa ni Adrian. Akala ko kasi balewala lang sa kanya ang kalagayan
ng anak namin ngayon pero ito..nakapagdonate
na pala sya ng dugo.

So ngayong gabi, natuloy salinan ng dugo si Andy.

Gising-tulog-gising-tulog sya all through the process pero di sya nagsasalita.


Kampante naman na ko kahit ganun. Basta ang
importante ay nasalinan na sya ng dugo at gumigising sya.

After the blood transfusion process, hinanap ko naman si Adrian sa loob-loob ko.

Alam kong nasabihan ko sya ng masasakit na salita kanina pero sana..sana bumalik pa
rin sya dito. Sana puntahan nya pa rin si Andy.

Kaso palalim na nang palalim ang gabi, di pa sya dumadating.

Siguro umuwi na sya.. :(

HAAAY.. Siguro nga..

Bukas na lang. Bukas, kakausapin ko sya..

Inaayos ko ang kumot ng baby ko nang napansin ko si CJ. Tahimik at tulala syang
nakaupo sa sofa.
Malamang pagod na sya. Masyado na namin syang naabala ni Andy.

"Dhie." tumabi ko sakanya. "Uwi ka muna at magpahinga sa inyo."

"No. Di kita iiwan dito.."

CJ talaga..

Nginitian ko sya't niyakap. "Thank you Dhie.."

"Wala yun.." his one arm hugged my shoulders and he kissed me on my cheek.

"PERRRO.." humiwalay ako para titigan sya sa mga mata nya. "Uwi ka muna. Gusto ko,
magpahinga ka sainyo. Dami mo nang pagod
dahil samin ni Andy oh." T3T

"Hmm.. Sige.. Pero babalik din ako agad dito mamaya ah?"

"Ehh bahala ka. Basta ang gusto ko, makapagpahinga ka. At maligo. Baho mo na eh."
=3=

"TALAGA?" O.o

Natawa naman ako sa reaksyon nya.

Yayakapin ko ba kasi sya kung mabaho sya? Ang bango nga nya eh. Lagi.

"Tss. Uwi na nga ko." =___=

Hala.. Nagtampo na.. Haha.

Sinabayan ko sya sa paglabas habang nakayakap sa braso nya.

"Tawagan mo na lang ako pag may papadala ka pagbalik ko ah?" paalala nya sakin.

"I will." ako ang nagbukas ng pinto.

Pagbukas ko nun, nagkagulatan pa kami nitong lalaki na nakatayo sa tapat mismo ng


pintuan.

*budum*budum*

Oh my.. It's..

IT'S ADRIAN.
xxxxxx

x41: Father Material (part3~)

[ADRIAN's PoV]
Kakatok ba ko o hindi?

Kakatok ba ko o hindi?

ARGH! Di ko na alam kung ilang beses ko na yan tinanong sa sarili ko at kung gaano
na ba ko katagal na nakatayo dito sa tapat ng
kwarto ng anak ko.

Balita ko sa nurse na umasikaso sakin kanina, naisalin na raw sa pasyente yung


nakuha nilang dugo sakin.

Ibig sabihin lang nun, tinanggap ni Chelle ang tulong na binigay ko.

Pero ako.. matatanggap pa kaya nya?

"I will." rinig ko ang boses ni Chelle mula sa loob ng kwarto.

Potek. Lalabas yata sya!

At nagbukas nga 'tong pinto.

Si Chelle ang una kong nakita. Tulad kanina, nagulat din sya nang makita nya ko.

Nasa tabi rin pala nya si CJ at.. nakayakap sya sa braso nito.
Tsk. Ka-ilang.
Gusto ko sanang maglakad paalis kasi baka magalit lang ulit si Chelle sakin. Pero
para namang naka-glue na tong mga paa ko sa
sahig! Amp.

"Uh--"/"Ad--" nagkasabay pa kami ni Chelle sa pagsasalita. Tapos natahimik kami.

"Uhh ano.." ANO NGA BANG SASABIHIN KO?

Kasi naman.. Nahihiya ako kay Chelle.. Yung mga sinabi nya sakin kanina, masyadong
tumagos sa buto ko.

"Adrian.." mahinang tawag ni Chelle. "Si..Si Andy.. Kung gusto mo sya makita, pwede
ka pumasok sa loob.."

Ramdam kong nagliwanag ang mukha ko sa sinabi nya.

"T-TALAGA? PWEDE NA?" tanong ko.

Tumango sya at bumitaw kay CJ. "Hmm.. Sige CJ.. Inga--"

"Bakit di na lang kaya sya ang pagbantayin mo kay Andy?" bigla at seryosong
suggestion ni CJ.

Napatingin sakin si Chelle. Para syang nag-iisip?

"Rachel, buong araw mo nang binabantayan at inaalagaan ang anak nyo. Kailangan mo
rin namang magpahinga. And don't you think
it's time for Adrian to do MORE of his part as your baby's father?"
HINGA NG MALALIM, ADRIAN.. Huuu..

Alam ko ang gusto ipahiwatig ni CJ. Alam kong pasimple nyang pinamumukha sakin ang
pagkukulang ko bilang tatay ng anak namin ni
Chelle.
Nakakainis pero..di dapat ako mainis.. Totoo yun eh..

"Pero CJ..kailangan ding magpahinga ni Adrian.. Kinuhanan sya ng dugo kaya di sya
dapat mapagod.." - Chelle

"OKAY LANG CHELLE." pagsingit ko sa usapan nila. Binigyan ko sila ng medyo pilit na
ngiti. "Nakapagpahinga na ko kanina matapos
akong kuhanan ng dugo. Mahigit isang oras din akong nakatulog nun ah kaya okay lang
na bantayan ko ang anak natin ngayon. Tsaka
di naman gaano nakakapagod ang magbantay eh. Lalo na't gabi na."

Nagpout sakin si Chelle.

"Sige na Chelle.." pagpipilit ko sakanya. "Magpahinga ka na sa inyo.. Ako na munang


bahala kay Andy.."

"Mhie." hinawakan ni CJ ang kamay nya. Tss. "Wag ka na tumanggi. You need a rest."

Nagisip pa muna ng ilang saglit si Chelle bago sya pumayag. Tapos pumasok na kaming
lahat sa kwarto.

Agad akong dumiretso ng upo sa tabi ng anak ko na napakahimbing ng tulog.

Mas okay na sya tignan ngayon. Di na kasi sya nakaswero pero halatang nanghihina pa
rin sya.

Habang nag-aayos naman ng ilang gamit si Chelle, pina-alalahan nya ko tungkol sa


kasalukuyang lagay ng anak namin. Tawagan ko
na lang din daw sya kung sakaling may kailangan ako at kung may mangyari na kung
ano kay Andy na sana eh wala naman..

Tapos umalis na sila ni CJ. Holding hands pa nga sila eh..

Haay..

Twing nakikita ko silang ganun, di ko talaga maiwasang..magselos? Mainggit?


Manghinayang?

Tsk.
Babalewalain ko na nga lang ang mga pakiramdam na yun. Kahit ngayon lang. Kahit ba
nasasaktan talaga ko sa loob-loob ko kasi
parang lahat na lang ng nangyayari sa paligid ko, kontra sakin.

=___=

HA-HA. Nakakatawa. Nagdadrama na ko dito. Tss..

Hinawakan ko na lang ang maliit na kamay ng anak ko at hinalikan yun.

Di ako relihiyosong tao. Di ako pala-dasal pero ito ako ngayon, nagdadasal.

Pinagdarasal ko na sana malagpasan ng anak ko ang sakit na toh.


Pangako, natuto na ko sa pagkakamali ko kanina kaya sana mabigyan pa ko ng chance
ng Diyos para maalagaan sya nang doble. Ah,
hindi, triple.

Please, sana gumaling na sya.. Sana bumalik na sya sa dati.. Sana bumalik na yung
lakas nya, yung kakulitan nya, yung ingay..

At sana, maging maayos na rin ang relasyon namin ng mommy nya.. Kahit di na bumalik
ang relasyon namin sa level na gusto ko
talaga mangyari basta ba, magkasundo na kami ulit.. Pipilitin kong makuntento kaya
sana..sana magka-ayos na kami para sa anak
namin.. Sana.. Sana..

***

**

***

"Mister? Uhm, Mr. Guillermo? Gising na--"

"HINDI AKO NATUTULOG!" sigaw ko.

Huh? Ba't ba ko sumigaw? =___=


"Pfft.. Hahaha." rinig kong may tumawang babae sa likuran ko.

Lumingon ako roon. Nurse pala toh.

Ahh teka. Sya rin yung nurse na umasikaso sakin kahapon.


"Pasensya na po Mr. Guillermo.." pinipigilan nya na tumawa. "Kayo kasi..di raw
natutulog pero..pfft..todo hilik kayo nung dumating
ako.."

Tss. Napakamot ako ng ulo. Oo na, nakatulog nga ko. Eh sa inantok ako habang
nagbabantay eh.

Buti na lang, walang nangyari na kung ano sa anak ko buong magdamag habang tulog
ako..

Tumayo na ko mula sa pwesto ko at hinayaan yung nurse na gawin ang trabaho nya na
icheckup si Andy.

Chineck nya ang katawan nito, pati na rin yung temperature, heartrate at pulserate.

Pero nung sa pulserate na, biglang nagising si Andy. Una, naalimpungatan pa sya
pero nang makita nya ko..

"P-PAPAA!!" hala. Pinilit nyang bumangon habang pinupulsuhan sya! "PUNTA NA TAYONG
BIG HOUSE PO?!" *O*

"Ah anak, di pa." tumabi ako sakanya at pinaayos sya ng higa. "Behave ka muna,
chineckup ka pa ni Miss nurse oh."

Sumunod si Andy. Nagbehave sya habang yung nurse, natatawang tinapos ang trabaho
nya.

"Okay.. Yung heartrate and pulserate, both normal. Yung temperature, a little above
normal. Pwede pa yun tumaas at bumaba anytime
but don't worry much. It's part of the recovery process. Also, his rashes and
bruises are still present pero nabawasan na ang mga yun
compared sa kahapon." sabi ni nurse habang may sinusulat. Tapos nginitian nya ko.
"Hmm.. I can say na medyo mabilis ang paggaling
ng anak nyo, Mr. Guillermo." ^___^
Napasigh ako. IN RELIEF.

"Buti naman.." ginulo ko ang buhok ni Andy.

"EDI PAPA NGAYON PUPUNTA NA TAYONG BIGHOUSE PO?!" ^o^ - Andy

"Haha, di pa noh!" nawala ang ngiti ni Andy. Nagpout sya, ala-Chelle. "Syempre,
dapat gumaling ka muna ng tuluyan, anak. Pag sinabi
na nito ni Miss nurse at ng doctor mo na pwede ka nang lumabas dito sa ospital,
tsaka lang kita dadalhin dun."

Tumingin si Andy kay Nurse nang nakapout pa rin.

"Totoo yun baby. So be a good boy first para gumaling ka na at makalabas ka na


dito." kinurot ni nurse ang pisngi ni Andy tapos
tumingin sya sakin. "Hmm, sige, alis na po ko." ^___^

"Sige. Salamat."

Pagkaalis ng nurse, sabay kaming naghilamos ni Andy sa CR nitong kwarto nya.

"PAPA!! SI MOMMY PO??" tanong ni Andy pagkabalik nya ng higa sa kama.

"Umuwi eh. Pero pabalik na yun dito." sagot ko kahit di ako sigurado kung pabalik
na nga ba si Chelle.
"PAPA! PAPA!" grabe. Di pa sya tuluyang gumagaling eh ang hyper na nya. Paano pa
kaya pa magaling na talaga sya?

Bigla na lang ako napangiti. Narealize ko kasi na sinagot ng Diyos ang dasal ko
kagabi.. Salamat naman..

"PA-PAAA!" tinuro nya ko.

"Bakit 'nak?" umupo na ko sa tabi nya.

Mula sakin, may tinuro naman sya sa braso nya. "BAKIT PO PAREHAS TAYONG MAY SUGAT
DITO PO?!"
Ay. Oo nga noh? Parehas kaming may sugat na naka-plaster sa braso. Yun yung parte
kung saan ako kinuhanan ng dugo habang
yung kanya, yung part na sinalinan.

"Parehas tayong may ganito kasi..uhm..kasi mag-ama raw tayo. At parehas daw tayo
gwapo. Hehe."

"Ooh.." namangha naman daw ang inosente kong anak. "Hihi.." ^3^

Tinignan ko ang oras sa relo ko. Passed 7AM na. Ano kayang oras babalik si Chelle?
Wala kasi syang nasabi kagabi. Basta babalik
daw sya dito nang maaga ngayon.

"PAPA! NAGUGUTOM NA KO PO!" ^o^

Patay.. Anong ipapakain kong almusal sakanya eh wala namang pagkain dito?
Napakamot ulit ako ng ulo. Di ko alam ang gagawin ko.

Gusto ko sana sya bilhan ng makakain kaso di ko naman sya pwedeng iwan nang mag-isa
dito.

"PAPA! GUSTO KO NG APPLE PO!" may tinuro ulit sya sa may maliit na mesa sa tabi ng
sofa.

ANG GALING! MAY FRUIT BASKET PALA DUN!

Kumuha ako ng dalawang red apple dun. Hinugasan ko sila bago balatan.

"NO PAPA! WAG MO ITANGGAL YUNG BALAT PO!" >O<

"Eh? Hehe.. Okay.." sinunod ko sya. "Ah, 'nak, gusto mo ba gumawa ko ng bunny
apples?"

"BUNNY APPLES??" O___o


"Oo. Bunny apples. Rabbit na apple."

"WAAAA RABBITS?! NA APPLE PO?!" *o*

Natawa ko. Di nya pala alam yun?

"Ahuh, anak. Rabbits na apple. Ipapakita ko sayo ah, teka..."


[RACHELLYN's PoV]

5AM pa lang, bumangon na ko.

Paputul-putol naman kasi yung tulog ko. Di ko pa rin maiwasang mag-alala sa baby ko
eh..

Nagluto na lang ako pagkagising ko. Nagluto ako ng chicken sopas!

Marami na ang niluto ko para sa baby ko at kay Adrian. AH! S-Syempre, pati na rin
para sakin.. >///<

8AM pa pala ko susunduin ni CJ. Pero dahil di na ko makapaghintay, nagpunta na ko


ng hospital ng mga pa-7AM. Tinext ko na lang
sya na mauuna na ko doon.

Sa hospital, bumili muna ko ng gamot ni Andy na pinrescribe ng doctor nya bago ko


dumiretso sa kwarto nya.

Eh.. Medyo naka-open yung pinto.. O___o

Nakarinig ako ng tawanan mula sa loob.

Sumilip lang muna ko sa maliit na uwang ng pinto at..kita ko yung mag-ama.


Nagtatawanan sa kama. Tinatawan nila yung..yung
walong hiwa ng apple sa may plato? Ang adik naman nila!
Pero..yung baby ko..tumatawa na sya.. Unti-unti na syang bumabalik sa dati.. Ang
saya lang.. :')
"WAAA ALAM KO NA PO!" isa-isang tinuro ni Andy yung bawat hiwa ng apple. "ITO SI
PAPA-RABBIT APPLE! SI ANDY-RABBIT
APPLE! SI MOMMY-RABBIT APPLE! SI DADDY-RABBIT APPLE! SI TITA HAZEL-RABBIT APPLE! SI
LOLA-RABBIT APPLE! SI
GRANMOM-RABBIT APPLE! AT SI GRANDAD-RABBIT APPLE! WEEEE~" ^O^

O___O

RABBIT APPLE?

ANO YUN?!

Pumasok na ko ng kwarto at nilapitan silang mag-ama.

"OH CHELLE?" - Adrian

"MOMMYYY!" ^o^ - Andy

Di ko sila pinansin.

Tinitigan ko nang malapitan yung mga hiwa ng mga apple na nasa lap ni Andy.

Hmm.. AH! KAYA PALA RABBIT APPLE!

Malamang, parang rabbit yung apple. Pero ang galing! Kasi yung balat yung naging
rabbit ears! *o*
( A/N: example ng bunny/rabbit apples duuun sa gilid~ X3 ====>> )

"Uhm Chelle.. Baba muna ko ah?" napatingin na ko kay Adrian. "B-Bibili lang ako
ng..almusal ni Andy.."
"A-Ah, oo, almusal.. Sige.. Ay, hindi! M-Meron pala kong dala!" ANO BA TOH! NAUUTAL
NA NGA KO, MALI-MALI PA! >3<

Psh.. Hindi naman na nagpumilit na bumaba si Adrian. Kaya hinanda ko na yung dala
kong pagkain at kumain kaming tatlo.

Ang awkward nga lang ng paligid namin habang kumakain.. Ramdam ko yung..yung
coldness sa pagitan namin ni Adrian..

Haay..

Nagkaganito kami ngayon dahil sa ginawa't pinagsasabi ko sakanya kagabi.. Masyadong


nakakasakit yung mga binitiwan kong salita..

Ayt.. Malamang lang na masama ang loob sakin ni Adrian ngayon.. Gusto ko tuloy mag-
sorry.. ;(

Kaya after namin kumain..

"A-Adrian.." tawag ko sakanya.

"Hm?"

"Ano.. S.."
*budum*budum*budum*

Naman eh.. >///<

Di ko sya matitigan nang matagal sa mga mata nya kaya inalis ko ang tingin ko mula
roon pababa..

..pababa sa suot nyang damit.

Oo nga pala, medyo marumi ang damit na suot ni Adrian. May unting mga spot yun ng
pintura yata? Kagabi ko pa yun napansin eh
kaya ngayon, nagdala ko ng damit pamalit nya.
"Chelle?" - Adrian

"Ah, Adrian! S-Suotin mo tong damit! Nagdala ko pamalit mo.." kinuha ko yung damit
mula sa bag ko. "Uhh damit toh ni ano eh..ni CJ.
Pero malinis toh! Tsaka magkasize naman kayo kaya--"

"Di na Chelle.. Thank you na lang.."

=/

"Okay.." binalik ko na lang yung damit sa bag ko. "K-Kung..Kung gusto mo, pwede ka
na umuwi.. Ikaw naman ang magpahinga sa
inyo.."

"Sige.." nilapitan nya si Andy at pinat sya sa ulo. "Anak, alis na ko. Sumunod ka
kay--"
"EHH?! PAPA! WAG KANG UMALIS PO!" niyakap ni Andy ang kamay ng papa nya. "PAPA.."
ToT

"Baby? Wag pasaway.. Buong gabi ka binantayan ng papa mo kaya ngayon kailangan na
nya umuwi.." paliwanag ko kay Andy.

"PERO PO GUSTO KO DITO LANG SI PAPA PO.." >3<

"Baby ko.. K--"

"Chelle, yaan mo na.. Dito muna ko hanggang sa makatulog sya.." - Adrian

Ang lamig lang ng boses nya..

At di ko yun gusto.. =/

"Okay, b-bahala ka.." umupo na lang ako sa sofa.


Habang sila, kwentuhan lang nang kwentuhan sa may kama hanggang sa makatulog na si
Andy.

Ang bilis. Epekto siguro yun ng gamot na pinainom ko sakanya tapos sinabayan pa ng
kamot ni Adrian.

"Bye, anak.. Babalik ako mamaya.." hinalikan ni Adrian ang noo ng tulog na naming
anak.
Nagbabye na sya. Aalis na sya.

"Chelle, sabi pala ng nurse kanina, pwede pang tumaas at bumaba ang lagnat ni
Andy.." sabi nya. "Pero wag daw tayo masyadong
mag-alala..pagaling na sya."

"Ah.." tumango ako sakanya. Di pa rin talaga ko makatingin sa mga mata nya.
"Okay.."

"Geh.. Alis na ko.." naglakad na sya.

Ayan.. Aalis na talaga sya.. Pero ganito pa rin kami.. Galit pa rin sya sakin..

Ayoko ng ganito kami. Di ko alam. Parang..nalulungkot ako? Nasasaktan? Ah basta,


ayoko ng ganitong pakiramdam. Ayoko.

"ADRIAN, SORRY!" sigaw ko bago nya mabuksan ang pinto.

Nilingunan nya ko. Halatang nagulat sya sa sinabi ko.

"A-Adrian.. S-Sorry.. Sa mga sinabi ko sayo kagabi.." :(

"Ahh.. O-Okay lang.." napangiti sya. Ngiti na malungkot. "Dapat lang naman na
makatanggap ako ng mga ganung salita mula sayo..
Totoo naman kasi eh.. Wala akong kwentang tatay.."

"H-Hindi Adrian.. H-Hindi yun totoo.."


Nagcrack na ang boses ko. Ang sakit na nga rin sa lalamunan eh. Tapos sumabay pa
'tong mga namumuong luha sa mga mata ko.
"Adrian.. N-Nasabi ko lang naman yun k-kasi galit ako kagabi.. Kasi maghapon kitang
hinanap p-pero di kita mahanap.. Kasi tinatawag
ka ni Andy pero wala ka.. Yun lang yun eh.. Pero Adrian, di totoong wala kang
kwentang tatay.. Hindi.."

Para kong tanga na punas nang punas sa mga mata ko. Tch. Ayaw kasi tumigil sa
paglabas ng luha! >___<

Pero bahala na.. Mas gusto kong magexplain kay Adrian.

"A-Alam ko, Adrian..na mahal na mahal mo ang anak natin..nakikita ko na ginagawa mo


ang lahat ng kaya mo para sakanya.. Alam
ko..di mo sinasadya yung nangyari kahapon..na di mo rin toh ginusto kaya--"

Natigilan ako nang bigla na lang akong niyakap ni Adrian.

Medyo nakakagaan ng loob ang pagyakap nyang toh sakin.. Medyo lang kasi di pa rin
sya nagsasalita eh..

"Adrian.. Binabawi ko na lahat ng sinabi ko kagabi.. S-Sorry na talaga.." ;(

"Pfft.." A-ABA?! N-NATATAWA SYA?!

"A-ADRIAN?!" humiwalay ako sakanya pero di nya ko pinakawalan. "N-NAKAKAINIS KA!


SERYOSO AKONG NAGSOSORRY T-
TAPOS TATAWANAN MO LANG AKO?!" XC
"Di kita tinatawanan.. Masaya lang ako ngayon.."

"G-GANUN? MASAYA KANG MAKITA NA UMIIYAK AKO?" ;(

Halos matawa na naman sya. Hinigpitan nya pa ang yakap nya sakin pero nagpumiglas
ako.

"N-NAKAKAINIS KA ADRIAN! PAKAWALAN MO NGA KO!"

"Ayoko.. Dyan ka muna.. Kahit saglit lang.."


*budum*budum*budum*budum*budum*

Bakit parang may something sa sinabi nya na nagpatigil sa mga kamay ko na


magpumiglas sa yakap nya..

Then slowly.. I found myself hugging him back.

"Thank you Chelle.." bulong nya sakin. "Thank you sa pag-aalaga sa anak natin..
Thank you sa..sa pag-intindi mo sakin.."

Nakangiti syang humiwalay sakin tapos pinunasan ang mga luha ko.

"Ang swerte ko.. Kaya masaya ako eh.. Masaya ako at ikaw ang naging nanay ng anak
ko.."

O///O
*budum*budum*budum*budum*budum*

"Uhh.. A.. Ak.." WAAAA.. DI AKO MAKAPAGSALITA NANG MAAYOS!

Paano ba naman kasi..hawak nya ang magkabilang pisngi ko at nakangiti pa sya! >///<

"Papa.."

Uh-oh. Napabitaw sakin si Adrian sa pagtawag na yun ng anak namin.

Parehas kaming napatingin sakanya.

WEW. Tulog pa rin pala sya..

Nagkatinginan kami ulit ni Adrian. Kaso bumalik na yung awkward na feeling. >///<
"S-Sige na Adrian.. Uwi ka na.. B-Baka magising bigla si Andy at pag makita ka nya,
di ka na nya papauwiin.."

"O-Oo nga.. Sige.." napakamot sa batok si Adrian.

Sinabayan ko syang maglakad papuntang pintuan.

"Ah, Chelle.." huminto sya bigla sa paglabas at hinarap ako. "Ano.. Kung.. Kung
hinahanap na ko ni Andy.. Kung kailangan nya ko.. O
kung may kailangan kayo.. Ahh basta, tawagan o itext mo lang ako ah? Promise,
sasagot ako agad.."
Nginitian ko sya. "PROMISE??"

"O-OO! PROMISE!" tinaas nya pa ang kaliwang kamay nya. "Natuto na ko sa mga
nangyari kahapon kaya..asahan mo..pag kailangan
nyo ko ni Andy, pupuntahan ko kayo agad.."

"Okay.. Aasahan ko yan, Adrian.." :))

He smiled back at me. "Geh.. Balik na lang ako mamaya.. Bye.."

"Bye.. Ingat ka.."

Tumango sya tsaka naglakad na paalis. Pinanood ko sya hanggang sa makasakay sya ng
elevator dun sa dulo. At bago pa magsara
yung elevator, nginitian nya ko ulit at nagwave. I did the same to him.

Pagbalik ko naman sa loob ng kwarto ni Andy, napasandal ako sa pintuan.

Tch. Nangangalay na mga pisngi ko. Ayaw ba naman kasing mawala ng ngiti ko! Psh..

'Ang swerte ko.. Kaya masaya ako eh.. Masaya ako at ikaw ang naging nanay ng anak
ko..'

At lalo pa kong napangiti nang maalala ko ang sinabing yan ni Adrian.


Ako rin eh.. Masaya.

Masaya ko't gumagaling na ang anak namin. Masaya ko't nagkaayos kami. At..
Masaya rin ako kasi..sya ang naging tatay ng anak ko.. :'))

xxxxxx

x42: Invitation

[RACHELLYN's PoV]

"BABY KO! Stop running na!" suway ko kay Andy pagkalabas ko ng kusina.

Tch. Ang aga-aga eh takbo sya nang takbo. Kanina pa sya pabalik-balik mula dun sa
may front door hanggang dito sa dulo ng kainan
kaya yan, pawisan na sya.

"WOOSH~" Ay naman! Ayaw sumunod!

"BABY!" sinalubong ko sya at binuhat patagilid. "HULI KA!"

"WAAAA~ DADDYYY! HEEEELP!" >O<

"Anong daddy help, huh?!" pinanggigilan ko sya yakapin habang papunta kaming sala.

Pero wala dun si CJ..


"Where's daddy?" tanong ko kay Andy pagkaupo namin sa sofa.
"SA LABAS PO! NAGPO-PHONE PO!"

"Ahh.." pinunasan ko na ang pawisang ulo nya at likuran.

Grabe. For two months, eversince he fully recovered from dengue, naging 5 times na
ang kakulitan nya.

Kaya ito..sobrang natetest ang pagiging magulang ko-- namin ni Adrian.

Kung naging 5 times ang kakulitan nya, pinipilit naman namin na gawing 10 times ang
pag-aalaga sakanya.

Natakot na kami eh. Lalo na nung malaman namin na posibleng magka-dengue sya ulit
at pag mangyari yun, mas delikado na raw ang
magiging lagay nya.

Ngayon tuloy, hangga't maaari, iniiwas namin sya na magkaroon ng kahit anong sakit.

"Dito na lang tayo, baby.." niyaya ko syang umupo sa tabi nitong center table.
"Play natin yung lego mo."

"LEGOOO! WAAA SIGEHH PO!" *O*

WEW! Buti nagpauto.

Kinuha nya yung bucket ng lego mula sa toy box nya at kinalat yun sa ibabaw nitong
mesa.

Parehas kaming naglaro.

Kaming dalawa talaga kasi nakaka-enjoy naman laruin 'tong Christmas gift sakanya ni
Adrian.

Speaking of Christmas.. Well oo, dumaan na ang Pasko.


We celebrated it here with CJ. Si Adrian naman, sa Bulacan nagpasko kasama sina
Mama Margie. Pero kahit ganun, nagshare pa rin
sya ng handa dito sa bahay. Binili nya yung request ng anak namin na chocolate
cake.

As for the gifts..maraming nakuha si Andy. Syempre, daming nagbigay sakanya eh!
Ako, si Adrian, si CJ, parents ni CJ, lolo nya at mga
lola, pati si Ate Hazel tsaka yung mga instant ninang nya na mga kaklase ni Adrian,
binigyan sya ulit ng pera! Dinala kasi sya ulit ni
Adrian sa school bago nagbakasyon..

"Dhie?" tawag ko kay CJ na dumiretso ng higa padapa sa sofa pagkapasok nya.

Di nya ko sinagot. Para syang badtrip?

"Uy CJ. Anong problema?" sumandal ako sa sofa para tignan nang malapitan ang mukha
nyang medyo nakatago sa mga braso nya.

"Mhie.." malambing nyang tawag.

"Oh?"
"Punta tayong Baguio.."

"Kailan?"

"Ngayon na.." =___=

"HA? AS IN NGAYON NA?" O___o

Tumango lang sya. Pero seryoso ba sya?!

"Ano ka ba CJ? Mahirap nang bumyahe ngayon noh. 31 na." sabi ko.

"Kahit na.. Punta pa rin tayo dun ngayon.." malambing pa rin nyang pagpilit sakin.
"Dun tayo magcelebrate ng new year.."
"Eh bakit ba gustung-gusto mo magpunta dun ngayon ah?"

Di sya sumagot.

"CJ? Uy.."

"Tch.. May family reunion kasi kami dun ngayon sa mother's side. Pinipilit akong
magpunta ni mommy eh kaya sige na..sama na kayo
sakin.."

Nakaramdam ako ng lungkot sa sinabi nya. Parang mali eh..


"CJ naman? Family reunion nyo yun tapos isasama mo kami?" sagot ko sakanya.

"Okay lang yun. Para makasama ko pa rin kayo na magcelebrate. Ayaw ko ring iwan
kayo dito eh. Wala kayong makakasama ni
Andy.."

Tinalikuran ko sya at naglaro ako ulit ng lego.

Totoo yun.. Wala kaming makakasama ni Andy dito na magcelebrate kung aalis sya..

Si Dad kasi, pinuntahan si Mom sa Amerika. Imposible naman na samahan kami ni


Adrian dito. Malay ko ba kung may sarili syang
plano kung paano icelebrate ang new year diba..

"Mhie." tumabi ng upo sakin si CJ.

"Ayoko CJ.. Pero ikaw, punta ka dun.. Kailangan mo yun puntahan.."

"Tss. Di na. Kung ayaw mo, di na lang din ako pupunta."

"CJ??" inis ko syang tinignan. Ito na naman kasi sya..susuwayin ang nanay nya dahil
sakin.
"WHAT?" para na rin syang naiinis.

Nagtitigan kami. Pero ako, naluluha na. XC

Napansin nya yun kaya bigla nya kong niyakap sa waist, making me rest my head on
his shoulder.
"Sorry.." bulong nya sabay halik sa noo ko. "Pero kasi naman.. Ayoko talagang iwan
kayo dito.."

"Alam ko noh.. Pero kahit na ganun, dapat mo pa ring sundin ang mommy mo.. Family
reunion yun eh, minsanan lang yun.. Tsaka ilaan
mo na 'tong new year para sa sarili mong pamilya para fair kasi kami na ni Andy
yung sinamahan mo nung pasko..diba?"

CJ sighed. "Eh paano na kayo nun mamaya kung aalis ako?"

"Edi matutulog kami nang maaga! Panigurado namang aantukin si Andy mamaya.. Di na
rin kami lalabas..mausok eh at matatakot lang
si Andy sa ingay.."

Natahimik na kami after that. Di nga lang nagtagal yung katahimikan namin kasi nag-
ring yung phone ni CJ.

Humiwalay na ko ng yakap sakanya at bumalik sa pakikipaglaro kay Andy.

Sinagot naman ni CJ ang tawag nang di umaalis sa tabi ko.

"Mom.." eh. Nanay pala ni CJ yung tumawag. "Opo.."

Nagkatinginan kami habang kausap nya si Tita. Tapos hinawakan nya ang kamay ko.

"Opo, opo, papunta na po ko dyan.. Hm.. Sige po.." inend na nya yung call tapos
binalik ang tingin sakin, still holding my hand.
"Kailangan mo nang umalis?" mahina kong tanong.

"Oo.. Minamadali ako ni Mommy eh at sasabay raw sya sakin papunta dun.."
"Ah.." Hala. Ito na..nakakaramdam na ko agad ng lungkot. =/

"Mhie.." hinigpitan ni CJ ang hawak nya sa kamay ko. "Sabihin mo lang, kahit isang
beses na wag akong umalis..and I will surely not
go."

Kahit papaano, nakaramdam ako ng saya sa sinabi nyang yun. Naaappreciate ko ang
pag-prioritize nya samin ni Andy na para bang
pamilya na nya talaga kami pero..mali yun. Alam kong mas dapat nya iprioritize sina
Tita, yung first family nya..

"Tss. Hindi na. Umalis ka na!" natatawa ko syang tinulak.

"Ganun? Pinapalayas mo na ko?" =___=

"OO! Sabi mo kay Tita papunta ka na sakanya diba? Kaya dali, layas na! Wag mo syang
paghintayin nang matagal."

Tumayo na sya pero dahil hawak nya ang kamay ko, dinamay nya ko sa pagtayo.

He then hugged me very tight and gave me one quick kiss on the lips. Si Andy rin,
niyakap at hinalikan nya bago sya nagpaalam at
umalis.

*sighhh
Nalungkot na ko ulit nung umalis na sya..

Tuluyan nang nagsink-in sakin yung fact na dalawa lang kami ng baby ko ang
magsecelebrate dito ng new year mamaya..

Or makakapagcelebrate nga ba kami?

Hindi na nga pala.. Matutulog na lang pala kami ng maaga.. Hehe..

*sighhh
Pagbalik namin sa sala, humiga ako sa sofa at nag-isip habang si Andy, patuloy lang
sa paglalaro sa may table.

Siguro, kahit unti, maghahanda ako mamaya. Kahit pang-dinner lang. Dapat
mapaexperience ko sa baby ko yung pagcelebrate ng new
year kahit sa simpleng paraan lang, kahit kaming dalawa lang ang nandito..

"PAPAAA!"

Napatingin ako kay Andy. Nakatayo na sya sa tabi ng bintana at nakadungaw sa labas.

"Baby? Andyan si Papa?"

"HIHIHI PAPA! PAPA!" tumakbo sya sa pintuan. Inunlock nya yung screen at tumakbo
palabas!

"ANDY?!" mabilis akong bumangon at hinabol sya.


Pagkalabas ko naman ng pintuan, kita kong buhat na ni Adrian si Andy dito sa may
garahe.

"A-Adrian.." natulala ako sa black shirt na suot nya.

Yun kasi yung Christmas gift namin sakanya ni Andy! Kaso, nahihiya ako. Ang corny
ng print eh! 'PROUD PAPA'! Hahaha WAAAA..
PERO HINDI PO AKO ANG PUMILI NUN KUNDI SI BABY KO.. >///<

"Anong nangyari sayo Chelle? Ba't ang gulo ng buhok mo?"

E-EH?! O///o

Bara-bara ko namang inayos ang buhok ko. >///<

"Hehe.." mahinang tawa ni Adrian. "Ang cute mo.."


O//////O

Dahan-dahan akong napatingin sakanya.

Pero kay Andy na sya nakatingin at kausap ito.

Ehhh tama ba yung narinig ko kanina? Ako ba ang sinabihan nyang cute o yung anak
namin? =///=

"Talaga ah? HAHAHA. Totoo ba yun Mommy Chelle? Ininom ni Andy ang vitamins nya?" -
Adrian

"H-Huh? Ah! Oo. Oo. Ininom nya yun." Naku. Ako na ang nawala sa sarili.

"Ooh.. Very good.. Sige, ito na pasalubong ko."

Binaba na nya si Andy at may kinuha sya mula sa back pocket ng pants nya.

Dalawang maliit na box yun ng.. LUCES?

"PAPA! WHAT'S THAT PO?!" - Andy

"LUCES! Tara dito." nagsquat si Adrian sa gitna nitong garahe at doon, sinindihan
nya yung isang stick ng luces gamit ang lighter.

LIGHTER? Bakit may lighter si Adrian?

"WAAAAA!! ANG GANDAAA PO!!" *O* - Andy

Hindi kaya..nagyoyosi na si Adrian? =/

"Ikaw anak, try mo." binigyan nya ng isang luces si Andy. "Mommy Chelle! Kaw rin,
dito ka!"
Lumapit ako sakanila at nagsquat sa tabi ni Andy.

"Bakit ka may lighter ha, Adrian? Nagyoyosi ka na?" sita ko sakanya. T3T
"Uy di ah! Binili ko lang toh para may pangsindi ko dito." inabutan nya ko ng
luces.

Buti naman di pa rin sya nagyoyosi.. Kasi..wala lang. Ayaw ko lang. Hehe.

Una nyang sinindihan yung luces ko then yung kay Andy. Nagsindi rin sya ng kanya.

"THREE LUCES! WAAAA! HIHI!" ^o^

Daming tuwa lang ng baby ko oh.. Pati ako natutuwa na. Kahit ba feeling ko eh mukha
kaming tanga dito sa garahe. XD

"Anong handa nyo mamaya?" tanong ni Adrian nang nakatingin dun sa luces nya.

"Hmm.. Di ko pa alam.. Baka bumili na lang ako ng bucket meal.." sagot ko.

"Bibili? Bakit?"

Haay.. Ano ba toh.. Kadepress ng topic namin.

Tapos nawala pa yung sindi ng luces ko. Ubos na. Psh.. Tinusuk-tusok ko na lang
yung stick sa sahig.

"Hindi ba magluluto si CJ tulad nung pasko nyo?" tanong pa ni Adrian.


"Ah.. Hindi eh.. Sa.. Sa Baguio kasi sya magnew-new year kasama ang pamilya nya.."
T3T

"EH PAANO NA KAYO MAMAYA NI ANDY?" nag-iba ang boses ni Adrian kaya napatingin ako
sakanya. Para syang nagulat na
nagtataka.
"Mamaya? Uhm.. Kakain din naman kami.. Pero maaga kami matutulog.."

Aish. Naputol bigla yung stick.

"Adrian, penge pa ng lu--" natigilan ako nang muli akong tumingin sakanya.

Tulala kasi sya sakin at yung mukha nya, di maipinta.

"A-Adrian?"

"Tsk. Dun tayo magnew year samin." sabi nya sabay bigay ng luces sakin.

"Sa.. SA INYO?" O___o

"Oo. Sa Bulacan, kina Mama."

New year.. Kina Mama Margie..

"Eh pero.." napako ang tingin ko sa luces ko na sinindihan na ni Adrian.


"Nakakahiya naman sakanya kung makicelebrate kami dun.."
"Ano ka ba. Anong nakakahiya dun? Eh kapamilya ka na namin."

O///O

Kapamilya na nila kami ni Andy..

Oo nga.. Malamang lang..

Anak ni Adrian ang anak ko eh at apo naman sya ni Mama Margie kaya..kaya kapamilya
na nila si Andy.. Pati..pati ako.. Kapamilya na
rin nila ko..
"Chelle.. Pumayag ka na para naman may kasama kayo mamaya..para masaya.."

Para masaya..

Isipin ko pa lang na ang makakasama naming magcelebrate ay sina Mama Margie, Ate
Hazel at Adrian eh masaya na. Paano pa kaya
pag nandun na kami?

"Mommy Chelle.."

"Ahh sige-sige." sagot ko bigla.

"YES.." rinig kong bulong ni Adrian. "Anak, tama na yan! Bihis tayo, dali. Aalis
tayo."

"WAAA AALIS TAYO PO?! SAAN PO?!" *O*


"Kina Lola." nakangiting sagot ni Adrian habang nililigpit yung mga stick ng luces.

"YEEEY! PUPUNTA KAMI KAY LOLA!" ^O^ Tumalon-talon sya sa tuwa.

"Pero hugas muna tayong kamay. Lika." naghugas sila ng kamay dun sa may gripo.

Hehe. Tuwang-tuwa talaga ang baby ko. Nagsimula na naman syang magdaldal ng kung
anu-ano.

"Ikaw Chelle, bihis ka na rin. Para makaalis na tayo at makahabol ng lunch sa


bahay." masayang sabi ni Adrian.

Tumango lang ako sakanya tapos nauna na silang pumasok ng bahay ni Andy. Sya na raw
ang magbibihis sa anak namin eh.

Ako, naghugas muna ko ng mga kamay.


Nang bigla kong maalala...

Tinanggap ko na ang invitation ni Adrian pero..

PERO HINDI PA PALA KO NAKAKAPAG-PAPAALAM KAY CJ. O___O

Naku..

xxxxxx
x43: This New Year (part1~)

[RACHELLYN's PoV]

*type*type*

'dhie..niyaya kmi mgnew yr ni adrian kna mama nya.punta kmi ni andy ah?ok lng?'

--- MESSAGE SENT.

Pagkasend ng text ko kay CJ, napahiga ako dito sa kama ko.

Sana pumayag sya..

After a few minutes..

Di pa rin sya nagrereply.. >___<

"MOMMYYY!" biglang nagbukas ang pinto nitong kwarto ko at pumasok si Andy na


tumatakbo.
Mabilis akong napaupo. Eh nakabihis na pala sya!

Hihi. Ang gwapo nya. Naka-blue shirt sya na Thomas and Friends at yung katerno nun
na blue shorts. ^3^
"MOMMY ALIS NA TAYO PO!" hinatak nya ang kamay ko.

"T-Teka.."

Hala.. Paano na 'toh? Readyng-ready na baby ko pero di ko pa alam kung matutuloy


kami.. >___<

"Chelle?" Si Adrian. Nahihiyang sumilip sa may pintuan. "Uhm.. Di ka pa


nagbibihis?"

"H-Hindi pa eh.. Ah pero! Magbibihis na ko! May inayos lang ako. Hehe. Baby, dun ka
muna kay papa mo. Bihis lang ako, okay?"

"Tara 'nak! Hintayin natin si Mommy sa baba!"

Sumama naman si Andy sakanya at iniwan nila ko dito.

*sighhh

Si CJ.. Sabi nya kanina bago sya umalis, kung di sya nakakapagreply sa text ko,
dalawa lang ang pwedeng dahilan.

Pwedeng nagdadrive sya o di kaya ay kasama nya ang nanay nya.

Ganun na nga siguro..


Kaya tinext ko na lang ulit sya.

'dhie.sama na kmi ah?si andy kc..love u dhie'


---- MESSAGE SENT.

Okay na..

Oo, di pa sya pumapayag pero..si CJ pa. Maiintindihan nya kami ng baby ko. ^___^

Nagbihis na ko. Tapos yung shoulder bag na pinili kong gamitin ngayon is yung bag
na niregalo sakin ng baby ko at ni Adrian.

Bale ito yung parang katumbas ng tshirt na niregalo ko kay Adrian. Katuwa nga eh.
Nagkataon pang anak namin ang pumili parehas ng
regalo namin sa isa't isa.

Nagpunta muna ko ng kwarto ni Andy at nagbaon ng ilang gamit nya tsaka ko bumaba
dun sa sala kung nasaan silang mag-ama.

"MOMMY LET'S GO NA PO!" ^O^ Sigaw ni Andy na buhat ni Adrian.

Si Adrian, nakangiting tumingin sakin. "Tara na, Mommy Chelle?"

Tumango ako sakanila. "Tara.." :)

**
"BYE THOMAAAAS!" >o<

Baby ko talaga.. Nagpaalam pa dun sa mga MRT na nadaanan namin sa last station.

"PAPA! PAPA!" at kanina pa sya dumadaldal sa may backseat. Di ba sya napapagod?


"PUPUNTA DIN TAYO ULIT PO SA B--"

"SHH!" suway ni Adrian kay Andy na napatakip ng bibig.

Hmm.. Familiar ang scene na toh. Nangyari na toh dati. =___=


"Hehe.. Anak?" tinignan ni Adrian si Andy sa may rear-view mirror. "Pupunta tayo
ulit..kina Lola at Tita Hazel. Okay ba anak?
HEHEHE.."

Napatingin pa sakin si Adrian pero agad nya ring binalik ang tingin nya sa daan.

Psh. Oo na. Sila na ang may SECRET.

Gustung-gusto ko talaga malaman kung saan dinala nito ni Adrian si Andy noon, mga a
week after na madischarge sya from the
hospital yun eh. Pero kahit anong tanong ko, iisa lang ang paulit-ulit na sinasagot
nila sakin kaya maiinis lang ako kung magtatanong
pa ko ulit ngayon.

Sabi nila, kina Mama Margie raw sila nagpunta pero halata naman.. Halatang may
pinuntahan silang iba.

Kung kina Mama Margie lang din kasi sila pumunta non, bakit di man lang ako niyaya
ni Adrian na sumama?
Nakakapagduda talaga pero wala naman siguro akong dapat ipagalala.. Masaya ang baby
ko eh..

Sa byahe..

Nakakaidlip ako maya-maya. Ang traffic ba naman kasi sa daan!

1PM na nga nang marating namin ang bahay nina Mama Margie.

"Ako nang magbubuhat kay Andy.." sabi ni Adrian bago kami bumaba ng kotse nya.

Yung anak kasi namin, ayun. Bagsak sa backseat. Palibhasa, pagod sa byahe at
kadadaldal tapos ang aga nya pa nagising kanina.

Pagpasok namin ng bahay..hmm.. ANG BANGO!

AMOY MAY BINI-BAKE!


"MAMAAAA!!" kung makasigaw namang 'tong si Adrian! "MAMAAAA!!"

"KYAAAA~" tumitiling lumabas si Ate Hazel mula dining. "NANDITO NE SILAA~"

"Hoy yaya Hazel, ayusin mo nga kwarto ko at matutulog anak ko!" - Adrian

"TSEH!" lumapit si Ate Hazel sa baby ko na buhat ni Adrian. "ANDY BEYBEHH! NA-MISS
KITAAA!"
Hahalikan nya sana si Andy pero lumayo sakanya si Adrian.

"AMP! BUNGANGA MO ATE HAZEL! MAGIGISING ANAK KO EH!" - Adrian

"PARANG IKI-KISS LANG AH!" >3< - Ate Hazel

"AYUSIN MO NA LANG KASI KWARTO KO!"

"AYAW! PA-KISS MUNA SA HUGGABLE AND KISSABLE KONG PAMANGKIN! HIHI--"

Natigilan si Ate Hazel kasi nagising na si Andy.

Antok syang tinitigan ng baby ko.

"Tsk. Yan na nga bang sinasabi ko. Daldal mo kasi." - Adrian

"AY? AY? AKO LANG? AKO LANG BA ANG MADALDAL DITO? TSS." pilit na lumapit si Ate
Hazel kay Andy. "ANDY BEYBE~ TARA?
DUN TAYO SA KWARTO NAMIN NI LOLA MARGIE MAG-SLEEP!" ^3^

Sinimangutan lang sya ni Andy sabay tago ng mukha sa balikat ng papa nya!

"HA! AYAW SAYO! TSUPI NA ATE HAZEL!" - Adrian


Tulalang napahawak si Ate Hazel sa dibdib nya.

"So..pagkatapos ng lahat, ginaganito mo na lang ako, ha Andy?" - Ate Hazel


O___O

"Pagkatapos ko bugbugin yang tatay mo nung may sakit ka.. Pagkatapos kitang ilibre
ng McDo nung gumaling ka.. Pagkatapos kita
regaluhan nyang tshirt na suot-suot mo EH GAGANITUHIN MO NA LANG AKO NGAYON?!"
>___<

Si Adrian at si Andy.. Parehas napa-kunot noo kay Ate Hazel.

"SUMAGOT KA!" >o< - Ate Hazel

"Tss." tinalikuran sya ni Adrian. "Tara na Chelle! Puntahan na natin si Mama sa


kusina!"

"Okay.." humakbang ako para sumunod kina Adrian pero si Ate Hazel, bigla akong
niyakap sa leeg!

"SIGE ANDY BEYBE!" nilingunan naman kami nung mag-ama. "DYAN KA NA SA PAPA MO TAPOS
SAKIN NA MOMMY MO!
MUWAHAHA~ AKIN NA SI MOMMY CHELLE~ I LOVE YOU MOMMY~"

"MA.. MOMMYYYY!" hala si baby ko! Naiiyak na nagpapalipat ng buhat sakin!

"TCH! ATE HAZEL?!" badtrip na si Adrian.

>___<
"OH? Anong kaguluhan toh ah?" Si Mama Margie! Nakangiti sya habang nagpupunas ng
kamay gamit ang isang towel. "WOW..
NANDITO NA PALA ANG APO AT MOMMY NG APO KO!" ^O^

"MAMA! SI ATE HAZEL! PINAPATULAN ANG ANAK KO!" sumbong ni Adrian.


Humiwalay ng yakap sakin si Ate Hazel at pumalit naman si Andy.

"PINAPATULAN KA DYAN! PARANG NAGLALAMBING LANG EHHH.." = 3=

"Kayong dalawa talaga!" lumapit si Mama Margie samin. "Tigilan nyo na yang
pagtatalo nyo."

"Good afternoon po, mama Margie.." bati ko sakanya. Nakipagbeso sya sakin at
hinalikan naman nya ang tinatopak nyang apo.

"Ooh tinotopak ang baby namin.. Hmm.. Kumain na ba pala kayo?"

"DI PA NGA PO EH!" si Adrian ang sumagot. "Ito kasing lokaret na toh! Tsk."

"ANO, ANO?! IKAW AH, ADRIAN! PAG DI KA PA NANAHIMIK DYAN.." biglang nag-evil smile
si Ate Hazel. "Hindi ko na ibibigay sayo
yung PINAKA-AASAM mo na Christmas gift ko.. Sige ka.."

Aba.. Nakasimangot na nanahimik si Adrian..

Ibig sabihin, totoo yung pananakot sakanya ni Ate Hazel? O___o

Natawa si Mama Margie at niyakap sa waist yung magpinsan. "Tama na yan mga anak ko~
Kain na lang tayo okay? Kayo rin,
Rachellyn anak at apo ko, tara sa dining~" ^o^

Lahat kami tinawag nyang anak.. Hehe.. Sarap lang pakinggan..

Nagpunta nga kaming lahat sa dining para maglunch.

Kahiya nga eh.. Hinintay pala talaga kami nina Mama Margie para sabay-sabay na
kaming kumain dito.

Si Andy naman, pinapahirapan ako. Ayaw nya umalis sa pagkaka-kandong sakin habang
kumakain kami. T3T

Lahat sila, inuto at inalok na sya ng kung anu-anong pagkain para lang umalis sa
lap ko pero wala.. Wa-epek. ToT
"Tsk. Kasalanan ni Ate Hazel kaya nagkatopak anak namin eh." - Adrian

"ANO YUN..?!" - Ate Hazel

"Sabi ko, ang sarap ng niluto mong afritada.." =___=

"AY!" napatayo bigla si Mama Margie. "Baka masunog yung binibake kong cake! Wait
lang ah, excuse me!"

Pagkaalis ni Mama Margie, hinarap ako nitong baby ko at hinawakan ang mukha ko.

"MOMMYYY!! NAGBEBAKE NG CAKE SI LOLA PO??" *O*


Napahinto kaming tatlo nina Adrian sa pag-kain at nagkatinginan.

"Yes baby. Nagbebake sya." sagot ko sakanya. "Bakit? Gusto mo ba ng cake?"

"OPO! PERO GUSTO KONG MAGBAKE DIN PO LIKE LOLA!" >O<

Natawa yung magpinsan.

"AY NAKOW ANDY BEYBE! GUSTO MO BA TALAGA MAGBAKE AH?" - Ate Hazel

"YES TITA! GUSTO KO MAGBAKE PO!" >O<

"HIHIHI.. SIGE.. MAGBEBAKE TAYO MAMAYA PERO DITO KA MUNA SA TABI KO! GUSTO KO TABI
TAYONG KUMAIN!" ^3^

Masayang lumipat ng upo si Andy sa tabi nya at mag-isa syang kumain. Tuwang-tuwa
tuloy si Ate Hazel. Nagkabati na rin daw sila sa
wakas ng pamangkin nya.
Si Adrian naman, nakangiting napailing lang. At ako..well. Napadali na ang pag-kain
ko dahil dun. X3

After lunch...

Nasa kusina kaming apat-- ako, si baby ko, si Ate Hazel at si Mama Margie.

Si Adrian, nandun sa sala. NATUTULOG.


Si Ate Hazel ang naghuhugas habang kami ng baby ko, tumutulong sa pagluluto ni Mama
Margie ng ihahanda mamayang gabi.

Ang dami nilang balak lutuin pero itong pagbebake ang inuna namin kasi ito ang
gustung-gustong gawin ng baby ko.

Kaya nga lang, luto na yung cake. Yung pagdedecorate na lang nun ang nagawa ni Andy
na ikina-enjoy nya naman ng sobra-sobra.

"FINISHED!!" ^O^ sigaw ni Andy nang matapos nya na lagyan ng icing yung cake.

Naku po.. Ang baboy lang ng gawa nya.. >.<

Magkasabay na tinignan nina mama Margie at Ate Hazel ang ginawa ng baby ko..

"NICE.. HAHAHAHA" - Ate Hazel

"Sorry, binaboy nya.." sabi ko sakanila. >3<

"Ano ka ba Rachellyn, okay lang yan! Bata eh. Tsaka maganda naman ah!" ^o^ - Mama
Margie

"OO NGA!" pagsang-ayon ni Ate Hazel sabay yakap kay Andy. "VERY VERY GOOD, ANDY
BEYBE!"

"HIHI.. BAKE TAYO PO ULIT!" ^o^ - Andy


"Sige baby. Magbebake naman tayo ng new year biscuits!" - Mama Margie
"YEYY!" >o< - Andy & Ate Hazel

Hindi talaga kasama sa plano nila ang magbake ng biscuits pero ayan..nasunod ang
gusto ng baby ko. Ng baby ko at ni Ate Hazel.

Kaming tatlo na ang nag-asikaso sa pagbake ng biscuits. Si Mama Margie kasi ibang
putahe na ang inasikaso.

Ang totoo, wala akong naitutulong sakanila. Tawa lang ako ng tawa habang pinapanood
sina Ate Hazel at Andy.

"AHH CHELLE! IKAW MUNA DITO!" inabot sakin ni Ate Hazel yung rolling pin.
"Sasagutin ko lang yung teleponow!"

Iniwan kami ni Ate Hazel para nga sagutin yung landline nila.

Hmm.. Ginawa ko yung nakita kong ginagawa nila kanina. Niroll ko 'tong dough at..
Hehe.. Ka-enjoy pala gawin toh?!

"MOMMY! ME TOO!" - Andy

Pinagbigyan ko naman sya. Salit-salitan kami hanggang sa pwede na yun i-cut gamit
yung mga cookie cutters na ang kukyut ng
shapes! Waaa.. Bibili ako nyan para makapagbake din kami sa bahay!

Kaso medyo makalat pala gawin toh.. Puro harina na kami sa damit ng baby ko oh..
"UGH! TA** I** NAMAN ATE HAZEL!!! ANO BA?!!!" malakas at nakakatakot na sigaw ni
Adrian mula sa sala.

Sa lakas nga eh napahinto kami ni Mama Margie sa ginagawa namin.

Siguro kinilabutan din sya sa boses ni Adrian tulad ko. Ramdam ko ngang nagsitaasan
ang mga balahibo ko.

At nagmura sya. Hindi naman nagmumura si Adrian unless..unless na galit na galit na


galit sya. =/
Nang bumalik dito si Ate Hazel, nakangiti sya.

"Hazel? Ano na namang ginawa mo kay Adrian?" nag-aalalang tanong ni Mama Margie.

"HEHEHE.. Wala lang po.." ^3^

"Ikaw talaga.. Alam mo namang antok na antok ang batang yun eh tapos.."

"Yaan mo sya Ma! Umakyat na sya dun sa kwarto nya para matulog! HEHEHE.. Hmm ano na
Andy beybe?" niyakap nya si Andy na
busy mag-cut ng dough. "Katakot magalit papa mo noh? HEHEHE"

SOBRA. Sobrang nakakatakot.

Pag nagagalit nga yun dati, di ko sya kinakausap. Sya ang hinihintay kong lumapit
sakin.

Tapos ngayon, di pa makagetover 'tong puso ko sa sigaw nya.. Nakakatakot naman kasi
talaga.. >.<
"Maghihintay tayo ng 10minutes bago yan maluto!" sabi ni Mama Margie pagkapasok nya
ng tray ng biscuits sa oven.

"TEN MINUTES?!" *o* - Andy

"Yes apo, ten minutes."

"MATAGAL ANG TEN MINUTES PO?!" *o*

"Haha, hindi naman masyado! Habang naghihintay, palit ka muna ng damit para pag
kakainin na natin yun binake mong biscuits eh
clean ka na." ^___^

"WAAAA MOMMY!" tumakbo sakin si Andy. "PALIT AKO NG DAMIT PO!" >o<

Nag-ngitian kami ni Mama Margie bago ko binuhat si Andy at inakyat sa kwarto ni


Adrian.
Doon.. Nakahiga si Adrian sa kama. Yung isang braso nya nasa noo nya tapos yung isa
nasa gilid lang nya. Halatang ang lalim ng
tulog nya.

Tahimik kami ni Andy na lumapit sa bag kong nasa study table. Pinalitan ko sya ng
damit, pinulbuhan at pinabanguhan.

I checked my phone afterwards.

Maraming text message!


Pero ni isa, walang galing kay CJ.. =/

Nasaan na kaya sila ni Tita? Nandun na kaya sila?

Sya na lang ang tinext ko. I told him that we're already here and that I love him.

"HIHIHI.." pigil na tawa ni Andy.

Tumingin ako sakanya. Nakaluhod sya sa tabi ni Adrian at tinuturo ang mukha nun!

"B-BABY..?!" dali-dali kong binalik ang phone ko sa bag at umupo sa kabilang side
ng kama.

Tinapik ko agad yung kamay ni Andy palayo sa mukha ni Adrian. Baka magising eh!
Magagalit toh ulit for sure! >___<

"YUNG MOUTH NI PAPA PO!" tinuro nya ulit yung bibig ni Adrian na.. "NAKA-OPEN!
HIHIHI"

Pft.. Hahaha.. Oo nga pero.. Pft..

