You are on page 1of 118

Bartenders Series 9: Vodka (Complete)

by rhodselda-vergo

Kilalanin si Vodka-Israel Montel—isang sarkastikong binata na mahilig makipaglaro


sa bingit ng kamatayan. Anak ng mag-asawang tapat na nagsisilbi sa batas at
iniingatan ang pangalan na huwag madungisan sa mata ng mga tao. Ngunit si Israel ay
may sariling batas, masusunod ang gusto niya at wala siyang pakialam kahit
itinuturing siyang black sheep sa kanilang pamilya. Mahilig siyang mag-ikot sa
mundo, hindi siya nakakatagal sa isang lugar at higit sa lahat, hindi siya
nakakatagal sa isang relasyon. Hindi pa raw isinisilang ang taong puputol sa sungay
niya?

=================

Teaser

Isang taon nang Internal Security ng Hotel and Casino si Shenkaru Takiru  sa Metro
Manila. Body Guard din siya ng Congressman na siyang may-ari rin ng naturang Hotel.
Ulila na siya sa ama at siya na lamang ang inaasahan ng kanyang pamilya. Laking
Tondo siya at kilala siyang matapang at nirerespito.

Ngunit dahil sa tiwala sa kanya ni Congressman Antonio Montel—binigyan siya nito ng


special mission. Bantayan at sundan niya ang anak nitong si Israel sa Spain dahil
umano'y may kabulastugan itong ginagawa habang nasa seminar. Dahil sa katapatan
kaya pumayag siya. Sinundan niya ang lalaki.

Ngunit nang nasa iisang hotel na sila ay nagulat siya nang bigla siya nitong
lapitan at kinukulit. Gusto siya nitong ligawan dahil na-love at first sight daw
ito sa kanya? Nawindang ang pagkatao niya. Hindi niya alam kung paniniwalaan niya
ito o baka naman hinuhuli lang siya nito. Gusto niya itong iwasan pero nang muli
silang magkita sa Pilipinas ay nagpatuloy ang panunuyo nito sa kanya.

Hindi niya ito puwedeng patulan ngunit anong magagawa niya gayong nagkakaroon na
ito ng puwang sa puso niya?

=================

Special Chapter

Bartenders Series ay napapatungkol sa mga magkakaibigan na natagpuan ang isa't-isa


sa parehong pagkahilig sa iba't-ibang uri ng liquor. Umiikot ang kani-kanilang mga
buhay sa isang Bar na kanilang naitatag at hindi hadlang ang tunay nilang propisyon
upang pangatawanan nila ang negosyo. Sa propisyon din nilang iyon matatagpuan ang
babaeng magpapatibok sa kani-kanilang mga puso. Naging sandigan nila ang isa't-isa
sa panahon ng dusa at hirap, sa luha at saya...
Ang nobelang ito ay napapatungkol sa kuwento ng pag-ibig, pagkakaibigan, pamilya at
mga propisyong napapanahon. Nawa'y magbigay insperasiyon sa bawat mambabasa ang
bawat kaganapan sa kuwento. Isa itong Fictional Story pero ito po ay may kinalaman
sa totoong kaganapan sa buhay ng bawat tao.

History: Ang series novel na ito ay nabuo dahil sa isang lasing na lalaki na nakita
ko minsan sa isang bar noong taong 2010. Sumama ako sa mga katrabaho ko pero sila
lang ang uminom. Hindi kasi ako talaga umiinom maliban sa tubig, hehehe.

Hindi naalis ang paningin ko sa mamang lasing na nagsasalita mag-isa. Nagagalit


siya, minsan naman ay tumatawa at umiiyak. Sabi ko sa sarili ko, "Baliw ata 'to."
Natanong ko bigla sa sarili ko, "Bakit nga ba naglalasing ang isang tao?" Sagot
naman ng 'anghel' na nasa gawing kanan ng isip ko. 'May problema sila kaya sila
umiinom. Para kahit sandali ay makakalimot sila. Maraming dahilan, minsan, para
magdiwang ng tagumpay. Ang iba naman, gusto lang makatulog ng mahimbing,'

Sumagot naman ang 'demonyong' nasa gawing kaliwa ng isip ko, 'E kasi, gusto nilang
magkaroon ng lakas ng loob para makagawa ng imposible. Para kumapal ang mukha nila
at makapaghasik sila ng kasamaan, HAHAHAHAHAHA!' Nanrindi ang tenga ko. Hinayaan ko
na ang 'anghel' at 'demonyo' na mag-diskusyon sa likod ng isip ko.

Nang tingnan ko ang mama ay nakatulog na ito sa ibabaw ng mesa. Iginala ko ang
paningin ko sa paligid, iba-ibang klase ng tao ang nakikita ko. May lalake, babae,
bakla, tomboy, matanda, binata, dalaga, piling binata't dalaga. Ang daming
nangyayari, may nag-aaway, naghahalikan sa gigilid, may nagtatawanan, may
nagbabahagi ng problema etc. Ganito pala ang buhay sa mundong ibabaw. Napagtanto
ko, hindi naman pala sa lahat ng pagkakataon ay bad impluence ang alak. Ngayon ko
lang na-realize na marami din pala itong magagawa sa buhay ng tao. Noon, naiirita
ako sa taong lasing. Nakakainis kasi talaga! Pero ngayon, naiintindihan ko na kung
bakit.

At dahil sa experience ko na iyon, bigla akong nagka-ideya para sa isang naiiba at


in-demmand na nobela. Hum, ang daming pumapasok sa isip ko hanggang sa mabuo ko ang
nakakaaliw na kuwento.

Ang una kong naisip na pamagat ng series ay "Hangovers" at nang malaman ko na nag-
aral ng Bartending ang dalawa kong kapatid na lalaki ay bigla kong naisip ang
"Bartenders" mas cool. Tinanong ko sila sa mga napag-aralan nila, nag-research ako.
At doon ko nalaman na ang dami pala ang uri ng liquor sa mundo.

So nakapagsulat na ako, pero draft lang. Nang i-post ko sa facebook at booklat site
nitong taon lang ang advertisement ng series—ay nagulat ako nang marami ang nag-
like. Plano ko sana na apat lang ang gagawin ko, kaso maraming friend ko sa fb at
co-writer ko na nag-request na gawin ko silang leading-lady ng mga hero ko.

E, ang dami nila. Kaya tuloy, ang apat ay naging isang dosena. Haha, napasubo ako.
Pero sige na nga. Naging insperasyon ko rin ang nobelang ito kasi natutuwa ako sa
concept na ginamit ko at naging mas open minded ako at ang dami kong bagong
natutunan. Ito ang history ng series na ito. Thank you!
Rum's Identity: 

Pen name: Vodka

Real name: Israel Montel

Signature Attitude: Mr. Sarcastic

Catch line: Hindi ko kailangang gumamit ng pera upang maipadama sa'yo ang
pagmamahal ko

Age: 30

Status: In a relationship with Shenkaru Takiru

Occupation: Hotel Manager

Short Profile:

Kilalanin si Vodka-Israel Montel—isang sarkastikong binata na mahilig makipaglaro


sa bingit ng kamatayan. Anak ng mag-asawang tapat na nagsisilbi sa batas at
iniingatan ang pangalan na huwag madungisan sa mata ng mga tao. Ngunit si Israel ay
may sariling batas, masusunod ang gusto niya at wala siyang pakialam kahit
itinuturing siyang black sheep sa kanilang pamilya. Mahilig siyang mag-ikot sa
mundo, hindi siya nakakatagal sa isang lugar at higit sa lahat, hindi siya
nakakatagal sa isang relasyon. Hindi pa raw isinisilang ang taong puputol sa sungay
niya?

Trivia about Vodka:

          Vodka is any fermented beverage which undergoes triple distillation. The
triple distillation produces an extremely high alcohol content and a very pure
alcohol. It is so high that it is poisoness, so it is traditionally watered down to
80 proof or so. If it is left in a higher state, it can be considered moonshine.
Vodka is usually made from potatoes or corn.
    Gentlemen's Bar & Restaurant members:

                  

         #1-Rum Lorence Ong- Manager/Bartender

         #2-Gin Andrew Baltazar- Investor/Bartender

         #3-Whiskey Jason Del Rosario- General Manager/Bartender

         #4-Brandy Martin Duellas- Investor/Bartender

         #5-Bourbon Sean Lee- Investor/Music operator/Bartender

         #6-Scotch James Miller- Flair Bartender/Waiter

         #7-Cordials Hanzen Kurama- Investor/Bartender

         #8-Cognac Mateo Abarde- Bartender/Waiter

         #9-Vodka Israel Montel- Investor/Bartender

         #10-Tequila Miguel Rosales- Executive Chef/Restaurant Manager

         #11-Moonshine Ruzlee Young- Bartender/Waiter

         #12-Wine Wallace de Vega- Investor/Bartender/Manager

=================
Chapter One

ISANG linggong nakadestino si Shenkaru sa Hotel bago siya bumalik ulit sa pagiging
body guard ni Congressman Montel. Kung tutuusin mas kampante siya sa Hotel paris sa
madalas na nakabuntot sa Ginoó. Kung anu-ano kasi ang ini-uutos nito sa kanya na
labas naman sa trabaho niya.

Tatlong buwan na rin ang nakakalipas magbuhat nang utusan siya nitong sundan ang
anak nitong binata sa Spain. Magmula nang bumalik siya ng Pilipinas ay hindi na
niya muling nakita si Israel—bagay na ayaw na sana niyang mangyari. Nabalitaan niya
na nasa Alaska na raw naglalagi ang lalaki.

"Ms. Takiru, sumama daw po kayo kay Congressman sa rest house nila sa Tagaytay,"
sabi ng katulong kay Shen habang nasa garahe siya.

"Sige po, Manang, Arlyn," aniya.

