You are on page 1of 517

Campus Nerd is the Lost Princess (Completed/Not Edited)

MIEMIE

Published: 2016

Source: https://www.wattpad.com

Campus Nerd is the Lost Princess

PROLOGUE....

MAGALANG

MAPAGMAHAL

MATALINO

MABAIT

TALENTED

O San ka pa??

Almost perfect na sana

kundi lang siya isang


NERD!!

Oo, isa siyang Nerd, Campus Nerd

na pinagdidirian at nilalait ng mga tao sa Red Dragon Academy.

pero, paano na lang sa isang iglap,

ang Campus Nerd na nilalait at pinagdidirian nila

ay siya pala ang nawawalang heir

ng isa sa mga pinaka kilalang pamilya sa industriya.

Siya pala ang Lost Princess.

Magbabago na ba ang tingin ng mga tao sa kanya???

ABANGAN....

***********************************************************************************
*************************

sana nagustuhan niyo ang prologue ng story ko.

:]]]] VOTE.COMMENT. and BE MY FAN!!


thank you nga pala sa bumasa ng prologue ko.

Introduction

INTRODUCTION....

Ang Red Dragon Academy, ang pinaka sikat o kilalang school sa buong pilipinas, dito
nag-aaral ang mga kilalang pamilya, dito rin nag-aaral ang mga sikat na model,
actress or actor. At kung galing ka sa mayamang pamilya ay pwede ka na makapag-aral
dito.

There are two campuses in Red Dragon Academy, the Campus C for the college
students, and Campus H for the high school students.

Lahat ng student na nag-aaral sa RDA, ay may mga mamahaling gamit, at madali lang
nakukuha ang gusto nila, fashionable, look highly on themself. Kaya minsan nilalait
nila ang mga mababang tao.

At may kilalang grupo sa RDA,na pinag guguluhan ng mga kababaihan,sila ang S6.
Galing sila sa kilalang pamilya, sporty, talented, matalino, at syempre mga gwapo
rin sila. O, san ka pa diba??

At meron din, pinag didirian at nilalait sa RDA, at mas kilala siya sa pangalan na
Campus Nerd, isang ulila na nakapasok sa Academy because of the scholarship, na
every 4 years lang binibigay.
Magkakaroon ba siya ng mga kaibigan??

At, paano niya nakilala ang S6 at nagkaroon ng ugnayan dito??

Chapter 1 - Ang Campus Nerd ng RDA

Chapter 1 - Ang Campus Nerd ng RDA

"O hija, tama na yan, maghanda ka na at baka mahuli ka sa klase", sabi sa akin ni
Aling karen.

"Opo, tatapusin ko na lang po ito", habang hinihiwa ko ang patatas.

"O sige", at lumabas na ito sa kusina.

Ako nga pla si NAOMI LYKA JANE CRUZ, Lyka ang tawag nila sa akin, sobrang haba daw
kasi ng pangalan ko. Isa na akong ulila, namatay ang aking magulang sa car accident
nung 11 years old palang ako, at ngayon nakatira ako kina Aling Karen, kapalit nito
ay magtatrabaho ako sa kanila.

"Pupunta na po ako", paalam ko sa kanila

" Mag- ingat ka sa daan", Aling Karen

"Opo!", at lumabas na sa bahay.

At ngayon, 16 years old na ako at forth year student sa Red Dragon Academy, isa sa
sikat na school sa buong pilipinas,kaya lang ako nakapag- aral doon dahil sa
scholarship.

Pagkapasok ko sa school, lahat sila nakatingin sa akin, nagbubulungan.. rinig ko


naman.. =_=

"Di ba siya yung Nerd?"

"Yep, I thought hindi na siya dito nag-aaral."


"Look at her, eww. Bakit ba kasi pumayag sila na pag-aaralin siya dito, eh hindi
naman siya bagay dito."

Hay, lagi na lang.. tsaka sanay na rin ako

Ikaw ba naman tatlong taon ka na nag-aaral dito at lagi ka nila ginaganyan.

hindi ka pa ba masasanay??

At habang naglalakad ako, may tatlong babae humarang sa dinaraanan ko.

Na nagmumukha na silang clown dahil sa makakapal nilang make up,

at sobrang iksi ng mga suot nilang skirt,

nagtitipid ba sila ng tela??

" Hey, Nerd! ", sabi sa akin ni Clown #1, leader siguro nila.

"Ang lakas naman ng lood mong pumasok rito sa RDA, hindi mo ba nakikita?, hindi ka
bagay dito", -Clown#2

"And you are not one of us, lahat na nag-aaral dito ay mayayaman, and you? you're
just a commoner", -Clown #3

"And look at you, you're so baduy, ang dungis mo na nga, ang pangit mo pa",-Clown
#1

"Lets go girls." -Clown #1

At bago sila tuluyan umalis binangga pa ako ni Clown #3.

Tsk..

Nahulog tuloy mga gamit ko.

At habang pinupulot ko yung mga gamit ko.

"Kyaaaaaaaaa!!! Ang S6!!!", sigaw nung babae

At ayun nagkagulo sila sa gate, para makita lang yung S6 na yun.

Tsk.,

Ano ba nakita nila sa S6 na yan, porket sila na ang mga pinakamayaman dito, dapat
na sila santohin,.

Pareha lang man tayong tao di ba??

Pagkatapos ko pulutin ang mga gamit ko, dumiretso na ako sa guidance office para
malaman ko kung ano ang magiging section ko this year.
Hay, bahala sila magkagulo sa gate.

"You're in section 4A, Ms. Cruz., congratulations keep it up., maintain your
grades, baka pwede ka maging valedictorian or salutatorian niyan.", sabi sakin nung
Guidance Councelor.

O_O

Seriously???

Valedictorian or Salutatorian??

Talaga??

"I will ma'am", ngiting sabi ko sa kanya.

Yes!!!!!!!!!

^_^

"Before you go to your class, the Librarian need your help", Oo nga pala,
tumutulong ako sa mga teacher dito, kapalit sa scholarship.

"Yes, ma'am"

"You may go", at ayun umalis na ako sa guidance office ng may ngiti sa akin labi.

At papunta na nga ako ngayon sa Library ng RDA.

Habang naglalakad ako, papunta sa Library.

Yung tungkol sa S6 pa rin ang bulung bulungan nila,

Buti nga yun, at hindi ako.

=_=

"Kyaaaa, ang gwapo talaga ng mga S6,nuh??"-Girl #1

"Tama, and every girls in the academy, pinangarap na maging Boyfrien kahit isa sa
S6", -Girl#2

"Yeah right. I want to become the Girlfriend of Lance", -Girl#1

"Ako kay Brett", -Girl#2

Nagiging tsimosa na pala ako ngayon.

Teka, mag 4 years na ako rito sa Academy.

Hindi ko pa nakilala o nakita itong S6 na ito.


Sino kaya sila??

=_=

Di bale na nga,.

Wala naman ako pakialam sa kanilang anim, kung sino man sila.

Makapunta na nga sa Library.

Sumasakit na ang tenga ko sa mga tili nila.

"Salamat Lyka, dahil sayo maaga natapos ang trabaho ko", sabi ni Ms. Reyes

Maganda ang Librarian namin, huwag kayo.

"Wala pong anuman, Ms. Reyes", ngiting sabi ko kay Ms. Reyes.

"Ano ka ba, di ba nga sabi ko Ate Shaine na lang, tsaka tayo lang naman andito eh",
-Ate Shaine

Close kami ni Ms. Reyes i mean Ate Shaine.

^_^

Mabait kasi si Ate Shaine, graduate din siya dito sa Academy, at pareho kami
scholar din siya dito at inaapi din siya ng mga kabatchmate niya.

Pero, may pagkaiba rin kami,

Maganda siya samantalang ako isang Nerd,

At, may mga kaibigan din siya

samantalang ako,

ni isa wala.

u_u

"Alam mo, hindi ko alam kung bakit ka nila inaapi, ang bait mo naman ehh", Ate
Shaine

"Hindi naman po masyado", hiyang sabi ko sa kanya.

Tapos tinanggal ko ang salamin ko, dahil sa pawis.

Wew, kahit may aircon sa Library pinapawisan parin ako.

Binalik ko na ang salamin, pagkatapos ko pinunas ang aking pawis.

Napapansin ko lang,

ba't nakatingin sa akin ng maigi sa Ate Shaine.

"A-Ate Shaine, b-bakit po??", ngumiti lang ito sa akin.


"Bakit hindi mo sinabi sa akin, na maganda ka pala Lyka", sabi nito sa akin.

O_____O

Ako?? Maganda??

=_=

ang lakas rin pala mangbola ni Ate Shaine.

"Si Ate Shaine naman, binibiro ako", Ako

"I'm not joking, kung aayusin mo lang ang sarili mo, lalabas ang ganda mo, para
kang princess in disguise", seryosong sabi nito.

"Naku, Ate Shaine dapat mo na po ata ipa check yang mata niyo, baka lumalabo na po
yan, hindi naman po ako maganda, ehh", sabi ko sa kanya.

"Ikaw talaga, napaka humble , pumasok ka na nga at baka ma late ka pa sa klase mo",

Ate Shaine.

"Alis!", taboy nito sa akin.

"Opo na po, sige po mauna na po ako, Ms. Reyes", Ako

At niligpit ko na ang mga gamit ko, nagpaalam ulit ako kay Ate Shaine, bago umalis

***********************************************************************************
***************************

-miemie_03

Chapter 2 - I got new friends

Chapter 2 - I got new friends

-Lyka POV-

Pagkatapos ng homeroom class namin.

"Ang malas natin, naging classmate ulit natin yung Nerd na yan", -Girl #1

"Yeah, really really so malas, sana pwede magchange ng section", -Girl#2

"Bakit tayo? dapat siya noh, hindi siya dapat dito", - Girl #1

"Oo nga noh", - Girl #2


Edi kayo magchange ng section, kung ayaw niyo ako maging classmate.

Tsk

Ako pa ang lilipat ano sila siniswerte.

Tsaka may malas bang nakaperfect sa exam para sa scholarship.

:D yabang ko noh.

"Kyaaaaaaaaaaaa!!!", biglang sumigaw yung classmate kong babae.

Alangan namang lalaki?? di ba??

Tsk

Nabingi tuloy ako sa sigaw niya, at bigla rin sumigaw ang iba kong classmate na
babae.

Tsaka paano ako makakabasa nito kung ang iingay nila.

=_=

"Kyaaaaaaaaaaa!!!!! ang S6!!! ", -CM #1 (Classmate #1)

"Ang gwapo talaga, nila!!!!!", -CM #2

"Be mine!!!!!!!!", - Cm#3

Kaya naman pala, biglang sumigaw ang mga ito, dahil biglang dumaan ang S6 na yan.

Tsk

Istorbo sila. =_=

At habang tili ng tili at nakipagsiksikan sa pintuan ng classroom.

May napansin akong babae, na nagbabasa ng libro sa dulo.

Pero hindi siya Nerd, kundi isang Diyosa., ang ganda niya

Hindi siya interesado sa S6??

Tsaka nakakabasa ba siya ng maayos sa mga ingay na ginawa ng mga classmate naming
babae?

Riiiiiiing!!!!!! Riiiiiiiiing!!!!!

Break time na rin sa wakas,

maka alis na nga dito sa classroom.

At papunta ako ngayon sa favorite spot ko dito sa Academy.

^_^
Ang Garden.

Grabeh, ang ganda talaga sa Garden.

^_^

ito ang pinaka tahimik na lugar sa Academy.

may sariwang hangin,

at may makukulay na bulaklak sa paligid ng garden.

Habang nagbabasa ako, may napansin akong dalawang tao sa garden, at mukhang bago
lang sila nakarating dito. Ng sinilip ko kung sino ang mga ito.

Yung Diyosa na nakita sa classroom, at may kasama din itong isa pang Diyosa.

Ang gaganda nila kahit light make up lang.

Siguro kaya sila nandito dahil gusto rin nila sa tahimik na lugar.

Maka alis na nga, baka hindi sila komportable, pag andito rin ako sa garden.

Inayos ko na ang mga gamit ko, at aalis na.

Sana...

"Bakit ka aalis? Di ka naman namin pinapaalis uh, at tsaka di ba kaya ka nandito


dahil gusto mo sa tahimik na lugar, at sariwang hangin", biglang sabi ni Diyosa #1,
yung nagbabasa ng libro sa classroom.

"Baka kasi hindi kayo komportable pag andito ako, tsaka di ba kaya din kayo
nandito, dahil gusto niyo rin sa tahimik na lugar at sariwang hangin", sabi ko
naman sa kanya, wew pinapawisan na ako nito.

"Hindi ka naman namin pinapaalis, dito ka na magbasa ng libro pareho naman tayo ng
dahilan kaya tayo nandito, ehh", -sabi nito sa akin.

O_______O

talaga??

"Oo nga, huwag ka na umalis, at tsaka huwag ka mag-alala, hindi ka namin aapihin
gaya ng mga babae na yun, noh. Ibang iba kami sa kanila", sabi naman ni Diyosa #2.

"Huwag ka na magtataka bakit namin alam, lagi ka namin napapansin at nakikita kung
papaano ka nila inaapi, and I find you cool, since you just ignore them like
nothing happened", ngiting sabi sabi sa akin ni Diyosa #2.

"C-Cool?? ", ako??

wow haa.
"Yes,and as far as I know ikaw ang 2nd Highest sa buong Campus H, at points lang
ang pagitan ninyo ng Top 1. Kaya and cool mo. And halika dun tayo", at bigla niya
akong hinila papunta kung saan na nakaupo so Diyosa #1.

Teka, kailan lang siya nakaupo doon. Hindi ko siya napansin uhh.

"Hi, I'm Stephanie Laine Yu, Just call me Steph", pakilala niya sa akin, ang ganda
ng name niya, bagay sa kanya.

"At ito naman si Brenda Montellier, childhood friend ko and also my bestfriend,
just like you mahilig din siya magbasa ng libro.", Brenda pala ang pangalan niya.

"And you??"

"Huh??"

"Ikaw?? what is your name?", I thought Campus Nerd or Nerd ang itatawag nila sa
akin.

"Naomi Lyka Jane Cruz", pakilala ko.

"Ang haba naman ng pangalan mo, pwede Naomi na lang ang itatawag namin sayo?"-Steph

"Hindi ako sanay sa Naomi, Lyka na lang itawag niyo sa akin", tsaka si Mama lang
ang tumatawag sa akin ng Naomi.

"Lyka?? so Lyka, friends??", inabot niya yung kamay niya, para makipagshakehands
sakin.

Teka..

Friends...

EHHHHHHHHHH!!!!!!!!!

O____________O

talaga????????

tumingin lang ako sa kanya.

"Ayaw??", lungkot na sabi nito.

"Hindi naman sa ayaw, sa totoo nga masaya ako kasi gusto niyo ako maging kaibigan"-
Ako
"Talaga?? sa totoo lang, matagal na kita gustong maging kaibigan, pero wala akong
chance na kausapin ka, since hindi pa tayo magkaklase that time, and I thought
gusto mo mapag-isa palagi.", sabi niya.

Talaga??

Gusto niya ako maging kaibigan, matagal na.

"So, friends??" inabot niya ulit ang kamay niya.

"Friends" ngiting sabi ko.

At nakipagshakehands ma ako sa kanya.

O_____O

Bigla niya akong niyakap.

nahulog tuloy ang salamin ko.

"Ang tagal ko ng gusto yakapin ka"- Steph

"Steph, dahan dahan naman, look nahulog tuloy ang sakamin ni Lyka", -Brenda.

Agad naman bumitaw sa pagkayakap si Steph.

TT.TT

nagkaroon din ako ng kaibigan.

"Aw sorry", kinuha niya ang salamin ko. At ibibigay na sana sakin.

O____O - Steph and Brenda

?_? - Ako

bakit kaya sila ganyan kung makatitig??

may dumi ba sa mukha ko??

***********************************************************************************
**************************

-miemie_03

Chapter 3 - Getting to know


Chapter 3 - Getting to know

-Stephanie Laine POV-

Hi! there I'm Stephanie Laine Yu, the future holder of Yu Campany, and I really
love Fashion very much, siguro dahil na rin sa business ng parents ko.

Sa totoo lang, matagal ko ng gustong lapitan si Lyka,kasi kahit inaapi at tinataboy


na siya ng mga estudyante dito sa school, parang wala lang yun sa kanya at TAKE
NOTE 2nd highest pa siya sa buong Campus H sa RDA, kaya I find her cool.

At ngayon naging classmate ko na siya, wala pa rin akong lakas na loob na lapitan
siya, siguro sa hiya na rin. And now, papunta kami ni Brenda sa garden and there I
saw her, nagbabasa ng libro, nung nakita niya kami, agad niyang niligpit ang gamit
niya, mukhang plano niyang umalis.

Plano ko sana siya pigilan, pero inunahan ako ng hiya, buti andito si Brenda para
pigilan siya, and there I find an opportunity na kausapin siya and it work.

^_^

And now I'm Happy kasi naging kaibigan ko na siya.

Ang cute ng boses niya.

Okay, back to the story.

Nung isasauli ko na sana yung salamin niya...

O.O

I thought she's just a simple girl and kinda cute and cool. I didn't thought na
maganda pala siya sa malapitan, especially pag wala siyang suot na salamin.

O/////////O

waaaaaaaaaaa!!!!!!!

I kinda have a crush on her.

"I didn't thought na maganda ka pala, Lyka"

Nagulat kami ni Lyka ng biglang nagsalita si Brenda.

Teka............

Hindi lang pala ako, pati rin pala si Brenda napansin yun.

"H-Huh???" takang tanong ni Lyka

Teka, hindi niya alam yun??

Aw, how innocent.

"Tama si Brenda, Lyka. You're beautiful, especially pag wala kang suot na salamin"
ngiting sabi ko sa kanya.

Aw, She's blushing

mas lalo siyang gumanda.

"Huwag ka lang nga magsalamin" suggestion ko.

"Hindi pwede eh" sabi niya, tapos kinuha na niya yung salamin niya.

Aw sayang naman.

-Lyka POV-

"Hindi pwede eh" sabi ko, tapos kinuha ko na yung salamin ko, at sinuot ito.

Sa totoo lang, hindi naman sa malabo ang mata ko, nasanayan ko lang talaga magsuot
ng salamin.

"Ganyan ba talaga kalabo mata mo?" sabi ni Brenda, sabay tinabi niya ang hawak
niyang libro.

"Hindi naman masyado" sabay tabi ko rin sa mga hawak kong gamit.

"Lyka, can I ask you something?" -Steph

"Oo naman, ano yun?"

Sana hindi yung, hindi ko masagot.

"Since we are friends already, can you tell us about yourself, alam mo kasi gusto
pa kita makilala ng lubos"- Steph

"Oo naman" sus akala ko kung ano na, yun lang pala.

At ayun,sinabi ko sa kanila, 'bout sakin, 'bout sa family ko at iba pa. Lumungkot


sila nung nalaman nilang wala na ang mga magulang ko.

T^T

I miss my parents so much!!

"Alam mo, hinahangaan talaga kita, to think na mag-isa ka na lang , kaya mo pa rin
tumayo on your own" sabi sakin ni Steph

"Kung buhay pa ang mga magulang mo, I know na proud na proud sila sayo"- Brenda.

"I agree"-Steph

"S-Salamat"

Sobrang saya ko.

^_^

Ganito pala ang feeling pag may mga kaibigan ka, lagi sila andyan para sayo.

"Wala ka bang kamag-anak?, dapat sa kanila ka tumira, kasi sila na magiging pamilya
mo di ba?" sabi ni Brenda.
Tama sila, pero ang totoo lang hindi ko pa nakita o nakilala ang mga kamag-anak
nila papa at mama. Kung alam na nila ang nangyari kina papa at mama, sana hinahanap
na nila ako.,

Pero.......

Hinahanap nga ba nila ako?

"Ewan ko kung saan sila, kasi hindi ko pa sila nakilala o nakita man lang"

"SERIOUSLY!!!???" gulat na tanong ni Steph.

"So may plano ka bang hanapin sila?"- Brenda

Hanapin sila???

Hindi ko yun inisip, uhh

Pero, paano na lang if nakita ko na sila, at sinabi na ako yung nag iisang anak ni
Naomi Cruz at James Cruz. Baka, hindi nila ako tatanggapin o itataboy lang nila
ako.

Malay mo di ba??

Di natin masabi??

Tsaka, hindi ko nga alam kung hinahanap nga ba nila ako o hindi.

"Ewan, hindi ko alam at masaya na ako kung nasaan man ako ngayon" ngiting sabi ko
sa kanila.

At bigla akong niyakap ni Steph.

"Don't worry, kami ni Brenda, here lang kami for you, we can be your second family,
di ba friends tayo kaya huwag kang mahiyang lumapit samin" sabi nito sa akin,
habang yakap niya ako, tinignan ko si Brenda, ngumiti ito sa akin at nag nod.

:'))

Sobrang saya ko.

Mama, Papa... sila ang mga bago kong kaibigan.

Si Steph and Si Brenda.

^_^

-Third Person POV-

Japan..

"Did you find her, already?" tanong ng matandang lalaki na nakaupo sa kanyang
malaking upuan sa isang malaking opisina.

"I'm sorry to say this, but not yet My Lord" sabi ng personal butler niya.

"Do everything you can just to find her!!!" galit na sabi nito.

"Yes, My Lord"

**************************************************************************

- miemie_03

Chapter 4 - First Encounter

Chapter 4 - First Encounter

"Isang kanin at isang tinola po sa table 9" andito ako ngayon sa carinderia ni
Aling Karen.

"Eto hija" sabay bigay ng tray na may isang kanin at tinola. At pumunta na ako sa
Table 9

"Eto na po yung kanin at tinola niyo" ngiting sabi ko sa customer.

"Salamat, Lyka"

"Wala pong anuman" ngiting sabi ko sa customer.

^_^

Buti pa mga tao rito sa amin, mababait.

Hindi gaya sa school, namimili ng kakaibiganin.

Pero ngayon may mga kaibigan na rin ako, si Steph at si Brenda ^_^

"Tulungan na kita, hija" sabi ni Aling Karen.

Nandito ako ngayon sa kusina naghuhugas ng pinggan.

"Hindi na po, Aling Karen. Kaya ko na po to"ngiting sabi ko sa kanya.

"Sigurado ka ba, hija , ang dami ng mga yan"


"opo"

"O sige, maiwan na kita" at umalis na ito.

-Third Person POV-

=Japan=

Isang magandang babae, na biglang pumasok sa mansion.

"Where's your master??" galit na sabi niya sa katulong na nakita niya.

"A-At h-his lobby" takot na sabi ng katulong.

Ng marinig niya ito, ay agad itong pumunta sa lobby , at bigla nalang pumasok na
hindi man lang kumakatok.

"You don't have manners, young lady. You must knock first before entering, right?"
sabi ng matanda, na nakaupo sa malaking upuan nito.

"I don't care and don't worry, hindi naman ako magtatagal. Gusto ko lang malaman,
if nakita niyo na ba siya. " sabi ng babae.

"I don't want to dissapoint you, but, we didn't find her yet." sabi naman ng
matanda.

"WHAT!!!? its been 5 years of searching and until now, hindi niyo pa siya
nahahanap?! and we didn't even know, kung nasaan na siya, o kung napano na siya"
inis na sabi ng babae.

"Kung tinanggap niyo lang siya, sana hindi ito mangyayari,.." patuloy niya

"At kung may masamang nangyari sa kanya, hinding hindi kita mapapatawad" at umalis
na ito sa lobby.

" I know its all my fault" sabi ng matanda sa isipan niya.

-Lyka Pov-

Papunta ako ngayon sa palengke, inutusan kasi ako ni Aling Karen para sa mga
lulutuin namin.

Syempre, tumutulong ako sa pagluluto ^_^

Habang naglalakad ako, naisipan kong dumaan, kina Mang Ben, para bisitahin ang
alaga kong aso na si Miro ^_^

Kaya lumiko ako sa isang street.

At habang masayang naglalakad, naka witness ako ng isang eksena.


May isang gwapong lalaki, at mukhang mayaman.

Bakit mukhang mayaman??

Kasi naman, ang mga damit niya unang tingin mo palang mamahalin na, tapos
nakasandal pa ito sa isang magarang kotse.

at may kasama itong babae, na

umiiyak???

Tsk,

Kaya minsan ayaw ko sa mga ganyang klaseng lalaki, yung tipong pinaglalaruan at
pinapaiyak niya ang mga babae.

May sinabi yung lalaki, kaya tumakbo ang babae papalayo sa kanya na habang umiiyak.

Naglakad ako papunta sa kanya, huminto sa harapan niya ,at tinignan siya ng masama.

>:-//

"oh??, anong tinitingin tingin mo diyan?, alam kong gwapo ako, kaya't h----"

"Ang kapal naman ng mukha mo, gwapo nga eh ang pangit pangit naman ng ugali"
mahinang sabi ko, at alam kong narinig din niya iyon. Hindi ko na rin siya
pinatapos sa sasabihin niya kasi alam ko puro kayabangan lang naman ang sasabihin
niya.

At naglakad na papalayo sa kanya.

Tama naman ang sinabi ko diba??

Ang kapal talaga, gwapo nga ehh sobrang pangit naman ng ugali.

tssss

Sana hindi ko na yun makita.

-Someone POV-

"Ang kapal naman ng mukha mo, gwapo nga eh ang pangit pangit naman ng ugali" sabi
nung babae, tapos lumakad na ito papalayo sa akin.

Ano daw??

Ako??

pangit??

Nagulat ako sa sinabi niya uhh,.

at hindi pa niya ako pinatapos magsalita, at yun lang maririning ko galing sa


kanya.

tsk..

sana hindi ko na siya makita, at baka uminit pa ang ulo ko sa kanya.


riiiiiiiiing!!!! riiiiiiiiiiing!!!!

Kinuha ko ang iphone ko.

"Oh??????" inis na sabi ko.

"anong nangyari sayo?? mukhang badtrip ka ngayon uhh" at bigla itong tumawa.

tsk

"Ba't ka tumawag??" dahil sa babae na yun nasira ang magandang araw ko.

Bigla itong tumigil sa pagtawa.

" Uuwi na siya, next month"

Uuwi??? sino??

"sino naman??" takang tanong ko.

"Anak ng putakte naman, Lance. Sino pa ba, edi si Jake" sabi nung nasa kabilang
linya.

O______O

tsk,

Uuwi na pala ang gago na yun.

natapos na pala ang business niya sa japan.

"Nasaan kayo ngayon??"

"Nasa PR (private room)"

"papunta na ako diyan" at binaba ko na ang tawag.

***********************************************************************************
*************************

- miemie_03

Chapter 5 - Seriously??

Chapter 5 - Seriously??

- Lyka POV-

Habang naglalakad ako papunta sa classroom. Hindi ko pa rin maiiwasan ang bulung-
bulongan.

"LYKA!!!!!!" teka... may tumawag ba sakin.


Baka naman ibang Lyka yun, mapahiya pa ako, paglumingon pa ako.

Tuloy lang sa lakad Lyka.

-_-

"LYKA!!! WAIT!!" lumingon na ako this time.

O_O

Si Steph??

Huminto ako, para hintayin siya.

"Good morning, Lyka" bati nito sakin.

"G-Good morning d-din" sabi ko, na medyo nahihiya ang boses.

"Sabay na tayo pumasok, sa classroom natin, okay?" tapos hinila niya ako.

Habang papunta kami sa class namin.

"Kyaaaaaa, ang S6!!!!!!!!!" biglang sigaw nung babae.

Ano ba yan!? S6 na naman?? Hindi ba sila nagsasawa?

Tsk,,

kung hindi,,,

Ako??

sawang sawa na.

Kasi naman, S6 dito, S6 doon

Ano sila??

Artista??

Mga hari??

Santo??

Hindi naman diba??

Pareho naman tayong tao??

=_=

"Ano na naman, ginagawa ng mga nun dito?" rinig kong bulong ni Steph.

"Halika ka na, Lyka. Hinihintay na tayo ni Brenda." sabay hila na naman sakin.

Napapadalas na ang paghila sakin ni Steph, uhh

Akala ko,pareho si Steph sa kanila na patay na patay sa S6 na yun,


pero hindi pala.

Ibang iba pala siya, sila ni Brenda.

^____^

Masaya ako at naging kaibigan ko sila.

Pagdating namin sa classroom.

=________=

Mga lalaki na lang ang naiwan, at ang nag-iisang babae.

Kilala niyo naman kung sino nalang naiwan na babae diba?

Tama!

Si Brenda.

Siguro , yung mga ibang kong classmate na babae, andun na naman yun, para makita
ang mga S6 na yun.

Bakit kaya hinahayaan lang yun ng Academy.??

Tsk, tsk

-_-

"Saan na ang iba nating classmate na babae?" tanong ni Steph kay Brenda.

Saan pa ba??

Andun sa labas, sasalubungin ang S6 na yun.

"Andun sa labas, narinig lang nila na nandito ang S6 sa Campus H." sabi ko na nga
ba.

=___=

"Balita ko, uuwi na raw si Jake next month" - Steph

Jake??? sino yun??

"Oo nga ehh, sinabi rin sakin yun ni Kuya kagabi" - Brenda

Kuya??

O.O

May kuya si Brenda??

"Kung totoo yun, kumpleto na ang S6 next month." - Steph

"Teka, teka..... sino si Jake?? at may kuya ka pala Brenda, ba't hindi mo sinabi?"
grabe, lost ako sa pinag uusapan nila.

O______O - Steph & Brenda


?______? - Ako

Teka, ba't gulat na gulat sila sa sinabi ko?

"H-Hindi mo kilala si Jake?" tanong ni Steph, na hanggang ngayon gulat pa rin.

"Tsaka hindi mo rin kilala si Kuya??" -Brenda

Ano ba yan??

Magtatanong ba ako kung kilala ko na sila.

Di ba??

"Hindi ehh, sino ba sila??" sabi ko.

Tumingin sila sa isa't isa,,

at

XD - Steph & Brenda

?_? - Ako

"Hahahahahahahahah, seriously?? hahahahahah" - Steph

Ba't sila biglang tumawa??

May nakakatawa ba sa sinabi ko??

"Dito ba sila nag-aaral??" bigla kong tanong.

Bigla rin sila tumigil sa pagtawa.

"Seriously??? di ka nagbibiro??? hindi mo ba talaga sila kilala?"- takang at gulat


na tanong ni Steph.

Wow, mukha na ba akong nagbibiro ngayon

=___=

"So, kung hindi mo kilala si Kuya nor si Jake, hindi mo rin kilala ang mga S6?",
-Brenda.

"Sa totoo lang, hindi ko pa nga sila nakita, ehh", at hindi ako interesado na
makita sila.

"Wow, bilib na talaga ako sayo Lyka. Hindi mo nga sila kilala",-Steph

"Syempre, hindi siya interesado na makita sila, di ba Nerd?", nagulat kami ng


magsalita ang isa naming classmate na lalaki.

May pagka chismoso rin pala ang mga ito.


At, nakikisali na rin sa usapan.

Idol!!!

=____=

Sila na talaga.

"Teka, hindi Nerd ang pangalan ni Lyka",inis na sabi ni Steph.

"Tsss, okay lang yun kay Nerd, kasi naging classmate ko na siya mula nung First
year hanggang ngayon, di ba guys?", nag hiyawan ang mga classmate ko sa likuran.

Tama naman sila ehh, okay lang yun sakin.

Actually nga mas gusto ko pa maging kaibigan ang mga classmate kong lalaki kaysa sa
mga classmate kong babae.

"Di ba, Nerd?",sabay akbay sakin.

"O-Oo, tama sila Steph, sanay na rin ako sa kanila", sabi ko kay Steph.

"Sabi ko sayo, kaya nga idol namin si Nerd, kasi siya lang ang tao sa Academy na
hindi kilala ang S6", tapos lumakad na ito papalayo samin.

"Pero ngayon huwag na Nerd ang tawag mo sa kanya, may pangalan siya at Lyka yon",
sabi ni Steph.

Tumingin samin ang classmate kong lalaki.

"Okay, Jane nalang ang itawag ko sa kanya, para maiba na rin", at tuluyan na ito
umalis.

Ano raw??

Jane??

Siya pa lang ang tumawag sakin ng ganun, uhh.

"Tsss, sino ba yun?", tanong ni Steph.

Oo nga pala, hindi ko nasabi sa inyo.

This school year ko lang naging classmate si Steph.

Nasa 2nd Section siya mula sa 1st year hanggang 3rd year.

"Si Jason, hayaan mo na lagi naman siya ganun ehh, tsaka hindi mo na dapat yun
ginawa, sanay na ako na Nerd ang tawag nila sa sakin"

"Sa tingin mo hahayaan ko yun, may pangalan ka. At, hindi Nerd iyon.Ba't ang bait
mo sa kanila Lyka, tignan mo yan umaabuso na", sabay pout pa.

^___^

Ang cute talaga ni Steph.

"Ikaw talaga", ngiting sabi ko sa kanya.


"Pero, thank you"

"Your always welcome", sabay yakap sakin.

"Huwag na nga kayong magdrama diyan, any minute darating sa ang Teacher natin",
biglang sabi ni Brenda.

"Inggit ka lang", sabi ni Steph, at humiwalay na sakin.

Tumawa kaming tatlo.

Sobrang nagpapasalamat talaga ako na meron akong kaibigan, na gaya nila, at hindi
ako magsasawang pasalamat sa kanilang dalawa.

^___________^

***********************************************************************************
*************************

-miemie_03

Chapter 6 - Ang S6

Chapter 6 – The S6

-Lyka POV-

Nandito kami ngayon sa garden.

At kakatapos lang naming kumain ng tanghalian.

"Alam mo, Lyka hindi pa rin ako makapaniwala na hindi mo kilala ang S6, akalain mo
mag a-apat na taon ka na rito , pero hindi mo pa sila nakilala or nakita man lang"
–Steph
"Hindi naman ako interesado dun, ehh. Tsaka ano naman mapapala ko, pag nakita ko
sila" –Ako

Tama naman ako diba??

Hindi naman sila importante dito sa academy, para makilala ko sila.

"Infairness, may punto ka run" –Steph

"Pero, sino ba talaga ang S6? Ganun ba talaga sila kasikat, para pagkaguluhan?"

Kakasabi ko lang na hindi ako interesado.

Teka, hindi naman ako interesado, uhh

Curious lang ako.

Yun lang yun.

"I thought hindi ka interesado" – Brenda

=_=

"Curious lang ako" sabi ko

"Ok,Ok sasabihin ko kung sino sila, para kahit papano, may background ka about sa
S6" sabi ni Steph

"Andrew Smith, ang tahimik sa grupo, half-American,half-Filipino, bihira lang siya


makitang makipag usap sa tao. At pumipili rin ito ng makakausap. Kung kinausap ka
nun ang swerte mo"

=_=

Alam kong hindi ako kakausapin nun, diba?

"Hobby niya ay magbasa ng libro, just like you Lyka. Tsaka sila ang stock holder ng
pinaka imported na gamit, like dresses, shoes, at atbp. May mga branch din sila
rito sa Pilipinas, at sa ibang bansa."

"Ang kambal na si Alex at Allen Deguzman, ang pinaka energetic sa grupo. I mean ang
pinaka maingay , konti lang nakakaalam kung sino si Alex and Allen sa kanila, kaya
minsan nagpapanggap na lang sila. Sporty din yun mga yun, at sila ang nagmamay-ari
sa pinakamalaking airline dito sa Philippines", uhh, sila pala yung may-ari nun.
Grabe ung kambal na yun, uhh.

"Si Brett Anthony Lee, siya ang taong dapat iwasan, kasi grabe yun mambola nuh at
grabe rin yun kung mangulit at mang inis ng tao, pero kahit ganun yun, madami pa
rin nafafall sa kanya. Siya ang future CEO ng Lee Campany, ang kilalang company sa
buong Pilipinas, dami nilang holder"

"Si Jake Tachibana, ang half-japanese at half-pinoy, ang pinaka misteryosong tao sa
S6. Same kay Andrew, minsan mo lang siya makitang magsalita, pero sa ibang tao nga
lang o sa mga taong hindi niya masyadong kilala at itinuturing niyang kaibigan.
Sila nag mamay-ari sa Five star Hotel and Restaurant sa Japan, may restaurant din
sila dito. At uuwi na siya next month, galing Japan.", siya pala yung tinutukoy
nilang Jake.

"Ang Lastly ang leader ng S6 si Lance Montellier, the brother of our very own
Brenda Montellier. At ang masungit sa kanilang anim, huwag mong gagalitin kasi iba
yun magalit, hindi siya titigil hangga't hindi siya makaganti. At madali lang niya
nakukuha ang mga gusto niya.", sabi ni Steph

Spoiled brat naman yun kapatid ni Brenda.

Pero bilib naman ako kay Steph.

Alam niya ang talaga ang mag background ng S6 na ito.

"At kami ang nagmamay-ari sa Montillier Campany, at may Mall rin kami at company
dito at sa ibang bansa.", dagdag ni Brenda.

Wow, ang yayaman pala ng mga ito.

Hay naku, Lyka

Malamang mayayaman yun mga yun, dito nag aaral eh.

"Kilala silang anim dito I mean mga tao dito sa Academy, at sa labas ng Academy",-
Steph

Kilala sila rito sa Academy,

Eh, bakit ako hindi ko sila kilala

At ni anino nila hindi ko pa nakita.

=___=

"Pero, nagkamali ako nung nalaman ko na hindi mo sila kilala",-Brenda.

"Tama, nagulat nga ako nung hindi mo sila kilala ehh, I thought nagbibiro ka lang
kanina", -Steph.

Ehh, wala man din ako mapapala sa kanila ehh.

Tsaka paano ko rin sila makikita, ehh everytime na dumating sila dito sa Academy,
kung makatili naman ang mga babae parang walang bukas.
***********************************************************************************
*************************

-miemie_03

Chapter 7 - What a day...

Chapter 7 - What a day...

-Lyka POV-

"Narinig mo na ba yung balita?", tanong nung babae sa kasama niya habang kinikilig.

"Anong balita?", sabi nung kasama nito, at kinikilig din.

Wow haa, hindi pa nga alam kung ano yung balita, kinikilig na kaagad.

"Uuwi na si Jake!!",

"Talaga??" tapos bigla silang tumili.

"Yep, and may welcome party daw at gaganapin mismo dito sa Academy. And lahat ng
estudyante, at teachers ay invited."

tsss..

Ang aga aga. Yan na kaagad ang pinag uusapan nila.

At Party??

Ganyan ba talaga ang mga mayayaman,

dapat may pawelcome party??

At, invited lahat ng estudyante??

hmmm

Siguro, except ako

Sino ba naman mag iinvite sa isang nerd na tulad ko, sa isang magarang welcome
party na yun

Di ba, tama ako??

At ng makarating na ako sa classroom.

Inayos ko ang salamin ko, bago pumasok.

Pagkapasok ko, ang ingay ng mga babae.


At, alam niyo na kung ano yung pinag uusapan nila.

Naku naman, ba't hindi pa ako nasanay.

Maka upo na nga lang.

"Jane, pupunta ka sa welcome party?!", tanong kaagad sakin ni Jason, ng makaupo na


ako.

Ano ba tong lalaking ito, nanggugulat.

O_o

Teka....

loading...

loading....

loading...

loading....

O___O

JANE??

Tama ba narinig ko??

Jane, ang tawag niya sakin.

Eh, di ba Nerd ang laging tawag nito sakin.?

Siguro, nabingi lang ako.

Impossible naman yun diba??

Pero..

Gusto ko makasigurado, kung yun nga ang tawag niya sakin.

"Ano sabi mo?, tanong ko sa kanya.

"Tsk, sabi ko pupunta ka ba sa welcome party??", inis na sabi nito.

"Hindi, ano yung tawag mo sakin, ulit??" -ako

"Jane, bakit?" takang tanong nito.

O_____O

>...........<

Totoo nga??

At siya pa lang ang tumawag sakin ng ganun.

"W-Wala lang, nakaka panibago kasi, Nerd ang laging tawag mo sakin", sabi ko, tapos
kinuha ko ang libro ko sa bag.
"Kaya ngayon dapat masanay ka na, kasi yun na ang tatawagin ko sayo mula ngayon.
So, pupunta ka ba sa welcome party?" -siya

"Bakit invited ba ako?" -ako

"Invited nga lahat ng estudyante, at isa ka sa mga estudyante ng Academy, so


invinted ka" paliwanag niya.

"Except ako" at nagsimula na ako nagbasa.

"Libro na naman, hindi ka ba nagsasawa sa kakabasa mo niyan? kaya lumalabo ang mga
mata mo, ehh" pero hindi ko na pinansin ang sinabi niya.

at tsaka pakialam niya

eh, nag eenjoy ako magbasa ehh.

Siguro sa sobrang inis, ayun umalis na siya sa tabi ko at bumalik sa mga kaibigan
niya.

Hay salamat, tahimik na rin.

"Lyka!!!!!!"

O__O

=_=

akala ko tahimik na.

Pagtingin ko kung sino ang tumawag.

Si Steph lang pala, at bigla itong umupo sa upuan na nasa harapan ko.

"Good morning, Lyka" bati ni Steph sakin.

"Good morning din sayo Steph" ngiting sabi ko.

"By the way, punta ka sa party, uhh??" biglang sabi ni Steph.

Ano daw!??

Ako??

Pupunta sa party??

"Hindi naman ako invited ehh, ba't pa ako pupunta" sabi ko habang itinabi ko ang
libro.

"Invited ka rin noh, kasi isa ka sa estudyante ng RDA, and lahat ng students in
this school are invited.", sabi ni Steph.

Sinabi na yan sakin ni Jason, uhh.

Tsaka, kung pupunta ako, ano naman ang susuotin ko??

Alam ko naman magagara ang mga damit na susuotin nila nuh at mga mamahalin pa.
Hindi tulad ko sa Divisoria lang mga damit na binibili ko.

"If, nag woworry ka sa dress. Ako na bahala dun. Basta punta ka uhh", biglang sabi
sakin ni Steph.

Ano daw??

=__=

Nagiging bingi na ako ngayong araw na ito, uhh.

"Huh? n-naku Steph, huwag na tsaka hindi naman ako pupunta ehh" nakakahiya naman
diba??

"Geez, basta punta ka, next week na yun kaya bukas mags-shopping tayo for your
dress, okay? Huwag ka ng aayaw, kasi hindi ko yun tatanggapin" ngumiti ito sakin.

Biglang pumasok ang teacher namin sa First period, kaya pumunta na ang mga
classmate ko sa kanya kanyang upuan.

"Sige, Lyka punta na ako sa seat ko." ngumiti muna ito sakin, bago umalis.

Nakakagulat naman si Steph.

==______==

parang may choice naman ako sa lagay kong ito.

Sana hindi na yun umuwi.

Sama ko nuh??

Hahahaha XD

ang aga aga may problema kaagad ako,

At, hindi sa subject o kung ano man galing sa mga pinag aralan namin uhh.

kundi sa isang WELCOME PARTY!!!!!!!

WHAT A DAY!!!!!!!!!!!!

TT____TT

***********************************************************************************
*************************

-miemie_03

Chapter 8.1: The Party (Part 1) : Shopping time??

Chapter 8.1: The Party (Part 1) : Shopping time??


-Lyka POV-

Beeep~~~ Beeeep~~

"Hija, andito na ang mga kaibigan mo.", sabi sa akin ni Aling Karen.

"Papunta na po!!", sabi ko naman.

Tumingin muna ako sa salamin,

Bago tuluyang umalis sa kwarto.

"Aling Karen, punta na po kami", paalam ko.

"Mag ingat sa daan", -Aling Karen.

"Opo", at lumabas na ako.

Nakita ko yung sasakyan ni Steph sa labas ng bahay.

"Halika na, madami pa tayong dapat bilhin", hila nito sa akin, papasok sa kotse
nila.

Pagdating namin sa Mall, pumasok kami sa isa sa mga botiques dito.

Habang tinitignan ko ang mga damit.

"Lyka!! halika ka dito bilis!", sigaw ni Steph.

O____O

grabe talaga tong si Steph,

bigla bigla na lang sumigaw, pinagtitinginan tuloy kami.

Kaya lumapit na ako sa kanya.

"Try mo itong lahat", sabay bigay sakin ang mga damit.

O________O

Ang dami nito uhh.


ganito ba talaga sila kung bumibili ng damit, dapat pa talaga itry lahat, tapos isa
lang naman ang bibilhin.

"Bilis na Lyka, sukat mo na yan lahat, tignan natin kung saan sa mga yan ang mas
babagay sa beauty mo, weeeeeeeee excited na ako", sabi nito, sabay hila at tulak sa
akin papasok sa fitting room.

"Bilisan mo, okay?", dagdag niya, mula sa labas.

ohhhhhhhkaaaaaaay!!

Nilagay ko ang mga damit sa lamesa na nasa side ng fitting room,

kumuha ako ng isa sa mga damit.

Hmmmmmm.

Ang ganda ahh,

magkano kaya ito,

3,000php lang kasi ang dala kong pera ehh.

Tinignan ko ang presyo.

10,000php lang pala ehh.

loading.....

loading..

loading....

loading..

0_____O

WHAAAAAAAAAAATT!!!!!!?

10,000PHP!!!?

Jusmiyo!!!

Saang lupalot ako makakakuha ng ganito kalaking pera para sa isang damit.

Kung sa divisoria ako pa ako pumunta.

Maraming damit na ako makakabili.


"Lyka!! tapos ka na magsukat?", tanong ni Steph mula sa labas.

"A-Ahh, wait malapit na", sabi ko.

Naku naman,

Bahala na nga.

Ayun, sinukat ko isa isa ang mga damit na binigay sakin ni Steph.

"Eto?", tanong ko.

Ito na ang last na damit na binigay niya sakin.

At, sana okay na ito.

Nakakapagod kaya.

"No, hindi siya bagay sayo", sabi niya na walang kabuhay buhay.

Ano!?? eh, huli na ito eh.

Ano ba yan!!?

=___=

Dito kami natagalan,

Sa tingin ko mag dadalawang oras na kami dito.

"Heto na po, yung pinapakuha niyo, Miss Steph", sabi nung sales lady kay Steph,
sabay abot nung damit.

Miss Steph?

Kilala siya dito?

Nung kinuha na niya yung damit umalis na ito.

"Eto, try this one!", bigay niya sakin, sabay tulak papasok sa fitting room.
Na naman!!?

Sana last na ito.

Tinignan ko yung bigay niyang damit.

Sa totoo, lang sa lahat ng damit na binigay sakin ni Steph, masasabi kong ito ang
maganda.

Kasi naman simple lang ang design niya, at hindi gaanong sexy tignan, pero elegante
pa rin.Hanggang sa tuhod ko lang yung damit.

(A/N: naglagay na ako ng picture, hindi ko lang alam yung totoong price nyan. XD)

Basta yun na yun.

for short,

Ang ganda niya.

Tinignan ko rin yung presyo ng damit.

Syempre, curious ako ehh.

0____O

2-20,000PHP!!!!??

Grabeeeh!

Mas mahal ito sa mga damit nung unang bigay ni Steph.

Naman ohh!!!!

Sinukat ko na ito.

At ng lumabas na ako.

O___O -Steph

At bigla siyang nakatayo. (nakaupo kasi siya sa may sofa na nakaharap sa fitting
room)

Oh!! bakit ganyan siya makatingin?

Hindi ba bagay sakin??


Sabagay, sa ganda ng damit ipapasuot lang sa akin.

"Ahh, Steph? Hindi ba bagay? Ahmmm, sige magpapalit na ako", sabi ko, papasok na
sana sa fitting room.

"No!, actually.., you look dazzling in that dress. Naku naman Lyka, hindi mo naman
sinabi sa akin na sexy ka pala", sabi nito na nakangiti ng malapad.

O__o

Ako??

Sexy??

Isang Nerd na tulad ko??

=___=

What a big joke Steph.

really!

Ng matapos na ako magpalit, binigay ko na yung damit sa kanya.

"I'll get this one.", sabi ni Steph, sabay abot sa sales lady yung damit.

Ano raw!!?

Sorry, kung nagiging bingi na ako.

Kasi naman eh, nakakagulat si Steph.

"Teka, Steph wala akong perang pambili niyan, kaya huwag na at hindi na lang ako
pupunta sa party", kasi naman eh, okay lang sana kung sa Divisoria kami bibili ng
mga damit.

"Dont worry, ako ng bahala at hindi pwedeng hindi ka pupunta, no!!", sabi nito na
nakangiti.

Bumalik na yung sales lady, sabay bigay nung bag na may lamang damit na sinukat ko
kanina.

"Teka, teka, hindi ka ba bibili ng sayo?", takang tanong ko.


"May damit na ako, pinatahi ko na sa personal desighner namin, last week. Pero nung
pinuntahan kita sa bahay niyo, wala ka raw, tinawagan naman kita, hindi ka naman
sumasagot.", sabi nito, sabay pout pa.

"Halika na, dun na naman tayo", sabay hila nito sakin,

Pumasok na naman kami sa isang shop ng mga sapatos.

Pumunta si Steph, sa isa sa mga sales lady, at parang may pinag usapan.

Ako?

Heto, tinitignan yung mga sapatos.

Kinuha ko yung kulay red na sapatos.

Grabe naman ang heels na ito, pwede ng gawing deadly weapon.

4-5 inches siguro ang haba nito.

tinignan ko yung presyo ng sapatos.

O___________O

=___________=

Nagiging magugulatin na ako this day ahh.

kanina isang damit lang umabot na ng 20,000php.

Ito, isang pares lang ng sapatos umaabot na ng 5,000php.

Ano ba yan!!

may ginto ba itong sapatos na ito.

"Lyka, halika dito, dali!!", tawag ni Steph.

Binalik ko na yung sapatos na kinuha ko, kung saan ko man sya kinuha.

At, pumunta kay Steph.

"This one, try this one dali!!!", gigil na sabi ni Steph.

Kinuha ko yung box na bigay sakin ni Steph.

At kinuha ko yung isang sapatos sa loob.

Pero, dahil sa curious talaga ako pagdating sa presyo.

Tinignan ko kung magkano ito.

O____________O
1-10,000PHP!!!

Grabe naman ang mga sapatos dito.

"A-Ahh, Steph. Huwag na lang kaya tayo bumili ng bagaong sapatos, yun na lang
sakin, siguro pwede pa yun.", sabi ko. Sana pumayag ka.

"Kung initindi mo yung presyo ng sapatos na yan, like I said a while ago, ako na
ang bahala.Please Lyka sana naman kahit ito lang, huwag ka ng tumanggi, pleaseeee",
sabi nito sabay puppy eyes at may pout pa talaga.

Ang C-cute niya!!!

Hindi ko siya kayang tanggihan.

Pero... yung presyo kasi..

Naman ohhh!!!!!!

"S-Sige na nga", sabi ko.

bigla akong niyakap ni Steph.

"Yes!!! thank you Lyka!!!!!", sabi ni Steph tapos binitiwan na niya ako.

"Bilis isukat mo na!!", sabi niya.

Ng sinukat ko na ito.

Grabeh, ang bigla akong tumangkad sa sapatos na ito.

T_____________T

Oo nga pala, hindi ako sanay magsuot ng ganito.

"Ahh, Steph", tawag ko.

"yes?"
"Hindi ako sanay magsuot ng ganito, ehh", hiyang sabi ko.

"Okay lang yan, and 2 inch lang ang tangkad ng shoes masasanay ka rin. And next
week pa naman ang party." sabi nito sakin.

"Hmmm, okay na iyan bagay na siya sa damit mo." sabi niya.

Tinaggal ko na ito kaagad, baka matumba pa ako.

Mapapahiya pa ako wala sa oras.

6pm na kami naisipang umuwi.

Napagod ako sa kakalakad.

Pero, masaya ako.

first time ko kasing magshopping na may kasamang kaibigan.

Ano kaya mangyayari sa party ngayong friday ?

***********************************************************************************
*************************

Authors Note:

Hi guys, sa mga nag reread gaya ko XD.

May mga changes na akong ginawa sa mga past chapters at sa mga susunod pang
chapters.

At kung may napapansin pa rin kayong mga typos and errors, sorry kung hindi ko siya
napansin.

And sa phone lang ako nag eedit.

Anyways, sa mga new readers. Hope you enjoy.

^____^

-miemie.03

Chapter 8.2 - The Party (Part 2):The Unexpected Meeting

Chapter 8.2 - The Party (Part 2): The Unextpected Meeting


-Lyka POV-

Friday ngayon at walang pasok, kasi hinahanda nila yung party sa school, para
bukas.

Sa school kasi gaganapin yung event.

At yung biniling sapatos ni Steph para sakin, medyo nasasanay na ako, lagi ko
kasing pinapraktisan , ayoko matumba sa party na yun ng dahil lang sa sapatos.

Nandito pala ako sa Pet Shop, binibisita si Miro, miss ko na kasi siya.

"Na miss ka ng alaga mo Lyka, minsan ka lang kasi nakabisita dito.", sabi sa akin
ni Mang Ken, ang nag aalaga sa aso ko na si Miro at ang may ari ng pet shop.

"Opo nga po, ehh. Medyo busy lang po ako sa school, at tsaka sobraaaang miss ko na
rin sa Miro ko", sabi ko, habang nilalaro si Miro.

"Nga pala, Mang Ken, salamat po talaga ng marami, sa pag aalaga niyo kay Miro."
pasalamat ko sa kanya.

"Walang anuman, malakas ka sakin eh. Parang wala tayong pinagdaanan, at tsaka sa
tuwing nakikita kita, naaalala ko sayo ang mama mo, magkamukha talaga kayong
dalawa.", sabi sakin ni Manong Ben.

Ngumiti na lang ako bilang sagot.

Na miss ko tuloy si Mama, sa tuwing pumupunta kami dito sa Pet Shop ni Mang Ken,
para bumili ng Dog Food ni Miro.

Tinignan ko ang orasan sa pet shop ni Manong Ben.

"Manong Ben, mauna na po ako. Maraming Salamat po ulit, andito nga po pala ang
bayad ko sa pag alaga kay Miro", sabay abot ng pera sa kanya.

"Naku, Lyka Hija. Gamitin mo na lang yan sa pag aaral mo, kailangan mo yan ako na
bahala kay Miro, hindi ko siya pababayaan.', sabi sakin ni Manong Ben.
"Salamat po talaga ng marami", ngumiti ako. "Sige po mauuna na po ako, baka
hinahanap na ako ni Aling Karen", paalam ko.

"Sige, Hija. Mag ingat ka", -Manong Ken.

"Babay Miro,", paalam ko.

Tumahol naman ito.

At tuluyan na akong umalis sa Pet Shop.

Hmmmmmmmmmm.

Makadaan nga sa book store ni Ate Mary.

-Book Store-

Pumasok na ako.

"Magandang Hapon, Ate Mary. Gumanda ka ahh", bati ko kay Ate Mary ang may-ari ng
book store.

"Nambola ka pang bata ka, kumusta ka na pala? matagal ka ng hindi napapadaan dito
uhh."; sabi sakin ni Ate Mary nung nakita niya ako.

"Okay lang po ako., medyo busy lang sa school", sabi ko."May bagong dating po ba
kayong mga libro?", tanong ko.
"Oo, madami. Pumili ka lang. Bibigyan kita ng discount", masayang sabi nito.

"Salamat Ate", -Ako

"Anytime, malakas ka sakin ehhh', sabi niya. Saka naman ako umalis dun sa counter.
At naghanap na ng mga libro.

Dumiretso ako sa mystery section.

Hmmmmm...

Ano kayang maganda dito.

Aha!!!

>_____________<

Isa sa mga favorite kong book.

Book ni Carolyn Keene.

Yung Mystery Book, na si Nancy Drew ang bida sa story.

Sakto pala na dumaan ako, kasi nag iisa na lang siya.

Kukunin ko sana ng may naunang kumuha dito

kaya't hinawakan ko kaagad.

Magkabilaan kami ng hawak sa book.

"Excuse me, ako ang nauna sa book na ito, kaya po akin to." matigas kong sabi.

"Pero, miss ako ang unang kumuha." sabi naman nito, na hindi binitiwan ang libro.

"Pero, Mister whoever you are, akin ang book na ito, ako ang unang nakakita naki
epal ka lang, kaya bitaw na ", sabi ko sabay hila ng libro sa kanya, pero hindi
niya pa rin binitiwan.

"Miss, look. Nagmamadali ako, hinahanap na ako ng Ate ko, kaya't bitawan mo na yung
book para makaalis na ako, at hindi ito sayo kasi hindi mo pa nabayaran", sabi nito
sabay hila naman sakin ang libro, syempre hindi ko binitawan, favorite ko kaya ito.

At, tsaka ako naman ang unang nakakita nito.

Di ba?

Epal lang siya!

Hilahan lang kami ng hilahan, walang bumitaw.

Naman ehh!!!!!!!

Mukhang walang planong bumitaw 'tong epal na lalaki na ito.

Bahala na nga.

Pero.., favorite ko ito eh.

T___________T

*bitaw*

"Tsk, bibitawan lang pala, madami pang satsat", mahinang sabi nito, pero rinig ko
naman.
Waaaaaaaaaaa!!!!!!!

hindi ko yan bibitawan, kung hindi ka lang nagmamadali.

Naawa lang ako sayo.

Inirapan ko lang siya.

At, naghanap na ng ibang book.

T____________T

Nancy Drew!!!!

-Someone POV-

Kainis na babaeng yun.

Daming satsat, bibitawan lang pala.

lagot ako kay Ate nito, dahil sa kanya natagalan ako sa Book store.

~kring ~kring

Kinuha ko yung phone sa bulsa ko.

"Hello?", walang gana kong sabi.

[SAAN KA NAAAAAAAAAAAA???]

Nilayo ko yung phone sa tenga ko, kasi namam biglang sumigaw yung nasa kabilang
linya.

Lagot si Ate!!

"Nasa labas ng bookstore", sabi ko.


[Kanina pa kita hinihintay, di ba sabi ko sayo, dapat andito ka na within 25 mins,
pero 45 mins na ang nakalipas wala ka pa. Your 20 mins late Jake. For God sake,
bilisan mo na, hindi mo ba alam madami pa tayong gagawin para sa welcome party mo
bukas sa school]sabi niya, na may inis sa boses nito.

"Alam ko", walang gana kong sabi.

[Pag wala ka pa dito within 5 mins, malilintikan ka na talaga sakin.]

toooot tooot..

Binabaan niya ako.

tsss, kahit kailan talaga.

Monster pa rin ang Ate ko kung magalit.

Tsk.

***********************************************************************************
*************************

-miemie03

Chapter 8.3 - The Party (Part 3): Welcome Party 1

Chapter 8.3 - The Party (Part 3): Welcome Party 1

-Lyka POV-

Waaaaaaaaah >_<

This is it.
Welcome Party na nung Jake Tachibana na yun.

T_________T

Invited ba talaga ako?

Ehh, hindi ko pa nga yun kilala, ni hindi ko pa nga nakita yun o anino man niya.

Parang gusto ko tuloy mag back out

=__________=

hmmmmmmmmm

Ahhhh, sabihin ko lang na may sakit ako o hindi kaya walang tutulong kay Aling
Karen sa bahay or hindi ko siya maiwan, yun na lang.

Nga pala, andito ako ngayon sa kwarto ko.

-knock-- --knock--

binuksan ko ang pinto.

"Aling karen, bakit po?" tanong ko.

"Hija, may naghahanap sayo sa baba, sabi nila pinadala raw sila ni Ms. Stephanie."
sabi nito.

Kaya, ayun bumaba kami.

Si Steph??

At nung naka baba na kami, nakita ko sila nakaupo sa may sala namin.

dalawang bakla at isang babae.

"Ahmmm. sino po sila?"

"kayo po ba si Miss Lyka?" tanong nung babae tumango ako na may halong pagtataka.
"Good Afternoon po Miss Lyka, pinadala po kami ni Miss Stephanie, para ayusan
kayo."

"Haaa? para ba yan sa welcome party mamaya?"

Tumango naman silang tatlo.

Lumapit yung dalawang bakla sakin.

yung isa tinignan ang buhok ko, habang yung isa naman tinaggal ang salamin ko
pagkatapos siyang umikot na parang pinagmamasdan ako.

"T-teka--"

"Perfect!!, ang ganda mo pala Miss Lyka, tama si Miss Stephanie, so hindi na kami
mahihirapan ayusan ka, kasi konting make up lang, lalabas na ang kagandahan mo, for
sure madaming maiingit mamaya sa party at mapapansin ka ni Sir Jake", sabi nung
bakla na tumangal sa salamin ko.
"Ang ganda ng buhok mo, Miss Lyka. simplehan na lang natin ang pag aayos sa buhok
mo."

"T-teka, a-ano kasi pwede nalang mag salamin---"

"Hindi pwde!!" sabay pa talaga ang dalawang bakla.

"Saan po ba ang silid ni Miss Lyka, Aling Karen" sabi nung babae.

"Sa taas, sa pangalawang pinto" nung narinig nila yun, agad nila akong hinila
papunta sa kwarto ko.

After, 2 hours natapos rin nila akong ayusan.

"oh my!!! Ang ganda niyo talaga Miss Lyka!!!, kyaaaa!!" sabi nung babae, tapos nag
high-five naman ang dalawang bakla.

Pinaharap nila ako sa salamin

May nakita akong dyosa sa harapan ko ngayon

Sobrang ganda niya.

"Oh, di ba ang ganda niyo Miss Lyka." sabi nung bakla.

"Ha?"

Loading...

Loading..

"EHHHHH..A-ako i-to??" sabay turo sa salamin.

Tumango silang tatlo.

Pinanood ko ng mabuti ang sarili ko.

Hindi ko maitanggi pero,

Ako ba talaga ito???

Hindi ko namalayan naka ngiti na pala ako.

-beep- beep-

Ano kaya yun.

Biglang bumukas ang pinto.

"Hija, andyan na ang susundo sayo. Ikaw ba yan?? muntik na kita hindi makilala,
sobrang ganda mo talaga" sabi ni Aling Karen

Ngumiti lang ako sa kanya.

Bumaba na kami at nakita ko si Stephanie sa baba.

Nung nakita niya ako.


Napatayo ito.

"OH MY!!!!! Lyka!! Ikaw ba yan?? sabi ko na nga ba lalabas ang ganda mo, ang galing
talaga ng mga make up artist ko." sabi ni Steph.

"salamat, teka si Brenda nasaan??" tanong ko

"Andun na siya sa Venue. Halika na pumunta na rin tayo. 6:30pm na by 7pm mag
sisimula ang party." hinila na ako ni Steph.

"Aling Karen, mauuna na kami!!" sabi ko.

"Mag- iingat kayo"

-SA RDA-

"Steph, parang ayaw ko ng tumuloy, uuwi n---"

"No you don't, halika na Lyka, sayang ang ganda mo kung uuwi ka lang." sabi ni
Steph. Sabay hila sakin paalabas s kotse.

Kaya ayun, papasok na kami ng school.

"Sino ang kasama ni Stephanie, ang ganda niya ha"-girl 1

"Oo nga ehh,. pero hindi ko pa siya nakita sa campus, dito ba siya nag aaral s
RDA?"-girl 2

"Sabi ko sayo Lyka, ehh. ang ganda mo" bulong sa akin ni Steph.

Nung nakapasok na kami, hinanap namin si Brenda.

"Ayun si Brenda, tara lapit tayo" nung lumapit kami.

"Teka, Steph. Pupunta muna akong rest room"

"Pero, mag sisimula na ang party"

"Hahabol lang ako."

"O sige, bilisan mo haa"

"oo"

kaya ayun dumiretso na ako sa rest room.

After 15 minutes, pa ako nakaalis sa rest room , since pinapakalma ko muna ang
sarili ko. I don't know why, pero kinakabahan ako ngayon.

Siguro, dahil first time kong dumalo sa mga ganitong event.

After kong kumalma, papunta na sana ako sa table namin ng,

May nabangga ako..

"Ladies and gentleman, let us all welcome. Miss Nuriko Tachibana and his younger
brother Jake Tachibana!!" sabi nung MC, nagpalakpakan ang mga tao.
"Sorry, hindi ko sinasad---" nung nakita ko kung sino nabangga ko.

O_______O

"Ikaw na naman!!!!" sabay naming sabi.

***********************************************************************************
*************************

-miemie.03

Chapter 8.4 - The Party (Part 4) : Welcome Party Part 2

Chapter 8.4 - The Party (Part 4) : Welcome Party Part 2

-Stephanie POV-

Ba't ang tagal naman ni Lyka?

Almost 15 minutes na siyang nawawala

Ano na kayang nangyari sa kanya?

Natapos na rin ang Opening Speech ni Ate Nuriko, ang nakakatandang kapatid ni Jake.

Pagkatapos kasi nitong magsalita, back to business na ang kanya-kanyang bisita,


habang si Jake pumunta sa table ng S6.

Lumapit si Ate Nuriko sa amin, pagkatapos niyang kausapin ang isang staff nila.

"Ate Nuriko, welcome back" bati ko sa kanya, tumayo ako sa pagkakaupo at niyakap
siya, ganun din si Brenda.

"It's good to be back, kayo girls how are you?" masayang bati nito samin.

"Okay lang naman kami, Ate Nuriko. Kahit sakit sa ulo sila Kuya." sabi naman ni
Brenda.

Tumawa lang ito.

By the way, siya si Lady Nuriko Tachibana, ang nakakatandang kapatid ni Jake
Tachibana, model siya sa Japan, pero kilalang kilala siya sa buong mundo.

"Oo nga ehh, agaw eksena pa rin sila sa RDA."

Biglang dumating si Lyka.

"Lyka, ba't ngayon ka lang?" alalang tanong ko sa kanya.

"M-Madaming lang tao sa c-cr, kaya medyo natagalan ako, pasensya na."mahinang sabi
niya.

Pero parang may mali, parang kagagaling niya lang sa pag iyak.

Hope, mali ang iniisip ko.

"Ate Nuriko, I want you to meet our new friend Lyka" sabi ni Brenda.

Tinignan naman siya ni Ate Nuriko, at ngumiti ito.

"Nice to meet you Lyka, I'm Lady Nuriko Tachibana." masayang bati nito.

Ngumiti si Lyka.

Nagshakehands sila.

Pero natigilan si Ate Nuriko, at nakatingin ito ng maigi di Lyka.

Siguro, nagagandahan din siya.

^____^

"You remind me of someone, can I know your name? if you dont mind"

"Naomi Lyka Jane Cruz po, Miss Nuriko."

Mukhang nagulat si Ate Nuriko, sa sinabi ni Lyka, bakit kaya?

"Naomi? japanese ba mother mo?"

"Opo, paano niyo po nalaman?" takang tanong ni Lyka, habang kami ni Brenda,
nakikinig lang sa kanila.

"May kakilala kasi akong Naomi sa Japan, pero iba yung family name nila. Ahm, can I
know your mom maiden name?"

"Naomi Hana---" naputol ang dapat sanang sasabihin ni Lyka, ng may dumating.

"Excuse me, Miss Nuriko a phone call for you," sabi nung isa sa mga staff sa
school, sabay abot ng telepono kay Ate Nuriko.

"Excuse me, girls. And oh, just call me Ate Nuriko, okay? Ja ne. [See You]" sabi ni
Ate Nuriko, sabay kuha nung telopono at umalis.

At, umupo na rin si Lyka sa upuan.

Hindi ito kumibo, kaya't napatingin kami dalawa ni Brenda sa isa't isa.

"Lyka, may problema ba?" tanong ni Brenda.

"Ahh, w-wala. Huwag niyo ko alalahanin."ngumiti ito, pero alam namin pareho ni
Brenda na pilit lang ito.

may problema si Lyka.

Ayaw niya lang sabihin samin.

Ano kayang nangyari nung galing siya sa Comfort Room.


Alam ko na may nangyari, kasi iba ang kinikilos niya ngayon kumpara kanina na bago
kami dumating dito.

***********************************************************************************
***************************

-miemie.03

Chapter 9 - Flashback

Chapter 9 - Flashback

Sunday ngayon, kahapon yung party nung Jake Tachibana.

And until now hindi ko pa rin nakakalimutan ang pag-uusap namin.

-Flashback-

Pagpunta ko sa C.R.

Mabuti walang masyadong tao.

After 15 minutes, pabalik na sana ako sa table namin ng..

May nabangga ako..

"Ladies and gentleman, let us all welcome Miss Nuriko Tachibana and her younger
brother Jake Tachibana!!", sabi nung M.C. at nagpalakpakan ang mga tao.

"Sorry, hindi ko sinasad---", nung nakita ko kung sino nabangga ko.


O__________O

"Ikaw na naman!!!!", sabay naming sabi.

Putik!! ba't siya andito. dito ba siya nag-aaral??

Ba't hindi ko pa siya nakita kahit anino man lang??

"Grabe ka rin Miss, hinahabol mo ba ako? pati dito sa RDA nagawa mong makapasok
kahit hindi ka dito nag-aaral" sabi niya.

Wow haaaa

ang lakas ng hangin, hiyang hiya naman ako sa kanya.

"Excuse me, Mister Yabang, huwag kang masyadong magmayabang, una sa lahat hindi
kita hinahabol at pangalawa, nagawa ko talagang pumasok dito sa school kasi isa ako
sa mga estudyante. ", sabi ko sabay cross arm.

Tsk.

"Huwag ka na mahiya,Miss. Hindi na uso ang pa hard to get." sabi nito sabay smirk.

Aba, sumosobra na tong mayabang na ito haaa..

Hindi ko nga siya kilala.

"Sino ka pala? hindi kasi kita kilala kaya bakit ako mag hahabol sayo", sabi ko

At mukhang nagulat pa ito sa naitanong ko.

oh, ano na naman problema nito.

"H-Hindi mo a-ako kilala?"sabay turo niya sa sarili.

"Hindi", walang gana kong sabi.


"Seriously Miss, hindi mo ba talaga ako kilala.?" hindi pa rin makapaniwala niyang
tanong.

"Paulit-ulit?? hindi nga sabi ehhh"sabi ko.

Bingi ba tong kausap ko.

"Saang lumalot ka ba talaga nag aaral at ba't hindi mo ko nakilala?? Well, let me
introduce myself *ehem* I'm Lance Montellier, ang leader ng S6, kilala sa buong
school, *sabay tingin sa akin* except sayo. ", inis niyang sabi.

What!!!????

Siya ang kuya ni Brenda??

Ang layo naman ng ugali nila.

"Sure ka ba na magkapatid kayo ni Brenda?" tanong ko, naninigurado lang ako no,
baka ampon lang tong Lance na ito, at for the very first time nakita ko na ang isa
sa mga lalaking pinag guguluhan sa school.

=_________=

nawalan na ba ng taste sa lalaki ang mga babae sa RDA.

"So kilala mo pala ang kapatid ko, hmmmm let me guess, you are Lyka right? ang
campus nerd ng RDA. Woah!! malapit na kitang hindi makilala, dahil sa ayos mo
ngayon, siguro si Steph ang may gawa niyan" sabi nito.

"Yup, ang bait nga ni Ste---" hindi niya ako pinatapos.

"Yeah, sobrang bait talaga nila, at ginamit mo ang pagkakataon na iyon, para maging
kaibigan sila at para na rin makapunta ka sa ganitong party, please don't use my
sister and her best friend.Tsk, hindi ba marunong pumili ang mga yun at isang gold-
digger pa na gaya mo---------"
*SLAP*

"Pwede ba!! hindi ko ginagamit sila Steph at Brenda, at never ko gagawin iyon,
ganyan ba kayong mga mayayaman? tinatapak tapakan niyo ang isang tao, ni hindi niyo
pa nga ako lubusan na kilala at ni isang katiting wala kayong alam. Mga
matapobre!!! "sigaw ko sa kanya, at ng mapansin ko na pinagtitinginan na kami tsaka
ako tumakbo paalis sa kanya.

Hindi ko namalayan na napadpad ako sa garden at napaupo bigla.

Kainis na lalaking yon.

*sniff*

"O heto." at may biglang nag abot sa akin ng panyo.

Tinignan ko kung sino.

Tsk.

Ang malas ko talaga ngayon, kanina yung mayabang ngayon naman yung nakaaway ko sa
book store kahapon.

"Ikaw na naman, ba't ba ang malas ko ngayon" sabi ko at hindi ko na siya pinansin.

"Hindi maganda sa babae ang umiiyak" sabi niya, binaba niya ang panyo ng mapansin
na hindi ko ito kukunin.

"Wala kang pakialam tsk at sino ka na naman? Huwag mong sabihin isa ka rin sa S6 na
yan" ako, ang malas malas ko ngayon. Pag isa talaga siya sa S6, aalis na ako.

Pero, tumawa ito.

"At, bakit ka tumatawa?"

"Seriously Miss, pumunta ka sa party ko, ng hindi mo alam kung sino ako" natatawa
niyang sabi.

"Party mo?" takang tanong ko.

"Don't tell me ikaw si.." , sana mali talaga ang iniisip ko.

"Yes, I'm Jake Tachibana. Sorry pala kahapon, nagmamadali lang talaga ako."sabi
nito.

Tumayo na ako, at aalis na sana.

Pero, pinigilan niya ako, kaya tinignan ko siya ng masama.

"Kung wala kang sasabihin na maganda, please lang huwag ka ng magsalita." sabi ko.

"Don't worry, I won't. Pasensya nga pala kay Lance." - Jake

"Huwag ka ng humingi ng tawad para sa lalaki na yun. Sige, aalis na ako." aalis na
sana ng bigla siyang nag salita, kaya tumigil ako sa paglalakad at napatingin sa
kanya.

"Huwag ka sanang magpapa apekto sa sinabi ni Lance *sabay tingin sa akin* ikaw at
ikaw mismo lang ang nakakakilala sa sarili mo, kung magpapaapekto ka, sinabi mo na
rin sa kanya, na tama siya." sabi nito sa akin.

Tama siya, Lyka!!

"Hindi naman sa ganoon." sagot ko sa kanya.

"Bumalik ka na, baka hinahanap ka na nila Brenda" sabi nito, bago umalis.

Tinignan ko siyang papalayo, bago sumunod.

-End of Flashback-

Waaaaaaaaaaaah!

Ginulo ko ang buhok ko.

Sana hindi ko na lang siya nakilala.

Sarap mong ipakain sa pating LANCE MONTELLIER!!!!


Sana hindi ko siya makita bukas, kahit anino man lang niya.

Baka ipakulam ko siya

=__________=

***********************************************************************************
*************************

-miemie.03

Chapter 10 - Bullying

Chapter 10 – Bullying

-Lyka POV-

Andito ako ngayon sa may gate ng RDA, at hindi pa ako pumasok.

Ewan ko ba, feeling ko may hindi magandang mangyayari once tumapak na ako sa RDA.

Waaaaaah !!

>___<

Ano na nangyayari sa akin??

Wala naman mangyayaring masama di ba??

Di ba??

(-_________-)

Hayyyyy!!

Makapasok na nga baka malate pa ako wala sa oras.

Waaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!

>_________<
Dahil sa Lance na yun, kaya ako kinakabahan ng ganito. Knowing na siya pala ang
leader ng S6 na yun.

Tsk.

Ng makapasok na ako sa RDA, parang wala naman nangyayari ha??

Guni-guni ko lang siguro iyon.

Makapunta na nga sa classroom, baka andun na sina Steph and Bren--------

O________O

>________<

Ito na ba sinasabi ko.

May kung anong malagkit na bagay ang bumato sa kin.

Pagtingin ko,

Itlog??

Tinignan ko kung sino ang bumato.

Limang babae, kasama na dun ang tatlong clown,

Ay hindi

-___________-

Lima na pala.

Tsk.

Ano na naman ang ginawa ko sa kanila,??

Lumalayo na nga ako sa gulo, ang gulo naman ang lumalapit.

Pumikit ako.
Lyka huminahon ka, isang taon na lang aalis ka na sa paaralang ito.

Konting tiis na lang.

Good thing may dala akong extrang damit.

Minulat ko ang mga mata ko saka pinagpatuloy ang paglalakad hanggang sa may nang
bato na naman ng itlog.

“Hahahah, buti nga sayo yan, gold digger. Ginamit mo pa talaga sila Stephanie at
Brenda, para makapunta ka sa welcome party ni Jake.” sabi nung leader nila.

Anong pinagsasabi nito.

Ginamit??

Hindi ko magagawa yun, lalo na kina Steph and Brenda

Ang bait nila sa akin.

“Good thing andun si Lance, para ilabas ang baho mo. Hindi ko inaasahan ganyan pala
ang pagkatao mo, nasa loob ang baho.” sabi naman nung isa niyang kasama, sabay
lapit sa akin at binuhos ang juice na hawak niya sa ulo ko.

“Yan, hahahah bagay sayo. Infairness, para ka ng taong grasa.” tawa nilang lima,
nakitawa na rin ang nanonood.

Nakayuko na lang ako.

Ayokong lumaban, kasi mas sasaktan nila ako.

At ayoko rin patulan ang mga taong ugali namang asong kalye.

Ganyan ba talaga sila?

Mga matapobre?

At dahil sa Lance na yun, ginaganyan na nila ako, mas malala nga lang.

Lumapit yung parang leader ng grupo, at..


*SLAAAP*

S-sinampal niya ako.

Never pa ako sinampal sa tanang buhay ko, tapos siya ??

Tinignan ko siya.

“Oh, ano?? Lalaban ka?? Ako sayo umalis ka na lang dito sa RDA, hindi ka naman
bagay sa paaralan na ito lalo na sa isang gold digger na katulad mo. At tsaka
layuan mo na nga sina Stephanie and Brenda, huwag ka nga feeling close sa kanila,
at tsaka huwag mo na rin silang gagamitin para makalapit at mapansin ka ng S6, kasi
napaka impossible yang mga pangarap mo”sabi nito sabay hila ng buhok ko, at tinulak
ako kaya napaupo ako sa sahig.

Tumawa lang naman ang mga nakikinood.

Nagiging blurd na ang paningin ko, ilang sandali pa at tutulo na ang mga luha ko.

Bakit sila ganyan?

Masama na bang maki pagkaibigan?

Hindi ko naman sila ginagamit ehhh.

Diiiiiing ~~~ Dooooong~~~

Tumunog na ang school bell, hudyat na malapit na magsimula ang klase.

“Let’s go girls”sabi nito sabay flip ng hair bago umalis, pero bago umalis ang mga
kasama niya, ibinato pa sa akin ang mga naiwang itlog.

Hanggang sa unting unti ng umalis ang mga nakikinood.

Kring~~ kring~~

Nagsimula na ang klase. Pero ako andito pa.


Hanggang sa may nakita akong pares ng mga sapatos sa unahan ko, kaya tinignan ko
kung kanino ito.

O_______O

Hanggang inirap ko ito at yumuko

Bakit siya andito?

“Anong ginagawa mo dito? May pasok na ahh.”sabi ko sabay punas sa mga luha ko.

“Oh”sabi niya, tinignan ko ito, may inabot itong panyo sa akin.

Tinignan ko siya, at sa panyo, at siya ulit.

“Aishh” lumuhod ito sa harap ko, at pinunasan ang luha ko, at mga dumi na rin
galing sa itlog. Hanggang ngayon nakatingin pa rin ako sa kanya.

“Kung nakakatunaw lang ang pagtitig, siguro kanina pa akong tunaw, alam kong gwapo
ako, huwag mo na ako titigan ng ganyan”sabi nito at ngumiti.

O______O

=______=

Ang kapal.

***********************************************************************************
*************************

-miemie.03
Chapter 11 - New Friend??

Chapter 11 – New Friend??

-Lyka POV-

"Oh" sabi niya, tinignan ko ito, may inabot itong panyo sa akin.

Tinignan ko siya, at sa panyo, at siya ulit.

"Aishh" lumuhod ito sa harap ko, at pinunasan ang luha ko, at mga dumi na rin
galing sa itlog. Hanggang ngayon nakatingin pa rin ako sa kanya.

"Kung nakakatunaw lang ang pagtitig, siguro kanina pa akong tunaw, alam kong gwapo
ako huwag mo na ako titigan ng ganyan"sabi nito at ngumiti.

O____O

=____=

Ang kapal.

Magkaibigan nga sila.

Pinigilan ko ang pagpunas niya sa akin.

"Hindi mo na kailangan gawin yan, ayos lang ako." Sabi ko, sabay iwas ng mukha ko
sa kanya, kung saan siya nagpupunas.

"A simple thank you is enough." Sabi nito.

"And as far as I remember, hindi ako humingi ng tulong. But...... thank you." sabi
ko sabay yuko. Kahit papaano hindi mataas ang pride ko noh!!

"Your welcome." Tinignan ko ito, at ngumiti ito sa akin.

>/////////////<

Ba't ganon??

Ang gwapo niyang tignan sa malapitan.

Lalo na pag ngumiti siya.

"Ang cute mo pala, lalo na pag namumula ka." sabi nito sabay tawa ng mahina.

At dahil sa sinabi niya, umiwas ako ng tingin.

Waaaaahhh!!

Kahit hindi ako humarap sa salamin, alam ko na sobrang pula ng mukha ko ngayon.

Lord, sana lamunin na ako ng lupa ngayon din.

Nakakahiya!!!
T__________T

"Nakita ko ang ginawa nila sayo." Bigla nawala ang pagkapula ng mukha ko at ang
pagkahiya, ng marinig ko ang seryoso niyang boses, kaya napatingin ako sa kanya.

"H-huh?!!" ako

"Ba't hinayaan mo lang na gawin nila sayo, ang mga bagay na iyon. You should
protect your self. Don't tell me, apektado ka sa mga sinasabi nila." sabi nito,
ba't bigla itong sumeryoso?

"Pag nilabanan ko sila, mas hindi nila ako titigilan, at mas malala pa ang aabutin
ko. At tsaka, isang taon na lang man din ang itatagal ko sa paaralan na ito." sabi
ko.

"Tapatin mo nga ako, ginamit mo lang ba talaga sila Steph and Brenda?"

"Nooo!!" bigla kong napasigaw sa kanya. At nagulat ito sa pagsigaw ko, kaya na
paiwas na lang ako ng tingin.

"Hindi ko i-iyon kayang g-gawin sa kanila, sila lang yung taong tumanggap sa akin
dito sa RDA. Kaya hindi totoo na ginagamit ko lang sila. S-sila lang ang mga ka-
kaibigan ko." I don't know why pero, pesteng luhang ito, bigla na lang
nagsilabasan.

Hinawakan niya ang chin ko, at pinaharap sa kanya.

Nagulat ako, ng punasan niya ang mga luha ko.

"I told you, na ikaw lang ang nakakakilala sa sarili mo, hindi ako, hindi si Lance,
at lalong lalo na hindi yung mga umapi sayo. Hindi ka nila lubos na kilala, kaya
ipakita mo na mali sila, hindi yung binibigyan mo sila ng patunay na tama ang
hinala nila tungkol sayo. Nakalimutan mo na ba, ang mga sinasabi ko sayo, that
night? Alam kong hindi ganoon ang turing nila Steph sayo." ngumiti ito sa akin.

"S-salamat." hiyang sabi ko.

Tama siya dapat hindi ako magpapa apekto, sa mga sabi nila. Dahil alam ko sa sarili
ko na hindi ako ganoong tao. At tsaka hindi ako ganito pinalaki ng mga magulang ko.

"Nga pala" tinignan ko ito, umayos ito sa pagluhod, yung pag inaya ka sa sayaw ng
isang prinsepe? Kuha niyo? Tapos inilahad niya ang kamay niya. "I'm Jake Tachibana,
1st year collge, you are?" sabi nito.

Tinignan ko muna ito, at ang kamay nito.

Hanggang sa narealize ko ang ginawa niya.

Tinanggap ko ito.

"Naomi Lyka Jane Cruz, 4th year highschool." Tapos ng shakehands kami.

"Friends?" siya.

"F-Friends" ako

Tumayo muna ito bago inalayan akong tumayo.


"Halika na, ihahatid na kita sa clinic, may sugat ka sa may tuhod at tsaka ang
lagkit mo na."sabi nito.

Tinignan ko ang tuhod ko.

meron nga, ba't hindi ko napansin man lang?

hanggang sa naglalakad na kami papuntang clinic ngayon.

Napayuko ako at ngumiti ng palihim.

Ma, pa. may bago na naman akong kaibigan pero ang hindi ko inaasahan, na
napapabilang siya sa S6.

Kailan ko kaya makilala ang natitirang apat na miyembro ng S6.

Mabait kaya sila, gaya ni Jake?

O, kasing sama sa Lance na iyon.

Well, malalaman ko rin iyon pag nakaharap ko na sila.

-Third person POV-

Habang naglalakad ang dalawang bagong magkaibigan papuntang clinic, ang hindi nila
alam na may isang taong pinagmamasdan sila sa malayo.

"Sana hindi mo na lang sila nakilala, baka makalimutan mo na andito ako lagi sa
tabi mo, nung mga panahon na wala ka pang kaibigan, mga panahon na wala pa sila
Stephanie sa buhay mo.Hinanap kita kasi akala ko napano ka na, mukhang nagkamali
ako." Sabi nito sa sarili.

Tinignan niya muna ito bago tuluyang umalis.

***********************************************************************************
*************************

-miemie03

Chapter 12 - Avoiding my friends??

Chapter 12 – Avoiding my friends??

-Lyka POV-

Pinauwi ako ng school nurse.

Isa si Jake sa dahilan kung bakir ako pinauwi ng maaga.


Kaya andito ako ngayon sa kwarto ko walang ginagawa, gusto kong tumulong sa
carinderia ni Aling Karen,pero ayaw niya dapat daw ako magpahinga.

=______=

Ang boring naman.

Pumunta ako sa may kabinet ko, naghahanap ng babasahin.

Next day, pumasok na ako.

Mahirap na baka behind na ako sa lesson namin.

Baka may pa surprise quiz ngayon.

Mabuti na lang nag advanced reading ako kung sakaling meron, may maisasagot ako.

Habang papunta ako sa classroom namin,

Ng biglang may umakbay sa akin.

=_______=

“Morning Jane, ba’t wala ka kahapon? Wala ako makopyahan sa seatwork natin sa
Calculus kahapon.”sabi nito, habang naglalakad kami papunta sa room namin.

Tama kayo si Jason kasama ko.

Siya lang naman tumatawag sa akin ng Jane ehh.

“May nangyari lang na di ko inaasahan, kaya umuwi na lang ako. Ano pala ang ginawa
niyo kahapon? May quiz ba ngayon?” agad kong sabi sa kanya.
=___= - ganito lang ang itsura niya.

?__? - ako.

May nasabi ba akong mali.

“Kahit absent ka kahapon at may quiz ngayon, perfect ka pa rin. Tsk.” Siya yan.
Anong problema nito.

Ng makita kong papasok si Steph sa classroom.

Napatigil ako sa paglalakad.

“Oh, bakit??”sabi nitong kasama ko.

Kaya napatingin ako sa kanya.

“W-Wala naman. Ahh, Jason mauna ka na muna sa classroom pupunta muna ako sa banyo.”
Sabi ko. Napangiwi naman siya sa sinabi ko.

Inalis niya ang pagkaka akbay sa akin.

“Kadiri ka Nerd Jane!! Pumunta ka na nga, baka dito mo pa yan ilabas, mahirap na.”
sabi nito.

=_____=
Anong pinagsasabi nito.

Sarap putulan ng dila ang lalaking ito.

“Tsk” ako yan, at tinalikuran siya para pumunta sa malapit na banyo dito sa floor
namin.

Ng pumasok na ako, humarap agad ako sa salamin.

Hmmmm

(=___= ) tingin sa kaliwa.

( =___=) tingin sa kanan.

Mukhang ako lang ang tao rito.

Tinignan ko ang sarili sa salamin.

Alam na kaya ni Steph? Ni Brenda?

Lalayuan na ba nila ako dahil sa kumakalat na ginagamit ko sila.

Nalungkot naman ako bigla.

Ilang sandali may narinig akong ingay sa labas. Kaya dali dali akong pumasok sa isa
sa mga cubicle.
“Gosh girl, totoo ba talaga yung balita about sa nerd na yon??” sabi nung babae
hindi ko naman kilala.

“I know right. Tsk, mangagamit talaga siya at sa lahat na pwede niyang lapitan, Si
Stephanie at Brenda pa talaga. Malandi talaga ang nerd na yun, siguro nalaman niya
na malapit sila sa S6, kaya ganun.” Sabi naman nung kasama niya.

“OMG!! Ang bitch naman niya. Pero kung ipagpapatuloy nila Stephanie na maki
pagkaibigan sa Bitch na yun, baka pati sila madamay. Gusto ko pa naman sana iinvite
sila sa birthday party ko next week. Pero huwag na lang baka isama pa nila ang Nerd
na yun.”

“I know right” nag apir pa sila at nagtawanan.

Kring~~ kring~~

“Tara na girl, malapit na magsimula ang klase.” at nagmamadaling lumabas sila.

Nung maramdaman ko na wala na sila, lumabas na rin ako.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin.

Dahil sa akin, wala ng gustong makipagkaibigan kina Steph at Brenda. Dahil sa akin,
pati sila nadadamay.

Lalayuan ko na lang sila.

Para wala ng madamay pa sa gulong ito.

Kaya ko naman di ba?


Mag-isa naman ako sa academy na ito sa loob ng tatlong taon, kaya ko ulit yun.

Ako pa!!

Pero, nasanay na ako sa presensya nila.

Ma, Pa. Ano ba dapat kong gawin??

-Steph POV-

Tatlong araw na ang nakalipas simula nung iniwasan kami ni Lyka.

Kahit hindi niya kinakausap, base na rin sa mga kinikilos niya, iniiwasan niya
kami.

Namimiss ko na siya ng sobra.

“Brenda, hanapin natin si Lyka. Gusto ko siyang kausapin.” Sabi ko kay Brenda
andito kami ngayon sa garden, kung saan laging tumatambay si Lyka, pag walang
pasok.

Actually andito siya kanina, pero umalis kaagad ng makita niya kami at hindi na
namin nahabol pa.

Psh.

Nakakatampo na talaga.

“Let her be. For now. Bigyan muna natin siya ng oras mag isip.” Sabi nito.
“Sa tingin mo dahil yun sa mga gossip? Sino ba kasi nagsimula nun. Malaman ko lang
talaga matitikman niya talaga ang galit ko.” Gigil kong sabi.

Ng may bigla akong naalala.

“Bren, sa tingin mo ba nagsimula ito, during nung party ni Jake. Nung galing siya
sa comfort room. Nag iba na kasi ang mood niya.” Sabi ko, kaya napatingin sa akin
si Brenda.

“Tapos naririnig ko rin na pinag usapan at pinagkalat na gold digger siya.”


Pagpapatuloy ko.

“Sino naman nakasalubong niya?” tanong sa akin ni Brenda.

“Yun yung tanong, sino yung nakasalubong niya. Tsk. Kainis haa? Parang kilala niya
talaga si Lyka, para pag isipan siya ng ganon.” Inis na sabi ko.

“Alam mo may napapansin ako, mukhang iniiwasan na nung Nerd na yun sila Brenda and
Stephanie.” Napatingin ako kay Brenda. May dalawang babae sa hindi kalayuan ng
garden. Kaya naririnig namin ang pinag usapan nila. At mukhang hindi kami napansin,
since nasa likuran kami ng puno, na nakaharap sa kanila.

“Oo nga, kalat na nga sa Campus ehh, siguro nalaman natin ang plano niya. Kaya
umiwas kaagad. Pero buti nga yon. Ma iinvite ko na sila Stephanie sa Party ko.”
Sabi nito.

“I know right, buti nalaman ito kaagad ni Prince Lance, kung hindi baka hanggang
ngayon dumidikit pa yung Nerd na yun kina Stephanie.” Sabi nito, na ikinagulat
naming dalawa ni Brenda.
“Sino namang hindi. Concern lang si Prince Lance sa sister niya. So sweet right?”
kinikilig pa sila, habang sinasabi yon.

Hindi ko natiis kaya lumabas na ako na ikinagulat nila.

“Anong sabi niyo, si Lance ang may pakana nito?!!” almost nasigawan ko na sila,
siguro dahil sa inis ko.

“S-Steph, i-ikaw pala”

“Don’t call me Steph!! Hindi tayo close. At ano ulit sabi niyo, si Lance ang may
sabing Gold Digger si Lyka” ako.

“Totoo naman Gold digger siya, kung hindi da----” nagulat ang babae, at ang kasama
nito. Pati na rin ako.

Sinong hindi.

Sinampal lang naman siya ni Brenda.

“Don’t you dare say that word again. Hindi manggagamit si Lyka. Kung totoo man, ano
nalang ang tawag sa inyo.” Sabi nito at umalis na.
“Pag narinig ko ulit yan galing sa inyo o kung sino man, sisiguraduhin kong aalis
kayo sa Academy na ito.” Sabi ko sa kanila bago tuluyang sumunod kay Brenda.

