You are on page 1of 201

I Just Did (Saavedra Shade #4) by cinnderella

* EDITING SOME PARTS AND TYPING, THIS STORY IS CURRENTLY UNAVAILABLE *


URL: https://www.wattpad.com/story/79041610-i-just-did-saavedra-shade-4
Chapter 1
I Just Did
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events
and incidents are either the products of the author's imagination or used
in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or
dead, or actual events is purely coincidental.
x
This story contains explicit mature themes. This is not suitable for
person below 18 years old.
Read at your own risk.
Thanks for the cover
Chapter 2
Simula
Simula
Nakatulala ako sa ceiling, nag iisip pa ako kung papasok ako o hindi.
Kung papasok ako ay baka antukin lang ako sa klase ngayon, dahil talagang
puyat pa ako.
Wala pa akong katulog tulog. Kaninang alas sais ng umaga kami nakauwi
galing sa Nighlite. Party all night! Kasama ko ang mga kaibigan ko.
Humikab ako at nagtago sa ilalim ng comforter. Alas otso ang pasok ko
pero wala na akong gana pa pumasok ngayon. Nagpahatak ako sa antok.
Bagsak na bagsak ang mga mata ko dahil sa sobrang bigat.
Alas kwatro ng hapon nang magising ako. Chineck ko ang phone ko. May text
doon.
Warren:
Dude, nagpaquiz si miss dela cruz. You missed 100+ points... Haha!
Hanep, nakapasok pa pala siya? Isa siya sa mga kasama ko kagabi hanggang
kanina sa Nighlite! Inumaga na nga kami pero nakapasok pa din siya,
matibay talaga.
One hundred points? Grabe naman yata 'yon. Nasakto pa sa pagliban ko sa
klase. Damn!
Binasa ko pa ang ibang texts doon galing sa pinsan ko at sa iba pang
kakilala ko.
Zydein Cyx:
Riz, where are you? Ang daming quizzes ngayon. Sira ulo ka talaga.
Shit, bakit ngayon pa nasakto ang quizzes? Nananadya ba talaga ang araw
na ito?
Nagtipa ako ng reply kay Cyx.
Ako:
Hayop na yan. Hindi ko naman alam... Natulog ako maghapon dito sa
condo...
Agad na nagreply siya.
Zydein Cyx:
Good luck! Party all night, huh...
Fuck it!
Padabog na hinagis ko ang cellphone ko sa bedside table. Tumungo ako sa
banyo para maligo.
Napakahirap talaga mag aral. Dapat pala second year college pa lang ako
ay nag shift na ako ng course. Edi sana hindi ako nahihirapan ngayon.
Napakahirap mag doctor...
Hindi na ako pwede mag shift dahil third year na ako. Kaya nakakahinayang
talaga, nasa huli talaga ang pagsisisi. Ako mismo ang nagpahirap sa
sarili ko. Tch.
Pagtapos maligo at magbihis ay umupo ulit ako sa kama. Inayos ko ang
buhok ko sa isang messy bun.
Tumunog ang cellphone ko. Si Alex. Sinagot ko agad iyon.
"Oh?"
Maingay ang background sa linya niya.
"Tibo, nandito kami sa Nightlite!" bahagyang sumisigaw pa siya ng sabihin
iyon.
"Okay... Papunta na ako..." maligayang sabi ko.
He laughed. "Yon! Sige sige, take care!"
Pagkababa ko ng tawag ay nagbihis muna ako. I wore a black fitted tshirt,
medyo hanging iyon kaya nakikita ang aking pusod. Hapit iyon sa hubog ng
katawan ko at saka white ripped shorts.
Pagtapos magbihis ay tumulak na ako paalis ng condo para pumunta sa
Nightlite.
Ganito ang buhay ko simula nang mag college ako. Madalas puro lalaki ang
kasama ko, inuumaga sa inuman, nagpaparty gabi gabi...
Mabuti nga at hindi ako bumabagsak sa mga subjects ko. Kahit naman kasi
ganito ako ay pumapasok at nag aaral ako mabuti. Isang taon na lang naman
ang titiisin ko, e.
Madalas kung tawagin nila ako ay Les, Tibs, boy at kung ano ano pa basta
may kinalaman sa pagiging tomboy.
Nakilala na kasi nila akong ganoon. Paano ba naman parati na lang lalaki
ang mga kaibigan ko. Kung mayroon mang babae ay bilang sa aking mga
daliri.
Alas otso na ako nakarating sa Nightlite. Napakaraming tao, lalo ngayon
dahil walang pasok bukas.
Sumalubong sa akin ang iba't ibang kulay ng ilaw, pati na rin ang maingay
na tugtugan dito. Puro pang party!
"Hi, Quin..." bati ng isang lalaki. Tinanguan at nginitian ko lang siya.
Sanay na ako na may mga bumabati o nakakakilala sa akin. Kilala ako ng
marami dahil sa aking apilido, mas lalo pa dahil sa mga pinsan kong
lalaki.
Pero sabi nila ay kilala ako dahil lang talaga sa pagiging friendly ko.
'Yong iba pag nakikisama sa lalaki, tinatawag nilang malandi, slut etc...
Pero ako kahit kailan wala pa akong narinig na ganoon.
Siguro ay depende na rin 'yon sa kilos ng isang babae. Ako kasi ay pure
na pagkakaibigan lang ang gusto kaya mga lalaki ang kasama ko.
"Ayan na! Gandang tibo talaga nito..." halakhak ni Alex.
Ngumisi ako.
Nakipag highfive sa akin sila Warren, Alex, August, Dennis at Erwann.
Sila ang mga kaibigan ko. Si Warren, Dennis at Alex ay mga kaklase ko sa
ibang subject, medicine student din sila.
"Tang ina! Tibo ka ba talaga, Riz?" tumatawa si Erwann nang hagurin ako
ng tingin.
Umismid lamang ako.
Bigla ay kinulong ni August sa mga palad niya ang pisngi ko at nanggigil
na hinalikan ako sa pisngi.
"Fuck you!" singhal ko. Pinunasan ko ang pisngi ko.
Ganyan na talaga siya, minsan nga ay nahalikan pa niya ako malapit sa
labi. Wala naman sa akin iyon pero napipikon ako.
Malakas na nagtawanan sila. Kahit maingay dito ay nagkakarinigan naman
kami.
Si Erwann at August naman ay mga taga Davidson University. Mga
engineering students naman, magkaka edad lang kaming lahat. Nakilala ko
sila Erwann dahil tropa din sila nila Warren.
Masaya sila kasama. Kaya nga lagi akong kasama sa mga party o inuman nila
pag nag aaya sila. Kahit saan ay hindi nila ako nakalimutan ayain, kahit
na minsan ay hindi ako pumapayag.
Halos dalawang taon ko na sila kaibigan. Kaya kilala na namin ang isa't
isa. Palagi pa nga akong pinagsasabihan ng mga pinsan ko na huwag akong
sama ng sama sa mga lalaki.
Pero hindi ko naman sila pinapakinggan. Dati kasi mga pinsan kong lalaki
lang ang nakakasama ko sa mga parties, mga galaan at inuman. Ngayon ay
marami na.
Masasaya din naman kasama ang mga pinsan ko. 'Yon nga lang kadalasan sa
kanila ay strikto at masungit. Si Ixerr at Cyx lang yata ang medyo game
sa lahat.
"Kumusta chick mo, Riz?" halakhak ni Alex.
Nagkibit balikat ako. Si Tiara siguro ang sinasabi niya. 'Yong Miss
Davidson.
"Panis tayo dyan, Miss Davidson ang girlfriend niyan!" ani Erwann.
I knew it. Si Tiara kasi ay parang naging best friend ko na babae, pero
hindi ko alam. Kakaiba kasi siya makitungo sa akin.
Noong una ay talagang magakaibigan lang kami, pero noong mga dalawang
linggo na kaming nagkakasama ay umaabot na kami sa mga ginagawa ng mag
syota.
"Tang ina, Quin. Bakit hindi ka na lang magpakababae?" August asked.
"Babae naman ako, gago!"
"Babae, na babae din ang gusto, 'no?" Erwann laughed. Nakipag highfive pa
siya.
Ngumiwi si August habang napapailing. Nagtawanan naman sila.
"Bakit, Aug? Hinayang na hinayang ka, ah. Balak mo ba ligawan itong si
Riz?" panunukso ni Warren.
Naghiyawan sila. Uminom ako ng shot pagtapos ay kumain ako ng hany.
"Gago, kahit kayo naman! Pabebe pa kayo..." aniya. "Alam naman natin na
maganda talaga si Quin, at talagang hindi kapani paniwala na tibo
siya..." tumatawang sambit ni August.
"Try mo, Aug! Baka pumasa!" halakhak ni Dennis. "Bi lang naman iyan si
Riz, hindi naman habang buhay na tibo siya."
Ngumiwi ako at pinagbabato sila ng chips.
"Tang ina naman, e! Huwag ako ang pagtripan niyo ngayon... Zero ako sa
quizzes kanina!" angil ko.
Humagalpak sila sa tawa.
"Absent pa kasi!" si Warren.
"Hinahanap ka nga ni Zydein sa amin kanina. Mukhang galit!" ani Dennis.
Uminom ako ulit ng shot ng makaabot sa akin. Paikot ang shots namin.
"Bakit naman mukhang galit?" tanong ko.
"Hindi namin alam, basta noong hinanap ka niya mukha siyang badtrip..."
ani Alex.
"Tanga, badtrip talaga 'yon. Kasi dahil sa inyo hindi nakakapasok si
Quin..." halakhak ni August.
"Wow! Porke hindi ka kasama kagabi, e, isa ka rin naman sa dahilan kung
bakit hindi siya nakakapasok noong nakaraan." ani Warren.
Kagabi kasi ay hindi namin kasama si Erwann at August dahil may exam daw
sila kinabukasan. Kaya kami-kami na lang nila Warren ang nagparty.
"Gago ka, Riz. Pasok pasok din kasi..." sabi ni Dennis. "Damay tuloy
kami..." tumawa siya.
Umismid ako. "Papasok naman talaga sana ako kanina, kaya lang inantok
ako..."
Naghagalpakan sila sa tawa.
"Anong oras ba kayo inabot, dude?" tanong ni August sa kanila.
"Six am, hahaha!" ani Warren. "Puta, diretso pasok ako noon... May seven
am class ako... Hindi ko na ulit gagawin 'yon.." napapailing na sagot
niya.
Miski ako ay hindi na uulitin iyon, napakasakit sa ulo. Alam mo 'yong
pakiramdam na parang kahit ilang oras kang tulog ang bigat pa rin ng ulo
mo?
Grabe lang. First time kong umuwi ng ganoong oras. Ang kadalasan pag nag
paparty kami ay aabutin lang kami ng alas tres o kaya alas quatro ng
madaling araw. Pero iyong alas sais? Damn.
Tinanghali na ako ng gising kinabukasan. Mabuti na lang hindi ako nagkaka
hang over, siguro dahil sanay na ako.
Si August at Erwann ang naghatid sa akin kagabi. Hindi naman kami inabot
ng madaling araw. Alas onse pa lang yata ay nagkayayaan na kaming umuwi.
Hindi ako sa mansyon umuuwi, may sarili akong condo unit. Ayaw ko din
kasi sa bahay dahil hassle masyado. Ayaw ko ng may nagsisilbi sa akin,
gusto ko mabuhay ng mag isa.
Pero kada weekends naman ay dumadalaw ako sa mansyon o kaya sa mga pinsan
ko. Sa Rockwell Condotel o RCT ako tumutuloy. Dito kasi ang napili kong
condominium.
Regalo sa akin ni Papa noong eighteenth birthday ko. Simple lang ang
pagkakaayos ko, di naman kasi ako mahilig mag ayos ayos. Pinaiba ko lang
ang pintura.
Pinagawa kong itim at gray lang mga kulay dito. May isang kwarto itong
unit ko. Sa living room ay may tatlong itim na couches, nasa gitna ang
pinakamahaba, ang dalawang single couch naman ay nasa magkabilang gilid
nito.
Sa tapat ay flatscreen tv, sakto lang ang laki. Ang carpet naman ay kulay
gray, may glass center table din. Nakakalat doon ang mga magazines at mga
projects na ginagawa ko.
Hindi pa ako nakakapaglinis. Nakakatamad kasi, pag pumupunta naman si
Mommy dito ay siya ang nag aayos ng mga gamit at kalat ko.
Pero syempre, nakakahiya naman 'yon. Ano 'yon, katulong? Palagi akong
nasesermonan dahil sa mga kalat ko.
Nangunot ang noo ko nang may mag doorbell. Tamad na binuksan ko iyon.
Napangiwi ako nang makitang si mommy iyon.
"My..." I greeted, kumamot ako sa ulo ko.
What the heck? Bakit ba lagi na lang naaabutan ni mommy na magulo ang
unit ko? Para bang may nagsusumbong sa kanya na marumi na ito kaya siya
nagagawi dito.
Hinawi niya ako at hinagod ng tingin ang buong unit ko.
Nakatanggan ako ng isang kurot sa tagiliran.
"Ano ka ba naman, Quin Riziane! Napakadumi mo! Ano ito, huh? Bahay ng
manok?" Palatak niya.
Napangiwi ako habang hinahaplos ang kinurot niya sa gilid ng baywang ko.
"Mommy, wala lang po akong time! Alam mo naman po na busy ako masyado sa
pag aaral..." agap ko.
Matalim na tiningnan niya ako.
"Really, huh? How many times you reasoned that?" she sarcastically asked.
Napalunok ako.
Puro iyon lang ang dahilan na nasasabi ko sa kanya tuwing maaabutan
niyang magulo ang unit.
"Ah, e... Ano po,"
Inambaan niya ako ng kamao. "Halos isang daang beses mo na nasabi iyan,
Riziane! Kababae mong tao at dalaga ka na, pero ganito pa rin?" Asik
niya.
Nag umpisa siyang magpulot ng mga crumpled papers na nasa sahig.
"Naiinis ako sayo, pumasok ka sa kwarto! Maglilinis ako! Bilis!" inis na
sinabi niya.
"My, I can help..."
"No! Hindi ako matatapos! Lalo na kaharap ang pagmumukha mo! Ugh! When
will you grow up?"
Nagkamot ako ng ulo. "My, tutulungan ko na po kayo..."
Pinandilatan niya ako ng mata.
"I said NO! Go to your room!" she shouted.
Napatalon ako sa gulat at saka nagmadaling magkulong sa kwarto.
Grabe talaga si mommy manermon at dumakdak. Parang nag triple time lang
sa fliptop. Naalala ko tuloy si Rapido, 'yong isang fliptoper na mabilis
magsalita.
Daig pa ni mommy si Gloc 9, napakasakit pa sa tainga ng boses niya. Hindi
ko naman kasi akalain na pupunta na naman siya dito. Malay ko ba...
Nagkabit ako ng earphones at saka humilig sa headboard. Sa dinami kong
kanta dito sa cellphone ko paulit ulit lang ang tatlong music na paborito
kong pinapatugtog.
'Yong let me be the one, stay at love don't change. Favorite ko talaga
ang mga iyon. Ewan ko ba, hindi naman ako broken hearted pero ganoon ang
mga type kong genre.
Nagising ako sa isang sampal sa aking pisngi. Shit! Ang hapdi, ah.
"Hey, wake up, dirty girl! Aalis na ako..." pang gigising ni Mommy.
Nagkusot ako ng mata. "Mommy, bakit ba nananampal ka?" inis na tanong ko.
Humalikipkip siya at nakaismid na nakatingin sa akin.
"Kanina pa kita ginigising! Tulog mantika! O siya, aalis na ako...
Tumawag na ang daddy mo..."
I smiled. "Thank you, my!"
Umismid siya. "Tsh, wish ko lang mabago na ang bata mong isip. Matuto
kang maglinis, Riziane..." sermon niya.
Hinayaan ko lang siyang magsermon hanggang sa magsawa siya. Nang tumawag
ulit si daddy ay tuluyan na siyang umalis para bumalik na ulit sa
mansyon.
Napakalinis na ulit ng unit ko. Pinalitan niya din ang mga curtains at
mga basahan. Pati ang carpet ko na puro dumi ay nalinis na. Ang mga
hugasin na pinggan ay wala na rin.
Siya lang ang gumawa noon lahat. Kanina nga habang tinitingnan ko ang
unit na madumi ay napapagod at tinatamad na akong kumilos. Pero si mommy
nagawa iyon, wala pang katulong kahit isa.
Alas quatro ng hapon nang may bisita ulit na dumating, si Tia iyon with
her boy best friend, Greyson.
Buhat ni Greyson ang mga supot na batid ko ay mga groceries.
"Grey, lapag mo lang dito..." tinuro ni Tia ang counter. Sinunod naman ni
Greyson iyon.
Ngumuso ako at naghintay ng sasabihin ni Tia. Ngumisi siya at umirap.
"Inutusan kami ni Tita Kwin na ipag grocery ka dahil baka daw wala kang
makain dito at tamad ka pa naman..." aniya.
Sumulyap ako kay Greyson na nakapamulsa habang pinapasadahan ng tingin
ang buong unit.
Gwapo rin itong si Greyson. Napakatagal na rin nilang magkaibigan ni Tia,
nagtataka ako kung bakit hindi sila nagkakaligawan.
Nakasuot siya ng black armani tshirt at faded jeans. Malakas ang dating
niya kahit ganoon lamang kasimple ang suot niya. Ang buhok niya ay
undercut na messy, natural brown ang kulay noon.
Ang gray eyes niya ang lalo pang nagpaganda ng mukha niya. Malalalim ang
kanyang eyelid, halatang may lahing banyaga. Ang kulay ng eyelashes niya
ay brown din, napakaganda. Natural red lips din siya...
Gifted.
Siguro kung magiging babae ito ay mas lalong maganda!
"Salamat, ah!" I happily said.
Nagkibit balikat si Tia. "Kung hindi lang inutos ni Tita, hindi naman
kita dadalhan niyan..." pagtataray niya.
Ngumiwi ako. "Tsh, kunwari ka pa... Di mo naman ako matitiis..."
"Ewan ko sayo, tamad ka masyado!"
I made a face, tinalikuran ko siya. Kakatapos lang manermon ni Mommy.
Papalit naman siya ngayon?
"Sabi ko naman kasi sayo, si Grey ay available. He's willing to be your
slave daw..."
Greyson laughed.
Dati ng nangungulit sa akin si Grey. Lagi niyang sinasabi na gusto niya
ako. Pero kahit kailan ay hindi ko binigyan ng pansin.
Dahil wala akong balak na pumatol sa lalaki. I mean, hindi pa ngayon. At
saka parang hindi ko rin kasi nakikita ang sarili ko na magkaka boyfriend
ako.
Chapter 3
Yugto 1
Yugto 1
Maaga ako pumasok kinabukasan, may quiz kasi kami sa first major subject.
Pagtapos noon ay hindi na ulit ako pumasok sa pangatlong klase ko.
Inaantok kasi ako, halos alas quatro na din kasi kami nagkauwian ng mga
pinsan ko.
"Ditching class again?"
Napalingon ako sa nagsalita. Si Greyson pala. Bakit ba nakikita niya ako
tuwing hindi ako pumapasok sa klase?
I shrugged. "Mag lelecture lang naman si ma'am..."
Umupo siya sa tabi ko at pumangalumbaba habang nakatunghay sa akin.
"Tsk. So... Tuwing maglelecture siya hindi ka papasok, ganoon?"
Umiling ako at umubob sa table habang sakanya pa rin nakabaling ang
paningin ko.
"Hindi naman. Inaantok lang kasi ako ngayon, baka mapalabas at mapahiya
lang ako pag nakatulog ako sa class niya."
Napapahiya lang ako pag pumapasok ako, lagi akong pinapalabas. Mapikit
lang sandali, sisigaw na ng 'get out, my class isn't a sleeping lesson!'
Tsh. Napapikit lang naman ako.
Mahinang natawa siya. "Syempre, sino naman ang hindi maiinis noon?
Matulog ka ba naman sa klase..."
"Napapikit lang ako noon! Oa lang talaga si Ma'am. Si Ixerr nga natutulog
pa talaga sa klase, pero di naman niya ginaganoon."
Totoo naman. Pag si Ixerr o kaya 'yong ibang lalaking kaklase kong gwapo
ay hindi naman niya ginaganoon. Kadalasan si Ixerr pa nga ang natutulog
sa klase niya.
Ewan ko doon. Baka may gusto kay Ixerr 'yon.
"Ganoon? Baka nadidistract lang sa kagandahan mo si ma'am kaya ka
pinapalabas..." he laughed.
Napangiwi ako. "Naku! Sa gwapo kasi mahilig 'yan si ma'am. Ayos din, e!
Pag iyong iba ang nakakatulog, parang wala lang sa kanya..."
Ngumuso siya.
"Bakit ikaw hindi mahilig sa gwapo?"
Napakurap kurap ako. Wala talaga akong hilig sa gwapo. Oo mayroong mga
lalaki na napapansin ko ang kagwapuhan, katulad nitong si Grey at mga
pinsan kong lalaki.
Pero kahit kailan hindi ako nagkagusto o nagkacrush man lang sa lalaki.
Kung bakit ay hindi ko din alam. Siguro nga tomboy ako.
"Ayos lang naman. Nagagwapuhan din naman ako sa mga lalaki, pero hindi
madalas..."
Huminga siya ng malalim at umubob din sa table pero nakapilig ang ulo
niya paharap sa akin, magkaharap kami ngayon ng mukha.
Hindi naman ako nakakaramdan ng kahit anong pagkailang, kaya hindi ako
umiiwas.
"Bakit parati mo akong binabasted?"
Napakurap kurap ako habang nakatitig sa kanya. Seryoso? 'Yon ang
itatanong niya?
Pumikit ako at ngumisi. Nakaka distract ang pagmumukha niya. Lalo ang
mata niya pag tinitigan mo ay parang nakakaantok.
"Greyson, hindi ka pa rin ba nagsasawa sa kakatanong niyan?"
"Nah... Never, Ziane..." he whispered.
Huminga ako ng malalim. Ayaw kong dumilat.
"Greyson, I don't like you..."
He chuckled. "Yeah right... Ano pa bang aasahan ko? Kahit ba katiting
wala, Riziane?"
Hindi ako nakasagot. May parte sa akin na ayaw ko sa kanya pero may parte
din na ayaw kong saktan ang damdamin niya sa magiging sagot ko.
"Damn, I like you big time... Pero kahit kailan ay hindi mo ako binigyan
ng pagkakataon kahit konti..." tila hirap na wika niya.
Dumilat ako. Nakatitig lang siya sa akin na may sakit at pait sa mga
mata.
Hindi ko maintidihan si Greyson, alam naman niya na wala siyang pag asa
sa akin pero nagustuhan pa din niya ako.
"I'm sorry, Grey... But I couldn't, I can't like you back..."
pandidiretso ko.
Sandaling napapikit siya ng mariin at bumuntong hininga.
"Ang sakit pa din, kahit paulit ulit na... Akala ko sanay na ako..."
mapait na ngumiti siya at saka tumitig sa akin.
Nakakaramdam ako ng awa para sa kanya. Pero wala talaga akong maramdaman
ni katiting na panghihinayang sa nasabi ko.
Hindi ko talaga nakikita ang sarili ko na magkakagusto sa kahit na sinong
lalaki, kahit pa kay Greyson na matagal na ring nangungulit sa akin.
"Sorry, Grey... Marami ka pa namang makikilalang babae, tigilan mo na ang
kakaasa sa akin dahil wala ka talagang maaasahan..."
Parati ko siyang pinaprangka pero parang wala lang iyon sa kanya. Oo,
nakikita ko na nasasaktan siya pero hindi ko siya nakikitaan ng pagsuko.
Napakatagal na at paulit ulit na siyang sumusubok na ligawan ako pero
tinatanggihan ko na siya agad. Kahit konting chance ay hindi ko siya
binigyan.
"But you are not them... Hindi ako susuko, Riziane..." umiling iling siya
at parang pursigido.
I sighed. "Grey, ayaw ko na umasa ka dahil wala talaga..." medyo inis na
nasabi ko.
Ayaw ko na may umaasa sa akin lalo pa't wala talagang pag asa. Dahil
walang chance na magkagusto ako sa isang lalaki.
Greyson is a good man... Ayaw ko na paulit ulit siyang masaktan dahil
lang sa pagtanggi ko.
Umiling iling siya. "Hindi, Ziane... Pagdating sayo hindi ko alam ang
salitang pagsuko..." seryosong sambit niya.
Napakurap kurap ako. Napakakulit niya!
"Greyson..." nawawalang pasensyang sambit ko.
Nagulat ako nang ikulong niya sa mga palad niya ang aking pisngi at
hinalikan ako sa noo.
"Ngayon ko lang naramdaman ang ganito, Ziane. Kaya nga kahit sobrang
tagal na at paulit ulit mo na akong tinatanggihan, hindi pa rin ako
sumusuko. Alam mo kung bakit?" banayad ang boses niya.
"Kasi natatakot ako na baka ngayon ko lang ito maramdaman, pakiramdam ko
kasi hindi na ako makakaramdam ng ganito kung hindi naman sayo..." aniya.
Napatitig lang ako sa kanya. Hindi ako makagalaw. Parang napako na ang
mata ko sa kanya, parang nabuhol din ang dila ko.
Malalim na huminga siya.
"I'm inlove with you, Riziane..." umiling siya. "Madly, deeply inlove..."
he added.
Hindi ako nakasagot. Hindi ko akalain na inlove na siya sa akin. Ang
akala ko ay gusto niya lang ako.
Hinaplos niya ang pisngi ko, halatang nasasaktan siya sa lahat. Hindi ko
maiwasan na hindi masaktan para sa kanya.
"I will chase you, I will pursue you even if takes forever, Riziane..."
Iyon ang huli niyang sinabi, bago tuluyang umalis.
Hindi ko talaga kaya na magkagusto sa isang lalaki.
I'm sorry, Grey...
Hindi ko mapipigilan si Grey kung iyon ang gusto niya. Buhay naman niya
'yon. Pero talagang nag aalala ako na baka masaktan lang siya bandang
huli.
Ayaw kong mangyari iyon.
Dumiretso ako sa unit ko. Hindi na ako pumasok sa iba pang subjects.
Parang lutang ang utak ko dahil kay Grey, dahil sa mga sinabi niya.
Sa pag iisip ko sa mga maaaring mangyari ay hinatak ako ng antok at
nakatulog.
Sobrang pagod na pagod ako, siguro dahil halos isang linggo na akong
walang hinto sa kakaparty tuwing gabi.
Bwisit kasi sila Warren, aya ng aya. Pumapayag naman ako dahil para na
din malibang ang utak ko. Hindi 'yong puro na lang aral.
Pinagbubuti ko naman ang pag aaral ko. Pero nakakatamad lang talaga,
dapat talaga sa akin ay yung madadaling kurso lang.
Napakahirap naman kasi ng kurso ko. Di ko alam kung bakit iyon pa ang
napili ko, dahil lang naman 'yon sa paghahamon ng mga pinsan ko.
Sa aming apat na babaeng magpipinsan, ako ang talagang close sa mga
pinsan kong lalaki.
"Hoy, Riz. Baka bagsak ka na naman sa isang major! Pumasok ka naman!"
panunuya ni Ixerr.
Nandito kami ngayon sa SVD room nila Zydein, lahat kaming magpipinsan.
Dito kami kadalasan pag weekends, every sunday to be exact.
Chill chill lang...
"Papasok ako bukas!" agap ko at saka uminom ng isang shot.
Nginiwian nila ako.
"Ulul, kababaeng tao mo! Ayusin mo pag aaral mo." sermon ni Zydein.
Umismid ako. "Ulol ka din. Maayos naman, ah! Wala akong bagsak!"
Sarkastikong natawa si Cyx.
"Edi wow! Malamang sa ngayon wala ka pang bagsak. Paano sa susunod?"
Si Cyx talaga ang pinaka nag aaral ng maayos sa amin. Kahit na maloko
siya sa mga babae at party goer din, ang pag aaral niya ay maayos. Lalo
ang mga grades niya.
Lahat ng pinsan kong lalaki ay mga dean's lister, daig pa nila kaming mga
babae. Samantalang effortless naman sila sa pag aaral.
Mayroon akong anim na pinsang lalaki at tatlong babae. Halos magkaka edad
lang din kami. Walang malayong agwat.
Ang mga ka year ko ay sila Zydein Cyx, Zwane Ixerr, Savel Yazinttia,
Yvania Zaichary at Zinderela Yvez. Parehas kaming mga third year college.
Si Cyx, Ixerr at ako ay mga medicine course. Accounting naman si Tia. Si
Zin at Ania ay parehas na tourism management.
Ang apat na pinsan ko pang lalaki na mas bata sa amin ay sina Dyze
Perzeus, Kaizellus Bleau, Onyx Azdrake at Xythen Zeonar.
Si Dyze, Kai at Onyx ay magkakaparehas na second year college, medicine
course din sila. Si Ten naman ay fourth year highschool pa lamang. Lahat
kami ay sa Harvard University nag aaral.
Bumukas ang pintuan. Si Kaizellus at ang isang babae na hindi namin
kilala ang iniluwa noon.
Agad nagmura si Ixerr. "Fuck you, Kai..."
Kaizellus grinned at his reaction.
"Cousins, this is Ailee..." he introduced the girl he brought.
Ngumiti iyong babae sa amin at tipid na tumango.
Who's this girl? Hindi siya mukhamg pang seryosohan na babae, kaya siguro
isa lang ito sa mga babae nila. Flavor of the month mga ganoon.
"Hi..." she was using a pabebe voice. Or maybe ganoon talaga siya
magsalita.
Maganda at sexy ang babae na ito. Nakasuot siya ng fitted yellow dress,
hubog na hubog ang kanyang katawan doon.
May butas iyon sa magkabilang tagiliran niya kaya kitang kita ang
porcelana niyang kutis. Kulot ang dulo ng mahaba niyang buhok.
Wow. She's hot!
Ngumisi si Cyx. "Whoah, Ailee... Are you here for Kaizellus or... Ixerr?"
nanunuksong tanong niya.
What? I thought she was Kaizellus girl or whatever... Anong kinalaman ni
Ixerr?
Ailee girl smiled seductively. Parang normal na ganoon ang pagngiti niya,
hindi sinasadya.
"I don't know... Isinama lang ako ni Bleau, sabi niya nandito daw si
Ixerr..." sumulyap siya kay Ixerr.
Ngumisi lamang si Kaizellus kay Ixerr na masamang masama ang tingin.
Nakatunghay lang kaming magpipinsan sa kanila. Nakairap ang mata nila
Ania at Zin.
Napakurap kurap si Ixerr. "Uh... Ailee, what are you doing here? I mean,
bakit ka pa sumama kay Kaizellus?"
Ngumuso si Ailee at parang napahiya.
"Am I not allowed here? I'm sorry, Ixerr..."
Saglit na hinawakan ni Kaizellus ang braso ni Ailee pero parang napapaso
siya kaya binitiwan niya agad.
"No, Ailee. Pwede ka dito, kaya nga kita isinama diba? Bad mood lang si
Ixerr ngayon kaya ganyan..." ngumisi si Kai.
Siraulo talaga!
"Yes, you're not allowed here..." sabat ni Ania.
Nangunot ang noo ni Kai at nilingon siya. "Ania..." nananaway na tono.
Napapahiya si Ailee na tumango. "I'm sorry... Okay, aalis na lang ako..."
Akmang aalis lalabas na siya pero agad ding pinigilan ni Cyx.
"Don't mind my cousin, Ailee... You can join us here, of course..."
hinawakan niya sa siko si Ailee at iginiya sa gitna nila ni Ixerr paupo.
Inis ang mukha ni Ixerr, tatayo na sana siya pero pinigilan ni Cyx ang
balikat nito. Kaya napaupo na lang ulit.
"Ania, hayaan mo si Ailee dito..." ani Cyx.
Umismid si Ania. "Hah!" she scoffed.
Ayaw ni Ania na nakikitaan ng mga babae sila Kaizellus, parang hindi kasi
siya sanay sa mga ito. Minsan lang din kasi siya sa amin nakakasama.
Si Ania at Zin ang hindi namin talaga madalas makasama sa mga ganitong
chill. Parati kasi silang busy sa tour nila.
Bumukas ulit ang pintuan. Kunot ang noo ni Ten nang makapasok siya, umupo
siya sa tabi ni Dyze. Hindi siya pinansin ng mga pinsan ko na patuloy
lang sa pagkukwentuhan.
Si Ixerr naman ay badtrip talaga ang mukha kaya hindi nagsasalita, bagay
na hindi ko kinasanayan. Kadalasan kasi siya ang maingay sa mga pinsan
ko.
Napasulyap ako sa katabi niyang si Ailee na medyo namumula na dahil sa
alak.
"Ailee, are you okay?" tanong ni Tia.
Uminom ng shot si Ailee at tumango tango. "Yup..."
"Namumula ka na..." ani Tia.
Tumawa si Cyx. "She's always like that, ganyan talaga siya pag
umiinom..."
Wow! Kilalang kilala, ah.
"Saan niyo ba siya nakilala?" tanong ko.
Napatingin si Ailee sa akin, namumungay na ang mga mata niya. Seriously?
Ang bilis naman niya tamaan ng alak.
Maganda talaga siya. Damn! Bakit ba ganito ang nararamdaman ko sa mga
babae?
"Sa Nightlite... Si Ixerr talaga ang nakakakilala sa kanya..." halakhak
ni Cyx.
"Tsh, shut up..." usal ni Ixerr.
Tumawa lang sila, hindi na ulit nanukso si Cyx. May iba na silang topic
ngayon. Tungkol naman sa mga major subjects namin.
"Tang ina ni Onyx, e. Piniperfect ang mga exams..." napapailing si Kai.
Onyx smirked. "Mag review ka kasi..."
"Ikaw nga hindi nagrereview!"
Nagkibit balikat si Onyx. "Ganoon talaga..."
Humalakhak sila.
"Mayabang!" asik ni Cyx. "Anong subject ba? Minor lang naman yata."
"Bobo, hindi. Major iyon! Napakahirap, grabe... 'Yong ibang tanong doon
wala sa reviewer..." kumamot sa ulo si Kai.
Medyo may tama na si Ailee. Hindi pala ito pwede makijam sa amin.
Masyadong mahina sa alak, madaling tamaan.
Malikot na rin ang kamay niya. Gumapang iyon sa hita ni Ixerr, parang
wala naman kay Ixerr 'yon. Nakikinig lang siya sa pinag uusapan nila
Kaizellus.
Dim light lang dito kaya hindi siguro iyon napapansin ng mga pinsan ko.
Pero damn, napakalikot ng kamay ng babaeng ito. Humahaplos haplos na iyon
sa hita ni Ixerr.
Nangunot ang noo ni Ixerr at nilingon si Ailee. Yumakap sa baywang niya
si Ailee.
Napangiwi na lamang si Ixerr at uminom ulit ng shot.
"Kunwaring ayaw pa ni Ixerr kanina, pero ngayon nagpapayakap na!" usal ni
Zin.
Nagtawanan ang mga pinsan ko. Pabebe din kasi itong si Ixerr kanina!
Kunwari pang badtrip pero ngayon, hinahayaan na niya.
Ixerr shrugged. "Lalaki ako, Zin..."
"Right! Hindi naman si Ixerr ang nauna..." mataray na sabat ni Ania.
"Sino ba kasi iyan, Xerr?" tanong ni Zin.
"Ailee nga diba? Tss..." sarkastikong sagot ni Ixerr.
"Gago! I mean, girlfriend mo ba?"
Parang hindi na sila naririnig ni Ailee, lasing na yata talaga. Nakahilig
siya sa braso ni Ixerr, siniksik niya pa ang mukha sa bandang kili-kili
ni Ixerr.
Ngumiwi si Ixerr. "Of course not, Zin..." he shook his head.
"Asa ka pa na mag girlfriend iyan si Ixerr!" sabat ko. "Pero laging may
ka sex yan..."
Kilala ko si Ixerr. Kahit saan kami magpunta pag nag iinuman ay hindi
siya nawawalan ng babae. Parating may kahalikan yan kung saan saan.
Kadalasang tawag nga namin sa kanya ay fuckboy... Ganoon din si Cyx,
mukhang nag eenjoy talaga sila mangolekta ng mga babaeng nagbibigay ng
sarili agad sa kanila.
Naghagalpakan sila sa tawa.
"Asa ka Riz!" Ixerr mocked.
"Totoo 'yon!" halakhak ni Kai.
Syempre alam namin na totoo talaga iyon. Malamang madalas namin sila
kasama.
"Zydein too!" sabi ko.
Cyx frowned. "Mahirap talaga kasama itong si Riz, madaldal!"
"Totoo naman!" giit ko habang tumatawa.
"Quin too..." nang aasar ang tono ni Ten. "She's a lesbian..."
Nanlaki ang mga mata ng pinsan ko, pati ako.
What the fuck?
"Xythen!" Zin exclaimed.
"What are you talking about?" tanong ni Ania.
Nagtaas ng kilay si Ten at ngumising malademonyo.
"I saw her, she was kissing..." ngumiwi siya. "A girl..."
Napalunok ako at pinag initan ng pisngi.
Hindi ko alam na... Fuck!
"What?!" gulat na tanong ni Cyx at Ixerr.
Ginapangan ako ng napakatinding kaba. Bumaling silang lahat sa akin.
Tumango tango si Ten. "Surprised?" he smirked.
"Is it true, Riz?" tanong ni Tia, parang sinasabi pa niya na sabihin kong
hindi totoo iyon.
Nagyuko ako ng ulo. Tang ina, hindi pwedeng makarating sa magulang ko
iyon. Damn!
"So... It's true?" Cyx, galit na tono.
Nagkutkot ako ng kuko. Darn! Hindi pwedeng malaman ng magulang ko...
Suminghap sila.
"What the fuck, Riziane?" pagalit na tanong ni Onyx. "You can't be a..."
hindi niya maituloy ang sasabihin niya. "Damn it!"
Huminga ako ng malalim at nag angat ng tingin sa kanila. Sari-sari ang
reaksyon na nakikita ko sa kanila. Si Ania at Zin ay parang hindi
makapaniwala, si Tia naman ay parang naaawa, ang mga pinsan kong lalaki
naman ay mga galit ang reaksyon.
Matagal kong tinago iyon. Kahit kailan ay hindi ako nagpapahuli sa mga
ginagawa kong ganoon.
Paano ba nakita ni Ten iyon? Damn naman! Hindi siguro ako nakapagtago ng
sobra...
Bumuntong hininga ako. Parang nag aabang lang sila na magsalita ako.
"Don't tell my parents about it, please..."
Suminghap sila. Nanlisik ang mga mata ni Dyze at Onyx.
"Totoo nga?!" galit na anas ni Dyze, parang ayaw pa niya maniwala.
Kinakabahang tumango ako. Sari saring mura ang narinig ko mula sa kanila.
Hindi ba nila ako matatanggap na ganito?
"Let her be, it's her life..." balewalang sinabi ni Ten.
Nakaramdam ako ng konting luwag sa puso ko. Kahit pala nilaglag niya ako,
tanggap naman niya na ganito ako.
Tumahimik ang buong SVD room. Nakakabingi iyon dahil sa sobrang tahimik.
Bumuntong hininga si Tia. "I can't believe it... You're my cousin, Riz...
I'll support whatever you want to be..."
Nakakataba pa rin ng puso na may mga tumatanggap sa akin. Alam ko naman
na kasalanan ito, pero tinanggap pa rin nila ako.
Ayaw ko lang talaga malaman ng parents ko. Dahil hindi naman ako sigurado
kung tatanggapin nila ako.
Ito mismo ako... Ito rin ang dahilan kung bakit hindi makuha ng puso ko
ang mahalin o magustuhan pabalik si Greyson.
Chapter 4
Yugto 2
Yugto 2
"Hoy, Quin. Tama na ang pag iinom!" nananaway na wika ni Erwann.
Hindi ko siya pinansin. Tinungga ko ang bote ng red horse sa harap ko.
"Riz, tama na iyan... Pang limang bote mo na 'yan!" inis na sinabi ni
Warren.
"Hayaan niyo ako..." malamig na utas ko.
Kahit nakakalimang bote na ako ay hindi pa rin ako tinatamaan, gusto ko
sana ay malasing ako ngayon.
"Ano ba talagang problema mo, Quin?" tanong ni August, seryoso.
Wala naman akong sinabi sa kanila na may problema ako. Nag aya lang ako
na magparty tonight.
Isang linggo na matapos noong naging pag amin ko sa mga pinsan ko.
Tanging si Ten at Tia lang ang pumapansin sa akin. Ang iba kong pinsan ay
malamig ang pakikitungo.
Nag init ang sulok ng mata ko. Natahimik ang mga kaibigan ko habang
nakatunghay sa akin, naghihintay sila sa sasabihin ko.
"Hindi ako matanggap ng mga pinsan ko..." panimula ko.
Nanlaki ang mga mata nila, except kay August na tahimik lang na nakikinig
sa akin. Seryoso ang kanyang mukha.
"What?" si Dennis ang unang nakabasag sa katahimikan.
Kahit papaano lumuluwag ang pakiramdam ko pag nakakainuman sila. Sila
kasi 'yong mga kaibigan ko na tanggap ako kahit ganito ako.
Naiintindihan ko naman ang mga pinsan ko, alam ko din naman na hindi sila
sang ayon sa pagiging ganito ko.
"Hindi nila ako matanggap... Na ganito..." nagpapaintindi na sinabi ko.
But what am I going to do?
Gusto kong magpakatotoo sa sarili ko. I like girls more than boys, 'yon
ang napansin ko sa akin. Noong una kasi ay denial pa ako na tibo ako,
napagtanto at natanggap ko lang iyon last year.
Bumuntong hininga si August.
"Me too, Quin. I'm sorry..." nagyuko siya ng ulo.
Siniko siya ni Erwann. Nanlabo ang mga mata ko, tumingala ako agad para
pigilan ang pagtulo noon.
"No... I mean, oo hindi ko siya matanggap na ganyan... Nanghihinayang ako
ganoon. Pero tanggap ko siya kasi kaibigan natin siya, besides wala
namang masama kung ganyan siya..." August explained.
Tumulo ang mga luha ko. Tanggap pa rin pala niya ako, hindi lang niya
matanggap na ganito ako dahil nakakahinayang. Pero bilang kaibigan niya,
tinanggap niya na.
Hindi ko alam kung wala nga bang masama na ganito ako? Ang alam ko kasi
ay kasalanan ito. Pero feeling ko wala akong pake kung maging makasalanan
man ako.
I want to be like this... This is me...
Lumapit si August sa akin at hinagod ang likod ko.
"Tanggap ka namin, Riz..." ani Alex.
"Hayaan mo na muna ang mga pinsan mo. Baka nagulat lang talaga sila sa
naging pag amin mo..." pag aalo ni Erwann.
Huminga ako ng malalim at saka pinahiran ang luha ko.
"Hindi ko lang din kasi matanggap na kung sino pa ang mga kamag anak ko,
sila pa ang hindi makatanggap sa akin..."
Bumuntong hininga si Warren.
"Alam mo kasi, Riz... Mayroong mga bagay na hindi mo pa matatanggap sa
una. Syempre nakakagulat din naman kasi na ganyan ka nga, na lesbian,
tibo, tomboy ka..." aniya.
"Bigyan mo sila ng time..." he added. "Kalaunan matatanggap ka rin nila,
kasi ikaw iyan, e. It's your life... You can be whatever you wanted to
be..." tinapik niya ang balikat ko.
Lalong nagbuhusan ang mga luha ko. Lahat ng sinabi nila ay parang hangin
na humahaplos sa puso ko, lumuluwag ang bigat na nararamdaman ko.
Tanggap nila ako... Iyon ang talagang nagpapaluwag sa paghinga ko, kahit
papaano pala ay may mga nakakatanggap sa akin.
"Stop crying, Riz..." pag aalo ni Erwann. "Basta kami, tanggap ka namin
kahit maging bading ka pa..."
Napatawa ako. "Gago!"
"Group hug!" ani Alex.
Nagsilapitan sila sa akin. "Group hug!!" nagyakapan kaming lahat.
Ilang oras matapos nang mag inuman kami, nandito kami sa condo ni August.
Ako ang unang nagyaya sa kanila kung saan ba pwede mag inuman.
Una sabi nila ay sa Nightlite. Kaya lang di ko feel mag Nightlite!
Masyadong maingay at maraming tao doon. Kaya nagsuggest si August na sa
unit na lang niya.
Kung sa unit ko kasi ay masaydo pa akong mainit sa mga pinsan ko, hindi
ako pwede makitaan na nakikipag inuman doon, lalo pa't mga lalaki ang
kasama ko.
"Quin, you can take my bed... Ikaw na lang doon!" ani August.
"Huh? Bakit? Saan kayo?" I asked.
"Dito sa sala, maglalatag kami!" sabi ni Warren na nakahilig sa sandalan
ng couch.
"Huwag mo na kami intindihin, basta doon ka na..." hinawakan ako ni
August sa magkabilang balikat at iginiya papasok sa kwarto.
Nasa hamba lang siya ng pinto, ako naman ay nasa loob na ng kwarto niya.
"May bathroom diyan, kung maliligo ka..." aniya, tinuro ang bathroom.
Tumango tango ako. "Mm, salamat, ah!"
He smiled then tapped my shoulder twice.
"Sleep well, King..." halakhak niya. "Ugh, I hate that..." aniya at
tinalikuran na ako, sinara niya ang pintuan.
Napatawa na lang ako at napailing. Nakailang bote ako pero parang wala
iyong epekto, hindi man lang ako naging tipsy.
Siguro dahil na rin sa sama ng loob ko kaya hindi iyon umepekto, natalo
ng mga sama sa loob ko. Lol.
Huminga ako ng malalim at hinagod ng tingin ang buong kwarto.
Maganda ang kwarto ni August, daig pa nito ang kwarto ko. Cream ang kulay
ng lahat, may mga shade iyon ng kulay black. Maganda ang pagkakadisenyo.
Hindi na ako magtataka dahil engineering student iyon, kaya niya
magdisenyo syempre...
May isang queen-sized bed, sa tapat ay flatscreen tv na nakadikit sa
wall, sa ibaba noon ay may istante, nakakalat lamang doon ang mga cd at
magazines.
Tinapik ko muna ang malambot na kama at saka ako pabagsak na humiga rito.
Nawala ang ingay ng mga kaibigan ko, baka tulog na sila. Medyo may tama
na rin kasi sila Alex, Dennis at Erwann.
Si Warren at August ang kahit kailan ay hindi ko pa nakitang nalasing.
Malakas sila sa mga inuman, hindi basta basta malalasing.
Maaga ako nagising kinabukasan, hindi ako sanay na makitulog sa ibang
kama. Parang hinahanap hanap ko ang aking kama.
Hindi na ako naligo at nagbihis kagabi, dahil wala din naman akong dalang
damit. Lumabas ako ng kwarto.
Tulog na tulog pa sila sa lapag, may nakalatag doon na foam at doon sila
nagsiksikan. Si Dennis ang mukhang kawawa, siya ang pinakamaliit sa
kanila kaya siya ang ginawang dantayan ng mga hita nila Warren at Alex.
Si August naman ay nakahiga sa couch, nakabalot siya sa comforter na
puti. Si Erwann naman ay nasa sahig na. Wala siyang pang itaas na damit
at naka boxer lang.
Alas siyete palang pala...
Tumulak na ako paalis, hindi na ako nagpaalam. May dala naman akong kotse
kaya hindi na sila kailangan istorbohin pa para lang ihatid ako.
Seven thirty nang makarating ako sa unit ko. Naligo agad ako,
napakalagkit ng pakiramdam ko. Pagtapos ko ay pumasok ako sa kwarto, pag
nasa condo lang ako hindi na ako nagsusuot ng damit.
Tanging bra at panty lang suot ko pambahay. Wala namang ibang pumupunta
dito.
Nangunot ang noo ko nang makita si Tiara na nakahiga sa kama ko,
natutulog siya habang nakabalot sa kanya ang comforter.
Napailing iling ako at umupo sa kama. Parang naramdaman niya na may tao
sa tabi niya, nagkusot siya ng mata at umupo.
"Riz!" she exclaimed. Kahit antok siya ay mahigpit na niyakap niya ako.
Alam niya kasi ang passcode ng unit ko, kaya nakakapasok siya rito kahit
kailan niya gusto.
I chuckled. "I missed you too, Tiara..."
Ngumuso siya nang kumalas sa yakap.
"Saan ka na naman galing? Inumaga ka na naman..." palatak niya.
Ngumisi ako. "Kila August lang..."
Nangunot ang noo niya. "What? Alam kong may gusto ang August na iyon
sayo, Riz... Sabi ko huwag ka na sasama sa kanya diba?" inis na sinabi
niya.
Nagagalit talaga siya pag nababanggit ko si August. Ewan ko, nahahalata
daw kasi niya na may gusto sa akin iyon.
Parang wala naman kasi kapatid lang na babae ang turing noon sa akin.
Hinawakan ko siya sa siko.
"Wala siyang gusto sa akin... At isa pa marami kaming nandoon..."
Matalim na tingin ang pinukol niya sa akin.
"Marami? So... May mga babae ganoon?" pagalit na tanong niya.
Napangiwi ako. "Wala no! Kami kami lang..." giit ko.
"Siguraduhin mo, Riz... Hindi man tayo public, alam mo na ako ang
girlfriend mo!"
Napahugot ako ng malalim na hininga.
Si Tiara ang girlfriend ko, simula second year college pa lang. Dahil sa
kanya ay naliwanagan ako sa tunay na pagkatao ko.
Simula second year pa lang ay siya na ang nakakasama ko bukod sa mga
kaibigan ko. Lagi lang kaming magkasama sa unit.
Minsan ako ang pumupunta sa unit niya, minsan naman ay siya ang nandito.
Pero ngayon kadalasan siyang nandito, kulang na nga lang ay dito siya
tumira.
Ngumiti ako at hinaplos ang pisngi niya.
"Malamang alam ko iyon..." I giggled.
Maganda si Tiara, siya ang Miss Davidson. Halos lahat ng lalaki sa DU ay
nahuhumaling sa kanya dahil maganda siya at matalino.
Architecture ang course niya, kadalasan ang mga designs niya ang
pinanglalaban ng kanilang university.
Hindi ko nga rin akalain na bisexual siya, akala ko nga noong una ay
maarte siya at mapili sa tao. Pero nang makilala ko siya ay unti unti ko
rin siyang nagustuhan.
Hanggang sa nagkaaminan kami, simula daw noong makita niya ako ay
nagustuhan na niya ako. Tinanong pa nga daw niya sa kaibigan niya kung
bakit ganoon ang nararamdaman niya.
Ayun, naliwanagan na din siya na bi nga siya. Bago kasi maging kami ni
Tiara ay may boyfriend siya na Dyllan ang pangalan. Taga Rockwell
University naman iyon.
Nakatulog kaming magkayakap. Palagi lang naman kaming ganito.
Nagising ako sa halik ni Tiara, kahit antok ako ay gumanti ako sa kanya
ng banayad na halik.
Damn!
Gumapang ang kamay ko sa dibdib niya, tulad ko ay nakabra at panty lang
siya. Pinagpalit ko ang pwesto namin, ako ang umibabaw sa kanya.
"Uhh..." she was moaning.
Marahan na minasahe ko ang dibdib niya. Kinalas ko ang kanyang bra para
walang sagabal.
Binitiwan ko ang labi niya at saka pababang hinalikan siya, nilagyan ko
siya ng kissmark sa cleavage. Nag umpisa akong humalik sa dibdib niya.
Malaki talaga ang dibdib ni Tiara. Payat ang pangangatawan niya kaya di
mo aakalain na may tinatago siyang ganito. Hindi kasi kalakihan ang akin,
sakto lang.
Tumaas ulit ang halik ko sa leeg niya. Puro pag ungol lang ang ginagawa
niya, lagi lang naman ganito ang nagagawa namin.
Halikan lang ganoon. Pero kahit kailan ay hindi ko pa nahawakan ang
kanya.
Napalunok ako nang hawakan niya ang kamay ko at igiya iyon sa gitna niya.
Shit! First time niya itong ginawa, kahit gusto niya na gawin ko ito dati
ay hindi naman niya ako pinipilit.
"Please..." she begged.
Nakapanuod na naman ako ng porn kaya alam ko ang gagawin dito. Hindi
naman ako inosente pagdating sa mga ganito, kahit first time ko itong
gagawin.
Naramdaman ko ang pangangailangan niya doon, kahit may panty pa siya ay
basang basa na iyon. Damn!
Marahan na ginalaw ko ang mga daliri ko, unang haplos pa lang ay umungol
na siya na parang sarap na sarap.
"Ugh..."
Mabilis na minasahe ko ang gitna niya, hinalikan niya ako sa aking
dibdib. Habang hinahalikan niya ang dibdib ko ay hinubad niya ang kanyang
panty.
Kumalabog ang dibdib ko.
Sobrang nag iinit yata si Tiara ngayon. Siya mismo ang nagdala ng kamay
ko papunta doon. Nanindig ang balahibo ko nang mahawakan iyon ng walang
kahit na anong sagabal.
Basang basa!
Hinalikan ko ang leeg niya at saka ko ginalaw ang kamay ko doon.
"Oh... Shit..." she moaned.
Parang musica iyon sa tainga ko kaya pinagbutihan ko ang paghaplos sa
kanya.
Lasing na tumango ako. Pinaikot ko muna ang daliri ko pagtapos ay unti
unti kong ipinasok ang middle finger ko sa kanya.
Damn! Bakit parang gustong gusto ko na ganito ang ginagawa ko?
Parang nag init ang mga daliri ko, dinagdagan ko pa ng isang daliri at
saka mabilis na nilabas pasok iyon.
Hindi na virgin itong si Tiara kaya hindi naman ako nahihirapan at
natatakot na baka masaktan siya.
Nakuha daw iyon ng kanyang ex boyfriend na si Dyllan. Mahal daw talaga
niya si Dyllan noon pero nang dumating daw ako ay mabilis na napalitan at
nawala ang pagmamahal niya kay Dyllan.
Ilang sandali pa ay yumanig ang buong katawan niya, nilabas ko ang daliri
ko.
"Ugh..." daing niya. Gamit ang tissue ay pinunasan ko ang aking daliri.
Mahigpit na yumakap siya sa akin, parang nawalan ng lakas.
"I love you, Riz..." bulong niya.
Napangiti ako at hinalikan siya sa noo. Napakaganda talaga ni Tiara, kaya
hindi ako nagsisisi na siya ang girlfriend ko.
Mahal ko siya...
"I love you too, Tiara..."
Chapter 5
Yugto 3
Yugto 3
"Kingina, Riziane!"
Nangunot ang noo ko nang itapon sa akin ni Ixerr ang isang papel,
nakaigting ang panga niya at matalim naman ang tingin sa akin ni Cyx na
nasa likuran niya habang nagyoyosi.
Hindi lang pala iyon simpleng papel dahil pagkabuklat ko'y nakita ko ang
nagkalat na tres sa aking blue card.
Putsa!
Tres? Seriously!?
I'm studying hard for fuck's sake! Why fucking tres!?
"Ganyan na ba kahina ang utak mo ngayon? Putsa, Riz. Hindi mo ba naisip
na mas importante ang pag-aaral kesa sa pangbababae mo!?" Cyx butted in
annoyance.
Isang hithit pa ang ginawa niya sa sigarilyo bago padabog na pinitik iyon
sa malayo.
Ixerr gasped beside him while looking at me disappointedly.
Puta. Hindi ko akalain na aabot pa sa topic na iyon ang pagkakaroon ko ng
flying treses. Ano namang kinalaman ng pangbababae ko sa blue card?
"Kinginang 'yan, tinalo mo pa kami, ah?" natatawa at sarkastikong ani
Ixerr.
Napalunok ako at napamura sa isip.
Nakakainis!
"Hahabulin ko naman ang mga grades ko. Don't worry..." napapabuntong
hiningang saad ko.
Cyx scoffed and Ixerr raised a brow.
Parang hindi sila makapaniwala sa mga sinasabi ko. Tsss, kahit naman yata
anong sabihin ko magiging kahihiyan pa rin ako sa kanila!
It'll be a news flash later! Mayroon pa naman kaming outing at puro
pamilya ang kasama, nakakainis lang dahil sigurado akong mamaya'y ako na
naman ang ibibida nila.
Ibibidang may gradong tres sa blue card!
"Kailan ka ba nagseryoso at magseseryoso, Riziane? Hirap mong pagsabihan,
to think na pinalampas namin ang pagiging fucking lesbian mo. Damn!" inis
na singhal ni Ixerr.
"Ano bang kinalaman ng mababang grado ko sa pagiging ganito ko? I don't
understand why are you keep on feeding me with it!" napatayo ako sa bench
na inuupuan ko.
Ang sarap sarap ng pagtulog ko rito, iistorbohin nila ko dahil lang doon.
Tsss, isang tambay ko lang sa library mahahabol ko naman ang grades ko
next semester.
Ginagawa nila ako masyadong bobo, e!
Napapikit ng mariin si Cyx.
Si Ixerr naman ay napasipol na lang at ngumisi, umupo siya sa wooden
table at saka tinanggal ang kanyang unipormeng coat.
"Are you stupid? Anong kinalaman? Wow, nagtanong ka pa talaga. Hindi mo
ba napansin na simula noong maging ganyan ka!" turo niya sa akin. "Flying
tres ruined your blue card!"
Tsss.
Ixerr chuckled.
Putsa, sinasabi ko na nga ba, e. Kunwaring inis lang siya kanina!
Pakitang tao kay Cyx para kunwari may kampi si Cyx, gago ang animal na
'to!
"And you broke a rule, yes finally some Saavedra got a tres! Ang lupit
mo, Man!" Ixerr said playfully.
Napangisi ako dahil doon.
Ako pa lang ang may tres sa aming magpipinsan, hindi lang tres kundi nag
uumapaw pa. Puta, if I know my professors was just insecure! Ang ganda ko
kasi!
And about the rule, rule kasi sa aming pamilya na dapat ay maayos ang
pag-aaral namin.
But knowing our family? Lahat ay matatalino, kaya kahit hindi sila maayos
na nag-aaral ay puro uno ang mga grado.
Iyan si Ixerr kahit na gago sa pag-aaral, he always got uno's! Matalino
rin kasi ang mokong, kaya kahit mag bulakbol ay walang nadadamay na
grades.
Ewan ko ba!
Cyx chuckled mockingly. "At babae pa talaga! Hanep, Riz. Mabuti sana kung
lalaki ka."
Napairap ako sa kanya.
"Lalaki naman, ah? Brusko nga oh!" humagalpak sa tawa si Ixerr. "Kingina,
baka mashock tayo next day! Gupit lalaki na 'yan at may lawit!"
Tangina nito!
Malakas na binatukan ko siya.
"Fuck!" He muttered while scratching his batok.
Umismid si Cyx at kinuha ang kaha ng Marlboro blue sa kanyang bulsa,
panibagong sigarilyo ang sinindihan niya.
Mabilis na nilabas ko ang cellphone ko at kinuhanan siya ng picture.
Nangunot agad ang noo niya at akmang kukuhanin ang phone ko.
"Oh! Tangina mo, ha! Papakita ko 'to kay Tita Cars!" humalakhak ako at
mabilis na tumakbo palayo.
Inis na tinapon niya ang kanyang yosi at saka sumunod sa akin. Humagalpak
sa tawa si Ixerr at kinuha ang mga gamit kong naiwan sa wooden table.
Tumakbo ako sa malawak na park ng aming village. Tawa ako ng tawa dahil
sa itsura ni Cyx habang humahabol sa akin.
Akala niya siguro mahahabol niya ako, hindi naman siya mabilis tumakbo at
mayroon siyang pilay na kakagaling pa lamang.
Sa aming magpipinsan si Ixerr at Cyx ang kadalasan kong nakikitang
nagsisigarilyo kung saan, si Onyx, Dyze at Kaizellus naman ay isa o
dalawang beses ko pa lang nakita.
Tuwing nag-iinuman lang. Ako lang ang nakakakita noon dahil parati ko
silang kasama at parati akong kasama sa kanila, boys night out ganoon.
Hindi ako palasama kila Ania may mga sariling lakad sila.
"Damn you, Riz! I will tell your girlfriend that you're flirting with
some sluts!"
Fuck!
Panay ang halakhak ni Ixerr habang nakasunod sa amin, napasimangot ako at
huminto sa pagtakbo dahil sa bwisit na Cyx.
Takutan pala ang labanan! Hindot!
"Gago ka! Sapak sapakin ko kaya mukha mo? Kakaayos lang namin tapos
guguluhin mo na naman!"
He smirked as he took my cellphone quickly. Inambaan ko siya ng suntok.
Kakaayos lang namin ni Tiara dahil nagselos siya kay Farah na kagrupo ko
sa baby thesis namin. Baliw na ang isang iyon, kung magselos akala mo
wala nang bukas.
I'm not even flirting with girls! Not even hanging out these past few
weeks with my friends because she's jealous to Rocket August Estrevillo!
Damn it! Anong kabobohan kaya ang mayroon siya? Tsss. Hmp! Naku!
Pasalamat siya't mahal ko siya!
"Passcode..." ani Cyx.
I want to slap that smirk!
"My birthday! Hindot!" Pasinghal na sinabi ko.
Kainis!
Ngumising aso siya.
"08-29..." kagat labing aniya habang pinipindot iyon sa aking cellphone.
Natatawa pa rin si Ixerr sa likuran, nakasukbit ang aking sling bag sa
balikat niya. Mayroon na siyang chupachups sa kanyang bibig ngayon.
Parang bata!
"Picture pa! I'm warning you, Riz. Oras na malaman ni Mama. I will tell
Azdrake who your girlfriend is, try me..." Cyx smirked, ibinalik sa akin
ang cellphone.
"Fuck you!" singhal ko.
Humagalpak sa tawa si Ixerr at nilabas ang lollipop sa bibig, pinanturo-
turo niya sa akin iyon.
"Tingnan natin kung hindi mawala sa'yo ang girlfriend mo!" halakhak niya.
Nagmiddle finger ako sa kanya at inis na tiningnan silang dalawa.
"Nagmamalinis ka masyado, nagyoyosi ka rin naman!" Cyx chuckled. "Isa
lang ang sumbong mo, ako marami! Plus mawawala pa ang girlfriend mo! How
sad..."
Ixerr pouted sadly. Sarap suntukin ng nguso!
"Ouch, it'd hurt so much. Knowing that your girlfriend is drooling over
Azdrake..." he then laughed wholeheartedly.
Pagalit na lumapit ako sa kanya at pinagsasapak ko ang dibdib niya. Tawa
lang siya ng tawa, nag iinit ang dugo ko sa kanila!
Kailangan pa ba nila ipamukha na mas gwapo at tunay na lalaki si Azdrake
sa akin? Tangina, malamang alam ko na naglalaway si Tiara doon! Almost
everyone naman!
Tsss, ganyan naman sila! Mahilig manakot pero alam kong nakakatakot
talaga dahil totoo naman.
Fuck.
Maingay ang naging gising ko kinabukasan, dinig na dinig ko ang tawanan
ng mga pinsan ko sa SVD room na mukhang naghaharutan.
"Fuck, Man! Papasabugin ko nguso mo!" inis na boses ni Kaizellus ang
nadinig ko.
"Ang pikon mo!"
"Oh God! Seriously, Kai? Ang manyak mo! Why do you need to capture that
girl's pleasured face! That's just so disgusting!" matining na boses
naman ni Ania iyon.
Humagalpak sa tawa si Ixerr at ang iba pa. Batid kong hindi pa sila
kumpleto, hindi ko pa kasi naririnig ang iba o baka abala lang sa mga
sariling gawain.
Napangisi ako at nailing.
Pagtapos kong maligo ay nagbihis ako. I wore a yellow crop top, black
ripped high waisted shorts matching with my adidas sneakers.
Alam kong sexy ako, confident naman ako dahil parati akong sinasabihan
nila Tia na naiinggit sila sa katawan ko. Hindi naman kasi ako nag wowork
out. Samantalang sila'y tambay sa gym.
Ngayon ang outing namin, we will have an island hopping later in Palawan.
I've been there twice. Hindi ko naenjoy iyon noon dahil mas masaya akong
natutulog lang sa fully airconditioned room ng hotel na nirerent namin.
Hindi naman ako mahilig mag swimming lalo pa't sa dagat! Geez, pero
ngayon ay susubukan kong enjoyin ang one week vacation namin doon.
Pagbaba ko'y naabutan kong naghahabulan sina Ixerr at Kaizellus. Paikot
ikot sila sa aming sofa doon, inis ang mukha ni Kaizellus at tawa naman
ng tawa si Ixerr.
"Fuck you, Ixerr! Give it back!" singhal niya.
Nanunuyang dumila si Ixerr sa kanya at mabilis na tumakbo papalabas ng
double doors. Suminghap si Kaizellus habang naiiling at pabagsak na naupo
na lamang sa sofa.
Hinilig niya ang batok sa backrest at saka paulit ulit na bumuga ng
hangin na tila nagpapakalma ng inis.
Si Ania ay puro ang selfie habang nakaupo sa single couch, napailing ako
at lumabas ng mansyon.
"Tangina, Dude!"
Malakas ang tawanan nila Ixerr at Cyx habang may kung anong sinaswipe sa
iPhone na blue ang hard case.
Sumipol ako at lumapit sa kanila.
Napatingin silang dalawa sa akin, sumipol si Ixerr at pinasadahan ako ng
tingin. Ibinulsa naman ni Cyx ang cellphone ni Kaizellus bago bumaling
rin sa akin.
"Pinagtripan n'yo na naman si Kai! Mga hindot!" halakhak ko.
Nagtawanan sila.
"Hayaan mo 'yon, ginawa n'ya rin sa akin 'yon, e. This is my revenge!
Make Kaizellus Bleau trending!" Hagalpak ni Ixerr.
"Ano bang gagawin mo? Trending naman lagi 'yon!" sabi ko.
Totoo naman, hindi naman nawawala sila nawawala sa usapan. Laman sila ng
mga bibig ng schoolmates namin.
Lakas talaga ng trip nila.
My phone rang. Si Tiara.
Lumayo ako kila Ixerr, umupo ako sa hood ng kotse ni Daddy at saka
sinagot ang tawag.
"Where are you? Nakaalis na ba kayo? Bakit ang tagal mong sagutin ang
call?" sunod sunod na bungad niya.
I smiled.
"Paalis na, hinihintay na lang ang iba pa..." I said. "You just got up?"
He hummed.
"Yup, babe. So, kumain ka na ba?"
Napanguso ako. "Hindi pa, sa byahe na lang siguro..."
She sighed.
"Alright, I'll just eat. Text na lang, I miss you and I love you..."
Namataan ko si Azdrake na walang emosyong nakapamulsa, papalapit na siya
sa gawi nila Ixerr.
His wearing a black playboy t-shirt, gray sweatpants and adidas slippers.
Simple yet gorgeous!
Kasama niya si Dyze na mukhang bugnot na bugnot sa buhay niya.
Mukhang walang suklay sa bahay nila kaya naman medyo magulo pa ang basa
niyang buhok.
His wearing a white plaid v neck shirt, a gray sweatshorts and a nike
slippers. Simplicity is a must, really!
Hindi sila mahilig pumorma, silang tatlo. Kaizellus, Dyze at lalo si
Onyx! Sila Ixerr at Cyx kasi ay casual na pormahan ang mga gusto.
Ngumisi si Dyze nang ipakita ni Cyx ang cellphone ni Kaizellus.
"Alright, I love you, too..." sabi ko na lang kay Tiara at hinintay kong
ibaba niya ang tawag.
Gentlemen always do that...
Pagkababa niya ng tawag ay lumapit na ako ulit kila Ixerr.
Tumaas agad ang isang kilay ni Azdrake nang makita ako at pasimpleng
pinasadahan ako ng tingin.
His lips rose and shook his head.
"You're still a girl..." malamig na boses niya.
I rolled my eyes. "Don't you have a comb, Dyze?" baling ko nalang kay
Dyze.
"Do I need that? I'm still hot with this messy hair..." balewalang aniya.
Thank God! Dahil nagbigay po kayo ng pinsan kong ubod sa yabang.
Humahanay ito kay Ixerr, e. Pero magkaiba sila ng ugali, Ixerr's a
playboy while Dyze's a loyal.
Loyal sa nobya niyang Grande! Tsss, may gwapo naman palang loyal.
"Hi, guys!"
Napalingon kami kay Yazinttia na kakarating lang.
Damn girl.
Pinsan ko siya! Pinsan ko siya.
Umiling ako at tinapon ang nasa isip ko.
She's wearing a floral fitted croptop hugging her sexy tiny body, low
waisted white shorts and a flat doll shoes. Katulad ko'y nakamessy bun
ang mahabang buhok niya.
Sobrang ganda ni Tia, kung sakaling may tipo akong babae? Siya iyon! Damn
it!
"Wow, Ate Savel! Barbie tayo ngayon, ah?" ani Ixerr at sumulyap sa akin.
"Barbie din pala si Riziane, oh! Ken be like..."
Naghagalpakan sila sa tawa. Kumunot ang noo ni Tia at umiling na lamang
na parang hindi nakuha ang sinabi ni Ixerr.
"Animal ka!" nag init ang pisngi ko sa inis.
"Andyan na sila Ania at Zin?" tanong ni Tia sa amin.
Tumango ang tumatawang si Ixerr at itinuro ang mansyon.
"Puro lalaki rito, Savel. Pasok ka doon!" halakhak ni Cyx.
"Siraulo! Anong tingin n'yo kay Quin?" mahinhin na tawa ni Tia. "Babae pa
rin 'yan, kahit ganoon! Sira kayo!"
Tsss.
Ang ganda mo kasi kaya confused ako! Sa isip-isip ko.
Nang makumpleto kaming lahat ay sumakay kaming magpipinsan sa Hiace na
white, ang mga Tito, Tita, Mommy at Daddy namin ay nasa kabilang van.
Tatlong van kami, sa aming magpipinsan, kina Daddy at ang mga bagahe ay
nasa pangatlong van.
Si Onyx at Cyx ang nasa frontseat at driver's seat, si Cyx ang
nagmamaneho. Sobrang ingay ni Ixerr sa kanyang pwesto.
Sinasabayan niya ang kanta ni Bruno Mars na versace on the floor.
"Let's take our time tonight, girl~"
Maganda ang boses ni Ixerr kaya ayos lang kung mag ingay siya ng ganoon.
Nakikisabay na rin sila Tia doon habang nakatawa.
Katabi ko si Ten, Dyze at Kaizellus. Sa likuran namin ay sina Tia, Ania,
Zin at Ixerr. Ayaw ko kasi tumabi kila Ania at Zin na maiingay ang bibig.
I need some sleep, hindi ako gaanong nakatulog kagabi dahil sa
pagreresearch ko sa topic ng baby thesis namin.
Damn, hirap mag-aral. Nakakatamad pero kailangan para sa future.
Ang nasa unahang si Onyx ay nakahilig ang batok sa backrest, may
nakasapak na earphones at nakapikit ang mga mata.
Ganoon din si Ten sa aking tabi, kanina ko pa hindi nadidinig ang boses
niya. Mukhang badtrip siya ngayon. Well, parang lagi naman siyang ganyan.
"Fuck it, Ixerr. You're so noisy! Stop singing, will you!?" asik ni
Kaizellus na mukhang inaantok. "Auditon to The Voice, we don't want you!"
Humagalpak kami sa tawa. Except sa mga tulog.
"Kawawa naman si Ixerr! Maganda naman ang boses n'ya! Ang Kj mo, Kai!" Si
Ania.
Umismid si Kai.
"Go audition for a judge there, then..." malamig at sarkastikong aniya.
Damn.
"Siraulo!" halakhak ni Zin.
"Ikaw din kung gusto mo sumama kay Yvania..." Kai sneered sleepily.
Napailing na lamang ako at tinext kay Tiara kung nasaang lugar na kami.
Hinilig ko ang aking ulo sa bintana para makatulog na rin.
Chapter 6
Yugto 4
Kabanata 4
"Riz Saavedra!"
Gulat na napabalikwas ako ng pagkakaupo dahil sa malakas na sigaw ni
Ixerr sa aking tainga.
"Ano! Sunog!? Saan!?" aligaga kong sigaw.
Humagalpak sila ni Cyx sa tawa. Hawak hawak pa ni Ixerr ang tiyan niya
habang pinapalo palo ang pintuan ng Hiace dahil sa kakatawa.
Wala nang tao sa van, ako na lang mag isa. Si Ixerr at Cyx naman ay may
buhat na mga bags nila.
"Fuck it, Riz. Babaeng babae ka sa tili mo na 'yon, huh!" halakhak ni
Ixerr.
I frowned. Inis na tinulak ko siya mula sa pagkakaharang niya sa pintuan
at saka sinipa ang tuhod niya.
Napaigik siya sa sakit.
"Fuck!"
"O yan, fuck you ka fuck boy!" I hissed. "Pag sinipa ko 'yang itlog mo,
tingnan natin kung makasex ka pa sa mga babae!"
"Damn! Inggit ka ba, kasi wala ka nito?" He asked, laughing.
"Inggit mo to." inis na untag ko. "Inggit ka sa iba kapag binasag ko
'yan!"
Muling tumawa siya ng malakas at nailing na lamang, kinuha ko ang aking
backpack at saka sila tinalikuran.
Umakbay si Cyx sa akin at prenteng inayos ang likuran ng aking crop top.
"Cropped na, hanging pa? Kung brusko ka dapat nakamalaking t-shirts
ka..." He grinned.
Bumalandra ang maliit niyang dimples sa magkabilang gilid ng kanyang
chin. Napairap na lamang ako sa kawalan at nagpatuloy sa paglalakad.
He looks like Ixerr, I don't know but they're like twins. Maybe because
their fathers are twins, kaya ganoon na rin sila hindi man magkapatid ay
magkamukha.
Ganyan naman silang lahat, masyadong protektado kunwari pero kapag babae
ang hinuhubaran nila akala mo nanalo sa lotto.
Nakasunod lamang si Ixerr sa amin, inis na inis ako sa init ng pasikat ng
araw ngayong tanghali. Dagdag pa ang paglalakad namin ng mabagal dahil
white sand na ito at mabigat sa paa.
"Hanep pala tumili si Riz..." panunuya na naman ni Ixerr. "Paano ka
magugustuhan ng mga babae kung mas babae ka pa sa kanila?"
"Ulol, h'wag ka nang bumoses pa, Bogli... Baka masapak ko lang bunganga
mo!" inis na singhal ko.
He laughed loudly.
Ang mga babaeng nakakasalubong namin ay puro naka bikini na, nakakabusog
talaga ng mata kapag nasa beach, e.
Halos lahat kita na ang kaluluwa at ang iba'y sexy talaga! Mayroon din
namang mga balyena ang hugis ng katawan.
Napapatingin sila kay Ixerr dahil ang lakas nitong tumawa, masyado
talagang magnanakaw atensyon ang lalaking ito!
"Shit! I'm gonna die laughing! Ibang klase ka talaga, Tibs. Anyway, one
question please!" He grimaced.
Inakbayan niya ako. Hindi ba nila alam na ang bibigat ng braso nilang
maskulado? Tsss.
Natanaw ko ang ibang mga pinsan ko na naglalakad din pero malayo na sila
sa amin. Tumatawa si Dyze at Kaizellus habang nag-uusap.
"What?" I rolled my eyes.
He smiled devilishly. Huminga siya nang malalim, bakas sa kanya ang
ngisi.
"Uhm, did you fucked that Tiara girl already?"
Napapikit ako ng mariin, sobrang nag iinit ang pisngi at tainga ko dahil
sa kanyang naitanong.
"Putangina, Ixerr!" humagalpak sa tawa si Cyx at lumayo na sa akin.
Marahas na siniko ko ang tiyan ni Ixerr at saka siya sinabunutan. Sigaw
siya ng sigaw sa sakit pero halata pa rin doon ang pagtawa.
"Tangina mo! Bastos ang bunganga mo!"
Humagalpak siya sa tawa at saka kumalas sa aking sabunot. Kumamot siya sa
kanyang ulo at napapangiwi.
Kahit malambot ang buhok niya ay nagulo iyon dahil sa sobrang pagsabunot
ko sa kanya, serves him right!
Tumawa ng malakas si Cyx.
"What!? I was just asking! Saan ka ba nagalit? Dahil sa pagtatanong ko o
dahil sa wala ka kung anong mayroon kaming mga lalake?" He devilishly
smiled.
I glared at him and he clicked his tongue out that it annoys me more.
Ang sarap lapirutin ng bibig ni Ixerr, napaka walanghiya at puro
kalibugan lamang ang naiisip itanong!
Hindi ko na siya pinansin, padabog at nauna na akong maglakad. Nag middle
finger pa ako sa kanya.
Damn it!
Bwisit talaga si Ixerr kahit kailan! Hindi siya nawawalan ng pang-aasar,
ang sarap ipalapa sa mga pating!
Tumakbo ako patungo sa iba kong pinsan, naghahanap na ng cottage sila
Ania. Nangunguna sila sa paglalakad. Medyo malayo na rin sila mula kila
Kaizellus.
Iyong totoo? Excited lang?
Humihingal ako nang maabutan sila. Damn, I feel like a dog who's really
really thirsty for water in this kind of heat.
Ang sikat ng sobrang init na araw ay humahaplos sa aming balat, ang init
noon ay tumatambay. Bullet of sweats flowing on my neck.
Sobramg lagkit!
Namumula na ang balat ni Kaizellus, ganoon din nila Ten. Masyadong
sensitive ang kanilang kutis, a little pinch on their soft skin would be
a bruise and it would be red.
Kapansin pansin ang paninitig ng mga kababaihan sa mga pinsan kong
lalake, sanay na sanay na ako doon kaya ipinagkibit balikat ko na lamang.
Lalo na si Onyx? Puta, lahat ng babaeng makakakita sa kanya? I assure
you, lahat napapatagal at napapanganga sa kanyang mukha.
"Nasaan pala sila Tito?" tanong ko kila Dyze nang makalapit ako.
He shrugged.
"Do I look a lost and found?"
Nag init ang panga ko sa inis. Dumadagdag pa talaga siya sa nakakaasar na
tao sa mundong ito. Ang sarap niyang itapon sa gitna ng karagatan at
ipakain sa mga Piranha doon.
"Bastard!" I mocked. "Mukha kang tanga, 'yon ang tama..."
Umismid siya.
"Ano ka pa?" He said. "Mas mukhang tanga 'yong nagkakagusto sa katulad
n'ya..."
Kaizellus laughed. "I still can't believe it..."
Tsss, ang big deal talaga sa kanila na naging bisexual ako. Come on, wala
naman sa rule na bawal ang maging bisexual o tibo.
I don't understand why do they have to open that topic, always?
Ako nga naka moved on sa pagiging babae, e. Sila pa kaya? Bakit kaya
hindi nila try mag move on din and get over with it, tanggapin na lang
nila ako dahil ito ako.
This is me, I was born to be like this. It's not that I wanted to be like
this... But fate did this, maybe this is the real me and I couldn't
change it.
"At least walang nalalabag na rules..." my voice is icy.
Akala mo naman ang lilinis nila, si Dyze napakaraming nalalabag na rules
niyan pero hindi ko naman ipinamukha sa kanya iyon. Ng aadvice pa nga
ako.
Ganyan talaga ang mga tao ngayon, e. Magaling lang kapag sila ang may
problema, pero kapag ikaw na ang may problema wala na sila.
That's life, you're just important when they need you...
Hinagis ko ang aking bag sa wooden table, nasa isang cottage kami na
malaki at kasya kaming lahat magpipinsan.
Nagtataka talaga ako kung bakit wala ang mga parents namin dito. Kanina
lang nakasunod sa amin ang Hiace na sinasakyan nila.
"Woooh! Init!" Ixerr gasped.
"Nasaan ba sila Mommy?" tanong ko.
"Sa ibang island sila," Cyx answered.
So, hiwalay na naman pala sila? Naku! Baka magkakapatid kami ng 'di oras,
ginawa yata nilang honeymoon ang aming family outing!
Huminga ako nang malalim at nag unat ng mga braso, umupo ako sa kawayan
na upuan at tinanaw ang dagat na 'di naman kalayuan mula rito.
Kulay asul ang karagatan, puti at pino ang buhangin kaya sobrang maganda.
Ngayon lang ako napunta rito sa island na 'to.
"Gosh, gwapo talaga ni Greyson!" hagikgik ni Ania habang pinapakita kila
Tia ang kanyang cellphone.
Napanguso ako.
Oo nga 'no? Bakit ngayon ko lang naalala na ultimate crush ni Ania si
Greyson Moretz pero kahit kailan ay hindi naman siya pinansin noon sa
hindi ko maintindihang dahilan.
Yvania is hella sexy lady, hindi ko siya pinsan kung hindi siya maganda
at sexy. Maraming nagkakandarapa sa kanya lalo na sa school namin.
"Ilakad mo naman ako sa best friend mo, Tia!" nakangusong sinabi ni Ania
habang nakatingin pa rin sa cellphone niya.
"I'll try, pero kasi may crush kay Riziane iyon!" halakhak ni Tia, she
ponytailed her hair into a messy bun.
Humagikgik si Zin at napailing. Inaayos niya ang kanyang lotion at
sunblock sa wooden table.
"You're hopeless, Ans..." she shook her head.
Kanya kanyang pag-aayos naman sila Cyx ng mga pagkaing dala namin sa
lamesa. Lumapit ako sa cooler para kumuha ng softdrinks.
Binuksan ko iyon at saka ako lumagok doon. Uhaw na uhaw ako dahil sa
pesteng init dito!
"Ania, stop that hopeless crush! Hindi ka papansinin noon!" halakhak ni
Ixerr, panira talaga ng pag uusap kahit kailan.
"Damn yeah, that Moretz is crazy with Riz!" halakhak naman ni Cyx habang
inaayos ang ihawan.
Alam nilang lahat ang tungkol sa pagkakagusto ni Greyson sa akin. Greyson
is really vocal about his feelings for me, I don't know why!
Hindi ko maintindihan kung bakit ako pa gayong marami din ang
nagkakagusto sa kanya. Mayaman, gentleman, sweet at gwapo siya.
Umirap si Ania. "Wala naman siyang pag-asa kay Riz! Tibo si Riz, babae
rin ang gusto! My God!"
"Tsss..." untag ko. "Makatibo ka dyan!"
Kaizellus chuckled.
"At wala ka rin namang pag-asa kay Greyson dahil gusto niya ang tibo." he
pouted.
His sky blue eyes were twinkling. Bakit ba hindi ako magpakababae at i-
appreciate na lang ang nagagwapuhang mga pinsan ko?
Tsss, bakit kasi nagkaroon ng Yazinttia Saavedra? Iyon tuloy ang
naappreciate ko ng sobra. Ania and Zinderela, too.
Kung paghahanayin naman silang tatlo ay si Tia ang nasa unahan ng
listahan ko, next is Zinderela and then Ania. Don't get me wrong, lahat
sila ay magaganda. Mayroon lang talaga tayong kanya-kanyang tipo.
Tumawa si Zinderela at sumulyap sa akin.
"Bakit naman kasi nagpakatibo ka, Riz?" natatawang tanong niya habang
naglalagay ng sunblock lotion sa kanyang braso.
Napasimangot ako.
Hindi ako tibo! Iba ang bisexual sa tomboy! Minsan talaga mga tanga sila
makaintindi, e.
"Tigil tigilan n'yo nga ang pagpansin sa akin!"
Humagalpak sa tawa si Ixerr.
"Oo nga h'wag niyo na siyang pansinin masyado..." He grinned. "Her blue
card na lang!"
I groaned.
"Putang ama, Ixerr!" inis na binato ko sa kanya ang plastic bottle na
hawak ko pero nailagan niya iyon at tumawa pa ng malakas.
"Why?" kunot noo na tanong ni Kaizellus.
"What about her blue card?" si Tia naman.
Kumalabog ang puso ko sa kaba. I don't know how to explain it to them,
I'm a disgrace! Damn it! Hindi ko kasi inayos ang pag-aaral ko.
Akala ko papasa ako kahit! Shit!
Nakakainis!
Ixerr whistled, he was removing his white t-shirt. Isinabit niya iyon sa
kanyang balikat at nagpaypay gamit ang isang karton. Nagtutuluan ang
pawis sa kanyang katawan at noo.