Sinabihan na rin siya ni G. Montel tungkol doon kaya may dala siyang ilang damit.
Malaking karangalan para sa kanya na isa siya sa pinagkakatiwalaan ng Congressman.
Malaki ang sinasahod niya kahit minsan na siyang nalagay sa gipit ng kamatayan.

Iyon ang unang pagkakataon na makakapunta siya sa Rest House ng mga Montel. Ang
sabi ng kasama niyang si Robert, malawak raw ang lupain ng mga Montel at may mga
alaga raw itong hayop katulad na lamang nga mga kabayo, manok at kung ano-ano pa.
Malamig na raw sa Tagaytay kaya nagdala rin siya ng Jacket.

Pagsapit ng alas-kuwatro ng hapon ay nakarating na sila sa lupain ng mga Montel at


napanganga siya sa lawak ng lupain na may samo't-saring panamin. Mula sa malaking
tarangkahan ay may ilang minuto pang tinakbo ang sinasakyan nilang kotse bago nila
narating ang bonggalong bahay na may tatlong palapag.

Silang dalawa lamang ni Robert ang body guard na kasama. Kasama rin ang Abogado ng
Congressman at ang Secretary nitong si Abner. Overnight lamang sila roon. Ayon kay
Abner, may aayusin lang ang Congressman sa lupain ng mga ito na minsa'y binabatikos
ng Gobyerno.

Mga caretaker lamang at dalawang kasam-bahay ang naroroon sa mansiyon. May ilang
stay in din na mga tagapangalaga ng mga hayop. Nang makapasok na si G. Montel sa
kuwarto nito ay nagkaroon na rin siya ng pagkakataon na mag-ikot sa malawak na
lupain.

Napadpad siya sa kulungan ng mga kabayo. Bibihira sa buhay niya na nakakakita siya
ng mga kabayo na iba't-ibang kulay. Ayon sa taga alaga na si Mang Andoy, nagmula pa
raw sa Alaska ang mga kabayo.

"Mahilig po pala sa kabayo si Congressman, Manong Andoy," aniya sa ginoó, habang


pinagmamasdan niya itong nagbibigay ng dayami sa mga kabayo.
"Ang totoo niyan, hindi naman si Congressman ang mahilig sa kabayo. Ang anak niyang
bunso," ani Andoy.

Kumunot ang noó niya. Hindi niya kilala kung sino ang anak na bunso ni G. Montel.
Nasa Alaska kasi lahat ng anak ng Congressman at bibihira umuuwi ng bansa.

"Sino pong anak ni Congressman?" pagkuwa'y tanong niya.

"Si Sir Rael," anang ginoó.

"S-Si Israel?!" manghang saad niya.

Tumigil sa pagkilos ang Ginoó at tumitig sa kanya. Bumuka ang bibig nito ngunit
walang salitang nanulas bagkus ay naibaling nito ang tingin sa gawing likuran niya.

May narinig siyang yabag ng animo'y paa ng kabayo. Awtomatikoy pumihit siya sa
likuran niya. Napamulagat siya nang makita ang matangkad na lalaki na hila-hila ang
puting kabayo. Cowboy ang dating nito. Nakasuot ng maong pants at buta na hanggang
tuhod, naka-jacket ito ng maong na tila sinadyang putol ang manggas. Wala itong
damit panloob kaya naman hantad ang matipunong dibdib nito. Nakasuot din ito ng
cowboy hat na kulay itim.

Hindi niya namamalayan na nakaawang na pala ang bibig niya, hindi kumukurap ang mga
mata niya. Ang tibok ng puso niya ay waring naghahabol ng buhay. Nahimasmasan siya
nang dumaan sa tabi niya si Mang Andoy at kinuha nito ang kabayo sa kararating na
lalaki. Awtomatiko'y tumalikod siya.

Bigla na lamang siyang kinabahan. Hindi alam ni Israel na body guard siya ng tatay
nito. Hindi niya alam. Ewan niya kung may alam ito. Basta ang pagkakaalam niya'y
aksidente lamang na nilapitan siya nito noong nasa Spain sila. Hinintay niyang
makaalis ang lalaki ngunit nagulat na lamang siya nang humahakbang ito palapit sa
kanya.

"Shen, ikaw ba 'yan?" kaswal na tanong nito.

Lalo lamang kumabog ang dibdib niya. Nagulat siya nang tawagin siya nitong Shen,
samantalang Karu ang tawag nito sa kanya noong nasa Spain sila. Hindi niya ito
kayang harapin. Tinangka niyang iwasan ito ngunit nahagip nito ang braso niya.
Napilitan siyang harapin ito.

Titig na titig ito sa mukha niya habang hindi nito binibitawan ang braso niya.
Bakas sa mukha nito ang pagkasurpresa. Maari ngang hindi nito alam na nagtatrabaho
siya sa Tatay nito.

"What are you doing here?" seryosong tanong nito.


Mahinhin na binawi niya ang braso buhat sa kamay nito. "Ahm, n-nagtatrabaho ako sa
Daddy mo," pag-amin niya.

"Kailan pa?" kunot-noong tanong nito.

"One month ago," pagsisinungaling niya.

"Anong trabaho?" tanong nanaman nito.

"Body guard niya."

Napuna niya ang bahagyang pagtalas ng titig sa kanya ng lalaki. Nagtatagis ang mga
bagang nito. Mayamaya rin ay ngumiti ito ng matabang.

"So noong nasa Spain ka hindi ka pa nagtatrabaho sa Daddy ko?" anito. Palakad-lakad
ito sa harapan niya.

Kumabog nanaman ang dibdib niya. Bibihira siyang kabahan, ngayon na muli.
Pakiramdam niya'y may malaki siyang kasalanan na nagawa kay Israel. Kailangan
nanaman niyang magsinungaling upang depensahan ang sarili niya.

"Yes, hindi pa ako nagtatrabaho sa Daddy mo noon," aniya.

"Bakit body guard? Akala ko Hotelier ka? What's wrong?" nalilitong tanong nito.

Pinagpapawisan na ang palad at talampakan niya. "Ahm, I need extra income," sabi
lang niya.

"Well, I'm glad to see you here. Medyo hindi mo ako kinakausap ng maayos noong nasa
Spain tayo at parang nandidiri ka pa sa akin dahil panay ang iwas mo. Hindi ko
naman iniintindi iyon dahil naisip ko baka nga may iniiwasan ka," anito.

Hindi niya inaasahan na babanggitin nito ang tungkol sa Spain. Uminit ang mukha
niya nang maalala ang mga kaganapan sa pagitan nila noong magsama sila sa isang
Hotel sa Spain sa loob ng halos isang linggo.....

"Hi! Are you Filipina or Japanese?" tanong ni Israel kay Shenkaru nang lapitan siya
nito sa lobby ng Hotel.

Bigla na lamang siyang sinalakay ng kaba. "Ahm, Filipina. Japanese ang father ko at
ipinanganak na ako sa Pilipinas," sabi niya.

"Wow! Nice meeting you here? Bakit ka naman nandito?" pagkuwa'y tanong nito.
"Ahm, isa kasi ako sa representative ng hotel na pinagtatrabahuhan ko para dumalo
sa seminar," pagsisinungaling niya.

"Kaya pala kanina pa kita napapansin na nakasunod sa akin. Iisa pala tayo ng
appointment. Anyway, I'm Israel Montel," anito sabay alok ng kanang palad sa kanya.

"Shenkaru Takiru," pakilala naman niya sa sarili. Pagkuwa'y dinaup niya ang palad
nito.

Uminit ang mukha niya nang maramdaman ang mahigpit na pagkakahawak nito sa kamay
niya at tila ayaw nitong bitawan. Kinikilabutan siya. Nayayabangan siya rito at
ayaw niya sa paraan ng pagkakatitig nito sa kanya. Oo, maganda ang mga mata nito—na
kayumanggi ang kulay, pero tipong mata ng lalaking hindi makakagawa ng matino sa
babae.

"Nababahuan talaga ako sa Japanese name," sabi nito pagkabitiw sa kamay niya.

Bahagyang uminit ang bunbunan niya. Kung hindi lamang ito anak ng Boss niya ay
hindi niya ito sasantuhin.

"Hindi ako ma-o-offend," sabi lamang niya.

Pilyo ang ngiting namutawi sa mga labi nito. "Mabuti na lang cute at maganda ka.
Hindi bagay sa'yo ang pangalan mo," anito.

"Kung pangit ako sa paningin mo, Karu ang itawag mo sa akin," aniya.

Tumawa ito ng pagak. "Honestly, mas type kong tawagin kang Karu. Mahilig kasi ako
sa kabayo," anito.

Lalo lamang uminit ang bunbunan niya. Hindi niya napigil ang sarili na sungitan
ito. "Mukha ba akong kabayo?" naiinis na tanong niya.

Sinuyod siya nito ng tingin. "Such a pretty horse. Kung naging kabayo ka, sasakyan
kita madalas," simpatikong sabi nito.

Kinilabutan siya, nag-init ang mukha niya pati ang buong katawan niya buhat sa
sinabi nito. Pinag-ikot niya ang mga mata saka ito inirapan. Humalukipkip siya.

"So yeah...I like that facial expression. You're so sexy," paanas na sabi nito.

Hindi na niya ito kinibo. Mamaya'y may lumapit na babae na siyang staff ng Hotel.
Mukhang kilala na nito si Israel.
"Te voy a entregar a su habitación, por favor, Sr. Montel," sabi ng babae sa lalaki
sa lenguwaheng español. Igigiya na nito sa suite nito ang lalaki.

"Gracias," tugon naman ng lalaki.

Bago ito umalis ay sinipat pa siya nito. "See you later," sabi nito sa kanya at
nag-iwan pa ng kindat.

Mayamaya rin ay inihatid na rin siya ng bill boy sa magiging kuwarto niya. Maluwag
ang kuwarto at magara. Feeling mayaman siya sa lagay niya. Pero hindi siya
papakampante sapagkat naroroon siya para sa isang misyon at hindi para magsaya.

