Professional Documents
Culture Documents
2
Ganda Ka ‘Te
ni redvelde
3
Recommended Pre-Reading Listen: Kapag Tumibok ang Puso, Toni G; Panalangin, Moonstar 88
Version
4
Sabi nila, “ang buhay parang MRT.”
Hinahabol;
Nakakainis;
Madalas mabagal ‘pag kailangan mo siyang bumilis; mabilis ‘pag kailangan na kailangan mo
siyang bumagal;
Puno ng taong darating, sasabayan ka, lalayasan ka, sasamahan ka ng ilang pulgada tapos
iiwan ka rin;
And on very rare occasions, as in sobrang rare, tipong ang chance ay one in 108,116,615, na—
by the way—ang huling bilang ng populasyon sa bansa sa taong 2019, kakaladkarin ka.
Hesusmaryahosep.
Nawa’y wala namang makaladkad pa ng MRT, pero ang punto dito ‘yong rarity ng chances
of getting ‘kaladkaded.’
5
Oo. Nasa metaphor na lang din tayo na ‘yan, sulit-sulitin na natin ang pag-gamit.
So, kung may nakakaladkad na sobrang ‘rare’ nga, aba, sabi ng buhay, mayroon ding mas
mailap pa diyan—
Statistically speaking, mas maliit ang tsansa na mabangga ka ng tren kaysa makaladkad ka,
pero mayroon maliit na detalyeng ‘di natin nasama sa analogy; isang malupet na factor na
madalas ayaw nating aminin sa sarili natin—
Ganito kasi ‘yan, mababangga ka lang ng tren ‘pag tumalon ka sa riles, ‘di ba? At ano bang
tawag sa tatalon sa riles ng buhay?
6
—at ‘yon ay Kang Seulgi.
Mula pagkabata, bilang panganay ng isang middle class na pamilyang walang tatay, mga
bansag sa akin ng nanay ko ay ‘ang maingat kong anak’, ‘ginto kong literal’, ‘pisong
pumupuno ng kaban ng pamilya’, ‘neneng kong sipag-kalabaw’, among others.
Pero, siempre, minsan gusto lang talaga pumakyu ng buhay, kaya binigyan niya ako ng
dahilan para tuluyang tumalon sa riles ng katangahan—dahilang hinubog ng universe sa
anyo ng isang dalagang ang ka-malditahan sa katawan ay ka-level lang ng ganda niya.
Kung nakita mo na mukha niya—siguro sa mga sampung billboard along Guadalupe o kaya
Santolan, poster sa mall, sa karton ng Chuckie na iniinom mo, o kaya sa silver screen itself—
naku—mapapaisip ka.
‘Ang ganda niya po, panginoon. Bakit ang igaganda ng sangka-madlaan sa kanya mo binuhos
lahat?’
7
Oo. Ang babaeng bilyones ang ibinigay sa Star Cinema; ang babaeng nagpaluhod ng
ilanlibong leading man; ang babaeng na-endorse na lahat pwera shaving cream para sa balbas;
si Bae Irene—Aphrodite incarnate.
Kaya naman sa ilandaang analogy na naibigay ko, gets niyo na rin ang level ng kagandahan
niya, and therefore, ang angking ka-malditahan niya.
Punyeta.
Punyeta!
PUNYETA!
Nung binuksan ng shungang pakialamera na si Pandora ang kaban ng kasamaan, si Irene din
siguro ang sumalo ng lahat.
Pero.
8
Ngunit.
Subalit.
Datapwat.
Sa ‘di maipaliwanag na usad ng buhay naming dalawa, binaliktad niya ang mundo ko, ni-
spike ng mala Haikyuu, nilagyan ng asin, at pinakain kay Apocalypse.
Kaya naman siya na ngayon si Bae Irene. Ang riles ng buhay ko. Ang katangahan na sumabog
man sa mukha ko, nagawa kong hayaan sarili kong magpabasag sa daang marupok, kahit na
trahedyang sadya ang pag-uugali niya.
But why?
Bakit ako nasa isang dulo ngayon ng mahabang pulang carpet na pula at siya naman sa kabila
kasama ang isang lalaking alam kong hindi niya iniibig.
9
At bakit pinipilit kong pigilan ang ganap?
Napatingin na rin at napalingon ang sangka-media-han sa akin at itinutok ang kanilang mga
camera sa akin.
Pakshet.
Ano? Wala kayong maintindihan ‘no? Sige, rewind tayo mga six months before.
Ako si Kang Seulgi, nakilala ko ang riles ng buhay ko na si Bae Irene sa isang pagkakataong
kahit siya napa-pakshet na lang sa gulantang.
10
//
“O ano? Kamusta interview, bakla?” pasok ng boses ni Jisoo sa cellphone ko. Inipit ko ito
panandalian sa may balikat at pisngi ko habang binuksan ang bag ko para sa tusok-tusok
operation ng guard sa entrance ng station.
Siguro naman, sa dami ng metaphor na nagamit ko, sa ilang libong nod at references na
lumabas sa utak kong binabasa niyo ngayon, hindi na siguro kayo magugulat na sa may MRT
nga nag-krus ang aming landas ni Irene.
Sa punong analogy ng munting kwento ko, siya ang riles, ako ang pasaherong sa mga normal
na araw, maingat, nasa tamang pag-iisip at ang unang ibabaon sa utak ay ang 'wag i-cross
ang yellow line.
Pero walang normal sa isang Bae Irene. Itutulak niya kung sinong gusto niya itulak beyond
the yellow line.
“Feeling ko naman okay lang,” sagot ko naman kay Jisoo habang paakyat akong hagdan.
11
Napatawa akong bahagya. “Ano na namang details gusto mo?”
“Seven siguro.”
“Ha?” narinig ko ang inis sa boses ng bestfriend ko. “Bakla, ilang araw mo inabangan tawag
nila tapos seven lang ang performance mo? Sabi ko sa 'yo 'di ba dapat may pa-fireworks level,
lifting a la Mystica, tapos background music mo 'It's Raining Men'?”
Bago kayo maguluhan, hindi po ako nag-apply para maging backup dancer o nag-audition sa
Pilipinas Got Talent. Sadyang kakaiba lang ang direksyon ng utak ni Jisoo.
“Hay, naku, Seulgi. Matalino ka naman, masipag. Ikaw nga tumatangke sa pamilya mo eh.
Ito na big break mo para mabawasan naman 'yong mga trabaho mong isang milyon. Ako na
naaawa sa mga paa mo—ugat na tinubuan ng paa.”
12
“Anong 'kaya siguro'? 'Kaya talaga' single ka,” tawa ni Jisoo. “Biruin mo manliligaw pa lang
boylet sa 'yo supalpal na agad kasi ayaw mo sa hakdog, tapos 'pag may natipuhan ka namang
potential bebegurl ayaw mo i-pursue kasi iniisip mo pamilya mo.”
“Naku, 'te,” agad kong kabig, “kung may mapapangasawa ako, kailangan niya tanggapin na
asawa niya rin pamilya ko.”
“Girl-” ayan na ulit ang inis sa boses ni Jisoo, “pagbigyan mo naman sarili mo. Mauuna pang
mag-asawa future apo ko kesa sa 'yo.”
“Oo na, kalma,” nilipat ko na sa kabilang tenga ang phone ko, naipasok ko na rin ang ticket
ko sa turnstile. “Malay mo doble swerte pala ako ngayon. Makukuha ko 'yong trabaho tapos
makikilala ko na keso ng cupcake ko.”
Malakas tawa ni Jisoo sa kabilang linya. “O siya, push mo 'yan ha? 'Pag 'yan di nagka-totoo,
mga tatlong Jollispaghetti ililibre mo sa akin at kila Rosie.”
“Ikaw, Jennie at Lisa na lang ililibre ko. Magugutom pamilya ko 'pag sinama mo si takaw.”
Nagtawanan pa kami ni Jisoo at biruan bago ko ibaba ang tawag. Kahit paano naman sa buhay
kong 'to. May mga bagay na nakakapagpa-ngiti sa akin.
13
Pagka-tuntong ko sa platform ng Guadalupe, nagmuni-muni muna ako. Kung ang ibang tao
mahilig mag-stargazing habang nalulungkot, tumingin sa kaguluhan sa EDSA at mga
billboard naman ang trip ko.
Hindi rush hour ngayon kaya may oras akong mag-emote. Ito na 'yong isa sa mga rare
occasions na pwede lang ako magsampa ng siko at tumingin lang sa napakaraming billboard
ng mga sikat na artistang siguro wala nang gaanong struggle sa buhay. Huminga akong
malalim at may papikit pang kaunti habang dinadama ang polusyon ng EDSA.
“Ma'am, bawal po beverages sa platform,” 'ika ni kuya guard na nag-ninja lang sa may
gawing kanan ko.
Agad kong inubos ang iced tea kong dapat kanina ko pang ni-one-time-big-time sa Jollibee at
itinapon ito sa pinakamalapit na basurahan. Brain freeze makukuha ko sa 'yo kuya. Pero dahil
friends tayo, no issues tayo.
At sa puntong ito ng aking kwento, dito na papasok ang isang matinding sampal na
magkabilaan ng mga salitang binitiwan ko kanina. Review tayo ng kaunti:
14
(2) Baka ngayon ko makilala ang keso sa ibabaw ng cupcake ko.
At dahil nga may brainfreeze pa ako, kulang pa processing speed ang utak ko, 'di ko na
naproseso ng maayos ang mga susunod na nangyari. Napalingon ako dahil sa isang babaeng
tumatakbo sa platform.
Dapat una pa lang alam kong bad news siya. Akala mo hindi sa sangkalibutang init ng
Pilipinas gumagalaw. Naka-trench coat ito, sunglasses, at isang bonggang bonggang purple
na sunday hat na mas malaki pa siguro sa payong ko pag tag-ulan. Tawagin na lang natin
siyang si 'Sexy Barney'.
Akala mo rocket si ate mo Barney sa bilis niya tumakbo. 'Di ko man makita ang kanyang mga
mata dahil sa pa-Randy Santiago niya, kita ko naman ang bahagyang lingon niyang
magkabilaan na para siyang may hinahanap, pero sa dulo ng very slight effort niyang
maghanap, bumalik ang tutok ng kanyang tingin sa kung saan ako nakatayo.
Alam niyo 'yong mga sandali sa buhay natin na sa sobrang saklap, alam na alam lang natin
'yong exact moment kung kailan natin dapat balikan at baguhin kung pwede lang. Sa case ko,
ito 'yon. May dalawang bagay na sabay na nangyari; the defining moments:
(2) para akong nabangga ng tren sa biglang bangga ni ate mo Barney sa akin
15
At siempre, hold up, wait a minute, it's not a chopper, it's a tragedy.
Naalala niyo 'yong sinabi ko na basically unstoppable force ang babaeng 'to?
Slow-mo na tumalsik ang telepono ko, hindi ko na nasagot, dumiretso pa sa riles, at sa hindi
ko malamang dahilan, hinablot ako ni ate Sexy Barney, hinawakan sa parehong pisngi at
pwersahang nilapit ang mukha ko sa kanya.
“'Wag kang papalag. Act natural,” mabilis na sinabi nito. Hindi ako agad nakaresponde dahil
nga sa utak kong kasalukuyang nasa Alaska.