“Hey Bren, saan tayo pupunta?” takang tanong ko, kasi papunta na kami sa kabilang
Campus ehh.

“Kay Kuya, haharapin ko siya.” Sabi nito .

Oh-kay

Buti nga yon

=_______=

Para masipa ko yung sobrang kapal niyang pagmumukha.

************************************************************************

-Miemie_03-

Chapter 13 - Alone once again

Chapter 13 - Alone once again

-Lyka POV-
Kring~~ kring~~

"Tara na girl, malapit na magsimula ang klase." at nagmamadaling lumabas sila.

Nung maramdaman ko na wala na sila, lumabas na rin ako.

Tinignan ko ang sarili ko sa salamin.

Dahil sa akin, wala ng gustong makipagkaibigan kina Steph at Brenda. Dahil sa akin,
pati sila nadadamay.

Lalayuan ko na lang sila.

Para wala ng madamay pa sa gulong ito.

Kaya ko naman di ba?

Mag-isa naman ako sa academy na ito sa loob ng tatlong taon, kaya ko ulit yun.

Ako pa!!

Pero, nasanay na ako sa presensya nila.

Ma, Pa. Ano ba dapat kong gawin??

Inayos ko na ang sarili ko bago ako umalis.

Pagkapasok ko sa classroom namin, naglakad na ako sa upuan ko.

"Good Morning, Lyka" bati ni Steph sa akin. Pero hindi ko ito pinansin.

Para ito sa kanila, Lyka.

"Lyka?" lalapit sana si Steph sa upuan ko ng,

Kring~ Kring~

At pumasok na rin ang guro namin for our first subject.

Nung break time.

Umalis kaagad ako sa classroom at dumiretso sa likod ng building namin.

Sariwa rin kasi ang hangin doon.

Paulit ulit lang ang ginagawa ko, sa loob ng tatlong araw.

Pag papasok ako ng school, hinihintay ko muna mag ring ang bell o sumabay sa
teacher namin na pumasok at aalis din kaagad pag break time, lunch o uwian.

Masakit??

oo.

Sobra, parang mga kapatid ko na rin sila kahit konting panahon lang kami
nagkakilala.

Pero, kung para sa kanila naman ito, kakayanin ko.


Andito ako ngayon sa garden, kung saan kami madalas magkasama, na miss ko na kasi
ito lalo na sila.

Habang nagbabasa ako.

"LYKA??!!" napatingin ako sa tumawag sa akin.

Ng malaman ko kung sino.

Niligpit ko kaagad ang gamit ko, at tumakbo palayo sa garden.

"LYKA!!! WAIT!!!!" rinig kong sigaw ni Steph, pero hindi ko na ito pinansin.

Ng makarating ako sa likod ng building namin, umupo kaagad ako at pinapakalma ang
sarili ko.

Bigla ako nalungkot.

At hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko.

Namiss ko na talaga sila.

"Alam mo para kang tanga diyan, iniiwasan mo sila tapos ngayon umiiyak ka. Kung
namimiss mo na sila, lapitan mo na kasi miss ka na rin nila." Tinignan ko kung sino
ang nagsalita, at umiwas kaagad.

"Anong ginagawa mo rito?" sabi ko, habang pinupunasan ang luha ko.

"Nakita kitang tumakbo. Kaya sinundan kita." Sabi nito.

"Umalis ka na lang" sabi ko.

"Huwag mong sabihin, na kaya mo sila iniiwasan dahil sa usap usapan na yun. Ang
tanga mo, matalino ka ba talaga??" bigla akong nainis sa sinabi niya.

Kaya napatingin ako sa kanya.

"Bakit ba!!!!" inis na sabi ko.

Tinignan niya ako sa mata.

Kaya bigla akong kinabahan.

"Dahil sa pag iwas mo sa kanila, parang sinasabi mo na rin na totoo yung mga usap
usapan na manggagamit ka." Patuloy nito.

Pati pala siya naniniwala tungkol doon.

"Pero... alam naman natin pareho na hindi iyon totoo, hindi kami naniniwala na
totoo yun kami mga kaklase mong lalaki kahit hindi tayo nagpapansin, sa tatlong
taon nating magkaklase alam namin na mabuti kang tao." Napatingin ako sa kanya.
At, umiyak na naman ako.

"J-Jason, ba't ganon?? Hindi n-naman nila ako kilala, pero kung manghusga naman
sila, pa-parang-" bigla niya akong niyakap, kaya niyakap ko siya pabalik.

"Shss. Huwag ka na nga umiyak, pangit ka na nga, mas pumagit ka pa." napatawa naman
ako sa sinabi niya.

Kumalas na ako sa pagyakap sa kanya.

"Lumapit ka na at kausapin mo na sila. Sigurado akong namiss ka na nila." Sabi


nito.

"Salamat, Jason ha??" sabi ko saka ngumiti.

Bigla naman itong umiwas ng tingin.

Bakit kaya??

May dumi ba ako sa mukha?

"W-Wala iyon. At may utang ka sa akin, hindi ito libre. S-Sige mauna na ako."
Tumayo ito, at tumalikod sakin. "Basta kausapin mo na sila, nakakainis na kasi yung
Stephanie na yun. Lagi akong kinukulit kung bakit mo raw sila iniiwasan. Makaalis
na nga." Umalis na ito, pagkatapos niya sabihin iyon.

Napangiti ako.

Kahit papano may mga tao pa rin pa lang naniniwala sa akin.

Kinabukasan.

Plano ko na sanang kausapin sila Steph, at Brenda.

Pero, sila naman yung wala

Saan na kaya sila?

Pumunta ako sa garden baka andun sila.

Pero wala ni isang tao ang andun.

Siguro, galit na sila sakin, kasi iniiwasan ko sila

Habang nakatingin ako sa kalangitan,

May napansin akong tao sa tabi ko kaya tinignan ko kung sino. Baka sila Steph iyon.

Pero hindi pala.

Nakasimangot ako nakatingin dito at binawi agad.

Anong ginagawa nito dito??


"H-Hoy! N-Nerd!!?" sigaw nito, pero tinignan ko lang siya.

=_______=

Ganito ang tingin ko sa kanya.

"Kung wala ka rin namang sasabihin na maganda, umalis ka na lang. Iniwasan ko na


ang kapatid mo at si Steph." sabi ko, saka tumungin ulit sa kalangitan.

Mas maganda pa ang langit kesa sa pagmumukha niya.

"P-Pwede ba!! Huwag ka magsalita. "

"Okay, sabi mo ehh" tsaka hindi na siya pinansin.

"Makinig kang mabuti, dahil isang beses ko lang sasabihin ito" sabi nito

Pero hindi ko siya sinagot kasi, ayaw niya ako pasalitain

Hinintay ko lang kung ano ang gusto niyang sabihin.

Ba't ang tagal ata??

Oh---kay?

Tinignan ko siya, nakatingin lang ito sa akin.

"Ano ba ang gu---"

"I-Im sorry"
************************************************************************

-miemie_03

Chapter 14 : For Real!!

Chapter 14 : For Real!!!

———Lance POV———

Andito kami ngayon sa private room (PR) kasama ang iba pang S6 well, except for
Jake.

Hindi ko nga alam kung nasaan yun, simula nung bumalik siya galing Japan, bigla na
naman nawala na parang bula.

"Nakita niyo ba si Jake? hindi pa siya nakakapunta dito since nung umuwi siya
galing Japan." tanong ko sa kanila.

"Ewan ko kung saan yung hapon na yun." sabi ni Brett habang naglalaro ng billiard
kasama yung kambal.

"Kayo?" tanong ko sa kambal.

Nagkatinginan muna sila bago nagkibitbalikat.

"Ewan" -Allen
"Don't know" -Alex

-____-

Mga walang kwentang kaibigan.

Tinignan ko si Andrew na kasalukuyang nagbabasa sa may sofa.

Magsasalita sana ako ng,

" Hindi ko rin alam kung nasaan siya ngayon, pero nakita ko siya kahapon, may
tinulungan siyang babae at dinala ito sa clinic." sabi nito sabay lipat ng pahina.

"Tinulungan? Isang babae?" ako.

"For real.!!!" gulat na sabi nung kambal sabay tingin nila sa isat isa na gulat pa
rin.

"Come to think of it, may naririnig akong usap usapan kahapon sa campus na nakita
nila si Jake na may hinatid sa Clinic, knowing Jake kaya hindi ako naniniwala and
since sinabi ni Drew yun, edi siya nga." sabi ni Bre

"Pero sino yung babae?" - Alex

"Baka girlfriend niya?" - Allen

"Wala naman yun girlfriend." - Alex

Habang nag iisip kami kung sino yung babae na yun.


*BLAAAAAG*

Biglang bumukas ang pintuan sa PR.

At nakita namin si Brenda at Stephanie na galit na galit ng pumasok.

Ano na naman ang mga problema nito.

Lumapit ito sa amin, i mean sa akin.

Bigla akong kinabahan ng tinignan niya ako sa mata.

"Ano ba ang problema mo, Brenda? At, bakit bigla bigla kang pumunta dito ?" tanong
ko dito.

*SLAAAAAAAP*

o________O ?? - The Twin

O________O - Brett and me

=_________= - Andrew and Step

"Ikaw!! Ikaw at yang pangit na ugali mo ang problema ko. Dahil sa mga
kasinungalingan na pinagkakalat mo dito sa Campus, kaya kami iniiwasan ng kaibigan
namin, ng dahil din sayo kaya inaapi ngayon si Lyka. Kuya, sana naman huwag kang
manghusga sa panlabas na anyo lamang. " sabi nito habang tinuturo ako, pero nagulat
ako kasi umiiyak siya. Minsan ko lang siya nakikitang umiyak.

Nung sinabi niyang iyon, naalala ko yung babaeng sinampal din ako nung party ni
Jake.

Baka siya yung tinutukoy nito.

Tinignan ko siya.

"Hindi ba dapat magpasalamat ka, dahil nilayo na naman kita sa mga plastik na mong
kaibigan, sa mga taong ginagamit ka para mapalapit sa amin, para sumikat. Brenda,
pinoprotektahan lang naman kita mula sa ganoong mga tao, kaya dapat magpasalamat
ka" inis kong sabi sa kanya.

"I don't need to say thank you to you. At ilang beses ko bang sinasabi sayo, hindi
ganoong klaseng tao si Lyka, at bago niya oa kami naging kaibigan, ni isa sa inyo
hindi niya kilala o nakita man lang, tapos ngayon sasabihin mo na ginagamit niya
kami para mapalapit sa inyo. Kuya, Lyka is such a nice girl. So, say sorry to her
kuya."

"What!!?? Are you out of your mind??! Wala pa akong pinagsasabihan ng ganyang
salita sa isang tao, tapos sasabihin ko yan sa Nerd na yun.? NO WAY!!" protesta ko.

Mahal ang "Sorry ko"

at dahil sa Nerd na yun sinasagot sagot na ako ni Brenda.

That woman.
"Say sorry kuya, bawiin mo yung mga sinabi mo sa kanya at sa buong campus, para
hindi na siya aapihin or else, I won't talk to you unless you say sorry. I'm so
dissapointed to you Kuya, nung mga bata pa tayo ikaw pa nagturo sa akin not to
judge others, pero ikaw din pala ang gagawa. " tinalikuran niya ako at umalis na
siya.

Tinignan lang ako ng masama ni Stephanie at umalis na rin.

"Ano na naman ba ang ginawa mo at ang laki ng galit nung dalawa na yun sayo?"
tanong naman ni Brett.

"Oo nga, sino tong si Lyka na sinasabi nila?" -Alex

"Siya ba yung Nerd na sinasabi mo?" -Allen

Nagkatinginan ang dalawa, at sabay tingin sa akin.

"Gusto namin siya makilala!!" sabay nilang sabi.

Tinignan ko silang tatlo ng masama.

"Pwede ba tumahimik muna kayo at maging si Andrew kahit ngayong araw lang" inis na
sabi ko.

"Dapat rin ba ako maging isa sa kambal o si Brett kahit ngayong araw lang." biglang
sabi naman ni Andrew.

Aba't...
"Aish" inis kong sabi, sabay gulo ng buhok ko.

At, pinagtawanan lang ako ng tatlo. Makaalis na nga lang.

Ano bang gagawin ko? Ang hanapin yung pangit na Nerd na yun at humingi ng S-s-s-so-
aish!!

*******************************************************************************

-MIEMIE_03

Chapter 15 : Saying Sorry...

Chapter 15 : Saying Sorry ....

- Lyka POV-

"Makinig kang mabuti, dahil isang beses ko lang sasabihin ito" sabi nito

Pero hindi ko siya sinagot kasi, ayaw niya ako pasalitain

Hinintay ko lang kung ano ang gusto niyang sabihin.

Ba't ang tagal ata??

1
Oh---kay?

Tinignan ko siya, nakatingin lang ito sa akin.

"Ano ba ang gu---"

"I-Im sorry"

O_____O

A-ano raw???

Tama ba ang narinig ko mula sa kanya.

Nagsorry siya sa akin??

Teka nga para makasigurado tatanungin ko siya, ang hina kasi.

"A-Anong sabi mo ulit?" medyong tuksong sabi ko sa kanya, ewan ko ba seeing him now
makes me laugh.

You know why???

Sobrang pula talaga ang mukha niya, nung sinabi niya yun.
Parang napilitan na kung ewan.

Pero kung napilitan lang siya sana hindi na siya nag abalang magsorry sa akin.

Tinignan niya ako ng masama.

"Maglinis ka nga ng tenga, ang bingi mo naman nerd." inis niyang sabi sakin.

"Aba't— Hoy! lalaking pinaglihi sa kayabangan. Sa hindi ko narinig ehh, hangin lang
siguro nakakarinig sa sinabi mo. Pangit!!" inis ko rin sigaw sa kanya.

Actually may itsura siya.

O sabihin na lang natin na gwapo siya.

Ang tinutukoy ko na pangit ang ugali niya. Kaya pangit siya sa paningin ko.

"Hoy!! Ako?? (sabay turo sa sarili niya) pangit?? tinawag mo kong pangit??" hindi
niya makapaniwalang tanong sa akin.

"Tignan mo nga naman oh. Sino sa atin ngayon ang bingi? Malakas naman pagkasabi ko
haa?" inis kong sabi sa kanya.
Nakakainis na kasi siya, kung andito lang naman siya para inisin ako, sana hindi na
siya nag abalang puntahan ako rito.

Sasabat pa sana siya

"Kung iinisin mo lang ako, pwedeng umalis ka na. At kung ayaw mong umalis, pwes
excuse me ahh aalis kasi ako." lalagpasan ko na sana siya ng hawakan niya ako sa
braso.

"Look, I'm sorry. And I'm here because I want to say sorry. Hindi na sana kita
sinabihan ng ganun during sa party na iyon. And I'm serious." seryosong sabi niya.

Nagulat ako dahil sa sobrang sincere ng boses niya.

Napalingon ako sa kanya.

Nakatingin ito ng seryoso sa akin.

Binitiwan niya ako.

"But, one wrong move. I'll be the one to pull you down, remember that. Tinuring
kang bestfriend ng kapatid ko, at once nalaman kong niloko at ginamit mo lang sila
Brenda. Ako na ang makakalaban mo" seryosong sabi niya.

"Hindi mo kilala ang isang Lance Montellier." sabi niya bago ako lampasan at
tuluyang umalis.
Nakatulala pa rin ako.

Ang kapal!!!!!!!!!!!

Nagsorry nga. Pero nagbanta naman.

Anong klaseng sorry yun.

Hindi ko talaga siya maintindihan.

Tumalikod na ako at aalis na sana ng makasalubong ko sila Steph and Brenda.

Nagkatinginan kami.

Napakamot na lang ako sa likod ng leeg ko.

"H-Hi??" nahihiyang sabi ko.

Bigla akong niyakap ni Steph.

"S-Steph??" pero mas hinigpitan lang niya ang yakap niya. At parang umiiyak.

Nataranta naman ako.


"Hala, Steph bakit ka umiiyak??"

"Sa *hik* huwag mo na kami *hik* iiwasan. ha?? maga *hik* galit na talaga *hik*
ako." sabi niya habang nakayakap pa rin. Kinalas na niya ang yakap namin, at
pinunasan ang luha niya. "Na miss kita"

Natawa ako, para talaga siyang bata.

Tinignan ko si Brenda.

"I'm sorry"

"You should be, sa susunod na gagawin mo yun ipapagapos kita. And I'm serious."
sabi nito naka cross arms pa.

Magkapatid nga sila,

Mahilig magblackmail.

"Group hug!!!!!" masiglang sabi ni Steph.

Natawa kami ni Brenda, at nag group hug.

Thank You Lord God, for giving me a chance to meet this two lovely ladies.
-Third Person POV-

Pagka alis ni Lance sa kung saan sila nag usap ni Lyka.

"Thank you Kuya."

"Anything for my lil'sis" ngiting sabi nito at ginulo niya ang buhok nito "Go, talk
to her" sabi nito bago umalis.

Lumapit ito sa mga barkada niyang naghihintay sa kanya, kasama na si Jake.

"Woah, she break your record bro, you just said sorry to her, you just said it."
natatawang sabi ni Brett na halatang binibiro ang kaibigan.

"Yeah"

"Congratulation, Bro." -Allen

"Binata ka na" - Alex


Tapos nag high five ang kambal at tumawa ng malakas kasama si Brett.

Nagsmile lang si Jake at umiling lang si Andrew habang may hawak na libro.

"Gago!!"

Tinignan ni Lance si Jake. Nag nod lang ito.

"Tara na nga sa Private room" tinignan niya muna ang tatlong babae na nagyakapan
ngayon. Bago umalis. Sumunod naman ang mga kasama niya.

************************************************************************

-miemie_03

Chapter 16 - I Finally meet THEM

Chapter 16 - I finally meet THEM

-Lyka POV-
Its been a month, ng nangyari ang pagbabatian namin at ang maganda at sobrang
sincere ng sorry ni Lance Pangit. (Insert sarcasm here).

At isang buwan na rin ang makalipas ng maging kaibigan ko si Jake Tachibana. Kaya
lang isang buwan na rin akong tinitignan ng masama ng mga babae sa campus.

Haaaay =_____=

Buhay nga naman. Paulit ulit na lang.

Nga pala, andito kami sa classroom.

hinihintay ang next teacher namin.

"WALANG PASOK!!!!!!!" sigaw ng classmate kong lalaki.

Kaya naman naghiyawan ang mga kaklase ko. Well, ganyan talaga ang tunay na
estudyante masaya pag walang pasok.

Habang nagliligpit ako ng gamit ko.

"Lyka, sama ka sa amin ngayon. Pleaaaaaaaaaase." sabi ni Steph sabay puppy eyes.

"Huwag ka nga magpacute dyan,hindi bagay namumukha kang aso." sabi ni Jason, sabay
tawa.
"Che, kung mukha akong aso, mukha ka namang unggoy. Lason ka ngayon. " inis na sabi
ni Steph.

"Asong kalye, ang gwapo ko namang unggoy. At tsaka gusto mo samahan kita ipacheck
yang mata mong lumalabo na." nang iinis na sabi ni Jason.

"Asong Kalye!!?? Hoy?! unggoy ka. huwag ka nga sumabat kung hindi ikaw ang kausap
ko."

napailing na lang ako, habang pinagpatuloy ang pagligpit.

Isang buwan na rin ang nakalipas simula ng naging aso't pusa na sila kung mag away.

Lumapit sa amin si Brenda, habang nag babangayan pa rin ang dalawa.

"Lyka, come with us, hmm??" Brenda.

"Saan?? At tsaka may duty ako ngayon sa Library ehh. Baka hindi ako makasama." sabi
ko sabay kuha ng bag.

"Ehhhhhhhhh!!!?" napatakip kami ng tenga ni Brenda ng bigla sumigaw si Steph.

"Stephanie, don't shout!!" - inis na sabi ni Brenda.


"Hoy, asong kalye huwag kang tumahol, masakit sa tenga." Jason.

Tinignan lang siya ng masama ni Steph, sabay tingin sa akin.

"But, Lyka lagi mo na lang kami tinatanggihan." malungkot na sabi ni Steph.

"No need to be sad. At tsaka kinausap ko na ang librarian to excuse you today, and
they agree. So, you don't have a choice but to come with us." sabi ni Brenda, sabay
hila sa akin.

reaksyon ko??

(oOo) ganito. nagmukhang tanga.

"Jane, pasukan ka na ng langaw sa itsura mo ngayon " jason, habang naglalakad sa


kaliwa ko. Tinignan ko lang siya ng masama.

"Sasama ka sa amin.??" takang tanong ko,

"Hindi, may basketball practice kami." pacool na sabi nito.

"Varsity player ka!!" gulat na sabi ni Steph.


"Oo bakit??" maangas na sabi ni Jason.

"Wala lang, bagay kasi. Unggoy lumalambitin sa ring. " sabi ni Steph.

napailing na lang talaga tayo.

heto na naman sila.

Ng dumaan kami sa gym humiwalay na si Jason sa amin.

"Teka nga, saan tayo pupunta???" tanong ko, kasi papunta na kami sa campus ng
college.

"Malalaman mo rin pagdating natin doon." sabi ni brenda.

Hanggang huminto kami sa isang room na medyo malayo sa mga college building.

Bubuksan na sana ni Brenda ang pintuan, ng bigla itong binuksan ng isang hindi ko
kilalang gwapong lalaki.

Teka, saan nga ba kami??


"Oh, Brenda. Buti naman andito na kayo. Pasok." sabi niya sabay bukas ng pintuan
para makapasok kami.

"Hi, Brett. Kompleto ba kayong lahat?" tanong naman ni Steph.

"Well, wala si Lance ehh" sabi ni Brent.

"Walang bago doon." - Brenda

Teka ang tinutukoy niya ba yung masungit na pangit na ugaling kuya ni Brenda.??

Wait wait.

Don't tell me ang lalaking nasa harapan namin ngayon ay isa sa mga

O_______O

"Nga pala, meet Lyka. " sabi ni Steph sabay hila sa akin.
"And Lyka, meet Brett Anthony Lee, isa sa mga kaibigan ni Jake and oh, one of the
S6." sabi ni Steph.

Ngumiti naman ito ng nakakaloko.

"Sa wakas nakilala ko na rin ang kaisa isang tao nakapagsabi ng salitang sorry kay
lance. Hi, I'm Brett Anthony, just call me Brett." nakangiting sabi ni Brett sabay
kindat sa akin.

"Nice to meet you." nahihiyang sabi ko.

"Lets go inside." pumasok na si Brett, sumunod naman si Steph habang hila hila niya
ako.

Pagpasok namin. Nakita kong dumiretso si Brett sa may dalawang tao na naglalaro ng
billiard, yung isa nag babasa ng libro sa may couch. at ng makita ako ni Jake
ngumiting lumapit ito sa akin.

Well, ngumiti rin ako, siya lang ang kilala ko rito ehh.

Dont tell me, yung tatlo ay ang mga S6?

syempre, andito sila ehh, wag tanga Lyka.

"Mabuti nakapunta ka." sabi ni Jake.


"Hindi ko nga alam na pupunta kami rito ehh." nahihiyang sabi ko.

Nagulat ako ng may biglang tumulak kay Jake, at ang nasa harapan ko na ngayon, ay
dalawang tao na magkamukha.

"Hi" sabay nilang sabi.

"H-Hi??" ako

"Lyka, right??" sabay na naman nilang sabi.

tumango naman ako.

"Hi, Lyka. I'm Alex." sabi ng nasa kanan, sabay kuha ng kaliwang kamay ko.

"I'm Allen" sabi naman ng nasa kaliwa sabay kuha naman ng kanang kamay ko.

"Nice to meet you." sabay shakehands kaya naka exis ang kamay ko. gets??

Ng biglang may bumatok sa kanila.


"Hoy, may plano ba kayo pilayin siya." nakapamewang na sabi ni Steph sa kanila.

Nakahawak lang ang dalawa sa ulo nila, kung saan sila binatukan.

"Sorry naman, sabik lang kaming makilala siya." sabi ni Alex

"Oo nga naman, at alam mo yun Stephie." Allen

"Hmmp, * sabay tingin sa akin * nga pala Lyka. Yung lalaki na nasa couch si Andrew
Smith. Tahimik talaga yan, kaya wag ka ng magtaka." sabi ni Steph. Pero ako??

parang wala akong narinig kasi nakatingin ako sa libro na binabasa niya.

Kaya napatakbo ako at biglang kinuha ang libro na binabasa niya at tinignan ang
cover nito, habang nagniningning ang mga mata ko.

- Third Person POV-

Nagulat ang lahat sa ginawa ni Lyka.

"patay" mahinang sabi n kambal.


"naloko na" brett

"Hala, ano gagawin natin. Iba pa naman magalit si Andrew" takot na sabi bi
Stephanie sa kasama niya.

Napa facepalm na lang si Brenda. "Nakalimutan kong sabihin kay Lyka about sa ugali
ni Andrew."

"Okaay??" Hindi alam kung anong gagawin ni Jake habang tinignan lang and dalawang
tao sa harap nito.

*******************************************************************************

-miemie_03

Chapter 17 - Getting along with ANDREW SMITH

Chapter 17 - Getting along with ANDREW SMITH

-Third Person POV-

Nagulat ang lahat sa ginawa ni Lyka.


"patay" mahinang sabi n kambal.

"naloko na" brett

"Hala, ano gagawin natin. Iba pa naman magalit si Andrew" takot na sabi bi
Stephanie sa kasama niya.

Napa facepalm na lang si Brenda. "Nakalimutan kong sabihin kay Lyka about sa ugali
ni Andrew."

"Okaay??" Hindi alam kung anong gagawin ni Jake habang tinignan lang and dalawang
tao sa harap nito.

Habang si Andrew naman ay nagulat ng biglang kinuha ang librong hawak niya, at
napatingin kay Lyka na masaya tinitignan ang hawak nitong libro na parang batang
binigyan ng laruan.

"You like that book??" biglang tanong ni Andrew kay Lyka.

Nagulat naman si Lyka sa biglang pagsalita ng taong nasa harap niya.

At doon niya narealise ang kabastusan na ginawa niyang biglang pagkuuha ng librong
binabasa nito, kaya medyo namutla siya.
"I said, do you like that book??" ulit na tanong ni Andrew.

Sa kabilang banda naman,

Hindi narinig ng anim(Brett, The Twins, Jake, Steph and Brenda) ang sinabi ni
Andrew kay Lyka, kasi medyo malayo sila sa dalawa.

"Hala, ano kaya sinabi ni Andrew kay Lyka, bigla na lang namutla si Lyka ohh."
tanong ni Brett sa kasama.

"Tanga lang, paano namin malalaman kung hindi rin naman namin alam." sabi naman ni
Brenda kay Brett.

"Ouch naman, Brenda (sabay hawak sa may dibdib niya na parang nasasaktan) kung
makatanga ka naman." sabi naman ni Brett, sabay punas ng pekeng luha nito.

"Gay" bulong na sabi ni Brenda.

"Paano na yan Alex, baka biglang suntukin ni Andrew si Miss Lyka." sabi ni Allen sa
kakambal niya.

"O hindi kaya ipapakain siya sa mga alaga niyang lobo sa bahay niya." sabi naman
niya kay Allen.

"O hindi kaya ibabaril niya tapos ipatapon sa ilog pasig." sabay nilang sabi.

Pero, binatukan naman sila ni Stephanie.

"Kung anu anong pumapasok sa isip niyo, napaka brutal pa. Siguro may sasabihin lang
si Andrew na masakit na salita kay Lyka, at madudurog ang puso ng bestfriend ko,
kasi dinibdib niya ang sinabi nito tapos magpapakamatay siya sa sobrang stress.
Hindi ko talaga mapapatawad si Andrew pag mangyari yun." sabi ni Steph, sumangayon
nman ang kambal.

"Tama ang sinabi ni Stephie." Allen

"Protektahan natin si Miss Lyka sa stress" Alex

Napailing na lang si Jake sabay hawak sa noo nito. "Bakit ba ako nagkaroon ng mga
baliw na kaibigan, nasaan na ba yung Lance na yun."

- Lyka POV-

Sobrang saya ko nang mahawakan ko ang libro na matagal ko ng gustong basahin.

Ito yung same na libro na pinag agawan namin ni Jake sa Bookstore.

"Do you like that book?" nagulat ako ng biglang itanong sa akin ng tao na nasa
harap ko ngayon kaya't tinignan ko ito.
Waaaaaaah. oo nga pala, ang bastos ko talaga nagbabasa siya, tapos bigla ko na lang
kinuha ng walang sabi ang libro. Baka sabihan niya ako na walang manner.

Lord, natuwa lang talaga ako, sana naman kung kukunin niyo na ako, babasahin ko
muna ang libro na hawak ko, para naman sulit ang pagkamatay ko.

"I said, do you like that book?" tanong niya sa akin, siguro dahil hindi ko siya
sinagot.

Tumango naman ako.

"Really??" parang hindi makapaniwalang tanong nito tumango naman ako.

"So you like Carolyn Keene books." ngumiti ito sa akin.

Waaaaah, ang gwapo niya pa lang ngumiti, akala ko kasi masungit at napaka seryosong
tao siya.

"Oo, idol ko si Nancy Drew! kasi kahit nasa panganib na ang buhay niya sa
paghahanap ng mga clues and codes para malaman ang totoong salarin sa nasabing
kaso." masayang sabi ko, ewan ko ba biglang gumaan ang loob ko dahil sa ngiting
iyon.

At tsaka, hindi naman mahilig si Steph sa novels books, samantala si Brenda naman
hindi mahilig sa mystery gusto niya kasi science fiction.
"I have lots of Carolyn Keene books. " sabi nito.

"Talaga. Ahmmm, pwedeng p-pahiram, p-pleaase." naiiyak kong sabi na may halong
pagkahiya, syempre bago ko pa lang siya nakilala tapos hihiram kaagad ng libror,
ang kapal ko na rin gaya ng mga librong binabasa ko ngayon.

nabigla ako ng bigla itong tumawa, as in tawa talaga.

Pero kahit ganoon, ang gwapo niya pa rin tignan.

Waaaaah, ano ba itong nararamdaman ko sobrang bilis ng tibok ng puso ko. may sakit
na ba ako sa puso??

"You know what? nakakatuwa ka, dont worry I will let you borrow some of my books.
Pero huwag muna iyan na hawak mo ngayon hindi ko pa iyan natatapos basahin."
natatawang sabi nito.

"A-ahh, oo naman. Sorry ( sabay sauli ng libro) at sorry din sa inasal ko kanina,
ang rude ko talaga. Ma-masaya lang kasi ako." nahhihiyang sabi ko.

"Wala iyon, and I think its kind a cute reaction coming from you." ngiting sabi
niya sa akin.
Waaaaah Lord, huwag mo siyang pangitiin lumalakas ang tibok ng puso ko, baka
mamamatay na ako.

"Anong nangyayari dito!!?" may biglang sumigaw kaya napatingin kami sa taong yun.

- Third Person POV -

Habang may kanya kanyang mundo ang apat (except kay Jake at Brenda na ngayon nasa
stool nagbabasa ng libro) nagulat silang anim sa biglang pagtawa ni Andrew.

"Hala, minaligno na si Pareng Andrew." biglang sabi ni Brett na gulat pa rin sa


pagtawa ni Andrew.

"Unbelievable." Allen

"Impossible" Alex

Pati si Jake, Steph at Brenda nagulat din sa biglang pagtawa nito.

"Woah, isang Andrew Smith na bihira lang makipag usap sa isang stranger at tahimik
na tao, tumawa, seriously??" gulat na sabi ni Stehanie.

"Ano kaya ang ginawa ni Lyka??" takang tanong ni Jake.


Habang si Brenda tinignan lang ang dalawa na masayang nag uusap.

Hanggang sa..

"Anong nangyayari dito!!?" may biglang sumigaw kaya napatingin kami sa taong yun.

***********************************************************************************
************

-miemie_03

Chapter 18 - Another Fight with HIM

Chapter 18 - Another Fight with HIM

- Third Person POV -

(Guys, just imagine na japanese ang language na gamit nila. okay? :)

Habang may ginagawa ang isang lalaki sa kanyang opisina. May biglang kumatok.
"Come in" malamig na sabi nito.

Pumasok ang dalawang lalaki at nag bow muna ito sa lalaking nasa harapan nila.

"Ano na ang balita? nahanap niyo na ba siya?" sabi ng lalaki sa dalawa.

"I'm sorry, Lord Kaito. Pero hindi pa po" nanginginig na sabi ng isa sa kanila.

Nagulat sila at nadagdagan ang takot nila ng biglang ibinagsak ng lalaki ang
dalawang kamay sa lamesa nito na naglikha ng malakas na tunog sa silid.

"Ilang taon ko na siya pinapahanap sa inyo at hanggang ngayon hindi niyo pa siya
nahahanap? Sigurado ba kayo na ginagawa niyo ng maayos ang trabaho niyo?" galit na
sabi ng lalaki sa dalawa na ngayon ay nakayuko sa kanya.

Ilang sandali pa may biglang pumasok na magandang binibini kasama ang isang
binatilyo na sa isang tingin mo pa lang mapahanga ka sa kanyang kagwapuhan.

"Sa tingin ko, wala na siya dito sa Japan. Lord Kaito, ilang taon na natin siya
pinapahanap dito sa Japan, pero hindi pa rin nahahanap." sabi ng binibini.

"Pero, dito nangyari ang aksidente na iyon. Imposibleng nakaalis siya dito sa
Japan. She's just a 11-year old child."nag alalang sabi ni Lord Kaito.
"But, After we investigate everything happened on that day. May nakuha silang
impormasyon na maaring makatulong sa paghahanap sa kanya."- Binibini.

"And that is?"

"May nakakita sa kanya sa airport, may kasama itong lalaki at paalis sila ng
bansa."

"At saang bansa sila pumunta" mahinahong sabi ng lalaki.

"Sa Pilipinas"

Tinignan niya ang dalawang lalaki na nakayuko pa rin hanggang ngayon.

"I will give you one last chance. Pumunta kayo sa Pilipinas ngayon din at hanapin
siya. At sisiguraduhin niyong this time mahanap niyo na siya." sabi nito

"Yes My Lord." nag bow ulit ang dalawa bago umalis.

"Don't worry, mahahanap din natin siya. She's a strong girl just like her mother."
sabi ng binibini sa lalaki.
"I know." mahinang sabi nito.

Sabay kuha ng litrato ng isang labing isang taong gulang na babae na nasa table
niya.

"My princess, Granpa missed you already. Konting tiis na lang mahahanap na kita."
Malungkot na sabi nito sa sarili habang hawak hawak ang litrato ng apo nito.

- Third Person POV -

Habang may kanya kanyang mundo ang apat (except kay Jake at Brenda na ngayon nasa
stool nagbabasa ng libro) nagulat silang anim sa biglang pagtawa ni Andrew.

"Hala, minaligno na si Pareng Andrew." biglang sabi ni Brett na gulat pa rin sa


pagtawa ni Andrew.

"Unbelievable." Allen

"Impossible" Alex

Pati si Jake, Steph at Brenda nagulat din sa biglang pagtawa nito.


"Woah, isang Andrew Smith na bihira lang makipag usap sa isang stranger at tahimik
na tao, tumawa, seriously??" gulat na sabi ni Stehanie.

"Ano kaya ang ginawa ni Lyka??" takang tanong ni Jake.

Habang si Brenda tinignan lang ang dalawa na masayang nag uusap.

Hanggang sa..

"Anong nangyayari dito!!?" may biglang sumigaw kaya napatingin kami sa taong yun.

"Oh, Lance, andito ka na pala. " lumapit Si Brett sa bagong dating na si Lance
sabay akbay nito. "Saan ka ba nanggaling??"

Tinignan lang siya nito, tapos kumunot ang noo nito.

"Bakit mo ko hinahanap??"

"Wala, may bisita tayo kaya dapat nandito ka."

"Bisita? Kailan pa kayo tumatanggap ng bisita sa private room?" takang tanong ni


Lance.
"Ako? bakit masama bang bumisita dito??" biglang sabat ni Lyka.

Tinignan naman ni Lance ang nagsalita, at nagulat ito ng makilala niya ito.

"I-Ik-Ikaw?!" gulat pa rin na sabi ni Lance habang tinuturo si Lyka na nakaupo sa


tabi ni Andrew.

"Ako nga, may problema??" matapang na sabi ni Lyka.

"Bakit ka andito? Sino nagpapasok sayo dito? Alam mo bang bawal ang pangit dito??"
inis na sabi ni Lance. Naiinis pa kasi si Lance kay Lyka, for the first time binaba
niya ang pride niya para lang sa isang pangit na Nerd.

"Kami ang nagdala sa kanya dito, Kuya. At tsaka gusto nila makilala si Lyka."
mahinahon na sabi ni Brenda.

"Brenda's right, Lance. And from now on she can come here anytime she want. "sabi
naman ni Andrew at ngumiti kay Lyka, ngumiti naman si Lyka sa kanya.

Nagulat si Lance sa kinikilos ng kaibigan.

Sa sobrang inis ni Lance hinatak niya si Lyka papalayo sa private room. At pumunta
sila sa may garden.
"Ano ba!!" inis na hinila pabalik ni Lyka ang braso niya galing kay Lance. "Ano ba
ang problema mo!? kung naiinis ka sa pagpunta ko sa private room niyo, don't worry
hindi na ako babalik pa." inis na sabi ni Lyka.

"Hoy Nerd! Anong ginawa mo kay Andrew!?" sabi ni Lance.

"Ha?" takang tanong ni Lyka.

"Bakit ka niya kinausap? bakit siya ngumiti sayo? at sa kanya ba galing ang tawa
kanina? ginayuma mo siya no??" sunod sunod na tong ni Lance kay Lyka.

"Time first. Pwede isa isa lang. Mahina kalaban oh. At hoy pangit, may pangalan ako
no? At kung bakit ako kinausap ni Andrew, sa kanya mo tanungin. Bawal ba siya
makipag usap sa iba?" takang tanong ni Lyka na may konting inis pa rin sa boses
nito.

"H-hindi naman. Nakakapanibago lang. Ginayuma mo siya no? May lahi kayong
magkukulam, mga magulang mo at ikaw. Yan ba ang turo sayo mula pagkabata." biglang
sabi ni Lance.

Pero nagulat siya ng makitang tumulo ang luha ng babae na kausap nito.

"O-Oh, ngayon iiyak ka kasi tot--- *Slaaaaaaaaap*" napatigil siya at nagulat sa


biglang pagsampal ni Lyka sa kanya.

"Okay lang sana kung ako lang lait laitin, wala akong pakialam kung tawagin mo
akong gold digger, mangagamit, pangit, mangkukulam o ano pang nakakainsultong
salita. Pero sana naman huwag mo isali ang mga magulang ko, wala silang kinalaman
dito." naiiyak na sabi ni Lyka, at tumakbo palayo sa kanya.

Nakatulala pa rin si Lance sa kinatatayuan niya.At, hahabulin niya na sana si Lyka


pero hinarang siya ni Andrew.

"Kanina ka pa dyan?" seryosong tanong ni Lance kay Andrew.

"What do you think?" seryosong tanong naman ni Andrew.

"Why did you say those things to her, Lance?"

"Binibiro ko lang naman siya, naninibago lang kasi na ngumiti ka na kanya after 5
years." sabi ni Lance.

"Its none of your business Lance. Pwede akong ngumiti kung sino kanino man"

"Pero simula ng mawala si Jenny, hindi ka na ngumiti ulit. don't tell me---"
Pinutol ni Andrew ang dapat sana'y sabihin ni Lance.

"As I said its none of your business. Say sorry to Lyka, Lance. You just cross the
line. " sabi nito bago umalis sa garden at iniwan si Lance.
"Damn, saying sorry to her again? d-did I really just cross the line.?" sabi ni
Lance sa sarili.

***********************************************************************************
************

-miemie_03

Chapter 19 - Archery Club Captain

Chapter 19 - Archery Club Captain

- LYKA POV-

"Not again, its been 3 days straight already." malungkot na sabi ni Steph.

"So sorry Steph, pero pass muna ako ngayon" sabi ko habang nililigpit ang gamit ko
kakatapos lang kasi ng morning class. At half day din ngayon next week magsisimula
na ang sports fest kaya busy ang RDA month.

"Pero miss ka na nila, lalo nung kambal. At tsaka si Andrew miss ka na rin kahit
hindi niya sinasabi alam namin dahil sa mga kinikilos niya." dagdag niya.
Tinignan ko siya at ngumiti. "I'm sorry, Steph."

"Dahil ba ito kay Kuya, right? Iniiwasan mo siyang makita." napatigil ako sa
ginagawa ko. "So tama ako, ano na naman ba ang sinabi niya sayo" sabi ni Brenda.

Tama si Brenda, isa yun sa rason kaya hindi na ako bumalik pa sa Private Room. Ayaw
ko talaga makita ang kuya niya, its been 2 months after ang nangyari sa garden sa
araw na iyon.

"Nothing, ayaw ko lang mag away kayo ulit ng dahil lang sa akin Brenda. Oo,
iniiwasan ko siya dahil naiinis ako everytime makita ko ang pagmumukha ng kuya mo.
Kaya hangga't maari ayaw ko muna siya makita." ngumiti ako kay Brenda, bago ko
kunin lahat ng gamit ko.

Ayaw ko ng mag away sila ulit, naalala ko ang sinabi ni Jake na si Brenda ang isa
sa dahilan kaya nagsorry ang kuya niya.

"Pakisabi sa kanila na may club practice kami ngayon at dapat namin makuha ang
championship trophy this year. " sabi ko.

"WHAT!!? may sinali kang sports club??" gulat na sabi ni Steph.

"Yeah."

"Bakit hindi mo sinabi man lang sa amin." sabi ni Steph.


"You didn't ask"

"So, what club?" tanong ni Brenda.

Ngumisi ako "Secret. You will know soon. See you" sabi ko bago umalis.

"Ang daya!" narinig kong sabi ni Steph.

Ngumiti ako.

So blessed that I have a friend like them.

Papunta na ako sa club room ko.

Actually, ako ang captain. Nakakagulat ba?? well...

- Stephanie POV -

Andito kami ngayon sa private room.

Actually ang tahimik ngayon, nasa practice ang halos sa S6 maliban kay Andrew na
andito ngayon sa PR. At hindi namin siya makausap kasi parang may nakaharang sa
kanya na may katagang "Don't Disturb" at napapansin namin na may dala itong extrang
libro. Simula bumisita si Lyka dito, may dala na itong extrang libro, siguro para
kay Lyka sana yun.

haaaay!!

Ang nakakainis lang ay..

Hindi sinabi ni Lyka kung anong club ang sinalihan niya.!!!

- Lance POV -

nakakainis kasi dalawang buwan na ako hindi kinakausap ni Andrew. Hindi naman siya
palasalita pero kinakausap niya naman ako.

Yung kambal naman naninibago ako kasi hindi sila maingay.

at hindi rin ako masyadong kinukulit ni Brett.

Just what the f*ck happened to them.

Simula makilala nila yung nerd na yun nagbago na sila lalo na si Andrew ang laki ng
pagbabago niya. Hindi mo iyon mapapansin kasi silent type siya ng tao pero once
makilala mo siya masasabi mo ang kaibahan nito.
Sino ka ba talaga Lyka??

At habang nagpapahinga kami ngayon sa practice namin para sa paghahanda ngayong


darating na sports fest. Actually ang sports ko ay soccer ako ang captain, ang
kambal naman archery sila rin ang Captain, while si Brett naman ay sa basketball
boys, syempre siya rin ang Captain kaya dapat hindi kami mag aabsent sa oras ng
practice. Si Andrew, ayaw niya sumali sa kahit na anong sports club, mas magaling
pa naman siya sa Archery kesa sa kambal.

Well, habang nagpapahinga kami, nakita ko yung nerd na naka Archery armor? teka
Archery? kasali siya sa sports fest. At archery pa talaga ehh malabo nga mata nun.
Nagbibiro ba siya!?

Tinignan ko ang mga kateam ko.

"I'll be back!!" sabi ko sa kanila at tsaka naglakad papunta sa club building for
girls..

- Third Person POV -

"Okay!! 15 minutes break!!" sigaw ni Lyka sa kasama niya sa Archery club girls,
actually 15 silang lahat sa club.

Habang umiinom ng tubig si Lyka sa sulok.

"Hindi ko akalain yung kilalang Campus Nerd ang Captain natin sa Archery. " sabi ng
isa nilang member (1st year)

"Yeah, hindi ba sila nandidiri!" sabi ng kasama nito. (1st year)

"Nakakagulat lang kasi ang mga upperclassmen natin nakikinig talaga sa kanya, kahit
mga college student nakikinig din sa kanya. Hindi ba malabo ang mata niyan, baka
siya magpatatalo sa atin sa archery club." maarteng sabi naman ng isa pa nilang
kasama. (1st year)

"I know right!!" agree naman ng dalawa.

"Hoy! kayong tatlo diyan!" sigaw ni Isabel (3rd year BS IE at Co-Captain ng Archery
club)

Tumayo naman ng matuwid ang tatlong 1st year highschool

"Anong pinag uusapan niyo??" tanong nito.

Nagkatinginan naman ang tatlo sa isa't isa bago tinignan ang co-captain nila.

"About po kay Captain Lyka, di ba po malabo naman mata niya, nerd siya at tsaka
mahirap. Bakit siya ang naging Captain? at parang ang laki ng respeto niyo sa
kanya." sabi ng nasa gitna.
Ngumiti ito bago pinaupo sila. umupo din ito sa harap nila.

"Alam niyo ba ganyan din ang reaction ng mga 2nd year dati. Ayaw nila kay Captain
kasi daw mahirap daw ito at nerd same rin sa naging expression niyo, pero once na
nakita nila itong naglaro at ang pagiging Captain niya, nirespeto na rin nila ito.
Captain na siya simula pa nung 2nd year highschool niya dahil sa galing niya,
madaming umangal pero wala kaming magagawa kasi magaling naman talaga siya. At
straight nagchampion ang club natin dahil sa kanya. Kaya respetuhin niyo siya."
ngumiti si Isabel dahil makikita sa mga mata ng mga 1st year ang pag hanga nila sa
Captain nila.

"Ate Isabel, aalis muna ako sagli, ikaw muna ang bahala dito." sabi ni Lyka.

"Got it" sabi nito.

- Lyka POV -

Kakatapos ko lang mag cr at babalik na sana ng club room para iresume ang practice
namin.

Ng may himawak sa braso ko kaya napatigil ako.

At, napatingin kung sino ito.

***********************************************************************************
*********
- miemie_03

Chapter 20 - Frustrated Lance

Chapter 20 - Frustrated Lance

- Lyka POV -

Kakatapos ko lang mag cr at babalik na sana ng club room para iresume ang practice
namin.

ng may humawak sa braso ko kaya napatigil ako.

At, napatingin ako kung sino ito.

" Oh, napunta ka dito ang layo ng gym sa club room namin." takang tanong ko kay
Jason.

Yep, si Jason ang pumigil sa kin

Binitiwan niya ang braso ko sabay kamot sa batok niya.


"Ano kasi Jane, binigay na ba sa inyo ang schedule ng laro niyo para sa Sports
Fest??" tanong niya.

"Wala pa. Pero pag meron na, sasabihin ko sayo agad."

"Talaga?!" masayang sabi niya. Napatango naman ako.

Actually nag uusap na kami Jason at medyo naging kaibigan kahit tinatawag niya
akong nerd, nung 2nd year pa kami. At starting that day, lagi namin sinusuportahan
ang bawat isa sa bawat laban namin sa Sports Fest. Kaya hindi na ako nabibigla kung
tatanungin niya ang sched ko sa laban namin.

"Nga pala, Si Ate??"

"Nasa club room siya, nag eensayo habang wala pa ako. " sabi ko. by the way,
nakakatandang kapatid niya si Ate Isabel at dahil na rin sa kanya kaya kami
nagkakilala ni Jason.

Tumango naman ito.

"Nga pala, first game namin sa monday 8am at makakalaban namin ay ang Wilson
Academy. Hope wala kayong laban sa oras na yan. Sige mauna na ako, medyo bad trip
pa naman ang captain ngayon. "sabi niya at kumaway muna ito sa akin bago umalis.
Kumaway na rin ako.

Napagdesisyon ko na bumalik na rin medyo natagalan na ako at siguro nagsisimula na


sila sa pag eensayo , lampas 15 minutes na yung break namin.
Ng paliko na sana ako may humawak na naman sa braso ko kaya napatigil ako.

Tinignan ko na naman kung sino at laking gulat ko ng malaman kung sino ito.

Binitiwan na niya ang braso ko, kaya humarap ako sa kanya.

"I-Ikaw pala Andrew, a-anong ginagawa mo d-dito??" kainis, bakit ako nauutal sa
kanya. At medyo kinakabahan ako nang makita ko siya, ewan ko kung bakit.

"Bakit hindi ka na bumisita ulit sa Private Room, simula nung sumama ka kay Lance?"
tanong nito sa akin. Pero umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Hindi ako sumama, kinaladkad niya ako. Kainis yung pangit na yun." inis na sabi
ko, napatingin ako sa kanya kasi bigla itong tumawa ng mahina pero manly ang
pagtawa niya.

"A-Anong nakakatawa?" takang tanong ko.

"You're cute, especially when you're irritated." sabi nito.

"Please visit private room if you have a chance or if you're not that busy. The
Three Idiots missed you already. " sabi nito pero hindi ko rinig ang huli niyang
sinabi."I missed you too."

"Just go to private room anytime you want, you are always welcome there and don't
mind Lance. He is a jerk sometimes but his nice don't worry." ngumiti ito sa akin.
"And I finished the book already, just drop by at the Private room if you want to
borrow it, okay?" tumango ako sa sinabi niya at ngumiti.

Tinignan niya ang suot kong jersey yung pang Archer na outfit. Basta yun.

"So.. you're from Archery club. Good luck, I'll support you all the way aim for
champion, okay Captain??" ngumiti ito sabay tap ng ulo ko. Naka ponytail kasi ako.

"H-How did you know, na ako ang Captain??" takang tanong ko, eh hindi ko nga sinabi
sa kanya.

"Instinct, I guess??" sabi nito, at ngumiti na naman. Ang gwapo niya talagang
ngumiti. " I have to go, I just saw you. Goodluck.... Lyka." tinaas niya lang ang
kanang kamay niya bago tumalikod sa akin at naglakad paalis.

Waaaaaaaaaaaaah..

Ewan ko ba kung bakit, sinabi niya lang naman ang pangalan ko pero bakit parang
napaka big deal sa akin yun.

Nakangiting lumalakad ako ngayon papuntang Club room.


Ng may pumigil na naman sa akin.

Ewan ko ba, pero medyo naiinis na ako haaa??

Humarap ako sa taong na pumigil sa akin,

At sobra nainis ako ng malaman kung sino iyon.

"At, ano na naman ang kailangan mo??" inis na sabi ko sa taong iniiwasan kong
makita dahil sa naiinis talaga ako.

Si Lance Montellier.

Ang saya ko na ehh.

Andun na ehhhh.

Inspired na sana at ganado magpractice.

Sinira niya lang lahat ng makita ko ang nakakainis niyang mukha.

Nice daw? Talaga lang haa?

Saan parte??
Binitawan na niya ang braso ko ng tinignan ko ito, at nagkatitigan lang kaming
dalawa.

=____= - ako

"B-Ba't ganyan ka makatingin ha?? pero pag kaharap mo si Andrew ang saya mo." inis
na sumbat niya sa akin. Tinignan ko muna siya ng matagal bago tinalikuran, pero
pinigilan na naman niya ako.

"At saan ka naman pupunta?" sabi niya.

"Aalis, mag papractice wala ka kasing ganang kausap. Kung yan lang ang sasabihin mo
inaaksaya mo lang ang oras ko, may practice kami malapit na ang sports fest. EXCUSE
ME." diniin ko talaga ang ang excuse me. at mabilis na lumakad palayo sa kanya.

Pagdating ko sa club room.

"Oh, Captain saan ka galing ba't natagalan ka yata" bungad sa akin ni Ate Isabel
pagkapasok ko sa club room "At parang galit na galit ka, may problema ba??"

Nakikita ko na nageensayo na ang mga member.

Pumunta ako sa upuan ko, at kinuha ang bow ko at dumiresto sa isang bakante na
lugar kung saan nasa 80m ang layo ng target.
"Oo, may problema ako Ate Isabel may nasalubong akong unggoy sa labas at galit ako
sa unggoy na yun." sabi ko sabay ready sa pagtira at na iimagine at pagmumukha nung
lance na yun sa target, at binitawan ko na ang arrow, and sapul sa ulo nung unggoy
(Bullseye)

"Huh??" takang tanong ni Ate Isabel.

- Lance POV -

Naiwan ako ditong tulala,

Ng marealise kong wala na siya.

Saka ko ginulo ang buhok ko, kainis!!!

Napatulala ako kasi napansin kong wala siyang suot na salamin.

Tapos ewan ko ba, naiinis ako ng makita ko silang masayang naguusap ni Andrew, ano
bang meron sa kanila. At mas naiinis ako sa sarili ko kung bakit ako naiinis ng
ganito.

At nakalimutan ko pang humingi ng tawad.

Sh*t!!!
Frustrated akong bumalik sa soccer field.

"Captain, magsisimula na kaming tumakbo ng 10 lap ikaw na lang ang hinihintay."


sabi ng Vice Captain, pero nilampasan ko siya.

"20 laps. GO NOW!!!" sigaw ko sa kanila at sumunod naman sila.

Pumunta ako sa may goal. At sinisipa ang lahat ng bola na nakikita ko.

-Third Person POV-

"Anong nangyari kay Captain Lance??" sabi ng isang member habang tinitignan ang
Captain nila na mukhang bad mood.

"Oo nga, sa atin pa tuloy inilabas ang galit niya." sabi naman ng isa pang myembro
at nagpatuloy na sila sa pagtakbo.

***********************************************************************************
************

-miemie_03
Chapter 21 - Sports Fest (Day 1)

Chapter 21 - Sports Fest (Day 1)

- Third Person POV -

Unang araw ng Sports Fest ng RDA.

Maraming booths na nakatayo sa malawak na field at naghahanda ang mga bawat kalahok
sa kanya kanyang laban at padami ng padami na rin ang dumadagsa sa academy ngayong
araw.

Sa loob ng isang silid ng Archery Club Girls division, naghahanda na rin sila sa
kanilang unang laban sa St. Augustine Academy.

"Today is the day. Let us do our best, always remember girls believe in yourself,
trust your strength and always stay focus. Let's aim for the championship." sabi ng
kanilang Captain na si Lyka.

"Go!! Red Dragon Archers!!" sigaw naman ng kanilang Vice Captain na si Isabel.

"Go!!!" sigaw naman ng kanilang members.

Nagkatinginan naman ang dalawang lider at ngumiti sa isa't isa.


Sa locker room naman ng basketball team.

"Ok boys, hindi biro ang makakalaban natin ngayong araw, ilang taon na ring
champion ang Wilson Academy. At ngayong taon na ito dapat natin maiuwi ang
championship trophy. At alam kong magagawa natin yun ngayon, sa ilang araw natin sa
eensayo, at sa pagsali ni Andrew (sabay akbay kay Andrew na katabi lang niya) sa
team natin ngayon, nadagdagan ang pwersa natin." sabi ng kanilang Captain na si
Brett.

"Higpitan niyo ang depensa niyo, at palakasin ang offensa (tama ba ang spelling XP)
Brett, ikaw ang magbabantay kay Patrick, at Andrew naman kay Troy, at ikaw naman
Jason kay Loyd sila ang kanilang star players kaya hindi natin sila pwedeng
baliwalain. Boys, kung sino man mabantayan niyo, huwag niyo silang maliitin hindi
natin alam kung gaano na sila kalakas ngayong taon." sabi naman ng kanilang Coach.

"Yes, Coach!!" sigaw naman nilang lahat.

"Let's go!"

Sa Archery Club Boys Division naman and walang laban ngayong araw pero nageensayo
pa rin sila para sa laban nila laban sa Wilson Academy Archery Club.

Seryoso naman ang kambal habang nageensayo kasama ang kanilang kateam.

"John, focus!! always remember aim at the middle." sigaw naman ni Allen sa isa sa
mga kateam niya.
"Larry, lower your elbow, medyo mataas." sabi ni Alex.

Sa soccer team naman ngayon, ay may laban sa St. Augustine Soccer team.

"Okay, guys. Lagi niyong bantayan ang bola, huwag niyo hahayaan at basta nalang
nilang kunin ang bola, at pag may open para makapag goal, huwag kayong matakot
sipain ito. Its okay kung hindi siya pumasok basta aim for the free kick, ikaw
(sabay turo sa goal keeper) huwag mo hahayaan makapuntos ang kalaban, always stay
focus sa bola." sabi ng kanilang team captain na si Lance.

"Yes Captain." sabi naman ng kanilang goal keeper.

"Okay, 5 minutes na lang magsisimula na ang laban, kaya mag warm up na kayo." sabi
niya, kaya naman kanya kanyang punta naman nag warm up ang mga ka team niya.

Inakbayan naman siya ni Jake, na sumali ngayong taon sa soccer team.

"Easy Captain masyado kang seryoso. Nung friday ka pa ganyan, may problema ba?"
sabi namn ni Jake.

"Wala, dapat lang natin sila matalo para makalaban natin ang Wilson Academy sa
finals." sabi naman ni Lance.

"Malaki talaga ang galit mo kay Tyron."


"Kahit nagchampion kami last year hindi ko pa rin makakalimutan na nakalamang siya
sa akin."

"Yeah, yeah. Nga pala sumali si Andrew ngayong Sports Fest."

Nagulat si Lance sa narinig niya at napatingin kay Jake.

Simula na nag aral ito sa RDA wala itong sinalihan na club, kahit magaling siya sa
basketball, archery, soccer at fencing pero lagi niya nirereject ang mga offer.

"Anong sports ang sinalihan niya?" gulat pa rin na tanong ni Lance.

"Basketball, kalat na sa campus kaya sigurado akong puno ang gym ngayon."

"Sino makakalaban nila?"

"Wilson Academy"

"*smirk* mukhang makukuha nga natin ang championship ngayong taon."

"Oo nga, siguro sobrang saya ngayon ni Brett, ilang taon din niya kinausap si
Andrew tungkol sa pagsali sa basketball team."
"Sobrang saya, mag warm ka na rin. malapit na ang laban."

"Aye aye Captain." siniko naman siya ni Lance tumawa naman si Jake habang bumitaw
na sa pagkaka akbay.

-Lyka POV-

"Nga pala, Lyka. Mamaya pa naman ang laban natin manood muna tayo ng laban ni
Jason." sabi ni Ate Isabel.

Tinignan ko ang orasan, ilang minuto na lang mag sisimula na ang laban nila.

Mukhang narinig ng ilan naming kasama ang sinabi ni Ate Isabel, kaya lumapit sila
sa amin.

"Oo nga, Captain. Manood muna tayo. Icheer natin sila."

"Please Captain, nood tayo."

"I cheer natin sila, Captain.!!"


napatawa ako, kasi halos lahat na sila nagmamakaawa.

Naalala ko rin ang promise ko kay Jason na ichicheer ko siya pag hindi nagkasabay
ang laban namin.

"Okay, ihanda niyo na and sarili niyo, kasi pagkatapos ang laban nila dederetso na
tayo sa laban natin sa St. Augustine." sabi ko sa kanila.

"YES CAPTAIN!!" masigla nilang sabi, at madaling inihanda ang sarili.

Ilang minuto ang nakalipas ng makarating kami sa gymnasium at mukhang nagsisimula


na ang laro, parang nahuli kami ng dating kasi sobrang dami ng tao ngayon sa gym,
at halos hindi na kami makapasok kasi kahit sa may entrance ay puno talaga ng tao,
lalo na ng mga babae.

Kaya sobrang lungkot ng mga kasama ko ngayon.

"Go ANDREW!!!!!!" biglang sigaw ng mga babae.

Si Andrew??

Don't tell me naglalaro siya ng basketball ngayon??

Waaaah. Gusto ko manood pero..

PAANO??
"Hala, totoo nga ang balita na sumali si Andrew sa basketball team ngayong taon."

"Oo nga, paano na yan hindi tayo makakanood? may inspiration sana ako ngayon para
sa laban natin mamaya."

Rinig kong sabi ng mga kateam mates ko.

Ng hindi inaasahan may biglang yumakap sa akin.

"Lyka, i missed so much!!" biglang sabi niya, tinignan ko ito, si Stephanie pala.

Waaah, ilang araw ko na rin sila hindi nakakasama dahil sa practice at pag iwas ko
na rin kay unggoy.

Yumakap din ako pabalik.

"I missed you too." kumalas kami sa pagyayakapan.

Tinignan niya ako from head to toe.

"You look different. Parang hindi ikaw, walang eyeglasses tapos naka archer outfit.
you look, you look... COOL!!" sabi ni Steph.

"Thanks."

"May laban ka ngayon?"

"Yeah, 10:30 am after ng basketball team, dederetso na kami sa field para sa laban.
Manonood sana kami ng game, pero mukhang malabo."

Tinignan ni Stephanie ang entrance ng gym, tapos sa kasama ko na ngayon na


nakatingin sa amin at tumingin siya sa akin, ngumiti ito ng matamis.

"Don't worry, may reservation na kayo. Pinareserved ni Andrew at Brett, for archers
club. Kaya pala ako nandito para sunduin ka Lyka at ng mga kasama mo. Nandoon na si
Brenda, kaya tara na!!?" biglang naghiyawan naman ang mga kasama ko. Ngumiti ako.

Yumakap si Steph sa braso ko, at naglakad na kami sa likod kasi doon daw ang daan
na hindi masyadong crowded.

Ng maka pasok kami, nagulat talaga ako kasi sobrang puno ng gymnasium, kahit
sobrang lakas na ng aircon mainit pa rin dahil sa dami ng tao.

Umupo kami malapit sa court, as in sa first row, kaya sobrang saya ng mga kasama ko
kasi daw makikita nila ng malinaw ang laro nila Brett at Andrew, at inilabas naman
ni Ate Isabel ang isang Cartolina na nakalagay na Go! Bunso't!!. Napailing nalang
ako, kasi ayaw na ayaw ni Jason tinatawag siyang Bunso't kasi daw ang laswang
pakinggan.
Tinignan ko ang score.

20-15. Favor sa amin.

Time out ng makarating kami sa loob at pinagitnaan ako nila Brenda at Steph.

Tinignan ko ang bench nila Jason, nakita na ako ni Jason kaya ngumiti ako at
kumaway ng tinignan niya naman ang katabi ko which is si Stephanie na nakabehlat sa
kanya, nagmake face lang siya, ng tinuro ni Steph ang Ate niya at tumingin naman si
Jason dun, bigla siyang namula at tumalikod na ito sa amin, narinig ko naman ang
sinabi ni Steph na "Take that"

napatawa naman ako sa kakulitan nila, ng matapos na ang time out at bumalik na sila
sa court. nakita naman kami ni Brett, ngumiti siya sa amin at kumaway.

nakita na rin kami ni Andrew, ngumiti rin siya pero pansin ko na sa akin lang siya
nakatingin kaya medyo namula ko.

-Lance POV-

Kanina pa nagsisimula ang laban namin pero nawalan ako ng gana.

"Oh. nakasalubong ang mga kilay mo anong problema?" takang tanong ni Jake habang
tumatakbo kami para habulin ang bola.

"Wala." at mabilis akong tumakbo.


Ewan ko rin kung bakit ako nainis.

Nakita ko lang naman si Nerd kasama ang mga kateam niya papunta sa gynasium. Sa
kabilang daan naman yung field para sa archer game, at isa lang ang ibig sabihin
nun.

Chinicheer niya si Andrew. Kahit kapatid ko wala dito.

Tsk.

Kaibigan din naman nila, niya si Jake ah.

Kainis naman.

Ba't ba ako naiinis.

Pinasa sa akin ni Jake ang Bola, at bigla ko rin sinipa ng sobrang lakas ang bola
sa goal, at pasok!!

"Goal!! for Red Dragon!! by Lance Montellier!!' sigaw naman ng M.C.

***********************************************************************************
************

-miemie_03
Chapter 22 - Sports Fest (Day 2)

Chapter 22 - Sports Fest (Day 2)

- Someone's POV -

"I already told Grandpa about her being here, and any moment now ipapadala na niya
ang mga tauhan niya para bantayan siya ng palihim." sabi ng kasama ko sa akin
ngayon, na nakatingin sa mga estudyante na nasa field kung saan madaming booth na
pwede mong puntahan at enjoyin.

"Its good. Na nahanap na natin siya, hindi na siya magiging mag-isa muli."
malungkot na sabi ko.

"Mahirap magpanggap na hindi ko siya kilala, kahit nakakausap ko siya, at


nakakasama. Ayaw ko siyang biglain."- sabi ng kasama ko.

"Soon, if its already time then we're going to tell her everything. " sabi ko naman
at tumingin sa kasama ko at ngumiti.

"Nagkita na ba kayo?" tanong niya sa akin. Ngumiti ako ng malawak.

"Yep, accidenteng nabangga niya ako, sa sobrang pagmamadali niya umalis na ito
kaagad. Isang kita ko pa lang sa kanya alam kong siya yun." sabi ko sa kanya,
ngumiti siya sa akin at tinap ako sa balikat.

"Don't worry soon. Makakasama rin natin siya." sabi niya bago umalis at iniwan ako.
Sana nga dumating na ang soon na sinasabi mo.

Drew

- Lyka POV -

Kakarating ko lang sa club room namin.

Ang mga kateammates ko naman ay nahahanda ng umalis habang nakatingin sa akin si


ate Isabel na naka cross arm at nakataas pa ang isang kilay.

Kaya nagpeace sign na lang ako.

Tinignan ko ang mga kasama ko.

"Sorry kung medyo natagalan ako, mauna na kayo sa venue (tinignan ko ang orasan
bago ulit sa kanila) 8am pa din naman ang 3rd game natin at 7:30am pa man din
mabuti na kung andun na kayo hahabol lang kami." nakangiting sabi ko sa kanila.

"Okay, Captain!!!" at umalis na sila naiwan na lang kami ni Ate Isabel.


Pumunta ako sa locker ko, at kinuha ang damit ko at pumasok sa isa sa mga cubicle
kung saan kami nagbibihis.

"Ba't natagalan ka ata?" rinig kong sabi ni Ate ISabel.

"May nabangga kasi ako kanina papunta dito at nahulog yung mga gamit na dala niya,
kaya tinulungan ko muna siya." sabi ko habang nagbibihis.

Pero ang weird nung lalaki kasi iba yung mga tingin niya, hindi naman tingin na
nandidiri o ano man. Pero parang may nakita akong saya sa mga mata niya.

Good mood ata siya o ano man.

Pero buti hindi nagalit ako kasi ang nakabangga.

Ilang minuto rin nakalipas natapos din ako sa pag aayos, at papunta na kami sa
venue namin.

Nakita ko na ang mga kasama ko.

3rd game namin ngayon.

Nanalo kami sa 1st game laban sa St. Augustine at pagkatapos sa 2nd game laban sa
Ford University.
At ngayon naman ang 3rd game namin, pag manalo pa kami rito pasok kami sa
quarterfinals, kaya dapat kami manalo.

Naghahanda na kami sa laban namin kontra sa Angels Academy isang All girls elite
school.

Habang naghahanda kami nakita ko ang buong S6 na andito, at sina Brenda and Steph
andito din at may dala pang banner na GO!! Captain Lyka!! Go!! RDA!! ang nakasulat
at winave niya ito. Nakita ko rin si Jason katabi si Steph na nakasimangot, siguro
naiingayan siya.

Kumunot naman ang noo ko ng makita si Unggoy, oo yung kuya ni Brenda na si Lance na
nakacross arms at nakasimangot na tumingin sa direksyon namin.

Ano na naman ba ang problema niya?

Kung ayaw niya manood edi umalis siya.

Paglingon sa ko sa right side, nakita ko yung taong nabangga ko kanina, na


nakatingin siya sa direksyon namin at ngumiti, kaya umiwas ako ng tingin.

"Sino unang lalaban sa inyo??" tanong ng referee sa amin.

"Ako po."sabi naman ni Ate Isabel.

"Pumwesto ka na, magsisimula na tayo."sabi niya at umalis na rin.


Kinuha ni Ate Isabel ang bow niya at dumiretso na sa line kung saan sila pepwesto.

"GOOO! ATE ISABEL!!" sigaw ng mga kasama ko.

Ngumiti siya sa amin at nagsalute.

May tatlong round each game.

Tatlong palaso ang gagamitin nila para itama sa target.

10 points ang perfect score, and 1 point naman and lowest depende kung saan tatama
sa target, syempre pag sa gitna 10 points na yan. And each round palayo ng palayo
ang target.

1st round ay 70 meters, 2nd round 80 meters and last round ay 90 meters.

and ang pinakamalaking points ang siyang panalo.

and 5 players per school ang maglalaro ang 3 out of 5 na manalo sa game ang siyang
magwawagi sa game na ito.

Nagsimula na ang game nauna si Ate Isabel, ng tinira niya tumama sa gitna. Halos
malakas ang sigawan na maririnig sa venue namin.

Tumira ang kalaban 10 points rin.


1st round same silang nakakuha ng 30 points.

2nd round 30 - 28 points. Sa kalaban ang perfect medyo kumulang sa timing si Ate
Isabel.

3rd round 30 - 26 points, at perfect si Ate Isabel. Kaya kami nanalo sa 1st game.
Close game ang labanan nila.

Sumunod naman ang kaibigan ni ate Isabel.

At nanalo na naman kami, 90 - 80 ang total score sa 2nd game.

Ganon din nangyari sa isa pang sumunod na game, at talo naman sa isa pa.

Kaya na move kami sa quarter finals.

Hindi ako nakalaro, dahil ako dapat ang ikalimang manlalaro pero nakatatlong panalo
na kami.

Nung umalis kami sa venue, sinalubong kami ng mga kaibigan ko,

kaya kinikilig ang mga kasama ko kasi kompleto ang S6.

"Sayang, hindi kita nakitang maglaro, pero congrats kasi nakapasok kayo sa
quaterfinals,." masayang sabi ni Steph.

"Siguro kaya hindi siya makalaro kasi hindi siya magaling." biglang sabat ni Lance,
kaya sumimangot akong tumingin sa kanya.

"Hindi po, Prince Lance. Actually siya ang laging 5th player sa last game. If ever
mag tie ang dalawang team, ibig sabihin siya ang magbibigay pag asang manalo kami
kung mangyayari yon. Kaya niya nga po tumira ng 100meters ang layo. Ganoon po siya
kagaling." biglang sabat ng mga kateam mates ko.

"Opo, at tsaka kaya hindi umaabot sa 5th game kasi magaling talaga siyang Captain."
Sabi naman nung isa.

Nakangisi akong tumingin sa kanya, habang siya tumingin sa mga kasama ko ng masama
at nag walk out.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Jake.

"Practice, kaya Jake halika na, dapat tayo manalo at ipakita sa kanila na maiuuwi
natin ang championship game ng dahil sa AKIN." sabi niya.

Tumingin si Jake sa akin at ngumiti.

"Congrats nga pala, sige mauna na ako mukhang magpapractice talaga si Captain
ngayon." sabi niya at tumakbo para habulin si Lance.

***********************************************************************************
******************

-miemie_03

Chapter 23 - Sports Fest (Day 3 & 4)


Chapter 23 - Sports Fest (Day 3 & 4)

- Lyka POV-

Day 3 na ng palaro at kakatapos lang ng laro namin this day and again panalo na
naman kami at waiting for the gold na kami and ang next game namin is this coming
friday which is last day ng sports fest namin.

Kaya andito kami ngayon sa soccer field, dinala ako dito ni Steph at ni Brenda
manonood daw kami ng laro ni Lance, dahil quarterfinals na nila. Gusto ko sanang
pumunta sa gym para icheer sila Jason pero ayaw akong bitawan ni Steph.

"Pero Steph, nangako na ako kay Jason na susuportahan ko siya."sabi ko sa kanya.

Tinignan niya ako ng nakasimangot.

"Ichicheer mo ang unggoy na yun? huwag na! dito na lang tayo at tsaka isa pa hindi
mo pa napapanood maglaro sila Lance at Jake hindi ba? and mamaya pa ang game nila
kaya relax okay?"tinignan ko si Brenda, tinignan niya lang ako at umiling.

Nagbuntong hininga na lang ako.

"Okay"
"Yehey!! Ayun magsisimula na sila."

Nakasimangot akong nakatingin sa field.

Nahuli kong tumingin sa gawi namin si Lance at nagsmirk siya, at alam ko sa akin
yun.

Ilang minuto na ang nakalipas wala pa rin nakakagoal sa kanila at ang bola napunta
kay Jake at tumatakbo ito papuntang field ng kalaban, ewan ko ba pero naeexcite
ako.

Panay iwas at depensa si Jake sa kalaban habang may bola sa paa niya para hindi na
rin ito maagaw ng iba, ewan ko ba basta ang galing niya super. Ng malapit na siya
sa goal biglan niyang pinasa kay Lance ang bola at sinipa naman ito ni Lance
papuntang goal at pumasok ito!!!!

"GOAL!!! 1 point sa RDA!!!" sigaw ng emcee.

Nag appear sila Jake and Lance at ginulo naman ang buhok niya ng mga kasama niya.

"Yehey!!!! ang galing talaga nila." -Steph.

"Yeah." ngumiti ako ang galing din kasi nila, akala ko si Jake ang mag gogoal yun
pala si Lance, pero ang cool lang kasi tignan ng pasa at sipa nilang dalawa.
Nagulat ako ng napatingin na naman sa gawi namin si Lance, at ngumiti tapos tumakbo
na sila sa kabilang field.

"Nakita niyo yun ngumiti si Lance sa akin." kinilig na sabi ng katabi namin.

"Anong sayo, sa akin yun noh!"

"Huwag nga kayong filingera sa akin yon. GO LANCE!!!!! BABY!!!!!" sabi naman nung
isa.

Nagtinginan kaming tatlo sabay tawa.

Isang oras din ang nakalipas natapos din ang laban, nanalo ang RDA sa score na 3-1.

Lumapit kami sa grupo nila Lance kahit labag sa loob ko.

"Congrats Guys, pasok na kayo sa semi then finals na!!"masayang sabi ni Steph.

"Syempre naman Stephanie ang galing kaya namin."sabi nung kateam mates ni Lance at
nakipag appear sa kasama nito.
Lumapit sa akin si Lance at ngungisi pa.

Ano na naman ang problema nito??

"Nakita mo ba ang ako kanina, ang galing ko hindi ba?"Pagmamayabang niya.

Nagcross arm ako.

"Nakapag goal ka dahil sa magandang pasa ni Jake sa iyo." maghinahon kong sabi.

"Wooooooh"cheer naman ng mga kasama niya.

"Eh sa free kick ko kanina. Alam kong magaling ako huwag mo ng ipahalata, Nerd"
sabi niya.

"Oo na lang." sabi ko. Biglang umakbay si Jake kay Lance.

"Nga pala Jake, congrats nakapasok kayo sa semifinals." sabi ko sa kanya.

Ngumiti naman siya.

"Congrats samin" biglang sabat ni Lance.


"Thanks, bukas laban namin manood ka haa?"sabi naman ni Jake.

"Sure." ngiting sabi ko. Ngumiti din siya.

"Kung gusto niyo maglandian pwede ba huwag sa harapan ko." nakasimangot na sabi ni
Lance at masamang nakatingin sa akin.

Ano na naman ba ang problema nito sa akin at ganyan na lang makatingin.

"Nga pala, Congrats din sa inyo panalo kayo di ba?" sabi ni Jake na parang walang
narinig sa sinabi ni Lance.

"Yeah"

"Waiting for Finals. Nice, kailan ang laban?" tanong ni Jake.

"Sa friday, after lunch. Kalaban namin ang Wilson Academy." sabi ko sa kanila.

"Goodluck, susuportahan kita."


"Tss" biglang singit naman ni Lance.

"Lyka!!! ang game pala ni unggoy!!!" nagulat ako sa sigaw ni Steph.

"Unggoy??" takang tanong nila Lance at Jake.

Binelatan lang sila ni Steph at kinaladkad na ako papuntang gym.

"Congrats sa inyo Kuya. Manonood kami sa semifinals"rinig kong sabi ni Brenda, at


mahinahong sumunod sa amin.

Tinignan ko sila at kumaway bago tumakbo papuntang gym kasama si Steph.

Waaaaaah!! lagot pala ako nito. Late na kami sa game. Hindi namin namalayan ang
oras dahil na rin naexcite na kami sa laro kanina.

Pagdating namin sa gym 3rd quarter na at ang kalaban ang lamang. 46-40.

Umupo kami malapit sa bench ng RDA.

"Hoy!! Unggoy bakit lamang ang kalaban, ha!? marunong ka bang maglaro." biglang
sigaw ni Steph kay Jason na nagulat din at napalingon sa amin.
"Hoy!! unggoy ka rin, wag ka nga sumigaw nakakairita." natawa ako kay Jason kasi
nagulat talaga ito.

"Bakit ngayon lang kayo?" -Andrew.

"Pinanood namin ang laban nila Jake sa soccer kanina." sabi ko

Tumango lang ito at bumalik na sa court kasi tinawag na sila.

"Ang tahimik mo ngayon." takang tanong ko kay Brenda.

"Wala lang."

"May problema ba?"

Tinignan niya lang ako.

"Parang may nagmamasid sa kilos natin, kanina ko pa ito nararamdaman simula sa


soccer field at sumunod ito sa atin ngayon."

"Talaga,?" nagulat ako at napatingin sa paligid ko.


"But, don't worry baka imahinasyon ko lang iyon. Let's enjoy the game." ngumiti
itong tumingin sa akin then sa court. Kaya tumingin na rin ako sa court para
mapanood sila.

At the end nahabol pa rin nila ang kalaban at nanalo sa score na 95-80.

-Someone's POV-

"How is she?" tanong ng kausap ko sa telepono.

"She's okay. Don't worry. Soon, I will bring her to you." sabi ko naman sa kanya.

"Thanks Hijo, Its just that for 6 years we finally found her. And I just want to
see her really bad."

"Don't worry Sir." at inend na niya ang call.

Tinignan ko ang kasama ko.

"Ibigay niyo sa akin ang impormasyon kung anong nagyari sa kanya this past 6 years,
kung saan siya nakatira at anong ginagawa niya."
"Yes, young master." At umalis na siya.

-Lyka POV-

4th day ngayon ng Sports Fest at andito kami nanonood ng Archery men division.

Nasa 3rd round na kami at si Allen ang lalaban. Actually finals na ito at ang
kalaban ay ang Wilson Academy.

Naninibago ako kasi ang seryoso niya.

Ang pagkakilala ko kasi sa magkambal ay maingay at masayahin.

Unang titira si Allen. sa 80m

First arrow sa gitna.

ang kalaban sa gitna rin

2nd arrow ay malapit sa gitna

ang kalaban sa gitna

at 3rd arrow sa gitna ulit. kaya naka 29 points siya.

at ang huling arrow ng kalaban ay sa gitna pa rin kaya 30 points ang nakuha nito

Sayang 1 point lang difference nila.


Next round ay kasama nila sa archery.

same ang naging resulta

29-30 points lamang ang wilson.

"Waaaaah!! Bat ganon, hanggang 29 points lang sila, 30 points naman yung first two
ha?" kinakabahan na sabi ni Steph.

"Huwag ka ngang kabahan Steph, nangunguna pa rin tayo sa points at tsaka tie yung
series kaya may chance na tayo ang mananalo." sabi ni Brenda.

"Tama si Brenda, Steph. Kaya relax tsaka tignan mo ohh. Si Alex na ang susunod na
lalaban sigurado pananalunin niya ito." sabi ko naman sa kanya.

"Tatanda ka ng maaga niyan unggoy."

"Heh! tumahimik kang unggoy ka. Porket Champion na kayo."

Kakatapos lang pala ang laro nila Jason, Brett at Andrew. Champion sila this year,
at dumiresto na kami dito para suportahan ang championship sa Archery men division.

"Syempre, ang galing ko kasi."


"Si Andrew ang magaling siya ang MVP this year. Like hello"

napailing na lang kami ni Brenda.

Nandito rin pala sila Brett at Andrew. Sinusuportahan nila ang kaibigan nila.

Ang tahimik ni Brett kaya nkakapani----

"Hoyy!!! Kambal iuwi niyo ang championship kung hindi. Wag na kayo magpakita sa
PR.!! at hindi kayo kakain ng homemade cupcakes ni LYKA!!!!!!!!" biglang sigaw ni
Brett ng sumalang na si Alex sa pwesto niya.

"Tumahimik kang Pangit ka!!!!!!" sabay sigaw ng kambal. tumawa naman ng malakas si
Brett.

Napailing na lang ako, at sinali pa ako sa kalokohan ni Brett. Binabawi ko na ang


sinabi kong ang tahimik niya.

"Hoy Alex, galingan mo wala tayong cupcakes niyan pagnatalo ka ngayon."

"Alam ko, hoy."

Natawa naman ang mga manonood sa kakulitan ng kambal.

In the end, nanalo pa rin sila.


Papunta kami ngayon sa Soccer field para panoorin ang laban ng RDA sa semifinals
hindi ko pa alam kung sino ang makakalaban nila, ang alam ko lang waiting ang
Wilson sa Finals.

Simula pa dati ang Wilson Academy na ang matindi namin kalaban tuwing palaro.

Pinagitnaan ako ng kambal, habang nagchicheer na may cupcakes daw sila at si Brett
ang wala kasi hindi raw siya ang MVP. natawa na lang ako sa kakulitan nila.

Habang papunta kami doon, hindi mo rin maiiwasan ang tingin nila sa amin lalo na
ang nakakamatay nilang tingin sa akin. Lalong lalo na ng mga kaschoolmates ko.

Pagdating namin sa soccer field tie ang series 1-1.

Matindi ang depensa nila at pati na ang kalaban.

Isisipa na sana ni lance ang bola pero naagaw ito ng kalaban.

"GO!!! LANCE!!!" - Stephanie

"Ang ingay mo." -jason, pero inirap lang siya ni Steph.


"Hoy!! Lance!! hinayaan mong agawin ka ng bola!?" -sigaw ni Brett.

"Matatalo ka niyan." - Alex

"At hindi mo makakalaban ang Wilson." - Allen

"At hindi mo siya matatalo ulit."- Both twin.

Napatingin sa gawi namin si Lance.

Ewan ko ba ng makita niya kami bigla siyang tumakbo ng mabilis at inagaw ang bola.

"WOOOOOOOOH!!!!!!" malakas na sigawan ng crowd.

"Yan ang Lance na kilala ko."- Brett

"Woooh." sigaw naman ng kambal.

Tumakbo siya, at binigay niya ang bola kay Jake na dinipensa naman ito at pinasa
ulit kay lance then
"GOAL!!!!! another goal for red dragon academy!!"

malakas ang sigawan sa field.

tinaas ni Lance ang kamay niya, sabay appear kay Jake.

Tinignan niya ang pwesto namin at binelatan kami.

o sa akin??

***********************************************************************************
************

- miemie_03

Chapter 24 - Sports Fest (Last Day)

Chapter 24 - Sports Day (Last Day)

- Lance POV-
Andito kaming lahat sa bleacher para panoorin ang Championship game ng Archer Club
Women Division. At ang makakalaban nila ay ang Wilson Academy, ang mortal naming
kalaban.

"Bakit andito ka Kuya? hindi ba kayo magpapractice? di ba may game pa kayo mamayang
hapon sa Wilson Academy?" takang tanong sa akin ni Brenda.

"Pagkatapos ng game na ito saka kami magpapractice. At tsaka mananalo kami mamaya
Brenda, huwag kang mag alala." sabi ko sa kanya habang nakatingin sa bench ng mga
player.

Pinapanood ko ang kilos ni Nerd.

Kinakausap niya ang mga kasama niya.

"Huwag mong masyadong titigan baka matunaw si Lyka, Lance." biglang sabi ni Brett
kaya napatingin ako sa kanya.

"Sinong tinitigan ko? yung nerd na yun? ang pangit nga nun tapos tinitignan ko?"
sabi ko sa kanya.

"Sige lang. Kunwari wala akong nakita Lance. Pagpatuloy mo na ang pag titig mo."
sabi niya sabay tawa ng malakas.

"Waaaah!! kambal makikita na natin kung paano maglaro si Lyka." naeexcite na sabi
ni Alex.
"Tama kambal. makipaglaban tayo sa kanya pagkatapos ng game nila." sabi naman ni
Allen.

Ang ingay nilang dalawa kaya pinagtitinginan kami ng mga tao.

"Nga pala, hindi pa natin napapanood si Lyka maglaro. Di ba Lance?" biglang tanong
sa akin ni Jake. Kaya tumango lang ako bilang sagot.

"Ehh kasi laging huli kung maglaro si Lyka, at tsaka napanood na namin siyang
maglaro nung semifinals, kasi nga lang ikatatlo siya that time." sabi naman ni
Steph. Bigla itong tinignan ang kasama nilang lalaki na Jason ata ang pangalan
kasama din niya ang mga classmate nila. "Kayo? napanood niyo na siyang naglaro??"

Nagtinginan sila tapos. "Yup, napanood na namin."

"Kaya nga Idol namin si Nerd ehh. ang galing niya." sabi nung isa nilang kasama
tapos nag agree naman sila.

"Let's start the game between the Red Dragon Academy and Wilson Academy.
Championship game. 1st game Isabel Santos from Red Dragon Academy vs Marjorie
Arquiza from Wilson Academy." biglang sabi ng emcee. pumunta na ang mga players sa
kanilang pwesto.

Unang titira ang WA (Wilson Academy) 70 meters ang layo ng first target nila.

Ng tumira na siya.

"10 points from Wilson Academy!!!" emcee. Nagcheer naman ang mga taga Wilson
Academy.

ng tumira naman ang RDA.


"10 points from Red Dragon Academy!!!" emcee. Nagulat kami (Brenda) sa biglang
pagsigaw nila. (Brett, ang kambal, Steph at ang mga kasama nilang lalaki), syempre
nangunguna ang magkapatid.

Haggang natapos na ang 4 games.

Last game na. At ang total score ay 118 - 119. At nangunguna ang Wilson Academy ng
isang puntos. Kaya ang tahimik ng mga manonood.

"Here we go, our last game for this year Sports Fest from Red Dragon Academy Lyka
Naomi Jane Cruz and Cassandra Takaya from Wilson Academy. And not only that, both
of them are Team Captain. What a great battle to see this year. Good Luck
Captains!!!" sabi naman ng emcee kaya nagwala na naman ang mga audience.

tsssss.

=______=

ang tagal magstart.

"First target. 90 meters. Wilson Academy."

Unang tumira ang taga Wislon. at ng bitawan na niya ang palaso.

"10 points for Wilson Academy." biglang sabi ng emcee. kaya nagkagulo naman ang mga
taga WA.

Si nerd naman ang titira.


first time ko siyang makitang maglaro lalo ng makita siyang seryoso.

ng bitawan na niya ang palaso.

"10 points from Red Dragon Academy." syempre sumigaw din ang kasama ko.
=____________= ayaw magpatalo sa kabilang school, kahit sa pagcheer.

pero bilib din ako sa kanya kasi kahit malabo siya kaya niya tumira ng 90 meters
ang layo?

- Lyka POV-

last shot na namin ngayon.

at pareho kaming nakakuha ng 20 points.

pag pareho kami naka 30 points dito talo pa rin kami. at 110meters din ang layo ng
target namin

naku naman.

"Sorry RDA, this championship will be ours to kerp" sabi niya sabay bitaw ng palaso
niya.
"8 points for Wilson Academy. Not bad."

Ng ako na ang sumunod pinokus ko ang palaso sa target.

Tapos tinignan ko siya na nakangiti sa akin.

Ngumiti rin ako sa kanya.

"Sorry.. *sabay bitaw sa palaso* kami ang mananalo." sabi ko sabay baba ng pana ko
at tinalikuran siya.

"1-1-10 Points for Red Dragon Academy!! Unbelievable!!! Ladies and Gentlemen she
shot 30 points for this game!!and the champion for this year Sports Fest is RED
DRAGON ACADEMY!!!" sigaw ng emcee. at nag hiyawan naman ang mga manonood habang
nakatingin ng masama sa akin ang Captain ng Wilson Academy.

Pagdating ko sa bench namin.

"Ang cool mo Captain.!!!"sabi ng isa kong kateam mate.

"Oo nga Captain"

"Waaaah, panalo tayo guys panalo tayo!!!


"Nakita niyo yung mukha ng Captain nila!?? hahahahahaha buti nga sa kanya ang
yabang kasi."sabi ni Ate Isabel.

"Tama, akala niya matatalo ka niya, hindi ba niya alam na 110 meters ay parang 70
meters lang yan kay Captain." agree naman ng mga kasama ko.

Natawa na lang ako sa kanila.

Pagkatapos namin magpahinga dumiretso na kami sa Soccer Field, para panoorin ang
Championship Game ng RDA at ng WA.

Pagdating namin doon nakita namin sila Brenda, Steph at ang apat sa S6.

"Nagsimula na?" tanong ko sa kanila ng makalapit na kami (Archers Club members).

"Waaaah. Lyka, congrats!!!" sabi ni Steph at niyakap ako ng mahigpit.

Ngumiti ako at "Thank you".

"Ang cool mo doon Lyka." biglang sabi ni Allen na tumabi agad sa akin sa kanan.
"Tama, akalain mo yun hindi mo tinignan ang target ng bitawan mo ang palaso. That
was cool!!!" sabi naman ni Alex na bigla nalang sumulpot sa Kaliwa ko.

"Paturo naman ako nun, Lyka. Para magmukha rin akong cool." sabi naman ni Brett na
ngayon ay nasa harapan ko na.

napatawa na lang ako sa kanila. Ang kulet nila.

"Pwede ba padaanin niyo muna si Lyka, at pagod yan sa game niya. kaya tabi tabi."
pagtataboy ni Steph sa kanila at hinila naman ako ni Brenda papunta sa pwesto niya.

Tinignan ko naman si Andrew na nasa likuran ni Brenda.

"Congrats." ngumiting sabi niya.

"Thanks"ngiting sabi ko sa kanya.

Nagulat ako ng pinalibutan siya nila Brett na nasa harapan niya at ang kambal na
nasa mgakabilaan niya.

"Ngumiti ka."Brett

"you just smile" Allen


"Its a miracle"Alex

Biglang sumimangot si Andrew na nakatingin sa kanila

Umiling nalang ako, pati ba naman ang ngiti ni Andrew big deal sa kanila.

Tinignan ko ang field. Kanina pa pala nagsisimula ang game. 1-1 ang score.

Nag aagawan ng bola si Lance at yung taga Wilson na number 11 ang jersey niya. Pero
yung bola ay nasa WA.

Ng sipain nung naka Jersey number 11 ang bola. muntik ng pumasok sa goal buti na
lang lumampas siya kaya tumakbo ito papunta sa kabilang field.

Tinignan ko si Unggoy.

Bakit siya nakasimangot. Di ba dapat masaya sila kasi hindi pumasok ang bola.

"Ganyan talaga si Lance. matagal na niyang mortal na kaaway si Tyron ng taga Wilson
sa Soccer yung naka jersey number 11." sabi ji steph

kaya napatingin rin ako sa jersey number 11.


na nakatingin sa gawi namin at ngumiti.

"Ahhhhh" biglang sigaw ko nung may naalala ako.

"Bakit lyka??" nag aalalang tanong ni Steph

S-siya yung lalaking nabangga ko nung unang araw sa sobrang pagmamadali ko.

***********************************************************************************
*********

- miemie_03

Chapter 25 - Meet Tyron James Araneta

- Tyron POV -

Pangalawang araw na ng Sports Fest at dito sa Red Dragon Academy ginanap ang
activity na ito. Hindi ako pumunta kahapon kasi wala naman kaming game that day.

Nga pala, I'm Tyron James Araneta, 18 years old nag aaral sa Wilson Academy. 1st
year college taking up BS Business Management.
Papasok na ako ng RDA, at may dalang mga gamit para sa mga kateammate ko,
nakalimutan kasi nilang dalhin since napakabait kong, Captain ako na ang nagdala,

Ng biglang may bumangga sa akin na babae, at mukhang nagmamadali kaya nahulog ang
mga dala kong gamit.

"Hala! I'm sorry hindi ko sinasadya, nagmamadali kasi ako." sabi nito habang
tinutulungan akong pulutin ang mga gamit na nasa sahig ngayon.

"Hindi okay lang."sabi ko, baka may game siya ngayon kaya nagmamadali, at
naintindihan ko naman siya kahit papaano.

