You are on page 1of 120

DISCLAIMER!

This is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are either the product of author's
imagination or used in a fictitious, unless otherwise stated. Any resemblance to real person, living or
dead, or actual event is purely coincidental.

Welcome to Deviant Academy!

The school of Mystic.

𝙋𝙍𝙊𝙇𝙊𝙂𝙐𝙀

DEVIANT ACADEMY, a school for extraordinary people. A school that is full of magic and mystery. A
school that you must be very scared of.

I am Aither Alaris, I could make things float or fly, even myself and that's my craft, my magic. Just like
controlling the movements of everything.
Nandito ako sa malawak na library ng academy. Inaayos ko ang mga libro habang nakaupo lang. Of
course with the help of my ability.

Maaaring gamitin ang special skills namin kahit kailan namin gusto basta nandito lang kami sa Deviant
World.

But well hangga't wala kaming napapatunayan ay hindi naman kami makakalabas dito, hindi kami
makakapunta sa normal na mundo.

Isa lang ang paraan para makalabas, iyon ay ang manalo sa Rival Competition.

Ang mommy ko, ay isang normal na tao dahil kahit si lola ay may magic, si lolo naman ay wala nito.
There's a possibility na ganoon, maging ordinary nalang. At labag ito sa batas ng Deviant World.
Maaaring kuhanin ang taglay mong craft or else you two should born an extraordinary breed.

Pero ipinanganak ni lola si mama na isang normal na tao kaya naparusahan sila, I mean si lola lang.
Kinuha ang special skills niya which is teleportation at itinakwil siya ng Academy. My lola was the best
mentor back then. Pero well, no worries masaya naman na si lola sa pinili niyang buhay.

Hindi sumali sa Rival Competition si Lola, sadyang nakakalabas siya ng palihim sa Academy dahil na rin sa
taglay niyang ability, kaya nagtagpo parin ang landas nila ni Lolo.
Si Dad naman ay napunta sa normal world dahil sa isang misyon. Pabalik na dapat siya dito sa Deviant
World, pero nagsara ang portal at hindi na siya makapasok. Halos isang taon siyang nanatili sa normal
world, doon naging kapit bahay niya sina Mommy at Lola. Sa paglipas ng panahon ay nagsimula rin ang
love story nila at, nabuo ako.

Buong akala nina Lola ay malalayo na sila sa Deviant World. But then I was born with a craft. Hindi
naparusahan si Daddy dahil doon, pero ayun lang, kaming may craft lang ang makakapasok sa Deviant
World, sina lola, lolo at mommy ay naiwan sa normal world. I am sixteen now, pero hindi ko na maalala
ang mukha nila. Tanging si Dad lang kasi ang narito para sa'kin lagi. I really missed my Mom, I wonder if
how is she, and of course my grandparents too.

Sabay sabay kong pinalutang ang mga nasa sampung libro na nasa pinakaitaas. Ito na ang huli kong
aayusin.

Pero bigla akong tumigil at bumagsak lahat ng librong nakalutang sa ere. I've lost my focus.

It's because... I felt something, it's like someone's kissing my lips. But I can't see anyone.

And there he appeared, in my front. Nanatiling magkadikit ang labi namin.

He's Vince Masiko, the invisible man.

CHAPTER 1
𝙊𝙪𝙩𝙨𝙞𝙙𝙚𝙧

Pinasadahan ko ng tingin ang aking sarili sa salamin. Maganda.

Hinayaan kong nakalugay ang mahaba kong buhok na umaalon sa bandang ibaba. Naglagay rin ako ng
very light make up sa aking mukha.

Then I'm wearing a white long sleeve top, covered with a black blazer paired with a knee-level black skirt
and a black boots. This is our uniform. Seniors uniform to be exact.

Nang makuntento ay tuluyan akong lumabas sa kwarto ko dito sa Academy. Yes we're staying here
unless kailangang lumabas.

Naglalakad ako ngayon sa mahabang hallway patungong Food Chamber.

Napakalawak nitong Academy pero hindi abot isang libo ang mga studyante dito. A lot of them chose to
live a normal life. In this case, tatalikuran mo ang Deviant world at magiging isang normal na tao ka
nalang, maaari iyon pero kailangan mo ring isuko ang iyong craft. Or sadyang naroon sa Devious
Academy. Some people like us were just there, preparing for a war. In short kalaban namin ang academy
na iyon.
Dumiretsyo na ako sa table namin.

"𝗚𝗼𝗼𝗱 𝗺𝗼𝗿𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗔𝗺𝗮𝗿𝗮!" I greeted my friend. She's Bella Amara, the girl with a power of love. Isa siya sa
nagpapanatili ng peace dito sa Academy.

"𝗚𝗼𝗼𝗱 𝗺𝗼𝗿𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗱𝗶𝗻 𝗔𝗹𝗮𝗿𝗶𝘀" nakangiti niyang bati sa'kin pabalik.

Anyways we don't have our surnames here. Just our name.

"𝗚𝗼𝗼𝗱 𝗺𝗼𝗿𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗟𝗮𝗶𝗹𝗮!" bati ko sa isa ko pang kaibigan na kakarating lang. She's Laila Morana, the girl of
death. Oras na titigan ka niya ay mamamatay ka. But she's wearing an eye shield everytime. Alangang
gumala siya ng walang ganoon dito sa academy, ede namatay kaming lahat. Kahit anong bagay na may
buhay ay kaya niyang patayin in just a single stare. Creepy isn't it?

"𝗛𝗺𝗺." tanging sagot niya at umupo na para kumain. Nakasimangot siya lagi o kaya naman ay seryoso.
Ni hindi ko pa siya nakitang tumawa o ngumiti man lang.

Hindi ko nalang masyadong pinansin dahil sanay naman na ako. Kaya kumain nalang ako. Anong mga
pagkain dito? Utak, atay, puso, yes mga lamang loob. Kidding! Ano kami aswang? Well normal na
pagkain din of course.
May appetizer which is papaya, main dish which is beef steak and a dessert, it's a piece of cake.

I really enjoyed the food.

"𝗡𝗴𝗮 𝗽𝗮𝗹𝗮 𝗔𝗹𝗮𝗿𝗶𝘀, 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗽𝗶𝘁 𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗥𝗶𝘃𝗮𝗹 𝗖𝗼𝗺𝗽𝗲𝘁𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻. 𝗧𝗶𝗻𝗴𝗶𝗻 𝗺𝗼 𝘀𝗶𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗸𝗮𝘀𝗮𝗹𝗶?" tanong ni Amara.

Rival Competition is a death war. Para sa kanila laro lang iyon. Well siguro it's just a game, wherein
kapag natalo ka, mamamatay ka.

It's a competition between Deviant and Devious Academy. Every year ito nangyayari kaya every year din
ay nababawasan ang mga tulad naming may craft. Tss what a shit!
"𝗜 𝗱𝗼𝗻'𝘁 𝗸𝗻𝗼𝘄 𝗮𝗯𝗼𝘂𝘁 𝘁𝗵𝗮𝘁 𝗔𝗺𝗮𝗿𝗮. 𝗔𝗻𝗱 𝗜'𝗺 𝗻𝗼𝘁 𝗶𝗻𝘁𝗲𝗿𝗲𝘀𝘁𝗲𝗱." sagot ko at pilit na ngumiti.

Anong maitutulong ng craft ko sa death war? Ghad! So uh nevermind.

Kahit gustong gusto ko ang prize niyon. Winning that competition is equivalent to freedom.

Maaari ko nang makita sina Mommy at madadala ko na sila dito sa Deviant.

Gusto ko mang sumali ay paniguradong mamamatay ako. Hays.

Pumasok na ako sa session hall. Dito namin pinag aaralan ang skills namin. And usually tatlo lang kami
ang nandito. That means tatlo lang kami ang may controlling craft, we can control things, we can make it
move by simply thinking of it. And this craft is obviously rare.

Pinalutang ko ang aking sarili. I need to perfect this act. Kailangan, magmukha akong lumilipad. Ginawa
ko iyon ng paulit ulit. Seryoso kaming pinapanood ng aming mentor at pinupuna kapag may nagawang
mali.
"𝗧𝗿𝘆 𝗶𝘁 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝘀𝗽𝗲𝗲𝗱 𝗔𝗶𝘁𝗵𝗲𝗿 𝗔𝗹𝗮𝗿𝗶𝘀." nakapangalumbabang utos niya.

Tumango nalang ako at sinubukan ang kanyang sinabi. Nagpaikot ikot ako sa buong hall. Halos hindi nila
ako masundan ng kanilang mga mata. I'm flying with the air. Amazing right?

Lumapag ako sa harapan mismo ni Miss Talia Alizeh, our mentor, she's having a craft of wind and
weather.

"𝗧𝗵𝗮𝘁'𝘀 𝘄𝗼𝗻𝗱𝗲𝗿𝗳𝘂𝗹 𝗔𝗶𝘁𝗵𝗲𝗿." puri niya sa'kin. Well, I know right.

"𝗬𝗼𝘂'𝗿𝗲 𝗽𝗲𝗿𝗳𝗲𝗰𝘁 𝗳𝗼𝗿 𝘁𝗵𝗲 𝘁𝗲𝗮𝗺." dagdag niya pa.

Kumunot ang noo ko. Pero tumalikod na ako at dumiretsyo palabas. Alam ko ang ibig niyang sabihin. I
am a qualified member for the competition. This can't be real. My craft isn't for fighting.

Dumiretsyo na ako sa Food Chamber. Gutom na rin ako. Naabutan kong nag uusap sina Amara at Laila.
"𝗛𝗲𝘆 𝘁𝗵𝗲𝗿𝗲!" tanging sabi ko at sumandok na ng pagkain.

"𝗞𝘂𝗻𝗴 𝗶𝘀𝗮𝘀𝗮𝗹𝗶 𝗻𝗶𝗹𝗮 𝗮𝗸𝗼, 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗿𝗼𝗼𝗻 𝗮𝘆 𝗺𝗮𝗺𝗮𝘁𝗮𝘆 𝗹𝗮𝗻𝗴. 𝗦𝘂𝗰𝗵 𝗮 𝘀𝘁𝘂𝗽𝗶𝗱 𝗱𝗲𝗰𝗶𝘀𝗶𝗼𝗻." seryosong saad ni Laila.

Tinignan ko sila. Nilingon ako ni Amara.

"𝗜𝘀𝗮𝘀𝗮𝗹𝗶 𝗱𝗮𝘄 𝗻𝗶𝗹𝗮 𝘀𝗶 𝗟𝗮𝗶𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗖𝗼𝗺𝗽𝗲𝘁𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻." pagbabahagi ni Amara sa'kin.

What the hell? Hindi nga maganda iyon. Lahat ng bagay na may buhay kapag tignan niya ay namamatay,
maging puno at halaman. That's how strange she is. Baka pati team niya ay mamatay. Tss stupid nga.

Sa gitna ng lunch naming lahat ay biglang tumunog ang speaker ng hall.

"𝗘𝗩𝗘𝗥𝗬𝗢𝗡𝗘 𝗟𝗜𝗦𝗧𝗘𝗡! 𝗚𝗢 𝗧𝗢 𝗬𝗢𝗨𝗥 𝗥𝗘𝗦𝗣𝗘𝗖𝗧𝗜𝗩𝗘 𝗥𝗢𝗢𝗠𝗦 𝗡𝗢𝗪. 𝗪𝗘'𝗥𝗘 𝗔𝗟𝗟 𝗜𝗡 𝗗𝗔𝗡𝗚𝗘𝗥!" sigaw nito na
siyang ikina panic ng lahat.
Nagkatinginan kaming tatlo. Iisa ang iniisip.

Hindi namin pinansin ang paligid. Pinutuloy namin ang pagkain. Sorry nalang gutom kami eh.

After 5 minutes kaming tatlo nalang ang natira and uh may isang grupo pa pala ng students sa kabila.
Mga nasa labing dalawa sila. Patuloy na nagkukwentuhan at nagtatawanan.

Ilang saglit ay sumulpot si Headmaster Faramund sa aming table, he's having a craft of teleportation.

"𝗕𝗮𝗸𝗶𝘁 𝗻𝗮𝗻𝗱𝗶𝘁𝗼 𝗽𝗮𝗿𝗶𝗻 𝗸𝗮𝘆𝗼?" seryosong tanong niya, sa kabilang grupo ng estudyante nakatingin.

"𝗕𝗮𝗸𝗶𝘁 𝗽𝗼 𝘀𝗶𝗻𝗮𝗯𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗮𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻𝗶𝗯 𝘁𝗮𝘆𝗼?" lakas loob na tanong ni Amara.


"𝗠𝗮𝘆 𝗻𝗮𝗸𝗮𝗽𝗮𝘀𝗼𝗸 𝘀𝗮 𝗔𝗰𝗮𝗱𝗲𝗺𝘆. 𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗻𝗮𝗺𝗶𝗻 𝗺𝗮𝗸𝗶𝘁𝗮, 𝗽𝗲𝗿𝗼 𝗻𝗮𝗻𝗱𝗶𝘁𝗼 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗶𝘆𝗮. 𝗔𝗻𝗱 𝗮𝘀 𝗜 𝗴𝘂𝗲𝘀𝘀, 𝗶𝘁 𝗶𝘀 𝗮𝗻 𝗶𝗻𝘃𝗶𝘀𝗶𝗯𝗹𝗲
𝗺𝗮𝗻 𝗼𝗿 𝘄𝗼𝗺𝗮𝗻. 𝗪𝗲 𝗱𝗼𝗻'𝘁 𝗸𝗻𝗼𝘄, 𝗶𝘁'𝘀 𝗷𝘂𝘀𝘁 𝘂𝗵 𝗱𝗮𝗻𝗴𝗲𝗿𝗼𝘂𝘀." seryosong aniya.

Yeah right. Pwedeng ipinadala siya ng Devious Academy to kill everyone here. Sabi nga nila, mas
nakakatakot kalaban ang hindi nakikita.

They're right we're in danger and we must be very scared to that 𝒐𝒖𝒕𝒔𝒊𝒅𝒆𝒓.

𝒯ℴ 𝒷ℯ 𝒸ℴ𝓃𝓉𝒾𝓃𝓊ℯ . . .

CHAPTER 2

𝙉𝙚𝙬𝙗𝙞𝙚

Pinagsabihan lang kami ni Headmaster na lisanin ang chamber at agad siyang naglaho.
Nagkatinginan kaming lahat, napaismid nalang. Wala paring balak umalis.

Ilang minuto lang ay nagsipagtayuan ang nasa kabilang mesa, marahil ay aalis na.

Tatlo kaming natira sa chamber. Ako, si Amara at Laila. Nagkatinginan lang kami at nagpatuloy sa
pagkain.

Inabot ni Laila ang isang baso ng juice pero bigla itong gumalaw palayo, tsaka unti unting umangat sa
ere.

"𝗪𝗵𝗮𝘁 𝘁𝗵𝗲 𝗵𝗲𝗹𝗹 𝗔𝗹𝗮𝗿𝗶𝘀?" singhal ni Laila, pinagkakamalang ako ang may gawa.

"𝗜 𝗮𝗺 𝗻𝗼𝘁 𝗰𝗼𝗻𝘁𝗿𝗼𝗹𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗶𝘁, 𝗜 𝘀𝘄𝗲𝗮𝗿." depensa ko.

Muling gumalaw ang baso ng juice sa paraang, parang mayroong umiinom dito. Sabay sabay kaming
napatayo.
"𝗪𝗵𝗼 𝗮𝗿𝗲 𝘆𝗼𝘂?" tanong ni Amara.

"𝗠𝗮𝗴𝗽𝗮𝗸𝗶𝘁𝗮 𝗸𝗮 𝗻𝗮, 𝗶𝗻𝘃𝗶𝘀𝗶𝗯𝗹𝗲 𝗯𝗶𝗮𝘁𝗰𝗵!" dagdag ko, puno ng pagtataray.

Nilapag nito ang baso sa mesa at hindi na muling nagparamdam.

Matapos ang nangyari ay pumunta na rin kami sa kanya kanyang mga kwarto. It's kinda weird and it's
not scary though. Sino kaya siya? Infairness, in my entire life ngayon lang ako naka encounter ng isang
invisible. Cool.

Kinagabihan lumabas ako sa kwarto dahil gutom na ako. Hindi ko alam kung may tao sa food chamber,
pero dinner na rin kasi.
Pagkapasok ko, walang tao ni isa. Kahit pagkain walang nakahanda sa isang mahaba't malaking mesa.
Sobrang linis nito ngayon. So ano 'to walang dinner? Diet lahat? Amazing!

Naglakad ako patungong kitchen, hindi maaaring hindi ako maghapunan. Well I can cook.

Pumasok ako sa kitchen, sobrang laki pala nito, nakakamangha. Pwedeng pwede akong maligaw dito,
ghad. Sana pala inaya ko sina Laila at Amara. For sure hindi rin sila kumain.

Kumuha ako ng isang malaking bowl. Binuksan ko ang isa sa mga refrigerator. Hmm puro gulay ang
laman. May idea agad na pumasok sa isip ko.

Kumuha ako ng lettuce, tomato, olives, garlic, onions,at bell pepper. Pagkatapos ay naghanap ako
mayonnaise, black pepper at parmesan cheese.

Yes, gagawa ako ng ceasar salad.

A few minutes later ay natapos din ako sa paghahalo ng mga ingredients. Finally may kakainin na ako.
Tatlong subo ang aking nagawa nang biglang may kumalabog. Shit.

Gusto ko na sanang magpanic, pero naalala ko na walang nakakatakot dito sa Academy. Even that
invisible biatch.

Nilapitan ko ang pinagmulan ng ingay. Nalaglag ang isang pot malapit sa pinto at bukas na ito ngayon.

Wala akong nakikita. Isa lang ang ibig sabihin. Nandito nananaman siya. Pwera nalang kung may pusa
pala dito sa kitchen.

Pinulot ko ang pot at ibinalik sa pwesto tsaka ipinagpatuloy ang pagkain.

"𝗞𝘂𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗸𝗼𝘁 𝘀𝗮'𝘆𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁, 𝗶𝗯𝗮𝗵𝗶𝗻 𝗺𝗼 𝗮𝗸𝗼. 𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗺𝗮𝗻 𝗸𝗶𝘁𝗮 𝗻𝗮𝗸𝗶𝗸𝗶𝘁𝗮 𝗼 𝗻𝗮𝗿𝗮𝗿𝗮𝗺𝗱𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗮𝘆 𝗮𝗹𝗮𝗺 𝗸𝗼𝗻𝗴
𝗻𝗮𝗻𝗱𝗶𝘁𝗼 𝗸𝗮." panimula ko, kinakausap ang nilalang na kasama ko. Though I'm not sure kung nandito nga
siya.
"𝗔𝗹𝗮𝗺 𝗸𝗼𝗻𝗴 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗸𝗮 𝗺𝗮𝘀𝗮𝗺𝗮 𝗮𝘁 𝘄𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗶𝗻𝗮𝗯𝗮𝗹𝗮𝗸 𝗻𝗮 𝗴𝗮𝗻𝗼'𝗻. 𝗞𝗮𝘀𝗶 𝗻𝗶 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗺𝗼 𝗻𝗴𝗮 𝗸𝗮𝗺𝗶 𝗴𝗶𝗻𝗮𝗹𝗮𝘄 𝗸𝗮𝗻𝗶𝗻𝗮 𝘀𝗮
𝗰𝗵𝗮𝗺𝗯𝗲𝗿 𝗲𝗵. 𝗦𝗼 𝘄𝗵𝗮𝘁'𝘀 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗽𝗹𝗮𝗻? 𝗠𝗮𝗴𝗶𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗶𝗻𝘃𝗶𝘀𝗶𝗯𝗹𝗲 𝗸𝗮 𝗻𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗵𝗲 𝘄𝗵𝗼𝗹𝗲 𝘁𝗶𝗺𝗲?" kunwaring tanong ko
pa. "𝗜 𝗺𝗲𝗮𝗻, 𝘆𝗼𝘂 𝗵𝗮𝘃𝗲 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗰𝗿𝗮𝗳𝘁, 𝗼𝗯𝘃𝗶𝗼𝘂𝘀𝗹𝘆 𝘁𝗵𝗲 𝗶𝗻𝘃𝗶𝘀𝗶𝗯𝗶𝗹𝗶𝘁𝘆. 𝗬𝗼𝘂'𝗿𝗲 𝗿𝗲𝗮𝗹𝗹𝘆 𝘄𝗲𝗹𝗰𝗼𝗺𝗲 𝗵𝗲𝗿𝗲 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗔𝗰𝗮𝗱𝗲𝗺𝘆.
𝗦𝗼 𝘄𝗵𝗮𝘁'𝘀 𝘁𝗵𝗲 𝗽𝗼𝗶𝗻𝘁 𝗼𝗳 𝗵𝗶𝗱𝗶𝗻𝗴? 𝗚𝗶𝘃𝗲𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗳𝗮𝗰𝘁 𝗻𝗮 𝗮𝗹𝗮𝗺 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗻𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗻𝗱𝗶𝘁𝗼 𝗸𝗮." pagcoconvince ko sa
kanya. Well sana effective.

Now I was wondering. Invisible siya pero kailangan niyang buksan ang pinto? Pati 'yung pot nasagi niya.
I'm really curious about his craft.

Kinabukasan sa Food Chamber. Tahimik na kumakain ang lahat. Bakas sa kanila ang pangamba. They're
acting like an ordinary people, and it's annoying. We all have the craft, isn't enough?

I told Amara and Laila about what happened in the kitchen last night. At nalaman kong hinatiran sila isa
isa ng hapunan kagabi, and I'm so very unlucky. Nakaligtaan yata ako.

"𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗸𝗮𝘆𝗮, 𝗽𝘂𝗺𝗮𝘀𝗼𝗸 𝘀𝗶𝘆𝗮 𝘀𝗮 𝗸𝗶𝘁𝗰𝗵𝗲𝗻 𝗻𝗮 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗶𝗻𝘃𝗶𝘀𝗶𝗯𝗹𝗲? 𝗞𝗮𝘆𝗮 𝘀𝗵𝗲𝗺𝗽𝗿𝗲 𝗸𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗶𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗯𝘂𝗸𝘀𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴
𝗽𝗶𝗻𝘁𝗼. 𝗔𝘁 𝘀𝗶𝗴𝘂𝗿𝗼 𝗻𝗮𝗸𝗶𝘁𝗮 𝗸𝗮 𝗻𝗶𝘆𝗮, 𝗸𝗮𝘆𝗮 𝘀𝗶𝘆𝗮 𝗻𝗮𝗴𝗽𝗮𝗻𝗶𝗰 𝗮𝘁 𝗻𝗮𝘀𝗮𝗴𝗶 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗼𝘁. 𝗠𝗮𝗮𝗮𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗴𝗮𝗻𝗼'𝗻 𝗔𝗹𝗮𝗿𝗶𝘀." conclusion
ni Amara. She has a point. Yeah right.
Sa kalagitnaan ng aming pagkain ay tumunog ang speaker ng chamber.

"𝗔𝗳𝘁𝗲𝗿 𝗯𝗿𝗲𝗮𝗸𝗳𝗮𝘀𝘁, 𝗸𝗶𝗻𝗱𝗹𝘆 𝗽𝗿𝗼𝗰𝗲𝗲𝗱 𝘁𝗼 𝘁𝗵𝗲 𝗖𝗼𝗻𝗳𝗲𝗿𝗲𝗻𝗰𝗲 𝗛𝗮𝗹𝗹. 𝗧𝗵𝗮𝗻𝗸 𝘆𝗼𝘂!"

Ano na naman kayang meron? Siguro pag uusapan ang tungkol sa Rival Competition.

Tinapos na namin ang breakfast at sabay sabay na tinungo ang Conference Hall nitong Academy.

Halos lahat ay narito. Nasa harapan sina Headmaster Faramund, Principal Stella, Assistant Principal
Alessandra, the Academy Administrators at kung sino pang importanteng nilalang sa loob ng Academy
na ito. Even the mentors were all present.
"𝗔𝗹𝗲𝘀𝘀𝗮𝗻𝗱𝗿𝗮, 𝘀𝗵𝗶𝗲𝗹𝗱 𝘂𝗽 𝘁𝗵𝗲 𝘄𝗵𝗼𝗹𝗲 𝗽𝗹𝗮𝗰𝗲." Utos ni Headmaster.

Nasa bandang harap kami kaya narinig namin iyon. Our Assistant Principal is having a craft of a
protector, she can make a defense, shield or whatsoever. Ginagawa nila ito lalo na kapag may
importanteng pagpupulong na hindi maaaring makarating sa labas ng Academy.

Pagkatapos ay sinimulan na nila ang kanilang sadya.

"𝗙𝗶𝗿𝘀𝘁 𝗼𝗳 𝗮𝗹𝗹, 𝘄𝗲 𝗵𝗮𝘃𝗲 𝗼𝘂𝗿 𝗻𝗲𝘄 𝘀𝘁𝘂𝗱𝗲𝗻𝘁." panimula ni Principal Stella. Lahat ng atensyon ay nakatutok sa
kanya.

"𝗛𝗲'𝘀 𝗩𝗶𝗻𝗰𝗲 𝗠𝗮𝘀𝗶𝗸𝗼. 𝗛𝗲'𝘀 𝗵𝗮𝘃𝗶𝗻𝗴 𝗮 𝘃𝗲𝗿𝘆 𝗿𝗮𝗿𝗲 𝗰𝗿𝗮𝗳𝘁, 𝘄𝗵𝗶𝗰𝗵 𝗶𝘀, 𝗶𝗻𝘃𝗶𝘀𝗶𝗯𝗶𝗹𝗶𝘁𝘆." pagpapakilala ni Principal.

Lahat kami ay natigil. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko at hindi ko alam kung bakit. Maybe I'm just
curious kung anong itsura niya. Kasi dalawang beses ko na din naman siyang naencounter nang hindi
nakikita. And I'm not excited though, just uh whatever. Titig na titig ako sa pintuan ng backstage, and
there he stepped out.
Ramdam ko ang pag awang ng bibig ko. Namamangha.

He's Vince Masiko, the invisible man, the said 𝒏𝒆𝒘𝒃𝒊𝒆.

𝒯ℴ 𝒷ℯ 𝒸ℴ𝓃𝓉𝒾𝓃𝓊ℯ. . .

CHAPTER 3

𝙏𝙚𝙖𝙢

"𝗛𝗲𝘆 𝗔𝗹𝗮𝗿𝗶𝘀! 𝗠𝗮𝘂𝗽𝗼 𝗸𝗮 𝗻𝗴𝗮." tawag sa'kin ni Amara habang kinakalabit ang aking uniporme.

'Di ko namalayang napatayo pala ako. Kibit balikat akong umupo. Bakit ba kasi masyado akong affected?
No, it's not like that I'm just uh shocked.
Nilingon kong muli ang stage sa harapan, agad na tumama ang mata ko sa mga mata ni Vince. Masama
ang kanyang tingin o sadyang binibigyan ko lang ng kahulugan. Napaiwas ako, pero through my
peripheral vision nakita ko siyang papalapit sa gawi namin.

Bakante ang katabi kong upuan kaya paniguradong dito siya uupo.

"𝗔𝗺𝗮𝗿𝗮, 𝗽𝗮𝗹𝗶𝘁 𝘁𝗮𝘆𝗼 𝗻𝗴 𝘂𝗽𝘂𝗮𝗻. 𝗣𝗹𝗲𝗮𝘀𝗲!" pakiusap ko kay Amara na nasa tabi ko lang.

Pero sa halip na makipagpalit ng upuan sa'kin, tinignan niya lang ako, tsaka nginitian ng nakakaloko.

"𝗔𝘆𝗼𝗸𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗱𝗹𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗱𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗴 𝗶𝗶𝗯𝗶𝗴𝗮𝗻." Bulong pa niya na hindi ko naman tuluyang
napakinggan dahil naupo na sa tabi ko si Vince.
Pilit kong hindi pinansin ang presensya ni Vince sa aking tabi pero sadyang 'kay hirap. Nakatingin ako kay
Headmaster Faramund na nagsasalita pero hindi ko maintindihan ang mga sinasabi niya marahil ay nasa
tabi ko ang aking buong atensyon. Bawat kilos niya ay nakikita ko, at bawat paghinga niya ay nabibilang
ko. Nababaliw na yata ako.

"𝗜 𝘄𝗶𝗹𝗹 𝗯𝗲 𝗰𝗮𝗹𝗹𝗶𝗻𝗴 𝘁𝗵𝗲 𝗻𝗮𝗺𝗲𝘀 𝗼𝗳 𝘀𝘁𝘂𝗱𝗲𝗻𝘁𝘀 𝘁𝗵𝗮𝘁 𝘄𝗶𝗹𝗹 𝗯𝗲 𝗷𝗼𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴 𝘁𝗵𝗲 𝗥𝗶𝘃𝗮𝗹 𝗖𝗼𝗺𝗽𝗲𝘁𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻."

Nabaling ang atensyon ko sa sinabing iyon ni Headmaster.

"𝗧𝗵𝗲 𝘁𝗲𝗮𝗺 𝗺𝘂𝘀𝘁 𝗵𝗮𝘃𝗲 𝗮 𝗹𝗲𝗮𝗱𝗲𝗿, 𝗱𝗲𝗳𝗲𝗻𝘀𝗲𝘀, 𝗽𝗿𝗶𝗺𝗲𝘀, 𝗮𝗻𝗱 𝗮 𝘀𝗵𝗶𝗲𝗹𝗱." patuloy pa niya.

"𝗔𝗲𝘀𝗼𝗻 𝗚𝗶𝗱𝗲𝗼𝗻, 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝘁𝗲𝗮𝗺 𝗹𝗲𝗮𝗱𝗲𝗿." Pumunta sa harapan si Gideon, sa tindig niya pa lang ay bagay na sa
kanyang maging leader. He can destroy and repair things. He can destroy the enemies and repair his
damaged team.

