You are on page 1of 12

Pamagat: Ang Kalupi

May Akda: Benjamin Pascual

Pinagkunang Aklat: Yaman ng Panitikang Filipino

Talasalitaan:

Burda- Disenyo ng tela na yari sa sinulid Bulyaw- Pagbiglang Sigaw

Pasilyo- Makipot na daan o koridor Bangos- Isdang Matinik

Nabuwal- Natumba

Buod:
Mataas na ang araw nang lumabas si Aling Marta sa bakuran ng kanilang maliit na
barung-barong upang mamalengke. Nang dumating siya sa panggitnang pasilyo at umakmang
hahakbang na papasok ay siyang paglabas na humahangos ng isang batang lalaki, na sa
kanilang pagbabangga ay muntik, na niyang ikabuwal. Ang siko ng bata ay tumama sa kanyang
kaliwang dibdib. "Ano ka ba?" bulyaw ni Aling Marta. "kaysikip na ng daraanan ay patakbo ka
pa kung lumabas!" "Pasensya na kayo, Ale," sabi ng bata. Hawak nito ang isang maliit na
bangos. -tig-bebente, sa loob-loob ni Aling Marta. Ang bata ay takot na nakatingin sa kanya.
"Hindi ko ho kayo sinasadya. Nag mamadali ho ako, e." "PASENSYA!" sabi ni Aling Marta.
Agad siyang tumalikod at tuloy- tuloy na pumasok. . Dumating siya sa tindahan ng tuyong
paninda at bumili ng isang kartong mantika. Pagkaraan ay dumukot sa bulsa ng kanyang
bestido upang magbayad. Wala ang kanyang kalupi! Napansin ng kaharap ang kanyang anyo.
"Bakit ho?" anito. "E. . .e, nawawala ho ang aking pitaka," "Ku, e magkano ho naman ang
laman?" "E, sandaan at sampung piso ho." Mayamaya ay parang kidlat na gumuhit sa kanyang
alaala ang gusgusing batang kanyang nakabangga. Sa labas, sa harap ng palengke na
kinaroroonan ng ilang tindahang maliliit. Nakatayo ito sa harap ng isang bilao ng kangkong at sa
malas niya ay tumatawad. Maliksi siyang lumapit at binatak ang kanyang liig. "Nakita ring kita!"
ang sabi niyang humihingal. "Ikaw ang dumukot ng pitaka ko, ano? Huwag kang magkakaila!"
"Ano hong pitaka?" ang sabi, "Wala ho akong knukuha sa inyong pitaka" May luha nang
nakapamintana sa kanyang mga mata at ang uhog at laway ay sabay na umaagos sa kanyang
liig. Buhat sa likuran ng mga manonood ay lumapit ang isang pulis, na tanod. "Iho ano ang
pangalan mo?" ang tanong niya sa bata. "Andres Reyes po." "Saan ka nakatira?" ang muling
tanong ng pulis. Sa bahay ng Tiyang Ines ko sa Blumentritt, kapatid ng nanay ko rito sa Tundo.
Inuutusan lang ho niya "kong bumili ng ulam, para mamayang tanghali." Naalala ni Aling Marta
ang kanyang dalagang magtatapos, ang kanyang asawa na kaipala ay naiinip na sa pag
hihintay. "Tinamaan ka ng lintik na bata ka!" Sabi niyang pinanginginigan ng laman. Angbisig
nito ay halos napaabot ni Aling Marta sa kanyang balikat sa likod. "Napahiyaw ang bata sa
sakit." Halos mabali ang kanyang siko at ang nais lamang niya ay makaalpas sa matigas na
bisig ni Aling Marta. Siya ay humanap ng malulusutan at nang makakita ay walang habas na
tumakbo, patungo sa ibayo ng maluwag na daan. Bahagya nang umabot sa kanyang pandinig
ang malakas na busina ng isang humahagibis na sasakyan. Sa isang sandali ay nagdilim sa
kanya ang buong paligid. Wala siyang makita kundi ang madidilim na anino ng mga mukang
nakatunghay sa kanyang lupaypay at duguang katawan. Hindi siya makapag- angat ng
paningin. Pagdating ng pulis, ayaw pa muling nag mulat ito ng paningin at ang mga mata ay
ipinako sa maputlang muka ni Aling Marta. "Maski kapkapan nyo ako, e wala kayong makukuha
sa akin." sabing pagatul-gatol na nilalabasan ng dugo sa ilong." Hindi ko kinuha ang iyong
pitaka!" Ilang pang sandali pa ay lumangayngay ang ulo nito at ng pulsuhan ng isang naroon ay
marahan itong napailing. "Patay na" Naisaloob ni Aling Marta sa kanyang Sarili." "Patay na ang
dumukot ng kuwarta ninyo, " Matabang na nagsabi ang pulis sa kanya. "Makaka alis na po
ako?" Tanong ni Aling Marta. "Maari na" sabi ng Pulis. Naalala nya ang kanyang anak na ga-
graduate, ang ulam na dapat na naiuwi nya sanay nai- uwi na. Tanghali na sya ay umuwi. Sang
ka kumuha ng pinamili mo nyan, Nanay? "E. . . e," Hindi magkantuntong sagot ni Aling Marta.
Nag ka tinginan ang mag-ama. "Ngunit Marta" ang sabi ng kanyang asawa "Ang pitaka mo, E
naiwan mo" Kanina bago ka umalis ay kinuha ko iyon sa Bestido mo at kumuha ako ng pambili
ng Tabacco. Pero nakalimutan kong isauli. Saan ka kumuha ng ipangbili mo nyan?" Biglang-
bigla anki'y kidlat na gumuhit sa karimlan, Nag balik sa gunita ni Aling Marta ang isang batang
payat, "Duguan ang katawan at natatakpan ng dyaryo. Umikot ang kanyang paligid. At tuluyang
nawalan ng malay."