Pagsapit ng hapunan, pumunta na siya sa denning at nag-order ng pagkain. Wala


siyang kilala sa lugar, wala siyang makausap. Iilang salita lang ang naiintindihan
niya sa Spanish. Hindi rin siya ganoon kahusa'y sa English. Mas nakikilala siyang
Japanese paris sa Pinay.

Limang tao pa lamang siya noong pumanaw ang Tatay niya na isang Japanese na
nanirahan sa bansa upang mag-negosyo. Ngunit nagkasakit sa atay ang tatay niya
dahil sa pagkakalulong sa alak. Siya na lamang ang inaasahan ng pamilya niya kaya
kahit mahirap na trabaho ay tinatanggap niya.

Habang hinihintay niya ang order niyang pagkain ay nasipat niya si Israel na
papalapit sa kanya. Malayo pa ma'y nakangiti na ito. Naiinis nanaman siya.
Malayong-malayo ang ugali nito sa Boss niya. Noon lamang niya ito nakita ng
personal sa loob ng isang taon na pagtatrabaho niya sa Tatay nito. Madalas kasi
itong lumalabas ng bansa.

"Hi! Can I join?" tanong nito pero naka-upo na ito sa katapat niyang silya.

Tumango lamang siya. Nagtawag na rin ito ng waiter.

"Tayo lang ata ang may dugong Pinoy sa lugar na ito. Huwag mo sanang mamasamain
kung kinukulit kita," anito.

"Okay lang," sabi lamang niya.

"Are you married, Karu?" mamaya'y tanong nito.

Napilitan siyang tingnan ito sa mga mata. "No," tipid niyang sagot.

Ngumiti ito. "But you're in a relationship?" tanong ulit nito.

"No."
"Pero tumatanggap ka ng manliligaw?"

Hindi siya nakasagot bagkus ay ibinaling niya ang atensiyon sa waiter na naghatid
ng pagkain niya. "Gracias!" sabi niya sa waiter.

"Kain tayo," alok niya rito sabay nilantakan ang pagkain niya.

"Thanks. Masaya na akong makita kang nabubusog," sarkastikong sabi nito.

Hindi niya ito tinitingnan basta't kumakain lamang siya. Pero ramdam niya ang init
ng titig nito sa kanya.

"Kahit tunog kabayo ang pangalan mo, mukha ka namang anghel na nakasakay sa puting
kabayo," anito.

Kamuntik na siyang masamid buhat sa sinabi nito. Hindi parin niya ito tinitingnan.
Dumating nalang din ang order nitong pagkain.

"Nalilipasan ka na ata ng gutom," sabi niya rito pero hindi niya ito sinisipat.

"Siguro nga. Baka kapag nabusog ako, magiging kamukha mo na si Petrang Kabayo,"
sabi nito.

Ngali-ngali niya itong sapatusin. Hindi parin siya tumitingin sa mukha nito.

"Allergy ka ba sa mga guwapong lalaki?" mamaya'y tanong nito.

Kamuntik nanamang bumara sa lalamunan niya ang pagkain. Napilitan siyang tingnan
ang mukha nito. Kunwari ay napa-ubo siya. Nakangisi ito habang aliw na aliw na
nakatingin sa kanya.

"Kulob na itong hotel pero may nakakapasok pa ring hangin," makahulugang wika niya.

Tumawa ng pagak si Israel. "Ang ilap mo kasi. Para namang hindi tayo magkababayan,"
anito.

"Ano pala ang gusto mo? instant close na tayo?" mataray na sabi niya.

"If you don't mind. Gusto ko ang appeal mo. Sa airport pa lang tayo ay napapansin
na kita. And you look so attractive. Feeling ko nga ikaw lang ang babaeng nasa
paligid ko," seryosong pahayag nito.
Kinikilabutan siya sa daloy ng mga salita nito. "Tatlong subo mo pa ng pagkain baka
mahimasmasan ka na," aniya.

Tumawa nanaman ito. "Naniniwala ka ba sa love at first sight?" pagkuwa'y tanong


nito.

Bahagya siyang natawa. "Kahibangan 'yan," aniya.

"Hindi nga. Actually hindi naman ako naniniwala, pero nararamdaman ko kaya
kailangan kong maniwala."

Tumitig siya sa mga mata nito. Nagdududa na siya rito. Pakiwari niya'y hinuhuli
lamang siya nito—o kaya'y alam nito na sinusundan niya ito.

"Alam mo, lumalamig na ang pagkain mo, mawawalan na iyan ng lasa," sabi lamang
niya. Uminom na siya ng tubig.

"I'm not kidding, Karu," seryosong wika nito.

Hindi na niya makuhang tumingin sa mga mata nito. Aywan niya bakit apektado siya sa
mga sinasabi nito? Hindi siya naniniwala na na-love at first sight ito sa kanya. At
hindi siya puwedeng maniwala. Wala pang byente-kuwarto oras na nagkakilala sila.

"Gusto mo ba ng wine?" pagkuwa'y alok niya rito.

"No thanks. Mas gusto ko ng hard liquor," sabi nito.

"Okay. Ayaw ko naman ng hard," aniya.

"Kahit anong hard ayaw mo?" nakangising tanong nito.

Tumitig siya sa mga mata nito. Hindi niya maintindihan bakit bigla siyang
nangilabot. Nabigyan niya ng malisya ang sinabi nito. Pinaspasan niya ang pagsubo.
Pakiwari niya'y malulusaw na siya sa katagalan na magkasama sila at wala itong
ginawa kundi pasadahan siya ng tingin.

"Hinay-hinay lang, baka mabulunan ka," anito.

"May gagawin pa kasi ako," dahilan niya.

"Ano?"
"Personal," aniya.

"Okay."

Nang maubos na niya ang pagkain ay agad siyang nagtawag ng waiter upang magbayad.
Nang ibibigay na niya ang bayad sa waiter ay saka naman umapila si Israel.

"Ako na ang magbabayad," anito saka nito hinawakan ang kamay niya na may hawak sa
pera. Saka ito nag-apurang dumukot ng pera sa wallet nito saka ini-abot sa waiter.

"Wait," aniya.

"Come on."

Umalis na lamang ang waiter. Hindi niya naibigay ang bayad niya.

"Hello!" nainis na saad niya.

"Hi!" sarkastikong tugon naman nito sa kanya.

"Hindi ka nakakatuwa," aniya.

"Stay pretty, okay? Sa susunod na magkasabay tayong kumain ay ikaw naman ang
magbabayad."

Tumayo na siya. Inilapag niya sa mesa ang dalawang daang dolyar. "Ayaw ko ng second
time na magkasabay tayong kumain kaya kunin mo ang bayad ko," aniya.

"Naman. Sa lahat ng babaeng nakilala ko ikaw lang ang tumatanggi sa akin. What's
wrong with me?" seryosong saad nito.

"There's nothing wrong with you, Mister," mataray na tugon niya.

Tumayo si Israel, dinampot nito ang pera niya saka lumapit sa kanya. Nagulat siya
nang hawakan nito ang kaliwang palad niya saka nito inipit roon ang pera niya.
Hindi siya nakakibo sapagkat napakalapit na ng mukha nito sa mukha niya.

"Masama ang tumatanggi sa grasya, Karu. Ibang-iba ka sa mga babaeng nakilala ko.
Napaka-expensive ng atensiyon mo. Hindi ko alam kung sadyang mailap ka lang sa
lalaki o may iniiwasan ka. Ako pa naman e, kapag may natitipuhan akong isang bagay
ay hindi puwedeng hindi ko nakukuha," halos pabulong na sabi nito.

"Sorry, hindi ako bagay na madaling makuha. May buhay ako," pilosopong turan niya.
Bahagya itong natawa. "I like you. Gusto ko rin ng challenge." Pinisil nito ang
palad niya.

Marahas na binawi niya ang kamay mula sa pagkakahawak nito. Pinalaya naman nito
iyon. Hindi na lamang siya nagpumilit na bayaran ang pagkain niya na binayaran
nito. Baka kung saan pa sila makarating.

"Anyway, thanks for the dinner," aniya sabay bira ng talikod.

Isang araw na hindi nagpapakita si Shen kay Ismael. Palihim lamang na sinusundan
niya ito kung saan man ito mapunta. Kasama nito ang ilang Hotel owner na mula pa sa
ibang bansa. Namamasyal ang mga ito sa mga tourist spot ng Bansang iyon habang
tinatalakay ang mga standard na pamamalakad ng isang Hotel.

Siguro'y nagtataka si Israel bakit hindi siya kasama sa Tour ng mga ito. Hindi ito
mapakali habang nasa seminar. Kung saan-saan ito nakatingin. Nag-iisip na rin siya
ng maidadahilan niya sakaling magkausap silang muli. May ilang session din namang
hindi dinaluhan si Israel. Nararamdaman niya na wala rin itong interest sa Seminar
na iyon.

Kinabukasan ay sinundan nanaman niya ito sa isang Bar. Namangha siya. Marami itong
kilala at kilala ito ng ilang staff ng naturang bar. Nagtatago siya sa damit ng
lalaki para hindi siya nito mahuli. Palihim na kinukuhaan pa niya ito ng litrato.

May kainumang tatlong lalaki si Israel. Napansin niya na magaling ito magsalita ng
español. Mayamaya pa'y may lumapit na babae sa table ng mga ito. Kilala rin ito ni
Israel. Nang muli niyang sipatin ang lalaki ay nakikipaghalikan na ito sa babae.

Una'y wala siyang naramdaman, ngunit makalipas ang ilang sandali ay unti-unti
siyang nakakadama ng banayad na kirot sa dibdib habang nakatingin kay Israel na
nakikipaghalikan sa babae. Hindi niya akalaing napaka-leverated pala nito. Na-adapt
na rin nito ang lifestyle ng ibang lahi. Ibinaling na lamang niya ang tingin sa
ibang tao.