Nanlaki mga mata ko, at sinasabi ko sa inyo, kahit na sinasabi ni Jisoo na 'di naman gaano
lumalaki mga mata ko, na parang gumigising lang ako 'pag nagugulat, basta, NANLAKI mga
mata ko.
16
Pakiramdam ko isang buong araw ang dumaan bago niya ako binitawan. Napalunok na lang
ako habang nakatingin sa kanya. Sa dami ng pwedeng niyang hablutin, bakit ako? Unang-
una, babae ako. Pangalawa, nasa public space kami. Pangatlo, Pilipinas ‘to; mas maraming
judgmental kesa solution ng gubyerno sa problema.
Ganda ng kutis, parang hindi man lang nadadapuan ng alikabok, napakabango, at kahit na
hindi ko nakikita mga mata niya sa likod ng suot niyang sunglasses, pakiramdam ko nakita
ko na siya minsan sa buhay ko. 'Di ko lang lubos maisip kung saan.
“K—Kilala ba kita?” nauutal kong tanong sa kanya. Agad kong nakita ang pagtaas ng kilay
niya. Pati kilay niya hulmang-hulma. “H-harassment po ginagawa niyo.”
“Excuse me?” pabulong man, ramdam ko ang pangil niya sa tanong na ‘yon. “Sure I’m trying
to hide and all, but excuse me?”
Wow, sa suot mong ‘yan sure akong mas marami pang lumingon sa ‘yo kesa pinili kang ‘di
pansinin. Nice tago. Trying to hide ka diyan.
“Um—“ ‘wag niyo ako sisihin kung ‘di ako makasagot ng maayos.
17
Lumapit pa siya sa mukha ko. Mga limang sentimetro na lang siguro pagitan na naman ng
mga mukha naming. Lord, turuan mo ulit ako huminga. Binaba niyang bahagya ang shades
niya at diniretso ang tingin ng nanlilisik niyang mga mata sa akin.
Binabawi ko na. Hindi ‘to keso sa cupcake. ‘Quezo’ ‘to. Sa French naman kung saan susyal
ang cuisine, isa siyang ‘Fromage’.
Napapikit akong mga tatlong beses. Unti-unti nang bumabalik utak ko mula sa Alaska. Sa
may likuran ni Sexy Barney, nagkaroon ako ng ‘light bulb moment’ nang matanaw ko ang
mga billboard na eighty percent ay puro lang mukha ni Bae Irene.
Isa pa.
Pakshet.
18
Nanlaki uli mga mata ko at bumalik sa mga matang nasa harap ko, mga mata ng the one and
only It Girl, mga matang ramdam kong iisa lang ang mensaheng gusto iparating: surprise
motherfvcker.
“Bae Irene?”
Masakit ha?
“—tanga ka ba? O kailangan kong ulit-ulitin that I’m trying to hide?” mariing sabi nito habang
lumingon ito sa lahat ng direksyong pwede niyang lingonin. “Mukhang wala na sila.”
Wow. Mga tanga siguro naghahanap dito kung sa ganitong suot niya e hindi nila ito napansin.
19
Ay wait. I feel used. Teka. Ginamit lang pala ako para hindi siya mapansin. Hindi pala to
Queso/Fromage. Isa siyang hamak na cheese melt.
“Listen,” simula nito nang nakasiguro na itong wala na ang mga naghahanap sa kanya, “I
need you to do something for me.”
“I-uwi mo ako.”
Ha?
Ano daw?
//
20
So basically, kung nakaranas na kayo na makaladkad ng kalabaw nang parang araro, ‘yon
ang picture at experience na pinaka-magandang gamitin para maintindihan niyo kung bakit
heto na ako ngayo’t may bitbit na high maintenance individual sa may gate ng bahay naming
sinlaki na siguro ng walk-in closet niya.
Noong sinabi niyang i-uwi ko siya, mga tatlong segundo lang siguro pagitan, tapos boom
sakay agad kami sa pumaradang tren. Ni hindi ko naipaglaban ang phone ko na nalaglag sa
riles.
“Panginoon! I-aalay ko ang anak kong demonyo! Ibalik mo lang ‘yong anghel ko!” naririnig
ko na si Mama.
“Grabe ka sa akin Mama! Ginawa ko lahat ng dapat gawin ni Ate Seulgi ngayong gabi! Ako
pa rin ba!” kailan ba hindi magbabangayan ‘tong si Mama at Yeri.
“Mama, kanina pa ako naghahanap! Kauuwi lang nga namin ni Ate Wendy o!”
“We looked real hard, Mom!” kapatid kong inglisera, si Wendy. Ginto ko ‘yan. Hindi sayang
perang ibinabayad ko sa Ateneo.
21
“LOOK REALER!” naku, Mama, pwede namang hindi ini-Ingles kung hindi kaya. “BAKA
NAPAANO NA ANG ATE NIYO, DIYOS KO! ‘YONG GINTO KO! PANGINOON, HINDI
KO KAKAYANIN!”
Kung ‘di ko pa nababanggit sa inyo, apat kaming magkakapatid, iba-iba ang tatay. Grabe kasi
ang paniniwala ni Mama sa tunay na pag-ibig. Kada boypren niya noong dalaga pa siya,
pakiramdam niya forever niya na. Isa lang naman nagmana ng ganyan pananaw niya—si Yeri
lang, habang si Wendy at Ligaya neutral sa pag-ibig, ako na panganay na sa murang edad ay
nakita ang ilang ‘Wasak Episodes’ ni Mama, Season 1 hanggang Season 86, medyo
traumatized at todo ingat.
Busangot ko lang habang sinulyapan ang katabi kong nakapamaywang pa. Ako na nga
nakaladkad, siya pa galit? Edi wow.
Sigurado na ba ‘to talaga? Pwede naman sigurong kila Jisoo na lang ‘to? Mas maayos naman
apartment ng apat na ‘yon.
22
Shet. Wala na nga pala akong phone. Hassle. Pwede bang umiyak?
“How long are you going to make me wait?” ‘ika nito na hindi man lang natingin sa akin. Ako
ba talaga kausap nito?
“Ikaw na nga nagpauwi, ikaw pa nagrereklamo,” mahina kong sabi habang may pagkamot
sa may gawing kilay ko. Napasambit na rin ako. Pagod ako. Hindi na ako nakapagpahinga,
nawalan ng phone, at patuloy na binabagabag ng tawag na hindi ko nasagot.
Iling ako agad na may naka-plaster na ngiting mas fake pa sa sapatos ko. “Ah, e wala. Pasok
na tayo?”
Umikot na naman mga mata niya. Mahipan sana ‘yan nang ma-stuck.
“Finally,” sagot nito sabay taas ng kamay, akmang bubuksan ang gate ng ‘bahay ko’ (bahay
ko by the way).
Bago pa man niya lubusang maitulak ang gate naming kinakalawang na, bigla itong bumukas
at bumungad sa amin ang bunso kong kapatid na si Yeri na mukhang handa na makipag-
suntukan sa sama ng aura.
23
Kita ko ang takbo ng emosyon sa mukha niya sa loob ng limang segundo: gulat, inis, bwisit,
luwag sa dibdib, at nang maibaling ang tingin niya kay Irene na naka-shades pa din sa ilalim
ng very slight na liwanag ni Inang Buwan, gulat ang nanaig.
Putangina?
24
Bakit ba puro landi iniisip ng mga kapatid ko? Ni hindi ko naman sinabi sa kanila nang
lantaran na bakla ako?
//
Sa dami ng nangyari sa may gate namin, at gaya na rin ng series of unfortunate events na
nangyari sa akin ngayong araw, hindi ko alam kung paano nangyaring nakaupo kaming
pareho ni Irene sa love couch sa salas habang apat na tao ang nakatayo sa harap namin.
Habang ako pagod at dalawang pikit na lang bagsak na, hindi ko mawari kung paano
nagagawa ng bruhildang katabi ko ang ngumiti at enjoyin ang attention na nakukuha niya sa
mga kapatid ko.
Si Yeri walang tigil ang pagpipicture kay Irene. Nangako naman itong hindi ipopost.
Magyayabang lang daw sa mga kaklase niya. Si Wendy na kahit problemado, bakas ang
pagka-starstruck sa mga mata. May hawak pa itong picture ni Irene. Papa-autograph pa
siguro si bruha. Si Ligaya naman ngiting aso pa din habang pinapaypayan si Mama na
magaling din magdrama, akala mo hihimatayin na.
25
Waw, Ma. Napaka-uninformed ng kamadlaan ng lipunang Pilipino.
“Ma, hindi ako tomboy,” sambit ko, sabay mariing masahe sa noo ko. Diniinan ko pa. Gusto
ko abot bungo. “Lesbian ako, Ma. Sorry sa late info, at bakit ba 'yan ang focus ng usapang 'to?
Ni hindi ko nga girlf—ARAY!”
Nakaramdam ako ng solid na siko sa tagiliran ko. Magrereklamo sana ako nang titigan ako
ni Irene nang may ngiting hawig na hawig nung anonymous na mask. Tangina.
Ngumawa ang nanay ko sa salitang ‘lesbian’. Akala mo naman may balak siyang pag-jowain
anytime soon kung sinabi kong interes ko nasa hatdog. Lakas naman sa pagpaypay ang
Ligaya at ang Wendy na ginamit na ang picture ni Irene na pamaypay.
“Ang ganda mo po sa personal,” commercial nitong si Yeri at patuloy ang pag-pi-picture nito
sa katabi kong naka-de cuatro pa at nag-iiba iba pa ng pose kada kuha ni Yeri. Pwede na siya
bumuo ng GIF. Ang Wendy naman at Ligaya ay tuloy pa rin sa pagkakagulo nilang buhayin
si Mama.
“Ma—“ hindi ako tatayo. Alam ko nagdadrama lang siya. “Can I explain muna?”
26
“—girlfriend, Mom. You can say it,” entrada ni Wendy, “and please don't say Tomboy,
that's—like—outdated and ignorant.”
Ngawa ulit ang punong bakla, gaya nung pag-ngawa niya noong iniwan kami ni Papa I.
Bakit kasi hindi ako tulungan ni Miss Irene magpaliwanag, ‘di ba? Siya naman dahilan kung
bakit nangyayari lahat ng kaguluhang 'to. Humarap ako sa kanya. Tumingin naman ito sa
akin pero mukhang ‘di naman siya natitinag ng tingin kong I assume ay nagpaparamdam ng
pagka-bwisit.
“Baka gusto mo i-explain lahat ‘to?” tanong kong may full-gear na inis.
Kinilabutan ako sa ngiting binigay niya sa akin. Bakit ako lang ang nakakaramdam sa pagka-
fake ng lahat? Itinaas nito ang kamay niya’t hinaplos ang pisngi ko. Natigilan ako. Kahit isang
malaking fake ‘tong bruhang ‘to, bakla ako at maganda siya. Hindi magandang combo. Ito na
'yon eh. Ito na 'yong dahil kung bakit nababansagan ang sangkabaklaang kababaihan ng
'Useless Lesbians' sa may kanlurang bahagi ng daigdig.
“Ang totoo niyan, Mommy—“ simula nito at unti-unti niyang ibinaling ang tingin sa pamilya
ko. Inalis na nito ang kamay sa mukha ko at ipinulupot ang mga kamay namin.