"𝗟𝗮𝗶𝗹𝗮 𝗔𝗺𝗮𝗿𝗮 𝗮𝗻𝗱 𝗩𝗶𝗻𝗰𝗲 𝗠𝗮𝘀𝗶𝗸𝗼, 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗱𝗲𝗳𝗲𝗻𝘀𝗲𝘀." Kumunot ang noo ko, isasali talaga nila si Laila and the
newbie? Well bahala sila. Pumunta sila sa stage, kitang kita kay Laila na labag ito sa loob niya. Pero
mukhang wala siyang magagawa.
"𝗔𝗾𝘂𝗮 𝗔𝘇𝗮𝗿 𝗮𝗻𝗱 𝗔𝗶𝘁𝗵𝗲𝗿 𝗔𝗹𝗮𝗿𝗶𝘀, 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗽𝗿𝗶𝗺𝗲𝘀." Agad akong napatayo, nagulat at labis na nagtataka. Tinawag
ba talaga ang pangalan ko? Umupo ulit ako, nilingon ko si Amara. Tinanguan niya lang ako. Shit! Nilingon
ko ang crowd, nakatingin sila sa'kin. Napapahiya akong tumayo ulit at naglakad patungong stage.

"𝗔𝗻𝗱 𝗔𝗹𝗲𝘅𝗮 𝗗𝗲𝗮𝗹𝗹𝗮, 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝘀𝗵𝗶𝗲𝗹𝗱." Siya ang anak ng Assistant Principal namin. Tinungo niya ang stage nang
nakangiti.

"𝗟𝗮𝗱𝗶𝗲𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗚𝗲𝗻𝘁𝗹𝗲𝗺𝗮𝗻, 𝘁𝗵𝗲 𝗗𝗲𝘃𝗶𝗮𝗻𝘁 𝗧𝗲𝗮𝗺." pagkatapos sabihin iyon ni Headmaster ay nagpalakpakan
ang lahat.

Nagpatuloy ang discussion habang kami'y nakatayo pa rin. Ipinakilala isa isa ang aming mga craft at kung
anong magiging ganap niyon sa competition.

Simula bukas ay tanging training nalang ang gagawin namin.

Sumapit ang gabi. Nakahiga na ako ngayon sa malambot kong kama dito sa Academy. Pakiramdam ko ay
nananaginip lang ako. Hindi parin ako makapaniwalang kasali ako sa Death War na iyon. I've been
watching it for years pero kailanma'y 'di sumagi sa isip ko na sasalang din ako sa ganoon.
Iba't iba ang context ng game every year. Sa bundok, kagubatan, kapatagan, underground, at kung ano
ano pang lugar. But it's just an artificial context.

Napabuntong hininga nalang ako.

Kailangan naming patayin ang mga kalaban para manalo.

Pinagmasdan ko ang wall clock ng aking kwarto. Alas dos y media na ng madaling araw. Sinubukan kong
matulog pero pakiramdam ko'y nakapikit lang ako. Ang diwa ko ay gising na gising parin.

Kinabukasan, nagising ako sa magkakasunod na katok mula sa aking pintuan. Inaantok pa ako. Tinignan
ko ang orasan, alas dose na.

"𝗣𝗮𝘀𝗼𝗸." nakapikit parin ako habang sinasabi iyon. 'Di kasi matigil ang pagkatok.

Rinig ko ang pagbukas ng pintuan.

"𝗔𝘆𝘂𝘀𝗶𝗻 𝗺𝗼 𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗿𝗶𝗹𝗶 𝗺𝗼. 𝗛𝗶𝗻𝗶𝗵𝗶𝗻𝘁𝗮𝘆 𝗸𝗮 𝗻𝗴 𝘁𝗲𝗮𝗺." aniya sa malumanay na boses. Sinilip ko kung sino
ito, kaya agad akong napabangon. Si Vince. "𝗛𝗲𝘁𝗼, 𝗸𝘂𝗺𝗮𝗶𝗻 𝗸𝗮. 𝗣𝗮𝗴𝗸𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝗮𝘆 𝗱𝘂𝗺𝗶𝗿𝗲𝘁𝘀𝘆𝗼 𝗸𝗮 𝗻𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮
𝗧𝗿𝗮𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗥𝗼𝗼𝗺." dagdag niya pa, sabay lapag ng tray na may lamang pagkain.
"𝗦-𝘀𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝘁." Tanging nasabi ko. Agad siyang tumalikod at iniwan na ako.

Agad akong naligo at nag ayos. I wear a pants, and t-shirt. Kinain ko na rin ang dinalang pagkain ni Vince
para sa'kin.

Pinasadahan kong muli ang sarili sa salamin. Nangingitim ang ilalim ng mga mata ko. Halata na walang
tulog. Nilagyan ko nalang ng concealer iyon. Damn!

Tinungo ko agad ang training room. First day ngayon at late ako. Amazing.

Pagkabukas ko ng pintuan, isang arrow ang bumulusok patungo sa akin. I immediately control it. Tumigil
ito ilang pulgada ang layo sa aking dibdib. Kinuha ko iyon at tinignan kung sinong may gawa. Gusto ko
sanang magalit pero lahat sila ay mukhang namangha sa aking ginawa. Pumalakpak pa si Gideon, ang
aming team leader.

"𝗚𝗼𝗼𝗱 𝗔𝗳𝘁𝗲𝗿𝗻𝗼𝗼𝗻. 𝗜'𝗺 𝘀𝗼𝗿𝗿𝘆 𝗳𝗼𝗿 𝗯𝗲𝗶𝗻𝗴 𝗹𝗮𝘁𝗲." tanging nasabi ko at ipinagsawalang bahala ang muntikan
kong pagkamatay.
Nilingon ko si Principal Stella, nakangiti siya sa akin. I wonder kung siya ba ang magiging mentor namin.
Our principal is having a craft of fire.

"𝗜 𝗰𝗮𝗻 𝗮𝗹𝗿𝗲𝗮𝗱𝘆 𝘀𝗲𝗲 𝘁𝗵𝗮𝘁 𝘁𝗵𝗶𝘀 𝘁𝗲𝗮𝗺 𝘄𝗶𝗹𝗹 𝗯𝗲 𝘁𝗵𝗲 𝘄𝗶𝗻𝗻𝗲𝗿."

She said it as if she can predict things. Pshh.

"𝗛𝗲𝘆 𝘁𝗵𝗲𝗿𝗲! 𝗞𝗼𝗺𝗽𝗹𝗲𝘁𝗼 𝗻𝗮 𝗯𝗮 𝗸𝗮𝘆𝗼?" tanong ni Sir Finn kasunod niya ang kakambal na si Miss Serendipity.

Sabay sabay kaming sumagot ng 'Yes'. Tsaka nagkatinginan.

This is unbelievable, I am Aither Alaris, and I am part of the 𝒕𝒆𝒂𝒎.

𝒯ℴ 𝒷ℯ 𝒸ℴ𝓃𝓉𝒾𝓃𝓊ℯ . . .

CHAPTER 4
𝙄𝙣𝙘𝙤𝙢𝙥𝙡𝙚𝙩𝙚

Anim kaming lahat sa team. Isa isa kong pinagmasdan ang aking mga kasama. Mananalo kaya kami?

Naupo muna kami sa sahig para daw sa forum.

Nakaproject sa harapan namin ang isang mapa. Kumunot ang noo ko sa nakita.

"𝗧𝗵𝗶𝘀 𝗶𝘀 𝘁𝗵𝗲 𝗗𝗲𝘃𝗶𝗮𝗻𝘁 𝗔𝗰𝗮𝗱𝗲𝗺𝘆." turo ni Miss Serendipity sa location ng aming school. "𝗘𝘁𝗼 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴
𝗗𝗲𝘃𝗶𝗼𝘂𝘀 𝗔𝗰𝗮𝗱𝗲𝗺𝘆, 𝗲𝘁𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗸𝗮𝗹𝗮𝗯𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝘀𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝘀𝗮 𝗹𝗼𝗼𝗯 𝗻𝗴 50 𝘆𝗲𝗮𝗿𝘀, 𝘀𝗶𝗻𝗰𝗲 𝗻𝗮𝗴𝘀𝗶𝗺𝘂𝗹𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗖𝗼𝗺𝗽𝗲𝘁𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻."
iyon ang paaralan sa South.

Sabay sabay naming pinagmasdan ang isang paaralan sa bandang kanluran. Ngayon lang namin
napagtanto na tatlo pala ang Academy dito sa Deviant World. Nilingon namin si Miss. Tsaka niya iyon
itinuro.

"𝗧𝗵𝗶𝘀 𝗶𝘀 𝘁𝗵𝗲 𝗣𝗵𝗲𝗻𝗼𝗺𝗲𝗻𝗮𝗹 𝗔𝗰𝗮𝗱𝗲𝗺𝘆. 𝗠𝗮𝘁𝗮𝗴𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗶𝘆𝗮𝗻 𝗱𝘆𝗮𝗻. 𝗣𝗲𝗿𝗼 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝘀𝗶𝗹𝗮 𝘀𝘂𝗺𝗮𝘀𝗮𝗹𝗶 𝘀𝗮 𝗥𝗶𝘃𝗮𝗹 𝗖𝗼𝗺𝗽𝗲𝘁𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻.
𝗔𝘁 𝗻𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗼𝗻, 𝗻𝗮𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝘀𝘂𝗻𝗱𝘂𝗮𝗻𝗴, 𝘀𝗮𝘀𝗮𝗹𝗶 𝗿𝗶𝗻 𝘀𝗶𝗹𝗮." nakangiting saad ni Miss Serendipity.
"𝗘𝗮𝗰𝗵 𝘀𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗺𝘂𝘀𝘁 𝗵𝗮𝘃𝗲 𝘀𝗶𝘅 𝗺𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿𝘀 𝗽𝗲𝗿 𝘁𝗲𝗮𝗺. 𝗧𝗵𝗲 𝘁𝗲𝗮𝗺 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝘁𝗵𝗲 𝗵𝗶𝗴𝗵𝗲𝘀𝘁 𝗽𝗼𝗶𝗻𝘁𝘀 𝘄𝗶𝗹𝗹 𝗯𝗲 𝘀𝗮𝘃𝗲𝗱, 𝘄𝗶𝗹𝗹 𝗯𝗲
𝘁𝗵𝗲 𝘄𝗶𝗻𝗻𝗲𝗿." Dagdag ni Sir Finn.

"𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻 𝗮𝗹𝗮𝗺 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗶𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗰𝗼𝗻𝘁𝗲𝘅𝘁 𝗻𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻. 𝗦𝗮 𝘀𝗶𝗺𝘂𝗹𝗮 𝗻𝗴 𝗴𝗮𝗺𝗲, 𝗺𝗮𝗵𝗮𝗵𝗮𝘁𝗶 𝗸𝗮𝘆𝗼 𝘀𝗮 𝗮𝗽𝗮𝘁.
𝗠𝗮𝗴𝗸𝗮𝘀𝗮𝗺𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗱𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗿𝗶𝗺𝗲𝘀, 𝗴𝗮𝗻𝗼'𝗻 𝗱𝗶𝗻 𝘀𝗮 𝗱𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗱𝗲𝗳𝗲𝗻𝘀𝗲𝘀. 𝗠𝗮𝗴 𝗶𝘀𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗰𝗮𝗽𝘁𝗮𝗶𝗻 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗴 𝗶𝘀𝗮
𝗱𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗵𝗶𝗲𝗹𝗱." Patuloy ni Miss Serendipity.

"𝗞𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗶𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗵𝗮𝗻𝗮𝗽 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝘀𝗮'𝘁 𝗶𝘀𝗮 𝘀𝗮 𝗹𝗼𝗼𝗯 𝗻𝗴 𝗴𝗮𝗺𝗲 𝗯𝗮𝗴𝗼 𝗺𝗮𝗵𝘂𝗹𝗶 𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁. 𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗻𝗶𝘆𝗼 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻
𝗸𝘂𝗻𝗴 𝘀𝗶𝗻𝗼 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝘀𝗮𝗺𝗮 𝗻𝗶𝘆𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗶𝗴𝘁𝗮𝘀 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮'𝘁 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗸𝗮𝘆𝗼 𝗺𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝘀𝗮𝗺𝗮." ani Sir Finn.

Lahat kami ay nakatutok sa sinasabi ng kambal. Above all they're the 48th winner of the Rival
Competition. Captain noon si Sir Finn at Defense naman si Miss Serendipity. They're having a craft of
music. Musikang nakamamatay.

"𝗞𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗶𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴 𝗶𝗻𝗴𝗮𝘁 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗹𝗮𝗯𝗮𝗻 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝗮𝘆𝗮𝘄 𝗻𝗶𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗺𝗮𝘁𝗮𝘆. 𝗣𝗮𝗴 𝗮𝗿𝗮𝗹𝗮𝗻 𝗻𝗶𝘆𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗻𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴
𝗴𝗮𝗹𝗮𝘄 𝗮𝘁 𝗵𝗶𝗴𝗶𝘁 𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁, 𝗮𝗹𝗮𝗺𝗶𝗻 𝗻𝗶𝘆𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗴𝗹𝗮𝘆 𝗻𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗰𝗿𝗮𝗳𝘁, 𝗯𝗮𝗴𝗼 𝗸𝗮𝘆𝗼 𝘀𝘂𝗺𝘂𝗴𝗼𝗱." seryosong saad ni Sir
Finn. Hindi ko alam kung kinakabahan ba siya para sa amin o ano.

"𝗔𝘁 𝗹𝗮𝘀𝘁, 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗶𝗻𝗴𝗴𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝘁𝗮𝘁𝗮𝗴𝗮𝗹 𝗻𝗴 𝗴𝗮𝗺𝗲. 𝗠𝗮𝘆 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗶𝗻𝗴𝗴𝗼 𝗸𝗮𝘆𝗼 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘂𝗯𝘂𝘀𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗹𝗮𝗯𝗮𝗻. 𝗜𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗶𝗻𝗴𝗴𝗼
𝗽𝗮𝗿𝗮 𝗺𝗮𝗴 𝗶𝗽𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗽𝘂𝗻𝘁𝗼𝘀. 𝗞𝗮𝗽𝗮𝗴 𝗵𝗮𝘄𝗮𝗸 𝗻𝗶𝘆𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗶𝗻𝗮𝗸𝗮𝗺𝗮𝘁𝗮𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗽𝘂𝗻𝘁𝗼𝘀 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝘁𝗮𝗽𝘂𝘀𝗮𝗻, 𝗺𝗮𝘆 𝘁𝗶𝗴 𝗶𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴
𝗯𝘂𝗹𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗯𝗮𝗹𝗼𝘁 𝘀𝗮 𝗶𝗻𝘆𝗼. 𝗜𝘆𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗯𝘂𝗹𝗮 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝗴𝗹𝗮𝗹𝗮𝗯𝗮𝘀 𝘀𝗮 𝗶𝗻𝘆𝗼 𝗻𝗴 𝗯𝘂𝗵𝗮𝘆. 𝗞𝘂𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗸𝗮𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗸𝗮𝘆𝗼 𝗮𝗻𝗴
𝗺𝗮𝗻𝗮𝗹𝗼." may lungkot sa boses ni Miss sa huli niyang sinabi.
"𝗗𝗮𝗵𝗶𝗹 𝗺𝗮𝘄𝗮𝘄𝗮𝘀𝗮𝗸 𝗮𝗻𝗴 𝗹𝘂𝗴𝗮𝗿 𝗮𝘁 𝗸𝗮𝗵𝗶𝘁 𝗮𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗰𝗿𝗮𝗳𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗲𝗿𝗼𝗻 𝗸𝗮, 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗸𝗮 𝗺𝗮𝗸𝗮𝗸𝗮𝗹𝗶𝗴𝘁𝗮𝘀 𝗸𝗮𝗽𝗮𝗴 𝗻𝗮𝘁𝗮𝗹𝗼 𝗸𝗮,
𝗸𝗮𝘆𝗼." pagtatapos ni Sir Finn sa sinabi ni Miss.

"𝗡𝗼𝘄, 𝗲𝘃𝗲𝗿𝘆𝗼𝗻𝗲 𝗶𝗻𝘁𝗿𝗼𝗱𝘂𝗰𝗲 𝘆𝗼𝘂𝗿𝘀𝗲𝗹𝗳 𝘁𝗼 𝘁𝗵𝗲 𝘁𝗲𝗮𝗺. 𝗔𝗻𝗱 𝘀𝗵𝗼𝘄 𝘀𝗼𝗺𝗲 𝗰𝗿𝗮𝗳𝘁." Utos ni Sir.

Pumunta sa gitna ang captain namin.

"𝗜 𝗮𝗺 𝗔𝗲𝘀𝗼𝗻 𝗚𝗶𝗱𝗲𝗼𝗻, 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝘁𝗲𝗮𝗺 𝗰𝗮𝗽𝘁𝗮𝗶𝗻." Tinignan niya si Sir Finn. At nanlaki ang mga mata ko sa nakita.
Nagkanda bali bali si Sir at ilang segundo lang ay bumalik rin sa dati. Shit.

"I can destroy, but I can repair." saad niya hindi yata ako nakahinga doon. Tinignan ko si Sir at nakangiti
pa siya. Weird. Parang ako 'yung nasaktan.

Sumunod si Alexa.

"𝗜 𝗮𝗺 𝗔𝗹𝗲𝘅𝗮 𝗗𝗲𝗮𝗹𝗹𝗮, 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝘀𝗵𝗶𝗲𝗹𝗱." Pagkatapos ay gumawa siya ng sariling shield. "𝗧𝗿𝘆 𝘁𝗼 𝗱𝗲𝘀𝘁𝗿𝗼𝘆 𝗺𝘆
𝘀𝗵𝗶𝗲𝗹𝗱 𝗰𝗮𝗽𝘁𝗮𝗶𝗻." Hamon niya kay Gideon na pinaunlakan naman nito.
"𝗪𝗲𝗹𝗹, 𝗜 𝗰𝗮𝗻'𝘁 𝗱𝗲𝘀𝘁𝗿𝗼𝘆 𝗶𝘁." napailing iling nalang si Gideon. Bahagya rin kaming natawa.

"𝗧𝗵𝗲 𝗼𝗻𝗹𝘆 𝘁𝗵𝗶𝗻𝗴 𝘁𝗵𝗮𝘁 𝗰𝗮𝗻 𝗱𝗲𝘀𝘁𝗿𝗼𝘆 𝗺𝘆 𝘀𝗵𝗶𝗲𝗹𝗱 𝗶𝘀 𝘁𝗵𝗮𝘁, 𝘄𝗵𝗲𝗻 𝘄𝗲 𝗹𝗼𝘀𝗲 𝘁𝗵𝗲 𝗴𝗮𝗺𝗲. 𝗜 𝗰𝗮𝗻'𝘁 𝗽𝗿𝗼𝘁𝗲𝗰𝘁 𝘆𝗼𝘂 𝗮𝗹𝗹 𝗶𝗳
𝘁𝗵𝗮𝘁'𝘀 𝘁𝗵𝗲 𝗰𝗮𝘀𝗲. 𝗞𝗮𝘆𝗮 𝗸𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗮𝘁𝗮𝗴𝗮𝗹𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗵𝗶𝗲𝗹𝗱 𝘀𝗮 𝗹𝗼𝗼𝗯 𝗻𝗴 𝗱𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗼𝗿𝗮𝘀, 𝗽𝗲𝗿𝗼 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝗻𝘂𝗻 𝗮𝘆
𝗺𝗮𝗴𝗵𝗶𝗵𝗶𝗻𝘁𝗮𝘆 𝗮𝗸𝗼 𝗻𝗴 𝗹𝗶𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗼𝗿𝗮𝘀 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝗺𝗮𝗸𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮 𝗺𝘂𝗹𝗶 𝗻𝗶𝘆𝗼𝗻. 𝗠𝘆 𝘀𝗵𝗶𝗲𝗹𝗱 𝗵𝗮𝘀 𝗹𝗶𝗺𝗶𝘁𝘀." buntong hiningang
aniya. Pagkatapos ay naglabas siya ng isang crystal ball sa kanyang palad. Tapos ay ngumiti siya. "𝗕𝘂𝘁 𝗜
𝗵𝗮𝘃𝗲 𝘁𝗵𝗶𝘀, 𝘂𝗻𝗹𝗶𝗺𝗶𝘁𝗲𝗱." Itinapon niya iyon sa isang parte ng training room at nawasak ito.

"𝗧𝘀𝘀." sabat ni Gideon at agad namang ibinalik sa dati ang nasira. Nice.

Agad na tumayo si Vince.

"𝗜 𝗮𝗺 𝗩𝗶𝗻𝗰𝗲 𝗠𝗮𝘀𝗶𝗸𝗼, 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗱𝗲𝗳𝗲𝗻𝘀𝗲." pagkatapos niyang sabihin iyon ay agad siyang naglaho. Nakita
nalang namin ang isang dagger na nakalutang sa harapan namin at isinaksak niya iyon sa kanyang sarili
habang invisible siya. Shit! Tatablan ba siya nun? Itinaas niya ulit ang dagger at nakangiting nagpakita sa
amin. Mayroon siyang saksak na inagapan naman agad ni captain. "𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗮𝗸𝗼 𝘁𝗮𝘁𝗮𝗯𝗹𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗵𝗶𝘁 𝗮𝗻𝗼𝗻𝗴
𝗰𝗿𝗮𝗳𝘁 𝗯𝗮𝘀𝘁𝗮'𝘁 𝗶𝗻𝘃𝗶𝘀𝗶𝗯𝗹𝗲 𝗮𝗸𝗼. 𝗣𝗲𝗿𝗼 𝗸𝗮𝗽𝗮𝗴 𝗽𝗮𝘁𝗮𝗹𝗶𝗺 𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗵𝗶𝗻𝗮𝗴𝗶𝘀 𝗻𝗶𝘆𝗼 𝘀𝗮'𝗸𝗶𝗻 𝗮𝘁 𝗸𝗮𝗽𝗮𝗴 𝗻𝗮𝘁𝗮𝗺𝗮𝗮𝗻 𝗮𝗸𝗼 𝗮𝘆
𝗺𝗮𝘀𝘂𝘀𝘂𝗴𝗮𝘁𝗮𝗻 𝘁𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮 𝗮𝗸𝗼. 𝗜 𝗰𝗮𝗻'𝘁 𝗴𝗼 𝘁𝗵𝗿𝗼𝘂𝗴𝗵 𝘀𝗼𝗹𝗶𝗱 𝘁𝗵𝗶𝗻𝗴𝘀. 𝗕𝘂𝗯𝘂𝗸𝘀𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗯𝘂𝗯𝘂𝗸𝘀𝗮𝗻 𝗸𝗼 𝗽𝗮𝗿𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗶𝗻𝘁𝗼
𝗽𝗮𝗿𝗮 𝗺𝗮𝗸𝗮𝗽𝗮𝘀𝗼𝗸." he explained. Kaya pala.

Akala ko sa aming lahat, siya ang talagang hindi masasaktan.


Agad akong nagtaas ng kamay, may itatanong lang shempre. Tinaasan ako ng kilay ni Miss.

"𝗠𝗮𝗮𝗮𝗿𝗶 𝗽𝗼 𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗴𝘂𝗺𝗮𝗺𝗶𝘁 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝘁𝗮𝗹𝗶𝗺 𝗵𝗮𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝘀𝗮 𝗴𝗮𝗺𝗲?" tanong ko, nagtataka.

"𝗦𝗮 𝗰𝗼𝗻𝘁𝗲𝘅𝘁 𝗻𝗴 𝗴𝗮𝗺𝗲 𝗮𝘆 𝗺𝗮𝗿𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗮𝘁𝗮𝗹𝗶𝗺. 𝗞𝘂𝗻𝗶𝗻 𝗻𝗶𝘆𝗼 𝗸𝗮𝗽𝗮𝗴 𝗻𝗮𝗸𝗶𝘁𝗮 𝗻𝗶𝘆𝗼. 𝗠𝗮𝘆 𝗺𝗴𝗮 𝗯𝗼𝗺𝗯𝘀 𝗱𝗶𝗻 𝗻𝗮
𝗺𝗮𝗮𝗮𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴 𝗲𝘅𝗽𝗹𝗼𝗱𝗲 𝘁𝗵𝗿𝗼𝘂𝗴𝗵 𝗽𝗵𝘆𝘀𝗶𝗰𝗮𝗹 𝗽𝗿𝗲𝘀𝘀𝘂𝗿𝗲. 𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗹𝗮𝗯𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗱𝗲𝗹𝗶𝗸𝗮𝗱𝗼, 𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗴 𝗹𝘂𝗴𝗮𝗿."
pagpapaliwanag ni Miss Serendipity. Napatango nalang kami.

Sunod na tumayo ay si Laila, as usual seryoso ang mukha.

"𝗜 𝗮𝗺 𝗟𝗮𝗶𝗹𝗮 𝗠𝗼𝗿𝗮𝗻𝗮, 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗱𝗲𝗳𝗲𝗻𝘀𝗲." Walang gana niya iyong sinabi. Well she treated her craft as a curse.
May hawak siya ngayong bulaklak. Inalis niya ang kanyang eye shield. Tinitigan niya ang bulaklak at
naging abo ito sa kanyang palad. Nakakatakot. Kaya niyang gawin iyon kahit sa tao. Ibinalik niya ang
kanyang eye shield bago kami nilingon. "𝗧𝗵𝗶𝘀 𝗶𝘀 𝘄𝗵𝘆 𝗜'𝗺 𝘀𝗰𝗮𝗿𝗲𝗱." hindi ko inaasahang sasabihin niya iyon.
"𝗜 𝗰𝗮𝗻 𝗸𝗶𝗹𝗹 𝗲𝘃𝗲𝗿𝘆𝗼𝗻𝗲. 𝗘𝘃𝗲𝗻 𝗺𝘆 𝗰𝗼𝗺𝗽𝗮𝗻𝗶𝗼𝗻. 𝗠𝗮𝘆𝗯𝗲 𝗜 𝗰𝗮𝗻 𝗿𝗲𝗮𝗹𝗹𝘆 𝗵𝗲𝗹𝗽 𝗽𝗲𝗿𝗼 𝗽𝗮𝗮𝗻𝗼 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘀 𝘂𝗻𝗮 𝗸𝗼 𝗸𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴
𝗺𝗮𝗽𝗮𝘁𝗮𝘆? 𝗜𝘀𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗶𝗻𝗴𝗶𝗻 𝗸𝗼 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗶𝗻𝘆𝗼 𝗮𝘆 𝗺𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝘁𝗮𝘆 𝗸𝗮𝘆𝗼." walang emosyon niya iyong sinabi. "𝗡𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻
𝗰𝗮𝗽𝘁𝗮𝗶𝗻, 𝗺𝗮𝗶𝗯𝗮𝗯𝗮𝗹𝗶𝗸 𝗺𝗼 𝗯𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗯𝘂𝗵𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝗯𝘂𝗹𝗮𝗸𝗹𝗮𝗸?" hamon nito kay Gideon.

"𝗜 𝗰𝗮𝗻'𝘁. 𝗕𝗲𝗰𝗮𝘂𝘀𝗲 𝗶𝘁'𝘀 𝗻𝗼𝘁 𝗷𝘂𝘀𝘁 𝗱𝗲𝘀𝘁𝗿𝗼𝘆𝗲𝗱, 𝗶𝘁'𝘀 𝗿𝗲𝗮𝗹𝗹𝘆 𝗴𝗼𝗻𝗲." agarang sagot ni Captain.

Kita ko sa kanilang mukha ang pagkadismaya. "𝗜 𝗮𝗺 𝗻𝗼𝘁 𝗷𝗼𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴 𝘁𝗵𝗲 𝗰𝗼𝗺𝗽𝗲𝘁𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 𝘁𝗵𝗮𝘁'𝘀 𝗳𝗶𝗻𝗮𝗹." saad ni
Laila at tuluyang lumabas nang training room.
We really need a substitute because now we're 𝒊𝒏𝒄𝒐𝒎𝒑𝒍𝒆𝒕𝒆.

𝒯ℴ 𝒷ℯ 𝒸ℴ𝓃𝓉𝒾𝓃𝓊ℯ . . .

CHAPTER 5

𝙎𝙪𝙗𝙨𝙩𝙞𝙩𝙪𝙩𝙚

Hinayaan nalang naming umalis si Laila. Above all, she has a point.

Ipinagpatuloy namin ang ginagawa kanina. Sino naman kaya ang papalit sa kanya?

Tumayo na si Aqua.

"𝗜 𝗮𝗺 𝗔𝗾𝘂𝗮 𝗔𝘇𝗮𝗿, 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗽𝗿𝗶𝗺𝗲." halata ang pagiging jolly sa kanyang boses, nakakatuwa. At namangha ako
nung tinitigan ko ang kanyang mga mata. Sa kanan ay kulay asul at sa kabila naman ay kulay pula. Wow.
"𝗜 𝗰𝗮𝗻 𝗺𝗮𝗸𝗲 𝘄𝗮𝘁𝗲𝗿." inilahad niya ang kanang kamay, isang bolang tubig ang lumutang dito. "𝗔𝗻𝗱 𝗜 𝗰𝗮𝗻
𝗺𝗮𝗸𝗲 𝗮 𝗳𝗶𝗿𝗲." inilahad niya ang kaliwa, lumabas naman ang bolang apoy.

Two elemental craft in one. In short pinagpala.

Napalunok nalang ako, co'z it's my turn. Pumunta na ako sa harap nang tuluyang maupo si Aqua sa aking
tabi.

"𝗜 𝗮𝗺 𝗔𝗶𝘁𝗵𝗲𝗿 𝗔𝗹𝗮𝗿𝗶𝘀, 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗽𝗿𝗶𝗺𝗲." panimula ko. Ngumiti ako sa kanila, tsaka sila pinalutang gamit ang
aking isip. Tanging ang team ko lang.

"𝗢𝗵 𝗺𝘆 𝗴𝗼𝘀𝗵, 𝗜'𝗺 𝗳𝗹𝘆𝗶𝗻𝗴!" manghang mangha si Aqua sa aking ginawa. Pagkatapos ay inilapag ko din sila
ng marahan. And then pinalutang ko din ang sarili. "𝗜 𝗰𝗮𝗻 𝗰𝗼𝗻𝘁𝗿𝗼𝗹 𝘁𝗵𝗶𝗻𝗴𝘀."

"𝗞𝗮𝗽𝗮𝗴 𝗯𝗮 𝗶𝘁𝗶𝗻𝗮𝗽𝗼𝗻 𝗸𝗼 𝘀𝗮'𝘆𝗼 '𝘁𝗼, 𝗺𝗮𝗸𝗼𝗸𝗼𝗻𝘁𝗿𝗼𝗹 𝗺𝗼?" Tanong ni Aqua sabay labas ng bolang apoy. Hindi ko
pa nasusubukan ang craft ko sa pagkontrol ng craft ng iba. Shit.