I glared at him.
"Fuck you." I mouthed.
Kumindat siya. "Go, Riz!" He mouthed, too.
Damn it!
Ang sarap niyang batuhin ng malutong na mura.
Nakatingin na sila sa akin ngayon, pati si Onyx at Ten! Damn it, I
shouldn't be nervous but seeing them looking at me like I'm some of a
criminal, damn!
"Don't kill your vibe, cousins. My bad, Riz has a top! Kaya sabi ko
pansinin n'yo naman ang katalinuhan niya!" si Ixerr.
Damn him!
Ngayon gaganyan ganyan siya? Kung kailang naikanta na niya?
"Don't fool us, another idiot..." si Dyze. "Of course all your stupid
tweets were otherwise! Tsss..."
Napahugot ako nang malalim na hininga.
"What?" natatawa pang tanong ni Ixerr. "Alright alright, I'm innocent
here! Isipin niyo na lang na wala akong nasabi..."
Gago! Tarantado!
Tumawa si Cyx. "Painosente kamo!"
"Ginaya mo pa kami sa sarili mo, tanga!" si Kaizellus sa inis na tono.
Sinasabi ko na nga ba, e. Sa akin at sa akin lang iikot ang topic,
sandaling nawawala lang ako sa usapan nila pero nadadawit at nadadamay
muli dahil sa pagpansin sa akin ng gagong si Ixerr.
Umupo ako sa white sand at marahang pinaglalaruan ang buhangin. Si Ania
ay todo ang paaraw pati na rin si Zinderela, naglalaro silang dalawa ng
flying saucer.
Halos maglaway na ang mga foreigners sa kanila rito!
Napailing iling ako at tumayo na. I removed my top and denim shorts.
Tanging bikini ang natira sa akin. Sumulyap ako sa mga cottage kung
nasaan ang mga pinsan ko.
Mukhang nag-uusap pa sila doon, mabuti na talaga na nandito ako sa
dalampasigan kesa naman doon ako manahimik at asarin lang nila, gawing
stupid topic nila.
Sumipol ang lalaking malapit sa akin. Ganoon din ang mga kaibigan niya,
they're all topless.
He looked foreign, light brown ang mga mata, ang buhok ay kulay
tsokolate, maputing balat at mayroon siyang freckles sa mukha pero lalo
lamang iyong nagbigay ng appeal sa kanya.
Pinasadahan niya ako ng tingin magmula ulo hanggang paa, tinaas ko ang
aking kilay. Tinapon ko na lang sa buhanginan ang aking mga hinubad.
"What are you looking at?" Kaswal na tanong ko, pasaring na rin sa lima
pa niyang kaibigan.
Tumaas ang isang kilay niya at tumaas ang gilid ng kanyang labi.
"I have a pair..." tinuro niya ang kanyang mga mata.
I rolled my eyes.
"So? Why do you have to look at me? There are so many fishes in here,"
"You're an eye catcher, masama bang tumingin?" nabubulol pa niyang
tanong.
Wow! Mag aral kaya muna siyang magtagalog at hindi mabulol bago magpacute
sa akin?
"Not interested, homie!" I grinned.
He smiled evilly.
"Where are you interested, then?" tanong pa niya.
Tsss, mayabang 'to ah?
Marahang humakbang ako para malapit sa kanya. Bahagyang napanganga siya,
ganoon din ang mga kasama niya habang sinusundan ako ng tingin.
Matangkad siya kaya naman tumingkayad ako ng kaonti para ilapit ang aking
labi sa kanyang tainga.
He was stunned. Para siyang gulat, halatang hindi inaasahan ang naging
kilos ko.
"Girls..." I whispered. "Only girls can get my interest, dude. Hindi tayo
talo..." I smirked.
Chapter 7
Yugto 5
Kabanata 5
The sun is setting, this is my favorite part of the day. I want to watch
it, nawawala na rin ang mainit na simoy ng hangin. Unti unting lumalamig
ang hampas nito sa aking balat.
"Mine!" sigaw ni Ania.
They are playing volleyball now. Onyx is asleep in our cottage while Ten
is busy playing mobile legends on his cellphone.
Pansin kong doon sila naaadik ngayon, even Ixerr and Zydein. They were
spending too much of their time on that mobile game! Miski nga si Onyx na
hindi mahilig sa ganoong mga bagay ay naglalaro na ngayon ng ganoon.
Umupo ako sa buhanginan habang pinapanuod ang paglalaro nila. Three on
three sila, boys versus girls. Dyze, Kai and Cyx ang magkakampi while the
three girls are Tia, Ania and Zin.
Ixerr is nowhere, for God knows where he is right now. Maybe hunting some
chikababes out there, ilang taon na ba kaming mayroong family outing and
there he is just hunting girls!
Walang kasawaan sa babae! That's how hopeless he is!
Kung pusong babae lang talaga ako? Naku, hindi ako pipili ng katulad
niyang lalake. Ayaw ko magkaroon ng sakit sa ulo kahit pa na gwapo siya
at kinababaliwan ng kababaihan sa paligid.
Tumayo ako mula sa buhangin at saka pinagpag ang aking puwitan,
nanlalagkit na ako sa alat ng tubig sa dagat kanina.
Tumungo ako sa aming cottage tutal ay wala naman akong magawa sa
dalampasigan kundi ang panuorin ang walang kwentang paglalaro nila ng
volleyball.
"You don't understand..." malamig na boses ni Xythen iyon habang kausap
si Onyx.
Onyx was busy reading a book, ibinaba niya iyon at sinulyapan si Ten
gamit ang kanyang tamad na mga mata.
"I understand that you're stupid, Ten. No need to explain it..."
mapanuyang untag ni Onyx.
Kumunot ang noo ko, anong pinagtatalunan nilang dalawa?
Pasimpleng kumuha ako ng chips sa lamesa at saka umupo sa tabi ni Ten na
mukhang napipikon ang itsura. Para bang hangin lamang ako na dumaan, ni
hindi nila ako tinapunan ng sulyap!
"You're the one who's stupid here, Azdrake." si Ten.
Nagtaas ng kilay si Onyx nang sulyapan siya dahil sa kanyang sinabi.
"Alright, Zeonar." he nodded, smirking. "You could sleep now..."
Ten's jaw clenched.
"Hoy! Hoy! Ano 'yan?" umalma na ako dahil doon.
Basta ganyan na si Ten, alam ko nang mananapak na lamang siya bigla kapag
napipikon. Hindi siya iyong tipo na mahaba ang pasensya.
Wala akong alam sa pinagtatalunan nila pero sa tingin ko'y seryoso iyon
at ginagawa lamang biro ni Onyx. Jusko, saan ba ako napunta? Si Onyx ang
simpleng malakas mang-asar at wala namang pasensya si Ten.
Damn.
"Itigil n'yo ang pagshashabu n'yong dalawa, hindi mabuti pag napunta 'yan
sa utak!" I said.
Kumunot ang noo ni Onyx, matalim naman ang tingin ni Ten nang sulyapan
ako. Nakaigting pa rin ang kanyang panga, it's like he's holding his
anger for damn too long.
Ngumuso ako at bahagyang iginilid ang aking ulo. I crossed arms on my
chest and looked at them.
"Anong problema n'yo ba? Bawal away rito!"
"Who's fighting here?" tanong ni Onyx sa malamig na tono at sumimsim sa
bottled juice.
Humalukipkip siya at bahagyang naupo sa wooden table.
"Ah, wala ba? So, what was that? Lambingan lang?" sarkastikong tanong ko.
Umismid si Ten at saka walang paalam na tinalikuran kami paalis ng
cottage. Napatingin ako kay Onyx at napasinghap dahil sa kabastusan ng
batang iyon.
He's really rude, palagi naman siya ganoon kaya dapat na lang talagang
masanay sa pangit niya ugali. Lahat naman sila'y garapal ang ugali pero
mas madaling makasundo sila Ixerr at Cyx.
Si Onyx at Ten naman ang mahirap makuha ang ugali, mahirap silang
intindihin dahil masyadong masikreto at talagang walang nakakapagpaamo.
I know because I've been there, I tried to get close to them. Yeah, I did
it. Nakasundo at nakalapit ko sila pero mahirap talagang kunin ang loob
nila.
Ewan ko ba!
"Grey! Omg! I miss you!" tili ni Tia habang mayroong kavideo call sa
kanyang Ipad.
Nakadapa siya sa sofang mahaba habang nakangiti ng malapad sa camera ng
kanyang Ipad. Ang mga paa niya'y nakapatong sa hita Dyze na nanunuod
naman ng movie sa flatscreen television.
"Omo! Greyson!" tili ni Ania.
Napasinghap ako nang maitulak ako ni Ania dahil sa kakamadali niyang
pumunta sa tabi ni Tia.
"Ano ba? Tangina naman oh!" napapasinghap na anas ko.
Hindi mawala ang ngiti sa labi niya habang nakatingin kay Greyson na nasa
screen ng Ipad. Inis na umirap ako at kumuha ng beer in-can sa ref.
"Hi, Grey!" hagikgik ni Ania.
Para akong kinikilabutan sa mga kaartehang pinagagagawa ni Ania, siya pa
talaga ang nababaliw sa lalake, ganoon?
Greyson chuckled.
"Hi, Yvania. How's your day?" magalang na tanong nito.
Wow! Koronahan si Ania, pinansin ng crush niya!
"It was fun!" halakhak ni Ixerr, nakaupo siya sa single couch
nakikipagsiksikan kay Cyx.
"Ano ba! Ikaw ba tinanong!?" Asik ni Ania.
Humalakhak si Greyson sa kabilang linya.
"Uhm, si Riz?"
Parang anghel iyon na katanungang dumaan, natahimik sina Ixerr at Cyx sa
paghaharutan dahil doon at saka sumulyap sa akin.
I shrugged and sat on the carpeted floor, nag indian sit ako at humarap
sa tv para manuod. Hindi ko na kailangan gawing big deal iyon dahil sanay
na akong lagi niyang hinahanap.
Duh!
"Yan tayo, e!" halakhak ni Tia. "Si Ania ang nasa harapan mo, hindi mo
kailangan maghanap ng iba."
Greyson chuckled.
"Can I see her? Andyan ba s'ya?"
Napabuntong hininga ako at inihilig ang aking batok sa sofa na inuupuan
ni Tia.
Bakit ba kailangan niya akong hanapin at bakit kailangan niya akong
makita? Ano bang mayroon sa akin? Sa pagkakaalam ko wala naman akong
gayumang pinakain sa kanya.
Tinapat ni Tia sa akin ang Ipad and there I saw Greyson, nakasandal siya
sa headboard ng kanyang kama. Magulo at basa ang buhok, mayroon pa siyang
tuwalyang blue sa balikat.
"Oh 'yan!" asik ni Tia. "Sorry, Ans..."
He was looking at the screen, on me. I pursed my lips and rolled my eyes.
Hindi ako nadadala sa kagwapuhan niya, simple lang dahil hindi ako
magkakagusto sa lalake.
"Hi..." Greyson greeted.
Padabog na nagmartsa papasok ng kwarto si Ania, mukhang naaasar na ewan.
Of course, who wouldn't!? Ito kasing si Greyson masyadong insensitive!
Manhid! Bulag!
Tamad na humikab ako at saka tumango na lamang sa kanya. I don't wanna be
rude but I can't help it, this is me.
Kitang kita ko ang pait na may kahalong saya sa kanyang mga mata.
Nagtawanan sila Ixerr dahil sa tugon kong tamad.
Nakaani ako ng batok mula kay Tia at saka iniwas na sa akin ang Ipad.
Napakamot na lamang ako sa ulo ko at saka lumagok sa aking beer.
"Grabe ka, Riziane!" halakhak ni Ixerr. "Minsan na lang ang tanga!"
Pinandilatan agad siya ng mata ni Tia, mabilis na tumayo si Tia at saka
nagmartsa na rin patungo sa kanilang silid.
Tsss, what did you do Greyson? Bakit ka ganyan? Bakit kailangan mo pang
ipakita sa lahat ng kamag-anak ko ang pagpapakatanga mo sa akin?
Ngumisi si Cyx at nagtaas ng kilay sa akin.
"Bakit ba kasi hindi mo subukan?"
"Ayaw kong makasakit ako!" giit ko at muling uminom ng beer.
Kinuha ni Kaizellus iyon at saka sumimsim doon, pagtapos ay inilapag niya
iyon sa center table at saka inabala muli ang sarili sa kanyang
cellphone.
"Tanga ka? Subok lang naman, e? Paanong makakasakit?" si Ixerr.
"Malay mo, may chance ka pa sa lalake..." malamig na singit ni Dyze.
Humagalpak sila sa tawa. Gustong mag init ng ulo ko dahil sa kanilang
pang aasar, hindi lang ako ang naaasar, e. Pati si Greyson ay kawawa na
sa kanila.
Hindi naman kasalanan ng tao na mahumaling sa kagandahan ko. Tsss...
Damn you, Riz! GGSS tayo, e 'no.
Umiling ako.
"Hindi mo maiintindihan dahil pananakit lang naman ng damdamin ang
naiisip mo, Xerr!"
"Whoah! Bakit sa akin napunta? I'm not a heartless person to tell you,
Riz. Nagpapaligaya lang naman ako sa mga babae!" He smirked.
I frowned. Kunwaring nasusukang humawak ako sa aking leeg at saka nag
middle finger sa kanya.
"Hilig mo talaga middle finger e, 'no? Tsss..." napapailing na ngisi niya
sa akin.
Halos masamid ako nang maintindihan ang kanyang kabastusang sinabi.
"Tangina mo ka! Tigil tigilan mo ako!" singhal ko.
Nagtawanan sila doon.
Feeling ko ako iyong pinakamabubully nila, walang araw na hindi nila ako
napansin o naasar lalo pa't parati ko silang kasama.
Damn.
Para bang hindi sila mabubuhay na hindi ako pinapansin, iyong totoo? Ako
lang ba ang kapansin pansin sa lahat? Psh! Nakakabwisit!
Nagkayayaan kaming mag inuman pero sa veranda lang naman ng VIP suite na
tinutuluyan namin. Mahirap na kung lalabas pa kami para mag bar hopping
around the beach, mas maganda nang nasa iisang lugar lang kami at walang
poproblemahin kapag may nalasing sa bar.
Nagtatawanan sila Ixerr sa kagaguhang ginawa raw nila noong isang araw sa
school. Kamuntikan nang masuspend si Cyx dahil napagbintangan na siya ang
nanghipo sa anak ng professor namin.
"Fuck you, Ixerr!" inis na sinabi ni Cyx. "If I haven't covered you,
malamang expelled ka na! Hipo pa! Tangina, malibog ka talaga anywhere,
anytime!"
Humagalpak sa tawa si Ixerr habang hawak pa ang kanyang abs, nakasabit sa
railings ng veranda ang kanyang puting damit.
"Tangunu, brad! Hindi ako nanghipo! Hindi lang ako duwag!"
"Huh?" naguguluhang tanong ni Kaizellus.
"Hinipuan ako, e. Hinipuan ko rin para it's a tie! Dude, my parents
didn't raised a coward!" nagkibit ng balikat si Ixerr at saka lumagok ng
isang Tequila shot.
Napailing ako at binato siya ng unan.
Tss, hindi ko siya masisisi sa mga nagagawa niya dahil mismong mga babae
na nga ang nagbibigay ng motibo sa kanya, sa kanila. Ako na ang nahihiya,
e. Kinahihiya ko ang female gender ko. Parang bumababa parati ang level
ng mga babae lalo na kapag nadidinig kong nagkukwentuhan ang mga pinsan
ko.
"Tangina mo! Manyakis ka talaga kahit kailan!" halakhak ni Kaizellus.
"Coward your face!"
Humagalpak sila sa tawa.
Hindi ko alam kung anong nakakatawa sa kalibugan ni Ixerr, but they
looked proud of what he did! Damn, seriously?
Humaplos sa aking balat ang malamig na simoy ng hangin. Napakaraming
bituin sa kalangitan kaya masarap iyon pagtuonan ng pansin.
"Pero seryoso, Xerr..."
"Ano 'yon?" tanong ni Ixerr habang nahihikab.
Kaizellus' lips twitched while looking at Ixerr. Mukhang mayroon siyang
naiisip na hindi maganda itanong kay Ixerr.
"Sana makahanap ka ng babaeng paiiyakin ka!" humalakhak ako. "I cusrsed
you!"
Humagalpak sa tawa sila Kaizellus. Ngumising nagyayabang lamang si Ixerr
at saka nagkibit ng balikat.
"That's what I wanted to say!" Kaizellus said.
Chapter 8
Yugto 6
Kabanata 6
Tinanghali ako ng gising kinabukasan, napahikab ako sa kaantukan pa. I
stretched my arms, biglang umungot si Ixerr na hindi ko alam na katabi ko
palang natulog rito sa sofa.
"Riz! Ang likot~" namamaos ang kanyang antok pa na boses.
Umikot siya at saka pumulupot ang kanyang mga braso at hita sa akin.
Ginawa akong unan ng animal!
Nalanghap ko ang amoy Tequila at mint niyang hininga, akalain mong
nalasing siya? Bago yata iyon!
"Ano ba? Ang baho ng hininga mo!" nandidiring sigaw ko.
Tinulak ko ang kanyang mukha pero lalo lamang siyang yumakap sa akin, he
buried his face on the side of my neck. Nagtayuan ang balahibo ko!
Siraulo! Tangina nito!
Napatili at nanlaki ang mga mata ko nang may humila sa aking braso kaya
naman sapilitan ako nahulog sa sofa.
Inis na nilingon ko ang humila sa akin, only to find out it was Onyx!
Nakakrus ang kanyang mga braso sa dibdib habang nakatingin sa akin.
"He's wild, lumayo ka na lang..." He said coldly and glaced at Ixerr who
was sleep talking!
"Damn! Hot!" Ixerr murmurs.
What the actual fuck?
He was even smiling like he's in some place to enjoy!
Napabuga ako ng hangin at sinapo ang aking puwitan na sumakit dahil sa
pagkahulog, tumayo ako at sinapak si Onyx sa balikat.
"Ang incest mo mag-isip!" singhal ko at napairap.
Mahimbing ang tulog ni Cyx sa carpet sa lapag, walang saplot pang itaas.
Si Kaizellus naman ay nasa isa pang mahabang sofa at mahimbing rin ang
tulog hanggang ngayon.
Onyx shrugged.
"Just being realistic..."
Napasinghap ako at nailing dahil sa naiisip niyang katangahan!
Tumalikod na siya at tumungo sa kusina. Sumunod ako sa kanya dahil
nagugutom na rin ako at kumukulo na ang aking tiyan.
Ewan ko kung anong naiisip nitong katangahan, ilang beses ko naman ng
nakatabi si Ixerr kahit si Cyx. Silang dalawa naman ang parati kong
kadikit at kasama kahit saan, e.
Dumaan ang oras na puro pagtulog lang sa kwarto ang nagawa ko dahil sa
hang over, feeling ko pagod na pagod at wala akong magagawang kasipagan
ngayong araw.
Ito talaga ang hirap sa hang over, masakit sa ulo at nakakatamad kumilos.
Hindi ako tinatamaan ng hang over, ewan ko lang kung bakit ngayon.
Siguro'y nabitin ako sa inumin kagabi dahil sa kaantukan ko, hindi naman
talaga ako usually nalalasing lalo naman sila Ixerr at iba pang pinsan
ko.
Napakalakas nilang mag-inom, naku. Alak na siguro ang susuko sa kanila
kung sakaling nakakapagsalita lang ang alak.
Minsan naiisip ko paano kaya kung kasama ko rito si Tiara with my
cousins? With my family? Parang ang sarap lang sa pakiramdam na makasama
siya at ang pamilya ko sa iisang lugar.
Mukhang malabo iyon sa ngayon dahil mahirap pa para sa kanila na
tanggapin kung ano ako, kung ano ang totoong pusong mayroon ako.
Natatakot ako sa lahat ng maaaring mangyari, natatakot ako na mawala sa
akin ang babaeng tumanggap sa akin. Natatakot akong mawala ang pamilya ko
sa oras na may mali akong magawa.
I know that they aren't fully understand me, alam ko naman kaya hindi na
ako magtataka pa. Iniintindi ko ang maaaring makuha kong pang iinsulto
mula sa parents ko kapag nalaman nila.
Nakatulog ako sa pag-iisip ng mga imahinasyon sa aking utak, kataka
takang hindi mabigat ang pakiramdam ko kahit na puro problema ang naisip
ko bago ako makatulog kagabi.
Huminga ako ng malalim at nag unat ng mga braso at binti, wala nang tao
sa silid kung nasaan ako ngayon. Mukhang ako na naman ang pinakalate
nagising, ah.
Lumabas ako ng kwarto, natagpuan agad ng aking mga mata ang babaeng
nakaupo sa white sofa. She was talking to Yazinttia and Ania. Si Zin ay
abala sa pagcecellphone sa kabilang sofa.
"Anong oras ba umalis sila Dyze?" tanong ni Prescilla Grande.
Yes, Prescilla Grander is here. She's wearing a black off-shoulder
blouse, high waist denim shorts and a gladiator sandals. Maganda, not
only her devilish face but her body, too.
Saktuhan lang ang kanyang dibdib, hindi kalakihan at hindi rin naman
kaliitan kaya talagang masasabi mong maganda ang pangangatawan niya dahil
hindi Oa at hindi rin kulang.
Prescilla Grande is the girlfriend of my cousin Dyze Saavedra who's very
loyal and very in love with her.
Nakikitaan ko ng pagkakuntento si Dyze sa kung anong mayroon sila ni
Prescilla. Masaya ako para sa kanila kahit na minsa'y natataliwas ako sa
pag-iisip at nagugustuhan ang mukha ni Prescilla.
Nagkakagusto ako sa may boyfriend, mang-aagaw na ba ako?
As long as I'm not flirting with someone who has a boyfriend won't make
me a mang-aagaw. Hindi ko naman kinausap o dinikitan, e. Ni hindi nga
sila aware na may hidden desire ako sa girlfriend ni Dyze, e.
Walang problema!
Ngumiti si Prescilla nang makita akong naupo sa tabi ni Zinderela,
pasimpleng napalunok ako dahil sa ganda ng kanyang ngiting sinsero.
I smiled.
"Hi, Prescilla." I greeted.
Riziane, stop flirting. Act natural! Hindi tayo mang-aagaw, okay?
She nodded and gave a light smile.
"Malapit na ang mga 'yon, tinawagan kasi ni Tito Dash si Dyze kaya
nagmadali silang pumunta sa kabilang island. Mukhang may pag-uusapan lang
naman..." si Ania ang nagsalita.
Kinuha ko ang tasa ng kape ni Zin sa center table at sumimsim roon, wala
namang angal si Zin dahil abala siya sa pagngiti ngiti sa kanyang
cellphone.
Mukhang katext ang manliligaw niya! Seriously? Hindi ko nakita ang sarili
kong nagmumukhang tanga sa kilig dahil lamang sa isang lalake! Duh!
"Ah ganoon ba?" si Prescilla. "I didn't expect that we would be in the
same island, I kinda missed Dyze so..." she shrugged and giggled.
The heck! May ganyan din kayang babaeng kinikilig sa akin? I mean kapag
nagtetext ba ako kay Tiara ng something sweet ay kinikilig ba siya?
Hindi ko alam kung ilang buwan na si Dyze at Prescilla, nagulat na lang
ako na silang dalawa na pala. Ewan ko kung anong pinakain ni Dyze sa
kanya at ganyan na lamang kiligin.
Nagpaalam ako sa kanila na matutulog na lang muna ulit habang wala pa ang
ibang kasama namin, sila Tia kasi ay hindi makalabas kapag hindi kasama
ang mga lalake. Masyadong takot na malapitan ng lalake sa beach.
Ewan ko ba!
Huminga ako nang malalim at saka humiga sa kama, I turned on the face
time and called Tiara. Matagal bago niya iyon nasagot marahil ay tulog pa
rin.
"Babe!" antok man ay nahahalinhinan kong masaya ang kanyang tono.
I smiled at the screen.
Nakatagilid siya sa kama habang nakatingin din sa screen ng kanyang
cellphone, she was smiling and her eyes were twinkling like stars.
Ang sarap titigan. Lahat sa kanya ay masarap titigan, ang kanyang maamong
mukha. Chinita at pataray na mga mata, ang mapulang labing namimiss ko.
"Babe, I miss you so much!" nakangusong maktol niya.
Napahalakhak ako at saka ngumuso rin.
"I miss you more, Ara. Sorry for leaving you..."
"Ah sus, ayos lang. Hindi mo naman ako iiwanan ng matagal, in fact you'll
be home the next two days naman! So, magkikita na ulit tayo..."
"Weh? Baka naman tumanggap ka na ng mga suitors mo!" I said. "Syempre,
wala ang "bes" mong si ako d'yan kaya wala kang nakakasama." pinagdiinan
ko ang bes na word.
Iyon kasi ang alam tungkol sa amin, halos lahat naman ay iyon ang tingin
sa amin dahil wala namang nag-aakala na isa akong Lesbian. Yes, I'm a
boyish, one of the boys but they wouldn't expect me to have a girlfriend.
Tanging si Cyx at Ixerr lamang ang nakatuklas noon, dati kasi ay alam
nilang bestfriend ko lang din si Tiara pero noong nabanggit ni Ten na
mayroon akong kahalikang babae ay si Tiara na agad ang naisip nila.
Hindi naman sila nagkamali dahil si Tiara naman talaga, well Tiara is my
first girlfriend! Siya naman kasi ang nagpalabas sa aking lesbian side.
She was that brave to kissed me torridly! Hindi ko sure kung lasing siya
noon o masyadong high ang isip, she used to smoke weeds kasi noon. Kaya
ang akala ko'y parati siyang high at lutang.
Ewan ko ba doon, ang ganda ganda pero sa babae din pala gusto. Pero
masaya ako na naging kami and we love each other without boundaries.
Lumabas ako ng suite kinagabihan dahil sa sobrang pagkaburyo sa silid,
wala din naman ang mga pinsan ko. Bar hopping maybe, hindi naman nalalayo
sa Boracay ang island na ito.
Marami ring bars around, night clubs at mayroon pang mga nag bi-beer pong
kahit sa gitna ng mabuhanging daanan.
Napahaba ang tulog ko kanina, masyadong napasarap ang pagtulog ko.
Huminga ako nang malalim at naupo sa dalampasigan.
Madilim na ang kalangitan, angat na angat ang mga nagkikinangan na bituin
doon. Masarap titigan, totoo kaya iyong mga patay na nag bituing iyon?
Totoo kaya na nagiging bituin ang mga namayapa na?
"Hey, Miss..."
Napalingon ako sa babaeng nagsalita sa aking likuran. Kumunot ang noo ko
nang makita ang kanyang mukha.
High cheekbones, narrow nose, kissable lips and her fair skin. Damn it!
How can she be so hot with her black bikini?
Napalunok ako. Marahang tumayo ako mula sa paupo ko sa buhanginan at saka
pinagpag ang aking puwitan at hinarap siya.
Bumilis ang tibok ng puso ko nang ngumiti siya, mayroon siyang hawak na
isang bote ng Tequila at sa isang kamay naman niya'y isang shot glass.
"Wanna join us?" she pointed at her back.
Nilingon ko iyon, naroon ang isang grupo ng mga kalalakihan at kababaihan
na nakapalibot sa isang bonfire. Mukhang nagkakasiyahan, ang anim na
babae doo'y puro naka bikini at ang mga lalake nama'y topless, tanging
boarshorts lamang ang suot.
Napataas ang gilid ang aking labi.
Sexy'ng babae ang nagyaya, Riz. Choosy ka pa ba?
Tumaas ang isang kilay ng babaeng kumausap sa akin.
"I'm a lesbian, I kinda like your curves and I want to know you..." she
said sweetly.
Wow! Lesbian? Fuck! What in the world! Why does a beautiful and sexy lady
have to be lesbian!?
"By the way, I'm Sabrina..." inilahad niya ang kanyang kamay. "And you
are?"
"Riziane..." I shook her soft hand.
Para akong humawak sa kamay ng isang baby! Sobrang lambot at smooth noon,
halatang walang ginagawa na gawaing bahay o ano man. Well, she looks rich
and came from elite family. Hindi na nakakataka iyon.
Sumama ako sa kanya nang walang pagdadalawang isip, iginiya niya ako
paupo sa kanyang tabi. Katabi ko pa ang isang babaeng may lahing banyaga,
halos lahat naman sila'y mayroong ibang lahi.
Maingay at masaya sa kanilang grupo. Mayroong isang lalakeng nagigitara
at sinasabayan naman iyon ng kantahan ng kanyang mga kaibigan.
"Whoah!"
Naghiyawan ang mga lalake nang mapansin akong naiiba sa kanilang
paningin, nasa apat na lalake lang naman sila. They're all looked badboys
and playboys! Wala akong nakitang mukhang good boy sa kanila miski na
isa.
"Hey guys! We have a new friend here!" Magiliw na sinabi ni Sabrina sa
kanyang mga kaibigan.
Nakakunot ang noo ng mga kababaihan sa akin, hindi nakalampas sa akin ang
panlalaki ng kanilang mga mata na parang mayroon silang naalala.
Kumunot ang noo ko.
"What so surprising?" may bahid na inis kong tanong.
Seriously? Mukha ba akong manggagantso o hindi mapagkakatiwalaan rito?
The last time I checked, maganda naman ako at walang kapintasan!
"Oh geez! You were with the hot boys yesterday! I saw you!" tili noong
isang babaeng blondy ang buhok.
Napabuga ako ng hangin doon.
Oh yeah! Yeah! Alright, sila na naman.
Inakbayan ako ni Sabrina, iyong akbay na halos maghalikan na ang aming
mga pisngi. Pabor iyon sa akin dahil masyado akong nadadala sa kagandahan
ng mukha niya.
Naglapitan ang mga babae sa amin, animo'y nakakita ng isang instrumentong
magagamit nila.
Tumawa si Sabrina. "Chill, girls. Riz isn't here for that boys!"
"Aw! But can we at least get their social accounts na lang? We want to
know them and we wouldn't use you to get close to them!" tumawa ang isang
babaeng kulay asul ang buhok.
"Yeah, we promise!" nagtaas ng kamay iyong blonde.
Tsss, hindi ba pwedeng ako na lang? Psh!
I smiled.
"They're my cousins, of course I'll give you their names..."
Hindi naman ako pwedeng tumanggi, nakakahiya naman. Wala na rin akong
lusot dahil nakita naman siguro nila kung gaano ako kaclose sa mga iyon.
Hindi na nila ako kinulit pa. Of course, I gave them my number! That's
what they wanted to be sure that I'm gonna give them my cousins names.
Halata ang kabaliwan nila sa mga pinsan ko dahil napapahagikgik pa sila.
Medyo natatamaan na ako ng vodka at tequila, damn. Dalawang shots ba
naman kada ikot? Sinong hindi matatamaan ng pagkahilo roon?
"Anyway, Riz. Where do you live?" Tanong sa akin ni Julia.
"I'm from Manila,"
"What do you do? Studying?" si Johan.
I nodded. Kumurot ako sa manok at saka kinain iyon.
"Studying medicine..."
Nagsipulan sila. Halata ang pagkamangha sa aking sinabi, well everybody
would be! Sino ba ang hindi nahihirapan sa kursong iyon? Kahit mahirap
iyon ay pangarap ng karamihan na makapagdoktor. It's just that their
brain couldn't handle how hard it is.
"Whoah! That's awesome! I tried medicine once and I failed so..."
nagkibit ng balikat si Sabrina at nagulat ako nang punasan niya ng daliri
ang gilid ng labi ko.
Napatitig ako sa maganda niyang mga mata nakatitig naman sa aking labi.
Napalunok siya at saka humugot ng malalim na hininga.
Naramdaman ko na lang ang pagdampi ng labi niya sa akin, nangunot ang noo
ko pero hindi magawang mapigilan siya. Humiyaw ang mga nakakita sa amin.
She moved her lips, at first I was hesitant to kiss back but I did kissed
her back. Dumaloy ang init ng aking dugo sa aking buong katawan.
Kasalanan ito! Damn it!
God damn it, Riz! You have a girlfriend for fuck's sake!
Chapter 9
Yugto 7
Kabanata 7
"Riz!"
Tila nagising ang diwa ko nang madinig ko ang malakas na halakhak ni
Ixerr, napaawang ang labi ko at napahinto sa pagganti ng halik kay
Sabrina pero tuloy pa rin ang labi ni Sabrina sa paggalaw.
I felt her smirked. "Come on, why did you stop?"
Naghihiyawan ang mga lalakeng kaibigan niya at pinalibutan kaming dalawa.
Pero laking gulat ko nang may humila sa aking braso at sapilitan akong
inilayo kay Sabrina. Nakita ko pa ang pag ngisi at pagtaas ng kilay ni
Sabrina.
"What the fucking hell, Quin Riziane!" sigaw ni Dyze.
Siya ang humila sa aking braso. Nanahimik at nanlalaki ang mga mata ng
babaeng kaibigan ni Sabrina, ang mga kalalakihan nama'y nagkunutan ang
noo at ang iba'y napasipol.
I licked my lips, napakamot ako sa aking kilay at saka tumingin kay Dyze.
Si Ixerr at Cyx ay medyo malayo sa amin, si Dyze lamang ang nakalapit sa
grupong ito.
Fuck!
Galit at pandidiri ang nakikita ko sa mga mata ni Dyze habang mahigpit
ang hawak sa aking braso, napapikit siya ng mariin at saka sumulyap kay
Sabrina.
"Dyze!" I called out.
Abot tahip ang kalabog ng dibdib ko dahil sa kaba.
Sabrina raised a brow and crossed her arms on her chest, she was looking
at Dyze. I can clearly see that she's mesmerized like her friends. Para
silang nakakita ng isang artista o modelong sikat.
"Yeah?" mataray na tanong ni Sabrina kay Dyze.
Lumapit si Ixerr sa amin at saka nagpamulsa sa kanyang boardshorts. He
tsked and shook his head while looking at me and Sabrina.
"Bigay mo na sa akin 'to, boy!" halakhak ni Ixerr sa akin. "Masyado ka
nang babaero."
"Shut the hell up!" inis na sambit ni Dyze at saka padarag akong hinila
paalis.
Napapailing na lamang ako habang malakas pa rin ang halakhak ni Ixerr sa
likuran, pinalibutan na siya ng mga babaeng kaibigan ni Sabrina. Ganoon
din si Cyx.
"Babe!" salubong ni Prescilla kay Dyze.
Walang naging tugon si Dyze, dinadarag niya lang ako. Alam kong galit na
galit siya ngayon sa akin. Nangunot ang noo ni Prescilla at tahimik na
sumunod na lang sa amin.
Damn it!
Ano ba kasing pumasok sa isipan ko't gumanti ako sa kanya ng halik sa
harap ng maraming tao at open place? Hindi ko alam kung ano ang dapat
maramdaman pero ramdam ko ang ginhawa at saya sa aking puso.
That's the first time I did that! And it was fucking hot! Ang sarap sa
pakiramdam kahit na alam kong mamaya'y mabubulyawan ako.
"Damn it, Riziane! What fucking demon pushed you to do that!? Tangina,
hindi porke pinagbigyan ka'y sasamantalahin mo!"
"Mamaya na tayo mag usap." inis na sinabi ko at saka pilit na inaalis ang
kanyang hawak sa akin.
Lalo niyang hinigpitan iyon at lalo pa akong dinarag hanggang sa mapunta
na kami sa hotel na tinutuluyan namin. Pabalya niya akong binitiwan nang
nasa elevator na kami.
Tahimik lang si Prescilla habang nakikinig sa aming pagtatalo at
pagsinghal ni Dyze sa akin.
Parang naubusan ng pasensya si Dyze, disgusto ang nakikita ko habang
tinitingnan niya ako ng matalim. Napatingala siya at suminghap,
frustrated na sinuklay niya pataas ang kanyang buhok.
"Wala ka bang hiya? Hindi ka man lang va nahihiya sa pinagagawa mo?
Tangina! Kababaeng tao mo!" punong puno ng galit iyon at gigil.
"Dyze, calm down." malambing at nag aalalang saway ni Prescilla.
Umigting ang panga ni Dyze at saka pinakita kay Prescilla ang kanyang
index finger, pinapatahimik niya iyon.
"Out of this, Eve..." malamig na sambit niya.
Nagyuko ng ulo si Prescilla at parang nahiya.
Napangiwi ako at nagyuko ng ulo. Bumuga lamang ako ng hangin at saka taas
noong hinarap siya.
"Bakit ba? Iyon ako Dyze! Iyon ako! What's the problem with it?" kaswal
na tanong ko.
Hindi ko maintindihan kung bakit ko kailangan ipagpilitan pa na ganito
ako, na ito ang tunay na ako. Hanggang kailan ko ipagpipilitan na
matanggap nila ako?
To be fucking honest, I'm really really tired hiding this side of me!
Ayaw kong magtago sa dilim, napatunayan ko sa aking sarili na ganito ako.
Pero kailan sila maniniwala? Kailan nila maiintindihan?
I know this is a sin! But what can I do? Ganito ang binigay na kasarian
sa akin! Sino ba ako para tanggihan ang kasariang ito?
"Putangina naman! Iyon ka? Sige! Ikaw 'yon! Sa tingin mo matatanggap ka?
Sa tingin mo hindi kasalanan iyan? Puta, babae ka! Isuksok mo sa isip
'yan!"
"Tangina din pala, e! Hindi ko naman ipagpipilitan ang sarili ko sa inyo!
Tangina, kung hindi n'yo ako matanggap wala akong pakealam! Suporta na
lang kayo dahil wala naman kayong magagawa." inis na sinabi ko.
Saktong bumukas ang elevator, lumabas ako at naunang maglakad. Sobrang
sakit ng puso ko ngayon, ang sakit na sariling pamilya o kamag-anak ko'y
hindi ako matanggap at maintindihan.
I want to cry all the pains inside me. Gusto kong sumigaw sa frustration!
Tangina, kailan ako matatanggap ng lipunan? Kahit hindi na ng lipunan,
e... basta ba tanggap ako ng pamilya ko.
But they don't, sad truth. Ayaw nila sa akin, ganoon ang nararamdaman ko.
Masakit pero kailangan tanggapin, e.
Pero kung ganoon rin lang naman, kaya kong bumukod at umiwas sa kanila
para sa sarili ko! Para magawa ko ang lahat ng gusto ko at mailabas ko
ang tunay na ako.
Pinihit ko ang door handle ng aming VIP suite, naabutan ko si Onyx at
Kaizellus na nag uusap ng seryoso sa sofa.
Sakto din na kakalabas ni Ten sa banyo, pinapagpag niya ang kanyang
basang buhok at saka kunot noong tumingin sa likuran ko, kay Dyze at
Prescilla.
Nagtiim bagang ako at saka mabilis na pumunta sa silid namin nila Tia.
Naabutan kong nagtatalunan sila Ania at Zin sa kama habang nagpapaluan ng
una.
Hindi ko na sila pinansin, dumiretso ako sa closet. I started packing my
things on my backpack.
Walang abisong nagtuluan ang mga luha sa aking pisngi habang nag aayos ng
mga gamit ko.
Pakiramdam ko wala akong lugar dito, wala akong lugar sa mga Saavedra.
Wala akong lugar sa buhay nila, hindi nila ako tanggap. Matik na iyon.
Marahil ay wala talaga akong lugar, walang lugar ang katulad ko sa
kanila.
Masakit talagang isipin, sobra. Sila ang pinakamamahal kong pamilya, sa
kanila ako laging dumidepende pero hindi sa ganitong bagay.
Mahal ko ang sarili ko higit sa kanila...
"Riz!" Tawag ni Zin sa akin nang mapansin ang paglabas ko ng silid.
Humikbi ako at nagpatuloy sa paglabas. Mabilis na pinahiran ko ang aking
pisngi na napupuno ng luha. Lahat ng sakit ay umaagos mula sa aking mga
mata.
"Where do you think you're going, Riziane?"
Hinila ni Dyze ang braso ko. Ang atensyon nila Onyx at Kaizellus ay
napunta na sa amin, nagsusuot ng tshirt si Ten pagtapos ay bumaling din
sa amin.
Lalo lamang akong kinabahan ng madaanan ko ang malamig na mga mata ni
Onyx, ganoon din ni Kaizellus na mukhang naguguluhan pa sa ngayon.
"Aray!" inis na singhal ko nang hilahin akong muli ni Dyze.
Sumulyap ako ky Onyx, kumunot ang noo niya at humakbang palapit sa amin.
"Dyze, what's the problem?" pormal na tanong niya pero nasa akin pa rin
ang paningin.
"Wala, Azdrake..." mahinang sinabi ko at saka pilit na binabawi ang aking
braso.
But Dyze didn't let go. Fuck! Hindi talaga ako pakakawalan nito, kilala
ko na siya. Alam ko kung paano siya magalit. Alam kong sa oras na ito ay
wala na akong kawala.
"Saan ka pupunta?" mariin na tanong ni Kaizellus. "Bakit ka aalis?"
Suminghap ako at nag iwas ng tingin sa kanila, pinahiran ko ulit ang
aking pisngi.
"Something came up..." I said.
"What's that something? Emergency?" tanong ni Kaizellus muli.
Hinawakan ni Onyx ang braso ko, nagtaas siya ng kilay at saka sumulyap
kay Dyze. Parang naintindihan naman ni Dyze iyon at binitiwan niya ang
braso ko.
Lumunok ako. Parang napapaso ako sa hawak ni Onyx, walang pwersa at
malambot lamang iyon pero ramdam ko ang kuryente ng kaba.
"Anong problema, Riziane?" diretsang tanong ni Onyx at marahang binitiwan
na rin ang braso ko.
Hinimas ko ang brasong hinawakan ni Dyze, sumasakit iyon na parang
naiiwan pa rin doon ang kanyang mahigpit na hawak. Mukhang magkakapasa
pa.
Huminga ako ng malalim at nagtiim bagang. Ayaw kong magsalita, umaasa ako
na hindi ako isusumbong ni Dyze. Ayaw ko na makarinig muli ng insulto,
lalo pa kay Onyx.
Sobrang masakit na ang puso ko, ayaw ko nang madagdagan pa. Nadinig ko
ang hagalpak ng tawa ni Ixerr, tumunog ang door handle. Mas dumoble ang
kaba ko.
Puta! Bakit dumating siya? Sobrang kadaldalan niya baka siya pa ang
maunang magsumbong kay Onyx kesa kay Dyze!
Fucking shit!
Nadinig ko ang pagbuntong hininga ni Ten at saka umupo sa kitchen island
at nag krus ng braso sa kanyang dibdib. Humalukipkip siya at nagtaas ng
kilay sa akin.
Damn it!
Naglabasan na rin sila Zin, Ania at Tia sa kanilang kwarto. Lahat sila ay
parang nalilito sa pagtitipon namin dito sa living area. Pumasok na rin
mula sa labas sila Ixerr at Cyx.
Nakangising aso si Ixerr habang tatawa tawa pa. Putangina! Sarap sapakin
ng mura!
"Sarap..." He licked his lowerlip and then smirked.
Umigting ang panga ni Onyx at hindi inalis ang madilim na tingin sa akin.
Feeling ko kriminal ako rito, ah. Lahat sila masama ang tingin sa akin.
Lalo si Onyx at Dyze!
"Fuck." Kaizellus muttered a curse. "What the fuck, Riz?"
Naging mabilis ang paghinga ko. Umiling ako ng umiling kasabay ng
pagbuhos ng aking mga luha. Sumipol si Ixerr at saka nagpout na parang
nalulungkot.
Imbes na maiyak ako sa sakit, mas naiiyak ako sa galit sa kanya, e! Fuck
it!
"Okay, alright!" nagtaas ako ng palad bilang pagsuko sa kanila. "I did a
crime. I did a sin, I broke the rule. Sa ngayon ay ayaw ko munang
makatanggap ng hindi magandang salita mula sa inyo, please..." nanginig
ang boses ko.
Hinawakan ko ang backpack ko. Mariin pa rin ang tingin ni Onyx sa akin,
parang walang ibang tao dito kundi ako.
Alam kong maselan si Onyx pagdating sa aking kasarian, pagdating sa
pagiging lesbian ko. He doesn't want me to be like this, who would want
it by the way?
Nakakatawa parang niloloko ko ang sarili ko na mayroong tatanggap sa
akin.
Humikbi ako.
"I'm sorry, sorry for the trouble and shame I did. Pasensya na sa mga
kahihiyang nagawa ko. Pero sana maintindihan n'yo rin na ako 'to. Heto
ako, hindi ako magbabago dahil lang na ayaw ninyo sa tunay na ako..."
umiling ako at patuloy na lumuha.
Nagkibit ako ng balikat.
"Wala akong magagawa kung ayaw niyo sa akin, desisyon niyo 'yan. I don't
have a right to ask. As for you all, you don't have a right to question
me. May sarili kayong buhay at mayroon din ako..."
"Riz..." tawag ni Zin. "Riz, please. Tama na... We will talk about it.
Stop crying..." tila nahihirapan na rin siya at kinakabahan.
Punong puno ng sakit ang damdamin ko. Masakit talaga...
Huminga ako ng malalim at saka naglakad paalis pero hinila na ako ni Dyze
sa braso.
"Hindi ka aalis!" mariin niyang sinabi.
Malamig na tinitigan ko siya, napapagod na akong ipaliwanag ang aking
sarili.
"Dyze, please. Let me just go..." I said, crying.
"Hindi ka pwedeng umalis mag isa, tangina naman!" ramdam ko ang galit
niya pero mayroon ding pag aalala doon.
Pinilit kong alisin ang kamay niya sa akin pero sadyang mahigpit iyon.
Tangina!
"Pabayaan niyo na ako! H'wag kayong mag aalala, mag iingat ako!" malamig
na sambit ko.
Umiling siya. Lalong bumuhos ang luha ko, hangga't maaari ayaw kong
magpakita ng kahinaan sa kanila dahil lalake ako.
Nagulat ako nang punasan ni Ten ang luha sa aking pisngi at saka
hinawakan ang palapusuhan ko. Bumuntong hininga siya at tumingin kay
Dyze.
"Let go, Dyze. I'll take her home..." kaswal na sinabi niya kay Dyze.
Chapter 10
Yugto 8
Kabanata 8
"Cry, Riz. Stopping your tears won't make you look strong..." kaswal na
puna ni Ten habang nagdadrive.
Mabigat na bumuga ako ng hangin. Paulit ulit ko iyong nagagawa kanina pa,
ni hindi ako makatulog kahit na ang bigat bigat ng namumugto kong mga
mata.
Napakabigat ng puso at pakiramdam ko. Para akong magkakasakit sa puso o
mayroon na talaga, wala akong makitang ni katiting na saya sa akin.
Walang wala...
I feel so empty, weak and lonely. Ewan ko, basta pakiramdam ko ako ang
pinakamalas na tao sa oras na ito. Bakit? Bakit kailangan ganito?
Hindi ko naman ginustong maging ganito, in fact God chose me to be like
this. Ang sabi nila, ikaw ang gumagawa ng sarili mong kapalaran.
How would I believe it when I didn't choose to be like this? Nangyari
lang ito! I didn't force it, kusang ito ako. Talagang ito ako! God
created me.
God created everything, everybody and all. Tinanggap ko lang ang ibinigay
na kapalaran sa akin, I accepted the fate He gave to me.
Bukod sa pagpapakatotoo ko sa sarili ko, tinanggap ko ang lahat ng
mangyayari. So I don't have a choice but to accept everything that would
happen.
Alam ko sa sarili ko kung ano ako, hindi ako confused or whatever. Alam
kong lesbian ako at tanggap ko ng buo iyon. Pero paano ko papalakasin ang
loob ko kung lahat ay tutol doon? Tutol sa akin?
Sa totoo lang, napakahirap. Napakahirap ilugar ng sarili ko sa kahit
saang lugar. Kahit sa sariling pamamahay namin ay nagpapakaplastik ako.
They know that I'm a woman, a girl, a lady! Masakit dahil hind ko iyon
gusto.
Babae ako pero, babae din ang gusto ko. Ganoon kasimple.
Babae ako pero, pusong lalake. Ganoon kasimple.
Babae ako pero, mas gusto ko ang maging lalake. That's simple!
Ano bang mahirap intindihin doon? Nakakainggit iyong ibang katulad ko na
natatanggap ng buo ng kanilang pamilya at kaibigan.
Tao naman tayo pare-parehas mapa babae, lalake, bading, tibo o ano pa.
Kahit nga siraulo o baliw ay tao pa rin nasa mental nga lang. Pero wala
namang big deal doon 'di ba?
Huminga ako nang malalim, pigil na pigil ang aking emosyon bago tumingin
kay Ten. Humugot siya nang malalim na hininga at saka sumulyap sa akin.
"Tanggap kita, no questions needed..." he declared as if I was asking
him.
Nagbagsakang kusa ang mga luha ko. Hindi ako iyaking tao pero naiiyak ako
pagdating sa pagtanggap sa akin, sa simpleng salita ni Ten na medyo
nakapagpagaan ng kalooban ko.
Sobrang mahalaga sa akin ang pagtanggap at pagsuporta nila dahil iyon ang
pangunahing lakas ko. Kasi paano ko ba naman nga matatanggap ng buong buo
ang sarili ko kung ang mga mahalagang tao sa akin ay tutol?
"Thank you, Ten..." I sobbed. "Patawad din dahil naging ganito ako, alam
kong kahihiyan ito sa ating pamilya-"
"Are you sure?" taas kilay niyang tanong.
Sigurado iyon, syempre!
"Ten, alam naman natin na hindi maaari 'yon sa pamilyang mayroon tayo!
That's for sure, alam mo hindi ko naman hinihiling na matanggap ako. But
damn, who am I kidding? Mahal ko kayo, importante kayo sa akin..."
Importante sila sa akin, sobra. Gustong gusto kong maramdaman ang apruba
at suporta nila sa akin. Wala na kasing mas sasarap pa sa pakiramdam na
iyon. Naiisip ko pa lang ay sumasaya na ako pero sadyang mas lamang sa
utak ko ang pagtutol nila.
"You should start paying attention to yourself, Riziane. Break a rule if
it's necessary, alam mo kung para saan ang batas?" seryosong tanong niya.
Hindi ako sumagot.
Mayroong mga batas sa aming pamilya na kami lang ang nakakaalam at
kailangan sundin iyon para sa aming mga sarili. Ginawa ang family rules
na iyon para maging responsable kami.
He sighed.
"They made that for us be responsible. Do you see yourself responsible
now? On anything you're doing? Huh?"
Alam kong responsable ako sa lahat ng mga nagagawa ko at ginagawa ko
dahil iniisip ko muna kung ano ang maaaring mangyari kung sakaling ganito
ganyan ang gagawin ko. Kung ano ang kalalabasan noon.
"Good, then you can freely break rules! If you see yourself responsible
of anything around and you're doing the right thing, then you're free!"
He said.
Kumunot ang noo ko.
Hindi ako bobo o mahina ang utak pero sa mga sinasabi niyang puno ng
logic ay naguguluhan ako! Hindi ko maintindihan, wala akong maintindihan.
He sighed.
"Responsable ka na 'di ba? Kaya mo na ang sarili mo, mayroon ka nang
sariling isip. Erase all the rules on your mind! May sarili kang pag-
iisip, alam mo ang tama at hindi. So why bother follow the rules if you
have your own?"
Damn it!
Fucking Xythen Saavedra!
Miski kailan ay hindi ko nakitang sumunod siya sa kahit na anong batas ng
aming pamilya, pero kataka-taka na walang kahit na sino ang pumupuna o
nagpaparusa sa kanya.
Iyon ang matagal na pala-isipan sa akin!
And it clicked now! Fuck. Simply because everything he does is always
right. Lahat sa kanya ay punong puno ng limitasyon at pag-iisip.
Nililimitahan niya ang kanyang sarili sa mga bagay o tao na nasa kanyang
paligid. He has his own rule. He made a self rule, iyong mga tamang
gawain na hindi siya masasaktan o malulugo sa huli.
Fuck.
Hindi ko mapigilang mapahanga. Like father, like son. Sa lahat ng
kwentong nadinig ko, si Tito Akizeo ang pinakaresponsable noon. Wala
siyang nalalabag na rules dahil responsable siya. Ganoon kasimple! Puta.
Si Tito Akizeo ang bukod tangi na hindi apektado ng batas ng aming
pamilya. Pero miski isa'y wala siyang nabuwag.
I couldn't believe that! Sadyang kakaiba na talagang pati sa anak niya'y
napunta.
Noon, akala ko si Onyx ang pinakaresponsable sa lahat. Iyong nagmistulang
perpekto sa lahat ng pinsan kong lalake, siya iyong hindi ko nakikitaan
ng kamalian.
Pero habang tumatagal ay si Ten ang kinakikitaan ko noon. Ten is just
fifteen year old boy, siya ang pinakabata sa amin. Maaaring wala pa
siyang kamalian sa ngayon pero alam kong darating ang araw na magkakaroon
din.
Hindi ko pinapanalangin pero wala namang perpektong tao sa mundo, lahat
nakakagawa ng kamalian.
Hindi lang ako makapaniwala ngayon na siya mismo ang magpapamulat sa akin
sa ganitong sitwasyon.
I suddenly remember the first rule, follow your heart and mind...
God!
Hindi ako makapaniwala.
Dumaan ang ilang araw na hindi ako nakikihalubilo o nakikisama sa aking
mga pinsan, well they didn't bother me to be with them.
Galit sila.
Kapansinan ko naman sila, in a casual way. Iyong parang magkakaibigan na
hindi malapit sa isa't isa. Tanguan at ngitian lang kami parati nila
Ania, Tia at Zin.
Si Zin ang lagi kong nakikitang malungkot ang mga mata kapag nahuhuli
kong nakatingin sa akin.
Kahapon lang natapos ang bakasyon at balik eskwela na muli. Back to hell
works, back to reality. Balik sa paghihirap at pag aalay ng pawis sa
kursong medisina.
Huminga ako nang malalim at saka pumila sa food counter buffet, self
service kasi rito sa HU. Mapipili mo kung ano ang gusto mo lang kainin.
Iwas na rin iyon sa pagsasayang ng pagkain, maganda ang kanilang
naisipan.
Maingay ang buong cafeteria dahil lunch break ngayon. Sari saring
estudyante na naman ang mga kasabay ditong kumain.
Nangunot ang noo ko nang may maglagay ng gulay sa aking plato, it's a
veggie salad. Madalang akong kumain ng gulay nitong nakaraang araw.
"Veggies for you, Miss. You look so thin..."
It's Greyson Moretz.
He's wearing a white sweaty jersey, HUnians was printed on it, pawis din
ang kanyang noo sa hindi ko malamang dahilan. Airconditioned naman ang
cafeteria pero pawis na pawis siya.
Napairap ako.
"Nanghingi ba ako?" inis na tanong ko.
Ngumuso siya.
Nadinig ako ang hagikgikan ng mga kasabay naming nakapila sa food lane.
Tipid na nginitian naman sila ni Grey bago ako sundan.
Greyson is known as a good guy and gentleman in this school. He's the
HU's ideal man. And I don't know why does he have to like me when he
could get any girls here!
"Grey! Ano ba? Sunod-sunuran ka na naman?" untag ko.
Nakakainis, e. Sana sinabi na lang niya na gusto niya maging bodyguard
ko! Hindi iyong sunod siya ng sunod sa akin dinaig pa ang aso!
Ewan ko ba, naiinis ako lalo kapag ginagawa niyang mukhang tanga ang
sarili niya. Alam naman niyang wala siyang pag-asa kahit na bumaliktad pa
ang mundo.
Nakita ko ang pait sa kanyang mga mata nang harapin ko siya. Alam kong
nasasaktan siya sa mga pinagsasabi o nasasabi ko sa kanya.
But what can I do? I won't ever like him! I won't ever want a man!
He smiled.
It's fake! Pero hindi mo mahahalatang peke iyon kapag siya ang ngumiti.
Every damn thing he does looks so real and sincere. Ganoon si Greyson.
"I just wanted to eat with you..."
Nagbulungan ang mga malapit sa amin NA estudyante. Ang iba'y napapairap,
ang iba nama'y ngumingiti sa akin. Nginingitian ko naman sila pabalik
kahit na pilit basta hindi snob.
Umismid ako kay Grey. Pinagkrus ko ang aking braso sa dibdib ko pagtapos
ilapag ang tray sa table.
"Grey, pwede ba?" inis na tanong ko. "Sana naman tinanong mo kung gusto
ba kitang makasabay..."
Alright, bad ass Riz.
Kumunot ang noo niya at napayuko ng ulo. Nameywang siya at saka taas noo
akong hinarap muli.
He grinned.
"Okay, hindi ako sasabay." he nodded. "But I wanna see you eat, gusto
kong makita kang kumain. Gusto kong masiguro na kakain ka ng maayos, kasi
Riz?" umiling siya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. "Hindi ko
gusto ang nakikita ko..."
Napalunok ako. Umigting ang bagang ko dahil doon.
Alam kong malaki ang nabawas sa aking timbang. Daig ko pa kasi ang adik,
I couldn't sleep at night. I couldn't even eat better. Basta lahat sa
akin ay wala sa ayos nitong mga nakaraang araw.
Nabubusog ako tuwing naiisip kong unti unti kong nawawala ang mga
mahalagang tao sa akin. Ni wala akong mukhang maiharap sa mga magulang ko
dahil sa hiya.
Hindi ko alam kung alam na ba nila o hindi pa pero nasasaktan akong
walang matanggap miski na kahit anong text o tawag sa kanila. Usually
naman nagtetext at tumatawag si Mommy sa akin tuwing wala ako sa bahay.
So I guess, alam na nila. Sad to say yes, mukhang hindi sila sang ayon sa
akin...
Kumalabog ang dibdib ko nang makita ko si Dyze at Kaizellus na magkasabay
pumasok sa entrance ng cafeteria. Naka all white scrub suit silang
uniporme, katulad ng akin. Nagtitilian at impit na naghahagikgikan ang
mga nakakita sa kanila.
Bumuntong hininga ako at saka walang ganang naglakad palagpas kay
Greyson. Iniwan ko ang pagkain sa lamesa.
Busog na ako... Nakita ko na sila, e.
Hay, Riz.
Marahang hinigit ni Greyson ang aking braso, nakakunot ang kanyang noo at
tila nagtataka. Malalim na nagbuntong hininga siya at kumamot sa kanyang
batok.
"I'm sorry..." he said worriedly. "Alright, hindi na ako sasabay at
lalapit sa'yo habang kakain ka. Just please, eat, Riziane..." halos
nagmamakaawa ang kanyang tono.
Damn it!
Huminga ako nang malalim dahil sa sobrang inis. Marahas na binawi ko ang
aking braso mula sa kanya.
"Pwede ba, Grey! Hindi naman lahat ng kilos ko ay tungkol sa'yo! May mga
problema akong hindi ka kasali! Stay away from me, it's a big help..."
malamig na sinabi ko at saka iniwan siyang naguguluhan at nasasaktan.
I'm sorry... You don't deserve it...
Chapter 11
Yugto 9
Kabanata 9
"Come on, Ara!"
"Ara, please hear me out!"
Inis na napasabunot ako sa aking buhok dahil sa gigil, inis na inis ako
sa buhay na mayroon ako ngayon. Sa sitwasyon namin ni Tiara.
Nag igting ang kanyang bagang, matapang ang malapusang mga mata at saka
mabilis na humakbang palapit sa akin.
Bumilis ang pintig ng puso ko sa kaba nang makalapit siya. Hindi ko alam
kung mananampal ba siya o mananapak o sisigawan ako.
"How dare you! Mangloloko!" nanggagalaiting sigaw niya habang dinuduro
ako.
Nararamdaman ko ang galit na dala niya sa kanyang emosyon, matapang
ngunit naluluha na ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin.
Fuck, this is my weakness. I made a wrong move, I fooled her. Ang sakit
lang na nasasaktan ko siya ngayon.
"Ara, I'm sorry..." emosyonal kong sinabi at saka akmang hahawakan ang
kamay niya.
Humakbang siya paatras sa akin at iniwas ang kanyang kamay habang
naiiling at napapaligiran na ng mga luha.
"No, Riz. What you've done is hurting me! Bakit? Saan ba ako nagkulang?
Ganoon ba kapag malayo ka? Tangina, masakit!" she broke.
Nangilid ang luha ko sa nakikita kong sakit at emosyon sa kanya.
Bakit ko ba nagawa ang ganoon? Bakit ko kailangan humalik sa iba? Fuck!
Pahamak kasi ang nag upload ng picture namin ni Sabrina na naghahalikan!
Kung hindi naupload iyon ay wala namang magiging problema. Updated pa
naman masyado sa social media itong si Tiara.
Come on, who wouldn't get hurt? Girlfriend ko siya at masasaktan talaga
siya sa mga kagaguhang nagagawa o ginagawa ko.
Ang mali ko ay hindi ko siya naisip noong oras na iyon, masyado akong
nadala ng tukso at kagandahan ni Sabrina.
Huminga ako nang malalim at mabilis na niyakap siya ng mahigpit.
Damn, I love this girl so much.
Marahas na tinulak niya ako at saka sinampal. Nangunot ang noo ko dahil
sa iritasyon. Shit, no one can hurt me. But then I realized that this is
my fault.
Tangina, ilang linggo na iyon! Kung hindi ba naman kalahating tanga ang
nag upload noon ay wala kaming problema ngayon! Damn it!
Ano kayang naisip noon at nag upload pa ng picture? For fame? Alam ko
naman na sikat at kilala ako dahil sa pagiging Saavedra at pagiging
palakaibigan ko!
"Ang kapal mo, Riz! May nakuha ka ba sa panloloko mo sa akin, huh? Anong
nakuha mo? Pussy? Masarap ba?" galit niyang untag.
Hindi ko kayang saktan siya ng pisikal kahit na sobrang naiirita ako.
Instead, I glared at her.
Bakit ganito siya? Kailangan bang manakit pag nasasaktan? Nagsorry naman
ako! Mabuti sana kung hindi, e! Kaya nga nagsosorry dahil inaamin ko
naman na mayroon din akong mali at kasalanang nagawa.
"I said sorry, right? Hindi ko sinadya!" I said.
Naiinis ako, hindi ko sinasadya iyon ang totoo. I'm only human, I make
mistakes. I'm not perfect, lahat naman ay nakakagawa ng kasalanan at
pinagsisihan iyon.
"Hindi sinadya?" she scoffed. "Wow! So, ano 'yon, kusang naglaplapan ang
labi ninyo? E 'di wow, Riziane!" sarkastikong tawa niya.
Naging mabilis ang paghinga ko, hindi ko alam kung maiinis ako o
masasaktan dahil sa sinabi niya.
Naiinis ako dahil pinapamukha niya pa sa akin ang kamalian ko, nasasakyan
ako dahil alam kong nasasaktan siya.
Umirap siya at saka pinahiran ang mga luha sa kanyang pisngi.
"H'wag ako, Riz. Pwede ba? Hindi ako tanga!"
Damn!
Ilang linggo na iyon!
Sarkastiko akong napatawa at saka hinarap siya. Gusto kong hawakan siya
pero mahirap na at baka saktan na naman niya ako.
"So, anong gusto mong gawin ko? Nagsosorry na nga 'di ba?"
"May magagawa ba ang sorry mo sa sakit na nararamdaman ko ngayon?"
Emosyonal na tanong niya. Umiling siya. "Wala 'di ba?"
Parang kurot sa puso ko iyon.
The damage has been done, Riz.
"Ara, nagsosorry na ako. Ngayon ko lang naman nagawa iyon. Hindi ko
talaga sinasadya! Natukso lang ako.." nagsusumamo kong sinabi.
Lumunok siya, tears rolled down her cheeks.
"Well, sorry, too. Riz, hindi ko kinaya 'yon..." she trailed. "Sorry but
I need a break from you..."
Parang pinahinto noon ang mundo ko. Hindi ko kinakaya iyon, parang kidlat
na tumama sa puso ko at nawawasak ako ng unti unti sa narinig ko.
Alam ko sa sarili kong pinipilit ko maging maayos sa oras na ito pero
hindi ko magawa. Nangunot ang noo ko dahil sa ramdam kong pagtusok sa
puso ko.
Nasasaktan ako.
"Ara, h'wag naman ganito..."
Pinalis niya ang luha sa kanyang pisngi at saka sinukbit na ang kanyang
bag sa balikat. Sinundan ko agad ang pagkilos niya.
"Sorry na, Ara. Please, hindi ko sinasadya..." nagmamakaawang sambit ko.
Umiling siya at saka pilit na ngumiti, hinawakan niya ang pisngi ko.
Sakit ang nararamdaman ko sa oras na ito.
"Sorry, Riz. Pero ayaw ko na-"
"Wha- what?" Nauutal kong putol. "Ara, hindi naman yata pwede 'yan! Hindi
ako makakapayag!"
Sobrang sakit ng puso ko, para akong dinidelubyo ng isang matinding
bagyo. Tumulo ang luha kong kanina pa pinipigilan.
Dumaan ang sakit sa mga mata niya lalo, umiwas siya ng tingin sa akin at
saka nagyuko ng ulo.
"Mabuti na ito, Riz. We need to break up, I need to clear my mind off."
"Bakit, Ara? Hindi ka ba pwedeng mag-isip habang kasama ako? At anong
mabuti? Fuck, Ara. Nasasaktan ako, please stop this nonsense!"
Punong puno ng sakit ang emosyong pinapakita ko sa kanya ngayon. Wala na
akong pakealam sa iilang taong narito sa cafe na pinagkitaan namin.
Ang sakit sakit, bakit ba naiisipan niya ang ganitong bagay? Dahil lang
doon? Dahil lang sa nagawa ko? Lahat naman nakakagawa ng ganoon!
Bakit kailangan kong masaktan ng ganito?
Sakanya umiikot ang mundo kong magulo, magulo pero umaayos dahil sa
kanya. Sa kanya ako nakakaramdam ng kaayusan.
Sa kanya ako panatag at masaya.
Sa lahat lahat ng gulo sa sitwasyon ko, siya ang pinakamabuting nangyari
sa akin. Kaya nasasaktan ako ng sobra ngayon.
Tangina, iniwan na ako ng mga pinsan ko. Pati ba naman siya?
"Hindi, Riz." Iling niya. "Hindi ko na rin kasi kaya, nahihiya na ako.
Marami ng nakakaalam ng tungkol sa atin. Hindi na tama, wala nang tama sa
ganitong sitwasyon natin."
Napahugot ako nang malalim na hangin, pinuno ko ng hangin ang aking baga
para makahinga ng maayos sa labi na sakit na dinarama ko.
Sobrang sakit.
Kinahihiya niya ako?
How ironic!
Pinaglaban ko ang kasarian ko sa aking pamilya, tinalikuran ko pa sila
dahil gusto kong maging maayos ang lahat sa amin ni Tiara!
Tapos ganito?
Hindi na ba niya ako mahal? Dati naman siya pa ang namimilit na maging
public kami. Na matanggap kami ng lipunan.
E, bakit ang sakit ng pinaparamdam niya ngayon?
"Kinakahiya mo na ba ako?" mapait kong tanong.
Umangat ang kanyang mukha, nagkatinginan kami.
Sakit ang purong nararamdaman ko, hindi ko na kailangan magpakaplastik
pa. Ipapapkita ko na iyon kahit kanino pa dahil iyon talaga ang
pakiramdam ko.
Huminga siya nang malalim.
"Patawad..." She whispered. "Hindi ko na kaya, e. Siguro hindi lang
talaga ang para sa isa't isa, ayaw ko na dahil hindi ko kayang mawala ang
pamilya ko sa akin. Hindi ako tanggap ng pamilya ko-" she looked at me.
"Hindi ka rinnila matatanggap, I'm so sorry..."
Kumunot ang noo ko. Mapait na natawa ako.
Fuck, wala akong laban doon. Pamilya niya, e. Pero bakit ako? Siya naman
ang pinili ko, sarili ko ang pinili ko. Hindi ba pwedeng ganoon na lang
din siya?
Pilit na ngumiti ako habang tumutulo ang luha sa aking pisngi. Wala, e.
Iyakin ako pag masakit na talaga.
"Okay, if that what makes you happy, Tiara." I nodded in pain I'm
feeling.
Wala naman akong magagawa, hindi na ako muling lalabag ng rules. Hindi
ako magmamakaawa o magpupumilit para tanggapin pa niya.
I've done my part, and that is loving her...
Kumurap kurap siya, naroon pa rin ang sakit na pinipilit niyang itago
pero napakalinaw noon sa akin. Lalo lamang akong pinahihirapan noon.
Ayaw kong mawala siya sa akin. Siya ang sandalan ko noong panahon na
hindi ako tanggap, ngayo'y mawawala na siya.
Inipit ko ang kalat na buhok sa likuran ng aking tainga. Kumamot ako sa
aking batok at saka bahagyang ngumiti.
"Pasensya na kung nagkulang ako, pasensya na sa panlolokong nagawa ko,
pasensya na sa mga sakit na naibigay ko, pasensya na sa lahat."
Huminga ako nang malalim at saka tumingala sandali para pigilan ang mga
luhang magtuluan.
Maybe this our ending.
Nagtuluan ang mga luha niyang muli, nakakunot ang noo at kinagat niya ang
kanyang pang ibabang labi habang nakatitig lamang sa akin.
Bumuntong hininga ako at saka marahang hinawakan ang kanyang malambot na
kamay.
Mukhang ito na ang huling beses na mahahawakan ko siya, e. Ramdam ko
naman na wala siyang balak bawiin ang kanyang sinabi sa akin.
Hinalikan ko ang likuran ng palad niya.
"I love you, Tiara. Nasasaktan ako pero wala naman akong magagawa dahil
desisyon mo 'yan. Uhm, 'yon lang..." I smiled.
Binitiwan ko ang kanyang kamay, hindi ko na kayang titigan pa siyang muli
dahil maaaring manghina na ako at tuluyang bumigay.
"Goodbye, Tiara..."
Pagtapos kong sabihin iyon ay nilagpasan ko na siya nang hindi
tinatapunan ng tingin. Kailangan kong maging malakas ngayon.
Hindi naman na iyon maibabalik pa, e. Desisyon na niya iyon. Hindi lang
talaga kami parehas ng pinaglalaban. Mukhang mas importante at
makapangyarihan talaga kapag pamilya na ang usapan.
Marahang sinisipa sipa ko ang batong maliit na nakita ko sa aking
nilalakaran. Kusang nagtutuluan ang mga luha ko. Hindi alintana ang mga
taong nakakasalubong.
Pumapasok paulit ulit sa isip ko kung minahal nga ba niya ako o hindi.
Feeling ko kasi ay hindi dahil ganoon ganoon na lang niya tinapon ang sa
aming dalawa.
Ganoon kadali siyang nakipaghiwalay sa akin. Gaano kasakit, Riz?
Sa kakatulala ko ay nabangga ako sa isang nakasalubong ko.
"Sorry..." agad kong sinabi at saka nagpatuloy sa paglalakad.
Pero laking gulat ko nang makitang si Greyson ang nabangga ko, nakangiti
pa siya sa akin pero unti unting nawala iyon sa labi niya at saka
napalitan ng pagkunot ng noo.
"Quin, what happened?" baritong tanong niya.
Nanibago pa ako dahil sa pagtawag niya sa aking pangalan na hindi ko
kinasayan kahit kailan.
Huminga ako ng malalim at ngumuso.
"Hey..." I greeted.
Ngumiti ako at umiling lamang, hindi sinagot ang kanyang katanungan.
Kumunot lalo ang noo niya.
"Anong problema mo?" tanong niya habang sinasabayan ako sa paglalakad.
Hindi ko alam ang dapat maramdaman, problema ko ang buhay ko. Gusto kong
isagot sa kanya pero parang hindi ko kayang magsalita.
Ngumisi ako at nagpamulsa sa aking shorts.
"Saan ka galing, Grey?" tanong ko.
He smirked.
Fuck!
"Trey..." he said. "Ganyan ka na ba? Si Grey na lang ang kilala?"
natatawang tanong niya.
Fuck!
Bakit hindi ko napansin agad! Talagang kakaiba ang hangin sa utak ko
ngayon. Grey do not smirk, magkaiba rin sila ng hairstyle, pati ang
sungki sa kanang bahagi ng ngipin ni Trey ay hindi ko napansin kanina.
Tangina.
Pinasadahan ko siya ng tingin para makasiguro. He's wearing a white v
neck shirt, a gray sweatshorts and a nike shoes.
Magulo ang kanyang medyo mahaba ng buhok. Kulay brown iyon, natural na
kulay ng kanilang buhok pero si Greyson ay nagpapaitim ng buhok kaya iyon
talaga ang palatandaan sa kanila.
"Oh! Treyson! Damn..." naiiling at natatawang sambit ko. "Bakit kasi
hindi ka nagpakilala agad?"
Treyson Moretz, kambal siya ni Greyson. Halata naman 'di ba? Well, hindi
ko lang talaga napanson kanina dahil sa mukha niya lang ako napatingin
kanina.
"Tsss, wala ka sa sarili mo." he said, he messed my hair. "Where have you
been? Why were you crying like a girl?" natatawang tanong niya pa.
"Tsss, hindot!" singhal ko. "Babae naman talaga ako!"
"Ay, nabago na?" halakhak niya.
Matalim na tiningnan ko siya.
Tumawa siya at umiling.
"Just kidding, Quin!" He said. "Hmmm, so saan ka nga galing at bakit
umiiyak ka?"
"Wala, chismoso!" nauna akong maglakad.
"Tsss, let me guess..." he grinned. "Naiiyak ka ba dahil sa pangbabusted
na naman sa kambal ko? O nakokonsensya ka dahil kung ano ano na naman
sinabi mo sa kanya?"
Damn it!
Nagmiddle finger ako sa kanya habang nakatalikod. Malakas na tumawa lang
siya doon.
Animal ang isang 'to!
Chapter 12
Yugto 10
Kabanata 10
Tiara Ong:
I'm really really sorry, Riz. Hindi ko na alam kung paano ko pa
ipaglalaban sa family ko kung anong mayroong tayo. I've done everything,
I did my part. That's the truth, mahal na mahal kita pero hindi ako
sasaya kapag wala ang pamilya ko at hindi tayo matanggap.
Tiara Ong:
Pero, Riz... totoo na nasasaktan pa rin ako dahil sa lahat ng nangyari.
Ang sakit. I'm so sorry.
Inis na nilock ko ang aking cellphone at nilagay iyon sa bulsa ng aking
scrub suit.
Hindi ko na kinakaya ang lahat ng nangyayari sa akin, sa buhay ko these
past few weeks. Puro pag iinom sa bar ang nagagawa ko, sa awa ng Diyos ay
nakakapasok pa ako ng maayos sa school.
Wala akong maramdaman kundi sakit, sa ilang linggo na walang kahit na ano
mula sa kanya ay tinitiis ko. Tinitiis ko na wala akong Tiara na
nakakasama sa mga araw na nalulungkot at masaya ako.
My phone vibrated.
Bumuntong hininga ako at saka tiningnan ang text doon.
Gresyon Moretz:
Hi, good morning. What are you up to?
I frowned.
Damn, kailan ba siya magsasawa? Hindi ko na siya pinapansin. Wala na
akong pakealam sa kanya, pinapabayaan ko siya sa mga gusto niyang gawin.
Kahit magmukhang tanga na siya bahala na siya. Hindi ko na siya pipigilan
dahil napapagod at pagod ako sa mga bagay bagay sa aking paligid.
I typed a reply.
Ako:
I'm walking and I wanted to fly up into the sky just to avoid you, little
idiot!
Bumuga ako ng hangin, itinabi kong muli ang cellphone sa bulsa at saka
pinindot ang elevator button patungong 3rd floor.
Intern ako ngayon sa Elite Global Hospital, I was just started last week.
Wala man sa sarili ay pinipilit kong maging maayos para sa mga pasyenteng
chinicheck ko while I'm on duty.
Nangunot ang noo ko nang makita ko si Zydein na duguan ang lab gown na
suot, puro dugo din ang kanyang pisngi.
Pawisan siya habang mabilis na tumatakbo kasabay ng tinutulak stretcher
at naroon nakaratay ang pasyenteng pulis na batid kong nagbuwis na naman
ng buhay para sa lipunan.
Aligaga roon ang mga nurses na katulong niya, natanaw ko na rin si Ixerr
na nagpapump ng oxygen sa isa pang pulis na duguan.
Katulad ni Zydein ay duguan na rin ang kanyang puting lab gown na
uniporme. Gusto kong mahinatay dahil sa sobrang daming dugo na kumakalat
na sa puting sahig ng EGH.
Hindi ko alam kung bakit ko kinuha ang kursong ito, e hindi naman malakas
ang loob ko sa mga ganitong bagay.
Nanginginig pa nga ako kapag nag kakabit ng heplock sa pasyente! Tsss,
gusto ko lang iyong nagchecheck up ng mga buntis o kaya mag nurse lang.
Basta iyong kahit assistant lang.
Hindi ko trip na mag opera o katulad ng ginagawa nila Ixerr at Cyx sa
emergency room. Napakahirap!
Napabuntong hininga ako nang matamaan ako ng mata ni Zydein, gamit ang
kanyang braso ay nagpunas siya ng pawis sa noo at saka sila lumagpas sa
akin pati si Ixerr na hindi man lang ako napansin dahil abala masyado sa
pagpapump ng oxygen.
Pumasok na sila sa ER. Napailing na lamang ako at mabigat na bumuntong
hininga. Nagpamulsa ako sa aking scrub suit at saka naglakad papunta sa
elevator.
Ramdam ko ang paninitig sa akin ng mga kasabay ko. They all looked
foreign, mayroong chinese dahil halata iyon sa pagkachinito ng mga mata.
Mayroon ding mukhang american.
Kinagat kagat ko ang labi ko, hobby ko na ito tuwing naiirita ako sa
pagtingin sa akin ng mga hindi ko naman kakilala.
Mayroon ding mga nurses na mukhang baguhan din katulad ko o hindi ko alam
kung matagal na ba rito or intern. Whatever!
I feel awkward in here.
Nang mahinto sa second floor ang elevator ay nakita kong papasok ang
kambal! The fuck! What a coincidence!
The brown haired Treyson, wearing his playful aura. Mukha siyang seryoso
pero halata ang paglalaro doon, nakasuot siya ng plain white shirt at
black pants.
And the black haired Gresyon who's wearing just his serious face.
Nakapamulsa sa kanyang black ripped jeans, naka gray plaid shirt lamang
siya pero talagang akala mo'y nasa isang fashion show.
Tsss, damn twins...
Naghagikgikan ang mga nurses na nakakita sa kanila, bahagyang nag urungan
pa sila para bigyan ng sapat na espasyo ang kambal.
Nanlaki ang mga mata ni Treyson at napangisi. Nakita ko agad ang pagnguso
niya parang itinuro ako sa kanyang kambal.
"Hey, Nurse Riziane Saavedra..." seryosong pagbati pa ni Treyson.
Napairap na lamang ako at sinuntok ang kanyang braso. Natawa siya at
nakipag fistbumb sa akin.
"What are you doing here?" tanong ko.
Hindi ko na pinansin ang paninitig ni Greyson sa akin, akala mo isang
taon akong hindi nakita. May pagkamukhang may tuleleng din itong si Grey,
e.
Trey sighed and smiled.
"Dumalaw lang kay Mommy."
Nangunot ang noo ko.
"What? What happened to Tita Sonia?" mabilis na tanong ko.
Sa pagkakaalam ko'y wala naman akong nakitang Tita Sonia. Pero sa dami
siguro ng mga pasyente ay baka hindi ko na rin napansin iyon.
"Highblood..." simpleng sagot ni Trey.
"I see..." I nodded.
Humalakhak siya. "You see? Who? Greyson?"
Gusto kong biglang sapakin ang ngisi niyang nanunuya. Tangina, gross!
Hindi talaga nila marealize na hindi kami talo ng kambal niya!
Haynaku!
Parehas kaming lalake! Mas lalake pa nga yata ako kay Greyson! Tsss.
"Shut the hell up, Trey." nakangising sinabi ni Grey.
"So... saang floor si Tita?" pag iiba ko.
Ayaw kong tingnan o sulyapan si Grey dahil baka masampal ko siya sa
pagpaparamdam sa akin ng awkwardness ngayon.
Ewan ko ba kung bakit parang baliw na baliw ito sa akin, wala namang
kabaliw baliw sa akin. Maganda nga ako pero aminado naman ako na hindi
maganda ang ugali ko.
Sumipol si Trey.
"Saang station ka muna, Riz?" biglang tanong ni Trey.
Pinandilatan ko siya ng mga mata. Sarap suntukin nitong mapang asar na
'to, e.
"Sa ground floor para sa'yo..." singhal ko. "Sa morgue!"
Malakas na humalakhak siya at saka tinapik ang balikat ni Grey.
"Morgue daw, sis. Sama ka?"
Napatango at ngumuso si Grey.
"Kahit saan, basta kasama siya..." halakhak niya.
Damn it!
Inambahan ko siya ng suntok.
"Sapak, gusto mo? Tangina, baliw na baliw ka sa akin 'e, no?" inis na
tanong ko.
Lalo siyang napanguso, halata ang pagpipigil ng ngisi.
Hirap maging maganda sa panahon ngayon, lahat na lang nagkakagusto sa
akin at binibigyan ng malisya ang pagiging friendly ko sa kanila.
Well, hindi naman kasi ako snob na tao. Lahat naman ng tumatawag o
pumapansin sa akin ay pinapansin ko rin kaya ganoon ang tingin nila may
pag-asa na sila sa akin.
Tsss.
Pagkalabas ko ng elevator ay naghiwalay na kaming tatlo, agad din akong
nakatanggan ng text mula kay Greyson.
Greyson Moretz:
Can I invite you for dinner?
Nagvibrate ulit ang cellphone ko at nakita kong si Rocket Estrevillo ang
nagtext doon.
Rocket August:
Hey, Tibs! Where are you?
Sinagot ko agad ang kanyang text.
Excited talaga ako kapag si Rocket ang nagtetext, e. Parang laging
mayroong masayang mangyayari at hindi ako malulungkot kapag sila ang
kasama.
Huminga ako ng malalim at napangisi habang nagtitipa ng reply.
Ako:
EGH, why?
Sumagot naman siya agad. Wow! Mukhang hindi siya ginugulo ng mga babae
niya ngayon, ah?
Wala siyang permanenteng mobile number dahil patuloy siyang tinatawagan
ng mga babaeng naaadik sa kanya.
Wala, e. Ginalingan masyado ni Rocket! Panalo na talaga siya.
Rocket August:
Uhuh, didn't you know that today's august 29?
Kumunot ang noo ko.
So what?
Ako:
So? Anong mayroon? Nakashoot ka ba sa babae mo? Haha.
Mabagal ang paglalakad ko patungo sa nurse station kung saan ako naka
duty. Masyado akong napapagod pang pumunta at pumasok doon. Lalo na't
puro intern na lalake ang kasama ko sa station.
Rocket August:
Tsss, you're not a true friend! It's my birthday! Huhu. Sakit naman, be!
Nanlaki ang mga mata ko. Napatawa ako at nailing dahil sa kalokohan.
Ako:
Happy birthday, then!
Nagtext din sa akin si Erwann at Xavier.
Erwann Peter:
Hoy, shibs. Later at Rocket's place! See you there!
Xavier Paul:
See you later, boy. I missed you two days! Haha! You should stay up 'till
9 AM! Walang lasingan, ah.
Napailing na lamang ako at nagsabing susunod ako sa kanila doon dahil 1
AM pa ang out ko.
Nakakagulat, huh. Nag bibirthday pala ang ungas na 'yon? Pakiramdam ko
kasi parating birthday noon, araw araw nasa party, e. Akala mo araw araw
birthday!
Pagka out ko sa duty ay mabilis na bumaba ako sa lobby.
Mukhang mapapalaban na naman ako sa birthday party ni abnoy, nitong
nakaraang linggo puro sila lang ang kasama ko sa bar o di kaya'y sa condo
unit ni Rocket o nila Erwann.
Masaya naman kasi sila kasama, hindi iyong mga bastos. Parang tinuring na
nga nila akong prinsipe sa pag aalaga nila sa akin, e.
Everytime I would pass out, they were always ready guiding me. Minsan
nagigising na lang ako na nasa unit ko na ako, o kaya naman kila Rocket.
