You are on page 1of 102

Bartender Series 8: Cognac (Unedited version)

by rhodselda-vergo

Cognac-Mateo Abarde—ang binatang umiikot ang buhay sa sports at pagkahilig sa


kompitisyon. Pilipino-Pakistan, ipinanganak sa Spain pero mas gustong tumira sa
Pilipinas. Nasanay na siyang mabuhay na malayo sa mga magulang niya at natuto
siyang tumayo sa sarili niyang mga paa kahit noong binatilyo pa lamang siya. Pilyo,
mahilig gumamit ng personalidad para sa kinagawiang lalokohan. Medyo tahimik,
seryoso pero may itinatago siyang kakulitan. Walang siniseryosong babae. Pero may
hangganan ang lahat.

=================

Teaser

TATLONG taon ng nagtrabaho si Christine Morales sa Korea bilang manager ng hotel.


Noon ay parang ayaw na niyang umuwi ng Pilipinas, ngunit nang makilala niya si Karl
Herrera sa facebook page at naging kaibigan—hanggang sa maghayag ito ng pag-ibig sa
kanya—ay nasabik siyang umuwi sa bansa. Una'y hindi siya naniniwala, pero madalas
itong nagpapadala ng kung anu-ano sa kanya dahilan upang mahulog na rin ang loob
niya sa lalaki.

Dahil kay Karl—nagpasya siyang umuwi ng Pilipinas para makita ng personal ang
lalaki. Ngunit nang makita na niya ito ay tila biglang naglaho ang pag-ibig niya
para rito—at mas nakakadama siya ng malalim na paghanga sa pinsan nitong si Mateo
Abarde na isang Atleta at modelo.

Pakiramdam niya'y may mali. Parang mas kilala niya si Mateo at mas magaan ang loob
niya rito kumpara kay Karl. Isang malaking tanong ang umuusig sa kanya...si Karl
nga ba talaga ang lalaking iniibig niya nang dahil sa facebook at sino si Mateo?

=================

Special Chapter

Bartenders Series ay napapatungkol sa mga magkakaibigan na natagpuan ang isa't-isa


sa parehong pagkahilig sa iba't-ibang uri ng liquor. Umiikot ang kani-kanilang mga
buhay sa isang Bar na kanilang naitatag at hindi hadlang ang tunay nilang propisyon
upang pangatawanan nila ang negosyo. Sa propisyon din nilang iyon matatagpuan ang
babaeng magpapatibok sa kani-kanilang mga puso. Naging sandigan nila ang isa't-isa
sa panahon ng dusa at hirap, sa luha at saya...
Ang nobelang ito ay napapatungkol sa kuwento ng pag-ibig, pagkakaibigan, pamilya at
mga propisyong napapanahon. Nawa'y magbigay insperasiyon sa bawat mambabasa ang
bawat kaganapan sa kuwento. Isa itong Fictional Story pero ito po ay may kinalaman
sa totoong kaganapan sa buhay ng bawat tao.

History: Ang series novel na ito ay nabuo dahil sa isang lasing na lalaki na nakita
ko minsan sa isang bar noong taong 2010. Sumama ako sa mga katrabaho ko pero sila
lang ang uminom. Hindi kasi ako talaga umiinom maliban sa tubig, hehehe.

Hindi naalis ang paningin ko sa mamang lasing na nagsasalita mag-isa. Nagagalit


siya, minsan naman ay tumatawa at umiiyak. Sabi ko sa sarili ko, "Baliw ata 'to."
Natanong ko sa sarili ko, "Bakit nga ba naglalasing ang isang tao?" Sagot naman ng
'anghel' na nasa gawing kanan ng isip ko. 'May problema sila kaya sila umiinom.
Para kahit sandali ay makakalimot sila. Maraming dahilan, minsan, para magdiwang ng
tagumpay. Ang iba naman, gusto lang makatulog ng mahimbing,'

Sumagot naman ang 'demonyong' nasa gawing kaliwa ng isip ko, 'E kasi, gusto nilang
magkaroon ng lakas ng loob para makagawa ng imposible. Para kumapal ang mukha nila
at makapaghasik sila ng kasamaan, HAHAHAHAHAHA!' Nanrindi ang tenga ko. Hinayaan ko
na ang 'anghel' at 'demonyo' na mag-diskusyon sa likod ng isip ko.

Nang tingnan ko ang mama ay nakatulog na ito sa ibabaw ng mesa. Iginala ko ang
paningin ko sa paligid, iba-ibang klase ng tao ang nakikita ko. May lalake, babae,
bakla, tomboy, matanda, binata, dalaga, piling binata't dalaga. Ang daming
nangyayari, may nag-aaway, naghahalikan sa gigilid, may nagtatawanan, may
nagbabahagi ng problema etc. Ganito pala ang buhay sa mundong ibabaw. Napagtanto
ko, hindi naman pala sa lahat ng pagkakataon ay bad impluence ang alak. Ngayon ko
lang na-realize na marami din pala itong magagawa sa buhay ng tao. Noon, naiirita
ako sa taong lasing. Nakakainis kasi talaga! Pero ngayon, naiintindihan ko na kung
bakit.

At dahil sa experience ko na iyon, bigla akong nagka-ideya para sa isang naiiba at


in-demmand na nobela. Hum, ang daming pumapasok sa isip ko hanggang sa mabuo ko ang
nakakaaliw na kuwento.

Ang una kong naisip na pamagat ng series ay "Hangovers" at nang malaman ko na nag-
aral ng Bartending ang dalawa kong kapatid na lalaki ay bigla kong naisip ang
"Bartenders" mas cool. Tinanong ko sila sa mga napag-aralan nila, nag-research ako.
At doon ko nalaman na ang dami pala ang uri ng liquor sa mundo.

So nakapagsulat na ako, pero draft lang. Nang i-post ko sa facebook at booklat site
nitong taon lang ang advertisement ng series—ay nagulat ako nang marami ang nag-
like. Plano ko sana na apat lang ang gagawin ko, kaso maraming friend ko sa fb at
co-writer ko na nag-request na gawin ko silang leading-lady ng mga hero ko.

E, ang dami nila. Kaya tuloy, ang apat ay naging isang dosena. Haha, napasubo ako.
Pero sige na nga. Naging insperasyon ko rin ang nobelang ito kasi natutuwa ako sa
concept na ginamit ko at naging mas open minded ako at ang dami kong bagong
natutunan. Ito ang history ng series na ito. Thank you!
Cognac's Identity: 

Pen name: Cognac

Real name: Mateo Abarde

Signature Attitude: Romantic Flirt

Catch line: "Isa kang malaking KARMA, dahil sa lahat ng niloko ko ay ikaw lang ang
sineryoso ko, minahal at iniyakan ko.."

Age: 29

Status: In a relationship with Christine Morales

Occupation: Athlete/Model

Short Profile:  Cognac-Mateo Abarde—ang binatang umiikot ang buhay sa sports at


pagkahilig sa kompitisyon. Pilipino-Pakistan, ipinanganak sa Spain pero mas gustong
tumira sa Pilipinas. Nasanay na siyang mabuhay na malayo sa mga magulang niya at
natuto siyang tumayo sa sarili niyang mga paa kahit noong binatilyo pa lamang siya.
Pilyo, mahilig gumamit ng personalidad para sa kinagawiang lalokohan. Medyo
tahimik, seryoso pero may itinatago siyang kakulitan. Walang siniseryosong babae.
Pero may hangganan ang lahat.

Trivia about Cognac:


         Cognac, a type of  brandy, is considered to be one of the finest, if not
the finest, of the spirits. It is made from white grapes grown in the Charente
region of France, and is named after the town of Cognac in the French region of
Charente. Cognac is some-times called "burnt wine" (from the Dutch word brandewijn
because the wine is subjected to a double heating.

Although cognac is primarily enjoyed as a beverage, it is also used in cooking for


sauces, marinades, fruit preserves, and chocolates. Cognac is splashed over dishes
for flamed presentations, in marinades, fruit preserves, and chocolates.

                 

    Gentlemen's Bar & Restaurant members:

                  

         #1-Rum Lorence Ong- Manager/Bartender

         #2-Gin Andrew Baltazar- Investor/Bartender

         #3-Whiskey Jason Del Rosario- General Manager/Bartender

         #4-Brandy Martin Duellas- Investor/Bartender

         #5-Bourbon Sean Lee- Investor/Music operator/Bartender

         #6-Scotch James Miller- Flair Bartender/Waiter

         #7-Cordials Hanzen Kurama- Investor/Bartender

         #8-Cognac Mateo Abarde- Bartender/Waiter

         #9-Vodka Israel Montel- Investor/Bartender

         #10-Tequila Miguel Rosales- Executive Chef/Restaurant Manager

         #11-Moonshine Ruzlee Young- Bartender/Waiter

         #12-Wine Wallace de Vega- Investor/Bartender/Manager


=================

Prologue

"HI! I missed you!" Napangiti si Christine nang mabasa ang mensahe ni Karl sa chat
box sa pacebook account niya.

May tatlong buwan na rin niyang naging kaibigan si Karl sa pamamagitan ng facebook.
Madalas itong magkuwento sa kanya tungkol sa mga kaganapan sa Pilipinas. Kahit
papano'y napapawi ang pangungulila niya.

"I missed you too!" sagot naman niya.

"Nasa work ka pa ba?" tanong muli ni Karl.

"Ahm, nasa apartment na ako. Ikaw?" aniya.

"Nasa babay na rin ako," tugon naman ni Karl.

Naalala niya, magpapasko na pala sa Pilipinas. Bigla siyang nalungkot dahil hindi
na naman niya makakasama ang pamilya niya. Isang taon palang kasi siya sa Seoul
Korea kaya hindi pa siya nabigyan ng bakasyon.

"Late na, hindi ka pa ba matutulog?" tanong niya.

Hanggang sa ngayon ay pinag-iisipan pa rin niya ang sinabi minsan ni Karl na gusto
siya nito. Hindi siya naniniwala dahil una sa lahat, hindi pa niya ito nakilala ng
personal. Larawan lang nito ang nakikita niya sa facebook. Pero inaamin niya na may
nararamdaman siyang ligaya sa tuwing nakaka-chat niya ito.

Ilang beses na ring nagpapadala ng regalo sa kanya si Karl. Mga gamit at pagkain na
mula sa Pilipinas. Hindi kasi talaga siya naniniwala sa long distance relationship
with strangers, pero iba ang nararamdaman niya kay Karl. Para sa kanya na wala pang
boyfriend since birth ay hindi malayo na mahuhulog ang loob niya kay Karl. Pamilya
kasi ang inuuna niya bago ang lahat.

Hindi na muling sumagot si Karl. Mayamaya'y nakatulugan na niya ang paghihintay sa


sagot ni Karl.

Kinabukasan, wala siyang pasok. First time niyang maranasan na umulan ng neyebe
magmula nang dumating siya sa Korea. Kahit nanunuot ang ginaw sa balat niya ay
lumabas siya at naglakad-lakad sa park na mag-isa. Patong-patong na ang damit at
jacket niya pero giniginaw pa rin siya.

Pumasok siya sa isang department store at namili ng mga gamit na ipapadala niya sa
Pilipinas. Nasa kitchen ware section siya at nagtitingin ng magagandang plato. May
nakita siyang maliliit na tea cup. Dumampot siya ng isa.

Pagtayo niya ay bigla namang may babaeng bumunggo sa balikat niya. Nabitawan niya
ang tea cup kasabay sa pagsalubong ng kaba sa dibdib niya. Inakala niyang
humilagpos na sa sahig ang babasaging baso ngunit may kamay na sumalo niyon.

Hindi niya inintindi ang baso sa halip ay hinabol niya ng tingin ang babaeng
bumunggo sa kanya. Nang pumihit siyang muli sa harapan niya ay namataan niya ang
matangkad na lalaki—na siyang sumalo sa basong nabitawan niya.

Natigilan siya nang mapansin ang suot nitong jacket na may logo na watawat ng
Pilipinas at may nakasulat na "Philippine Team" Mukhang hindi naman purong Pilipino
ang hilatsa ng mukha ng lalaki.

Ibinigay nitong muli ang baso sa kanya. "Take care next time," sabi nito.

Hindi siya nakapagsalita, bagkus ay nakatitig lamang siya sa guwapo nitong mukha—na
kahit hindi nakangiti ay magaan ang loob niya rito. May nararamdaman siyang
pananabik at paghanga.

Pagkakuha niya sa baso ay agad itong umalis. Nag-abala pa siyang habulin ito ng
tingin hanggang sa makalabas na ito sa naturang pamilihan...

Hindi na napalis sa balintataw ni Tini ang imahe ng lalaki... 

=================

Chapter One

NAGKANDA-HABA na ang leeg ni Cristine pagdating niya sa departure area ng airport.


Maraming tao kaya nahihirapan siyang hanapin si Karl. Ang sabi sa kanya ay bughaw
na polo shirt daw ang suot ng nobyo. Hila-hila niya ang maleta habang
nakipagsiksikan sa mga tao.

Makalipas ang tatlong taon na pagtatrabaho niya sa Seoul Korea ay ngayon lamang
siya nakaapak muli sa Pilipinas. Binigyan siya ng amo niya ng kalahating taon na
bakasyon. Isa na rin sa dahilan niya ay ang kagustuhang makita ng personal ang
nobyong si Karl na sa facebook lamang niya nakilala.
"Tini!" narinig niyang tawag ng boses lalaki sa gawing likuran niya.

Paglingon niya'y si Karl na papalapit na sa kanya. Magkahalong kaba at pananabik


ang nararamdaman niya. Mas guwapo sa personal si Karl. Pero ang ipinagtataka niya,
hindi niya kaagad napamilyar ang tinig nito. Madalas naman silang nag-uusap sa
telepono noon.

"Karl..." nakangiting sambit niya.

Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya o kung paano ang pagkilos na gagawin
niya. Napansin din niya ang pag-aalangan ni Karl na kausapin siya at hindi rin nito
malaman ang gagawin. Iniisip niya na maaring ganoon talaga. Pareho marahil silang
nate-tense.

Mayamaya'y inagaw nito sa kanya ang maleta niya. "So saan mo gustong kumain?"
pagkuwa'y tanong ni Karl nang papalabas na sila ng airport.

"Kahit saan," sabi lamang niya.

Iginiya siya nito sa garahe kung saan nakaparada ang kotse nito. Ewan niya bakit
ngayon pa siya tila hindi komportable gayong magkasama na sila ng personal.
Pakiramdam niya'y ngayon lamang sila ulit nagkakilala ni Karl. Naiilang siya ng
sobra.

"Kamusta ang biyahe?" tanong ni Karl nang makaupo na sila sa inakupa nilang mesa sa
magarang restaurant sa Pasay.

"Okay lang naman. Medyo nanibago lang ako kaya nahilo ako ng konti," aniya.

"So anong feeling na nandito ka na sa bansa?" nakangiting tanong nito.

Nagkibit-balikat siya. "Sobra akong nasasabik. Nakaka-miss dito," aniya.

Napansin niya na hindi nakakatagal si Karl sa pagtitig sa mga mata niya. Panay ang
linga nito sa paligid na waring hindi mapakali. Malimit din itong magsalita.

Mayamaya pa'y dumating na ang order nilang pagkain. Sobrang name-miss niya ang
pagkaing pinoy. Meron naman siyang natitikmang pagkaing pinoy sa Korea pero bihira
lang at hindi lahat ng gusto niyang kainin ay mayroon.

"Alam mo...ito talaga ang gusto kung gawin pagdating ko dito," aniya.

"Alin?" kunot-noong tanong ni Karl.


"Ang kumain ng mga pagkaing hindi ko natitikman sa Korea."

"Kaya pala Filipino foods ang in-order mo."

Kahit maanghang ang Bicol Express ay hindi niya ininda. Noon ay ayaw niya sa
maaanghang pero nasanay siya sa loob ng tatlong taong paninirahan niya sa Korea.
Karamihan kasi sa mga putahe sa Korea ay may sangkap na sili.

"Siguro kapag nagtagal ka dito sa Pilipinas ay mamimis mo naman ang Korean Foods,"
wika ni Karl.

"Oo pero maraming Korean Restaurant dito sa Pilipinas kaya kung may gusto akong
kainin ay hindi problema," aniya.

"Kung sa bagay."

"Kamusta na pala ang laban mo sa Singapore?" mamaya'y tanong niya. Tinutukoy niya
ang swimming competition na sinabi minsan ni Karl sa kanya na sasalihan nito.

"Sa Singapore?!" gulat na tanong ni Karl.

"Yes.'Di ba sabi mo noong nakaraang linggo ay tumulak ka sa Singapore para sa


swimming competition na sasalihan mo," aniya.

Bakas sa mukha ni Karl ang pagkamangha. "Ah, oo nga pala. O-okay lang naman," sabi
lang nito.

Mariing kumunot ang noó niya. "Anong okay? Nanalo ka ba?" usisa niya.

Hindi kaagad nakakibo si Karl. Uminom muna ito ng tubig. Palinga-linga pa ito sa
paligid.

"Ah, y-yes, nanalo ako," balisang tugon nito.

Maging siya'y hindi na rin mapakali. Sinusundan niya ng tingin kung saan tutuon ang
mga mata nito. "Ahm, s-sino'ng sinisipat mo?" hindi natimping tanong niya.

Awtomatiko'y naibaling nito ang tingin sa kanya. "Ah, wala. May nakita kasi ako na
akala ko kilala ko," sabi nito.

Tumangu-tango lamang siya.

Pagkatapos nilang kumain ng tanghalian ay inihatid na siya nito sa bahay nila sa


Makati. Aalis na sana ito pero hindi niya ito hinayaang makaalis. Gusto na rin niya
itong ipakilala sa mga magulang niya at kapatid.

Ibang-iba si Karl sa personal paris noong sa telepono lamang niya ito nakakausap.
Pakiramdam niya'y ibang tao ang kasama niya. Masyado itong tahimik at mahiyain.
Para bang hindi ito komportable na kasama siya.

Mabait ang mga magulang ni Tini. Kahit retiradong sundalo ang Papa niya ay hindi
ito mahigpit sa kanila. Tuwang-tuwa pa ang mga ito nang ipakilala niya si Karl.

"Alam mo, Karl, hindi ko talaga inaasahan na magkakanobyo pa itong anak ko. Kaya
ganito na lamang ako katuwa nang makilala kita," wika ni Ginang Magda habang
nakaupo silang apat sa sala.

Magkatabi sila ni Karl sa sofa habang magkatabi naman ang mga magulang niya sa
katapat nilang sofa. Tahimik lamang ang Papa niya. Si Karl naman ay pangiti-ngiti
lamang. Napangiti rin siya sa sinabi ng Mama niya.

"Naku, Karl. Ingatan mo ang anak ko at huwag kang magkakamaling saktan siya dahil
ako ang makakalaban mo," banta naman ni Rolando kay Karl.

Bigla siyang kinabahan. Sinipat niya si Karl. Pakiwari niya'y kinakabahan din ito.
Hinihintay niya itong magsalita upang depensahan ang sarili.

"Si Papa talaga," sabi na lamang ni Tini nang tila wala pa ring balak si Karl na
sumagot.

"Huwag po kayong mag-alala, hindi ko sasaktan si Tini," sa wakas ay wika ni Karl.

Napangiti na lamang siya.

"Siguraduhin mo lang. Lumaki nang ganyan ang anak ko pero ni minsan ay hindi ko
iyan pinagbuhatan ng kamay. Hindi iyan nakatikim ng mura sa akin. Kahit simple lang
ang pamumuhay namin ay hindi ko hinayaang may umabuso sa mga anak ko. Hindi ko
pinagbabawalan na magkanobyo si Tini pero kung makakatagpo lamang siya ng lalaking
sasaktan at lolokohin siya, abay, mas gugustuhin ko pang tumandang dalaga ang anak
ko," litanya ni Rolando.

Hindi na nakasagot si Karl. Baka kung saan pa sila dalhin ng usapang iyon kaya siya
na mismo ang nagpaalam sa mga magulang niya. Kung ano na lamang ang idinahilan niya
upang pahintulutan na ng mga ito na umalis si Karl.

"Pasensiya ka na sa Papa ko, ah," sabi niya kay Karl nang makalabas na sila ng
bahay.

"Okay lang. Tama naman siya, e. Sorry, medyo hindi lang ako handa na humarap sa
parents mo," ani Karl.

"Wala 'yon. Naiintindihan ko naman ang nararamdaman mo. Ako man ay kinakabahan din
kanina. Sige na, baka ma-late ka pa sa pupuntahan mo. Next time ulit at salamat sa
pagsundo at paghatid sa akin," aniya.

"Walang anuman. See you," ani Karl. Pagkuwa'y sumakay na ito sa kotse nito.

Hinintay niyang makaalis ito bago siya pumasok sa kabahayan.

LINGGO ng umaga, nagsimba si Tini kasama ang nakababatang kapatid na si Kara.


Pagkatapos nilang magsimba ay namalengke na sila. Namimis niya ang bonding nila ni
Kara. Noong umalis siya ay high school palang ito, ngayon ay malapit na ring
magtapos sa kursong nursing.

Kagabi ay sinabi ni Karl na sabay raw silang mag-lunch at ipapasyal raw siya nito.
Susunduin siya nito sa bahay nila ng alas-onse.

"Ate, napansin ko lang. Parang ang sobrang tahimik ni kuya Karl. Para siyang hindi
makabasag-pinggan. Hindi ko tuloy maiwasang hindi magduda," wika ni Kara nang nasa
pamilihan na sila ng karne.

Bahagya siyang natawa. "Anong ibig mong sabihin?" tanong niya.

"Hindi ba siya bakla?" diretsong saad ni Kara.

Tumawa siya ng pagak. "Ano ka ba? Paano naman siya naging bakla e, bakal nga ang
katawan," aniya.

"E kasi ang hinhin niyang kumilos at parang masakitin," ani Kara.

"Hindi, ah. Ganoon lang talaga si Karl. Naiilang kasi siya kina Mama at Papa. Anong
masakitin ka diyan? Athlete kaya si Karl. Isa siya sa representative ng Pilipinas
na lumalaban ng swimming sa ibang bansa," aniya.

"Wow! Talaga? Hindi halata. E 'di sana pamilyar ko siya kasi madalas akong nanunuod
ng sports. Model din ba siya?" hindi makapaniwalang wika ni Kara.

"Oo. May mga product endorsement siya."

"Talaga lang, ha? Para ka palang nanalo ng jackpot sa lotto niyang, Ate. Akalain
mo, ang simple at babaeng bukid e magkakaroon ng sikat, mayaman at guwapong
katipan? Hindi mo naman siya ginamitan ng gayuma niyan, Ate?" tudyo ni Kara.

Tinapik niya ang balikat nito. "Tigilan mo nga ako. Mabait lang talaga si God sa
akin at binigyan ako ng almost perfect na kasintahan," aniya.

"Almost perfect ba? Tingnan natin." Umismid si Kara sabay irap sa kanya.

Pagkuwa'y binayaran na niya ang mga pinamili nilang karne. Bago sumapit ang alas-
onse ng umaga ay nakapaghanda na si Tini para sa pagdating ni Karl. Excited na
siyang makita ang training center kung saan ito nagsasanay lumangoy.

Mayamaya lamang ay may bumusina nang sasakyan sa labas. Nataranta na siya nang
malamang si Karl na iyon. Nagmadali na siyang magpaalam sa mga magulang niya.

"Naku, Anak, hindi halatang excited ka sa date ninyo ni Karl," wika ni Magda nang
lapitan niya ito sa kusina habang ito'y abala sa pagluluto.

"Alam n'yo namang ngayon lang nagdalaga ang anak ninyo," aniya.

"O siya, maghinay-hinay na kayo," anito.

Pagkuwa'y lumabas na siya ng kusina. Dinaanan naman niya ang Papa niya sa sala na
nanunuod ng TV. "Pa, aalis na po ako," paalam niya.

"Sige ingat. Huwag masyadong magpapagabi, Anak," ani Rolando.

"Opo, Pa."

Pagkuwa'y lumabas na siya ng kabahayan. Tamang-tama paglabas niya ng gate ay


lumabas ng kotse si Karl. Siguro'y naiinip sa paghihintay sa kanya. Nag-abala pa
itong pagbuksan siya ng pinto.

"Salamat," aniya saka sumakay.

"Okay lang ba kung dadaan muna tayo sa training center bago kumain?" tanong ni Karl
nang tinatahak na nila ang daan palabas ng Makati.

"Bakit?"

"May kukunin kasi ako sa pinsan ko," anito.

"Ah, sige."
"Marami din namang magagandang kainan roon na malapit para hindi na tayo lalayo,"
wika ni Karl.

"Okay lang naman sa akin kahit saan basta masasarap ang mga pagkain," sabi niya.

"Mahilig ka ring kumain, ano?" Maya't-maya ang sipat nito sa kanya.

"Oo nga e. Pero ang pagkain naman ang ayaw sa akin. Kahit anong dami ng kinakain ko
ay hindi talaga ako tumataba," nakangiting sabi niya.

"Mabilis lang talaga ang metabolism mo. Marami ang nangangarap pumayat."

"Oo nga. Ako naman ay gusto kong tumaba kahit konti," aniya.

"Para sa akin, okay na ang katawan mo. Ang sexy mo nga, e."

Bahagyang uminit ang mukha niya. Kahit papano'y nawawala na rin ang ilang sa kanya
ni Karl. "Slim lang. Over na ang sexy," aniya.

Narinig niyang bumungisngis si Karl. "Pareho lang naman," anito.

Pagdating nila sa training center ay namangha siya sa laki ng espasyo sa loob. Kung
titingnan sa labas ay parang simpleng gusali lamang pero may dalawang Olympic pool
pala sa loob kung saan nagsasanay ang mga swimmer.

"Wow! Ang ganda naman dito!" napapangangang wika niya.

Iginiya siya ni Karl sa lodge ng mga swimmer kung saan nagpapahinga at nagbibihis
ang mga athlete. Napansin niya na panay mga lalaki ang naroroon at karamihan sa mga
ito ay mga binatilyo.

"Hi Karl! Bumisita ka, a," bungad ng isang lalaki kay Karl na suot lamang ay itim
na swimming trunks.

Sa pinakadulong long bench ay may lalaking nagsisintas ng sapatos, basa ang buhok
at mukhang hindi pa nagsusuklay. Habang papalapit sila ni Karl sa naturang lalaki
ay may nararamdaman siyang kakaiba sa katawan niya. May pakiramdam siya na nakita
na niya minsan ang lalaki. Pamilyar sa kanya ang bulto nito.

Nang makalapit na sila ni Karl sa lalaki ay saka naman ito tumayo at humarap sa
kanila. Mas matangkad ito kay Karl, kayumanggi ang kulay ng buhok nito, maputi na
mamula-mula ang balat nito—at ang una niyang napansin ay ang kayumanggi nitong mga
mata.
Hindi na naging normal ang tibok ng puso niya magmula nang magtama ang mga mata
nila ng lalaki. Nababakas sa mukha nito ang pagkabigla at waring puno ng katanungan
ang mga mata nito.

"Insan, pasensiya na kung walang abiso na napadaan kami rito," sabi ni Karl sa
lalaki na tinawag nitong pinsan.

Matagal bago kumibo ang lalaki. Maya't-maya ang sipat nito sa kanya. "Ah, don't
mind. Tapos na rin ang practice ko," wika naman ng lalaki.

Nagulat siya nang akbayan siya ni Karl. "Siya pala si Christine, girlfriend ko.
Tini, si Mateo—pinsan ko, swimmer din siya," pakilala ni Karl.

Awtomatiko'y tumitig sa kanya si Mateo. "Hi!" anito sabay alok sa kanya ng kanang
kamay.

Ngumiti siya. "Hello! Nice too meet you!" tugon niya at walang pag-aatubiling
dinaup niya ang palad nito.

"Same here," anito sabay bitiw sa kamay niya.

Ang panandaliang pagdaup ng palad nila ay tila nag-iwan ng apoy na sa isang iglap
ay tumutupok sa puso't diwa niya. Ang naiwang init ng palad nito sa kamay niya ay
mabilis na dumalantay sa mga ugat niya. Lalo lamang tumulin sa pagtibok ang puso
niya. Inuusig siya ng mga nakalilitong damdamin.

"So uuwi ka na ba, Mat?" pagkuwa'y tanong ni Karl kay Mateo.

"Ahm, yes. Kayo, saan ang lakad n'yo?" pagkuwa'y tanong din ni Mateo.

"Magla-lunch lang kami together," tugon naman ni Karl.

"Wow! Lunch date?" ani Mateo na may kasamang panunukso.

"Ganoon na rin malamang. Masyado kasing namimis ni Tini ang Pilipinas kaya hanggat
nandito siya ay lilibutin namin ang bansa," ani Karl.

"Nice. I hope...mag-enjoy siya na kasama ka," sabi ni Mateo sabay sipat nanaman sa
kanya.

"Siyempre naman," sabi lang ni Karl.

"Anyway, paalis na rin ako baka puwedeng makisabay ako sa inyo hanggang sa rotonda
lang," pagkuwa'y sabi ni Mateo.

"Bakit? Hindi mo ba dala ang kotse mo?" mamaya'y tanong ni Karl.

Mistula siyang tuod na nakamasid lamang sa convo ng magpinsan.

"Pinapalitan ko kasi ang upholstery ng mga upuan. Mamayang hapon ko pa makukuha,"


ani Mateo.

"Ah, okay sige. Baka gusto mong mag-lunch kasama namin," suhesyon ni Karl pagkuwan.

Ewan niya bakit bigla siyang kinabahan.