"S-Stop na baby.." natatawa kong saway sakanya.


"HIHIHI.." eh ayaw nya talaga tantanan ang bibig ng tatay nya! Haha ano ba tong
baby ko..

"Baby? Ganyan ka rin kaya matulog.."


"OOOH REALLY??" *o*

"Really.. Marami kaya kong similiraties nitong papa mo, alam mo ba yun?" tinuro ko
yung nakasaradong mga mata ni Adrian. "Like
yung eyes nyo.. Same eyes kayo.."

"OOH.. SAME EYES.." ulit ni Andy.

Tinuro ko yung ilong ni Adrian. Pero di ko napigilang idikit ang daliri ko sa


pagitan ng mga mata nya.

And from there, I slid my forefinger down to the tip of his nose.

"Same nose din kayo and same.... lips.."

*budum*budum*budum*budum*budum*

Lips ni Adrian.. Natulala na ko dun..

"SAME LIPS!" tinuro ni Andy yung lips ng tatay nya.

Then..napadilat bigla si Adrian habang nakaturo kami ni Andy sa mukha nya!

GULP. O___O
Kumunot ang noo ni Adrian nang maaninag nya kami.

Tch.. LAGOT KAMI.. >___<


"Kayong mag-ina kayo..." ang lamig ng boses nya..

Hinawakan nya ang braso namin ni Andy sabay hatak samin pahiga sa magkabilang side
nya with me on his right and our baby on his
left! T-Tapos..tapos..

TAPOS NIYAKAP NYA KAMI!! >///<

"HIHI YAKAPAAAN!" ginantihan sya ng yakap ni Andy pero ako..

NAPATAKIP LANG AKO NG BIBIG DAHIL SA GULAT! >///<

"Tulog na lang muna tayo.." mahinang sabi ni Adrian.

Tiningala ko sya pero nakapikit na ulit sya.

Anak namin ang next kong tinignan. Nakapikit na rin sya habang hinahaplos ni Adrian
ang ulo nya.

"Tulog na, Chelle.." hinigpitan ni Adrian ang yakap nya sa balikat ko hanggang sa
mapansin ko na..na nakarest na pala 'tong ulo ko sa
dibdib nya! WAAAAA..

Gusto ko nang bumangon pero bakit ayaw kumilos ng katawan ko?!


>///<

=///=

Ang bango ni Adrian..

Hindi pa rin sya nagbabago ng pabango.. Ito pa rin.. Ganito pa rin.. Matapang but
not the kind of strong perfume na kinaiinisan kong
maamoy.
This scent of him.. I love it..

Tumingala ulit ako to check Adrian. Tulog na sya. Medyo naka-open na yung bibig nya
eh.

Si Andy rin, tulog na kasi ganun din yung bibig. Hehe.

I stretched my one arm to reach my baby and touch his cheek.

Pero sa ginawa kong 'toh, para ko na rin palang niyakap si Adrian..

Ah, hindi. SILANG MAG-AMA PALA ANG YAKAP KO NGAYON.

I smiled at that realization..

Ang saya lang..


Posible pala kasi toh? Pwede ko pala sila mayakap ng sabay?

I kept my embrace to them as I felt my eyes starting to close by themselves..

Ito na.. Tinatamaan na rin ako ng antok..

"Baby apo ko? Luto na ang biscuits natin.."

u___u

"Andy? Rachellyn?"

O___O
B-Boses yun ni..

*tok*tok*tok*

"RACHELLYN??"

S-SI MAMA MARGIE!

Mabilis akong bumangon at lumayo kay Adrian para--


*BUGH!*

ARAY! NAHULOG PA KO SA KAMA! AHHW.. SAKIT SA PWET.. >3<

*tok*tok*tok*

"AH W-WAIT LANG PO MAMA MARGIE!" tumayo na ko at tinignan yung mag-ama.

Buti di nagising. Magkayakap pa rin sila.

Pumunta na ko sa may pintuan at pinagbuksan si Mama Margie.

"M-Mama Margie.." nginitian ko sya.

"Luto na yu-- ay.." nasilip nya yung tulog na mag-ama sa likuran ko. "Tulog pala
sya.. Sorry.."

"O-Okay lang po yun. Hehe. Luto na po ba yung biscuits? Ako na pong mag-aayos."

"Ah buti pa nga, bago pa maubos ni Hazel yung mga ginawa nyo kasi kinakain na nya
ang mga yun ngayon." ^o^
Natatawang naunang bumaba si Mama Margie. Habang ako, sinilip pa muna ulit yung
mag-ama.

Napasigh ako pero napangiti rin. Then I heard myself whisper...


"Sana maulit.."

xxxxxx

x44: This New Year (part2~)

[RACHELLYN’s PoV]
"Rachellyn.." tawag ni Mama Margie habang naghuhugas ako dito sa may lababo. "Tama
na yan anak.. Magpahinga ka naman. Kanina
ka pa kumikilos dito.."

"A-Ah hindi po. Ayos lang po toh. Hehe." nagpatuloy ako sa paghuhugas.

"Haay Rachellyn.." kinuha ni Mama Margie ang mga kamay ko at pilit yun na pinunasan
gamit ang towel. "Pag di ka sumunod sakin,
sige ka.. Magagalit ako sayo.." ^___^

O___o

Magagalit daw pero ang sweet-sweet ng ngiti nya..

"Dali, ako nang bahala dito. Maya-maya, pwede na tayo kumain ng dinner." ^o^

"Uhh.. S-Sige po.."

Iniwan ko na sya sa kusina.

Sayang. Gusto ko pa namang may gawin ngayon kasi kailangan ko ng distraction.


Kailangan ko ng distraction sa..
'Sana maulit..'

'Sana maulit..'

'Sana maulit..'

AYUN. Distraction dun sa naibulong ko kanina.. >___<

BAKIT KO BA KASI NASABI YUN?

Ako? Gustong maulit yung..yung..yung pagyayakapan namin kanina?

God.. That's wrong!

Papunta ako ng sala nang napatigil ako sa may hagdanan.

Nandun sina Ate Hazel, si baby ko at si...Adrian. Nanonood sila ng TV.

MYX yung channel tapos si Ate Hazel, sinasabayan yung kanta. Yung mag-ama,
magkatabi at tahimik lang. Kakagising lang nila eh.

Si Adrian..
Bakit ba kahit nakatalikod sya, ang lakas ng dating nya?

*budum*budum*budum*budum*

O///O
BIGLA SYANG NAPALINGON SAKIN!

NAPAAKYAT TULOY AKO NG HAGDAN PARA IWASAN ANG TINGIN NYA.. >///<

Pagkapasok ko sa kwarto nya, napa-hinga ako nang sobrang lalim.

*pak*pak*

Marahan kong tinapik ng dalawang beses ang mukha ko gamit ang mga palad ko.

Tch. Rachellyn..

WHAT ON EARTH IS HAPPENING TO YOU..?! >___<

Haay.. Umupo ako sa may study table. Kinuha ko ang phone ko mula sa bag ko at
chineck yun for CJ's text messages.

Pero wala pa rin akong natatanggap na kahit anong text mula sakanya. Nag-aalala na
tuloy ako. =/
Tinawagan ko na lang sya.

NAGRING!

Two rings.. Four.. Eight.. Then..

Naputol bigla? O___O

Network problem siguro! Ganun naman talaga habang papalapit nang papalapit ang
alas-dose diba?

I dialled his number again. Nagring naman ulit. Pero naputol din yun after a couple
of rings.
Di ako sumuko. Dinial ko ulit ang number nya but before I could make another call,
may nareceive na kong text from him!

Nagbunyi naman daw ang puso ko nang mabasa ko ang name nya sa inbox ko. ^///^

--- text message from: dhie ♥

'im busy.i'll call u later'

---

W-WHAT?

Sa text nyang yun.. Instead na mawala yung kaba ko eh lalo pa kong kinabahan..

Feeling ko, hindi si CJ 'tong nagtext.


But if it wasn't him, who could it be?

Mommy nya kaya?

Pero hindi.. CJ always keeps his phone with him kaya paanong mahahawakan ng ibang
tao yun?

Paulit-ulit kong binasa yung text message.

Then naisip ko.. Posibleng si CJ ang nagtext nito.

At kaya naging ganito ka-cold ang dating ng text nya kasi... kasi galit sya.

Siguro di nya nagustuhan ang pagsama namin kay Adrian without his consent. Idagdag
pa dun yung pagpayag kong sumama kay
Adrian pero sakanya, hindi ako pumayag.

Tama.. Alam ko na.. May mali ako.. =/


Nireplyan ko sya. Sabi ko, sige, hihintayin ko na lang ang tawag nya. I also said
sorry and that I love him.

Humigpit ang hawak ko sa phone ko habang natulala na ko sa labas ng bintana.

Medyo maulap at madilim. Lumiliwanag yung ibang part ng langit dahil sa mga kwitis
at fireworks. Maingay na rin dahil sa mga
paputok.
"MIC TEST! MIC TEST!" boses yun ni Ate Hazel. Nagsasalita sya gamit yata ang mic.
"HMM.. OKAY NA BA ANDY BEYBE?!"

"YES TITAAA!"

PFT! Natawa ko sa boses ng baby ko sa mic! ANG CUUUTE! >///<

"IKAW TAGA-PALAKPAK KO AH, ANDY BEYBE?! KAKANTA KASI AKO! HOHOHO EHEMMM.. HMM.."

Si Ate Hazel, kakanta? O___o

Eh kanina nung sinasabayan nya yung kanta sa MYX ehh..uhm..di naman sa panget ang
boses nya pero masasabi ko na..err.. Hindi
bagay sakanya ang kumanta..

Nagsimula nang tumugtog yung intro ng kanta. Di ko alam kung ano yun kasi wala ako
masyadong alam sa music pero sa tono nun,
alam ko, pang-heartbroken yun..

"♫ We often fool ourselves and say.. that it's love only 'cause when it's gone, we
end up being lonely.. So how are we to know? That it's
just isn't so? That we just have to let each other go..♫"

Si Ate Hazel ba yun? Biglang gumanda yung boses ah! O.o

Mabilis akong bumaba sa sala. Si Ate Hazel nga ang nakanta! At feel na feel nya ang
pagkanta ah..

"♫ There are many times when we shared..precious moments but later realized, they
were only stolen moments.. So how are we to
know? That it's just wasn't so? That we just have to let each other go..♫"
Chorus na sana nang napatigil si Ate Hazel sa pagkanta.

Nakataas ang isang kilay nya nang tignan nya si Adrian.

"BA'T GANYAN KA MAKATINGIN AH?!" sita nya kay Adrian.

"Taena naman kasi. New year na new year, ganyan kinakanta mo." - Adrian

"PAKE MO BA?!" biglang napatingin sakin si Ate Hazel. "UY CHELLE! UPO KA DITOW!"

"MOMMYYY?!" napatingin din sakin si Andy, pati si Adrian. "TABI TAYO PO!" ^O^

"DALI NA CHELLE! UMUPO KA NA AT KAKANTA SI ADRIAN!"

Wow.. Kakanta raw si Adrian? *o*

"ANONG KAKANTA AKO?!" Ò.o - Adrian

"KAKANTA KA! BILANG KABAYARAN SA PAGMURA MO NANG MALUTONG SAKIN KANINA!" - Ate
Hazel

"KASALANAN MO NAMAN YUN KUNG BAKIT KITA NAMURA NOH! KITA MONG NATUTULOG AKO EH
BINATO MO KO NG UNAN!
AT SA MUKHA PA AH!"
"F-Y-I! GINAWA KO YUN DAHIL CONCERNED AKO SAYO! SARAP-SARAP NG TULOG MO PERO
MUNTIKAN NA PASUKAN NG
LANGAW YANG BIBIG MO!"

"TSK. PALUSOT MO!"

"EWAN KO NA NGA SAYO! EH ANO NA BA? AYAW MO BA TALAGA KUMANTA HA?"


"OO. AYOKO."

"Hm.. 'Kay, fine." mataray na napangiti si Ate Hazel. "Ibig sabihin lang nun, ayaw
mo ring makuha yung regalo ko."

"Argh.." ginulo ni Adrian ang buhok nya. "AKIN NA NGA! KAKANTA NA KO!"

"HAHAHA TEKAAA~ AKO ANG PIPILI NG KAKANTAHIN MO.." ^3^

Lumapit na ko sakanila at umupo sa may single sofa.

Si Ate Hazel nga ang pumili ng kakantahin ni Adrian. On Bended Knees yung title.

"Taenang yan.." napatakip ng mukha si Adrian nang magsimula ang intro ng kanta.

"GO PROUD FAFA ADRIAN! WAHAHA" asar ni Ate Hazel na umupo sa tabi ng center table
paharap kay Adrian. "ANDY BEYBE!
CHEER MO PAPA MO!"

"GO PAPAAA!" >o<


Napangiti ako habang pinapanood sila. Grabe. Ang gulo nila.

"♫ Darlin I.. I can't explain..♫"

Nagsimula nang kumanta si Adrian..

"♫ Where did we lose our way? Girl it's drivin' me insane..♫"

Tss. Sinasadya nyang babaan boses nya! Pumapanget tuloy.. T3T

"♫ And I know I just need one more chance to prove my love to you.. If you come
back to me, I'll guarantee, that I'll never let you go..♫"
Pero ang ganda ng lyrics ng kanta ah.. Feel ko yung..message?

"♫ we go back to the days our love was strong? Can you tell me how a perfect love
goes wrong? Can somebody tell me how to get
things back the way they used to be? Oh God give me the reason.. I'm down on bended
knees..♫"

I think, I already love this song..

"♫ I'll never walk again.. Until you come back to me.. I'm down on bended knees..♫"

He'll never walk again, until WHO comes back to him?

Ako ba?
HEHEHE.. Lakas ko maka-assume. Parang kumakanta lang yung tao eh. XD

"AMPOTEK! AYOKO NA!" binitawan na ni Adrian yung mic sa center table at humiga sa
sofa yakap si Andy.

Si Ate Hazel pala kasi. Tinatawanan sya.

"UHH HAHA.. SIGE.. PWEDE..pft.. PWEDE NA YUN.. HAHAHA.."

Ate Hazel talaga. Lakas mangtrip.

Pati ako, niyaya nyang kumanta. Kantahin ko raw yung 'SA KANYA'?

Tumanggi naman ako. Di ko alam ang kantang yun eh. Wala talaga kong masyadong alam
sa music. >___<

Natigil din agad yung pagvivideoke ni Ate Hazel. Kumain na kasi kami ng dinner.
Unti nga lang kinain namin para may space pa ang
tyan namin sa kainan mamaya. XD
Lumabas kami sa may garahe after dinner. Pinanood namin yung fireworks ng
kapitbahay nila. Sila Adrian din, nagpa-ilaw ng roman
candles at fountains.

Una natutuwa pa ang baby ko, pero nung nagpapaputok na si Adrian ng mga five star
ba yun, natakot na sya! Kung makayakap sya
sakin, ang higpit! >.<

Sa ganung paraan namin pinalipas ang oras-- pagpaputok, maya-mayang kain,


soundtrip-- hanggang sa ilang minuto na lang bago
mag-12.

Lalo nang umingay ang paligid. Lalong naging mausok. At lalong natakot ang baby ko!

Pero kahit natatakot sya, payag naman syang dun kami magstay sa garahe.

Lahat kami nandun.

Si Ate Hazel, nag-change outfit pa. Naka-pink one-piece blouse sya with red-polka-
dots! Para syang bata. Lalo na pag may hawak
syang dalawang roman candle sa magkabilang kamay. XD

Si Adrian.. Ayun. Natatawa lang pag pinapagalitan sya ni Mama Margie kasi paputok
sya nang paputok ng five star. Baka raw
maputukan sya sa kamay. Ehh oo nga. Pinagsabihan ko na rin sya kanina pero di sya
nakinig. >.<

"SIX! FIVE! FOUR!" sigaw nina Ate Hazel at Mama Margie. "THREE! TWO! OOONE!! HAPPY
NEW YEEEEAR!!!"

New year na.. :))

Kita kong nagyakapan sina Ate Hazel at Mama Margie. Ang cute nila tignan. Para na
talaga silang mag-ina. :'))

"Baby ko.. Happy new year.." niyakap ko nang mahigpit itong si Andy at hinalikan
sya. Pero dahil takot sya, di sya umiimik.

"Anak!" lumapit samin si Adrian. "Happy new year!"


Di naman sya maharap ni Andy kasi tinatago nito ang mukha nya sa leeg ko. Hinalikan
na lang tuloy sya ni Adrian sa ulo.
Then nagkatinginan kami with a smile.

"Ha--" di natuloy ang bati ni Adrian kasi niyakap sya ni Mama Margie.

Ang yumakap naman sakin ay si Ate Hazel. Niyakap nya kami ni Andy. Tapos nagpalitan
sila ni Mama Margie.

Si Ate Hazel, yumakap kay Adrian while Mama Margie hugged me and Andy.

Matapos ang magulong batian, nagpatuloy kami sa panonood ng mga fireworks, pailaw
at paputok sa labas.

I checked my phone too. I received several text messages na binabati ako.

Pero di yun ang hinihintay ko.. I'm waiting for CJ's call. Tatawagan nya raw ako
diba? Pero wala. Kahit text, wala. =/

Medyo depressed tuloy ako nang pumasok na kami ng bahay.

Dinaan ko na lang ang depression na yun sa pag-kain ng marami at unting pag-inom ng


beer!

We also took pictures.


Ito ang nakakatuwa sa pamilya na toh ni Adrian.. Kahit malungkot ako, nagagawa nila
kong patawanin, lalo na ni Ate Hazel.

Nang makaramdam na ko ng antok, nagpaalam na ko na maghihilamos na ko.

Ang saya.. Ang lungkot.. Ang gulo..

What's wrong with CJ? Di na nga nya ko tinawagan at tinext tapos nung sya na ang
kinontak ko, out of reach na sya!

Ayaw ko isipin na iniiwasan nya ko o sinadya nyang patayin ang phone nya. Problema
lang sa network yun kasi nga new year.
But still.. I can't help to feel sad.. :(
Haay..
When I was done taking a quick shower, next ko na sanang hihilamusan si Andy. Pero
nung puntahan ko sya sa sala, tulog na sya dun
sa sofa.

Lumuhod ako sa tabi nya at hinaplos ang ulo nya. Grabe. Ang dali talaga pagpawisan
nitong baby ko..

"Oh, tulog na.." NAGULAT NAMAN AKO KAY ADRIAN!

Nasa likuran ko pala sya?! Nasa dining yan kanina eh at umiinom kasama sina Ate
Hazel!

"Aakyat na kayo diba? Ako nang magbuhat sakanya." sabi nya.

"Sige.." mahina kong sagot.

Binuhat nga nya ang anak namin paakyat sa kwarto nya. Bubuksan pa sana nya yung
ilaw pero pinigilan ko sya. Magigising kasi si
Andy kung gagawin nya yun.

Inihiga na nya si Andy sa kama. Nanatili syang nakaupo dun hanggang sa mapalitan ko
na ng damit ang anak namin.

"Goodnight, anak.." hinalikan nya sa pisngi si Andy. Then hinarap nya ko. "Baba na
ko Chelle.. Wala ka na bang kailangan?"

Nakangiti akong umiling. "Wala na.. Salamat.."

Nginitian nya rin ako tapos naglakad na sya palabas.

PERO TEKA! MAY NALIMUTAN AKO!

DI KO PA SYA NABABATI NG HAPPY NEW YEAR! >.<

"Adrian!" huminto sya sa pagbukas ng pinto at nilingunan ako. "Happy new


year.." :))
Dumoble ang ngiti nya. Binitawan nya ang doorknob at humarap sakin. Nilahad nya rin
ang kamay nya, like he was asking for a
shakehand.

Natatawa akong tumayo mula sa kama at nilapitan sya.

"Happy new year too.." bati nya nang hawakan ko na ang kamay nya.

We shook our hands twice.. Twice lang pero di nya pa rin binibitawan ang kamay ko.
Tinignan ko sya with too much curiousity.

Eye to eye kami. I know my eyes were asking him 'WHAT?' pero yung kanya..parang
malungkot yung mga mata nya?

But his look changed, second by second. Yung sadness, napalitan ng eagerness.

And at the same time, I felt his hand gently tightening its hold on me.

Humakbang sya palapit sakin kasabay ng marahan nyang paghatak sakin then..

O///O

HE PRESSED HIS LIPS AGAINST MINE!!!

*BUDUM*BUDUM*BUDUM*BUDUM*BUDUM*

I stiffened but I still managed to hold my free hand on his arm! Alam ko, dapat ko
sya itulak palayo but God! Bakit nagdadalawang isip
pa 'tong kamay ko na gawin yun?!

More than five seconds passed, his lips were still on mine.
Napahigpit ang hawak ko both on his hand and arm kasabay ng..pagpikit ko.

He moved his lips and I answered it back..


We kissed.. We were kissing sweeter than ever, like we missed doing it so much..

Nilaliman nya pa ang paghalik sakin nang hawakan ng isa nyang kamay ang pisngi ko
pero di nya yun pinatagal.

He soon parted his lips from mine and gave me three little kisses on my lips to
finish it.

Kala ko yun lang.. Pero binigyan nya ko ng isa pang halik sa pisngi ko.

"I love you, Chelle.."

O//////O

A.. Ano.. Raw?

"And good night.." nakangiti syang humiwalay sakin.

"Uh.. Mm.. G-G-Good night..d-din.."

Tumango sya, still smiling, tsaka sya lumabas ng kwarto.

Naghabol-hininga naman ako pagkasara nya sa pinto.

GOD.. I WAS BREATHLESS THE WHOLE TIME!


Oh God.. O///O
Adrian kissed me and I.. I...

I KISSED HIM BACK..

Then he told me...

'I love you, Chelle..'

'I love you, Chelle..'

'I LOVE YOU, CHELLE..'

*BUDUM*BUDUM*BUDUM*BUDUM*BUDUM*BUDUM*

God.. S-Si Adrian?? O///O

MAHAL AKO??

xxxxxx

x45: To Take a Risk


[ADRIAN's PoV]

Pagkasara ko sa pinto ng kwarto ko, napatakip ako ng bibig.

Si Chelle..

HINALIKAN KO SI CHELLE AT UMAMIN NA KO SAKANYA.


Ahhh potek..

Nakaka-kaba. Hanggang ngayon, kinakabahan ako.

Oo, nakainom ako pero di naman ganun karami yun para mawala ako sa sarili ko.

Alam ko pa rin ang pinaggagawa ko. At alam kong mali ang ginawa ko.

Pero kasi naman.. Nung hawakan na nya ang kamay ko, di ko na napigilan ang sarili
ko. Di ko na nakontrol 'tong nararamdaman ko
para sakanya.

Masyado ko na syang mahal..

Mahal na mahal ko sya.. Mahal na mahal at gusto ko na syang makasama..

Tinitigan ko itong pintuan ng kwarto ko kung nasaan ang mag-ina ko..

Posible kayang ganun din ang nararamdaman ni Chelle para sakin?


Sinagot nya ang paghalik ko eh.. Di sya kumontra o nagprotesta..

Ganun na nga kaya yun?

Di ko pa alam ang sagot pero natutuwa na ko.

Masaya ako kasi alam ko, may pag-asang matupad ang pangarap ko para saming tatlo ng
anak namin.

Tama..

POSIBLE YUN AT MAY PAG-ASA AKO.


Kaya bukas na bukas, kakausapin ko sya. Lilinawin ko na ang lahat sakanya.

**

**

"Adrian anak ko.. Gising na.."

"Mmm.." =___=

"Sabi ko na nga ba, dapat di ka na uminom ng marami kagabi eh.."


"Mmm.." =___=

"HAAAY.. Anak? Nauna nang umalis sina Rachellyn ah?"

"Mmm.. HAA?!!" nagising ako at napaupo bigla dito sa sofa. "M-MA?! SINA CHELLE,
UMALIS NA?!"

O___O - Mama

AMP! Masakit ulo ko pero nagawa kong tumayo nang mabilis at kinuha ang susi ng
kotse ko sa may gilid ng TV.

Tsk. Dapat mahabol ko sila. Kakausapin ko pa si Chelle ngayon eh! Kaya nga ko
uminom kagabi para magkalakas ako ng loob ngayon
tapos..amp!

"T-Teka anak! Nagbibiro lang ako!"

Napahinto ako sa sinigaw ni Mama. Nagbibiro lang daw sya?


"Sinabi ko lang yun para magising ka kasi anong oras na oh at..effective naman pala
ang naisip ko.. Hehe.. Ang totoo, nandun silang
mag-ina sa dining, kumakain ng breakfast.." ^___^'

Napabuntung-hininga ako at hilot ng ulo. Si Mama talaga..

"Maghilamos ka na at humabol sa pagkain. Sina Rachellyn kasi, kailangan na yata


nilang umuwi sakanila.."
Nakangiting bumalik sa dining si Mama.

Ako naman, nagtaka.

Si Chelle, kailangan nang umuwi agad?

Ampotek naman. Baka may kinalaman yun kay CJ?

Ah hindi, hindi. Kahit si CJ pa ang dahilan ng pagmamadali nyang umuwi, di pa rin


ako papapigil sa gagawin kong pakikipag-usap
sakanya. HINDI.

Naghilamos na ko at sumabay na kumain sakanila.

"Good morning.." masaya kong bati kina Chelle at Andy pagkaupo ko sa may dulo ng
mesa.

Silang dalawa ang nandito kasi si Mama, nandun sa kusina.

Nginitian naman ako ni Chelle bilang sagot sa bati ko.

Pero yung ngiti nya..hindi yun ngiti na masaya.

Nagkatitigan kami saglit. Agad din nyang inalis ang tingin nya sakin eh at tinuloy
na kumain.
Tsk. Mukha syang bothered. Dahil kaya yun sa nangyari kagabi?
"PAPAAA! SANDWICH! COOK KO PO!" ^O^ Inabutan ako ng anak ko ng sandwich na may
cheese spread. Mukhang gawa nga nya
toh.

"Uy.. Salamat.." kinain ko yung binigay nya. "Mm, sarap ah!"

"HIHI.. GAGAWA KO NG MORE PO!" ^O^

Kumuha nga sya ng dalawang hiwa ng tasty at pinalamanan yun. Kinakarir nya ang
paggawa ng sandwich ah.

Binalikan ko ng tingin si Chelle. Malungkot pa rin sya.

Ay bwiset. Ayoko ng ganito sya. Lalo na kung dahil sakin..

Nagkakaganito lang naman sya ngayon dahil sa nangyari kagabi diba?

"Chelle.." tinignan nya ko. "Uhm.. Gu..Gusto mo na bang umuwi mamaya?"

"Sana.. Kung pwede.." tumingin na sya ulit sa kinakain nya. "May mga kailangan pa
kasi akong gawin na schoolworks.."

"Ahh.. Ako rin eh.. Geh, uwi na tayo after breakfast.."

Tumango lang sya.


At malungkot talaga sya.

TSK. KASALANAN MO YAN ADRIAN.

Dahil sa ginawa mo, malamang lang na nakokonsensya sya kasi nga may boyfriend sya.
TAKEN NA SYA PERO HINALIKAN MO PA RIN SYA.

Argh..

Di ko na tuloy alam kung dapat ko pa syang kausapin mamaya..

Baka mas malungkot lang sya pag gawin ko yun eh..

PERO HINDI! NAKAPAGDESISYON NA KO KAGABI!

MAY PAG-ASA AKO KAYA KAKAUSAPIN KO SYA! MAMAYA!

Hoo.. Kaya ko toh..

Pagkatapos nga naming mag-almusal, naghanda na kaming umuwi pabalik ng Manila.

Habang pinupunasan ko ang hood ng kotse ko, pinapaalalahanan ako ni Mama sa


pagdadrive kasi nga nakainom ako kagabi.
Medyo naririndi na ko sakanya, paulit-ulit kasi sya.

Buti nakalabas na sina Chelle at Andy. Handang-handa na silang umuwi.

Si Mama naman, pinanggigilan yakapin si Andy.

"WAAA PA-PAAA! TAWAG KA NI TITA PO!" >O< - Andy

"Huh? Si Tita Hazel?" tanong ko.

"Oo Adrian.. Nandun sya sa kwarto nila ni Mama Margie.." sagot ni Chelle nang di
nakatingin sa mga mata ko.
"Ah.. Sige.." haay. Yan lang ang sinagot ko tapos pumunta na ko sa kwarto nina Ate
Hazel.

Nandoo nga si Ate Hazel, nakahiga sa kama at nakakumot.

"Hoy.. Ugh.. Dito ka.." nanghihinang sabi ni Ate Hazel habang sumesenyas na umupo
ako sa tabi nya.

Para lang syang may sakit na...na malapit nang mamatay. HAHA. Hindi. Ganyan yan
ngayon kasi uminom sya nang sobra-sobra
kagabi.

Natatawa at tulala akong umupo sa tabi nya.

Ramdam kong umupo rin sya.


"Pinsan kong tanga.."

"Mm?" nilingunan ko sya.

*SLAP!*

O___O

SINAMPAL NYA KO!

Pero yung kamay na pinangsampal nya, may nakaipit doon na kung ano.

"Ayan na yung regalo ko sayo ah.." =___=

AH!

Kinuha ko agad yung sinampal nya sakin.


Picture toh eh. Picture naming tatlo nina Chelle at Andy na kinuhanan nung birthday
party ng anak namin.

Ito yung nung after naming magbigay ng birthday message. Buhat ko si Andy dito
tapos nakangiting magkatinginan kami ni Chelle.

Ang ganda lang ng kuha na toh. Tsaka ito ang unang family picture naming tatlo kaya
naman gustung-gusto ko makuha toh kay Ate
Hazel.
"Salamat Ate Hazel. The best pinsan ka talaga." nakangiti kong sabi habang
nakatitig dito sa picture.

"TSEH! ECHOSERO MO!" humiga na sya at nagtalukbong ng kumot. "Ikaw Adrian..


Sigurado ka na ba sa gagawin mo mamaya?
Talaga bang kakausapin mo na si Chelle tungkol dyan sa gusto mong mangyari?"

Oo nga pala. Alam ni Ate Hazel yun.

Habang umiinom kasi kami kagabi, naikwento ko sakanya ang balak ko na yun..

"Sigurado na ko dun, Ate Hazel.." sagot ko.

"Ganun.. Bahala ka.. Sige na.. Lumayas ka na.."

Kung palayasin naman ako nito! Palibhasa, di sya pabor sa gagawin ko.

Pero naiintindihan ko naman sya. Nagaalala lang sya samin kaya kontra sya sa gusto
ko.

"Basta Adrian.. Tandaan mo yung mga sinabi ko kagabi.." paalala nya pa.

"Oo na.." natatawa na naman akong tumayo.

"Wag mo kakalimutan ha?" tinignan na nya ko. "Na pag di ka nagtagumpay..


Magpakamatay ka na lang.. HAHAHA.."
"Siraulo.. Hahaha.. Sige na, alis na kami."

Nakangiti sya nang iwan ko sya.

Lokaret talaga yun. Di naman yun ang sinabi nya kagabi eh.

Ang totoong sinabi nya eh, oo, alam nya ring may pag-asa ako kay Chelle pero di
ibig sabihin nun ay mangyayari na ang gusto kong
mangyari. Dapat daw, tanggapin ko ang kung anumang magiging sagot ni Chelle sa
sasabihin ko.

Pagbalik ko sa kotse, nagpaalam na kami kay Mama at umalis na kami.

Haaay..

Ang tahimik namin sa byahe. Kahit si Andy, tahimik lang na naglalaro ng toycars sa
backseat.

Tss. Di ko alam kung paano uumpisahan ang pakikipag-usap kay Chelle tungkol DUN.
Ano bang dapat kong gawin?

Nang nasa Manila na kami, may naisip naman ako..

"Chelle, kain tayo?" yaya ko sakanya. Okay naman na siguro yung kausapin ko sya
habang kumakain kami noh?

"Ha? Uh eh.. Kakakain lang natin diba.."


AMP! OO NGA! TAENA NAMAN..

Natawa na lang ako kunwari.

"Hehe.. Oo nga noh.. Uhm.." MAY NAISIP AKO ULIT! "Ano.. Si CJ.. Hinihintay ka ba ni
CJ sa bahay nyo?"

Natigilan saglit si Chelle sa tanong ko.


"H-Hindi.. Malamang nasa Baguio pa yun.. O pauwi pa lang.."

GOOD!

Kung ganun, dun ko na lang sya kakausapin ng masinsinan sa bahay nila.

"Ganun.." tumango-tango ako.

Tapos natahimik na kami ulit.

Pero ayos lang. Unti na lang at masasabi ko na rin ang matagal ko nang gustong
sabihin sakanya..

Nang marating na namin ang ng bahay nila..

NANDUN ANG KOTSE NI CJ. Nakapark yun sa tapat ng gate nila.


"S-SI CJ..?!"

Napatingin ako kay Chelle.

Yung lungkot nya kanina, nawala na. Nagliwanag na ang mukha nya at para syang
batang na-excite..

"Nandyan na pala sya." si Chelle.. Nakangiti na sya. "Tara na, baby!"

"Uh Chelle.."

Bumaba sya ng kotse at kinuha ang gamit nila sa backseat.

"CHELLE." tawag ko ulit sakanya. Buhat na nya si Andy nang tumingin sya sakin.
At yung tingin nya sakin, naging malungkot ulit.

"Bakit Adrian?"

Bakit ganun?

Kay CJ, sumasaya ka. Sakin, hindi.

"W-Wala.. Pakiss lang kay Andy.." sabi ko.

"Ay, oo!" napangiti si Chelle. "Baby, kiss mo na si Papa!"


Pumasok sa may passenger's seat si Andy para lapitan ako at halikan.

"MMMMWUAH! I LOVE YOU PAPA!" ^O^

"Love you, anak.." pinat ko ulo nya tsaka sya lumabas ng kotse.

"Bye Adrian.." paalam ni Chelle pagkabuhat nya kay Andy. Naka-half smile sya.
"Thank you sa..sa pagdala samin kina Mama Margie.."

Tumango ako. "Wala yun.."

Sinara na nya ang pinto ng kotse ko at nagmadaling pumasok ng bahay nila.

Ano ba yan. Di man lang ako nilingunan ulit. Parang dati, papanoorin pa nila kong
umalis ah?

Ganun ba kahalaga si CJ para sakanya kumpara sakin?

Kung ganun, bakit nya rin ako hinalikan kagabi?


Napatakip ako ng mukha.

Di ko na alam ang nangyayari samin. Di ko na alam ang iisipin ko.

May pag-asa pa nga ba ko kay Chelle? O pinapaasa ko lang ulit ang sarili ko sa
wala?
xxxxxx

x46: Fighting Confusion

[RACHELLYN's PoV]

Mmm.. Anong oras na ba.. =___=

Umikot ako ng higa dito sa kama. Naku. Maliwanag na pala sa labas. 8:30 na ang oras
sa may bedside clock at ang baby ko.. Wala na
ang baby ko sa tabi ko.

Psh. Nauna na naman syang nagising sakin. T3T

Pero nakakatamad pang bumangon eh..

Umupo na lang muna ko at niyakap ang mga tuhod ko.

Grabe. Kagabi ang ingay-ingay ng paligid tapos ngayon, ang tahimik na..

'I love you, Chelle..'

Ay? Magplayback ba raw bigla sa utak ko ang sinabing yun ni Adrian sakin? >///<
'I love you, Chelle..'
Ehh oo na! >///<

Tch. Ano ba toh. Mula pagtulog ko hanggang ngayong paggising ko, ginugulo ako ng
nangyari samin kagabi.

Kagabi..

Napahawak ako sa labi ko nang alalahanin ko kung anong nangyari kagabi. Muling
bumilis ang tibok ng puso ko at napapa-pigil
hininga.

Kagabi.. Naghalikan kami ni Adrian kagabi at..

At sinabihan nya ko na mahal nya ko.

O///O

Kaya ba todo asikaso sya hindi lang kay Andy kundi pati sakin? Kasi.. KASI MAHAL
NYA KO?

Mahal ako ni Adrian..

*budum*budum*budum*budum*budum*

Napangiti ako. Di ko maiwasang matuwa sa isiping yun. Tapos, hinalikan nya pa ko


kaga--
O___O

O-Oo nga.. Hinalikan nya ko kagabi AT hinalikan ko rin sya..

Oh god..
Napatakip ako ng mukha. Yung tuwa ko kanina, napalitan ng sobrang kaba.

Di ko lang basta hinayaan si Adrian na halikan ako.. Hi..

HINALIKAN KO RIN SYA..

God.. I CHEATED ON CJ..

No.. This can't be..

Tumayo ako at lumapit sa bag ko. Hinanap ko roon ang phone ko. Pagkakuha ko nun ay
dinial ko ang number ni CJ.

Pero out of reach na naman sya! Tch! Ano na bang nangyayari sakanya?!

Ito ang nagiging problema namin nitong huli eh simula nang maging busy sya. Busy na
nga sya tapos pag nagkakalayo pa kami, ganito
madalas ang nagiging sitwasyon namin. Pahirapan syang kontakin.

CJ's always making me miss him too much. TOO MUCH to the point na nadidismaya na
ko.
Kaya di ko maiwasang mahulog ulit ang loob ko kay Adrian eh.

O___O

W-WHAT??

H-HINDI!

No. No. No. WALA AKONG SINABI.


Mali yun. Maling-mali.

I LOVE CJ. SI CJ LANG.

Nagkukulang na nga si CJ pero bumabawi naman sya pag may pagkakataon. Tsaka walang-
wala naman ang pagkukulang na yun sa
tagal na ng relasyon namin, sa dinami-rami na ng ginawa nya para samin ni Andy.

At saglit lang toh.. Darating din yung time na kami na lang talaga ni Andy ang
pagkakaabalahan nya. Kaya sa ngayon, hahayaan ko
syang gawin ang responsibilities nya sa parents nya.

Tama.. Kaya ko syang intindihin. Kaya kong maghintay. Kaya kong magtiis kasi..

Kasi mahal ko sya.. Ma.. Mahal ko si CJ..

=/
So from this minute on, kalimutan mo ang nangyari kagabi, okay ba Rachellyn.?

Tinapik ko ang mga pisngi ko at huminga ng malalim.

OO. KAKALIMUTAN KO NA YUN.

Kinuha ko ang mga gamit panghilamos ko tsaka bumaba.

Napahinto ako sa sala. Nandun kasi si Adrian, nakahilata sa may sofa at natutulog..

:)))

AY!

ANO BANG GINAGAWA KO DITO?! >___<


Pumunta na kong kusina. Nandun ang mag-lola, naghahanda ng almusal.

Nang matapos na ko maghilamos, kumain na kaming tatlo.

"Hay naku yung magpinsan.." sabi ni Mama Margie. "Mga bagsak pa rin.. Sabi ko nang
wag uminom ng sobra kagabi pero..hmpf.."
=3=

O___O
Uminom ng sobra.. Meaning, nagpakalasing..

Eh oo.. Kagabi, kumakain pa lang kami eh umiinom na sila ni Ate Hazel..

Ibig sabihin, nung hinalikan ako ni Adrian... LASING SYA.

Nagawa nya lang akong halikan kasi LASING SYA.

Nasabi nya lang na mahal nya ko kasi LASING SYA.

Gusto ko tuloy matawa.

Naniwala ako sa sinabi ng isang lasing. Hahaha..

Ang.. Ang sakit..

"Rachellyn? Anong problema? Masakit ba ulo mo?" nagaalalang tanong ni Mama Margie.

Bigla pala kasi akong napahilot ng ulo.


"Ah hindi po.. May naalala lang po ko.. Hehe.."

"Naalala? Siguro marami ka pang kailangang gawing schoolworks noh?"


"O-Opo.. Hehe.."

"Parehas kayo ni Adrian.." nakangiti syang tumayo. "Gigisingin ko lang sya ah?
Excuse me."

Napasigh ako nang iwan nya kami ni Andy dito sa kainan.

Ako? Marami pang schoolworks na gagawin? Eh natapos ko na ang lahat nang yun bago
mag-Pasko.

Nakakainis lang. Nakapagsinungaling ako.

Nagsinungaling ako dahil sa mapanglinlang na halik ni Adrian.

Nakakatawa talaga. Bakit ba ko naniwala sa sinabi nya?

Ako? Mahal nya? Kailan ba nagmahal ang isang playboy na tulad nya?

At yung kagabi? Napagtripan nya lang ako kagabi.. Hahaha.. AH!

*shake shake head* >___<

STOP THINKING ABOUT IT RACHELLYN!

SABI MO KAKALIMUTAN MO NA YUN DIBA SO FORGET IT ALREADY!


I took one deep breath again then tinuloy ko nang kumain.

Maya-maya gumising na nga si Adrian. Naghilamos sya muna bago sumabay saming
kumain.
When he took his seat, masaya nya kaming binati ng good morning.

Aba lang. Di nya siguro naalala ang ginawa namin kagabi.. Tch.

But who cares? Maganda yun. Wala syang naaalala at ako naman ay kakalimutan na ang
nangyaring yun.

Medyo nginitian ko lang sya pagkabati nya tapos kumain na lang ako ulit. Di ko sya
feel kausapin ngayon eh.

Buti na lang din at tinanong nya ko kung gusto ko na umuwi. Um-oo ako at dinahilan
yung sa schoolworks.

Again, I lied. Pero di bale na. Gusto ko lang talaga na umuwi na. Gusto kong
magpahinga sa sarili kong bahay. Feeling ko kasi
masyadong pagod na ang utak at puso ko sa mga nangyayari.

So after breakfast, natuloy kaming umuwi pa-Manila.

Tahimik kami sa byahe. Himala nga at pati si Andy, tahimik sa may backseat.

"Chelle, kain tayo?" bigla yaya ni Adrian habang nagdadrive sya.

Naexcite naman ako. Kung kakain kami, malamang magmo-mall kami at mauulit yung
family day namin! ^o^

But then I thought, wag na lang. =___=

"Ha? Uh eh.. Kakakain lang natin diba.." sagot ko nang di nakatingin sakanya.

"Hehe.. Oo nga noh.. Uhm.."

Haay. Di man lang sya mag-insist. Kahit di na kami kumain. Kahit mall na lang sana
para mapasyal ang anak namin.
"Ano.. Si CJ.. Hinihintay ka ba ni CJ sa bahay nyo?"

Si CJ.. =/

Hinihintay nga ba ko ni CJ sa bahay?

Malamang hindi.. Haha..

"H-Hindi.. Malamang nasa Baguio pa yun.. O pauwi pa lang.." sagot ko.

"Ganun.."

Nagpatuloy sya sa pagdrive tapos natahimik na kami ulit.

Lalong namang sumama ang loob ko..


Ang dami-daming pwedeng itanong para maging topic namin tapos yung kay CJ pa? Eh
hindi ko nga sya makontak at di nya rin ako
kinokontak..

Haay.. Ano ba namang buhay toh..

Si Adrian, pinagtitripan ako. Si CJ naman, binabalewala ako.

Ka-depress lang. =/

Pero nawala agad ang pagkadepress ko nang marating na namin ang bahay namin.

"S-SI CJ?!" gulat kong sabi.

Yung kotse nya kasi, naka-park sa tapat ng bahay namin! Nandito na sya! Kararating
nya lang kaya? Ay. Gusto ko na sya makita at
makausap!
Dali-dali akong bumaba ng kotse. Kinuha ko ang gamit namin sa backseat at binuhat
si Andy.

"CHELLE."

Napatingin ako kay Adrian. Ewan ko ba kung bakit nakaramdam ako ng lungkot nang
magtama ang mga tingin namin.

Siguro kasi, naalala ko na naman yung bagay na gusto ko nang kalimutan pero
ito..naalala ko pa rin yun..
"Bakit Adrian?" tanong ko sakanya. Di na kasi sya nagsalita.

"W-Wala.. Pa-kiss lang kay Andy.."

"Ay, oo! Baby, kiss mo na si Papa!"

Pumasok sa may passenger's seat si Andy at hinalikan si Adrian.

"MMMMWUAH! I LOVE YOU PAPA!" ^O^ Baby ko talaga. Wagas maka-kiss.

"Love you, anak.." pinat pa sya ni Adrian sa ulo bago sya bumalik sakin.

"Bye Adrian.." paalam ko naman kay Adrian. "Thank you sa..sa pagdala samin kina
Mama Margie.."

He nodded. "Wala yun.."

Masakit. Bakit ba ito ang nafifeel ko ngayon?

Sinara ko na ang pinto ng kotse nya at dumiretso ng pasok sa bahay.

Gusto ko sanang panoorin pa namin syang umalis kaso baka..baka mas masaktan lang
ako?
AH EWAN.. >___<
Pagkapasok namin ng bahay, agad kong nakita si CJ.

Nandun kasi sya sa may mahabang sofa, naka-dapa at tulog.

"DADD--"

"Shh.." pigil ko sa sigaw ni Andy. Napatakip sya ng bibig. "Nag-i-sleep si Daddy


kaya wag tayong maingay.."

Tumango lang sya. Binaba ko na rin sya sa sahig.

"Baby.. Gusto mo play ka na lang muna dun sa room ko? Iplay mo yung toys na binigay
ni Lola Margie."

"Waaa.. Sige po Mommy.." *o* Pabulong nyang sagot.

Natatawa kong binigay sakanya yung maliit na backpack na pinuno ng laruan ni Mama
Margie kanina. Tapos tumakbo na sya paakyat
sa kwarto ko.

Ako naman ay lumapit kay CJ. Lumuhod ako sa tabi nya at nirest ang ulo ko malapit
sa mukha nya.

I smiled as I was watching him sleep. Para syang bata. Madalas, padapa sya kung
matulog, unlike Adrian.

Adrian..
Si Adrian na naman.. >___<

Tch.

Tinitigan ko na lang 'tong si CJ.


Hinawi ko ang buhok nyang nasa noo nya then I kissed him on his cheek.

Ay. Napadilat sya sa ginawa ko!

"M-Mhie?" umupo sya sabay kusot sa mga mata nya. "Nandito na pala kayo?"

Tumango lang ako. Sa dami kasi ng gusto kong sabihin at itanong sakanya, di ko na
alam kung anong uunahin ko.

Matapos nyang kusutin ang mga mata nya, tinitigan nya ko. Sadly.

"Sorry I wasn't able to contact you yesterday and last night.. Nawala kasi phone
ko.."

EHH? Nawala phone nya?! O___O

"Makikigamit sana ko ng phone ng iba kaso nabubwisit naman ako dun sa relatives
namin na umattend sa reunion. Kung may
mabibilhan nga lang ako agad ng bagong phone eh.. Tsk.." sumandal sya sa sofa.
Pinipilit nyang magrelax pero alam ko, sa itsura nya,
stressed at naiinis sya.

"P-Panong nawala yung phone mo, CJ?" tanong ko.


"Dunno. Basta pag dating namin ng Baguio, wala na yun sa bulsa ko. Wala rin naman
sa kotse ko." napatakip sya ng mga mata.
"Damn it.. Dami pa namang importanteng contacts ang nakasave dun.. Messages too and
pictures.. Argh."

"Pero.. Kung nawala yun.. Sino yung nagtext sakin kagabi gamit number mo?"

Gulat syang napatingin sakin.

"May nagtext pa sayo kagabi? Anong sabi?" tanong nya.

"Sabi sakin, 'I'm busy. I'll call you later.' Tinawagan kasi kita nun ng ilang
beses pero di ka sumasagot tapos ayun, nagtext.."
Natulala na si CJ. Para syang may iniisip na malalim?

"Tama siguro ang hinala ko.. I think.. Si Mommy ang kumuha ng phone ko.."

"CJ?? Wag mo nga pagbintangan mommy mo." inis kong sabi.

"Why not? Sya lang naman ang kasama ko sa byahe. And she can do it. She is very
able to, lalo na yung pagtext sayo ng ganun."

Di ko na alam kung ano irereact ko. Naiinis ako kasi ayaw kong pinagbibintangan nya
ng ganyan ang nanay nya pero relieved din
naman ako..

I feel very relieved na hindi sya ang nagtext sakin nun, na hindi pala nya ko
iniiwasan, na hindi pala sya....
"C-CJ? Kung hindi ikaw ang nagtext sakin nun, ibig sabihin..hindi ka galit sakin?"

"Huh? Ako? Galit sayo? Bakit naman?"

"Kasi.. Kasi nagpunta kami ni Andy kina Adrian.. Dun kami nag-new year kahit di mo
pa kami pinapayagan.." :(

He stared at me for a few seconds then umusog sya ng upo paharap at palapit sakin.
Tapos nakangiti nyang pininch ilong ko! >3<

"Bakit Mhie? May dapat ba kong ikagalit kung dun kayo nagcelebrate ng new year?"

Natigilan at kinabahan ako sa tanong nya.

May dapat nga ba syang ikagalit?

Meron diba.. At yun ay yung pa..pakikipaghalikan ko kay Adrian..


"Halika nga.." hinawakan nya ang kamay ko at pinaupo ako sa tabi nya. Niyakap nya
ko while I'm resting my head on his shoulder. "Di
ako galit, Mhie. Hmm, nagulat lang ako kanina pag dating ko kasi wala kayo pero
alam ko naman na agad na dun kayo nagpunta
and..and that was good actually. Mas mabuti na yum na may nakasama kayo ni Andy na
magcelebrate.. Kaya nga lang..
NAGSESELOS AKO."

Nakakakonsensya naman.. Sobra.. :(

"CJ.. Mahal kita.. Ikaw ang mahal ko.. Diba?" bigla kong sabi.
Natawa sya. "ANG SERYOSO MO NAMAN! Alam ko naman yun eh! Alam kong ako ang mahal
mo. Diba?"

=/

Natatawa pa rin sya nang halikan nya ang noo ko then yung tip ng nose ko.

Nung sa lips na, napapikit ako, but only to feel Adrian's lips instead of his.

Napaatras tuloy ako. Kita kong nagulat sya.

Pero nginitian ko sya at ako naman ang humalik sakanya. I made it sweeter. Sweeter
than what I had with Adrian.

Kailangan ko tong gawin. Kailangan kong bumawi kay CJ. Kailangan bumalik sa dati
itong nararamdaman ko pag hinahalikan nya ko.

"I love you Rachel.." CJ said as he ended our kiss. "And happy new year.."

"I love you and happ-- WAA!" niyakap nya ko bigla pahiga dito sa sofa!

"Mhieee.. Alam mo ba.. Antok na antok pa ko.. Right after kasi nung reunion,
bumyahe na ko agad pabalik dito.."

"T-TALAGA?!" O___O
"Oo. Tapos Mhie, di pa ko nagbebreakfast. Nagugutom na nga ko eh."

Natawa ko. Yung tono nya kasi! Parang baliw lang!

"Alam ko yun CJ! Kakagising mo nga lang eh diba?"

"Yup. Kakagising ko lang tapos hinalikan mo ko. Hehehe."

Oo nga noh?! Hehe. Pero in fairness. Di sya bad breath. Yosi lang ang nalasahan ko
sa halikan namin.

Halikan..

Tsk. Iba na naman ang pumasok sa isip ko at napabangon ako dahil dun.

"Mhie?"

Nginitian ko si CJ. "P-Pagluluto kita ng lunch!"

"Di na. Ako na lang." papatayo na sya pero inunahan ko sya.

"NO. AKO NA! Magpahinga ka na lang dyan, okay?"

"Hm.. Okay.." =___=


Iniwan ko na sya sa sala pero sinundan nya pa ko hanggang dining!

"DADHIE?! AKO NA NGA LANG DIBA?" T3T

"Oo nga. Ikaw na nga lang." =___=

"Eh ba't mo ko sinusundan?!" >3<


"Di kita sinusundan noh. Tss. Aakyat ako para makita si Andy." at dumiretso nga sya
sa may hagdanan! Psh. Ako na napahiya. =3=

Habang papaakyat sya, kita kong nakangiti sya sakin. Nginitian ko rin sya.

Nang mawala na sya sa paningin ko, huminga ako nang sobrang lalim.

Wew. Tama lang 'tong ginagawa ko..

I'll keep myself from completely falling again for Adrian and..

And I'm going to save my relationship with CJ.. Kay CJ na alam kong mahal ko.

xxxxxx

x47: Saviour

[RACHELLYN's PoV]
Nandito ko ngayon sa Jollibee, umiinom ng coffee float habang nakatulala dun sa
labas.

Gabi na at maulan. Masarap sanang matulog ngayon. Kaya nga lang, may group project
pa kami na kailangang gawin ng mga
classmates ko.

Haay. Ininom ko na itong float at pinanood ang mga crew na nagtatrabaho dito sa
loob.

Nakakamiss naman magwork.. Tinigil ko na kasi magtrabaho eh after magkasakit ni


Andy..
"RACHELLYN! TARA NA!" nilapitan ako ng classmate kong si Jane.

Nagpapart-time sya dito at sya ang hinihintay ko. Sabay kasi kaming pupunta sa
bahay ng classmate namin kung saan kami
magoovernight para pagpuyatan yung group project namin.

"Tara.." sinimot ko na yung float ko at umalis na kami.

Sayang. Dun sana kami sa bahay ko magoovernight eh. Kaso nasira yung fusebox namin
kaya ayun, wala kaming kuryente dun
ngayon. Si baby ko rin tuloy, nandun sa lolo nya.

Nagjeep kami ni Jane at naglakad pa ng medyo malayo sa loob ng isang open


subdivision.

Huminto kami sa isang maliit at simpleng bahay. Doon sinalubong kami ng classmate
naming si Jennifer na may-ari nitong bahay tapos
pumasok na kami.
"Ang tagal nyo! 8:30 na ah!" reklamo ni Camille na nakaupo na sa may tabi ng center
table. Kasama nya ang dalawa pa naming
groupmates, sina Lyka at Melody.

"Sorry naman!" sagot ni Jane pagkaupo namin. "Naligaw kasi kami ni ADRIAN eh!"

"EHHH~?!" sabay-sabay na react nilang apat.

Ako naman ay napatingin kay Jane. Ano bang pinagsasabi nya? O___o

"N-Naligaw kayo ni ADRIAN? Ibig sabihin hinatid nya kayo dito?!" - Camille

Eh oo nga pala. Kaya ganito maka-react si Camille kasi may gusto sya kay Adrian.
Malas nya lang di sya napapansin ni Adrian kahit
anong pagpapaganda, pagpapasexy at pagpapansin ang gawin nya. HAHA.

Ay.. Bakit ba ko natutuwa.. =___=

"Ayieee naman.." hala. Kiligin ba raw yung iba naming groupmates?


"Sa tingin ko, mahal ka na ulit nun, Rachellyn!" sabi naman ni Jennifer na tumabi
kay Jane.

Tss. Mahal daw..

"Di yun totoo.." sagot ko at binuksan na ang laptop ko dito sa center table. "Hindi
kami hinatid ni Adrian dito noh.."

"HINDI BA?!" sabay-sabay na naman nilang sabi. Lahat sila napatingin kay Jane.
"Hehehe.. Hindi nga.. Si CJ kasi yung naghatid samin!" - Jane

"SI CJ?! EDI NAKILALA MO NA YUNG BOYFRIEND NI RACHELLYN?!" - Jennifer

"OO! HEHEHE.."

"Di rin yun totoo. Nagcommute lang kami papunta dito." pagsingit ko sa usapan nila.

"IKAW TALAGA JANE! TALKSHIT KA!" ayun binugbog na si Jane ng mga kagrupo namin.
Haha.

Tapos nilabas na nila ang sarili nilang mga laptop at sinimulang gawin ang project
namin na 4-page newspaper.

Ang dami pa naming gagawin. As in ngayon lang kasi namin toh sinimulan at ang
submission nito? Sa kamakalawa na.

In short, we're cramming. Cramming pero itong mga kagroup ko, except kay Camille
ah, nagagawa pa nilang magkwentuhan habang
nagawa.

Una napapagkwentuhan nila yung bagyo. May bagyo kaya maulan ngayon eh. But then
yung topic nila, napunta sakin!

Ininterview nila ko about my past! Paano raw kami nagkadevelopan ni Adrian? Paanong
may nangyari samin? Kanino pinaka-nagmana
ang baby namin? Paano kami nagkakilala ni CJ? Kamusta maging boyfriend si Adrian at
si CJ?
>___<

"T-Tama na. Tapusin na natin toh, anong time na oh." sabi ko sakanila.

Baka kung ano pa itanong nila eh. =___=

Nagpatuloy na ko dito sa ginagawa ko. Si Camille naman, tahimik pa rin habang yung
apat pa naming kasama, patuloy sa kwentuhan.

"Teka. Nakita nyo na ba personally si CJ?" - Jennifer

"Oo naman!" sabay-sabay na sagot nina Jane, Lyka at Melody.

"Daya. Bakit ako hindi pa?!" >___<

"Malas mo eh. Dati kaya madalas naming makita yun na hinahatid at sinusundo si
Rachellyn sa school." - Melody

"Edi kayo na maswerte! Ehh teka. Kamusta naman si CJ? Mas okay ba sya kay Adrian?"

"Hmm.. Para sakin.. Mas malakas dating ni Adrian eh.." - Jane

"Yung CJ kasi, mysterious ang dating." - Lyka

"Tsaka mukha syang matino! Si Adrian naman, mukhang maloko." - Melody


"Maloko pero gwapo!" - Jane

"TA-MAA~! Haha" pagsang-ayon ni Jennifer sabay apir kay Jane. "Ehh kung pwede nyo
jowain ang isa sakanila, sino pipiliin nyo?"

"Hmm.." natahimik sila saglit.


"Kay Adrian ako." - Lyka

"Sus. Kay CJ na lang ako. Mukhang responsible at stick-to-one, di tulad ni Adrian."


- Melody

"Hmmmm.. Pwede bang dalawa na lang sila para sakin? HAHAHA" - Jane

"ANG KAPAL MO!" binugbug na naman nung tatlo si Jane.