Makalipas ang isang oras. Muli niyang namataan si Israel sa bar counter at nag-iisa
na lamang ito. Pakiwari niya'y lasing na ito. Bigla siyang kinabahan, wala na ang
mga kasama nito at baka kung mapaano ito roon sa bar.

Mayamaya'y tumayo ang lalaki at lumabas ng bar. Sinundan naman niya ito. Pasuray-
suray na ang lakad nito. Nag-aabang ito ng taxi. Nang makasakay ito ng taxi ay
pumara na rin siya at sinabi sa driver na sundan ang sinasakyan ni Israel.

Hindi papunta sa Hotel na tinutuluyan nila si Israel. Hindi niya alam kung saan ito
papunta. Huminto ang sinasakyan nitong taxi sa tapat ng karnabal. Bumaba na rin
siya roon.
Sinundan niya ang lalaki hanggang sa loob ng karnabal kung saan maraming tao.
Kinakabahan siya. Mamaya'y mapaaway ito. Natatawa siya sa isiping maglalaro roon
ang lalaki o kaya'y sasakay sa mga rides. Bigla niyang naalala ang kabataan niya.

Umupo si Israel sa isang kabayo sa horse ride na hindi umaandar. Natatawa siya
habang pinagmamasdan ito. Aliw na aliw siyang pinagmamasdan ito. Nang may lumapit
na lalaki kay Israel ay nag-panic siya. Pakiwari niya'y nagagalit ang lalaki.
Nakipagtalo pa si Israel sa lalaki.

Mamaya'y nakumbinsi siyang lapitan ang mga ito. Hinila niya si Israel palabas ng
ride. Nagsasalita ito ng Spanish at wala siyang naintindihan.

"I'm sorry," sabi niya sa lalaking nakasagutan ni Israel.

"El egoísmo de los hombres dijo que, y que usted da vuelta?!" wika nito sa salitang
español.

"Ewan ko sa'yo!" aniya.

Mariing kumunot ang noó niya. Inalis niya ang sumbrero niya at naladlad ang mahaba
niyang buhok. Titig na titig ito sa kanya.

"K-Karu! Hey, Karu!" nakangising bigkas nito. Napalakas pa ang boses nito.

"Lasing ka, hoy!" aniya. Nakapamaywang siya habang nakaharap rito.

"I'm not drunk anyway. I'm having fun," anito. Sumandig ito sa sementadong pader.

"Wala akong pake kung anong ginagawa mo. Bumalik na tayo sa hotel baka hindi ka
makauwi ng buhay sa Pilipinas," aniya.

Bumungisngis ito. "Naka-inom ako pero hindi ako lasing. Kilala nga kita 'di ba?"
anito. Pulang-pula na ang mukha nito at namumungay ang mga mata.

"What ever. Tara na," aniya saka ito inalalayan.

Tinangka niyang hawakan ang braso nito ngunit bigla na lamang namulupot ang braso
nito sa baywang niya.

"Okay, let's go," sabi nito.

=================
Chapter Two

HINATID ni Shen si Israel hanggang sa kuwarto nito. Nagsasalita ito habang


papalapit sila sa kama nito. Wala siyang maintindihan sa mga sinasabi nito. Nang
maigiya na niya ito sa kama nito ay tinangka niyang iwan na ito ngunit natigilan
siya nang hawakan nito ang kamay niya—mahigpit ang pagkakahawak nito.

Umupo ito. "Take off my clothes, please..." utos nito sa kanya.

Mariing kumunot ang noó niya. "Ano ako, bale?" aniya.

Bumungisngis ito. Lalo pang humigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya saka ito
tumayo. Hinatak siya nito palapit rito dahilan upang mapayakap siya rito. Sumubsob
ang mukha niya sa matigas na dibdib nito. Sumuksik sa ilong niya ang matapang na
pabango nito na naghalo na sa matapang na alak na nainom nito.

Natigilan siya nang maramdaman ang kamay nito na tumutulay sa balakang niya. Nag-
panic siya. Tinutulak niya ito ngunit malakas ito.

"Ano ba!" asik niya. Wala na siyang pakialam kahit anak pa ito ng Boss niya.

Nag-ipon siya ng lakas at itinulak ito sa dibdib. Nakawala siya ngunit hindi pa
siya nakakahakbang ay nahagip nanaman nito ang brado niya. Hinatak siya nito
palapit rito.

"Wala akong gagawin, just stay with me," sabi nito sa marahas na tinig.

"Manigas ka!" singhal niya. Nagpumiglas siya. Naisip niya na gamitan na ito ng
martial arts—kung hindi ito titigil.

Hindi siya tumugil sa pagpumiglas ngunit hindi rin siya nito binibitawan.
Mayamaya'y natigilan siya nang bigla na lamang nitong sakupin ng bibig ang kanyang
mga labi. Kung papano'y bigla siyang nanlumo. Marubrob ang halik nito na waring
nagnanais ng agarang tugon.

Nalalasahan niya ang pait ng alak na mula sa dila nito na tuluyang nanloob sa bibig
niya. Mahusay itong humalik kahit lasing ito. Inaamin niya na nadadala siya, at
gustong-gusto na niya itong tugunan ngunit namayani ang takot sa puso niya. Iyon
ang unang halik sa labi na naranasan niya at nagmula pa sa lalaking hindi niya
lubos na kilala.

Bago pa man siya magpumiglas ay kusa na itong lumubay sa kanya. Dumestansiya ito.
"Hindi ka ba marunong humalik?" tanong nito.

Napalunok siya. Pakiwari niya'y nahimasmasan na ito. Wala na ang punto ng lasing sa
pananalita nito. Kumikilos ito; naghuhubad ng damit.

Napalunok ulit siya nang masilayan ang kakisigan nito. Hindi naman kalakihana ng
katawan nito pero maganda ang pagkakahubog ng mga kalamnan nito sa puson, sa dibdib
at balikat. Inalis na rin nito ang sinturon nito.

"Bakit mo ako sinusundan?" tanong nanaman nito.

"Ahm, h-hindi kita sinusundan. Nagkataon lang na nakita kita sa Bar. Lasing ka na
kasi," paliwanag niya.

Ngumisi ito. "Sinundan mo pa rin ako. Nag-aalala ka ba sa akin?"

"H-hindi, ah," mariing kaila niya.

"Ohs, huwag na tayong maglukuhan. Siguro pinagtatawanan mo ako dahil natagpuan mo


ako sa karnabal," anito.

Naglaho na lamang ang pangamba niya. Pero ang mata niya ay nakamasid lang sa kilos
nito habang unti-unti nitong tinatanggal sa pagkabotones ang pagtalon nito.

"Bakit ka nga ba napadpad roon?" pagkuwa'y tanong niya.

"Everytime kasi na nalalango sa alak ang utak ko ay naaalala ko ang kuya kong
namatay," seryosong sabi nito.

"Paano siya namatay?" usisa niya.

"He died in accident. Nakasakay siya noon sa horse ride. Biglang nagkaproblema sa
makena at napabilis ang ikot ng naturang rides hanggang sa hindi na natigil at
nagkalas-kalas ang mga bakal na kumakapit sa kabayo. Nalaglag ang kuya ko at
naisama siya sa pag-diskarel ng mga bakal. Kung nagpumilit akong sumama sa kanya
noon 'di sana pareho kaming nawala," malungkot na kuwento nito.

Bahagya siyang napayuko. Nararamdaman niya ang lungkot ni Israel kahit hindi nito
pinapakita.

"Matulog ka na," sabi na lamang niya.


"Samahan mo muna ako. Gusto ko ng kausap," hiling nito.

Sinuyod niya ng tingin ang kabuoan nito. "Hindi ako nakikipag-usap sa lalaking
nakahubad," simpatikang sabi niya.

Tumawa ito ng pagak. "Magpapalit lang ako ng short pants at—magdadamit ako.
Tumalikod ka kung ayaw mong makakita ng lalaking hubad," anito.

"Lalabas na muna ako."

"No. Stay here. Baka hindi ka na babalik."

"Wala naman tayong pag-uusapan na matino. Bukas na lang kapag hindi ka na lasing."

"Come on. Aalis na ako bukas," anito.

"Saan ka pupunta?" nababahalang tanong niya.

"May kakatagpuin akong tao sa Singapore."

"Pero hindi pa tapos ang seminar mo dito," aniya. Bigla na lamang siyang kinabahan.

Bumuntong hininga ito. "Naiinip na ako. Wala akong makausap na matino rito. Ikaw,
hindi ka naman interesado sa akin," sabi nito. Bigla itong naghubad ng pantalon.

Awtomatiko'y tumalikod siya. Humakbang siya palapit sa pinto.

"Hey, saan ka pupunta?" apila nito.

"I need to go," aniya.

"No. Pupuntahan kita sa suite mo," may pananakot pang sabi nito.

"E 'di magbihis ka na," aniya.

"Okay. Wait a minute."

Naririnig niya ang kaluskos ng kilos nito.


"Humarap ka na," pagkuwa'y sabi nito.

Humarap naman siya. Boxer pants at puting t-shirt lamang ang suot nito. Naglabas
ito ng red wine mula sa ref. Sinalinan nito ang dalawang baso.

Umupo naman siya sa tapat ng round table. Umupo rin ito sa katapat niyang silya.
Marami siyang gustong itanong. Kailangan niyang malaman kung ano ang gagawin nito
sa Singapore nang sa gayun ay may maisasagot siya kapag tinanong siya ni Cong.
Montel.

"Ano nga pala ang gagawin mo sa Singapore?" hindi natimping tanong niya.

"May kakatagpuin akong tao," anito.

"Sino?"

Tumitig ito sa kanya. "Bakit interesado ka?" tanong nito.

"Hmm, I'm just asking."

Namumungay pa rin ang mga mata nito. "Susunduin ko ang girlfriend ko," pagkuwa'y
tugon nito.