"No no no, salamat na lang. Makakaabala lang ako sa date ninyo," mariing tanggi ni
Mateo.

"Sige," sabi lamang ni Karl.

Habang hinihintay nila si Mateo ay nilibot muna nila ni Karl ang lugar at
pinapanood nila ang mga binatilyong lumalangoy. Mamaya'y may lumapit na malaking
mama kay Karl. Sa postura nito ay nahulaan kaagad niya kung ano ang trabaho nito
roon. Maaring isa ito sa mga trainor ng mga Athlete.

"Karl, namiss kita, a. Dalasan mo naman ang pagdalaw rito. Miss ka na rin ng team
mates mo," wika ng mamá sabay akbay kay Karl.

Mariing kumunot ang noo niya habang pinagmamasdan niya si Karl. Napansin niya ang
pilit na ngiti nito at minsa'y napapatingin sa kanya.

"Ahm, medyo nakulangan pa kasi ako sa pahinga, couch," sabi lamang ni Karl.

"Anong pahinga? Para saan?" nalilitong tanong ni Mr. Albert Lim.

"Ah, s-sa trabaho," ani Karl.

"Ah. At mabuti naman nagkanobya ka na," wika ni Mr. lim saba'y sipat sa kanya.

"Oo nga, e. Siya nga pala si Christine, couch. Tini, si Mr. Lim, ang butihin kong
couch," pagkuwa'y pakilala ni Karl.

"Hello po!" bati lamang niya sa Ginoo.


"Hi, Tini! Ang masasabi ko lang ay napaka-swerte mo kay Karl," nakangiting sabi ni
Mr. Lim. Hindi na siya nito kinamayan.

Mayamaya'y lumapit na sa kanila si Mateo bitbit na nito ang packbag nito. "Let's
go!" anito.

Pagkuwa'y sabay-sabay na silang tatlo na lumabas ng training center. Sa back seat


siya umupo habang ang dalawang lalaki ay magkatabi sa harap. Pinapakiramdaman
lamang niya ang mga ito.

"Saan ang punta mo ngayon?" tanong ni Karl kay Mateo.

"Magre-report lang ako sa studio pagkatapos ay kukunin ko ang kotse ko saka diretso
na ako sa bar," tugon naman ni Mateo.

"Hindi ka busy, ah," ani Karl.

"Oo, hindi nga. Actually maluwag pa ang schedule ko," nakangiting wika ni Mateo.

Bahagyang natawa si Karl. Matagal na namagitan ang katahimikan saka inihinto ni


Karl ang kotse sa tapat ng SM Harrison. Doon na marahil bababa si Mateo.

"Thaks, bro. See you soon," pagkuwa'y sabi ni Mateo habang kumikilos ito upang
buksan ang pinto.

Nag-abala pa itong dumukwang sa kanya. "Bye, Tini! Good luck sa date ninyo," sabi
sa kanya si Mateo sabay ngiti.

Ngumiti lamang siya. Pagkuwa'y lumabas na si Mateo. Kumaway pa ito sa kanila habang
sila'y papaalis.

=================

Chapter Two

ISANG minuto nang nakaupo si Mateo sa silya sa tabi ni Tequila habang ito'y abala
sa pagmamasa ng harena. Inaantabayanan niya ang pagsapit ng oras ng duty niya sa
bar. May kalahating oras pa siyang hihintayin.

Mula nang umalis siya sa training center nila kasama si Karl at ang kasintahang si
Tini ay hindi na mapakali ang isip niya. Hindi niya inaasahan ang mararamdaman niya
nang makita si Tini. Hindi na nanumbalik sa normal ang tibok ng puso niya mula
kanina at may kung anong damdaming umuusig sa kanya.

"Problema, Dude?" mamaya'y tanong ni Tequila.

Narinig niya iyon ngunit hindi niya magawang sumagot. Hanggang sa mapakislot siya
nang dampian nito ng may harenang kamay ang pisngi niya. Dagli siyang napatayo at
dumestansiya kay Tequila. Mabilis namang pinahiran niya ng panyo ang pisngi.

Tawang-tawa si Tequila habang paminsan-minsan siyang sinisipat. Abala pa rin ito sa


pagmasa ng harena. "Ang lalim ata ng iniisip mo?" ani Tequila.

"Nagre-refresh lang ako ng utak," aniya.

"Bakit? Nag-hang nanaman ba ang utak mo sa dami ng pilyong ideya mo?" natatawang
sabi ni Tequila.

Matiim na nakatingin siya kay Tequila. "Wala naman ata akong tinatapakang tao,
dude," aniya.

Ibinaling niya ang tingin sa timpladong harenang binibilog ni Tequila at hinati sa


apat. Ang bawat kaperaso ay pinadaanan nito ng maliit na rolling pin.

"Hindi ko alam kung anong binipisyo ang nakukuha mo sa kalukuhan mo. Kung sa bagay,
may point ka naman. Ikaw lang ang pamilya ni Karl at alam ko gusto mo lang siyang
mapasaya. Pero isipin mo na lang, ah, si Whiskey tinularan ka pero hindi siya
nagtagumpay," wika ni Tequila.

"Hindi nakuha ni Whiskey ang diskarte ko," nakangising sabi niya.

"Eh kamusta nga pala ang laban mo sa Singapore?" mamaya'y pag-iiba ni Tequila sa
usapan.

"Okay naman. Dikit ang laban pero siyempre nakuha ko pa rin ang first place,"
aniya.

"I'm so proud of you, dude. Diyan lang talaga ako humahanga sa iyo," anito.

"Thanks, dude."

"Mas masarap siguro kung nariyan ang parents mo at sumusuporta sa iyo."

Tumahimik ang panig niya. Tatlong taon na rin na hindi siya nagkakaroon ng
pagkakataon na makausap ang mga magulang niya. Sa tuwing tumatawag kasi siya sa
Mommy niya ay hindi siya sinasagot, ganoon din ang Daddy niya at mga kapatid na
babae. Bunso siya sa tatlong magkakapatid at nag-iisang lalaki.

Magmula nang pinili niyang manirahan sa Pilipinas ay madalang na lamang niyang


nakakausap ang pamilya niya. Nangako siya sa Tito Mario niya—kapatid ng Mama niya
na hindi niya iiwan si Karl. Wala nang mga magulang si Karl buhat sa parehong
namatay ang mga ito sa aksidente noong high school pa lamang sila ni Karl.

Tinutulungan na lamang niya si Karl sa negosyo nito na iniwan ng mga magulang nito.
Si Karl ang nangangasiwa ng Financial Corporation na pag-aari ng pamilya nito.

"Kamusta na pala si Karl, Mat?" mamaya'y tanong ni Tequila.

"Okay naman siya," tugon lamang niya.

"Hindi ba may—"

Hindi na naituloy ni Tequila ang sasabihin nang biglang pumasok si Vodka na pareho
nilang hindi inaasahan ang pagsulpot nito. "Kamusta mga dude?" bungad ni Vodka
sabay namagitan sa kanila ni Tequila.

"Natunaw na ba ang yelo sa Alaska kaya ka umuwi ng Pilipinas, Dude?" nakangising


tanong ni Tequila. Nagyakap ang dalawa.

Pagkuwa'y siya naman niyakap ni Vodka. "Sa Bangkok ako nanggaling," mamaya'y tugon
ni Vodka. Pinagbubuksan nito ang Ref at naghahagilap ng makakain.

"Bakit sa Bangkok?" tanong niya kay Vodka.

"Sinamahan ko si Mother sa bakasyon niya. May Client kasi siya na inimbita siya
para sa festival," tugon naman ni Vodka. Nasapo nito ang bawas nang Mocha cake na
tira kahapon ni Whiskey at Brandy.

"Bakit parang nagutuman ka?" natatawang tanong niya muli kay Vodka.

Hindi kaagad nakapagsalita si Vodka. Puno ang bibig nito. "Noong nasa Bangkok kasi
ako...wala akong ibang kinain kundi mga organic foods. Wala rin akong makain na
matatamis sa Tagaytay. Alam n'yo naman na hindi ako nabubuhay na walang sweet foods
at pastries," pagkuwa'y wika ni Vodka.

Bumungisngis si Tequila. "Magluluto pa naman ako ng pizza," sabad nito.

Awtomatiko'y itinigil ni Vodka ang pagpapak sa cake. "Wow! Isang order sa akin.
Pepperoni ang gusto ko at damihan mo ng mozzarella cheese," utos ni Vodka kay
Tequila.
"Oo ba," ani Tequila.

Nahipo ni Mateo ang batok. Kanina pa siya nasa tabi ni Tequila pero hindi niya alam
na pizza pala ang lulutuin nito. Kanina habang nasa training center siya ay gusto
niyang kumain ng pizza. Bago kasi siya magtrabaho sa bar ay food trip ang ginagawa
niya lalo na kapag naroon si Tequila. Mahilig din siya sa mga pie at Mexican foods.

"Gusto ko rin ng pizza, dude kahit ordinary cheese lang ang gamitin mo," mamaya'y
sabi niya kay Tequila.

"Sure. Fourty-five minutes makukuha na ninyo ang order ninyo basta lumabas na kayo
rito ng sa gan'on ay makapagtrabaho ako ng maayos," ani Tequila.

Hindi na siya umimik. Lumabas na lamang sila ni Vodka.

Bago pa mag-duty bilang Bartender si Mateo ay naluto na ni Tequila ang order nila
ni Vodka. Tig-iisa sila ni Vodka ng small size na pizza at magkasalo sa iisang
mesa. Iyon na ang hapunan nilang dalawa. Nag-order din sila ng cocktail kay Scotch.

"May bago ka bang bebot, dude?" mamaya'y tanong ni Vodka.

Natigilan siya. Sa tuwing magkikita sila ni Vodka ay babae niya ang tinatanong
nito. "Mukha ba akong imbakan ng babae?" natatawang tanong niya.

"Flirt ka, eh. Siguro naman may bago kang nabingwit," anito.

Hindi man niya sinasadya ay kusang dumapo sa isip niya si Christine at si Karl.
Inuusig ngayon siya ng konsensiya niya. "Magpapakatino na ako, dude," sabi niya.

Humalakhak si Vodka. "Huwag, 'Nac. Ang bisyo kapag itinigil, naniningil,"


makahulugang wika ni Vodka.

"Kaya nga gusto ko nang itigil. Para kasing may nararamdaman akong hindi maganda,"
aniya.

"Nararamdaman mo na si Karna?" nakangiting saad ni Vodka.

"Karma na ba ang tawag dito?" aniya.

"Dalawang uri lang naman ang karma, eh. Isang masama at mabuti. Pero kadalasan ay
bad karma. Para siguro sa iyo ay bad karma kasi wala ka namang ginawang matino sa
mga babae."
Nasaktan siya sa sinabi ni Vodka. Inaamin naman niyang mali ang mga ginagawa niyang
pagliligaw biro sa mga babaeng nakikilala niya personal man o hindi.

"Sorry naman," aniya.

Mamaya'y tumunog ang cellphone niya para sa mensahe. Si Karl! at ang sabi'y papunta
na ito sa bar. Bigla na lamang siyang kinabahan. Iniisip niya na baka kasama nito
si Tini.

Mayamaya pa'y nakita na niya ang bulto ni Karl na papasok ng bar at hinahagilap
siya. Nakahinga siya ng maluwag nang malamang nag-iisa lang ito. Agad naman siya
nitong tinunton. Pag-alis ni Vodka ay siya namang upo ni Karl sa katapat niyang
silya. Wala pa man itong sinasabi ay kinakabahan na siya.

Nang ngumiti si Karl ay napangiti rin siya. "Alam mo, Mat? Maiinis na sana ako pero
parang nag-e-enjoy naman ako," wika nito.

"Kamusta naman ang date ninyo ng girlfriend mo?" tanong na lamang niya.

"Parang nababahag ang buntot ko. Matalas ang pandamdam ni Tini at ang nagpapahirap
sa akin ay ang parents niya. Bro, hindi ko na alam ang gagawin ko sa susunod na
magkikita kami," seryosong sabi ni Karl.

"Kaunting adjust pa, Karl, magiging komportable ka rin. Ganyan talaga. Huwag kang
mag-alala, hindi ko paaabutin ng isang dekada ang paghihirap mo. Alalahanin
mo...nasa likod mo lang ako," aniya.

"Komportable na rin ako na kasama siya, kaso nga...minsan ang dami niyang tanong at
napupuna sa akin. Parang ako tuloy ang nahihirapan na isiping nobya ko siya. Sa
totoo lang, mahirap ang long distance relationship pero mahirap pa rin ang
unexpected relationship. First boyfriend niya ako at akalain mong pabor sa akin ang
parents niya?" kuwento ni Karl pero wala namang bakas ng galak sa mukha nito.

"E bakit parang hindi ka masaya?" tanong niya.

"Iyon na nga, Mat. Wala pa man ay may banta na sa buhay ko," anito.

Uminom na siya ng tubig. "Maganda naman si Tini at mabait. Hindi siya mahirap
mahalin, Karl."

"Hindi pa ako nagmahal, Mat. Oo nga, hindi mahirap mahalin si Tini, pero wala akong
balak na seryosohin siya. Alam mo naman ang sitwasyon ko, Mat."

Nababasa niya sa mga mata ng pinsan ang pagkabahala. "Okay, isang buwan aayusin
natin ang problema mo," aniya.
"Isang buwan? Mat...masaya ako na nakilala ko si Tini online pero ngayong personal
parang pakiramdam ko...buhay pa ako pero sinusunog na ang kaluluwa ko sa
impiyerno," sabi nito.

Wala na siyang maisip na sasabihin. Mamaya'y tumayo si Karl at lumapit sa bar


counter. Pagbalik nito ay may dala na itong cocktail. "May duty ka ba ngayon?"
mamaya'y tanong ni Karl.

"Yes, mamayang eight," aniya.

"Anong oras ang out mo?" tanong nanaman nito.

"Two am."

"Last week of June, gustong pumunta ni Tini sa Ocian Adventure sa Subic kasama ang
kapatid niya at hindi ako nakahindi nang yayain niya ako. Puwede ka bang sumama,
Mat?" pagkuwa'y wika ni Karl.

Nabigla siya. "Karl, hindi naman na kailangang kasama ako. Alam mo na ang gagawin
mo at lalaki ka. Kahit first time mong magkanobya, e alam mo na dapat ang
deskarte," aniya.

"Gusto mo bang seryosohin ko si Tini, Mat?"

Hindi siya kaagad nakasagot. "If possible, why not? Nandito na tayo, e."

Marahas na tumayo si Karl. "Okay, Mat. This is insane pero siguro nga kailangan ko
rin ng karanasan habang gumagalaw pa ako sa ibabaw ng mundo." Tinangka ni Karl na
iwan siya.

"Okay, sasama ako sa Subic para may guide ka. But please...one month, Karl," aniya.

"Okay. One month." Pagkuwa'y umalis na si Karl.

Naihilamos niya ang palad sa mukha. Mayamaya'y narinig niya si Scotch na tinatawag
siya. Pumasok na siya sa bar counter. Dumaragsa na rin kasi ang costumer nila.

"Male-late si Gin kaya mag-over time na lang ako," wika ni Scotch.

"Okay," sabi lamang niya.

"Hindi ata nagtagal ang pinsan mo," ani Scotch.


"May sinabi lang siya."

"Pumayat si Karl ano?" sabi ni Scotch.

"Oo nga, e."

"Magaling na ba siya?"

Hindi na niya nasagot si Scotch nang may dumating na grupo ng kababaihan. Naging
abala na sila pareho.

LIMANG oras lang ang naitulog ni Mateo at pagsapit ng tanghali ay may training siya
ng tatlong oras. Pagkatapos ng training ay may dadaluhang press conference ang Team
nila para sa susunod na kompitisyon para sa Sea Games na gaganapin sa Malaysia sa
susunod na taon.

Pagsapit ng alas-sais ng gabi ay nasa Mall of Asea ang Buong team para sa promotion
ng laban nila. Dinagsa ng maraming taga-suporta nila ang grupo. Artista na rin ang
tingin sa kanila ng mga tao lalo na sa kanya na ilang beses nang nag-muwi ng
gintong medalya para sa bansa.

Pagkatapos ng isang oras na seremonya ay nag-ikot siya sa mall kahit pa dinudumog


siya ng ilang kababaihan. Hindi naman siya naging mailap kahit halos wala na siyang
mabili sa kakapa-picture ng fans. Halos mamaga na rin ang pisngi niya sa kakahalik
ng mga babae.

Nang makarating siya sa menswear ay wala nang nanggugulo sa kanya at kasama na rin
niya ang couch niyang si Mr. Lim. Habang namimili siya ng wetsuit ay bigla namang
may lumapit na babae at nagtitili.

"Hello, Mateo!" anang babae.

"Hi!" aniya.

"Puwede po bang pa-pecture?" tanong nito.

"Sure!" sabi naman niya.

Pamilyar sa kanya ang hilatsa ng mukha ng babae. Naka-uniporme pa ito ng nursing.


Pagkatapos ng pagpapa-picture ay may babaeng paparating sa kanila at ganoon na
lamang ang pagkabigla niya nang mamataang si Christine ito.
"Hoy! Kara!" tawag nito sa babaeng nagpa-picture sa kanya.

Bakas din sa mukha ng dalaga ang pagkabigla nang makilala marahil siya. "Sandali
lang, ate," wika naman ng babaeng katabi niya na nagpapa-autograph sa kanya.

Kung hindi siya nagkakamali, kapatid ni Tini ang babaeng tagahanga niya. Hindi na
lumapit sa kanila si Tini. Nagkasya na lamang itong pagmasdan sila buhat sa malayo.
Pagkatapos na masulatan niya ang notebook ni Kara ay umalis na ang mga ito.

Inaasahan niya na babatiin siya ni Tini pero ni ngiti ay hindi iginawad ng dalaga.
Marahil ay naiilang ito sa kanya. Pagdating naman niya sa counter para magbayad ay
hindi niya kaagad napansin na si Tini ang sinusundan niya sa pila.

Nagulat rin ito nang mapansin siya. "Hi! Ikaw pala 'yan," sabi lang nito na sa
dibdib niya nakatuon ang paningin sa halip na sa mukha niya. Para bang binabasa
nito ang mga nakatala sa suot niyang jocket ng Philippine Team.

"Mukhang marami kang binili, ah," sabi lamang niya.

"Ah, oo. At saka sinamahan ko rin ang kapatid ko," anito.

"Kapatid mo pala si Kara. Fan ko rin pala siya. Hindi mo ba kasama si Karl?"
pagkuwa'y tanong niya.

"May inaasikaso raw siya sa office," tugon nito.

"Gano'n ba?"

"Akala ko nga kasama n'yo siya na pumunta rito kaya sumama ako sa kapatid ko. Sabi
kasi ni Kara lahat daw ng swimmer ng Philippine team ay pupunta rito kaya akala ko
narito rin si Karl," mamaya'y sabi nito.

"Ahm, ibang grupo kasi ang kinabibilangan ni Karl," sabi lamang niya.

"Ah, kaya pala."

"Uuwi na ba kayo pagkatapos ninyo rito?" mamaya'y tanong niya.

"Oo. Maggagabi na rin kasi."

Napansin niya ang hawak nitong wetsuit na pareho sa binili niya. Iniisip niya na
para iyon kay Karl. "Para kay Karl ba 'yang wetsuit?" hindi natimping tanong niya.
Bahagya namang inianagt ni Tini ang hawak na jocket. "Ah, oo. Pupunta kasi kami sa
Subic nitong katapusan ng Hunyo. Gusto ko siyang yayain mag-scuba diving," anito.

Bigla na lamang siyang sinalakay ng kaba. "Ah, nabanggit nga rin ni Karl. Katunayan
ay kinumbinsi niya akong sumama," aniya.

"Talaga?!" Umaliwalas ang mukha nito.

"Oo. Okay lang ba kung kasama ako?" tanong niya.

"O-oo naman. Hindi binanggit ni Karl na kasama ka pala, pero okay nga iyon para
hindi naman ma-out of place si Karl. Mahiyain pa kasi siya."

Ngumisi siya. "First time kasi niyang magka-girlriend," aniya.

"Pareho lang naman kaming first time. Mas gusto ko nga 'yong ganoon kisa sa mga
lalaking mahangin at demanding. Nagkakailangan pa rin kasi siguro dahil ngayon lang
kami nagkasama ng matagal," kaswal na wika nito.

Napapangiti siya na hindi niya namamalayan. "Kasama mo ba ang parents mo pagpuntang


Subic?" pagkuwa'y tanong niya.

"Hindi, si Kara lang ang kasama. Walang tiyaga sa outing ang parents ko. Mga taong
bahay lang sila," tugon naman nito.

"Ilang araw pala tayo roon pagkuwan?" tanong nanaman niya.

"Two days lang. Ayaw kasi ni Papa na magtagal kami at saka may pasok pa si Kara."

"Strick pala ang parents mo."

"Hindi naman masyado."

Naudlot ang usapan nila nang si Tini na ang magbabayad. Pagkatapos nito ay siya
naman. Aalis na sana ito ngunit nag-abala siyang pigilan ito. "Wait!" aniya.
Pagkakuha niya ng sukli ay agad niya itong sinabayan sa paglalakad.

"Baka gusto niyong sumabay sa akin," wala sa loob na alok niya.

"Ha? O-okay lang ba?" naiilang na saad nito.

"Sure. Ihahatid ko na rin kayo sa inyo."


"Baka makakaabala lang kami."

"No. Wala naman na akong pupuntahan."

"S-sige, salamat." Ngumiti ito.

Ang una niyang napansin habang nakasakay sila sa elevator ay ang mga taong
nakatingin sa kanila lalo na ang mga kababaihan. May naririnig siyang bulong-
bulungan at may nagnasa pang magpa-picture sa kanya at pinagbigyan naman niya.

"Nasaan pala ang kapatid mo?" mamaya'y tanong niya kay Tini nang maibsan na ang
tao.

"Nasa national bookstore siya. Dadaanan nalang natin siya," tugon naman nito pero
hindi siya nito sinisipat.

Mamay'y may pumasok pang sasakay at siksikan nanaman sa loob. Umurong pa siya
hanggang sa magdikit ang mga balikat nila ni Tini. Ang katabi naman niyang lalaki
sa gawing kaliwa niya ay pilit siyang iginigiit. Napansin niyang halos nakadikit na
sa dingding si Tini.

Nang biglang huminto ang elevator ay may babaeng nawalan ng balanse sa likuran ni
Tini at naitulak nito ang dalaga. Kamuntik na ring mawalan ng panimbang si Tini
kung hindi lamang mabilis ang kamay niya sa paghagip sa baywang nito. Napakapit ito
sa braso niya.

"Naku, sorry po!" sabi naman ng babaeng nasa likuran ni Tini.

Bumukas na ang pinto at nagsilabasan na ang mga tao. Nasa grand floor na sila.
Hinintay nilang makalabas ang iba at wala sa loob na nasa baywang pa rin ni Tini
ang kanang kamay niya at hindi pa rin ito bumibitiw sa pagkakakapit sa braso niya.

Nang kumilos ito ay saka pa lamang niya inalis ang kamay sa baywang nito. Nagtiuna
ito sa paghakbang palabas ng elevator. Sumunod na lamang siya. Namataan niya si
Kara na nakatayo sa gilid ng paanan ng escalator.

Habang pinagmamasdan niya si Tini buhat sa likuran ay may kung anong kumukutkot sa
malaking bahagi ng puso niya. Sinusuyod niya ng tingin mula paa hanggang ulo ang
dalaga. Simple lang ito kung tutuusin pero may dating ito sa kanya. Kakaiba ang
karestma nito. Balingkinitan ito at katamtaman ang tangkad, mahinhin pero mainit sa
mata ang kabuoan nito kahit makinis na binti at mga braso lamang nito ang
nahahantad sa katawan nito. Ordenaryo lang din ang ganda nito pero tipong hindi
nakakasawa titigan lalo na sa tuwing ngumingiti ito.

May ilang bahagi ng pagkatao niya ang nagpoprotesta at nagpapahiwatig ng kakat'wang


damdamin. Hindi pa siya humanga ng palihim sa isang babae na minsan lamang niya
nasilayan. Napansin din niya na hindi hibang sa mga lalaki si Tini. Hindi manlang
ito na-excite nang makita ang ilang sikat na Athlet na kasama nila o maging siya.
Hindi ito fan girl ng mga kilala o guwapong lalaki.

"Ate Tini!" tawag ni Kara kay Tini na hindi napansin ang kapatid.

Nagtitili na naman si Kara nang makita siya. Ngumiti lamang siya nang humawak ito
sa braso niya. Lalo itong nagtititili nang malamang ihahatid niya ang mga ito. Si
Tini na lamang ang nagsabi na pinsan siya ni Karl.

"Abot kamay ang langit!" bulalas ni Kara habang lulan ng kotse niya ang mga ito at
tinatahak na nila ang daan papuntang Makati kung saan nakatira ang mga ito.

"OMG! hindi pa rin ako makapaniwala na pinsan mo pa pala ang future bayaw ko, Kuya
Mateo!" ani Kara, at dumukwang pa ito sa kanya buhat sa back seat.

Bayaw? Nawika niya sa sarili. Sa halip na ngumiti ay nilamon siya ng nakalilitong


damdamin....

=================

Chapter Three

ALAS-ONSE na ng gabi pero dilat parin ang mga mata ni Tini habang nakahiga sa kama.
Pilit man niyang iwasan ngunit sadyang dumadako sa diwa niya ang imahe ni Mateo.
Hindi niya masupil ang kakaibang itinitibok ng puso niya kanina habang nasa
elevator sila ni Mateo at ang kakaibang pakiramdam niya nang unang makita si Mateo
kanina suot ang jacket ng Philippine Team.

Pakiwari talaga niya ay minsan na niyang nakita noon si Mateo pero hindi lang niya
matandaan kung saan. May pakiramdam talaga siya na matagal o nakilala na niya ito
dati pa. Hindi na siya pinatulog ng mga agam-agam niya batay sa pagkatao ni Mateo—
na para bang may nakalaan nang espasyo sa buhay niya para sa lalaki.

Mag-uumaga na'y hindi parin ginugupo ng antok si Tini. Umupo na lamang siya at
nagbukas ng laptop. Binuksan niya ang e-mail niya at meron siyang isang mensahe
mula kay Karl.

From: Karl

To: Christine

Hi! Tulog ka na ba? Ako kasi hindi makatulog, namimis kaagad kita. Hindi na nabubuo
ang araw ko kapag hindi ka nakikita. Pasensiya ka na kung hindi ko naipapakita ang
feelings ko sa tuwing magkasama tayo. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ako
makapaniwala na personal at legal na ang relasyon natin. Sana huwag mong ikasasama
ang mga kakaibang napupuna mo sa akin. Sa totoo lang kasi ay naiilang pa rin ako sa
iyo. Kahit huwag ka na mag-reply. Matulog ka nalang, Babe.

Good night!

Karl

Napangiti si Tini. Mayamaya rin ay napalis ang ngiti niya nang maisip ang pagtawag
sa kanya ni Karl na Babe samantalang ang tawagan nila magmula pa noon ay Honey.
Noon lamang niya naisip na kahit magkasama sila ni Karl ay hindi siya nito
tinatawag na honey sa halip ay pangalan niya. Naguguluhimanan nanaman siya.

Hindi na lamang niya sinagot ang mensahe ni Karl. Mayamaya rin ay nakadama na siya
ng antok.

Kinabukasan ay maagang nagising si Tini para tumulong sa grocery store nila. Habang
nasa bahay pa ang Mama niya ay siya na muna ang umupo sa counter. Parang bata pa
kasi si Kara na kailangang asekasuhin ang almusal bago pumasok sa klase.

Humihikab pa siya habang nagkukuwenta ng pinamili ng costumer nila. Alas-sais pa


lamang kasi ng umaga pero marami na ang namimili lalo na ng kape at asukal. Nang
wala nang costumer ay lumabas siya at nag-unat-unat ng mga kasukasuan. Suot pa niya
ang pantulog niyang bulaklakin at hindi pa nga siya naligo. Naghilamos lamang siya
at nagsipilyo.

Muli nanaman sana siyang mapapahikab nang mamataan niya ang lalaking nagja-jogging
suot ang bughaw na jogging pants, bughaw na jocket na may sumbrero. Nakasuot ito ng
itim na sunglass. Bughaw din ang kulay ng rubber shoes nito.

Habang papalapit ito sa kanya ay unti-unti niyang nakikilala ang lalaki. Labis
niyang ikinawindang nang mapagtanto na si Mateo iyon. Kumurap-kurap pa siya. Nang
huminto ito sa tapat niya ay ganoon na lamang ang tulin ng tibok ng puso niya.

"Hi Tini! Good morning!" nakangiting bati nito sa kanya ngunit hindi nito inalis
ang salamin sa mata maging ang nakasaklob sa ulo nito. Si Mateo nga sa boses
palang.

"M-Mateo?!" gilalas na tanong niya.

"Yeah, ako nga. Sa inyo pala itong grocery?" anito.

"Oo. Teka, bakit ka nga pala nandito? I mean bakit dito ka nagja-jogging?" usisa
niya.
"Hindi ko nga pala nasasabi sa iyo. Taga rito din ako. Nakatira ako sa kabilang
village. 'Yong bagong subdivision," tugon nito.

"Talaga? Kaya pala ang lakas ng loob mong ihatid kami kahapon, taga rito ka lang
pala," aniya. Pakiramdam niya nakikipag-usap lang siya sa bulag. Hindi niya
mahulaan kung saan ito nakatingin.