T3T

Di ako kasali sa usapan nila pero yung feeling na sa harapan ko mismo nila pinag-
uusapan ang dalawang lalaki sa buhay ko? Nakaka-
ilang lang ah..

Matapos nila awayin si Jane, napatingin silang apat sakin.

"Swerte mo noh Rachellyn? Naexperience mong maging BF si Adrian tapos ngayon, may
CJ ka." - Jane

"Eh Rachellyn, sino bang mas masarap magmahal? Si Adrian o si CJ?" ^3^ - Jennifer
O___O

Ganitong tanong ang iniiwasan ko eh..

Ayoko ng papipiliin nila ko kina Adrian o CJ.. >___<

"De! Wag yan! Hihi.. Rachellyn.. Curious lang ako ah.." halos bumulong na lang
'tong si Jane. "Magaling bang umano si Adrian?"

"UMANO?" ulit naming apat nina Jennifer.

"OO! Alam mo na! Umano.. Kaya nagkababy kayo.. Hehe--"


"Gage!" hinampas ni Jennifer sa braso si Jane.

Habang ako.. Err.. >///<

Nakaramdam ako ng hiya! Syempre, sa tanong ni Jane, naalala ko yung mga nangyari
nung time na yun.. =///=

"Ikaw Jane! Ma-offend mo nyan si Rachellyn, sige ka!" sabi pa ni Jennifer.

"Hehe.. Sorryyy! Curious lang talaga ko kasi di ko pa naeexperience yun! Hehehe.


Uhm, pwede change question na lang?" ^O^

"Oh ano na naman yan ah?" - Jennifer


"Sino mas masarap humalik? Adrian o CJ?"

Halik..

Biglang nagflashback sa utak ko yung paghahalikan namin ni Adrian nung new year..

WAIT. Bakit yun? I thought nakalimutan ko na yun!

Nakalimutan pero araw-araw ko kayang naiisip yun.. Ilang weeks na ang lumipas nang
mangyari yun pero sa alaala ko, parang kagabi
lang namin yun ginawa..

God.. >///<

"RACHELLYN?" sabay-sabay na tawag nung apat sakin. Nakitingin silang lahat sakin.

"ANO BA YAN." inis at biglaang sabi ni Camille. "Puro kalandian pinag-uusapan nyo.
Eh kung tinatapos nyo na 'tong project natin noh?
Edi sana makakapagpahinga tayo ng mas maaga?"
Ngumuso yung apat naming kagrupo.

"Palibhasa bitter.." bulong ni Jane.

"ANO YUN?" - Camille

"Sabi ko, oo nga. Gagawa na po kami." ^___^


Tumahimik na sila't inatupag na ang project namin.

Wew. Dapat siguro magpasalamat ako kay Camille.

Kaso, galit yata sya sakin? Galit sya kasi close kami ni Adrian..

Close..

Buti na lang nagagawa kong i-maintain ang closeness namin ni Adrian kahit masama
ang loob ko sakanya..

Oo.. Masama pa rin loob ko sakanya.. Ikaw ba naman kasing halikan at sabihan ng 'I
Love you' tapos wala pa lang katotohanan yun?

Masakit kaya yun sa part ko..

O___o

TEKA TEKA TEKA..

Pinagsasabi ko? Hahaha HMP. Matext na nga lang muna si CJ!

*type*type*
'dhieee!i love u.. :3'
Yun lang at sinend ko na yun.

Alam ko namang di magrereply si CJ. 11PM na eh. Malamang tulog na sya kasi syempre,
pagod sa pag-aaral at pagaasikaso ng
business nila.

Tinabi ko na lang ulit ang phone ko sa bag ko at pinagpatuloy itong ginagawa ko.

Seryosong seryoso kaming lahat dito nang may biglang dumating.

Isang may edad na babae na may inaalalayang lalaki na lasing?

"Patay.." bulong ni Jennifer.

"Naku Jennifer.." sabi nung babae. "Ano toh?"

"SHINO MGA YAN? HA?!" sabi naman nung lalaking lasing.

"Ma.." tumayo si Jennifer. "Mga classmates ko sila.. Gumagawa kami ng project.."

Tumayo kaming lima at binati yung parents nya.

"HANO BA YAAN.." umupo ang lasing na tatay ni Jennifer sa sofa. "MGA KABABAE NYONG
TAO? TAPOS? UGH.. TAPOS NANDITO
KAYO?! SA IBANG BAHAY?!"
"Pa.." inawat sya ni Jennifer at ng nanay nya at pilit pinapapasok ng kwarto.

Kaso ayaw eh. Nanatili sya dito at kinausap kami. Ah hindi pala kausap, more like
pinapagalitan pala kami sa mga bagay na wala
naman kaming kinalaman. Psh. Mga lasing nga naman oh..
Dahil ayaw magpaawat ng tatay ni Jennifer at wala na kaming ibang mapupwestuhan o
lilipatan, napagdesisyunan namin na umuwi na
lang.

"Girls.. Pasensya na ah.." naiiyak na sabi ni Jennifer nang ihatid nya kami sa
labas ng bahay nila.

"Okay lang Jenni, bukas na lang natin ituloy toh." - Jane

"Basta tapusin nyo yang articles nyo ngayon ha? Baka bukas, imbis na pag-layout na
lang eh ang gawin natin eh..tch." - Camille

"OO NA PO. Tss. Sige na Jenni, alis na kami." - Jane

"Sige.. Ingat kayo ah.." malungkot na paalam ni Jennifer tapos umalis na kami.

Buti di na umuulan kundi pahirapan kami sa pag-uwi..

Sa isang kanto, naghiwalay na kami ng mga kasama ko. Sa kabila kasi ang way nilang
lahat papuntang dorm nila.

So.. Solo flight na ang drama ko habang naglalakad.


Mag-isa na lang ako kaya naman todo ang nararamdaman kong takot ngayon unlike
kanina nung kasama ko si Jane.. >___<

Di kasi ganun kaliwanag yung ilaw sa mga poste dito tapos sobrang tahimik pa ng
paligid tapos malayo-layo pa lalakarin ko para
makasakay ako ng taxi tapos kumukulog pa bigla!

At pag minamalas ka nga naman, bumuhos pa nang napakalakas ang ulan!

Hinagilap ko ang payong ko sa bag ko.

HALA! ANG PAYONG KO! Naiwan ko yata kina Jennifer! Waaaa..

Naglakad na lang ako ng mabilis. Alam ko may shade dito eh.


Ay namaaan. Asan na yun? Basang-basa na ko oh!

AH AYUN! Nakita ko na yung shade. Agad akong sumilong dun.

*budum*budum*budum*budum*

Kinabahan ako nang may mahagip ang mga mata ko na isang lalaki dun sa kanto.

Nakahooded, black jacket sya at nakacap. Mabagal syang naglalakad papuntang way ko
habang may hawak na payong at yung isang
kamay naman nya ay nasa bulsa ng jacket nya.

Di ko makita mukha nya kasi nakayuko sya at naka-cap nga. Nakakapagduda sya. Di ko
maiwasang isipin na may masama syang
balak.
Oh God.. Ano na bang gagawin ko? Paano kung holdaper sya at..

*gulp.. >___<

Madali kong hinalungkat ang bag ko para sa phone ko.

OH-MY-GOD.

Basang-basa na mga gamit ko dito! Pati yung phone ko! Naka-off sya at ayaw nya
mabuksan! Oh God..

Pasimple kong tinignang mulh yung lalaki.. Papalapit na sya nang papalapit sakin at
yung puso ko, palakas nang palakas ang kabog..

>___<

HELP.. Someone please.. Dad.. CJ..


Ehh ayan na sya.. Ramdam kong ilang talampakan na lang ang layo nya sakin..

Then may narinig akong sasakyan na huminto malapit samin.

Di ako makalingon dahil sa takot. What if kasabwat pala ang sasakyan na yun? What
if dun pala ko isasakay nung lalaki para dalhin sa
kung saan?
Halos lumabas naman na mula sa dibdib ko ang puso ko nang marinig kong nagbukas ang
pinto ng kotse.

OH GOD OH GOD GOD OH--

"CHELLE!!"

O___O

Ang boses na yun.. Ang pagtawag na yun..

Lumingon na ko sa kung nasaan yung sasakyan at di ako nagkamali sa pagkakakilala sa


boses na yun. It's..

IT'S ADRIAN.

xxxxxx

x48: Saviour (part2~)

[ADRIAN's PoV]

"UY SI ADRIAN!"
"ISA 'TONG HIMALA!"

"PARE! GAGONG GUPIT AH!"


Tss. Loko talaga 'tong barkada ko. =___=

Hindi ko naman dapat sila pupuntahan ngayon dito sa bar kaso yung kaibigan kong si
Mike, birthday ngayon. Tutal naman pauwi na ko
galing kina Mama kaya ito, naisipan kong dumaan muna dito.

"PRE!" nilapitan ako ni Mike.

"Happy birthday." bati ko sakanya.

Niyakap nya ko sabay tapik sa balikat. "SALAMAT!"

Inabutan nya ko ng isang shot ng alak na agad kong ininom. Tapos inasar na naman
ako nitong mga mokong na toh.

"SERYOSO PRE? WALA KA PA RING SYOTA HA?"

"ANO YAN? BALAK MONG MAGING SINGLE FATHER NA LANG FOR THE REST OF YOUR LIFE?"

"BUTI PA PALA SI JUDE EH NOH?! HAHAHA"

"TEKA!" sigaw ni Mike. "SPEAKING OF THAT.. NAUNA SI ADRIAN, SUMUNOD NAMAN SI JUDE,
SINO NA KAYA SATIN ANG
NEXT--"

"Ikaw. Ikaw na ang susunod." sagot ko kay Mike. =___=


"EH?! AYOKO NOH! DI PA KO HANDA! HAHAHA OOH.. NANDYAN NA ANG MGA GIRLS OF THE NIGHT
NATIN.."

Tumingin kami sa kung saan nakatingin si Mike.


Potek. Grupo ng mga babae ang paparating..mga babaeng nakakaakit. =___=

"Geh.. Alis na ko.." tumayo na ko para umalis pero hinatak ako ni Mike pabalik.

"Pare naman? Ayan na chance mo para makahanap ng magiging pangalawang nanay ng anak
mo oh?" bulong nya.

Pangalawang nanay ng anak ko? Napangiti ako dun ah.

"Oh diba pare? Good idea diba? Hahaha.." sabi pa nya.

"Oo.. Good idea SANA.. Kaso isa lang ang gusto kong maging nanay ng anak ko eh.."

"Oh? Sino naman yun?"

Ngumiti lang ako ulit at uminom ng isa pang shot ng alak.

Pagkalapit samin nung mga babae, tumayo na ko. Sinubukan akong pigilang muli ni
Mike pero di na nya nagawa kasi kailangan nya
nang ientertain yung mga babaeng dumating.
Sa labas pagkasakay ko sa kotse ko, napabuntung-hininga ako.

Si Chelle.. Sya lang ang gusto kong maging nanay ng anak ko.. Sya lang ang gusto
kong makasama sa pagbuo ng pamilya.. Sya
lang..

Pero kailan ko kaya masasabi sakanya yun? Paanong matutupad yun kung wala naman
akong ibang ginagawa bukod sa paghintay sa
'tamang timing' na di ko alam kung darating pa?

Haaay.. Mukhang masasayang lang ang ginawa kong paghalik at pag-amin sakanya non..
Parang kinalimutan at binalewala nya na rin
yun eh..
Tsk. Makauwi na nga!

Nagdrive na ko pauwi. Pero ampotek naman! Bakit ganito katrapik ngayon?! KALALIMAN
NA NG GABI PERO TRAPIK?!

May limang minuto nang halos di gumagalaw ang mga sasakyan dito. Bumuhos na rin
ulit ang napakalakas na ulan nang may
ambulansyang nagovertake.

Ah.. May aksidente siguro dun sa dulo kaya trapik.

Nang medyo umusad ang mga sasakyan, lumiko ako dun sa may subdivision na shortcut
pauwi.

Di nga lang ako lagi dumadaan dito. Nakakatakot kaya ang lugar na toh! Ma-puno at
medyo madilim. Mamaya, makakita pa ko ng
white lady dito eh. Pero ngayon, no choice ako. Nagmamadali na kong umuwi. Anong
oras na eh at may gagawin pa ko.
Nagmamadali man ako, binagalan ko pa rin ang pagpapatakbo sa kotse ko. Malakas kasi
ang ulan at may kadiliman nga dito. Baka
makasagasa ako pag binilisan ko.

Tulad nun oh. Baka masagasaan ko ang lalaking yun na mukhang adik. Nakahooded black
jacket sya at nakapayong habang
naglalakad sa gitna ng kalsada.

Buti gumilid sya agad dun sa may shade kung saan may babaeng... T-TEKA! SI CHELLE
BA YUN?!

SI CHELLE NGA! KAHIT NAKATAGILID SYA, KILALANG-KILALA KO ANG AYOS NA YAN! MAGING
YUNG BAG NA DALA NYA! YAN
YUNG REGALO KO SAKANYA NUNG PASKO EH!

Inihinto ko ang kotse ko malapit sakanila at nagmadali akong bumaba. Kahit malakas
ang ulan, lumabas ako.

"CHELLE!!" sigaw ko.

Huminto yung nakajacket na lalaki sa paglapit kay Chelle. Parang di na nya alam
kung aalis na ba sya o tutuloy pa sa kung anumang
balak nya na obvious na MASAMA.
Nilingunan ako ni Chelle. Basang-basa na sya at mukhang natatakot.

"A-Adrian?"

"Tsk." nilapitan ko sya't hinatak sa braso.

Pinagbuksan ko sya ng pinto sa passenger's seat para dun sya paupuin.


"A-Adrian.. Baka mabasa ko yung loob ng kotse mo.." >___<

"EH ANONG GUSTO MO?! DITO KA LANG SA LABAS HA?!"

Nagpout sya. Ay naman!

"DALI NA CHELLE!"

[RACHELLYN's PoV]

"DALI NA CHELLE!" tinulak ako ni Adrian papasok dito sa kotse nya at padabog na
sinara ang pinto. T3T

Umikot sya sa kabila at umupo sa driver's seat.

Bagong gupit pala sya ah. Kakapanibago. Nagmukha syang mature. At naku..nabasa na
rin pala sya ng ulan. >.<

Pagkaupo nya ay tinitigan nya nang masama yung lalaking nakablack jacket sa labas
na hindi pa rin umaalis sa kinatatayuan nito.

Grabe. Nakipagtitigan din nang masama yung lalaki kay Adrian! Mukhang may balak
ngang masama sakin yun ah! Buti na lang
dumating si Adrian..

"Bakit ba nandito ka nang ganitong oras ha?" Hala.. May galit sa boses ni Adrian..
"A-Ano.. Galing ako sa bahay ng classmate ko.. Magoovernight sana kami ng iba ko
pang classmate sakanila kaso..kinailangan
naming magsi-uwian bigla.."

"TSK."

>___<

Galit nga sya..

"Oh ito. Punasan mo sarili mo." napatingin ako sakanya. Inaabutan nya ko ng panyo.

"A-Ah ikaw muna.. Nabasa ka na rin oh.."

"Pero mas basang-basa ka kaya kuni--"

"Oo p-pero--"

"PWEDE BA CHELLE KUNIN MO NA LANG TOH?" pinipigilan nyang magtaas ng boses pero
nakakatakot pa rin sya.. >___<

Kinuha ko na tuloy yung panyo nya at pinunasan ang sarili ko.

"Ito pa, magjacket ka." inabutan nya pa ko ng jacket na kinuha nya mula sa backseat
tapos nagdrive na sya.

Habang pinupunasan ko ang mukha ko gamit ang panyo nya, ramdam kong naiiyak ako.
Si Adrian kasi.. Galit.. >___<

"A-Adrian.. Sorry.." mahina kong sabi.


Di sya umimik.

"Wa.. *sniff*" >___<

"Chelle? Suotin mo na yung jacket para di ka malamigan!"

"W-Wag ka na magalit, Adrian.. Sorry na sa abala.." >___<

Nagsigh sya. "Di mo kailangang mag-sorry. Galit ako pero di naman yun dahil sa
inabala mo ko. Galit lang ako kasi..kasi di ko
maiwasang isipin yung pupwedeng nangyari sayo kung di kita nadaanan kanina.. Tsk..
Nag-aalala lang ako, okay? Di ako galit sayo."
nilingunan nya ko at kinuha yung jacket. "Suotin mo na toh. Baka magkasakit ka
nyan, sige ka."

Kinuha ko yung jacket at sinuot ito. Si Adrian, ngumiti na at binalik ang atensyon
sa pagdadrive.

"Sa susunod kasi Chelle pag ganyang time ka uuwi eh magpasundo ka kay..kay CJ. Kung
di sya pwede, ako. Ako ang tawagan mo at
susunduin kita kahit nasaan ka pa."

Napayakap ako sa bag ko. Yung puso ko kasi, wagas makatibok.

Parang nag-aalala lang sakin yung tao kaya nasabi nya yun eh natutuwa na ko? Psh..
NAG-AALALA LANG SYA.. Yun lang yun..
"Pwede ba yun Chelle?" tanong nya pa.

"O-Oo.. Sige.. Sa..Salamat.." T//3//T

Natahimik na kami. Pero nagtanong ulit si Adrian.

"Sino palang nagbabantay kay Andy ngayon?"

"S-Si Dad.. Nandun sila ngayon sa bahay nya.. Kung okay lang, dun mo na lang ako
ihatid.."
"Bakit di na lang sa inyo para makapagpatuyo ka kaagad?"

"Ah.. Walang kuryente samin eh.. Nasira yung fusebox.."

"NASIRA??"

Tumango ako. "Pero maaayos na yun bukas..ay mamayang hapon pala.. Mamayang hapon pa
kasi pupunta yung electrician namin.."

"Ganun.. Pero malayo yung bahay ng tatay mo. Di ka pwedeng bumyahe ng ganun katagal
nang ganyan ang itsura mo noh.
Paniguradong magkakasakit ka."

T3T
Ano ba tong si Adrian? Di raw pwede eh paano na ko?

"Tsaka mahirap magbyahe Chelle. Halos magzero visibility na sa daan oh dahil sa


lakas ng ulan."

Oo nga.. T3T

"Dun ka na lang muna sa bahay ko."

O______O

"Uhh yun eh kung okay lang pala sayo.." napakamot sya sa batok nya.

"S-Sige.. Dun na lang tayo.." sagot ko.

"Hm.. Okay.." medyo nginitian nya ko.

Ang totoo, kinakabahan ako at hindi komportable sa ideyang pagstay sa bahay nya
pero nakakahiya namang tumanggi. Malayo pa nga
kasi ang bahay ni Dad tapos super lakas pa ng ulan.
Patuloy lang sya sa pagmaneho hanggang sa marating na namin ang condo building nya.

Nagpark sya sa basement at umakyat kami sa unit nya nang basa-basa ang suot namin.

Pagkahinto namin sa tapat ng pintuan nya, mas kinabahan ako.


Ang number nitong unit nya, #1220.

Tulad ng sabi ko noon, this number is somehow significant. It is because 1220 may
stand for December 20..

And it was December 20, 6 years ago, nung nagpunta kami ni Adrian dun sa isa nilang
bahay sa Bulacan. At halos ganito rin kami non,
nabasa sa ulan tapos...

>///<

"Pasok na Chelle." AY! Nabuksan na pala ni Adrian ang pinto nitong unit nya!

Tumuloy ako while shaking those memories off of my head.

Wala akong dapat ipagalala. Wala dahil hindi na yun mangyayari ulit. Hinding-hindi.

xxxxxx

x49: Suddenly..

[RACHELLYN's PoV]
Pagkapasok namin ni Adrian sa unit nya, dumiretso sya sa kwarto nya habang ako ay
nagstay sa sala at chineck ang mga gamit kong
nabasa.

Yung phone ko, talagang ayaw na mag-on. Yung laptop ko, basa rin. T3T
"Chelle. Mali-- Oh? Ano yan? Mga nabasa?" tanong ni Adrian.

"Oo eh.. Yung phone ko nga ayaw na mag-on.. Ito kayang lapt--"

"Wag mo buksan." pinigilan nya ko nang subukan kong i-on ang laptop ko. "Basa ang
loob nyan. Hayaan mo munang matuyo yan o di
kaya dalhin mo muna sa technician. Pati yang phone mo."

"Ganun.."

"Oo. Oh." inabutan nya ko ng bath towel. Meron din syang kanya na ginagamit na nya
pamunas ng ulo nya. "Maligo ka na muna."

"MALIGO?" O.o

"Oo? May hot shower dun kung ayaw mo maligo nang malamig ang tubig."

"Ahh.. Sige.." tinanggap ko na yung towel at tinignan ulit ang loob ng bag ko. "Ehh
may extra ka pa bang damit na pwede ko masuot?
Kahit anong tshirt pwede na. Mga nabasa kasi yung karamihan ng dala ko."

"Meron, meron. Saglit lang." bumalik sya sa kwarto nya.

Nilabas ko naman ang ilan pang mga gamit ko na nabasa at pinatong sa may single
couch para patuyuin sila.

Naku naman.. Pati pala bra ko, nabasa! >3<


"Ito na Chelle oh." Si Adrian! Madali ko namang binalik yung bra ko sa loob ng bag
ko.
"S-Salamat. Hehe.."

Plain black shirt itong binigay nya. Sa isang tingin pa lang eh alam ko nang malaki
sakin tong damit nya pero pwede na. Pwede na
kaysa wala akong masuot. =___=

Si Adrian ang gusto ko sanang mauna sa pagligo pero pinilit nyang ako na ang mauna
eh. Nagpapilit naman ako.

Binilisan ko na lang ang pagligo ko pati ang pagbihis. Buti na lang di nabasa itong
panty at shorts ko. Palibhasa nasa pinakailalim sila
ng bag ko.

Kaso paano na yung bra ko? Pag sinuot ko yun, mababasa rin tong damit ni Adrian..

T3T

>3<

=3=

Sinuot ko na yung shirt ni Adrian nang hindi nakabra. Tapos tinignan ko ang sarili
ko sa may salamin.

Hmm.. Pwede na.. Buti medyo makapal 'tong damit kaya di halatang wala akong suot na
bra. Pero pasimple ko pa ring tinakpan ng
bath towel itong dibdib ko nang lumabas ako ng CR.
Bumalik ako sa sala. Nandun si Adrian, nakaupo sa mahabang sofa at TULOG?!

"HUY ADRIAN.."

"AH!" napaayos sya ng upo. "OO, OO! ANO? BAKIT?"

Pft.. Hehe.. Adrian talaga.. Lagi na lang antok..


"Ligo ka na.." sabi ko sakanya.

"Hmm.." tumango sya sabay hilot sa ulo. Pero agad syang lumingon ulit sakin.

Seryoso nyang tinitigan ang..ang legs ko?! O///O

"Dun ka dapat magoovernight sa bahay ng kaklase mo diba?" tanong nya. "Tapos ganyan
kaiksing shorts ang susuotin mo dun?"

Napatingin ako sa shorts ko. Half ng hita ko naman ang haba nito ah! Nagmukha lang
syang mas maiksi kasi malaki 'tong tshirt na suot
ko.

"Ahh yaan mo na." tumayo sya habang nagkakamot ng ulo. "Matulog ka na. Dun ka na sa
kwarto ko. Ako naman dito na lang."

"Eh di pa ko pwedeng matulog. May gagawin pa kong project. Pero..uhm..pwede ko ba


palang mahiram yung..yung laptop mo?" nahiya
pa ko. Psh.

"Oo naman. Ayun oh, gamitin mo lang." tinuro nya ang drawing and study table nya na
nandito lang din sa sala.
"Okay. Salamat." nginitian ko sya.

"Kung gusto mo rin ng maiinom, kuha ka lang dun sa kusina. Kape o beer, meron dun."

Tumango lang ako tapos nagpunta na syang CR.

Kinuha ko na ang laptop nya at dito ako sa may center table pumwesto.

Astig ng wallpaper nya. Black sports car. Haha. Buti hindi yung mga vixen. =.=

Pinlug ko roon ang flashdrive ko. Ioopen ko na sana yung document file na kailangan
kong tapusin kaso..nacurious naman daw ako sa
mga file na meron si Adrian?

So ito.. Chineck ko nga ang files nya. Inuna ko yung images under ng folder na
'anakkotoh!'. Natuwa ako sa laman nun. Puro pictures
ng baby ko eh! Err..ng baby pala namin. :))
Ang cute. Meron ding kuha na silang dalawa! Ma-copy nga toh lahat!

While copying, patuloy lang ako sa pagbrowse. May isang video akong nakita.

I opened it and.. WAAA! BABY KO RIN TOH! *o*

Sa kuha eh nakapwesto si Andy dito sa center table at seryosong-seryoso sa


pagdodrawing.

"Anong pangalan mo anak?" tanong ni Adrian dito na syang kumukuha ng video.


Tumingin si Andy sakanya. "ANDY PO!"

"Ilang taon ka na?"

Nagbilang ng apat si Andy sa kamay nya at tinapat yun sa cam. "FOUR PO!" *o*

"HAHAHA GOOD! Uhm.. Eh sino naman mas love mo? MOMMY O PAPA?"

"SI PAPAAA!" >O<

"WOW! VERY GOOD! HAHAHAHA"

T3T

Daya.. Bakit si Adrian ang mas love nya?

"Ano naman ang gusto mo maging paglaki mo?" tanong ulit ni Adrian.

"MAG-TRAIN DRIVER PO!" ^O^


"HAA?!" sabay at parehas pa kami ng naging reaksyon ni Adrian! Bakit naman kasi
TRAIN DRIVER?!

"WAG NAMAN YUN ANAK! Hmm.. Pili ka ng iba.. Ayaw mo ba maging teacher? Doctor? O
architect tulad ko?" - Adrian
"WHAT'S ARCHITECT PO?" - Andy

"Architect.. Nagdedesign at plan ng mga house at building.."

"WAAA DESIGN NG HOUSE AT BUILDINGS PO?! GUSTO KO YUN PO! GUSTO KONG MAG-ARCHITECT
NA LANG PO!" *o*

Natatawang ginulo ni Adrian ang buhok nya. "Sige para parehas tayo! Hehehe"

"Hihi.." ^3^ Bumalik sa pagdodrawing si Andy.

"Ehh sino ulit mas love mo ah, anak? Mommy o Papa?"

"MOMMYYY!" ^O^

"ANOH?!"

HAHAHAHA! IN THE END, AKO PA RIN ANG MAS LOVE NG BABY KO! HAHAHA YEHEY! ^w^

"Ang daya mo anak! Ay.. May tumatawag.." yun na ang last na sinabi ni Adrian at
natapos na yung video.

Hehe. Katuwa talaga silang mag-ama..


Nagbrowse pa ko ulit baka may ganun pang video dito.

Pero may ibang kumuha ng atensyon ko. Yun ay isang folder dito na ang name ay..
'mahalkotoh'.
MAHAL NYA? MAHAL NI ADRIAN? Sino naman yun? =/

Nagdalawang isip ako na iopen yun. Kainis eh. Baka masira ko 'tong laptop ni Adrian
pag makita ko na ang pagmumukha ng babaeng
yun..

=___=

Pero curious talaga ko eh. Gusto ko makita kung anong klaseng babae ba ang nagawang
mahalin ni Adrian kaya sige, titignan ko toh.

Huminga muna ko nang malalim then..

*click

T______T

O______O

W-WHAT THE?

P-PURO PICTURE KO ANG MGA TOH AH? PURO STOLEN PA!


I-Ibig sabihin.. AKO? AKO ANG MAHAL NI ADRIAN?

Edi.. Edi totoo pala yung sinabi nya sakin nung new year?

*BUDUM*BUDUM*BUDUM*BUDUM*

O///O

Rinig kong lumabas na ng CR si Adrian. Kinlose ko yung mga images na tinitignan ko


at inopen na yung document file na dapat kong
ginagawa.
Kunwari na lang kanina ko pa toh pinagkakaabalahan.

Alam kong dito sa sala nagpunta si Adrian pero di ko sya pinansin. Di rin naman sya
nagsalita. Diretso lang syang umupo dun sa may
study table nya.

Tinignan ko sya on the corner of my eye. Nakapajama sya at aba, TOPLESS! May towel
din na nakasabit sa batok nya.

I was just staring at him nang bigla syang umikot ng upo at lumingon sakin.
Nagkagulatan pa kami!

"May problema ba, Chelle?" tanong nya.

"M-Magdamit ka nga.." sagot ko.

Ngumisi sya. "Huh? Bakit? Naaakit ka bang makita tong katawan ko?"
"WHAT?! DI NOH!" binalik ko ang tingin dito sa laptop. "Feeling mo ah.. Eh hindi
naman kaakit-akit yang katawan mo.."

Natawa lang sya.

Tss. Feeling macho kasi eh hindi naman. Pero hindi ko sinasabing pangit ang katawan
nya ah? Kung irerate ko nga yun, it's actually
above average at nakakaakit pa rin kahit walang abs.

*pak

Hinampas ko bigla ang noo ko. Mga pinag-iisip ba naman kasi ng utak ko?! Yung
kaninang HINDI, biglang naging OO?!

Nilingunan ko ulit si Adrian. Busy na sya magdrawing pero di pa rin sya nagdadamit!

"ADRIAN! Magdamit ka sabi! Ang lamig-lamig ng panahon tapos ganyan ka?!" T3T
"Wala na kong damit na masusuot." sagot nya nang di tumitingin sakin.

"Anong wala?! Ang imposible naman nun!" >3<

"Wala nga. Lahat marumi na. Yung mga malinis naman bukas ko pa kukunin sa laundry
shop."

"KAHIT ISANG MALINIS NA TSHIRT, WALA KA?" sarkastiko kong tanong. Di naman kasi
kapanipaniwalang wala sya malinis na damit
kahit isa.
Nilingunan na nya ko. "Hmm.. Meron palang isa.."

"See? Suotin mo na yun!"

"Di pwede."

"At bakit hindi pwede?"

"Suot-suot mo na yun eh."

O___O

Ahh.. Okaaay..

Pero nahiya ako dun ah. =///=

"Wag mo na ko pansinin. Ayos lang ako kahit walang damit. Di naman ako madaling
tablan ng sakit." ngumiti sya sabay balik sa
pagdodrawing.

T3T
Binalikan ko na ring gawin itong project ko.

But I couldn't help to constantly look at him and to...


And to think about his feelings for me..

MAHAL AKO NI ADRIAN.. MAHAL NYA KO..

Gusto kong matuwa pero nag-aalangan ako. Oo, kung proof lang eh marami na kong
nakita kaso.. Baka hindi pa rin yun totoo.. Baka
pinagtitripan nya lang ako..

So confusing.. >___<

Ayoko na ngang isipin yun!

Pinilit kong magfocus na lang dito sa project ko.

Lumipas ang ilang oras. Maybe two hours? At natapos ko rin itong ginagawa ko. Medyo
antok na ko.

Tinignan ko ulit si Adrian sa may study table nya. PERO WALA NA SYA DON!

Nagpanic ang paningin ko. Tumayo ako para hanapin sya. Pero nagulat naman ako kasi
nakaupo lang pala sya dito sa sofa malapit sa
likuran ko.

"Gusto mo?" alok nya sa canned beer na iniinom nya.

"A-Ayoko.."
"Hmm.." tinignan nya ang laptop nya. "Tapos ka na ba sa ginagawa mo?"

"O-Oo.. Pwede mo na gamitin laptop mo.." umupo ako ulit para ayusin ang laptop nya.
"Hindi, hindi. Di ko pa yan gagamitin.. Gusto ko sanang mag-usap tayo..kung
pwede.."

Natigilan ako at kinabahan.

"T-Tungkol san?" tanong ko without looking back at him.

"Tungkol sa..sa nangyari nung new year."

Nung new year? Yun ba yung..

"Tungkol sa paghalik ko sayo at sa sinabi ko nung oras na yun." dagdag pa nya.

So alam nya pala yun? I mean, naaalala nya? Diba lasing sya non?

"Chelle.. Seryoso ako dun.." napapikit ako. Ramdam ko ang pag-triple ng bilis ng
pagtibok ng puso ko. "Mahal talaga kita.."

Ito na. Nilinaw na nya ang matagal nang gumugulo sa isip ko. Masaya ako. Pero anong
isasagot ko? Naguguluhan pa rin ako eh. Di ko
alam.

Tumayo ako nang nakangiti. "W-Wait lang ah? I-Iinom lang ako ng tubig?"
Nauuhaw talaga ko. Para kasing nanuyo bigla ang lalamunan ko.

Umalis ako para magpuntang kusina.

"Chelle?" hinabol ako ni Adrian. "San ka pupunta?"

"S-Sa kusina? Iinom nga ko diba?"

"KUSINA? Pero papalabas ka na ng bahay?"


"Ha?" tumingin ako sa paligid.

Eh oo nga! Papunta akong front door instead na sa kusina! >.<

Bigla hinawakan ni Adrian ang kamay ko.

Napayuko ako at tinitigan ang mga kamay namin.

Nakakalito naman toh. Gusto kong maniwala sakanya na ayaw ko. Masaya ako na hindi.

"Y-Yung sinabi mo na..na mahal mo ko.. Yung halik mo.. Trip-trip mo lang ang mga
yun eh.. Diba.." mahina kong tanong.

"Chelle.. Sa dami na ng beses na hinalikan kita at sinabihan ng mahal kita, kahit


isa dun, di ko ginawa't sinabi kasi trip-trip ko lang."
Umiling ako at tinitigan sya sa mga mata nya. Seryoso sya pero ayaw ko pa ring
maniwala.

"Hindi Adrian.. Niloloko mo lang ako eh.." pinilit kong ngumiti.

Hinigpitan naman nya ang hawak nya sa kamay ko. Tapos ay mabilis nya kong hinatak
sabay halik sa mga labi ko!

O///O

A-ANO TOH? INULIT NYA LANG YUNG GINAWA NYA NUNG NEW YEAR EH!

Oo nga.. Parang nauulit nga lang yun.. Ganun din kasi ang naging reaksyon ko
ngayon. Yung gusto ko sya itulak palayo pero di ko
magawa at..

At sinagot ko rin ulit itong paghalik nya.


Compared nga lang sa new year kiss namin, mas maiksi itong ginawa namin ngayon.

Nang ilayo na nya ang lips nya from mine, ni-lean naman nya ang noo nya sakin at
hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"Sabihin mo nga, anong naramdaman mo sa halik kong yun? Yun ba ang tipo ng halik na
masasabi mong trip-trip lang?"

Di ako makasagot. Pero di ko itatanggi sa sarili ko na naramdaman ko ang pagmamahal


nya sakin sa halik nyang yun.
"Bawat halik ko sayo Chelle, bawat sabi ko sayo na mahal kita.. Lahat yun, ginawa
at sinabi ko, gagawin at sasabihin ko kasi mahal
kita.. Mahal talaga kita Chelle.. Mahal na mahal.."

"Mahal din kita." bigla kong sabi.

Di ko alam kung paano ko nasabi yun pero alam ko, yun ang nararamdam ko ngayon. Ang
pakiramdam na yun na matagal kong di
pinansin at pilit na di pinaniwalaan, ngayon, napatunayan ko nang totoo.

"Mahal din kita, Adrian." ulit ko.

Ngumiti sya at hinalikan ako ulit.

"Mahal kita. Mahal kita. Mahal kita." paulit-ulit nyang sabi inbetween his quick
kisses.

But his quick kisses soon turned into another long kiss.

We were doing it not only more passionately, but also longer than any kiss we ever
had; na para bang wala ng mamaya o bukas pa.

When he deepened it, I felt my knees getting weak that it made me hold on his bare
shoulders.

Napansin nya yata ang pangangawit ko. Inalalayan nya kasi ako by holding on my
lower back.

Pero binuhat nya ko bigla paharap! Binuhat nya ko in a way that I'd be able to wrap
my legs around his waist. Tapos sinandal nya ko sa
pader.
Our lips parted again at nagkatitigan kami.

His look.. It is very serious, full of desire mixed with temptation and second
thoughts.

And this embrace of him.. It is giving me chills and heat at the same time.

I smiled at him and next thing I knew, I started on kissing him again. Ako ang
nagsimula pero agad nyang nabawi ang kontrol sa
paghahalikan namin.

"I love you Chelle.." mabilis nyang singit sa gitna ng paghalik nya sakin.

Napangiti na lang ako while responding to his very demanding kisses.

Well, I love you too Adrian.. That's why I wouldn't mind giving myself to you..
again..

xxxxxx

x50: Realization

[RACHELLYN's PoV]

This happiness..
I never thought that I'd be able to feel this happiness again-- this exact
happiness na naramdaman ko 6 years ago.

6 years ago, nung unang beses kong minahal si Adrian; nung unang beses ko ibigay
ang sarili ko sakanya.
"Chelle.. Magbreak na tayo."

W-WAIT..

WHY AM I SEEING THIS SCENE ALL OF A SUDDEN?

This scene na nangyari rin 6 years ago and a week after ng unang beses na may
nangyari samin.

"Basta Chelle.. Di na kita mahal."

That was the moment when he let go of my hand.

Tinalikuran na nya ko at iniwan sa rooftop ng school pero ayaw ko pa rin maniwala


sa sinabi nya.

'Mahal na mahal kaya nya ko! For sure nagjojoke lang sya o di kaya ay nagtatampo.'
Yan ang naisip ko kaya sinundan ko sya.

'Lalambingin ko sya at bibigay rin yun. Malakas kaya ko sakanya!' That was what I
believed so.
"Adr--" napatakip ako ng bibig nang maabutan ko si Adrian.

I caught him with another girl and..

AND THEY WERE KISSING.

He was kissing that girl the same way as how he used to kiss me.

Tumigil ang pag-ikot ng mundo ko sa nakita ko.

My feet got rooted on the ground, my hands on my mouth were trembling, my eyes
already shedding tears, and my heart started
beating very fast.
Napakabilis ng tibok ng puso ko at sa bawat tibok nito, nandun yung sakit.

Masakit.. Sobrang sakit kaya sana huminto na lang sa pagtibok 'tong puso ko.

Bakit ba kasi nangyayari toh? Sabi nya mahal nya ko ah? Mahal na mahal nya ko tapos
ganito? After lang ng may nangyari samin,
wala na?

Ah.. Nalimutan ko. Pumatol nga pala ko sa PLAYBOY.

I'm so stupid to believe him, to love him, and to give myself to him.

Yeah.. I'M SO STUPID.


Tumalikod ako at naglakad palayo.

Gusto ko pagtawanan ang sarili ko pero hindi..mas gusto ko umiyak..

Gusto ko iiyak 'tong sakit na nararamdaman ko.. Sana mawala na toh..

*BUDUM

This pain..

*BUDUM

Please go away.. Please..

*BUDUM

"UHH.." nahihirapan akong huminga nang napadilat ako.


Inabot pa ko ng ilang segundo bago ko napakalma ang sarili ko, bago ko napansin na
nakahiga pala ko dito sa sofa at walang suot-
suot sa ilalim ng kumot.

O___O

Ehh? Bakit ako naluluha?


Umupo ako at pinunasan ang mukha ko.

Mm.. Teka..

WALA SI ADRIAN SA TABI KO..

W-Wala sya..just like the first time we did it..

Mabilis namang nagflashback sa isip ko yung napanaginipan ko, yung pag-iwan nya
sakin noon after ng may nangyari samin.

Then my heart felt the same pain as what it felt in my dreams.

God.. Is my past going to happen again? Minahal ko ulit si Adrian at binigay ko rin
ulit ang sarili ko sakanya. Tapos ito, wala na naman
sya sa tabi ko pagkagising ko. What's next after this? Iiwan na nya ko ulit?

Ah, no.. 'Cause this time, hindi lang ako ang iiwan nya. Pati si Andy, iiwan nya.
Iiwanan nya kami ni Andy.

I closed my teary eyes and tried to pull myself together.

Ano naman kung iwan ako ni Adrian? Wala akong dapat ipag-alala. CJ's with me and
he's going to stay by my side, always.

I smiled but then napadilat ako at napatakip ng bibig.


S-Si CJ.. Oh God.. WHAT DID I DO TO CJ?!
I.. I CHEATED ON HIM, AGAIN..

No.. How could I..

"Chelle?"

Napatingin ako kay Adrian. Nandito na pala sya sa harapan ko? He was topless again
and his eyes were looking at me with confusion.

"Sabi ko kain na tayo.. Uhm eh okay ka lang ba Chelle?" nilapit nya ang kamay nya
sa pisngi ko pero umiwas ako.

"WAG MO KO HAWAKAN."

[ADRIAN's PoV]

"WAG MO KO HAWAKAN."

Napahinto ako sa sinabi ni Chelle. Ba't bigla syang nagsusungit?

"I-Iwan mo muna ko dito Adrian.. Please.. Mag..Magbibihis lang ako.."

Ah.. Sus. Nginitian ko sya. "Ganun ba.. Sige."

Nagpunta ko sa dining at inayos na lang ang inihanda kong breakfast para saming
dalawa.

Habang nag-aayos, napangiti ako. Naalala ko kasi ang mga nangyari kagabi.

Kagabi, nalinaw ko na ang nararamdaman ko para sakanya at umamin din sya na mahal
nya rin ako.
Mahal din ako ni Chelle.. Ang saya lang. Mas napangiti tuloy ako.

Mahal nya ko. Mahal ko sya. Bukod sa pagkakaroon na namin ng anak, sapat nang
dahilan ang pagmamahalan namin para magsama
na kami at buuin ang pamilya namin diba?

Oo, sapat nga. Pero alam ko, hindi pa yun pwede mangyari agad. Sila pa ni CJ eh.

Pero kaya kong maghintay. At kung sakali eh tutulungan ko sya. Tutulungan ko syang
makipagusap at magpaliwanag kay CJ tungkol
sa sitwasyon namin. Hindi yun madali pero dahil nga mahal ko sya, di ko hahayaang
mag-isa nyang harapin ang mga magiging
problema namin.

Hoo.. Napabuntung-hininga ako bigla dahil sa kaba.

Kinakabahan ako. Yun kasi ang bagay na gusto ko sabihin kay Chelle ngayon.

Dapat nga kagabi ko pa yun nasabi kaso sa di inaasahang pagkakataon eh iba ang
nagawa ko. AMP. Kasi naman. Masyado kong
nadala sa paghahalikan namin at sa pagsabi nya na mahal nya rin ako.

Tsaka namiss ko kaya sya nang sobra. Idagdag pa dun yung ilang bwan kong pagpipigil
na umano ng ibang babae kaya ayun.. Tsk.
Ampotek lang talaga. Sa tagal kong nagpigil eh di na ko nakapagpigil nung si Chelle
na nakaharap ko.
Ah, si Chelle. Tagal naman magbihis nun?

At bakit nya pala ko pinaalis? Dalawang beses ko naman nang nakita ang katawan nya
ah?

=___=

Hmm.. Ang tagal talaga.

Hindi naman sa gusto ko manilip ah pero gusto ko lang makita kung ano na bang
ginagawa ni Chelle. Kaya mula dito sa dining ay
sinilip ko sya sa sala.
O___O

WALA NA DUN SI CHELLE!

Nagmadali akong pumunta sa sala. AMPOTEK! WALA NA RIN ANG MGA GAMIT NYA!

Tumingin ako sa may pintuan at kita kong naiwang nakabukas ang pinto.

Taena. Umalis na nga sya!

Tatakbo sana ko palabas kaso wala pala kong suot na damit kaya naman dinampot ko sa
sofa yung tshirt ko na ginamit ni Chelle
kagabi at sinuot ko yun.
Pagkalabas ko ng unit, nakita ko si Chelle na saktong kakasakay lang ng elevator.

Nakita nya rin ako pero agad syang yumuko.

Tumakbo ko ulit para habulin sya at tamang-tama. NASARAHAN NA KO NG ELEVATOR!


TANGNA!

Hagdanan na lang ang ginamit ko. Nagmamadali talaga ko. Ilang steps ang iniskip ko
para makasabay sa pagbaba ng elevator.

Nang nasa ground floor na ko, naabutan ko si Chelle pero tumatakbo na sya papalabas
ng building.

TSK. ONTI NA LANG!

Tumakbo din ako palabas. Nakatawag sya ng taxi pero bago sya makasakay roon,
nahatak ko na sya sa braso nya.

"CHELLE! ANO BANG NANGYAYARI SAYO?!" pasigaw kong tanong kahit hinihingal ako.
"BAKIT BIGLA-BIGLA KA NA LANG AALIS
HA?!"
"Anong bakit? May dahilan pa ba para mag-stay ako sa bahay mo?" matapang nyang
sagot na ikinatameme ko.

"Ch-Chelle? Mag-uusap pa tayo eh.. May--"

"Tungkol saan? Sa nangyaring pagkakamali kagabi?"


"Hin-- ANO? PAGKAKAMALI?"

"OO. PAGKAKAMALI." naluha sya habang nagpupumiglas sa pagkakahawak ko sakanya. "I


CHEATED ON CJ, ADRIAN. NI.. NILOKO
KO SYA."

"O-Oo nga pero Chelle..ginawa mo naman yun kasi mahal mo ko diba?"

Natigilan sya at tumitig sakin.

"Diba?" tanong ko ulit at binaba sa kamay nya ang pagkakahawak ko. "Kaya wag ka
mag-alala. Hi--"

"Hindi kita mahal, Adrian."

Ako naman ang natigilan at napatitig sakanya.

"HINDI KITA MAHAL. HINDI." pagdiin nya pa sa sinabi nya.

Umiling ako at hinigpitan ang hawak sa kamay nya. "MAHAL MO KO. SINABI MO YAN
KAGABI."

"Oo nga? At ang pagsabi ko nun sayo ay parte ng pagkakamaling ginawa ko kagabi.
Mali yun. MALING-MALI DAHIL SI CJ ANG
MAHAL KO, HINDI IKAW."

Natigilan na naman ako. Di ko sya pinaniniwalaan pero nasaktan ako. Nasaktan ako sa
sinabi nya.
"OI!" sigaw nung taxi driver na binuksan na ang bintana ng sasakyan. "SASAKAY BA
KAYO O HINDI?!"
"S-SASAKAY PO AKO!" hinatak ni Chelle ang kamay nya mula sakin at sumakay na sa
backseat ng taxi.

"CH-CHELLE! SAGLIT LANG!" hinampas ko yung bintana pero mabilis na umalis yung
taxi!

AMP! TANGNA TALAGA! ARGHH!

Napakamot na lang ako ng ulo na para bang tuliro ako. Di ko alam kung tatakbo ba ko
para habulin yung taxi o ano. Ay ewan! Bwiset
na buhay toh!

At sa inis ko sa nangyari, tinadyakan ko yung lata ng softdrink na nasa harapan ko.


Tumalsik yun sa gitna ng kalsada.

'HINDI KITA MAHAL. HINDI.'

'SI CJ ANG MAHAL KO, HINDI IKAW.'

Hindi. Hindi ako naniniwala sayo Chelle. May nangyari satin. At di mo naman
ibibigay ulit ang sarili mo sakin kung di mo ko mahal.
HINDI. HI.. HINDI..

[RACHELLYN's PoV]

Pagkauwi ko ng bahay, agad akong naligo. Kahit kandila lang ang gamit kong ilaw sa
CR, pinilit kong gawin yun.
Gustung-gusto kong linisin ang katawan ko. Gusto kong burahin lahat ng halik at
hawak na ginawa ni Adrian sa balat ko. Gusto kong
malimutan ang nangyari kagabi.

Pero alam ko, na kahit anong kuskos at ligo ang gawin ko, di pa rin mababago ang
katotohanan na may nangyari ulit samin ni
Adrian..na nagtaksil ako kay CJ..

I stopped taking a shower at that thought. Tatlong beses ko na kasi sinasabon ang
katawan ko pero ano nga bang silbi nun?
Matapos kong maligo ay uminom ako ng tubig sa kusina. Pagkalagay ko ng baso sa may
lababo, natulala na ko.

Ang gulo.. I regret what happened and I consider it as a mistake yet there's still
a part of me that cherishes it.

Masaya ko sa nangyari samin kasi ginawa namin yun nang mahal namin ang isa't isa.
Pero yung pagmamahal na meron si Adrian
ngayon para sakin, mawawala rin yun agad diba? Tapos iiwan din nya ko sa bandang
huli, just like what he did to me before.

Adrian will make me feel that pain of being left again.. At di ko na kakayanin pag
maramdaman ko yun ulit.. Hindi na..

I was about to cry nang may biglang yumakap sa waist ko from behind.

"Mhie. Nandito ka na pala?" God, it's CJ.

"O-Oo.." napapikit ako nang irest nya ang baba nya sa balikat ko.
Di ko maiwasang matakot. Di ko maiwasang maguilty.

"Sorry di na ko nakapagreply sa text mo kagabi. I was already asleep that time. At


kanina, tinatawagan kita but you were out of reach."

"A-Ah oo.. Naano kasi yung phone ko.. Nabasa tapos ayaw na mag-on.."

"Nabasa? Paanong nabasa?"

"Uhm.." napaisip ako. I can't tell him na nabasa ako ng ulan tapos kay Adrian ako
tumuloy. Just no. "N-Nahulog yun sa drum ng tubig
nung naligo ako..kina Jennifer."

"Ah.. Tss. I told you. You shouldn't be using your phone when you're in the
bathroom."

"Hehe.. Sorry po.."


Natatawa syang tumango sabay halik sa pisngi ko. "I love you, Mhie."

He loves me. How about me? Di ko sya masagot.

"Mhie.. Malungkot ka yata ngayon?"

"H-Huh? Hindi ah!" hinarap ko sya at nginitian. Tapos niyakap sya ng mahigpit.

I'm sorry CJ. I'm sorry sa ginawa ko. I'm sorry. Yan ang gusto ko sabihin sakanya
pero di ko masabi. Natatakot ako.
"Namimiss mo na si Andy noh?" tanong nya sabay ganti ng yakap sakin.

I just nodded without breaking our hug.

"Then let's go pick him up at your dad's place." masaya nyang yaya.

"CJ.." bigla ko namang tawag sakanya.

"Hm?"

"Pwede ba kong magrequest sayo?"

"Of course. Ano ba yun?"

I paused for a few seconds then.. "Please.. Please spend more time with me."

Di sya sumagot. Ang selfish ba naman ng request ko eh. I know he's a busy man right
now so how could I ask for that?

"Sure." EH?! Nagulat naman ako sa sagot nya!


Tiningala ko sya and saw him smiling at me.

"From now on, I will spend more time with you and your baby. Kasi.." he cupped both
of my cheeks. "Kasi sabi mo. Kasi mahal ko
kayo."
He then gave me a peck on the lips.

Sa halik nyang yun..wala akong naramdaman..

"Mahal ka din namin." sagot ko with a smile, kahit ba hindi na ganun ang
nararamdaman ko para sakanya.

"Eh magpalit ka na ng damit. Dali, para mahabol natin yung lunch. Dun tayo kina Dad
kumain."

Dad. He's referring to my Dad. Ganun na rin kasi ang tawag nya sa tatay ko.

Nakangiti ko syang iniwan para makapagbihis ako sa taas.

Si CJ.. Hindi ko na nga sya mahal pero..pero babalik pa yun.

Kaya nga humiling ako sakanya na magspend ng mas maraming time sakin eh. Kasi
pipilitin kong ibalik ang pagmamahal na meron
ako dati para sakanya. Pipilitin ko kasi sya ang gusto ko mahalin, hindi si Adrian.

Pagkabihis ko, chineck ko ang sarili ko sa may salamin.

Maayos ako. Walang bakas ng kahit anong pagtataksil na ginawa ko kagabi.

Bakas.. Huminto bigla ang tingin ko sa may tyan ko. And then, ANXIETY HIT ME.
Paano pala kung.. KUNG MABUNTIS AKO ULIT?

Oh God.. Pumikit ako at kinapa ang puson ko.


Di ako sure kung posible o hindi 'cause I lost track of my cycle. Pero hindi. Hindi
yun pwede. God, please no.

Please.. I can't hurt CJ. He doesn't deserve to get hurt.

Pero..paano na nga kung mangyari yun? God.. Di ko na alam..di ko na alam ang


gagawin ko..

xxxxxx

x51: Believe What?

[RACHELLYN's PoV]

From school, dumiretso ako ng uwi sa bahay. Pagkauwi ko naman ay humiga agad ako sa
may sofa.

HAAAAY..

Nakakapagod. Nakakainis.

Ang dami-dami kong kailangang gawin ngayong malapit na matapos ang klase. Tapos,
dumagdag pa sa inis ko yung mga makukulit
kong kaklase.
Tsk. Ewan. Masyado lang akong nagiging mainisin nitong huli.

Kusang pumikit ang mga mata ko dahil sa pagod at inis.

Pero pagkapikit ko, nagflashback naman sa utak ko yung nangyari samin ni Adrian
more than a week ago! Agad-agad tuloy akong
napaupo.
>___<

Bakit ba kasi sa sofa namin yun ginawa? Kada higa ko tuloy dito, naaalala ko yun..

Natulala naman ako at kinapa ang puson ko.

Lagi na lang akong kinakabahan pag naiisip ko na pwedeng nagbunga ang pagtataksil
ko kay CJ..

God..

Di ko pa rin alam ang gagawin ko.. Natatakot ako sa magiging reaksyon nya..

Malamang lang na magalit sya, na masaktan sya, at ayaw ko nun. Pero..ano pa ba ang
magagawa ko?

I sighed and faced my palms, trying to stop myself from crying.


"MOMMYYY!"

Sigaw yun ng baby ko mula sa labas ah?

Kinusot ko ang mga mata ko at nagpunta sa may pintuan. Nandun nga sya at buhat ni
Adrian habang papasok sila dito.

Si Adrian na nga pala ang laging nagsusundo sakanya sa school. Sya na lang kasi ang
pwede at sya na rin ang nagkusa. Kaso..tsk.
Naunahan nila ng dating si CJ ngayon. Gusto ko sana laging nandito si CJ pag
hinahatid ni Adrian si Andy.

"MOMMY!! FRIES!!" inabutan ako ni Andy ng fries pagkapasok nila. May bitbit din
syang plastic ng McDo. "AND MCFURRY PO!"

MCFURRY.. Hehe. McFlurry pala yung isang dala nya.

"Di na baby. Tara bihisan kita."


"CHELLE." halos tumalon naman ang puso ko sa pagtawag ni Adrian.

Ito ang iniiwasan ko eh. Kaya gusto ko ring nandito si CJ pag pumupunta sya dito.
Pag nandito kasi si CJ, di nya ko kakausapin-- not
about THAT TOPIC at least.

"A-Ano?" tanong ko sakanya.

Binaba nya na si Andy na pumwesto naman sa center table para kumain.

"Nakapag-usap kasi kami ni Teacher Riz kanina.." sagot nya.


Psh.. Si Teacher Riz..

Nagpatuloy si Adrian sa sinasabi nya tungkol sa pinag-usapan nila ni Teacher Riz


pero wala akong maintindihan. Iba ang naiisip ko.

Paano kaya sila nag-usap ni Teacher Riz? Yung tipo ba na hinahawakan sya ni Teacher
Riz sa braso nya tapos si Adrian, tuwang-tuwa
naman? Laging naka-miniskirt si Teacher Riz eh kaya siguro, nagdiwang ang paningin
nya kanina.

Tsk.

"Chelle?" napatingin na ko kay Adrian. Pero may naramdaman ako bigla sa tyan ko
kaya napahawak ako ron.

"E-Excuse me Adrian." tinalikuran ko sya.

"Ano ba Chelle? Iniiwasan mo na naman akong kausapin eh." may inis sa tono nya.

"H-Hindi kita iniiwasan! Masakit tyan ko okay?! Kaya pupunta kong CR!" inis ko ring
sagot sakanya at pumunta na kong CR.

Masakit talaga ang tyan ko. Pumwesto pa nga ko agad sa toilet bowl kasi akala ko
magpi-pee ako but no.
I saw something on my pantyliner. Something RED which relieved me SO MUCH.

It's mens..
[ADRIAN's PoV]

Argh! Nang talikuran ako ni Chelle, umupo ako sa sofa nila.

Ang totoo, naaasar na ko. Hindi sakanya pero sa ginagawa nya.

Mula nung may nangyari samin, ganyan na sya. Iiwasan nya ko hangga't maaari, mapa-
school man o dito sakanila.

Naiintindihan ko kung bakit nya ko iniiwasan pero pag kinakausap ko sya tungkol sa
anak namin, wag naman sana syang ganyan
diba?

Tsk. Mahalaga pa naman yung sinasabi ko. Tungkol yun sa recognition nila Andy.

Haaay.. Namaaan..

Ang tagal mag-CR ni Chelle ah?

Siguro sinasadya nya yun at lalabas lang sya pag nandyan na si CJ.

Si CJ.. Pansin ko yun eh. Na kada hatid ko kay Andy eh nandito ang lalaking yun.
Pwera nga lang ngayon.

"PAPA! KUYA KA BA PO?" biglang tanong ni Andy habang kumakain.


"Kuya? Ako? Hindi eh.."
"OOH.. PAPA! SI MICHAEL PO, KUYA! MERON SYANG BABY BROTHER PO!"

"Ah.. Talaga.."

"PAPA! GUSTO KONG MAGING KUYA DIN PO! GUSTO KO DIN NG BABY BROTHER AND BABY SISTER
PO!" *O*

Natawa ako dun ah. "Gusto mong mag--"

Natigilan ako. Si Andy, gusto magka-kapatid at maging kuya?

Teka.. May nangyari samin ni Chelle eh.. Di kaya..di kaya mabuntis ko sya ulit?

Paano na ba.. Maaga pa para malaman eh.. Tsk. Nag-aalala ko. Lalo na't sila pa rin
ni CJ.

Nang mapansin kong nasa dining na si Chelle, nilapitan ko sya agad.

"Chelle." tawag ko sakanya.

Huminto naman sya pero hindi tumingin sakin.

"Yung nangyari satin, kung--"


"Pwede ba Adrian? Wag na natin yan pag-usapan."

