You are on page 1of 73

------------------------------

TITLE: Bartenders Series 2 GIN (To be Published)


LENGTH: 1115
DATE: Oct 17, 2014
VOTE COUNT: 27
READ COUNT: 1571
COMMENT COUNT: 11
LANGUAGE: Filipino
AUTHOR: rhodselda-vergo
COMPLETED: 1
RATING: 2
MODIFY DATE: 2014-10-17 10:40:27

------------------------------

####################################
Teaser
####################################

Teaser

Magmula nang pumanaw buhat sa sakit na Diabetes ang Tatay ni Catharina Lee ay
sumama siya sa pinsan niya sa Maynila. Layon niya'ng mahanap ang Nanay niya na
limang taon na niyang hindi nakikita. Nagtrabaho siya sa Ospital bilang nurse
hanggang sa makilala niya ang Stroke Patient na Nanay pala ng kaibigan ng pinsan
niyang si Sean.

Gusto niya ng extra kita kaya pumayag siya sa presenta ni Sean na maging Private
nurse ng Nanay ng kaibigan nito. Ang inaakala niyang magandang trabaho ay isa
palang malaking pagsubok na susukat sa haba ng pasensiya at katatagan niya. Hindi
dahil sa pasyente niya kundi sa anak nitong tila ipinaglihi sa hinanakit at
kasupladuhan.

Si Gin Andrew Baltazar-isang mahusay na Architect at Bartender sa Bar. Sa unang


pagkikita pa lamang nila ay tila mainit na ang dugo nito sa kanya, ngunit minsang
umuwi itong lasing-ay nagulat siya nang bigla na lamang siya nitong loobin sa
kuwarto niya habang siya'y natutulog. Sa isang iglap ay nagbago ang pakikitungo
nito sa kanya.

May itatamis pa kaya ang pagsasama nila gayung gumuguhit sa puso niya ang pait ng
pag-uugali nito?
####################################
Special Chapter
####################################

Bartenders Series ay napapatungkol sa mga magkakaibigan na natagpuan ang isa't-isa


sa parehong pagkahilig sa iba't-ibang uri ng liquor. Umiikot ang kani-kanilang mga
buhay sa isang Bar na kanilang naitatag at hindi hadlang ang tunay nilang propisyon
upang pangatawanan nila ang negosyo. Sa propisyon din nilang iyon matatagpuan ang
babaeng magpapatibok sa kani-kanilang mga puso. Naging sandigan nila ang isa't-isa
sa panahon ng dusa at hirap, sa luha at saya...
Ang nobelang ito ay napapatungkol sa kuwento ng pag-ibig, pagkakaibigan at pamilya
at isang propisyong napapanahon. Nawa'y magbigay insperasiyon sa bawat mambabasa
ang bawat kaganapan sa kuwento. Isa itong Fictional story pero ito po ay may
kinalaman sa totoong kaganapan sa buhay ng bawat tao.

History: Ang series novel na ito ay nabuo dahil sa isang lasing na lalaki na nakita
ko minsan sa isang bar noong taong 2010. Sumama ako sa mga katrabaho ko pero sila
lang ang uminom. Hindi kasi ako talaga umiinom maliban sa tubig, hehehe.

Hindi naalis ang paningin ko sa mamang lasing na nagsasalita mag-isa. Nagagalit


siya, minsan naman ay tumatawa at umiiyak. Sabi ko sa sarili ko, "Baliw ata 'to."
Natanong ko sa sarili ko, "Bakit nga ba naglalasing ang isang tao?" Sagot naman ng
'anghel' na nasa gawing kanan ng isip ko. 'May problema sila kaya sila umiinom.
Para kahit sandali ay makakalimot sila. Maraming dahilan, minsan, para magdiwang ng
tagumpay. Ang iba naman, gusto lang makatulog ng mahimbing,'

Sumagot naman ang 'demonyong' nasa gawing kaliwa ng isip ko, 'E kasi, gusto nilang
magkaroon ng lakas ng loob para makagawa ng imposible. Para kumapal ang mukha nila
at makapaghasik sila ng kasamaan, HAHAHAHAHAHA!' Nanrindi ang tenga ko. Hinayaan ko
na ang 'anghel' at 'demonyo' na mag-diskusyon sa likod ng isip ko.

Nang tingnan ko ang mama ay nakatulog na ito sa ibabaw ng mesa. Iginala ko ang
paningin ko sa paligid, iba-ibang klase ng tao ang nakikita ko. May lalake, babae,
bakla, tomboy, matanda, binata, dalaga, piling binata't dalaga. Ang daming
nangyayari, may nag-aaway, naghahalikan sa gigilid, may nagtatawanan, may
nagbabahagi ng problema etc. Ganito pala ang buhay sa mundong ibabaw. Napagtanto
ko, hindi naman pala sa lahat ng pagkakataon ay bad impluence ang alak. Ngayon ko
lang na-realize na marami din pala itong magagawa sa buhay ng tao. Noon, naiirita
ako sa taong lasing. Nakakainis kasi talaga! Pero ngayon, naiintindihan ko na kung
bakit.

At dahil sa experience ko na iyon, bigla akong nagka-ideya para sa isang naiiba at


in-demmand na nobela. Hum, ang daming pumapasok sa isip ko hanggang sa mabuo ko ang
nakakaaliw na kuwento.

Ang una kong naisip na pamagat ng series ay "Hangovers" at nang malaman ko na nag-
aral ng Bartending ang dalawa kong kapatid na lalaki ay bigla kong naisip ang
"Bartenders" mas cool. Tinanong ko sila sa mga napag-aralan nila, nag-research ako.
At doon ko nalaman na ang dami pala ang uri ng liquor sa mundo.

So nakapagsulat na ako, pero draft lang. Nang i-post ko sa facebook at booklat site
nitong taon lang ang advertisement ng series-ay nagulat ako nang marami ang nag-
like. Plano ko sana na apat lang ang gagawin ko, kaso maraming friend ko sa fb at
co-writer ko na nag-request na gawin ko silang leading-lady ng mga hero ko.

E, ang dami nila. Kaya tuloy, ang apat ay naging isang dosena. Haha, napasubo ako.
Pero sige na nga. Naging insperasyon ko rin ang nobelang ito kasi natutuwa ako sa
concept na ginamit ko at naging mas open minded ako at ang dami kong bagong
natutunan. Ito ang history ng series na ito. Thank you!

Gin's Identity:

Pen name: Gin

Real name: Andrew Baltazar

Signature Attitude: The Naughty Guy


Catch line: "Kung hindi ko binuksan ang puso ko, hindi ko makikita na ikaw pala ang
nilalaman nito.."

Age: 29

Status: In a relationship with Catharina Lee

Occupation: Architect/ Bartender

Short Profile: Nagmula sa broken family, fall time Bartender, Architect. Seryoso,
tahimik. Kilala siyang pinakamalihim sa grupo, simpleng masungit, nasa loob ang
kulo, nasa huli ang guhit at tama kapag nagmahal, subalit wagas. Tall, dark and
handsome. Killer looks. Mahilig sa pagkaing matatabang, vegetarian, music lover.

Trivia about Gin:


Gin is similar to vodka in that it is triple distilled liquor.
The only difference is that the 'wine' is steeped in juniper berries prior to
distillation. Wine is the pre-distilled state of the liquor.

Gentlemen's Bar & Restaurant members:

#1-Rum Lorence Ong- Manager/Bartender

#2-Gin Andrew Baltazar- Investor/Bartender

#3-Whiskey Jason Del Rosario- General Manager/Bartender

#4-Brandy Martin Duellas- Investor/Bartender

#5-Bourbon Sean Lee- Investor/Music operator/Bartender

#6-Scotch James Miller- Flair Bartender/Waiter

#7-Cordials Hanzen Kurama- Investor/Bartender

#8-Cognac Mateo Abarde- Bartender/Waiter

#9-Vodka Israel Montel- Investor/Bartender

#10-Tequila Miguel Rosales- Executive Chef/Restaurant Manager

#11-Moonshine Ruzlee Young- Bartender/Waiter

#12-Wine Wallace de Vega- Investor/Bartender/Manager

####################################
Prologue
####################################
BINALOT ng dilim ang kapaligiran. Ang mga punong kahoy ay tila mabubuwal sa sobrang
lakas ng hangin. May mga munting ipu-ipo na nilalaro ang mga basura at tuyong
dahon. Tumingala sa madilim na kalangitan ang sampung taong gulang na batang si
Andrew.

Babagsak na ang ulan. Pero hindi pa dumarating ang Daddy niya para sunduin siya.
Ang sabi'y huwag siyang aalis sa paaralan hangga't hindi ito dumarating. Narinig
niya sa mga nag-aapurang guro na may malakas raw na bagyo at signal number four sa
bayan nila sa San Nicholas. Lumabas siya ng paaralan at sumilong sa waiting shed.

Kinakabahan siya; palinga-linga siya sa paligid. Wala na siyang nakikitang


estudyante, wala na rin siyang kasama na naghihintay sa waiting shed. Nang muling
gumuhit ang kidlat kasabay ng malakas na kulog ay sumiksik siya sa sulok ng waiting
shed. Nanginginig siya sa sobrang takot.

Mayamaya pa'y may nakita siyang batang babae na tumatakbo palapit sa kanya-kasabay
sa pagbuhos ng malakas na ulan. Hindi niya school mate ang batang babae sapagkat
iba ang uniporme nito. Pakiwari niya'y matanda lamang siya ng dalawang taon dito.

♫Buhos na ulan aking mundo'y lunuring tuluyan. Hatid mo ma'y bagyo, dalangin ito ng
puso ko...♫ awit ng batang babae na nagpainit sa bunbunan niya.

Patuloy ito sa pagkanta. Lumabas siya sa pinagkukublian niya. "Hoy! Tumigil ka nga.
Lalong mo lang pinapalakas ang ulan!" singhal niya rito.

Nagulat pa ang batang babae. Tumigil ito sa pagkanta at hinarap siya. "Bakit ba?
Maganda naman ang boses ko ah," anito. Tinaasan pa siya nito ng isang kilay at
nakapamaywang.

Hindi niya ipinapahalata dito na kinakabahan siya. "Ang baho ng boses mo!" Nilait
pa niya ito kahit sa loob-loob niya'y maganda naman talaga ang boses nito.

"Eh 'di takpan mo ang tenga mo," buwelta naman nito.

Tinitigan niya ito ng mahayap. Mayamay'y bigla nanamang gumuhit ang kidlat kasabay
ng ubod lakas na kulog. Talimang lumuklok siya sa ilalim ng upuang bato. Nangatal
ang tuhod niya maging ang buong katawan niya.

Nang sipatin niya ang batang babae ay nakatayo parin ito. Ni hindi nga nagbago ang
posisyon nito. Mayamaya'y humagalpak ito ng tawa.

"Ahahahaha! Takot sa kulog, ahahahaha..DUWAG! Ew kalalaking tao


takot......nyahahahahaha.....!"

Nanrindi ang tenga niya sa mala bruhang tawa nito. Sa inis niya'y tumayo siya at
walang anu-ano'y bigla niyang nilapitan ang batang babae at marahas na itinulak sa
labas. Sumalampak ito sa lupa at ngayo'y basang-basa sa ulan.

Agad naman itong nakatayo at biglang sumugod sa kanya. Hindi niya inaasahang bigla
siya nitong hihilain at ngayo'y pareho na silang basa sa ulan. Hindi nito
binibitawan ang kamay niya habang hinihila siya nito sa gitna ng kalsada.

Walang anumang sasakyan na dumadaan kung kaya'y malakas ang loob nito, pero siya ay
nanginginig na sa magkahalong takot at ginaw.

"Woah! Ang saya-saya!" sigaw nito ng bumitiw ito sa kamay niya at nagtatatalon.

Habang pinagmamasdan niya ito ay tila nararamdaman niya na unti-unting naglalaho


ang takot niya. Hindi na siya nanginginig sa tuwing may malakas na kulog. Nang may
maaninag siyang ilaw ng sasakyan ay hinatak niya ito palayo sa kalsada.

Bumalik sila sa waiting shed. Hindi na naalis ang tingin niya sa mukha nito na ni
minsan ay hindi naglaho ang matamis nitong ngiti. Ngayon lamang siya nakakita ng
ganoon katapang na batang babae. Tila wala itong takot na namamahay sa puso nito.

"Hindi ba, hindi nakakatakot ang kulog?" anito pero sa kalsada ito nakatingin.

Sinipat niya ito.

"Kapag hindi mo hinarap ang takot mo ay habang buhay mo iyang dadalhin sa puso mo."

Matiim na natitigan niya ito. Unti-unti nang tumitila ang ulan at umaaliwalas na
rin ang paligid. Mayamaya'y may Mama'ng lumapit sa kanila na may dalang payong.

"'Tay!" sigaw ng batang babae. Tumakbo na ito sa Mamâ at umalis na ang mga ito.

Ngayon ay nalulungkot siya. Subalit wala na ang takot na namamahay sa puso niya.
Dumating na rin ang Daddy niya.

"Bakit basa ka?" may pag-aalalang tanong ng Ginoo'.

Hindi siya umimik basta't sumakay na siya sa kotse.....

####################################
Chapter One
####################################

ISANG linggo pa lamang ang nakalilipas magmula nang ihatid sa huling hantungan ang
tatay ni Catharina-ay pinag-aagawan na ng mga napag-utangan ng tatay niya ang mga
ari-arian nila. Wala siyang magawa kundi ibigay sa mga ito ang mga naipong
kagamitan ng tatay niya.

Hindi naging sapat ang mga kagamitan upang mabayaran ang lahat ng utang ng tatay
niya kaya nama'y ibininta niya ang maliit na lupain nila. Ang ibang salapi ay
inihulog niya sa banko sa sarili niyang account.

Tinulungan siya ng pinsan niyang si Sean na maasikaso ang papeles niya upang
makapagtrabaho siya. Tinulungan din siya nitong makapag-exam sa nursing board exam
sa Maynila. Mabigat man sa loob niya na lisanin ang pinakamamahal niyang bayan ng
San Nicholas-ay kinailangan niyang magtiis para na rin sa kinabukasan niya.

Naiilang siya sa pamilya ni Sean kahit pa magkapatid ang parehong ama nila.
Mayamang negosyante ang Daddy ni Sean, katunayan ay ang tatay na lamang niya ang
naghihirap dahil sa pagkalulong sa bisyo. Ang bisyo sa sugal ang naging sanhi kung
bakit iniwan ng Nanay niya ang Tatay niya.

Isinama ng nanay niya sa pag-alis ang bunso niyang kapatid na lalaki na sa


pagkakaalam niya'y binata na rin ngayon. Isa sa dahilan niya kung bakit sumama siya
kay Sean sa Maynila ay upang makita ang Nanay niya.

"Pasensiya ka na, Cat kung hindi ako nakarating sa burol ng tatay mo. Nasa Taiwan
kasi ako nang mga sandaling iyon at hindi ako basta makaalis sa kompanya," ani G.
Sanshu.

"Okay lang po, Tito. Naiintindihan ko naman po," aniya.


Sa kasalukuyang kasalo niya sa hapunan ang pamilya ni Sean. Ngayon lamang niya
nakilala ang mga ito kaya masyado siyang tahimik. Hindi siya sanay na
nakikisalamuha sa mga seryosong tao. Masyado kasi siyang maligalig kaya naninibago
siya.

Ang sabi ni Sean ay hindi siya maiinip sa Maynila dahil maraming magagandang
pasyalan. Ngunit nang isama siya nito sa mga mall at park ay napagtanto niya na mas
masarap parin talagang mamuhay sa probinsiya.

Kahit sa araw-araw ay mga hayop at halaman ang nakakasama niya ay hindi siya
nalulugkot. Naninibago siya sa mga taong nakikita niya. Masyado na ngang moderno
ngayon sa Maynila at kahit mag-uumaga na'y gising pa ang mga tao at nagtatambay sa
mga eskinita. Sa probinsiya kasi ay alas-otso pa lamang ng gabi ay tulog na ang mga
tao.

"Marami palang aswang dito sa Maynila, Kuya Sean," aniya habang naglalakad sila ni
Sean sa tabi ng Manila Bay.

Tumawa ng pagak si Sean. "Oo, marami talagang aswang dito, pero ang mga aswang dito
ay magaganda at guwapo."

Napahinto siya nang matanaw niya sa kalangitan ang naggagandahang mga tala. Tinuro
niya ang pinakamalaki sa mga iyon. "Ang sabi ni itay, ang unang bituin daw na
masisipat ko sa pagtingala ko sa langit ay siya raw ang lalaking mapapangasawa ko,"
napapangiting wika niya.

Ngumisi si Sean. "Paano mo naman maipapaliwanag na siya ang lalaking iyon? Paano
kung babae pala ang bituin na nakita mo?"

"Kapag malalaki raw ay lalaki," aniya. Nakatingala parin siya sa kalangitan.

"Ganoon ba 'yon? Sige, susuportahan kita kung iyan ang paniniwala mo."

Ngumiti siya saka ibinaling ang tingin sa pinsan. "Hula ko, hindi ka marunong
tumingin ng isda kung babae o lalaki ano?" aniya.

"Anong klaseng isda?"

"Galunggong."

Umiling-iling si Sean. "Tutal, lalaki naman ang pinag-uuspan natin. Sumama ka


nalang sa akin sa Bar," kapagkuwa'y sabi nito.

"Saang Bar?"

"Sa Bar na naitatag namin ng mga kaibigan ko. Ako at ang Banda ko ang tumutugtog
doon at minsan ay Bartender din ako," anito.

"Talaga? Wow! Gusto kong makilala ang mga kaibigan mo!" nagagalak na saad niya.

"Okay, let's go!"

HALOS ayaw kumurap ni Catharina nang makapasok sila ni Sean sa Bar. Naduduling siya
sa samut-saring ilaw na may iba-ibang kulay. Iginiya siya nito patungo sa Bar
Counter. Umupo sila sa stool chair.

Napatingin siya sa Flair Bartender na nagja-joggling. Nakakaaliw ang magandang


presentasyon na ipinapamalas nito gamit lamang ang tatlong bote ng alak na walang
laman. Minsan ay parang hinahalukay ang dibdib niya sa akalang hindi masasalo ng
lalaki ang bote, pero nasasalo parin nito iyon.

"Ang galing!" Napapapalakpak siya. Napatingin sa kanya ang Bartender nang matapos
ang ginagawa nito.

Bahagyang napaawang ang bibig niya nang masilayan ng malapitan ang mukha nito.
Hindi niya masabi kung anong kaguwapuhan ang taglay nito na sa isang iglap ay
nakalimot siya. Bahagya pang napaawang ang bibig niya.

Ang ganda ng mga mata nito-na kahit hindi nito sinasadya ay namumungay. Katamtaman
ang tangos ng ilong nito na medyo makitid at ang mga labi nito na naghuhugis puso
na katamtaman ang pamimintog. Ganoon ang mga labing nakakatuksong hagkan.

Kahit hindi ito nagagalit ay mukha itong galit, masungit, suplado-ganoon ang unang
pagkakilala niya rito.

"Magdu-duty ka ba, Bourbon?" sapagkuwan ay tanong nito kay Sean.

Napatingin siya kay Sean. "Bourbon?" aniya kay Sean.

Ngumisi ito. "May mga pen name kasi kami dito sa Bar na hango sa mga pangalan ng
Liquor," anito.

Naibaling niyang muli ang tingin sa guwapong Bartender. Mayamaya pa'y pinakilala na
ito sa kanya ni Sean. "Siya nga pala si Gin, Cat. Andrew Baltazar ang tunay niyang
pangalan at isa siyang Architect," ani Sean.

Namangha siya. Bartender, tapos Architect? Ang galing! naisa-isip niya.

"Gin, pinsan ko nga pala. Si Cat-Catharina Lee," sapagkuwan ay pinakilala din siya
nito kay Gin.

Abot tenga ang ngiti niya at hinihintay niya itong ngumiti, subalit seryoso parin
ito. Nasasabik na inilahad niya ang kanang palad niya sa harapan nito.

"Hi, nice to Meet you!" bati niya subalit nangalay lamang ang kamay niya-tinitigan
lamang nito iyon, ni wala itong sinabi.

Ang matamis niyang ngiti ay mabilis na napalis. Ibinaba na lamang niya ang kamay at
napatingin kay Sean. Nginitian naman siya nito. Mayamaya pa'y inanyayahan na siya
nitong pumunta sa Music station.

"Ang sungit naman ng kaibigan mo na iyon, Kuya," aniya kay Sean nang makaupo na
sila sa harap ng karaoke. Hindi iyon nalalayo sa Bar counter-kaya hanggang doon ay
natatanaw parin niya si Gin.

"Pagpasensiyahan mo na, ganoon lang talaga 'yon sa umpisa. Suplado lang talaga si
Gin kapag unang beses na makilala mo, pero mabait naman siya," ani Sean.

"Mabuti hindi niya sinusungitan ang mga costumer ninyo."

"Hindi naman. Marunong naman siyang magtimpi kahit papano."

Sinipat nanamn niya si Gin na niyon ay abala sa pagsasalin ng inumin sa baso. Hindi
niya inaasahan na masipat din siya nito. Animo'y napaso at mabilis na umiwas siyang
umiwas ng tingin.
ISANG buwan na sa Maynila si Catharina at laking tuwa niya nang malamang nakapasa
siya sa Board Exam. Agad siyang nag-aply sa malalaking ospital-tinanggap siya pero
bilang trainee palang. Hindi pa siya magkakaroon ng suweldo.

Pinagbubutihan naman niya ang trabaho at dahil sa record niya na Top five sa board
exam-ay hindi nag-aalangan ang naturang ospital na gawin siyang regular na
empleyada. Nang makapagsuweldo na siya ay umalis na siya sa bahay nila Sean. Kumuha
siya ng Apartment na malapit sa Ospital na pinagtatrabahuhan niya.

Madalas naman siyang binibisita ni Sean at minsan ay may mga dala pa itong pagkain
para sa kanya. Ngunit habang tumatagal ay napapansin niya na hindi nasasapat ang
sahod niya. Magkano lang naman ang sinasahod niya sa pam-publikong ospital?
Kailangan niya ng karagdagang kita upang makapag-ipon siya at makabili siya ng
sarili niyang lupa't bahay.

Maghapon siyang nasa Ospital sapagkat kinailangan niyang gampanan ang trabaho ng
kareleyibo niyang si Shane na ilang araw nang hindi pumapasok. Pinakiusapan siya ng
Cardiologist nilang si Dr. Herera na asikasuhin niya ang Stoke patient nila na
kalalabas lamang sa ICU.

Napatingin siya sa pasyente'ng babae na nakaupo sa whell chair. Tingin niya'y


napakabata pa nito para maranasan ang stroke. Nasa early fifty ito na halos ka-edad
lamang ng Nanay niya. Itinulak na niya ang kinaluklukan nitong wheel chair at
ipinasok niya ito sa private ward.

Akmang hahawakan niya ang kamay nito nang bigla itong nagpumiglas. May sinasabi ito
ngunit hindi niya maarok. Ngiwi na ang bibig nito kung kaya'y hirap itong bigkasin
ang mga salita. Tinuturo nito ang pinto.

Napatingin siya sa nakasarang pinto. Ibinalik din naman kaagad niya ang paningin sa
pasyente.

"Uhhh." Umungol ito.

Nagtiungko siya sa harapan nito. "Ano po 'yon?" tanong niya.

"Nnnsssaan, nnnak ko?"

Kumunot ang noo' niya. Sa pagkakaunawa niya ay tinatanong nito kung nasaan ang anak
nito. "Ano po ang pangalan ng anak n'yo?" tanong niya.

"Annnddrrrew..." bigkas nito.

Nahihirapan siya habang pinagmamasdan itong magsasalita. "Parating na po ang anak


n'yo. Kailangan n'yo lang pong magpahinga," sabi nalang niya.

Nagtawag siya ng nurse na lalaki upang tulungan siyang mailipat sa kama ang
pasyente. Mayamaya pa'y nakatulog na lamang ang Ginang. Habang binibihisan niya ito
ay napapaisip siya.

Ano kaya ang pakiramdama kapag siya ang nasa kalagayan ng Ginang? Ano kaya ang
mararamdaman ng mga kaanak nito habang nakikita na ganoon ang mahal nila sa buhay?

Namatay ang tatay niya na hindi niya nakitang nakaratay sa higaan. Nalaman nalang
niya na wala na iyong buhay nang maabutan niya sa kuwarto nito. Malakas lamang ang
loob ng tatay niya kaya kahit may nararamdaman ay hindi iniinda. Ang sabi ng doktor
ay diabetes ang ikinamatay ng tatay niya at nagkakumplekasyon sa puso.
Marahil ay ayaw ng tatay niya na mag-alala siya kaya hindi niyon sinabi sa kanya na
may malala na pala itong karamdaman. Ilang araw din siyang nagluksa at nagdusa sa
pighati. Ngayong nasa propisyon na siya kung saan ay nag-aalaga siya ng mga may
sakit ay bigla niyang naalala ang tatay niya.

Kaya siya kumuha ng kursong nursing ay dahil layon niyang siya ang mag-aalaga sa
tatay niya. Subalit huli na ang lahat. Ayaw niyang maranasan ng ibang tao ang
dinanas niya na nawalan ng pinakamamahal kaya naman ay pinagbubutihan niya ang
trabaho niya-hindi lang para kumita, kundi makatulong.

Kinabukasan, pagpasok muli ni Cat sa ospital ay nalaman niyang nakalabas na ang


pasyenteng inaasikaso niya kahapon. May tatlong linggo na rin pala roon ang Ginang.
Hindi manlang niya nakita ang kaanak nito. Ugali kasi niya na makipagdaldalan sa
mga kaanak ng pasyente kapag break time nila.

Bayaran na naman ng ilaw sa apartment niya pero matagal pa ang sahod. Nangutang
nanaman siya sa katrabaho niyang si Kara. Isang libong piso lang naman-kasama na
roon ang budget sa pang-araw-araw na gastusin.

"Grabe, daig mo pa ang pamilyadong tao, Cat ah. Bakit palagi ka nalang natutuyuan
ng pera sa wallet eh sarili mo lang naman ang pinagkagastusan mo? Hindi ka naman
maluho," ani Kara. Pumalatak muna ito bago iniabot sa kanya ang isang libong piso.
Kararating lamang nila sa Nurses station.

"Pasensiya na, kinakapos lang talaga ako. Magkano lang naman ang sinasahod ko?"
nakabusangot na sagot niya.

"May kaya naman ang kapatid ng papa mo. Bakit hindi ka humingi ng tulong sa
kanila?"

"Nahihiya na nga ako. Halos isang buwan akong namalagi sa kanila na sila lahat ang
gumagastos sa pangangailangan ko. Ultimo pang exam ko ay sila pa ang gumastos."

"Hindi ka naman nila sinisingil ah. Mahirap talaga kapag nangungupahan ka, lalo na
at wala ka pang isang taon na nagtatrabaho sa ospital na ito. Masyado kasing mataas
ang pride mo," litanya ni Kara.

Kipkip na niya ang isang libong inutang niya rito. "Ayos lang, maghahanap nalang
ako ng side line." Malapad na ulit ang ngiti niya.

"Salamat, Kara, kahit magkano ang itutubo ng pera mo ay babayaran ko pagdating ng


sahod," sapagkuwa'y wika niya.

Tinapik nito ang balikat niya. "Anong tubo ang sinasabi mo riyan? Walang buhay ang
pera kaya wala siyang karapatang tumubo," makahulugang saad nito.

Tumawa siya ng malakas. "Oo nga pala. Salamat ah, bibigyan nalang kita ng lalaki,"
nakangising sabi niya.

"Anong lalaki? Hoy, hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay ko. Kung sasaktan lamang
ako'y mas mainam na pumuti ang buhok ko na mag-isa," anito.

"Paano kung magkasakit ka, sino'ng mag-aalaga sa iyo?" natatawang tanong niya.

"Eh 'di wala. Kung mamatay ako, bahala na ang makakapansin at makaisip na mailibing
ako. Kung wala, salamat."

Dinutdot niya ang tagiliran nito. "Huwag kang magsalita ng wakas, Kara. Malay mo,
biglang matisod si Papa Piolo at sa iyo natumba," aniya.

"Hay naku, hindi ko kailangan ng Piolo. Baka mamatay ako ng maaga sa konsemisyon."

Panay ang tawa niya. Mayamaya'y dumating na ang iba pa nilang mga kasama.
Pagkatapos ng duty niya ay dumiretso siya sa bahay nila Sean. Kaarawan kasi ng Mama
nito at noong isang araw pa siya sinabihan ni Sean na pumunta.

Simpleng salu-salo lamang ng buong pamilya, wala namang bisita ang mga ito. Hindi
pumasok sa Bar si Sean para naman hindi siya mawalan ng kausap. Tameme siya sa
tuwing kaharap ang pamilya ni Sean at kahit kay Tito Sanshu.

Nang mapagsolo sila ni Sean sa veranda ay may binuksan itong isang usapin. "Maluwag
pa ba ang schedule mo sa ospital, Cat?" tanong ni Sean. Magkaharap silang nakaupo
sa silya na yari sa yantok.

"Medyo, bakit?" kapagkuwa'y tanong din niya.

"Naalala mo si Gin? 'yong kaibigan ko na pinakilala ko sa iyo noon sa Bar," sabi ni


Sean.

Sandaling wala siyang kibo at pilit inaalala ang sinasabi nito. "Si Gin 'yong
maarteng lalaki na ayaw makipagkamay sa akin?" aniya nang maalala ang tinutukoy
nitong kaibigan.

Bumungisngis si Sean. "Oo, siya nga."

"Bakit? Anong meron?" Nakataas ang isang kilay niya.

"Naghahanap kasi siya ng private nurse na mag-aalaga sa Nanay niyang may sakit,"
pahayag ni Sean.

"Talaga? Magkano naman ang sahod?" Sahod kaagad ang naitanong niya. Halos umangat
na ang puwit niya buhat sa kinaluklukan sa labis na kagalakan.

"Hindi ko pa naitanong kung magkano ang offer niyang sahod. Hindi naman daw araw-
araw ang trabaho ng magiging private nurse. Mas mainam kung personal mo siyang
kakausapin," anito.

