You are on page 1of 20

     

1  Search document 

[ False Hope ]
-------------------------------

[ 1 Umpisa ]
-------------------------------

Hello :)

[ 2 Prologue ]
-------------------------------

Prologue
Anjelous
Langitngit ng tila lumang pinto sa kinakalawang na bisagra ang aking unang narinig.
Mainit ang pakiramdam ko at tumatagaktak ang pawis sa aking noo nang may naringgan
akong mga boses. Sinubukan kong imulat ang mga mata pero tila may bakal na
pumipigil sa aking pagkilos. Ni hindi ako makagalaw o maimulat man lang ang mga
mata ko. Nasaan ako? Sinong kumuha sa akin?
Kalabog sa dibdib at panlalamig sa aking mukha ang bumuhos matapos kong maalala ang
mga huling sandali bago ako nawalan ng malay. Ang tanda ko ay may nagbirong takpan
ang ilong ko ng isang puting panyo.. nahilo ako matapos kong maamoy ang mabagsik na
halimuyak mula roon at isang pares na mga braso ang sumalo sa aking nanghinang
katawan.
I gasped mentally. Someone's following me. Nakitaan ko na iyon ng butas pero hindi
ko sineryoso! Siya ba iyong lalaking naka-hood na itim? Siya ba iyong sumusunod sa
akin mula nang dumating ako sa Ilijan? Kinidnap ba ako?
Pero anong dahilan? Hindi kami mayaman at mas lalong hindi sikat dahil nanggaling
lamang ako sa malayong isla namin.
Chito's prank? Pero ang sabi niya ay magtutungo siya ng Lipa.
Or maybe.. this is Jenny's prank? But she's already dead! Kabaliwan. Pero tila may
kinilabutan ako nang maalala ang kaibigan.
Sinubukan ko muling igalaw ang aking ulo.. sinubukan kong ibukas ang aking bibig
upang sumigaw o makahingi man lang ng tulong pero ni isa ay hindi ko nagawa.
Namamanhid ang buo kong katawan. Para bang nakahiwalay ang aking kaluluwa at hindi
ko mautusan ang sariling katawan. Ang tanging aktibo ay ang isip kong nalilito pa.
Anong ginawa nila sa akin? Nanghihina ako at parang lantang gulay.
Una ko nang napagtanto ang takot sa aking dibdib. Bumalong ang luha sa aking
nakapikit na mga mata.
Nang lumakas ang mga boses, ang tangi ko na lamang kayang gawin ay pakinggan ang
kanilang pag-uusap. Kasabay nang paunti-unting pagbilis ng tibok ng puso ko dahil
sa nababanaag na takot.
"Who is she, Anjelous?! Bakit.. kamukhang-kamukha mo ang babaeng 'yan? M-may
kakambal ka bang hindi mo sinasabi sa akin!?" pinaghalong galit at mangha ang
nabanaag ko sa boses ng isang lalaki. "Inutos ko sa mga tao kong 'wag gumawa ng
ikapapahamak mo!"
Hindi ko kilala ang boses na iyon at ni hindi ko pa narinig sa tanan ng buhay ko. O
kahit mga kilalang dayo sa isla.
Ngunit tama ba ang dinig ko? Tinawag niyang Anjelous ang kausap niya? Kakambal? May
kamukha ako at kapareho ko pa ng pangalan!
I heard a woman's growl in despair. Pumalatak pa siya na parang naiinis sa kausap.
"Hindi ko siya kakambal, okay? Saka kailangan natin 'yan para makatakas tayo.
You've been asking me to leave Wax and be with you, Lawrence. Eto na 'yon! Ito na
ang pagkakataon nating makatakas kahit sandali. At isa pa.. ayoko nang danasin ang
makipagplastikan sa mga tao para lang ikampanya ang asawa ko. Ang tagal ko nang
nagtitiis do'n. Ayoko na!" kombinasyon ng pagkairita at pandidiri ang tono ng
kanyang magandang boses.
Ilang sandaling nanatiling tahimik ang dalawa. Ngunit pakiramdam ko ay nakatunghay

This website stores data such as


cookies to enable essential site
functionality, as well as marketing,
personalization, and analytics.

Privacy Policy

Accept Deny
sila sa akin at mariin akong pinagmamasdan. Ang pag-uusap ay tila limitado lamang
ngunit puno ng matalinhagang mga salita.