"Nagulat nga rin ako kahapon nang sabihin mo na sa Makati kayo. Hindi ko lang
nasabi na taga rito din ako. Actually kalilipat ko lang dito. Dati kasi ay
magkasama kami ni Karl sa bahay nila sa Marikina. Kapag weekend naman ay doon ako
natutulog sa bahay ni Karl," sabi nito.

"Ganun ba? Kaya pala alam din ni Karl ang pasikot-sikot dito. Madalas ka bang
nagja-jogging dito?" pagkuwa'y tanong niya.

"Minsan kapag hindi ako puyat. Minsan din ay kasama ko ang mga team mates ko."

"Pati si Karl?"

Hindi kaagad nakasagot si Mateo. "Ah, oo minsan," anito.

"Parang gusto ko nga rin mag-jogging araw-araw kaso naiilang ako kapag mag-isa lang
ako. Gusto ko nga sanang yayain si Karl. Gusto ko rin magswimming kasama siya. Kaya
nga nag-set ako ng araw para sa Subic. Mas maganda kasing mamasyal doon kasi ang
daming sports club at maraming magagandang tourist spot. Marami ding athlete na
doon nagsasanay," pahayag niya.

"Oo nga. Minsan na rin kaming nagkaroon ng major traning roon. Good thing na doon
mo napiling mamasyal."

"High school pa kasi ako nang huli akong ipasyal ni Papa sa Subic Bay at noong
marami pang US Army," aniya.

"Ang tagal na ah."

"Oo nga e. Baka gusto mong magkape muna, may instant coffe kami," pagkuwa'y alok
niya.

"Sa coffee machine?" tanong nito.

"Oo. Hindi ka ba umiinom ng ganoon? Nakakahiya baka kape ng Starbucks ang iniinom
mo," naiilang na sabi niya.
"Naku, hindi naman ako maselan. Hindi naman ako mahilig magkape lalo na kapag puro.
Mocca flavor or chocolate ang hilig ko. Pero kung inaalok mo ako...sige," anito at
nagkibit-balikat.

Ngumiti siya. Iginiya niya ito sa loob ng grocery kung saan ang coffee machine nila
na hinuhulugan lang ng barya. Mukhang hindi nga ito pamilyar sa coffee machine
nila.

"Ito pala ang hinuhulugan ng limang piso," sabi ni Mateo.

"Actually ngayon palang namin ito sinubukan. Binili ko sa Korea ang Machine noong
nakaraang taon, kaso kailangang e-convert sa piso bago magamit," aniya.

"Kaya pala Korean ang nakasulat. Ganito nga ang nakikita ko sa Korea. Nasa tabi
lang ng kalsada at meron ding ice cream," anito habang hinihintay nitong lumabas
ang kape nito.

Napalis ang ngiti niya nang maisip ang sinabi nito. "Ibig mong sabihin...nakapunta
ka na ng Korea?" nalilitong tanong niya.

"Yeah. Nagkaroon kami ng kompitisyon noon na ginanap sa Seoul."

Natigilan siya. Bigla siyang may naalala. May nakita nga siya noong lalaki na
nakasuot ng jocket ng Phillipine team. Ilang beses niyang nakita ang lalaki at nag-
check in pa nga sa Hotel na pinagtatrabahuhan niya. Panakaw sandali nga lang at
aksidente ang pagkakakita niya sa lalaki kaya hindi niya masyadong natitigan ang
mukha lalo pa't nagtatago iyon sa malaking sunglass at jocket na may sumbrero.

Nang makuha na ni Mateo ang kape nito ay lumabas silang muli. Maya't-maya'y
sinisipat niya ito habang humihigop ito ng kape. "Anong taon kayo nasa Seoul noon,
Mat?" hindi natimping tanong niya.

"2011 magpapasko noon at umuulan ng nyebe," tugon naman nito.

Natigilan siya. Matiim na natitigan niya si Mateo. Kung hindi siya nagkakamali, si
Mateo nga ang nakita niya sa Seoul. Pero kung si Mateo nga iyon...bakit hindi
manlang siya pamilyar rito? Kinailangan pa niyang sariwain sa isip ang ilang
pangyayari noon...

BUMABA sa front desk si Tini para ayusin ang problema ng isang guest nila.
Iginigiit ng Indian National na lalaki na nawala ang mamahaling relos nito sa
mismong hotel room nito. Nakikipagdeskusyon ito sa on duty na front desk clerk.

Dahil sa nagrereklamong guest ay hindi na napansin ang ibang guest na naghihintay


ng serbisyo nila. Matapos kausapin ni Tini ang Indian National at mapahinahon ay
humingi siya ng paumanhin sa grupo ng guest na naghihintay. Natigilan siya nang
makita ang apat na kalalakihan na nakasuot ng Philippine Team jocket. Pamilyar sa
kanya ang isa na mas matangkad at mukha namang hindi puro pinoy dahil sa hilatsa ng
mukha nito.

Hinayaan na niya ang front desk clerk na mag-asikaso sa mga ito ngunit
nagkaproblema nanaman. Nagde-demand ng apat na kuwarto ang mga lalaki pero dalawa
na lamang ang available dahil fullybook pa sila. Natataranda ang baguhan nilang
front desk clerk lalo na nang magtaas ng boses ang isang lalaki.

Nang marinig niyang nagsalita ng tagalog ang isang lalaki na mainit na ata ang ulo.
Lumapit siya sa mga ito at kinausap niya sa tagalog ang lalaki. "Excuse me, I'm
hotel's manager and I notice na mga Filipino kayo," aniya.

Tumingin sa kanya ang apat na lalaki at sa isang iglap ay napalis ang init ng ulo
ng ilan sa mga ito. "Wow! Filipina po pala kayo? Pasensiya na, medyo mahirap kausap
ang clerk ninyo. Marami kasi kami at noong isang araw pang may nai-reserve na
limang kuwarto para sa amin. Wala atang proper indorsement ang management ng
hotel," prangkang wika ng lalaki na sa pakiwari niya'y lader ng grupo.

"I apologize, Sir. Aayusin ko po ang problema ninyo. Pasensiya na po kayo," aniya.

"Sana huwag umabot ng twenty-four hour ang paghihintay namin dito," angal naman ng
isang lalaki.

Napapahiya na siya sa mga kababayan niya lalo pa't isa siya sa Manager ng hotel.
Hindi na niya alam kung paano niya kakausapin ang mga ito.

"Relax guys. Sabi nga aayusin nila. Huwag naman tayong mag-preasure ng tao," wika
naman ng lalaking kanina pa tahimik na parang walang pakialam—ang lalaking sentro
ng atraksiyon niya.

"Gabi na, e," reklamo naman ng isang lalaki na nasa harap ng desk.

Hindi niya inaasahan na lalapitan siya ng guwapong lalaki na nakatago sa itim na


sunglass ang mga mata. "Any accommodation na available basta puwede kaming
magpahinga, meron ba, miss?" tanong nito sa kanya.

"Kung okay lang po sa inyo ang native cottage naming sa pool side. Mao-occupied po
kayong lahat," sabi na lamang niya.

"Can I have your calling card? For incase na magkaproblema kami ay sa iyo nalang
kami makikipag-ugnay? Mahirap kasi minsan makipag-usap sa mga Korean," wika ng
lalaki.

Nag-aalangan pa siyang pagbigyan ang hiling nito. Pakiramdam niya'y napapaso siya
at hindi niya alam kung paano siya titigan ng lalaki habang nakakubli ang mga mata
nito sa malaking sunglass nito. Pagkuwa'y binigay niya ang calling card niya.

Mayamaya'y natapos din ang deskusyon at natahimik na ang mga ito. Ngunit pagdating
niya sa apartment niya ng gabi ay may tumatawag sa cellphone niya na hindi niya
kilala ang numero. Nang sagutin niya ay hindi naman nagpakilala.

"May I know who's calling please?" aniya.

"Hi! I just want to hear your lovely voice," sabi lang ng kausap niya. Boses lalaki
at pamilyar ito sa kanya.

"Excuse me?" aniya.

"Don't mind me. Just take a rest and good night!" wika ng lalaki at basta na lamang
pinutol ang linya.

Sa inis niya'y tinapon niya sa kama ang cellphone niya. Ngunit mag-uumaga na'y
gising pa ang diwa niya at walang ibang laman kundi ang imahe ng lalaking nakita
niya sa kitchen wear store noong isang araw at sa hotel kanina. Alam niya iisang
lalaki lang iyon. At may haka-haka siya na ang lalaking iyon din ang tumatawag sa
kanya na ayaw magpakilala—dahil iyon lang naman ang binigyan niya ng calling card
niya.

"Ang yabang niya kung tutuusin..." wika niya habang nakahilata sa kama at mulagat
parin ang mga mata....

"MASARAP din ang kape n'yo ah," sabi ni Mateo.

Napakislot si Tini. Naubos na ni Mateo ang kape nito. Hindi niya naiwasang
mapatitig sa lalaki. Ewan niya bakit iginigiit niya sa kanyang sarili na si Mateo
ang lalaking nakita niya sa Seoul. Mukha naman itong inosente. Pero habang
tinitigan niya ito na suot parin ang sunglass nito ay mas nakukombinsi siya na si
Mateo nga ang Athleta na nakita niya sa Seoul.

Hindi siya nakaiwas nang humarap sa kanya si Mateo. "What's wrong?" tanong nito.

Ngali-ngali niyang alisin ang salamin nito sa mata nang sa gayun ay malaman niya
kung paano siya nito tingnan. "Ahm, w-wala. May naalala lang kasi ako," aniya sabay
baling ng tingin sa kalsada.

"What?" anito.
Hindi na siya magpatumpik-timpik pa. "Parang nakita na kita before," sabi niya.

"Where?" tanong nito. Nakaharap parin ito sa kanya at sa wakas ay inalis nito ang
salamin sa mata.

Gayunpaman ay hindi siya nakipagtitigan sa mata nito. "When I was in Korea. Ikaw
ata 'yon, e," giit niya. Sandaling tumingin siya sa mukha ni Mateo.

"Baka kamukha ko lang." Nagkibit-balikat si Mateo.

"S-siguro nga."

"Siguro may something sa taong iyon kaya hindi mo nakakalimutan. Alam mo ba ang
pangalan? Baka kilala ko siya o isa sa mga kasama ko," wika ni Mateo.

"Walang something. Baka nga kilala mo siya pero hindi na bale. Malalaman ko rin
kung sino siya," aniya.

"Bakit parang interesado ka sa kanya?"

"Ayaw ko kasi sa lahat ay 'yong pinaglalaruan ako. 'Yong nagmumukha akong tanga,"
seryosong sabi niya.

Wala na siyang narinig mula kay Mateo. Mayamaya'y nagpaalam na ito. "Salamat sa
kape!" sigaw nito habang tumatakbo palayo sa kanya.

Hindi na siya mapakali. Malakas ang kutob niya na si Mateo ang nakita niya sa
Seoul. At dahil sa hindi matahimik niyang isip, nag-e-mail siya sa isa sa front
desk clerk at pinaungkat niya ang record ng guest nila noong taong 2011. Pero dahil
matagal na at maaring natabunan na ang record, inaasahan niya na matatagalan bago
niya malaman ang resulta.

Pagsapit ng tanghalian ay sinundo nanaman siya ni Karl sa bahay nila. Inanyayahan


siya nitong mananghalian sa bahay nito sa Marikina. Nasurpresa siya nang mabatid na
si Karl pa ang nagluto ng mga putahe kahit may katulong ito. Iyon ang katangian ni
Karl na hindi niya nalaman noon.

"Hindi ko alam na magaling ka palang magluto, Hon," sabi niya kay Karl nang makaupo
na silang dalawa sa hapag.

"Ahm, ngayon lang kasi ako nagka-interes sa pagluluto," ani Karl.

Tinitigan niya ang mga putahe. Karamihan ay organic foods at sea foods. Ang alam
niya'y allergy sa sea foods si Karl tulad ng sabi nito noong magka-chat palang
sila.
"'Diba ayaw mo sa seafoods?" tanong niya kay Karl.

"Ah, y-yes. Nagluto lang ako para sa iyo," sagot naman nito.

"Hindi ka ba nangati habang nagluluto?" usisa niya.

"Ahm, maybe. G-gusto mo ng mixed seafoods 'diba na medyo maanghang?" anito.

Tumango-tango lamang siya. Ang totoo'y hindi naman talaga siya mahilig sa seafoods.
Noong nasa Korea lamang siya natutong kumain ng mga iyon. Nahihiya lamang siyang
sabihin kay Karl. Naguguluhan nanaman siya.

"Let's eat!" anito.

Kumain na lamang siya. Ang alam talaga niya ay mahilig sa pie at tart si Karl tulad
ng madalas nitong pinapadala sa kanya noong nasa Seoul siya. Ang alam din niya ay
hindi ito mahilig sa native vegestables. Ayaw niyang guluhin ang isip niya pero
sadyang magulo. Magmula nang magkita sila ni Karl ay hindi siya nito tinatawag na
Honey.

Pagkatapos nilang mananghalian ay iginiya siya nito sa chapel kung saan ang abo ng
yumaong mga magulang nito. Kinilabutan siya nang pumasok sila sa chapel. Nagsindi
ng kandela si Karl at nag-alay ng dasal. Pagkuwa'y ipinakilala siya nito sa mga
magulang nito.

Pinagmamasdan niya si Karl habang pinapahiran nito ng basahan ang altar. Mayamaya'y
huminto sa pagkilos si Karl at napakapit ito sa mesa sa harap nito. Ang kanang
kamay nitong nasapo ang ulo nito. Napapitlag siya at lumapit sa binata.

"Karl? Okay ka lang?" nag-aalalang tanong niya. Hinawakan niya ang kanang braso
nito.

"Okay lang ako. Medyo nahilo lang ako sa amoy ng bulaklak," anito.

"Sigurado ka?" tanong niya.

Humarap ito sa kanya sabay ngumiti. "Yeah," anito.

Pagkuwa'y lumabas na sila ng chapel. "Dumito ka muna, may kukunin lang ako sa
kuwarto," pagkuwa'y apila ni Karl at iniwan siya sa play ground sa hardin.

Umupo siya sa duyan na gawa sa gulong ng malaking sasakyan na kinulayan ng puti.


Pinagmamasdan niya ang hardenero na nagbubunot ng damo sa paligit ng halamang
palmera. Maya't-maya'y sinisipat siya nito. Nang mahilo siya ay tumayo siya at
naglakad-lakad hanggang sa makarating siya sa water fountain na may bantayog ng
batang anghel na may hawak na banga kung saan dumadaloy ang tubig.

May isang oras na rin siyang naroroon sa hardin at hindi pa bumabalik si Karl.
Mayamaya'y lumapit sa kanya si Manang Bebeng at may dalang meryenda. Ganoon na ba
katagal ang paghihintay niya kay Karl? Alas-tres na ng hapon.

"Magmeryenda po muna kayo, Ma'am," wika ni Manang Bebeng.

Umupo naman siya sa sementadong long bench kung saan inilapag ng Ale ang meryenda
niyang Ham Sandwich at pineapple juice. "Si Karl po?" hindi natimping tanong niya.

"Ah, m-may kausap siyang kleyinte at sabi niya maliligo daw muna siya," tugon naman
ng ale. Pagkuwa'y iniwan na siya nito.

Naubos na niya ang meryenda niya. Pagkuwa'y pumasok siya sa kabahayan at inihatid
sa kusina ang pinagkainan niya. Hindi pa rin niya nakita si Karl. Hindi na talaga
siya mapakali. Pati si Manang Bebeng ay hindi niya nakikita. Wala siyang nakikitang
tao sa kabahayan.

Mamaya'y natukso siyang pumanhik sa hagdan ngunit nasa ikatlong baiting pa lamang
siya ay namataan na niya si Karl na kalalabas sa kuwarto nito. Bagong ligo ito at
bihis na bihis. Bumaba na lamang siya at hinintay sa sala si Karl.

"Pasensiya na kung natagalan ako. Napahaba kasi ang usapan namin ng client ko
online. Okay ka lang ba?" anito nang makalapit sa kanya.

"Okay lang. Akala ko kasi napano ka na," nakangiting sabi niya.

Inakbayan siya nito at sabay na silang umupo sa sofa. "Sorry. Gusto mo na bang
umuwi?" pagkuwa'y tanong nito.

"Ahm, if okay lang sa iyo," aniya.

"Sure. Ihahatid na kita sa bahay niyo kung wala ka nang pupuntahan pa."

"Sa grocery mo nalang ako ihatid."

"Sige."

Pagkuwa'y sabay na silang tumayo. Pagdating sa garahe ay nagtiuna na siyang sumakay


sa kotse nito. May isang minuto na siyang nakaupo sa loob nang mapansin niya si
Karl na kausap si Manang Bebeng. Napansin niya ang kakaibang reaksiyon ng ale
habang kausap si Karl. Para bang ina na nagagalit sa anak ang ale.
Mayamaya pa'y lumapit na sa kotse si Karl saka sumakay. Umupo na ito sa harap ng
manobela sa tabi niya. Seryoso ito at tila nagmamadali. Papaalis na sila pero
napansin niya si Manang Bebeng na nakatayo parin sa garahe hanggang sa makalabas
sila ng tarangkahan.

"Saan ka pupunta pagkahatid mo sa akin, Hon?" tanong niya kay Karl makalipas ang
ilang minutong katahimikan.

"Sasaglit lang ako sa office pagkatapos ay uuwi na ako," tugon naman nito.

"Matagal mo na bang kasama sa bahay si Manang Bebeng?" usisa niya.

"Since high school pa ako."

"Kaya pala parang anak na rin ang turing niya sa'yo," aniya.

"Yes. Wala kasi siyang asawa at anak. Siya na rin ang itinuturing kong ina."

Maya't-maya'y sinisipat niya si Karl. Napapansin niya ang madilim na aura ng mukha
nito. Malimit lamang itong magsalita at kung may itatanong lamang siya.

Wala na silang napag-usapan hanggang sa makarating sila sa grocery store nila.


Umalis din ito kaagad.

=================

Chapter Four

LINGGO ng umaga, sumama si Tini kay Karl sa Training center ng mga ito. At dahil
walang pasok sa eskuwela si Kara ay nagpumilit itong sumama sa kanila para
magswimming. Matagal na ring hindi nakapag-swimming si Tini kaya gusto niyang
subukan kung kaya pa niyang lumangoy ng matagal.

Dahil linggo, wala masyadong nagsasanay lumangoy pero nadatnan nila si Mateo na
puspusan ang pagsasanay. Nag-iisa lang itong lumalangoy sa pinakamalaking Olympic
pool. Nasabik din si Tini na makita si Karl na lumalangoy tulad ni Mateo.

Si Kara naman na mas excited pa sa kanya ay nagbihis na ng panligo at nagtampisaw


sa tubig. Hindi pa nakakahugot ng lakas ng loob si Tini kaya nakaupo lamang siya sa
tabi ni Karl sa long bench sa gawing kanan ng pool.

"Mag-swimming ka na," udyok sa kanya ni Karl.


"Mayamaya. Ikaw?" aniya.

"Mamaya na rin ako. Mauna ka na para may kasama si Kara."

Naghubad na rin siya ng damit. Suot na niya ang swimsuit niya. "Naka-ready ka na
pala ah," ani Karl habang pinapasadahan siya ng tingin.

"Siyempre." Pagkuwa'y nag-warm up na siya. Nag-unat-unat ng kasukasuan.

Natigilan siya nang makita si Mateo na umahon sa tubig. Bughaw na swimming trunk
lamang ang suot nito at may goggle sa mata. Napapalunok siya nang masaksihan ang
kakisigan nito. Katamtaman ang laki ng mga kalamnan nito sa mga braso at hitik sa
abs ang puson na nahahati sa anim, namumukol ang dibdib nito na umuugnay sa malapad
nitong balikat. Kahit may kalayuan ito sa kanya ay naaaninag niya ang mapipinong
balahibo sa dibdib nito na gumuguhit sa pagitan ng puson nito hanggang ibaba.

Muli'y napalunok siya nang magawi ang paningin niya sa ibaba ng puson nito. Bakat
na bakat ang kalusugan ni Mateo. Namumutok ang mga kalamnan nito sa hita at binti
na naliligiran ng pinong balahibo na may kanya-kanyang direksiyon ang pagkakatubo.
Sa isang iglap ay nawala sa tamang huwisyo ang isip niya. At nakalimot siya na
kasama niya ang nobyo niya. Wala pa ma'y nagkakasala na ang kanyang mga mata.

Hindi na niya namamalayan ang paglapit ni Mateo—ni hindi niya narinig nang batiin
siya nito. Namataan na lamang niya itong nakaupo sa tabi ni Karl. Nag-init ang
mukha niya nang mahimasmasan.

"Sige na, Babe, maligo ka na," udyok sa kanya ni Karl.

Babe? naisaloob niya. Hindi siya sanay na tinatawag siyang babe ni Karl. Hindi ba
nito alam na Honey ang tawagan nila? Sinipat niya si Karl, abala na ito sa
pakikipag-usap kay Mateo.

"Ate! Tara na!" narinig niyang sigaw ni Kara.

Lumapit na lamang siya sa pool at lumusong sa tubig. Maligamgam naman ang tubig
pero napakislot siya nang mabasa ang katawan niya. Pagkuwa'y sumisid na siya.
Naninibago siya at mabilis na siyang kapusin ng hininga at pakiramdam niya'y
mapupulikat ang paa niya kapag tumagal siya sa ilalim ng tubig.

Nang umahon siya'y wala na sa tubig si Kara. Namataan na lamang niya ang kapatid na
lumalangoy sa kabilang swimming pool. Nang sipatin naman niya ang dalawang lalaki
ay abala parin ang mga ito sa pagkukuwentuhan. Nakapagsuot na rin ng damit si
Mateo.

Nagpalutang-lutang siya sa tubig. Mayamaya'y bigla siyang nawala sa konsentrasyon


at naramdaman niyang napasukan ng tubig ang tenga niya. Pumiksi siya at kumilos
upang lumangoy ngunit biglang may pumitik sa kanang paa niya at namanhid iyon. Sa
halip na umangat ay nilalamon siya ng tubig. Nagsusumikap siyang umangat ngunit
masakit ang paa niya. Inalipin na siya ng kaba nang pakiramdam niya'y malulunod na
siya.

Itinaas niya ang dalawang kamay niya at iniwagayway. Nang bahagya siyang makaangat
ay sinikap niyang makasigaw. "Karl!" muli nanaman siyang lumubog. Nakakalunok na
siya ng tubig.

Nang wala paring lumusong sa tubig ay nagsumikap siyang makaangat muli at namataan
niyang nakatayo ang dalawang lalaki. "Karl...help me!" sigaw niya.

Ngunit napansin niya na parang napako ang mga paa ni Karl sa kinatatayuan nito at
nagkasya na lamang na panoorin siya. Bago pa siya tuluyang lamunin ng tubig ay
nakita niya si Mateo na tumalon sa tubig. Hindi na siya nakagalaw ngunit dilat ang
mag mata niya sa ilalim ng tubig.

Naaninag niya si Mateo na papalapit sa kanya at naramdaman niya ang mga braso
nitong lumingkis sa baywang niya at unti-unti siyang iniaangat sa ibabaw ng tubig.
Bago pa nanilim ang paligid niya ay nakaahon na sila sa tubig.

Wala na siyang ibang maramdaman maliban sa mainit na bagay na dumampi sa labi niya.
Mayamaya rin ay nanumbalik ang kamalayan niya. Napaubo siya at nailuwa niya ang
tubig na nainom niya. Kalong parin siya sa mga hita ni Mateo at ang mga braso nito
ay nakalalay sa balikat niya.

"Ate!" si Kara na natataranta parin.

Sa halip na si Karl ang dapat na mamulatan niya ay si Mateo ang tumambad sa kanya.
Nasaksihan niya ang takot na rumehistro sa mukha nito. "Are you okay?" tanong ni
Mateo.

Tumango siya. Namataan niya si Karl na nakatayo lamang sa tabi ni Kara. May kung
anong mabigat na bagay ang dumagan sa dibdib niya. Kung wala pala si Mateo ay
mamamatay siya. Sa napapansin niya kanina kay Karl ay parang takot itong tumalon sa
tubig. Hindi talaga niya inaasahan na ganoon ang mangyayari.

Nang mahimasmasa'y bumangon na siya at nagbihis. Paglabas niya ng dressing room ay


nagulantang siya nang madatnan sa labas si Mateo. Nakapagbihis na rin ito.

"Salamat ah," wika niya.

"Walang anuman," anito.

Kumilos siya upang talikuran ito ngunit natigilan siya nang hawakan nito ang
kaliwang kamay niya. Pumihit siya paharap sa binata.
"Huwag mo sanang isipin na binaliwala ka ni Karl. Nabigla din siya at iniisip ko na
baka hindi siya makakalangoy ng maayos dahil nakasapatos siya kaya ako na lamang
ang tumalon para sagipin ka," pahayag nito.

Tama rin naman si Mateo pero hindi niya maiwasang magdamdam. "Naintindihan ko
naman. Salamat at nariyan ka," aniya.

Napatingin siya sa kamay nito na tila walang balak na pakawalan ang kamay niya.
Habang tumatagal na hawak nito ang kamay niya ay unti-unti ring naniningas ang init
mula sa kamay nito—na nagtutulay sa mga ugat niya. Bigla na lamang tumahip ang
dibdib niya. Nang tagpuin ng mga mata niya ang titig nito ay ganoon na lamang ang
pagdoble ng tibok ng puso niya.

Pumiksi siya nang marinig niyang may yabag na paparating sa gawi nila. Saka lamang
nabitawan ni Mateo ang kamay niya. Tinalikuran niya ito ngunit hindi parin humuhupa
ang kabog ng dibdib niya kahit nang magsalubong sila ni Karl sa pasilyo palabas ng
dressing room.

"Tini I'm sorry," wika ni Karl.

"Naiintindihan ko, Karl. Gusto ko nang umuwi," sabi lamang niya.

"Okay."

NAGHAPUNAN ng sermon si Tini buhat sa kadaldalan ni Kara. Nagsumbong ito sa Papa


nila na nalunod siya sa swimming pool. Galit na galit si Rolando na halos yurakan
nito ang pagkalalaki ni Karl.

"Akala ko ba swimmer ang nobyo mo? E bakit sabi ni Kara ang pinsan niyon ang
sumagip sa'yo? Paano kung wala ang pinsan nun e hindi ka namin makakasama ngayon?
'Yang Karl ba na iyan ay handang magbuwis ng buhay para sa iyo, Tini?!" litanya ni
Rolando.

"Hindi naman po kasalanan ni Karl. Nauna lang si Mateo sa pagsagip sa akin dahil si
Karl ay nakasapatos pa. Huwag naman sana ninyong huhusgahan kaagad si Karl,"
paliwanag niya.

"Paano nalang kung nasa Subic kayo? Hindi namin malalaman kung ano ang mangyayari
sa inyo!" ani Rolando.

"Pa, sorry na. Mag-iingat na talaga ako sa susunod."

"Dapat pinakausap mo sa akin 'yang Karl na iyan nang mapagsabihan ko," anito.
"Pa, huwag naman kayong masyadong masungit kay Karl. Naiilang na nga 'yong tao e.
Ako na ang bahala."

Hindi na kumibo ang Papa niya. Kahit wala nang ganang kumain ay kumain pinilip
parin niyang kumain. Hindi naman niya magawang pagalitan si Kara dahil sa
kadaldalan nito. Alam niyang nag-aalala lang din ito sa kanya.

"Ate, sorry na," wika ni Kara nang mapagsolo sila sa kuwarto niya. Hinahagod nito
ang likod niya habang nakaupo sila sa kama.

"Sa susunod...tayo muna ang mag-usap bago makarating kina Papa ha?" mahinahong sabi
niya.

"Sorry na hindi na mauulit." Niyakap siya nito.

Hindi niya kayang magalit sa kapatid niya. "Sige na, matulog ka na at may pasok ka
pa bukas," aniya.

"Hindi pa nga ako inaantok eh. Pero ate, alam mo nagulat talaga ako kanina. Hindi
mo ba naramdaman?" pagkuwa'y saad ni Kara.

"Ang alin?" maang niya.

"Kanina nang ahunin ka ni kuya Mateo sa tubig. Hindi manlang siya nag-alinlangan na
e-mouth to mouth ka e puwede namang si Kuya Karl ang gumawa niyon."

Natigilan siya. Awtomatiko'y natitigan niya ang kapatid. "S-si Mateo?!" bulalas
niya.

"Oo, ate. H-hindi ko nga maintindihan e. Parang hindi naman nagselos si Kuya Karl.
Akala ko nga magagalit siya kay Kuya Mateo."

Napatayo siya. Hindi niya alam kung maniniwala siya kay Kara. "Hindi magandang biro
'yan, Kara," aniya.

Tumayo naman si Kara. "Hindi ako nagbibiro, Ate. Hindi ko naman binibigyan ng
malisya kasi part nga iyon ng first aid pero diba dapat si Kuya Karl na ang gagawa
niyon kasi siya ang boyfriend mo?" pahayag ni Kara.

Bigla niyang naalala na may naramdaman siyang mainit na dumampi sa bibig niya. Kung
ganoon pala ay totoo ang sinasabi ni Kara. Hindi niya malaman kung ano ang dapat
niyang isipin. Kung tutuusin wala namang malisya sa ginawa ni Mateo pero ang
katakataka...bakit hindi si Karl? Naguguluhimanan nanaman siya.
"Sorry, Ate. Hindi ko na napigil ang bibig ko. Baka puwedeng kalimutan nalang natin
ang nangyari para walang gulo," ani Kara.