"HINDI PWEDENG HINDI. Paano na lang kung may nabuo na naman tayo sa nangyaring yun
ha?" tinignan nya ko ng seryoso. "Diba?
Ang gusto ko lang naman sabihin eh kung mabuntis ka, pananagutan kita. Kahit kayo
pa ni CJ, pananagutan pa rin kita."

Ngumisi sya. "Wag ka nang mag-abala. Wala naman tayong nabuo sa nangyaring yun."

"Pano ka naman nakakasiguro dyan? May one week pa lang mula nung--"
"Oo nga. But I just had my period. TODAY."

Huminahon na ko pero di pa rin makapaniwala. "Talaga? Di nga?"

"Tsk. Gusto mo pa bang magpakita ko ng ebidensya bago ka maniwala ah?"

Napangiti ako. Ebidensya raw? Ano naman kayang ebidensya ang ipapakita nya sakin
kung sakali? O di kaya, paano nya ipapakita
yun? Hehe.

"Oo, gusto ko Chelle." mapanghamon kong sagot. "Dali, magpakita ka ng ebidensya na


may PERIOD ka ngayon."

Namula sya at sumama ang tingin sakin. "TIGILAN MO NGA KO, ADRIAN."

Tignan mo toh. Sya nagtanong kung gusto ko ng ebidensya tapos..ay naman.

Pero ayos lang. Naniniwala rin ako na meron sya ngayon. Ang sungit ba naman nya eh.
"DADDYYYY!" sigaw ni Andy.

Daddy? Ibig sabihin, nandito na si CJ?

Iniwan na ko ni Chelle dito sa dining at pumuntang sala.

Sinundan ko sya. Kita kong sinalubong ng yakap at halik nina Chelle at Andy si CJ.
May 'I love you' pa.

Iniwas ko na lang ang tingin ko sakanila.

Kahit ito pa ang laging pinapakita ni Chelle sakin, di pa rin ako maniniwalang
hindi nya ko mahal.

Mapapaamin ko rin sya ulit. Papaaminin ko sya na ako ang mahal nya pero hindi pa
ngayon.
Kung pipilitin ko kasi sya ngayon eh magmamatigas lang sya. Maghihintay na lang
ulit ako ng tamang oras. At pag dumating yun, di ko
na yun sasayangin at aaksayahing muli.

"Ahh sige, akyat muna ko sa taas." nakangiting paalam ni CJ pagkahiwalay sakanya ng


mag-ina ko.

"Okay Dhie.." sagot naman ni Chelle.

Naglakad na si CJ at nilagpasan ako dito sa kinatatayuan ko para umakyat ng


hagdanan.
"Alis na rin ako." bigla kong sabi kay Chelle.

Ayaw ko pa talagang umalis pero dahil siguro sa sakit na pilit kong hindi
pinapansin eh katawan ko na mismo ang nagsabing umalis na
ko.

"Sige.. Ingat ka." simple nyang sagot nang hindi na naman nakatingin sakin.

Nagpaalam na muna ko sa anak ko. Hinalikan ko sya, niyakap at sinabihang gawin ang
homework nya.

"YES PAPAA! I LOVE YOU TOO! BUKAS PO MAGMCDO TAYO ULIT PO AH!" ^O^

"Sige, sige." pinunasan ko yung labi nyang may ice cream bago ko tumayo at nagtungo
sa pintuan.

Huminto pa ko doon kung saan nakatayo si Chelle na hinihintay akong makalabas.

Tinitigan ko sya sa mga mata nya kahit ba hindi sya nakatingin sakin.

"Di ako maloloko ng mga kilos mo, Chelle. Alam ko at nararamdaman ko, AKO ANG
TOTOONG MAHAL MO, hindi si CJ."

Napapikit sya. Nawala rin ang tapang sa mukha nya.


Marami pa kong gustong sabihin para patunayan ang sinabi ko pero pinigilan ko ang
sarili ko. Tuluyan na lang akong lumabas at
sumakay sa kotse ko.
Hindi pa ngayon, Adrian. Hindi pa ngayon. Alalahanin mo, nandun si CJ. Gusto mo
bang ipaalam din sakanya ang ginawa nyo at
ipahamak si Chelle?

Huminga ako nang malalim at sumandal dito sa driver's seat.

HINDI. HINDI KO SYA GUSTONG MAPAHAMAK. Kaya nga pinigilan ko ang sarili ko eh.

May tamang oras para harapin at konprontahin sya ulit. Alam ko, darating din agad
ang oras na yun at..kaya kong maghintay.

[CJ's PoV]

"Sige baby.. Dun ka na sa table ko.."

"YEYYY!" ^O^

Di pa ko nakakatulog eh nawala na ang antok ko nang pumasok yung mag-ina dito sa


kwarto.

Umakyat na sila rito so..umalis din pala agad si Adrian?

Habang nakahiga ako, pinanood ko yung mag-ina doon sa may study table. Tinuturuan
ni Rachel si Andy sa assignment yata nito.

"Kaya mo na gawin yan mag-isa, baby?" tanong ni Rachel kay Andy.


"OPO!" >O<

Nakangiting hinimas ni Rachel ang ulo ng anak nya.


Pero yung ngiti nya, mabilis na nawala. Napalitan yun ng lungkot.

She's been like that these passed few days. Ngingiti tapos malulungkot o di kaya ay
sisimangot. Nung tinanong ko naman sya kung
may problema ba sya, wala naman ang sagot nya.

There's something bothering her, I can feel it. Pero kung meron, bakit naman nya
yun ililihim sakin?

Could it be that it has to do with Adrian kaya di nya masabi sakin? Pansin ko rin
kasi na parang ang awkward nila sa isa't isa pag
nagkakaharap sila. Unlike before na normal lang.

"MHIE." I called her.

Tumingin sya sakin at ngumiti. "Gising ka pala?"

I nodded. Lumapit naman sya at umupo sa tabi ko dito sa kama.

"Sipag ng baby ko noh?" proud nyang sabi nang nakatingin sa baby nyang nakatalikod
at busy magsulat.

I smiled as I was watching her smile.


But then again, that smile of hers turned into another sad expression.

"Nakasimangot ka na naman, Mhie."

"Uy, hindi ah." nagpout sya then smiled again.

Hinatak ko sya sa waist pahiga dito sa tabi ko at niyakap sya from behind.

"Mhie.. Okay lang ba kayo ni Adrian?" tanong ko na hindi nya sinagot. "Mhie.."
"H-Huh? Ano yun?" umikot sya paharap sakin. Mukhang wala sya sa sarili kaya di nya
narinig ang tanong ko.

"Kayo ni Adrian, ayos lang ba kayo? Parang ang awkward nyo kasi sa isa't isa nitong
huli."

"Ah.. Oo naman.. Ayos lang kami.. Medyo nagkakasungitan nga lang kami kasi..kasi
ang dami naming kailangang gawin sa school na
nakaka-pressure sobra.."

"Ganun ba.." WHY DO I HAVE THIS FEELING THAT SHE'S LYING TO ME? "Kala ko nag-away
kayo eh.."

"Hindi ah.." nagsmile sya tapos niyakap ako.

She buried her face on my chest while I pressed my lips on her forehead.

Mali tong nararamdaman ko. Di ko sya dapat pinagdududahan. Rachel's an honest


woman. She's honest and that's what made me
love her so much until now.
"I love you Rachel.." bulong ko.

Di sya sumagot. Pero tiningala nya ko at tinitigan sa mga mata ko.

"I love you too.." she finally whispered back. With smack pa ah! "Dadhiee.. Antok
ako.. Kamot please.." =3=

Ay. May kapalit pala ang smack na natanggap ko. Hehe. But it's okay.

Pagkayakap nya ulit sakin, kinamot ko sya sa likuran nya.

Like her baby and other kids, nakatulog sya agad sa pagkamot na ginawa ko. How
cute..

"MOM--"

"SSHH." nag-quiet sign ako kay Andy.


As always, napatakip sya ng bibig. Pero nagsalita sya nang mahina.

"DA-DDYYY.. HELP PO SA HOMEWORK KO PO.." >o<

"Yes baby, wait lang.."

Inayos ko ng higa si Rachel dito sa kama. And before leaving her, my one hand
caressed her cheek and I gave her another forehead
kiss.

"I love you, Rachel.." bulong ko sakanya which I guess, caused her to move a
little.

"Mm.. I love you too.." sagot nya habang tulog na nagpangiti naman sakin. "I love
you too.. Adrian.."

.......

W-What?

WHAT DID SHE SAY?

xxxxxx

x52: Will She or Will She Not?

[CJ's PoV]

"Sir, pinapupunta po kayo ni Madame sa Tagaytay Branc--"

"FOR WHAT NA NAMAN?" inis kong tanong kay Leonor, ang secretary na na-assign sakin
dito sa office ni Dad.
"M-May-May problema raw po kasi dun ngayon r-regarding sa management at-at gusto
nya po yung ipacheck sa inyo.." nakayukong
paliwanag nya.
Napapikit na lang ako at sumandal dito sa office chair.

MOM MUST BE PLAYING HER GAMES AGAIN, HUH?

Nakarating na siguro sakanya ang pagiging madalas at maaga kong pag-out dito sa
office para puntahan si Rachel kaya ito,
tinatambakan na na naman nya ko ng trabaho.

"Sige.." kalmado ko nang sagot kay Leonor. "Tell her that I'll go there once I'm
done here."

"O-Okay po.." nakayuko pa rin syang nagpaalam tsaka lumabas ng kwarto.

I sighed when she finally left. Ang malas lang ng naging secretary kong yun. Nitong
nakaraan ba naman eh sakanya ko lagi
nabubunton ang inis ko sa mga problema ko sa buhay.

Problema.. Sa lahat na lang yata ng bagay eh may problema ko ngayon. Sa school, sa


pamilya, dito sa office at sa..

'I love you too, Adrian..'

TSK.

Napapikit ulit ako nang maalala ko ang sinabing yun ni Rachel sa pagtulog nya two
days ago.
It was very confusing.. Di ko alam kung anong iisipin ko sa sinabi nyang yun.

I want to think that it was just a small mistake pero hindi. Hindi ganun ang
iniisip ng utak ko.

RACHEL MEANS IT-- yan ang sinasabi ng utak ko. She subconsciously uttered those
words in her sleep 'cause it was what she truly
feels deep inside.

Si Rachel.. Kaya ba naiilang na sya twing nasa paligid si Adrian kasi..kasi


nahuhulog na ulit ang loob nya sa lalaking yun?

I smirked at that question. Sinaktan ko ba naman ang sarili ko sa tanong na yun.

Pero alam ko, kaya ko nasaktan kasi alam kong posible yun. Alam kong nagkukulang na
ko kay Rachel at si Adrian na ang madalas
nyang nakakasama kaya NAPAKA-POSIBLENG MANGYARI NUN. Idagdag pa dun yung
katotohanan na minsan na nyang minahal
ang lalaking yun.

Ahh damn it..

Rachel.. I love her so much. Sila ni Andy, mahal na mahal ko sila. Sila na ang
pamilya ko. Sakanila na umiikot ang mundo ko.

Pero paano na kung mawala na sila sakin? Paano kung mabawi na sila ni Adrian? I
don't think I'll be able to get through that if that
happens.. Di ko yun kakayanin.. Hindi..

Sandali akong nag-isip. Then I took out my phone from my pocket to call Rachel.
Mali 'tong ginagawa ko. Hindi ito ang oras para unahin ko itong takot ko.

Di pa naman huli ang lahat eh, diba? Siguro nga nahuhulog na ulit ang loob ni
Rachel kay Adrian pero ang mahalaga, nasa akin pa rin
sya. She's still holding on me and I should take advantage of that.

Di ko na hihintaying dumating pa ang oras na iiwanan nya na ko kasi ngayon pa lang,


gagawa na ko paraan para di nya ko iwan.

I will do something that will make her love me the same way again. Something that
will make her stay with me forever..

[RACHELLYN's PoV]
PSH! Ano ba tong sina Jennifer! Magtetext na pumunta raw ako sa lugar kung nasaan
sila tapos nung malapit na ko, sasabihin nilang
wag na lang ako pumunta?! Hmp. Makapunta na nga lang sa next class namin kahit
maaga pa!

Naglakad na ko. Dapat diretso na ko dun sa building kung saan naroon ang classroom
na papasukan pero napahinto ako sa may
tambayan.

Si Adrian kasi, nandun. Nakaupo sa isang bench at super seryoso sa pagbabasa ng


libro.

I smiled seeing him like that. Naalala ko kasi ang baby ko. Ganyan na ganyan din
sya pag nag-aaral eh.. Parehas na parehas talaga
silang mag-ama.. :))

Tss. Nasira naman agad yung view na pinapanood ko. May babae kasing tumabi kay
Adrian. =___=
Nagtatanong yata yung babae tungkol dun sa binabasa ni Adrian at yung lokong yun
naman, ngiting-ngiti na inentertain yung babae.
T___T

*bzzzz

Nagvibrate bigla itong phone ko na hawak-hawak ko.

May tumatawag and..and it's CJ!

"DADHIEEE.." sagot ko sa tawag nya.

"Mhie, are you still in school?"

"Opo.."

Natawa sya sa sagot ko. "Eh anong time uwi mo?"

"Hmm.. 4 po."
Natuwa ulit sya. "Hehe.. You're so cute.. Ay. Sunduin kita mamayang uwian mo ah?"

"Wow.. Sige, Dhie. Hihintayin kita."

"Okay. See you later, Mhie. I love you."


Natigilan ako saglit at napatingin ulit kay Adrian na nakaupo pa rin doon sa
tambayan.

"I love you too.." sagot ko na kay CJ.

CJ soon ended the call after that. Habang ako..ito..nakatitig pa rin kay Adrian.

'Di ako maloloko ng mga kilos mo Chelle. Alam ko at nararamdaman ko, AKO ANG
TOTOONG MAHAL MO, hindi si CJ.'

Totoo, sya na nga ang mahal ko pero..ayoko eh. Hindi sya ang gusto kong mahalin
kasi panigurado, sasaktan nya lang ako ulit at
ayoko nang mangyari yun.. Ayoko.. Ayoko sakanya..

Napatingin bigla sa direksyon ko si Adrian. Tumalikod naman ako agad at naglakad na


palayo.

Rachellyn.. Kontrolin mo yang nararamdaman mo.. Protektahan mo ang sarili mo..


Dalawang beses ka nang nagkamali sakanya, wag
mo nang dagdagan yun.. Wag mo nang dagdagan ang kasalanan mo kay CJ..

**

After class, sinundo nga ko ni CJ. At masaya sya ah?

"Mhie, nalimutan ko. Ask Adrian to let your baby stay at his place for awhile
tonight."

"Huh? Bakit naman?" tanong ko while fastening my seatbelt.


"May pupuntahan kasi tayo ngayon at gagabihin tayo." nakangiti nyang sagot.
Ako naman, naexcite. "TALAGA? SAAN TAYO PUPUNTA?"

"Hmm.. Secret.."

"Dadhie.. San nga tayo pupunta? Di ba natin pwedeng isama si Andy?"

"Hindi naman sa hindi pwede.. Pero kasi, gusto ko tayong dalawa lang muna ang
magsama ngayon..just to try something different
ngayong monthsary natin."

O___O

M-MONTHSARY?!

God.. February 12 nga pala ngayon! How could I not forget about this important
date?!

"Uhm.. Okay lang ba sayo ang gusto ko, Mhie?" tanong ni CJ na medyo nalungkot na.

"Ahh oo.. Oo naman.. Hehe.. Hm, tawagan ko lang si Adrian about Andy.."

Ngumiti na ulit si CJ at nagsimulang nagdrive.

Gusto ko sanang mag-sigh pero di ko magawa. Kasi naman..monthsary pala namin ngayon
pero nalimutan ko yun kaya wala tuloy
akong nahandang regalo sakanya.

Pero teka..mas problema ko ngayon si Adrian eh. Iniiwasan ko nga syang makaharap at
makausap ang taong yun tapos ngayon,
kailangan ko syang kausapin para hingian ng pabor?

Haaay buhay..

No choice ako. I had to talk to Adrian so I did call him.


"Bakit Chelle?" bungad nya pagkasagot nya sa tawag ko.

"Adrian.." nagulat naman ako kay CJ! Bigla nyang hinawakan ang kamay ko habang
nagdadrive sya. "Ano Adrian, nasundo mo na ba si
Andy?"

"Di pa. Pero nandito na ko sa school nya. Di pa nila labasan eh."

"Ganun ba.. Uhm.. Pagkasundo mo sakanya, wag muna kayo dumiretso sa bahay ah? Kung
pwede, dun muna kayo sa condo mo."

"Bakit naman?"

"May pupuntahan kasi kami ni CJ at di namin sya pwede isama."

"ANO? Saan naman kayo pupunta ah?"

"Hindi ko alam.."
"DI MO ALAM? PWEDE BA YUN CHELLE? AALIS KAYO NANG DI MO ALAM KUNG SAAN ANG
PUPUNTAHAN NYO? TAPOS DI
NYO PA PWEDENG ISAMA SI ANDY?"

Napapikit ako. Bakit ba tinataasan nya ko ng boses?

"Eh sa hindi ko nga alam eh? Magsecelebrate kasi kami ni CJ ng monthsary kaya
ganito, sinisikreto nya pa ang pupuntahan namin.
Ngayon, gets mo na ba?"

Natahimik naman na si Adrian.

"Huy, Adrian."

"Oo na. Sige." sagot nya sabay baba agad sa tawag ko! Aba..
"Mhie? Anong nangyari?" tanong ni CJ.

"Ah.. Naputol yung tawag.. Pero pumayag naman syang magstay muna sakanya si Andy
saglit." pagpapalusot ko. Ayaw ko kasing
magtanong pa si CJ tungkol kay Adrian. Di ko gustong pag-usapan namin sya. I feel
too..too guilty..

Tahimik lang kami on our way at talagang pinanindigan ni CJ na isikreto kung saan
kami papunta. Pero pansin ko na we're going
south.

SOUTH.. Hmm.. Parang alam ko na..

At di naman ako nagkamali ng hinala. After ng mahaba-haba at matrapik na byahe ay


dito kami sa TAGAYTAY napadpad! *o*

Madilim nga lang na nang huminto kami dito sa tapat ng isang steak house. Ah, no.
Isa pala toh sa mga branch ng business nila!

Nagmadaling bumaba ng kotse si CJ. Yun pala eh para mapagbuksan nya ko ng pinto.

Magkahawak-kamay kaming pumasok sa loob, hanggang sa papwestuhin nya ko sa isang


table na for-two.

"Mhie, saglit lang ah? May kakausapin lang ako dun sa office nila dito." paalam nya
sabay lean down sakin at halik sa noo ko.

"Okay." sagot ko with a smile.

Di na nawala ang ngiti ko sa ginawa nyang yun.

Ang sweet nya lang eh noh? Not only sweet. CJ's very loving too, very nice, very
responsible and very understanding. HE'S ALMOST
PERFECT.

Nasa kanya na ang lahat ng mahihiling ko sa isang lalaki.

Pero bakit ganito..bakit nahulog pa ulit ang loob ko kay Adrian? Kay Adrian na
babaero, na mangloloko..
Pumikit ako at hinilot ang noo ko.

Ang sakit sa ulo isipin nun. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Ganun na ba ko
katanga at minahal ulit ang lalaking minsan na kong
sinaktan nang sobra? Ganun na ba talaga ko katanga at..at ginawa ko na naman ang
pagkakamaling minsan ko nang nagawa?

Umayos na ko ng upo kasabay ng paghinga ko ng malalim.

Di ko na dapat isipin yun. Panigurado naman na babalik din agad ang pagmamahal ko
kay CJ. Basta ba, ipagpatuloy lang namin tong
ginagawa namin eh babalik din ang lahat sa dati.

"Mhie. Natulala ka na.." si CJ, nakabalik na pala sya?!

"Ah, hindi ah.." ngumiti ako.

"Hm.. Ano bang iniisip mo?" tanong nya pagkaupo nya.

"Si Adrian.. Ah, I mean, sila ni Andy.. Baka kasi nagpapasaway ng sobra ang baby ko
sakanya.."

Nakangiting tumitig sakin si CJ. "Don't worry much about them.. Tara, kain na
tayo."

I nodded then sinimulan na naming kainin yung sinerve samin. Kwentuhan din kami
while eating. Tsaka ko nga lang nalaman, bagong
branch lang pala toh ng steak house nila. Bago lang pero ang dami na nila agad
customers. Very impressive lang. Tapos may problema
pa pala sa management toh ah! Hindi halata. Maayos naman ang service nila at
mukhang satisfied naman ang lahat ng customers,
including us.

"You liked it?" tanong ni CJ nang maubos ko na ang food ko.


"I did." sagot ko naman habang nagpupunas ng bibig.

And while I was drinking my wine, may tatlong lalaki na nakaformal suit ang tumayo
sa gilid ng table namin.
Oh, hindi lang pala sila basta men-in-formal suits! THEY'RE ACTUALLY VIOLINISTS!

Pagkaayos nila ng tayo, nagsimula na silang tumugtog.

This tune.. I know this.. Madalas tong kantahin ni CJ sakin.. I COULD NOT ASK FOR
MORE yata ang title nito..

I closed my eyes while listening to their play.. Ang sarap talaga pakinggan ng
tunog ng violin..

"Rachel.." dumilat ako at tumingin kay CJ na nakatayo na pala sa tabi ko. He's
offering me his hand. "May I have a dance with you?"

"WOOOH~" halaaa! Yung ibang customers oh! Mga nakatingin samin at nanunukso! >///<

"Rachel, don't mind them.." buti pa tong si CJ, hindi nahihiya. T//3//T

Ayaw ko rin naman na mapahiya sya kaya binigay ko na sakanya ang isang kamay ko at
hinayaan syang isayaw ako.

We're dancing just beside our table. Yakap nya ko sa waist habang ako, tinatago ang
mukha sa balikat nya. >///<
"Mhie.. Ang tagal na natin noh?" bulong nya.

"O-Oo nga eh.." napahigpit ang yakap ko sakanya and it was because GUILT rushed in
me again.

Matagal na nga kami ni CJ, more than 3 years na. Tapos ngayon pa ko
nagkaganito..ngayon pa nagkanda-lokoloko ang puso ko..

"Malapit na rin ako gumraduate, Mhie.. May idea ka ba kung anong balak kong
pagkaabalahan after I graduate?"

"Hmm.. Itong business nyo? Lumalago na sya eh." sagot ko sakanya.

"That's one.. But there's another thing that I want to do more than that.."
"Ano naman yun?"

Humiwalay na sya sakin. Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko at ni-lean ang noo
nya sakin.

"Gusto kong..gusto ko nang bumuo ng sarili kong pamilya."

My eyes widened at what he said. My heart PANICKED.

He then took something from his back. It was one red tulip na inabot nya agad
sakin.

Pero anong kinalaman ng tulip sa kagustuhan nyang bumuo na ng pamilya? And isn't he
supposed to give me tulips only on our
anniversaries?
Yang mga tanong ko, nasagot ang mga yan nang may mapansin akong bagay na nakatago
sa loob nitong tulip.

Oh.. My.. God..

IT'S A SILVER RING.

Binawi ni CJ yung bulaklak mula sakin at kinuha nya yung singsing.

Oh God.. Is he going to ask me THAT QUESTION?

Nilapag nya yung tulip sa table tapos hinarap nya ako while holding my right hand.

"I love you, Rachel. I love you so much. I love you and your baby. Kaya
pagkagraduate ko, gusto ko na sanang gawin kayo na pamilya
ko, officially."

Nagcheer naman ulit yung mga customers na pinapanood kami.

Habang ako, naluluha na.


Natatakot ako.. Ayokong itanong nya yun sakin ngayon.. Please no.. Please.. Not
now..

"RACHEL.." oh God.. Napapikit ako nang lumuhod na sya sa harap ko.. "WILL YOU MARRY
ME?"
xxxxxx

x53: Unaccepted

[RACHELLYN's PoV]

"RACHEL.." oh God.. Napapikit ako nang lumuhod na sya sa harap ko.. "WILL YOU MARRY
ME?"

Wala na.. Tinanong na nya..

Di pa ko handang sagutin ang tanong na yun pero kailangan kong magbigay ng sagot
ngayon.

Sagot.. Anong sagot ba ang ibibigay ko sakanya?

'SAY NO! SI ADRIAN ANG MAHAL MO, RACHELLYN! SI ADRIAN ANG LAMAN KO-- ANG LAMAN
NITONG PUSO MO!' That was
what my heart told me.

'UMOO KA! SI CJ ANG GUSTO MONG MAKASAMA HABANG BUHAY, DIBA? DAHIL ALAM MO, DI KA
NYA SASAKTAN, NA
TOTOONG MAHAL KA NYA AT POPROTEKTAHAN KA NYA TULAD NG LAGI NYANG GINAGAWA. CJ LOVED
AND ACCEPTED
YOU, YOU AND YOUR BABY. AND ABOVE ALL, CJ NEVER LEFT YOU, UNLIKE ADRIAN.' Yan naman
ang sinabi ng utak ko.

God.. Hindi na naman magkasundo ang puso at utak ko..


"RACHEL?" CJ called me again. Kita ko ang pag-aalala sa expression nya.
"CJ.. I.." tumingin ako sa paligid. All the customers are smiling at me. And their
smiles..they are pressuring me.

'SI ADRIAN ANG MAHAL MO..'

'MAS MAHAL KA NAMAN NI CJ..'

Totoo ang sinasabi ng puso ko..

Pero mas sumasang-ayon ako sa sinasabi ng utak ko.

"I.. I will marry you, CJ.. Yes I will." sagot ko na nagpangiti na kay CJ.

Naghiyawan at nagpalakpakan ang mga nanonood samin habang sinusuot na ni CJ ang


singsing sa daliri ko.

I'm happy..ain't I? Nakangiti ako eh.. Pero masakit..sumasakit ang puso ko.

Nang maisuot na ni CJ sakin yung singsing, tumayo na sya. He cupped my face and
kissed me on the lips.

"Thank you Rachel.. And I love you.. I love you.."

I smiled at him then he gave me another kiss on my forehead.


Niyakap ko naman sya, as tight as I could.

Sana tama 'tong naging desisyon ko.. Sana..

[ADRIAN's PoV]
"ANAK! DI KA PA BA TALAGA ANTOK AH?!" sigaw na tanong ko kay Andy habang nakapwesto
ko dito sa drawing table ko.

"WOOOSH~ DI PA POHHH!" ^O^ Sagot naman nya habang natakbo mula dito sa sala
hanggang dun sa kainan.

Buti pa sya.. =___=

Ako, antok na antok na. Wala na kong energy. Samantalang itong anak ko, parang di
nawawalan ng baterya sa katawan. Pinasyal at
pinaglaro ko na yan sa mall kanina tapos ngayon, mag-e-11PM na eh ganyan pa rin sya
kalikot?

*PSST! PSST!

Yun oh. May nagtext. Message alert tone ko yun.

Chineck ko yun agad. Galing kay Chelle. Malapit na raw sila so ibaba ko na lang daw
si Andy in 5 minutes.

5 MINUTES?!

T-Teka!
"NAK! HALIKA DITO, PAPALITAN NA KITA NG DAMIT!"

Nagmadali naman daw akong palitan ng damit ang anak ko. Pawisan na sya eh! Baka
magalit si Chelle pag makita nyang ganito ang
anak namin.

Dapat kahit paunti-unti, magpa-impress ako sakanya.

"SI MOMMYY?! DITO KAMI PO MAGSLEEP?!" *O*

"Ah hindi.. Uuwi na kayo.. Next time na lang ah? Dito ulit kayo matutulog.."
nagpout si Andy sa sagot ko. Di rin naman sya nagpumilit.

Bitbit ang schoolbag nya, bumaba na kami nitong condo building. Holding hands pa
kami ah.
Pagkalabas namin ng building, agad naming nakita si Chelle at si..si CJ. Magkatabi
silang nakatayo sa tabi ng kotse ng lalaking yun.
Parehas silang nakangiti. Masyado siguro silang nagsaya sa pagcelebrate ng
monthsary nila. Tss.

"MOMMYYY! DADDYYY!" bumitaw sakin si Andy at tumakbo dun sa dalawa.

Masaya naman syang sinalubong ni Chelle. "BABY! BAKA MADAPA KA!"

Nagsquat sya para halikan ang anak namin.

"Gabing-gabi na eh ang hyper mo pa rin ah?" sabi ni CJ na pinat sa ulo ang anak ko.
Nang makalapit na ko sakanila, inabot ko kay Chelle ang schoolbag. "Oh. Natapos na
rin pala ni Andy ang homeworks nya kanina."

Tumango lang si Chelle at kinuha ang bag.

"WAAA MOMMYYY!" hinatak ni Andy ang isang kamay ni Chelle at malapitan yun na
tinitigan. "ANG PRETTY NG RING MO PO!" *O*

RING?

Eh oo nga.. May silver ring na suot si Chelle..

"T-Talaga baby? Hehe.." sabi ni Chelle.

"Ang ganda nga, Chelle. Napakagandang couple ring." sabi ko naman kay Chelle na may
SARKASTIKONG tono.

Tumingin sya sakin. Walang emosyon ang tingin nya. Walang saya o kahit inis.

"Di yan couple ring, pre." sabat ni CJ. Tumingin ako sakanya. Nakangiti sya. "It's
an engagement ring."
A..Ano raw?

ENGAGEMENT RING?

[RACHELLYN's PoV]
"Di yan couple ring, pre. It's an engagement rin."

Napapikit na lang ako nang sabihin yun ni CJ kay Adrian.

God.. Kinakabahan ako..

"ANONG ENGAGEMENT RING HUH?" tanong ni Adrian na mas nagpakaba sakin.

"Engagement ring? It means that we're getting married, soon." paliwanag ni CJ sabay
hawak sa kamay ko. "I just proposed to her
earlier, and she accepted it."

Nagulat naman ako nang biglang agawin ni Adrian ang kamay ko na hinawakan ni CJ at
hinatak nya ko palapit sakanya!

"BAKIT KA MAGPAPAKASAL SAKANYA?!" galit na tanong ni Adrian sakin.

Mahigpit ang hawak nya sa kamay ko. Nanlilisik ang mga mata nya. Oh God. Natatakot
ako..

"ANONG PROBLEMA MO, PRE?" hinawakan ako ni CJ sa pulso, on the same arm na hawak ni
Adrian.

Ramdam kong hinahatak nya ko pero si Adrian, ayaw ako pakawalan!

"BITAWAN MO NGA SYA." kalmado si CJ pero nandun ang tapang sa boses nya.
"HINDI!" mas matapang na sagot ni Adrian pero sakin sya nakatingin. "HINDI MO SYA
PWEDE PAKASALAN, CHELLE! HINDI!"
"ANO BANG SINASABI MONG HINDI AH?!" CJ snapped out of patience. Binitawan nya ko at
kinwelyuhan si Adrian! God!

"C-CJ! DON'T!" buti nabitawan na rin ako ni Adrian kaya nagawa kong yakapin si CJ
sa likuran at hatakin sya. But God, ayaw nya
pakawalan si Adrian! "CJ PLEASE! PLEASE LET HIM GO! WAG KAYONG MAG-AWAY DITO! P-
PLEASE.. NOT IN FRONT OF
ANDY.."

Binitawan na nya si Adrian.

"CJ.. Please.. Pumasok na kayo ng kotse.. A-Ako nang kakausap kay Adrian.." galit
na tumingin sakit si CJ. Pero nawala ang galit na
yun nang makita nya kong naluluha.

"Okay.." binuhat na nya si Andy na halatang natakot sa nakita nyang nangyari.


Pumasok nga sila ng kotse, dun sa may driver's seat.

Si Adrian naman, nanlilisik pa rin ang tingin sakin. He was gritting his teeth na
para bang pinipigilan nya ang sarili nya na magalit, na
magsalita, na manakit.

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo ah?" I asked him with a broken voice. Naiiyak
ako sa takot at pagkalito pero pinilit kong
magmukhang matapang.

"Wag kang magpakasal sakanya.." mahinahon pero nanggigil sya. "Ako ang mahal mo,
Chelle, kaya bakit ka magpapakasal
sakanya?"
"Adrian.. Sinabi ko na diba? Hi..Hindi kita mahal.. Si CJ ang mahal ko kaya
magpapakasal ako sakanya.."

"DI YAN TOTOO." Hinawakan nya ang kamay ko. Nang mahigpit. "MAY NANGYARI SATIN,
CHELLE. BINIGAY MO ULIT ANG SARILI
MO SAKIN. SINABI MO NA MAHAL MO KO."

Napakagat-labi ako. Ayan na naman ang binato nya sakin. Binato na naman nya sakin
ang katotohanan na yun.

"At kilala kita, Chelle.. Kilalang-kilala kita kaya alam ko na hindi mo magagawa
ang lahat ng yun kung di mo ko talagang mahal..
Hindi.."
Totoo.. Totoo yun..

"Chelle.. Mahal kita.. Maniwala ka sakin.. At wag mo kong iwan.. Wag kang
magpakasal sakanya.." nagsusumamo ang boses ni Adrian.

PERO HINDI. WAG KA MAGPADALA SA MGA SINASABI NYA, RACHELLYN.

MAHAL KA NGA NYA, PERO NGAYON LANG YAN.

NGAYON LANG YAN AT IPAPAGPALIT KA RIN NYA SA IBA SA HULI.

"Mahal mo ko?" I repeated, with bitterness on my tone. "Salamat kung ganun. Pero
sorry Adrian, mali ka ng akala eh kasi..kasi hindi
nga kita mahal."

"H--"
"HINDI KITA MAHAL." di ko sya hinayaang magsalita ulit. Baka matalo ako pag
hinayaan ko sya. Baka magpatalo ko sa
nararamdaman ko. "YUNG MGA NANGYARI.. LAHAT YUN, WALANG KATOTOHANAN. KAYA KITA
SINABIHAN NG MAHAL KITA,
YUN EH PARA MAY MANGYARI SATIN KASI KAILANGAN KO YUN NUNG GABING YUN."

Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko. Di ako makapaniwalang nasasabi ko ang mga
bagay na toh, ang mga kasinungalingan na toh.
Adrian was as surprised as me.

"Naiintindihan mo naman siguro ako? Kasi ganun ka rin diba, Adrian? Sasabihan mo na
mahal mo ang isang babae para maikama mo
sya? Ganun..Ganun ang naramdaman ko that time. I just needed you that time. Yun
lang."

"Nagsisinungaling ka.." mahina nyang pagkontra sakin.

"I'm not lying. Totoo lahat ng sinasabi ko ngayon."

"Mahal mo ko, Chelle.. Mahal mo ko.."


"HINDI. HINDI NGA KITA MAHAL. DATI LANG YUN ADRIAN PERO NGAYON, HINDI NA. DAHIL
NGAYON, PARA SAKIN, TATAY KA
LANG NI ANDY. TATAY KA LANG NG ANAK KO."

Lumuwag na ang hawak nya sakin. Di na sya nagsalita pa at kumibo.

Di ko na rin kayang magsalita pa kaya iniwan ko na sya at sumakay na ng kotse ni


CJ.

RACHELLYN.. DON'T CRY.. DON'T CRY..


"Rachel--"

"Sorry about that, Dhie." nakangiti kong sabi sakanya at inayos ang seatbelt ko.
"Adrian was just..confused? Ewan ko.. Umaasa pala
sya na..na mabubuo pa ang pamilya namin.."

Medyo natawa ko sa sinabi ko. IT WAS ANOTHER LIE.

"Uwi na tayo?" yaya ko sakanya.

Tumango sya at agad na inistart ang kotse nya. Habang ako, nakayuko lang nang
magmaneho na sya.

Nakayuko ako pero sa gilid ng mga mata ko, nakita ko si Adrian.

Hindi sya umalis sa kinatatayuan nya at tulala pa rin sya.

Pumikit na lang ako para di ko na sya makita.

Sorry.. Kung nasasaktan ka ngayon, sorry.. Pero kailangan kong gawin toh eh..
Kailangan kong protektahan ang sarili ko..

[ADRIAN's PoV]
'Adrian.. Sinabi ko na diba? Hi..Hindi kita mahal..'

'Si CJ ang mahal ko kaya magpapakasal ako sakanya..'


'HINDI KITA MAHAL.'

'PARA SAKIN, TATAY KA LANG NI ANDY. TATAY KA LANG NG ANAK KO.'

Paulit-ulit at nagkanda-halohalo na sa utak ko ang mga sinabi ni Chelle.

Masakit.. Masakit sobra.. Puno na ng sama ng loob tong dibdib ko. Sa puno nga eh
nahihirapan na kong huminga.

"Chelle.." bulong ko sa sarili ko.

Tumingin ako sa direksyon kung saan alam kong nagtungo ang kotse nila ni CJ pero
wala na sila.

Malamang wala na. Ang tagal ko ba namang natulala eh.

Napabuntung-hininga ako at nanlalata nang umakyat sa unit ko. Ewan. Nanghihina ako.

Nang umupo ako sa sofa, umulit naman sa isip ko ang mga sinabi ni Chelle.

Dahil dun, sinubsob ko ang mukha ko sa mga palad ko.

Hindi nya raw ako mahal.. Para sakanya, tatay lang ako ng anak namin. At.. At si CJ
ang mahal nya kaya magpapakasal sya ron..
MAGPAPAKASAL SILA.

Di ko yun matanggap. At di pa rin talaga ko naniniwala sakanya. Hindi. Kahit


masakit. Hinding-hindi ako maniniwala sa mga sinabi nya.
ARGHHH.. ANO NA BANG NANGYAYARI SAMIN?!

Pumunta ko ng kusina. Naglabas ako ng alak doon at uminom.

Nasasaktan na ko, pero ayaw ko pa ring sumuko. Iisa lang ang sinasabi sakin ni
Chelle, pero ayaw ko pa ring maniwala.

TAMA PA BA TONG PINAPANIWALAAN AT GINAGAWA KO?

Ang sakit eh.. Di ko talaga matanggap.. Ano na ba.. Ano na bang gagawin ko?

'WAG MO NA IPILIT YANG GUSTO MO MANGYARI SA INYO NI CHELLE.'

Bigla kong naalala ang advice ni Ate Hazel sakin noon.

'Ikaw, bahala ka. Pag pinilit mo yun, panigurado..may masasaktan lang sa inyo..'

Masasaktan? Ako ba ang tinutukoy nya?

Natawa ko. Bakit ko ba tinanong yun kung ito, kitang-kita naman na, nasasaktan ako.

Dapat nga yata sumuko na ko.


PERO AYOKO. HINDI.

Hinagilap ko ang cellphone ko. Nasa may drawing table ko yun.

Tinawagan ko si Ate Hazel. Gusto ko sya makausap. Gusto ko humingi ng tulong. Gusto
ko malaman kung anong dapat kong gawin
ngayon.

Pero..ARGHH! OUT OF REACH SYA!


Inulit ko ang pagtawag sakanya pero wala talaga! TANGNA NAMANG LOKARET YUN OH! KUNG
KAILAN KAILANGAN MO EH
TSAKA NAWAWALA!

Susi na lang ng kotse ko ang kinuha ko.

Kung hindi ko makontak si Ate Hazel, pupuntahan ko na lang sya. Uuwi na lang ako
samin para makausap sya.

Pinilit ko magdrive kahit malayo at kahit ganito ako. Kahit antok ako, pagod,
tuliro at masama ang loob.

'HINDI KITA MAHAL.'

'Si CJ ang mahal ko kaya magpapakasal ako sakanya.'

'PARA SAKIN, TATAY KA LANG NI ANDY. TATAY KA LANG NG ANAK KO.'


Tangna talaga..

Bakit ba kailangang magpabalik-balik ng mga salitang yun sa utak ko? Bakit


kailangan kong maramdaman paulit-ulit ang sakit na toh?

Umiling-iling ako. Yung mga mata ko kasi, naluluha.

'HINDI KITA MAHAL.'

'Si CJ ang mahal ko..'

'HINDI KITA MAHAL, ADRIAN..'

*BEEP.BEEP.BEEEEEEEP!

Tinignan ko sa rearview mirror yung kotseng nasa likuran ko. Sports car yun.
*BEEEEEEP!

POTEK! Bakit ba sya busina nang busina?! Nagmamadali?!

Kabwiset. Gumilid ako para mag-giveway. Kaso may bigla na lang sumulpot na truck
mula sa kanan!

Pinilit ko iwasan yun. Rinig ko pa ngang nagscreech yung gulong ng kotse ko sa


ginawa ko pero--
*BEEEEEEEEEEEEEEP

*PAG

Bigla na lang akong walang makita..

Pero masakit...sobrang sakit..

xxxxxx

x54: Tears

[MARGARET's PoV]

@___@

Ang sakit naman sa ulo at sa mata gawin nitong yearbook ng nursery students ko!

Buti kahit papaano eh nakaka-enjoy rin 'tong gawin dahil sa pictures nila.
Grabe.. Ang gaganda at ang gagwapo talaga nilang mga bata! *o*

Pero syempre, kahit anong gwapo at ganda nila eh wala pa rin silang binatbat sa
napakabibo at napakagwapo kong apo! ^o^
Hihi. Sayang nga lang. Sana maexperience ko rin na maging estudyante sya noh?

Tamang nakatutok lang ang mga mata ko sa computer screen nang mapansin ko naman
bigla ang oras sa bandang ibaba nun.

EH PASSED 12AM NA PALA?!

O___O

>___<

Ang hirap naman pag di ko kasama si Hazel oh! Pag wala sya, wala ring nagpapaalala
sakin ng oras! Yung beauty rest ko tuloy,
nakaligtaan ko na. T3T

Haaaay. Bukas ko na nga lang toh itutuloy..

Sinave ko na itong ginagawa ko at inoff na ang computer. Inayos ko rin ang mga
papeles na nakakalat dito sa table ko para--

*CRACK!

HALA! NAHULOG KO YUNG PICTURE FRAME NAMIN NI ADRIAN!

Natamaan sya ng kamay ko kaya ayun, nabasag sya sa sahig.. >___<


Kainis naman.. Ganda pa naman ng frame nun..

Napasigh muna ulit ako bago ko tumayo at nilinis ang nabasag ko. Mula sa mga bubog,
kinuha ko yung picture namin ni Adrian.
Napangiti ako ng titigan ko itong picture. Ito ang pinakarecent na picture naming
mag-ina. Nung new year lang toh kinuhanan.

Hihi.. Ang gwapo-gwapo ng anak ko dito.. Nakasmile sya habang nakaupo sya sa sofa
at ako naman ay nasa likuran nya at yakap-
yakap sya sa balikat.

Ang laki na nya. Parang kailan lang eh kasing-liit nya si Andy.

Pero bakit ganun? Habang lumalaki sya, mas nagiging kahawig na nya si Alex..
Nagiging parehas na sila ng tikas ng katawan pati
pagkilos..

= 3=

Ano ba namang tanong yan Margie? Natural lang na maging kahawig nya ang lalaking
yun dahil sya ang tatay nya diba? Psh..

Tinapos ko na 'tong pagliligpit ko then nagpunta kong bodega para maghanap ng


bagong frame.

Ang tagal kong naghanap ah. Ang dami na rin pala kasing tambak dito. Kaya
pagkahanap ko ng perfect frame, nilagay ko na agad roon
yung picture.

Hihi. Ayaaaan. Malalagay ko na ulit sya sa working table ko! ^3^


*riiiiiiing

Eh? Nagriring landline namin? O.o

Sino namang tatawag ng ganitong oras dito?

Nagpatuloy sa pagring yun kaya no choice ako kundi babain yung telepono.

"Hello?" sagot ko sa tawag habang pinupunasan yung unting alikabok sa frame na


pinaglagyan ko ng picture namin ni Adrian.
"Hmm nandyan po ba si..si Mrs. Margaret Guillermo?" tanong ng lalaking nasa
kabilang linya. Laki ng boses nya ah!

"Ako po yun, si Margaret Guillermo.." AT MISS LANG AKO, HINDI MISIS! Hehe. "Sino po
sila at bakit nyo ko hinahanap?"

"Pulis po ko mula Bulacan Police District. Kayo po ba ang nanay ni..ni Adrian Louis
Guillermo?"

Nakaramdam na ko ng kaba ng sabihin nyang pulis sya, lalo pa ng banggitin nya ang
pangalan ni Adrian.

"A-Ako nga po. Nanay nya po ko. Bakit po? M-May nangyari po ba sakanya?"

"Uhm.. Nabangga po kasi ang sasakyan nya dito sa may--"

"A-ANO?!" sabi na nga ba! May nangyaring masama sa kanya! "N-NASAAN NA PO ANG ANAK
KO?!"

"Huminahon lang po muna kayo.. Uhm nandito po sya ngayon sa St. Peter's Hospital--"

"S-SIGE SIGE PUPUNTA NA KO DYAN!" naluluha, nanginginig at nagmamadali kong binaba


yung telepono pati yung picture frame.

Kinuha ko agad yung susi ng kotse ko at lumabas ng bahay.

Pinilit kong huminahon habang nagdadrive pero hindi..hindi ko kaya. Masyadong


malakas ang kabog ni dibdib ko.

Ang anak ko.. Dyos ko.. Sana ligtas sya..

Nang makarating ako sa hospital, kumaripas ako sa loob at nagtungo sa may


frontdesk. Ang daming pulis doon.

"MISS NURSE!" tawag ko sa isang nurse. "S-Si Adrian Louis Guillermo? D-Dito raw sya
dinala? Y-Yung nabangga--"

"Excuse me po.." may lumapit na pulis sakin. "Hinahanap nyo po si ADRIAN LOUIS
GUILLERMO? Kayo po ba ang nanay nya?"
"OPO! AKO PO! ASAN NA SYA? KAMUSTA NA SYA? ANO BANG NANGYARI SAKANYA?"

"Huminahon po muna kayo." inalalayan nya kong umupo sa isa sa mga nakahanay na
silya sa hallway.

"Yung anak ko po sir.. Asan na sya.." naiiyak ko nang tanong pagkaupo ko.
"Kasalukuyan po syang nasa ER. Pero wag kayong mag-alala. May tinatahi lang na
sugat sa may noo nya pero hindi sya ganun kalala.
In fact, may malay na po sya nang makarating kami dito at wala na syang natamo na
ibang injury bukod roon sa may noo nya."

Medyo nakahinga ako nang maluwag sa narinig ko.

"S-Sigurado po ba kayo dyan? Ayos lang ang anak ko?"

"Opo misis, maniwala po kayo sakin. Ito po, uminom po muna kayo." inabutan nya ko
ng bote ng mineral water.

Pero di ko naman magawang uminom. Nag-aalala pa rin ako. Gusto ko nang makita ang
anak ko. =/

"Sir.. A-Ano po bang nangyari? Paanong nabangga ang sasakyan ng anak ko eh maingat
naman syang magdrive ah?"

"Kasalanan po yun ng truck na nag-beating the red lights. Mabilis po ang takbo nun
at nagkataong papatawid din ng intersection ang
sasakyan ng anak nyo kasabay yung isa pang sasakyan tapos ayun.. Nangyari na po ang
aksidente.."

Napapikit ako. Bakit ba kasi nagdadrive pa ng ganitong oras si Adrian? Papauwi ba


sya samin?

"Maswerte po ang anak nyo.." dagdag pa nung pulis. "Yung babaeng pasahero nung
kasabayan nyang sasakyan na nabangga rin ng
truck eh namatay, habang yung driver nun, critical ang kondisyon ngayon. Kaya
maswerte ang anak nyo kasi nawalan lang sya ng
malay saglit at maliit na head injury lang ang natamo nya."
Nanikip bigla ang dibdib ko. Ligtas nga ang anak ko pero sa kinwentong yun nitong
pulis eh natakot ulit ako. Paano na lang kung
sakanya nangyari yung nangyari dun sa kasabayan nya? Dyos ko..di ko yun kakayanin..
Maya-maya ay may lumabas nang doctor mula sa ER. Tinawag nya kami nung pulis pero
ako lang ang pinapasok nung pulis sa loob
ng ER.

Pagkapasok ko roon, nakita kong nakaupo sa may gilid ng kama si Adrian. May dugo
ang suot nyang tshirt. Tulala sya. Yung mga mata
nya, mapupungay. Pansin ko rin ang nakapatch nyang sugat sa may kaliwang parte ng
noo nya.

"Anak ko.." nilapitan ko sya at hinawakan ang magkabilang pisngi nya. "Ayos ka lang
ba? May iba pa bang masakit sayo?"

Tulala pa rin syang umiling sa tanong ko.

"Wala po kayong dapat ipag-alala, misis." sabi sakin ng doctor. "Normal po lahat ng
resulta ng tests na isinagawa namin sakanya at
wala na po syang ibang injury bukod po dyan sa may noo nya."

"T-Talaga po?"

"Opo misis. Pero di ko lang po alam kung makakausap nyo sya ng maayos kasi he's
under the influence of alcohol."

Di ako makapaniwalang tumingin kay Adrian.

"Adrian? Nagdrive ka ng lasing ka? Sabi ko naman sayo diba? Na wag na wag kang
magdadrive ng--"
"MA?" inis nya kong tinignan. "HINDI AKO LASING."

"Pero doktor na yung nagsabi oh. You're und--"

"NAKAINOM LANG AKO PERO HINDI AKO LASING." tumayo na sya at mabagal na naglakad.
"Umuwi na tayo.. Gusto ko nang
magpahinga.."

Ano ba yan.. Gusto ko nang umiyak sa inaasta nya.. Pero pinigilan ko ang sarili ko.

Bago ko umalis ng ER, pinaalalahanan ako ng doktor tungkol sa sched ng checkup at


sa gamot na kailangan inumin ni Adrian para sa
sugat nya. Nagpaalam din ako sa mga pulis. Dapat nga kakausapin pa nila kami
regarding sa kasong isasampa dun sa truck driver at
sa sasakyan ni Adrian na nasira pero pinaasikaso ko na lang ang mga yun sa abogado
ko.

Sa byahe namin pauwi, tahimik lang si Adrian. Gising sya pero tulala.

Pagkauwi namin, naligo sya agad. Habang ako, nagstay sa kwarto ko at binasa itong
mga papel na binigay sakin nung mga pulis.

"Ma?" si Adrian, sumilip sa may pintuan. "Si Ate Hazel?"

"Wala sya ngayon dito, umuwi muna sya kina Kuya.. Bakit mo sya hinahanap?"

"Wala lang.." natulala sya saglit sa kama tapos umalis na sya.


Nakakapanibago yun ah.. Si Adrian, hinahanap si Hazel? Hmm..

Di ko na tinapos basahin 'tong binigay sakin ng mga pulis. Nakaramdam na ko ng


antok eh kaya naghilamos na ko sa CR na nandito
lang sa kwarto ko at naghanda na kong matulog.

Kaso kinabahan na naman ako. Si Adrian..nag-aalala pa rin ako sakanya.

Gusto ko sanang matulog na pero di ko napigilan ang sarili ko na bumangon para


icheck sya.

Pumunta ko ng kwarto nya. Madilim doon at..TEKA! WALA SYA!

Napababa naman ako para hanapin sya. Aysus. Nasa may dining lang pala sya.

Nakaupo sya roon, takip ng isang kamay ang mga mata nya habang..UMIINOM NG ALAK?!

"A-ANAK?! TIGILAN MO NGA YAN!" nilapitan ko sya at inagaw ang baso na hawak ng
isang kamay nya.

"Ano ba Ma? Hayaan nyo nga ko dito." mahina nyang sagot. Hindi nya pinakawalan yung
baso na inagaw ko at takip-takip pa rin nya
ang mga mata nya.
"UMINOM KA NA KANINA DIBA? KAYA TAMA NA. MATULOG KA NA."

"Ayoko.."

"ADRIAN? SUMUNOD KA NGA SAKIN! AKIN NA YAN." pinilit kong agawin yung baso pero di
ko talaga maagaw! Suko na ko!
"ADRIAN.. BAKIT BA KASI KAILANGAN MO PANG UMINOM.." >___<

"Masakit kasi.."

O___O

"A-Anong masakit, anak? Patingin.. O di kaya dalhin kita ulit sa ospital para
macheck yang masakit sayo?"

Kitang kong nagform ng smile ang mga labi nya. Ngumiti sya pero ramdam ko, may
tinatago syang hinanakit sa ngiti nyang yun.

"Anak ko.." mula sa baso, nilipat ko ang hawak ko sa braso nya.

"Alam mo ba Ma.. Si Chelle.. Magpapakasal na sya kay CJ.."

"TALAGA?" gulat kong tanong. Natuwa ako pero di yata ko dapat matuwa para sa anak
ko?

"Oo Ma.." medyo natawa sya. "At ang sakit-sakit nga eh.."

Napahigpit ang hawak ko sa braso nya. Yung sakit na tinutukoy nya, naramdaman ko
yun..

"Mahal ko si Chelle, Ma.. Mahal na mahal ko sya.."


Naku.. Sinabi ko na nga ba.. Nasense ko nang mangyayari toh sakanya eh, na
mamahalin nya ulit si Rachellyn. Kaya binalaan ko sya
noon na maghinay-hinay sa kinikilos nya kaso..haay..
"Mahal din naman nya ko, Ma.. Sinabi nya yun sakin, pinaramdam nya yun sakin.."

Hala? Si Rachellyn? Nahulog din pala ulit ang loob nya dito kay Adrian? O___O

"Pero bakit bigla nya yung binawi? Bigla nyang sinabi na walang katotohanan yun, na
hindi nya raw ako mahal, na hindi raw ako ang
mahal nya kundi si CJ kaya magpapakasal sya sa lalaking yun.. Bakit.. Bakit ganun?"

Puno ng sama ng loob ang boses nya. At kahit takip-takip ng isang kamay nya ang mga
mata nya, hindi nya pa rin napigilan at naitago
sakin ang pagtulo ng luha nya.

"Nararamdaman ko na mahal din talaga ko ni Chelle pero..di ko na alam..di ko na


alam ang paniniwalaan ko.. Masyado na kasing
masakit eh.. Yung pagtanggi nya sakin, yung pagdiin nya na wala lang ako para
sakanya, yung pagpili nya kay CJ kaysa sakin,
sobrang sakit nun.."

Nasasaktan sya pero wala akong magawa.. Kung pwede ko lang kunin ang sakit na
nararamdaman nya eh kinuha ko na yun pero hindi
pwede eh..

Niyakap ko na lang ang ulo nya sa may tyan ko.

"Naiintindihan kita, anak.. Naiintindihan ko yang nararamdaman mo, yang sakit na


hindi ikaw ang piniling makasama ng mahal mo..
Pero..naiintindihan ko rin naman si Rachellyn.."

Sinimulan kong haplusin ang ulo nya na para bang isa syang bata. Alam ko eh,
umiiyak pa rin sya.
"Si Rachellyn, pwedeng minahal ka na nya ulit pero hindi naman magiging madali para
sakanya na makipagbalikan sayo.. Alalahanin
mo, marami syang dapat ikunsidera.. Una na dun si CJ, ang lalaking sumalo sakanya
nung iwan mo sya, ang lalaki na minahal nya rin.
Intindihin mo, napakahirap sakanya na iwanan ang tulad ni CJ para lang sayo..
Pangalawa, yung sarili nya.. Minsan mo na syang
sinaktan Adrian at ang sakit na yun, higit pa yun dyan sa nararamdaman mo ngayon
kaya malamang lang na protektahan nya ang sarili
nya, na iiwas na ang sarili nya na maramdaman ulit ang sakit na yun mula sayo.."

Di na kumibo si Adrian. Niyukuan ko sya at kita kong natulala na naman sya.

"Anak, pwede ba..pwede bang tanggapin mo na lang yung naging desisyon ni Rachellyn?
Kasi mas masasaktan ka lang kung ipipilit
mo pa yang gusto mo.. Kasi anak, ganito talaga.. May mga bagay na kahit gusto natin
eh di pa rin natin pwedeng sundin, ipilit o
makuha.. Minsan, kailangan nating piliin yung choice na hindi natin gusto kasi yun
ang mas nakakabuti para satin.."

Lumuhod ako sa harap ni Adrian. Hinawakan ko ang mga kamay nya at nilagay yun sa
mga pisngi ko.

"Alam ko, mahirap yun tanggapin pero alam ko rin na makakaya mo yun. Malalagpasan
mo rin toh kasi malakas ka Adrian, mas
malakas ka pa kaysa sakin. Unting sacrifice lang..pilitin mo na ilaan na lang ang
buong atensyon mo kay Andy kasi kahit anong
mangyari, kahit magpakasal pa si Rachellyn sa kahit sinong lalaki, ikaw pa rin ang
tatay ng anak nya.. Maging magulang ka na lang sa
anak mo at magiging masaya ka rin, tulad ko ngayon..masaya ko sayo.."

Sa wakas, tinignan na rin ako ng anak ko. Nginitian ko sya pero nabigla naman ako
nang ilapit nya ang isang daliri nya sa isang mata
ko para iwipe yung..WAAAA~ YUNG LUHA KO?! NALULUHA NA PALA KO?!

Tumayo ko at ako na ang nagkusot ng mga mata ko. Ehhhh nakakahiya naman! Di dapat
ako maiyak sa harap ng anak ko.. >///<
"Uh eh anak, tara, magpahinga ka na sa kwarto mo.." hinatak ko ang isang kamay nya.

Inaasahan ko na tatanggi sya at magpapaiwan dito pero hindi. Tumayo sya at sumunod
sakin!

Nakahawak sya sa kamay ko habang papaakyat kami sa taas. Para nga talaga syang
naging bata ulit! BATANG MASUNURIN! *o*

At tinreat ko naman sya na parang bata. Binantayan ko sya sa kwarto nya hanggang sa
makatulog sya. :))

**

THE NEXT DAY..

Pinili ni Adrian na magstay muna dito sa bahay. Maghapon syang nagpahinga at


maghapon din syang tahimik at natutulala.

Medyo nakaka-bother pero mas okay na rin toh. Ito na siguro ang simula ng pagmove-
on nya.