"𝗣-𝗽𝘄𝗲𝗱𝗲 𝗯𝗮𝗻𝗴 𝘁-𝘁𝘂𝗯𝗶𝗴 𝗺𝘂𝗻𝗮?" kabado kong tanong. Mukha pa naman siyang excited.

"𝗢𝗵 𝘀𝘂𝗿𝗲! 𝗛𝗮𝘃𝗲𝗻'𝘁 𝘆𝗼𝘂 𝘁𝗿𝗶𝗲𝗱 𝗶𝘁 𝘆𝗲𝘁?" kunwaring tanong niya. Hindi ko na kailangang sagutin dahil obvious
naman.
Walang pasabing binato niya ang bolang tubig sa gawi ko. I try hard to control it. Pero napahabol nalang
ako ng hininga when the water spilled on me. Basang basa ako.

"𝗬𝗼𝘂 𝗰𝗮𝗻'𝘁 𝗰𝗼𝗻𝘁𝗿𝗼𝗹 𝗮 𝗰𝗿𝗮𝗳𝘁." pahayag ni Principal Stella na kanina pa nanonood sa'min.

Bumukas ang pinto at agad na pumasok si Miss Talia Alizeh. Ang craft mentor ko.

"𝗛𝗲𝗹𝗹𝗼!" bati niya sa lahat at bumaling sa'kin. Kumunot ang kanyang noo. "𝗕𝗮𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝘀𝗮 𝗸𝗮." aniya at
isang napakalakas na hangin ang pumalibot sa'kin. Muntik pa akong matumba but well, I'm good at this,
balancing.

I stood up well and I'm completely dry.

"𝗧𝗵𝗮𝗻𝗸 𝘆𝗼𝘂 𝗠𝗶𝘀𝘀 𝗧𝗮𝗹𝗶𝗮." I said with a smile.

Huminga ako ng malalim tsaka bumalik sa aking pwesto.

"𝗜'𝗺 𝘀𝗼𝗿𝗿𝘆." bulong ni Aqua na nasa tabi ko lang. Tumango lang ako. "𝗜'𝗺 𝗷𝘂𝘀𝘁 𝗮𝗺𝗮𝘇𝗲𝗱 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗰𝗿𝗮𝗳𝘁.
𝗡𝗲𝘅𝘁 𝘁𝗶𝗺𝗲, 𝗹𝗲𝘁'𝘀 𝘁𝗼𝘂𝗿 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝘄𝗵𝗼𝗹𝗲 𝗔𝗰𝗮𝗱𝗲𝗺𝘆 𝘄𝗵𝗶𝗹𝗲 𝗳𝗹𝘆𝗶𝗻𝗴 𝗵𝗮?" dagdag niya pa. Napangiti ako ng bahagya.
"𝗦𝘂𝗿𝗲 𝗔𝗾𝘂𝗮." bulong ko pabalik at kinindatan siya. Nahagip ko naman ang dalawang matang nakatingin
sa'min ni Aqua. Captain. Ngumiti nalang ako sa kanya at nagpeace sign.

Nagsasalita pala si Miss Talia sa harapan.

"𝗔𝘀 𝗜'𝘃𝗲 𝘀𝗮𝗶𝗱, 𝗼𝘂𝗿 𝘀𝗰𝗵𝗼𝗼𝗹 𝗶𝘀 𝗿𝗲𝗮𝗱𝘆. 𝗪𝗲 𝗵𝗮𝘃𝗲 𝗼𝘂𝗿 𝘀𝗲𝗰𝗼𝗻𝗱 𝗼𝗽𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗱 𝗶𝗻 𝗟𝗮𝗶𝗹𝗮'𝘀 𝗰𝗮𝘀𝗲, 𝗮𝗰𝘁𝘂𝗮𝗹𝗹𝘆 𝘀𝗵𝗲 𝗵𝗮𝘀 𝗮
𝗽𝗼𝗶𝗻𝘁 𝗮𝗻𝗱 𝘄𝗲 𝗱𝗼 𝗿𝗲𝘀𝗽𝗲𝗰𝘁 𝗶𝘁." ani Miss Talia at pinagmasdan kami isa isa.

"𝗔𝗻𝘆𝘁𝗶𝗺𝗲 𝗮𝘆 𝗱𝗮𝗿𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗱𝗶𝘁𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗻𝘆𝗮𝗻𝗴 𝘀𝘂𝗯𝘀𝘁𝗶𝘁𝘂𝘁𝗲. 𝗔𝗻𝗱 𝘆𝗲𝘀, 𝘁𝗵𝗮𝘁'𝘀 𝗮𝗹𝗹! 𝗜 𝗿𝗲𝗮𝗹𝗹𝘆 𝗵𝗮𝘃𝗲 𝘁𝗼 𝗴𝗼." pagtatapos nya
sa sinasabi at agad na umalis. Grabe sobrang bilis niya.

Nagpaalam na rin si Principal Stella. May gagawin pa daw siya.

"𝗦𝗶𝗻𝗼 𝗸𝗮𝘆𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗽𝗮𝗹𝗶𝘁 𝗸𝗮𝘆 𝗟𝗮𝗶𝗹𝗮?" nakangusong tanong ni Aqua.

Nagkibit balikat lang ako.


"𝗙𝗲𝗲𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗸𝗼 𝗮𝗹𝗮𝗺 𝗸𝗼 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝘀𝗶𝗻𝗼." biglang sabat ni Alexa. Kaya lahat kami ay napatingin sa kanya.

"𝗪𝗲𝗹𝗹 𝗳𝗲𝗲𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗸𝗼 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻. 𝗗𝗼𝗻'𝘁 𝗹𝗼𝗼𝗸 𝗮𝘁 𝗺𝗲 𝗹𝗶𝗸𝗲 𝘁𝗵𝗮𝘁 𝗴𝘂𝘆𝘀. 𝗬𝗼𝘂'𝗿𝗲 𝗰𝗿𝗲𝗲𝗽𝘆." pairap niyang sabi. Natawa
nalang kami.

"𝗨𝘆 𝘄𝗵𝘆 𝗱𝗼𝗻'𝘁 𝘄𝗲 𝗵𝗮𝘃𝗲 𝗼𝘂𝗿 𝗱𝗶𝗻𝗻𝗲𝗿 𝗳𝗶𝗿𝘀𝘁? 𝗜'𝗺 𝗵𝘂𝗻𝗴𝗿𝘆." nakangusong reklamo ni Aqua. Mukha talaga
siyang bata.

"𝗦𝗮 𝗴𝗮𝗺𝗲, 𝘄𝗮𝗹𝗮 𝗸𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗱𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝗶𝗻. 𝗬𝗼𝘂 𝘀𝗵𝗼𝘂𝗹𝗱 𝗲𝗮𝘁 𝘄𝗵𝗮𝘁'𝘀 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲𝗿𝗲 𝗶𝗳 𝘆𝗼𝘂'𝗿𝗲 𝗵𝘂𝗻𝗴𝗿𝘆. 𝗬𝗼𝘂 𝘀𝗵𝗼𝘂𝗹𝗱 𝗺𝗮𝗸𝗲
𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗼𝘄𝗻 𝗳𝗼𝗼𝗱." Seryosong saad ni Miss Serendipity. Kay Aqua nakatingin.

"𝗢𝗳 𝗰𝗼𝘂𝗿𝘀𝗲 𝗜 𝗸𝗻𝗼𝘄 𝘁𝗵𝗮𝘁. 𝗔𝗻𝗱 𝘄𝗲 𝗵𝗮𝘃𝗲 𝗔𝗹𝗮𝗿𝗶𝘀." sabat naman ni Aqua nakaturo pa sa'kin. Ano daw?
Nilingon ko siya at pinagkunutan ng noo. "𝗬𝗼𝘂 𝗸𝗻𝗼𝘄 𝗺𝗮𝘁𝗮𝗮𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗽𝘂𝗻𝗼. 𝗪𝗲 𝗱𝗼𝗻'𝘁 𝗻𝗲𝗲𝗱 𝘁𝗼 𝗰𝗹𝗶𝗺𝗯 𝗮𝘁
𝗮𝗹𝗹. 𝗪𝗲 𝗰𝗮𝗻 𝗳𝗹𝘆." pagmamalaki niya. Napailing nalang si Miss.

"𝗔𝗻𝗱 𝘄𝗲 𝗱𝗼𝗻'𝘁 𝗻𝗲𝗲𝗱 𝘁𝗼 𝗰𝗮𝘁𝗰𝗵 𝗮𝗻𝗶𝗺𝗮𝗹𝘀 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲𝗿𝗲 𝘁𝗼 𝗲𝗮𝘁 𝗯𝗲𝗰𝗮𝘂𝘀𝗲 𝘀𝗵𝗲 𝗰𝗮𝗻 𝗮𝗹𝘀𝗼 𝗰𝗼𝗻𝘁𝗿𝗼𝗹 𝗶𝘁. 𝗣𝗮𝗴𝗸𝗮𝗶𝗻 𝗽𝗼 𝗮𝗻𝗴
𝗹𝗮𝗹𝗮𝗽𝗶𝘁 𝘀𝗮'𝗺𝗶𝗻 𝘀𝗮 𝗴𝗮𝗺𝗲 𝗠𝗶𝘀𝘀." dagdag pa niya.

"𝗢𝗸𝗮𝘆 𝘁𝗵𝗲𝗻." pagsuko ni Miss.


Napuno ng tawanan ang training room. Subalit natahimik iyon ng biglang bumukas ang pinto.

Pumasok ang isang babae na mukhang black lady. Black lipstick, black eyeshadow, seriously? And she's
wearing a black dress. But I'll admit, she's gorgeous.

Ngumiti siya sa'min. Iyon 'yung creepy na ngiti. Na imbis mahawa ka ay matatakot ka pa.

And wait, is she a student here? I'm not familiar with her.

"𝗙𝗶𝗻𝗮𝗹𝗹𝘆 𝘆𝗼𝘂'𝗿𝗲 𝗵𝗲𝗿𝗲!" Ani Sir Finn.

"𝗚𝗼𝗼𝗱 𝗲𝘃𝗲𝗻𝗶𝗻𝗴." saad niya at isa isa kaming tinapunan ng tingin.

"𝗜 𝗮𝗺 𝗔𝘂𝗱𝗿𝗲𝘆 𝗠𝗮𝗶𝗮. 𝗧𝗵𝗲 𝗻𝗲𝘄 𝗺𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿 𝗼𝗳 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝘁𝗲𝗮𝗺." pagpapakilala niya.

Pinagmasdan ko siyang maigi. This girl, is Laila's 𝒔𝒖𝒃𝒔𝒕𝒊𝒕𝒖𝒕𝒆.


𝒯ℴ 𝒷ℯ 𝒸ℴ𝓃𝓉𝒾𝓃𝓊ℯ . . .

CHAPTER 6

𝙎𝙥𝙞𝙚𝙨

Ramdam ko ang pag iba ng atmosphere dahil kay Audrey. And now I was wondering. Anong meron siya?
I mean, what craft does she have?

"𝗖𝗮𝗻 𝘆𝗼𝘂 𝘀𝗵𝗼𝘄 𝘂𝘀 𝘀𝗼𝗺𝗲 𝗼𝗳 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗰𝗿𝗮𝗳𝘁 𝘀𝗼 𝘁𝗵𝗮𝘁 𝘄𝗲 𝗰𝗮𝗻 𝗽𝗿𝗼𝗰𝗲𝗲𝗱 𝘁𝗼 𝗼𝘂𝗿 𝗱𝗶𝗻𝗻𝗲𝗿?" tanong ni Alexa, may
halong pagtataray.

"𝗢𝗵, 𝗺𝘆 𝗽𝗹𝗲𝗮𝘀𝘂𝗿𝗲." nakangiti niyang tugon. Parang napipilitan pa. She's the best definition of the word
sarcasm.

Pinanood namin siya. She positioned her hand as if she's holding a bow and arrow and yes a bow and
arrow appeared. Wow. She released it at nilingon namin kung anong pinatamaan niya, a target board.
"𝗔𝗻𝗴 𝗴𝗮𝗹𝗶𝗻𝗴!" 'di napigilan ang pagkamangha ni Aqua. Natamaan kasi talaga ni Audrey yung nasa
pinakagitna.

Paglingon namin sa kanya ay wala na siyang hawak na pana. Pagkatapos ay itinaas niya ang kanyang
kanang kamay. And a sword appeared. No way it's a sharp sword. Tumunog iyon nung inihampas niya sa
hangin. And isang kampay ng kanyang kamay ay naglaho na iyon. Sa isang kurap may sinalo na siyang
dagger.

"𝗜 𝗰𝗮𝗻 𝗰𝗿𝗲𝗮𝘁𝗲 𝘄𝗲𝗮𝗽𝗼𝗻𝘀." walang gana niyang sinabi iyon pero ngumiti siya. She's amazing but weird. "𝗔𝗻𝗱
𝘆𝗲𝘀, 𝗜 𝗮𝗺 𝗼𝗻𝗲 𝗼𝗳 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗱𝗲𝗳𝗲𝗻𝘀𝗲." dagdag pa niya.

Pumalakpak ang lahat maliban sa'min ni Alexa. Kaya nagkatinginan kami at palihim na natawa.

Pagkatapos niyon ay pumunta na kami sa Food Chamber at kumain ng dinner.

Nakakalungkot at hindi ko nakasabay sina Laila at Amara. For sure nauna na sila. Iilang estudyante
nalang din kasi ang naabutan naming kumakain sa Chamber.

Eto ang unang dinner namin ng team. Masyadong tahimik. Halatang nagpapakiramdaman lang.

Walang umimik hanggang sa tuluyan kaming matapos sa pagkain.


"𝗡𝗼𝘄, 𝗴𝗼 𝘁𝗼 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗿𝗼𝗼𝗺𝘀 𝗮𝗻𝗱 𝗿𝗲𝘀𝘁. 𝗦𝗲𝗲 𝘆𝗼𝘂 𝘁𝗼𝗺𝗼𝗿𝗿𝗼𝘄. 𝗦𝗮𝗻𝗮 𝘄𝗮𝗹𝗮 𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮-𝗹𝗮𝘁𝗲." seryosong tugon ni Miss
Serendipity. Tinamaan ako sa huli. Nalate nga kasi ako kanina.

"𝗚𝗼𝗼𝗱𝗻𝗶𝗴𝗵𝘁!" sabi naman ni Sir Finn na sabay naming tinugunan.

Kinabukasan, maaga akong nagising. Madilim pa, gusto ko pa sanang matulog pero hindi na ako muling
dinalaw ng antok. Sinilip ko ang wall clock. 5 o'clock in the morning.

Bumangon nalang ako't naligo. Nakatayo lang ako sa loob ng bathroom. Nakapikit. I removed my clothes
at agad kong naramdaman ang malamig na tubig na dumadaloy sa'kin. Yes, I am now taking a bath with
my craft kasi feeling ko pagod na pagod ako. I just controlled the soap, shampoo and everything.

Maging sa pag aayos ko, craft ko ang aking ginamit. Sinasapian yata ako ng katamaran ngayon.

6:30 ko natapos ang lahat. May 30 minutes pa ako bago ang breakfast.
May naisip akong gagawin kaya napangiti ako at tuluyang lumabas ng kwarto. Agad kong kinatok ang
pintuan ng kwarto ni Aqua. Kahilera ko lang kasi ang kwarto niya.

"𝗦𝗔𝗡𝗗𝗔𝗟𝗘𝗘𝗘𝗘!" sigaw niya mula sa loob.

Ilang sandali lang ay bumukas ang pintuan. Nakangiti akong bumungad sa kanya.

"𝗚𝗼𝗼𝗱 𝗺𝗼𝗿𝗻𝗶𝗻𝗴" bati ko at binati din niya ako pabalik.

"𝗧𝗮𝗽𝗼𝘀 𝗸𝗮 𝗻𝗮 𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴 𝗮𝘆𝗼𝘀? 𝗦𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗺𝗼'𝗸𝗼 𝗺𝗮𝘆 𝗽𝘂𝗽𝘂𝗻𝘁𝗮𝗵𝗮𝗻 𝘁𝗮𝘆𝗼." pagyaya ko sa kanya. Alam kong
matutuwa 'to.

"𝗧𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮? 𝗦𝗶𝗴𝗲 𝘁𝗮𝗿𝗮 𝗻𝗮!" see? Nagniningning ngayon ang kanyang mga mata.

Agad kong siyang hinawakan. We rushed to the garden of the Academy. Nang makatayo kami ng maayos
ay nilingon ko si Aqua. Nakakatuwa 'yung itsura niya. Parang naiwan 'yung kaluluwa niya sa
pinanggalingan namin.
Nang makontento sa pagkagulat ay agad siyang nagsalita. "𝗧𝗵𝗮𝘁 𝘄𝗮𝘀 𝗴𝗿𝗲𝗮𝘁!" sigaw niya.

"𝗧𝗶𝘁𝗶𝗴𝗻𝗮𝗻 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗯𝘂𝘂𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗔𝗰𝗮𝗱𝗲𝗺𝘆 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝗶𝘁𝗮𝗮𝘀." saad ko. Nakatingala.

"𝗔𝗿𝗲 𝘄𝗲 𝗴𝗼𝗶𝗻𝗴 𝘁𝗼 𝗳𝗹𝘆?" Agad na tanong ni Aqua. Well obviously.

Inangat ko na ang sarili naming dalawa. Gamit ang craft ko shempre.

"𝗢𝗵, 𝗼𝗵 𝗺𝘆 𝗴𝗼𝘀𝗵!" manghang mangha naman siya. Ewan ko ba kung sixteen years old din 'to o baka
three years old.

"𝗟𝗲𝘁'𝘀 𝗴𝗼!" saad ko at tuluyan naming nilipad ang tuktok ng pinakamataas na kastilyo. Hawak hawak ko
lang si Aqua. Nakakakaba din kasi baka mawala ako sa focus at mahulog siya or worse kaming dalawa.

Pinagmasdan namin ang kabuuan ng academy. Gawa ito sa purong ginto at pilak. Parang isang kaharian,
gano'n. Pero sadyang ito ang paaralan namin. Napakarangya. Pero sa totoo lang hindi importante sa'min
ang mga kayamanan na kung ituring ng mga tao. Dahil mas mahalaga sa'min ang aming crafts. At ang
aming pamilya, of course.
"𝗔𝗹𝗮𝗺 𝗺𝗼 𝗯𝗮 𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗶𝗹𝗶𝗱 𝗻𝗶 𝗛𝗲𝗮𝗱𝗺𝗮𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗮𝘆 𝗻𝗮𝗻𝗱𝗶𝘁𝗼 𝘀𝗮 𝗽𝗶𝗻𝗮𝗸𝗮𝗺𝗮𝘁𝗮𝗮𝘀 𝗻𝗮 𝗸𝗮𝘀𝘁𝗶𝗹𝘆𝗼 𝗻𝗴 𝗮𝗰𝗮𝗱𝗲𝗺𝘆?" tanong ni
Aqua. Nakatingin sa paanan namin. Nakalutang parin kami. Halos isang metro ang layo sa bubong ng
kastilyo.

"𝗦𝗮 𝗺𝗶𝘀𝗺𝗼𝗻𝗴 𝗶𝗹𝗮𝗹𝗶𝗺 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻?" tanong ko pabalik at agad naman siyang tumango.

"𝗢𝗵𝗵 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗸𝗼 𝗮𝗹𝗮𝗺 '𝘆𝘂𝗻." saad ko, napapaisip. "𝗣𝗲𝗿𝗼 𝗮𝗹𝗮𝗺 𝗸𝗼 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗻𝗮 𝘀𝗶 𝗛𝗲𝗮𝗱𝗺𝗮𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗮𝗻𝗴
𝗽𝗶𝗻𝗮𝗸𝗮𝗺𝗮𝘁𝗮𝗮𝘀 𝘀𝗮 𝗔𝗰𝗮𝗱𝗲𝗺𝘆 𝗻𝗮 𝗶𝘁𝗼. 𝗦𝘂𝗺𝘂𝗻𝗼𝗱 𝗮𝘆 𝘀𝗶 𝗣𝗿𝗶𝗻𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗦𝘁𝗲𝗹𝗹𝗮 𝗱𝗶𝗯𝗮?" nakwento kasi dati ng Lola ko
sa'kin.

"𝗢𝗵 𝘁𝗮𝗿𝗮 𝗻𝗮 𝗹𝗶𝗽𝗮𝗿𝗶𝗻 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗯𝘂𝘂𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗔𝗰𝗮𝗱𝗲𝗺𝘆! 𝗗𝗮𝗹𝗶!" Hinila na ako ni Aqua. Feel na feel ang
paglipad ah. But still ako padin naman ang masusunod sa dereksyon na patutunguhan namin.

Ang saya saya ng aming ginawa. Ni hindi na namin namalayan oras. Alas syete na. Kailangan na naming
kumain dahil may training pa kami pagkatapos.

"𝗧𝗮𝗿𝗮 𝗻𝗮?" pagyaya ko sa aking kasama.


"𝗧-𝘁𝗲𝗸𝗮." utal niyang pigil sa'kin. Nilingon ko siya. Nakatingin siya sa labas ng Academy. Nakakunot ang
noo. Kaya naman napatingin din ako doon.

Sa dulo ng bridge, sa bandang harapan ng academy, kung saan nakatayo ang statue ng Inang Reyna ay
may tatlong nilalang na nakaitim. Halatang nagmamasid sa Academy. Marahil ay hindi nila kami nakikita
dahil nasa itaas kami.

"𝗦𝗶𝗻𝗼 𝗸𝗮𝘆𝗮 𝘀𝗶𝗹𝗮?" takang tanong ni Aqua.

"𝗠𝗮𝗹𝗮𝘆 𝗸𝗼, 𝗮𝘁 𝗯𝗮𝗸𝗶𝘁 𝗸𝗮𝘆𝗮 𝗻𝗮𝗻𝗱𝘆𝗮𝗻 𝘀𝗶𝗹𝗮?" tugon ko sa kanya.

"𝗢𝗵 𝗺𝘆 𝗴𝗼𝘀𝗵, 𝗹𝗲𝘁'𝘀 𝗴𝗼. 𝗦𝗮𝗯𝗶𝗵𝗶𝗻 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻 𝗶𝘁𝗼 𝗸𝗶𝗻𝗮 𝗵𝗲𝗮𝗱𝗺𝗮𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗮𝘁 𝗽𝗿𝗶𝗻𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹." Niyaya na niya ako at agad naming
tinungo ang opisina nina headmaster at principal.

Kailangan naming maipaalam ito. For sure they're 𝒔𝒑𝒊𝒆𝒔.


𝒯ℴ 𝒷ℯ 𝒸ℴ𝓃𝓉𝒾𝓃𝓊ℯ . . .

CHAPTER 7

𝙎𝙢𝙞𝙡𝙚

"𝗛𝗲𝗮𝗱𝗺𝗮𝘀𝘁𝗲𝗿 𝗙𝗮𝗿𝗮𝗺𝘂𝗻𝗱, 𝗣𝗿𝗶𝗻𝗰𝗶𝗽𝗮𝗹 𝗦𝘁𝗲𝗹𝗹𝗮." agaw namin sa kanilang atensyon. Mabuti at naabutan namin
na magkasama sila. Magkaiba kasi sila ng opisina.

Nilingon nila kami. Paano ba namin sasabihin 'to?

"𝗠𝗮𝘆 𝗺𝗴𝗮 𝗻𝗶𝗹𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗼 𝗻𝗮 𝗻𝗮𝗴𝗺𝗮𝗺𝗮𝗻𝗺𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗯𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝗔𝗰𝗮𝗱𝗲𝗺𝘆." lakas loob na sabi ni Aqua.

"𝗠𝘂𝗸𝗵𝗮 𝗽𝗼 𝘀𝗶𝗹𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗲𝘀𝗽𝗶𝘆𝗮 𝗸𝗮𝘀𝗶 𝗻𝗮𝗸𝗮 𝗶𝘁𝗶𝗺." dagdag ko naman.

Kumunot ang noo nila. Para bang sinisiguro kung totoo ba ang mga pinagsasabi namin.
"𝗣𝗮𝗮𝗻𝗼 𝗻𝗶𝘆𝗼 𝗻𝗮𝘀𝗶𝘀𝗶𝗴𝘂𝗿𝗼?" Tanong ni Principal. See? feeling ko hindi sila maniniwala sa'min.

"𝗟𝘂𝗺𝗮𝗯𝗮𝘀 𝗯𝗮 𝗸𝗮𝘆𝗼 𝗻𝗴 𝗮𝗰𝗮𝗱𝗲𝗺𝘆?" Seryosong tanong ni Headmaster.

Bawal kasi talagang lumabas ng Academy, liban nalang kung may importanteng nangyayari sa pamilya
namin. O kaya naman ay bakasyon. At shempre nakakalabas din kami sa panahon ng competition. Pero
hindi lahat ay nabibigyan ng permiso para manood. Kadalasan kasi mas pinapayagang manood iyong
mga may kakayahan din na sumalang sa gano'n.

"𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗽𝗼 𝗸𝗮𝗺𝗶 𝗹𝘂𝗺𝗮𝗯𝗮𝘀. 𝗦𝗮𝗱𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗺𝗮𝘀𝘆𝗮𝗹 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗼 𝗸𝗮𝗺𝗶 𝘀𝗮 𝗶𝘁𝗮𝗮𝘀 𝗸𝗮𝘆𝗮 𝗻𝗮𝗸𝗶𝘁𝗮 𝗻𝗮𝗺𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗻𝗶𝗹𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴
𝗻𝗮 𝗶𝘆𝗼𝗻." tugon ko.

"𝗛𝘂𝘄𝗮𝗴 𝗻𝗶𝘆𝗼 𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗻𝘀𝗶𝗻𝗶𝗻 𝗶𝘆𝗼𝗻." ani Principal, nakangiti. Parang nagbibigay sa'min ng assurance na
maayos ang lahat.

"𝗣𝘂𝗺𝘂𝗻𝘁𝗮 𝗻𝗮 𝗸𝗮𝘆𝗼 𝘀𝗮 𝗙𝗼𝗼𝗱 𝗖𝗵𝗮𝗺𝗯𝗲𝗿 𝗮𝘁 𝗸𝘂𝗺𝗮𝗶𝗻." Dagdag pa niya.

"𝗦𝗶𝗴𝗲 𝗽𝗼. 𝗦𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝘁." tanging nasabi namin at yumuko ng bahagya.


Tinungo na namin ang chamber at ipinagsawalang bahala ang nakita sa labas ng Academy.

Pagkapasok namin ay nakita agad namin ang team. Magkakasama sila. Si Alexa, Audrey, Vince at Gideon.
Pero patungo sa mga kaibigan ko ang dereksyon na aking tinahak. Kina Laila at Amara.

"𝗛𝗲𝘆 𝘁𝗵𝗲𝗿𝗲!" masayang bati ko sa dalawa.

"𝗢𝗵 𝗮𝗸𝗮𝗹𝗮 𝗸𝗼 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗸𝗮 𝗺𝗮𝗸𝗮𝗸𝗮𝘀𝗮𝗯𝗮𝘆 𝘀𝗮'𝗺𝗶𝗻 𝗸𝗮𝘆𝗮 𝗻𝗮𝘂𝗻𝗮 𝗻𝗮 𝗸𝗮𝗺𝗶." agarang sagot ni Laila. Si Amara naman
ay mukhang nagulat na narito ako ngayon. Parang may kakaiba tuloy. Naninibago ako.

"𝗔𝗮𝗹𝗶𝘀 𝗻𝗮 𝗯𝗮 𝗸𝗮𝘆𝗼?" tanong ko. Sana naman ay hindi.

"𝗢𝗼 𝗲𝗵 𝗺𝗮𝘆 𝗽𝘂𝗽𝘂𝗻𝘁𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗽𝗮 𝗸𝗮𝘀𝗶 𝗸𝗮𝗺𝗶." walang emosyong sagot ni Laila.

Kaya naman kumain ako ng breakfast mag isa. Pero nakadalawang subo pa lang ako ay nagsilipat sa
table ko ang team.
"𝗠𝗶𝗻𝗱 𝗶𝗳 𝘄𝗲 𝗷𝗼𝗶𝗻 𝘆𝗼𝘂?" tanong ni Captain. Umiling nalang ako't ngumiti.

"𝗧𝗮𝘁𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗯𝘂𝘄𝗮𝗻 𝗻𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗴𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗰𝗼𝗺𝗽𝗲𝘁𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻. 𝗡𝗮𝘁𝗮𝘁𝗮𝗸𝗼𝘁 𝗯𝗮 𝗸𝗮𝘆𝗼 𝗼 𝗸𝗶𝗻𝗮𝗸𝗮𝗯𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗴𝗮𝗻𝗼'𝗻?" tanong ni
Gideon.

Ako ba? Kinakabahan ba ako? Oo naman pero kaya naman eh. Hindi naman ako nag iisa kaya nga I have
my team diba?

"𝗞𝗮𝘂𝗻𝘁𝗶 𝗽𝗲𝗿𝗼 𝗮𝘆𝗼𝘀 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻." si Audrey lang ang sumagot.

"𝗚𝘂𝘆𝘀, 𝗶𝗽𝗮𝗽𝗮𝗻𝗮𝗹𝗼 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻 '𝘁𝗼 𝗵𝗮?" dagdag ni Gideon.

Wala naman kaming magandang choice kundi ang manalo. Sino ba naman ang may gustong mamatay?

Natapos ang breakfast na puno ng kwentuhan tungkol sa game.


Pagkatapos ay sabay sabay na naming tinungo ang training room. Basic muna ang training namin
ngayon. Iyon ay ang makipaglaban na walang craft at walang weapons. Tanging suntok at sipa, gano'n.

"𝗔𝗵𝗵!" sigaw ko dahil nasipa ako ni Aqua sa sikmura. Agad naman niya akong dinaluhan. Nakita ko pang
napatigil si Gideon kaya nasipa siya sa mukha ni Alexa. Pft gusto ko sanang matawa kaso masakit pala
sikmura ko. Damn!

"𝗛𝗮𝗹𝗮 𝘀𝗼𝗿𝗿𝘆." agad na sambit ni Aqua. At bahagyang hinawakan ang parte ng katawan ko na tinamaan
niya. "𝗠𝗮𝘀𝗮𝗸𝗶𝘁 𝗯𝗮?" tanong niya pa. Iyon na yata ang pinaka obvious na tanong.