"Matulog ka na nga Kara," aniya.

Lumabas na lamang ng silid niya si Kara.

Kinabukasan ay dinalaw ni Karl si Tini sa Grocery. Mabuti na lamang at wala roon


ang Papa niya baka mapapasubo nanaman si Karl sa interrogation. Pagsapit ng
tanghalian ay inanyayahan siya nitong mananghalian sa malapit na restaurant.

Habang kasama niya si Karl ay pinapakiramdaman niya ang kilos nito. Hindi niya
maiwasang pagdudahan ang nobyo. Pakiramdam niya'y ibang tao ang kasama niya. Wala
na siyang maramdamang excitement sa tuwing kasama ito sa halip ay puro pagdududa
nalang siya. Marami na siyang napupuna na kakaiba kay Karl.

Iniiwasan niya na magkaroon sila ng sigalot sa isa't-isa kahit minsan ay hindi na


siya komportable. Marami din siyang napapansing pagbabago sa ikinikilos ni Karl
lalo na sa pangangatawan nito. Pakiramdam niya'y hindi rin ito komportable na
kasama siya.

Habang kumakain sila ay panay ang sipat ni Karl sa paligid. Hindi ito nakatitig ng
matagal sa mga mata niya. Mayamaya'y itinukod nito ang kaliwang kamay sa noó.
Namumutla ito.

"Karl?" untag niya.

Hindi ito tumingin sa kanya. "Karl...okay ka lang?" tanong niya.

Mamaya'y umangat ito ng mukha. "Okay lang ako. Kumain ka lang," anito.

Bigla na lamang siyang kinakabahan. "Sigurado kang okay ka lang?" tanong nanaman
niya.

Tumango ito. Mamaya'y tumayo ito at nagpaalam na pupunta sa palikuran. May tatlong
minuto rin bagao ito nakabalik at binayaran ang mga kinain nila.

Sobrang seryoso ni Karl habang pabalik na sila sa grocery nila. "Masama ba ang
pakiramdam mo?" mamaya'y tanong niya sa nobyo.

"Medyo. Parang lalagnatin ako," tugon naman nito.

Kinapa niya ang leeg nito, mainit iyon. "Bakit lumabas ka pa kung masama ang
pakiramdam mo? Dapat hindi mo nalang ako pinuntahan," nababahalang wika niya.
"Hindi, okay lang ako," giit nito.

"Pero may lagnat ka. Sana nagpahinga ka nalang sa bahay mo," aniya.

"Wala akong kasama roon. Umuwi si Manang Bebeng at day off din ng Hardenero ko."

"Ha? E sasamahan nalang kita roon," aniya.

"Huwag na. Sa bahay nalang ni Mateo ako matutulog mamaya. Nakapag-usap na din kami
kanina."

"Sige, dadalawin nalang kita bukas sa bahay ni Mateo."

"Alam mo ang bahay ni Mateo?1" manghang tanong nito.

"Sinabi niya minsan at malapit lang sa village namin. Mamaya pupuntahan kita, okay
lang ba?"

"Sige."

Nang inihinto ni Karl ang kotse sa tapat ng grocery nila ay kinapa nanaman niya ang
leeg nito. Lalo pa iyong uminit. "Dumiretso nalang kaya tayo sa bahay ni Mateo,"
suhesyon niya.

"Okay lang ba sa'yo?"

"Oo naman. Pero nasa bahay ba niya si Mateo?" pagkuwa'y tanong niya.

"Wala pero iniwan niya sa akin ang susi."

"May gamot ka ba?" usisa niya.

"May gamot ako para sa flu."

Pagkuwa'y tumuloy na sila sa bahay ni Mateo. Walang tao maliban sa aso na nakatali
sa garahe. Mukhang kayayari lang ng bahay at amoy pintura pa. Ang ibang halaman ay
katatanim lamang. Ang una niyang napansin sa paligid ay ang aliwalas at maayos.
Maging sa loob ng bahay ay malinis ay maayos ang pagkakasalansan ng mga kagamitan.

"Wala bang kasama rito si Mateo?" tanong niya habang umaakyat sila sa hagdan ni
Karl.
"Kami lang ni Mateo ang nakatira rito," ani Karl.

"Nasaan ang parents niya?"

"Nasa Spain. Sanay nang mag-isa si Mateo at ayaw din niya na may katulong. Hindi
rin kasi siya naglalagi rito."

Wala pa may nasasalamin na niya kung anong buhay meron si Mateo. Naroroon ang
paghanga niya sa lalaki na sa kabila ng marangya nitong buhay ay mas pinili nitong
tumayo sa sariling mga paa na wala ang gabay ng mga magulang nito.

Meron din palang sariling kuwarto si Karl. Bago pa man nito mabuksan ang pinto ng
kuwarto nito ay nangangapa na ito. Nataranta naman siya sa pag-alalay sa likod
nito. Pakiwari niya'y hindi lalaki si Karl. Mabilis ang pagkalat ng init sa katawan
nito.

Pagpasok nila sa kuwarto ay agad humilata sa kama si Karl. Siya naman ay naghagilap
ng malinis na bimpo at binasa ng malamig na tubig saka ipinahid sa katawan ng
kasintahan. Habang lumilipas ang oras ay lalong tumataas ang lagnat ni Karl.
Nakainom na rin ito ng gamot.

Pagsapit ng alas-sais ng gabi ay nakialam na siya sa kusina at naghagilap ng


maluluto. Nakabuo siya ng mga sangkap para sa sopas. Habang nagpapakulo ng karne ng
manok ay naghihiwa siya ng gulay. Isinabay niya sa pagpapakulo ang isang salop na
macaroni pasta. Iniisip niya si Karl habang abala siya sa pagbabalat ng patatas.

Kamuntik na niyang mahiwa ang daliri nang biglang bumukas ang pinto at lumitaw ang
bulto ni Mateo. Dagli'y tumahip ng husto ang dibdib niya. Tuluyan nang pumasok si
Mateo. Bumakas rin sa mukha nito ang pagkabigla.

"Pasensiya ka na kung pinakialaman ko ang kusina mo. Si Karl kasi..." nababalisang


wika niya.

"Okay lang. Nag-aalala rin ako kay Karl kaya umuwi ako ng maaga. Mabuti naman at
sinamahan mo siya," anito.

Hindi niya inaasahang tutulungan siya nitong magluto. Ito na ang nagpatuloy sa
paghihiwa ng gulay. Habang hinihintay niyang maluto ang macaroni ay inuunti-unti
naman niyang hinuhugasan ang mga nahiwang gulay. Maya't-maya rin ang sipat niya kay
Mateo. Naalala nanaman niya ang sinabi ni Kara tungkol sa pagkalunod niya.

Minsa'y nahuli siya nitong nakatinign at sa halip na umiwas ay lalo lamang napako
ang mga mata niya sa binata. "Bakit?" nakangiting tanong nito.

"Ahm, w-wala," aniya sabay baling ng tingin sa hinihiwa nitong patatas.


"Naglalagay ka rin pala ng patatas sa sopas," pagkuwa'y sabi nito.

"Huh?" iniangat niyang muli ang tingin sa mukha ni Mateo.

"Mas gusto ko kasi ang sopas kapag may patatas," anito at tumitig sa kanya.

Ang ganda ng mga mata nito, mahahaba ang pilik at makakapal. Kapag tumitig ito sa
kanya ay waring hinahagod ang puso niya. Sa pagkakataong iyon ay hindi siya
nakaiwas sa muling pagtama ng mga mata nila. Pumintig nanaman ng husto ang pulso
niya. Ibinaba niya ang tingin sa mga labi nito at hindi niya lubos maisip na ang
mga labing iyon ay minsan nang umangkin sa labi niya.

Mamaya'y ngumiti si Mateo. Saka nito itinuloy ang ginagawa. Pagkuwa'y ito na ang
naghugas ng mga nahiwang gulay. Tinikman din nito ang niluluto niya.

"Konting asin lang ang inilagay ko diyan," wika niya.

"Huwag mo nang dagdagan. Okay na itong matabang. Kapag lumamig kasi ito ay lalabas
ang natural na lasa," ani Mateo.

"Oo nga."

"Huwag mo nang lagyan ng gatas," sabi nito habang hinahalo ang niluluto niya.

Nang maluto ang pasta ay inilagay na rin niya ang patatas na hiniwa ng maliliit na
kuwadrado. Kasunod ang carrots. Kahit hindi niya nakikita ay ramdam niya na
nakatingin sa kanya si Mateo buhat sa kanyang likuran.

"Tin..." narinig niyang bigkas ni Mateo.

Nilingon niya ito. "Bakit?" tanong niya.

"Mahal mo ba si Karl?" Hindi niya inaasahang tanong nito.

Hinarap niya ito ng tuluyan. "Bakit mo naman natanong 'yan?" aniya.

"Parang imposible kasi na mapamahal ka sa kanya kahit sa online lang kayo


nagkakilala."

Natigilan siya. Minsan na rin niya iyong nasabi sa sarili niya. At ngayon ngang
magkasama na sila ng personal ni Karl ay tila hindi na niya maramdaman kung ano ang
naramdaman niya noong hindi pa sila nagkikita ng personal.
Napangiti siya. "Parang imposible pero naramdaman ko na mahal ko siya noong hindi
pa kami nagkikita. Ang weird pero alam ko sa sarili ko na nakaramdam ako ng
pagmamahal," aniya.

"E ngayon, nararamdaman mo parin ba na mahal mo siya?" usig nito.

"Oo naman," walang pag-aatubiling sagot niya.

"Magkaiba kasi 'yong pagmamahal na ipinapakita paris sa sinasabi," sabi nito.

Bahagyang umalab ang mukha niya. "Pinagdududahan mo ba ako?" matapang na tanong


niya.

Tumayo ng tuwid si Mateo. "Hindi naman. Baka kasi bigla kang magbago."

"Anong ibig mong sabihin?" nalilitong tanong niya.

"I mean...baka kasi ma-realize mo na sa online mo lang pala minahal si Karl. May
nangyayari kasing ganun."

Hindi na niya ito nasagot nang biglang umapaw sa kaserola ang ilang sabaw ng
niluluto niya. Inihalo na niya lahat ng gulay at pinakulo ng isang beses saka
hinango sa apoy ang niluluto.

"Dito ka na maghapunan, magluluto ako ng ulam natin," wika ni Mateo habang


nagsasalin siya ng sopas sa maliit na mangkok para kay Karl.

"Sige, salamat. Pakakainin ko lang si Karl," aniya.

Inihanda na rin niya ang tubig na iinumin ni Karl at inilagay sa iisang serving
tray. Nang bubuhatin na niya ang tray ay saka naman umapila si Mateo.

"Ako na ang magdadala sa kuwarto ni Karl. Mauna ka na," ani Mateo.

"Salamat," aniya. Pagkuwa'y nagtiuna na siyang pumanhik sa kuwarto ni Karl.

=================
Chapter Five

DAHAN-DAHANG binuksan ni Mateo ang pinto ng kuwarto ni Karl— dala niya ang serving
tray kung saan nakapatong ang pagkain ni Karl. Pagpasok niya'y walang tao pero
narinig niya ang lagaslas ng tubig sa banyo. Naririnig niya ang pagduduwal ni Karl.

Inilapag niya sa bed side table ang pagkain saka tinungo sa banyo si Karl kasama si
Tini na panay ang hagod sa likod ng pinsan niya. Nang mahimasmasan si Karl ay
nagmadali siyang alalayan ito hanggang sa kama nito.

Mayamaya'y sinusubuan na ni Tini ng sopas si Karl. Bahagyang nanikip ang dibdib


niya habang pinagmamasdan ang pinsan. Kung paano'y bigla na lamang siyang inuusig
ng konsiyensiya niya. Layon lamang niyang mapasaya ang pinsan, ngunit ano itong
nararamdaman niya? Magmula nang makilala niya si Christine ay hindi na ito mawaglit
sa isip niya. Kakaiba ang itinitibok ng puso niya sa tuwing maglapat ang mga balat
nila.

Lumabas na lamang siya at ipinagpatuloy ang pagluluto niya sa kusina. Adobong manok
ang niluto niya at steamed broccoli at asparagus. Naihain na niya sa hapag ang mga
niluto bago bumaba si Tini. May kausap ito sa cellphone. Mama marahil nito ang
kausap.

"Uuwi ka na ba?" tanong niya sa dalaga nang makalapit na ito sa hapag.

"Nagpaalam ako kay Mama na bukas na ako uuwi. Parang lumalala ang lagnat ni Karl,"
anito. Umupo na ito sa katapat niyang silya.

"Okay lang ba sa kanila? Kahit ako na ang magbabantay kay Karl," aniya.

"Pumayag naman si Mama. Nag-aalala ako kay Karl. Kaninang umaga kasi ay masigla pa
siya. Pagsapit ng tanghali ay bigla na lamang siyang nanghihina. Dalhin nalang kaya
natin siya sa Doktor," sabi nito.

"Ganyan lang talaga si Karl kapag tinamaan ng trangkaso pero mabilis lang siyang
gumaling. Bukas ay wala na 'yang pagkahilo niya," aniya.

"Sigurado ka? Hindi kasi ako sanay na nakakakita ng nagkakasakit. Parang ang hina
ng katawan ni Karl."

Hindi na lamang siya umimik. Pagkuwa'y inabutan na niya ng kanin si Tini. "Kumain
ka na muna," aniya.

"Salamat."

"Doon ka nalang pala matulog sa kuwarto ko mamaya," pagkuwa'y sabi niya.


"Ha? Naku, puwede namang sa kuwarto ako ni Karl matulog. May sofa naman doon,"
anito.

"Ako nalang ang matutulog sa kuwarto ni Karl," giit niya.

"Pero gusto kong bantayan si Karl," giit din nito.

"Baka ikaw naman ang magkasakit. Huwag kang mag-alala, kabisado ko na si Karl kapag
nagkakasakit," aniya.

Hindi na ito umimik. Tahimik na itong kumakain. Inabutan niya ito ng asparagus pero
tinitigan lang nito iyon. "Tikman mo. May ginawa akong mustard sauce para sa
asparagus," aniya.

"Sorry pero hindi ko kayang kainin ang gulay na iyan," nakangiwing wika nito.

Ngumisi siya. Hindi na lamang niya ito pinilit. "Kung gagawa ako ng asparagus
kimchee, kakainin mo ba?" tanong niya.

"Huh?" Nanlaki ang mga mata nito.

"Bakit parang nagulat ka?" natatawang tanong niya.

"Ah...m-marunong ka ba?" tanong nito.

"Oo naman. Natuto ako noong mag-stay kami ng dalawang linggo sa Korea pero hindi
ako kumakain kapag Korean ang gumawa. Amoy palang kasi ay maanghang na," aniya.

"Mahilig ka rin palang magluto," sabi nito.

"Yeah. Mahilig kasi kaming kumain ni Karl pero hindi heavy meal."

"Hindi ka rin pala mahilig sa kanin," anito.

"Mahilig lang ako sa pastries at—" hindi niya itinuloy ang sasabihin. Masyado
siyang naaaliw sa palitan nila ng salita ni Tini at may nakalimutan siya.

Panay ang sulyap sa kanya ng dalaga habang kumakain. Mapan-usig ang mga mata nito.
Matalas din ang pandamdam nito. At ang napansin niya ay ang presensiya nito na tila
may taglay na hipnotismo. Nakakalimot siya sa tuwing kasama niya ito paris na
lamang noong nalunod ito.

Nakalimutan niya na may iba pa silang kasama. Hindi hamak ang kabang naramdaman
niya nong makita niya si Tini na nilalamon ng tubig. Nagsimulang sumibol ang
nakahihibang na damdamin niya nang mabatid na si Tini pala talaga ang babaeng
nakita niya sa Seoul—na kauna-unahang babae na sinabihan siyang 'Bastard, go to
hell'. Converted sa Korean kasi ang pangalan nito noon....

"Stop calling me, Bastard! Go to hell!"

Bumungisngis si Mateo. "Calm down, honey. You're hell fallen for me in evil sake!
Don't you dare me," tugon niya sa kausap sa telepono.

Tumawa ng pagak ang babae. "Over my cold body...who are you, Damn Bastard!?"

"Your words very much killing me...in a good way, honey," aniya.

"I'm not sweet, so don't call me honey, okay?!" binagsakan na siya ng telepono...

HINDI namamalayan ni Mateo na nakangiti siya habang kaharap si Tini sa hapag.


Kanina pa pala siya nito pinagmamasdan. "Bakit nakangiti ka?" kunot-noong tanong
nito.

"Um? W-wala," maang niya. Nagpatuloy na lamang siya sa pagsubo.

PAKIRAMDAM ni Tini ay inaapuyan ang katawan niya. Nakakaloko kasi ang ngiti ni
Mateo at ang tingin nito sa kanya ay may kasamang pan-uuyam. Pamilyar sa kanya ang
presensiya nito at nabuhay nanaman ang alaala ng lalaking nambuwisit sa kanya sa
Korea. Wala na ang ilang niya kay Mateo, naiirita na siya.

Isang alaala ang tuluyang nagkumbinsi sa kanya nang makita niya kung paano isubo ni
Mateo ang asparagus...

Nadatnan nanaman ni Tini ang apat na lalaking meyembro ng Philippine team sa


dining. At siyempre, sentro ng paningin niya ang tisoy na kahit gabi ay nakasuot ng
sunglass sa mga mata at naka-jocket na may sombrero kahit nasa loob ng restaurant.
Para bang may kung ano sa mukha nito at ayaw ipakita ang buong pagmumukha. Feeling
celebrity?

Napapalunok siya habang pinagmamasdan ang lalaki na takam na takam habang


idinidildil sa mustard dip ang grilled asparagus. Kung isubo pa nito ang asparagus
ay waring sumusubo ng potato fries.
"Ano kaya ang masarap sa kinakain niya?" bulong niya. Dalawang dipa lamang ang
pagitan ng mesa nito sa inakupa niyang mesa kasama ang anak ng boss niya'ng babae.

May pakiwari siya na ang lalaking iyon ang tumatawag sa kanya gabi-gabi na ayaw
magpakilala. Ito lang naman ang lalaking binigyan niya ng calling card. Kung kailan
nagkaroon na siya ng lakas ng loob na kausapin ito ng personal ay saka naman
nakapag-check out ang grupo nito.

"Magtatagpo din ang landas natin sino ka mang anak ng tinapa ka..." bulong niya
habang abala sa pagtipa sa laptop....

BUMUNTONG-HININGA si Tini. Titig na titig siya kay Mateo habang idinidildil nito sa
mustard sauce ang isang stalk ng asparagus saka nito dahan-dahang isinubo na para
bang potato fries. Wala na siyang pakialam kahit ano pa ang isipin nito.

"Mateo..." bigkas niya.

"Um?" anito habang ngumunguya ng asparagus.

"Ikaw lang siguro ang taong isinilang sa mundo na may ganyang estilo sa pagkain ng
asparagus," aniya.

Bahagya itong natawa. "Paano mo naman nasabi 'yan?" tanong nito.

"Ikaw 'yong lalaking nag-check-in sa Lee-Park Hotel sa Seoul. Miyembro ng


Philippine team—na humingi ng calling card ko at gabi-gabi akong tinatawagan,
inaasar at kinukulit..." prangkang wika niya. Hindi na siya kumain pa.

Awtomatiko'y tumitig sa kanya si Mateo. Tumigil ito sa pagsubo. "Akala ko nagka-


amnesia ka or malabo ang mata mo. Hindi ka pa pala naka-move on?" anito.

Basta na lamang uminit ang bunbunan niya at bahagyang umangat ang puwit buhat sa
kinaluklukan. "Sinasabi ko na nga ba," namumurong sabi niya. Mariing nagtagis ang
bagang niya.

"Sorry," anito.

"Sorry? Kung puwede lang murahin kita ngayon..."

"Go ahead, or if gusto mo akong sampalin...pababayaan kita. Nababagot kasi ako noon
kaya ikaw ang napaglaruan ko. Pero ang alam ko minura mo na ako," sarkastikong sabi
nito.

"Wala namang kuwenta ang nangyari sa atin sa Seoul kaya bakit pa natin pag-
uusapan?" aniya. Umayos na siya ng upo.

"Oo nga. Nakalimutan ko na rin 'yon. At ang liit nga ng mundo dahil ngayon ay
nagkita na tayo at heto nga't girlfriend ka pa ng pinsan ko. So let's be friend?"
Inialok nito ang kanang palad sa kanya.

Sa halip na mainis ay napangiti na lamang siya. "Parang kinakabahan ako, Mateo,"


aniya. Hindi niya dinaup ang palad nito.

"Bakit?" tanong nito.

"Parang nakakatakot kang maging kaibigan," seryosong wika niya.

Itinuwid ni Mateo ang likod. "Bakit mo naman nasabi 'yan? Mag-move-on ka na.
Nagbago na ako, Christine o mas magandang pakinggan na magbabago na ako," seryosong
pahayag nito.

Matiim na tinitigan niya ito sa mga mata. Ngayon lamang niya natagalan ang
pagtitigan nila. Ewan niya bakit sa tuwing magtatama ang mga mata nila ay
awtomatikong tumutulin ang tibok ng puso niya? Minsa'y nasasabik, minsan nama'y
waring nanganganib ang damdamin niya.

Mukhang walang balak si Mateo na umiwas ng tingin kaya naman siya na lamang ang
umiwas. Pagkatapos nilang maghapunan ay magkatuwang na niligpit nila ang
pinagkainan nila. Nagtiuna siyang dalhin sa lababo ang mga gamit na plato.

Lumapit naman si Mateo at inagaw sa kamay niya ang sponge. "Ako na ang maghuhugas,"
anito.

"Hindi, ako na. Ikaw na nga ang nagluto e," aniya at inagaw niyang muli ang sponge
sa kamay nito ngunit hindi nito iyon binitawan.

"Ako na. Silipin mo nalang si Karl sa kuwarto niya," giit nito.

"Sandali lang naman ito." Nagpumilit siya at naagaw niya ang sponge.

"Makulit ka rin e." Hinawakan nito ang kamay niya na may hawak sa sponge.

Hindi niya binitawan ang sponge hanggang sa magpumilit ito—hanggang sa nauwi sa


paghaharutan ang lahat. Natigilan siya nang mamulupot ang braso nito sa baywang
niya buhat sa likuran at hinila siya palayo sa lababo. Napakapit siya sa braso nito
nang kamuntik siyang madulas sa basang sahig.
Ang dibdib niya'y waring tambol na pinapalo. Natigilan siya nang madama ang braso
ni Mateo na nasa puno na ng dibdib niya nakapulupot. Bahagya niyong iniangat ang
dibdib niya. Nag-init ang pakiramdam niya.

Tumayo siya ng tuwid saka kumawala sa bisig ng binata. Nang harapin niya ito'y
walang bahid ng ngiti ang mukha nito.

"Sige, ikaw na ang maghugas," pagkuwa'y sabi nito. Kumilos na ito upang iwan siya.

"Sisilipin ko lang si Karl," anito at tuluyang umalis.

Pinagpatuloy na lamang niya ang paghuhugas ng plato. Sobrang kupad niyang kumilos
at tila hibang na paulit-ulit niyang naiisip ang sandaling madama ang init ng
katawan ni Mateo. Napapangiti siya habang inaalala ang panahong nakita niya ito sa
Seoul at higit sa lahat...namumuo ang pagpapantasya niya sa lalaki.

Ngali-ngali niyang sampalin ang sarili. Nang mahimasmasa'y binilisan na niya ang
paghuhugas. Kung kailan naman malapit na siyang matapos sa ginagawa ay saka naman
nawalan ng ilaw. Napatili siya na hindi inaasahan buhat sa matinding kaba.

Wala siyang makita. Nangangapa siya habang mayuming humahakbang at panay ang tawag
kay Mateo. "Mateo!" sigaw nanaman niya.

Nagpatuloy siya sa paghakbang habang nangangapa. Sobrang dilim. Mamaya'y may nakapa
siyang malambot at malamig na bagay. Napakislot siya at hindi na tumigil sa
kakatili. Natataranta siya at nagkanadatisod na siya sa paanan ng mga silya.

"Mateo...!" sigaw niya at sa labis na takot ay napaluha siya.

"Tini!" narinig niyang sigaw ni Mateo ngunit malayo pa ito sa kanya.

Hindi na niya alam kung saan siya dinadala ng mga paa niya basta't patuloy siya sa
paghakbang. Umiyak na siya ng tuluyan. May nakita siyang animo'y kulisap na liwanag
na papalapit sa kanya. Lalo lamang siyang napatili.

"Tini?" Tinig ni Mateo na waring nasa tabi lamang niya.

Nangangapa nanaman siya at sa kakakapa niya'y dibdib ni Mateo ang nadama niya—ang
maskulado at natigas nitong dibdib na walang saplot. "M-Mateo?" nanginginig na
tanong niya.

"Ako 'to Tini," tugon naman nito.


Nang madama niya ang init ng palad nito na humahaplos sa pisngi niya ay walang abog
na yumakap siya sa binata—yakap na buong higpit. Sa paraang iyon ay unti-unting
naiibsan ang takot niya. Isinubsob niya ang mukha sa dibdib nito. Tuluyang humupa
ang kaba niya nang lingkisin ng mga braso nito ang katawan niya.

"Tama na. Magkakailaw din mayamaya," anito.

Nasasamyo niya ang amoy mustard nitong hininga. Nang umangat siya ng mukha upang
maaninag ang mukha nito ay napakislot siya nang madama niya sa sariling bibig ang
malambot at mainit nitong mga labi. Ang matangos nitong ilong ay bumubunggo sa sa
tungki ng ilong niya. Muling bumayo ang dibdib niya ngunit hindi buhat sa kaba.

Nang muli siyang kumilos ay naghinang ang labi niya sa kung anong malambot na bagay
na amoy mustard. Nag-init ang buong katawan niya nang malasahan ang mustard. Kung
hindi siya nagkakamali...hinahalikan siya ni Mateo!

"Mat—" bigkas niya. Kumikilos ang labi ni Mateo at tuluyang sinakop ang bibig niya.

Namanhid ang buong katawan niya at ang nakakabulag na dilim ay waring umaliwalas sa
pakiramdam niya. Pakiramdam niya'y nakalutang lamang siya sa ulap. May bayolenteng
init na nagtutulay sa mga ugat niya—na siyang nag-uudyok upang pakilusin niya ang
kanyang mga labi.

"Tini?!" Narinig niya ang tinig ni Karl.

Napakislot siya at dagling kumawala sa kayakap kasabay sa muling panunumbalik ng


ilaw. Namataan niya si Mateo na nakatayo sa harapan niya—hubad baro ito. Nasa
bukana na pala sila ng pinto ng kusina.

"Tini!" si Karl na nasulyapan niyang bumababa ng hagdan.

Patakbong sinalubong niya ang nobyo at pinigilan ito sa pagbaba. "Karl, bakit ka pa
bumaba?" tanong niya. Kumapit ito sa braso niya.

"Narinig kitang sumigaw. Anong nangyari?" nag-aalalang tanong nito.

"Natakot kasi ako sa biglang pagkawala ng ilaw," aniya.

"Si Mateo?"

"N-nasa kusina. Hali ka na sa kuwarto," pagkuwa'y sabi niya. Iginiya na niya ito
pabalik sa kuwarto nito.

Bumaba na rin ang lagnat nito. "Okay ka lang ba?" tanong nito sa kanya nang makaupo
na sila sa kama.
"Okay lang ako. Takot kasi ako sa dilim," aniya.

"Dito ka na lang matulog sa kuwarto ko," sabi nito pagkuwan.

"H-ha? Pero sabi ni Mateo siya raw ang matutulog dito at doon ako sa kuwarto niya."

"Baka mamatay nanaman ang ilaw, wala kang kasama."

Bigla siyang ginupo ng takot. Oo nga naman. Paano nalang kung mawalan ulit ng ilaw?

"S-sige, dito na lang ako matutulog."

Humiga nang muli si Karl sa kama. "May damit ako sa aparador puwede mong gamitin,"
wika ni Karl.

Tumayo na siya. "Sige. Ibababa ko lang itong pinagkainan mo at kukuha na rin ako ng
tubig na inumin mo," aniya. Binuhat na niya ang serving tray na pinapatungan ng mga
pinagkainan ni Karl.

Pagdating niya sa kusina ay naroroon pa si Mateo at nagliligpit ng kalat. Nasipat


niya ang mga hita ng manok na inilabas niya kanina upang matunaw ang yelo. Nasa
ibabaw lang iyon ng mesa at iyon na marahil ang malamig na nakapa niya kanina.

"Ako na ang bahala dito, magpahinga ka na," wika ni Mateo.

Hindi na lamang siya umimik at iniwan na niya ito. Naligo na lamang siya sa banyo
sa kuwarto ni Karl. Nakaugalian na niyang magbaon ng panty kahit saan siya pumunta.
Walang problema sa bra. Hiniram niya ang itim na short pants ni Karl at ang T-shirt
nito na puti.

Pagkatapos niyang maligo ay nadatnan niya si Karl na nakapikit na. Hindi manlang
ito nagkumot. Umupo siya sa tabi nito, pinagpapawisan ito. Kumuha siya ng bimpo at
pinahiran ang pawis nito. Nang kapain niya ang likod nito ay basa rin sa pawis.
Dahan-dahan na hinuhubad niya ang damit nito saka pinunasan ng binpo ang katawan
nito.