Napaisip siya. "Kakausapin kaya ako niyon?" nababahalang tanong niya.

Tumawa ng pagak si Sean. "Bakit naman hindi? Ano payag ka? Para masabihan ko siya
bukas pagpasok ko sa Bar," ani Sean.

Hindi na siya nag-atubili pa. "Sige. Naghahanap din ako ng side line. Mas mainam
iyon dahil related parin sa propisyon ko. Kailan ba natin siya kakausapin?"

"Kapag may time ka. Aabisuhan nalang kita kapag okay na para kayo naman ang mag-
usap," anito.

"Naku, magandang balita iyan, Kuya. Gusto ko talaga na may extra kita para naman
makapag-ipon ako," sapagkuwa'y sabi niya.

Napalis ang ngiti ni Sean. "Bakit, hindi ka ba nakakapag-ipon?" tanong nito.

"Hindi eh. Anim na libo ang binabayaran ko sa apartment. Ang bill ko sa ilaw at
tubig ay umaabot ng walong daan sa isang buwan. Deductions pa buwan-buwan sa mga
insurance at ibang contribution. Ang sahod ko na labin-dalawang libo-ang matitira
nalang doon ay apat na libo. Bawasan pa ng pamasahe sa jeep sa araw-araw, pagkain
at kung anu-ano pang personal na pangangailangan," kumpisal niya.

Napanganga si Sean. "Magastos kasi kayong mga babae. Bakit kasi ayaw mong dito
nalang tumira sa bahay para hindi ka na uupa?" ani Sean.

"Nakakahiya naman kasi. Hayaan mo makakaluwag rin ako. May utang pa nga ako sayong
limang libo. Naku, ilang pursiyento na kaya ang itinubo niyon?" aniya.

Tumawa nanaman si Sean. "Kalimutan mo na nga iyon, hindi naman kita sinisingil eh.
Ikaw ang hilig mo sa tubo. Siguro madalas kang kasama ni Tito Tivor kapag
nangungutang siya, ano?" natatawang wika ni Sean.

"Hindi naman. Lahat kasi ng inuutangan ni Tatay ay sinisingil siya ng tubo kapag
pumupunta sa bahay. Kaya ang alam ko kapag nangungutang ay may tubo."

"Natural iyon sa mga negosyante na pautang ang negosyo. Para naman dumuble ang pera
nila. Huwag mo sanang mamanahin ang ugali ng tatay mo na kinagawian ang
pangungutang," ani Sean.

"Hindi no. Nangungutang ako, pero maliit na halaga lamang at binabayaran ko naman
kapag ako'y nagkapera."

Mayamaya'y may lumapit sa na katulong at hinatid ang inumin na hiningi ni Sean. Red
wine lamang iyon at may kasamang Korean barbecue.

Sinalinan nito ng wine ang baso niya. "Umiinom ka ba nito?" sapagkuwan ay tanong
nito.

"Hindi. Masyadong mahal ang ganyang inumin sa probinsiya. Madalas lamang na iniinom
ng mga tao roon ay lambanog na puro," aniya.

"Iyon naman ang mahal dito. Mas marami kasi ang pinagkukuhaan ng lambanog doon
kumapara dito."

"Meron ba kayo niyon sa Bar ninyo?" sapagkuwa'y tanong niya.

"Meron, siyempre. Lambanog ay kasama sa seven spirit of liquor, kaya espisyal iyon
sa mga manginginom," ani Sean.

"Kaya pala. Pero ang pen name mo na Bourbon ay parang ngayon ko lang narinig.
Liquor din ba 'yon?" usisa niya.

"Oo naman, kaso hindi lang masyadong kilala dito sa Pilipinas. Mas nakasanayan kasi
ng mga tao rito ang mga kasama sa seven spirit of liqours."

"Alam mo, bilib ako sa iyo, Kuya, kasi kahit busy ka sa trabaho mo bilang Modelo at
Band Vocalist ay nakakapag trabaho ka parin sa Bar ninyo. Sobrang sipag mo at
parang hindi ka napapagod," puno ng paghangang pahayag niya.

Ngumiti lang si Sean. "Workaholic na kasi ako. Hindi ako sanay na walang ginagawa."

Napapangiti siya habang nakatanaw sa kawalan. Nagsasalita si Sean, pero tila hindi
niya ito naririnig. Iniisip na niya ang magiging trabaho niya bilang private nurse
at ang ikinagagalak niya ay ang isiping si Andrew Baltazar ang magpapasahod sa
kanya.

Pangarap niya noon pa na magkaroon ng guwapong boyfriend na isa sa magiging


pasyente niya o kaya'y kaanak ng pasyente. Isa iyon sa naging dahilan niya kung
bakit gusto niyang maging nurse.
EXCITED na si Catharina na makausap si Gin. Nang lunis ng umaga ay sinamahan siya
ni Sean sa bahay ni Gin sa isang village sa Makati. Day off niya sa ospital kaya
malaya siyang maglamyerda kung saan. Katulong ang sumalubong sa kanila sa gate.

Pagpasok nila sa kabahayan ay tumambad sa kanya ang Ginang na nakaupo sa wheel


chair. Natigilan siya nang mamukhaan ito. Ang Ginang na iyon ang naging pasyente
nila noon. Mukhang namumukhaan din siya nito dahil ngumiti ito nang makita siya.

Nasa sala lang ito at nanonood ng tv. Akmang lalapitan niya ito subalit nariyan na
si Gin at bumababa na ng hagdan. Ang ingay ng yabag nito na tila bang nagdadabog.

Umupo na sila ni Sean sa sofa-habang hinihintay na makaupo si Gin. Walang bahid ng


ngiti sa mukha nito. Kahit nang batiin niya ito ay hindi manlang ito tumugon kahit
pilit na ngiti. Hindi tuloy niya malaman kung may iniinda ba itong sakit kaya hindi
nito makuhang ngumiti.

Ibinigay na niya rito ang resume niya. Hindi pa sila nag-uusap ay nagpaalam na si
Sean. "Magyuyusi lang ako sa labas," ani Sean saka ito lumakad palabas ng bahay.

Pinagmamasdan niya si Gin habang taimtim na binabasa ang mga nakatala sa resume
niya.
####################################
Chapter Two
####################################

MASYADONG makapal ang resume ni Catharina para pagtiyagaang basahin lahat ni Gin.
Personal information at mga attachment lamang ang mga binasa niya. Kahit pinsan ito
ni Bourbon ay hindi parin siya puwedeng magtiwala basta dito lalo na at nalaman
niya na nanggaling ito sa San Nicholas-ang lugar na isinumpa niya.

Sa bayan ng San Nicholas nagsimulang nasira ang pamilya niya. Kung saan nagloko ang
Daddy niya, kung saan nito natagpuan ang babaeng ipinagpalit sa Mommy niya na
naging sanhi ngayon ng pagdurusa ni Lorena sa karamdaman nito.

Tubong San Nicholas ang Daddy niya at tumira sila doon ng halos limang taon,
subalit sa loob ng limang taon ay nagmistulang impiyerno ang buhay nila.

Dose anyos siya noong nilisan nila ng Mommy niya at mga kapatid ang naturang lugar.
Bumalik sila sa Maynila at nanirahan sa mga magulang ng Mommy niya.

Bumalik sa kanila ang daddy niya kung kailan malalaki na sila at may mga trabaho
na. Ngunit hindi rin nagtagal ay natuklasan niya na hindi parin pala ito nagbabago.

Naibaling niya ang tingin kay Catharina, nakatingin ito sa Mommy niya habang ang
mga kamay nito'y magkadaop na nakapatong sa mga hita nito. May naaalala siya habang
pinagmamasdan niya ang anggolo ng mukha nito. Pakiramdam niya'y nakita na niya ito
sa isang lugar na hindi na niya lubos maalala kung saan.

Bigla na lamang nitong ibinaling ang tingin sa kanya. Huli na para umiwas siya ng
tingin. Nagtama ang mga mata nila. Ngumiti lamang ito ng ubod tamis. Napalunok
siya, pakiwari niya'y anghel na bumaba mula sa langit ang kaharap niya.

"Okay na po ba, sir?" sapagkuwa'y tanong nito.

"Ganito, Monday to Wednesday ang pasok mo," sabi na lamang niya.


"Tatlong araw po?!" gilalas na tanong nito.

"Yes, dito ka na matutulog. Ang tungkol naman sa magiging sahod mo ay after three
day of duty mo rin ko ibibigay sa iyo. Eight hundred a day ang net salary mo,"
paliwanag niya.

Walang tugon ang dalaga, nakaawang lamang ang bibig nito. Nangungunot ang noo' niya
habang tinititigan ito. Hindi niya alam kung naiintindihan ba siya nito. Mas gusto
ata nitong titigan nalang siya.

"You may start next week," sapagkuwa'y wika niya saka siya tumayo.

Nanatili namang nakaupo ang dalaga. "Salamat po, Sir," anito.

"Magmeryenda ka muna," aniya bago ito iniwan.

Lumabas siya ng kabahayan. Tinunton niya si Bourbon na nakaupo sa mapipinong


damuhan sa lilim ng palm tree. Upos na ang segarilyo nito. Umupo siya sa tabi nito
habang yakap niya ang kaliwang tuhod at ang isang paa niya'y naka-unat.

"Pupunta ka ba sa blessing ng bagong branch ng bar sa Pasig?" mayamaya'y tanong ni


Bourbon.

"Kailan ba?"

"Sa katapusan ng February," ani Bourbon.

"May project kaming gagawin ni Brandy sa Bulacan nang mga araw na iyon," wika niya.

"Gabi naman eh."

"Hahabol nalang siguro kami," aniya.

"Nag-imbita pa naman ako ng artista," ani Bourbon.

Ngumisi siya. "Okay iyon. Siguradong maraming pupunta," sabi lamang niya.

Bumungisngis si Bourbon. "Kapag naroon ka ay baka hindi rin mapapansin ang artista.
Magtatampo ang mga regular guest natin na mga babae kapag wala ka."

"Masasayang pala ang ibabayad natin sa artista kung hindi mapapansin. Ako nalang
ang bayaran n'yo para pupunta ako," sarkastikong sabi niya.

Humalakhak si Bourbon. "Ikaw na, Gin. Magkano ba ang talent pay mo?" kapagkuwa'y
tanong nito.

"Depende kung magkano ang ibibigay n'yo," tugon lamang niya. Animo'y totoo na ang
pinagsasabi nila.

Humagalpak ng tawa ni Bourbon. Mayamaya'y nagseryoso na ito. "Maiba ako. Kailan mo


pala balak ipakilala sa amin ang babae sa buhay mo? Sayang ang gandang lalaki mo.
Ano kaya kung ligawan mo ang pinsan ko. No boyfriend since birth iyon," pilyong
saad ni Bourbon.

Pinagkalas niya ang mga braso at itinukod pareho sa damuhan. "Hindi magandang biro
'yan, dude. Ayaw ko sa inosenteng babae na parang walang muang sa mundo," sabi
niya.
"Anong walang muang? Baby face lang si Cat pero malapit nang lumagpas sa buwan ng
Febrero ang edad niyan," natatawang wika ni Bourbon.

"Bugaw ka na ba ngayon ng babae?" sapagkuwa'y tanong niya.

Humalakhak nanaman si Bourbon. "Anong bugaw? Ang sama ng interpretasyon mo ah.


Suhisyon ko lang naman kung papasa sa standard mo ang pinsan ko."

"Failed!" diretsong sagot niya saka tumayo.

"Okay, sabi mo eh," anito at tumayo na rin.

EXCITED na si Cat na simulan ang trabaho sa private patient niya. Pumayag naman ang
Ospital na six hour lang ang duty niya-tuwing lunis hanggang meyerkulis at sa
tuwing gabi lamang. Sapat na sa kanya ang apat na oras na tulog.

Unang araw niya bilang private nurse ni Gng. Lorena. Medyo nangangapa pa siya kung
paano siya magsisimula. Iginiya siya ni Manang Susan sa magiging kuwarto niya.
Maluwag ang kuwarto at may sariling banyo. Tatlong gabi lamang siyang matutulog
doon sa loob ng isang linggo.

"Ang ganda po ng kuwartong ito, Manang. Kanino po ito dati?" sapagkuwa'y tanong
niya kay Manang Susan. Tinutulungan siya nitong magtanggal ng mga punda sa unan.

"Ito ang kuwarto dati ni Ma'am Andrea, noong dalaga pa siya," anito.

"Sino si Andrea?"

"Si Andrea ang bunsong kapatid ni sir Andrew, kaya lamang ay nag-asawa kaagad nang
makapagtapos ng pag-aaral," paliwanag nito.

"Ilan po ba silang magkapatid ni sir Andrew?" tanong nanaman niya. Bed sheet naman
ngayon ang tinatanggal nila sa kama.

"Tatlong magkakapatid sina sir Andrew at siya ang panganay. Ang sumunod sa kanya ay
si sir Alfred na ngayon ay nasa New York. US Navy kasi 'yon. Balita ko nga ay uuwi
ngayong buwan na ito si sir Alfred. Mababait silang magkakapatid, lalo na si Ma'am
Andrea," pahayag ni Susan.

Tumaas ang isang kilay niya. "Pati po ba si sir Andrew ay mabait din?" simpatikang
tanong niya.

Bahagyang natawa si Susan. "Aba'y oo naman. Napakabait kaya ni sir Andrew," giit
nito.

"Weh? O baka naman kapag tulog lang, Manang?" natatawang saad niya.

Humagalpak ng tawa ang ale. "Hay naku, ineng, huwag kang magtitiwala kay sir Andrew
kapag natutulog o kaya'y lasing. Aaminin ko ngayon palang na hindi siya mabait,"
anang Ale.

Natigilan siya. Pinag-iisipan niyang mabuti kung ano ang ibig-sabihin ni Manang
Susan. "Paano pong hindi siya mabait kapag tulog o kaya'y lasing? Kahit naman po
gising at matino siya ay mukhang hindi na siya mabait," aniya.

Tinapik nito ang balikat niya. "Basta't gawin mo lang ng maayos ang trabaho mo at
huwag mo siyang papansinin kapag hindi ka naman niya pinapansin," sapagkuwa'y wika
nito.

"Ay gano'n? Nakakatakot pala," aniya.

Walang tigil sa paghagikgik ang Ale. Mayamaya'y iniwan na siya nito. Tulog pa ang
pasyente niya kaya malaya siyang mag-ayos sa kuwarto niya. Nalaman din niya mula
kay Manang Susan na tulog pa si Andrew. Alas-kuwatro na raw ng umaga iyon umuwi
mula sa bar ng mga ito.

"Kahanga-hanga naman si Gin Andrew. Bagay na bagay kami, masipag, hum," aniya at
nagkibit-balikat. Kinikilig siya sa mga guwapong suplado na lalaki, katulad na
lamang ni Gin.

"Bagay sa kanya ang pen name niya na Gin. Ang sabi ni tatay, matapang raw ang gin
na alak. Nasa huli ang tama subalit gumuguhit ang talab sa katawan. Hindi ko pa
natitikman pero palagay ko'y tama si tatay," aniya habang nakaharap sa malaking
salamin na nakadikit sa likod ng pinto ng aparador.

Mayamaya'y binuksan niya ang pinto na patungo sa terrace ng kuwartong iyon. May
nauulinigan kasi siyang tinig ng lalaki. Paglabas niya'y nagulat siya nang makita
si Gin na nasa kabilang terrace ng kuwartong katabi lamang ng kuwarto niya. Hindi
niya akalaing magkatabi lang pala ang kuwarto nila.

Wala sa loob na kinawayan niya ito. "Hi! Good morning!" maligayang bati niya.

Hindi niya napansin na may kausap ito sa cellphone. Napalis kaagad ang ngiti niya
nang isnabin siya nito. Tinalikuran pa siya nito.

"Isnabero. Pero ang guwapo parin niya kahit bagong gising at mukhang hindi pa
nagmumumog. Parang ang bangu-bango parin niya," napapangiting wika niya. Nakatingin
parin siya sa lalaki.

Nang maibaba na ng lalaki ang cellphone ay humarap ito sa kanya, subalit sandali
lamang siyang tiningnan saka ito pumasok sa kuwarto nito.

Bumuga siya ng hangin. "Grabe, no bill ang ngiti. Paano kaya siya nakakabingwit ng
babae kung ganoon siya kasungit? Kung sa bagay, ang hitsura niya ay isang pain na
kakagatin at kakagatin ng isda, este, babe-dahil sa tingin palang ay katakam-takam
na, hahaha, ang korney ko," aniya. Pumasok na rin siya sa kuwarto.

Pagkatapos maligo ni Cat ay sinimulan na niya ang pag-aasikaso sa kanyang pasyente.


Natagpuan niya si Ginang Lorena sa study room kasama si Gin. Hindi niya akalaing
papansinin siya kaagad ng ginang. Napatingin sa kanya ang lalaki nang itinuturo
siya ng Ginang. Lumapit naman siya.

"Ma, siya po ang Nurse mo. Pinsan siya ni Sean na kaibigan ko. Ang pangalan
niya'y......" Tumingin sa kanya si Gin na tila itinatanong ang pangalan niya.

"Catharina, Cat for short," sabi naman niya.

"Uuuummm, Ca-Cat!" anang ginang. Pinipilit nitong ipakita ang ngiti at inaabot ang
kamay niya.

Lumapit naman siya rito at hinawakan ang kamay nito. "Nice to meet you po!"
nakangiting bati niya. Ngumingiti ang puso niya habang pinagmamasdan ang ginang na
natutuwa na makilala siya.

"Ikaw na ang bahala kay Mommy, aalis na ako," ani Gin sa kanya. Humalik na ito sa
pisngi ng mommy nito saka ito nagmadaling umalis.
Nang ibaling niya ang tingin sa ginang ay napansin niya na nakangiti ito na tila
aliw na aliw habang pingamamasdan siya. Nagtiungko siya sa harapan nito. Hinawakan
niya ang mga kamay nito.

"Ngayon ko lang po naisip na ang bibabanggit ninyong anak noong nasa ospital pa
kayo ay si Gin pala. Akalain po ninyo? Ang liit lang talaga ng mundo. Ang bait po
ng anak ninyo, ano? Kahit abala siya sa trabaho ay hindi niya kayo nakakalimutan,"
nakangiting pahayag niya.

Nakatitig lamang sa kanya ang Ginang. Mayamaya pa'y inasikaso na niya ang mga gamot
nito at iba pang kailangan sa theraphy nito. Habang iginagala niya sa hardin ang
Ginang ay pinagmamasdan niya ang kabuuan ng bahay.

Tulak-tulak niya ang wheel chair kung saan nakaluklok ang ginang. Ang sabi ni
Manang Susan, si Gin raw ang nagdesinyo at gumawa ng bahay na iyon. Simple lamang
iyon na may dalawang palapag, ngunit isa lang ang napapansin niya-madilim at
malungkot ang kulay ng kabahayan.

Tama si Tatay, kung ano ang nasa kalooban ng tao ay lumalabas sa gawa ng kamay.
Ibig sabihin, madilim at malungkot ang buhay ni Gin? anang isip niya.

Napakislot siya nang biglang damhin ng ginang ang braso niya. Napatingin siya rito.
"Bakit po?" tanong niya.

Nagtiungko siya sa harapan nito habang nanatiling hawak nito ang kamay niya.
Mayamaya'y banayad na hinahaplos nito ng palad ang makinis niyang pisngi. Hindi man
nito naisasatinig ang nais sabihin ay nauunawaan niya ito sa pamamagitan ng mga
mata nito.

Mayabang siya kung sasabihin niya na ang gustong sabihin ng Ginang ay maganda siya.
Pero iyon ang pagkakaunawa niya. Napapangiti siya. Naniniwala siyang maganda siya
dahil iyon ang madalas sinasabi ng tatay niya at narinig din niya sa ibang tao.
Tanga at bulag raw ang lalaking hindi makakapansin sa kanya.

"Maganda naman talaga ako ah," aniya nang mapagsolo siya sa duyan habang
pinagmamasdan ang ginang sa 'di kalayuan.

Naku, Cat, huwag kang assuming! Kung maganda ka, 'di sana'y naakit na sa iyo si
Gin, sentimeyinto niya sa sarili. Bumusangot siya.

"Ang sabi ni Kuya Sean, wala raw lalaking magtatangkang manligaw sa akin dahil
parang fifteen year old daw ako tingnan at kumilos. Baby face lang talaga ako,
cute, ika nga," aniya.

Mabilis na lumilipas ang oras. Namalayan na lamang ni Cat na kailangan na niyang


pumasok sa ospital. Tapos nang kumain ang pasyente niya. Ang kailangan nalang
niyang gawin ay patulugin ito. Hindi na dapat niya ginagawa iyon pero gusto niya'ng
wala na siyang alalahanin bago siya umalis.

Nakahiga na sa kama ang Ginang pero dilat parin ang mga mata nito. Animo'y bata ang
pasyente niya at kinailangan pa niyang alayan ng kuwento. Umubra naman at ngayon ay
nakakapikit na ito. Nang masigurong tulog na ito ay nagdahan-dahan na siyang
kumilos.

Bitbit niya ang medicine kit niya habang papalapit sa pinto. Nang buksan niya ang
pinto ay napapitlag siya. "Ay supladong multo!" naibulalas niya at kamuntik pa
niyang mabitawan ang bitbit.
Nanginig ang mga kalamnan niya buhat sa tindi ng nerbiyos nang mamataan bigla si
Gin na nakatayo sa bukana ng pinto.

Napapalunok siya habang ang kanang kamay sa dibdib. Titig na titig siya sa
seryosong mukha ng binata.

"Kamusta si Mommy?" tanong nito.

"Ahm, t-tulog na siya. Pinainom ko na rin siya ng gamot," kinakabahan paring sagot
niya.

Hindi na ito umimik. Inaasahan niyang papasok pa ito sa kuwarto ng Ginang pero
isinara lamang nito ang pinto. Naglakad na ito papunta sana sa kuwarto nito nang
abalahin niya ito.

"Ahm, sir, Gin. A-alis na po ako," aniya.

Awtomatiko'y huminto ang lalaki at humarap sa kanya. "Saan ka pupunta?" diretsong


tanong nito.

"Sa Ospital po. Magdu-duty pa kasi ako," aniya. Hindi pala niya nasasabi rito na
kapag off duty na siya sa mommy nito ay papasok na siya sa ospital.

"Magdu-duty ka? It's nine o'clock in the evening, oras na para matulog," anito sa
ilalim ng galit na tinig.

"Ano, kasi...sayang naman ang oras. Anim na oras lang naman ang duty ko. Bukas ng
alas-syete ay nandito na ako," paliwanag niya.

Kunot-noong nakatitig ito sa kanya. "Alam ba ni Sean ang ginagawa mo?" sapagkuwa'y
tanong nito.

"Opo naman," aniya.

"Anong oras ang pasok mo?" tanong nanaman nito.

"Ten," tipid niyang sagot.

Sinipat nito ang suot na relos. "Twenty-five minutes before ten. Late ka na."

"Okay lang po. Magta-taxi nalang ako para mas madali," nakangiting wika niya.

"Hintayin mo ako sa garahe," anito saka siya iniwan.

Bahagyang umawang ang bibig niya. Tama ba ang pagkakaunawa ko? Ihahatid niya ako?
naisaloob niya.

Napapangiti siya habang tinutungo ang garahe.

Nakatayo na siya sa gilid ng kotse ni Gin nang dumating ito. Nakabihis na ito ng
uniporme ng Bartender.

Ibig sabihin, magtatrabaho pa siya sa bar? manghang tanong niya sa isip.

"Get in," utos nito.

Sumakay naman siya. Wala sa loob niya na sa back seat pa siya umupo. Sumakay na rin
si Gin at binuhay na nito ang makena ng sasakyan. Nagtataka siya bakit hindi pa ito
nagmamaniobra.
"Dito ka sa tabi ko, hindi mo ako driver," mayamaya'y sabi nito.

Hindi niya naintindihan kung ano ang ibig nitong sabihin basta't lumipat siya sa
tabi nito. Nang makapagsuot na siya ng seat belt ay nagmaniobra na ito.

Sa kasalukuyang tinatahak nila ang daan patungo sa ospital na pinagtatrabahuhan


niya. Twenty minutes ang biyahe at twenty minutes ding tikom ang bibig niya.

Nang huminto ang sasakyan ay nagmadali siyang lumabas matapos makapagpaalam kay
Gin. Lakad-takbo ang ginagawa niya upang makahabol sa oras. Kung kailan nakarating
na siya sa nurse station ay saka naman niya namalayan na wala ang wallet niya sa
bag. Wallet na ang nilalaman ay mga resibo, pictures at mga ID lang naman. Iba
naman ang ginagamit niyang wallet para sa pera.

Ang ID niya sa ospital ay naroroon sa wallet na naiwan niya. Hindi niya maalala
kung saan niya naiwan, sa kotse ba o sa bahay ni Gin. Ang alam niya ay inilabas
niya iyon kanina habang nasa sasakyan siya at inilagay niya ang mga resibo. Lumabas
siya sa pag-asang hindi pa nakakaalis si Gin, pero wala na ito.

Bumalik na lamang siya sa trabaho. May mga pagkakataon parin na naiisip niya ang
wallet. Nakapaloob roon ang litrato ng tatay niya, ng nanay niya at litrato niya
mula sanggol, isang taon siya, dalawa. Bawat edad ay may litrato siya hanggang sa
kasalukuyan.

Kung naiwan man niya sa kotse ang wallet niya ay siguradong nakuha na iyon ni Gin
at malamang binuksan pa niyon at tiningnan ang mga laman.

Naku, makikita niya ang litrato ko na walang saplot noong isang taong gulang ako,
naisaloob niya habang nakaupo siya sa silya sa loob ng nurse station.

Parang tanga na nagsasalita siyang mag-isa. "Sana, hindi sa kotse naiwan ko ang
wallet. Nakakahiya. Kahit kailan ay may pagkaburara ka talaga, Cat," aniya habang
panay ang nguya niya ng mani.

Mayamaya'y dumating ang co-nurse niyang si Larry. "Cat, need ka sa ER ngayon,


walang assistant si Dr. Almendres," anito.

Dagli naman siyang tumayo at tumakbo sa emergency room. Halos magkanda-dapa na siya
sa kakatakbo, pero wallet parin ang nasa isip niya.

Wallet, wallet, wallet, anang isip niya habang nagkakabit ng dextrose sa pasyente.

"Dalhin n'yo na sa surgery ward ang pasyente," sapagkuwa'y utos ng doktor sa kanila
ng kasama niyang nurse na lalaki.

Tumalima naman silang dalawa ni Terence. Nang sulyapan niya si Terence ay


pasimpleng kinindatan siya nito. Tumaas naman ang isang kilay niya. Iyon ang unang
pagkakataon na nakasama niya ito sa duty na panggabi.

Guwapo ito, matangkad at maputi-kaso ayaw lang talaga niya ang yabang nito na akala
nito'y lahat ng babae ay may gusto rito. Matanda lamang ito ng dalawang taon sa
kanya. Wala sa pangarap niya na magkaroon ng boyfriend na nurse o kaya'y doctor.

Ang gusto niya ay guwapo at mayaman na pasyente, o kaya'y kaanak ng pasyente. Weird
pero iyon talaga ang napupusuan niya. Malakas ang dating sa kanya ng mga ganoong
lalaki.

Kahit anong sakit ng pasyente, huwag lang cancer, lalo na HIV o anumang
nakakahawang sakit. Injury, puwede na o kaya'y comatose, sa loob-loob niya habang
inaasikaso niya ang pasyente na inilipat nila sa Surgery Ward.

"TAPOS mo na ba ang skitch para sa new branch building, Gin?" tanong ni Brandy kay
Gin habang nagsasalin siya ng ice cubes sa water gablet.

"Yes, actually ay dala ko na," aniya.

"Maari ko bang makita?"

"Sure." Lumabas siya sa bar counter at tinungo ang kotse niya na nakaparada sa
garahe.

Nang buksan niya ang pinto sa back seat ay unang namataan niya ang dilaw na wallet
na pouch type. Wala siyang ideya kung sino ang maaring nagmamay-ari niyon.
Mayamaya'y naalala niya si Catharina na unang umupo roon bago niya pinalipat sa
tabi niya.

Hindi na niya iyon pinasin at kinuha na lamang ang nakarolyong skitch paper.
Naghihintay na sa kanya si Brandy sa bakanteng mesa sa dinning area.

Umupo siya sa katapat nitong silya at inilatag ang skitch paper. Nakapaloob doon
ang plano ng gusaling ipapatayo nila sa Quizon Avenue para sa bagong branch nila.

"Two story pala ang ginawa mo?" ani Brandy.

"Second floor is for punction and music bar. Inihiwalay ko na ang function room sa
Bar and dinning para hindi masikip ang area. Okay lang ba kung naglagay ako ng
Guest Rooms?" aniya.

"No problem, pero two rooms lang, baka ang kalabasan nito ay Motel."

Tumawa siya ng pagak. "I know. Sinunod ko lang ang suggestions ni Cordials."

"Final na ba ito?" mayamaya'y tanong ni Brandy.

"Yes, pero kung may gusto kang baguhin ay reremedyuhan ko," aniya.

"No, okay na ito. Pupunta ka ba sa site bukas? Para doon na natin pag-usapan ang
tungkol sa constructions."

"Okay, I'll go there."

"Kamusta na pala ang mama mo? May nakuha ka na bang Caregiver niya?" sapagkuwa'y
tanong ni Brandy nang matapos ang unang paksa nila.

"Actully, hindi Caregiver ang kinuha ko, rigestered nurse," aniya.

"Really? Ano, maganda? Single? Hot, sexy?" nagagalak na usisa ni Brandy.

Ngumisi siya. Kapag babae talaga ang pinag-uusapan ay pumapanting ang tenga nito.
"Hindi ako marunong tumingin sa pisikal na katangian ng isang babae. Pinsan siya ni
Bourbon, from province," sapagkuwa'y tugon niya.

"Ohh, nice! Maganda nga. Tsinita rin, malamang. Gusto ko siyang makita, baka pasok
siya sa banga ko," pilyong saad ni Brandy.
"Huwag mo nang nanaisin baka masampahan ka ng child abuse," aniya habang nirorolyo
ng skitch paper.