"𝗢𝗼 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴." pabalang kong sagot, namimilipit na sa sakit. Masyadong malakas kasi talaga 'yung sipa
niya. "𝗣𝗲𝗿𝗼 𝗮𝘆𝗼𝘀 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗿𝗮 𝗻𝗮 𝗶𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗻𝗮 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻." aya ko at tumayo na ng maayos. Hindi ako
makakapayag na ako lang 'yung natamaan kaya humanda ka sa'kin Aqua. Haha kidding.

Natapos ang training na iyon at sobrang sakit ng katawan ko. Nasuntok niya ako sa pisngi tapos nasipa
niya pa ako sa braso. Tapos ako, hindi ko man lang siya natamaan. Madaya.

Sa totoo lang ay ngayon ko lang kasi nasubukan ang makipaglaban ng ganito kaya medyo hirap ako. Ito
namang si Aqua hindi man lang ako pinagbigyan. Mukhang sanay siya sa ganito. Sana lahat.
Tanghali na, at bumalik kami sa Food Chamber para sa lunch.

Napangiti ako dahil nasa mesa namin sina Laila at Amara. Sana this time makasabay ko sila.

Pero saktong pagdating ko ubos na ang laman ng plato nila. Nadidisappoint ako, ewan.

"𝗧𝗮𝗽𝗼𝘀 𝗻𝗮 𝗯𝗮 𝗸𝗮𝘆𝗼?" tanong ko, medyo nahihiya.

"𝗣𝗲𝗿𝗼 𝘀𝗮𝘀𝗮𝗺𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗸𝗮 𝗻𝗮𝗺𝗶𝗻. 𝗦𝗶𝗴𝗲 𝗸𝘂𝗵𝗮 𝗸𝗮𝗻𝗮 𝗻𝗴 𝗳𝗼𝗼𝗱 𝗺𝗼 𝗱𝗮𝗹𝗶." masayang tugon ni Amara. Napangiti ako
dahil dun at kumuha na ng food ko.

"𝗞𝗮𝗺𝘂𝘀𝘁𝗮 𝗸𝗮 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗔𝗹𝗮𝗿𝗶𝘀? 𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗸𝗮𝗻𝗮 𝗻𝗮𝗴𝗸𝘂𝗸𝘄𝗲𝗻𝘁𝗼 𝘀𝗮'𝗺𝗶𝗻. 𝗡𝗮𝗸𝗮𝗸𝗮𝘁𝗮𝗺𝗽𝗼." nagtatampo daw siya pero
nakangiti naman. Si Amara lang 'to. Tss.
"𝗪𝗮𝗹𝗮 𝗽𝗮 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘀𝘆𝗮𝗱𝗼𝗻𝗴 𝗴𝗮𝗻𝗮𝗽 𝘀𝗮 𝘁𝗲𝗮𝗺." tanging naisagot ko.

"𝗗𝗶𝗯𝗮 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗺𝗼 𝗴𝘂𝘀𝘁𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘀𝗮𝗹𝗶 𝘀𝗮 𝗰𝗼𝗺𝗽𝗲𝘁𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻? 𝗘𝗵 𝗯𝗮𝗸𝗶𝘁 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗸𝗮 𝘂𝗺𝗮𝘁𝗿𝗮𝘀?" takang tanong ni Amara.

"𝗡𝗮𝗶𝘀𝗶𝗽 𝗸𝗼 𝗿𝗶𝗻 𝗶𝘆𝗼𝗻. 𝗣𝗲𝗿𝗼 𝗻𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻 𝗮𝘆 𝗺𝗮𝘆 𝗱𝗮𝗵𝗶𝗹𝗮𝗻 𝗮𝗸𝗼 𝘁𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝗶𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗶𝘁𝗼." paninindigan ko.

"𝗔𝗻𝗼 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗶𝘆𝗼𝗻?" Tanong ni Amara, nagtataka.

"𝗞𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗸𝗼 '𝘆𝘂𝗻𝗴 𝗽𝗿𝗲𝗺𝘆𝗼." sagot ko tsaka tinignan sila. Dadalhin ko dito sa Deviant World ang pamilya
ko.

"𝗪𝗲𝗹𝗹, 𝗸𝗮𝗹𝗮𝘆𝗮𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝘆𝗿𝗼𝗼𝗻 𝗸𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗮𝘁𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗵𝗶𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗱𝗶𝗯𝗮?" tanong pa niya at tumango nalang ako.

"𝗜𝘆𝗼𝗻 𝗮𝘆 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗻𝗮𝗻𝗮𝗹𝗼 𝗸𝗮𝘆𝗼." biglang sabat ni Laila na ikinatigil ko.

"𝗧𝗮𝗻𝗱𝗮𝗮𝗻 𝗺𝗼, 𝗸𝗮𝗽𝗮𝗹𝗶𝘁 𝗻𝗶𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗵𝗶𝗻𝗮𝗵𝗮𝗴𝗮𝗱 𝗺𝗼 𝗮𝘆 𝗮𝗻𝗴 𝗯𝘂𝗵𝗮𝘆 𝗺𝗼. 𝗠𝗮𝗮𝗮𝗿𝗶 𝗸𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗺𝗮𝘁𝗮𝘆 𝗱𝗼𝗼𝗻." dagdag pa
niya.
Tama siya. Hindi dahil sumali ako ay makukuha ko na ang hinahangad ko. Kasi pwedeng hindi at buhay
ko ang nakataya.

"𝗕𝘂𝘁 𝗼𝗳 𝗰𝗼𝘂𝗿𝘀𝗲 𝗹𝗮𝗴𝗶 𝗸𝗮 𝗻𝗮𝗺𝗶𝗻𝗴 𝗶𝗽𝗮𝗴𝗱𝗮𝗿𝗮𝘀𝗮𝗹." saad ni Amara. Pinapagaan ang loob ko.

Habang kumakain ako ay nag uusap sila. Nakikisali din ako minsan kapag tinatanong nila ako. O kaya
naman ay nakikitawa kapag may nasabi silang nakakatawa.

"𝗨𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗶𝘁𝗮 𝗸𝗼 𝗽𝗮 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗻𝘆𝗮, 𝗮𝗹𝗮𝗺 𝗸𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘆 𝗸𝗮𝗸𝗮𝗶𝗯𝗮 𝘁𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮." Biglang kwento ni Laila na talaga
namang kumuha sa aking atensyon.

"𝗬𝘂𝗻𝗴 𝘁𝗶𝗽𝗼𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗽𝗮𝗴 𝗻𝗮𝗸𝗶𝗸𝗶𝘁𝗮 𝗸𝗼 𝘀𝗶𝘆𝗮, 𝗯𝘂𝗺𝗶𝗯𝗶𝗹𝗶𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗶𝗯𝗼𝗸 𝗻𝗴 𝗽𝘂𝘀𝗼 𝗸𝗼." sabi niya. Oh my ghad. Our Laila is,
Inlove?

"𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗸𝗼 𝗮𝗹𝗮𝗺 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗼𝗻𝗴 𝘁𝗮𝘄𝗮𝗴 𝗱𝗶𝘁𝗼. 𝗣𝗲𝗿𝗼 𝗶𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗹𝗮𝗺 𝗸𝗼." sabi pa niya. Bahagyang kumunot ang
noo ko. Naghihintay ng idudugtong niya sa kanyang sinasabi.
"𝗠𝗮𝘀𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘀𝗮𝘆𝗮 𝗮𝗸𝗼!" aniya at bahagya siyang ngumiti.

Goodness! Si Laila ba talaga 'to?

For the first time in the history. Ang kaibigan kong palaging nakasimangot at seryoso ay ngumiti ngayon.

For the first time in my entire life. I witnessed Laila's 𝒔𝒎𝒊𝒍𝒆.

𝒯ℴ 𝒷ℯ 𝒸ℴ𝓃𝓉𝒾𝓃𝓊ℯ . . .

A/N: Sino kaya ang dahilan ng ngiti ni Laila?


¯\_(ツ)_/¯

Tinatanong kita sumagot ka! Dali na manghuhula ka lang eh. Hehe enjoy reading!

CHAPTER 8

𝘾𝙧𝙪𝙨𝙝

"𝗢𝗵 𝗺𝘆 𝗴𝗵𝗮𝗱 𝗟𝗮𝗶𝗹𝗮! 𝗪𝗵𝗼'𝘀 𝘁𝗵𝗮𝘁 𝘀𝗽𝗲𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗴𝘂𝘆? 𝗜 𝘄𝗮𝗻𝗻𝗮 𝘁𝗵𝗮𝗻𝗸 𝗵𝗶𝗺 𝗳𝗼𝗿 𝗺𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴 𝘆𝗼𝘂 𝗵𝗮𝗽𝗽𝘆 𝗹𝗶𝗸𝗲 𝘁𝗵𝗮𝘁." saad ko.
Masayang masaya talaga ako.

"𝗞𝗮𝗵𝗶𝘁 𝗮𝗸𝗼, '𝗱𝗶 𝗸𝗼 𝗮𝗸𝗮𝗹𝗮𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗶𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘀𝗮𝘆𝗮 𝗽𝗮 𝗽𝗮𝗹𝗮 𝗮𝗸𝗼. 𝗜 𝗺𝗲𝗮𝗻 𝗺𝗮𝘀𝗮𝘆𝗮 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗮𝗸𝗼 𝗻𝗮 𝗺𝗲𝗿𝗼𝗻 𝗮𝗸𝗼𝗻𝗴
𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝗶𝗯𝗶𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗮 𝘁𝘂𝗹𝗮𝗱 𝗻𝗶𝘆𝗼. 𝗣𝗲𝗿𝗼 𝗶𝗯𝗮 𝗽𝗮𝗹𝗮 𝘁𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮 𝗸𝗮𝗽𝗮𝗴 𝗽𝘂𝘀𝗼 𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗴𝘂𝗺𝗶𝘁𝗶. 𝗠𝗮𝘀𝘆𝗮𝗱𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘀𝗮𝗿𝗮𝗽 𝘀𝗮
𝗽𝗮𝗸𝗶𝗿𝗮𝗺𝗱𝗮𝗺 𝗸𝗮𝘆𝗮 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗸𝗼 𝘁𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮 𝗺𝗮𝗽𝗶𝗴𝗶𝗹𝗮𝗻." sabi pa niya. Kitang kita ko ang pagpipigil niya ng ngiti.

"𝗡𝗮𝗸𝗼, 𝗱𝗮𝗽𝗮𝘁 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮 𝗵𝘂𝘄𝗮𝗴 𝗺𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗶𝗴𝗶𝗹𝗮𝗻. 𝗡𝗮𝗸𝗮𝗸𝗮𝘁𝘂𝘄𝗮 𝗸𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗸𝗶𝘁𝗮 𝗸𝗮𝗻𝗴 𝗴𝗮𝗻𝘆𝗮𝗻." sabat ko naman.
"𝗦𝗼, 𝘀𝗶𝗻𝗼 𝗻𝗴𝗮 '𝘆𝘂𝗻?" muli kong tanong.

"𝗦𝗲𝗰𝗿𝗲𝘁 𝗻𝗮 𝗺𝘂𝗻𝗮 𝗯𝗮𝗸𝗮 𝗮𝘀𝗮𝗿𝗶𝗻 𝗻𝗶𝘆𝗼 𝗮𝗸𝗼 𝗮𝘁 𝗸𝘂𝗺𝗮𝗹𝗮𝘁 𝗮𝗴𝗮𝗱. 𝗔𝘆𝗼𝗸𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗸𝗮𝗿𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗻𝘆𝗮." tugon ni Laila.
Nahihiya.
"𝗠𝗮𝘆 𝗮𝗹𝗮𝗺 𝗸𝗮 𝗻𝗼?" baling ko kay Amara. Well she's the girl of love.

"𝗢𝗼, 𝗮𝗹𝗮𝗺 𝗸𝗼 𝗻𝗮 𝗶𝗻𝗹𝗼𝘃𝗲 𝘀𝗶 𝗟𝗮𝗶𝗹𝗮. 𝗣𝗲𝗿𝗼 𝘄𝗮𝗹𝗮 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗮𝗸𝗼𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗸𝗮𝘆𝗮𝗵𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗻𝗴𝗵𝘂𝗹𝗮 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝘀𝗶𝗻𝗼. 𝗜𝘀𝗮 𝗽𝗮 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶
𝗸𝗼 𝗻𝗮𝗯𝗮𝗯𝗮𝘀𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗺𝗮𝘁𝗮 𝗻𝗶𝘆𝗮." sagot niya. Well, I don't know that much about her craft.

"𝗪𝗲𝗹𝗹, 𝘀𝗮𝗻𝗮 𝗮𝘆 𝗺𝗮𝗴𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗻𝗮 '𝘆𝗮𝗻 𝗟𝗮𝗶𝗹𝗮. 𝗜'𝗺 𝗿𝗲𝗮𝗹𝗹𝘆 𝗵𝗮𝗽𝗽𝘆 𝗳𝗼𝗿 𝘆𝗼𝘂!" nasabi ko nalang. Ewan ko sobrang
lawak ng ngiti ko.

"𝗛𝗮𝗹𝗮𝘁𝗮 𝗻𝗴𝗮. 𝗧𝘀𝘀." pabalang niyang sagot. Natawa nalang ako.

"𝗠𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗱𝗶𝗻 𝗻𝗮𝗺𝗶𝗻 '𝘆𝗮𝗻 𝘀𝗼𝗼𝗻." sabi ko nalang sa kanya. Diba nga, walang sekreto ang hindi
nabubunyag.

Ilang linggo ang lumipas. Halos paulit ulit lang ang nangyayari. Kakain, training, kakain, training ulit.
Halos hindi ko na rin nakakasama sina Laila at Amara. Namimiss ko na sila.

Kakatapos lang namin mag dinner. Kasama ko ang team. Papunta na kami sa kanya kanya naming mga
kwarto.
Halos dalawang buwan nalang at competition na. Ewan, parang gusto ko na ngang umatras. Pakiramdam
ko hindi ko kakayaning manalo doon. Paano nalang kapag namatay ako sa game? Nakakatakot. But of
course. I am Aither Alaris. I can do this. We, can do this.

Nagsipasok na ang mga kasama ko sa kanilang mga kwarto, nasa bandang dulo kasi yung akin. Pero
biglang may tumikhim sa likuran ko kaya naman napalingon ako bigla.

"𝗢𝗵 𝗚𝗶𝗱𝗲𝗼𝗻? 𝗕𝗮𝗸𝗶𝘁 𝗻𝗮𝗻𝗱𝗶𝘁𝗼 𝗸𝗮 𝗽𝗮?" tanong ko kay captain. Ihahatid pa yata ako sa room ko. Ang sweet
naman.

"𝗨𝗵" napakamot siya sa kanyang batok. Aba nahihiya?

"𝗡𝗮𝗸𝘀! '𝗗𝗶 𝗺𝗼'𝗸𝗼 𝗸𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗶𝗵𝗮𝘁𝗶𝗱 𝘂𝘆." pang aasar ko sa kanya. Pero pinagkunutan lang niya 'ko ng noo.

"𝗜𝘁'𝘀 𝗻𝗼𝘁 𝘁𝗵𝗮𝘁. 𝗜 𝗷𝘂𝘀𝘁 𝘄𝗮𝗻𝘁 𝘁𝗼 𝗮𝘀𝗸 𝘆𝗼𝘂 𝗶𝗳." hindi niya itinuloy. Tinaasan ko siya ng kilay.

"𝗜𝗳 𝘄𝗵𝗮𝘁?" tanong ko.


"𝗡𝗲𝘃𝗲𝗿 𝗺𝗶𝗻𝗱. 𝗚𝗼𝗼𝗱𝗻𝗶𝗴𝗵𝘁!" sabi niya nalang at agad akong tinalikuran.

"𝗦𝗮𝗻𝗱𝗮𝗹𝗶!" sigaw ko at bahagyang lumapit sa kanya.

"𝗔𝗻𝗼 '𝘆𝘂𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗼? 𝗔𝗹𝗮𝗺 𝗺𝗼 𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘆 𝗰𝘂𝗿𝗶𝗼𝘂𝘀𝗶𝘁𝘆 𝗱𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗹𝗮𝗱 𝗸𝗼?" saad ko, sarcastic.

"𝗔𝘀 𝗶𝗳 𝗜 𝗰𝗮𝗿𝗲 𝘁𝗼 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝘀𝗼 𝗰𝗮𝗹𝗹𝗲𝗱, 𝗰𝘂𝗿𝗶𝗼𝘂𝘀𝗶𝘁𝘆." mas sarcastic niyang sabi at kita ko pang nagsmirk siya.
Sinamaan ko nalang siya ng tingin.

"𝗦𝘂𝗽𝗹𝗮𝗱𝗼! 𝗘𝘄𝗮𝗻 𝗸𝗼 𝘀𝗮'𝘆𝗼." sigaw ko at tinalikuran na siya. Mabalis akong naglakad patungong kwarto.
Nilingon ko pa siya bago ko buksan ang pinto, pero wala na siya.

"𝗚𝗿𝗿 𝗻𝗮𝗸𝗮𝗸𝗮𝗶𝗻𝗶𝘀. 𝗔𝗻𝗼 𝗸𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮𝘀𝗮𝗯𝗶𝗵𝗶𝗻 𝗻𝗶𝘆𝗮?" inis kong sambit at tuluyan nang pumasok sa aking silid.

Kinabukasan naglalakad ako sa hallway nang may marinig ako na nag uusap.

Hindi ko naman sana papansinin pero narinig ko ang boses ni Laila kaya lumapit ako. Sa isang kwarto
iyon. Idinikit ko ang taenga ko sa pinto para mas marinig kung ano man ang dapat kong marinig.
"𝗪𝗵𝗮𝘁 𝗻𝗼𝘄 𝗟𝗮𝗶𝗹𝗮? 𝗦𝗽𝗲𝗮𝗸 𝘂𝗽." boses iyon ng isang lalaki. Parang familiar na ewan. Tamad niya iyong
sinabi.

"𝗜 𝗱-𝗱𝗶𝗱𝗻'𝘁 𝗺𝗲𝗮𝗻 𝘁𝗼 𝗵-𝗵𝗮𝘃𝗲 𝘁𝗵𝗶𝘀 𝗳𝗲𝗲𝗹𝗶𝗻𝗴𝘀 𝗳𝗼𝗿 𝘆𝗼𝘂. 𝗕𝘂𝘁 𝗜 𝗷𝘂𝘀𝘁 𝗰𝗮𝗻'𝘁 𝗵𝗲𝗹𝗽 𝗶𝘁. 𝗜'𝘃𝗲 𝗳𝗮𝗹𝗹𝗲𝗻—" rinig ko ang paghikbi
ni Laila.

Wait, is she talking to his crush? Oh gosh!

"𝗦𝘁𝗼𝗽 𝗮𝗻𝗱 𝗽𝗹𝗲𝗮𝘀𝗲 𝗺𝗼𝘃𝗲 𝗼𝗻! 𝗜 𝗱𝗼𝗻'𝘁 𝘄𝗮𝗻𝗻𝗮 𝗵𝗲𝗮𝗿 𝘀𝘂𝗰𝗵 𝘀𝘁𝘂𝗽𝗶𝗱 𝘄𝗼𝗿𝗱𝘀 𝗳𝗿𝗼𝗺 𝘆𝗼𝘂." Ouch ang sakit naman ng
sinabi niya. Masasapak ko talaga 'to kapag nagkataon. Pagsabihan ba naman ng gano'n 'yung kaibigan
ko.

"𝗕𝘂𝘁—" magsasalita pa sana si Laila pero sumabat na 'yung lalaki.

"𝗜 𝘁𝗼𝗹𝗱 𝘆𝗼𝘂 𝗮𝗹𝗿𝗲𝗮𝗱𝘆. 𝗜 𝗹𝗼𝘃𝗲 𝘀𝗼𝗺𝗲𝗼𝗻𝗲 𝗲𝗹𝘀𝗲 𝗟𝗮𝗶𝗹𝗮. 𝗕𝗲 𝗳𝗿𝗲𝗲." Iyon lang at narinig ko na ang yapak papalapit sa
pinto kaya agad kong dinala ang sarili sa medyo malayo sa kanila. Tapos magpapanggap akong dadaan
pa lang. Shempre gusto kong makita 'yung guy.

Eto na, liliko na ako at makikita ko na sila.


Nakita ko kung paano hinabol ni Laila 'yung lalaki. Hinawakan niya ito sa braso kaya napilitang humarap
sa gawi ni Laila. Kung nasaan din ako. Nagtama ang paningin namin. Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi
ako makapaniwala.

"𝗔-𝗮𝗹𝗮𝗿𝗶𝘀." nasambit nalang ni Laila when she saw me.

"𝗟𝗮𝗶𝗹𝗮." sambit ko din sa ngalan niya. Tsaka bumaling sa kanyang kasama. "𝗚𝗼𝗼𝗱 𝗺𝗼𝗿𝗻𝗶𝗻𝗴." nakangiti
kong bati.

Gusto kong magmura. Gusto kong magreact pero hindi ko na ginawa. I gonna keep my cool.

I managed to smile. Na parang hindi ko narinig 'yung mga masasakit na salita na sinabi niya sa kaibigan
ko. Ngumiti ako at ipinakitang suportado ko si Laila.

Tumakbo ako papalapit sa kaibigan ko at niyakap ko siya.

"𝗛𝗲'𝘀 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗰𝗿𝘂𝘀𝗵?" bulong ko kay Laila at ramdam ko naman ang pagtango niya. Humiwalay na ako sa
pagkakayakap sa kanya at niyaya silang pumunta sa Chamber.

Naalala ko nalang bigla kung paano niyang ininom ang isang baso ng juice ni Laila, the first time we
encountered. Naalala ko rin na sana magkasama sila sa simula ng game kung hindi lang umatras si Laila.
Kaya pala lately parang iba siyang makitungo sa lalaking ito. Gusto niya pala.

Pero the fact na inamin niya na may gusto siyang iba ay parang ako 'yung nasasaktan eh. I mean,
nasasaktan ako para sa kaibigan ko.
Yes, Vince Masiko the invisible man is Laila's 𝒄𝒓𝒖𝒔𝒉.

𝒯ℴ 𝒷ℯ 𝒸ℴ𝓃𝓉𝒾𝓃𝓊ℯ . . .

CHAPTER 9

𝙒𝙚𝙞𝙧𝙙

"𝗦𝗮𝗯𝗮𝘆 𝗸𝗮𝗻𝗮 𝘀𝗮'𝗺𝗶𝗻 𝗩𝗶𝗻𝗰𝗲!" pagyaya ko kay Vince na sumabay na sa'min magbreakfast.

"𝗡𝗼 𝘁𝗵𝗮𝗻𝗸𝘀." tipid niyang sagot at naglakad papunta sa team namin.


"𝗗𝗮𝗹𝗶 𝗻𝗮. 𝗘𝘁𝗼 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻." agad kong sabi. Pasigaw na nga eh kasi medyo malayo na siya. Nilingon naman
niya ako tapos sinamaan ng tingin. Humakbang siya muli papalapit sa'kin.

"𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗸𝗮 𝗯𝗮 𝗻𝗮𝗸𝗮𝗸𝗮𝗶𝗻𝘁𝗶𝗻𝗱𝗶? 𝗜 𝗱𝗼𝗻'𝘁 𝗴𝗶𝘃𝗲 𝗳𝗮𝗹𝘀𝗲 𝗵𝗼𝗽𝗲, 𝘀𝗼 𝗽𝗹𝗲𝗮𝘀𝗲 𝘀𝘁𝗼𝗽." malamig niyang sinabi iyon. Tama
nga naman siya baka kapag sumabay pa siya sa'min ay mabigyang pag asa ang nararamdaman ni Laila.

"𝗢𝗸𝗮𝘆 𝘁𝗵𝗲𝗻." tanging naisagot ko at tumalikod na din.

"𝗔𝗻𝗴 𝘀𝘂𝗻𝗴𝗶𝘁 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗻𝘂𝗻!" pairap kong sabi tsaka umupo na para kumain.

"𝗧𝗵𝗮𝗻𝗸𝘀 𝘀𝗮 𝗳𝗼𝗼𝗱 𝗔𝗺𝗮𝗿𝗮." kinuhanan niya kasi kami ng food ni Laila. Ganyan siya lagi kapag nauna siya
dito sa Food Chamber. Ang sweet no?

Papunta na kami sa field ngayon. Kasama ko ang team. Doon ang training namin ngayong araw.

Medyo napaaga kami kasi wala pa ang kambal. Kaya nagsiupo nalang muna kami sa mga grass. Bale
paikot, magkakaharap kaming lahat.
"𝗔𝗻𝗼 𝘁𝗿𝘂𝘁𝗵 𝗼𝗿 𝗱𝗮𝗿𝗲?" tanong ni Aqua, pinagbubunot na ang mga damo sa paanan niya.

"𝗦𝗶𝗴𝗲 𝗯𝗮!" sagot naman namin at bahagyang natawa.

Ayon na nga naghanap si Gideon ng isang bottle. Siya na rin ang nagpaikot dito na agad namang tumuro
sa kanya. Tawang tawa kaming lahat.

"𝗔𝗻𝗴 𝗱𝗮𝘆𝗮 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗮𝗸𝗼 𝗮𝗴𝗮𝗱!" reklamo niya pa.

"𝗢𝗵 𝘁𝗿𝘂𝘁𝗵 𝗼𝗿 𝗱𝗮𝗿𝗲?" tanong namin, sabay sabay pa. Asar na asar naman siya.

"𝗗𝗮𝗿𝗲." walang ganang sagot niya.

"𝗛𝗶𝗹𝗮𝗵𝗶𝗻 𝗺𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗯𝘂𝗵𝗼𝗸 𝗻𝗶 𝗩𝗶𝗻𝗰𝗲. 𝗗𝗮𝗽𝗮𝘁 𝘀𝘂𝗺𝗶𝗴𝗮𝘄 𝘀𝗶𝘆𝗮 𝘀𝗮 𝘀𝗮𝗸𝗶𝘁." nasabi ko nalang na sinang ayunan naman
ng lahat.

"𝗪𝗵𝗮𝘁 𝘁𝗵𝗲 𝗵𝗲𝗹𝗹 𝗔𝗹𝗮𝗿𝗶𝘀?" buti nalang hindi ko siya katabi kasi baka nasapak na ako niyan.
"𝗦𝗼𝗿𝗿𝘆 𝗯𝗿𝗼 𝗻𝗮𝗽𝗮𝗴 𝘂𝘁𝘂𝘀𝗮𝗻 𝗹𝗮𝗻𝗴" saad ni Gideon at walang pasabing hinila ang buhok ni Vince.

"𝗔𝗵𝗵 𝘀𝗵𝗶𝘁!" sigaw naman ni Vince. Ang sakit nun sa bandang taenga pa 'yung hinila. Tapos paitaas pa.

Tinawanan nalang namin. Inikot na muli 'yung bote at kamalas malasang ako ang taya.

"𝗔𝗻𝗴 𝗯𝗶𝗹𝗶𝘀 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗿𝗺𝗮." sabat ni Vince. Inirapan ko nalang siya.

"𝗧𝗿𝘂𝘁𝗵 𝗼𝗿 𝗱𝗮𝗿𝗲?" tanong naman nila. Shempre hindi ako mag di-dare. Delikado buhay ko pag nagkataon.

"𝗛𝗺𝗺 𝘁𝗿𝘂𝘁𝗵." sagot ko naman.

"𝗪𝗵𝗼'𝘀 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗰𝗿𝘂𝘀𝗵?" agarang tanong ni Aqua na ikinagulat ko.

"𝗪-𝘄𝗮𝗹𝗮 𝗲𝗵." sagot ko, pero napapaisip ni ako eh. Wala ba talaga akong crush?
"𝗔𝘆 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗽𝘄𝗲𝗱𝗲𝗻𝗴 𝘄𝗮𝗹𝗮." sabat naman ni Gideon.

"𝗘𝗵 𝘀𝗮 𝘄𝗮𝗹𝗮 𝘁𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮 𝗮𝘀 𝗶𝗻." sagot ko. Sana ibahin nalang nila 'yung tanong kasi hindi ko talaga alam 'yung
sagot.

"𝗦𝗶𝗴𝗲, 𝗚𝗶𝗱𝗲𝗼𝗻 𝗼 𝗩𝗶𝗻𝗰𝗲?" tanong ni Alexa. Ano daw?

"𝗛𝘂𝗵?" sorry lutang eh. 'Di ko nagets.

"𝗦𝗶𝗻𝗼 𝗰𝗿𝘂𝘀𝗵 𝗺𝗼? 𝗦𝗶 𝗚𝗶𝗱𝗲𝗼𝗻 𝗼 𝘀𝗶 𝗩𝗶𝗻𝗰𝗲?" Sigaw ni Alexa. Nanggigigil na sa'kin. Napatingin naman ako kay
Vince at Gideon. Ano ba itong pinasok ko?

"𝗚𝗼𝗼𝗱 𝗺𝗼𝗿𝗻𝗶𝗻𝗴!" bati ng kambal sa'min. Yes, I'm saved!

"𝗞𝗮𝗻𝗶𝗻𝗮 𝗽𝗮 𝗸𝗮𝘆𝗼 𝗱𝗶𝘁𝗼?" tanong ni Sir Finn.

"𝗠𝗲𝗱𝘆𝗼 𝗽𝗼." sagot ko naman at tumayo na.


"𝗔𝘆 𝗺𝗮𝗱𝗮𝘆𝗮 𝗔𝗹𝗮𝗿𝗶𝘀! 𝗦𝗮𝗴𝘂𝘁𝗶𝗻 𝗺𝗼 𝗺𝘂𝗻𝗮 '𝘆𝘂𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗻𝗼𝗻𝗴." wika ni Alexa. Oh no!

"𝗦𝗶 𝗚𝗶𝗱𝗲𝗼𝗻." bulong ko kay Alexa. Siya lang naman nagtanong, siya lang dapat makarinig.

"𝗢𝘆 𝗰𝗿𝘂𝘀𝗵 𝗻𝗶 𝗔𝗹𝗮𝗿𝗶𝘀 𝘀𝗶 𝗖𝗮𝗽𝘁𝗮𝗶𝗻!" biglang sigaw niya. Damn I'm dead!