Umungol si Karl ngunit hindi na ito nagising. Aywan niya bakit bigla na lamang may
kumurot sa puso niya habang pinagmamasdan niya ang nahimbing na kasintahan.
Hinamlos niya ang pisngi nito, ang dibdib nito.

Napapitlag siya nang biglang bumukas ang pinto at inuluwa niyon si Mateo. Tila na
gulat ito at bahagya pang napaatras. "Akala ko doon ka matutulog sa kuwarto ko?"
mahinang saad nito.
"Sabi ni Karl dito nalang ako matulog. Okay lang naman. Maluwag naman ang kama
niya," wala sa loob na sabi niya.

"Baka mahawa ka ng trangkaso niya," sabad nito.

"Hindi naman siguro. Puwede naman ako sa sofa," aniya.

"Hindi ka makakahiga ng maayos sa sofa," sabi naman nito.

"Walang problema. Hindi naman ako matutulog ng diretso baka may kailangan si Karl,"
tugon niya.

"Okay. Basta pag may kailangan ka katukin mo lang ako sa kabilang kuwarto," sabi na
lamang nito.

"Sige, salamat," aniya.

Pagkuwa'y lumabas na lamang si Mateo.

=================

Chapter Six

ALAS-DOS na ng umaga pero hindi pa madalaw-dalaw ng antok si Mateo. Pabiling-biling


siya sa kama at tuluyan ng nababanas. Umupo siya at nagbukas ng laptop pero agad
din siyang nagsawa sa kakapanood sa youtube. Mariing naisambunot niya ang mga
darili sa sariling buhok.

Mayamaya'y tumayo siya at lumabas ng kuwarto. Napansin niyang bahagyang nakabukas


ang kuwarto ni Karl. Kumunot ang noo niya. Hindi manlang iyon isinara ni Tini.
Marahang itinulak niya ang pinto upang matiyak kung may gising pa ba sa loob.

Tumambad sa kanya ang dalawa na magkasama sa kama. Nakahiga sa tabi ni Karl si Tini
habang nakaunan ang ulo nito sa dibdib ng pinsan niya. May kung anong matulis na
bagay ang tumulos sa dibdib niya. Ang weird pero totoo ang nararamdaman niya.
Kumikirot ang puso niya, naninikip ang dibdib niya.

Nang hindi niya matagalan ang nakikita ay dahan-dahan siyang kumilos at maingat na
naisara ang pinto. Lalo lamang siyang pinuyat ng damdamin niyang iyon.

Mataas na ang araw nang magising si Mateo. Natagpuan na lamang niya ang kanyang
sarili na nasa study room at sa sofa siya nakatulog. Paglabas niya ng naturang
silid ay may nauulinigan siyang mga tinig sa gawi ng kusina. Dinala siya ng mga paa
niya roon.

Namataan niya si Karl at Tini na kumakain. Mukhang magaling na nga si Karl,


nagagawa na nitong tumawa at makipagharutan kay Tini. Nariyan nanaman ang
pakiramdam niya na waring may pumipiga sa puso niya. Kumilos siya upang lisanin ang
lugar ngunit narinig na niya si Karl.

"Mat, hali ka na!" ani Karl.

Awtomatiko'y napatingin sa kanya si Tini. "Kumain na tayo, Mat," sabi ulit ni Karl.

"Sige, mauna na kayo, maliligo lang ako," aniya.

"Sige," si Karl.

Pagkuwa'y umalis na siya. Hindi na nanumbalik ang normal na tibok ng puso niya.
Bawat pintig niyon ay may kalakip na kirot. Noon lamang niya nadarama ang ganoong
damdamin na bigla na lamang nananalasa sa pagkatao niya. Hindi niya matandaan kung
kailan iyon nagsimula.

Ang bisyo kapag itinigil, naniningil... naalala nanaman niya ang sinabi ni Vodka.

Sinisingil na ba ako ng kalokohan ko? naisaloob niya habang nasa ilalim ng


tumatagistis na tubig buhat sa shower.

Pagdating ni Mateo sa kusina ay nadatnan niya si Tini na naghuhugas ng plato. Wala


na roon si Karl. Bahagya pa itong nagulat nang makita siya.

"Kumain ka na," sabi nito.

Umupo siya sa harap ng hapag kung saan natatakpan ang mga pagkain. "May sopas pa
pala rito in-init ko lang," sabi nanaman ni Tini.

Sinipat niya ito. "Sige, salamat," aniya. Nagpatuloy siya sa pagsubo.

Medyo nahihiya siya kay Tini dahil sa nangyari kagabi. Hindi rin niya maintindihan
ang sarili niya bakit naudyok siyang halikan ito habang magkayakap sila sa dilim.
Pero ang kakat'wa ay ang pagtugon nito sa halik niya. Nagdulot iyon ng kakaibang
ligaya sa puso niya.

Sinusulyapan niya ang dalaga habang abala ito sa pagkilos sa harapan niya,
nililinis nito ang ref. Naglaro ang diwa niya sa kabuoan nito—sa damit na suot
nito. Suot nito ang damit ni Karl. Parang palagi na rin nitong kayakap ang pinsan
niya.
Mahirap pala...na ang dapat sa'yo ay iba ang nakikinabang, nasabi niya sa sarili.

Napapangiti siya na hindi sinasadya.

MAKALIPAS ang isang linggo, excited na si Tini sa pagpunta nila sa Subic. Kahit
pabalik-balik ang lagnat ni Karl ay sumama parin ito. Kotse na lamang ni Mateo ang
gagamitin nila at ito na rin ang driver. Hindi naman ito umaangal kahit magmukha
itong driver nila.

Tatlong oras ang biyahe nila bago makarating sa Subic Bay, medyo traffic at hindi
naman sugapa sa pagmamaneho si Mateo. Naghanap kaagad sila ng magarang hotel na
mapaglilipasan nila ng dalawang araw. Maraming magagarang Resort na halos lahat ay
nasa tabi ng dagat. Itinuro ni Mateo kung saan ang alam nitong maganda kung saan
madalas ang mga Atletang tulad nito.

All Hands Beach—ang isa sa mga dinadayo ng mga artista at mga atleta. Maganda ang
dagat at oo nga, maganda ang lugar para sa mahihilig sa sports. Kumuha sila ng
dalawang kuwarto na malapit sa dagat.

Kararating lamang nila ay nagtampisaw na sa dagat si Kara. Kinabahan siya baka kung
saan mapunta ang kapatid. Panay ang silip niya sa gawi ng dagat habang nasa lobby
silang tatlo ni Karl at Mateo.

"Don't worry, secured ang guest rito," sabi sa kanya ni Mateo.

Sinipat niya si Mateo, suot nanaman nito ang malaking sunglass nito. Hindi niya
mahulaan kung saan ito nakatingin. Pakiwari niya'y nakatingin din ito sa dagat kung
saan maraming tao. Marami siyang nakikitang nagsu-surfing at jetskey. Matagal na
niyang gustong masubukan ang mga iyon pero tila nagkaroon na siya ng takot sa tubig
buhat nang malunod siya sa awimming pool.

Pagkatapos nilang mananghalian ay pumunta na sila sa Ocean Adventure—ang lugar na


gusto talaga niyang puntahan. Masaya siya ngunit hindi niya maipakita lalo pa't
napapansin niya si Karl na tila pinipilit lang ang sarili na maging malakas. Hindi
naman niya ito puwedeng pilitin na lumusong din sa tubig at makipaglaro sa
dolphins.

Nakatayo lamang silang dalawa ni Karl sa rampa kung saan natatanaw ang mga kakaaliw
na dolphins. Buhat roon ay nakikita niya si Kara at Mateo na nagpapakain ng
dolphins. Naiinggit siya sobra.

"Pumunta ka na sa kanila, Tin, papanoorin kita," sabi ni Karl.

Tinitigan niya ito. "Sigurado kang okay ka lang dito?" tanong niya.
"Oo naman."

"Sige, pero kapag may kailangan ka tawagin mo ako a," aniya.

Tumango lamang ito. Pagkuwa'y bumaba na siya at tinungo sina Kara at Mateo. Basang-
basa na ang mga ito at mukhang nag-e-enjoy talaga ang kapatid niya. Napansin din
niya ang malapad na ngiti ni Mateo.

"Ate, tingnan mo...ang cute ng Dolphins!" sigaw ni Kara habang papalapit siya sa
mga ito sa gilid ng pool.

Tumayo siya sa tabi ni Mateo na nagpapakain ng Dolphins. "Gusto mong subukan?"


mamaya'y tanong ni Mateo. Inabutan siya nito ng isang buong pusit na siyang
kinakain ng dolphin.

Kinuha naman niya iyon. At nang may lumapit na Dolphin ay inihain na niya ang
pagkain nito na tinalon pa ng kakaaliw na Dolphin at kinuha mula sa kamay niya ang
pusit. Nagulat siya at sa takot niya na mahulog sa tubig ay nawalan siya ng
panimbang. Kamuntik na siyang mahulog sa tubig nang biglang kapitin ni Mateo ang
baywang niya.

Napayakap siya sa binata. Ganoon na lamang ang kabog ng dibdib niya.

"Okay ka lang?" paanas na tanong nito.

Tumango siya ngunit nanatiling kulong siya ng mga bisig nito. "Gusto mo pang
subukan?" tanong nito.

"Ayaw ko na," aniya.

Bumungisngis si Mateo. "Hindi naman nangangagat ang Dolphins dito at nadesiplina na


sila. May magagaling silang trainor," anito.

Hindi na naalis ang kamay nito sa baywang niya—at tila hindi na niya magawang
kumawala sa bisig nito. Ang sarap nitong yakapin. Nakakalimutan niya ang lahat
kapag kasama niya si Mateo. Naghiwalay lamang sila nang lumapit sa kanila si Kara.

"Ate, nagugutom na ako," ani Kara.

"Paanong hindi ka gugutumin e sigaw ka ng sigaw," sabi naman niya.

"May Restaurant din dito," wika naman ni Mateo.


"Kakain na ba tayo?" natanong pa niya kay Mateo.

"Kayo?" anito.

"Meryenda lang siguro," aniya.

Ngumiti lang si Mateo. Nagtiuna naman sa paglalakad si Kara habang nakasunod silang
dalawa ni Mateo. Marami paring tao at siksikan sa daan. Nang papalabas na sila ng
munting tarangkahan ay napakislot siya nang maramdaman ang kamay ni Mateo sa
balikat niya. Iginiit siya nito sa katawan nito hanggang sa maghinang ang mga
balikat nila.

Hindi niya masupil ang malakas na kabog ng dibdib niya. Gustong-gusto niya ang
ginagawa ni Mateo—na kung maari ay huwag na nitong alisin ang kamay sa balikat niya
at huwag na lamang matapos ang sandaling iyon. Pakiwari niya'y natatakot si Mateo
na mawala siya sa tabi nito at kulang nalang ay yakapin siya nito.

Dumestansiya lamang ito sa kanya nang makarating na sila sa kinaroroonan ni Karl.


Pagkuwa'y sabay-sabay na silang lahat pumunta sa malapit na kainan. Nagmeryenda
lamang sila. Mayamaya rin ay babalik na sila sa tinutuluyan nilang Resort.

"Nakakapagod din palang makipaglaro sa Dolphins," wika ni Kara habang panay ang
papak ng tacos.

Nagutuman rin si Mateo at nakadalawang tacos din ito. Sila naman ni Karl ay
nagkasya na lamang sa malaking ham burger na hinati nila. Iniiwasan niyang
mapasulyap kay Mateo pero sa tuwing tumingin ito sa kanya ay waring inuusig siya
nito. Hindi na biro ang paraan ng pagtitig nito sa kanya kahit kaharap nito ni
Karl.

Masyado itong bulgar kung magpahiwatig ng damdamin. Pakiwari niya'y may gusto itong
sabihin sa kanya, may gusto itong patunayan. Hindi niya gusto ang nararamdaman
niya. Wala siyang balak na manakit ng damdamin ng ibang tao pero hindi rin niya
magawang lokohin ang sarili niya gayung nararamdaman niya na may espisyal siyang
nararamdaman para kay Mateo o sa madaling sabi—umiibig na siya sa lalaki.

Bigla na lamang siyang inalipin ng takot. Noon lamang niya napagtanto kung ano ang
ipinapahiwatig ng mga nararamdaman niya magbuhat pa noong makilala niya si Mateo.
Ang alam niya mahal niya si Karl pero bakit mas nararamdaman na niya ngayon si
Mateo sa puso niya?

Bago pa kumagat ang dilim ay nakabalik na sila sa Resort. Kahit gabi na ay marami
paring tao na naliligo sa dagat.

Pagkatapos nilang maghapunan ay niyaya siya ni Karl na mag-beach walk. Umupo silang
dalawa sa buhanginan sa pampang habang ang mga paa nila ay pilit inaabot ng alon.
Maliwanag ang buwan at puno ng bituin ang kalangitan na nagsasalamin sa malawak na
karagatan. "I'm sorry, Tini," basag ni Karl sa katahimikan.

Tinitigan niya ito. "Para saan?" maang niya.

"Kasi may sakit ako. Hindi manlang ako nakakasama sa'yo, hindi manlang kita
nadadamayan sa pagliwaliw."

"Okay lang. Kasama ka naman e. Baka kasi mabinat ka kapag nagpumilit ka na sumama
sa adventure namin. Sayang nga, bukas sana ang scuba diving natin. Binilihan pa
kita ng wetsuit," malungkot na sabi niya.

"Puwede ka parin naman mag-scuba diving kahit hindi ako kasama," anito.

"Ayaw kong mag-isa."

"Si Mateo naman ang kasama mo. Magaling siyang sumisid kahit walang oxygen,"
natatawang sabi ni Karl.

Natigilan siya. Hindi niya alam kung pakakapagtimpi pa siyang kasama ng matagal si
Mateo. "Nakakahiya kasi kay Mateo," sabi na lamang niya.

"Mas tiwala akong kasama mo si Mateo kasi nakasisiguro ako na ligtas kang kasama
siya. Kahit dalawa pa kayo ni Kara ang babantayan niya," anito. Inakbayan siya
nito.

"Paano 'yan, mag-isa ka lang na maiiwan dito bukas?" aniya.

"No problem. Marami nang aliwan dito. Babawi nalang ako next time."

"Magpatingin ka na kaya sa doktor pagbalik natin sa Maynila," suhesyon niya.

"Nagpatingin na ako sa doktor," anito.

"Anong sabi? Bakit daw palaging sumasakit ang ulo mo at nahihilo ka?" usisa niya.

Matagal bago kumibo si Karl. "Dahil lang daw sa stress," pagkuwa'y tugon nito.

"Sigurado ka? Hindi ka naman kasi nagpapahinga," aniya.

"Hindi ko naman puwedeng pabayaan ang kompanya. Mabuti nga at tinutulungan ako ni
Mateo. Kahit sobrang busy siya ay naglalaan parin siya ng oras para sa kompanya."
"Bakit nga pala hindi na umuuwi sa Spain si Mateo?" pagkuwa'y usisa niya.

"Iba rin kasi ang ugali ng parents niya. Once na umalis sa puder nila ang anak nila
ay wala nang pakialam ang mga ito," ani Karl.

"Ibig sabihin lumayas si Mateo?"

"Hindi naman sa lumayas. Nagpaalam naman siya na dito na siya titira sa Pilipinas.
Pinayagan naman siya ng parents niya pero alam naman ni Mateo kung ano ang rules ng
mga magulang niya. Pinili niya ang buhay niya. Bilib nga ako sa taong iyon,"
kuwento ni Karl.

Mamaya'y nilukob na ng imahe ni Mateo ang isip niya. Natutuwa siyang napag-uusapan
ang lalaki. Napansin niya ang biglang pananahimik ni Karl. Nang sipatin niya ito ay
hawak nanaman nito ang ulo nito.

"Karl?" hinagod niya ang likod nito.

"Okay lang ako. Bumalik na tayo sa suite," sabi lang nito at dahan-dahan itong
tumayo.

Nakasunod lamang siya sa likod nito. Noon siya napapaisip at nagduda sa kondisyon
ni Karl. Hinatid na niya ito sa suite ng mga ito. Nadatnan nila si Mateo na
nagtitipa sa laptop. Mamaya'y tumayo ito at inalalayan si Karl.

"Dapat hindi kayo nagtagal sa labas," matigas na sabi ni Mateo. Gusto pa ata siyang
sisihin.

"Okay lang ako, Mat," ani Karl.

Nang lumabas si Mateo ay lumabas din siya. Sinundan niya ito kung saan man ito
pupunta. "Mat..." awat niya rito.

Huminto ito nang makarating sila sa hardin malapit sa restaurant. Hinarap naman
siya nito. "Bakit?" tanong nito.

"May sakit ba si Karl?" hindi natimping tanong niya.

"Bakit ako ang tinatanong mo?" masungit nitong tugon.

"Parang hindi na normal ang sakit niya. Wala namang sinasabi sa akin si Karl,"
nababahalang saad niya.
"Hindi ko alam, Tini."

"Pero matagal na kayong magkasama," giit niya.

"Kung nag-aalala ka sa kanya...huwag mo sa akin iparamdam." Tinalikuran siya nito.

"Mat..." bigkas niya.

Muli itong humarap sa kanya.

"Meron ba akong dapat malaman?" usig niya.

"What?"

"Matagal ko nang nararamdaman 'to. Parang may mali. Okay na sa akin ang pagkikita
natin sa Seoul at tanggap ko na iyon. Pero parang...parang..." naubusan na siya ng
lakas ng loob.

"We talk about Karl. Bakit parang gusto mo ng personalan? Ang pagkikita natin sa
Seoul ay parte lang iyon ng nakaraan na hindi naman masyadong importante," anito.

"Alam ko at wala na akong pakialam doon. Pero...parang may gusto kang sabihin sa
akin, Mat. Meron nga ba?" lakas-loob na usig niya.

Hindi kaagad kumibo si Mateo, nakatitig lamang ito sa kanya. "I'm sorry," bigkas
lang nito.

"Sorry?" kunot-noong tanong niya.

"I like you, Tini."

Nabikig na ang lalamunan niya. Nagkasya na lamang siyang nakatitig sa mukha nito.
Hindi iyon ang inaasahan niyang sabihin nito.

"Hindi ko puwedeng sabihin na mahal na kita, mali 'yon. Hindi ko na napipigil ang
sarili ko sa tuwing magkasama tayo. Hindi ko dapat nararamdaman 'to,
pero...gustong-gusto kita, Tini," seryosong pahayag nito.

"Mat..."

"Okay lang. Alam kong hindi mo ipagpapalit si Karl. Siya ang minahal mo at siya ang
kinagisnan mo."
Gustong magdiwang ng puso niya ngunit may ilang bahagi ng katauhan niya ang
nagpoprotesta. Umalis na lamang si Mateo na hindi niya nailabas ang saloobin.
Bumalik na lamang siya sa suite nila Karl at nadatnan niyang nanonood na ng TV ang
nobyo. Masigla nanaman ito.

"Matulog ka na para may lakas ka sa scuba diving mo bukas," sabi sa kanya ni Karl.

Umupo siya sa tabi nito. Inakbayan naman siya nito. "Matutulog na rin ako
pagkatapos nitong pinapanood ko," anito.

"Good night," aniya.

Hindi niya inaasahan nang bigla siya nitong yakapin at siniil ng halik ang kanyang
mga labi. "I love you..." bulong nito.

Noon lamang niya narinig ng personal ang 'I love you' nito—na sa isang iglap ay
gumimbal sa pagkatao niya.

Muli nitong hinalikan ang labi niya kasabay sa pagbukas ng pinto. Napapitlag siya
at nagkasabay sila ni Karl na napatingin kay Mateo na siyang iniluwa ng pinto.
Bakas din sa mukha nito ang pagkasurpresa.

Pagkuwa'y tumayo na siya at nagpaalam kay Karl.

ALAS-DOS ng hapon nagpaalam si Tini kay Karl. Kasama niya si Mateo at Kara para
mag-scuba diving. Marami silang kasabayan na mga foreigner sa iisang yate.
Pagdating sa diving site ay saka lamang sila sisisid lahat. May natatanw siyang
isla kung saan puwede silang mamahinga.

Hindi na napalis ang ngiti niya magbuhat nang maglayag sila. Hindi rin siya makaupo
sa sobrang excitement.

Nang sipatin niya si Kara ay abala na ito sa pakikipagkuwentuhan sa guwapong


Amerikano na halos kaedaran nito. Si Mateo naman ay kausap ang isa sa life guard na
para bang matagal ng magkakilala ang mga ito.

Mayamaya pa'y sinabi na ng life guard na magsuot na sila ng paraphernalias nila.


Isa-isa nang nagsitalon ang mga divers. Nauna na si Kara kasama ang bagong
kaibigan. Kinakabahan siya nang siya na ang susunod.

"Kaya mo 'yan," narinig niyang sabi ni Mateo. Nagulat siya nang mamataan ito sa
likuran niya.
Naibsan ang kaba niya nang maramdaman ang presensiya nito. Tiwala siya na
babantayan siya nito. Isinuot na niya ang oxygen niya at inihanda ang sarili sa
paglusong sa tubig. Nang makababa na siya sa tubig ay nakita niya si Mateo na
sumunod sa kanya.

Pagkuwa'y sumisid na siya. Malaki at malinaw ang suot niyang mask kaya kitang-kita
niya ang ibang kasama nila. Nagtatatalon ang puso niya nang masilayan ang ganda ng
dagat, ang makukulay na isda na lumalangoy kasabay niya. Makalimutan niya ang
ibabaw ng lupa sa isang iglap lamang.

May nakita siyang malalagong halamang dagat na kinukublian ng mga isda. Natukso
siyang lapitan ang mga ito at nang hawiin niya ang halaman ay may lumitaw na snake
fish. Napaatras siya. Kumislot siya nang bumalya ang likod niya sa matigas na
bagay. Nang lumingon siya ay namataan niya si Mateo sa harapan niya.

Mabilis na napawi ang kaba niya. Hindi niya makita ang ekspresyon ng mukha nito.
Nagulat na lamang siya nang hawakan nito ang kamay niya at iginiya siya sa bahagi
kung saan maraming malalaki at makukulay na isda. Nagniningning ang paningin niya,
nag-uumapaw ang kaligayahan niya.

Napapalayo na sila sa ibang kasama nila. Hindi na rin niya makita si Kara.
Kinabahan siya nang dalhin siya ni Mateo sa madilim na bahagi. Pumiksi siya ngunit
hindi nito binitawan ang kamay niya. May sinisenyas ito sa kamay pero hindi niya
maintindihan. Hindi siya kumikilos kahit hinihila siya nito.

Mamaya'y kinabig nito ang baywang niya. Iginiya siya nito paangat sa tubig. Nang
makaahon ang mga ulo nila ay nagtanggal siya ng oxygen sa bibig at ganoon din si
Mateo.

"Hindi kita maintindihan," nahahapong wika niya.

"Sabi ko susundan natin si Kara," anito.

"Hindi ko nga makita si Kara," aniya.

Pareho silang napatingin sa yate'ng sinakyan nila kanina. Mula roon ay natatanaw
niya ang babaeng kumakaway. "Si Kara 'yon," aniya.

"Oo nga. Umahon na pala sila," sabi naman ni Mateo.

Kumaway din siya kay Kara. Kahit papano'y naibsan ang pangamba niya. "Gusto mong
sumisid ulit?" pagkuwa'y tanong ni Mateo.

Tumango lamang siya. Pagkuway sabay na silang sumisid. Nagkahiwalay sila pagdating
sa ilalim. Nagawi siya sa madilim na bahagi at medyo lumabo ang head light niya.
Ginupo nanaman siya ng takot nang hindi niya makita si Mateo. Wala siyang makitang
tao. Sa kanyang isip ay isinisigaw niya ang pangalan ni Mateo.

Lumangoy siya kasabay ng mga isda, sinundan niya ang direksiyon ng mga ito.
Nahahapo na siya buhat sa kaba at nawala siya sa konsentrasyon. Nawawala na siya!

Mateo... naisaisip na lamang niya. Gusto niyang ipagsigawan ang pangalan ni Mateo
pero hindi niya magawa. Gusto niyang lumangoy pataas ngunit nauupos ang lakas niya.
Nagdasal na lamang siya.

Mayamaya'y may mga bisig na yumapos sa kanya buhat sa likuran. Pinawi niyon ang
pangamba niya. Nang humarap siya'y bigla na lamang siyang napayakap kay Mateo nang
mamataan ito. Napaiyak siya buhat sa takot.

Naramdaman niya ang init ng palad nito na humahaplos sa pisngi niya. Napansin
niyang nakababa sa leeg nito ang dive mask si Mateo. Mayamaya pa'y ibinaba rin nito
ang dive mask niya at bigla na lamang sinakop ng bibig nito ang bibig niya.
Napilitan siyang magpigil ng hininga at damhin ang init ng halik nito.

Nakalimot siya na nasa ilalim sila ng tubig. Tumugon siya sa halik nito.
Nagmistulang apoy ang karagatan nang lunurin ng init ang boung katawan niya. Hindi
niya sinusuway ang mga kamay nito na naghahapuhap sa katawan niya kahit nang
himukin ng kamay nito ang bawat kaumbukan ng kanyang dibdib.

Niyakap siya nito at naramdaman niya ang unti-unting pag-angat nila hanggang sa
masilayan niya ang ibabaw ng karagatan. Saka pa lamang naghiwalay ang mga labi
nila. Dumalas ang paghingal niya gunit si Mateo ay waring baliwala ang pagpigil ng
hininga.

Akala niya'y hanggang doon na lamang iyon ngunit mayamaya rin ay muli siya nitong
niyakap at siniil nang muli ng halik ang mga labi niya. Nangilabot ang buong
katawan niya, ni hindi naman niya magawang pigilan ang sarili bagkus ay
naliligayahan siya sa mga nagaganap. Inilingkis pa niya ang mga kamay sa leeg ng
lalaki at tinumbasan ang init ng halik nito.

Tuluyan siyang nakalimot nang maramdaman ang lumalalim at pangahas na halik ni


Mateo. Nagiging mapanhusga ang bawat galaw ng bibig at munting dila nito. Ang
simpleng paghahalikan ay humantong na lamang sa nagliliyab na pagnanasa. Umungol
siya nang madama niya ang kamay ni Mateo na humahaplos sa pagitan ng kanyang mga
hita. Patuloy ito sa pagkilos.

Malakas sa tubig si Mateo. Kayang-kaya nitong pasanin ang buong bigat niya kahit
nangangalahati ang timbang nito. Kumawala siya sa bisig nito, naghiwalay ang mga
labi nila. Lumangoy siya nang malamang malapit na sila sa pampang. Nakasunod lamang
sa kanya si Mateo.

Nang makaahon sa tubig ay napalinga siya sa paligid. Wala siyang makitang tao pero
may natatanaw siyang malalaking barko buhat sa malayo.
"Christine..." sambit ni Mateo.

Hinarap niya ito...

=================

Chapter Seven (SPG)

PALUBOG na ang araw pero wala pang dumarating na sundo. Kinakabahan na si Tini pero
nang sipatin niya si Mateo ay parang wala itong iniisip. Inalis na nito lahat ng
scuba equipment sa katawan at wetsuit na lamang ang nalalabing suot.

"Sigurado ka bang may susundo sa atin dito?" mamaya'y tanong niya kay Mateo. Isa-
isa na rin niyang hinuhubad ang mabigat na nakakabit sa katawan niya.

"Nagpadala na ako ng mensahe sa lifeguard," anito.

"Paano kung hindi niya matanggap ang mensahe mo?" nababahalang tanong niya.

"Bakit hindi? Relax ka lang," anito.

Pagkuwa'y dinampot nito ang mga hinubad niyang scuba equipment. Lumakad ito.

"Saan ka pupunta?" tanong niya.

"Maghahanap ng komportableng lugar," anito. Tumuloy ito sa paglalakad.

Sumunod na lamang siya. Hindi naman isolated ang lugar, katunayan ay may mga lumang
cottage na yari sa kawayan. May camp site din sa 'di kalayuan.

"Kapag summer maraming tao rito. Marami din ang nag-o-over night dito," wika ni
Mateo.

Huminto sila sa cottage na walang bubong pero may papag. Inilapag nito roon ang mga
gamit nila. Mayamaya'y naghubad ito ng wetsuit at swimming trunk nalang ang
nalalabing saplot nito. Napapalunok siya habang pinapasadahan ng tingin ang
kakisigan nito. Nakatayo lamang siya sa harapan nito.

"Huwag mo naman akong titigan ng ganyan," anito.

Umiwas siya ng tingin. Umupo siya sa malaking bato. Naliligiran sila ng malalagong
halaman at matatayog na punong hindi niya pamilyar. Unti-unti na ring nilalamon ng
dilim ang paligid. Nangangatal na sa ginaw ang katawan niya.

"Lalo kang giginawin kapag hindi mo hinubad iyang suot mo," wika ni Mateo.

Awtomatiko'y naibaling niya ang tingin sa kasama. Hindi niya naramdaman ang takot
bagkus ay nasasabik siya sa kaganapan. Pakiramdam niya'y ligtas siyang kasama si
Mateo.

"Lumapit ka rito?" ani Mateo.

Lumapit naman siya at umupo sa tabi nito. Matibay ang papag kahit mukhang luma na.
Humahaginit lamang iyon kapag nadadaganan. Inabutan siya nito ng tubig na baon
nito. Ang totoo'y kanina pa nanunuyot ang lalamunan niya.

Uminom siya.

Lumapit pa sa kanya si Mateo hanggang sa maghinang ang mga balikat nila. "Ang lakas
ng panginginig mo," anito nang marahil nadama nito ang pangangatal niya ng buong
katawan niya buhat sa ginaw.