1. Ano ang halagang pangkatauhan ng kwento?

Bago tayo manghusga dapat mayroon tayong tamang ebidensya at di kani-kanino mangbintang

2. Ano ang paksang diwa ng kuwento?

Ang paksang diwa ay tungkol sa isang ginang na pumunta ng palengke at pinagbintangan ang
isang binatang walang ginawa at inosente dahilan sa kawalan ng kanyang pitaka na naiwan
lamang sa bahay.

3. Naibigan mo ba ang wakas ng kuwento? Kung oo, bakit? Kung hindi paano mo wawakasan
ang kwento?

Hindi ko naibigan sa kadahilan na hindi nabigyan ng hustisya ang batang binugbog at


sinamantalahan dahilan sa maling bintang sa kanya at ang gusto kong wakas ay mabigyan ng
hustisya at makulong ang ginang na nagbintang nga maling akusasyon.

4.Napapanahon ba ang paksa ng kuwento? Patunayan

Oo napapanahon ito dahil maramaing tao ngayun ang nagbibintay ni kani kanino at walang
matatag na ebidensiya sa binibintang at dapat tayo ay umunawa sa binintangan dahil may
tsanang siyay inosente at ginagawan lang ng probleme o bintang.
Pamagat: Ang Bangkang Papel

May Akda: Genoveva Matute

Pinagkunang Aklat: Yaman ng Panitikang Filipino

Talasalitaan:

Tampisaw- Nagbabad o naligo

Bangka-Sasakyang ginamit sa paglalakbay sa tubig

Pawid- Dahon nitong ginagamit sa mga bubungan at ding ding ng bahay

Antok- Matamlay

Sungit- Malapit ng magalit

Buod:

Tungkol sa pagbabalik-tanaw ng tagapagsalaysay


sa tuwing siya'y nakakakita ng mga batang nagpapalutang
ng mga bangkang papel sa ilalim ng ulan. Ayon sa kanya,
ang kwento ay nasa panahon ng digmaan ng Pilipinas at
ng mga taga ibang bansa. Balak ng tagapagsalaysay na
magpalutang at maglaro gamit ang mga bangkang papel
kasama ang kapatid niya kinabukasan, ngunit hindi ito
natupad dahil paggising nya sa umaga, nalaman niya na
nakasama ang kapatid niya at ang kaniyang ama sa mga
nasawi sa pakikipagsagupaan ng mga sundalo.
1. Ano ang halagang pangkatauhan ng kuwento?

Ang halagang pangkatauhan ng kwento ay dapat lagi tayong handa dahil


ang kamatayan ay parte na ng ating buhay at pagg nandiyan pa ang mahal
mo sa buhay, kaylangan mong samantalahin ang panahon dahil hindi natin
alam kaylan dadalaw ang kamatayan sa ating buhay.

2. Ano ang paksang diwa ng kuwento?

Ang paksang diwa ng kwento ay tungkol sa isang batang lalaki na isinilang


sa panahon ng digmaan ng iba't ibang bansa at namumuhay ng hindi
matiwasay at dahilan sa digmaan, nasaksihan niya ang pagkawala ng
kanyang pamilya dahilang sa pakikipagsagupaan sa mga militar or sundalo

3. Naibigan mo ba ang wakas ng kuwento? Kung oo, bakit? Kung hindi


paano mo wawakasan ang kuwento?