"Haha, what do you mean?"

"Para lang siyang si Diana, your little step sister," aniya.

Nagkibit-balikat lamang si Brandy. "I got you, Dude. So see you tomorrow," anito
saka tumayo at tinapik ang balikat niya.

"Ingat," pahabol niya.


####################################
Chapter Three
####################################

ALAS-SAIS pa lamang ng umaga ay nasa bahay na ni Gin si Cat. Tulog pa ang pasyente
niya pero si Manang Susan ay nagluluto na ng almusal nang puntahan niya sa kusina.
Naamoy na niya ang sinangag. Nagtataka siya bakit ang aga nitong nagluto.

"Manang, good morning!" bati niya.

"Ay, mahabagin!" bulalas nito. Kamuntik pa nitong mabitawan ang sandok buhat sa
pagkagitla.

"Naku, nagulat po ba kayo?" tanong pa niya.

"Ay hindi ako nagulat, ening, kamuntik lang malaglag ang puso ko sa kawali," anang
ale.

"Sorry, po. Nerbiyosa pala kayo," natatawang wika niya.

"Ikaw talagang bata ka. Bakit ang aga mo ata ngayon? Hindi ka ba natulog matapos
ang duty mo sa ospital?" tanong nito habang nagsasalin ng kanin sa serving plate.

"Natulog naman po ako. Apat na oras. Umuwi na po ba si sir Andrew?" sapagkuwa'y


tanong niya.

"Hindi ko nga napansin kung anong oras siya nakauwi. Pakiwari ko'y hindi na siya
natulog," anito.

"Bakit naman ho?"

"Paggising ko kasi ay nakita ko siya sa pool at nagsu-swimming na."

"Aba, hindi nga siya natulog. Ang tibay naman niya. Kaya pala nagluluto kayo ng
maaga. Aalis din ba siya kaagad?"

"Ang sabi kasi niya ay aalis siya ng maaga. May kliyente kasi siya ngayon na
makakatagpo," anang ale.

Tinulungan na niya itong maglagay ng mga plato sa hapag. Mayamaya pa'y narinig na
niya ang boses ni Gin na tila may kausap sa cell phone. Bitbit niya ang dalawang
baso nang biglang sumulpot si Gin sa bukana ng pinto. Huminto ito sa paghakbang
nang makita siya.

Dagling inilapag niya sa mesa ang mga baso. "Hi, sir! Good morning!" sapagkuwa'y
bati niya.
Abot tenga na ang ngiti niya subalit ni ngiting aso ay hindi siya nito tinugon.
Mahayap ang tinging ipinukol nito sa kanya saka ito umupo sa harap ng hapag.

Mabilis na napalis ang ngiti niya. Hindi niya maintindihan bakit ganoon na lamang
katalas ang tingin sa kanya ni Gin na tila ba may malaki siyang kasalanan dito.

Lumapit siya kay Manang Susan habang nagliligpit ito ng mga ginamit nito sa
pagluluto. "Manang, bakit kaya parang galit si sir?" bulong niya sa ale.

"Paanong galit?" tanong naman nito.

"Ang sama ng tingin niya sa akin."

"Eh, ganyan naman talaga kung tumingin si sir, akalain mong galit," anito. Pabulong
din itong nagsasalita.

"Hindi eh. Iba ang tingin niya. Tipong may malaki siyang galit sa akin," giit niya.

"Hindi kita maintindihan. Bakit naman magagalit sa iyo si sir? eh wala ka namang
ginawang kasalanan sa kanya," wika ng ale at napalakas ata ang boses kung kaya'y
napatingin sa kanila si Gin.

Hindi na siya nagsalita pa. Umalis na lamang siya roon. Nang maalala niya ang
wallet niya ay dagli siyang pumanhik sa kuwarto niya. Hinagilap niya sa bawat sulok
ng kuwarto ang wallet niya.

"Imposibleng maiwan 'yon dito, eh dala ko sa bag ko iyon kagabi" aniya.

Hindi kaya, naiwan sa kotse ni Ginebra San Miguel? sa loob-loob niya.

Nag-apura siyang lumabas at sandaling sinilip sa kusina si Gin, kumakain parin ito.
Nilubos niya ang pagkakataon. Tinungo niya sa garahe ang kotse nito. Sinisilip niya
ang loob ng kotse buhat sa salamin, ngunit wala siyang nakikitang wallet sa upuan.

"Anong sinisilip mo?"

Napapitlag siya. Bigla na lamang kumabog ang dibdib niya nang mamataan si Gin na
nakatayo sa likuran niya.

"Ah, w-wala po," nababalisang sagot niya.

Hindi niya masabi-sabi kung ano talaga ang pakay niya. Sa paraan ng pagtitig ni Gin
ay sapat upang mangilabot siya. "Pasensiya na po," aniya saka tumakbo papasok sa
kabahayan.

Hindi parin humuhupa ang kaba niya nang makapasok siya sa kanyang kuwarto.
"Nakakatakot siya. Para siyang serial killer sa pelikulang napanood ko. Pakiramdam
ko'y gusto niya akong sakalin, kagatin sa leeg at sipsipin ang dugo ko," nahihibang
na wika niya.

Ano? Bampira lang ang peg? Baliw ka talaga, Catharina, sa loob-loob niya.

Nagulantang siya nang biglang may kumatok sa pinto. "Cat, gising na si Ma'am
Lorena." Si Manang Susan iyon.

Dagli niyang binuksan ang pinto. Nakaalis na ang Ale. Sapagkuwa'y pinuntahan na
niya ang pasyente niya.
"KAMUSTA ang trabaho mo kay Tita, Lorena?" tanong ni Sean kay Cat nang puntahan
siya nito sa apartment niya.

"Okay naman, Kuya. Hindi naman mahirap alagaan si Ma'am Lorena." Hindi niya natimpi
na huwag magkuwento kay Sean.

"Kuya, nahihiwagaan lang ako sa kaibigan mo'ng si Gin," panimula niya.

"Bakit?"

"Pakiramdam ko kasi ay may galit siya sa akin," sumbong niya.

Bahagyang natawa si Sean. "Paano mo naman nasabi 'yan?"

"Kapag tinitigan kasi niya ako ay parang gusto niya akong lunukin ng buo."

Humagalpak ng tawa si Sean. "Ano ka ba? Hindi ka pa nasanay sa kanya. Magmula naman
nang nakita mo siya ay ganoon na ang first impression mo sa kanya."

"Hindi eh. Parang lalo siyang naging masungit sa akin, pero napansin ko na hindi
naman niya sinusungitan si Manang Susan. Hindi kaya galit talaga siya sa akin?"
nababahalang saad niya.

Hinawakan nito ang balikat niya. "Cat, huwag ka ngang paranoid. Kilala ko si Gin.
Oo, suplado siya pero depende naman sa mga taong nakakasalamuha niya. Inaamin ko na
marami pa akong hindi alam tungkol sa kanya pero nasisiguro ko naman na mabait
siya. Ano ba kasi ang pakikitungong ginagawa niya sa iyo?"

"Ano kasi.....kapag nginingitian ko siya o kaya'y binabati-ay hindi manlang niya


ako nginingitian at ang sama pa ng tingin niya sa akin. Hindi ko siya
maintindihan," aniya.

"Wala namang problema doon. Huwag mo nang intindihin si Gin, basta gawin mo nalang
ng maayos ang trabaho mo. Masasanay ka rin naman sa kanya kapag matagal mo na
siyang makakasama."

Hindi na lamang siya umimik. Tinutulungan siya ni Sean na magbalat ng manggang


hilaw. Maya't-maya naman ang kain niya. Napapangiwi si Sean habang pinagmamasdan
siya na takam na takam sa mangga.

"Naglilihi ka ba?" mayamaya'y tanong nito.

"Hindi. Malapit na siguro darating ang buwisita ko," aniya.

"Anong buwisita?" maang nito.

Bumungisngis siya. "Monthly period. Wala ka pa kasing nobya kaya hindi mo alam kung
ano ang mga suliranin ng mga babae buwan-buwan," walang kiming tugon niya.

Ngumiti si Sean. "Alam ko, at sinong nagsabi na wala akong nobya, huh?" Ginulo nito
ang buhok niya.

"Ako. Hindi mo naman nabanggit sa akin na may nobya ka," aniya.

"Nagtanong ka ba?"

Hinarap niya si Sean at nakamulagat na tinititigan ito. "Ang totoo, may girlfriend
ka talaga, Kuya?"
"Masyado na ba akong pangit para hindi magkaroon ng nobya?" nakangiting tanong
nito.

"Wala akong sinabi na pangit ka. Ang akala ko kasi ay torpe ka," nanunudyong saad
niya.

Inakbayan siya nito saka pinisil ang pisngi niya. "Ikaw talaga. Masyado mong
minamaliit ang pagkalalaki ko."

"Hindi ah. Pero gusto ko'ng makilala ang kasintahan mo. Singer din ba siya?"
nagagalak na tanong niya.

"Hmmm, yes, singer din siya at model."

"Wow! Naku, excited tuloy akong makilala siya. Siguro ang ganda niya ano?"

"Yes, actually, inimbita ko siya na kakanta mamaya sa bar," anito.

"Really? Oy, pupunta ako, day off ko naman eh." Napatayo siya sa labis na
kagalakan.

"Iyon nga naman sana ang sasabihin ko sa iyo kaya kita pinuntahan dito sa apartment
mo," ani Sean.

"Wow! I'm so excited!" Wala sa loob na niyakap niya si Sean.

PANAY ang kabig ni Cat sa braso ni Sean habang papasok sila sa Bar ng mga ito.
Kinakabahan siya habang papalapit sila sa bar counter. Malayo pa lamang kasi ay
nakikita na niya si Gin.

Nasa ikalawang palapag ang bagong music bar. Pero bago sila papanhik roon ay
kailangan munang dumaan ni Sean sa bar counter.

Hindi lang si Gin ang nasa loob ng counter. May kasama itong dalawang guwapong
lalaki. Magkatabi silang umupo ni Sean sa stoll chair.

"Hey, Bourbon!" bungad ni Brandy kay Sean, pero sa kanya ito nakatingin.

"Baka puwede mong ipakilala sa amin ang cute na binibining kasama mo," patuloy ni
Brandy. Pilyo ang ngiti nito.

"Pinsan ko nga pala, si Catharina," sabi naman ni Sean.

"Hi, Cat! I'm Brandy Martin Duellas," ani Brandy sabay alok ng kanang palad sa
kanya.

Dinaup naman niya ang palad nito. Matagal bago nito binitawan ang kamay niya.
Matamis parin ang ngiti niya kahit medyo naiilang. Ang guguwapo ng mga kaibigan ng
pinsan niya-tipong kay hirap maabot ang antas ng buhay ng mga ito.

Paminsan-minsan ay sinisipat niya si Gin pero abala ito sa paghahalo ng alak. Gusto
sana niya itong batiin pero ni sulyap ay hindi nito maigawad sa kanya. Para bang
hindi siya nito kilala.

Sandaling iniwan siya ni Sean sa Counter at ang sabi'y aasikasuhin lamang nito ang
mga gagamitin ng mga panauhin na Banda na kinabibilangan ng nobya nito.
May tatlong minuto na rin siyang nasa counter pero ni minsan ay hindi siya
pinapansin ni Gin. Kung mahagip man siya ng paningin nito ay saglit lamang.

Mayamaya'y lumapit nanaman sa kanya si Brandy at inalok siya ng inumin. "Naku,


salamat nalang pero hindi ako umiinom ng hard drinks," mariing tanggi niya.

Ngumisi si Brandy. "Don't worry, light lang ito," anito.

Hindi na siya nakatanggi. Nang kunin niya ang inaalok ni Brandy na inumin ay
napatingin sa kanya si Gin. Sa pagkakataong iyon ay matagal-tagal na natuon sa
kanya ang paningin ni Gin. Mahayap ang titig nito sa kanya na tila ba gusto siyang
higupin.

Hindi niya maintindihan bakit sa tila may bumaon na kung ano sa puso niya at sa
isang iglap ay napabilis ng husto ang tibok ng puso niya. Kakaiba ang tama sa kanya
ng tingin na iyon ni Gin. May isang minuto ring magkatitig ang mga mata nila.

"Inumin mo na habang malamig pa," udyok naman sa kanya ni Brandy.

Awtomatiko'y ibinaling niya ang tingin kay Brandy saka dahan-dahan na nilalagok ang
inumin. Matamis iyon at lasang strewberry. Napalis ang pangamba niya na baka
malasing siya.

"Ang sarap pala. Hindi ko nalalasahan ang alak," aniya nang mangalahati sa baso ang
inumin.

"Masarap talagang magtimpla ng cacktails si Gin," ani Brandy.

Kamuntik na siyang masamid nang malamang si Gin pala ang nagtimpla ng inumin niya.
Nang hagilapin niya ng tingin si Gin ay wala na ito sa loob ng counter. Ang buong
akala niya ay si Brandy ang nag-mixed ng alak. Pero hindi naman siya nag-order.

"Ahm, may free taste pala kayong inumin dito," nakangiting sabi niya kay Brandy.

Ngumisi si Brandy. "Sometimes, may free taste kami pero ang ininom mo ay hindi yan
libre," sapagkuwa'y sabi nito.

"Hindi libre?"

"Yes, ipinagtimpla ka talaga ni Gin at charges 'yan sa kanya."

"T-talaga?" hindi makapaniwalang saad niya.

"Alam mo bang bihira nagle-libre ng inumin sa isang babae si Gin?" bulong sa kanya
ni Brandy.

Napalunok siya. Tumitig siya kay Brandy na pilyo ang ngiti.

"Anong meaning niyon?" maang niya.

"Meaning...espesyal ka sa kanya," tugon naman ni Brandy.

Natigilan siya. May kung anong damdamin ang umaalipin sa kanya. Gustong tumalon ng
puso niya sa labis na kaligayahan.

Gosh! Bakit kinikilig ako? Ang babaw ko talaga, sa loob-loob niya.

"S-sigurado ka?" pagkuwa'y tanong niya kay Brandy.


"Naman. Kilala ko si Gin from head to foot. Kaya alam ko kapag may nararamdaman
siya. Ipapaputol ko ang hintuturo ko sa kamay kung hindi mangyaring mahuhulog ang
loob sa'yo ni Gin," wika ni Brandy.

Bigla siyang kinilabutan. "Naku, huwag naman! Nakakatakot kang magbiro," aniya.

"I'm not kidding, anyway. Ganoon ako ka-confedence."

"Imposible 'yang sinasabi mo, e," aniya.

Bumungisngis si Brandy. "Believe me, Cat."

"Ewan," sabi lamang niya.

Pagkuwa'y tumayo na si Brandy. "Maiwan na muna kita ah," anito saka umalis.

Nang makita niya si Gin na pabalik na sa counter ay bigla na lamang pumintig ng


husto ang pulso niya. Kanina pa niya napag-isipan na magpasalamat kapag malapit na
ito sa kanya. Ngunit akmang ibubuka pa lamang niya ang bibig ay may dumating namang
magandang babae at nag-order ng inumin.

"Hello, Pogi! Available ba ang kiss on the lips?" kiming tanong nito. Tinutukoy
nito ang isa sa kilalang mixed drinks na offer ng bar.

"Yes, Ma'am," nakangiting tugon naman ni Gin.

"Parang mas gusto ko ang kiss mula sa lips mo," sarkastikang sabi ng babae.
Halatang lasing na ito.

Ngumiti lamang si Gin habang isinasagawa ang pagtimpla ng order ng babae. Hindi na
naalis ang tingin ni Cat sa babae. Naiinis siya sa ikinikilos nito at ang suot nito
na halos mahuhubaran na. Kitang-kita niya ang biloy nito sa puwit.

Kung titigan nito si Gin ay parang gusto na nitong pumasok sa loob ng counter at
pagsamantalahan ang lalaki. Asiwang-asiwa siya habang pinagmamasdan ang babae. Nang
si Gin naman ang pinagmamasdan niya ay tila wala naman itong pakialam basta't
ginagawa nito ang trabaho.

Bakit kaya ang dali sa kanya ang ngumiti kapag ibang tao ang kaharap? Bakit kapag
ako ang nakikita niya ay parang sinubuan siya ng hilaw na sampalok? sa loob-loob
niya.

"Hey, you want?" mayamaya'y alok sa kanya ng babae nang mapasakamay na nito ang
inumin.

"No, thanks," tanggi naman niya.

Nang ibaling niya ang tingin kay Gin ay namataan niya'ng nakatingin din ito sa
kanya. Animo'y napaso at ganoon na lamang kabilis na naibaling niya ang tingin sa
babaeng katabi. Lihim siyang napangiti.

♫Pasulyap-sulayap ka kunwari, patingin-tingin sa akin, 'di maintindihan....♫


Idinaan niya sa mahinang pagkanta na sigurado niyang siya lamang ang nakakarinig.

Humugot siya ng lakas ng loob upang matagalan ang pagtitig kay Gin. Nang hindi na
abala ang lalaki ay inabangan niya itong mapatingin muli sa kanya.

Naubos na niya ang inumin niya. Nang lumapit sa kanya si Gin upang kunin ang baso
niya ay nginitian niya ito.

"Salamat nga pala sa masarap na inumin," sabi niya rito.

Sa wakas ay tinitigan siya nito ng matagal. "Your welcome!" tugon naman nito.

Lihim siyang kinilig sa pagsagot nito kahit walang bahid ng ngiti sa mukha nito.

"Ang sarap mo palang mag-mix ng cocktail. Kaya siguro maraming costumer ang
pabalik-balik dito," lakas loob na puri niya.

"Thanks," tipid nitong sagod saka siya tinalikuran.

Hindi niya napigil ang paninilay ng matamis na ngiti sa mga labi niya. Pakiramdam
niya'y napaka-laking achievement na sa buhay niya ang makausap ng ganoon si Gin.
Napapangiti maging ang puso niya.

Mayamaya'y dumating na si Sean. "Cat, tara na sa taas," anito.

"Nagsisimula na ba ang kantahan?" nagagalak na tanong niya.

"Yes."

Lumapit na siya kay Sean. "Dumating na ba ang girlfriend mo?" tanong nanaman niya.

"Actually, kanina pa. Malapit na rin siyang kakanta sa intablado," anito.

"Tara na, Kuya. Excited na akong mapanood ng live ang pagkanta mo," aniya habang
hila-hila ang kamay ni Sean. Parang bata na nasasabik sa isang nakakaaliw na
palabas.

"MEET Sofia Andrada," pakilala ni Sean sa nobya nito kay Cat.

Titig na titig si Cat kay Sofia na mala anghel ang taglay na kagandahan. Simple
lamang ang make up ni Sofia pero angat sa lahat ang ganda nito.

"Hi! Nice to meet you! I'm Catharina Lee," maligalig na bati niya sabay alok ng
kanang kamay kay Sofia.

"Same here, Cat. Ang cute mo pala talaga in person," nakangiting tugon naman nito.

"Wow! Paanong in person?" naguguluhimanang tanong niya.

"Oh, madalas ka kasing ikinikuwento sa akin ni Sean. At totoo bang gusto mo akong
mapanood na kumakanta?" anito.

"Yes po! Sorry kasi ignorante ako. Bihira kasi nagkakaroon ng live concert sa
probinsiya namin," natatawang wika niya.

Kiming tumawa si Sofia. "It's okay. Nakakatuwa na ang isang katulad mo ang
humahanga sa akin."

"Naku, mas natutuwa naman ako ano. Ang suwerte pala ng pinsan ko," aniya.

Mayamaya pa'y nagsimula nang tumugtog ang banda. Umakyat na sa intablado si Sofia.
Iniwan na rin siya ni Sean sa upuan nila at mayamaya lamang ay susunod na itong
kakanta.
Iginala niya ang paningin sa paligid. May mga nagsasayawan habang hawak ang mga
inumin. Ang iba naman ay nakaupo lamang at nakatanga sa intablado. Naisip niya,
ganoon pala ang unwind na tinatawag. Magliwaliw sa isang bar, maglasing at
makihalubilo sa mga sosyal na tao.

Nang kumanta na si Sean ay pumalakpak siya ng todo. Halos mangisay naman siya sa
kilig nang mag-duet si Sofia at Sean. Habang abala siya sa pagsisigaw ay hindi niya
namamalayan na may lalaking umupo sa tabi niya.

"Hi! Nagsusolo ka ata," wika ng lalaki.

Napapitlag siya nang marinig ang malaking tinig ng lalaki. Awtomatiko'y naibaling
niya ang atensiyon sa katabi. Nagsusumiksik sa ilong niya ang tapang na amoy ng
alak na nagmumula sa hininga ng lalaki na sa tingin niya'y lasing na.

Desente ang pananamit nito at mukhang edukado, guwapo at mukhang mayaman. May hawak
pa itong wine glass na nangangalahati ang laman. Inalok siya nito ng inumin ngunit
mariin siyang tumanggi.

"One shot lang, Miss...?"

"Cat," aniya.

Pinipilit siya nitong uminom. Panay ang iwas niya habang inilalapit nito ang mukha
sa mukha niya. Napatingin siya sa paligid. Nang masipat niya si Gin na may dalang
serving tray na may lamang inumin-ay bigla siyang tumayo ngunit mabilis na nahagip
ng lalaki ang braso niya.

"Bakit aalis ka na? Hindi ka ba nag-e-enjoy?" anito.

"Bitawan mo nga ako!" nagpumiglas siya.

Nang makawala siya sa kamay nito ay nagmadali siyang umalis subalit sinusundan
parin siya nito. "Cat, wait!" pigil nito.

Panay ang lingon niya habang nag-aapurang humahakbang palayo rito-hanggang sa


bumalya siya sa matipunong dibdib ng isang lalaki. Nagulantang siya nang magkalat
ang bubog sa sahig.

Nang masilayan niya kung sino ang nabangga niya ay napamulagat siya. Kinakabahan
siya ng husto nang mamataan si Gin na naninigas ang mga panga. Nariyan na ang
lalaking humahabol sa kanya. Kaya nama'y hindi niya nagawang humingi ng tawad kay
Gin.

"Cat, wait!" sigaw ng lapastangang lalaki. Nahagip nito ang braso niya.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako!" asik niya.

Napansin niyang nakatingin lamang sa kanila si Gin. Naibaling niya ang tingin dito.
Gusto niyang humingi ng tulong kay Gin subalit kinaladkad siya ng lalaki.

Gustuhin man niyang sumigaw ngunit tinutop nito ang bibig niya. Dinala siya nito sa
madilim na bahagi ng gusali. Tumigil siya sa pagpumiglas nang maramdaman niya ang
matulis na bagay na tumututok sa leeg niya.

"Don't move, kung ayaw mong gigilitan ko ang leeg mo," marahas na banta nito.

Hindi na siya pumalag basta't sumama na lamang siya rito. Taimtim na nagdarasal
siya habang nakapikit at akay ng masamang lalaki.

Mayamaya'y bigla na lamang siyang nabitawan ng lalaki. May isa pang lalaki na
dumating ngunit hindi niya maaninag ang mukha dahil sa sobrang dilim sa lugar na
iyon.

Mayamaya'y nakarinig siya ng mga daing, ingay na likha ng palitan ng mga suntok.
Naguguluhan siya. Pagkakataon na niya para makatakas. Wala na siyang pakialam kahit
magpatayan pa ang dalawang lalaki. Ang mahalaga'y mailigtas niya ang sarili sa
ganap na kapahamakan.

Umiiyak at pagal siya nang nilapitan niya si Sean sa back stage ng music bar. "Cat,
anong nangyari sa iyo?" nag-aalalang tanong ni Sean.

Hindi siya makapagsalita. Binigyan naman siya ni Sofia ng inuming tubig. Nang
mahimasmasan ay isiniwalat na niya ang mga kaganapan. Hindi pa siya tapos sa
pagkukuwento ay tumalima na si Sean. Nagkakagulo sa loob ng Bar.

Nasa kamay na ng mga Bouncer ang lalaking nagtangka sa buhay niya. Hindi na niya
ito makilala buhat sa lubha ng pagkabugbog sa mukha nito.

"Saan n'yo siya nakita?" nanggagalaiting tanong ni Sean sa isang Bouncer.

"Nakita po namin siya sa pasilyo papuntang rooftop, bugbog na at wala nang malay,"
sagot naman ng Bouncer.

"Sino naman ang nagbugbog sa kanya?" muli'y tanong ni Sean.

"Hindi po namin naabutan," sagot naman ng isang Bouncer.

Natigilan si Cat. Ang buong akala niya ay isa sa security o Bouncer ng bar ang
lalaking tumulong sa kanya.

Naroroon lahat ng staff ng naturang bar. Palinga-linga siya sa paligid, ngunit ang
taong gusto niyang makita ay wala roon. Marahil ay bumalik na sa trabaho niya si
Gin nang masigurong maayos na ang problema.

Paulit-ulit na humingi ng tawad sa kanya si Sean at maging ang ibang mga kaibigan
nito. Sinisisi ng mga ito ang kapabayaan ng mga security sa bar.

Nasira ang gabing inakala niya'ng mag-aaliw sa kanya. Dahil sa insidente ay


natatakot na siyang bumalik sa bar na iyon.

"Nasaan na si Gin?" narinig niyang tanong ni Brandy sa on duty na Bartender.

"Off duty na niya, kanina pa umuwi," sagot naman ni Cognac habang abala ito sa pag-
aasikaso sa guest.

Kasama nila si Brandy habang papalabas ng bar. Si Sofia naman ay kanina pa umalis
kasama ang grupo nito. Pinagmamasdan niya si Brandy at Sean na nag-uusap habang
nasa garahe sila.

Mayamaya'y nagyaya na ang mga ito na umuwi. Lulan siya ng kotse ni Sean habang
tinatahak nila ang daan patungo sa apartment niya.

####################################
Chapter Four
####################################

TANGHALI na ay hindi parin nakikita ni Cat ang bulto ni Gin sa pamamahay nito. Nang
magkasalo na sila ni Manang Susan sa tanghalian ay natukso siyang alamin kung
nasaan si Gin.

"Manang, hindi ko ata nakikita si sir Andrew," aniya.

"Dalawang araw nang hindi umuuwi si Sir dito. Ang sabi niya nang tumawag siya
kahapon ay may ginagawa raw silang project sa Laguna. Hindi niya sinabi kung kailan
siya uuwi. Basta sabihin ko nalang raw sa'yo na ikaw na ang bahala kay Ma'am
Lorena," pahayag ni Susan.

Mayamaya'y sumagi nanaman sa isip niya ang insidenteng nangyari sa bar noong
linggo. Iyon ang huling gabi na nakita niya si Gin-ni hindi manlang siya nakapag-
sorry sa ginawa niya.

Buong araw na kasama niya si Gng. Lorena sa kuwarto nito. Ayaw nitong lumabas kaya
napilitan siyang samahan ito sa kuwarto nito hanggang makatulog ito at doon na rin
siya inabutan ng antok. Nakatulog siya sa tabi nito habang nakaupo at nakaunan sa
gilid ng kama.

Hindi niya namalayan na bumukas ang pinto ngunit nagising siya nang makasamyo siya
ng matapang na pabango ng lalaki. Ini-angat niya ang kanyang mukha. Napamulagat
siya nang mamataan si Gin na nakatayo sa harapan niya.

Tinangka niyang tumayo subalit ini-amba nito ang palad at inilapat nito ang
hintuturo sa bibig. Hindi na siya kumibo subalit napatitig siya sa mukha nito.
Napansin niya ang munting pasa sa gilid ng labi nito.

Sinipat niya ang orasang nakasabit sa dinding. Dalawang oras nalang ay kailangan na
niyang pumasok sa ospital. Tumayo na siya.

"Ahm, p-puwede na ba akong umalis?" mahinahong tanong niya.

"Sige," tipid na sagot nito. Hindi manlang siya nito sinipat.

Lumabas na siya. Nang akmang bubuksan na niya ang pinto ng kuwarto niya ay biglang
narinig niya ang tinig ni Gin.

"Papasok ka ba sa Ospital?" tanong nito.

Hinarap niya ito. Nagulat siya nang mamataang isang dipa na lamang ang pagitan nito
mula sa kinatatayuan niya. "O-opo," dagling sagot niya. Napapansin talaga niya ang
pasa nito sa gilid ng bibig. Napaaway ba ito?

"Sa susunod, huwag mo nang dalhin sa rooftop si Mommy. Ayaw niya sa bahaging iyon
ng bahay. Inilalagay ma lamang siya sa kapahamakan," anito sa ilalim ng galit na
tinig.

Nagtataka siya. Paano nito nalaman na dinala niya sa rooftop ang mommy nito? Ang
totoo'y si Ginang Lorena ang nag-udyok sa kanya na dalhin niya ito sa rooftop.
Gusto niyang magpaliwanag ngunit pumalatak na ito.

"Ayaw ko na nagkukuwento ka ng tungkol sa buhay mo kay Mommy, at lalong huwag mong


babanggitin sa kanya ang pangalan ng mga kaanak mo," patuloy nito.
"Pero hindi naman siya nagrereklamo," depensa niya.

"Tanga ka ba?" walang abog na saad nito.

Natigilan siya. Hindi niya inaasahan na sasabihan siya nito ng ganoon. Hindi niya
nagawang buweltahan ito sapagkat blanko na ang isip niya.

"Stoke patient si Mommy, paano niya ihahayag ang imosyon niya? ni hindi niya
mabigkas ang salitang gusto niyang sabihin. Nakita mo ba siyang ngumiti?"
nanggagalaiting saad nito.

Hindi niya alam kung saan nito hinuhugot ang galit para sa kanya. Ang alam niya'y
wala namang mali sa mga ginagawa niya. Nakita naman talaga niya minsan na
ngumingiti ang Mommy nito at nabibigkas nito ang ilang salita. Hindi na lamang siya
umiimik, sa halip ay pinapakinggan lamang niya ang litanya nito.

Nang umalis na ito ay saka pa lamang niya pinakawalan ang buntong-hininga. Grabe,
nakakatakot siya. Ano naman kaya ang problema kung magkukuwento ako tungkol sa
buhay ko sa mommy niya? Ang babaw naman niya, sentimeyinto ng isip niya.