"Hubarin mo muna kasi ang suot mo," sabi nito.

Tiningnan niya ito sa mukha. Nakatitig rin pala ito sa kanya. Mas malakas na ngayon
ang kabog ng dibdib niya paris sa panginginig ng katawan niya.

"Mat..." bigkas niya.

"Um?" anito.

"Bakit?" walang buwang na tanong niya.

"Anong bakit?"

Bahagya siyang napayuko. "Bakit mo nasabing gusto mo ako?" Muli niya iniangat ang
mukha.

Ginagap nito ang kamay niya. "Mahal na siguro kita, Tini. Hindi ko ma-kontrol ang
sarili ko kapag kasama kita. Makasarili na kung makasarili," seryosong pahayag
nito.

Pakiramdam niya'y sasabog na ang puso niya. Gustong-gusto na niyang palayain ang
isinisigaw ng puso niya. Bumuntong hininga siya. Ibinaba niya ang tingin sa dibdib
ng binata.
"May nararamdaman ka rin ba sa akin, Christine?" seryosong tanong nito.

Napatitig siyang muli sa mukha nito, sa mga mata nito. Hindi niya malaman ang
sasabihin gayung nagsisilakbo ang damdamin niya.

"Nararamdaman ko kasi na...na nagpaparaya ka palagi kapag hinahalikan kita.


Nararamdaman ko ang malakas na tibok ng puso mo sa tuwing yayakapin kita. Nababasa
ko rin sa mga mata mo sa tuwing magkatitig tayo ang galak," anito.

Umawang ang bibig niya ngunit walang katagang nanulas. Tumibok ng ubod bilis ang
puso niya, may kalakip iyong kaba. Pakiramdam niya'y luluwa mula sa dibdib niya ang
nagwawala niyang puso.

"I want to hear from you, Christine. Do you love me?" matatag na tanong nito.

Matiim na nakatitig siya sa mga mata nito. "Y-yes Mat...mahal nga rin kita..."
katagang nanulas sa bibig niya. Lutang na ang isip niya nang mga sandaling iyon.

"May tiwala ka ba sa akin, Tini? Hindi ba magbabago ang nararamdaman mo sa akin


kahit anong mangyari?" usig nito.

"Hindi ko alam, Mat. Paano si—"

Hindi na niya nabigkas ang katagang gustong sabihin nang sakupin ng bibig nito ang
bibig niya. Na-blanko na ang isip niya at natagpuan na lamang niya ang sarili na
tumutugon sa halik ni Mateo.

"Ibigay mo na sa akin ang pagkakataong ito, Tini," anas nito nang sandaling iwan
nito ang bibig niya.

"Gusto rin kitang makasama kahit sa sandali lang na ito, Mat. Gusto kong maramdaman
ang tunay na pag-ibig," aniya.

"Did you trust me?" tanong nito.

Paulit-ulit siyang tumango. "Yes, Mat...may tiwala ako sa'yo," wala sa loob na sabi
niya.

Pagkuwa'y muling naghinang ang kanilang mga labi. Ang mga kamay nito'y kumikilos sa
likod niya. Ibinaba nito ang zipper ng wetsuit niya at unti-unti iyong inaalis sa
katawan niya. Kasunod na hinubad nito ay ang swimsuit niya. Walang awat sa
paghinang ang kanilang mga labi habang ang mga kamay ay kapwa naghahagilap sa
kanilang mga katawan.
Niyakap siya nito matapos nitong palayain sa saplot ang katawan niya saka nito iyon
pinasadahan ng haplos at maiinit na halik. Napaigtad siya nang tagpuin ng bibig
nito ang bawat dunggot ng dibdib niya. Napakapit siya sa batok nito. Bawat dampi ng
bibig nito sa katawan niya ay nag-iiwan ng nakakapasong init—na unti-unting
lumulusaw sa kamalayan niya hanggang sa tuluyan siyang makalimot.

Natagpuan na lamang niya ang sarili na nakahiga sa papag habang napasailalim ng


buong bigat ni Mateo. Bumuntong hininga siya nang igiit nito ang ibabang bahagi ng
katawan sa pagitan ng kanyang mga hita. Damang-dama niya si Mateo sa kanyang
sensitibong parte—ang unti-unting pagdaiti ng mga hubad nilang katawan—ang maingat
na pag-angkin nito sa kanya.

Napadaing siya at gustong sumigaw ngunit bago pa siya makapaglikha ng ingay ay


sinakop na ng bibig nito ang bibig niya. Pakiramdam niya'y malalagutan siya ng
hininga nang tuluyan siya nitong angkinin. Kumilos siya sa akalang maiibsan ang
kirot na nadarama niya ngunit hindi niya alam na lalo lamang iyong nagpainit sa
pagnanasa ng    sa kapareha.

"Sshh...calm dawn. I'll make it easy, okay? Please...give it to me, honey," samo
nito.

Tumigil siya sa pagkilos. Hinalikan siya nitong muli saka ito muling kumilos,
dahan-dahan hanggang sa pakiramdam niya'y katapusan na ng mundo—pakiwari niya'y
inihahampas siya ng alon sa magkaibang direksiyon. Tuluyang lumaya ang mga daing at
nakahihibang na pag-ungol buhat sa kanyang bibig. Ibinigay niya kay Mateo ang
lahat, nagparaya siya.

Sa kabila ng nakahihibang na damdamin ay nakadama siya ng pagmamalaki nang


masilayan niya ang ngiti ni Mateo nang sa wakas ay nakamit nito ang inaasam na
tugatog. Bumagsak ang pawisang katawan nito sa ibabaw niya. Hindi na niya malaman
kung kaninong hininga ang nauulinigan niya.

"Parating na raw sila rito," wika ni Mateo habang abala ito sa pagtipa sa cellphone
nito.

"Sinong sila?" wala sa loob na tanong niya habang nagsusuot ng swimsuit. Pasado
alas-otso na ng gabi.

"Ang rescue natin," tugon naman ni Mateo. Tumayo na ito at pinagdadampot ang mga
gamit nila. Tumayo na rin siya.

"Pumunta na tayo sa pampang para madali nila tayong makita," anito. Nagtina na ito
sa paglalakad.

Napadaing siya nang ihakbang niya ang mga paa. Huminto siya sa paghakbang. Mamaya'y
huminto si Mateo at hinarap siya. "Bakit?" tanong nito.
Nahihiya naman siyang magsabi kung ano ang nararamdaman niya. Nagpumilit siyang
humakbang kahit may iniindang kirot. Pagdating sa pampang ay may natatanaw siyang
liwanag na papalapit sa kanila. Naririnig na niya ang ingay ng motor ng Bangka.

"Nariyan na sila," wika ni Mateo.

Mayamaya pa'y dumaong na ang Bangka at hinintay silang makasakay. Mababasa siya
kung lulusong siya sa tubig. Maalat ang dagat at tiyak na lalo lamang sisidhi ang
kirot na nararamdaman niya. Kinuha na ng isang lalaki ang mga bitbit ni Mateo at
isinakay sa Bangka.

"Let's go!" ani Mateo.

Ngali-ngali niya itong batukan. Nakalimuta ata nito na may iniinda siyang sakit.
Hindi siya umalis sa kinatatayuan niya hanggang sa balikan siya nito. Mayamaya'y
bigla siya nitong binuhat hanggang sa makasakay sila sa bangka. Maingat siya nitong
iniupo sa nakaambang upuan. Pagkuwa'y umupo din ito paharap sa kanya.

Umuusad na ang Bangka de motor at pabalik na sila sa Resort. Inaantok siya,


nagugutom at pagod na pagod ang katawan niya. Mamaya'y bumaling si Mateo sa tabi
niya. Inabutan naman sila ng isang lifeguard ng bandana. Ipinulupot nito iyon sa
katawan niya.

"Okay ka lang?" pagkuwa'y tanong nito.

Sumandig siya sa dibdib nito. "Hindi ako okay, Mat. Natatakot ako," aniya.

"Akala ko ba handa ka," anito.

"Handa ako para sa ating dalawa, pero hindi ako handang manakit ng damdamin ng
iba," sabi niya.

"Naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Kung magtitiwala ka lang sa akin...maayos


natin 'to. Sana huwag magbago ang nararamdaman mo sa akin sakaling may matuklasan
ka," tila nadulas na sabi nito.

Umupo siya ng tuwid at matiim na tinitigan niya sa mga mata ang binata. "Anong
kailangan kong matuklasan?" nalilitong tanong niya.

"Huh? Ah, ang mga pagbabago," anito.

Hindi lamang siya umimik.


"Masyado pang maaga. May kailangan pa akong ayusin bago ang sa ating dalawa. Gusto
kong maayos ang lahat at mailagay sa tama. Ngayon palang...humihingi na ako ng
tawad, Tini," anito.

"Hindi kita maintindihan, Mateo," aniya.

"Huwag mo nalang muna akong intindihin. Magpahinga ka na."

Hindi na lamang siya umimik. Tuluyan siyang ginupo ng antok nang lingkisin ng mga
braso ni Mateo ang katawan niya.

PAGDATING sa suite ay dagling pumasok ng palikuran si Tini at naligo ng maligamgam


na tubig. Pakiramdam niya'y hinang-hina siya. Nanlulumo ang mga tuhod niya,
humihilab ang sikmura niya.

Nang makapagbihis ay lumabas na siya ng kuwarto. Nasa pasilyo pa lamang siya ay


sinalubong na siya ni Karl ng mahigpit na yakap. Ramdam niya ang takot nito.

"Anong nangyari sa inyo? Nasaktan ka ba?" nababalisang tanong ni Karl pagkakalas ng


yakap sa kanya.

"Okay lang ako. Naligaw lang kami ni Mateo," kinakabahang tugon niya.

"Mabuti naman kasama mo si Mateo. Akala ko mag-isa kang nawala. Kanina pa ako hindi
mapakali. Kumain na muna tayo," anito. Ginawaran nito ng halik ang noó niya.

Lalo lamang siya nilalamon ng kaba. Inuusig siya ng konsensiya niya na kung maari
ay lamunin na siya ng kinatatayuan niya. Hindi niya minsan inisip na mapasok siya
sa isang relasyon na hindi katanggap-tanggap sa batas ng langit. Inakala niya na si
Karl na ang nakatakda para sa kanya pero ano itong pinasok niya? Mas nararamdaman
niya ang tunay na pag-ibig sa katauhan ni Mateo.

Si Kara na lakuwatsera ay hindi alam ang nangyari sa kanya. Nang magkasalo na


silang apat sa hapunan ay boses ni Kara ang nangingibabaw. Ang dami nitong kuwento
pero wala siyang iniintindi. Pakiramdam niya'y pugot ang ulo niya habang kumakain
katabi si Karl at kaharap naman nila si Mateo na patay malisya lang din.

Hindi niya makuhang tingnan si Mateo kahit pa ramdam niya ang init ng titig nito sa
kanya. Nagsasalita si Karl pero wala siyang maintindihan. Blanko na ang isip niya.
Wala siyang ibang nais nang mga sandaling iyon kundi matulog.

Hindi na sila nakapag-usap ni Mateo hanggang sa matapos ang hapunan. Nagpaalam na


rin siya kay Karl na matutulog.
HINDI pa nakakausap ni Mateo si Tini magbuhat nang makauwi sila sa Maynila. Abala
din siya sa training at trabaho sa bar. Nang makapagpahinga siya sa training ay
nagsadya siya sa grocery nila ni Tini nang linggo ng umaga pagkatapos niyang mag-
jogging. Bumili siya ng kape pero ayon sa guwardiya ay nasa bahay pa nila si Tini.

Nanghintay siya hanggang dumating si Tini ngunit kasama nito ang Mama nito. Patay
malisya ito. Mayamaya rin ay lumabas ang dalaga at nilapitan siya habang nakatayo
siya sa gawi ng coffee machine.

"Anong ginagawa mo dito?" halos pabulong na tanong nito.

"Gusto lang kitang makita," aniya.

"Mat, sa totoo lang nahihirapan ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Parang
hindi ko kayang iwan si Karl," seryosong pahayag nito.

Hinarap niya ito. "Hindi ko naman gustong iwan o makipaghiwalay ka kay Karl, Tini.
Wala kang gagawin, okay?" aniya.

"Pero, Mat...hindi na ako komportable kapag kasama ko siya. Lalo lang akong
nahihirapan, lalo lang akong inuusig ng konsensiya ko," nababahalang wika nito.

Hindi dapat siya kinakabahan pero inuusig na rin siya ng konsensiya niya. "Wala ka
na bang nararamdaman kay Karl kahit konti?" pagkuwa'y tanong niya.

"Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko sa kanya. Pero alam ko sa sarili ko
na...na hindi ko na siya mahal o parang hindi ko siya minahal. Ewan, naguguluhan
ako, Mat."

Nakagat niya ang ibabang labi. Wala pa ma'y nilalamon na siya ng takot na baka sa
isang iglap ay mawawala ang lahat sa kanya. Hindi na siya magpatumpik-tumpik pa.

"Ako na ang bahala, basta magtiwala ka lang sa akin," sabi na lamang niya.

Umalis na lamang siya nang dumami na ang mga tao.

Kinagabihan ay nag-duty sa bar si Mateo. Nadatnan niya sa counter si Moonshine na


nagsasalin ng cocktail sa mga nakahilirang baso.

"Ang aga mo ata, dude," bungad sa kanya ni Moonshine.


"Hindi lang busy," aniya.

"Puwede ba akong mag-cut ng duty?" nakangiting tanong ni Moonshine.

"Abosado ka ah. Dapat pala hindi muna ako pumasok dito," aniya.

"Nagbibiro lang ako." Bumungisngis si Moonshine.

Iilan pa lamang ang costumer nila kaya kumain na muna siya ng hapunan. Kauupo pa
lamang niya sa mesa ay narinig niya si Moonshine. Lumapit nanaman siya sa counter
at nasurpresa siya nang makita si Karl. Nag-order ito ng cocktail.

Sinamahan na lamang siya nito sa mesa. Mukhang masaya ito at walang dinadamdam.
Ngayon na ang pagkakataon niya para ayusin ang gusot na pinasok nilang magpinsan.
Nag-iisip pa lamang siya ng sasabihin ay bukam-bibig na ni Karl si Tini.

"Gusto ko nang magseryoso, Mat. Nag-e-enjoy na ako sa company ni Tini," wika ni


Karl.

Natigilan siya. "Anong ibig mong sabihin?" nababahalang tanong niya.

"Hindi mo na kailangang magproblema kay Tini, Mat," nakangiting sabi nito.

"Bakit?"

"Kahit hindi na natin sabihin sa kanya ang totoo. Mahal ko na si Tini, Mat."

Nawindang ang buong pagkatao niya. "P-pero, Karl..." bulalas niya.

"Okay lang, Mat. Ako na ang bahala. Paninindigan ko na ang relasyon namin ni Tini.
Masaya ako dahil nakilala ko siya kahit sa maling paraan at tama ka, hindi siya
mahirap mahalin. Gusto kong magpasalamat sa'yo dahil napasaya mo ako kahit sandali
sa buhay ko. Pinaranas mo sa akin kung paano magmahal. Tatanawin kong utang na loob
sa iyo ang lahat nang ito, Mat," madamdaming pahayag ni Karl.

Namanhid ang buong katawan niya. Pakiramdam niya'y nagkapera-peraso ang puso niya,
nanikip iyon na wari'y dinaganan ng isang kabang bigas. Hindi siya makapag-isip ng
matino.

"K-Karl...hindi ba't sinabi ko na aayusin ko ito? Isang buwan ang hiningi ko


sa'yo," nababanas na wika niya.

"Mat, ano bang pinuproblema mo? Tapos na ang palabas. Nagtagumpay ka at kahit
papano ay may naidudulot na mabuti ang kalokohan mo. Wala ka nang gagawin,
suportahan mo nalang ako hanggat nakikita mo pa ako," giit ni Karl.

Lalo lamang nanikip ang dibdib niya. Paano na ngayon ang gagawin niya? Ang kanyang
kahibangan ay bumalik sa kanya. Magiging legal na niyang karebal ang pinsan niya sa
buhay ni Tini—na hindi naman dapat mangyayari.

"Hindi na ako natatakot mamatay, Mat...masaya naman ako. Hindi ko alam kung
hanggang kailan ako gagalaw sa mundo kaya gusto kong pakasalan si Tini bago ang
lahat," pahayag ni Karl.

Nagtagis ang mga bagang niya. Hindi na niya nagalaw ang pagkain niya. "Sigurado ka,
Karl? Hindi kaya sasaktan mo lang si Tini?" apila niya.

"Magiging makasarili ako kapag nagkataon, pero gusto kong makasal sa


babaeng...mahal ko." Tumayo na si Karl.

"Balak ko na ring sabihin kay Tini ang tungkol sa kondisyon ko. Gusto kong
mapatunayan kung hanggang saan niya ako kayang mahalin o kung gaano siya kaseryoso
sa akin. Ako na rin ang magsasabi sa kanya ng lahat na kasinungalingan natin," sabi
ni Karl.

Bigla siyang tumayo. "Hindi, Karl. Ako ang magsasabi sa kanya," apila niya.

"Mas maiintindihan niya ako. Kapag sinabi ko ang kondisyon ko, hindi siya magagalit
kahit sabihin ko ang tungkol sa pagpapanggap ko," giit nito.

"Pero magagalit siya sa akin."

"Ako na ang bahala."

"Pero, Karl..."

"Bakit ba parang apektado ka? Dapat nga matuwa ka 'diba?" ani Karl.

Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya.

"Sige, mauna na ako. May duty ka pa 'diba?" ani Karl. Pagkuwa'y iniwan na siya
nito.

Hindi na siya mapakali. Hindi na niya kontrolado si Karl. Naiipit siya ngayon sa
sitwasyon na alam niyang may masasaktan at higit sa lahat...maglalagay sa alanganin
sa pag-ibig niya kay Tini. Hindi niya inaasahan na magkakaroon ng mabigat na
komplikasyon ang kahibangan niya.
Kung kailan naman gusto na niyang ilagay sa tama ang lahat ay saka naman magugulo.
Kung kailan itinutuwid na niya ang pagkakamali ay saka naman siya pahihirapan ng
tadhana. Ngayon siya nagsisisi kung bakit pinatagal pa niya ang pagpapanggap ni
Karl—na noong umaangal ito ay binabaliwala niya.

Wala sana siyang problema kung hindi rin umapila ang puso niya. Plano rin niya na
maranasan ni Karl na magkanobya pero hindi niya pinilit ang pinsan dahil ang alam
niya'y ayaw talaga nito. Siya dapat ang nasa kalagayan ni Karl, siya dapat si Karl,
sa kanya naman talaga si Tini. Pero baliw siya, hangal!

"Karma, sinisingil mo na ba ako?" bulong niya habang nakasubsob ang mukha niya sa
kanyang palad.

=================

Chapter Eight

LINGGO ng tanghali, sa bahay ni Karl nananghalian si Tini. Tulad noon, ipinagluto


nanaman siya nito. Habang lumilipas ang mga panahon ay lalong umiilap ang damdamin
ni Tini kay Karl. Patuloy siyang inuusig ng konsensiya niya. Hindi na niya alam
kung hanggang kailan niya kayang lokohin si Karl lalo na malamang ang sarili niya.

Awa na lamang ang nararamdaman niya sa nobyo pero may pakiramdam siya na parang
ayaw niyang mawala sa buhay niya ang lalaki. Malaki ang binago ni Karl sa buhay
niya, sa kanyang paniniwala. Lalo lamang siyang nagigipit sa tuwing napapadalas ang
pagsasama nila. Lalo niyang nararamdaman na humihikit ang pagkakayapos ng pagtingin
sa kanya ni Karl.

Pagkatapos nilang kumain ay pumunta nanaman sila sa chapel upang dalawin ang mga
abo ng magulang ni Karl. Masigla ang binata na wari'ng may napagtagumpayang
suliranin. Hinawakan nito ang kaliwang kamay niya habang nakaharap sila sa altar.

"Mom, Dad, gusto ko pong ipaalam sa inyo na...masayang-masaya po ako dahil


natagpuan ko na ang babaeng gusto kong makasama habang buhay. Mag-aasawa na po
ako," wika ni Karl.

Natigilan siya. Gilalas na napatitig siya kay Karl. Kung hindi siya nagkakamali,
gusto siyang pakasalan ni Karl.... Sa isang iglap ay wari'ng niyayanig ang mundo
niya. Nang humarap sa kanya si Karl ay lalong nanikip ang dibdib niya.

"Christine...will you merry me?" masuyong tanong nito.

Umawang ang bibig niya. Hindi niya malaman kung ano ang sasabihin niya, nanginginig
ang mga kalamnan niya. Bigla na lamang may kung anong matatalas na bagay ang
nagtutulos sa dibdib niya.
"Christine...?" ani Karl.

"K-Karl...a-ano kasi..." walang puwang na sabi niya.

"Tini, hindi naman kita minamadali. Gusto ko lang marinig mula sa'yo na handa kang
magpakasal sa akin," anito.

"P-pero...h-hindi ko pa alam sa ngayon. Masyado pang maaga," aniya.

"Alam ko. Okay lang kahit matatagalan. Gusto ko lang malaman kung may aasahan ba
ako."

Hindi niya alam ang isasagot. Ayaw niyang paasahin si Karl. "Karl I'm sorry pero
ayaw kong umasa ka. I mean hindi pa talaga ako makapagpasya."

Binitawan ni Karl ang kamay niya pero nakangiti parin ito. "Okay. Hindi nalang kita
tatanungin," anito. Hindi naman mukhang nagtatampo si Karl.

"Huwag sanang sumama ang loob mo, Karl. H-hindi lang talaga ako makapag-isip,"
aniya.

"Naiintindihan ko. Sorry binigla kita." Pagkuwa'y inakbayan siya nito.

Mamaya'y iginiya siya nito sa loob ng bahay. Sumama siya rito sa arts room na
tinatawag nito. Namangha siya nang makita ang iba't-ibang uri ng musical
instrument. Doon ay nakita niya ang mga lumang larawan ng mga magulang ni Karl.

"Tumutugtog ka, Karl?" tanong niya nang lumapit sila sa harap ng piano.

Umupo sa tapat niyon si Karl. "Piano lang ang alam kong tugtugin. Musician kasi ang
Daddy ko at ang Mommy ko naman ay dating Vocalist ng isang Banda. Hindi ako mahilig
kumanta kung itatanong mo," anito.

Napangiti siya. Mamaya'y sinimulan ni Karl ang pagtipa sa piano kung saan naglikha
ng malungkot na musika—na lalong nagpasikip sa dibdib niya. Kung hindi siya
nagkakamali... 'Warrior is a Child' ang pamagat ng tinitugtog nito—na inawit ni
'Gary Valenciano'.

May diin sa puso niya ang bawat himaymay ng musika at hindi niya namamalayan na
unti-unting nangingilid ang luha sa kanyang pisngi. Hindi niya maintindihan kung
ano ang ipinapahiwatig ng damdamin niyang iyon. Pakiramdam niya'y may mahalagang
tao sa buhay niya ang mawawala. Nagpupuyos ang damdamin niya sa tuwing
pinagmamasdan si Karl.
Kung tutuusin, malungkot ang buhay ni Karl, nag-iisa lang ito. Paano pa kaya kung
iiwan niya ito o sasaktan? Habang buhay siyang uusigin ng konsensiya niya kapag
nagkataon. Hindi rin siya magiging masaya kung pagpipilitan niya ang hinaing ng
puso niya.

Walang lumiligayang tao kung nabubuhay sa kasinungalingan. Pero paano naman ang
puso niya? Paano ang karapatan niyang lumigaya?

"Warrior is a Child—ang madalas kinakanta ni Mommy sa tuwing pinapatulog niya ako.


Madalas din niya itong kinakanta sa tuwing may laban ako ng swimming. Napaka-
supportive niyang ina. Ang hirap pala kapag sabay na nawala ang pareho mong
magulang. Ang dilim ng mundo, hindi mo malaman kung may araw pang sisikat
kinabukasan," pahayag ni Karl.

Naririnig niya ang pagsinghot nito. Sa halip na tumigil na sa pagpatak ang luha
niya ay lalo lamang iyong tumagistis. Waring pinipiga rin ang puso niya. Niyakap
niya si Karl buhat sa likuran.

"Akala ko nga hindi na ako muling ngingiti at tatawa. Akala ko hindi na ako
magiging masaya. Kung wala si Mateo...baka wala na ako ngayon. Kung wala ka,
Tini...baka mamamatay akong malungkot," madamdaming wika ni Karl. Tumigil na ito sa
pagtugtog.

Tumayo na si Karl at pinahiran nito ng panyo ang luha maging ang luha niya. "Sorry,
masyado akong madrama," anito. Ngumiti na ito.

Napangiti na lamang siya. "Mababaw rin ang luha ko."

Nagulat siya nang bigla siya nitong yakapin. Mayamaya'y nararamdaman niya'ng tila
pasan niya ang buong bigat ni Karl. Kamuntik na siyang mawalan ng panimbang nang
mamataan na walang malay si Karl.

"Karl!" napaupo siya sa sahig kasama si Karl.

"Manang Bebeng...!" sigaw niya. Natataranta siya.

Maymaya'y dumating si Manang Bebeng. Pinagtulungan nilang akayin si Karl hanggang


sa salas. Nababalisang tinawagan niya si Mateo. Ngunit hindi na nila hinintay na
dumating si Mateo, nagtawag na sila ng kapit-bahay para maisugod sa ospital si
Karl.

Hindi mapakaling palakad-lakad salabas ng emergency room si Tini. Mayamaya pa'y


dumating si Mateo.

"Si Karl?" natataranta ring tanong nito.


"Nasa loob," aniya. Bahagyang humupa ang kaba niya. Napansin niya na parang hindi
naman kinakabahan si Mateo. Umupo na ito sa bench sa gilid ng pinto.

Umupo siya sa tabi nito. "May sakit ba si Karl, Mat?" hindi natimping tanong niya.

Hindi kaagad nakasagot si Mateo. Bahagya lamang itong nakayuko.

"Mat..." aniya.

Umangat ito ng mukha at tumitig sa kanya. "Sorry, Tini," sabi lang nito.

"Sorry saan?"

"Oo, may sakit si Karl," bunyag nito.

Natigilan siya. "A-anong sakit?" gilalas na tanong niya.

"May brain cancer si Karl."

Umawang ang bibig niya ngunit walang lumabas na salita. Namanhid ang buong katawan
niya at pakiwari niya'y tumigil rin sa pagtibok ang puso niya. Hindi niya namalayan
ang mabilis na pagpatak ng luha niya.

"K-kailan pa?" nanginginig ang labi'ng tanong niya.

"Noong bata pa siya pero ngayon lang natuklasan. Lumala lang magmula noong
nakaraang taon na naaksidente ang sinasakyan niyang kotse kasama ng mga magulang
niya. Naapektuhan ang utak niya na lalong nagpalala sa sakit niya."

Nagimbal ang buong pagkatao niya. Kung tutuusin pala ay kasama si Karl sa
aksidenteng dahilan ng kamatayan ng mga magulang nito? Biglang nangapa ang diwa
niya. Marami pa pala siyang hindi alam sa pagkatao ni Karl.

Mayamaya pa'y lumabas na ang doktor mula sa emergency room. Nagkasabay silang
tumayo ni Mateo. Si Mateo na lamang ang nakipag-usap sa doktor. Hindi na siya
sumama sa tanggapan ng doktor at inilipat na sa pribadong ward si Karl na hindi pa
nagkakamalay. Nagpaalam na sa kanya si Manang Bebeng ay sinabing kukuha ng gamit ni
Karl.

Umupo siya sa silya sa tabi ni Karl. Inaantabayanan niya itong magising. Mayamaya
lamang ay gumalaw si Karl hanggang sa tuluyang dumilat ang mga mata nito. Parang
wala itong sakit at bigla na lamang umupo.
Tumayo siya at iginiya itong humiga muli. "Mahiga ka muna," sabi niya.

"Bakit ba kasi ako nandito?" inosenteng tanong nito.

Pinipigilan niya ang luha. "Magpahinga ka lang. Hinimatay ka kanina," aniya.

Makulit si Karl, nagpumilit itong umupo. Mayamaya'y nasilayan niya ang pangingilid
ng luha sa magkabilang pisngi nito. "Anong sabi ng doktor? Kailan daw ako
mamamatay?" matigas na tanong nito.

Ang tinitimpi niyang luha ay tuluyang dumaloy. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na
may sakit ka, Karl?" namumurong tanong niya.

"Sorry. Ayaw kong maawa ka sa akin o mag-alala."

"Karapatan ko'ng malaman 'yon? Ano pa ba ang hindi ko alam? Ano pa ang inililihim
mo sa akin?"

Bumuntong-hininga si Karl. Hindi ito kumibo hanggang sa dumating na lamang si


Mateo. Tumayo siya at lumabas ng kuwarto. Umupo siya sa long bench sa gilid ng
pasilyo sa labas ng ward ni Karl. Mayamaya pa'y lumabas na rin si Mateo. Umupo ito
sa tabi niya.

Hinawakan nito ang kamay niya. "Anong sabi ng doktor?" pagkuwa'y tanong niya.

"May taning na ang buhay ni Karl. Isang buwan o hindi aabot," batid nito.

Napahagulgol siya ng iyak. Niyakap naman siya nito. Narinig niya ang pagsinghot
nito. Isinubsob na lamang niya ang mukha sa dibdib nito.