Awtomatiko'y may pumitik sa ilang bahagi ng puso niya. Idinaan lamang niya sa ngiti
ang nararamdaman niya. "May girlfriend ka pala," labas sa ilong na sabi niya.

"Yeah, but not really serious. Just having fun. Gusto ko lang ng atensiyon."

"Hindi mo siya mahal?"

"Nope. Wala akong naramdamang love sa kanya."

Napangiti siya. "Ano pala ang hanap mo sa isang babae?"

"Gusto ko 'yong babae na...first time ko pa lang nakita ay may nararamdaman na


kaagad ako. Something sparks. Naniniwala talaga ako sa love at first sight. Ayo'ko
kasi 'yong kailangan mo pang pag-aralan na mahalin ang isang babae o maghihintay ka
ng matagal. At gusto ko, kung sino 'yong babae na unang nagpadama sa akin ng real
love ay siya na ang gusto kong makasama habang buhay."

"So fling mo lang pala ang girlfriend mo ngayon? Nagsasayang ka lang ng oras at
pera," aniya saka lumagok ng wine.
"Wala e, doon ako masaya. Wala akong lugar sa pamilya ko," anito.

"Paano mo naman nasabi 'yan?"

"Alam ko mahal nila ako, pero hindi nila ako kayang intindihin. Kapag kailangan
nila ako saka lang sila maglalambing sa akin. Wala pa man akong ginagawa ay kung
ano na ang negatibong iniisip sa akin. Alam ko may mali rin ako. Mommy ko lang ata
ang nagpupumilit na intindihin ako."

Wala siyang maisip sabihin. Iniisip talaga niya na sutil na anak si Israel kaya ito
pinapasundan ng Tatay nito sa kanya. Ibig sabihin ay walang tiwala si Cong. Montel
sa sarili nitong anak? Pilyo nga naman si Israel pero nararamdaman niya na may
pinagdadaanan ito, may kinikimkim itong hinanakit sa puso.

Napapansin niya na napapapikit na si Israel. Maaring pinipilit na lamang nito ang


sarili na magising.

"Matulog ka na," sabi niya rito.

Bahagya pa itong nagulat.

"Inaantok ka na ba?" tanong nito.

"Oo."

"Sige."

Tumayo na siya. Kung kailan bubuksan na niya ang pinto ay saka naman siya nito
tinawag. Hinarap niya ito. Humahakbang na ito palapit sa kanya.

"Can I have your number?" tanong nito.

Hindi siya kaagad nakasagot. "Wala akong calling card," pagkuwa'y sabi niya.

Kinuha nito ang cellphone nito na nakapatong sa kama saka ini-abot sa kanya. "Paki-
save ang number mo rito," anito.

Hindi niya kinuha ang cellphone nito. "Para ano?" bagkus ay tanong niya.

"Para matawagan kita kapag nasa Pilipinas na tayo."

"Huwag na," mariing tanggi niya.


"Please...."

"Mas mabuti nang dito lang tayo nagkakilala."

"Come on, Karu. Ayaw ko na habang buhay kang maging estranghero sa akin. I want you
to be part of my life. I like you," seryosong pahayag nito.

Titig na titig siya sa mapupungay nitong mga mata. Hindi niya malaman kung ano ang
dapat niyang sabihin. Nanatiling tikom ang bibig niya habang nakatungo sa kaharap.

"I'm not kidding, Karu. I felt love when I first met you. This is insane but it's
real," nakangiting sabi nito.

Nahihirapan talaga siyang kumbinsihin ang sarili niya na paniwalaan ito. "I'm sorry
pero...." Nakalimutan na niya ang sasabihin nang hawakan nito ang kamay niya.

"Hindi ka ba naniniwala sa akin?" matatag na tanong nito.

"Lasing ka at hindi mo alam ang mga sinasabi mo. Imposible naman na—"

"Alam ko ang sinasabi ko. Just say yes or no. Alin man ang maisasagot mo, okay
lang."

"What if no? Hindi ako naniniwala sa 'yo," prangkang sabi niya.

Awtomatiko'y binitawan nito ang kamay niya. "Okay. That's it."

Binuksan na niya ang pinto. "Aalis na ako," aniya saka tuluyang lumabas.

Kung kailan nakalabas na siya ay saka naman siya tila naghihinayang. Nilingon
niyang muli ang pinto ng suite ni Israel, narinig pa niya ang pag-lock niyon sa
loob....

NAGSISISI si Shen kung bakit hindi pa niya itinuloy ang plano na mag-resign sa
trabaho. Kampante kasi siya na hindi na muling magtatagpo ang landas nila ni
Israel. Katunayan plano na talaga niyang mag-resign sa susunod na buwan dahil hindi
siya pinapatahimik ng mga agam-agam niya. Pero tila huli na ang lahat, nagtagpo na
silang muli ni Israel at ngayon ay magkaharap na sila.

"Sir, Rael, pinapatawag ho kayo ni Congressman," apila ni Mang Andoy.

Tinitigan pa siya ni Israel bago ito kumilos. "Puwede ba tayong mag-usap mamaya?"
pagkuwa'y tanong nito.
Bigla siyang kinabahan. Hindi niya ito nasagot. Pagkuwa'y umalis na lamang ito.

MAGMULA nang dumating sa bansa si Israel ay hindi pa sila nagkikita ng daddy niya.
Pagkagaling niya noon sa Spain ay hindi na siya umuwi ng Pilipinas. Sumama siya sa
Mommy niya sa Bangkok.

Naghihintay na ang Daddy niya sa study room.

"Kailan ka pa dumating?" tanong sa kanya ni Antonio pagkapasok niya. Nakatayo ito


sa tapat ng bookshelves at nagtitingin ng mga libro.

"Last week pa, Dad," tipid niyang sagot.

Hinarap siya nito. "Bakit hindi ka manlang nag-report sa Hotel matapos ang seminar
mo sa Spain?" tanong nito sa ilalim ng namumurong tinig.

"Tinawagan ako ni Mommy at nagpapasama siya sa akin sa Bangkok," aniya.

"Bakit hindi mo man lang tinapos ang one week seminar?" usig nito.

Natigilan siya. Paano nito nalaman ang mga pinaggagawa niya sa Spain?

"I do my part, Dad," sabi lang niya.

"Wala kang nagawa, Israel. Naglasing ka lang sa isang bar kasama ng mga dati mong
kaibigan!" asik ni Antonio.

Mariing nagtagis ang bagang niya. Kompermado ngang may tauhan ang daddy niya na
pinasunod sa kanya upang manmanan siya.

"How did you know, Dad? Nagpadala ka ba ng espiya para manmanan ang ginagawa ko?"

"Yes, Israel. Alam ko na hindi ka makakagawa ng matino," anito.

"God! Kailan ba kayo magtitiwala sa akin?"

"I don't know, Rael. Kung gusto mong pagkatiwalaan kita, then prove to me na wala
kang ginagawang ikasisira ng pangalan ko!"

Bumungisngis siya. "So mas mahalaga pa rin ang pangalan n'yo? Well, hindi na ako
magtataka. Kahit kailan naman ay hindi ako naging mabuting anak sa inyo."
Lalo lamang tumapang ang anyo ng daddy niya. "Hindi lang ito dahil sa pangalan ko,
Israel. Para sa iyo. Ano bang gusto mong mangyari sa buhay mo? Hindi mo tinapos ang
pag-aaral ng abogasya sa America, sinayang mo lang ang ginagastos namin sa iyo.
Graduate ka ng Hotel Management pero wala ka namang interes sa pangangasiwa ng
Hotel. Mas natutuwa ka sa Bar ninyo ng mga kaibigan mo? Magpakaburo ka sa kakaalaga
ng mga hayop dito? You're my only one son at inaasahan ko na ikaw ang hahalinhin sa
akin balang araw. Wala na ba akong maasahan sa' 'yo, Rael? Para kang bubuyog na
hindi mapakali kung saan susuot. Maghanap ka ng matinong babae na pakakasalan mo
baka maipagmalaki pa kita!" litanya ni Antonio. Pumalatak na ito.

Bumuntong-hininga siya. "I'm sorry, Dad," sabi lang niya.

"Ayusin mo ang buhay mo, Israel. Bukas pumunta ka sa Hotel at utang na loob,
magtrabaho ka ng maayos," wika ng Ginoó saka siya nito iniwan. Napalakas pa ang
pagsara nito sa pinto.

Lumapit siya sa sliding door na yari sa salamin. Buhat roon ay natatanaw niya ang
Olympic pool kung saan namataan niya si Shenkaru na kausap si Robert. Hanggang
ngayo'y hindi siya makapaniwala na nakikita niya ang dalaga. Nagkaroon siya ng mga
agam-agam habang pinagmamasdan ang babae.

Nang mag-isa nalang ito sa pool side ay natukso siyang lumabas at tunguhin ito.
Abala na ang babae sa pagtipa sa keypad ng cellphone nito.

"Busy ka ah," aniya.

Nagulat ang dalaga at marahas na napalingon sa kanya. Bakas sa mukha nito ang
pagkasurpresa. Dagli nitong naibulsa ang cellphone. Pinapasadahan niya ng tingin
ang kabuoan nito. Medyo naninibago siya.

Noong nasa Spain sila ay babaeng-babae ito. Ngayon ay wala manlang itong palamuti
sa mukha, ni walang lipstick at make-up. Itim na slack pants at blose na puti with
collar lang ang suot nito at itim na close shoes ang suot nito sa mga paa. Ang
mahaba nitong buhok ay nakatali ng mataas at wala siyang nakikitang ni isang hibla
na nakalaylay.

"Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na body guard ka ni Daddy. How do you protect
my Dad in case of unexpected insedent like, direct assult or death treat?" usig
niya.

Napuna niya ang ilang ulit na paglunok nito. Nakatitig siya sa maganda at mahaba
nitong leeg.

"Criminology graduate ako at may background ako sa martial arts at defense tactics.
Nasisiguro ko na kaya kong protektahan ang Daddy mo," sabi naman nito.
"Oh, nice! Bakit hindi ka nag-pulis?" pagkuwa'y tanong niya.