Basta palaging ganoon.
"Bye, Riziane..." paalam ng mga kapwa interns ko na out na rin ngayon.
"Bye!" I cheerfully said.
Humiwalay na ako sa kanila pagbaba ng exit ng EGH. Nangunot ang noo ko
nang matanaw ko ang mga pamilyar na bulto ng katawan sa bandang fountain
area ng EGH.
"Riziane!"
Kumakaway pa ang kamay sa akin ni Xavier. Tumayo mula sa isang wooden
bench si Cash at saka nagpamulsa habang hinihintay ang paglapit ko.
Nakangisi na silang dalawa sa akin. Napaawang ang labi ko, mabilis na
tumakbo ako papunta sa kanila.
Kasama din nila si Eiffel Dy, iyong ex ni Zin. Nakakunot ang noo at
nakanguso habang may kung anong nilalaro sa kanyang cellphone.
"Hey!" bati ko. "Umaano kayo rito? Nurses na ba ang target n'yo, ha?"
Nag fistbump kami ni Cash at Erwann. Lumapit ako kay Eiffel at saka
pinindot pindot ang screen ng cellphone niya.
"Putangina, Erwann!" galit na sigaw niya.
"Putangina mo din!" halakhak ko.
Nanlaki ang mga mata niya at bumaling na sa akin. Nagtaas baba ako ng
kilay sa kanya at nginisian siya.
"Tsss, game ruiner!" halakhak niya at saka kinurot ang pisngi ko.
Sinapak ko agad ang kamay niya at pinunasan ang pisngi ko.
"Ew! Mamaya kakatapos mo lamg umihi! Animal ka, kadiri!"
Naghagalpakan sila sa tawa.
"Sinusundo ka namin, may sala kang late sa birthday!" halakhak ni Cash.
Kahit na mukha siyang mapaglaro ay lamang pa rin sa kanya ang kapormalan.
Magmula sa kanyang buhok na pormal na pataas ang pagkakaayos mukhang basa
pa iyon dahil sa wax.
Tsss, damn playboy in disguise!
Kung si Rocket ay purong paglalaro ang makikita mo at public ang kanyang
pagkalandi? Itong si Cash ay hindi dahil patago ang pagkalandi niya.
Pakitang tao. Kaya nga playboy in disguise, e!
"Tagal ng out mo! Kanina pa kami naghihintay sa fountain!" si Cash habang
nasa frontseat.
"Tangina, napuno na nga ni Erwann ng piso 'yong fountain, e!" hagalpak ni
Eiffel.
"Ano yon, wishing well?" malakas na tawa ko. "Bakit nag umpisa na ba
kayo?"
"Oo, pinasundo ka na nga ni Rocket. Papasara daw niya kay Griff 'yong
EGH!" si Erwann.
So, naroon din pala si Griff na ungas...
Nakaramdam ako ng excitement dahil doon! Halagang kumpleto ang lahat, ah.
Chapter 13
Yugto 11
Kabanata 11
Sumalubong sa aking tainga ang napakalakas na speaker, sa isang rest
house pala ng mga Estrevillo naisipan ni Rocket idaos ang kanyang
kaarawan.
"Bakit dito pala?" tanong ko habang naglalakad na kami papasok sa malawak
na steel gate ng naturang mansyon.
Hindi ko maikakaila na mayaman ang pamilyang Estrevillo, kung may
sinasabi kaming mga Saavedra sa karangyaan ay mas lalo sila.
Marami din silang kumpanya sa iba't ibang bansa, karamihan nga lang doon
ay modeling company. Tangina, paniguradong laking tuwa ni Rocket at Cash
noon.
"Ayaw ni August sa bahay, naroon kasi sila Dad at Mama..." Cash shrugged.
Nakikita ko ang mga ibang dumalo sa kaarawan ni Rocket na nagkalat, ang
iba'y nagyoyosi sa gilid. Ang iba nama'y nakatambay lang at nag uusap
usap. Mayroon silang kanya kanyang mundo.
Kung hindi lang siguro kaarawan ni Rocket, maiisip kong Southwest
District o Nighlite ito. Maraming mga tao at kababaihan.
Damn.
Busog ang mga mata ko sa kakatanaw sa mga babaeng nakikita kong pakalat
kalat, mukhang mga modelo pa. Sabagay, halos lahat naman ng nasa circle
namin ay puro modelo o di kaya'y artista.
Lalo pang nabusog ang aking mata pagkarating namin sa backyard! Tangina,
kakaiba ito! Mayroon pang pa-pool party!
Samu't saring babaeng magaganda at sexy ang nakikita kong naka two piece
at swimwear na nasa poolside!
Ugh! Why!
Baka maisipan kong h'wag nang mag inom at magpakalasing na lamang sa
kakatitig sa mga nagsesexy-hang babae rito!
Bigla akong kinurot ni Cash sa pisngi Dahilan upang mapasimangot ako at
hawiin ang kamay niya.
Tsss.
"Fuck, Riz. Be a woman, will you?" natatawang aniya. "I would gladly
court you!"
"Ulol, Cash! Hindi tatalab ang landi mo riyan! Asa ka pa, dude!"
humagalpak sa tawa si Xavier at inakbayan ako.
Umirap ako.
"H'wag na uy, magpapakalalake na lang talaga ako kesa maligawan mo,
ungas!" untag ko.
Humagalpak sila tawa.
Panay ang tinginan sa akin ng mga bisita, alam ko na kung bakit! Sino ba
namang matino ang pupunta sa ganitong party na naka all white scrub suit
'di ba? Psh!
Nakita ko na sila Rocket sa isang mahabang wooden table, nakikilala ko
ang iba sa mga naroon pero ang iba'y hindi na pamilyar sa akin.
"Omg! Babe!" baritonong halakhak ni Rocket nang makita ako.
Psh!
Napairap ako at nag middle finger sa kanya.
"Happy birthday, sperm shooter!" maligayang bati ko na ikinatawa ng mga
nakarinig.
Napangiwi pa ang mga babaeng nakarinig, tsss. Ang aarte! Akala mo naman
mga birhen! Pero infairness at magaganda naman sila.
Well, pipili ba si Rocket ng bisitang pangit? Lalo na pagdating sa babae?
Never.
Umismid si Rocket pero agad ding napangising aso, naglahad siya ng
kanyang mga braso akmang yayakap pero mabilis na umatras ako.
Nanlaki ang mga mata ko nang hawakan ni Eiffel ang magkabilang balikat
ko, kumalabog ang dibdib ko.
Fuck!
"Kingina mo, Rocket! Subukan mo lang! Eiffel!" nanggagalaiting sigaw ko.
Nagtawanan lang sila.
Rocket was smirking, humakbang siya palapit lalo sa akin at ganoon na
lamang ang pagkagulat ko nang hawakan niya ang magkabilang pisngi ko,
pilit ko mang iiwas ang aking mukha ay mas malakas siya.
Dumampi ang malambot niyang labi sa gilid ng labi ko! Damn it!
"Puta ka!" I gritted my teeth in so much annoyance.
Tangina! Pangalawang beses na niyang nagawa iyon sa akin.
"Happy birthday to me..." he chuckled huskily.
Nalanghap ko ang amoy vodka at pinaghalong sigarilyo sa kanyang hininga,
hindi naman mabaho pero talagang lamang ang sigarilyo doon.
Napapikit ako ng mariin, abot langit ang kabang nadarama ko ngayon mismo.
Binitiwan na ni Eiffel ang aking balikat.
Mariing pinunasan ko ang gilid ng labi ko at pinagsasapak ang braso niya.
"Shit! Napag utusan lang ako! Para hindi na daw ako magregalo!" halakhak
ni Eiffel habang sinasangga ang mga suntok ko.
"Tangina mo! Bukas kita gagantihan, animal kang demonyo ka!" gigil na
singhal ko kay Rocket.
Pigil ang mga kamay kong saktan si Rocket sa oras na ito, pagbigyan!
Birthday, e. Bida bida ngayon 'yan! Tangina.
Sumobrang swerte niyang makahalik sa akin! Ituring niyang gintong regalo
ko sa kanya iyon!
Humagalpak sila sa tawa.
"Puta, galawan ni birthday boy! Happy kid!" Hiyaw ni Xavier.
"Hopeless nga lang!" panunuya ng isa pa na si Devious Estrevillo.
Naghihiyawan sila dahil sa nangyaring kahindik hindik at kadiri diring
senaryo sa amin ni Rocket.
Tangina, ugali niya talagang manghalik, e. Pati mangyakap pa kamo! Ewan
ko, kalahating manyakis at malibog si Rocket, e.
I should be more careful next time.
"Ganda mo, be. Pag galit ka!" halakhak pa ni Rocket.
Malakas na binatukan ko siya pero malakas na tumawa lang siya. Dumura ako
sa bermuda grass at saka bumaling na sa mga nasa lamesa.
Umakbay si Rocket sa akin.
"By the way, dudes. This is Riz Saavedra. My future-"
Pinitik ko agad ang bibig niya dahil sa inis.
"Ouchie! Future man kasi 'yon!" giit niya na parang bata.
"Ay naiba na?" halakhak ni Erwann. "Akala ko your future wife!" panunuya
pa niya.
Pasalamat siya at malayo siya ngayon sa akin! Babantan ko talaga siya
kung malapit, e.
"Advance ka masyado dyan, Wann." sarkastikong sinabi ko. "Future criminal
dapat, kasi mapapatay kita mamaya!"
Naghagalpakan sila sa tawa.
"Damn lesbian, akin ka na lang!" halakhak ni Zoriel Follosco.
Umismid ako sa kanya. "Sige sa'yo na ko..."
Nanlaki ang mga mata niya, parang di pa makapaniwala.
Damn, seriously? Why does he have to take it seriously? Tsss.
"Talaga?" tanong pa niya.
I nodded and smiled sweetly.
"Oo naman, kapag namatay ka na."
Naghagalpakan ulit sila sa tawa.
Ginulo ni Eiffel ang buhok ko habang malakas na tumatawa. Halos mamula na
ang kanyang buong mukha, nawawala na rin ang kanyang singkit na mga mata.
"Tangina." naiiling na halakhak niya.
Wow! Sobrang happy?
"Birthday mo ba?" tanong ko.
Kumunot ang noo niya.
"Hindi, ah!" aniya.
Hindot!
"Happy mo masyado, e. Feeling mo ikaw may birthday."
Nakakainis ang mga katangahan ng nasa paligid ko ngayon. Tsss. Prenteng
umupo ako sa isang upuan katabi ng kay Rocket, sa kabilang gilid ko naman
ay si Cash.
Lumagok na ako ng isang shot ng tequila doon, sinipsip ko ang lemon.
Hindi ko ugali iyong mayroong asin. Mas masarap na lemon lang.
Nasulyapan ko pa ang kapatid nila Rocket na si Shield, kausap niya sila
Zoriel at Devious. Bahagyang nagtatawanan pa sila doon.
Hindi ko masyadong close si Shield pero masasabi kong nagkakabiruan din
kami, pero pili lang iyon sa kanyang mood.
May mood kasi siya na papansinin ka niya kapag gusto niya, minsan din
nama'y mayroong siyang topak at hindi namamansin. Animo'y magiging hangin
ka lang sa paningin niya.
"Happy birthday!"
Napanguso ako nang marinig ang isang lalakeng kararating lang, baritono
at malalim ang kanyang boses pero ramdam ang kagaanan doon.
"Oh fucker! Bes ko! You came!" salubong ni Rocket doon sa bagong dating.
Nag bro hug sila ni Rocket, halatang umaliwalas ang mukha ni Rocket
habang nakikipag usap doon. Pagkalas ng bro hug ni Rocket sa kanya ay
doon ko pa lamang siya nakita ng malinaw.
And damn, I admit that this is the first time I felt my girl side!
Tangina, boy! Ibang klase ang lalakeng iyon!
Matangkad, sakto lang ang bulto ng pangangatawan. Hindi ko masabing payat
pero hindi ko rin masabing chubby! As in saktong sakto.
"Darn it! Fafa!"
Naghiyawan at naglapitan sila Cash, Xavier at Erwann sa gawi noon. Para
silang excited o ewan nang makita siya. Para bang ngayon lamang ulit sila
nagkita kita.
Pinasadahan ko siya ng tingin magmula ulo hanggang paa.
He looks like a korean supermodel!
Bagsak na itim ang buhok, thick eyebrows, makitid na ilong tila niretoke
sa pagkaperpekto, mapula ang manipis at maliit na labi, maliit na mukha
at talagang maputing kutis.
He looks like a star shining there with people around him, mukha siyang
maamo at talagang halata sa kanya ang kapinuhan na kilos. Para bang hindi
siya gagawa ng kahit na anong kamalian.
He's wearing a simple gray armani t-shirt, cover with a denim flannel and
a black ripped fitted jeans. Ang mahaba at medyo payat niyang binti ang
nagdadala lalo ng appeal sa kanya.
"Tangina, K-pop! Ang taba mo na, ah?" halakhak ni Devious.
"Come to papa!" halakhak naman ni Zoriel habang papalapit din doon.
Shit!
Gusto kong maghilamos para mabawasan ang pag-iinit ng pisngi ko. Hindi ko
alam kung bakit nakakaramdam ako ng kakaiba sa akin.
Ano, Riz? Fuck!
"Ryle Eissen!"
Mula sa likuran ay narinig ko ang boses ni Griff Vizconde. Nagtinginan
sila doon, Griff Vizconder was smiling devilishly as he jumped into
Ryle's broad back.
Isa pa 'tong Griff Vizconde na ito, e! Hirap tingnan ng matagal dahil
masyadong malakas ang hatak.
Shucks, I don't usually appreciate a man's beauty! But that Ryle Eissen
boy got me starstruck!
"Griff!" natatawang sambit noong Ryle at saka tumayo ng tuwid para maalis
si Griff sa kanyang likuran.
Gusto kong masuka sa nararamdaman ko, pakiramdam ko nagtataksil ako sa
sarili ko. Tsss, nakakatawa na lang talaga na may girl side pa rin ako in
the end.
Huminga ako nang malalim at saka umiwas ng tingin sa kanila. Tumayo ako
para umalis na muna, dinala ko ang aking backpack at saka tumungo sa loob
ng mansyon.
Naiinitan ako sa scrub suit na suot ko, and this isn't the proper attire
in here. Gosh! Party ito! Mamaya masira pa ang EGH kapag nakita nila ang
patch ng scrubsuit ko. Kahiya hiya iyon!
Maganda pa naman ang record ng mga genius kong pinsan roon. Insert the
sarcasm there!
Ewan ko, nabibitter ako pagdating sa mga achievements nila. Para bang
kahit pa banjing-banjing lang sila'y nagagampanan at napapanatili pa rin
nila ang lahat sa ayos.
E, ako? Kung hindi pa ako nagmakaawa sa professor noong last sem ay baka
lalo akong tinakwil ng kamag-anak ko.
Wala na, e. Ano pa nga palang silbi ng pagmamatigas ko sa kanila ngayong
wala na ang dahilan ng pagmamatigas ko?
Parang kurot iyon sa aking puso, paulit ulit na tumutusok sa puso ko
iyon. Baon na baon at para akong pinapatay ng katotohanan na mas pinili
niya ang kanyang pamilya kesa sa akin.
Hay.
Don't get yourself hurt more, Riz. Hindi maganda at nakakabuti. It won't
do any good, mas lalo mo lang sinasaktan ang sarili mo kapag patuloy na
inisip iyon.
I wore a black fitted hanging crop top, hubog doon ang aking kurbang
hindi ko alam kung saan ko nakuha. I matched it with my white low waisted
shorts.
Ito lang ang dala kong damit, no choice. Diretso naman sana kasi ako
kanina sa unit ko, e. Kung hindi lang nagtext si Rocket at kung hindi
lang ako sinundo sa EGH. Balak ko pa namang magpalit ng damit sa unit
kanina.
Pagtapos kong magpalit ng damit ay lumabas na ako ng comfort room.
"Ma'am, ilalagay ko na lang ho sa guestroom ang gamit ninyo..." anang
isang kasambahay na nakakita sa akin.
Ngumiti ako sa kanya at saka tumango, ibinigay ko na lamang ang aking
backpack sa kanya.
"Salamat..." I said cooly.
Naglakad na ako ulit palabas sa backyard para bumalik sa long table.
Napangiwi ako nang makitang may nakakandong na babae na kila Devious,
Zoriel at Cash.
Damn! See how gross they are?
Napangisi ako at napailing na lamang. Kinuha ko ang yosi na inipit ko
kanina sa taingan ko at saka sinindihan iyon.
Stress reliever...
"Fuck you, Dev!" singhal ni Rocket. "Hindi ka na ba nahiya sa brother in
law mo?"
Napatingin si Devious kay Griff. Nagtaas ng kilay si Griff at nagkibit ng
balikat, nag thumbs down siya at umiling.
"I don't agree..." He shook his head.
Umismid si Devious. "Well, I already know that. If not me? Then, who?"
seryosong tanong ni Devious.
Nangunot pa ang noo ko dahil sa kaseryosohan niya, naging malamig din ang
ekspresyon ni Griff dahil sa katanungan na iyon.
I puffed my cigarette. Naging mabagal ang paglapit ko doon.
"No one..." Griff said coldly. "Just be a good friend," authority was
evident on his tone.
Sumipol si Rocket, ngumisi si Cash at napailing na lamang. Tinapik ni
Ryle ang balikat ni Griff kaagad at saka umakbay doon.
"Come on, Griff. Loosen up! He was just asking, you know he likes Eli
that much. Wala namang masama doon."
Huminga ng malalim si Griff at saka nagtaas ng kilay.
"I know but..."
Ryle chuckled. "No more buts, Dude. Just drink your ass out..."
Tsss.
Bakit parang anghel kapag nagsalita siya? Napapaamo si Griff, e.
Ngumisi ako at saka prenteng umupo muli sa pwesto ko kanina. Nagtinginan
naman sila sa akin. Nakita ko pa ang pagpasada nila ng tingin sa suot ko.
Tsss, maniacs!
Nangunot ang noo agad ni Griff, I saw his lips curved.
"Whoah! You're here!"
I frowned. Isang hits pa sana ang gagawin ko sa aking yosi pero kinuha na
niya iyon mula sa akin at siya ang humits doon bago pinitik sa malayo.
"Hindi, baka picture ko lang 'to!" sarkastikong untag ko at saka kumain
ng candy.
"Tsss, I was about to close the EGH kanina!" He smirked. "And I'm
thinking about closing all the company of cigarettes right now." umiling
siya. "Gyro wouldn't want to see you smoking..."
Fuck.
Sumipol si Rocket. "Oy, oy! Walang Gyro Erizalde rito! Ako ang bida
ngayon, akin itong si Riziane. Tsss..."
Binatukan ko agad siya.
"Tangina mo, walang Gyro! Walang Rocket! Walang lahat! Hindi tayo talo
dito..." nakasimangot na sinabi ko.
Chapter 14
Yugto 12
Kabanata 12
Naging mahaba ang aming gabi, hindi ko na napapansin ang oras pero
madilim pa naman ang kalangitan at batid kong nasa alas tres ng madaling
araw na.
Still, they are so alive and energetic! Puro malakas na tawanan pa rin
ang madidinig rito, nakakatuwa lang na nagmistulang reunion ito. Miski
sila Warren, Alex at iba pa'y humabol lamang.
Napangiwi ako nang inumin ang isang tequila shot, nag init ang buong
mukha ko nang akmang kukuhanin ko ang lemon pero kinuha iyon ni Cash.
"Putangina!" singhap ko sa sobrang kainitan ng aking bibig at lalamunan.
Pakiramdam ko gumuhuhit ang init noon patungo sa aking tiyan. Napakainit
sa pakiramdam.
Humagalpak sila sa tawa.
"Hoy, Cash!" saway ni Zoriel at saka binigay sa akin ang isang baso
juice.
"Tsss, kj!" panunuya ni Cash.
Pagkainom ko ng juice ay pinangahalatian ko agad iyon, medyo nawala naman
ang init noon sa akin dahil sa lamig ng juice.
Matalim na tiningnan ko si Cash at saka sinapak ang pisngi niyang
malambot. Ang lakas ng trip mo, animal ka!
Napahimas agad siya doon at tumawa.
"Lakas ng trip nito!" halakhak ni Devious. "You sore, Riz?"
"Fuck you!" inis na singhal ko.
"Grabe! Lalake talaga!" singhap ni Cash habang himihimas ang pisngi niya.
Alas tres y media ay nagdatingan pa ang ibang mga pinsan nila, nakilala
ko roon sila Denver Frezto, Nygel Frezto at si Duke Frezto. Magkakapatid
silang tatlo.
Si Denver ay madalas ko nang nakakausap dahil nakakasama din siya sa amin
sa mga night parties sa Southwest. Katulad nila Devious ay playboy siya
at fuckboy.
Double kill 'di ba!
Gwapo ang tatlong magkakapatid pero hindi nila pinag init ang pisngi ko,
so...
"Pasok pasok din, August!" panunuya ni Denver.
Kumunot ang noo ni Rocket at tumingin sa kanya.
"Training na ako, stupid!" aniya.
"Weh? Oo nga, training na nga lang 'di mo pa pinapasukan! Paano ka
magiging CEO ng modeling company ninyo!"
Naghiyawan ang aming mga kaibigan at saka binato ng chips si Rocket
habang patuloy na tinutuya.
"Rocket, kahit si Amanda na lang sa akin!" halakhak ni Xavier.
"Haruko, akin!" halakhak naman ni Devious sabay pa sila ni Denver.
"Putangina n'yo, h'wag na kayong umasa! Sa akin ang company 'di ba?
So..." Rocket shrugged. "All the models there are mine! Reserved!"
nagyayabang na sinabi niya.
Gusto kong mapairap sa kawalan ng gana sa sinasabi niyang kayabangan, mga
siraulo. Hindi pa nga graduate nagmamayabang na.
Hindi pa nga sure na kanya 'yon. 3rd year college pa lang siya aa kursong
Business Administration. Isang taon pa 'no! E, bulakbol siya sa pag
aaral? So, baka abutin pa siya ng ten years bago makamit ang kumpanya.
"Akin si Thalia!" bigla kong pakikisali.
Nagsitahimikan silang lahat dahil doon, para bang may dumaang anghel at
natauhan sila. Nakita ko ang pagkunot ng noo nila Ryle, Nygel, Duke at
Shield.
Amusement, humor, surprised at iba pang ekspresyon ang nababasa ko mula
sa kanilang lahat.
Damn it!
Hindi sila aware dahil hindi ko naman sila madalas nakakasama sa mga
party at bars. Nagpipigil naman ng tawa sila Eiffel, Erwann, Alex, Warren
at Xavier.
Pati ang mga babaeng kasama namin dito sa table ay napatingin lamang sa
akin gamit ang kanilang nagtatakang reaksyon.
Seriously!?
Crush ko talaga si Thalia Henderson, isa siya sa mga modelong
professional roon sa kumpanya nila Rocket.
Sobrang sexy noon, maganda din naman ang mukha pero kakaiba talaga ang
hubog ng katawanan noon. Full package kumbaga.
Nakuha nilang seryosohin ang aking sinabi, pero bakit iyong kila Denver
ay hindi naman ganyan ang reaksyon nila! Tsss.
What's so wrong with me? What's so wrong with that?
Napanguso ako at natawa sa mga priceless nilang reaksyon.
"Wh- what?" natatawang tanong ko.
Ngumiwi si Rocket at napailing.
Tsss, e 'di huwag! Bwisit 'to, gusto niya siguro solo niya lang iyong mga
modelo niya. Pakayabang!
"Tsss, you are mine Riziane Saavedra..."
Nangunot ang noo ko kasabay ng pagkalabog ng puso ko sa sobrang kaba nang
madinig ang malamig at malalim na boses na iyon mula sa aming likuran.
Nakita ko agad ang pagngisi ni Griff sa aking harapan habang nakatingin
sa bagong dating.
Huminga ako nang malalim at hindi ko na siya kailangan lingunin pa dahil
kilalang kilala ko ang boses na iyon kahit na hindi naman kami gaanong
nagkakasama o nagkakausap.
Fuck.
Tahimik pa rin ang iba habang nakangisi naman ang iba pa, iba't ibamg
reaksyon muli ang nakikita ko sa kanilang lahat.
Para bang punong puno ng awtoridad ang boses na iyon at kung sino man ang
bagong dating na iyon.
"Tangina mo! Pangit mo gumanap!" napapasinghap na sinabi ni Rocket.
"Gyro Vizconde..." pabulong na hagikgik ng babae.
Hay.
Napabuntong hininga ako, gusto kong mapahikab dahil sa disgustong
nararamdaman ko. Pero agad akong nanigas sa kinauupuan ko nang maramdaman
ang kanyang paghinga sa likod ang aking tainga.
Damn it!
Hindi ako makahinga, gusto kong umiwas pero sadyang mahirap iyon sa
ngayon dahil hindi talaga ako handa na gagawin niya ang ganitong bagay!
Tangina mo, Gyro Erizalde Vizconde!
"Keep that in mind, Riziane. You will be mine, now that I'm already
here..." he chuckled huskily on my ear.
Nag init ang tainga at pisngi ko sa hindi malamang dahilan, sobrang
kakaiba sa pakiramdam na kaharap ko siya ngayon pagtapos ng ilang
mahabang taon na nawala siya!
Tangina, fuck!
Gusto kong magmura.
Nagtagis ang bagang ko sa inis. Sarkastiko at bahagyang nangisi ako,
hindi ko ako makagalaw pero kaya ko siyang insultuhin kahit na ganito ang
kabang dinarama ko.
"How can I do that, Gyro when you don't even have a space in me?" I
smirked. "Sige mangarap kang sa'yo ako, pero hindi ka akin. Duh! Kadiri!"
Malakas na humiyaw sila. Si Rocket ay humagalpak sa tawa, napangisi si
Griff at napailing sa sinabi ko. Lumagok siya ng isang shot.
Umayos ako ng pagkakaupo para maiwas siya sa likuran ko, umusod ako
palapit sa lamesa at saka kumuha ng isang shot at nilagok iyon.
"Palaban ang future mo, Gy..." halakhak ni Griff.
"Future your face, asshole!" singhal ko. "I'm no one's future, swerte
niyo naman kung ganoon..." mayabang na sinabi ko.
Naghagalpakan sila sa tawa.
"Damn, be!" si Rocket.
Napapailing si Ryle at natatawa na lang din sa mga naririnig. Tahimik
lang siya at parating nakikitawa kapag mayroong nakakatawang topic.
Hindi ko sinulyapan si Gyro, bukod sa wala akong pakealam sa nararamdaman
niya. Hindi rin ako interesadong makita ang mukha niyang makapal.
Tsss.
Hay nako, nagbalik na pala siya. Biruin mo bumalik pa talaga? Hindi ko na
maatim ang kakapalan ng mukha niyang magpakita pa muli, ah.
"Where have you been, Gy?" tanong ni Cash.
Umupo si Gyro sa tabi ni Griff sa katapat namin, kanina pa hindi naaalis
ang kanyang tingin sa akin na talagang ikinaiirita ko.
Huminga ako nang malalim at saka nakinig na lang sa kanila.
"US," Simpleng sagot nito.
"Uh-hmm, so... Galing ka pang US ngayon?" tanong naman ni Rocket sa
natatawang tono.
Gyro nodded and licked his lower lip.
"Yeah, it's a summer break there. So..." nagkibit siya ng balikat.
Ang daming nagbago sa kanya.
Ang dating good boy image niya ay ibang iba na ngayon. Dati ay para
siyang si Ryle na animo'y walang gagawing kamalian o masama.
Gyro was a good boy! What happened now?
Napupuno siya ng awtoridad at kapormalan ngayon. I see it in a good way
but not as good as he is back then.
Hindi ko matanggap na ganyan na siya ngayon, hindi iyon mag sink in sa
isip ko. Ang dating Gyro na kilala ko... wala nang bakas sa Gyro ngayon.
Dati purong mabait at gentle ang nakikita ko sa kanya, then now? Ruthless
and stern! Cold and formal aura.
Pasimpleng pinasadahan ko siya ng tingin. He's wearing a Gucci black
longsleeves and a black jeans, pormal talaga.
Maayos din ang pormal na pagkakataas ng kanyang buhok na akala mo'y pinag
gugulan ng mahabang oras.
Huminga ako nang malalim at pasimpleng nailing bago lumagok muli ng
panibagong shot.
After all these years? Walang pinagbago, Riz. Hay...
"Alam mo uso magsalita," Bulong ni Rocket sa akin.
I scowled.
"Palaos na sa akin, epal."
He grinned and then sighed. Nangunot ang noo ko at sinulyapan siya, I saw
a glint of bitterness in his eyes. I can't understand why!
"Bakit naaapektuhan ka sa kanya? Sa akin ay hindi kahit na minsan?"
seryosong tono niya.
Hindi dinig iyon ng iba dahil mayroon na silang kanya kanyang usapan at
kami na lang ni Rocket ang nagkakarinigan dahil magkatabi lang naman
kami.
Naging mabilis ang pagkalabog ng dibdib ko sa hindi malamang dahilan,
mayroong kaba at pagkakonsensya rito.
Bakit? Bakit ko nakikitaan ng sakit at pait ang mga mata niya? Miski
kailan ay hindi ko sineryoso ang pagpaparamdam ni Rocket sa akin dahil
wala akong tiwala sa mga lalakeng katulad niya.
Wala akong interes sa kahit kaninong lalake, alam niya iyon kaya akala ko
ay hindi rin siya seryoso at inaasar lang talaga niya ako.
Pero bakit ganito ang nakikita ko sa kanya? Anong mayroon?
"Huh?" kunot noong tanong ko. "Ulol ka ba?"
He sighed and chuckle.
"No," He shook his head. "Ulol sa'yo siguro, oo..."
Damn it!
Nagtagis ang bagang ko sa inis na nararamdaman.
Bakit ang seryoso niya sa oras na ito? Kahit na nakangising aso siya ay
ramdam ko ang kaseryosohan doon.
Nakakainis dahil nakakaramdam ako ng sakit, lahat lahat ng sakit na
naiipon na imahe sa utak ko ay nagpaflash. Including Greyson...
"Rocket, jollibee ka na naman? Tangina, stop that nonsense..." singhal ko
at saka tumuwid sa pagkakaupo.
Nagpandeotsong upo ako at saka sumandal sa back rest ng upuan ko. Nagtama
ang mata namin ni Gyro.
Damn it!
Bakit lahat na lang nakikitaan ko ng pait? Tangina ang hirap. Ayaw kong
makakita ng ganoon, ayaw kong seryosohin ang lahat pero bakit ramdam ko
sa puso ko na mayroong hindi tama sa mga iyon.
Nagtaas ako ng kilay sa kanya. Kanina pa siya nakatitig sa akin, hindi
alintana ang mga tao sa paligid.
His eyebrow shot up. Tumaas ang sulok ng labi niya pero hindi nagbago ang
emosyong ipinapakita ng kanyang mga matang seryoso.
Napakurap kurap ako at lumunok. Walang salitang tumayo ako at saka
mabilis na naglakad paalis.
I don't know what to feel, I don't even understand why I am feeling that
I don't deserve them! I really don't!
Hindi ako tanga at alam ko kung kailan sila seryoso o hindi, hindi ako
tanga kaya ramdam ko ang sinseridad nang pinapakita nilang emosyon sa
akin.
Mabilis ang bawat paghinga ko habang naglalakad papasok ng mansyon. Gusto
ko nang umalis, ayaw ko nang makaramdam ng kakaiba pa. Ayaw ko nang
makita ang kanilang mga mata.
Fuck.
I'm a lesbian! Kailan nila tatanggapin iyon?
Napasinghap ako nang may humigit sa aking braso. Napaharap agad ako dahil
sa paghigit nito.
Kumalabog ang dibdib ko. Matapang at taas noong hinarap lamang siya.
I shouldn't be affected by his presence! I need to be stern and cold! I
need to make them feel that they can't be serious about me!
That I won't feel the same way with them!
"Riziane..." matigas na sambit niya.
"Oh, Gyro..." kunwaring gulat na sambit ko.
His perfectly sculpted jaw clenched.
"You still-"
"Still?" I scoffed. "Still? What are you saying?" maangan kong tanong.
"You know what I'm saying! Stop acting like you don't!" mariing sinabi
niya.
Ramdam ko ang galit at puot doon. Napahugot ako ng malalim na hangin nang
hawakan niya ang magkabilang pisngi ko at saka ako mabilis na hinalikan
sa noo.
Parang nagpitikan ang mga ugat sa aking puso at gusto kong manghina.
Purong sakit ang naramdaman ko.
Marahas na tinulak ko ang kanyang dibdib. Hindi siya natinag pero kumalas
siya sa akin.
"Ano ba, Gyro!" inis na sinabi ko at saka pinunasan ang aking noo.
Ang kaninang madilim na mga mata niya ay malamlam na ngayon habang
nakatingin sa akin.
"Talk to me," he sighed. "Please..." nagsusumamo ang dinig ko doon.
Napasinghap ako at nailing, hindi ako makapaniwala.
Ano bang pag uusapan pa namin? Hindi ba halata na ayaw ko na siyang
makausap?
"Isn't it obvious that I don't wanna talk to you? Makita ka nga lang ay
ayaw ko na, kausapin pa kaya?" bumuntong hininga ako. "Kung ano man ang
gusto mong sabihin ay hindi na ako interesado kaya sarilihin mo na lang
'yan..." I said coldly.
Naging mabigat ang kanyang paghinga at saka nagyuko ng ulo. Pumikit siya
ng mariin na parang nagpipigil ng sakit na nararamdaman doon.
"Come on, Riz. Give me a chance, again-"
"Ilang again ba dapat, Gyro? Nakakatawa ka naman, e..." natatawang sinabi
ko kahit na bakas doon ang pait.
Lumunok siya at nag igting muli ang panga. Nanlaki ang mga mata ko nang
hapitin niya ang baywang ko at saka ako mariing siniil ng halik!
Fucking shit!
Nagpumigla ako mula sa kanya.
"Uhmp!"
Pero sadyang malakas siya, hindi pa nakuntento at sabik na hinalikan ako.
Mabilis ang bawat paghinga ko, para akong nakikipagkarera ng takbuhan at
hindi na ako makasagap ng tamang hangin!
Oh goodness!
"Eriz!" I gasp in between kisses habang tinutulak ko ang kanyang dibdib.
Lalong pumulupot ang kanyang matigas na braso sa aking baywang na animo'y
siya ang gumawa noon.
Buong lakas kahit hinang hina na ako, buong lakas na sinampal ko siya at
saka kumalas sa halik.
We're both panting. Mabibigat ang paghinga niya at hindi natinag sa
malakas kong sampal.
"Fuck you! Hindi na kita kilala, ang kapal ng mukha mo!" singhal ko.
Huminga siya ng malalim at saka nagyuko ng ulo.
"Magpapakilala ulit ako sa'yo kung ganoon..."
Nanlabo ang mga mata ko dahil sa nagbabadyang luha. Umiling ako ng mariin
bago tumakbo papalayo sa kanya.
Nagtagal lamang ako hanggang alas kuatro ng madaling araw dahil nawalan
na ako ng gana sa pakikipag usap sa lahat. Nagpaalam na lamang ako sa
kasambahay at nagtext kila Xavier na uuwi na ako.
Wala na akong salitang mailabas dahil oras na magsalita ako'y alam kong
lalabas ang labis na pait at emosyon sa akin. Baka kung ano lang ang mga
pasaring na masabi ko.
Ang sakit ng puso ko...
Chapter 15
Yugto 13
Kabanata 13
Umupo ako sa isang couch sa lobby ng EGH at doon namahinga, wala akong
gana kumain ng lunch ngayon.
Purong nasa utak ko ay ang imahe ni Gyro, the image of him looked so much
in pain last night. Kataka-taka na nakapasok pa ako ngayong umaga gayong
wala akong sapat na tulog.
I couldn't sleep, his face kept on flashing in my mind and it hurts me
big time. Hurts me in a way I feel rage at him!
Gyro was my once in a lifetime... He was my very first love but we
weren't lovers. Kung mayroon man kaming past ay hindi bilang mag
girlfriend-boyfriend.
Kundi bilang bestfriends.
It's funny, right?
Bestfriends... but we fucking know that we have a feelings for each
other! We were in love, aware kami doon but we hid it for the sake of his
bestfriend who was very in love with me.
Yeah, ganda ko 'di ba? Sa sobrang ganda ko pati mahal ko ayaw sa akin
dahil mas importante ang mararamdaman ng matalik niyang kaibigan para sa
kanya.
Tsss...
Well, cut the crap! It's been seven years na, kalimutan na dapat lahat
iyon dahil hindi naman na maibabalik iyon.
I was in love with him...
I loved him dearly and sincerely with all my heart...
But some people are sick! Like him, he hurt me. I need to accept the fact
that even an innocent girl like me way back seven years ago have to feel
the pain.
I remember how in love I was with him, ang sarap maalala. Ang sarap sa
pakiramdam na nagmahal pala ako noon bago ako maging ganito.
Huminga ako nang malalim habang inaayos ang mga gamit na nasa armchair
ko. Uwian na kasi at excited na akong lumabas ng classroom dahil natanaw
ko na si Gyro na nakahilig sa wall sa labas.
His hand was in his pocket while his other hand was busy combing his soft
and black shiny hair. He was smiling at every girl who's greeting him.
"Your handsome personal bodyguard is outside! Kyah!"
Napanguso ako sa pamumuna doon ni Criselda. Sus, parang hindi ko naman
alam na mayroon siyang hidden desire kay Gyro.
Kulay kahel na ang kalangitan nang makalabas kami ng school ni Gyro.
Sabay kaming naglalakad habang nagkukwento ako ng tungkol sa mga score sa
quizzes ko kanina.
"Why F, Ziane?" kunot noong tanong niya habang nakatitig sa aking papel.
Napakamot ako sa aking ulo at saka ngumisi sa kanya.
Shit, nakakahiya!
Huminga ako nang malalim at saka naunang maglakad na dahil natatakot
akong masermonan na naman ng genius bestfriend ko.
"Ziane!" he warned.
Patalikod akong naglakad at humarap sa kanya. Kinaway ko ang aking palad
at saka sumimangot.
"Sorry, Eriz. It's hard to focus on that subject, e..."
Marahang pumikit siya at saka itinabi ang aking papel sa bag kong bitbit
niya. Tuwing uwian ay magkasabay kami at siya ang palaging may bitbit ng
mga gamit ko.
"Why didn't you tell me agad? I can tutor you." napapabuntong hiningang
sinabi niya habang naglalakad na rin patungo sa akin.
Nakakahiya! Ayaw na ayaw ko pa namang nadidisappoint siya sa akin. Ang
hirap kasing magmukhang bobo o tanga sa harapan niya. Kung maaari nga
lang ay gusto kong mataasan siya parati para hindi nakakahiya.
Napanguso ako at hinintay ang paglapit niya, tumitig siya sa akin at saka
kinurot ang ilong ko.
I frowned.
"Ayaw ko nang ganoon, Gyro. Gusto kong matuto ng sarili ko, matataasan pa
kita! Tandaan mo!"
He chuckled, napailing siya at saka hinawakan ang kamay ko.
"Tsss, mas mataas ka naman talaga sa akin..." he said. "Hindi nga kita
maabot, e..." hindi ko nadinig ang huling sinabi niya dahil para akong
nabibingi sa tibok ng puso ko.
Nakaramdam ako ng kuryenteng dumaloy doon. Shit! Gusto kong mangisay sa
kilig dahil doon, ewan ko ba!
Feeling ko ako lang ang nakakaramdam ng ganito towards him, e. Parang
wala lang naman sa kanya ang paghawak hawak at akbay niya sa akin.
Hindi mawala wala ang ngiti sa labi ko habang naglalakad kaming
magkahawak ang kamay. I swayed it while we're walking in the middle of
the trees.
Nangunot ang noo ko nang makita ko ang pamilyar na lalake, grupo sila.
Batid kong kagagaling lang nila sa Steakhouse na malapit dito sa labas ng
school namin.
Si Ransom Heusaff iyon, Gyro's bestfriend. Kasama din ni Ransom ang iba
pa nilang kaibigan americans na batid kong ka teammates nila sa varsity.
"Uy, si Ransom oh!" turo ko sa kanya.
Naramdaman ko ang unti unting pagkalas ng kamay ni Gyro sa akin, kinamot
niya iyon sa kanyang batok at saka ngumiti sa akin bago tumango tango.
Hindi ko na lang iyon pinansin, kadalasan namang ganoon ang napupuna ko
everytime na makakasalubong o nakikita namin si Ransom.
Siguro ay nahihiya siya dahil baka kung ano ang isipin sa amin gayong
matalik lang naman kaming magkaibigan.
"Dude..." bati ni Ransom kay Gyro pero nasa akin ang kanyang mga mata.
"Hi, Quin. Going home?"
Nakikipag fistbump na si Gyro sa kanyang mga kaibigan. Ngumiti naman ako
kay Ransom.
"Yup, how about you?" tanong ko.
Ransom is a known football player but he's in the basketball team din.
Gwapo, mayaman at sikat siya dahil sa kanyang talento sa sports.
Childhood bestfriends na sila ni Gyro, simula daw yata ipanganak sila ay
parang pinalaki na silang magkapatid ng kanilang mga magulang.
"Just got out of a training and it's really tiring so we had a dinner at
steakhouse..." he informed.
Katulad ni Gyro ay malimit siyang magsalita ng tagalog pero fluent sila
sa tagalog, iyon nga lang ay masasanay ka na lang talagang mag ingles
dito sa US. Since dito kami nag aaral ay sanay na kaming makipag usap ng
ingles.
"So... Have you eaten?" biglang tanong ni Ransom.
Napakurap kurap ako at sumulyap kay Gyro. Napansin ko ang pag iwas niya
ng tingin sa akin kaagad at saka ngumisi kunwari sa kanyang kausap.
"Uh, we'll eat later..." Sabi ko patungkol sa amin ni Gyro.
My parents invited Gyro to have dinner with us kasi. Kaya ngayon ay doon
kami kakain sa bahay. Kilala na kasi si Gyro ng mga magulang ko at mas
paborito pa siya ng mga iyon kesa sa akin.
Tsss.
Kumunot ang noo ni Ransom at sumulyap kay Gyro. Bumuntong hininga siya at
muling humarap sa akin.
Mayroong kakaiba sa kanyang ikinikilos, hindi ko lang alam kung ano iyon
pero ramdam kong mayroon talagang kakaiba, e. Well, as for Gyro too.
Parehas silang nag iiba ang kilos tuwing magkaharap.
"So... Gyro, how's this little girl in here? Nag aaral naman bang
mabuti?" pabirong tanong ni Mommy habang kumakain kami.
Gyro smiled genuinely at her.
"She's okay, Tita Kwin. She's doing good and she got an A+."
Damn.
Ganyan 'yan si Gyro, mabait man ay sinungaling pa rin pagdating sa mga
scores na nakukuha ko. Nakakainis naman kasi itong sila Mommy, parang ang
labas pa'y ginawa nilang taga bantay sa akin si Gyro.
Palibhasa'y hindi nila alam na Vizconde itong si Gyro!
Tago ang profile nitong si Gyro, hindi siya Vizconde sa school. Ako nga
lang yata ang nakakaalam noon at si Ransom.
Simply because everyone would take an advantage over him, as for Griff
Eleazar, too. Kambal siya ni Gyro pero hindi sila pwedeng magsama sa
isang eskwelahan dahil mahirap na at baka may magtangkang kuhanin sila.
"Gy, pwede bang magtanong?"
Huminga ako nang malalim dahil sa kaba, nasa veranda kami ng aming
mansyon at nakaupo lamang sa porch swing habang nakamasid sa mga bituing
nagliliwanag sa kalangitan.
I felt him looked at me.
"Hmm, what is it?" malumanay niyang tanong.
Mabigat na bumuga ako nang hangin para pawalain ang kabang nararamdaman
ko.
"What would you feel if someone confessed to you?" maingat kong tanong
nang hindi siya tinitingnan.
Naramdaman ko ang paninitig niya lalo sa akin pero ilang saglit lang ay
binawi niya iyon at saka tumingin sa kalangitan.
"Uhm, what kind of confession? I mean, who would confess? Iyong taong
gusto ko ba o iyong may gusto lang sa akin?"
Naguluhan ako sa sinabi niya.
"Basta, iyong nag confess ng feelings for you..." kabadong sinabi ko.
"It would have a different answer," He said. "If the one I like
confessed, I will surely take that advantage and tell her that I like her
too."
Kumalabog ang puso ko nang sumulyap siya sa akin. Umiwas ako ng tingin.
"Paano naman kung hindi mo gusto?"
Gusto kong bawiin ang katanungan ko dahil maaari akong masaktan sa
maririnig ko. What if he doesn't like me? If he doesn't feel the same
way?
Ang daming tanong na masasakit ang namumuo sa isip ko. Tumutusok iyon sa
aking puso lahat, hindi ako handa na marinig kung anong sagot niya.
Hindi rin kasi ako umaasa na mayroon siyang feelings for me, Gyro is a
good man. Siya iyong tipo ng tao na hindi mo dapat bigyan ng malisya ang
mga kilos dahil sadyang malambing at maalaga.
Hindi mo dapat asahan dahil alam mong hindi lang naman siya sa'yo
ganoon...
Huminga siya nang napakalalim.
"Wala,"
"Wala?" tanong ko. "Anong wala?"
Kumunot ang noo niya at pinakatitigan ako.
"Why are you asking such things? Are you gonna confess to someone you
like, huh?" naniningkit ang mga matang tanong niya.
Napaawang ang labi ko at saka nanlaki ang mga mata.
"No! Hindi, ah! Gusto ko lang malaman!" giit ko.
Tipid na ngumiti siya at naging malungkot ang kanyang mga mata. Kitang
kita ko iyon dahil sa liwanag ng bituin, lalong lumulungkot iyong
tingnan.
"Hmm, tell me if you like someone..." malumanay niyang sinabi.
"Weh!? Ayaw ko nga! Dapat sabihin mo rin iyong sa'yo!"
Fuck.
Sinasaktan ko talaga ang sarili ko, naghahanap talaga ako ng sakit sa
puso, e. Nasisiraan ka na ng ulo, Riziane!
He smiled sadly but he then chuckled.
"I like someone..."
Doon nabasag ang aking puso. Pakiramdam ko ako ang taong pinakamalas
ngayon nang marinig iyon. Para akong nanghihina.
He sighed. He looks sad!
Posible kayang hindi siya gusto ng gusto niya? Nakakakita pa ako ng
karampot na pag asa at saya doon.
Damn! Hindi siya gusto ng gusto niya! Parehas kami!
"But I shouldn't like her, I'm not supposed to like her..."
Damn it.
Huwag mo na ituloy, sasaktan mo lang ako.
Bakit kasi hindi na lang ako?
"H- huh? Why?" nasasaktang tanong ko.
Kahit ayaw ko na talagang itanong, kailangan kong pakitaan siya ng
interes ngayon. Kahit na wala na akong gana at lakas madinig ang lahat ng
sagot niya.
Sumulyap siya sa akin gamit ang malungkot niyang mga mata. But then he
smiled sincerely.
"Cause I don't want to hurt my bestfriend..."
What the fuck!? Me? Alam ba niya na may gusto ako sa kanya at masasaktan
ako kapag nanligaw siya sa iba? Shit! No!
"A- ah!" I stuttered.
"I can't hurt Ransom..."
Napakurap kurap ako doon. Naramdaman ko ang pagkabobo at pagkatanga ko
dahil doon, damn it! Fucking stupid!
Si Ransom pala?
Kumunot ang noo ko at napabuga ng mabigat na hangin. Kabadong kabado pa
ako kanina dahil akala ko alam na niya! Tsss.
"Huh? Bakit naman? May gusto ba si Ransom sa'yo at masasaktan siya kapag
may babae kang nagustuhan?"
Hindi niya nagawang matawa doon pero napailing siya at napangisi sa akin.
He messed my hair and pinched my nose.
"Silly, of course not." he smiled. "It's because Ransom likes her so
much..."
Chapter 16
Yugto 14
Kabanata 14
Hingal na hingal ako habang tumatakbo nang mabilis, gamit ang likod ng
aking palad ay pinunasan ko ang pawis sa aking noo.
Sinusundan ko si Gyro, I have a feeling that he was avoiding me.
Nasasaktan akong dahil doon, dahil wala naman akong alam na dahilan kung
bakit.
As far as I could remember I didn't do anything wrong or bad! Hindi lang
naman siya namamansin kapag may mali akong nagagawa pero hindi katulad ng
ganito na umiiwas siya.
Napahinto ako sa paglalakad nang makita kong si Ransom ang kakitaan niya
ngayon. Seryoso ang mukha ni Ransom habang nakatitig kay Gyro.
It's been one week simula noong maramdaman kong umiiwas si Gyro sa akin
at ramdam ko palagi ang presensya ni Ransom sa aking paligid.
Para bang pinapalitan niya si Gyro sa buhay ko, hindi ko alam kung ano
ang mararamdaman ko pero ganoon talaga ang feeling ko.
"I don't know what's your plan, Gyro. Alam mong gusto ko si Quin, right?"
Nagulantang ako sa kanyang rebelasyon. Naging mabilis ang paghinga ko at
saka nanigas sa isang tabi na hindi nila nakikita.
Gyro sighed.
"I know, Ran..." he said. "Ano bang pag uusapan natin? Iyon lang ba?"
Sarkastikong natawa si Ransom. Humakbang siya palapit kay Gyro sapat na
magkaharap lang silang dalawa at makapag usap ng masinsinan.
Nakayuko ang ulo ni Gyro na parang may isang napakalaking problemang
dinadala.
Wala akong maintindihan. Pangalan ko ang nadinig ko, so I assume that
it's me! Wala naman sigurong ibang Quin silang kilala 'di ba?
"Bakit kailangan mo pang pumapel parati?"
Kumunot ang noo ni Gyro at nag angat ng tingin, nakita ko ang Gyro na
hindi ko pa kailanman nakita noon sa kanya.
He was looking at Ransom with full of sarcasm and a bit anger is evident
on his eyes.
"Pumapel?" sarkastiko ang kanyang tanong. "I'm avoiding her with full
force, Ransom."
Nakaramdam ako ng sakit sa aking puso. So, dahil pala kay Ransom kaya
niya ako iniiwasan? Sino nga ba naman ako para lamangan ang pagkakaibigan
nila?
"Do you like her?" parang kulog iyong tanong ni Ransom ng biglaan.
Hindi sumagot si Gyro at bumuntong hininga lang.
"Do you like her!?" muling mariing tanong ni Ransom.
Kumalabog ang puso ko. Bakit kailangan ng ganoong tanong? Fuck! Ayaw kong
masaktan, please. Tama na muna ang sakit na ito, ayaw ko nang madagdagan
pa.
Kumunot ang noo ni Gyro.
Dito ko lang nakita ang Gyro na hindi naaapektuhan sa nararamdaman ng
kanyang nasa harapan.
He looks so cold and stern.
"Why asking the obvious?"
Nanlaki ang mga mata ko, nagtindigan ang mga balahibo sa aking batok.
Para akong namamanhid sa narinig kong iyon.
Hindi makain ng sistema ko at parang tumatambay lang iyon paulit ulit sa
aking tainga.
Huminga ako nang napakalalim at nanghihinang nakinig lamang. My eyes
watered because of happiness.
Ransom scoffed, kumuyom ang kanyang kamao sa galit. Mabigat ang kanyang
paghinga habang nakikipaglaban ng tinginan kay Gyro.
"Fuck! I should have known that you would betray me! Goddamn it!"
nagtatagis bagang na sambit ni Ransom.
Bahagyang natawa si Gyro.
"Betrayed you? Did you call it betraying when I'm pulling myself from
her? When I'm avoiding her for you? It feels like a torture, Ransom.
Avoiding the one I love for the sake of our friendship..."
Napapikit ako ng mariin at doon bumuhos ang mga luha sa aking mga mata.
Bakit ang sarap pakinggan pero ang hirap matanggap?
I can't eat that fact he was saying. I couldn't even believe that
revelation!
Mahal niya ako pero iniiwasan niya ako para hindi masaktan ang kanyang
kaibigan, pero paano naman ako? Paano naman ako, Gyro?
Umigting ang panga ni Ransom, walang anu-ano'y sinapak niya si Gyro.
Wala akong magawa, gusto kong sumigaw para pigilan iyon pero huli na at
wala akong kalakas lakas na gawin iyon.
Pumikit lang si Gyro at nagyuko ng kanyang ulo sabay dura ng dugo sa
damuhan.
"She doesn't feel the same way, Gyro... Lumayo ka na lang kung ayaw mong
lumala pa ito..."
Bahagyang tumaas ang sulok ng labi ni Gyro at tumingin sa kanyang mga
mata.
Please, ipaglaban mo naman ang nararamdaman mo. Please... Just please be
with me.
"If you only knew, Ransom..." he trailed off. "But yeah, I'm a man of my
words. I'll avoid her just for you, don't worry..."
Ramdam ko ang sakit na tumusok sa aking puso, sobrang nasasaktan ako sa
oras na ito. Bakit naman ganito kasakit?
Nagsisisi tuloy ako na nagmahal ako sa murang edad, nagsisi tuloy ako na
sinundan ko pa siya. Nagsisisi tuloy ako na siya pa ang minahal ko.
Nagsisi ako na hindi ko sinunod si Daddy, sabi naman kasi niya na madali
talaga akong mapapamahal at mabilis mainlove ang pamilyang mayroon kami.
Damn...
Nanghihinang napaupo ako sa isang bench at saka hindi pinansin ang
malakas na bugso ng ulan.
Dalawang oras na akong umiiyak dito at nasasaktan sa lahat lahat. Gusto
kong intindihin ang bawat salitang binigkas ni Gyro kanina, gusto kong
bawiin niya iyon at ipaglaban na lang ang feelings niya for me.
Napagdesisyunan kong pumunta sa mansyon nila, alas sais y media ng gabi.
Tumayo lamang ako sa tapat noon at saka tumitig doon.
Hindi ko alam kung pipindutin ko ba ang doorbell nila o hindi.
Nanginginig ako sa lamig pero hindi ko iyon pinapansin.
I want to see him, I want to tell that I'm in love with him and I want a
hug from him...
Ang sakit sakit naman kasi na gusto ko nang ilabas lahat ng nararamdaman
ko at buong pusong umamin sa kanya.
Alam ko namang ramdam niya ako, alam ko naman na alam niyang gusto ko
siya. Mahal ko siya, mahal na mahal. Tanga na lang siguro ang hindi
makakahalata noon.
Huminga ako nang malalim at tumalikod na pero laking gulat ko nang
makitang naroon si Gyro.
Katulad ko'y basang basa siya ng ulan, hawak niya sa isang kamay niya ang
kanyang coat na uniporme.
Tears rolled down to my cheeks while looking at him. Hindi ako makahinga
ng maayos dahil mabilis ang pintig ng puso ko.
Gusto kong takbuhin siya at yakapin ng mahigpit. Gusto kong magkalinawan
kami tungkol sa isa't isa. Kung hindi niya ba ako kayang ipaglaban.
Gulat ang kanyang reaksyon habang nakatingin sa akin. Mukhang hindi niya
alam na nasundan ko siya kanina at nadinig ko ang lahat ng pinag usapan
nila.
Kita ko ang lungkot sa kanyang buong mukha at mga mata. Tumitig lang siya
sa akin, napanguso siya at kumunot ang noo.
Gusto ko pang matawa doon dahil napakabilis niyang magbago ng ekspresyon,
bigla na lang nawawala ang kanyang tunay na ekspresyon.
"Hey..." panimula niya.
God! How much I've missed that voice...
Patuloy na bumubuhos lang ang luha mula sa mga mata ko dahil sa sakit na
nararamdaman ko, okay lang iyon hindi naman niya mahahalata dahil
umuulan.
I forced a smile.
"Hi!" I cheerfully greeted him.
Humakbang siya papalapit sa akin, his lips were in a thin line. Bahagyang
nakaangat ang gilid ng labi niya para hindi ipahalata ang kalungkutan
doon.
"What are you doing here?" he asked.
Kumurap kurap ako at saka huminga nang napakalalim. Patuloy ang mabilis
na tibok ng puso ko, hindi ko alam kung mas lamang ba ang sakit o ang
pagmamahal.
"Napadaan lang, namimiss na kasi kita..."
Pasimpleng nagbuntong hininga siya at tipid na natawa, a fake one of
course...
Masakit din pala na hindi niya ako mabigyan ng genuine at sincere na
ngiti ngayon. Parang unti unting nawawala ang Gyro na mahal ko.
Pero kahit ganoon ay mas lalo ko pa rin siyang minamahal.
Sa sobrang bait niya'y hindi niya na iniisip ang kanyang sariling
nararamdaman at gusto. Mas iniisip niya pa rin ang kanyang kaibigan.
He really is the man of his words!
"Papahatid na kita sa driver, kailangan mo nang umuwi at baka nag aalala
na sila Tita Kwin. You should take a shower, too. Baka magkasakit ka..."
kaswal na sinabi niya.
Lalo akong nasaktan, gusto kong sabihin niyang ihahatid niya ako. Gusto
kong makasama siya, e.
Suminghot ako at pilit na ngumiti.
"Hindi na, kaya ko naman mag-isa. You, too. Baka magkasakit ka. So, I
better get going..." I chuckled in pain.
Bahagyang tinapik ko ang kanyang braso, hindi ko alam kung bakit nanatili
lamang siyang nakatayo at nakatingin sa akin pero wala akong mabasa sa
kanyang mga mata.
Huminga siya nang malalim at tipid na tumango na lamang sa akin.
Triple kill ka ngayon, Riz!
Pagkalagpas ko sa kanya ay bumuga ako ng mabigat na hangin. Hinawakan ko
ang aking nanginginig na labi para pigilan ang paghikbi.
Damn...
Tama na, please. Sa bahay na tayo umiyak, h'wag mo akong traydurin
ngayon.
Fuck, bakit naman kasi ang sakit sakit. Bakit feeling ko na wala siyang
pakealam sa akin. Bakit feeling ko hindi na ako importante sa kanya.
Ang sakit pala magmahal 'no? Ganito pala.
Nanigas ako nang biglang maramdaman ko ang matigas na braso niya sa aking
baywang, he was hugging me from behind.
Gusto kong manlambot at manghina dahil sa tuhod kong parang jelly ace.
Siniksik niya ang kanyang mukha sa leeg ko.
"Stop crying, please..." he said quietly.
Lalo lamang bumuhos ang luha ko dahil doon. Mas lalong bumuhos ang bugso
ng ulan, nasa gitna kami ng kanilang street. Wala naman masyadong tao
rito kaya walang nakakakita sa aming tagpo.
"I'm not..." mahinang giit ko.
Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin. Ramdam ko ang kanyang init
kahit na malamig ang panahong ito, suminghap ako at saka humikbi.
"Please don't make this hard for me to let you go..."
Damn it! I don't even wanted him to let me go! I wanted him to keep me! I
want him to love me. I want to be with him.
"Gyro..." I called. "I love you..." naiiyak na sambit ko ng buong puso.
Naging mabigat ang kanyang paghinga dahil doon, unti unting lumuwag ang
pagkakayakap niya sa akin. Pero laking gulat ko nang paharap na hapitin
niya ako sa baywang at yakapin ng mahigpit.
Damn.
Please say yes... Please be with me...
Naramdaman ko ang kanyang paghalik sa noo ko.
"I love you, too, Ziane..." he said.
Gusto kong maglupasay sa kasiyahan pero alam kong may kasunod pa iyon.
"But we can't be together..."
Gusto kong sumigaw at saktan siya dah sa sakit na ibinibigay niya sa akin
ngayon. Kotang kota na kasi siya, e.
"Pero bakit!?" Iyak ko.
Sinubsob niya ang mukha ko sa kanyang dibdib at saka marahang nilanghap
ang aking buhok.
"Bakit, Gyro!?" halos maghisterya ako. "Dahil ba kay Ransom, ha! Gyro
naman, isn't it enough that we love each other? Hindi ba sapat iyon?"
Umiling siya.
"We shouldn't hurt people around us, we can't do that..."
nagpapaintinding sinabi niya.
"Love is selfish, Gyro! Please, h'wag naman ganito. Kung mahal mo ako
dapat tayo lang ang nag eexist sa isip mo..."
He cupped my cheeks. Ramdam ko ang mainit na luhang bumubuhos mula sa
akin. Mariing hinalikan niya ang labi ko.
"I'm so sorry, Ziane..." umiling siya, nakita ko ang pamumula ng kanyang
mga mata. "I can't love you when I'm this selfless. I love you but I
can't bear to hurt someone..."
Chapter 17
Yugto 15
Kabanata 15
Para akong binagsakan ng langit at lupa sa nagdaang linggo. Ilang araw at
gabi ang lumilipas pero puro sakit at kalungkutan lang ang dinaranas ko.
Alam kong nag aalala sa akin si Mommy dahil kapansin pansin ang
pananahimik ko parati at pagkukulong sa aking silid.
What will I do to less the pain?
Because I'm tired of crying, really. Hindi man ako umiiyak ng hagulgol o
may luha'y umiiyan naman ang buong pagkatao ko.
Kinusot ko ang aking nanlalabong mga mata at saka umupo sa gutter, narito
ako ngayon sa tapat ng kanilang mansyon.
Ito ang ginagawa ko kapag gustong gusto ko siyang makita dahil hindi ko
na siya nakikita sa school, ewan ko kung nagtransfer ba siya or what pero
nasasaktan ako kapag naiisip na ganoon.
Ganoon ba kalala ang kailangan mangyari? At talagang lumipat pa siya ng
school?
Sobrang nahihirapan ako sa puso kong durog, ni hindi ko namamalayan na
nawawala na ako sa dating ako.
Hindi ko kinakausap si Ransom kahit na parati niya akong sinusundan kapag
lunch break o di kaya'y nakikita niya ako. Hindi pa sapat iyon, gusto
kong saktan siya not physically but emotionally.
I want to hurt him like he hurt Gyro and me, gusto kong maramdaman niya
ang sakit na nararamdaman ko dahil siya ang pinili ni Gyro.
Angat ang sakit sa aking puso, pakiramdam ko parati akong umaalon.
Lumilipad parati ang isip ko kung saan saan.
What's the use of love when it's hurting you? Bakit nagkaroon ng salitang
love kung masasaktan din naman tayo?
Ang alam ko kasi kapag nagmahal ka dapat masaya ka. Bakit ganito ang sa
akin? Bakit ganito ang sa amin ni Gyro?
Damn.
Ilang oras na akong naghihintay sa sasakyan ng kanilang pamilya, bumuhos
ang luha sa aking mga mata. Pinatong ko ang aking ulo sa tuhod ko at saka
tahimik na umiyak.
Why does it have to hurt like this? Why do I have to feel this pain? Why
loving him is hurting me so bad?
Pakiramdam ko hindi na ako makakatayo pa mula sa pagkakahulog sa kanya. I
was aware about the rules of the family, nakakatawa na lang talaga na
wala akong pakiealam doon noon but It does make sense now.
Alam ko na kung bakit mayroong rules, alam ko na kung bakit ginawa iyon
para sa amin at dapat pala'y sumunod na lamang ako at inintindi iyon.
Naramdaman ko ang pagbuhos ng ulan, nagpapasalamat ako doon. Hindi
mahahalata na umiiyak ako kung sakali.
Ilang minuto pa'y nadinig ko na ang makina ng sasakyan na papalapit, nag
angat ako ng ulo para makita iyon.
I guess it's Griff's service!
Huminga ako nang napakalalim at hinintay na lamang iyon. Bagsak man ang
balikat at umaasang naroon si Gyro ay hinintay ko pa rin ang paghinto.
Gulat pa ako nang huminto iyon sa aking harapan. Tinted ang mga bintana
noon kaya hindi ko maaninag kung naroon nga ba si Griff.
The car door opened and I saw Griff, he went out with an umbrella. Pero
hindi siya ang talagang napansin ko dahil natanaw ko si Gyro doon sa loob
ng kanilang sasakyan.
"Hey, Quin! Why are you there!? It's raining! Are you stupid!" nadinig ko
ang panenermon ni Griff.
Napakurap kurap ako dahil hindi ko nakita ang miski paglingon ni Gyro sa
akin, he was stiff. Nakatingin lamang siya ng diretso sa unahan at walang
emosyon ang mukha.
Fucking fuck.
"Ah, wala. Trip ko lang maligo sa ulan." mahinang halakhak ko at saka
tumayo.
Pinayungan ako ni Griff pero umiwas na lamang ako dahil baka mabasa pa
siya. Gusto kong manlumo dahil parehas na sila ng uniform ni Griff, so he
transferred... just to avoid me, tsss.
Kumunot ang noo ni Griff at sumulyap sa kaninang tinitingnan ko pa.
Huminga siya nang malalim at muling bumaling sa akin.
He smiled at me.
Kumpara kay Gyro ay mas devilish ang aura nito, well he really is
devilish! Magkaiba sila ni Gyro ng ugali. Wala akong nakikitang
pagkakaiba sa kanilang mga mukha pero mararamdaman mo kung sino ang
kaharap mo.
Ramdam ko ang gaan ng paligid kapag si Gyro ang kaharap, kapag pakiramdam
mo namang hesitant ka at parang awkward ay alam mong si Griff ang kaharap
mo.
How I wish that this man in front of me is Gyro Erizalde...
Alam mo iyon? Nakikita ko ang mukha ni Gyro sa kanya pero hindi ko
maramdaman ang pakiramdam kapag ang mahal ko ang ngumiti sa akin.
Bumaba ang isang bodyguard mula sa frontseat at may dala ring payong.
Nilingon ni Griff iyon.
"Sir Griff, we need to get inside..."
"I can go myself in..." kaswal na sagot nito. "You can go now..."
Tumango ang bodyguard at saka sumulyap sa akin. Tsss, gusto ko siyang
singhalan na hindi ako masamang loob na kukuhanin ang alaga nila. Psh!
Tipid na tinanguan ni Griff iyon.
Isang tanaw pa kay Gyro ang nakuha ko bago isara iyon ng bodyguard at
saka sumakay na rin sa frontseat. Ni hindi niya ako tiningnan, ni wala
akong makitang emosyon sa kanya.
Huminga ako nang malalim at tipid na ngumiti kay Griff. He was looking at
me intently, para akong hinihigop ng kanyang mapanuring mga mata.
Umiwas ako ng tingin dahil sa intensidad na kumukuryente sa akin.
"Uhm, Griff. Uuwi na ako, salamat..." pagpapaalam ko.
I heard him sighed.
"I will punch him when I get in."
Nagulat ako doon at napabaling sa kanya. Ramdam ko ang mainit na luha sa
aking pisngi na nag uunahan.
"Baliw! Bakit naman?" inosenteng tanong ko.
He smirked, ibinaba niya ang kanyang payong at nagpatiligo na rin sa
buhos ng ulan. Nalaglag ang aking panga dahil doon.
"Kasi hindi niya tayo sinamahan maligo dito..."
"Griff! Magkakasakit ka! Baliw ka ba!" aligagang sinabi ko.
Kinuha ko ang payong para payungan sana siyang muli pero hinigit na niya
ang braso ko at saka ako ikinulong sa bisig niya.
Gyro?
Kumunot ang noo ko dahil sa kalituhan.
This is Griff, right?
"Griff?" takang tanong ko.
He chuckled. "Of course, stupid. Mas gwapo ako sa asshole na 'yon."
Bumuhos ang luha ko. Wala na yata akong ginawa kundi ang umiyak ng umiyak
simula pa kanina at noong nakaraang araw, ah.
Kumalas siya sa pagyakap sa akin, nagyuko lamang ako ng ulo dahil sa
kahihiyan. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa iyon, pero ramdam ko ang
care doon.
"I can feel my twin..." mahinang sinabi niya. "I'm so sorry, Quin. I just
wanted to hug you, siguro dahil miss ka ni Erizalde..." he chuckled.
Fuck!
Sige asa pa!
Sumulyap siya sa isang bintana sa kanilang mansyon. Kumalabog ang puso ko
dahil alam ko kung sino ang naroon o sino ang tinitingnan niya.
He smiled at me as he messed my hair up.
"Let's go inside... you should take a shower..." aniya.
Umiling ako agad. "Hindi, h'wag na. Kailangan ko na rin palang umuwi."
Kumunot ang kanyang noo, bakas sa kanya ang pagkaawa sa akin.
"Kung ganoon e 'di ihahatid na lang kita..." he insisted. "H'wag ka na
tumanggi, wait here kung ayaw mong pumasok. This will be quick..."
Tumakbo na siya papasok sa kanilang mansyon, hindi ko na siya nasundan pa
ng tingin dahil punong puno na ng luha ang aking mga mata.
Bakit siya nag aalala sa akin? Bakit si Gyro hindi na? Bakit siya may
pake sa akin, bakit si Gyro wala na?
Damn.
Walang gana at pabagsak na humiga ako sa aking kama, tumulala ako sa
ceiling. Inihatid ako ni Griff, hindi pa naman siya pwedeng magdrive kaya
may driver kaming kasama.
Nagpasalamat lamang ako sa kanya, nakakahiya pa nga dahil nabasa ang
kanilang kotse dahil sa akin. Basa din si Griff, malalagot pa ako kapag
nagkasakit iyon.
Hay.
Nakatulog ako dahil sa kapaguran. Sobrang bigat ng pakiramdam at ulo ko
pagkagising kinabukasan. Hindi ko alam kung bakit sobrang sakit ng ulo
ko.
Kumikirot iyon sa sakit, napadaing ako at hinawakan ang ulo ko. Dahan
dahan akong dumilat, nasilaw ako sa purong puting kisame at maliwanag na
ilaw dito...
And then I realized that I'm here lying in the hospital bed.
Kumurap kurap ako para makapg adjust sa liwanag. Ganoon na lamang ang
pagkagulat ko nang makita ko si Griff na naka-ubob sa aking kamay, he's
asleep.
Kumunot ang noo ko at bahagyang ginalaw ang aking kamay kung nasaan siya.
Mayroon akong swero sa kabilang kamay.
Ha? Anong mayroon?
Nang maramdaman niya ang paggalaw ko'y nagkusot siya ng mga mata at saka
nagmulat sa akin.
"Griff, anong mayroon?" tanong ko at saka pumasada ng tingin sa buong
silid.
Ramdam ko ang init ng aking katawan, ganoon din ng bawat paghinga ko sa
aking ilong. Para akong isang human heater. Ang init! Sabayan pa ng
masakit at mabigat na ulo.
Mayroong mga prutas at pagkain sa hospital table na nasa aking paanan,
tahimik ang buong silid. Nagtataka pa ako dahil wala akong Mommy at Daddy
na nakita rito.
"Your parents went home for awhile..."
Kumalabog ng sobra ang puso ko, napalingon agad ako sa Griff na inakala
ko.
Hinanap ko agad ang palatandaan sa kanyang mukha at iyon ay ang nunal
niyang maliit sa bandang gilid ng noo.
Fuck!
"Gyro..." pangungumpirma ko.
Bumuntong hininga siya at saka tumayo, nagbukas siya ng isang bottled
water at nagsalin sa baso.
"Mm..." tipid na tango niya at saka ibinigay sa akin ang baso ng tubig.
Hindi ko nakuhang tanggapin iyon, my lips were trembling. Nasasaktan ako
sa presensya niya pero masaya akong makita siya ngayon.
I missed him... so damn much!
Lumapit siya sa akin at siya mismo ang nagpainom sa akin ng tubig. Tumulo
ang luha sa gilid ng mata ko habang sumisimsim doon.
He inhaled sharply. Para bang napakahirap sa kanyang tingnan ako, naiisip
ko na baka napilitan lang siyang pumunta rito.
Mukhang galing pa siya ng school dahil naka uniporme pa siya, ang kanyang
coat ay nakasampay sa backrest ng inuupuan niya kanina.
So, mukhang napilitan nga siyang magpunta rito. Tinawagan kaya siya nila
Mommy? Iyon lang naman ang dahilan kung bakit siya mapapapunta rito.
Wala naman siyang pake sa akin, e.
"You were sleeping for about two days, then what? You would just cry?"
malumanay na tanong niya at inilapag ang baso sa table.
Huminga ako nang napakalalim at pumikit ng mariin, taimtim na nanalangin
akong manatali muna si Gyro sa akin ngayon. Kahit ngayon lang...
pagbigyan ako.
Naramdaman ko ang mainit na daliri niyang pinalis ang mga luha sa aking
pisngi. Maingat at malambot.
"Gyro, I missed you..." it's more like a whisper, enough for him to hear.
"So much..."
Wala siyang naging reaksyon, iyon ang sobrang lakas na sampal sa aking
emosyon. Parang gusto kong humagulgol at sabihin ang lahat ng kalungkutan
at sakit na nararamdaman ko.
Umiwas siya ng tingin sa akin.
Sobrang sakit, tama na...
"Gyro, will you please talk to me?" halos magmakaawa ako. "Gyro, ang
sakit sakit na, e... ganito na lang ba? Patuloy mo na lang akong
sasaktan?"
Bahagyang nagkunot ang kanyang noo at bumaling sa akin, ngayon ko nakuha
ang atensyon niya. Nakita ko ang sakit sa kanyang mga mata at
kalungkutan.
"Patuloy din naman akong nasasaktan..." he whispered. "It hurts, Ziane.
Masakit makita kang nasasaktan..."
Kumalabog ang puso ko sa di maipaliwanag na kaba at sakit. Nagsama sama
na ang laht ng emosyong mayroon ako ngayon.
"E, bakit sinasaktan mo ako kung ganoon?" emosyonal kong tanong.
Masakit palang makita niya akong nasasaktan, e. Bakit hindi na lang niya
ako mahalin para hindi na ako masaktan? Ganoon lang naman kasimple, e.
Umigting ang kanyang panga.
Labis labis na emosyon na ang ipinapakita ng kanyang mga mata. Hindi ko
mabasa kung ano ang lamang at angat doon.
"Bakit ang unfair mo?" tanong ko nang hindi niya ako sagutin.
Humikbi ako at naghabol ng hininga.
"Bakit ang unfair na ayaw mong masaktan ang matalik mong kaibigan
pagtapos ay kaya mo akong tiisin? Kaya mo akong saktan para sa kanya,
bakit?" mapait na sinabi ko.
Tears flowing like a waterfalls because of the sadness and pain I am
feeling at this moment.
"Bestfriend mo rin naman ako, ah? Mahal mo din naman ako, 'di ba? Pero
bakit ganito? Bakit ka ganyan? Bakit napaka selfless mo at iniisip mo ang
iba kesa sa sarili mo?" I broke.
Humikbi ako, pigil na pigil ako sa paghagulgol dahil sa sakit na
naramdaman ko.
Nakita ko ang pamumula ng kanyang ilong habang nakatitig sa akin. Damn
it! Bakit kailangan niyang maging selfless?
Puta, hirap magmahal ng katulad niya. Mas gugustuhin ko pa iyong maging
selfish siya.
"You need to understand me, Riziane." his voice is shaking.
"Iyon na nga, e! Ang hirap mong intindihin! I can't fucking understand
you! Bakit kailangan mong saktan ang sarili mo at... ako?"
Umiling siya, para bang may humihila sa kanyang sumagot doon. Or ayaw
niya lang talagang sagutin iyon.
"I love you..." he mumbled. "I love you so fucking much, Ziane..."
Kumalabog ang puso ko dahil doon. Pero sakit ang lumalamang, bakit lahat
ng I love you niya ay may kasunod na buts?
Alam ko na ang kasunod noon.
He loves me but he can't fucking choose me...
He loves me but I'm not in the choices above...
Syempre pipiliin niya ang mga mas importante sa kanya, sino nga ba ako?
Matalik niyang kaibigan pero hindi ko naman kayang lamangan ang
friendship nila ni Ransom.
Shit...
Humikbi ako at hinampas ang dibdib niya. Paulit ulit at nanghihina kong
ginawa iyon, gusto ko lang saktan siya sa paraan na maiibsan ang sakit na
nararamdaman ko.
Frustrated ako sa lahat.
Huminga siya nang malalim at hinawakan ang dalawang kamay ko bago ako
mahigpit na yakapin. Yakap na masakit sa puso, yakap na hindi pinapagaan
ang pakiramdam ko.
"Gyro naman, e..." I cried. "Gyro, please... please, ako naman ang piliin
mo." nanghihinang pagsusumamo ko.
Suminghap siya na parang pinipigilan ang kanyang emosyon.
Sobrang nasasaktan ako, Gyro. Hindi ko na alam kung saan pa ako magtatago
para iwasan ang sakit na dulot mo.
"I'm so sorry, Riziane. Sorry kung nasasaktan kita ngayon, patawad kung
hindi ko kayang panindigan ang pagmamahal ko sayo." he whispered with
full of pain.
"But fucking believe me that I love you so much and I'll chase you when
the right time comes... I love you, Riziane..."
Chapter 18
Yugto 16
Kabanata 16
Tears pooled in my eyes as the past came flashing back I've had seven
fucking years ago. I shouldn't be trapped inside that past but how can I
forget that heartbreak when it's the only thing I don't want to let go?
Ayaw ko nang balikan ang dating ako, I could be heartless than a broken
heart. Sa tingin ko'y mas pinabuti ako nang pagkatao ko ngayon.
Mas pinatapang at mas pinatatag ako, hindi na ako iyong babaeng nagmahal
ng sobra and I will never love anyone like him now. Because of him I've
changed, change into someone they thought I would never be.
Tsss. Nasa huli ang pagsisisi talaga, magsisisi sila kung kailan huli na
ang lahat. Kung kailan wala na akong pakealam sa mga lalake.
Napahugot ako nang napakalalim na hininga. Kumunot ang noo ko nang
maramdaman ang dampi ng panyo sa aking pisngi. Langhap ko ang mamahaling
pabango noon.
Agad na nagmulat ako ng mga mata para malaman kung sino ang pangahas na
iyon.
"Greyson!" gulat na singhap ko at saka umiwas sa kanyang panyo.
He smiled genuinely.
The smile I hated the most!
"To where those tears are for?" banayad na tanong niya. "Bad dream?"
Bumuntong hininga ako.
"Wala! Gusto ko lang maglabas ng tubig dahil puro tubig na ako..."
sarkastikong sinabi ko. "Tabi nga! Shoo!" pagtataboy ko na ikinatawa lang
niya.
"So rude..." he mumbled.
Tumayo ako mula sa couch na pinahingahan ko at saka siya hinarap. Kahit
na matangkad ako ay mas nanaig pa rin ang kanyang katangkaran.
Nakatitig lamang siya sa akin na parang ako lang ang taong narito sa
lobby, nakataas ang sulok ng kanyang labi. He looks amused!
The hell!?
Lalo lang umiinit ang ulo ko kapag nakikita ko ang dating Gyro kay
Greyson! Talagang kakaiba ang kanilang katangahan dahil sa sobrang
selfless.
Good boys doesn't ring a bell now. Good boys are nothing but a trash,
wala silang gagawin kundi ang masaktan ka sa huli.
Sa una'y mamahalin mo sila dahil sobrang bait nila at parang hindi gagawa
ng ikasasakit mo, pero sa huli ay ikaw na ang kawawa dahil mas pipiliin
nila ang nasa paligid nila at titiisin nilang masaktan ka.
That's how they played it, mas malala pa sila sa playboys na sasaktan ka
man sa umpisa ay mamahalin ka naman hanggang huli dahil sila iyong tipo
ng tao na selfish at ipaglalaban ka.
Well, as for me I would gladly love a girl. I would love a girl because
every girl should be treated with love and care. Gusto kong iparamdam sa
kanila ang pagmamahal na hindi ko kailanman natanggap sa minahal ko noon.
Hah!
"Aalis na ako, Griff..." my voice is shaking.
Kumunot ang noo ni Griff at saka ako nilingon gamit ang kanyang
nalilitong mga mata.
Bukas ng umaga ang aming flight patungong Pilipinas, hindi ko alam kung
bakit biglaan ang pag alis naman. Sa pagkakaalam ko nama'y hindi alam
nila Mommy at Daddy na mayroong hindi magandang nangyayari sa akin.
"Huh? Aalis? Uwi ka na? Hahatid kita, little stupid..." natatawang sinabi
niya at saka tumayo mula sa bermuda grass na kinauupuan niya.
Naglahad siya ng kamay sa akin para itayo na din ako, tinanggap ko iyon.
Pagkatayo ko ay humugot ako nang malalim na hangin at ngumiti sa kanya.
Pagtataka ang talagang nakita ko sa kanyang reaksyon, akala siguro nito
nababaliw na ako. Hindi naman ako usually ngumingiti kasi nitong
nakaraang linggo.
"Aalis na ako, aalis na ako..." pag uulit ko. "We'll be flying to
Philippines tomorrow..."
Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Tila hindi pa nagsisink in sa kanya
iyon at itinagilid niya ng bahagya ang kanyang ulo habang nakatingin sa
akin.
"Wh- uh, what? I mean, for a vacation? But it's not summer yet..."
nagugulat niyang tanong.
Halata sa kanya ang pangamba at pagkalito pero mas pinipili niyang
magpakatanga at parang gusto niyang linawin ko na muna ang lahat sa
kanya.
Si Griff ang nakakasama ko tuwing lunch break at uwian, nagkakasundo
naman kami pero madalas ang pag aasaran sa amin. Hindi ko maramdaman ang
presensya ni Gyro sa kanya.
Si Griff kasi iyong tipo ng tao na walang pakealam sa sasabihin ng iba,
kaya kahit magkasama kami palagi ay hindi niya ako ikinakahiya kung
mayroon mang makakita sa aming dalawang magkasama.
Nakakatawa na nga lang dahil nagpalipat siya sa aming school, para bang
nakipagpalitan lang siya kay Gyro. Wala nga din siyang pakealam kay
Ransom na parating umaaligid sa akin.
Mas lalo pa niya akong nilalapitan everytime na nakikita niya si Ransom,
inaasar niya iyon. Well, wala na rin naman akong pakealam kay Ransom.
Sinaktan niya ako sa pamamagitan ng pagmamahal ko kay Gyro. Sinaktan niya
ako gamit ang mahal ko.
Griff Eleazar:
Hey, little stupid. I was surprised that you're leaving for Philippines.
I wasn't ready to let you go, tsss. But aren't you gonna say goodbye to
my twin?
Hindi ako handang harapin si Gyro, now that I'm not fully healed by the
heartbreak he has done.
Hindi rin ako handa na pakawalan siya, sa ngayon.
But I know time will come and when the time comes? I won't let myself
drown again, I won't let myself fall for the good boy like him, again...
Ako:
Hindi na kailangan, Griff.
Griff Eleazar:
Oh yeah? So, could you meet me at the fountain?
Kumunot ang noo ko sa kanyang reply.
Six AM ang flight namin bukas kaya malabong makapagkita kami bukas. Kagat
labing nagtype ako ng sagot sa text niya.
Ako:
When? I don't think we can meet tomorrow...
Wala pang isang minuto ay nakapagreply na siya.
Griff Eleazar:
Tonight at 7 PM, Quin. I'll wait...
Naguguluhan pa ako kung bakit but I decided to go there, ito na naman ang
huli, e. Mukhang hindi naman na kami ulit magkikita at gusto kong
magpasalamat sa kanya.
I'm really thankful that he didn't make me feel alone when I feel so
broken and empty. Masaya siyang kasama kaya kahit na malungkot ako at
nasasaktan ay may nagpapatawa sa akin.
Mag aalas siyete pa lamang ay nagpunta na ako, ayaw kong paghintayin siya
lalo pa't mabilis siyang mainip. Natawa ako sa isip, umupo ako sa stone
bench na madalas namin pinagpapalipasan ng oras ni Griff kapag uwian.
Walang gaanong nagtatambay at namamalagi rito, ngayon nga ay walang katao
tao. Pero hindi naman nakakatakot dahil maliwanag ang buong lugar na ito.
Maraming stone benches na nakapalibot dito, ganoon din sa fountain. Ang
ganda ng fountain na iyon dahil mayroong ilaw na iba't ibang kulay.
Tumingala ako sa kulay kahel na kalangitan at nagbabadyang dumilim na.
Humahampasnna rin sa aking balat ang lamig na simoy ng hangin.
Nakaramdam na naman ako ng pag-iisa at pagkalungkot. Aalis na kami
bukas... For good.
Mayroon daw palang kasunduan ang mga Lolo at Daddy ko. Kailangan na
pagtungtong ko ng highschool ay nasa Pilipinas na kami, hindi ko alam ang
dahil kung bakit kailangan iyon.