Para sa akin ay hindi at pag akoy binigyan ng tsansang wakasan ang


kwento, bubuhayin ko ang kapatid niya at silang dalawa ang nakakasaksi
ng kamatayan ng kanilang magulang at magsusulong sila at
maghihimagsik ng hustisya para sa kanilang magulang

4. Napapanahon ba ang paksa ng kuwento? Patunayan..

Oo, napapanahon ito dahil maraming mga kabataan ang nawawalan ng


mga magulang o mahal sa buhay dahil ang ibang magulang ay mga
sundalo o pulis at sa mga bansang Iraq na laganap ang digmaan kahit mga
kabataan ay pinapatay at maraming mga walang magulang dahil pinapatay
o pinoprotektahan ang kanilang mga anak.
Pamagat: Sandosenang Sapatos

May Akda: Luis Gatmaitan

Piangkunang Aklat: Yaman ng Panitikang Filipino

Talasalitaan:

Sapatero- Gumagawa ng sapatos

Bunso- Pinaka batang kapatid

Iluwal- Pinalabas

Doctor- Manggagamot

Ballet- Isang isports ng pagsaway

Buod:

“Sandosenang sapatos” ay tungkol sa isang pamilya na ang tatay nilaay


isang sapatero. Nagsimula ang kwento sa tatay ni Karina . Ang tatay ni karina
ayisang mahusay na manggagawa ng sapatos daig pa niya ang mga makina na
mangawa ng mga sapatos. Siya ay isang tahimik na tao pero lubos magmahal sa
kanyang pamilya. Lumaki si karina na kapiling ang mga sapatos na gawa ng tatay
niya . Bawat okasyon si karina ay palagi may bagong sapatos gawa ng tatay niya.
Marami na iingit kay karina dahil sa tatay niyang sapatero. Pati mga kaklase niya
na.iingit sa kanya. Nang nag-aral si karina ng grade 2 nagkaroon na siya ng
bagongkapatid, nagdadala ang kanyang inay. Na ito ay matagal na nilang
pinangarap at matagal na nangangarap si karina na may bunsong kapatid na siya at
itoy dumating na. Habang nagdadala pa ang kanyang inay marami na sila
pinaplano sa pagdatingng kanyang bunsong kapatid . Hiling ng kanyang tatay na
magballet ang kapatid niya na itoy hindi nagawa ni karina dahil sa ayaw niya. At
unti-unti gumawa ang kanyang tatay ng mga pang ballet na mga sapatos para sa
kanyang bunsong kapatid. Habang nagdadala pa ang kanyang inay nakikita ni
karina na minsan nagtatalonan ang kanyang mga magulang. Nang na iluwal na
nang kanyang inay ang kanyang bunsong kapatid . Na bigla sila na hindi buo ang
katawan ito. Wala itong paa. Sabi ng doctor dahil daw ito sa epekto ng mga gamut
na ininum ng kanyang inay. Noon pala gusto pala ng kanyang inay ipalaglag ito.
Ngunit nagsisi itosa kalagayan ng kanyang anak. Tinawag nila itong si Susie. Si
susie at karina ay magkalapit sa isa’t isa . Lumaki si susie na walang mga paa .
Nalulungkot si karina dahil sa kalagayan ng kanyang bunsong kapatid . mga
pangarap na hindi na tupad at mga plano. Tuwing gumagawa ng bagong sapatos
ang kanilang tatay si karina lang palagi ang nagagawan ng sapatos. Peru hindi ito
hadlang sa relasyon ng magkapatid. Si Susie ay palagi nananaginip ng mga sapatos
tuwing nananaginip siya kinukwento niya ito kay karina. Si karina at Susie ay
magaling sa kamay pati ang kanilang itay. Magaling na magpintor si karina habang
si Susie ay magaling sa pagawa ng mga kwento at ang kanilang tatay magaling sa
pagawa ng mga saptos. Nong kaarawan ng tatay nila nagbigay sila ng regalo, si
karina ay isang painting at siSusie naman ay isang music box ng ballet. Hanggang
doon tumigal ang kanilang tatay sa pagawa ng sapatos at di nagtagal nagkasakit
ito. Namatay ang kanilang tatay sa pagsapit ng kaarawan ni susie ng labing
dalawang taon . pagsapit nang ilang mga araw. Nong nag.ikot si karina sa kanilang
bodega para maghanap ng mga sapatos na ipa migay sa mga nangangailangan na
mga bata. May nakita siyang isang maliit na kahon at puno ito ng mga sapatos May
sapatos na pang-baby. May sapatos na pambinyag. May pang-first communion.
May pangpasyal. May pamasok sa eskuwelahan. May pangsimba. May sapatos na
pang-dalagita. At lahat iyon ginawa ng kanyang tatay para kay Susie lihim na
tinago ng kanilang magulang ito. At nag.iwan nang sulat ito na para sa minamahal
niyang anak na si Susie. Hangang pala noon gumagawa na ang kanilang tatay ng
mga sapatos. Isang dosena lahat ng sapatos. At ang mga sapatos na iyon ay iyon na
panaginipan ni Susie araw-araw.
1. Ano ang halagang pangkatauhan sa kwento?