"Hindi ako nakapag board exam," anito.

Umismid siya. "Mabuti na lang hindi ka nagpulis, siguradong hindi makapagtrabaho ng


maayos ang mga kasama mo at mas gustuhin na lang na aaligid sa'yo," nakangising
sabi niya.

Hindi umimik ang dalaga.

Hindi na niya ito inalisan ng tingin kahit pa umiiwas ito. Nakatanaw ito sa malinaw
na tubig ng swimming pool. Hindi ito nakakatagal na tumitig sa kanya.

"Saan ka nga pala nakatira?" mamaya'y tanong niya.

"Sa Tondo," tipid nitong sagot.

"Wow! Balita ko lugar raw iyon ng mga sigâ," aniya.

"Hindi naman lahat ng tao ganoon."

Hindi siya sanay na nakikipag-usap sa taong hindi nakatingin sa mukha niya.


Naiirita siya at nababastusan sa taong hindi nakikipag-eye contact kapag nakikipag-
usap.

"Tumingin ka naman sa akin. Hindi naman 'yang tubig sa pool ang kausap mo, e,"
sarkastikong sabi niya.

Awtomatiko'y napatingin sa kanya ang dalaga. Hindi ito nakaimik.

"Ayaw mo bang tinititigan ang mukha mo? Ang ganda mo kaya," aniya.

"Baka kasi matunaw ako," simpatikang tugon nito.

Tumawa siya ng pagak. "Diyan kita na-miss, eh. Kung binigay mo lang sana sa akin
ang number mo noon 'di sana may guwapo ka nang nobyo ngayon," aniya.

"Mahabagin..." labas sa ilong na sabi nito sabay napayuko.

Napangiti siya ng ubod tamis. Napansin niya ang panandaliang pamumula ng pisngi
nito. Hinawakan niya ang baba nito saka ini-angat ang mukha nito para makuha ang
atensiyon nito.
Mabilis namang naitabing nito ang kamay niya. Umatras ito ng isang hakbang.

"Bakit?" natatawang tanong niya.

"Baka bigla akong masisante," anito.

Napahagalpak siya ng tawa. "You're so cool. I like everything about you, Shen. I
missed you," aniya.

Sandaling hindi nakaimik ang dalaga. "Mas sanay ako na tinatawag mo akong Karu,"
anito.

"Okay, Karu. Kabayo kasi talaga ang pumapasok sa isip ko."

"Bahala ka. Paninindigan ko na lang na kabayo ako," anito.

Napahagalpak nanaman siya ng tawa.

Mamaya'y nakita niya ang daddy niya sa garahe na nakatingin sa gawi nila. Marahil
ay narinig nito ang tawa niya. Bigla naman siyang tumahimik.

"See you later," aniya saka iniwan ang dalaga.

=================

Chapter Three

KATATAPOS lang maghapunan ni Shen nang bigla siyang pinatawag ni G. Montel. Tinungo
niya ito sa study room. Nadatnan niya ang Ginoó na abala sa pagbabasa ng aklat.

"Maupo ka, hija," anito sa kanya.

Umupo naman siya sa katapat nitong sofa. Hinihintay niya ang sasabihin nito.

"Pinatawag kita dahil may gusto lang akong hinging paliwanag sa'yo at may hihingin
akong pabor," wika ng Ginoó. Inilapag na nito sa center table ang binabasa nitong
aklat.

Wala pa ma'y kinakabahan na siya. "Ano po 'yon?" tanong lamang niya.


"Napansin ko kayo kanina ni Israel sa pool. Mukhang palagay na ang loob ninyo sa
isa't-isa. Nagkakilala na ba kayo dati?" usisa nito.

Lumakas pa ang kabog ng dibdib niya. "Ahm, h-hindi po. Ngayon lang po kami
nagkakilala," pagsisinungaling niya.

"Hindi ka ba niya nakilala noong sinundan mo siya sa Spain?"

"H-hindi po," giit niya.

"Good. Gusto ko sana na ipagpatuloy mo ang pagsunod sa kanya," anito.

"Ho?!" nawindang siya.

"Yes. Hindi ko kontrolado ang anak ko. Ayaw kong dumating ang araw na masisira ang
pangalan ko dahil sa kanya. Alam mo namang tatakbo ako ng pagka-Senador sa susunod
na eleksiyon. Kailangan hindi madungisan ang pangalan ko maging ang pamilya ko.
Sutil si Israel, marami siyang ginagawa na hindi ko alam. Kilala siya ng media kaya
maari siyang gamitin ng mga kalaban ko sa politika para pabagsakin ako," pahayag ni
Antonito.

"Wala po ba kayong tiwala sa anak ninyo?" hindi natimping tanong niya.

Tumayo si Antonio at humakbang palapit sa sliding door. "Ibinigay ko na lahat ng


tiwala ko kay Israel ngunit lapagi lamang niya akong binibigo. Malaki ang
expectation ko sa kanya dahil matalino siya pero hindi ko alam kung bakit siya
nagkakaganoon. Hindi ko alam kung ano ang problema niya, kung ano ang gusto niya sa
buhay. Parang hindi siya kontento sa pamilya niya. Parang hindi siya masaya sa
buhay niya," kaswal na pahayag ng Ginoó.

Maging siya ay nalilito. Wala naman siyang nakikitang lungkot sa mga mata ni Israel
habang tinititigan ang lalaki. Bigla niyang naalala ang minsang naikuwento ni
Israel noong nasa Hotel sila sa Spain—ang tungkol sa namatay nitong kapatid.

"Hindi po kaya may nakaraan na hindi niya matanggap kaya siya nagiging sutil?"
aniya.

Humarap sa kanya si Antonio. "Nakaraan?" anito.

"Opo. Baka ho may mga nangyari sa nakaraan na hanggang ngayon ay hindi niya
matanggap."

Hindi kaagad nakaimik ang ginoó. Marahil ay inaalala din nito ang mga kaganapan sa
nakaraan nitong buhay.
"Kung tungkol naman sa pagkamatay ng kuya niya, masyado na iyong matagal. Oo,
nagkaroon siya ng trauma noon, pero ang sabi ng doktor ay naka-recover na siya,"
wika ni Antonio.

"Meron po kasing mga traumatic disease na bumabalik pagkalipas ng mahabang panahon,


depende rin sa uri ng trauma. Minsan po kapag nalalasing ang isang tao, nauungkat
sa isip niyon ang isang masaklap na nakaraan," paliwanag niya.

Matagal bago kumibo ang Ginoó. "Tama ka. Minsan na rin naging alcoholic si Israel
at alam ko magpasahanggang ngayon ay madalas parin siyang maglasing. Meron silang
itinatag na bar ng mga kaibigan niya at alam ko madalas siya roon sa tuwing
naririto siya sa bansa. Hindi ko kilala ang mga kaibigan niya. Gusto ko sanang
manmanan mo si Israel at maging ang mga kaibigan niya. Kahit magkano babayaran kita
mabigyan mo lang ako ng impormasyon tungkol sa mga ginagawa ng anak ko. Gusto kong
makasiguro na wala siyang ginagawang kahibangan na ikasisira ko."

Muli nanaman siyang kinabahan. Iyon na nga ba ang kinakatakutan niya. Paano pa siya
magre-resign gayung binigyan nanaman siya nito ng mabigat na responsibilidad?
Nahihiya na lamang siyang tumanggi.

"Sige po, Sir. Kailan po ako magsisimula sa pagmanman sa anak ninyo?" pagkuwa'y
wika niya.

"As soon as nandito siya sa Pilipinas. Gusto kong pagtuunan mo siya ng pansin pero
huwag kang papahalata sa kanya. Hindi puwedeng malaman niya na binabayaran kita
para manmanan siya dahil siguradong magtatanim siya ng galit sa akin. Aminado ako
na hindi ko kilala ang anak ko dahil magmula pa noong bata siya ay ayaw na niya sa
akin. Minsan sa isang taon lamang kami magkita pero hindi pa siya nakikipag-usap sa
akin ng matagal, ni hindi siya naglambing sa akin. Pakiramdam ko talaga may
hinanakit sa akin si Israel."

Hindi niya maiwasang magduda. Pakiwari niya'y may kasalanan din si G. Montel bakit
malayo ang loob ni Israel dito.

"Sige po. Gagawin ko po ang pinapatrabaho n'yo sa akin," aniya pagkuwan. Tumayo na
rin siya.

"Salamat. Aasahan ko ang magandang serbisyo mo," anito.

"Mauna na po ako." Pagkuwa'y lumabas na siya ng silid na iyon.

Tahimik na ang kabahayan. Tanging yabag ng sapatos niya ang nadidinig niya.
Naglalakad siya sa pasilyo papunta sa guest room kung saan siya matutulog. May
pakiramdam siya na may sumusunod sa kanya.

Huminto siya at pumihit sa likuran pero wala naman siyang nakikita. Malamlam ang
ilaw at makitid lamang ang pasilyo. Muli siyang naglakad. Nang nasa tapat na siya
ng pinto ng guest room ay natigilan siya nang makarinig siya ng mahinang sipol.

Gabing-gabi may sumisipol? Hindi siya kinikilabutan bagkus ay nagiging matalas ang
pandamdam niya. Inilabas na niya ang susi at binuksan ang pinto. Nang mabuksan na
niya ang pinto ay bigla namang may kamay na pumiring sa mga mata niya.

Walang pag-aatubili na itinulos niya ang matutulis na siko sa kanyang lukuran at


may natamaan siyang matitigas na bahagi ng katawan ng tao, saka niya in-head bat
ang lapastangang nasa likuran niya. May dumaing at awtomatikong lumaya ang mga mata
niya buhat sa kamay ng lapastangang lalaki.