"𝗛𝗼𝘆 𝘄𝗮𝗹𝗮 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗸𝗼𝗻𝗴 𝗰𝗵𝗼𝗶𝗰𝗲! 𝗕𝗮𝗱𝘁𝗿𝗶𝗽 𝗸𝗮𝘆𝗼 𝗮𝗵𝗵!" sigaw ko din. Tinawanan lang nila ako.

Nagsimula ang training namin. Kalaban namin ang isa't isa. Kaya pala dito sa field. Kasi paniguradong
wasak ang training room kapag doon kami.

Nakapwesto kami, malayo sa isa't isa. Kapag natumba ka, out kana. Last man standing eh.

Noong narinig namin ang hudyat ay nagsimula na kami.

Papunta kaming lahat sa gitna. Si Audrey hawak ang sword niya. Si Aqua, may isang bolang apoy sa
kanyang kamay. Si Vince hindi ko na makita. Si Alexa may crystal ball ding hawak. Si Gideon, prenteng
naglalakad na parang wala lang.
Ilang metro ang layo sa isa't isa. Kinontrol ko ang isang puno. Shempre itatapon ko sa kanila para tumba
silang lahat.

Pero ilang pulgada ang layo niyon sa lahat ay biglang nawasak ito. Gideon. Nagtitigan kaming dalawa. I
controlled him. Pwede ko naman siyang patumbahin eh. Pero pakiramdam ko unti unti niya akong
winawasak.

Bago pa mangyari 'yun ay natapunan na siya ng bolang apoy ni Aqua. Ouch sakit nun. Akala ko ligtas na
ako pero bumaling sa'kin si Aqua at nakita ko nalang ang apoy na papalapit na sa gawi ko. Mabuti at
agad ko iyong naiwasan. Pero damn, muntik na akong matamaan ng pana galing kay Audrey mabuti
nalang at nacontrol ko agad iyon.

Pakiramdam ko, pinagtutulungan ako.

Nakita ko nalang na sabay na natumba sina Aqua at Alexa.

Masyadong natuon sa dalawa ang atensyon ko kaya nagkaroon ng pagkakataon si Audrey na panain ako.

"𝗔𝗵𝗵" shit? sigaw 'yun ni Vince, bigla nalang siyang nagpakita. Nasa harapan ko pala siya at siya ang
tinamaan ng pana. Agad siyang natumba.
Tatlo nalang kami ang natira.

Pinalutang ko ang mga bato sa paligid at sunod sunod na ibinato sa dalawa. Pero napaupo ako bigla.

Gusto kong sumigaw sa sakit pero hindi ko nagawa. Namalayan ko nalang na para akong nalumpo. Hindi
ko na maramdaman ang mga paa ko.

"𝗦𝗼𝗿𝗿𝘆." ani Gideon. At iyon din ang ginawa kay Audrey. Napairap nalang ako nung ibinalik niya kami sa
dati, 'yung hindi lumpo.

"𝗣𝗮𝘀𝗮𝗽𝗮𝗸 𝗻𝗴𝗮 𝗶𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗻𝗴." inambaan ko ng suntok si Gideon. Gigil niya 'ko eh.

"𝗦𝗶𝗻𝗮𝘀𝗮𝗽𝗮𝗸 𝗺𝗼 𝗽𝗮𝗹𝗮 '𝘆𝘂𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗰𝗿𝘂𝘀𝗵 𝗺𝗼?" pilosopo niyang tanong na nagpatigil sa'kin.

"𝗢𝗼!" sagot ko nalang at sinapak siya sa mukha.

"𝗔𝘄 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝗸𝗮 𝗽𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝘀𝘂𝗺𝘂𝗻𝘁𝗼𝗸." nasabi nalang niya. Pero tinalikuran ko na siya.
Nagpahinga muna kami. Nakakapagod sobra. Nilapitan ko si Vince.

"𝗕𝗮𝗸𝗶𝘁 𝗺𝗼 '𝗸𝗼 𝗶𝗻𝗶𝗹𝗶𝗴𝘁𝗮𝘀?" malumanay kong tanong sa kanya.

"𝗙𝗲𝗲𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗸𝗮 𝗮𝗵, 𝗻𝗮𝘂𝗻𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗸𝗼 𝗻𝗶 𝗔𝘂𝗱𝗿𝗲𝘆. 𝗦𝗮𝘀𝗮𝗽𝗮𝗸𝗶𝗻 𝗻𝗮 𝘀𝗮𝗻𝗮 𝗸𝗶𝘁𝗮." pabalang niyang sagot.

"𝗪𝗲𝗵? 𝗕𝘂𝘁 𝘀𝘁𝗶𝗹𝗹 𝘁𝗵𝗮𝗻𝗸𝘀. 𝗞𝗻𝗶𝗴𝗵𝘁 𝗮𝗻𝗱 𝘀𝗵𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗿𝗺𝗼𝗿 𝗻𝗮 𝗯𝗮 𝗸𝗶𝘁𝗮 𝗻𝗶𝘆𝗮𝗻?" pang aasar ko sa kanya.

"𝗦𝗵𝘂𝘁 𝘂𝗽!" see? ang pikon niya.

"𝗢𝘆 𝗮𝗻𝗼 𝘆𝗮𝗻?" biglang sabat ni Gideon. Epal talaga kahit kailan. Hehe kidding.

"𝗦𝗶 𝗩𝗶𝗻𝗰𝗲 𝗰𝗿𝘂𝘀𝗵 𝗮𝗸𝗼." sumbong ko. Nang aasar lang.


"𝗛𝗮? 𝗖𝗿𝘂𝘀𝗵 𝗸𝗮 𝗱𝘆𝗮𝗻. 𝗣𝗮𝗻𝗴𝗶𝘁 𝗺𝗼 𝗸𝗮𝘆𝗮." sabat naman ni Vince. Defensive masyado.

"𝗔𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗰𝗿𝘂𝘀𝗵 𝗰𝗿𝘂𝘀𝗵? 𝗦𝗮 𝘁𝗲𝗮𝗺 𝗻𝗮 '𝘁𝗼 𝗺𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝗽𝗮𝘁𝗶𝗱 𝗸𝗮𝘆𝗼. 𝗧𝗮𝗽𝗼𝘀 𝗮𝗸𝗼 '𝘆𝘂𝗻𝗴 𝘁𝗮𝘁𝗮𝘆 𝗻𝗶𝘆𝗼. 𝗛𝗮𝗵𝗮." tiningala ko
si Gideon dahil sa sinabi niyang iyon. Corny.

"𝗦𝘄𝗲𝗿𝘁𝗲 𝗺𝗼 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗮𝘁𝗮𝘆, 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗼𝗴𝗶 𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗮𝗸 𝗺𝗼." sabat ni Vince. Natawa ako.

"𝗕𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮 𝗻𝗴𝗮 𝗸𝗮𝘆𝗼 𝗱𝘆𝗮𝗻. 𝗟𝘂𝗻𝗰𝗵 𝗻𝗮 𝘁𝗮𝘆𝗼 𝗴𝘂𝘁𝗼𝗺 𝗻𝗮 𝗮𝗸𝗼." Pagkatapos ay iniwan na niya kami doon.

"𝗩𝗶𝗻𝗰𝗲, 𝗵𝘂𝗹𝗶𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗻𝗼𝗻𝗴. 𝗦𝗶𝗻𝗼 '𝘆𝘂𝗻𝗴 𝘁𝗶𝗻𝘂𝗸𝗼𝘆 𝗺𝗼 𝘀𝗮 '𝗬𝗼𝘂 𝗹𝗼𝘃𝗲 𝘀𝗼𝗺𝗲𝗼𝗻𝗲 𝗲𝗹𝘀𝗲'?" naitanong ko nalang out of
curiosity.

"𝗡-𝗻𝗮𝗿𝗶𝗻𝗶𝗴 𝗺𝗼 '𝘆𝘂𝗻?" tanong niya, nabigla.

"𝗢𝗯𝘃𝗶𝗼𝘂𝘀𝗹𝘆. 𝗦𝗼 𝘀𝗶𝗻𝗼 𝗻𝗴𝗮 '𝘆𝘂𝗻, 𝗮𝗸𝗼 𝗯𝗮?" pang aasar ko.

"𝗣𝗮𝗮𝗻𝗼 '𝗽𝗮𝗴 𝘀𝗶𝗻𝗮𝗯𝗶 𝗸𝗼𝗻𝗴 𝗼𝗼?" deretsyo niyang sabi at nakatitig pa sa mga mata ko. Napaiwas ako at
napalunok nalang.
"𝗘𝘁𝗼 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻 '𝗱𝗶 𝗺𝗮𝗯𝗶𝗿𝗼." sabi ko nalang at tumalikod na. Pero hinawakan niya ako sa wrist at muling
iniharap sa kanya.

"𝗜𝗸𝗮𝘄 '𝘆𝘂𝗻𝗴 𝘁𝗶𝗻𝘂𝘁𝘂𝗸𝗼𝘆 𝗸𝗼 𝗔𝗹𝗮𝗿𝗶𝘀. 𝗜'𝘃𝗲 𝗳𝗮𝗹𝗹𝗲𝗻 𝗳𝗼𝗿 𝘆𝗼𝘂." he said tsaka binitawan ang pagkakahawak sa'kin at
nauna nang umalis.

Joke lang 'yun diba? Oo tama, hindi 'yun totoo. Inaasar niya lang ako.

Pinakiramdaman ko ang sarili. Napahawak ako sa puso ko.

Am I affected?

No way! It's just uh, I'm feeling 𝒘𝒊𝒆𝒓𝒅.

𝒯ℴ 𝒷ℯ 𝒸ℴ𝓃𝓉𝒾𝓃𝓊ℯ . . .
CHAPTER 10

𝙒𝙖𝙡𝙡

Kasabay ko sina Aqua, Alexa at Audrey patungong Food Chamber. Nauna na kasi 'yung dalawa. Sa totoo
lang, gusto sanang ibahagi sa kanila 'yung sinabi ni Vince kanina pero mas pinili ko na ipasawalang
bahala nalang iyon.

Hindi naman big deal sa'kin 'yun. Hindi dapat ako mabother. Isa pa, paniguradong hindi matutuwa si
Laila kapag nalaman niya iyon.

Sumabay ako kina Amara kumain.

"𝗞𝗮𝗺𝘂𝘀𝘁𝗮 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗿𝗮𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗶𝘆𝗼?" tanong ni Amara.

"𝗔𝘆𝗼𝘀 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻. 𝗔𝗹𝗮𝗺 𝗻𝗶𝘆𝗼, 𝗻𝗶𝗹𝘂𝗺𝗽𝗼 𝗮𝗸𝗼 𝗻𝗶 𝗚𝗶𝗱𝗲𝗼𝗻. 𝗦𝗶𝗻𝗮𝗽𝗮𝗸 𝗸𝗼 𝗻𝗴𝗮 𝗲𝗵." kwento ko naman.

"𝗕𝗮𝗹𝗶𝘄 𝗸𝗮. 𝗣𝗮𝗿𝘁 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝘁𝗿𝗮𝗶𝗻𝗶𝗻𝗴 '𝘆𝘂𝗻." saad ni Amara, natatawa.


"𝗔𝗵 𝗯𝗮𝗵𝗮𝗹𝗮 𝘀𝗶𝘆𝗮. 𝗜𝘀𝗮 𝗽𝗮 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻 𝘀𝗶𝘆𝗮 𝘂𝗺𝗶𝘄𝗮𝘀 𝘀𝗮 𝘀𝘂𝗻𝘁𝗼𝗸 𝗸𝗼." sabi ko nalang. Ibig sabihin nun ay willing
siyang magpasapak.

Naikwento ko din 'yung tungkol sa truth or dare. Nang tinignan ko sila, nang aasar na agad 'yung mga
tingin nila.

"𝗛𝗺𝗺 𝗰𝗿𝘂𝘀𝗵 𝗺𝗼 𝘆𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗶 𝗖𝗮𝗽𝘁𝗮𝗶𝗻 𝗻𝗼?" agarang tanong ni Laila. Nanlaki naman ang mata ko.

"𝗟𝘂𝗵? 𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗮𝗵." pagtanggi ko.

"𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗱𝗮𝘄 𝗽𝗲𝗿𝗼 𝗸𝗮𝗻𝗶𝗻𝗮 𝗽𝗮 𝗯𝘂𝗸𝗮𝗺𝗯𝗶𝗯𝗶𝗴." aniya. Hindi ko nalang pinansin.

Sinubukan kong ibahin ang topic pero ayaw nilang paawat sa pang aasar sa'kin.

Hindi ko naman kasi talaga crush si Gideon. Siya lang talaga 'yung medyo maayos na choice. Kasi kung si
Vince 'yung sinabi ko. Ede lagot na. Aasarin ako lalo nun. Tsaka si Vince, magiging crush ko? No way!

Pagkatapos kumain ay tumambay lang kami ng team sa training room. Pahinga daw muna kami ngayong
hapon. Kaya naman nag usap nalang kami ng kung ano ano.
"𝗠𝗮𝘁𝘂𝘁𝘂𝗹𝗼𝗴 𝗺𝘂𝗻𝗮 𝗮𝗸𝗼. 𝗞𝗮𝗮𝗻𝘁𝗼𝗸 𝗲𝗵." paalam ni Aqua at humakbang na patungong silid nitong training
room. May tulugan din kasi dito.

"𝗔𝘆 𝗮𝗸𝗼 𝗱𝗶𝗻. 𝗦𝗮𝗺𝗮 𝗮𝗸𝗼 𝘀𝗮𝘆𝗼 𝗔𝗾𝘂𝗮!" sabi naman ni Alexa. Kaya naiwan kaming apat dito sa couch.

"𝗛𝗺𝗺 𝗸𝗮𝗺𝘂𝘀𝘁𝗮 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗸𝗮𝘆𝗼? 𝗜 𝗺𝗲𝗮𝗻 𝗮𝘆𝗼𝘀 𝗽𝗮 𝗯𝗮 𝗸𝗮𝘆𝗼?" rinig ko sabi ni Gideon. Tsaka naalala ko na
naman 'yung sinabi ni Vince sa'kin.

"𝗛𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮'𝘁 𝗵𝘂𝗺𝗶𝗵𝗶𝗻𝗴𝗮 𝗮𝗸𝗼 𝗮𝘆 𝗮𝘆𝗼𝘀 𝗹𝗮𝗻𝗴." tugon ni Audrey.

"𝗔𝗸𝗼 𝗱𝗶𝗻." sagot ni Vince.

Hindi naman siguro totoo 'yung sinabi niya diba? Bakit kasi inasar asar ko pa siya? Hayss kailangan ko na
bang dumistansya?

"𝗜𝗸𝗮𝘄 𝗔𝗹𝗮𝗿𝗶𝘀?" narinig ko ang pangalan ko kay Gideon.

"𝗛𝗮? 𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗮𝗵! 𝗪𝗮𝗹𝗮 '𝘆𝗼𝗻 𝗻𝗮𝗴𝗯𝗶𝗯𝗶𝗿𝗼 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗸𝗼 𝗲𝗵." tanggi ko naman. Tinaasan pa ako ng kilay ni Audrey.

"𝗡𝗮𝘀𝗮𝗮𝗻 𝗯𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝘀𝗶𝗽 𝗺𝗼 𝗵𝗮?" tanong ni Gideon.

"𝗔𝘆 𝗶𝗻𝗶𝗶𝘀𝗶𝗽 𝗮𝗸𝗼 𝗻𝘆𝗮𝗻." sabat naman ni Vince.


"𝗞𝗮𝗽𝗮𝗹! 𝗔𝗻𝗼 𝗯𝗮 𝘆𝘂𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗯𝗶 𝗺𝗼?" bumaling ako kay Captain. Napabuntong hininga nalang siya.

"𝗞𝗮𝗺𝘂𝘀𝘁𝗮 𝗸𝗮?" tanong niya.

"𝗔𝘆𝗼𝘀 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻." hinding hindi ako magiging okay hangga't hindi kami buo ng pamilya ko. Kulang na
kulang ako. "𝗜𝗸𝗮𝘄 𝗯𝗮?" tanong ko pabalik.

"𝗢𝗼 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻. 𝗔𝘆𝗼𝘀 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮'𝘁 𝗻𝗮𝗻𝗱𝘆𝗮𝗻 𝗸𝗮𝘆𝗼." sagot naman niya. Kahit kailan ang corny niya.

"𝗡𝗮𝗸𝘀! 𝗦𝘄𝗲𝗲𝘁 𝗻𝗴 𝗖𝗮𝗽𝘁𝗮𝗶𝗻 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻 𝗼𝗵!" pag aasar naman ni Audrey.

"𝗠𝗮𝗹𝗮𝗽𝗶𝘁 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗹𝗮 '𝘆𝘂𝗻𝗴 𝘀𝗲𝗻𝗶𝗼𝗿𝘀 𝗯𝗮𝗹𝗹. 𝗗𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗶𝗻𝗴𝗴𝗼 𝗻𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝗻𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻." sabi ni Gideon. Kaya
napatingin ako sa kanya. Nagsalubong ang mga mata namin. That awkward feeling, na when you look at
someone tapos nakatingin na pala sayo. "𝗔𝗹𝗮𝗿𝗶𝘀 𝗵𝗮. 𝗗𝗮𝘁𝗲 𝗸𝗶𝘁𝗮." aniya na ikinagulat ko.

"𝗔𝗻𝗼? 𝗔𝘆𝗼𝗸𝗼 𝗻𝗴𝗮." tanggi ko. Feel na feel na yata nito na crush ko siya.

"𝗔𝗸𝗼 𝗴𝘂𝘀𝘁𝗼 𝗻𝗶𝘆𝗮𝗻 𝗖𝗮𝗽𝘁𝗮𝗶𝗻." sabat ni Vince. Kaasar! Nakita ko ang pagbago ng awra ni Gideon. Parang
nalungkot siya.

"𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗮𝗸𝗼 𝗮𝗮𝘁𝘁𝗲𝗻𝗱 𝘀𝗮 𝗯𝗮𝗹𝗹!" nasabi ko nalang. Kagaya din ni Vince. I don't want to give false hope.
Natahimik sila.

"𝗛𝗮𝗯𝗮 𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗶𝗿 𝗺𝗼, 𝗯𝗮𝗸𝗮 𝗽𝘄𝗲𝗱𝗲𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗵𝗶𝗻𝗴𝗶 𝗮𝗸𝗼?" bulong ni Audrey na nasa tabi ko lang.
Kinabukasan, napansin ko agad ang pagbabago ni Captain. I don't know kung ako lang ba. Pero ramdam
ko 'yung pag iwas niya.

Naiisip ko tuloy na, baka nagtampo siya sa ginawa kong pagtanggi sa kanya na maging date sa ball.
Gano'n kaya?

"𝗖𝗮𝗽𝘁𝗮𝗶𝗻." tawag ko sa kanya, nasa hallway kami patungong office. Nilingon niya ako at tinaasan ng kilay.

"𝗔𝘆𝗼𝘀 𝗸𝗮 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮?" tanong ko naman.

"𝗬𝗲𝗮𝗵." tanging sagot niya at agad na tumalikod.

"𝗧𝗲𝗸𝗮 𝗹𝗮𝗻𝗴. 𝗜𝗻𝗶𝗶𝘄𝗮𝘀𝗮𝗻 𝗺𝗼 𝗯𝗮 𝗮𝗸𝗼?" lakas loob kong tanong.

"𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻. 𝗠𝗮𝘆 𝗴𝗮𝗴𝗮𝘄𝗶𝗻 𝗽𝗮 𝗸𝗮𝘀𝗶 𝗮𝗸𝗼. 𝗕𝘆𝗲." sabi niya at nag iba ng dereksyon. Akala ko ba pupunta
kami sa office ng Principal?

"𝗦-𝘀𝗶𝗴𝗲 𝗻𝗮. 𝗣𝘂𝗺𝗮𝗽𝗮𝘆𝗮𝗴 𝗻𝗮 𝗮𝗸𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗿𝘁𝗻𝗲𝗿 𝗺𝗼 𝘀𝗮 𝗯𝗮𝗹𝗹." nasabi ko nalang. Napalingon silang lahat
sa'kin. My ghad, anong ginawa ko?

"𝗧𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮? 𝗬𝗼𝘂'𝗿𝗲 𝗻𝗼𝘁 𝗸𝗶𝗱𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗿𝗶𝗴𝗵𝘁?" nakita ko ang pagliwanag sa mukha ni Gideon.

"𝗢𝗼 𝗻𝗴𝗮. 𝗣𝗲𝗿𝗼 𝗶𝗻𝗶𝗶𝘄𝗮𝘀𝗮𝗻 𝗺𝗼 𝗻𝗴𝗮 𝗮𝗸𝗼?" tanong ko. I just want to confirm.
"𝗜'𝗺 𝘀𝗼𝗿𝗿𝘆 𝗮𝗯𝗼𝘂𝘁 𝘁𝗵𝗮𝘁. 𝗦𝗶𝗻𝘂𝗯𝘂𝗸𝗮𝗻 𝗸𝗼 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻. 𝗚𝘂𝘀𝘁𝗼 𝗸𝗼 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗴𝗮𝗴𝗮𝘄𝗶𝗻 𝗺𝗼." sabi
niya pa ng nakangiti.

"𝗕𝗮𝗹𝗶𝘄 𝗸𝗮!" singhal ko sa kaniya.

"𝗕𝗮𝗹𝗶𝘄 𝘀𝗮'𝘆𝗼!" banat naman niya. Kayo ayun tinukso kami hanggang makarating sa office. Now, this is
great!

Sabay sabay kaming pumasok sa office ni Principal Stella.

"𝗚𝗼𝗼𝗱 𝗮𝗳𝘁𝗲𝗿𝗻𝗼𝗼𝗻 𝗽𝗼." bati namin. Napangiti naman si Principal nang makita kami.

"𝗢𝗵 𝗰𝗼𝗺𝗲 𝗶𝗻! 𝗠𝗮𝘂𝗽𝗼 𝗸𝗮𝘆𝗼." tugon niya. Nang maupod kaming lahat sa couch ay siyang pagtayo ng isang
napakagandang babae. Mahaba ang kanyang suot. Kumikinang ito. Ito yata ang unang beses na
magkaharap kami ng ganito kalapit. Whaaahh!

"𝗠-𝗺𝗮𝗴𝗮𝗻𝗱𝗮𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗽𝗼𝗻 𝗽𝗼 𝗜𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗥𝗲𝘆𝗻𝗮." bati namin at yumuko.

Ang Inang Reyna ang siyang pinuno ng Deviant World. Siya ang pinaka makapangyarihan sa lahat. Ang
kanyang Lola na dating reyna ang siyang nagpatupad ng Rival Competition. Na ipinagpatuloy ng kanyang
Ina, at ngayon naman ay siya. Sila rin ang nagbibigay ng premyo sa mga mananalo.
"𝗦𝗶𝗹𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗗𝗲𝘃𝗶𝗮𝗻𝘁 𝗧𝗲𝗮𝗺." pagpapakilala sa'min ni Principal.

Nanatili kaming nakayuko. Nakita ko nalang ang pagtaas ng kamay ng Reyna. Pagkatapos ay lumiwanag
ang buong paligid.

"𝗜 𝗴𝗶𝘃𝗲 𝗺𝘆 𝗯𝗹𝗲𝘀𝘀𝗶𝗻𝗴𝘀 𝘁𝗼 𝘁𝗵𝗲𝗲, 𝘆𝗼𝘂𝗻𝗴 𝗰𝗿𝗲𝗮𝘁𝘂𝗿𝗲 𝗼𝗳 𝗗𝗲𝘃𝗶𝗮𝗻𝘁 𝗔𝗰𝗮𝗱𝗲𝗺𝘆. 𝗚𝗼𝗼𝗱𝗹𝘂𝗰𝗸." malumanay nitong sabi.

"𝗧𝗵𝗮𝗻𝗸 𝘆𝗼𝘂 𝗽𝗼!" pagpapasalamat namin.

Pagkatapos ay umalis na rin ito. Sa pagkakaalam ko lahat ng sasalang sa competition ay binibigyan ng


blessings ng Inang Reyna. I know she cares for us. Pero sadyang ipinagpatuloy lang nito ang nasimulan
ng kanyang Lola.

Pakiramdam ko, mas lalo kaming lumakas at tumibay. Masarap sa pakiramdam ang bendisyon ng Inang
Reyna.

Kinagabihan, nandito kami sa Food Chamber at kumakain ng dinner.

"𝗛𝗶 𝗽𝘄𝗲𝗱𝗲𝗻𝗴 𝘀𝘂𝗺𝗮𝗯𝗮𝘆?" tanong ni Gideon. Nilingon ko ang mga kaibigan ko na may mapanuksong
tingin.
"𝗦-𝘀𝗶𝗴𝗲." tanging naisagot ko.

"𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗸𝗮𝘀𝗶 𝗻𝗶𝗹𝗮 𝗮𝗸𝗼 𝗵𝗶𝗻𝗶𝗻𝘁𝗮𝘆." tukoy niya sa team.

Kaya ayun sabay sabay kaming kumain. Tapos inihatid pa kami ni Gideon sa kanya kanya naming mga
kwarto.

"𝗦𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝘁 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗵𝗮𝘁𝗶𝗱." sabi ko at ngumiti ng bahagya sa kanya.

"𝗪𝗮𝗹𝗮 '𝘆𝗼𝗻. 𝗕𝗮𝘀𝘁𝗮 𝗶𝗸𝗮𝘄 𝗻𝗮 𝗱𝗮𝘁𝗲 𝗸𝗼 𝘀𝗮 𝗯𝗮𝗹𝗹 𝗵𝗮?" paniniguro niya.

"𝗢𝗼 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗖𝗮𝗽𝘁𝗮𝗶𝗻." sagot ko nalang.

"𝗠𝗮𝘀 𝗺𝗮𝗴𝗮𝗻𝗱𝗮 𝗸𝗮𝗽𝗮𝗴 𝘁𝗶𝗻𝗮𝘁𝗮𝘄𝗮𝗴 𝗺𝗼 𝗮𝗸𝗼𝗻𝗴 𝗚𝗶𝗱𝗲𝗼𝗻." tugon niya, nakangiti. I really need to clarify such
things.

"𝗨𝗵 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗺𝗼 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻 𝘀𝗶𝗴𝘂𝗿𝗼 𝗴𝗶𝗻𝗮𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗶𝗴 𝗱𝗲𝗮𝗹 '𝘆𝘂𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴 𝗮𝗺𝗶𝗻 𝗸𝗼𝗻𝗴 𝗰𝗿𝘂𝘀𝗵 𝗸𝗶𝘁𝗮 𝗱𝗶𝗯𝗮?" lakas loob kong
tanong.

"𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻. 𝗡𝗮𝗻𝗶𝗻𝗶𝘄𝗮𝗹𝗮 𝗮𝗸𝗼 𝘀𝗮 𝘀𝗶𝗻𝗮𝗯𝗶 𝗺𝗼 𝗻𝗮 𝘄𝗮𝗹𝗮 𝗸𝗮 𝘁𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗰𝗿𝘂𝘀𝗵. 𝗛𝗮𝗵𝗮. 𝗟𝗼𝗸𝗼 𝗸𝗮𝘀𝗶 '𝘆𝘂𝗻𝗴 𝘀𝗶 𝗔𝗹𝗲𝘅𝗮."
sabi naman niya at tumawa pa. Buti naman.

Isa pa, we're team. Sabi pa nga niya, tatay namin siya.
Hindi ko lang talaga matalagalan 'yung kanina. Na okay naman kami pero bigla nalang siyang mang iiwas.
Mas okay pa 'yung nag aasaran kami. Kesa naman magkaroon sa'min ng pagitan.

Siguro tama lang naman 'yung ginawa kong pagpayag na maging date niya. Wala naman sigurong
problema doon. Ang mahalaga we're good now.

Thanks to me. I just break that damn 𝒘𝒂𝒍𝒍.

𝒯ℴ 𝒷ℯ 𝒸ℴ𝓃𝓉𝒾𝓃𝓊ℯ . . .

CHAPTER 11

𝙊𝙫𝙚𝙧

Last Saturday of the month. Ito 'yung araw na naglilinis kami ng Academy. As in overall cleaning talaga.
Naatasan akong maglinis sa library. Kasama ko si Sophronia. Classmate ko siya sa controlling. Siya 'yung
maglilinis ng mga alikabok at ako naman ang mag aarrange ng mga libro pagkatapos.

Sobrang lawak nitong library. Sobrang dami rin ng mga libro. Pero ni isa ay wala pa akong nababasa dito.
Sorry, tamad eh.

Nagsimula nang maglinis si Sophronia.

"𝗟𝘂𝗺𝗮𝗯𝗮𝘀 𝗸𝗮 𝗸𝗮𝘆𝗮 𝗺𝘂𝗻𝗮? 𝗞𝗮𝘀𝗶 𝗳𝗼𝗿 𝘀𝘂𝗿𝗲 𝗺𝗮𝗹𝗶𝗹𝗶𝗴𝗼 𝗸𝗮 𝘀𝗮 𝗮𝗹𝗶𝗸𝗮𝗯𝗼𝗸 𝗱𝗮𝗵𝗶𝗹 𝘀𝗮 𝗴𝗮𝗴𝗮𝘄𝗶𝗻 𝗸𝗼." tugon niya na agad
ko namang sinunod.

"𝗕𝘂𝗺𝗮𝗹𝗶𝗸 𝗸𝗮 𝗻𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗳𝘁𝗲𝗿 𝗳𝗶𝘃𝗲 𝗺𝗶𝗻𝘂𝘁𝗲𝘀." dagdag niya pa.

Pinagmasdan ko nalang ang aking paligid. Lahat ay abala. May nagpupunas ng mataas na ceiling habang
lumilipad. May nagbubuhat ng mga mesa at parang hangin iyong nagwawalis sa sobrang bilis.

Niisip ko minsan na, paano kaya kapag may isang taong naligaw sa mundong ito? Si mama kaya? Ano
kaya ang magiging reaksyon niya kapag nakita niyang ganito ang lugar na kinabibilangan ng kanyang
asawa at anak?