Nasa first year highschool na ako, kaya mukhang nahuli na kami ng uwi sa
Pilipinas. Naroon naman ang mga pinsan ko na hindi ko pa nakikilala pero
ang sabi naman nila Daddy ay makakasundo ko sila.
Pero nagpapasalamat ako na aalis ako dito at hindi na makikita pa ang
nanakit sa akin, nang sa ganoon ay mapabilis ang pag alis ko sa kanya sa
puso ko.
Huminga ako nang malalim at inilabas ang aking cellphone para magtext sa
kanya.
Ako:
Bad boy, dito na ako! Naunahan kita! Kupad mo!
Hindi ko pa man naisend ang aking message ay nakita ko na siya, his
unusual hair is the first thing I noticed. Mukhang bagong ligo siya kaya
siguro bagsak iyon ngayon.
Usually kasi nakataas ang kanyang buhok at gulo gulo lang, katulad kay
Gyro. Napanguso ako at hinintay siyang makalapit sa aking gawi.
Kumunot ang noo niya nang makita ako, mukhang gulat siya na hindi ko
maintindihan.
I giggled like a kid, mabilis na naglakad na ako para salubungin siya sa
kanyang paglapit. Pero wala pa man ay napahinto na ako sa paglalakad.
Naging mabilis ang paghinga ko habang tinitingnan siya. This can't be,
no. He can't be... Fuck!
Marahas ang paghampas ng aking dibdib sa kaba. Tila walang pagkalma, of
course my heart knows him. Griff man ang nasa isip ko'y alam kong si Gyro
ang kaharap ko sa oras na ito.
Halos lahat ng pagpipigil sa aking paligid ay tinawag ko para lang hindi
kumawala ang emosyong nasa puso ko.
But fuck, it's harder than I thought!
Paulit ulit na huminga ako nang malalim. Ang kaninang gulat na reaksyon
niya ay wala na ngayon, napalitan iyon ng emosyon na hindi ko malaman.
He was looking at me with full of sadness in his eyes, he bit his lower
lip and then licked it like he was pulling himself not to speak first.
"You're not Griff..." mahinang sambit ko.
Gusto kong maiyak sa oras na ito, parang lahat ng kagustuhan kong umalis
dito ay nawala na ngayon. Instead, I want to stay here forever if he's
with me. If we're together.
Ang sakit pa rin pero kailangan kong tanggapin ang lahat. Ang
katotohanang hindi niya ako kayang piliin.
Tipid na tumango siya at tipid din na ngumiti, ngiting hindi umabot sa
kanyang mga mata.
Bakit malungkot siya at mukhang nasasaktan? E, siya naman ang may
kagustuhan nito. Siya naman ang pumili ng iba kesa sa akin.
Siya naman ang hindi kayang ipaglaban ang nararamdaman niya para sa akin.
Kasi ako? Kayang kaya kong hindi umalis dito basta ba sabihin niyang ako
ang pinipili niya.
Kaya kong buwagin ang lahat ng rules na mayroon kami basta mahalin niya
lang ako, iyon ako lang ang pipiliin niya at wala nang iba.
Mahirap ba iyon?
I'm willing to sacrifice for him...
"I heard you're leaving..." he said softly.
Napabuga ako nang hangin. Bwisit na luha ito, ayaw magpapigil. Nag iinit
na ang gilid ng aking mga mata habang nakatingin sa kanya.
Last na ito, ngayon na lang ulit.
Ngumiti ako kahit na masakit ang puso ko. Hirap mag pretend na hindi ako
nasasaktan dahil buong ako ang nasasaktan ngayon at nadudurog.
Huminga ako nang malalim at tumango.
"Oo, e..."
He looked at me. Kalungkutan ang nababakas doon, umiwas ako nang tingin
nang maramdaman ko ang luha sa gilid ng aking mata.
"Why?" halos pabulong na tanong niya. "Is it because of-"
Umiling ako agad, kunwaring naghikab ako at saka pinalis gamit ang index
finger ko ang gilid ng aking mata na may nagbabadyang luha.
I don't want to cry in front of him. Ayaw kong kaawaan niya ako ngayon,
gusto kong makita niyang malakas ako at kaya kong makipag usap sa kanya
nang hindi nanghihina.
"No, of course not." giit ko. "Sa totoo lang, ayaw ko ngang umalis, e.
Kasi... ayaw kong iwan ka, ayaw kong malayo sayo..." I smiled. "Sana...
pero kailangan din siguro..."
Damn it!
What the hell? Ang sakit!
Kumislap ang kanyang mga mata, nakita ko doon ang nagbabadyang luha.
Napasinghap ako at nagpaypay sa aking sarili para pigilan ang emosyon.
"Uh, well. Good for you..." nakangiti niyang sinabi na hindi pa rin
umabot sa kanyang mata.
Hindi ako nagsalita, alam kong oras na magsalita ako ay iiyak na ako.
Kinagat ko ang aking labing nanginginig at saka tumitig lamang sa kanya.
Huminga siya nang napakalalim at kinusot ang kanyang mata.
"I don't wanna see you hurting because of me, I wanted to see you smile
again but I don't think you can give me that now..."
"Please be happy... for me..." malumanay niyang sinabi.
Doon na tumulo ang mga luha sa aking pisngi.
Be happy?
How can I be happy if my happiness is him? Sige nga! Paano ako magiging
masaya kung ang dahilan ng kasiyahan ko ay siya ring dahilan kung bakit
ako nasasaktan ngayon?
"Gyro, wala ba talagang pag asa?" lumuluhang tanong ko. "Wala bang pag
asa na ako ang piliin mo?"
Marahang pumikit siya, nakita ko ang luhang naglandas sa kanyang pisngi.
God! Bakit naman ganito!?
Nangunot ang noo ko dahil sa emosyon, humikbi ako. Tinakpan ko ang aking
mukha at napahagulgol dahil sa labis na emosyong kumawala sa akin.
"Grabe naman, Gyro. Bakit naman ganito kasakit? Sana pala hindi na lang
tayo naging magkaibigan para hindi ganito kasakit ang mahalin ka. Sana
iniwasan na lang kita para hindi ako nasaktan ng ganito..." humikbi ako.
Tinakpan ko ang aking mukha, iyak ako ng iyak dahil sa sobrang sakit ng
puso ko.
Damn it.
Mahigpit na kinulong niya ako sa kanyang bisig. Diniin niya ang ulo ko sa
kanyang dibdib, doon ako lalong napahagulgol.
Last hug from him, last goodbye hug...
"Sana hindi na lang kita minahal..." I cried.
Siniksik niya ang kanyang mukha sa aking leeg, naramdaman ko doon ang
mainit na luha niya.
"Sana nga, hindi na lang muna..." he whispered. "Sana hindi mo na muna
ako minahal sa maling oras, hindi pa tayo pwede, Ziane. Hindi pa..."
narinig ko ang kanyang paghikbi.
"Hindi ko sinasadya, hindi ko alam..." mas lalong humigpit ang kanyang
yakap.
Yakap na parang ayaw na akong pakawalan, yakap na parang hindi na niya
magagawa sa susunod.
Fuck.
"Hindi pa pwede? Anong hindi pwede? Gyro, handa ako lagi para sa'yo!"
hagulgol ko. "Handa ako lagi para sayo..."
Umiling siya, parang pinipigilan ang sariling magsalita ng kung anuman.
Ramdam ko ang knayang pagmamahal sa yakap na ginagawa niya.
Pumikit ako ng mariin, humikbi ako at saka kumalas mula sa kanya pero
mahigpit pa rin ang kanyang yakap at dinig ko ang paghikbi niya.
Malakas na kumalas ako. Ayaw ko na...
Sabi ko last na ito...
"Goodbye, Gyro. Mahal na mahal kita, pero hindi ko na kaya ang sakit na
ito..."
I guess this is really goodbye...
Goodbye to the good boy I love...
Chapter 19
Yugto 17
Kabanata 17
Maaga akong gumising, being a fourth year highschool is hell! Nasanay na
akong gumising ng maaga dito kahit na hindi naman kaagahan ang aking
pasok.
Pagtapos kong magsipilyo at hilamos ay bumaba na ako. Alas dose pa naman
ang pasok ko mamaya.
It's been three years since I live here, masaya dahil madali kong
nakasundo ang aking mga pinsan. Second cousins ko sila, ang pinsan kong
buo ay sina Yazinttia Savel at Xythen Zeonar.
Noon ko lang sila nakilala, magkakapatid ang aming mga Ama kaya kami ang
magpipinsang buo. Samantalang magpipinsan naman ang parents namin ng iba
pa kaya second cousins lang.
"Riz, Riz, Riz mo ay nakakasilaw! Legs, legs, legs mo ay napakahaba!"
pakantang bungad ni Ixerr nang makita akong bumaba.
"Parang kabayo lang, ah?" halakhak ni Zydein.
Umismid ako sa kanila at saka pabagsak na umupo sa tabi ni Ixerr,
kasalukuyan silang kumakain ng pancakes na nasa center table.
"Ano namang ginagawa niyo rito?" inis na tanong ko.
Abala sa panunuod ng cartoons si Dyze, nakadapa siya sa carpeted floor
habang kumakain ng popcorn.
Kumunot ang noo ko nang mapansing naka uniform pa siya, complete uniform
pa. E, ang alam ko'y 7 AM to 2 PM ang klase niya!
"Ano 'yan?" nguso ko kay Dyze.
"Tao?" simpleng sagot ni Ixerr. "Mukha bang tuta 'yan? O non-living
thing?"
Kingina nito!
Hindi ko alam kung tanga o ano, e. Lahat ng sagot niya'y nakakabobo para
sa akin, iyong tipong kaya naman niyang sagutin ng maayos ay hindi pa
niya magawa.
Malakas na binatukan ko siya.
"Bobo ka o bobo ka?" singhal ko.
Sa ilang taon ko dito, natutunan ko ang pamimilosopo, pabalang na sagot,
ang maging sarkastiko, pang iinsulto at iba pa.
Sa kanila ko lahat nakuha iyon. Ewan ko ba, ang lakas nilang makahawa.
Ako kasi ang huli nilang nakilala, kumbaga ako ang late bloomer sa
kanila.
Silang lahat noon kabisado na ang mga ugali ng isa't isa, pero ako
umiiyak pa dahil palagi nila akong pinipilosopo dati. Feeling ko ako ang
naiiba sa kanila. Ang bobo ko kapag kausap sila.
Si Ixerr ay pinanganak at lumaki sa Canada, doon siya nag elementary pero
dahil sa kasunduan din ng mga Lolo namin ay inuwi siya rito ni Tito Zayn
para dito mag aral ng highschool.
Kumunot ang noo niya at saka kumamot sa ulo.
"Pumili ka nga sa sinabi mo, tingnan natin kung may mapili ka. Ang bobo
mo din, e..." he then smirked.
Nakita ko ang kanyang braces dahil sa pagngisi niyang iyon, maganda na
ang ngipin niya at pantay pero hindi pa rin iyon tinatanggal.
Tsss, kaartehan.
Sa inis ko ay sinabunutan ko ang malambot na buhok ni Ixerr, nakakainis!
Nakakainit ng ulo ang pagkapilosopo niya!
Humagalpak sa tawa si Zydein.
"Damn, dude!" he said, laughing. "He cuts class," baling niya sa akin
habang natatawa pa rin.
Ixerr pouted and ran his fingers through his soft hair. Kahit sinabunutan
ko iyon ay hindi nagulo dahil sa sobrang bagsak noon.
Napatingin ako kay Dyze, tumihaya siya ng paghiga at saka nagcellphone.
Nakakunot pa ang kanyang noo habang nasa cellphone ang atensyon.
"Hoy! Isusumbong kita kay Tita Cyan!" pananakot ko.
Kumunot ang noo niya at tumingin sa akin. Geez! Nakakainis talaga ang
mata niyang malaki ang kulay itim, nagmumukha tuloy siyang manikang
lalake.
"The hell I care..." patuyang sambit niya.
Lalong nagtawanan sila Ixerr at Zydein. Nalukot naman ang mukha ko sa
inis.
"The heaven I care, wala?" halakhak ni Ixerr.
Fuck! Paano ako nabuhay ng dalawang taon na nasa paligid ko ang mga
abnormal na ito? Hindi ko mawari kung matalino ba sila o tanga.
Pero lamang ang alam kong sarcastic sila at pilosopo parati. Nagagaya man
sa ganoong ugali nila ay naiinis pa rin ako kapag ako na ang pinipilosopo
nila.
Pakiramdam ko tanga ako at walang alam.
Pagtapos kong kumain ay umalis na ako sa mansyon, nasanay akong mag jeep
lamang. Ayaw ko kasi na may pa driver driver pa dahil parang mayabang.
Kasabay ko naman pumasok si Ixerr at Zydein parati, ayaw din nilang may
driver. Gusto daw kasi nila iyong magkakakotse sila ng sarili at sila na
ang magmamaneho.
Pero dahil minors pa sila ngayon ay hindi pa pwedeng magmaneho, kaya mas
pinipili nilang mag commute.
Nagpaypay ako sa sarili dahil sa init ng panahon, humahagikgik ang mga
estudyanteng kasabay namin sa jeep.
"Bayad ho!" ani Ixerr at inabot ang bayad. "Tatlong HU ho..."
Napangisi ako.
Akalain mong alam niya pala ang paggalang? Akala ko puro lang siya
kaabnormalan at kabastusan, e.
"Saan galing?" tanong ni manong tsuper.
Kumunot ang noo ni Ixerr.
"Sa bulsa ko ho,"
Napasapo ako sa aking noo.
Malakas na tawa ni Zydein ang bumalot sa buong jeep, malakas ang pagpigil
kong matawa dahil doon.
Fuck, bakit ang tanga!
Nagbungisngisan din ang mga kasabay namin, ang iba'y napangiwi pa. Para
bang dismayado dahil ang gwapo ni Ixerr pero tatanga-tanga.
"Saang lugar?" kamot ulong tanong ni Manong.
"Hindi ko ho alam, Manong, e. Pero galing sa Daddy ko 'yan. Baka po sa
opisina niya sa Makati po!"
Damn shit!
"Aba'y ang pilosopo mo naman, hijo!" kunot noong sinabi ni Manong na
parang naiinis na.
Nagtaas ng dalawang kilay si Ixerr at saka kumamot sa ulo.
"Totoo ho ang sinasabi ko, hindi ko alam kung saan galing 'yan. Baka po
sa bangko central ng Pilipinas, Manong..."
Hindi ko na napigilan ang paghagalpak sa tawa, si Zydein ay nakahawak na
sa kanyang tiyan habang tawa din ng tawa. Nagtawanan na rin ang iba.
Hindi ko alam kung ano ang kabobohang pinagsasabi ni Ixerr, naiisip ko na
lang talaga na namimolosopo lang siya sa oras na ito pero kung titingnan
naman siya'y mukhang seryoso!
"Sorry, Manong. Sa Saavedraville po kami galing!" natatawang sinabi ni
Zydein.
Pagkababa namin ng jeep ay hindi pa rin kami matigil ni Zydein sa
pagtawa, naglalakad kaming tatlo sa footbridge patungo sa aming
classroom.
Nagtitinginan na sa amin ang bawat nakakasalubong, sanay naman na ako
doon dahil agaw atensyon talaga ang dalawang kasama ko.
"Grabe 'yong katangahan mo doon, Xerr!" halakhak ko.
Umismid siya. "That's not stupidity! Ganoon naman ang tamang sagot!"
Umakbay si Zydein sa kanya at tumawa.
Bumalandra ang maliit niyang dimples sa magkabilang gilid ng chin niya,
lalong sumingkit ang kanyang mga mata at halos mawala na iyon kapag
tumatawa siya.
Halos magkamukha lang silang dalawa, marahil dahil kambal ang kanilang
mga Ama o baka dahil parati silang magkasama. Ganoon naman iyon kapag
parati kayong nagkakasama magiging same features na kayo.
Ang kaibahan lang ay ang pagiging bad boy image ni Ixerr dahil sa ahit
niya sa kanyang kaliwang kilay, peklat iyon na maliit noong nahulog siya
sa puno dahil sa kalikutan.
Second year highschool kami noong mangyari iyon. Hindi naman pangit
tingnan dahil parang bad boy lang, bad boy with stupid brain!
"Galing mo doon, Xerr. Kanino mo natutunan? Kay Tito Aki ba?" halakhak ni
Zydein.
Ixerr frowned. "How many times do I have to tell that it's the proper way
to answer Manong?"
Nalaglag ang panga ko.
So, hindi siya namimilosopo kanina? Hindi niya inaasar si Manong tsuper?
Ibig sabihin sadyang tanga siya ay literal mag isip? Huwow!
Magsasalita pa sana ako pero agad ding napatakbo nang marinig ko ang
bell. Fuck! Late na ako! Kasalanan ni Ixerr 'to, nakakawalang gana ang
katangahan niya!
Hindi ko naman sila kaklase kaya mabilis na nauna na ako sa kanila,
kinaway ko na lang ang aking kamay para magpaalam sa kanilang dalawa.
Naghabol ako nang hininga, nakakahingal takbuhin ang kahabaan ng
corridor! Nasa tumbok na ako at paliko na doon.
"Ah!" napatili ako nang malakas na mabangga ako sa isang taong biglang
sumulpot.
Damn!
Napapikit ako ng mariin, naghahabol ako ng hininga dahil sa kaba.
Nasalampak ako sa nakabangga ko at alam kong masakit iyon dahil napahiga
siya sa semento!
"Riz!" boses ni Tia iyon, halatang nag aalala.
Napamulat agad ako nang maramdaman ko ang paghinga ng nakabangga ko sa
aking mukha.
Halos malagutan ako ng hangin nang bumungad sa akin ang mukha ni Greyson
Moretz, sa sobrang lapit ng mukha niya sa akin ay malapit ng magdampian
ang labi namin.
Nakapikit siya ng mariin at halatang tinitiis ang kung anong nararamdaman
niyang sakit.
Bumaba ang tingin ko sa kanyang labing mapula, bahagyang nakangiwi siya
kaya tanaw ko ang maputi at pantay niyang mga ngipin. May sungki iyon sa
kaliwang bahagi na lalong nakadagdag kagwapuhan.
Ngayon ko lang siya nakita ng ganito kalapit, nahiya ang kutis ko sa
kanyang kakinisan. Maputi ang kanyang balat, mayroon siyang konting
freckles sa mukha, halatang may lahing banyaga.
Ang makitid niyang ilong ay napakatayog, his physique was foreign. Kulay
hazel ang kanyang mga mata at makapal ang kanyang eyelashes ganoon din
ang kanyang kilay.
Hindi ako makagalaw, I was panting in nervous.
"Riz! What the hell!"
Mabilis na hinapit ni Zydein ang aking baywang para maialis ako sa ibabaw
ni Greyson. Napasinghap ako at napabuga ng hangin.
Nilahad ni Ixerr ang kamay niya kay Greyson, pikit ang isang mata ni
Greyson na naupo lamang sa semento. Hinapo niya ang kanyang puwitan dahil
siguro sa sakit.
"Sorry!" paumanhin ko.
Nag angat siya ng tingin sa akin, he licke his lower lip. Kahit
nasaskatan ay ngumiti siya sa akin at nag okay sign.
"It's okay, I guess you're late. Go..." nakangiti niyang sinabi
pagkatayo.
Napakurap kurap ako.
Tumawa si Ixerr. "Sorry, dude. Akala siguro ni Riziane swimming pool ka
kaya nag dive!"
Uminit ang pisngi ko sa kahihiyan. Bahagyang natawa si Greyson. Matalim
na tiningnan ko si Ixerr, naramdaman ko ang pag ayos ni Zydein sa aking
kwelyo.
He chuckled. "Go to your class, Riz."
Kinagat ko ang labi ko at saka nagyuko ng ulo para magpaalam sa kanila,
nakatingin si Tia sa akin at nakangiwi.
Ngumiti na lamang ako at saka lumagpas na sa kanila.
"Papasok na ako..." iyon ang huli kong sinabi sa kanila at saka tumakbo
na ulit para sa aking klase.
Damn it!
Kakaiba ang kaba ko, hindi ko inaasahan na ganoon. Shit! Nakakahiya, naco
conscious tuloy ako sa amoy ko at sa hininga ko.
Paano ba naman kasi napakabango niya, amoy mint pa ang kanyang hininga
kaya nakakahiya naman siguro kung mabaho ang akin!
Mabilis na umiling iling ako at inalis iyon sa isip ko.
Kaibigan lang si Greyson, Riz.
Matalik silang magkaibigan ni Tia simula elementarya pa lang daw ay
magkakilala na sila noon at nakakalaro na rin sila Ixerr, ang alam ko pa
nga'y may kakambal iyong si Grey.
Napabuntong hininga ako nang may maalala...
Bakit kailangan ko ulit makakilala ng mayroong kambal? At ang masama pa'y
kuhang kuha ni Greyson ang ugaling mayroon si Gyro...
Damn.
Hirap iwasan ng nakaraan, hanggang ngayon ay hindi ko maiwasan magtanong
sa sarili. Pangit ba ako? Hindi ba ako kapili pili?
Natapos ang lahat ng klase ko sa iba't ibang subjects, maingay na ang
aking mga kaklase at nag dadaldalan about sa crushes nila.
"I heard that Greyson and Gavin will be our student teachers this coming
teacher's day!" naghagikgikan sila Cheska at Kris.
Kanya kanya silang hagikgikan at impit na tilian. Napabuntong hininga na
lamang ako at isinukbit ang backpack sa aking likuran at saka lumabas na
ng classroom.
"Bye, Riz!" paalam sa akin ni Jerome.
"Bye!" ngumiti na lang ako at kumaway.
Sumilip ako sa hagdanan, kadalasan kasing doon nagtatambay sila Zydein at
Ixerr kapag hinihintay akong matapos sa klase.
Ngayong fourth year lang kasi kami hindi magkaklaseng tatlo, kadalasan
kasi noon ay nagpapalipat pa sila kung saang section ako pero ngayon ay
hindi na sila pinayagan ng aming principal.
Nanlaki ang mga mata ko nang papasalubong si Greyson sa aking gawi,
naglalakad siya sa corridor. Nakangiti siya habang kinakausap siya ng
isang kaklase kong si Aliyah.
Napansin ko ang bandage sa kanyang wrist, kanina naman ay wala iyon.
Nangunot ang noo ko, hindi kaya iyon 'yong...
Shit! Nakakahiya!
"Grey, totoo ba na ikaw ang substitute teacher kay Ma'am Sanchez?"
nakangiting tanong ni Aliyah.
Grey genuinely smile and nodded.
"Yes, under ka ba sa mga sections n'ya?" banayad ang kanyang boses.
Gusto kong mainis dahil si Gyro na naman ang naalala ko, bawat kilos ni
Greyson na nakikita ko ay nagbibigay ng sakit sa aking puso.
Para akong tinotorture tuwing makikita kong sobrang bait niya, minsan ay
gusto kong tanungin kung ano ba ang kapalit ng pagiging ganoon nila?
Tsss.
Bumuntong hininga ako at naglakad na, natigil siya sa pakikipagusap kay
Aliyah at napatingin sa akin.
Bahagyang napanguso pa siya.
"Riz, sabay ka kay Tia?" biglang tanong niya ng magkalapit na kami.
Tumingin ako sa kanyang braso, iniwas niya agad iyon. Ibinalik ko ang mga
mata sa mukha niya.
He smiled.
"Dahil ba sa kanina 'yan?" tanong ko.
Kumunot ang noo niya.
"Hindi, ah..." aniya. "Sa... sa basketball 'to. Nagtraining kami
kanina..."
Napabuntong hininga ako at tumango tango.
"Ah, sige. Mauna na ako..." ngumiti ako at nilagpasan na siya.
Bumuga ako ng mabigat na hangin.
Hangga't maari, iwasan ang mga taong magpapaalala sa'yo sa kanya... sa
taong nanakit sa'yo.
Chapter 20
Yugto 18
Kabanata 18
Kaarawan ni Tia ngayon, narito kami sa Saavedra hall kung tawagin ng
aming pamilya. Dito ginaganap ang mga birthday parties, o iba pang
events. Basta mga home owners lang.
Kitang kita ko ang kislap sa mga mata ni Tia habang nag uusap sila ni
Greyson, 17th birthday ni Tia pero parang debutant siya sa araw na ito.
Wearing her royal blue off-shoulder long gown, humahalik ang kahabaan
noon sa carpeted floor ng hall na ito.
Halata ko na kay Tia na mayroon siyang pagtingin kay Greyson, the way her
eyes twinkle everytime she's with Greyson? Darn, it's really obvious!
Hindi rin naman ako magtataka kung magkakagustuhan silang dalawa, mabait
si Tia. Nakikita ko sa kanya ang bersyong babae ni Greyson. Noon pa ma'y
ganoon na si Tia, pero ngayon pa lang ay nasasaktan na ako para kay Tia.
Nahahalinhinan ko kasi ang nakaraang mayroon ako, para kong nakikita ang
sarili ko kay Tia ngayon. Kung paano ako ngumiti kapag si Gyro ang
kaharap ko, ang paraan na pagtitig ko.
We're exactly the same!
Pakiramdam ko bumabalik ako sa nakaraan at pinapanuod ko ang aking sarili
at si Gyro sa pamamagitan nilang dalawa.
Is that even possible?
Nag aalala ako na baka mapunta rin sila sa kinahinatnan namin ni Gyro,
matalik na kaibigan ko rin si Gyro noon bago ko siya mahalin at nalunod
ako roon sa murang edad ko.
I was just fifteen when I fell in love with Gyro, at that young age I
felt the pain and heartbreaks I thought Gyro would never give me.
But yeah, he did broke me.
At alam kong si Tia ang pinakamadaling mahulog sa konting nakakahangang
kilos, madaling lumambot ang kanyang puso kaya nakakapangamba talaga.
I don't want to her cry in the end of this good boy. Alam ko na kung
paano maglaro ang isang katulad niya. I've been there and fooled by it.
Sana lang ay hindi na siya paasahin ni Greyson, dahil alam ko namang
ramdam na ni Greyson na may nararamdaman si Tia para sa kanya.
"Maiwan na namin kayo rito, mauuna na kaming umuwi. And, kids, no
drinking liquors!"
"No fun, Dad!" maagap na sambit ni Ixerr.
Matalim na tumingin si Tito Zayn sa kanya. It's like a warning but Ixerr
just frowne.
"We're not a kids here!" muli nitong angal.
Gusto kong tawanan siya dahil hindi ko siya nakikitaan ng takot kay Tito
Zayn, the typical Ixerr who really is hard headed!
Para bang sabik sa alak, seriously? He's just seventeen to get drunk and
taste liquors! Too much for a seventeen year old! As well to Zydein Cyx,
parehas silang pasaway at matigas ang bunbunan.
Naningkit ang mga mata ni Tito Zayn sa kanya. Nasa likod niya si Tito
Zyrus na tatawa tawa habang nakikinig lang sa mag-ama.
"No, Ixerr. I said no, and that's final..."
Nakita kong inaalalayan na ni Greyson umupo si Tia sa aming pwesto,
kakarating lang nilang dalawa at nakapagbihis na si Tia ng mas
kumportableng dress.
Bumusangot ang mukha ni Ixerr lalo.
"Tsss, Dad naman! We've been in the bars and drank-"
Malakas na siniko siya ni Zydein sa tiyan dahilan upang mapahinto ito sa
pagsasalita at pag-angal.
Lalong naningkit ang mga mata ni Tito Zayn, Tito Zyrus behind him just
smirked and winked at Ixerr and Zydein.
"You what, Zwane Ixerr?" mariin na tanong ni Tito Zayn.
Nagkamot ulo si Ixerr at ngumuso. Nag angat siya ng tingin sa kambal na
si Tito Zayn at Tito Zyrus, pinandilatan siya ng mata ni Tito Zyrus.
"We've been into bars! Dad, the bars I meant is our grills and railings
in the house! Parati na lang akong nakakulong roon, e!" pamaktol na
aniya.
Lumunok ako at nagpigil ng tawa. Zydein pursed his lips, pinipigilan ang
matawa sa katangahang sinabi ni Ixerr.
Kumunot ang noo ni Tito Zayn, nakitaan ko ng multo ng ngisi si Tito
Zyrus. Tinapik niya ang balikat ni Tito Zayn at saka kunwaring natawa.
"Bal, ginawa mo naman palang model ng boysen ang anak mo..."
"Habang buhay, ako sayo'y maghihintay. Umaraw man o umulan 'di sasablay.
Pintado sa'king puso oh... pag-ibig na tunay~"
We burst out laughing when Ixerr sang it with his face looks so sad. Damn
shit! I cannot believe someone like him happened to be my cousin!
Oh, God!
Nag angat ako ng tingin kay Tito Zayn na halos mamula na ang tainga sa
sobrang inis sa kanyang anak. He glared at Tito Zyrus who was laughing
behind him.
Binatukan ko ng malakas si Ixerr, inosenteng nakatingin lang siya kay
Tito Zayn habang bahagyang nakanguso pa at nagpapaawa.
Napapikit ng mariin si Tito Zayn, kinagat niya ang kanyang labi at saka
tinuro si Ixerr.
"You! Go home with me!" singhal niya kay Ixerr at saka tumalikod na para
umalis.
Nagkatinginan agad si Ixerr at Zydein dahil sa sinabi ni Tito Zayn.
Ngumiwi si Zydein. "Damn, bruh. Uwi ka na! What a sad ending!" panunuya
pa niya.
Natatawa pa rin ako pero pinipigilan ko na ang matawa nang malakas,
nakakahiya si Ixerr. Hindi na siya nahiya sa mga kaharap namin rito!
Narito si Greyson at ang ibang kaklase nila ni Tia, may mga babae at
lalaki. Gusto kong mangiwi dahil naghahagikgikan pa ang mga babae dahil
sa katangahan ni Ixerr.
Parang kinikilig pa talaga sila, seriously? Ganito ba ang ideal man nila?
Tanga at parang kengkoy na walang alam sa mundo? Geez!
What's happening to the world?
Napasulyap ako kila Onyx, Kaizellus at Dyze. Silang tatlo lang ang hindi
natawa kay Ixerr at sa mga happenings dito sa aming table. They're always
like that, para wala sa mundo namin.
Si Kaizellus naman nabubungisngis, sa lahat lahat ng pinsan ko. Si
Kaizellus ang ugaling hindi mo maiintindihan, kung masungit ba o ano.
Para siyang may multiple personalities!
Minsan makikita mo siyang good boy dahil namamansin at ngumingiti siya sa
mga taong lumalapit sa kanya, minsan naman masungit at parang galit sa
mundo.
Hindi mo siya makakausap ng maayos nang hindi ka masisinghalan.
And the last one is his playboy side! Marami siyang girlfriends or I'll
call it chics kasi bawal naman sila mag girlfriend pa!
Darn, akala ko hindi siya mahilig sa babae dahil kadalasan kong nakikita
sa kanya ay ang cold side niya!
But these past few days, lumabas ang kanyang playboy side! At first I
cannot believe that shit, damn Kaizellus? Iyon ang unang tanong ko.
But then, napag alaman kong may mood shifting at multiple personalities
siya. Tsss. Unpredictable he is.
Nakita ko si Tito Blake na papasalubong kay Tito Zayn. Sumulyap si Tito
Blake sa gawi namin at pinabayaan na si Tito Zayn na mauna palabas bago
lumapit sa amin.
"Tito Blake!" bumati sila Tia, Zin at Ania sa kanya.
Humalik silang tatlo sa pisngi nito. Nagtaas ng kilay si Ania sa akin,
para bang sinasabi nitong bumati rin ako at humalik doon.
I smiled like a puppy, instead.
"Tito Blake!" iyon ang naging pagbati ko nang hindi tumatayo sa aking
pwesto.
Nagtaas ng kilay si Tito Blake sa akin, kumalabog ang dibdib ko. Shit!
What? Do I need to kiss his cheek, too? Hindi ko naman ginawa iyon kahit
minsan!
Hilaw na napangiti ako, wala akong nagawa kundi ang lumapit sa kanya at
bumeso sa kanya.
Nag init ang pisngi ko nang makita kong bumungisngis si Greyson, huminga
ako nang malalim at umupo na muli.
Darn!
"Ixerr, Zayn told me you're going home now. Why are you still sitting
pretty there?" taas kilay na tanong ni Tito Blake.
Hindi naman ako bumebeso madalas, or hindi lang talaga nila ako
napapansin na hindi gumagawa ng ganoon noon pa man?
Sila Ania kasi palagi kong nakikitang mabeso sa aming mga Tito at Tita,
tsss. Hindi ko naman alam! Akala ko exempted ako dahil hindi naman ako
close sa kanila noon.
"Tito naman! Minsan lang 'to, minsan lang mag se-seventeen si Tia. Sayang
naman kung wala ako rito!" pamaktol na ani Ixerr.
Sarkastikong napasinghap si Tia at natawa. Napatingin ako sa gawi niya,
ganoon na lamang ang pagkalabog ng puso ko nang magtama ang tingin namin
ni Greyson.
Nakabihis na rin pala siya ng kaswal ngayon, he's wearing a black round
neck t-shirt and a denim pants. Bahagyang magulo na rin ang kanyang
nakataas buhok, he doesn't look tired at all. He's still looks fresh and
mabango.
"Hindi namin kailangan ng tanga rito!" pabirong sinabi ni Tia.
"Sakit mo magsalita, ah? Porke aging ganyan na?" halakhak ni Ixerr.
Pumula ang pisngi ni Tia sa inis. Pinandilatan niya ng mata si Ixerr.
"We're on the same age, Ixerr!" gitil nitong ganti.
Napangisi ako doon, pikon talaga kahit kailan. Alam naman niyang mapang
asar si kumag na Ixerr. Nagpalit ang tingin sa kanila ni Tito Blake,
amusement is evident in his reaction.
"Same nga, pero mas matanda ka pa rin!"
Humagalpak kami sa tawa. Natawa din si Tito Blake doon at napailing.
Same daw pero mas matanda pa rin? Ano iyon? Siraulo ang tanga!
"What a stupid human being!" hindi makapaniwalang sambit ni Dyze.
Napansin ko sa gilid ng aking mata ang pagtawa rin ni Greyson, malakas
ang kalabog ng dibdib ko. Tuwing nakikita ko siya tumatawa ay nag iiba
ang tingin ko sa paligid.
Alam mo iyong parang nawawala ang tao sa paligid mo kasi siya ang
pinakamagandang view kapag tumatawa o nakangiti?
Nakatingin siya kay Ixerr habang natatawa rito. Tanaw ko ang sungki niya
sa kaliwang bahagi ng bibig dahil sa pagtawa, namumula rin ang kanyang
pisngi. Napababa ang tingin ko sa kanyang mapulang labi.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang lingunin niya ako, gusto kong
malubog at magpakain sa lupa dahil sa pagkahiya!
Mabilis na umiwas ako ng tingin at huminga ako nang malalim, nawala na
ang pagtawa ko nang malakas, naging hilaw na iyon.
Fuck!
Ang hirap iwasan ng Gyro ko dito sa Pilipinas. Ibang klase talaga ang
dating sa akin ng good boy, naiinis ako sa sarili ko. Ayaw ko nang
mahulog sa bitag nila.
Pero ano itong nangyayari sa akin?
Pinabyaan na ni Tito Blake si Ixerr na manatili, siya na raw ang bahala
kay Tito Zayn. Kung sabagay, mas nakakausap niya ng maayos iyon kesa kay
Tito Zyrus.
Kumbaga si Tito Blake, Tito Dashiel at Tito Zayn kasi ang Onyx, Dyze at
Kaizellus noon. Ayon iyon sa kwento sa akin ni Daddy. Close talaga ang
tatlong iyon.
Mayroon nang kanya kanyang usapan ang mga kasama namin dito, may mga
sariling mundo na ang lahat at may sariling grupo kahit na nasa iisang
malawak na table lang kami.
"Ang saya nito, dude!" halakhak ni Zydein habang may pinapanuod doon sa
cellphone ni Ixerr.
Dumungaw ako doon, nanlaki ang mga mata ni Ixerr at saka tinulak ang
mukha ko.
"Bawal sa'yo 'to, Riz!" halakhak niya.
Nangunot ang noo ko. "Bakit? Hindi ba pang-tao 'yan?" sarkastikong tanong
ko.
Napapakurap kurap pa si Zydein habang nasa cellphone ang atensyon, hindi
ko alam kung bakit mukhang aliw na aliw siya sa pinapanuod.
Alam kong video iyon at hindi laro dahil kung laro iyon dapat pindot siya
ng pindot doon. E, hindi, eh? Nakatuon lang siya doon at kagat labi pa!
Ixerr smirked.
"Pangtawag ng kalamnan 'to, hindi pwede sa'yo!"
Tsss. Daming alam!
"Dami mong say!" inis na sinabi ko.
Tumayo ako at saka mabilis na hinablot ang cellphone na hawak ni Zydein,
pigil tawa akong tumakbo ng mabilis.
"Fuck!" Zydein muttered a curse.
"Riziane!" sigaw ni Ixerr. "Tangina, don't you dare watch it!"
Napahinto ako sa pagtawa nang makita ko kung ano ang pinapanuod nila,
nanlaki ang mga mata ko dahil nakita ko ang dalawang babaeng
naghahalikan!
What the fucking hell!?
Bumilis ang paghinga ko dahil sa kaba, hindi maalis ang tingin ko doon
kahit na ayaw ko ang nakikita ko. Gustong gusto ko itapon ang cellphone
pero hindi ko magawa.
Biglang mayroong malambot na kamay ang nagtakip sa aking mga mata.
Naramdaman ko ang paghinga niya sa likod ng aking tainga.
"You shouldn't watch such things..." malalim ngunit malumanay na boses
iyon ni Greyson sa aking tainga.
Marahang kinuha niya sa aking kamay ang cellphone ni Ixerr at saka inalis
ang kamay na nagtakip sa aking mga mata.
Darn it! Damn you, Ixerr! Bakit kasi hindi niya sinabing porn iyon?
Tangina! Fuck!
Nakanguso niyang pinindot ang kung ano sa cellphone ni Ixerr at saka
inilock iyon bago mag angat ng tingin sa akin.
Nagtaas siya ng kilay, he placed his index finger on my chin. Bahagya
niyang isinara ang nakaawang na labi ko.
"Don't do that again, little girl..."
Nag init ang aking pisngi dahil sa pagkapahiya at pagkainis.
Damn you, Greyson! Why do you have to call me like the way Gyro calls me
way back?
Matalim na tiningnan ko siya.
"Little girl your face!" I hissed.
His eyebrows shot up, amusement and humor was evident on his face.
Ngumiti siya ng maganda sa akin at saka kinuro ang ilong ko.
Fuck! Ayaw ko na! Please lang!
Umiinit na ang gilid ng aking mga mata, nasasaktan na ako. Nararamdaman
ko si Gyro ngayon at parang batong bumabagsak iyon sa puso ko.
Nakatitig siya sa akin, bahagyang kumunot ang noo niya sa akin. Hindi ko
alam kung ano ang itsura ko pero alam kong nasasaktan ako.
"Riziane?" nalilitong tawag niya pa.
Napasinghap ako nang maramdaman ko ang pagpitik ni Ixerr sa tainga ko.
Kumurap kurap ako at mabilis na lumingon kay Ixerr.
Nanlaki ang mga mata niya nang makita akong lumuluha.
"Shit! I'm sorry! Masakit ba ang tainga mo?" he asked worriedly.
Hinawakan niya ang pisngi ko at saka hinaplos ang tainga ko. Huminga ako
nang malalim at saka hinawi ang kamay niya, mabilis na tumakbo ako
palampas sa kanila para makalabas ng hall.
Fuck!
Hanggang kailan mo ako pahihirapan, Gyro? Kailan ka maaalis sa sistema
ko?
Chapter 21
Yugto 19
Kabanata 19
Pinahiran ko ang aking luha sa pisngi, hindi ko na alam kung ano pa ang
gagawin ko para mawala si Gyro sa puso ko.
Napakahirap niyang alisin sa isip at puso ko, e. Dagdagan pa ng Greyson
na patuloy nagpapaalala sa akin sa taong gusto kong kalimutan na.
How can I get over with it when Greyson is here? When Greyson's always
around and I'm always seeing him?
Ang sakit sakit, akala ko ayos na ako. Akala ko hindi ko na hate ang mga
goodboys katulad niya. Iyon pala sumasaya lang akong makita at maramdaman
si Greyson dahil ramdam ko rin si Gyro.
Imbes na walain ko si Gyro sa utak ko'y lalo lang pala akong nasasanay
ulit, nasasanay ako sa pamamagitan ni Greyson. Nasasanay ulit ako sa
ugali ni Gyro na mayroon si Greyson.
Napahikbi ako, gustong gusto ko siyang kalimutan at magsimula ulit na
wala akong sakit na nararamdaman.
Marahang pumikit ako at tumingala sa langit.
Hindi dapat ako umiyak ng sobra dahil mahahalata iyon nila Ixerr kapag
nakitang namumugto na ang aking mga mata.
Kumalabog ang puso ko nang maramdaman ko ang pagdampi ng isang malambot
na daliri sa aking pisngi, pinahiran doon ang luha.
Napamulat ako ng mata dahil doon, nadatnan kong nasa harapan ko si
Greyson.
A worried expression of him makes me want to cry more. I could clearly
see the good boy I hated the most. I don't wanna be with a good boy
again.
I don't want to be near them, para akong napapasok tuwing ganoon. Pero
kapag kay Greyson? Parang hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko o
dapat maramdaman.
Bahagya siyang nakayukod para magkapantay kami ng mukha. Kitang kita ko
ang mala tsokolateng kulay ng kanyang magandang mata.
He looks worried and sad while staring into my eyes, para niya akong
hinihigop na umiyak.
Pakiramdam ko hindi ako iiyak kapag siya ang kasama pero kapag nakikita
kong nag aalala siya'y pakiramdam ko naman ay may kakampi ako na hindi
ako iiwanan.
"Stay away from me..." I whispered in pain.
Kumunot ang kanyang noo. Huminga siya nang napakalalim at saka lumuhod sa
harapan ko habang nakaupo ako sa isang stone bench.
"Why are you always sad?" tanong niya sa taimtim na tono. "Tuwing
makikita na lang ba kita ay malungkot ka?"
Mas lalong nabibiyak ang puso ko. Gusto kong magalit sa kanya, gusto kong
singhalan at itulak siya papalayo pero parang may malakas na pwersang
nagpipigil sa akin.
Huminga ako nang napakalalim.
I would never be in love with a man like him, I won't tolerate myself to
fall with a good boy again...
That's a golden rule for me.
Hindi na ako mahuhulog sa maling tao ulit, kahit nakikita kong wala
siyang masamang intensyon ay hindi ko na paniniwalaan iyon.
Bakit pa 'di ba? Alam ko naman na sasaktan nila ako sa huli.
Hindi ako nag aassume na mayroong gusto si Greyson sa akin dahil alam
kong ginagawa naman niya lahat ng mabuting kilos sa ibang tao.
"Wala kang pakealam, Greyson. Gusto ko lang na lumayo ka. May masama ba
doon?" inis na tanong ko.
Pakiramdam ko nasasaktan ako sa sariling sinasabi ko, pakiramdam ko
nananakit ako ng isang santo. Nakakakonsensya iyon.
He looked at me puzzled. Para bang ngayon lang niya ako narinig na
magsalita ng ganoon sa kanya.
Ngayon lang siguro talaga dahil ngayon ko lang naman narealize na dapat
akong umiwas sa katulad niya.
I should avoid trashes now, I shouldn't be fooled by their sweetness and
kindness. I should avoid pain so as them.
"I'm sorry..." aniya. "Hindi ko sinasadya na pakialaman ka kanina, hindi
lang talaga pwede sa'yo ang ganoong mga bagay..."
Gusto kong malaglagan ng panga sa sinabi niya. Are you for serious,
Greyson?
Napatitig ako sa kanyang mukha, seryoso naman siya at walang halong
pagbibiro.
Seryoso ba na iyon ang alam niyang dahilan kung bakit ko siya pinalalayo?
Nakakatawa talaga! Parang wala siyang naiisip na masama kung bakit ako
ganito sa kanya.
Hindi ko na napigilan ang matawa nang makita ang bahagyang pagnguso niya
pa ng malungkot na ekspresyon.
Damn!
His sad face is priceless! Ang cute at talagang nakakadala iyon. Para
bang hindi mo siya kayang pagsalitaan pa ng masakit o masama ulit.
Napakurap kurap siya habang nakatulala sa akin. His lips twitched, ilang
sandali pa'y napangiti na siya habang ako naman ay natatawa pa rin.
Walang tigil ang pagkalabog ng puso ko, hindi ko alam kung bakit sumasaya
ako kapag kausap siya.
Dumaan ang mga araw, linggo at buwan... hindi ko na naramdaman na malapit
na ang aming graduation.
Sobrang saya ng pakiramdam ko, hindi ko maintindihan ang sarili ko kung
bakit pero mukhang unti unti na naman nalulusaw ang pader na binuo ko.
"Riz!"
Mabilis na naglakad ako ng madinig ang boses ni Greyson, mahigpit na
humawak ako sa aking sling bag at kunwaring hindi siya napansin.
Kinakabahan na ako ngayon tuwing malalapit siya sa akin, hindi ko na
maintindihan ang nararamdaman ko tuwing nagkakasama kami sa isang lugar.
Madalas siya nakakasama sa amin ng mga pinsan ko, malapit din kasi siya
sa mga ito dahil kababata din siya.
Nakaramdam ako ng panghihinayang dahil sa mga taon na hindi ko siya
nakilala noon, siguro kung papapiliin man ako kung sa US o dito? Pipiliin
ko na ang Pilipinas.
Sa araw araw na nalulungkot at nag iisa ako noon ay hindi nila
pinaparamdam sa akin na mag isa ako, pinapasaya pa nila ako.
Napasinghap ako nang hawakan niya ang braso ko. Sa panginginig ko'y
nailaglag ko ang mga librong hawak ko.
"Grey, ano ba!" inis na sinabi ko.
Madaling pupulutin ko sana ang mga libro ko pero naunahan na niya akong
gawin iyon. Pinulot niya iyon isa isa at saka nag angat ng tingin sa
akin.
Kita ko ang pagtataka at pagkalito sa kanyang mga mata habang nakatitig
sa akin na parang tinitimbang ako.
Sa huli ay ako ang natalo, umiwas ako ng tingin sa kanya. Nakakaagaw na
kami ng atensyon sa mga estudyanteng nadadaan.
Kulay kahel na ang kalangitan at malamig na rin ang hampas ng simoy ng
hangin pero nag iinit pa rin ang pisngi ko dahil sa presensya ni Greyson.
"Are you avoiding me?" banayad niyang tanong.
Napahugot ako nang malalim na hininga at saka siya nilabanan ng tingin.
Umiling ako at akmang kukuhanin ang mga libro sa kanya pero mabilis na
iniwas niya iyon.
"Grey! Ang kulit mo naman! Hindi kita iniiwasan, okay?" sabi ko.
Kumunot ang noo niya.
Mukhang kagagaling niya lang sa basketball, nakasuot pa kasi siya ng
jersey at mayroong gym bag sa kaliwang balikat. Basa din ang kanyang
buhok dahil sa pawis na nagtutuluan.
He looks so hot, hindi ko talaga siya nakikitang mukhang mabaho. Palagi
siyang mukhang laging bagong ligo. Pawisan man o hindi, madungis man o
malinis.
Iisa lang ang kanyang itsura, pero sa nagdadaang buwan ay kapansin pansin
ang pagtangkad at pag depina ng kanyang katawan. Kaya naman lalong
maraming humahanga sa kanya.
"Ano lang kung ganoon?" his sweet and deep voice just do justice on his
manly look.
Kakaiba talaga ang appeal ni Greyson sa akin, iyon ang napapansin ko
kapag nakikita ko siya. Sa ilang taon kong nanirahan at namalagi dito sa
Pinas.
Si Greyson lang ang nakakuha ng atensyon kong muli. Hindi ko masasabing
siya ang pinakagwapo sa paningin ko pero alam kong siya lang ang
nakakakuha ng atensyon ko.
Wala nang iba.
Muling kukuhanin ko ang libro ko pero iniwas niya ulit. Matalim na
tiningnan ko siya at saka huminga ng malalim, nagtitimpi ng galit.
"Nagmamadali ako, ano ba! Hindi ito oras ng biruan!" I hissed.
"Really?" taas kilay na tanong niya at muling iniwas sa akin ang mga
libro.
Napapikit ako ng mariin.
"Hindi ako nakikipagbiruan sayo!" pagalit na anas ko.
Nakakainis ang mukha niya! Ang sarap alisin ng kanyang magandang ngiti na
nang aasar. Palagi na lang yata akong matutulala doon.
Bahagyang ngumuso siya, nagpipigil ng ngiti.
"Hindi din naman ako nakikipagbiruan," he said. "Seryoso kaya ako
sa'yo..."
Parang naputol ang lahat ng ugat ko sa ulo, nag akyatan ang dugo sa aking
mukha at nag init ang pisngi ko.
Marahas ang kalabog ng puso ko, ang kaninang inis na nararamdaman ko ay
nawala nang parang bula.
I'm fucking flushed!
Hindi ako makapagsalita dahil sa mga kabaliwang pinagsasabi niya. Tumaas
ang isang kilay niya at ngumisi sa akin.
"You're blushing..." patuyang sinabi pa niya.
Nagtiim bagang ako at saka mabilis na tinalikuran na lang siya, hindi ko
na siya kayang pagtimpian pa. Ang hirap!
Pagkatalikod ko ay nakita ko si Tia na nakatanaw sa aming dalawa ni
Greyson, nakaramdam ako ng guilt dahil nakita ko ang lungkot sa mga mata
niya.
"Riz..." pabuntong hiningang bati niya sa akin.
Kahit nakangiti siya ay alam kong malungkot siya sa loob loob niya. Hilaw
na ngumiti ako at saka sinulyapan si Greyson na nakatabi na pala sa akin
ngayon.
"Tia!" maganang bati ni Greyson.
Tumango si Tia at ngumiti sa kanya. Mayroong hawak na makapal na libro si
Tia, nakita ko ang pagsulyap niya sa librong hawak ni Greyson. Libro ko
iyon!
Damn it.
"Grey, nahanap ko na 'tong librong kailangan mo sa library." si Tia at
saka nilahad kay Grey ang librong makapal.
Nangunot ang noo ko at sinundan ang kanilang kilos. Nakangusong binuksan
ni Grey ang librong iyon at may kung anong binasa doon.
He smiled and looked at Tia again.
Nakaramdam ako ng kurot sa puso, bakit parang gusto kong nakikita lang
iyon ng aking mga mata? Bakit parang ayaw kong ngumiti siya ng ganoon sa
iba o kahit na kanino?
"Thank you, Tia. You're the best!" pamumuri pa niya na lalong ikanasakit
ng dibdib ko.
Tipid na ngumiti si Tia at sumulyap sa akin, nakita ko doon ang lungkot.
"You're welcome!"
Gustong gusto ko na umalis sa harapan nila pero hindi ko dapat gawin
dahil iniisip ko kung ano ang sasabihin nila. Ayaw kong maging bastos,
lalo na kay Tia.
"Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ni Tia kay Grey. "Pawis na pawis ka, baka
magkasakit ka kapag natuyuan!"
Kumamot sa batok si Greyson at saka umiling, kumindat siya kay Tia at
nakita kong inginuso niya ako rito.
"Ihahatid ko muna si Riziane..."
Kumalabog ang puso ko doon. What the hell, Greyson? Does it needed? Fuck!
I saw how Tia's eyes turned into pain. Unti unting nawala ang ngiti sa
kanyang labi.
"Hindi, ah! May pupuntahan pa ako! Kayo na lang ang magsabay!" hilaw na
halakhak ko.
Ang tanga tanga ko! Ayaw ko silang magsabay, ayaw ko na magkasama silang
dalawa. Ayaw ko na mapag isa sila.
Fuck, ano ba ito!?
Kumunot ang noo ni Grey sa akin.
"You think I'd believe you?" umiling siya. "Akala mo naman ibibigay ko
sa'yo ang mga libro mo?"
Napapikit ako ng mariin at saka bumuga ng hangin.
"H'wag ako, Greyson. Iba na lang! Mangtitrip ka na lang, ako pa talaga!
Tsss." ngumisi ako ng hilaw.
Ayaw ko ring makitang nasasaktan si Tia ng harapan kaya kailangan kong
gumawa ng paraan para hindi kami ang magkasama ni Greyson o magsabay na
umuwi.
Lalong kumunot ang noo ni Greyson. Bahagyang nagtiim bagang siya at
nanantyang tinitigan ako.
"Sino bang nagsabing pinagtitripan kita?" seryosong tanong niya. "Seryoso
ako, Riziane. Hindi ako nagbibiro pagdating sa'yo..."
What the hell!?
Napaawang ang labi ko, ganoon na lamang ang paghuhurumentado ng puso ko
dahil doon. Nakita ko ang paghugot ni Tia ng mabigat na hininga at saka
nag iwas ng tingin.
Ramdam ko ang sakit na nakikita ko sa kanya ngayon.
Fuck. Bakit kasi ang tigas ng bunbunan ni Greyson? Is he that dense not
to notice he's hurting his bestfriend!?
O hindi niya ba talaga alam na may gusto si Tia sa kanya?
Huminga ako nang malalim at tumawa ng malakas.
"Hindi tayo talo, Greyson! Mauna na kayo ni Tia, may pupuntahan pa akong
importante! Pakisabay na lang iyong mga libro ko! Salamat!"
Mabilis na tumakbo na ako papalayo sa kanila, iniwan ko ang aking mga
libro dahil alam kong hindi niya talaga ibibigay iyon hangga't hindi
nakukuha ang gusto niya.
Lalo lang masasaktan si Tia kapag nagpatuloy pa siya sa kakaganoon niya.
Nasasaktan at naguguilty ako dahil sa akin nasasaktan ang pinsan ko.
Hindi na dapat ako makisali sa kung anong mayroon sa pagitan nila, ang
kailangan ko lang ay tanggapin iyon.
Hindi dapat ako makaramdam ng sakit dahil unang una ay hindi sa akin si
Greyson, walang nagmamay-ari sa kanya pero alam ko kung para kanino siya
dapat.
Nakikita ko rin naman na ayos si Greyson at Tia sa pamilya namin, gustong
gusto nga nila Ixerr si Greyson para kay Tia. Makikisali pa ba ako?
Hindo ko alam ang nararamdaman ko, ang alam ko lang ay naguguluhan ako ng
sobra sa tibok ng puso ko.
Huminga ako nang malalim, mabagal na naglakad ako sa kahabaan ng street
namin. Nakakawalang gana ang nangyayari sa buhay ko.
Pakiramdam ko wala akong karapatan sa lahat ng bagay. Ang sakit, ang
sakit...
Malungkot na nagbuga ako ng hangin at saka umupo sa gutter, nasa tapat na
ako ng mansyon at wala pang balak pumasok.
Tumingala ako sa madilim at punong puno ng bituin na kalangitan. Sana
katulad na lang ano ng bituin, iyong hindi nawawalan ng kislap. Palagi
lang maliwanag at masarap tingnan.
"Hoy!"
Nakairap na nilingon ko ang pangahas na sumigaw doon. Ang maliit na si
Xythen iyon! Kakalabas niya lang sa kanilang mansyon sa tabi ng amin.
Napangiti ako at tumayo, hanggang sa chin ko lang siya. Nasa elementarya
pa lamang siya at sobrang talino na niya.
"What are you looking at the sky?" walang ganang tanong niya at tiningala
din ang kalangitan.
"Tsismoso, wala." singhal ko ng natatawa.
Nagtaas siya ng isang kilay sa akin. Sobrang ganda ng asul niyang mga
mata, parang kalangitan din iyon. Palaging buhay at masayang tingnan.
"Is Tita Kwin home? I'm really really hungry, can you cook for me?"
Nangunot ang noo ko. "Bakit? Wala ba si Tita Elli?"
"Tsss, she doesn't cook." aniya sa maungit na tono at saka nagpatiuna sa
pagpasok sa mansyon namin.
Chapter 22
Yugto 20
Kabanata 20
"Greyson! Greyson!"
"Go, Greyson!"
"Galingan mo Greyson! Sa'yo kami!"
Nadidinig ko na ang tilian ng mga kabadingan at kababaihan, hindi ko alam
kung anong mayroon pero nagkakagulo sila sa gitna ng field.
Hindi ko maiwasan ang mapairap sa pagtili nila sa pangalan ni Greyson.
Akala mo talaga nagchi-cheer sila sa asawa nila, e.
May pasayo-sayo pa kami na nalalaman! Naku! Kaaga-aga pinag iinit ang ulo
ko. At ano ba kasing mayroon? Mayroon bang palarong pambansa sa field at
ganyan sila magtilian?
Kumunot ang noo ko, nakikipagsiksikan ako sa mga tao doon para makita
kung ano ang kanilang pinagtitilian at pinagkakaguluhan.
"TiaSon!" sigawan ng mga fans ni Grey.
Nakita kong si Greyson iyon at saka si Lance Perez, soccer varsity player
siya ng HU. Kilala siya dito kahit transferee student lamang siya.
Magaling siyang mag soccer kaya marami dimg taga hanga.
Kumunot ang noo ko dahil mukhang inis ang mukha ni Greyson habang
sumisipa ng bola.
Dinunggol siya sa balikat ni Lance at saka pilit sinisipa ang bola para
mawala iyon kay Greyson. Nakaramdam ako ng kaba, ano bang mayroon?
Bakit silang dalawa lang ang naglalaro ng soccer? Pustahan ba iyon o ano?
Muling naagaw ni Greyson iyon mula kay Lance, kapwa silang pawisan at
madungis dahil maputik pa ang field. Umulan kasi kaninang umaga kaya
siguro hindi pa rin tuyo ang field at maputik.
May putik putik na rin ang pisngi ni Greyson, mukha siyang nahihirapan sa
larong iyon pero halata ang pagpupursigi niyang makagoal.
"Oh my God! Sana manalo si Greyson para sila ni Yazinttia Saavedra!"
hagikgik ng isang babae na nadinig ko.
"Oo nga! Kapag si Lance kasi, playboy at baka paglaruan lang si Yaz!"
"Tsss, ang judgemental n'yo! Mukha namang seryoso si Lance kay Yazinttia!
Hindi naman siya makikipag kumpitensya kay Greyson kung wala lang sa
kanya ang lahat!" dinig ko pa iyong isa.
Doon na kumunot lalo ang aking noo.
So... pustahan nga ang larong iyon? Nagpupustahan sila at kung sino ang
manalo ay sa kanya mapupunta si Tia?
May kumpitensya pa talagang nagaganap, huh? Ano tournament lang ang drama
nila? Wow!
So, Greyson isn't that good boy pala. Mayroon din palang ganitong
tinatago, mapaglaro at manloloko na rin!
Naramdaman kong umakyat ang dugo sa aking ulo sa labis na galit at inis.
Hindi ko alam kung saan at bakit ako naiinis, basta ang alam ko ay hindi
pustahan ang pinsan ko!
Sumasakit din ang dibdib ko at para akong nahihirapang huminga dahil sa
nalaman. Tama ba iyon? Tama na pagpustahan nila ang isa Saavedra?
Wow! Ang taas naman yata masyado ng pinagpupustahan nila! Hah! Saavedra
pagpupustahan lang? Hindi yata ganoon kababa ang apelyido namin!
Taas kilay akong lumipat sa unahan, huminga ako nang napakalalim, sapat
para makita ako ni Greyson dito sa pwestong pinuntahan ko.
Tinaas ko ang manggas ng aking uniporme at saka sumigaw.
"Go, Greyson!" sigaw ko ng malakas.
Halos magsitahimikan ang mga babaeng nanunuod at nagkukumpulan rito.
Parang may dumaang anghel at impit na tilian na lamang ang nanaig.
Tumingin sila sa akin nang hindi makapaniwala.
Kahit na ganoon ang isinigaw ko'y alam kong alam nila na galit ang
ekspresyong ipinapakita ko ngayon. I'm furious about this shit!
Pustahan pala, huh?
Nag middle finger agad ako nang mapansin ko ang pagtingin sa akin ni
Greyson. Our eyes met. Kahit nakukuryente ay ngumisi ako pero nanlilisik
ang aking mga mata sa kanya.
Kung nakakamatay lang ang tingin, siguro ay pinalalamayan na siya ngayon
sa field. Pustahan pa ang gusto, ah!
Anong tingin niya sa sarili niya? Gwapong gwapo siya? Duh! Gwapo nga siya
pero wala siyang kwenta! Isa lang siyang lalaking paasa na walang balls!
All good boys out there has no balls at all! Ganyan ang alam nilang
gawin, paasahin at paglaruan ang mga mahihinang babae.
Puro lang sila pagpapaasa, see? Nakipagpustahan pa talaga! Kung seryoso
siya sa pinsan ko, he wouldn't do that kind of bet!
Nakita ko ang paglunok niya, it's obvious that he's nervous. Napahinto
siya sa pag aagaw at pagsipa sipa ng bola dahil doon. Inagaw ni Lance
iyon at siya ang naka goal.
Hah! Job well done! Iyon ang plano ko, ang mawala siya sa konsentrasyon.
Ang hindi siya manalo!
Kapal ng mukha nito!
I smirked at him as I turned my back and walked.
Dismayado at inis na nakatingin sa akin ang mga nanunuod dito, matatalim
na tingin ang tumutusok sa akin. I didn't care.
Isa pa sila! Nakakadagdag sila ng init ng ulo ko, ang kakapal ng mukha
nilang magcheer pa sa pustahan na pangahas.
Tsss.
Mabilis na naglakad ako paalis ng field dahil sa sobrang kainisan ko,
nababadtrip ako sa moves ni Greyson.
Akala ko naman ibang klase ang moves ng mga goodboy sa panliligaw, tapos
ganoon? Pustahan? What a cheap play!
Seriously? A bet?
Gusto kong puntahan si Tia sa kanilang classroom para magsumbong sa kanya
na ginagawa lang siyang laruan at pustahan.
Gusto kong sabihin na bastedin niya si Greyson dahil wala naman kwenta
ang lalaking iyon at sasaktan lang siya noon.
But I've done my part, hindi naman nanalo si Greyson sa pustahan kaya
kampante na ako doon. Alam kong aatras na siya ay bibigyan daan si Lance
kay Tia.
Ganoon ang good boys, e. Walang bayag, walang paninindigan at hindi ka
ipaglalaban. Syempre nga naman talo siya sa pustahan.
Nag init ang ulo ko nang may mahigpit na humigit sa aking braso at
sapilitan akong iharap sa kanya.
Lalo pa akong nag apoy sa galit nang makita ko ang seryosong ekspresyon
ni Greyson, alam kong inis ang pinapakitang emosyon ng kanyang mga mata
habang nakatitig sa akin.
"Ano! Let me go!" inis na singhal ko at saka pilit binawi ang aking
braso.
Pero lalo niya iyong hinigit at saka ako hinarap muli sa kanya.
"Why did you do that!?" marring tanong niya.
"What? This?" muli akong naglahad ng middle finger sa kanya at saka
ngumisi. "So? Ano naman ngayon sa'yo?"
Pumikit siya ng mariin, halatang natitimpi ng inis. Gamit ang isang kamay
niya'y marahan niya tiniklop ang middle finger ko.
Naghurumentado ang puso ko doon. Hindi ko alam kung bakit nakukuryente
ako tuwing nagdidikit kami o nahahawakan niya ako.
Daig ko pa ang poste ng kuryente, kulang na nga lang ay mangisay ako
dahil sa paghuhurumentado tuwing kasama at kadikit siya.
"Hindi mo ba alam na para 'yon sa pinsan mo?" seryosong tanong niyang
muli.
Ouch! It hurts!
Sige ipamukha mo pa sa akin na para sa kanya iyon, wala naman akong
pakielam basta gusto kong matalo ka doon.
Tsss.
"Alam ko, kaya nga ayaw kong manalo ka-" napakurap kurap ako. Tumikhim
ako. "Ayaw kong manalo ka! Pinagpupustahan ninyo ang pinsan ko! Alam kong
hindi tama kaya ginawa ko 'yon!"
Fuck!
Muntikan na, Riziane! Sige magpakatanga ka pa, alam mong masasaktan ka na
naman sa mga sagot na madidinig mo, e!
Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ako nagagalit sa ganoon
kababaw na dahilan, noon namang pinagpustahan si Ania ay hindi ako
nagalit.
Bakit kay Tia at Greyson nagagalit ako? Damn, iba na ito. Nababaliw na
yata ako, maybe I don't have something to do with my life.
That's all! Wala nang iba pa!
Kumunot ang kanyang noo sa pagkalito. Mariing nakatitig pa rin siya sa
akin at kaseryosohan lamang ang mababakas sa kanya.
Umiwas ako ng tingin at nagbuga ng hangin.
"I thought you were a good guy, but I guess I'm wrong. Pinaglalaruan mo
ang pinsan ko!"
"What are you saying, Riziane? Hindi ko pinaglalaruan si Tia and it will
never happen." inis na sinabi niya.
So, ayun nasaktan ulit ako. Ramdam ko na naman ma tumusok iyon sa puso
ko. Akala ko ba sa akin...
Fuck, Riz! Stop what you're thinking! Hindi ka matutulungan niyan
makaahon.
Nag init ang ulo ko. Pinanlisikan ko siya ng mga mata at pwersahang
binawi ang braso ko mula sa kanyang pagkakahawak.
"Hindi? E, ginawa mo na nga! Pinahlalaruan n'yo s'ya! Kung may gusto ka
naman pala sa kanya, bakit hindi mo sabihin ng maayos at ligawan mo siya!
Hindi iyong nakipagpustahan ka pa kung sino sa inyo ang makakakuha sa
pinsan ko!"
He looks so puzzled, parang hindi niya maintindihan ang pinuputok ng
butsi ko. Para bang hindi niya makuha ang gusto kong iparating.
"H'wag mong paasahin si Tia sa wala! Kung gusto mo siya, then court her!
Kung hindi naman ay tigilan mo na!" inis ko pang dagdag.
He titled his head and I saw how his lips slowly curved.
"Shall I court you, then?" maliwanag niyang tanong.
Nangunot man ang noo ko'y hindi na makahinga ang puso ko at parang gusto
ng lumabas mula sa akin.
What? Seriously?
Sa dinami rami ng sinabi at litanya ko, iyon lang ang sasabihin niya?
Iyon ang itatanong niya? Iyon ang nasabi niya?
"An- ano!? Bakit ako?" utal at pagalit na sambit ko.
Naiinis ako dahil kakaiba talaga ang kiliti noon a akin. Tuwing magtatama
ang aming mga tingin ay ganoon ang nararamdaman ko. May mga paru-parong
nagliliparan sa aking tiyan.
"Because you're the one I like?" patanong pang sinabi niya na parang ako
ang pinakatangang tao ngayon.
Fuck.
Nag init ang pisngi ko. Dinuro ko siya sa sobrang inis, ramdam ko ang
pagtayo mga balahibo ko dahil sa elektrisidad.
"Pinsan ko ang usapan rito! Huwag mo siyang paasahin! And Tia is not a
game! She has a heart and you should not just break her..." pasigaw na
sinabi ko.
Amusement is now clearly evident on his facial expression, ngumiti siya.
Sumunod doon ang kanyang mga mata na parang may nadidinig siya na hindi
ko naririnig.
"Ano bang pinaglalaban mo, Riziane? Si Tia o ang pagseselos mo?"
Nanlaki ang mga mata.
I didn't expect that coming! He's hilarious! What the hell is that
question!?
I heard him chuckled. Nagtaas baba ang kanyang kilay sa akin. Napasinghap
ako at saka mabilis na bumawi.
"Bakit naman ako magseselos!? Duh! Wala akong gusto kay Lance!" pag iiba
ko sa usapan.
He smirked.
He leaned a bit to make our face met. Halos mapatigil ako sa paghinga
dahil sa lapit ng mukha namin. Napalunok ako ng dalawang beses.
"Really, huh?" he smiled. "Well, yes. Wala ka ngang gusto sa kanya...
Kanino ka pala nagseselos kung ganoon? Sino ang gusto mo talaga?"
Napakurap kurap ako.
"Wa- wala! Hindi ko lang gusto ang ginagawa ninyo kay Tia! Hi- hindi siya
laruan!" nauutal man ay matapang ko iyong sinabi.
He nodded, iyong tango na nanunuya at parang hindi naniniwala.
Uminit ang pisngi ko sa pagkahiya. Lumunok ako at tinulak ang kanyang
matigas na dibdib. Hindi siya natinag noon.
"Lumayo ka nga! Nakakahiya sa mga tao!" impit na untag ko.
Halos lahat ng napapadaan ay napapatingin sa amin, mayroon pa akong
nakita na kinukuhanan kami ng pasimpleng litrato. Ang iba naman ay
naghahagikgikan at kinikilig, mayroon ding nagagalit ang ekspresyon.
Ngumisi siya sa akin, tinaas niya ang isang kilay. Halos maghurumentado
ang puso ko nang itagilid niya ng konti ang kanyang mukha at halos
madampi na ang labi niya sa gilid na bahagi ng labi ko.
"Don't worry, Riziane. Ikaw ang gusto ko, hindi ang pinsan mo o ang kahit
na sino..." he said it like a whisper.
Bumaba ang kanyang tingin sa labi ko, he licked his lower lip and then he
looked at me in the eyes again.
I was stunned and flushed. Wala akong makuhang tamang pag angal sa aming
pwesto at sitwasyon. Para akong estatwa sa lahat ng maaaring mangyari.
Napaawang na lamang ang labi ko nang muling bumaba ang tingin niya doon.
Sumilay ang nakakapanindig balahibo na ngiti sa kanyang mapulang labi.
"Ikaw lang ang gusto ko..." bawat salitang iyon ay may diin habang sa
labi ko pa rin ang kanyang tingin.
Kahit may nagtitiliang estudyante sa amin na nakapalibot ay hindi ko siya
maiwasan, I couldn't even move an inch away.
I want him this close... I really really want him close, I want to look
at his face and memorize every part of it...
Damn.
Napahinto ako sa paghinga nang lalo niyang itagilid ang kanyang ulo at
saka ko naramdaman ang pagdampi ng malambot niyang labi sa gilid ng aking
labi.
Namilog ang mga mata ko kasabay nang sobrang lakas na pintig ng puso ko
na tila nakikipagkarera.
Umawang ang labi ko at naghabol ng sapat na hangin, naramdaman ko ang
index finger niya na humawak sa aking chin at saka isinara ang nakaawang
kong labi bago lumipat ang labi niya sa labi ko na!
Damn it!
Fuck!
This isn't my first kiss but it feels like it is! Hindi ko mawari ang
dapat maramdaman ko, basta ang alam ko'y nakikiliti ako at
naghuhurumentado ang puso ko.
"I like you very much, Riziane..."
Chapter 23
Yugto 21
Kabanata 21
Pabalikwas na tumihaya ako sa pagkakahiga, puro pagbuga ng mabigat na
hangin ang ginagawa ko magmula pa kanina dahil sa sobrang inis at kaba.
Hindi ko alam kung ano ang lamang sa nararamdaman ko, basta masyadong
magulo at alam kong... Fuck!
Bahala na!
Kailangan kong mag-aral mabuti at pumasok, hindi dapat ako nagpapaapekto
sa ginawang iyon ni Greyson. Hindi ako nakapasok ng tatlong araw dahil
doon!
Walang hiya siya!
Hindi ko siya mapapatawad, ang kapal niya! Bakit ba kasi siya biglang
nanghahalik? At sa harap pa ng mga schoolmates namin?
Hindi ba siya nahihiya?
Pagtapos niyang makipagpustahan para kay Tia ay hahalikan niya naman ako?
Aba! Hindi yata tama iyon! Ano iyon? namamangka siya sa dalawang ilog?
Tsss.
Pagtapos kong maligo ay nagbihis ako, halos isang oras ang itinagal ko sa
pagligo at pagpili ng susuotin.
Hindi naman required mag uniform ngayon hanggang friday dahil foundation
day ng HU ngayon.
I wore a black crop top and a ripped denim jumper, I matched it with my
nike sneakers. Inilugay ko lang ang buhok kong hanggang puwitan at
diretso.
Napanguso ako habang nakatingin sa aking repleksyon, umikot ikot pa ako
para makita ng lubusan ang kabuuan ko.
Hindi ako makuntento sa itsura ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit, pero
talagang naiinis ako dahil parang ang pangit ko!
Fuck, why am I suddenly this conscious?
Gusto kong mainis sa sarili ko dahil pakiramdam ko umarte ako at gusto
kong perpekto ako pagpunta sa school.
Huminga ako nang malalim at inis na tumingin ulit sa repleksyon ko.
Sinabunutan ko ang aking sarili at saka nagpadyak ng paa sa kainisan.
Namumutla ako, sobrang putla ng mukha at labi ko. Isa pa ito sa kinaiinis
ko, dati rati naman ay ayaw kong pansinin ang itsura ko at wala akong
pakealam.
But now? Damn, I want to look perfect and pretty!
"Ayan! Perfect!" nangingiting puri ko sa sarili.
Naglagay ako ng liptint sa aking labing maputla at kinulot ko ang dulo ng
aking mahabang buhok. Masyado kasi iyong straight, nagmumukhang plain.
Isang sulyap pa sa salamin at saka ako bumaba na. Napataas pa ang kilay
ko nang makita kong naghaharutan si Kaizellus at Ixerr.
Pinag aagawan nila iyong kulay blue na cellphone, alam kong kay Kaizellus
iyon. Malakas na humagalpak sa tawa si Ixerr at saka tinulak si Kaizellus
sa sofa.
Ano bang ginagaw ang mga kumag rito? Kung makapagharutan akala mo
kanilang bahay ito, e.
Mula sa dining area ay nakita ko si Onyx na mayroong dalang cowhead fresh
milk, nakakunot ang kanyang noo habang pinapanuod sila Ixer at Kai.
"Damn, Man! Ilang babae na ang na third base mo? Puta, ibang klase ka!"
halakhak ni Ixerr habang nakatingin sa cellphone na hawak.
Ngumisi si Kaizellus.
"Secret! Baka mainggit ka!" ganti nito.
Ixerr made a face.
Seriously? May inggitang magaganap sa maraming na third base? Tsss,
naalala ko na naman ang pustahan. Ayaw na ayaw ko talaga sa mga lalaking
ganyan!
"Tsss, pag nagawa mong babae si Lucia. Doon ako maiinggit! Pero sa
karampot na third bases mo? Nah! Mangarap ka." nagyayabang na untag ni
Ixerr.
Hinagis niya kay Kaizellus ang cellphone nito, malakas na tumawa lang si
Kaizellus at sinalo iyon pagtapos ay ibinulsa na.
Napailing na lang ako at saka tuluyang bumaba, nagtaas ako ng kilay kay
Onyx na pumasada ng tingin sa akin.
Hindi ko mabasa ang kanyang ekspresyon pero alam kong nanunuya ang
kanyang tingin, tumaas ang sulok ng labi niya at saka binaling sa akin
ang kanyang asul na mata.
"To where night club are you going?" malamig pero patuyang tanong niya.
Nag init ang pisngi ko doon.
Nightclub!? Wha the hell! Mukha ba akong party goer!
Nakakainis, alam kong pintasero si Onyx at lahat na lang napupuna niya
pero kadalasan naman ay wala siyang pakealam sa mga damit!
Bakit ngayon ganyan siya? Psh!
"Anong nightclub! Kapal mo!" I hissed, inilagay ko sa likuran ang aking
buhok at maarteng inirapan siya.
Huminto sa paghaharutan sila Kai at Ixerr, nakuha ng tanong ni Onyx ang
kanilang atensyon. Gusto kong lapirutin ang bunganga ni Onyx, sobrang
daldal niya ngayon!
Damn it!
"Wow! You're going to a nightclub?" patuya pang tanong din ni Kaizellus.
Napapikit ako ng mariin.
Ang perfect ko kaya! Tapos gaganituhin nila ako? Ano bang kasalanan ko sa
Diyos at binigyan ako ng ganitong klase ng kamag anak?
Damn it! Naiinis ang beauty ko sa kanila!
"Hindi ako pupunta sa nightclub! Tumigil kayo! Mga supot kayo!"
Padabog na tinalikuran ko na sila, malakas na humagalpak sa tawa si Ixerr
at saka mabilis na sumunod na sa akin.
"Sabay na tayo, tikbalang!" halakhak niya.
Nag init ang dugo ko, malakas ba siniko ko siya sa tiyan. Napaigik siya
sa sakit noon pero nakakainis pa rin ang ngisi sa labi niyang mapula.
Halatang nang aasar pa rin. Hindi ko na siya pinansin at dumiretso na ng
lakad, kanina ko pa sinabi kay Manong driver na magpapahatid ako ngayon
sa HU.
Syempre, sayang naman ang pag aayos ko kung magji-jeep ako 'di ba?
Masyadong polluted ang hangin at baka pagdating ko sa HU amoy araw at
usok na ako.
Sumakay ako sa passenger seat, si Ixerr naman ay nakakunot ang noo pero
pumasok na rin sa frontseat. Nilingon niya ako.
"Anong mayroon at magpapahatid ka ngayon?" kunot noong tanong niya.
Tsss, pakealamero talaga!
Inis na tiningnan ko siya at pinandilatan ng mata.
"Wala! Gusto ko lang, may masama ba? Tsismosong 'to!"
Nagkamot siya ng kanyang kilay.
"Really, huh? Baka naman may pinapa cute-tan ka?" mapaglarong tanong
niya. "Ayaw mo siguro na maturn off siya sa'yo dahil commuter ka!"
I glared at him, nakakainis!
Halatang halata ba talaga?
"Sino naman ang pagpapacute-tan ko? At isa pa, cute na talaga ako! Hindi
na kailangan pang magpa-cute! Duh!" I rolled my eyes.
Wala naman kasi talaga! Gusto ko lang umaktong dalaga at babaeng maayos,
pakiramdam ko kasi ay napakadungis ko nitong nakaraang araw.
Sumipol siya at halatang hindi ako pinapaniwalaan sa sinabi.
"At ano 'yang suot mo? Kulang na lang mag bra at panty ka, e. Kulang na
nga sa tela 'yong undershirt mo, ang ikli pa ng jump shorts mo! At ripped
pa talaga! Nice!" pamumuna niya pa na may halong sermon.
Nalaglag ang panga ko dahil doon.
Ngayon lang talaga niya pinuna ang kasuotan ko, ganoon ba kahalata? Pati
si Onyx ay pinuna iyon? Urgh!
Inis na nagbuga ako ng hangin at tumingin sa labas ng bintana.
Gusto kong tumakbo pauwi para magkulong sa kwarto, nakakahiya talaga.
Nahihiya ako dahil parang sobrang obvious ng pag aayos ko.
Kung tutuusin hindi naman dapat bigdeal, sila Ania at Zinderela nga ay
mas kapansin pansin pa rito ang kadalasang suotin.
"Bakit ba ako ang pinapansin n'yo? Tsss, sa iba naman tuwang tuwa kayo
pag ganito ang suot!" sumbat ko.
Muling lumingon siya sa akin, he ran his fingers through his hair and
rolled his eyes on me.
"Iba ka, iba sila. You don't need to compare yourself to them!" bumuntong
hininga siya. "Hayaan mo na, basta ayaw ko lang na may mambastos sa'yo
mamaya kahit sino, babasagin ko ang mukha."
Tsss.
Protective ang peg? Well, they're all protective when it comes to us,
girls. Lalo na si Dyze? Naku! Siya ang pinaka masungit pagdating sa
ganitong mga damit.
Sa amin nila Tia, sila Zin at Ania naman ay natural at sanay magsuot ng
sexy clothes kaya sanay na rin kaming makita silang ganoon lalo pa't
model sila.
Hindi lang siguro sanay talaga sila Ixerr na ganito ako manamit ngayon,
kadalasan naman kasing suot ko ay tshirts, jeans at shorts lang. Pero
hindi pa ako pumorma ng ganito.
Para sa kanila bongga na itong porma na 'to para sa akin, sa lahat lahat
kasi sa aming magpipinsan na babae ay ako ang pinakasimple at walang
kaartehan sa katawan at ayos.
Well, si Tia din naman. Simple pero madalas iyong magdress! Kaya babaeng
babae pa rin, ako kasi kahit kailan hindi nagdress.
Tsss, pangit pala na sinanay ko sila sa pagiging simple ko. Masyado yata
silang nagugulat kapag magarbo na. Ganda ko naman kasi.
Nang marating namin ang HU ay bumaba na kami ni Ixerr at nagpaalam kay
Manong, habang naglalakad kami patungo sa building ng highschool ay puro
pagbati ang nadidinig ko.
Sanay naman na ako doon, hindi naman kasi ako masungit katulad nila Ania
na hindi namamansin. Kaya naman nginingitian ko na lang sila.
Halos lahat ng estudyante ay kanya kanya ng porma, animo'y ordinaryong
lugar lang ang HU. Simple pa nga ang aking porma, e. Iyong iba akala mo
aattend ng sagala o party.
Nagkalat na rin ang iba't ibang booth sa paligid ng malawak na
quadrangle, maraming booth ang naroon. Mayroong marriage booth, jail
booth at horror house. Marami pang iba.
"Omg! Ate Riz!"
Ngumiti ako sa dalawang babaeng tumawag sa akin. Bahagyang huminto ako
dahil hinawakan noong isa ang kamay ko.
"Pwede po ba magpapicture?" hagikgik nila.
Akala ko talaga nasa akin ang paningin nila, e. Oo, nagpapapicture sila
sa akin pero na kay Ixerr ang mga mata nila. Tss.
Ngumiti ako at tumango na lang.
"I'm gonna take you a pic..." Ixerr volunteered.
Humagikgik pa sila at pinamulahan ng pisngi bago tumabi na sa akin.
Pinagitnaan nila akong dalawa, halos hindi sila makangiti dahil si Ixerr
ang kumukuha.
Ngumiti na ako at umakbay sa dalawang dalagita, nanigas ang ngiti ko nang
makita ko si Greyson.
Damn it!
Halos mag ala estatwa ako sa sobrang kalabog ng puso ko, pakiramdam ko
ang mga paru-paro sa aking tiyan ay nabuhay at nagdiwang.
Nakikipag usap siya sa mga babaeng nagkukumpulan sa kanya, parang
kinukulit siya ng mga iyon pero tango lang siya ng tango at nakangiti.
"Si Ixerr!" tili ng isang babae.
Napatingin sila kay Ixerr na abala sa pagkuha ng litrato sa amin, halos
maghurumentado ang puso nang magbaling ng tingin si Greyson sa gawi ko.
Pinasadahan niya ako ng tingin magmula ulo hanggang paa, kumunot ng todo
ang noo niya at saka umangat ulit ang tingin sa aking mukha.
"Thank you, Ate Riziane!" hagikgikan ng dalawa at nagkanya kanyang
pagpapapicture naman kay Ixerr ngayon.
Hindi naalis ang tingin sa akin ni Greyson, kahit may kumakausap sa kanya
ay hindi na niya pinapansin ngayon.
Nang akmang lalapit siya ay mabilis na tumalikod ako at tumakbo na. Alam
kong sa akin ang lapit niya! Hindi ako assuming!
Hindi na ako nakapagpaalam pa kay Ixerr, tumakbo lang ako dahil sa
sobrang kaba. Kung sakaling kausapin niya ako'y alam kong mabubulol na
ako.
Hingal na hingal ako, nagtitinginan na sa akin ang mga nakakasalubong ko.
Tsss, mga tsismosa talaga!
Napatili ako nang bigla akong mabangga sa isang lalaki, nabuwal ako pero
agad ako noong inalalayan sa baywang. Halos magyakap kaming dalawa.
Naamoy ko ang mabangong amoy niya.
Hindi iyon matapang, sakto lang at hindi masakit sa ilong. Napasinghap
ako dahil bahagyang yumakap pa siya lalo sa baywang ko.
"Miss, are you okay?" a deep masculine voice called out.
Kumunot ang noo ko at nag angat ng tingin sa lalaking nakasuporta sa
aking baywang. Namilog ang aking mata nang makita kong si Denver Frezto
iyon.
Anong ginagawa niya dito? Taga Elite University siya.