27
Pero teka ha? Mommy? Anong pinagsasabi nito? Lalong aatakihin sa puso nanay ko nito.
“Matagal na akong gusto ipakilala ni S—Seulgi—“ naku Ate Ayren, wala kang
makukumbinse diyan dahil kahit pangalan ko mukhang ngayon mo lang na-realize. Kudos
naman sa listening at comprehension skills mo, anyway, “—kaso natakot siya baka hindi mo
kami matanggap. Mahal ko po anak niyo. Handa po ako saluhin lahat ng responsibilidad
niya—“
Kung meron mang bagay na masasabi ko nang walang kahit onseng duda na kahinaan ni
Mama, isang bagay na sure ako na huhuli sa kiliti niya—
Sa isang iglap, parang napo-possess si Mama na nasabuyan ng pari ng holy water sa bilis ng
pag-galing niya. Buti pa si Emily Rose, consistent.
At sa gabing iyon, agad niyang ipinaayos ang kwarto ko sa tatlo kong kapatid para sa ‘nobya’
kong ‘Prinsesa’ ang bigla niyang tawag.
28
Anyway. At least hindi na humaba ang usapang na-out ako bigla sa nanay ko. Mukhang
tanggap niya na. Piso lang katapat. Ayos.
//
Sa tanang buhay ko, ni minsan hindi naging hands-on si Mama sa akin. Lumaki akong buhat
ko sarili ko at mga kapatid ko, pati na rin si Mudra. Kaya naman laking paninibago ko sa pag-
aasikaso niya sa amin ni Irene. Hinatid pa kami sa kwarto ko. Pula pa ang bedsheet na napili
nilang ipalit sa kobre-kama kong never naman nila hinawakan before.
At kailan pa nagkaroon ng orange tint ang ilaw ng kwarto ko? Sakit sa mata.
Jusko. Wala na akong ibang ginawa ngayong gabi kundi mapahinga ng malalim.
“Goodnight mga anak! Galingan mo Seulgi!” excited na sabi ni Mama habang palabas ng
pintuan at pagsara nito.
Galingan? Ulol.
29
Pinagsasabi niya? Ni hindi ko nga kilala ‘tong ‘prinsesa’ niya bukod sa libong endorsement
nitong nasisilayan ko paminsan sa TV na halos 'di ko naman makaharap gaano.
Kung nakakatunaw ang tingin, iyong kanya sinlakas siguro ng araw sa gitna ng kainitan ng
Hunyo.
“Nakita na kita sa commercial ng Modess at ng McDo,” sagot kong pang-gago. Pero totoo.
Kahit pintura at cotton buds na-endorse na niya. Sure ako.
30
Nanlisik ang mga mata niya.
“Anong klaseng tao ang hindi nakakakilala sa akin? At maraming magmamakaawa ma-
‘harass’ ko lang,” ah, so naaalala niya pa ang pang-haharass niya sa akin kanina sa MRT.
“You mean, ‘you’ exist,” sagot nito sabay bato ng unan sa mukha ko. “Sa sahig ka, Kang
Seulgi.”
ABA PUT—okay.
Wala na akong lakas para sa lahat nang ito. Kama ko na lang iyong bukod tanging bagay na
sobrang naglo-look forward ako sa loob ng isang araw tapos ganito pa.
31
Hindi nagbago ang kanyang postura. “Most people would die just to literally have me on
their bed.”
“Well, hindi ako 'yon. I am not ‘most people’, Bae Irene,” sagot ko sa kanya na may
sarkastikong diin sa pangalan niya.
Kita ko ang isang segundong daan ng gulat sa mga mata niya, pero agad din itong napalitan
ng bitch mode niyang mukhang default setting niya.
Hinga ulit ako ng malalim for the nth time habang inilalapag ang unan ko sa sahig. Ni walang
kutson o kumot.
//
32
Hindi naman mahirap makatulog sa ganitong pagod ko ngayong araw.
“Paypayan mo ako.”
33
‘Magtiis ka,’ gusto ko sabihin, pero nang masilayan ko ang itsura niyang parang hirap na
hirap, naka-pout pa, agad kong isinumpa ang kabaklaan ko.
//
Kalagitnaan ng gabi. Mga munting ingay ang humila sa akin sa realidad. Ang tuloy-tuloy na
pag-vibrate ng phone ni Irene sa nightstand ko, at mga hikbi.
Hindi.
34
(Medyo lang, kasi may bruhang evil.)
Suho calling.
Sino si Suho?
Sigurado akong hindi artista si Suho. Then again, bobo ako sa artista. Wala akong gaanong
kilala dahil sa tipo ng buhay na meron ako: mas mahaba oras sa (mga) trabaho kesa kahit ano.
Sinilip ko siya at kahit na patay ang ilaw, naaaninag ko ang pag-galaw ng mga balikat niya
dahil sa pag-iyak na pinipigilan niya.
Naawa naman ako. Kaya maya-maya ay pumunta ako sa cabinet ko para pahiramin siya ng
pantulog at pamalit bukas. Nilapag ko ito sa may paanan niya.
35
//
Nagising ako ng kalampag ni Yeri sa pintuan ng kwarto ko. Napaka-wirdo ng panaginip ko.
Hinalikan daw ako ni Bae Irene tapos inuwi ko daw siya sa bahay.
Natatawa na akong bumangon. Parang tanga talaga mga panaginip minsan. Hindi ko na rin
inisip kung bakit sa sahig ako nakatulog. Masigla akong lumabas sa kwarto ko. Ano kaya
handa ni Wendy ngayon para sa agahan? May nalalaman pa akong pakanta-kanta habang
papunta sa kusina.
Amoy waffles. ‘Di pa ako nakakarating sa kusina ang laki na ng ngiti ko. Ngunit nang
makarating na nga ako doon, parang gusto ko agad gumising ulit. Baka lang kasi panaginip
din ulit ‘to. Inception ba? Tipong paulit ulit kang gigising kasi patong-patong na panaginip
lang pala lahat.
36
Bumungad kasi sa akin sa kusina ang nanay kong sinusubuan pa si Bae Irene na suot ang
pantulog ko, basa pa ang buhok, walang make-up at armadong-armado ng kanyang fake
smile habang kausap si Mudra. Baka nga horror ‘tong kwentong ‘to. Tipong ‘yong plot
umiikot lang sa isang masamang panaginip.
“Alam mo ba na sa lahat ng naging nobyo ko, tatay niyang si Seulgi ang pinakamagaling sa
kama kaya dapat siya rin magal—“
“Ma, alam mo namang virgin pandinig ni Wendy,” bahagya kong sermon kay Mama habang
pumupwesto na sa hapag-kainan kung saan nakaupo pa ang Yeri at Ligaya (at Haetnim),
“’wag mo naman takutin.”
Tawa lang si Mama na patuloy pa rin ang pag-subo ng waffle kay Irene na siya pa nag-slice.
“Naku, e matanda na yan, nene. Kaya hayaan mong marinig niya.”
“Oo nga pala. Bumili ka ng tsaa mamaya Seulgi at hindi nagkakape itong asawa mo.”
37
Hanep. Asawa na?
Ibinaling ko ang paningin ko sa kanya na nakaka-gago ang ngiti habang ninanamnam ang
pag-aalaga ni Mama. Hutaena.
“Hindi ko alam, Mama. Nasira phone ko. Follow-up ko na lang siguro mamaya. Tawagan ko
ang opisina nila.”
“Anong nangyari sa phone mo, babe?” babe mo mukha mo. Nagtanong ka pa. Ikaw naman
dahilan.
38
“Ah, hindi ko sure?” sagot ko habang sinisigurong kasing fake niya ang tono ko, “nalaglag
ata sa riles kahapon?”
“Hindi naman 'yon ang tinatanong kong trabaho,” simula ni mama. Lahat naman kami
napatingin sa kanya, naghahanap ng paglilinaw. Si Ligaya na sharp sa kabalahuraan, balik
ngiting-aso habang nakatingin sa akin at hindi kay Mama. “Tinatanong ko kung tinrabaho
mo ng maayos 'tong si Irene kagabi.”
Sa mga susunod na minuto, nire-revive namin si Yeri na muntik nang tuluyang mamaalam
dahil nag-choke sa waffle slice na lulunukin niya sana ng maayos. Buti na lang nursing
student 'tong si Ligaya.
Siguro tuod ako sa past life ko, o 'di naman kaya ay tangkay, tuyong dahon, buntot ng ulap.
Walang ambag sa lipunan. Kaya sa buhay ko ngayon ako binabawian at pinaparusahan.
//
Lakas ng tawa ni Jisoo, na siya namang sinundan ni Jennie na may pahampas pa sa balikat ko
habang tumatawa.
Nakakatawa ‘yon?
39
Hindi pa rin makahinga 'yong dalawa. Napakasaya ko. Masaya ako para sa inyo dahil
maligaya kayong mga hayop kayo.
“Wow, I feel very comforted,” sabi ko nang hindi na itinatago ang pagod ko. Nanlalata akong
nakasandal sa cash machine. Buti walang customer ngayon.
“Kasi naman, bakla—“ ayan medyo naka-recover na siya't nakakahinga na ng kaunti, “—i-
review lang namin ni Jennie ha? Hinalikan ka ni Bae Irene?”
Bigla uli silang humalakhak ng sabay na para bang hinulugan ng piso tapos umandar.
“Ako naman gusto itanan ni Liza Soberano!” dagdag naman ulit ni Jennie.
40
Humalakhak na naman ang dalawa ng automatic. Aba, sarap niyong pag-untugin.
Last shift kami ngayon. Sana nakasabay ko na lang si Lisa Manghuhula at si Rosie Malandi.
Mas maayos pang kausap 'yong dalawang wirdong 'yon minsan kesa dalawang animal na 'to.
Tama, papahula ko na lang future ko kay Lisa, tapos hihingi ng tips sa social life kay Rosie,
baka sakaling ma-figure out ko kung bakit bigla akong nasalanta ng Bagyong Irene.
“Tapos natulog kayo sa kwarto mo? WOW—“ apir naman sila ngayo't halakhak ulit ng tawa
nilang tila automated.
“Anong sunod? Papaltan niya phone mo? Pupuntahan ka niya dito?” dagdag ni Jennie na
nakahawak na sa tiyan niya kakatawa. Bulset kayo.
At sa moment na 'yon, wala man lang isang minuto ang lumipas, wala man lang limang
segundo, biglang kumalantsing ang wind chimes sa may itaas ng pintuan ng resto. At habang
nagtatawanan ang dalawang mamaw, lumitaw si Irene, naglakad patungo sa amin na tila
bitbit niya ang araw, buwan at mga bituin sa liwanag ng aura niya. Suot man nito ang
pamilyar na hoodie, shorts at cap na na-realize kong akin, alam kong siya 'yon. 'Di
mapagkakaila.
Agad namang bumati ang dalawa gamit ang welcome spiel namin, mukhang hindi nila ito
nakilala. Ako naman hindi na nagsalita.
41
Pati ba naman dito guguluhin ako nito?
'Di na ako nakasagot, napatingin na lang ako sa box ng iPhone 11 sa harap ko.
“Kaya ko bumili ng sarili kong phone,” sagot ko, nilagay ko mga kamay ko sa bewang ko at
itinaas ang noo ko.