"Hindi mo 'to ipinaalam sa akin. Ni pagsabihan ako na may iuuwi kang babae.. ni
wala akong kaalam-alam na may.. n-na may nag-eexist na kamukhang-kamukha mo.. maybe
she's your sister or.. arggh—I don't know! This can't be just a fluke, sweetheart.
She's somehow related to you! Para kayong pinagbiyak na bunga--oh!" salita niyang
nahihirapang huminga.
"I know I know, darling. Hindi ko kilala ang babaeng 'yan. But look, she can help
us in our plan. She's the one we're waiting for. Bakit hindi natin subukan.. come
on, Lawrence.. pag-isipan mong mabuti ito. Baka bukas lang ay magising na 'yan at
mawala na ang bisa ng drugs na tinurok ko. Please.. cooperate with me. Ayokong
magtagal na pamilyang iyon." She said begging. Her voice.. 
Sino ba ang mga taong ito? Anong kailangan nila sa akin? At bakit tila.. ang
pakiramdam ko ay kilala ko ang babaeng nagsasalita. Pamilyar ang boses niya..
Sunod kong narinig ang pagtangis ng lalaki. May sinabi siyang hindi rumehistro sa
utak ko. Siguro dahil nahihilo na naman ako at unti-unting hinihila ng antok..
"You're crazy. And you owe me an explanation, Anjelous.. hindi ito ang inaasahan
ko.."
Hindi ko na natapos pa ang pakikinig sa lalaki dahil tuluyan na akong hinatak ng
antok at naglaho ang mga tinig..
***
Isla Verde, Batangas. (7 years ago.)
"Ayan.. ayan na.. sungkitin mo na!" natatawa kong sigaw sa kaibigan kong si Chito.
Tinaas ko ang hawak na basket para saluhin ang mga sampalok.
"Naiimbyerna ako sa kakaayan mo, Anj e! Nabibingi ako sa 'yo," naiinis na niyang
sagot sa akin pagkatapos na bumagsak ang bunga sa basket namin.
Tiningnan ko ang laman ng aming basket. Siya naman ay tinusok sa lupa ang panungkit
at maarteng namaywang, nagpaypay na maarteng prinsesa.
Tiningnan ko siya, "Hindi pa 'to ganun karame pero ayos na rin kaysa wala. Tara na
sa bahay nang maging champoy na 'to. Dali!" sabay hila ko sa kanya.
"Dahan-dahan bruha ka at baka madapa ako! Anjelous!" matining niyang tili. Hindi ko
siya pinakinggan at basta na lamang hinila.
Kailangan na naming ilaga, balatan at lutuin ang mga sampalok. Ginagawa namin itong
champoy at binibenta sa mga dumarating na bisita sa Isla Verde.
Yakap-yakap ko ang basket at kinakalkula kung magkano ang pwede naming kitain sa
mga champoy. Alam ko namang hindi iyon kalakihan pero makakatulong sa pambayad para
sa toga namin ni Chito. Ga-graduate na kami ng high school. Nahihiya naman akong
hingin lahat kina Kuya at Tatay ang pambayad kaya, ang sabi ko kay Chito ay
magbebenta kami ng sampalok.
"Sa tingin mo ba kakasya 'yang lahat? Hindi biro ang presyo ng toga, Anj.."
malungkot niyang sabi sa akin.
Isang beses ko siyang sinulyapan habang pinapausukan ang panggatong namin sa likod-
bahay. Wala si Kuya. Si Tatay naman ay nagpapahinga sa kanyang kwarto.
Ngumiti ako. "Think positive ka lang, Chito. 'Wag kang dramatic actor dyan." biro
ko.
"Eww sa dramatic actor. Actress kaya ako!" kontra niya sabay de-kuatro habang
nakaupo sa sementadong barandilya sa labas ng pinto na nagsisilbing munting
balkonahe ng bahay. Pero karaniwan na iyong disenyo ng mga bahay dito sa Isla
Verde. Gawa sa kahoy at semento ang mga bahay.
Ang kaibahan nga lang namin mula sa mainland ay wala kaming kuryente. Ang buong
isla ay hindi nakokonektahan ng serbisyo ng Meralco.
Natawa ako at malakas na pinaypayan ang gatong na nagsisimula ang umusok. Hindi na
ako nakasagot sa kanya at isang beses siyang sinulyapan, hinahandan na niya sa tabi
ang lulutuing sampalok.
Pinanganak na lalaki pero may pusong babae si Chito. Kasing-edad ko at kababata na
rin. Sa iisang eskwela kami pumapasok at pareho palagi ng seksyon. Wala din naman
kaming pagpipilian dahil iisa lang ang eskuelahan dito sa San Agustin Kanluran kaya
ang mga kapitbahay namin na kasing-edad ay kaklase na rin at magkakakilanlan.
Subalit si Chito ang pinaka-close ko sa lahat. At si Jenny. Pero si Jenny ay hindi

This website stores data such as


cookies to enable essential site
functionality, as well as marketing,
personalization, and analytics.