Nakilala ko siya dahil pinsan siya ni Rocket Estrevillo, si Rocket iyong
kaibigan ko sa Davidson High.
Bastos kasi iyon kaya nasampal ko siya noong una naming pagkikita pero
nagkasundo naman kami dahil kaibigan din siya nila Zydein at mabait din
naman at kengkoy.
Kadalasan niyang kasama itong si Denver tuwing mayroon kaming party sa
hall. Malalapit din sila sa mga Saavedra.
Napairap agad ako sa kanya, bahagyang nanlaki ang mga mata niya nang
makilala ako. Ilang saglit pa ay natawa siya at napailing.
"Quin Saavedra!" sambit niya sa malambing na boses.
"Bitiwan mo na ak-"
Sasabihin ko pa lang iyon ay hindi ko na naituloy sapagkat mayroong
pwersahang humila sa aking baywang dahil kung bakit mapahiwalay ako kay
Denver.
Kumunot ang noo ni Denver, ganoon din ako. Pero agad kumalabog ng sobra
ang puso ko nang makita kong si Grey ang humigit sa akin.
Madilim ang kanyang mukha at sumulyap kay Denver.
"Easy, dude..." Denver chuckled. "She was about to slipped..." kibit
balikat niya.
"Grey!" singhap ko.
Ngumisi si Denver sa akin.
Walang tugon si Greyson doon, he then dragged me out. Mahigpit ang hawak
niya sa aking palapulsuhan habang hila hila ako hanggang sa pababa ng
hagdanan.
"Grey! Let me go!" singhal ko.
Binitiwan niya ako pagbaba ng hagdanan, sa bandang sulok ito at hindi na
matao dahil abala na silang lahat sa mga booth. Walang estudyanteng
nadadaan dito.
Nakaramdam ako ng kakaibang kaba dahil ayaw ko talaga siyang makasama at
makaharap ng ganitong sitwasyon.
"What the hell is your problem!" inis na sinabi ko.
Madilim pa rin ang kanyang mukha, hindi ko kinasanyan iyon dahil palagi
ko lang siyang nakikitang maaliwalas at maliwanag ang mukha.
Kinakabahan ako dahil doon. Sasaktan ba niya ako o ano? Hindi kasi ako
sanay sa good boy na nagagalit, ganoon daw kasi ang good boy. Nagtitimpi
sila pero pag sumabog ay nanakit na.
"Ikaw!" inis na singhal niya.
Kumunot ang noo ko. "What? Anong ako? Inaano ba kita!" mataray na sinabi
ko.
Kahit nagmamatapan ako'y ramdam ko ang kakaibang kaba sa aking puso. Ang
sarap titigan ni Greyson, nakakaaliw ang kanyang inis na mukha.
"Tsss." inis na kumamot siya sa ulo at suminghap.
"Ikaw at ang suot mo ang problema ko!" muling pagalit na sinabi niya.
The hell?
Talagang problema niya ang suot ko? Gayong dahil sa kanya ito! Siya ang
dahilan nito! Damn it! Hindi pa niya naappreciate!
Wow!
Suminghap ako at sarkastikong tumawa.
"Baliw ka kung ganoon! Anong mayroon sa suot ko? Tsss,"
Kumunot ang noo niya, his jaw clenched tightly. Muling pumasada ang
kanyang mata sa aking kabuuan.
Pinamulahan ako ng pisngi.
Ang pangit ko ba? Mukha ba akong jejemon? Bakit ganoon? Bakit ganito ang
pamumuna nila sa akin?
"Tsss, hindi ko gusto ang suot mo! Pati ang pagpapayakap mo sa lalaki!"
Nanlaki ang mga mata ko.
"Wh- what?" utal na tanong ko. "Wala- wala kang pa- pake doon!" patapang
na sinabi ko. "Ikaw nga ang dami mong babae 'di naman kita-"
Nanlaki ang mga mata ko, mabilis na pinutol ko ang sinabi ko dahil sa
kahihiyan.
Fuck, Riz! Anong pinagsasabi mo!
Tumaas ang sulok ng labi niya, nangilabot ako doon. Sobrang kakaiba ang
pakiramdam ko kapag siya ang kaharap.
"Jealous? Gusto mo na naman yatang mahalikan?" patuyang tanong niya
habang nakataas ang isang kilay.
"Ang kapal mo!" mabilis na tumalikod ako para alisan siya.
Hinigit niya agad ang siko ko at saka inilapit sa kanya. Sobra ang kabog
ng dibdib ko, naramdaman ko ang pagpulupot ng isang braso niya sa aking
baywang.
Napahugot ako ng malalim na hangin dahil sa kahingalan.
"Ang ganda mo ngayon, pero sana sa akin ka lang nagpapayakap..." bulong
niya sa aking tainga.
"Fuck! Lumayo ka!" aligagang sinabi ko at tinulak ang dibdib niya. "Hindi
ako nagpapayakap kahit kanino! Bwisit ka!"
He laughed huskily. Nanindig ang balahibo ko.
Lalong humigpit ang yakap niya sa aking baywang, ang isang kamay niya ay
humawak sa aking pisngi para magpantay ang aming tingin.
His smiled slowly.
"Grey..." Pasinghap na sambit ko.
"Give me a chance to court you,"
Napasinghap ako.
"Ayaw ko! Babaero ka! Hindi ako magpapaligaw sa katulad mo!"
Fuck fuck!
Damn it!
He chuckled.
"Babaero? Saan ako naging babaero? Sa pagkakaalam ko ikaw lang naman ang
babaeng nagustuhan ko..." nakangusong sinabi niya.
"Ayaw ko sa good boy!" mahinang bulong ko.
Ayaw ko nang masaktan. Ayaw ko na...
Kumunot ang noo niya at tumaas ang sulok ng labi.
"I'll be your badboy, then..."
Chapter 24
Yugto 22
Kabanata 22
Dumaan ang ilang buwan, natapos na rin ang aming higschool graduation at
ang bakasyon.
Hindi na ako nakaramdam ng kalungkutan, hindi ko rin alam kung bakit pero
hindi na pumapasok sa isip ko Gyro.
Hindi na rin ako nasasaktan kapag naririnig ang kanyang pangalan, ewan
ko. Basta nawalan ako ng pake. It's like I didn't know Gyro anymore.
Huminga ako nang malalim at saka humilata sa sofa. I stare at the
ceiling.
Ito ang nagagawa ko buong maghapon simula nang magbakasyon.
Wala naman na akong poproblemahin pa sa school na papasukan ko sa college
dahil doon din naman sa HU ang bagsak ko. Naming lahat.
Lumilipad na lang palagi ang isip ko kung saan saang lupalop, hindi ko
naman alam ang nararamdaman ko.
Muling huminga ako nang malalim, isinampa ko ang aking kaliwang paa sa
backrest ng sofang hinihigaan ko.
Inilapat ko ang aking palad sa dibdib ko at pinakiramdaman ang puso,
kalmado naman ito at hindi mabilis ang tibok.
Pero bakit kapag si Greyson na ang kaharap ko, naghuhurumentado na ito?
To think na wala naman siyang ginagawa.
Oo, kahit wala siyang ginagawa o kahit na hindi niya ako nilalapitan ay
malakas ang tibok ng puso ko everytime he was around, kahit nasa malayo
siya basta nakikita ng aking mga mata.
Tumitibok na ba ang mata ngayon?
Tsss, ang baduy, Riziane ah!
"Ugh! No! No! Please! Umalis ka sa isip ko!" padabog na nagpadyak padyak
ako ng paa habang napapasabunot sa aking buhok.
Hindi na ako natutuwa sa ikinikilos ng sistema ko kapag nakikita siya!
Naalala ko pa iyong nangyari noong nakaraan, fuck!
Para akong tanga noong makita ko siyang nagbabasketball tapos bigla
siyang lumapit sa akin, mabilis agad akong tumakbo para hindi niya lang
malapitan.
At kamalas malasang nadulas ako sa putikan! Grabe ang hiya ko noon. Lalo
pa noong malakas na pinagtawanan ako nang mga nakakita at ng mga hindot
kong pinsan!
Fuck that scene! Hindi ko sila mapapatawad!
Ayaw ko na, wala na akong mukhang ihaharap sa kanya! Sobrang nakakahiya!
Tatlong araw na akong nagtatago dito sa mansyon, hindi din ako lumalabas
ng kwarto kapag nadadaan dito sila Ixerr.
Inis na nagbuga ako nang hangin at saka padabog na bumalikwas ng higa.
"Ah!"
Napatili ako nang mahulog ako sa carpeted floor dahil sa pagdadabog ko,
putangina! Puro kamalasan na lang ba ako?
Kung hindi mabubuwal, madadapa, madudulas sa putikan. Ito naman ngayon?
Mahulog sa sahig?
Damn!
Ang sakit kayang mahulog, lalo na sa taong hindi ka sasaluhin.
Seriously, Riz!?
"Fuck! Fuck! Epal ka talaga Krince Greyson Moretz!"
Siya ang dahilan sa lahat ng kamalasang nangyayari sa aking ito!
Kasalanan niya! Basta basta na lang siyang pumapasok sa utak ko kaya ako
nagkakaganito!
Nawawala ang pagkalma sa akin, puro kaba na lang ang nararamdaman ko
tuwing naalala ko siya. Tuwing nag e-echo ang pangalan niya sa aking
tainga.
I heard a chuckle.
Mabilis na napalingon ako sa lapastangan na iyon. Kumalabog ng sobra ang
puso ko, nanlaki ang mga mata ko at umakyat lahat ng dugo sa aking mukha.
Walang mapaglagyan ang aking hiyang nararamdaman ngayon, hindi ko na alam
kung saan ako magtatago pa.
He was looking at me, nakataas ang kanyang isang kilay at bahagya siyang
yumuko para ilahad ang kanyang kamay sa akin.
"What did I do? Why am I suddenly became epal?"
Lalong nag init ang pisngi ko doon. Sa inis ko ay hindi ko tinanggap ang
kanyang kamay na nakalahad, mabilis sa alas kuatro na tumayo ako kahit na
masakit ang aking likuran.
"What the fuck are you doing here!?" I yelled.
Amusement was evident on him, he pouted a bit at saka umayos ng
pagkakatayo para harapin ako.
Todo ang kalabog ng dibdib ko, feeling ko lalabas na ang puso ko sa
sobrang pagtalon nito.
Ni hindi ko alam kung ano ang itsura ko! Hindi pa naman ako nag aayos
kapag nasa bahay lang! Bakit ba kasi siya narito?
He have my number! Hindi man lang siya nagtetext na pupunta siya!
Wait! What the hell? Ayaw ko ng text! Bwisit!
Pasimpleng chineck ko ang aking suot, fucking fuck! Naka pajama at halter
top lang ako! Magulo din ang buhok ko, malamang! Kakatayo ko lang sa
higaan.
Damn it, Riziane! Nakakahiya ka!
"Bakit ba kasi ako naging epal?" muling pagtatanong niya sa nanunuyang
tinig.
He's wearing a gray plaid t-shirt and a white sweatshorts, hindi na
kailangan bonggahan pa dahil talagang nakaka engganyo pa rin siyang
tingnan kahit yata basahan ang isuot!
Napalunok ako at matalim na tiningnan siya. Gusto kong suntukin ang ngisi
sa kanyang labing mapula dahil lalo lamang nag iinit ang pisngi ko.
Animal ka, Krince Greyson! What the hell have you done to me?
What the hell did you do with my broken heart back then? Bakit parang
buong buo ulit ako kapag kausap ka at kapag alam kong nariyan ka lang?
Fuck!
"Lumayas ka nga dito!" inis na tinulak ko ang kanyang braso para itaboy
siya.
"Eh! Ayaw!" parang batang sinabi niya at hindi nagpapatinag sa tulak ko.
The hell with him! Ang cute niya!
"Gusto mo! Dahil utos ko!" singhal ko.
He grinned.
"Oo nga, gusto nga kita. Hindi nga lang yata gusto, e-"
Nag init ang pisngi ko, mabilis na tinakpan ko ang bibig niya dahil
nakita ko ang dalawang kasambahay namin na nakatunghay sa amin at
naghahagikgikan.
Nakakainis! Ang daldal! Paulit ulit lang naman ang sinasabi!
Nanlilisik ang mga mata ko sa kanya.
Ganoon na lang ang paninindig ng balahibo ko nang maramdaman ko ang kamay
niyang gumapang sa aking palapulsuhan at saka iyon pumunta sa aking kamay
at pinasiklop niya iyon sa kanya.
He entwined our fingers as he kissed the back of my palm. Ginawa niya
iyon ng hindi inaalis sa akin ang kanyang seryosong mga mata.
Napasinghap ako, I'm shaking big time. Nanlalambot ang mga tuhod ko.
Gusto kong mahimatay at makatulog.
Nakakaliyo ang kanyang ginagawa sa akin. Hindi ako makakuha ng tamang
hangin dahil sa sobrang pagkalabog ng puso ko.
"Wh- what-" utal utal na sinabi ko kaya hininto ko ang pagsasalita ko.
Nagtaas siya ng kilay at saka niya ibinaba ang kamay namin, kumunot ang
noo niya nang maramdaman ang panginginig ko.
"Why are you shaking? Do you have a fever?" hinawakan niya ang aking noo
pagtapos ay sa leeg naman.
Shit!
"Nakakainis ka!" singhal ko sa nangangatog na tono. "Bakit ka ba ganyan?
Bakit mo 'to ginagawa sa akin?"
His forehead creased. Pagakalito ang nabasa ko sa kanyang ekspresyon.
Miski ako ay nalilito kung bakit niya ito ginagawa! Hindi kasi ako
naniniwala sa katulad niya, hindi ko na kayang paniwalaan pa sila.
Ayaw kong malugmok at umiyak muli sa huli, ayaw kong matulad ang nangyari
sa amin ni Gyro noon. Hindi ko na kaya pa.
"I told you that I like you," Umiling siya. "No, I'm in love with you,
Riziane!" seryosong sinabi niya.
My lips trembled.
Hindi ko makayang tingnan siya ng diretso dahil baka hindi ko na naman
mapigilan ang aking sariling tuluyang bumigay sa kanya.
Baka hindi na ako makapagpigil at pabayaan ang sarili kong mahulog sa
kanyang bitag, hindi. Hindi ko na hahayaang mangyari pa iyon.
I've been trying to avoid them just to protect myself from drowning, it's
hard to fall in love with someone who won't gonna hold me 'till the end.
No.
I don't want to be there again...
"Pero hindi kita gusto..." I said coldly as my heart aches. "At hinding
hindi, Grey..."
Ang sakit.
Lalo pa nang makita ko ang pagtataka sa kanyang inosenteng mukha, para
bang hindi siya naniniwala at alam ko rin namang nasaktan siya sa nasabi
ko.
Humigpit ang hawak niya sa aking kamay. Nangunot ang noo ko, nangingilid
na din ang luha sa gilid ng aking mga mata.
Ang hirap niyang saktan. Ang hirap niyang gamitan ng masasakit na salita,
parang hindi niya desever masaktan.
Hindi niya deserve ang masaktan ng kahit na sino, kahit pa ng katulad ko.
"Ano bang pinagsasabi mo?" aniya.
Umiling ako at dahan dahang binabawi ang aking kamay mula sa kanyang
pagkakahawak but he didn't let go.
"Hindi kita gusto at wala akong pakealam sa nararamdaman mo..." malamig
kong sinabi.
Shit! How could I be this heartless!? Paano ko natitiis na nakikitang
nasasaktan siya? Paano ko nasasabi ang mga masasakit na bagay?
Greyson doesn't deserve this, he doesn't deserve a woman like me! A
broken woman like me!
He deserves the best, he deserves a complete woman. Hindi iyong katulad
ko...
Dahil hindi ako sigurado kung mapupunan ko ang lahat ng maibibigay niyang
pagmamahal at kabutihan sa akin.
Hindi ako sigurado na maibibigay ko ang lahat ng pagmamahal at tiwala ko
sa kanya, mahirap iyon sa ngayon. Hindi ko pa kayang magmahal ulit ng
buo.
Humugot siya ng malalim na paghinga, alam kong nasasaktan siya. I could
feel it by just looking at his clear like water eyes.
Greyson is really transparent, you would see it if he's hurt or in pain.
At nagbibigay lalo iyon ng bigat sa aking dibdib.
Sorry, Greyson. Sorry but you're not for me and I'm not for you...
"Why are you saying those things?" mahinang tanong niya sa banayad pa
ring tono.
Damn you, good boy!
Huminga ako nang malalim, hindi ko binabawi ang aking kamay sa kanya.
Gusto kong maramdaman muna iyon, tutal 'di naman niya napapansin at hindi
pa rin siya kumakalas.
"Kasi iyon ang gusto kong sabihin, I will never like you-"
"Kasi good boy ako?" napapasinghap niyang tanong.
Napangisi siya ng mapait at saka kinagat ang kanyang pang ibabang labi
bago magsalita ulit.
"Damn, Riziane. Ni hindi ko na pinapansin ang kahit na sinong babae para
lang malaman mong kaya kong tumanggi sa kanila! I've been avoiding all of
them for you, because that is what you want!"
Sobrang sakit.
Oo, sinabi ko sa kanya iyon. Alam ko kasing lahat ng may gusto sa kanya
ay malapit sa kanya at ini-entertain naman niya.
Hindi ko naman alam na susundin niya ako!
Ang inaakala ko ay magiging katulad siya ni Gyro, iyong hindi kayang
tumanggi sa kahit na kanino. Iyong hindi iiwas sa tao dahil lang sa
sinabi mo.
I thought they were the same.
"Sinunod mo naman?" matapang kong tanong. "You shouldn't do what I have
told you! Hindi mo naman obligasyong sundin iyon!"
Lumunok ako, pinipigilan ko ang emosyon na kumawala dahil nasasaktan na
ako sa nakikita kong sakit na nababakas sa kanyang mga mata.
"Hah!" he scoffed. "Kasalanan ko pa pala ang magpakatanga sayo? Kasalanan
ko pa pala na sundin ka dahil 'yon ang paraan para magtiwala ka sa akin?"
he asked in disbelief.
"Gusto kong gawin at sundin lahat ng sasabihin mo, wala akong pakealam
kung magmukhang tanga man ako. But what is this? Why are you hurting me?"
seryosong tanong niya.
Unti unting nanlambot ang kanyang mga kamay sa pagkakahawak sa akin. Pero
hindi iyon bumibitiw.
"I don't wanna let you go, Riziane. Gusto kong patunayan sa'yo ang
intensyon ko, gusto kong makuha ang tiwala mo kaya ko ginagawa ang lahat
ng ito..."
Huminga ako ng napakalalim. Pigil na pigil ang mga luhang kumawala.
Bakit ganito siya? Bakit kailangan niyang patunayan pa iyon? E, alam ko
naman na wala siyang masamang intensyon.
The problem here is me, myself!
"E 'di h'wag mo nang gawin, hindi naman kailangan. Ayaw ko lang paasahin
ka sa wala dahil alam kong wala ka talagang pag-asa..." matalim na sinabi
ko.
Ako mismo'y nasasaktan at nababasag dahil doon.
Lalo pa akong nasaktan ng unti unti siyang kumalas sa aking kamay,
pakiramdam ko ako ang pinakatangang tao!
He inhaled sharply, tumingin siya sa akin at saka malungkot na ngumiti.
Hindi iyon umabot sa kanyang mga mata sa sobrang kalungkutan.
Fuck, it hurts. I'm so sorry...
Huminga siya nang napakalalim.
"Is that so?" aniya. "If that's the case then, I'll make you like me.
I'll make you fall for me, and I'll make you mine..."
Nanlaki ang mga mata ko, walang atubiling naglaglagan ang mga luha sa
aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan kahit na ganoon
ang kanyang sinabi.
Sakit nga ba ito? O saya?
Damn it.
"Grey..." nanghihinang sambit ko.
He licked his lips, marahang pinunasan niya ng kanyang daliri ang luha sa
aking pisngi at saka dahan dahan akong hinalikan sa noo.
"I'm sorry, hindi ko sinasadya maging tanga para sayo. Hindi ko
sinasadyang umasa, hindi ko sinasadyang mahalin ka." he said.
"Pero, Grey..." naiiyak na sambit ko.
"Nagpakatanga na rin naman ako, bakit hindi ko pa lubusin 'di ba?" he
chuckled. "Don't worry I won't force things to happen fast. Mamahalin
lang naman kita at hahayaan na kusang mahalin mo..."
Ngumiti siya at huminga ng malalim. Hinaplos niya ang pisngi ko at muling
kinuha ang kamay ko at hinalikan iyon.
"But for now, I'll get going. My heart is aching so bad, see you around,
Riziane..."
Bumuhos ang luha ko. Pinanuod ko ang kanyang pag alis, hindi ko kinakaya
ang lahat ng ito. Hindi ko kinakaya si Grey...
Fuck!
Chapter 25
Yugto 23
Kabanata 23
Napabuga ako ng hangin, marahan sinipa sipa ko ang batong nadaanan ko.
Nilalakad ko ang kahabaan ng aming street.
Ang sarap alalahanin lahat ng nakaraan. Ang sarap balik balikan pero
hindi ko maiwasan ang masaktan, kumikirot ang puso ko sa lahat ng iyon.
What if Gyro didn't friendzoned me years ago? Probably we're both happy
until now but I wouldn't be more happy knowing Greyson Moretz here now.
Don't get me wrong, masaya ako kung ako ang pinili ni Gyro. Masaya ako
kung naging kami, kasi mahal ko siya noon.
Mas magiging masaya nga lang na makilala si Grey, I mean, akala ko kasi
si Gyro na ang pinakamamahalin ko. Bata pa ako noon at sa kanya ko unang
naramdaman ang salitang pagmamahal.
Akala ko siya lang ang deserve ng puso ko noon, nagkamali ako roon dahil
mayroon pa palang Greyson na mas lalong nagpatibok ng puso kong binasag
ni Gyro.
Greyson is a human glue, tsss. Baduy na kung baduy pero iyon ang totoo.
Para siyang glue na pinagdikit dikit at binuo ulit ang nabasag kong puso.
Napangiti ako sa naisip.
Oo, kung hindi ako na friendzoned ni Gyro magiging masaya kaming dalawa.
Kung sana lang ay pinili niya ako, iyon nga lang ay hindi ako mas
magiging masaya na nakilala ko si Greyson.
Yeah right! I am more happy that he friendzoned me, because of that I had
the chance to know Greyson here.
Mas masaya ang alaala na nagmahal ako ng isang Greyson, kesa noong
nagmahal ako ng isang Gyro. They were both good boys with different
versions and principles.
If I would choose between them, I would love to choose Greyson over and
over again...
Greyson is a good boy, good boy na kayang magpaka bad boy para sa akin.
Alam ko iyon dahil ilang beses na niyang napatunayan at gagawin niya iyon
kahit magmukhang tanga na.
Iyong tipo na hindi siya nakikipag usap kahit kanino? Damn! Hindi talaga
siya nakipag usap ng mahigit tatlong buwan noon para mapatunayan lang na
kaya niyang baguhin iyon.
I was selfish way back, iyon ang naging kapalit ng pagkausap ko sa kanya.
He acted cold and snob! Kahit sino ang lumapit sa kanya ay wala sa kanya,
parang hangin lang kumabaga.
Maraming nakakapansin noon, lalo na sila Tia. Iyon nga lang ang problema,
hindi niya kayang iwasan si Tia. Hindi niya iyon naiwasan at wala siyang
planong iwasan dahil hindi naman niya alam na mayroong gusto si Tia sa
kanya.
So... doubts in my head ate me again...
Para saan pa at sinabi kong iwasan niya ang lahat? Kaya ko nga sinabi
iyon para iwasan niya ang mga may gusto sa kanya at kasama si Tia doon.
Tsss.
And Gyro is a good boy with principles, hindi mo siya mapapabago sa kung
anong ugali ang mayroon siya. Kung ano mo siyang nakilala ay iyon siya,
naniniwala akong minahal niya ako noon.
Pinaramdam naman niya sa akin iyon, pinaramdam na may kahalong sakit.
Nakakatawa na lang talaga kapag naalala ko kung paano pa ako nagmakaawa
sa kanya na ako ang piliin niya.
When Greyson was just here in the Philippines who's ready to catch me
without begging him to choose me without thinking twice!
Ang saya 'di ba!
Hindi ko kailangan magmakaawa kay Greyson na piliin ako dahil ako lang
naman ang choice niya. Iyon ang pinaramdam niya sa akin.
Fuck that! Damn that Greyson Moretz. Ang sarap magmahal ng katulad niya,
oh no! Magmahal ng Greyson ang tamang salita para doon.
I'm in love with him, seriously. All of the shits I was doing these past
years were nothing but lies and pure act!
Oo, lahat.
Ang pagiging heartless ko sa kanya, ang parati kong pag reject sa kanya,
ang pananakit ko sa kanya? Lahat iyon ay iniiyak ko kapag nag-iisa na
lang ako.
Ewan ko ba.
Basta ayaw ko sa kanya, gusto kong maging maayos muna ako. Gusto ko iyong
wala na akong what if's and doubts sa isip ko.
I'm completely in love but without trust and loyalty, naghahalo pa rin sa
isip at puso ko ang lahat ng nangyari at kinahinatnan namin ni Gyro, e.
Tanga ng kung tanga, I have my own plans...
All these time akala niya siguro wala talaga siyang pag-asa kahit
katiting, hindi niya alam matindi lang talaga ang pagpipigil kong masabi
sa kanya na mahal ko siya.
Because one pain is enough for me, the pain I felt with Gyro back then.
Ayaw ko nang masaktan ng pangalawang beses pa. Sakit lang tama na. Pag
dalawa kasi, sakit sakit na iyon.
Psh! Baduyan mo pa!
Nangunot ang noo ko nang matanaw ko si Ten, nakaupo siya sa porch swing
sa tabi ng mansyon nila Tia.
I don't even know why I'm here! Hindi ko alam na dinala ako ng aking mga
paa dito sa village na ito, hindi pa nga kami maayos ng pamilya at mga
pinsan ko!
Nagtago ako sa isang puno para sana gulatin si Ten doon sa porch swing,
pero napahinto ako sa akmang panggulat dahil nakita kong nakatanaw si Ten
sa dalawang tao.
Mula sa gate nila Tia!
Naroon si Tia at... Greyson? Yes, it's Greyson.
Kumunot ang noo ko, kumalabog ang puso ko sa sobrang kaba na hindi ko
malaman kung saan nagmula.
Gusto kong manlambot dahil hindi ko inaasahan ang lahat na ito, hinalikan
ni Greyson si Tia. No, they are kissing!
Ang sakit! Putangina!
Bakit ganitong tagpo pa ang kailangan kong matunghayan? Bakit ganito pa?
Kakasabi ko lang na ayaw ko nang masaktan pero ito, tripleng sakit pa
pala ang mararanasan ko.
Tangina bakit ba kasi ako nandito? Bakit ako pumunta dito? Is this a
God's will? Ang magising ako sa katotohanan na sila talaga ang para sa
isa't isa?
Sobrang sakit ng mga mata ko, ng puso at damdamin ko. Ang sakit ng utak
ko sa pag iisip ng mga katanungan at sariling kasagutan.
Why do you have to hurt me triple fucking times?
This pain I'm feeling right now is unbearable, sobrang sakit na kahit ako
mismo'y hindi naramdaman na bumubuhos na ang aking mga luha.
Tahimik na nag uunahan sa pagbaba ang aking mga luha. Luha dulot ng sakit
sa aking natutunghayan, hindi ko alam kung anong klase ng sakit ito.
Kakaiba, e. Hindi na katulad noong una. Ngayon ay tripleng saksak sa puso
ang nararamdaman ko, ganoon kasakit ito.
Ano bang mayroon? Sila na? Narealize ba ni Grey na si Tia talaga at hindi
ako? Kung sabagay hinihintay lang naman talaga siya ni Tia, samantalang
sa akin puro sakit lang ang nakukuha niya.
Fuck!
This is all my fault, wala namang ibang may kasalanan kung bakit ako
nasasaktan at umiiyak ngayon kundi ako lang.
Wala, e. Hindi ko hinawakan, hindi ko sinecure. Sinaktan ko pa nga, e.
Maybe he deserve someone, someone who'll love him without doubts.
Like Tia...
Isa sa mga dahilan si Tia kung bakit ayaw ko pa kay Greyson, ito na ang
hinihintay ko. Ang magkaroon silang dalawa ng oras sa isa't isa at makita
nila ang bawat isa.
So, ito na pala. Plano na ito ni God para sa akin, para sa aming tatlo.
Sa akin, kay Tia at kay Greyson.
Huminga ako nang malalim at tahimik na pumasok sa mansyon, hindi ko na
kayang maglakad pa ulit para lang sa unit ako makauwi ngayong gabi.
Wala na akong lakas, pagkaalis ni Greyson kanina ay pumasok na rin ako ng
mansyon. Gusto kong magpahinga at matulog ng tatlong buwan, so that I've
moved on when I wake up.
Hay!
Nagising ako kinabukasan na mugto ang mga mata, walang gana na bumaba ako
para makakain dahil kumakalam na ang sikmura ko.
Kailangan kong kumain, kung hindi ako kakain ano pa ang kahihinatnan ko?
Nasaktan na nga gutom pa, ganoon? Tsss.
Wala naman kay Greyson ang pagkain ko, pero nasa kanya ang puso ko at
dinurog niya iyon na hindi ko akalaing magagawa niya.
Marami talagang nasasaktan ng lintek na maling akala.
Inakala ko rin iyon kay Gyro noon, e. Akala ko hindi niya ako sasaktan, I
guess good boys now have the same mind. Choosing their bestfriends, of
course.
Sigurado ang saya ni Tia dahil sila na ni Greyson, syempre tagal na
niyang mahal si Greyson. Kaya ngayong nakita na siya ni Greyson, dapat
maging masaya talaga siya.
Minsan lang ang isang Greyson sa buhay, siya lang ang nag iisa. Doon ako
sigurado, kaya naman naiintindihan ko na nasa huli talaga ang pagsisisi.
Tsss.
"Ma'am Riziane!"
Walang ganang napairap ako sa kawala nang madinig ang sigaw ni Nelia,
iyong kasambahay namin. Parang gulat na gulat pang nandito ako!
Tumungo ako sa dining area, nag aayos ng umagahan doon si Jelai habang si
Nelia naman ay nakasunod sa akin.
"Si Ma'am Riz!" ani Nelia sa maganang tinig.
Napatingin sa akin si Jelai, halos mailaglag niya ang hawak niyang mga
kubyertos na inaayos sa dining table at nanlalaki ang mga mata habang
nakatingin sa akin.
Napangiwi ako at naupo na, kumuha ako ng tinidor at tinusok ang hotdog
para kainin iyon.
"Bahay namin 'to, masamang narito ako?" sarkastikong sinabi ko at saka
kumagat sa hotdog.
Napakurap kurap silang dalawa. Nangilid ang luha sa mata ni Jelai at
parang batang napanguso sa akin. Pinasadahan niya ako ng tingin.
Aish!
"Bessy!" nakanguso at pamaktol na bigkas niya.
The eff!
Gusto ko sanang matawa pero kapag naalala ko si Greyson at Tia ay
nawawalan ako ng gana sumaya o kahit na tumawa man lang.
Tsss.
Ngumising aso ako at nagtaas baba ng kilay.
"Ganyan ba kayo mag welcome back? Inaasahan ko pa naman na may balloons
at cake dito! Hotdog and bacons lang pala? Tsss." ismid ko.
Nakita ko ang pagluha nilang dalawa, doon na ako natawa nang malakas.
"Namiss ka namin!"
Halos mapaubo ako nang dambahin nila ako ng yakap, sobrang higpit na
akala mo'y papatayin nila ako sa yakap. Naubo ako at sumigaw.
"Ano ba! Namiss pero pinapatay n'yo ako! Mas lalo n'yo akong mamimiss pag
ganoon!" singhal ko.
Malakas na binatukan ako ni Nelia, nalaglag ang panga ko dahil sa
pagkagulat. Seriously!? Hah! Kailan pa ako nabatukan?
"H'wag kang magsalita ng ganyan! Akala namin patay ka na talaga!" singhal
niya.
Nanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya, tatawa tawa naman
si Jelai sa gilid habang nakatingin sa akin.
"Patay? Grabe kayo, ha! I'm a bad grass! Hindi pa mangyayari iyon..."
malapit pa lang dahil sa sakit na binigay ni Greyson.
"Tsss, akala namin na gang rape ka o ano! Sa ganda mo 'yan, hindi malabo
'yon. Naku! Ikaw talagang bata ka, bakit kasi naglayas ka!" sermon ni
Jelai.
Napangiwi ako, muling kumagat ako sa hotdog at saka ininom ang gatas bago
sila sagutin. Masyado na akong gutom para makipagdaldalan sa kanila na
walang laman ang sikmura.
"Rape? Ano bang mga kamanyakan ang pinag iisip n'yo? Nasa condo ako with
high security! Mahirap ba kami? Mahirap?" sarkastikong tanong ko.
Kumunot ang noo ni Nelia.
"Kaya pala hindi ka pinapahanap o hinahanap ni Ser Jozz at Ma'am Kwin
dahil nasa iyong condo ka lang? Kaya pala hindi ko sila nakikitaan ng
pag-aalala." aniya.
Napahugot ako nang malalim na hininga. Dumadagdag pa iyon sa sakit na
nararamdaman ko.
Nagyuko ako ng ulo at tipid na ngumiti.
"Oo, alam naman nilang safe ako doon. Kaya nga hindi rin ako nakatanggap
ng isang text o tawag sa kanila..." kunwaring natatawang sambit ko.
Kumunot ang noo nilang dalawa, siniko ni Jelai si Nelia. Alam ko na ang
ibig sabihin noon, hindi na kailangan pang sabihin.
Totoong hindi ako nakatanggap miski isang text o tawag mula kay Mommy at
Daddy, maramdaman lang na hindi sila nag aalala at wala silang pakealam
sa akin ay masakit na talaga.
Pero wala akong magagawa, kasalanan ko kung bakit. Pero saan naman ang
naging tuloy ko? Dito pa rin naman ako umuwi at uuwi sa huli.
Sila pa rin ang hahanapin ko, sila pa rin ang pamilya ko. Sila pa rin ang
tutuluyan ko sa oras ng kalungkutan at nasasaktan ako.
Pero sa tingin ko'y wala silang pakealam sa akin ngayon, alam kong galit
sila at alam kong alam na nila ang nagawa kong kasalanan.
"You're back..."
Bahagyang napatigil ang paghinga ko nang madinig ko ang boses ni Mommy,
nilingon ko siya agad. Nakatayo siya sa entrada ng aming dining area
habang diretso ang tingin sa akin.
Hindi ko mabasa ang kanyang ekspresyon, masyadong halo halo ang nakikita
ko. Hindi ko alam kung lamang ang kalungkutan, pangungulila o panlalamig.
Damn.
Nagyuko ng ulo sila Jelai at Nelia sa gilid. Huminga ako nang malalim at
ngumiti kay Mommy, pero nawala ang ngiti ko nang makita ko na si Daddy sa
kanyang likuran.
Malamig ang tanging reaksyon na nakikita ko sa kanya, masakit sa mata at
puso. Grabe, parang gusto na ako patayin ng heartaches.
"Daddy..." nanginginig ang boses na sambit ko.
Tumaas ang isang kilay niya.
"Kilala mo pa pala ako?" sarkastiko at malamig niyang tanong.
Napalunok ako at marahang napatango ng tipid.
"I'm sorry..."
"Mind to tell us where your sorry for?" baritonong tanong niya.
Doon ako kinabahan. Hindi ako makahanap ng tamang salita at pag amin,
kinakabahan ako ng sobra at nasasaktan sa nararamdaman ko.
Nag init ang paligid ng mga mata ko.
"I broke a rule..."
Tumaas ang kilay niya, ganoon din ang sulok ng kanyang labi. Alam kong
mayroon siyang galit. Ramdam ko naman iyon.
Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang panginginig nito.
"Uhuh... And?" muling untag niya.
"And... Dad, please. Hindi ko pa po kaya sa harapan ninyo..." buntong
hininga ko.
Hindi ako sanay sa daddy kong nasa harapan ko ngayon, kakaiba iyon dahil
parati ko lang siyang nakikitang jolly at walang galit kahit kanino kaya
nakakapanibago.
"Kami ang mag aadjust kung ganoon?" sarkastikong tanong niya.
Yumuko ako at umiling, pigil ang emosyon.
"Daddy, Mama. I'm sorry, alam kong malaki ang kasalanang nagawa ko.
Naiintindihan ko kung hindi ninyo ako mapapatawad sa ngayon."
"Why did you do those kind of things, Riziane? I know that you have
reasons why, hindi mahirap kung ipapaliwanag mo sa amin ang lahat. Sino
ba kami?" si Mommy, naiiyak na tono.
Geez...
Suminghap ako at lumunok dahil sa panunuyo ng aking lalamunan.
"Ma- magulo po, Ma. Hindi din ninyo maiintindihan, kailangan ko pang
hanapin ang sarili ko-"
"At nahanap mo sa pagpatol sa kapwa mo?" mariing tanong ni Mommy.
"Nahanap mo sa pagpatol sa babae?"
Shit.
So, they really did tell my parents about it.
Panlulumo ang nararamdaman ko at kalungkutan, saan pa ba ako kukuha ng
emosyon para dito?
"Ma, I don't even know! I am messed," Nahihirapang sinabi ko. "Totoo ang
lahat pero hindi ko kayang ipaliwanag pa... sa ngayon, I'm sorry..."
Nagyuko ako ng ulo, nagbagsakan ang mga luha ko. Mabilis na tumalikod na
ako at nagmadaling umalis sa dining area.
Fuck.
Bakit puro na lang kamalasan at sakit?
Chapter 26
Yugto 24
Kabanata 24
Huminga ako nang napakalalim bago magtungo sa dining area kung nasaan
sila Mommy at Daddy, nag uumagahan.
I'm wearing a light blue scrub suit, full uniform. Uniporme ito ng EGH
interns like me, nakapusod na maayos din aking mahabang buhok, marami
rami pa ang oras na kailangan kong matapos.
Ang pag aassist kasi sa mga doktor ang aking nagmistulang on the job
training, ayos naman iyon kung tutuusin dahil hindi ako handa sa mga
actual na ako ang nag oopera o ano.
Naisip ko na nga na hindi na ako kukuha ng specialization sa ibang bansa,
mag nunurse na lang ako at mag aassist sa mga doktor dahil hindi rin
naman kaya ng sikmura ko ang mga
gawain ng doktor.
Pre-med lang naman ang kinuha ko, isa pa mukhang malayo pa ang lalakbayin
ko bago maging doktor. Ayaw ko na mag aral ng mahabang taon.
Tanging tunog ng kubyertos nila ang naririnig ko, hindi ko alam kung
bakit parang naging tahimik ang mansyon.
Nalulungkot din kaya sila noong mawala ako ng ilang buwan? Tsss, asa pa
ako. Nasabi na nga nila Nelia na hindi daw ako hinahanap nila Mommy at
Daddy.
Panay ang paghinga ko nang malalim nang marating ko ang dining area.
Parang naramdaman nila agad ang pagdating ko.
Napahinto sa pagkain si Mama nang lingunin ako, si Daddy naman ay walang
pakealam at tahimik lang na pinagpatuloy ang kanyang pagkain kahit
naramdaman na ang aking presensya.
Sa buong buhay ko, sa loob ng 22 years ay ngayon ko lang naramdaman ang
panlalamig ni Daddy sa akin. Ngayon ko lang siya nakitang kaya akong
tiisin.
Hindi ako sanay ng ganito siya sa akin, ang hirap tanggapin at talagang
napakabigat sa damdamin nito.
I feel so lonely and empty, masakit na ang puso ko kagabi pero nadagdagan
pa lalo ngayon dahil itinuturing akong hangin ni Daddy.
Kasalanan mo iyan, Riz. Huwag ka nang magtaka dahil lahat iyan ay
kagagawan mo, walang iba kundi ikaw lang.
"Kumain ka na, bago pumasok..." kaswal na anyaya ni Mama.
"Hin-"
"Eat, Riziane." mariin na tinig ni Daddy iyon.
Kumalabog ang dibdib ko, hindi alam ang magiging kilos pero bumuntong
hininga na lamang ako at saka naupo para sumabay sa kanila.
Mama's wearing a white longsleeves polo and a black pencil skirt, ang
kanyang white coat ay nasa likuran ng isang upuan. My Mama is a
dermatologist, iyon ang kanyang specialization na tinapos.
Kaya naman nagpapasalamat ako sa kanya dahil sa makinis kong kutis at
mukha, halos lahat din ng pinsan kong babae ay siya ang dermatologist.
Ganoon din si Ixerr at Zydein, iyong iba naman ay wala nang arte kaya
hindi na kailangan tutal makikinis na daw sila. Tsss.
Si Daddy naman ay CEO na sa kanilang kumpanya na nagmula sa pamamahala ni
Lolo. Iyong kapatid niyang si Tito Jazrel naman ay Engineer, si Tito
Akizeo ay Surgeon at si Tita Alzaina ang kanilang bunsong kapatid ay nasa
America naninirahan kasama ang kanyang pamilya.
Sila ang hindi malapit sa pamilyang Saavedra dahil nasanay iyon sa
pamilya ng asawa ni Tita Alzaina, kung tutuusin ay pinsan ko silang buo
pero hindi ko pa nasilayan kahit isang beses.
Miski sa facebook ay hindi ko sila nakikita dahil masyadong private life,
tsss.
Tumikhim si Daddy.
Napakurap kurap ako at tumuwid sa pagkakaupo, malapit na akong matapos sa
pagkain ko. Wala naman kasi akong gana.
"What have you been doing these past few months?"
"Nothing much, po. Nasa condo lang ako namamalagi." kaswal na sagot ko, I
took a sipped on my orange juice.
Wala naman talaga akong nagagawa nitong nakaraang buwan simula pa noong
maghiwalay kami ni Tiara, hindi na nga din ako gaanong nagbabar. School
at unit ko lang ang diretso ko parati.
Ewan ko, nawalan na ako ng gana sa buhay. Pero maayos pa rin naman ang
pag-aaral ko at mini-maintain ang nga grado. Mahirap na baka maging
kahihiyan na naman ako sa pamilyang ito.
Nagtaas siya ng isang kilay, prenteng kinuha niya ang table napkin at
pinunasan ang kanyang labi.
"With your girlfriend?" malamig na tanong niya, ikagulat ko iyon dahil sa
kapormalan.
Para bang wala siyang problema doon at hindi niya ako pinipigilan sa mga
gusto ko o mga gusto kong gawin.
Umiling ako.
"Wala na kami, Da..." I sighed.
"And you're sad because of that?"
Kumunot ang noo ko sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang kinain niya pero
Afritadang manok ang ulam namin ngayon.
Wait, did Jealai put some gayuma on this Afritada?
Posible iyon! Hindi nga kaya? Wow!
Umiling ako at bumuntong hininga, nakatunghay lang si Mama sa amin at
nakikinig sa usapan. Miski tapos na siyang kumain.
"Hindi, po. Natanggap ko na hindi kami pwede at hinding hindi pupwede..."
sinserong sinabi ko. "So, she broke up with me to clear her name..."
Tumaas ang sulok ng kanyang labi, damn it! Bakit parang amused pa siya sa
lahat ng ginawa ko? Akala ko ba galit sila sa akin tungkol roon?
"Oh yeah? Have you realized that you're a woman?"
Naguluhan ako doon.
"Bisexual ako, Da..." pag amin ko.
Marahang natawa siya at tila hindi naniniwala sa akin.
Shit!
"You think I'd believe that? I am your father, Quin Riziane. Babae kang
iniluwal, babae ka habang buhay..." ngumisi siya.
I gasped. "Dad, totoo 'yon. I was attracted to women..."
Hindi ko alam kung bakit parang hindi talaga siya naniniwala sa akin,
para bang mas higit niyang alam ang nararamdaman ko kesa sa sarili ko.
Umiling siya.
"You just did that to just conceal your own feelings. That's the truth
behind that shit you did, Riziane. You were no bisexual or what... And
you will never be." naiiling niyang sinabi.
Hindi ko alam ang sinasabi niya, masyado siyang makata at malalim na
kahit yata si Tito Akizeo ay hindi siya makukuha dahil sa pagkalalim
niya.
Ano iyon? Mas alam pa niya ang nasa puso ko kesa sa sarili ko? Ang alam
ko'y minahal ko Tiara. Mamahalin ko ba siya kung straight ako? Hindi, 'di
ba?
Huminga siya nang malalim.
"I know you're in love with someone in the very first place. Kaya sa
tingin mo ba'y maniniwala ako dyan sa sinasabi mo?" nagtaas siya ng
kilay.
Kumalabog ang puso ko sa sobrang kaba. Ibinaba ko ang aking kubyertos at
saka uminom ng tubig.
"Pero, Dad. Nagka girlfriend ako..."
Tumango siya at bahahyang ngumuso.
"I know, everybody knows that. At alam kong hindi mo lang maamin sa
sarili mo ang totoo mong nararamdaman." nagkibit siya ng balikat at
ngumisi. "Pumasok ka na, you'll be late..."
Tulala at lutang ako kahit nasa duty na, mabuti na lang at hindi gaanong
marami ang record cases. Hindi toxic ang duty ko, gusto ganito lang
palagi para hindi ako napapagod.
Tsss.
Pero ngayon parang gusto kong lunurin ang sarili ko para lang maging
maayos at hindi magflash back sa isip ko ang imahe ni Tia at Greyson.
Sobrang sakit, kung noong una ay nasaktan din ako ng sobra? Ngayon naging
triple iyon, sa ilang taon ba naman na nagkakasama kami at nasa paligid
ko lang siya?
Masyado nga siguro akong naging kampante sa mga bagay bagay, masyado
akong naging kampante na sa akin si Greyson at walang makakakuha sa
kanya.
Kasi iyon naman ang pinaramdam niya sa akin, e. Kasi kung mahuhulog naman
siya kay Tia ay sana noon pa nangyari at noon pa niya nagawa.
Pero hindi, e. Malaking katanungan sa isip ko kung bakit ngayon lang?
Bakit ngayon lang niya narealize na si Tia pala?
Ano iyon?
Ako ba ang napaglaruan dito? Alam kong in love si Tia sa kanya at alam
kong hindi imposible na ganoon din ang nararamdaman ni Greyson sa kanya.
Huminga ako nang malalim, ngumiti ako sa lalaking kinukuhanan ko ng blood
pressure. Para siyang na namangha sa ginawa kong iyon.
Tsss.
"120 over 80, Sir..." magalang na sinabi ko.
Ideal naman iyon, hindi mababa at hindi rin naman mataas. So, it's
normal. Base din naman sa pasyenteng ito ay hindi naman mukhang
highblood.
Mukhang binata naman siya at mukhang hindi highblood, makikita mo naman
base sa kanyang itsura at pangangatawan.
Napakurap kurap siya at parang nagigising sa panaginip na tumikhim.
"Thank you..." aniya.
Tumango na lamang ako at saka lumabas na sa kanyang kwarto, nasa VIP room
pa talaga siya, ha. Hindi ko alam ang case noon.
Pumasok ako sa nurse's station ulit. Nangunot ang noo ko at saka binasa
ang kanyang case record. Umupo ako sa isang upuan at tahimik na binasa
ang record.
Under pala siya ni Doctor Rouseff at si Ixerr Saavedra ang assistant
doctor niya. Wow, so may disorder pala ang lalaking iyon?
Mukhang nagsasanay na si Ixerr sa mga ganoong sakit, ah. Balak na niya
noon pa na maging psychiatrist, e. Bagay naman sa kanya, plus magaling
siya sa usapang Psycho.
Kaya ang daming babaeng nasa-psycho, e. Hindi na nakakapagtaka, pagtapos
kong macheck ang mga hawak kong case records ay nag lunch break na.
Tahimik ang buong hallway ng sixth floor kaya naman doon ako palaging
nagtatambay at kumakain kapag lunch break, hindi ko kasi type sa
cafeteria ng EGH at ayaw ko na din lumabas mg EGH para sa fast food
kumain.
Masyadong mainit ang sikat ng araw, akala mo palaging galit sa mundo at
sinusunog ang ozone layer ng earth. Kung tutuusin pwede na nga magprito
ng itlog doon, ibilad mo lang.
Tumunog ang elevator, iyon ang hudyat na magbubukas na iyon. Nagpamulsa
ako sa aking scrub suit at hinintay ang pagbukas noon.
Tinanggal ko ang aking facemask at inilagay iyon sa bulsa, pasipol sipol
pa ako nang bumukas ang elevator.
Halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang makitang si Greyson ang naroon.
He's wearing a gray sweatshirt and a black ripped jeans, nakapamulsa ang
isang kamay niya doon at ang isa namang kamay niya'y nilalaro ang kanyang
pang ibabang labi.
Kapwa kaming gulat ang reaksyon, napakurap kurap siya at saka sumilay ang
ngiti sa labi.
"Riziane..." he called gently, smiling.
The hell with that genuine smile! Sa lahat na lang ba ibinibigay niya
iyon? Bwisit siya! Babaero siya! Siya ang tunay na playboy!
Mabilis ang tibok ng puso ko, hindi ko mawari kung sa galit ba o ano.
Basta ramdam ko ang malapit ng paglabas ng puso ko mula sa katawan ko.
I composed myself, I keep calm and stern. Prenteng pumasok ako doon na
parang walang Greyson na nakita.
Pinindot ko ang sixth floor, nakita kong nakailaw doon ang fourth floor.
Malamang doon ang destinasyon niya.
Nandito pa rin ba si Tita? Ang alam ko highblood lang iyon, ah? Bakit ang
tagal naman yatang na admit?
Salamin ang buong elevator nito kaya kita ko pa rin siya kahit na diretso
lang ang aking tingin. Nakatingin siya sa akin gamit ang nangungusap at
nalilitong mga mata.
His forehead creased.
"May problema ka na naman ba sa akin?" tanong niya sa kaswal na tinig.
Hindi ko siya pinansin. Pero grabe ang kalabog ng puso ko, mayroong parte
sa akin na gusto siyang sapakin sa nguso para hindi na makahalik kay Tia
na nobya niya!
Tsss, selfish pa rin ako pagdating sayo! Ulol, pinaasa kita pero pinaasa
mo rin ako na sa akin ka at wala kang ibang gusto kundi ako lang.
Pero ano ito, huh?
Gusto kong i-voice ang lahat ng nasa isip ko para malaman niyang
nasasaktan ako, makita pa lang siya ngayon at maisip na mayroon ng sila
ni Tia ay nababasag na ako at nadudurog sa maliliit na piraso.
Masakit isipin, pero kailangang tanggapin. Siguro ay nagsawa na siya sa
pagpapaktanga niya sa akin. Nagsawa na siyang umasa dahil wala naman
akong binibigay ni katiting na pag asa.
Tsss.
Bahala ka sa drama mo, Riziane. Hindi na niyan maibabalik ang gintong
sinayang mo. Ginto na naging bato pa.
Naiinggit ako kay Tia, bakit lahat sa kanya na lang? Bakit lahat siya ang
paborito? Bakit lahat siya ang pinapaboran? Sa tingin ko siya din ang
pinaboran ng Diyos ngayon.
Ginto ang ibinigay sa kanya, e. Ginto si Greyson, alam ko namang iingatan
siya ni Tia, e. Pababayaan ko na lang siguro kahit masakit pa.
Kumunot ang noo niya, napasinghap siya ng bahagya at saka tumagilid para
harapin ako. Nakita ko ang pangamba sa kanyang mga mata.
Namaywang siya at saka pinasadahan ng daliri ang kanyang malambot na
buhok.
Gusto kong mapasinghap doon, nanghihina ang aking tuhod sa bawat kilos
niyang ginagawa. Simple man o hindi. Wala mang kwenta o mayroon.
Damn you, Greyson. Why do you have to be that handsome? Ang gwapo mo na
nga sa ugali mo, lalo pa noong pinapagwapo ang inosenten mong mukha.
Hay.
"Riziane, will you please talk? Sabihin mo kung ano pa ang dapat kong
gawin, hindi 'yong ganyan ka na naman! Ang hirap, e. Hindi ko alam kung
saan ako lulugar." malumanay na sinabi niya.
Kung ako ang nasa kinatatayuan niya'y baka napikon na ako at sinapak ang
kausap kong walang pakealam, pero siya? Hindi, e. Wala yatang ng eexist
na salitang galit sa kanya.
Huminga ako nang malalim.
"Lumugar ka sa tamang lugar para sayo, hindi 'yong para kang langaw na
umaaligid sa akin. Tsss..." mapait kong sinabi.
Lalong kumunot ang noo niya. Halatang hindi maintindihan ang nais kong
sabihin.
Nagmamalalim ako ngayon, e. Pake niya ba?
"What?" he sighed. "I know that you are my right destination and right
place, Riz. Saan pa ako lulugar kung ang sarili kong destinasyon ay ayaw
sa akin?" mapait ngunit banayad iyon.
Ang sarap pakinggan, pero putangina sinasaktan niya ako! Ginagawa niya ba
akong tanga? Pwes, hindi ako tanga at hindi ako magpapaloko.
Malalim ako na huminga at saka tumagilid din para maharap siya, nagtaas
ako ng kilay at ngumisi sa kanya.
"Really, huh?" I asked sarcastically. "E, kung ilugar kita dito sa
ospital dahil babasagin ko ang nguso mo ngayon?"
Napangiwi siya doon at bahagyang umayos ng pagkakatayo. Pinakatitigan
niya ako na parang naninimbang.
Tsss, loko loko! Epal! Siraulo! Manloloko! Ikaw lahat 'yan, Greyson! Taga
mo sa balls mo!
"Huh? Bakit? What the hell did I do? Babasagin mo ang nguso ko?" taas
kilay niyang tanong. "Papayag ako basta hahalikan muna kita, ano? Deal?"
Fuck! Fuck you!
Nagtiim bagang ako at saka malakas na sinampal ang pisngi niya. Halos
mamanhid ang palad ko dahil sa lakas noon. Agad ding namula ang pisngi
niya.
Nakapikit siya ng mariin at saka bumuga ng hangin, wala akong mabakas na
inis o pagtitimpi sa kanya. Walang kahit na ano.
"Where the heck is that for, Riz?" this time, he's serious and stern
while looking at me.
Hinipan ko ang palad ko at saka ngumisi sa kanya, nakita ko ang pait sa
kanyang mga mata.
"Gusto ko lang, masakit ba?"
Huminga siya nang malalim at saka hinilot ang sentido niya. He licked his
lower lip and then sighed.
"Ganyan ka ba kasakit magmahal? Hindi lang emosyon, pisikal pa?" marahang
natawa siya ng sarkastiko. "Hindi ko na alam kung hanggang saan pa ang
itatagal ko, tangina." pabulong na ang huling salita na iyon.
"Tangina mo din pala, e! Hindi ko naman sinabing umabot ka ng ilang taon
sa pagpapakatanga 'di ba?"
Natigil ako. Tumunog ang elevator, ngayon ko lang napansin na nasa fourth
floor na iyon. Hindi siya bumaba, mabilis na pinindot niya ang button
doon para magsara ang pintuan.
Naging mabilis ang paghinga ko sa kaba. Hindi nawala ang seryosong
ekspresyon sa kanyang mukha, kasama ang sakit at poot doon.
"Gago ka ba? Tangina mo! Umalis ka na dito! H'wag mo akong sundan at
pilitin saktan ka ulit!"
Damn it!
He gasped.
"Will you stop cursing!?" singhal niya.
"E 'di murahin mo rin ako! Tangina mo pala, e!" inis na sigaw ko.
Wala akong pakealam mung may CCTV rito o ano, gusto kong ilabas ang galit
ko.
Galit sa katotohanan na hindi na siya akin at may iba nang nagmamay-ari
sa kanya! Truth fucking hurts!
Napapikit siya ng mariin at parang nagpipigil ng pagkapikon.
"I won't curse you, never. Hindi ko kayang murahin ka, ang kaya ko lang
ay ang mahalin ka..." napapailing na sabi niya.
Napasinghap ako sa kawalan ng pasensya, normal bang kiligin ako pero
galit ang gusto kong ilabas?
Fuck! Normal iyon sa akin ngayon!
"Greyson! Tigilan mo ako! Pwede ba? Tigilan mo na! Hindi na ako
maniniwala sa'yo-"
"Hindi naman kita pinipilit maniwala sa akin dahil alam mo sa sarili mong
naniniwala ka naman. Tsss, stop pretending, will you?" he said.
Napaawang ang labi ko.
"Pretending? I'm not pretending! Sa sobrang kapal ng mukha mo tinalo mo
pa ang encyclopedia!"
Bumuntong hininga siya at malamlam ang mga matang tumitig sa akin, hindi
ko mabasa ang sakit doon.
"Yes, you are pretending that you're not in love with me when I could
clearly feel you and see it in your eyes!" inis na sinabi niya.
Hindi ako makapagsalita, hindi ko alam ang sasabihin ko. Pero nag init
ulit ang dugo ko nang mapatingin ako sa kanyang labi.
"E, ano ngayon sa'yo?" pag amin ko sa galit na tono.
Tumaas ang sulok ng kanyang labi. Pasinghap na natawa siya, nakita ko pa
ang pagkislap ng kanyang mga mata na para bang hindi siya makapaniwala.
"Then, why are you still like that? Why are you still stiff and dense?
Kahit naman hindi ka umamin ay ramdam na kita, four years ago pa." he
chuckled with a hint of pain and sadness.
"Kaya nga hanggang ngayon nandito pa rin ako 'di ba? Na sayo pa rin ako,
ikaw pa rin kahit na sobrang hirap at sakit sakit na..." he then sighed.
Gusto kong manlambot sa lahat, lahat ng kanyang sinabi ay tago na tagos
sa akin at ramdam ko ng lubos.
Huminga ako ng malalim at lumunok. Nagpapasalamat ako sa elevator na
tumunog at nagbukas sa sixth floor na kami.
Nagyuko ako ng ulo at hindi gumalaw sa kinatatayuan ko. Napasinghap na
lamang ako nang hawakan niya ang aking kamay at saka kami lumabas ng
elevator.
Binitiwan niya rin ang kamay ko na para bang napapaso na siya, ramdam ko
ang paninitig niya.
Gusto kong sabihin lahat ng nararamdaman ko, lahat ng pagmamahal ko sa
kanya at lahat ng galit na dinadala ko nang makita silang dalawa na ni
Tia.
Nagbagsakan ang mga luha sa aking pisngi, umangat ako ng tingin para
harapin siya. Nakita ko ang pamumula ng kanyang ilong at mga mata.
"Kung ganoon, bakit mayroong kayo ni Tia? Bakit mo ako niloloko ngayon?
Ganti mo ba ito sa lahat ng ginawa ko sa'yo noon?" mapait na sinabi ko
habang lumuluha.
Nangunot ang noo niya sa labis na pagtataka.
I sighed and faked a smile.
"Siguro nga huli na 'tong pag-amin ko, siguro nga nagsawa ka na dahil sa
pagpapahirap ko sayo noon..." I inhaled sharply.
"Greyson, maniwala ka man o hindi ay minahal talaga kita at mahal pa rin
kita..."
Hindi ko siya hinayaang magsalita pa. Gusto kong lubusin ito sa huling
pagkakataon. Gusto kong malaman niyang minahal ko siya kahit na
nasasaktan ko siya noon.
"I'm sorry, sincerely. Hindi ko sinasadyang masaktan ka ng sobra," naiyak
ako. "Hindi ko sinasadyang pahirapan ka, hindi ko sinasadyang saktan ka
through my words and all..."
Huminga ako nang malalim.
"Pero magiging masaya na ako ngayon para sa inyo ni Tia, you deserve to
be loved. You deserve to be happy..." ngumiti ako ng malungkot at saka
tumalikod na.
Nadinig ko ang pasinghap niyang pagtawa. Napahikbi ako sa sakit.
"Akala ko ako lang baliw sayo, akala ko ako lang ang iiyak sa harapan
mo... At akala ko wala na talagang pag asang makamit ang pangarap ko..."
Huminto ako sa paglalakad at pinakinggan lamang siya. Bumubuhos ang mga
luha mula sa aking mga mata.
"But I guess I was wrong, dahil unti unti na kitang nakakamit ngayon.
Mahal na mahal na mahal kita, Riziane Saavedra. Ikaw ang pangarap na
hinding hindi ko susukuan..."
Walang mapaglagyan ang saya at pait na nararamdaman ko.
He chuckled.
Nararamdaman kong malapit na siya sa akin, humarap na ako at hindi
nahiyang magpakita sa kanya ng luhaan kong mukha.
Para sa babae na nga ba talaga ako?
Nakangiti siya sa akin, iyong ngiti na umaabot na sakanyang mga mata.
Sarap suntukin, masaya pa talaga siyang pinapakawalan ko na siya ngayon?
"But you're really wrong, Riziane. Walang kami ni Tia, hindi makapal ang
mukha ko para ligawan ka at sa kanya ang bagsak..."
Nangunot ang noo ko.
"Ulol ka ba? Hindi ako bulag! Nakita ko kayong naghahalikan! Walang kayo,
ha? So ano 'yon? Fuck boy ka lang?" sarkastikong tawa ko.
Napahugot siya ng malalim na hininga at saka tumitig sa akin na parang
aliw na aliw pa siya.
He tsked while shaking his head.
"Tanga ka rin pala minsan, 'no? Well, you're still perfect in my eyes.
Ikaw ang pinakaperpektong nakita ko, umiiyak man o hindi..." he smiled.
Humakbang siya palapit sa akin. Hinawakan niya ang chin ko at inangat ng
bahagya. Pinunasan niya ang mga luha ko at saka hinalikan ang noo ko.
"I think you're not updated of the things around you... Really? You saw
Tia and I kissing?" nakataas kilay at malambing niyang tanong.
Kumalabog ang puso ko. Tumango ako ng tipid.
He laughed a bit.
"Tsss, why would I kiss my brother's girlfriend?"
Nanlaki ang mga mata ko.
What the hell? Fuck! Could it be...
Oh my fucking goodness!
Napapikit ako ng mariin sa sobrang katangahan ko at pagkapahiya. Uminit
ang buong pisngi ko sa sobrang embarrassment.
The fuck with it!
"Was it... Oh God!" singhap ko.
Kailan pa?
He chuckled and nodded.
"Yes, it was Treyson..." he laughed. "I wouldn't kiss her or anyone
unless they were you..."
Napakurap kurap ako, naging mabilis ang paghinga ko nang unti unti niyang
ilapit ang kanyang mukha sa akin.
Pumikit ako nang marahan nang maramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa
akin, parang nakuryente ang labi ko dahil doon.
Damn!
Marahang gumalaw ang kanyang labi sa akin, I kissed him back without
thinking twice. Sobrang saya ng puso ko na tila walang pagtigil sa
pagtibok.
Damn it!
Chapter 27
Yugto 25
Kabanata 25
"Hi..."
Kumunot ang noo ko at nilingon ang tinig na iyon. Halos mapasinghap ako
nang makita kong si Greyson iyon.
Kakalabas ko lang sa boutique ng HU, nagpakuha kasi ako ng sukat para sa
uniform kong bago. Madagdagan kasi ang school days namin dahil mag fo-
fourth year na.
He smiled weakly, he looks tired and sleepy. Kumunot ang noo ko at
sinulyapan ang aking wristwatch. It's 11 AM.
"What are you doing here?" tanong ko.
He looks like he had just gotten out of the basketball training, ngayon
ko lang napansin iyon. Kaya naman pala pagod na naman ang kanyang itsura.
"Kakatapos lang ng training and I know you're gonna be here today, so..."
he shrugged and winked at me.
Damn.
Para talagang humihiwalay ang puso ko sa aking dibdib at gustong lumabas
sa simpleng pagpapacute niya lang. Tsss.
What have you done to me, Greyson? Bakit ganito ang epekto mo sa aking
sistema?
Tumango tango ako at saka naglakad ng mabagal, he walked beside me.
Sinasabayan niya lang ang paglakad ko.
I feel so complete whenever he's beside me, pakiramdam ko ako ang
pinakamasayang tao sa oras na ito.
Pero hindi ko naman iyon pinapahalata, basta nagbago lang ngayon ay
nakakausap na niya ako ng maayos at hindi na ako umaangal kapag nasa
paligid ko siya o sinusundan niya ako.
He scratched the back of his head and grinned.
"Date me..."
Ngumuso ako at inismiran siya.
"I have a duty." balewalang sambit ko.
"What time is it?" aniya habang nakatingin sa kanyang wristwatch,
nilingon niya ako pagkatapos makita ang oras doon.
I sighed.
"3 PM."
"To?" paninigurong tinig pa niya.
Geez! Does he need to know everything about me? About my duty or
whatsoever? I think not! Bakit naman? Anong dahilan? Bakit kailangan
niyang malaman ang lahat?
"Seriously!?" I gasped and I shook my head in annoyance.
Nakakainis lang kasi na gusto niyang malaman ang mga ginagawa o gagawin
ko sa araw araw. E, ni hindi nga niya mabanggit ang kanya! Psh!
He nodded.
"Seriously, Riziane... So, until what time your duty is?" muling tanong
niya.
Tsss. Damn you!
Napabuntong hininga ako.
"Why do you need to know?" I asked. "Tsss, 3 PM to 7 PM..."
Nauna na akong maglakad pagkasabi ko noon. Seriously? Hindi ko alam kung
bakit napapasagot na lang ako kahit na hindi ko naman talaga dapat
ipaalam sa kanya.
Siya nga hindi ko alam na mayroon palang training ngayon, samantalang
kagabi nang magtanong siya kung saan ako pupunta ngayon ay sinagot ko.
That's why he said that he knew I'm gonna be here, I told him I will buy
new uniform for the incoming semester. Because he asked me, duh!
"Date me."
Nainis ako sa pag uulit niyang iyon habang nakasunod pa rin sa akin,
naglalakad na kami ngayon sa kahabaan ng hallway patungo sa footbridge.
Marami-rami ang mga estudyanteng nakakasalubong namin, mukhang maraming
enrollee sa med course, ah. Puro doon ang daan nila, e.
Pero mali ang inakala ko, hindi pala sila enrollee ng med course!
"Gosh! Naroon si Ixerr, Dyze at Kaizellus! Bilisan natin!" halos mamutla
sila nang makita ako.
Ako ngang pinsan ay hindi alam na narito sila pagtapos sila'y updated
talaga? Wow, to where fans club do they belong?
The three girls were giggling but immediately stopped it when they saw us
heading, huli na dahil nadinig ko na sila. Ano pang ikahihiya nila
ngayon?
"He- hi, ate Riz..." the girl with a headband smiled shyly at me.
Their mouth parted a bit as they glanced at Greyson beside me. Hindi ko
nilingon si Greyson pero alam kong nakangiti siya sa mga ito.
Tsss.
I smiled. "Hi..." bati ko doon pabalik at saka diretso lang ang lakad
para lagpasan sila.
Pinsan ko ba talaga o si Greyson? Ang gulo, ha. Hindi na yata nila alam
ang salitang loyalty ngayon. Kung sino lang ang makitang gwapo, doon
sila, e.
Ogling like there's no tomorrow, pag aaral nga nila ay hindi nila maayos
pero puro crush crush na sila.
"Date me." makulit talaga ito!
I inhaled sharply and glared at him. Hindi ba siya nahihiya sa mga taong
nakakarinig sa kanya? Damn it!
"Anong kabaduyan na naman ang pinagsabi mo, Grey? 'Yong totoo, nakashabu
ka ba?" I rolled my eyes.
He chuckled. Maaliwalas ang kanyang mukha ngayon, bagay na hindi ko
kinasayan noon kapag magkasama kami.
Palagi kasing sakit ang nakikita ko noon sa kanyang mga mata tuwing
magkakasalubong o kakausapin niya ako.
Umiling siya.
"Hindi, ah. Naka-Riz ako," he said the most hilarious pick up line.
I wanted to laugh my ass out but I couldn't because of the people around
us here. Nakakahiya naman kung malakas akong hahagalpak. Baka akalain pa
nila baliw ako o may sayad.
"That was fucking corny, Grey." iling ko habang nangingisi.
Lumukot ang kanyang nukha na parang bata at saka umismid sa akin.
"Lahat naman corny, e. But it's not a cheesy pick up line! Totoo naman na
ikaw ang drugs ko, sayo ako adik, e..." he smirked.
Napasinghap ako doon at nailing na lamang kahit na kakaiba na ang
pagpintig ng puso ko.
Kailan ba siya titigil? Until now, I couldn't believe this. I can't
believe we're here in this situation where I can talk to him without
getting annoyed.
I rolled my eyes.
Nagpatiuna akong maglakad dahil baka hindi ko na mapigilan ang ngiti sa
aking labi na lumabas at makita pa niya.
"Riz naman!" maktol niya. "Wala bang sagot sa tanong ko?"
"Walang sagot sa tanong, kung bakit ka mahalaga~ walang sasagot sayo,"
Napalunok ako nang madinig ko ang malakas na boses ni Ixerr habang
pakantang nanunuya kay Greyson. Iniba pa talaga ang lyrics ng animal!
"Tsss, ass..." ismid ni Greyson.
Napalingon ako sa kanila, nasa footbridge kami at patungo sa main
building ng HU. Panay ang hagikgikan ng mga estudyanteng nakasunod sa
kanila at papasalubong.
Ngumisi si Ixerr at kumindat sa akin.
"Hi, be!"
Si Dyze at Kaizellus ay naglalakad pa lamang habang papunta rin rito sa
aming gawi, Ixerr's wearing his wide smile. It's more like a smirk? Yeah.
He's wearing a black polo shirt, faded ripped jeans and a white converse.
His hair was a bit dumped and his eyes were puffy looked like he just got
up from the bed.
Kumunot ang noo ko.
Pinapansin ako? Bakit? Birthday ko ba? Sa pagkakaalam ko October pa lang
ngayon, sa January 14 pa ang birthday ko!
"Be your face!" I rolled my eyes.
He pouted his red lips, mukhang kagagaling lang sa sagupaan ng mga labi.
Maybe he had a quickie! Kahit saan naman ginagawa niya iyon.
Tsss.
"Didn't you missed me? I missed you, Riziane half boy half girl cousin!"
he said it like there's no one watching us!
The fuck!
Nagbulungan ang mga nakarinig noon. Sa sobrang inis ko'y padabog na
napakamot ako sa aking ulo at saka siya pinandilatan ng mga mata.
He smirked at my reaction. Kumunot ang noo ni Greyson sa kanya, mukhang
hindi nito nagustuhan ang sinabi niya.
He think it's funny? He's embarrassing me in front of these students!
Ixerr asshole Saavedra!
"Ooh! Don't get annoyed, Riz. Be yourself! Wala namang masama roon!"
halakhak pa niya.
Hah!
"Fuck you ka ba?" I hissed.
Napangiwi si Greyson sa sinabi ko at bahagyang nailing pero hindi naman
umalma, nakinig lamang siya sa amin ni Ixerr.
Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Dyze nang makita ako, si Kaizellus naman
ay napataas ang isang kilay.
Kumalabog ang dibdib ko sa kaba, hindi ko alam ang magiging reaksyon ko
but I remained straight face while glaring at Ixerr.
Nagmistulang train station ang footbridge dahil sa mga estudyanteng
nagsusunuran sa kanila na akala mo ngayon lang sila nakita!
Hello! Magsasawa kayo diyan sa pasukan!
Umiling si Ixerr at ngumising aso.
"Hindi, tao ako, e! Paano ako magiging 'fuck you'? Sige nga!"
pamimilosopo niya.
"Tumigil ka! Pangit mo! Hindot ka! Supot pa." pang iinis ko.
Greyson frowned. Gusto kong matawa, puro siya facial reaction pero hindi
naman ako pinapagalitan.
Ixerr chuckled, inawang niya ang kanyang labi at patango tango na
nagyayabang.
"Ano talaga ako doon? Could it be Dyze the hindot? Kaizellus the supot
and me, Ixerr the hottie?"
Napahagikgik ang mga babae.
Kainis ang animal na 'to!
"Oo! Sa sobrang hottie mo, pati ulo ko pinag iinit mo at gusto kong
basagin ang yabang mo ngayon!" gitil na anas ko.
Kumunot ang noo niya, he tilted his head while looking at me with humor
in his eyes.
"Umamin din." aniya. "Pero nababasag pala 'yong yabang? Salamin ba 'yon?
Turuan mo naman ako, babasagin ko lang 'yong kay Dyze..." he laughed
loudly.
The fuck with him!
Sa sobrang pagkainis ko ay tinalikuran ko na silang lahat at padabog na
naglakad patungo na sa main building.
"Rude! Bye, bebe Riziane! And congrats, you're a woman now!" sigaw pa ni
Ixerr.
Napapikit ako ng mariin. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Greyson sa
aking likuran. Matalim na inismiran ko siya agad nang sumabay siya sa
paglalakad ko.
"Woman ka na daw, bebe Riziane..." patuyang aniya.
"Grey!" saway ko sa gitil na tono.
"I'm glad you are now," He chuckled.
"Tsss, iniinis mo rin ako! Lumayas ka sa paligid ko!" singhal ko.
Nakakapikon talaga ang mga tao ngayon, miski simpleng paninitig sa akin
ng mga nakakasalubong ko'y nakakadagdag ng inis sa akin.
He tsked.
"Uh-oh... never, Riz. Hindi na ako mawawala sa paligid mo ngayon." he
said. "May bakod ka na, even if you are not mine yet..."
Bumilis ang tibok ng puso ko, bilis na hindi ko makaya. Nakakainis! Para
akong teenager na laging kinikilig sa kanya.
"Stop being corny!" I tsked.
He pouted, lalo siyang tumabi sa akin sa paglalakad at saka ko naramdaman
ang marahang paghawak niya sa aking siko padausdos sa aking kamay na
nanginginig na ng sobra.
Tumindig ang balahibo ko nang pagsiklupin niya pa iyon, he entwined our
fingers. Napasinghap ako at simpleng nilingon siya.
He was smiling, nakatingin lamang siya sa dinadaanan namin. Never minding
my fucking reaction!
I'm shaking like hell, hindi ako makakilos ng maayos para akong biglang
mapapaupo dahil sa tuhod kong parang jelly na sa panlalambot.
Mabilis ang paghinga ko at naghuhurumentado ang puso ko. Hindi ko alam
kung ano ang uunahin ko, bawat makakita sa amin ay bumababa ang tingin sa
kamay naming magkasiklop.
What the hell, Greyson!
"Where do you wanna eat?" tanong niya sabay sulyap sa akin.
Humugot ako nang malalim na hangin para punuin ang aking baga at para
makahanap ng pagkalma pero sadyang kakaiba ito.
"Hi- hindi ako gutom..."
Damn it!
Wala akong maramdamang pagtutol sa aking sistema at kilos, talagang
nasagot ko pa ang tanong niya, huh!
Dahan dahan kong inaalis ang aking kamay sa pagkakasiklop sa kanya pero
hindi ko iyon maalis dahil lalo lamang niyang hinahawak at pinagsisiklop
iyon.
He chuckled huskily.
Jesus!
"Let me hold you, Riz. Hinding hindi na kita pakakawalan pa, just give me
this one..." marahang pagpisil niya sa aking kamay. "I promise..."
malamyos na sabi niya.
I gasped.
Hindi ko na kinakaya ito, bakit ganito siya?
I'm really really happy, but until when? Is he the one for the word
forever? Will he stay like that forever? Wouldn't he hurt me?
Kumabaga kasi sa sakit, mayroon na akong phobia sa mga katulad niya.
Hindi ko naman masasabi na mananatili siyang minamahal ako.
Maraming tukso sa mundong ito, maraming tukso sa paligid. Once you get
tempted by it? Wala na, masasaktan mo na kahit mahal mo pa.
That's why I'm scared, I'm scared to love him completely. I'm scared that
he might get tempted on what would happen in the future.
Not everyone will stay, that's fore sure. So learn to let go and move on.
Ganoon na lang siguro, but how? Lalo na't kung mahal mo siya?
I stare at the ceiling, hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin. Ni
hindi ako pumasok kinagabihan at nauubos lang ang oras ko sa pagtulala.
"Ugh!" I'm frustrated, really!
"Riziane!"
Napabalikwas ako dahil sa katok na iyon at boses ni Daddy ang narinig
kong tumawag sa akin.
"Da!" sigaw ko pabalik, umayos ako ng pagkakaupo. "Bakit!"
Hindi ko na binuksan ang pintuan.
"Tanghalian ka pa raw hindi kumakain, anong problema mo?" diretsang
tanong niya sa malalim na boses.
"Wala, po! Diet ako!"
Mabilis ang kalabog ng dibdib ko sa kaba pero hindi ko ipapahalata iyon,
nakakainis wala nga kasi akong gana kumain. Pakiramdam ko busog pa rin
ako, kahit noong kumain kami ni Grey ay hindi ko inubos ang pagkain ko.
"Kailan ka pa natutong mag-diet?" patuyang tanong niya.
"Da!" frustrated na sambit ko. "Ngayon lang! Masaya ka na?"
I heard him chuckled.
"Lumabas ka riyan at kumain, you don't need to diet! Hindi mo kailangan
magpaganda, maganda ka sa paningin niya!" he laughed.
The fuck?
Nalaglag ang panga ko at saka suminghap.
"Ugh! Stop it!" sigaw ko at saka humiga sa kama at tinakpan ng unan ang
tainga ko.
Chapter 28
Yugto 26
Kabanata 26
"Alam mo kasi, Riz. Hindi lahat ng lalaki magkakaparehas. Maybe Grey is
your own good boy..."
Kumunot ang noo ko kay Krissa, she's my cousin on mother's side.
"Own good boy? So, may own bad boy rin ako ganoon?" I asked
sarcastically.
She rolled her eyes.
Krissa is a petite girl like me, blonde ang kanyang buhok, ewan ko ba!
Parang parati kong nakikita na iba't iba ang kulay ng kanyang buhok sa
facebook.
Kakauwi niya lang galing Canada for their tour, madalas ko lang siyang
nakakasama kapag nagpupunta ako sa kanila. E, saktong mayroong
celebration sa kanila ngayon kaya ito kami at nag iinuman.
She rolled her eyes.
"Naku! Nakakagigil ang katangahan mo!" nanggigigil niyang sinabi at saka
pabirong sinabunutan ako.
"Malamang! Siya ang good boy mo, maghahanap ka pa ba ng bad boy at sakit
ng ulo? Hindi mo talaga naiintindihan, tanga!"
"Si Greyson kasi kilala ko na 'yan noon pa man, wala ka pa rito kilala ko
na siya 'no!"
Humagikgik si Meleah. "Crush ko siya noong magclassmate kami sa HU
elementary! Grabe, Riz! Hindi ko akalain na magkakagusto sayo ang kagaya
noon!" patuyang sinabi niya.
Tsss.
Anong gusto niya? Sa kanya magkagusto? E 'di wow kung ganoon! Akin na si
Greyson ngayon at hindi na niya maagaw- wait what!?
The fuck!
Masyado akong naaaliw sa aming topic ngayon dahil si Greyson at ang
kanyang ugali ay nalalaman ko dahil sa kilala siya ng mga pinsan ko.
Nakakatuwa lang na wala talagang bad record si Greyson simula pa noon,
kahit noong elementary days pa sila.
"Naalala ko lang yata na nanapak iyon noong nakita niyang tinulak si Tia
ng isang lalaki naming schoolmate. Kahit bata pa kami noon ay naalala ko
iyon dahil ang gwapo din talaga ni Greyson kapag nagagalit! Geez!"
Tila inaalala pa ni Krissa ang mga nangyari noon sa kanila.
Nakakapanghinayang din talaga na hindi ako rito nag aral, e 'di sana
hindi ako nasaktan ni Gyro. Hindi nadurog ang puso ko sa unang
pagkakataon.
But I think things will turn out differently, siguro kung dito ako nag
aral ay hindi ko nga makikilala si Gyro pero hindi ko rin makikilala si
Greyson, para bang nakatadhanang ito ang mangyari.
Iyong nangyaring nasaktan ako sa murang edad at hindi pinili ng mahal ko,
iyon ang naging biggest twist ng buhay ko. Pinakamasakit na naramdaman ko
iyon, pinakadumurog sa aking puso.
Pero ngayon binibigyan ako ni Papa God ng isang lalaking ako ang pipiliin
at hindi ipagpapalit kahit kanino. Iyong ako lang ang importante sa kanya
at aalagaan ako.
Lumagok akong muli ng isang shot ng tequila. Naghihiyawan na sila Krissa,
Leah, Jessa at Aria. Sila sila ang mga kainuman ko kanina pa.
Ang mga boys naman na barkada ng pinsan kong may birthday party ngayon na
si Karson ay nasa kabilang pwesto, sa kabilang poolside sila at dinig
namin ang ingay ng tawanan nila.
Huminga ako ng malalim, miski paghinga ko ay mayroong lasang mapait. Para
akong nasusuka na umiikot ang sikmura pero hindi naman makasuka.
Damn.
Si Krissa ang nakikita kong matino tino pa sa lahat dito sa amin, miski
ako ay umiikot na ang paningin. Umubob ako sa table para mapakalma ang
sarili kong paningin.
Sa dami ng nainom naming hard liquors ay ngayon pa talaga ako tinamaan?
The fuck! I shouldn't let myself drunk or tipsy! Hindi dapat ako
nagpabaya.
Tumunog ang cellphone ni Krissa, titingnan ko sana siya pero nakita kong
tumayo na siya. Gegewang gewang pa siyang naglakad habang sinasagot ang
kanyang cellphone.
Hindi ko na iyon pinansin nang biglang mag vibrate ang phone ko. Si
Greyson, nakaramdam ako ng kaba doon.
Greyson the goodboy:
Good evening, Riz. Why aren't you home yet? I waited outside your house
for about 3 hours, I thought you'd just stay there until 7 PM?
My phone vibrated again.
Greyson the goodboy:
Where are you? I miss seeing you, uwi ka na please... I love you!
Mabilis na pumintig ang puso ko na parang may nabulabog doon dahil sa
texts niya. Hindi ko alam kung bakit nasisiyahan talaga ako sa ginagawa
ni Greyson.
Even if it was just a simple gestures, masyadong masarap sa pakiramdam na
parang hindi ko kayang ipagpaliban lamang ang mga messages niya.
Napangiti ako at nagtype ng message.
Ako:
I'm staying here, hindi ko na kayang umuwi. Don't worry narito naman ako
sa bahay ng Aunt ko.
Nagreply agad siya doon wala pa mang isang minuto.
Greyson:
Place? Hay, I should have turned on your location so that I could track
you.
Greyson:
Tell me where exactly you are, please. I'm gonna fetch you kahit saan pa
'yan.
Napabuntong hininga ako, hindi na ako makapagtype ng maayos dahil sa
sobrang pagkahilo pero pinipilit ko pa rin.
Ako:
Grey, h'wag ka nang mag alala. You should sleep now, hindi ba't may
training ka bukas ng maaga?
Nagulat ako nang biglang mag-ring na ang aking cellphone, he's calling! I
answered it immediately.
"Hey..." he greeted huskily.
I smiled unconsciously, hinilig ko ang aking batok sa backrest ng
inuupuan ko. Pumikit ako ng marahan at saka tumikhim.
"Greyson..." iyon ang nasambit ko sa antok na tinig.
Hearing his voice makes me weak, my heart was thumping wild. Partida,
boses pa lang niya iyan! What more if he's here in front of me? Baka
naghurumentado na naman ang puso ko.
"Hmmm? Where are you, my girl? Who are you with? And what kind of liquor
have you drink?" sunod sunod na tanong niya.
I gasped in awe, lalo akong tumingala sa kalangitan at kahit malabo ang
paningin sa pagkahilo ay pinagmasdan ko ang mga bituin doon.
I chuckled sleepily.
"Grey, wait ha! Lalo akong nahihilo sa mga tanong-"
"What? Nahihilo? Jesus, Riziane! Bakit ka nagpakalasing diyan? Tsss,
nasaan ka ba? Bakit ang dami kong nadidinig na lalaking nagtatawanan
riyan!" inis na ang kanyang boses.
Gusto kong matawa ng malakas pero napangiti na lamang ako, gusto kong
makita ang kanyang mukha. Gusto kong maramdaman ang presensya niya sa
oras na ito.
Pumikit ako at huminga nang malalim.
"I love you," I murmured sleepily. "I miss you, too and bye!" humalakhak
ako at saka ibinaba ang tawag.