“Sinira ko phone mo. Kaya ayan. Kunin mo na 'yan,” tapat naman niya.
42
Excuse me?
43
Ayos. Parang kanina lang lakas niyong mang-asar.
Teka nga.
Okay na rin pala. Kahit para lang matahimik itong mga animal na 'to.
Nag-pigil na lang ako ng tawa habang pinapanood 'yong dalawa na nagbabangayan kung
sino kukuha ng order ni Irene.
Napailing ako dahil halos hilahin na ni Jisoo si Jennie sa apron nito. Nakangiti pa naman ako
pero naalala ko bigla ang phone na binili ni bruhilda. Nabura man ang tawa sa mukha ko,
pag-kabukas ko naman ng kahong wala nang seal, at pagka-angat ko sa kulay purple na
phone, agad itong umilaw at bumungad sa aking ang lockscreen na selfie ni Irene, nagbago
ang pinta ng mukha ko.
Wow. 'Di na rin ako nagulat nang buksan ko ito at mukha niya rin uli ang bumungad sa home
screen.
44
Lakas ng tawa ko bigla.
//
Sa daan pauwi, taxi ulet, napansin ko ulit ang phone niyang walang tigil sa pag-vibrate.
Suho calling.
Hindi niya ito pinapansin, pero kita ko ang paglalim ng simangot niya. Pinara ko agad si kuya
sa may kanto malapit sa Savemore. 'Yong tsaa niya kasi. Pagod ako. Ayaw kong
mabungangaan ni Mama.
45
//
Habang nagkukwenta ako sa isip ko ng expenses ko ngayong araw at ang matitira sa akin
base sa mga bagay na nasa munting basket ko, dumaan naman sa paningin ko si Irene na may
umaapaw na trolley. Mas matangkad na ang items niya kesa sa kanya. Namutla ako.
Agad ko siyang nilapitan at binulungan. “Ang dami niyan! Bawasan mo naman kaunti o.”
“Ako magbabayad.”
Ha?
“Ako magbabayad,” simpleng ulit niya, pero bakit ako kinilabutan? Bakit grabe ‘yong diin sa
kaluluwa ko? Horror nga 'to. ‘Patayin sa Sindak si Seulgi: The Return of Satanas’ ang title.
46
Hindi ako mapakaling kinikilatis ang pinamili niya. Napakarami. May cereals, may chichirya,
may karne, maraming manok, may toiletries, may mga drinks, de lata. May toyo, suka, kung
anu-anong gulay.
Ayuda 'te?
Sinubukan ko siyang pigilan. Pero sa puntong naman na 'to ng kwento, gets niyo na rin na
wala sa bokabolaryo nito ang mga katagang 'okay sige'. Pero naman hinayaan niya na akong
bumili nung tsaa niya. Alam kong hindi siya iinom noong mumurahin kaya kinuha ko na
tatlong klaseng mamahalin. Nakita ko kung paano niya ito tinignan sa basket ko at siya
namang pa-simpleng alis niya noong mga tsaang nasa trolley niya na.
Nagbayad siya ng grocery para sa isang barangay, ako naman para sa kanya.
Hmm.
47
Napapaisip ako: mabait naman siguro siya sa sarili niyang paraan. Hindi naman kanya yang
pinamili niya. Sigurado ako. May dog food e. Naambunan pa ang Haetnim.
//
Binabawi ko. Alagad talaga siya ng bawat kampon ng kadiliman sa buong Shake, Rattle and
Roll movie franchise.
Habang casual itong pumapasok sa gate namin, ako naman ang may bitbit ng Ayuda de
Barangay na pinamili niya.
Sus. Ang nanay ko may bimpo pang naka-abang. Punas naman agad sa mukha ni Irene. Ano
‘yan ma? Payb years old?
48
“Thank you, Mama,” sarkastiko kong sabi kay Mama na likod naman ni Irene ang
pinupunasan. Hirap pa akong makadaan papuntang kusina para ilapag ang pinamili dahil
pinagkakaguluhan nila si Kamahalan. “Thank you, Ligaya. Thank you, Wendy. Lalo ka na,
Yeri. Sweet niyo.”
Nang mailapag ko ito sa hapag kainan para ayusin, dinumog naman ako ng mga oportunista.
Ni isang item wala na akong nahawakan. Sige, bahala na kayo diyan. Magpapahinga ako. Buti
na lang weekend bukas.
//
Mukhang may pa-pansit si Mayora. Kaya naman pala ang daming binili.
Kumakain sila at nanonood ng TV sa salas nang mapadaan ako mula sa shower. Inalok naman
ako ni Wendy na kumain, pero tumanggi ako dahil maraming bagay ang nasa agenda ko
ngayong gabi: matulog, matulog at matulog. Nag-good night naman ang kapatid kong sweet,
habang sinabihan akong KJ nung dalawa pa. Napansin ko din ang pagsunod ni Irene ng tingin
sa akin.
Dahil abala sila sa salas, kinuha ko ang pagkakataon na mahiga sandali sa kama ko. Busy
naman si Ate Irene sa pakikisalamuha sa pamilya kong cute (sarcasm), samantalahin ko na
ang ilang minuto man lang na maihiga ang likod kong parang binasagan ng hollow-blocks.
49
Kinalikot ko sandal ang bago kong phone habang nakahiga sa kama kong ka-cool off ko.
Muntik ko mabagsak ‘to sa bibig ko nang buksan ko’t bumungad na naman mukha ni Irene.
Dahan naman ang tawa ko sa gallery kong puro rin pala mukha niya.
Scroll-scroll lang nang may makita akong picture niyang naiiba ‘yong ngiti. Napaisip ako.
Bahagya atang naibaba niya ang maskara. Sa selfi na ito, halso hindi mo pansin ang ngiti niya,
na para bang mata niya lang ang nagsasalita. Kaya siguro siya sumikat. Mangungusap ang
mga mata niya.
Agad kong ipinalit ‘yong litratong ‘yon sa lockscreen ko. ‘Di naman siguro siya magrereklamo
dahil mukha niya pa rin naman.
Guni-guni ko siguro pero naramdaman ko ang marahang balot ng kumot sa akin sa paglalim
ng tulog ko.
//
Hm?
50
Umiiyak na naman?
Mas malakas?
Bumuka agad ang mga mata ko nang maalala kong hindi ako nakalipat sa lapag ko sa sahig.
Pero gagalaw pa lang sana ako para bumaba, naramdaman ko ang galaw ni Irene kasabay ng
bawat hikbi. Nakatalikod ito sa akin at patay na rin ang ilaw pero kita ko, ramdam ko.
‘Di na ako nagkaroon pa ng lakas bumaba. Napatingin ako sa kumot na nakabalot sa akin.
Siya naglagay?
Dahan-dahan kong nilipat ang kumot sa kanya. Napansin ko ang sandaling bahagyang gulat
niya dahil tumigil siya sa pag-hikbi, pero hindi ito humarap sa akin.
//
51
“Hoy.”
“Hoy.”
“Hoy, Oso.”
Ay wow.
Dahan dahan kong idinilat mata ko. Siguro kung hindi ko lang alam ugali nitong taong ito,
iisipin kong nasa langit ako. Ang ganda po, Mama. Parang anghel.
52
“Buntis ka ba?” sarkastiko kong tanong.
Kinurot ako nito at agad akong nawalan ng antok sa katawan. “Magluto ka.”
“Tanghali na.”
53
Kinurot niya ulit ako.
“Adobo.”
“Adobo.”
“Adobo sabi!”
54
Naalala ko lang bigla. Anghel nga din pala si Lucifer bago siya binigyan ni Papa G ng ‘Drop’
na grade.
//
“Ate, anong niluluto mo?” tanong ni Wendy na bigla na lang sumulpot ang ulo sa may gawing
kanan ko, sinisilip ang hinahanda kong kaldero.
“Adobo.”
Tumango na lang ako. Walang gana. Kama ko lang nasa isip ko.
55
Pakialam ko.
Umiling si Wendy.
“Allergic siya sa chicken, Ate. She didn’t even touch the food we had last night kahit gutom
siya.”
Napapikit ako.
Tangina.
56
Napaisip na naman ako. Binalikan ko sa utak ko ‘yong puntong kinikilatis ko kanina. Si
Lucifer na anghel dati, may pagkakataon kaya sa buhay niya sa ibaba na gusto niya rin
bumalik sa pagiging mabuti?
Napasambit ako.
Misteryo ka man at ang dahilan mo kung bakit nandito ka, pakiramdam ko kailangan kita
pangitiin kahit ngayon lang.
Gaya ng walang alinlangan mong pagpapangiti sa pamilya ko. Kahit na siguro barya lang sa
‘yo lahat ‘yon, puntong litaw ‘yong fact na wala pang gumagawa nito para sa pamilya ko.
//
Hindi naman ako masarap magluto. Sakto lang. Hindi gaya ni Wendy na bigyan mo ng sako
ng buhangin at bato, kaya mag-magic ng sinigang.
57
Pero tinitignan ko siyang kumain, hindi ko mapigilang isipin na parang ang sarap naman ng
pagkakaluto ko.
Tumayo na sa hapag si Yeri at tinusok ako sa tagiliran bago ilapag ang pinggan niya sa lababo.
“Matutunaw, Ate.”
Sumunod namang tumayo si Ligaya. Inilapag din nito ang pinggan niya sa sink. Siempre, tila
checkpoint, dumaan din muna sa akin at sinara bibig ko. “Bahay langaw lang, Ate?”
Sumunod naman si Mama na wirdo. Tinapik nito ulo ko. Aso lang, Ma? “That’s my tomboy.”
Tangina, Mama?
58
Nagpigil ng tawa si Irene, pero tuloy pa rin ito sa pag-kain. Tumingin ito sandal sa akin.
Nahiya ako bigla. Ganyan ba talaga siya tumingin? Ngumiti ito—hindi ‘yong ngiting
satanas—at tuloy ulit siya sa pag-kain.
Laging huli sa hapag si Wendy, pero sa pagkakataong ‘to napatingin siya mula sa akin tapos
kay Irene; muli sa akin, tapos kay Irene. Nilunok niya na huling subo niya at tumayo na rin
ito.
“I should probably go,” sabi nito na para bang nakaka-istorbo siya sa amin.
Naramdaman ko mga daliri kong ‘di mapakali. Sus. Parang teenager lang ang peg. Tinuloy
ko na lang pagkain ko. Tahimik lang kaming dalawa nang bigla itong ngumiti—balik sa
ngiting nakaka-gaglo.
ABA PUT—
59
//
(1) Kakain siya ng gusto niya kainin at requirement na ako ang magluluto, kahit na ano pang
lagay ko sa buhay-gutom, pagod, mabaho, atbp.
(2) Sa umaga ‘di ko dapat makalimutan ang tsaa niya, dahil tuktok sa ulo inaabo ko sa nanah
kong parang kalian lang ako ang paborito.
(3) Improvement, hindi na ako sa sahig natutulog, pero tila horror movie, nagigising talaga
ako ‘pag tapat ng mga kamay ng orasan sa hatinggabi dahil sa pag-iyak niya.
(4) Paminsan, siya mismo gigising sa akin dahil ayaw maki-cooperate ng Klima de Pilipinas
at kailangan ko siyang paypayan.