Habang naliligo siya ay naisip nanaman niya ang nakita niyang pasa ni Gin sa bibig.
Nalilito siya sa mga naiisip niya.

"Imposible namang si Gin ang lalaking tumulong sa akin eh halos sapakin niya ako
nang mabangga ko siya nang gabing iyon. At anong malay niya na may masamang balak
sa akin ang walang hiyang lalaking iyon?" bulong niya habang nagkukuskos ng sabon
sa braso.

Paalis na si Cat ngunit hindi niya makita si Gin kaya kay Manang Susan na lamang
siya nagpaalam. Akmang bubuksan na niya ang tarangkahan nang masipat niya si Gin na
nakatayo sa garahe. Madilim sa bahaging iyon kaya hindi niya maaninag ang mukha
nito. Hindi rin niya matukoy kung saan ito nakatingin.

Binuksan na niya ang gate. Kung kailan nasa labas na siya ay saka naman niya
narinig ang busina ng sasakyan nito. Nasilaw siya sa liwanag na nagmumula sa kotse
nito. Nang muli itong bumusina ay binuksan niya ng tuluyan ang gate.

"Pambihira, kanina pa sana niya sinabi na lalabas siya," nagmamaktol na sabi niya.

Nang makalabas na ang kotse ay agad niyang isinara ang gate. Nagtataka siya bakit
hindi pa ito umaalis.

"Ay kamote!" bulalas niya nang bumusina ito ng ubod lakas. Kumabog ang dibdib niya.

Lumapit siya sa tapat ng bintana sa driver side ng kotse. Mayamaya'y bumukas ang
bintana. "Ano pang tinatanga mo riyan? Sakay na!" galit pang utos nito.

Atubiling sumakay naman siya. Sa tabi nito siya umupo. Nang makapuwesto na siya ay
pinaharurot na nito ang sasakyan. Pakiramdam niya'y magkakalas ang kaluluwa niya sa
katawan buhat sa nerbiyos.

Kung patakbuhin nito ang kotse ay tila mauubusan na ito ng kalsada. Hindi naman ito
mukhang nagmamadali. Sa hitsura nito ay wala naman itong lakad. Maong pants lamang
ang suot nito pang-ibaba at itim na t-shirt naman sa itaas-at tanging tsinelas
lamang ang sapin sa mga paa nito.

Sandali lamang siyang pumikit at pagdilat niya ay nasa tapat na sila ng ospital.
"Salamat," aniya saka binuksan ang pinto.
Akmang bababa na siya nang biglang...... "Mag-iingat ka," seryosong wika ni Gin.

Pumanting ang tenga niya, pumintig ng husto ng pulso niya. Nang lingunin niya ito
ay matiim na nakatitig ito sa kanya. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya
sa mga sandaling ito. Kanina lamang ay halos tadtarin siya nito sa sermon-ngayon ay
hindi niya alam kung naglalambing o nagmamalasakit.

Ang totoo'y naguguluhimanan siya sa pagkatao nito. Baka hindi maglaon ay masisiraan
siya ng ulo sa kakaintindi sa asal na ipinapakita nito.

Hindi na siya tumugon, ni hindi niya nakuhang ngumiti. Naiilang parin siya. Baka
mamaya ay guni-guni lamang niya ang narinig mula rito. Kapagkuwa'y bumaba na siya.
Hinintay niyang makaalis ito bago siya pumasok sa ospital.

SA loob ng halos isang buwan na paghahanap ni Cat sa Nanay niya sa pamamagitan ng


Facebook-sa wakas ay natagpuan din niya ito. Sa kasalukuyang nagtatrabaho ang nanay
niya sa isang Real Estate company sa Makati.

Gumawa siya ng paraan para makita ang nanay niya. Nang makapag-day off siya ay
pinuntahan niya ang naturang kompanya. Hindi na niya inisip ang nakaraan-basta ang
layunin lamang niya ay makapiling muli ang nanay at kapatid.

Pagdating sa naturang kompanya ay agad niyang tinungo ang tanggapan umano ng nanay
niya. Kumatok siya ng isang beses bago may nag-abalang pagbuksan siya. Tumambad sa
kanya ang Ginang na walang duda na siya na ang kanyang ina.

"'Nay....." naiiyak na sambit niya.

Bakas sa mukha ng Ginang ang pagkamangha. "Catharina, Anak?" anito at walang abog
na niyakap siya ng buong pananabik.

Tuluyang naglandas ang kanyang mga luha sa makikinis niyang pisngi. Humagulgol ng
iyak si Gng. Cassandra. "Kamusta ka na, Anak? Ang laki mo na," anang Ginang nang
makaupo na sila pareho sa sofa.

"Mabuti naman po ako, 'Nay. Kayo po? Kamusta na kayo? Kamusta na po si Ellias?"
kapagkuwa'y tanong niya. Hindi naghihiwalay ang mga kamay nila.

"Mabuti naman ako, Anak. Si Ellias ay nakapagtapos na sa kursong Civil Engeneering.


Anak, I'm sorry, nawalan ako ng pagkakataon na dalawin ka. Kamusta ang tatay mo?"

Biglang nanilim ang mukha niya. "Patay na po si Tatay, 'Nay," malungkot na batid
niya.

Nagimbal ang Ginang. Hindi ito kaagad nakapagsalita. "A-anong ikinamatay niya?"
kaswal lamang na tanong nito.

"Diabetes at kompekasyon sa puso," batid niya.

"Naku, eh, saan ka na ngayon nakatira?" usisa nito.

"Nagtatrabaho po ako ngayon sa ospital sa Pasig. Tinulungan po ako ni Tito Sanshu.


Nakatira po ako sa apartment sa Pasig, malapit sa ospital na pinagtatrabahuhan ko,"
sagot niya.

Muling humikbi ang Ginang at niyakap siya ng ubod higpit. Mayamaya pa'y inanyayahan
na siya nitong mananghalian. Nabatid niya na ang may-ari pala ng kompanyang iyon ay
ang asawa ngayon ng nanay niya. Hindi niya akalain na makakasama nila ito sa
tanghalian.
"Kamusta ka, hija?" tanong sa kanya ni G. Alfonso nang makaupo na silang lahat sa
mahabang mesa sa isang Restaurant.

"Okay lang po ako," aniya. Mukhang mabait naman ang Ginoó. Pakiwari niya'y nasa
early sixty na ang edad nito.

Sa tagal ng panahon na hindi niya nakakasama ang nanay niya ay hindi na rin niya
alam kung ilang taon na ito ngayon. Ayon sa kuwento ng nanay niya-may tatlong anak
sa unang asawa si Alfonso at malalaki na rin.

Matagal na ring hindi nabibisita ni Alfonso ang dating pamilya nito. Mahabang
kuwento kaya hindi na niya ninais na maibahagi ng nanay niya ang buong impormasyon.
Naiilang siya kay Alfonso sapagkat nasusungitan siya sa hilatsa ng mukha nito.

Nang sabihin ng nanay niya na doon na lamang siya tumira sa bahay ng mga ito ay
mariin siyang tumanggi. Sumama lamang siya sa bahay ng mga ito upang makita ang
nakababata niyang kapatid.

Binatang-binata na si Ellias at mas matangkad na ito ngayon sa kanya. Hindi niya


akalaing mas nasasabik pala itong makita siya paris sa kanya.

"Ate, Cat, miss na miss na kita!" naiiyak na bungad sa kanya ni Ellias.

Matagal na magkayakap sila sa bukana pa lamang ng pinto. "Kamusta si Tatay, Ate?"


agad ay tanong nito nang maka-upo na sila sa sofa sa sala.

Binalot nanaman ng lungkot ang mukha niya. "Wala na si Tatay, El," malungkot na
batid niya.

"Anong wala?" nababahalang tanong nito.

"Patay na siya."

Marahas na tumayo si Ellias. "Bakit hindi mo kami sinabihan?" paasik na tanong


nito.

Tumayo rin siya. "Paano ko ipapaalam sa inyo eh, hindi ko alam kung nasaan kayo?"
aniya.

"Maraming paraan. May Facebook!" asik nanaman nito at tila siya pa ang gustong
sisihin.

"Hindi kasing rangya ng sa inyo ang buhay namin sa brobinsiya, El. Masyadong mahal
ang facebook at isa pa-tolero ako nang mga panahong iyon at hindi ko alam kung
paano babangon. Wala na akong panahon na mag-facebook!" buwelta niya.

Muling umupo si Ellias. Nasilayan niya ang pangingilid ng luha nito sa magkabilang
pisngi nito. Umupo siya sa tabi nito at niyakap na lamang ito. Hindi niya napigil
ang muling pagdaloy ng luha.

Alas-nueve na ng gabi ay nasa bahay parin siya ni Alfonso at kasalo ang mga ito sa
hapunan. Hindi na nagkaanak ang nanay niya kay Alfonso. Ayon na rin sa nanay niya-
na abala na ang mga ito sa kompanya kung kaya'y hindi na siya nagkaroon pa ng
kapatid.

Pagkatapos ng hapunan ay inihatid na siya ni Ellias sa apartment niya. May sariling


bahay na rin si Ellias na pinagpursigihan nitong maitatag sa tulong na rin ni G.
Alfonso. Palihim na naiinggit siya sa buhay ngayon ng kapatid niya. Ngunit hindi
niya minsan inisip na makitamasa rin sa buhay na meron ito ngayon.

Masyadong mataas ang pride niya. Gusto niyang makaahon sa hirap ngunit gusto niya
ay magmumula sa katas ng pagsisikap niya. Ayaw niyang umasa sa yaman ng iba upang
maranasan ang karangyaan.

"Bakit ayaw mong tumira nalang sa amin o kaya'y sa bahay ko para naman magkakasama
na tayo nina nanay?" sabi ni Ellias nang makapasok na sila sa apartment niya.

"Hindi puwede. Mas okay na 'yong nakikita ko kayo madalas," sabi lamang niya.

"Hindi ka ba natatakot, mag-isa ka lang dito?"

"Wala namang multo dito," pabirong sagot niya.

"Hindi naman multo ang tinutukoy ko."

"Tao'ng buhay na may masamang loob? Huwag kang mag-alala, may survellians ang
apartment na ito."

"Huwag ka paring pakasisiguro. Dadalawin nalang kita madalas dito," sabi ni Ellias.

Ngumiti siya. Inilapag na nito sa sofa ang mga pinamili nila sa mall. Kapagkuwan ay
nagpaalam na ito.

NAPASARAP ang tulog ni Cat kaya naman ay alas-otso na siyang nakarating sa bahay ni
Gin. Pagdating niya sa sala ay napansin kaagad niya ang katahimikan na tila ba
walang tao sa kabahayan. Ngunit naririnig niya mula roon ang hagalpak ng tubig na
nagmumula sa swimming pool na tila may lumalangoy.

Lumapit siya sa sliding door na siyang daan patungo sa kinaruruunan ng swimming


pool. Marahang binuksan niya iyon at lumabas. Malayo pa lamang siya sa pool ay
natatanaw na niya ang lalaking lumalangoy. Humakbang pa siya ng apat na beses upang
masiguro kung si Gin nga ba iyon.

Nang umahon ang lalaki ay mabilis na kumubli siya sa puno ng palm tree na
naliligiran ng namumulaklak na halaman. Nanlaki ang mga mata niya nang masilayan
ang kabuoan ng lalaki na tanging under ware lamang ang suot.

Hindi si Gin ang nakikita niya pero may pagkakahawig kay Gin ang hilatsa ng mukha
nito. Mas maputi lamang ito, mas matangkad at higit sa lahat, mas nakakaangat ang
kaguwapuhan at kakisigan. Napalunok siya nang naglalakad na ito palapit sa
kinaroroonan niya.

Mayamaya'y may kamay na kumapit sa balikat niya. Napakislot siya at awtomatiko'y


pumuhit sa likuran. "Manang Susan!" untag niya.

"Kanina ka pa ba? Akala ko'y hindi ka papasok," sabi ng ale.

"Ah, kuwan, kararating ko lang po," nababalisang tugon niya.

"Eh, bakit nandito ka?" Nasipat ni Susan ang lalaki na papalapit na sa kanila.

Hindi na siya nakaimik nang mamagitan sa kanila ang guwapong lalaki. "Hi, Manang!"
nakangiting bati nito kay Susan.

"Good morning po, sir Alfred!" tugon naman ng ale.


"Who is she?" kapagkuwa'y tanong nito at ang mga mata'y naglalakbay sa kabuoan
niya.

"Ah, siya si Catharina, ang nurse ng mommy mo," agarang sagot ng ale.

Pilyo ang ngiting ipinukol nito sa kanya. Mayamaya'y inaalok na nito ang kanang
palad sa kanya. Nag-aalangan siyang daupin ang palad nito.

"I'm Alfred," anito.

Nakumbinsi siyang daupin ang palad nito. Natitigan niya ito nang bahagyang napisil
nito ang palad niya-at hindi niya inaasahan nang bigla na lamang nitong hagkan ang
kamay niya.

Animo'y napaso na mabilis niyang binawi ang kamay mula sa pagkakahawak nito.
Nagkibit-balikat ang lalaki. "Sorry, napaka-sensitive mo pala Mss. Marikit,"
sarkastikong wika nito at walang abog na pinisil ang pisngi niya.

Kapagkuwa'y pumasok na ito sa kabahayan. Kinabahan siya sa mga kilos ng lalaki.


Napansin niya na nakangisi si Manang Susan.

"Bakit po, Manang?" kunot-noong tanong niya.

"Pagpasensiyahan mo na si sir Alfred. Pilyo talaga ang binatang iyon, pero mabait
iyon. Hali ka na, baka gising na si Ma'am Lorena," maligalig na wika ni Susan.

Sumunod na lamang siya rito. Tamang-tama pagpasok niya sa kuwarto ni Gng. Lorena ay
gising na ito. Inalalayan na niya itong maka-upo sa whell chair. Una'y pinaliguan
muna niya ito pagkatapos ay inilabas ng kuwarto.

Nakapagluto na rin si Manang Susan para sa almusal ng pasyente niya. Habang


sinusubuan niya ito ay hindi niya namamalayan na nasa likuran na pala niya si
Alfred.

"Nurse ka ba o caregiver?"

Napapitlag siya nang marinig ang tinig nito na halos malapit lamang sa tenga niya.
Namalayan lamang niya na nasa tabi na niya ito at kanina pa pala pinagmamasdan ang
ginagawa niya.

"Pareho," tipid niyang sagot.

Nagtiungko rin ito katabi niya. "Magkano naman ang binabayad sa iyo ni Kuya
Andrew?" mayamaya'y tanong nito.

Sasagutin pa lamang niya ito ay narinig na niya ang malakas na yabag sa hagdan.
Nang sipatin niya ang hagdan ay namataan niya si Gin na tila kagigising lamang.
Itinuloy na lamang niya ang ginagawa.

"Anong oras ang out mo dito? Stay-in ka ba?" halos pabulong na tanong ni Alfred.

"Three days lang ang duty ko at sa tuwing gabi ay pumapasok ako sa ospital," aniya.
Sinubuan niya ulit ang Ginang.

"Nice. Ang sipag mo, ah. May asawa ka na ba?"

"Wala."
"Puwede," anito. Pilyo ang ngiti nito.

Sinipat niya ito. Nakatitig ito sa kanya na may nakakalokong ngiti. "Ang ganda mo,"
anas nito.

Bigla na lamang siyang kinilabutan. Hindi na niya ito kinakausap pero hindi parin
ito umaalis sa tabi niya.

"Alfred..." narinig niyang tawag ni Gin. Sa wakas ay tumayo na rin si Alfred at


bumaling ang atensiyon nito kay Gin. Lumabas ang mga ito ng kabahayan.

PANAY parin ang lingon ni Alfred kay Cat. Ngali-ngaling batukan ni Gin ang kapatid.
"May asawa na siya, para sa kaalaman mo," sabi niya nang makarating na sila sa
garahe.

"Sino ang nagsasabi sa inyo ng totoo?" nakangising tanong nito.

"Huwag mong dalhin dito ang kalokohan mo, Alfred."

"Type ko siya. Wala siyang asawa. Marunong akong tumingin ng babaeng virgin o
hindi," simpatikong saad nito.

Bigla na lamang uminit ang bunbunan niya. Walang anu-ano'y bigla na lamang niyang
hinapit ang kuwelyo ng damit nito at inambahan ito ng suntok.

"Tumigil ka, Alfred! Huwag mong isama sa kalokohan mo si Cat dahil hindi siya ang
tipo ng babae na nababastos!" singhal niya saka ito pinakawalan.

Parang nakakaloko na nginitian lamang siya nito. "Relax, bro, wala pa naman akong
ginagawa. Bakit ba apektado ka? syota mo na ba siya?" buwelta nito na lalo lamang
nagpainit sa ulo niya.

"Kung umuwi ka dito para magpasaway, ang mabuti pa'y bumalik ka na sa America!"
asik niya.

Tumawa ito ng pagak. "Okay, iginagalang kita dahail mas matanda ka sa akin, pero
huwag mo naman sana akong pagbawalan na ligawan ang nurse ni Mommy. Masisisi mo ba
ako kung ma-in-love ako sa kanya in first meet?" sarkastikong saad nito.

Nagtagis ang bagang niya. "Kilala kita, Alfred. Pinsan ng kaibigan ko si Cat. At
kung papayagan kita diyan sa kahibangan mo ay baka patayin ako ni Sean," aniya.

"Oh, pinsan pala siya ni Sean? No problem, si Sean nalang ang kakausapin ko. Baka
hindi na ako babalik sa New York kapag nakuha ko na si Cat," anito.

Hindi niya maintindihan bakit kumukulo ang dugo niya sa kapatid-na sana ay matuwa
siya dahil nagkasama silang muli. Kilala niya si Alfred kung gaano ito katuso
pagdating sa babae.

Sanay siya sa kapilyuhan nito pero ikina-iinis niya bakit siya napipikon ngayon
dito, bagay na hindi naman niya nararamdaman noon. Wala siyang pakialam kung sino
man ang babaeng paglalaruan nito. Magkasalungat sila ng ugali.

Hindi nagsiseryoso sa babae si Alfred, pero alam niya na walang babae na dumaan sa
buhay nito na hindi nito nakukuha. Iyon ang gusto sana niyang mabago sa kapatid
ngunit may mga pagkakataon na sinasalbahe siya nito. Hindi nito ginagalang ang
agwat ng mga edad nila.

"Mag-asawa ka na kasi, Kuya. Kaya madaling uminit ang ulo mo ay dahil hindi mo
pinapalaya ang init sa katawan mo," anito nang makaupo ito sa harapan ng kotse
niya.

"Huwag mo akong itulad sa iyo. Bukas ay puntahan mo si Andrea sa Baguio. Doon ka


mag-stay at huwag kang pasaway sa akin," aniya.

Humalakhak si Alfred. "Bakit bigla mo ata akong pinapalayas? Ayaw ko sa Baguio.


Gusto kong makasama si Mommy hanggang sa makaalis ako. Siya nga pala, alam ko na
kung saan nakatira ngayon si Daddy at ang lintik na babaeng ipinagpalit niya kay
mommy," kapagkuwa'y pahayag ni Alfred.

Natigilan siya nang banggitin nito ang tungkol sa Daddy nila. Noon ay wala na
siyang pakialam, ngunit nitong nakaraang buwan lamang ay bigla nanamang naungkat
ang masaklap na kaganapan sa pamilya nila. Nakapa niya sa dibdib ang buo paring
galit niya sa ama nila.

Hindi niya nakakalimutan ang babaeng dahilan ng pagkasira ng pamilya nila at naging
sanhi ng pagkaparalisa ng Mommy nila. Ngayon ay tila nahihirapan siyang panghawakan
ang sinabi niya noon na isinusumpa niya ang Daddy niya at ang babae nito.

"Lumalaki na ang kompanya ni Daddy, pero ni singkung duling ay hindi tayo


naambunan. Hindi ka ba maghahabol, Kuya?" mayamaya'y tanong ni Alfred.

Sumandal siya sa gilid ng kotse. "Hindi na ako interesado sa ari-arian niya,"


mariing sabi niya.

"Kung sa bagay. Anayway, pupunta ako sa bar ninyo mamayang gabi, naroon ka ba
mamaya?" mayamaya'y tanong nito.

"Sure, basta huwag ka lang mag-iskandalo," aniya at iniwan na ito.


####################################
Chapter Five
####################################

SA halip na mag-duty sa bar si Gin ay napasubo siya sa inuman kasama si Alfred,


Brandy at Whiskey. Pagdating sa inuman ay daig siya ni Alfred. Madalas siyang
ikinukumpara ng mga kaibigan niya sa kanyang kapatid.

Alam naman niya na malaki ang lamang sa kanya ni Alfred lalo na sa sex appeal. Kaya
iniiwasan niya na magkataon na iisa ang babaeng mamahalin nila. Sa palagay naman
niya ay hindi mangyayari 'yon. Magkaiba kasi sila ng standard sa pagpili ng babae.

Nahihilo na siya pero ang mga kasama niya ay tila walang inininom na nakakalasing.
Iniiwasan niyang malasing sapagkat alam niyang hindi niya kayang dalhin ang sarili
kapag tinatamaan na ng alak. Nang pakiramdam niya na nawawala na siya sa sarili
niya ay nagpaalam na siya sa mga kasama.

"Ano, Gin, magiging bampira ka na ba kaya iiwa mo na kami?" natatawang tanong ni


Whiskey.

"Malapit na, kaya mauna na ako sa inyo," aniya at dahan-dahang tumayo.

"Kawawa naman ang mabibiktima mo ngayong gabi," gatong pa ni Brandy. Sabay na


naghalakhakan ang mga ito.

Ngumiti lamang siya.

Tumayo naman si Alfred. "Ihahatid na kita sa bahay, bro. Baka sa kambingan ka


mapunta at maghasik ng lagim," sabi ni Alfred.

Ang natatandaan na lamang niya ay nang sumakay sila ni Alfred sa kotse, pagkatapos
ay dumilim na ang paligid niya.

SINUMPONG ng katamaran si Cat kay hindi siya pumasok sa ospital. Naaliw siya sa
pamamasyal nila ni Gng. Lorena sa hardin. Nang makatulog na ang pasyente niya ay si
Manang Susan naman ang kinulit niya.

Katatapos lang nilang maghapunan at ngayon ay tinutulungan niya ito sa pagtutupi ng


mga damit ni Gin. Siya ang naglalagay ng mga natuping damit sa aparador sa loob ng
kuwarto ni Gin.

Nang buksan niya ang drawer na pinaglalagyan ng mga panyo ni Gin-ay nagulantang
siya nang makita roon ang matagal na niyang hinahanap na wallet niya. Akmang
kukunin niya iyon subalit biglang bumukas ang pinto at lumitaw ang bulto ni Manang
Susan.

"Bilisan mo, Cat. Lumabas ka na riyan at dumating na si Sir," batid ng ale.

Tumalima naman siya. Hindi na niya nakuha ang wallet niya. Pumasok na lamang siya
sa kuwarto niya at dagling dumapa sa kama. Nakalimutan niyang isara ang pinto.
Balak pa sana niyang lumabas pero tinatamad na siyang bumangon.

Hindi niya namamalayan na nakakapikit na siya at unti-unting ginugupo ng antok


habang nakadapa. Mayamaya'y nararamdaman niya na tila ba may mabigat na bagay na
nakadagan sa likod niya.

Buong akala niya ay nanaginip lamang siya ngunit habang tumatagal ay unti-unting
naglalakbay ang mabigat na bagay na iyon sa baywang niya, sa kanyang balakang,
lalung-lalo na sa mga hita niya.

Nang mahimasmasan ay dumilat siya. Napagtanto niya na hindi siya nanaginip. Mainit
na kamay ang humahaplos sa katawan niya. Tumihaya siya. Nagimbal siya nang mamataan
si Gin na nakahiga sa tabi niya-wala itong saplot pan-itaas.

Tinangka niyang babangon ngunit bigla na lamang siya nitong niyakap-kinaibabawan


siya nito. Gusto niyang sumigaw subalit sinakop na ng bibig nito ang mga labi niya.

Hindi siya makapiglas sapagkat buong bigat nito ang dumadagan sa kanya at ang mga
kamay nito'y lumilingkis sa katawan niya. Nanlumo siya nang maramdaman ang mapusok
na pag-usad ng mga labi nito-ang munting dila nito na pilit mahimasukan sa bibig
niya.

Nauupos ang lakas niya lalo na nang damhin ng kamay nito ang dibdib niya. Natagpuan
na lamang niya ang sarili na tumutugon sa mainit nitong halik. Nalasahan niya ang
mapait na alak sa bibig nito, subalit habang tumatagal ay unti-unti iyong
tumatamis.

"G-Gin..." bigkas niya nang iwan nito ang bibig niya.

Umangat ito ng mukha at matiim na natitigan ang mga mata niya. Namumungay ang mga
mata nito; namumula ang pisngi. Nang hindi na ito kumikilos ay humugot siya ng
lakas at itinulak ito. Nakapikit na ito nang makahiga sa kama.

Hindi humuhupa ang kaba niya habang pinagmamasdan niya ito. Pakiwari niya'y
mahimbing na ang tulog nito. Nang mahimasmasan ay lumapit siya sa pinto at sana'y
bubuksan iyon subalit kumilos nanaman ang binata.

"Cat..." bigkas nito.

Natigilan siya at nilingon ito nang marinig niya ang kanyang pangalan buhat sa
bibig nito. Nagulat siya nang makita itong gising at ngayon ay nakaupo sa gilid ng
kama. Hindi niya alam kung gising na ba ito o alam na ba nito ang mga pinaggagawa
nito.

Tumayo ito at humakbang palapit sa kanya. Mukhang hindi naman ito lasing. Katunayan
ay maayos ang lakad nito. Bubuksan na sana niya ang pinto ngunit mabilis itong
nakalapit sa kanya at walang anu-ano'y ikinulong siya nito sa mga bisig nito.

Napasandal siya sa likod ng pinto at itinutulak ang dibdib nito subalit nangatog na
ang mga tuhod niya nang siilin nito ng halik ang mga labi niya. Napakapit siya sa
mga balikat nito. Pakiramdam kasi niya'y malulumpo na siya.

Napapikit na lamang siya nang ipaglakbay nito ang bibig sa likod ng tenga niya-sa
kanyang leeg. Naramdaman niya ang banayad na kagat nito at ang mariing pagkabig
nito sa baywang niya. Nawawala siya sa kanyang sarili nang loobin ng mga kamay nito
ang bouse niya at natagpuan nito ang dibdib niya.

Muli nitong hinalikan ang bibig niya. Mayamaya'y ginapang nanaman nito ng
mapipinong kagat ang leeg niya hanggang sa maramdaman niya ang pagbaon ng ngipin
nito sa puno ng leeg niya. Napasigaw siya ng ubod lakas at bigla niya itong
naitulak.

Bumulagta sa sahig si Gin at hindi na nito nagawang bumangon pa. Mayamaya'y bumukas
ang pinto at iniluwa niyon si Manang Susan. Nanlalaki ang mga matang nakatitig siya
sa ale.

"Bakit, Cat?" nag-aalalang tanong ng Ale.

Iniinda parin niya ang sakit ng kagat ni Gin sa leeg niya, dumudugo pa iyon.
Napansin iyon ng Ale.

"Anong nangyari sa leeg mo?" tanong nito nang silipin nito ang leeg niya na
tinatakpan niya ng kamay.

"Wala ho, Manang. Tulungan n'yo nalang po akong akayin sa kuwarto niya si sir,"
sabi nalang niya.

Tumalima naman ito. Hindi na nagising pa si Gin kahit nang mailipat na nila ito sa
kuwarto nito. Nang makabalik na siya sa kuwarto niya-ay buong magdamag niyang
tinititigan sa salamin ang sugat na iniwan ng mga ngipin ni Gin sa leeg niya-at
nagulat siya nang makita ang maraming kiss mark.

"Oh my! Bakit ganito? Hindi ko namalayan na ganito ang ginawa niya. May lahi palang
bampira ang hinayupak. Huhu, anong gagawin ko?" naiiyak na saad niya habang
nakaharap sa salamin.

Mayamaya'y ginupo na siya ng antok. Humiga na lamang siya sa kama hanggang sa


makalimot.

Tanghali na'y nakahilata parin sa higaan niya si Cat. Masakit ang katawan niya nang
magising siya. Mayamaya'y may kumatok sa pinto-kasunod niyon ay ang tinig ni Manang
Susan.

Bumalikwas siya ng bangon nang malamang alas-diyes na pala ng umaga. Nang bumaba
siya sa sala ay nadatnan niya si Gng. Lorena sa sala na nanunuod na ng tv.

"Mag-almusal ka na muna, hija," ani Susan nang pumasok na siya sa kusina.

Pakiramdam niya'y gutom na gutom siya at nauuhaw. Pinuluputan niya ng bandana ang
leeg niya upang maitago ang mga pasa na iniwan ni Gin kagabi-lalo na ang sugat na
likha ng ngipin nito.

Umupo na siya sa harap ng hapag at nagsimulang magsalin ng pagkain sa plato niya.


Hindi pa siya nakakasubo ay tila nawawalan na siya ng ganang kumain. Hindi niya
inaasahan na mapang-abot sila ni Gin sa kusina at mukhang makakasabay pa niya ito
sa pag-aalmusal.

Napalunok siya nang umupo ito sa katapat niyang silya. "Good morning!" bati nito.

Nasurpresa siya. Sa unang pagkakataon ay binati siya nito. "G-Good morning,"


matamlay na tugon niya.

Animo'y nagutuman din ito at agad sumubo ng Ham. Hindi na niya magawang kumain.
Nagkasya na lamang siyang panoorin ito. Mayamaya pa'y dumating na si Alfred at
nagulat siya nang tapikin nito ang balikat niya.

"Good morning, Sweetie!" bati nito sa kanya saka umupo sa silaya'ng nasa gawing
kaliwa niya.

Napansin niya ang pagbaling ng tingin ni Gin sa kanya na agad din naman nitong
binawi. Lalo lamang siyang hindi makakain. Kasalo niya ang magkapatid na pinagpala
ng kaguwapuhan. Paano pa siya kakain kung nilalamon na siya ng pagka-ilang?