"Hoy! Problema mo? Pag lasing na tulog na!" kunot noong panunuya sa akin
ni Krissa.
I frowned. Lalo akong tumawa nang malakas dahil sa sunod sunod na ring ng
cellphone ko, mayroon pang mga text doon sa sunod sunod dahil hindi ko
nasagot ang tawag.
Binatukan ako ni Krissa.
"Hoy! Ano ba! Matulog ka na! You're creeping me out!" singhal niya.
Abala sa pagsuswimming sila Jessa at ang iba pa habang naglalaro ng bola
doon, medyo hihilo hilo na sila pero nakuha pa talagang maglaro, huh?
Mamaya yan, suka sila! Ang matindi pa baka magkagewang gewang at mauwi sa
aksidente, mahaharot kasi!
Sumimangot ako at saka nagbasa ng text ni Greyson.
Greyson:
Tangina, Riz! Putangina! Fuck! Answer my god damn call!
Greyson:
Fucking answer me!
Humagalpak ako sa tawa para akong nawawala na sa sarili dahil sa pagtawa
ko, nakakatawa ang animal na si Greyson!
Tangina, he don't do cursing! Ni hindi makabasag pinggan iyon, pero puro
mura ang laman ng texts niya ngayon.
Seriously?
I just confessed! What's with the cursing, my lovely good boy? Damn! He's
making me damn crazy and happy!
Greyson:
Quin Riziane Saavedra! God damn it! Fuck, why did you just- ugh! Believe
me, I'll kiss you really really hard when I see you!
Greyson:
Shit! Are you just kidding me? Are you just fooling and make fun of me?
Cause I can't fucking move on an get over with it!
Ngumisi ako at napailing. Napapailing na rin sa akin si Krissa habang
umiinom ng juice sa kanyang baso.
My phone vibrated again.
Seriously!? Can't he move on?
Greyson:
Ugh, I know you're just drunk. Haaaay.
Napabuntong hininga ako. Kahit hindi ko siya nakikita o wala ang kanyang
presensya rito ay ramdam ko ang lungkot ng kanyang text at pakiramdam ko
nasasaktan ko siya.
Krissa tsked. She got my attention, I looked at her and rolled my eyes
when I saw her grinning like an idiot at me.
"What!?" singhal ko at saka nagtype ng text kay Grey.
Ako:
Grey, I'm not drunk or anything! I'm not fooling you, I will never do
that, sleep well. We can talk tomorrow when I get home. Goodnight! :)
"Matulog ka na, Riz. Hindi na maganda iyang pagtawa mo nang walang
dahilan. Nako!" halakhak ni Krissa.
"Tsss, may dahilan 'to. Lahat ng bagay may dahilan, lalo na ang kasiyahan
ko..." I smirked.
And Greyson is my reason, my reason to smile, to be happy and to love
again...
I love him, I love him more than I was in love with Gyro... Greyson is my
real once in a lifetime!
Hindi ko na naramdaman na nakatulog ako, ni hindi ko alam kung ilang oras
na akong nakahilig sa sofa pero nakita ko ang kalangitan na medyo
nagliliwanag pa lamang.
Nag-unat ako ng aking braso, nakapikit na humikab ako at saka umupo ng
maayos sa malambot na sofa.
Nakakangalay talaga pero nasanay naman na akong matulog sa sofa dahil
ganoon naman ako kadalasan nakakatulog kapag tinatamaan ako ng lintek na
alak.
Kahit nakapikit ay malayang napangiti ako habang nag uunat ng mga braso,
I'm not fully awake 'cause my eyes were still heavy and asking for a
sleep.
I was about to lay again until I hear a camera sound. Pilit na idinilat
ko ang aking isang mata para tingnan kung sino ang kumuha ng litrato.
Halos manlaki ang mga mata kong inaantok pa, kahit antok ay napaupo ako
ng maayos at saka nalaglag ang aking panga.
I gasped.
"The hell! Ginulat mo ako!" sigaw ko.
Tumaas ang sulok ng labi niya, mula sa kanyang cellphone ay inilipat niya
ang kanyang madilim na tingin sa akin.
Mapanganib ang tinging iyon.
I could clearly feel his anger and frustration while intently looking at
me.
Napahugot ako ng malalim na hangin, kahit mahirap ay pinuno ko ng hangin
ang aking baga. Lahat ng nakikita ko sa kanya ngayon ay hindi ko
kinasanayan.
Those hazel eyes I missed the most, those cherry red lips, his messy
black hair, and his whole presence.
My heart is racing, magkakahalong kaba at kilig ang ang dinarama ko sa
oras na ito.
"Do you remember what you've told last fucking night?"
Kumunot ang noo ko sa kaseryosohan ng kanyang malalim na tinig. Hindi rin
ako sanay na mayroong mura sa kanyang bawat sinasabi.
"Grey..." I called gently.
Nakita ko ang paniningkit ng kanyang mga mata sa akin, para bang
tinitimbang niya ang mga nasa aking ekspresyon.
"You do?" patanong niyang sinabi.
Kumalabog ng todo ang puso ko. Napatitig ako sa kanya. Putangina! Bakit
ba kasi ang lakas ng loob ko kagabi?
Tumaas ang isang kilay niya at saka tumayo mula sa single sofa na
inuupuan niya, ibinulsa niya ang cellphone at saka diretsong humakbang
patungo sa akin.
He's just wearing a plain white round neck t-shirt, a gray sweatshorts
and a nike slippers. Seriously! Kailan siya dumating? From Manila to
Batangas? Talagang nagpunta siya?
Napalunok ako namg huminto siya sa aking harapan, pumasada ang tingin ko
sa buong back yard kung nasaan kami ngayon. Walang ibang taong narito,
puro kalat at mga naiwang beers at liquors lang ang nakita ko. Parang
binagyo ang hardin na ito.
Napasinghap ako nang hawakan niya ang baba ko at saka inilingon ang mukha
ko para magkatitgan kami.
"Ako ang nasa harapan mo, sino pa ang kailangan mong hanapin dyan?" taas
kilay niyang tanong.
Gusto kong mapasinghap pero napahugot na lang ako nang malalim na hininga
nang bumaba ang mga mata niya sa aking labi.
Damn it!
Not now, please!
Hindi pa ako nagtu-toothbrush! Fuck it!
"Grey, sorry..." sabi ko para lang maiba ang kanyang tingin.
Tumaas ang kilay niya pero ang mga mata'y nasa aking labi pa rin.
"I love you so damn much, Riziane..." aniya.
Nanlaki ang mga mata ko kasabay ng paghaplos niya sa aking labi gamit ang
kanyang thumb. Lumamlam ang kanyang mga mata.
Inangat niya ang aking baba at saka ako dinampian ng malambot na halik sa
labi. Halos maghingalo na ako dahil doon. Gusto kong habulin ang kanyang
labi pero nahihiya ako ng sobra.
"One question, Riziane..."
Napatango ako na parang nahipnotismo sa kanya.
He smiled devilishly.
"Nahuhulog ka na ba?"
Damn shit!
Mabilis ang paghinga ko at saka marahang tumango habang nakatitig pa rin
sa kanyang mga mata.
Mahal ko siya, mahal ko na siya noon pa, masyado lang akong naging bitter
sa past ko. Sinaktan ko man siya noon ay alam kong mahal ko na siya noon.
"Hulog na ako, Greyson." simpleng sinabi ko pero labis na kaba ang dama.
Napahugot siya ng malalim na hangin at saka pumikit ng marahan, tuminga
siya sa kalangitan habang hawak pa rin ang aking chin. Naramdaman ko ang
panginginig ng kanyang kamay.
"Thak you so much, God." he whispered. "Thank you so much for giving me
Riziane Saavedra, hinding hindi ninyo pagsisihan na sa akin siya
ibinigay..."
Damn.
I love this good man in front of me, hinding hindi ko siya ipagpapalit sa
kahit na sino pa. Siya lang ang gusto kong maging akin simula ngayon,
siya ang tunay na happiness at kayamanan.
He licked his lower lip and then bit it. Nagmulat siya at diretso ang
tingin sa akin.
Ngumiti ako, nanlabo ang aking mga mata. Kailan pa ako naging bakla?
Shit.
"I love you, Grey..." I said.
He chuckled a bit, hindi ko maintindihan pero nakikita ko ang labi na
kaba at saya sa kanyang reaksyon.
Tumango siya, hinaplos niya ang aking pisngi at marahang pinisil iyon
bago muling dumampi ang labi niya sa labi ko.
Napasinghap ako at hinalikan siya pero agad niya iyong kinalas at saka
tinitigan ako.
Damn! Pinapauhaw niya ako! Bwisit!
"I love everything about you, I love all the hardships I've had since the
day that I love you. Minahal ko ang lahat ng sakit na pinaramdam mo sa
akin, I didn't see this coming..." naiiling na wika niya.
Huminga siya ng malalim at bumuga. He looks really realky tense!
Gusto kong mangisi pero tinitigan ko na lamang ang maamo niyang mukha na
hinding hindi ko pagsasawaan tingnan.
"I lose hope but every damn time I'm seeing you, I would become fool and
stupidly in love with you again. Now that you are perfectly mine, gusto
kong malaman mo na wala akong ibang minahal kundi ikaw lang at wala na
akong ibang mamahalin pa..."
Walang tigil ang pagpintig ng puso ko, he tilted his head and then leaned
closer to my face. Napapikit ako kasabay ng pagdampi ng labi niya sa
akin.
My tears fell, tears of happiness...
I kissed him torridly, I snaked my arms around his neck. Halos magpabuhat
na ako dahil sa kauhawan ko sa kanyang labi.
He chuckled a bit while kissing me with the same intensity as mine.
Pumulupot ang kanyang braso sa aking baywang at saka ako binuhat mula sa
aking pang upo.
Naghabol ako ng hininga at idinikit ang noo ko sa kanyang noo. Kapwa
kaming hingal sa mapusok na halik na iyon.
Habang magkatitigan kami ay sabay kaming napatawa ng mahina. Muling
hinalikan ko ang kanyang labi, kakalas sa na ako ngunit nakagat niya na
ang pang ibabang labi ko.
I moaned.
Nakita ko ang pagkunot ng noo niya, isang uhaw na halik at madiin pa ay
kumalas na rin siya agad.
He smiled widely.
"Let's go home now, I want to cuddle you all day and night... I love
you," hinalikan niya ang buhok ko at saka sumiksik sa aking leeg.
Fuck.
Hindi ko na alam ang kabaliwang bumabalot sa akin, kabaliwan ko kay
Greyson.
Chapter 29
Yugto 27
Kabanata 27
"Puta, the moves mo Greyson!" nadinig ko ang mapanuyang pagsigaw ni
Zydein.
Nawala ang ngiti sa labi ko, pinagpatuloy ko ang paghaplos sa buhok ni
Greyson na kasalukuyang natutulog sa aking hita.
Pinandilatan ko agad si Zydein, lalo pa nang nakita kong sumunod na
pumasok ay si Ixerr. Nakanguso siya at gulo gulo ang buhok habang
pupungas pungas.
"Ingay n'yo!" impit na saway ko sakanila.
"Sensitive, ah. Feeling baby naman 'yan! Tsss..." Ixerr scowled.
Gawain talaga ng mga ito mang spoil ng moment, e. Mag iingay pa talaga!
Sarap sarap ng pagtitig ko sa boyfriend ko, e. Kung hindi lang sila
nanggulo.
Inismiran ko sila.
"Pake mo ba? Ikaw nga puro pakikipagsex hindi ko pinapakialaman, e!"
He gasped, Zydein laughed.
"Riz, ah! Kabastusan mo! Hindi ka ba nahihiya sa tulog mong nobyo? Kapag
narinig ka nyan, kahiya hiya ka. Mas babae pa sa'yo 'yan." panenermon ni
Ixerr.
Tsss.
"Dami mong dama, h'wag ka na lang maingay. Baka sabihin ko kay Tita Ixara
na may nabuntis kang dalagita." I giggled.
Masarap takutin si Ixerr tungkol sa kanyang Mommy, e. Hindi siya madalas
mapikon pero kapag dawit na ang pangalan ni Tita Ixara ay magseseryoso na
siya at mapipikon.
Lahat naman sila ay ganoon, e. Miski si Onyx, Dyze at Ten ay ganoon. Ayaw
nilang nadadamay ang Mommy nila sa asaran lalo na kung masasaktan iyon.
"Fucking try! Kapag umiyak 'yon, susuntukin ko ang mukha niyan ni
Greyson!" he warned. "Let's see..." patango tango pa siya.
I glared at him. Malakas na tumawa si Zydein dahil doon.
Yabang nito!
Mabuti na lang at hindi nagigising si Grey, kakatulog lang rin niya pero
mukhang pagod na pagod kaya hindi nagigising sa simpleng ingay sa
paligid.
Kagagaling lang kasi niya sa training, nakakainis palagi na lang siyang
pagod nitong nakaraang araw dahil sa thesis at training. Accounting pa!
Kaya stressful talaga, e.
"Tsss, so... kayo na talaga?" si Zydein nakakunot ang noo habang
nakatingin kay Greyson pagtapos ay sa akin.
I rolled my eyes.
"Hindi pa..." seryosong sambit ko.
Hindi ba halata? Minsan talaga tanga sila, e. Halata naman siguro! At
kung may unang makakaalam noon ay sila dapat.
Pero dahil tanga sila ay parang hindi pa sila naniniwala sa akin. Well,
we're exclusive. Exclusively and officially. Iyon kami ni Greyson.
Ngayon ayaw ko nang patagalin ang nasa aming pagitan, kaya tama lang na
maging kanya na ako at maging akin na siya.
Nakakainis din kasi iyong walang label, katulad ng sa amin noon ni Gyro.
Sa huli pala wala talagang kami... Tsss.
Kumunot ang noo nila, diretsong naglakad si Ixerr sa sofang nasa harapan
ko at naupo roon pagtapos ay kumuha ng muffin sa center table.
Iyan! Ganyan kakapal ang mukha niyan!
"Anong hindi pa?"
Kumalabog ang puso ko nang biglang sumingit ang namamaos na boses ni
Grey. Zydein smirked and sit down beside Ixerr.
Napanguso ako at ngumiti sa kanya. He smiled, too pero nakakunot ang noo
sa akin.
"Hindi pa nga raw kayo! Mapag pangarap ka lang!" halakhak ni Ixerr habang
kumakain.
Nakakadiri talaga! Makikisali na nga lang. He's wearing a white polo
shirt and a denim pants, may sira iyon sa tuhod. Saan naman galing 'to?
Umupo na nang maayos si Greyson at saka pumulupot ang kanyang braso sa
aking baywang, itinuko niya ang kanyang baba sa aking balikat.
Nagbibigay ng kiliti iyon sa akin lalo na kapag humihinga siya,
nanlalambot pa ako lalo. Feeling ko ang bading bading ko! Kainis!
"Tsss, si Riziane pa ba aamin?" Greyson said using his bedroom voice.
"Akin na s'ya, kahit hindi niya aminin..."
Pumikit siya ng marahan at saka hinalikan ang balikat ko. Damn it!
Gresyon! Narinig ko ang malakas na pagsinghap nila Zydein at Ixerr.
Their reaction is priceless! Para bang hindi sila makapaniwala sa
nakikita nila, iyong para nasa isang panaginip sila na mahirap makita sa
totoong buhay!
Tsss.
"Syete! Is this real?" singhap ng natatawa na si Ixerr, napahinto pa siya
sa pag inom ng orange juice.
"Unbelievable! Riz, totoo nga?" nagugulat na tanong naman ni Zydein.
"Tsss..."
Humalakhak ng mahina si Grey sa aking tainga at saka humalik sa sentido
ko. Gosh! Hindi ba siya titigil? Hindi ko naman dapat aaminin sa mga
ungas na 'to, e.
They should've known that! Nakikita naman nilang palaging narito si Grey!
Tanga ba sila? Kailangan ba sa bibig ko pa galing? Mga bobo talaga.
"Landian mo pa, Greyson! May bayag ka na pala ngayon, after all these
years nagkaroon ka rin !" hagalpak ni Ixerr.
Humagalpak din sa tawa si Zydein.
"Sa dami ng pinaasa ni Riziane, ikaw ang nagkaroon ng pag asa! Oh wow!"
si Zydein.
Napairap na lamang ako, Greyson just chuckled while listening to them.
Nakikiliti ako sa bawat pagtawa niya ng mahina, dinikit niya ang labi
niya sa aking buhok.
Geez.
Walang tigil ang kaba ko dahil sa ginagawa niya, palagi namang sweet ang
gestures niya pero hindi pa rin ako masanay doon.
Hindi pa rin nasasanay ang puso kong kumalma sa bawat haplos, hawak at
paghalik niya sa akin. Lagi na lang akong naghuhurumentado at
kinakabahan.
"That's right, Moretz! You should be grateful and you're hella lucky man
to have our Riziane..." nakangisi ngunit seryosong sinabi ni Ixerr.
Huminga nang malalim si Greyson at saka napangiti, ngumuso siya at saka
sumulyap sa akin bago balingan sila Ixerr.
My heart raced. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko dahil sa
kaseryosohan din ng dalawang pinsan ko.
"I love her so much, you all know that and yes I'm hella lucky man to
have this not so sweet girl," He laughed and kissed my temple. "Don't
worry, she's in a good hands."
"Good to hear that, Moretz..."
Umawang ang aking labi nang madinig ko ang boses ni Onyx, he just went
in. Tumuko agad ang kanyang mga mata kay Greyson.
Lalo akong dinapuan ng kaba dahil doon, here he is! My favorite cousin,
kahit na hindi niya ako natanggap noon alam kong gusto lang niyang
mapabuti ako.
Hindi magbabago ang tingin ko kay Onyx, siya pa rin ang paborito ko.
Hindi ko alam kung bakit pero sa kanya talaga gumagaan ang loob ko tuwing
makikita ko siya at noong una pa lang kaming nagkita.
Si Onyx kasi iyong tipo ng pinsan na walang ibang gugustuhin kundi ang
mapabuti ka lang, hindi man siya sang ayon sa akin noon ay ramdam kong
concern pa rin siya.
"Love you..." Greyson whispered.
Napapikit na lamang ako at ngumiti.
"Oo na! Sige na! Mahal mo na ako, ngayon umuwi ka na at baka hinahanap ka
na ni Tita!" halakhak ko at tinulak siya sa braso.
Kahit gustong gusto kong magpalipas pa ng oras na magkasama kami ay
kailangan na niyang umuwi dahil gumagabi na.
Simula pa lang kaninang alas onse ng umaga'y magkasama na kami hanggang
ngayong alas diyez ng gabi. Kanina pa tuloy nagtetext ang Mommy niya at
si Treyson.
Tsss, may curfew pa talaga siya! Hanggang nine PM lang siya ngayon ayon
kay Treyson, nakakatawa na lang talaga at si Greyson lang ang may curfew!
Samantalang si Trey palagi kong nakikita na galing sa mansyon nila Tia na
madaling araw na umuuwi. Greyson is indeed Mama's boy!
Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko at saka parang batang ngumuso sa
akin. Marahang hinila niya ako para mapalapit sa kanya.
Ngumuso ako at inilapat ang aking index finger sa kanyang nguso.
"Wala kang kiss! Masyado ka na! Kumakapal, ah?" halakhak ko.
Nagsalubong ang kilay niya at saka kinagat ang index finger kong
nakahawak sa kanyang labi, I flinched.
"Aray!" igik ko.
He laughed loudly. "I need a kiss and a hug before going home, mahal
naman!" maktol niya.
"The fuck! Ang baduy!" napapangiwing sigaw ko. "Mahal ang puta-"
Mabilis na siniil niya ako ng halik, napasinghap ako agad at huminga nang
malalim. Hinawakan niya ang aking batok at lalong diniinan ang paghalik
sa akin.
Mabilis na kumalabog ang dibdib ko, I don't know if this is an excitement
or what. Pero napakasaya sa pakiramdam, napakasarap ng labi ni Greyson.
Iginiya niya ang aking kamay sa kanyang batok, kumapit na lang ako doon
habang sinusuklian ang kanyang matamis na halik.
Mahigpit na yumakap siya sa aking baywang at bahagya akong inangat para
lalo kaming magpantay, he chuckled.
Napasinghap ako sa hingal pagkalas sa kanya. We're both panting,
butterflies fluttered on my tummy as we looked into each other's eyes.
Gusto kong tumitig na lamang sa kanya sa kahit anong anggulo ng kanyang
mukha o kahit anong reaksyon niya.
He licked his lower lip and then flashed an evil smile.
"I told you to stop cursing, one curse, one minute kiss!"
I rolled my eyes. "Wow! Kahit walang ganyang usapan? Uhaw ka talaga sa
kiss ko, e 'no?"
Humalakhak siya at hinalikan ang aking panga, bahagyang kumagat siya doon
kaya napahagikgik ako sa kiliti.
He nodded. "Oo, adik na adik. Sarap, e!"
Nag init ang pisngi ko at saka tinampal ang labi niya.
"Malandi! Umuwi ka na kasi!" pagtaboy ko sa kanya.
Huminga siya nang malalim at ngumisi, kinurot niya ang aking ilong at
saka pinanggigilan ang aking pisngi bago ako muling hinalikan.
Gosh!
Ang adik!
"Grey!" impit na singhal ko at mabilis na kumalas sa kanya.
Pulang pula ang kanyang labi at basa, ngumuso siya at pinagsiklop ang
kamay namin. Hinila ko na siya sa tapat ng kanyang kotse.
Sobrang kulit niya talaga, hindi pa iyan uuwi kapag pinagbigyan ng
pinagbigyan. Tsss, parang bata ang ugali. Hangga't hindi mo ihahatid o
itatabaoy baka dito pa matulog iyan.
"Gusto pa kitang makasama!" pamaktol niyang sinabi habang sumasakay na sa
kanyang kotse.
"Tsss, tumigil ka na! May bukas pa, h'wag kang mamihasa!" pinandilatan ko
siya.
He laughed and held my hand, humalik siya doon at saka tumango na sa
akin.
"Alright, I'll go now. But can't we change phones or at least sims?" he
pouted like a kid.
Kumunot ang noo ko.
"For what?" takang tanong ko.
Para saan naman 'yon? Why do we have to change numbers or phones?
He pouted and sighed.
"Ayaw ko kasing may iba kang makausap, gusto ko akin ka lang at ako lang
ang kakausapin mo."
"Seriously?" I gasped. "Kailangan pa ba noon? Wala naman akong ibang
nakakausap, ah?"
"Tsss, talaga ba? Kaya pala puro kayo kulitan ng Rocket Estrevillo na
'yon? And who's that unknown number? He said he's Gyro Vizconde..."
Napahugot ako nang malalim na hangin at saka kumamot sa aking ulo.
"Wala ang mga 'yon, hindi ba pwedeng kaibigan lang? Tsss."
Mariin siyang umiling at tumitig sa akin. Nakahawak pa rin siya sa aking
kamay, ramdam ko ang paghigpit noon.
I sighed heavily.
"Grey, hindi ko naman na sila kinakausap."
"Kahit na, napipikon na ako sa Rocket na 'yon. Palagi mo siyang
nakakasama noon at hanggang ngayong mayroon ng tayo ay nangungulit pa
rin, seriously?" singhap niya. "Alam naman na ng lahat kung kanino ka,
I'm sure he knows it, too."
Tumango tango na lamang ako at saka ngumiti.
"Okay! Tigil na, bukas na lang tayo magpalit. For now, you need to go
home cause your phone's ringing simula pa kanina."
Yumuko ako para bigyan siya ng halik sa ilong. Napanguso siya na parang
nagpipigil ng ngiti, sa huli ay napangiti na talaga siya.
"Tsss, ganyan ka, e. Isang halik mo lang talaga nagiging bading na
ako..." he hugged me and kissed the top of my head.
Tsss.
Chapter 30
Yugto 28
Kabanata 28
Malakas na nagtatawanan sila sa back yard, hindi ko alam kung sino pa ang
mga bisita pero panay ang nadidinig kong tawa ay kay Ixerr, napairap na
lamang ako habang naglalakad patungo roon.
Today's January 21, at ngayon ang birthday ni Yvania. Kaya lahat kami ay
narito sa kanilang mansyon, bukod sa aming lahat silang dalawa ni Zin ang
hindi namin naging kapit bahay sa iisang village.
Nahiwalay sila ng village dahil iyon ang kagustuhan ng pamilya ng
kanilang mga Daddy ngunit kahit ganoon ay malalapit naman kami sa isa't
isa.
Habang naglalakad ako ay iginala ko ang aking paningin sa paligid,
karamihan sa mga bisita ni Ania ay ang mga modelo. Mayroon din akong
nakikitang mga schoolmates namin sa HU.
Napahikab ako sa kaantukan. Napuyat ako kagabi dahil sa pagtawag ni
Greyson, hindi raw siya makatulog kaya sinabayan ko na lang siya sa
pagpupuyat niya.
"Sean!"
Napalingon ako sa babaeng sumigaw ng pangalang iyon, batid kong kamodelo
nila Zin at Ania iyon. She's wearing a yellow tube dress, baduy sa iba
kung titingnan pero sa kanya ay nadadala niya ng maayos.
Si Sean ang tinatawag niya. Pinsan iyon nila Zin at Ania sa father's
side. Magkakapatid ang Ama nilang tatlo. So, basically magpipinsang buo
sila.
Nakita ko si Sean na natigilan at nilingon ang babaeng tumawag sa kanya,
biglang nanlaki ang mga mata niya at gulat ang reaksyon.
"Omg! Omg! You're here!" tili ni Sean, agad nilapitan ang babae at saka
sila nag beso at yakapan.
"Missed me that much, my cousin?" nakataas kilay na tanong noong babae.
So, pinsan din pala nila? Hindi ko naman nakilala ang mga pinsan nila
Ania kaya siguro pinsan nga rin niya iyon.
"Of course I do, Vanie! Gosh, look at you!" pinasadahan niya ng tingin
iyong Vanie. "You look so hot! Nasaan na ang balyena dati?"
Nagtawanan sila.
Dumiretso na ako sa sliding door patungo sa backyard, natanaw ko na agad
ang pwesto ng aking mga pinsan. Mukhang sila ang priority rito, dahil
sila lang ang nasa mahabang lamesa.
Ixerr was laughing while tapping the table. Tawang tawa rin si Zydein
roon, pati sila Kaizellus at Dyze.
Dyze is sitting beside her girlfriend, Prescilla Grande who's also
laughing on whatever they were talking about. Dyze snake his arm around
Prescilla's waist and his chin rested on her shoulder like blade.
Maganda si Prescilla kaya hindi ako nagtatakang nagustuhan rin siya ni
Dyze, I know Dyze. Napakapihikan niya pagdating sa mga babae, ni hindi
nga ako umaasang magkakaroon siya ng nobya.
Pumasada ang tingin ko sa kanila, Kaizellus has a girl beside him, too!
He was eyeing Prescilla, kinakunot ng noo ko iyon. Hindi ko alam kung
malisyosa lang ako o talagang may iba sa tingin ni Kai sa kanya.
Huminga siya nang malalim at umiwas ng tingin, ngumiti siya sa katabi
niya at saka pinilupot sa baywang noon ang kanyang braso. Hinalikan niya
ang tainga noon na ikinahagikgik ng babae.
Damn.
Napailing na lang ako, humugot ako ng hangin at saka ngumisi pagkalapit
sa kanila. Naghiyawan agad sila Ixerr ng makita ako, Zydein whistled.
"Our Riziane is here! Yehey!" maligayang hiyaw ni Ixerr.
Pinasadahan niya agad ako ng tingin magmula ulo hanggang paa.
"Seriously? Pinayagan ka ng nobyo mong ganyan ang suot?" natatawang
tanong ni Zydein sa akin.
Kumunot ang noo ko.
What?
I'm wearing a black halter top and a low waist shorts, hindi naman
mahigpit si Greyson sa mga sinusuot ko as long as he's with me.
Okay lang din naman siguro ngayon, duh! Mga pinsan ko lang ang kasama ko,
as if naman nakikipaglandian ako sa ibang bisita ni Ania. Isa pa, wala
namang mali sa suot ko.
Mainit naman ang panahon, ayos lang maglabas kahit na konting balat.
Inilapag ko ang aking sling bag sa upuan at saka nagpaypay ng kamay sa sa
aking mukha.
Bumuga ako ng hangin.
"Init kaya! Tsaka ano naman? Kayo lang naman ang kasama ko rito!"
Suminghap si Zydein. Napangiwi naman si Ixerr at tiningnan pa ang shorts
ko. Nginuso niya iyon at umiling.
"Vagina shorts? What do they call it? Tama 'di ba?" He tsked. "Pag ako
nagkaroon ng girlfriend na katulad mo? Puta, baka hindi kita palabasin ng
bahay n'yo nang hindi naka pj's at longsleeves!"
I rolled my eyes.
"Magkakagirlfriend nga ba? Pag ikaw nagkagirlfriend? What do they call
it? Imposible!" panggagaya ko sa kanya.
Nagtawanan kami. Umismid naman si Ixerr at mabilis na ininom ang kanyang
tequila shot, sumipsip siya ng lemon at saka ngumiwi sa init noon.
"Tangina imposible nga 'yon!" halakhak ni Zydein.
Ngumisi lang sila Dyze at napailing, huminga ako ng malalim at umupo sa
upuan kaharap nila Ixerr.
"Hi, Riz!" Prescilla greeted me.
Napansin kong pineapple juice lang ang nasa kanyang harapan, noon pa man
ay hindi na talaga siya umiinom ng alak. Sa ilang beses na nakahalubilo
ko siya, hindi ko pa nakitang nakisali siya sa inuman.
Bagay na nagustuhan talaga ni Dyze sa kanya, biruin mo ang tagal na nila
ni Dyze. 1 and a half year yata? Yeah, I guess right.
Tumango ako sa kanya at ngumisi, pinakita ko sa kanya ang hawak kong shot
glass para yayain siyang mag shot. Hindi naman umalma si Dyze, para bang
sinusubukan niya pa si Prescilla kung kakagat.
Prescilla waved her hand.
"Sorry, but no..." halakhak niya.
Ngumisi si Dyze at hinapit ang baywang ni Prescilla, hinalikan niya ang
buhok noon. Parang bata na humagikgik naman si Prescilla.
"Tsss, hindi ka naman babawalan n'yan ni Dyze!" ani Ixerr. "Pabor nga sa
kanya kung malasing ka, e!" He laughed.
Kumunot ang noo ni Dyze at binato siya ng tube ice.
"Ungas! Don't compare me to yourself! Gawain mo kasi iyon." he hissed.
"You'd let your girls drunk and screw-"
"Dyze!" saway ni Prescilla kaya napatigil na si Dyze sa sasabihin.
Humagalpak sa tawa sila Ixerr at Zydein. Sumulyap ako kila Onyx, abala
siya sa pakikipag usap kay Tia doon. Nakangiti si Tia na parang may
nakakatuwang sinabi si Onyx.
"Tia, hindi ba't pupunta si Treyson ngayon?" si Seanity iyon.
Katabi niya sila Zin at Ania sa harapan nila Tia, magkakasama sila doon.
Ako nama'y nandito sa grupo nila Ixerr.
Ngumiti si Tia at tumango.
"Oo, pero susunduin niya lang ako..." she answered.
Ngumuso si Seanity at bumagsak ang balikat.
"Ay, e 'di hindi niya kasama si Greyson?"
Kumunot agad ang noo ko.
Anong mayroon kung hindi kasama si Greyson? Anong mayroon? Bakit
kailangan niyang hanapin si Greyson? Tsss.
Nakakaamoy ako ng hindi magandang hangin rito, ah. H'wag niyang sabihing
may gusto rin siya kay Greyson?
Tumawa iyong si Vanie. "Grabe, hindi pa rin makalimutan ang first crush,
Sean? Move on din, taken na yata si Greyson."
Bahagyang napasimangot ako at ininom ang isang shot. Nagtatawanan pa rin
sila Ixerr, nag uusap naman ng seryoso si Dyze at Prescilla.
Ngumuso si Seanity.
"Paano mo naman nalaman? E, wala namang social accounts si Greyson?"
nakasimangot na sinabi niya. "Nakita ko kasi siya kanina sa Starbucks,
geez! Ang gwapo gwapo niya!"
Hinampas agad ni Ania ang braso ni Sean nang makita akong nakasulyap sa
kanila, iniwas ko agad ang tingin ko at saka huminga ng malalim.
"Babaita ka! Boyfriend na ni Riz si Greyson, hindi mo na pwedeng
magustuhan at landi-landiin." impit na bulong ni Zinderela ang nadinig
ko.
"Wait, wait. Who's Riz?" singit ni Vanie.
"Cousin..." simpleng sagot ni Zin habang natatawa.
"What? Really?" gulat na bulong naman ni Seanity.
"Tsss, Seanity. Tumigil tigil ka at mayroon kang boyfriend 'di ba?" si
Ania. "Ako nga hindi pumasa kay Greyson, ikaw pa kaya? Duh! I'm sexier
than you!"
Tumawa si Tia. "So, Riziane is the most sexy? Siya ang kinoronahan, e!"
pang inis niya.
Nag init ang pisngi ko. Hindi man ako nakatingin sa kanila'y nakikinig
naman ako, kahit na maingay rito sa aming pwesto.
Basta talaga tungkol kay Greyson, nagiging alisto ako. Pangalan pa lang
niya ang madinig kumalabog na ang dibdib ko sa excitement kahit na
naiinis ako sa mga babaeng may gusto sa kanya.
I'm aware that everybody likes Greyson, I mean who wouldn't like him?
He's a man of every girls dream, lahat halos ng nakakakilala sa kanya ay
nagugustuhan siya.
Habang lumalalim ang gabi'y lumalamig ang simoy ng hangin pero ganoon na
rin ang pag-init ng aking katawan. Syempre ganito ang epekto ng alak sa
aking katawan.
Kumusta naman ang tequila at vodka?
"Saang ospital ka mag iintern, Xerr?"
Umirap si Ixerr sa akin, kumurot siya ng sa chicken legs at saka kinain
iyon.
"EGH, saan pa ba? Nakikita mo nga ako parati doon." sarkastikong sinabi
niya.
I rolled my eyes.
"Tanga ka, bakit sabi ni Tito Zayn lilipat ka sa US?"
Kailangan kasi niyang kumuha ng specialization sa America, kung
gugustuhin niya rin ay pwede na siya doon magtrabaho bilang doktor.
Mas maganda nga naman doon kasi mas malaki ang sahod at hindi siya
masasayangan, tsaka naroon si Tito Dashiel at Tito Zayn. Doon sila
nagtatrabaho bilang doktor.
Umiling siya habang ngumunguya.
"Kukuha lang ako ng specialization, pero hindi ako mag iintern at
magtatrabaho roon. My life is here, hindi ko na kailangan lumayo pa..."
Napatango ako at bumaling kay Zydein.
"Ikaw, ZD?"
Nagkibit siya ng balikat. "Kahit saan pwede ako, basta kasama Mama ko...
kung saan si Mommy, doon ako."
Humagalpak ako sa tawa.
"Seryoso ka? E 'di kapag pumunta si Tita Cara sa Mars, doon ka rin?"
pabirong sinabi ko.
Kumunot ang noo niya sa inis.
See? Pikon!
"Mars? Siraulo ka ba o may sayad sa utak? Bakit naman siya mapupunta sa
Mars?"
"Tangina, nagbibiro lang! Ang OA mo, koya!" halakhak ko.
"Tsss, sipain ko kaya si Greyson para mapunta roon?" ngumisi siya.
Napapikit ako ng mariin at saka nag middle finger sa kanya.
"Ba't ba parati ninyong dinadamay 'yong tao? Nananahimik sa kanila 'yon,
baka sinisinok na 'yon ngayon..." inis na sinabi ko at umirap.
Tumaas ang kilay ni Ixerr, sumipol agad si Zydein habang nakatingin sa
aking likuran.
Kumunot ang noo ko at sumulyap sa tinitingnan nila.
The heck?
Mula sa sliding door ay natanaw ko na ang nakangiting si Greyson, nasa
tabi siya nia Tia at Treyson na magkaakbay ngayon habang kausap sila
Seanity, Ania at Vanie.
Naglahad ng kamay si Treyson kay Vanie at Seanity, bumeso pa siya kay
Ania. Parang binabati niya si Ania.
Sunod naman na ipinakilala ni Tia ay si Greyson. Hindi ko sila madinig
dahil medyo malayo sila sa mula rito.
Humagikgik si Seanity nang maglahad din ng kamay si Greyson sa kanya at
doon sa pinsan niyang si Vanie.
Greyson smiled. Kumirot ang puso ko doon, hindi ko maintindihan pero ayaw
kong nakikita siyang ngumingiti o humahawak sa iba.
Seriously!? Gusto ko rin na akin lang siya, ilang linggo na rin simula
noong magpalitan kami ng cellphone. Tama sila Seanity, walang kahit anong
social media account si Greyson kaya alam ko naman na kami lang talaga
ang magkausap parati.
Lagi lang kaming texts at calls, pero naiinis din ako sa mga unknown
numbers na nagtetext at nagmimissed call sa kanya. Lahat ng number sa
phone niya ay naka blocked na.
Si Tita, Treyson, Tia at Ako na lang ang natitira doon.
Hindi ko maalis ang tingin sa kanila ni Seanity, mukhang kinikilig talaga
si Seanity habang nakatingin kay Greyson.
Kumalas din naman agad si Greyson sa pagkakamay nila at saka nagpamulsa
bago iginala ang kanyang tingin sa buong back yard na parang may
hinahanap.
Bahagyang ngumuso siya at bumulong kay Tia. Tia grinned widely, iyong
ngiting nang aasar. Ngumuso si Tia sa gawi kung nasaan kami.
Huminga ako nang malalim at umiwas na ng tingin bago pa kami
magkatinginan. Bumuga ako ng hangin at sinamaan ng tingin ang nanunuyang
tingin nila Kaizellus at Ixerr sa akin.
Zydein puffed a cigarette, hindi pa man niya napapangalahatian iyon ay
mabilis na kinuha ni Zinderela iyon at saka tinapon sa bermuda grass at
tinapakan.
"Rule, Zydein Cyx! Sinong nagsabing magyosi ka? Dito pa talaga, huh? E,
kung isumbong kita kay Tita Cara?" singhal ng iritadong si Zin habang
nakatakip sa kanyang ilong.
Inismiran siya ni Zydein, gamit ang likod ng kanyang palad ay nagpunas
siya ng labi niya.
"Tsss, I need to smoke while drinking, Zinderela..." si Zydein.
Nagtiim bagang si Zin. Naglahad siya ng kamay kay Ixerr habang seryoso
ang ekspresyon. Pinagkunutan siya ni Ixerr ng noo.
"What!?" natatawang tanong niya.
"Akin na, Zwane Ixerr..."
O, ungas ka ha! Akala mo makakatakas ka!
"What? Anong akin na?" painosenteng tanong ni Ixerr.
"Tsss, ibigay mo! Ihahalo ko 'yan sa iniinom n'yo..." mataray na sinabi
ni Zin. "Isa ka pa Riziane, akala mo hindi ko napansin na nagyosi ka
kanina?"
Nanlaki ang mga mata ko. Suminghap naman sila Ixerr at saka nginiwian si
Zin. Nakatingin na sila ngayon sa aking likuran. Nalaglag ang panga ni
Zin, nakita ko kaba sa kanya nang nilipat ang tingin sa akin.
Damn!
Kumalabog ang puso ko nang lingunin ko tinitingnan nila. Greyson was
eyeing me with his hawk like eyes, his jaw clenched tightly.
"Grey, a- ano..." napakamot si Zin at nautal. "Ano, I was just kidding.
Sila Ixerr lang talaga ang nakita ko..."
What a stupid stunt!
Iyon ang pinakaayaw ni Greyson! Ayaw na ayaw niya ang bisyo kong iyon.
Alam ko naman na ayaw ni Greyson, iyon ang kaisa-isang ipinagbawal niya
sa akin.
Patawang nagsalita si Ixerr, inilabas niya ang kaha ng Marlboro at
pinakita kay Grey iyon. Pero walang kwentang sinulyapan lang ni Greyson
iyon at matalim ang tingin sa akin.
"Moretz, pare... Nasa akin oh! Paano 'yan makakapag yosi kung nasa akin
'to?" tatawa tawa niyang sinabi at binigay kay Zin iyon. "Daldal mo
kasi,"
Napasinghap ako. Akmang tatayo na ako pero mabilis na dinarag na ni
Greyson ang aking palapulsuhan. Nalilitong tiningnan pa kami nila Tia at
Trey nang makasalubong namin sila.
Walang tigil ang pagkalabog ng dibdib ko dahil sa kaba.
"Grey!"
"Don't fucking call me! Manahimik ka muna!" malamig na sambit niya habang
dinadarag ako papalabas ng mansyon.
Napahugot ako nang malalim na hininga at kinagat ang labi ko.
Nakakapanlumo, ayaw kong madisappoint ko siya sa bisyo ko na ipinagbawal
niya. Pero ano pang magagawa ko ngayon na nabisto ako?
I usually smoke when drinking, katulad kila Ixerr at Zydein. Kaming tatlo
ang talagang nagsisigarilyo, sila Onyx ay hindi ko pa nakita kahit
kailan.
Nang makalabas kami ay pabalyang binitiwan niya ang braso ko. Mabibigat
ang paghinga niya habang nakatitig ng matalim sa akin.
"Did you smoke?" mariing tanong niya.
Bumuntong hininga ako.
"Grey-"
"Yes or no?" mariing putol niya muli.
Kita ko ang galit sa kanyang mga mata, ang ekspresyon niya ay nagpapakita
ng kaseryosohan at pagkainis sa akin.
Nagyuko ako ng ulo.
"Hindi." iling ko.
Fuck! Sinungaling ako dahil ayaw kong masaktan siya sa pagsuway ko sa
kanyang utos.
He smirked irritatingly.
"Are you sure?" baritonong tanong niya habang nakataas ang kilay sa akin.
Fuck! Damn shit!
"Grey, hindi nga." I sighed.
His lips rose, he nodded mockingly. Agad niyang hinakawan ang panga ko at
mabilis na inilapit ang kanyang ilong sa aking labi.
Napatigil ako sa paghinga at pilit sinara ang aking bibig, para akong
nakakain ng isang malaking bato.
Pagkahiwalay niya sa akin ay dumura siya sa semento at nag igting ang
panga, pumikit siya ng mariin.
Fuck!
"The fuck, Riziane!"
"I'm sorry!" mabilis na tugon ko.
"Iyon lang ang ipinagbabawal ko, hindi mo pa masunod?" pagalit na singhal
niya.
Inis na tumungo siya sa kotse niya, mabilis na sumunod ako doon. Gusto ko
nang maiyak dahil sa pagmumura niya kanina pa pero hindi ko magawa dahil
ayaw kong umiyak sa harap niya.
"Grey, sorry na... Please!" pag-aamo ko sa kanya at humawak sa braso
niya.
"Tsss, naiinis ako sa'yo!" inis na sinabi niya. "And what the fuck are
you wearing? Nagpaalam ka sa akin at ang sinabi mo ay hindi ka magsusuot
ng ganyan!"
The fuck!
Hinubad niya ang kanyang jacket at siya mismo ang nagsuot sa akin noon,
tinaas niya ang strap ng bra ko at saka inis na nailing sa akin.
"Kitang kita ang undies mo! Wala ka bang boyfriend, huh?"
Ngumuso ako. "Sorry na nga, e. Mga pinsan ko lang-"
"Kahit pa! H'wag ka na nga mag rason, Riziane. Lalo mo lang akong
iniinis..." singhal niya at pinunasan ang aking labi gamit ang laylayan
ng tshirt niya.
"Minsan lang naman, e. Sorry..." nakangusong sinabi ko.
"Tsss, hindi mo ba alam na sa bawat isang sigarilyo mo ay nababawasan ang
araw na makakasama kita?"
Napahugot ako nang malalim na hininga. Damn it!
"See? You're a soon to be doctor but you don't know that. Please naman,
mahal. Stop smoking, hindi maganda 'yon..."
Hinaplos niya ang aking pisngi at saka tipid na ngumiti sa akin.
Bumuntong hininga ako at tumango tango na parang nahipnostismo.
"Hindi na po, sorry na talaga..." I said sweetly.
He pouted a bit and kissed my nose.
"I love you, mahal..." he whispered. "No more cigarettes, ha..."
Napangiti ako at yumakap sa kanyang baywang.
"I love you, Grey..."
Chapter 31
Yugto 29
Kabanata 29
Nagising ako na masakit ang ulo. Marami ba ang nainom ko kagabi? Sa
pagkakaalam ko bumalik kami ni Grey kila Ania and he got drunk!
Napakahina uminom ni Grey, ni hindi ko pa na-enjoy na maka jam siya sa
inuman kagabi. Ni hindi niya naabot ang kalahati ng tequila.
Napangiti ako nang maalala siya.
Makulit siyang malasing at madaldal bagay na hindi namin kinasanayan,
kaya naman halos lahat ng pinsan ko ay naktunghay at pinapanuod lang siya
kagabi dahil sa kadaldalan niya.
I guess it was his first time, hindi ko naman kasi talaga siya nakikitang
umiinom noon pa man. Kahit si Tia ay sinabing hindi raw talaga umiinom si
Grey.
Napasinghap ako nang maramdaman ang matigas na brasong pumulupot sa aking
baywang, bumilis ang pintig ng puso ko.
Lalo pa nang maramdaman ko ang mainit na paghinga niya sa aking leeg.
Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ang lahat.
What the hell!? Did they just let me sleep with Greyson!? Oh my God! Oh
my God! I can't believe this nightmare!
Marami na akong nakatabing lalaki sa higaan at sa pagtulog pero hindi ako
naiilang o ano! Pero bakit nakakaramdam ako ng awkwardness kapag siya ang
katabi?
Ito ang kauna-unahang nagtabi kaming matulog sa higaan at sa pagtulog,
hindi naman kasi gaya si Greyson ng ibang nobyo na nakakarating sa kwarto
ng kanilang nobya.
Kapag nasa amin si Grey ay hanggang living area lang siya parati. It is
not that I wanted to bring him inside my room, pero kahit na manunuod ng
movie ay hindi ko siya naaya roon.
Simply because he wants to respect me, hindi raw kasi siya ganoong lalaki
na magyaya sa kwarto ng babae. Old school, but hell good to be true!
Mabilis na nilingon ko siya, he eyes were still close and his cherry lips
were a bit parted. Sinong hindi gaganda ang umaga kapag ito ang maabutan
mo?
"Grey..." marahan kong tawag.
Humawak ako sa kanyang brasong nakapulupot sa aking baywang, kapwa kaming
nakabalot sa isang puting comforter.
So, dito na nga kami sa guess room nila Ania nakatulog at hindi na
nakauwi?
He groaned.
Lumunok siya at napapikit ng mariin ang mga mata na parang may iniindang
sakit sa kanyang lalamunan.
He groaned again. He slowly open his eyes, bumungad sa akin ang kanyang
kulay tsokalateng mga mata. Sa sobrang lapit ng mukha namin ay parang
magsasalubong na ang mga ilong namin.
Todo ang kalabog ng puso ko. Walang mapaglagyan ang kaba at kilig na
nararamdaman ko sa aking sistema.
This really is a good morning. Greyson is the best view for every morning
you wake in everyday life.
Marahang Napapikit siyang muli at saka nangiti ng bahagya. Tinuko niya
ang kanyang ilong sa gilid ng aking labi. And God knows how much I wanted
to faint!
Napatigil ako sa paghinga at parang nahihigop na nang nakakaliyong
mapupulang labi ni Greyson.
Lumunok ako at saka bahagyang ginalaw ang aking mukha para mabigyan siya
ng halik. Nagtama ang aming mga labi.
Doon dumilat ang isa niyang mata at saka kumunot ang noo. Umirap ako at
pumikit, I moved my lips against his.
Huminga siya nang malalim, his hands touched my elbows up to my neck and
jaw. Naramdaman ko ang elektrisidad na bumalot sa aking buong katawan.
The way he kissed me back gave me so much chill, humawak siya sa batok ko
at lalo akong siniil ng malambot na halik.
Hindi ko talaga alam kung ano ang ginagawa niyang paghalik, kung uhaw ba
iyon o chill lang. Tsss, I want to feel his thirst for kisses when we're
kissing but it looks impossible to happen.
Greyson is a gentleman! Para siyang bading dahil sa kahinhinan at
kabaitan, para bang hindi siya gagawa ng ikasasakit ng babae?
Kung good boy at gentleman si Gyro? Mas iba ang pagka goodboy nitong ni
Grey, mas gusto ko naman iyon dahil ako ang pinipili ni Grey kahit alam
niyang may masasaktan siyang iba basta para sa kanya ako ang importante.
Hinigit niya lalo ang aking baywang at saka ko naramdaman ang pag ibabaw
niya sa akin. I gasped, wala akong ibang maisip kundi ang angkinin ang
mga labi niya.
Shit! I feel the heat of his body and kisses.
Marahan niyang pinaglandas ang aking magkabilang hita at doon siya
pumwesto, bumilis ang paghinga ko dahil sa kahingalan.
Naging uhaw at mapusok ang paghalik ko sa kanya. He flicked his tongue
inside and I moaned. Nakagat ko ang kanyang pang ibabang labi dahil sa
gigil.
Gosh!
Ngayon ko lang naranasan makipag halikan ng ganito sa isang lalaki, kay
Tiara ay nagawa ko na ito pero hindi sa lalaki.
Fuck! This is so fucking hot! He's so fucking hot on my top. Huminga ako
nang malalim at saka pinulupot ang aking binti sa kanyang baywang.
Napaungol ako sa pagkiskis niya sa akin, he groaned and stopped kissing
me. Kumunot ang noo ko dahil sa iritasyon sa paghinto niya.
Tumitig siya sa akin habang hingal pa rin, nakahawak lang aking
magkabilang kamay sa kanyang batok habang hingal rin.
Why did he stop the kisses? May problema ba? Hindi ba ako marunong
humalik? Pangit ba ang lasa ng laway ko?
Fuck!
Ano ba kasing problema?
Tumaas ang isang kilay niya bigla.
"What are you fucking doing, mahal?" malambing na tanong niya at saka
humalik sa aking pisngi.
Namahinga ang kanyang ilong sa aking pisngi, mabibigat pa rin ang kanyang
paghinga. Lalo lang akong nag iinit tuwing nagmumura siya o may kakaiba
siyang nasasabi.
Damn it!
"Grey!" nakangusong sambit ko. "Kiss mo ako kasi!"
Mabilis na humalik siya sa aking labi. Gosh! That's not what I meant!
That's not what I wanted!
"Ano 'yon? Kiss sa Lola? Tsss..." umismid ako.
He chuckled huskily. Umiling siya habang nakadikit pa rin ang kanyang
ilong sa aking pisngi.
"No, love." he shook his head. "I won't go far, you were moaning- fuck,
jeez! Gusto kitang halikan para matahimik ka lang pero makulit ka at
maingay..." humalakhak siya at kinagat ang pisngi ko.
Chapter 32
Yugto 30
Kabanata 30
"Grey kasi!"
I laughed sleepily, he was tickling my neck. Paulit ulit siyang humahalik
doon at bahagyang kinakagat kagat pa ako doon.
"Happy 7th, my love. Good morning..." he whispered huskily, biting my
earlobes.
Malapad na napangisi ako at saka kinurot ang ilong niya. Kahit antok pa
ay dinamba ko siya ng yakap, tumawa siya at inupo ako sa kanyang abs.
Humilig ako sa kanyang malapad na dibdib at saka ako humalik sa leeg
niya. He chuckled huskily, hinaplos niya ang buhok ko habang tatawa tawa.
"Love bites again..." aniya. "Alam na nang lahat na mayroon akong Riziane
Saavedra, nako naman, love..." humalik siya sa sentido ko at humalakhak.
Hindi kumakalma ang puso ko kapag kasama ko siya, para bang may sariling
utak ito na si Grey lang ang lalamanin nito.
Kahit kanino naman ay hindi ko nararamdaman ito kahit kanino, tanging sa
kanya lang talaga ako kinakabahan at hindi mapalagay.
Tsss.
Public kami ni Grey kahit saan lang kami naglalambingan at naghaharutan
but in a good way naman. Syempre hindi iyong PDA, hindi dahil ayaw ko ng
attraction.
Ayaw ko lang talaga makita ng kahit na sino kung paano maglambing o
manghalik o mangyakap si Grey, gusto ko ako lang ang nakakakita noon.
Mamaya mainggit pa iyong mga desperada sa akin at agawin nila si Grey sa
akin. Nako! Magkamatayan na pero hindi ko ibibigay kahit kanino ang mahal
ko.
"I love you, mahal..." bigla lang niyang nasambit habang naglalaro kami
ng arcade.
Nandito kami sa SVD room, nakakandong ako sa kanya nakayakap naman siya
sa aking baywang habang nasa controller ang kamay niya.
Napatulala ako sa kanya at saka suminghap dahil parang may kakaiba sa
kanyang boses noong sabihin iyon.
Nakaramdam na lang ako ng biglang kaba. Hindi ko alam kung para saan at
kung bakit ganoon ang naramdaman ko, samantalang oras oras naman niya
iyong nasasabi. Minu-minuto pa nga, e.
"Knocked out!" biglang sigaw niya at saka tumawa.
Napasinghap akp dahil doon.
Tangina nito! Kaya pala pinalungkot niya pa ang boses niya para lang
matalo ako? Wow! So, desperado talaga siyang matalo ako!
Kinagat ko agad ang braso niya dahil sa inis, malakas na napasigaw siya
at saka humagalpak sa tawa.
"Ouch, mahal, ah!?" saway niya sa akin at saka siniksik ang mukha niya sa
aking batok at inamoy amoy ako doon.
Malakas na tumawa ako dahil sa kiliti. Lalong humigpit ang braso niya sa
aking baywang.
Kumalabog ang puso ko. Napawi ang ngiti sa labi ko at saka tumitig sa
kanyang mukha, ngumuso siya at saka tipid na ngumiti sa akin.
Hindi ako mapalagay, hindi ko maipaliwanag kung bakit ako nakakaramdam ng
kaba sa oras na ito. Basta ang lakas ng kabog ng dibdib ko.
Ngumiti siya at pinagkunutan ako ng noo nang mapansin niyang nakatitig
lang ako sa kanya.
"May dumi ba ako sa mukha?" tanong niya sa inosenteng ekspresyon.
Ilang sandali ko pa siyang tinitigan sa mga mata pero wala naman akong
makita o mabasang kahit na ano roon.
Huminga ako nang malalim at saka umiling ng nakangiti. Hinaplos ko ang
pisngi niya, napakurap kurap siya.
"What's bothering you, mahal?" malambing at nag aalalang boses niya.
Ngumuso ako.
"Ikaw," I sighed.
Ayaw kong magsinungaling o magdeny, gusto kong malaman ang laman ng isip
niya. Mayroon kasi akong kakaibang nararamdaman at ayaw kong ipagsawalang
bahala lamang iyon.
His forehead creased.
"Bakit ako?"
"Bakit may nararamdaman akong mali? I can't even explain what, pero
nangbababae ka na ba? May nakakausap ka na bang iba bukod sa akin?
Mayroon bang desperadang gumugulo sa'yo at inilalayo ka sakin?"
Hindi ko na mapigilan ang sarili ko, I wanted to cry because of thinking
those. Lahat iyon ay hindi ko maisip na mangyayari pero gusto ko na
talagang malaman habang maaga pa.
Kung may gumugulo man sa isip niya o kung nagdadalawang isip na siya
sakin. Nasasaktan ako na baka tama ang lahat ng kutob ko.
His eyebrows met while looking at me with curious eyes.
"Why are you asking those shits? Lahat 'yon ay walang kasagutan kundi
"no" lang..." he said. "Kumain ka na naman ba ng chocolates? Hyper na
naman ang isip mo, e..."
I sighed heavily. "Sorry, hindi ko lang kaya ang mga gumugulo sa isip
ko..."
"At iyon ang mga gumugulo sa isip mo?" taas kilay na tanong niya. "Kung
mayroon ka mang maling nararamdaman, iyon ay ang mga iniisip mo. Those
shit you were asking is impossible to happen,"
Muling humugot ako nang malalim na hangin sa aking baga.
"Natatakot ako na baka agawin ka sakin, e. Hindi ko kasalanan 'yon, Grey.
Hindi rin naman kasi imposible na maagaw ka sakin..."
Sumilay ang ngiti sa labi niya, bahagyang tumingala siya at pumikit ng
marahan. Bumuga siya ng hangin at hinapit lalo ang baywang ko.
"Damn, Riziane. Hindi imposibleng maagaw ako sa'yo, sige. Pero
imposibleng magpaagaw ako, tsss. I'm very content with you, I couldn't
even lay my eyes with other girls!"
Ngumiti siya at hinalikan ang ilong ko. Naamoy ko doon ang strawberry
mint, parang pinaghalo. Ang bango at nakakaadik.
"Stop thinking something weird and impossible. Hindi kita pinaghirapan
makuha ng ilang taon para lang ipagpalit ngayong naging akin ka na..." he
smiled.
My love for him is unexplainable, hindi ko maipaliwanag ang pagmamahal ko
sa kanya. Ilang buwan na kami at hanggang ngayon ay wala akong kasawaan
sa kanya.
Luckily, he doesn't seem to get annoyed by my possessiveness. Clingy rin
ako sobra, level 200 siguro. Kahit kailan sa ilang buwan na itinagal
namin ay hindi naman siya nagsasawa sa akin at mukhang hindi talaga.
Well, hindi naman na nasundan iyong pag-angkin niya sa akin. Iyon ang
naging una at huli namin sa lumipas na buwan. Kahit na gusto ko ay
nangako siyang hindi na raw niya gagawin iyon hangga't hindi kami kasal.
I love him too much... Yes, too much like it will kill me.. I know it's
not healthy for us but what can I do? Greyson is my life now, maaga pa
siguro para sabihin ko ito pero iyon ang nararamdaman ko.
Ayaw kong malayo siya sa akin, ni ayaw kong lumagpas ang isang araw na
hindi siya nakikita o nakakausap man lang. Boses pa lang niya ay buo na
ang buong araw ko.
Damn. I must be crazy, yeah! Crazily in love with him. Walang wala pa
pala talaga iyong naramdaman ko noon kay Gyro.
As in, wala pa iyon miski sa kalahati ng pagmamahal ko kay Greyson
ngayon. Nababaliw na talaga ako, siguro. Pero talagang mahal na mahal ko
lang siya.
Habang naglalakad ako sa mainit na field ay napapagiti na lamang ako
kapag naiisip ang mukha ni Greyson na natutulog.
"Ate Riziane! Si Greyson, po!" humahagos ang isang babaeng lumapit sa
akin.
May mga kasama siya pero nag uusap usap lang ang mga iyon at parang may
chismisan habang tumuturo pa sa gitna ng field.
"What!?" kunot noong tanong ko.
Kumalabog ng sobra ang puso ko dahil sa kaba. Damn it! Ito ba ang
napaginipan kong hindi mangandang mangyayari?
Tumuro siya sa field, maraming estudyante ang nagkukumpulan roon na
parang may pinapanuod silang laban ni Manny Pacquiao.
"Anong mayroon?" aligagang tanong ko habang nakatanaw sa field.
Lalo pa akong kinabahan nang makita kong mabilis na tumatakbo si Ixerr
doon papunta sa kumpulan. Nakakuyom ang kanyang kamao at nakaigting ang
panga.
Bahagyang nagbigay daan ang mga estudyanteng nakaharang sapat na iyon
para makita ko kung sino ang mga naroon sa gitna ng pinagkukumpulan.
"Nakikipagbunuan sa mga pinsan mo!"
Nanlaki ang mga mata ko, kitang kita ko kung paano sinapak sa mukha ni
Cyx si Greyson, nagdudugo na ang labi ni Greyson. Ganoon din ni Cyx pero
nasa ilalim si Greyson kaya mas lugi iyon.
Mabilis na kumalabog ang dibdib ko sa galit, inis, sakit at awa kay
Greyson. Kinapitan agad ni Treyson si Cyx para alisin iyon sa
pagkakaibabaw kay Greyson pero mabilis na kinwelyuhan na siya ni Volt at
saka sinapak.
Gusto kong manlambot nang muling sapakin ni Cyx si Greyson, mabigat ang
dibdib ko kahit nanghihina at nanlalambot ay mabilis na tumakbo ako
patungo roon.
Hindi ko kaya ang nakikita kong dugo at galos sa mukha ni Greyson, puro
tulak lang ang gingawa niya kay Cyx at hindi lumalaban. Sinasalag niya
lang ang mga suntok noon.
Nakita ko ang kaibigan nila Trey na si Simon, nakikipagbunuan rin iyon sa
pinsan kong si Dyze. Si Treyson naman ay pinagtutulungan ni Ixerr at
Volt.
Dumudugo na ang labi ni Treyson, mayroon na rin siyang dugo sa kilay.
Kahit pinagtutulungan siya ay lumalaban at sumusuntok pa rin. Si Greyson
ay hindi talaga.
Putangina! Ano 'to?
"Tangina, ayaw ko sa lahat iyong nakikisali!" sigaw ng galit na si Cyx.
"Hindi kayang pigilan ng pagiging nobyo mo sa pinsan ko!" nagtatagis ang
bagang ni Cyx at muling sasapak sana.
Mabilis at buong lakas na tinulak ko siya, hindi siya natinag kahit
ganoon pero nang makita niya ako ay para siyang nagising mula sa pagiging
demonyo.
Napahinto sa ere ang kamao niya, nanginginig pa iyon sa galit. Lalo akong
nagagalit dahil nakita ko pang maga na ang kanyang kamao tanda na kanina
pa niya binubugbog si Greyson.
Humihingal pa siya, parang kahit nakita na niya ako ay gustong gusto pa
rin niyang sapakin si Greyson.
Nanlalabo ang mga mata ko pero pinilit kong maging matapang para sabihin
ang nagpapasakit lalo sa puso ko.
"Putangina mo! Gago ka ba!? Subukan mong sumapak ulit! Sige! Sapak,
fucker! Kakalimutan kong pinsan kita! Lahat kayo!" I yelled in anger and
frustration.
"Riz!" saway ni Greyson habang napapangiwi.
Hindi ko siya pinansin, nanatili ang matalim kong tingin kay Cyx.
Napatigil na rin sila Ixerr dahil sa isinigaw kong iyon, pabalyang
binitiwan niya si Treyson. Ganoon din ni Dyze kay Simon.
Wala namang reaksyon si Volt pero umigting ang kanyang panga at saka
tumalikod, hinila niya agad ang ngayon ko lang napansing humahagulgol na
si Tia sa isang tabi.
Putangina, ano? Wala siyang nagawa para awatin ang mga nag aaway? Doon pa
lang ay alam kong siya na ang dahilan nito!
Nagkakalabuan sila ni Trey, bakit pati si Grey damay sa malabo at walang
kwenta nilang relasyon? Tapos ngayon, iiyak iyak lang siya?
Useless!
"Tangina..." Ixerr cursed, he glared at me. "Pwede bang h'wag kang
makisali rito?" anas niya.
I gritted my teeth in too much anger.
"Putangina n'yo!" sigaw ko. "You are all now strangers to me..."
Ayaw ko man sabihin at gawin iyon pero kaya ko talagang gawin para kay
Greyson, tangina. Kilala naman siguro nila si Greyson 'di ba?
Hindi ko alam ang dahilan. Kung sino ang tama at may ginawang mali sa
kanila, pero kahit si Greyson pa ang mali ay hindi ko sila patatawarin
dahil sa ginawa nilang ito!
Umigting ang panga ni Cyx, nakita ko ang matinding pagpipigil niya.
Nakitaan ko rin ng sakit ang kanyang mga mata, he glared at Greyson.
Pagalit na sumuntok siya sa bermuda grass ng field at saka nagtaas ng
dalawang kamay bilang pagsuko, bumuntong hininga siya at umiling.
Nagtagis ang bagang ko sa galit, tumulo ang luha ko at agad kong pinalis
iyon.
"Alisin mo na 'yan rito, hindi siya kasali pero nakikisali, bagay talaga
kayo..." malamig na sinabi ni Cyx at saka dumura ng dugo sa damuhan.
Huminga ako nang malalim, mabilis na lumapit sa kinaroroonan niya. Agad
ko siyang sinampal ng sobrang lutong na ikinapula agad ng kanyang pisngi.
Bahagyang napagilid ang kanyang mukha, umigting ang panga niya.
"Bagay din sa'yo ang sampal na 'yan, mahalin mo dahil 'yan ang huling
sampal na matatanggap mo mula sa akin."
Matalim na binalingan ko si Ixerr at Dyze, nawalan ng emosyon ang
kanilang mga mukha habang nakatingin rin sa akin.
"Strangers, then. Walang forever sa Moretz, Riziane..." ngumisi si Ixerr
kahit nakaigting ang kanyang panga at nanlilisik ang mga mata.
Malamig na napailing ako at nginisian siya.
"Wala akong pake sa putanginang pinagsasabi mo, better shut your mouth
before I punch you!"
Mahigpit na hinawakan ni Cyx ang braso ko na parang magkakapasa iyon sa
susunod na oras. I flinched. Hinawakan agad ni Greyson ang braso ni Cyx
para alisin iyon.
"Don't hurt your cousin," Greyson said.
Tumalim ang tingin lalo ni Cyx, hindi inalis ang tingin sa akin.
"Kakalimutan mo kami para dyan?"
"Let her, Zydein. We can't change her stupid mind, let's go..." malamig
na sinabi ni Dyze at saka tumalikod.
Huminga ako nang malalim at hinawakan na ang braso ni Greyson, kailangan
niya ng first aid dahil sa pagdudugo ng kanyang labi, putok na kilay at
ilong.
Damn it!
This is all Yazinttia's fault! Kung hindi siya nagsumbong sa mga pinsan
kong basagulero ay walang mangyayaring ganito!
"I'm gonna punch that assholes later! And Tia deserve a slap!"
Ako na mismo ang gumamot sa mga sugat ni Greyson, si Trey ay nasa
kabilang kurtina at ginamot na rin ng nurse doon pati si Simon.
Bumuntong hininga si Greyson at marahang hinawakan ang kamay ko.
"Love, you shouldn't let your anger eat you. That's wrong,"
"Hindi, e!" asik ko. "Bakit ka ba kasi nadamay doon? Dahil ba kay Tia
rin, huh?"
Pumikit siya ng marahan at napangiwi.
"That was my fault, Riziane and I'm sorry for bragging Greyson..." si
Treyson ang nagsalita noon sa kabila.
Chapter 33
Yugto 31
Kabanata 31
A year have passed, isa na akong nurse sa EGH. Hindi na ako kumuha ng
specialization pag graduate ko last year. Sila Ixerr at Cyx naman ay nag
specialization sa US.
Hindi ko alam kung gaano sila katagal doon pero ang sabi'y basic lang ang
kukunin nilang dalawa para hindi mahabang taon ang gugulin nila sa
pagkuha ng specialization.
Nasa kung paano ka naman daw iyon natuto at kung ano ang ipapatake na
exams sa kanila. Nabalitaan kong nakapasa na sila sa exam roon.
Huminga ako nang malalim at sumulyap sa aking wrist watch.
Madalas na akong hingalin ngayon, medyo lumalaki na kasi ang aking baby
bump. Ang lakas ko na rin kumain dahil matakaw yata ang baby ko.
Napangiti ako at saka tiningnan ang engagement ring ko, sa bawat oras na
tinatamad akong kumilos ay titingnan ko lang ito at gaganahan na naman
ako.
Greyson proposed to me last week, naalala ko pa kung paano siyang
nagpropose! I thought it was a simple family dinner, iyon pala ay
sorpresa ang pasabog niya!
Nakalagay ang singsing na ito sa pinaglilihihan kong manika na lagi kong
bitbit kung nasaan ako, abala kami sa pagkain noon ng sabay sabay.
Naputol ang pag alala ko nang madinig ko ang isang malalim at malamig na
boses.
"Tigilan mo na ang asawa ko, Xendo..." mariin at malamig na wika ni
Shield Estrevillo. "I will never forget what you did yesterday that it
caused Yslah and my baby almost died! Umalis ka na bago pa ako
mademonyo..."
Nangunot ang noo ko, nag uusap si Shield Estrevillo at ang isang lalaking
matangkad na chinito. Nasa labas sila ng private room ng ichecheck kong
patient ngayon.
Alam ko ang case ng patient ko ngayon, buntis siya at kamuntikang
malaglag ang baby niya dahil sa aksidente. Humina ang kapit ng baby niya
kaya maselan na ang kanyang pagbubuntis ngayon.
"I will never forget you made her pregnant while we're still together,
how could you do that!?" gitil na tanong ng Xendo.
Seriously? Dito pa sila nag-usap ng ganyan? Talagang ang kapal ng mukha
nila, huh. Si Shield may pagkasira rin 'to sa ulo, e. Mana sa kuya niya.
Alam ng buntis ang asawa niya nakuha pang makipagtalo rito sa labas,
imbes na mag alaga siya doon sa loob!
Shield's jaw clenched.
"Fucking shut up!"
Sumipol ako nang makalapit ako sa kanila. Nakuha ko ang atensyon nila,
napasulyap si Shield sa aking baby bump. Nakitaan ko ng lungkot ang
kanyang mga mata.
I smirked.
"Shield, ninong ka nito, ah!" I said cheerfully while touching my baby
bump.
Napangiti siya at tumango.
"For Greyson, not for you..." he joked.
Umirap ako at bumaling doon sa Xendo.
"Ikaw din, ninong gusto mo?"
Umismid agad si Shield at suminghap. Wala namang reaksyon iyong Xendo,
sumipol na lamang ako at ngumisi sa kanilang dalawa.
Tinapat ko ang aking ID sa door handle ng private room, tinapik ko ang
balikat ni Shield at kumindat sa kanya.
"Good luck sa pakikipagtalo mo riyan, you should just take care of your
mag-ina kesa nakikipagtalo ka dyan... Tsss,"
Pumasok na ako sa silid at isinara na ang pintuan.
"Good morning, pretty ladies here..." maligayang bati ko sa pasyente at
dalawang kasama niyang bisita.
Natuko agad ang tingin ko sa babaeng real life version ng barbie, she's
on the hospital bed. Bahagyang nakaupo siya at saka malungkot ang mukhang
nakatulala sa kanyang swero.
Three months pa lang ang kanyang tiyan, hindi pa iyon masyadong malaki
pero alam kong masakit ang dinadamdam niya ngayon bilang isang ina.
"Hi, Misis Estrevillo..." I greeted her with a smile.
Parang nagising ang kanyang diwa roon, tumingin agad siya sa akin at
binigyan ako ng malungkot na ngiti.
"How are you feeling?" I asked while checking her vitals.
"I'm- fine..." she stuttered.
Para bang naiiyak na siya wala pa man akong report about her baby's
condition, wala akong balak sabihin sa kanya na mahina na ang kapit ng
baby niya.
Pagtapos kong magcheck ng vitals ay tumayo ako ng pormal at saka tumingin
sa kanya, ngumiti ang mga kasama niya na parang nagsasabing maging okay
siya.
Lumunok ako.
"Misis Yslah Disney Estrevillo, you should stop thinking about your
condition. Don't worry, hindi naman masamang maging malungkot but you
need to be strong for the baby..." I smiled.
Huminga siya ng malalim at tumango tango sa akin. Nginitian ko siya.
"So, ayun. Eat fruits and all healthy foods for your little buddy there.
Kailangan maging healthy si baby mo," I winked. "Eat your husband..."
humalakhak ako sa nasabi.
Napatawa din sila doon.
"No, I was just kidding. Bawal iyon, huh. Tiis tiis muna tayo sa tawag ng
kalamnan at init..." I laughed.
Syempre joke lang 'yon, hindi pwede iyon. Bawal pa sila magsex dahil
masyadong mahina ang kapit ng baby nila at mukhang hindi biro ang
tinatago ni Shield.
Mahirap na at baka abutin ang bahay bata ng misis niya, mas mabuti na
iyong magtiis muna sila sa init ng katawan nila kesa naman mawala ang
baby nila.
Pagkalabas ko ng silid ay nakita kong nakaupo na si Shield sa isang
bench, naroon na rin ang kapatid niyang si Matrix Estrevillo. Nakilala ko
na iyon noon dahil matalik na magkaibigan sila ni Xythen.
Mga gwapo talaga ang magkakapatid na ito, si Rocket lang talaga ang
kakaiba ang ugali sa kanila. Si Cash, medyo medyo natutulad na kay Rocket
din. Itong dalawa naman ay talaga seryoso sa buhay na parang may galit sa
mundo.
Tagal ko na ngang hindi nakikita si Rocket pero nakikita ko naman siya sa
mga Instagram posts niya, minsan ko pa ngang nakita doon iyong nobya ni
Treyson na kasama niya.
Wala na akong masyadong balita sa mga dati kong kaibigan pero si Erwann
ay may anak na, ganoon din sila Warren. Parang mga tanga nga lang, e.
Hinintay lang talaga nilang grumaduate para mambuntis ng babae!
"Mahal, can't fetch you. I have an important meeting in Cebu. I'm
sorry..." Grey sighed on the other line.
I sighed.
"It's okay, Mahal. Pero makakauwi ka ba bukas?" tanong ko.
"I- I don't know," bahagyan pa siyang nautal. "Meeting kasi 'yon, love.
Baka manghingi ng extension dahil magchecheck pa kami ng islands
around..."
Napabuntong hininga ako.
"Alright, Grey..."
"I'm sorry, Riz. Sabay ka kay Dyze o kay Kai, okay? Text me when you're
home... I love you, bye..."
Parang kumirot ang puso ko nang mauna niyang ibaba ang tawag na iyon. Ang
bigat bigat ng pakiramdam ko tuwing nagagawa niya sa akin ang mga bagay
na kahit kailan ay hindi niya nagawa noon.
Every month nitong nakaraang tatlong buwan ay nawawala si Greyson para sa
meetings sa iba't ibang lugar. Siya kasi ang pinagkatiwalaan ng Daddy
niya sa kanilang hotel and resorts.
Kabuwanan ko na next month pero mukhang hindi niya naalala iyon, ewan ko
ba basta nitong nakaraang tatlong buwan ay napapansin kong nalalayo siya
sa akin.
Hindi lang nalalayong emosyonal kundi literal na layo, iyon nga kung saan
saan niya kailangan magpunta para icheck ang mga resorts nila. Abala siya
masyado sa ginagawa niyang iyon.
Tatlong buwan na kaming walang matinong pagsasama, namimiss ko iyong
dating kami na naghaharutan lang parati at nasa bahay ng iisa para doon
mamalagi.
Namimiss ko na iyong dating Greyson na walang interes sa ibang bagay o
tao kundi sa akin lang at ako lang ang first priority niya.
Unti unti ko nang nawawala ang Greyson na iyon, unti unti na siyang
nawawala sakin. Unti unti na kaming nagkakalayo.
Sobrang saya ko pa naman na magpapakasal na kami next week pero paano ko
mararamdaman iyon kung kailang malapit na ang kasal namin ay lumalayo
naman siya?
Ang hirap panatilihin ng sama ng loob ko dahil alam kong hindi mabuti sa
anak ko ang malungkot ako at maging stress, baka maapektuhan siya.
Ayaw kong mangyari iyon.
Kinabukasan ay wala akong magawa dahil wala na akong pasok, ayaw na kasi
akong papasukin ni Mommy sa ospital dahil kailangan ko raw paghandaan ang
kasal next week.
At hindi daw mabuti na nagtatrabaho ako gayong buntis ako at malapit nang
manganak. Naisipan kong dumalaw kay Ania, nabalitaan ko kasi kay Zin na
nasa EGH si Ania dahil nahimatay raw iyon kahapon.
Akmang pipihitin ko na ang doork handle pero natigil ako dahil sa nadinig
kong hagulgol sa loob noon.
"Mahal na mahal ko siya, Ania... Help me, please..."
Nasa bukana pa lamang ako nang private room kung saan si Ania naka admit,
nadinig ko na ang hagulgol ni Tia. Sigurado akong si Tia iyon, kabisado
ko ang mga tunog ng iyak ng mga pinsan ko.
"Hindi ko kayang mawala si Volt, e. Napakahirap para sa aking pakawalan
siya, how can I let go of him when he's my once in a lifetime and I want
to be with the rest of my life?"
Hindi ko na halos maintindihan ang pinagsasabi niya dahil sa sobrang pag-
iyak. Ramdam ko ang sakit sa bawat bitiw niya ng salita.
Volt? Anong mayroon? Bakit nawalan ako ng pake sa paligid ko at hindi ko
na alam ang mga kaganapan nitong nakaraan? Masyado ba akong naging abala?
"Tia, tahan na..." si Zin ang nag-aalo. "Tia, siguro hindi lang talaga
kayo para sa isa't isa..."
"Paano? Paanong hindi kami naging para sa isa't isa? Lahat naman ng tao
ay may choice, Zin. He chose to be with someone! Iyon ang pinili niya!
Ang sakit sakit!"
Nagulat ako nang magbukas ang pintuan at si Tia iyon, nagmamadali siyang
lumabas pero nang makita ako ay napahinto siya. Punong puno ng luha ang
kanyang pisngi.
Namumula ang mga mata at namumugto dahil sa kakaiyak, nakaramdam ako ng
awa sa kanya. Kahinaan ko talaga ang mga umiiyak na babae. Para akong
nadadala noon.
"Tia-"
Hindi ko na naituloy iyon dahil mabilis na tumakbo na siya papalabas at
nilagpasan ako. Ilang sandali pa akong natulala at saka napabuntong
hininga.
Pumasok na ako, parang lantang gulay si Zinderela at Ania habang nakaupo.
Si Ania ay nasa kanyang kama at si Zin naman ay nasa couch habang tulala
at nakitaan ko ng lungkot ang kanilang mukha.
"What happened?" nag aalalang tanong ko.
Napatingin silang dalawa sa akin. Ngumiti si Zin pero hindi naabot noon
ang maganda niyang mga mata, tumayo siya agad para alalayan akong maupo.
"Laki na, ah? What would you name her?" pag iiba niya sa tanong ko.
Kumunot ang noo ko.
"Grezianne Qoule." sagot ko. "Did they broke up?" pag uulit ko pa.
Zinderela sighed and nodded slowly.
"Akala ko pa naman may forever sa kanila, tsss..." I joked.
"Riz, nga! Umiiyak na nga 'yong tao, e!" saway ni Ania, mukhang
kagagaling lang rin sa iyak.
Miski si Zinderela ay mugto pa ang mga mata, seriously? Pati sa love
story ng iba nakikiiyak sila? Mga baliw!
"Penge ako neto, ah?" kinuha ko ang siopao at saka kumagat doon. "So,
kumusta ka naman Ania? Ano bang pinagagawa mo sa sarili mo at ganyan ka
kapayat? Dieta lang?"
Natawa si Zin. "Siraulo,"
Umismid naman si Ania at saka sumimsim sa bottled water na nasa gilid
niya.
"E, ikaw? Kumusta naman ang pagbubuntis? Mahirap ba?" Kuryoso niyang
tanong.
Sumimangot ako.
"Mahirap kasi mabigat, para akong may bola sa loob ng tiyan..." I sighed.
"At mahirap lalo kapag wala si Grey..."
Kumunot ang noo nilang dalawa. Tumawa si Zin, there's no humor in it.
"Wow! Himala, ah? Oo nga, madalang kong makita si Greyson. Bakit? What's
keeping him so busy at hindi ka man lang maalagaan?" sarkastiko at inis
na tanong niya.
"Tsss, syempre may trabaho..." pagtatanggol ko. "Inaalagaan naman niya
ako at tinutulungan rin naman ako ni Mommy..."
"Kailan pa nawala si Greyson sa tabi mo? Bakit ngayong buntis ka pa niya
iniiwang mag-isa?" umirap si Ania.
"Oo nga, and you're getting married next week, right? Naku! Tapos na
iyong gown ko, baka hindi pa kayo matu-"
"Zin!" saway agad ni Ania.
Napasinghap ako at matalim na tiningnan si Zin. Kumalabog ang dibdib ko
sa hindi malamang kaba, ang sakit sakit maisip na baka tama ang sinasabi
ni Zin.
Sobrang labo kasi but I trust Greyson... Baka mayroon lang siyang
surprise or what! Siguro nga. Mahilig naman siya sa sorpresa, e.
Tsaka imposibleng hindi kami matuloy, nangako siya sa akin na walang
makakapigil sa kasal naming dalawa.
Naputol ang pagtingin ko ng masama kay Zin nang tumunog ang door handle,
nakita kong si Ryle Choi ang iniluwa noon.
"Uh, hi. Good morning..." pormal na bumati siya bago humakbang papasok.
He's wearing a plain white polo longsleeves and a black pants. Bagsak ang
malambot at itim niyang buhok, ang chinito niyang mga mata ay nawawala sa
konting pagngiti lamang.
Pure innocent face!
Kagat niya ang ibabang labi niya habang inosenteng pinasadahan kami ng
tingin. He smiled genuinely when he saw Zinderela.
Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na ang dating nakakasama ko sa
birthday ni Rocket ay magiging nobyo ni Zin. Ganoon ba kaliit ang mundo
para mangyari ito?
Hindi din ako makapaniwala na papatulan niya si Zin! Napakaingay at may
katabilan ang dila ni Zin, Samantalang siya'y hindi makabasag pinggan.
Kung gaano siya kaanghel two years ago ay walang pinagbago sa ngayon. Mas
mahinhin pa siya kay Zin! Mas babae pa ang kaugalian. Si Zin ay may
pagkabungangera!
Zin smiled sweetly and stood up. Lumapit agad siya kay Ryle at kumapit sa
braso nito, humalik si Ryle sa sentido niya at ngumiti.
"Have you eaten breakfast?" tanong niya kay Zin.
Ngumuso si Zin. "Yup, I did what you've said..."
Tsss.
Can't help but roll my eyes.
Puro good boy yata ang nakikilala ko ngayon, itong si Ryle ay parang
Greyson rin. Hindi makatotohanan, mas pino pa silang kumilos sa aming mga
babae.
Hindi naman sa malambot silang kumilos, manly nga sila kumilos pero iyong
kanilang ugali sa pagkadisente ay daig pa ang mga babae ngayon.
"Ania, how are you feeling?" ngumiti si Ryle.
Napangisi si Ania at kumaway kay Ryle.
"Hi there, Angel!" halakhak ni Ania. "I'm fine! You don't need to text
and remind me to drink my meds... Salamat!"
"Good to hear that," He nodded.
Ryle pouted and grinned. Napakunot din ang noo niya na parang may
naalala.
Umupo sila ni Zin sa couch, itong si Zin ay haliparot! Kumandong siya kay
Ryle at saka sumiksik sa leeg nito. Tsss, gwapo ng boyfriend pero hindi
siya matutong kumilos babae!
Umismid ako at sumimsim sa pineapple juice.
"What happened to Tia nga pala? I saw her at the lobby, she was
crying..." kuryosong tanong ni Ryle.
"They broke up..." malungkot na deklara ni Zin.
Nilingon siya ni Ryle, pinunasan niya ang ilong ni Zin na may pawis at
saka inipit ang buhok na kalat sa likuran ng tainga noon.
"They will be okay, don't worry..." Ryle assured.
Tsss.
"Walang forever!" komento ko. "Ryle, ninong ka nga pala nitong baby ko!
Hindi pwedeng tumanggi!" halakhak ko.
He smiled genuinely and nodded.
"I'm glad to be one of her Godfather..." he said nicely. "So, how's you
cravings?" he chuckled.
Ngumiti ako.
"Ayun hindi ako satisfied, wala kasing nagbibigay. Madalas pa naman sa
midnight ako nagke-crave..."
His forehead creased.
"Wala si Grey?" tanong niya, I nodded. "I can bring your cravings every
midnight, just text me when you crave for something..."
Napanguso agad si Zin pero hindi naman umalma. Malakas na natawa kami ni
Ania, mukhang hindi talaga handa si Zin magbuntis!
"Gumawa na kasi kayo ng inyo!" halakhak ni Ania.
Humagalpak ako sa tawa.
Chapter 34
Yugto 32
Kabanata 32
"Everything's set!" Zin giggled like a kid.
Napangiti ako habang nakatingin kila Zin, Ania at Tia na inaayusan na ng
make up ng mga make up artists.
Dumating na ang araw na pinakahihintay ko, I'm nervous. Sobrang kaba ang
nararamdaman ko kahit wala pa man ang kasal namin.