(5) ‘Pag araw ng grocery, pamilya ko pinamimili niya, ako bibili ng pangangailangan niya, at
siempre, part-time porter pa rin ang role ko sa pa-roleplay ni Mayora.
Bukod sa demanding si Ate Irene, isa rin siyang clingy na ‘fake girlfriend’.
60
Nasa shift na ako sa resto, nagkataon na kinailangan ko mag-double shift dahil masama
pakiramdam ni Jennie. Pera din naman kaya kinuha ko na. Ang pamilya ko sanay na ‘pag late
ako umuuwi. Isang text lang kay Wendy na responsable, okay na.
Ang ‘di ko naisip… may isa pa palang nilalang sa bahay namin—‘yong malditang nuno sa
kwarto ko. Hindi ko naman inasahang hahanapin ako nito.
Napatingin ako sa orasan. 11:45 PM na. Tulog na siguro pamilya ko at ang bruhildang
namahay sa kwarto ko, at siempre, dahil paborito ako ng universe, mali ako doon sa huli kong
sinabi.
99 missed calls.
61
99 missed calls from Diyosa.
Ha?
Tumunog ang windchimes sa may pinto. Frustration na sana mararamdaman ko dahil may
pahabol na customer, nang mapalitan ito agad ng takot, dahil doon, sa may entrance ng resto,
‘tila aswang na nanlilisik ang mga mata, pawis, magulo ang buhok, pero char hindi one-half
ang katawan, biglang pumasok si Irene. Teka—scratch that—hindi siya aswang, sa haggard
ng buhok niya, at infair maganda pa din, glowing pa din kutis, para siyang White Lady na
tapos na sa shift niya sa Balete Drive kaya dito naman nanggulo.
62
“Bakit hindi ka ‘sa akin’ nagtext?”
“Sorry, hindi ako informed. Next time, tawagan pa kita,” pabalang kong sagot na siya namang
lalong pinanlisik ng mga mata ng White Lady sa harapan ko.
“Hindi ka pa tapos?”
63
//
Paglipas ng ilang minuto, nag-time off na rin kami ni Lisa na naka-sungkit pa ng autograph
sa White Lady ko.
Dabog pa rin si White Lady habang nag-aabang kami ng taxi. Naku, ‘te, kahit butasin mo pa
‘yang kalsada kaka-padyak mo, wala akong lakas manuyo. In the first place, bakit nga ba kita
susuyuin?
Mga naka-99 na siyang padyak wala pa ring taxi kaya naawa na ako sa kanya. Napasambit
na lang ako, at maya-maya dahan-dahan kong itinaas kamay ko at tinusok ko siya sa may
tagiliran. Tinapik niya kamay ko at sabay tingin sa akin ng masama.
Siempre, sa itsura niyang haggard na naka-pout, hindi ko magawa nang matakot. Na-cute-an
lang, ganyan.
64
“Pst,” pusit ko ulit.
Tutusukin ko na ulit sana siya nang humarap na ito bago ko pa siya mahawakan at hinampas
ako nito sa may balikat. Natawa na lang ako.
“Sorry na po,” sabi ko nang nakatawa pa rin. Siempre, matatanggap ko lang sa kanya
pananaksak gamit mata dahil mukhang gago pa ring ngiti ang nasa mukha ko.
“Ang i-scary mo naman,” gago rin ako eh. ‘Di ko rin natago ang pinigil kong tawa. “Sorry na
o.”
“Hmp.”
Mga sampung minuto pa siguro itinagal naming kaka-antay ng taxi. Napansin ko na ring
giniginaw na siyang bahagya dahil shorts ko at t-shirt ko lang suot niya. Agad ko namang
nilagay sa balikat niya jacket ko.
At nang dumating ang taxi, nakit ko kung paano niya hinawakang maigi ang jacket ko at
tinignan ito nang may bahagyang ngiti.
65
Magkabilang banda man kami ng upuan sa taxi, pareho naman kaming nakangiti habang
nakatingin sa mga ilaw ng gabi na tila-ulap at bulaklak sa mata.
//
At siempre, ganito din ang pakiramdam ng may perwisyo sa buhay mo kahit oras na dapat
ng pahinga mo.
“Paypayan mo ako.”
Oo na, Madam.
66
//
“Seulgi.”
Ano na naman?
“Seulgi.”
Infair, ito ang unang pagkakataon na narinig ko ang pangalan ko mula sa kanya, kaya kahit
hirap na ako’t baon na sa dagat ng tulog, umahon pa din ako para sa kanya.
Pagkadilat ng mga mata ko, bumungad sa akin ang mga mata niyang mugto.
67
Ako naman si marupok na bakla, napabangon ako agad.
“Bakit?” tanong ko habang itinaas ang kamay ko’t pinunasan mga luha niyang tumutulo pa.
Umiling ito.
Nakita ko ang pag-aalangan sa mga mata niya, pero sa mga susunod na sandali, tinanggal
niya ang espasyo sa pagitan namin at yumakap ito sa akin.
Hinayaan ko lang siyang kumalma sa mga bisig ko, at maya-maya, hiningi na nitong mahiga.
Ako naman si baklang clueless at hindi sanay sa ganitong arrangement, parang akong
tangkay na may nakakapit na koala sa akin.
68
Nakatulog na siya’t lahat, ako naman ay buong gabing nilabanan ang lahat ng uri ng
kabaklaang pilit sumasaksak sa utak ko.
//
Dumaan pa ang ilang gabi, ganitong-ganito lang din ang arrangement sa tuwing gigisingin
niya ako’t hindi siya makatulog at puno ng luha mga mata niya.
Minsan gusto ko na siyang tanungin, pero sadyang mailap ang seryosong usapan sa aming
dalawa. Kung hindi kami nagkakapikunan, nag-aasaran lang kami.
69
//
Isang umaga, tahimik kaming nag-aagahan ng pamilya ko. Hindi na rin sila gaano nang-aasar
dahil nasasanay na rin sila sa presensya ni Irene. Halos apat na buwan na rin ito sa amin. Si
Wendy nakahanap ng kasundo niya sa kwentuhan sa gabi. Si Ligaya nakahanap ng
pagtitripan niyang tatakutin nila ni Haetnim na saktong-saktong lakas ng tili at taranta ang
bigay sa kanila. Si Yeri nakahanap ng azucarera niya. Siempre, si Mama pa magpapahuli?
Nakahanap ng kalma sa taong source naman ng highblood ko.
Normal na nga.
Pero alam niyo, meron talagang punto sa buhay natin na sadyang matatalisod ka lang—sanay
ka na maglakad, pero natatalisod ka talaga.
Sa puntong ‘to ng buhay kong unti-unting isiningit ni Irene ang sarili niya, hindi tuhod ko
ang sumakit, kung hindi ang ulo ko.
Tahimik man ang umaga, agad itong nabasag ng boses na pagka-lakas lakas sa may gate
namin.
70
Ganoon, ganoon lang, nabasag ang bago kong normal.
//
Kung paano kami napunta sa sitwasyon na ‘to, isipin niyo na lang na medyo napagod na ako
kaka-narrate. Basta, heto kami ngayon, nagsisiksikan kaming mag-anak sa may kwarto ni
Wendy at Yeri, nakadikit ang mga tenga sa pintong nakasara, habang si Irene at ang unlocked
character ng kwento na to ay nasa venue ng halos lahat ng interrogation na nangyari sa
pamilya namin, ang pinagkaiba lang, isang mestizong baklang nagmamaganda ang nakaupo
sa interrogation couch.
Ngunit, imbes na si Irene na kasama niya sa salas ang agresibong nagtatanong, siya na naka-
krus ang mga braso sa may dibdib niya, naka-dekwatro, at nakataas ang kilay na mukhang
ayos na ayos.
Manager ni Irene na halos apat na buwan na siyang hinahanap, at dahil napapadalas kami ni
Irene sa grocery store, meron na ring fans niyang nakapansin sa kanya doon at nakuhanan
siya ng litrato.
71
“I cannot believe na pinaghanap mo ako sa buong ka-Maynila-an! Alam mo bang ilang gabing
nalalagas ang kilay ko, Joohyun! HINDI MURA ANG EYEBROW TRANSPLANT!”
Joohyun?
“Mag-impake ka na. Hindi mag-aantay ang kumpanya ng matagal. May ipinipresenta ang
baklang Sehun na bagong talent. Ayaw kong naaagawan ng limelight—“
“—ibigay mo na sa kanya.”
Katahimikan.
72
“Anong sinabi mo?” kung sa ingles ‘venomous’ ang tamang description sa tanong ni Suho.
“Ulitin mo nga?”
“Tingin mo ganoon na lang kadali ‘yon?” lumalakas na ang boses ni Suho. “So, ano? Magiging
charitable institution ka na lang habang buhay mo? Irene, pini-perahan ka lang ng—”
“Hindi ganyan si Seulgi!” tumaas na rin boses ni Irene, at aaminin ko, nabigla ako sa banggit
niya ng pangalan ko. “’Wag mo siyang idamay dito.”
“Ibahin mo siya, Suho,” simula ni Irene, “nakita ko kung ano siya sa pamilya niya, at hindi
mo rin naman alam kung paano siya sa akin.”
Narinig ko ang mahinang tawa ni Suho. Hindi naman ito mapang-asar, parang pagod lang
ba? May sense be ‘yon? “Irene, napag-usapan na natin ‘to. Hindi pwede.”
“Pagod na ako,” mabilis na sagot ni Irene. “Pagod na ako sa hindi pwede. Pagod na ako sa
dapat gawin. Pagod na ako mag-isa.”
73
Isang malalim na hinga. Si Suho siguro ulit.
“Beh, sige, magpahinga ka. Isang buwan pa ha? Babalikan kita. Mahirap na. Agaw pansin ang
istariray ni Sehun. Hindi pa oras para maungusan ka niya.”
Si Yeri na nakasilip sa butas ng susian na ang nagsabi sa amin na niyakap ni Suho si Irene
bago ito umalis.
Sa ‘pag labas ni Suho, at pagkasira ng pintuang sinasandalan naming lahat, agad tumakbo
naman si Irene papunta sa kwarto ko—sa kwarto namin.
//
74
May pag-aalangan akong sumunod sa kwarto. Nakahiga siya’t nakatalikod sa pintuan.
“Gusto mo pag-usapan?”
75
“Gusto mo maiwan muna kita?” tanong ko na agad namang nakapagpaharap sa kanya.
“Dito ka lang.”
Pinigilan kong hindi mapangiti sa saya kong makita siyang nagmamaldita na naman.
//
76
Sa araw na ‘yon, kahit na nasa trabaho ako, ang utak ko na kay Irene lang. Kailan ba ako
nagsimulang maging ganito?
“Huy!” tawag ni Jisoo sa akin kasabay ng palakpak ng dalawang kamay niya ilang sentimetro
lang layo sa mukha ko. “Ano ba nangyayari sa ‘yo, ha? Naikwento na ni Rosie 57th lovestory
niya pero utak mo nasa alapaap.”
“Ah, puyat lang,” simpleng sagot ko habang kaswal kong itinuon atensyon ko sa pagbibilang
ng pera sa kaha.
Napaismid ako, matching labas ng dila na kunwaring nasusuka. “’Yon? Naku, inyo na.”