Privacy Policy

Accept Deny
permanente rito sa isla dahil may mga buwan at taong lumuluwas ito patungong
Batangas City. Hindi niya gusto ang buhay sa Isla Verde. Ayaw niya nang walang


kuryente. Ang isla ay limitado lamang ang kuryenteng kayang ibigay mula sa
generator ng mga resort. May oras sa gabi pagkatapos ay papatayin na. Ang ilang
bahay na may kakayahang bumili ng solar panel ay ganoon din ang sitwasyon. At sa
hindi kayang bumili katulad namin, wala talagang kuryente.
Ni wala kaming appliances na tulad ng TV, refrigerator at electric fan. Iyon ang
palaging binibida sa amin ni Jenny sa tuwing dumadalaw sa isla. Nakakawala raw ng
boredom kapag may mapaglilibangan tulad ng TV at cellular phone.
Kami ni Chito ay paminsan-minsang nakakahawak ng cellphone niya. Pero hindi namin
ganoon na kagusto iyon dahil para sa amin ay wala kaming paggagamitan. Wala kaming
kakilala sa mainland para tawagan o kausapin. At nangangailangan pa raw iyon ng 
load para magamit. Gastos lang din.
Mabait si Jenny sa amin. Maganda rin. Dumarating nga lang na pagkakataon na
nagiging maldita ito sa iba na naiintindihan ko dahil siguro nai-intimidate sa
kanya. Hindi siya maayos na napapakisamahan. Maganda siya at matalino rin sa
eskuela. Sa isla ay kami lang ang talagang kaibigan niya.
Ang Kuya Charleston ko nga ay nagkagusto sa kanya at niligawan din siya. Sinagot
din ni Jenny pero sa maiksing panahon lamang ang kanilang naging relasyon.
Sobrang nasaktan noon si Kuya. Hindi man niya sabihin sa akin pero nararamdaman
kong magpahanggang sa kasalakuyan ay mahal pa niya si Jenny.
Hindi naman ako nagtanim ng sama ng loob sa kaibigan nang makipaghiwalay ito sa
kapatid ko. I saw them on their happy moments and the genuine smiles on their
faces. Kahit ang ka-sweetan ni Kuya sa kanya ay nasaksihan ko rin. Sobrang na-in
love sa kaibigan ko. Bata pa naman sila at marami pang pwedeng mangyari.
Isang araw bago ang graduation ay inabutan ako ni Kuya Charlie ng pera. Pambayad ko
raw iyon para sa togang gagamitin.
Tinitigan ko ang mga perang papel sa palad ko at nangilid sa mga mata ko ang luha.
May tig-iisang daanin at karamihan ay tigbebente. Napasinghot ako habang iniisip
kung paanong pagtatrabaho ang ginawa ng kuya ko para makaipon siya ng ganitong
halaga. Sa kanya kami halos humuhugot ng panggastos sa pang araw-araw. Ang baon ko
at pangangailangan sa school ay sa kanya ko rin hinihingi.
Pinagtawanan niya ako at ginulo ang buhok.
"'Wag kang magdrama dyan hoy, hindi bagay sa 'yo, Anj." biro niya sa akin. Umupo
siya sa harap ng mesa at binaba sa gilid ang gamit na puting tuwalya. Kinuha ang
sandok at nagsalin ng kanin sa kanyang plato.
Ang Tatay ay nakangiting nakamasid sa amin.
Pinunasan ko ang ilalim ng ilong at maayos na tinupi ang pera sa aking kamay.
Ngayon lamang ako nakahawak ng ganito kalaking halaga. At tila binibiyak ang puso
ko sa pag-i-imagine kung gaano katagal at hirap ang ginawa niya para makabuo ng
ganitong pera.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya, naiiyak. Samantalang ang Kuya ko ay nakangisi pa
sa akin.
"Promise kuya, babawi ako sa 'yo kapag ako naman ang nakapagtrabaho. Papasok ako sa
isa sa mga resort dito pagkatapos na pagkatapos ng graduation namin." matagal ko ng
plano iyon. Kami ni Chito. Lalo na at summer ngayon tiyak na may pupuntang mga
turista para magbakasyon sa isla.
Nagtatrabaho bilang boatman si Kuya Charlie. Private boat ang kanya kaya medyo
malaki-laki ng kitang naiuuwi niya. Sinusundo at hinahatid niya ang mga turista
mula sa barangay Ilijan papunta rito sa Mahabang Buhangin kung saan ang daungan ng
mga bangka. On-call sila pero madalas ding kinukuha ng serbisyo dahil may oras ang
pampublikong bangka pabalik ng mainland sa Batangas.
Isang konsehal ang nagmamay-ari ng bangkang ginagamit niya. Ang paalam naman niya
sa Tatay ay mabait ang may-ari at malaki magpasweldo. Nakakaipon din daw siya para
pang aral sa kolehiyo.
Pangarap niyang maging isang seaman at makapagtrabaho sa barko. Pero walang
kolehiyo rito sa Isla Verde. Kaya kapag dumating ang araw na nakapag-enroll na siya
ay aalis siya ng isla para tuparin ang pangarap.
Pakiramdam ko ay ako na lang ang hinihintay ni Kuya na makapatapos ng high school.