Noon niya napagtanto kung bakit bigla siyang inalok ni Karl ng kasal. Alam na
marahil nito na nalalapit na ang sukdulan ng buhay nito. Halos hindi na siya
makahinga buhat sa paninikip ng dibdib niya. Lalo lamang siyang inuusig ng
konsensiya niya.

"Nakokonsensiya ako, Mat. Pakiramdam ko ang laki ng kasalanan ko kay Karl. Hindi ko
sinasadya," aniya. Umangat siya ng mukha at tumitig sa mukha ni Mateo. Nakatitig
lamang din ito sa kanya.

"Alam mong may sakit si Karl. Naatim mo na pagtaksilan siya, ha, Mateo?" usig niya.

Bumuntong hininga ito. "Hindi ko rin naman sinasadya, Tini. Sorry. Hindi ko dapat
pinayagan ang sarili ko na mahalin ka. Hindi dapat ganito ang mangyayari," anito.
"Ano? Ano dapat ang mangyayari? Sabihin mo nga sa akin? Ano pa ang dapat kong
matuklasan?!" namumurong tanong niya.

Bahagyang napayuko si Mateo. "Hindi ko alam kung paano sasabihin. Natatakot ako na
baka biglang magbago ang pagtingin mo sa akin. Tini, I'm sorry." Muli itong tumitig
sa kanya.

"Hindi kita maintindihan, Mateo. Ibinigay ko sa'yo ang lahat ng tiwala ko kahit
mahirap. Mahal kita, iyon lang naman ang dahilan. Nakalimutan ko si Karl dahil sa
pagmamahal na iyon," imosyonal na pahayag niya.

"Alam ko, Tini. Kaya nga ayaw kong masira ang tiwala mo sa akin, pero ang hirap.
Nagsisisi na ako. Kinakain na ako ng konsensiya ko," anito.

"May dapat ba akong malaman, Mateo?"

"Naduduwag na ako, Tini. Natatakot ako na baka...baka kamuhian mo ako," anito.

Mariing kumunot ang noó niya. Wala pa ma'y kinakabahan na siya. "Ano 'yon Mat?
Sabihin mo sa akin?"

Umurong na ang dila ni Mateo. Dumating na lamang si Manang Bebeng ay wala parin
itong sinasabi. Tumayo na lamang siya at pumasok sa kuwarto ni Karl. May dalang
pagkain si Manang Bebeng para kay Karl at mga bihisan nito.

"Hindi pa ba ako puwedeng umuwi?" tanong ni Karl nang ilapit niya rito ang pagkain
nito.

"Wala pang sinasabi ang doktor," aniya.

Mamaya'y pumasok na rin si Mateo. "Bukas ka na umuwi, Karl," apila ni Mateo.

Sinipat niya si Mateo. Umupo ito sa sofa.

Nang tingnan niyang muli si Karl ay kumakain na ito. Ganado naman itong kumain.

"Si Manang Bebeng na ang magbabantay sa akin, Tini," pagkuwa'y sabi ni Karl.

"Pero, Karl..." aniya.

"Baka hanapin ka ng magulang mo."

"Nagpaalam na ako," giit niya.


"Uuwi na rin naman ako bukas. Baka mamaya magkasakit ka pa. Magpahinga ka nalang.
Huwag kang mag-alala, okay na ako," anito.

Hindi na lamang siya umimik. Hinintay niyang matapos kumain si Karl bago ito
iniwan. Hindi siya tumanggi nang magpumilit si Mateo na ihatid siya.

Namagitan sa kanila ang katahimikan habang tinatahak ang daan lulan ng kotse nito.
Nakalimutan na niya ang napag-usapan nila kanina ni Mateo. Bigla kasi niyang
naalala ang alok ni Karl na kasal.

"Inalok ako ni Karl ng kasal kanina," diretsong sabi niya.

Awtomatiko'y napatingin sa kanya si Mateo. Bakas sa mukha nito ang pagkasurpresa


ngunit hindi ito umimik.

"Tinanggihan ko siya kasi akala ko gusto lang niya akong subukan. Ngayon alam ko na
kung bakit bigla niyang naisip iyon. Gusto ko siyang mapasaya, gusto ko siyang
pagbigyan," aniya.

"Magpapakasal ka sa kanya?" matigas na tanong nito.

"Ang hirap, Mateo." Muli nanamang nangilid ang luha niya. "Ayaw ko'ng
magsinungaling kay Karl. Ang sama ko. Ayaw ko namang magpakasal sa kanya dahil
naaawa ako o gusto ko lang siyang pagbigyan. Naguguluhan ako," aniya.

"Okay lang naman sa akin," seryosong wika ni Mateo.

Tinitigan niya ito. May kumurot nanaman sa puso niya. "Okay lang sa'yo dahil alam
mong mamamatay din si Karl?" usig niya.

"Hindi naman ako sakim, Tini. Nasasaktan din ako. Hindi kita pipigilan kung ano ang
gusto mo. Para din naman ito kay Karl. Handa akong magparaya para sa kanya. Ayaw
ko'ng magkaroon ng sigalot sa pagitan namin."

Lalo lamang sumidhi ang kirot sa dibdib niya. "Hindi manlang ba natin sasabihin kay
Karl ang tungkol sa atin? Pababaunan ba natin siya ng kasinungalingan at
pagtataksil? Pagkatapos ano? Kapag nawala siya ay saka tayo magsasama? Mat, hindi
tayo magiging masaya," usig niya.

"Anong gusto mo? Kakalimutan nalang natin ang lahat na parang walang namagitan sa
atin? Tini mali ito e, hindi dapat ganito ang nangyayari. Kasalanan ko ito.
Kasalanan ko kung bakit nangyayari ito!" bahagyang tumaas ang tinig nito.

Natigilan siya. Pakiwari niya'y may gustong sabihin si Mateo pero mukhang hirap na
hirap itong magsalita. Dumating na lamang sila sa bahay nila ay wala pa siyang
naisip na sasabihin.

"Sige na, magpahinga ka na," sabi lang nito nang ihinto na nito ang kotse sa tapat
ng bahay nila.

"Wala ka na bang sasabihin?" tanong niya.

"Wala na, Tini," anito.

"Salamat nalang. Maaga akong pupunta sa ospital bukas," aniya.

"Baka hindi na kita masusundo."

"Ayos lang."

Hindi na umimik si Mateo. Pagkuwa'y bumaba na lamang siya. Umalis lamang ito nang
makapasok na siya sa bakuran nila.

NAISIP Mateo na bumalik sa ospital pero hindi niya kayang makita si Karl habang
iniisip ang sitwasyon. Inuusig siya ng konsensiya niya. Hindi rin naman siya
patutulugin ng mga agam-agam niya. Sa halip na umuwi ay dumiretso siya sa bar—
bukod-tanging lugar na nagpapanatag sa loob niya.

Ilang araw din siyang hindi nag-duty sa bar dahil sa napapadalas ang training niya.
Tamang-tama naroroon si Rum, Whiskey at Vodka at magkasalo sa inumin. Iyon ang
gusto niyang gawin, ang uminom at makalimot kahit sandali.

"Si Cognac pala ito," bungad sa kanya ni Whiskey nang umupo siya sa tabi nito.

Inabutan kaagad siya ni Vodka ng shot glass na sinalinan nito ng brandy. "Busy ka,
'Nac?" pagkuwa'y tanong ni Vodka.

"Medyo," tipid niyang sagot.

"Kamusta na pala ang pinsan mo, Dude?" tanong naman ni Rum.

"Masama," sabi niya.

"Bakit?" si Whiskey.
"Tinaningan na ng doktor ang buhay niya," batid niya.

"Huh?" halos sabay pang bulalas ng tatlo.

"Agad-agad?" tanong ni Rum.

"Ganoon talaga," aniya.

"Hindi ko pa nakita si Karl matapos noong maaksidente sila ng parents niya. Akala
ko talaga dahil lang sa aksidente kaya tumigil siya sa swimming," ani Vodka.

"Dahil sa aksidente kaya nalaman na may brain cancer si Karl. Ipinagbawal na sa


kanya ang swimming at matagal na pagsisid sa tubig," paliwanag niya.

"Kaya pala hindi ko na siya nakikita sa team ninyo," ani Vodka.

"Ikinalulungkot namin, Dude," si Whiskey na hinagod-hagod ang likod niya.

"Salamat. Kailangang-kailangan ko talaga kayo ngayon. Alam n'yo namang si Karl lang
ang pamilya ko rito," malungkot na sbai niya.

Tinapik ni Vodka ang balikat niya. "Dude, pamilya mo rin kami," anito.

"Oo nga naman, dude," gatong naman ni Rum.

"Oo nga naman," nakangiting sabi niya.

Uminom pa siya. Malaki nga pala ang pamilyang kinabibilangan niya. Mga tunay na
kaibigan na kahit may mga kalokohan e marunong namang limingon sa konsensiya ang
mga ito. Ngayon lamang niya napagtanto na kung saan ka natotong magkamali ay doon
ka rin matotoo ng tama.

"Kung may kailangan ka, Mat, huwag kang mahihiyang lumapit sa amin. Kung kailangan
mo ng adviser, nariyan si Whiskey," wika ni Rum.

Napangiti siya nang sipatin niya si Whiskey na nagkibit-balikat lamang. Matapang


nga naman si Whiskey pagdating sa mga suliranin pero alam niya na marami din itong
kahinaan.

"Salamat sa inyo," aniya.

Uminom pa siya hanggang sa mahilo siya at makatulog.


TANGHALI nang nagising si Mateo at wala na siyang maalala kung paano siya nakauwi
sa bahay niya. Pagkuwa'y nag-asekaso na siya. Malamang hinihintay na siya nina Karl
at Tini sa Ospital.

Pagdating sa ospital ay agad niyang tinungo ang inakupang kuwarto ni Karl. Ngunit
napako ang paa niya sa labas ng pinto nang marinig niyang nag-uusap si Karl at
Tini. Bahagya lamang nakabukas ang pinto at nasisilip niya buhat sa labas ang
kaganapan sa loob.

"Tini, gusto ko sanang mag-usap tayong tatlo ni Mateo," sabi ni Karl.

"Para saan?" tanong naman ni Tini.

"May gusto akong ipagtapat sa'yo," ani Karl.

"Puwede mo namang sabihin sa akin kahit wala si Mateo," ani Tini.

"Pero gusto kong mangako ka na hindi ka magagalit sa akin o kay Mateo," si Karl.

Wala pa ma'y ginupo na ng takot si Mateo. Hindi pa siya handa.

Bago pa man may masabi si Karl ay pumasok na siya. "Ano ready na ba kayo?" apila
niya.

Bahagya pang nagulat si Tini sa pagsulpot niya. "Ah, kanina pa nga kami
naghihintay," sabi lang nito.

Nag-apura na siyang damputin ang mga gamit ni Karl. "Hihintayin ko na kayo sa


kotse," aniya.

Tumayo na rin si Karl. Pagkuwa'y nauna na siyang lumabas. Nagpapasalamat siya kahit
papano'y nakalimutan ni Karl kung anuman ang gusto nitong sabihin. Hindi naman siya
nakailag sa mapanhusgang mga tingin sa kanya ni Tini.

=================

Chapter nine
ILANG na ring hindi nakakatulog ng maayos si Tini. Araw-araw ay dinadalaw niya si
Karl sa bahay ni Mateo at minsa'y natutulog siya sa tabi ng kasintahan. Nang umaga
ng sabado ay pumunta nanaman siya sa bahay ni Mateo. Gusto niyang siya ang magluto
ng almusal ni Karl.

Pagdating niya'y tulog pa si Karl at si Manang Bebeng ang nadatnan niyang gising.
"Ang aga mo naman, ineng," bungad sa kanya ng ale nang makapasok sila sa kabahayan.

"Gusto ko po sanang ipagluto ng almusal si Karl," aniya.

"Naku matutuwa niyan si Karl pagkagising niya."

"Kaya nga po. Si Mateo ho?" pagkuwa'y tanong niya.

"Tulog parin. Mag-uumaga na rin kasi silang natulog ni Karl."

"Ano pong ginawa nila?" kunot-noong tanong niya.

"Dumalaw kasi ang ilang kaibigan ni Sir Mateo at nagkainuman," anang ale.

"Uminom po si Karl?!"

"Konti lang naman at hindi naman hard. Mga Bartender din kasi ang mga kaibigan ni
Sir Mateo at nagkatuwaan sila na magtimpla ng iba't-ibang alak. Natutuwa nga ako't
masaya si Karl," maligalig na kuwento ng ale.

Pagkuwa'y iginiya na siya nito sa kusina. "Bahala ka na rito, ineng at maglalaba


ako," ani Manang Bebeng.

"Sige ho. Salamat," aniya.

Pagkuwa'y iniwan na siya ng ale sa kusina. Naghagilap na siya ng mailuluto sa ref.


Mahilig sa buttered rice si Karl na maraming sahog na gulay. Naglabas din siya ng
smoked ham. Abala siya sa pagbati ng itlog nang makarinig siya ng yabag sa hagdan.

Mayamaya pa'y namataan niya si Mateo na nakatayo sa bukana ng pinto. Nagpatuloy


siya sa pagkilos kahit pa nang lumapit sa kanya ang binata.

"Masyado pang maaga para magluto ng almusal ni Karl," sabi nito. Nakatayo ito sa
gawing kaliwa niya at abot kamay lamang niya.

"Iinitin ko nalang mamaya pagkagising niya," aniya.


"Hanggang kailan mo gagawin 'to kay Karl, Tini?" mamaya'y tanong nito.

Sinipat niya ito. "Ang alin?" maang niya.

"Ang pagpapakita mo ng pagpapahalaga sa kanya. Hindi ba lalo mo lang itinatali ang


sarili mo sa kanya?"

Itinigil niya ang paghihiwa sa ham. "Anong gusto mong gawin ko? Magpatay-malisya
nalang ako? Hindi naman basta kung sino lang sa buhay ko si Karl, Mat. Siya ang
nagpamukha sa akin na walang pinipiling lugar o pagkakataon para magmahal. Kahit
nagkakilala lang kami online, malaki ang binago niya sa buhay ko," pahayag niya.

"Ang sa akin lang naman ay magpakatotoo ka, Tini. Ayaw ni Karl na kinaawaan siya."

"Hindi lang naman dahil sa awa. Minahal ko si Karl, Mat," depensa niya.

"Hindi mo siya minahal, Tini. Hindi siya ang lalaking nagparamdam sa'yo na walang
limitasyon ang pagmamahal. Hindi si Karl ang lalaking nakilala mo online," pahayag
nito.

Natigilan siya. Matiim na natitigan niya sa mga mata si Mateo. "A-anong sabi mo?"
naguguluhang tanong niya.

"Patawarin mo'ko, Tini," anito.

"Bakit? Magpaliwanag ka nga sa akin, Mat. Paanong hindi si Karl ang nakilala ko
online?"

Natigilan sila pareho nang biglang sumulpot si Karl sa bukana ng pinto.


Awtomatiko'y natitigan niya si Karl.

"Ang aga mo naman," sabi ni Karl habang humahakbang ito palapit sa kanila.

Hindi na niya naituloy ang ginagawa. "Karl..." bigkas niya. Nanlalaki ang kanyang
mga mata.

Huminto si Karl isang dipa ang pagitan sa kanya. "B-bakit?" tanong nito.

"Gusto ko ng malinaw na sagot. Sino ka? Bakit sinasabi ni Mateo na hindi ikaw ang
nakilala ko online?" namumurong tanong niya.

Natigilan si Karl. Titig na titig ito sa kanya. Halinhinan niyang tinitingnan ang
dalawang lalaki, parehong walang kibo ang mga ito.
"Ano? Sagutin n'yo naman ako!" asik niya. Wala pa ma'y nangingilid na ang luha
niya.

Nang hindi parin kumibo si Karl ay binalingan niya si Mateo. "Mateo!" Hinampas niya
ang dibdib nito. Bahagya itong napaatras.

"Mat, magpaliwanag sa ka sa akin!" hinablot niya ang damit nito.

Hinawakan naman nito ang kamay niya. "Okay. Walang kasalanan dito si Karl. Ako ang
may kagagawan ng lahat," sabi nito.

"Ang gusto kong marinig ay sino si Karl na nakilala ko online!" giit niya.

Hindi kaagad nakasagot si Mateo. "Ako 'yon, Tini. Ginamit ko lang ang pangalan ni
Karl," bunyag nito.

Natigilan siya, namanhid ang buong katawan niya. Pakiramdam niya'y pansamantalang
tumigil sa pagtibok ang puso niya. Nanlalaki ang mga matang nakatitig siya sa mga
mata ni Mateo. Marahas na naiwaksi niya ang kamay nito. Pagkuwa'y binalingan niya
si Karl.

"Karl...?" bigkas niya kasabay ng pagdaloy ng maraming luha.

Tumango-tango si Karl. "Sorry, Tini," sabi lang nito.

Nawindang ang buong pagkatao niya. Noon lamang niya lubos naunawaan ang mga
nakalilitong damdamin noong makita niya ng personal si Karl, ang mga nararamdaman
niyang umuusig sa kanya. Noon lamang din niya napagtanto kung bakit mas magaan ang
loob niya kay Mateo o mas naramdaman niya ang pag-ibig kay Mateo.

Nang pakiramdam niya'y sasabog na ang puso niya ay malalaki ang hakbang na nilisan
niya ang kusina. Hindi pa man siya nakakalabas ng bakuran ay sumabit na ang braso
niya sa kamay ni Mateo.

Hinarap niya ito at ginawaran ng malutong na sampal sa pisngi at hindi pa siya


nakuntinto...sinigundahan pa niya ng sampal ng kaliwang palad sa kabilang pisngi.
Nanginginig siya sa galit at hindi na niya napigil ang kamay sa pananakit,
ihahampas, isusuntok niya ang mga iyon sa kung saang parte ng katawan ni Mateo na
kaya niyang patamaan.

"Buong buhay ko niloko mo'ko, Mat! Anong klase kang tao? Paano mo nagagawa ang
lahat ng ito? Huh!" asik niya.

Ginagap nito ang mga kamay niya dahilan upang matigil siya sa pananakit rito.
Pumiksi siya pero malakas ito.

"Sorry, sorry, Tini..." anito. Mamasa-masa na rin ang pisngi nito buhat sa luha.

"Sorry? Sorry lang? Anong magagawa ng sorry mo na iyan, huh? Ilang taon, Mat? Ilang
taon mo akong niloloko, pinagmumukhang tanga! Pinaglaruan mo'ko!" Nagpumiglas siya
at pinakawalan naman siya nito.

"Tini nagsisisi na ako," anito.

"Huli na, Mateo. May nasaktan ka na, at pati ang naghihingalo mong pinsan ay
idinamay mo pa sa kalokohan mo! Anong kahangalan ito, Mat? Wala ka bang kaluluwa?"
Hindi na niya natimpi ang pagtalas ng dila.

Panay ang singhot ni Mateo. "Hindi naman ganito ang gusto kong mangyari," anito.

"Ano?!"

"Gusto ko lang naman mapasaya si Karl. Gusto kong maranasan niyang magmahal habang
nabubuhay pa siya. Alam ko namang ayaw niya pero pinilit ko siya. Noon ko pa sana
sasabihin sa'yo ang totoo dahil sabi ni Karl ayaw niya, pero bigla siyang nagbago.
Biglang sinabi niya na mahal ka na niya. Hindi ko rin inaasahan na...na mamahalin
kita," paliwanag nito.

Nabikig na ang lalamunan niya. Kinakapos siya ng hininga at pakiramdam niya'y may
kung anong nakabara sa lalamunan niya—may mabigat na bagay na dumadagan sa dibdib
niya. Pinalaya na muna niya ang mabigat na luha niya. Hindi niya nagawang pumiksi
nang yakapin siya ni Mateo.

"Patawarin mo'ko, Tini. Hindi ko inaasahan na ganito ang mangyayari. Hindi ko


sinasadyang mahalin ka," samo nito.

Lalo lamang siyang napahikbi. Nang makita niya si Karl sa bukana ng pinto ay
kumalas siya sa yakap ni Mateo. Malalaki ang hakbang na iniwan niya ang mga ito.

ISANG LINGGONG hindi nagpakita kay Karl si Tini. Hindi rin siya lumabas ng bahay.
Wala siyang pinagsabihan ng problema niya maging sa kapatid niya. Ang alam lang ng
pamilya niya ay may sakit si Karl. Araw-gabi siyang umiiyak, nagdaramdam. Hindi
parin naiibsan ang paninikip ng dibdib niya at lalong hindi pa humuhupa ang galit
niya kay Mateo.

Ngunit nang linggo ng umaga ay nakatanggap siya ng mensahe mula kay Manang Bebeng
at sinabing naisugod nanaman sa ospital si Karl. Bigla siyang sinalakay ng kaba.
Nagdadalawang isip pa siyang puntahan si Karl. Pero nang hindi siya makatulog ng
gabi ay sinadya na niya sa Ospital si Karl kung saan ito isinugod.

Nasalubong niya sa labas ng hospital room ni Karl si Mateo ngunit hindi niya ito
kinikibo. Tumuloy-tuloy siya sa pagpasok sa kuwarto ni Karl. Gising na si Karl.
Lumabas naman kaagad si Manang Bebeng nang makita siya.

Una'y nag-aalangan siyang lumapit kay Karl. Isang linggo lang siyang nawala ay
malaki na ang nagbago sa hitsura ni Karl. Nangayayat ito, putlang-putla at
nangingitim ang mga eyebags. Biglang kumirot ang dibdib niya habang pinapasadahan
ng tingin ang kabuuan ni Karl na nakaratay sa kama. Kusa na lamang tumulo ang luha
niya.

Mahinhin siyang humakbang palapit sa binata. Umupo siya sa tabi nito. Agad naman
nitong ginagap ang kamay niya.

"Galit ka ba sa akin, Tini?" malumanay na tanong ni Karl.

Umiling siya. "Wala ka namang kasalanan," aniya.

"May kasalanan din ako. Naging makasarili ako. Alam kong hindi kita mapapaligaya
pero nagpumilit ako. Wala namang intensiyon si Mateo na lokohin at paglaruan ka.
Gusto niya lang akong mapasaya," pahayag nito.

"Mali parin ang ginawa niya. Nagmukha akong tanga."

"Patawarin mo na si Mateo. Nagsisisi rin naman siya. Ang totoo, binalak talaga
namin noon pa na sabihin na sa iyo ang totoo pero ako ang may gusto na huwag
nalang. Natutunan na kitang mahalin, Tini. Masyado akong makasarili. Sariling
kaligayahan ko lang ang inintindi ko, hindi ko na inisip ang mararamdaman mo. Si
Mateo naman talaga dapat ang mahal mo at hindi ako. Wala akong karapatan sa'yo,"
madamdaming pahayag nito.

"Huwag mong sabihin 'yan. Ikaw parin si Karl na nakilala ko. Ibang tao si Mateo.
Huwag mong sabihin na...na wala kang karapatan sa akin. May karapatan kang magmahal
at angkinin ang isang bagay. Puwede mo akong angkinin, Karl."

Nasilayan niya ang luha ni Karl na nag-uunahan sa pagdaloy sa makikinis nitong


pisngi. "Salamat, Tini. Kahit sa maikling panahon ay ipinadama mo sa akin kung
paano magmahal. Pinasaya mo ako sa nalalabi kong buhay, Tini. Kahit hindi ka na
magpakasal sa akin, okay lang," anito.

Humugot siya ng malalim na hininga. "Kung hihilingin mo, magpapakasal ako sa'yo,
Karl," wala sa loob na sabi niya.

Umaliwalas ang mukha ni Karl. "Sigurado ka ba, Tini?" hindi makapaniwalang tanong
nito.
"Kung iyon lang ang tanging paraan para makabawi ako sa'yo. Gusto ko maging masaya
ka," aniya.

Dahan-dahang umupo si Karl. "Pero masasaktan ka lang, Tini," anito.

"Marunong nang magtiis ang puso ko, Karl. Pinasaya mo rin naman ako."

"Maraming salamat, Tini. Ako na ang pinakamasayang mamamatay sa mundo," nakangiting


sabi nito.

Humagulgol siya ng iyak na minsa'y ngumingiti. Naninikip nanaman ang dibdib niya.
Hinawakan niya ang kanang kamay nito at ginawaran ng halik, inihaplos sa kanyang
pisngi. Hindi na niya magawang magsalita bagkus ay niyakap na lamang niya ito.

Naramdaman niyang bumukas ang pinto. Hindi pa man niya nakikita ay naramdaman na
niya ang presensiya ni Mateo. Kumalas siya kay Karl saka tumayo. Nang may pumasok
na nurse ay lumabas siya ng silid. Hindi niya akalaing susundan siya ni Mateo
habang naglalakad siya sa pasilyo papuntang chapel.

"Tini..." tawag nito. Huminto naman siya sa paghakbang ngunit hindi niya ito
nililingon.

"Bakit ka pumatyag na makasal kay Karl?" namumurong tanong nito.

"Wala ka nang pakialam," matigas na sabi niya.

"Tini, pinapahirapan mo lang ang sarili mo."

Hinarap niya ito. "Okay lang naman sa'yo 'diba? Nakahanda ako, Mateo. Ibibigay ko
lahat ng hilingin ni Karl. Magpapakatotoo na ako."

"Ganyan ba kalaki ang galit mo sa akin?" anito.

"Hindi ako paliligayahin sa buong buhay ko ng galit at poot. Pinapatawad na kita,


Mateo. Wala rin namang mangyayari kung kakamuhian kita. Pero...hindi ibig sabihin,
okay na tayo—na parang wala lang nangyari—na parang hindi mo ako ginamit at
pinaglaruan. Pipilitin ko nalang na makalimutan ka," matatag na sabi niya.

"Tini, huwag mo namang gawin sa akin 'to," samo nito. Malamlam na ang mga mata nito
buhat sa nagbabadyang pagluha.

Pinigilan niya ang luha at tinigasan niya ang kanyang anyo. Gusto niyang ipakita na
hindi siya apektado sa mga pinagsasabi niya—na hindi siya nasasaktan....
"Ngayon mo malalaman kung gaano kalupit ang karma, Mateo. Nasa huli nga naman ang
pagsisisi. Amanos na tayo. Wala na akong sisingilin sa iyo. Ibaon nalang natin sa
limot ang lahat," aniya.

Tuluyang naglandas ang mga luha ni Mateo. Tinangka nitong hawakan ang kamay niya
ngunit hindi niya ito pinahintulutan. Hanggang sa lumuhod na ito sa harapan niya.
Hindi na niya natimpi ang pagdaloy ng luha habang pinagmamasdan si Mateo. Ramdam na
niya sa lalamunan ang paninikip ng kanyang dibdib.

Sa halip na akayin patayo si Mateo ay iniwan niya ito. Hindi niya ito nilingon
kahit nang tawagin nito ang pangalan niya.

Kinabukasan ay pinayagan din ng doktor na umuwi si Karl. Nasa bahay na nito


nanatili si Karl at marami na itong gustong gawin. Animo'y wala itong sakit habang
inaasekaso nila ang pagpapakasal. Nagawa pa nitong mamanhikan sa mga magulang niya
at nakapamasyal pa sila sa mga lugar na gusto nitong puntahan.

Walang hiniling si Karl na hindi niya ibinigay. Napapangiti niya ito, iyon lang
naman ang mahalaga sa kanya. Kahit kasama nila si Mateo sa pamamasyal ay mistulang
palamuti na lamang ito sa paningin niya kahit may mga pagkakataon na inuusig siya
ng damdamin niya.

Kahit nanghihina na si Karl ay nagpumilit parin itong pumunta sa Training Center ng


mga swimmer. Kasama parin nila si Mateo pero kusa na rin itong umiiwas sa kanya.
Hindi niya iniisip na may sakit si Karl—na isang araw ay maglalaho nalang ito sa
paningin niya. Wala rin siyang pakialam sa mga sinasabi ng ibang tao.

Ipinagkalat pa ni Karl sa mga dating kasama sa Philippine Team ang tungkol sa


pagpapakasal nito. Tulad niya'y pilit ang ngiti ng mga kaibigan nito. Pinagmamasdan
lamang niya si Karl habang nakikipagkuwentuhan ito sa mga kaibigan nito.

Mayamaya'y nabaling ang tingin niya sa swimming pool kung saan namataan niya si
Mateo na lumalangoy. Mabilis na nanumbalik sa diwa niya ang mga sandaling magkasama
sila ni Mateo sa Subic. Ang ilang ulit na pagsagip nito sa buhay niya, mga yakap
nitong pumapawi sa takot niya, ang mga sandaling natagpuan niya ang tunay na pag-
ibig sa katauhan ni Mateo.

Nagbabadya nanamang pumatak ang luha niya, ngunit bago iyon tuluyang lumaya ay
naramdaman niya ang kamay ni Karl sa balikat niya—dahilan upang manumbalik sa
tamang huwisyo ang isip niya. Umupo sa tabi niya si Karl, ginagap nito ang kamay
niya at kapwa na silang nakamasid sa lumalangoy na si Mateo.

"Gusto mo na bang umuwi?" tanong nito.

"Mayamaya na," tugon niya.


"Gusto ko sanang lumangoy kaso hindi na puwede," pagkuwa'y sabi nito.

"Huwag mo nalang pilitin," aniya.

"Naiinggit ako kay Mateo."

Tinitigan niya ito. "Bakit naman?" tanong niya.