Ako naman, bilang nanay nya, inaasikaso ko sya. Di na nga ko pumasok sa trabaho
para alagaan sya kasi may sakit sya. Sinat lang
naman yun pero syempre, kagagaling nya lang sa isang aksidente at heartbreak kaya
nag-aalala ko na baka lumala pa yun.
"Ma?" tawag ni Adrian habang nagluluto ko ng dinner namin.

"Bakit?"
Di naman sya sumagot sa tanong ko. Natulala sya sa ginagawa ko.

"Ay, malapit na toh maluto. Wait lang ah?" nakangiti kong sabi sakanya.

Tumango lang sya at umalis na.

Nagpatuloy ako sa paghalo dito sa niluluto ko hanggang sa kumulo na sya. Hihi. Okay
na toh. ^o^

Naghain na ko sa mesa tapos tinawag na si Adrian. Pero di sya sumasagot.

"ADRIAN ANAK?" umakyat ako sa kwarto nya. Pero wala sya roon. "ADRIAN?"

Tinignan ko ang kwarto ko, ang CR at ang sala pero wala talaga sya!

At bukod sakanya, may isa pa kong napansin na nawawala sa sala at yun ay ang susi
ng kotse ko..

Lumabas ako agad sa may garahe at ayun.

WALA NGA ROON ANG KOTSE KO.

Si Adrian, umalis sya nang walang paalam sakin.. Pero gabi na.. Saan naman sya
pupunta ng ganitong oras? =/

xxxxxx
x55: Playful Deal

[RACHELLYN's PoV]

"Kuya, ipara nyo na po dyan sa tabi."

Itinigil naman ni manong ang taxi nya sa tabi pagkapara ko.

Binayaran ko sya tsaka ko bumaba.

Agad na umalis yung taxi habang ako, humakbang na papasok ng--

TEKA.

O___o

Bakit nandito ako ngayon sa may palengke sa kanto ng subdivision namin?

Eh ang alam ko, pumara ko kanina kasi nasa tapat na ko ng bahay ko. O di
kaya..akala ko lang yun?

=___=

HAAAY..
Oo na..maling akala nga yun.. Wala ako sa sarili eh..

Naglakad na lang na ko papasok ng subdvision.


Hmm.. Magtricycle kaya ko? Gabi na eh at gusto ko nang umuwi.. Kaso nanghihinayang
ako sa pamasahe. Nagsayang na ko ng pera
dun sa taxi eh..

Psh.. Wag na nga. Maglalakad na lang ako. Malapit-lapit naman na ang bahay ko mula
dito sa entrance ng subdivision eh. At kailangan
ko ring pagdusahan ang pagpara ko dun sa taxi nang wala sa lugar.

Natulala naman ako bigla habang naglalakad dahil sa sinabi ko.

Narealize ko na ngayong araw na toh, ang dami kong nagawang mali dahil nga wala ako
sa sarili.

I was preoccupied this whole day. At preoccupied ang utak ko ng ano?

Edi nung mga nangyari lang naman kahapon..

Kahapon.. Napatingin ako sa kamay ko na may suot-suot na silver ring. Ah, it isn't
just a silver ring, it's an ENGAGEMENT RING.

Kahapon, CJ finally proposed to me and I accepted it.

Alam na toh ng parents namin. Actually, nung birthday pa lang pala ni Andy eh
nakausap na ni CJ ang parents ko tungkol sa plano
nyang pagpropose sakin. Di nga lang nila inasahan na ganito kaaga sya magpopropose.
They thought he'd do it later this year, bago ko
gumraduate. Even so, they didn't mind it. Neither did I.
Maganda nga toh eh. Kasi ito ang isa sa mga pangarap ko. Ang makasal at magkaroon
ng matatawag ko na sarili kong pamilya.

Magpakasal.. Magkaroon ng sarili kong pamilya..

Bakit parang sumakit ang puso ko sa isipin na yun?

Ah.. Si Adrian pala..


Di ko sya nakita sa school ngayon. Ni hindi rin nya sinundo si Andy sa school tulad
ng lagi nyang ginagawa nitong huli.

Ganun ba nya hindi katanggap ang desisyon ko at ang nararamdaman ko? Sobra bang di
nya yun matanggap to the point na
pababayaan na nya ang anak namin?

Kung alam nya lang, dahil sa biglaan nyang hindi pagsundo kay Andy, naghintay yung
bata sa school nang matagal. Sabi nga ni
Teacher Riz, si Andy na lang daw ang natirang bata doon kanina.

Buti na lang, napakiusapan ko si CJ na sunduin si Andy. Si CJ din ang nagbabantay


sakanya ngayon sa bahay.

Adrian.. I can't believe him.. Sana man lang pinaalam nya sakin na hindi nya
masusundo si Andy ngayon para naman hindi
nagmukhang kawawa ang anak namin kanina..

Ugh. Ano ba toh. Naiiyak ako.


Huminga ko nang malalim para mapawi tong sama ng loob ko.

Pero.. Di ko maintindihan.. Kailangan ba talagang madamay ni Andy sa problema


naming dalawa?

Pinunasan ko ang mga namuong luha sa mga mata ko.

Sakto, nasa tapat na ko ng bahay ko. At saktong pagbaba ko ng kamay ko, nakita ko
si Adrian.

Nakasandal sya sa isang kotse na nakapark sa tapat ng kotse ni CJ. Pero yung kotse
na yun, iba yun. Hindi yun kanya.

Ewan. Kay Mama Margie yata yun. Nakasandal nga sya roon at tulala sa may bahay ko.

Pero ano yun? May patch sya sa kaliwang part ng noo nya.. Sugat ba yun? Napano
naman sya?
Sumakit na naman bigla ang puso ko.

Nagkaganyan ba sya dahil sa gulong nangyari kagabi? Dahil sa..sa mga sinabi ko
sakanya?

Biglang napatingin sakin si Adrian. Nagulat pa nga sya eh, pati ako.

Seryoso kaming nagkatitigan.

Walang nagsasalita samin. Wala ring kumikilos.


Yung sugat nya.. Gusto ko tanungin kung anong nangyari sakanya.. Kaso, baka isipin
nya nag-aalala ko sakanya na..na totoo naman.
Psh. Oo, oo, nag-aalala ko sakanya. Nakokonsensya ko.

"Chelle." mahina nyang tawag.

Kumurap lang ako.

"Mag-usap tayo." mahina pa rin ang boses nya.

"Tungkol saan? Kay Andy?" I asked back on the same, low voice.

"Hindi."

Napapikit ako. "Hindi pala eh, then hindi rin kita kakausapin.."

Tinalikuran ko na sya. Naramdaman kong lumapit sya sakin at hinawakan ang kamay ko.
It made me stop and feel the warmth of his manly hand.

Mainit yun, hindi normal na init pero di rin naman sobrang init.

"Kakausapin mo ko." pagpilit nya.

"HINDI, ADRIAN. AYOKO." sinubukan kong bawiin ang kamay ko pero hinigpitan nya pa
ang hawak nya sakin!
Pinilit kong kumawala pero wala! Bigla na lang nya kong hinatak para makaharap sya!

*budum*budum*budum*

O///O

Ang mga mata nya.. Seryoso ang tingin sakin pero hindi yun nakakatakot.. Hindi
nakakatakot pero nakakapang-hina..

Lumuwag na ang hawak nya sa kamay ko tapos..tapos mabilis nyang tinanggal yung
suot-suot kong engagement ring!

"A-ADRIAN..?!" mahina kong sigaw. Ayaw ko naman kasi mag-iskandalo dito at sa


ganitong oras pa. >.<

Tinapat nya sa mukha ko yung singsing. Inagaw ko naman yun pero kada agaw ko, lagi
nyang ilalayo yung singsing! Nagmumukha
tuloy akong tanga! >3<

"AKIN NA YAN, ADRIAN..!!" >o<

"Kausapin mo muna ko." =.=

"A-YO-KO." ToT
"Okay.." binulsa nya yung singsing at lumapit na sa kotse nya.

"Uy, Adrian!" >.<


Tumigil sya sa pagbukas ng pinto sa driver's seat at lumingon sakin.

"Di mo mababawi yung singsing hangga't di ka pumapayag na makipag-usap sakin."


seryoso nyang sabi.

Nakipaglaban na naman ako ng titigan sakanya.

Ano nang gagawin mo Rachellyn?

Ayoko nang makipag-usap sakanya unless na si Andy ang pag-uusapan namin. Pero kung
di ko sya kakausapin, di nya ibabalik yung
singsing.

Eh kung humingi kaya ko ng tulong kay CJ?

AHHH NO! THAT WILL BE A VERY BAD MOVE!

Away.. Mag-aaway na naman sila pag gagawin ko yun so NO..

"Sige, Adrian. Makikipag-usap na ko sayo. Just make sure na ibabalik mo sakin yung
singsing ko ah?" inis na kong pumayag. Kasi
naman.

"Oo naman.. It's a deal." nakangiti syang pumunta sa kabilang side ng kotse at
binuksan ang pinto ng passenger's seat. "Sumakay ka."
Sumakay ako. Sya rin, sumakay na sa driver's seat.
"Mag-seatbelt ka."

Tinaasan ko sya ng kilay. "BAKIT PA? MAG-UUSAP LANG NAMAN TAYO AH?"

"Oo nga. Mag-uusap lang tayo. PERO HINDI DITO."

Nagtitigan na naman kami. Psh.

Iniwas ko na ang tingin ko sakanya at sinunod ang utos nya.

Pagkasuot ko ng seatbelt, nagsimula na syang magdrive.

"Saan ba tayo mag-uusap?" inis kong tanong habang nakatingin sa labas.

"Basta.."

Tss..

Wala nang nagsalita samin after that.

Wala talaga kong ideya kung saan nya ko dadalhin pero nung nasa NLEX na kami, sa
tingin ko alam ko na.

Dadalhin nya ko kina Mama Margie. For sure, kakausapin nila ko at papakiusapan
about sa desisyon kong pagpapakasal kay CJ.

I sighed. Kahit ano namang pilit nila sakin, di na mababago ang desisyon ko..
Hindi..

Sa Bulacan, huminto sa isang 7-11 si Adrian. Iniwan nya ko dito sa kotse at pumasok
sya dun sa store. Ano kayang bibilhin nun?
Habang naghihintay ako, may tumawag sa phone ko.

SI CJ..

Huminga muna ko nang malalim bago ko yun sinagot.

"Dhie?"

"Where are you, Rachel?" tanong nya with so much worry.

"Uhm.. Pa..Papunta ko kina Mama Margie.. Sorry..biglaan.."

"Ah.. Bakit naman? Are you with..with Adrian?"

"Oo eh.. But don't worry, Dhie. Walang mangyayaring kung ano samin. Mag-uusap lang
kami and..I'll be fine."

He sighed. "Naiintindihan ko.. And I trust you, Rachel."


I clenched my fists as I felt guilty again. CJ trusts me. But what did I do to him
a week ago?

"T-Thank you CJ.."

"Uwi ka kaagad after nyo mag-usap ah?"

"I will.."

"I love you, Mhie."


"I love you too.. Bye.."

Pagka-end ko sa tawag, tamang sumakay na ulit si Adrian sa driver's seat. May


binato rin syang plastic bag sa may backseat.

"Sino yun?" tanong nya.

"Uh.." tinabi ko na yung phone ko sa bag ko at dumungaw ulit sa labas. "Wala


lang.."

Di naman na nagtanong ulit si Adrian. Nagdrive na lang sya.

At kung kailan malapit na kami, tsaka pa naging matrapik ang daan.

Di ko tuloy maiwasang antukin.. At umidlip..

.
.

"Chelle, gising na wui."

"Mm.." iniangat ko ang ulo mula sa may bintana. "Oo.." =___=

Bumaba na sya ng kotse. Ako naman, nagkusot pa ng mga mata bago ko binuksan ang
pinto sa side ko.

Masakit ang ulo ko dahil sa antok. Para tuloy akong bangag nang makababa na ko ng
kotse.

"Okay ka lang, Chelle?" hinawakan ni Adrian ang kamay ko kaya agad-agad namang
nabuhay ang diwa ko!
"O-OO.. OKAY LANG AKO.." >.<

"Tara na sa loob."

Hawak nya pa rin ang kamay ko nang maglakad na kami palapit sa gate nila.

Yang hawak nya sa kamay ko.. Ang.. Ang..

=///=
"Saglit lang.." may kinuha sya sa bulsa nya. Susi. Susi para mabuksan itong gate
na--

*blink *blink

O__________O

GATE. GATE. GATE.

HINDI ITO ANG GATE NG BAHAY NILA!!

Tinignan ko ang kabuuan ng bahay at..

*BUDUM*BUDUM*BUDUM*

D-Dito nya pala ko dinala..

DITO SA KUNG SAAN KAMI UNANG..


"Chelle.." nabuksan na pala ni Adrian yung gate.

I anxiously looked at him while he..

He was just smiling at me. NAUGHTILY.

O/////O
*gulp.

xxxxxx

x56: Last One

[ADRIAN's PoV]

Hawak ko ang kamay ni Chelle nang lumapit kami sa gate nitong bahay.

Kailangan ko syang hawakan. Mukhang wala sya sa sarili dahil sa antok eh. Ni hindi
nga yata nya napansin na dito ko sya dinala.

Dito..

Dito sa bahay na toh kung saan namin nabuo ang anak namin. Hehe.

"Saglit lang.." binatawan ko sya para kunin sa bulsa ko ang susi sa kandado nitong
gate.

Agad ko namang nabuksan yun tapos tumingin ako kay Chelle. Sya kasi ang gusto kong
paunahin na pumasok.
Kaso nakatingala sya at nakatitig dun sa bahay. Siguro ngayon nya lang napansin
kung nasaan kami?

Napangiti na lang ako sa reaksyon nya. Ang cute nya lang oh. As in tulala sya at
makikita mo sa mukha nya ang pagkagulat na may
halong pagkadismaya at kaba.

"Chelle." tawag ko sakanya.

Tumingin sya sakin with the same expression. Mas napangiti tuloy ako.

Nagpa-flashback ba ngayon sa isip nya ang mga nangyari samin dito noon kaya
nagkakaganyan sya ngayon? Hehe..

Hinawakan ko na lang ulit ang kamay nya at hinatak sya papasok ng bahay.

Grabe. Nanlamig sya bigla ah? Mukhang natatakot sya. Natatakot na baka kung ano na
namang magawa namin.

Pero wala naman syang dapat ipag-alala eh. Kaya kong magpigil ngayon. Dahil ngayon,
ang makipag-usap lang talaga sakanya ang
gustung-gusto kong gawin.

[RACHELLYN's PoV]

Marahan akong hinatak ni Adrian papasok nitong bahay..nitong bahay na kahit kailan
eh di ko inaasahang mababalikan ko pa.

Ayoko dito.. Ayoko nang maalala ang pagkakamaling nagawa ko noon dito kasama sya..
Pero wala na.. Nandito na ko.

Ano naman ba ang gagawin namin dito?


G-GAGAWIN BA NAMIN YUN ULIT?
AHHH NO! NO-NO-NO.. >///<

Nang dumaan kami sa sala, napansin ko ang ayos ng paligid.

Everything's the same here. Maganda pa rin ang interior ng bahay kahit may kalumaan
na. Pati yung mga gamit na nandito, ganun pa
rin ang ayos. Karamihan sakanila ay puro agiw, alikabok at mga nakacover ng kumot.

Pero yung sofa, yun lang ang walang cover at maayos tignan dito. Pati yung center
table. May mga papel, lapis at folder ang nasa
ibabaw nun.

Hatak-hatak lang ako ni Adrian hanggang sa marating namin ang kusina.

Doon, binitawan na nya ko.

"Teka. May naiwan ako sa kotse. Uhm, dito ka lang." sabi ni Adrian sabay alis.

Umupo naman ako sa isang high stool sa tabi ng mesa na nasa gitna nitong kusina.
Tapos inikot ko ulit ang tingin ko sa paligid.

Malinis-linis dito sa kusina compared dun sa sala. Pero bakit ganito? Diba wala
nang nakatira dito? Eh bakit ang ayos dito? Na para
bang may gumagamit pa nitong bahay?

Huminto ang tingin ko sa may microwave stove. Then.. Then I found myself smiling.
That stove.. It brings back funny memories. :'))

"Chelle." nakabalik na si Adrian. Pilit ko namang inalis ang pagkakangiti ko. "Kain
ka muna."

May nilapag syang plastic bag sa harapan ko. Yun yung binili nya sa 7-11.

"A-Ano yan?" tanong ko.


Ngumiti sya nang mapang-asar. "Yan? Edi pagkain."

Oo nga, Rachellyn. Malamang pagkain yan. Kumain ka nga raw muna diba? ToT

"Dali. Kumain ka na." nilabas nya yung food mula sa plastic bag. Isang rice meal
yun.

"A-Ayoko kumain. Maguusap tayo diba? Kaya mag-usap na tayo p-para makauwi na tayo
agad.."

Natigilan sya saglit tapos humila sya ng isang high stool malapit sakin. Umupo sya
roon.

Tahimik.. Ang tahimik ng paligid. Ang naririnig ko nga lang ay ang napakabilis na
tibok ng puso ko.

*PSST! PSST!

O___O
"Tsk." kinuha ni Adrian ang phone nya mula sa bulsa nya. So..ringtone pala yun?
Akala ko kung sino nang sumisitsit samin dito! >___<

Seryosong tinitigan ni Adrian ang screen ng phone nya. May binabasa yata syang
text.

"Teka lang ulit ah, Chelle." tumayo sya at iniwan ako dito habang nagdadial sa
phone nya. "Ma?"

MA? Tinawagan nya yata si Mama Margie. Di ko na narinig ang mga sunod nyang sinabi
kasi nakalayo na sya agad.

Haaay..

Ano nang gagawin ko dito? Eh wala naman akong ganang kumain. Buti ba sana kung
sasaluhan nya ko eh.

*PAK!
Tinapik ko na naman ng pagkalakas-lakas ang noo ko! Mga pinag-iisip ko kasi.. Psh.

Tumayo ako at naglakad-lakad.

Sa sala ako napahinto. Nakita ko kasi si Adrian na nakaupo sa may tapat ng front
door at may kausap pa rin sya sa phone nya.

Ang tagal nya.. Nangangalay na ko dito.. =___=


Si Mama Margie pa ba kausap nya? Parang hindi na eh..

Sa pangangalay ko, napahawak ako sa gamit na nasa tabi ko.

Ay, hindi pala toh gamit. Ito yung pinakadulo ng hawakan ng hagdanan nila.

Uhm.. Hagdanan..

Sinilip ko yung taas mula dito. Then subconsciously, my legs moved and brought me
upstairs.

Dito sa taas, may apat na kwarto. Pero isang pintuan lang sa mga kwarto na yun ang
nilapitan ko.

At ito yun. Itong kwarto na nasa tapat ko. Ito yung kwarto ni Adrian dati.

Binuksan ko ang pinto nun at in-on ang ilaw.

Nanlaki naman ang mga mata ko nang masilayan ko na ang loob nun.

BAKIT PARANG IBA NA ANG KWARTO NA TOH?

Pumasok pa ko sa loob para makasigurado ko sa nakita ko.

Nag-iba nga sya. Iba na yung kulay ng dingding eh. Dati dirty white yun pero ngayon
BLUE na. Pero yung mga gamit, parehas pa din.
Malinis din dito at maayos. Para talagang may nagamit na ng bahay na toh-- ng
kwarto na toh to be exact.

Naglakad ako paikot. Kinapa ng isang daliri ko ang bawat gamit na madaraanan ko.
Hanggang sa marating ko yung study table ni
Adrian.

I stopped there and closed my eyes as I started to reminisce the moment when we had
a talk here.

That time, nakaupo ako sa table na toh while he was in front of me and locking me
in between his arms.

"Ngayong nakita nyo na tong bahay nang personal, ano pong masasabi nyo rito?"
Adrian asked me that na para ba syang isang
reporter.

"Maganda sya kahit medyo mukhang luma. Pero di naman pala ganun kaluma ah?"
natatawa ko namang sagot sakanya.

"Ganun.. Pero unting ayos lang dito mawawala na yung lumang-look na sinasabi mo."

"Talaga?"

"Oo. Ipapakita ko sayo. Aayusin ko toh pag maging architect na ko. Pero...yun eh
kung gusto mo palang tumira dito.. Gusto mo nga
bang tumira dito Chelle?"

"Hmm.. Oo. Gusto ko tumira dito. Basta ba kasama kita eh."


Ngumiti si Adrian sa sagot ko. "Okay. Edi ito na ang magiging bahay natin
in..hmm..in 10 years? Ah basta. Dito titira pamilya natin.
Ikaw, ako, at mga anak natin. Ay, anim na anak pala gusto ko ah? Gusto ko ng
dalawang lalaki, dalawang babae, at isang fraternal
twins."

"HA?! ANG DAMI NAMAN NUN!" natawa na naman ako at hinampas sya sa balikat.

Kahit ngayon eh, natawa ko pagka-alala ko sa sinabi nyang yun. Akala nya ba ganun
lang kadaling magbuntis at manganak?
And just how ironic his dream was.. Ngayon, may isang anak na kami ngayon.

Kaso..hanggang doon na lang yun.

Yung naging pangarap namin na tumira dito nang magkasama, wala na..di na mangyayari
yun.

Although, I still have that feeling right now.. That feeling na gusto ko tumira
dito kasama sya at si Andy..

Ugh. RACHELLYN! WHAT THE HECK ARE YOU THINKING! >___<

Lumayo na ko sa study table habang inaalog-alog ang ulo ko.

Umupo ako sa kama and there I sighed.

Mula pagkakaupo eh humiga ako agad. Antok na ko. Gusto ko nang matulog.
I closed my eyes, this time, to take a rest. But then, another memory flashed in my
head!

Napadilat ako at tumitig sa kisame.

God.. Nandito nga pala ko sa kama nya.. Dito.. Dito kung saan namin yun ginawa.

And lying down here now makes me feel everything I felt that time-- the heat from
his touch, the excitement from his kisses, the pain
from his first thrusts, the security from his gentleness, the pleasure and of
course, the HAPPINESS.

I was so happy to give myself to him..sakanya na sobrang mahal na mahal ko..

"CHELLE?"

Mabilis naman akong napaupo nang pumasok si Adrian dito sa kwarto!


Patay ako.. >///<

Baka kung anong isipin nya sa pagpasok ko dito..

"Ah, ano, chineck ko lang tong kwarto.. Hehe.." sabi ko sakanya. "Inaantok na kasi
ako.."

Nagpout sya tapos sinara yung pinto!

*BUDUM*BUDUM*BUDUM*BUDUM*
L-LAGOT KA RACHELLYN.. O///O

"TEKA ADRIAN? B-BAKIT PALA NAGBAGO YUNG-YUNG..YUNG KULAY NG DINGDING?" tinanong ko


yan para lang pigilan sya sa
paglapit sakin.

AT SUCCESS NAMAN!

"Hmm.." sumandal sya sa pintuan at inikot ang tingin dito. "Pinalitan ko sya ng
kulay. Ito kasi ang gustong kulay ng anak natin sa
magiging kwarto nya."

O___O

"BLUE.." dagdag pa ni Adrian. "Sabi ni Andy, blue raw ang gusto nya kaya ito.."

"H-HUH?" that was my reply to him. My reply IN CONFUSION. Bakit naman nya babaguhin
ang kulay nito base sa gusto ng anak
namin?

Ay wait.. Sabi nya, kasi ito raw ang gustong kulay ni Andy sa MAGIGING KWARTO nito?

MAGIGING KWARTO ni Andy? ITO? Itong kwarto nya?


Tumingin sakin si Adrian. He gave me a serious but sad look.

"Matagal ko nang pinaplano na irenovate tong bahay at nagsimula ako sa kwartong


toh. Gusto ko kasing ayusin ang bahay na toh,
Chelle, para sa anak natin..at para sayo.. Para sa inyong mag-ina ko.."
Napakagat-labi ako kasabay ng muling pagbilis ng tibok ng puso ko. I was
touched..and for some reason, I was hurt at the same time.

"At ginagawa ko toh kasi.. Kasi mahal ko kayo. Kasi gusto ko kayong makasama. Kasi
gusto kong buuin ang pamilya natin..dito. Gaya
ng pangarap natin noon."

THAT.. MADE ME.. TOTALLY SPEECHLESS..

Di ako makapaniwala sa mga naririnig ko ngayon mula kay Adrian..

"Chelle.. May pag-asa pa bang matupad ang pangarap nating yun?"

Natulala ko sakanya sa tanong nyang yun.

Di ko alam.. Di ko alam ang isasagot ko..

Gustuhin ko man sya bigyan ng chance pero hindi pwede. HINDI NA PWEDE.

At mahal ko man sya, hindi naman sya ang gusto kong makasama. HINDI ANG TULAD NYA
ANG GUSTO KONG MAKASAMA
HABANG BUHAY.

Di ko magawang magsalita dahil baka iba ang masagot ko kaya umiling na lang ako.

I shook my head to say no.


"Bakit hindi, Chelle? Mahal mo naman ako diba?"
Napapikit ako. Yun na naman ba kasi ang ipagpipilitan nya?

"Mahal mo ko pero...wala ka lang tiwala sakin."

Napatingin na ko ulit sakanya.

Yun kasi yun eh.. Nakuha nya ang eksaktong nararamdaman ko..

Lumapit naman sya sakin. Nang makalapit na sya, lumuhod sya sa harap ko at
hinawakan ang dalawang kamay ko.

"A-Adrian? T-Tumayo ka nga dyan?" hinatak ko ang mga kamay nya para patayuin sya
pero hinigpitan nya lang ang hawak nya sakin.

"Alam ko Chelle.. Napakalaki ng kasalanan ko sayo at nasaktan kita ng sobra noon


para pagkatiwalaan mo ko ngayon pero.. Maniwala
ka sakin.. Maniwala ka, sobra kong pinagsisisihan ang nagawa kong yun sayo.."

I held my breath. Ramdam ko, magbebreakdown ako anytime sa ginagawang ito ni Adrian
but no..I should stay strong and composed.

"I'm sorry Chelle.. Sorry, sobrang nagkamali ako.. Sorry, dinamay kita at ang
relasyon natin sa sama ng loob ko non kay Mama at
sa..sa tatay ko.."

W-WHAT?
Yun ba yun? Kaya nya ko iniwan dahil lang sa sama ng loob nya kay Mama Margie at sa
tatay nya?

"Chelle.. Hindi kita iniwan non kasi pinagsawaan na kita o hindi na kita mahal..
Iniwan kita kasi masyado akong nagpakatanga at
nagpadala sa galit na meron ako sa mga magulang ko.. Yun lang yun Chelle.."

God..

Knowing his real reason why he left me before makes me feel like.. like giving in
already..
"Totoong minahal kita noon at ngayon, nagawa kitang mahalin ulit.. Ngayon.. Ang
gusto ko lang ngayon eh makabawi sayo..sa inyo ni
Andy.. Gusto kong patunayan tong pagmamahal ko sa inyo kaya sana mapagbigyan mo
ko.. Pagbigyan mo ko na buuin ang pamilya
natin.."

I opened my mouth to say yes pero walang boses na lumabas mula sakin. My mind was
stopping me to speak. My mind was thinking
about CJ.

Kung bumigay na ko kay Adrian, paano na nga ba si CJ? Ito ba ang ipapalit ko sa
trust na meron sya para sakin? Ganito na lang ba?
Basta ko na lang syang iiwan matapos kong pumayag na magpakasal sakanya?
Ipapagpalit ko na lang sya kay Adrian after all he has
done good to me and my baby for years?

I can't.. I can't do that to CJ.. I can't leave him, I can't hurt him..

"Chelle.." hinigpitan pa ni Adrian ang hawak nya sa mga kamay ko. "Pwede bang
magpakatotoo ka sakin ngayon? Kahit ngayon lang.."
Nagtitigan kami. Eye to eye. It was like we can see through each other and I can
see it..I can see his sincerity, his honesty, his sorrow..

Pinilit kong tumango sa tanong nya.

"Then sagutin mo toh ng totoo.. MAHAL MO BA KO?" he asked.

OO. OO, MAHAL KITA. My heart chooses you but..

"Hindi, Adrian. Hindi kita mahal."

..but a bigger part of me chooses CJ.

Nanatili ang pagtitig nya sa mga mata ko. He's hurt, I can tell it. And I am, too.

Nagpoprotesta nga ang puso ko eh pero wala akong magawa. Masyadong malakas ang
paninindigan ng utak ko.
"Naiintindihan ko na.." yumuko si Adrian.

Binitawan ako ng isa nyang kamay para may kuhanin sa bulsa nya.

"Naiintindihan ko nang si CJ ang mahal mo.." yung singsing pala ang kinuha nya.
"Tatanggapin ko na yun kaya..kaya wag ka na mag-
aalala. Ito na ang huling pangungulit ko sayo tungkol sa bagay na yun."

Nanikip ang dibdib ko nang isuot nya ang singsing sa daliri ko.
Ang sakit lang ng nangyayaring ito samin ngayon.. Pero..pero ayos lang.. Ngayon
lang ang sakit na toh. Makaka-move on din ako..
Makakamove-on din kami ulit.. DIBA?

"Ayan.." binitawan na nya ko nang tuluyan at medyo ngumiti. "Salamat Chelle..


Salamat nakinig ka sa mga gusto kong sabihin.."

Tumayo na sya sabay gulo sa buhok ko.

"Matulog ka na.. Uhm.. Bukas na lang kita iuuwi.."

Pagkasabi nya nun, mabilis syang tumalikod at lumabas nitong kwarto.

Tumayo ako para sundan sya. Hahabulin ko sya. Babawiin ko ang mga sinabi ko.

Pero..hindi ko talaga kaya. Ayaw talaga ng katawan ko na sumunod sa puso ko.

Kaya ang nagawa ko na lang ay umupo ulit dito sa kama at.. at hayaang tumulo ang
mga luha ko.

xxxxxx

x57: Goodbye?
[ADRIAN's PoV]

Pagkalabas na pagkalabas ko ng kwarto kung nasaan si Chelle, napatakip ako ng mukha


gamit ang isang kamay ko.
Gusto kong tumawa. Gusto kong itawa na lang 'tong sakit na nararamdaman ko.

Pero di lang tawa ang nagawa ko.. Naiyak na din ako..

ARGHH.. ANO BA ADRIAN?!

Agad kong pinunasan ang mga luha ko bago pa tumulo ang mga ito. Napahigpit din ang
hawak ng isa ko pang kamay dito sa may
doorknob.

Gusto kong bumalik sa loob at muling pakiusapan si Chelle. Yun ang gustung-gustung-
gusto kong gawin pero pilit kong pinipigilan ang
sarili ko.

Hindi na yun pwede eh. Sinabi ko na kay Chelle na di ko na sya kukulitin diba?
Nangako rin ako kina Mama at Ate Hazel kanina, na ito
na ang huling beses na kakausapin ko si Chelle tungkol sa bagay na yun, na
tatanggapin ko na kahit ano pang sagot ang ibigay nya
sakin.

Kaya kahit ayoko pa ring maniwala sa sagot nya na hindi nya ko mahal, kailangan ko
na yung tanggapin. Kailangan ko nang sumuko.

Sumuko..

Napangiti ako bigla.

Oo. Para di na ko mas masaktan pa, at para tuluyan nang sumaya si Chelle, SUMUSUKO
NA KO.
Bumitaw na ko sa doorknob at naglakad palayo.

Sa sala ko nag-stay. Doon nagbukas ako ng beer-in-can at uminom.


Inom, tulala, inom, tulala-- yan lang pinaggagawa ko hanggang sa mapansin ko ang
mga papel na nasa ibabaw nitong center table.

Ito pala yung mga plano na ginuhit ko para sa pag-renovate nitong bahay.

Napangiti na naman ako. Ngumiti ako sa kabila ng pagkirot ng puso ko.

Ang ganda sana nitong plano ko pero aanhin ko pa toh? Di ko na toh magagamit. Wala
na eh. Wala na kong paglalaanan nitong
pangarap ko.

Sa sama ng loob ko, nilamukos ko 'tong mga papel at binato yun kung saan. Tapos
uminom ako.

Ugh.. Ang sakit.. Ang bigat sa dibdib.. Di maiwasang maluha ng mga mata ko sa
nararamdaman ko..

Malamang, ganito rin ang sakit na naramdaman ni Chelle nung iwan ko sya, nung
sabihan ko sya na di ko na sya mahal..

Muli akong ngumiti at uminom.

Itong pinagdaraanan ko ngayon, tama lang toh. Tama lang na mangyari toh sakin,
diba?
Tama lang na pagbayaran ko ang mga kasalanan ko noon kay Chelle. Kahit ba ang
kabayaran na yun ay ito, ang mawalan ng
pagkakataong magkaroon ng buong pamilya, KAHIT KAILAN.

Pumikit ako at sumandal dito sa sofa. Inisip ko na lang ang mga susunod kong
gagawin sa buhay ko pagkatapos nito.

Sumasang-ayon ako sa sinabi sakin ni Mama na kung di ko man makuha si Chelle,


nandyan naman si Andy. Anak ko pa rin sya at tatay
nya pa rin ako kahit anong mangyari. Dapat maging isang magulang na lang ako
sakanya at dapat magmove-on na rin ako.

Pero magagawa ko bang magmove-on kung kasabay ng gagawin kong pagpapaka-ama kay
Andy eh makikita ko si Chelle na masaya
kasama si CJ?
Hindi naman sa ayaw ko syang makitang masaya pero..masakit yun sakin eh.. Masakit
na makita syang masaya kasama ang ibang
lalaki..

Uhh.. Bwiset.. Ano na bang gagawin ko?

Antok na antok na ko pero nagawa kong dumilat bigla nang may maalala ako.

Naalala ko, meron akong pwede gawin para masimulan ko ang pagmu-move-on..

Ilang minuto akong natulala at pinag-isipan ang bagay na yun. Tapos pumikit na ko
ulit.

Nakapagdesisyon na ko..
YUN na lang ang gagawin ko..

[RACHELLYN's PoV]

I was very deep in sleep when I felt someone's hand touch my cheek.

This familiar touch, I love it. And I smiled, knowing whose hand it was.

Well I know, it was Adrian's.

Dahil dun, mas napasarap ang tulog ko. Lalo pa nang maramdaman ko ang paghalik nya
sa ilong ko.

"I love you, Chelle.." rinig kong bulong nya sakin.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Ang sarap lang talaga sa pakiramdam pag sinasabi nya
ang mga salitang yun sakin.
"Goodbye.." yan ang sunod nyang sinabi kasabay ng pag-alis nya sa hawak nya sakin.

Yung mabilis na pagtibok ng puso ko kanina, biglang nawala. Para syang huminto na
sa pagtibok at dinamdam ang sakit na dala ng
sinabi ni Adrian.

GOODBYE? What was with his goodbye? Why did he have to say that? And hearing it,
was it supposed to hurt this much for me?

Gusto kong gumising na at makita si Adrian pero di ko naman madilat ang mga mata
ko! Sinusubukan ko ring gumalaw pero di ko
magawa!
God! Is this a nightmare?! Nahihirapan din akong huminga eh!

But when I opened my mouth to breathe and shout, I finally woke up, panting and
palpitating.

Oh thanks God.. Nagising din ako..

Pinakalma ko muna ang sarili ko tsaka ko nag-iba ng posisyon ng higa.

Ah. Teka.

Nakakumot ako?

Eh kagabi, nakatulog ako kakaiyak nang hindi nakakumot ah? Tapos ngayon...ahh. Tsk.
Bakit pa ko nagtataka? Malamang lang naman
na si Adrian ang nagkumot sakin.

Niyakap ko na lang itong kumot at umupo na ko. Nagmuni-muni muna ko rito sa kama.

Maliwanag na sa labas.. Anong oras na kaya? Naiwan ko kasi yung bag ko sa kusina
eh. Nandun pa naman ang phone ko. Si Adrian
kaya, gising na?

Si Adrian.. Paano ko kaya sya haharapin ngayon?


Napaisip ako nang matagal para sagutin ang katanungan ko pero sa huli, wala rin
akong naisip. Ah, bahala na lang.
I jumped off the bed at bumaba na ko. Una kong nagtungo sa kusina para maghilamos.

Nang ichecheck ko na ang phone ko sa bag ko na nandun sa may table, naagaw ng isang
maliit at blue na papel ang atensyon ko.

Nakaipit yung papel sa ilalim nung rice meal na di ko kinain kagabi. Kinuha ko yun
at binasa ang nakasulat.

'Una na kong umalis Chelle! Sorry. May gagawin pa ko eh. Kain ka muna bago ka
umalis. At dun ka na kay Manong Ben sumakay. Taxi
driver sya na kaibigan namin ni Mama at nakausap ko na sya tungkol sayo. OK? Geh.
Bye.. - Adrian'

Napaupo ako sa isang high stool at natulala.

Dapat ba ko matuwa ko sa ginawa na toh ni Adrian? Nakaka-relieve eh kasi di ko na


sya kailangang harapin matapos ng pag-uusap
namin kagabi pero..nakakalungkot din.. Di ko toh gusto, yung pakiramdam na iniwan
nya ko dito..

I bit my lower lip at binalik na yung note sa ibabaw ng mesa. Nagpunta na lang ako
sa sala at sumilip sa labas.

May taxi na nakapark sa labas. Nililinis yun ng isang may edad na lalaki. Sya na
siguro si Mang Ben na tinutukoy ni Adrian.

Pinanood ko yung matanda sa ginagawa nya, hanggang sa napa-sigh ako.

Ayoko na. Uuwi na lang ako.. =/


Humakbang ako patalikod pero may natapakan ako na nagpahinto sakin.

Niyukuan ko ang sahig. Isa palang crumpled paper yung naapakan ko.

Dinampot ko yun at umupo ko sa sofa habang binubuklat yun.

Oh.. Mga drawing pala toh.. Mga drawing toh ng loob nitong buhay.. And I'm sure, si
Adrian ang may gawa ng mga toh..
Iba ang ayos nitong drawing kumpara sa kasalukuyang ayos nitong bahay.

Siguro, ito yung plano nya sa pag-aayos nitong bahay.

Ngumiti ako. Ang ganda naman kasi ng nagawang mga plano ni Adrian.

Nakangiti lang ako habang kinakapa ang bawat guhit sa papel na toh nang biglang may
tumulong luha mula sa mga mata ko.

Nakakapanghinayang.. Di ko maiwasang manghinayang sa mga gusto sanang gawin ni


Adrian para samin ni Andy.. I had a chance to
be with him and make our dreams come true but...I didn't choose him.. I couldn't
choose him.. At nakakainis lang.. Naiinis ako sa sarili
ko..

[CJ's PoV]

It's 10AM already and Rachel's not coming back home yet. Ni hindi ko rin sya
matawagan. Oh damn it.
Ginulo ko ang buhok ko habang nakaupo dito sa sofa.

Di ako mapakali. Alam ko nang hindi sila nagpunta sa bahay ng mama ni Adrian 'cause
I called their landline last night at wala raw sila
dun. Pero alam daw nila na magkasama yung dalawa para mag-usap.

MAG-USAP HUH? AND THEY NEEDED THE WHOLE NIGHT TO TALK?

Ah damn that Adrian. Saan nya ba dinala si Rachel?

I stayed out on the garage for awhile to smoke. Di ako pwede magyosi sa loob eh
kasi nandun si Andy.

Tch. Speaking of Andy, kanina nya pa hinahanap mommy nya. Ayaw nga nya kumain ng
breakfast hangga't di pa umuuwi si Rachel but
good thing naconvince ko rin syang kumain.
Maya-maya ay may nagpark na kotse sa tapat ng kotse ko. Ngayon ko lang nakita ang
kotse na yun. But then, ADRIAN hopped out of
its driver's seat.

Medyo gumaan ang pakiramdam ko. Sa wakas, nandito na sila. But wait.. Adrian's
already coming this way without Rachel? Mag-isa
lang sya.

Tumuloy si Adrian dito sa garahe with a very blunt face.

"Asan si Andy?" he asked.

"Where's Rachel?" I asked back.


"Ewan. Baka tulog pa dun sa bahay--" di ko sya pinatapos magsalita dahil bigla ko
na lang syang nilapitan sabay sapak sa
pagmumukha nya.

My punch made him take a few steps backwards but I pulled his collar to have him
face me.

"ANONG GINAWA MO SAKANYA?!" tanong ko ulit sakanya but this time, I'm very furious.
Just how could he tell me that Rachel's still
sleeping?! Bakit, ano bang ginawa nila?!

Galit ako, nasaktan ko na ang lalaking toh pero ang expression nya, ganun pa rin!
Still BLUNT as if I didn't hurt him!

"May karapatan kang magalit pero wala ka namang dapat ikagalit. Nag-usap lang kami
ni Chelle."

"OH TALAGA? TUNGKOL NAMAN SAN AT INABOT KAYO NG MAGDAMAG?"

"DAD-- PAPAAA!!" uh, curses. Si Andy, sumilip sa screen.

Nanggigigil pa rin ako sa lalaking toh but I had no other choice but to let him go.
Di dapat kami makita ni Andy na nag-aaway. Rachel
wouldn't want that.
"PAPA, PAPA!" masayang tumakbo si Andy kay Adrian na binuhat sya agad. "WAAAA!
PAPAAA! MAY BLOOD KA SA LIPS MO PO!"
*O*

"Oh? Hehe. Yaan mo na yan, anak." tumingin sakin si Adrian but I looked away.
"Tulad ng sinabi ko wala kang dapat ikagalit. Nag-usap
nga lang kami at.. at tungkol yun sa nararamdaman ko para sakanya."
WHAT THE..

Napatingin ako sakanya in surprise and great worry.

"Maswerte ka, CJ. Ikaw ang mahal ni Chelle. Ikaw.. Ikaw ang pinili nya." ang boses
ni Adrian, may sama ng loob roon.

"PAPA! ALAM MO KUNG NASAAN SI MOMMY PO?!" - Andy

"Mm." nakangiting tumango si Adrian sa anak nya then tumingin sya ulit sakin. "Dun
muna kami sa kwarto nya ah."

Hinayaan ko na silang pumasok ng bahay. Si Andy naman, naging madaldal na ulit.


Parang kanina lang, ang tahi-tahimik nya ah?

Tsaka lang ako pumasok ng bahay nang makaakyat na sila sa taas.

Humiga ako sa sofa at pilit na pinakalma ang sarili ko. Di pa rin kasi ako mapakali
kahit ba alam ko na na nag-usap lang sila ni Rachel
at ako ang pinili nya. Ako raw ang mahal nya.

Gusto ko na syang makita, mayakap..argh. Anong oras ba sya makakauwi? At bakit di


ko sya makontak?

Bumangon ako at umakyat sa taas para tanungin si Adrian.

I was about to knock on Andy's room when I heard Adrian saying something to his
kid.
"Okay lang ba anak kung umalis ako?"
"UMALIS PO? SAAN KA PUPUNTA PO?"

"Hmm.. Basta.. Malayo.."

"WAAA SAMA KO PO!"

"Hehe. Hindi pwede anak. Malayo nga yun eh."

"GAANO KALAYO PO?"

"Milya-milya."

"WHAT'S MILYA-MILYA PO?"

"Ah basta, ibig sabihin, malayo yun. Halika, payakap nga."

"WEEE~ YAKAPAN! HIHI!"

"Anak.. Pakabait ka habang wala ako ah.."

"OPO!! PERO PAPA!! BABALIK KA AGAD PO BA?"


"Oo naman, babalik ako agad basta good boy ka."

Tumalikod na ko at bumaba pabalik sa sala. I sat down on the sofa, shocked and
skeptic.

Adrian.. Is he leaving to go overseas? Bakit naman?

Ah, pake ko ba. I should be glad instead of wondering why he has to do that. At
obvious naman, gusto nya lang magpaka-layo which is
good, very good for me and Rachel.
Di ko na namalayan ang oras. Nagulat na lang ako nang bumaba na rito si Adrian. He
again has that blunt expression.

"Aalis na ko. Si Andy pala, nakatulog."

Di ko sya kinibo. I just gave him a sharp look straight to his eyes.

"Si Chelle.. Wag ka na mag-alala sakanya.. Pinahatid ko sya sa kaibigan ko at


malamang on the way na sila.."

Again, I didn't give a damn reply to him. Inalis ko na lang tingin sakanya.

"Geh."

I sighed nang umalis na si Adrian. For unknown reasons, it feel very bothered and I
hate it. TSK.

Pinilit kong magrelax na lang dito sa sofa but all of a sudden, I got surprised. Si
Rachel, nakauwi na! Pero katulad ni Adrian kanina,
Rachel has that blunt look on her face.

"CJ.." she called me softly with a weak smile. "Sorry ngayon lang ako nakauwi..
Nadeadbatt din yung phone kaya di na kita natawagan
o natext.."

Tumayo ako't lumapit sakanya then I hugged her very tight. She hugged me back.

"Ano bang nangyari, Rachel?" I asked as I kissed her forehead.

"Ah.. Uhm.. Nag-usap lang kami ni Adrian..tungkol kay Andy.. Pero kasi ginabi na
kami papunta kina Mama Margie kaya dun na kami
natulog.."

Si Andy raw ang pinag-usapan nila? Kina mama ni Adrian daw sila natulog?

Napapikit ako.
Rachel.. SHE'S LYING TO ME.

"Pero okay na kami, CJ.. We had a hard time talking at first pero sa huli,
nagkasundo rin kami.."

Humigpit ang yakap ko sakanya.

Itong pagsisinungaling nya sakin, papalagpasin ko na lang toh ngayon. She must be
lying for my own good anyway, for me not to worry
or to get mad at Adrian.

"I'm sorry CJ.. Pinag-alala kita nang sobra.."


"It's okay, Mhie." pinakawalan ko sya to cup her cheeks and kiss her. "I love you."

"I love you too.."

She smiled at me and I gave back the same smile at her.

It's okay. IT IS REALLY OKAY. Ang mahalaga, ako ang pinili nya, hindi si Adrian.

It's still okay kahit nagawa na nyang magsiningaling sakin. Ngayon lang naman sya
magiging ganyan eh 'cause soon, aalis na si Adrian
na gumugulo sa isip nya. And without Adrian around, magagawa ko rin syang ibalik sa
dati-- yung dating Rachel na honest, yung dating
Rachel minahal ko at mahal ako.

xxxxxx

x58: Guilt

[RACHELLYN's PoV]

"Oh here, I recommend you these." nakangiting inabot sakin ni Miss Kath ang catalog
nya ng mga wedding dress.

Miss Kath, fashion designer sya na family friend nina CJ. And we're here now in her
shop, choosing for the wedding dress I'm going to
use sa..sa kasal namin.
Tinanggap ko yung catalog. Pagkabuklat ko nun, tumabi ng upo sakin si CJ dito sa
sofa. Umakbay sya sakin and rested his chin on my
shoulder.

"Wow.." namangha naman agad si CJ sa unang dress na nakita namin. "You'll look very
beautiful on that one, Mhie."

Natatawa kong tumingin kay CJ. Yung tono nya kasi, mapangbola ang dating.
"Not just on that one." singit ni Miss Kath na umupo na sa single couch sa tapat
namin. "Future Mrs. Villarama will definitely look very
beautiful on any wedding dress we got here."

Future Mrs. Villarama..

"She sure will." may pagka-mayabang na pagsang-ayon ni CJ.

"Aba.." natawa si Miss Kath. "Ikaw Chris John, proud na proud ka sa fiancé mo ah."

"Of course." tumingin ulit sakin si CJ at ngumiti. "Bakit naman hindi eh


napakaraming bagay na dapat akong ika-proud sakanya."

"Oh.." lumapad ang ngiti ni Miss Kath. "Ikaw na Chris John.. Ikaw na talaga."

I just smiled at CJ. Wala akong masabi. Di ko alam. I found his words very sweet
yet I.. I couldn't take it at heart..

"Pili ka na, Mhie." pabulong nyang sabi sakin.

Tumango ako at ini-scan na itong catalog.

Ang gaganda nitong mga dress. They all look very much elegant kahit ang simple lang
ng mga detalye at design nila.

Hmm.. Ano bang babagay sakin dito..

While I'm scanning this catalog, nakikinig din ako sa kwentuhan nina CJ at Miss
Kath. Pinagkukwentuhan nila ang mga napagplanuhan
na namin ni CJ sa kasal namin.

CJ and I, we're already planning kahit ba busy pa rin kami sa school. Sabi rin kasi
ng parents namin, dapat magsimula na kaming
magplano. Why shouldn't we? Eh ang napili naming wedding date is September 12 of
this year-- same day as my baby's birthday as
well as our anniversary.

September 12.. Wala nang 6 months from now, ikakasal na ko kay CJ..

Tsk. Itong puso ko naman, nagprotesta bigla.


Napapikit tuloy ako at pasimpleng huminga nang malalim.

Ikaw puso ko, magsasawa ka ring magprotesta kasi matutunan mo ring mahalin si CJ
ulit. Matatagalan nga lang yun pero ayos lang.
That process really takes so much time, just like the first time I moved on from my
past with Adrian and the first time I fell in love with
CJ.

Right.. My heart will be able do it..

Tinuon ko na ulit ang konsentrasyon ko sa pagpili ng wedding dress dito sa catalog,


until one dress caught my attention.

It has simple sequins details but it really looks elegant for me. All-white sya
syempre, strapless, wavy, at parang bagay sya sa tulad
kong young mommy.

Tinitigan kong maiigi itong dress pero bigla kong napansin yung kasama ng babaeng
model nito. Lalaki yun na naka-tuxedo at sya
yung groom kunwari nung babae.

Hmm.. Hehe.. Ang cute nila.. They are holding hands and they look like newlyweds..

But then, staring at them for too long made me see a different picture.

Yung bride dito ay biglang naging AKO at yung groom naman ay naging si..si ADRIAN..
O///O

*budum*budum*budum*

Mas gwapo pala si Adrian pag maging groom sya oh? Baka pag ikasal sya, maraming
babae ang mag-o-object at isa na ko sakanil--
HUH?! WHAT?! AH, SCRATCH THAT! >///<

Pero, di nga.. Kung ikakasal si Adrian sa.. sa.. sa ibang babae.. ARGH! NO, NO, NO!
SO WHAT IF HE MARRIES OTHER GIRL?!
WELL I'M GETTING MARRIED TOO! Kay.. Kay CJ..

=/

"HEY RACHEL."

"H-HUH?" napatingin ako kay CJ. Mukha syang nag-aalala. "B-Bakit Dhie?"

"Natulala ka na dyan.." sinilip nya ulit itong catalog. "Yan na ba nagustuhan mo?"

"U-Uhm.. Oo.."
"REALLY? MAY NAPILI KA NA?" excited na napatayo si Miss Kath at sinilip din itong
catalog. "WOW.. That, will be, PERFECT ON
YOU! Great choice, future Mrs. Villarama."
"NO." bigla kong sabi. Napatingin tuloy sila sakin with much surprise. "Uh, I mean,
itong dress.. Nagustuhan ko sya pero hindi ko sya
kukunin.. I.. I would like to have a customized one. Gagawa ko ng sarili kong
design then I'll have Miss Kath to make it for me.. That is
kung..kung okay lang pala sa inyo? Especially sayo, CJ.."

I looked at CJ. He was plainly staring at me pero nginitian nya rin ako agad.

"Oo naman, Mhie. Masusunod ang gusto ng bride ko." nilipat ni CJ ang tingin nya kay
Miss Kath. "Isn't that right, lovely Miss Kath?"

Napangiti na rin si Miss Kath sabay cross-arms. "Well, I'll follow whatever my
clients want. Just.. Feel free to consult me anytime, dear."

I nodded at her with a smile. Si CJ din, ngumiti sakin at hinawakan ang kamay ko.

We soon left Miss Kath's shop para pumunta sa school Andy. Susunduin na kasi namin
sya.

Actually, ako or si CJ na ang nagsusundo sakanya this past week. Last Sunday kasi,
nagpaalam si Adrian na hindi nya raw muna
masusundo si Andy. Magiging busy raw kasi sya which seems to be true. Eversince
nung nagpaalam sya, di ko na sya nakita eh, not
even in school. Siguro nagka-cram na sya sa mga kailangan nya gawin.

Kaso..di ko maiwasang mag-alala? Bukod sa hindi na kami masyado nag-uusap eh nag-


aalala rin ako sa ikinilos nya the last time I saw
him.

That time, nung nagpaalam syang di na nya masusundo si Andy, pinasyal nya pa muna
ng buong araw ang anak namin. Gabi na nga
sila nakauwi non tapos ang dami nya ring binili na damit at laruan para kay Andy.

I feel like like there was SOMETHING fishy with his actions but.. oh well. Advance
pang-bawi nya lang siguro yun sa anak namin. Worth
it naman kasi halos mag-wa-one week na syang di nagpaparamdam. Buti na nga lang di
sya hinahanap ni Andy sakin kundi..ewan
ko..ayaw ko naman kasi syang kausapin o iapproach..

"MOMMYYY!! DADDYYY!!" sigaw ni Andy habang tumatakbo palapit samin ni CJ. "MARAMI
AKO PONG NAKUHANG STARS AND
SUNS PO!!" >O<

"Really baby?" binuhat ko sya. Pinagmayabang naman nya agad ang star at sun stamps
nya sa kamay.

"Nice.. Ang galing naman ng baby namin." natatawang ginulo ni CJ ang buhok nya.

"HI MOMMY RACHELLYN!" nilapitan kami ni Teacher Riz at may inabot sya sakin na
booklet. "AYAN NA ANG PROGRAM BOOK PARA
SA RECOGNITION DAY NILA!" ^w^

"Ooh.." inopen ko kaagad yung booklet and did a quick scanning.

O______O
T-TEKA..

Binalikan ko yung 2nd page at binasa ang nakasulat doon.

Class I - BLUE, first honor.. A.. A.. ANDY LOUIS QUINTOS?!

"F-F-FIRST HONOR KA, BABY?!"

"YES PO!" ^O^

"EH?" gulat na tumingin sakin si Teacher Riz. "Sinabi ko na kay Mr. Guillermo ang
tungkol dyan ah, mga two weeks ago na yata? Di ba
nya nasabi yan sayo?"

"H-Hindi po eh.. Uhm, baka.. Baka nalimutan.." SO ALAM NA PALA TOH NI ADRIAN? How
could he not tell me a single word about
this?

"Oh.. Anyway, next-next week na yan! Aasahan ko kayo na aakyat ng stage ah?" ^3^

"Opo.." nginitian ko si Teacher Riz. Tapos umalis na kami.

Sa kotse ni CJ..

"First honor ang baby namin! Is there anything you want, baby?" tanong ni CJ habang
nagdadrive.

"I WANT SPAGHETTI PO!" sagot ni Andy na nasa backseat.

"Spaghetti? Hmm.. Sige, magluluto tayo sa bahay."


"YEEEEY! I'LL HELP YOU PO DADDY SA PAGCOOK PO AH!" >O<

"Sure, baby." natawa si CJ. Then he held my hand. "Mhie."

Gulat akong napatingin sakanya.

Tsk. Natulala na naman pala ko. Si Adrian kasi..naiinis ako sa di nya pagsabi sakin
tungkol sa magaganap na recognition nina Andy..

"Ikaw Mhie, di mo ba kami tutulungang magluto?" CJ asked.

"Uhh.. Hmpf.." I pouted. "Ayoko.. Dishwasher na lang ako.." =3=

CJ chuckled, tightening his hold on my hand.


Before umuwi, nag-grocery muna kami. At pagkauwi na pagkauwi namin, agad naman
inasikaso nina CJ ang pagluluto. Habang ako,
nasa sala lang, nakaupo sa tabi ng center table at syempre, nagla-laptop.

Maya-maya ay sinamahan na ko ng baby ko dito. Nagsawa na siguro sya sa pagluluto


kaya ito, naglaro naman sya dito.

"WHOOSH~" Aish! Pasaway baby ko! I-landing ba raw sa ibabaw ng laptop ko yung toy
airplane nya?! >3<

"Baby? Wag dito." saway ko sakanya.

"HIHI.." aba't tinawanan nya lang ako?! NA-KA-KA-GIGIIIL!

Kaya ito, kinandong ko sya sa lap ko at pinanggigilan ko syang yakapin habang


nagtatype ako.

"MOMMY! PUNTA TAYONG MILYA-MILYA PO!" ^O^

"MILYA-MILYA? Saan naman yun baby?"

"KAY PAPA PO!"

Natigilan ako at.. natawa.

Milya-milya? Sa papa nya? Pft.. Psh. Kung anu-ano naman ang pinagsasabi ni Adrian
sa anak namin!
"Baby ko.. Busy papa mo ngayon sa school works nya eh kaya di natin sya pwede
puntahan.."

Aww.. My baby pouted! >3<

"Miss mo na ba si papa mo ah, baby?"

"Yes po.." malungkot nyang sagot.

Ako rin naman. Miss ko na sy-- AH HINDI!

"Gusto mo ba baby, tawagan na lang natin sya sa phone?"

"WAAAA! YES MOMMY!" nagliwanag agad-agad ang cute na mukha ng baby ko. "TAWAGAN
NATIN SI PAPA PO!" *O*

"Sige, sige. Tatawagan natin sya."

Kinuha ko ang phone ko. Medyo nag-alangan pa ko na i-dial ang number ni Adrian kasi
di ko nga sya gusto makausap pero..tch. For
my baby, I'll do this.
So I did call his number.

*THE NUMBER YOU HAVE DIALLED IS OUT OF COVERAGE AREA*

O___o

*PLEASE TRY AGAIN LATER*

Naku..

"Baby, di makakonek tawag natin eh. Try na lang natin ulit mamaya?"

My baby pouted again as he nodded. Haaay.

"SPAGHETTI IS READY!" sigaw ni CJ mula dining.

"SPAGHETTIII! WEEEE~" umalis na si Andy mula sa pagkakakandong sakin at tumakbo sya


pa-dining.

Buti naman, nawala agad ang lungkot ng baby ko.


Pagkaalis nya, sinubukan kong tawagan ulit ang tatay nya pero wala talaga eh.