“May sinabi ba ako? At, hello, ikaw lang naman taong kilala ko na nasa kama mo si Bae Irene
ng apat na buwan pero wala kang ginagawa.”
77
“Sabi ko na nga ba eh,” apir naman sila ni Rosie na interesado na rin sa usap namin ni Jisoo.
“Ano? May dug-dug na ba sa puso?”
“Naku! Alam mo na ang sabi nila ‘te, kapag tumibok ang puso,” simula ni Jisoo na agad kong
sinundan.
Agad naman akong hinampas ni Jisoo, “Donna Cruz, beh! Ayaw natin sa mga walang political
stance in life.”
78
Napailing na lang ako. Dami talagang alam nitong si Jisoo.
//
Dahil heto ako ngayon, bigla na lang nakaramdam ng nerbyos katabi ang taong ilang buwan
ko rin namang katabi na. Halos gabi-gabi, madalas akap-akap ko pa.
Sana lang tahimik tulog niya ngayon, dahil hindi ko ata kakayanin ‘pag yumakap siya.
“Seulgi?”
79
Ayan na nga ba sinasabi ko.
Marahan itong humarap sa akin at umusod. Tumingin ito sa akin, tila nagtataka bakit ‘di ko
pa siya inaakap.
Pero hindi ngayon, nakatitig lang magaganda niyang mga mata sa akin. Sana hindi niya
ramdam yung gorilla na gusto lumabas sa dibdib ko.
80
Ayan pwede ‘yan. Nice one, Seulgi.
“Aray!”
“Linawin mo kasi!”
81
“Bawasan mo muna katangahan mo!”
Imposible ‘yon, Ate Irene. Lalo kung marupok kang bakla. Relate ka kaya? ‘Di ko pa nga alam
kung hanggang saan sa ginagawa mo ang acting. Ano nga ba tayo?
“Gusto ko lumayo.”
Ha?
Napatungo ito, nakatingin na lang sa mga daliri niyang nasa pagitan lang namin.
“Ayaw ko pa bumalik.”
//
82
At siempre, dapat hindi ko na tinanong nanay ko. Bukod sa conniving si punong bakla,
makaluma pa din ang kanyang romantic ways.
Kaya naman ang naisip nitong getaway ay walang iba kundi… Drum roll.
Probinsya.
Nice.
Habang kami ni Irene naghahanap lang ng kanyang great escape bago siya bumalik sa
reyalidad ng buhay niya, meet and greet the grandparents naman ang agenda ni Mudra.
Siempre, alam ko na una niyong tanong, dahil medyo realistic naman ang level of acceptance
ng mga tao sa kwentong ito sa sangkabaklaan: tanggap naman ba ng aking granmama at
granpapa ang daang aking tinahak?
83
Saan ba nagmana nanay ko?
“Ay napakaganda naman ng nobya mo, Apo!” ika ni Nay Maling. “Ganda ng kutis! Kutis
mayaman!”
//
Bago kayo mag-imagine ng kung anu-ano, hindi! No! Hindi ako nagsibak ng kahoy habang
sinisilip ni Irene.
84
Leche.
Hindi ba dapat siya nasa lugar ko? Siya kaya ‘tong ‘hypothetically’ pumapasok sa pamilya
ko?
Habang sa poso ako pabalik-balik at nag-iigib ng tubig sa banyo, nadadaanan ko naman ang
pamilya kong halos ilagay sa pedestal si Irene. Tawa galore sila habang nag-iihaw. Buti na
lang binalot pagkain ngayon. Kung hindi ngumawa na ako.
Gusto ko magreklamo, pero nang makita ko ang tawa niyang abot-mata, halos ‘di ko na
mapansin ang bigat na umaakyat sa mga braso ko.
Okay na ‘yan.
Naisip ko rin, buti hindi siya nag-iinarte sa simpleng buhay namin dito. Hilig ko mag-isip
‘no? Basta, okay na akong ganyang masaya siya, at sa pang-pitumpu ko sigurong daan, nahuli
niya tingin ko.
85
At siempre dahil may kapatid akong kampon din naman ni satanas, napansin ito ni Yeri.
Edi wow.
Napailing na lang ako habang binuhos ang tubig mula timba hanggang drum. Pero ‘di naman
lingid sa conscious ko ang ngiting nasa labi ko.
//
“May kamukha kang artista, ineng,” simula ni Nay Maling habang nasa hapag kainan kami.
“Ano nga uli pangalan mo?”
86
“Joohyun po,” magalang na sagot ni Irene.
Ang hinhin, infairness. Sana hanggang pagtulog natin mamaya ganyan ka.
Pero siempre, dahil modang 1942 ang lola’t lolo ko, hindi kami tabi natulog ni Irene, at lalong
hindi kami natulog sa iisang kwarto.
Madalas sakit sa ulo binibigay sa akin nitong si Irene, pero sa gabing ‘to, nakaramdam ako ng
kakaibang sakit. Hindi sa ulo. Baba ng konti.
Hindi rin sa labi (kahit madalas niya ‘tong pitikin). Baba pa ng konti.
87
Hindi sa leeg. (Shoutout sa batang maniniwala sa sakripisyo ni Heso Kristo hanggang leeg)
Baba pa ng konti.
Diyan.
Sa puso.
//
“Aray!”
“O, ano ba ‘yan, Jisoo! Dahan-dahanin mo kasi pag-nguya!” sermon ni Jennie sa housemate
niya.
88
//
Ang ibang babae, kinikilig sa rosas, sa chocolates, sa text. Pero ako, ibahin niyo ako dahil
kinikilig ako sa eyebags.
Nagkasalubong kami sa may pintuan ng banyo ni Irene, at nasilayan ko naman agad ang
eyebags niyang hindi naman na naitago pa dahil hindi siya gumagamit ng make-up dito sa
probinsya.
Hehe.
At ikaw, mukha kang panda, pero siempre hindi ko na sasabihin ‘yon. Awa ko na lang sa
sarili ko’t baka kung ano pang gawin mo sa akin.
89
Kaso nga, ‘di pa rin ako nawawala sa agenda kong isa siya sa iskeri characters sa Shake, Rattle
and Roll Movie Franchise, kaya ‘di na ako nagulat nang apakan niya bigla mga paa ko.
“Pinagtatawanan mo ako!”
//
“Ate Irene, alam mo bang magaling kumanta ‘yan si Ate Seulgi?” umpisa ni Wendy.
Sus, kung may anghel boses sa pamilya namin, si Wendy ‘yon. Lahat marunong kumanta,
pero iba ang talent ni Wendy. Pero dahil nga isang cheesy chapter ito ng kwento, also known
as the probinsya landian montage, requirement na bubuhatin nila bangko ko.
90
‘Di na ako nag-inarte.
“Dali, Nene! Kantahan mo ang iyong nobya,” dagdag ni Tay Rico. “Kukuhanin ko ang gitara
ko.”
“Panalangin, Ate!” excited na push ni Yeri na posturang postura sa tabi ni Irene na pulang
pula na ang mukha sa dami ng nainom ng lambanog.
And, ladies and gentlegays, what is a tagalog romcom without the actual probinsya landian
montage?
Sinimulan ni Tay Rico ang pagtugtog sa gitara, na siya namang sinundan ko ng pag-awit ng
iniakyat-tuning version ng Moonstar 88 sa Panalangin.
At sa dalawang linggo na nilagi namin sa probinsya, nadagdagan ang mga bagay sa listahan
ng wirdo naming relasyon:
(1) Hindi siya marunong maghimay ng alimasag at hipon, kaya ako nang gumagawa noon
para sa kanya.
91
(2) Hilig niya maglaba dahil natutuwa siya sa amoy ng sabon at fabcon, pero dahil probinsya
montage nga ‘to, sinasamahan ko siya sa ilog with matching cringey wisik-talsik ng tubig sa
isa’t isa.
(4) Hinahanap niya pa din adobong baboy ko, kaya pinagluluto ko siya paminsan.
(5) Natutuwa man kami maki-bonding sa pamilya kong sabaw sa gabi, pareho pa din kaming
hindi makatulog ng maayos sa gabi, kaya siguro one fateful night (hindi ‘yong iniisip niyo,
magsama kayo ng nanay ko), lumabas ako sa may tambayan ni Tay Rico na underneath the
stars ang peg.
Swerte ko na lang—
//
92
“Sabi mo may trabaho ka sanang dapat na nakuha. Ano ‘yon?” tanong niya isang gabi.
“Lahat naman ata tayo may pangarap na ayaw i-entertain ng mga tao sa paligid natin.”
“Meron,” sagot niya na may malaking ngiti. Minsan namimiss ko ngiti niyang pang-gago. ‘Di
na niya gaano binibigay sa sakin. “Pero ikaw muna.”
Tumawa ako, at maya-maya’y natahimik. Wala naman siguro mawawala kung sabihin ko sa
kanya?
93
Nakatingin lang siya sa akin, sinliwanag pa din ng buwan ang ngiti. “Ako rin, pero para sa
kanta, kaso ayaw ng kumpanya. Mas bagay raw mukha ko sa harap ng camera.”
“Song writer?” hingi ko ng paglilinaw. Tumango siya. “Ako naman, gusto ko magsulat para
sa screenplay. Pangarap ko ‘yon. Kaso ayon. Hindi ko alam kung natanggap ako.”
Napatungo siya.
“Pero okay na ‘yon,” agad kong bawi, bumalik tingin niya sa akin, at hindi ko alam ano
sumanib sa akin, kung si Reyna Buwan, ang mga alipores niyang bitwin, o ‘yong lambanog
ni Tay Rico na gabi-gabi na lang nasa Sistema ko, pero nasabi ko ang mga katagang ito habang
nakatingin sa kanya, “masaya naman ako ngayon.”
Kita ko ang bahagyang takbo ng gulat sa mga mata niya, pero agad naman niyang kinagat
ang mga labi niya’t pinigilan ang ngiti niya.
Tumawa ako.
94
“Medyo,” sagot niya. “Nahihiya ako eh.”
“No. Ayaw ko,” tawa niya sabay hampas sa akin. Mukha ba akong komedyante Ate Irene?
Tigilan mo na rin balikat ko at madi-dislocate na.
“Sige na!”
95
“Arte mo.”
“Ah, ganoon?” hamon niya na akmang itataas ang kamay at ilalapat sa tagiliran ko para
tusukin ako doon, agad naman itong naudlot dahil sa sigaw sa may loob ng bahay na
bumasag sa katahimikan ng gabi.
“May audience pala tayo,” mungkahi ni Irene, at ewan ko ba. Parang nasaktan ako doon at
napaisip. Totoo ba lahat ng pinakita niya sa akin ngayon? O ginawa niya lang dahil alam
niyang may nanonood.
96
//
Sa buong dalawang linggong ‘to, hindi naman siguro guni-guni lang ‘yong pinapakita niya
sa akin? O sadyang magaling siya sa ganito? Makipaglaro, magkunwari?
At hindi ko alam kung lambanog pa rin ni Tay Rico ang dahilan, pero ‘di na ako nakatiis.
Bumangon na ako. Tumayo.
97
Gising pa kaya siya?
Kumatok ulit ako, at bago pa lumapat ang pangatlong katok ko sa kahoy ng pintuang parang
napakakapal na sa paningin ko, bumukas ito at bumungad sa akin ang gulat sa mukha ni
Irene.