"𝗔𝗶𝘁𝗵𝗲𝗿 𝗔𝗹𝗮𝗿𝗶𝘀! 𝗜'𝗺 𝗱𝗼𝗻𝗲." nagulat naman ako kasi nasa harapan ko na si Sophronia. Sa likuran niya ay ang
tatlong sako ng basura at mga alikabok. Parang may humihila sa mga ito pero wala naman. Yeah, that's
the craft of controller.
"𝗦𝗶𝗴𝗲 𝗺𝗮𝗴 𝗮𝗮𝘆𝗼𝘀 𝗻𝗮 𝗮𝗸𝗼 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗹𝗶𝗯𝗿𝗼 𝗱𝗼𝗼𝗻." sabi ko at bumalik na sa library. Sobrang linis na. Pero
magulo lang 'yung mga libro. May iilan pang nasa sahig. Umupo ako sa upuan na nasa gitna at sinimulan
ang aking ginagawa.

Sabay sabay kong pinalutang ang mga nasa sampung libro na nasa pinakaitaas. Ito na ang huli kong
aayusin.

Pero bigla akong tumigil at bumagsak lahat ng librong nakalutang sa ere. I've lost my focus.

It's because... I felt something, it's like someone's kissing my lips. But I can't see anyone.

And there he appeared, in my front. Nanatiling magkadikit ang labi namin.

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi agad ako nakakilos dahil sa gulat. Pero nang bumalik sa huwisyo ang
sistema ko ay itinulak ko siya.

"𝗗𝗮𝗺𝗻 𝗶𝘁! 𝗪𝗵𝘆 𝘁𝗵𝗲 𝗵𝗲𝗹𝗹 𝗱𝗶𝗱 𝘆𝗼𝘂 𝗱𝗼 𝘁𝗵𝗮𝘁?" singhal ko kay Vince. Sinamaan ko siya ng tingin. Gumaganti ba
siya sa mga pang aasar ko? Grabeng ganti naman 'yun.

"𝗜 𝗷𝘂𝘀𝘁 𝘄𝗮𝗻𝘁 𝘁𝗼. 𝗦𝗶𝗴𝗲 𝗶𝗽𝗮𝗴𝗽𝗮𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗺𝗼 𝗻𝗮 '𝘆𝘂𝗻𝗴 𝗴𝗶𝗻𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮 𝗺𝗼." sagot niya at naglaho na bigla.
"𝗔𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗿𝗮𝗽 𝗺𝗼 𝗽𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗹𝗶𝗸𝗮𝗻." pahabol pa niya at muling nagpakita para lang kindatan ako.

"𝗦𝗵𝗶𝘁 𝗸𝗮! 𝗨𝗺𝗮𝗹𝗶𝘀 𝗸𝗮 𝗻𝗮 𝗻𝗴𝗮!" sigaw ko nalang.

Hindi! Napapikit ako sa sobrang frustration. Tinapos ko na ang aking ginagawa. Pagkatapos ay pumunta
ako sa garden ng academy.

Napaupo ako sa isang swing.

Hinalikan ako ni Vince. Argh hindi dapat nangyari iyon. At isa pa, anong dahilan niya para halikan ako?

Hindi naman maaaring gusto niya ako. Oo nga't sinabi na niya 'yun. Pero, hindi eh. Hindi talaga.

Napayuko nalang ako inihilamos ang kamay ko sa mukha ko. Gusto ko siyang sapakin dahil sa ginawa
niya. Nakakainis!

"𝗘𝘆 𝗔𝗹𝗮𝗿𝗶𝘀." Napaupo ako ng ayos nang marinig ko ang boses ng kaibigan ko.

"𝗔-𝗮𝗺𝗮𝗿𝗮, 𝗵𝗲𝗹𝗹𝗼! 𝗕𝗮𝗸𝗶𝘁 𝗸𝗮 𝗻𝗮𝗻𝗱𝗶𝘁𝗼?" tanong ko, pinipigilang mautal.


"𝗞𝗮𝗺𝘂𝘀𝘁𝗮 𝗸𝗮?" hindi niya sinagot ang tanong ko.

"𝗜'𝗺—" not fine. "𝗙𝗶𝗻𝗲. 𝗬𝗲𝗮𝗵 𝗜'𝗺 𝗳𝗶𝗻𝗲. 𝗜𝗸𝗮𝘄 𝗯𝗮?"

"𝗡𝗼, 𝘆𝗼𝘂'𝗿𝗲 𝗻𝗼𝘁. 𝗡𝗮𝗴𝘂𝗴𝘂𝗹𝘂𝗵𝗮𝗻 𝗸𝗮 𝗯𝗮?" tanong na naman niya. Damn. Imposibleng walang alam 'tong
kaibigan ko. She can read my emotions.

"𝗪𝗵𝗮𝘁 𝗱𝗼 𝘆𝗼𝘂 𝗺𝗲𝗮𝗻?" tanong ko. Pilit pinapakalma ang tibok ng puso ko. Feeling ko maririnig na niya.

"𝗔𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗸𝗶𝗿𝗮𝗺𝗱𝗮𝗺?" nakatingala siya sa mga ulap nung tinanong niya 'yun. Tingin ko'y hinuhuli lang
niya ako. Pero ayoko namang sabihin agad.

"𝗜 𝗱𝗼𝗻'𝘁 𝗸𝗻𝗼𝘄 𝘄𝗵𝗮𝘁 𝘆𝗼𝘂'𝗿𝗲 𝘁𝗮𝗹𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗯𝗼𝘂𝘁 𝗔𝗺𝗮𝗿𝗮." nagpanggap ako na naguguluhan.

"𝗬𝗼𝘂 𝗰𝗮𝗻'𝘁 𝗸𝗲𝗲𝗽 𝗮 𝘀𝗲𝗰𝗿𝗲𝘁 𝗼𝗻 𝗺𝗲. 𝗜 𝘄𝗮𝘀 𝘁𝗵𝗲𝗿𝗲." Sabi niya na nagpatigil sa'kin. She was there? Sa library?

"𝗢𝗵 𝗺𝘆 𝗴𝗵𝗮𝗱. 𝗬𝗼𝘂 𝗺𝗲𝗮𝗻? 𝗡-𝗻𝗮𝗸𝗶𝘁𝗮 𝗺𝗼?" gulat kong tanong na agad niyang tinanguan. And without a
reason, nangilid ang mga luha ko. Nagulat si Amara sa pag iyak ko kaya agad niya akong dinaluhan.

"𝗦𝘀𝗵𝗵 𝗼𝗸𝗮𝘆 𝗹𝗮𝗻𝗴 '𝘆𝘂𝗻 𝘂𝘆." pagpapatahan niya sakin. Niyakap niya ako.

"𝗡𝗼! 𝗔𝗺𝗮𝗿𝗮 𝗵𝗶𝗻𝗮𝗹𝗶𝗸𝗮𝗻 𝗻𝗶𝘆𝗮 𝗮𝗸𝗼. 𝗛𝗶𝗻𝗮𝗹𝗶𝗸𝗮𝗻 𝗮𝗸𝗼 𝗻𝗶 𝗩𝗶𝗻𝗰𝗲 𝗻𝗮 𝘀𝗶𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗴𝘂𝘀𝘁𝗼 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗶𝗯𝗶𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻." humagulgol pa
ako lalo nung sinabi ko 'yun.
"𝗧𝗮𝗺𝗮 𝗯𝗮 '𝘆𝘂𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗿𝗶𝗻𝗶𝗴 𝗸𝗼 𝗔𝗹𝗮𝗿𝗶𝘀?" napatigil ako dahil sa boses na 'yun. Kinabahan ako ng sobra. Nilingon
ko siya. "𝗛-𝗵𝗶𝗻𝗮𝗹𝗶𝗸𝗮𝗻 𝗸𝗮 𝗻𝗶 𝗩𝗶𝗻𝗰𝗲?" tanong niya.

"𝗟-𝗹𝗮𝗶𝗹𝗮, 𝗹𝗲𝘁 𝗺𝗲 𝗲𝘅𝗽𝗹𝗮𝗶𝗻." utal kong sabi. Shit I wanna hug my bestfriend right now.

"𝗔𝗹𝗮𝗺 𝗺𝗼𝗻𝗴 𝗴𝘂𝘀𝘁𝗼 𝗸𝗼 𝘀𝗶𝘆𝗮 𝗱𝗶𝗯𝗮? 𝗧𝗮𝗽𝗼𝘀 𝗸𝗮𝗶𝗯𝗶𝗴𝗮𝗻 𝗸𝗶𝘁𝗮 𝗲𝗵." malumanay niyang sabi.

"𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 '𝘆𝘂𝗻 𝘁𝘂𝗹𝗮𝗱 𝗻𝗴 𝗶𝗻𝗶𝗶𝘀𝗶𝗽 𝗺𝗼. 𝗠𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗸𝗼 𝗮𝘆 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗸𝗼 𝗮𝗹𝗮𝗺 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗱𝗮𝗵𝗶𝗹𝗮𝗻 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗸𝗶𝘁 𝗻𝗶𝘆𝗮 𝗮𝗸𝗼
𝗵𝗶𝗻𝗮𝗹𝗶𝗸𝗮𝗻. 𝗜 𝘄𝗮𝘀 𝗷𝘂𝘀𝘁 𝘁𝗵𝗲𝗿𝗲, 𝘀𝗶𝘁𝘁𝗶𝗻𝗴, 𝗮𝗿𝗿𝗮𝗻𝗴𝗶𝗻𝗴 𝘁𝗵𝗲 𝗯𝗼𝗼𝗸𝘀 𝗟𝗮𝗶𝗹𝗮. 𝗧𝗮𝗽𝗼𝘀 𝗯𝗶𝗴𝗹𝗮 𝗻𝗶𝘆𝗮 𝗻𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗸𝗼𝗻𝗴 𝗵𝗶𝗻𝗮𝗹𝗶𝗸𝗮𝗻
𝘄𝗵𝗶𝗹𝗲 𝗵𝗲'𝘀 𝗶𝗻𝘃𝗶𝘀𝗶𝗯𝗹𝗲." paliwanag ko. Sana naman ay huwag niyang isipin na may kasalanan ako.

"𝗦𝗼, 𝗶𝗸𝗮𝘄 𝗽𝗮𝗹𝗮 '𝘆𝘂𝗻𝗴 𝘁𝗶𝗻𝘂𝘁𝘂𝗸𝗼𝘆 𝗻𝗶𝘆𝗮 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹 '𝗸𝘂𝗻𝗼' 𝗻𝗶𝘆𝗮? 𝗞𝗮𝘆𝗮 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗻𝗶𝘆𝗮 𝗺𝗮𝘀𝘂𝗸𝗹𝗶𝗮𝗻 𝗶𝘁𝗼𝗻𝗴
𝗻𝗮𝗿𝗮𝗿𝗮𝗺𝗱𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗸𝗼 𝗮𝘆 𝗱𝗮𝗵𝗶𝗹 𝘀𝗮𝘆𝗼." nakita kong namasa ang mga mata ni Laila. No, my bestfriend is crying
because of me.

"𝗕𝗮𝗸𝗶𝘁 𝗶𝗸𝗮𝘄 𝗽𝗮 𝗔𝗹𝗮𝗿𝗶𝘀? 𝗜𝗸𝗮𝘄 𝗽𝗮 𝗻𝗮 𝗸𝗮𝗶𝗯𝗶𝗴𝗮𝗻 𝗸𝗼." sa boses niya ay halatang disappointed siya sa'kin.

"𝗜𝗶𝘄𝗮𝘀𝗮𝗻 𝗸𝗼 𝗻𝗮 𝘀𝗶𝘆𝗮. 𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗸𝗼 𝗻𝗮 𝘀𝗶𝘆𝗮 𝗽𝗮𝗽𝗮𝗻𝘀𝗶𝗻𝗶𝗻 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝗶𝘆𝗼𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗿𝗮𝗿𝗮𝗽𝗮𝘁." agad kong tugon.

"𝗛𝘂𝘄𝗮𝗴 𝗻𝗮. 𝗗𝗮𝘁𝗶 𝗯𝗮 𝘀𝗮 𝗰𝗼𝗻𝗳𝗲𝗿𝗲𝗻𝗰𝗲 𝗵𝗮𝗹𝗹, 𝗻𝗮𝗿𝗶𝗻𝗶𝗴 𝗺𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗶𝗻𝗮𝗯𝗶 𝗻𝗶 𝗔𝗺𝗮𝗿𝗮 𝗻𝘂𝗻𝗴 𝘀𝗶𝗻𝗮𝗯𝗶𝗵𝗮𝗻 𝗺𝗼 𝘀𝗶𝘆𝗮𝗻𝗴
𝗺𝗮𝗴𝗽𝗮𝗹𝗶𝘁 𝗸𝗮𝘆𝗼 𝗻𝗴 𝘂𝗽𝘂𝗮𝗻?" tanong niya na nagpakunot sa noo ko. Inalala ko 'yun. Pero oo, may sinabi si
Amara pero hindi ko na nabigyang pansin.

"𝗦𝗮𝗯𝗶 𝗻𝗶𝘆𝗮, 𝗮𝘆𝗮𝘄 𝗻𝗶𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗵𝗮𝗱𝗹𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗱𝗮𝗹𝗮𝘄𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗼𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗴 𝗶𝗶𝗯𝗶𝗴𝗮𝗻. 𝗞𝗮𝘆𝗼 𝗻𝗶 𝗩𝗶𝗻𝗰𝗲 '𝘆𝘂𝗻. 𝗞𝗮𝘆𝗮 𝗔𝗹𝗮𝗿𝗶𝘀,
𝗮𝗺𝗶𝗻𝗶𝗻 𝗺𝗼 𝗻𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝘆 𝗻𝗮𝗿𝗮𝗿𝗮𝗺𝗱𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗸𝗮 𝗿𝗶𝗻 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗻𝘆𝗮." napamaang ako matapos niyang sabihin
iyon. May nararamdaman ba ako para kay Vince? Damn! Bakit hindi ko alam kung anong isasagot?
"𝗦𝗲𝗲? 𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗺𝗼 𝗺𝗮𝘀𝗮𝗯𝗶𝗻𝗴 𝘄𝗮𝗹𝗮 𝗸𝗮𝘀𝗶 𝗺𝗲𝗿𝗼𝗻 𝘁𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮! 𝗦𝗮 𝗻𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻, 𝗸𝗮𝗹𝗶𝗺𝘂𝘁𝗮𝗻 𝗺𝗼 𝗻𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝗴𝗸𝗮𝗶𝗯𝗶𝗴𝗮𝗻
𝘁𝗮𝘆𝗼." sabi ni Laila at tinalikuran na kami ni Amara.

"𝗟𝗮𝗶𝗹𝗮!" tawag ko pa pero hindi na talaga siya lumingon pa.

"𝗧𝗮𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗮 𝗔𝗹𝗮𝗿𝗶𝘀." nilingon ko si Amara.

"𝗔𝗺𝗮𝗿𝗮, 𝗵𝗲𝗹𝗽 𝘂𝘀. 𝗗𝗶𝗯𝗮 𝗶𝗸𝗮𝘄 '𝘆𝘂𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗴𝗯𝗶𝗯𝗶𝗴𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝗽𝗲𝗮𝗰𝗲 𝗱𝗶𝘁𝗼 𝘀𝗮 𝗔𝗰𝗮𝗱𝗲𝗺𝘆? 𝗕𝗮𝗸𝗮 𝗽𝘄𝗲𝗱𝗲𝗻𝗴 𝗸𝘂𝗵𝗮𝗻𝗶𝗻 𝗺𝗼
'𝘆𝘂𝗻𝗴 𝗴𝗮𝗹𝗶𝘁 𝗻𝗶 𝗟𝗮𝗶𝗹𝗮 𝘀𝗮'𝗸𝗶𝗻. 𝗔𝗺𝗮𝗿𝗮 𝗽𝗹𝗲𝗮𝘀𝗲." Pakiusap ko.

"𝗜𝗯𝗮 𝘀𝗶 𝗟𝗮𝗶𝗹𝗮, 𝗔𝗹𝗮𝗿𝗶𝘀. 𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗻𝗮𝗸𝗼𝗸𝗼𝗻𝘁𝗿𝗼𝗹 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝘀𝗶𝗽 𝗮𝘁 𝗱𝗮𝗺𝗱𝗮𝗺𝗶𝗻 𝗻𝗶𝘆𝗮. 𝗚𝗶𝘃𝗲 𝗵𝗲𝗿 𝘁𝗶𝗺𝗲 𝘁𝗼 𝗺𝗼𝘃𝗲 𝗼𝗻. 𝗔𝘁
𝘁𝘂𝘁𝘂𝗹𝘂𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗸𝗼 𝘀𝗶𝘆𝗮." aniya. Natahimik ako.

Sa tingin niyo ba, magugustuhan ko pa si Vince gayong sinira niya ang pagkakaibigan namin ni Laila?

It hurts knowing that our friendship is now 𝒐𝒗𝒆𝒓.

𝒯ℴ 𝒷ℯ 𝒸ℴ𝓃𝓉𝒾𝓃𝓊ℯ . . .

CHAPTER 12

𝙏𝙚𝙖𝙢 𝘾𝙖𝙥𝙩𝙖𝙞𝙣
Dumaan ang mga araw. Hindi na ako muling pinansin pa ni Laila. Kahit minsan ay nakakasabay ko siyang
kumain. Si Amara lang din ang kumakausap sa'kin.

Si Vince naman ay kinausap ko din. At talaga namang sinapak ko siya.

*𝗙𝗟𝗔𝗦𝗛𝗕𝗔𝗖𝗞*

"𝗛𝗼𝘆 𝗩𝗶𝗻𝗰𝗲!" sigaw ko sa kanya isang umaga nang makita ko siyang papunta sa training room. Agad
naman niya akong nilingon.

"𝗢𝗵 𝗴𝗼𝗼𝗱 𝗺𝗼𝗿𝗻𝗶𝗻𝗴!" nakangiting bati niya. Mas nainis ako lalo dahil sa pesteng ngiti niya. Grr.

"𝗔𝗻𝗼? 𝗠𝗮𝘀𝗮𝘆𝗮 𝗸𝗮 𝗯𝗮 𝘀𝗮 𝗴𝗶𝗻𝗮𝘄𝗮 𝗺𝗼 𝗵𝗮? 𝗦𝗶𝗻𝗶𝗿𝗮 𝗺𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝗸𝗮𝗶𝗯𝗶𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗮𝗺𝗶𝗻 𝗻𝗶 𝗟𝗮𝗶𝗹𝗮! 𝗗𝗮𝗺𝗻 𝘆𝗼𝘂!" singhal
ko at tinuro turo pa siya sa mukha.

"𝗬𝗲𝘀, 𝗼𝗳 𝗰𝗼𝘂𝗿𝘀𝗲 𝗜'𝗺 𝗵𝗮𝗽𝗽𝘆. 𝗚𝗶𝘃𝗲𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝗳𝗮𝗰𝘁 𝗻𝗮 𝗻𝗮𝗵𝗮𝗹𝗶𝗸𝗮𝗻 𝗸𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗼𝗻𝗴 𝗴𝘂𝘀𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗴𝘂𝘀𝘁𝗼 𝗸𝗼." walang kwentang
sagot niya. Ni hindi pinansin iyong huli kong sinabi. Nanggigigil talaga ako!

"𝗔𝗻𝗼, 𝗸𝗶𝗻𝗶𝗸𝗶𝗹𝗶𝗴 𝗸𝗮 𝗻𝗮 𝗯𝗮 𝗻𝗶𝘆𝗮𝗻?" aniya dahil hindi ako nakasagot sa una niyang sinabi. Kung nakamamatay
lang ang tingin ko, kanina pa pinaglalamayan 'to.

"𝗢𝗼, 𝗮𝘁 𝗴𝗮𝗻𝗶𝘁𝗼 𝗮𝗸𝗼 𝗸𝗶𝗹𝗶𝗴𝗶𝗻!" sigaw ko at agad siyang sinapak. Natamaan ko ang kaliwang mata niya.

Kinabukasan nun ay may black eye na siya.


*𝗘𝗡𝗗 𝗢𝗙 𝗙𝗟𝗔𝗦𝗛𝗕𝗔𝗖𝗞*

Mamayang gabi na ang seniors ball. Sa conference hall iyon gaganapin. At wala akong gana. Ayoko
sanang umattend pero, baka magtampo si Gideon 'pag nagkataon.

Buong araw akong nagmukmok sa kwarto ko. 'Di ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising nalang
ako dahil sa magkakasunod na katok.

"𝗔𝗹𝗮𝗿𝗶𝘀?" tinig ni Aqua iyon.

"𝗕𝗮𝗸𝗶𝘁?" tamad kong sagot.

"𝗪𝗶𝗹𝗹 𝘆𝗼𝘂 𝗽𝗹𝗲𝗮𝘀𝗲 𝗼𝗽𝗲𝗻 𝘁𝗵𝗶𝘀 𝗱𝗮𝗺𝗻 𝗱𝗼𝗼𝗿?" sigaw ni, oh my ghad. Napabangon ako mula sa pagkakahiga.

"𝗟𝗮𝗶𝗹𝗮?" tawag ko nang tuluyan akong makalapit sa pinto.

Bumungad sa'kin si Aqua with her red elegant gown, si Amara wearing her pink stunning long gown. At si
Laila, nasa harapan ko siya. Kahit na nakasimangot siya sa'kin ay hindi ako makapaniwalang nandito siya.
Kulay itim ang kanyang suot, kumikinang ito dahil sa mga beads na nakakabit.

"𝗧𝗶𝘁𝗶𝘁𝗶𝗴𝗮𝗻 𝗺𝗼 𝗻𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮 𝗸𝗮𝗺𝗶?" sarcastic na tanong ni Laila.


"𝗠𝗮𝗴𝗯𝗶𝗵𝗶𝘀 𝗸𝗮 𝗻𝗮 𝗮𝘁 𝗮𝗮𝘆𝘂𝘀𝗮𝗻 𝗸𝗮 𝗻𝗮𝗺𝗶𝗻!" nakangiti namang tugon ni Amara.

Pumasok sila sa aking silid. Ako nama'y nagmadaling kumilos. Halos isang oras nalang at magsisimula na
'yung ball.

Kulay light blue ang aking gown. Sobrang hirap isuot, mabuti nalang at nandito ang mga kaibigan ko.

Inayusan nila ako. Mula sa make up, hanggang sa aking buhok. Pagkatapos ay hinila nila ako paharap sa
salamin.

"𝗔𝗻𝗴 𝗴𝗮𝗻𝗱𝗮 𝗴𝗮𝗻𝗱𝗮 𝗺𝗼!" tili ni Aqua.

"𝗧𝗵𝗮𝗻𝗸 𝘆𝗼𝘂 𝘀𝗮 𝗶𝗻𝘆𝗼 𝗵𝗮?" nakangiti kong pagpapasalamat. Pinasadahan ko ang sarili sa salamin.

"𝗢𝗵 𝘄𝗲𝗮𝗿 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗺𝗮𝘀𝗸." Inabot ni Laila 'yung mask na katerno din ng suot ko.

Masquerade ball kasi iyon. Iyong palibot lang ng mga mata ko ang natatakpan. Half lang kasi siya.

Hindi ko naman napigilan ang sarili kong yakapin si Laila.

"𝗕𝗮𝘁𝗶 𝗻𝗮 𝗯𝗮 𝘁𝗮𝘆𝗼? 𝗠𝗶𝘀𝘀 𝗻𝗮 𝗸𝗶𝘁𝗮 𝗟𝗮𝗶𝗹𝗮." malungkot kong saad.


"𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗽𝗮𝗿𝗶𝗻." agad niyang sagot. Napanguso ako.

"𝗦𝗶𝗴𝗲 𝘀𝗮𝗯𝗶 𝗺𝗼 𝗲𝗵. 𝗣𝗲𝗿𝗼 𝗺𝗮𝘆 𝘀𝘂𝗿𝗽𝗿𝗶𝘀𝗲 𝗮𝗸𝗼 𝗺𝗮𝗺𝗮𝘆𝗮 𝘀𝗮'𝘆𝗼." sabi ko naman, nakangiti. Tinaasan niya ako ng
kilay.

"𝗪𝗵𝗮𝘁𝗲𝘃𝗲𝗿 𝗔𝗹𝗮𝗿𝗶𝘀." pairap niyang tugon. Ang sungit talaga ng bestfriend ko.

Kinausap ko kasi si Vince kahapon. Humingi lang ako ng favor, na isayaw niya si Laila. Make her feel
better and happy kahit ngayong gabi lang. Tapos ayun hindi pa sana papayag. Sinuntok ko na daw siya
tapos hihingi pa ako ng favor. Pero at the end, pumayag din naman, papilit masyado.

"𝗔𝗻𝘆𝘄𝗮𝘆𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝗴𝗮𝗴𝗮𝗻𝗱𝗮 𝗻𝗶𝘆𝗼." baling ko sa kanilang lahat.

"𝗔𝘀𝘂𝘀, 𝘁𝗮𝗿𝗮 𝗻𝗮 𝗻𝗴𝗮. 𝗠𝗮𝗴𝘀𝗶𝘀𝗶𝗺𝘂𝗹𝗮 𝗻𝗮 '𝘆𝘂𝗻 𝗯𝗮𝗸𝗮 𝗺𝗮𝗹𝗮𝘁𝗲 𝘁𝗮𝘆𝗼." ani Aqua.

Kaya pumunta na kami sa conference hall kung saan gaganapin ang ball.

Sakto lang ang dating namin kasi nag eentrance pa lang sila. Nasa'n na ba si captain? Hindi ko na
makilala ang mga tao dahil nakasuot sila ng maskara. Grr.

"𝗛𝗶!" bati ng isang lalaking kakalapit lang sa'kin.


"𝗢𝗵" nasambit ko nalang. Pinagmasdan ko siyang maigi. He's on his black tuxedo with his black mask.
Ngumiti siya. I don't know pero nakilala ko siya dahil sa ngiti niyang 'yun kahit tipid lang. Tinitigan ko ang
kanyang mga mata. Kulay gray pala iyon. And without any hesitation, sinambit ko ang ngalan niya.
"𝗩𝗶𝗻𝗰𝗲."

Mukha pa siyang nagulat. Natawa tuloy ako.

"𝗛𝗼𝘄 𝗱𝗶𝗱 𝘆𝗼𝘂 𝗸𝗻𝗼𝘄 𝗺𝗲 𝘁𝗵𝗮𝘁 𝗳𝗮𝘀𝘁?" tanong pa niya, namamangha.

"𝗧𝘀𝘀." nagkibit balikat lang ako.

Nag usap pa kami sandali until a guy interrupted us. Pinasadahan ko siya ng tingin. Inilagay niya ang
kanang kamay sa kanyang dibdib at bahagyang yumuko sa'kin.

"𝗚𝗼𝗼𝗱 𝗲𝘃𝗲𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗼𝘀𝘁 𝗴𝗼𝗿𝗴𝗲𝗼𝘂𝘀 𝗽𝗿𝗶𝗻𝗰𝗲𝘀𝘀 𝗶𝗻 𝘁𝗵𝗲 𝘂𝗻𝗶𝘃𝗲𝗿𝘀𝗲." pambobola niya sa'kin.

"𝗠𝗮𝗴𝗮𝗻𝗱𝗮𝗻𝗴 𝗴𝗮𝗯𝗶." tanging nasabi ko. Buti at dumating siya. Akala ko maglalakad ako sa grand entrance
nang mag isa. Tss.

"𝗣𝗮𝘂𝗺𝗮𝗻𝗵𝗶𝗻 𝗮𝘁 𝗻𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗸𝗼. 𝗟𝗲𝘁'𝘀 𝗴𝗼?" he said then smile at me so genuine. What's with this guy?

Agad niyang inilahad ang kanyang kamay sa'kin na tinanggap ko naman. Inilagay niya iyon sa kanyang
braso tsaka naglakad na kami papasok.
Pagkatapos ng opening ceremony ay nagsayawan kaming lahat. A formal dance, by pair iyon pero sa
bawat pag ikot ay iba na naman ang partner namin.

Sa kalagitnaan ng pagsasayaw ay bigla akong nahilo. Kaya umalis na ako sa crowd at bumalik sa table
namin. May mga food na doon kaya kumain nalang ako. Nahilo yata ako sa pag ikot ikot.

"𝗔𝘆𝗼𝘀 𝗸𝗮 𝗹𝗮𝗻𝗴? 𝗕𝗮𝗸𝗶𝘁 𝗸𝗮 𝘁𝘂𝗺𝗶𝗴𝗶𝗹 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗴𝘀𝗮𝘀𝗮𝘆𝗮𝘄?" ani Gideon tsaka naupo sa tabi ko.

"𝗠𝗶𝗻𝗱 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗼𝘄𝗻 𝗯𝘂𝘀𝗶𝗻𝗲𝘀𝘀." pairap kong tugon at ipinagpatuloy ang pagkain.

"𝗕𝗲 𝗺𝘆 𝗼𝘄𝗻 𝗯𝘂𝘀𝗶𝗻𝗲𝘀𝘀 𝘁𝗵𝗲𝗻." banat niya. Ano daw?

"𝗘𝘄𝗮𝗻 𝗸𝗼 𝘀𝗮'𝘆𝗼 𝗰𝗮𝗽𝘁𝗮𝗶𝗻." pagtataray ko. Ewan naiinis ako sa pagmumukha ne'to. Haha kidding.

"𝗚𝗶𝗱𝗲𝗼𝗻." pagtatama niya sa sinabi ko. Ang arte naman. Kung iba hindi naman niya pinupuna, na
tinatawag siyang captain, tapos ako bawal?

"𝗙𝗶𝗻𝗲. 𝗘𝘁𝗼 𝗸𝘂𝗺𝗮𝗶𝗻 𝗸𝗮." pag alok ko sa kanya. Ramdam ko kasi ang titig niya kahit pa hindi ako nakatingin.

Nagulat nalang ako dahil bigla niyang inilapit ang kanyang mukha sa'kin. Hindi naman super lapit. It's
just, nakakaintimidate. Binuka niya ang kanyang bibig. He's acting like, magpapasubo siya sa'kin. I
controlled the spoon with food at isinubo iyon sa kanya.