Ng napulot na namin ang mga gamit ko inabot niya sa akin ang mga iba ko pang gamit.

"Heto oh. Sorry talaga, hindi ko talaga sinasadya." sabi niya habang binibigay ang
mga gamit ko.

Napatingin ako sa kanya.

"Ahmm. Heto ohh" sabi niya, kaya kinuha ko yung mga gamit ko mula sa kanya.

"Yes, thank you. Baka may laro ka, kaya ka nagmamadali." sabi ko ng makuha ko na
ang mga gamit ko.

"Oo nga ehh. Shoot!! yung game!! Sorry talaga, sige mauuna na ako." sabi nito at
tumalikod na sa akin at tumakbo.
"Ahmm. GOODLUCK!!!" sigaw ko, na sana marinig niya.

"THANKS!!" sigaw niya.

Kailan ko kaya siya makikita ulit?

"Hoy! Captain anong tinitignan mo dyan.?" biglang sabi ng isa sa mga kateam mate ko
at isa rin sa mga kaibigan ko.

"Wala. Bakit pala kayo andito? nagwarm up na ba kayo?" tanong ko sa kanya habang
tinulungan niya ako sa mga dala ko. Si Adrian.

"Ang tagal mo kasi Captain, kaya sinundo ka na namin." sabi naman ng isa ko pang
kasama na si Cris.

"Ba't ka nga pala nakatayo dyan? Sino yung babaeng kausap mo kanina?" tanong ni
Adrian.

"Wala, nabangga lang niya ako at tinulungan sa mga gamit na nahulog." sabi ko
habang papunta kami sa soccer field. May laban kasi kami ngayon.

"Ahh, yung magandang babae kanina." sabi naman nung isa naming kasama na Chick boy.
basta babae na ang pag uusapan nagiging active.
"Yup, mukhang may laban kaya nagmamadali." sabi ko.

"Siguro nga, hahahah anong sports kaya ang sinalihan niya? gusto ko tuloy makita
yung babaeng nagpapatigil kay Tyron." sabi naman ni Cris sabay akbay sa akin.

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Cris. Kaya napatingin ako dito.

"Anong ibig mong sabihin?" takang tanong ko.

Tinignan naman niya ako at ngumisi.

"Halata ehh. Okay lang yan Captain. Susuportahan ka namin." sabi naman ni Cris
sabay akbay sa akin.

"Kung gusto mo ng advice lumapit ka lang sa akin." sabi naman ni Adrian sabay
kindat.

Napailing na lang ako sa mga kaibigan ko.

Nakalipas na rin ang ikatlong araw pero hindi ko siya nakita.

Kaya habang naglilibot ako sa field ng Red Dragon Academy nagbabasakali na makita
ko siya.

Hindi naman ako nabigo kasi nakita ko siya sa bench ng Archery Competition.
So marunong siya sa archery.

Tapos na ang laban pero hindi ko siya nakitang lumaban.

Tinignan ko lang ang bawat galaw niya kasama ang mga kaibigan niya, pero hindi ko
inaasahan na kaibigan din pala niya ang isang Lance Montellier.

Umalis si Lance sa grupo at nakita niya ako kaya pumunta siya sa direksyon ko.
Sumunod naman si Jake.

Yeah, kilala ko sila.

Ang S6 ng RDA.

"Anong ginagawa mo dito?" seryosong sabi niya sa akin.

"Bakit? bawal na ba ako dito?" tanong ko sa kanya.

Pero tinignan lang niya ako ng seryoso, at umalis na rin.

Dumaan si Jake sa akin tinanguan niya lang ako, ganun din ako sa kanya. Bago
sumunod ito sa Captain nila.
Tinignan ko muli siya, bago umalis ng tuluyan.

Next day, nakita ko na naman siya. Nanonood siya ng game nila Lance. Kasama ang
kaibigan niya.

Tinititigan ko lang siya.

"Captain, hinay hinay lang baka matunaw." biglang pagsulpot ni Cris sa kung saan
sabay akbay sa akin.

"Gago!!" sabi ko sa kanya.

Natawa lang sila.

"Nga pala, ang pangalan niya ay Lyka Naomi Jane Cruz, kilala siya bilang Campus
Nerd ng RDA, at Team Captain sa Archery Club Women Division." sabi naman ni Adrian.

"Alam ko na ang pangalan niya, pero hindi ko inakala na siya pala ang Captain sa
Archery Club dito." sabi ko kay Adrian habang nakatingin pa rin sa kanya na
nagkikipagusap siya sa mga kaibigan niya.

"Dapat ganyan Captain, dumadamoves ka hindi yun naghihintay ka ng blessings." sabi


naman ni Cris.
Natawa na lang ako sa mga trip nila.

Natapos na ang game kaya ang RDA ang makakalaban namin sa Finals.

Siguro makikita ko ulit siya bukas.

In the next day. nalaman ko na Championship din nila, kaya pinanood ko ang laban
niya, na laban din sa school namin.

Hindi ko inaasahan na magaling pala siya mgalaro , at sila na naman ang champion sa
taon na ito.

Dumating na ang laro namin, hinanap ko siya habang nag wawarm up kami, pero hindi
ko pa siya nakita.

"Captain, concentrate ahahaha." sabi ni Cris.

"Don't worry dadating ang inspirasyon mo."sabat din ni Adrian.

Tumawa lang kami ng mga kasama ko sa sinabi ni Adrian.

Ilang minuto rin nakalipas at 1-1 score na kami.At nasa akin ang bola bilang
opensa.
"Hinay hinay lang Cap, masyado kang seryoso." natatawang sabi ko kay Lance.

"Tumahimik ka Araneta." sabi nito habang dinedepensahan ako.

Sinipa ko na ang bola ng malapit na ako sa goal, pero sayang hindi pumasok.

Ng umikot ako, nakita ko siya. Nakatingin siya sa pwesto namin kaya napangiti ako
habang nakatingin sa kanya.

At tumakbo na sa kabila para sa depensa.

"Naks, Captain abot tenga ngiti natin ha?" sabi naman ni Cris sa tabi ko.

"Sino hindi ngingiti kung nakita niya na ang inspirasyon ng buhay niya. Inspired na
si Captain!!" biglang sigaw ni Adrian.

Umuling lang ako at tinignan ulit siya. Nakatingin siya sa pwesto namin. Mukhang na
mumukahan na niya ako. Kaya ngumiti ako pabalik.

Natapos ang game. 4-3 ang score. Talo kami.


"Okay lang yan Captain, matatalo rin natin sila next year."sabi ng isa sa mga ka
team mate ko.

"Tama, may advantage tayo kasi sa school na natin igaganap ang sports fest." sabi
din ng isa pa.

"Alam ko kaya dobleng ensayo rin tayo." sabi ko sa kanila.

"Yes Captain" sigaw din nila.

Tinignan ko siya. andun siya ngayon sa bench ng RDA.

Tumingin siya sa gawi namin, at ngumiti rin. Ngumiti rin ako.

***********************************************************************************
************

-miemie_03

Chapter 26

Chapter 26

-Third Person POV-


Kakatapos lang ng Sports Fest nila at Overall Champion ang Red Dragon Academy at
1st runner up lamang ang Wilson Academy. Kaya naman balik klase na ang mga
estudyante.

"Kyaaaa!!! Lance be my boyfriend"

"Lance my loves"

Naglalakad si Lance sa corridor papuntang private room nila. Hindi niya pinapansin
ang mga tao sa palagid lalo na ang mga babae sumisigaw sa pangalan niya. Wala kasi
ito sa mood.

Pagkarating niya sa PR agad itong humiga sa couch.

"Good Morning!!!!" biglang sigaw ng De Guzman twins pagkapasok pa lang nila sa PR.

"Yo!" bati ni Brett habang nagdadart sa isang dulo.

"Morning" sabi naman ni Jake habang kaharap ang laptop nito.

At si Andrew naman nasa stool nagbabasa na naman.

At ng mapansin nila si Lance na nasa couch nakahiga, kaya nilapitan nila itong
dalawa.

"Yo, Lance. You okay?" sabi ni Alex

"I think not." Sabi naman ni Allen at nagkatinginan ang dalawa tapos tumawa ng
malakas. Kaya napabangon si Lance.

"What the--- kung gusto niyong mangtrip humanap kayo ng iba at huwag ako. Gusto
niyo bugbugin ko kayo. Just say so." Naiinis na sabi ni Lance.

Napataas naman ang dalawang kamay ng kambal na parang sumusuko habang ngumingisi.

"No thanks." Sabay nilang sabi.

"I think kaya siya badtrip dahil may kinausap si Lyka na lalaki nung Friday." –Alex

"Not just any boy. It's none other than Tyler James his rival." –Allen

Nagbubulungan ang dalawa habang naglalakad patungo sa kusina. Nagkatinginan sila


sabay sabing

"He's Jealous! "tapos tumawa ng malakas. Ng maramdaman nila ang dark aura ni Lance
ay agad naman silang tumakbo sa kusina.

"BUMALIK KAYO DITO YOU, SON OF THE BITCH!!!" galit na sigaw ni Lance.

"Anak kami ni Mommy and Daddy!!!" sigaw naman ng kambal mula sa kusina.

Tumawa lang si Brett, at pumunta sa kusina naki pag apir sa kambal.

"Good job. You just pissed him off." Sabi nito at tumawa na naman.
Napailing nalang ang dalawa pa nilang kasama sa kakulitan ng tatlo.

Habang si Lance ay umalis sa PR.

Habang si Lyka naman badtrip din at nasa garden sila ngayon. Kasama si Brenda at
Steph.

-Lyka POV-

Nakakainis talaga yung lalaki na yun.

"Hey, galit ka pa rin ba kay Lance?" tanong ni Steph. Tinignan ko lang siya at
sumimangot.

"I don't think Kuya will do that. Hindi naman yun siya basta mangingialam,
unless.." sabi ni Brenda at nagkatinginan sila ni Steph. Na para bang nag uusap
sila gamit ang mga mata nila.

"Unless, what?" tanong ko.

Tumingin sila ulit sa akin. At ngumiti ng nakakaloko take note silang dalawa ni
Brenda.

"What?" bigla akong kinabahan sa mga ngiti nila.

"Nothing" sabi ni Brenda at balik ulit sa pagbabasa.

"Seriously Lyka. Ang manhid mo." Sabi naman ni Steph

What!!?? Ako pa ang manhid ehh, hindi ko nga alam kung ano tinutukoy nila

"Just say it, Steph"sabi ko.

"It's for us to know, and for you to find out."Sabi nito habang tinuro pa ako.

-______________-

Ang daming alam.

Ay basta. Huwag siya magpapakita sa akin ang bastos niya.

Unggoy nga pala yun kaya pala ang pangit ng ugali, tapos kung ano anong pang
sinasabi kahit papaano tao rin ako, nasasaktan. Wala siyang alam tungkol sa akin
tapos sasabihan niya ako ng ganun.

Dapat lang sa kanya yun noh.

Alam niyo kung kanino ako galit?

Yup, kay Lance Monkeyllier.Why?

Eto kasi nangyari.

-Flashback-

Natapos ang game at panalo ang team namin. 4-3 ang score well for me close fight
ang nangyari kasi magaling din ang Wilson Academy lalo na yung number 11.

Lumapit kami sa bench nila Unggoy (Lance) para icongratulate. Ng makarating kami
dun napatingin ako sa kabilang bench. Nakatingin sa direksyon namin yung number 11.
Ngumiti ito sa akin. Kaya ngumiti din ako sa kanya.

"Hey! Lyka.Are you okay?" napatingin ako kay Steph ng kausapin niya ako.

"Yeah."

"Let's go. Andun na sila sa open stage para sa awarding" sabi nito sa akin.

"Mauna na kayo dadaan muna ako sa CR." Sabi ko.

"Okay, be sure na makakahabol ka." Sabi ni Steph. Kaya tumango ako.

After 5 minutes. Naglalakad ako papuntang open stage ay nakasalubong ko yung number
11.

"Hey!" sabi nito sa akin at ngumiti.

"Hey, ahmmm..nga pla congrats kanina." Sabi ko kahit medyo nahihiya pa ako since
nung nagkabungguan lang kami nagkita.

"Thanks.. Pero talo pa rin." Sabi nito sabay kamot sa batok nito na parang
nahihiya.

"Win or not. You still played a good game. And its a close fight." Sabi ko sa kanya
at ngumiti, ngumiti naman ito sa akin.

"Nga pala, I'm Tyler James Araneta. But you can call me TJ if you want."Sabi nito
at inilahad ang kamay para makipagshake hands.

Kaya tinanggap ko naman.

"Naomi Lyka Jane Cruz. Just call me Lyka." Sabi ko then nagshakehands kami.

"jkhlkhjk" may sinabi ito pero hindi ko narinig kaya hindi ko nalang pinansin.

Magsasalita pa sana ako, ng may humiwalay sa pagkakawak naming since hindi pa


naming binitawan ang kamay namin mula sa pagkakashakehands.

Ng tinignan ko kung sino ito nagulat ako ng Makita si Lance sa gitna namin ni TJ.

Tinignan naman ako ni Lance, medyo napaatras ako kasi ang sama ng tingin nito sa
akin with matching dark aura pa sa paligid niya anytime pwede siya mag evolve from
monkey to gorilla.

"Kanina ka pa hinahanap nila Stephanie, andito ka lang pala nakipaglandian sa


lalaking ito." Sabi nito kaya nagulat ako sa sinabi niya, ako nakipaglandian?

Buti na lang walang estudyante sa hallway kasi andun sila sa open field lahat.

"Montellier, don't just conclude from what you see. " sabi ni TJ. I know he's
protecting me from this monkey infront of us.

Yeah. Unggoy siya

"Gusto mo itong pangit na ito? (sabay turo sa akin)hindi ko alam na bumababa na ang
taste mo sa isang babae. (at tumingin ito sa akin) hindi ko rin inakalang may
tinatago ka palang landi sa likod ng eyeglasses mo."Sabi nito nak
ikinabigla naming dalawa.

Susuntukin sana siya ni TJ kaya lang pinigilan ko.

Mukhang nagulat sila pareho sa ginawa ko pero mas nagulat sila ng

*SLAAAAAAAAAAAAAAAAP*

Sinampal ko si Lance.As in sobrang lakas namanhid nga kamay ko sa sobrang kapal ba


naman ng pagmumukha niya, at natingin si Lance sa side dahil sa sampal ko.

"You Bit—" hindi niya natuloy ang dapat sana niyang sabihin ng makita niya akong
umiyak.

Tapos tumakbo papalayo sa kanila.

Pag kasama ko si Lance o hindi kaya pag may sinabi siya sa akin na nakakasakit na
salita lagi na lang ako napapaiyak. Hindi ko na sana pinansin sanay na ako ehh. Sa
tatlong taon na pagbubully sa akin hinayaan ko lang naman sila, pero bakit pag
dating sa kanya nagagalit ako ng sobrang sobra.

Nakarating na ako sa open field, andun sila lahat including him. Pero hindi ko siya
pinansin na, parang wala siya dun sa grupo nila Andrew.

"Bakit ngayon ka lang, kanina pa nag uumpisa mabuti nalang susunod pa yung awarding
sa Archery." Sabi ni Steph.

Ngumiti ako ng pilit, ayaw kong mag away na naman sila ng dahil sa akin, nalaman ko
kasi na nag away sila Brenda, Steph at yung unggoy na yun ng dahil sa akin.

"Nagutom kasi ako kaya dumiretso muna ako sa canteen para kumain." Sabi ko kahit
pumunta ako sa garden.

"You sure?" tanong naman ni Brenda. Tumango lang ako. Tinignan ko si Andrew ng
mapansin kong tumingin ito sa akin. Ngumiti ako sa kanya, pero seryoso niya lang
ako tinitignan.

-End of Flashback-

Pero sinabi ko pa rin sa kanila yung totoong reason kung bakit ako natagalan, dahil
yun kay Jason nakita niya ako, at nung nakita niya kami sa open field that day
tinanong niya kung okay na daw ba ako kaya naman kinausap ako ng dalawa.At humingi
rin ng tawad si Lance ng ikinagulat nila Steph.Pero umalis pa rin ako kaagad.

"Hay naku. Bahala na nga sa kanya, You know what Lyka, don't mind that jerk
(tinignan niya si Brenda) sorry, I just insult your brother."Sabi nito.

"No, I don't mind because he really is a jerk."Sabi nito sabay lipat ng page.

Napailing na lang ako. Tinignan naman ako ni Steph.

"Pero pwede patawarin mo na, hindi naman sa kinakampihan ko siya. Nakakainis na


kasi siya."Sabi nito.

Nagtaka naman ako.

"At bakit naman? Anong konek ng pagpapatawad ko sa kanya ang pagkainis mo sa pangit
na yun?" Takang tanong ko.
"Nung weekends, para siyang babaeng nag-PMS. Ang moody niya, lahat nalang
pinapagalitan niya, kahit ang mga katulong nila sa bahay na wala naman kasalanan
pinapagalitan niya."Sabi nito.

Nagulat naman ako sa sinabi ni Steph. Gorilla na nga siya. Grabe naman siya.

"At bakit ako kasali? Kasalanan ko ba kung bakit siya moody?"

"Yes!!"

"And why?"

"Seriously Lyka? Sometimes your slow. Kasi nga hindi mo siya pinatawad sa sorry
niya that day. Kaya ayun badtrip, try mong kausapin baka bumalik yun sa dati."

Kaya sa sumunod na araw pumunta kami sa PR, at kinausap ko siya. After naming mag
usap the other day. Bumalik ulit ito sa dati.

=________=

At gaya rin ng dati iniinis ako.

"Hoy. Nerd dalhin mo nga ito sa kusina."

"Hoy! Unggoy. Hindi mo ako maid!!" Inis na sigaw ko sa kanya.

***********************************************************************************
************

-miemie_03

Chapter 27 - Getting to know her

Chapter 27 - Getting to know her

-Lyka POV-

It's been months na mula nakilala ko sila Steph and Brenda at ang buong S6, na dati
hindi ko sila kilala at ni anino hindi ko pa nakita.

At dahil sa kanila, ang akala kong sa huling taon ko sa RDA ay magiging tahimik
lang ang buhay ko, pero pinasaya nila. Kaya masaya ako, kahit madami pa rin
masamang nakatingin sa akin at kung ano ano pang sinasabi nila tungkol sa akin
binalewala ko na lang.

Weekend ngayon at wala kaming pasok. Naglalakad ako papuntang park malapit sa amin
ng masalubong ko ang unggoy na may kausap na babae, ilang minute nakalipas tumakbo
ang babae habang umiiyak.

=_________=

Teka, parang ganito rin yung scene nung una ko siyang nakita.

Napansin niya ata na nakatingin ako sa kanya.

Naglakad ito papalapit sa akin.

"Hindi ko alam na istalker na pala kita ngayon , Nerd. Hanggang dito ba naman
sinusundan mo ako." Sabi nito habang nakangiti ng nakakaloko.

=______=

"Hindi ka lang pala pangit, filingero ka rin pala, ang hangin mo pa. Ako
magkakagusto sayo? ASA!! At hindi kita gusto."

Mukhang na offend ito sa sinabi ko, siguro hindi matanggap ng pride niya na hindi
lahat ng babae may gusto sa kanya.

"At sino ang gugustuhin mo? Si Andrew, o yung pangit na si Araneta?" sabi nito

"At bakit sila nasali sa usapan natin? Ewan ko sayo, wala kang kwentang kausap."
Sabi ko at nilampasan sya.

Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad ko ng mapansin kong sumusunod ito sa akin, pero
hindi ko na lang pinansin baka kasi nagkataon lang na pareho lang kami ng daan.

Ilang minuto na ang nakalipas pero nasa likuran ko pa rin ito, kaya hinarap ko
siya.
"Sinusundan mo ba ako?" sabay taas ng isa kong kilay.

Tumawa lang ito sa sinabi ko.

"Anong nakakatawa?" inis na sabi ko.

"Ikaw!! Hindi ka lang pala pangit, assumera ka rin pala, ako? sinusundan ka? Huwag
ka ng feeling dyan. Pareho lang tayo ng dinadaan." Sabi nito

Tinignan ko siya ng matalim at tinalikuran bago pinagpatuloy ang paglalakad.


Napansin ko na sumunod parin siys.

Napangisi ako na may naisip akong paraan para mahuli ko siya.

Higit isang oras rin kami naglalakad.

Yup, kami!! Kasi hanggang ngayon sinusundan pa rin niya ako.

Ng makarating kami sa park.

Actually hindi naman siya malayo, nasa harapan nalang naming yung park kanina, pero
umikot ako kaya 1 oras talaga ang inabot namin sa paglalakad.

"What the-! isang oras ang nilakad natin tapos dito lang pala ang bagsak. Ang lapit
na lang nun kanina ehh." inis na sabi niya.

Tinignan ko siya.

"Akala ko ba hindi mo ako sinusundan? Ehh bakit nagrereklamo ka diyan?" sabi ko at


ngumiti ng nakakaloko sa kanya. Napangiti ako lalo ng pumula ang tenga niya,
mapapansin mo yun dahil maputi siya.
Napaupo na lang ito sa sobrang inis.

Napatawa nalang ako ng mahina

Kung umamin sana siya kanina, edi sana hindi kami napagod sa kakalakad.

Actually kaharap na namin ang park pero naisipan kong umikot muna, hindi ko na rin
kasalanan kung sumusunod siya. hahahaha, napatawa na lang ako ng nakakunot ang noo
nito habang umuupo sa isa sa bench dito sa park.

"Madalas ka ba dito?" napatingin ako sa kanya habang nasa isa ako sa mga swing.
Nililibot niya ang mga tingin niya na parang tinignan ang buong park sa lugar
namin.

"Every sunday." sabi ko, nagswiswing ako habang nakatingin sa lupa.

"This place is....plain." sabi nito kaya napatingin ako sa kanya bigla at tinignan
siya ng masama napansin naman niya ang matalim kong tingin sa kanya.

"What?" walang gana niyang sabi.

"If ayaw mo dito, feel free to leave at tsaka walang humihingi ng opinyon mo about
sa park na ito. Palibhasa lumaki kang mayaman kaya hindi mo alam kung gaano ito
kahalaga sa amin." galit na sabi ko sa kanya. Nakakainis na kasi siya.

"S-So-Sorry" sabi niya tsaka tumingin sa side niya na parang nahihiya.

"O-Okay lang."

Magsasalita pa sana siya ng may biglang sumigaw sa pangalan ko.

"Ate LYKA!!!" sigaw ng maliliit na boses kaya napatingin ako sa mga batang
tumatakbo patungo sa direksyon ko. Masaya ko naman silang sinalubong.
Niyakap nila akong lahat kaya napaupo ako sa lupa habang tumatawa.

"Mga bata, tama na yan. Tignan niyo si Ate Lyka napaupo na lang sa lupa." sabi ni
Sister Sara

"Opo!!' natatawa nilang sabi at lumayo konti sa akin.

Tumayo ako at pinagpag ang mga dumi sa damit ko.

"Sige na, maglaro na kayo sa playground" sabi ni naman ni Sister Lyn. At sinamahan
ang mga hyper na bata sa playground.

Nilapitan ako ni Sister Sara.

"Kamusta naman po ang mga bata, Sister Sara?" tanong ko sa kanya.

"Okay naman sila. Medyo malungkot pa rin may umanpon na kasi kay Sky. " malungkot
na sabi ni Sister Sara. Kahit ako medyo nalungkot, at the same time masaya na rin
dahil magkakaroon na siya ng pamilyang mag aalaga at magmamahal sa kanya.

"Sige, Lyka hija. Sumunod ka doon sabik na sabik ang mga bata ng makalaro ka
ngayon." sabi naman ni Sister Sara sa akin.

"Sige po. Sister" sabi ko. naglakad naman ito papunta sa playground.

Tinignan ko lang ang mga batang masayang naglalaro sa playground ng may napansin
akong tumabi sa akin. Ng tinignan ko ito medyo nagulat ako ng makita si lance.

Medyo nakalimutan ko din na kasama ko pala siya sa park ngayon. Nakatingin lang ito
sa mga bata kaya tumingin ulit ako sa kanila.

"Sila ba ang tinutukoy mo kanina?" tanong nito sa akin.

"Oo. mga ulila na sila...gaya ko. Pero naulila ako nung 11 years old ako, hindi
kagaya nila na, ang iba sa ampunan na lumaki sa kanila, kaya napamahal ako sa
kanila. Every sunday lagi sila dito dinadala nila Sister Sara at Sister Lyn, kaya
andito rin ako para makipaglaro sa kanila. Nalulungkot ako para rin ako kasi hindi
man lang nila naranasan magkaroon ng masayang at kumpletong pamilya, bata pa lang
pinagkait na sa kanila. Pero alam natin na ang lahat ng ito ay may dahilan at ang
Diyos lang ang nakakaalam." sabi ko.

Tumakbo ang ibang bata sa direksyon namin.

"Ate Lyka, tara laro na tayo." sabi nila, habang hinihila nila ako papuntang
playground. Napatawa naman ako sa kakulitan nila.

-Lance POV-

""Oo. mga ulila na sila...gaya ko. Pero naulila ako nung 11 years old ako, hindi
kagaya nila na, ang iba sa ampunan na lumaki sa kanila, kaya napamahal ako sa
kanila. Every sunday lagi sila dito dinadala nila Sister Sara at Sister Lyn, kaya
andito rin ako para makipaglaro sa kanila. Nalulungkot ako para rin ako kasi hindi
man lang nila naranasan magkaroon ng masayang at kumpletong pamilya, bata pa lang
pinagkait na sa kanila. Pero alam natin na ang lahat ng ito ay may dahilan at ang
Diyos lang ang nakakaalam." sabi niya.

Nagulat ako sa sinabi niya.

Ulila na pala siya?

Tama nga sila Steph, wala nga akong alam.

May tumakbong mga bata patungo sa direksyon namin at lumapit ito kay nerd.

ermmm. hindi pa ako sanay tawagin siya sa pangalan niya.

"Ate Lyka, tara laro tayo." sabi nila, tapos hinihila nila si Nerd. Napatawa na
lang ito

Tinignan niya ako tapos may binulong siya sa mga bata. Tinignan naman ako ng mga
bata tapos nilapitan.

"Kuya monkey tara sali ka." napasimangot naman ako sa tinawag nila sa akin. At
tinignan ng masama ang tumatawa na nerd kasama ang ibang bata na lalaki, ang
lumapit kasi sa akin ay yung nasa 4-5 years old na mga bata.

"Sige laro tayo, pero hindi monkey ang pangalan ko kung hindi lance, kaya itawag mo
sa akin ay Kuya Lance okay?"

tumango naman ang mga bata.

Halos 5 oras kami nakipaglaro sa mga bata.

At ngayon ko lang nakita kung gaano masayang nakikipaglaro si Nerd sa mga bata.

I think dapat na ako masanay na tawagin siya sa pangalan niya.

Ilang sandali tumakbo ang mga bata at

Lumapit sila sa isang

Kariton??

Teka, kariton ba yun.

Lumapit na rin ako.

Pagkalapit namin sa may kariton may binebenta itong puting bola.

at kinakain ito ng mga bata.

Teka hindi ba sila ma food poison niyan??

Mukhang napansin ata ko ni erm Ly-Ly-Ly.. Nerd

"Gusto mong kumain." sabi nito na medyo ngumunguya pa.


Then tinusok niya yung puting bilog sa stick tapos nilagay niya sa may garapon na
may sauce ata.

Then, binigay niya sa akin

"Are you out of your mind!!? pano pag may lason yan? may pambayad ka ba pang
hospital ko, o hindi kaya pang burol ko" sabi ko sa kanya

=_____________= -siya

Pinagtawanan naman ako nung tindero at sina sister.

"Ang daming arte." sabi nito

Magsasalita pa sana ako ng nilagay niya bigla sa bunganga ko ang puting bola.

Nagulat ako sa ginawa niya.

"Kainin mo, at kung mamatay ka man huwag kang mag alala madaming magluluksang
unggoy." sabi nito sabay kain niya dun sa puting bola.

Ngumuya na rin ako.

hmmmm

hmmmmm

Masarap pala siya.

"Ano?? masarap diba?" sabi niya.


"Hmmmm. Pwede nah!" sabi ko.

"Oo nga ehh, pwede na. Ehh inubos mo lang naman paninda ni Manong. Nahiya naman
kami sayo hindi ka man lang mamigay." sabi nito.

Napatawa na lang si Manong.

Magbabayad na sana si Sister Sarah, pero pinigilan ko siya.

"Ako na ang magbabayad Sister, (tinignan ko ang tindero) magkano pa lahat?" tanong
ko.

"1,200 lahat Hijo."

Kinuha ko ang wallet ko, since I don't have small bills, kumuha na ng 2,000 at
inabot sa kanya.

"Heto pa, sa inyo na po yung sukli Manong."

"Salamat Hijo, malaking tulong na ito. "

"Walang anuman po." at tinignan sila Sister na isa isa ng pinapasok sa sasakyan ang
mga bata, kaya lumapit na ako.

"Sige Lyka, Lance. Salamat sa inyo. Mauuna na kami 5pm na rin" sabi ni sister Sara.

"Sana sa susunod, bumisita naman kayo sa mga bata. Kayong dalawa ni Lance"sabi
naman ni Sister Lyn.

"Huwag po kayo mag alala, Sister. Pupunta po kami." sabi naman ni Nerd.

Tumango lang ako.


"Kuya Lance, laro tayo ulit haa??"

"Oo nga kuya Lance sa susunod laro tayo bahay bahayan. Ikaw ang tatay at si Ate
Lyka ang nanay."

"O sige, maglalaro tayo sa susunod."

"Yehey!!!"

"Sige na mga bata, behave na kayo" Sister Lyn.

Ilang sandali umalis na sila.

Naglalakad na kami ni Nerd.

Ng marating na namin kung saan naka park ang kotse ko.

"Nga pala, Lance. Salamat ngayon ha. Sorry nadamay ka pa sa kakulitan ng mga
bata,." sabi nito sa akin.

"Wala yun. Nag enjoy naman ako. " nakangiting sabi ko sa kanya. Ngumiti naman ito
sa akin.
dub dub

dub dub

dub dub

wait, bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko siyang ngumiti.

napailing ako.

"Okay ka lang?" tanong niya.

"Ahh. O-oo!! okay lang ako. Sige mauna na ako. see you tomorrow" sabi ko saka
pumasok sa kotse at pinaandar na ito.

Ng medyo nakalayo na ako, tumigil ako sa isang kanto at hinawakan ko ang puso ko.

what the??!!

***********************************************************************************
************
-miemie

Chapter 28 - Smiling like an idiot

Chapter 28 - Smiling like an idiot

- Third Person POV-

Its Sunday afternoon ng pumunta ang buong grupo ng S6 sa mansyon ng Montellier para
bisitahin si Lance at anyayahan sanang mag laro ng basketball pero hindi nila ito
naabutan.

"Saan na ba yung magaling mong kapatid? ba't hanggang ngayon wala pa rin siya."
inis na sabi ni Brett kay Brenda na ngayon ay nagbabasa ng libro.

"Ewan. Kasama niyo ako maghapon kaya wala akong alam." walang ganang sabi naman
nito.

"Bored na ako." Allen

"Tara na, huwag na natin hintayin si Lance. " sabi naman ni Alex.

"Maglalaro tayo ng 3 on 3, sige nga saan kayo hahanap ng kapalit niya?" inis na
tanong ni Brett sa kambal. At nagpout na lang ang dalawang kambal sa kanya.

Lumapit naman sila kay Jake na ngayon nagbabasa ng magazine.

"Jake, laro tayo ng xbox sa gameroom ni Lance." sabay na sabi ng kambal sa kanya
tinignan sila ni Jake.

"Kung gusto niyong palayasin kayo ni Lance, pag naabutan niya kayo sa gameroom
niya, alam niyo naman yun kung magalit pag galawin natin ang mga gamit niya ng
walang paalam." sabi nito at natatawang napailing sa kambal na nasa harapan niya
ngayon.

"Ang KJ" padabog na sabi ng kambal sabay lakad papuntang kusina.

6:00pm

Nainip na si Brett sa kakahintay, habang si Brenda naman ay iniwan na ang grupo at


pumunta na sa kwarto niya, si Andrew ay nakahiga pa rin sa couch habang nagbabasa
ng libro, si Jake naman ay nagbabasa pa rin ng mga magazine at ang dalawang kambal
ay kumakain ng snack na dapat sana ay para sa lahat.

Tumayo si Brett.

"Oh, saan ka pupunta?" sabi ni Alex

"Uuwi, ilang oras na ako naghihintay dito wala pa rin yung hinihintay natin." sabi
nito

"Huwag muna, dito muna tayo ang daming pagkain dito sa bahay ni Lance." sabi nman
ni Allen sabay subo ng chocolate cake.

"Bakit hindi mo tawagan, kesa naman nakabusangot yang mukha mo." walang ganang sabi
ni Andrew kaya naman napatawa si Jake.

"Oo nga nuh." sabay na sabi ni Brett at ng kambal.

Ng biglang may pumasok.

"oh, andyan na pala ang hinihintay natin." natatawang sabi ni Jake habang binalik
ang magazine sa lalagyan nito.

Nagulat si Lance ng makita ang mga kaibigan sa sala. Lumapit ito sa kanila.

"Bakit kayo andito?" takang tanong ni Lance sa kanila. Umayos na upo si Andrew.
"Hinintay ka." sabi ni Andrew.

"Ha? Bakit?" takang tanong nito.

"Maglalaro sana tayo ng basketball,di ba sinabi na namin na maglalaro tayo ngayong


araw at pumayag ka. Tapos ngayon wala ka sa bahay? " sermon ni Brett kay Lance,
pero binalewala lang siya ni Lance kaya naman sa inis nito hinablot niya ang
cookies sa kamay ni Alex na dapat sana isusubo na niya sa nakabukas niyang
bunganga.

"Cookies ko yun,ba't mo kinuha" sabi ni Alex. Tumatawa naman si Allen. Kakain na


sana siya ng cookies ng bigla naman kinuha ni Alex at kinain niya bigla.

"Hoy, akin yun ba't mo kinuha?" sabi naman ni Allen sa kakambal niya na kumakain
ulit.

Napailing nalang si Lance at Jake sa kakulitan ng tatlo.

Lumapit naman si Andrew kay Lance.

"Saan ka galing? Ba't ngayon ka lang naka uwi?" tanong ni Jake

"Tumawag ka na lang sana, na gabihin ka." sabi naman ni Andrew

Biglang ngumiti si Lance sa mga sinabi nila.

"Sorry man.May biglang lakad kasi ako, kaya nakalimutan ko ang plano natin ngayong
araw." nakangiting sabi nito

Nagkatinginan sila Jake at Andrew. Napatigil ang tatlo (Brett at ang kambal) sa
kulitan nila ng sabay silang napatingin kay Lance na parang nakakita ng isang
himala.
Nagulat ang mag kaibigan sa mga kinikilos ni Lance, dahil una humingi ito ng sorry,
ang pinaka ayaw niyang salita kahit kasalanan mo pa ito. pangalawa ngumiti ito
hindi lang basta ngiti dahil ngayon lang nila nakitang ngumiti ito na abot tenga
ang kasiyahan.

"Hala!" Brett

"Sinapian si Lance."sabay na sabi ng kambal

"What happened? ba't ang saya mo? " takang tanong ni Jake

"Why?masama na ba maging masaya?" natatawang sabi ni Lance.

"No, nakakanibago kasi." - Jake.

Natawa naman si Lance na kinabigla nilang lahat.

"Tara sa game room doon na lang tayo maglaro. Mauna na lang kayo magshower muna
ako." sabi nito sabay akyat papunta sa kwarto niya.

Lumapit naman ang tatlo kay Andrew at Jake na nakatingin pa rin kay Lance.

"Hala! anong nangyari doon? ang saya niya ha?" sabi ni Alex

"Oo nga ehh.Sana ganyan na lang siya lagi para.." sabi naman ni Allen at
nagkatinginan naman ang dalawa at ngumiti ng nakakaloko.

"Makalaro tayo sa game room niya." nag apir naman ang dalawa at tumakbo papuntang
gameroom ni Lance.

"Ano kaya ang nagpangiti sa kanya?" takang tanong ni Jake.

"Hindi ano, dapat na tanong diyan ay sino. Sino ang nagpangiti sa masungit na yun."
ngumisi naman si Brett. "Binata na si Lance wahahaha." tumawa ito
Napailing na lang ang dalawa kay Brett,at iniwan siya.

"Teka, hintayin niyo ako." sabi nito at sumunod sa kanila papuntang game room.

Habang nasa Game room sila.

Naglalaro ang kambal ng xbox

Habang sina Brett at Jake naman ay billiard

While Andrew is playing basketball ( yung shoot shoot thingy)

Pero napapatingin sila kay Lance na nakaupo lang sa isa sa mga tool chair at
ngumingiti ng mag isa tapos bigla itong napapailing then ngingiti ulit.

Natakot na ang kambal sa inakto ni Lance kaya lumapit sila kay Brett.

"Natatakot na ako kay Lance." sabi ni Allen

"Yah, yah. Tumawag na nga tayo ng albularyo baka sinapian na siya." sabi naman ni
Alex.

"Dalhin na lang kaya natin siya sa mental hospital baka nabaliw yan." sabi naman ni
Brett at tumango naman ang kambal.

Natawa namans si Jake sa inakto at sinabi ng tatlo.

Alam niyang inlove na angbkaibigan, sadyang manhid lang ito para malaman niya ang
totoong nararamdaman niya.

"Hala, nilapitan ni Andrew si Lance Baliw." sabi ni Alex


"Ano kaya ang pinag usapan nila.?" takang tanong naman ni Allen.

Ilang minuto tapos na nag usap ang dalawa, bumalik si Andrew sa pwesto niya habang
tumawa naman bigla si Lance.

"Baliw na nga siya." Brett

"Impostor yan!!" sabi nman ni alex

"May kakambal kaya si Lance?" tanong naman ni Allen sa sarili tinignan naman siya
ng dalawa (Brett and Alex)

"Siguro." sabay sabi ng dalawa.

Monday, 11:30am

Nasa Private room ang S6 except kay Andrew at Lance na may mga pasok pa.

Ng dumating sina Steph, Brenda at Lyka.

"Hello Lyka!!" sabay sabi ng kambal, habang kumakain sa dining table

"yo!!" sabi ni Brett habang naglalaro ng billiard kasama si Jake.

"Good morning Ladies." nakangiting sabi naman ni Jake

"Hi! guys." sabi naman ni Lyka.

"Halika, Lyka. Dito tayo sa sala turuan mo ko sa calculus. Kainis wala akong
maintindihan sa mga sinabi ni Sir." sabi ni Steph habang hinila si Lyka sa sala ng
private room at umupo sa sahig.

"Papaanong hindi mo maintindihan kung makatitig ka kay Sir Hans parang tutunawin mo
na ito." sabi naman ni Brenda at umupo rin sa sahig gaya nila Steph at Lyka.Inirap
lang siya at tinignan si Lyka. "Ang hot naman kasi ni Sir ehh." sabi ni Steph.
Napatawa na lang si Brenda.

Habang may kanya kanya silang ginagawa dumating naman si Lance ng may ngiti sa
kanyang mga labi.

"Hi! Guys!" sabi ni Lance kaya napatigil sila sa ginagawa nila.

"H-Hello??" patanong naman na sagot ni Steph na ang tanging sumagot kay Lance.

Naninibago kasi ang lahat kay Lance kasi hindi naman ito bumabati pag dumating ito
sa private room.

Ng mapansin ni Lance kay Lyka.

Ngumiti ito.

"Hi!Lyka!"nakangiting bati nito.

"H-H-Hello?" sagot naman ni Lyka na hanggang ngayon ay gulat, dahil ito na rin ang
kauna unahang pagkakataon na tinawag siya sa pangalan nito at andun pa rin yun
pagtataka kung bakit bumait si Lance.

Napabalik balik ang tingin nina Steph, Alex, Allen at Brett kay Lyka at Lance.

Nakangiting nakakaloko si Jake habang napatingin sa kanila.

Habang si Brenda??nakakunot lang ang noo habang tinitignan ang dalawa. "hmmmmmm."

Tinignan naman sila ni Lance.

"What!???" natatawang sabi naman ni lance.

"EHHHHHHH!!! the monkey just laughed." sa sobrang gulat ni Lyka, yun lang ang
nasabi niya habang ang apat.
"EHHHHHHHHHHHHHH!!!!" sabay na sigaw nina Steph, Brett and the twin.

Sakto naman dumating si Andrew.

"Why are you all shouting? abot sa labas ang boses niyo." takang tanong na may
pagkahalong inis ni Andrew na kakarating lang galing klase.

***********************************************************************************
*********

-miemie_03

Chapter 29 - A Favor

Chapter 29 - A Favor

-Lyka POV-

Two months na ang nakalipas. Ganoon kabilis ang araw.

At sa two months na iyon marami ang nangyari.

Gaya ng..

Tapos na ang exam namin.


Pagkikita namin ni Lance tuwing linggo sa Park para makipaglaro sa mga bata.

At higit sa lahat,

Medyo nagiging mabait na sa akin si Lance.

Which is nakakagulat.

Ewan ko kung bakit nagkaganon yun.

Masama ba ang gising niya, o kaya may nakain siya ng hindi maganda.

=___________=

Kung may kinain nga siya, sana araw arawin niya na para gumanda naman ang araw ko.

Nga pala, andito ako ngayon sa classroom nakikinig, pero iba naman ang iniisip ko.

Ano ba yan.

-Kriiing- Kriiing-
"Okqy Class, We have a long quiz tomorrow, so be ready." sabi ni Sir Hans, guro
namin sa Calculus.Halos maririnig mo ang mga umaayaw sa exam.

Lumapit sa akin si Brenda, at si Steph na nakasimangot.

Inayos ko naman ang mga gamit ko para makapaglunch na kami sa PR. Madalas na kasi
kami doon kumain ehh.

"Ohh, ba't nakasimangot ka diyan?" sabi ko habang naglalakad na kami patungo sa PR.

"Kasi may long quiz bukas sabi ng my labs daw niya." sabi ni Brenda

Mas sumimangot si Steph sa sinabi ni Brenda.

"Pwede naman kita turuan,ehh. Di ba nung last exam natin sa calculus nakapasa ka
naman." sabi ko sa kanya.

Bigla naman ako niyakap ni Steph.

"Thank you Lyka.!! hulog ka talaga ng langit." sabi nito pero sumimangot ulit.
"Nakapasa nga pero hati naman ang score."
"Atleast nakapasa ka. Be thankful kasi hindi ka bagsak." sabi naman ni Brenda.

Pero inirap lang siya ni Steph habang yakap yakap ang braso ko. Nasa gitna kasi
siya samin ni Brenda.

Nang makarating kami sa PR.

Si Andrew lang ang andun. Wala yung iba kaya ang tahimik kasi wala ang kambal at si
Brett.

"Nasaan yung iba?" tanong ni Steph at pumunta sa living room kung nasaan nakahiga
si Andrew sa Couch, at umupo sa sahig umupo naman si Brenda sa single couch ako
naman ay sumunod kay Steph at umupo na rin sa sahig para turuan siya at para na rin
kumain

"Si Lance at Jake may practice sa soccer. Si Brett at ang kambal may class." sabi
naman ni Andrew

" Nakakapanibago, ang tahimik ng Private room." sabi ko. sabay labas ng baunan ko
na may ulam at kanin.

"Waaaah!! niluto mo ba yan Lyka." sabi ni Steph habang nakatingin sa ulam ko na


adobo. Tumango naman ako.

Pagkatapos naming kumain tinuruan ko na si Steph.


"waaaaah!! ayoko na!! sino ba kasi ang nagimbento ng calculus na ito. Inalam ba
nila na hindi naman natin ito magagamit sa future." sabi ni Steph sabay gulo ng
buhok niya.

"Magagamit natin Steph." sabi ko.

"Bakit kung bibili ba tayo, calculus ba ang ginagamit hindi naman di ba?? Basic
math lang naman gamit nila ahh."sabi ni Steph. Alam mong frustrated siya sa subject
namin ngayon.

Napailing na lang ako sa inakto ni Steph. Hate niya talaga ang math.

Ilang minuto ang nakalipas dumating si Lance.

"Hey Ladies. Pwede hiramin saglit si Lyka. May paguusapan lang kami." biglang sabi
ni Lance. kaya bigla rin ako niyakap ni Steph.

"Saan mo siya dadalhin?!! anong gagawin mo sa bestfriend ko??!! Baka irarape mo


siya! hindi, hindi ako papayag na basta basta mo na lang kunin si Lyka" histerikal
na react ni Steph.Lahat kami nkatingin sa kanya.

"Steph, huwag kang masyadong o.a. mag uusap lang sila. Kung saan saan napapadpad
ang utak mo." walang ganang sabi ni Brenda.
"Ano ba ang pag uusapan niyo." seryosong tanong ni Andrew kay Lance na ngayon ay
naka upo na ng maayos.

Tinignan naman siya ni Lance.

"Sa amin na lang yun, Bro." sabi ni Lance na nakatingin pa rin kay Andrew.

"Hindi mo ba ito kayang sabihin sa harap namin?" tanong naman ni Andrew.

"Ano bang pakialam mo, Drew." Lance. Kaming tatlong naman ay palipat lipat ng
tingin sa kanila. Alam mong may namumuong tensyon sa kanila.

"A-Ahhh Lance. Ano ba ang pag uusapan natin??" tanong ko.

Tinignan naman ako niLance.

"Halika ka, sumama ka sa akin." sabi ni Lance at naunang umalis. Tinignan ko muna
sila Steph at Brenda, bago tumayo at sumunod sa kanya.

Nakarating kami sa garden, wala masyadong tao.

"Ano naman ang pag uusapan natin?" tanong ko sa kanya. Bigla naman niya ako
tinignan.
At alam kong kinakabahan siya. Medyo namumula ang tenga nito.

"A-Ano kasi may favor sana ako sayo." sabi niya na parang hindi siya at sabay iwas
ng tingin.

Nagulat ako sa sinabi niya.

Ang leader ng S6, na hindi ko mareach ang pride ay humihingi ng pabor sa


akin.Nakakagulat yun.

"Huwag ka nga tuminigin sa akin ng ganyan." inis na sabi nito. Napansin niya siguro
na nakatulala akong nakatingin sa kanya.

"Ano ba iyon? ikaw na nga nanghihingi ng favor ,ikaw pa galit." - ako

Bumuntong hininga naman siya.

"A-Ano...H-Heto na...Ahmmm" hindi mapakaling sabi niya.

"Ano ba iyon?"

"Ano... C- Can y-you..


Can you be my girlfriend??"

***********************************************************************************
*********

-miemie_03

Chapter 30 - The Contract

Chapter 30 - The Contract

-Lyka POV-

"Ano naman ang pag uusapan natin?" tanong ko sa kanya.Ng tinignan niya ako,medyo
kinakabahan siya.

"A-Ano kasi may favor sana ako sayo." sabi niya na parang hindi siya sure sa sinabi
niya.

Nagulat ako sa sinabi niya.

Ang leader ng S6 na hindi ko mareach ang pride ay humihinging favor sa


akin.Nakakagulat yun.
"Huwag ka nga tuminigin sa akin ng ganyan." inis na sabi nito natulala kasi ako sa
sinabi niya.

"Ano ba iyon? ikaw na nga naghihingi ng favor ikaw ba galit." bumuntong hininga
naman siya.

"A-Ano...H-Heto na...Ahmmm" hindi mapakaling sabi niya.

"Ano ba iyon??"

"Ano... C- Can y-you..

Can you be my girlfriend??"

W-What!!!!??????

O_________________O

"ANOOOOOOOO!!!!" biglang sigaw ko sa kanya.


"Sh*t!! huwag ka nga sumigaw nakakabingi." inis na sabi nito.

"Papaano ako hindi sisigaw ehh, nakakabigla naman ang favor mo!" sabi ko din sa
kanya

Alam niyo yung feeling na humingi ng favor sayo ang isang tao ang inexpect niyo
yung uutusan ka niya sa isang bagay o may ipagawa tapos yung sabi niya.

Ako??

Magiging boyfriend itong lance na ito.

teka nga..

Ang bilis naman ata.

"Hoy!! Nerd!! Bingi ka na ngayon." sabi nito

"Teka nga!! ang bilis naman ata. Walang ligaw ligaw tayo agad?!! Aba't--- manligaw
ka muna!!" sabi ko sa kanya.

=______________= siya.
Nakapokerface lang siya.

"Huwag ka nga feeling diyan. Favor nga di ba?! magpanggap ka lang maging girlfriend
ko within two months. Yun lang wala ng ibang meaning nun." walang gana niyang sabi.

Ng marinig ko iyon parang sumikip bigla ang dibdib.

Bakit kaya??

Ba't parang dissapointed ako sa sinabi niya.

"B-Ba't ako!! andami naman diyan ahh. At tsaka anong rason at magpapanggap tayong
magbf-gf?" medyo inis na sabi ko.

"Ehh, sa ikaw ang gusto ko ehh, at alam ko impossible ako magkagusto sayo." sabi
nito

Mas masakit naman yung sinabi niya ngayon ngayon lang.

Teka nga Lyka.


Ba't ka masasaktan?? Tsk

"At tsaka ang reason, ayoko matali agad. Ipa arranged marridge ako ni Mommy pag
wala akong ipapakilala sa kanya na girlfriend. At ikaw ang pinili ko and dadating
si Mommy two months from now. Kaya ipapakilala kita as gf ko bago matuloy ang
engagement party ko." sabi nito

So gagamitin niya ako para makalaya siya sa arranged marridge na iyon.

"please, Lyka help just this once. Pagkatapos ng dalawang buwan hindi na kita
guguluhin. At pagsasabihan ko ang mga estudyante dito na lubayan ka na." sabi nito.
Alam ko sincere siya yun ang nakikita ko sa mga mata niya.

Hay.. Ang hirap pala maging mabait minsan.

"okey, pero hindi mo na dapat gawin iyon. Kaya ko ang sarili ko." sabi ko sa kanya.
Bigla naman niya niyakap ng marinig niya ang sagot ko.

"Thank you, Lyka." sabi nito na nakayakap pa rin sa akin.

"O-Key y-your welcome. Pwede ka ng bumitaw." sabi ko. Bumitaw naman siya. At inakay
ako paupo.

Umupo naman ako ng umupo siya na parang may kinukuha siya sa bag niya.
"Ahmm. Basahin mo ito. Kontrata iyan para maayos ang usapan natin." sabi nito sabay
abot ng papel

"Hindi ka naman excited aah. At paano pag hindi ako pumayag?" sabi ko sabay kuha ng
papel.

Nag smirk lang siya

"Alam ko hindi mo ako matatanggihan. Sa gwapo kong ito." sabi nito at nag pogi sign

"Ang Kapal!!!!Bawiin ko yung sinabi ko." pagbabanta ko sa kanya.

"Walang bawian na. You say Yes already." sabi nito at ngumisi.

"Yeah, yeah. What ever." sabi ko at binasa ang papel na binigay niya.

Simple lang naman nakasulat sa papel.

1. Do not talk to boys.

2. Do not go on a date with others without my permission.

3. Do not cheat.

4. Just do what I say

5. Don't fall inlove.


"T-Teka!!! Unfair naman ang nakasulat dito." angal na sabi ko sa kanya

"Walang unfair dyan." sabi nito.

"Anong walang unfair. Hoy unggoy! Ano ito commandments? At tsaka, ang yabang mo din
noh, may palagay lagay ka pang don't fall inlove. Wala kang originality?" inis na
sabi ko.

At dinedma lang ako, sabay tayo at kinuha ang papel.

"Sundin mo na lang Nerd. Pumayag ka naman, wala ng urungan. Simula ngayon


girlfriend na kita." sabi nito sabay *smirk*

Sarap ipatapon ang lalaking ito sa bermuda triangle para tuluyan ng mawala sa
paningin ko.

"Bye, Gf. Tumakas lang ako sa practice, so I need to go." sabay kindat, bago
tuluyang umalis.

"T-Te--" bago ko pa sasabihin ang gusto kong sabihin tumakbo na ito paalis sa
garden.

Pambihira, siya na nga may favor ako pa iniwan. Wala na talaga siyang pag asa.

Last subject namin ngayon, andito ako ngayon sa room, pero hindi naman ako
nakikinig inaalala ko ang sinabi ni Lance kanina.

"Hey! LYKA!!" biglang sigaw ni Steph.

"Steph, wag kang sumigaw hindi ako bingi at baka marinig ka ni--" hindi ko natapos
na sasabihin ko ng mapansin ko na kami nalang tatlo sa room.

"Kanina pa natapos ang klase, at ilang beses na kita tinawag. ok ka lang?" nag
alalang sabi ni Steph.

"You're spacing out. May sinabi na naman ba si kuya?" tanong naman ni Brenda

Umiling ako.

"Wala, may inaalala lang ako. Sige mauna na ako, may duty pa pala ako sa library."
sabi ko sabay ligpit ng mga gamit ko.

"Sige, ingat ka." sabi ni Steph. Kumaway lang ako bago umalis.

Kinabukasan hinanap ko si Lance.

Nakita ko siya sa field nagpapractice ng soccer. Isa kasi sila maglalaban sa


Tagaytay.

Nakita niya naman ako, may sinabi siya kay Jake, kaya tinignan naman ako ni Jake at
kumaway kinaway ko rin

Nakita kong tumango si Jake kaya lumapit si Lance sa akin.


" What? Na missed mo na kaagad ako gf? Kanina lang tayo nagkita ahh. " bungad niya
sa akin.

"Two months lang, okay?" sabi ko.

"Yeah. Kung gusto mong dagdagan ng buwan okay lang." sabi nito at ngumisi.

Sumimangot ako sa sinabi niya.

"Two months nga naiinis na ako sa pagmumukha mo tapos dagdagan pa. Kung pwede nga
lang isang linggo, ginawa ko na. Maiwan na nga kita." sabi ko at iniwan siya doon.

Bahala na nga

-Lance POV-

I don't know, pero nung marinig ko na gusto niya na isang linggo lang at okay lang
sa kanya

Ganoon na lang ang ayaw niya akong maging boyfriend? Ang dami nga dyan hanggang
pangarap na lang.

Pero, bigla akong nalungkot at sumikip ang dibdib ko.

Tinignan ko siyang naglalakad palayo.


Ba't gusto ko patagalin pa ito?

"Hey!! Captain mag sisimula na tayo.!!" sigaw ni Jake.

Kaya naman tumakbo na ako pabalik.

***********************************************************************************
*****************************************

-miemie_03

Chapter 31 - Protecting Her

Chapter 31 - Protecting Her

- Lyka POV-

"Aling Karen, mauuna na po ako." paalam ko kay Aling Karen pagkatapos ko ayusin ang
aking mga gamit.

"Sige, hija mag iingat." sabi nito sabay halik ko dito sa pisngi ganoon din ang
ginawa niya.

"Sige po." sabi ko bago lumabas.


Ng buksan ko ang maliit na gate sa bahay ni Aling Karen, may nakita akong
mamahaling sasakyang kulay itim at wala akong alam sa kotse kaya hindi ko alam kung
anong klaseng sasakyan siya.

At doon nakita kong nakatayo si Lance habang nasa bulsa nito ang dalawang kamay.

At ang mga kapit bahay kong babae ayun nagpapacute sa kanya

siya??

ayun dedma lang

kaya nilapitan ko na ito.

"Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko sa kanya.

"Sinusundo ka. Boyfriend mo na ako kaya dapat masanay ka na lagi kitang ihahatid at
isusundo." sabi nito, sabay bukas ng pintuan sa kotse.

"O-kay???" sabi ko
"Pasok na. Malalate ka na." sabi nito kaya no choice ako kung hindi ang pumasok sa
sasakyan niya, madali din itong pumunta sa driver seat.

Ng malapit na kami sa gate.

"Teka, Monk-- I mean Lance. Hihinto mo na sa tabi, dito na ako bababa." sabi ko
habang inaayos ang mga gamit ko.

"Why??" sabi nito ng hindi man lang tumitingin sa akin.

"Hello?? gusto mo awayin ako ng mga fans mo?Ayoko ko pang mamatay." sabi ko.

"No, sabay tayo papasok. Don't worry I'll protect you. Subukan lang nilang saktan
ang girlfriend ko ako ang makakalaban nila." sabi nito

O//////O

Dub dub

Dub dub

Dub dub

Napahawak ako bigla sa puso ko.

Waaaaaah..

May sakit ba ako sa puso??


"Hey!! Lyka!! Nerd! are you alright?" nagising ako sa pagdadaydream ko.

"H-Ha??" biglang tanong ko sa kanya.

"Okay ka lang? Kanina pa kita tinatawag at andito na tayo sa school, pero parang
ang lalim ng iniisip mo. At ang pula mo pa, may lagnat ka ba??" nag alalang tanong
nito.

ng lumapit siya sa akin at hahawakan sana niya ako

"O-okay l-lang ako. S-sige mauuna na ako. M-malelate na kasi ako." sabi ko sa kanya
at nagmamadaling niligpit ang gamit ko at mabilis bumaba sa kotse niya.

"Oh my!!" sabi nung babae hindi ko kilala, kaya't bigla akong yumuko.

"This isn't happening??!" histerikal na sabi ng isa pang babae

"Wake me up. I'm having a nigntmare." maarteng sabi naman ng isa pa. at sunod sunod
na komentong hindi ko na pinansin at nagmamadaling maglakad papunta sa building
namin

Hanggang sa may umakbay sa akin, at tinignan ng masama ang gumawa nito.

Hindi ba niya alam na pinagtitinginan na kami ngayon?


"Saan ka pupunta? Sa kabila ang campus niyo." sabi ko dito

"Responsibilidad kong hatirin ang gf ko sa room niya. Kaya halika na, kasi malelate
ka na." sabi nito habang akbay pa rin ako.

Madaming nakakita sa amin at pinag uusapan kaya yumuko ako ulit. Ngunit tinaas niya
ang baba ko.

"Look straight and be proud. Dont mind them, okay? Gwapo pa naman katabi mo." sabi
nito at ngumiti, tumango na lang ako.

Naninibago ako sa kinikilos niya.Parang hindi siya yung kilala kong Lance na
mapride at masungit.

"Bakit? nagwagwapuhan ka na sa akin??" sabi niya na may pilyong ngiti

nakatingin na pala ako sa kanya ng matagal. kaya tumingin ulit ako sa harap.

"Mukha mo." sabi ko sabay irap.

Ng makarating kami sa room.

Andun na naman ang mga chismosa kong kaklase.


"Sige na, umalis ka na." sabi ko rito.

"Ouch. Pagkatapos kitang hatirin palalayasin mo ko kaagad. Wala bang kahit goodbye
kiss man lang." sabi nito. nakarinig ako ng pagsinghap.

Tinignan ko lang siya ng blanko.

"Unang una, hindi ko sinabi na hatirin mo ako, pangalawa suntok gusto mo?" sabi ko
dito sabay pakita ng kamao ko.

"Sige na pumasok ka na. See you sa private room." sabi nito

O________O ako

O____________O silang lahat.

^_^v siya

"Bye. GF!!!!!" paalam niya, at pa cool na umalis, pagkatapos akong halikan sa

Pisngi
Pero, mas madami ang nagulat sa tinawag ni Lance sa akin.

Papasok na sana ako ng room ng may humarang sa dinadaanan ko. Ng tinignan ko kung
sino..

"G-Good Morning. S-Steph, B-Brenda." sabi ko

"May hindi ka ba sinasabi sa amin, Lyka?" sabi ni Steph habang nakacross arm, tapos
sabay taas ng isang kilay. Habang si Brenda naman ay nakatingin lang sa akin, na
parang nagsasabi ng"I want to hear the whole story."

Kaya naman napakamot ako wala sa oras

"Alright later, okayn. Mag sisimula na ang klase, any minute dadating na si maam."
sabi ko habang pumunta sa table ko at umupo.

"May utang ka sakin na kwento, Jane." nagulat naman ako ng may bumulong sa akin.

Tinignan ko siya si Jason na ngayon ay blanko lang siyang nakatingin sa akin, kaya
nakakapanibago.

-Lance POV-
Papunta ako ngayon sa PR na nakangiti.

"Oh my. Ang gwapo talaga ni Lance." tumitiling sabi ng isang babaeng hindi ko
kilala.

"Oo nga. Lalo na pag ngumingiti siya. Kyaaa~~" sabi ng kasama nito.

"Look here. Prince Lance!!"

"Fafa Lance. Why so handsome?"

Pero hindi ko sila pinansin at pinagpatuloy ang paglalakad

"But did you hear the news? Magkasama daw silang pumasok nung nerd na yun."

Nakuha nito ang atensyon ko ng marinig ko iyon.

"Yeah. I heard that..that gold digger nerd."

Napahinto na talaga ako sa paglalakad ng marinig ko ang sinabi niya.

"I know right. That bitch. Nasa loob talaga ang kulo hindi nakuntento sa kapatid
ngayon sa kuya naman ang nilalandi niya."

Napatingin ako sa gawi ng dalawang babaeng hindi kalayuan sa tinatayuan ko ngayon.

Napatingin naman ang babaeng huling nagsalita.


"Girl, tumitingin sa gawi natin si Prince Lance." sabi niya sa kasama niya at
halatang kinikilig,

"Oo nga Girl. Oh my." sabi naman ng kasama niya sabay ayos ng buhok niya.

Ilang sandali lumapit silang dalawa sa akin, habang ako nakatingin lang sa kanila.

"Hello, Prince Lance." sabay nilang sabi habang nagpapacute, kahit hindi naman.

"Ahmm. Prince sabihin mo lang kung anong dapat namin gawin sa Bitch na Nerd na yun.
Alam naman namin na ginagamit ka lang niya." sabi nung girl na nag ayos ng buhok.

"Yeah right. Kami ng bahala." sabi ng kasama nito. Hahawakan sana niya ako pero
hinawakan ko kaagad ang braso nito ng mahigpit.

"O-ouch! Prince L-Lance na-nasasaktan ako." naiiyak na sabi niya.

"Prince Lance, Bitawan niyo po siya nasasaktan na po si Cindy." sabi naman ng


kasama niya.

Madami ng nakatingin sa amin.

"Don't touch me. (sabay bitaw ng braso niya) at isa pa, yang mga sinasabi niyong
bitch at gold digger ay girlfriend ko at sa oras na malaman kong sinaktan niyo
siya, hindi ako magdadalawang isip na saktan kayo." pagbabanta ko sa kanila at
makikita mo ang takot sa mga mata nila.

Madami rin nagulat sa sinabi ko, pero wala ma akong pakialam.

"G-Girlfriend?" gulat ng sabi nung babaeng habang hawak ang brasong namumula sa
ginawa ko.

"That n-nerd is your girlfriend?" sabi naman ng kasama niya.

"Oo. Girlfriend ko siya. Makinig kayo!!!" sigaw ko sa mga nanonood sa amin. "Don't
you dare hurt her. Pag nalaman ko na sinaktan niyo siya mababae man o lalaki.
*sabay tingin sa dalawang babae* Ako ang makakalaban niyo." sabi ko sa kanila.

Pagkatapos ko sabihin iyon aalis na sana ako ng hawakan ako ulit ng babae

Tinignan ko siya ng masama kaya napabitaw siya.

"A-Ahmm. Ano ba nagustuhan mo sa nerd na iyon. Pangit siya, mahirap!! bakit siya,
ang layo naman niya kay Mis---" hindi niya natuloy ang dapat sana niyang sabihin ng
tinignan ko siya ng matalim. Kaya namutla siya.

"What!?" sigaw ko sa kanya, yumuko lang ito.


"S-So-Sor-ry."sabi nito. Umiiyak na ito ngayon.

Aalis na sana ako pero tinignan ko sila.

"Ang nerd na sinasabi niyong pangit at mahirap, kumpara sa inyo....she's


better."sabi ko sa kanila bago umalis.

***********************************************************************************
**************************

-miemie_03

Chapter 32 - A Date with HIM (Part 1:Mall)

Chapter 32 - A Date with HIM (Part 1:Mall)

-Lyka POV-

2 linggo na ang makalipas ng maikwento ko kay Steph at Brenda about sa amin ni


Lance. At simula ng araw na yun, hindi na ako pinapansin ni Jayson. Hindi ko alam
kung bakit?

May kasalanan ba akong nagawa sa kanya na hindi ko alam. Tinanong ko siya tungkol
dito at ang tanging sagot niya.
"Hindi mo maintindihan, kahit sasabihin ko pa." pagkatapos nun, aalis na lang siya
bigla sa room kasama ang mga kaibigan niya.

At simula din ng araw na yun, ang weird lahat ng mga tao sa acadwmy, everytime na
dadaan ako, babati at ngingitian nila ako. Pero, hindi ko pa rin maiiwasan ang mga
taong kung ano anu na lang panlalait ang sasabihin sa akin.

Papunta ako ngayon sa library, duty ko na naman. Sila Brenda at Stephanie ay nauna
ng umuwi kasi may gagawin pa raw sila.

Ng matapos ang Duty ko, nag papaalam na ako kay Ate Shaine. Kilala niyo pa siya??
Siya yung Librarian namin sa School na ito.

"Punta na po ako Ate Shaine." paalam ko dito , matapos kong ligpitin ang mga gamit
ko.

"Bye, ingat." sabi nito

"Opo" sabi ko at umalis na. Ng makalabas na ako sa library. Nagulat ako ng makita
si Lance na nakasandal sa tabi ng pinto.

"Anong ginagawa mo dito?" takang tanong ko sa kanya.

Tinignan niya lang ako.


"Hinihintay ka, sabi kasi ni Brenda nasa library ka." sabi nito

"Ba't hindi ka pumasok. Hindi naman bawal ang unggoy sa library, basta huwag ka
lang mag ingay." biro ko.

Tinignan lang niya ako ng masama. Tapos hinawakan niya ang free hand ko,
hinahawakan ko kasi ang dalawang libro ko sa isa kong kamay.

"Tsk. Halika ka na, may pupuntahan pa tayo." sabi niya, at basta basta na lang
kinaladkad ako.

Habang papunta kami sa parking lot madaming nakatingin sa amin.

"T-Teka saan tayo pupunta?" tanong ko tapos tumigil na siya sa paglalakad. Hanggang
sa napansin kong nasa parking lot na kami at nasa harapan na rin ng sasakyan niya.

Tapos tumingin ulit ako sa kanya na nakatingin rin pala sa akin

"We're going out for a date. Now get in." sabi niya ng seryoso tapos binuksan ang
door sa passenger seat.

Ako??
Nganga.

Nagulat kasi ako sa sinabi niya.

Ano daw magdadate kami? Ba't hindi ako inform.

"Get in." sabi niya, at inalalay ako pumasok sa loob ng sasakyan.

Ng makasakay na siya sa driver's seat. Pinaandar na niya ang sasakyan.

"Saan mo gustong pumunta?" sabi niya habang nagmamaneho.

"H-Ha?" biglang sabi ko sa kanya, hanggang ngayon kasi gulat pa rin ako sa sinabi
niya.

"Sabi ko saan mo gusto pumunta, I already told you magdadate tayo." sabi niya.

"Ahmm. Pwedeng umuwi muna at magbibihis ako, ang pangit naman tignan kung
nakauniform tayo." sabi ko sa kanya.

Tinignan niya ako, tapos ngumiti.


"Alright." sabi niya.

O_______o

Hindi ko alam pero parang unti unting nagbabago si Lance.

Tsk.

Oo nga pala contract girlfriend lang ako, syempre para maniwala ang nasa paligid
namin, dapat sweet siya, if i know kating kati na siyang sungitin ako.

Tumingin ako sa labas ng kotse ng mapansin ko hindi ito papunta sa amin.

"T-Teka Lance, dapat lumiko na tayo dun sa kanto kanina. Hindi na ito papunta sa
amin." sabi nito.

"I know." sabi nito, at lumiko.

Ilang sandali nasa mall na kami.

Teka, ano naman ang gagawin namin dito.

Nauna siyang bumaba pagkapark ng sasakyan niya, at binuksan ang pintuan.


"Come on. Iwan mo muna mga gamit mo dyan." sabi nito. Ginawa ko naman, bago bumaba,
at pumasok sa mall.

Pagkapasok namin halos lahat napapahinto at napapatingin sa amin. I mean kay Lance.

Ewan ko kung bakit ako naiinis sa mga tingin na binibigay nila.

"Oh my! ang gwapo, girl."

"Oo nga, sino kaya yung girl na sumusunod sa kanya?"

"Siguro alalay niya, mukha pa lang ehh."

Ilan lang yan sa narinig ko sa paligid kaya nakayuko ako habang naglalakad.
Hanggangbsa nabunggo ako.

Napahawak ako sa noo habang nakating sa taong nabunggo ko na ngayon ay nakatingin


sa akin.

"Bakit?"takang tanong ko.

"Halika ka nga rito." sabi niya, at tsaka hinila ako palapit sa kanya at inakbayan.
"Ayan, para hindi ka nakayukong maglakad, at baka sino pa ang mabunggo mo." sabi
niya, at nagsimula na kaming maglakad.

"Oh my, girlfriend niya?"

"Is this a joke?"

"Hindi sila bagay."

"Don't mind them, they're jealous kasi ikaw ang kasama ko. hindi sila." bulong nito
sa akin. Ng tinignan ko siya. Nakangiti lang ito sa akin.

"Come on. Let's enjoy our date." sabi nito at pumunta kami sa isang shop.

"Anong ginagawa natin dito" tanong ko habang tinitignan ang mga damit. Hindi ko na
tinignan ang price kasi alam kong mahal ito.

"Pumili ka ng damit na gusto mo. At isukat mo na agad. Diba sabi mo ayaw mong
magdate tayo na nakauniform, so bibili tayo." sabi niya.

"Sana inuwi mo na lang ako ang dami kong damit doon."

"No more buts Lyka. Just choose. Pipili na rin ako ng akin." sabi niya saka pumunta
sa men's section.

Wala na rin akong magawa kung hindi pumili ng damit.

Ng may nakita akong dress. Kinuha ko ito at tinignan ang ganda simple lang siya
kulay light blue, tapos ang ganda pa ng tela pero ng tinignan ko ang price.
5,000php siya. Ganun siya kamahal.

May lumapit na sales lady sa akin.

"Kunin niyo na ma'am?" mataray na tanong niya.

"A-Ahmmm." hinanap ko si Lance, pero hindi ko siya makita sa men's section.

"Ano po ba ma'am kukunin niyo o hindi?" tanong niya habang tinaasan pa ako ng
kilay.

"H-Hindi k---" hindi niya ako pinatapos ng bigla niyang kunin ang damit sa akin.

"Kung wala naman kayong pera pambili ng ganitong mamahalingdamit, doon po kayo sa
divisoria ang dami doon"sabi niya at tinignan niya ako mula ulo hanggang paa "Kung
ako sa inyo ma'am umalis na lang po kayo dito bago ako tumawag ng guard. Hindi po
kayo bagay dito." sabi ng sale's lady.

Bigla akong nanliit sa sarili ko.

"Oh my, hindi talaga siya bagay dito."


"Anong ginagawa ng commoner na yan sa botique na ito."

"Nagandahan siguro, pero hindi naman babagay sa kanya"

"Buti na lang nahuli ng sales lady, baka nakawin dahil walang pambili"

At nagtawanan naman yung mga taong nanonood kasalukuyan sa amin.

Lalo akong nahiya, gusto ko ng tumakbo at umalis sa lugar na ito.

"Anong nangyayari dito?" biglang dumating si Lance, ng tinignan ko ito hindi na


siya naka uniform.

"S-Sir Lance, ito kasing babaeng ito nasa shop natin, may planong nakawin ang dress
na ito. Buti na lang nahuli ko po, tatawag na sana ako ng security guard." pacute
na sabi nito.

"Hindi iyon totoo Lance. Tinignan ko lang yung dress." sabi ko dito.

"At, may gana ka pang magsinungaling ahh, madami ang nakakita." mataray na sabi
niya sa akin, at tinignan niya si Lance ng malagakit. "Sir, nagsisinungaling po
yang babae na iyan."

"How dare you call my girlfriend that way." sabi ni Lance. "You're fired. I don't
want to see your face" sabi nito, at humarap sa akin.

Nagulat kami ng salea lady sa sinabi niya.


"B-But S-Sir." naiiyak na sabi nito.

"Leave, before I call the guards." sabi nito at kinuha ang damit mula dito

Naiiyak na tumakbo ang babae papalayo sa amin.

Medyo naawa naman ako.

Binigay niya ang dress sa akin, yung mga nanonood sa amin ay umalis na rin.

"Wear this." sabi niya, kinuha ko naman.

"Bakit mo iyon ginawa, nakakaawa naman yung babae?" sabi ko, tinignan niya lang ako

"That's what they get if they messed up with my girl. Wear that, para matuloy na
ang date natin." sabi nito, wala naman akong choice kung hindi suotin ito.

Ng matapos ko na itong suotin lumabas na ako nakita ko si Lance may kausap na babae
mukhang hindi niya ako napansin,lalapitan ko sana ng,

"Lyka!!"

***********************************************************************************
*********

-miemie_03
Chapter 33 - A Date with HIM (Part 2: Time Zone)

Chapter 33 - A Date with HIM (Part 2: Time Zone)

-Lyka POV-

Ng matapos ko itong suotin lumabas na ako nakita ko si Lance may kausap na babae
mukhang hindi niya ako napansin, lalapitan ko sana ng

"Lyka!!"

napatingin ako sa taong tumawag sa akin.

Ngumiti ito sa akin at lumapit.

"Anong ginagawa mo dito.?" tanong niya.

"Ahmm. Namamalengke?" biro ko.

Napatawa na lang ito sa sinabi ko.


"Nga naman. I mean, ang ganda mo sa suot mo ngayon." nakangiting sabi nito, then
tinignan niya ako from head to toe, medyo nailang na lang ako sa tingin niya.

"Pero hindi bagay sa dress ang black shoes." dagdag pa nito.

Napatingin din ako at napatawa.

"Oo nga noh, ang baduy."

"Halika, sasamahan kitang pumili ng sapatos na babagay diyan sa dress mo." sabi
nito at hinila ako papunta sa stall kung saan madaming klase ng sapatos na naka
display dito sa shop.

"Teka, Tyron." pero hindi niya ako pinansin at hinihila niya pa rin ako.

Tinignan ko ang gawi ni Lance.

Ayun, nakipagtawanan pa rin sa babaeng kausap niya, mukhang nakalimutan na ako ng


unggoy na yun

Bahala siya diyan.


Kaya kusa na akong sumama kay Tyron.

Ng makarating kami ay pinaupi niya ako sa may waiting area.

"Ano po ang kailangan niyo,Sir?" pa cute na sabi nung sales lady kay Tyron.

Pero hindi siya pinansin nito, at kinuha ang blue doll shoes.

"I think bagay ito sa dress mo." sabi nito at biglang lumuhod siya sa harapan ko
yung parang prinsepe, tapos sinuutan niya ako ng shoes na parang ako si Cinderella.

Medyo nahiya naman ako.

"There. Perfectly fit." sabi niya, at ngumiti sa akin. Ngumiti rin ako

"Ehem* ehem." may nagfake sa cough sa likuran ni Tyron, kaya sabay kaming
napatingin dito

"Why are you with my girlfriend, Araneta?" may pagbabanta sa tono niya.

Tumayo si Tyron sa pagkakaluhod niya, at hinarap si Lance.


"Montellier, nice meeting you here." sabi ni Tyron kay Lance.

"Yeah, do you know it's a crime to flirt with my girl, Araneta?" sabi ni Lance.

"Yeah, I don't think it is" sabi nito. At ngumisi.

Tumayo na ako para aawatin sila ng bigla akong inakbayan ni Tyron.

"You were busy with some other girl, so i think its okay, right Lyka?" sabi ni
Tyron.

Tinignan ko si Lance ang sama ng tingin niya sa amin, tapos may dark aura na ito.

"A-Ahmmm. Anooo." kainis itong si Tyron, hindi ko alam kung anong pumasok sa utak
nito at pinagtitripan si Lance.

"So, see you when I see you Lyka." sabi ni tyron, at hinalik ako sa pisngi bago
tumakbo paalis.

Ako?

Heto tulala..
Ng may biglang nagpunas ng pisngi ko, tinignan ko si Lance pero seryoso niyang
ginagawa ang pagpunas.

"At ikaw naman, ba't hinahayaan mo lang halikan ka ng gago na iyon." sabi niya, at
tinignan ako ng masama.

"Aba, ikaw nga diyan busy sa pakikipag usap tapos may patawa tawa pa kayo." inis na
sabi ko.

Tinignan niya ako.

"Are you jealous?" nakangising sabi nito.

"Anong jealous?!! kanina pa ako naghihintay sa inyo since mukhang masaya naman
kayong nag uusap hindi ko na kayo inistorbo, mabuti na lang dumating si Tyron."
sabi ko.

Biglang dumilim ang paligid nito.

Tinakpan ko na lang ang bibig ko, mukhang may sinabi akong masama.

"Don't mention his name again, this is our day. Baka nakakalimutan mong may usapan
tayo" sabi niya.

"Put our uniform in the paper bag , then put it in my car." sabi nito sa isa sa mga
staff. At hinila na lang ako bigla.

"T-Teka. Saan tayo p-pupunta?" sabi ko.

"Ikaw? saan mo gusto?"

tumingin ako sa paligid hanggang sa nakita ko ang time zone.

"Tara. doon tayo." sabi ko, then ako na humila sa kanya.

Sabi ko at hinila siya.

Ng pumasok kami sa Time zone halos lahat tumingin sa amin.

"Why here? Let's go somewhere else" sabi niya at aalis na sana pero hinila ko siya
pabalik.

"Ano ka ba. Nagtatanong ka kung saan ko gusto at ngayon andito na tayo ayaw mo
naman, ang labo mo." sabi ko.

"Pero ang sikip at madaming tao. Ayoko dito" inis na sabi niya.
"Ahh, ganun. Sige bahala ka dyan." aalis na sana ako ng hilahin niya ako pabalik.

"At saan ka pupunta?" bored na tanong niya.

"Hahanapin si Tyron, siguro andito pa siya sa mall, baka sasamahan niya ako ." sabi
ko.

Bigla niya akong hinila at inakbayan.

"Okay, I get it. let's play." sabi niya at pumasok na kami sa loob ng timezone.

"Yun naman pala, dapat pa banggitin ang pangalan ni Tyron para pumayag." mahinang
bulong ko.

"May sinasabi ka?" tanong nito.

"Wala. Tara, laro tayo ng basketball shoot." sabi ko at hinila siya.

Pagkatapos niyang bumili ng mga tokens.Naglaro na kami. magkaiba ang lane namin.

"Yehey!! Na beat kita." masayang sabi ko..


"And daya mo sa pambata ka naglaro." sabi nito

"Kahit nah, talo ka pa rin." sabi ko sabay :P

Napailing nalang ito at tumawa ng mahina.

"Childish." bulong nito pero hindi ko rinig.

"Ano?" tanong ko.

"I said. Your Cute." sabi nito.

Napahawak ako sa pisngi ko, kasi namumula na ito panigurado.

"Kinikilig ka na niyan?" tukso nito.

"Che" at iniwan siya. oo na kinikilig na ako.

Waaah!! first time ito.


Tumawa lang ito ng malaks.

At inakbayan ako.

"Come, lets play another game." sabi nito.

Naglaro lang kami buong hapon hanggan gumabi.

Nakita ko ang isang side ni Lance, ang pagiging carefree nitong tao.

9:00pm na kami umuwi after naminnmag dinner.

Bumaba na ako sa sasakyan niya, ng buksan niya ako ng pintuan.

"Thank you nga pala." sabi ko.

"Ako dapat mag thank you. For making me happy this day." sabi nito at ngumiti.

"Sige, pasok na ako." sabi ko, at aalis na sana ng.


"Lyka."

"hmm" tinignan ko siya, lumapit ito sa akin, at kinuha ang right hand ko.

"Wear this always okay? don't lose it" sabi nito. Tinignan ko kung ano ito.

Isang bracelet. Ang ganda.

"Sige, I'll be going." sabi nito. Lumapit ito sa akin at bigla na lang ako
hinalikan sa pisngi.

Ako?

Heto tulala na naman. Hanggang hindi ko namalayan na umalis na pala siya.

"Hija? ikaw na ba yan?" nakita ko si Aling Karen na lumabas ng bahay may dalang
basurahan at nilagay sa labas para kunin bukas ng umaga.

"Ay opo. Sorry po ginabi po ako." sabi ko sabay mano.

"Pumasok ka na, at para makapagpahinga. Halika na" sabi nito at nauna ng pumasok.
Tumingin muna ako sa bracelet ko at ngumiti. Bago pumasok.
-Someone's POV-

"My grand daughter, is she alright?" tanong sa akin ni Mr. Hanazono.

"Yes Sir. She's perfectly fine." sabi ko sa kausap ko sa telepono.

"That's good to hear. Please take good care of her, Tyron. She's everything to
me."sabi ng matanda.

"Yes Sir. I will, after all she's my cousin. When will you reveal yourself? She
must know the truth." sabi ko

"I plan to meet her on her birthday." sabi nito. Bago pinatay ang tawag.

Tama kayo, pinsan ko si Lyka. Mukhang wala pa rin siyang na aalala.

"Hello?" sabi ng taong tinawagan ko.

" Drew, the day on her birthday" sabi ko.

"......... Okay" sabi nito at bago binaba ang tawag. Tumingin muna ako sa bahay na
tinutuluyan ni Lyka. Bago pinaandar ang sasakyan at umalis.
***********************************************************************************
*********

-miemie_03

Chapter 34 - A Day with Jake Tachibana

Chapter 34 - A Day with Jake Tachibana

-Lyka POV-

Andito ako ngayon sa bahay, actually its sunday morning.

Isang linggo na rin ang nakalipas ng magdate kami ni Lance, at hindi na sumunod
dahil puspusan ito sa pag eensayo sa game nila.

At ngayon araw ang alis nila, nagkita kami kagabi at isang linggo silang mawawala.

Alam niyo anong nangyari??

Ganito iyon?

-Flashback-
Habang busy ako sa paglilinis ng bahay.

~beep~ Beeeep~

"Ay jusku, ano iyon.?" gulat na sabi ni Aling Karen.

"Titignan ko lang Aling Karen po kung ano iyon." sabi ko

At lumabas na ako, nakita ko ang isang familiar na sasakyan.

Teka, parang alam kong kaninong kotse 'tong nasa harap ng bahay.

Ilang sandali pa lumabas na ang may ari ng sasakyan.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko kay Lance.

"Binisita ka, aalis na kami bukas." sabi nito.

"oh, tapos?" tanong ko, pero tinignan lang niya ako ng masama.
Ano na naman ang problema ng unggoy na ito, may nasabi ba akong masama??

Minsan hindi ko talaga alam ang mood niya, minsan mabait, minsan naman ang sungit

Bipolar ata 'to, pa iba iba kasi ng mood.

"Aalis ako, at halos isang linggo akong wala, kaya dapat behave ka sundin mo ang
nakasulat sa kontrata, at ngayon papayagan kita at dapat lagi kang nakadikit kay
Jake." sabi nito.

"Ha? Hindi ba sasama si Jake sa inyo?" sabi ko.

"Na injured siya isang araw, kaya hindi siya makakasama, pero papasok na siya sa
lunes, kaya siya ang magbabantay sa iyo." sabi nito.

"Teka, bakit kailan ko ng bantay?" sabi ko naman sa kanya.

"Hindi kita mababantayan, baka pag uwi ko malalaman ko na lang niloko mo ako,
naninigurado lang na susunod ka sa usapan at ayoko sumasama ka sa kambal at kay
Brett, mga sira ulo yun sila." sabi nito.

"Hindi ko kailangan ng bantay at isa pa, marunong akong sumunod sa usapan." inis na
sabi ko.

"Alam ko, sa gwapong kong ito lolokohin mo lang." sabi nito sabay ngisi.

Ang kapal talaga kahit kailan.


"Ba't si Jake pa, di ba injured siya? andyan naman si Steph at si Brenda, andyan
din si Andr---" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng sumingit siya.

"Lalong lalo ng hindi ka dapat lumalapit kay Andrew, akala mo hindi ko alam na
napalapit na kayo sa isa't isa, ako ang boyfriend mo kaya makinig ka. Wala si
Brenda kasi pinapapunta siya sa America para sunduin si Mommy, si Steph lang ang
makakasama mo." sabi nito.

"Aba, ang demanding mo naman, hindi na ako bata Lance." sabi ko dito.

"No more buts, Lyka. Just listen to me. Yun lang ang pinunta ko dito. Basta sundin
mo ang sinabi ko." sabi nito, sumakay na sa sasakyan at umalis.

-End-

oh diba, may sapak ang utak hindi ko alam kung kailan sinusumpong ang pagkabossy
niya.

- Monday-

Papasok na ako ng campus ng masalubong ko si Jake.

"Hey, kamusta ka na? nasabi ni Lance ang nangyari sayo." sabi ko dito habang
nakayakap ako sa libor ko.
"Oo nga ehh. Na aksidente ako noong praktis namin nung isang araw." sabi nito sabay
kamot.

"Ha? ba't pumasok ka pa?" nag alalang sabi ko.

"Okay lang ako." sabi nito.

Tinignan ko ang paa niyang may benda pa rin

"Hindi ka ba nahihirapan maglakad?" tanong ko habang nakatinginpa rin sa paa niya,


then sa kanya na.

"Okay lang ako, Lyka, really. Tara na sa room mo ihahatid na kita." sabi nito at
sinabayan na akong maglakad.

Habang naglalakd kami madaming nakatingin kay Jake, sino ba naman ang hindi
titingin gwapo, gentleman at sobrang bait niya pa.

"Malandi talaga. Wala lang si Lance, si Jake naman ang nilalandi niya ngayon."

"Omg, she's a bitch."

"Gold digger, social climber, nakipagkaibigan para lang sumikat."

Ano bang problema nila?


Wala ba silang ginagawa kung hindi bantayan ang mga kilos ko?

"Hey, huwag kang makinig sa kanila. At tsaka naiingit lang iyan sila kasi gwapo ang
kasama mo ngayon." sabi nito at inakbayan ako.

Magkaibigan nga sila.

Parehong mahangin, dapat hindi lumalapit si Jake kay Lance, nakakahawa kasi ang
kayabangan nito.

"At isa pa, andito kami para protektahan ka." dagdag pa nito.

Tinignan ko siya. Ngumiti ito sa akin na prang sinasabing "I'm always here for you"
kaya ngumiti na rin ako sa kanya.

"May naisip akong ideya, are you free this afternoon. hmmm after class." sabi nito.

"Hindi naman." sabi ko, habang nag iisip rin. Ay oo nga pala daanan ko si Miro,
yung dog ko remember him? Ang tagal ko na rin siya hindi na bibisita sa daming
nangyari.

"Good, may pupuntahan tayo." sabi nito at huminto dahil nasa tapat na kami ng
classroom ko, at halos lahat nakatingin sa amin dahil andito si Jake

"See you" sabi nito at mabilis umalis.

"Te---" tatawagin ko sana kasi sasabihin kong daanan muna namin ang pet shop ni
Mang Ben, ng

"LYKA!!!! Good morning!!" bati sa akin ni Steph habang yakap ako sa likod.
"Good morning steph" sabi ko dito, habang nakatingin ito kay Jake na naglalakad na
palayo sa room.

"May instant hatid't sundo ka pala." sabi nito at lumingon sa akin at ngumiti ng
nakakaloko.

"Crush mo si Jake ano??" sabi nito habang taas baba ang dalawang kilay nito.

"Ano ka ba, Steph hindi no." sabi ko habang papunta sa upuan ko.

"Ano ka ba, hindi masama magkacrush kahit may boyfriend ka na, hindi yun maiiwasan.
At tsaka paghanga lang naman ang crush. Sabagay ang gwapo nga naman ni Jake, mabait
at matalino pa. Saan ka pa." sabi nito sa akin. Ng biglang pumasok ang first period
teacher namin.

"Talk to you later." bulong nito bago bumalik sa upuan niya.

Napailing na lang ako.

Mabilis lumipas ang oras. At uwian na pagkatapos kong mag paalam kay Steph, may
praktis kasi sila, sumali kasi ito sa cheerdance ng school at lumabas na ako.

Nasa labas na rin si Jake naghihintay, habang madaming nakatingin sa kanya at nag
papacute pero hindi man lang nito tinapunan ng tingin kung hindi sa libro na
binabasa niya.

Ng mapansin niya akong nakatingin sa kanya saka ito lumapit sa akin habang masama
naman,kung makatingin ang mga babae nagpapantasya sa kanya.

"Let's go?" sabi nito.

Tumango na ako

Ng makarating na kami sa kotse niya, ay pinabuksan niya ako ng pinto.

"Thank you." sabi ko at pumasok ngumiti lang ito sa akin

Ng makapasok na ito tinignan niya ako at lumapit sa akin, habang nilalagay niya ang
seatbelt ko hindi ko maiwasan na amuyin siya.

Ang bango niya.

"Mabango na ba ako." tanong nito kaya napamulat ako, hindi ko namalayan na


nakapikit na pala ako.

Sa sobrang hiya ko nakayuko ako, habang siya tawa lang ng tawa sigurado ako mukhang
kamatis na ako sa sobrang pula.

Ng maalala ko ang sabi ni Steph.

"Crsuh mo si Jake ano??" sabi nito.

Kaya napatingin ako sa kanya habang nagdadrive.

"May dumi ba ako sa mukha?" sabi nito sa akin

Kaya umiwas ako ng tingin, ilang beses na ako napahiya sa harap ni Jake.

"W-Wala" sabi ko at tumingin sa labas ng may madaanan kaming pet shop. Kaya naalala
ko na, dapat pala namin daanan si Miro

"Ahmm. Jake pwede bang daanan muna natin ang pet shop ni Mang Ben?" tanong ko dito.

"Sure why not." ngumiti ito sa akin at lumiko sa isang kanto at nagstop na kami sa
harap ng pet shop ni Mang ben.

Kaya lumabas agad si jake, at pinagbuksan ako.


Nauna akong pumasok kasi ipapark daw muna niya ang sasakyan.

"Good Afternoon po, Mang Ben." nakangiting sabi ko rito, ng makita ko siyang
pinapakain ang aso kong si Miro. Tumabi ako dito sa pagkakaupo. at nag mano
tumingin naman ako kay Miro "Good Afternoon, Miro." sabi ko dito at hinawakan siya.

"Aw aw aw" tahol nito habang nakalabas ang dila .

"Mukhang na miss ka ni Miro, Lyka." natatawang sabi ni Mang Ben

"Opo nga po ehh." sabi ko habang pinapakain si Miro.

"Good Afternoon Mang Ben." sabi ni Jake ng nakapasok na ito kaya tumayo na si Mang
Ben at lumapit dito, nag mano si Jake sa kanya.

"Kukunin mo na ba, Hijo?" sabi nito kay jake.

"Kung pwede po, opo" sabi nito

"Oo naman, sandali at kukunin ko lang." sabi nito at pumasok sa loob, kaya tumabi
sa akin si Jake.
"Magkakilala kayo ni Mang Ben?" tanong ko.

"Oo, dito ako madalas bumibili ng pagkain sa alaga kong pusa. Nga pala, sayo pala
itong si Miro."tanong nito habang nilalaro si Miro

"Oo."

"Kaya pala, bibilhin ko sana ng sinabi sa akin ni Mang Ben na pinapaiwan lang ito
ng may ari at hindi ito binebenta, ikaw lang pala ang may ari nito." sabi nito, at
ilang sandali bumalik na si Mang Ben at binigay kay Jake ang isang cat house, kaya
tumayo na rin ako.

Hindi na kami tumagal at umalis na rin.

Bago kami pumunta sa pupuntahan namin, dumaan muna kami at bumili ng maraming
pagkain at groceries.

"Para saan yung mga groceries? ang dami non haa?" sabi ko rito.,

"Basta, malalaman mo rin malapit na tayo." sabi nito, ilang sandali pa tumigil kami
sa harap ng isang orphanage.

Bumaba na si Jake, gaya kanina pinabuksan niya ako ng pintuan. At tinulungan siya
sa pagkarga ng mga groceries na binili namin.
At pumasok na kami sa loob.

"Good Afternoon." sabi ni Jake kay Sister Sara.

"Jake!!" gulat na sabi ni Sister, at tumingin sa akin "Lyka, ikaw ba yan?" tumingin
ito sa amin dalawa ni Jake at ngumiti "Buti nakadalaw kayo, namimiss na kayo ng mga
bata." sabi ni Sister Sara, at tinulungan kami sa pagbuhat ng mga pagkain.