‘Di ko na siya pinatapos. Hinablot ko siya sa may batok at hinalikan. Akala ko sasampalin
niya ako, pipitikin, itutulak, tatapakan, pero hindi.
98
Hm. Nasagot ata tanong ko.
//
Kung sa buhay, kahit sanay ka na maglakad, natatalisod ka pa, may mga panahon naman na
hindi maiwasang madapa ka.
Masakit sa tuhod.
Masakit sa kaluluwa.
Lalo kung hindi ka naman sanay tumakbo at nagawa mong tumakbo para sa isang tao.
Isang umaga, ni hindi pa nabubuo ang panlimang buwan niya kasama ako, tumawag si Suho
at dala nito ang balitang ikinadapa ko—diretso pa mukha sa putik. Mukhang nagiging
matunog na ang istariray ni Sehun. Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Irene.
99
“Babalik ka?” tanong ko sa kanya habang pinapanood siyang ayusin gamit niya.
Sa buong buhay ko, ni minsan hindi ako humingi ng kahit ano. Noong dumating si Irene, may
parte ko na iniisip na baka kaya siya sinaksak sa baga ko kasi kahit minsan, wala akong
hiningi para sa sarili ko.
Kaya hindi rin ako marunong pumigil. Sino ako para pigilan siya? Sino ako para hadlangan
kung anong ikinabubuhay niya? Ano lang ba kaya ko ibigay.
“Oo, kailangan, Seulgi,” mahina niyang sagot. Ni hindi niya ako magawang tignan.
100
Ano lang ba kasi buhay ang meron ako, at bakit ko ipipilit sa kanya ‘yon?
“Irene—“ gusto ko siya pigilan, pero pakiramdam ko magiging makasarili ako ‘pag ginawa
ko ‘yon.
Humarap na rin siya saw akas sa akin. Tumingin siya diretso sa mga mata ko. Hindi ako
makahinga.
Bumalik ka ha?
Aantayin kita.
Ang dami kong gusto sabihin, pero walang kahit isa doon ang lumabas. Nanaig ang ‘dapat at
nararapat’ sa ‘gusto’.
101
“Hatid na kita.”
At nakita ko kung paano dumaan ang pagka-dismaya sa mukha niya bago bumalik sa dating
maskarang mapagpanggap. Tumango siya at wala na siyang ibang sinabi sa akin sa mga
susunod na oras sa bus;
//
Gaano ba kasi kahaba ang time na ‘yan? Pwede bang mas specific?
102
Kasi hindi ako pinapatulog ng sandaling dapat kinuha ko para pigilan siya.
Paano ako?
Bawat tingin ko sa salamin, nakikita ko kung gaano kalaki ang sakop niya sa kaluluwa ko.
//
103
“Ano ulam?”
“Adobo.”
Ah.
//
Mag-aanim na buwan na mula noong una kaming magkita, halos isang buwan na rin na wala
siya sa tabi ko.
Napatingin ako sa bakanteng parte ng kama ko. Kinuha ko ang pamaypay ni Ligayang hindi
ko na naibalik, at mukhang tanga lang din akong pinapaypayan sarili ko.
//
104
Agahan.
Binuksan ko ang cabinet sa ibabaw ng kalan, akmang kukuhanin ko ang garapon ng kape.
Natigilan ako nang masilayan ko ang mga lima pang kahon ng tsaa.
//
Hindi ring.
Hindi vibrate.
105
Pero mabilis pa rin ang pag-responde ko.
Agad kong itinaas ang phone ko at bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Irene.
//
Sabihin niyo nga sa akin, ganito pala ‘to, bakit ko ba hinayaan na malaglag ako sa riles at
mabangga ako ng tren?
“Huy,” tapik ni Jisoo ang naramdaman ko sa balikat ko. Ibinaling ko ang tingin ko sa
bestfriend ko na napansin na sigurong napapadalas ang pagtulala ko.
Bwisit ‘tong natural, pero nang makita kong alukin niya ako ng yakap—
Kinuha ko na,
Iniyak ko na rin.
106
Sa sobrang sakit, sa sobrang bakante, sa sobrang lawak ng wala sa bawat araw, pagkauwi ko,
napapulot ako ng lapis, napakuha ng bakanteng papel. Mahilig naman sa hugot ang mga tao
ngayon, isulat ko na kaya? Baka may maka-relate?
//
Mga tatlong araw lang ang dumaan, nakatanggap agad ako ng tawag. Mabenta nga siguro
talaga ang sakit.
May director daw na nag-interes sa sample script ko. Siempre, may kaunting pagbabago raw.
Ano naman kayang pagbabago ‘yon? Inimbitahan nila ako, agad ko namang pinuntahan;
At sadyang hilig lang din ako sampalin ni universe, dahil ito ako ngayon, kakarating lang sa
munting estasyon sa may Guadalupe kung saan natatanaw ang libong endorsement ni Irene.
Ganito ba talaga ‘to?
Lahat ng dati mong hilig gawin, ngayon sakop niya na—bawat pulgada.
107
Déjà vu ba tawag doon? ‘Yong pakiramdam mo nandito ka na dati? Na nangyari na ‘to sa
isang punto ng buhay mo? Tumingin ako sa relo ko, meron pa akong mga dalawang oras.
Wala namang mawawala kung tatambay ako sandali.
Sinampa ko ang mga braso ko sa railing habang tinigitnan ang mga billboard niya. Walang
kahit isa sa mga ngiting pinakita niya diyan ang tutulad sa nasilayan ko. Napahinga akong
malalim, para pigilan na rin at labanan ‘yong kirot sa puso ko.
Isang hakbang.
Isang hakbang pasulong lang sana tapos matatanong ko siya kung gusto niyang sa akin na
lang siya—masasabi ko sa kanyang gusto ko sa tabi ko lang siya.
Ngayon, gaya ng mga billboard sa may gawing malayo, milya-milya na naman layo namin sa
isa’t isa. Wala nang silbi ‘pag humakbang ako ngayon.
Napatungo ako. Umatras na ako mula sa railing at akmang bababa na ng estasyon para
puntahan ang kumpanya kung saan ako iniimbitahan.
108
//
“Kamusta trabaho, Anak?” mahinahon na tanong ni Mama. Come to think of it, napaka-
hinahon niya sa akin nitong huli mga linggo.
Okay lang, Mama. 'Yan ang gusto ko sabihin. Pero sa sobrang wala kong gana, kibit balikat
na lang. Napasambit ang aking ina at tinawag niya muli ako.
“Seulgi, Anak, halika,” simula niya, nakita ko siyang tinatapik ang bakanteng pwesto sa
couch. Kinuha ko naman ito. Marahan niya akong inudyok na ihiga ang ulo sa balikat niya.
Matangkad si Mama, balingkinitan, kaya hindi masyado comforting ang gesture. Pero hayaan
na. Bihira na lang mangyari 'to e.
“Anong iniisip ng ginto ko?” ginto na ulit ako by the way, baka hindi ko kayo nainform.
109
“Pagod lang, Mama,” hindi 'yan kasinungalingan. Pagod na pagod na akong maghanap sa
bakanteng espasyo, parang fishing sa kalawakan. Pointless.
“Natutuwa ako na sinubukan mo ulit magpasa ng sinulat mo. Kita mo napansin agad.”
Simbigat man ng pag-buhat ni Atlas sa mundo, sinubukan ko pa rin ngumiti. Slight lang.
“Salamat, Ma.”
“Anak,” simula muli ni Mama nang katahimikan lang ang bumalot sa amin. “Naalala mo
nung unang beses mo akong makita na sawi. Halos araw-araw din akong lasing no'n.
Kamamatay lang ng Papa ni Wendy.”
Tahimik lang akong nakikinig sa kanya. 'Di ko na kasi gaano maalala ang memory ng Papa
ko. War flashbacks lang ng nanay kong ngumangawa naaalala ko sa kanya mula ng iwan niya
kami. Pero, oo, naaalala ko tatay ni Wendy. Mabait, sweet, parang si Wendy lang, kaya sobra
rin ang sakit na naramdaman ni Mama. Sa murang edad ko, pinaintindi na ng mundo sa akin
ang takot sa pagbukas ng puso't isip sa iba.
Sa ilang taong iningatan ko pinto ng puso ko, bakit ganoon ko na lang binuksan? Sa bagay
pang alam kong walang kasiguraduhan.
“Pero ikaw nag-alaga sa akin,” tuloy ni Mama. “Ang bata bata mo, pero nagawa mo akong
alagaan. Ikaw lakas ko noon, anak ko. Sa oras ng kahinaan ko, inalagaan mo ako.”
110
Correction, Mama: 'MGA' oras ng kahinaan mo. Review: (1) sumalangit ang tatay ni Wendy
dahil sa bangungot, (2) nalaglag sa bangin ang jeep ng tatay ni Ligaya, at (3) namatay sa rabies
ang tatay ni Yerim.
“Alam ko iniisip mo,” napatingin ako kay Mama nang sabihin niya 'yon, “na 'di naman doon
ka lang naging balikat para sa akin.”
“Anak,” napahaba sabi niya niyan, na para bang pinaghalong lambing at entrada sa homily,
“special sa akin 'yang unang beses, kasi sa murang edad mo, pinakita mo sa akin na kaya mo
ako buhatin. Ibang-iba ka sa tatay mo.”
Napalunok ako. Nakakaramdam na rin ako ng pait sa ngala-ngala ko. Ayaw ko pumikit; ayaw
ko huminga ng malalim; at lalong ayaw ko tumingin sa mga mata ni Mama.
111
Umiyak na ba ako sa harap niya?
“Hindi ako perpekto, anak. Alam ko rin na lubos akong nagkulang sa pagiging ina ko sa 'yo.
Kaya, anak ko, hayaan mo na sa mga oras na 'tong makaramdam ka ng panghihina. Mahal
kita, Anak. Ako naman ang paakayin mo sa 'yo.”
Okay.
Okay.
Hindi.
Ako naman ang ngumawa with feelings as high as a mountain, as wide as a valley, as curious
as a a dalawang taong batang lahat kakagatin, lahat kakainin.
112
Naging cue na rin 'ata 'yon ng mga kapatid ko para lumabas sa mga kwarto nila at ikulong
ako sa isang family group hug.
//
Hindi sumagot si Irene; nasa couch ito at nakatalikod pa ring kinakalikot phone niyang
wallpaper ang tulog na si Seulgi, at lockscreen ang magugulong kapatid at nanay ng chinitang
laman ng isip niya ilang linggo na rin lumipas.
Sa may pader sa may likuran ng salas niya, may shelf na walang laman. Wala man lang frame
o litrato ng kahit sino, kahit mukha niya. Ano nga bang ilalagay niya diyan? Nahanap lang
naman siya sa bahay ampunan, lumaking artista. Manager niya lang kilala niyang pamilya.
113
Kaswal nitong itinaas ang kabilang kamay para senyasang lumabas ang manager niya.
“Ginawa ko 'yong pinapagawa mo. Nagustuhan ni Direk Baek 'yong script niya. Medyo
emote lang ha? Napaka-bitter. Alam mo kung anong title? Pagsuko sa Mundong Kasal-
Kasalan.”
//
Nabulabog ang katahimikan ng night shift sa resto nang biglang tumalon-talon sa invisible
skipping rope niya si Lisa. Nagulantang si Seulgi sa tunog, pero sanay na siya sa kawirduhan
ng kasama.