Hindi niya inaasahan na punain ni Alfred ang leeg niya. "Bakit may bandana ka sa
leeg? Giniginaw ka ba?" nakangising tanong nito.

"Ah, h-hindi," tipid niyang sagot.

"Ang pangit tingnan. Tanggalin mo kaya," anito at bigla na lamang hinablot ang
bandana niya-nahantad ang leeg niya!

Nilamon na siya ng kaba, lalo na nang mapatingin sa kanya si Gin. Titig na titig
naman si Alfred sa leeg niya.

"Oh, what is that?" manghang tanong nito at tinutukoy ang mga marka sa leeg niya,
lalung-lalo na ang sugat na likha ng kagat.

Mabilis na tinakpan niya ng kamay ang sugat. Kung puwede lamang na matunaw siya
ngayon din ay gagawin niya. Nakatutok sa kanya ang mapang-usig na mga mata ng
magkapatid. Hindi niya alam kung saan niya itutuon ang paningin.

Kapagkuwa'y narinig niya ang mala demonyong tawa ni Alfred. "Alam ko na kung ano
ang mga nasa leeg mo, Cat. Ginapang ka ba ng bampira kagabi?" natatawang saad nito.

Hindi siya nakaimik. Napatingin siya kay Gin na ngayon ay titig na titig sa kanya.
Mayamaya'y nagkatinginan ang magkapatid.

"Hindi na ako mag-iimbestiga kung sino ang bampira'ng kumagat sa iyo, Cat at mag-
iingat ka, dahil baka magiging bampira ka rin," pilyong wika ni Alfred.

Hindi niya natimpi ang nararamdman niya-kaya bago pa siya sumabog sa kahihiyan ay
iniwan na niya ang mga ito. Nag-aapurang pumanhik siya sa kanyang silid. Ngunit
hindi pa man niya nabubuksan ang pinto ay may kamay na kumapit sa braso niya.
Nang lingunin niya ay namataan niya si Gin. Hindi niya inaasahan na susundan siya
nito. Alam din kaya nito kung ano ang ginawa nito sa kanya?

Titig na titig ito sa leeg niya. "I'm sorry," anito.

"Alam mo ba ang ginawa mo kagabi?" matapang na tanong niya.

"Sorry, hindi ko maalala, pero alam ko na may ginawa ako," seryosong sagot nito.

Pumalatak na siya. "Niloob mo ako sa kuwarto ko. Marami pang naganap tapos ay bigla
mo nalang akong kinagat sa leeg. Ngayon, paano ako haharap sa mga tao? Kinagat-
kagat mo ang leeg ko at hi-" Uminit ang mukha niya nang sumariwa sa isip niya ang
mga ginawa nito.

"May split personality ka pala na lumalabas kapag nalalasing ka. Half human, half
vampire," naiinis na patuloy niya.

Binitawan nito ang braso niya. Bakas sa mukha nito ang labis na pagkabigla. "May
nangyari ba?" kapagkuwa'y tanong nito.

Nalaglag ang panga niya. "A-anong nangyari?" naguguluhimanang tanong niya.

"May nangyari ba sa atin?" walang abog na tanong nito.

Uminit ng husto ang magkabilang pisngi niya. "K-kuwan....w-wala," nababalisang


tugon niya.

"Sigurado ka?" naninigurong tanong nito.

"S-sigurado ako."

Sinuyod nito ng tingin ang kabuuan niya, bagay na lalong uminit ang mukha niya.
"Sorry. Dapat kasi nagla-lock ka ang pinto kapag matutulog ka na," anito.

Napanganga siya. Aba at talagang pinalabas nitong kasalanan pa niya ang mga
naganap. Uminit ang bunbunan niya.

"Kasalanan ko pa ba iyon?" pabalang na tanong niya.

"Kasalanan ko pero may pagkukulang ka rin. Kaya ka napapahamak ay dahil sa


kakulangan mo ng depensa sa sarili. Hindi magtatagal ay mabibilang ka sa mga rape
victim," giit pa nito.

Hindi siya nakaimik. Naalala nanaman niya ang lalaking pinagtangkaan siya noong
nasa bar siya. Ibig ba nitong sabihin ay tanga at burara siya?

"So hindi pala ako safe sa bahay na ito," aniya na nakataas ang isang kilay.

Mahayap ang tingin na naipukol nito sa kanya. "Huwag ka nang matulog dito.
Pagkatapos ng duty mo ay umuwi ka na," anito at basta na lamang siyang iniwan.

GABI na pero wala paring balak pumasok sa bar si Gin. Hindi niya namalayan na
umalis na pala si Cat. Maaga kasing nakatulog ang Mommy niya. Nakaluklok lamang
siya sa sofa sa sala at nanunuod ng pelikula.

Mayamaya'y dumating si Alfred at umupo sa katapat niya'ng sofa. Nagbukas ito ng


medium size na Brandy.
"Tutal, wala kang balak pumasok sa bar, uminim na lang tayo," ani Alfred. Sinalinan
din nito ng alak ang isa pang shot glass para sa kanya.

"Ayo'kong uminom," aniya.

"Light lang ito, Bro," giit nito.

"Hindi ka ba nakakaintindi?" naiiritang saad niya.

Itinaas ni Alfred ang kanang kamay. "Natatakot ka bang mag-transform? Wala naman si
Cat eh, kaya wala kang kakagatin. Hindi baleng ako nalang ang kagatin mo,"
sarkastikong sabi nito.

Nagtagis ang mga bagang niya. Pinagbigyan niya ito. Uminom siya.

"Hindi ko lubos maisip kung paano mo kinagat si Cat at parang pinanggigilan mo ata
ang leeg niya. Ilang beses mo na rin akong kinagat noon pero sa braso lang. Kapag
babae pala ay sa leeg mo kinakagat, Kuya? or maaring hindi lang sa leeg,"
nakangising wika ni Alfred.

Iba ang tabas ng dila nito. Prangka ito at walang pinapalampas na salita kahit
mahalay man sa pandinig ng iba.

"Tigilan mo ako, Alfred," napipikong wika niya.

"Usapang lalaki lang, Kuya. Hindi mo ba talaga naaalala ang mga ginawa mo? Paano
kung nagalaw mo pala si Cat?" walang abog na usisa nito.

Uminit ang bunbunan niya. "Walang nangyari, siya na ang nagsabi," giit niya.

"At siyempre mahihiya siyang magsabi sa iyo. Hindi mo ba nakikita ang takot sa
mukha niya? Palibhasa'y wala kang alam sa mga babae. Nabigla marahil ang babae at
hindi niya alam ang gagawin niya. Ganoon ang mga reaksiyon ng mga inosenteng babae
na nakaranas ng first time," walang kiming sabi ni Alfred.

"Shut-up! It's over," aniya at basta na lamang iniwan si Alfred sa sala.

Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya. Hindi siya sanay na kinakabahan.
Napag-isip-isip niya na marahil ay tama si Alfred. Kinuha niya ang susi para sa
kuwarto ni Cat at binuksan iyon.

Nang mabuksan niya ang pinto ay sa kama kaagad nakatutok ang paningin niya.
Natigilan siya nang mapansin ang iilang mantsa ng dugo sa puting kobre kama.

"Shit! Nagsinungaling ba siya sa akin?" bulalas niya.

Gigil na inalis niya ang sapin ng kama. Lumuklok siya sa sulok ng kama at
napapangiti.

"Nakakatuwa, hindi ko namamalayan na nagsisimula na pala ang laro," pilyong wika


niya.

Pumasok na siya sa kuwarto niya. Hindi na mawaglit sa isip niya si Cat. Naalala
nanaman niya ang mga natuklasan niya tungkol sa pagkatao ni Cat. Kinuha niya ang
wallet nito sa aparador niya.

Inisa-isa nanaman niyang tingnan ang mga litrato ng dalaga na naka-imbak sa wallet
nito. Kinagigiliwan niyang titigan ang larawan ni Cat na pakiwari niya'y sampung
taong gulang pa lamang ito.
Hindi niya nakakalimutana ang batang sanhi ng pagkawala ng takot niya sa kulog at
kidlat.

Hindi ba, hindi nakakatakot ang kulog? Kapag hindi mo hinarap ang takot mo-ay
habang buhay mo iyang dadalhin sa puso mo, mga katagang tumatak sa isip niya.

"Hindi ko akalain na magkikita tayong muli, Cat. Napakaganda ng una nating


pagkikita. Ikaw na pala ang batang iyon, pero sorry, mali pala ang landas na
tinatahak nating dalawa. Sa ngayon ay pahiram muna ng dangal. Kailangan ko lang
mailabas ang galit ko," marahas na wika niya.

Nagtagis ang mga bagang niya habang pinagmamasdan ang litrato ng Nanay ni Cat.

####################################
Chapter Six (SPG)
####################################

"KAMUSTA ang trabaho, Anak?" tanong ni Cassandra kay Catharina nang magkita sila sa
ospital.

Naisugod roon si G. Alfonso, inatake kasi ito sa puso. Hindi niya inaasahan na sa
dami ng ospital ay doon pa ito isusugod sa ospital na pinagtatrabahuhan niya.

"Okay lang naman po," matamlay na sagot niya. Sinamahan niya ito sa pagbabantay kay
Alfonso.

"Panggabi ka pala."

"Opo. Meron pa kasi akong private patient na inaalagaan sa umaga," aniya.

"Aba'y bakit naman kailangan mo pang mag-side line? Hindi ka ba nahihirapan?"

"Hindi naman po. Nag-e-enjoy naman po ako sa trabaho ko."

"Dapat kasi ay sa amin ka nalang tumira o kaya kay Ellias," anito.

"Okay lang po ako, 'Nay."

"Pareho talaga kayo ng ugali ng Tatay mo, masyadong mataas ang pride."

Hindi na siya umimik. Sandali lamang silang nag-usap ng nanay niya. Habang iniisip
niya ang sitwasyon niya, minsan ay nalulungkot siya. Nakita na niya ang nanay niya
pero pakiramdama niya'y may kulang parin. Pangarap niyang mabuo ang pamilya niya
pero hindi na maaring maganap.

Ang akala niya'y magiging buo na siya kapag natagpuan na niya ang Nanay at kapatid
niya subalit tila hindi iyon sapat. Habang nasa nurses station siya ay bigla na
lamang sumadsad sa isip niya ang gabing namagitan sa kanila ni Gin.

Mahigit isang linggo rin siyang hindi nakapasok sa ospital dahil sa mga markang
iniwan ni Gin sa leeg niya. Isang linggo din na hindi niya nakikita si Gin dahil
madalas din itong wala sa bahay.

KINABUKASAN, pagdating niya sa bahay ni Gin. Tulog pa ang mga tao maliban kay
Manang Susan na nagluluto na ng almusal.
"Akala ko'y hindi ka na papasok," bungad sa kanya ng ale nang lapitan niya ito
habang nagluluto.

"May mga inasikaso lang po ako," pagsisinungaling niya.

"Nag-aalala na tuloy si sir Andrew baka hindi ka na talaga papasok," anito.

Natigilan siya. "Si sir!" bulalas niya.

"Oo, hindi ka manlang raw nagpaabiso na hindi ka papasok."

"Dalawang araw lang naman akong nawala. Siya nga itong hindi ko nakikita rito."

Hindi na kumibo ang ale. Kapagkuwa'y pumanhik na siya sa kuwarto niya. Akmang
bubuksan niya ang pinto nang biglang.... "Bakit hindi ka pumasok ng dalawang araw?"

Awtomatikoy' nilingon niya ang nagmamay-ari ng tinig na iyon. Si Gin, bagong ligo
pero hindi naman nakabihis pang-alis. Hinarap niya ito nang makalapit ito isang
dipa ang pagitan mula sa kanya.

"Sorry, bigla kasing nagkaproblema," dahilan niya.

"Problema o gusto mo lang makaiwas sa akin?" usig nito.

"A-anong makaiwas? May problema lang sa pamilya," mariing sagot niya.

"Akala ko ba'y wala ka nang pamilya?"

"Ano kasi......nakita ko na ang Nanay ko at medyo kinailangan ko silang bigyang ng


maraming panahon."

Matagal bago nakaimik ang binata. "Iyon lang ba ang dahilan?" mayamaya'y tanong
nito.

Tumango siya.

"Wala bang kinalaman d'yan ang mga nangyari noong nakaraang gabi?" usisa nito.

Napalunok siya. Mabilis na uminit ang mukha niya. "W-wala," maang niya sabay kapa
sa leeg niya. Napatingin din ito sa leeg niya.

Nagulat siya nang bigla itong lumapit at hinawi nito ang kamay niya na nakalapat sa
leeg niya-kinapa rin nito iyon. Uminit lalo ang mukha niya nang hipuin nito ang
bahagi ng leeg niya na may peklat buhat sa kagat nito.

Napakislot siya.

"Magaling na ba?" sapagkuwa'y tanong nito.

Animoy'y napaso na mabilis na iniwaksi niya ang kamay nito. Naninibago siya sa mga
ikinikilos nito at sa unang pagkakataon ay nasilayan niya ang ngiti nito-bagamat
pilit ay napapangiti niyon ang puso niya.

Ano kaya ang nakain nito? Totoo ba ito? nagatatakang tanong ng isip niya.

"Meron ka bang hindi sinasabi sa akin?" mayamaya'y tanong nito.

Kunot-noong nakatitig lamang siya sa mukha nito. Nangangapa siya kung ano ang dapat
niyang isasagot. Hindi siya nakakibo nang hawakan nito ang kamay niya.
"I'm sorry. Hindi ko sinasadya ang mga nangyari noong nakaraang gabi. Nawawala
talaga ako sa sarili ko sa tuwing nalalasing. Nasaktan ba kita?" seryosong saad
nito.

Naguguluhimanan siya. Hindi tuloy niya malaman kung si Gin pa ba ang kaharap niya.
"Kinagat mo ang leeg ko, iyon lang," mariing sagot niya.

"Nagsisinungaling ka sa akin, Cat," giit nito.

Nabikig ang lalamunan niya. Hindi niya alam kung ano ba ang nais nitong matumbok.
Nahihiya siyang sabihin ang iba pang mga nangyari.

"Bakit naman ako magsisinungaling?" kaila niya.

"May iba pang nangyari maliban sa kinagat kita. Ikaw ang nakakaalam ng mga naganap
kaya pakiusap, sabihin mo sa akin. Alam kong may nangyari sa atin nang gabing iyon,
Cat."

Natigilan siya. Nagtayuan ang mga balahibo niya sa katawan. Mukhang kailangan na
niyang isalaysay ang buong pangyayari.

"Okay, para magkaintindihan tayo. Nang gabing iyon-pumasok ka sa kuwarto ko at


bigla mo na lamang akong niyakap at hinalikan, pagkatapos ay kinagat mo ako,"
kinikilabutan paring paliwanag niya.

"Hindi iyon ang gusto kong marinig. Alam ko na hinalikan kita. Huwag kang mahiyang
sabihin sa akin ang totoo. Nagalaw ba kita?"

Napalunok siya. Pakiramdam niya'y may nagsisiga ng apoy sa tabi niya. "A-ano bang
sinasabi mo?" maang niya.

"May nakita akong mantsa ng dugo sa kobre kama mo," kaswal na wika nito.

"D-dugo? S-sandali, h-hindi ko napansin 'yon. A-ano kasi...." walang puwang na sabi
niya.

Hindi na niya naisatinig ang nais sabihin nang bigla na lamang siya nitong igiya
papasok sa kuwarto niya. Hindi siya nito pinalaya sa mga bisig nito. Walang anu-
ano'y isinandal siya nito sa dingding at walang habas na hinapuhap ng halik ang mga
labi niya.

Nakahihibang ang bawat hagod ng mga labi nito at ang bawat haplos ng mga kamay
nito'y naglilikha ng apoy sa katawan niya-na unti-unting tumutupok sa inosente
niyang kamalayan.

"Gin..." bigkas niya ngunit wala nang ibang salita na namutawi sa bibig niya.

Sandaling tumigil ito sa pagkilos at nilubayan ng halik ang bibig niya. "I like
you, Cat. Tatapusin ko lang sa maayos na paraan ang nasimulan ko," anas nito at
muli nitong pinaghinang ang mga labi nila.

Gusto niya itong pigilan subalit hanggang diwa na lamang sapagkat inaalipin siya ng
nakahihibang na sensasyong naidudulot ng mga haplos at halik nito. Ipinangko siya
nito at iginiya sa kama. Hindi na niya nasundan ang bilis ng pangyayari.

Natagpuan na lamang niya ang kanyang sarili na malaya na sa saplot at napasailalim


na ng matipuno at hubad na katawan ni Gin. Nag-panic siya nang madama niya si Gin
sa pagitan ng kanyang mga hita. Walang anu-ano'y bigla na lamang siya nitong
inangkin.

NATIGILAN si Gin sa gitna nang nakakapasong init. "Shit!" untag niya at bahagyang
ini-angat ang katawan. Narinig niya ang sigaw at daing ng dalaga buhat sa sakit na
idinulot ng agarang pag-angkin niya rito.

Bigla na lamang siyang inalipin ng guilty nang masilayan ang mga luha ng dalaga.
Nahihirapan man ay napilitan siyang patayin ang sinindihan niyang apoy sa pagitan
nila. Naisuntok niya ang kamao sa kama. Umupo siya sa tabi nito habang nagbibihis.

"I'm sorry, Cat-sorry. Akala ko ay naangkin na kita noong gabi na nalasing ako. I'm
sorry." Tumayo siya at badyang lalabas nang bigla nitong hawakan ang braso niya.
Binalot lamang nito ng kumot ang hubad na katawan.

Nang harapin niya ito ay nakangiti na ito. "Bakit?" nagtatakang tanong niya.

"Hindi ko alam na may pagkatanga ka rin pala." Namimilog ang mga mata nito.

Hindi niya namamalayan na napapangiti na siya. Ngumingiti ang kaluluwa niya na


hindi niya namamalayan na may demonyong nag-uudyok sa kanya.

"Saan galing ang dugo na nakita ko sa kobre kama mo?" usisa niya.

"Nagmula iyon sa sugat ko sa leeg na kinagat mo," natatawang tugon nito.

Hindi ko sinasadya na mahuhulog ka sa akin, Cat. Kailangan kita sa pagkakataong


ito. Kailangan kong tapusin ito, wika ng isip niya.

Habang pinagmamasdan niya ang dalaga ay naaalala niya ang kabataan nila noong
naliligo sila sa ulan. Napangiti siya. Marahil ay hindi na nito naaalala ang mga
sandaling iyon. Mas mainam na siguro na siya lamang ang nakakaalala. Buo ang loob
niya na mapanghahawakan ang mga desiyon niyang iyon.

Sa unang pagkakataon ay nararamdaman niya sa puso ang tinatawag na pag-ibig,


subali't may mga pagkakataon na nakakalamang parin ang isip niya, ang galit niya sa
isang tao. Alam niya sa sarili niya na gusto niya si Cat, pero naikintal niya sa
isip na hindi ito ang babaeng dapat niyang ibigin.

Umupo siyang muli sa tabi nito. Wala na siyang pakialam anuman ang kahihinatnan ng
mga plano niya. Sa ngayon ay pagbibigyan niya ang daing ng puso niya.

"I'm sorry kung hindi kita napakitunguhan ng maayos, Cat. I like you," aniya.
Walang bahid ng pagbabalatkayo sa hitsura niya.

Hinagkan niya ang mga labi nito, simpleng halik na unti-unting lumalalim. Hindi
niya inaasahan na tutugon ito kaagad na naging mitsa upang muli niyang sindihan ang
apoy na sapilitan niyang pinatay kani-kanina lamang.

NATATANAW ni Gin si Cat buhat sa garahe. Naliligo ang dalaga sa pool at tanging
underwear lamang ang suot. Napapangiti siya habang sinasariwa ang kahibangang nauwi
sa nag-aalab na pagniniig. Gusto niya si Cat, pero hindi niya balak na seryosohin
ito. May maganda siyang plano para dito.

Abala siya sa pagpapaligo ng kotse niya habang abala rin ang mga mata niya sa
kakasipat sa dalaga na may kaakit-akit na katawan at mala-anghel na mukha. Hindi
niya pinangarap na makapag-asawa ng ganoong tipo ng babae.

Aanakan lamang niya ito at kukunin ang bata, pagkatapos ay palalayain niya na
parang ibon. Hindi siya magpapakasal, gusto lamang niya'ng magka-anak. Naniniwala
siya na walang permaninti sa mundo.

Bakit ko pa nanaisin na makasama siya kung mawawala lang din naman siya sa akin?
Sapat na ang alaala, alaala na hindi nabubura ng paglipas ng panahon. Hindi ako
naniniwala na may 'till death do us part. Hindi ako naniniwala na may babaeng
magmamahal sa akin hanggang sa mamatay ako. Kaya wala nang dahilan para magmahal
ako ng lubos, kumpisal ng isip niya habang pinagmamasdan si Cat na umaahon na mula
sa tubig.

Mayamaya'y nakita niya si Alfred na lumapit kay Cat. Nagmistula siyang tigre na
inagawan ng karne at bigla na lamang siyang naggalaiti.

Nang mapansin niya na hinahawakan na ni Alfred ang kamay ni Cat ay atubiling


pinindot niya ang busina ng sasakyan. Dahil sa ginawa niyang iyon ay napatingin ang
dalawa sa kanya.

Nagkibit-balikat si Alfred, at tumalon na lamang sa tubig. Ngayon ay humahakbang na


papalapit sa kanya si Cat. Binalot na nito ng tuwalya ang katawan.

"Ako ba ang tinatawag mo?" tanong nito nang makalapit ito sa kanya.

"Tinawag ko ba ang pangalan mo? Sinubukan ko lang kung maganda ba ang tunog ng
busina ng sasakyan," sarkastikong tugon niya.

Tila napahiya ang dalaga. Hindi man lang nito nagawang ngumiti. "Magbibihis na
ako," sabi nalang nito at badyang aalis ngunit kinabig niya ang baywang nito.

Napayakap ito sa kanya at saka naman nagpumiglas, "Nasa sala ang Mommy mo baka
makita tayo," nababahalang wika nito.

Hindi siya umimik basta't siniil niya ng halik ang mga labi nito. Hindi manlang ito
tumugon sa halik niya. Naiilang parin talaga ito sa kanya. Napaka-inosente pa nito
at halatang tubong probinsiya. Nilubayan na niya ito ng halik at pinayagan na itong
makaalis.

Naiinis na natutuwa siya kay Cat. Ayaw niya sa mga inosenteng babae pero kakaibang
ligaya ang naidudulot ng presensiya ni Cat sa kanya.

KINAGABIHAN, pagpasok ni Gin sa bar ay nagkita sila ni Bourbon. Umiiwas siya sa


tuwing kinakamusta nito si Cat. Nagkaroon sila ng munting salo-salo dahil dumating
ang mga balikbayan nilang mga kaibigan.

Napasubo siya sa inuman pero hindi niya nilasing ang sarili niya. Tatlong buwan din
niyang hindi nakita si Rum magmula nang magbakasyon ito sa Singapore kasama ang
nobya nitong si Kayt. Ngayong gabi ay pormal nitong inanunsiyo ang nalalapit na
engagement nito.

Dahil si Rum ang kautatang-dila niya-ay sa kanya nito unang sinabi kung kailan ang
eksaktong petsa at kung saan gaganapin ang engagement party nito. Nagulat siya nang
sabihin ni Kayt na siya ang unang naitala nito sa listahan ng magiging ninong ng
anak nito.

"Bawal tumanggi, Gin. Magiging ninong ka ng anak namin ni Rum," ani Kayt nang
makasama niya ang mga ito sa bar counter.

"Ninong na kaagad ako eh hindi ko pa nakikita ang sanggol," reklamo niya.

Tinapik ni Rum ang balikat niya. "Masyado ka kasing mareklamo kaya inuna na kita sa
listahan para hindi ka na makatanggi, Gin," nakangiting sabi ni Rum.
Tumingin siya sa sinampupunan ni Kayt. Hindi pa naman halata ang pamumukol niyon.
"May laman na ba 'yan?" sarkastikong tanong niya kay Kayt.

Tinapik ni kayt ang braso niya. "Natural, hindi lang halata kasi sexy ako,"
mayabang na sabi ni Kayt.

Bahagya siyang natawa. Natatawang inakbayan ni Rum si Kayt. May kung ano nanamang
nahimasukan sa isip niya.

I don't believe in happy ending. Masaya sila ngayon hanggang sa maikasal sila, pero
walang makapagsasabi kung hanggang kailan sila magiging komportable sa isa't-isa.
Masarap magmahal, pero mahirap umasa at manghula kung hanggang saan hahantong ang
pagmamahal mo sa isang tao. Si Daddy, minahal niya si Mommy at tinumbasan iyon ni
Mommy ngunit dumating ang panahon na na-realize ni Daddy na hindi pala si Mommy ang
magbibigay sa kanya ng sapat na kaligayahan. Marahil ay ganoon din ang babaeng
nagmahal kay Daddy. Hindi siya kuntento sa pag-ibig niya kaya siya naghanap ng iba.
Makasarili ang pag-ibig, walang pakialam kahit may mga nasisirang buhay, mahabang
kumpisal niya sa kanyang sarili.

"Gin, tikman mo ang bagong discover kong cocktails," sabi sa kanya ni Scotch. Si
Scotch ang madalas na napagsasandalan niya sa tuwing nahihirapan siyang tumayo
buhat sa problema.

Hindi niya ito natanggihan nang alukin siya nito ng inumin. Hanggang sa mapasarap
ang kuwentuhan nila ng kaibigan.

Ngayon ay nakakaya na niyang dalhin ang kanyang sarili kapag nalalasing.


Nakakapagmaneho siya ng maayos. Subalit ibang daan ang tinatahak niya nang papauwi
na siya.

Natagpuan na lamang niya ang sarili na nasa tapat na ng apartment ni Cat. Mainit
ang singaw ng katawan niya at nanghihina siya. Minsan na niyang inihatid ang dalaga
sa apartment nito at madalas din siya roon kapag day off ng dalaga.

Nangangalay ang mga kasukasuan niya. Kailangan niya ng alaga na tanging ina lamang
ang makatutugon, subalit ang tumatakbo sa isip niya ngayon ay si Cat. Pakiramdam
niya'y matutugunan ni Cat ang kalingang kailangan niya.

KARARATING lamang ni Cat mula sa ospital. Alas-kuwatro na ng madaling araw.


Sinamahan pa kasi niya ang Nanay niya sa pagbabantay kay Alfonso.

Matutulog na sana siya nang biglang may kumatok sa pinto. Wala siyang ideya kung
sino ang bisita niya sa ganoong alanganing oras. Iniisip niya baka ang land lady
niya iyon.

Nang buksan niya ang pinto ay tumambad sa kanya si Gin. Mukhang pagod ito at
namumungay ang mga mata, namumula ang mukha nito.

"Gin, anong ginagawa mo dito?" nag-aalalang tanong niya.

Tumuluy-tuloy ito sa pagpasok. Sumalampak ito ng upo sa sofa at agad napapikit.


Nahulaan kaagad niya na lasing ito. Kinakabahan siya baka kakagatin nanaman siya
nito. Umupo siya sa tabi nito at kinapa ang noó nito, mainit iyon.

"May lagnat ka," aniya. Tumayo siya at kumuha ng malinis na bimpo at binasa iyon ng
malamig na tubig.

Hinubad niya ang jocket nito, maging ang suot nitong t-shirt saka dahan-dahang
pinupunasan ng basang bimpo ang katawan nito. Buong paghanga na pinagmasdan niya
ang matipunong dibdib nito na nalalatagan ng mapipinong balahibo. Marahang hinaplos
niya ang dibdib nito at hinagkan ang bawat kalamnan nito.

Hanggang sa ngayon ay hindi siya makapaniwala na abot-kamay na niya ito. Pakiramdam


niya'y siya na ang pinakamaligayang babae sa mundo.

Nagising ito nang maramdaman ang init ng bibig niya. Ginagap nito ang kamay niya.
Walang anu-ano'y kinabig nito ang baywang niya at hinatak siya palapit dito.
Pumangko siya sa mga hita nito; napakapit siya sa mga braso nito.

Isa-isa nitong inaalis ang botones ng blouse niya hanggang tuluyan nitong masilip
ang dibdib niya. Sunod naman nitong inalis ay ang lock ng bra niya. Nahantad sa mga
mata nito ang mayayamang dibdib niya. Badyang dadamhin nito iyon subalit pinigilan
niya ang kamay nito.

"Magpahinga ka na, Gin. Alam kong pagod ka," wika niya.

Nakatitig lamang ito sa kanya. Kinintalan niya ng pinong halik ang labi nito.
Tinangka niyang tatayo ngunit lalo lamang humigpit ang pagkakakabig nito sa baywang
niya. Hindi na siya pumalag.

"Mahal mo ba ako, Cat?" tanong nito sa ilalim ng paos na tinig.

"Mahal kita, Gin. Hindi ko alam basta, mahal kita," walang abog na bunyag niya.
Ngayon lang din niya natagpuan sa puso niya na iniibig niya ito.

Masyadong mabilis ang pangyayari kaya ngayon lamang niya naunawaan ang lahat na mga
nararamdaman niya noon. Malaki ang binago ni Gin sa katauhan niya, lalung-lalo na
sa kasarian niya. Ngayon ay ganap na ang pagkababae niya.

Wala siyang pinagsisisihan na si Gin ang lalaking inalayan niya ng lahat-lahat.


Mahal niya ito at napapalambot niya ang puso nito. Iyon ang mahalaga.

Bagaman nalilito ay nasisiguro naman niya na mamahalin siya nito kahit sa ngayon ay
dehado parin ito sa kanya. "Mahal mo rin naman ako, hindi ba, Gin?" mariing tanong
niya.

Hindi siya nito tinugon, bagkus ay niyakap siya nito at hinapuhap ng halik ang
kanyang mga labi. Tumugon na lamang siya sa halik nito. Hindi siya nag-alinlangan
nang muli siya nitong angkinin.