Hindi ko alam kung bakit parang hindi ako makaramdam ng kilig o ano,
purong kaba lang ang nararamdaman ko. Simula kagabi ay hindi na kami
pwede sa iisang bahay ni Grey.
Pansamantala siyang nasa kanila, at ako nama'y nasa mansyon lang rin
kasama ang aking pamilya. Hindi raw kasi pwede na magkita kami sa araw na
ikakasal na kami.
Baka raw hindi matuloy ang kasal, hindi naman ako naniniwala sa mga
pamahiin nilang ganoon. Syempre choice ng tao ang lahat ng nangyayari o
mangyayari.
At nasa sa atin iyon kung ano ang pipiliin natin, hindi naman mapipigilan
ng pamahiin kung choice mo ang talagang magpakasal o ano, kahit pa
magkita kami bago ang kasal ay choice pa rin namin kung itutuloy o hindi.
That's it.
"Excited na ako, napakagwapo sigurado ni Greyson!" hagikgik ni Ania.
"Samantalang si Riz, kapangit na! Ang itim ng kili-kili at eyebags! Ew!"
Napairap ako ng sobra. Nagtawanan sila Tia at saka tumingin sa akin at
pinasadahan ako ng tingin.
Hindi ko na nakikitang masaya si Tia kahit na tumatawa siya habang
nakikipag usap sa amin, nakangiti man siya ay halata ang dalang
kalungkutan.
Ewan ko, noong isang araw ay nabalitaan kong officially dating si Volt
Fuentabella at Gorgeous Vizconde. Tsss, niluwa ni Onyx sinalo ni Volt!
Seriously? E 'di wow!
Wala talagang forever sa Vizconde. Hindi talaga sila na kukuntento sa
isa. Katulad ni Griff na kabilaan ang mga babae. Si Gyro naman, hindi ka
kayang ipaglaban. Hmm, ewan ko na lang ngayon kung ganoon pa rin siya.
"Malamang buntis! Engot ka!?" singhal ko kay Ania.
Ganoon talaga kapag buntis, papangit ka. Hindi ko naman nasasabing pangit
ako pag nagsasalamin ako, pero totoong nangalumata ako. Laging malalim
ang aking mata dahil sa puyat.
Si baby kasi medyo malakas na sumipa at excited na yata lumabas next
month, kahit masakit ang sipa at paggalaw niya sa loob ko ay natutuwa
ako.
Ang saya sa pakiramdam na mayroon akong baby na binuhay sa loob ko, may
baby kaming nabuo ni Greyson.
"Bakit ako, maganda pa rin?" taas kilay na tanong ni Ania.
"Broken hearted ka, e. Umaasa ka siguro na babalik ang nakabuntis sa'yo
kaya ka nagpapaganda!" halakhak ko.
Napaawang ang labi niya at mabigat na suminghap. Napatigil ako sa pagtawa
dahil sa naging reaksyon niya.
Fuck!
Napakaepal ko talaga minsan, e. Nakakasakit na ako ng damdamin pero
tumatawa pa rin ako, ganoon ba ako kademonyo? Psh!
"Ah, joke lang!" hilaw na sinabi ko.
"That's not even funny!" she hissed. "Pasalamat ka at kasal mo ngayon,
tsss."
Nagtinginan kami ni Zin, nagkibit siya ng balikat at ngumiwi sa akin na
parang sinisisi ako sa nangyayari.
Tsss.
"Sorry naman!"
Ania rolled her eyes.
"Tsss, hindi ako umaasang babalikan niya ako kahit na buntis ako. Tapos
na ang pagmamakaawa ko sa kanya, hindi ko na uulitin 'yon." malamig na
sinabi niya.
Hilaw na ngumiti ako at nagkamot ng braso. I inhaled sharply and looked
at my reflection.
My hair was fixed in a braid, purong puti ang suot kong long gown na
longsleeves. Syempre nahihiya ako na baka makita pa ng mga bisita ang
kapangitan ng kutis ko ngayon.
Si Ania ay katulad ni Tia, hindi nagwork ang relationships nila sa
kanilang mga nobyo. Ayun si Tia, akala niya si Volt na talaga pero hindi
pala dahil naghanap iyon ng very high class woman!
Nagulat talaga ako noong malaman kong si Volt at Gorgeous, noong last 5
months kasi ay parati ko pang nakikita iyon sa ospital at dinadalaw si
Onyx.
Si Onyx ay na comatose, apat na buwan siyang natutulog at lantang gulay
sa ospital. Pero in God's help, nagising pa naman siya. Hindi ko natuunan
ng pansin iyon masyado dahil naaksidente rin ako noon at kamuntikang
makunan.
Huminga ako nang malalim.
Sobrang kabado ako, ilang minuto na lang ay palalabasin na ako rito at
saka kami tutungo sa simbahan kung saan kami ikakasal ni Greyson ngayon.
Masaya sa pakiramdam pero talaga matindi ang kaba kong dinarama.
Napaitlag ako nang kurutin ako sa pisngi ni Zydein.
Napasimangot ako.
He was smiling at me, porma na nakaayos ang kanyang buhok pataas. He's
wearing a dark blue tuxedo pair with his dark blue slacks, he looks so
good!
"Congratulations, Riziane Saavedra. I'll miss calling you by our last
name... You'll be a Moretz later soon, sadly but we need to let you
go..." he smiled weakly.
Bumuntong hininga ako, napangiti ako.
"Thank you..." I said. "Ayaw kong umiyak ngayon, ZD please lang! Ayaw
kong pumangit mamaya pagpasok sa simbahan!"
Humalakhak siya. "Tsss, pangit ka naman na talaga. Mas maganda ka kapag
Saavedra ka..." he grinned.
I rolled my eyes.
"Maganda ako kahit ano pa ang maging family name ko 'no! Paepal ka,
palibhasa hindi naman mababago ang last name mo. Dala mo na 'yan hanggang
sa hukay!"
He smiled devilishly.
"Oo, kaya nga dapat nagpakalalaki ka na lang talaga. To be honest, Riz. I
don't wanna let you go, not now." umiling siya. "Pakiramdam ko mawawalan
ako ng kapatid at ipamimigay lang..."
He sighed.
Ngumisi ako. Nangingilid na ang luha ko dahil sa emosyon, nakakalungkot
palang maisip ang lahat lahat nang pinagdaanan naming magpipinsan noon.
May times na nag away away kami at halos kalahating taon hindi
nagpansinan, iyon 'yong time na nabugbog nila si Greyson.
I felt so bad saying those stingy words to them, sila ang pamilya ko.
Dapat sila ang palaging una sa akin, pero binago iyon ni Greyson.
Sumobra ang pagmamahal ko kay Greyson na kahit ako mismo ay itatakwil ko
ang sarili kong pamilya para sa kanya.
"Tsss
Natanaw ko na rin si Ixerr na kakalabas lang sa isang suite, nasa isang
hotel kasi kami para dito maayusan. Five stat hotel ito na pagmamay-ari
ni Cash Estrevillo. Dito din gaganapin ang reception mamaya pagkatapos ng
kasal.
Excited na malungkot ako, excited dahil magiging iisa na kami ni Greyson
at mag uumpisa na kami bilang pamilya. Malungkot dahil kahit kailan ay
hindi ko naisip na magbabago ako ng apelyido.
But I guess this is the beginning of my forever, makakasama ko ang aking
mahal na mahal at magsasama kami habang buhay.
It felt surreal, para akong nasa panaginip. Dati rati naiisip ko pa na
hindi ako makakapag asawa dahil ayaw ko nang magmahal muli pagtapos ng
pagkadurog ko kay Gyro.
To be honest, I don't want to have a family but now it changed. Masarap
at masaya pala na magkaroon at bumuo ng sariling pamilya. Lalo pa't si
Greyson ang makakasama ko sa pagbuo noon.
Napahugot ako nang malalim na hininga. Naghahagikgikan sila Zin nang
makita akong pababa na ng kotse. Bahagya pa lamang nakabukas ang malapad
na double doors ng simbahan.
Masyadong naging magarbo ang simbahan na ito, gustuhin ko mang maiyak ay
hindi ko magawa dahil kaba ang tanging nanaig sa akin.
Pakiramdam ko manganganak na ako kahit hindi pa ito ang kabuwanan ko,
parang lalabas ang puso ko sa aking katawan.
I don't know if this was an excitement or what, pero malakas ang tibok ng
puso ko. Hindi naman ako uminom ng kape kanina, pero ibang klase.
Hind ko alam kung saan ako magpo-focus, pero nangunot ang noo ko dahil sa
ekspresyon ng mga pinsan kong lalaki.
My three girl cousin is wearing a dark blue long gown, iba iba ang
disenyo noon. Pero pare parehas sila ng make up at ayos ng buhok.
Ang anim na pinsan ko namang lalaki ay nakatuxedo at dark blue rin iyon,
lahat ng mga dumalo ay naka dark blue. Iyon ang motif ng aming wedding.
Kaming dalawa lang ni Greyson ang nakaputi sa araw na ito.
Napasulyap ako sa mga lalaki kong pinsan. Wala si Kaizellus roon, iyon
ang napansin ko at hilaw ang mga ekspresyon nila Ixerr at Zydein. Para
silang constipated.
Ganoon kasi ang gusto ko, silang lahat na pinsan ko ay nakaabang sa akin.
Gusto kong kapag maglalakad ako papasok ng simbahan ay nasa likuran ko
sila.
Pero hindi ko maiwasan ang mapansin ang kanilang mga ekspresyon na
ipinapakita sa akin, hindi ko alam pero iba iba iyon.
Si Dyze ay medyo may distansya sa amin at may kausap sa cellphone,
nakasalubong ang kilay. Kataka-taka rin na wala ang Daddy ko ngayon. Ang
alam ko'y dapat narito siya at nag-aabang sakin.
Nakita ko ang pagtanggal ni Ten ng kanyang tuxedo, sumulyap siya sa akin
na nakakunot ang noo. Tipid na nginitian niya ako at tinanguan, bitbit
ang kanyang tuxedo ay tinalikuran niya kami at saka bumaba sa hagdanan ng
simbahan at sumakay sa kanyang porsche, humarurot iyon paalis.
"What the actual fuck?" iyon ang naitanong ko kaagad at hinarap ang mga
babae.
"Hey, relax!" bulong ni Ania sa sa akin nang makita ang pagiging balisa
ko.
"Bakit wala pa si Daddy?" tanong ko. "Si Kaizellus, bakit wala? Si Ten
bakit umalis? Anong mayroon?"
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko pero nag-aalala ako na baka wala
sila sa ganitong importanteng okasyon sa buhay ko. Hindi ko maintindihan
ang nangyayari, e!
"Relax, Riz. Wait lang! Parating na si Tito Jozz!" hilaw ang ngiti ni
Zin.
"E, sila Ten? Anong mayroon?" tanong ko.
"Baka nagpasundo lang si Kaizellus!" sabi ni Tia.
Bumuntong hininga ako.
"Alright, nariyan na ba si Grey?" ngumiti ako. "Makakapaghintay naman
'yon, wait natin sila Kai at Ten. Tsaka si Daddy..."
Pinalibutan ako ng mga worried face ni Zin, Tia at Ania, huminga ako nang
napakalalim at sumulyap sa siwang ng simbahan pero agad humarang ang
malapad na dibdib ni Onyx sa harapan ko.
"Get inside the car, Riziane..." maawtoridad na sinabi niya.
Kumunot ang noo ko.
Bakit? Kailangan ba nasa kotse lang muna ako? Baka siguro dahil
mapapagpawisan ako? Ganoon ba?
"Dito na lang, okay lang mabura make up ko!" I giggled.
Tumutusok at lalong nagbigay kaba sa akin ang kanyang mga matang asul na
seryoso ngunit malamig. Narinig ko ang pagmumura ni Dyze, nilingon ko
siya. Salubong ang kanyang kilay at lumapit sa aming gawi.
"Ano namang ganap mo?" tanong ko at saka ngumisi. "Masyadong hot, ah?"
Sino bang niloloko ko rito? Todong kaba ang nararamdaman ko pero nakuha
ko pang magbiro!
Huminga siya nang malalim. Kumamot siya sa kanyang kilay habang nakatitig
sa akin ang manika niyang pares ng mga mata.
"You've heard Azdrake, get inside the car..." kalmado pero malamig na
utos niya.
Doon kumunot ang noo ko.
"What, wait? Ano bang nangyayari? Can you enlighten me? Para akong tanga
na iniintindi kayo kahit hindi ko talaga maintindihan, e!" kalmado kong
sinabi.
Onyx gasped.
"There's no-"
"Ah! Look, Riz! Ano kasi, mainit masyado kung narito ka sa labas! Mabuti
siguro kung sa kotse ka muna-"
"Fucking stop that nonsense, Zinderela Yvez!" mariing putol ni Ixerr.
"H'wag mo lalo gawing mahirap para sa kanya..."
Nanlabo agad ang mga mata ko. Kahit na wala akong maintindihan ay
nakakaramdam ako ng panlulumo at sakit.
"Walang magaganap na kasal, Riz..." malamig at malalim na boses ni Zydein
ang gumiba sa buong mundo ko.
Kusang tumulo ang mga luha sa aking pisngi, agad kong pinalis iyon. Kahit
na sobrang sakit ng puso kong wasak, pinilit kong huwag mag breakdown.
Puta, buntis ako at ayaw kong mamuhi ako sa sarili ko kapag may
nangyaring masama sa aking baby.
"Wala? Anong wala!?" pasigaw kong tanong.
Hindi ko mapigilan ang mga emosyong kumawala, emosyong walanng
kasigurahan kung ano ang talagang nananaig. Sobrang sakit, sobrang
nagagalit at sobrang nanlulumo.
Bakit? Wala ba si Greyson? Tumakbo ba siya? Iniwan ako? Pinaasa sa wala?
Umalis ng walang paalam?
Alam kong malabo kami nitong mga nakaraang buwan pero hindi sumagi sa
isip ko na hindi matutuloy ito! Fuck!
Huminga ng malalim si Ixerr at hinawakan ang pisngi ko. Nag iiyakan na
sila Zinderela, Ania at Tia habang nakatingin sa akin.
"Ixerr! Ano! Sagutin ninyo ako!" halos humagulgol na ako sa pagtatanong
ko.
Nilingon ko sila Dyze at Onyx, alam kong sila ang makakapagsabi ng
diretso sa akin nang walang pagdadalawang isip.
Umiling si Dyze at bumuntong hininga.
"I'm so sorry, Riziane. Walang Greyson, walang kasal na magaganap..."
tila nahihirapang sinabi niya.
Fuck!
Napapikit ako ng mariin at saka humagulgol. Hinapit agad ni Onyx ang
aking batok at saka sinubsob sa kanyang dibdib at mahigpit na niyakap.
Kahit wala siyang kasalanan ay pinaghahampas ko ang kanyang dibdib.
"Bakit hindi mo siya pinigilan? Bakit?" I cried like baby while hitting
his chest.
"Hindi ko alam, I'm sorry..." malumanay na sinabi niya.
"Hinayaan niyo siyang saktan ako! Ganoon ba? Hinayaan ninyo siyang umalis
at indian-nin ako sa kasal namin? Hinayaan niyo!" sigaw ko at saka
hagulgol.
Umiling siya at lalong humigpit ang kanyang yakap.
"Please, stop. Your baby..." paalala niya.
Huminga ako nang napakalalim at humikbi ng humikbi. Walang mapaglagyan
ang sakit nito, para bang gusto ko nang mamatay sa lahat ng nangyayari sa
akin ngayon.
Wala akong kasalanan para ganito ang kahinatnan ko! Ano bang nagawa kong
masama? Masama ba na minahal ko siya ng sobra?
Damn it!
"Anong nangyari! Anong nagawa ko? Bakit hindi niya ako sinipot ngayon?
May babae na ba siyang iba? May mahal na ba siyang iba?"
Sobrang sakit para sa akin na tanungin iyon pero gusto kong malaman at
maliwanagan sa lahat, gusto kong damdamin ang lahat ng sakit ngayon para
bukas wala na.
Sana...
"Hindi magagawang magmahal ni Greyson ng iba, Riz!" hikbi ni Tia.
Umiling ako at lalong naiyak.
"Bakit ganito? Kung ganoon? Kung hindi niya kaya magmahal ng iba? Anong
dahilan!?" sigaw ko.
"May rason ang lahat ng bagay!" she spat while crying.
Damn it! Napakasakit!
May rason lahat ng bagay, oo. Pero anong rason para mangyari ito? Anong
rason niya? Mahal niya ako! Mahal niya ako iyon ang pinaramdam niya sa
akin!
Chapter 35
Yugto 33
Kabanata 33
"Putangina!" gitil na hagulgol ko, hinubad ko ang veil na nasa aking ulo
at saka sinira iyon sa gigil.
Halo halo ang emosyong nararamdaman ko, marami ding tanong sa isip ko.
Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong unahin.
Should I let the shits eat me? Kasi pagod na akong labanan ang lahat ng
emosyon ko, para akong mababaliw sa kahit anong oras ngayon.
"Riz, tama na. Baka kung mapaano ka!" si Zinderela.
"Riz, stop it!" umiiyak na saway ni Ania.
Hinawakan agad ni Ixerr ang braso ko habang nagwawala ako, puro sigaw at
hagulgol ang nadidinig sa buong mansyon namin. Nag iiyakan rin sila Tia
habang pinapanuod lang ako sa pagdadalamhati ko.
"Shhh. We're here..." bulong ni Ixerr habang hinahagod ang likuran ko.
Nakatitig lamang ng seryoso sila Onyx, Dyze at Zydein sa akin. Malamig
man ang kanilang tingin ay nababakasan iyon ng simpatya.
I sobbed.
"Ang sakit sakit, please. Kausapin n'yo siya..."
Humagulgol ako nang wala akong makuhang salita at sagot sa miski isa sa
kanila. Paulit ulit ko iyong sinabi kahit nakakarindi na.
"Please, Ixerr! Onyx! Please..." I cried and begged.
"He's nowhere..."
I felt like I was stabbed a million times right on my chest when Onyx
finally answered.
Walang mapaglagyan ang sakit na nararamdaman ko, gustuhin ko mang
magpakamatay ay hindi ko gagawin dahil mayroon akong anak na gusto pang
masilayan ang mundo.
Mahal na mahal ko si Greyson, hindi sapat ang salitang mahal na mahal
para ipaliwanag ang pagmamahal ko para sa kanya.
Bakit niya ba ito nagawa? Ito ba ang kasagutan sa mga tanong sa isip ko
kung bakit unti unti na siyang nalalayo sa akin nitong nakaraang mga
buwan?
Humarap ako kay Ixerr at saka humagulgol sa kanyang dibdib. Marahang
inaalo niya ang aking likuran at naririnig ko ang maliliit na pagmumura
niya.
"Stop, please..." he sighed. "Baby Grez might be stressed, too..."
Hindi ko na kaya ang sakit na ito, bakit ganito ang ginawa mo Greyson?
Bakit kailangang ganito kasakit? Bakit kailangan durugin mo ako ng pinong
pino at hindi ko na alam kung makakatayo pa akong muli.
Anak ko na lang ang dahilan ko ngayon kung bakit hindi pa ako
nagpapatiwakal. Si Greyson ang buhay ko, walang kasiguruhan kung babalik
ba siya.
Baka mayroon lang siyang napagtanto habang papunta ng simbahan? Ano naman
kaya iyon? Bakit parang ang bilis ng naging desisyon niyang hindi ako
siputin.
Hindi ko na alam ang nangyari noon, I fainted on Ixerr's arm. And then I
found myself here in the hospital bed.
Ramdam ko ang panginginig ng buo kong katawan, unti unti akong nagigising
ulit sa katotohanang walang Greyson.
Walang naganap na kasal sa amin ni Greyson, he didn't kept his promises.
Unang una ang pangakong hindi niya ako sasaktan. Pangalawa ang pangakong
kasal.
My heart ache as I remember all the pain he did.
"Baby,"
Nanginig ang labi ko at lumingon sa pintuan, naroon si Mommy habang
nakatingin sa akin. Nangingilid ang kanyang mga luha habang lumalapit sa
akin.
"I'm so sorry..."
Huminga ako nang malalim at ngumiti ng tipid.
"Wala naman kayong kasalanan, Ma."
Kumurap kurap siya at nagyuko ng ulo.
Hindi ko alam kung para saan at bakit siya humihingi ng tawad sa akin,
wala naman siyang kasalanan. Baka hindi lang talaga kami para sa isa't
isa ni Grey kaya ganito ang ginawa ni God.
"Na- nasaan siya?" walang lingong tanong ko.
I need to know why, I need to hear why. Kahit hindi ko siya makita muna.
Gusto kong malaman kung bakit! Bakit niya nagawa sa akin ang mga ganoong
bagay.
"I- I don't k- know, anak..." she stuttered.
Kumunot ang noo ko at nilingon siya, pero wala sa akin ang kanyang
atensyon. Nakatingin lamang siya sa kanyang mga kamay na nasa kanyang
hita.
Ipinagkibit balikat ko iyon.
"What time is it?" nakatulala lamang ako sa labas ng bintana ng ospital.
May suwero ang aking kamay, mukhang nakatulog ako ng ilang araw at ganito
ang lagay ko. Hinaplos ko agad ang aking tiyan, kahit malungkot ay
napangiti ako.
Mommy sobbed. Nagpahid siya ng kanyang luha at huminga ng malalim.
"You were sleeping for two days," sinulyapan ang kanyang wristwatch. "3
PM..."
Napapikit ako, two days? Two days akong hindi nakakain kung ganoon! Hindi
rin kumakain ang baby ko, damn it! Bakit ba kasi nakatulog ako ng ganoon.
"Bring me healthy foods, Ma. Please..." I said coldly.
Napalingon ako nang may dalawang beses na kumatok, pumihit ang door knob
noon at si Ixerr ang iniluwa noon.
Ngumiti siya at lumapit sa akin. He's wearing a lab gown and a black
pants. Tumingin siya sa kanyang wristwatch habang nag-aadjust ng aking
swero.
"How are you feeling, my dear cousin?" He asked.
Resident doctor siguro siya, on duty. Kaya siya ang nagchecheck sa akin.
O baka naman pinili lang talaga niya na magcheck sa akin para nga naman
mas madali ang gawain niya.
"Ayos naman." malamig na sagot ko.
"May maganda akong balita sa'yo at may pangit din..." nakangusong sinabi
niya.
Tumayo si Mommy at tumingin kay Ixerr, ngumiti lang si Ixerr sa kanya at
kumuway.
"Hi, Ta..." he greeted.
"Mamimili lang ako ng pagkain..." paalam ni Mommy at saka diretsong
lumabas ng silid nang hindi ako nililingon.
Napasipol si Ixerr at sabay kaming lumingon sa pintuan. Huminga ako nang
malalim, kahit naguhuluhan ay hindi ko na inintindi.
Ixerr shrugged.
"I think Tita couldn't tell it, hmmm..." pinaglaruan niya gamit ang
ballpen ang kanyang pang-ibabang labi at mukhang may iniisip.
My forehead creased.
"Tell what?"
He bit his lower lip and sighed, paulit ulit siyang nagbuntong hininga.
Kahit ayaw kong magkaroon ng pake ay kinakabahan ako, abot tahip ang
kabang dinarama ko sa oras na ito. Hindi naman ako tanga para hindi
mahalata na lamang ang pangit niyang balita.
He sighed ang smiled.
"Maganda o pangit? Choose..." he said.
"Gusto ko malaman ang lahat, pangit o maganda..."
Nagtaas siya ng kilay, bumuga ng hangin at nag sign of the cross.
Nagbibiro ba siya? Mukha siyang tanga!
"Bakit kasi ako pa ang nautusan!" he murmured.
"Ano ba kasi 'yon? Puta! Baka lumabas na si Grezianne ngayon, animal ka!"
inis na singhal ko.
Ngumiwi siya at kinagat muli ang kanyang pang ibabang labi.
"Tangina." he whispered. "Well, Riz... He won't come back..."
Bumilis ang paghinga ko dahil sa sobrang kalabog ng dibdib ko, naghabol
ako ng hangin habang nasa kanya pa rin ang aking buong paningin.
What does it mean he won't come back?
"What? Anong pinagsasabi mo?" nauutal kong tanong. "Anong he won't come
back?" nanginig ang boses ko.
Kumamot siya sa kanyang ulo at saka problemadong tumingin sa akin.
"He won't, ever..." mariin niyang sinabi. "At ang maganda kong balita-"
Bigla akong napatili dahil sa sakit ng aking tiyan, para iyong pinipiga
dahil sa sobrang sakit. Nanlaki ang mga mata ni Ixerr at nilapitan agad
ako.
"This is my good news, damn it! Gago talaga si Kaizellus! Tanginang
'yon!" he was cussing.
Puro sigaw ang nagawa ko dahil sa sakit at kirot ng aking tiyan. Gusto
kong lumabas na si Grezianne pero hindi ko inaasahan na ngayon mismo!
Manganganak na ako! Alam ko iyon. Mabilis na tumawag ng nurses si Ixerr
para sa assistance. Nagtakbuhan ang mga nurses at saka hinila na nila ang
aking hospital bed para ilabas ng silid.
Ixerr keeps on cussing while holding my hand. Tangina! Iyon ang maganda
niyang balita?
Naghabol ako ng hangin at naramdaman ko muli ang pagpiga sa aking tiyan,
namimilipit ako sa sobrang sakit. Kasabay ng malakas na pagsigaw ko ay
malutong na sinampal ko si Ixerr.
"Puta ka! Puta ka talaga!" napapangiwing sigaw ko.
He gasped in awe. Gulat pa ang reaksyon ng mga nurses na nagtutulak din
sa aking hinihigaan.
"Tandaan mo 'to! Ikaw ang kauna-unahang sumampal sa akin!" he hissed.
Hindi ko na alam ang gagawin kong pagpigil sa sakit, sobrang sakit. Hindi
ako makahinga ng maayos kahit na naghahabol ako ng hangin.
Fuck!
Ilang sandali pa ay nagbuga ako ng sunod sunod na hangin.
"Oh shit! Quin! Riziane! Wake up!" Ixerr said frustratedly. "Wake up,
come on! Slap me all you want!"
Umiling ako. "Hindi ko na kaya..."
Everything went black.
Chapter 36
Yugto 34
Kabanata 34
Months have passed, still Greyson is nowhere. Wala akong balita sa kanya,
kahit na ano. Iyon ang masakit sa akin.
Ang mga magulang ni Greyson ang umaasikaso sa lahat ng pangangailangan ng
aking anak pero tikom pare-parehas ang kanilang mga bibig. Siguro dahil
na lang sa pakisama kaya sila nabibigay ng suporta kay Grez. Sa anak ko.
Wala akong makuhang balita sa kanila, wala akong malaman na rason kung
bakit iyon nagawa ng kanilang anak dahil miski sa kanila ay hindi raw
iyon nagpapakita bagay na kahit kailan ay hindi ko paniniwalaan.
He loves his mother too much, how could he let his mother cry because of
him? Tsss, malabong mangyari iyon. Alam kong may alam sila tungkol kay
Greyson, alam kong alam nila ang tunay na rason behind this.
Alam kong alam nila kung nasaan si Grey... Hindi lang talaga siguro sapat
para sa kanila na mayroon kaming anak ni Grey, hindi nila naiisip na
kailangan ng ama ni Grezianne.
Pero kahit kailan din naman ay hindi ko sila kinulit o kinuwestiyon,
hindi ako nanghingi ng awa sa kanila para lang magpakita ulit sa akin si
Grey. Wala akong pakielam kung magpakita siya o... hindi na.
Ang importante sa akin ngayon ay ang anak ko, mabubuhay kami without him.
Mabubuhay kami kahit na hindi kami tulungan o suportahan ng kanyang
pamilya.
Oo, masakit sobra pero natuto na akong mamuhay ng nasasaktan noon pa man.
Alam kong lahat ng ito ay temporarya lamang, mas pipiliin ko na lang
maging masaya kasama ang aking anak kahit na wala ang kanyang ama.
Bakit si Greyson ba ang pagkain namin para hindi kami mabuhay ng wala
siya?
Hindi ko makuhang makaramdam ng galit kay Grey, hindi ko alam kung bakit.
Kung may nararamdaman ako sa kanya? Siguro pagmamahal lang, despite of
what he did nine months ago.
Wala, e. Natabunan ang puso ko ng sobrang pagmamahal para sa kanya kaya
siguro hindi ko makuhang magalit sa kanya. Yes, I should be hated him
because he hurt me but I just couldn't.
Gusto kong magalit dahil pinagmukha niya akong tanga, I mean sino ba siya
para gawin sa akin iyon? Sino siya para gawin sa isang Saavedra iyon?
Seriously? He is just a Moretz... Who I love the most.
Tsss.
Bakit kasi wala siyang ginawang kahit na anong kasalanan noon sa akin?
Bakit ba kasi hindi ko siya nakitaan ng kahit na anong mali noon? Bakit
purong pagmamahal ang pinaramdam niya sa akin?
Ang hirap tuloy umusad ngayon, gusto ko siyang maging masaya kung nasaan
man siya ngayon. I wish for his happiness, even though I am no longer
included there.
Gusto kong maging masaya siya kahit na hindi na ako kasali sa kasiyahang
iyon. Life is so unfair, why did God gave Greyson to me when he would
just leave me in the end?
Sobrang sakit pero kailangan kong tanggapin ang fate na ibinigay ni God,
kung hindi para sa akin si Greyson baka para talaga siya sa iba. Iyong
babaeng hindi siya pahihirapan, katulad ng ginawa ko noon.
Tsss, if only I could turn back time I would want to be with him tapos
papatunayan ko sa kanya na mahal na mahal ko siya para hindi siya
maghahanap ng iba.
Huminga ako nang malalim at saka bumaba ng grand staircase.
"Baby! Cutie pie, wake up!"
Nangunot ang noo ko nang makita kong marahang pinipisil ni Ixerr ang
pisngi ng natutulog kong anak sa crib. Ginigising niya iyon, pagtapos sa
pisngi ay marahan niya namang kinagat kagat ang daliri noon.
"Hey, sleepyhead! Wake up! I want to see your ash eyes! Please! Ugh!"
impit na pinagsasabi niya. "Baby! Wakey! Please, Grezianne Qoule!"
Kumunot ang noo ni Grez at saka nag unat ng mga kamay, humikab iyon at
mabilis na nilapit ni Ixerr ang ilong niya sa bibig ng anak ko. Gusto
kong matawa dahil hindi pa rin nagigising si Grez, kaya naman padabog na
kumamot sa ulo si Ixerr at suminghap.
"Ginigising mo na naman! Hindi ka naman marunong magpatulog!" I hissed.
Napatalon siya sa gulat at agad akong nilingon.
"Nagising ba? Ayaw nga, e! Kainis!" padabog na naupo siya sa sofa at
nagkrus ng mga braso sa dibdib niya.
I rolled my eyes and glanced at my baby.
Mahimbing ang kanyang tulog, kanina ay nakatihaya siya ngayon ay nakadapa
na siya at nakanguso na parang nananaginip na dumedede dahil nakanguso
siya.
I giggled.
Sobrang cute ng baby ko, kamukha siya ni Greyson. Mukhang anghel talaga,
hay.
"Leche ka, wala ka na namang magawa sa buhay mo kaya ka nanggigising ng
bata!" inis na sinabi ko kay Ixerr.
"Tsss, yabang mo nanay! Wala kang pakealam, gigising ko 'yan kung kailan
ko gusto!" nakangusong umirap siya sa akin at saka lumapit ulit sa crib
ni Grez.
Nanlaki ang mga mata ko nang buhatin niya iyon at saka nanggigigil na
pinaghahalikan iyon kung saan saang parte ng mukha.
Gago talaga!
"Fuck! Kapag 'yan talaga napilayan! Masasapak ko mukha mo!" I hissed.
Mabilis na nilapitan ko siya para kuhanin si Grez pero nilayo niya kaagad
iyon, umungot si Grez at namula dahil naalimpungatan. Siraulo talaga si
Ixerr! Walang magawa sa buhay!
"Ixerr!" impit na singhal ko pero hindi niya ako pinansin.
"Iyon! Yes! Wake up, bebe! Open your eyes! Your hot Tito is here!"
halakhak ni Ixerr at saka inabangan ang pagmulat ng mata ni Grez.
Ugh! He's hopeless! Nakakabwisit talaga siya! Parati siyang nanggugulo sa
pagtulog ng anak ko, lagi ko na lang naaabutan na ginigising niya iyon.
Gamit ang isang kamay niya ay kinuha niya ang susi ng kotse sa kanyang
bulsa at saka sumulyap sa akin.
"Ano! Saan ka-"
"I'm taking Grezianne to mall-"
Nanlaki ang mga mata ko. "What!? Are you fucking stupid? Hindi ka na
naawa sa anak ko!"
Ngumuso siya at hinalikan si Grez sa ilong. He shrugged.
"Wala akong ka-date, e. Magdi-date lang kami, we'll be home early! Don't
worry!" He smiled.
Napasinghap ako nang mabilis na lumabas siya ng double doors at kumindat
pa ang animal sa akin.
"Fuck you, Ixerr! Bwisit!" sigaw ko.
"You cannot! H'wag kang incest!" humalakhak siya at sinara ang pintuan.
Napapikit ako ng mariin at napailing na lamang.
Ni hindi pa naayusan si Grezianne basta basta na lang niya ilalabas!
Naku! Animal talaga ang hindot na 'yon. Bwisit!
"Riz!" pamaktol na sigaw ni Zinderela.
Napatingin agad ako, kakapasok niya lang sa double doors at nakabusangot
ang mukha. Sumunod na pumasok ay ang nakangiting si Ryle.
"What!" inis na tanong ko.
"Bakit kasama ni Ixerr si Grezianne! Siya ang ipinunta ko dito tapos
makikita ko na lang- ugh!" inis na kumamot siya sa ulo niya. "Nakakainis
naman, e!"
Ryle chuckled. Hinawakan niya ang baywang ni Zin at saka ngumuso.
Nalaglag ang panga ko.
"We'll wait for Grez, they will be home early naman daw..." malambing na
pag-aalo niya kay Zin.
Napakurap kurap ako.
Pinag aagawan nila ang anak ko! Puta, ako ang nawawalan ng pag-asang
makasama siya. Tuwing sa pagtulog ko na lang siya nakakasama, ah? Pansin
ko lang!
Pag sa umaga kasi pumupunta rito si Zydein at pagkagising ko makikita ko
na lang na wala si Grezianne sa tabi ko iyon pala na kila ZD na dahil
pinapakuha raw ni Tita Cara!
Seriously!?
"E, kasi naman! Ang epal epal ni Ixerr!" maktol ni Zin. "Papasyal nga
tayo nila Grez, e!"
Huminga ako nang malalim.
"Ang kapal n'yo, ha!" singhal ko kay Zin. "Ano, ako nagluwal, ako pa
hindi makahawak sa anak ko!?"
Tumawa si Ryle at sumulyap sa akin. Bumusangot naman lalo si Zin.
"Naglilihi yata ito kay Grez..." halakhak ni Ryle.
Nanlaki ang mga mata ko.
"Buntis ka!?" mabilis na lingon ko kay Zin.
Kumunot ang noo ni Zin.
"Ano!? Paano ako mabubuntis?" gulat na singhap niya.
"Nagsex kayo!" I spat.
Nanlaki ang mga mata niya, napaawang naman ang labi ni Ryle. Parehas
gulat, pulang pula ang mukha ni Zin.
"Are you stupid? Wala pang nangyayari- ugh! Wala! Okay!? Hindi ako
buntis!" inis na sigaw niya at padabog na uminom ng juice sa center
table.
"Weh? Mamatay?" patuyang tanong ko.
"Riz!" Ryle called out.
"Mamatay man si Ryle?"
"Puta ka!" singhal ni Zin. "Hindi pwedeng mamatay si Ryle, magpapakasal
pa kami!"
Humalakhak ako. "Weh? Mamatay ka man? Ano? Wala talaga?"
"Riz, we can't and we won't!" Ryle sighed.
"Tsss, bading talaga!" patuyang sinabi ko.
Humagikgik si Zin at yumakap sa baywang ni Ryle.
I made a face.
"Tsss, ang perfect na ni Ryle kung hindi ka lang dumikit!" umirap ako.
Matalim na tiningnan ako ni Zin.
"Ang kapal mo!"
Ryle laughed. "I only feel perfect when Zinderela is with me..."
What a cheesy dude! Damn it.
Lalong humagikgik si Zin.
"Pakasal na ba tayo, bes?"
Hopeless!
Ngumisi si Ryle. "Tsss, you rejected my proposal!"
Nanlaki ang mga mata ko.
"What!?" sigaw ko.
Ngumuso si Zin.
"Anong katangahan na naman ang naisip mo, Zinderela Yvez?" singhap ko.
"Wow, ang ganda mo naman pala para mang-reject ng Ryle!"
Ngumiwi si Zin. "Ang epal mo!"
Humalakhak si Ryle at inakbayan si Zin. He looked at her and smiled.
"It's okay, Riz. She can reject me everytime, basta sa akin lang ang
bagsak niya..." he said, smiling.
Nanindig ang balahibo ko. Puta, ibang klase talaga pag good boy ang
nagsasalita, e. Hirap hindi kiligin. Kainis!
Pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit nireject ni Zin ang proposal
niya? Anong katangahan iyon? Ryle is gold, kahit sinong babae ay
tatanggapin at pakakasalan siya ora mismo!
"Sakin ka na lang magpropose? Papakasal na tayo ngayon!" halakhak ko.
"Ulol mo!" singhal ni Zin. "Akin lang siya!"
Tumawa naman si Ryle.
"Of course, Misis Choi..."
Gusto kong masuka sa paglalandian nila sa harapan ko. Humagikgik si Zin
at kinagat ang braso ni Ryle.
"I love you, bes!"
Umakto akong sumusuka. "Tangina n'yo, bes! Kasuka na, ha!"
We all laughed.
"Rocket been talking about you," si Ryle.
Tumaas ang isang kilay ko. "Ganoon ako kaganda!"
He boyishly smile.
"You're too beautiful, Riz. My two friends asking me about you," He
pouted. "You know who they are..."
"Yie! Si Gyro Vizconde at si Rocket 'yon!" hagikgik ni Zin. "Ganda mo, e.
Ganda mo sa paningin nila. Bulag yata sila!"
Napangisi na lamang ako.
"I don't care about them, lalo na kay Gyro. Tsss, mga pasakit talaga ang
good boy!"
Pasakit talaga sila, ihuhulog at lulunurin ka nila sa sobrang pagmamahal
kaya mahirap makaahon mula sa kanila. Sobrang hirap...
"Hindi lahat..." si Ryle.
"Tsss, exemption ka ganoon?"
Lahat ng tao ay may kanya kanyang flaws, good boy man o bad boy. Malamang
si Ryle mayroon din, pero hindi ako sigurado. Malay natin, si Grey nga,
e. Ibang klase ang pagka good boy, pero nagawa pa rin sa akin iyon.
"I think so..." he shrugged and grinned.
"Makipagdate ka, Riz!" halakhak ni Zin.
I rolled my eyes. "Ulol, hindi ko kailangan noon..."
"Ay sus! Kailanganin mo! Para masolo namin si Grezianne..."
Kumunot ang noo ni Zin at saka sumulyap sa akin na parang may naalala.
"I think I saw Greyson," nilingon niya si Ryle. "Di ba, baby? Doon sa
mall!"
Bumuntong hininga ako.
"Baka si Treyson iyon," Sabi ko. "Alam mo hindi magpapakita si Greyson
dito malapit, hindi siya tanga para magpakita pa sa atin..."
Ngumuso si Zin.
"Well, maybe. But his hair is black! 'Di ba si Grey black ang buhok?
Tapos si Trey ay brown?"
Napalunok ako.
"Pw- pwede naman magpakulay ng buhok, baka idol niya si Grey..." hilaw na
halakhak ko.
Mabilis ang pintig ng puso ko sa hindi malamang dahilan, ang alam ko lang
ay kabado ako sa nalaman.
"So, Trey has a son..." napapatangong usal ni Zin at parang inaalala pa
ang nakita.
"Ma- may anak?" nauutal kong tanong. "Si T- Trey?"
"Yes, I saw him and I guess he was with his wife. Karga niya pa nga iyong
baby niya na kasing laki lang rin yata ni Grez..." nakanguso niyang
sinabi.
Napahugot ako nang malalim na hangin. Para akong nasampal ng sobrang
lakas, ramdam ko ang pagtigil ng pintig ng puso ko. Ang sakit sakit ng
mga narinig ko.
So, I was right. He has a family now, his own family. Seriously? Nine
months palang, Greyson. Hindi pa ako nakakausad sa ginawa mo sa akin
tapos heto naman ngayon.
Chapter 37
Yugto 35
Kabanata 35
Nakapamulsa ako sa aking lab gown habang naglalakad patungo sa isang
private room na under sa akin.
"Good morning, ma'am..."
Ngumiti ako sa mga intern na bumabati sa akin. Naalala ko pa noong ako pa
ang intern, halos doon palang kami nag-umpisa ni Greyson. Ang sarap
balik-balikan ng lahat.
Lalo na iyong kami ni Greyson, iyong sa amin. Paano kaya kung kami pa
rin? Paano kaya kung hindi siya nawala? Kung sinipot niya ako noon sa
kasal?
We could be happy with our daughter, ang saya siguro ng mayroong buong
pamilya. Kaming tatlo tapos mayroong sariling tahanan. But fate did this,
I couldn't change it.
Bakit kaya? Dahil siguro hindi talaga kami para sa isa't isa? Ang pangit
naman pala kapag nagmamahal ako ng sobra nauuwi lagi sa ganito, sa sakit.
Nasasaktan ako pero wala akong magawa.
Ni hindi ako maiyak sa mga nangyayari sa akin, basta alam kong masaya ako
na minahal ako ni Greyson at nagmahalan kami. Ayos na iyon. Iniisip ko na
lang na malayo lang siya ngayon.
Alam kong mahihirapan ako pagdating ng panahon, dahil hahanapin siya ng
anak namin. Wala namang batang hindi naghahanap ng ama nila sa paglaki
nila.
Hay.
Huminga ako nang malalim at saka kumuha ng broccoli at repolyo, inilagay
ko iyon sa cart na tulak tulak ko. Pagkatapos ng duty ko ay nag grocery
ako para sa bahay.
May sarili na kaming bahay ni Grez sa Saavedraville, kalapit lang din
kila Mommy at Daddy. Pero hindi pa rin kami doon naninirahan, doon pa rin
kami kila Mommy.
Madalas kasing wala ako dahil sa trabaho ko sa EGH, kaya si Mommy ang
nag-aalaga kay Grez. Ayaw rin kasi nilang kumuha ng yaya para kay Grez
dahil hindi raw safe.
Habang naglalagay ako ng ibang prutas sa cart ay may napansin akong
pamilyar na bulto. Hindi lang pamilyar kundi kilala ko pala talaga.
Nakaupo lamang siya sa isang bench, may mga paperbags sa kanyang tabi at
parang may hinihintay siya roon.
He's wearing a white round neck shirt and a dark blue jeans. Clean cut
ang kanyang buhok, kulay brown na rin iyon hindi katulad dati na lagi
iyong kulay itim dahil ayaw niya ng brown.
Kumalabog ang puso ko. Masakit na masaya ang emosyon na bumabalot sa
akin, huminga ako nang napakalalim at pinuno ng hangin ang aking baga.
Lumunok ako kasunod noon ang pagbabadyang luha sa aking mga mata. I
wanted to cry and run away but my knees were shaking.
He's still the same...
After nine months of hiding, hindi ko inaasahan na magtatagpo pa kami sa
ganitong lugar. Hindi ko alam kung anong nagtutulak sa akin na lapitan
siya.
Marahang tinulak ko ang cart patungo sa kanya, diretso akong nakatitig sa
kanya habang papalapit.
Nakakunot ang kanyang noo, our eyes met but I ain't sure if he was
looking at me or behind me! Naging mabilis ang paghinga ko, mabilis na
kumurap kurap siya at saka ngumiwi.
Hah!
What now? Nagpapanggap siya na hindi ako nakita? Nagpapanggap siya na
wala siyang nakita? Bakit? Dahil nahihiya siya? Ganoon ba?
Huminga ako nang malalim at lumapit pa ng bahagya, sakto lang para makita
ko siya nang malinaw. Wala akong balak kausapin siya kahit na gustong
gusto ko siyang yakapin ngayon.
He tilted his head, dumiretsong muli ang kanyang tingin sa gawi ko pero
parang nasisilaw siya. Kurap siya ng kurap, he bit his lower lip and
massaged his temple.
Nangunot ang noo ko, gusto kong hawakan siya pero hindi ko magawa dahil
nanghihina ako.
Greyson, you promised me that you will never hurt me... But what is this?
Why are hurting me? Why are pretending that you didn't see me?
Tears pooled in my eyes. I inhaled sharply and just stare at him, nagyuko
siya ng ulo at saka kinagat ang kanyang daliri. He looked nervous.
Syempre...
Sumulpot ang isang babaeng halos kaedad ko lang, ngumiti siya kay
Greyson. Umawang ang labi ni Greyson nang maramdaman ang paghawak sa
kanyang braso ng babae.
"What happened?" The woman asked worriedly.
Nangunot lalo ang noo ko nang lumingon sa kanan si Greyson gayong nasa
kaliwa niya ang babae. Did they fought or what?
"Nothing, Maria..." he said. Marahan siyang tumayo at muling hinilot ang
kanyang sentido. "Can we go home now? Sumakit ang ulo ko..."
Nanlumo ako. Bakit ba siya nagpapanggap na hindi ako nakita?
Nagbagsakan ang mga luha ko habang pinapanuod silang naglalakad paalis,
nakahawak ang babae sa kanyang braso at si Greyson naman ay hawak ang mga
pinamili nila.
Fuck, ang sakit sakit!
Pinalis ko ang mga luha sa aking pisngi at saka nagyuko ng ulo. Bumuntong
hininga ako, ang sakit Greyson. Bakit ganito ang ginagawa mo sa akin?
Hindi ka nagpakita ng siyam na buwan pagtapos ay nakalimutan mo agad ako?
Wala na agad ako para sayo? Pagtapos mong hindi siputin ang kasal natin
may kapalit na agad?
Hindi man lang pinaabot ng ilang taon bago ako pinalitan at kinalimutan,
akala ko kay Gyro na lang ako makakaramdam ng sobrang sakit. Umasa kasi
ako na hindi ako masasaktan ni Greyson ng ganito.
Sobrang sakit nito, sobrang sakit na parang hindi ko na kakayanin pang
makakrus siya ng landas muli. Should I pretend that I didn't see him and
forget about his existence?
Paano mangyayari iyon kung may anghel siyang iniwan sa akin...
My phone beeped.
Unregistered number:
Hi.
Napangiwi ako. What is this? Teenager texts? GM ba ito?
Ngumisi na lamang ako, ibubulsa ko na sana iyon pero muling tumunog at
tawag na iyon. Hinintay ko ang pangatlong ring bago sinagot.
Hindi ako nagsasalita, pinakinggan ko lang kung sino iyon pero hindi rin
siya nagsasalita.
I cleared my throat.
"Riziane Saavedra, speaking. Who's this?"
Matagal bago iyon nagsalita kaya nangunot ang noo ko, gusto ko nang ibaba
pero bigla siyang tumikhim.
"Can I invite you?" mapaglaro ang tanong na iyon, I bet he was smiling.
His deep masculine voice is kinda familiar to me, hindi ko lang makilala
dahil parang matagal ko nang narinig iyon.
"Excuse me but who's this?"
"You are Riziane..." he laughed huskily.
I scowled. Puta, bobo o pilosopo lang?
"Wala akong balak makipaglaro o makipagbiruan sayo," malamig na sambit
ko.
He chuckled.
"Uh-huh, but will you please check the date for me?"
Kumunot ang noo ko at simpleng sinulyapan ang aking wristwatch.
"It's August 29,"
"Exactly, Riz. So..." he trailed off.
Nanlaki ang mga mata ko.
I can't believe this! Couldn't be...
"O- oh..." I stuttered.
He chuckled huskily. "Tsss, it's been a year palang pero nakalimutan mo
na ako at ang birthday ko?"
Napahugot ako nang malalim na hangin at saka natawa sa kawalan.
"Fuck you, Rocket Estrevillo..."
Malakas na tumawa siya sa kabilang linya, nadinig ko rin ang tawanan ng
mga lalaki doon. Damn it!
"Dude, tibo pa rin!" dinig kong tawa ni Xavier.
Nagtawanan sila. Napangiti ako habang nakikinig lamang sa kabilang linya,
narinig ko rin doon si Erwann.
"Where are you? Should my boys fetch you again like the old times?"
halakhak ni Rocket. "Gusto ko sanang ako ang magsundo sayo but they won't
let me..." kunwaring malungkot na sinabi niya.
"Nandito ako sa EGH parking area!"
Nanlaki ang mga mata ko nang madinig ko si Erwann, mukhang naka
conference call kami dahil iba iba ang nadidinig ko.
Tumawa sila Rocket.
"So, nasaan ka Riziane?" tanong niya. "Nasa EGH si Erwann at Eiffel para
sunduin ka, e..."
"I'm at the market, tapos na ang duty ko. Don't bother, ako na lang ang
pupunta... Alam ko naman, e..."
"Saang market?" tanong ni Erwann, narinig ko ang pagstart ng kotse.
Napabuntong hininga ako. "May kotse akong dala, dadaan muna ako sa
mansyon para ihatid ang groceries..."
"Alright, susunod kami sa Saavedraville..." si Eiffel.
Damn...
Walang pagbabago ang mga kumag, mahilig pa rin manorpresa. Minadali ko
lang ang pag-grocery ko at saka sumibat na patungong Saavedraville para
ihatid ang mga pinamili ko.
Pagkadating ko ay nakita ko na si Erwann sa tapat ng mansyon, si Eiffel
ay naka indian sit sa hood ng kotse habang nagyoyosi. Si Erwann naman ay
nakasandal lamang sa pintuan at nagyoyosi rin.
Napanguso sila nang makababa ako ng kotse. Kumuway lamang ako at ngumisi
sa kanila, binuksan ko ang passenger seat at kinuha roon ang mga plastic
bags.
Napahinga ako nang malalim. Gusto kong kalimutan ang nakita ko kanina,
gusto kong magpanggap na hindi ko na lang siya muling nakita.
Nakuha agad ni Eiffel ang iba doon, kinuha naman ni Erwann ang hawak
hawak ko na. Pinabayaan ko na lang silang dalawa. Sinara ko ang pintuan
at hinarap sila.
Wala namang gaanong pagbabago dahil isa't kalahating taon lang naman kami
hindi nakapagkita. Besides, nasanay lang siguro ako kasi nakikita ko rin
sila sa social media.
"Papasok pa kayo? H'wag na baka magka virus sa bahay..." halakhak ko.
Sumimangot sila habang nakasunod sa akin papasok ng mansyon.
"Tsss, gusto naming makita ang laman ng Instagram mo..." tawa ni Eiffel.
"She's so cutie!"
"Para kay Earl na 'yon," singit ni Erwann.
I made a face. "Siraulo! Bata pa ng anak ko, hindi na uso fixed
marriage!"
Humalakhak silang dalawa. Sumulabong ang dalawang kasambahay sa amin,
ngumiti ako at itinuro ang hawak nila Erwann. Kinuha naman nila iyon.
"Good evening, Ser..." bati nila kila Erwann.
Dumiretso ako sa crib ni Grezianne, she's sleeping peacefully. Napangiti
ako at hinalikan ang noo niya. Nalulungkot ako na parang pati siya ay
kinalimutan na ng kanyang ama.
Pinapangako kong papalakihin ko siya kahit mag isa lang ako, maayos ko
siyang aalagaan at papalakihin ng sa ganoon ay hindi na siya maghanap ng
ama.
"Si Mommy?" tanong ko sa kasambahay.
"Nasa kusina lang, po..." sagot nito. "Naghahanda ng hapunan..."
Lumapit agad sila Erwann sa crib at napangiti ng malapad nang makita si
Grez doon. Ngumuso si Eiffel at hinawakan ang kamay noon.
"Ang cute! Gusto ko ng gumawa ng akin!" mahinang tawa niya.
"Biruin mo ikaw pa ang walang anak ngayon? Baog ka siguro!" halakhak ko.
Umismid siya. "Kung hindi lang nakipagbreak si Zinderela noon, e..."
Malakas na binatukan siya ni Erwann at tumawa. Natawa din ako, mukhang
sinaktan ng todo ni Zin ito noon, ah.
"Tarantado, mag move on ka na. Engaged na ang isang 'yon, singkit ka lang
pero hindi ka koreano!"
Napatawa ako doon.
"Oo nga, Fel. Sobrang gwapo ni Ryle! Kumusta ka naman?" panunuya ko.
He glared at me.
"Atlit, Ex ko na..." he smirked. "Nakakabading naman talaga 'yong nobyo
noon kapag nakikita ko, tas pag lumingon ako kay Zin nagiging lalaki ulit
ako..." he laughed.
Nagtawanan kami.
Pumunta na ako sa kusina para magpaalam kay Mommy, nagbihis ako saglit at
pagtapos noon ay humalik ako kay Grez at saka umalis na kami.
I wore a red fitted mini dress, birthday ni Rocket pero ako ang nakared.
Hindi ako nainform na sa Southwest District pala kami pupunta!
Tama lang sa kagustuhan ko, I want to drink and get drunk for me to
forget who I saw earlier. Kahit ngayon lang, gusto kong mawala si Greyson
sa sistema ko tutal mukhang ganoon na rin naman ang ginawa niya.
Inalis niya kami ni Grezianne sa kanyang buhay... Ganoon na lang rin ang
gagawin ko, sana lang ay hindi na siya hanapin ni Grez.
Pagpasok pa lang namin ng SD ay inalalayan na agad ako nila Eiffel at
Erwann, pumwesto sila sa magkabilang gilid ko. Nakita ko ang mga iba kong
kakilala, mayroon ding iilang doktor ng EGH na namukhaan ko.
Sobrang ingay ng speaker, sinasabayan pa ng mga babaeng nagtitilian sa
dance floor.
Napangisi ako nang makita kong tinulak nila Xavier si Cash sa gitna ng
dance floor, lalong lumakas ang tilian ng mga babae doon at
pinagkaguluhan si Cash.
Nakangiwi si Cash, nagulo ang kanyang suot na polo at halos mahubaran
dahil hinihila hila siya ng mga babae.
Malakas na tumawa sila Erwann. Iginiya nila ako sa sofa, umupo ako doon.
Tumatakbo na sila Xavier papunta sa gawi namin.
Nanlaki ang mga mata nila nang makita ako, pinasadahan nila ako ng tingin
agad. Napataas ang kilay ko.
"Hi..." I smirked, wala pa man ay lumagok na ako ng isang shot.
Napangiwi sila at nagsilapitan na, akmang uupo na si Xavier sa tabi ko
pero mayroon na agad tumulak sa kanya at saka malakas na tumawa iyon.
"Hi, Miss..."
Nagsinghapan at pinagmumura si Rocket nila Xavier, umakbay si Rocket sa
akin. I rolled my eyes and slapped his cheek.
Humiyaw sila at nagtawanan.
"Ooh!"
"Ang kapal ng mukha mong umakbay! Chupi!" pagtataboy ko. "Happy
birthday,"
Napahawak siya sa kanyang pisngi at umawang ang labi sa akin, nangunot
ang noo ko nang pasadahan niya ako ng tingin.
Hindi pa rin siya nagbabago, ganoon pa rin ang kanyang itsura. Gwapo at
talagang malakas ang dating, magulo ang medyo mahaba niyang buhok na
lalong nagpalakas sa kanyang appeal.
"Damn, bebe. You're stunning! I heard you gave birth, is it true?" he
asked curiously.
"Dude, sobrang cute ng baby niya!" ngumisi si Eiffel.
"Alam kong maganda ako, Rock. Hindi mo na kailangan sabihin pa..."
halakhak ko at saka lumagok muli ng shot.
"Fuck you, Xavier!"
Napalingon kami kay Cash na inaayos ang nalukot at nagulo niyang polo,
nakangiwi siya at salubong ang kilay. Isinasara niya ang nakabukas na
butones sa polo niya, puro lipstick din ang kanyang pisngi at dibdib!
What the fuck?
Humagalpak sila sa tawa.
"Dude, narape ka ba?" halakhak ni Rocket.
Umismid si Cash at matalim na tumingin kay Rocket pero nawala agad iyon
nang makita ako, namilog ang mga mata niya.
"Riziane?" patanong pang sambit niya.
Ngumisi ako. "May iba pa ba akong kamukha?"
Mabilis na lumapit siya sa akin at hinila ang aking braso pero tinulak na
agad siya ni Rocket.
"Seriously, Cash? Sa dami ng nangrape sayo, manggugulo ka pa rito?"
Mahaba ang naging gabi ko kasama sila, sobrang tagal tumama ng alak sa
aking sistema. Gusto ko nang umuwi pero alam kong hindi pa rin ako
makaktulog dahil si Grey pa rin ang naiisip ko.
Kahit na puro harot sa akin si Rocket ay hindi ko mapansin dahil sa
kawalan ng gana, puro shot ang ginagawa ko at saka nakikinig lang sa
kanilang kwentuhan.
Nakaramdam ako ng paghilab ng tiyan, mabilis na tumayo ako at kumuway na
lang ng kamay sa mga natira sa aming table at saka mabilis na nagtungo sa
Comfort Room.
Nang makarating ako ay hindi naman ako nasuka, dumura lang ako sa sink at
saka naghilamos ng mukha para mahimasmasan.
Nagulat ako nang makita ko si Rocket na pumasok! Sumuka siya sa sink,
napapangiwi siya bawat pagsuka niya.
Men's restroom!
What the fuck? Ako pa pala ang nagkamali!
Tinapunan ko siya ng tissue pero mabilis na nahubad na niya ang kanyang
t-shirt at iyon ang pinunas sa kanyang mukha pagtapos maghilamos.
Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya, fuck those six pack
abs! Nag init ang pisngi ko nang sobra.
Mabilis na tumalikod ako at aalis na sana pero mabilis na hinigit niya
ang braso ko, napatigil ang paghinga ko nang siilin niya ako ng halik.
Fuck!
Lasang lasa ko ang vodka at sigarilyo doon, para akong nakukuryente sa
bawat paggalaw ng kanyang labi. I kissed him unconsciously, hindi ko alam
kung anong nagpush sa akin!
Damn it!
Hanggang sa naging mapusok ang kanyang halik, ganoon rin ako. Iginiya
niya ang dalawang kamay ko sa batok niya at binuhat niya ako paupo sa
sink.
Naghabol ako ng hininga, his hand travelled to my tighs, marahang
humaplos siya doon pataas sa aking baywang at muling napunta iyon sa hita
ko.
Halos maubusan ako ng hangin habang naghahalikan kami dahil sa sobrang
uhaw noon. I felt his hand caressing my boob.
"Ah..." I moaned.
Naputol ang paghahalikan namin nang may nadinig akong kalabog, mabilis na
naitulak ko siya at para akong nagising sa lahat ng nangyayari!
Oh my God!
Chapter 38
Yugto 36
Kabanata 36
Naninginig ang mga tuhod ko habang mabilis na naglalakad palabas ng
Southwest District. Goddamnit! What have I done?
Bakit ako pumayag? Bakit ako nagpadala sa abs ng animal na si Rocket?
"What the fuck, Queendall Fricxy? How many times do I have to tell that
you're not allowed here!?"
Nangunot ang noo ko nang makita ko si Eiffel na may higit-higit na babae,
he was dragging that girl towards the parking area.
Doon din ang punta ko, inilabas ko ang aking cellphone at saka hinanap
ang numero ni Ixerr doon.
"Kuya, h'wag mong sabihin kay Kuya Ferris!" maktol ng dalaga.
Inis na nilingon siya ni Eiffel. Hindi ko maaninag ang mukha ng dalaga
dahil nakatalikod siya mula sa akin. Itinapat ko ang cellphone sa aking
tainga.
Ixerr groaned.
"Riziane! May duty ako ng 4 AM!"
Huminga ako nang malalim.
"Ixerr," my voice shook. "Ehem-"
"Where the fuck are you?" he hissed huskily. "You left Grezianne, what
kind of Mum are you?"
Napasinghap ako.
Tangina neto, ang sakit magsalita! Akala mo naman magiging mabuting ama
pagdating ng araw! Tsss.
"Gago, birthday ni Rocket! He invited me," Hindi ko maituloy ang
sasabihin ko.
Damn it!
I feel like I was a criminal, pakiramdam ko gumawa ako ng malaking
kasalanan sa anak ko. Pakiramdam ko nagtaksil ako sa kanya. Nakakainis!
Urgh!
"I know, invited ako pero hindi ako pumunta! And then you came there, you
really are stupid Mum..." he groaned again.
"Will you please stop insulting me!?" pagalit na anas ko. "Sunduin mo na
lang ako rito, wala akong kotseng dala!"
"Marunong kang pumunta riyan, marunong ka rin dapat umuwi..." iritadong
aniya. "Fuck! Nasaan ka ba? Saan banda? Lumabas ka ng SD, dahil hindi ako
papasok dyan. Hintayin mo ako sa parking area! Damn!"
"Wow! Baka mamaya magpaiwan ka pa-"
Napairap na lamang ako nang inis na sabihin niya iyon at ibinaba ang
tawag ng walang paalam, napakabastos talaga ng isang iyon. Susunod rin
naman pala.
Napabuntong hininga ako at hinawakan ang aking labi. Umupo ako sa isang
bench na nasa parking area lang rin. Namataan ko pa sila Eiffel at iyong
babae sa 'di kalayuan at parang may inaabangan roon.
I suddenly remembered what happened earlier, fuck! Bakit ba pumasok na
naman sa isip ko iyon? Hayop kasi si Rocket kung humalik, parang naiiwan
ang labi niya sa sa'kin.
Grr! Kainis!
Kung hindi ba naman kasi ako tanga at sa Men's restroom ako napunta, e!
Pero hindi rin naman tama ang ginawa niya, aalis na sana ako kung hindi
lang niya ako siniil ng halik, e.
Dapat pala naisip ko agad na mayroong hidden desire sakin ang manyakis na
iyon at nawarningan ko ang sarili ko na h'wag maglalapit sa kanya.
Or maybe he's just drunk and he doesn't know what's been happening,
bahala na. Birthday naman niya, pero ugh! Talagang nakakainis dahil
nararamdaman ko ang guilt sa aking loob.
Para akong nagtaksil kay Grezianne at... kay Greyson.
What the hell, right? Hindi ko akalain na kahit hindi niya ako
pinakasalan at ngayo'y may asawa na siyang iba ay mahirap pa rin talagang
gumawa ng mga bagay na pagtataksil sa kanya.
Parang nagising ang diwa ko nang marinig ko ang tatlong beses na busina.
Nasa harapan ko na ang itim na Corvette ni Ixerr, nakabukas ang bintana
noon at nakasilip siya doon habang nagyoyosi.
Nagtaas siya ng kilay at bumuga ng usok, pinitik na niya iyon.
"What now? Do I need to carry you like a princess in distress? Tsss. Get
in, istorbo!" masungit na sinabi niya.
Napakasungit niya ngayong gabi. Hindi ko makita ang Ixerr na palaging
nakangisi at nang-aasar.
He look tired and exhausted, namumungay ang mga mata niya, mapula ang
pisngi at ilong. May sipon pa yata dahil parang paos at ngongo ang
kanyang boses.
Doktor na may sakit? Posible pala? Nakakatawa siya! Lalo na ang masungit
niyang itsura ngayon.
Tamad na tumayo ako, inirapan ko siya agad at inambaan ng suntok.
He tsked and rolled his eyes.
"Tangina mo, h'wag mong malapit-lapitan si Grezianne! Wala kang kwentang
tiyuhin!" I hissed.
Sumakay ako sa frontseat, suminghap agad siya sa akin at pinasadahan ako
ng tingin. His lips parted, naningkit ang kanyang mga mata at inis na
nakatingin iyon sa akin.
"Hindi ba't ikaw ang hindi dapat lumapit kay Grezianne? You came here
like that? What are you? Dalaga? Walang anak? And look at you!"
Hinampas niya ang manibela at saka suminghap.
"Damn it, Riz. Sino ang nakalapaan mo at ganyan ang lipstick mo?" he
groaned.
Nanlaki ang mga mata ko. Tumingin agad ako sa rearview mirror, pinikit ko
ng mariin ang mga mata ko at parang ako mismo'y naasiwa sa aking itsura.
Damn it!
Nakakahiya!
Kalat ang lipstick ko, para akong clown dahil doon at talagang nakakahiya
na nakita pa ni Ixerr iyon. Sa sobrang daldal nito'y alam kong kakalat na
naman ito!
Ugh! Please!
Kumuha ako ng tissue sa dashboard niya at madiing pinunasan ang labi ko,
inayos ko rin ang buhok ko gamit ang aking daliri.
Nagdrive siya nang tahimik habang ginagawa ko ang mga dapat kong ayusin
sa sarili ko. Tangina this, bakit ba kasi nakipaglapaan ako sa tigreng
manyak!
Panay ang pag-iling niya sa kawalan habang kinakagat ang kanyang pang-
ibabang labi. He looks so irritated and pissed. Para bang magsalita
lamang ako ng isang letra ay manenermon na naman siya.
Huminga ako nang malalim at pasimpleng sumabunot sa aking buhok dahil sa
inis ko sa sarili.
Bwisit! Damn!
Tinanghali ako ng gising kinabukasan, mabuti na lang at wala akong duty
ngayon. Napaigik agad ako sa kirot ng ulo ko, pakiramdam ko umiikot ang
paligid.
Kumurap kurap ako para maalis iyon. Pagtapos maligo at magbihis ay bumaba
na ako para tingnan si Grezianne.
Naabutan kong naroon si Ixerr at Zydein, nakaupo at nakahilig ang batok
ni Ixerr sa backrest ng sofa. Natutulog yata. Mukhang kagagaling lang rin
nila sa duty, dahil parehas silang naka uniporme pa.
Napalunok ako nang makita kong buhat Zydein si Grezianne, marahang
sinasayaw niya iyon at parang pinapahinto sa pag-iyak.
Inis na kumamot sa ulo si Ixerr at saka tumayo, mabilis na kinuha niya
kay Zydein si Grezianne at siya ang nag-alo sa baby. Humikbi ng isang
beses si Grezianne.
Zydein looks amused.
"Wow! Tatay na tatay, Xerr, ah?" he teased.
Ixerr just pouted and looked at Grezianne.
"Bunny, pwede bang pakitimplahan ng gatas si Grez?" pag uutos niya sa
kasambahay.
"Ah- eh, Ser Ixerr. Breastfeed ho kasi si Grezianne..." kakamot kamot na
sagot ni Bunny.
Nagtaas ng kilay si Ixerr. "At walang reserba riyan?"
"Riziane should do that! Bakit wala?" Zydein gasped.
Kumamot sa ulo si Bunny. Kumalabog ang dibdib ko sa kaba, puta. What are
they? Alam ko ang dapat kong gawin, tinanghali lang naman ako ng gising.
"Ser, wala ho kasing pasok si Ma'am Riziane ngayon..."
Suminghap lalo si Zydein at tumingin kay Ixerr, nagkibit balikat naman si
Ixerr at saka umupo sa sofa habang hinihele si Grezianne.
Mabilis ang paghinga ko, mabilis na bumaba ako. Nagtinginan agad sila sa
akin, nakita ko ang matalim na tingin ni Ixerr at Zydein sa akin.
Ngumuso naman si Bunny at umalis na.
"Tanghali ka na palang magising, hindi naman makakapaghintay ang gutom ni
Grezianne sa paggising mo! You really are! Ugh!" inis na sermon ni
Zydein.
He bit his lower lip, para magpigil sa mga nais pang isermon. Napairap
ako at marahang kinuha si Grezianne kay Ixerr.
Umismid siya at nagtiim bagang.
"Psh! She's acting like a single lady! Hayaan mo siya!" pasaring naman ni
Ixerr.
Nagtiim bagang ako, it's my fault! Alam ko naman. Pero nakakapikon sila
manermon, pasalamat sila at natatouch ako sa mga pag-aalagang ginagawa
nila kay Grezianne.
Zydein growled. "Ibigay mo na lang si Grez kay Mommy, kaysa ginugutom mo
rito! Saan ka na naman nanggaling kagabi?"
Sumulyap ako kay Ixerr, nakahilig na ulit siya sa sofa at nakapikit ang
mga mata. Kumuha si Zydein ng isang baso ng juice at sumimsim habang
hinihintay ang sagot ko.
"Rocket's birthday..." simpleng pag amin ko.
Bumuntong hininga ako, ramdam ko pa rin ang presensya ni Greyson sa aking
sistema. Parang wala namang nangyaring iba, naiisip ko pa rin na nakita
ko siya kahapon at nagpanggap siya na hindi ako nakita.
He pursed his lips.
"Do you like him?" he asked out of the blue.
Kinunot ko ang aking noo.
"You seriously asking that?" I asked in disbelief. "I love Grezianne..."
"You love Greyson, also. H'wag ka nang nagpupunta kung saan saan, lalo
pa't alam mong may gusto sayo si Rocket." inis na paalala niya. "Hindi ka
na bata, Riz. You have Grezianne, you should look after her..."
"Tsss, stressed lang ako. Okay?" bumuntong hininga ako.
Walang salita na tumayo si Ixerr, nagkuway lang siya ng kamay sa amin ni
Zydein at lumabas na ng mansyon. Hindi na lang namin pinansin.
Kumunot ang noo ni Zydein sa akin. Huminga ako nang malalim at umupo sa
sofa, umupo rin si Zydein sa harapan ko naman.
"Work?" tanong niya. "Stressful talaga ang pagdodoktor, Riz-"
I don't know if I should tell him about Greyson, kailangan din ba nilang
malaman iyon? Gustong gusto ko kasing may mapagsabihan ng mga ito.
I wanted to know their reaction, para malaman ko rin kung anong dapat
kong gawin kung sakali. Kahit mayroon na akong sariling isip ay hindi pa
rin ako makapag isip ng maayos.
I looked at him. Nakatitig lang rin siya sa akin na parang tinatantya
ako, parang inaalam niya ang lahat ng nasa loob ko sa pamamagitan lamang
ng pagtitig.
Umiwas ako ng tingin at kay Grezianne ako bumaling. Napangiti ako at saka
bumuntong hininga.
I touched her cheeks.
"I saw Greyson..." marahan kong sinabi.
Hindi ko siya matinginan, kaya hindi ko malaman kung gulat siya o ano.
He smirked.
"Uh-huh, where the hell is he? I'm gonna punch that asshole..." mariin
ang bawat salita niya.
Bumaling ako sa kanya. Umiling ako at unti unting naisip ang mga nakita
ko kahapong reaksyon ni Greyson nang makita ako.
Nakakunot ang noo.
Sumasakit ang ulo.
Hindi ako kilala.
Or he's just pretending?
I tilted my head and sighed.
"Hindi niya ako kilala, hindi niya ako nakita..." I murmured.
His forehead creased, hindi ko alam kung matatawa ba siya o hindi
naniniwala sa sinasabi ko.
"And you were fooled by it?" he asked. "Are you sure he isn't pretending?
Kasi kahit ako, hindi kita sinipot sa kasal?" tumawa siya ng bahagya. "I
will pretend that I didn't know you..."
Kumirot ang puso ko. Maingat akong tumayo at inihiga si Grezianne sa crib
niya. Pagtapos ay umupong muli, tumitig ako kay Zydein.
Wala akong mabasang emosyon sa kanya, seryoso lamang siya habang
nakapangalumbaba at nakangisi.
"Pero Zydein, sumakit ang ulo niya noong mapatingin siya sa akin! Don't
you think he's suffering from amnesia or what?"
Napakurap kurap siya, dumiretso siya ng upo at saka sarkastikong natawa.
"Amnesia pero kilala si Tia at ikaw ay hindi?" he laughed a bit and shook
his head.
Kumunot ng sobra ang noo ko. Nakaramdam ako ng kaba dahil doon, hindi ko
maintindihan. He knew? Alam niyang narito si Greyson? At alam rin ni Tia
iyon kung ganoon?
"Alam ninyo?" mapait kong tanong.
He sighed and nodded guiltily. Napasinghap ako dahil sa inis na
naramdaman at sakit.
"I saw them yesterday. Tia took Grezianne, they meet Grey somewhere..."
Lumunok ako at pinikit ng mariin ang aking mga mata. Bumuntong hininga
siya.
"Hindi ko rin alam, actually. Kukuhanin ko lang sana si Grez and then I
saw her with Tia, so..." he trailed. "Sinundan ko kasi wala din naman
silang kasama kaya nagdecide ako na sumama na lang sana sa kanilang
dalawa..." he explained clearly.
"What!?" I hissed. "So Tia knew all these time? How could she-"
"Wala siyang amnesia, Riz..." iling at putol ni Zydein.
Namuo ang luha sa mga mata ko. Gusto kong magmura, gusto kong murahin
silang lahat dahil alam pala nilang narito lang si Greyson.
Bakit nila kailangang itago sa akin? Bakit kailangan nilang itago si
Greyson at mas pinili pa nilang masaktan ako kapag nalaman ko?
Nasasaktan na akong ngayon... Nasasaktan ako para sa amin ng anak ko.
"Alam niyo rin na kaya hindi siya sumipot sa kasal namin ay dahil mayroon
na siyang ibang pamilya?" Tears rolled down my cheeks. "Naghanap siya ng
bagong pamilya! At ngayon nagpapanggap siya na hindi ako kilala!" mariing
untag ko.
Bakit ganoon? Hindi na ba siya masaya sa akin? Hindi pa ba ako sapat?
Huminga siya nang napakalalim at umiling.
"No..." he said. "He's blind, Riz. Kaya hindi ka niya nakita..."
My heart stopped beating. Hindi makain ng sistema at isip ko ang kanyang
sinabi, napatulala ako sa kanya.
Nakatitig lang siya ng diretso sa akin at seryoso. Kumunot ang noo ko at
iniling ang ulo ng ilang ulit.
"Stop talking nonsense..." bulong ko.
Bu- bulag? How come?
Paano siya nakakapaglakad ng maayos kung bulag siya? Paano siya tumingin
sa akin noon at nagpanggap na hindi ako kilala?
Naging mabilis ang paghinga ko, gusto kong matawa pero luha ang lumabas
sa mga mata ko. Hindi ako naniniwala pero, fuck!
"Bulag siya, Riz." he declared. "Noong una ay hindi ako naniwala, pero
noong makita ko kung paano niya hawakan si Grezianne ng hindi rito
nakatingin? Tangina," he muttered.
Bumuhos ang luha ko. Napasulyap agad ako sa aking anak.
Nagkita na pala sila ng ama niya pero hindi siya nakita nito? Hindi niya
nakita kung gaano niya kamukha ang anak niya.
Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang paghikbi. Kaya ba parang pilit
niya akong inaaninag noon pero mukhang nasisilaw siya? At paulit ulit
niyang kinukusot ang mga mata niya?
The fuck.
Greyson...
Chapter 39
Yugto 37
Kabanata 37
Kinagat kagat ko ang aking daliri habang pabalik balik na naglalakad sa
tapat ng mansyon nila Tia.
Huminga ako nang napakalalim at nagtipa ng text sa kanya pero agad ko
ring binura iyon nang makita kong nagtext si Zydein.
Zydein Cyx:
They're together, Tia and Greyson. Citiville. I have a duty so, I can't
be with you. Bring Ixerr, he's just asleep. Gisingin mo na lang, good
luck.
Lumunok ako at ipinikit ng marahan ang aking mga mata.
Paulit ulit ako nag isip, inabot ako ng twenty minutes bago makapag-isip
ng maayos. Mabilis na pumunta ako sa mansyon nila Ixerr.
"Riziane..." bati ni Tita Ixara. Nakangiti siya habang nakatingin sa
akin, may mga dala siyang magazines.
I smiled. "Tita, Xara. Si Ixerr, po?"
Ngumuso siya sa sofang mahaba, kulay puti ang lahat ng sofa nila at
talagang malinis tingnan. Natanaw ko agad ang binti ni Ixerr sa backrest
noon.
Napangisi ako.
Sanay talaga siyang sa sofa natutulog, kahit saang bahay basta mayroong
sofa ay makakatulog siya ng mahimbing. Miski pala dito sa mansyon nila,
akala mo walang sariling kwarto.
Tumango ako kay Tita Ixara, tumango din siya.
"Baliw ang isang 'yan, ginawa nang kwarto ang living area..." umismid
siya. "Maiwan na muna kita rito, aakyat lang ako para mag-ayos..."
I nodded and smiled.
Umakyat siya sa grand staircase, sumunod sa kanya ang tatlong kasambahay
na may kanya kanyang dalang paperbags. Mukhang mag gegeneral cleaning
sila sa itaas at mag aayos ng mga silid.
Dinungaw ko na si Ixerr sa sofa.
Halos matawa ako sa kanyang itsura. Nakanganga siya at talagang mahimbing
ang tulog! Nakadantay pa ang isa niyang binti sa backrest ng sofa, may
yakap din siyang blue hotdog pillow.
Huminga ako nang malalim at humagikgik. Inilabas ko ang aking cellphone
at itinapat sa kanyang mukha. Sa sobrang pula ng labi niya ay aakalain
mong naglipstick, mapula rin ang kanyang pisngi maaring dahil sa lamig
iyon.
Tumawa ako habang nagtatype ng caption.
"Sleeping beast ang lolo niyo, guess who?" iyon ang inilagay kong caption
at inupload sa aking Instagram.
Pasalamat siya't sa Instagram ko lang inilagay, kung sa Facebook ay
maraming magsheshare noon at talagang masisira siya. Nganga pa more!
Pinisil ko ang ilong niya, mahirap magising ang isang 'to. Kaya naman
hindi ko tinanggal ang pagkakapisil ng kamay ko sa ilong niya.
He groaned and inhaled sharply, parang nawalan ng hangin. Pinakawalan ko
na ang ilong niya nang magmura siya.
Pupungas pungas na dumilat ang kanyang chinitong mga mata. His forehead
creased while looking at me.
"Puta, scary!" he laughed sleepily and closed his eyes again. "What are
you doing here?"
Mukhang patulog na naman siya kaya mabilis kong hinila ang kanyang braso,
nalaglag siya sa sofa. Napadaing agad siya sa sakit at humawak sa pwet
niya.
"The fuck, Riz! Ano na naman!" He groaned irritatingly, sumabunot siya sa
kanyang buhok.
Huminga ako nang malalim at ngumuso.
"Samahan mo 'ko,"
Kumunot ang noo niya. Halatang antok na antok pa siya pero nilingon naman
niya ako.
"Diyan lang, I badly needed a driver lang..." nakanguso kong sinabi.
Pumikit siya ng mariin at hinilot ang kanyang sentido.
"Gigisinging mo ako para maging driver lang?" he asked in disbelief.
"Wow! Chic ka ba?"
Uminit ang pisngi ko sa pagkapahiya. Inis na hinampas ko ang braso niya,
nakakabiwisit naman magsalita ang isang ito!
"Mas hot naman ako sa mga babae mo!" I hissed. "Samahan mo na ako!" pilit
ko.
Mukhang hindi talaga siya susunod sa akin dahil muli siyang gumulong
patungo sa sofa at saka nagkawag ng paa na parang nagdadabog.
"Get out! I need sleep, hindi ako driver!" pamaktol at parang batang
sigaw niya habang pumapadyak.
Humalukipkip ako. Namaywang ako habang nakatingin sa kanya, dumilat ang
isang mata niya at pinagkunutan ako ng noo.
"Ah ganoon?" tanong ko. "Sasamahan mo ako o hindi ko na ipapahawak kahit
kailan sa'yo si Grezianne?"
Napamulat siya sa irita, mabilis at padabog na naupo siya sa sofa at
matalim na tiningnan ako.
"How dare you use that on me!?" he growled. "Fuck, you're pissing me
off!"
Napangisi ako. I know it works! Galing ko talaga pagdating sa mga
pananakot, e. Magaling rin ang baby ko.
Tumalikod ako at pinihit ang door handle ng double doors nila. Nadinig ko
ang pagmumura niya at ang padabog na pagsunod niya sa akin.
Gusto kong matawa nang malakas dahil doon. Sinulyapan ko siya sa aking
likuran, kakamot kamot siya sa kanyang ulo habang nakabusangot ang mukha.
See?
Gumana talaga ang pananakot ko, ang sama kong ina para gamitin si Grez sa
pananakot ko pero para din ito sa amin. Gusto kong makita si Greyson.
Wala pa naman akong balak makipag usap sa kanya, gusto ko lang malaman
kung totoo ang sinasabi ni Zydein. Kung totoo man iyon ay hindi ko pa
alam ang magiging reaksyon ko.
Pero ngayon pa lang ay nasasaktan na ako, paanong nangyari iyon? Iyon ba
ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang mga pangarap namin? Ang kasal
namin?
Bakit hindi ko alam na mayroon siyang ganoon sakit? Bigla kong naalala
ang lahat lahat ng mga kakaibang ikinikilos niya bago kami naging malabo.
Bago siya naging malayo sa akin, bago niya ipiniramdam sa akin ang unti
unti niyang pag-ayaw.
Sobrang sakit.
Asawa niya ako pero hindi ko man lang iyon pinansin! Hindi ko man lang
siya kinumusta kung ayos lang ba siya o ang nararamdaman niya.
Dahil hindi niya rin pinaparamdam at ipinapahalata ang lahat ng
nararamdaman niya! Nagagalit ako dahil sinolo niya lahat ng mga
karamdaman niya.
Pwede naman niyang sabihin sa akin iyon, pwede namang sabay kaming
magpatingin noon at pwedeng pwede niyang sabihin sa akin lahat ng
masasakit sa kanya dahil doktor ako!
Pakiramdam ko nawalan ako ng oras sa kanya, which is true. Parati akong
nasa ospital para magtrabaho, sobrang busy naming dalawa sa trabaho.
Ako na mismong asawa niya'y hindi nahalata ang mga masasakit sa kanya,
pero nararamdaman ko na noon pa man na madalas sumakit ang kanyang ulo.
Fuck.
Tahimik ang naging byahe namin ni Ixerr, tinuturo ko lamang sa kanya ang
daan kung saan ang village na sinabi ni Zydein. He texted me the exact
address.
Panay ang paghinga ko nang malalim, habang nalalapit kami ay pabilis din
ng pabilis ang tibok ng puso ko dahil sa kakaibang kaba.
Pinagdadasal ko na hindi totoo ang lahat, sana hindi. Dahil hindi ko alam
ang gagawin ko kung ganoon nga, ngayon pa lang ay sinisisi ko na ang
sarili ko.
Mukhang hindi ko nagampanan ng maayos ang pagiging asawa ko sa kanya.
Fuck, ang sakit sakit.
Narating namin ang isang open house sa loob ng Citiville. Pinasadahan ko
ng tingin ang buong paligid, kumunot ang noo ni Ixerr at inihinto ang
kotse sa isang tabi.
Huminga ako nang malalim at ipinikit ang aking mga mata.
"What are we doing here?" litong tanong ni Ixerr.
I sighed and glanced at him. Abala siya sa pagpasada rin ng tingin sa
buong paligid.
Malawak ang bakuran ng mansyong hinintuan namin, the mansion isn't fully
furnished. Wala pang kulay iyon at mukhang papatapos pa lamang. Wala pa
ring gate at ibang kagamitan.
"Just wait-"
"What the fuck!?"
Napatingin agad ako sa tinatanaw ni Ixerr sa 'di kalayuan, siya ang
hinihintay ko kasama noon si Tia.
Nakapamulsa si Greyson at diretso lamang ang tingin, gusto kong manlumo
dahil doon pa lang ay alam kong totoo na nga.
Malungkot na nakangiti si Tia habang nakatingin kay Grey, para bang
inaalalayan niya iyon kahit sa tingin lamang.
Nagulat ako nang mabilis na bumaba si Ixerr ng kotse. Nanlaki ang mga
mata ko, bumaba agad ako ng kotse at saka napamura dahil mabilis na
nasapak ni Ixerr si Greyson.
Nanlalaki ang mga mata ni Tia habang nakatingin kay Ixerr. Napasigaw si
Tia at mabilis na humarang kay Greyson dahil mukhang walang balak tumigil
si Ixerr.