Ng makarating kami sa kusina sa bahay ampunan, pinaupo kami nito.

"Magkakilala pala kayo?" bulong ko kay Jake.

"Yeah, isa sa mga charity namin ang orphanage na ito." sabi nito sa akin at
ngumiti.

Pumasok si Sister Lyn, at gaya kay Sister Sara, nagulat rin itong makita ako. Pero
ngumiti rin

"Buti nakadalaw kayo dito, lalo ka na Lyka, namimiss ka na ng mga bata." sabi nito

"Saan po sila?" tanong ko

"Nasa labas naglalaro." sabi nito


"Sige po. Kamustahin ko muna ang mga bata." sabi ko at nag excuse para pumunta sa
labas.

Ilang oras rin kami naglaro sa mga bata, ng hindi ko namalayan na gumagabi na pala.
Nakilala ko si Mother Grace, at si Sister May.

"Mga bata, tama na yan. Pumasok na kayo sa loob at linisin niyo na ang mga katawan
niyo at tayo'y kakain na." sabi ni Sister May.

"Aww" nadismayang sabi ng mga bata.

"Sige na, maglalaro naman tayo ulit sa pagbalik namin dito." sabi ni Jake.

"Talaga Kuya Jake, kasama ba si Ate Lyka?" tanong ni Jenny.

"Oo, sasama ako next time." sabi ko,

"Promise Ate." sabi naman ni Bert

"Promise" sabi ko.

"Yehey!!" sabi ng mga bata. at masayang pumasok sa bahay


"Salamat sa mga groceries na dinala mo, Jake. Pakisabi na rin kay Nuriko na salamat
." sabi ni Mother Grace.

"Makakarating po" sabi naman ni Jake.

"Sana naman makabisita ka rito ulit, Lyka isama mo na rin si Lance." sabi nito sa
akin.

"Opo, Mother. Sasabihan ko po si Lance at tsaka nangako na rin po ako sa mga bata
na babalik po ako." sabi nito.

"Mauuna na po kami, Mother Grace." paalam ni Jake.

"Sige, Gabayan kayo ng Diyos." sabi nito sa amin, bago buksan ni Jake ang pintuan
sa passenger seat.

"Sige po, Mother Grace, babalik na lang po kami rito." sabi ko rito.

"Aasahan ko ang pagbabalik mo" sabi nito bago ako sumakay. Nag usap saglit sina
Jake at Mother Grace bago pumasok sa driver seat.

Ilang sandali, nakarating na kami sa bahay , pinabuksan ako ni Jake.

Inayos ko naman ang mga gamit ko.

"Salamat Jake, sa araw na ito." Sabi ko rito.

"Wala iyon, basta nakita kitang ngumiti masaya na ako. Kesa kaninang umaga na
nakasimangot ka" sabi nito at ngumiti

Bigla naman namula ang mga pisngi ko.

"A-Ahmm gusto mo pumasok muna." sabi ko rito, pero umiling lang ito.

"Thank you, pero I need to go." sabi nito sa akin

"Ganon ba, sige mauna na ako. Ingat ka sa pagmamanehosa." sabi ko rito.

"Sige, see you tomorrow." sabi nito.

"See you" sabi ko at pumasok na.

Ilang sandali narinig ko na pinaandar na niya ang makina at umalis na

-Jake POV-

"Sige, see you tomorrow." sabi ko

"See you" sabi nito bago pumasok sa loob


Tinignan ko muna siyang pumasok bago bumalik sa sasakyan at umalis na

Habang pauwi ako naalala ko ang pinagusapan namin nila Mother Grace.

-Flashback-

"Sige po, Mother Grace, babalik na lang po kami rito." sabi ni Lyka rito.

"Aasahan ko ang pagbabalik mo" sabi nito bago siya pumasok sa sasakyan.

"Hijo, kasintahan mo ba si Lyka?" tanong nito

"Hindi po Mother." sabi ko.

"Akala ko magkasintahan kayo, sayang naman at bagay pa naman kayo. Huwag kang
magpahuli Jake, mabait si Lyka baka may maunahan ka pa ng iba dyan" sabi nito.

Pero ngumiti lang ako

"Gusto mo si Lyka?" dagdag nito.

"Opo. pero sikreto lang po natin ito Mother Grace." natatawang sabi ko
"Ikaw talagang bata ko.Huwag ka talaga mag pahuli at balitaan mo ako." sabi nito

"Opo" sabi ko,

"Sige na , pumunta na kayo .At hinihintay ka na ni Lyka" pagtataboy nito sa akin


ngumiti muna ako bago pumunta sa kotse ko.

-End-

Napailing na lang ako

Naunahan na po ako ng aking matalik na kaibigan, Mother Grace.

***********************************************************************************
**********

-miemie_03

Chapter 35 - Meet Lance Mother

Chapter 35 - Meet Lance Mother

- Lyka POV-
One week na ang nakalipas, tapos na ang game nila Lance, nakauwi na ang ibang
member ng soccer team pero hindi ko pa siya nakikita.

One week na rin nakalipas at naging close na kami ni Jake, minsan naman ang kambal.

Wala rin sila Andrew at Brett kasi may game rin sila.

Andito kami ngayon ni Jake sa private room kasama si Steph.

Wala ang kambal, kaya ang tahimik wala pa rin si Brenda hindi pa siya pumapasok
kaya nakakapanibago kasi sobrang tahimik ng private room ngayon.

-Ring~~ Ring~~~

~Lance Calling~

"Excuse me, sasagutin ko lang ito." sabi ko sa dalawa at lumayo sa kanila bago
sagutin

"Hello" sabi ko ng sagutin ko ito

"Be ready tomorrow, ipapakilala na kita kay mom." unang bungad nito sa akin.
"H-Haaa!?? T-Teka nga Lance, isang linggo kang hindi nagpakita, tapos yan lang ang
sasabihin mo sa akin.? At saan ka ba ngayon?" gulat na tanong ko sa kanya.

Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya,

Teka, may sinabi ba akong nakakatawa?

"Heto naman si gf, alam kong miss na miss mo na ako. Andito ako ngayon sa rest
house namin sa tagaytay, kasama ko ang mommy at si Brenda at pauwi na kami ngayon."
sabi nito na natatawa pa rin

Nagpout na lang ako.

"Si Lance ba yan?" biglang tanong ni Jake, sa kusina, sa kusina kasi ako pumunta,
pumunta naman ito sa may ref para kumuha ng tubig, tumango ako sa kanya at nag pout
tumawa lang ito sa akin at ginulo ang buhok ko.

Ganyan na kami kaclose ni Jake. Ang bait niya kasi kaya nagkasundo kaagad kami.
Madami din pala siyang alam na kalokohan hindi lang halata.

"Sino iyon?" seryosong sabi ni Lance

"Si Jake.~~Jake!!!!" biglang sigaw ko, paano ba naman biglang nilagyan ng icing ang
mukha ko, kumakain na pala ito ng ube cake.
Tumawa lang ito, nag pout lang ako.

"Kayo lang ba dalawa diyan?" mas naging cold ang boses nito

"Hindi, kasama rin namin si Ste~~Teka, nasaan si Steph??" sabi ko kay Jake, na busy
sa pagkain niya ng cake.

"Ay oo nga pala, mauuna na raw siya, may praktis daw sila ngayon, malapit na rin
ang contest nila." sabi ni Jake.

~toot~~toot~~toot~~

Napatingin ako sa cellphone ko na bigla na lang niyang binaba ang tawag niya.

"Bakit?" takang tanong ni Jake.

"Wala, bigla na lang kasing binaba ni Lance yung call." sabi ko at umupo sa tabi
niya

Tinignan niya ako tapos biglang tumawa.

May nasabi na naman ako ng nakakatawa??


Anong nangyayari sa mga tao ngayon??

-Kinabukasan-

Nandito ako ngayon sa room, nag aayos ng gamit, Lunch na namin. At naghahanda
papunta sa private room

Kasama na rin namin si Brenda, so makikita ko si Lance ngayon sa private room.

Ng makarating kami ng private room

Kumpleto silang lahat, ngayon.

"Lyka/Lyka!!!!!!!!" sabay sabi ng kambal habang tumakbo palapit sa akin at niyakap


ako ng sobrang higpit.

"Hep hep!! tama na yan, nasasakal na si Lyka ohh." pilit pinaghiwalay ni Steph sa
kambal at hinila ako papalayo sa pagkakayakap nila.

"KJ!!!" sabay nilang sigaw, sabay pout

Natawa naman ako sa inakto ng kambal, ang cute talaga nila.


"Yuck!!" pag iinarte ni Steph. "Halika ka na nga Lyka,lumayo tayo sa dalawang yan"
sabi sa akin ni Steph, sabay hila.

Nakita ko si Lance at Jake sa may kusina, mukhang nag uusap ng seryoso.

Nakaharap si Jake sa akin kaya nakita niya ako, at kinawayan ako sabay ngiti.

Kinawayan ko rin, lumingon si Lance, nakita naman niya ako pero humarap ulit kay
Jake na parang wala ako.

Ano na naman ang kasalanan ko?

"Lyka" napatingin ako kay Andrew na tumawag sa akin.

"Come here." sabi nito, sabay tapik sa sofa kung saan siya nakupo.

Tumingin ako kay Lance, nakatingin ito ng matalim sa akin, pero tinarayan ko ito at
lumapit kay Andrew.

"Bakit?" sabi ko kay Andrew.

"Here, for you" sabi nito sa akin sabay abot ng kulay na purple na teddy bear
"Waaaaah!!!! Salamat!!!" biglang yakap ko sa binigay niyang stuff toy sa akin.

"Naalala kita ng makita ko yan." sabi nito sa akin.

"Thank you." sabi ko, at bigla na lang napayakap sa kanya.

"Ehem!" napalayo ako kay Andrew ng may narinig akong nag fake cough at tinignan
ito.

Nakita ko lang naman si Lance na sobrang sama ng tingin sa akin.

"Oo nga pala kuya, yung pasalubong mo kay Lyka." biglang sabi ni Brenda.

"Eeehhh. May pasalubong kayo kay Lyka, tapos sa amin wala." sabi naman ni Alex

"Tama, ang unfair niyo parang hindi niyo kami kaibigan. " sabi naman ni Allen. At
nagyakapan naman ang dalawang kambal habang nagfafake na umiyak.

Pinagbabato naman sila ni Brett ng unan.


"Ewww, kabaklaan niyo wag pairalin baka gayahin kayo ng mga readers." sabi naman ni
Brett sa dalawa.

"Ayaw nila nun, ang bait namib" sabi ni Allen

"Matalino pa," dugtong naman ni Alex

"Talented," dagdag ni Allen

"Higit sa lahat gwapo pa nila." sabi nila ng sabay.

"Yeah, whatever." sabi ni Brett

"Stop saying nonsense, nasa ref ang pasalubong niyo." sabi ni Andrew, kaya
nagunahan naman ang kambal sa pagtakbo sa kusina.

Natawa naman ako sa inasal nilang dalawa. Ng may humila sa akin patayo, ng tinignan
ko ito

Si Lance, then hinila na niya ako paalis sa private room

"T-Teka, Saan tayo pupunta may class pa kami." sabi ko sa kanya.


"Walang klase ngayong hapon kasi may general meeting ang mga faculties." sabi niya

"Saan naman tayo pupunta?"

"I already told you yesterday, right? gusto kang makilala ni Mom. Magdidinner tayo
with her, so dapat mag ayos ka." sabi nito sa akin, ng makarating na kami sa
parking lot.

Ng maalala ko yung sinabi niya, bigla akong kinabahan.

Mukhang na feel niya, na tetense ako kaya huminto siya.

Ngumiti siya, "Don't worry, andito naman ako sa tabi mo ehh." sabi nito.

Ngumiti ako sa kanya. Sa sinabi niyang yun nawala yung kaba ko.

-Evening-

Andito kami ngayon sa loob ng kotse niya.


Medyo kinabahan pa rin ako, hindi yun maiiwasan kasi first time kong mameet ang
mommy niya bilang girlfriend.

Paano pag masama ugali nun?

Masungit rin gaya ni Lance.

Waaaah.!!!!!

"Hey, relax. Masyado obvious na kinakabahan ka." sabi nito sa akin.

"Hindi naman maiiwasan iyon."

"I'm here." sabi nito sabay hawak ng isa kong kamay.

Ng makarating kami sa restaurant, pinagbuksan niya ako ng pintuan at inalalayan sa


pagtayo.

"Relax okay?" sabi nito sa akin. Tumango lang ako. Bago kami pumasok sa restaurant.

"Good evening Sir, any reservation?" magalang na sabi ng lalaki sa amin


Nilibot ko ang paningin ko sa restaurant, ang gara. Alam mong pang mayaman lang
talaga ang pwedeng kakain dito.

"Yes, Mrs. Montellier." sabi nito sa lalaki.

"This way Sir." sabi nito at naglead ng way, sinundan naman namin.

Ng makalapit kami sa table medyo kinabahan ako ng makita kong may nakaupo na doon.

Nakita ko ang isang babaeng nakahawak sa isang wine glass. Na nakatingin sa labas

Ang ganda niya, parang ate lang ni Lance, o ate niya lang talaga eto.

"Hey Mom. Sorry we're late." sabi nito at hinalik ang mommy niya sa pisngi.

Mom niya talaga.

Nahiya naman ang beauty ko.

"Son, and.." tinignan naman ako ng Mom niya, from head to toe.
"She's Lyka. My Girlfriend." pakilala niya sa akin.

"And hon *sabay tingin sa akin*, she's Julia Montellier, my mom." sabi naman nito

Ngumiti ako dito, ganun din siya.

"Nice meeting you, hija." sabi nito, sabay tayo at lumapit sa akin nakipagbeso.

"Nice meeting you rin po" nahihiya kong sabi.

"Before anything else, lets eat I'm starving son." sabi naman nito sabay upo, at
kinuha ang menu.

Inalalayan naman ako ni Lance na umupo, bago siya at kinuha rin ang menu, kaya
nakigaya na lang ako.

"Just choose anything you want." sabi nito sa amin.

Ng tinignan ko ang menu, halos mahulog na ako sa inuupuan ko sa presyo sa pagkain,


parang maghuhugas ako ng pinggan ngayong araw.

"May napili ka na ba?" tanong ni Lance sa akin.

Napatingin ako sa kanya at sa mom niya. Medyo nahiya naman ako kasi ako na lang ang
hindi pa naka order.
"Ah-Ahmmm, hindi ako makapili, ikaw na lang ang pumili sa akin." sabi ko kay Lance
at tumingin sa mom ni Lance, yumuko ako ng makita kong tumaas ang isang kilay nito.

"Same sa order ko." sabi niya sa waiter, yumuko ang waiter bago umalis.

"So, tell me about yourself." biglang sabi ng Mommy ni Lance.

"You know what mom. Running for valedictorian si Lyka." biglang sabi ni Lance

"Really? That's good, keep it up Hija." sabi nito sa akin.

"Thank you po". Nahihiyang sabi ko.

"And siya rin ang tinutukoy ni Brenda, she's that good friend. Captain din siya ng
archers club ng school. Ang cool niya, right Mom?" proud na sabi ni Lance.

"Ano ba Lance, nakakahiya." bulong ko sa kanya.

"No, its not. *sabay tingin sa mom niya* right mom?" tanong niya sa Mommy niya.

"Yes hija, you are good in both academics and sports so be proud" ngiting sabi nito
sa akin.

"Thank you po." ang bait ng mommy ni Lance.

Ilang sandali, dumating na ang mga order namim. At tahimik kaming kumakain, after
nun dumating na rin ang inorder nilang dessert.

Pero may hindi inaasahang nangyari, natumba ang tubig na dala ng waitress at
natapon ito sa damit ni Lance. Kaya naman napatayo si Lance
"What the---" biglang sigaw niya.

"I'm so sorry Sir. Hindi ko po sinasadya." sabi nito habang tinutulungan punasan
ang basa nitong damit, nakitulong na rin ako.

"Umalis ka nga sa harap namin, walang magagawa ang sorry mo. Nasaan ba ang manager
niyo, I want to talk to him. Now, LEAVE" sabi naman ng mom ni Lance habang nasa
tabi nito.

"Sorry po." tumakbo ito habang umiiyak.

Medyo naawa naman ako sa waitress mukhang hindi naman niya talagang sinasadya.

"Do you have extra shirts?"

"Yeah, sa kotse."

"Go, magbihis ka doon, baka magkasakit ka." sabi nito kay Lance.

"I'll be back." sabi ni Lance hinalikan muna ako sa noo bago umalis.

Napaupo naman ako.


Naiwan na lang kami ng mom niya. Ang tahimik ng table, kaya medyo kinabahan ako.

"So, hija. Anong negosyo ng parents mo?" sabi niya, sabay inum ng wine.

"Wala na po akong parents ko." sabi ko rito.

"Ohh, my bad." sabi nito.

"Its okay lang po." sabi ko naman.

"Saan ka nakatira ngayon?" tanong nito sa akin.

"Ahh, may kumupkop po sa akin, simula ng namatay ang parents ko." sabi ko

"Oh, ano naman ang business nila.??" sabi naman niya

"Ahh, carinderia lang po. Maliit na negosyo."

Napataas naman ang kilay niya sa sinabi ko.


"You're not rich? paano ka nakapasok sa RDA?" takang tanong nito.

Medyo kinakabahan na ako, ba't ang tagal kasi ni Lance.

"Scholar po ako." sabi ko.

Tinignan niya ang damit ko at sa suot kong kwintas na binigay ni Lance sa akin.
Binili daw niya sa tagaytay.

"So, magkano ang gusto mo para tigilan mo na ang mga anak ko." sabi nito at may
kinuhang siya papel sa bag at may sinulat doon.

"Po?" takang tanong ko.

"Di ba yun naman ang habol mo sa mga anak ko lalo na kay Lance, that dress *sabay
turo sa dress* and that necklace, galing yan sa anak ko, right?

You see walang future ang anak ko sayo, at isa pa engage na siya." sabi nito.

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

"Here." sabay abot ng kapirasong papel. "Siguro sapat na yan, kung kulang pa yan,
just say so. Dagdagan ko."

Nainsulto ako sa sinabi niya. Ganon na ba kababa ang tingin niya sa akin.
Kinuha ko ang papel na binigay niya, nakasulat doon is 10 million. Sa sobrang inis
ko pinunit ko sa harap niya at napatayo sa sobrang inis.

"With all your respect po ma'am. Hindi po akong bayarang babae, at lalong lalo na
hindi po pera habol ko sa anak niyo, kung gusto mo sayo na ang pera niyo hindi ko
po yan kailan." sabi ko, sabay tapon sa kanya dahil sa sobrang inis."Excuse me po"

Aalis na sana ako, ng hinila niya ako paharap sa kanya at sinampal ako.

"Wala kang galang!" sabi nito, at sinampal na naman ako ulit, halos lahat ng
kumakain sa restaurant nakatingin na sa amin.

Sa sobrang hiya ko yumuko na ako, gusto kong umiyak sa sobrang hiya at galit.

Lance,saan ka na ba??

"Teka, anong nangyayari dito." biglang sulpot ni Lance.

Napatingin ako kay Lance.

"L-Lance.." naiiyak na sambit ko.


"L-Lyka, what happened to you? Ba't namumula ka" nag aalalang sambit nito

"S-Son" napatingin kaming dalawa sa mom niya na ngayon ay umiiyak na habang hawak
ang pisngi niya.

"Mom. What happened to you?" sabay lapit sa mom niya.

"Your girlfriend just slap me in the face, sinabihan ko lang siya about you, and
engage ka na. But, I want to explain na mukhang malabo na since you already love
each other. But she threaten me, while saying some rude words." sabi nito at bigla
na lang siya umiyak.

Napailing ako, binalikdad niya at sitwasyon naming dalawa.

Tumingin sa akin si Lance, at ang sama ng tingin niya sa akin.

"N-no, that's not true Lance, maniwala ka. Hindi ko iyon magagawa" naiiyak na sabi
ko.

"So, you're telling me na nagsisinungling si Mommy?" seryosong tanong niya sa akin.

"No Lance, listen to me--" hindi niya ako pinatapos ng

"LEAVE!!!" matigas na sabi nito

"P-Pero Lan---"
"I.SAID.LEAVE!!!" sigaw niy, sa sobrang takot at hiya ko. Tumakbo ako palayo sa
kanila, sa restaurant na yun.

Habang umiiyak.

I hate you Lance.

Dapat sa akin maniwala.

Dapat pinakinggan mo muna ako.

***********************************************************************************
************

-miemie_03

Chapter 36 - Pagod na ako

Chapter 36 - Pagod na ako

-Lyka POV-

"I.SAID.LEAVE!!!" sigaw niya. sa sobrang takot ko at hiya tumakbo ako palayo sa


kanila, sa restaurant na yun.
Habang umiiyak.

I hate you Lance.

Dapat sa akin ka maniwala.

Dapat pinakinggan mo ako.

Nakalimutan ko nga pala. FAKE Girlfriend niya lang pala ako.

Habang umiiyak ako biglang bumuhos ang malakas na ulan, na para bang nararamdaman
nito ang pinagdaanan ko ngayon.

Napahinto ako dahil pagod na ako, pagod na pagod na!!

Ngayon ko lang napansin na nasa may isang park ako, nag iisa.

Umupo ako sa isang swing, umiiyak na nakatingin sa kalangitan. Dinaramdam ang buhos
ng ulan.

Bakit ganon.
Bakit ang sakit sakit?

Gusto ko lang naman, na paniwalaan niya ako.

Pinagpapalo ko ang puso kong kumikirot sa oras na ito. Sa sobrang sakit, hiniling
ko na lang na sana manhid na lang ako.

Sana hindi na lang kita nakilala, sana ako na ang umiwas

na sana

hindi ko na tinanggap pa ang favor na ito.

Kasi, sa tuwing nakakasama kita,

Sa bawat pag alala mo, sa bawat ngiti mo.

Unti unting nahuhulog ang loob ko sa iyo.

Ngayon na alam ko na ang nararamdaman ko.

Ngayon pa nangyari ito.

Ilang sandali, naramdaman ko na lang na hindi na ako nababasa sa ulan.


Minulat ko ang mata ko, nakita ko si Jake sa harapan kp.

Pinapayungan ako ngayon.

"Lyka, anong ginagawa mo rito? Magkakasakit ka sa ginagawa mo. Mabuti na lang na


nakita kita agad. Alam ba ito ni Lance? Teka, nasaan ba si Lance? " nag alalang
tanong nito.

Hindi ko siya nasagot kaagad.

Narinig ko lang ang pangalan niya, ay napaiyak na lang ako.

"J-Je-Jake" Bigla na lang bumuhos ang luha ko, dahil na rin naalala ko ang nangyari
kanina lang.

"B-Bakit ka umiiyak? M-May nangyari ba sa iyo? May masakit ba?" biglang tanong
nito.

Bigla ko na lang siya nayakap ng sobrang higpit, ito anf naging dahilan para
matumba siya at mabitawan ang payong na hawak niya.

Hindi na niya ako tinanong pa, at basta na lang niya ako niyakap.

Hanggang sa biglang dumilim ang aking paningin.


-Jake POV-

Pauwi na ako ngayon, may pinabili kasi si Ate ng mga chocolates.

Pag hindi ko naman bibilhin ang gusto niya, yari naman ako.

Ng pumasok na ako ng kotse bigla na lang umulan ng malakas.

Naku naman, mabuti na lang may dala dala akong payong in case na bigla na lang
umulan.

Pinaandar ko na at umalis sa shop ng pagliko ko sa isang park may nakita akong


bulto ng tao na nakaupo sa swing kahit umuulan.

Base sa pigura nito, isa itong babae.

Siguro mabigat ang dinadala nito.

Ng dumaan na ako sa may swing parte. nakilala ko kaagad kung sino ito

Lyka.
Bigla akong nag alala.

Bakit siya nandito?

Bakit siya nagpapabasa sa ulan?

Sa pagkakaalam ko may dinner sila ni Lance, kasama si Tita Julia. Nasaan ba si


Lance?

Bigla kong pinark ang sasakyan, at kinuha ang payong sa likod ng kotse.

Buti na lang may dala talaga ako, atdali daling lumabas sa kotse at pinuntahan siya
sa swing.

Napansin siguro niya na hindi na tumama ang ulan sa mukha niya.

Nakatingin ito sa akin.

Nakita ko ang lungkot sa mukha niya at kakagaling lang sa pag iyak.

"Lyka, anong ginagawa mo rito? Magkakasakit ka sa ginagawa mo. Mabuti na lang na


nakita kita agad. Alam ba ito ni Lance? Teka, nasaan ba si Lance? " nag alalang
tanong ko sa kanya.
Nasaan ba si Lance?

Pag nalaman ko na siya ang dahilan kung bakit nasasaktan ngayon si Lyka, baka
kakalimutan ko na magkaibigan kami.

"J-Je-Jake" Bigla na lang bumuhos ang luha niya. Kaya nataranta naman ako.

"B-Bakit ka umiiyak? M-May nangyari ba sa inyo? May masakit ba?" biglang tanong
dito.

Bigla na lang niya ako niyakap. ng sobrang higpit naging dahilan para matumba kami
at mabitawan ang payong na hawak ko kaya pareho kaming basa ngayon.

mas lalong umiyak ito hanggang nawalan ito ng malay.

Unti unting humina ang ulan, tinanggal ko ang suot kong jacket at pinasuot sa
kanya. After kinarga ko siya papunta sa kotse.

Ng naiayos ko siya sa likod. binalikan ko ang payong bago bumalik.

Hindi ko na inisip kung mabasa man ang upuan sa kotse ko ang mahalaga maiuwi ko si
Lyka.

Ng pinaandar ko na ang kotse, biglang nag ring ang phone ko.

Ng tinignan ko ito
~Nuriko-nee Calling~

"Hel----"

"Hello!!! JAKE!! NASAAN KA NA?? YUNG CHOCOLATE KO?? DI BA SABI KO SAYO DAPAT IN 25
MINUTES. NASA AKIN NA ANG CHOCOLATE KO!!!" biglang sigaw niya, kaya nailayo ko ang
phone sa tenga ko.

"Relax, Ate. Pauwi na ako. Nakita ko si Lyka sa park. Mukhang may problem." sabi ko
dito habang tumingin saglit kay Lyka bago ibalik sa kalsada ang atensyon ko.

Sa bahay ko na lang siya iuuwi, ipagpaalam ko na lang siya kay Aling Karen.

"WHAT!? WHAT HAPPENED TO HER.? DALHIN MO NA SIYA DITO SA BAHAY. BILISAN MO!!!" Sabi
niya bago putulin ang tawag.

Kaya binilisan ko na sa pagdrive.

Pagdating namin sa bahay, bigla akong sinalubong ni Ate.

"Where is she?" tanong nito sa akin.


Binigyan ko siya ng daan, para makita itong natutulog sa back seat, kaya agad itong
pumunta sa tabi niya.

Ng hawakan niya ito

"My ghad, she's hot. Nilalagnat siya. Bilis Jake, dalhin mo na siya sa isa sa mga
guest room." sabi ni ate at mabilis pumasok sa loob ng bahay, pumunta ako sa back
seat at kinarga siya.

Ramdam ko ang init sa katawan niya, kaya bigla akong kinabahan para sa kanya. Mas
binilisan ko pa ang pagdala sa kanya sa guest room. Tumatakbo na rin si Ate para
masundan niya kami, ng makarating kami sa guest agad niyang binuksan ang pinto,
kaya dali dali ko siyang nilagay sa kama ng dahan dahan.

"Now, get out. I already told manang, na mag ready ng maligamgam na tubig. Tumawag
ka nh doctor" sabi nito.

"T-teka. Di-Dito lang ako." protesta ko, nag aalala ako kay Lyka.

"Papalitan ko siya ng damit kasi basa ang damit niya. Kung gusto makita, okay lang
naman basta panagutan mo siya." sabi nito sa akin.

Naramdaman ko ang pagpula ng aking mukha. Kaya dali dali akong umalis sa kwarto.

Narinig ko namang tumawa ang ate.


Naman ehh.

Bumaba na ako,para tumawag ng doctor.

Nakalipas ang ilang minuto, nabihisan na ni Ate si Lyka. Dumating na rin ang doctor
at chineck ang kalagayan niya.

Mahina daw ang resistensya nito kaya mabilis lang siya lagnatin pag nababasa sa
ulan.

Tinawagan ko na rin si Aling Karen, kahit ito nag alala. Pero pumayag naman na dito
muna siya pasamantala sa amin hanggang gumaling siya.

Tinawagan ko na rin ang school para iexcuse siya.

"I'll go ahead,nah. Hindi ka pa ba matutulog?" tanong ni Ate, nasa may pintuan


siya, habang ako nasa tabi ni Lyka. Binabantayan siya hanggang magising.

"Dito muna ako." sabi ko.

Tinignan niya muna ako.

"Good night. Lil'bro." sabi nito bago umalis .

Tinignan ko si Lyka ngayon.


Tumutulo pa rin ang mga luha niya.

Naikamao ko ang mga kamay ko.

Pag nalaman ko na may kinalaman ka dito, Lance.

Baka makakalimutan kong magkakabata tayo.

-Lyka POV-

Ng magising ako, napahawak ako sa ulo ko, medyo kumikirot ito.

Napatingin ako sa paligid. Hindi ito ang kwarto ko kaya napaupo ako bigla ng
malaman ko na hindi ko talaga ito kwarto.

Nasaan ako? Ang huli kong natandaan, ay nasa park ako kasama si..

Jake!?

Napatingin ako sa isa kong kamay ng may napansin akong may humawak dito ng mahigpit
"Jake." bulong ko, ng maalala ko na nawalan ako ng malay sa bisig niya.

Mukhang nagising ko yata siya.

"Lyka! kamusta na ang pakiramdam mo? may masakit pa ba sayo? sabihin mo lang
tatawagin, ko ang private doctor namin." tarantang sabi nito

"Jake, relax. Okay na ako. Thank You." sincere kong sabi.

"Mabuti naman." hinawakan niya ang noo ko, at yung isa sa noo niya. "Mukhang bumaba
na ang lagnat mo." sabi nito saka ngumiti

Nagkatingin kami ng may biglang..

"Buti naman, nagising ka na" biglang sabi ng isang magandang diwata, teka parang
namumukhaan ko siya ahh.

"Ate." biglang sabi ni Jake.

Ate!??

Ng maalala ko na,nakilala ko pala siya nung welcome party ni Jake. Ngayon ko na


lang siya muling nakita.

Bigla naman ako nahiya, nakitulog ako sa bahay nila.


"Are you okay?" tanong nito at umupo sa tabi ko na katapat lang kay Jake.

"O-Opo" sabi ko na medyo nauutal

"Relax. Bakit ka nga pala nagpabasa sa ulan?" nag aalalang tanong nito.

Tinignan ko si Jake. Seryoso din ito.

"Ahmm." kinagat ko ang lower lips ko kasi naiiyak na naman ako kapag naalala ko
yung nangyari.

"Its okay. Huwag mo ng sabihin kung ayaw mo. Just rest, para gumaling ka na." sabi
nito.

Tumango ako. "S-Salamat. Nagiging pabigat na rin ako sa inyo." sabi ko na medyo
naiiyak na rin.

"No, your not. Jake friend is also my friend. Your always welcome in our house.
Always remember that." sabi nito at ngumiti. Ngumiti rin ako

Ang bait ng ate ni Jake.

"Sige, mauna na ako. Para maipagluto ka ng makakain. " sabi nito at nauna ng
umalis. naiwan na kami ni Jake sa loob.

"May kinalaman ba si Lance.?" biglang tanong ni Jake ng makaalis ang ate niya.

Tahimik lang ako at yumuko.

"Sabihin mo ang totoo, Lyka. May kinalaman ba si Lance dito??" tanong niya ulit.

Bigla na lang ako umiyak dahil naalala ko na naman ang nangyari sa gabing iyon.

"LYKA, Answer me!!?.....please." sabi nito.

Tumango ako.

"May nangyari ba sa dinner kagabi?" tanong ulit nito.

Tumungo ulit ako.

"What happened?" sabi nito.


Tinignan ko siya.

"M-Masakit lang kasi Jake. Hindi niya ako hinayaang mag explain kung ano yung
totoong nangyari. Ba-basta na lang siya naniwala sa mommy niya, na hindi naririnig
ang paliwanag ko. B-Bi-Bigla na lang niya ako pinaalis. Je-jake, ang sa- *sniff*
sakit *sniff*sakit. Ka-Kasi alam naman niya na hindi ko *sniff* iyon kayang gawin
*sniff* hindi ko kayang manakit ng iba lalong lalo na sa mommy n-niya.*sniff*."
paliwanag ko. Bigla na lang niya ako niyakap.

"I trust you. Alam kong hindi mo kayang manakit. Pls, tahan nah." sabi nito

"Ang sakit na kasi jake. Hindi ko na kayo pagod na ako." sabi ko.

"Dito ka muna sa bahay, ako na ang kumausap sa kanya bukas." sabi nito.

"Hindi, papasok ako bukas. Gusto ko siyang kausapin." sabi ko, kahit nanghihina pa
ako gusto ko siyang makausap.

"Pero, may lagnat ka pa." alalang sabi nito

"Kaya ko na. Gusto ko ng tapusin itong relasyon namin, wala naman mararating ito.
Pagod na ako, Jake." sabi ko rito at ngumiti

Pagod na ako sa pagpapanggap na ito


Kung sa huli

Ako lang rin ang masasaktan.

***********************************************************************************
************

-miemie_03

Chapter 37 - Behind his Identity

Chapter 37 - Behind his Identity

- Third person POV -

"Paano nalaman ni Jii sama, ang nangyari kay Lyka?" inis na tanong ni Andrew, kay
Tyron. Nasa condo kasi sila ngayon ng pinsan niya.

Bigla din itong bumisita ng malaman niya ang tungkol sa nangyari kay Lyka.

"Madaming alagad ang Lolo mo, at madaming nagbabantay kay Lyka. Kaya huwag ka na
magtaka kung paano niya nalaman." chill na sagot nito.

"Sana gumawa ka ng paraan, Tyron. Mahirap na kalaban si Jii-sama. Malaking gulo


lang ang gagawin niya ." - Andrew

"Ikaw na ang may sabi na mahirap kalabanin ang Lolo mo. Kung ako rin nasa lugar
niya. gagawin ko rin kung ano ang dapat." seryosong sabi ni Tyron
~ring~~ring~~

Jii sama Calling

"Speaking of. Kausapin mo." sabi ni Tyron, bago tumayo at pumunta sa kusina.

"Moshi moshi (hello) Ji-sama (Grandpa)" bungad ko dito.

"Andrew, how's Lyka? " seryosong sabi nito.

" She's already fine. Jake is already taking care of her, now." seryosong sagot
nito.

"I already told you, to take care of your sister. And don't just leave her alone
with that Montellier son." - Granpa.

"I'm sorry, if I can't do that. She don't know anything yet. I might scared her."
lungkot na sabi nito.

Gusto na niyang sabihin kay Lyka ang totoo, pero natatakot siya na baka ayaw siyang
maniwalaan ni Lyka.

" I know, what you feel Drew. We're all missed her." mahinahong sabi nito sa apo,
pero maririnig mo sa boses nito amg labis na kalungkutan.

" For now, I can't just watched how they hurt my princess. Just do what it takes to
teach them a lesson, Drew." - Granpa.

"I'll talk to them. Wawarningan ko sila. Just listen to me this time Oji-sama."
sabi ko sa kanya.

"Yes. I will"

"I'll be there, next month. Just do all the preparation needed for your upcoming
birthday."

"I will"

At binaba na nito ang tawag.

"Kamusta naman?" tanong ni Tyron mula sa kusina

"Just teach them a lesson. Gusto ko rin iparamdam sa kanila na maling tao ang
kinalaban nila" sabi ni Andrew sa pinsan nito.
"Woah. Nakakatakot, so anong plano mo?" sabi nito at ngumisi.

" I will pull out half of our share, sa kumpanya nila, bilang babala." tinignan
nito ang oras. Bago kinuha ang phone at tinawagan ang representative ng Hanazono
Empire.

"Hello, Mr. John. I want you to go to Montellier Company and pay a visit to Mrs.
Montellier. You know what you need to do" - seryosong sabi nito sa kausap.

" Yes, Young Master." - sagot nito bago binaba ni Andrew ang tawag at tinignan si
Tyron na ngayon ay nakangisi naman sa kanya.

-Montellier Company-

Mr. John, ang head butler ng Hanazono, andito ito ngayon sa Pilipinas, upang ihanda
ang pagbabalik mg tagapagmana at apo ng Master nito.

Kilala din siya bilang representative ng Hanazono Empire, siya ang nagsisilbing
tenga at mensahe, sa Master nito. Kaya't kilala siya at itinuturing din siyang
bilang VIP ng bawat kumpanya.

Bumisita ito sa kumpanya ng Montellier, pakapasok nito nakilala kaagad siya ng mga
nasa front desk.

"Good morning, Mr. John. How may I help you?" magalang nitong tanong.

"Can I meet Mrs. Montellier. There is something I need to discuss with her." - Mr.
John.

" Yes. Wait for a while" nagdial ito ng mabilis para tawagin ang secretary ni Mrs.
Montellier.

"Hello" secretary.

"Good afternnon Sir. Mr. John is here right now, and he wants to talk to Madam
Julia."

"Mr. John?" takang tanong nito "Okay, let him in. I will meet him here. Thank you."

After nilang mag usap, ay sinabi na ng nasa front desk na nasa office lang si Julia
Montellier. Kaya't hindi nagdalawang isip si Mr. John pumunta sa office nito.

Ng makarating siya sa floor, ay sinalubong naman siya ng sekretarya.

" Good afternoon, Mr. John. I didn't know you will be here right now. I already
told Madam about your visit and she's now waitimg for you inside" sabi nito, at
pinagbuksan ng pintuan. Hindi ito sumagot sa kanya, sapagkat tanging tango lang ang
ginawa nito bago pumasok sa opisina.

"Good Afternoon Mr. John. I didn't know that you will be coming today. So, I didn't
prepare anything." masayang bungad sa kanya ni Julia Montellier

"Its okay, it was a sudden visit, but I will not stay that long. I just want to
relay something to you from my master." seryosong sabi nito.
"From Master Kaito I guess. What is it?" kinakabahang tanong ni Julia.

"He will pull out half of the share here in your company, for hurting someone he
dearly love" - Mr. John.

Nagulat si Julia sa narinig niya.

"W-What did you just say? Wait, I didn't know anything about this. You might
misunderstand something here. I'll never hurt anyone." - nagtatakang sabi ni Julia,
na hanggang ngayon inaalala kung may inapi ba siyang isang Hanazono.

"That's all I want to say." nagbow muna ito, bago tuluyang umalis sa opisina, at
iniwan si Julia na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala sa nangyari

- Andrew POV-

Kakatapos lang namin mag usap ni Mr. John. Nagawa na daw niya ang pinautos ko sa
kanya. Alam kong magugulat ang kumpanya nila Lance.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Ate Nuriko. Kababata ko sila Jake at Ate
Nuriko.

Andito ito ngayon sa condo ni Tyron.

"I just want you to know, that Lyka is already fine. By the way, kailan pupunta si
Jii sama dito?" tanong nito.

"Next month" sabi ko.

Tinignan nila ako pareho.

"Oh my, malapit na pala ang birthday mo and also be Lyka's birthday. November 15. "
sabi ni Ate Nuriko. "Kambal kayo afterall." sabi nito.

Napansin kong nakatingin sa akin si Tyron.

"What?" taas kilay kong tanong sa kanya.

"Handa ka na ba?" tanong niya.

"Handa saan?"nagtataka kong tanong,.

"Sigurado akong magugulat siya pag nalaman niya na ang kilala niyang Andrew Smith
ay kakambal pala niya." sabi nito.
"Matagal ko ng hinahanda ang sarili ko,Tyron. Sana maintindihan niya lahat at hindi
niya kami lalayuan. Muntik na siyang mawala sa amin nung nangyari ang car incident.
alam namin na ginawa ito ng mga kaaway ng Hanazono lalo na ipapakilala na sana siya
bilang tagapagmana ng Hanazono." sabi ko

"At sana noon pa lang nakilala na niya ako, bilang kapatid niya at hindi kaibigan
lang." dagdag ko.

"Awww, Couz. Grabe ka naman mag emote,hahahah. Hindi bagay sayo bumalik ka nga sa
pagiging serious type." natatawang sabi niya, tinignan ko lang siya ng masama, pero
ayun ang gago tumatawa pa rin.

"Don't worry,maintindihan niya ang sitwasyon. Hindi mo rin kasalanan kung bakit
kayo naghiwalay noon pa man.Lyka is a nice and sweet girl." sabi ni Ate Nuriko
sabay ngiti.

"Alam ko."

"Syempre magkakaintindihan talaga iyan panigurado, parehong bookworm ehh, kulang na


lang magsalamin si Drew. Oh diba Twin Nerd. Hahahahahaha" malakas na tawa ni Tyron.

Tinapunan namin ito ng unan ni Ate Nuriko, pero umiwas lang ito at mas lalong
tumawa.

-Third Person POV-

-Montellier Company-

"Ma'am, nag pa r-rush meeting po ang mga board m-member." nanginginig na sabi ng
secretarya kay Julia Montellier.
"I'll be there in a minute.You may leave." sabi niya rito kaya dali dali naman
umalis ang secretary nito.

At bigla rin pumasok si Lance sa opisina nito.

"Mom, what just happenned?" tanong nito. Tinawagan kaagad ni Julia ang anak
pagkaalis ni Mr. John sa opisina.

"I don't know Son,basta na lang pumunta dito si Mr. John at sinabing mag pull out
daw sila ng half share nila sa kumpanya. Son, I don't know what to do malaki ang
share ng Hanazono sa kumpanya natin, at baka malalaman ng mga investors may
possibility na mag pull out din sila. Yung pinaghirapan natin bigla na lang
mawawala." naiiyak na sabi ni Julia

"Mom,relax gagawa tayo ng paraan. Susubukan ko kausapin Mr. John regarding on this
matter." nakayakap na sabi nito sa ina.

"But, Son. wala naman tayong ginawa na ikinagagalit nila."

"Ano ba ang rason kung bakit nila naisipang magpull out ng share?" tanong nito sa
Ina.

"I don't know really know, Son. He just told me na may sinaktan daw akong
importanteng tao sa buhay ni Master Kaiyo. And, I don't remember hurting someone,
Lance. And as far as I know, walang tagapagmana ang Hanazono." naiiyak na sabi nito
sa kanyang anak

"Yes I know, Mom." pagpapakalma niya rito.

Kilala niya ang Mommy nito, simula ng mamatay ang ama ni Lance, ang ina na ito ang
gumawa ng paraan para isalba ang kumpanyang iniwan ng ama. Kaya't labis niya itong
alagaan.

"Go home and rest, Mom. Ako na ang kakausap sa board member okay,? and I'll
investigate about this important person and find him, sa pagkakaalam ko namatay na
ito 11 years ago."

"Just do everything Son,to save our company. please"

"I will Mom,I will"


***********************************************************************************
********

-miemie_03-

Chapter 38 - Their Past (Part 1)

Chapter 38 - Their Past (Part 1)

-Third Person POV-

Tokyo, Japan

Smith Mansion

"Nii-sama! (Big Brother!) wake up! TJ-nii (Big Bro TJ) , Nuriko-nee (Big Sis
Nuriko) and Jake is waiting for us downstair!!" sabi ng isang 6 years old na babae
habang tumatalon sa kama ng kanyang kakambal.

"Lyka, don't jump. Baka mahulog ka" sabi naman ng 6 years old na lalaki sa kapatid
niya, at tinakpan ang mukha gamit ang unan.

Ilang sandali,

*Booooog* (lame ng sound effect)

"Itai!! (Ouch!!) " sigaw ng batang babae na ang pangalan ay Lyka

Ng marinig ito ng kakambal niya, ay agad itong bumangon sa pagkakahiga at agad


pinuntahan ang kapatid niya na ngayon ay nayuko habang hawak ang paa.

"Hey, Lyka. Are you alright? Is your foot hurt?Tell Nii-sama, okay? " nag aalalang
tanong nito habang dahan dahang minamasahe ang paa ng batang babae.

"N-Nii-sama." nanginginig na sabi ni Lyka


"Masakit ba? sabihin mo nag alala si Nii-sama." nag alalang sabi ni Andrew sa
kapatid.

Ilang sandali, tumawa ang batang babae, na pinagtataka naman ni Andrew, hanggang sa
marealize niya ang ginawa ng kakambal niya.

"You didn't ..."

"Hihihi.. got you again nii-sama" bungisngis na sabi ni Lyka sa kakambal. Ilang
beses niya ng ginagawa ito sa kakambal dahil alam nito kung paano mag alala.

"Lyka!!" seryosong sabi niya dito.

Ng marinig ito ni Lyka, ay agad itong tumakbo, at agad naman siyang hinabol ni
Andrew.

"Catch me if you can, Nii-sama!!" natatawang sabi ni Lyka habang tumatakbo palayo
sa kakambal nito.

Habang nag hahabulan ang kambal, hindi nila napansin ang pagpasok ng kanilang ina
sa silid.

"Andrew, Lyka. It's time for breakfast," natatawang sabi ng ina nila habang
pinagmamasdan ang kanyang kambal na nakahiga na ngayon sa sahig at nagtatawanan.

"Mommy! Mommy! Nagising ko na naman si Nii-sama" masayang sabi ni Lyka sa ina.

"Because you make me worried.... again." sabi ni Andrew, habang nasa likuran ito ni
Lyka.

"Hihihih" bungisngis ni Lyka, at niyakap ang kaliwang braso ng kanilang ina.

Natawa na lang siya sa narinig na pag uusap sa kanyang kambal.


Alam niya kasi ang paraan kung paano gisingin ni Lyka ang kakambal nito. At dahil
mas mahal pa ni Andrew si Lyka kaysa sa kanila, kahit ata konting sugat ayaw niyang
makita sa katawan ni Lyka.

"You two, lets go. Your daddy is waiting downstair." sabi niya dito, at kinarga si
Lyka mula sa pagkakayakap sa braso nito.

"Morning, Mom." bati ni Andrew sa ina, at hinalikan sa pisngi.

"Morning, Honey"

Ng makababa na sila, may narinig silang tawa mula sa dinig room.

"Mommy, I'm a big girl now, and I can walk." nakapout na sabi ni Lyka sa mommy
niya, natawa na lang ang ina nito at ibinaba si Lyka.

Ng nakababa na si Lyka, tumakbo na ito patungo sa dining room.

Ng makarating sila, nakita nila si Tyron, ang pinsan ng kambal sa father side, at
ang magkapatid na Tachibana na si Jake at ang Ate nitong si Nuriko, ang kababata ng
dalawa.

"Ohayoo(Good morning) , daddy!! " masayang binati ni Lyka ang kanyang ama at
hinalikan ito sa pisngi

"Ohayoo, Hime(Princess)" bati naman ng ama kay Lyka at hinalikan sa noo.

"Ohayoo, Tj-nii, Nuriko-nee, Jake." bati ni Lyka sa tatlo niyang kababata.

"Morning, Hime" bati ni nilang tatlo kay Lyka.

"Morning, Dad." bati naman ni Andrew sa Ama, sabay halik din sa pisngi.

"Morning, Son." bati din niya sa kanyang anak.


Pagkatapos nilang kumain, ay pumunta na sa trabaho ang mga magulang ng kambal,
kasama ang kababata nila, at ngayon ay naglalaro sila ng bahay bahayan sa garden ng
Smith Mansion.

"Lyka!" tawag ni Jake kay Lyka, habang nagwawalis sa kanilang munting bahay.

"Bakit??" inosenteng tanong ni Lyka.

"Paglaki natin pinapangako ko, you'll be my wife." matapang pero nahihiyang sabi ni
Jake.

"H-huh??" inosenteng tanong ulit ni Lyka.

"Basta, paglaki natin ako magiging daddy at ikaw naman ang magiging mommy."
nakangiting sabi ni Jake.

"Sige, sige gusto ko yan. Promise mo yan Jake haa?" natutuwang sabi ni Lyka.

"Promise ko yan sayo."

"Pinky Promise?"

"Pinky promise"

"Lyka!! Jii-sama (Grandpa) is here!!" sigaw naman ni Andrew.

"Hai!!! (Yes!!/Okay!!)" sigaw naman ni Lyka.

"Ikou (Lets go) Ojii-sama is here." masayang sabi ni Lyka.


Ng makarating sila sa loob ng mansion, andun na silang lahat.

At ang grandfather niya na si Kaito Hanazono, ang kinatatakutan sa business world.


Pero ang hindi alam ng karamihan ay takot itong mawalay sa pamilya.

Lalo na sa bagong pahina ng buhay niya ng maisilang ang kambal niyang apo.

"OJI-SAMA!!!" sigaw na sabi ni Lyka habang tumatakbo sa pinakamamahal niyang Lolo.

"Hime( Princess)" masayang bati ng matanda at sinalubong ang apo.

"Neh, we are going to the Philippines right?? you promise me. There's a place I
want to go there, I saw it on the television." masayang sabi ni Lyka

"Of course anything for our princess." nakangiting sabi ng kanyang Lolo.

"Lets go to the playground outside. There's a new swing in there." masayang sabi ni
Tyron.

"Really, TJ-nii?? (tumingin sa Lolo) Can I??" tanong ni Lyka.

"Sure, but bring your bodyguards with you, okay?" nag aalalang sabi ng matanda.

Madami itong kaaway, kaya natatakot siyang madamay ang pinakamamahal niyang apo.

"Hai!!!"

Habang naglalaro sila Tyron, Jake at Lyka sa playfround malapit sa mansion ng mga
Smith.

Hindi nila alam na may manyayaring hindi nila maasahan.


"Neh, swing me higher Jake. Higher! Higher!"masayang sigaw ni Lyka habang nasa
swing at si Jake naman ang tumutulak dito.

"No, Magagalit si Andrew, Lyka." sabi ni Tyron.

Ng mapansin nilang may tumigil na itim na sasakyan sa harap ng park, at may lumabas
na nakakahinalang lalaki. Kaya't mabilis na pumunta sa harap ni Lyka si
Tyron.Tumigil na rin sa pagtulak si Jake. At, hinila si Lyka sa likod nito.

Dumating naman ang nagbabantay sa kanila at pinalibutan sila upang protektahan ang
tatlong bata.

"Let's go home. I'm scared." biglang sabi ni Lyka, habang niyayakap si Jake sa
kaliwang Braso nito.

"Don't worry. We're going home." mahinahong sabi ni Jake.

"Home. I want to go home." naiiyak na sabi ni Lyka.

Ng mapansin ng lalaki na aalis na ang mga bata, may sinabi ito sa mga kasama niya
sa loob ng sasakyan, at kanyang kanya silang lumabas at pinagbabaril ang mga
bodyguards nito.

Habang lumaban naman ang mga bodyguards sa kaaway. Ang iba naman ay pinoprotektahan
ang mga bata.

Hindi inaasahang labanan ang nangyari sa playground.

Umiiyak na ng malakas si Lyka, at niyayakap siya ng mahigpit ni Jake at Tyron.

"Young Master, we will cover you up. Hurry and escape here, bring the young lady
with you." sabi ng body guard sa kanila.

"Don't worry Lyka, I will protect you" sabi ni Jake sa kanya. Tumango lang si Lyka
habang hawak hawak nito ang mga kamay ni Tyron at Jake.

Ng tumakbo na ang mga bata papalayo, hindi nila inasahang may humintong itim na
sasakyan sa dinaraanan nila.

Pumunta kaagad si Tyron sa harap nila, si Jake naman ay mahigpit hinawakan ang mga
kamay ni Lyka. At tinignan niya ito at mapansing malapit na sila sa Mansion.

"Run, Lyka. hahabol kami bilis." natatakot pero matapang na sabi ni Jake.

"Demo (Pero)... *sniff* I-I'm scared. J-Jake." naiiyak na sabi ni Lyka kay Jake.

"I'm here. Just run. Nasa likod mo lang kami ni Tyron." sabi ni Jake.
Walang magawa ang si Lyka kung hindi tumakbo papunta sa mansion nila sa kabilang
kalsada.

"LYKA!!!!" Sigaw ni Andrew sa harap ng bahay nila habang may kasama na bodyguard.

"N-Nii-sama!!!" nanginginig na sabi ni Lyka ng makita ang kakambal nito. At mabilis


na tumakbo patungo dito, ngunit..

*beeeeeeep~~~~~*

"LYKA!!!!!!!!" sigaw na sabi ni Andrew,Jake at Tyron.

-Takashiwa Hospital-

Nasa loob sila ng isang private room. After ang iperasyon, hinintay nilang magising
ang batang Lyka na nkabenda sa may ulo nito.

Tahimik ang kwarto at walang sinong nagsasalita. Si Andrew, ay laging nasa tabi ng
kama habang hawak nito ang kamay ni Lyka.

"Please, wake up. I'm sorry *sniff* I wasn't there beside you. *sniff* It's my
fault because I wasn't able to protect you." naiiyak na sabi ni Andrew sa natutulog
na si Lyka.

Naiiyak na lumapit si Naomi ang ina ng kambal kay Andrew. At niyakap ito.

"It's not your fault darling. Don't blame yourself, don't worry Lyka will wake up
again and smile to us like always." mahinahong sabi ni Naomi sa anak nito.

Ilang araw ang nakalipas, ng magising na si Lyka. Pero, hindi nila inaasahan na sa
paggising nito ay wala na siyang matandaan.

"Ikalulungkot ko , Mr and Mrs Smith. Nagka amnesia ang anak niya at hindi pa natin
alam kung kailan mababalik ang alaala niya. Malaki ang pinsalang natamo niya dahil
sa car accident. Konting obserbasyon pa ang kailangan niya, at ilang araw
makakalabas na siya." sabi ng Doctor. (Guys, isipin niyo na lang na nag japanese
siya hahaha XD)
"Arigatou (Thank you)" sabi ni Naomi sa Doctor, nagbow muna ang doctor bago umalis.

"Sorry Tita, kasalanan ko ang lahat kung hindi ko siya inayang maglaro sa labas,
hindi ito mangyayari." umiiyak na sabi ni Tyron.

"Hindi mo iyon kasalanan, Tyron. Tumahan ka na."

"Tita, magiging okay naman po si Lyka di ba?" tanong ni Jake, na ngayon ay umiiyak.

"Oo naman, magtiwala lang tayo sa Diyos. Hali na kayo sa kwarto ni Lyka." ilang
sandali pumasok na sila sa kwarto.

Pagkapasok nila, tulala lang si Lyka. At tinitignan lang sila, hindi nagsasalita na
para bang walang kamuwang muwang sa mundo.

Si Andrew naman ay laging nasa tabi nito. Inalalayan at kinakausap siya, pero
tanging katahimikan lang ang sagot niti.

Nandoon ang halos lahat ng pamilya nila, Si Kaito, si Harold ang ama ng kambal, si
Nuriko nasa kabilang side naman sa kama at kinakausap rin si Lyka at si Katrine
Smith Araneta, ang ina ni Tyron.

Sinabi ni Naomi sa kanila ang sitwasyon ni Lyka. Na ikinagulat nilang lahat.


Sobrang galit at pagsisisi ang nararamdam ni Kaito ngayon.

"What will happen to her Mom?" malungkot na tanong ni Andrew sa ina.

"Napagisipan namin ng Daddy mo, Honey. Na ilalayo muna namin si Lyka sa Japan.
Mukhang gumagawa na ng paraan ang kaaway ni Papa para ipabagsak ang Hanazono."
malungkot na sabi ni Naomi kay Andrew.

" We're planning to go to the Philippines. " sabi naman ng Ama.

"Can I come, Mom?" tanong ni Andrew.

Nagkatinginan ang mag asawa, bago sagutin si Andrew.

"Gomen ne (I'm sorry) Honey. Pinalabas kasi namin sa publika na patay na ang isa sa
mga tagapagmana ng Hanazono. Kaya itatago muna namin siya ng Daddy mo, kay Papa ka
muna titira okay.?" yinakap ni Naomi ang anak.
"Mom, please don't. Please don't take her away from me." umiiyak na sabi ni Andrew
sa Ina, habang yakap ito.

"I'm sorry Honey. 5 years lang naman kami mawawala at babalik ulit kami. Okay?"
paliwanag nito sa anak.

Sa sumunod na linggo, pumunta na sa Pilipinas si Lyka, Naomi at Harold. At iniwan


si Andrew sa puder ng kanyang Lolo.

Simula nung araw na iyon. Hindi na siya gaya ng dating Andrew.

Hindi na ito pala salita, at tahimik na nagbabasa sa tabi habang hinihintay ang
pagbabalik ng kanyang pinakamamahal na kapatid.

***********************************************************************************
*********

-miemie_03

Chapter 39 - Their Past (Part 2)

Chapter 39 - Their Past (Part 2)

-Third Person POV-

Simulang nawalay si Andrew sa kanyang kakambal, ay hindi niya parin maiiwasang


sisihin ang sarili niya. Na sana nasa tabi siya ni Lyka sa araw na yun, hindi na
sana nangyari pa ang lahat ng ito, na sana nakapiling pa niya ang pinakamamahal
niyang kapatid.

Simula kasi pagkabata, ito na ang nagpapasaya sa bawat araw niya, hindi niya kung
bakit, siguro dahil kambal sila pero gusto niyang protektahan ang ngiti nito na
siyang nagbibigay kasiyahan sa pamilya nila.

Kaya, simula sa araw na din yun malaki ang pinagbago ni Andrew, bihira mo na lang
itong nakikitang ngumiti at masaya.

"Hey, Drew. Wake up!" habang niyuyugyog si Andrew.

"Just 5 more minutes, Lyka." Malumay na sabi ni Andrew at tinakpan ang ulo niya.

Biglang tumigil ang nagyugyog kay Andrew.

Ng marealise ito ni Andrew. Agad siya napabangon at napatingin sa taong gumigising


sa kanya at malungkot na ngumiti.

"What are you doing here?" cold na sabi ni Andrew.

"I was trying to wake you up. Your Grandpa is waiting for you downstair." Pilit na
ngumiti si Nuriko habang sinasabi niya ito.

"I get it. So, get out." Cold na sabi niya at tuluyan ng bumangon sa kama niya.

"But.. Drew-" hindi na tuloy ang sinabi niya ng tinignan siya ni Andrew ng masama.

"I was just trying to cheer you up. I know how you feel, but please you don't need
to lock yourself here." Nag alalang sabi ni Nuriko.

"You don't know this feeling, Nuriko-nee. Hindi mo alam kung gaano kasakit na
mawala sa akin ang kakambal ko, feeling ko half of my life just died. Lalo ng
nakita ko kung paano nabangga ang katawan niya sa sasakyan. *sniff* at wala akong
magawa kung hindi tignan siya.*sniff* ang sakit Nuriko-nee. " naiiyak na sabi ni
Andrew, lumapit si Nuriko at niyakap siya.

"Stay strong, Drew. We're always here for you." Sabi niya.

-Philippines-
Ng makarating sila sa Pilipinas, inalalayan nila ang anak nila sa pagsakay sa
kanilang sasakyan.

"Ahmm. Hime, we're going home." Sabi ni Naomi sa anak niya, na ngayon ay nakatingin
lang sa labas.

Naiiyak si Naomi habang pinapanood ang kanyang anak, masakit sa kanya na mawalay
ang kambal niya at nasasaktan din siya dahil alam niya ang nararmdaman ni Andrew sa
mga oras na yun.

"Stay strong, Hon. Stay strong." Mahinahon na sabi ng kanyang asawa sa kanya.

"Nalulungkot ako para kay Andrew. Alam ko siya ang mas nasasaktan ngayon at wala
tayo sa tabi niya para damayan siya." Naiiyak na sabi ni Naomi habang nakayakap sa
asawa niya.

"Don't worry next week. Uuwi ako sa Japan para kumustahin siya. Andrew is a smart
kid kahit bata pa siya naintindihan niya na ang sitwasyon." Sabi niya dito.

Tumigil sila sa maliit na apartment.

Bumaba na sila sa sa sasakyan.

"Ahmm. Ito ang magiging bagong bahay natin, magpagaling ka para makapag school ka
na,kaya be a good girl, okay?" sabi ni Naomi sa anak niya na nakatingin lang sa
bahay nila, malungkot siyang ngumiti dahil hindi na ito yung anak niyang happy go
lucky at laging nakangiti.

"Honey, nasa loob na ang mga gamit natin pumasok na kayo." Sabi ni Harold sa asawa.

-1 week passed-

Umuwi si Harold sa Japan, pagdating niya sinalubong siya ni Andrew.


"Dad!!!" bungad ng anak niya sa kanya at tumakbo papunta sa kanya.

"Hey, Son." Bungad naman niya sa kanyang anak, at lumuhod ito para makapantay sila.

"How's Lyka?" agad na tanong nito.

"She's okay for now, pero wala pa siyang naaalala." Sabi naman niya dito.

"Can I see her?" tanong nito.

"Not for now, Son. We talked about this right? *tumango si Andrew* please
understand, this is all for your sister sake." Pag intindi niya dito.

"I know Dad. But, can I just see her? Please Dad.. I'll behave, just let me see
her. I missed her badly Dad. Please." Pakiusap niya dito.

Hindi matitiis ni Harold ang kanyang anak.

"Alright little buddy. I'll let you see her. May business party ang mga Montellier
sa Pilipinas at sasama ka sa akin sa party na iyon, alright?" sabi niya dito.

"Alright, Dad." Sabi naman ni Andrew, pero deep inside excited na itong makita ang
kanyang kakambal.

-Philippines-

Umuwi ang mag ama, sa mansion ng mga Smith.

"Where's Mom, and Lyka Dad?" tanong agad niya ng makarating sila sa mansion.

"Hindi sila nakatira dito. Nag low profile kami pagdating namin sa Pilipinas para
na rin sa kaligtasan ng kapatid mo. And as for you, dapat walang makakaalam na isa
kang Hanazono, Okay?" sabi naman ng kanyang ama.
"Low profile?" taking tanong ni Andrew.

"Yes Son. Your sister name now is Naomi Lyka Jane Cruz." Ngumiti siya sa kanyang
anak.

"Get ready, Son. The party will start at 7pm." Sabi niya dito, kaya umakyat na si
Andrew sa kwarto niya.

-Montellier Mansion-

Madaming businessman na dumalo sa party ng mga Montellier, at isa na doon si Mr.


John ang butler at ang representative ng Hanazono at nakita agad ito ni Andrew na
kasama ang kanyang ama.

"Isipin mo na lang na hindi mo siya kilala, okay?" biglang sabi ng kanyang ama.
Tumango lang ito sa kanya.

Ilang oras lumapit sa kanila ang mag asawang Montellier kasama ang kanilang anak na
lalaki na si Lance Montellier.

"Mr. Harold Smith, it's good to see you." Masayang bungad ni Mr. Terrence
Montellier sa kanyang kaibigan.

"The Great Terrence Montellier." Masayang sabi ni Harold at nagyakapan and dalawa
(yung panglalaking yakapan)

"I want you to meet my wife, Julia Montellier." Pagpapakilala niya dito. Ngumiti
naman ang babae na nangangalang Julia. "And my son, Lance." Pinakilala niya ang
kanyang anak.

" I finally able to meet you, Mr. Harold." Masayang sabi ni Julia at
nakipagshakehands.

"And finally meet the wife of my friend, nice to meet you Mrs. Montellier, I'm
sorry I didn't bring my wife with me. But, meet my son Andrew Smith." Pakilala niya
sa kanyang anak na ngayon ay tahimik lang na nakatingin sa kanila.

"Too bad, I want to meet her." Ngumiti ng matamis si Julia.


"Don't worry, you will meet her someday, and I'm sure you'll get along."
Nakangiting sabi ni Harold.

"Oh, I hope so."

"By the way son, play along with Lance. Alam kong bored ka na." sabi naman ni
Harold.

"I think that's a good idea. Go Lance, make some friends." Masayang sabi ni Julia.

Kaya wala rin magawa ang dalawang bata kung hindi pumunta sa garden ng Mansion.

"Narinig kong isa na sa mga shareholder niyo ang Hanazono. Sa wakas na papayag niyo
na rin siya." Masayang sabi ni Harold.

Ito na ang huling narinig ni Andrew at tuluyan ng lumayo sa kanila.

"It's really a great news. Big impact ito sa kumpanya, madaming investor na rin ang
gustong makipagpartner sa Montellier. Hanazono really is a big name, to bad ang
butler lang niya na kausap namin." Sabi naman ni Julia.

"Hahahaha. Master Kaito really is a mysterious person." sabi naman ni Terrence.

-Garden-

"Hey, Is your dad that rich?" tanong ni Lance kay Andrew

"Why?"

"Mom said that we should be friends since my dad and your dad are business
partner." Sabi naman ni Lance.
"Drew!" may tumawag kay Andrew kaya napalingon ang dalawa ditto.

"Jake" sabi naman ni Andrew.

"Bakit ka andito?" taking tanong ni Jake

"I'm with my dad."sabi naman ni Andrew.

Napatango naman si Jake at napansin niya rin si Lance.

"Lance! Mabuti at andito ka tara sa loob laro tayo, andun na sila Brett at ang
kambal. Andun na rin si Jenny at Kristine sa loob." Sabi naman ni Jake.

"You knew each other?" walang kabuhay buhay na tanong ni Andrew.

"Ay oo nga pala, siya yung sinasabi ko sayo na kaibigan ko sa pilipinas. Sama ka na
rin Drew." Sabi naman ni Jake.

At doon nabuo ang pag kakaibigan ng S6

-5 Years Passed-

-Cruz Apartment-

" Ma, nasaan si papa?" tanong ni Lyka na ngayon ay 11 years old na.

"Nasa trabaho Princess. Don't worry uuwi din iyon." Nakangiting sabi ni Naomi sa
anak.

"Pero malapit na ang birthday ko, promise niya sa akin na pupunta tayo, sa
amusement park sa kaarawan ko." Nagtatampo na sabi nito.
"Of course. Btw, gusto mo bang makilala ang lolo mo?" masayang tanong ni Naomi
habang hinahanda ang kanilang agahan

"May lolo po ako?" tanong ni Lyka sa Ina

Nalungkot naman si Naomi sa tanong nito, ngunit ngumiti pa rin ito.

"Oo naman, at gusto ka niya makita? Gusto mo ba siya makilala?" tanong nito.

"Opo. Nasaan po si Lolo" - Lyka

"Nasa Japan ang Lolo mo, doon siya nakatira."

"So, pupunta tayo ng Japan?" naeexcite na tanong ni Lyka.

"Of course."

"Pero, Ma. Mahal ang ticket, may pera ba tayo? okay lang naman sa akin na hindi
muna tayo pupunta ehh. Ang mahalaga ay kumpleto tayo sa birthday ko at tsaka may
pera akong naipon para pambili ng ticket sa amusement park. Kaya mama kaya ko pong
maghintay." sabi naman ni Lyka.

Napaiyak si Naomi sa sinabi ng anak, kahit hindi pa niya naalala ang totoong
pagkatao niya, pero hindi pa rin nawawala ang pagiging mabuting anak nito.

"Oh, Ma. Ba't ka umiiyak. Pagdating ni Papa sasabihin niyan inaway kita." sabi ni
Lyka at tumayo ito at niyakap ang ina.

"Masaya lang ako, Anak. And para makilala mo rin ang kamag anak mo." nakangiting
sabi ni Naomi "Lalo na si Andrew, I'm sure he already missed you." gusto niya sana
sabihin pero ayaw niya ito biglain.

"I'm home!!!" sigaw ni Harold pagdating niya sa bahay.

"Papa!!" tumakbo si Lyka at sinalubong ang kanyang ama ng isang yakap.

"Good Morning, Princess." niyakap naman pabalik ni Harold ang yakap niya.

Pagkatapos nito ay pumunta sila sa kusina kung nasaan si Naomi.

"Hey, Hon." lumapit si Harold kay Naomi at hinalikan ito.

"How's Andrew?" pabulong na tanong ni Naomi.

"He's excited, ilang araw na lang makikita na niya si Lyka, alam mo naman yun
hanggang tingin lang siya kay Lyka. Pero ngayon makakasama na niya ito." masayang
bulong naman ni Harold. Tinignan nilang dalawa si Lyka na nakapout habang
nakatingin sa kanila.
"Bakit ganyan naman ang mukha mo Princess?" sabi ni Harold sabay upo.

"Ano ang pinag uusapan niyo, Pa? Lagi ko na lang napapansin na parang may tinatago
kayo sa akin." sabi naman ni Lyka.

"Hahahah, don't worry malalaman mo lahat sa kaarawan mo, and may good news
ako.Nagpabook na ako ng ticket, on your birthday aalis tayo papuntang Japan." sabi
naman ni Harold.

"Well that's a good news." sabi naman ni Naomi

"Pero Pa, saan po kayo kumuha ng pera para bumili ng ticket.?" takang tanong ni
Lyka.

Nagkatinginan naman ang mag asawa.

"Ahmm. Binigyan ako ng Amo ko ng vacation sa Japan dahil masipag daw ako. Kaya may
ticket tayo anak." paliwanag ni Harold.

Napanginti naman si Lyka.

"Talaga?? " sabi naman ni Lyka. Kaya naexcite siya ng tumango ang papa nito.

Sa araw ng kaarawan niya, ay nakarating na sila sa Japan.

"Good Morning, Sir Harold. Dito po tayo. (Japanese)" sabi ng lalaking sumalubong sa
kanila

"Tara dito tayo." sabi ni Harold sa mag ina niya.


At ng sumakay na sila, papunta na sila sa Hanazono Mansion. Si Harold ang
kasalukuyang nagmamaneho ng sasakyan.

Ng...

"Hon, pumunta ka sa likod at siguraduhin mong ligtas kayo." seryosong sabi ni


Harold.

Kaya napatingin si Naomi sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?" nag aalalang sabi ni Naomi.

"Walang preno ang sasakyan na ito." seryoso pa rin sabi ni Harold, pero deep inside
nag aalala siya sa mag ina niya, ayaw niya mapahamk ito.

"Ma, Pa. Malayo pa ba?" tanong ni Lyka sa back seat habang nakatingin sa bintana.

"Malapit na tayo, Princess." sabi ni Harold at tinignan ang asawa na nakatingin sa


kanya ngayon.

"Don't worry, ililigtas ko kayo. Go." mahinahon na sabi ni Harold.

Biglang natakot si Naomi sa sinabi ni Harold, pero pumunta pa rin ito sa likod at
niyakap ng mahigpit si Lyka.
"Ma, bakit?" takang tanong ni Lyka ng niyakap siya ng kanyang ina na sobrang higpit
at umiiyak na ito ngayon

"Ma, bakit ka umiiyak? Ano pong nangyayari?" patuloy na tanong ni Lyka at natatakot
na rin ito dahil sa mga kilos ng kanyang magulang.

Ng may biglang dumaan na malaking track, at malapit na sila nito banggain, kaya
umiwas si Harold hanggang sa hindi na niya macontrol ang manibela ng sasakyan.

"Hold on!!" sigaw ni Harold at sinubukang kontrolin ang minamaneho nitong sasakyan
sa kasamaang palad nahulog sila sa bangin.

Ng magising si Lyka, ay nakayakap pa rin sa kanya ang kanyang ina, na ngayon ay


walang malay at may dugo sa noo nito.

"Ma! Ma!!" habang niyuyugyog niya ang kanyang ina, tinignan niya ang kanyang ama,
na ngayon ay wala ng buhay dahil may nakasaksak na bakal sa dib dib nito.

Kaya napaiyak siya.

"L-Ly-Lyka. Thank God. Y-Your S-S-Safe." napatingin siya sa kanyang ina na ngayon
ay sumusuka na ng dugo.

"M-Ma, *sniff* M-M-Ma. H-Huwag p-p-po ka-kayo *sniff* mag-mag alala, *sniff* ma-
makakaligtas p-p-po t-tayo." naiiyak na sabi ni Lyka, at tumayo siya at lumabas sa
sasakyan.
Ng hihilahin niya sana ang kanyang ina, pero hindi niya ito mahila dahil naipit na
ang mga paa nito sa sasakyan.

"M-M-Ma. H-h-huwag p-po kayo mag-alala,*sniff* ma-ma-*sniff* makaka alis p-po kayo
ng li-lig-tas." naiiyak na sabi ni Lyka at sinubukan hilahin ang ina sa sasakyan.

Ng maamoy ni Naomi ang gasolina, bigla itong nag alala, lalo na sa anak niya
hanggang ngayon pinipilit pa rin siyang hilahin.

"U-Uma-malis ka na dito, Lyka." sabi ni Naomi sa anak habang tinutulak na ito


paalis.

Umiling si Lyka.

"H-Hindi kita i-i-wan. Ma!!" sabi ni Lyka, habang nakatingin kay Naomi.

"Uma-lis ka na. " sabi ni Naomi at tinutulak si Lyka paalis sa sasakyan.

"No, Ma. Hi-hIndi ki-kita i-iwan. *sniff*" pagmamatigas n Lyka.

"LYKA! GO!! *sumigaw si Naomi gamit ang natitira niyang lakas* p-please, j-just
promise me, b-be safe." sabi ni Naomi.

Umiling si Naomi, hanggang may dumating na lalaki at lumapit sa kanila.


"Miss, tulungan ko na po kayo." sabi ng estranghero. At pinilit hilahin si Naomi sa
sasakyan.

"N-No S-Sir. P-Please save m-my daughter. P-Please." sabi ni Naomi sa lalaki, kaya
napatingin ang lalaki kay Lyka na ngayon ay umiiyak, at binalik ang tingin kay
Naomi. "P-Please, save my daughter" naiiyak na pakiusap nito.

Kaya walang magawa ang lalaki kung hindi kargahin si Lyka. At tumakbo sila papalayo
sa sasakyan.

"W-Wait *pumipiglas sa pagkarga* hi-hindi na-tin ii-wan si mama *sniff*" sabi ni


Lyka.

"I L-Love You., Lyka. And I'm sorry Andrew. I didn't become a good mother for the
both of you." sabi ni Naomi habang tinignan ang anak niyang papalayo sa sasakyan
nila. Ngumiti siya dito, tinignan din niya ang asawa nito na ngayon ay wala ng
buhay. Kahit naipit na ang kanyang paa ay sinubukan pa rin niyang lumapit sa asawa.
"I guess, we didn't become a good parents to them, right Harold?" ilang sandali pa
sumabog ang sasakyan.

"MAAAAAAA!!!!!!!!!!" sigaw ni Lyka ng sumabog ang sasakyan kung nasaan ang mga
magulang niya.

-Hanazono Mansion-

"WHAT?!!!" biglang sigaw ni Kaito ng marinig niya ang masamang balita mula sa isang
tauhan niya.
"Pagdating namin sa pinangyarihan, nasusunog na po ang sasakyan, at n-natagpuan po
a-ang bangkay nila Lady Naomi at Master Harold" - medyo natatakot na sabi ng tauhan
nito.

"W-What about Lyka?" nanginginig na tanong nito.

"She's missing."

Napapikit na lang si Kaito sa narinig nito.

"Jii-sama, bakit po? Nakauwi na ba sila Mommy?" biglang tanong sa kakarating na si


Andrew.

Napatingin naman si Kaito sa tauhan nito, yumuko naman ito bago umalis sa silid.

"Come H-Here *crack voice*" sabi ni Kaito at lumuhod ito para mapantayan ang apo.

"Doshite Jii-sama? (Bakit Grandpa?) " nagtatakang tanong ni Andrew ng makalapit


siya.

"Your p-parents ..." naiiyak na sabi ni Kaito kaya biglang kinabahan si Andrew.

"W-Why? What h-happened to them? " kinakabahan na tanong ni Andrew.

"They're dead."
Ng marinig ito ni Andrew parang binuhusan siya ng sobrang lamig na tubig.

"T-Th-That's not t-true. right? Y-Your kidding, r-r-right?" naiiling na tanong ni


Andrew at tumulong luha sa mga mata niya.

"I really wish that all of this is just a joke, Drew. But, no." naiiyak pa rin na
sabi ni Kaito, dahil nawala na ang kanyang nag iisang anak.

"L-Lyka? What about her? Where is she? she's safe, r-right?" agad na tanong ni
Andrew.

"I-I don't k-know. Drew. She's missing" ng marinig ito ni Andrew ay agad siyang
tumakbo paalis sa kwarto nito, at hindi pinansin ang tawag ng kanyang Lolo.

Ng makarating siya sa ilog na malapit sa Mansion ng mga Hanazono, doon niya binuhos
ang kanyang sama ng loob, hinagpis at ang sakit na naranasan niya sa mismong
kaarawan nila.

Mag mula sa araw na iyon, nagbago si Andrew, hindi na ito masyadong nagsasalita
lalo na sa hindi niya kilala, pag babasa niya na lang nilalabas ang totoong
nararamdam niya na sana hindi totoo ang lahat ng nangyayari sa buhay niya na sana
isang panaginip lang ang lahat.

At kahit sa sarili niyang mga kaibigan ay madalas niya rin itong kausapin.

At tumira, nakiusap rin ito sa Lolo niya na sa Pilipinas na ito pansamantalang


titira, kung nasaan lumaki ang kakambal niya.

Para siyang taong robot, dahil parang wala na itong emosyon na makikita sa mukha
niya.
Tanging si Nuriko, Tyron, Jake at ang pamilya niya lang ang nakakaalam ang totoong
nararamdam niya sa mga oras na iyon.

*************************************************

-miemie_03

Chapter 40 - Tapusin na natin ito

Chapter 40 - Tapusin na natin ito

-Lyka POV-

Dalawang araw na rin ang nakalipas ng nakituloy ako sa bahay nina Ate Nuriko at
Jake.

Dalawang araw na rin ang nakalipas pagkatapos ang insidente sa restaurant.

At dalawang araw na rin ang nakapilas ng iniiwasan ko ang mga tawag at text sa akin
ni Lance.

Papunta na ako ngayon sa RDA.

At habang papasok na ako at naglalakad papunta sa building namin.

"Narinig niyo ba ang balita?"

"Yeah, that nerd really do that?"

"Nasa loob talaga ang kulo, really a bitch"

"Speaking of, may gana pa talaga siyang pumasok.?"

"Hindi naman siya magtatagal, baka bukas kick out na yan siya."

"Tama, isa sa may malaking share ang pamilya ni Lance, kaya sigurado akong akick
out na yan siya."

Napayuko na lang ako, habang dumadaan sa kanila.

At, kinabahan na talaga ako dahil baka makick out nga talaga ako, sana huwag naman
kasi ilang buwan na lang matatapos na ang school year.

Konting tiis na lang Lyka.

Ng may biglang humarang sa dinadaanan ko. Ng tignan ko kung sino.

Sila yung limang babaeng humarang sa akin noon (remember Chapter 10)
"At may gana ka pang pumasok, hindi mo ba alam na kick out ka na simula,ng sinampal
mo si Tita Julia?" nakacross arm pa ang sabi nung nasa gitna na mukhang leader,
hindi ko alam ang pangalan ehh.

"Yeah right, so umuwi ka na Nerd hindi ka bagay dito."

"Sinisira mo yung imahe ng school natin."

Sinabi ko na sa sarili ko na hindi na ako mag papaapi. Kaya dapat matuto na talaga
akong lumaban.

"W-Walang sinabi ang school admin about sa pagkick out ko. Kaya papasok ako kung
kailan ko gusto." medyo matapang kong sabi pero andun pa rin yung takot dahil mas
makapangyarihan sila sa akin. Sa panahon ngayon, kung sino amg madaming pera siya
may kapangyarihang ikutin lahat na nangyayari sa mundo.

"Aba'r may gana ka pang sumagot!! huwag kang maging matapang, wala na kayo ni Lance
at alam kong wala na rin pakialam sayo ang S6, baka nalaman na nila ang pagiging
gold digger mo." sabi nito at tinulak ako, pero hindi ako nagpadala kaya nakatayo
pa rin ako.

"Marunong ka ng lumaban ngayon haa!!!" sasampalin niya sana ako kaya napapikit ako.

Ng napansin kong medyo matagal ang pagtama sa akin ang sampal, binuksan ko ang mga
mata ko.

-__0

0__-

0__0

Nakita ko si Jason na nasa harapan ko na, at pinigilan ang kamay niya.

"How dare you!!" inagaw niya ulit kamay niya mula kay Jason.

"How dare you too. Alam mo ba ang ginagawa mo? pagnalaman ito ng S6, baka mawala ka
sa school na it. Kilala mo sila." seryosong sabi ni Jason sa kanya.

"Hindi ako natatakot sayo, Jason. At isa pa, ligtas nga siya ngayon dahil sa mga
nakapaligid sa kanya, but not HER. Babalik na siya tandaan mo iyan. Let's go
girls." sabi niya bago umalis.

Sinong babalik?

Tinignan ako ng masama ni Jason

"B-Bakit?" takang tanong ko.

"Halika ka na nga. Malelate na tayo ehh." sabi niya sabay hila sa akin, ng..

"Lyka." napatingin kami sa tumawag sa akin.

"L-Lance." sabi ko dito. Kahit dalawang araw lang kami hindi nagkita, sasabihin
kong namiss ko pa rin siya, pero masakit pa rin isipin na hindi niya ako
pinaringgan at basta basta na lang niya ako pinahiya sa araw na iyon.

"Pwede ba tayo mag usap?" seryosong tanong nito, napatingin ako kay Jason na
seryoso rin nakatingin kay Lance at bumalik ang tingin ko sa kanya.
"P-pwede mamaya na lang, mag kikita pa rin tayo sa Private room. Malelate na kami."
matapang na sabi ko. "Halika ka na Jason." sabi ko dito at ako naman ang humila sa
kanya.

"Narinig kong nag kasakit ka." habol na sabi ni Lance.

Tinignan ko siya ng malamig.

"Kung nagkasakit man ako o hindi, kahit sabihin ko din naman sayo, hindi ka pa rin
maniniwala, diba?" seryosong sabi ko sa kanya, bago umalis kasama si Jason.

-Lance POV-

"Kung nagkasakit man ako o hindi, kahit sabihin ko din naman sayo, hindi ka pa rin
maniniwala, diba?" seryosong sabi niya bago umalis kasama ang Santos na yun.

Pero mas nagulat ako sa malamig na tingin niya at seryosong pananalita nito. Parang
hindi siya si Lyka, na kilala ko.

Tinignan ko siyang pumasok sa building, bago tuluyang umalis.

Ng break time, hindi sumama sa private room si Lyka, ang sabi nila may gagawin pa
daw ito. Pero alam kong iniiwasan niya ako.

Nag alala ako ng malaman kong nagkasakit siya.

Alam ko naman na galit siya sa akin dahil hindi ko siya binigyan ng oras para
magpaliwanag. Nadala lang ako sa galit, and I know Mom. Hindi niya kayang gawin
iyon.

"Lance." tawag sa akin ni Andrew.

"Bakit?" tanong ko sa kanya, minsan lang ito magsalita, at kay Lyka lang siya
nagsasalita ng matino.

Huwag niyang sabihin may gusto siya kay Lyka.

"Nalaman ko ang nangyari sa kumpanya niyo kahapon. Alam mo ba na alam na ito ng iba
pang investor sa Montellier Company." seryosong sabi niya.

Kami na lang kasi ang naiwan sa Private Room, 30 minutes bago mag lunch break.

"Yun na nga ang kinatatakutan ko, na aalis ang investor sa kumpanya. Hindi ko nga
alam kung ano ang ginawa namin sa Hanazono at nag pull out ito ng half share. Buti
na lang hindi lahat kasi baka malulugi na talaga ang kumpanya." sabi ko sa kanya.

"Pag nag pull out na lahat ng share nila, baka magpull out din ang Smith
Enterprises. " sabi nito kaya tinignan ko siya ng seryoso.

Ng mamatay ang magulang niya 6 years ago sa car accident, siya na naghandle sa
kumpanya nila, at isa rin sila na may malaking koneksyon sa Hanazono. Hindi ko alam
kung paano yun nangyari.

"Huwag ka naman magbiro, Drew. Alam mo naman na magwawala na naman si Mommy pag
nalaman niya na nagpull out din ang Smith. At hindi ka nakakatulong." sabi ko.

"Ano na ngayon ang gagawin niyo?" tanong nito.

"Sa ngayon, pina imbestigahan ko kung ano ba ang totoong nangyari at kung bakit nag
pull out ang Hanazono, at gusto ko rin makilala kung sino ang tinutukoy nilang
sinaktan ni Mommy.Ang alam ko kasi namatay na ito 11 years ago sa isang car
accident." sabi ko sabay hilot sa noo ko, dahil sa malaking problemang kinakaharap
ng kumpanya ngayon.

"siguro nga, dapat na kayo mag ingat sa binabangga ninyo, baka hindi niyo alam nasa
harap na pala natin ang hinahanap natin, sadyang hindi lang natin ito
napapansin."mahulugang sabi niya bago umalis.

Medyo hindi ko maintindihan ang sinabi niya, ano ba ang ibig niyang sabihin.

Ilang oras rin ang nakalipas mag isa lang ako sa private room, ng dumating si Lyka.

"Anong pag uusapan natin?" seryosong sabi niya.

"Ahmm, nalaman kong nagkasakit ka, kamusta ka na?" sabi ko dito, pero nakatingin pa
rin ito sa akin ng seryoso.

"Okay lang naman, salamat kay Ate nuriko at Jake, inalagaan nila ako ng maayos."
sabi nito.

"A-Ano? Inalagaan ka nila? Anong ibig mong sabihin?" sabi ko dito.

"Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo? Kung bakit ako nag kasakit?" sabi nito.

Medyo nasaktan ako sa trato niya sa akin. Parang ang layo niya sa Lyka na kilala
ko.

"Nga pala, yun lang ba ang sasabihin mo? pupunta na ako may gagawin pa ako." sabi
nito at aalis na sana ng pinigilan ko siya.

"Sandali" sabi ko sabay hawak sa braso niya.

"Ano?" seryoso pa rin ang pananalita niya.

"S-S-Sorry nga pala, kung hindi kita hinayaang magpaliwanag sa gabing iyon, nadala
lang ako sa galit." sabi ko dito. Tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa braso niya.

"Hindi mo na kailangang humingi ng tawad, andun na iyon. Tapos na. Napahiya na ako
at nasaktan, nagkasakit. Kaya okay lang iyon sa akin." sabi nito.

"Wala ka na bang sasabihin? mauuna na ako." sabi nito, aalis na sana siya, ng
tuminigin ulit ito sa akin.

"Nga pala, tapusin na natin ang pagpapanggap na ito. Ayaw sa akin ng mommy mo kaya
wala ng mapupuntahan ito. Tama na Lance, pagod na ako sa sitwasyon na ito." sabi
nito sa akin.

Napailing ako sa narinig ko.

"NO!!!, hindi ako papayag." pagprotesta ko

"Ilang araw na land din matatapos na ang dalawang buwan na kontrata. Wala naman
magbabago kung mapapaaga nating tapusin ang kalokohan na ito" seryosong sabi nito.

"NO!"

"Ano ba Lance, walang mapupuntahan ang pekeng relasyon na ito!"

"Hindi! hindi ako papayag hin----"

"Walang mapupunta ang relasyon na ito kung pagtitiwala man lang sa isa't isa ay
hindi mo magawa!!! *sniff* alam mong hindi ko yun magagawa sa Mommy mo , pero hindi
ka pa rin naniwala Lance, alam mo ba kung gaano kasakit iyon? HAA!? masakit Lance,
sobrang sakit. kaya tigilin na natin ito para wala ng masaktan pa!!" sabi nito
pinunasan niya muna ang mga luha niya bago umalis.

Hindi ko na siya napiligilan dahil nagulat ako sa sinabi niya.

Hindi ko alam na nasaktan ko na pala siya.

"AAAAHHHHH!!!!!!!" sabay sabunot sa sarili ko.

Ano ba Lance your a jerk!!!

*****************************************************************************

-miemie_03

Chapter 41 - Hanazono Family


Chapter 41 - Hanazono Family

-Third Person POV-

"BREAKING NEWS!! Mga kababayan, isa sa mga makapangyarihang tao sa business world
ay bibisita sa Pilipinas at andito ako ngayon sa NAIA Terminal 2, hinihintay ang
pagdating niya at makikita niyo sa aking likuran na sobrang daming bodyguard at mga
sundalong nag aabang para masiguro na ligtas siya sa paglapag sa Pilipinas, at
kasalukuyang madaming tao ngayon sa NAIA dahil gusto nila makita ang nag iisang Mr.
Kaito Hanazono, ang CEO ng Hanazono Group of Companies. At ang tanong ngayon, mga
kababayan ay kung bakit siya andito ngayon sa Pilipinas." sabi ng reporter.

"Grabe, ganun ba talaga makapangyarihan ang Hanazono na yun?" sabi ni Lyka na


sinusuklay ang kanyang buhok habang nanonood ng morning news.

Hanazono?

sa pagkakaalam ko yun ang maiden family name ni Mama. Hmm baka coincidence lang.

"Ganyan talaga yan, Hija. Sa panahon ngayon ang pinakamadaming pera ang mas
makapangyarihan sa mundo ng industriya, pero tandaan mo hindi mabibili ang
pagmamahal at pamilya kahit ikaw pa ang pinakamayaman sa buong mundo." sabi ni
Aling Karen habang naghahanda ng umagahan namin.

"Alam ko po, *smile* Alam niyo Aling Karen sinabi din yan sa akin ni Mama nung
nabubuhay pa siya." sabi nito at nalungkot bigla dahil sa nangyari sa magulang.

"Alam ko masaya na siya kung nasaan man siya ngayon, *ngumiti ito* halika na at
kumain baka malate ka pa sa klase mo." sabi niya kay Lyka ng mapansin na lumungkot
ito.

"Opo" sabi nito at umupo na.

Ng pumasok siya sa RDA, pakalat kalat ang mga estudyante sa campus.

"Anong meron?" tanong ni Lyka sa isip.

Ng makita niya si Stephanie at Brenda na papunta sa lugar niya.

"Good Morning, Lyka." masayang bati ni Steph at niyakap siya ng mahigpit. Niyakap
niya rin ito pabalik at bumitaw na.

"Good Morning, Guys. Nga pala ba't kayo andito malapit na magtime ahh." takang
tanong ni Lyka sa dalawa.

"Walang pasok. Dahil dadating si Mr. Hanazono sa bansa." sabi ni Brenda na


mahinahon.

"H-Haa?? t-teka.. bakit? anong meron? ehh bibisita lang naman siya sa bansa hindi
sa academy." sabi nito.
"Duh~, wala talaga siyang alam." narinig nilang sabi ng isang babae malapit sa
kanila.

"Commoner." sunod na sabi pa ng isa.

"Huwag mo na pansinin. Halika pupunta tayo sa Private room. DOON WALANG CHISMOSA!!"
diin na sabi ni Steph at nagpaparinig ito sa mga tao na nakinig sa usapan nila. At
hinila si Lyka sumunod lang si Brenda sa likod.

-Private Room-

Pagdating nila sa private room tumigil si Lyka sa pagpasok.

"Don't worry, wala si Kuya. Alam namin na kontrata lang lahat, pinaliwanag niya sa
amin nung araw na tinigil niyo na." sabi ni Brenda. Isang linggo na rin nakalipas
ng iniiwasan ni Lyka na masalubong si Lance, pati mga text a tawag niya ay hindi
niya ito pinapansin.

"At sinuntok talaga siya ng bonggang bongga ni Andrew. Ewan ko ba kung bakit, baka
may gusto sayo. Ayiiiiiie~~~" sabi ni Stephanie, at sinusundot sundot ang tagiliran
niya.

0//////0 -Lyka

"A-Ano ba kayo, m-magaan lang ang loob ko sa kanya." sabi niya sa dalawa

"Pero aminin, nagkagusto ka sa kanya, noh? kaya ang gaan ng loob mo." sabi ni Steph
at ngumiti ng nakakaloko.

"A-Ano ba, at tsaka wala akong gusto sa kanya, sobrang gaan ng loob ko, ay ewan.
Pero hindi ko siya crush" sabi naman ni Lyka.

Ng pumasok na sila, naabutan lang nila ay si Brett.

"Oh, nasaan yung iba?" takang tanong ni Stephanie.

"Wala sila. Ang kambal nandoon sa NAIA hinihintay ang pagdating ni Mr Hanazono
kasama ang mga magulang nila, si Jake naghahanda rin kasama si Ate Nuriko, si Lance
busy sa kumpanya." sabi nito na parang bored na bored.

"Si Andrew?" tanong ni Lyka.

"Uyyyyy, hinahanap." tukso ni Stephanie.