WALA pang isang oras ang naitulog ni Cat nang muli siyang magising. Gusto na niyang
bumangon subalit masakit ang buong katawan niya. Nang makaipon ng lakas ay bumangon
na siya.

Lumabas siya ng kuwarto. Alas-sais pa lamang ng umaga. Nagulat siya nang makita na
nasa labas parin ng apartment niya ang kotse ni Gin. Ang buong akala niya ay umuwi
na ito. Mayamaya'y may narinig siyang ingay sa kusina.

Napahinto siya sa bukana ng pinto nang makita si Gin na nagluluto. Suot nito ang
apron niya. Napangiti na lamang siya.

"Hi! Gising ka na pala. Nagluluto ako ng sopas," nakangiting wika nito.

Nilapitan niya ito at niyakap buhat sa likuran. Iniwan nito ang ginagawa at humarap
sa kanya. Ipinulupot nito ang mga braso sa baywang niya. Naghinang ang kanilang mga
labi.

"I love you," sambit niya nang maghiwalay ang mga labi nila.

Matamis na ngiti lamang ang itinugon nito sa kanya. Kapagkuwan ay ipinagpatuloy na


nito ang ginagawa. Umupo na lamang siya sa harap ng hapag. Mayamaya pa'y inihain na
nito ang mainit na sopas.

"Marunong ka palang magluto," usal niya nang makaupo na ito sa katapat niyang
silya.

"Si Mommy ang nagturo sa akin. Noong ako pa lamang ang anak niya at ipinagbubuntis
pa lamang niya si Alfred. Ako ang nagluluto para sa kanya," anito.

"Ilang taon ba ang agwat ng edad ninyo ni Alfred?" sapagkuwa'y tanong niya.

"Five years. Matanda ka lamang ng tatlong taon sa kanya," sagot naman nito.

"Wow, ang galing mo naman! Marunong ka na noon magluto?" namamanghang saad niya.

Nagtaka siya. Ang alam niya'y hindi pa niya nasasabi kung ilang taon na siya.
"Paano mo nalaman ang edad ko?" tanong niya.

"Ang alam ko kasi ay matanda ako sa'yo ng dalawang taon," anito.

"Hinulaan mo lang ba?"

"Hindi. Anong silbi ng resume mo kung hindi ko malalaman ang edad mo?"

Napangiti siya. "Oo nga pala. Sorry."

"Humigop ka na ng sabaw para mainitan ang sikmura mo," kapagkuwa'y sabi nito.

Humigop na muna siya ng sabaw ng sopas. Mayamaya'y biglang dumapo sa isip niya ang
tungkol sa relasyon nila na tila wala pang kasiguruhan.

"Ahm, Gin, gusto ko sanang pag-usapan ang tungkol sa atin," lakas-loob na wika
niya.

Tumingin ito ng diretso sa kanya. "Anong tungkol sa atin?" maang na tanong nito.

"Wala tayong pormal na relasyon," diretsong turan niya.

"Mahal mo ako 'di ba? Kailangan mo lang magtiwala sa akin."

Nababahala siya. Hindi iyon ang nais niyang marinig. Gusto niyang sabihin nito na
mahal din siya nito ng ilang beses. Nahihiya na siyang usigin ito. Kumain na lamang
siya.

"Sabay na tayong pumunta sa bahay. May mga gamot din si Mommy na kailangan nating
bilhin at mamalengke na rin tayo," mayamaya'y sabi nito.

Napanatag siya nang sabihin nito iyon. Kahit papano'y nararamdaman niya na bahagi
na siya ng buhay nito.

Pagkatapos nilang mag-almusal ay naligo na rin siya. Hindi niya inaasahan nang
bigla itong pumasok sa banyo habang hubo't-hubad siyang naliligo.

"Gin, ano ka ba!" singhal niya.


"Sayang ang oras, sasabay na ako sa iyong maligo," walang abog na sabi nito.

Naghubad na ito at lumapit sa kanya. Niyakap siya nito sa ilalim ng tumatagistis na


tubig buhat sa shower.

"Isipin mo nalang, naliligo tayong dalawa sa ulan," anito.

Dahil sa sinabi nito ay may bigla siyang naalala. Sumariwa sa isip niya ang batang
lalaki na pinagtawanan niya dahil takot sa kulog at kidlat. May kung anong damdamin
ang umalipin sa kanya nang matiim na tinititigan niya si Gin.

"Gin..." bigkas niya.

Ngumiti ito at sabik na siniil ng halik ang mga labi niya. Nag-aalab ang bawat
dampi ng palad nito sa hubad niyang katawan. Ngumiti siya nang magkatitigan sila.

"Gin, okay lang ba kung magkuwento ako?" tanong niya habang magkayakap sila.

"Sige, makikinig ako." Ga-daliri lamang ang pagitan ng mga labi nila.

"Meron akong nakilalang bata noon. Takot na takot siya sa kulog. Natutuwa ako kasi
nang hinila ko siya sa ulan ay nawala ang takot niya. Simpleng bagay lamang iyon
kumpara sa iba, pero para sa akin, bayani ako nang mga araw na iyon," maikling
kuwento niya.

"Lalaki ba ang batang iyon?" tanong nito.

"Oo. Hindi ko siya nakalimutan, kasi ang guwapo niya. Nalulungkot ako nang
maghiwalay kami, ni hindi namin nalaman ang pangalan ng isa't-isa. Nangarap ako
minsan na sana ay magkikita kami at sana ay makikilala parin niya ako," maligalig
na pahayag niya.

"Paano kung magkikita kayong muli?"

"Magpapakilala ako sa kanya."

"Paano kung ako na pala ang batang iyon?"

Natigilan siya. Sana nga ay ikaw na ang batang iyon, Gin, naisaloob niya.

"Kalimutan mo na siya. Ako na lang, Cat," kapagkuwa'y wika nito.

Ngumiti siya. Naghinang nang muli ang kanilang mga labi, isang mainit at mapusok na
halik.

####################################
Chapter Seven
####################################

ISANG linggo na sa Ospital si G. Alfonso at isang linggo na ring naroroon si Gng.


Cassandra. Pagpasok ni Cat nang umaga sa ospital ay binisita rin niya ang Nanay
niya. Nagkamalay na rin si G. Alfonso pero hindi pa ito pinapayagan ng doctor na
umuwi.
"Kamusta na po kayo, tito?" tanong niya kay Alfonso nang madatnan niya itong
gising.

"Mabuti na ang pakiramdam ko, hija. Salamat sa oras mo na mabisita ako,"


nakangiting tugon nito.

Ngumiti siya. Mayamaya'y niyaya siya ng Nanay niya na magmeryenda sa canteen. "Alam
mo, anak, may napapansin akong kakaiba sa iyo," wika ng Ginang nang makaupo na sila
sa harap ng inakupa nilang mesa.

"Ano po iyon?" kinakabahang tanong niya.

"Bigla ka atang naging mahinhin at seryoso. Sentomas ata iyan ng pagiging ganap na
dalaga. May boyfriend ka na ba?" maligalig na usisa ng Ginang.

Ngumiti siya. Ang totoo'y matagal na niyang gusto magkumpisal sa Nanay niya. "Meron
na po, 'Nay," kinikilig na tugon niya.

"Talaga? Naku, eh kailangan ko palang makilala ang mapalad na lalaki," nasasabik na


saad nito.

"Kapag hindi siya busy ay isasama ko siya minsan dito," aniya.

"Sige, anak. Gusto ko siyang makilala."

"Sana po ay magustuhan n'yo siya," nababahalang wika niya.

"Siyempre naman. Alam ko namang mahusay kang pumili ng lalaki. O siya, kumain na
tayo."

Pinagsaluhan nila ang binili niyang pancit at siopao.

KINABUKASAN, pagdating ni Cat sa bahay nila Gin ay nadatnan niya ito na nakaupo sa
umbrella cottage malapit sa pool. Abala ito sa pagbabasa ng magazine habang
humihigop ng kape. Tulog pa ang pasyente niya kaya tinungo muna niya ito.

Dahan-dahan siyang lumalapit sa gawing likuran nito saka ito piniringan ng mga
palad sa mata. Hindi ito pumapalag. "Cat-" bigkas nito.

Inalis niya ang mga kamay at bumaling sa harapan nito. "Paano mo nalaman na ako?"
natatawang tanong niya.

"Amoy alcohol ang kamay mo," seryosong tugon nito. Tumayo ito at lumapit sa kanya.

Agad-agad ay sinalubong siya nito ng mainit na halik. Ang mga braso nito'y
lumilingkis sa baywang niya. Ikinawit naman niya ang mga kamay sa leeg nito.

"Papasok ka ba sa bar mamayang gabi?" tanong niya nang makaupo na sila na magkatabi
sa upuang yari sa bato ng umbrella cottage.

"Oo, bakit?"

"Nasabi ko na kasi kay Nanay ang tungkol sa atin at gusto ka niyang makilala," may
pagkailang na wika niya.

Matagal bago kumibo si Gin. "Ah, sure. Gusto ko rin siyang makilala," kapagkuwa'y
sabi nito.
"Talaga? Sasama ka sa akin mamaya sa ospital pagpasok ko, sandali lang tayo."

"Bakit sa ospital?" kunot-noong tanong nito.

"Ano kasi, naroroon si Nanay. Isinugod kasi roon ang asawa niya," batid niya.

"Bakit?" tila interesadong tanong nito.

"Inatake kasi sa puso ang asawa niya noong nakaraang linggo."

Hindi na umimik si Gin. Napansin niya ang pagtagis ng mga bagang nito.
Pinagninilayan niya ang mukha nito na sobrang seryoso. Tumingin ito sa kanya.
Mayamaya'y siniil nito ng halik ang labi niya.

Hindi niya inakala na masarap pala maging nobyo si Gin-na inakala niya noon na
isang lalaki na walang mapapaligayang babae. Nagkamali siya, napakalambing nito.
Noon ay tanging pangarap lamang na gusto niyang mahalikan ang labi nito. Ngayon ay
halos pagsawaan niya ang madalas na paghinang ng mga labi nila-lalo na ang ilang
beses na pag-angkin nito sa kanya.

"Thanks for everything, Cat," anas nito nang maghiwalay ang kanilang mga labi.

"Bakit ka nagpapasalamat sa akin?"

"Kasi-nagagawa mo akong paligayahin sa simpleng paraan."

"Paanong simple?"

"Simpleng pagtugon sa lahat ng hinihiling ko sa iyo," kaswal na sagot nito.

"Hindi simple 'yon, Gin. Buong puso ko'ng ibinibigay sa'yo ang anumang hinihiling
mo at hindi ako kailanman nag-atubili. Inaamin ko na naguguluhan parin ako sa bilis
ng pangyayari, pero mahal na kita-kaya malakas ang loob ko na isipin na makakasama
kita ng matagal o habang buhay," madamdaming pahayag niya. Matiim na nakatitig siya
sa mukha nito.

"Nagdududa ka ba sa akin, Cat?" seryosong tanong nito.

"Nararapat ba akong magduda, Gin?" tanong niya rito sa halip na sagutin ang tanong
nito.

Tulad niya ay hindi siya nito tinugon bagkus ay hinalikan nito ang labi niya.

MAY isang minutona naghihintay sa loob ng kotse niya si Gin bago lumabas si Cat.
Pagkatapos na maipakilala siya ni Cat sa Nanay nito ay didiretso na siya sa Bar.
Hindi na rin siya makapaghintay na makilala ang Nanay ng nobya niya.

Pagdating sa ospital ay iginiya siya nito sa ward kung saan naroroon ang Nanay
nito. Matagal niyang hinintay ang pagkakataong ito. Pagpasok nila sa kuwarto ay
nakaupo ang Ginang sa tabi ng tulog na si Alfonso.

"'Nay, nandito na po kami," bungad ni Cat sa Nanay nito. Nakasunod lamang siya sa
likod nito.

Biglang tumayo ang Ginang at humarap sa kanila. Nanlalaki ang mga mata nitong
naipukol ang tingin sa kanya. Nagkulay suka ang mukha nito na animo'y nakakita ng
multo.

"'Nay, si Andrew po, boyfriend ko," pakilala ng dalaga.

Nagkusa na siyang lumapit sa Ginang. "Nice to meet you po," sabi niya at nanilay
ang pilyong ngiti sa mga labi niya.

Magalang na inilahad niya ang kanang palad sa harapan nito ng ginang. Bakas sa
mukha nito ang labis na pagkabigla-halos ayaw nitong hawakan ang kamay niya.
Nakamasid lamang sa kanila si Cat. Mayamaya rin ay hinawakan nito ang kamay niya at
pinahintulutan siya na magmano rito.

Sandali rin niyang sinulyapan ang nahimbing na si Alfonso. Hindi manlang


nakapagsalita ang Ginang. Nababalisang nakatitig lamang ito sa kanya. Samantalang
tuwang-tuwa naman si Cat na tila hindi nito napupuna ang mga kaganapan.

"Ahm, 'Nay, hindi rin po magtatagal si Andrew. May trabaho pa kasi siya,"
kapagkuwa'y awat ng dalaga.

"Ah, s-sige," sabi lang ng Ginang.

"Next time naman po, kapag hindi tayo busy pare-pareho ay mag-dinner naman tayo,
hum?" kapagkuwa'y sabi ng dalaga.

Hindi manlang umimik ang Ginang. "Sige po, mauna na ako," aniya. Kapagkuwa'y
lumabas na sila ni Cat.

Naghiwalay na sila ng dalaga nang nasa pasilyo na siya palabas ng ospital. Malapit
na siya sa exit nang biglang may tinig ng babae na pumigil sa kanya.

"Andrew..." narinig niya buhat sa likuran.

Huminto siya sa paghakbang at hinarap ang nagmamay-ari ng tinig na iyon. Namataan


niya si Cassandra na papalapit sa kanya. Huminto ito 'di kalayuan sa kanya.

"May kailangan ba kayo?" seryosong tanong niya.

"Anong binabalak mo sa anak ko?" diretsong tanong nito.

"Bakit n'yo ako tinatanong ng ganyan?"

"Alam ko kung gaano kalaki ang galit mo sa akin, kaya hindi ko maiwasan na isiping
may binabalak ka'ng hindi maganda sa anak ko," anito.

"Anyway, masyado nang matagal ang ginawa ninyong pagsira sa pamilya namin. Pero
inaamin ko na hanggang sa ngayon ay may galit parin ako sa inyo," kaswal lamang na
wika niya.

"Diretsahin mo ako, Andrew. Ano ang balak mo sa anak ko?" usig nito sa ilalim ng
galit na tinig.

Bumuntong-hininga siya. "Okay, plano ko talagang gamitin ang anak mo para makaganti
sa'yo. Mahal niya ako, kaya nasisiguro ko na wala siyang ipagkakait anuman ang
hihilingin ko sa kanya," aniya.

"Pero mahal mo ba ang anak ko?"

"Hindi ako naniniwala sa pag-ibig. Gusto ko lang maramdaman na may nagmamahal sa


akin. Kapag nagkaanak kami ni Cat, iiwan ko rin siya katulad ng ginawa ni Daddy kay
Mommy. Paiibigin ko siya hanggaang sa mabaliw siya at hindi niya matanggap na
mawala ako sa kanya. Ganoon ang plano ko sa anak mo. Nakuha n'yo ba?" marahas na
pahayag niya.

Walang anu-ano'y bigla na lamang lumipad ang palad nito sa pisngi niya. "Ang sama
mo! Huwag mong idamay ang anak ko dito. Ako ang may kasalanan at wala siyang
kinalaman sa mga nangyari!" asik nito.

"Iyon lang ang alam kong paraan para makaganti sa iyo," aniya.

"Pakiusap, huwag mong saktan ang anak ko. Ibabalik ko sa inyo ang Daddy mo,"
mayamaya'y samo nito.

"Hindi na namin siya kailangan. Pasensiya na," wika niya at iniwan na niya ang
kausap.

Habang nililisan niya ang ospital ay naiisip niya si Cat. May mga pagkakataon na
gusto niyang baguhin ang plano niya subalit nangingibabaw parin ang galit niya.
Matagal na panahon na hinihintay niyang makapaghiganti sa babaeng sumira sa pamilya
nila na naging sanhi ng pagkaparalisa ng Mommy niya.

Hindi niya namamalayan na nangingilid ang kanyang mga luha-luha na naudyok ng poot.
Masyado nang naging matigas ang puso niya buhat sa galit. Dahil sa kataksilan ng
Daddy niya sa Mommy niya ay hindi na siya naniniwala na may wagas na pagmamahal o
pag-ibig na panghabang-buhay.

Bakit ko pa siya mamahalin kung alam kong hindi ko rin naman siya makakasama habang
buhay? Masasaktan din naman kami kapag nawala ang isa sa amin o magluko. Bakit pa
ako iibig kung alam kong masakit? Hindi ako nananiniwala sa mga pangako at salita
na nagsasabing mahal mo ang isang tao-pero ang totoo, hanggang salita at pangako
lamang. Katulad ng panahon, lumulipas at nagbabago ang pag-ibig. Parang ulan, hindi
mo alam kung kailan darating o kung kailan titila, kumpisal nanaman ng isip niya
habang nagmamaneho.

"Tama si Cat, kapag hindi mo hinarap ang takot mo ay habang buhay mo iyong dadalhin
sa puso mo," aniya.

ALAS-DOS na ng umaga ay gising pa si Gng. Cassandra nang silipin ito ni Cat sa ward
ni G. Alfonso. "'Nay, bakit hindi pa kayo natutulog?" tanong niya. Umupo siya sa
sofa sa tabi nito.

Nagitla siya nang bigla nitong hawakan ng mahigpit ang kamay niya. "Anak, may
pakikiusap sana ako sa iyo," anito. Namumugto ang mga mata nito.

"Ano po iyon?"

"Baka puwedeng huwag nalang si Andrew ang lalaking mahalin mo?"

Nagimbal siya. "P-pero bakit po?" nababahalang tanong niya.

"Wala akong tiwala sa kanya. Nahihinuha ko na lulukuhin ka lamang niya, anak."

Marahas siyang tumayo. "Paano n'yo naman nasabi iyan? Kakikilala n'yo palang sa
kanya kaya hindi n'yo siya puwedeng husgahan. Mahal ko si Andrew, 'Nay at kahit
anong mangyari ay hindi ko kayang masira ang relasyon namin," depensa niya.

Tumayo ang ginang at pinagririinan ang gusto nito. "Anak, huwag kang pakasisiguro.
Mahal mo nga siya pero mahal ka ba niya?" usig nito.

Natigilan siya. Inaamin niya na minsan ay nalilito siya sa mga ipinapakita sa kanya
ni Gin-pero natatakot siyang iwan siya nito kaya pinagpipilitan niya sa sarili niya
na mahal din siya nito upang huwag siyang mag-alala.

"Nasisiguro mo ba na mahal ka ni Andrew, Anak?" muli'y tanong ng Ginang.

Hindi siya makatingin ng diretso sa ina niya. "Mahal ko si Andrew, 'Nay. Wala na
akong pakialam kahit pa hindi siya ganoon ka seryoso sa akin. Hindi ko kakayanin na
mawala pa siya sa akin," aniya.

"Bakit, Anak? Ibinigay mo na ba ang buong pagkatao mo sa kanya kaya ganyan ka


kadesperada?" usig nito sa ilalim ng namumurong tinig.

Tumango siya. Nagitla siya nang bigla na lamang siya nitong sampalin. Mabilis na
nangilid ang mga luha niya sa kanyang magkabilang pisngi.

"Wala na bang ibang lalaki sa mundo, Anak at bakit parang nauubusan ka? At bakit
ibinigay mo na kaagad sa kanya ang sarili mo? Anong klase kang babae? Anong
pagpapalaki ang ginawa sa iyo ng tatay mo? Bakit ganyan ka kapusok, Anak? Ano ba
ang pinakain sa iyo ng lalaking iyon at bakit nahihibang ka ng ganyan?!" sumbat
nito.

Galit ang umalipin sa kanya nang mga sandaling iyon. "Kasalanan ko pa ba na umibig
ako sa unang pagkakataon? Mahal ko si Andrew kaya ibibigay ko sa kanya kung ano ang
magpapasaya sa kanya!" buwelta niya.

"Ibibigay mo ang lahat, kahit alam mong niluluko ka lamang niya at katawan mo
lamang ang minahal niya?"

"Paano mo nasasabi iyan, 'Nay? Kilala mo ba si Andrew? Wala kayong karapatan na


husgahan siya na parang kilalang-kilala n'yo na siya!" paasik na sagot niya.

Hindi na siya nasagot ni Cassandra nang magising si Alfonso buhat sa ingay nila.
Masama ang loob na lumabas na lamang siya ng silid na iyon.

ALAS-TRES ng umaga nang umuwi sa apartment niya si Cat. Nagulat siya nang makita
ang kotse ni Gin sa labas. Pagpasok niya'y walang tao ngunit tumutugtog ang DVD
player sa kuwarto niya.

Pagpasok niya sa kuwarto ay wala rin namang tao. Mayamaya'y may mga brasong
pumulupot sa baywang niya. Napakislot siya at agad hinarap ang nagmamay-ari ng mga
brasong iyon.

"Gin..." bigkas niya nang mamataan si Gin.

"Ssshhh," anito at sabik na hinapuhap ng halik ang mga labi niya. Mabilis na
kumilos ang mga kamay nito; pumapaloob sa blouse niya at naging mapanghanap.

Nang madama niya ang init ng palad nito na humahaplos sa dibdib niya ay bahagya
niya itong naitulak subali't hindi siya nito pinakawalan.

"Bakit?" anas nito.

"Bakit nandito ka?" wala sa loob na tanong niya.

"I need you," sabi lang nito.


Ngayon ay natatauhan siya. Totoo nga ba na katawan lamang niya ang gusto nito sa
kanya? Ngayon niya nahihinuha na sa tuwing magkikita sila ay pakiramdam niya'y
gusto lamang nito na maangkin siya.

Sa pagkakataong ito ay hindi na siya magpatumpik-tumpik pa. Hindi na siya matatakot


na usigin ito. "Bakit ba natin ginagawa ito, Gin? Daig pa natin ang mag-asawa.
Mahal mo ba talaga ako?" usig niya.

Naramdaman niya ang pagluwag ng pagkakayapos nito sa baywang niya. "Bakit bigla mo
atang naitanong iyan? Kailan ka pa nawalan ng tiwala sa akin?" seryosong tanong
nito.

"Kinakabahan ako, Gin," nababahalang wika niya.

"Ssshh, trust me, okay?" anito at muling inangkin ang kanyang mga labi.

Animo'y gayuma na hindi niya ito matanggihan. Tinugunan niya ang halik nito at ang
kanyang mga kamay ay tila nagkaroon ng sariling buhay. Nangahas ang mga kamay niya
na hubarin ang saplot nito sa katawan. Pakiramdam niya'y mababaliw siya kapag
mawala ito sa kanya.

Sa isang iglap ay muli siyang nakalimot. Buong alab na inangkin nila ang isa't-isa.
Wala na siyang pakialam kahit pa hindi nito sabihing mahal siya nito. Ang
mahalaga'y hindi siya nagkulang sa pagmamahal niya para rito. Taglay niya ang
sentomas ng pagkatanga na hindi lamang niya namamalayan.

KATULAD dati, paggising ni Cat ay may nakahain nang almusal. Hindi na niya
maintindihan si Gin. Hindi niya mahuli-huli ang silakbo ng puso nito. Malambing
ito, maasikaso-pero nahihirapan siyang ipagriinan sa sarili niya na mahal siya nito
kaya nito iyon iginagawa sa kanya.

Garlic rice at Ham omelet ang niluto ni Gin. "Kumain na tayo," anito nang maihain
na nito ang mga niluto.

Ito ang dahilan kung bakit lalong nahuhulog ang loob niya sa lalaking ito. Pakiwari
niya'y siya na ang pinakamaswerteng babae sa mundo.

Sana hindi ako nananaginip. Kung sakaling panaginip man ito, sana-huwag nalang
akong magising. Ngayon ko lang nalaman na may mabait palang monster, nasabi niya sa
sarili.

Pinagmamasdan niya si Gin habang kumakain. Ni minsan ay hindi niya inisip na


lulukuhin lamang siya nito. Habang naiisip niya ang mga sinabi ng Nanay niya ay
kinakabahan siya. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang isipin.

"Gin, alam na ba ni Alfred at ng Mommy mo ang tungkol sa atin?" mayamaya'y tanong


niya.

Tumigil ito sa pagsubo at matiim na nakatitig sa kanya. "Hindi pa," sagot nito.

"Kailan mo balak sabihin?"

"Ako na ang bahala."

Hindi siya nag-atubili na ibahagi dito ang naging reaksiyon ng nanay niya. "Gin,
okay lang ba na sabihin ko sa iyo ang tungkol kay Nanay?" naiilang na tanong niya.
"Go ahead," sabi lang nito.

"Ano kasi....nagkaproblema ako kay Nanay," aniya.

"Ayaw niya sa akin?" Pinangunahan siya nito.

Natigilan siya. Pero bakit parang wala manlang itong reaksiyon o mabigla man'lang?

"Bakit mo alam?" kapagkuwa'y tanong niya.

"Napansin ko kasi na hindi siya masaya nang ipakilala mo ako sa kanya, ni hindi
manlang siya ngumiti sa akin," wika nito.

"Kakausapin ko nalang ulit siya kapag nagkaroon ako ng magandang pagkakataon," sabi
niya.

"Paano kung ayaw talaga niya sa akin? Ipaglalaban mo ba ako?" usig nito.

"Ipaglalaban kita, Gin. Mapapakiusapan ko naman si Nanay."

"Huwag mo siyang pilitin kung talagang ayaw niya. Tutal, wala ka naman sa poder
niya kaya hindi ka niya puwedeng diktahan kung ano ang kailangan mong gawin sa
buhay mo. Hindi siya ang nagpalaki sa iyo."

Ngumiti siya. Sigurado na siya sa nararamdaman niya. Ang paglalambing nito ay sapat
upang mapanatag siya.

DUMALO si Gin sa engagement party ni Rum at Kayt na ginanap sa Manila Hotel. Hindi
siya magtatagal sa party kaya hindi na niya niyaya pa si Cat. Pagkatapos ng
seremonya ay niyaya na siya ng mga kaibigan na uminom. Uminom siya pero tinantiya
niya na hindi siya malalasing.

Nang mapagsolo sila ni Bourbon sa isang mesa ay hindi niya inaasahan na babanggitin
nito si Cat. "Balita ko, may namumuo nang pag-ibig sa pagitan ninyo ng pinsan ko.
Gusto kong makarinig mula sa iyo, Gin," usig ni Bourbon.

Ito ang pangyayaring hindi niya napaghandaan. Hindi niya alam kung paano siya
magpakalalaki sa harapan ng kaibigan niya.

"Saan mo naman nasagap ang balitang iyan?" maang niyang tanong.

"Kay Alfred. Alam mo naman ang kapatid mo, hindi iyon marunong magtago ng lihim,"
nakangising wika ni Bourbon.

"Wala pa naman akong sinasabi sa kanya," aniya. Tumungga muna siya ng beer.

"Pero totoo?" usig nito.

Hindi niya akalain na maguguluhimanan siya. Dito na ba masisira ang plano niya?
Matagal na niyang kaibigan si Bourbon at ayaw niyang masira iyon nang dahil lang sa
kagustuhan niyang masunod ang hinaing ng puso niya.

"Wala kaming relasyon ni Cat," bigla'y nanulas sa bibig niya.

"Okay, sabi mo eh," ani Bourbon.

Mayamaya'y dumating ang iba nilang mga kaibigan. Ngayon niya napansin kung ano ang
kaibahan niya sa mga ito. Tama ang mga bansag sa kanya ng mga kaibigan na
makasarili siya, malihim at manhid. May sarili siyang mundo. Hindi nga raw siya
maintindihan.

Inaamin naman niya. Nagkaroon siya ng mga kaibigan na masasabi niyang natatanging
sandigan niya. Hindi nagkulang ang mga ito noong panahon na magulo ang buhay niya,
ngunit hindi nabago ng mga ito ang pananaw niya sa pagmamahal.

Hindi niya kayang makipagsabayan sa mga kaibigan niya na malayang gawin ang gusto,
maluho at higit sa lahat, hindi natatakot sumugal alang-alang sa pag-ibig.

Love is nonsense, masarap pero masaklap, naisa-isip niya.

Hindi pa tapos ang party ay umuwi na siya. Nagulat siya nang mapansin si Cat sa
bahay niya. Hindi nanaman pumasok sa ospital ang dalaga. Nasa kusina ito kasama si
Alfred at nagluluto. Buhat sa sala ay natatanaw niya ang dalawa.

Pilit man niyang labanan ang nararamdaman ay sadyang nadadaig ng puso niya ang
kanyang isip. Makita lamang niya na hawak ni Alfred ang braso ni Cat ay nag-iinit
na ang bunbunan niya. Alam naman niya na masayahin si Cat at hindi mailap na
kaibigan, pero ang simpleng pakikipagbiruan nito kay Alfred ay ikinasasama niya.

Hindi niya maikakaila na nagseselos siya kay Alfred. Nagtatagis ang mga bagang niya
habang pinagmamasdan ang dalawa na minsan pa'y hindi sadyang mayakap ni Alfred si
Cat. Gusto nang sumabog ng puso niya ngunit hindi niya kayang palayain. Nag-uumapaw
ang pride niya.

Nang lumabas ng kusina si Alfred ay siya naman ang pumasok at nilapitan ang dalaga
na abala sa paghahalo ng niluluto nitong ube halaya. Hindi niya ito sinalubong ng
yakap at halik na dati niyang ginagawa. Gusto niyang iparamdam dito na may tampo
siya.

"Akala ko bukas ka pa uuwi. Kamusta ang party?" tanong nito nang harapin siya nito.
Akmang hahalik ito sa pisngi niya subalit iniwasan niya ito, bagay na ikinadismaya
nito.

"Bakit hindi ka pumasok sa ospital?" tanong na lamang niya.

"Ahm, nakipagpalit ako ng duty sa kasama ko," sagot nito.

"Bakit hindi ka umuwi sa apartment mo?" masungit na tanong nanaman niya.