This website stores data such as


cookies to enable essential site
functionality, as well as marketing,
personalization, and analytics.

Privacy Policy

Accept Deny
Hindi ko pa naman alam kung kailan ako makakatuloy sa kolehiyo. Kaya magtatrabaho
muna ako, mag-iipon tulad ng Kuya ko bago mag-aral ulit.


Bumuntong hininga si Kuya at tiningnan ako. Nasa mukha niya ang pag-aalala sa akin
at kay Tatay. Ngunit dahil sa aming sitwasyon ay tila kami ginagapos sa kahirapan.
"Hayaan mo.. maghahanap din ako ng trabaho sa lungsod para makapagbigay din ako
rito sa bahay habang nag-eeskuela ako. Hindi ko pa rin kayo pababayaan." seryoso
niyang pangako sa amin.
Lumamlam ang liwanag mula sa lamparang gamit namin na nasa hapag. Ang hampas mula
sa alon ng dagat at ingay ng kuliglig ang musika ng kapaligaran. Napatingin kami
kay Tatay nang sabay niyang tapikin ang aming mga kamay.
Pinanood namin ni Kuya ang detalye ng kanyang pagsenyas ng mga kamay.
'Wag kayong mag-alala mga anak, tutulong din ako at magtitinda ng champoy para 
makatulong sa pangkain natin araw-araw. Sasampa rin ako ng bangka at lalaot pang
dagdag pa.
Tunog mula sa pagtama ng kanyang mga kamay ang tanging nagagawang ingay ni Tatay.
Nginitian siya ni Kuya at sinagot na may kasamang kumpas ng mga kamay, "Mas gusto
po naming nagpapahinga kayo rito sa bahay, tay. 'Wag na po kayong sumama sa laot,
dito na lamang kayo. Binabagabag ako kapag umaalis po kayo."
Mabilis ang pag-iling ni tatay. Okay lang ako. Wala namang nangyari sa akin at
malakas pa ako.
Tinaas pa niya ang isang braso at pinakita ang masel na nilipasan na ng mga taon.
Tinaas ang isang kamay at sumenyas ng 'aprub' sign.
Napangiti ako maging si Kuya. Pero nasa mukha ni Kuya Charlie ang pag-aalala. Dahil
noong huling namangka si Tatay ay bigla raw itong nahilo at kamuntik pang mahulog
sa dagat kundi lamang agad na nasalo ng mga kasamahan sa pangingisda.
May malay na siya ng bumalik sa pangpang kaya hindi na namin nadala pa sa clinic.
At kung sakaling madala ay hindi rin matitingnan dahil wala roon ang nag-iisang
nurse ng barangay. Halos isang oras pa ang byahe ng bangkang de-motor kung pupunta
sa mainland.
Nasa singkwenta na ang edad ni Tatay at nakikitaan na rin ng sakit ng katandaan.
Dati itong tagapamahala ng inabandonang resort sa isla hanggang sa magsara. Doon
niya nakilala ang Nanay. Dayo noon si Nanay nang makilala ang Tatay. Sa kabila ng
kapansanan ay nahulog ang loob nila sa isa't-isa at nagpakasal.
Pipi at bingi si Tatay, ngunit mahusay magbasa ng galaw ng labi. At dahil sa
kahusayan din sa pagtatrabaho ay nagtagal ito sa propesyon. Naging boatman din bago
nagtrabaho sa resort noon. Habang si Nanay ay isang public school teacher sa
Agoncillo. Nagbakasyon lamang sa isla kaya nagkakilala ang dalawa.
Mula sa lumang litrato ay napagtanto kong magandang lalaki rin ang Tatay ko noon.
Matangkad at kayumanggi ang balat na mas pina-dark pa dahil sa buhay-isla. Maganda
rin si Nanay, maputi kaya naman hindi kataka-takang magkahulihan ng loob ang mga
magulang ko.
Noong nabubuhay pa si Nanay ay naalala ko kung gaano naging masaya ang bahay namin.
Simple maging ang pagkaing nakahain. Ngunit nang magsara ang resort na
pinagtatrabahuan ni Tatay, unti-unting naubos ang ipon namin. Hindi na rin
nakabalik sa pagtuturo si Nanay dahil nagkasakit ito. Cancer of the blood. Nasa
huling stage na nang matuklasan namin ang sakit niya. At ilang buwan na lamang ang
lumipas ay tuluyan na kaming iniwan ni Nanay.
Hindi ko na mabilang kung ilang gabi kong nagigisnan si Tatay na umiiyak habang
nasa kanyang dibdib ang litrato ni Nanay. Naghihinagpis sa namayapang maybahay.
Nasa elementarya pa lamang ako noon at pinalano ko na ang magiging kapalaran balang
araw.
At ngayong magtatapos na ako ng high school, ito na ang takdang panahon para
makabawi sa paghihirap nina Tatay at Kuya sa akin.
***
Ilang beses kong sinutsutan si Chito sa kanyang upuan sa eskuela dahil kanina ko pa
siyang napapansin na bumabagsak ang ulo sa antok. Nakahiwalay ang pwesto ng mga
babae at lalaki kaya hindi kami magtabi. At bago ibigay ang aming diploma ay
nagsasalita ang panauhing mayor sa eskuela.
Nang matapos at magpalakpakan ay doon lamang nagising si Chito at nakipalakpak