Nang harapin niya ang lalaki ay natigilan siya nang mamataan si Israel na tutop ng
palad ang bibig na pakiwari niya'y dumugo. Nakanganga siya habang tinititigan ang
lalaki.

"Shit! Ang sakit!" halos pabulong na sabi nito. Mahayap ang tingin nito sa kanya.

Gusto niyang mag-sorry pero iniisip niya na kasalanan din naman nito. Nagkasya na
lamang siyang tinititigan itong nagpapahid ng panyo sa dumugo nitong bibig.

"Ang tigas din pala ng bungo mo," anito pagkatapos na mapatigil sa pagdudugo ang
labi nito.

Ang mapula at naghuhugis puso nitong bibig ay nasugatan. Medyo namaga ang ibabang
bahagi niyon.

"Self depense lang ang ginawa ko," aniya.

"I know. Ikaw pa lang ang nanakit sa akin ng ganito. Wala pang nakapagpadugo sa
labi ko," anito habang humahakbang palapit sa kanya.

Hindi siya umimik. Kumilos siya upang pumasok na sa kuwarto ngunit natigilan siya
nang madama ang kamay nito na kumapit sa braso niya. Hinarap niya itong muli.

"Matutulog na ako," aniya.

"Maaga pa."

"Maaga pa ang alis namin bukas."

"Ako rin naman."

Akmang babawiin niya ang braso ngunit lalo lamang nito iyong hinigpitan ng
pagkakahawak. Masyado na siyang nakukulitan rito. May narinig siyang yabag na tila
papalapit sa kinaroroonan nila kaya marahas na binawi niya ang braso.

Imbis na bitawan nito ang braso niya ay lalo pa itong dumikit sa kanya at iginiya
siya paloob sa kuwarto niya. Ito na mismo ang nagsara ng pinto.

"Bakit ba?" naiiritang tanong niya nang makalaya siya sa kamay nito.

"May gusto lang akong malaman," anito.

"Ano?!"

"Tungkol sa taong binabayaran ni Daddy para manmanan ako. Alam ko kilala mo siya
dahil nasa security department ka," anito.

Nabikig ang lalamunan niya. Ilang ulit siyang napapalunok. Kung magkaganoon pala ay
wala talaga itong kamalay-malay noong sinundan niya ito sa Spain—at totoo ngang
doon lamang siya nito nakilala. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang
maramdaman.

"Wala akong alam. Bago lang ako at hindi ko pa kilala lahat ng mga security
personnel ng Daddy mo," pagsisinungaling niya.

"Sigurado ka?"

"O-oo."

Lumakad ito palapit sa kama. Nagulat siya nang pakialaman nito ang bag niya kung
saan nakaluwa ang mga laman. Uminit ang mukha niya nang mapansin ang panty at bra
niya na nakalabas sa bag. Walang anu-ano'y dinampot nito ang itim niyang bra at
iniwagayway sa hangin.

"A-anong ginagawa mo?" nababahalang tanong niya. Sinugod niya ito at mabilis na
inagaw mula sa kamay nito ang bra niya.

Bumungisngis ito. "Malaki rin pala ang dibdib mo. Size thirty-four?" walang abog na
sabi nito.

Lalo lamang uminit ang mukha niya. "Kung wala kang matinong sasabihin, lumabas ka
na," aniya habang isinisilid sa bag ang mga damit.

"Bahay namin ito bakit mo ako pinapalabas?" sarkastikong sabi nito.

Oo nga naman. Hindi niya ito pinapansin.


"Alam mo, may kutob ako. Hindi kaya ikaw ang spy ni Daddy?" bintang nito.

Natigilan siya. Awtomatiko'y hinarap niya ito. "Bakit naman kukuha ang daddy mo ng
spy na babae? At isa pa, bago pa lang akong nagtatrabaho sa kanya. Wala akong spy
talent," aniya.

"Anong malay ko? Mas magaling mag-spy ang babae."

"Hindi ako ang spy ng daddy mo," giit niya sabay iwas ng tingin.

"Hindi ko naman iginigiit na ikaw, e. Bayolente ka kaagad?"

"Hindi ako bayolente, sinasabi ko lang ang totoo. At saka ano naman ang masama kung
mag-hire ng spy ang daddy mo? Baka gusto lamang niyang masiguro ang kaligtasan mo?"
aniya.

"Sana nga ganoon ang purpose ng spy niya. Kaso hindi. Pinamanmanan niya ako dahil
wala siyang tiwala sa akin."

"Baka naman may rason kaya niya iyon ginagawa."

Umupo ito sa kama habang pinagmamasdan ang ginagawa niyang pagsisinop sa kanyang
mga gamit.

"Actually may point naman siya. Tarantado kasi talaga ako noon. Inaamin ko na
sinira ko ang tiwala niya, pero pinatunayan ko naman sa kanya na nagbago na ako.
Kaso hindi na niya ako maintindihan," seryosong pahayag nito.

"Bakit kasi hindi mo na lang sundin kung ano ang gusto ng Daddy mo para wala kayong
problema. Ang hirap kaya ng ganyan na parang hindi kayo komportable sa isa't-isa,"
aniya. Nawala na ang pagka-ilang niya sa lalaki.

"Alam ko naman 'yon," anito.

"May hinanakit ka ba sa Daddy mo?" hindi natimping tanong niya.

"Noon. Noong namatay si kuya na halos isisi niya sa akin ang nangyari. Masama ang
loob ko nang minsan niyang sabihin na sana si kuya na lang ang naiwan sa kanya baka
wala raw siyang sakit sa ulo," kaswal na kuwento nito.

Natigilan siya. "Kahit ngayon may hinanakit ka pa rin sa kanya?" usisa niya.
"Wala na pero parang nahihirapan na akong mailapit ang loob ko sa kanya," anito.

Hindi na siya muling nagtanong.

Tumayo itong muli. Nang sipatin niya ito ay nahuli niya itong sinusuyod siya ng
tingin. Uminit na lamang bigla ang pakiramdam niya.

"Ahm, sa totoo lang inaantok na ako," aniya.

Nakatitig lamang ito sa kanya habang nilalaro ng dila nito ang munting sugat sa
ibabang labi nito. Naibaba niya ang tingin sa bibig nito. Uminit ang mukha niya
nang maalala na minsan na siyang nahalikan ng mga labi na iyon. Ang labing unang
umangkin sa labi niya.

"Siguro naman ay puwede mo na akong bigyan ng phone number mo," pagkuwan ay sabi
nito.

"Hanggang ngayon ba naman ay interesado ka pa rin sa number ko?" natatawang saad


niya.

"Hindi naman ang number mo ang pinagkaka-interesan ko, ikaw," anito.

Mabilis na napalis ang ngiti niya. Kung sa anong kadahalinan ay bigla na lamang
tumulin ang tibok ng puso niya. Pakiramdam niya'y nagkaroon ng pitak sa ilang
bahagi ng puso niya.

"Ahm, limited contact lang kasi ang puwede sa phone ko," alibi niya.

"Oh, come on...." Pilyo ang ngiti nito.

"Hindi kasi ako masyadong gumagamit ng cellphone. Ang cellphone ko ay para sa amin
lahat sa bahay. Ginagamit ng Nanay at kapatid ko," aniya.

"Really?" natatawang tanong nito.

"Oo."

"Meron akong phone na hindi ginagamit, sa iyo na lang," anito.

"Salamat na lang pero hindi ko matatanggap," tanggi niya.

"Wow ha. Kung ibang babae ang inaalok ko ng mga bagay ay halos magpapakamatay para
lang makamit ang bagay mula sa akin, pero ikaw...."
"Hindi nila ako katulad. Mahirap lang ako pero hindi ako nasisilaw sa mga materyal
na bagay," aniya.

"E sa pera?"

"Sa pera, oo, pero kung hindi ko pinaghirapan ay hindi ko tatanggapin. Kaya nga
hindi ako tumataya ng lotto dahil ayaw ko ng instant."

Humagalpak ito ng tawa. "Kahit pala bil'hin ko ng isang milyon ang number mo ay
hindi mo ibibigay?" anito.

"Bakit kasi kailangan mo pang kunin ang number ko, e puwede naman tayong mag-usap
ng personal kung may gusto kang sabihin?" naiiritang saad niya.

"Hindi ba obvious? Bakit nga ba gusto kong makuha ang number mo? Sinabi ko na ata
sa iyo noong nasa Spain tayo. Kaso hindi ka naniniwala."

"Alam mo, mayabang ka. Hindi lahat ng babae nabobola," walang abog na sabi niya.

Bumungisngis ito. "Paano mo naman nasabing binubola kita?"

"May girlfriend ka pero nanunuyo ka ng ibang babae. Well, obvious naman na two or
three timer ka. Pero kasi ayaw ko talaga ng ganoon. Ayaw ko sa mga lalaking
pinaglalaruan lang ang mga babae. Masakit iyon sa parte naming mga babae. Hindi
naman ako natatakot tumandang dalaga. Parang wala na rin kasing matinong lalaki sa
mundong ito," aniya.

Napalis ang ngiti ni Israel. "Inaamin ko, wala akong siniseryosong babae. Alam mo
kung bakit? Dahil kapag sineryoso ko sila ay lalo ko lang silang masasaktan. Kapag
nanliligaw ako sa babaeng wala akong balak seryosohin, pinapakita ko naman at kapag
nararamdaman kong seryoso sila sa akin ay umiiwas na ako. Ako na mismo ang
pumuputol sa relasyon namin. Kaya nga hindi ako pumupili ng babaeng inosente, dahil
ang inosente ay masyadong mapusok and they deserves too much," mahabang pahayag
nito.

Napag-isip-isip niya—kung totoo mang gusto siya nitong ligawan, bakit? Alam naman
nitong inosente siya sa isang relasyon. Hindi niya ito lubos maintindihan. Ayaw
niyang umasa at paniwalaan ang mga pinapahiwatig nito. Pero naisip din niya, kung
hindi talaga ito seryoso sa kanya noong nasa Spain sila—bakit heto nanaman ito
ngayon at nagpaparamdam? Dapat kinalimutan na siya nito kung hindi naman ito
interesado sa kanya.