Napalis ang matamis na ngiti ng dalaga. "Bakit? Ayaw mo ba na dito ako matutulog?"
mahinahong tanong nito.

"Hindi naman sa ayaw. Baka kasi hindi ka nakakapagpahinga ng maayos dito."

Ngumiti nanaman ito. "Mas nakakapag-relax nga ako dito. Bakit parang hindi ka ata
pabor na dito ako matutulog?"

Hindi na niya ito sinagot sa halip ay kumuha siya ng kutsara at tinikman ang
niluluto nito. "Matabang," aniya.

"Nagkulang kasi ang asukal. Bumili pa si Alfred," anito at sana'y hahaluin nang
muli ang niluluto nang bigla itong napakapit sa balikat niya.

Mabilis namang nakabig niya ang baywang nito. Bigla na lamang siyang kinabahan.
"Bakit?" nag-aalalang tanong niya.

"N-Nahihilo ako," anito. Nang mahimasmasan ay kumawala ito sa mga braso niya.
"Ilang gabi na rin kasi akong nag-over time sa ospital," kapagkuwa'y sabi nito saka
hinalo ang niluluto.

Hindi na naalis ang mga agam-agam niya habang pinagmamasdan ito. Hindi niya
maipaliwanag ang ipinapahiwatig ng kabang nadarama niya. Maraming dahilan bakit
biglang nahihilo ang isang babae.

Magbubunga na ba ang kahibangan ko'ng ito? naisaloob niya. Hindi niya namamalayan
na napapangiti na siya.

"Magpahinga ka na. Ako na ang maghahalo niyang niluluto mo," kapagkuwa'y sabi niya
at inagaw ang sandok mula sa kamay nito.

Hindi na napalis ang ngiti niya habang hinahalo ang ube halaya. Maya't-maya ay
sinisipat niya si Cat na nakaupo sa harap ng hapag-kainan at napapahimlay ang ulo
sa ibabaw ng mesa.

Nang nakapikit na ito ay iniwan niya ang niluluto matapos patayin ng apoy.
Nilapitan niya ang dalaga at binuhat. Mahimbing na ang tulog nito.

Marahan niya itong inihiga sa kama at kinumutan. Kinintalan niya ng halik ang noó
nito, ang tuktok ng ilong nito, lalung-lalo na ang labi nito.

"I love you," anas niya saka ito iniwan.

####################################
Chapter Eight
####################################

ALAS-SAIS pa lamang ng umaga ay nagising na si Cat. Nang bumangon siya ay bigla na


lamang siyang nakadama ng pagkahilo, sinisikmura siya at nasusuka. Iniisip niya na
normal lamang iyon dahil sa kakulangan ng tulog. Mayamaya rin ay naglaho ang
nararamdaman niyang iyon.

Sa mga sumunod na araw ay muli nanaman niyang naramdaman ang pagkahilo at


pagsusuka. Nang malaman niya na dalawang linggo nang delayed ang dalaw niya ay
kinabahan na siya. Hindi na normal ang mga nararamdaman niya. Upang makasiguro ay
gumamit siya ng fregnancy test at naging positibo ang resulta.

Sa halip na matuwa ay tila kinakabahan siya. "Paano nangyari?" wala sa loob na


tanong niya sa sarili habang nakaharap sa malaking salamin.

Naalala na lamang niya bigla na hindi gumamit ng protensiyon si Gin sa pangalawa at


huling inangkin siya nito. Hindi rin nakatulong ang proteksiyon na iniinom niya
upang mapigilan ang pagbunga ng mga ginawa nila.

Hindi niya alam kung dapat na ba niyang sabihin kay Gin ang tungkol sa kalagayan
niya. Natatakot siya sa magiging reaksiyon ng lalaki.

"Bakit?" tanong ni Gin nang makaupo na siya sa tabi nito sa loob ng kotse.

"Ahm, w-wala," maang niya.

Binuhay na nito ang makina ng sasakyan at nagmaniobra. Panay ang sipat nito sa
kanya habang hawak nito ang manobela. Papunta siya sa ospital at ito naman ay
papasok sa bar.
Hanggang ngayon ay naguguluhimanan parin siya. Natatakot siya'ng kausapin si Gin
lalo na ngayon na nararamdaman niya na tila lumalamig ito sa kanya. Umiiwas ito at
malimit na itong maglambing sa kanya.

Hindi na sila nakapag-usap nang makarating na sila sa ospital, ni walang goodbye


kiss o ngiti manlang mula rito. Umalis kaagad ito nang makababa na siya.

Naninikip ang dibdib niya habang iniisip ang sitwasyon. Kinakabahan siya sa isipin
na maaring tama ang Nanay niya. Paano nga kung hindi nga siya mahal ni Gin at hindi
siya nito pananagutan sakaling sabihin niya ang kalagayan niya ngayon?

Kahit kumpirmado na niya na nagdadalang-tao siya ay nagpakunsulta parin siya sa


doctor nang masigurado ngang buntis siya. Magdamag niyang pinag-iisipan ang
habkbang na gagawin niya hanggang sa nakumbinsi siya na ipagtatapat na kay Gin ang
kondisyon niya.

Kinabukasan ng umaga, Day off ni Cat sa trabaho niya sa Mommy ni Gin. Hindi siya
lumabas ng bahay ngunit hindi niya inaasahan na dadalawin siya ng Nanay niya.
Ngayon ay naguguluhan siya kung nararapat na ba na ipagtapat niya sa Nanay niya ang
kanyang kondisyon.

Natatakot siya na baka lalo lamang magalit sa kanya ang Nanay niya sakaling malaman
nito na nagdadalang-tao siya. Subalit kakailanganin niya ito sa mga panahong ito.

Wala pa man siyang sinasabi ay marami nang napupuna ang nanay niya. Panay lang ang
galaw niya upang hindi nito mapansin ang iba pang pagbabago sa katawan niya.

"Parang namumutla ka, Anak," puna ng Ginang habang inilalabas nito sa supot ang mga
grocery na pinamili nito para sa kanya.

"Madalas kasi akong nalilipasan ng antok, 'Nay," pagsisinungaling niya.

Hindi na humuhupa ang kaba niya habang patuloy sa pagwawalis ng kalat sa sahig.
Gustung-gusto na niyang sabihin dito ang kalagayan niya pero natatakot siya. Kung
kailan nakapagpasya na siya na tapatin na si Gin ay problemado naman siya sa Nanay
niya.

"Ahm, may bibilhin lang po ako sa labas, 'Nay," kapagkuwa'y sabi niya.

Nang nasa tapat na siya ng drug store ay tumunog ang cellphone niya. May mensahe si
Gin at sinabing naroroon na ito sa apartment niya. Bigla na lamang siyang inalipin
ng takot. Nag-apura siyang bumili ng gamot saka tumakbo pabalik sa apartment.

Pagdating niya'y nakaparada na sa labas ng apartment ang kotse ni Gin. Habang


papalapit siya sa pinto ay siya ring bilis ng tibok ng puso niya. Sa labas pa
lamang ay nadidinig na niya ang boses ng nanay niya na nakikipagpalitan ng salita
kay Gin-na napasailalim ng tensiyon.

Lumapit pa siya sa pinto subalit hindi niya binubuksan. Kinukutuban siya sa daloy
ng usapan ng mga ito-na tila ba matagal nang magkakilala ang mga ito.

"Tantanan mo na ang anak ko, Andrew." Narinig niyang wika ng Nanay niya.

"Bakit ba takot na takot ka? Natatakot ka ba na maranasan niya ang naranasan ng


karamihan sa kababaihan? Matapang ang anak mo at alam ko na kakayanin niya ang
anumang pagsubok na darating sa buhay niya," sabi naman ni Gin.

Sa timbre ng boses ni Gin ay unti-unti niyong nililinaw ang magulong pagkakaunawa


niya sa mga kaganapan. Napasa-ilalim ng galit ang tinig ng binata. Sa pananalita ni
Gin ay hindi nito iginagalang ang Nanay niya.

Bakit, Gin? May mali ba? tanong ng isip niya.

"Ako ang may pagkakasala sa iyo at sa pamilya mo, hindi ang anak ko. Bakit mo siya
dinadamay? Inosente si Cat sa kung anuman ang kasalanan ko kaya parang awa mo na,
huwag mo siyang gagamitin laban sa akin," samo ni Cassandra.

"Nasimulan ko na ito kaya tatapusin ko. Nagkataon lang na si Cat ang nakita ko na
mas madali kong paikutin sa mga kamay ko," narinig niyang sabi ni Gin.

Nagimbal siya nang maunawaan ang daloy ng usapan ng dalawa. Sa kanyang


pagkakaunawa-ay si G. Alfonso ang Daddy ni Gin at ang Nanay niya ang naging kabit
at naging sanhi ng pagkasira ng pamilya ni Gin. Mabilis na dumaloy ang kanyang mga
luha.

Ang masakit pa'y ginagamit lamang pala siya ni Gin upang makapaghiganti ito sa
Nanay niya. Pakiramdam niya'y nagkagula-gulanit ang puso niya. Wari'y tumigil sa
pag-ikot ang mundo niya. Nawasak ang namumuong pangarap sa puso't isipan niya nang
mga sandaling iyon.

Ngayon lamang niya naunawaan ang lahat: kung bakit mainit ang dugo sa kanya ni Gin.
Marahil ay natuklasan nito ang lahat magbuhat nang mapunta sa kamay nito ang wallet
niya. Noon marahil nito nalaman na anak siya ng babaeng kinamuhian nito. Noon din
nagsimula ang mabilis na pagbabago ng pakikitungo nito sa kanya.

Pakiramdam niya'y tumigil sa pagtibok ang puso niya-nadurog iyon na hindi niya
malaman kung may pag-asa pa bang magbalik sa dati nitong kalagayan.

"Ilabas mo ang galit mo sa akin, pero huwag mong gagamitin ang anak ko, Andrew.
Napakabuti niyang bata para abusuhin mo ng ganito!" asik ng Nanay niya.

"Hindi ko inaabuso ang kabaitan ang anak mo. Nagkataon lang na minahal niya ako.
Hindi ko siya pinilit na mahulog sa bitag ko," narinig niya'ng buwelta ni Gin.

"Hindi mo ba talaga minahal ang anak ko kahit konti, Andrew?" tanong ng Nanay niya.

Wala siyang narinig mula kay Gin at hindi na niya ninais na marinig ang magiging
sagot nito. Hindi siya nakatiis, umalis siya. Pumara siya ng taxi. Pupunta siya sa
bahay nila Sean.

Ngunit pagdating niya'y wala si Sean sa bahay ng mga ito. Nagpalipas lamang siya ng
tatlong oras roon. Pagkatapos ay bumalik din siya sa apartment niya. Pagdating
niya'y wala na roon si Gin. Nadatnan niya ang Nanay niya na abala sa pagtutupi ng
mga nilabhan niyang damit.

Kung pagmasdan niya ito ay tila ba walang nangyari. "Bakit ang tagal mo, Anak?"
tanong nito nang mapansin siya.

May bakas parin ng luha sa mga mata nito. "May pinuntahan lang po ako, 'Nay,"
aniya.

Nagbabadya nanamang pumatak ang luha niya. Bago pa iyon mangilid sa pisngi niya ay
pumasok na siya sa kuwarto niya at isinubsob sa kama ang mukha saka humagulgol ng
iyak. Nakatulugan na lamang niya ang pag-hikbi.

MATAAS na ang araw nang magising si Cat. Hirap siyang idilat ang kanyang mga mata
sapagkat namamaga iyon buhat sa lubhang pag-iyak niya kagabi. Bumangon siya at
pumasok sa banyo. Natigilan siya nang mapansin ang puting brief na naka-hanger. Kay
Gin iyon, basa pa nga.

Naguguluhimanan siya. Hindi niya alam bakit may under wear doon si Gin samantalang
hindi naman ito natulog roon kagabi at imposible iyong mangyari.

Paglabas niya ng kuwarto ay maaliwalas na ang salas. Hindi niya iyon ipinagtaka
sapagkat kagabi pa lamang ay nilinis na iyon ng Nanay niya. Ngunit pagpasok niya sa
kusina ay may mga nakahain nang almusal. Imposibleng ang Nanay pa niya ang nagluto
niyon eh, narinig niyang nagpaalam iyon sa kanya kagabi habang humahagulgol siya ng
iyak.

Bago pa siya masiraan ng ulo ay umupo na siya sa harap ng hapag at kumain. Pamilyar
sa kanya ang sopas at buttered rice na may itlog. Minsan nang nagluto ng ganoon si
Gin.

Hindi niya malaman kung ano ang mararamdaman niya. Tumutulo ang luha niya habang
humihigop ng sabaw. Labis na naninikip ang dibdib niya at hirap siyang lunukin ang
kinakain niya. Mayamaya'y tumunog ang cellphone niya na nasa tabi lamang niya.

Nang sipatin niya ay si Gin ang tumatawag. Hindi niya ito magawang sagutin sapagkat
may namumuo nang galit sa puso niya para sa binata.

"Paano mo nagawa sa akin 'to, Gin? Hindi ako nagkulang sa iyo. Ang sama mo,"
humihikbing wika niya. Hindi na niya natapos ang pag-aalmusal.

Apat na beses nang tumatawag si Gin pero hindi parin niya sinasagot. Gusto niyang
ibalik rito kung ano ang kalapastanganan ang ginagawa nito sa kanya.

"Ito pala ang gusto mong mangyari. Susuklian ko ang ginagawa mo kahit napakasakit.
Hindi ko isasakripisyo ang buhay ng anak ko dahil lang sa kahibangan mo. Bubuhayin
ko siyang mag-isa-kaysa magpatuloy ka sa plano mo. Ang tanga ko lang. Dapat hindi
ako naniwala na may mabait na monster," aniya habang patuloy sa pagpatak ang mga
luha niya.

Kagyat lamang ay nararamdaman nanaman niya ang kirot sa puso niya. Humagulgol
nanaman siya ng iyak. Hindi siya pumasok sa ospital at lalong hindi siya pumunta sa
bahay ni Gin upang gampanan ang trabaho niya. Nagkulong siya sa kuwarto niya at
nanood ng DVD hanggang sa makatulog siya.

Kinagabihan paggising niya ay inusig nanaman siya ng nararamdaman niyang kirot sa


dibdib. Nang buksan niya ang aparador niya ay tumambad sa kanya ang wallet niya na
matagal na nawala sa kanya. Binukatkat niya iyon-wala namang nagbago sa ayos niyon
at lalong walang nawala.

Nakumbinsi siya, natulog nga si Gin sa kuwarto niya kagabi. Siguro'y napasarap ang
tulog niya kaya hindi niya naramdaman. Sa halip na matuwa ay naiinis lamang siya sa
lalaki na magaling magbalatkayo.

Nang tingnan niya ang cellphone niya ay may sampung missed call iyon at limang
mensahe na mula lahat kay Gin.

Nalaman niya na nasa Batangas pala ito at may ginagawang proyekto. Hindi parin siya
nakampante. Anumang oras ay susulpot ito sa apartment niya kapag sinumpong.

Diyes oras ng gabi ay pumunta siya sa sariling bahay ni Ellias at doon na muna
nagpalipas ng tatlong araw. Animo'y baliw na nagtatago siya na wala namang
humahabol sa kanya. Kapag naka-duty naman siya sa ospital ay sinasabi niya sa mga
kasama na hindi siya pumasok sa tuwing may maghanap sa kanya.
Hindi rin siya nakikipagkita kay Sean baka ika niya'y magiging espiya pa iyon ni
Gin. Kung anu-ano na ang pumapasok sa isip niya sa kagustuhang maiwasan si Gin.

Pag-uwi niya sa apartment niya mula sa ospital ay nagulat siya nang pagpasok niya
sa kusina ay tumamdad sa kanya ang mga prutas na nakasilid sa magarang basket-
nakapatong iyon sa ibabaw ng mesa. May kasama pa iyong punpon ng mga rosas na puti.

Labis na siyang nabubulag sa galit kung kaya'y hindi na niya nakikita na may mali
sa pangyayari. Nang masigurong walang nakapasok na kung sino sa bahay-ay ini-lock
niya ang lahat ng maaring malusutan ng tao. Siniguro niya'ng ni pusa ay hindi
makakapasok.

Pagsapit naman ng hating gabi ay nangangasim ang panlasa niya. Gusto niyang kumain
ng hilaw na manga. Mayamaya'y lumabas siya ng kuwarto at tinungo ang kusina kung
saan naroroon ang mga prutas. May nakita siyang hilaw na mangga.

"Bahala na. Sa gusto kong kumain ng maasim. Kahit galing ka pa sa Madrasta ni


Cinderella-wala akong pakialam, kakainin kita," wika niya at kinuha ang hilaw na
mangga. Hinugasan lamang niya iyon at kinain maging ang balat.

Nang maubos niya ang dalawang hilaw na mangga ay ang dalandan naman ang nilantakan
niya. Buong magdamag na nanginain lamang siya ng maasim na prutas. Mayamaya'y
dumako nanaman sa isip niya si Gin. Aminin man niya sa hindi ay namimiss niya ang
binata.

"Ginebra, saan ka man ngayon-nawa'y hindi ka makatulog, magsuka ka, mahilo at


aantukin sa tanghaling-tapat," nagmamaktol na wika niya.

Mayamaya'y naglandas nanaman ang luha niya sa magkabilang pisngi niya. Nakatulog
nanaman siya'ng hilam sa luha ang kanyang mga mata.

ISANG linggo nang nasa Batangas si Gin kasama si Brandy at Cordials para sa
malaking proyekto nila. Gumagawa sila ng anim na palapag na gusali. Ito ang
proyekto na matagal na nilang pinaplano. Malaki ang kontrata kaya pinaglaanan nila
ng panahon.

Alas-sais ng umaga nang magising si Gin ay tila hindi na maganda ang pakiramdam
niya. Nahihilo siya at sinisikmura. Gustung-guto na niyang sumuka pero kaharap niya
si Cordials na nagkakape. Nakaupo silang dalawa sa sofa na yari sa kawayan na nasa
balkonahe.

"Bakit hindi mo pa hinihigop ang kape mo, Gin? Lalamig na iyan," ani Cordials.

Nagsimula siyang sinikmura nang malanghap niya ang amoy ng kape. Hindi siya
umiimik, hanggang sa hindi na niya matimpi ang pag-aalburuto ng sikmura niya.
Tumakbo siya sa labas at pinalaya ang dinadaing ng sikmura niya, subalit wala naman
siyang naisuka.

"Ano 'yan? Morning sickness of pregnant woman?" natatawang tanong ni Brandy nang
dumaan ito sa tabi niya.

Ngumisi lamang siya. Nang humupa na ang pagwawala ng sikmura niya ay bumalik na
siya sa puwesto nila ni Cordials. Hindi na niya nainom ang kape niya hanggang sa
lumamig na lamang iyon.

"May problema ba, Gin?" nag-aalalang tanong ni Cordials.


"Bigla lang akong sinikmura," aniya nang makaupo nang muli sa tabi nito.

"Wala ka pa namang kinakain ah. Hindi ka ba nakatulog?"

"Maaga naman akong nakatulog kagabi. Dahil siguro sa lamig ng panahon," sabi nalang
niya.

Bigla nanamang dumapo sa isip niya si Cat. Magmula nang dumating siya sa Batangas
ay hindi na niya ito nakakausap. Hindi ito tumutugon sa tawag niya maging sa
mensahe niya. Nababahala siya nang ibalita sa kanya ni Manang Susan na hindi na
pumupunta sa bahay niya ang dalaga para asikasuhin ang Mommy niya.

Kung paano'y gusto na niyang umuwi nang sa gayun ay makapag-usap sila ni Cat ngunit
alanganin pa ang panahon niya. Hindi pa niya nabubuo ang plano para sa gusali.
Kailangan niya iyong matapos bago siya bumalik ng Maynila.

Pagsapit ng tanghali, habang abala sila sa pagpaplano sa sisimulang constraction-ay


bigla na lamang siyang ginupo ng matinding antok.

Hindi na niya maarok ang mga sinasabi ng mga kasama niya. Gusto nang humimlay ng
katawan niya sa kama. Labis siyang nanghihina, samantalang katatapos lamang nilang
mananghalian.

"Gin, itulog mo na kaya iyan," sabi sa kanya ni Brandy.

Hindi niya alam na kanina pa siya nito pinagmamasdan. Nakakapikit na pala siya sa
kalagitnaan ng meeting nila. Nahimasmasan siya-pero sadyang nilalamon siya ng
antok. Hindi pa tapos ang pagpupulong nila ay iniwan na niya ang mga ito.

Pagdating niya sa Vella House na inaakupa nila ay agad siyang bumagsak sa kama.
"I'm sorry, Cat," wika niya bago nawala ang lahat sa isip niya.
####################################
Chapter Nine
####################################

HINDI natiis ni Cat si Gng. Lorena kaya kahit masama ang loob niya kay Gin ay
dinalaw pa rin niya ito, subalit hindi siya nagtatagal. Malimit na rin siyang
natutulog sa apartment niya. Sa bahay siya ni Ellias natutulog at kung minsan ay sa
Nanay niya.
Nang gabing iyon matapos ang duty niya sa ospital ay dumiretso siya sa bahay ng
Nanay niya. Nasa Davao si Alfonso kaya sa kuwarto siya ng Nanay niya nahiga.
Napansin niyang panay ang silip ng nanay niya sa leeg niya habang nakahiga siya sa
kama. Mayamaya'y umupo ito sa tabi niya.
"Anak, tapatin mo nga ako," wika nito habang nakatitig sa kanya.
Umupo siya. "Ano naman po ang ipagtatapat ko?" maang niya.
"Buntis ka hindi ba?" diretsong tanong nito.
Natitigan niya ito. Bigla na lamang siyang sinalakay ng kaba. "'Nay......" walang
puwang na bigkas niya.
"Huwag kang magsisinungaling sa akin, Anak. Matagal ko nang napapansin ang maraming
pagbabago sa katawan mo. Hindi ako bulag para hindi mahalata iyon, Anak," anito.
Wala na siyang dahilan upang magkaila. Mayamaya'y nanilay buhat sa kanyang mga mata
ang ga-butil niyang mga luha.
"Sorry, 'Nay. Nahihirapan po kasi akong sabihin," aniya.
"Nahihirapan ka? Anak, ako ang ina mo. Ako ang dapat na unang pagkakatiwalaan mo.
Iniisip mo ba na magagalit ako?" May hinanakit sa tinig ng Ginang.
Tuluyang pumatak ang kanyang mga luha. "Natatakot ako, 'Nay. Narinig ko po kayong
nag-uusap noon ni Andrew. Halos madurog ang puso ko nang malaman ko na ginagamit
lang pala niya ako para makaganti sa iyo. 'Nay, bakit ganoon? Bakit kailangan kong
madamay?" madamdaming pahayag niya.
Hindi na rin natimpi ng Ginang ang pagpatak ng luha nito. Ginagap nito ang kamay
niya. "Patawarin mo ako, Anak. Malaki ang galit sa akin ni Andrew magmula pa noon."
"Bakit, 'Nay?"
"Magmula pa sa San Nicholas ay nalaman na niya na may relasyon kami ni Alfonso.
Bata pa siya noon. Naghiwalay si Alfonso at ang Mommy ni Andrew, pero nang nasa
Maynila na sila ay binalikan naman ni Alfonso ang asawa niya. Pero nang magkita
kami muli ni Alfonso dito sa Maynila ay gusto niya akong balikan. Hindi rin ako
nakatiis dahil mahal ko siya. Nagkasama kami sa isang kompanya at palihim kaming
nagkikita, subalit nahuli kami ni Andrew. Ilang beses niya kaming nahuli ni Alfonso
na magkasama noon. Alam ko'ng nasaktan siya nang kampihan ako ni Alfonso.
"Halos patayin niya ako sa tindi ng galit niya noong makita niya ako. Nag-aaral pa
lamang siya noon sa kolehiyo-nang maabutan niya kaming dalawa ni Alfonso sa
opisina. Hindi ko akalain na magsusumbong siya sa Mommy niya at doon na nagsimula
ang gulo. Nasira ang pamilya nila nang dahil sa akin. Nagsisisi rin ako, Anak. Alam
ko'ng kahit anong gawin ko ay hindi ako mapapatawad ni Andrew lalo na at nagdurusa
ngayon ang Mommy niya," mahabang pahayag ni Cassandra. Humihikbi ito habang
hinahaplos ang kamay niya.
"Pero bakit ako naman ang binalingan ni Andrew? Wala naman akong ginawang masama sa
kanya. Minahal ko siya ng buong puso at pagtitiwala. Sinadya ba niya na mabuntis
ako tapos saka niya iiwan?" may hinanakit na saad niya.