This website stores data such as


cookies to enable essential site
functionality, as well as marketing,
personalization, and analytics.

Privacy Policy

Accept Deny

This website stores data such as


cookies to enable essential site
functionality, as well as marketing,
personalization, and analytics.

Privacy Policy

Accept Deny

This website stores data such as


cookies to enable essential site
functionality, as well as marketing,
personalization, and analytics.

Privacy Policy

Accept Deny

This website stores data such as


cookies to enable essential site
functionality, as well as marketing,
personalization, and analytics.

Privacy Policy

Accept Deny

This website stores data such as


cookies to enable essential site
functionality, as well as marketing,
personalization, and analytics.

Privacy Policy

Accept Deny

This website stores data such as


cookies to enable essential site
functionality, as well as marketing,
personalization, and analytics.

Privacy Policy

Accept Deny

This website stores data such as


cookies to enable essential site
functionality, as well as marketing,
personalization, and analytics.

Privacy Policy

Accept Deny

This website stores data such as


cookies to enable essential site
functionality, as well as marketing,
personalization, and analytics.

Privacy Policy

Accept Deny

This website stores data such as


cookies to enable essential site
functionality, as well as marketing,
personalization, and analytics.

Privacy Policy

Accept Deny

This website stores data such as


cookies to enable essential site
functionality, as well as marketing,
personalization, and analytics.

Privacy Policy

Accept Deny

This website stores data such as


cookies to enable essential site
functionality, as well as marketing,
personalization, and analytics.

Privacy Policy

Accept Deny

This website stores data such as


cookies to enable essential site
functionality, as well as marketing,
personalization, and analytics.

Privacy Policy

Accept Deny

This website stores data such as


cookies to enable essential site
functionality, as well as marketing,
personalization, and analytics.

Privacy Policy

Accept Deny

This website stores data such as


cookies to enable essential site
functionality, as well as marketing,
personalization, and analytics.

Privacy Policy

Accept Deny

This website stores data such as


cookies to enable essential site
functionality, as well as marketing,
personalization, and analytics.

Privacy Policy

Accept Deny

This website stores data such as


cookies to enable essential site
functionality, as well as marketing,
personalization, and analytics.

Privacy Policy

Accept Deny

This website stores data such as


cookies to enable essential site
functionality, as well as marketing,
personalization, and analytics.

Privacy Policy

Accept Deny

You might also like