"Wala rin siya, isa sa mga malapit sa Hanazono ang Smith, at hindi alam ng
karamihan kung paano nangyari iyon kaya, sigurado andun din siya sa NAIA." dagdag
ni Brett

"Ganon ba siya kaimportante, pati ang klase sinunpended dahil lang sa pagdating
niya.?" tanong niya at umupo sa upuan.
"Seriously, wala ka talagang alam?" tanong ni Steph, umiling lang si Lyka
nagkatinginan si Brett at Steph dahil sa sagot ni Lyka.

Umupo rin si Brenda sa single couch.

"Ang Hanazono ay kilala bilang isa sa mga pinakamakapangyarihan sa mundo ng


industriya, wala pa nakakakita sa mukha niya, aside sa family niya at ang butler
niya. Pag may business party its either ang butler niya as ang representative and
dadalo.May time na nag attend ito sa isang business party, pero ang theme nun is
masquerade kaya naka whole face mask siya." pagsisimula ni Brenda

"Wala pa ba nakakita sa pamilya niya?" takang tanong ni Lyka.

"Ang pagkakaalam ko ay may nag iisa siyang anak, ano ba yung pangalan
niya....hmmmm.." sabi ni Steph at parang nag iisip.

"Naomi Hanazono" Brett.

"Tama, Naomi ang pangalan niya pero namatay na ito dahil sa isang car accident. May
mga anak sila babae at lalaki pero hindi pinakilala sa public para kahit pamilya ng
kanyang anak magkaroon ng private life." dagdag ni Steph.

Nagulat si Lyka sa narinig na pangalan.

"A-Ano u-ulit ang pangalan ng kanyang anak?" tanong ni Lyka

"Naomi Hanazono, pinakilala niya ito nung nag debut ito sa japan. Teka, nga okay ka
lang? pinagpapawisan ka" nag alalang tanong ni Steph at lumapit kay Lyka.

"H-Hindi, okay lang ako." sabi nito pero deep inside kinakabahan siya ng hindi niya
malaman ang dahilan.

"Pwede niyo ba ituloy?" pakiusap ni Lyka, dahil may nag uudyok na pakinggan niya
ito.

"Sure ka ba?" nag alalang tanong ni Brenda. Tumango naman si Lyka.

"Uminom ka muna ng tubig." sabi ni Brett na galing sa kusina at may dalang baso na
may malamig na tubig. Kinuha naman ito ni Lyka at ininom.

"Okey, ikwekwento na namin, pero yun lang ang alam namin okey?" tumango si Lyka sa
sinabi ni Steph.

"Pero 11 years ago, bali-balita na nasagasaan ang apo niya na babae sa isang
sasakyan. At namatay." pagpatuloy ni Brett. Kaya napatingin si Lyka sa kanya.

"N-Namatay?" tanong ni Lyka

"Oo, grabe kasi yung impact sa pagbangga sa kanya, kaya namatay. Yun ang balita.
Kaya simula sa araw na yun hindi na pinakilala ang lalaking apo ng Hanazono."
pagpatuloy ni Steph

"Pero may balita rin na ipapakilala na sana ito 6 years ago, pero namatay naman ang
anak niya na si Ms. Naomi kasama ang asawa nito, habang papunta sa Mansion ng
Hanazono sa kaarawan ng kanyang apo. May traydor sa Hanazono that time, kaya ang
gamit ng sasakyan ng magasawa ay walang preno." Brett.
"Pero, nahatulan ng death penalty ang nag traydor." dagdag pa nila. "Grabe talaga
ang mga Hanazono, mabilis natapos ang pinatong na kaso. At guilty kaagad ang
paghatol nito."

Pero hindi nila napapansin na pinagpapawisan na ng malamig si Lyka habang


pinapakinggan ang kwento.

"Ay oo nga pala, Sila ang may ari ng Red Dragon Academy." biglang sabi ni Steph at
napatingin kay Lyka. Nagulat na silang tatlo na natulala si Lyka at pinagpapawisan.

"Hey, Lyka. Okay ka lang?" nag alalang tanong ni Steph.

pero wala silang nakuha na sagot. Nagulat na lang sila na biglang tumulo ang luha
nito.

"Hey! Lyka!! okay ka lang?" bigla napasigaw si Brenda dahil sa sobrang pag alala,
na rin.

"Lyka, naman magsalita ka" naiiyak na rin si Steph dahil sa mga kilos na Lyka.

Haggang sa nahimatay na lang ito.

"Oh my. Lyka. Lyka!!!" niyuyugyog ni Steph si Lyka, pero hindi pa rin ito nagising.

"Dalhin natin siya sa clinic."biglang sabi ni Brenda, kaya kinarga siya ni Brett.
(Kargang pankasal)

At daling dali silang pumunta sa clinic.

-Hanazono Rest House -

"Jii-sama" salubong ni Andrew sa Lolo nito, na kakarating pa lang.

"Grandson." sabi nito at hinubad ang maskara nito at binigay sa butler niya.
"How are you?" tanong niya rito.

"I'm okay. Nagawa ko na ang mga pinag uutos niyo, kasalukuyang namomoblem sila
ngayon dahil ilang investor na rin ang nawala sa kanila." sabi ni to sa Grandpa
niya.

"Good, good. It's just a warning for them. But, what about her?" sunod na tanong
niya kay Andrew.

Ngumiti si Andrew.

"She's fine, Jii-sama."makikita mo ang saya sa mata ni Andrew habang sinasabi niya
ito.

"Are you happy?" masayang tanong nito sa apo.

"Of course, nakasama ko siya kahit sa konting panahon lang. At ilang araw na lang
maririnig ko na ulit na tatawagin niya akong Nii-sama. Jii-sama, I missed her so
much. 11 years ko siyang hindi nakasama." naiiyak na sabi ni Andrew, pagdating kasi
kay Lyka nagiging emotional si Andrew.

"And I hope, hindi siya magagalit sa akin, kung malaman man niya ang totoo niyang
pagkatao." dagdag pa nito. "Ayoko siya biglain pero gusto ko na siya makasama."

"Dont worry, I'm sure she will understand. She's a nice and adorable girl. A loving
one just like your mom." niyakap niya ang apo niya.

"I know"

**************************************************************************

-miemie_03

Chapter 42 - Courting??

Chapter 42 - Courting??
-Lance POV-

Isang linggo na rin akong hindi pumasok. Dahil sa problema sa kumpanya. Andito nga
si Mr. Hanazono pero hindi naman madali ang pag appoint ng meeting sa kanya, dahil
pili lang ito.

"Son?" katok ni Mom sa silid ko.

"Mom." sabi ni ko ng buksan ko ang pintuan.

"Son, did you already talked to Mr. Hanazono?" tanong nito.

"Sorry Mom, not yet. Ang hirap makipag usap sa kanya kahit si Mr. A, hindi ko
makontak." mahinahon kong sabi sa kanya.

"THEN GUMAWA KA NG PARAAN LANCE!! Pinaghirapan natin ito, hindi dapat ito mawala ng
ganun ganun lang." pasigaw na sabi niya, alam kong stress si Mom dahil sa
nangyayari sa kumpanya ngayon.

"Mom, gagawa naman ako ng paraan ehh."

"Dapat lang, pero Son. I tell you Son. Paghindi mo ito magawan ng paraan, ibreak mo
na ang girlfriend mong mahirap wala yan siya maitutulong kahit isang piso man lang
sa kumpanya natin at magpapakasal ka kay Kristine babalik na rin siya next week, sa
RDA siya mag aaral sa next semester, at ikaw ang gagabay sa kanya." pagpautuloy ni
Mom.

"Mom!!! Andyan na naman tayo. Mag aaway na naman ba tayo? At hindi ko lulubayan si
Lyka." pagmamatigas ko.

"you know me, Son. Pag hindi mo siya lulubayan, ipapakita ko sa kanya kung saan
siya nararapat. " sabi nito bago umalis.

Napahilamos na lang ako. Minsan ang ugali na ito ni Mom ang pinaka ayaw ko, ang
laging mahalaga sa kanya ay ang kumpanya.
-Third Person POV-

"Mabuti naman at andito na kayo sa bahay. Kanina ko pa kayo hinihintay." chill na


sabi ni Brenda habang umiinom ng tsaa na may hawak na libro, sa tatlong lalaki na
bagong dating.

"Ano ba nangyayari sa kuya mo? at isang linggo na siyang hindi pumapasok. Hinahanap
na siya sa amin ng mga guro sa academy." sabi ni Brett.

"Aba malay ko, nagkulong siya sa kwarto kaya wala akong alam, nag aalala lang ako
dahil dalawang araw na rin siyang hindi kumakain ng maayos." sabi ni Brenda habang
nagpalit ng page sa binabasa niyang libro.

"Ang bait mong kapatid no?" sarkastiko na sabi ni Brett.

"Alam ko. Alis na, nasa kwarto siya." pagtataboy niya dito.

"Ang bait mo rin. Hoy--- *tinignan ang kambal pero wala na ito sa likuran niya.*
Saan na naman nagpunta ang mga pasaway na kambal na iyon!!"inis na sabi ni Brett at
dumiretso siya sa kusina ng may marinig siyang ingay galing doon.

Pagdating niya doon, nakita niya si Alex at Allen na nag aaway sa isang scoop ng
ube ice cream.

"HOY!! anong pinag gagawa niyo diyan?" tanong ni Brett sa dalawa.

"Ito kasing si Allen, sabi ko akin na ang isang scoop na ito, ako ang panganay kaya
pagbigyan mo na ako." sabi ni Alex sabay agaw ng ube ice cream container.

"Di ba dapat magpaubaya ka sa kapatid, anong klase kang kuya, ha?" sabat naman ni
Allen, at sabay agaw din ng container.

Napahilamos na lang si Brett, dahil sa pinaggagawa ng dalaw.

Naglakad siya papalapit ssa dalawa, kinuha ang kutsara at kinain ang natitirang ice
cream.

"BAKIT MO KINAIN?" sigaw ng dalawa kay Brett.

"Pumunta tayo dito para bisitahin si Lance, hindi para kumain. Wala ba kayong
pagkain sa mansion niyo?"

"Wala, ubos na." chill na sabi ni Alex.

"Kaya nagpabili na naman kami." walang gana na sabi ni Allen

"May halimaw ba kayo sa tiyan niyo. Nung isang linggo pa kayo nagpabili ng pagkain
na aabot sa isang buwan ubos na!" gulat na tanong ni Brett.

"Ganun talaga ehh." sabi ng dalawa.

"Hali na nga kayo. Sasakit ang ulo ko sa inyong dalawa." sabi ni Brett at naunang
umalis sa kusina, sumunod naman ang kambal sa kanya, na maydala dalang chichirya sa
bawat isa, napailing na lang si Brett.

Pag dating nila sa kwarto ni Lance. Nagkatinginan ang tatlo.

"Kumatok ka na Alex." sabi ni Brett sabay tulak kay Allen.

"Ba't ako? Ikaw na Allen." sabay tulak sa kakambal.

"Ayoko nga, baka tapunan na naman niya ako ng lampshade." biglang layo ni Allen sa
pintuan at pumunta sa likod ni Brett.

"Ikaw na lang kasi." biglang tulak niya kay Brett. At napalakas ito kaya natamaan
siya sa pinto.

"Ano ba!! ang sakit nun haa?!!" inis na sabi ni Brett habang hinihimas ang ulo niya
kung saan siya natamaan.
Nagpeace sign naman si Allen.

Ilang sandali bumukas ang pinto, kaya nagtago ang kambal sa likod ni Brett.

"Anong ginagawa niyo dito?" seryosong tanong ni Lance sa tatlo. Natakot naman ang
tatlo, dahil dati nung inistorbo nila si Lance, pinatakas nito ang alaga niyang
aso.

Kaya hinabol sila nito at umakyat sila ng puno,pero hindi ito umalis ng tatlong
oras. Hanggang kunin na ito ng isa sa mga nagbabantay dito.

"A-Ahh, p-pinapapunta kami ni B-Brenda, nag aalala siya dahil dalawang araw ka ng
hindi kumakain ng maayos." kinakabahan na sabi ni Brett.

"Tsk." yun lang ang sinabi ni Lance. At seserado na sana ang pinto ng.

"May nangyari kay Lyka!!" biglang sabi ni Allen.

"Oo, balita ko dalawang araw siyang tulog." pagpapatuloy ni Alex.

Ng marinig ito ni Lance ay agad binuksan ang pinto at lumapit sa tatlo.

"Anong nangyari sa kanya? saang hospital? may sakit ba siya?" tuloy tuloy na tanong
ni Lance sa tatlo, halata sa mukha nito na nag aalala ito sa dalaga.

=____= ang reaction ng tatlo

"Huwag O.A. Lance, nahimatay lang siya at okay na siya ngayon." sabi ni Brett.

"Ano ba kasi ang nangyari?" tanong ni Lance.


"Nahimatay siya noong nung wednesday habang nagkwekwento kami, inuwi namin siya sa
bahay ng tumawag kami sa guardian niya, doon na lang daw dadalhin, kahapon lang
siya nagising."Kwento ni Brett

"kumusta na siya?" tanong nito.

"Okay na siya ngayon." brett

"Ang weird lang. Wala siyang maalala kung bakit siya nahimatay." biglang sabi ni
Alex

"What do you mean?" takang tanong ni Lance.

"Tinanong namin siya kahapon kung bakit siya nahimatay, sabi niya wala daw siya
matandaan." Allen

"Pero pag inaalala niya ang nangyari, sumasakit daw ang ulo niya." sabi naman ni
Alex

"Teka nga, ba't interesado ka? di ba, pagpapanggap lang naman ang relasyon niyo.
Kaya wala na kayo." takang sabi ni Brett

"Baka may gusto siya kay Lyka." biglang sabi ni Alex

"Baka meron nga, ligawan mo na Lance para totohanan na."sabat ni Allen, at


nakipaghigh five sa kakambal.

"Meron nga ba?" tanong ni Brett at tinignan si Lance ng nakakaloko, pero umiwas ito
ng tingin.

"Confirm nga." sabi ni Alex at tumawa ng malakas

"Tao na rin si Lance sa wakas!!" sabi naman ni Allen at nakitawa sa kakambal.


"Kung lolokohin mo lang naman din, kung ako sayo, huwag mo ng ituloy, para wala ng
masasaktan. At baka masuntuk ka na naman ni Andrew. Ewan ko kung bakit pero
mapapansin mo na protective ito pagdating kay Lyka." sabi ni Brett

"Baka siya ang may gusto! gusto niya maging super hero sa mga mata ni Lyka."inis na
sabi ni Lance.

"Jelly si Lance" tukso ng kambal. At tumawa na naman ng malakas

"Pag kayo hindi tumigil, ilalabas ko si Raffy!" pagbabanta ni Lance sa dalawa, kaya
biglang tinakpan ng kambal ang bunganga nila.

"Pero kung mahal mo talaga.Ligawan mo na, baka maunahan ka pa ng iba" sabi ni


Brett.

"L-Ligawan??" Lance

"Oo liligawan, in english courting. Ligawan mo siya." sabi ni Alex.

"H-Hindi ako marunong at hindi pa ako nanliligaw ever. Sila ang lumalapit sa akin,
kaya hindi ko na kailangan yan." sabi ni Lance.

"Lance naman ibahin mo si Lyka sa mga babaeng lumalapit sayo, first time ka nga
nireject ehh. At grabe ang impact nito sayo." sabi ni Brett at ngumiti ng
nakakaloko.

"Oo nga, halos lahat ng gamit sa private room sira." sabi ni Alex, nakacross arm
habang umiiling.

"Kung hindi ka marunong, tuturuan ka namin." sabi ni Allen

"Magaling kaya kami pagdating sa mga ganyan." sabi naman ni Brett sabay pogi sign.

Napailing naman si Lance sa inakto ng kaibigan.

First time niyang manligaw at kay Lyka niya palang ito nagagawa.
-Lance POV-

Monday

"Okey. Step 1: bigyan mo ng flower. isurprise mo siya." sabi ni Brett.

"Sure ka ba?"

"Oo, lahat ng babae mahilig sa flower lalo na pag rose" taas baba pa ang kilay
habang sinasabi niya ito.

Andito ako ngayon sa classroom nila hinihintay matapos ang klase para sa breaktime
nila. Habang may dalang bouquet of red roses.

ding~dong~

Unang lumabas ang guro nila, at kasunod ang mga kaklase nila.

"Oh my, si Prince Lance" sabi nung babae.

"Ang sweet naman. Kanino kaya niya ibibigay ang mga roses na yun."

"Sana sa akin na lang yan."

"Hindi sa akin noh."

hindi ko na lang pinansin ang mga tao sa paligid, huling lumabas sila Brenda, Steph
at Lyka.

"Oh, kuya anong ginagawa mo dito?" takang tanong sa akin ni Brenda.

"At may dala pang mga rosas, kanino yan?"takang tanong ni Steph.

Si Lyka naman, tahimik lang na nakikinig sa amin.


Lumapit naman ako kay Lyka at binigay ang rosas sa kanya. Nagulat naman ang lahat
ng tao nakakita sa ginawa ko.

"Sa akin yan?" takang tanong ni Lyka habang nakaturo sa sarili.

"Malamang,sayo ko nga binigay di ba?" pagpipilosopo ko, obvious naman ehh,


itatanong pa.

Tinignan naman ako ng masama ni Lyka kaya bigla akong kinabahan.

"Tsk tsk, turn off ka na niyan Kuya ehh." rinig kong bulong ni Brenda sa side ko.

"Busted ka na niyan. hihihi." mahinang sabi ni Steph sabay tawa.

Tinignan ko naman silang dalawa ng masama pero ngumisi lang ito. Mga hindi
supportive.

Tinignan ko na naman si Lyka na hindi pa rin kinukuha ang rosas mula sa akin.

"Para sayo talaga yan, kunin mo na. " sabi ko at ngumiti.

"Thank You Lance, pero.... *tinignan niya si Steph*" sabi ni Lyka.

Lumapit naman si Steph at kinuha sa akin ang rosas.

"Ayaw ni Lyka ng rosas, hate flower niya yan ehh. Pwede sa akin na?" sabi ni Steph.

At umalis na silang tatlo. Ako? tulala.

Kainis!!! Sabi ni Brett magugustuhan niya daw yun. Why do I have this feeling na
ayaw niya talaga sa akin lalo ng binigyan ko siya ng bulaklak.

Ginulo ko na lang ang buhok ko bago umalis sa lugar na yun.

Step 1: FAILED

Tuesday

"Step 2: Bigyan mo ng chocolate" sabi naman ni Alex sa akin.

"siguraduhin mo lang kasi hindi ko na kayo papakainin sa bahay." bsanta ko sa


kanya.

"Magtiwala ka lang Lover boy."

Andito ako ngayon sa Private room hinihintay si Lyka. Kasama ko si Andrew.

Tignan mo ang gagawin ko,lalamangan kita.

Ilang oras dumating din sila, kaya tumayo ako alam kong nakatingin sa akin si
Andrew.

"Hi girls." bati ko sa tatlo.

"oh, kuya ba't ka andito akala ko nasa kumpanya ka." takang tanong ni Brenda.

"Naayos ko na ang dapat ayusin. Kaya napaaga ako." paliwanag ko dito. Tumingin
naman ako kay Lyka at ngumiti.

"Para nga pala sayo." sabay bigay ng tsokolate sa kanya.Schogggi, an imported swiss
chocolate.

Tinignan ko si Andrew na nakatingin sa amin at ngumisi pero napailing lang ito at


pinagpatuloy ang pagbabasa.
"Ahmm." napatingin ako kay Lyka na nakatingin sa akin. "Thank you sa chocolate,
pero allergic ako nyan ehh." patuloy na sabi niya.

"H-Haa!??" nagulat ako sa sinabi niya.

"Oo, nanangangati ang buong kong katawan pagkumain ako niyan ehh." sabi niya.

"Then, sa amin na lang yan. Sayang ehh." biglang kuha ni Stephanie at tuluyan ng
pumasok sa PR

"Thanks kuya, sa chocolate" sabi naman ni Brenda at sumunod kay Stephanie.

"Sorry." sabi ni Lyka at sumunod sa dalawa.

Kaya ganun na lang ang reaksyon ni Andrew dahil alam niya.

Kainis!!!!!

Step 2: FAILED

Wednesday

"Step 3: Mag regalo ka, ng accesories o kahit ano na sa tingin ang magugustuhan
niya." sabi naman ni Allen.

"Dapat sa gagawin ko ngayon ay hindi na ako mapapahiya, okey? Kung hindi iuuntog ko
na talaga kayong tatlo."

"Trust us." sabi nito sabay akbay sa akin.

Feeling ko parang pinagtritripan ako ng tatlo na yun.

Papunta ako ngayon sa Library dahil duty niya, habang dala dala ko ang regalo ko sa
kany, isa itong infinity necklace na 24 karats gold, worth 200,000 pesos.

Pagdating ko sa Library nakita ko siya sa frontdesk may ginagawa ito.

Kaya lumapit ako sa kanya.


"Paki sign--- anong ginagawa mo dito?" takang tanong ni Lyka

"Kakain ng libro?" nagroll eyes naman ito sa sagot ko.

"Paki log in na lang ." sabi niya at pinagpatuloy naman sa ginagawa niya, habang
nagcoconcentrate ito, nilapag ko ang gift sa table niya.

Nakakunot naman ito habang nakatingin sa regalo at tumingin sa akin.

"Para saan na naman ito?" sabi niya habang hawak ang regalo ko.

"Wala, nakita ko kasi sa mall, kaya binili ko. Para sayo hope magustuhan mo." sabi
ko sa kanya at ngumiti.

tinignan niya muna ako, bago buksan. Mukhang nagulat ito sa nakita.

"Nagustuhan mo bah?? worth 200,000 pesos yan." sabi ko sa kanya.

Mukhang nainis naman ito sa sinabi ko kaya sinerado niya ang box at binalik sa
akin.

"T-Teka, Bakit??" takang tanong ko

"Maganda nga siya, pero ayaw kong tumanggap ng ganyang kamahal na kwintas." inis na
sabi ni Lyka

"At bakit naman?"

"Ayaw ko pagsabihan ako na gold digger na naman. Ayaw kong isipin na naman nila na
ginagamit ko naman kayo, para magkaroon ng mga ganyang mamahalin na gamit. At lalo
na sa Mommy mo Lance. Kaya pwede ba, kung wala ka ng gagawin dito umalis ka na."
mahina pero diin na sabi niya at umalis.
Ano na naman ang ginawa ko?!!

Pinagloloko talaga ako ng tatlo na yun. Humanda sila sakin.

Step 3: FAILED

Thursday

"Ano okay ba?" chill na sabi ni Brett

"Anong okAy ehh, puro nga kapalpakan ang mga sinasabi niyo sa akin. Napahiya ako sa
lahat mg pinapagawa niyo" inis na sabi ko sa bi ko sa tatlo.

"Bakit?" Alex

"Nagsearch pa naman ako sa google, para sa step 4-step ahmmm 10??" Allen

" Hate flowers pala ni Lyka ang mga rosas, allergic siya chocolate at ayaw niya ng
mamahalin na gamit, nagalit pa ito sa akin. Seryoso ba kayo na tutulungan niyo ako?
at ayoko ko ng manligaw kung ganito kahirap suyuin ang babae na yun." inis na sabi
ko.

"Ano ka ba, Lance. Ang bilis mo naman sumuko." Allen

"Duwag ka pala ehh" sabi naman ni Alex

"SINONG DUWAG?!!" sigaw ko sa dalawa at sabay nilang tinuro si Brett.

Napahilot na lang ako sa noo ko dahil sumasakit na ito sa mga pinaggagawa ng


kambal.

"Umayos nga kasi kayo" sabi ni Brett sa dalawa sabay batok dito.

"Okay, okay. Ito na ang huli promise magugustuhan na niya ito. Ayain mo siya bukas,
lumabas kayo na kayong dalawa lang. Pumunta kayo sa favorite place niya. Doon mo
ipagtapat sa kanya ang nararamdaman mo." sabi ni Brett.
Tingnan ko siya, seryoso itong nakatingin sa akin

"Hindi ko nga alam ang favorite place niya, tsk." ako

"Alam ko, kung saan." Alex

"Oo, natanong namin ito sa kanya nung last month ba yun o last last month?" sabi
naman ni Allen habang nagiisip

"Saan?" tanong ko.

"Sa Amusement Park. Dalhin mo siya sa Enchanted Kingdom." sabay na sabi ng kambal.

"Kahit papano may nagawa din kayo ng matino." sabi ni Brett.

"Yayain mo na siya sa saturday." sabi ni Brett sa akin.

"Eh, hate place ko ang amusement park." seryosong sabi ko.

Dahil yun yung place na huli kong makasama si Jenny bago siya namatay.

Nagseryoso naman ang tatlo.

"Kung mahal mo na talaga si Lyka, dapat pumunta kayo. Pero pag hindi mo pa
nakakalimutan si Jenny. Huwag mo ng ituloy ang pagliligaw na ito, ginagawa mo lang
siyang rebound." sabi ni Brett. "Pag isipan mo ang sinabi ko sayo." sabi nito bago
tumayo at umalis sa PR kami lang kasing apat ang andito.

"Tama siya Lance. Dapat ka ng mag move on."seryosong sabi ni Alex

"Dalawang taon na siyang wala. Kaya tanggapin mo na. Mauuna na kami may pasok na
kami." Allen, at umalis na silang dalawa at naiwan akong mag isa.
Friday

Andito kami ngayon sa Graden, sinabi ko kasi na gusto ko makipag usap sa kanya, at
dito kami napadpad.

"Ano ba ang sasabihin mo?" tanong sa akin ni Lyka.

"P-P-Pwe-Pwed..."

"Kung hindi naman yan importante mauuna na ako, tutulungan ko pa si Aling Karen sa
Carinderia." aalis na sana siya ng pigilan ko siya.

"*sigh* Pwede ka ba sa saturday?"Tanong ko

"Haa??"

"Sabi ko free ka ba sa saturday?"

"Bakit?"

"Lalabas sana tayo." nahihiyang sabi ko habang hindi nakatingin sa kanya.

"Bakit mo ba ito ginagawa?" takang tanong nito.

"Dahil.......

Basta pumunta ka na lang bukas, susunduin kita sa inyo. Dapat 12nn ready ka na."
sabi ko at umalis na dahil sa sobrang kahihiyaan.

-Lyka POV-
"Anong nangyari doon?" bulong ko sa sarili bago umalis at umuwi.

*******************************************************

-miemie_03

Chapter 43 - Amusement Park

Chapter 43 - Amusement Park

-Third Person POV-

"Drew" tawag nito sa apo. Na ngayon ay nasa office nito nagbabasa ng mga papeles sa
kumpanya na pinagmumunuan niya.

"Doshite Jii-sama? (what it is, grandpa?)" tanong niya, pagkatapos ibaba ang libro.

"May naalala na ba siya? Balita ko nahimatay daw ito, is she alright?" nagaalalang
tanong nito.

"She's okay now, you don't have to worry. At mukhang wala pa ito naaalala." sagot
nito.

"Do you have any picture of her?" tanonng ulit nito.

"Yes, I have one." sabi nito at kinuha ang wallet niya kung saan niya nilagay ang
litrato ni Lyka, at pinakita sa Grandpa. "Kinuha ko ang picture na yan nung
nakikipagkulitan siya sa mga kaibigan ko." masayang kwento niya.
Ng makita ito ni Kaito, hindi niya maiwasan hindi maiiyak.

"She really looks like your mother. My granddaughter, My little princess." naiiyak
na sabi nito habang hinihimas ang litrato niya.

"Mom and Dad 7th Death Anniversary is getting nearer." biglang sabi ni Andrew.

"You want to visit them?" tanong nito sa apo.

"I would like to, but with Lyka. Gusto ko ipakita sa kanila na magkasama na ulit
kami." sabi nito.

"Alam kong ginagabayan nila kayo ngayon. I want to see her, Drew. Your sister."
sabi nito sa apo.

Nagulat naman si Andrew, at napatingin sa kanyang Lolo.

"But, Jii-sama! akala ko ba sa kaarawan namin sasabihin sa kanya ang katotohanan.


Konting panahao na lang magkakasama na tayo." gulat pa rin na sabi nito.

"Just invite her. In your house, I jusy want to see her, Drew. " sabi ng kanyang
Lolo.

".......Alright, I invite her next week." sabi ni Andrew.

"Why not now?" taka ng tanong ni Kaito

"May iba siyang gagawin ngayon." nakangising sabi ni Andrew.

-Lyka POV-
Sabado ngayon, at andito ako sa park maghihintay kay Lance, ang sabi ko kasi sa
kanya na dito na lang niya ako susunduin. Grabe kasi kung makatingin ang mga kapit
bahay namin pag may nakapark na mamahaling sasakyan sa harap ng bahay.

Amg suot ko lang naman ngayong araw is blouse na may shade na indigo color, jeans
and white doll shoes. Simple lamg suot ko ngayon at kung magrereklamo siya sa ayos
ko, bahala na siya.

Ilang minuto rin ang nakalipas ay dumating na rin siya.

Hininto niya ang sasakyan sa harap ko.

"Kanina ka pa?" tanong niya ng makalabas na siya sa sasakyan.

Nakablue shirt siya na may nakaprint na "I am the MAN" at nakapedal shorts at naka
sneaker. Ang gwapo niya sa ayos niya ngayon.

"Done checking on me? " nakasmirk na sabi ni Lance.

Ng marinig ko ito umiwas kaagad ako ng tingin, kasi alam kong namumula ako ngayon
sa kahihiyan.

"Ahh-O-Oo kanina pa ako dito, tara na!!" sabi ko at nauna ng pumunta sa kotse at
nauna ring pumasok. Bahala siya diyan.

Narinig ko siyang tumawa bago pumasok sa kotse, pero hindi ko siya pinansin.

"Hey!" tawag niya sa akin. Pero hindi ko siya pinansin

"Lyka!" tawag niya ulit pero dedma pa rin.

"*sigh* okay, huwag mo ako pansinin." sabi nito at inistart na ang sasakyan at
umalis na kami sa park.

Ang tahimik namin sa buong byahe ng ilang minuto tumigil kami sa isang...

Saan pala kami pupunta?


"Nasaan tayo? Saan mo ako dinala?" takang tanong ko, habang nakatingin sa labas,
andito kami sa parking lot, at madaming tao dito ngayon.

"Malaman mo paglabas natin, halika na." sabi nito at naunang umalis. Umalis na rin
ako pagtingin ko sa likuran namin,.

*___* -ako nakatwinkle ang mga mata

"Waaaaaaaaaaaaah. Enchanted Kingdom!!!!" masayang sabi ko.

"Para kang bata." sabi ng lalaki na sumira sa mood ko, tinignan ko siya na
nakatingin na pala sa akin habang nakangiti kaya napaiwas ako bigla

"Che. huwag ka nga, masaya na ako ehh, sinira mo pa." pagsusungit mo.

"Sige magsungit ka pa, hindi talaga tayo papasok diyan, o hindi kaya kanya kanyang
bayad tayo ngayon.Libre ko sana." sabi nito sa akin, at alam ko nakasmirk ito
ngayon.

Ng marinig ko ang sinabi niya.

"Waaaaah!! Lance naman ehh, hindi naman ako nagsungit. Ikaw talaga, tara na pasok
na tayo." sabi ko at hinila siya papunta sa entrance.

Mahirap na baka bawiin.

Libre niya ehh

Huwag tanggihan ang swerte.


Ng nakapasok na kami. Para akong bata na nakakita ng isang laruan.

Matagal ko na gustong pumunta dito.

"Huwag ka ngang lumayo sa akin, baka mawala ka. Ang daming tao oh." sabi ni Lance
at hinawakan ang kamay ko.

Naglilibot libot kami ng may nakita akong isa sa mga rides dito.

"Lance, itry natin yun ohh." sabay turo sa space shuttle max.

"H-Haa?? bakit yan agad? " takang tanong ni Lance,

"Eh, sa gusto ko ehh. Tara na dali!!!" sabi ko at hinila siya papunta doon para
pumila.

nung kami na ang sunod, agad akong umupo sa may gitna, pero nakita ko na nakatayo
pa rin si Lance.

"Huy!! sakay na!" sabi ko, at mapapansin mong excited na ako paandarin ito.

"Ahm, Lyka. Dito na lang ako." sabi nito sa akin

"Ha? Bakit? halika na nga, huwag mong sabihin na duduwag ka?" nakasmirk na sabi ko.

"Sinong duwag??" parang nainis naman siya sa sinabi ko at namumula ang tenga nito.

"Alam mo Lance, pwede mo naman sabihin sa akin kung naduduwag ka. Huwag kang mag
alala, sikreto natin ito." sabi ko, at tumawa ng malakas kaya napatingin sa amin
ang ibang tao.

Napansin ko may tumabi na sa akin, ng tignan ko kung sino.

"Oh, ba't sumakay ka? " takang tanong ko.


"Sisiguraduhin ko sayo na hindi ako duwag. Napakasimple naman ito." sabi nito.

"Talaga lang ha? baka bigla ka na lang mahimatay, kasalanan ko pa. At ipakulong ako
ng Mommy mo." sabi ko.

"Huwag na nga natin isali si Mom dito, wala siya dito.At huwag kang mag alala hindi
ako mahihimatay." matapang na sabi nito.

Nagsmirk lang ako.

Pinaandar na nila ang rides.

"Heto na, umaandar na" naeexcite na sabi ko.

"Para kang sira diyan." sabi nito pero hindi ko siya pinansin.

Dahan dahan itong umaatras.

"Heto lang pala, ang boring naman." sabi nito sabay yawn.

"Anong boring, bahala ka diyan." sabi ko.

Ng nasa taas na kami, biglang..

"Woooohoooooo!!!!!!!!!!!!!!!!!" sigaw ko habang nakataas ang mga kamay ko

"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaah!!!!!!!!!! ibaba niyo akooooooooooooooooo!!!!!!!!" rinig


kong sigaw ni Lance.

"Hahahahahaha. Ang sayaaaaaaaaaaaa!!!!!!!!!" pagpatuloy ko sa pagsigaw.

Ilang minuto, natapos rin kami doon.


"Waaah!! ang saya!" sabi ko ng makababa na kami.

"Anong masaya doon? nakakamatay ang ride na iyon." sabi ni Lance at pinagpapawisan
talaga siya.

"Patay kaagad hindi ba pwedeng mahimatay muna, ang O.A mo haa." sabi ko at inisnob
siya.

"Ewan ko sayo. Next ride na tayo." sabi nito at inakbay ako.

"Talaga lang, next ride...saan ba?" sabi ko habang nag iisip ng makita ko ang ride
nung nakaupo kayo sa isang tower tapos iaakyat kayo then bigla na lang ibababa.

Waaaah. mukhang masaya yun haa..

"Lance doon tay----" hindi ko na tuloy ang sasabihin ko ng tumalikod kami sa ride
na iyon.

"Halika na Lyka, doon tayo ohh. May nakita akong ride na sisiguraduhin kong
maeenjoy NATIN pareho." sabi nito habang naka akbay sa akin, diniin niya talaga ang
natin haaa.

"Pero may nakita naman ako na mas nakaka enjoy eh." sabi ko.

"Huwag ka na maarte diyan. Ako na naman ang pipili ng rides." sabi nito. Kaya
hinayaan ko lang ito.

=______= ako

Nakasakay kami ngayon isa sa mga kiddie rides, yung train train.

Ano naman nakaka enjoy dito? ehh, hindi naman mabilis yung ride ehh, ang
boring.......

Tinignan ko naman si Lance, heto ang isip bata tuwang tuwa sa mga tanawin.

=_____= ako.
Ng matapos ang ride, tulog lang po ako whole ride.

"Pambihira ka, tinulugan mo ako." sabi nito.

"P-Paano *yawn* hindi ako makakatulog ehh, ang boring na pinili mong ride." sabi ko
at kinusot ang mga mata ko.

"Tsk"

"Since ako na naman pipili, doon tayo.!!!" sabi ko sabay turo sa anchors away.

Mukhang ang saya kasi nila habang sumasakay nun, ehh. Gusto kong subukan.

"A-A-Ano!?????" gulat na tanong niya.

"Bakit?" inosenteng tanong ko.

"Sigurado ka bang first time mo lang pumunta dito?" biglang tanong niya.

"Oo, bakit ba?" inis na tanong ko, atat na kasi akong pumunta doon.

"Tapos hindi ka takot sumakay sa mga niyan?" sabi niya sabay turo sa roller
coaster.

"Hindi, ehh sa gusto kong subukan. Halika ka na nga pahaba na ang pila ohh." sabi
ko at hinila siya.

Ganun lang ang sinario namin, pagkatapos niyang pumili ng rides, ako na naman ang
pipili.
Ang pinipili niyang ride ay mostly sa kiddie ride pero may time na pumili siya kung
saan pareho kami na eenjoy, gaya ng car bumper

at grand carousel.

Hanggang hindi namin napansin na gabi na pala.

"Oh, ako na naman ang pipili ng huling rides." sabi ko.

"Okay, saan mo gusto?" sabi nito

Tinuro ko ang ferris wheel.

"Gusto ko sumakay niyan." sabi ko, habang nakatingin sa ferris wheel.

Gusto kong sumakay diyan, matagal na. At isa sa mga birthday wish ko nung 11 years
old na sasakay kami diyan nila Mama at Papa.

Pero, biglaan kaming pumunta ng Japan para bisitahin si Lolo.

"Okay, Tara." sabi nito at hinawakan ang kamay ko at hinila papuntang ferris wheel.

"Okay, Mam sir. Kayo na po ang susunod." sabi sa amin nung lalaki, at inassist kami
papasok.

"Enjoy the view." ngiting sabi nito bago isara ang pintuan. Ng umakyat na kami,
tumingin lang ako sa bintana.

Ang ganda. ang ilaw sa paligid ay parang bituin.

"Lyka." biglang tawag ni Lance.


"Hmmm." ako habang nakatingin pa rin sa labas.

"Lyka." nagulat ako ng kunin niya ang mga kamay ko, kaya napatingin na ako sa
kanya.

Seryoso itong nakatingin sa akin.

"B-Bakit?" bigla akong kinabahan sa tingin niya.,

"Alam mo ba kung bakit ko ginagawa ito, pati yung pagbibigay ko sayo ng bulaklak at
tsokolate?" tanong nito.

"Ka-Kaya nga ako andito d-diba? Para malaman ang sagot, bakit nga ba, Lance.?" ako
naman ang nagtanong sa kanya.

Pero nakatingin lang ito sa akin ng seryoso.

"I just want you to know that,

*insert fireworks*

I like you, Lyka"

-Someone POV-

"I'm finally here. It's really good to be back" nakangiting sabi ng isang babaeng
kakalabas lang ng airport.
*********************************************************************************

-miemie_03

Chapter 44 - Jealous Lance

Chapter 44 - Jealous Lance

-Lyka POV-

Nasa kwarto ako ngayon, tulala at nakatingin sa ceiling.

Hindi makatulog dahil sa sinabi ni Lance nung sabado

"I like you Lyka" seryosong sabi niya.

waaaah!! tinakpan ko ang aking mukha gamit ang stuff toy na bigay ni Andrew bago
sumigaw, baka magising ko si Aling Karen.

Tinignan ko ang orasan sa side table ko.

3:00 am

waaaaah!!!!!!!
=///////= -ako

Anong ginawa mo sa akin Lance!! hindi ako makatulog

May klase na mamaya.

-6:30am-

nasa school na ako, sa mga oras na ito. Hindi kasi ako makatulog kaya naisipan kong
pumunta ng maaga.

At dahil hindi ako makatulog kanina, ngayon pa ako inaantok.

*yawn*

Tinignan ko ang paligid, wala pa masyadong tao. meron naman siguro may practice o
ano man.

Pumunta ako sa garden dahil ang tahimik doon, at mahangin.

Tinignan ko ang orasan sa cellphone ko, 6:35am. 8am pa ang class ko kaya may isang
oras at kalahati pa akong vacant. Kaya agad akong nahiga sa damuhan malinis naman
ehh, at nakatulog agad dahil sa puyat.

-Andrew POV-

Andito ako ngayon sa RDA, kanina pa ako 6am nandito dahil may pinaasikaso sa akin
si Lolo ng mga papeles sa academy.

Papunta ako sa private room ng S6 para matulog ng mapadaan ko ang garden.


Napatigil ako dahil nakita ko siyang mahimbing na natutulog sa damuhan sa may
paanan ng puno. Kaya walang salitang lumapit ako sa kanya.

Napangiti ako sa akin nakita, napaluhod ako na parang isang prinsipe, at inayos ang
buhok niya na natatakpan ang maamo niyang mukha.

"Hindi ka pa rin nagbabago, Lyka. Kung saan saan ka pa rin natutulog. *smile*
Malapit na, konting tiis na lang magkakasama na tayo. Sana pag sinabi namin ang
totoo sayo, ay maintindihan mo kami. At sana pagdumating ang araw na iyon bumalik
tayo sa dati." sabi ko sa sarili habang tinitignan siyang natutulog.

Umupo ako sa tabi niya, at dahan dahan inilagay ang ulo niya sa kandungan ko.

Kinantahan ko siya ng mahina ng favorite song namin habang tinitignan siya, ito
kasi ang laging kinanta ni Mommy pag natutulog kami.

When I lost faith

You believed in me

When I stumbled

You were right there

For every act of love you've done

I owe you one

There were hard times

I know we survived

Just because you stayed by my side

With all I have with all I am

I promise you all my life

[Chorus]

Whenever the road is too long

Whenever the wind is too strong


Wherever this journey may lead to

I will be there for you

I will be there for you

(Title: I Will Be There For You by Jessica Andrews)

I will be there for you, whenever you need me Lyka.

-Lance POV-

Papunta ako ngayon sa school galing sa bahay nila Lyka, ang sabi sa akin ni Aling
Karen na kanina pa ito umalis ng 6:30am at pagtingun ko sa oras 7:30am na ngayon,
isang oras na siyang nasa school at hindi man lang ako tinawagan o txt man lang.

tsk.

Pinark ko na agad ang kotse koat agad agad bumaba para hanapin siya.

tinawagan ko si Stephanie para malaman kung kasama niya ito.

"Hello~"

"Kasama mo ba si Lyka?" agad na tanong ko sayo.

"Grabe ha, wala man lang hello back." sabi nito

"Just answer me, Steph." seryosong sabi ko habang naglalakad papunta sa room nila.

"Ang aga aga, highblood ka na niyan. Actually wala pa si Lyka sa room, baka any
moment andito na yun why?" takang tanong nito.

pero hindi ko na siya sinagot at pinatay ang tawag ko sa kanya.

imbes na pumunta sa room nila ay dumiretso ako sa private room baka andun siya.
Pero ng dumaan ako sa garden, may naagaw ng attention ko.

Ng makita ko kung sino ito, hindi ko napansin na nakaclosefist na ang kamay ko.

hindi ako nagdalawang isip na lumapit sa kanila.

"Mukhang nakaistorbo ako haa?" seryosong tanong ko sa dalawa na masayang nag uusap
sa oras na ito.

"L-Lance, b-bakit ka andito?" takang tanong ni Lyka

"Ikaw!!? ba't hindi mo ako tinawagan na maaga ka pa lang papasok ngayon? hindi yung
iba ang tinawagan mo *sabay tingin kay Andrew na nakatingin rin sa akin*" at
bumalik ang tingin ko kay Lyka

"W-Wala akong load ehh. At tsaka ba't naman kita tatawagan?" napakunot na tanong
nito.

"Tsk. Halika ka na. Malelate ka na!!" sabi ko sa kanya at hinila siya patayo.

"Aray haa. " sabi nito at pinagpag ang palda nito bago kunin ang gamit sa damuhan.

"A-Ahh. Andrew, sige mauna na ako. Salamat ulit at *bumulong dito*" at ngumiti siya
dito.

Nainis ako sa nakita ko kaya agad ko siyang hinila palayo sa kanya.

"Aray ha!! dahan dahan naman Lance, nasasaktan na ako." reklamo nito habang
hinihila ko pa rin siya.

Napatigil ako kaya nabangga ito sa likuran ko.

"Aray naku, ang ilong ko *sabay hawak sa ilong* ba't ka biglang tumigil, parang
bakal pa naman yan likuran mo." reklamo nito sa akin. Kaya napatingin ako sa kanya
kaya nabigla ito.

"B-Bakit?" takang tanong nito.

"Anong sinabi mo sa kanya?" tanong ko dito.


"H-Haaa?? B-Bakit ba?" sabi niya

"Sabihin mo na." seryoso pa rin akong nakatingin sa kanya

"A.yo.ko. At tsaka kung yan pa rin ang tatanungin mo mas mabuti pa na pupunta na
ako sa classroom, baka malate na nga ako dahil sayo." sabi nito.

Lumakad na siya at nilampasan ako.

"Huwag ka ng makipag usap sa kanya." seryosong sabi ko sa kanya

Napahinto naman ito at tumingin ulit pabalik sa akin.

"H-Haa?? nahihibang ka na ba?? ehh bakit kita susundin." mataray na sabi nito.

"Because I said so. Kaya huwag ka na ulit makipagkita sa kanya ng kayo lang at
makausap man lang." seryosong sabi ko.

"Paano kung ayaw ko?" matapang na tanong niya.

Napangisi naman ako sa tanong miya.

"I can kiss you right here, rignt now. I don't really care, sa mga sasabihin ng
iba." nakangising sabi ko.

Nakita ko naman kung paano namula ang mukha niya na parang kamatis na sa sobrang
pula nito.

"C-Cheee!" sabi nito bago ako tinalikuran at mabilis lumakad paalis.

Napangisi ulit ako sa reaction niya.

So cute~~
-Lyka POV-

"waaaaah, nii-sama I'm scared!!" iyak ng iyak ang batang babae habang niyayakap
siya ng batang lalaki

"Shsss. Nii-sama is here don't be scared I'll protect you." sabi ng batang lalaki

"But, Nii-sama. I'm scared because of the thunder. " sabi ng batang babae

"I'll sing for you okay, so you wont mind the thunder anymore. Just sleep. Nii-sama
won't leave you" sabi nito kaya humiga ang babae sa kandungan na batang lalaki
habang naka backrest naman ang likod nito sa headboard ng kama.

When I lost faith

You believed in me

When I stumbled

You were right there

For every act of love you've done

I owe you one

There were hard times

I know we survived

Just because you stayed by my side

With all I have with all I am

I promise you all my life

[Chorus]

Whenever the road is too long

Whenever the wind is too strong

Wherever this journey may lead to

I will be there for you

I will be there for you


Nagising ako sa panaginip na iyon.

Nagulat ako ng makita ko si Andrew na nakatingin sa akin habang nakangiti. Kaya


napaupo ako bigla

Paano?

Di ba sa damuhan lang ako humiga hindi sa kanya? Hala!

"Did I wake you up?" nag aalalang tanong nito.

"A-Ahh. hindi kusa akong nagising. Ahmmmm, " bigla akong nahiya kaya napaiwas ako
ng tingin sa kanya. Narinig ko ang tawa niya

"Huwag kang mailang, ako mismo naglagay sayo sa kandungan ko, mukhang nahihirapan
ka at puyat." sabi nito at ngumiti ng tumingin ako ulit sa kanya.

"Sorry pa rin." sabi ko. Napatawa naman ito ulit kaya napatawa na rin ako

"Lyka." tawag niya sa akin

"Hmmm?"

"Can I invite you this saturday? Ate Nuriko wants to see you, at sa bahay kami
kakain ng lunch gusto niya kasama ka." sabi nito at ngumiti.

"Ahmmmm" tila nag iisip kung may gagawin ba ako this saturday. Next week na nga
pala talaga ang birthday ko.

"Si---"

"Mukhang nakaistorbo ako haa?" seryosong sabi ng taong bigla na lang sumulpot kung
saan ng tignan namin kung sino
"L-Lance, b-bakit ka andito?" takang tanong ko sa kanya ng bigla na harap namin

"Ikaw!!? ba't hindi mo ako tinawagan na maaga ka pa lang papasok ngayon? hindi yung
iba ang tinawagan mo" sabi nito sa akin

"W-Wala akong load ehh. At tsaka ba't naman kita tatawagan?" sabi ko.

wala man talaga akong load, hindi gaya nila na lagi na lang may load.

"Tsk. Halika ka na. Malelate ka na!!" sabi niya at hinila ako patayo.

"Aray haa. " sabi ko at pinagpag ang palda ko bago kunin ang mga gamit.

"A-Ahh. Andrew, sige mauna na ako. Salamat ulit at *bulong* sure, punta ako gusto
ko rin magthank you kay Ate Nuriko sa pag aalaga sa akin" at ngumiti ako sa kanya.

"Walang atrasan na yan, okey?" bulong ulit niya sa akin at ngumitim

Ng biglang hinila ako ni Lance.

"Aray ha!! dahan dahan naman Lance, nasasaktan na ako." reklamo ko habang hinihila
niya pa rin ako.

Ng bigla siyang tumigil sa paglakad kaya natamaan ang ilong ko sa likod niya na
mukhang yari sa bakal. Ang sakit ehh

"Aray naku, ang ilong ko *sabay hawak sa ilong* ba't ka biglang tumigil, parang
bakal pa naman yan likuran mo." reklamo ko. Kainis naman ehh.

Nagulat ako ng bigla na lang siya humarap sa akin.

"B-Bakit?" takang tanong ko


"Anong sinabi mo sa kanya?"

"H-Haaa?? B-Bakit ba? " -ako

"Sabihin mo na." seryosong sabi niya na

nakatingin sa akin

"A.yo.ko. At tsaka kung yan pa rin ang tatanungin mo mas mabuti pa na pupunta na
ako sa classroom, baka malate na nga ako dahil sayo." pagmamatigas ko,

sino ba siya sa inaakala niya?

Mama ko para sundin ko ang dapat niyang sabihin

at isa pa, ang bait kaya ni Andrew, hindi ko pala siya crush, like ko siya in
brotherly way parang ganun. Basta ang gaan ng loob ko sa kanya, feel ko matagal ko
na siyang kilala

Malapit na pala ako malate, kaya naglakad na ako at nilampasan siya.

"Huwag ka ng makipag usap sa kanya." seryosong sabi niya

kaya napahinto ako at napatingin sa kanya bigla

"H-Haa?? nahihibang ka na ba?? ehh bakit kita susundin." mataray na sabi ko.

"Because I said so. Kaya huwag ka na ulit makipagkita sa kanya ng kayo lang at
makausap man lang." seryosong sabi niya

"Paano kung ayaw ko?" matapang na tanong ko.

Napangisi naman siya, kaya bigla akong kinabahan.

Ayoko talaga makita yang ngiti na yan kasi alam kong may binabalak na naman iyan
"Because I said so. Kaya huwag ka na ulit makipagkita sa kanya ng kayo lang at
makausap man lang." nakangising sabi nito

Ng marinig ko ito alam biglang uminit ang mukha ko, waaaaah

lalagnatin na ata ako

at alam ko sa mga oras ngyaon ang pula ng mukha ko

"C-Cheee!" sabi ko bago siya talikuran at mabilis lumakad paalis.

Pagdating ko sa classroom, wala pa si maam.

Kaya naglakad ako papunta sa chair ko, ng salubungin ako ni Steph

"Lyka, saan ka galing? hinahanap ka ni Lance kanina." sabi niya

"Nagkita na kami. Kainis talaga siya, ang aga aga pinapainit niya ang mu--ang ulo
ko." sabi ko

"Tama ka diyan,Lyka. Hate ko rin siya. sinira niya ang monday ko."pababy na sabi
nito at niyakap ako bigla

"Hindi ka na bata, kaya huwag kang umasta na parang baby." sbai ni Jason sa likuran
ko at nagsmirk, kaya napabitaw si Steph sa pagyakap sa akin, at tinignan si Jason

"Hoy Unggoy, kung wala kang magawa pwede ba, mind your own business." maarteng sabi
ni Steph kay Jason

"I'm just minding my own business. At tsaka huwag kang humarang sa daan at bumalik
ka na sa lugar mo,.....pangit." nakangisi pa rin sabi ni Jason.

Susugurin na sana siya ni Steph ng dumating si Maam.


Tinignan ni Steph si Jason ng masama "Lagot. ka.sa.akin.mamaya." diin na sabi niya
bago umalis at bumalik sa upuan.

Napailing na lang ako, walang araw talaga na hindi mag aaway ang dalawa na ito.

-Private Room-

Mag isa lang ako pumunta sa private room

kasi pumunta si Brenda sa Library may hihiramin daw siyang libro habang si Steph
pumunta sa gymnasium may meeting sila.

Pagkapasok ko nakita ko kaagad si Jake nag babasa ng libro sa couch.

Napatingin ito sa akin ng mapansin niya ako, kaya binaba niya ang libro niya

"Ikaw lang mag isa?? saan sila Stephanie at Brenda?" takang tanong nito

"Si Brenda sa Library si Steph naman nasa gym, hahabol na lang daw sila.""sabi ko.
napatingin naman ako sa paligid dahil sobrang tahimik

"Mag isa ka lang? nasaan sila?" tanong ko

"Oo, may klase pa ata. Kakarating ko lang kasi galing Japan." sabi ni Jake kaya
napatingin ako sa kanya

"Oo nga noh, ngayon ko lang napansin na wala ka pala."

"Ouch haa, parang kinalimutan mo ako." birong sabi niya

"Hindi naman." lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya.


"Musta Japan? bakit ka nga pala umuwi?" tanong ko

"Pinauwi ako ni Dad, urgent daw ehh, kaya pumunta na lang din ako. Nga pla, I
almost forgot." sabi niya at tumayo, naglakad ito papunta sa kusina.

ng bumalik siya, may binigay siya sa akin ng isang malaking paper bag.

"P-Para sa akin??" takang tanong ko habang tinuturo ang sarili

"Kanino pa ba? maliban na lang kung may iba pang tao dito." sabi nito.

"J-Jake naman, huwag ka naman g-ganyan." takot ako sa multo guys, kaya nga inopen
ko ang maliit kong lampara sa tuwing natutulog ako.

"Just kidding, sayo talaga yan. Pasalubong ko for you." sabi niya at ngumiti sa
akin.

Tinanggap ko naman ito "T-Thank You nag abala ka pa." nahihiyang sabi ko, ng
tinignan ko kung ano ito biglang nag twinkle ang mata ko sa nakita ko.

*__________* -ako yan

"Waaaaaah. Teddy bear na kulay violet. Favorite ko!!!" masayang sabi ko habang
kinuha agad ang stufftoy sa paper bag na parang bata at agad na niyakap ito, isa
lang naman siyang medium size na teddy bear na kulay violet may hat siya at bow
tie, kaya ang cute niya. Ang lambot pa

"I know." rinig na sabi ni Jake kaya napatingin ako sa kanya, nakatingin ito sa
akin habang nakangiti ngumiti naman ako.

Nilapag ko si Teddy sa single couch at hindi ko maiwasang yakapin si Jake.

"THANK YOU!!!!!!!!!! matagal ko na kasi gusto yan ehh." masayang sabi ko ng may
narinig kami na parang may nahulog kaya napabitaw ako sa pagkayakap kay Jake at
napatingin kung sino ang bagong dating.

"La---" hindi ko natuloy ang dapat ko sanang sabihin nag bigla na lang akong hinila
ni Lance at kinaladkad paalis sa private room
"Lance"

"Lance, teka nasasaktan ako." sabi ko at pilit inaalis ang pagkahawak niya.

Pero patuloy pa rin ito sa paghila sa akin hanggang sa hindi ko na matiis na


hilahin ang kamay ko sa pagkakahawak niya kaya napatigil kami.

"Ano ba, nasasaktan na ako sa paghila mo sakin, ano ba ang problem mo?! kanina ka
pa!!" inis na sabi ko.

"Huwag ka ngang lumapit sa kung sino sinong lalaki!!?" seryosong sabi nito.

"Bakit ba? hindi kita maintindihan!" inis na sabi ko, kasi nalilito na ako.

"DAHIL HINDI MO LANG DIN NAMAN MAINTINDIHAN!!" sigaw niya sa akin, mukhang napikon
na ito, pero mas naiinis na ako sa kanya.

"EDI IPAINTINDI MO PARA MAINTINDIHAN KO!!"sigaw ko pabalik, hindi ako ganitong tao,
ang sumisigaw umaaway, pero dahil sa lalaki na ito nagawa ko at in public pa talaga
buti na lang wala masyadong tao kung nasaan man kami ngayon.

napahilamos ito sa sobrang inis.

"Kung wala kang sasabihin, aalis na ako."mahinahon na sabi ko bago siya talikuran.
Ng aalis na sana ako

"BECAUSE I'M JEALOUS!!" sigaw nito kaya nagulat ako sa sinabi niya kaya napatingin
ako sa kanya.

"A-Ano??" tanong ko kahit alam ko na kung ano ang sinabi niya.

"I said I'm jelous, happy now? kaya huwag ka ng lumapit sa kahit kaninong lalaki
maliban sa akin, unless importante iyon." seryosong sabi niya habang ako?
Tulala

*****************************************************************************

-miemie_03

Chapter 45 - She's BACK

Chapter 45 - She's BACK

-Third Person POV-

"Kristine Darling, Welcome Back! It's good to see you again. How are you?" masayang
sabi ni Julia Montellier sa bagong dating bisita nito sa mansion nila.

"Tita Julia, I'm perfectly fine. Still beautiful as always." masayang sabi din ni
Kristine at nakipagbeso beso dito.

"How's Canada? and also your parents especially your Mom." tanong ni Julia
pagkatapos ayain ang dalagang umupo sa couch.

"Their fine naman Tita, pero si Mom hindi pa rin nakakamove on sa pagkawala ni
Jenny." malungkot na sabi ni Kristine, hinawakan naman ni Julia ang mga kamay ng
dalaga

"Don't worry, I'm sure your Mom will be alright." nakangiting sabi ni Julia sa
dalaga kaya ngumiti ito pabalik sa kanya.

"By the way Tita, Where's Lance?" takang tanong ni Kristine ng mapansin niya na
wala ang kababata sa Mansion nila.

"He's with her gold digger girlfriend." inis na sabi ni Julia

"Gold digger? what do you mean, Tita?"takang tanong ni Kristine

"Kung alam mo lang Kristine Darling, nagbago ang anak ko, simula ng makilala nila
ang babaeng yun, hindi na siya nakikinig sa akiin ngayon. Not like before."
malungkot na sabi ni Julia

"Please bring my Son back. Jenny is gone now and all I have is you. I really want
you for my son, kaya dapat mawala sa paningin natin yung babae na nagpababago sa
anak ko." pakiusap ni Julia kay Kristine. Hinawakan naman ni Kristine ang mga kamay
ni Julia.

"Don't worry Tita. Whoever that girl is, will pay for it. Ako na pong bahala kay
Lance." at ngumiti ito

"Kaya yan ang gusto ko sayo. You're such a nice girl." sabi naman niya dito
pabalik.

-Lyka POV-

"Ano na naman ang ginagawa mo dito?" inis na sabi ko sa taong nasa harap ko ngayon.

"Wala, binabantayan ka lang." walang gana nitong sabi.

"Kahit sa library? Hoy Lance, pwede ba pumunta ka na sa practice mo, ikaw ang
captain at ikaw ang wala, magtino ka nga."inis pa rin ako habang inaayos ang papers
sa lamesa.

"Tsk, just call me when you need me, kahit saan pa ako sa mundo. Asahan mo....
darating ako" sabi nito kaya napatingin ako sa kanya. Seryoso itong nakatingin sa
akin.
"A-Ano-" wala akong masabi dahil para sa akin parang may ibang meaning din iyon.

"Ihahatid kita pauwi so hintayin mo ako. Kung hindi lagot ka sa akin." sabi nito
bago umalis sa library.

Kahit wala na siya heto pa rin ako tulala sa dahil sa sinabi niya.

"Lyka!" tawag sa akin na may kasamang hampas.

kaya napatingin ako kung sino ito.

"I-Ikaw pala Ate Isabel, may kailangan ka ba?" tanong ko sa Vice Captain ng Archer
Club, still remember her?

"Oo, may meeting tayo bukas para sa regional competition ng archer next month."
sabi nito sa akin.

"A-ahh. Okay." sabi ko. Pero ngumiti ito ng nakakaloko. "B-Bakit Ate?"

"Tulala ka habang nakangiti, sino naman ang naiisip mo sa mga oras na iyon?" at
ngumiti ng nakakaloko.

Kaya napablush ako bigla ng pumasok sa isip ko ang mukha ni Lance.

"Uyyyyy!!! Namumula, sino yan haa *sabay sindot sa tagiliran* ikaw haaa??" sabi
nito

"A-Ate naman ehh. Nasa library tayo kaya quiet lang." nahihiyang sabi ko dito.

"Change topic ka naman ehh. Hmmp, kung sino man iyan malalaman ko rin." sabi nito
sabay pout. Napatawa na lang ako sa kakulitan ni Ate Isabel.

"Kayo po talaga, may class pa po kayo?" tanong ko.


"Shoot! late na ako, sige kita na lang tayo bukas Captain!" sabi nito at tumakbo
paalis sa library, napailing na lang ako.

Natapos na rin ang duty ko at kasalukuyan ako ngayong naghihintay kay Lance dito sa
garden, kakatapos lang ng practice nila at nagbibihis na siya sa ngayon.

Habang nagbabasa ako,

"Tara na." sabi nito, kaya tinignan ko siya, mukhang naligo muna ito dahil basa ang
buhok niya. Inayos ko naman ang mga gamit ko, at inaalayan niya namanakong tumayo.

Habang naglalakad kami papuntang parking lot.

"Nga pala Lance, free ka ba sunday?" tanong ko.

"Hindi naman bakit?" takang tanong nito habang nakatingin sa akin.

"Pupunta ang mga bata sa playground sa sunday, at hinahanap ka na ng mga bata.


Makakapunta ka ba?" tanong ko.

"Sure, why not. Susunduin na lang kita sa inyo." nakangiting sabi nito.

"Talaga? promise. Walang bawian yan haa? Nagpromise pa naman ako sa kanila na
dadalhin kita sa sunday at makipaglaro sa kanila." masayang sabi ko.

"Promise. Miss ko na rin sila." sabi nito, kaya napangiti na lang ako. Ng
makarating kami sa parking lot, papasok na sana ako sa sasakyan ni Lance ng may
tumawag dito.

"LANCE!!!" kaya napatingin kami pareho ni Lance sa bagong dating.

Maganda ito at maputi.


Kaano ano ito ni Lance?

Nagulat ako ng bigla itong tumalon para yakapin si Lance, sinalo naman ito ni Lance
at niyakap pabalik

Ng makita ko ito biglang kumirot ang puso ko kaya nayakap ko ng mahigpit ang mga
libro ko at nakatingin lang sa dalawa.

"K-Kristine?" gulat na tanong ni Lance sa babae.

"Yes its me, did you miss me?" ngiting sabi nung babae kay Lance. Habang nakayakap
pa rin ito sa leeg ni Lance

"Of course! bakit hindi mo sinabi na uuwi ka na pala ngayon. Sana sinundo kita sa
airport" masayang tanong ni Lance.

"Hindi na ito matatawag na surprise if sinabi ko sayo. Did I surprise you?"


masayang tanong nito.

Palipat lipat lang ang tingin ko sa kanilang dalawa.

"Of course you are. hindi ka pa rin nagbabago." sabi nito at pinitikan ang noo
nito.

"Ouch. That hurts you know." sabi nung babae habang nakahawak sa noo kung saan
pinitikan siya ni Lance.

Habang nag uusap sila parang wala ako dito. Medyo nalungkot dahil....

Hindi ko alam kung bakit ako nakaramdam ng ganito.

Gusto ko ng umalis sa harap nila, pero ayoko maging bastos.


"A-Ahm. L-Lance, uuwi na ako." paalam ko, maglalakad na lang ako, hindi naman din
siya kalayuan mukhang may kasama na rin siya ehh.

"Lyka, Oo nga pala, muntik ko ng makalimutan, ihahatid pala kita." sabi nito.
Kinalimutan mo na nga ako ehh, ngumiti ako ng pilit sa kanya

Nakita ko naman na tinignan ako ng babae from head to toe. At tinaas ang isang
kilay nito, mukhang nagalit siya dahil inistorbo ko ang konting reunion nilang
dalawa

"Who are you?" tanong niya na may pagkamaarte.

"Meet Lyka Jane, she's my future girlfriend." sabi nito at inakbayan ako, kaya
pinalo ko ito ng libro.

"Hey, that hurts. What's that for?" tanong nito.

"Anong future girlfriend?!" tanong ko pero deep inside parang kinikilig ako na
ewan.

"What? doon pa rin ito mapupunta." balewalang sabi nito at ngumisi sa akin.

Inirap ko lang siya, at umiwas ng tingin dahil alam kong namumula na ako ngayon.

"Ehem." napatingin kami sa babae na nasa harap namin, nakalimutan ko na andito pala
siya. Kaya napayuko na lang ako sa hiya.

"F-Future girlfriend? nanliligaw ka sa kanya Lance?" tanong nito.

"Yes. And Lyka, she's Kristine Hernandez. my childhood friend." pakilala naman ni
Lance sa akin.

Ngumiti ako sa kanya.

"Nice meeting you, Kristine." masayang sabi ko.

"Nice meeting you too." at niyakap niya ako, at nakipagbeso beso pa sa akin.
Kaya nahiya ako, kasi ang bango niya. At ang bait niya hindi siya gaya ng iba na
tatanungin ako

"Sino kasama mo? Did you bring your car?" tanong ni Lance.

"Nope, nagpahatid lang ako kay Tita Julia, I want to see you soon. That's why I'm
here." sabi nito.

"Sumabay ka na sa amin, then ihahatid na kita. Where are you staying?" tanong ni
Lance at binuksan ang passenger seat.

Papasok na sana ako, ng pumasok bigla si Kristine.

"Ahmm." wala akong masabi dahil nagulat ako ng pumasok bigla si Kristine kaya
napatingin ako kay Lance.

"Sa back seat ka na lang muna Lyka, sorry." sabi ni Lance, at sinerado ang
passenger seat door at binuksan ang back seat.

"Hindi okay lang, malapit lang naman din yung amin." sabi ko, at ngumiti ng pilit
bago pumasok na sa sasakyan. Ng sinerado na ni Lance ang pintuan at bilis itong
pumuntang driver seat.

"I'll be staying in your place, hangga't hindi pa nakakauwi sila Dad. I already
asked Tita Julia permission and she agree." masayang sabi nito.

"Well, that's good. Mas safe ka sa house and I know Brenda miss you already."
masayang kwento naman ni Lance.

Ngayon ko lang nakita si Lance na ngumiti ng ganito. Lagi kasi itong naka ngisi o
hindi kaya nakakunot ang noo pagkasama ako. Madalas lang itong ngumiti

Nandito lang ako sa likod nakatingin sa masaya nilang kwentuhan kaya napatingin na
lang ako sa labas.

Huminto na kami ng makarating kami sa harap ng bahay ni Aling Karen.

"Where are we?" tanong ni Kristine at tumingin sa labas.

"Ahmm. Nasa lugar namin Kristine, and Lance mauna na ako salamat sa paghatid." sabi
ko sa kanya, at umalis na ako sa sasakyan.
Ng biglang bumukas ang window ng passenger seat, pansin ko rin na nakatingin si
Kristine sa likuran ko, whichnis bahay namin.

"Hindi ba kayo papasok?" tanong ko habang nakatingin kay Lance at Kristine.

"N-No thanks. M-maybe next time?" unsure na sabi ni Kristine, then bumalik ulit ang
atensyon nito sa phone niya.

"Maybe next time, ihahatid ko pa kasi si kristine. And see you on sunday"
nakangiting sabi nito kaya ngumiti rin ako pabalik.

"Okay see you, ingat pauwi. And nice meeting you again Kristine." ngiting sabi ko
sa kanya pero ngumiti lang ito at sinerado ang bintana.

At umalis muna sila bago ako pumasok sa loob.

Dumiretso ako sa kwarto at nagbihis kaagad, tumingin ako sa maliit na salamin na


nakasabit sa dingding.

Mukhang wala akong laban sa Kristine na iyon, ang ganda niya maputi pa, sigurado
akong matalino iyon siya.

Bumaba na ako at dumiretso sa karinderia ni Aling Karen para tulungan siya.

-Third Person POV-

"How can she afford tuition fee? ang hirap pala nila." sabi ni Kristine habang nag
alcohol ito at nagpabango ng makaalis sila sa lugar nila Lyka.

"Scholarship. Ang talino niya right? that's why nakapasok siya sa academy."
masayang kwento ni Kristine.

"Oh, the academy is accepting a scholar right now? how come i didn't know that?"
takang tanong ni Kristine kay Lance.

"You didn't know? 2 years ka lang naman nawala ha? they are accepting scholarship,
3 persons for every 4 years." sabi ni Lance.

"Ohh. I forgot about that. Sana hindi na lang sila tumatanggap ng scholar sinisira
nila ang image ng academy, that school must be for the elites only. I will talk to
Dad about that matter." maarteng sabi ni Kristine.

"Tine, stop. Wala naman silang ginagawa ng nakakasama sa image ng academy."


natatawang sabi ni Lance kay Kristine.

"Pero.." sabi ni Kristine at nagpout sa harap ni Lance.

"Stop that, you're not a kid anymore Kristine... we're here." sabi ni Lance at
natatawang bumaba.

"Hmmmp. meenie." sabi ni Kristine, napailing na lang si Lance sa pagkaisip bata ni


Kristine.

"By the way Lance, ipasyal mo naman ako, I missed you kaya, bonding naman tayo."
sabi ni Kristine ng bumaba siya sa sasakyan ng pinagbuksan siya ni Lance.

"Alright, when?" natatawang sabi pa rin ni Lance

"Hmmmm... this sunday. I won't accept NO as an answer, alright." sabi ni Kristine


at naunang pumasok sa loob.

"But---"hindi natapos ang dapat sanang sabihin ni Lance ng tuluyan ng nakapasok si


Kristine.

"May plano ako this sunday, nangako pa naman ako kay Lyka." sabi nito sa isip, at
napakamot na lang bago pumasok sa mansion nila.

-Kinabukasan-

-Lyka POV-
Private Room

Andito kami ngayon sa Private room. Andito halos lahat ng S6 except kay Lance at
Brenda siguro kasama si Kristine, dahil kababata nila ito at dalawang taon na rin
sila hindi nagkita kaya naintindihan ko.

Pero hindi ko pa rin maiiwasan hindi malungkot at magalit kay Lance.

-Flashback-

Kakatapos ko lang maghugas ng pinggan, kaya andito ako sa kwarto ng tinignan ko ang
cellphone ko sa kama dahil umilaw ito.

5 new messages

5 missed calls

ng tignan ko kung sino ang nagtext at tumawag, 1 kay Andrew, 1 kay Jake at 3 naman
ang kay Lance, at missed call naman ay kay Lance lahat.

Ano naman ang kailangan niya sa akin.

Tinignan ko ang text ni Andrew

S6-Andrew

- - - - - - - - - -

Good Night Lyka :)

See you this saturday

Napangiti na lang ako sa text niya, lagi siyang nag gugoodnight sa akin kaya hindi
na ako nagulat.

Oo nga pla, inimbita niya ako sa bahay nila. Hindi ko na ito nireplayan dahil wala
akong load

Tinignan ko naman ang text ni Jake

S6-Jake

- - - - - - - - -

Still awake?
gusto ko sanang replayan pero wala akong load

Bubuksan ko na sana ang text ni Lance ng tumawag si Lance kaya sinagot ko ito.

"Hello?" bungad ko sa kanya.

"Hey." sabi nito sa kabilang linya

"Anong kailangan mo? Gabi na haa" takang tanong ko

"Ano kasi, I can't make it on sunday may biglaan lakad kasi ehh." pagaalinlangan
niyang sabi

"A-Ano?! nangako ka Lance, nangako rin ako sa mga bata na pupunta ka sa sunday."
medyong inis na sabi ko na may halong lungkot. Nangako siya ehh, sana tuparin niya.

"Sorry Lyka, babawi na lang ako next sunday."

"This sunday lang naman ang hinihingi ko ehh. may magaampon na kay Jane kaya gusto
ka niya makita. Kasi aalis daw sila at sa state na titira." naiiyak na sabi ko.

Biglang tumahimik sa kabilang linya.

"S-Sorry Lyka. P-Pero I can't say no to Kristine." sabi nito

Kaya naman pala, si Kristine ang kasama.

"No, its okay." sabi ko at binabaan ko siya. at tinggal ang battery sa phone

-End of Flashback-

"Hey Lyka, may lakad ka sa sunday? pupunta ako sa ampunan." sabi ni Jake sa akin,
ng tumabi ito.

"Pupunta nga ako sa playground kung saan kami laging naglalaro, aalis na kasi si
Jane, kaya sa huling pagkakataon na makakasama ko siya" at ngumiti ng pilit
"I almost forgot. May umanpon na pala sa kanya. Well, masaya ako para sa kanya kasi
may pamilya ng magmamahal sa kanya."nakangiting sabi nito.

"Oo nga ehh." masayang ngiti ko, dahil sa wakas kumpleto na ang pamilya ni Jane,
may tumabi naman sa akin sa kabila ng tinignan ko ito. Si Andrew lang pala

"Sa saturday, I'm expecting you to come." sabi ni Andrew.

"Ay oo nga pala. Sa sabado din, andun ka rin right?" tanong ko kay Jake, kasi andun
din si Ate Nuriko.

"Yeah. Ate will be there too." sabi ni Jake at ngumiti sa akin.

Napangiti naman ako, excited na ako sa sabado.

At medyo kinakabahan.

"HEY GUYS!!! LONG TIME NO SEE!!!" biglang sigaw ni Kristine pagkapasok niya sa
private room.

"Kristine!!" masayang sabi ng kambal at si Brett at lumapit sa kanya.

Nakatingin lang kami sa kanilang tatlo.

"Jake! Andrew! Hey guys I missed you." sabi ni Kristine ng makita niya silang
dalawa na umupo katabi ko.

Ngumiti lang si Andrew at tumango

Si Jake naman, tumayo at yumakap sa kanya.

"Kailan ka lang umuwi?" tanong ni Jake.

"Yesterday. And I'm staying for good." masayang sabi nito.

"Good to hear that. Where's Lance.?" tanong ni Jake kay Kristine.

"May meeting kaya pumunta sa company, dumiretso na ako dito, I want to see you
guys." sabi ni Kristine.

Hinawakan ako ni Andrew sa kamay at hinila ako kaya napatayo ako.

Aalis na sana kami ng tanungin siya ni Kristine.

"Hey, where are you going? hindi mo ba ako namiss?" malungkot na sabi ni Kristine

"Oo nga naman Drew.Dito ka muna reunion natin ito" sabi ni Brett
"Oo nga, andito na si Kristine ohh."sabi ni Alex na may hawak na pagkain sa kamay

"At ang daming pasalubong din." sabi naman ni Allen at may hawak rin na pagkain.

"I'm going somewhere." walang gana na sabi ni Andrew, habang hawak ang kamay ko

"With her?" taas kilay na tanong ni Kristine at tinignan ako

"Yes, and we're going." sabi ni Andrew at basta na lang ako hinila paalis sa
Private room, hinayaan ko na lang.

"Saan tayo pupunta?" takang tanong ko.

Tinignan niya ako at ngumiti.

"Amusement Park, wala na rin pasok mamaya dahil may faculty meeting. You like?"
tanong niya.

Kuminang naman ang mga mata ko sa narinig ko.

"Sige ba!!. Tara" naeexcite na sabi ko at nauna sa kanya.

Natawa naman si Andrew.

-Andrew POV-

Nakangiti ako habang nakatingin kay Lyka sa amusement park ngayon.

Sisiguraduhin kong poprotektahan kita Lyka. Andito lang ako lagi para sayo.

-Kristine POV-

So totoo nga ang sinabi ni Tita Julia.

Not just Lance, but also all of my friends was bewitched by her.

Sisiguraduhin ko na mawawala ka sa landas ng namin, lalo na sa landas ni Lance.

***********************************************************************************
*****

-miemie_03
Chapter 46 - Smith Mansion

Chapter 46 - Smith Mansion

-Lyka POV-

Medyo kinakabahan na ako, sabado ngayon at ngayon din ako bibisita sa bahay ni
Andrew.

Kasalukuyan kong hinihintay si Jake dahil siya ang maghahatid sa akin.

~beep~ beep~

"Hija, mukhang andyan na ang sundo mo." sabi sa akin ni Aling Karen

"Pasensya na po Aling Karen kung hindi ko na naman kayo natulungan ngayong araw."
malungkot na sabi ko kay Aling Karen

"Ano ka ba naman, Lyka. Mabuti nga yun at para naman makapagenjoy ka. Masaya ako
kasi may mga kaibigan ka na, dati sa bahay ka lang at kung lalabas ka man hanggang
sa parke lang ang pinapasyal." nakangiting sabi ni Aling Karen.

Napayakap ako sa kanya, ang bait niya sa akin tinuring niya na ako na parang anak
niya, at para ko na rin siyang pangalwang ina ko.

"Sige na, naghihintay na sayo ang sundo mo." sabi ni Aling Karen.

"Opo, mauna na po ako. " sabi ko at nagmano sa kanya at hinalikan din siya sa
pisngi.

"Mag ingat ka." paalala niya

"Opo."
pumunta na rin ako sa sasakyan ni Jake na ngayon ay nakasandal siya dito

"Hey, are you ready?" nakangiting tanong nito sa akin habang binuksan ang passenger
seat.

"Hindi??" hindi siguradong tanong ko. Napatawa naman ito sa sinabi ko at sinera ng
makapasok ako sa sasakyan at mabilis na pumasok sa driver seat.

"Why? nervous?" tanong nito. at umalis na kami para pumunta na sa bahay ni Andrew.

"Medyo, first time ko kasi pumunta sa isa sa mga bahay ng S6. Pagmalaman ito ng mga
fan girls niyo panigurado wala na ako sa academy." sabi ko.

Tumawa na naman ito

"Don't worry, walang mangyayaring masama sayo. We'll protect you, at hindi yun
hahayaan ni Andrew."sabi nito pero hindi ko marinig ang huling sinabi niya.

"Salamat. ahmm, malayo pa ba ang bahay ni Andrew.?" tanong ko habang nakatingin sa


labas

"Hindi naman, iikot tayo sa kanto na iyon then turn right, papasok na tayo sa
village kung saan nakatira si Andrew." sabi niya

"Ahhhh." sabi ko, hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako.

Ilang minuto na rin ang nakalipas at nakapasok na kami sa village kung saan
nakatira si Andrew, nakatingin lang ako sa bahay na nadadaanan namin.

Hindi pala dapat bahay ang tamang tawag sa mga tahanan dito, dapat pala mansion.
Ang laki kasi ng mga bahay. Hanggang sa huminto kami sa pinakamalaking bahay sa
buong village. Kaya napatingin ako kay Jake.

"Diyan nakatira si Andrew?!" gulat na tanong ko kay Jake habang nakaturo sa


malaking bahay na nasa harap namin.

~beep~beep~

"Good Morning Sir Jake." sabi nung security guard, pagkatapos niyang buksan ang
gate.
"Good Morning." nakangiting bati ni Jake ng pinasok niya ang sasakyan.

"Oo, nasa Smith Mansion tayo." sabi nito at hininto na ang sasakyan sa harap ng
main door.

Bumaba na si Jake at pinagbukas ako ng pinto, at tinulungan makatayo.

"G-Grabe ang laki naman. Ilan ba sila nakatira dito?" curious ko na tanong kasi
naman sigurado ang dami nila, ang laki ehh.

"Actually, mag isa lang siya with the maids and butlers." sabi nito kaya napatingin
ako sa kanya bigal

"Totoo?!!" gulat na tanong ko

"Oo, namatay na kasi ang parents niya." malungkot na sabi ni Jake kaya nalungkot
rin ako, bigla ko na lang naalala ang magulang ko.

"Good, you're here.!!" masayang bungad sa amin ni Ate Nuriko .

"Ate, kanina ka pa?" tanong ni Jake

"Hindi, bago lang, (sabay tingin sa akin) Hi! Lyka, we meet again. " lumapit ito sa
akin at bigla akong niyakap.

"Ghad!! I missed you, sweetie." sabi nito sa akin at bumitaw na rin

"Good Morning Ate Nuriko, ahmmm. Nasaan si Andrew?" tanong ko.

Biglang nagpout si Ate Nuriko

"You are always looking for him, until now. You haven't change." sabi nito at
niyakap ang isang braso ko at naglakad kami papasok. Hindi ko narinig ang huling
sinabi niya. Tinignan ko si Jake na nakasunod sa likuran namin pero ngumiti lang
ito sa akin.

=3= ako

magkapatid nga sila.

Ng makapasok na kami, pansin ko na wala si Andrew

"Nasaan si Andrew?" tanong ko, kasi mansion niya ito, at siya ang wala, nakakahiya
kaya.

"Still in his room. Sleeping." walang ganang sabi ni Ate Nuriko

"Haa? tulog pa siya?" tanong ko

"Yup, matagal talaga iyon nagigising, lalo na pag alam niyang walang pasok." sabi
nito at umupo sa sofa, nasa living room na kami ng masion at tinitignan ko lang ang
magkapatid na feel at home, mukhang lagi silang andito.

"Ahmm.hindi niyo ba siya gigisingin?" takang tanong ko. Nagkatinginan ang dalawa.
"Never." sabi ni Ate Nuriko

"huh?"

"Hahaha, nagalit kasi si Andrew ng gisingin siya ni Ate one time, kaya simula sa
araw na yun wala ng pumapasok pa sa kwarto niya, kahit katulong. Siya mismo ang
naglilinis dito." sabi ni Jake

"He's a monster, kaya nakakatakot siyang gisingin. hmmmmp." Ate Nuriko

"Pero, 9am na. Hindi ba siya kakain ng agahan?" tanong ko

"hindi siya kumakain ng agahan. Bumababa kasi yun mga 12nn nah." sabi ni Ate
Nuriko. "That kid, alam niyang dadating ka hindi pa rin nagigising, sigurado ako
madaling araw na naman yun nakatulog." sabi ni Ate Nuriko at tinignan ako.

"Pasensya ka na Lyka, medyo pagod si Andrew. Siya na kasi ang naghahandle sa


kumpanya ng Daddy niya." malungkot ma sabi ni Ate Nuriko.

"Hindi, okay lang po, naintindihan ko naman po. Ahmm, ipagluluto ko na lang po
siya. Ano po pala favorite food niya?" tanong ko, hindi ko alam kung bakit pero
gusto ko siyang ipagluto.\

"Really!?? magluluto ka?" masayang tanong ni Ate Nuriko, tumango naman ako.

"Waaah. come on!!" sabi ni Ate Nuriko at masaya akong hinila papuntang kusina.
Napangiti na lang ako dahil may pagka isip bata pala ito.

Natapos rin kami, ahmm i mean akong nagluto.

Adobong manok, sinigang isda at kari kari ang niluto ko simpleng pambahay na luto.

Si Ate Nuriko kasi tinitignan lang ako.

"Kanino ka natuto magluto.?" tanong ni Ate Nuriko

"Ahmm, kay Aling Karen. " sabi ko habang nakangiti. Naalala ko tuloy na ilang beses
akong nasugatan sa kutsilyo para lang matuto kahit 11 years old na ako.

"You really love her don't you. Your smiling." sabi nito at ngumiti sa akin.
Ngumiti ako pabalik

"Oo, naging pangalawang ina ko na kasi siya, iniligtas ako ni Kuya Nike ang anak
niya na nagtatrabaho ngayon sa Japan nung nangyari ang insidente. *napahawak ako ng
mahigpit sa sandok ng maalala ko ang alaala* kaya sinama niya ako pauwi sa pinas
nun, kasi hindi ko alam kung saan nakatira ang kamag anak nila mama." sabi ko at
ngumiti ng malungkot kay Ate Nuriko.

"Be strong Lyka. ahmmm, paano pag nalaman mo na ahh.. alam na ng kamag anak mo kung
nasaan ka at naghahanap ng tamang panahon kung kailan nila sasabihin sayo ang
totoo. Magagalit ka ba sa kanila?" tanong nito

"Opo, kasi hindi sila nagpakilala kaagad, pero kung ano man ang rason handa akong
makinig at intindihin. Pamilya ko pa rin sila kahit papano." sabi ko

"You're such a nice girl. Pag narinig ka nila sigurado masaya sila."sabi nito
"Sana nga, gusto ko na rin sila makilala ehh." sabi ko.

"Ako na ang maghahain niyan, tutulungan na rin ako ni Manang Len. Gisingin mo na si
Andrew."sabi ni Ate Nuriko at inagaw ang sandok sa akin.

"P-Pero hindi ba siya magagalit?" tanong ko

Kasi di ba sabi nila, ayaw ni Andrew may pumapasok sa kwarto niya.

kung nagalit na ito kay Ate Nuriko, kahit matagal na silang magkakilala, ano na
lang ako na ilang buwan pa lang niya nakilala baka papalayasin na niya ako dito.

waaaaah. wag naman sana

"Hindi iyon basta ikaw, kung magagalit man siya? ahmmm, well don't worry hindi yun
mangyayari. TJust go Lyka Dear, promise hindi iyon magagalit sayo. mukhang matutuwa
pa iyon eehh." sabi nito at ngumiti sa akin.

"Haa?" takang tanong ko, hindi ko kasi siya maintindihan ehh.

"Just go, ahmm you!!" tawag ni Ate Nuriko sabay turo sa isang maid na naglilinis sa
may dining area.

"Bakit po Ma'am?" tanong nito

"Anong pangalan mo?" tanong ni Ate Nuriko sa maid

"Jaq po." sabi nito

"Well Jaq,Ihatid mo siya sa kwarto ni Andrew." utos niya dito, mukhang nagulat ito
sa utos ni Ate

"P-Po?"

"Dalhin mo siya sa kwarto ni Andrew." paulit ni Ate Nuriko

"P-Pero Ma'am, bawal po kami magpapasok sa kwarto ni Young Master,magagalit po ito


at baka mawalan ako ng trabaho." natatakot na sabi nito

"Hindi iyan, akong bahala kung mawalan ka man ng trabaho, edi sa akin ka
magtrabaho, basta ihatid mo lang siya at umalis ka na kaagad, si Young Lady na ang
bahala." sabi ni Ate Nuriko at kumindat sa akin. "And Young Lady itawag niyo sa
kanya, okay?" tumango naman ito

"Ahhm. Sige po ma'am.*tinignan ako ng maid*Young Lady, sumunod lang po kayo sa


akin." sabi nito at nauna ng umalis.

tinignan ko naman si Ate Nuriko, pero tinaboy lang ako nito kaya wala akong choice
kung hindi sundan yung maid na ngangalang Jaq.
dumaan muna kami sa living room kung saan nagbabasa lang ng magazine si Jake, at
tinignan niya ako ng mapansin niyang paakyat kami.

"Saan kayo pupunta?" tanong nito

"Sa kwarto ni Andrew, gusto mong sumama?" tanong ko, para naman kung magalit siya,
hindi ako nag iisa palalayasin sa mansion nila.

"Hindi na." sabi nito at ngumiti lang.

"Ahmm. Young Lady, dito po tayo." sabi ni Jaq kaya sinunod ko siya

"Huwag mo akong tawaging Young Lady, hindi naman bagay yan sa akin." sabi ko

"Pero yung po ang sabi ni Lady Nuriko." sabi nito

"Huwag na, Lyka na lang. At tsaka hindi ako sanay." sabi ko

"K-Kung yan po ang gusto niyo, sige po." then huminto kami sa isang pintuan.

"Dito na po ang kwarto ni Young Master. Ahmmmm, goodluck po L-Lyka." sabi nito at
dali daling umalis

mukhang takot talaga sila, kasi iniwan lang niya ako dito basta basta.

Tumayo ako sa harap ng pintuan ni Andrew, waaaaah bigla akong kinabahan kasi naman
ehhh, sana sumama na lang si Jake para hindi ako kabahan.

breath in

breath out

Lyka relax.

Waaaaah, wala pa rin kinakabahan pa rin ako,at sana hindi magagalit si Andrew sa
akin

This is it. Kakatok na ko.

in

1
Waaaaaah

T___________T

kinakabahan talaga ako ehhh.

Pero mag tatanghalian na, kung hindi ko siya gigisingin baka magugutom siya tapos
mamatay, konsensya ko pa.

heto na talaga.

kakatok na ako.

~knock~knock~knock~

"Andrew?" kinakabahang tanong ko,

pero walang sumasagot

~knock~knock~knock~

"Andrew, kakain na." medyo nilakasan ko ang boses ko pero wala pa ring sumasagot.

Kaya no choice ako kung hindi pumasok, hindi kasi nakalock yung pinto ng kwarto.

Nag sign of the cross muna ako bago tuluyang pumasok.

"Andrew?" tawag ko pero wala pa rin

ng makapasok ako,

*_______* twinkle eyes

paano ba naman kasi, yung kwarto niya parang library ang daming libro.Dream room ko
ito. Gusto ko rin sa kwarto ko madaming libro.

Napailing ako, hindi dapat ako mapadala sa emosyon baka ako ang hindi makakain ng
tanghalian kasi magkukulong ako sa kwarto na ito para lang magbasa.

Nilibot ko ang tingin sa loob ng silid, wala naman kama dito haa, para nga lang
siyang mini library na may sala set at malakint flatscreen tv na may malaking
speaker sa kabilaan nito.

Pumasok pa ako sa loob, at pumunta sa may book shelves para tignan ang mga librong
nakadisplay dito. Ng tumingin ako sa may left side ko, may isa pang silid doon.
At sa may gitna nito, isang malaking kama na parang apat na tao kasya dito.

Lumapit ako dito, at doon nakita ko si Andrew mahimbing na natutulog.

Ang cute niya pag tulog. Mukhang pagod nga ito

"Andrew. *yugyog ko dito* ahmm. Andrew gising na, tanghali na." sabi ko at
niyuyuogyog ko pa rin siya.

"5 minutes" sabi nito, at tinalikuran ako

"Pero mag 12nn na Andrew." sabi ko

"just 5...more.. minutes.....Ly--zzzz-ka-zzzzzz." sabi nito.

napangiti ako, sige na nga. mukhang inaantok na siya.

At aalis na ako dito baka maging monster siya pag nakita niya ako, gaya ng sabi ni
Ate Nuriko.

Paalis na sana ako ng kwarto niya ng makita ko ang picture ng dalawang bata sa side
table ni Andrew.

Nilapitan ko ito at kinuha para tignan.

Dalawang bata na nasa 6 years old. Isang batang babae na nakayakap sa batang lalaki
na may malaking ngiti sa mga labi nila.

Napangiti ako mukhang si Andrew ang batang lalaki. Ibinalik ko na ang litrato, ng
mahagilap ko ang litrato ng isang pamilya.

Kinuha ko ito at titignan na sana ng....

"I ALREADY TOLD YOU, DON'T JUST ENTER MY ROOM!!" biglang sigaw ni Andrew at sa
sobrang gulat ay nabitawan ko ang litrato na hawak at nabasag ito.

O_____O ako yan nakatingin sa kanya.

"I-I'm so-so-sorry. k-kung b-bigla na lang a-akong pumasok sa k-kwarto mo." naiiyak
na sabi ko, nakakatakot nga talaga siyang magalit

"L-Ly-Lyka??" gulat na tawag niya sa pangalan ko.

"S-Sige,ahmm. a-aalis na ako." sabi ko at madaling umalis sa kwarto niya


"Wait!!!" sabi niya ,bumangon ito at agad akong pinigilan.

Napatingin ako sa kanya

Nagulat ito ng makita akong umiiyak, sa sobrang gulat ko kaya napaiyak rin ako

Bigla na lang niya akong niyakap ng mahigpit.

"I-I'm sorry, Lyka. I'm sorry. Hindi na mauulit hindi na kita sisigawan. Kaya huwag
ka ng umiyak." sabi nito sa akin habang mahigpit akong niyakap.

"H-Hindi ka galit? bigla na lang a-akong pumasok sa k-kwarto mo ng walang paalam."


tanong ko bumitaw ito sa yakap at tinignan ako

"Hindi ako magagalit sayo. I thought it someone else.But ghad *niyakap niya ako
ulit* I just missed it, I just missed it, kung paano mo ako ginigising sa tuwing
tinanghali na akong tulog."sabi nito, pero bulong naman sa huling part kaya hindi
ko maintindihan.

**************************************************

-miemie_03

Chapter 47 - The Necklace

Chapter 47 - The Necklace

-Lyka POV-

Nandito pa rin ako sa mini library, sa kwarto ni Andrew.

Nung sinabi ko na ako ang nagluto para sa tanghalian namin, naging masaya ito. Nag
ayos muna siya para sabay na kaming bumaba.