"Hindi ko alam, Anak. Kung sana'y nalaman ko ng maaga ang tungkol sa inyo ay hindi
ako makapapayag na gamitin ka niya at paglaruan. Masakit sa akin ang ginawa niya sa
iyo, Anak. Kung hindi ka niya pananagutan, sasampahan natin siya ng kaso," sabi ng
Ginang.
"Hindi na po kailangan, 'Nay. Lalo lang akong mahihirapan. Lalayo nalang po ako,"
aniya.
"Saan ka naman pupunta, Anak?"
"Umuwi na lamang po tayo ng San Nicholas," suhisyon niya.
"Pero, Anak, hindi ko puwedeng iwan ang tito Alfonso mo."
"May pamilya naman siya. Maari siyang bumalik kung gugustuhin niya."
"Pero hindi na siya tatanggapin ng mga anak niya."
"Kahit gaano kalaki ang kasalanan niya sa mga anak niya-ay mapapatawad pa rin siya
ng mga ito. Naayos ang problema kung napag-uusapan," aniya. Ang dali sa kanya na
sabihin iyon pero sarili niyang suliranin ay hindi niya maharap.
"Gusto mo bang iwan ko na si Alfonso, Anak?" mariing tanong ng Ginang.
"Kung hindi po ninyo ikasasama. Iyon po ang naisip kong paraan para maayos na ang
lahat."
"Mahal ko si Alfonso, Anak. Hindi ko siya kayang iwan," giit nito.
"Bahala kayo. Gusto ko ng tahimik na buhay, 'Nay. Mas gugustuhin ko pang mabuhay sa
probinsiya."
"Paano naman ang anak mo? Wala siyang kikilalaning ama."
"Marami na pong single parents ngayon. Kung nakaya nila, bakit hindi ko kakayanin?"
matapang na wika niya.
"Hindi mo manlang ba kakausapin ng maayos si Andrew? Baka magbago pa ang isip niya.
Mahal mo siya hindi ba, Anak?"
Sandaling hindi siya nakakibo. Hinayaan niyang anurin ng luha ang masidhing kirot
sa puso niya. "Mahal na mahal ko siya, 'Nay. Siya lang ang lalaking minahal ko ng
lubos sa tanang buhay ko. Pero kung sasaktan lang niya ang puso ko-ay mas mabuting
magpakalayu-layo nalang ako. Hindi ko na hihintayin ang panahon na ipamukha pa niya
sa akin na nagpakatanga ako. Hindi ko na hihintayin na siya pa mismo ang magtataboy
sa akin.
"Totoo ngang nakakabulag ang pag-ibig, nakakabaliw, nakakabobo. Alam ko na noon
palang na si Andrew ang tipo ng lalaking mahirap paibigin pero nagpatuloy pa rin
ako. Minahal ko siya kahit hindi ako sigurado na mamahalin din niya ako. Ito pala
ang gusto niyang mangyari. Nagpatalo ako sa tukso, nagpatupok sa alab ng puso. Tama
si Tatay, masyado pang maaga para pasukin ko ang mundo ng pag-ibig. Salat pa ako sa
kaalaman," mahabang kumpisal niya. Hilam na sa luha ang kanyang mga mata.
Naibsan ang hinagpis niya nang buong init at pagmamahal na niyakap siya ng kanyang
ina. Inalo-alo siya nito na pares sa isang sanggol.
Namimis na rin ni Cat na matulog sa apartment niya kaya nang gabi ng linggo ay
umuwi siya sa apartment. Pagpasok niya ay kataka-takang nakabukas ang ilaw sa
kuwarto niya, hindi rin naka-lock ang pinto. Dahan-dahan siyang pumasok bitbit ang
binili niyang isang bote ng orange juice.
Nang makapasok siya'y wala namang tao. Mayamaya'y bigla na lamang may mga braso na
yumakap sa kanya buhat sa likuran. Nagpumiglas siya subalit malakas ang lalaki.
Tumigil siya sa pagpumiglas nang maramdaman ang init ng bibig nito na tumutulay sa
batok niya.
Pamilyar niya ang pabango nito, ang idinudolot ng halik at yakap nito sa katawan
niya. "I miss you, Cat," anas nito. Si Gin ito.
Hinarap niya ito. Mabilis na sinakop ng bibig nito ang mga labi niya. Hindi siya
tumugon, sa halip ay itinulak niya ito. Pinakawalan naman siya nito. Bakas sa mukha
nito ang pagkabigla.
"Umalis ka na," pagtataboy niya sa ilalim ng namumurong tinig.
"Bakit bigla mo ata akong pinapalayas?" seryosong tanong nito.
"Huwag na tayong maglukuhan pa, Gin."
"Sino ba ang nagluluko sa ating dalawa? Nawala lang ako sandali, kinalimutan mo na
ako," tila may panunumbat na saad nito.
Napipikon siya sa pagmamaang-maangan nito. "Huwag mo na akong paikutin sa palad mo,
Gin. Alam ko na kung ano ang laro mo," matapang na buwelta niya.
Ngumisi ito na parang demonyo. "Matagal na tayong naglalaro, ngayon mo lang
nalaman?" simapatikong sabi nito.
Hindi siya nakatiis, mabilis na pinalipad niya ang palad sa pisngi nito-na hindi
naman nito ininda. Kasunod niyon ay ang paglandas ng kanyang mga luha.
"Ang sama mo! Paano mo nagawa sa akin 'to? Hindi ako nagkulang sa iyo, Gin!" asik
niya habang pinagpapalo ito ng kamay sa kung sang parte ng katawan nito na kaya
niyang patamaan. Mabilis namang nagagap nito ang mga kamay niya.
"Pinalaya ko lang ang galit ko sa Nanay mo, Cat, pero hindi ito ang gusto kong
maramdaman mo. Gusto kita, Cat kahit nang hindi ko pa alam na anak ka ni
Cassandra," anito.
"Sinungaling! Ni minsan ay hindi mo pinaramdam na mahalaga ako sa'yo. Ni minsan ay
hindi mo sinabi na mahal mo ako. Nasaan ang katapatan mo, Andrew?!" nanggagalaiting
saad niya.
Pilit niyang pinipigilan ang imosyon niya. Lalo lamang humuhigpit ang gapos nito sa
mga kamay niya.
"Mahalaga ka sa akin, Cat, hindi mo lang naramdaman. Noong kamuntik kang mapahamak
sa bar, nakipagbuno ako sa lapastangang lalaki na iyon kahit kamuntik niya akong
laslasin ng kutsilyo niya! Mahal kita, Cat, hindi ko lang mabigkas dahil hindi ako
naniniwala sa salita!"
Natitigilan siya. Umiiral pa rin ang galit na nararamdaman niya. Kahit anong
sabihin nito ay iisa pa rin ang paniniwala niya. Ginamit lamang siya nito at
mismong sa bibig na nito nanggaling.
"Ayo'ko na, Gin. Hindi mo rin naman mapapatawad ang Nanay ko. Tama ka sa pasya mo
na gamitin ako para makaganti ka sa Nanay ko. Siguro naman ay maiibsan na ang galit
mo. The game is over, Gin," seryosong pahayag niya.
Sa wakas ay pinakawalan siya nito. "I'm sorry, Cat. Nabigla lang ako sa
pagdedesisyon. Hindi ko gustong saktan ka," anito.
"Pero masakit, Gin. Ginusto mo talaga na masaktan ako!" Tuluyan siyang humikbi.
Inaasahan niya na makikita niya itong umiiyak, subalit hindi.
"I'm sorry. Sorry." Iyon lang ang natatanging nabibigkas nito.
"Umalis ka na, Gin," pagtataboy niya.
"Pag-usapan natin 'to ng maayos, Cat," samo nito.
"Kanina pa tayo nag-uusap, Gin. Utang na loob, gusto kong mapag-isa!" asik niya.
Hindi na ito imimik. Lumabas ito ng silid niya na wala manlang sinabi. Kung kailan
naman nakaalis na ito ay saka siya humagulgol ng iyak. Nag-abala pa siyang silipin
ito habang papaalis.
"HELLO, Gin!" nakangiting bati ni Kayt. Umupo ito sa stoll chair sa harapan niya.
Abala siya sa pagtitimpla ng cocktails. Saglit lamang siyang ngumiti.
"Bakit ba ang mahal ng ngiti mo?" tanong nito.
Kung maari ay ayaw niya ng kausap. Mas mabilis na ngayong uminit ang ulo niya.
Mayamaya'y dumating na rin si Rum at umupo sa tabi ni Kayt.
"Ninong, kamusta?" masiglang tanong ni Rum.
"Ninong kaagad? Nasa sinampupunan ko pa si Baby," natatawang sabi ni Kayt.
"Masama bang pangunahan ko na?" nakangising saad ni Rum.
Habang pinagmamasdan niya ang magkasintahan ay naiisip niya si Cat. Kahit hindi
siya sigurado sa hinala ay iniisip niya na nagdadalang-tao si Cat. Kahit tingin
niya'y malabo na silang magkamabutihan pa ni Cat ay pinapadalhan pa rin niya ito ng
mga prutas.
Dumating naman ang kaibigan ni Kayt na si Shaniah. "Kayt, bakit parang hindi ka
buntis? Parang hindi ka naglilihi?" ani Shaniah.
Si Rum ang nag-apurang sumagot. "Paano siya maglilihi, eh naibaling na sa akin?
Isang buwan din akong naghihirap," ani Rum.
"Tama lang 'yon. Paminsan-minsan, kayo namang mga lalaki ang maglihi. Hindi puro
sarap lang kayo," walang kiming wika ni Kayt.
Humalakhak si Shaniah. Hindi na matapos-tapos ni Gin ang ginagawa. Natigilan siya
habang iniisip ang mga pinag-uusapan ng mga ito. Ngayon lamang niya nalaman na
maari palang mapasa sa lalaki ang paglilihi ng babae.
Buntis nga talaga si Cat, kumpirma niya sa sarili. Ngayon lamang nabuo ang pasya
niya.
"Ninong Gin, bigyan mo nga kami ni Shaniah ng Bloody Mary," natatawang utos sa
kanya ni Rum.
"Blue Hawaiian na lang, Rum. Hindi pa available si Bloody," aniya.
"Okay. Shot ka rin," kapagkuwa'y wika ni Rum.
"No, thanks," mariing tanggi niya.
"Mukhang may pinagdadaanan ka, ah," mayamaya'y usig ni Rum.
Nang mapagsolo sila sa counter ay hindi siya nakailag sa mapan-usig na isip ni Rum.
"Bigla ka atang nangayayat, Gin. Ang sabi ni Brandy, panay raw ang duwal mo noong
nasa Batangas kayo. Tulog ka lang daw nang tulog," nakangising wika ni Rum.
"Normal lang 'yon, Dude," sagot lamang niya.
"Anong normal? Hindi kaya may nabuntis ka, Dude?" tudyo ni Rum.
Natigilan siya. Sinipat lamang niya ito.
"Ganyan kasi ang naramdaman ko noong ipaglihi ko ang pagbubuntis ni Kayt. Totoo
pala na naililipat sa lalaki ang paglilihi. Alam ko kapag ganyan ka kaseryoso ay
meron kang mabigat na problema."
"Wala, dude," mariing kaila niya.
"Walang ano? Baka puwede mo namang ibahagi sa akin ang problema mo, parang hindi
naman tayo magkaibigan."
Makulit si Rum. Hindi niya ito natiis. "Alam mo naman na gusto kong magka-anak,"
seryosong wika niya habang abala sa pagtitimpla ng inumin na order ni Rum.
"Kung nabubuntis lang ba ang lalaki, bakit hindi? Pero paano ka magkakaanak, eh,
wala ka namang asawa o kahit nobya?" nakangiting saad ni Rum.
"Hindi naman kailangan ng asawa o nobya para magkaanak."
Humagalpak ng tawa si Rum. "Ano ka, magkakalat ng similya?" pilyong saad nito.
"Gusto ko lang ng anak, hindi ko kailangan ng makakasamang babae."
"Hey, huwag kang magsalita ng ganyan. Hindi lang basta hinuhugot sa tadyang ng
babae ang bata, kailangan mo pa rin siyang pagsilbihan. Makikipagniig ka sa babaeng
hindi mo mahal? Hindi naman basta nabubuo ang sanggol sa iisang session lang,
dude," walang kiming saad ni Rum.
Napangiti siya. "Alam ko naman 'yon, Rum," aniya. Ibinigay na niya ang order nitong
inumin.
"Thanks, dude. Mag-uusap tayo mamaya," anito at iniwan na siya sa counter.

MAKALIPAS ang isang linggo, nagpasya si Gin na kausapin si Cat. Pinuntahan niya ito
sa ospital subalit nagimbal siya nang malamang nag-resign na pala ang dalaga. Nang
puntahan naman niya ang apartment nito ay wala na rin ito doon.
Ngayon niya naramdaman kung gaano kasakit iwan ng minamahal. Abot langit ngayon ang
pagsisisi niya. Wala siyang ibang naisip puntahan kundi si Cassandra.
"Anong kailangan mo?" bungad sa kanya ng Ginang nang pagbuksan siya nito ng pinto.
"Wala dito si Cat." Pinangunahan na siya nito.
"Puwede ko bang malaman kung nasaan siya?" nagsusumamong tanong niya.
"Huwag na, Andrew. Huwag mo nang pahirapan ang anak ko."
"I'm sorry, Tita." Sa wakas ay tinawag niya itong tita.
"Cassandra, sino 'yan?" Narinig niya ang tinig ng Daddy niya.
Tuluyang binuksan ni Cassandra ang pinto. Napamulagat si Alfonso nang makita siya.
"A-Andrew?!" manghang bigkas nito.
"Kamusta, Dad?" kaswal na tanong niya. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman
niya nang mga sandaling iyon. Naglaho na ang galit sa puso niya.
"Patawarin mo ako, Anak," ani Alfonso nang makaupo na sila pareho sa sofa sa sala.
"Wala naman pong magbabago kahit magtanim ako ng galit sa inyo. Hindi ka na rin
naman babalik sa amin," aniya.
"I'm sorry. Gustuhin ko man ay alam kong hindi na ninyo ako matatanggap. Namimis ko
na kayo, Anak."
"Masaya naman na kayo sa piling ni Tita Cassandra. Nasanay na rin kami na wala
kayo. Maayos na si Mommy sa pangangalaga namin matapos siyang ma-stroke."
"N-na-stroke ang Mommy mo?!" manghang tanong nito.
"Yes, Dad, tatlong araw matapos mo siyang iwan." Gustuhin man niya itong sumbatan
subalit wala na siyang makapang galit sa puso niya.
"Kamusta na siya ngayon?"
"Tulad ng pangkaraniwang stroke patient, paralisado na siya," mahinahon pa ring
sagot niya.
"Gusto kong bumawi, Anak. Para mapatawad mo ako," anito.
"Anong gagawin n'yo? Iiwan mo si Tita Cassandra?" usig niya.
"Siya ang may gustong makipaghiwalay sa akin."
Napatingin siya ng diretso sa Daddy niya. "Bakit, Dad?"
"Marahil ay hindi talaga kami ang para sa isa't-isa. Na-realize ko na ang Mommy mo
pa rin ang mas matimbang sa puso ko. Gusto kong mabuong muli ang pamilya natin,
Anak."
Hindi siya makapaniwala na nangyayari ang lahat ng ito. Ngayon lamang niya
napagtanto na hindi naman pala lahat ng nasirang bagay ay hindi naaayos.
Tumayo na siya. "It's up to you, Dad. Bukas lang ang palad ko para sa iyo," aniya
at iniwan na ito.
####################################
Chapter Ten
####################################

"HOW'S my little boy?" Tanong ni Cassandra sa Yaya ni Adrean.


"Naku, ma'am, tumatambling na po," maligalig na sagot ni Josefa.
Kinarga ni Cassandra ang pitong buwang apo na lalaki. "Ang guwapo talaga ng apo ko.
Manang-mana sa tatay," aniya.
"Eh, nasaan po ba ang tatay ni baby Adrean?" tanong ni Josefa.
Napalis ang matamis na ngiti ni Cassandra. "Ah, eh, n-nasa Maynila," sabi nalang
niya.
"Siguro ang guwapo ng tatay niya."
Mayamaya'y umiyak ang bata. Inalu-alo niya ito. "Naku, wala pa si Mommy, apo, nasa
work pa, eh," aniya. Mayamaya rin ay tumahan na ang bata.
Mamaya'y may kumatok sa pinto. "Ako na po ang magbubukas, Ma'am," ani Josefa at
tumalimang tinungo ang pinto. Kapagkuwa'y bumalik din ito kaagad.
"Ma'am, may naghahanap po kay Ma'am Cat," ani Josefa.
"Sino?" kunot-noong tanong niya. Sisilip pa lamang siya sa salas ay tumambad na sa
harapan niya si Andrew.
"A-andrew!" bulalas niya. Titig na titig ang binata sa karga niyang bata.
MARAMING pasyente kaya naman ay hindi makapag-half day si Cat. Habang abala siya sa
pag-aasikaso sa pasyente ay inaalala niya ang anak niya. Habang iniisip niya ang
kanyang anak ay biglang dumapo sa isip niya si Gin.
Mahigit isang taon na rin ang nakalilipas magbuhat nang umuwi sila ng Nanay niya sa
San Nicholas. Ngunit ni minsan ay hindi niya naiwaglit sa isip ang ama ng anak
niya-lalo na nang araw na ipinanganak niya si Adrean. Isinisigaw niya ang pangalan
ni Gin habang umiiri siya.
Hindi siya naghirap sa paglilihi subalit nagdurusa naman ang puso niya sa labis na
kalungkutan. Masama ang loob niya na kahit isang beses ay hindi manlang naisipan ni
Gin na dalawin siya. Ni hindi manlang ito nagparamdam sa kanya.
Alam niya sa sarili niya na kahit anong sama ng loob niya ay nag-uumapaw pa rin ang
pagmamahal niya sa lalaki. Masaya na siya sa buhay niya kasama ang Nanay at
kapatid, lalung-lalo na nang dumating sa buhay niya si Adrean. Subalit may mga
pagkakataon pa rin na kulang pa iyon. Napagtanto niya na hindi siya lubos liligaya
na wala sa piling niya si Gin.
Alas-singko na ng hapon nang lumabas siya ng ospital. Paglabas niya'y mabilis na
binalot ng dilim ang paligid. Umiihip ang malakas na hangin, nilalaro niyon ang mga
basura at tuyong dahon na nagkalat sa kalsada.
Tumingala siya sa makulimlim na kalangitan. Nagbabadya nang pumatak ang ulan. May
panakanakang kidlat na gumuguhit sa ulap kasunod niyon ang mahinang kulog.
Unti-unti nang tumatagistis ang ulan. Tumakbo siya sa malapit na waiting shed at
sumukob muna. Mayamaya ay unti-unti nang nagsialisan ang mga kasama niyang
sumisilong sa waiting shed.
Bumuhos ang malakas na ulan na may kasamang kulog at kidlat. Bigla siyang may
naalala nang marinig ang nakakalaglag puso na lakas ng kulog. Ni kaunting takot ay
wala siyang naramdaman.
Nakatanaw lamang siya sa kalsada na halos hindi na maaninag buhat sa malakas na
buhos ng ulan. Kung saan na dumako sa isip niya kung kaya'y hindi niya napansin na
hindi lamang siya nag-iisa sa waiting shed.
"Kamusta ka na?"
Napakislot siya. Balisang hinagilap niya ang nagsalitang iyon. Nang lumingon siya
sa gawing likuran ay napamulagat siya nang mamataan doon si Gin na nakasandal sa
haligi ng waiting shed.
Bigla na lamang tumulin ang tibok ng puso niya, nagwawala, nagpapahiwatig ng
pananabik. Ngayon ay humahakbang si Gin palapit sa kanya. Walang bahid ng ngiti sa
mga labi nito.
"I miss you, Cat?" anito nang huminto ito sa harapan niya.
Iyon lang ang sasabihin nito matapos na hindi ito nagpahiwatig ng halos isang taon?
Masama pa rin ang loob niya sa tuwing naiisip ang mga ginawa nito. Gusto niyang
ipamukha dito na wala na itong lugar sa buhay niya.
"Forgive me, Cat. Alam ko'ng malaki pa rin ang galit mo sa akin hanggang ngayon.
Masyado kong pinairal ang pride at galit ko kahit alam ko sa sarili ko na mahal na
mahal kita," madamdaming pahayag nito.
"Bakit ngayon mo lang naisip sabihin na mahal na mahal mo ako? Maraming pagkakataon
noon na hinihiling ko na sabihin mo iyan na may feelings pero hindi. Sinabi mo nga
pero isip mo lamang ang nag-udyok," may hinanakit na usig niya.
"Hindi ako naniniwala sa salita lamang, Cat. Ayaw kong magsalita kung sa bandang
huli ay hindi ko kayang panindigan. Marami ang nagkakamali sa salita. Minahal kita,
Cat," seryosong wika nito.
"Minahal mo ako? Kailan 'yon?" simpatikang tanong niya.
"Magmula nang makilala kita."
"Talaga? Minahal mo talaga ako? Bakit hindi mo ako hinanap nang mawala ako sa
paningin mo? Bakit wala ka nang panahong kailangan kita sa tabi ko?" puno ng
hinanakit na mga tanong niya.
"I'm sorry. Hinanap kita pero kinausap ako ng Nanay mo. Ang sabi niya'y ayaw mo na
akong makita at galit na galit ka sa akin. Alam ko naman kung paano ka nagalit sa
akin. Hindi na ako nagpakita sa iyo baka makakasama lamang sa pagbubuntis mo. Pero
hindi ako nawala sa tabi mo, Cat. Hindi mo lang ako naramdaman," anito.
Natigilan siya. May ilang kaganapan na kinailangan pa niyang sariwain para lang
maintindihan niya ito....
"'Nay, sigurado ba kayo na sasama kayo sa akin sa San Nicholas?" tanong ni Cat kay
Cassandra nang puntahan siya nito sa bahay ni Ellias.
"Oo, Anak."
"Paano po si Tito Alfonso?"
"Nakapag-usap na kami. Ako na mismo ang sumusuko. Babalikan na niya ang pamilya
niya. Gusto ko naman na mabuo ang pamilya natin, Anak, kahit wala na ang tatay mo,
tayong tatlo ni Ellias. Nakausap ko na rin ang kapatid mo at pumayag siya na sa San
Nicholas na tayo tumira," pahayag ng Ginang.
Ngumiti siya. Mayamaya'y may kumatok sa pinto. "Ako na ang sisilip sa pinto, Anak."
Tumalima ang Ginang.
Pagbalik nito ay may bitbit na itong basket na puno ng iba't-ibang prutas at may
punpon pa ng rosas. Ibinigay nito iyon sa kanya.
"Saan naman galing iyan, 'Nay?" tanong niya habang abala na siya sa pagsisilid ng
mga damit sa maleta.
"Ahm, k-kay.....in-order ko sa fruit stand kanina at pina-deliver ko nalang dito,"
nababalisang tugon nito.
Tumingin siya ng deretso sa mukha ng Nanay niya. Hindi ito makatingin sa kanya,
bagkus ay ipinagbalat siya nito ng dalanghita. Duda siya sa mga ikinikilos nito.
Halos araw-araw na may nagpapadala sa kanya ng mga prutas at ang sabi'y pinadala ng
Nanay niya. Wala siyang pakialam basta't tinatanggap lamang niya.
Nang makauwi na sila sa San Nicholas ay may natatanggap pa rin siya na mga regalo
at ang Nanay niya ang nag-aabot sa kanya-ang sabi'y mula sa mga kaibigan niya.
Wala siyang ibang kinukuhaan ng pera na panggastos maliban sa naipon niya at wala
pa namang trabaho ang Nanay niya, pero nakabili ito ng lupa't bahay. Ang sabi
nito'y pera nito ang pinagbili ng bahay niya-ibinigay raw ni Alfonso.
Nagtataka siya bakit marami itong pera na pinagbibili ng mga gamit niya para sa
pagpanganak niya. Nagbibigay si Ellias ng pera pero sapat lamang para sa pagkain
nila sa araw-araw.
"'Nay, pinapadalhan po ba kayo ni Tito Alfonso ng pera?" tanong niya nang magsalo
sila sa hapunan.
"Ah, h-hindi. M-may malaki lang akong ipon sa banko," nababalisang tugon nito.
"Pati po ba ang pinagbili n'yo sa lupa at bahay ay galing sa ipon ninyo?"
"Oo, anak. Gusto ko kasi na may pera ako sakaling maghiwalay man kami ni Alfonso.
Hindi ba pangarap mong magkaroon ng lupa't bahay? Kaya nag-ipon ako."
Hindi siya kumbinsido sa mga pahayag ng Nanay niya. Pakiwari niya'y may itinatago
itong lihim sa kanya. Pagkatapos nilang maghapunan ay pumasok na siya sa kuwarto
niya at nagpahinga.
Pag-upo niya sa kama ay biglang humilab ang tiyan niya. Hinipu-hipo niya ang
kaumbukan niyon. Iniisip niya na marahil ay sumisipa nanaman ang baby niya.
Pinapakiramdaman niya ang kanyang sarili. Ang sabi ng doctor ay bukas makalawa pa
ang due date ng panganganak niya.
Mayamaya'y narinig niya ang boses ng Nanay niya na tila may kausap. Gusto niyang
silipin kung sino ang kausap ng nanay niya ngunit pagtayo niya ay naramdman niya na
tila may pumutok sa pantog niya at bigla na lamang kumirot ng husto ang
sinampupunan niya.
Napadaing siya. Mayamaya'y nasilayan niya ang dugong naglalandas sa binti niya.
"Gin..." bigla'y nanulas sa bibig niya. Lalo pang sumisidhi ang sakit ng tiyan
niya.
"'Naaaaaaay!" sigaw niya.
Mayamaya pa'y dumating ang Nanay niya at talimang inalalayan siya nito. Halos hindi
na niya maihakbang ang mga paa niya. Nahihilo siya at lumalamlam ang paningin niya
buhat sa nakamamatay na sakit.
Mayamaya'y naramdaman niya ang maskuladong mga bisig na sumalo sa likod niya.
Nararamdaman niya na tila hindi na lumalapat sa sahig ang mga paa niya.
"Andrew..." bigkas niya nang maaninag ang mukha ng binata. Iyon na ang huling
nasilayan niya bago dumilim ang paligid niya...
HINDI namamalayan ni Cat na tumutulo na ang luha niya. Ngayon lamang niya naisip na
si Gin pala ang lalaking bumuhat sa kanya at nagdala sa ospital nang manganganak na
siya, at ito rin ang lalaking nakatayo sa tabi niya habang umiiri siya. Kamay pala
nito ang kinakapitan niya noon na inakala niyang isa sa nurse na nag-a-assist sa
doctor. Naka-hospital gown din kasi ito at balot din ang mukha.
Wala siyang ibang iniintindi noon kundi ang pagsumikap na mailuwal nang maayos ang
sanggol.
"Hindi ako nawala sa tabi mo hanggang sa maisilang mo ang anak natin, Cat. Sinunod
ko lang ang sinabi ng Nanay mo na huwag muna akong magpapakita sa iyo dahil akala
niya ay galit ka pa rin sa akin. Naiintindihan ko naman siya. Nag-aalala lamang
siya sa kalusugan mo at ayaw ko rin na mapahamak ang baby natin nang dahil sa galit
mo sa akin-pero nasasaktan ako habang umiiwas ako sa iyo, Cat. Gustong-gusto na
kitang lapitan at mayakap pero hanggang tingin nalang," may pagdaramdam na pahayag
nito.
Bigla niyang naalala ang bahay niya. Alam niya na hindi ang Nanay niya ang bumili
niyon. "Ang tungkol sa bahay, ikaw ba ang nagbigay ng pera kay Nanay para pambili?"
usisa niya.
"Oo. Buwan-buwan akong nagpapadala ng pera para panggastos ninyo. Ako ang bumuli ng
lupa at bahay para may matirahan kayo'ng maayos at komportable. Ang nanay mo ang
nagsabi na huwag munang ipaalam sa iyo," bunyag nito.
"Bakit ngayon ka lang ulit nagpakita? Miss na miss na kita," humihikbing saad niya.
"Matagal akong hindi naka-move-on sa pagkamatay ni Mommy," batid nito. Bahagyang
nanilim ang anyo nito.
Nawindang siya. "Patay na si ma'am Lorena?" gilalas na tanong niya.
"Your Mom too," pagtatama nito.
"Sorry, Gin. Hindi manlang kita inintindi nang mga panahong iyon. Dapat ay
magkaramay tayo sa mga problema natin. Nasaktan lang talaga ako sa ginawa mo, pero
hindi niyon ninakaw ang pagmamahal ko sa iyo." Hilam na sa luha ang kanyang mga
mata.
"Kasalanan ko ang lahat ng ito, Cat. Gusto kitang ikulong sa galit ko, ngunit hindi
ko inakalang mahuhulog ako sa bitag ng puso mo. Ako pala ang higit na masasaktan at
mawawalan. Mapapatawad mo pa ba ako?" May ga-butil na luhang nanilay sa gilid ng
mapupungay nitong mga mata.
Hindi niya ito tinugon bagkus ay yumakap siya rito. "Hindi ko kayang magtanim ng
hinanakit sa taong pinakamamahal ko, Gin. I love you...I miss you," humihikbing
wika niya.
Naramdaman niya ang higpit ng yapos nito sa katawan niya. "I love you, Cat. Mahal
na mahal kita," wika nito.
Nagdidiwang ang puso niya habang ninanamnam ang tamis ng mga salita nito.
Mayamaya'y naramdaman niya ang init ng mga labi nito na humahalik sa mga labi niya.
Sandaling tumigil ito sa paghalik.
♫Buhos na ulan aking mundo'y lunuring tuluyan. Hatid mo ma'y bagyo dalangin ito ng
puso ko....♫ nakangiting awit nito.
Natigilan siya. "Teka, kinakanta ko iyan noong bata ako sa tuwing umuulan," aniya.
Kumalas siya sa yakap nito.
"Alam ko. Sa iyo ko nga ito narinig, eh, maliban sa orihinal na pagkanta ni Regine
Velasquez," napapangiting sabi nito.
Naguguluhan siya. "Anong ibig mong sabihin, Gin?"
"Ganito ang mga panahon noong una tayong nagkita. Umuulan, may kulog at kidlat.
Naaalala mo ba ang batang takot sa kulog tapos ay pinagtawanan mo? Nasa waiting
shed din tayo noon, Cat," batid nito.
Nalaglag ang panga niya. "I-Ikaw ang batang iyon, Gin?" manghang tanong niya.
"Ako nga iyon, Cat."
"P-paano? I mean, bakit naaalala mo pa iyon?"
"Paano kita makakalimutan? Ikaw ang dahilan kung bakit nawala ang takot sa puso ko.
Ngayon ko lang aaminin-ikaw ang pinaka-cute na batang nakilala ko noong kabataan
ko. First crush, first love kita, Cat. Nakakainis hindi ba?" natatawang saad nito.
"Nakakainis talaga, Gin. Akalain ko ba na ang duwag na batang iyon ay siya pa pala
ang magiging ama ng anak ko? Ang lalaking iiyakan ko pala at kababaliwan," may
panunumbat na wika niya.
"Hindi lang ikaw ang umiyak at nabaliw, Cat."
Humagalpak siya ng tawa. "Ikaw iiyak? Huh, iyan ang hindi ko mapapaniwalaan. Eh,
pakiwari ko nga ay wala kang luha," buwelta niya.
"Akala mo lang iyon. Pinagtawanan ako ng mga kaibigan ko dahil sa unang pagkakataon
ay nakita nila akong umiyak. Kahit tanungin mo pa ang Nanay mo. Umiyak ako sa
harapan niya."
"Eh, bakit hindi ka sa harapan ko umiyak?"
"Baka kasi pagtawanan mo lang ako."
"Talagang pagtatawanan kita." Hindi na napalis ang ngiti niya.
Hinaplos nito ang pisngi niya. "Kung hindi ko binuksan ang puso ko, hindi ko
makikita na ikaw pala ang nilalaman nito, Cat. Matagal ka na palang namamahay sa
puso ko," makahulugang pahayag nito.
Ngumiti siya at naantig. "Ang sweet ng Gin ko," aniya.
Mayamaya'y bigla niya itong kinabig sa braso saka ito hinatak palabas at
nagtampisaw sa tubig ulan. Naghabulan sila sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan.
"Woah! Ang saya!" sigaw niya.
Nagitla siya nang bigla siya nitong yapusin at siniil ng halik sa mga labi na hindi
naman niya pinagkaitan ng tugon. Mayamaya'y gigil na kinagat niya ang balikat nito.
"Ahw!" daing nito. "Bakit?" napapangiwing tanong nito.
"Gumaganti lang ako."
"Ah, kagatan pala, ah, sige. Umuwi na muna tayo at sa bahay tayo magkagatan baka
mamaya ay mabinat ka sa kapapaligo sa ulan," kapagkuwa'y sabi nito.
Umupo siya sa lupa. "Buhatin mo ako, Gin," samo niya.
Nilapitan naman siya nito at binuhat siya habang panay ang nakaw ng halik sa labi
niya.
NAPAKISLOT si Cat nang maramdaman ang init ng bibig ni Gin sa leeg niya. Nakaidlip
na siya matapos mapatulog ang anak niya. Ginagapang na nito ng halik ang leeg niya,
lalo na sa puno ng dibdib niya.
Humiga siya ng tuwid. Napaigtad siya nang bigla siya nitong kubkuban. "Ito ang
unang gabi ng honeymoon natin kaya gusto ko maging maganda ang kalalabasan," anas
nito.
Sinipat niya sa tabi niya si Adrean, wala na ito. "Ang anak ko?" nababahalang wika
niya.
"Sssh, anak natin," pagtatama nito.
Hindi siya umimik. "Ibinigay ko muna kay Nanay," kapagkuwa'y sabi nito.
"Bakit?" wala sa loob na tayong niya.
"Anong bakit? Hindi ako makapagtrabaho ng maayos kapag nandito si Adrean,"
sarkastikong tugon nito.
Uminit ang mukha niya. Kahapon lamang naganap ang pag-iisang dibdib nila na
binasbasan ng korte. Plano nilang magpakasal sa simbahan kapag nag-isang taon na si
Adrean.
Ngumiti na lamang siya. Ang totoo'y miss na miss na niya ito. Ipinikit niya ang
kanyang mga mata habang dinadama ang init ng katawan nito na niyon ay malaya na sa
saplot. Matagal na pinaghinang nito ang kanilang mga labi.
Pinuno nito ng maiinit na halik ang kabuoan niya katuwang ang mga nag-aalab na mga
haplos. Inihanda na niya ang kanyang sarili. Mayamaya pa'y dinala na siya nito sa
paraiso na silang dalawa lamang ang nakakatunton.
"I love you, Cat," anas nito makalipas ang ilang sandali. Yakap nila ang isa't-isa
sa ilalaim ng makapal na kumot.
"Mahal na mahal din kita, Gin," tugon niya. At muling naghinang ang kanilang mga
labi.
Buong pagmamahal na pinagsilbihan niya ang asawa na tinumbasan naman nito ng walang
kapantay na paghanga....

DITO nagtatapos ang nakakatuwang kuwento ng buhay at pag-ibig ni Gin Andrew


Baltazar sa ikalawang aklat ng seryeng ito. Nawa'y inyong kinagiliwan ang kanyang
kuwanto.
WAKAS!

Abangan ang ika'tlong aklat kung saan nakapaloob ang kuwento ng buhay at pag-ibig
ni Whiskey Jason Del Rosario-ang binatang handang magpakaalipin sa tukso maangkin
lamang ang inaasam ng puso.

You might also like