114
May hula na naman siguro.
Tumigil ito sa katatalon at biglang pumalakpak na para bang may hinuling imaginary fly.
“Bukas, may mapipigilang kasal,” wika nito nang magkrus ang mga mata nila ni Seulgi. Poker
face si Lisa Manghuhula as usual. Kaya madalas walang customer sa gabi, dahil si Lisa pa
mapanindak sa diyes oras ng gabi ang nilalagay sa night shift. Akala tuloy ng mga customer,
minumulto ang resto.
Okay.
//
115
siyang laging sagabal sa mga meetings ko ang madalas kong pagpapakitang haggard at
mukhang nag-marathon sa magkabilaang circle ng Quezon City at Maynila.
Fresh and all naman akong naibaba sa kumpanya, pero ang freshness ko tila nabuhusan ng
dark aura nang sabihin nila sa akin kung ano ang 'slight changes' na tinutukoy nila noong
unang beses nila akong imbitahin.
Don't worry, they said. They're really just very slight changes. Buti 'di nagkatali-tali dila niyo
sa dami ng ginamit niyong adverbs.
Ito nga pala ang kanilang 'really just very slight changes' na sinasabi nila:
(1) Papalitan ng hakdog ang isang lead role. Understandable. Alam ko namang hindi handa
ang sangkamadlaang Pilipino sa pagmamahalang Girl x Girl. Sa Kpop lang malakas 'yan.
Pinabayaan niyo nga si Glaiza at Rhian e. So, bitter man ako sa number one nila sa list of
'really just very' slight changes nila, at least handa akong tanggapin.
(2) Babawasan ang hugot. Sige, kung ipa-publish niyo naman, kaya ko pa tumanggap.
(3) Gagawing happy ending and katapusan. Excuse me? Ako nga walang happy ending, tapos
sarili kong hulma, papalitan nila ng if-you're-happy-and-you-know-it-clap-your-hands? Teka
nga, ano pang natira sa original script?
116
“Ay meron pa pala,” pahabol ni ateng intern na kamukha ni Chungha ng IOI. Ngumiti naman
ito sa akin, medyo huminahon ang paghinga ko dahil nakaka-kalma ang datingan ng ngiti ni
ate mo intern.
“Ano 'yon?”
Ha?
“Bakit papalitan? Ano ipapalit?” 'di ko na maitago ang pagkadismaya ko. Paborito ko 'yong
title na napili ko e.
“Ganda ka 'Te?”
117
“Ano?” paghingi ko ng paglilinaw.
Nakakunot na noo ko, kaya agad naman itinaas ni ate ang kanyang mga kamay at akmang
sumenyas na kumalma lang ako.
Tawa ka pa ate.
ABA PUT—
118
“Actually, sa unang pirma niyo po ng kontrata, nag-agree na po kayo sa lahat ng pwedeng
pagbabago na gagawin sa script.”
“Naka-emphasize din po sa contract na original manuscript lang po ang limit niyo. Binigay
niyo na po ang rights sa company. Therefore, wala na po kayong right sa manuscript post-
signing.”
Ang sakit. Masamang pangitain ito. Iisa lang naman ang posibleng dahil kung bakit
nakikibuhol sa baging ng mga balete sa Balete Drive and kapalaran ko. Matinding sakit ng
ulo = nasa may gawing malapit si Bae Irene.
“Katunayan, may press conference na po sa ballroom ng company hotel sa kabila kasama ang
dalawang lead.”
119
“Cute nga nila no'ng male lead. Feeling ko magugustuhan mo. Si Park Bogum pares niya.”
Excuse me? Kahit pa dahon ipares niyo kay Bae Irene hindi ko magugustuhan.
Nakakaramdam ako ng matinding kirot sa may gawing dibdib ko.
“'Di ba?” sabat naman noong isa pang intern na kanina nama'y nananahimik sa likuran.
“Dapat sila na lang! Ini-imagine ko silang ikakasal sa white twinning nilang get-up ngayon.”
Teka.
At sa susunod na segundo, hindi ko alam kung anong nangyari, basta ang alam ko, slow-mo
sa paningin at pandinig ko lahat. Nag-apir ang dalawang intern at para kong nakita ang
paglakbay ng sound waves sa personal hearing space ko.
Sa sandaling iyon, nag-flashback sa akin ang palakpak ni Lisa at ang mga katagang:
120
'Bukas, may mapipigilang kasal.'
PUTANGINA TEKA.
Napahawak ako sa strap ng bag ko ng mahigpit. Sa isip ko mabilisang tumakbo ang slideshow
ng mga ngiti niya, ng tsaa niyang mamahalin, ng simangot niya, ng adobong baboy, ng kurot
niya, ng pitik niya sa labi ko, ng tapak niya sa mga paa ko, ng unang halik niya, ang pag-focus
niya sa alimasag at hipong hinihimay ko para sa kanya, ng mga damit na nilalabhan niya sa
batis, ng huling sandali namin sa probinsya, at siempre, ang pinaka-nagmarka sa lahat, ang
mukha niyang dismayado.
Teka, bakit nasa utak ko na rin si Jisoo? Sa ibang fic na tayo mag-Jiseul.
'Kung sinumang mapapangasawa ko, dapat tanggap niyang papakasalan niya rin pamilya
ko.'
121
Napailing ako. Walang alinlangan niyang ni-spoil pamilya ko. Tanggap niya sila. Binibigyan
niya sila ng oras. Tanggap niya buhay ko, init ng kwarto ko, munting pamaypay ni Ligaya.
Pagkakataon ko na ba 'to?
//
122
Kaya naman, heto tayo ngayon.
“Itigil ang kasal!” sigaw ko pagkatapos kong sipain pabukas ang malalaking pintuan ng
ballroom ng hotel kung saan ginaganap ang press conference.
“Sabi ko, 'dramatic entrance', wala akong sinabing ipahiya mo sarili mo,” mariing bulong ni
Jisoo. Napahawak siya sa noo niya at agad itong nagtago sa likuran ng isa sa mga smalltime
tabloid representative sa gawing likuran.
Napatingin na rin at napalingon ang sangka-media-han sa akin at itinutok ang kanilang mga
camera sa akin.
Pakshet.
Sa harap, nakikita ko si Irene at isang lalaking out of focus na sa portrait view ko sa babaeng
nagparamdam sa akin ng samu't saring emosyon.
123
Nakakahiya 'to.
“I—Irene,” simula ko. Nakikita ko ang pag-aalangan sa tingin niya, pero higit doon, alam ko,
ramdam ko, kita ko ang pagluwag ng paghinga niya.
Napatungo ako at tingin sa mga kamay kong nangangatog. Ano bang pwede ko sabihin?
'Yong mala-fireworks.
Ano bang pwede ko gawin? 'Yong dapat na ginawa ko nung nakaraang buwan.
Himalang tahimik pa rin ang floor. Dapat hinihila na ako ng security ngayon eh. At para bang
cue ni universe, ayan na ang security, akmang dadamputin na ako't ibabanish sa ilalim ng init
ng araw ng Klima de Pilipinas.
124
“Sandali!” mariing sabi ni Irene, na siya namang sinunod agad ng security. Gets ko si Kuya
Guard. Iskeri talaga si Ate Irene. “Patapusin niyo siya.”
Napahinga ako ng malalim. Parang biglang nabutas dibdib kong ilang linggo nang pinupuno
ng buhangin. Gumagaan.
“'Di ako makatulog e,” bigla kong pag-amin, “para ka kasing MRT. Bwisit ka rin eh.”
“'Di pwedeng ganoon na lang e,” napa-punas na rin ako sa mga mata ko. Bakit ba ang iyakin
ko lately? “'Di pwedeng ganoon na lang; tutulak mo ako sa riles tapos hahayaan mo ako
masagasaan mag-isa. 'Wag naman ganoon o.”
“Buong buhay ko wala akong hiningi, wala akong ginusto, wala akong kinailangan na
inangkin ko, pero ikaw—“ napalunok ako at ibinalik tingin ko kay Irene, “-dapat bago ka pa
umalis—dapat hindi ka nakalayo ng higit sa hakbang palayo sa akin eh.”
125
Humakbang ako. Isa lang.
“Makasarili, katangahan, tawagin mo nang kahit anong gusto mo. Pero, please, umuwi ka na.
Bumalik ka na sa tabi ko kasi gusto ko—“
“Kung may gusto man ako angkinin, ikaw 'yon kasi mahal kita.”
Alam niyo 'yong sa mga magic show? Iyon bang isang sabi lang ng magician ng 'abracadabra'
o 'di naman kaya ay 'zimzalabim' tapos may biglang mawawala, o 'di naman kaya may
biglang gagalaw.
Sa puntong ito ng buhay ko, tila na-zimzalabim ang sangka-media-han nang nagtaasan muli
ang mga camera nila. Nagsipag-picture. Nagsipag-kuha ng video.
Teka nga. Pwede namang hindi kumplikado lahat nang 'to e. Pwede namang tinawagan ko
na lang siya tapos sa voicemail ako nag-monologue.
126
Mahilig sa drama.
Nang maka-recover ang mga mata ko sa dami ng ilaw na bumungad sa akin, natanaw ko si
Irene na namumula ang mga mata't kausap si Suho na tumatango.
At 'di nagtagal, kitang-kita ko kung paano lumaki ang ngiti niya at tila kumislap ang mga
mata niya. Niyakap niya ng mahigpit si Suho bago ito tumakbo pababa ng pedestal ng mga
artista at buhay na tinalikuran niya;
127
Pero pakyu ulit.
//
Medyo amazing lang, na sa loob ng isang buwan lang, mabilis na nawala ang halos lahat ng
endorsement ni Irene, napunta sa istariray ni Sehun na mabilis na nakilala ng mundo sa
pangalang Krystal.
Pero masaya siya, dahil wala nang choice ang kumpanya niya ngayon kundi ilagay na siya sa
likuran ng camera. Ganoon talaga. Gaya nga ng sabi ko, mas maraming judgemental sa
Pilipinas kesa solusyon ng gobyerno sa problema.
Madaldal din pala siya kung minsan. Ikukwento niya ang buong araw niya sa studio, mga
bagong kantang naiisip niya, mga taong bwisit sa buhay niya—paminsan ako 'yon.
128
Sarap pa din asarin.
//
“Seulgi.”
“Seulgi!”
Yes, Madam?
“Seulgi, gising.”
129
Pag-dilat ko ng mga mata ko, parang tupang tumalon sa bakod ang bilis ng pagka-wala ng
antok ko sa bumungad sa akin.
“Paypayan kita?” pag-asar ko, at siempre siya naman si pikon, binato niya sa mukha ko shirt
niya.
Hinahabol;
Nakakainis;
Madalas mabagal ‘pag kailangan mo siyang bumilis; mabilis ‘pag kailangan na kailangan mo
siyang bumagal;
130
Puno ng taong darating, sasabayan ka, lalayasan ka, sasamahan ka ng ilang pulgada tapos
iiwan ka rin;
'Yong tren ko? Kinaladkad man ako, binangga man ako't iniwan, hinabol ko.
131
Diyos ko naman, 'wag mo naman sabihing hanggang sa ganito makiki-usyoso pa animal kong
pamilya?
132