"𝗞𝘂𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗺𝗮𝗱 𝗸𝗮, 𝗺𝗮𝘀 𝘁𝗮𝗺𝗮𝗱 𝗮𝗸𝗼." saad ko at inirapan siya. Tinawanan lang niya ako.
"𝗚𝗥𝗔𝗕 𝗬𝗢𝗨𝗥 𝗣𝗔𝗥𝗧𝗡𝗘𝗥𝗦 𝗔𝗡𝗗 𝗢𝗪𝗡 𝗧𝗛𝗘 𝗗𝗔𝗡𝗖𝗘 𝗙𝗟𝗢𝗢𝗥." sigaw ng emcee, na nagpa-ingay sa lahat. Eto na
ang last part ng ball. "𝗪𝗲'𝗹𝗹 𝗰𝗵𝗼𝗼𝘀𝗲 𝘁𝗵𝗲 𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗱 𝗾𝘂𝗲𝗲𝗻 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗻𝗶𝗴𝗵𝘁." pahabol niya.

Ilang sandali pa, dalawang kamay ang nag unahang lumahad sa aking harapan. Kumunot ang noo ko at
tiningala sila. Here they are again. Vince and Gideon. What's up with you guys? Napairap ako at
tinanggap ang kamay ni Gideon.

Binigyan ko naman si Vince ng '𝑮𝒐 𝒂𝒏𝒅 𝒅𝒂𝒏𝒄𝒆 𝒘𝒊𝒕𝒉 𝑳𝒂𝒊𝒍𝒂 𝒍𝒐𝒐𝒌'. I'm glad at nakuha niya iyon.

Dinala ako ni Gideon sa dance floor. Sobrang ganda ng music.

𝑰 𝒘𝒂𝒏𝒏𝒂 𝒉𝒂𝒗𝒆 𝒂 𝒔𝒍𝒐𝒘 𝒅𝒂𝒏𝒄𝒆 𝒘𝒊𝒕𝒉 𝒚𝒐𝒖

𝑾𝒊𝒕𝒉 𝒎𝒚 𝒆𝒚𝒆𝒔 𝒄𝒍𝒐𝒔𝒆

𝑾𝒊𝒕𝒉 𝒂 𝒔𝒎𝒊𝒍𝒆 𝒐𝒏 𝒎𝒚 𝒍𝒊𝒑𝒔

𝑨𝒏𝒅 𝒇𝒆𝒆𝒍𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒚 𝒉𝒆𝒂𝒓𝒕𝒃𝒆𝒂𝒕

Inilagay niya ang dalawang kamay ko sa kanyang balikat tsaka niya hinapit ang bewang ko. Nagsimula
kaming gumalaw creating a rhythm and feeling the song.
𝑶𝒉 𝒕𝒉𝒊𝒔 𝒏𝒊𝒈𝒉𝒕

𝑾𝒊𝒕𝒉 𝒚𝒐𝒖 𝒊𝒏 𝒃𝒆𝒕𝒘𝒆𝒆𝒏 𝒎𝒚 𝒂𝒓𝒎𝒔

𝑯𝒐𝒍𝒅𝒊𝒏𝒈 𝒚𝒐𝒖 𝒕𝒊𝒈𝒉𝒕

𝑺𝒐 𝒄𝒍𝒐𝒔𝒆 𝒕𝒐 𝒎𝒆

𝑺𝒐 𝒄𝒍𝒐𝒔𝒆 𝒕𝒐 𝒎𝒚 𝒉𝒆𝒂𝒓𝒕

𝒀𝒆𝒂𝒉 𝑰 𝒘𝒂𝒏𝒏𝒂 𝒉𝒂𝒗𝒆 𝒂 𝒔𝒍𝒐𝒘 𝒅𝒂𝒏𝒄𝒆

𝒘𝒊𝒕𝒉 𝒚𝒐𝒖 𝒕𝒐𝒏𝒊𝒈𝒉𝒕

Halos hindi ako makahinga sapagkat nakadikit na ng sobra ang katawan namin ni Captain. We're like
hugging each other while dancing so slow.

Napasinghap nalang ako dahil ramdam ko na ang pagbigat ng kanyang hininga sa bandang leeg ko. What
is damn happening?

"𝗜 𝗹𝗶𝗸𝗲 𝘆𝗼𝘂." he whispered. I almost opened my mouth because of his confession.

"𝗖-𝗰𝗮𝗽𝘁𝗮𝗶𝗻?" tanging tugon ko. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong sabihin. I am shocked.

"𝗜 𝗹𝗶𝗸𝗲 𝘆𝗼𝘂 𝘀𝗼 𝗺𝘂𝗰𝗵 𝗔𝗶𝘁𝗵𝗲𝗿 𝗔𝗹𝗮𝗿𝗶𝘀." ulit pa niya at agad niya akong hinila palabas ng dance floor. No, we're
leading our way out of the hall.
I wanna ask him kung saan kami pupunta. Pero hindi ko na ginawa pa. Nagpahila lang ako sa kanya.
Hanggang sa narating namin ang likurang bahagi ng Academy. Maraming puno dito. Like a forest.

Pumasok kami sa kakahuyan. Hindi ko alam pero I can't calm my heart. Sobrang lakas ng tibok nito.

Hingal kami pareho nang tumigil kami. We're now standing in front of a cave. Nilingon ko si Gideon.
Hinila na naman niya ako papasok.

The place is quite creepy. But I'm not scared though. Madilim lang kasi talaga. Pero habang papalapit
kami sa loob ay unti unting lumiliwanag ang paligid.

Nang huminto kami sa paglalakad ay bumungad sa'min ang isang napakandang lawa at may talon din.
Kumikinang ito. A blue glistered lights.

"𝗧𝗵𝗶𝘀 𝗶𝘀 𝘁𝗵𝗲 𝗲𝗻𝗰𝗵𝗮𝗻𝘁𝗲𝗱 𝗰𝗮𝘃𝗲." panimula ni Gideon. Hindi ko alam na may ganito kagandang lugar dito.

"𝗜'𝗺 𝗮𝗹𝘄𝗮𝘆𝘀 𝗵𝗲𝗿𝗲 𝘄𝗵𝗲𝗻𝗲𝘃𝗲𝗿 𝗜 𝗵𝗮𝘃𝗲 𝘁𝗶𝗺𝗲 𝗼𝗿 𝘄𝗵𝗲𝗻 𝗜 𝗵𝗮𝘁𝗲 𝘀𝘁𝗮𝘆𝗶𝗻𝗴 𝗶𝗻𝘀𝗶𝗱𝗲 𝘁𝗵𝗲 𝗮𝗰𝗮𝗱𝗲𝗺𝘆." he said while looking
at the water. I wanna touch it.

"𝗢𝗻𝗹𝘆 𝗳𝗲𝘄 𝗸𝗻𝗼𝘄𝘀, 𝘁𝗵𝗮𝘁 𝘁𝗵𝗶𝘀 𝗽𝗹𝗮𝗰𝗲 𝗲𝘅𝗶𝘀𝘁𝘀." sabi pa niya tsaka nilingon niya ako. And that moment
nakatingin na ako sa kanya. Tinitigan niya ako sa aking nga mata.

"𝗔𝗻𝗱 𝘆𝗲𝗮𝗵, 𝗮𝗯𝗼𝘂𝘁 𝘄𝗵𝗮𝘁 𝗜'𝘃𝗲 𝘀𝗮𝗶𝗱. 𝗜𝘁'𝘀 𝘁𝗿𝘂𝗲." tukoy niya sa ginawang pag amin.
"𝗣𝗲𝗿𝗼 𝗽𝗮𝗮𝗻𝗼?" tanging tugon ko. I feel so stupid right now. My brains isn't working.

"𝗜'𝘃𝗲 𝗯𝗲𝗲𝗻 𝗮𝗱𝗺𝗶𝗿𝗶𝗻𝗴 𝘆𝗼𝘂 𝗳𝗼𝗿 𝘆𝗲𝗮𝗿𝘀, 𝗱𝗮𝗺𝗻!" Pagkatapos niyang sabihin iyon ay humakbang siya papalapit
sa'kin. Kinukuha ang distansya sa aming pagitan.

"𝗛𝗼𝗻𝗲𝘀𝘁𝗹𝘆, 𝗜 𝗱𝗼𝗻'𝘁 𝗸𝗻𝗼𝘄 𝘄𝗵𝗮𝘁 𝘁𝗼 𝘀𝗮𝘆." hindi ko talaga alam.

Iba 'to sa pag amin ni Vince sa'kin. Mas pinaniniwalaan agad ito ng sistema ko.

"𝗢𝗵, 𝘁𝗵𝗲𝗻 𝘀𝘁𝗼𝗽 𝘀𝗽𝗲𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴. 𝗜'𝗹𝗹 𝘁𝗮𝗹𝗸 𝘁𝗼 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝘀𝗼𝘂𝗹." he said and claimed my lips right away.

I was stunned. Naalala ko si Vince. Kahit siya ang unang humalik sa'kin. This one with Gideon is different.

There's something in the ambiance of this place that makes me feel the kiss, it's romantic.

Wala sa sariling ipinikit ko ang aking mga mata at ginantihan siya ng halik. It feels that, eto ang first kiss
ko.

I have my first kiss in this enchanted place. with the one who's name is Gideon, our 𝒕𝒆𝒂𝒎 𝒄𝒂𝒑𝒕𝒂𝒊𝒏.

𝒯ℴ 𝒷ℯ 𝒸ℴ𝓃𝓉𝒾𝓃𝓊ℯ . . .
CHAPTER 13

𝙒𝙞𝙣

Habol namin ang hininga matapos ang nangyaring halik.

Gusto kong sumbatan ang sarili kung bakit hinayaan kong mangyari iyon. Maaaring isipin niyang gusto
ko din siya dahil doon.

Kasi alam ko sa sarili ko na wala akong pagtingin sa kanya. Pero naisip ko na, pwede namang ituon ko
nalang ang atensyon ko sa kanya. Gideon and I. Vince and Laila.

Well yes, I like Vince. Pero hindi yata talaga kami para sa isa't isa.

"𝗔𝗶𝘁𝗵𝗲𝗿." tawag ni captain sa ngalan ko tsaka kinuha ang kanang kamay ko. Hinaplos niya iyon at inangat
patungo sa labi niya at marahang hinalik halikan ito.

Ang sarap sa pakiramdam ng kanyang ginagawa. In fact, hindi naman talaga siya mahirap gustuhin.

Napangiti ako sa kanya.

"𝗕𝘂𝗺𝗮𝗹𝗶𝗸 𝗻𝗮 𝘁𝗮𝘆𝗼 𝘀𝗮 𝗯𝗮𝗹𝗹." saad ko.


Pero sa halip na sumang ayon sa sinabi ko ay hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. At agad na
tinanggal ang aking suot na maskara.

Nakita ko kung paano niya sinuri ang kabuuan ng mukha ko.

"𝗗𝗮𝘁𝗶, 𝗴𝘂𝘀𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗴𝘂𝘀𝘁𝗼 𝗸𝗶𝘁𝗮𝗻𝗴 𝗵𝗮𝘄𝗮𝗸𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝘁𝗶𝘁𝗶𝗴𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗽𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗔𝗶𝘁𝗵𝗲𝗿. 𝗜'𝗺 𝘀𝗼 𝗵𝗮𝗽𝗽𝘆 𝗻𝗮 𝗻𝗮𝗴𝗮𝗴𝗮𝘄𝗮 𝗸𝗼 𝗶𝘁𝗼
𝗻𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻." napapikit ako. Dinadama ang bawat haplos niya sa akin.

"𝗕𝘂𝘁 𝗜 𝘄𝗮𝗻𝘁 𝘁𝗼 𝗮𝘀𝗸 𝘆𝗼𝘂 𝘁𝗵𝗶𝘀." saad niya na siyang dahilan ng pagdilat ko.

"𝗕𝗮𝗸𝗶𝘁 𝗵𝗶𝗻𝗮𝗵𝗮𝘆𝗮𝗮𝗻 𝗺𝗼 𝗮𝗸𝗼?" tanong niya. Damn, how would I answer that question?

"𝗕-𝗯𝗲𝗰𝗮𝘂𝘀𝗲..." nasambit ko. Ano bang sasabihin ko? Bakit ko nga ba siya hinayaan? Dahil? "𝗜 𝘄𝗮𝗻𝘁 𝗶𝘁."
tugon ko. Napalunok ako sa sariling sinagot. What the hell? Hinayaan ko siyang halikan ako dahil gusto
ko? Tama ba 'yung sinagot ko? I don't want to give false hope. But why am I doing this?

"𝗬𝗼𝘂 𝘄𝗮𝗻𝘁 𝗶𝘁? 𝗧𝗵𝗮𝘁 𝗺𝗲𝗮𝗻𝘀?" he asked with confusion.

"𝗧𝗵𝗮𝘁 𝗺𝗲𝗮𝗻𝘀..." hindi ko naituloy ang aking sasabihin. Ano nga ba? Dahil ba ginusto ko 'yun. Dapat bang
sabihin ko na, gusto ko din siya? But it was just a lie.

Huminga ako ng malalim bago dugtungan ang sinasabi.

"𝗜 𝗹𝗶𝗸𝗲 𝘆𝗼𝘂 𝘁𝗼𝗼." I confessed. No, I lied. Nagulat naman ako dahil hinila niya ako niyakap. Aba nakakailan
na 'to ah?
"𝗗𝗮𝗺𝗻! 𝗜'𝗺 𝘀𝗼 𝗵𝗮𝗽𝗽𝘆." he whispered.

"𝗠𝗲 𝘁𝗼𝗼." I replied. Lied again.

"𝗦𝗼, 𝗰𝗮𝗻 𝗜 𝗰𝗼𝘂𝗿𝘁 𝘆𝗼𝘂?" Napaatras ako sa tanong niya?

Of course Alaris, dyan patungo 'yan! Oh my ghad.

"𝗬𝗲𝘀! 𝗽𝗲𝗿𝗼 𝗽𝘄𝗲𝗱𝗲 𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝗻𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗴𝗮𝗺𝗲? 𝗜 𝗺𝗲𝗮𝗻 𝗸𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗺𝘂𝗻𝗮 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝗳𝗼𝗰𝘂𝘀." Oo
tama. Sana naman huwag na siyang komontra.

"𝗡𝗼𝘁𝗲𝗱! 𝗪𝗲 𝘄𝗶𝗹𝗹 𝘄𝗶𝗻." He replied. Kita sa mukha niya na masayang masaya siya. Oh, I hope I won't regret
this.

"𝗬𝗲𝘀, 𝗼𝗳 𝗰𝗼𝘂𝗿𝘀𝗲!" Saad ko at ngumiti din.

"𝗧𝗮𝗿𝗮 𝗻𝗮 𝗻𝗴𝗮." pagyaya niya sa'kin at kinuha ang kanang kamay ko.

Pagkapasok namin ay nagsasaya na sila. Nasa harapan din si Amara at si Vince. Sila yata 'yung king and
queen of the night.

Nakisali na din kami sa pagsasaya at sayawan. This is great!


Pagkatapos ng isang linggo.

I'm glad na hindi nagbago ang pakitungo ni Gideon sa'kin. Instead mas nagfocus nalang siya sa training
namin.

Pupunta din ngayong araw ang parents namin. To bond with us of course. Dahil walang kasiguraduhan
kung makakabalik pa ba kami pagkatapos ng competition.

"𝗔𝗹𝗮𝗿𝗶𝘀, 𝗮𝗻𝗮𝗸!" tawag ni Papa nung masilayan ako. Agad naman akong tumakbo patungo sa kanya.

"𝗣𝗮𝗽𝗮!" sigaw ko at agad siya niyakap.

"𝗡𝗮𝗺𝗶𝘀𝘀 𝗽𝗼 𝗸𝗶𝘁𝗮." saad ko.

"𝗔𝗸𝗼 𝗱𝗶𝗻. 𝗞𝗮𝗺𝘂𝘀𝘁𝗮 𝗸𝗮?" tanong niya at humiwalay na sa yakap namin at bahagyang hinawakan ang aking
balikat.

"𝗡𝗮𝘁𝗮𝘁𝗮𝗸𝗼𝘁 𝗮𝗸𝗼 𝗣𝗮." pagsasabi ko ng totoo. Natatakot talaga ako. Pero wala, hindi na ako aatras pa.

"𝗛𝘂𝘄𝗮𝗴 𝗸𝗮 𝗻𝗮 𝗸𝗮𝘆𝗮𝗻𝗴 𝘀𝘂𝗺𝗮𝗹𝗶 𝗮𝗻𝗮𝗸?" tanong ni Papa, nag aalinlangan.


"𝗦𝗮𝘀𝗮𝗹𝗶 𝗽𝗮𝗿𝗶𝗻 𝗮𝗸𝗼. 𝗔𝘆𝗮𝘄 𝗻𝗶𝘆𝗼 𝗽𝗼 𝗯𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗸𝗶𝘁𝗮𝗻𝗴 𝗺𝘂𝗹𝗶 𝘀𝗶 𝗺𝗮𝗺𝗮, 𝗹𝗼𝗹𝗮 𝗮𝘁 𝗹𝗼𝗹𝗼?" tanong ko pabalik,
kinukumbinsi siya.

"𝗦-𝘀𝗶𝗹𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗱𝗮𝗵𝗶𝗹𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝘀𝗮𝗹𝗶 𝗺𝗼?" hindi makapaniwalang tanong niya. Well hindi naman talaga ako
sumali diba? Sadyang napili lang ako na maging parte ng team.

"𝗢𝗽𝗼, 𝗵𝗶𝗵𝗶𝗹𝗶𝗻𝗴𝗶𝗻 𝗸𝗼 𝘀𝗮 𝗜𝗻𝗮𝗻𝗴 𝗥𝗲𝘆𝗻𝗮 𝗻𝗮 𝗱𝗮𝗱𝗮𝗹𝗵𝗶𝗻 𝗸𝗼 𝗱𝗶𝘁𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗸𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗶𝘄𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗺𝗶𝗹𝘆𝗮 𝘀𝗮 𝗻𝗼𝗿𝗺𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗺𝘂𝗻𝗱𝗼."
taas noo kong sagot. Napangiti naman si Papa. Alam kong proud siya sa'kin. Nakikita ko iyon sa mga
mata niya.

"𝗠𝗮𝗴𝘁𝗮𝗴𝘂𝗺𝗽𝗮𝘆 𝗸𝗮 𝘀𝗮𝗻𝗮 𝗮𝗻𝗮𝗸. 𝗞𝗮𝘆𝗼 𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗸𝗮𝘀𝗮𝗺𝗮 𝗺𝗼." Sabi niya at bahagyang tinapik ang ulo ko.

Naglibot libot pa kami ni Papa sa buong Academy at napagpasyahang umuwi sa bahay namin. Pinayagan
naman kaming mga nasa team na manatili muna sa pamilya namin kahit isang araw lang. Kinabukasan ay
babalik din kami dito sa Academy.

Grabe! Mga isang taon din akong hindi nagawi dito sa bahay namin.

Maliit lang siya binubuo ng tatlong kastilyo. Believe it or not. Puro kastilyo ang mga bahay dito.

Pinakamalaki ang kastilyong nasa sentro. Doon nakatira ang Inang Reyna. Sumunod naman sa laki ang
mga paaralan dito. Wala, gusto ko lang ibahagi.
"𝗡𝗮𝗺𝗶𝘀𝘀 𝗸𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗵𝗮𝘆 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻 𝗣𝗮!" sabi ko pa at halos yakapin ko ang buong bahay namin. Natawa nalang
si Papa.

"𝗣𝘂𝗺𝗮𝘀𝗼𝗸 𝗸𝗮𝗻𝗮 𝗮𝘁 𝗸𝗮𝗸𝗮𝗶𝗻 𝘁𝗮𝘆𝗼 𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗻𝗴𝗵𝗮𝗹𝗶𝗮𝗻." pagyaya niya sa'kin.

"𝗢𝘆 𝗜𝗻𝗲𝗻𝗴! 𝗡𝗮𝗻𝗱𝗶𝘁𝗼 𝗸𝗮𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗹𝗮!" nakita ko agad si Lola Iris sa bukana ng pinto. Kumunot ang noo ko at
napasimangot sa tinawag niya sa'kin. Naglakad ako papalapit sa kanya at agad na nagmano.

"𝗟𝗼𝗹𝗮 𝗔𝗽𝗼 𝗻𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝘁𝗮𝘄𝗮𝗴 𝗻𝗶𝘆𝗼 𝘀𝗮'𝗸𝗶𝗻." reklamo ko.

"𝗔𝗯𝗮'𝘁 𝗜𝗻𝗲𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗴 𝗴𝘂𝘀𝘁𝗼 𝗸𝗼!" pagpupumilit niya. Mas lalo akong sumimangot.

"𝗛𝗮𝗹𝗶 𝗸𝗮! 𝗬𝗮𝗸𝗮𝗽𝗶𝗻 𝗺𝗼 𝘀𝗶 𝗟𝗼𝗹𝗮." utos niya at inilahad ang dalawang braso sa'kin. Agad na napalitan ang
malungkot kong mukha ng ngiti. Agad kong niyakap si Lola.

"𝗡𝗮𝗺𝗶𝘀𝘀 𝗽𝗼 𝗸𝗶𝘁𝗮 𝗟𝗼𝗹𝗮." bulong ko sa kanya kaya bigla niya akong kiniliti.

Si Lola Iris pala ay ang nanay ni Papa.

Napuno ng tawanan ang aming tahanan. Sabi nila ngayon lang daw muling umingay sapagkat nandito
ako. Tinatanong din nila kung may karelasyon na daw ba ako? Ewan, pero naalala ko si Gideon. Kapag
nanalo kami baka nga makatuluyan ko 'yun. Natawa nalang ako sa naisip.

"𝗔𝗻𝗮𝗸?"
"𝗪-𝘄𝗮𝗹𝗮 𝗽𝗼 𝗮𝗸𝗼𝗻𝗴 𝗯𝗼𝘆𝗳𝗿𝗶𝗲𝗻𝗱 𝗣𝗮𝗽𝗮."

"𝗡𝗮𝗸𝗼 𝗜𝗻𝗲𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗺𝘂𝗺𝘂𝗹𝗮 𝗸𝗮 𝘆𝗮𝘁𝗮?"

"𝗟𝗼𝗹𝗮 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻, 𝘀𝗮𝗱𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗹𝗮𝗯𝗼 𝗻𝗮 𝘆𝗮𝘁𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝘁𝗮 𝗻𝗶𝘆𝗼."

Natawa nalang ulit kami.

Nakahiga na ako sa aking kama dito sa kwarto ko, sa bahay namin.

Inisip ko 'yung nangyari kanina. Kung gaano kami kasaya nina Lola at Papa. Mauulit pa kaya ito?

This is the greatest risk that I'll be able to make. Kaya ko ba?

I hope I won't regret this. Losing my family. Losing the love of my life.

Pero sabi nga ni Gideon. We will 𝒘𝒊𝒏.

𝒯ℴ 𝒷ℯ 𝒸ℴ𝓃𝓉𝒾𝓃𝓊ℯ . . .

CHAPTER 14
𝙁𝙞𝙜𝙝𝙩

Kinabukasan ay inihatid na ako ni Papa sa Academy. Magkikita ulit kami bago ang game dahil manonood
naman siya sa'kin.

Araw nalang ang binibilang namin bago ang competition. Halos nagpapahinga nalang din kami.

Pero tuwing alas tres ng madaling araw ay pumupunta pa rin ako sa training room. I'm not pressured,
pero gusto ko kasi. Gusto kong manalo. Hindi sapat na marunong lang ako. Kailangan, magaling na
magaling. Hindi rin sapat na malakas lang ako. Kailangan, matatag din.

Napahinto ako sa ginagawang pagsuntok sa punching bag dahil sa sobrang emosyonal ko. Kaya naman
natamaan ako't natumba. Nakakainis.

Tatayo na sana ako pero isang kamay ang tumambad sa'kin. Tiningala ko siya at nakita ko ang kulay abo
niyang mga mata.

"𝗩-𝘃𝗶𝗻𝗰𝗲?" I said like, hindi ako makapaniwalang nasa harap ko siya. But hindi niya ako sinagot, iginalaw
lang niya muli ang kamay na nakalahad sa'kin. Kaya naman kinuha ko nalang iyon at tinulungan niya
akong tumayo.

"𝗨𝗵 𝘁𝗵𝗮𝗻𝗸 𝘆𝗼𝘂!" tugon ko.

"𝗔𝘁 𝘁𝗵𝗶𝘀 𝘁𝗶𝗺𝗲, 𝗲𝘃𝗲𝗿𝘆𝗱𝗮𝘆, 𝘆𝗼𝘂'𝗿𝗲 𝗮𝗹𝘄𝗮𝘆𝘀 𝗵𝗲𝗿𝗲. 𝗪𝗵𝘆?" deretsyo niyang tanong.
What? Ibig sabihin, lagi siyang pumupunta dito? Paano naman kaya niya nalaman?

"𝗚𝘂𝘀𝘁𝗼 𝗸𝗼 𝗹𝗮𝗻𝗴. 𝗕𝗮𝘄𝗮𝗹 𝗯𝗮?" pagtataray ko.

"𝗢𝗸𝗮𝘆." tanging sagot niya at naglaho bigla. Medyo bastos din eh no? Napairap nalang ako.

Bandang ala-singko ay bumalik na ako sa kwarto. Umupo muna ako sa aking kama at nagpahinga saglit.

Nilingon ko ang kalendaryo sa aking mesa.

"𝗢𝗵 𝗳𝗿𝗲𝗮𝗸! 𝗡𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻 𝗻𝗮 𝗽𝗮𝗹𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗵𝘂𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗮𝗺𝗶𝗻 𝗱𝗶𝘁𝗼 𝘀𝗮 𝗔𝗰𝗮𝗱𝗲𝗺𝘆." I said out of nowhere.

Bukas na kami aalis. Magsisimula na ang competition the other day.

Breakfast sa food chamber. Tahimik ang lahat. Even Laila and Amara. Sobrang tamlay nila.

Gusto ko sanang magtanong pero alam ko na din naman ang sagot. Nag aalala lang sila para sa'min.
'Yung tingin naman ng iba ay, para bang hindi na kami makakabalik pa. 'Yung iba naman ay tipid na
ngumiti, sending their goodlucks.
"𝗛𝗲𝘆! 𝗔𝗻𝗼 𝗯𝗮 𝗸𝗮𝘆𝗼? 𝗖𝗵𝗲𝗲𝗿 𝘂𝗽." ani Gideon, our leader.

Kasama ko ngayon ang team. Nandito kami sa field ng Academy. Nagpapalipas ng oras.

"𝗕𝗮𝘀𝘁𝗮 𝘀𝗮 𝗰𝗼𝗺𝗽𝗲𝘁𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻, 𝗸𝗮𝗵𝗶𝘁 𝗮𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗻𝗴𝘆𝗮𝗿𝗶 𝘄𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝘀𝘂𝘀𝘂𝗸𝗼 𝗵𝗮?" sabi na naman ni Gideon. Buti pa siya,
parang game na game. Ewan, nahahawa kasi ako sa matamlay na atmosphere. Hay nako.

Kinabukasan, late na akong nagising. 7 o'clock in the morning ang call time namin.

Pinagmasdan ko ang kabuuan ng aking silid.

"𝗕𝗮𝗯𝗮𝗹𝗶𝗸 𝗮𝗸𝗼 𝗱𝗶𝘁𝗼." Naiwika ko tsaka kumilos na ako't naghanda.

Hawak ko na ngayon ang doorknob ng pintuan dito sa kwarto ko. Nilingon ko pa muli ito at huminga ako
ng malalim. "𝗕𝗮𝗯𝗮𝗹𝗶𝗸 𝗮𝗸𝗼."

Nagulat naman ako nang tuluyan kong buksan ay tumambad sa'kin ang mga kaibigan ko.

"𝗔𝗹𝗮𝗿𝗶𝘀.." sambit ni Amara.

"𝗟𝗮𝗶𝗹𝗮, 𝗔𝗺𝗮𝗿𝗮. 𝗚-𝗴𝗼𝗼𝗱 𝗺𝗼𝗿𝗻𝗶𝗻𝗴!" Pinilit kong pasiglahin ang aking boses at mukha namang nagtagumpay
ako.
"𝗢𝗽𝗲𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗮 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗴𝗮𝗺𝗲 𝗻𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻. 𝗕𝘂𝗸𝗮𝘀 𝗮𝘆 𝗮𝗮𝗹𝗶𝘀 𝗱𝗶𝗻 𝗸𝗮𝗺𝗶 𝗸𝗮𝘀𝗮𝗺𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗮𝗱𝗺𝗶𝗻𝗶𝘀𝘁𝗿𝗮𝘁𝗼𝗿𝘀
𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻 𝗮𝘁 𝗺𝗴𝗮 𝗺𝗲𝗻𝘁𝗼𝗿𝘀 𝗻𝗮 𝗿𝗶𝗻." tugon ni Amara. I'm glad to know na manonood din sila.

"𝗚𝗼𝗼𝗱𝗹𝘂𝗰𝗸 𝗔𝗹𝗮𝗿𝗶𝘀." dagdag niya.

"𝗦𝗮𝗻𝗮.." biglang saad ni Laila kaya naman nilingon namin siya. "𝗦𝗮𝗻𝗮 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗶𝘁𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗵𝘂𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗶𝗸𝗶𝘁𝗮 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻."
Ang lungkot ng boses niya.

"𝗕𝗮𝗯𝗮𝗹𝗶𝗸 𝗮𝗸𝗼, 𝗸𝗮𝗺𝗶. 𝗡𝗴 𝗯𝘂𝗵𝗮𝘆." paniniguro ko. Gusto ko mang sabihin na ipinapangako ko iyon ay
sobrang hirap lalo na't 'di naman ako sigurado.

"𝗛𝘂𝘄𝗮𝗴 𝗸𝗮 𝗻𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴𝘀𝗮𝗹𝗶𝘁𝗮 𝗻𝗴 𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀. 𝗛𝗮𝘆𝘀 𝗴𝗮𝗹𝗶𝗻𝗴𝗮𝗻 𝗻𝗶𝘆𝗼 𝗻𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴." buntong hiningang tugon ni Laila.
Niyakap ko silang dalawa. Si Amara naiiyak na.

"𝗧𝗵𝗮𝗻𝗸 𝘆𝗼𝘂!" emosyonal kong sabi. "𝗚𝗼𝗼𝗱𝗯𝘆𝗲." Dagdag ko pa. Na mukhang mali yata.

"𝗛𝗲𝗽! 𝗔𝗸𝗮𝗹𝗮 𝗸𝗼 𝗯𝗮𝗯𝗮𝗹𝗶𝗸 𝗸𝗮?" biglang sigaw ni Amara. Natawa kami.