Habang nag hihintay ako sa kanya pumunta ako sa mahabang drawer na parang kaheight
lang ang table, madaming picture frame doon, kaya isa isa ko itong tinignan, siya
at ang batang babae ang madaming litrato dito, hanggang sa nakuha ng atensyon ko
ang isang litrato kaya kinuha ko ito at tinignan, hindi ko alam kung bakit pero
napangiti ako.

Dalawang 6 years old na batang lalaki at babae, at may kasamang isang lalaki, mga
50 years old pero hindi halata dahil makisig pa ito, ang batang babae nakayakap sa
lalaki, habang ang batang lalaki nakangiti habang nakatingin sa batang babae.

Binalik ko ito kung saan ko ito kinuha, kumuha na naman ako ng isa pang litrato at
dito mag isa na lang ang batang babae. Pero ang kumuha ng atensyon ko ay ang suot
nitong kwintas,

Pamilyar ito.

Saan ko ba ito na nakita?

"Lets go." sabi ni Andrew, lumapit ito sa akin ng mapansin niya na hindi ako
sumagot sa kanya.

kinuha niya ang litrato sa akin, natigilan ito ng makita kung sino ito at binalik
kung saan ko ito kinuha.

"Are you alright?" tanong nito may bahid na pag alala ang sa boses nito.

"Okay lang ako" sabi ko "Sorry kung pinakealaman ko ang mga gamit mo." nahihiyang
sabi ko.

Ngumiti naman ito sa akin. "No its okay, lets go." sabi nito kaya umalis na kami sa
kwarto niya.

Habang nasa may hagdan na kami ng may narinig kaming ingay, na para bang nag aaway.
Nagkatingin kami at mabilis bumaba.

Ng makarating kami sa living room, nakita namin sina Alex at Allen na nag aaway sa
isang cookie, as always at si Brett na parang naging referee ng dalawa. Si Jake
naman nag babasa ng newspaper hanggang sa napansin niya kami

"Your awake." sabi ni Jake kay Andrew, at ngumiti. Ngumiti naman si Andrew kay
Jake. At bumalik ang tingin sa tatlo na parang hindi kami napansin.

"Why are you here?" seryosong tanong ni Andrew sa tatlo kaya napatigil sila sa
kanilang pagtatalo.

"Kakain." sabi ng kambal, kaya binatukan sila ni Brett.

"Anong kakain?! Tsk tsk. Your hopeless." sabi ni Brett sa dalawa, at tinignan si
Andrew ng mapansin ako ni Brett.

"Hey Lyka." bati niya, napansin din ako ng kambal.

"Hi Lyka."Alex

"Yow Lyka" Allen

"H-Hello?" patanong na sabi ko mukhang nagchachange topic kasi sila ehh.

"Well.. what are you doing here?" tanong ulit ni Andrew, kaya tinulak ng kambal si
Brett para sagutin ang tanong.

"Ahmm, kakain?" hindi sure na sagot ni Brett, napatawa ako ng batukan siya ng
kambal

"Ouch. That hurts you know." inis na sabi ni Brett sa dalawa

"Ehh, inulit mo lang ang sinabi namin." Alex


"Oo nga." sabi ni Allen at kinain ang Cookie na kinuha niya kay Alex.

"Hey!! bakit mo kinain ang cookie ko." sabi ni Alex sa kakambal

"Nagutom ako ehh." simpleng sabi ni Allen

"Umayos kayo o walang kakain." sabi ni Andrew

kaya napatayo sila ng tayo na parang nasa training ng military.

"Sa kusina lang ako, tatawagin ko na lang kayo kung naka ayos na ang hapag kainan,
at baka hinihintay na ako ni Ate Nuriko." sabi ko sa kanila

"What!? andito yung monster na Ate ni Jake!!?" gulat na tanong ng kambal.

"Oo, bakit?" takang tanong ko

Nagkatingin naman sina Alex at Allen

"Hindi tayo makakain ng maayos, Bro." sabi ni Allen

"Magugutom tayo, bro." Alex

"At mamatay na tayo sa gutom!! NOOOOO!!" sabi nila at nagyakapan.

"Hahahaha, nakikiramay ako sa inyo." natatawang sabi ni Brett.

Napailing na lang ako at dumiretso sa kusina.

Pagdating ko doon, nakaayos na ang hapagkainan. Pero hindi ko makita si Ate Nuriko
kaya tinawag ko ang maid na una kong nakita.

"Bakit po?" tanong nito na may dalang walis

"Ahmm, nasaan si Ate Nuriko?" tanong ko

"Nasa garden po si Ma'am Nuriko may kausap po siya sa telepono."sabi nito.

"Thank you."sabi ko kaya umalis na ito since andito sina Alex, Allen at Brett.
Dinagdagan ko ng tatlong pinggan sa table at baso na rin ng matapos ako, binalikan
ko sila para tawagin at kakain na, pero habang papunta ako sa living room may
narinig akong tawanan.

Pagdating ko doon, may bagong bisita si Andrew. Isang babae at lalaki hindi ko
makita kung sino sila kasi nakatalikod sila sa akin, pero mukhang nakakasiyahan
sila. Mukhang hindi ako magiging isa sa kanila, kasi mahirap lang ako at ilang
buwan lang nila akong kilala, hindi gaya nila na mula pagkabata magkaibigan na.

"Ahmm. Kakain na?" sabi ko, ayaw ko sana silang istorbohin pero lalamig na ang
pagkain.

Lumingon ang bagong dating, si Kristine at si Lance.

Medyo kumirot ang puso ko ng makita silang magkasama pero binalewala ko lang ito.

Nawala ang ngiti ni Kristine ng makita ako. mukhang hindi ito natutuwa na nandito
ako.

"YES!!" sabay na sabi ng kambal at tumakbo papuntang kusina, habang sumunod naman
si Brett. Napatawa na lang ako, mukhang seryoso sila na kakain sila kaya andito
sila.

"Why are you here?" taas kilay niyang tanong sa akin. Na parang ayaw niya na andito
ako

Sasagot sana ako, ng..

"I invited her here." seryosong sabi ni Andrew.

"W-What?! Why? I mean she's not suppose to be here." histerikal na sabi ni


Kristine.

"And why not? This is my house I can invite whoever I want." nagulat ako sa sinabi
ni Andrew, lalo na si Kristine parang hindi niya inasahan ito.

Hinawakan ni Andrew ang braso ko, at hinila papuntang kusina.

"Sumusobra ka na, Drew. Medyo nakakabastos na ang mga sinabi mo kay Kristine."
kumirot na naman ang puso ng pinagtanggol ni Lance si Kristine. Nagseselos ba ako?!

Nakita kong ngumisi si Andrew at tumingin sa kanila.

Waaaaah. nakakatakot siya, mas gusto ko pang hindi siya magsalita kesa ngumisi siya
ng ganyan

Ng tinignan ko si Kristine, umiiyak siya ngayon habang yakap siya ni Lance kaya
umiwas ako ng tingin.

"Binastos niya ang bisita ko, the one I invited on my own house. Sa aming dalawa,
who's the rude one here, Lance?" seryosong tanong ni Andrew

"H-Hindi l-lang *sniff* ako s-sanay. Kasi naman d-dati *sniff* wala kang iniimbita,
except us. Kaya nakakapanibago." naiiyak na sabi ni Kristine, I don't know why pero
naiinis na ako kay Kristine ngayon.

"Hey, that's enough. Andrew, Lance.", mahinahon na sabi ni Jake."Kristine, stop


crying already." sabi naman ni Jake.

"Then masanay ka na, because from now on, Lyka can come anytime she wants in my
house. I dont need your permission anyway." sabi nito

"B-but I treated you like a b-brother. H-Hindi ko hahayaan na m-may gumagamit lang
sayo." naiiyak na sabi ni Kristine. At masamang nakatingin sa akin. "You *sabay
turo sa akin* what did you do to them, you witch!" sabi nito at lalapitan na sana
ako ng humarang si Jake, at tinago ako ni Andrew sa likod niya.

"Pwede ba Kristine, tama na! wala namang ginagawa si Lyka sayo." medyo inis na sabi
Jake.

"Kung manggugulo ka lang, the door is open. You can leave." sabi ni Andrew.

"Ano ba nangyayari sa inyo? bakit niyo pinoprotektahan ang witch na yan. Ilang
buwan niyo lang naman nakilala iyan. Baka ginagamit niya lang kayo para umangat
siya."sabi ni Kristine, napahawak ako ng mahigpit sa shirt ni Andrew.

"You don't know anything, Kristine. Stop saying nonsense." seryosong sabi ni Jake.

"Ano ba!? sumusobra na kayo. Hindi niya ba nakikita umiiyak na si Kristine." sabi
ni Lance, habang yakap pa rin si Kristine.

"Just get out. And by the way, your not my sister Kristine, at kahit kailan hindi
kita tinuring na kapatid."sabi ni Andrew at hinila na ako paalis ng living room, ng
medyo malapit na kami sa kusina huminto siya. At tinignan ako.

"Sorry about that. Spoiled si Kristine gusto niya lahat ng atensyon nasa kanya."
sabi ni Andrew. narinig ko na sinisigawan ni Ate Nuriko ang kambal.

Tinignan ko siya at ngumiti "Okay lang, sorry din kung dahil sa akin nag aaway
kayong magkakaibigan."at yumuko, nagiguilty ako dahil feeling ko kasalanan ko.

"Its not your fault, oky? huwag mo ng pansinin ang sinabi ni Kristine." gentle na
sabi niya. "Let's go? I'm hungry, I want to eat your dishes already." sabi nito at
nagpout.

Napatawa na lang ako.

Hindi ko akalain na ang isang Andrew Smith, silent type at madalas lang kumausap sa
tao ay pagka isip bata pala.

"Tara na nga, baka inubos na yun ng tatlo." sabi ko at ako na mismo ang humila sa
kanya papuntang kusina, pagdating namin nakita ko na malungkot ang kambal habang
tumatawa naman si Brett sa kanila, ng tinignan siya ng masama ni Ate Nuriko
tumahimik ito

"Bakit parang namatayan sila Alex and Allen?" tanong ko

"Hindi ko muna pinakain. Uubusan tayo niyang tatlo yan *sabay turo sa kambal* lalo
na ng kambal na ito." sagot niya "Bakit ang tagal niyo?" tanong naman ni Ate Nuriko
sa amin

"May nangyari kasi, k-kaya natagalan kami." sagot ko.

"Why? What happened? and where's Jake?" sunod sunod na tanong ni Ate Nuriko

"Kristine is making a scene a while ago." sabi ni Andrew at umupo sa gitna, yung
saan umuupo ang padre ng pamilya sa mahabang lamesa.

"Oh, that bitch? so she's back." taas kilay na sabi ni Ate Nuriko.

"Lyka, sit and lets eat, I'm hungry already." sabi ni Andrew. Kaya umupo ako sa
kaliwang upuan ni Andrew. Umupo naman si Ate Nuriko sa tabi ko.

"Ate Nuriko, ba't ayaw niyo po kay Kristine?" tanong ko, kasi kita ko na ayaw niya
talaga ito sa kanya.

"well, its easy. The first time I meet her, ayoko na sa kanya. I prefer Jenny her
younger sister than her. Ayoko kasi sa mga plastik." parang wala lang na sabi ni
Ate, dumating na din si Jake, kasama si Kristine at Lance.

"Good you're here Jake, now we can eat." sabi ni Ate Nuriko na parang hindi niya
nakita si Kristine at Lance.

Lumapit si Kristine kay Ate Nuriko at nakipagbeso beso, pero parang wala lang ito.

"Hi Ate, long time no see." nakangiting sabi ni Kristine kay Ate Nuriko.

"same to you. *tinignan ako ni Ate* now, Lyka. Let's pray before we eat." sabi nito
sa akin at ngumiti.

Ngumiti ako pabalik at tumango.

Napatingin ako kay Kristine na sa harapan na upuan ko siya nakaupo. At masamang


nakatingin sa akin.

Pero binalewala ko, pagkatapos ko magdasal, kumain na kami.

Tahimik kaming kumakain, sila Alex at Allen ganadong kumain na para bang isang
linggo silang walang kain.

"Ang sarap naman nito? sino nagluto?" biglang tanong ni Jake

" I agree, si Manang ba ang nagluto nito Drew?" malambing na sabi ni Kristine kay
Andrew.

"Well, you see Kristine. Si Lyka ang nagluto ng lahat ng iyan. Di ba Lyka?" sabi ni
Ate Nuriko at ngumiti sa akin.

"Ahh. o-opo." nahihiyang sabi ko at tumingin sa harap. Inirapan lang ako ni


Kristine.

"Oo nga *sabay tingin sa akin*, sa amin ka na tumira Lyka." sabi ni Alex, at sumubo
pa ng isang kutsarang kanin.

"I agree. Please be our chef Lyka, para laging masarap pagkain namin." ganado
namang sabi ni Allen at sumandok pa ng ulam.

"Hahaha, Lyka will live here. *tingin sa akin* mamimiss ko ang mga luto mo from now
on." sabi naman ni Andrew.

"I didn't thought na marunong ka palang magluto Lyka." sabi ni Lance sa akin

"Hindi ka kasi nagtanong ehh." nahihiyang sabi ko.

"You will be a great chef someday." sabi naman ni Jake.

"Nawalan na ako ng gana, uuwi na ako." sabi ni Kristine at tumayo na siya at


umalis.

"I have to go. Sorry guys, babawi na lang ako. Lyka, sorry again. Babawi ako sayo
promise."Sabi ni LAance at sumunod kay Kristine.

"Tsk." rinig kong sabi ni Ate Nuriko, at pinagpatuloy ang pagkain namin.

Hapon na ako nakauwi, si Andrew ang naghatid sa akin gusto niya raw makita ang
bahay ko, at makilala si Aling Karen. Pero hindi na ito tumagal pa at umalis
kaagad,pagkatapos magpakilala.

Dumiretso na ako sa kwarto ko para makapagbihis, medyo napagod ako dahil madami
nangyari sa araw na ito. Lalo na nalaman ko na ayaw sa akin ni Kristine

Pagkatapos ko magbihis, binuksan ko ang maliit na kahon, at kinuha ang kwintas na


bigay sa akin ni Mama nung bata pa ako.

Ng mapansin ko na pareho ito sa kwintas na suot ng batang babae na nakita ko sa


kwarto ni Andrew.

-Third Person POV-

"Jii-sama." bungad ni Andrew sa Lolo niya sa opisina nito, dumiretsk kasi ito sa
mansion ng Lolo pagkatapos niyang ihatid si Lyka

"Andrew, I'm sorry, I didn't come in your house. Medyo naging busy ako sa business
natin here in the Philippines lalo na sa Montellier Company. Pinapasakit nila ang
ulo ko." sabi nito at hinilot ang noo nito. Sabay tingin sa apo nito "Gusto ko ng
makita ang princess ko."

"Its okay, ilang araw na lang makikita at makakasama na natin siya Ojii-sama" sabi
ni Andrew "Mabuti na iyon kung hindi magiging malaking gulo lang pagnalaman niya
ang dapat sanang gawin ni Kristine kay Lyka. Mahirap na kalaban si Lolo, lalo na
pag involved si Lyka" sabi ni Andrew sa isip.

"By the way, here."sabay lapag ng maliit na basket sa lamesa.

"What is that?" takang tanong ng Lolo nito.

"Lyka dishes. Nagluto siya kanina, kaya naisipan kong dalhan ka, I know you want to
try it." sabi ni Andrew, nakita niya na nabuhayan ito.

"Let me taste it." sabi nito

"Alam ko na rin kung saan siya nakatira ngayon at nakilala ko na rin kung sino
kumukop sa kanya."

"Its good, I want to meet them and also thank them for taking care of our
princess." sabi nito.

-Kristine POV-

Sige lang, magpasaya ka na.

Gagawin ko lahat, para mawala ka sa landas ko. At maibalik ang dati, na ako lang
ang nag iisang prinsesa sa grupo. At tuluyan ka ng makalimutan at mawala sa mundo
nila.

Hindi ka bagay makisama sa kanila.

You witch!!!

****************************************************************************

-miemie_03

Chapter 48 - Her Birthday


Chapter 48 - Her Birthday

-Lyka POV-

Ilang araw na lang kaarawan ko na.

Medyo kinakabahan ako kasi parang may mangyayari sa araw na iyon.

Napailing na lang ako, sabay tingin sa hawak kong kwintas.

Hanggang ngayon kasi hindi ko pa rin nakakalimutan yung suot na kwintas ng batang
babae sa litrato ni Andrew.

Gusto ko tanungin si Andrew, kung sino ang batang babae na iyon, nagkataon lang ba
parehas kami ng kwintas.

Pero sabi ni Mama, nag iisa lang iyon kasi pinagawa niya talaga ang kwintas at sa
tuwing inaalala ko ito, sumasakit lang ang ulo ko.

Binalik ko na ito sa lalagyan, at kinuha ko na ang mga gamit ko para pumunta sa


school.

Pagdating ko, lahat nakatingin sa akin at nagbubulungan, wala naman bago doon pero
iba yung tingin nila sa akin ngayon. Pero hindi ko na lang pinansin.

Hay!! hindi magbabago ang tao dito sa academy, mas sumasakit ang ulo ko dahil sa sa
kanila.

"Balita ko bumalik na si Miss Kristine."

"Oo nga ehh. sigurado ichapwera na ang nerd na yun, papansin masyado."

"I know right, akala niya magiging isa siya sa kanila."

"Rinig ko bumalik na si Miss Kristine, kompleto na talaga sila"

"Oo nga ehh. Kawawa naman yung nerd, baka paalisin sa grupo nila."

"Okay lang naman, hindi naman din siya bagay makisama sa kanila, sinisira lang niya
ang image ng grupo."

Ilan lang yan sa mga naririnig ko, hindi ko alam kung normal na pag uusap lang ba o
nagpaparinig lang sila.

napayuko at mahigpit na niyakap ang libro ko at mabilis na naglakad.

Alam ko naman iyon ehh, hindi ako bagay sa grupo nila kasi mayayaman sila, habang
ako mahirap. Mas angat sila sa akin.

Hanggang sa may humawak sa kamay ko at hinila ako papuntang building ng highschool.

Tinignan ko kung sino ito, Si Jason,kasama ang iba kong classmate na lalaki.
Napangiti ako kasi kahit lagi na lang ako sumama sa S6 andyan pa rin sila.

"Hay! nakakainis ka na haa. Dapat marunong kang lumaban, Jane. I hate weak people."
sabi ni Jason.
"Oo nga Nerd, dapat lumapit ka sa kanila tapos suntukin mo sila." sabi ng isa kong
classmate at umaksyon na suntok sa hangin.

"Oh, hindi kaya sipain mo." sabi naman ng isa

"Hindi, hindi. Dapat ipana mo sila, then bulls eye. Hahaha." napatawa na lang ako
sa kanila.

"Turuan niyo ako sumuntok at sumipa, kung ganon" sabi ko, nakisakay na lang ako sa
kanila, kahit papano hindi ko napapansin ang mga tingin ng tao sa akin.

"Sige bah, basta hindi iyon libre. May bayad iyan."

"Ano ka ba. Walang pera si Nerd. Ano na lang, luto mo na lang ipapabayad sa amin."

"Oo nga. " agree nilang lahat. Napatawa na lang ako sa kanila ang kukulit nila

"Sige ba." sabi ko, nakita ko si Jason na ngumiti habang nakatingin sa akin kaya
ngumiti ako sa kanya, bigla na lang itong umiwas ng tingin.

"H-Hali na nga kaya, mga gago malelate na tayo." sabi ni Jason at mabilis naglakad.

"Mas gago ka! gago." sabi ng isa kong classmate at binatukan si Jason.

-Third Person POV-

Naglalakad si Kristine sa campus, lahat ng tao napapatingin sa kanya.

"Hi Ms. Kristine. Ang ganda mo."

"Good Morning, Miss Kristine."

"Welcome back po Miss Kristine."

Ngiti lang ang tanging sagot ni Kristine, sa kanila.

Habang naglalakad siya may nakabangga sa kanya. At natapon ang drinks nito sa damit
niya, kaya napasinghap lahat, at namutla naman ang nakabangga sa kanila.

"Oh my, anong ginawa niya?"

"Lagot siya."

"Kawawa naman siya, sigurado makick out na siya sa school."

Ilang sa mga sinasabi ng mga nakakita sa eksena, ang iba napapahinto sa kanilang
ginagawa para tignan ang nangyayari.

"A-Ahh. S-Sorry po Miss K-Kristine, S-Sorry po." sabi ng babaeng nakabangga sa


kanya, at pupunasan na sana niya ang damit nito, pero pinigilan niya ito.

"N-No its okay, sana mag ingat ka na sa susunod." at pilit na ngumiti si Kristine
sa babae.

"O-Opo." sabi ng babae

"Now Leave!" may pagkainis na sabi ni Kristine, kaya dali daling umalis ang babae.
"Ang bait talaga niya, noh?"

"Oo nga, kung ako iyon, ibubuhos ko sa kanya ang inumin ko."

"You're an angel Kristine. Ang bait mo."

Ngumiti siya sa mga tao, pero deep inside gusto na niyang sumabog sa inis, kaya
dali dali siyang pumunta sa Private room at mabuti na lang mag isa lang siya.

"Arghh. Nakakainis talaga yung babaeng ingrata na iyon, dinumihan niya ang damit
ko." inis na sabi nito. Habang tinignan ang ang damit niya.

"I'm gross, malalagot talaga siya, whoever she is would pay for it. " kinuha niya
ang phone niya at tinawag niya ang isa sa mga alipores niya. Si Jessica, (Yung
leader nung 5 clown >_<)

"Hello, pretty Jessica speaking." sabi nito ng sinagot ang tawag niya,

Kristine roll her eyes, dahil sa sinabi ng alipores niya.

"Jess, its me. Kristine" walang gana niyang sabi.

"Oh, Kristine, I heard your finally back. " masayang sabi ni Jessica

"Yeah, by the way. I want you to search for a girl who ruined my day. And bring her
in our place. We have unfinished business." sabi nito sa kanya

"Who?"

"Just asked anyone, I know kalat na sa campus ang ginawa nito sa akin. Go!! I don't
need to repeat myself." sabi nito at binaba ang tawag bago pa ito makasalita.

Tinawag din niya, ang butler niya

"Bring my clothes." pagkatapos niya sabihin ito at binaba niya kaagad ang tawag.

(Bitch niya noh??)

-----------------------------------------------------------------------------------
------------------

Kalat na sa buong campus ang pagbabalik ni Kristine.

At apat na araw na rin ang nakalipas na hindi pumunta si Lyka sa private room,
gusto niyang umiwas sa gulo, ayaw niya maulit ang nangyari sa bahay ni Andrew nung
bumisita siya dito. Alam niyang ayaw ni Kristine sa kanya, sa hindi niya alam kung
ano ang rason nito.

Kaya siya na ang umiwas sa gulo.

sa garden na lang siya tumatambay tuwing lunch, minsan sinasamahan siya ni Brenda
at Stephanie. At akala ng marami, tinanggal na siya sa grupo ng S6 kasi sa
pagbabalik ni Kristine, kaya padalas na ang nagbubully sa kanya. Buti na lang
andyan sina Stephanie at Jason para protektahan siya kung wala ang ibang s6, lalo
na si Andrew na pinabantay niya sa dalawa (Steph and Jason)

-Lyka POV-
"Happy Birthday, Hija." bati ni Aling Karen sa akin ng pababa na ako.

"Thank you po." sabi ko niyakap siya.

"Ganap na dalaga ka na. Pasensya ka na kung konti lang ang handa namin para sayo."
sabi nito,

"Wala po akong pakialam sa handa, Aling Karen basta kasama ko po kayo at si Kuya
Nike, masaya na ako, at sana kasama natin si Kuya Nike sa kaarawan ko ngayon." sabi
ko at niyakap ang pangalawang ina ko.

"Yun ba ang wish mo, Hija." sabi nito at hinahaplos niya ang buhok ko.

"Opo." sabi ko, namiss ko na siya.

Siya yung taong nagligtas sa akin, sa aksidente. Bigla akong nalungkot ng maalala
ko ang magulang ko na namatay din sa aksidente na iyon. Pitong taon na rin pala
silang patay.

Napayakap na lang ako ng mahigpit kay Aling Karen.

"Magpakatatag ka Lyka, alam kong tinitignan ka at binabantayan ka ng magulang mo


ngayon kung nasaan man sila. At proud sila sayo." sabi nito,"Andito lang kami para
sayo, para na rin kitang anak." at niyakap ako ng mahigpit.

Napabitaw ako sa yakap at tinignan siya.

"Pwede humiling pa ng isa Aling Karen?" tanong ko.

"Oo naman, kahit ano pa iyan. Kung kaya ko." sabi nito

"P-Pwede ba k-kitang tawagin ...M-Mama?" nahihiyang tanong ko at yumuko dahil na


rin siguro sa hiya.

Narinig ko itong tumawa kaya napatingin ako sa kanya.

"Oo naman, ikaw talagang bata ka, pitong taon na rin tayo magkasama sa iisang
bahay, ngayon mo lang ako tinawag ng ganyan." naiiyak na rin sabi niya."Ikaw
talagang bata ka, pinaiyak mo ako." sabi nito kaya natawa na lang kaming dalawa.

At nagyakapan ulit.

"Salamat Mama Karen." sabi ko, ang sarap sa pakiramdam na may inang nagmamahal
sayo.

"Hindi ka ba papasok?" tanong nito ng mapansin na hindi ako nakauniform. Napangiti


ako na hindi abot sa tenga.

"Ayy, oo nga pala. Pasensya ka na, muntik ko ng makalimutan. " biglang sabi ko, at
bumalik sa kwarto para makapaghanda.

"Sige na pumunta ka na, mag ingat ka okay?" sabi nito, kaya tumango na ako.

"Uuwi po ako ng maaga." sabi ko at hinalikan siya sa pisngi bago umalis para
pumunta sa pet shop ni Mang Ben, para kunin si Miro.
Pagdating ko doon, sinalubong ako ni Mang Ben, habang hawak ang tali ni Miro.

"Happy Birthday, Hija. Andito na si Miro ohh." sabi nito, alam kasi niya sa tuwing
kaarawan ko kinukuha ko sa kanya si Miro ang alaga kong aso ng maaga.

"Salamat po Mang Ben, ibabalik ko lang po siya mamaya." sabi ko.

"Mag ingat kayo sa daan." sabi nito,

"opo., tara na Miro." sabi ko bago kami umalis sa Pet shop.

Naglakad kami ni Miro papunta sa secret place namin , nakita ko ito nung 1st death
anniversary nila Mama at Papa.

May mapunong lugar kasi sa dulo ng lugar namin, at may nakita akong isang ilog
doon. At doon ko na lang ginawan ng burol sila Mama at Papa hindi ko kasi sila
mabisita dahil nasa Japan ito.

Pagkadating namin doon.

Nilapag ko ang binili kong sunflower, favorite flower ni Mama sa puntod nilang
dalawa at umupo sa damuhan.

"Hi Mama, Papa. its been 7 years. Ng kinuha kayo ni Papa Jesus sa akin. Alam kong
binabantayan niyo ako. Ma, Pa okay lang po ako. May kaibigan na po ako, kaya hindi
niyo na po kailangan mag alala sa akin. May Mama Karen at Kuya Nike naman din po
nag aalaga sa akin kaya hindi po ako nag iisa. Pero Ma, huwag po kayo magtampo,
kayo pa rin ang the best mother in the whole world. Syempre ikaw din Papa, ayoko po
multuhin niyo ako dahil si Mama lang ang sinabihan ko nun.*sniff* Ma, Pa. I missed
you, miss na miss ko na po kayo, sana kung hindi natuloy ang pagpunta natin sa
Japan at sana ksa amusement park na lang tayo pumunta *sniff* siguro buhay pa kayo
at kasama ko pa po kayo ngayon. *pinahid ko ang mga luha ko* Pero hindi ko rin kayo
sinisisi, gusto niyo lang ako ipakilala kay Lolo. Ma, Pa. Sana makilala ko na sila,
kung sino man sila. Gusto ko na sila makilala." nakangiting sabi ko tinignan ko ang
aso ko na nakaupo lang sa tabi ko na nakatingin sa akin.

"Ano ba yan, Miro. kaarawan ko ngayon pero umiiyak ako. Magsalita ka nga diyan."
sabi ko dito at hinapos ang balahibo nito

"Arf, arf,arf!" tahol nito, napatawa naman ako at niyakap ito.

"That's my boy." kinuha ko ito at nilagay sa lap ko.

At kumanta ng favorite song ni Mama, lagi niya ito kinakanta sa tuwing malungkot at
matutulog na ako.

When I lost faith

You believed in me

When I stumbled

You were right there

For every act of love you've done


"Mama, tignan niyo ohh, perfect ako sa exam namin" sabi ng 8 years old na si Lyka
sa kanyang ina habang pinakita ang test paper nito.

"Wow, ang gaing mo naman anak, I'm so proud of you." sabi ni Naomi sabay yakap sa
anak.

"Syempre mana sa akin ehh. Ang talino mo, Princess." sabi naman ni Harold ng
kanyang ama, sabay apir kay Lyka.

I owe you one

There were hard times

I know we survived

Just because you stayed by my side

With all I have with all I am

I promise you all my life

"Papa, may nag away sa akin sa school." sumbong niya sa ama nito.

"Sino yan?! tara resbakan natin" sabi naman ni Harold

"Ano ka ba naman, Hon. Away bata iyan, huwag mo ng patulan." sabi naman ni Naomi sa
asawa nito

"Kahit na, wala silang karapatan na saktan ang nag iisang princess ko." sabi naman
nito at kinarga si Lyka

"Waaah, I love you Papa. Ikaw ang hari, si Mama ang reyna. Ako naman ang prinsesa"
sabi nito sabay halik sa pisngi nito

Whenever the road is too long

Whenever the wind is too strong

Wherever this journey may lead to

I will be there for you

I will be there for you

"Princess, andito lang kami ni Papa mo, hindi ka nag iisa okay? Mahal na mahal ka
namin." sabi ni Naomi sabay yakap sa anak.

"Kung may tinatago man kami sa iyo, sana patawarin mo kami, anak. Ginagawa namin
ito para sayo." sabi naman ni Harold sabay halik sa noo nito.
"Naiintindihan ko po, Mama, Papa. Mahal na mahal ko rin po kayo." sabi nito.

Through sorrow

On the darkest night

When there's heartache

Deep down inside

Just like a prayer you will be there

And I promise you all my life

"Bakit ganyan naman ang mukha mo Princess?" sabi ni Harold sabay upo.

"Ano ang pinag uusapan niyo, Pa? Lagi ko na lang napapansin na parang may tinatago
kayo sa akin." sabi naman ni Lyka.

"Hahahah, don't worry malalaman mo lahat sa kaarawan mo, and may good news
ako.Nagpabook na ako ng ticket, on your birthday aalis tayo papuntang Japan." sabi
naman ni Harold.

"Well that's a good news." sabi naman ni Naomi

"Pero Pa, saan po kayo kumuha ng pera para bumili ng ticket.?" takang tanong ni
Lyka.

Nagkatinginan naman ang mag asawa.

"Ahmm. Binigyan ako ng Amo ko ng vacation sa Japan dahil masipag daw ako. Kaya may
ticket tayo anak." paliwanag ni Harold.

Napanginti naman si Lyka.

"Talaga?? " sabi naman ni Lyka. Kaya naexcite siya ng tumango ang papa nito.

Whenever the road is too long

Whenever the wind is too strong

Wherever this journey may lead to

I will be there for you

I will be there for you


"L-Ly-Lyka. Thank God. Y-Your S-S-Safe." napatingin siya sa kanyang ina na ngayon
ay sumusuka na ng dugo.

"M-Ma, *sniff* M-M-Ma. H-Huwag p-p-po ka-kayo *sniff* mag-mag alala, *sniff* ma-
makakaligtas p-p-po t-tayo." naiiyak na sabi ni Lyka, at tumayo siya at lumabas sa
sasakyan.

Ng hihilahin niya sana ang kanyang ina, pero hindi niya ito mahila dahil naipit na
ang mga paa nito sa sasakyan.

"M-M-Ma. H-h-huwag p-po kayo mag-alala,*sniff* ma-ma-*sniff* makaka alis p-po kayo
ng li-lig-tas." naiiyak na sabi ni Lyka at sinubukan hilahin ang ina sa sasakyan.

Ng maamoy ni Naomi ang gasolina, bigla itong nag alala, lalo na sa anak niya
hanggang ngayon pinipilit pa rin siyang hilahin.

"U-Uma-malis ka na dito, Lyka." sabi ni Naomi sa anak habang tinutulak na ito


paalis.

Umiling si Lyka.

"H-Hindi kita i-i-wan. Ma!!" sabi ni Lyka, habang nakatingin kay Naomi.

"Uma-lis ka na. " sabi ni Naomi at tinutulak si Lyka paalis sa sasakyan.

"No, Ma. Hi-hIndi ki-kita i-iwan. *sniff*" pagmamatigas n Lyka.

"LYKA! GO!! *sumigaw si Naomi gamit ang natitira niyang lakas* p-please, j-just
promise me, b-be safe." sabi ni Naomi.

Umiling si Naomi, hanggang may dumating na lalaki at lumapit sa kanila.

"Miss, tulungan ko na po kayo." sabi ng estranghero. At pinilit hilahin si Naomi sa


sasakyan.
"N-No S-Sir. P-Please save m-my daughter. P-Please." sabi ni Naomi sa lalaki, kaya
napatingin ang lalaki kay Lyka na ngayon ay umiiyak, at binalik ang tingin kay
Naomi. "P-Please, save my daughter" naiiyak na pakiusap nito.

Kaya walang magawa ang lalaki kung hindi kargahin si Lyka. At tumakbo sila papalayo
sa sasakyan.

"W-Wait *pumipiglas sa pagkarga* hi-hindi na-tin ii-wan si mama *sniff*" sabi ni


Lyka.

"MAAAAAAA!!!!!!!!!!" sigaw ni Lyka ng sumabog ang sasakyan kung nasaan ang mga
magulang niya.

I'll always be there

napaiyak na lang ako ng maalala ang mga pagsasama namin nila Mama at Papa.

5pm ng maisipan namin ni Miro na umuwi, nakatulog kasi ako doon ng maghapon. Kaya
hindi ko napansin ang oras, hindi na rin ako nakapasok sa school.

Siguro nag aalala na si Mama Karen sa akin, hindi ko pa naman dala ang cellphone
ko.

Dumaan muna ako sa Pet shop para iwan si Miro, bago umuwi.

Pero ng malapit na ako sa bahay, may nakaparada na mamahaling sasakyan sa tapat ng


bahay, hindi ito sasakyan ni Lance o kay Jake, dahil alam ko kung anong kulay at
klasevang sasakyan nila.

Kaya dali dali akong pumunta sa bahay.

"Andito na ako!!" sigaw ko, pagkapasok ko.

"Lyka!!" masayang tawag sa akin, ng tinignan ko ito,

"KUYA NIKE!!!!!!" masayang sabi ko at tumakbo papunta sa kanya, at tumalon para


yakapin siya.

"Na miss kita, Lyka. Dalaga ka na haa?" sabi nito habang yakap ako.

"Na miss din kita, Kuya. Ba't hindi mo sinabi na uuwi ka.*pout*" sabi ko ng binaba
niya na ako

"Surprise ang paguwi ko, kung sinabi ko naman, syempre hindi na surprise yun." sabi
nito.

"Nga pala, Kuya. Sasakyan mo iyong nasa labas. Bigatin ka na haa?" sabi ko dito.

Biglang sumeryoso ang mukha nito.

"Hindi iyon sa akin."sabi nito

O__________O

huwag mong sabihin

Pinalo ko si Kuya Nike.

"A-Aray! ba't mo ako pinalo." sabi nito

"Kuya, ba't ka nagnakaw?! masama iyon. Ano ka ba!! isauli mo iyan sa may ari." sabi
ko habang patuloy na pinapalo siya.

"Aray! hindi ko iyon ninakaw.Aray! tama na!" sabi nito kaya tumigil na ako

"ehh, kanino iyon?" taas kilay kong tanong

"Ano ba kayong mga bata kayo, nakakahiya sa mga bisita." biglang sabi ni Mama Karen
na may dalang meryenda sa tray na hawak nito

"Bisita?" ako, sabay tingin sa likod ni kuya

O______________O

"A-Andrew? B-bat ka andito?" gulat na tanong ko, may kasama itong matandang lalaki,
siya yung nakita ko sa litrato dun sa kwarto ni Andrew, may kasama din itong
magandang babae, at isa pang lalaki na nakatayo sa tabi ng upuan nung Matandang
lalaki.

"Oh my.. I missed you. Ang laki mo na" sabi nung magandang babae, at naiiyak na
niyakap ako,"My niece." sabi nito medyo naguguluhan ako.

"Sino sila Mama Karen?" tanong ko kay Mama, ng bumitaw na ng yakap yung magandang
babae.

Nakita ko na parang naiiyak na rin yung matandang lalaki.

"Hija, anak. sila yung mga kamag anak mo." sabi ni Mama Karen.

"Apo, hime. Ojii-sama mo ito." sabi nung matandang lalaki na nasa harapan ko na.

Tinignan ko si Andrew

"Siya ang kapatid mo, your twin brother Andrew.. At ikaw si Naomi Lyka Jane
Hanazono Smith
ang apo ko."

***********************************************************************************
***

-miemie_03

Chapter 49 - The Truth

Chapter 49 - The Truth

-Third Person POV-

"Apo, hime. Ojii-sama mo ito." sabi nung matandang lalaki na si Kaito Hanazono kay
Lyka.

Tinignan ni Lyka si Andrew dahil nagtataka pa rin ito kung bakit ito nasa bahay
nila

"Siya ang kapatid mo, your twin brother. Andrew.. At ikaw si Lyka Jane Hanazono
Smith

ang apo ko."

Napatingin si Lyka kay Kaito dahil na rin sa gulat, hindi niya alam kung anong
sasabihin niya o ang dapat niyang gawin.

Yayakapin sana siya ni Kaito ng kusa itong lumayo at lumapit kay Nike, at hinawakan
niya ng mahigpit ang damit nito.

"Lyka, okey ka lang?" nag aalalang tanong ni Nike sa kanya, tumango lang si Lyka
bilang sagot, makikita mo rin sa mga mata ni Kaito ang sakit at lungkot sa ginawa
ni Lyka.

"Ah-Ahmm. Sir, baka nagkamali po kayo. Cruz po ako hindi Smith." sabi ni Lyka kay
Kaito.

Biglang tumayo si Andrew na kinagulat nilang lahat.


Nagulat din si Lyka dahil ngayon lang niya nakita na galit at lungkot ang makikita
mo sa mata nito.

"Andrew, calm down." sabi ni Katrine Smith Araneta ang ina ni Tyron

"No Tita, she need to know who really is she." sabi ni Andrew kay mKatrine at
tinignan si Lyka, na nagtago sa likod ni Nike, kaya nasaktan si Andrew sa nakita
niya.

"Your a Smith, Lyka! Your Cruz name is fake, Mom and Dad did that to protect you.
Because we almost lose you. Do you understand?!" burst out ni Andrew, napaiyak na
lang si Lyka dahil sobrang naguguluhan na siya, hindi na niya alam kung sino ba
talaga siya.

"Drew, stop it already." sabi ni Kaito sa apo

"Drew, leave her be. She still confused." nalulungkot na sabi ni Katrine.

"Anong ibig niyong sabihin na muntik na siya mawala sa inyo?" takang tanong ni Nike

"Na aksidente siya nung bata pa siya. She almost die, thank God she didn't but...
nagka amnesia siya." lungkot na sabi ni Katrine.

Nagulat din si Lyka sa nalaman niya.

"N-Nagka amnesia ako?" gulat na tanong ni Lyka, habang nakaturo sa sarili.

Tumango si Katrine, habang hawak niya sa balikat si Andrew na nakatingin sa kanila


(Lyka and Nike)

"Yes Dear. Inilayo ka ni Ate Naomi and Kuya Harold, dahil baka babalikan ka nila,
natakot sila kaya tinago ka nila si Pilipinas, kaya naglow profile sila para wala
makakahalata. Ikaw ang tagapagmana ng Hanazono since Drew will be the heir of
Smith. Kaya ikaw ang target, sasabihin na sana sayo ang lahat during your 11th
birthday sa Japan." sabi ni Katrine

"K-Kung g-ganon bakit hindi niyo ako hinanap? " sabi ni Lyka sa kanila.

"We did!! anim na taon ka namin hinanap, Lyka. Nung binalita na namatay si Mom and
Dad sa car accident, akala namin kasama ka pero hindi, kaya hinanap ka namin." sabi
ni Andrew.

"Matagal mo na ba alam ito? Nung una nating pagkikita, alam mo na?" tanong ni Lyka

".........Yes I already know." nakayukong sagot ni Andrew

Nagalit si Lyka sa nalaman niya, nararamdaman niya na niloko siya ni Andrew.

"Bakit hindi mo sinabi? Ba-Bakit nilihim mo? A-Alam mo ba gusto kong makilala ang
kamag-anak ni Mama o Papa, pero hindi ko alam kung saan magsisimula."inis na sigaw
ni Lyka

"Naghahanap ako ng tiempo, Lyka. You don't know what I feel the first time I saw
you on that day gusto kitang yakapin at sabihin na kakambal mo ako, kapatid mo ako,
na I'm your brother. Especially na ang lapit lapit mo sa akin, kasi dati hanggang
tingin lang ako sa malayo simula magka amnesia ka, hindi kita malapitan o maka usap
man lang. Dahil iniisip ko ang kaligtasan mo, 5 years akong nagtiis na hanggang
ganon lang. Alam mo sobra akong excited na magkikita tayo ulit pero dahil sa
aksidente na iyon, nawala si Mom and Dad, at nawala ka rin. Nawala ang kalahati ng
buhay ko, I almost die in so much stress, pero tinatag ko ang loob ko na baka buhay
ka pa, kaya hinanap ka namin." mahabang paliwanag ni Andrew, tulala lang si Lyka
dahil sa narinig niya, hindi niya alam na ganon pala ang pinagdaanan ni Andrew.

"Please, don't hate me. Because I did't tell you right away please." naiiyak na
sabi ni Andrew habang nakikiusap siya kay Lyka.

"H-Hindi ako galit sayo. S-Sorry h-hindi ko alam ang pinagdaanan mo." nakayukong
sabi ni Lyka, hindi niya alam kung bakit pero na giguilty siya.

Lumapit si Andrew kay Lyka, pipigilan sana siya ni Katrine pero tinignan niya ito
kaya wala na itong magawa kung hindi hayaan na lang.

Ng makalapit na siya, magsasalita sana si Lyka ng bigla siyang yakapin siya ng


mahigpit ni Andrew. Tinignan niya si Kaito at Katrine, naluluha ito. Tinignan niya
ang Mama Karen niya umiiyak din ito, at ang huli ay ang Kuya Nike niya na tumango
sa kanya, kaya niyakap niya rin si Andrew.

"I missed you. Lyka, I really really *sob* missed you. Onegai (Please) come with
us. Lets go home, please, please." naiiyak na sabi ni Andrew sa kakambal habang
niyayakap si Lyka ng mahigpit na parang ayaw na niyang bitawan ito at nbaka mawala
na naman.

Napabitaw na sila sa yakap, pero hinawakan na siya ni Andrew. "Let's go home,


okey?" sabi ni Andrew.

"Can I hug you?" tumingin ang magkapatid sa Lolo nila.

Tinignan ni Lyka si Andrew , tumango ito at mahinang tinulak ito papunta sa Lolo
nila,

dahan dahang lumapit ito sa kanya, ng nasa harapan na siya nito ay niyakap din siya
ng mahigpit ni Kaito.

"I missed You Hime. Ojii-sama missed you so much." naiiyak na sabi nito habang
yakap niya si Lyka ng mahigpit, niyakap niya din ito pabalik.

Naghumiwalay na sila ng yakap

"We will regain your memories, okey? Trust ojii-sama." sabi ni Kaito at tumango
lang si Lyka.

"My niece!" niyakap din ni Katrine, si Lyka hanggang bumitaw na sila.

"You really grown up. You look like your mother Ate Naomi." sabi nito.

"Ahmm. Ma--"

"Call me Tita Trine. You always call me that. Call Uncle Kaito, Ojii-sama" putol
niya sa dapat sanang sabihin ni Lyka

"T-Tita T-trine. O-Ojii-sama. Ahmm *tinignan ni Lyka si Andrew* A---"

"Onii-sama" pagtatama ni Andrew,

"O-Onii-sama" ng marinig ni Andrew ito gusto na naman niyang umiyak dahil after 12
years narinig na naman niya ito sa pinaka importanteng babae sa kanya.

"G-Gusto kong sumama, pero pwede dito muna ako kay Mama Karen."sabi ni Lyka na
kinagulat nilang lahat.

"W-What?!" gulat na tanong ni Andrew

"Why? ayaw mo ba sa amin? hindi mo ba kami tanggap? galit ka ba?" sunod sunod na
tanong ni Katrine sa pamangkin.

Umiling ito.

"Hindi po ako galit. ahmmm, konti po. Pero naintindihan ko pa ginawa niyo ito sa
akin, wala po kasama si Mama Karen sa bahay. Umuwi po si Nikki at Joseph pagkatapos
ng trabaho nila sa Karinderia. Ayoko ko po siya iwan." sabi ni Lyka.

"Pero hindi ka rin namin nakasama for 12 years Lyka!" sabi ni Andrew.

"Lyka, Hija. Kaya ko ang sarili ko at hindi na aalis ang Kuya Nike mo pabalik sa
Japan, kaya may makakasama na ako dito." sabi ni Karen, at lumapit kay Lyka.
Hinawakan nito ang dalawa niyang mga kamay.

"Hindi mo na dapat mag alala." sabi nito

"Tama, at tsaka may trabaho na ako, binigyan ako ng trabaho ni Sir Kaito sa isa sa
mga kumpanya niya dito sa Pinas." sabi naman ni Nike at ginulo at buhok nito.

"pero--"

"Wala ng pero pero, sumama ka na. Pwede mo naman kami bisitahin dito ehh."
nakangiting sabi ni Karen sa anak anakan niya.

"Sige po, araw araw kitang dadawin Mama Karen mamimiss ko rin ang mga luto mo."
sabi ni Lyka at niyakap ng mahigpit si Karen. "Mamimiss kita, Mama Karen" sabi nito

"Mamimiss din kita, anak ko." sabi ni Karen habang nakayakap kay Lyka

"Ako hindi mo ba ako mamiss?" sabi ni Nike, kaya niyakap niya rin ito

"Syempre mamimiss po." sabi nito."Kuya din po kita."dagdag nito

"ehem" pekeng ubo ni Andrew, kaya napabitaw sila ng yakap at napatawa

"Mukhang nagseselos ang kakambal mo sa akin." bulong ni Nike kay Lyka.

"Lets go, your things is already in the car." sabi ni Andrew, at hinila si Lyka
palayo kay Nike (A/N: Selos si Brother ohh. hahaha XD)

"Haaa? *tinignan niya si Nike at Karen* gusto niyo na talaga umalis noh??" nakapout
na sabi ni Lyka sa kanila. Napatawa na lang si Nike

"Sinisigurado lang namin na sasama ka. Kilala ka n namin, kaya sumama ka na basta
bisitahin mo kami okey?" sabi nito kay Lyka

"Opo." nakapout na sabi ni Lyka

"Thank you for taking care of my grand daughter Ms. Karen. Malaking utang na loob
namin sa inyo." sabi ni Kaito kay Aling Karen

"Wala po iyon, Sir. Mabait na bata si Lyka, kaya hindi siya mahirap mahalin. Masaya
ako dahil nakita na niya ang kamag anak niya." sabi ni Karen kay Kaito.
"You can also visit her in the mansion. And also if you need help, dont hesitate to
contact us." sabi nito.

"Salamat po." sabi ni Karen, nagshakehands muna sila bago unang umalis sa bahay
nila.

"Salamat po talaga Aling Karen."niyakap na sabi ni Katrine sa kanya.

"Salamat din po." bumitaw na sila sa yakap,

"Maghihintay lang kami sa car." sabi nito sa magkambal bago umalis

"Sige po, Mama Karen, Kuya Nike. Aalis na ako."naiiyak na sabi ni Lyka

"Ano ka ba naman bata ka. Pinapaiyak mo ako, mag ingat ka, kung kailangan mo ng
tulong bukas ang pinto namin para sayo." sabi ni Karen at naiiyak na niyakap muli
si Lyka

"Opo." sabi nito

Aalis na sana sila ng tawagin siya ni Nike

"Catch!" sabi ni Nike ng may tinapon itong box na kulay violet, favorite color ni
Lyka. Na nacatch naman niya (A/N:favorite color ko rin XD pagbigyan si author)

"Thank you." at tuluyan na ring umalis.

Ng makasakay na sila.

Isa itong limosine, kaya katabi niya si Andrew, habang magkaharap sila sa Lolo niya
at si Katrine.

"Are you happy, hime?" tanong ni Kaito sa kanya.

-Lyka POV-

"Are you happy, hime?" tanong sa akin ni O-O-Ojii-sama.

Waaaah, hindi pa ako sanay na tawagin siya ng ganoon.

At hindi ako makatingin kay Andrew, dahil nahihiya din ako.

"O-Opo, dahil nakilala ko na kayo, p-pero nalulungkot din dahil hindi ko na


makakasama sila Mama Karen at Kuya Nike." nakayuko na sabi ko, medyo nahihiya pa
rin ako.

"dont feel awkward. Lyka." sabi ni Andrew

"Pero" nahihiya kong sabi

"Oo nga naman Hija. Sigurado ako magugulat si Tyron pag nalaman niya na bumalik ka
na sa amin." sabi naman ni Ti-Tita Trine

Kaya napatingin ako sa kanya


"T-Tyron? you mean Tyron James Araneta?" Gulat na tanong ko

"Oo, he is your cousin." sabi nito kaya mas nagulat ako.

Napatawa na lang sila sa inakto ko.

"Madami kang hahabulin, but for now. Dapat ka muna icheck sa private doctor natin,
para malaman natin ang kalagayan mo."sabi nito.

"O-Okey po."

Ilang minuto rin ang nakalipas ay nakarating kami sa isang mansion medyo malaki at
malapad pa kesa sa mansion ni Andrew, i mean O-Onii-sama. Waaah, Andrew na nga lang
muna bago ako masanay.

Tumitingin lang ako sa labas kasi medyo malayo ang mansion sa main gate. Ganoon
siya kalaki. Parang palasyo na nga ito ehh.

"Kaninong bahay i mean palasyo po ito?" tanong ko ng huminto na ito sa harap ng


malaking pintuan, pero may stair pa muna bago makadating sa bahay.

"Its our house. Dito ka na titira."sabi ni O-Ojii-sama

"Ehhhhh. akala ko sa bahay ni An-Onii-sama tayo titira." sabi ko, ng binuksan na


nung lalaki yung kasama nila sa bahay kanina, naunang lumabas si Ojii sama, Tita
Trine at Andrew ako ang huli.

"Rest House lang yun natin dito saPilipinas, ang bahay natin ay nasa Japan." sabi
ni Andrew habang nakayakap sa balikat ko.

"since your here, Andrew will also live here." sabi ni Ojii sama "Let's go." sabi
nito at nauna ng pumasok, sumunod naman si Tita Katrine.

"Tara. Sa loob" nakangiting sabi nito, makikita mo rin sa mga nito ang saya. Kaya
napangiti rin ako.

Pagpasok namin.

"Welcome Home Young Lady Lyka." sabay sabay na sabi ng mga babae na naka maid
uniform na nasa left ko at naka formal attire na lalaki na nasa right ko yung iba
naka chef na damit, gulat na napatingin ako sa kanila

"Thank you??" hindi sigurado kong sabi.

"Hime Lyka. If you have a problem just approach John or Lyod." sabi ni Ojii sama
habang tinuro nito yung lalaki na sumama sa bahay kanina as John at yung lalaki na
nasa tabi nito na si Lyod.

"Lyod will be your butler from now on. Okey? I'll be in my office, you can go there
anytime you want." sabi nito

"Opo." sabi ko, ngumiti ito at lumapit sa akin

"welcome home Granddaughter." sabi nito.

"Thank you po." kumalas na ito sa pagkakayakap at umalis na.

"Oh my, babalik ako dito bukas okey? magshoshopping tayo together with Nuriko."
sabi ni Tita.
"Alam rin po ito ni Ate Nuriko?" gulat na sabi ko.

"oppps *sabay takip ng bibig niya, pero yung pasosyal na paraan.* Andrew will
explain everything, babalik ako bukas." sabi nito at bineso beso ako. "See you
tomorrow Dear. Bye Andrew." sabi nito at umalis na

Napailing na lang si Andrew kaya napatingin ako sa kanya

"I'll explain later, ngayon dadalhin muna kita sa magiging kwarto mo." sabi ni
Andrew at maingat niya akong hinila paakyat sa mahabang hagdan.

Pagdating namin sa kwarto.

Sobrang laki nito, pag sinabi ko malaki, sobrang laki talaga, mas malaki pa ata ito
sa kwarto ni Andrew doon sa bahay nila

"Pwede ka ng umalis, tatawagin ka na lang namin pag may kailangan kami." sabi ni
Andrew dun kay Lyod, nag bow muna ito bagfo umalis.

Habang ako umikot sa kwarto ko may living room dito yung bagay sa kwarto at dining
table. Malaking Flat screen T.V., may isang pinto kaya pumasok ako loob nito.
Pagkapasok ko, may nakita akong malaking kama, kasing laki nung kama ni Andrew sa
bahay nila, study table at mini library sa tabi nito, may flat screen t.v. din dito
may computer set. Basta kompleto, at may dalawang pinto na magkatabi na malapit sa
kama. Kaya pumasok ako sa isa sa mga pinto, namangha ako, kasi bathroom lang siya
pero malaki, mas malaki pa ito kesa sa kwarto ko sa bahay ni Mama Karen, may bath
tub, at may T.v din dito sosyal, may shower rin,basta kung ano man makita niyo sa
isang bathroom, pumasok naman ako sa pinto na nasa loob ng bathroom. At pagkapasok
ako, madami akong nakita na damit at may mga aparador pa siya, pagbukas ko madaming
sapatos, doll shoes at killer heels na sapatos rin na iba't ibang klase, may
nakahilera rin bag sa sunod na aparador na inopen. After that binuksan ko rin yung
pinto pag bukas ko, daan siya palabas sa isa pang pintuan na katabi ng Bathroom.

(A/N: Hope maintindihan niyo ang explanation ko. ang hirap iexplain ehh)

"Did you like it?" nagulat ako sa tanong ni Andrew na nakasandal sa pintuan ng
kwarto.

"Hindi...*bigla itong sumimangot* I LOVE IT!! Ang ganda, para akong prinsesa."hindi
makapaniwalang sabi ko.

"You are really a princess. Ang room ko ay nasa kabila, pwede kang dumaan sa
balcony, since our our also twin room. Same ang laki yung room ko sa room mo, at
iisa lang ang balcony natin." sabi nito.

"hindi nga, so pwede akong pupunta sa room kahit anong oras na gusto ko?" gulat na
tanong ko.

"Yes My twin sister. your always welcome in my room. By the way Ojii-sama is
calling us. Come on" sabi nito kaya umalis na kami sa kwarto ko.
At ilang pasikot sikot pa kami naglakad bago makarating sa office ni O-Ojii sama,
hindi pa rin ako sanay na tawagin siyang ganon.

Kumatok si Andrew.

"Come in." ng sinabi niya yun, ay pumasok na kami, pagdating namin. May kasama
itong lalaki na nakaputi.

"This is Dr. Philip. He is here to check on you." sabi nito.

"Maupo ka dito young lady, may itatanong ako sayo." sabi nito.

kaya umupo ako sa couch na nasa opisina ni O-Ojii-sama

nagtanong ito gaya ng kung may napapanaginipan ba ako, o bigla na lang may naalala.
O hindi kaya kung samasakit ba ang ulo ko.

"As far as check. Mukhang unti unti ng bumabalik ang alala niya, ito ang mga gamot
na kailangan niyang inumin in case na biglang sumakit ang ulo niya. Hindi natin
mamadaliin ang pag regain nito. Babalik din ito." sabi ni Dr. Philip.

"Thank you Doc. John. Assist Dr. Philip" sabi ni Ojii sama, at ng makaalis na siya.

"I would to celebrate your birthday next week. Kahit ngayon ang birthday mo, gusto
ko pa rin icelebrate. At gusto ko na ipapakilala na kita bilang heir ng Hanazono
during the party." sabi ni Ojii-sama

"Ahmm, ano po.. pwede favor?" nahihiya na tanong ko.

"Anything for you hime."

"Pwede hindi na tayo mag celebrate. Gusto ko ng simple lang, kumpleto tayo sa hapag
kainan, masaya na ako." sabi ko

"Okey, if that's what you like." sabi ni Ojii-sama

"At sana, huwag muna natin ipaalam na isa akong

Hanazono."

***********************************************************************************
********************************************************

N/A:

Sorry sa errors and grammar guys.

and sorry kung hindi ko mareplayan ang mga messages niyo, sana huwag niyo isipin na
snob ako :( :( kung hindi malulungkot ako.
And thank you All sa supporta na binigay niyo sa CNITLP. (^_______________^)

hope nagutuhan niyo ang chapters na ito.

Good Night!!

btw, dont forget to like ang comment this chapter

Love Lots <3 <3 <3

-miemie_03

Chapter 50 - The Twin Bond

Chapter 50 - Twin Bond

-Lyka POV-

"Ahmm, ano po.. pwede favor?" nahihiya na tanong ko.

"Anything for you hime."

"Pwede hindi na tayo mag celebrate. Gusto ko ng simple lang, kumpleto tayo sa hapag
kainan, masaya na ako." sabi ko

"Okey, if that's what you like." sabi ni Ojii-sama

"At sana, huwag muna natin ipaalam na isa akong Hanazono."sabi ko sila.

"What!!!?" gulat na tanong ni Andrew sa akin

"Why hime? " nag aalalang tanong ni O-Ojii-sama. Dapat ko na ata sanayin ang sarili
ko.

"Ayoko po magbago ang tingin nila sa akin, makipagkaibigan dahil Hanazono po ako,
lalo na school. magiging mabait lang sila sa akin dahil sa pera, ayoko po ng ganun.
At tsaka Ojii-sama, isecret lang muna natin ito hanggang makabalik ang memories ko,
para pag ipapakilala ako bilang Hanazono heir, ay buo na maalala ko na kayo. Kasi
kahit sabihin niyo na kamag anak ko kayo, hindi pa rin mawawala ang ilang ko. Na
parang may wall pa rin sa pagitan natin" nahihiyang sabi ko, habang nakayuko.
Naramdaman ko na parang may yumakap sa akin, pagtingin ko si Andrew lang pala.

"If that's what you like." sabi nito ng bumitaw na sa yakap, at umupo ito na parang
prinsepe sa harapan ko at hinawak ang mga kamay ko.

"I promise you, Lyka. Ibabalik natin ang mga alaala mo, lets break the wall between
us.okey?" nakangiting sabi nito, kaya napangiti rin ako.

"Okey." sabi ko.

"*sign* okey okey, I get it. Prepare yourself, magdidinner na tayo." sabi ni Ojii-
sama, kaya pumunta na kami sa kanya kanya naming kwarto ni Andrew.Pagkatapos sabay
na kami bumaba para maghapunan.

Pagdating namin sa kusina

O______________________O

and daming pagkain nakahain sa mahabang lamesa, parang may fiesta. nakaupo na si
Ojii-sama sa dulo na lamesa, kaya umupo na rin ako sa kaliwa ni Lolo, at si Andrew
naman sa kanan, kaya magkaharap kami, si Ojii-sama sa gitna gets??

"Lets eat. and happy 18th birthday to both of you." nakangiting sabi ni Ojii-sama

"di ba kambal tayo? *tumango si Andrew* birthday mo rin ngayon?" tanong ko,
tinignan niya ako.

"Of course, Lyka. Were twin" sabi niya.

"Waaah, happy birthday, sorry kasi wala akong gift." hinging patawad ko sa kanya.

Ngumiti ito sa akin "Huwag ka lang ulit mawala, is already enough for me." sabi
nito.

"I'm sorry, hime. Hindi engrande ang debut mo."malungkot na sabi Ojii-sama

Hinawakan ko ang kamay niya.

"Ojii-sama, okey lang po. Nakita ko na po ang kamag anak ko, at nakasabay ko sila
sa hapag kainan, masaya na ako. Alam ko masaya sila Mama at Papa ngayon." sabi ko
at ngumiti.

Pinahid ni Ojii-sama ang luha niya.

"Thank you for coming into my life. Lyka, Drew. Hindi ko na alam ang gagawin ko
kung wala kayo ngayon sa tabi ko." sabi ni Ojii sama sa amin. Napangiti na lang
kami ni Andrew sa sinabi ni Ojiisama

"And Drew, its good to see you smile again." napatawa naman si Andrew sa sinabi ni
Ojii-sama

Oo nga nuh, dati minsan ko lang siya makitang ngumiti lalo na ang tumawa, kasi lagi
itong tahimik. magsasalita lang siya kung gusto niya. Well, medyo madaldal siya pag
kami lang dalawa. ^___^

Napansin niya ata na nakatingin ako sa kanya. "What?" natatawang tanong nito.
"W-Wala, hindi lang ako sanay makita kang ngumiti at tumawa. Ang snob mo kaya."
sabi ko.

"Well, dapat masanay ka na. At hindi ako snob." sabo nito.

Tumawa si Ojii-sama, sa amin.

"Now now, Lets eat. Lyka you lead a prayer." sabi nito

Nag sign of the cross kami.

"Lord God, thank you for this wonderful day, thank you for giving me the
opportunity to meet my true family, ang astig kong Ojii-sama at ang mapagmahal kong
onii-sama. And sana po bumalik na ang alaala ko, para mabuo na po ang pagkatao ko.
Lord God, thank you for the blessings and guidance. In Jesus name. Amen." sabi ko
at nag sign of the cross.

"Now lets eat." sabi ni Ojii-sama.

"Pero Ojii-sama, tayo lang po ba tatlo ang kakain?" takang tanong ko

"Yes, why?" takang tanong ni Ojiisama sa akin

"Kasi naman po ang dami naman niyan, hindi po natin yan mauubos. At tsaka *tinignan
ko ang mga katulong na nakatayo hindi malayo sa amin* sumabay na kayo sa amin, ang
dami nito."sabi ko sa kanila, mukhang nagulat sila sinabi ko.

"A-Ahmm, Y-Young Lady, mamaya pa po kami kakain pagkatapos niyo." sabi sa akin ni
Lyod na butler ko, nasa tabi ko kasi ito.

"H-Huh? bakit naman ang dami namang pagkain dito ohh, sabay na tayo." sabi ko sa
kanya. pero tinignan niya si Ojii-sama, kaya napatingin ako sa kanya.

Tumawa lang ito ng malakas, kaya lahat sila mas nagulat.

"A-Ano pong nakakatawa?" takang tanong ko

"You never change, Lyka." sabi sa akin ni Andrew kaya napatingin na rin ako sa
kanya.

"Bakit?"takang tanong ko sa kanya.

"Dati sa 6th birthday natin, ininvite mo ang katulong sa bahay sa party natin.
Umiiyak ka pa nga pag hindi sila imbitado." sabi nito

"T-Talaga?"ako.

Tumango naman ito.

"Alright, if that what you want. All of you,tawagin ang iba and have a seat and
lets eat." sabi ni Ojii-sama sa lahat na nasa dining. Pero hindi sila gumalaw at
nakatingin pa rin sa amin.

"Hurry! or I'll fire you all."pagbabanta niya, kaya dali daling kumilos at nag
unahan ang iba na umupo sa mahabang lamesa.

Yung iba kanya kanyang kuha na ng plato at ang iba naman tumayo na lang na may
hawak na pinggan at kutsara.
"That's better. Finally lets eat!!" sabi nito, kaya kanya kanya na kaming kuha ng
pagkain, at masayang nag kwekwentuhan sila at tawanan.

nilagyan ni Andrew ng pagkain ang plato ko.

"And dami naman niyan." sabi ko sa kanya.

"Para tumaba ka, look at you. Puro buto ka na."sabi nito sa akin. "Now eat.ubusin
mo" sabi nito.

Pagkatapos namin kumain, niligpit na nila. Gusto ko sanang tumulong pero ayaw ni
Andrew hindi ko raw trabaho yun at baka mapagod ako kaya matutulog na raw kami. ehh
saturday naman bukas.

Waaaaah.

3am na pero hindi pa rin ako makatulog. Hindi siguro ako sanay, ang kama ko kasi is
kawayan at pang isang tao lang yung higaan tapos sapat na ang electric fan, eh dito
sobrang lambot na kama na kasya ang limang tao dito, tapos ang lamig kasi naka
aircon kaya nakabalot talaga ako sa kumot.

Hindi nagtagal tumayo na ako, at dinala yung malaking bear na nakita ko dito sa
kwarto ko at pumunta sa balkonahe, at sinilip ko yung pinto sa kwarto ni Andrew
dito sa balkonahe, madilim patay ang ilaw, kaya umupo ako sa wall malapit sa
pintuan papunta sa kwarto ko. At tinignan ang langit na sobrang dami ng stars,
habang yakap yakap ang malaking bear.

Alam ko na isa sa mga bituin na nasa langit ay ang mga magulang ko

Naniniwala kasi ako, na pagnamatay ang isang tao nagiging bituin ito at
binabantayan ka nila

"Ma, Pa. Eto ba yung dahilan kung bakit kayo humihingi na tawad. Eto ba yung
nililihim niyo sa akin. Medyo nagtatampo po ako kasi tinago niyo po sa akin pero
naintindihan ko naman kasi alam ko ginagawa niyo ito para sa kaligtasan ko. Ma, Pa.
miss ko na kayo." mahinang sabi ko. Ng may dalawang falling star na nagpakita
bigla, at biglang humangin.

pakiramdam ko na may yumakap sa akin ngayon.

Kaya napapikit ako, at hindi ko napansin an tumulo na ang mga luha ko.

Hanggang may pumatong sa balikat ko ng kumot kaya tinignan ko kung sino ito, si
Andrew lang pala.

"What are you doing here? Magkakasakit ka niyan. and are you crying?" nag aalalang
tanong nito sa akin at umupo sa tabi ko, at pinunasan ang mga luha ko.

Umiling ako.

"H-Hindi masaya lang ako. Kasi nakita ko na kayo." sabi ko sa kanya.

Ngumiti ito at niyakap ako.


"Andito lang ako sa tabi mo. I will protect you no matter what."sabi nito sa akin

"Miss ko na sila Mama at Papa." sabi ko sa kanya at niyakap ang braso niya ma
nakayakap sa akin.

"Me too. But I'm sure they are happy now, especially your with us now." sabi nito
sa akin.

"Come, lets sleep. Mapupuyat ka niyan." sabi nito at tinayo ako at hinatid hanggang
sa kama. Humiga na ako, at niyakap ang bear na hiniga niya sa tabi ko, kinumot niya
ako.

"Just go in my room if you have a problem, okey?" tumango lang ako. "Now sleep,
hindi ako aalis dito pag hindi ka matutulog. Babantayan kita." sabi nito at
ngumiti, ngumiti rin ako.

"Good night."

"Good night, Lyka." sabi nito, kaya napapikit ako.

Whenever the road is too long

Whenever the wind is too strong

Wherever this journey may lead to

I will be there for you

I will be there for you

Bigla akong inantok ng kantahan niya ako ng favorite song ni Mama.

kinaumagahan, nagising ako sa katok sa pintuan.

Bumangon ako at kinusot ang mga mata ko, medyo inaantok pa ako.

"Bukas lang po iyan!!" sabi ko, kaya binuksan ang pinto at may pumasok na dalawang
babae na naka maid uniform.

"Good Morning Young Lady, pinapatawag na po kayo ni Lord Kaito para sabay na po
kayo mag agahan." sabi nito sa akin.

"Ganon po ba. ahmm, Lyka na lang po ang itawag niyo sa akin hindi ako sanay ehh."
sabi ko sa kanila.

"S-Sorry po. Pero h-hindi po pwede.Baka mawalan kami ng trabaho." sabi nung isa
niyang kasama.

"Okey. Pag tayo lang tatlo itawag niyo sa akin ay Lyka na lang. okey?" sabi ko sa
kanila, nagkatinginan sila sa isa't isa.
"O-Okey po." sabay nilang sabi

"Ano pangalan niyo.?" tanong ko

"Ako po si Ailyn, siya po si Nicki." sabi nung shirt hair at tinuro nito ang katabi
niya na ang pangalan ay Nicki.

"Nice meeting you."

"Kami rin po, nga pala. Maghanda na po kayo nag hihintay na po si Lord Kaito sa
baba."natataranta na sabi ni Ailyn, kaya napatayo na ako sa kama.

"Halika na po. L-L-Lyka." sabi nito at maingat na tinulak papuntang banyo. Habang
si Nick naman inayos ang higaan ko.

Pagkatapos kong mag ayos.

Naka dress sky blue ako, na hanggang tuhod at naka doll shoes.

Sila ang nagbigay ng damit ko, tinanong ko kung aalis ba kami sabi nila. Hindi daw
kasi sa dining lang kami mag aayos.

Grabe haa. ayos na ayos, pambahay lang pala ang damit na ito.

"Nga pala si Andrew, gising na ba?" tanong ko habang inaayos ni Ailyn ang buhok ko,
habang si Nicki naman, nasa tabi ko lang. Sabi ko sa kanila na ako lang ayaw nila.

"Ayaw magpapasok si Young Lord sa kwarto niya, kusa siyang gumgising at bababa lang
pag aalis na siya, hindi nga yun dito kumain ehh." sabi ni Nicki, medyo close na
kami,

"Oo, at masungit siya. Kaya nagulat ako na tumawa siya kahapon at ngumiti iyon.
First time." sabi naman ni Ailyn. Ng matapos na kami umalis na kami sa kwarto,
tinignan ko ang pinto na nasa tabi ng kwarto ko.

"Ahmm, mauna na kayo tatawagin ko lang si Andrew." sabi ko sa kanila, nag bow muna
sila bago umalis kaya pumunta ako sa harap ng pinto ni Andrew, at kumatok muna bago
pumasok.

Pagkapasok ko, same lang ang laki at gamit sa kwarto ko at kwarto niya, pero ang
kanya manly talaga and design at mini library sa dami ng book, same nung kwarto
niya sa mansion nila.

Dumiretso na ako sa kwarto niya. At pagbukas ko, nakatulog pa siya, mukhang puyat
siya, madaling araw na rin kami nakatulog kanina, kasalanan ko iyon.

"Ahmm, Andrew. Gising na!!*niyugyog* kakain na raw sabi ni Ojii-sama" sabi ko sa


kanya, na niyugyog pa rin siya,

Gumising siya at tinignan ako, at tinakpan ang mukha.

"Huwag ka na matulog ulit." sabi ko at kinuha ang unan na tumakpan sa mukha niya.

"Gis----ahhhhhh" nagulat ako ng hilahin niya ako pahiga, at niyakap.

Tinignan ko siya, na nakatingin pa rin sa akin


"Good Morning, Lyka"

"Morning Andrew, kaya bangon na.."sabi ko at tumayo na sa pagkakahiga

"Dont call me Andrew. Call me Onii-sama. O-Nii-Sa-ma.Okey?" sabi nito sa akin


habang nakapout

"O-O sige. Kaya bangon na O-Onii-sama, pinapatawag na tayo ni Ojii-sama para sa


agahan." sabi ko.

"Okey,wait for me." sabi nito at bumangon na't dumiretso sa banyo.

pagbaba namin,

"What took you so long?" tanong ni Ojii-sama, pagkarating namin sa dining room.

"Ginising ko si Onii-sama, Ojii-sama."sabi ko at umupo kung saan ako nakaupo


kagabi, ganoon din si Andrew.

"Okey, Lets eat."tahimik lang kaming kumain hanggang natapos kami.

Lumapit si John kay Ojii-sama, nag bow muna ito bago bumulong

"Okey, I'll be right there, prepare na plane." sabi nito kay John, nag bow muna ito
bago umalis.

"Ano bpo iyon Ojii-sama?" tanong ni Andrew

"I'm going back to Japan, Katrine is already there. Nagkaproblema sa isa nating
kumpanya. At kailangan ako doon" sabi nito

"Uuwi na kayo?" malungkot na sabi ko

"No, babalik ako I promise.*tingin kay Andrew* protect her, okey?" sabi nito kay
andrew

"I will." sagot naman nito

"See you soon, Hime. Take care." hinalik niya ako sa noo, bago umalis ng bumalik na
si John.

-Someone POV-

-Canada-
"Ibabagsak natin ang Hanazono. Tama na ang oras na binigay natin sa kanya" sabi ko
sa kausap ko.

"Balita ko hinahanap niya ang tagapagmana niya. Ang heir ng Hanazono."sabi naman
nito.

"Hindi maaari iyon, matagal ng patay ang tagapagmana niya, kung nabuhay man siya sa
car accident na nangyari 11 years ago, alam ko hindi na rin siya nakaligtas sa
insidente 7 years ago kung saan namatay pati ang mga magulang nito." sabi ko.

"I don't know. What if buhay pala siya. What will you do?" tanong naman niya.

Binuga ko ang usok mula sa bibig kami dahil sa sigarilyo.

"I'll kill her once again. Hanggang bumagsak ang Hanazono. Hahahahahahaha." ako

Chapter 51 - Her Evil Plan

Chapter 51 - Her Evil Plan

-Third Person POV-

Isang linggo na rin ang nakalipas ng ng malaman ni Lyka ang tunay niyang pagkatao,
at isang linggo na rin ng hindi alam ng estudyante sa RDA and totoong katauhan
niya, dahil sa pakiusap ni Lyka sa kanyang Lolo, na ilihim ang pagkatao na ito.

Isang linggo na rin, mas napalapit na sila Andrew at Lyka sa isa't isa. At sa loob
rin ng isang linggo na rin pinagpatuloy ni Lance ang panliligaw niya kay Lyka, na
labis na kinaiinisan ni Kristine.

Sunday morning 10am

Nag aya si Kristine na magshopping kasama si Lance.

Kaya nasa mall sila ngayon. Para kay Lance simpleng lakad lang ito pero para kay
kristine at date ito
Habang naglalakad sila at papasok sa isang shop then lalabas na may dalang isa o
dalawang paper bag. Halos dalawang oras na rin sila naglilibot sa mall, habang
hawak ni Lance ang ilang paper bag ni Kristine sa isang kaliwang kamay niya, sa
kanan naman ay hawak niya ang phone habang katext si Lyka, si Kristine naman ay may
hawak rin na 2 o 3 paper bag sa magkabilang kamay.Hanggang napahinto siya ng makita
ang isang shop na puro tsokolate ang binebenta.

"Lance, tara doon tayo ohhh." sabi nito at hinila si lance, napailing na lang ito
habang nilagay ang phone nito sa bolsa, favorite kasi ni Kristine ang chocolates.

Ng makapasok sila sa loob ng shop parang bata na kumikinang ang mata ni Kristine ng
makita ang mga iba't ibang uri ng chocolate.

"Waaaaah, Lance gusto ko silang bilhin lahat." sabi nito. napatawa ng mahina si
Lance sa inaasal niya.

"All right my treat. Kahit ano nah?" tanong nito sa kasama, tumango naman ito.

Kukuha na sana si Lance ng may maalala siya, napangiti na lang siya at napailing.
Napansin naman ito ni Kristine ng bigla na lang ito napatigil sa pagkuha ng
Tsokolate.

"Why? at bakit ka nakangiti? naalala mo ko?" sabi ni Kristine "Ayiiie, naalala niya
ako." dagdag nito at sinusundot sundot ito sa tagiliran.

Natawa na lang si kristine dahil sa ginagawa ni kristine.

"Stop it, Kristine." natatawa pa ring sabi nito.

"Aminin mo na kasi, na mahal mo ako. Para sagutin kaagad kita." sabi nito at
ngumiti ng malapad. ginulo naman ni Lance ang buhok nito.

"No Silly, I love you as a sister Kristine you know that, right? naalala ko lang si
Lyka. Ayaw niya sa tsokolate allergic siya dito at naalala ko rin kung paano niya
ako nireject nung bigyan ko siya ng chocolate."natawa na naman siya sa naalala.

Kristine smile turn into frown. dahil sa narinig niya.

Nasaktan siya dahil kahit magkasama sila, at si Lyka pa rin ang nasa isip niya.

"I almost forgot, your chocolates." sabi ni Lance.

"Tsk, nevermind" bitchy said ni Kristine sabay walk out sa Chocolate Shop.

"Anong nangyari doon??" mahinang bulong ni Lance sabay kamot sa ulo, at binayaran
ang chocolate na kinuha niya at sumunod sa kanya.

"Kakainis, ako ang kasama niya dapat ang atensyon niya nasa akin lang at hindi sa
pangit na commoner na yun. aissssh."inis na sabi ni Kristine sa sarili hanggang
napatigil siya sa Jewelry Shop, kaya pumasok ito sa loob at tinignan ang mga alahas
sa loob.

"Good Afternoon Ma'am." bati ng sales lady


"Can I see this one."sabi niya, sabay turo sa kwintas na may heart pendant na
merong diamond sa gitna nito. Nilabas naman ng sales lady ang tinuro niya ng
pumasok si Lance sa Shop.

"Nandito ka lang pala, andito na ang mga tsokolate mo huwag ka na magtampo." sabi
ni Lance sa kanya, pero inirap lang siya ni Kristine at tinignan mabuti ang
kwintas.

tinignan ng sales lady si Lance na lumilibot sa loob ng shop.

"Good Afternoon Sir, mag oorder po kayo ulit?" tanong ng sales lady.

Nakakunot ng tumingin si Kristine sa Sales lady pagkatapos kay Lance.

"Hindi, sinamahan ko lang siya magshopping." sagot ni lance sa sales lady sabay
turo kay kristine.

"Naku Sir, bagay kayo ni Ma'am." sabi nito kaya napasmirk si Kristine ng
palihim."Naibigay niyo na ba yung pinagawa niyong personalized na infinity
necklace." dagdag naman nito na nagpakunot lalo ang noo ni Kristine at napatingin
kay Lance. Hanggang ngumiti na naman ito

"Siguro ibibigay niya sa akin." napangiti siya lalo sa naisip niya.

"Wala ehh, hindi niya nagustuhan." sabi nito.

Takang napatingin ito kay Lance.

"What are you talking about?" takang tanong nito.

"Ibibigay ko sana kay Lyka, pero ayaw niya." sabi naman nito.

"That's it!!?" inis na sabi ni Kristine.

"Lets go!! nawalan na ako ng gana magshopping." inis na sabi ni kristine at naunang
naglakad paalis sa Jewelry shop at nauna na rin pumunta sa parking lot kung saan
nakapark ang sasakyan ni Lance.

-Kristine POV-

Pagkarating namin sa mansion nila Lance ay nauna na akong naglakad papasok sa sa


mansion at dumiretso sa kwarto ko.

Narinig ko pang tinanong ni Brenda si Lance pero hindi ko na pinansin. Pagkapasok


ko kinuha ko ang phone ko sa bag ko.

"Hel---"

"Hey Jess, prepare them already." agad sabi ko sa kanya

"Tsk, we going to do it already?"

"Yes, she's getting into my nerves already. That's why we should punish her
already." sabi ko
"Alright I'll tell them. Tomorrow alright?"

"Yes"sabi ko sabay baba.

Humanda ka Lyka.

I'll make your life miserable.

-Lyka POV-

Monday morning na naman, ilang linggo na lang pasko na.

Pagkatapos kong ihanda ang sarili ko papuntang school bumaba na ako, naabutan ko si
Onii-sama. Sanay na ako tawagin siyang ganon.

Nakita ko siya na naka apron galing sa kusina.

"Ohayoo Lyka. (Good Morning Lyka)" bati nito sa akin. Tinuruan niya ako ng basic na
japanese word at tradition nila, kaya naintindihan ko na siya.

"Good Morning rin, ahmm. Ang aga mo ata?"takang tanong ko rito at umupo na rin.

"Gusto kitang ipagluto, and this time ako na rin gumawa ng babaunin natin." sabi
nito, habang tinatanggal ang apron at binigay sa isa sa katulong na agad naman
kinuha bago ito umupo.

Ako rin ang nagpasimuno na magbaon na rin ito, kasi pansin ko na hindi ito
kumakain, kakain man pero lagi na lang pizza hindi kasi marunong magluto ang mga
S6, except Jake, sila Steph and Brenda hanggang fried lang. Kaya minsan nag oorder
na lang sila.

Napatawa na lang ako ng maalala na pinagtripan siya ng tatlo (sila Alex, Allen at
Brett) ng makita na nagbaon ito. At kukunin sana nila ang baon kaya lang
pinagalitan sila ni Onii-sama

"Hey! LYKA!" sigaw ni Andrew

"Haa? B-Bakit?" gulat na tanong ko sa kanya.

"You're spacing out. Are you all right?" nag aalalang tanong ni Andrew.

"Oo okey lang ako, tara kakain na tayo." nagsigh of the cross ako, habang si Andrew
tinignan lang ako. Pagkatapos kong magdasal

"Lets eat." sabi ko kaya kumain na kami.

May sinabi si Andrew bago ito kumain.

Nauna akong natapos kaya niligpit ko na ang gamit ko.


"Mauuna na ako, see you sa school." sabi ko at hinalikan siya sa pisngi

"Take care." sabi nito.

"Opo." at umalis na ako sumunod naman si Lyod sa akin.

Ng makarating kami sa bahay ni Mama Karen ay bumaba na ako.

"Ingat po sa pagdrive lyod." sabi ko.

"Mag ingat po kayo Young Lady" sabi nito at umalis na. Pumasok muna ako sa bahay
para batiin sila Mama Karen at Kuya Nike.

"Good Morning." bati ko sa kanila

"Magandanda umaga anak." sabi ni Mama, at niyakap ako. Nasanay na sila na pumupunta
ako na ganitong kaaga at dito ako uuwi para sunduin ni Lyod.

"Andito na naman ang prinsesa natin." sabi ni kuya habang naka business attire.
Sabay gulo ng buhok ko.

"Kuya naman ehh." sabi ko habang inaayos ang nagulo kong buhok.

-Beep~~ Beep~~

"Tsk, andito na naman ang manliligaw mo." inis na sabi ni Kuya Nike at mabilis na
kumain. Napapout na lang ako, ayaw kasi nito kay Lance.

"Kuya naman, ba't ayaw mo kay Lance?" tanong ko....ulit. Hindi kasi niya ako
sinasagot inirap lang ako. Kaya napapagkamalan ko na siyang bakla, kasi wala pang
girlfriend.

"Anak, andito na si Lance sinusundo ka."sabi ni Mama Karen.

"Opo!! Sige na kuya mauna na ako.* sabay halik sa pisngi*" sabi ko.

"Ingat, pag sinaktan ka niya. Sabihin mo sa akin, okey?" sabi nito, tumango ako.
"Sige puntahan muna ang manliligaw mong mukhang palaka." sabi naman nito napatawa
na lang ako.

Ng makalabas ako, nakita ko siya nakasandal sa sasakyan niya. Ng makita niya ako
ngumiti siya.

"Morning." sabi ko ng makalapit na ako.

"Morning too. Halika na." sabi nito kaya tumango ako. Pinagbuksan naman niya ako ng
pintuan sa sasakyan. At habang nagmamaneho ito napansin ko padilim na naman ang
kalangitan. Madalas na naman kasi ang ulan lalo na ngayon na may paparating na
bagyo. At medyo kinakabahan ako ngayon parang may mangyayari na hindi maganda
ngayong araw na ito.

"Andito na tayo." sabi nito kaya nauna na itong bumaba para ipabukas ako ng pinto.
Lunch break na, pero dumiretso ako ng Library. Duty ko ngayon at mamayang hapon
kasi wala yung dapat na magduduty ngayon kasi nagkasakit.

At habang inaayos ko ang book kung saan sila dapat ilagay.

"Hi Lyka!." bati sa akin kaya ng tinignan ko kung sino, si Kristine pala ito.

"H-Hi. A-Anong kailangan nila?" tanong ko dito medyo kinakabahan ako sa kanya, kasi
iba ang tingin na binibigay niya sa akin last week.

"You." nakangiting sabi nito

"A-Ako?" tanong ko sabay turo sa sarili.

"Who else?! stupid" hindi ko narinig ang huling sinabi niya kaya nakatingin lang
ako sa kanya,

"Ahmm, anong kailangan mo sa akin?" takang tanong ko.

Ngumiti ito sa akin.

"I want to be your friend. Since kaibigan mo ang S6, and Stephanie at Brenda is
also your friend. Kaya napag isip isip ko na, maging magkaibigan tayo. You see,
ayaw ko ng gulo. Pwede ba?" tanong nito sabay hawak sa dalawang kamay ko.

Siguro nga, tanggap na niya ako kaya napangiti ako sa kanya.

"Sure, why not" sabi ko kaya niyakap niya ako bigla

"Thank you, Thank you." bumitaw na ito sa pagkakayakap.

"So, I want you to meet my friend, later." sabi nito sa akin

"P-Pero may duty pa ako mamaya, 5pm ang alis ko." sabi ko sa kanya.

"Then 5pm it is. Meet me at the fifth floor, may tambayan kami doon. I'll expect
you there. okey??

"Pero ihahatid ako ni Lance agad." sabi ko, mukhang nainis ito pero ngumiti agad.
Siguro namalik mata lang ako.

"Ako na magsasabi sa kanya. Okey?" sabi nito

"Pero---"

"No buts!! See you Lyka." sabi nito at nauna ng umalis sa library.

Napabuntong hininga na lang ako at pinagpatuloy ang ginagawa

Fast Forward~~~~

"Lyka, diba may duty ka ngayon?" tanong ni Steph habang nagliligpit ng gamit tapos
na kasi ang class namin ngayon at dumidilim na rin ang kalangitan kahit 4:30pm pa
lang ng hapon.

"Oo ehh. Absent ang dapat na magduty ngayon." sabi ko.

"Be careful on your way back home. May bagyo raw paparating." sabi naman ni Brenda.

"Okey."

"Mauna na kami sayo Lyka. Ingat ka" sabi ni Steph at niyakap ako, ganoon din ginawa
ni Brenda bago sila umalis, at dumiretso na rin ako sa Library.

5:30 pm na ako natapos sa pag aayos. Malapit ko na sana makalimutan na pupuntahan


ko pa pala si Kristine, itetext ko sana siya na bukas na lang kasi umuulan na sa
labas. Pero nakalimutan ko na wala pala akong number niya kaya napagpasyahan ko na
lang na puntahan sila sa tambayan nila.

Pagkarating ko doon, walang masyadong tao dahil halos lahat nakauwi na.

"K-Kristine." tawag ko dito pero walang sumasagot. Mukhang nakauwi na sila, bababa
na sana ako ng may tumakip na panyo sa ilong ko na naging dahilan para mawalan ako
ng malay.

-Lance POV-

"The Subscriber can't be reach----" pinatay ko na naman ang cellphone, andito ako
ngayon sa loob ng sasakyan dahil hinihintay ko matapos ang duty ni Lyka, sinabi
kasi sa akin ni Brenda na 5pm ang alis nito. Pero 6:30pm na hindi pa rin siya
nagpapakita.

Sinubukan kong tawagan siya ulit kaya lang can't be reach pa rin siya, kaya
napasabunot na lang ako sa frustration. Malakas na rin ang ulan kumukulog pa.

Siguro nauna ng umuwi o hindi kaya sinundo na siya ng Kuya niya, nakakainis sana
tinawagan niya ako o hindi kaya tinxt man lang na nauna na siya, para hindi ako
magmukhang tanga sa kakahintay sa kanya.

Paandarin ko na sana ang kotse ng tumawag si Andrew. Napakunot naman ang noo ko
kung bakit ito tumawag kaya sinagot ko ito.

"He---"
"Is Lyka with you?!" bungad niya sa akin.

"Bakit mo siya hinahanap sa akin, Andrew?" seryosong tanong ko.

"Damn, just answer my question." inis na tanong niya

"Hindi ko siya kasama okey? hinintay ko siya almost 1 and half hour sa parking lot
sa school. baka umuwi na." sabi ko

"Hindi pa siya nakauwi, tumawag ako sa bahay nila. Sabi ni Nike wala pa siya sa
bahay." frustrated na sabi niya.

"W-What!!?" gulat na tanong ko, kung wala pa siya sa bahay

"Find her Lance. I think nasa school pa siya.Susunod ako diyan." sabi nito at
binaba ang tawag

Ano na naman ang kailangan niya kay Lyka. Aisshh

Huwag muna yun ang isipin mo Lance, si Lyka uunahin mo dahil nawawala ito. Kaya
hindi ako nagdadalawang isip na umalis sa kotse, na naging dahilan kaya nabasa ako
sa ulan at mabilis tumakbo sa building nila.

Pagkarating ko doon, nakita ko ang guard na mukhang chinecheck ang bawat classroom.

"Ano pa ginagawa mo dito?" tanong nito sa akin.

"Nawawala po ang girlfriend ko, kanina ko pa po siya tinatawagan pero hindi


macontact at wala pa siya sa bahay, baka andito pa siya sa building" sabi ko dito.

"Sino ba ang hinahanap mo Hijo."

"Si Lyka, yung kilalang Nerd sa school." sabi ko.

"Si Lyka!!" gulat na sa bi niya"Tara hijo, hanapin natin siya. Sana naman ligtas
siya napamahal na ako sa bata na iyon." sabi nito sa akin at binigyan niya ako ng
isang flashlight dahil madilim na ang mga classroom tanging corridor lang ang may
ilaw.

Nasaan ka na ba

LYKA!!??"

***********************************************************************************
*******************************************
Chapter 52 - She's in Danger

Chapter 52 - She's in Danger

-Third Person POV-

Habang nag mamaneho si Andrew papuntang Academy, tinawagan niya si Jake.

"Moshi Moshi (Hello)" sabi ni Jake ng sinagot niya ang tawag.

"Jake, Lyka's missing. Lance is looking for her right now." sabi ni Andrew, kahit
seryoso ang pagkasabi niya, hindi pa rin maitatago na nag aalala siya para sa
kapatid niya.

"W-What?! When?" biglang sabi ni Jake.

"Hindi ko alam, tinawagan ako ni Lyod kanina na hindi pa raw umuuwi si Lyka sa
bahay ni Aling Karen. Nag aalala na rin ito dahil hindi raw ito ginagabi lalo na
pag may bagyo." paliwanag niya

"Where's Lance right now?" tanong nito.

"Academy, I'm going right now." sabi nito kay Jake.

"Hahabol ako, tutulong ako sa paghahanap."

"See you there." sabi nito bago binaba ang tawag, at tinapon ang phone sa passenger
seat at napahawak ng mahigpit sa manibela.

"Please be safe, Lyka. Nii-sama is coming. Please be safe." sabi ni Andrew sa isip,
hindi niya napansin na tumulo ang luha niya.

Ayaw na niya bumalik na naman siya sa dati malayo at hindi makapiling ang mahal na
kakambal niya, 12 years is enough.

-Lyka POV-

Nagising dahil sa lakas ng ulan, pagmulat ko ng mata. Wala ako makita, dahil na rin
sa kadiliman.

Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang ako kinabahan.

Ng igalaw ko sana ang mga kamay ko, ay hindi ko magawa dahil nakatali ako, pati sa
paa nakatali rin ito. Pati ang mga bibig ko tinakpan.

N-Nasaan ako??

Nilibot ko ang paningin ko, pero hindi ko pa rin alam kung nasaan dahil na rin sa
sobrang dilim.

Sinubukan kong igalaw ang mga kamay ko na itinali sa likod, ay hindi ko pa rin
magawa dahil sa sobrang higpit, panigurado magkakasugat ako.

Inaalala ko kung paano ako napunta dito,

5:30 pm na ako natapos sa pag aayos. Malapit ko na sana makalimutan na pupuntahan


ko pa pala si Kristine, itetext ko sana siya na bukas na lang kasi umuulan na sa
labas. Pero nakalimutan ko na wala pala akong number niya kaya napagpasyahan ko na
lang na puntahan sila sa tambayan nila.

Pagkarating ko doon, walang masyadong tao dahil halos lahat nakauwi na.

"K-Kristine." tawag ko dito pero walang sumasagot. Mukhang nakauwi na sila, bababa
na sana ako ng may tumakip na panyo sa ilong ko na naging dahilan para mawalan ako
ng malay.

Naalala ko na, siguro andito ako sa fifth floor, pinapunta pala niya ako dito. Ng
may narealize ako, baka nandito sila Kristine, sana hindi sila nabiktama gaya ng
ginawa nila sa akin.

*Thunder sound* (A/N: sorry sa sound effect XD XD)

Biglang nanigas ang katawan ko, bakit ngayon pa.