Kumain na lang muna ko kasama sina CJ. After eating, I called Adrian's number again
pero out of reach pa rin. Tsk.

Kinakabahan na ko.. Uhm, di kaya nagpalit lang sya ng number?

Tinext ko na lang si Ate Hazel para makasigurado. Tinanong ko kung nagpalit ba ng


number si Adrian.

Nagreply agad si Ate Hazel. Oo, nagpalit daw ng number si Adrian. Kasama sa text
nya ang new number ni Adrian pero bakit ganito?
Ang weird. Yung number na binigay nya, hindi yun nagsisimula sa 09xx or +639xx.
Instead, it starts with +399xx.

Tinext ko ulit si Ate Hazel, telling that nagkamali yata sya ng bigay na number.
Pero di na sya nagreply.

HAAAY..

Okay lang. Busy siguro sya. For sure, magrereply din sya mamaya kaya maglilinis na
lang muna ko habang nag-iintay.

[CJ's PoV]

I was just watching Rachel as she was making a call on her phone. Pero di nya yata
matawagan yung kinokontak nya?
From making a phonecall, she soon switched to texting. Then nilapag na nya ang
phone nya dito sa mesa.

"Baby ko, simutin mo yang food mo ah?" she reminded Andy, smiling.

Tumango naman ang baby nya habang ngumunguya tapos nagpunta na sya sa kitchen.

Napangiti naman ako dito sa pwesto ko. I just can't help to feel happy as I'm
viewing her now as my wife. She's just..just perfect for me.

Speaking of that, excited na ko sa kasal namin. At nakakatuwa lang. I think I'm


doing good on making her love me the same way again.
Malaki yata naitulong ng biglang paglayo ni Adrian sakanya.

*BZZZZZ
Rachel's phone vibrated and started blinking.

May tumatawag sakanya.

I took the phone and checked it.

'Calling...

Ate Hazel'

Ate Hazel?

Hmm.. Hazel..

HA-ZEL..

Pretty cute name huh.

Pero, pinsan toh ni Adrian diba?

"MHIE, MAY TUMATAWAG SA PHONE MO. SI HAZEL."

"A-AH! WAIT LANG DHIE!" she shouted back from the kitchen.

Nagmamadali yata sya 'cause I heard the utensils being dropped down on the sink.

Lumabas na sya at ayun, nagmamadali nga sya.

I handed her the phone and she answered the call right away.
"Ate Hazel? Hm, opo... Huh? Na ano po?" Rachel paused for a moment then her eyes
widened. "Ahh.. K-Kaya pala.. Hehe, uhm...
Wala po eh..... A-Ah hindi po! Okay lang po yun! Naiintindihan ko naman po eh..
Opo.. Hehe.. Sige po.. Thank you po.. B-Bye."

Finally, she ended the call. Tulala nyang binalik sa mesa ang phone nya.

"Mhie? Anong sabi ng pinsan ni Adrian sayo?" I asked her.

"H-Huh? Ano?" tulala nyang sagot. I saw her clench her fists on the table, too.
"Ah.. Si Ate Hazel? Tinanong ko kasi sya kung nagbago
ba ng number si Adrian. Di namin sya makontak ni Andy eh p-pero yun pala.."

Pahina nang pahina ang boses nya sa kada salita nya. Her eyes started to get teary
but she still managed to make a smile.

"Y-Yun pala nag-ibang bansa na sya.." she continued with a little laugh. "Lokong
yun, di man lang nag-paalam na aalis.."

"TALAGA? SAN NAMAN SYA NAGPUNTA AT..BAKIT?" tanong ko ulit na para bang nagulat ako
pero yung totoo, it didn't surprise me.
Alam ko na kasi yun eh.

"S-Sa.. Sa Italy sya nagpunta.. Hehe.. Kakatawa lang, three days ago pa pala sya
nandun tapos wala man lang kaming kaide-ideya ni
Andy.. Oh and..and mag-aaral daw sya dun for..for two years.."

WOAH. TWO YEARS?!

Yun ang ikinagulat ko! Di ko inexpect na makakayang lumayo ni Adrian sa anak nya ng
ganun katagal.

"Uhm, baby, finished ka na mag-eat?" nakangiting baling na tanong ni Rachel kay


Andy.

"YES PO MOMMY!" ^O^

"G-Good.." kinuha na nya ang emptied plate ni Andy pero muntikan nya pa yung
nahulog! "OOPS! HEHE! Baby, inom ka ng water ah!"

Andy nodded and held up his glass of water. Si Rachel naman, pumunta na sa kitchen.

Tsk. Damn it..

Obvious na obvious, sobrang affected si Rachel sa ginawang biglaang pag-alis ni


Adrian and I somehow do feel guilty about it.

AH, WRONG CJ! WHY FEEL GUILTY HUH?! WALA KA NAMANG GINAGAWANG MALI, DIBA?!

It's you who Rachel chose, it's you who Rachel loves.

Tch.
I closed my eyes and sighed.
Tama.. Wala akong ginagawang mali so there's no reason for me to feel guilty..

Si Rachel, kaya sya nagkakaganyan ngayon kasi nagulat lang sya. She just didn't
expect this, na sobrang madidisappoint si Adrian sa
desisyon nya-- much to the extent na nagawang magpakalayo ni Adrian sakanila ni
Andy. Not to mention, ang paglayo na yun ni Adrian
will last for TWO YEARS.

"DADDY! FINISHED KO NA YUNG WATER PO!" Andy was referring to the glass of water he
just drank.

"Okay.. Pero wag ka masyado maglikot ah? Busog ka eh." paalala ko sakanya.

"OPO!" ^O^

Bumaba na si Andy sa upuan nya. Natawa pa ko kasi binagalan nya talaga ang
paglalakad nya papuntang sala. What a kid.

Kinuha ko naman ang baso nya para ihabol yun sa mga hugasin ni Rachel. Hmm..
Malambing nga rin yung si Rachel nang
mabawasan lungkot nya.

I went to the kitchen but I had to stop on the doorway.

I saw SOMETHING which made me stop. Something that somehow hurts me.

Si Rachel ang tinutukoy ko. Nakatayo sya sa tapat ng lababo with both of her hands
covering her face and she's..

..she's crying.

She's crying SILENTLY but REAL HARD.

xxxxxx

x59: One More Crazy Night?

[CJ's PoV]
"Ingat sa pagdrive ah?" mahinang paalala ni Rachel habang nakaupo ako dito sa sofa
at sinusuot ang sneakers ko.
I lifted my head up to look at her and there she is, smiling at me.

Ang mga mata nya.. Hindi na halata sa mga mata nya ang pag-iyak na ginawa nya
kaninang hapon..

Nginitian ko na lang din sya with a slight nod. Tinapos ko na itong pagsusuot ko ng
sapatos then I stood up, facing her.

Rachel kept her smile at me. Inayos nya pa ang lukot sa tshirt ko.

"Thank you pala sa pagpapatulog kay Andy.." she said on another low voice.

"Don't mention it.." hinawakan ko ang kamay nya at hinatak sya for a hug.

I needed to hug her now. Kanina kasi nung nakita ko syang umiyak, hindi ko toh
nagawa sakanya. As much as I wanted to hug her and
comfort her that time but..but I couldn't it so.. Di ko yun nagawa dahil
pinangunahan ako ng takot. Mas ginusto kong iiwas ang sarili ko
sa sakit na dala ng pag-iyak nya nang dahil kay Adrian, nang dahil sa biglaang pag-
alis ng lalaking yun.

Tsk. I just can't accept that fact.

"I love you Rachel.." I whispered as I kissed her forehead.

"I love you too.." she said back but DOES SHE MEAN IT?
She's been lying to me lately so I can't really tell..not anymore.

Kanina lang, nagsinungaling sya ulit sakin. Napansin nya kasing nag-aalala ako sa
maya't maya nyang pag-sniff at sa pamumula ng
mga mata nya but know what she told me about it? BIGLA RAW SYANG SINIPON.

Lies.. Until when will she lie to me?

"RACHEL." humiwalay ako sakanya at hinawakan ang magkabilang pisngi nya.


I looked straight and deep to her eyes.

TELL ME, RACHEL, TELL ME. BAKIT MO INIIYAKAN SI ADRIAN? WHY CRY OVER HIM WHEN IT'S
ME WHO YOU CHOSE TO BE
WITH? AKO ANG PINILI MO MAKASAMA KASI AKO ANG MAHAL MO DIBA? A..

..AKO PA NGA BA ANG MAHAL MO?

"Dhie?" Rachel asked, confused. "Bakit?"

Ah damn it! My mouth can't spit out those questions!

"Wala lang." pilit akong ngumiti sakanya. "Uhm, alis na ko."

She nodded while I squeezed her cheeks and gave her a quick kiss on her lips.

"Bye.. Text mo ko pagka-uwi mo.."


"I will." binitawan ko na sya tapos lumabas na ko ng bahay.

Before passing by the gate, I looked back at her. She was still on the doorway. She
must be watching me leave but..tsk. I guess she
really wasn't. Tulala sya eh.

"MHIE."

"HUH?" gulat syang napatingin sakin. "Ahh oo. Papasok na ko. Bye ulit."

She smiled again before closing the door.

Tsk. Wala pa nga kong sinasabi na isara na nya yung pinto eh.

Tumuloy na lang ako sa kotse ko. There I pulled my hair, feeling so much frustrated
and lost.
I should have asked her those question para nagkalinawan na pero.. argh.. Hindi ako
handa sa pwede nyang isagot sakin.. Eh ano nga
kayang isasagot nya sakin?

I closed my eyes at that question. Nakaramdam na naman ako ng sobrang takot. Takot
ako na marinig mula sakanya na..na hindi na
nya ko mahal.

Ah damn God.. THAT CAN'T HAPPEN.

I turned on the engine and started driving.


Nagdrive lang ako sa kung saan ako dadalhin nitong kasalukuyang estado ng pag-iisip
ko-- FRUSTRATED STATE, that is.

And it brought me here..sa BAR na toh na pinangako ko kay Rachel na hindi ko na


babalikan.

Hindi na pero nandito ko ngayon? Tsk. Ewan ko ba. Bakit nga ba ko napunta dito?

Oh, right.. Si Apple.. Naalala ko si Apple kanina habang nagdadrive ako kaya ito.

Alam ko, nangako ako noon kay Rachel na di na ko babalik dito at makikipagkita ulit
kay Apple pero gusto kong makausap ang babae
na yun. I just feel like asking her again for some advice.

After parking my car, naglakad na ko papasok ng bar. While doing so, the scene of
how I first met Apple flashed back in my mind. Our
act, our kiss, her weird personality, oh heck. Napapailing na lang ako at
napapangiti sa mga naaalala ko.

Our first meeting.. It was crazy and very coincendental..

Coincedental pero sana naman makita ko sya ulit ngayon dito.

Pagkapasok ko ng bar, inikot ko ang tingin ko sa paligid. Unti lang ang tao dito
at..no sign of Apple.

Haaay..
It was very much disappointing but what else can I do? Nagbaka-sakali lang naman
ako na makita sya dito.
Tumuloy pa rin ako at umupo sa may counter, right exactly where I sitted with her
back then. Umorder din ako ng isang baso ng Apple
Martini at ininom yun.

This drink.. Iimagine-in ko na lang na si Apple toh. Iimagine-in ko na lang din ang
mga sasabihin nya sakin sa problema ko ngayon.

Pero ano kayang sasabihin nya if she's here? Wala akong ideya eh. That girl is too
weird for me to figure out her way of thinking.

"HI!" may babaeng biglang tumabi ng upo sakin.

This girl looks very hot on her red club dress but sorry, I'm not interested to
her. Di ko sya pinansin.

"Mag-isa ka lang?" she asked but I just shrugged. "Do you mind if I accompany you?"

Tumingin ako sakanya. "I DO MIND. Sorry. Ayoko ng kasama."

"SUNGIT NAMAN.." her lips formed a devilish smile at umupo pa rin sya sa tabi ko.
"At type ko tulad mo."

Geez..

"Leave me alone." I told her on a very irritated and uninterested tone.

"Ubos na drink mo oh? Let me buy you more." tinawag nya yung bartender.
Napahilot naman ako ng ulo. What should I do to her?

"C'mon, anong gusto mong inumin? Ganyan ba ulit or do you want something else?"
tanong nya sakin sabay kapit sa braso ko. That
made me glare at her.
"TAKE YOUR ARM OFF ME." utos ko sakanya. But damn it! She just gave me another
devilish smile!

DAMN IT, really. Malapit na ko mawalan ng pasensya pero pinipigilan ko pa rin ang
sarili ko. Ayoko makabastos ng babae.

"Pwede ba miss? Iwan mo na ko dito. I have a girlfriend so don't expect me to


entertain girls like you." sabi ko sakanya.

"Really? But you don't seem like you have a girlfriend. Parang kakagaling mo nga
lang sa break-up eh."

WHAT?

"WHAT BREAK-UP?" hey, I wasn't the one who asked that! And that voice, I think.. I
think it's APPLE'S.

Lumingon ako sa kaliwang side ko kung saan ko narinig ang boses nya at.. SYA NGA!

IT'S APPLE! It's Apple on a sexy...corporate attire?

"FOR YOUR INFORMATION, HINDI PA KAMI NAGBE-BREAK. KAYA IKAW, KUNG DI KA PA SAWA SA
BUHAY MO.." galit syang
lumapit samin at hinawakan ako sa kabilang braso. "BITAWAN MO NA ANG BOYFRIEND KO."

W-WHAT-THE?! O___O

xxxxxx

x60: One More Crazy Night? (part2~)

[CJ's PoV]

W-WHAT THE?! O___O


Hindi pa raw kami nagbebreak? Boyfriend daw nya ko? ANONG PINAGSASABI NITONG SI
APPLE?!

Nakangangang bumitaw naman sakin yung babae.

"Babe.." Now Apple called me BABE?!

Ah, yun nga pala ang kunwaring endearment namin non. AH ULIT! I think I already
know what Apple is up to! She's just helping me get
out of this mess!

Tsk. Can't believe I've taken this long to realize that.

"Tara, uwi na tayo.." humigpit ang hawak nya sa braso ko.


"R-Right babe.." sagot ko sakanya at tumayo na ko. "Sorry about this.."

Apple smiled at me and clung to my arm. "Ano ka ba. Okay lang. Ang mahalaga, kahit
LQ tayo eh hindi mo pa rin ako pinagpapalit sa
iba."

I wanted to laugh at that-- at her weird facial expression to be exact. Ang panget
kasi ng pagkaka-pout nya oh. But of course, minaintain
ko ang pagkaseryoso ko.

Nagbayad muna ko sa bartender bago namin iniwan yung babae na nakanganga pa rin
samin.

Sa labas, nang marating na namin ang kotse ko, bumitaw na sya sakin at tumatawang
pinaghahampas ang braso ko.

"WEW! Kamusta naman daw yun?! Di ko akalaing aarte ulit tayo ng ganun ah! HAHAHA.
Buti na lang di na kailangan ng
ano...ng..AHAHAHA"

Err.. Lumalakas ang hampas nya ah. Just like before.

"WUI, TJ!" bigla nyang niwave ang kamay nya sa tapat ng mukha ko.
Natulala pala ko sakanya. Di naman kasi ako makapaniwala na nakita ko sya ulit. I
thought na hindi na eh. Na wala na. But then now,
here she is.

"Hmpff. Siguro, nalimutan mo na pangalan ko noh?" she pouted again.

"N--"
"CHERRY. Ako si CHERRY. Remember now?" =3=

CHERRY?

Tinaasan ko sya ng kilay. "CHERRY? I thought it was APPLE. Apple ang pakilala mo
sakin non eh."

Nanlaki ang mga mata nya sabay alis ng tingin sakin.

"A-Ah.. Uhm.. Hehe.. Real name ko pala naibigay ko sayo?"

"REAL NAME HUH? WHAT DO YOU MEAN?" I gave her a look like I'm already suspecting
her that she's giving me FAKE names. Well,
I really do suspect her now.

"O-OO! Real name ko kasi yung APPLE at..at di ko yun pinagsasabi sa mga taong
bagong kilala ko pa lang.. Usually, ang binibigay ko
na pangalan eh yung ano..yung nickname ko na CHERRY.." >___<

"Real name, APPLE. Nickname, CHERRY. Ang layo ah." =___=

"Akala mo lang malayo pero HINDE! Kaya naging nickname ko yung Cherry kasi..kasi
parehas silang red na prutas! Yung..Yung iba ko
pa ngang kaibigan eh tinatawag akong ano.. STRAWBERRY!"

"OH REALLY?" I mocked.


"TALAGA!" >3<
"Pft." Tsk. I almost laughed at her reaction!

Nagtakip na lang ako ng mukha. And I think, I should just let this issue slip away.
If she's giving me a fake name, quits lang kami. I'm
using a fake name too, anyway.

"Okay, okay.." nagtaas ako ng isang kamay na para bang sumusuko na ko. "If that's
what you say so, Apple. Or Cherry. Or Strawberry."

"APPLE NA LANG!"

"Fine, Apple. Uhm, thank you pala. For helping me back there."

"Aba, dapat lang na magthank you ka sakin! Kung wala ko dun, ano na kayang nagawa
mo dun sa babae noh? Or.. Ano na kayang
nagawa nung babae sayo? Baka nagahasa ka na nun kung sakali. HAHAHA"

Nagahasa? Ako? NG BABAE? Napangiti at napailing ako. This Apple girl really has a
weird way of thinking.

"How about I treat you a drink to show you how thankful I am?" yaya ko sakanya.
"Let me treat you, in a different bar."

"SURE! TARA DUN TAYO!" tinuro nya yung bar sa kabilang side nitong kalsada. "Iwan
mo na lang kotse mo dito! Bar naman toh ng
kaibigan mo eh."

She knows that?


Nauna syang tumawid. Hinabol ko sya at sinabayan sa paglalakad.

"Paano mo nalaman yun? Na bar yun ng kaibigan ko?" I asked her.

"Ah. Nung nalasing ka non, yung may-ari yung nag-offer na patulugin ka dun sa
kwarto nila sa taas. Sabi nya kaibigan ka raw nya eh."
"I see.."

Nagpatuloy lang sa pagkwento itong si Apple habang naglalakad kami. Grabe talaga
sya magsalita, dire-diretso. At naglalabas lang
naman sya ng sama ng loob kay Raymond nyan ah? Si Raymond, yung kaibigan kong may-
ari nung bar. Tarantado raw yun, walang-
hiya at bakla. Sya ba raw kasi ang utusan nito na buhatin ako non paakyat ng bar?

Pagkapasok namin ng bar, dun kami sa counter ulit pumwesto. Cocktail drinks lang
inorder namin.

"Para sa muli nating pagkikita, para sa pagligtas ko sayo, para sa pagbubuhat ko


sayo non at sa pamumroblema ko sa problema ng
ibang tao! Ah bwiset! HAHA! CHEERS!" Apple said that all, then we clinked our
lowball glasses.

While drinking, ramdam kong nakatitig sya sakin.

Tinignan ko sya at ayun nga, nakangiting nakatitig sya sakin.

"What?" tanong ko.

"Ang galing lang. Hehe. Di ko akalaing magkikita tayo ulit after..hmm..8 months?"
"8 months for you. Pero sakin, 5 months lang."

"HAA?" kumunot ang noo nya. "Anong ibig mong sabihin?"

"Aside from our first meeting, nakita kita ulit non, 5 months ago." paliwanag ko as
I took another sip of my drink.

"Talaga? Saan mo ko nakita non?" she looked very curious.

Napangiti naman ako nang alalahanin ko yung pangalawang beses ko syang nakita.

It was late October, nung magka-dengue si Andy. Nakita ko sya sa hospital kung saan
na-admit si Andy and that time, papalabas na
sya ng building. Mukha syang may sakit nun. Napalabas pa ko ng elevator non nang
makita ko sya. Gusto ko sana kasi syang lapitan
at kamustahin pero sa huli, pinigilan ko ang sarili ko na gawin yun. Nangako nga
kasi ako kay Rachel diba na di na ko makikipagkita
sakanya. Ang ending tuloy nun, naiwan ako ng elevator so hagdanan ang tinakbo ko
pabalik sa kwarto ni Andy at nagka-hika ko
pagkauwi ko ng bahay. =___=

"Wui TJ? Saan mo ko nakita non ah?" Apple brought me back to reality.

"Tss. Wag mo na alamin."

"DAYA MO!"

Nginitian ko lang sya then may naalala ko. Si Rachel, dapat itetext ko sya eh. Baka
nag-aalala na yun sa hindi ko pagtext.
I hurriedly checked my phone. Pero di ko na yata dapat ginawa yun. Di naman kasi
nagtext si Rachel and it disappointed me. Dati pag
ganito, itetext nya ko but now..argh.

Binalik ko na ang phone ko sa bulsa ko at muling uminom.

"Nga pala TJ, bakit ka umiinom ulit nang mag-isa kanina? Don't tell me na nagbreak
na nga kayo nung girlfriend mo?" Wow. What a
question, Apple.

"Hindi ah.." sagot ko naman sakanya.

"Buti naman! Kamusta na ba kayo?"

"Hmm.. We're.. We're good? We're actually...getting married soon."

"NAKS NOMON! CONGRATS AH! AY, KAILAN ANG KASAL NYO?"

"Sa September.."

"Uyy.. Malapit na.. Hihi.. An-- TJ?!! BAKIT NAMAN GANYAN PAGMUMUKHA MO?! BAKIT
NAKA-SAD FACE KA?! KASAL MO TONG
TOPIC NATIN, HINDI BUROL NG PATAY!"
"Ah, sorry." nginitian ko sya. Pero di ko napigilan ang sarili ko na ubusin bigla
ang iniinom ko.

Napansin ko rin ang pagtitig ulit sakin ni Apple. But this time, hindi na sya
nakangiti. She rather looked upset.
"Nagdadalawang-isip ka ba sa pagpapakasal mo sakanya?" tanong nya.

"OF COURSE NOT. Gustung-gusto ko kaya sya pakasalan. Gustung-gusto ko nang bumuo ng
pamilya kasama sya. Pero.. Sya.. Tsk.. I
don't think she feels the same way.."

"Paano mo naman nasabi yan ah?"

BECAUSE SHE HAS FALLEN BACK TO ADRIAN, TO HER EX, TO THE FATHER OF HER BABY.

Napahilot ako ng ulo sa sagot na naisip ko. Di ko yun masabi kay Apple kasi di ko
rin naman matanggap yun sa sarili ko.

"Tsk. Puro ka naman duda sa girlfriend mo eh. Papayag ba yun na magpakasal sayo
kung hindi rin ganun ang nararamdaman nya para
sayo?" that was another question of Apple that I couldn't answer.

Eh bakit nga ba pumayag magpakasal sakin si Rachel kung hindi kami parehas ng
nararamdaman?

'IT'S BECAUSE SHE OWES YOU A LOT, DUDE.' Sabat ng maliit na parte ng utak ko.
'MALAKI ANG UTANG NA LOOB NYA SAYO,
YUN YUN.'

My chest hurt, knowing that it's a possible reason why she chose me over Adrian.

"NALIMUTAN MO NA BA ANG SINABI KO DATI HA, TJ?" napatingin ako kay Apple. "MAHALAGA
ANG HONESTY SA ISANG
RELASYON."
Honesty.. Is there still honesty between us?

"Kung may mga pagdududa ka, linawin mo na ang lahat sakanya hangga't maaga pa.
Magpaka-honest ka sakanya. At sya rin, sabihin
mo, dapat magpaka-honest sya sayo. In short, magpaka-honest kayong dalawa sa isa't
isa! HAHAHA"
"If we do.." napahigpit ang hawak ko sa baso ko. "If we do open up to each other
and she tells me that..that she doesn't love me
anymore, that she already has fallen back to her ex.. What should I do then?"

Apple paused for a few seconds. "Kung ganun... Edi pakawalan mo na sya."

WHAT?

"Pakawalan mo na sya. Nandito naman ako para sayo eh. HAHAHA JOKE! UY JOKE LANG AH!
Ang seryoso mo kasi eh! HAHAHA"

"I.. I can't.. I CAN'T LET HER GO.." mahina pero mariin kong sabi. To let go of
Rachel? That's the worst thing I'd ever do in my life.

Natulala sakin si Apple. It was as if she got disappointed with my answer.

"Damn it.." I cursed, covering my face with one hand. "You know, I've been fighting
for her.. I've been fighting against my mom and
against her ex just for her then now, you'll tell me that I should let her go? NO..
I can't do that.."

Apple sighed. "Kung hindi ka na nya mahal, kung nahulog na ulit ang loob nya sa ex
nya, sa tingin mo ba, tao pa ang kinakalaban mo
para sakanya ha?"
Nagkatinginan kami. She looks dead serious.

"You're not fighting against anyone anymore, TJ. Not against your mom, neither
against her ex. But you're already fighting against their
fate-- YOUR GIRLFRIEND AND HER EX'S FATE."

Fate..

"Haaay. Itong pinagsasabi ko pala, binabase ko lang toh sa mga kinwento mo sakin
non ah? Sabi mo non, bumalik bigla ang ex ng
girlfriend mo, yung ex nya na nang-iwan sakanya, na niloko sya, sinaktan sya,
blahblahblah. Yung ex ang kontrabida, obviously, pero
bakit kaya sya minahal ulit ng girlfriend mo? Yung pagkikita pa lang nila ulit eh
diba, bakit kaya sila nagkita ulit? SIMPLE LANG. Kasi
yun ang tadhana nila."

Inisip ko nang malalim ang mga sinabi ni Apple.


Tadhana.. It's something I want to laugh at right now but I can't since I once
believed in it. Naniniwala ako na nakatadhana silang
magkita ulit pero ang mahalin ulit ni Rachel si Adrian? Ugh..

"MAHIRAP KALABANIN ANG TADHANA, TJ." dagdag pa ni Apple on a WARNING tone. "Pero
choice mo yan. Pwede ka namang
lumaban eh. Malay mo, manalo ka. Tsaka di ka naman mukhang bobo o tanga. Siguro
naman, kung lalaban ka eh alam mo rin kung
kailan ka dapat sumuko. Alam mo na kung anong dapat gawin, yung tama o mali, yung
nakakabuti o hindi para sa inyo ng girlfriend
mo."

I looked at Apple.

"Just.. Think and do what's right." tuloy nya pa on a very concerned tone. "Or
else, both of you will suffer the consequences-- very-hard-
to-bear-with kind of consequences. Yun ba ang gusto mong mangyari sa inyo?"
I couldn't answer. I had to think. Apple shrugged at my silence then ininom na nya
ang drink nya.

"PFFFFT!" Shit. Naibuga bigla nya yung iniinom nya! "SHET! 10PM NA?!"

Napatingin ako sa kung saan sya nakatingin. Orasan pala yun dun sa loob ng counter
and it says 10PM.

"SHET. SHET. SHET." nagmamadali nyang kinalikot ang bag nya. Naglabas sya ng
salamin at mga pangmake-up then nagretouch sya.
"GOSH.. ANG GANDA KO.. WAAA I MEAN LATE NA KO SA WORK KO! WAAAA"

May work pala sya? Akala ko get-up nya lang yang corporate attire na suot-suot nya!
At nagawa nya pa palang uminom kahit may
trabaho pa sya ngayong gabi?

Nagmamadali na nyang binalik ang mga gamit nya sa bag nya tapos tumayo sya't
pinaghahampas ako sa braso. Ulit. =___=

"TJ!! AALIS NA KO AH?! UHM, WAG KA MAGPAKALASING! YAAN MO, MAGIGING OKAY DIN ANG
LAHAT SA INYO NG
GIRLFRIEND MO! WAG KA LANG KASING MAGING NEGA! OKAY?!" tinigil na nya ang paghampas
sakin tapos nginitian nya ko,
sweetly. "Pero yung seryoso, sana mali yang mga pagdududa mo para matuloy na kasal
nyo. Para never na rin kitang makita ulit na
umiinom sa ganitong lugar nang mag-isa. Pahamak ka eh, minamalas ako pag nakikita
kita. HAHAHA JOKE! BYE NA NGA! THANKS
SA LIBRE!"
She quickly tapped my shoulder one last time then tumakbo na sya palabas ng bar.

Tsk. Talagang di nya ko hinayaang magsalita ulit ah? Kahit bye lang din o thank you
sa mga advice nya..
Her advices.. I closed my eyes as her advices started to played back inside my head
one after another.

'You're not fighting against anyone anymore.... You're already fighting against
their fate.'

'Mahirap kalaban ang tadhana, TJ. Pero choice mo yan. Pwede ka namang lumaban eh.
Malay mo, manalo ka.'

'Di ka naman mukhang bobo o tanga. Siguro naman, kung lalaban ka eh alam mo rin
kung kailan ka dapat sumuko. Alam mo na kung
anong dapat gawin, yung tama o mali, yung nakakabuti o hindi para sa inyo ng
girlfriend mo.'

'Just.. Think and do what's right. Or else, both of you will suffer the
consequences-- very-hard-to-bear-with kind of consequences. Yun
ba ang gusto mong mangyari sa inyo?'

I took a very deep breath then I opened my eyes.

No, I don't want that to happen, not especially to Rachel. But... I still want to
fight. Kaya lalaban pa rin ako.

Lalaban pa rin ako kahit tadhana na nila ang kalaban ko.

xxxxxx

x61: Consequences

[RACHELLYN's PoV]
*sighhh
That's it..

Sigh na lang ako nang sigh habang paulit-ulit kong binabasa itong text ni CJ.

Di nya raw masusundo si Andy sa school eh. He's currently stucked in a business
meeting.

So, paano na toh? May last subject pa ko na papasukan and it's already passed 3PM.

In less than an hour, mag-uuwian na sina Andy. Sino nang susundo sakanya?

Si Dad ko? Di sya pwede. Like CJ, busy rin sya sa work nya. Si Adrian naman... UGH.

Napahilot ako ng ulo.

Nakakainis. Lagi na lang ganito. Pag may iniisip ako tungkol kay Andy, naiisip ko
rin sya. Dapat hindi na eh kaso di ko maiwasan.

Wala ba kasi syang balak na kamustahin si Andy? Mahigit one week na kaya silang
walang komunikasyon. Di man lang ba sya nag-
aalala? Di ba nya namimiss ang anak namin?

Ako na ang gumagawa ng unang move. Ako na ang tumatawag sakanya pero wala. Di sya
sumasagot. Di nya ko pinapansin.
Sabi ni Ate Hazel, mula pa nang dumating si Adrian sa Italy, hindi na talaga sya
nagpapakontak. Kahit anong tawag nila ni Mama
Margie sakanya, di nya yun sinasagot. Kaya ang tinatawagan na lang daw nila eh yung
instructor ni Adrian na nasa Italy din. Yun na
lang yung way eh para malaman nila ang kalagayan nya ron.

I, again, heaved out another sigh.

Itong ginagawa ni Adrian, consequence toh ng naging desisyon ko diba? Kasalanan ko


kung bakit sya nagkakaganito, kung bakit nya
iniiwas ang sarili nya samin.
Ah God.. Nakakakonsensya.. And I..

I miss him..

"WUI RACHELLYN!" malakas na tawag ni Jennifer na bigla na lang sumulpot sa kaliwang


side nitong seat ko. "WAG MO NA SYANG
ISIPIN! MAHAL KA RIN NUN!"

*budum*budum*

Si Adrian, mahal din ako?

Oo, totoo naman.. Mahal din nya ko pero.. pero hindi sya ang pinili ko..

"AH, DI LANG PALA MAHAL!" tuloy ni Jennifer sabay hawak at taas sa kamay ko na may
suot-suot na engagement ring. "MAHAL NA
MAHAL NA MAHAL KA NUN! KAYA NGA NIREGALUHAN KA NYA NG SINGSING EH!"

Ah. Si CJ pala ang tinutukoy nya.


Nginitian ko na lang sya. Hinatak naman nya ko patayo.

"TARA NA SA NEXT CLASS NATIN!" masaya nyang yaya.

Tumayo ako at sinuot ang bag ko. "Di ako a-attend ng next class natin."

"Hala? Bakit Rachellyn?" O___O

"Susunduin ko baby ko sa school nya eh."

"Ahh.. Hihi.. Ang cute mo naman. Ang cute mo maging mommy!" yumakap sya sa braso
ko. "Mommy Rachellyn, sabay na lang po tayo
lumabas ng building!"
Natawa ako sa pag-arte nya na parang bata. Jennifer can be adorable sometimes.

Nagsabay nga kaming lumabas ng building at pagkalabas namin, tsaka lang kami
naghiwalay. Magka-iba kasi ang daan papunta sa
next class namin at palabas nitong campus.

Then from my school, dumiretso ako sa school ni Andy.

Wala pang 4PM nang makarating ako roon pero may mga bata nang nagsisi-uwian kasama
ang mga sundo nila. Maaga siguro
nagdismiss yung mga teacher.

Pagpasok ko sa loob, ang daming bata! Ang lilikot nila at ang kukyut! >///<
Karamihan sakanila, tumatakbo. Yung iba, naglalaro ng kung anu-ano sa kung saan-
saan.

Syempre, hinanap ko agad ang baby ko. At ayun sya, nakatayo sa isang bench. May
hawak syang bond paper tapos... Tapos tumalon
sya bigla mula dun sa bench! Pagkatalon nya, sumampa ulit sya roon at tumalon ulit!
WAAAA~ BAKA MAHULOG SYA AT MAPILAYAN!
>___<

"BABY!" kumaripas ako ng lakad palapit sakanya.

"MOMMYYY!!" sigaw nya pagkasampa nya sa bench.

Pipigilan ko sana syang tumalon pero wala na. Nakatalon na ulit sya nang makalapit
na ko. ToT

"MOMMY, MOMMYYY!" yumakap sya sa hita ko habang niwawave yung hawak nyang bond
paper. "SI PAPA PO?!" *O*

Napahinto ako sa tanong nya.

Hinahanap na naman nya si Adrian.. =/

"Uhm baby.. Busy pa rin si Papa eh.." binuhat ko sya at pinaupo dun sa bench na
tinatalunan nya kanina.
"BUSY PO? PAANO KO IBIBIGAY PO TONG WORK KO KAY PAPA PO?"

Pinakita nya sakin yung hawak nyang bond paper. May nakasulat sa taas nun na 'When
I grow up, I want to be..'. Sa gitna naman nun
ay may drawing. Waa! Sya may drawing nito! At drawing toh ng..err..dalawang stick
na tao. Kahit stick, halata pa rin na lalaki sila. Isa
sa kanila ay bata, yung isa naman malaki na. Parehas din silang may hawak na lapis
yata at papel. MALAKING PAPEL.

"SI ANDY TOH PO! HIHI.." tinuro nya yung drawing nya na bata tapos yung malaki
naman. "ITO SI PAPA PO! PAREHAS KAMING
MAG-A-ARCHITECT PO NI PAPA!" ^O^

"Wow.." I smiled in too much amusement from his drawing and explanation. "Ang
galing naman.."

Di ko na maialis ang tingin ko dito sa gawa ng baby ko. Sobrang nakakatuwa eh.
Gusto nya ring maging architect tulad ng tatay nya.

Natutuwa talaga ko pero at the same time, nasasaktan ako.. I'm hurt for my baby..

"PAKITA NATIN PO KAY PAPA YAN!" ^O^

"A-Ah.. Sige baby.. Pagkauwi nya.."

"UUWI NA SI PAPA PO?!" hala, naexcite naman sya! "MAMAYA PO?!" *O*

"E-Eh? Hindi pa mamaya baby.."

"BUKAS PO?!" *O*

"N-No, di rin bukas.."


"OOH.. EH KAILAN PO?!" *O*

"H-Hindi ko alam eh.. Basta matagal.. Pero basta! Uuwi din sya. Wait na lang tayo
ah?"
Nawala na ang excitement sa mukha ni Andy. And it hurts.. It really hurts me to see
him like this.

"Baby.. Pawisan ka na oh.." kinuha ko na lang ang towel na nasa likod nya at
ginamit ko yun pamunas sa ulo nya na pawisan naman
talaga.

"PAPAAAAA!" sigaw ng isang batang lalaki na malapit samin. Napatingin kami ni Andy
sakanya.

If I remember it correctly, classmate sya ni Andy. May hawak din syang bond paper
at niwewave yun.

"PAPAAA!" sinalubong sya ng tatay nya at agad nyang pinagmayabang ang gawa nya.
"WORK KO PO OH!"

"Ano toh? Hmm.. Aba.. Gusto mo maging katulad ko pag laki mo?" natatawang ginulo
nung tatay ang buhok ng anak nya. "Ang galing
lang nga anak ko ah! McDo tayo, gusto mo?"

"WAAA OPO PAPA!" *o*

Binalikan ko ng tingin si Andy. Nakatulala lang sya dun sa mag-ama.

"Baby ko.." oh no, my voice cracked when I called him. Naiiyak ako.
Kasi naman, kung nasaktan ako kanina sa paghahanap nya sa tatay nya, mas nasasaktan
ako ngayon. Mas masakit pala na makitang
naiinggit ang anak mo sa ibang bata na.. na may normal na pamilya..

And again, I know, this is my fault. ALL MY FAULT.

Ramdam ko na tutulo na ang luha ko any minute now pero naputol ang pagdadrama ko.
Bigla kasing nagring ang phone ko.

May tumatawag. It's CJ.

Huminga muna ko ng malalim bago ko sinagot ang tawag nya. Dapat di nya mahalata na
naiiyak ako.
"Dhie?"

"I'm done with my work, Mhie." parang nagmamadali naman ang boses nitong si CJ.
"Sorry talaga..di ko nasundo si Andy.."

"Okay lang yun. Nasundo ko naman sya."

"Oh.. Asan na kayo ngayon? I'll pick you up."

"Nandito pa rin kami sa school nya pero wag mo na kami sunduin. Malalayo ka pa. Sa
bahay na lang tayo magkita."

"Hmm.. How about.. How about we meet at the mall instead?"


Mall..

Napatingin ako ulit kay Andy. Tulala pa rin sya at malungkot.

"Baby.. Mall daw tayo sabi ni Daddy. Gusto mo ba?" tanong ko kay Andy.

"MALL?!" Andy's sad eyes suddenly twinkled. "GUSTO KO PO MOMMY! PLAY TAYO DUN PO!"
*O*

I heard CJ chuckle on the line. "Pano ba yan, Mhie. Your baby likes my idea."

Napangiti ako. I'm relieved. Buti na lang, kahit nalulungkot si Andy eh may paraan
pa rin para sumaya sya.

"Mhie? Ayaw mo ba?" CJ asked, a little worried.

"No, gusto ko Dhie." I tried to sound cheerful. "Uhm, kita na lang tayo dun ah?"

"Okay.. See you there. Ingat kayo and I love you both."
"Hm.. We love you too.."

Nang matapos ang phonecall namin ni CJ, tinitigan ko si Andy. Nakangiti na sya
ngayon sakin.

Ang ngiti nya.. Nakakagaan ng loob na makita yun.


"MAGMO-MALL TAYO PO KASAMA SI DADDY?" my baby asked with full of hope.

"Yes baby. We will." kinurot ko ang pisngi nya. "Tara na."

"YEEEY!" kumapit sya sa kamay ko at magkahawak-kamay kaming umalis ng school nya.

**

SA MALL..

Sinalubong kami ni CJ sa loob. He was staying not that far from the entrance kaya
mabilis syang nakita ni Andy.

"DADDYYY!" tumakbo si Andy kay CJ. Binuhat naman sya nito at hinalikan.

Nakangiti ko silang pinanood. I'm very glad that CJ's with us. Dahil sakanya,
nararanasan ni Andy na magkaroon ng tatay kahit wala si
Adrian.

"How's school huh, baby?" CJ asked Andy.

"NA-FINISH KO LAHAT PO NG SULAT AT DRAWING PO! SABI NI TEACHER PO VERY GOOD AKO!"
>O<

"Nice.. Very good nga talaga.." napatingin sakin si CJ. He was smiling. "Mhie.."
"Mm?"
"Kain muna tayo. Gutom na ko eh."

Medyo natawa naman ako kay CJ. Mukha nga syang gutom. Siguro hindi sya nakapag-
lunch kanina sa sobrang busy nya.

Naghanap kami ng makakainan. Buhat-buhat nya si Andy habang naglalakad kami tapos
ako, hawak nya sa kamay.

This feels so good. So perfect. Parang isang pamilya na talaga kami. Pero..parang
mali din.. May mali samin.. O nasa pag-iisip ko lang
ang mali?

Iniisip ko kasi na sana.. Sana si Adrian ang kasama namin at gumagawa samin nito
ngayon..

Tsk. I quickly shook that idea off my head.

Sakto namang tumigil kami sa isang stall ng brownies. Yun ang tinuro ni Andy na
gusto nya kainin eh at sinunod naman sya ni CJ.

Yun ang kinain namin pang-merienda. Merienda lang pero natagalan kami dun. Ang dami
kasing kinain ni CJ! Hindi halatang gutom na
gutom sya ah. O.o

After eating, si Andy na naman ang nasunod. Gusto nya raw maglaro ng car racing
kaya dinala kami ni CJ sa isang amusement
center.

When we got there, I felt very uncomfortable. Si Adrian kasi, bigla ko syang
naalala.
Naalala ko yung pagpasyal nya samin ni Andy sa ganitong lugar noon. At yung araw na
yun, tinawag nya pa yun na FAMILY DAY.

I smiled, remembering that day. Ang saya lang eh. Nagkasama kaming tatlo bilang
isang pamilya. Medyo nakakainis nga lang ang
pagwaldas ni Adrian ng pera para lang sa tokens. Pero okay pa rin. Ginawa naman nya
yun para sumaya ang anak namin.

My smile.. It soon faded away. My happiness from that memory was quickly taken over
by depression.

Ewan. Nakaka-depress lang isipin na nangyari nga yun, na naranasan nga naming
maging isang pamilya pero.. Pero di na yun mauulit.
HINDI NA.

Pinilit kong wag nang isipin ang bagay na yun. Nakipaglaro na lang ako kina CJ for
distractions. Pero wala..si Adrian pa rin ang naging
laman ng utak ko. Bawat laro ba naman na laruin namin eh pinapaalala sya sakin. Ito
rin kasi ang mga nilaro namin noon kasama si
Andy.

"Mhie.. Gusto mo toh subukan?" tanong ni CJ habang naglalaro ng car racing.


Kandong-kandong nya si Andy, just like how Adrian
played it before with him.

Pinilit pa ko ni Adrian maglaro nyan non. Pinilit nya ko para lang talunin at
pagtawanan nilang mag-ama.

Gusto ko tumawa. Nakakatawa naman kasi ang pagka-mean nilang mag-ama sakin non.
Pero..di naman ako matawa.. Hindi ako
masaya.. I'm rather hurt and more about to shed tears..

"MHIE?" tawag ulit ni CJ. Naku. May tanong pala sya sakin na di ko agad nasagot.
"Ah, ano.. Di ako marunong nyan eh.." mahina kong sagot na ikinagulat ko deep
inside. Akala ko masasagot ko sya on a normal tone
pero hindi. I felt weak for some reasons.

"You feel okay?" hinawakan nya ang kamay ko. "Hm.. Medyo mainit ka."

"Uwi na tayo, CJ.." bigla kong yaya na ikinagulat ko ulit. Seriously, I don't know
what's happening to me.

"Sige.." binuhat na ni CJ si Andy.

Medyo nagpasaway pa baby ko. Ayaw nya pa umalis. Buti nauto sya ni CJ. Ginamit nila
yung unting tickets na nakuha nila para maka-
claim ng prize na gusto ni Andy which is a pencil set. Pencil set na si Thomas ang
design.

Before leaving the mall, bumili muna ng take-out dinner si CJ. Yun ang kinain namin
pagkauwi namin ng bahay.

Kakasimot ko lang sa dinner ko nang biglang hawakan ni CJ ang noo ko.


"Di ka na mainit.. Pero masama ba pakiramdam mo? Ang tamlay mo eh.." he asked,
resting his arm sa sandalan ng upuan ko.

"Hindi.." pilit akong ngumiti. "Antok lang ako.."

Tumitig sa mga mata ko si CJ. Normally, I'll get what his eyes are telling me but
this time, I don't know. I can't read his look.
Then all of sudden, naramdaman ko na lang ang paghawak ng kamay nya sa likod ng ulo
ko. He gently pulled my head closer to him to
give me a forhead kiss.

"Pahinga ka na. Ako nang maglilinis dito." malambing nyang sabi.

Tumango ako. Then I noticed my baby yawning. "Antok na rin si Andy.. Hilamusan ko
na sya."

"Okay.."

Kinuha ko na si Andy at hinilamusan sya sa CR. Si CJ naman ang umasikaso sa mga


hugasin.

Sa kwarto ni Andy, nung bihisan ko na sya, may sinabi sya sakin..

"MOMMY! SABIHIN MO KAY PAPA PO UWI NA SYA PARA MABIGAY KO NA YUNG WORK KO PO!" *o*

I held my breath for a few seconds then.. EXHALE.

"Sige baby.. I'll tell him that kung matutulog ka nang maaga ngayon.." sabi ko
sakanya while doing the buttons of his sleepwear.

"WAA! MAAGA AKO PO MAG-SLEEP NGAYON!" >O<

Aish! Di ko pa nasasara yung huling butones eh tumakbo na sya sa kama nya at


humiga!
"KAMOT PO, MOMMY!" >3<
Natatawa kong sinabit sa hanger ang bath towel nya tsaka ko tumabi ng higa sakanya.

Niyakap ko sya roon at kinamot ang likuran nya.

"Good night, baby.." I whispered as I kissed him.

"GOOD NIGHT TOO PO, MOMMY!" >o<

Pasaway talaga. Pinipilit nya lang pumikit eh.

Pero maya-maya, di na yun sapilitan. Nakabuka na bibig nya eh. Ibig sabihin,
totoong tulog na sya.

Mula sa likod nya, ulo naman nya ang hinaplos ko. I distanced my face a little away
from him para matitigan ko ang mukha nya.

Staring at him like this makes me feel very fulfilled as a woman. Itong bata na
toh-- I mean ang gwapo at makulit na bata na toh, galing
sya sa katawan ko. I gave birth to this child 5 years ago and now, ang laki na nya.

Napangiti ako. And my hand that was caressing his head ended up cupping his cheek,
with my thumb tracing his facial features.

His eyes. His nose. His lips. Nakuha nya ang mga ito mula sa tatay nya.

Not only those. Lahat-lahat na yata puro kay Adrian nya nakuha. Namely the charm,
mannerisms, expressions, talent...
Talent..

Naalala ko yung drawing nya kanina.

Pati sa profession, parehas sila ng gusto ni Adrian. Parehas nila gustong mag-
architect.

Siguro, kung nakita ni Adrian yung gawa nya kanina, inasar na ko nun. Malamang
ipinamukha na naman nya sakin na walang namana
sakin ang anak namin. T3T
Ah. That doesn't matter. Dahil ang totoo, hindi nangyari yun.

Hindi ako inasar ni Adrian kasi hindi naman nya nakita ang gawa ni Andy. Hindi nya
yun nakita kasi wala sya dito. Wala sya dito kasi
umalis sya. At umalis sya.. dahil sakin.

My chest suddenly felt so tight and my eyes started to blur. May namuo nang luha sa
mga mata ko na mabilis dumaloy sa pisngi ko.

God. Umiiyak na naman ako? Gabi-gabi na lang ba kong magiging ganito? Gabi-gabi ko
na lang ba daramdamin at iiyakan ang
ginawang paglayo ni Adrian samin? I thought I'm already moving on! But why is it
like this? My every night's supposed to be getting
better pero bakit parang hindi naman? They're getting worse instead-- more painful,
more frustrating and harder to bear.

Naniniwala pa rin ako na malalagpasan ko toh. Pero ang hirap talaga. Lalo na't
nakikita kong naaapektuhan na si Andy sa sitwasyon
namin.

Tulad kanina sa school nya, ang sakit lang na makita syang malungkot dahil wala ang
papa nya samantalang yung classmates nya,
meron at kasama nila. I know there is CJ who can act as his father pero alam ko rin
naman na malaki ang pagkaka-iba kung si Adrian
ang nandyan, si Adrian na totoo nyang tatay.

I breathed out very deep. Ang gulo na ng buhay ni Andy. At kasalanan ko toh.

Kasalanan ko kung bakit sya nalulungkot. Kasalanan ko kung bakit kinailangang


lumayo ni Adrian sakanya. Kasalanan ko lahat kasi
ang selfish ko, ang sama ko, ang tanga ko.

"Baby.." my voice was broken, tears kept on forming and falling from my eyes. "I-
I'm sorry.. I'm sorry.."

I wanted to say more than sorry pero di ko na kaya. Ang sakit na ng lalamunan ko.
All I could do was cry it all silently while kissing my
baby's forehead and hugging him tight.

"Mommyyy!" biglang tawag ni Andy na parang iritable at naiiyak. "Si Karlo po!
Inagaw paper ko po!"

Agad kong pinunasan ang mga luha ko at niyukuan sya. Akala ko nagising ko sya eh
pero nag-i-sleeptalk lang pala! Natawa naman
daw ako. Yung mukha nya kasi, tulog pero nakasimangot!
"Ssh.." inayos ko ang higa nya dito sa kama tapos hinalikan ko sya ulit sa noo. "I
love you baby.."

Umupo na ko sa kama at kinusot ang mukha ko. Inalis ko ang bakas ng mga luhang
iniyak ko. CJ shouldn't see me like this. Ayokong
mag-alala sya.

Speaking of CJ.. Tapos na kaya syang maghugas?


Nang maramdaman kong tuyo na ang mukha ko, tumayo na ko't naglakad pa-pintuan.

But then, my feet suddenly got rooted on the floor.

Yung pinto, nakabukas yun at.. AT NANDUN SI CJ.

CJ's right there, looking at me bluntly and making my heart race in nervousness.
Hindi kaya.. Hindi kaya nakita nya? NAKITA NYA
KONG UMIYAK?

xxxxxx

x62: Her Pain, His Pain

[RACHELLYN's PoV]

CJ kept his blunt look at me, making me more nervous every second.

"C-CJ.." GOD. Ano nang sasabihin ko? Anong idadahilan ko sa nakita nya?
"Uhm.. Tulog na pala si Andy?" tanong nya na medyo nagpa-pawi sa kaba ko. Siguro..
di nya ko nakitang umiyak. If he did, hindi dapat
ganun ang tanong nya diba?

"O.. Oo.." sagot ko.

Lumapit sya sakin. Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko at niwipe ang..ang luha
sa mga mata ko?
Oh God. Hindi nga nya ko nakitang umiyak pero nagtira naman ako ng ebidensya!

"Antok ka na, Mhie.. Naluluha ka na sa antok oh."

Dahil sa antok? P-Pwede..

"O-Oo nga eh. Hehe." sasabayan ko na lang itong maling akala nya.

"Magpahinga ka na kasi."

"Teka lang po.. Maghihilamos pa ko.."

"Mm." binitawan na nya ko at medyo nagsmile. "Uuwi na rin pala ko."

Tinitigan ko sya. Uuwi na raw sya. Pag umuwi sya, malamang, iiyakan ko na naman si
Adrian. Ayoko na nun.

"Dhie.. Pwedeng dito ka na lang matulog?" tanong ko sakanya.

Kita ko ang pagkagulat sa mga mata nya. Pero tumango rin naman sya agad.

"Sige.. Pwede.." sagot nya.


Nginitian ko sya at hinawakan ang kamay nya. Pumunta kami ng kwarto ko. Doon ay
humiga sya agad sa kama ko at kinalikot ang
phone nya. Siguro nagtetext sya para magpaalam kina Tita.
Kumuha naman ako ng mga damit at naghilamos sa CR sa baba. After that, bumalik na
ko ng kwarto ko.

Nakahiga pa rin si CJ sa kama. Di na nya gamit ang phone nya. Nakatulala na lang
sya sa kisame.

"Dhie, kaw naman maghilamos." naghalungkat ulit ako sa cabinet ko para hanapan sya
ng damit.

Tsk. Ang gulu-gulo na pala ng side na toh ng cabinet ko! Natabunan na yung mga
damit na naiwan ni CJ! >___<

Ayun. Nakahatak ako ng isang tshirt nya!

"Yan na Adrian! Hilamos ka na." binato ko yung damit nya sa isang silya malapit
sakin. Di ko kasi maalis ang isang hawak ko sa mga
damit dito. Magla-landslide sila pag gawin ko yun!

"ANONG SABI MO?" CJ asked that on a low but serious tone.

Nilingunan ko sya. Nakaupo na sya sa kama.

"Sabi ko, maghilamos ka na." sagot ko sakanya.

"I know. But not that."


"Huh? Eh ano? Yun lang naman sinabi ko ah.." nanatili lang na nakatingin sakin si
CJ. "DHIE? ANO BA YUN?"

"Ah.." he rubbed his eyes with both of his palms. "Wala.."

Wala?

Pft. Adik ni CJ. =3=


Sinara ko na ang cabinet ko. Bukas ko na lang toh aayusin.

Kinuha ko ang damit ni CJ pati yung towel nya na nakasabit sa isa ko pang cabinet.
Tapos ay nilapitan ko sya sa kama at inabot ang
mga yun sakanya.

"Hilamos ka na para makatulog na tayo.." tumingala at tumingin sya sakin pero yun
lang. Di nya kinuha itong mga inaabot ko.
"DADHIE?"

Kinuha na nya yung mga gamit nya. Ay di pala! Hinatak nya ang dalawang braso ko eh!
Hinatak nya ko pahiga sa kabilang side ng
kama at niyakap ako ng mahigpit!

"CJ?! Ehh.. Maghilamos ka na muna.." >.<

"Ayoko.."

T3T

Gusto ko talagang maghilamos muna sya kasi nga personal hygiene yun pero..okay lang
kahit di nya gawin. Ang bango-bango kaya
nya. Kahit lalaki sya, malinis din naman sya sa katawan.

Niyakap ko na lang din sya. Ramdam ko naman ang pagdiin ng mga labi nya sa noo ko.

Then my heart.. It started rumbling. Not in happiness but in longing.

Adrian. Adrian. Adrian. Sigaw ng puso ko.

I miss Adrian doing this to me. I miss his hug, his kiss, his-- AHHH ANO BA?!

CJ, SI CJ ANG KASAMA KO NGAYON! At pina-stay ko sya dito ngayong gabi para di ko
maisip at iyakan si Adrian!

Pero bakit ganito.. Iniisip ko pa rin sya at.. At iiyakan..


Oh no, Rachellyn. Don't cry.

I was getting teary at sakto, niyukuan ako ni CJ. He saw me again on this state.

Sinubsob ko na lang ang mukha ko sa dibdib nya. "Dhie, pakamot ng likod ko.."

"Ayoko nga.."

"PLEAAASE.."

"Ayoko. Usap na lang muna tayo." hinaplos ng isang kamay nya ang ulo ko.
Tumango ako. Mas maganda nga siguro yung mag-usap kami. It's a better distraction.
Sana yung kasal ang maisipan nyang pag-
usapan namin.

"Hmm, Rachel.. Alam mo ba ang dahilan..kung bakit nahulog ang loob ko sayo noon?"
tanong bigla ni CJ.

Magrereminisce kami? Pwede na rin. Bakit nga kaya nahulog ang loob nya sakin non?
To think that isa akong disgrasyada, nakaka-turn
off yun diba?

"Kasi.. Kasi nagandahan ka sakin? Hehe." hula ko naman.

Medyo natawa sya. "Wrong."

"Oh.. So hindi ka pala nagandahan sakin.." = 3=

"No. Nagandahan din ako sayo. But that just made me develop a crush on you."

"Hm?" Wow lang. Nagkakaganun din pala si CJ? Nagkaka-crush?


"Having a crush and falling in love, they are two different things, Mhie. So there
should be different reasons too why you experience
them."

Ah.. Oo nga naman..

Lumayo sya ng higa at tinitigan ako sa mga mata ko.


"Yung crush, mababaw lang na pakiramdam yun kaya mababaw lang din ang dahilan kung
bakit ka nagkacrush sa isang tao. Pero
yung ma-inlove ka..it's something serious-- far more serious than just having a
crush. So the reason for it is far more serious as well."

Ooh.. Napangiti naman ako sa ginawang pag-explain ni CJ. This is not like him, to
talk about this kind of thing.

"So.. Ano yung serious reason mo at na-inlove ka sakin?" I asked him. "Sa tulad
kong..alam mo na.."

Hinawakan nya ang pisngi ko. "Well.. It was because of your honesty."

Honesty..

"I admired how you honestly told me everything about yourself. Your past, your
feelings, your dreams, everything. Wala kang ikinahiya.
Wala kang tinago sakin."

Napangisi ako.

Honesty. It's something he admired from me before and now, I don't have it anymore.

May hinawing buhok si CJ sa mukha ko papunta sa likuran ng tenga ko kaya napatingin


ako ulit sakanya.

We're looking eye to eye. And there's pain, inside me and on his look.
WAIT.

PAIN? ON HIS LOOK?


Biglang huminga ng malalim si CJ.

"Now Rachel.. Can you be... be that honest to me again?"

"H-HUH?" tanong ko kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko.

"I have one question for you Rachel. JUST ONE QUESTION. And I want you to answer
it. HONESTLY."

Bumagal ang pagproseso ng utak ko sa mga sinabi nya. Di ko alam kung anong iisipin
ko. Until I heard him ask...

"Rachel.. Mahal mo pa ba ko?"

My eyes widened at his question. My heart panicked. My brain got more confused.

Why did he ask me that? Alam na ba nya? Kailan pa? Paano? Bakit? Halata ba ko
masyado? OH GREAT. I am really confused.

But beyond my confusion, I clearly know the answer to his question. At yun ay..
hindi na..

HINDI KO NA SYA MAHAL.


"CJ, I.." napakagat-labi ako at kinontrol ang pagluha ko.

I was trying to spit out the truth. Pero di ko kaya eh. Nasasaktan na sya ngayon,
nararamdaman ko yun. At ayoko nang palalain pa ang
sakit na nararamdaman nya dahil lang sa sagot ko. Ayoko..