Makikita natin dito ang sakripisyo ng ating mga magulang para sa atin kahit
minsan ay matigas ang ating ulo ay tayo ay iniisip parin nila

2.Ano ang paksang diwa sa kwento?

Ang paksang diwa dito ay ang paggawa ng sapatos ng tatay nila na hindi lang para
sa sarili niya pero para sa mga anak niya dahil siya ay maalagain na ama.

3. Naibigan mo ba ang wakas ng kuwento? Kung oo, bakit? Kung hindi


paano mo wawakasan ang kuwento?

Oo naibigan ko ito dahil sa wakas ay may nakitang mga magagandang


bagay na magagawang maging ala ala ng kanilang tatay na mapagmahal
at masipag.

4. Napapanahon ba ang paksa ng kuwento? Patunayan

Hindi, dahil ang paggawa ng sapatos ngayon ay high tech o mga makina
ang ginagamit kaya hindi na nakikita ang mga sapatero sa mga bangketa o
mga bahay bahay.
Pamagat: Geyluv

May Akda: Honorio De Dios

Pinagkunang Aklat: Yaman ng Panitikang Filipino

Talasalitaan:

Buod:

Tinulungan ni Benjie si Mike na makapanayam ang mga biktima ng


pagsabok ng bulkang Pinatubo para sa isang artikulong tinatapos nito.

Papuntang Zambales, kung anu-ano ang tinanong ng ka-opisina ni Benjie


na si Joana kay Mike samantalang si Benjie ay tahimik lamang--nagsalita
lang ito nang nasa Pampanga na sila para alukin ang grupo na mag-
softdrink at manigarilyo muna.

Sa isang date, naipakilala ni Mike ang dati nitong nobya na si Carmi at si


Benjie sa isa't-isa.

Naging magkaibigan sina Benjie at Mike.

Lumalabas sila sa gabi at tuwing Sabado't Linggo, nag-iinuman, nanonood


ng sine, kumakain nang sabay, bumibili ng tape sa mga record bars,
nagsasabihan ng mga sikreto, kasiyahan, kalibugan, problema at mga
pangarap sa buhay.

Minsan, sa bar, ipinagtapat ni Benjie ang nararamdaman nito nang sabihin


ang "Mahal kita, Mike" na sinagot naman ni Mike sa sumunod na araw
nang "Mas mabuting magkaibigan na lang tayo." Sa bus papuntang
Baguio, naiisip ni Benjie na ayaing makitira sa kanyang apartment si Mike
samantalang naiisip ni Mike na tanungin si Benjie kung pwede siyang
makitira sa apartment nito. Minsan sila ay nag-iinuman, nanonood ng sine
o kaya ay simpleng kumakain lang sa labas. Isang beses, habang nasa
bar, sinabihan ni Benjie si Mike na mahal niya ito. Hindi sila halos nag-usap
buong gabi pagkatapos noon. Naisipan nilang pareho na tumira
magkasama sa apartment ni Benjie upang mas maintindihan kung ano ba
talaga ang gusto nila mangyari sa relasyon.

1.Ano ang halagang pangkatauhan sa kwento?

Ang halagang pangkatauhan na nakuha natin sa kwento ay ang patas na


pagtingin sa mga tao at ang pakiramdam nila sa kapwa nila na
makakapahayag ng nararamdam.

2. Ano ang paksang diwa sa kwento?

Ang paksang diwa sa kwento ay ang pagkakaibigan dahil nakikita natin sa


kwento na nandiyan para sa isa't isa si Mike at Benjie sa panahon na gipit
ay nagtutulongan sila.

3. . Naibigan mo ba ang wakas ng kuwento? Kung oo, bakit? Kung hindi


paano mo wawakasan ang kuwento?

Oo, dahil maaring sila ay may parehong nararamdaman sa isa't isa at


maipapahayag nila ito sa kanilang sarili ng sila ay titira sa iisang tahanan.

4. Napapanahon ba ang paksa ng kuwento? Patunayan

Oo, dahil marami ngayun ang nagkakagusto sa kapwa nila lalaki o kapwa
nila babae at sa kwentong ito, nababase natin na pweding ipahayag sa
mahal mo kung ano talaga ang iyong pakiramdam, ma lalaki sa lalaki man
yan o babae sa babae.
BASAHING
PAMBAHAY
V

Ipinasa kay:
Gng. Erlinda G. Bardilas
Ipinasa ni:
Dynjy Tanginan
BASAHING
PAMBAHAY
V

Ipinasa kay:
Gng. Erlinda G. Bardilas
Ipinasa ni:
Andrev Jacutin

You might also like