Lord, please huwag muna ngayon. Takot po ako sa kulog.

*Thunder sound*

"Hmmmmmmm" sigaw ko, napaiyak na lang ako, ginagalaw ko ang mga kamay ko na
nakagapos para takpan sana ang tenga ko pero wala nasasaktan pa rin ako.

*Thunder sound*

"Hmmmm*sob* hmmmm" i feel hopeless rightnow.

Mama Karen

Kuya Nike
Ojii sama

Nii-sama

Lance.

-Third Person POV-

sabay na rin nakarating ang mga sasakyan ni Jake at Andrew sa Academy, at tumigil
sila sa harap ng building.

"Nasaan na si Lance?"bungad ni Jake, ng lumapit siya dito.

"Nasa 2nd floor daw sila" hindi mapakali na sabi ni Andrew.

*Thunder sound*

Nagkatinginan ang dalawa.

"Sh*t!!" sabi nilang dalawa at tumakbo papasok sa loob.

Pagdating nila sa 2nd floor naabutan nila si Lance na paakyat na ng 3rd floor,
kasama ang isa sa mga security guard.

"Andrew! Jake!." gulat na sabi ni Lance

"Did you find her?" tanong agad ni Lance.

"Wala pa. Pero alam ko na andito siya, masama ang kutob ko." seryosong sabi ni
Lance.

"Baka wala na siya dito at nauna na." singit ng security guard kaya tinignan ng
masama ni Andrew.

"You.will.look.for.her. or you're fired." seryosong sabi ni Andrew.

"Hahanapin ko na ang pinapahanap niyo." sabi nito, at mabilis na umakyat.

"Maghiwahiwalay tayo, para mapabilis natin mahanap si Lyka *Thunder sound* ....Lalo
na ngayon, dahil takot talaga siya sa kulog."sabi ni Jake.

"ANO!!!!!!!!! kung ganoon, bilisan na natin." sabi naman ni Lance at naunang


umakyat para sa 3rd floor.
-Lyka POV-

umiiyak pa rin ako, at nanghihina na. siguro dahil na rin sa pagod.

Pero ayoko kong pumikit dahil paghindi ako gumawa ng paraan. Mag aalala si Mama
Karen, Si Kuya Nike, sila Ojii-sama at Nii-sama.

Pero hindi ko alam kung paano ako makaalis dito.

Hanggang sa may nasipa akong mukhang lamesa, sana makarating ang security guard
kung nasaan man ako.

Sinubukan kong sipain ang lamesa, gamit ang dalawa kong paa na nakatali ng paulit
ulit hanggang may nahulog

*BOOOOOOGSHHH* (a/n:ang pangit talaga ng sound efftct.)

-Third Person POV-

Ilang minuto na rin silang naglilibot ngayon sa 4th floor, at patuloy pa rin ang
malakas na buhos ng ulan

ng may narinig sila.

*BOOOOOOGSHHH*

"Ano yon?" tanong ni Lance

"Mukhang may nahulog." sabi naman ni Jake.


"Sa taas nanggaling ang ingay." -Andrew

Ng may nagkatinginan silang tatlo at mabilis na tumakbo papuntang fifth floor.

"Lyka!!"kanya kanyang sigaw nilang tatlo at tinitignan ang mga silid gamit ang
flashlight.

*BOOOOOOGSHHH*

ng marinig nila ito ulit, ay dali dali silang tumakbo kung saan galing ang ingay,
hanggang narating nila ang pinakadulo ng floor na iyon.

"Diba storage room ito?" tanong ni Jake.

"LYKA!! ANDYAN KA BA??" sigaw ni Lance habang ang isang tenga nito nakadikit sa
pintuan.

"Hmmm *sob* hmmmm" mahinang ingay sapat na marinig nilang tatlo.

*BOOOOOOGSHHH*

"Lyka!!! Ikaw ba iyan?!! Sandali na lang ililigtas ka namin." sabi naman ni Andrew,
at sinubukan buksan ang pinto pero nakalock.

"Umalis ka dyan, sisirain na lang natin ang pintuan." seryosong sabi ni Lance.

"Lyka, lumayo ka sa pintuan!!" sigaw naman ni Jake at sabay nilang sinipa ni Lance
ng malakas ang pintuan ng ilang ulit hanggang nasira ito at tumilapon paloob.

Pagkapasok nila, nakita nila si Lyka na nakahiga sa sahig na nakatali ang mga paa
at kamay. May takip din ang bigbig nito.

May nakakalat na pintura sa sahig kaya nakakalat ang iba, mga lamesa't upuan na
nakakalat din sa sahig.

"Hmmmmm *sob* hmmmmmm *sob*hmm."umiiyak na sabi ni Lyka, pero wala silang


maintindihan kaya tumakbo sila palapit sa kanya.

Bigla siyang niyakap ng sobrang higpit ni Andrew.

"W-Who d-do this to you?" naawang at naiiyak na sabi ni Andrew sa kakambal, habang
tinatanggal ang takip nito sa bibig. Habang si Jake tinatanggal ang tali nito sa
likod si Lance naman sa paa.

Naiiyak si Lyka ng makita niya ang kanyang kapatid, ng matanggal na ang takip sa
bibig.

"N-Nii *sob* Ni-Nii-sama." sabi ni Lyka bago siya mawalan ng malay.

"H-Hey Lyka!! wake up.. Wake up *sob* please.. wake up!" sabi ni Andrew habang
niyugyog ang kakambal.

Ng bigla na lang siyang kargahin ni Lance.

"Nawalan lang siya ng malay. Dalhin na natin siya sa hospital."sabi ni Jake ng


chineck niya si Lyka habang karga ito ni Lance.

Kaya dali dali silang tumakbo pababa hanggang makarating sila sa sasakyan na nasa
harapan ng building.

Binuksan ni Jake ang pintuan ng sasakyan nito at dahan dahan ipinasok ni Lance si
Lyka at sumunod naman siyang pumasok, si Andrew naman nasa Driver's seat si Jake ay
sumakay sa passenger seat, pagkatapos sinerado ang pintuan sa back seat.

-Andrew POV-

Nasa hospital kami ngayon, hindi ko sinabi kay Ojii-sama ang nangyari kay Lyka,
alam kong iba ito magalit. tinawagan ko na rin si John para imbestigahan ang
nangyari at kung sino ang gumawa nito kay Lyka.

Isang oras na silang naghihintay, nandito na rin sila Aling Karen at si Nike.

"Lyka Cruz." sabi ng doctor na kakalabas lang sa emergency room.

Tumayo naman si Aling Karen at si Nike , para lumapit sa doctor.

"Kamusta na po ang anak ko Doc."naiiyak na sabi ni Aling Karen, kaya lumapit na rin
kami.

"Okey na po ang anak niyo, Misis. aabot ng isang linggo bago mawala ang sugat niya
sa kamay at paa dahil sa higpit ng pagkatali sa kanya. Ano pala ang nangyari sa
anak niyo Misis."tanong ng doctor.

"Hindi namin alam, nakita lang ng mga kaibigan niya siya sa storage room sa school
nila nakatali. Takot pa naman ito sa kulog." sabi naman ni Nike at niyakap ang ina
nito.

"Mukhang malaki magiging epekto ito kay Ms. Cruz. Ililipat na siya sa private room,
pagkagising niya, tawagan niyo ako kaagad para obserbahan." sabi nito bago umalis.

"Salamat sa Diyos, okey na ang anak ko." naiiyak na sabi ni Aling Karen. Kaya
niyakap siya ni Nike.

Napaupo ako at yumuko.

Kinuyom ko ang kamao ko.


Pagnalaman ko kung sino ang gumawa nito kay Lyka. Hinding hindi ko siya
mapapatawad.

-Kristine POV-

"What!?? natagpuan siya nila Lance, Jake at Andrew!?" gulat na tanong ko kay Jess
na nasa harapan ko.

"O-Oo, at mukhang pinaiimbestigahan na ang nangyari sa nerd na iyon."kinakabahan na


sabi ni Jess.

"Damn, kilala ba ako ng inutusan mo?" tanong ko

"H-Hindi, pero sinabi ko na rin siya na walang pagsasabihan. Binigay ko na rin


naman ang bayad sa kanya."sabi nito

"Good, tawagin mo siya may ipapagawa ako sa kanya." ngising sabi ko. Tumango lang
si Jess at tinawagan naman ito.

Humanda ka Lyka, simula pa lang ito ng paghihirap mo.

Hahahahahahahah

-Lyka POV-

Dalawang araw ako naconfine sa hospital, binibisita ako nila Steph at Brenda pati
na rin ang S6, ang Archery Club women members.

Si Mama karen ang nagbabantay sa akin pag umaga, si Nii-sama naman pag gabi, naawa
na nga ako kasi alam kong pagod ito dahil inaasikaso rin niya ang kumpanya ng
Smith.

Pati si Kristine binisita ako nagulat pa nga ako, akala ko wala lang sa kanya, may
dala pa nga siya ng tsokolate, pero kinain lang ng kambal since allergic ako.

"Mabuti naman okey ka na. K-Kasalanan ko ito *sob* k-kung hindi kita pinapapunta
doon siguro hindi ito mangyayari sayo." sabi naman nito at tinakpan ang mukha at
umiiyak.

"A-Ano, Kristine o-okey lang. Hindi mo naman kasalanan, alam kong umuwi na kayo
kasi ang usapan ay 5pm pero 5:30pm na ako nakapunta. Pero tumuloy pa rin
ako"ngiting sabi ko sa kanya niyakap naman niya ako.

"Be careful next time, kasi hindi natin alam ang ..... mangyayari." sabi niya.

Ilang minuto rin nakalipas ay umalis na ito.


At ngayon ay ikatlo at irerelease na rin ako. Nakakatamad kasi lagi na lang ako
nakahiga, dahil masakit pa ang mga paa ko, mabuti na alang ngayon okey na pero
hindi pa rin nawawala ang marka ng tali sa mga kamay at paa ko.

"Lyka, andito na si Lyod." sabi ni Mama Karen.

"Opo.""Sabi ko at kinuha ko ang gamit ko at umalis na sa kwarto.

Niyakap ko ang kaliwang braso ni Mama Karen habang nakasunod sa amin si Lyod.

"Hintayin niyo na lang ako sa harap ng hospital, kukunin ko lang po ang sasakyan
young lady." paalam ni Lyod, tumango lang ako.Kaya nauna na itong umalis.

"sa susunod mag iingat ka okey? "paalala ni Mama Karen habang naghihintay kami kay
Lyod.

"opo, mama." sabi ko,

ilang oras may mabilis na sasakyan na parating sa amin. Hindi ako makakilos dahil
sa gulat at kaba.

ito na ba katapusan ko??

Hanggang sa tinulak ako ni Mama Karen.

"MAMA !!!!!!!" sigaw ko ng papunta sa kanya ang sasakyan.

*Bang!! Bang!!*

biglang sumakit ang ulo ko, at may pumasok na imahe sa utak ko na nagpatindi sa
sakit

"Ahhhhhhh" ako habang hawak ko ang ulo ko. habang napaluhod na ako sa sakit

"lets go home. I'm scared." .

"Bakit Lyka? May nararamdaman ka bang hindi maganda??"

"home. I want to go home." naiiyak na sabi nig batang babae na hindi ko makita ang
mukha dahil malabo

"Okey, we're going home." sabi naman nig batang babae


Pero niyakap siya ng batang babae ng mahigpit at yunrin ang pagdating sa mga
bodyguard ni Lyka, at binaril ang iba.

"Run, Lyka. hahabol kami bilis." natatakot na sabi ni Jake.

"Demo (Pero)... *sniff* I-I'm scared. J-Jake." naiiyak na sabi ni Lyka kay Jake.

"i'm here. Just run. Nasa likod mo lang kami ni Tyron." sabi ni Jake.

Habang hawak ko ang ulo ko, napatingin ako sa Mama ko, na tumilapon ng mabanga sa
sasakyan na binaril ng hindi ko kilalang tao.

"M-MamA!!" nagawa kong tumayo at nilapitan siya ng may papunta sa akin na sasakyan
mukhang na out of control.

*Screeeeeeeeeeeeeeeeeeeecchhhhh*

"LYKA!!!!" Sigaw ng batang lalaki sa kabilang kalsada habang may kasama na


bodyguard.

"N-Nii-sama!!!" nanginginig na sabi naman ng batang babae ng makita ang kakambal


nito.

ng tumakbo siya sa kabila

*beeeeeeep~~~~~*

"LYKA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

"LYKA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" tinignan ko ang sumigaw at nakita ko si


Andrew tumatakbo papunta sa direksyon ko na may luha sa kanyang mga mata. Ngumiti
ako dito.

"Nii-sama" bulong ko bago tuluyang mawalan ng malay


* Beeeeeeeeeeeeeeeeeeeep*

***********************************************************************************
********************************************

-MIEMIE03

Chapter 53 - Their ENEMY

Chapter 53 - Their ENEMY

-Third Person POV-

Nasa garden ng hospital si Andrew habang my kausap sa telepono nito, ngayon kasi
uuwi si Lyka galing sa incidente sa RDA, kaya tinawagan niya ang secretary niya
para asikasuhin ang dapat asikasuhin ng......

"MAMA !!!!!!!" rinig niyang sigaw ni Lyka kaya napalingon siya, "I c-call you
later" nanginginig na sabi ni Andrew at agad binaba.

*Bang!! Bang!!*

Ng marinig niya ito, mas kinabahan siya at tumakbo patungo kay Lyka ng marating
niya ang pangyayari sa labas lalo na makita ang kotse na wala sa control patungo
kay Lyka ay namutla siya at hindi nagdalawang isip na iligtas siya.

*Screeeeeeeeeeeeeeeeeeeecchhhhh*
"LYKA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" bago mahimatay si Lyka ay nasalo niya
ito sa mga bisig at niyakap ng mahigpit kahit may papalapit sa kanilang sasakyan.

Ng dumating si Lyod sa harap nila at pinigilan ang kotse na makalapit sa kanila


bago ito tumigil.

Tinignan ni Andrew si Lyod at tumingin sa walang malay na si Lyka na nasa bisig


nito. Kaya kinarga niya ito na parang bagong kasal.

"Lyod call the nurse right away, and assist Aling Karen. Hurry!!" utos ni Andrew,
at dinala si Lyka papasok sa hospital habang ang mga nurse ay daling daling lumapit
sa kanila.

ng dumating si Lance na may dalang basket of fruits kasama si Kristine.

"Oh my *takip sa bibig* what happened??" takang tanong ni Kristine pero hindi siya
pinansin ni Andrew at patuloy naglalakad papuntang E.R. kung saan dadalhin sila
Lyka and Aling Karen.

"Ano ba Andrew, ano nangyayari dito? bakit may dumating ng mga pulis sa labas?
anong nangyari kay Lyka at Aling Karen?" tuloy tuloy na tanong ni Lance ng pigilan
niya si Andrew.

Tinignan lang siya ng seryoso ni Andrew.

"May nagtangkang kumidnap kay Lyka, happy now?" inis na sabi ni Andrew at tinignan
ng masama si Kristine bago sila tinalikuran at iniwan silang dalawa

"A-Ano?!" gulat na tanong ni Lance.

"Buti na lang ligtas sila." sabi naman ni Kristine

"Sino naman ang gustong kumidnap kay Lyka."wala sa sariling tanong ni Lance.

" Yeah, hindi naman siya mayaman kung kidnap for ransom iyon. *tinignan siya ni
Lance* What I mean is, ang bait naman ni Lyka, sino naman ang galit sa kanya para
hahantong sa ganito, right?." sabi naman ni Kristine.

"Hindi ko alam, sa pagkakaalam ko wala siyang kaaway."sabi nito at naunang naglakad


patungo sa E.R.

Habang naghihintay sila sa resulta. Dumating ang iba pang miyembro ng S6, Kristine,
Lady Nuriko, Nike at Jason. Wala si Brenda dahil may lakad ito

Sinabi ni Lance sa kanila ang nangyari, dahil impossible na magsasalita si Andrew


sa kanila.

"What really happened?" bulong ni Jake ng makalapit siya kay Andrew. Tinignan siya
ni Andrew.
"I explain later." seryosong bulong ni Andrew pabalik sa kanila. Pero hindi nila
alam nakatingin sa kanila si Lance, kahit hindi niya naman narinig ano ang sinabi
ni Jake kay Andrew.

"What are you doing here?" taas isang kilay na tanong ni Lady Nuriko sa kanya.

"Duh.. Ano pa nga ang ginagawa sa hospital." irap na sabi ni Kristine. Lulusubin na
sana ni Nuriko si Kristine ng lumabas ang doctor sa E.R.

"Karen Calili" sabi ng Doctor kaya agad na lumapit si Nike kahit naka business suit
pa siya.

"Anak niya po ako." sabi nito "Kamusta na po ang Mama ko, Doc?" tanong nito.

"Mabuti na lang galos lang nakuha niya sa ngayon ililipat na siya sa private room."
sabi nito.

"Can I have a request Doc? Pwede sa iisang kwarto na lang sila ni Lyka." sabi naman
ni Andrew ng makalapit ito sa kanila.

"Oh, you mean Lyka Cruz. Okey if that's what you want." sabi naman ng Doctor, at
may tinawagan bago tumingin ulit sa dalawa.

"About Ms. Lyka. Mukhang na stress siya kaya siya nahirapan. Madalas na bang
sumasakit ang ulo niya?" takang tanong ng Doctor sa dalawa.

"Sumasakit ang ulo? sa tingin mo Doc. bumabalik na ba ang alaala niya?" tanong
naman ni Andrew.

"The patient has amnesia?" gulat na tanong nito.

"Opo." sagot naman ni Nike.

"Mukhang bumabalik na nga base na rin sa nangyari sa kanya, sa ngayon huwag muna
natin pilitin siya makaalala, para hindi na maulit ito. Mukhang sinubukan niyang
pilitin ang sarili niya makaalala." sabi naman ang Doc.

"The two patients is in Room 158. Excuse me." sabi ng Doctor, pagtingin nila sa
likod nakaupo si Jake sa chair.

"Nasaan ang iba?" takang tanong ni Nike

"Nauna na sa kwarto kung saan dinala sila Lyka at Aling Karen *tingin kay Andrew*
so, what really happened Andrew?" tanong naman ni jake.

Napabuntong hininga na lang si Andrew.

"Nabaril ni Lyod ang driver ng sasakyan kaya nawalan ito ng control. May natagpuan
sa loob ng sasakyan nito na malaking pera sa isang back pack, baril at ilang sachet
ng droga. Mukhang may inutos sa kanya para patayin si Lyka." sabi ni Andrew.

"Mukhang alam na nila na buhay ang heir at gumagawa na sila ng kilos para ipabagsak
ang Hanazono." sabi ni Jake.

"Teka nga, anong ibig niyong sabihin? may gustong pumatay sa kapatid ko?" seryosong
sabi ni Nike.

"She's not your sister." seryosong sabi ni Andrew, pero hindi na lang siya pinansin
ni Nike at tumingin kay Jake.
"Opo, maliit pa lang si Lyka, may nagtangka ng patayin siya dahil siya ang heir ng
Hanazono, kaya nilayo siya ng magulang niya at nanirahan sa Pilipinas sa pangalan
na Cruz. Sila rin ang dahilan kung bakit nagka amnesia ito." sabi ni Jake

Naikuyom ni Andrew ang mga kamao niya dahil sa galit

"I think nagkakamali kayo, mukhang ako ang target ng suspect. Kaya hindi pa nila
alam na buhay pa ang heir ng Hanazono."Andrew

"A-Ano?? Bakit ikaw?" takang tanong ni Jake

"Kasama sa nakita sa loob ng sasakyan niya ang litrato ko kausap si Ojii-sama.


Akala siguro nila sa akin na ibibigay ang kumpanya since wala siyang
tagapagmana."sabi naman nito.

"Yun nga rin usap usapan sa opisina, ikaw daw ang susunod na hahawak sa Hanazono
since namatay na raw ang tagapagmana nito." sabi naman ni Nike

"whoever you are, I will do anything to find you. For killing my parents and at
dinamay niyo pa ang kapatid ko" sabi ni Andrew sa sarili.

Tinapik naman siya ni Jake, kaya napatingin siya dito.

"Let's go?" sabi ni Jake kay Andrew kaya pumunta na sila sa kwarto nila Lyka at
Aling Karen.

-Kristine POV-

"Hello. Kris---" hindi natuloy ang dapat sanang sasabihin ni Jessica ng unahan ko
siya.

"What did you do? I told just kidnap her and ilayo niyo siya, or iwan niyo sa mga
probinsya basta malayo dito, o itapon sa ilog. Tsk." inis na sabi ko.

"Yun na nga Kristine, handa na sana kami pero hinarang kami ng mga pulis papuntang
hospital dahil may incidente daw nangyari." sabi nito, kaya nagulat ako.

"W-What?! kung hindi kayo iyon. Si-Sino?" gulat na tanong ni Kristine.

"Hindi namin alam, ano ang gagawin namin ngayon?" Jessica

"Huwag muna kayo kikilos hanggang wala akong sinasabi." sabi ko at binaba ang
telepono.
Kung hindi sila iyon, sino?

Napangiti ako.

So, may gustong kumidnap kay Lyka. Akala siguro nila mayaman.

Mukhang may gagawa na sakin ng trabaho para ilayo siya sa buhay namin, lalo na sa
S6.

-Someone POV-

"Mission Failed po, Master Gino." sabi ng tauhan ko

"ANO!??? NAPAKADALING MISSION PALPAK PA!! MGA WALANG KWENTA!!" inis na sigaw ko sa
mga tauhan ko na nasa harap ko.

"P-Pasensya na po Master Gino, kikidnappin sana namin ang girlfriend ni Andrew


Smith para gamitin siya sa kanya, pero bago nangyari iyon nabaril na po siya."
nanginginig na sabi niya habang nakayuko.

"KUNG HINDI BA NAMAN KAYO KALAHATING TANGA!! MALAMANG MAY MAGBABANTAY DOON DAHIL SA
NANGYARI SA ACADEMY!! MGA GUNGGONG!! UMALIS KAYO SA HARAPAN BAGO KO KAYO
PAPATAYIN!!" inis na sabi ko kaya dali dali silang umalis sa harap ko

Ng maka alis sila hinilot ko ang noo ko.

Dahil sa kapalpakan nila.

~~Knock ~~Knock~~

"Come in" sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya.

"Master, you have a visitor." sabi ng secretary ko.

"Papasukin mo." sabi kohabang tinignan ang pintuan, ng may pumasok na babae,
tinignan ko ang secretary para sabihin na iwan kami.

Kaya umalis ito habang ang bisita ay pumasok at umupo sa couch.

Tumayo ako at lumakad papalapit sa kanya.

"Anong kailangan mo, Julia?" sabi ko sa aking bisita.

"Welcome back kumpare. How's Canada.?" sabi ni Julia

Napatawa na lang ako sa tanong niya, isang linggo na rin ako umuwi sa Pilipinas
galing Canada
"Maganda pa rin ang Canada. How's my daughter, Kristine?" tanong ko.

"She's doing good, mukhang napapalapit na siya sa anak ko." sabi nito

"Lets get down to business, anong kailangan mo, Julia?" seryosong sabi ko.

"Balita ko na gusto mo pabagsakin ang Hanazono." sabi nito at ngumiti ito sa akin
kaya tumawa na naman ako at umupo sa single couch.

"Paano kung, Oo. Trying to stop me?" sabi ko.

"Hindi, malaking threat ang Hanazono sa kumpanya ko kaya bago pa malugi ito.
Tutulungan kita pabagsakin sila." sabi nito at ngumiti

"Nagpapatawa ka ba? You want to help just to save your company?" sabi ko.

"Oo, mahalaga sa akin ang kumpanya ko." sabi nito

"Oo nga pala, kumpanya mo. Paano na lang kaya pag namalan ng anak mo na pinatay mo
si Terrence para makuha ang kumpanya." ngumiti ako ng nakakaloko, ng tinignan niya
ako na may gulat sa kanyang mukha.

"P-Paano?!" gulat na tanong nito.

"My my, Julia. Matagal ko ng alam yan." sabi ko at tumayo at bumalik sa desk ko.

"BAkit ka galit sa Hanazono?" tanong nito na nasa harap na ng desk ko.

"Ngayon gusto mo ng malaman tungkol doon. Bakit nga ba?" nakangiting sabi ko, tila
naiisip.

"Bakit?" tanong nito.

"Sige na nga, sasabihin ko na. Dahil pinatay nila ang mama ko.!" galit na sabi ko.

"W-What?!" naguguluhan na tanong nito.

"Dahil sa Lucy na iyon, kung sana hindi niya inagaw ang Step dad ko, edi sana
masaya kami ngayon. Pero ano?! ang landi niya inagaw niya pa rin kung saan malapit
na sana sila ikasal." inis na sabi ko

"A-Anong ibig mong s-sabihin?" gulat na tanong ni Julia.

"Nagalit si Kaito Hanazono kay Mama, kahit hindi niya alam ang totoo, Sampong taon
na karelasyon niya si Mama, pero mas naniwala siya sa sinabi ni Lucy . Nirape si
Mama, at ako ang bunga, walong gulang ako noon. Ng sasabihin na sana niya ang
tungkol sa akin pero dahil sa Lucy na iyon. Iniwan niya si Mama. Naintindihan mo!!
namatay si Mama dahil sa kanila. Kaya magbabayad sila." paliwanag ko. Mas nagagalot
ako ng maalala ko kung paano na depressed si mama at pinatay ang sarili.

Kaya magbabayad sila.

"K-Kung ganon. May karapatan ka sa kayaman ng Hanazono, kasi kung natuloy ang kasal
isa kang Hanazono ngayon."sabi nito kaya napatingin ako sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin?" sabi ko.

"Wala ng tagapagmana ang Hanazono,--"


"Dahil pinatay ko, pati ang lintik niyang anak kay Lucy at ang asawa nito." putol
ko

"Yun na nga, mapupunta ito kay Andrew, dahil nalaman ko na malapit ang isa't isa,
kaya gusto mong mawala ito. Paano kung kukunin natin ang kayaman ng Hanazono bago
siya patayin." sabi ni Julia.

"So, plano mong paikutin siya?"

"Hindi, alam natin kung gaano katalino ito. Ipapakasal ko siya sa anak kong si
Brenda." sabi nito at ngumiti ng nakakaloko.

"Then, pag ikasal sila, saka natin patayin para mapunta kay Brenda ang kayamanan ng
Smith,kasama na ang Hanazono. di ba maganda ang plano ko?" sabi ni Julia,.

Napaisip naman ako.

"Kahit papano pala, may naisip ka rin kumare. Hahahahahah." sabi ko.

-Lyka POV-

Dalawang linggo na lang pasko na.

Nandito ako ngayon sa school para tapusin ang dapat tapusin dahil next week
magsisimula na Christmas Vacation namin. Sabi ni Andrew, Christmas daw kami sa
Japan, pero ayoko gusto ko pag balik ko doon may maalala na ako,

Akala ko nga makaalaala na ako, pero unti unti naman meron na, sa panaginip ko.
Lagi na lang blurred ang mga imahe. Sabi ng doctor huwag pilitin baka sumakit na
naman ang ulo ko.

Si Mama Karen naman, okey na siya ngayon. May konting galos siya ng matamaas siya
ng kotse sa tagiliran niya, buti na lang hindi grabe.

"Lyka." tawag sa akin ni Steph kaya napatingin ako sa kanya.

"Bakit?" takang tanong ko.

"Si Brenda, mukhang wala sa sarili." sabi nito habang nakapout, kaya napatingin ako
kay Brenda,

Tulala ito at mukhang malalim ang iniisip.

"Tinanong mo na ba kung may problema siya?" tanong ko

"oo, pero hindi niya ako pinansin. Subukan mo kayang kausapin." sabi nito sa akin,
kaya pumunta ako sa lugar niya habang nakasunod naman si Steph sa akin, nasa
classroom pala kami.

"Brenda.. Brenda..." at niyugyog ko na siya sa kaliwang braso kaya napatingin ito


sa akin.

"Okey ka lang?" nag aalalang tanong ko.

"O-Oo okey lang ako, sige mauna na ako may pu-puntahan p-pa ako." sabi nito at
mabilis na niligpit ang gamit niya at umalis sa classroom. Kaya nagkatinginan kami
ni Steph

"Ano nangyari sa kanya?" tanong ko kay Steph

"Ewan, sigurado ako mabigat iyon dahil hindi naman siya ganyan kung mau problema
siya."malungkot na sabi ni Steph kaya hinawakan ko ang mga kamay nito at pinisil.

"Huwag ka mag aalala, sasabihin naman sa atin ni Brenda ang problema sa ngayon
hayaan muna natin." sabi ko sa kanya, tumango naman si Steph at ngumiti

"Steph, tara aalis na tayo." sabi ni Jason at hinila si Steph palapit sa kanya.
Napatawa na lang ako.

Ilang buwan din sila nagkukulitan at nang iinis sa isa't isa hindi ko alam na
liligawan ni Jason si Steph

Tama, guys, nililigawan ni Jason si Steph. Kahapon lang dito sa school. Natawa na
naman ako pag naalala ko iyon, isa ako sa mga humawak ng lettrering na card. pero
ang hawak ko ay, "question mark".

"Ano ba unggoy, nag uusap pa kami ni Lyka ehh." inis na sabi ni Steph.

"Tsk, *tumungin sa akin* kunin ko muna siya ahh, Jane. Magdedate pa kami." sabi ni
Jason

"Sige, ingatan mo lang. *tingin kay steph na nakapout habang nakatingin sakin*
ingat ka Steph." sabi ko sa kanya, kaya hinila na siya ni Jason paalis ng room.

Bumalik ako sa upuan ako at kinuha ang gamit ko, ng lumapit sa akin si Lance at
kinuha ang dala kong libro.

"Tara ihahatid na kita." sabi nito, kaya tumango na ako,

-Brenda POV-

"Di ba mahal mo si Jake? Kaya ba hindi ka pumayag sa plano ni Daddy at ni Tita


Julia. " sabi sa akin ni Kristine andito kami sa likod ng building namin.

"Oo, mahal ko siya at hindi si Andrew,pero hindi ako ang mahal niya." sabi ko,
dahil napapansin ko na lagi ito nakatingin kay Lyka
"Kaya nga, sister-in-law. Pumayag ka na sa plano ni Daddy. Para pag mangyari iyon.
Mapapasayo si Jake, pati na rin ang kayamanan ng Smith since sa amin mapupunta ang
yaman ng Hanazono" sabi nito.

"Pero kahit na sa akin na ang yaman nila Andrew, si Lyka pa rin gusto niya."
malungkot na sabi ko.

"Kaya makinig ka sa akin, ipapabagsak natin si Lyka, at ilayo siya sa S6, sa


ganoon. Mapupunta sayo ang atensyon ni Jake, sa ngayon si Andrew muna at si Lyka
ang ipapabagsak natin okey?" sabi nito sa akin.

"sayang nga lang gusto ko maging kuya si Andrew, sabihin ko na lang kaya kay Daddy
baka magawa niya ng paraan." masayang sabi niya, at lumayo sa akin para tawagin ang
Daddy niya.

Sorry...

Lyka.

***********************************************************************************
******************************************

Love lots <3 <3 <3

-miemie_03

Special Chapter - Smith TWIN Bond

Special Chapter - Smith TWIN Bond

-Third Person POV-

(A/N: ito yung unang araw niya sa Hanazono Mansion)


(itong scene ay nasa Chapter 50. Continuation lang ito sa bonding nilang
magkapatid)

Pagkatapos mag ayos ang magkapatid ay bumaba na sila at dumiretso sa Kusina

"What took you so long?" tanong ni Kaito , pagkarating nila sa dining room.

"Ginising ko si Onii-sama, Ojii-sama."sabi ni Lyka at umupo kung saan ito nakaupo


kagabi, ganoon din si Andrew.

"Okey, Lets eat."tahimik lang silang kumain hanggang natapos sila.

Lumapit si John kay Kaito, nag bow muna ito bago bumulong

"Okey, I'll be right there, prepare na plane." sabi nito kay John, nag bow muna ito
bago umalis.

"Ano po iyon Ojii-sama?" tanong ni Andrew

"I'm going back to Japan, Katrine is already there. Nagkaproblema sa isa nating
kumpanya. At kailangan ako doon" sabi nito

"Uuwi na kayo?" malungkot na sabi ni Lyka na may lungkot sa mga mata nito.

"No, babalik ako I promise.*tingin kay Andrew* protect her, okey?" sabi nito kay
andrew

"I will." sagot naman nito

"See you soon, Hime. Take care." hinalikan niya sa noo si Lyka, bago umalis ng
bumalik na si John.

Ng makaalis si kaito ay tumingin si Lyka kay Andrew na nakatingin rin sa kanya.

"A-Anong gagawin natin? " nahihiyang tanong ni Lyka kay Andrew

"Gusto mo ipasyal kita sa mansion." sabi ni Andrew, at inutusan ang mga katulong na
nasa tabi na nakatyo na linisin ang kanilang pinag kainan bago tumayo at lumapit
kay Lyka.

"Come, I tour you around." sabi nito at hinila is Lyka patayo.

Naglibot ang dalawa, napunta sa library, sa opisina ni Kaito, ang game room,
entertainment room, music room, sa kusina at madami pang iba, kahit sa garden nito,
at sa malaking pool nila. Hanggang napag isipan nilang magpahinga sa playground na
nasa garden nila.
"Ang laki naman ng mansion na ito, napagod kaagad ako kahit kalahati pa lang ang
nalibot natin." sabi ni Lyka habang nakaupo sa bermuda grass.

"You want to eat?" tanong ni Andrew, pagkatpos tumingin sa oras sa kanyang


cell[phone.

"Anong oras na ba?" tanong ni Lyka kay Andrew na nakaupo sa isa sa swing na hindi
kalayuan sa kanya.

"Its already 1:30pm." sabi ni Andrew.

O_________O -Lyka

"H-Hala! natagalan pala tayo sa pag ikot sa mansion, para makalimutan natin kumain
ng tanghalian? Kaya pala nagugutom na ako." sabi ni Lyka habang hawak ang tiyan,
nagulat naman ito ng biglang tumayo si Andrew.

"What?! Ba't hindi mo sinabi sa akin agad? wait I call Manang para ipaghanda tayo
ng makakain." sabi ni Andrew, at maglalakad na sana papasok sa mansion ng pigilan
siya ni Lyka na nakatayo na ngayon.

"W-Wait." nahihiyang sabi ni Lyka kay Andrew

"Bakit? di ba nagugutom ka na? " nag aalalang sabi ni Andrew kay Lyka.

"Ahmm. pwede pagamit ng kusina?" tanong ni Lyka

"Why?" nakakunot noong tanong ni Andrew sa kakambal.

"Magbebake sana ako." nahihiyang sabi ni Lyka kay Andrew.

"For what? may mga chef naman tayo, you dont need to bake or even to cook." sabi ni
Andrew.

"Pero,.. gusto sana kitang ipagbake since birthday mo rin kahapon. Kahit iyon na
lang ang gift ko para sayo." Lyka

Hinawakan ni Andrew ang mga balikat ni Lyka. "I already told you, didn't I? Lagi ka
lang nasa tabi ko, masaya na ako. Alam ko hindi panghabang buhay dahil magkakaasawa
tayo, magkakaroon ng sariling pamilya, pero sa ngayon huwag mo muna akong iwan. 12
years without you, is like hell." sabi nito sa kakambal at niyakap na parang ayaw
ito mawala, ilang sandali niyakap naman siya pabalik ni Lyka.

"N-Nii-sama naman, ang m-matagal pa ako mag-aasawa. P-Pero gusto ko pa rin ipagbake
ka. Pleaseeeeee." sabi nito, habang yakap pa rin niya si Andrew.

Unang kumalas si Andrew, at tinignan si Lyka.

"Okey, if that's what you like." sabi nito at hinawakan ang kamay nito para iguide
papuntang kusina

Pagkadating nila nagulat ang mga chef at iba pangkatulong sa kunsina at lahat sila
nagbow.

"A-Ano pong ginagawa niyo rito, Young Lord, Y-Young Lady." sabi ng head chef, na
hanggang ngayon gulat pa rin na makita sila sa kusina.

"May gusto po ba kayo?? iupagluluot namin kaagad." sabi nito.

"No need, gustong mag bake ng kapatid ko prepare the ingredients." sabi ni Andrew.

"Right away." sabi ng Head Chef, at inutusan na rin ang iba na kumuha ng iba pang
ingredients, at gagamitin sa pangbake.

"Ano ka ba naman, Nii-sama, pwede naman na ako na lang ang kumuha ehh." sabi ni
Lyka, habang tinitignan ang mga empleyado na mabilis kumilos para kunin ang dapat
kunin sa pagbebake.

"Tsk, its their job, Lyka." sabi ni Andrew at hinila siya papunta sa isang lamesa
na kung saan nakalagay ang mga ingredients at ang mga gamit

"sige na iwan mo na ako kaya ko na ito."pagtataboy ni Lyka, habang tinitignan ang


ingredients kung kumpleto.

"Ayaw, gusto kong makita kung paano ka magbake ng cake ko." sabi ni Andrew

"Tulungan mo na lang ako."

"Hindi ako marunong." walang ganang sabi ni Andrew

"Edi turuan kita." sabi ni Lyka

Lumapit si Lyka sa isa sa katulong.

"ahm. may apron at hair net po ba?" tanong niya dito.

Nagulat naman ang katulong. "O-Opo Y-Young Lady."

"Pwede pahingi? mga dalawa." sabi niya dito, kaya mabilis na kumuha ang katulong at
bumalik habang dala ang dalawang apron at hairnet, at nagbow muna ito bago umalis.

Kaya lumapit si Lyka kay Andrew at binigay ang kulay pink na apron na may print na
strawberry, habang sa kanya naman ay pink na may clipart na ulo ng aso.

"What the~ bakit itong klaseng apron ang akin?" tanong ni Andrew habang hawak ang
apron na bigay ni Lyka.

"Hahah, okey na yan Nii-sama, para makapagsimula na tayo."sabi ni Lyka pagkatapos


suotin ang apron at ilagay ang hair net sa ulo.

"Tsk, ipapalit ko ito" tatawag na sana si Andrew n katulong sa kusina, ng pigilan


siya ni Lyka.

"pwede na iyan, sige na. Para magstart na tayo." sabi ni Lyka at kinuha ang apron
sa kanya at siya na ang nagsuot nito sa kanya.

Ng humarap si Andrew, hindi maiiwasan na tumawa si Lyka, habang ang mga chef at
katulong sa kusina ay gusto rin matawa, pero pinigilan lang nila, baka mawalan pa
sila ng trabaho.

"so gay, pinagtatawanan mo pa ako." medyong inis na sabi ni Andrew


"Sus, ang cute mo lang kaya natatawa ako. tara na nga magbake na tayo." sabi ni
Lyka sa kanya

"Anong cake ang gagawin natin?" takang tanong ni Andrew, ng kumuha ng apple si Lyka
at binigay kay Andrew

"Apple Cake. ahmm, *tingin kay Andrew* M-Mahilig ka naman, diba?? sa apple." sabi
ni Lyka, pareho kasi silang kambal na mahilig sa apple, pero hindi pa alam ni Lyka
kaya natanong niya

"No, actually I love it. so, ano pala ang ingredients?" tanong ni Andrew kay Lyka
habang kumuha ng isang apple at kinagat ito.

"Ahmmmm. ang ingredients ay

1 cup oil

2 cup sugar

3 cup flour

1 tsp salt

1 tsp nutmeg

1 tsp cinnamon powder

1 tsp baking powder

3 eggs

1 tsp vanilla extract

1 cup chopped nuts

1 tsp cloves

1 cup baking soda

4 cups chopped apples

2 tblsp milk

1/2 tsp vanilla essence

1/2 stick butter

1/2 cup brown sugar.

yun lang"sabi ni Lyka habang kinukuha ang mga ingredients na minention niya.

"So anong gagawin ko? " tanong ni Andrew

"Islice mo yung apple into pieces. tapos ilagay mo siya diyan *sabay turo sa bowl*
pagkatapos mo islice imix mo ang dry ingredients huwag mo isali ang apple at nuts.,
habang ako imimix ang mga wet ingredients." sabi ni Lyka.

"Okey." sabi ni Andrew, habang gumawa sila ng kanya kanyang gawain, tinitignan
naman sila ng mga tao sa loob ng kusina.

Ilang minuto. rin ang nakalipas ng matapos si Andrew sa kanyang ginawa at ganoon
din si Lyka. Habang nagmimix si Lyka kumuha ng harina si Andrew sa bowl ng harin at
hinawakan niya ang mukha ni Lyka

"Ang cute mo talaga." natatawang sabi nito, habang inipit ang mukha nito sa mga
kamay niyang may harina.

O__________O

>////////////////<

"Nii-sama !!! ang dumi ko na." sabi ni Lyka pero tinawanan lang siya ni Andrew. Kya
kumuha ng harina si Lyka at nilagay sa buhok ni Andrew, na nagpatigil nito sa
pagtawa

"What tha-- you " gulat na sabi ni Andrew

"Hahahaha, mas matanda ka na kay Jii-sama, ikaw may white hair si Jii-sama wala
masyado." sabi ni Lyka habang tumatawa pa rin.

"You." natatawang sabi ni Andrew at patuloy pa rin sila sa kulitan.

Ang mga tao na nakatingin sa kanila, ay hindi maiwasan hindi matawa dahil sa
kulitan ng dalawang

umabot ng isang oras bago matapos sila, minix nila dry at wet ingredients.
Pagkatapos dun na nila ang nilagay apple at nuts. At nilagay na nila sa baking pan,
at nilagay na rin sa oven.

"Natapos na natin, so anong gagawin natin sunod?" masayang tanong ni Andrew

"Gagawa tayo ng glaze para sa apple cake, para mas sumarap ang apple cake natin"
sabi ni Lyka at kumuha na naman ng isa pang metal bowl, para lutuin ang sauce ng
apple, at minix ito for 1 minute.

"Are you done?" sabi ni Andrew

"Yep."

"Tara." sabi ni Andrew kay Lyka at hinubad ang apron nito at nilagay sa sandali.
hindi na niya pinansin na madamin siyang harina sa buhok at damit nito. At hinila
si Lyka paakyat sa kwarto nila

"Ikaw na bahala sa cake, Chef." sabi ni Andrew at hinila na si Lyka palayo sa


Kusina.

"saan tayo pupunta?" takang tanong ni Andrew.

"Maliligo tayo, ang dumi na natin. You clean your self. Visit me in my room if
you're done." sabi nito, at huminto ito sa harap ng kwarto niya.
"Okey sige." sabi naman ni Lyka at pumasok na sa loob ng kwarto.

Habang naglilinis ng katawan ang dalawa.

"Ngayon ko lang nakita na tumawa at ngumiti si young Lord." sabi ng isang katulong
habang inaayos ang mga plato sa dining table para sa ginawang cake ng dalawa

"Oo nga, at nagsimula iyon ng dumating si Young Lady, pero ang gwapo pala ni Young
Lord, noh?" sabi naman ang isa pang katulong.

"Agree ako diyan, ang swerte naman ng pangangasawa ni Young Lord, buhay prinsesa
siya panigurada."

"Ano kayang feeling na maging buhay prinsesa? sana ako ng lang ang mapangasawa ni
Young Lord."

"Hoy!! girl gising. Hindi mangyayari iyon, langit siya lupa ka, kasing kulay ng
balat mo."

"Grabe siya ohh, nahiya naman ako sa balat mong kulay tsokolate."

"Hay nako, kayo talaga. Bilisan niyo diyan baka bumaba na ang dalawa." sabi ng Head
Maid sa Mansion kaya mabilis kumilos ang dalawang katulong bago umalis.

Masayang nagkwekwentuhan ang magkapatid habang kumakain ng Apple Cake, pagkatapos


pumunta sila sa library. Para magbasa, at ilang minuto ang nakalipas nag pasyahan
nila mag mvie marathon kaya pumunta sila sa entertainment room.

"Heto na ang popcorn at tubig."sabi ni Andrew, habang pumipili si Lyka ng palabas.

"Wait. hmmm.*habang pumipili* heto na lang." sabi naman ni Lyka, sabay pakita ng
gusto nitong palabas

"Lucy??" takang tanong ni Andrew

"Oo, isang sci-fic. Maganda daw ito, napanood mo na" tanong ni Lyka.

"Hindi naman, napanood ko na. About yan sa girl na nilag--" pinigilan naman siya ni
Lyka

"Waaaah, huwag mong sabihin. Hindi ko pa napanood ito ehh. " sabi naman ni Lyka.

Napangiti naman si Andrew, at umupo sa couch. Ng tumabi sa kanya si Lyka pagkatapos


pliney ang

palabas.

Ng matapos anh lucy, tuloy tuloy na silang nanood, hanggang nakatulog sila sa
entertainment room.
Ilang oras ang nakalipas, nagising si Andrew at nakita niya na wala si Lyka sa tabi
niya, kaya napatayo siya bigla at umalis sa entertainment room, pagkalabas niya
nakita nita si Lyka sa beranda ng living room sa 2nd floor, nakatingin sa langit.

Kaya mabilis siyang tumakbo dito at niyakap siya. Na ikinagulat ni Lyka

"Nii-sama?" takang tanong ni Lyka

"Don't scare me like that." sabi ni andrew

"Ha?" takang tanong ni Lyka

"Natakot ako, ng idilat ko ang mga mata ko wala ka sa tabi ko. Natatakot ako baka
panaginip lang ang lahat, panaginip na kasama na kita. Ayoko ng magising pa kung
ganoon." sabi ni andrew.

Napangiti naman si Lyka sa sinabi ni Andrew at kumalas ito.

"Ano ka ba naman, Nii-sama. hindi ako mawawala. Okey? Hindi ito panaginip, at hindi
kita iiwan."sabi nito.

"Tara, sa kwarto tayo."sabi ni Andrew, at hinila si Lyka sa beranda ng twin room


nila, kumha ito ng kumot at unan, at humiga para mag star gazing.

"Wow, ang ganda." sabi ni Lyka habang nakatingin sa langit na madaming bituin

"Sana andito pa sila mama at papa." sabi ni Lyka

"Sana nga, pero masaya na sila ngayon."

"Alam ko." sabi ni Lyka habang nakatingin silang pareho sa kalangitan."Nii-sama."

"Hmmm"

"Promise gagawin ko ang lahat para makaalala na ako." sabi naman ni Lyka

"Don't push yourself. And Lyka, remember this. No matter what the situation is, I
will always be here to protect you. I promise." sabi naman ni Andrew

Ngumiti si Lyka sa sinabi ni Andrew."Thank you" bulong ni Lyka na narinig naman ni


Andrew

Tahimik lang sila, hanggang sa nakatulog sila na may ngiti sa mga labi nila.

***********************************************************************************
*******************************************

A/N:

Sorry sa errors and grammar

-miemie_03
Chapter 54 - An Accident??

Chapter 54 - An Accident??

-Lyka POV-

Noche Buena na mamaya at bukas pasko na ang bilis ng araw noh??

At ngayon naisipin namin ni Mama Karen na maggrogrocery para sa lulutuin namin


mamaya sa Noche Buena. Ayaw sana kami payagan ni Nii-sama kasi daw ang chef lang
daw ang bahala sa lulutuin, pero ayaw ni Mama Karen, syempre ayaw ko rin nasanay na
ako na kami ang nagluluto para sa Noche Buena. Kaya pagkatapos namin mag grocery
pinauna na namin sa sasakyan, at kasama namin si Lyod si Nii-sama naman may trabaho
kahit Chritmas Break, kahit si Kuya Nike.

Nandito kami sa isang department store sa mall, sa mens sectionnamimili ng


ireregalo namin.

"Mama, okey na po ito kay Kuya Nike?" tanong ko kay Mama Karen habang hawak ko ang
isang damit na may nakasulat na "I'm Cool and I know it". Natawa naman si Mama
Karen

"Oo naman mukhang matutuwa ang Kuya Nike mo." sabi ni Mama habang may hawak naman
itong damit

"Para kanino yan Mama?" takang tanong ko.

"Ahh, ito para kay Andrew sana, sa tingin mo magugutuhan niya ito?" takang tanong
ni Mama Karen. Habang pinakita sa akin ng t shirt na may nakasulat na "When Nothing
Goes Right Go Left"

"Okey yan, Ma." sabi ko naka thumps up pa. Kahit ano kasi suotin ni Andrew bagay pa
rin sa kanya.

"Mukhang hindi bagay sa kanya, Nak. Kasi diba pangmayaman dapat ang bilhin natin
hindi ito na tag-250php lang." sabi ni Mama.

"Okey lang yan Ma. Hindi naman mapili si Nii-sama ehh. Si Kuya Nike meron ka na
regalo,Ma?" takang tanong ko dito.

"Oo nga pala, malapit ko na makalimutan."Sabi ni Mama at pumunta sa mga sapatos.

Natawa na lang ako, dahil pagnalaman ito ni Kuya Nike magtatampo ito.

Kahit 35 na yon. Magtatampo po rin ito, ang tanda na noh??

Ewan ko ba kung bakit ayaw pa mag asawa, pero nababalitaan ko may napupusuan.

Halos limang oras kami naglibot sa mall, bago naisipan naming umuwi sa mansion doon
kasi magpapasko sila Mama Karen at Kuya Nike.
Pagdating namin sa mansion at halos lahat naghahanda para sa Noche Buena mamaya.

"Lyn, umuwi na si Nii-sama?" tanong ko kay Ailyn.

"Wala pa ehh." sabi naman niya na may dalang tela.

"Sige sige, mukhang madami kang gagawin sorry sa istorbo." sabi ko

"Ano ka ba. Wala yon. Sige mauna na ako Young Lady." sabi niya kaya natawa na lang
ako at sumunod kay Mama Karen papuntang kusina. Pagdating ko doon, halos lahat busy
sa pagluluto nakita ko rin si Chef Raphael, siya ang head chef dito.

"Young Lady, ano po ang ginagawa niyo rito?" gulat na tanong sa akin ni Chef.

"Tutulong ako sa pagluluto." sabi ko sa kanya at hinanap si Mama Karen, at nakita


ko siya sa isang lamesa humihiwa ng kamatis.

"Pero Young Lady, magagalit po sa amin si Young Lord. Magpahinga na lang po kayo."
sabi nito sa akin, kaya tinignan ko siya at nagpout.

"Pero gusto kong tumulong, wala naman kasi akong gagawin ehhh." sabi ko sa kanila,
ng pumunta sa pwesto namin si Mama Karen.

"Sige na Lyka, makinig ka kay Chef Raphael. Magpahinga ka na sa taas, para mamaya
hindi ka na antokin."sabi ni Mama Karen kaya wala na ako magawa, kung hindi umalis
sa kusina, hanggang naisipan ko na iwrap na lang ang mga christmas gift ko, kaya
dali dali akong umakyat sa kwarto ko para masimulan na ang paggawa. Ng matapos ako
tinago ko agad ang regalo ng may kumatok.Binuksan ko ang pinto ng makita ko si Nii-
sama na nakatayo sa harap ng pinto.

"Mabuti andito ka na. Anong oras ka umuwi?" atnong ko ng pumasok ito sa kwarto ko
at humiga sa kama.

"Bago lang, kumain ka na?" tanong nito.

"wala pa."sabi ko ng umupo ako sa kama, ng bigla na lang itong napaupo.

"What?!! and do you know what time is it, Young Lady?" sabi nito.

Tinignan ko naman ang wall clock na nasa kwarto ko.

"9:00pm na, bakit?" takang tanong ko

"tsk, halika na. Kakain na tayo." sabi nito at kiladkad ako pababa.

"Pero, mamaya na tayo kakain sa noche buena, Nii-sama. At tsaka busog pa ako."
pagkasabi ko nito napatigil siya at napatingin sa akin.

"Are you sure?" tanong nito. Tumango lang ako

"At tsaka, magbihis ka na, naka corporate attire ka pa, ohh. Para makahanda na rin
mamaya sa noche buena." sabi ko.

"Alright." sabi nito ginulo muna nito ang buhok ko bago pumunta sa silid niya.

"Nii-sama!" sabi ko, tumawa lang siya habang inaayos ko ang buhok ko.
Ng pumasok na siya sa silid niya, dali naman akong pumasok sa silid ko at kinuha
ang mga regalo nila, at bumaba para ilagay sa ilalim ng giant christmas tree namin.

10pm na ng dumating si Tita Katrine, si Tito Neil at si Tyron. Nakilala ko sila


noong December 1, nagulat pa nga ako kasi magpinsan pala kami ni Tyron, pero hindi
man nila nasabi sa akin.

"Tita, Tito." bati ko sa kanila, at nakipagbeso beso sa akin si Tita, habang si


Tito ay hinalikan ako sa noo.

"How are you?" tanong ni Tita sa akin.

"Okey lang po."

"Where's your brother, Lyka?" tanong naman ni Tito.

"Nasa kwarto pa, siguro nakatulog." sagot ko naman.

"Hey, Couz. Hindi mo ba ako namiss. Nakakatampo ka na." sabi naman ni Tyron. Ng
akbayin niya ako.

"Namiss naman kita.....ata?" ng sinabi ko yung "ata" tinignan niya lang ako ng
masama.

"Ang bad mo, magsama kayo ng kambal mong masungit." sabi nito at naglakad papasok
sa kusina.

Napailing na lang si Tito at Tita sa inasal ni Tyron.

"Ang bata na yon." sabi ni Tito Neil, ng bumaba si Andrew.

"Tito, Tita. Konbanwa." sabi ni Andrew at lumapit sa kanila.

"Hey young CEO, gusto muna kitang makausap kahit saglit lang." sabi naman ni Tita,
at inakbay si Andrew papuntang garden.

"Yung dalawa na iyon. *tumingin sa akin* Nasaan na si Aling Karen?" tanong naman ni
Tita

"Mukhang nasa kusina pa Tita. Ay oo nga pala hindi ako nakatulong. Puntahan ko po
muna sa Mama Karen." paalam ko dito

"No, Im coming with you."sabi ni Tita Katrine at pumunta kami sa kusina, pero
sobrang busy pa rin habang si Mama Karen naman parang may niluluto.

Plano sana namin na sabay mag noche buena sila Ate Nuriko and si Jake, pero pinauwi
sila ng mga magulang nila sa Japan, kaya umuwi sila.

Ng dumating ang Noche Buena, nag exchange gift kami. At nagkwekwentuhan habang
kumakain. kaya sobrang saya ng pasko ko, yun nga lang. Kulang kami.

Si Jii-sama hindi makauwi dito dahil may problema daw ang kumpanya sa Canada
hanggang ngayon, pero nag video call siya ng mag 12:00am. Kaya masaya pa rin ako.
December 26, ng nagtxt sa akin si Lance, na magready daw ako. Dahil pupunta daw
kami sa Villa nila, ng tinanong ko si Andrew

"Oo nga pala, nakalimutan ko sabihin sayo na lagi kami pumupunta sa Villa nila
Lance, para icelebrate ang birthday niya at ni Brett. Pinapapunta ka ng dalawa."
sabi nito, habang nagbabasa ng libro sa kama niya.

"Huh? parehong birthday silang dalawa|?" takang tanong ko, habang nakaupo sa kama
niya na nakatingin sa kanya.

"Hindi, Dec. 27 si Brett at Dec 28 naman si Lance."sabi nito at nagchange ng page

"So doon na rin tayo mag new year?" tanong ko

"Hindi, uuwi rin tayo sa 29. Kaya maghanda ka ng gamit para sa tatlong araw na
pagstay natin doon. " sabi nito, kaya tumayo na ako pumunta sa kwarto ko at
dumiretso sa walk in closet para pumili ng damit na dadalhin.

Halos 2 oras ako naghanda, kaya lumabas na ako ng silid ko, ng kunin ni Lyod ang
malaki kong backpack, kaya ang shoulder ko na lang ang dala ko ngayon.

"Ihahatid na po kita, sa bahay ni Ma'am Karen." sabi nito at nauna ng umalis, ng


lumabas na rin si Andrew, at may dalang back pack.

"Mauna na ako, Nii-sama. Kita na lang tayo maya." sabi ko, at hinalikan siya sa
pisngi, hinalikan naman niya ako sa noo.

"Ingat ka." sabi nito, tumango lang ako, at ngumiti bago naunang umalis.

Ng makarating kami sa bahay ni Mama Karen, pag kaalis ni Lyod, sakto namang
dumating si Lance.

"Kanina ka pa naghintay?" tanong ni Lance ng bumaba siya at kinuha ang back pack
ko.

"Hindi naman." sasakay na sana ako sa passenger seat ng biglang bumukas ang bintana
at nakita ko si Kristine na naka eyeglass.

"Hi, Lyka. Masaya ba ang pasko mo?" tanong nito sa akin, at ngumiti.

"A-Ahh. Oo naman, masayang masaya." sabi ko at ngumiti sa kanya, at tinignan si


Lance

"Kristine, sa likod ka muna uupo." sabi ni Lance, at binuksan ang passenger seat.

"Ayaw." sabi nito

"Ahm. Lance sa backseat na alang ako." sabi ko,

"No" habang hindi nakatingin sa akin. "Kristine, you choose. Ikaw magdrive at
kaming dalawa sa back seat o lilipat ka sa likod?" tanong naman ni Lance. "Napag
usapan na natin ito."

"Tsk, yeah right." sabi nito bago umalis, at binuksan ang pintuans a back seat,
tinignan naman niya ako ng masama nago pumasok.
"Pasensya ka na kay Kristine, ganoon talaga siya." sabi nito.

"H-Hindi okey lang." sabi ko at pumasok na rin.

"Sabay ba tayo pupunta o nauna na sila?" takang tanong ko, ng mapansin ko na halos
30 minutes na kami nagbyabyahe.

"Nauna na sila." sabi nito.

Halos dalawang oras rin nagtagal bago kami dumating sa villa nila. Hindi ko alam na
beach pala ang pupuntahan namin. Wala pa naman ako dalang damit pang beach

Pagkapasok namin sa loob, andun lahat pati si Jake.

Ngumiti ako sa kanya, ganoon din siya.

"Ayos, kumpleto tayong lahat!, tara swimming na tayo!!" sabi ni Alex.

"At kumain rin." sabi ni Allen, at sabay silang nagtangal ng damit. Kaya tinapunan
sila ni Brett ng unan sa katawan.

"Huwag niyo ipakita yang taba niyo" sabi ni Brett

"Anong Taba!??" Alex

"Oo nga hindi mo ba alam, na muscles yan. MUSCLES." sabi naman ni Allen. At
pinapakita ang mga muscles daw nila sa mga braso nila. napatawa na lang.

Hinila naman ako ni Steph at niyakap ang kamay ko.

"Pwede mag assign muna ng room?" sabi naman ni Brenda.

"Sure, since 8 ang kwarto sa villa namin. Hindi pwedeng gamitin ang Master Bedroom
at ang isa pang room so anim na lang ang naiwan. At 10 tayong lahat, Alex and Allen
same room, Brett and Andrew----

"Ano?! kasama ko si Andrew?? mapapanis ang laway ko bro." angal naman ni Brett.

"Tsk, ayaw ko rin kasama si Brett. He's annoying." seryosong sabi ni Andrew.

"Tignan niyo, pati ang sungit niya." sabi nito sabay turo kay Andrew pero tinapik
naman nito ang kamay, at tinawana siya ng kambal kaya ang resulta ay naghahabulan
sila.

Napailing na lang kaming lahat.

"Jake and Brett magkasama kayo, Brett, same room"

"Roger" Brett

" Kami naman ni Andrew, sa girls naman Brenda at Kristine, sa kwarto mo Bren, and
lastly, Steph and Lyka, sa tabi ng room ni Brenda." sabi naman ni Lance, at
binigyan kami ng susi sa kwarto namin, para makapag ayos at magbihis na rin.
Pagkalabas namin ay dumiretso kami sa cottage nila Lance, nilalabas na nila ang
pagkain mula sa basket, si Andrew ay nagbabasa pa rin ng libro, si Jake kumukuha ng
Litrato, ang kambal at si Brett ay nakipagkulitan sa dagat, kaya ang naiwan ay si
Lance.

"Nasaan sila Brenda at Kristine?" tanong ko

"Baka nasa kwarto pa--- andito na pala sila." sabi ni Lance, kaya napatingin ako sa
likod, at nakabikini talaga silang dawala, ako? naka short at white plain shirt
lang ako,dahil nahihiya ako amg bikini kahit pinilit na ako ni Steph wala talaga.

Plano nila icelebrate ang birthday sa gabi ng Dec 27, at kami ni Steph magluluto. I
mean magbake pala siya. :)

Mabilis lumipas ang oras, pagkatapos kong magluto ay hinanda ko na ang pagkain sa
hapag kainan, at nilagay na rin sa lamesa. Ng dumating na silang lahat.

"Wow naman, sana birthday na namin ni Allen." Alex

"Oo nga, Lyka. Gusto namin ikaw ang magluluto haa?"Allen

"Oo, Oo" masayang sabi ni Alex

"Oo ba." Ako

"Yes!" at nag apir ang dalawa.

Kumanta muna kami ng Happy Birthday song para kay Brett at nagwish na rin siya,
masayang nagkwekwentuhan kami, ng kumanta na naman kami ng Birthday song para kay
Lance ng mag 12am.

"Go!! wish ka na birthday boy!!!" sabi naman ni Alex

"Oo nga, ano ang wish mo share mo naman." Allen

"Wish ko? simple lang. *tinignan ako ni Lance* Ang sagutin ako ni Lyka ngayon." at
ngumiti ng nakakaloko, kaya biglang uminit ang pisngi ko.

"Yun ohh." Brett

"Nag blush si Lyka." sabi naman ni ALex

"Ayiiiiiiee." Steph, habang sinusundot sundot ang tagiliran ko.

"Sagutin mo na." Allen

"Oo nga." Alex

"Sagutin mo na." Steph, tinignan ko silang lahat, tinignan ako ni Andrew at


ngumiti, ganon din si Jake, ng tinignan ko sila Brenda ngumiti ito ng tipid, at si
Kristine naman seryoso lang nakatingin sa akin. Kaya napayuko ako.

"Awww, mukhang nahihiya si Lyka."

"Ahmm o---"

hindi ko natapos ang dapat kong sabihin ng mahimatay si Brenda.

"BRENDA!!!" halos lahat kami napasigaw at pumunta sa pwesto niya.


"Oh my, Brenda. Are you okey?" nag aalalang sabi ni Kristine

Tinapik naman siya ng mahina ni Lance para magising pero hindi pa rin kaya dali
daling kinarga niya ito at dinala sa kwarto niya, tumawag na rin si Jake ng doctor

Ilang minuto pagkatapos siyang icheck ng doctor, sabi nito ay sobrang stress daw,
kaya magpapahinga muna siya.

"You can sleep now guys, ako na ang bahala kay Brenda." sabi naman ni Kristine

Kaya kanya kanyang punta na kami sa kwarto namin.

-Third Person POV-

ng makaalis na ang lahat at sinigurado na pumunta na sa kani-kanilang kwarto ay


nilock ni Kristine ang kwarto at minulat ni Brenda ang mga mata niya at umupo.

"Tsk, buti na lang. Ginawa mo ang sinabi ko." sabi ni Kristine at umupo sa couch na
nasa kwarto ni Brenda.

Yumuko lang si Brenda

"K-Kristine, nakokonsensya na ako, dapat sila na ni Kuya at Lyka ngayon."


nakayukong sabi ni Brenda.

"Well don't be. Unang hakbang pa lang iyon. I told you help me get rid of that
slut, at tutulungan kita kay Jake. Just follow the plan, Brenda." walang ganang
sabi ni Kristine

"Matulog na ako. " sabi ni Kristine pumunta sa pwesto niya at humiga.

-Lyka POV-

3pm andito kami sa beach dahil bukas ng umaga ang alis namin pauwi.

"Okey na ba si Brenda?" nag aalalang sabi ni Steph

"Siguro okey lang siya, pinuntahan naman siya ni Kristine ehh." sabi ko naman.

"Oo nga pala, Lyka pwede favor. Kunin mo ba ang camera ko sa bag ko. " sabi ni
Steph.
"Okey."

kaya tumakbo ako papuntang villa, ng makarating ako sa kwarto kinuha ko kaagad ang
camera niya, naisipan ko munang dumaan sa silid ni Brenda para kumustahin ng
pagkalabas ko nakita ko silang dalawa ni Kristine at Brenda, ng.....

O_______________O

"BREENNNNDA!!!!!!!"

-Third Person POV-

"Kristine, ayoko na. Suko na ako, kaibigan ko si Lyka, Hindi ko siya kayang
trayduhin. Pag naging sila ni Kuya, magiging akin pa rin si Jake." sabi ni Brenda

"NO!!! we stick to the plan. Papakasalan mo si Andrew, para mapunta sa atin ang
yaman nila at ng hanazono." galit na sabi ni Kristine

"Baliw ka na Kristine, hindi na ikaw ang Kristine na kilala ko, ang Kristine na
mapagmahal sa kapatid ang---"Napatigil si Brenda dahil biglang tumawa si Kristine.

"Mapagmahal na kapatid? nagpapatawa ka ba? dahil kay Jenny hindi ako pinansin ni
Lance, kung hindi sana dumating si Jenny, edi kami na ni Lance, mabuti nga
tinanggal ko ang oxygen niya para mawala na ang malandiat mang aagaw kong kapatid."
sabi ni Kristine

Nagulat naman si Brenda sa nalaman niya.

"I-Ikaw ang pumatay kay Jenny. So, hi-hindi siya sumuko sa sakit niya." naiiyak na
sabi ni Brenda

"What if pinatay ko nga."

"Isusumbong kita Kristine, baliw ka na!! dapat ka mabulok sa mental hosypital!!"


sigaw ni Brenda at tumakbo paalis sa Kwarto niya, pero hinabol siya ni Kristine ng
pababa na sana ito.

"Wala kang isusumbong."galit na sabi ni Kristine

"Kristine, baliw ka na dapat ka ng magpagamot. " sabi ni Brenda

"Magpapagamot ako basta sundin mo ang plano natin."

"Hindi, ayoko, mahalaga ang pagkakaibigan namin ni Lyka." sabi ni Brenda bigla
naman itong natakot na makitang galit si kristine, at hindi nagdalawang isip na
tinulak siya sa hagdan.

"BREENNNNDA!!!!!!!"

Gulat na nakatingin si Kristine kay Lyka na tumakbo pababa kay Brenda.


Biglang hinawakan ni Lyka si Brenda ng mapansin na dumudugo ang ulo nito.

"Anong nangyayari dito?!" biglang sigaw ni Lance, kasama nito si Steph, Andrew at
Brett.

Ng makita ni Lance na dumudugo ang ulo ni Brenda ay agad niya itong nilapitan.

"Brenda!! Brenda!! wake up." habang tinatapik nito ang mukha pero wala pa rin

"Ano ba ang nangyari?!!" galit na sigaw sa amin ni Lance, habang nakatingin sa


aming dalawa ni Kristine, habang umiiyak naman si Steph sila Andrew at Brett ay
tahimik lang mukhang gusto rin malaman kung anong nangyari, sasagot na sana ako
ng..

"H-Hindi ko alam, basta pagdating ko dito duguan na si Brenda sa baba, habang


humihingi ng t-tawad si Lyka, na hindi daw niya si-sinasadya. Narinig ko rin sila
nag usap ka-kanina lang na, alam na ni Brenda ang t-totong plano ni Lyka, kaya
isusumbong daw niya ito sa inyo kaya siguro tinulak niya si Brenda." naiiyak na
sabi ni Kristine.

Kaya tinignan nila akong lahat,

Galit na tinignan ako ni Lance, pati na rin si Steph, habang walang emosyon na
nakatingin naman sakin si Brett at Andrew.

Napailing na lang ako habang umiiyak

"H-Hin-hindi t-totoo yun" naiiyak na sabi ko.

"Hu-Huwag *sob* ka ng magsinungaling Lyka." naiiyak pa rin sabi ni Kristine

Umiiling pa rin ako.

"H-hindi ko ka-kasalanan."

***********************************************************************************
********************************************

A/N:

Sorry sa typos and errors guys.

-miemie_03

Chapter 55 - The Guilt

Chapter 55 - The Guilt


-Lyka POV-

"H-hindi ko ka-kasalanan."lagi ko yan sinasabi sa kanila habang umiiling.

"WHAT HAVE YOU DONE!!!" sigaw ni Lance habang hawak si Brenda, bigla naman dumating
si Jake at ang kambal na si Alex at Allen

"Anong nangyayari??" takang tanong ni Alex

"Brenda!!!" sabi ni Allen at tumakbo palapit kay Lance.

"Ano ba talaga ang nangyari?" inis na sigaw ni Jake

"Tinulak ni Lyka si Brenda sa hagdan!!" biglang sabi ni Kristine, kaya tinignan ako
ng tatlo. Pero umiling lang ako habang umiiyak.

"Ang importante madala na natin si Brenda sa hospital." sabi ni Allen at kinarga si


Brenda at dinala sa labas, sumunod naman si Alex at Steph na umiiyak pa rin.

Habang si Lance naman masamang tumingin si sa akin habang gulat naman nakatingin sa
akin si Jake.

Lumapit sa akin si Kristine at biglang sinampal.

"How dare you!! Kaibigan pa naman ang turing ni Brenda sa iyo tapos ginanyan mo
siya?" sabi ni Kristine sa akin, pero tinignan ko siya ng masama habang hawak ko
ang pisngi ko kung asan niya ako sinampal.

"Ikaw ang walang hiya, ikaw ang tumulak sa kanya Kristine, nakita ko." sabi ko,
habang pinipigilang tumulo ang luha.

"At ngayon pinagbibintangan mo ako.!!!" sigaw niya at sasampalin ulit ako ng


pigilan siya ni Andrew at tinago ako sa likod nito.

"Don't you dare hurt her!!" seryosong sabi ni Andrew, gulat na tumingin sa kanya si
Kristine at binawi ang kamay na hawak nito

"Tinulak niya si Brenda, Andrew!!! Dapat magalit kayo sa kanya. Dahil ginamit lang
niya kayo para sumikat siya. She's a social climber bit---*slaaaaaaap*" nagulat
ako, ng bigla siyang sinampal ni Andrew.

"N-Niisama." bulong ko.

"Brett, ilayo mo muna si Lyka dito. Mauna na kayo susunod ako." sabi nito, kaya
lumapit ito sa akin

"Tara na Lyka." sabi ni Brett, tinignan ko siya, pero ngumiti lang ito. "Halika
na." dagdag nito at inalalay ako palabas

bago kami tuluyang lumabas, nakita ko si Lance na sobrang sama ng tingin sa akin,
kaya yumuko na lang ako at tuluyang lumabas.

Ng nasa sasakyan na kami, at pauwi sa amin.

"G-Galit ka rin ba sa akin, B-Brett?" mahinang sabi ko habang nakatingin sa labas.


"Hindi ako galit sayo. Naniniwala ako na wala kang kasalanan." sabi nito habang
nakatingin sa daan

"P-Pero bakit ayaw maniwala ni Lance." malungkot na sabi ko at yumuko.

"Gulong gulo lang iyon, dahil kapatid niya si Brenda. Don't worry, ang kuya mo na
ang bahala sa kanila." sabi nito, kaya napatingin ako sa kanya

"A-Alam mo?" gulat na tanong ko.

"Oo, last week pa. Narinig ko kasi nag usap kayo ni Andrew. Hindi ko naman sinadya
ehh. Gulat na gulat ako nun, at galit na rin kasi tinago niyo sa amin ang tungkol
sa inyo. Pero nilapitan ako ni Andrew at sinabi sa akin ang sitwasyon niyo, lalo ka
na. Hindi ko rin pwedeng ipagsabi sa iba dahil naipangako ko na kay Andrew na
sekreto muna ito." tumingin siya sa akin at ngumiti bago bumalik ang atensyon niya
sa pagmamaneho.

Ngumiti ako sa kanya"Salamat, Brett."

-Third Person POV-

ng tuluyang naka alis sila Brett at Lyka

"Ano ba nangyayari sayo Andrew. Sinaktan niya si Brenda! Bakit mo ba siya


pinoprotektahan." sigaw ni Kristine kay Andrew

"Dahil alam kong wala siyang kasalanan."

Lumapit si Lance kay Andrew.

"So sino nagtulak kay Brenda!? multo?!! nagbibiro ka ba? pwedeng malagay sa piligro
ang kapatid ko Andrew, dahil kay Lyka!!" sigaw naman ni Lance, kaya lumapit na rin
si Jake at inawat sila.

"Tama na iyan, walang mapupuntahan ang away na tio." sabi naman ni Jake, na
pinagitnaan sila

"Madaming pwedeng nangyari sa oras na iyon, Lance. Baka nadulas si Brenda, o hindi
kaya nahilo dahil nga may sakit ito, o baka naman..... *tingin kay Kristine* may
tumulak nga sa kanya. *tumingin kay Lance* hindi mo iyon masabi. Kaibigan ni Lyka
si Brenda kaya alam kong hindi niya magagawa iyon." mahinahon na sabi ni Andrew.

"But, she just did. tinulak niya si Brenda nakita ko iyon." sabi naman ni Kristine,
kaya tinignan siya ni Andrew.

"Kung ganon, bakit ikaw ang nasa taas ng hagdan at si Lyka ang nasa baba. baliktad
naman ata." sabi ni Andrew

"K-Kasi, t-tumakbo pababa si Lyka para humingi ng tawad, nasa kwarto ako non, kaya
nakita ko." sabi naman ni Kristine, pero hindi ito makatingin sa mata ni Andrew

"Talaga lang haa.?"sabi ni Andrew


"Bakit mo ba pinoprotekta ang babae na iyon?!" sa sobrang inis ni Kristine ay
nasabi niya ito

"Bakit nga ba?" balik na tanong ni Andrew

"Gago ka ba?" inis na sigaw ni Lance.

"Ano ba Lance, tama na. Walang patutunguhan ang away na ito,at walang kasalanan si
Lyka sa nangyari kay Brenda." sabi ni Jake sa kanya

"Ano bang nangyayari sa inyo? hindi niyo ba nakita, at sa sinabi ni Kristine kaya
napatunayan na siya ang may sala."hindi alam ng dalawa na palihim na ngumisi si
Kristine, pero except si Andrew na nakita mismo ito.

"Ilang beses ko bang sinabi sayo na, hindi magagawa ni Lyka ang ganoong bagay, lalo
na kay Brenda dahil tinuring niya itong matalik na kaibigan." inis na sabi ni Jake

"Kinulam ba kayo ni Lyka, kaya kinakampihan niyo siya?! at hindi niyo ba napapansin
dahil sa kanya kaya nasisira ang pagkakaibigan ng S6. She's a bitch!! A Slu-----
*slaaaaaaaap*" nagulat si Kristine sa ginawa ni Andrew, na pagsampal sa kanya,
pangalawang beses na ito.

"Kung hindi ka lang babae, baka pinatay na kita. i'm warning you Kristine." sabi
nito at umalis sa Villa.

"Puntahan na natin si Brenda sa hospital." sabi ni Jake at sumunod kay Andrew.

Nakatulalang tumingin si Lance sa pintuan ng inaalala ang sinabi ni Jake, ng


hawakan siya ni Kristine

"Naniniwala ka sa akin, di ba?" magmamakaawa ni Kristine, pero tinignan lang siya


ni Lance

"Hindi ko alam Kristine, may pagkakataon na tama ka, o sila ang tama. Na walang
kasalanan si Lyka sa nangyari." sabi nito at iniwan si Kristine na tulala.

"Nakakainis!!! paano na lang pag nagising iyon edi lagot ako neto. ..... matawagan
nga si Daddy." sabi nito at kinuha ang phone nito sa bulsa.

-Hospital-

"Kamusta na ang kapatid ko Doc?" tanong ni Lance, kasama nito si Steph na umiiyak
pa rin, Allen, Alex, Kristine and Jake.

"Sa ngayon, stable na ang kalagayan ni Miss Montellier. Pero dapat pa natin siya
obserbahan pagnagising na ito." sabi ng Doctor. At umalis na ng sinabi nito ang
room number ng pasyente.

"Sa ngayon, si Brenda ang may alam kung sino ang gumawa nito sa kanya." sabi naman
ni Allen

"Oo, hindi kasi ako naniniwala na kayang itulak ni Lyka si Brenda." sabi naman ni
Alex
"Pero ginawa niya. At pwede niya rin iyon gawin kay Stephanie, kaya dapat ialis
niyo na siya sa grupo o hindi kaya ikicked out sa school. Since malaki naman ang
share ni..."

"Ni Andrew." tuloy na sabi ni Lance s dapat sanang sasabihin ni Kristine

"Pero may share naman kayo, Lance." sabi ni Kristine

"Oo, yun akala ng iba. Pero si Andrew talaga ang may malaking share sa Academy. At
sa side siya ni Lyka, kaya hindi mo siya basta basta makicked out." patuloy ni
Lance

"Nasaan si pala si Brett?" tanong ni Alex

"Kasama ni Lyka ngayon, nagkagulo kanina sa villa." sabi ni Jake

Hanggang sa dumating si Julia Montellier.

"What happened to my daughter?" nagaalalang bungad sa kanila.

"Tita" naiiyak na lumapit si Kristine sa kanya "Si L-Lyka po ang may kasalanan, ti-
tinulak niya po si Brenda, nakita ko po." sumbong niya dito

"WHAT!!!!! That girl, ipapakulong ko siya! " galit na sabi ni Julia

"Mom, hindi pa natin yan alam. Tatanungin natin si Brenda, pag nagising na ito."
sabi ni Lance sa ina, at niyakap ito

"Pero malalagot pa rin ang babae na iyon Lance, she just hurt your sister. Pwede ka
rin niya saktan." naiiyak na sabi ni Julia

"Pero Tita, tama naman si Lance, hindi pa natin alam ang totoo."sabi ni Jake

"Paano kung siya nga?! ipapakulong ko talaga siya." sabi ni Julia, at nauna na
itong pumunta sa kwarto ng anak, hanggang sumunod ang iba.

-Andrew POV-

Andito ako ngayon sa opisina ko sa kumpanya namin, dito na ako dumiretso pagkatapos
ng insidente na iyon. Inilipat na rin si Brenda sa isa sa mga hospital nila dito.
At hanggang ngayon hindi pa rin ito nagigising, dalawang araw na rin itong tulog.

Alam kong kasalanan ni Kristine ang nangyari kay Brenda, pero wala pa akong sapat
na ibidensya para ituro ito sa kanya, at nalaman ko na rin na si Mr. Gino Hernandez
ang pumatay sa magulang namin ni Lyka.

Naikuyom ko ang kamao ko wala sa oras, pinaimbistigahan namin ni Jii-sama ang


nangyari 7 years ago, at ngayon lang dumating ang resulta. Sila rin nagtangkang
pumatay kay Lyka 12 years ago, at hanggang ngayon tinatarget niya pa rin ito.

Alam na ba nila na buhay ang heir ng Hanazono? pero impossible. Ng malaman namin
ito ni Jii-sama, mas tinago namin si Lyka sa publiko at diretso uwi na ito.
Napahilot na lang ako sa noo, mag babagong taon na pero madaming pasabog na agad
ang nalalaman ko.

Mag ingat lang kayo sa mga pinaplano niyo.


Hindi niyo kilala ang binabangga niyo.

-knock~~ knock~~

"Come in"

"*bow* Young Lord, gising na po si Miss Brenda, at pinapapunta po kayo lahat ni


Mrs. Montellier, papunta na rin po si Young Lady sa hospital." sabi ni Rick ang
butler at secretary ko.

"Prepare the car, bababa na ako."sabi ko

"Yes, young Lord *bow*" at umalis.

-Lyka POV-

Andito ako ngayon sa hospital, si Lyod naman pinaiwan ko sa parking lot.

Ng makarating ako sa hospital, andun na lahat except si Andrew. Gising na si


Brenda, ng dumating ako tumingin ito sa akin pero yumuko kaagad, nasa tabi niya ang
mama niya na galit na tumingin sa akin, si Kristine naman ay nasa kabilang side ng
kama kasama si Lance na nakaupo sa tabi ni Brenda.

"Hintayin natin si Andrew. Para malaman niyong lahat kung sino talaga ang may
kasalanan." sabi ni Mrs Montellier. Yumuko ako, dahil sa talim ng tingin nito sa
akin, ng may humawak sa kanang kamay ko at kaliwang balikat ko, kaya napatingin ako
kung sino ito. Nasa kanan ko si Jake, sa kaliwa naman si Brett at nakangiti silang
dalawa sa akin, kaya napangiti na rin ako.

Hanggang sa dumating si Andrew kasama si Rick ang butler niya.

"Good, mabuti naman andito na lahat." sabi ng mama ni Brenda, at tumingin kay
Brenda.

"Now, Brenda. Tell us the truth. Sino ang tumulak sayo?" tanong niya kay Brenda,
yumuko si Brenda.

"Si *sob* S-Si

Lyka po, M---Mom." sabi niya

Kaya lahat sila nakatingin sa akin, ako naman tulala na nakatingin sa kanya, at
umiling

"Hindi totoo yan, B-Brenda. H-Hindi totoo yan, alam n-natin pareho yan. Nakita ko
tinulak ka ni kristine, Brenda." naiiyak na sabi ko, hindi ko alam kung bakit siya
nagsinungaling pero masakit lang dahil kaibigan ko siya.

"How dare you!!! sabi ko na nga ba! mangagagamit ka, ngayon nakuha mo na ang gusto
mo plano mo pang patayin ang anak ko." sabi ng Mama nila Lance, habang hinila ang
buhok ko, at sinampal ako. Hindi ko man lang namalayan na lumapit na ito sa akin.

"T-Tama na *sob* po." sabi ko habang hinahawakan ang buhok ko na hila niya.

"Tita, tama na po!!" pigil ni Jake

Habang si Brett naman tinulungan din ako, hanggang sa lumayo ang mama nila sa akin
at tinago ako sa likod ni Andrew, iyak lang ako ng iyak, hindi ako nasaktan sa
ginawa niya kung hindi sa pagsisinungaling ni Brenda.

"Brett, ilayo mo siya dito." sabi ni Andrew, at tumingin sa akin.

"I promise you, proprotektahan kita. sa ngayon sa bahay ka muna. Okey?" mahinang
sabi nito at ngumiti, tumango lang ako hanggang sa ramdam ko na hinawakan ako ni
Brett

"Tara na."sabi nito, at inalalayan ako paalis sa kwarto ng..

"Subukan mong umalis sa kwartong ito kasama ang babae na iyan, Brett. At itatanggal
kita sa S6." seryosong sabi ni Lance, kahit hindi ako tumingin alam kong galit ito
sa akin.

"Hindi ko alam kung bakit kayo nagkaganyan. Pero ito lang tandaan niyo, mag ingat
kayo sa binabangga niyo hindi niyo pala alam. Isang araw sa putik na lang kayo
pupulutin. At wala akong pakialam kung matanggal ako, sa atin dalawa ikaw mismo ang
sumira ng pagsasamahan natin." sabi nito at inalalayan na ako paalis. Habang
naglalakad kami papuntang parking lot.

"B-Brett *sob* alam ko dahil sa akin kaya nasira ang pagkakaibigan niyo." naiiyak
na sabi ko

"Wala kang kasalanan, at alam ko hindi mo rin kasalanan iyon, dahil alam ko
nagsisinungaling si Brenda." sabi nito kaya napatingin ako sa kanya

"N-Nagsinungaling siya,? pero b-bakit?" takang tanong ko.

"Hindi ko alam, pag nagsisinungaling kasi ito, hindi siya makatingin ng diretso.
Kaya hindi ko alam kung bakit hindi alam ni Lance iyon, kapatid niya ito kaya siya
dapat ang may alam." sabi ni Brett

-Brenda POV-

Ng magising ako, nakita ko si Mommy kasama si Kristine sa kwarto ko. Mukhang may
pinag uusapan sila, at ng makita nila akong gising agad nila akong nilapitan,
hinawakan ko kaagad si Mommy sa braso ng lumapit si Kristine, bigla akong natakot
lalo ng maalala ko na tinulak niya ako sa hagdan

"Bakit baby? may masakit ba sayo?" tanong ni Mommy

"M-Mom, si Kristine ang tumulak sa akin, mamatay tao siya Mom." naiiyak na sumbong
ko, taas kilay naman akong tinignan ni Kristine at ngumisi.

"Brenda, baby. Hindi daw niya sinasadya."sabi nito

"Pero Mom, pinatay niya si Jenny ang bestfriend ko Mom pinatay niya."naiiyak na
sabi ko.

"That's enough!!!! nagsumbong sa akin si Kristine na ayaw mo na ituloy ang plano


natin." inis na sabi niya
"P-pero Mom, kaibigan ko si Lyka. Ayaw ko siyang saktan!!" sabi ko pero sinampal
niya ako, yumuko na lang ako, dahils sa ginawa niya, simula mamatay si Daddy,
sinasaktan na ako ni Mom.

"Huwag ka mag salita ng ganyan Brenda, pinakain kita at binigay ang lahat ng gusto
mo kaya susundin mo ako.!!" sabi nito

"Pag dumating sila Lance at tanungin kita. Sasabihin mo na ang babae na iyon ang
may kasalanan." sabi ni Mommy, kaya napatingin ako sa kanya.

"N-No *umiiling* Ayaw ko Mom, hindi kasalanan ni Lyka lahat Mom." naiiyak na sabi
ko

"Susundin mo ang gusto ni tita o papatayin ko siya. Di ba sabi mo mamatay tao ako.
Who knows, siya pala ang sunod." sabi ni Kristine, kaya napatingin ako sak kanya,
ngumiti lang ito sa akin

"Sundin mo na lang Brenda, baka ako mismo ang papatay sa kanila sa hirap."sabi nito
at umalis sa kwarto

"Tsk tsk. subukan mo lang isumbong ako, wala naman maniniwala sayo ehh. Sumunod ka
na lang kasi, baka hindi lang tulak sa hagdan ang gagawin ko sayo." sabi nito.

"Baliw ka!!!!!!! dapat ka makulong sa mental hospital Kristine." galit na sabi ko.

Pero tumawa lang ito.

Ilang oras ang nakalipas, pag katapos akong obserbahan ng Doctor ay dumating ang
grupo pero nung dumating si Lyka, ng tinignan ko siya ay yumuko kaagad ako,

I'm sorry Lyka. Wala akong magawa, gusto kitang protektahan.

"Hintayin natin si Andrew. Para malaman niyong lahat kung sino talaga ang may
kasalanan."rinig kong sabi ni Mom, hanggang sa may pumasok, nakayuko pa rin ako.

"Good, mabuti naman andito na lahat."sabi niya, nanatili pa rin akong nakayuko ng
"Now, Brenda. Tell us the truth. Sino ang tumulak sayo?" tanong nito

Hinawakan ko ng mahigpit ang kumot, gusto kong sabihin na si Kristine ang may
kasalanan, na siya rin ang pumatay kay Jenny. Pero sa tuwing naalala ko ang sinabi
niya, nauna ang takot ko para sa kaligtasan ni Lyka, kaibigan ko si Lyka ayaw ko
pati siya mawala sa akin.

"Si *sob* S-Si Lyka po, M---Mom." iyak na sabi ko, hanggang nag kagulo sila.

Gusto kong bawiin ang lahat ng makita kong sinasaktan ni Mommy si Lyka, pero
hinawakan ako ni Kristine sa balikat, kaya alam ko hindi ko na mabawi ang sasabihin
ko,

I'm sorry Lyka.


Sana mapatawad mo ako.

***********************************************************************************
********************************************

A/N:

Sorry sa error/grammar guys.

Love lots<3<3

-miemie_03

Chapter 56

Chapter 56

-Third Person POV-

-Tokyo Japan-

(A/N: isipin niyo na lang na nagjapanese sila)

"Lord Kaito, a phone call for you." sabi ni John kay Kaito habang binigay ang
telepono, kinuha anman ito ni

"Moshi Moshi (hello)"

"Jii-sama its me."

"Andrew, is everything alright?" tanong ni Kaito sa Apo.

"Actually, Jii-sama. Hindi po, Montellier just cross the line, they hurt Lyka."
sabi ni Andrew, kaya napatayo si Kaito sa sinabi ni Andrew.

"WHAT!!!! They dare to do that?!" galit na tanong ni Kaito.

"I'm afraid so, Jii-sama. I have a plan, pero dapat madala na natin si Lyka sa
Japan. Mas ligtas siya diyan." sabi ni Andrew

"How? Gustong umuwi ni Lyka dito pag naalala na niya ang lahat. You know that
Andrew."

"But, she's not safe here anymore." sabi nito.

"pupunta na ako diyan, wait for me." sabi ni Kaito bago binaba ang tawag

"John, prepare the private plane, we're going to the Philippines."

"Yes, Lord Kaito."

-Lyka POV-

Andito ako ngayon sa mansion, kahit bagong taon na. At pasukan na sa lunes ay hindi
pa rin ako makalabas ng bahay.

*sign* hindi ko alam pero nalulungkot ako, dahil sa ginawa ni Brenda hanggang
ngayon. Pumupunta lang sa bahay si Brett, Ate Nuriko, Tyron at si Jake.

Sabi nila galit daw sa akin si Stephanie dahil sa ginawa ko kay Brenda. Kaya huwag
daw muna ako makipagkita sa kanila. Pero mukhang impossible iyon dahil magkaklase
kami.

Habang mag isa lang ako sa garden habang nagbabasa, dumating si Nii-sama.

"Lyka." tawag nbiya, kaya tinignan ko siya, napatayo ako ng makita ko si Jii-sama.

"J-Jii-sama." ako. Ewan ko ba kung bakit pero miss na miss ko na siya

"Come here, Princess." sabi nito, kaya napatakbo ako papunta sa kanya, at agad
siyang niyakap.

"How's my princess? did they hurt you? just tell Jii-sama the truth." sabi nito sa
akin habang yakap ako, kaya hindi ko mapigilan ang hindi maiyak, at napayakap sa
kanya ng mahigpit.

"Miss na po kita, Jii-sama."

"I miss you too. Hime." sabi nito.

Kaya bumitaw na kami sa pagkakayakap.

"May gusto sana kaming sabihin sayo." sabi ni Nii-sama, ng makaupo na kami.

"Tungkol saan?" takang tanong ko

"Gusto sana namin , na sa Japan ka na tumira." sabi nito

Pero umiling ako.

"Di ba sinabi ko sa inyo na gusto kong bumalik sa Japan pag buo na ako, pag
nakaalala na ako. Please sana maintindihan niyo." pakiusap ko, at tsaka ayaw kong
iwan sila Mama Karen dito at tsaka si Kuya Nike.
"Okey, pero hindi ka na papasok. Ipapapunta na lang natin ang mga teacher mo dito
para turuan ka." pero umiling ako sa sinabi ni Nii-sama.

"Ayoko, tatlong buwan na lang gagraduate na ako."

"Pero, ayoko makita kang nahihirapan. Alam mo naman ang mga tao sa Academy." sabi
nito

"Andyan ka naman Nii-sama ehh, alam ko hindi mo ako pababayaan. At tsaka, ako na
ang iiwas sa kanila. Ayoko ng gulo." sabi ko at napayuko. Sigurado ako, kalat na sa
campus ang balitang tinulak ko raw si Brenda.

"Hime, if they hurt you. Tell Jii-sama okey? I'll kick them out."

Napangiti ako sa sinabi ni Jii-sama

"Opo."

"Then I'll be in my room. Andrew I want to talk with you."

"Hai, Jii-sama."

Kaya umalis na ang dalawa at umakyat.

Sa monday, kasama kong pumasok si Brett, sabi kasi ni Nii-sama na huwag daw akong
iwan mag isa, baka mapano daw ako.

"Ang kapal naman ng mukha niyang itulak si Brenda."

"Sabi ko na nga ba, She's a bitch"

"A witch! kinulam niya si Papa Brett."

"Sana paalisin na siya dito sa Academy."

ilan yan sa mga bulong nila, na rinig ko naman. Kaya napayulo naman ako.

Hinawakan naman ni Brett ang balita ko, kaya napatingin ako sa kanya, at ngumiti.

"Gusto mo samahan na kita sa room mo?" tanong nito, pero umiling lang ako.

"huwag na, ayokong umabsent ka sa klase mo ng dahil sa akin, malapit na matapos ang
school year, kaya dapat pagbutihin ang pag aaral." sabi ko dito.

"Okey, pero kung may nangyari masama sayo. Don't hesitate to call me, okey?" sabi
niya. Kaya tumango ako.

"okey"

ng makarating kami sa room, ay iniwan na niya ako, sabay na raw kaming kakain ng
lunch kaya susunduin niya ako mamaya.