"Kasi nasa kanya lahat ng katangiang pinagsisikapan kong magkaroon ako. Kahit noong
mga bata palang kami...naiinggit na ako sa kanya. Palagi ko siyang inaaway noon
kasi siya ang madalas nananalo sa tuwing magtagisan kami ng husay sa paglangoy pero
hindi manlang siya pumapatol sa akin. Palagi siyang nagpaparaya. Minsan nagpapatalo
nalang siya para maranasan ko namang manalo sa kanya. Ang dami na niyang
isinakrepisyo sa akin para lang mapasaya ako. Kakainin nalang niya ibibigay pa niya
sa akin, ganoon si Mateo ka-responsabling kaibigan at kapatid," kaswal na kuwento
ni Karl.

Hindi niya maintindihan bakit ibinabahagi ni Karl sa kanya ang tungkol kay Mateo.
Ibinibida nito sa usapan si Mateo. Pero aminado siyang nakatulong iyon upang unti-
unting maibsan ang pasakit sa puso niya.

"Umuwi na tayo," pagkuwa'y sabi niya kay Karl.

Nang tumayo sila ni Karl at lumakad ng ilang hakbang ay bigla nanamang nawalan ng
ulirat si Karl. "Karl!" bulalas niya.

Nabulabog ang mga taong nakapaligid sa kanila....

=================

Chapter Ten

DALAWANG araw nalang bago ang kasal nina Karl at Tini. Simpleng kasal lang ang
hiling ni Karl at hindi na ito nag-imbita ng maraming bisita at sa bahay lang nito
gaganapin. Hindi na rin kasi nito kayang magbiyahe. Nakaluklok na lamang ito sa
wheelchair.

Hindi na rin umalis si Tini sa tabi ni Karl kahit sa bawat paglipas ng oras ay
nagpupuyos ang damdamin niya. Naroroon din ang mga magulang niya upang tulungan
silang mag-asekaso.

"Anak, okay ka lang ba?"


Napakislot si Tini nang marinig ang tinig ng Mama niya. Kanina pa pala ito nasa
likuran niya habang siya'y nakatayo sa tapat ng bintana ng study room at
pinagmamasdan si Karl at Mateo na nag-uusap—habang nakaharap ang mga ito sa water
fountain. Tumabi sa kanya ang kanyang ina.

Naramdaman niya ang init ng palad nito na humahagod sa kanyang likod. "Nararamdaman
ko kung ano ang hirap ng kalooban mo ngayon, Anak. Minsan, hindi ma masukat kung
gaano ka katatag o kung hanggang saan mo kayang magtiis. Pero ang lahat ng hirap na
nararanasan natin ay may dahilan. May dahilan kung bakit tayo nakakaranas ng mga
pasakit," pahayag ng ginang.

"Masakit lang po kasi, Ma. Kung sino pa ang minamahal ko'ng tunay, siya pa 'yong
magpaparanas sa akin ng hirap. Bakit ba nangyayari sa akin 'to, Ma? Ang tagal kong
inasam na maranasan ang pag-ibig pero bakit ganito? Bakit ako pa ang kailangang
makaranas ng ganito?" Nangilid nanaman ang luha niya.

"Maaring hindi talaga si Karl ang para sa'yo, Anak. Marami pang darating sa buhay
mo."

Hindi alam ng Mama niya na ang tinutukoy niya ay si Mateo. Tanggap na niya ang
meron sa kanila ni Karl, pero ang nagpapahirap sa kalooban niya ay si Mateo.
Malakas ang loob niya na sabihing kakalimutan niya ang binata pero ang
totoo...hindi niya kaya. Hindi niya kayang pakawalan ang pag-ibig niya kay Mateo
kahit ano pa man ang ginawa nito sa kanya.

Nakatali na siya sa isang desisyon na bumubulag sa kanilang lahat. Wala siyang


ideya sa maaring maganap sakaling dumating ang araw na iiwan na sila ni Karl.
Naisip niya...siguro, magpapakalayo nalang siya, babalik siya sa Seoul at doon na
pag-aralang kalimutan ang lahat. Mabubuhay siya'ng tahimik.

"Ihanda mo nalang ang sarili mo, Anak. Huwag mong ipakita kay Karl na nalulungkot
ka," wika ng kanyang ina.

"Handa na po ako, Ma," aniya.

"Ang mabuti pa magluto tayo ng meryenda para sa lahat," ani Magda.

Pinahiran na niya ang mga luha. Iyon din ang gusto niyang gawin. Pagkuwa'y sabay na
silang nagtungo sa kusina. Ipinagluto niya si Karl ng baked macaroni at para na rin
sa lahat. Tinuruan siya ng Mama niya kung paano pasarapin ang isang putahe na hindi
tinitikman.

"Alam mo, Anak, hindi mahirap mamatay lalo na kapag alam mo kung kailan ka babawian
ng buhay. Sabi sa akin ng lola mo noon bago siya mamatay, mas magaan na kamatayan
kung karamdaman ang dahilan kumpara sa isang aksidente. Kasi, kapag may sakit ang
tao o tinaningan man ang buhay, mas nagiging handa at maluwag ang pagtanggap sa
kamatayan. Ngunit kapag aksidente, masaklap. Hindi mo kasi napaghandaan o alam na
mamamatay ka na pala. May gusto ka pang gawin pero hindi mo na nagawa dahil patay
ka na. Ganoon din sa pang-araw-araw nating mga buhay, Anak. Hindi natin kayang
kontrolin ang oras at pangyayari, kaya hanggat maaari...pahalagahan natin ang mga
bagay-bagay. Ipadama natin sa mga mahal natin na mahalaga sila sa atin dahil hiram
lamang ang lahat. Anumang oras ay maari silang mawala sa atin. Kaya nga noong nasa
serbisyo mo pa ang Papa mo ay araw-araw, oras-oras kong sinasabi sa kanya na mahal
ko siya at bawat sandali na magkasama kami ay ipinapadama ko sa kanya kung gaano
siya kahalaga sa akin. Kasi nga...hindi ko alam kung uuwi pa ba siyang buhay sa
piling ko. Ayaw kong magsisi sa huli. Kaya tama 'yang ginagawa mo anak. Ibibigay mo
ang lahat para sa mahal mo hanggat kapiling mo pa siya," mahabang pahayag ng Mama
niya.

Sa halip na magdamdam ay napangiti na lamang siya. Ang mga katagang ibinahagi ng


Mama niya ay sapat upang matauhan siya. "Tama po kayo, Ma. Paminsan-minsan,
kailangan ko ring makarinig ng mahabang litanya mula sa inyo," pabirong wika niya.

Bumungisngis ang ginang. "Ikaw talaga, Anak. Palibhasa'y mas marunong ka pa sa


akin. Kapag pinapangaralan kasi kita ay kung ano-ano ang idinadahilan mo para
makaiwas," anito.

"Sorry na po," aniya. Tuluy-tuloy na ang tawanan nilang mag-ina.

HINDI na tumuloy si Mateo sa kusina nang makita niya si Tini at ang ina nito.
Bumalik na lamang siya kay Karl.

"Nakita mo ba si Tini, Mat?" tanong ni Karl nang umupo siya sa silya sa tapat nito.

"Nasa kusina sila ng Mama niya at nagluluto," aniya.

"Galit parin ba sa'yo si Tini?" mamaya'y tanong nito.

"Siguro." Bahagya siyang napayuko.

"Mapapatawad ka rin niya," ani Karl.

Muli niya itong tinitigan sa mukha. "Hindi na ako umaasa," sabi niya.

"Huwag kang sumuko, Mat. Malambot ang puso ni Tini, hindi siya marunong magtanim ng
galit sa kapwa. Alam ko hindi ka niya matitiis."

"Paano ka naman nakakasiguro?" tanong niya.

"Nararamdaman ko."
Naningkit ang kanyang mga mata nang masilayan ang makahulugang ngiti ni Karl.
Namimis niya ang ganoong ngiti nito.

"Ipakita mo sa kanya na disidido kang mapatawad ka niya. Huwag ka nang gumawa ng


hakbang na lalo pang lumayo ang loob niya sa'yo. Ingatan mo si Tini, Mat," ani
Karl.

Hindi na naalis ang tingin niya sa mga mata ni Karl. Nanatiling tikom ang bibig
niya at hinayaang magsalita si Karl.

"Mat, gusto kong magpasalamat sa lahat ng ginawa mo para sa akin. Pinasaya mo ako.
Ngayon, gusto ko naman na ikaw ang maging masaya. Ito nalang ang gusto kong
masiguro bago ang lahat...ang masigurong liligaya ka sa piling ng babaeng mahal
mo."

Natigilan siya. "K-Karl..." walang puwang na bigkas niya.

"Alam ko, Mat. Alam ko kung ano ang nararamdaman mo. Kahit hindi mo sabihin sa
akin, nararamdaman ko, nakikita ko."

"Anong ibig mong sabihin?" nalilitong tanong niya.

"Alam ko'ng mahal mo si Tini."

Nawindang siya, hindi niya iyon inaasahan. Nagkasya na lamang siyang nakatitig kay
Karl.

"Matagal ko nang alam na may namamagitan sa inyo ni Tini. Noon pa may nararamdaman
ko na ikaw ang gusto niya at hindi ako. Pinagninilayan ko lang kayo noong nasa
Subic tayo. Hindi na rin ako nabigla dahil iyon naman talaga ang dapat mangyari,
kayo naman talaga dapat at ikaw naman talaga ang dapat na nasa lugar ko," patuloy
ni Karl.

"Karl..." bigkas lamang niya.

"Matagal ko nang tanggap 'yon, Mat. Huwag kang mag-alala, wala akong hinanakit
sa'yo, bagkus ay masaya ako dahil sa wakas ay natoto ka na. Nagbago ka na. Iyon
lang naman ang gusto ko."

"Pero paano ka? Ang kasal ninyo ni Tini?" nababahalang tanong niya.

Ngumiti lamang si Karl.

"Karl, nagparaya ako para sa'yo," aniya.


"Para sa'yo si Tini, hindi para sa akin, Mat. Wala akong karapatang angkinin siya,"
anito.

Naguguluhan siya. Gusto niya ng mas malinaw na paliwanag pero naudlot ang pag-uusap
nila nang dumating si Tini na may dalang meryenda ni Karl. Tumayo na lamang siya.

"Kung gusto rin nito pumunta ka lang sa kusina," sabi sa kanya ni Tini.

Nabigla siya sa pambihirang pagkausap nito sa kanya. Nakakapanibago. "Sige,


salamat," sabi nalang niya.

Nang sinusubuan na nito si Karl ay iniwan na niya ang mga ito. Tulad ng sabi ni
Tini, nasa kusina ang meryenda. Kanina pa siya nauuhaw. Pagdating niya sa kusina ay
naroroon si Ginang Magda at Kara.

"Kuya Mateo, hali ka magmeryenda tayo," alok ni Kara. Kumakain na ito ng baked
macaroni.

"Hali ka na, Mateo at hatulan mo itong luto ni Tini," sabi naman ni Magda.

Umupo na lamang siya sa tapat ng hapag at tinikman ang luto ni Tini. Nang masarapan
ay dinamihan pa niya ang pagtikim hanggang sa maparami ng kain. Noon na muli siya
nakatikim ng home made na baked macaroni. Kadalasan kasi ay sa mga restaurant siya
nakakakain niyon o kaya'y nagpapaluto siya kay Tequila.

Napasarap ang kuwentuhan nila ni Kara nang marinig niya si Tini na nagsisigaw at
tinatawag ang pangalan niya. Nagkasabay silang tumayo ni Kara.

"Ano 'yon, kuya?" tanong pa ni Kara.

Hindi na niya ito nasagot basta't tumakbo na siya palabas ng bahay at tinungo ang
kinaroroonan nina Karl at Tini. Natigilan siya nang makita si Karl na wala nang
malay. Si Tini naman ay natataranta habang humahagulgol ng iyak.

Pagkuwa'y nilapitan niya si Karl at pinulsukan ngunit wala na siyang maramdaman.


Gayunpaman'y nag-abala pa silang dalhin ito sa ospital. Tumutulo ang kanyang luha
habang pinagmamasdan ang pinsan na nilalapatan ng CPR machine sa dibdib ng ilang
beses ngunit sa kasamaang palad...wala na si Karl...

Ang katabi niyang si Tini ay bigla na lamang napayakap sa kanya habang patuloy ang
paghahagulgol. "Wala na si Karl, Mateo...iniwan na niya tayo," sabi nito habang
nakasubsob ang mukha sa dibdib niya.

Niyakap na lamang niya ito habang panay ang hagod ng kamay sa likod nito. Tuluyan
na niyang pinalaya ang mabibigat niyang luha. Hindi niya makuhang titigan ang
walang buhay na katawan ni Karl habang ito'y inaasekaso ng mga nurse.

Lumabas na rin sila nang mailabas sa ER ang mga labí ni Karl. Kahit nang makarating
na sila sa bahay ni Karl ay humihikbi parin si Tini. Hindi na ito makausap.

TULAD ng hiling ni Karl, pina-cremate din nila ang katawan nito paris sa mga
magulang nito at inihanay sa chapel kung saan ang abo ng mga magulang nito.
Dalawang linggo na ang nakakalipas magbuhat nang pumanaw si Karl pero ang hirap ng
kalooban ni Tini ay hindi parin naiibsan.

Isang linggo nalang din ang pananatili niya sa bansa at babalik na siya sa Korea.
Nagbabakasakali siyang makakalimot siya sakaling magpapakaabala siya sa trabaho.

Nang hapon ngang iyon ng linggo ay dumalaw siya sa bahay ni Karl upang mag-alay ng
dasal sa nilalatagan ng mga abo nito. Naroroon parin si Manang Bebeng at ang
hardenero na si Peter. Ipinagluto pa siya ng ale ng meryenda.

Nagsindi siya ng candela at nag-alay ng sariwang bulaklak pagkatapos ay taimtim


siyang nagdasal. Hindi niya napigil ang pangingilid ng luha sa kanyang pisngi.
Ipinikit niya ang kanyang mga mata at muling sumariwa sa isip niya ang mga sinabi
ni Karl bago ito mamaalam sa kanya...

"Ang swerte talaga ng mapapangasawa mo, Hon," sabi ni Karl matapos niya itong
subuan ng baked macaroni.

Umupo na siya sa silya sa tapat nito. "Maswerte ka, Karl," nakangiting sabi niya.

"Oo nga, maswerte ako dahil nakilala kita, pero, Tini...hindi ako ang lalaking
dapat mong pakasalan," anito.

"Karl...dalawang tulog nalang kasal na natin," aniya. Ginagap niya ang mga kamay
nito.

"Hindi para sa akin ang kasal na inayos ko, Tini. Para iyon sa inyo ni Mateo."

Natigilan siya. "A-anong para sa amin ni Mateo?" maang niya.

"Alam ko ang tungkol sa inyong dalawa ni Mateo, Tini. Alam ko'ng nagmamahalan
kayo."
Nabikig na ang lalamunan niya.

"Kahit hindi mo sinasabi, alam ko na si Mateo ang laman ng puso mo. Nararamdaman ko
iyon at nakikita ko sa tuwing magkasama kayo. Masayang masaya ako dahil nakikita
kong seryoso sa'yo si Mateo. Alam mo ba'ng hindi nagsiseryoso sa babae si Mateo?
Ikaw lang ang nagpabago sa kanya, Tini. Kaya para sa akin, makita ko lang kayong
ikakasal na dalawa ay maligaya na ang kaluluwa ko. Kaya lang...hindi ko na
masisilayan ang kasal ninyo. Pero sana...kahit wala na ako ay tatanggapin mo parin
si Mateo at sana patawarin mo na siya. Nararamdaman kong mahal na mahal ka niya,
Tini," madamdaming pahayag ni Karl.

Tumulo na ang luha niya, ang dibdib niya'y naninikip nanaman. "Bakit, Karl?" walang
puwang na tanong niya.

"Gusto ko...ma—maging masaya ka...at—at s-si Mateo lang ang m-makaka-gawa n'on
s'yo..." nauutal nang sabi nito.

Umangat na siya sa kinaluklukan niya. "Karl...." Kinabahan na siya.

"S-salamat s-sa l-hat, Tini...M-mahal k-ta..." huling bigkas nito at nagawa pa


nitong ngumiti kasabay sa pagdaloy ng luha nito.

Pagkuwa'y pumikit na ito at hindi na muling dumilat pa....

"Karl...!" sigaw niya. Niyugyog niya ang balikat nito ngunit hindi na ito
gumagalaw. Nagsisisigaw na siya...

"Mateo...."

Mayamaya'y lumabas si Mateo kasunod si Kara....

DUMILAT ng mga mata si Tini nang maramdaman niyang may yabag na papalapit sa kanya.
Hindi niya ito nilingon. Pinahiran na lamang niya ang pisnging binasa ng luha.
Hindi pa man niya nasisilayan ay alam niya kung sino ang dumating.

Si Mateo...tumirik din ito ng kandela at nag-alay ng taimtim na dasal. Pagkatapos


niyang magdasal ay tinangka niyang umalis ngunit hindi pa man niya naihahakbang ang
mga paa ay nahagip na ni Mateo ang kanang kamay niya. Napilitan siyang harapin ito.

"May galit ka parin ba sa akin?" tanong nito.

Marahang binawi niya ang kamay na pinalaya naman nito. "Wala na akong galit sa'yo,
Mateo. Sinabi ko na sa iyo na hindi ako magtatanim ng galit kaninuman," aniya.
"Pero bakit kailangan mo akong iwasan? Cancel na ang kasal 'dida?" anito. Ito na
mismo ang nag-cancel ng kasal na inayos ni Karl para sa kanila.

"Dahil hindi pa ako handang kalimutan ang lahat, ang sakit ng mga ginawa mong
panloloko sa akin," mahinahong wika niya.

"Alam ko, Tini. Pinagdudusahan ko na ang mga ginawa ko. Isa kang malaking KARMA,
dahil sa lahat ng niloko ko ay ikaw lang ang sineryoso ko, minahal at iniyakan
ko.... Umaasa parin ako na mabibigyan mo ako ng pagkakataon, Tini," madamdaming
pahayag nito kasabay sa pagdaloy ng luha nito.

Nagkasya na lamang siyang titigan ang binata. Ngunit sa kaibuturan ng puso niya,
naroroon ang pagpaparaya at pananabik. Wala na siyang makapang hinanakit sa puso.
Gayunpama'y nanatiling mailam ang isip niya.

"Bigyan mo ako ng sapat na panahon, Mateo. Gusto ko munang mapag-isa. Hindi biro
ang mga pinagdaanan ko," aniya.

Umaliwalas ang mukha ni Mateo. "Maghihintay ako ng tamang panahon, Tini," wika
nito. Ginagap nito ang mga kamay niya at kinintalan iyon ng maiinit na halik.

Pagkuwa'y bigla na lamang siya nitong niyakap. Hindi siya tumungon at hindi rin
siya pumiksi. Mamaya'y kusa na itong kumalas sa kanya.

"Aalis na ako," aniya sabay bira ng talikod.

Inaasahan niya na pipigilan siya nito o tatawagin ngunit hindi. Pinabayaan siya
nitong makaalis. Kung kailan naman nakasakay na siya ng taxi ay saka naman nag-
uunahan sa pagpatak ang mga luha niya. Alam niya sa sarili niya na hindi niya
kayang mawala sa buhay niya si Mateo. Pero kailangan niya ng matibay na proweba
kung talaga bang mahal siya nito o may halaga ba siya rito.

HINDI pa man nakakaalis ng bahay si Tini ay marami nang habilin si Kara. "Ate,
bil'han mo ako ng maraming KPOP album ah. At mag-selfie ka naman sa mga sikat na
Korean papa. Magpa-package ka rin ng snow," ani Kara habang nasa sala sila at
hinihintay ang Papa niya na umarkila ng sasakyan para ihatid siya sa airport.

"Kara, wala na akong panahon na magliwaliw doon. Busy na ako pagdating. At para
naman sa snow mo, abay manguha ka nalang sa freezer," aniya.

"Ate naman. Sige na nga, mamimis ka nanaman namin nila, Mama," anito.
"Mamimis ko rin naman kayo." Pagkuwa'y niyakap niya ang kapatid.

Mayamaya'y dumating na ang Papa niya at isinakay na nito sa kotse ang mga bagahe
niya.

"Mag-iingat ka, Anak," ani Magda matapos nilang magyakap.

"Opo, Ma. Kayo rin po nila Papa," aniya.

Umiiyak nanaman ang Mama niya. Baka hindi pa siya matuloy dahil sa iyakan na iyon.
Sumakay na lamang siya sa kotse.

Paglabas nila ng bakuran ay namataan niya ang pamilyar na kotse na nakaparada sa


tapat ng bahay nila. Kotse iyon ni Mateo at naaninag niya na may tao sa loob. Bigla
na lamang nanikip ang dibdib niya. Ngunit wala siyang lakas ng loob upang palayain
ang damdamin. Tumulo nanaman ang luha niya.

Ang gusto niyang mangyari ay pigilan siya ni Mateo pero sumama lamang ang loob
niya. Naghintay pa siya ng ilang minuto sa labas ng entrance pero hindi manlang
niya nakita ang bulto ni Mateo hanggang sa sumapit na ang oras ng pag-alis niya.

Pumasok na lamang siya sa entrance at dumiretso na siya sa eroplano biyaheng Seoul.


Hindi tumigil sa pagpatak ang luha niya hanggang sa makalipad na ang sinasakyang
niyang eroplano.

Maghihintay ako, Mateo. Hihintayin ko ang hakbang na gagawin mo pero sana huwag
mong patagalin. Hindi ko kayang maghintay ng matagal....

=================

Epilogue

SUMAKIT ang ulo ni Tini pagkatapos ng meeting nila kasama ang staff ng Hotel.
Naubos na ata ang dugo niya sa kakaunawa ng salita ng mga kasama. Bilang lamang
niya ang salitang English. Pagpasok niya sa opisina ay lalong sumakit ang ulo niya
nang mamataan ang patong-patong na papeles na kailangan niyang basahin at pirmahan.

Kauupo pa lamang niya ay meron nang kumatok sa pinto. "Come in," aniya.

Bumukas ang pinto at pumasok ang secretary iyang si Seon Lin. "Excuse me, Ma'am,
you have a call," batid nito.

"From Philippines?!" nagagalak na tanong niya.


"No, ma'am. We can't trace his location," sabi ni Seon Lin.

"He?" tanong niya.

"Yes."

"Well, thaks," aniya.

Nang lumabas na si Seon Lin ay agad niyang dinampot ang telepono. "Hello!" sabi
niya sa tumatawag.

"Hi!" tugon naman ng boses lalaki sa kabilang linya.

Medyo pamilyar niya ang boses. "May I know who's calling, please...?" tanong niya.

"It's me, Christine," sagot lang ng lalaki.

"Who?" kunot-noong tanong niya.

"Your lover."

Hindi talaga niya mahulaan. Magulo ang isip niya, pagod siya at wala na siyang
panahong mag-isip ng kung ano na walang kinalaman sa trabaho niya.

"Sorry, I'm not talk to strangers," mataray na sabi niya. Inaamag na ang katagang
iyon pero ganoon talaga.

"Come on. I'm not strangers anyway," giit nito.

"You know? I'm busy!" Nagtaas na siya ng tinig.

"I know. Don't drop the phone, please..." anito.

"So let me know who the hell are you!" asik niya na napapatayo.

Narinig niyang bumungisngis ang lalaki. "Find me or I will attempt suicide here in
Hotel," may pananakot pang sabi nito.

"What? You're crazy!" bulalas niya.

"I'm waiting, Honey," sabi pa nito.


"I don't care about you!"

"It's your fault if one of your guests will found dead on his suite. I'm not
kidding."

Nakatinig siya ng wari'y kinasang baril. Nataranta na siya. "Damn! W-Where are
you?" pagkuwa'y tanong niya.

"I'm here in roof top," anito.

Ibinaba na niya ang receiver ng telepono at nagmadaling lumabas. Pero sigurista


siya, nagsama siya ng security para masiguro ang kaligtasan niya. Wala pa may
kinakabahan na siya.

Ngunit habang papalapit sila sa roof top ay unti-unti niyang napagtanto kung sino
possible ang nakausap niya. Naalala niya bigla si Mateo na minsan na siyang
pinaglaruan sa pamamagitan ng estrangherong tawag. Ang tibok ng puso niya'y waring
naghahabol ng buhay. May kalakip na iyong pananabik.

Pagdating nila sa roof top ay wala naman silang nakitang tao. Malakas ang hangin at
tirik ang araw. Pati ang dalawang security na kasama niya ay naghagilap. Mamaya'y
tumunog ang cellphone niya na nasa bulsa ng pantalon niya. Dinukot niya iyon at
agad sinagot ang tumatawag na numero lang ang nakarehistro.

"Hello!" aniya.

"Sabihin mo sa security mo na iwan kang mag-isa," utos ng kausap niyang lalaki.


Iyon na ang kausap niya kanina.

Nagulat siya nang magtagalog ito. Noon lamang siya natauhan. Gayunpaman ay sinunod
niya ang gusto nito. Pinaalis niya ang dalawang security. Sa halip na kabahan ay
sumigla ang puso niya. Kilala na niya kung sino ang hinayupak na pinaglalaruan
siya.

"Wala na sila," sabi niya sa kausap.

"Good. Then, move foreward five step," utos nito.

Sumunod naman siya. Bahagya pa siyang nagulat nang bumukas ang pinto sa stock room.
Natigilan siya nang lumitaw buhat roon ang bulto ni Mateo na naka-amerikana, bagong
gupit, bagong ahet at mukhang bagong ligo. Nakalapat parin sa tenga nito ang
cellphone'ng hawak ng kanang kamay nito.

Unti-unti niyang ibinaba ang cellphone niya. Wala siyang kibo, nagkasya na lamang
siyang nakatitig sa papalapit sa kanya na si Mateo. Pilyo ang ngiti nito.

"Mateo..." mahinang bigkas niya kasabay sa pangingilid ng luha sa pagkabilang


pisngi niya—luha na udyok ng galak.

"Kamusta ka na?" nakangiting tanong nito nang tuluyang makalapit sa kanya.

Hindi niya makuhang magsalita bagkus ay bigla siyang napayakap sa binata. Niyakap
naman siya nito at masuyong kinintalan ng halik sa noó.

"Miss na miss na kita. Sorry kung medyo natagalan ako," anito.

Umangat siya ng mukha ngunit nanatiling magkayakap sila. "Hindi ka parin nagbabago,
mapaglaro ka parin," aniya.

Ngumiti ito. "Last na 'to. I'm sorry. Gusto lang kitang surpresahin. Akala ko
nakalimutan mo na ako," may tampong sabi nito.

"Paano kita makakalimutan? Bawat pintig ng puso ko ikaw ang isinisigaw. Hinihintay
kita, Mat. Alam ko'ng may gagawin ka kaya naghintay ako kahit matagal," humihikbing
sabi niya.

Pinahiran nito ng palad ang pisngi niya. "Iyakin ka naman. Pero salamat. Hindi na
kita pinigilang umalis noon dahil kayang-kaya naman kitang sundan. Kahit saan ka
man susundan kita."

"Alam ko." Ngumiti na siya.

"I love you, Tini."

"Mahal din kita, Mat."

Pagkuwa'y naghinang ang kanilang mga labi. Mamaya'y bigla na lamang lumuhod sa
harapan niya si Mateo. Natigilan siya nang maglabas ito ng maliit na kuwadradong
pulang kahon.

"Christine Morales, will you merry me?" masuyong tanong nito.

Tumulo nanaman ang luha niya. Sandaling sumagi sa isip niya ang alaala ni Karl.
Tama si Karl, mahal nga siya ni Mateo at sila ang nararapat magpakasal.

Tumango siya. "Yes, Mat...YES!" sagot niya.


Tumayo si Mateo at isinuot ang singsing sa daliri niya. "Thank you, Tini...I love
you," anito. Pagkuwa'y siniil nito ng halik ang labi niya na agad naman niyang
natugunan.

"May nakausap na akong magkakasal sa atin dito, Tini," wika ni Mateo nang
maghiwalay ang mga labi nila.

"Huh? D-dito?!" manghang tanong niya.

"Yes. Dito mismo," anito.

"P-pero..."

"Nakausap ko na ang parents mo sa Pilipinas at pumayag sila. Mag-uwi nalang natin


ang church wedding."

Sa sobrang galak ay wala na siyang masabi basta oo nalang siya ng oo. Pagkuwa'y
muling naghinang ang kanilang mga labi....

Love kills the pain.

WAKAS!
ABANGAN ang ilang detalye ng kanilang pagmamahalan sa mga susunod na aklat.
Masasaksihan ang makulay na pag-iisang dibdib nila sa huling bahagi ng huling aklat
ng seryeng ito.

Susunod na...

Ano nga ba ang meron sa Vodka at maraming nahahalina sa alak na ito? Kilalanin si
Vodka-Israel Montel—isang sarkastikong binata na mahilig makipaglaro sa bingit ng
kamatayan. Anak ng mag-asawang tapat na nagsisilbi sa batas at iniingatan ang
pangalan na huwag madungisan sa mata ng mga tao. Ngunit si Israel ay may sariling
batas, masusunod ang gusto niya at wala siyang pakialam kahit itinuturing siyang
black sheep sa kanilang pamilya. Mahilig siyang mag-ikot sa mundo, hindi siya
nakakatagal sa isang lugar at higit sa lahat, hindi siya nakakatagal sa isang
relasyon. Hindi pa raw isinisilang ang taong puputol sa sungay niya?

Kilalanin siya sa ikasiyam na aklat ng seryeng ito at kilalanin ang babaeng puputol
umano sa sungay niya....

You might also like