I felt my tears starting to fall down. God. Ano na bang gagawin ko?

I was about to break down when CJ slid his hand from my cheek down to my nape and
pulled my head against his chest.
"It's okay.. Di mo na kailangang sagutin ang tanong ko kasi.. alam ko na. Alam ko
nang hindi na ako ang mahal mo at.. at tanggap ko
na yun."

[CJ's PoV]

"CJ, I.." Rachel couldn't continue what she was saying. She just bit her lower lip.

I knew it. She wouldn't be able to answer my question. Not when I told her to
answer it honestly.

Pero kahit na ganun, umasa din naman ako. Umasa ko kahit unti na.. na sasabihin
nyang oo, mahal nya pa ko. Kaso..hindi na eh.
Sigurado na akong hindi na.

Tears rolled down her cheek and it hurt me.

Her tears, they're my pain. Nasasaktan ako pag nakikita ko syang umiiyak.
Kahit pilit nya pa yung tinatago sakin, alam ko na gabi-gabi at maya-maya,
iniiyakan nya si Adrian. For a week already, I know that
she's been like this-- crying and hurting.

And her crying, it's already too much.. too much for me to bear. Kahit anong gawin
ko rin para sumaya sya at makalimutan si Adrian,
walang epekto eh. Pinapahirapan ko lang sya. Pinapahirapan ko lang ang mga sarili
namin. Kaya naman..ako na..

Ako na ang susuko..

SUMUSUKO NA KO.

Feeling defeated, I pulled her head against my chest and hugged her tight.

"It's okay.. Di mo na kailangang sagutin ang tanong ko kasi.. alam ko na. Alam ko
nang hindi na ako ang mahal mo at.. at tanggap ko
na yun." sabi ko sakanya. Pero lalo syang umiyak.
"I-I'm sorry CJ.. I'm sorry.."

"You don't need to say sorry to me, Rachel.."

"But I'm.. I'm hurting you.. After everything you've done to me and to Andy,
ginaganito kita ngayon, si..sinasaktan kita.. Ang sama ko
CJ.. Ang.. Ang sama-sama ko.."

I sighed. "Di mo naman yun sinasadya eh.. It just happened that you have no other
choice because it's..it's your fate.."

Right. It's her fate-- her and Adrian's fate that I tried to fight.
At tulad nga ng sabi ni Apple, mahirap kalabanin ang tadhana. Mahirap dahil may
kailangang masaktan at umiyak.

"Rachel.. Please.. Please stop crying.." muli akong lumayo ng higa para matitigan
sya sa mga mata nya. Hinawakan ko ang dalawang
kamay nya at hinalikan ang mga ito. "Ayoko ng ganito ka Rachel.. Ang gusto ko
kasi..sumaya ka.."

"I can't be happy CJ.. I can't.." umiling-iling sya at patuloy na umiyak. "Not when
I'm hurting you like this.."

"Yes, you can be happy Rachel. Kaya nga lang, hindi yun mangyayari kung..kung
ipipilit mo ang sarili mo sakin. Kung ikukulong mo ang
sarili mo sa mundo ko."

Umupo ako nang hawak pa rin ang mga kamay nya. Sumunod sya ng upo sakin.

"You don't belong to me. That's why I'm.." humigpit ang hawak ko sa mga kamay nya.
Kinapa ko ang singsing na suot nya at dahan-
dahan ko yung inalis. "I'm going to set you free."

"CJ.." she cried more.

"I need to do this Rachel. Gusto kong sumaya ka. At sasaya ka lang naman kung si
Adrian ang makakasama mo.." napalunok ako. My
throat's hurting. I think I'm going to cry but no. I won't. I'll stay strong. I
need to show Rachel that I'm strong. "Diba?"

My one hand reached for her cheek and I wiped her tears.
"Wag ka nang mag-alala sakin.. Oo, nasasaktan nga ko ngayon pero mawawala din toh..
Ang mahalaga, ikaw.. yung happiness mo
kasi yun na rin ang magiging happiness ko.."
May mga namuong luha ulit sa mga mata nya. Pero ngayon, nagawa na nyang ngumiti.

"Mahal kita Rachel, sobrang mahal.. That's why I'm doing this.."

Bumitaw sakin si Rachel at naiiyak na niyakap ako. "I know.. And I'm very thankful
for that.. Thank you, CJ.. Thank you and sorry.. for
making you go through this.."

"Tch. Umiiyak ka na naman Rachel.."

"Ehh kasi naman.. Di ko.. Di ko maiwasan CJ.."

I hugged her back and kissed her forehead and her nose. Gusto ko sanang halikan din
ang mga labi nya pero..di na pwede. Her lips
are not meant to be kissed by me anymore.

"Si Adrian.." bulong ko sakanya. "Pabalikin mo na sya dito."

Natatawang humiwalay na sakin si Rachel habang kinukusot ang mga mata nya. "Kung
pwede nga lang eh.."

"Bakit? Hindi ba pwede?"

"Ayaw nya makipag-usap kahit kanino samin na nandito sa Pilipinas.. Not to me or


even to Andy so how will I tell him that?" she was
smiling but the way she said it, I know, she was hurt. "Tsaka.. Baka naka-move on
na yun.. Sya pa.. For sure, nakahanap na yun ng..ng
ibang babae."
"Kung magsalita ka naman parang isang taon na syang nandun. It's just been a week
Rachel. And one week is too short for anyone to
completely move on."

"Okay? Let's say na ganun nga.. One week pa lang syang nandoon.. But he's going to
stay there for TWO YEARS. Who knows what
will happen or what will he do in that two years? Baka nga pagbalik nya dito..may
iba at sarili na syang pamilya.."

"At hahayaan mo na lang ba na mangyari yun?" mapanghamon kong tanong sakanya.

She looked at me sadly. Na para bang wala naman na syang magagawa.

"Kung hindi mo sya matawagan para pabalikin dito at buuin ang pamilya nyo, edi ikaw
ang pumunta sakanya. Go to him, tell him what
you truly feel and drag him back here. For you and your baby."

Halos matawa sya sa suggestion ko. But I'm serious.

"I'll help you go to Italy right away." nagulat sya sa sinabi ko.

"N-No.." she shook her head. "No CJ. Di pwede. You're already doing too much for
me."

"I didn't set you free for nothing Rachel. Ano pang silbi ng ginawa ko na yun kung
di mo rin makakasama si Adrian?"

Rachel looked down.


"Go to Italy bago pa makahanap ng ibang babae si Adrian at bumuo ng ibang pamilya.
And think that it isn't just for you. It's for your
baby as well."

Tumingin na sya ulit sakin as if she was agreeing to me.

"Andy needs him. Remember? Next week na recognition nya."

Napatakip ng bibig si Rachel. "O.. OO NGA PALA!"

"See?" nakangiti akong tumayo at nag-inat. "Let's continue to talk about this
tomorrow. Ihanda mo na yung papers na kakailanganin mo
for the visa."
"CJ.." malungkot na tawag ni Rachel.

Nilingunan ko sya at pinisil ang ilong nya. "Wag ka na magreklamo, Mh-- I mean,
Rachel. Ito ang gusto kong gawin so let me do this."

She pouted.

Inalis ko na ang pagkakapisil sa ilong nya. "Aalis na ko."

"Hatid na kita sa labas.."

"Di na. Magpahinga ka na."


Tumitig lang sya sakin. Then she stood up and.. and gave me a hug.

Wala na syang salitang binitawan pero sa yakap nya, alam ko na ang gusto nyang
sabihin.

She wanted to say thanks and sorry again. That was it.

"Ingat ka sa pagdrive ah.." paalala nya pagkahiwalay nya sakin. "Please."

"I will. Itetext pa kita pagkauwi ko."

She smiled. "Hihintayin ko yun.."

I nodded. "Good night."

"Good night.."

Lumabas na ko ng kwarto nya. Nagpalitan pa kami ng ngiti bago ko sinara yung pinto.

Pagkasara ko nun, naramdaman ko na ulit ang sakit sa bawat pagpintig ng puso ko. At
sa bawat hakbang na ginagawa ko palabas ng
bahay nya, unti-unti nang nagsi-sink in sakin ang ginawa ko.

I already let go of Rachel. WALA NA KAMI.

Nang makasakay na ko ng kotse ko, pinilit kong magrelax ng upo sa driver's seat
habang tinititigan itong engagement ring ni Rachel na
kanina ko pa hawak.

3 years.. After more than 3 years of being with her, our relationship finally
ended. Ngayon pa sya natapos, kung kailan.. kung kailan
napagplanuhan na naming magpakasal.

Napailing ako at ginamit ang isa kong kamay para takpan ang mga mata ko.

Damn it..

Yung mga luhang pinigilan kong lumabas kanina, ngayon nagsilabasan at di ko na sila
mapigilan.

Masakit.. Masakit isipin na pagkatapos ng araw na toh, hindi na kami magiging


katulad ng dati. No more bondings with her and Andy,
no more kisses, no more endearments.

I'll miss it.. Me calling her Mhie and hearing her call me Dhie. Pati ang pagpunta
at pagstay ko sa bahay nya na para bang asawa na
nya ko at pamilya ko na sila.

Ah.. Tama na nga..

Sabi ko nga diba, ang mahalaga ngayon eh mapasaya ko si Rachel kahit ba hindi na
yun sa paraan na.. na ako ang makakasama at
mamahalin nya.

I took a very deep breath sabay punas sa mga luhang iniyak ko. Binato ko rin yung
singsing sa.. sa backseat. Then I started my car's
engine and drove away.
xxxxxx
x63: The Babysitter

[RACHELLYN's PoV]

"Io non parlo Italiano.. Si prega di parlare in Inglese.. Hmm.. Hehe.."

Katuwa naman bigkasin ng mga Italian words. Kanina ko pa binabasa 'tong English-
Italian dictionary na binili ko.

Dumapa ako ng higa dito sa kama ko at nagpatuloy sa pagbabasa. Hanggang sa may


phrase na kumuha ng atensyon ko.

"Ti amo.." basa ko roon.

It's Italian for 'I love you'.

"Ti amo, Adrian.."

O///O

>///<

Naitakip ko itong libro sa mukha ko. Ewan. Nakaramdam lang ako ng hiya sa sinabi
ko.
"MOMMYYY!" biglang pumasok dito sa kwarto si Andy. Nakatapis lang sya. "TAPOS NA KO
MAGHILAMOS PO!" ^O^

"Wow.." umupo ako. Nang makalapit sya sakin, pinanggigilan ko ang mga pisngi nya at
hinalikan sya sa noo. "Ang bango ng baby ko!"

"HIHI.. WAH! MOMMYY! ANG BIG NG BAG MO PO!" tinuro nya yung maletang nakatayo sa
gilid nitong kama. "MAG-I-SCHOOL KA
PO WITH NEW AND BIG BAG?!" *o*

"Ha? No." natawa ko. "Aalis kasi ako kaya ganyan bag ko."
"OOH.. SAN KA AALIS PO?!"

"Pupunta, baby." I patted his head. "Pupuntahan ko papa mo para pauwiin na sya
dito."

"WAAAAH! PUPUNTA KA KAY PAPA PO SA MILYA-MILYA?! SAMA KO PO!" *O*

"E-Eh? Pero.." PATAY.

Paano ko tatanggihan ang baby ko? Paniguradong di sya papayag na maiiwan sya. Di ko
sya pwede isama eh kasi nga mahal ang
pamasahe at may pasok pa sya.

Tch. Dapat yata di ko na sinabi sakanya ang tungkol sa pag-alis ko. >.<

"BABY." malakas na tawag ni CJ na sumilip sa may pinto. "Bihis na tayo."


"MOMMYY!" niyugyog ni Andy ang braso ko."SAMA KO PO KAY PAPA!!"

"CJ.." I pouted at CJ, asking for help. Nagets naman nya ko.

"Baby, di ka pwedeng sumama kay Mommy.. Huhulihin ka ng pulis pag sumama ka.."
natatawang pananakot ni CJ sakanya habang
palapit sya samin.

"PULIS?!!" gulat na nilingunan ni Andy si CJ. "HUHULIHIN NILA KO PO?!"

"Yup." binuhat na sya ni CJ. "May school ka pa kasi bukas. At pag makita ka nilang
gumagala at hindi nag-aaral sa school,
naku..huhulihin ka nila at ikukulong mag-isa sa room na walang toys and TV."

Natahimik at napaisip si Andy. Mukha syang natakot.

"But don't worry. Pagbalik ni Mommy, kasama na nya papa mo."


"REALLY MOMMY?" tanong sakin ni Andy.

I smiled at him. "Yes, baby."

"YEEEY! UUWI NA SI PAPA!" ^O^

"Pero bago yun, dapat magbihis ka muna at matulog ng maaga." sabi ni CJ sakanya.
"Rachel, ikaw din, magbihis ka na para alis na
tayo agad pagdating ng pinsan ni Adrian."
"AH OO!" napatayo ako. Nalimutan ko nang magbihis kakabasa ng basic Italian
phrases!

At si Ate Hazel, papunta na nga pala sya ngayon dito. Sya kasi ang nagvolunteer na
mag-babysit kay Andy habang wala ako.
Nakakahiya rin naman kung si CJ pa ang gagawa nun eh busy din sya sa school at
business nila.

"Baby, good night." hinalikan ko si Andy na buhat ni CJ. "Wag pasaway kay Daddy
ah?"

"YES PO MOMMY!"

Nagngitian kami ni CJ bago nila ko iniwan dito.

Si CJ.. Ang bait talaga nya.. He didn't just set me free. He's also making sure
that I'll be happy with Adrian. Kaya ito, tinutulungan nya
kong mabuo ang pamilya namin. Tinulungan nya ko mula sa pag-asikaso ng mga papeles
ko para makaalis ako ng bansa, hanggang
sa tutuluyan ko sa Italy eh inasikaso nya rin.

I sighed, feeling a little guilty. 3 days na rin ang lumipas mula nang i-let go ako
ni CJ. Kahit nagagawa nyang ngumiti eh alam ko at
nararamdaman ko na deep inside him, he still feels sad and hurt. Pero sabi nga nya,
hayaan ko na lang sya na gawin nya ang gusto
nyang gawin which is mapasaya ko. Magiging happiness nya na rin daw ang magiging
happiness ko eh so I guess.. I guess, kailangan
ko nang tulungan ang sarili ko na sumaya para mapasaya ko na rin si CJ.

Huminga muna ko nang malalim tsaka ko kumilos para magpalit ng damit. Pagkabihis
ko, chineck ko ulit ang mga dadalhin kong gamit
sa pag-alis ko.
"Dictionary, check.. Passport, check.. Plane ticket, check.."

*DING-DONG-DING-DONG!
Uh-oh, doorbell. Si Ate Hazel na yun!

Nagmadali akong bumaba ng bahay. Pagbukas ko ng front door, ayun nga si Ate Hazel!

"Ate Hazel!" tumakbo ko palabas at pinagbuksan sya ng gate.

"CHEEELLE!" yumakap sya sa leeg ko. "AHH CHELLE! MAG-INGAT KA SA ITALY AH! UHM,
PASALUBONG DIN! UWIAN MO KO NG
PIZZA! AY! TSAKA SI ADRIAN! PILITIN MO SYANG UMUWI NA DITO! KUNG ALAM MO LANG
CHELLE, HIRAP NA HIRAP NA KO!
ANG HIRAP NG BUHAY KO KAPAG WALA AKONG ADRIAN NA PWEDENG ASARIN AT PIKUNIN!"

Ano ba tong si Ate Hazel.. Kung makapagbilin parang aalis na ko ngayon din.. ^___^'

"AH! SI ANDY BEYBE PALA?!" humiwalay na sya sakin.

"Pinapatulog na po sya ni CJ sa kwarto nya.."

"CJ.." tumingala sya sa second floor ng bahay ko. "Nandito sya?"

"Opo. Sya po ang maghahatid sakin sa airport. Ah, Ate Hazel, pasok po muna tayo!"
hinatak ko sya sa kamay at pinasok ng bahay.

Sa dining ko sya dinala at niyayang kumain. Kwek-kwek pa lang daw ang nakakain nya
ngayong gabi kaya hinainan ko sya ng
maayos-ayos na dinner.
Habang kumakain sya, syempre, kwento sya nang kwento. Kinukwento nya ang ginawa
nyang pagpaalam sa boss nya para mag-leave
ng ilang araw sa trabaho para nga mabantayan si Andy.

"UY, ANG SARAP NITONG ULAM NYO AH!" bati nya sa kinakain nyang kaldereta. "MAS
MASARAP PA SA LUTO NI MAMA!"
"Talaga? Luto po ni CJ yan." ^___^

"ABA! KALALAKING TAO NAPAKAGALING MAGLUTO?! BUTI PA SYA! EH SI ADRIAN, NAKU!"


uminom sya ng tubig.

"Hehe.. HRM student po kasi si CJ at hilig nya talaga ang pagluluto.."

"Ooh.." tumango-tango sya. "At ibang klase rin yang si CJ noh? Wala na kayo pero
tinutulungan ka pa rin nya.. Eh, ikakasal na kayo
dapat diba? Anong sabi ng parents nyo nung nagpaalam kayong, ganun na nga..na hindi
na matutuloy yung kasal nyo?"

Napayuko ako at medyo nalungkot. But I still managed to smile. "Hmm.. Nagulat sila
pero tinanggap naman nila yun agad..
Nagtulungan kami ni CJ na magpaliwanag sakanila eh kaya naging okay din ang
lahat.."

"Nice.." ngumiti si Ate Hazel at sumubo na ulit ng pagkain.

"Ah, CJ." napansin ko si CJ na pababa ng hagdanan. "Nandito na si Ate Hazel."

Lumingon si Ate Hazel sa likuran nya kung nasaan yung hagdanan at tiningala si CJ.

"HI C-- PFFFT-- AACK!" NABILAUKAN SI ATE HAZEL!


"A-ATE HAZEL!" tumayo ko at madaling nagsalin ng tubig sa baso nya. Inabot ko yun
sakanya at ininom nya yun agad.

"H-HOOH! AHH.." nagtakip sya ng mukha.

"Ate Hazel, okay ka lang ba?" tanong ko habang hinihimas ang likod nya.

"HA? AH, O-OO CHELLE! HAHAHA.."

"Hey." lumapit samin si CJ. Tinignan nya si Ate Hazel. "Are you..... Uhm, are you
really okay?"
Hindi kumibo si Ate Hazel. Takip-takip pa rin nya ang mukha nya.

Nagkatinginan kami ni CJ. Parehas kaming mukhang naguguluhan. Pero tinignan ulit ni
CJ si Ate Hazel.

"Hazel." tawag ni CJ sakanya.

Eh? Ako lang ba o ano? Parang nakita kong kinilabutan si Ate Hazel sa pagbanggit ni
CJ sa pangalan nya?

"I'm CJ." pakilala ni CJ. "Do you mind if we.. we shake hands?"

Inabot ni CJ ang kamay nya. Pero si Ate Hazel, sinilip lang sya sa pagitan ng mga
daliri nya.
Ano bang nangyayari? Nahihiya ba si Ate Hazel kay CJ dahil dun sa pagka-choke nya?
O di kaya.. naiintimidate sya kay CJ? Mukha
kasing masungit si CJ tapos pala-English pa.

"Err.. He.. Hehehe.. H-Hi.." gamit ang isang kamay, nakipagkamay na si Ate Hazel
kay CJ habang takip-takip pa rin ng isa nyang
kamay ang mukha nya. "CJ.. HEHEHE.. C-J.."

"Right. It's CJ." nagbitaw na sila. Tumingin sakin si CJ. "Rachel, gagawa lang ako
ng gatas for Andy. Gusto raw nya uminom muna nun
eh bago matulog."

"Sige.." sagot ko sakanya.

Pumunta na ng kusina si CJ. Saglit lang sya ron. Paglabas nya, may dala na syang
isang baso ng gatas na dinala nya sa kwarto ni
Andy.

"Ate Hazel.. Ayaw mo na po bang kumain?" tanong ko kay Ate Hazel kasi di na sya
kumikilos sa seat nya.

"Uhh oo. Ayaw ko na. Busog na ko." inalis na nya ang takip sa mukha nya at tumingin
sa paligid. "Si-Si-Si.."

"Si CJ po? Umakyat na po sya sa kwarto ni Andy."


Tumingin muna sya sa hagdanan bago muling tumingin sakin at bumulong. "UY CHELLE..
UHM.. CJ BA TALAGA NAME NUN? HINDI
BA TJ? TJ, AS IN, TIMOTHY JOHN?"

"Ah, hindi po." medyo natawa ko. Mali pala ang pagkakadinig nya non sa pangalan ni
CJ? "CJ sya. CJ for CHRIS JOHN."
Napanganga sakin si Ate Hazel.

"Ate Hazel?" O.o

"CH-CHELLE.. SO.. SORRY!" pinagdikit nya ang mga palad nya sa tapat ng mukha nya.
"SORRY-SORRY-SORRY-SORRY-SORRY-
SORR--"

"ATE HAZEL!" pagputol ko sa pagsosorry nya. "Bakit ka po ba nagsosorry?"

Nagpout lang sya at inalis ang tingin sakin. Natawa naman ako.

"Kung nagsosorry ka about dun sa maling dinig mo sa name ni CJ eh kalimutan mo na


po yun.. Di naman po yun big deal.." kinuha ko
na ang pinggan nya. "Maglilinis po muna ko ah?"

Iniwan ko na sya sa dining at naghugas ako sa kusina. Pati yung mga natirang marumi
kanina nung nagdinner kami ni CJ, hinugasan
ko na.

Pagbalik ko ng dining, si Ate Hazel, parang di sya mapakali habang paikut-ikot na


naglalakad sa tabi ng table.

"Ate Hazel." nilapitan ko sya. "May problema po ba?"

Huminto sya at nagpout sakin.

"Rachel." biglang tawag ni CJ na pababa na ulit ng hagdanan. But this time, bitbit
na nya ang maleta at bag ko.
Si Ate Hazel naman, mabilis na tumabi sakin at parang tinatago ang sarili nya sa
likuran ko.
"Your baby's already fast asleep. At kailangan na nating umalis." sabi ni CJ.

"Ay, oo." sagot ko tapos hinarap ko si Ate Hazel. "Ate Hazel, ikaw na po muna ang
bahala kay Andy ah.."

"O-OO! LEAVE MY PAMANGKIN TO ME!" >___<

"Don't worry, Rachel. I'll help her babysit Andy." - CJ

"D-DI NA!" pagkontra ni Ate Hazel. "WAG NA! KAYA KO NANG ALAGAAN MAG-ISA SI ANDY!"

"I doubt that." sagot naman ni CJ sakanya. "Minsan tinotopak si Andy at


paniguradong di mo sya mahahandle pag inatake sya ng
topak."

"M-MINSAN LANG PALA TOPAKIN EH! SIGURO NAMAN DI SYA AATAKIHIN NG TOPAK S-SA LOOB NG
ILANG ARAW NANG AKO
ANG KASAMA NYA! D-DIBA?!" - Ate Hazel

"GANITO NA LANG!" pumagitna na ko sakanilang dalawa bago pa toh humantong sa mas


malalang kaso ng pagtatalo.

Grabe lang. Di ko yata mate-take kung mangyari yun. Si Ate Hazel at si CJ na


kakakilala lang eh magtatalo agad? At ang pagtatalunan
pa nila ay ang pag-aalaga sa baby ko? T3T

"Ate Hazel, kung sakali lang naman po na topakin si Andy, please don't hesitate to
ask CJ for help. Call him. Matutulungan ka po nya
talaga."

Ate Hazel pouted again. "O.. Okay."

"CJ.." si CJ naman ang hinarap ko. "Pakibigay na lang number mo kay Ate Hazel.."

He nodded. "Sure."

FINALLY. Napa-sigh in relief ako.


When the babysitting issue got settled, inakyat ko muna ang natutulog kong baby sa
kwarto nya. I kissed him and said goodbye.
Nagpaalam din kami kay Ate Hazel and then, at last, CJ and I made our way to the
airport.

Sa airport, hinatid ako ni CJ sa may departure area.

"Hanggang dito na lang.." kinuha ko na ang mga bag ko kay CJ.

"Don't forget everything I told you, okay?"

Nakangiti akong tumango sa paalala nya.

"Ay, CJ, nga pala, tungkol kay Ate Hazel. Uhm, paki-intindi na lang sya ah? Ganun
talaga sya eh. Makulit, magulo at weird kumilos."

Napangiti sya. "I know."


HE KNOWS? O___o

"Don't worry much about her, Rachel. Tutulungan ko sya sa pag-aalaga kay Andy.
Bibisitahin ko sila agad bukas ng umaga."

I just nodded, feeling a bit confused. Bakit kasi parang hindi naiilang si CJ kay
Ate Hazel? Normally, pag may bago syang nakikilala lalo
na pag babae eh dumidistansya sya sa dun sa tao.

"Oh and CJ! Call her Ate! Mas matanda kaya sya satin ng one year."

"Is she?" tinaasan nya ko ng kilay.

"She is, CJ." =3=

Napangiti na naman sya at umiling. "Hindi halata.."


"Mm. Isip-bata kasi.."

*CALLING ALL PASSENGERS FOR FLIGHT MN321 BOUND TO HONGKONG.."

"Ah, yun na flight ko!" hinawakan ko na ang maleta ko. Pa-Hongkong muna ko eh then
I'll take a connecting flight from there to Rome.
"CJ. Aalis na ko."

Nakangiti lang syang tumitig sakin.

"CJ.." mahina kong tawag sakanya. Inatake na naman ako ng konsensya eh. I know,
this isn't easy for him.

Napansin nya yatang naluluha ako. Lumapit na sya sakin eh at niyakap ako nang
mahigpit.

"Thank you CJ.. Thank you so much.."

"Don't mention it." humiwalay na sya sakin. He cupped my cheeks, wiped the tears
that formed on my eyes then gave me a forehead
kiss. "Mag-ingat ka dun, Rachel. Call me when you arrive there and.. and make sure
that Adrian will come home with you."

"Oo, mag-iingat ako. Oo, tatawagan kita pagdating ko dun. At.. Uhm.. Sa pangatlo,
di ako sigurado."

"RACHEL?" tunog pinapagalitan nya ko.

"Eh kasi naman, di talaga ko sure.. Paano kung..kung ayaw na nya sakin diba.."
naduwag na naman ako. Naduduwag talaga ko lalo na
pag naiisip ko na walang naging reaksyon si Adrian nang ipasabi ni Ate Hazel sa
instructor nya ang tungkol sa pagpunta ka doon.

"Tsk. That's impossible. Adrian loves you so much para makalimutan ka nya agad. At
di ka matitiis nun. Just keep in your mind the
reason why you're going to him."

The reason why I'm going to him.. That is to clear everything to him now. Para
mabuo na ang pamilya namin. Para makasama na
namin sya ng anak namin.
"Fight, Rachel." he cheered on.

"Alright.." di ko napigilang ngumiti. "I will."


He smiled back as he let go of me. And at the back of my mind, I prayed. I prayed
na sana, makatagpo si CJ ng babaeng mas
deserving sakin para sa pagmamahal nya. CJ is a very nice guy so I wish, that he
ends up with a very nice girl too.

"Bye." paalam nya sabay tago ng mga kamay nya sa bulsa nya.

"Bye.." paalam ko rin at tumalikod na ko.

Also, I prayed na sana.. Sana maging okay na rin ang lahat samin ni Adrian. Oh God,
please..

Huminga ako nang sobrang lalim. Tapos nagsimula na kong maglakad.

Italy and Adrian... Here I come.

xxxxxx

x64: ITALY!

[RACHELLYN's PoV]

"Sige na hija, magpahinga ka na muna." sabi sakin ng isang babaeng nasa early 40's
ang edad.
Sya si Tita Lucia. Tita sya ni CJ sa father's side na dito na naninirahan sa Rome,
Italy. Sya rin ang nagsundo sakin sa airport at dito ako
ngayon tutuloy sa bahay nya. Dito na lang kaysa sa mag-hotel pa ko diba? Tipid-
tipid din ako kasi malaki na nga ang nagastos ko sa
pamasahe.

"Dun lang ako sa baba. Tawagin mo na lang ako pag may kailangan ka ah?" malambing
na paalala ni Tita Lucia nang maihatid nya ko
dito sa guest room nila.

"O-OPO! GRAZIE PO!"

Natawa sya. Siguro palpak pag-Italian ko! >___<

"Figurati.." nakangiting sagot ni Tita Lucia bago nya ko iniwan.

WEW..

Humilata ako sa kama.

Nakakaantok. Mahigit kalahating araw din akong bumyahe by air ah! Tapos ang lamig-
lamig pa ng klima dito.. Spring season eh..

*YAAAAWN~

Uhm.. Anong oras na ba dito..

Mm.. 10AM...
Ten.. AM..

"AH!" napadilat ako at bumangon. Teka. Asan ako?!


Kinusot ko ang mga mata ko. Tsaka ko lang naalala.. Nasa Italy na nga pala ko at
kasalukuyang nakikituloy sa bahay ng tita ni CJ.

Tumingin ako sa relos ko. HA?! 9PM NA?! 9PM na pero ang liwanag pa sa labas?!

Err.. Mali.. Philippine time nga pala tong relos ko.

Tinapik ko ng dalawang beses ang mga pisngi ko. My eyes searched for a clock and
there. Merong nakasabit sa pader. It says 3PM.
3PM pa lang pala dito.

Tumayo na ko at nag-inat nang napahinto ako. Na..Nakalimutan ko palang tawagan si


CJ!

Nagmadali tuloy akong nagtungo sa CR na nandito lang sa guest room. Mabilis akong
naghilamos then bumaba na ko sa dining kung
nasaan si Tita Lucia.
"T-Tita Lucia! Pwede po pagamit ng phone nyo? Tatawagan ko lang po si CJ! N-
Nalimutan ko pong ipaalam sakanya na nakarating na
ko dito eh!" I was subsconsciously panicking. Baka kasi nag-aalala na si CJ sa
hindi ko pagtawag! >___<

"Hija, hija, calm down." naglapag sya ng pinggan at utensils sa mesa. "Tinawagan ko
na si CJ kanina. I already told him that you've
arrived here safe."

"A-Ah.." kumalma naman ako. "Hehe.. T-Thank you po.."

Ngumiti sya. "Welcome. Tara, kain muna tayo."

Sabay kaming kumain sa dining. Sya nagmemeryenda ng tinapay habang ako, nagle-late
lunch.

Kwentuhan din kami habang kumakain. Una naming topic ang cultural differences ng
Pilipinas at ng Italy. Then nauwi kay CJ ang
usapan. Close pala talaga silang mag-tita lalo na nung nasa Pinas pa sya. Nagkataon
lang na nakapangasawa itong si Tita Lucia ng
Italian kaya kinailangan nyang tumira dito.

Passed 4PM, nagpaalam ako kay Tita Lucia na hahanapin ko na ang hotel na
tinutuluyan ni Adrian. Binigyan nya ko ng mapa na
drawing nya mismo para mas maintindihan ko raw ang pasikot-sikot dito sa Rome. Ang
ganda nya lang mag-drawing ah! Dapat
sasamahan nya rin ko papunta dun sa hotel kaso may business sya sa tapat ng bahay
nila na hindi nya pwede iwanan. It's a flower
shop business.

Tumuloy ako sa paghahanap kahit mag-isa lang ako. Naglakad lang ako para mafeel ko
naman itong Rome.

Kaenjoy naman. Madaming magagandang structures at nakakaaliw na mga tao ang nakita
ko sa daan.

Buti na lang, madali intindihan itong mapa na gawa ni Tita Lucia. Nakarating ako sa
hotel ni Adrian nang hindi naliligaw.

It's a mid-class hotel. Di sya moderno. Feeling ko nga, nasa renaissance period ako
nung pumasok na ko nung building. Luma ang
style at theme nito pero sobrang ayos ng lugar. You'll definitely feel that you're
in Europe.

Agad akong nagtanong sa front desk about Adrian. Thanks God at marunong mag-English
yung Italianang clerk!

"Yes ma'am.. Signor Guillermo is currently staying here and his room is on 3rd
floor, number 316." sabi sakin nung clerk with a smile.

"3rd floor, room number 316.. Okay. Grazie."

"Si figuri, signorina." WAAA~ Ang ganda ng accent nya! *o*

Well duh, Rachellyn. Italiana sya. Psh. =3=

Tumuloy na ko sa 3rd floor. Mabilis kong nakita ang kwarto ni Adrian.

I knocked on its door TWICE pero walang sumagot. Kumatok ako ulit ng tatlong beses
pero wala talagang sumasagot. T3T

Umalis siguro si Adrian.. Busy siguro sya.. Nag-aaral nga sya diba?
I sighed, sabay upo dito sa sahig sa tabi ng pintuan. Hihintayin ko na lang umuwi
si Adrian. Siguro naman, hindi sya gagabihin sa
pinag-aaralan nya.
While waiting, di ko naman maiwasang mag-isip ng kung anu-ano.

Ano nga kayang magiging reaksyon ni Adrian pag sabihin ko na sakanya na.. na sya
talaga ang mahal ko? Na pinakawalan na ko ni CJ
at pwede na naming buuin ang pamilya namin..

Teka, interesado pa ba sya na mabuo ang pamilya namin? Kasi, kung oo, bakit wala
sya dito para hintayin ang pagdating ko?

Sabi kasi ni Ate Hazel, pinasabi nya sa instructor ni Adrian ang tungkol dito. So
malamang alam na ni Adrian itong pagdating ko. Dapat
sinalubong nya ko pero wala sya eh.

Baka nga ayaw na nya talaga ko kaharapin at kausapin? O baka hindi naman nasabi
nung instructor sakanya ang tungkol sa pagpunta
ko dito?

AISH! ANO NA BANG DAPAT KONG ISIPIN?!

Natatakot ako eh. Baka masayang lang ang pagpunta ko dito. Baka.. Baka masaktan
lang ako..

"Oh, sino yang nakaupo sa tabi ng pintuan ng kwarto ni Adrian?"

"Teka.. Diba si ano yan.."

O___O
TAGALOG NA USAPAN?!

Tumingala ako sa isang grupo na huminto sa harapan ko. Apat sila-- dalawang lalaki
at dalawang babae. Lahat sila naka.. NAKA-
VARSITY JACKET NG SCHOOL NAMIN?!

Napatayo ako.

"Excuse me! Kilala nyo ba si Adrian? Adrian Louis Guillermo? Architecture student
sya galing sa school nyo-- I mean, school natin."
tanong ko sakanila.
Tumigil sila sa pagbubulungan at tumingin sakin.

"Oh, si Adrian daw." =_= - Boy 1

"Sino naman yan?" - Girl 1

"Girlfriend ni Adrian?" - Girl 2

"Gaga! Wala kayang girlfriend yun, matagal na!" - Girl 1

"Baka asawa." =O= - Boy 1

"WALANG ASAWA SI ADRIAN!" >O< - Girl 1 & 2


"Mali kayo! Si ano nga yan.. Si RACHELLYN nga ba yun? Yung.. Yung nanay ng anak ni
Adrian?" - Boy 2

Wah! May nakatama din sakanila! *o*

"T-TAMA! AKO NGA YUN!" sagot ko dun sa pangalawang lalaki.

"SABI NA NGA BA!" - Boy 2

Sumimangot naman yung dalawang babae.

"Sya pala yun.." - Girl 2

"Oh ba't ka nandito? Don't tell us na.. na galing ka pang Pinas at sinundan mo si
Adrian dito?" - Girl 1

"Wala na kayong pake sa dahilan nya kung bakit sya nandito o kung sinundan nya ba
si Adrian." sagot sakanila ni Boy 2. Tapos hinarap
nya ko. "Pumunta nga pala sa may coffee shop sa piazza si Adrian. Sa tingin ko,
gagabihin na syang bumalik dito. Lagi naman syang
ganun eh."

"Ganun ba.." yumuko ako in disappointment.

"Kung gusto mo, puntahan mo na lang sya dun. Malapit-lapit lang naman yun mula
dito."

"TALAGA? PWEDE KO SYA PUNTAHAN?" *o*


"Oo naman." nakangiti nyang sagot. "Akin na yang mapa mo, tuturo ko sayo yung daan
papunta dun."

Kinuha nya ang mapa ko at hinighlight ang mga dapat kong daanan papunta dun sa
piazza at sa coffee shop kung nasaan si Adrian.

"SALAMAT AH! UHM.."

"I'm Khim. Classmate ako ni Adrian. Actually, kaming lahat. Magkaka-klase kami."
nakipagshakehands sya sakin.

"Thank you, Khim."

"Welcome. Puntahan mo na sya. Mukhang may mahalaga kayong dapat pag-usapan eh at


nagawa mo syang sundan dito."

"Oo nga eh.. Hehe.. Uhm, sige ah. Salamat ulit."

Nagwave na kami sa isa't isa tapos tumakbo na ko.

Nagmadali ako. Gustung-gusto ko nang makita si Adrian eh. Gustung-gusto ko na syang


makausap. Gustung-gusto ko nang linawin at
ayusin ang lahat samin.

Sinunod ko ang tinurong daan sakin ni Khim dito sa mapa. At tama nga, napadpad ako
sa isang piazza. Piazza, isa syang parang
bayan na square. Maraming tao dito kasi marami ring shops, simbahan at fountains.
Nakipagsiksikan ako sa mga taong nandito hanggang sa makita ko na ang isang coffee
shop sa tapat ng isang simbahan.
Naglakad ako palapit dun. Dahan-dahan kasi pagod na ko.

Then my heart started on beating very fast in overjoy and excitement. Bakit naman
hindi ito magwawala sa tuwa eh nasilayan na ng
mga mata ko si Adrian?

Sa isang table sya sa labas ng shop nakapwesto. Nakatalikod sya pero sa galaw nya,
nagagawa kong makita ang sideview ng mukha
nya.

God.. Ang lakas lang talaga ng appeal ni Adrian kahit di mo pa nakikita ang buong
mukha nya.. Parang anak lang namin.. At bagay
sakanya ang naka-panglamig na damit ah! >///<

Pero teka.. Tumatawa sya eh..

Ah.. May kausap pala sya na kasalo nya sa iisang table..

Yung excitement ko naman, nahaluan ng unting sakit. Babae kasi ang kasama nya.
Maganda yung babae kahit medyo chubby.

Kita kong may inabot si Adrian na paperbag dun sa babae. Ngumiti naman yung babae.
Tuwang-tuwa sya habang ako..ewan..naiinis
ako..nalulungkot ako..

Oh, napatingin sakin yung babae. Tinitigan nya ko ng ilang segundo.

Naglaban kami ng titigan. Hanggang sa sabay na nanlaki ang mga mata namin.
Y-Yung babae, kilala ko sya! She's.. She's MYRA! Anong ginagawa nya dito?!

Ngumiti si Myra at parang may sinabi kay Adrian. Then tumayo sya at kumaway sakin.

*BUDUM*BUDUM*BUDUM*
Huminto ako sa paglalakad palapit sakanila.

Ang tibok ng puso ko, lalong bumilis kasabay ng mabagal na pagguho ng mundo ko.

Si Myra.. Malaki ang tyan nya.. Bu.. Buntis sya..

Kaya pala bigla na lang syang nawala sa school.. Kaya pala nung huling pag-uusap
namin, ganun na lang ang mga tanong nya sakin..

Pero bakit..? Sabi ni Adrian, imposible na mabuntis nya si Myra diba? Pero ngayon..
Bakit.. Bakit ganyan?

Nilingunan ako ni Adrian. Tumitig din sya sakin ng ilang segundo bago nanlaki ang
mga mata nya sa gulat.

"CH-CHELLE?!" sigaw ni Adrian pagkatayo nya sa upuan nya.

Tumalikod naman ako at tumakbo nang mabilis palayo sakanila bago pa.. bago pa
tuluyang tumulo ang mga luha ko.

xxxxxx
x65: FINAL CHAPTER.

[ADRIAN's PoV]

"Geh. Mauna na kayo sa hotel." sabi ko sa apat kong kaklase pagkababa namin ng bus.

"Ehh~? San ka pupunta Adrian?" nakapout na tanong ni Jodie.

"Papasyal ka ba sa piazza? Sama naman ako!" sabi naman ni Shela na yumakap pa sa


braso ko.

"T-Teka! Ako rin!" yumakap din si Jodie sa kabilang braso ko. Tsk.

"Bitawan nyo nga ko. Ayoko ng may kasama." malamig kong sabi sakanila.

"TSS.." sabay silang humiwalay sakin. Eh pasensya sila. Wala ko sa mood


makipaglandian.
"Oo na. Mauuna na kami." inirapan pa ko ni Jodie bago sila umalis ni Shela kasama
ang isa pa naming kaklase na lalaki.

Naiwan namang tumatawa sa tabi ko si Khim. Kaklase rin namin toh.

"Ibang klase rin yung dalawang babae na yun noh? Ilang beses mo na sila pinapahiya
pero di pa rin natigil sa paglalandi sayo." sabi
nya.

Ngumiti lang ako sakanya.

"So ano? Sa piazza ka nga ba pupunta? Dun ba ulit sa may coffee shop?" seryoso na
nyang tanong.

"Oo, dun nga.."

"Mm, sige." tinapik nya ko sa braso. "Basta bumalik ka ng hotel natin bago pa
makabalik instructor natin ah!"

Tumango ako tsaka sya umalis.

Wala naman akong dapat ipag-alala eh kahit maunahan pa ko ng instructor namin sa


hotel. Tropa kaya kami nun.
Mula bus stop, naglakad na ko patungong piazza. Doon, dumiretso ako sa isang coffee
shop-- ang Caffè Destino.

Naging paborito ko nang tambayan toh. Lagi ko 'tong pinupuntahan twing uwian na
namin galing sa pagtour sa iba't ibang historical at
religious sites dito sa Rome at sa mga kalapit na bayan nito.

Naku. Ang dami nang tao. Pero swerte pa rin. May isa pang bakanteng table sa labas.
Inokupa ko kaagad ang pwesto na yun tapos
umorder ako ng specialty nilang kape.

Ang sarap lang talaga tumambay dito habang nainom ng kape. Malamig kasi ang panahon
dito. Idagdag pa ang magandang view ng
isang luma at Katolikong simbahan na matatanaw mo mula dito. Nasa tapat lang yun
nitong shop eh.

Di ako nagsasawang titigan ang simbahan na yan. Talagang nakakabilib eh kung paano
nila name-maintain ang pagkaluma ng mga
istrukturang tulad nyan. Pag pumapasok ka tuloy sa isang lugar tulad ng simbahan na
yan, mararamdaman mo na parang bumabalik
ka sa nakaraan.

Bigla kong tinignan ang relos ko. Passed 5PM na. Ang tagal naman ng hinihintay ko.

"ADRIAN!" oh, speaking of hinihintay ko. Dumating na rin sya.

Lumingon ako sa kung saan nanggaling ang pagtawag na yun ng isang babae. At ayun si
MYRA, nakangiting kumakaway sakin.

Di ko mapigilang ngumiti rin sakanya. Ilang bwan na ang lumipas eh mula nung last
time na nakita ko sya. At ngayon, ang laki na ng
pinagbago nya, lalo na PHYSICALLY.
Maganda pa rin naman sya kahit medyo nagkataba na mga pisngi nya. Naging chubby ba.
At ang katawan nya, lumaki na. Paano ba
namang hindi yun lalaki eh buntis sya. Sa pagkakaalam ko, 8 months na ang
pagbubuntis nyang yan sa anak nila ni Jude.

"Myra.." mabilis akong tumayo at lumapit sakanya para alalayan sya papunta sa table
ko.

"Ano ba yan Adrian! Ang OA lang ah!" natatawa nyang sabi pagkaupo nya.

"Nag-iingat lang! Mamaya baka may mangyari sa inyo ng baby mo eh. Mapapatay ako ni
Jude pag magkataon."
Natawa na naman sya. Isa pa toh sa pinagbago nya. Naging masayahin na sya.

"Ay, sorry pala natagalan ako.. Nagkaproblema kasi yung bus na sinakyan ko papunta
dito.."

"Ayos lang yun." sagot ko sakanya pagkabalik ko sa upuan ko.

Sumimangot sya bigla. "Tsaka tinatawagan kita kanina para sabihing male-late ako
pero di ka naman sumasagot."

"Ah.. Ano.." napahilot ako ng ulo. "Nalimutan ko sa hotel yung cellphone ko eh.."

"Tss.. Lagi naman.." =3=

Napangiti na lang ako. Ilang beses na nya kasi ako sinubukang tawagan mula pa nang
dumating ako dito sa Italy pero karamihan sa
tawag na ginawa nya eh hindi ko nasagot. Tapos ang lagi kong dinadahilan sakanya eh
nalilimutan ko ang cellphone ko kahit ba ang
totoo eh sinasadya ko talagang iwanan yun sa hotel room ko.

"Oh, ano ba gusto mong kainin at inumin? Dali, libre ko." sabi ko na nagpangiti na
ulit kay Myra. "Ah itong kape na iniinom ko, masarap
toh. Specialty nila toh eh. Gusto mo toh itry?"

"Hala Adrian.." hinimas ang malaking tyan nya. "Di mo ba alam na bawal sa mga
buntis ang kape?"

Natigilan ako. Bawal pala yun sakanila? Di ko alam yun eh. Pero bakit naman kaya
bawal? Dahil ba sa caffeine?

Eh si Chelle.. Uminom kaya sya ng kape noong pinagbubuntis nya ang anak namin?

Napabuntung-hininga naman ako sa tanong ko.

Si Chelle.. Namimiss ko na sila ni Andy.. Kaso kailangan kong magtiis na hindi sila
kausapin kahit sa maiksing panahon lang. Kailangan
ko kasi munang pahupain 'tong sakit na nararamdaman ko sa katotohanan na hindi na
sila magiging akin; na hindi ko na sila magiging
pamilya kahit ano pang gawin ko.

Alam ko, hindi tama toh kasi nadadamay pati ang anak ko pero gusto ko lang sanayin
ang sarili ko sa posibilidad na hindi ko na sya
pupwedeng makasama kung kailan ko man gustuhin kasi.. kasi magiging parte na nga
sya ng ibang pamilya-- ng pamilya nina Chelle
at CJ..
Pero di bale.. Pag-uwi ko, babawi pa rin ako sakanya..
"Adrian.." nag-aalala akong tinawag ni Myra. Napatingin ako sakanya. "May problema
ba?"

"W-Wala ah. Iniisip ko lang, na kung hindi ka pwede magkape, ano na lang ang
iinumin mo?"

"Hmm.. Cioccolato caldo na lang." nginitian na nya ko.

Inorder ko nga ang gusto nya. Pati club sandwich umorder ako para saming dalawa
pero ayaw naman nyang kumain. Busog daw sya
eh at nagsisimula na syang mag-diet. Manganganak na kasi sya next month at gusto
nyang bumalik agad sa dati ang katawan nya
pagkapanganak nya.

Kinamusta nya rin itong pagbisita at ginagawa kong pag-aaral dito sa Italy. So far
so good naman ang sagot ko. Nag-eenjoy ako at
maraming natututunan tungkol sa arkitekturang meron sila dito.

Ninanamnam ko ang pag-inom sa kape ko nang mapansin ko si Myra na may kakaibang


ngiti sakin.

"Bakit Myra?"

Hinimas nya tyan nya. "Sana ikaw na lang pinaglihian ko. Para naman maging kasing
gwapo mo baby ko." ^3^

Gwapo?

"Lalaki magiging anak nyo?" tanong ko.

"Yup! Sayang nga eh hindi sya naging girl. Hindi tuloy matutupad ang pinag-usapan
namin ng baby mo na papakasalan nya ang
magiging baby ko."

Natawa ko. Naalala ko yung naging usapan nilang yun ni Andy sa condo ko. Pero kung
sakaling babae ang magiging anak ni Myra,
baka mahirapang magdesisyon si Chelle kung kanino nya ipapakasal ang anak namin.
Kay Demi ba na anak nina Levy at Millie o sa
anak nina Myra at Jude.

Tsk. Naalala ko na naman si Chelle..

Hinilot ko ulit ang ulo ko. Pero agad kong tinigil yun at tumingin kay Myra. Baka
mag-alala na naman sya sa kinikilos ko.
Buti hindi nya ko nakita. Busy sya mag-cellphone.

Napansin ko naman ang singsing na suot nya. Kasal na nga pala sila ni Jude. Una
akala ko hindi gagana yang relasyon nila kasi lagi
silang nag-aaway non pero dala lang daw yun ng pagbubuntis ni Myra eh. Totoo naman
yata. Masaya naman na si Myra ngayon kay
Jude kahit magkalayo sila.. Masaya..

Ako kaya.. Kailan kaya ko sasaya?


"Hihi.. Sarap talagang asarin nitong si Jude.." tuwang-tuwa si Myra habang
nagtatype sa cellphone nya. Siguro nagcha-chat sila.
"Napaka-seloso.. Ah, Adrian, may pinabibigay raw sya sayo para sakin?"

"Ay oo. Teka."

Kinalikot ko ang backpack ko at kinuha mula roon ang isang paperbag. Galing pa ng
Pinas toh. Inusisa ko rin toh kahit sinabihan ako ni
Jude na wag ko tong tignan. Eh sus. Baby clothes lang naman ang laman nito.

"Ito oh." inabot ko kay Myra yung paperbag.

Nakangiti nya yung kinuha. "Salamat!"

Ang saya-saya lang talaga ni Myra ah. Nakakaramdam tuloy ako ng unting inggit.

Tsk. Ininom ko na lang ang natitirang kape ko.

"Uy Adrian.. Si Rachellyn yun diba.." sabi ni Myra.

Tumingin ako sakanya. Nakatulala sya sa bandang likuran ko.

"Si Chelle? Imposibleng magpunta yun dito.." medyo natawa pa ko at umiling.

"Siraulo ka! Si Rachellyn nga yun!" tumayo sya at kumaway sa tinititigan nya.

Ang kulit ni Myra. Parang si Ate Hazel lang at yung instructor ko.

Nilingunan ko na yung kinakawayan nya.

Isang babae nga yun. Isang babae na nakatulala samin at hindi gumagalaw sa
kinatatayuan nya. Maganda sya ah at..
O___O

Napatayo ako sa upuan ko. "CH-CHELLE?!"

Pagkasigaw ko sakanya ay agad naman syang tumalikod at tumakbo palayo!

PERO SI CHELLE NGA YUN! SIGURADO AKO!

So totoo nga? Totoo yung sinabi ng instructor ko nung isang araw? Sabi nya,
pinapasabi raw ng pinsan ko na pupuntahan ako ni Chelle
dito para makipagbalikan sakin pero.. Pero di ako naniwala.. Hindi ako naniwala
kasi si Ate Hazel ang may sabi! Eh lokaret nga yun
diba! Inisip ko na pinagtitripan nya lang ako tsaka napakaimposible talaga nun kasi
nga si CJ ang pinili nya! At pinaplano na nga nila
magpakasal eh!
Muli kong tinignan si Myra. Nakatakip ang mga kamay nya sa bibig nya.

"Th-This is bad, Adrian!" naluluhang sabi ni Myra. "S-Sundan mo si Rachellyn! Baka


kung ano isipin nya satin.. Baka inakala nyang
anak mo 'tong pinagbubuntis ko kaya sya tumakbo na lang bigla ng ganun!"

O-OO NGA NOH!

Kinuha ko na ang bag ko at aakmang tatakbo pero binalikan ko pa ng tingin si Myra.

"Eh Myra! Paano ka na pala?! Y-Yung baby mo..baka--"

"Wag ka na mag-alala samin.." pinilit nyang ngumiti sabay hawak sa tyan nya. "We'll
be okay. Eh kayo ni Rachellyn, mukhang may
kailangan kayong ayusin kaya dapat, mas unahin mo sya.."

Tumango ako at nginitian sya.

"S-Sige. Mag-ingat ka. Sabihin mo sakin pag nakauwi ka na ah." mabilis kong sabi
tsaka ko tumakbo.

"BUONA FORTUNA, ADRIAN!" sigaw pa ni Myra.

Kinawayan ko na lang sya.

Buona fortuna.. Good luck meaning nun diba?

Nagpatuloy ako sa pagtakbo at sinikap na hanapin si Chelle sa dami ng taong nandito


sa piazza.

Potek. Argh! Asan ka na Chelle?!

Kung saan-saan na ko napadpad at nagpaikut-ikot pero hindi ko na sya makita!

Sinabunutan ko ang sarili ko sa sobrang inis. Ang tanga ko eh! Kung tumakbo lang
ako agad kanina edi sana naabutan ko sya! AH
BWISET!

Inabutan na ko ng dilim sa paghahanap. Tsaka ko naalala si Ate Hazel..pwede ko sya


tanungin kung saan tumutuloy si Chelle dito!

Tumakbo ko ulit papunta naman sa hotel na tinutuluyan ko. Sa kwarto ko, dali-dali
kong kinuha ang cellphone ko na nasa ibabaw ng
bedside table at tinawagan ang pinsan ko.

"ATE HAZEL! SI.. SI CHELLE!" amp! Di ako makapagsalita ng maayos dahil sa hingal!

"HA?! A-ANONG NANGYARI KAY CHELLE?! N-NASAGASAAN BA SYA?! NAPILAYAN?! ANO--"

"LOKARET! HINDI NAPANO SI CHELLE!" umupo ko sa kama at pinakalma ang sarili ko.
"EH KUNG MAGSALITA KA KASI NOH! PASIGAW!"

"Tsk. San ba tumutuloy si Chelle ngayon?" mahinahon ko nang tanong.

"ABA MALAY KO!"

"PWEDE BA ATE HAZEL?! SABIHIN MO NA! KAILANGAN KO SYANG MAKAUSAP!"

"HUH?! DI PA BA KAYO NAGKIKITA?!"

"NAGKITA NA KAMI! Pero.. Pero tinakbuhan nya ko eh.."

"AMPUCHA ADRIAN! HUHULAAN KO! NAKITA KA NYANG NAKIKIPAGLANDIAN SA IBANG GURLALUSH


NOH?! PFT..
HAHAHAHA"

"ARGH.. OO! NAKITA NYA KONG MAY KASAMANG IBANG BABAE PERO DI KAMI NAGLALANDIAN!"

"WOOOH~ IKAW PA? HINDI MAKIKIPAGLANDIAN SA BABAE? OW C'MON!"


"Ate Hazel, please.. Sabihin mo na kung saan tumutuloy si Chelle.. Kailangan kong
magpaliwanag.."

Natahimik si Ate Hazel.

"Ate Hazel.." nagmamakaawa kong tawag sakanya.

Maya-maya may narinig ako. Parang may kinausap sya na malapit sa kanya.

At ang sunod ko na lang na narinig sa linya ay seryosong boses ng isang lalaki.

"Hello." sabi nito.

"Sino toh?" tanong ko naman.

"Hm.. Si CJ toh.."

Si.. SI CJ? Magkasama sila ni Ate Hazel?

"Sa bahay ng tita ko tumutuloy si Rachel. If you're looking for her, just go to
Lucia Flora. Sikat na flower shop yun dyan sa Rome at di
sya kalayuan sa tinutuluyan mo kaya di ka na mahihirapang maghanap."

"O-Okay.. Lucia Flora.. Sige.."


"Adrian." tawag nya bigla. Di ko masabi kung galit ba sya o naiinis o wala lang. "I
just want you to know that.. that I didn't let go of
Rachel only to get hurt again."

Napapikit ako. Pinakawalan na pala talaga nya si Chelle.

"Kaya ayusin nyo na yang problema nyo. Para makauwi na rin kayo dito at makasama na
ang anak nyo."

"Hm.." ngumiti ako at tumango kahit ba hindi ako nakikita nitong kausap ko.
"Paniguradong aayusin ko toh.. At salamat."

"No problem.. As long as it's for Rachel's happiness." Kakaiba rin 'tong si CJ ba.
May pagka-martir. Pero nagpapasalamat talaga ko
sakanya. "Go to her now, Adrian, before she gets the idea of going back here
without talking to you. At pag nakabalik sya dito nang
hindi kayo nagkaka-ayos..well I'm assuring you, na babawiin at babawiin ko sya."

Yung ngiti ko, naging ngisi. Nagpapasalamat pa naman ako sakanya sabay ganito?!
Pero naiintindihan ko.. Sinabi nya lang yun para matauhan ako..

"Di mo na sya kailangang bawiin dahil panigurado, wala ka nang mababawi pa kapag
nakabalik na sya ng Pilipinas." matapang kong
sagot sakanya. Rinig kong natawa sya. "Pero CJ, nagpapasalamat talaga sayo.. Eh
sige na pala, alis na ko."

Inend ko na yung tawag at nakangiting tumakbo ulit paalis ng hotel.

Hindi na.. Hindi ko na papalagpasin ang pagkakataon na toh para maayos ang lahat
samin ni Chelle.

[RACHELLYN's PoV]

"Oh Rachellyn.." masaya akong binati ni Tita Lucia pagkapasok ko ng flower shop
nya. Busy sya magputol ng stem ng mga rosas.
"Kamusta? Nakita at nakausap mo ba yung taong hinahanap mo?"

"Ah.. Opo.." mahina kong sago-- pagsisinungaling pala.

"That's nice.. Uhm, magpe-prepare na ko ng dinner. Meron ka bang Italian food na


gusto irequest?"

"W-Wala po.." pilit ko syang nginitian. "Anything will do.."

"Okay.." binitawan na nya ang ginagawa nya. "Sisimulan ko nang magluto. Oh, and
feel at home here, hija! Habang naghihintay ka, you
can watch TV or anything."

"Thank you po, pero dun na lang po ako sa kwarto at magpapahinga.."

She nodded, still with a smile. "If that's what you want.. Tatawagin na lang kita
pag ready na ang dinner."
This time, ako naman ang tumango sakanya. Then I made my way upstairs and locked
myself up inside the guest room.

Nanlalata akong lumapit sa kama. Dumapa ako roon at niyakap ang isang unan.