Habang naglalakad ako, lahat sila nakatingin sa akin, halos lahat ng girls galit na
nakatingin sa akin.

Ng makarating ako sa table ko, at umupo, biglang nasira ang upuan kaya napaupo ako
sa sahig. At tumawa lahat ang nasa room, except sa kaibigan ni Jason, si Jason at
si Brenda. Si Steph? tumatawa siya kaya mas nasaktan ako sa inakto niya.
"Okey ka lang?" tanong ni Jason sa akin at tutulungan sana ako ng,

"Huwag mo ngang tulungan ang traydor na yan, Jason." tinignan ko kung sino ang may
sabi nito, at napayuko ng malaman si Steph pala ito.

"Ano bang problema mo?" inis na sabi ni Jason na nakaluhod habang tutulungan sana
ako ulit.

"Sabing huwag mong tulungan, ehhhh!!" inis na sabi ni Steph. "Ayoko sa lahat ang
traydor, tinuring namin siyang kaibigan ni Brenda pero ano ginawa niya? muntik na
niyang patayin si Brenda. Kaya mamamatay tao yan siya." patuloy na sabi niya, at
masamang tumingin sa akin.

"Steph, tama na." sabi ni Brenda na nasa tabi niya, ng nagkatinginan kami, yumuko
lang ito.

"No, Brenda. Bagay lang sa kanya yan."

"Ano ba Steph, sumusobra ka na? walang kasalanan si Jane!" sigaw ni Jason, tahimik
lang ang room pati sa kabilang sextion nakikinood na rin.

"Sa tingin mo natatakot ako sayo.? subukan mo siyang tulungan, kung hindi. Hindi na
kita sasagutin. "sabi ni Steph.

Hinawakan ko si Jason, kaya napatingin ito sa akin, ngumiti ako at umiling.

Alam kong mahal na ni Jason si Steph kahit saglit lang sila nagkakilala. At ayoko
madamay pa siya sa problema ko.

"Huwag na, kaya ko na ang sarili ko." sabi ko sa kanya.

"Anong kaya, may sugat ka Jane at dumudugo pa, ganyan ka na ba kamanhid?"sabi nito,
kaya napatingin ako sa right leg ko, may sugat nga ako, mukhang tumama ito sa pako
(nail) na galing sa upuan.

Kaya hindi ito nagdalawang isip na buhatin ako, ng bridal-style

"Jason" gulat na sabi ko.

"JASON!!!" inis na sabi ni Steph "Mas pinili mo siya kesa sa akin? akala ko ba
mahal mo ako!!"

"Mahal nga kita, Steph. Pero mas kilala ko si Jane kesa sa inyo, sa inyong lahat.
Nakasama ko siya at naging magkaklase since 1st year. Kaya alam kong hindi totoo na
tinulak niya si Brenda. At tinuring ka niya, kayo. na matalik na kaibigan dapat
alam niyo rin iyon." sabi nito at naglakad paalis si Jason sa room, habang iniwang
tulala si Steph sa room.

Pagkarating namin sa clinic.

"Jason, sorry ha? dahil sa akin kaya hindi natuloy ang panliligaw mo kay Steph."
sabi ko.
Pero tinignan niya ako ng seryoso.

"B-Bakit?" takang tanong ko.

"Okey lang umiyak, Lyka. Alam ko kanina mo pa pinipigilan yan. Mas mabuting ilabas
mo ito kesa kinikimkim mo iyan." ng dahil sa sinabi niya hindi ko maiwan hindi
umiyak, kaya niyakap niya ako, ganoon din ako sa kanya.

"Ang sakit Jason, ang sakit isipin na. Ganoon ang tingin nila sa akin. Akala ko
*sniff* a-akala ko, kaibigan na talaga ang turing nila sa akin. Si Brenda hindi
*sob* k-ko alam kung anong ginawa kong mali sa kanya, p-para sabihin niya iyon."
naiiyak na sabi ko.

"Hayaan mo sila, patunayan mo na hindi ka ganoong tao, Jane. At andito lang kami
para sayo. Alam ko naman pati ang tropa alam na hindi mo iyon magagawa. Mabait kang
tao, Jane at isa lang itong pagsubok ng panginoon sa iyo kaya kayanin mo." sabi
nito sa akin, kaya napangiti ako sa sinabi.

Ng malaman ni Nii-sama ang nangyari ay pumunta kaagad ito sa clinic, kasama si


Jake.

"How are you? sino ang may gawa nito sa ayo?" galit na sabi ni Nii-sama ng makita
niya ang nakabandage sa right leg ko.

"W-Wala lang it--"

"Huwag mong sabihin na wala lang ito, dahil alam kong ginawa nila ito sayo. Bakit
mo ba sila pinoprotektahan Lyka, sinaktan ka na nila. That's it. Sasabihin ko na
kay Jii-sama na uuwi na tayo ng Japan." sabi nito

"Per---"

"No buts, Lyka. That's final. I dont want to see you getting hurt Lyka. Look at
you, baka hindi lang yan ang mangyayari sayo pagnanatili ka pa dito, worse baka
mawala ka na naman sa amin. Ayoko na mangyari ulit yun." naiiyak na sabi nito
habang hawak ang mga kamay ko.

"Sorry po, Nii-sama." sabi ko, ayoko kong nakikita na nasasaktan si Nii-sama.

"Jake, ihatid mo muna siya. Ako ng bahala dito." sabi nito kay Jake, at tinignan
ako. "Take Care," sabi nito at hinalikan ako sa noo, bago umalis.

"Lyka, makinig ka na lang sa Kuya mo, mahal ka lang niya at ayaw niya na mawalay ka
pa sa kanya ulit." sabi ni Jake.

"Alam ko, JAke."

"Tara ihatid na kita. Tinawagan ko na si Lyod, na ako ang hahatid sa iyo." sabi
nito at inalalayan ako, ng makarating kami sa sasakyan.

"jake, pwede kay Mama Karen muna ako?" tanong ko sa kanya

"Okey sige, pero sasamahan kita." napatango na lang ako at ngumiti.

Pero laking gulat namin na makitang nagkakagulo sa lugar namin, kaya bumaba kaagad
ako.

"Lyka, teka! " pigil niya pero naka baba na ako, kaya bumaba na rin ito at
inalalayan ako.
"A-Anong nanyayari dito?" nanghihina na tanong ko, may bumbero dito at ang mga tao
ay kanya kanyang kuha ng mga gamit nila, ang iba ay nakipagtulungan sa bumbero na
patayin ang apoy.

"S-Si M-Mama Karen, Jake." naiiyak na sabi ko ng makita ko kung kaninong bahay ang
nasusunog sa mga oras na ito.

"D-Dito ka lang, huwag kang aalis, Okey? hahanapin ko lang si Aling Karen." sabi
nito sa akin, at umalis na.

Bakit ba nangyayari ito sa akin? Ano ba ang ginawa kong mali

Naging mabait naman akong anak, mabait na tao. Pero bakit nangyayari ito sa akin?

Bakit kailangan idamay pa nila si Mama Karen. Kung galit sila sa akin, sana ako na
lang huwag na silang mandamay ng mga mahal ko sa buhay.

Hanggang sa naalala ko sila Kristine at ang nanay ni Lance, alam ko sila ang may
agwa nito sa akin, hindi ko alam kung bakit ang laki ng galit nila sa akin.

Hindi ako nagdalawang isip na kunin ang wallet ko sa loob ng sasakyan ni Jake at
nangiwan na rin ng note, bago pumara at sumakay ng taxi.

"Saan po tayo maam?" sabi sa akin ng Driver

"Sa Montellier Company po Manong, pakibilisan po." sabi ko.

-Third Person POV-

nasa office sila Kristine at Julia, ng biglang pumasok ang secretary nito

"HINDI KA BA MARUNONG KUMATOK?!!!" galit na sigaw ni Julia dito

"P-Pero p-po ma-am, p-pinipilit po n-niyang makapasok k-kahit anong pigil ko."takot
na sabi ng secretary ni Julia.

"At sino naman yan?" inis na sabi ni kristine

"Ako." sabi naman ni Lyka, na pumasok sa office ni Julia.

"May lakas na loob ka pa talagang pumunta dito, bitch." sabi ni Kristine

"Iwan mo na kami." umalis naman kaagad ang secretary

"Ano na naman ang kailangan mo? Pera? magkano at para ikaw na mismo ang lumayo sa
amin." sabi naman ni Julia.

"Hindi ko kailangan ng pera mo. Gusto ko lang tanungin kung bakit mo dinamay si
Mama Karen at sinunog mo pa ang bahay namin." inis na sabi ni Lyka

"Sinunog? hmm, oh yung lupa na iyo, binili na namin iyon at ipapatayo ng bagong
mall, magkakapera pa ako kesa magpatira ehh hindi naman ako kikita." walang ganang
sabi ni Julia

"Alam mo bang madaming pamilya ang nawalan ng bahay dahil sa pangsarili mong
interes. Hindi ka man lang naawa." galit na sabi nito

"Awa, sorry. Wala akong awa, lalo na sa mga commoner na tulad ninyo."

"Walang hiya ka." lulusubin na sana ni Lyka si Julia, ng hilahin ni Kristine ang
buhok niya

"A-Aray *sabay hawak sa buhok niya* " -Lyka

"Yaan nababagay sa katulad mo, may lakas na loob kang pumunta dito at sabihin
yan?!! kung ayaw mong tumawag kami ng security at ipakulong ka, ay umalis ka na
rito. you commoner bitch." sabi nito at marahas siyang binitawan., kaya napatumba
siya, ng pumasok si Lance at Jake sa office.

"Lyka!" tumakbong lumapit si Jake kay Lyka at tinulungang tumayo, "Ayos ka lang?"
nag aalalang atnong nito tango lang ang sinagot ni Lyka

"Ano ba ang nangyayari dito? Anong kailangan mo Lyka?" seryosong sabi ni Lance

"Kasi itong babae na ito, pinagbitangan kami na sinunog daw namin ang bahay nila.
Kaya sumugod dito, sinaktan rin niya si Tita Julia." sabi ni Kristine

"Hindi totoo yan." tanggi ni Lyka

"Ano pa ba ang kailangan mo? Ano ang ginawa namin para saktan mo ang pamilya namin,
una si Brenda ngayon si Mommy?" inis na sabi ni Lance, at lalapitan sana si Lyka ng
humarang si Jake.

"Get out of my way, Jake."

"walang kasalanan si Lyka, dito Lance."

"Wala kang alam"

"Ikaw ang walang alam, huwag mo hayaang kontrolin ka Lance. Aalis na kami" sabi
nito at hinila na paalis si Lyka ng

"Sandali lang." sabi ni Lyka at tinignan silang tatlo na nakatingin sa kanila.

"Subukan niyong saktan ang mga mahal ko sa buhay, ako na mismo ang makakalaban
niyo."seryosong sabi ni Lyka pero tinawanan lang ito ni Kristine

"Anong magagawa ng commoner na katulad mo sa katulad namin, langit kami lupa kayo
na pwede kong tapak tapakan." sabi ni Kristine.

"Tandaan niyo ang mukha kong ito, dahil ako mismo ang hihila sa inyo paibaba
papantayan ko kayo, mali pala, hihigitan ko kayo. Pagsisisihan niyo na kinalaban
niyo ako."

"Nagpapatawa ka ba? hihigitan mo kami? naririnig mo ba ang sinabi mo? baka mamatay
ka na lang sa pagtatrabaho, ehh. mahirap ka pa rin." sabi ni Julia

"Magpakasaya na kayo, basta tandaan niyo ito, saktan niyo pa ang mahal ko sa buhay.
Ako mismo ang makakalaban niyo." sabi ni Lyka at nauna ng umalis, ng makalabas na
sila ng building
"lyka" nag aalalang tawag ni Jake

"Pagod na ako maging mahina, Jake. Pagod na ako nakikitang nahihirapan sila Mama
Karen ng dahil sa akin. Dapat na akong lumaban,para sa mahal ko sa buhay. Ipapakita
ko sa kanila na mali ang kinalaban nila ako."

***********************************************************************************
*********************************

-miemie_03

Chapter 57

Chapter 57

-Lyka POV-

Andito ako ngayon sa office ni Nii-sama, sa mansion.

Dito na nga pala titira si Mama Karen, mabuti na lang walang nangyari masama sa
kanya, at ligtas siya. Kung hindi, hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Nakikinig ka ba?" nagising ako sa day dreaming ko, ng magsalita si Nii-sama.

"H-Haa?" takang tanong ko, at napakamot ng wala sa oras at yumuko ng tinignan ako
ng masama ni Nii-sama.

Waaaaah, katakot.

"Lyka, be serious. Hindi ako nakikipagbiruan sayo. Kung hindi pa sinabi sa akin ni
Jake na pumunta ka sa Montellier Company, baka napahamak ka na ngayon." sermon niya
sa akin.

"Tsk, bakit sinabi ni Jake." bulong ko sa sarili.

"May sinasabi ka ba?" tanong niya, kaya napatingin ako sa kanya at umiling

"W-Wala." sabi ko

"Dahil sa ginawa mo, uuwi na tayo sa Japan sa ayaw o sa gusto mo." sabi nito

"P-Pero, a-ayoko. Di ba sabi ko pag bumalik na ang alaala ko, saka na ako sasama
pauwi sa Japan, at ayoko iwan si Mama Karen." protesta ko.

"Pero dahil sa ginawa mo kanina sa Montellier Company, na pagdesisyon namin na uuwi


na tayo." sabi nito

"Pero ayoko!! kung dahil lang doon, hindi na ako babalik dun, magbibehave na ako.
At tsaka Nii-sama, ilang buwan na lang gagraduate na ako, gusto ko makapagtapos
kahit high school lang." sabi ko sa kanya

Tinignan niya ako at lumapit sa akin.

Hinawakan niya ang balikat ko, at biglang niyakap

"Ayaw ko mawala ka ulit sa amin... sa akin. Life without you is like a living hell.
Mom and Dad left me, not you too. Please Lyka, be safe. For me... for Aling Karen."
sabi nito at niyakap ako ng mahigpit.

"Okey, I promise." sabi ko.

sa school, lagi na ako sinasamahan ni Jake at Brett pag wala si Nii-sama, may
problema daw sa company kaya hindi na ito pumunta ng school.

Naaawa na ako sa kanya kasi kahit gusto ko tumulong, hindi ko naman alam kung
paano.

Haaaay.

"Okey ka lang.?" tanong sa akin ni Jake, siya kasi ang kasama ko ngayon.

"Ha?? O-Oo, okey lang ako." sabi ko at ngumiti

"Kilala kita, Lyka. Something's bothering you. What is it?" tanong nito at binaba
ang binabasa na book

(A/N: Insert po ako, Please meet Jake Tachibana with Lyka :) :) Bagay ba sila???
:D)

"Gusto ko sanang tulungan si Nii-sama, sa kumpanya. Kumpanya rin namin iyon diba?
kaya dapat tumulong ako. Pero hindi ko alam kung paano magpatakbo. Ayoko maging
pabigat kay Nii-sama." sabi ko sa kanya.

"Hahaha, ikaw talaga." tawang sabi niya at ginulo ang buhok ko.

"Di ba ikaw din namamahal ng kumpanya niyo sa Japan?"tanong ko, habang inaayos ang
buhok ko na ginulo niya.

"Oo, ayaw ni Ate mag asikaso kaya ako ang tinatawagan nito." sabi nito. "Ba't mo
natanong?"

"Magpaturo sana ako. Please." pakiusap ko, habang nakadikit ang dalawang palad ko.

"Tignan mo nga naman, siguro himihingi ka ng pera, o hindi kaya nakiusap ka na


pakasalan ka ni Jake para magkapera at mahigitan kami." may biglang nagsalita kaya
napatingin kami kung sino iyon, at nakita namin si Kristine kasama yung babae na
lagi akong inaapi hindi ko pa kasi kilala kung sino siya (A/N: Si Jessica po ang
tinutukoy niya)

"Kristine, ano ba!" sabi ni Jake at tinago ako sa likod niya, hindi ko man lang
napansin na nasa harapan ko na ito, kaya tumayo na ako at hinawakan ang balikat
niya.

"Ano ba ginawa sayo ng gold digger na yan, Jake? Kaya mong masira ang pagkakaibigan
niyo ni Lance dahil sa kanya. Are you that stupid?" sabi nito, at tinignan ako ng
masama, kaya tinignan ko lang din siya.

Hindi na dapat ako, matakot. Dapat matuto na akong lumaban para ito sa pamilya ko.

"Walang kinalaman dito si Lyka, kung bakit nasira ang pagkakaibigan namin ni Lance.
Hindi ko na rin kasalanan kung bakit napakitid ng utak niya para paniwalaan ang
kasinungalingan mo, Kristine." sabi nito, na kinabigla ni Kristine.

"A-Anong ibig mong sabihin? Ako nagsisinungaling? *turo sa sarili* Matagal mo na


ako kilala Jake, kesa sa babae na yan. Tapos ako pa ang tinawag mong sinungaling."
-Kristine.

"Kilala nga kita, kaya kita tinawagan na sinungaling. And to tell you honestly
Kristine, between you two. Mas kilala ko si Lyka kesa sa iyo, ang Lyka is way
better than you. Excuse me. Istorbo ko sa date namin."sabi ni Jake, at hinila ako
paalis sa kanilang dalawa, pero bago tuluyang makaalis.

"Mas mayaman kami sayo Jake, always rememder that. Kaya kong sabihin kay Daddy na
ipullout ang share namin sa kumpanya niyo." sabi nito na nagpatigil sa amin
tinignan namin siya.

Ngayon ay nakangisi na ito at nakacross arm pa.

"Pero hindi ko naman gagawin iyon, pag iwan mo iyang babae na iyan. Alam mo, wala
ka naman mapapala sa kanya, once a commoner always be a commoner." sabi nito.

"Alam mo, isaksak mo na sa lalamunan mo ang pera mo." inis na sabi ko, ewan ko ba
kung bakit pero naiinis na ako sa ugali niya.

"Lyka stop." pigil ni Jake.

"Hindi Jake, sumusobra na ang babae na iyan. So ang ibig niyang sabihin na hindi na
yayaman ang mahirap, ganoon ba? Hoy *sabay turo sa kanya* mayaman nga kayo, pero
mahirap naman kayo sa pagmamahal at malasakit, at yang ugali mo na iyan ang mismo
magpapabagsak sayo tandaan mo iyan!!" inis na sabi ko, kaya tinago na ako sa likod
ni Jake

"Wala silang pag asa. Kung hindi magtrabaho para sa amin, " sabi nito, at sabay
tingin kay Jake "I can save your company Jake, just leave that girl."

"Hindi ko kailangan ang yaman niyo Kristine" nawala ang ngisi nito "Oo nga mas
mayaman kayo kesa sa amin, pero nakakalimutan mo kakampi namin ang Smith at
Hanazono. At kaya naman kayo yumaman dahil sa nakaw. Kaya gawin mo kung ano man
gusto mong gawin, wala akong pakialam. Baka mapahiya ka pa, pag ginawa mo iyon."
sabi ni Jake, bago kami tuluyang umalis.

"Waaaaaah, ang sama ko na Jake." sabi ko, ng makasakay na kami sa sasakyan niya.
Tumawa naman ito.

"Okey lang iyon, di ba sinabi mo na gusto mo ng lumaban? at tsaka tama naman ang
sinabi mo sa kanya. At tsaka bata pa tayo matapang ka naman" sabi nito at pinaandar
niya ang sasakyan niya
"Saan nga pala tayo pupunta?" takang tanong ko

"Di ba sabi mo gusto mo turuan kita kung paano magpatakbo ng kumpanya" kaya
napatingin ako sa kanya, muntik ko ng makalimutan dahil sa babae na iyon.

"Oo nga pala, so pupunta tayo sa kumpanya niyo?" naeexcite na tanong ko.

"No, nasa Japan ang kumpanya ng Tachibana. " sabi nito sa akin.

"So saan tayo pupunta?"

"One of our hotel here, Si Ate ang namamahala." sabi nito habang nagdadrive

"Hindi ba magagalit si Ate Nuriko kung bigla na lang tayo pupunta sa office niya?"
nahihiyang tanong ko.

"Bakit hindi ka nahiya ng pumunta ka sa Montellier Company?" tanong nito, kaya na


pairap ko

"Iba naman ang kaso nila noh. At tsaka syempre nahihiya ako kay Ate Nuriko, mabait
siya." sabi ko,

"Anong mabait? monster iyon. Tsk, lagi akong sinisigawan dahil late ako ng 1 minute
sa pinabili niya. May sasakyan naman, dapat ako ang bumili kasi tinamad daw siya
mag drive." kwento nito, kaya napatawa na lang ako

"Ang cute niyo mag kapatid." sabi ko

"Anong cute doon.??" sabi niya kaya napatingin ako sa kanya na nagpatigil sa kanya

"What?" takang tanong nito

"Sabi nila, napakamisteryoso mo raw, pero parang hindi. Hindi halata ehh, kasi pala
salita ka pala"sabi ko sa kanya

"Ouch, so hindi ako cool. Ganon?" sabi nito, hawak pa ng kaliwang kamay niya ang
dibdib sa may bandang puso, habang ang kanan ay nasa manibela.

"wala akong sinabing ganyan, at saan mo naman nakuha iyan?" natatawang sabi ko.

"Kay Alex at Allen, sabi nila pag mistoryoso daw ang isang tao, cool daw tignan."
natatawang sabi nito sa akin.

Napayuko naman ako bigla,

"Hey, are you alright?" nag aalalang tanong nito

"Sorry haa." biglang sabi ko

"For what?!" takang tanong nito

"Dahil sa akin, kaya nabuwag ang S6, dahil sa akin.. kaya hindi na kayo nagsasama.
Sorry Jake,I'm sorry." naiiyak na sabi ko.
"Ano ka ba. Ilang beses ko bang sasabihin sayo na wala kang kasalanan. Halika na,
andito na tayo." sabi nito at naunang umalis para pagbuksan ako ng pinto, pagpasok
namin sa hotel ay binati kami ng mga staff sa loob.

"Lin." tawag nito, kaya lumapit sa amin ang isang magandang babae.

"Yes Young Master?" tanong nito

"Andito ba si Ate?" Tanong nito.

"Yes Young Master, nasa office po siya ngayon." sabi nito sa amin.

"Okey thank you." sabi nito at tinignan ako.

"Tara." yaya niya at hinawakan ang kamay ko, at hinila papunta sa elevator.

Ng makarating kami sa tuktok ng hotel, ay bumukas ang elevator at lumabas kami.

Ng makarating kami sa dulo.

"Young Master." gulat na sabi ng lalaki, na nasa labas may ginagawa ito sa desk
niya.

"Kyle, nasa loob si Ate." tanong nito

"Yes Young Master, kakatapos lang din ang meeting niya." sabi nito sa amin.

"Thank you." sabi niya, at kumatok muna ito sa pinto.

"Pasok." rinig namin na sabi ni Ate Nuriko mula sa loob.

Pagkapasok namin.

"Anong problema Kyle--- *ng makita niya si Jake* =_= anong ginagawa mo dito?"
walang ganang sabi nito at binalik ang atensyon sa mga papeles na hawak niya,
mukhang hindi pa niya ako napansin dahil nakatago ako sa likod ni Jake, nahihiya
kasi ako.

"Bawal na ba bisitahin ang Ate kong Halimaw.?" tanong ni Jake.

Nako Jake, bakit mo sinabi iyon, makakita talaga tayo ng monster ngayon, ehhh.

"Anong sabi mo?" Sinong halimaw? seryosong tanong ni Ate Nuriko.

Nako naman, Jake. Iiwan talaga kita bahala ka.

"Ate naman, J-Joke lang iyon, ang seryoso mo k-kasi." sinilip ko kung bakit
nanginginig si Jake.

O___O

waaaaah, handang itapon ni Ate Nuriko ang hawak nitong laptop, sa amin.

Aalis na sana ako, ng hilahin ako ni Jake, at ginawang harang

"Waaaaaah, Ate Nuriko. Huwag mo itapon iyan. Sayang!!!" pikit na sigaw ko. Paano ba
naman, itatapon na sana niya.
"Lyka?" takang tanong niya.

Kaya naman dinilat ko muna ang isa kong mata, at napahawak ako sa dibdib ko ng
makita na binaba na niya ang laptop niya.

Akala ko, itatapon niya na sa akin.

"Buti naman. Akala ko matatamaan na niya ako." rinig kong bulong ni Jake. Kaya
napatingin ako sa kanya ng masama.

"B-Bakit?" takang tanong nito sa akin

"At may gana ka pang tanungin ako? walang hiya ka. Anong ikaw ang matatamaan?! "
inis na sabi ko, at pinalo siya sa dibdib.

"Hey, sorry. Hindi ko sinasadya," sabi niya habang hinaharang niya ang kamay ko, sa
pagkakapalo sa kanya

"JAKE!!!!!!!!!!!!" napatigil ako ng biglang sumigaw si Ate Nuriko, ng tinignan ko


ito.

O__O

napatago ako sa likod ni Jake, ng maramdaman ko ang dark aura ni Ate Nuriko.

"A-Ate.. Kalma lang, hindi ko naman sinasadya."

"Paano na lang kung natapon ko iyon, si Lyka Dear ang matatamaan ko!!" inis na sabi
nito, at pinalo si Jake sa ulo, gamit ang dyaryo.

"Aray namn Ate, amazona ka talaga kaya wala ka pang boyfriend." sabi ni Jake habang
hawak ang ulo nito.

"Tsk, hindi ko sila kailangan."Rinig kong sabi ni Ate Nuriko at lumapit sa akin.

"Lyka Dear."sabi nito at niyakap ako ng mahigpit. "i missed you so much. Kamusta ka
na?" tanong nito sa akin pagkatapos akong niyakap.

"Miss na rin kita Ate." sabi ko.

"Halika ka umupo tayo." sabi nito at inaya akong umupo sa couch sa office niya.

"Kumusta ka na? Lagi kong sinasabi ni Jake na dalhin ka niya rito, dahil hindi ako
makakapunta sa inyo, busy ako dito sa hotel. Buti na lang dinala ka dito ni Jake"
sabi nito kaya napatingin kami sa kanya, ngumiti ito sa amin

"Sa labas lang ako, sasabihin ko sa kuya mo na dinala kita dito, baka mag aalala
iyon." sabi nito, tumango naman ako, kaya umalis na ito.

"Okey lang po, Ate." sabi ko sa kanya ng nakaalis na si Jake.

"Nabalitaan ko kay Jake, ang nangyari sayo, at kung paano baliktarin ni Brenda ang
kwento." sabi ni Ate Nuriko. Kaya napangiti ako ng pilit
"Hindi ko alam, kung anong ginawa ko kay Brenda para gawin niya iyon sa akin." sabi
ko, naiiyak na naman ako, pag naalala ko ang eksena na iyon

"Buti wala ako doon, kung hindi. Baka tinuluyan ko na ang Brenda na iyon lalo na
ang Kristine na iyon. Ito din si Lance, stupid. Tsk." inis na sabi ni Ate Nuriko

"Hayaan na natin sila Ate, ahmmm. Kaya nga pala ako nandito dahil gusto ko sanang
magpaturo." sabi ko sa kanya

"Magpaturo saan? Anything, basta kaya ko."

"Mapaturo sana ako kung papaano magpatakbo ng isang kumpanya."

"Bakit? Hindi ka ba tinuruan ni Andrew?" takang tanong nito

"Ayaw niya ako mapagod, pero gusto ko siyang tulungan Ate, naaawa na rin ako sa
kanya, halos kulang sa tulog si Nii-sama." malungkot na sabi ko.

"You never change, kahit wala kang naalala. Ikaw pa rin yung kilala kong Lyka noon.
Mahal mo ang kakambal mo. Sana bumalik na ang alaala mo." nakangiting sabi niya,
kaya napangiti ako

"Sana nga po."

"Sige, turuan kita kung papaano. Kung hindi ka busy pumunta ka dito sa hotel
anytime. Sasabihin ko rin sa staff na papasukin ka lang pagdating mo, may 2 meeting
s ako, at dapat andun ka. Okey?" sabi nito sa akin

"Talaga po?!" masayang tanong ko, tumango naman ito. "Salamat po Ate Nuriko." sabi
ko, at napayakap sa kanya.

Tumawa lang ito,at niyakap ako pabalik

"Anything for you dear." sabi nito.

Habang hinihintay namin makabalik si Jake, nagkwekwentuhan kami ni Ate Nuriko, na


kwento ko rin sa kanya ang pag gawa kong paglusob sa company nila Lance.

"Waaaaaah. Buti nga sa kanila, dapat talaga kitang turuan ng bonggang bongga, para
pag makita kayo ulit sa isang board meeting na, at ikaw ang superior sa lahat. I'm
so excited to see their epic face, pag nalaman nila na ang kinalaban nila ay ang
Heir ng Hanazono." sabi ni Ate Nuriko, kaya napatawa na lang ako sa reaksyon niya.

"Imemake over kita, dapat mas maganda ka sa bitch na iyon. well, maganda ka naman
kahit walang make up, kesa sa kanya." sabi nito.

Nagkwekwentuhan lang kami, hanggang dumating si Jake, kasama niya ngayon si Nii-
sama, sinusundo niya pala ako, kaya nagpaalam na ako kay Ate Nuriko at kay Jake.

"You look happy." tanong ni Nii-sama.

nasa back seat kami habang si Lyod naman ang nasa driver seat.

"Masaya lang ako, kasi kahit madaming pagsubok na dumarating sa akin, alam ko hindi
ako nag iisa, andyan kayo ehh, lalo ka na Nii-sama. Salamat ha?" ako

"Anything for you. And I already told you didn't I? I will protect you." sabi nito
sa akin

Kaya napangiti ako sa sinabi niya,.

Don't worry Nii-sama, magiging malakas rin ako. Pero bago iyon dapat ko muna matuto
ang dapat matutunan para malamang sila.

-Kristine POV-

"Just do what I say, kill that bitch name Lyka Jane Cruz, and I will pay you, just
name your price. Gusto ko mawala sa landas ko ang babae na iyon." inis na sabi ko
sa kausap ko.

I hate you Lyka Jane.

Kahit nakuha ko na ang loob ni Lance, ikaw pa rin ang mahal niya.

At para mahalin niya ako, dapat ka muna mawala sa buhay niua.

***********************************************************************************
*********************************

Love lots <3 <3

-miemie_03

Chapter 58 - Her Memories

Chapter 58 - Her Memories


-Lyka POV-

Ilang araw na ang nakalipas since tinuturuan ako ni Ate Nuriko, at ilang araw na
rin akong nililihim ito kay Nii-sama, kasi naman si Ate Nuriko sabi niya ilihim ko
raw ito sa kanya kasi alam niya na hindi ito papayag. Sinubukan kong tanungin kung
okey sa kanya, ayaw niya talaga

Ang rason?

Ayaw niya ako mapagod, lame di ba??

Gusto kong tumulong sa kanya kaya nilihim ko ito sa kanya sana naman hindi siya
magalit once na malaman niya.

February na rin naman, konting panahon na lang gagraduate na ako, and sad to say
bumaba ang grado ko dahil nakapokus din ako sa training ni Ate Nuriko, at nagalit
si Nii-sama.

Akala niya rin dahil hindi pa rin naapula ang pagtulak ko kay Brenda, dahil sa mga
estudyante sa Academy.

Si Steph? hindi ko na siya pinapansin, hindi dahil iniiwasan ko siya dahil madami
akong ginagawa bilang secretary ni Ate Nuriko, pinagbakasyon niya muna ang
secretary niya, para na rin pala part yun ng training.

"Lyka, ano ang next meeting ko for this day?" tanong ni Ate Nuriko, habang busy sa
ginagawa niya.

"Ahmm *tingin sa schedule* may meeting po kayo by 10am kay Mr. Tan. By 12nn may
lunch meeting po kayo kay Mr. Yoon,and by 3pm may meeting po kayo kasama ang board
of directors, yun lang po ang meeting niyo this day. Miss Nuriko" magalang na sabi
ko, isa rin turo niya sa akin ay Be Professional. Kahit mag kakilala kami kung oras
ng trabaho ay oras ng trabaho.

"Okey" sabi nito na hindi man lang ako tinignan, nagbow muna ako bago umalis sa
office niya.

Pagkaupo ko, napabuntong hininga ako,

saturday ngayon, at walang pasok. Kaya buong araw ako sa office ni Ate Nuriko.

11am, halos isang oras rin ang meeting ni Mr. Tan at ni Ate Nuriko, about ito sa
pagiging partnership nila para makatayo ng hotel sa China. At madami rin ako
natutunan doon ^__^

By 11:30am naghahanda na kami sa meeting niya with Mr. Yoon.

"Halika na, Lyka?" ngiting tanong niya kaya napangiti ako, at tumango.

Pagkapasok namin, ng makita namin ang table kung nasaan si Mr. Yoon.

Nagulat kami ng kasama niya si Nii-sama.


Waaaaaaaaah. bigla akong kinabahan kasi makikita niya.

"A-Ate N-Nuriko. Si Nii-sama kasama niya." kinakabahan kong sabi at nagtago sa


likod niya.

"Hu-Huwag ka nga kabahan. K-Kainis naman yang Kuya mo bakit yan andito?." utal na
sabi ni Ate Nuriko

Hindi pa rin kami lumalapit kasi baka mahuli ako ni Nii-sama.

"Yo, anong ginagawa niyo rito?" nagulat kami ng may tumapik sa amin. Ng tinignan
namin kung sino.

Si Jake lang pala.

Nilayo kami ni Ate Nuriko sa restaurant.

Tinignan ko ang oras.

"Ahmm, Ate Nuriko 12nn na po. Malelate na po tayo sa meeting niyo with Mr. Yoon."
sabi ko, pero deep inside kinakabahan talaga ako.

"What?!! ganon kabilis?" gulat na tanong ni Ate Nuriko.

"Kung ganon naman pala, bakit kayo andito? Kilala kita Ate, ayaw mong nalelate sa
isang meeting." takang sabi ni Jake, habang nakatingin sa amin dalawa.

"Yun na nga, kasi naman. Kasama ni Mr. Yoon si Andrew." paliwanag ni Ate Nuriko.

"Tapos?" Jake, binatukan naman siya ni Ate Nuriko

"Aray naman Ate, bakit ka nambabatok? inano kita?" inis na tanong ni Jake habang
hawak ang ulo nito.

"Nakakainis ka kasi, alam mo naman na magagalit si Andrew sa akin. Pag nalaman niya
na pinagtrabaho ko si Lyka bilang temporary secretary ko." inis naman na sabi ni
Ate Nuriko.

"Ahhhh.*kamot sa ulo* oo nga pala."

"Tsk"

"Ahmm, Ate Nuriko 5 minutes late na po kayo." sabi ko, paano ba naman kasi hindi
ako makasingit sa dalawa na ito.

"Argg. tumulong ka nga." sabi ni Ate kay Jake.

"Ano naman ang maitutulong ko.?"

"Hmmmm." tinignan ako ni Ate Nuriko tapos kay Jake, tapos sakin ulit then kay Jake
at ngumiti

Medyo kinakabahan ako sa tingin niya sa amin dalawa, lalo na ng ngumiti siya
"Alam ko na." sabi niya.

"Kung ano man ang iniisip ni Ate Nuriko, sundin na lang natin. kung hindi patay
tayo." bulong ni Jake sa akin, medyo kinabahan naman ako dahil nasaksihan ko na
kung paano magalit si Ate Nuriko kaya tumango kaagad ako.

-Third Person POV-

"Sorry I'm late." sabi ni Nuriko pagkarating niya sa table nila Mr. Yoon kasama si
Andrew.

"No its okey, Ms. Tachibana." sabi naman ni Mr. Yoon.

Ng umupo si Nuriko

"Nakita na kita kanina, saan ka nagpunta?" bulong sa kanya ni Andrew

"H-Haa?? ano, may nakalimutan lang ako kaya umalis ako bigla." bulong ni Nuriko sa
kanya.

Pero tinignan lang siya ni Andrew, kaya mas kinakabahan si Nuriko at umiwas ng
tingin.

"Kumain muna tayo bago magumpisa ang meeting Mr. Yoon" ngiting sabi ni Nuriko

"Of course." sabi naman nito, at tumawag ng waiter. Ilang minuto ang nakalipas.

"Lyka?" takang sabi ni Andrew sa bagong dating

"N-Nii-sama?" gulat na sabi ni Lyka, pero deep inside kinakabahan siya.

"Anong ginagawa niyo rito?" takang tanong ni Andrew

"Ahmm, k-kasi a-ano.." Lyka sabay tingin kay Jake.

Tinignan naman ni Jake ni si Nuriko na masama siyang tinignan.

"*sign* Niyaya ko siyang maglunch, ahmm.. Lunch Date." sabi ni Jake, pero tinignan
siya ni Andrew, at tumingin kay Lyka

"Ba't hindi ka nagpaalam?" Andrew

"K-Kasi naman, baka busy ka kaya hindi na ako nagpaalam." Lyka

"You know them, Andrew?" takang tanong ni Mr. Yoon.

"Yeah, Lyka Jane Smith, my sister. You know Jake already" sabi ni Andrew

Kaya tinignan silang dalawa ni Mr. Yoon.

"Really? may kapatid ka pala Andrew. Hindi ko alam iyon." tumayo ito at humarap kay
Lyka
"Nice meeting you Ms. Lyka, I'm Klein Yoon." sabi nito at inilahad ang kamay para
makipagkamay, tatanggapin na sana ni Lyka ng humarang si jake sa gitna at pinaupo
siya ni Andrew.

"Looks like I can't touch you, Ms. Lyka." natatawang sabi ni Klein

"Hehehe." tanging sabi ni Lyka.

"Tara na may date pa tayo." sabi ni Jake, at hinila si Lyka papunta sa ibang table.

"Umuwi kayo ng maaga, Jake mag-ingat kayo." sabi ni Andrew

"I know that already Drew."

-Lyka POV-

pagkaupo namin sa table namin.

"Wew, akala ko magagalit siya." sabi ko kay Jake

"Hayaan mo na, nga pala anong gusto mo kainin?" tanong ni Jake

"Hmm, ikaw na ang bahala. Wala naman ako alam sa restaurant na ito." nahihiyang
sabi ko.

"Hahaha, ikaw talaga." natatawang sabi nito at tumawag ng waiter. Ilang minuto,
nauna ng umalis sila Ate Nuriko, nagtxt ito sa akin na bukas ko na lang ipagpatuloy
ang training.

"saan tayo pupunta?" tanong ni Jake, pagkatapos namin kumain ng dessert

"Hmmm, ikaw na ang bahala. Saan mo ba gusto?" tanong ko naman sa kanya pabalik.

"May alam akong magandang lugar. Tara." yaya niya, at umalis na kami sa restaurant.
Ilang minuto rin kami nagbyahe.

"Jake, saan tayo pupunta?" takang tanong ko

"Secret, basta may nadiskubre akong lugar nung nawala ako."

"Nawala?" takang tanong ko dito

"Oo, si Ate Nuriko may pinahanap na naman sa akin, hanggang sa nawala ako.Pero
mabuti nga iyon kahit papano may nadiskubre ako." ngiting sabi niya.

Isang oras rin kami nagbyahe hanggang huminto siya sa mapuno na lugar.

"Nasaan tayo?" takang tanong ko, ng bumaba na kami sa sasakyan

"Hindi ko rin alam."

"Haaa?? Huwag mong sabihin na nawawala tayo ngayon."

"Hindi ko alam kung nasaan tayo pero alam ko ang daan pabalik. Halika na." sabi
niya at hinawakan ang kamay ko at hinila papasok sa gubat. Halos 20 minutes na kami
naglalakad

"Ang layo pa ba?"

"Malapit lang iyon."

"Paano ka nakapasok dito? ano pala pinapahanap ni Ate Nuriko?" takang tanong ko.

"Wierd man pakinggan, pero ang pinapahanap niya ay pusa niya."

"Ha? pusa niya, paano napunta dito?" takang tanong ko

"Tinanong ko rin kung papaano napunta dito ang sabi niya naglayas daw, at nalaman
ko na lang may inutusan siya na ilagay dito ang alaga niyang pusa. Para umalis ako
ng bahay." kwento niya

"Bakit?"

"Dumating kasi ang fiance niya. Alam niya hindi kami nagkakasundo kaya pinalayo
niya ako."

"Sino pala ang fiance niya?" takang tanong ko.

"Si Klein Yoon."

"Haaaaa?!!" nagulat ako sa sinabi niya, so yung lalaki na nakilala ko kanina ay


fiance ni Ate Nuriko.

"Malapit na tayo. Halika na." sabi niya.

5 minuto na naman ang nilakad hanggang sa narating na kami sa destinasyon namin.

"Wow." tanging sabi ko

nasa may cliff kami, at nakita ko ang city. basta sobrang ganda.

(A/N: sino pumunta sa abong abong? sa mga hindi pa talaga nakakapunta maganda po
talaga doon lalo na pag nasa taas ka na, makita niyo ang scenery ng zamboanga city
lalo na pag gabi sobrang ganda. share lang :) :) )

"Jake, kwentuhan mo naman ako ohh."

"Anong kwento naman?"takang tanong ni Jake sa akin

"Ano ako nung bata pa ako." tanong ko sa kanya.

"Hmmmm, makulit ka, masayahin, lagi mo nga pinag alala si Drew dati ehh."

"Talaga?" takang tanong ko.

"Oo, naalala ko pa nung nahulog ka sa puno, halos paputulin na niya ang puno sa mga
magulang mo baka daw mahulog ka na naman imbes na pagalitan ka sa pag akyat ng
puno. To think na 5 years old pa lang tayo that time." sabi naman niya dito.

"Hindi nga?!"

"Oo nga, ang kulit mo pa rin hanggang ngayon." sabi niya at ginulo ang buhok ko.

"Jake naman ehh." ako, habang inaayos ang buhok ko, ng mapansin ko na nakatitig ito
sa akin.

"B-Bakit?!" takang tanong ko "May dumi ba ako sa mukha?" sunod na tanong ko.

"Wala, hindi lang ako pakapaniwala na buhay ka. Madami nagbago ng dumating ka ulit
sa buhay namin."sabi niya

"Gaya ng masira ang pagsasamahan niyo." biglang sabi ko.

"Ilang beses ko bang sabihin Lyka, wala kang kasalanan. Besides alam ko gumagawa si
Lance ng paraan para malaman kung ano talaga ang tunay na nangyari." sabi niya

"Ng paraan? para saan pa, naniwala siya sa sinabi ni Kristine, Jake." malungkot na
sabi ko.

"Kilala ko si Lance, nabigla lang iyon sa nangyayari. Pero alam ko na


pinaimbestigahan niya na ang katotohonan. Kaya maniwala ka kay Lance, okey?" sabi
niya

"Okey" ngumiti ako.

"Tara na nga, baka hinahanap ka ng Kuya, papatayin pa ako nun." sabi niya at
naunang tumayo, inalalayan niya naman akong tumayo.

-Jake POV-

"Wala, hindi lang ako pakapaniwala na buhay ka. Madami nagbago ng dumating ka ulit
sa buhay namin."sabi ko

Madami nga nagbago pati ang nararamdaman mo para sa akin.

"Gaya ng masira ang pagsasamahan niyo." biglang sabi niya.

What a stubborn lady. Napailing na lang

"Ilang beses ko bang sabihin Lyka, wala kang kasalanan. Besides alam ko gumagawa si
Lance ng paraan para malaman kung ano talaga ang tunay na nangyari." sabi ko sa
kanya,

alam kong mahal ka na ni Lance, Lyka. Ganoon din ikaw sa kanya.

Gusto ko sanang sabihin ang pangako natin, pero ayaw ko guluhin ang nararamdaman mo
dahil sa pangako na iyon.

"Ng paraan? para saan pa, naniwala siya sa sinabi ni Kristine, Jake." malungkot na
sabi niya.

Napangiti ako ng malungkot, hindi niya ito napansin dahil nakatingin lang siya sa
syudad.

"Kilala ko si Lance, nabigla lang iyon sa nangyayari. Pero alam ko na


pinaimbestigahan niya na ang katotohonan. Kaya maniwala ka kay Lance, okey?" sabi
ko.

Maniwala ka, if ever na sasaktan ka niya ulit. Dahil sa pagkakamali niya.

Aagawin na kita mula sa kanya

"Okey" ngumiti siya sa akin, kaya ngumiti ako.

"Tara na nga, baka hinahanap ka ng Kuya, papatayin pa ako nun." sabi ko at naunang
tumayo, at inalalayan siyang tumayo.

-Lyka POV-

Huling araw ng pebrero ngayon, at paalis na ako ng academy ngayon.

Ng paliko na ako sa kanto kung saan ako hihintayin ni Lyod, ng

"Lyka." tinignan ko ang tumawag sa akin.

"Lance."

"Alam ko na ang katotohonan, sorry kung pinaghinala kita, alam ko hindi mo iyon
gagawin. Pero kailan ko iyon gawin dahil kilala ko si Mommy, hindi ka niya
titigilan kung lalapit ako sa iyo." sabi niya sa akin

"Kailan mo pa ito nalaman?" takang tanong ko

"Nung nakaraang buwan. Hindi kita malapitan dahil baka may makakita sa akin.
Pasensya na, Lyka." sincere na sabi niya

"Don't worry, sinabi na rin sa akin ni Jake."

"Gagawa ako ng paraan para magkasama ulit tayo, at makakasama na naman tayo
magkakaibigan." sabi ni Lance

"Hihintayin ko iyon." ngiting sabi ko. "Sige Lance, mauna na ako. Baka hinahanap na
ako ni Mama Karen." sabi ko,
"Ihahatid na kita."

"Hindi na baka may makakita, sige alis na ako. Ingat ka." paalam ko, tinignan ko
muna ang magkabilang daan bago tumawid.

Pero bago ako makarating sa kabila.

*Beeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeep*

tinignan ko ang mabilis na sasakyan papunta sa akin.

"LYKA!!!!!!!!!!!!!!!!" rinig kong sigaw ni Lance.

-Lance POV-

Tinignan ko lang na lumakad si Lyka papunta sa kabilang daan, ng may nakita akong
mabilis na takbo ng sasakyan papunta sa direksyon niya.

*Beeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeep*

"LYKA!!!!!!!!!!!!!!!!" sigaw ko.

Nabuhusan ng malamig na tubig ang katawan ko ng makita ko kung paano siya sinagaan
ng sasakyan,

mabilis ako tumakbo papunta sa sasakyan. Pero mabilis ito humarurot paalis.

Kaya nilapitan ko ang duguan na si Lyka

"Lyka, huwag kang matulog please. Stay with me." nanginginig na sabi ko. Tinignan
ko ang mga tao na nakatingin sa akin.

"may nurse ba sa inyo. please tulungan niyo siya. Ang iba please tumawag kayo ng
ambulansya." naiiyak na sabi ko, hindi ko alam, feeling ko mawawala siya sa akin.

Ayoko siyang hawakan dahil baka may mafractured siya kung gawin ko iyon.

"Ako nurse ako." may lumapit na babae, at tinignan siya.

"L-L-Lance" nanginginig na sabi ni Lyka

"Don't talk. Please. Stay with me." sabi ko.

"Tumawag na ako ng ambulansya, paparating sa sila." rinig kong sabi ng isang tao
pero hindi ko ito pinansin, nakatuon lang kay Lyka ang atensyon ko.

Hanggang sa nakita ko unti unting pumipikit ang mata niya

"Please,*sniff*don't sleep. Don't leave me." sabi ko.


-Third Person POV-

"WHAT!!!!!!!!!!! Saang hospital?" biglang tanong ni Andrew, ng sinabi sa kanya na


sinugod si Lyka sa hospital

"Sa J******* Hospital." sabi ng sekretarya niya

"Cancel all my appointments this day." sabi nito, at lumakad paalis sa office niya.

"Please, be safe Lyka. Please." kinakabahan na sabi ni Andrew, hindi rin mawala ang
takot niya baka dahil sa nangyari kay Lyka

-Hanazono Mansion-

*japanese language*

"Lord Kaito, sinugod po si Young Lady sa hospital." sabi ni Butler John sa kanya.

"ANO!!!!!!!!! " napatayo si Kaito sa kanyang umpuan

"May bumangga po sa kanya, sa ngayon hinahanap na po ang salarin."

"GAWIN NIYO LAHAT, MAHANAP NIYO LANG ANG MAY SALA. HINDI KO MAPAPATAWAD ANG MAY
GAWA NITO SA APO KO!!!" sigaw niya kay John, hanggang sa napahawkak ito sa dibdib
niya.

"Arghhhhhh." daing niya habang hawak ang dibdib niya, hanggang sa nawalan ito ng
malay.

"Lord Kaito!! Lord kaito!!! AILYN!!!!!!!!!!!!!!" tawag niya sa isang katulong kaya
dali dali naman dumating si Ailyn.

"Yes Butler John." agad na dating ni Ailyn

"Tumawag ka ng ambulansya, BILIS!!!"

"O-Opo!!" at mabilis na tumawag ng ambulansya si Ailyn.

-Lyka POV-

andito ako sa isang kwarto ng biglang bumukas ang pintuan at may pumasok ng isang
batang babae
"Nii-sama! (Big Brother!) wake up! TJ-nii (Big Bro TJ) , Nuriko-nee (Big Sis
Nuriko) and Jake is waiting for us downstair!!" sabi ng isang 6 years old na babae
habang tumatalon sa kama ng kanyang kakambal niya.

"Lyka, don't jump. Baka mahulog ka" sabi naman ng 6 years old na lalaki sa kapatid
niya, at tinakpan ang mukha gamit ang unan.

"Ouch!!!!" sigaw ng batang babae na ang pangalan ay Lyka

Ng marinig ito ng kakambal niya, ay agad itong bumangon sa pagkakahiga at agd


pinuntahan ang kapatid niya na ngayon ay nayuko habang hawak ang paa.

"Hey, Lyka. Are you alright? Is your foot hurt?Tell Nii-sama, okey? " nag aalalang
sabi nito habang dahan dahang hinihimas ang paa niyang hinahawakan ng batang babae.

"N-Nii-sama." nanginginig na sabi ni Lyka

"Masakit ba? sabihin mo, nag alala si Nii-sama." nag alalang sabi ni Andrew sa
kapatid.

Ng bigla itong nawala at napunta na naman ako sa ibang lugar

"Nii-sama Nii-sama, look look I can climb."masayang sabi ng batang babae,

"Come down, Lyka. You might fall, and hurt your self really bad." nagaalalang sabi
ng batang lalaki

"Hai!!" bababa na sana ang batang babae ng nahulog ito sa puno.

"Waaaaah" iyak ng batang babae.

dali naman lumapit ang batang lalaki sa batang babae, at nakita niya ang sugat nito
sa tuhod.

"MOM!!!! DAD!!" tawag niya sa magulang nito, hanggang sa dumating sila.

"What is it, little one."

"Cut this tree, right away. This tree just hurt Lyka now."

hanggang sa napalitan na naman ng ibang lugar, pero ngayon sa labas ng mansion.

Nasa labas ang batang babae, pero may kasama itong dalawang batang lalaki.
"lets go home. I'm scared." biglang sabi ng batang lalaki habang niyakap ang batang
lalaki na singkit ang mata (Jake) sa kaliwang Braso nito.

"Bakit Lyka? May nararamdaman ka bang hindi maganda??" nag aalalang sabi ng isa
pang batang lalaki (Tyron).

"home. I want to go home." naiiyak na sabi ng batang babae.

"Okey, we're going home." sabi naman ng batang singkit.

Ng paalis na sila, may humarang na Van sa daanan.

At kukunin na sana na sana ang batang babae

Pero niyakap ng batang babae ang batang singkit ng mahigpit at yun rin ang
pagdating sa mga bodyguard, at binaril ang iba.

"Run, Lyka. hahabol kami bilis." natatakot na sabi ni Batang singkit.

"Lyka ako ang batang babae, so ang batang lalaki kanina ay si Nii-sama?"

"Demo (Pero)... *sniff* I-I'm scared. J-Jake." naiiyak na sabi ng batang babae sa
batang singkit.

"so ang batang singkit si Jake?"

"i'm here. Just run. Nasa likod mo lang kami ni Tyron." sabi ng batang Jake.

"Tyron? Si TJ?"

Walang magawa ang tatlong bata kung hindi tumakbo habang nagpapalitan ng putok ang
bodyguard ni Lyka, at ang mga kidnapper.

"LYKA!!!!" Sigaw ng batang Andrew sa kabilang kalsada habang may kasama na


bodyguard.

"N-Nii-sama!!!" nanginginig na sabi ni batang lyka ng makita ang kakambal nito.

ng tumakbo siya sa kabila

*beeeeeeep~~~~~*

"LYKA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!" sigaw na sabi ni batang Andrew,Jake at Tyron.


hanggang sa

O__________________O

"Nii-sama" bulong ko.

***********************************************************************************
**********************************

Authors NOTE:

Sorry sa error and grammars

Lovelots <3<3

-miemie_03

Chapter 59

Chapter 59

-Third Person POV-

Dalawang linggo na rin hindi pa nagigising si Lyka mula sa aksidente niya, at


dalawang linggo na rin kulang sa tulog si Andrew sa kakabantay kay Lyka.

"Drew, magpahinga ka naman. Malulungkot si Lyka pagnalaman niya na nagpapapuyat


ka." nag aalalang sabi ni Nuriko kay Andrew na ngayon ay nakaupo habang nakatingin
sa natutulog na si Lyka.

"Dito lang ako, gusto ko paggising niya, ako ang una niyang makita." mahinang sabi
Andrew, habang hindi nakatingin sa kanya.

"*sign* Pero Drew, kailangan mo rin magpahinga, makakasama iyan sayo lalo na't
hindi ka pa kumakain sa araw na ito." Nuriko
"Okey lang ako Ate Nuriko. Kamusta na si Jii-sama?" tanong ni Andrew, at sa wakas
tunignan na niya si Nuriko.

"Stable na ang kalagayan niya, nandoon si Tyron at si Butler John binabantayan


siya." sabi naman niya

"H-Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko, kung m-mawala muli siya." malungkot na
sabi ni Andrew, ng hawakan niya ng mahigpit ang kamay ni Lyka,

"Don't you dare say that, Andrew!" inis na sabi ni Nuriko "Lyka, will be fine and
also Uncle Kaito. Have faith to God, alam kong hindi niya pababayaan si Lyka."
patuloy na sabi niya.

"I know,....whoever did this to her will pay." diin na sabi ni Andrew.

Isang linggo na rin nakalipas pero hindi pa rin nagigising si Lyka.

"Bakit hindi pa rin siya nagigising, Doc. Isang buwan na siyang tulog." inis na
sabi ni Andrew sa doctor na nasa harap niya ngayon.

"I'm afraid but your sister is in coma, Mr. Smith. What we can do is to wait and...
pray." sabi ng Doctor.

"What!!!! and you call yourself a doctor?!!" inis na sabi ni Andrew sa doctor

"I'm sorry Doc. pagod lang po siya. *tingin kay Andrew* will please calm down!
hindi naman magigising si Lyka kung lagi mo isisi ang mga Doctor." inis na sabi ni
Katrine sa pamangkin.

Pero umalis lang si Andrew, at pumunta sa kwarto ni Lyka.

"I'm very sorry Doc." paghingi ng paumanhin ni Katrine sa Doctor.

"No, it's okay Mrs. Araneta, alam ko kung ano ang nararamdaman niya. But, the
patient is fighting, I'm sure she'll wake up." ngiting sabi ng Doctor.

"Thank You, Doc." ngiting sabi niya bago umalis ang doctor, tinignan niya muna ang
pintuan sa kwarto ni Lyka bago pumunta sa silid kung saan nagpapahinga si Kaito.

-Lyka's Room-

"Please wake up already, Lyka. Please. Di ba sabi mo babawi ka sa akin? pupunta


tayo sa amusement park, at uuwi pa tayo sa Japan para bisitahin sila Mommy at
Daddy.... Pero paano natin gawin yun kung *sniff* natutulog ka. Please *sniff* I'm
begging you P-please w-wake up. *sniff* F-For me, f-for J-Jii-Jiisama. I missed you
already." naiiyak na sabi ni Andrew habang hawak ang kamay ni Lyka at hinalikan
ito.

----------------
Halos lahat sila ay malungkot, si Jake ang nagbabantay sa mga oras na iyon. Si
Andrew ay may meeting ganoon din si LAdy Nuriko, habang si Kaito naman ay
nagpapahinga ng magising ito isang linggo na ang nakakalipas.

"H-hey." napatingin si Jake sa pintuan ng may bumukas ito.

"Tyron." sabi ni Jake

"How is she?" agad na tanong ni Tyron, habang nilagay ang dala niyang pagkain sa
lamesa

"Hindi pa rin nagigising. Nag aalala na ako." malungkot na sabi Jake, kaya tinapik
ni Tyron ang balikat nito, "She will be alright. We know her, she's a strong lady."
ngumiti ito bago pumasok sa kwarto kung saan nakahiga si Lyka.

Parang doble room siya, kaya kung saan naka higa si Lyka ay dapat bago ka makapasok
dapat kang sumuot ng gowns and mask. (A/N: alam niyo kung anong klaseng gown ang
tinutukoy ko. heheheh)

Pero kita pa rin ni Jake, ang ginagawa ni Tyron sa loob ng room na ito. Glass lang
ang nakapagitan nila.

Ilang minuto rin sa loob si Tyron bago ito lumabas.

"Kumain ka na?" tanong ni Tyron pagkalabas niya

"Wala pa. Hinihintay ko rin si Andrew." sabi ni Jake

"Nasa patient room siya ni Jii-sama." sabi ni Tyron, habang may kinuha sa dala niya
at inabot kay Jake. "Ohh, kumain ka muna." sabi nito bago umupo sa couch na pang
isang tao.

Ng pumasok si Nuriko sa kwarto. "Hey Guys, how's Lyka?" tanong niya kaagad.

"Still sleeping Ate." sagot ni Jake.

"I see, I... I just check her." sabi nito at sumuot ng gown and mask bago pumasok
sa loob.

"Pumunta kanina dito si Lance." sabi ni Jake

"What?!!! That bastard, pagkatapos niyang saktan ang pinsan ko." inis na sabi ni
Tyron.

"Pero nagpapasalamat pa rin tayo sa kanya, dahil siya mismo nagdala kay Lyka sa
hospital." sabi ni Jake

"About that, may lead na kami kung sino ang gumawa nito sa kanya." seryosong sabi
ni Tyron.

"Who?" seryosong din na tanong ni Jake.

"Hindi pa siya kumanta, nakakainis. Nagmamatigas siya kahit anong gawin namin ni
Andrew. Pero hindi pa rin kami titigil." inis na sagot ni Tyron.
Sa loob ng kwarto ni Lyka, habang inaayos ni Nuriko ang buhok niya

"Hey, wake up already. Alam mo ba lagi na naman bad mood ang kakambal mo. Mainit
ang ulo at nakasimangot. *fake smile* Ang pangit na niya ulit. At ikaw lang
mapapangiti sa kanya. Kaya please wake up." malungkot na sabi ni Nuriko

hanggang naramdaman niya ang paggalaw ng daliri ni Lyka, kaya gulat na napatingin
si Nuriko kay Lyka.

"L-Lyka!! " masayang na tawag niya dito.

Napansin naman ito ng dalawang binata ng biglang tumayo si Nuriko at hinawakan ang
kamay ni Lyka, kaya hindi nagdalawang isip na puntahan ito sa silid.

"Ate, anong nangyari?" agad na bungad ni Jake, sa may pintuan since hindi sila
makapasok.

"L-L-Lyka is a-awake.Call the doctor, hurry!!" naiiyak na sabi ni Nuriko, pero


mapapansin mo ang saya sa boses nito.

"T-Talaga?! sige, " mabilis naman umalis si Jake sa kwarto, tinignan naman ni
Nuriko si Tyron. "Call Andrew." tumango naman si Tyron at mabilis rin umalis sa
silid.

Biglang dumilat si Lyka na kinabigla ni Nuriko.

"L-Lyka, Thank God, gising ka na." masayang sabi ni Nuriko

"Nii-sama."bulong nito sapat na para marinig ni Nuriko. Hinalikan naman ni Nuriko


ang kamay ni Lyka na hawak niya.

"Don't worry, papunta na siya dito." naiiyak na sabi ni Nuriko, kaya tumingin sa
kanya si Lyka.

"N-Nuriko-nee." mahinang sambit ni Lyka, na nagpaiyak pa lalo kay Nuriko.

"Y-You r-remember?" hindi mapigilan na tanong ni Nuriko, at tinakpan na niya ang


mukha niya dahil sa sobrang saya na rin ng tumango si Lyka

"Thank God, thank you God." masayang sambit ni Nuriko at pinunasan ang mga luha
nito.

"I missed the way you call me Nuriko-nee."masayang sabi ni Nuriko, ngumiti naman si
Lyka

Ilang minuto dumating din ang doctor kasama ang mga nurses kasama si Jake, kasunod
nun si Andrew at Tyron.

"She's okay now, dapat na lang siya magpahinga para mabawi ang lakas na nawala sa
kanya. and mukhang nakabalik na rin ang alaala niya." sabi ng doctor sa kanila.

"Thank you Doc." masayang pagpapasalamat ni Nuriko sa kanya, bago ito umalis.
samantala nasa tabi ni Lyka sila Andrew, Jake, at Tyron.

"How are you?" agad na tanong ni Andrew sa kapatid.

"I'm okay now, Nii-sama. *tingin kay Tyron TJ-nii, *Tingin kay Jake at ngumiti* J-
Jake." sambit niya at naiiyak

Tulala naman nakatingin si Tyron kay Lyka.

"Y-You just called me TJ-nii, right?" ngiting tumango naman si Lyka.

"You remembered, you really remember me!!" masayang sabi ni tyron at tumalon kaya
napatawa na lang si Lyka.

Ng mapansin ni Lyka na basa ang kamay niya, tinignan niya si Andrew.

"Why are you crying Nii-sama?" tanong ni Lyka

"I'm just happy. Nii-sama is happy, kasi nakaalala ka na, I know Mom and Dad, is
also happy." naiiyak na sabi ni Andrew. pinunasan naman ni Lyka ang luha nito.

"Don't cry. Hindi ako sanay makita kang umiyak." natatawang sabi ni Lyka.

"Yeah, the mysterious prince is crying." sabi ni Tyron.

"URUSAI!! (shut up!!)" inis na sabi ni Andrew kay Tyron.

Tumingin si Lyka kay Jake na ngayon ay nakatingin sa kanya, at ngumiti.

"Okaerinasai (Welcome back/home)" ngiting sabi ni Jake.

"Tadaima (I'm back/home)" ngiting sabi naman ni Lyka.

"Hoy !! Jake, huwag mo tignan ng ganyan ang pinsan ko." biglang singit naman ni
Tyron.

Kaya napatingin silang dalawa kay Tyron at napatawa ng batukan ito ni Nuriko.

"Jii-sama wa dokodesu ka? (where's grandpa?)" tanong ni Lyka kay Andrew.

"Kare wa hoka no heya nidesu (He's in the other room)" sagot naman ni Andrew.

Gulat naman si Lyka sa sagot ni Andrew.

"What happened to him?" nag aalalang tanong ni Lyka.

"Inatake siya sa puso, ng malaman niya na naaksidente ka." Andrew

"Kare wa dono yō ni? (How is He?)" nag aalalang tanong ni Lyka.

"Kare wa kekkōdesu (He is fine) nagpapahinga na siya ngayon." Andrew

"I want to see him, Nii-sama."

"But you need to rest."

"Onegai (please) I want to see Jii-sama." pakiusap ni Lyka.


"Alright, but I'll ask the doctor. Okey? Stay here." masaya naman tumango si Lyka.

Habang nagsisiyahan sila sa silid ni Lyka, sa kwarto ni Kaito Hanazono ay pumasok


ang isang nurse.

"Good Evening Sir." bati nung nurse kay John na ngayon ay nagbabantay sa loob ng
silid nito. Tumango lang ito.

"Pinapatawag po kayo ni Mr. Smith, nasa reception po siya." sabi nito. Tinignan
naman siya ni John bago tumayo at umalis.

"Bantayan niyo kung sino ang papasok sa kwarto ni Lord Kaito." bilin niya sa
nagbabantay sa labas ng silid.

"Yes Sir." sabi ng tauhan niya

Hindi nila alam, na nagdisguise lang pala ang nurse na pumasok sa silid. At may
tinurok siya na injection kay Kaito.

"Sorry, Sir. Kailangan ko lang po talaga ng pera para sa anak kong may sakit."
konsensyang sabi ng pekeng nurse, ng pagkatapos niyang gawin ang pinag utos sa
kanya. Inayos niya muna ang gamit niya bago maingat na umalis sa kwarto.

-----------------

"Young Lord, pinapatawag niyo po raw ako." nagbow muna ito bago sabihin ang
katagang iyon.

"What are you talking about? hindi kita pinatawag." takang tanong ni Andrew sa
butler ng kanyang Lolo, hanggang sa nagkatinginan sila ng may napansing hindi tama.

"Sh*t!!" inis na sabi ni Andrew bago tumakbo papunta sa silid ng kanyang Lolo,
sumunod naman si Butler John.

Ng makarating sila.

"Nasaan ang nurse na galing sa kwarto ni Lord Kaito?" agad na bungad ni John sa
tauhan niya.

"kakaalis lang po Sir John." sabi naman ng isa niyang tauhan

"hanapin niyo, at dalhin niyo dito. Hurry!!" utos niya kaya tumakbo para hanapin ng
mga tauhan ni John ang sinasabing nurse, habang si Andrew naman ay agad na pumasok
sa silid ng Lolo, niya.

"Jii-sama!! Jii-sama!!" gising niya dito pero hindi pa rin ito nagigising. Bigla
siya kinabahan lalo ng mapansin niya na hindi na ito humihinga.
"N-No *umiiling* NO!! JII-SAMA!! Please Wake up!! L-Lyka want to see you. Please!!
JII-SAMA!!" naiiyak na sigaw ni Andrew habang ginigising niya ang walang buhay na
Lolo niya.

"M-Mewosamasu shite k-kudasai (P-Please W-wake up.) Jii-sama." napaluhod na lang si


Andrew dahil sa inis at lungkot hanggang bumukas ang pintuan at pumasok si Lyka na
nasa wheelchair habang tulak naman ito ni Tyron.

"N-Nii-sama, why are you crying?" takang tanong ni Lyka, pero deep inside
kinakabahan siya.

Pero umiiyak pa rin si Andrew.

"Ano bang nangyayari Andrew? nagkalat ang mga tauhan ng Hanazono sa buong
hospital." takang tanong ni Tyron.

Lumapit naman si Lyka sa lolo niya.

"J-Jii-sama?! *niyugyog* J-Jii-sama, wake up. Nakaalala na ako, kaya gumising ka na


diyan." naiiyak na sabi ni Lyka habang niyuyugyog ang kamay ng Lolo niya.

"What happened?" inis na sigaw ni Tyron kay Andrew,

"M-May nakapasok, at p-pi-pinatay si J-Jii-sama." putol putol na sabi ni Andrew,

tulalang napatingin si Tyron kay Andrew, habang umiiling naman si Lyka

"Masaka!(No!) Sore wa shinjitsude wanai! ! (that's not true!!) Jii-sama ga ikite


imasu! (Grandpa is alive!!)" umiiling na sabi ni Lyka habang may tumutulong luha sa
mga mata niya.

At tumingin siya sa Lolo niyang nakahiga sa kama. At niyugyog ito.

"Wake up please!!*sniff* you're not dead right? hindi mo kami iiwan. *sniff* you're
unfair Jii-sama. " naiiyak na sabi ni Lyka ng niyakap siya ng mahigpit ni Tyron.

"Stay strong" sabi ni Tyron kay Lyka na ngayon ay umiiyak na parang bata sa braso
niya.

-Kristine POV-

"Hey Dad, mukhang good mood ka ngayon haa?" bungad ko pagkapasok ko sa office ni
Daddy, lumapit ako dito at hinalikan siya sa pisngi bago umupo sa upuan katapat ng
table niya.

"Syempre naman sweetie, wala na sa landas natin ang Hanazono." masayang sabi ni
Daddy.

Bigla naman ako nasiyahan

"Really?" masayang tanong ko.


"Yes Sweetie, that's why proceed to our plan." sabi nito kaya masaya akong tumango.

Sa wakas wala na sila, kami na ang maituturing na pinakamayaman at


pinakamakapangyarihan sa mundo. Hahahahah Matatakot na sila pag narinig na nila ang
pangalang Hernandez.

***********************************************************************************
*********************************

A/N:

Sa mga nagtatanong rin kung anong title?? CNTLP 2: The Princess Return po

Thank you sa friend ko na gumawa nito na si Roelyn Joy Tubilla Porras. Thank You
talaga :) :)

Love lots<3 <3

-miemie_03

Chapter 60 - Good Bye Philippines

Chapter 60 - Good Bye Philippines

-Brett POV-

Andito ako ngayon sa condo ko, kasama ko ang kambal nakikikain na naman.

=__=

May bahay naman sila, dito pa sa akin nakikigulo.

Habang umiinom ako ng tubig sa kusina, narinig ko na parang nag aaway yung dalawa
kaya minabuti kong pumunta baka magkalat na naman iyan sila.

"Ang Bobo mo Dora, nagtatanong pa ehh, obvious naman ang sagot" sigaw ni Allen sa
Flat Screen T.V ko habang may hawak na pizza sa kamay

"Oo nga, tapos magturo ka pa magbilang!! Ang pangit mo pa!!" sigaw naman ni Alex
habang may hawak rin curls sa kamay.
=_________=

Nanonood sila ng Dora ano sila Bata?!! Tsk tsk

Kinuha ko ang remote at pinalitan ang channel.

"Waaah, nagalit si Dora!!" Allen

"Ikaw kasi Bro, sinabihan mo ng Bobo." Alex

"Tumahimik nga kayo, ang ingay niyo." inis na sabi ko, kaya tumingin sila sa akin
dalawa.

"Oh bakit?" takang tanong ko.

"Bakit mo pinalitan?!" Alex

"Oo nga nanonood kami ehh."Allen

"Kung gusto niyo manood, umuwi kayo. " Inis naman na sabi ko, kaya tumahimik sila
at nagbubulungan.

Tsk.

Bakit ko ba ito naging kaibigan.

"Breaking News. Si Kaito Hanazono ang Head ng Hanazono Empire ay namatay na


kaninang umaga. Sa ngayon ay pinaiimbestigahan pa kung sino ang may gawa nito. Ayon
sa mga nagbabantay ay isang nagpapanggap na nurse ang pumatay sa pinakamayaman na
tao sa buong mundo. At ang possibleng motibo nito ay gustong makuha ang kayamanan
ng nasabing Billionaryo. Pero ang tanong ng marami sino ang magmamana sa kayamanan
ng Hanazono Empire. Hanggang dito lang muna nag uulat. Lala Hasan."

tulala kaming tatlo na nakatingtin sa balita.

"Hala! namatay na si Lord Kaito?!" hindi makapaniwalang sabi ni Allen.

"Kakasabi lang Allen, huwag tanga." seryosong sabi ni Alex. Kaya binatukan siya ni
Allen at nagbabangayan na naman ang dalawa pero hindi ko sila pinansin.

Ang inaalala ko ngayon ay si

Lyka at Andrew.
Sh*t!!

Dali dali akong pumunta sa kwarto ko at kinuha ang cellphone, wallet at susi ko ng
sasakyan ko at dali dali ring umalis sa kwarto, pupuntahan ko sila.

"Saan ka pupunta?" tanong sa akin ng kambal pero hindi ko sila pinansin at iniwan
sila sa Condo ko.

-Lance POV-

Nasa office ako ngayon sa kumpanya namin.

Pero hindi ako makapokus sa ginagawa ko dahil nag aalala ako kay Lyka, halos isang
buwan na itong Coma. At hindi ko pa rin alam kung sino ang may gawa nito sa kanya,
pinahanap ko ang driver ng sasakyan pero hindi na ito nahanap pa.

Gusto ko siyang bisitahin pero andun si Jake o hindi kaya si Andrew na nagbabantay
sa kanya. Dalawang beses pa lang ako nakabisita nung walang nagbabantay.

At dalawang linggo na rin ako hindi nakabisita sa kanya, kaya wala akong balita
kung nagising na ba ito o hindi pa.

Hanggang sa may biglang pumasok si Kristine.

"Anong ginagawa mo rito? Hindi mo ba nakikita na may ginagawa ako." seryosong sabi
ko.

"Ano ka ba, Let's celebrate. And huwag mo muna gawin yan. Mukhang hindi matutuloy
ang pagback out ng Hanazono sa kumpanya niyo kaya relax." nakangiting sabi niya
habang nakaupo sa couch na nasa office ko.

Takang nakatingin ako dito.

Sabi kasi sa amin ni Mr. John na Hanazono will pull out the rest of the share.
Tapos ngayon hindi matutuloy?

"Bakit mo naman nasabi iyan?" takang tanong ko.

"Hindi mo alam? someone killed Mr. Hanazono in the hospital last night. Like OMG,
halos balibalita kung sino ang magmamana sa kayamanan. Walang nakakaalam kasi hindi
naman alam ng lahat kung may naiwan itong letter kung sino niya ibibigay ang mana
niya, since unexpected ang pagkamatay niya." sabi nito.

Ng marinig ko ito bigla akong kinabahan at nalungkot pero para kanino??

Kanino ako nalulungkot?

Kay Mr. Hanazono dahil wala na ito. pero iba ehh.

"So let's celebrate. Come on, mag lunch date tayo." sabi nito sa akin na nasa
harapan ko na.

"Kung natuloy man o hindi ang pagpull out hindi ibig sabihin non ay mag rerelax na
ako, Kristine."seryosong sabi ko sa kanya.
"WHAT!?? My Dad help your company, baka nakalimutan mo.Nung nagpull out ng half
share ng Hanazono, sa amin humingin ng tulong ang Mommy mo " inis na sabi nito sa
akin.

"I know, pero hindi ibig sabihin non, ay magrerelax na ako. Kaya kung wala kang
gagawin pwede umalis ka na.?" sabi ko sa kanya

"Argggg. Im still ypur fiance kaya kung nag aalala ka sa bitch na iyon. Pwede ba
tigilan mo na." sigaw niya sa akin.

Hindi ko maiwasang tumayo at hinawakan siya nsa braso ng mahigpit,.

"Ouch. Nasasaktan ako Lance." naiiyak na sabi niya.

"Call her Bitch one more time. Baka hindi ko maiwasang saktan ka." seryosong sabi
ko bago binitawan ang braso niya.

"Subukan mo. Isusumbong kita kay Daddy at kay Tita Julia." inis na sabi nito bago
umalis sa office ko. Napailing na lang ako.

Hindi ko na talaga siya kilala.

-Lyka POV-

Isang linggo na rin ang nakalipas magmula ng mamatay si Jii-sama.

Dinala ang katawan niya sa Japan, para doon ilibing kasama sila Mom and Dad.

"Lyka, kumain ka na. Ilang araw ka na rin hindi kumakain ng maayos." sabi ni Mama
Karen sa akin.

Tinignan ko siya at bigla na lang napaiyak. Kaya niyakap niya ako

"Tumahan ka na, hija. Malulungkot ang Lolo mo, pag umiiyak ka." malungkot na sabi
niya sa akin.

"P-Pero Mama, a-ang d-daya daya kung kailan naalala ko na ang l-lahat saka naman
siya kinuha sa akin. Ganoon ba ako kasama M-M-Mama Karen.??Sabi niya hindi niya
ako... kami iiwan. Na-Naalala ko iyon. Mama Karen w-wala na si Jii-sama." iyak lang
ako ng iyak.

"May ibang plano ang Diyos, kaya magpakatatag ka hija. "

"Pero Mama, hindi po ako handa. Biglaan po kasi. Sana man lang pinahanda po niya
ako." iyak pa rin ako ng iyak

"Hindi natin alam kung hanggang kailan ang buhay ng isang tao kung hindi Siya lang
hija, handa man tayo o hindi, pag natapos na ang misyon niya sa mundo ay kukunin na
siya muli. Nakatadhana ang pagkamatay niya hija. Kaya magpakatatag ka. Iiyak mo yan
ngayon pero ipangako mo bukas, ngingiti ka na. Okey?? madaming nag aalala sayo."
sabi niya, habang hinahaplos niya ang buhok ko.

Kaya magdamag akong umiiyak sa balikat ni Mama Karen hanggang sa nakatulog ako.
Kinabukasan,pagkatapos kong mag ayos ay pumunta ako sa kwarto ni Nii-sama pero wala
siya doon kaya umalis ako.

"Nakita mo ba si Nii-sama?" tanong ko sa isang katulong, since hindi ko rin makita


si Lyod.

"Nakita ko po si Young Lord sa office po ni Lord Kaito kasama po si Butler John.


Young Lady." magalang na sabi niya sa akin.

"Salamat" sabi ko bago pumunta sa office ni Jii-sama.

Pero pagdating ko doon, mukhang hindi nakaserado ng maayos, kaya papasok na sana
ako ng marinig ko ang pangalan ko.

"..Si Lyka, ang inaalala ko, hindi niya dapat malaman kung sino ang may gawa nito
kay Jii-sama. Lalo na at hindi pa niya tinatanggap ang pagkawala ni Jii-sama."rinig
kong sabi ni Nii-sama.

"Pero Young Lord, siya po ang susunod na Head ng Hanazono. Kailangan po natin siya
protektahan. Kaya dapat na natin dalhin si Young Lady sa Japan." rinig kong sabi ni
Butler John.

"I know.Pero baka hindi pa siya handa." sabi ni Nii-sama kaya pumasok ako bigla sa
office ni Jii-sama

"Handa na ako Nii-sama. " biglang sabi ko

"K-Kanina ka pa diyan?"gulat na tanong ni Nii-sama

"Sort of. *tingin kay John* I'm ready to be the next Head of the Hanazono Empire."
sabi ko sa kanya.

"P-Pero Lyka. Pwede naman hindi muna ngayon." nag aalalang sabi ni Andrew kaya
tinignan ko siya at ngumiti.

"Jii-sama already told me, that I will be the heir of Hanazono Empire. Since wala
na si Jii-sama, at matagal na rin ako nawala siguro dapat ko ng gampanan ang
kapalaran ko." ngiting sabi ko.

"But.."

"I know, nag aalala ka para sa akin. Pero okey lang ako, anjan ka si Butler John si
TJ-nii. Para bantayan ako. Please let me." paninigurado ko sa kanya.

"*sigh* alright If that's what you want." ngiting sabi niya.

"*yakap*Nii-sama, arigatou(Thank you)" masayang sabi ko sa kanya.

"If that's what you wish Young Lady, dapat ka muna magtraining bago po kayo
magpakilala bilang bagong Head ng Hanazono." sabi ni Butler John.

"Okey." sabi ko

"2 days from now, ang flight mo sa Japan. Mauuna na po ako." nagbow muna ito bago
umalis sa silid.
"Are you about this?" tanong ni Nii-sama sa akin.

"Opo, don't worry alam ko naman po na anjan kayo para sa akin." ngiting sabi
ko."And now" seryosong sabi ko.

"What?"

"Anong ang hindi ko dapat malaman Nii-sama?" tanong ko.

Bumuntong hininga lang ito.

"Nalaman na namin kung sino ang pumatay kay Mom and Dad. At sino rin nagtangkang
patayin ka." sabi nito.

"At posibleng sila rin ang may pakana sa pagpatay kay Jii-sama." dagdag nito.

"S-Sino?" kinakabahan kong sabi.

"*sigh* ang mga Hernandez." seryosong sabi niya.

"Possible rin na kasali ang Montellier dito. Gusto namin ipull out ang natitirang
share ni Jii-sama sa kumpanya nila. Pero, imposibleng mangyari iyon dahil wala na
si Jii-sama." sabi nito.

"Don't. Huwag niyo ituloy."

"Whay? Anong plano mo?"

"Magpakasaya muna sila pero sisiguraduhin ko na pagbalik ko, dapat handa na sila."
seryosong sabi ko at umalis.

-Third Person POV-

Araw na ng pag alis ni Lyka sa Pilipinas.

handa na lahat pero si Lyka na lang ang wala pa.

"Where did she go?" tanong ni Andrew kay Nike.

"Hindi ko alam, ang sabi niya ay mauna na tayo sa Airport." sabi naman ni Nike kay
Andrew.

"Ano ba kayong dalawa, nagpaalam sa akin si Lyka. Mauna na tayo sa Airport,


sigurado ako hahabol iyon. Baka nga andun na iyon." mahinahon na sabi ni Karen sa
kanila, kaya kumalma na silang dalawa.

Si Karen ang mauunang pupunta sa Japan kasama si Lyka, hindi kasi kayang iwan ni
Lyka ang Mama nito, hahabol lang si Andrew habang si Nike muna ang magmamahala sa
isa nilang kumpanya sa Pilipinas kasama ang butler ni Andrew.

"Okey."sabi ni Andrew, at pumunta na silang tatlo sa Airport

Habang si Lyka naman ay nasa opisina ni Lance.


"Mabuti okey ka na. Kailangan ka pa nagising?" masayang tanong ni Lance.

"Nung dalawang linggo pa. Andito ako para magpasalamat dahil iniligtas mo ako."

"No. Wala akong nagawa ng sagasahan ka ng sasakyan na iyon." malungkot na sabi ni


Lance.

"Pero dinala mo ako kaagad sa hospital yun pa lang sapat na para pasalamatan kita."

"Nga pala, paano ang graduation mo? di ba hindi ka nakakuha ng exam?"

"Kumuha na ako, pero hindi na ako pupunta sa graduation. "

"Bakit?" takang tanong ni Lance

"Kas----"

"How dare you.*slaaaap*" napatigil si Lyka dahil bigla siyang sinampal ng bagong
dating na si Kristine.

"Ano ba?!!" bakit mo ginawa iyon?!" inis na sabi ni Lance kay Kristine.

" Bakit ko ginawa iyon? dahil nararapat lang iyon sa isang malanding tulad niya.
Alam ba niya na fiance kita? kasi kung hindi *tingin kay Lyka* Let me tell you
this. Fiance ako ni Lance, at akin lang siya. Hindi namin kailangan ng isang
commoner na tulad mo." inis na sabi ni kristone.

"Anong nangyayari dito?!!" biglang sigaw ni Julia na kakarating lang sa office ni


Lance.

"Ikaw na naman. Ano na naman ang kailangan mo?? Pera? dahil wala na kayo
matitirhan." sabi ni Julia.

"Mom, stop it!!" sigaw ni Lance sa ina.

pero tinignan lang sila ni Lyka.

"o? wala ka ng masabi ngayon?? Magkano ang kailangan mo para mawala ka na sa buhay
namin lalo na sa anak ko." sabi ni Julia, at tinapon ang pera sa mukha ni Lyka.

"MOM!!!!" inis na sigaw ni Lance.

"Huwag ka makialam dito Lance, did you forget kung ano ang ginawa niya sa kapatid
mo?!" inis na sigaw ni Julia sa anak na ngayon ay pinoprotekta niya si Lyka

"I kn--" napatigil siya ng hawakan ni Lyka ang balikat niya

"Salamat Lance *ngiting sabi niya kay Lance bago tumingin kay Julia at Kristine*
naalala niyo ang sabi ko ng pumunta ako dito last time? kasi kung hindi sasabihin
ko ulit sa inyo." seryosong sabi ni Lyka

"Magpakasaya na kayo sa buhay niyo ngayon, basta tandaan niyo ito, lalo na kinuha
niyo ang mga mahalagang tao sa buhay ko. Hindi ko lang kayo papantayan hihigitan ko
pa kayo." seryosong sabi ko.
Kinuha niya ang mga pera at pumunta sa harap ni Julia at tinapon mismo sa harapan
nila na kinagulat nilang lahat.

"How dare you. "sasampalan sana siya ni Julia pero pinigilan kaagad ito ni Lyka.

"Pera? hindi ako pumunta dito para humingi ng pera. Kung hindi balaan kayo, at
tsaka hindi rin ako hihingi ng pera, may kailangan niyo yan kesa sa akin."
seryosong sabi niya at binitawan ang kamay ni Julia.

"Magpakasaya na kayo, dahil pagbalik ko, sisingilin ko na kayo." sabi ni Lyka bago
umalis.

Pagdating niya sa Airport.

Andun sila Andrew,Tyron, Jake, Nuriko, Brett, at si Nike para magpaalam sa kanya.

"Saan ka galing?" nagaalalang sabi ni Andrew

"Nagpaalam lang ako, dahil alam kong matagal na naman ako makababalik dito." sabi
ni Lyka sa kakambal niya.

"Mag ingat ka doon, Lyka. Bumalik ka baka mamiss ka ng kambal. Nagsisi na sila na
pinagbintangan ka rin nila." sabi ni Brett sa kanya,

"Mamimiss ko rin sila." Lyka

"Magbabakasyon ako doon. And pagpinahirapan ka ni Butler John isumbong mo sa akin


okey?" Nuriko

"Sure Nuriko-nee. And mamimiss kita." sabi naman ni Lyka at nagyakapan ang dalawa

"Hahabol ako doon." sabi naman ni Jake

"Hihintayin kita." ngiting sabi ni Lyka,

"At hintayin mo rin ako, kasi hahabol rin ako." singit na sabi ni Tyron.

"Oo naman TJ-nii." natatawang sabi ni Lyka.

"Mag ingat ka doon ha?" sabi ni Nike habang ginulo ang buhok ni Lyka.

"Kuya Nike naman." pout na sabi ni Lyka habang inaayos ang buhok na ginulo ni Nike.
"Mamimiss kita." sabi nito at niyakap si Nike.

"Mamimiss rin kita." sabi naman ni Nike.

"Hija, halika na. Tinatawag na tayo."sabi naman ni Karen kay Lyka

"Sige mauna na ako." paalam niya sa lahat

"Hahabol ako. Bukas okey?" sabi ni Andrew

"Hai, Nii-sama." ngiting sabi ni Lyka bago tuluyang umalis.

"Good Bye, Babalik ako bilang Lyka Jane Hanazono"


Kinabukasan pumunta si Andrew sa office ni Julia Montellier dahil ito ang rason
kung bakit hindi siya nakasama kay Lyka pauwi sa Japan.

"Mr. Smith mabuti nakapunta ka." masayang sabi ni Julia kay Andrew. Andoon din si
Brenda sa office.

"Mukhang mahalaga kasi Mrs. Montellier. At dahil magkaibigan si Daddy at si Tito


Terrence kaya rin po ako nandito."seryosong sabi ni Andrew.

"Mahalaga talaga ang pag uusapan natin. Andrew, ang please call me Tita Julia.
Hindi ka na iba sa akin." ngiting sabi nito. "Have a seat." yaya naman niya.

"No need. May flight ako kaya nagmamadali din ako." sabi naman ni Andrew.

"Oh. Okey, since nagmamadali ka, hindi na ako magpaligoy ligoy pa. Matalik na
magkaibigan ang Daddy mo at ang yumaong kong asawa, at nagkasundo silang dalawa na
ipa arrange marriage kayong dalawa ng anak namin na si Brenda."masayang sabi ni
Julia.

"saan niyo naman nakuha iyan?" natatawang sabi ni Andrew.

"Hindi mo ba alam, nasa legal age ka na ganoon din si Brenda, at ang sabi ng Daddy
mo na hindi mo makukuha ang mana hangga't hindi mo pakasalan ang anak ko." sabi
nito, at gulat na napatingin sila kay Andrew na tumatawa ngayon.

"Anong nakakatawa?" inis na tanong ni Julia.

"I'm sorry Mrs. Montellier, but what you said is funny. Kung hindi niyo pa alam,
nasa pangalan ko na ang mana ni Daddy at Mommy.And I don't think na si Brenda ang
fiance ko, as a matter of fact, I already have a fiance, nasa Japan siya ngayon
kaya nga uuwi ako para pag usapan ang nalalapit na kasalan namin."ngising sabi ni
Andrew.

Tulala naman na nakatingin si Julia kay ANdrew.

"May sasabihin ka ba? kung wala na please excuse me Mrs. Montellier." sabi ni
Andrew at umalis sa office.

"Andrew sandali lang!!" napahinto naman ito at tumingin kay Brenda

"What?!" seryosong tanong ni Andrew kay Brenda

"Sana naman hindi mo pinahiya ang Mom ko ng ganoon. Alam mo sinabi na niya ang
magaganap na kasalanan natin sa board member. Ano na lang ang sasabihin nila kung
hindi ito matuloy." sabi ni Brenda

"Hindi ko na problema iyan, Brenda. Kasalanan niyo iyan kaya kayo na bahala
maghanap ng reason kung bakit hindi ito matutuloy. " sabi naman ni Andrew at aalis
na sana ng

"Ang sama mo talaga ano ba ang ginawa namin kasalanan. Konti lang naman ang hiningi
ni Mom haa.?? Ayaw niya mawala ang kumpanya dahil pinaghirapan ito ni
Daddy."Naiiyak na sabi Brenda
"Sa atin dalawa sino ang masama? ako dahil sinabi ko ang totoo o ikaw dahil
nagsinungaling ka. Alam ko kung sino ang nagtulak sayo, hindi ko lang alam kung
bakit mo iyon ginawa sa kanya. Brenda." sabi nito bago tuluyang umalis.

-Hernandez Company-

"Master Gino, hindi po basta makukuha ang kayamanan ng Hanazono?" sabi namang ng
kanang kamay ni Gino Hernandez ang daddy ni Kristine.

"What!!!!!!!? Paano nangyari iyon, di ba sabi ko ipakita mo ang sulat na iyon sa


board of directors ng Hanazono Empire." inis na sabi ni Gino

"Pasensya na po, pero ang sinabi nila ay peke daw po ito.Dahil may dumating na
letter sa kanila kung saan may seal ng Hanazono empire." magalang na sabi nito.

"Hindi!! Hindi!! Ahhhhhh!" inis na sabi ni Gino. "kahit wala ka na, bakit hindi ko
pa rin makuha ang kayamanan mo, Kaito!!!!!"

------------------------------End of BOOK 1------------------------------------

The Characters

Authors NOTE:

Hindi po ito update.

At gaya nga ng sinabi ko sa saturday ako mag uupdate. Since madami akong pupuntahan
now, ang mamayang gabi pupunta pa kami ng abong abong with my best friend. Kaya
hindi po ako mag uupdate now, and same din bukas. Hope maintindihan niyo.

Ipapakilala ko lang ang mga character. Para sa book 2. Kilala niyo na silang lahat.
:) :)

And kay Lyka at Brenda lang ang character na pinalitan ko :) :)


Lee Ji-eun known as IU as Lyka Jane Hanazono Smith

Yoo Seung Ho as Lance Montellier

Kim Soo Hyun as Jake Tachibana

Kim Hye Song as Brett Anthony Lee

Soo Joong Ki as Alex Deguzman

Kan Min Hyuk as Allen Deguzman

Lee Hyun Woo as Andrew Smith

Bae Su Ji as Stephanie Laine Yu

Jun Ji Hyun as Brenda Montellier

Ham Eun Jeong as Lady Nuriko Tachibana

Kim Ki Bum as Tyron James Araneta

Nichkhun Horvejkul as Jason Santos

Son Sung Yoonas Kristine Hernandez

Choi Myung Gil as Julia Montellier


Ayan na ang characters, sa Campus Nerd is the Lost Princess. Hope magustuhan niyo
ang mga characters ko. :) :)

Sino kayo boto??

Lance and Lyka

or

Jake and Lyka

Yan na guys. See you on Saturday. :)

Try kong mag update ng maaga on that day.

sa mga gusto mag add sa akin

just search... alabanmae@yahoo.com

God Bless everyone :)

-miemie_03

Author's NOTE

First of all Thank you God for giving me such talent to share and

Thank you sa lahat ng sumuporta sa CAMPUS NERD IS THE LOST PRINCESS!


sa mga nag message sa akin, sa mga nagcocoment at nag vovote na bawat chapters. sa
mga silent readers.

Thank you po talaga sa inyong lahat.

Sana po gaya ng pagsuporta niyo sa CAMPUS NERD IS THE LOST PRINCESS ay ganoon din
sana ang suporta niyo sa magiging stories ko pa.

Sorry kung matagal mag update si Author, sa errors and grammars. Amateur lang po
ako ng mahina sa grammars, at hindi napapansin ang mga spellings.

Mahirap po maging author dahil hindi lang po ito ang ginagawa ko, kaya salamat sa
mga umitindi sa akin.

I love you Guys Really <3 <3<3

And about sa book 2: The Princess Return

Baka next saturday ko po maipost. Sorry kung matagalan na naman, sabi ko diba busy
pa rin si Author kahit bakasyon na.

and also

CONGRATULATIONS GRADUATES!!!

Love lots <3

-miemie_03

You might also like