"Ixerr, no! Please!" halos magmakaawa si Tia sa kanya.
Tinakbo ko ang distansya namin at hinawakan si Ixerr sa braso na purong
nagmumura. Mabilis ang paghinga niya at ipinipiglas ang kanyang mga braso
mula sa akin.
I couldn't talk! I don't want him to hear me, hindi naman niya ako
nakikita. Sigurado ako doon.
"Putangina mo! Buhay ka pa pala!?" anas ni Ixerr.
Naging mabilis ang paghinga ko at naluluhang tumingin kay Greyson,
umangat ang kanyang mukha. Nakakunot ang noo at nagdudugo ang kanyang
labi.
Bumuhos ang luha ko, hindi niya alam kung saan siya titingin dahil hindi
siya sigurado kung nasaan banda si Ixerr. Lumunok siya at nag angat ng
tingin sa gawi namin ni Ixerr.
Napatigil sa paghinga si Ixerr at pinakatitigan si Greyson, kumurap kurap
si Grey at kinusot ang kanyang mga mata habang pilit inaaninag si Ixerr.
Humikbi si Tia, marahang tinayo niya si Grey mula sa pagkakasadlak sa
semento. Huminga ako nang malalim at tinitigan siyang mabuti.
Sa siyam na buwan ay walang nagbago kundi ang kanyang timbang, pumayat
siya ng bahagya at pumutla lalo ang kutis.
Nanghihina ang tuhod ko. Para akong mabubuwal sa kinatatayuan ko pero
pinipilit kong maging malakas.
Damn.
Sana nalaman ko agad ito, sana nahalata ko agad na mayroong masakit sa
kanya noon nang sa ganoon ay naagapan iyon. Sobrang sakit makitang
nagkaganito siya!
Fuck!
"What the fuck?" nalilitong bulong ni Ixerr.
Bahagyang napangiti si Grey, ngiting malungkot. Huminga siya nang malalim
at pinunasan ang kanyang labing may dugo.
Bakit nangyari ito? Bakit nagkaganoon siya? Bakit nabulag siya? Ang
daming katanungan sa isip ko. Naaksidente ba siya o ano?
"Ixerr..." parang nakilala lamang niya ito dahil sa boses.
Sumulyap si Ixerr sa akin, marahang tumango tango ako. Tinakpan ko ang
aking bibig para hindi madinig ang aking hikbi. Umiiyak din si Tia nang
tingnan ako.
Bumuga nang hangin si Ixerr, nakatitig siya kay Grey na hindi
makapaniwala. Lumapit siya doon at kinuway ang kanyang kamay.
"I'm not totally blind," Grey chuckled.
Nagyuko siya ng ulo at hinilot ang kanyang sentido.
"I- I'm sorry..." nauutal na sambit ni Ixerr. "I didn't know-"
Huminga ng malalim si Grey at nagtango ng ulo.
"It's okay, but..." he sighed. "Please, don't tell Riziane about this..."
Napahugot ako nang malalim na hangin at bahagyang suminghap. Tears fell
like a waterfalls, hindi ko na mapigilan ang mga luhang maglabasan dahil
sa sakit.
Seriously? Iyon ang talagang importante sa kanya?
Suminghap si Ixerr at sinulyapan ako.
I shook my head and sobbed quietly. Hindi pa ako handang makipag usap
lalo na't sobrang nasasaktan ako ngayon, wala akong masasabing maganda
dahil puro pag iyak lang ang siguradong magagawa ko.
Bakit si Grey pa?
Ngumiwi siya at saka napapikit.
"I won't tell..." aniya.
Ngumiti si Grey. "Thank you,"
Pinagmasdan ko lamang siya, mukhang hindi talaga siya nakakakita. Kapag
sobrang lapit ay parang nakakaaninag naman siya. Ang sakit tingnan ni
Greyson.
"Why did you let that happen- you know..." parang problemadong tanong ni
Ixerr. "Tito Aki is an Optalmologist, he can help you."
Umiling si Grey.
"Ayaw kong malaman ni Riz..."
Panay ang paghinga ko nang malalim. Napakasakit talaga, hindi ko gustong
makita siyang ganito. Hindi ko kayang makitang nagkakaganito ang mahal
ko.
"Pwede naman sabihin na h'wag sabihin sa kanya. Tsaka karapatang malaman
ni Riz, what's the use of hiding it from your wife? She'll understand you
and your condition..." Ixerr sighed heavily.
"She'll be hurt and broke," Grey said. "Ayaw ko ring mastress siya ng
sobra, mabuti na iyong kay Grezianne muna siya mag focus at hindi sa
akin..."
Bakit ganyan siya? He never fail to amaze me! Hindi ako binigo ng kanyang
ganyang ugali, napatunayan ko na pero hindi rin noon binigong masaktan
ako.
Sobrang sakit na hindi niya inis ang kanyang sarili! Hindi rin niya
inisip na mas masasaktan ako sa ginawa niyang ito! Hindi niya dapat
itinago sa akin! Napakasakit! Dapat sa hirap at ginhawa ay magkasama
lamang kami.
Humikbi ako.
"How can you be so selfish and selfless, Grey?" punong punong emosyon na
tanong ko.
Napakurap kurap siya at nangunot ang noo, namuo agad ang luha sa kanyang
mga mata at lumingon kung saan nanggaling ang boses ko.
Umiyak ako.
"Bakit ganyan ka? Bakit napakamakasarili mo? Bakit sinasarili mo ang
lahat ng sakit? Dahil ayaw mo akong masaktan?" sarkastikong tanong ko.
"Oo, grabe. Hindi nga ako nasasaktan ngayon... hindi talaga."
napahagulgol ako.
"Mas lalo mo akong sinaktan, e. Mas lalo mo akong binigyan ng sakit!
Hindi mo ako hinayaang tulungan ka! Sino ba ako Grey?" tanong ko sa
mapait na tinig.
"Ako 'yong dapat papakasalan mo pero- fuck!" hindi ko maituloy ang
sasabihin ko dahil sa kakaiyak ko.
He was silently crying, too. Marahang lumakad siya patungo sa aking gawi,
nagyuko ako ng ulo para pigilan ang paghagulgol ko.
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at niyakap ako, napasinghap ako
ng sobra. Sobrang sakit at pangungulila ang nararamdaman ko. Wala sa
sariling niyakap ko siya pabalik habang umiiyak.
"I'm sorry, Riz..." he sobbed. "I'm sorry, damn. Hindi ako nagsisisi na
hindi ipaalam sa'yo lahat 'to. Alam kong masasaktan at iiyak ka, e.
Katulad ngayon..."
Chapter 40
Yugto 38
Kabanata 38
"I'm sorry, Riziane..." Grey said quietly.
Matapos kaming iwanan nila Ixerr at Tia ay naging tahimik lamang kaming
dalawa, Ixerr texted me that he will wait at the park near the mansion
'till we're done talking.
Actually, I couldn't talk or even ask about his condition because I'm
hurting. The thought of I haven't done my best taking care of him is
hurting me. Masakit at nakakabigat sa damdamin iyon.
Tumagal kami ng isang oras na walang kahit sinong nagsasalita sa amin.
Kung hindi pa siya nagsabi ng salitang sorry ay hindi pa ako magigising
sa malalim na pag-iisip ko sa mga bagay bagay.
"How have you been?" halos pabulong na katanungan ko.
Hindi ko alam kung lamang sa akin ang sakit o ang kahihiyan. Hindi ko nga
ba talaga siya naalagaan at nabigyang pansin noon masyado kaya nangyari
ito?
Kasi kung siya ang talagang inalagaan ko noo'y pakiramdam ko ay hindi
magiging ganito ang kalalabasan ng lahat. I should've check his health
and all, I'm his partner! That's my job!
Huminga ako nang malalim at pinagmasdan siya. He isn't looking at me,
nakatingin lamang siya sa malayo. Para bang wala siyang ibang choice
kundi dumiretso lamang ng tingin.
Ayaw kong maawa sa kanya dahil hindi dapat, pero nasasaktan ako ng sobra.
Sobrang bigat ng puso ko habang nakikita ko siyang ganito.
"I'm perfectly fine," his lips curved.
Hindi ako naniniwala, ako pa ba ang lolokohin niya? Yes, magaling siyang
magtago ng lungkot at nararamdaman niyang totoo pero ngayon ay hindi niya
kayang itago iyon ng mabuti.
Tears rolled down my cheeks, silently. Hindi ko na kailanga humikbi dahil
sa sakit pa lang ng nararamdaman ko'y kusang nagbabagsakan ang mga luha
ko ng walang pasubali.
"Stop lying to my face, please..." halos magmakaawang bulong ko.
Pumikit siya at nagyuko ng ulo, he bit his lower lip as his eyes started
to water.
Damn, this is the saddest view I've ever watched. My love is crying
because of pain and sadness in front of me. It's breaking me into pieces.
Ang sarap sa pakiramdam na nakikita ko siya at abot kamay ngayon pero
sobrang sakit dahil nakikita kong lumuluha siya.
Fuck, why this is happening to him? Bakit sa tulad pa niyang napakabuting
tao? Bakit sa mahal ko pa?
Greyson didn't do anything bad! Bakit sa kanya pa? Bakit hindi na lang sa
mga taong killer at masasama? Bakit kailangan sa kanya pa?
Sobrang bigat ng damdamin ko na nakukuwestiyon ko ang lahat ng pangyayari
sa amin... sa kanya.
Bakit hindi na lang sa akin nangyari iyon? Bakit hindi na lang ako ang
binigyan ng ganoong sakit?
Ang sakit lang kasi na sa kanya pa talaga, parang sobrang buti niya para
magkaganoon! I love him, always and forever. Hindi iyon mawawala sa aking
sistema.
"I'm not lying, I'm perfectly fine, that's the truth. Hindi man kita
nakikita ay nararamdaman naman kita at naririnig ko ang boses mo, doon pa
lang ay talagang lumuwag ang pakiramdam ko..."
Nagtiim bagang ako at tahimik na napaiyak lalo. Damn, akala ko okay akong
makita siya. Akala ko hindi ako iiyak ng ganito dahil abot kamay ko na
siya.
But I was wrong, my heart is crying in too much pain. Masakit na noong
hindi niya ako sinipot sa kasal, pero mas pipiliin ko pa yatang masaktan
ng paulit ulit dahil sa hindi niya pagsipot kaysa sa ganitong kalagayan
niya.
Higit akong nasasaktan dito, ayaw ko ang lahat ng ito. Para akong
binabasag ng sobra, para akong sinaksak at pinatay ng paulit ulit sa
sakit.
I wanted to tell him that I love him so much until now and nothing's
changed, that I want to be with him, that I want to marry him. Lahat
lahat ng pagmamahal ko ay gusto kong sabihin ngayon.
Hindi naman siguro nakakahiya kahit tumulo ang uhog ko rito dahil hindi
naman niya makikita, tsss...
"Masaya ka ba?" tanong ko.
Tumango siya, suminghap siya at napangiti ng malungkot.
"Masaya ka ba na sinasaktan mo ako? Hindi pa ako tapos, tumatango ka na!"
inis na pagbibiro ko pa.
Napangiti siya. Even if it didn't reach his eyes, I wanted to watch it
again and again. I want to see his smile and face, always...
"Masaya ako na naririnig kita ngayon, pero hindi ako masayang nakita mo
ako. I don't want you to see me like this," he sighed. "I know this would
hurt you..."
Malungkot na napangiti ako. I sighed heavily.
"Sa tingin mo ba masaya akong makita kang ganyan? Hindi rin naman, Grey,
e..." napailing ako. "Sana nga nagkaibang pamilya ka na lang, pero 'yan?"
napahikbi ako.
Masakit sabihin iyon pero totoo, sana naging masaya na lang siya sa ibang
pamilya o nagkaroon ng ibang pamilya. Matatanggap ko dahil kapag masaya
siya, masaya ako.
Pero ang ganyang kundisyon niya? Parang hindi ko matanggap, hindi ko
matanggap dahil nahihirapan siya at nasasaktan kaya ganoon rin ang
nararamdaman ko.
Kumunot ang noo niya at bumaling sa aking gawi, nakita ko ang sakit sa
kanyang mga mata kahit hindi iyon nakatingin ng diretso sa akin.
Lalong kumirot ang puso ko, pinakatitigan ko lamang siya. Gusto kong
magsawang titigan lamang siya, pero hindi naman yata ako magsasawa roon.
"Mas pipiliin ko pang maging bulag na lang kaysa magkaroon ng ibang
pamilya na kahit kailan ay hindi rin naman mangyayari dahil ikaw lang ang
gusto kong makasama sa pagbuo ng pamilya..." mariin niyang sinabi sa
mapait na tinig.
"Sayo lang naman ako masaya, Riz. You are my happiness, that won't
change. Kayo ni Grezianne ang lakas ko, hindi ako sumusukong makakitang
muli para sa inyong dalawa... I want to see your beautiful face and smile
again, I want to see my daughter..." tumulo ang kanyang luha, pumikit
siya at mabilis na pinalis iyon.
I cried. Gustong lumabas ng puso ko dahil sa sobrang sakit, damn. Mahal
na mahal ko si Grey, sana naman matupad lahat ng kanyang panalangin.
Kumunot ang noo ko sa labis na sakit ng damdamin ko. Kahit anong pigil ko
sa emosyon ko ay walang talab.
"I'm sorry, Grey... sorry, sorry..." paulit ulit na iyak ko.
This is all my fault, kung inalagaan ko lang siyang mabuti!
Mabilis na kumapa-kapa siya hanggang sa maabot ang kamay ko. Iyak lang
ako ng iyak. Marahang pinisil pisil niya iyon na parang pati siya'y
nasasaktan sa pag iyak ko.
"Damn, please stop crying... stop hurting because of my fucking
condition. Kaya ayaw kong makita mo ako, e. Ayaw kong masaktan at marinig
na umiiyak ka dahil lalo akong nahihirapan at nanghihina, please..."
halos magmakaawang aniya.
Huminga ako nang malalim at umubob sa table, hinawakan ko ng mahigpit ang
kanyang kamay at doon umiyak.
Gusto kong ibuhos lahat ng bigat sa loob ko.
"I need to take this out, Grey. Hayaan mo lang ako, hindi ko na kasi
kaya..." I sobbed as another tears falling.
I kissed his hand and cried again. He was sighing, tumutulo rin ang mga
luha niya pero hindi iyon nagpapakitang nahihirapan siya. Parang pilit
niyang pinapalakas ang sarili para sa akin.
"I couldn't take the fact that you're crying because of me, wala sa plano
kong paiyakin at saktan ka, e. Sorry for breaking my promise that I won't
make you cry..."
Lalo lamang akong naiiyak sa mga sinasabi niyang iyon. Parang tanga naman
ito! Hindi raw ako paiiyakin pero lalo lang akong pinapaiyak! Ano 'yon?
Grr!
"Grey, bakit naman kasi nagde-desisyon kang mag-isa? Ano pa't minahal mo
ako kung pagtataguan mo lang rin? Ano naman kung mabubulag ka?"
Naghabol ako ng hangin.
"Ano naman kung may sakit ka? Ano naman kung masasaktan mo ako? Mahal
kita, mahal na mahal. Saktan mo man ako o hindi, hindi mababawasan 'yon!"
"Mabulag ka man o hindi, dapat magkasama tayo. Mali ka, Grey. Maling mali
ka sa desisyon mong iyon, sobrang sakit na wala akong Grey na naabutan sa
simbahan. Pero mas masakit na hindi mo ako hinayaang alagaan ka-"
"I should be the one will take care of you, of our family but I can not
do that when I'm like this! I won't regret anything, Riz. Hindi ako
masayang malaman mong ganito ako, sumaya lang akong marinig ang boses mo
at mayakap ka..." umiling siya.
"Pero hindi ako masayang umiiyak ka dahil sa akin, dahil sa nalaman mo
ang kalagayan ko!" he sobbed.
Nalaglag ang panga ko, mariing tumitig ako sa kanya. Umigkas agad ang
aking palad dahil sa galit at inis, mabilis na naisampal ko iyon sa
kanyang pisngi.
"Wala ka nang magagawa! Nalaman ko na at sobrang nasaktan mo na ako,
Grey! Maging masaya ka na lang, dahil wala ka nang magagawa."
Pinalis ko ang walang tigil sa pagbuhos kong luha. Hindi man siya natinag
sa sampal ko ay ramdam kong nakikinig siya sa akin ng taimtim.
Humikbi ako at huminga nang napakalalim. Tumitig ako sa kanya, nakayuko
lamang ang kanyang ulo habang tumutulo ang mga luha.
"Kahit naman saktan mo ako nang paulit ulit, walang magbabago! Maglalabas
lang ako ng luha pero mamahalin pa rin kita..." I said sincerely. "Mahal
na mahal kita, Grey. Hayaan mong alagaan kita dahil 'yon ang dapat kong
gawin. 'Yon ang gusto kong gawin..."
Pumikit siya ng marahan at kinagat ang kanyang labi. Halatang hindi siya
sang ayon doon pero walang magawa.
"I love you so much, Riz. Lalo pa kitang minamahal sa araw araw na
nabubuhay ako, but I can take care of myself, you should focus on
Grezianne..."
Napabuntong hininga ako doon at parang biniyak ang puso ko. Bakit ba kasi
ang makasarili niya?
Iyan ang ayaw na ayaw ko! Alam kong nasasaktan siya at gustong gusto
niyang makasama kami ng anak niya. Sobrang makasarili niya at selfish.
Lalo lamang masakit iyon sa akin.
"Kayo ang pamilya ko, Grey. Kaya ko kayong alagaan... ganoon ang pamilya
'di ba?" pagpapaliwanag ko pa.
Pumikit siya ng mariin.
"Fuck, why did this happen!" he cussed. "I'm sorry for hurting you,
Riziane. Hindi ko sinasadya, hindi kasi ako nag ingat at hindi ko
inalagaan ang sarili ko para hindi ako nagkaganito... Sorry..."
Suminghap ako.
"Baliw ka ba? Fuck naman, Grey. Sinisisi mo pa talaga ang sarili mo? Wala
naman akong pake kahit saktan mo ako, intindihin mo 'yon. Hindi mo
ginusto 'yan, walang may kasalanan..."
Sa simpleng mga salita niya palang ay nasasaktan na ako. Sa paninisi niya
sa kanyang sarili, sa pagiging selfless niya ay sobrang nasasaktan ako.
Ngayon lang ako nakakita ng ganitong tao, hindi makatarungan at hindi
kapani paniwala dahil hindi makatotohanan. But knowing him, he's really
sincere and selfless.
Chapter 41
Yugto 39
Kabanata 39
"Makakakita pa ba s'ya?" wala sa sariling tanong ko habang nagtitipa ng
mga records sa computer.
Ixerr took a sipped on his fruit shake and shrugged. Tumaas naman ang
kilay ni Zydein at saka napanguso.
"I heard naoperehan na siya sa New York, posibleng makakita siya sa kahit
na anong oras basta magpatuloy lamang sa treatment..." Zydein said.
Pumangalumbaba ako at saka inikot ang swivel chair para maharap sila.
Sabi nga ni Greyson ay naoperahan na siya sa New York, noong tanungin ko
siya kung may pagbabago ay wala naman raw pero hindi na purong dilim ang
nakikita niya.
Nakakaaninag na siya ng bulto, pero hindi malinaw. Malabo iyon at
talagang hindi pa rin niya nakikilala kung sino ang nasa harapan niya
kung hindi ito magsasalita.
Sampung buwan na iyon pero bakit wala pa rin siyang makita kung ganoon?
Dapat nga ay tatlong buwan pa lang mayroon na siyang paningin ulit!
Kinagat ni Ixerr ang kanyang ballpen at saka napatagilid ang kanyang ulo.
"Nasaan nga pala siya? Lilipat na ba kayo sa Citiville? Fully furnished
na ba 'yon?" sunod sunod na katanungan niya.
Puta, akala ko naman mayroong magandang sasabihin tungkol sa kundisyon ni
Grey!
Iyong open house na pinagkitaan namin kay Greyson at Tia noong nakaraang
buwan ang tinutukoy niya. Iyon pala ang pinagawang mansyon ni Greyson
para sa amin.
Hindi raw niya natapos iyon dahil sa naging problema niya sa paningin.
Tito Kaizen is the architect he took, si Tito Zyrus naman ang Engineer
noon.
Biruin mong hindi iyon naikanta sa akin ng mga Tiyuhin ko! Mabilis iyong
tinatapos ngayon, matagal na rin daw kasing tapos ang disenyo at plano
noon. Matagal na rin sanang tapos kung hindi lang nawala si Greyson ng
ilang buwan.
Umiling ako.
"Hindi pa tapos 'yon, h'wag kang tanga! Bakit ba atat ka? Tsss..."
He shrugged and pouted like a duck.
"Malalayo si Grez sa'kin, e. I felt sad about it, sana bagyuhin ang site
noon para magulo ulit!"
Humagalpak sa tawa si Zydein at binato ng grapes si Ixerr. Napasimangot
naman ako dahil sa irita sa kanya.
Demonyo talaga, nanalangin pa nang ganoon!
"Mabuti nga 'yon, malayo na sa'yo ang anak ko. Hindi ka magadang modelo
para sa kanya,"
He made a face.
"Of course, gwapo ako! Tsss, galing mong magsalita, huh. Ikaw ang 'di
magandang modelo sa anak mo, mahirap na't baka maging kamukha mo!"
panunuya niya.
Napangiwi ako, Zydein laughed loudly. Akala mo ngayon lang nakarinig ng
joke ni Ixerr. Idol na idol lang?
Tsss.
"Wow! Gwapo mo, huh. Mukha ka namang chinitong hito! Baog pa!"
He smirked.
"Baog daw! Sa dami ng sperm ko, I don't think so..."
Halos maibuga ko ang kapeng iniinom ko. Napatingin agad ako sa mga intern
na kasama namin dito sa hall.
Pulang pula ang kanilang mga pisngi, parang wala namang pakealam si Ixerr
doon. Panay ang paghagalpak ni Zydein doon.
"Damn, dude! That's gross!" si Zydein.
"Walang hiya!" I hissed.
Napatigil kami sa pag-aasaran nang biglang tumunog ang alarm. Nagtinginan
kaming tatlo, mula sa labas ng nurse's station kung nasaan kami ay nakita
kong nagtatakbuhan ang mga nurses at naroon si Tito Aki na nagmamadali
rin.
Napalunok ako, hinila agad ni Ixerr sa lab gown si Zydein kaya napatayo
na rin ako. Mabilis na lumabas kami ng station para sumunod kay Tito Aki.
"Pakitwag ang team..." malamig na pag uutos ni Tito Aki.
Tumango ang nagmamadaling nurse at saka tumakbo patungo sa amin pero
mabilis na napahinto siya nang makita sila Ixerr.
Ano bang mayroon bakit code blue? Sobrang emergency ba ito?
"Doc, pinapatawag-"
Mabilis na tumango na sila Ixerr at Zydein, tumakbo pasunod kay Tito Aki.
Tumakbo na rin ako pasunod sa kanila. Halos panawan ako ng dugo sa mukha
nang makita ko ang dalawang taong nasa stretcher.
"Griff!" pasigaw na singhap nila Ixerr nang makita sila.
Napasapo sila sa kanilang noo nang makita pa ang isang lalaking nasa
stretcher na si Gyro. Tumakbo agad silang dalawa para tumulong sa
pagtutulak roon.
Napasinghap ako sa sobrang kaba. Parehas silang duguan at mukhang may
tama ng baril sa 'di ko siguradong parte. Napalunok ako at tumakbo sa
kanila.
"Gyro!" tawag ko rito.
Wala akong makuhang tugon mula sa kanya dahil wala na siyang malay,
nakapikit lamang ang kanyang mga mata at namumutla ang mga labi. May mga
bahid siya ng dugo sa kanyang pisngi at leeg.
Humugot ako nang malalim na hininga at saka sumulyap kay Griff, patuloy
na nagpa-pump ng oxygen roon si Ixerr.
"Oxygen, Riz!" utos ni Zydein, mabilis na nagpump ako ng oxygen kay Gyro
habang tumatakbo kami patungong ER.
"Doc, magkasama silang naambush kani-kanina lang. May tama siya ng baril
sa tagiliran!" aligagang sinabi ng isang nurse patungkol kay Gyro.
"Doc, mayroon siyang tama sa dibdib... naapektuhan ang kanyang baga!"
sambit naman ng isang pang nurse na nakasunod kila Ixerr at Griff.
Maputla silang dalawa at parang nauubusan na ng dugo, gusto kong
mahimatay sa mga nagkalat na dugo sa puting tiles ng ospital.
"Ihanda ang OR..." utos ni Ixerr at saka tinanggal ang kanyang lab gown.
Mabilis na tinanggal ko na rin ang akin, ganoon din ang kay Zydein.
Mabilis na nagpalit kami ng scrub suit bago pumasok sa operating room.
Nakita ko si Tito Aki mula sa monitor na nanunuod sa amin ngayon,
nakataas pa ang mga kamay namin at saka pinalibutan na si Gyro.
Si Zydein ay kasama ang team niya sa kabila at sila ang hahawak kay
Griff. Kulang pa kami ng isa sa team, wala pa si Dyze!
"Sorry, I'm late!" baritong sambit ni Dyze na kakapasok lang ng OR.
Umismid si Ixerr at nailing. Tinatali ng isang nurse ang kanyang scrub
suit sa likuran kaya bahagya siyang tumalikod.
Nakataas ang dalawang kamay niya, nakas scrub suit rin siya. Lumapit ako
para suotan na siya ng gloves. Wala naman siyang naging reaksyon at
tumungo na kay Gyro. Tinabunan na si Gyro ng isang kumot na blue.
Todo ang kaba ko habang sinusunod ang mga utos ni Ixerr, siya ang kukuha
ng bala mula sa tagiliran ni Gyro. Nabibingi ako sa mga tunog ng machines
sa paligid namin.
Nakakamangha si Ixerr, lalo na kapag siya ang nagmimistulang leader ng
team. Wala na siyang pagdadalawang isip na tutusok o hihiwa kung saang
parte ang bala, hindi mo makikita sa kanya ang mapaglaro niyang
presensya. Purong kaseryosohan at focus lamang siya operasyon.
Inabot ng halos isang oras ang operasyon sa kanilang dalawa, napahugot
ako ng malalim na hangin at saka pabagsak na naupo sa bench paglabas ko
ng operating room.
Maya maya lang ay ililipat na silang dalawa sa private room para
maobserbahan pa at baka abutin pa ng dalawang araw o tatlo bago sila
magkamalay muli.
Nalulungkot ako. Bakit pakiramdam ko'y lagi na lang silang napapahamak?
Noong nakaraang ay nabalitang muntikan silang mabangga at sinadya iyon.
Hindi sila napapahamak dahil sa aksidente ang nangyayari, kundi dahil
maraming kalaban ang pamilya nila. Iyon ang talagang dahilan kung bakit
napapahamak sila.
Naintindihan ko na kung bakit hindi nagpapakilalang Vizconde noon si
Gyro, kahit sa school namin ay low profile lamang siya. Hindi rin sila
nagsasama ni Griff sa iisang school.
"Damn, makulit kasi ang kambal na 'yan!" inis na sambit ni Zydein pero
halata ang pag-aalala.
Kumunot ang noo ko at sumimsim sa kape.
"Ayaw nila ng bodyguards, kaya 'yan ang napapala nila..." napapailing na
si Zydein.
Oo nga 'no? They should've had a bodyguards! Hindi naman kasi sila
bastang tao lang! Hindi sila katulad namin na kahit saan magpunta ay
hindi mapapahamak o ihohostage!
Masyadong mayaman ang kanilang pamilya, kaya maraming gustong manira at
pumatay sa kanila para masira lamang ang pangalan. Ganoon kalupet ang mga
tao ngayon.
They would kill for a power!
Napanguso ako at bumuntong hininga.
"Mas safe pa sila noon sa US, walang nangyayaring ganito..." malungkot na
sambit ko.
Napatingin sila Ixerr at Zydein sa akin. Kumunot naman ang noo ni Dyze,
hinubad niya ang kanyang scrub suit at saka nagsuot ng puting shirt.
"US?" takang tanong ni Ixerr. "Stalker ka ba ng mga Vizconde? Baka ikaw
nagpaambush-"
Mabilis na binato ko siya ng ballpen at sinamaan ng tingin.
"Gago! We were schoolmates in US, back then! At hindi sila napapahamak
doon, mas safe pa sila dahil parating may bodyguards..."
Sabay sabay kaming apat na naglalakad sa hallway, nagpamulsa si Ixerr at
ngumuso. Kumagat siya sa Cloudnine niya.
"Kilala mo pala sila noon pa?" he smirked. "Have you seen Gyro's
bestfriend there? Iyong kinabaliwan niya sabi ni Griff!"
Napalunok ako at kumurap kurap. Tumawa at pumalatak si Zydein.
Mas nauna ko pa ngang naging kaibigan sila Gyro kaysa sa malaman na
pinsan ko pala sila Ixerr, tss!
"Maganda ba? Hindi kasi ako makapaniwala na mayroon pala siyang
kinabaliwan! Puro pangbabae ang ginagawa niya kapag magkakasama kami, e!"
Tumawa si Ixerr. "Oo nga, gusto kong makilala iyong bessy niya! Baka
sakaling magustuhan ko rin," he laughed loudly. "You know, parehas kasi
kami ng type!"
Naubo ako doon ng sobra.
Seriously!? Ako ba iyon? O nag aassume lang ako? Putangina, hindi ko
inaasahan na makakarating pa rito sa Pilipinas iyon!
"Huy, kaklase mo rin ba? Syempre, sikat 'yan si Gyro doon sa school
ninyo! Paniguradong nakilala mo rin 'yong babae!" pamimilit ni Zydein.
"Sexy ba? Mahaba 'yong legs? Namumulang kutis? Mahaba at straight ang
buhok?" tila nangangarap na tanong ni Ixerr. "Makurba, pinkish lips?
Pinay ba o American?"
Kinagat niya ang kanyang labi at parang iniimagine ang babaeng nagustuhan
ni Gyro noon! Gusto kong masuka dahil pakiramdam ko ako ang
pinagpapantasyahan nila!
"Malaki ba 'yong boobs-"
The fuck!
Malakas na binatukan ko si Zydein dahil doon. Napasinghap agad siya at
kamot ulong nilingon ako.
Nagtagis ang bagang ko.
"Tangina niyong dalawa!" singhal ko. "Oo, kilala ko! Kilalang kilala!"
Tumalim ang tingin ni Zydein.
"Sasabihin mo lang na kilala mo, kailangan batukan pa ako? Baliw ka na!"
singhal niya at inambahan ako ng suntok. "Gigil mo 'ko! Grr!"
Inilabas agad ni Ixerr ang kanyang cellphone.
"What's her name? Bilis! Search ko sa Facebook!" hagikgik niya.
I rolled my eyes and grinned.
"Quin Riziane Saavedra!" I smirked.
Nangunot ang noo ni Ixerr at suminghap, padabog na binulsa niya ang
kanyang cellphone at tinitigan ako na parang nandidiri.
"Are you fucking damn serious?" halos matawang tanong niya. "Siguro isa
ka sa mga babaeng fan ni Gyro noon, kaya nangangarap ka ngayon!"
Woah!
Hindi ba nila alam na ako ang unang minahal ni Gyro? At ako ang
bestfriend noon na pinag aagawan nila ng bestfriend niyang lalaki? Tsss,
maliit na bagay!
Malakas na tumawa ako.
"Tsss, paggising ni Gyro. Siya ang tanungin ninyo, ayaw ko na lang
magyabang. Pero sana naman h'wag niyo akong pagpantasyahan masyado..." I
smirked.
Mabilis na tumakbo na ako palayo.
"Ang kapal!" sigaw na patuya ni Ixerr.
Napailing na lamang ako. Alas diyez ng gabi ang tapos ng duty ko kaya
naman dumiretso muna ako sa isang convenience store para bumili ng
makakain ko.
Pagkatapos noon ay umuwi na ako sa mansyon. Nangunot ang noo ko nang
makita ko ang kotse ni Greyson sa tapat ng aming mansyon. Mabilis na
bumaba ako ng kotse ko para pumasok na sa loob.
Naabutan ko siyang hinihilot ang kanyang sentido, nasa tapat siya ng crib
ni Grezianne na mahimbing ang tulog ngayon.
"Oh please, not now..." he sneered quietly.
Napabuntong hininga ako at tahimik na lumapit sa kanya, marahang yumakap
ako sa kanyang braso.
He stiffened.
"Riz..." he called.
Tumango tango ako at inalalayan siyang maupo sa sofa, ilang sandali pa'y
nakita ko ang nakangiting si Trey na kagagaling lang sa dining area.
"Woah! Nandito na pala ang asawa mong doktora!"
Pinandilatan ko siya ng mga mata kaya ngumuso na lamang siya at lumapit
sa crib ni Grezianne.
"Bakit kayo nandito? Matagal ba kayong naghintay?" tanong ko.
Ngumising aso si Trey.
"Okay lang, gusto ko lang sanang sabihin na lumipat na tayo sa bahay
natin..."
Kumalabog ang puso ko. Fuck! Ito ang hinihintay kong sabihin niya, gusto
ko na kasing magkasama kami sa iisang bahay para naman maalagaan ko siya
katulad ng pinangako ko.
Tumango ako.
"Why not?" I said cooly.
Napangiti siya agad. Iyong ngiting masaya na at hindi malungkot! Masarap
na sa paninging makita siyang ngumingiti ng ganoon.
"Good, then. Ipapasundo ko na lang kayo bukas..." hinaplos niya ang
pisngi ko at saka hinalikan ang kamay ko. "I love you, Riz..."
Nagpigil ako ng ngiti dahil humahagikgik si Treyson sa isang tabi at
nanunuyang tumunghay sa amin.
"I love you more, Gre- Grezianne!" halakhak ko.
Grey frowned.
Malakas na natawa ako dahil doon.
Damn it!
Bakit ang saya saya sa pakiramdam? Sobrang gaan na pakiramdam ko'y
lumilipad ako sa himpapawid.
Thank you, Lord...
Chapter 42
Yugto 40
Kabanata 40
"Kaya mo na ba 'tong basahin?"
Malapad ang ngiti ko habang ipinapakita sa kanya ang isang puting papel,
may isinulat ako roon pero hindi ko sigurado kung mababasa nga niya.
I wrote a proposal. I want to marry him, that's why I did this but I
guess he cannot read it yet.
Hi, my love. Alam kong baliw na baliw ka sakin noon pa man, sigurado
akong mababaliw ka lalo habang binabasa ito. Just kidding, I just wanted
to know if you can read na. Kapag nabasa mo ito, papakasalan kita bukas
mismo!
So, Mister Krince Greyson Moretz. Will you marry Riziane Saavedra and be
your wife for the rest of your life?
Nakakunot ang kanyang noo habang nakatingin sa papel, bumagsak ang
balikat ko habang pinapanuod siya.
Walang reaksyon ang kanyang mukha, meaning hindi niya pa rin mabasa iyon.
Nakakapanlumo pero kailangan kong tanggapin na hindi pa niya matatanggap
ang proposal ko.
Huminga ako nang malalim. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya, he
pouted. He couldn't look at me in the eyes.
"What's this, mahal?" malambing at kuryoso niyang tanong habang nakahawak
sa papel na ibinigay ko.
Kumalabog ang puso ko. What if I propose to him today? Wala namang
mawawala sakin kung ganoon ang gawin ko.
Lumunok ako at tumikhim. Kinakabahan ako ng sobra, sumipol ako at hilaw
na natawa.
"Uh, Grey..." I called gently.
He smiled sweetly. Umiwas siya ng tingin at sa malawak na hardin ang
kanyang malayong tingin natuon.
"Hmm?" he hummed. "I love you, Riz. Ano 'yon?" natatawang tanong niya.
I bit my lower lip and inhaled sharply.
"I want you to marry me..."
I saw his lips slowly curve but then he pouted and nodded.
"Of course, I will marry you. But are you proposing?" pigil ngising
tanong niya.
Nag init ang pisngi ko sa kahihiyan.
Of course, you idiot! Gusto ko ngang pakasalan mo ako 'di ba? Kakasabi ko
lang! Ano, hindi lang bulag? Bingi na rin? Naapektuhan ba noon ang
kanyang pandinig?
"No, I'm not! Narinig mo na nga 'di ba?" sarkastikong irap ko. "Bulag na,
bingi pa. Ano, Grey? Pahihirapan mo na talaga ako!"
Ngumuso siya, nilingon niya ako. Tinuko niyang ang kanyang mga kamay sa
magkabilang tuhod niya at saka pinakatitigan ako na parang pilit niya
akong inaaninag.
"Wala pa akong singsing, Riz..." he grinned. "Ganito na lang, papayag
akong magpakasal sa'yo kapag hinalikan mo ako!"
Kumalabog ang puso ko. Mabilis na hinalikan ko ang labi niya. Demanding
rin 'to, e? Araw araw ko naman siyang hinahalikan kapag tulog siya!
"Tsss, I'm not Grezianne! Asawa mo ako, mahal. Gusto kong kiss 'yong
matagal! Mga two hours, ganoon!"
Nanlaki ang mga mata ko. Kinurot ko ang ilong niya, napahalakhak naman
siya at saka hinuli ang aking kamay. Unti unti niyang pinagsiklop iyon sa
kanya at hinalikan.
"Just kidding, love..." he said. "I don't wanna kiss you without my
eyesight, I want to watch you while kissing me..."
My face heat up. Ngumuso na lamang ako at saka napasimangot nang may
maalala.
Kaya pala hindi siya nag initiate ng kiss simula noon pang makalipat na
kami rito sa mansyong pinagawa niya! Hah!
Anong klase iyon? E 'di hindi niya pala ako hahalikan hangga't wala
siyang paningin? Tsss, napakatagal ko naman yatang makakatanggap ng halik
mula sa kanya.
Urgh! Stressful, huh?
"Tsss, idonate ko na lang sayo 'tong mga mata ko? Tutal aalagaan mo naman
ako, tapos may kiss pa ako araw araw!" pagbibiro ko.
He made a face. Napatawa ako.
"You think I would let you? I'd rather be blind than you, mahal. Hindi ka
pwedeng mabulag, malulungkot ka..."
Tsh!
"Ibig sabihin malungkot ka ngayon?"
He smiled widely.
"Kasama kita, bakit ako malulungkot? Walang salitang lungkot kapag ikaw
ang kasama, keep that in mind..."
Napabuntong hininga ako at pinisil pisil ang kanyang kamay, huminga ako
nang malalim at inihilig ang aking ulo sa kanyang dibdib.
Ngumiti siya at hinalikan ang noo ko.
"I love you so much, Riziane. H'wag na malungkot, naiisip ko ang mukha
mo..."
Napanguso ako. Nangingilid ang mga luha ko dahil sa kalungkutan.
Nagtatanong ako kung bakit kaya siya pa ang nabigyan ng ganitong sakit?
Bakit hindi na lang ako? Kasi sure naman ako na kahit mabulag ako'y kay
Greyson pa rin ako. I mean, hindi ko itatago sa kanya katulad ng ginawa
niya.
Dumaan pa ang isang linggo na hindi pa rin malinaw ang paningin ni
Greyson, ewan ko nga kung may ililinaw ba talaga iyon dahil ilang buwan
na siyang naoperahan! Mag iisang taon na nga, e pero walang pagbabago!
Maingat ko siyang inaakay akay, gusto ko kasing makasama siya kahit sa
simpleng pagmo-mall lang. Kaya ngayon ay naisipan kong lumabas kaming
dalawa at mag grocery.
"Anong gusto mong kainin?" tanong ko habang nakatingin sa mga karne.
He smiled devilishly.
"Ikaw sana, e..."
Nanlaki ang mga mata ko, napatingin agad ako sa paligid. Hayop, hindi
siya tigang, ah? Tsss, bahala siya. Siya naman ang may kagustuhan niyan.
"Tigang ka, bes..." bulong kong patuya.
Humalakhak siya.
Nagtinginan tuloy lalo sa kanya ang mga babaeng malapit sa amin, may mga
kasama pang boyfriend at mga anak pero kung makatingin kay Grey akala mo
dalaga, e. Sarap kurutin sa singit!
Gigil ako!
Umirap ako sa babaeng sulyap ng sulyap kay Greyson. Kumapit agad ako sa
braso ni Grey at malambing na ngumiti.
"Bulag ka, mahal 'di ba? Hindi mo nakikita ang mga nagpapacute sa'yo!"
pasaring ko.
Bahagyang napakurap kurap ang babae at muling sumulyap kay Grey na parang
sinusuri pa kung bulag nga talaga siya.
"Bulag siya, sa iba. Ako lang nakikita niya," kalmadong sambit ko habang
namimili ng mga karne.
Kumunot ang noo ni Grey at saka umiling na lamang, he wrapped his arm
around my waist and continued walking.
Tsss.
"Sungit mo naman..." he whispered. "Bulag naman ako, hindi ko sila
nakikita. Cute ba siya?" mapang asar na tanong niya.
Napasinghap ako sa irita. He bit his lower lip and then giggled.
"Joke lang, cute mo magalit!"
"Kala mo naman nakikita mo!" patuyang balik ko.
Naglakad lakad lang kami sa loob ng mall pagtapos namin mag grocery,
walang mapaglagyan ang sayang nadarama ko.
Pakiramdam ko ito ang first time na magkasama kaming lumabas, pero marami
naman na kaming naging dates noon pa man. Iyon nga lang ay purong sa
fancy restaurants niya ako dinadala.
Nangunot ang noo ko nang makita ko si Rocket Estrevillo, ang malibog kong
kaibigan!
Grr, pasalamat siya't hindi ko siya magagantihan ngayon dahil kasama ko
si Grey at mukhang constipated siyang sumusunod sa babaeng papasalubong
sa amin.
"Don't follow me!" impit na sigaw ng babae.
Nakaunipormeng Davidson University iyon at halatang highschool lamang
siya. Panay ang pagkamot ni Rocket sa kanyang ulo habang nakasunod pa rin
sa babae.
"Damn it, Fricxy! Let me fucking explain!"
Gusto kong matawa sa frustrated na mukha ni Rocket. Ngayon ko lang siyang
nakitang humabol sa isang babae.
Hindi ko na sila nasundan pa nang lumiko na ang babae sa ibang daan,
napairap na lamang ako. Akalain mong naghahabol rin siya?
Hindi naman kagandahan para sa akin iyon. Mukha siyang batang paslit na
trying hard magpakadalaga! Sexy lang siya pero hindi ko tipo ang ganoong
babae.
Huwag niyang sabihing highschool ang target niya ngayon? Tsss, mahilig sa
sariwa si Rocket, huh. Hindi na ako magtatakang kinuha niya ang kanilang
modeling agency! Malamang para sa mga babae!
Well, Rocket is a successful playboy! Kahit sino naman ay magugustuhan
siya kahit ganoon siya.
Kung minsan ay manyak at may kabaitan pa rin naman. Lasing lang talaga
siguro kami noong mangyari iyon, nadala lang sa epekto ng alak.
"Grey, kailan mo gustong magpakasal?" I asked unconsciously, napatingin
ako sa bilihan ng mga singsing.
Kating-kati na kasi akong pakasalan siya, wala akong pakealam kung wala
man siyang makita o mayroon. Kahit kailan naman ay hindi ko siya tinuring
na pabigat dahil siya ang nagpapagaan sa mundo ko.
Hay.
Huminga siya nang malalim.
"Kapag nakikita na kita, gusto kong makita kang naglalakad sa altar
patungo sa'kin. I don't wanna miss that scene,"
Bumagsak ang balikat ko. I heard him chuckled and then he pulled me into
a hug. Halos panawan ako ng hangin dahil nakakaagaw kami ng atensyon.
Lalo na't gwapong bulag siya!
Damn.
"Attention seeker!"
Napakalas ako kay Grey nang madinig ko ang halakhak ng nanunuyang si
Ixerr. Napatingin agad ako sa kanya, ganoon na lang ang panlalaki ng mga
mata ko nang makita kong naka baby carrier siya at naroon si Grezianne.
What the hell?
Ayaw ko man sabihin ay nakakatuwa ang itsura ni Ixerr! Sobrang nakakaagaw
ng atensyon dahil ang cute nilang tingnan! Para siyang tatay na iniiwan
lagi ng asawa sa kanilang anak.
Ang cute.
Nakanguso lamang si Grey habang kakamot kamot ng ulo, sumilay ang ngisi
sa kanyang labi pero agad rin niyang tinago iyon.
Ixerr smirked.
"Tinakas ko lang..." aniya.
Napairap ako. "Kapal mo talaga, mang aagaw ng anak!"
Panay ang hagikgikan ng mga babaeng napapadaan kay Ixerr, kinukuhanan pa
talaga siya ng litrato ng iba.
"Omg! Ang gwapo naman ng asawa ko!"
"Hot daddy, Ixerr!"
"Shit, ako ba ang nanay noon?"
"Ang gwapo! Shit! Doc, pacheck naman ng heartbeat ko!"
"Ixerr!"
Napalingon si Ixerr sa isang babaeng tumili, mukhang estudyante iyon sa
HU highschool. Lumapit siya kay Ixerr.
Ixerr smiled at her.
"Hi..." he greeted the girl.
Tsss.
Namula ang babae at kumuway ng nahihiya. Ngumiti siya at saka sumulyap
kay Grezianne.
"Baby mo?"
Ixerr pouted and nodded. "Yes,"
"Ah hehe, eh may nanay ba siya?"
"Saan siya lalabas kung wala?" masungit na singit ko.
Tumingin sa akin ang babae at namutla. Pero agad ding sumulyap ulit kay
Ixerr.
"Pwede ba akong magpapicture? Ilalagay ko lang sa diary ko, date today
and this is my first heartbreak. Kuya Ixerr, bakit ang aga mo naman akong
sinaktan!" maktol ng dalaga.
Gusto kong maubo dahil doon. Napangisi na lamang si Grey habang nakikinig
lamang, kumunot ang noo ni Ixerr at mukhang matatawa na sa kahit anong
oras.
"Sorry to hear that," he smiled.
Ngumuso ang babae. "H'wag nalang pala picture, pwede bang kiss na lang?
Kahit saan lang! Tanda lang na kailangan na kitang i-let go."
Malakas na tumawa si Ixerr.
"What?" he was laughing.
Tumango ang babae. "Please! Para na din unforgettable ang first kiss ko!"
Mas lalong humagalpak si Ixerr. Halos mawala na ang kanyang mga mata
dahil sa pagtawa niya.
"Bakit sa'kin pa? Hey, little girl. H'wag mong sayangin ang first-"
"Walang sayang sayang basta ikaw ang first!" putol sakanya ng babaeng
makulit.
Ixerr looked amused. Ngumisi siya at nailing, lumapit siya sa dalaga at
inabot ang isang lollipop doon. Kiniss niya pa ang lollipop.
"How old are you?"
"Fourteen!"
Ngumisi si Ixerr. "Too young to have a first kiss, I will give you this
lollipop. After four years ibalik mo sa'kin at bibigyan kita ng first
kiss!" he winked.
Napasimangot ang dalaga.
"E, paano kapag may girlfriend ka na noon? Syempre hindi mo na maibibigay
sa 'kin 'yon!"
"Hoy, bata! Pbb teens ka, aral muna bago kiss kay Ixerr!" halakhak ko.
Umirap ang dalaga.
"Si Ixerr kasi ang gusto kong maging first kiss ko! Para hindi sayang!
Ate Riziane, pilitin mo naman siya oh!"
I made a face and laughed.
"Pinipilit kita, Ixerr!" I laughed loudly.
The girl frowned. "Kuya Ixerr, sige na! Kiss lang naman! Paniguradong
marami ka nang nakiss kaya hindi na sa'yo bago ang ganito!"
Humagalpak ako sa tawa.
Sobrang kulit niya! Fourteen pa lang humihingi na ng first kiss? Huwow!
Napatigil ako sa pagtawa nang biglang lumuhod si Grey, nagtilian ang mga
babaeng nakakakita sa amin. Kung kanina'y kay Ixeer sila nakatunghay,
ngayon ay samin na. Lalo pang dumami ang mga taong pumapalibot sa amin.
Kumapa siya sa kanyang bulsa. Kumunot ang kanyang noo at saka marahang
hinawakan ang kamay ko.
My eyes were wide open, laglag rin ang aking panga dahil sa pagkagulat.
"Omg!" nagtitilian sila.
Lalo pa nang ilabas na ni Grey ang singsing na ginto, huminga siya nang
malalim at saka umangat ng tingin sa akin kahit hindi diretso iyon.
"I've read your proposal, mahal..." he smiled. "Sabi mo kapag nabasa ko
'yon, magpapakasal na tayo kinabukasan 'di ba?"
Namuo ang luha sa aking mga mata pero napangiti ako nang malapad habang
pinagmamasdan siya. Nakaluhod ang isang tuhod niya.
Naghihiyawan ang mga taong nakapalibot sa amin, nakangisi si Ixerr habang
nakatunghay lamang sa amin. Ang ibang mga tao ay kinukuhanan pa kami ng
litrato at video.
"I can't clearly see you now yet you're so beautiful, my love. I'm blind
by your beauty, unang kita ko pa lang sa'yo nabulag na ako. Hindi ko na
makita ang iba dahil ikaw na lang ang nag eexist sa paningin ko..."
Ngumiti siya. The smile I love the most!
"Ang dami mo namang kadramahan sa buhay, mahal! Just say the proposal!
Excited na ko mag yes!"
Nagtawanan ang mga tao.
"Damn, ang landi!" halakhak ni Ixerr.
Tumawa si Grey.
"Alright! Mahal, will you be my misis? Payag ka bang magpakasal sa bulag
na kinababaliwan mo?"
I frowned.
"Baliw na baliw ka talaga sa akin!" I groaned. "Ako ang magiging mental
mo! Mega yes, mahal. I do na agad!"
Humalakhak siya at saka isinuot ang singsing sa aking ring finger.
Sobrang saya ng pakiramdam ko, para akong nasa langit na.
Damn, aalagaan ko sila. Sila ang pamilya ko ni Grez at simula ngayon ay
hindi na ako papayag na mawala pa sila sa akin. Hindi na ako papayag na
mag isa si Greyson, palagi na akong nasa tabi niya sa hirap at saya.
Chapter 43
Wakas
K
rince Greyson Moretz
"Greyson, dude!"
Ngumiti at tumango ako kay Ixerr na siyang bumati sa akin.
"What's up?" I said.
Ngumisi siya at nagkibit ng balikat. I've known him for about six years,
we were classmates and schoolmates since elementary.
Lahat silang mga Saavedra, Sy at Yu ang mga magkakamag-anak na kilala ko.
Lahat naman sila ay nag-aaral sa Harvard Elementary hanggang sa nag
Highschool kami.
"Still hot," he laughed.
"Tsss, ang kapal talaga ng mukha! Pati panahon dinamay sa kayabangan..."
umismid si Tia at hinigit na ang braso ko.
Ixerr just laughed. Napailing ako at natawa na lang rin, maldita talaga
itong bestfriend ko.
Pagkapasok namin sa mansyon ay pinaupo niya ako sa sofa. Napanguso ako at
inilibot ang aking mga mata sa paligid.
"Sinong may birthday?" I asked Tia.
She shrugged, she sit beside me and gave me a glass of juice. Tinanggap
ko iyon at ininuman.
Nakikita kong abala ang kanyang mga Tiyahin na nag-aayos ng tarpaulin at
ang iba nama'y naghahanda ng pagkain sa mahaba nilang lamesa.
"Wala, ah. This is a welcome party for our cousin..." inosente niyang
sinabi habang sumisimsim sa kanyang baso ng juice.
Binalingan ko siya ng kunot ang noo.
"Really? May pinsan pa pala kayo? Ang dami n'yo pala..."
Masasabi kong si Tia ang pinakamalapit sa akin, I was always at their
house to study with her. Kilala ko na rin ang mga magulang niya at mga
Tito at Tita niya.
Naging civil din kami ng mga pinsan niyang lalaki at babae. Well, we've
known each other for a long time.
Mga bata palang kami ay magkakalaro na kami, pero dahil hindi naman ako
masyadong naglalaro noon at puro story books lang ang pinagkakaabalahan
ay si Tia ang nakasundo ko.
Napatingin ako nang umupo si Zydein sa aming harapan, kumuha siya ng
muffin at saka kinagatan iyon. Tawa naman ng tawa sila Kaizellus at Ixerr
na naupo rin sa sofa.
"What's up, Grey!" bati ni Zydein.
I just shrugged.
"What is she looks like kaya?" halakhak ni Ixerr.
"I don't know, idiot! I've never seen her like you, tsss. How would I
know?" sarkastikong untag ni Kaizellus.
Ixerr tsked. "Mayabang! Nagtatanong lang naman ako sa isip ko, hindi
sa'yo! Assuming!"
Nagtigil lang sila sa pagtatalo nang sumulpot si Tita Cara, Zydein's
mother.
"O' magmeryenda na muna kayo, mamaya pa yata ang dating nila Jozz..."
naglapag ng tray na may mga pagkain si Tita Cara.
Tumayo si Zydein at humalik sa pisngi nito, Tita Cara smiled at him and
pinched his cheeks.
"Kumain ka, ha!" she said.
"Yes, Ma." si Zydein.
Naubos ang oras namin sa pag-uusap usap at pagkain ng mga inihahandang
pagkain sa amin. Dumating na rin ang iba pang pinsan ni Tia at nakisali
sa amin.
"Nice, Ans!" halakhak ni Ixerr at saka ngumisi ng patuya bago sumulyap sa
akin.
Napangiti na lamang ako at umiling, sinulyapan ko si Ania Yu. Her cheeks
were red while looking at Ixerr.
"Isang Hi naman daw diyan, Grey!" halakhak ni Kaizellus.
"Kai!" impit na saway ni Ania sa sobrang inis.
I bit my lower lip and pouted.
"Hi, Ania. Good evening!" I greeted her.
Lalong pumula ang kanyang pisngi at aligagang napalingon sa akin.
Humagikgik si Tia sa aking tabi, ganoon din si Zinderela Yu. Nagtawanan
naman ang mga lalaki.
"Grabe!" Ixerr gasped. "Cat got your tongue, Ania? He just greeted you!
Hindi mo man lang ba sasagutin?" panunuya pa niya.
"Your crush greeted you!" hiyaw ni Zydein.
Nagtiim bagang si Ania pero halatang halata ang kanyang pisnging
namumula. Ania is very beautiful, she has this mataray and maarte aura
pero she's nice naman.
Naalala ko pa noong mag-highschool kami ay parati niya akong binibigyan
ng cupcakes na gawa niya. Every lunch break iyon, ayaw ko man tanggapin
ay wala akong magawa dahil ayaw kong ireject ang offer niya.
"Bakit ba hindi mo siya ligawan, Greyson?" mataray na tanong ni
Zinderela.
Nangunot ang noo ko nang bumaling sa kanya. Nagsinghapan naman sila Ixerr
at ang iba pa dahil sa tanong ni Zin.
"Zin!" saway ni Tia. "Hindi pa naman pwedeng magnobyo si Ania! Second
year pa lang tayo!"
Nagtaas ng kilay si Zin. Napangiwi naman si Ania at saka kinurot ang
braso ni Zin.
"Stop it, Yvez!" inis na saway niya kay Zin.
"What I meant was, wala bang gusto si Greyson kay Ania? Ganoon lang naman
ang ibig kong sabihin at malaman!" Zin spat.
Kumunot ang noo ko.
"Ania is a fine lady," I smiled. "Who wouldn't like her?" ganoon na lang
ang isinagot ko.
Ania blushed more. Hindi siya makatingin sa akin ngayon lalo. Mukha
siyang nahihiya ng sobra dahil sa panunuya ng mga pinsan niya.
Zinderela smiled.
"Tsss. So, do you have any plans on courting... You know."
"Zin! What's with the courting! That is nonsense!" malamig na untag ni
Dyze. "You're just sixteen!"
Hindi na lang ako sumagot dahil alam ko naman na bawal pa silang
magboyfriend, lahat silang mga babae. Besides I'm not ready for those
kind of whatever, nag aaral pa ako at hindi ko pa kayang manligaw.
Don't get me wrong, maganda talaga si Ania. Every guy in our school has a
crush on her, ganoon din kila Tia at Zinderela. Totoong magaganda sila,
wala akong maiaangal roon. Kaso lang ay binabakuran na sila ng mga pinsan
nilang lalaki.
I heard that they have a rule for every Saavedra, it's private and I
don't know where is that for. Basta lahat sila ay may kanya kanyang
sinusunod. Tia told me about it.
"Hey, kids! They're here! Magsipag-ayos na kayo!"
Napatayo sila nang sabihin iyon ni Tita Rapunzel, tumayo na lang rin ako
at napanguso. Ngumiti sila Tita Cara at Tita Rap, ang iba pa nilang Tita
ay nakatayo na rin habang nag aabang roon.
The double doors opened, nakita ko ang mag asawang pumasok. Nasa mid 30's
silang dalawa and I can tell that man is a Saavedra. Tia's father looks
like him!
Sila na iyon?
"Welcome home!" sigawan nila doon bilang pagbati.
Ngumisi ang lalaki at napailing na pinasadahan ang buong mansyon, umakbay
siya sa kanyang asawa at saka lumakad na papasok ng tuluyan.
Nagbatian sila at nagbeso, pumunta rin sila Tia doon para bumeso sa
kanilang Tita at Tito. Umupo na lamang ako sa sofa habang hinihintay
silang makabalik.
"Where's your daughter, Tito?" si Zinderela ang nagtanong noon.
Kumunot ang noo ng Tito nila at nilingon ang pintuan.
"I'm here, po."
Naglingunan kami sa pintuan nang madinig ang tamad na boses na iyon.
Boses lalaki pero alam kong babae iyon dahil sa lambot ng pagkakabigkas
ng salita.
Napaawang ang labi ko nang pumasok iyon at makita ko nang tuluyan ang
kanyang itsura. Naka backpack siya at tamad na pinapasadahan ng tingin
ang buong mansyon.
Napakurap kurap ako.
She's wearing a black fitted crop top and a highwaist shorts. Typical
American girl look! Her fashion is kinda annoying! I don't like it!
She looks like hella liberated because of that outfit, geez! She doesn't
even look american, how could she dressed like that? Mas maganda pa siya
sa mga may lahing banyaga!
Magmula sa kanyang itim na itim at mahabang tuwid na buhok, high pointed
nose, thin pinkish lips, pino at makinis na balat, mahahabang braso at
binti, damn it!
She looks like a professional model from Victoria's secret!
I don't know how to describe her but I couldn't take my eyes off her!
"Good evening..." her american accent gave me chills.
"Omg! Riziane!" si Tita Rapunzel agad ang nakakilala roon.
Laglag ang panga nila Ixerr habang nakatingin doon sa bagong dating.
Siya ba ang pinsan? Fuck! Hindi ko alam kung bakit ang bilis ng tibok ng
puso ko. I got swayed by the way she looks like.
She's... She's too much! Hindi ko alam kung OA ako o ano, but damn she
looks too beautiful and gorgeous! Minus her outfit 'cause I don't like
it.
I thought I was just attracted by her looks and all dahil ganoon ang tipo
ko, I wasn't aware that she took my heart!
Inabot ako ng isa, dalawa, tatlo... I lost count! Akala ko infatuated
lang ako. Hinayaan ko ang sarili kong maaliw sa kanyang ngiti. Hinayaan
ko ang sarili kong masanay makita ang kanyang magandang mukha.
Kung dati ay dahil kay Tia kaya ako napupunta sa kanilang village ay
nagbago iyon. Kahit wala si Tia ay nagpupunta ako roon, sa park ng
kanilang village dahil doon ko parating nakikitang nagpapalipas ng oras
si Riziane Saavedra.
"I like you, Riz..."
Dumating ang araw na hindi ko na kayang itago sa kanya ang nararamdaman
ko, abot tahip ang kabang dinanas ko. Hindi ko alam kung saan ako kumuha
ng lakas ng loob para sabihin sa kanya iyon.
Kumunot ang noo niya at natawa nang lingunin ako.
Tangina, hindi ko alam na kailangan ko pang sabihin o aminin iyon gayong
mas malinaw pa ako sa mineral water! Lahat ng pinsan niya ay halata na
ako, noon palang unang araw na nakita ko siya.
It's been three years since we've known each other. Hindi ako
makapaniwala na unang dating palang pala niya at kita ko sa kanya ay
ginising na niya ang puso ko.
I don't even know how! Sobrang nakakabaliw lang talaga siya at hindi ako
nainform ng sarili ko na baliw na pala talaga ako sa kanya. Inabot pa ako
ng ilang taong nababaliw lamang sa kanya tuwing makikita ang ngiti niya.
"Hindi tayo talo, Greyson and I would never believe that!" she snapped.
The fuck! Did she just rejected me? Damn, ang sakit naman yata. May
kaayaw ayaw ba sa akin? May hindi ba siya nagustuhan? I've been chasing
ang liking her for years!
"Huh? Wh- why?" nauutal kong tanong. "I mean, hindi naman tayo magpinsan!
Hindi rin tayo magkaibigan! Riz, maniwala ka naman sakin. Hindi naman ako
nagsisinungaling..."
Umiwas siya ng tingin sa akin at tipid na ngumisi. Doon pa lang ay alam
kong nay delubyo na siyang masasabi sa akin.
I should be ready hearing those even if it'd hurt me! I would love and be
in love with her than felt nothing.
"Sorry, Grey. Pero hindi kita gusto, sa dami ng babaeng may gusto sayo?
Bakit sakin ka pa magkakagusto? Hindi ako naniniwala," She shook her
head. "And, there's Tia..." she smiled weakly.
Parang sinampal ako ng sampung beses, hindi lang sampu. Maraming beses,
dinaig pa noon ang sakit sa puso ko.
My first love rejected me...
My second love rejected again...
She's the love of my life...
Lahat ng confession ko sa kanya ay pinagsasawalang bahala niya lang, wala
siyang pakealam sa mga sinasabi ko. Kahit na nagpapatulong pa ako kay Tia
para lang sabihin sa kanya na malinis ang aking intensyon.
I only want to prove my love for her, hindi naman ako aabutin ng ilang
taon kung hindi ko siya mahal 'di ba? Pero mukhang manhid at walang puso
si Riziane. Hindi niya ako pinapaniwalaan, bakit ba ang hirap para sa
kanya na maniwala sa akin?
Kahit kailan ay hindi pa ako nagsinungaling! Lalo na pagdating sa aking
nararamdaman.
Hindi niya ako mapansin...
I even cried alone, naiyak ako sa lahat ng paghihirap at sakit na
dinadanas ko. Maayos ang buhay ko noong wala siya, ginulo niya iyon sa
isang ngiti niya lang! At ang sakit isipin na umaasa akong siya ang aayos
muli sa akin pero hindi...
Nagbago siya, five years ago. Kung dati ay puro pinsan niya lang ang
kasama niya. Ngayon ay iba iba na at ang pinakamasakit ay iba ibang
lalaki pa!
Umigting ang panga ko nang makita kong halikan siya ni Rocket Estrevillo
sa gilid ng kanyang labi.
That fucking pervert! Sa araw araw na sinusundan ko si Riziane ay parati
ko siyang nakikitang nakatitig at nangingiti mag isa habang nakatingin
kay Riz.
Tsss.
I told you stop smiling, Riz. Iyan tuloy, ang dami ko nang kaagaw. Bakit
mo ginagawa sa akin ito?
I found myself smiling when I took her a picture. Ngumuso ako at
pinalitan ang aking wallpaper ng bago niyang stolen picture.
After a year, nag confess akong muli. I found her sitting on the bench,
mukhang aantok-antok pa siya.
She's wearing an all white scrub suit, bumuga siya nang hangin at saka
itinali ang kanyang mahabang buhok sa isang messy bun.
I love watching her from a far, hindi ako nagsasawang panuorin ang
kanyang mga kilos at ginagawa sa araw araw. Pakiramdam ko nakakatakot na
ako dahil sa mga ginagawa kong pagsunod at panunuod sa kanya.
Tipid na ngumingiti siya sa mga babae't lalaking estudyanteng bumabati sa
kanya. Iyan ang ayaw ko sa kanya, tipid man ang kanyang ngiti ay
napapahanga na niya ang mga lalaki.
Tsss.
Hirap palang magmahal ng babaeng maganda tapos hindi ka pa mahal!
Ilang beses na akong nasaktan at nareject sa kanya, pero bakit wala akong
kasawaan sa sakit?
"Bal, tama na 'yan!" si Treyson. "She's a lesbian..."
Nangunot ang noo ko. "Who?"
"Sino bang gusto mo?" sarkastiko niyang sinabi. "Malamang iyong si Riz
Saavedra! Dude, she's a lesbian!"
"What!?" inis na tanong ko. "I kissed her! She kissed back!" parang baliw
na rason ko.
That's true, I kissed her so many times. Humahalik naman siya pabalik,
simula highschool pa lang ay aware na siyang may gusto ako sa kanya... At
ang alam ko'y mayroon din siyang gusto sa akin, pero mukhang nagkamali
ako.
He shook head and smirked.
"Tsss, bal. Hindi rin ako makapaniwala. Pero nawala ang lasing ko noong
marinig ko ang usapan nila sa Nightlite! Damn, baliw na baliw sa kanya
ang mga kaibigan niya. They wanted to court her but they couldn't..."
Bahagya siyang tumawa. "Iyon pala wala silang pag-asa dahil nga daw
lesbian si Riz!"
Tangina! Anong kagaguhan iyon?
Naningkit ang mga mata ko at binalingan siya. May parte na ayaw kong
maniwala at may parte na naniniwala ako doon. Hindi ko alam kung ano ang
mas lamang.
I see Riziane as a woman, woman of my dreams. Kaya paanong mangyayaring
ganoon?
"See it yourself, man! And oh-" he trailed off. "May nobya siya! Miss
Davidson raw? I heard the name... Tiara Ong? Yeah right!" he nodded and
pouted.
Ilang araw akong hindi pinatulog ng nalaman kong iyon. Lalo akong
nasasaktan dahil mukhang totoo pa, I stalked Riziane for about one month
just to find out what's the truth.
And I found it true! Fuck, para akong mababaliw ng sobra. I even saw them
kissing! Para akong pinunit ng pino dahil doon, gusto kong mawalan ng
pag-asa. Parati kong sinusundan si Riziane, parati lang naman siyang nasa
condo at ang babaeng Tiara ang kasama niya.
"Let's tell it to her family..." Treyson said out of the blue.
Napabaling agad ako sa kanya. Nakatunghay siya sa mga babaeng naglalaro
ng volleyball, hindi pala. Kay Tia, naroon kasi si Tia at kasali sa
volleyball.
"Baliw ka ba?" Inis na untag ko kay Treyson. "Hindi pwedeng masaktan si
Riz, Trey. Kung sasabihin natin iyon sa kanyang pamilya, ano sa tingin mo
ang sasabihin nila? Hindi naman nila agad matatanggap na maging ganoon si
Riz!"
Tama naman, alam kong napapansin na ni Tia na lesbian si Riz. Sinasabi
niya sa akin iyon, napapansin daw niya na palaging may kausap na babae si
Riz. Alam ko rin na hindi matatanggap si Riz ng kanilang pamilya ayon kay
Tia.
Kung sasabihin namin sa kanyang pamilya iyon, paniguradong masasaktan si
Riz. Pagsasalitaan siya ng hindi maganda na maaring makasakit sa kanya.
Huminga siya nang malalim at sumulyap sa akin.
"What if I court Tiara?" he smiled devilishly at me. "I know it's
possible!"
Pinaglaruan niya ang kanyang labi at parang may malalim na iniisip.
Umismid ako. "And you would hurt her in the end?"
Alam ko ang planong namumuo sa isip niya, liligawan niya si Tiara Ong
para makipaghiwalay kay Riz. But I can't let my brother hurt a girl.
Hindi tama at hindi makatarungan iyon.
Kung ako nasasaktan at parang mababaliw na? Paano pa kaya ang mga babae
kapag nasaktan?
He inhaled sharply.
"Wala naman tayong ibang paraan, Grey. I just want to help you. You can
do your moves when Tiara isn't around her! Mas madali." he said. "Don't
worry, hindi naman ako naging good boy. So, I can do whatever for your
happiness..."
Napatitig ako sa kanya. He looks serious and determined, he wants to help
me for my happiness he will hurt a girl.
Treyson is a bad boy version of me. He didn't take relationships
seriously! And he's hurting girls! I don't care about his relationships
ayaw kong pakealaman kasi baka masapak ko lang siya. Ayaw na ayaw ko ang
nananakit ng damdamin ng babae.
Ang hirap masaktan.
"Pero, Trey. Hindi tama! Babae 'yon," I bit my lower lip. "At masasaktan
si-"
He gasped and tapped my shoulder.
"Si Riz? Tsss, masasaktan lang naman siya ngayon pero kaya mo naman
siyang buuin ulit! I trust you! Kapag wala na si Tiara, makakamove ka na
kay Riz at mapupunta sa akin si Tia!"
Humalakhak siya na parang biro ang lahat.
Napangiwi ako.
I won't let him do wrong things like that! Lalo na kay Tia.
"H'wag si Tia, Treyson! Kung sasaktan mo lang rin..." I warned him.
Ngumuso siya at saka natawa.
"Are you crazy? Sino naman ang magtatangkang manakit sa ganoong klase ng
babae? Matagal na sana akong nakagawa ng moves, Grey. Kung hindi ka lang
epal!" he grinned. "She was so fond of you!"
"Tsss, walang gusto sa akin si Tia." I sighed.
Riziane been telling me about Tia liking me! Pakiramdam ko'y dahil doon
kaya kahit ni katiting na pag-asa'y hindi niya ako binibigyan. Hindi ako
naniniwala, pati sila Trey ay nasasabi sa akin iyon. Maaring gusto ako ni
Tia dahil ako ang matalik niyang kaibigan, iyon lang 'yon.
I love her as my best friend.
"Akala mo lang." he said. "Well, anyway. Ako na ang bahala kay Tiara Ong.
Hindi ko siya sasaktan, basta pabayaan mo na lang sa akin 'to..."
Hindi ko alam kung ano ang ginawa ni Treyson, but I've heard that Tiara
Ong broke up with Riziane. Hindi ko alam na ganoon kabilis na magagawa ni
Trey iyon.
Hinayaan ko ang dalawang linggo, nakikita ko kung gaano kalungkot at
kahina si Riz tuwing papasok ng school. Hindi ko siya malapitan dahil sa
guilt, mukhang nakagawa ako ng ikasasakit niya.
Huminga ako nang malalim at sinipa ang bola. I'm busy thinking about
Riziane, ngayon ang unang beses na hindi ko muna siya sinundan.
Ewan ko ba, mahap na mahal ko talaga si Riz kahit na purong sakit at
paghihirap ang nararanasan ko habang minamahal siya. Baliw na baliw ako.
"Hi, Grey!" Tia greeted me, she sit beside me.
I sighed and smiled at her.
"What's up, pretty?"
She smiled.
"Hmmm, how are you? I miss you..." malumanay niyang sinabi.
Nilingon ko siya dahil sa kalungkutan sa kanyang boses. Nasa malayo lang
ang kanyang tingin, I could feel the sadness inside her eyes.
"Alam mo bang dahil sa akin..." She trailed.
Kumunot ang noo ko. "Dahil sayo, nababaliw na ang mga lalaki rito?"
ngumisi ako.
Marahan siyang napapikit at saka tumingin sa kanyang mga kamay na
nakapatong sa hita niya.
"Hindi ka nga lang kasali..." she mumbled then sighed. "Dahil sakin kaya
walang kayo ni Riziane, dahil sa akin kaya ayaw niya sayo..."
Bahagya akong natawa at inakbayan siya. She stiffened.
"Tia, I know Riz isn't easy! Bakit naman ikaw ang magiging dahilan ng
pag-ayaw niya sa akin?"
Huminga siya nang malalim, bahagya ako nagulat nang marahan niyang
hawakan ang kamay ko. Nag angat siya ng tingin sa akin, nakita kong
namumuo na ang luha doon.
"Tia..." I called gently.
Suminghap siya at natawa ng malungkot.
"Grey, I'm so sorry." she said sincerely. "Hindi ako kontrabida, alam
kong si Riz ang bida mo. Sorry kung dahil sakin ay nagpipigil siyang
magustuhan ka..."
Napakurap kurap ako. Kumalabog ang dibdib ko habang pinoproseso ang lahat
ng mga sinasabi o sasabihin niya.
"Alam mo ba iyong, talo ang ma-inlove sa bestfriend?" she chuckled
weakly. "Talo ako, Grey..." tumitig siya sa akin at saka tumulo ang
kanyang luha.
Napapikit ako ng mariin, I gently wiped her tears. Gusto kong alisin ako
sa puso niya, gusto kong iba na lang ang magustuhan niya.
"Tia, I'm sorry..." I whispered.
Humikbi siya at marahang tumango.
Damn, I didn't expect this. I'm sorry...
"Grey, please... be happy." she said.
Hindi ko maintindihan kung bakit ang saya kong malaman kay Tia iyon. She
told me so many things about Riz.
Huminga ako nang malalim at hinalikan ang noo ni Riziane. She was crying
when I confessed again! Yes, I had the guts to confessed again after what
Tia told me!
Damn.
After seven fucking years of being crazy over her! I couldn't believe
that she would say the words I wanted to hear from her!
"I love you, Greyson..."
Nangilid ang luha ko sa saya, para akong nakipagkarera sa sobrang
mahabang daan at ngayon ko lang narating ang dulo.
Bakit ganito? Para bang marinig ko lang iyon ay pwede na akong mamatay.
Napangiti ako at saka huminga nang napakalalim bago siya yakapin ng
mahigpit.
Naging masaya kami ni Riz, lahat ng gusto niya ay sinusunod ko ng walang
pagtutol o miski kahit na anong angal dahil lahat naman iyon ay talagang
gagawin ko upang mapanatili siya sa akin.
Not until something happened...
Mukhang nagkatotoo ang mga naisip ko noon...
Sobrang nasasaktan ako kapag iniiwan kong mag-isa si Riziane, mag isang
nagke-crave, mag-isang natutulog, mag isang pumapasok sa trabaho at
umuuwi, mag isang kinakausap ang baby namin at mag isang nasasaktan.
Huminga ako nang malalim at kinusot ang aking mga mata. Nanlalabo ito ng
sobra, napakabilis ng pangyayari.
"Hindi ka uuwi ngayon? Nagluto ako ng dinner, gusto ko sanang ikaw ang
unang makatikim..." malambing na boses ni Riz.
Marahang pumikit ako at dinama ang kanyang boses na nagpapawala ng lahat
ng pagod at sakit na nararamdaman ko. Nanghihina ako, gusto kong
magkasama kami, gusto kong alagaan siya ngayong buntis siya at ibigay
lahat ng cravings niya.
"Sorry, Riz..." Napapikit ako ng mariin. "Something urgent happen, hindi
ako makakauwi..."
She sighed weakly.
"Ah, ganoon ba? Alright, mahal. Mag-iingat ka parati... I love you!"
Uminit agad ang paligid ng aking mga mata, hindi na ako nakasagot kahit
na gustong gusto kong sabihin sa kanya ang salitang iyon.
Ibinaba ko ang tawag nang hindi ko na napigilan ang aking paghikbi.
Damn it!
Mahal na mahal ko si Riziane, hindi ko alam kung malalampasan ko ito o
hindi. Gusto kong mabuhay ng maayos kasama sila ng magiging anak namin
pero paano ko magagawa iyon ngayong malala na ako?
I proposed to her last week and yet here I am at the private hospital and
I couldn't walk because of weakness.
"Grey, hindi makakabuti sa lagay mo ang pag-iyak." Maria said.
"Ilang buwan ba?" pigil emosyon kong tanong.
She sighed. Lumapit si Mommy sa akin at hinaplos ang likuran ko.
"Anak..." she called gently. "I'm so sorry..."
Sana nga nakakawala ng sakit ang sorry, sana bawat sorry ko ay nawawala
ang sakit na idinudulot ko kay Riziane.
Huminga ako nang napakalalim.
"I'm marrying Riziane tomorrow..."
Nanigas sila sa gulat, si Trey ay gulat rin ang reaksyon at napatayo pa.
Napahawak siya sa kanyang buhok at saka suminghap.
"Why did you do that?" halos paanas niyang tanong. "You proposed? Are you
that selfish, Grey?"
"Treyson!" saway agad ni Maria at Mommy.
Kumirot ang ulo ko. Hindi ko ininda iyon kahit na para akong nabibingi
dahil sa sobrang kirot noon.
"I love her..."
"Yet you're hurting her, Grey..." putol sa akin ni Trey. "Hindi mo naisip
na masasaktan siya kapag walang Grey na dumating? Iniisip mo lang ang
nararamdaman mo?"
Napapikit ako ng mariin, nagtuluan ang mga luha sa aking pisngi. Sobrang
sakit, selfish naman talaga ako lalo na pagdating kay Riz. Pero tama ang
kapatid ko, hindi ko naisip ang mga maaaring mangyari dahil nabulag ako
sa gusto kong pakasalan ako ni Riz.
"Pupuntahan ko naman siya bukas..." Iniwas ko ang aking tingin dahil sa
sobrang labo na noon at hindi ko na maaninag ang nasa paligid ko.
Pwede ko naman siyang puntahan bukas bago ang operasyon sa aking mata,
iyon kasi ang araw na gusto ni Riz ikasal kami. Hindi ko pwedeng iurong.
"Tomorrow is your surgery, anak..." si Mommy. "Sana naman pagtapos na ng
surgery ka nagpropose, wala namang pipigil sa'yo..."
"Pupuntahan ko siya bukas at magpapakasal kami bago ang operasyon, Ma..."
Nagsinghapan sila.
"Greyson, mas mabuti kung mananatili ka rito bago at pagkatapos ng
operation. H'wag naman matigas ang ulo." nagpapaliwanag na sinabi ni
Maria.
Lalong sumakit ang ulo ko at biglang dumidilim ang paningin ko. Paulit
ulit kong kinurap ang aking mga mata.
"Ah!" mariing pumikit ako at saka kinusot ang mga mata ko.
"Oh my God!" sumigaw si Maria at mabilis na nakalapit sa akin.
"Grey! Anak!" si Mommy, umiiyak.
Mariing napahawak ako sa ulo ko dahil sa sobrang sakit nito.
"Greyson, Greyson... Fuck, don't touch your eyes!" aligagang suway ni
Treyson. "You're hella stubborn!"
Wala akong makitang kahit na ano, naramdaman ko na lang ang kamay ni
Maria at saka binuksan ang mata ko pero wala akong makita.
Fuck! Please! Bakit ngayon pa? Magpapakasal kami ni Riz bukas at ayaw
kong makita niya akong bulag, siguradong iiyan iyon at masasaktan. Hindi
pwede...
Doktor ang pamilya ng asawa ko, pero wala akong lakas na sa kanila
magpagamot o magpacheck dahil alam kong malalaman at malalaman ni Riz.
Pinangako kong hindi ko siya sasaktan kahit pa na halos ikamatay ko na
ang pagsisinungaling sa kanya.
Pagtapos ng operasyon ay bulag ako, apat na buwan akong nabulag at walang
makita kundi kadiliman. Ni hindi ako makaiyak kahit na sobrang sakit na
ng puso ko.
Mabuti na lang at nakatatak sa puso't isip ko ang mukha ni Riziane, hindi
ko maiwasan ang malungkot at manghina pero anong magagawa ko?
That's my strength, too. She's my weakness and strength at the same time.
"Greyson..."
Kumalabog ang dibdib ko pagkarinig ng boses na iyon.
"Tia?" lingon ko sa bandang kanan dahil mukhang doon nanggaling ang
boses.
Nadinig ko ang paghikbi kaya napalingon ako sa kaliwa, mukhang nasa
kaliwa pala siya. Fuck my eyesight, wala na. Hindi ko alam kung kailan pa
ako makakakita.
Naramdaman ko ang paghawak ng malambot na kamay sa akin. It somehow
comfort me, kahit na gustong gusto kong si Riz ang mahawakan ko.
She's my strength but my weakness, also. Sigurado akong iiyak iyon kapag
nakita akong ganito at baka lalo lang akong manghina.
I sighed.
"Stop crying, Tia..." I said, bumuntong hininga ulit ako. "And please,
don't tell Riziane..."
She cried.
"Grey naman, parang ang hirap naman ng gusto mo!"
"Tia, mas mahihirapan ako kapag nasaktan ko si Riz. Ayaw kong umiyak
siya..." I said marked with finality.
"Mas lalo siyang nasasaktan na walang balita sayo!" she sneered.
Lumunok ako. I wanted to cry my heart out because of pain and sadness,
sana kaya niya ang pagkawala ko. Sana kayanin niya...
"At mas lalo pa siyang masasaktan kapag nakita akong ganito,
Yazinttia..." I sighed heavily. "Please, don't tell her about my
condition. Hayaan mo siyang mag-isip na wala na lang ako kesa makita pa
akong ganito..."
I miss her so much that I couldn't sleep at night, pero tinitiis ko ang
lahat at pinapadali ko ang paggaling ko mula sa operasyon.
"How are they, Trey?" mabilis na usisa ko pagkarating ni Trey. "How was
her delivery? Nakita mo na ba si Grezianne?"
Huminga nang malalim si Trey. Batid kong nalulungkot siya para sa akin.
"She's fine... and baby Grezianne looked exactly like you... she our
xerox copy, kambal..." natawa pa siya ng bahagya.
Napangiti ako.
"Too sad, I couldn't see her... how about my Riz?"
"She's still your Riziane, she looks like a piggy now!"
I pity myself, sobrang naaawa ako sa sarili ko na hindi ko makumusta o
makasama ang mag-ina ko. Ilang buwan akong nagpagaling mula sa operasyon.
Riz found out about my condition, about my blindness.
She was crying too hard, nabibingi ako tuwing maririnig ko ang iyak niya
kapag inaalagaan niya ako. Ang sabi ng doktor ay unti unti ang magiging
paglinaw ng paningin ko.
Isang beses ko siyang binigo sa kasal, but now? I won't do that! I am
marrying her in front of God, I thanked God for giving me another light
to see my future family.
Napalunok ako nang makita ko ang aking papakasalan ngayon, she's wearing
a white long gown, the hem of it was red. That's her own design!
Malapad ang ngiti niya habang nakakapit sa braso ng kanyang Daddy.
Nakatitig lamang siya sa akin habang papalapit na para bang mawawala ako
kapag nalingat siya.
I remained straight face. Ang alam niya'y hindi ko pa siya nakikita, ang
alam niya'y malabo pa rin ang paningin ko!
Pagkalapit niya sa akin ay humikbi na siya pero pigil na pigil iyon upang
hindi ko marinig. Tsss, stupid. Nakikita ko namang umiiyak siya, nagpigil
pa talaga.
Ngumuso ako.
"You're the most beautiful crying woman in wedding gown, my love..." I
smiled sweetly.
Kumunot ang noo niya sa akin. Inangat niya ang kanyang palad at kinuway
iyon sa harapan ko.
"You're the most handsome blind groom naman!" she chuckled, sobbing.
Tumawa ako. I wiped her tears and looked at her in the eyes. Mukhang
gulat siya nang makipagtitigan ako sa kanyang mga mata ng diretso.
"I can clearly see you crying, you know that I hate that..." nakanguso
kong sinabi at saka hinalikan ang labi niya.
Naghiyawan naman sila Ixerr.
"Bulag! Mamaya pa ang kiss the bride!" sigaw na patuya ni Ixerr.
Nadinig ko ang hagulgol ni Riziane, hinawakan niya ang magkabilang pisngi
ko at pinakatitigan ako.
"Oh my God! Thank you, Lord! Hindi bulag ang pakakasalan ko! Ibig sabihin
hindi siya nabubulag lang sa akin!" paiyak na sigaw niya.
Hindi ko alam kung bakit kahit anong anggulo at itsura niya ay minamahal
at kinababaliwan ko ng sobra. I may not be her good boy for hurting her
months ago, pero ipapangako kong magiging maayos ang pamilya namin habang
buhay.
Wala na akong ibang mamahalin kundi ang lesbian lang na ito, lesbian that
I turned into a woman and mother of my daughter!
The only girl that I love since second year highschool and the wife I
will love for the rest of my life...
"I love you very much, my lesbian wife..."
-
Facebook: Cinnderella Saavedra

You might also like