Grabe. Ramdam na ramdam ko ang pagod sa ginawa kong pagtakbo. Naligaw pa ko kasi di
ko na napansin yung mga dinadaanan ko.
Buti na lang talaga at ang dali intindihin ng mapang ginawa ni Tita Lucia.
Pumikit ako para magpahinga saglit. Unti-unti ngang nawawala ang pagod ko pero
pumalit naman ang masakit na pakiramdam-- yung
sakit sa nakita ko kanina sa piazza.

Nang alalahanin ko yun, muling naluha ang mga mata ko kahit ba nakapikit na ko.

Sabi na nga ba kasi eh..masasayang lang ang pagpunta ko dito at higit sa lahat,
masasaktan ako.

At ito na nga, na..nasaktan na naman ako.

Sa sakit ng nararamdaman ko eh tuluyan na kong napaiyak.

Hindi lang sakit itong iniiyak ko. Pati galit, meron ako. Galit kay Adrian at sa
sarili ko.

Paano nagawang magsinungaling ni Adrian sakin noon? Pinaliwanag nya pa na hindi nya
pwedeng mabuntis si Myra kasi..kasi
gumamit daw sya ng condom pero kanina..si Myra..ang laki-laki na ng tyan nya..
Eksakto lang ang laki non mula nung sinabi nya
saking buntis sya sa anak nila ni Adrian..

Kaya siguro napakadali lang kay Adrian na iwan ang anak namin para magpunta't mag-
aral dito. Yun pala kasi, nandito si Myra at
magkaka-anak na sila.. Bu..

Bubuo na sila ng sarili nilang pamilya..

Pa..Paano na kami ni Andy?

Lumala ang pag-iyak ko. Humagulhol na ko. Ginamit ko na lang itong unan para hindi
lumabas ang ingay na nagagawa ko dahil sa
pag-iyak.

Ang sakit naman kasi talaga at.. at naaawa ako sa anak ko..

Kasalanan ko toh.. Ang tanga ko.. Ang dami kong ginawang mali na desisyon noon kaya
ito, nangyayari ang mga toh samin.. Kaya
kung galit ako kay Adrian, mas galit ako sa sarili ko.. Galit na galit..

Nagpatuloy ako sa pag-iyak. Di ko alam kung gaano na ko katagal umiiyak. Basta,


iniyak ko na lang lahat ng sakit at galit na meron
ako.

Ramdam ko na ang pamamaga ng mga mata ko at ang pagkabasa nitong unan dahil sa mga
luha ko.
Di ko pa rin mapigilang umiyak pero ayoko na eh. Pagod na ko. Kaya umupo na ko at
pinilit ang sarili ko na tumigil na sa pag-iyak.

Nang humihikbi na lang ako, natulala naman ako at napaisip.

Wala na kong gagawin dito sa Italy.. Dapat umuwi na ko.. Dapat ayusin ko na lang
ang buhay namin ni Andy tulad ng ginagawang pag-
aayos ni Adrian sa buhay ng magiging pamilya nila ni..ni Myra.

Tama.. Di ko na rin dapat hintayin yung oras na kakausapin pa ko ni Adrian para


lang sabihin yun sakin.. Ayoko.. Ayoko nang umiyak
ulit, lalo na sa harapan nya..

"Rachellyn, hija?" kumatok si Tita Lucia sa pinto nitong guest room.

Napatayo naman ako at pinunasan ang mukha ko gamit ang mga kamay ko.

"A-Ah Tita Lucia? Ready na po ba yung dinner?" tanong ko.

"Oo eh.. Hmm.. Tsaka--"

"S-Sige po. May inaayos lang po ako. Bababa na lang po ako maya-maya."

Hindi na sumagot si Tita Lucia.

I sighed. Nahihiya ako kay Tita Lucia. Pero kasi, ayokong humarap sakanya nang
ganito ako. Mas nakakahiya yun.

"Sige hija.." biglang sabi ni Tita Lucia. Akala ko naman nakababa na sya! "Bababa
na ko ah?"

"O-Okay po Tita. Thank you."

Di na ulit sya sumagot. Siguro naman ngayon, nakababa na sya.

Muli kong inayos ang sarili ko sa tapat ng salamin. Tapos huminga ko nang malalim.

Nakapag-decide na ko..

Babalik na ko ng Pilipinas, ngayon din.


Pinatong ko na ang shoulder bag ko sa ibabaw ng maleta ko tsaka ko yun hinatak.

Mabait si Tita Lucia kaya for sure, maiintindihan nya tong gagawin ko kahit hindi
na ko masyado mag-explain sakanya.

Binuksan ko na ang pinto nitong guest room at.. at tumambad naman sakin ang
seryosong pagmumukha ni Adrian!

*budum*budum*budum*budum*
B-BAKIT SYA NANDITO?!

Tinignan nya ang maletang hatak-hatak ko tapos binalik agad ang tingin sakin.

Walang nagsasalita samin. And our silence makes my heart beat faster.

Wala pa ring sabi-sabi ay lumapit sya sakin at marahan akong tinulak papasok ng
kwarto. Tapos nilock nya yung pinto!

"A-Adrian? Ano ba?" gusto ko sanang lakasan ang boses ko pero di ko kaya. I'm too
tired to do it so.

"Di ka pwedeng umalis. Mag-uusap pa tayo." malamig nyang sabi at humarang pa talaga
sya sa pintuan!

"Adrian.. Please.. I.. I swear, we don't have to talk anymore.."

"KAILANGAN NATING MAG-USAP. KAILANGAN KONG IPA--"

"WAG NA ADRIAN, PLEASE." mariin kong sabi. Ayoko na ngang pag-usapan pa yun kasi
ayoko nang umiyak.

"PERO CHELLE, YUNG NAK--"

"N-NAIINTIDIHAN KO NA ADRIAN."

He narrowed his eyes to me. Malamang naiinis na sya sa kanina ko pang pagputol sa
sinasabi nya.

"Naiintindihan ko na.. Kaya ko yung intindihin, kaya ko yung tanggapin k-kahit..


kahit hindi ka na mag-ex--"

Pagsasalita ko naman yung naputol dahil mabilis syang lumapit sakin at hinawakan
ang magkabilang pisngi ko sabay HALIK sakin! SA
LIPS!

"MM?!" tinulak ko sya at binira sa dibdib pero wala! He was too strong! Plus I was
already tired..

Nagpatuloy sya sa paghalik sakin kahit ba hindi ko yun sinasagot. He was just
forcing his lips on mine.

His kiss, it was rough.

But to think that it's Adrian who's kissing me now.. Na..nakakawalang-gana lang
magprotesta..

Hindi ko na sya matiis. My lips finally gave in. Kusa silang kumilos para sagutin
ang paghalik sakin ni Adrian.

Yung pagka-rough ng halik nya kanina, unti-unti nang nawala. It has become gentle
and very passionate now, with my arms ended up
clinging around his neck.

Nilaliman nya pa ang paghalik sakin kasabay ng pagbuhat sakin paharap.


Di ko na pinansin kung saan nya ba ko balak dalhin. Basta ang gusto ko ay halikan
lang sya. Eh sa na-miss ko sya ng sobra eh! I
missed his kiss, his touch, his embrace..

Inihiga nya ko sa kama with him on top of me. That was when he already stopped
kissing me.

Nilapat nya ang noo nya sa noo ko at tinitigan ako nang seryoso.

"Ano Chelle? Magsalita ka pa.." habol hininga nyang sabi. "Wag mo ko ulit patapusin
sa gusto kong sabihin at.. at hindi lang halik ang
gagawin ko sayo sa susunod.."

My eyes widened at his threat. My heart rumbled not in fear.

NOT IN FEAR? EH ANO TOH? NAEEXCITE PA KO?

Oh God, this is wrong.. Very wrong!

"H-HINDI PWEDE." I felt my eyes getting teary as I held on his shoulders to push
him away.

He groaned. "Ang tigas ng ulo mo Chelle."


"Adrian naman kasi.." naiyak na ko. "Sabi ko naman diba? Maiintindihan at
matatanggap ko yun kahit di ka mag-explain. So
please..bumalik ka na kay Myra.. Wag mo pasamain ang loob nya kasi..kasi makakasama
yun sa baby nyo.."

Ngumiti sya at pinunasan ang mga luha ko. "Tama nga si Myra.. Yun nga ang iniisip
mo.."

"H-Huh?"

"Iniisip mo na anak namin ang pinagbubuntis nya.."

"Bakit, hindi ba ah?"

Natawa sya. "Hindi. Anak nila ni Jude yun."

O___o

Anak nila ni JUDE?

"Alala mo pa si Jude?" tanong nya. "Yung barkada ko at kaklase mo dati sa ilang


subjects.."

"Yung.. Yung cute na may dimples?"

"Tss. Di sya cute! Pero oo, may dimples sya."


Natahimik ako. Si Jude at si Myra.. Naging sila pala?

"Hanep yun si Jude eh noh.." natatawa pa rin sya habang pinagdikit ang mga ilong
namin. "Di ko akalaing titirahin nya si Myra
pagkatapos ng gulong nangyari satin noon sa clubroom.."

TITIRAHIN? Ano ba namang term yun! >///<

"Pero, buti na lang at nangyari yun sakanila. Maganda kasi ang naging kinalabasan
nun. Naging masaya si Myra. Masaya na sya
ngayon kay Jude at sa magiging anak nila."

W-Wow.. Somehow, naramdaman ko ang saya na tinutukoy ni Adrian.

"At kanina, nagkita lang kami ni Myra kasi may pinabibigay si Jude sakanya. Yun
lang yun, Chelle. Yun ang totoo kaya sana.. sana
paniwalaan mo ko.."

Tumingin ako ng diretso sakanya. Nakita ko ang pagsusumamo sa mga mata nya.

"Na.." hinawakan ko ang mukha nya. "Naniniwala ako sayo, Adrian.."

He smiled and held my one hand that was on his cheek.

"And.. And sorry.." uh-oh, naiiyak na naman ako.

"Oh? Sorry naman saan?" again, Adrian wiped away my tears.

"Kasi..nung tinanong mo ko noon kung..kung mahal kita.. ang sinagot ko, hindi..
Pero di naman yun totoo eh.. Nagsinungaling ako sayo
kaya..kaya ito..nagkaganito tuloy tayo nina Andy.."

Di sumagot si Adrian. He only kept on wiping my tears.

"Adrian, ikaw talaga ang mahal ko at.. at tulad mo, gusto ko ring mabuo ang pamilya
natin.. Pupwede pa ba yun?"

At last, he looked me in the eyes.

"Pwede bang bumalik ka na sa Pilipinas kasama ko? Namimiss ka na ng anak natin eh..
Namimiss na rin kita.." he sighed. "Adrian,
please.. Matagal ang two years.. Andy and I can't wait that long for you to come
back.. Masyado yung matagal at mahirap.."

"Two.. TWO YEARS?" he asked with one brow up. "SINO MAY SABI NUN SAYO?"

"Si.. Si Ate Hazel.."

"Ugh. Lokaret talaga yun." inis nyang sabi.


"A-Adrian? Wag ka magalit kay Ate Hazel kung sinabi nya yun sakin.."

"Hindi, hindi.." naiinis sya pero bigla syang natawa! "Tsk.. Haha.. Bwiset.. Di
naman kasi ako magtatagal dito ng two years, Chelle.
TWO WEEKS lang ako dito."

O_______O

"Two weeks lang kasi 12-day program lang naman ang inatenan namin dito. Uhm, di mo
ba yun alam? Nakapost yun sa bulletin natin
sa school ah."

Sa bulletin namin sa school.. 12-day program.. AH! OO! Yun yung pipili raw yung
school namin ng 5 students from Arki department para
pumunta dito sa Italy at pag-aralan ang Italian architecture kasama ang iba pang
arki students from South-East Asia!

Ang galing.. Isa pala si Adrian sa napili.. *o*

Bigla na naman syang natawa. Siguro katawa-tawa yung naging reaction ko! >.<

"T-TABI NGA!" tinulak ko sya.

Umalis na sya sa ibabaw ko pero natatawa pa rin sya! >3<

"S-Sorry.. Hehehe.." pinipilit nyang tumigil sa pagtawa. "Kasi naman yung si Ate
Hazel.. Nakakabwiset na ewan.. Ang bingi-bingi lang..
Tapos ikaw..di mo man lang ba naisip na hindi ko kayang gawin yun? Hindi ko kayang
lumayo sa anak natin ng two years noh. Tsaka
kailangan ko pang umattend sa recognition nya. Aakyat kaya ko ng stage at sasabitan
sya ng medal."

Gusto kong ngumiti. Nakakatuwang malaman na di nya pala kayang lumayo kay Andy nang
sobrang tagal at plano nya talagang
umattend sa recognition nito. Pero di ako makangiti! Nakakainis kasi sya!
Pinagtatawanan pa rin ako!

"Psh.. Buti naman kung ganun.." yan na lang ang nasabi ko tapos tumayo na ko.

"San ka pupunta?" tanong nya.

"Babalik na ko ng Pilipinas. Two weeks ka lang naman pala dito eh. Hihintayin ko na
lang ang pag-attend mo sa recognition ni Andy."
naglakad na ko palapit sa maleta ko nang..

Nang iyakap ni Adrian ang isang braso nya sa tyan ko at hinatak ako pahiga ulit
dito sa kama!

"HINDI KA AALIS, CHELLE." pumaibabaw na naman sya sakin.

*BUDUM*BUDUM*BUDUM*BUDUM*

EH ANO BAAA.. >//3//<


BALAK NYA BANG ITULOY YUNG BANTA NYA KANINA?!
"Sabay na lang tayo umuwi sa kamakalawa.. Sa ngayon, samahan mo muna ko dito sa
Italy.."

"Pero.." I stopped when I saw him pout like a child-- like OUR baby Andy to be
exact.

"Please Mommy Chelle.. Wag mo ko iwan.."

I laughed, pinching his cheeks. "Oo na.. Hindi kita iiwan.."

He smiled and gently touched his lips with mine.

"Thank you Chelle, for giving me another chance to be with you." binigyan nya ko
ulit ng isang mabilis na halik. "I love you.. So much.."

"And I love you much more, Adrian.."

Nagngitian kami and we shared another kiss-- longer, sweeter and oh-so-demanding
kiss.

Mula labi ko ay napunta ang halik nya sa pisngi ko. His lips traced my jawline
while he was removing my scarf. Pagkaalis nya sa scarf
ko, hinalikan na nya ang leeg ko.

But then he stopped at nilapit nya ang bibig nya sa tenga ko. I could feel his warm
breath there and it was pretty tingling.

"Hindi na Chelle.." bulong nya. "Hindi ko na hahayaang may mangyari ulit satin..
Ayoko na.."

W-WHAT?

Naestatwa ako sa sinabi nya.

Hindi na raw nya hahayaang may mangyari samin ulit.. Ayaw na raw nya.. PERO BAKIT?
Ayaw na ba nya sakin? Pero kanina sabi nya,
mahal nya ko ah! Ano na bang totoo? =/

Hinarap na nya ko. His eyes were looking at me very seriously.

"Ayoko nang matakot ka ulit, Chelle kaya wala nang mangyayari satin ulit. Wala
hangga't di pa nagiging Guillermo ang apelyido mo--
ang apelyido ninyo ni Andy."
Oh... Okaaay..

Feeling ko, namumula ang mukha ko ngayon..

Did.. Did Adrian just propose to me?


"Uhm.. Should I take that as a.. a MARRIAGE PROPOSAL?" tanong ko sakanya.

"Hmm.." he looked heavenwards. "NO."

PSH.. Natuwa pa ko, hindi naman pala.. = 3=

"Wala kong singsing kaya di natin yun matatawag na marriage proposal. Pero.. sa
sinabi kong yun.. gusto ko lang ipahiwatig sayo na.."

Adrian took a very deep breath before continuing..

"Na kahit hindi pa ko nagpopropose sayo.. Na kahit hindi pa tayo kinakasal eh akin
ka lang.. Akin lang kayo ni Andy at hinding-hindi ko
na kayo papakawalan pa ulit.."

I smiled, VERY WIDE, as I hugged this man on top of me very tight and closed my
eyes to feel his kiss on my forehead.

"Don't worry Adrian.. Our baby and I are all yours.. Forever, and only yours."

xxxxxx

xEPILOGUE.

[RACHELLYN's PoV]

"WAAAH~" sabay at nakangiting sigaw nitong mag-ama ko habang nakahawak at nakadikit


ang mga tenga nila sa tyan ko--
Sa MALAKING tyan ko pala. ^___^

Kasalukuyan kasi akong buntis. Actually, I'm 38 weeks pregnant na sa 2nd baby namin
ni Adrian and.. I'm already due to give birth
next-next week!

"MOMMY!" tawag sakin ni Andy. "NAG-GALAW PO ULIT SYA!" *o*

"Ang galing. Talagang pag ganitong oras sa umaga eh naglilikot bunso natin noh?"
ngiting-ngiti na sabi ni Adrian sabay himas sa tyan
ko.
Ako naman, ngumiti rin at naki-himas sa tyan ko.

"TSS.. ITONG MAG-AMA NA TOH.." bigla at parang naiinis na sabi ni Ate Hazel. Umupo
sya sa sofang nasa tapat ko. "KUNG MAKA-
REACT, PARANG NGAYON LANG NA-FEEL SUMIPA YUNG BABY EH KADA UMAGA AT KADA GABI NAMAN
NARARAMDAMAN
NYO YAN." =___=

Nakangiti syang nilingunan ni Adrian. "Hinding-hindi mo kami maiintindihan, Ate


Hazel. Hinding-hindi naman kasi magkakalaman ng
bata yang tyan mo, di tulad ng asawa ko."

Naku po. Mag-aasaran na naman po itong magpinsan. ^___^'

"HUH~ HINDI TALAGA ADRIAN DAHIL WALA NAMAN AKONG BALAK NA MAGKAROON NG BATA SA LOOB
NG TYAN KO NOH."
mataray na sagot ni Ate Hazel kay Adrian.

"Aba, dapat lang na di ka na magkaroon ng ganung plano dahil wala namang papatol
sayo para lagyan ng bata yang tyan mo." HAY
ADRIAN! Mapipikon mo si Ate Hazel nyan eh! >___<
Pero nagulat naman ako nang hindi na sumagot si Ate Hazel kay Adrian. Ngumiti lang
sya. Mapang-asar na ngiti. O.o

"Ah, Pa." tawag ko kay Adrian bago pa sya makapang-asar ulit kay Ate Hazel. "Mag-
7:30 na, baka ma-late kayo ni Andy."

"Oo nga noh?!" napatayo na si Adrian mula sa pagkakaluhod. "Nak, tara na!"

Umalis na sa tabi ko si Andy at inalalayan ako ni Adrian na tumayo.

"HAAY SA WAKAS AALIS NA ANG MAG-AMA.." nagrelax sa sofa si Ate Hazel at parang
matutulog.

"Yaan mo Ate Hazel, babalik ulit kami mamaya para asarin ka. HAHAHA" Adrian talaga
oh. =3=

Tinuturuan nya kasi minsan si Andy na mang-asar din kay Ate Hazel kaya ayan,
nadadamay na anak namin sa asaran nilang mag-
pinsan.
Medyo nahihiya nga ko kay Ate Hazel eh. Inaasar pa sya ng mag-ama ko samantalang
hinihingian namin sya ng pabor para bantayan
ako dito sa bahay habang busy sa work si Adrian.

"Ako na dito nak. Kiss mo na si Mommy." sabi ni Adrian kay Andy. Nagtutulungan kasi
sila lagi sa pagbukas at pagsara ng gate namin
twing lalabas yung kotse ni Adrian.

"MOMMYY! BYE PO!" paalam ni Andy.

6 years old na si Andy kaya naman tumangkad na sya kahit papaano. Dahil dun, unting
pag-lean down na lang ang ginawa ko para
halikan sya.

"Bye baby ko.." paalam ko sakanya.

"MOMMY?! KUYA NA PO AKO!" >o<

Natawa ko pati si Adrian na papalapit samin. Lagi ko pa rin syang natatawag na baby
kahit matagal na naming napag-usapan na KUYA
na ang itatawag sakanya.

"Sorry pero gusto pa rin kitang tawaging baby eh.." kinurot ko ang pisngi nya.

"EHH MOMMYY? SYA NA PO BABY NATIN!" hinawakan nya ang tyan ko.

"Eh oo nga.." hinawakan ko rin ang tyan ko. "Sya na nga si baby natin.. si BABY
BUNSO. Ikaw naman si BABY KUYA. Diba?"

Andy blinked his eyes at me na para bang pinag-iisipan nya ang sinabi ko.

"Tama si Mommy, nak." Adrian patted Andy's head, controlling his laugh. "Ikaw ang
baby kuya namin at sya naman ang baby bunso."

"OOH... OKAY!" hinalikan ni Andy ang tyan ko. "BYE BABY BUNSO! MAG-SCHOOL NA SI
BABY KUYA!" ^O^
Tapos nun ay tumakbo at sumakay na sya sa kotse naming nasa labas. Naiwan kami ni
Adrian na natatawa.

Si Andy.. Medyo nagbago na nga ang height at way ng pananalita nya pero ang level
ng kalikutan nya..naku. Ganun pa rin.

"Ayaw mo pa rin syang pakawalan bilang baby ah?" sabi ni Adrian.

I pouted. Totoo yun eh. Magiging kuya na si Andy pero gusto ko, baby ko pa rin sya.
Kahit pa tumanda na sya, baby ko pa rin sya. >3<

Hinarap ako ni Adrian at hinawakan ang mga pisngi ko. Hihi. Naiipit namin ang bunso
namin.

"Asawa ko.." malambing nyang tawag habang inaayos ko naman ang kwelyo ng polo nya.
"Aalis na kami."

I smiled, nodding. "Hm. Ingat kayo."

Adrian then kissed me. It was a long sweet kiss, followed by three more quick
kisses.

"I love you Mrs. Guillermo." sabi nya with a smile.

"And I love you too, Mr. Guillermo."

He kissed me again on my forehead then knelt down to kiss my tummy.

"Bye baby bunso." hinimas nya yun pagkahalik nya. "Wag na masyadong sumipa ah para
di mahirapan si Mommy."
Natawa na lang ako. Araw-araw bago sya umalis, ganyan lagi ang paalala nya sa
magiging bunso namin.

Before totally leaving, Adrian gave me another kiss on the lips. Nakakarami na sya
ngayon ah! Pagkagising na pagkagising palang
namin eh hinahalikan na kaya nya ko. =///=

Pinanood kong makaalis ang kotse nya. Tapos ay pumasok na ko dito sa bahay namin.
DITO.. Dito sa bahay na toh kung saan nagsimula ang pangarap namin na bumuo ng
pamilya.

At ito na kami ngayon. We're already living here as a happy family-- A HAPPY FAMILY
na madadagdagan na ng isa pang myembro.
^___^

Si Ate Hazel, busy maglaptop sa dining room habang kumakain. Yan na lang ang
pinagkaka-abalahan nya habang binabantayan ako.
Career woman si Ate Hazel eh. Hindi na nga sya nagtatrabaho sa labas pero ayan, may
online job naman sya.

Umakyat na lang ako sa kwarto namin ni Adrian. Nagtiklop ako ng ilang damit namin
at nagligpit ng mga kalat.

Hindi pa ko nakuntento pagkalinis ko sa kwarto namin. Gusto ko pang kumilos nang


kumilos eh. Kaya sa sala naman ako naglinis.

Nagligpit ako ng mga laruan at libro ni Andy na nakakalat dito. Ay, ano ba yung
baby kong yun! Pati yung photo albums namin,
kinakalat!

Liligpitin ko na sana itong mga album kaso..naano naman ako na tignan sila. Kaya
umupo ako sa sahig at binuksan ang isa sa mga
album sa ibabaw ng center table.
Sa album pala na toh nakalagay yung pictures namin ni Adrian nung nasa Italy kami
more than 2 years ago-- nung sinundan ko sya
para magka-ayos kami. We spent our last day there sa pag-gala kaya nakakuha kami ng
ng maraming pictures.

Napangiti ako at himas sa tyan ko. Ang saya lang isipin na naayos din ang problema
namin noon.

Sa album rin na toh nakalagay yung recognition pictures ni Andy that year. First
honor sya dito eh! Si Adrian nga ang umakyat ng stage
at nagsabit sakanya ng medal kahit ang gusto ko sana eh ako. Ginawa lang nila akong
photographer noon. T3T

Okay, next album naman. Dito.. Ooh.. Hehe.. 21st birthday ni Adrian nung May ng
taong din yun. Pati yung 21st birthday ko rin nung
July. Eh mas maganda ang pictures nung birthday ko! May surprise kasi sakin nun si
Adrian. Kinantahan nya ko sa school namin at
ginawa nya yun sa tapat ng maraming tao! Then after singing, he.. he finally
proposed to me.

Psh.. Nakakaramdam pa rin ako hiya twing naaalala ko yun pero syempre, mas
nangingibabaw palagi ang tuwa at kilig. :')

Nasa album din pala na toh ang 5th birthday ng baby namin! He celebrated his
birthday again in school together with his KINDER
classmates. Kaso, yung 3 girlfriends nya nung nag-4th birthday sya, naging LIMA na!
>___<

Ngayong grade 1 na sya..di kaya madagdagan pa ang girlfriends nya? WAAAA~ WAG
SANA.. >3<

Nang tapos na ko sa 2nd album, agad kong iniscan yung pangatlo.


Nandito naman ang pagcelebrate namin ng Pasko. Nagpasko kami kina Mama Margie kaya
nagkaroon kami ng extended family
picture. Here, Mama Margie was on the middle, kandong nya si Andy sa sofa. Nasa
magkabilang side nya naman kami ni Ate Hazel at
si Adrian ang nasa likod! ^___^

Nung new year naman..medyo magulo mga kuha dito. Sa bahay kasi nina Dad ko kami
nag-new year. Nandito rin si Mom non. Yun na
kasi yung time na ipapakilala ko sakanya si Adrian bilang tatay ng anak ko at
bilang mapapangasawa ko. Natawa pa nga Mom ko kasi
di raw sya naaalala ni Adrian. Kwento nga nya diba, nagkita at nagkausap na sila
noon but Adrian had no idea that it was her who he
was having a chat with. Ah! Kasama rin pala namin si Mama Margie dito! And guess
what..sobrang nagkasundo sila ng Mom ko sa
maraming bagay. ^w^

Also in this album are.. our graduation pictures! First is yung graduation ni Andy
bilang kinder student and again, he was first honor!
That time, kaming dalawa na ni Adrian ang umakyat ng stage at nagsabit sakanya ng
medal. Well, Adrian and I are very proud parents.

Then, sumunod ang graduation namin ni Adrian. Sabay kami nag-graduate kaya marami
kaming kuha na magkasama at nakatoga. At
PROUD ako ah! Kasi gumraduate si Adrian bilang magna cum laude! Ang galing nya
talaga diba.. *o*

But the cutest picture on this album is this.. Ang family picture naming tatlo nang
naka-toga. ^O^

Next album! Ehh.. Naeexcite ako.. Hihi. Kasi naman, WEDDING ALBUM NAMIN TOH!

June after we graduated, Adrian and I had a church wedding with a color theme of
pink and blue. Dinaluhan yun ng mga kaibigan
namin, even Millie and Levi with their baby Demi. Sila ang dapat ang best man at
maid of honor kaso di pwede si Millie. Dapat daw kasi
SINGLE ang maid of honor kaya si Ate Hazel na lang ang pinili ko.

Nandun din sina Myra at Jude with their baby boy named Marco. Ang cute ng baby
nila! My dimples like Jude! And.. Hmm..pati si CJ,
umattend ng kasal namin.

Wala naman nang ilangan samin ni CJ eh, not even to Adrian. In fact, we're all in
very good terms. DADDY pa nga rin sya kung tawagin
ni Andy which neither of us do mind. Pero sa ngayon, mahigit isang taon nang nasa
Amerika si CJ. Inaasikaso nya ang business nila
doon eh. Even so, nagbabalitaan at kamustahan pa rin kami through online and
sometimes, through phonecall. Kaya naman alam
nyang buntis ako at malapit nang manganak.

Napangiti naman ulit ako ng todo nang makita ko ang picture na toh nina Andy at
Demi. Stolen toh eh. Si Ate Hazel yata ang may kuha.
Ay basta, ang ganda kahit ba nakatalikod sila. Magka-holding hands kasi sila at
parang may pinag-uusapan. Si Andy naka-smile
habang si Demi..oh well..masama ang tingin at nakapout kay Andy. X3

Then ito na..mga picture namin ni Adrian during and after the ceremony. Nandito
yung nung nag-exchange vows kami, nagsuot ng
wedding rings and of course, yung wedding kiss! Meron ding group and family
pictures pero ang the best ay ang kuha na toh kung
saan buhat ng groom ang baby namin at nakayakap naman akong bride sakanila. ^o^

PERFECT. Lahat ng kuha naming tatlo, perfect para sakin.

Kahit nung honeymoon namin ni Adrian sa Boracay, kasama namin si Andy. Andy always
have to be with us because he's OUR BABY.
Adrian and I will never be complete without him.

At dahil kasama ang anak namin sa honeymoon namin, medyo nagkaproblema kami
nung..nung gabi. Pero si Adrian pa..syempre
nakagawa sya ng paraan. ^///^

"Aw.." napahawak ako sa tyan ko. Sumakit eh. Sumisipa na naman yata ang bunso
namin. "Baby bunso? Ramdam mo ba ang kilig ni
Mommy?"
Hinimas ko sya hanggang sa mapawi yung sakit. Then niligpit ko na yung mga albums.
Magpapahinga na ko.

Hmm.. Itong bunso pala namin, ano kayang gender nya? Di pa namin alam eh kasi
sinunod ni Adrian ang gusto ko na di muna yun
alamin. Ang gusto ko kasi eh after ko pa manganak malalaman kung baby girl ba sya
or baby boy para exciting!

Although, may kapalit yung request kong yun kay Adrian. At yun ay sya raw ang
magpapangalan dito sa bunso namin.

UH-OH. Sumasakit ulit ang tyan ko.

Napaupo ako sa sofa at muling hinimas ang tyan ko kaso..


"AHHH.." di ko na napigilang umungol kasi lalong tumitindi yung sakit! >___<

INHALE, RACHELLYN.. THEN EXHALE.. HOO..

"A-ARAAAY.." EH MASAKIT TALAGA! AS IN EVERY SECOND, IT'S GETTING MORE PAINFUL! "A-
ATE HAZEL! ATE.. ERR.. AHH!"
>___<

"Ano yun Chelle?" lumabas mula dining si Ate Hazel pero napahinto sya. "OW HINDI
CHELLE.. W-WAG MO SABIHING MA-
MANGANGANAK KA NA? HINDI PA, D-DIBA?" niwewave nya kamay nya as if for me to say
no.

"Uhm Ate Haze.. ARGH.. AHHHH.."

"AHHHH!" sigaw naman ni Ate Hazel. "ADRIAN, ASAN KA NA BA?! AHHHH! A-ANO NA BANG
GAGAWIN KO! UH, A-ANO, T-TEKA
LANG CHELLE!"

Nagmamadaling umakyat ng hagdanan si Ate Hazel. Naku naman. Kailangan ko nang


pumunta sa hospital!

Buti naman pala pagbaba nya ay may dala syang bag. Yun yung bag na hinanda na namin
ni Adrian para sa panganganak ko. Di ko
naman akalain na magagamit ko yan ng mas maaga.. >.<

Ate Hazel assisted me on the way out of our house until she made me get on the
passenger's seat of her car. Ako naman, sobrang
namimilipit pa rin sa sakit.

Nang magsimula na sa pagdrive si Ate Hazel, nanginginig syang gumamit ng cellphone!


DELIKADO TOH AH!

"LINTEK ADRIAN, SAGUTIN MO!" tinatawagan nya pala si Adrian. "AH! AYOWN! ADRIAN! S-
SI CHELLE! PAPUN-- AY! I-IKAW PALA
YAN CJ! TAKTE!"

O___o

SI CJ? Si CJ ang natawagan nya?


"SI ADRIAN DAPAT TATAWAGAN KO EH! M-MANGANGANAK NA KASI SI CHELLE AT-AT-AT PAPUNTA
NA KAMING HOSPITAL!"

Nagkakausap pa pala sila ni CJ? Akala ko wala na eh after nung pag-aalaga nil akay
Andy 2 years ag-- UGH! ANG TYAN KO! >___<

"O-OKAY SIGE.. HOO.. HMMM.. HOO.. N-NAIINTINDIHAN KO NA.. BASTA AH, IKAW NA BAHALA
CJ.. AASAHAN KITA DUN AH? B-
BYE." binitawan na ni Ate Hazel ang phone nya. "CH-CHELLE? RELAX LANG AH? MALAPIT
NA TAYO SA HOSPITAL. S-SI CJ NA
RAW ANG BAHALA KAY ADRIAN."

"AHHHH MMM.." napaungol na naman ako sa sakit!

"AHHHH CHEEELLE! W-WAG KA GUMANYAN! N-NAAANO AKO EH!" >___<

"Oh.. Oh My God Ate Hazel.."

"WAG KA MUNA MANGANAK CHELLE! P-PLEASE! HIHIMATAYIN AKO P-PAG DITO KA MANGANAK!"

"N-NO ATE PERO.. UGH.. YUNG WATERBAG KO.."

[ADRIAN's PoV]

"Good morning." biglang bati sakin ng isang lalaki na nasa early 50's. Naka-formal
attire sya at tamang kakapasok lang nitong cake &
coffee shop.

Tumayo ako at nakipagkamay sakanya. "Good morning, sir."

Wew. Relax Adrian! Kaya mo yan!

Medyo kinakabahan ako kasi first time ko mapili sa firm namin para maging
coordinator ng isa sa mga project ng kliyente namin. At
itong kliyente na napunta sakin ay isang big time, pero retired na, na engineer!
Ngayon naman, nagkita kami para interview-hin nya ko
for that position.
"I'm Alexander." pakilala nya. "Retired Engineer Alexander Buenavista. But just
call me Sir Alex."
"Sir Alex.. I'm Architect Adrian Louis Guillermo." sagot ko tapos nagbitaw na kami.

"Have a seat, Archt. Guillermo."

Sabay kaming umupo. Akala ko iinterview-hin na nya ko agad pero nag-excuse sya na
kakain daw muna sya. Di pa raw kasi sya nag-
aalmusal. =___=

Niyaya nya rin akong kumain nung ano..strawberry cake. Tinanggihan ko sya. Eh kasi
naman, tignan ko pa lang yung strawberries sa
ibabaw ng cake na inorder nya eh nasusuka na ko.

Strawberries.. Yan kaya ang pinaglihian ni Chelle. Sya ang naglihi pero nadamay
ako. Twing kakain kasi sya nyan noon, lagi syang
tatabi sakin tapos isusubo sakin lahat ng strawberry na hindi nya gusto ang shape.
Eh karamihan pa naman sa nabibili namin, hindi
perfect strawberry-shaped kaya ako tuloy ang nakakain ng marami! Di ko naman sya
matanggihan..syempre, naglilihi nga eh.

Matagal-tagal na rin nang tumigil na si Chelle sa paglilihi pero yung tyan ko,
parang puno pa rin ng strawberry. =___=

Matapos kumain nitong si Sir Alex, interview proper na kami. Inuna nyang icheck ang
portfolio ko na naglalaman ng mga projects na
tinrabaho ko nitong nagdaang taon.

"Hmm.. Nice.. Very nice.." tumango-tango sya. "Seems like everything I've heard
about you is true. Ikaw nga ang top architect sa firm
nyo."

Medyo natawa ko. "That's an overstatement, sir. Nag-uumpisa palang po ako sa sa


firm namin."

Ngumiti sya at sunod na chineck ang resume ko. "Guillermo, Adrian Louis..hmm.. Oh,
you're married?"

"Yes, sir. Happily married."

"Got kids?" tumango ako. "How many?"


"One, sir. Ah, no, going two na po pala."

"Wow." natawa sya at binaba ang tingin sa binabasa nya.

Nanliit ang mga mata nya bigla na para bang may nabasa sya na..na hindi nya gusto?
Eh ano naman kaya yun? Wala namang kung
ano dun sa profile ko ah.

"Hmm.." umubo sya at tumingin sakin ng diretso. "Your mom's name is.. Margaret
Guillermo."

"Yes, sir."

"Uhm.. Do you mind if I ask you about..your father? Hindi kasi nakalagay ang
pangalan nya dito."

"Ah." napangiti ako. Napansin nya pala yun. "No, I don't mind, sir. Well, hindi ko
po nilagay ang pangalan nya dyan kasi hindi ko naman
po sya kilala."

Err.. Natulala na sya sakin.


"My mom is a single mother, sir. Iniwan sya ng tatay ko matapos ng.. alam nyo na.
At mula po ng ipanganak ako ng nanay ko, wala po
syang binabanggit sakin tungkol sa tatay ko. Not even his name or whereabouts."
explain ko pa na sana ikakuntento na nya.

"Oh.." kumurap na sya at uminom ng kape. Tapos tinititigan ulit ako. "Uhm, one
last.. One last personal question, Archt. Guillermo."

"What is it, sir?"

"Are you mad at your father?"

Natawa ako dun ah! "S-Sorry sir.. Uh.. Hmm.. Honestly.. I'm not mad at him. Sabihin
na lang po natin na..wala na kong pakialam
sakanya. I have my own family now to think about and to take very good care of."

Dahan-dahan syang napangiti. "Well said, Archt. Guillermo."


Tumango ako. Tumayo naman na sya at nagbuntung-hininga.

"Shall we go now to the site?" tanong nya na ikinagulat ko. Pupunta na kami ng
site? Agad-agad? "Ah, I forgot to tell you. I'm already
hiring you as the project coordinator."

"T-TALAGA PO?!" tumango sya.

Eh sus naman! Kinabahan pa ko sa magiging interview nya sakin tapos yun lang yun?
HA.. HAHA!
Tumayo ako muling nakipagkamay sakanya. "THANK YOU, SIR! THANK YOU!"

**

Sa site na pagtatayuan ng commercial buildings na pag-aari ni Sir Alex, nakilala ko


ang team na makakatrabaho ko. Agad ko ring sinuri
ang buong site at ang design na napagkasunduan na nila. Tinanong naman ako ni Sir
Alex for suggestions kaya nagbigay ako. Buti
nagkakasundo kami sa mga ideya na meron kami para sa proyektong toh.

Busy kami mag-usap ng buong team kasama si Sir Alex, nang may tumawag sa cellphone
ko. Unregistered number yun. Tsk. Sino
kaya toh.

"Sagutin mo na yan, Archt. Guillermo. Baka emergency." sabi ni Sir Alex.

"Sige po.. Excuse me.." lumayo ako at sinagot ang tawag. "Hello. Sino toh?"

"Pare. CJ toh."

"Oh CJ? Nandito ka na sa Pinas?" gulat kong tanong. Alam ko nasa Amerika sya eh.

"Oo. But emergency first, Adrian." kinabahan naman ako bigla sa salitang emergency.
"Hazel's currently on the way to the hospital with
Rachel. Manganganak na raw ang asawa mo."

"A-ANO? E-EH NEXT-NEXT WEEK PA DUE DATE NYA AH?"


"Yes, it's still two weeks away pero pwede pa ring mapaaga ang panganganak nya or
even ma-late. Kay Andy nga, ganito rin. She gave
birth to him but just a week earlier than her due date."
"Ampotek.." napahilot ako ng ulo. Nakalimutan ko iconsider ang bagay na yun!

"Adrian, I'm hanging up now. Papunta na rin kasi ako dun sa hospital to assist
them."

"O-Okay."

"Hm. We're expecting you to be there."

"S-Sige.. Salamat.."

Nag-hang up na sya. Bumalik naman na ko kina Sir Alex.

Tsk. May pinag-uusapan sila tungkol sa project pero wala akong maintindihan. Laman
ng utak ko si Chelle ngayon at ang panganganak
nya.

Nung unang beses na manganak sya, wala ko sa tabi nya tapos ngayon, wala na naman
ako? Dapat kasama nya ko eh pero..tsk..

"Oh Archt. Guillermo, namumutla ka." bati ni Sir Alex. "Ah, may emergency noh? Yung
tumawag sayo?"

"O-Opo.. Yung..yung asawa ko daw po eh.."

"WHAT HAPPENED TO HER?" nag-aalala nyang tanong.


"M-Manganganak na raw po sya.."

"THEN WHAT ARE YOU STILL DOING HERE? GO TO YOUR WIFE NOW!"
O___o

"Uh eh paano na po yung trabaho ko dit--"

"Don't worry about your job! You're not going to lose it! Ang wag mong hayaang
palagpasin eh ang panganganak ng asawa mo! You
have to be there! She needs you!" para naman syang tatay na pinapagalitan ang anak
nya na nakabuntis! Ano ba toh!

"O-OPO! SIGE PO!" tumakbo na ko paalis nang may isigaw pa si Sir Alex.

"BALITAAN MO KO AH, ARCHT. GUILLERMO!"

Nagtataka akong napangiti sakanya. Ganun ba sya kabait para makibalita pa sa


problema ng isang empleyado nya?

Ah. Nagwave na lang ako sakanya at tumakbo na patungong kotse ko.

**

Sa hospital..

Naabutan ko si Ate Hazel na mag-isa na nakatulalang nakaupo sa isang silya sa


lobby.
"ATE HAZEL!" tumakbo ko sakanya. Sinimangutan nya ko. "A-ASAN SI CHELLE?!"

"ANDYAN SA LOOB! NAG-LE-LABOR PA RAW!" >.<

"A-Ah.." WEW! DI PA PALA SYA NANGANGANAK! "Geh, Ate Hazel. Salamat sa pagbabantay
sa mag-ina ko."

"TSEH! BWISET TOH.. DUN KA NA NGA! NAKAKALOKA KAYO!" >3<

Natatawa ko syang iniwan at pumasok sa katapat na ward kung saan.. GULP.


ANG DAMING BUNTIS AT LAHAT SILA, NAGLE-LABOR!

N-Nakakabaliw ah. Kaya pala dun sa labas nag-stay si Ate Hazel. Mas mababaliw sya
kung mananatili sya dito.

Nakita ko na si Chelle. Namimilipit syang nakahiga patagilid sa isang kama habang..


habang nasa tabi nya si CJ. Hawak nito ang
kamay nya.

Selos.. May unting selos akong naramdaman. Pero di yun sapat para pagdududahan ko
sila. Isa na kayang mabait na kaibigan ang
turing ko kay CJ.

"Adrian's here.." rinig kong sabi ni CJ kay Chelle.

"Pa.." tawag naman ni Chelle sakin nang lingunan nya ko. "Mmm.."
Kita ko ang sakit sa itsura ni Chelle. Parang pati ako, nahirapan sa nakita ko.

Bumitaw na si CJ kay Chelle at tumayo para paupuin ako ron.

"Chelle.." ako na ang humawak sa kamay nya na may wedding ring namin at hinalikan
ko yun. "Sorry ngayon lang ako.."

Ngumiti lang sya at pinanggigilang hawakan ang kamay ko.

"Pre.. Dun lang ako sa labas ah." paalam ni CJ. Tumango ako sakanya tsaka sya
umalis.

"Asawa ko.." tawag ko kay Chelle habang pinupunasan ang pawis sa noo nya. "Kaya mo
yan.."

"O..Oo naman.." pinipilit nya talagang ngumiti sakabila ng nararamdaman nya.

"Last na toh, Chelle.. Promise, last baby na natin yan.."


Natawa sya tapos huminga nang malalim. "Last? Pero diba.. anim na anak ang gusto
mo?"

"Talagang naalala mo pa yun?" natawa rin ako at hinalikan ulit ang kamay nya. "Pero
ayoko na nun Chelle. Kung ganitong hirap ang
pagdadaanan mo twing manganganak ka, wag na lang. Makukuntento na ko sa kung anong
meron ako. Makukuntento na ko sayo at
sa magiging dalawa na nating anak." hinalikan ko sya sa noo. "I love you Chelle.. I
love you. I love you."

"Mm.. I.. mm.. love you too Adrian.." natatawa pero namimilipit nyang sagot.
Maya-maya ay may dumating na nurse at chineck si Chelle. May sinabi sya.. Fully
dilated na raw sya at.. at READY NA FOR
DELIVERY?!

**

Sa delivery room, nanatili ako sa tabi ni Chelle. Gusto kong ishare nya sakin yung
hirap at sakit na nararamdaman nya ngayon. Kaya
hinahayaan ko lang sya na panggigilan ang kamay ko eh. Kahit nga idiin nya pa ang
mga kuko nya ayos lang. Walang-wala naman ang
sakit na toh kumpara sa sakit na nararamdaman nya.

At bilib ako sakanya. Hindi sya nasigaw sa panganganak eh. Puro ungol lang sya.

"A LITTLE MORE PUSH, MRS. GUILLERMO!" sabi nung doktora na nagpapa-anak sakanya.

"Unti pa, Chelle ko.." hinalikan ko ang kamay nya.

"A LITTLE MORE.."

"Ughh.. ADRIAAN.. MMM!" lumakas ang ungol ni Chelle at mas humigpit ang kapit sakin
tapos..

Nakarinig na ko ng iyak ng isang bata na nagpatibok nang napakabilis sa puso ko.


Rinig ko ang pagkatuwa nung doktora at ng
dalawang assistant nya.

"It's a baby.. BABY GIRL!" sigaw ni Doktora.


Nagkatinginan kami ni Chelle at nagngitian.
"Baby girl ang bunso natin.." bulong ko sakanya tapos hinalikan ko sya sa lips.
"Good job, Chelle.. I love you.."

Nakangiti lang si Chelle. Di na siguro sya makapagsalita sa pagod. Mapupungay na


nga ang mga mata nya at hinihingal pa sya.

"HERE'S YOUR NEW BABY GIRL!" binigay ni Doktora ang bago naming anak kay Chelle.

Nakabalot na sya ng isang malambot at pink na tela.

Umiiyak pa rin sya. Pero ang iyak nya, ang sarap pakinggan.

Grabe. Nang makita ko naman na sya.. Tsk. Wala na bang iingiti pa tong ngiti ko?
Ang saya eh! SOBRA!

"Shh.. Baby.." hinalikan sya ni Chelle. Syempre dapat ako rin!

Inalukan din kami ng picture nung mga assistant. Di kami tumanggi para naman may
remembrance kami.

"Mr. Guillermo, paki-fill up-an po toh." may inabot na papel at ballpen sakin yung
isa pang assistant.

Birth certificate pala toh. Hmm.. Ako nga pala ang magbibigay ng pangalan sa anak
namin..
Napangiti ako tapos.. nagsimula na kong magsulat.

"Pa.." tawag ni Chelle. "Ano ya-- AH! BIRTH CERTIFICATE BA YAN?!"

"Ahuh." sagot ko nang di tumitingin sakanya. Patuloy lang ako sa pagsusulat.

"Hala ka.. Di mo man lang ako kinonsult sa name na naisip mo.." >3<
Bumalik ako sa tabi nya. Tinatahian pa raw kasi sya kaya nandun pa sya.

"Late na para iconsult ko pa tong pangalan sayo pero..ito.." pinakita ko sakanya


ang sinulat ko. "Panget ba Mommy Chelle?"

"Guillermo A... AIA LYN? Aia Lyn.. May LYN at A.L. din ang initials like you and
Andy.. Ang.." napangiti sya. "Ang galing.."

"Syempre naman. Pinag-puyatan ko kayang isipin ang pangalan na toh." proud kong
sabi sabay halik sa noo nya.

**

"Nandyan na raw sila. Magpapark na lang." sabi ko pagkapasok ko sa private ward ni


Chelle. Sina Ate Hazel at CJ ang tinutukoy ko.
Habang nanganganak kasi si Chelle, umalis sila para sunduin si Andy at para kunin
na rin ang ibang gamit namin.

"Hihi.. Excited na ko sa magiging reaksyon ni Andy sa kapatid nya.." sabi nya


naman.

Ang tindi nitong asawa ko oh. Diba ang mga kapapanganak pa lang eh nakakatulog
agad? Sya hindi. Nakaupo pa nga sya sa kama oh
at maya't mayang inaayos ang damit ni baby Aia na nakahiga sa tabi ng kama nya.

Umupo ako sa tabi nya at tinitigan ang anak namin.

"Ang puti nya noh? Mana sayo." bati ko.

"Hmpf. Eh ito." tinuro nya ang lips ng natutulog naming anak. "Nakabuka habang
tulog oh? Mana sainyo ni Andy." =3=

Natawa naman daw ako dun. Mukhang magtatampo na naman sya sa mana-mana issue.

"Girl naman sya. Mana ang gender sayo." sabi ko.

"Hay.. Paglaki nya, malamang, sayo na naman pinakamag-mamana yan.. Kaliwete, may
talent sa pagdo-drawing, mahilig sa pancake
na may choco syrup.. PSH.. " =3=
"Ito naman oh, pinangungunahan ang bunso namin?" niyakap ko sya sa bewang at
nilapit ang mga labi ko sa tenga nya. "Pero kung
sakin ulit pinakamag-mamana si Aia..pwede namang gumawa ulit tayo ng isa pa na
magmamana naman sayo.."

"EHH~?! ADIK KA, ADRIAN!" namula ang mukha nya at kinurot ang pisngi ko. "SABI MO
LAST BABY NA NATIN SYA, DIBA?" >//3//<

"Ay. Oo nga pala. Hehe. Joke lang naman yung sinabi ko tungkol sa isa pa. Hehe."

"Talaga?" nalungkot sya. "Baka naman napipilitan ka lang kasi..nag-aalala ka


sakin.."
"Oo, nag-aalala ako sayo pero ayoko na talaga. Sabi ko nga diba, kuntento na ko
sainyo. Sapat na sakin na magkaroon ng isang
gwapong anak na lalaki, isang magandang anak na babae, at... at isang maganda at
mabait na asawa."

Natawa si Chelle. "Ako rin.. Sapat na sakin ang magkaroon ng isang gwapo na anak na
lalaki, isang magandang anak na babae, at
isang gwapo perooo..pft.."

Aba! Pinipigilan nyang tumawa!

"Pero ano huh?" dinikit ko ang noo ko sakanya.

"PERO PILYO NA ASAWA!" tuloy na nya sabay tawa.

"Pilyo pala ah.." hinatak ko sya sa bewang para mas idikit sya sakin.

"Adrian?!" mahina nyang sita. "Alam mo yan, di pa pwede! May sugat pa ko!" >///<

"Di pwede? Di ka ba pwedeng halikan?"

"Ah.. Yun lang pala eh.. Psh.." =//3//=

"Bakit? Ano bang inaasahan mo ah?" asar ko sakanya.

"Wala naman.." naku. Naasar na yata.


Tumawa na lang ako at hinalikan sya sa pisngi. "I love you Mommy Chelle.. Salamat
sa pagbigay sakin ng dalawang anak.."
Ngumiti na ulit sya sa sinabi ko. Hinayaan nya rin akong halikan sya sa mga labi
nya na sinagot naman nya.

*PAG!*

"ANDITO NA KA--" natigilan sa pagsigaw si Ate Hazel nang makita nya kami ni Chelle
sa ginagawa namin.

Kami rin, natigilan. Bigla-bigla ba namang pumasok at sumigaw ang lokaret na toh.

"T-TADU KA ADRIAN!" sigaw na nya ulit. "KAKAPANGANAK LANG NG ASAWA MO, BUBUNTISIN
MO NA NAMAN AGAD?!"

"LOKARET! NAGHAHALIKAN LANG KAMI EH!" sagot ko sakanya. Natawa naman ang asawa ko.

"HALIKAN.. TSS.. DYAN NAGSISIMULA YAN EH!"

"MOMMYYY!" pumasok dito nang tumatakbo si Andy. Hindi na sya naka-school uniform.
"WAAA~ YUNG TUMMY MO PO! SMALL NA!"
*o*

"Yes bab-- baby kuya." hinalikan ni Chelle si Andy pagkalapit nito sakanya.
"Lumabas na kasi si baby bunso.. Yun sya oh."

"WOW!" dumungaw si Andy sa higaan ng kapatid nya. "BABY BUNSO.. ANG SMALL MO.." *O*
"Hazel? Ba't ka nakaharang dyan?" boses ni CJ yun ah. Kararating nya lang at may
bitbit syang mga bag na alam kong kay Chelle.

"TRIP KO LANG! TSS.." umalis na sa pintuan si Ate Hazel at lumapit samin. Pati si
CJ lumapit at sinilip ang bagong baby namin.

"HELLO PLAYBOY'S BABY!" sigaw ni Ate Hazel! "Ay, tulog pala."


"Anong playboy's baby ka dyan?" medyo irita kong tanong sakanya.

Inirapan nya ko. "DUH? ANAK MO SYA EH. AT IKAW, ISA KANG PLAYBOY."

"Hindi na ko playboy, Ate Hazel." T___T

"LALALA~" amp! Umaarte sya na hindi nya ko narinig! "Once a playboy~ Always and
forever playboy~ LALALA~"

Natatawang yumakap sa braso ko si Chelle na para bang inaawat nya ko.

"Baby girl noh?" tanong ni CJ na natatawa rin.

"Oo." masayang sagot ni Chelle.

"Ganda ng lips nya ah. She got it from you Rachel." sabi ulit ni CJ.

"AT TALAGANG LIPS ANG UNANG NAPANSIN?" tanong ni Ate Hazel kay CJ.

"Oo. Bakit?" pagtataka ni CJ.


"Tss. Wala lang. Ano pala name nya ha Adrian? ADRIANA LOUISA ba?"

"Takte naman Ate Hazel." sagot ko sakanya. "AIA LYN pinangalan ko sakanya."

"Ooh.." yun na lang nasabi ni Ate Hazel.

"Beautiful name huh.." bati naman ni CJ sabay hawak sa kamay ni Aia. "Baby Aia.."

"BABY AIA?!" ulit ni Andy. "BABY AIA PO NAME NYA?!" *o*


"Yes, Kuya Andy." ginulo ni CJ ang buhok nya.

"Hihi.. GANDA PO NG NAME NYA.." ^O^

"Ang weird.." biglang bulong ni Ate Hazel. Napatingin kaming lahat sakanya.

"Anong weird?" tanong ko.

"Ah! Hehe.. Uhm.. Ano.. Si Chelle.. Kanina kasi hirap na hirap sya manganak tapos
ayan.. Ang saya na nya.. Parang wala syang sakit
na pinagdaanan kanina.." paliwanag ni Ate Hazel.

Nginitian sya ni Chelle. "Ganun po talaga yun, Ate Hazel. Basta pag nandyan at
makita mo na yung baby mo, talagang mababalewala
mo na lahat ng pinagdaan mo nung buntis ka."
Nagbuntung-hininga si Ate Hazel. "Para sayo siguro, ganun. Pero ako? Naku.. Hindi
na.. Ayokong pagdaanan yung pinagdaanan mo
kanina kaya hinding-hindi na talaga ko mag-aanak. EVER." =o=

"EHH?" malakas na nagreact si CJ kay Ate Hazel. Sakanya naman kami napatingin
lahat. "Paano na yun Hazel? Ayaw mo pero ako,
gusto kong magkaanak."

O______O

Di lang napalaki ang mga mata ko sa sinabi ni CJ. Napanganga rin ako.

"Uhh.. Hmm.." pasimpleng tumingin samin si Ate Hazel. Namumula sya! "Pa.. PAKE KO
BA SA GUSTO MO, CJ?! KUNG GUSTO MO
M-MAGKA-ANAK, EDI MAG-ANAK KA MAG-ISA MO!"

Tumingin ulit samin si Ate Hazel pero inalis nya agad ang tingin nyang yun.

"M-MAG.. MAG-C-CR AKO!" padabog syang naglakad palayo.

"ATE HAZEL! MAY CR PO DITO!" sigaw ni Chelle pero hindi sya pinansin ng lokaret
kong pinsan. Tumuloy sya sa pag-alis nitong
kwarto.

Si CJ naman, nakangiting umiling.

Nagkatinginan kami ni Chelle. At ang tingin namin, iisa lang ang tanong.

'ANONG MERON KINA CJ AT ATE HAZEL?'


"Uhm, sundan ko lang si Hazel ah." paalam ni CJ at naglakad na paalis.

"Teka, pareng CJ.." huminto si CJ sa pintuan nang tawagin ko sya.

"Bakit?"

"Nililigawan mo ba pinsan ko?" diretso kong tanong.

Ngumiti sya. "Hindi ah."

Napangiti rin ako at tumango. Kala ko type na nitong si CJ ang lokaret kong pinsan
eh. Pero napaka-imposible nga naman nun.
Masyadong matino si CJ para kay Ate Hazel.

"Matagal na kong tapos sa level na yun eh, Adrian." sagot pa ulit ni CJ na


ikinagulat ko. "So now, girlfriend ko na ang pinsan mo."

O______O

Binigyan nya ko ng isang napakalapad na ngiti bago tuluyang lumabas ng kwarto.

Nagkatinginan ulit kami ni Chelle. Natatawa sya habang umiiling.

"Wala kong alam dun, Adrian." sabi nya.


Natawa na rin ako at umiling. "Si CJ at si Ate Hazel.."
Natatawa talaga ko. Di ko maimagine eh! Pano kaya naging sila?!

Hinawakan bigla ni Chelle ang kamay ko at nirest ang ulo nya sa balikat ko. "Wala
man silang sinabi agad sakin tungkol sa relasyon
nila, masaya pa rin ako para sakanila. How about you, Adrian? Are you happy for
them?"

"Oo naman.." hinalikan ko sya sa noo. "Masaya rin ako."

Oo, masaya ako para sa lokaret kong pinsan dahil sa wakas, hindi na sya NBSB at
tatandang dalaga. Pero...

"HIHI! NAG-GISING NA PO SI BABY AIA!" sigaw ni Andy na nasa tabi pa rin ni Aia.

"Talaga?" lumapit naman sakanila si Chelle.

PERO mas masaya ako dahil kasama ko itong pamilya ko.

xxxxxx [ E N D . ] xxxxxx

You might also like