"𝗘𝗱𝗲, 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗺𝘂𝗹𝗶 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗶𝗸𝗶𝘁𝗮." I said feeling their embrace.

Nagtungo na ako sa Conference Hall. Doon ang meeting place namin. Pagdating ko, sobrang nakakahiya
ako nalang pala 'yung hinihintay nila.

Nagkabatian lang kami tsaka humanda nang umalis.


Si Headmaster Faramund ang magdadala sa'min sa lugar. Sa harap ng sentro iyon ginaganap. Mukhang
auditorium iyon na may isang artificial context sa loob. It was made by those professionals na may mga
Tecno Craft.

Kasama ko ang buong group shempre. Ang kambal din at si Principal Stella. Kami lang muna ang aalis.
Hawak na namin ang isa't isa. And in just a single blink.

"𝗪𝗲'𝗿𝗲 𝗵𝗲𝗿𝗲." He announced.

The atmosphere is quite suffocating. Knowing that, maybe this place will be the end of all.

Pero hindi. Napapraning lang ako. Mananalo kaya kami.

Pumasok kami sa sentro ng taas noo. Sabay sabay kaming yumuko pagkarating sa harap ng Inang Reyna.

"𝗪𝗲 𝗮𝗿𝗲 𝘁𝗵𝗲 𝗗𝗲𝘃𝗶𝗮𝗻𝘁 𝗧𝗲𝗮𝗺." sambit ni Headmaster Faramund.

Pagkatapos ay iginiya kami ng mga mukhang soldiers patungo sa isang room. At kahit sobra na akong
kinakabahan ay napangiti ako ng bahagya. Ang daming foods eh.

Kaya ayun kumain kami at nagpahinga na rin. Pero hindi ako makatulog mga isang oras din yata akong
nakahiga lang. Kaya bumangon ako at lumabas sa balcony.
Napalunok ako sa nakita. May tao pala.

"𝗨𝗵𝗺." kunwaring ubo ko. Nilingon naman niya ako.

"𝗔𝘆𝗼𝘀 𝗸𝗮 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮? 𝗠𝘂𝗸𝗵𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗽𝗮𝗸𝗮 𝘀𝗲𝗿𝗶𝗼𝘂𝘀 𝗺𝗼 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻." tugon ko at lumapit ako sa kanya.

"𝗜'𝗺 𝗳𝗶𝗻𝗲." tipid niyang sagot. Sungit naman.

Napaisip naman ako bigla. Game na bukas. Nandito sa harapan ko 'yung lalaking gusto ko. Maybe it's
time to confess.

"𝗩𝗶𝗻𝗰𝗲, 𝗺𝗮𝘆 𝘀𝗮𝘀𝗮𝗯𝗶𝗵𝗶𝗻 𝗽𝗮𝗹𝗮 𝗮𝗸𝗼 𝘀𝗮'𝘆𝗼." lakas loob kong panimula.

"𝗛𝗺𝗺?" nakakahurt naman. Parang ayaw niyang magsayang ng laway for me. Tss.

"𝗠𝗮𝘆𝗯𝗲 𝗻𝗼𝘄 𝗶𝘀 𝘁𝗵𝗲 𝗽𝗲𝗿𝗳𝗲𝗰𝘁 𝘁𝗶𝗺𝗲?" sabi ko pa.

"𝗔𝗻𝗼 𝗯𝗮 '𝘆𝘂𝗻?" kunot noong tanong niya.

"𝗔𝗻𝗼 𝗸𝗮𝘀𝗶.." hindi ko alam parang nahiya ako bigla. At grabe ang lakas ng tibok ng puso ko. Tinignan ko
siya sa kanyang mga mata. "𝗚𝘂𝘀𝘁𝗼 𝗸𝗶𝘁𝗮." I confessed.

"𝗛𝗮?" he asked me like hindi niya narinig. Kagigil kung 'di lang kita gusto eh.

"𝗦𝗮𝗯𝗶 𝗸𝗼 𝗴𝘂𝘀𝘁𝗼 𝗸𝗶𝘁𝗮.." medyo sinigaw ko na 'yun. Pero napaismid lang siya.
"𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗮𝗸𝗼 𝗻𝗮𝗻𝗶𝗻𝗶𝘄𝗮𝗹𝗮." malamig niyang tugon. Ano daw?

Pa hard to get naman. Tumingkayad ako para maabot siya. Planning to kiss his lips. Pero iniharang niya
ang hintuturo sa pagitan ng labi naming dalawa.

"𝗗𝗼𝗻'𝘁." sabi niya na talaga namang nagsampal sa'kin. Nakakahiya nung ginawa ko. Hindi siguro dapat
ako nag first move. Pero kasi sasali kaya kami sa isang survival competition. Kaya ayokong mag aksaya ng
panahon.

"𝗞𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮 𝗻𝘂𝗻𝗴 𝗶𝗻𝗮𝗺𝗶𝗻 𝗺𝗼 𝘀𝗮 𝗹𝗲𝗮𝗱𝗲𝗿 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻 𝗻𝗮 𝗴𝘂𝘀𝘁𝗼 𝗺𝗼 𝗱𝗶𝗻 𝘀𝗶𝘆𝗮?" biglang sabi niya. My mouth
automatically opened, nagulat ako sa sinabi niya.

"𝗔𝗻𝗱 𝘁𝗵𝗲𝗻 𝗻𝗼𝘄? 𝗔𝗸𝗼 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻?" dagdag pa niya, sarcastic.

"𝗗𝗮𝗺𝗻 𝗶𝘁! 𝗦𝘁𝗼𝗽 𝗳𝗼𝗼𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗿𝗼𝘂𝗻𝗱." This time he shouted. And I remained quiet. I don't know what to say.
Gusto kong himatayin nalang para takasan 'to. Pero no way. I will face this shit that I've made.

"𝗜'𝗺 𝗻𝗼𝘁 𝗳𝗼𝗼𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗮𝗿𝗼𝘂𝗻𝗱. 𝗜'𝗺 𝘁𝗲𝗹𝗹𝗶𝗻𝗴 𝘁𝗵𝗲 𝘁𝗿𝘂𝘁𝗵 𝗵𝗲𝗿𝗲." sabi ko, seryoso.

"𝗦𝗶𝗻𝗮𝗯𝗶 𝗸𝗼 𝗹𝗮𝗻𝗴 '𝘆𝘂𝗻 𝗸𝗮𝘀𝗶 𝗮𝗸𝗮𝗹𝗮 𝗸𝗼 𝗽𝘄𝗲𝗱𝗲 𝗸𝗼 𝘀𝗶𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗴𝘂𝘀𝘁𝘂𝗵𝗶𝗻. 𝗔𝗸𝗮𝗹𝗮 𝗸𝗼 𝗽𝘄𝗲𝗱𝗲𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗿𝘂𝗮𝗻 '𝘁𝗼." dagdag ko at
itinuro ang puso ko.

"𝗣𝗲𝗿𝗼 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗲𝗵, 𝘁𝘂𝘄𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗸𝗶𝗸𝗶𝘁𝗮 𝗸𝗶𝘁𝗮, 𝘁𝘂𝘄𝗶𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗸𝗮𝗸𝗮𝘀𝗮𝗺𝗮 𝗸𝗶𝘁𝗮. 𝗩𝗶𝗻𝗰𝗲, 𝘀𝗮𝘆𝗼 𝗹𝗮𝗻𝗴 𝘁𝘂𝗺𝗶𝘁𝗶𝗯𝗼𝗸 '𝘁𝗼." pag amin
ko at 'di ko na napigil pa ang luha ko. Nakita ko naman kung paano siya nataranta nung nakita akong
umiiyak na.

"𝗦𝘀𝗵𝗵 𝗼𝗸𝗮𝘆 𝗜'𝗺 𝘀𝗼𝗿𝗿𝘆." he said at agad akong niyakap. He held the back of my head close to his chest.
"𝗚𝘂𝘀𝘁𝗼𝗻𝗴 𝗴𝘂𝘀𝘁𝗼 𝗸𝗶𝘁𝗮 𝗮𝘁 𝗯𝗮𝗸𝗮 𝗸𝗮𝘀𝗶 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗸𝗼 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝘀𝗮𝗯𝗶 𝗽𝗮 𝘀𝗮𝘆𝗼 𝗸𝗮𝗽𝗮𝗴 𝗻𝗮𝗴𝘀𝗶𝗺𝘂𝗹𝗮 𝗻𝗮 '𝘆𝘂𝗻𝗴 𝗰𝗼𝗺𝗽𝗲𝘁𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻." sabi
ko pa at bahagyang hinampas 'yung dibdib niya.

"𝗚𝘂𝘀𝘁𝗼 𝗱𝗶𝗻 𝗸𝗶𝘁𝗮. 𝗛𝘂𝘄𝗮𝗴 𝗸𝗮 𝗻𝗮𝗻𝗴 𝘂𝗺𝗶𝘆𝗮𝗸. 𝗞𝗶𝘀𝘀 𝗺𝗼 𝗻𝗮𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗸𝗼." napamaang ako sa sinabi niya. Umurong
bigla 'yung luha ko at napahiwalay ako sa yakap niya.

"𝗔-𝗮𝗻𝗼?" tanong ko kahit pa narining ko 'yun.

"𝗦𝗮𝗯𝗶 𝗻𝗮, '𝗱𝗶 𝗺𝗼 𝘁𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮 𝗮𝗸𝗼 𝗴𝘂𝘀𝘁𝗼." malamig na naman niyang sabi. May bipolar disorder yata 'to.

"𝗬𝗼𝘂'𝗿𝗲 𝗰𝗿𝗮𝘇𝘆." sumbat ko at inirapan siya. Agad naman niyang kinuha ang kamay ko.

"𝗦𝗼 𝗮𝗻𝗼, 𝗮𝗸𝗶𝗻 𝗸𝗮 𝗯𝗮 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝗻𝗴 𝗴𝗮𝗺𝗲?" tanong niya na nagpabilis ng tibok ng puso ko. Ewan parang
tanga, napangiti nalang ako.

"𝗦𝗮𝘆𝗼 𝗻𝗮 𝗮𝗸𝗼 𝗻𝗼𝗼𝗻 𝗽𝗮." I replied. He held my face, acting like he's going to kiss me.

"𝗔𝘄 𝗮𝗻𝗴 𝘀𝘄𝗲𝗲𝘁 𝗻𝗶𝘆𝗼 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻." napalayo ako kay Vince at nilingon 'yung nagsasalita. Si Aqua at nasa likod
niya si Gideon.

"𝗞-𝗸𝗮𝗻𝗶𝗻𝗮 𝗽𝗮 𝗸𝗮𝘆𝗼 𝗱𝘆𝗮𝗻?" kabado kong tanong.

"𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗻𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻 𝗹𝗮𝗻𝗴, 𝘀𝗼𝗿𝗿𝘆 𝘀𝗮 𝗶𝘀𝘁𝗼𝗿𝗯𝗼 𝗵𝗶𝗵𝗶 𝘀𝗶𝗴𝗲 𝘁𝘂𝗹𝗼𝘆 𝗻𝗶𝘆𝗼 𝗻𝗮." tukso pa ni Aqua at grabe 'yung ngiti sa'kin.
Tumalikod na sila pero agad ko siyang tinawag.
"𝗧𝗲𝗸𝗮, 𝗚𝗶𝗱𝗲𝗼𝗻." nilingon niya ako. Nilapitan ko siya. Tinignan ko siya sa mata asking him something.

"𝗔𝗵? 𝗜 𝗱𝗼𝗻'𝘁 𝗺𝗶𝗻𝗱." he said and he smiled genuinely.

"𝗛𝗲𝘆? 𝗞𝗮𝗸𝗮𝗶𝗻 𝗻𝗮 𝗻𝗴 𝗹𝘂𝗻𝗰𝗵 𝗽𝗲𝗼𝗽𝗹𝗲." singit ni Audrey. Oh my ghad! Thank you for saving me.

Kaya ayon kumain nalang kami at ipinagsawalang bahala ang nangyari kanina. Hays.

"𝗣𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗗𝗲𝘃𝗶𝗮𝗻𝘁 𝗧𝗲𝗮𝗺!" Biglang sigaw ni Gideon at itinaas ang kanyang baso na may lamang juice.

"𝗖𝗵𝗲𝗲𝗿𝘀!" sabay sabay naming tugon at itinaas din namin ang aming mga baso. Ininom namin ang laman
niyon at nagbigay ng ngiti sa isa't isa.

Kaya namin 'to. No matter what, we will 𝒇𝒊𝒈𝒉𝒕.

𝒯ℴ 𝒷ℯ 𝒸ℴ𝓃𝓉𝒾𝓃𝓊ℯ . . .

A/N: Hello everyone! Malapit na malapit na ang Rival Competition. What team is your bet? Deviant ba?
Maybe Devious or the Phenomenal? Let's see.
Enjoy reading (✿ ♡‿♡)

CHAPTER 15

𝙊𝙥𝙚𝙣𝙞𝙣𝙜

Ngayon ay nandito na kami sa backstage. Ramdam ko na ang kaba.

"𝗔𝗻𝗱 𝗹𝗮𝘀𝘁, 𝗹𝗲𝘁 𝘂𝘀 𝗮𝗹𝗹 𝘄𝗲𝗹𝗰𝗼𝗺𝗲 𝘁𝗵𝗲 𝗰𝗼𝗻𝘁𝗲𝘀𝘁𝗮𝗻𝘁𝘀 𝗳𝗿𝗼𝗺 𝗗𝗲𝘃𝗶𝗮𝗻𝘁 𝗔𝗰𝗮𝗱𝗲𝗺𝘆!" sigaw ng speaker. Taas noo
naming inakyat ang stage at doon ko nakita ang iilang manonood. Opening pa lang at 'yung iba halos
bukas pa darating kaya medyo kaunti ang narito.
May malaking screen kasi dito, na siyang magsisilbing monitor sa'ming mga kalahok. Dito makikita nila
ang kinaroroonan ng bawat isa sa amin. Malalaman din nila kung ilang puntos ang aming hawak.

Dati isa ako sa kanila, sa mga nanonood. 'Di ko akalaing ako naman ngayon ang papanoorin.

"𝗛𝗲𝗿𝗲 𝗮𝗿𝗲 𝘁𝗵𝗲 𝗰𝗮𝘁𝗲𝗴𝗼𝗿𝗶𝗲𝘀 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗰𝗼𝗺𝗽𝗲𝘁𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻. 𝗘𝘃𝗲𝗿𝘆 𝗶𝗻𝗱𝗶𝘃𝗶𝗱𝘂𝗮𝗹 𝗵𝗮𝘀 100 𝗹𝗶𝘃𝗲𝘀. 𝗧𝗵𝗲 𝗱𝗲𝗱𝘂𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗳 𝗹𝗶𝘃𝗲𝘀
𝗱𝗲𝗽𝗲𝗻𝗱𝘀 𝘁𝗼 𝘁𝗵𝗲 𝗱𝗮𝗺𝗮𝗴𝗲 𝗵𝗮𝗽𝗽𝗲𝗻𝗲𝗱. 𝗔𝗻𝗱 𝘁𝗵𝗲 𝗱𝗲𝗱𝘂𝗰𝘁𝗲𝗱 𝗹𝗶𝘃𝗲𝘀 𝗶𝘀 𝗲𝗾𝘂𝗶𝘃𝗮𝗹𝗲𝗻𝘁 𝘁𝗼 𝗽𝗼𝗶𝗻𝘁𝘀. 𝗢𝗻𝗰𝗲 𝘆𝗼𝘂 𝗸𝗶𝗹𝗹, 𝘆𝗼𝘂
𝗵𝗮𝘃𝗲 100 𝗽𝗼𝗶𝗻𝘁𝘀, 𝗲𝗮𝘀𝘆 𝗮𝘀 𝘁𝗵𝗮𝘁." pagpapaliwanag nito.

Nakakabaliw isipin na parang normal itong nangyayari. Napalingon ako sa kabilang grupo subalit may
harang sa aming pagitan. Marahil ay bawal namin silang makita. Kinakabahan din kaya sila tulad namin?
Kakayanin kaya namin sila? Well, sana.

"𝗧𝗵𝗲 𝗰𝗼𝗺𝗽𝗲𝘁𝗶𝘁𝗶𝗼𝗻 𝘄𝗶𝗹𝗹 𝗹𝗮𝘀𝘁𝘀 𝘁𝗼 𝘀𝗲𝘃𝗲𝗻 𝗱𝗮𝘆𝘀 𝗼𝗿 𝗹𝗲𝘀𝘀. 𝗧𝗵𝗲 𝘁𝗲𝗮𝗺 𝘄𝗶𝘁𝗵 𝘁𝗵𝗲 𝗵𝗶𝗴𝗵𝗲𝘀𝘁 𝗽𝗼𝗶𝗻𝘁𝘀 𝘄𝗶𝗹𝗹 𝗯𝗲 𝘁𝗵𝗲 𝘄𝗶𝗻𝗻𝗲𝗿."
pagtatapos ng speaker sa impormasyong inilalahad niya.

"𝗡𝗢𝗪 𝗜 𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗜𝗔𝗟𝗟𝗬 𝗢𝗣𝗘𝗡 𝗧𝗛𝗘 51𝗦𝗧 𝗥𝗜𝗩𝗔𝗟 𝗖𝗢𝗠𝗣𝗘𝗧𝗜𝗧𝗜𝗢𝗡!" sigaw iyon ng Inang Reyna.

This is it!
Nakakabinging palakpakan at sigawan ang bumalot sa paligid. Nilingon ko ang aking team.
Nagsipagtanguan lang kami at nagpakawala ng isang makahulugang ngiti.

Matapos ang opening ay nagpahinga na kami. Alas otso na ng gabi.

Kinabukasan, ay dumating ang pamilya at mga kaibigan namin, kasama din ang iilang administrators at
mentors.

Mamayang alas sais ang simula ng competition. Alas kwatro ay nandito na sila.

"𝗣𝗮𝗽𝗮!" sigaw ko nang matanaw si Papa na nakaupo sa isang sofa kasama rin ang mga magulang ng
aking mga kasama.

Inilahad niya ang kaniyang braso sa'kin. Umaastang sasalubungin ako ng yakap. Kaya niyakap ko siya
nang tuluyan akong makalapit.

"𝗛-𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗻𝗮 𝗯𝗮 𝘁𝗮𝗹𝗮𝗴𝗮 𝗸𝗶𝘁𝗮 𝗺𝗮𝗽𝗶𝗽𝗶𝗴𝗶𝗹𝗮𝗻?" tanong niya nung magkahiwalay kami mula sa pagkakayakap.

"𝗣-𝗽𝗮." pagsusumamo ko.

"𝗠𝗮𝗵𝗮𝗹 𝗻𝗮 𝗺𝗮𝗵𝗮𝗹 𝗸𝗶𝘁𝗮, 𝘀𝗮𝗻𝗮 𝗺𝗮𝗴𝘁𝗮𝗴𝘂𝗺𝗽𝗮𝘆 𝗸𝗮𝘆𝗼." ngumiti siya sa'kin ng tipid. Ramdam ko ang pag aalala
niya.

"𝗬𝗲𝘀 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻!" masigla kong sabi.


"𝗧𝘀𝘀, 𝗵𝗶𝗵𝗶𝗻𝘁𝗮𝘆𝗶𝗻 𝗸𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗯𝗮𝗯𝗮𝗹𝗶𝗸 𝗺𝗼." seryosong tugon niya na tinusok pa ng bahagya ang bewang ko.
Napalayo ako kasi nakikiliti ako, tsaka nakangusong tinignan siya.

"𝗡𝗮𝗴𝘁𝗶𝘁𝗶𝘄𝗮𝗹𝗮 𝗮𝗸𝗼 𝘀𝗮'𝘆𝗼." saad niya pa, bakas ang sinseridad sa kanyang boses.

"𝗦-𝘀𝗮𝗹𝗮𝗺𝗮𝘁 𝗽𝗼." tugon ko.

Huwag kang mag alala Papa, malapit na tayong makompleto. Ipapanalo ko 'to at dadalhin ko sina mama
dito. Iyon nalang ang pinanghahawakan ko. Sila ang nagbibigay sa'kin ng determinasyong magpatuloy.
Kaya kakayanin ko 'to. Kakayanin namin.

Kung titignan mo, sa'ming lahat ng mga kasama ko. Ako 'yung pinakamahina. Kapag nagkataon ay ako
ang unang mamamatay sa lahat.

Hindi man sapat ang aking kapangyarihan, masasabi kong sapat naman ang aking kaalaman. Matibay 'to.

Nagkausap na din kami nina Laila at Amara. Gusto man nilang umiyak ay hindi nila ginawa. Sa halip ay
naging masaya kami.

Inubos namin ang oras kasama ang kanya kanya naming pamilya at mga kaibigan.

Alas singko y medya.


Nasa harapan kami ng apat na pintuan. Isa sa aming team leader, isa sa aming shield, isa sa defenses, at
isa sa'min ni Aqua, primes.

Pinagmasdan ko lang iyon ng walang ano anong may humila sa'kin.

Si Gideon.

Agad niya akong kinulong sa mga bisig niya. Hindi ako nakagalaw, walang salita ang lumabas sa aking
bibig, at wala akong ibang ingay na naririnig kundi ang tibok ng puso ko.

"𝗚-𝗚𝗶𝗱𝗲𝗼𝗻." nasabi ko nalang dahil sa sobrang paghigpit ng yakap niya. Hindi ako makahinga.

"𝗔𝗶𝘁𝗵𝗲𝗿. 𝗣𝗹𝗲𝗮𝘀𝗲, 𝗷𝘂𝘀𝘁 𝗹𝗲𝘁 𝗺𝗲 𝗵𝘂𝗴 𝘆𝗼𝘂." pakiusap niya pa.

'𝑀𝑎𝑚𝑎𝑚𝑎𝑡𝑎𝑦 𝑦𝑎𝑡𝑎 𝑎𝑘𝑜 𝑠𝑎 𝑦𝑎𝑘𝑎𝑝 𝑚𝑜! 𝐷𝑖 𝑛𝑔𝑎 𝑎𝑘𝑜 𝑚𝑎𝑘𝑎ℎ𝑖𝑛𝑔𝑎. 𝐺𝑖𝑔𝑖𝑙 𝑚𝑜'𝑘𝑜!'

Muntik ko nang isigaw 'yun pero mabuti at mukhang nakaramdam siya.

"𝗜'𝗺 𝘀𝗼𝗿𝗿𝘆.." nasabi ko nalang bigla. Sorry kung pinaasa kita. Sorry sa pagsisinungaling ko. Sorry pero
hindi talaga kita gusto.

"𝗦𝗵𝗵" aba't pinapatahimik na'ko.


"𝗙𝗼𝗹𝗹𝗼𝘄 𝘆𝗼𝘂𝗿 𝗵𝗲𝗮𝗿𝘁. 𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗺𝗼 𝗸𝗮𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗶𝗹𝗶𝘁𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗿𝗶𝗹𝗶 𝗺𝗼 𝗻𝗮 𝗴𝘂𝘀𝘁𝘂𝗵𝗶𝗻 𝗮𝗸𝗼. 𝗗𝗮𝗵𝗶𝗹—" nagulat ako sa
sinabi niya. So, alam niya? Tiningala ko siya para magtama ang aming paningin. "𝗞𝘂𝗻𝗴 𝘀𝗮𝗸𝗮𝗹𝗶𝗻𝗴
𝗺𝗮𝗴𝘂𝘀𝘁𝘂𝗵𝗮𝗻 𝗺𝗼 𝗮𝗸𝗼, 𝘀𝗮𝗻𝗮 '𝘆𝘂𝗻𝗴 𝗸𝘂𝘀𝗮." dagdag niya pa, napamaang ako. "𝗘𝘄𝗮𝗻, 𝗼𝗯𝘃𝗶𝗼𝘂𝘀 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻 𝗻𝗮 𝘀𝗶𝘆𝗮
'𝘆𝘂𝗻𝗴 𝗴𝘂𝘀𝘁𝗼 𝗺𝗼, 𝗻𝗮𝗴𝗯𝗮𝗸𝗮𝘀𝗮𝗹𝗶 𝗽𝗮𝗿𝗶𝗻 𝗮𝗸𝗼." bakit ka ganyan? nasasaktan ka ba? sorry naaaa!

"𝗧𝘀𝗮𝗸𝗮 𝗸𝘂𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗼 𝗺𝗮𝗻 '𝘆𝘂𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗻𝗴𝘆𝗮𝗿𝗶 𝗱𝘂𝗻 𝘀𝗮 𝗲𝗻𝗰𝗵𝗮𝗻𝘁𝗲𝗱 𝗰𝗮𝘃𝗲, 𝗵𝘂𝘄𝗮𝗴 𝗸𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗴 𝗮𝗹𝗮𝗹𝗮 𝗸𝗮𝘀𝗶 𝗶𝗻𝗶𝘄𝗮𝗻 𝗸𝗼 '𝘆𝘂𝗻
𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁 𝗱𝘂𝗻." tugon niya. Malumanay ang pagkakasabi niya ng lahat pero ang lungkot lungkot ng mga
mata niya.

"𝗜'𝗺 𝘀𝗼 𝘀𝗼𝗿𝗿𝘆 𝗳𝗼𝗿 𝗹-𝗹𝘆𝗶𝗻𝗴." sa wakas ay nasabi ko rin.

"𝗙𝗼𝗿𝗴𝗶𝘃𝗲𝗻." sagot niya at binigyan ako ng tipid na ngiti.

Ibinaling niya ang tingin sa mga pintuan tsaka agad ring ibinalik sa'kin.

"𝗦𝗲𝗲 𝘆𝗼𝘂 𝘀𝗮 𝗹𝗼𝗼𝗯 𝗵𝗮?" sabi niya. Napangiti akong tumango.

"𝗠𝗮𝘁𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝗮𝗻𝗴 𝗴𝗮𝗺𝗲 𝗻𝗮 𝘄𝗮𝗹𝗮 𝗸𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗻𝗴𝗮𝘀 𝗵𝗮?" dagdag niya pa na nagpakawala sa tawa ko.

"𝗣𝘄𝗲𝗱𝗲 𝗯𝗮 𝗻𝗮𝗺𝗮𝗻 '𝘆𝘂𝗻?" sagot ko.

Handa akong magkabangas, pero 'yung mamatay? HINDI!

"𝗧𝘀𝗸. 𝗕𝗮𝘀𝘁𝗮 𝗺𝗮𝗴 𝗶𝗶𝗻𝗴𝗮𝘁 𝗸𝗮. 𝗛𝗶𝗻𝗱𝗶 𝗶𝘁𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗵𝘂𝗹𝗶 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗸𝗶𝗸𝗶𝘁𝗮." sabi niya na bahagyang tinapik ang aking
balikat.

"𝗢𝗽𝗼 𝗺𝗮𝘀𝘁𝗲𝗿!" sagot ko, nakangiti.


Bumaling siya sa team.

"𝗛𝗮𝗹𝗶 𝗻𝗴𝗮 𝗸𝗮𝘆𝗼 𝗱𝗶𝘁𝗼!" saad niya at niyakap kaming lahat. Nilingon din niya sina Miss Serendipity at Sir
Finn na agad namang sumali sa group hug namin.

Isa sila sa dahilan kung bakit naging solid ang team namin.

May isang leader na sweet pero super super super corny! Shempre ang nag iisang Aeson Gideon 'yun.

May isang outsider na naging newbie na kinatakutan pa ng lahat. Maliban sa'kin. HAHA. Siya 'yung
seryoso lang, malamig pa sa yelo, pero tulad ni Gideon, loko loko din. Vince Masiko. Tss.

May isang weird, na talaga namang ikinumpara ko sa isang black lady at ginawang definition ng salitang
sarcasm. HAHAHA sorry na pero ikaw 'yun Audrey Maia.

May isa ring isip bata na laging nakangiti o kaya nama'y tumatawa. Pangpa good vibes talaga ng araw
mo. The one and only Aqua Azar.

May isang mataray at siya 'yung babaeng confident sa lahat ng ginagawa niya. Alexa Dealla the maldita.

At shempre hindi mabubuo ang team kung walang isang Aither Alaris na sobrang cute. Hehe pero
nananapak 'to, kaya huwag ka nang umangal sa description ko dahil point of view ko 'to.
"𝗦𝗮𝗯𝗮𝘆 𝘀𝗮𝗯𝗮𝘆 𝘁𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗹𝗮𝗯𝗮𝗻!" Sigaw ni Gideon at inilagay sa gitna ang kanyang kamay.

"𝗦𝗮𝗯𝗮𝘆 𝘀𝗮𝗯𝗮𝘆 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗶𝗽𝗮𝗻𝗮𝗹𝗼 '𝘁𝗼!" Sigaw naman ni Alexa at ipinatong din ang kamay sa kamay ni Gideon.

"𝗦𝗮𝗯𝗮𝘆 𝘀𝗮𝗯𝗮𝘆 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗸𝘂𝗸𝘂𝗵𝗮 𝗮𝗻𝗴 𝗽𝗿𝗲𝗺𝘆𝗼!" Aqua.

"𝗦𝗮𝗯𝗮𝘆 𝘀𝗮𝗯𝗮𝘆 𝘁𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗹𝗮𝘆𝗮!" Singit ni Vince. Nilingon pa siya ng lahat na agad naman niyang
pinagkunutan ng noo.

"𝗦𝗮𝗯𝗮𝘆 𝘀𝗮𝗯𝗮𝘆 𝘁𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗵𝗶𝗵𝗶𝗹𝗶𝗻𝗴!" Audrey.

"𝗦𝗮𝗯𝗮𝘆 𝘀𝗮𝗯𝗮𝘆 𝘁𝗮𝘆𝗼 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗵𝘂𝗹𝗶!" Pagtatapos ko.

"𝗛𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗵𝘂𝗹𝗶!" Sigaw nilang lahat.

"𝗪𝗘 𝗔𝗥𝗘 𝗧𝗛𝗘 𝗗𝗘𝗩𝗜𝗔𝗡𝗧 𝗧𝗘𝗔𝗠!"

𝒯ℴ 𝒷ℯ 𝒸ℴ𝓃𝓉𝒾𝓃𝓊ℯ . . .

You might also like