"Sa totoo lang talaga inaantok na ako," sabi lamang niya.

"Okay, kung ayaw mong ibigay ang number mo, 'yong exact address mo na lang," anito.
"Bakit naman?" wala sa loob na tanong niya.

"Kung ayaw mo sa public place, sa bahay ninyo," anito.

Mariing kumunot ang noó niya. Humina ata ang pag-unawa niya. "Anong sa bahay
namin?" nalilitong tanong niya.

"Come on. Ang slow mo naman. Doon na lang kita liligawan sa bahay ninyo," anito.

"H-ha?!" nalaglag ang panga niya.

"Yes, liligawan kita," giit nito.

"P-para ano?" wala sa loob na tanong niya.

Napakamot ito ng ulo. "Naman! Naiintindihan mo ba ako?"

"O-oo naman. P-pero hello? Una sa lahat, hindi ako nagpapaligaw, hindi pa ako
handa. Pangalawa, ayaw ko ng puchu-puchu'ng relasyon," aniya.

"Anong puchu-puchu?" Kumunot ang noó nito.

"Parang hindi seryosong relasyon. Parang wala lang," aniya.

Tumawa ito ng pagak. "Shen, seryoso ako," giit nito.

"Sabi mo ayaw mo sa babaeng inosente."

"Ayaw ko'ng gawing fling ang inosenteng babae. Pero inosenteng babae ang gusto
ko'ng seryosohin," seryosong wika nito.

Nabikig na ang lalamunan niya. Hindi pa rin siya makumbinsi. Unuusig siya ng mga
bagay-bagay ukol sa pagkatao ni Israel. Marami siyang dahilan kung bakit ayaw niya
itong patulan. Una: dahil sa antas ng buhay nito, pangalawa: dahil sa
responsibilidad na pinagkatiwala ng daddy nito sa kanya. At pangatlo: hindi siya
sigurado na seryoso nga ito sa kanya.

"Sorry pero, ayaw ko talaga," aniya.

"Ayaw mo?" mariing na tanong nito.


Bumuntong-hininga siya. "Ayaw."

Umismid ito. "Sige, tingnan natin. I have a slot kaya hindi ako uurong basta,"
anito.

"Bahala ka, basta sinabi ko na sa 'yo."

"Okay na rin itong may challenge. Alam mo naman kung gaano ako katuso sa isang
bagay. Hanggat may nasisilip akong pagkakataon, sasamantalahin ko. I have a
feelings na may nararamdaman ka sa akin. Nababasa ko sa mga mata mo," anito.

Tila bigla siyang hinipan ng malakas na hangin. Bumuga siya ng hangin. Pero ano
itong nararamdaman niya? May ipinapahiwatig ang tibok ng puso niya.

"Ah, excuse me lang po, sir. Masyado na po ata kayong mahangin," magalang na sabi
niya.

Humalakhak ito. "Iba ang mayabang sa prangka. Hindi kasi ako ang tipo ng lalaki na
paliguy-ligoy. Pero kasi...magmula nang maghiwalay tayo sa Spain ay hindi na naalis
sa isip ko ang imahe mo. Ang totoo, ayaw ko sanang umalis kaagad pero tinawagan ako
ng Mommy ko at nagpapasundo sa akin," anito.

Nalilito siya. "Akala ko ba nobya mo ang susunduin mo noon?" tanong niya.

"Yes, nagkita rin kami ng nobya ko noong time na iyon, pero nakipagkita lang siya
sa akin para sabihing ayaw na niya sa akin. Noong nasa Spain tayo during seminar ay
nagkita kami sa isang restaurant," kaswal na kuwento nito.

"Kaya ba naglasing ka ng gabing iyon dahil hiniwalayan ka ng nobya mo?" labas sa


ilong na tanong niya.

Aywan niya bakit ang bigat ng pakiramdam niya sa dibdib niya. Umupo sa gilid ng
kama si Israel.

"Alcoholic lang talaga ako kaya ako nasa bar nang gabing iyon. Hindi ko naman
sineryoso si Chesca." Pinangalanan na nito ang dating nobya.

"Naging assuming na kasi siya and she deserves too much. Gusto niyang pakasalan ko
siya. Pero sinabi ko naman sa kanya dati na hindi ako ganoon ka-seryoso sa kanya at
tinanggap niya iyon at sabi niya ay gusto lang din niya ng fling. Hindi ko naman
siya masisi, dahil may nangyari sa amin."

Bigla na lamang may kumirot sa ilang bahagi ng puso niya. Hindi na dapat niya ito
pinapakinggan. Kampante itong nagkukuwento sa kanya. Oo, prangka nga itong tao.
Pero ewan niya bakit mabigat ang loob niya habang iniisip ang ikinukuwento sa kanya
ni Israel.

"Baka mahal ka na niya," sabi lamang niya.

"Sinabi niya."

"Pero bakit siya nakipaghiwalay sa iyo?"

Tumayo ito at lumakad palapit sa pinto. "Sinabi kong hindi ko siya mahal," anito.

"Kahit naman ako, kung sasabihan ako ng lalaking mahal ko ng ganyan ay masasaktan
ako. Mas gugustuhin ko na lang na makipaghiwalay kisa ipagpilitan ang sarili ko,"
pahayag niya.

Humarap ito sa kanya. "Ganyan naman kayong mga babae, e. Kahit nasasaktan na kayo,
hindi pa rin kayo lalaban. Pero depende rin naman. Kami kasing mga lalaki, habang
nasasaktan, lalong lumalaban. Lalo na ako, hindi sapat sa akin ang sabihin ng babae
na ayaw niya sa akin. Gagawa at gagawa ako ng paraan para makuha ko ang loob niya."

"Hindi lahat ng babae nakukuha sa pilit, Rael," aniya.

Ngumisi ito. "Yeah, tulad mo. Alam ko hindi ka basta napipilit. May rehas na bakal
na nakapalibot sa puso mo, pero lagare lang ang katapat niyan," makahulugang wika
nito.

Gusto niyang matawa pero mukhang seryoso si Israel. "Siguraduhin mo lang na matalim
ang lagare na gagamitin mo, baka isang rehas pa lang ang napuputol e susuko ka na,"
pilosopong turan niya.

Tumawa ito ng pagak. "You made my day and night, Shenkaru. Makakatulog akong
nakangiti nito," anito.

"Sana nga huwag kang bangungutin," buwelta niya.

Tumawa nanaman ito. "Hindi 'yan. Nice talking and good night! Sleep well, baby,"
anito saka nito binuksan ang pinto at tuluyan nang lumabas.

Hindi niya namamalayan na nakangiti siya. Wala na si Israel pero nakatingin parin
siya sa nakasarang pinto.

KINABUKASAN ay maagang naggayak si Shen. Sabi kasi ni Robert ay aalis sila ng alas-
siyete pero mag-aalas-otso na pero tulog pa si Cong. Montel. Nakapag-almusal na rin
sila ni Robert at ganoon din si Abner. Ang abogado naman ni G. Montel at nauna nang
umalis at meron pa raw appointment.
Habang hinihintay nilang magising ang Boss nila ay naglakad-lakad muna siya sa
malawak na hardin. Mula sa taniman ng mga malalagong rosas ay naririnig niya ang
hagalpak ng tubig sa swimming pool na waring may lumalangoy. Naglakad pa siya
hanggang sa mapalapit siya sa pool area kung saan natatanaw na niya ang tubig
niyon.

Gusto niyang makita kung sino ang lumalangoy kaya lumapit pa siya at kumubli sa
likod ng Plam tree na naliligiran ng ga-leeg na halamang namumulaklak. Mayamaya'y
biglang umahon ang anghel sa purgatory na pinagpala ng kaguwapuhan at kakisigan.
Napalunok siya nang makita si Israel na tanging brief na itim lamang ang suot.

Nagsisi siya bakit gumawi pa siya roon. Wala siyang mapagkukublian na hindi siya
nito makita. Umupo siya sa damuhan nang biglang mapatingin sa gawi niya ang lalaki.
Ngunit ang pagkilos niya ay naglikha ng paggalaw ng mga halaman.

Naipikit niya ang kanyang mga mata at nagdarasal na nawa'y hindi siya napansin ng
lalaki. Ngunit may nararamdaman siyang yabag na papalapit sa kanya. May naramdaman
tubig na tumalsik sa pisngi niya.

Unti-unti niyang idinilat ang kanyang mga mata. Una'y mga paa lamang ang nakikita
niya. Kinabahan na siya. Pagkuwa'y nag-angat siya ng mukha at tumambad sa kanya ang
harapan ni Israel.... Nakaturo sa mukha niya ang nangangalit na anaconda na
nagtatago sa itim na brief nito.

Napalunok siya. Dagli siyang tumayo at inayos ang kanyang sarili.

"Ahm, n-napadaan lang ako," nababalisang sabi niya.

"E bakit ka pa nagtago?" nakataas ang isang kilay na tanong nito.

"Ano kasi..." walang puwang na sabi niya.

"Kasi ayaw mong mahuli kita na binubusuhan mo ako?" anito.

"H-hindi, ah. Ayaw kong isipin mo na binubusuhan kita."

"Naku, magdadahilan ka pa. Okay lang naman sa akin, basta ikaw. Sige na, pasadahan
mo na ng tingin ang katawan ko, hawakan mo rin kung gusto mo," simpatikong sabi
nito.

Pinasadahan naman niya ng tingin ang katawan nito. "Salamat na lang pero hindi ako
ang tipo ng babae na naho-hook sa magandang katawan ng lalaki. Pasensiya na sa
abala," aniya sabay bira ng talikod.

Hindi pa man niya naihahakbang ang mga paa ay sumabit na ang braso niya sa kamay ni
Israel. Napilitan siyang harapin itong muli. Pumiglas siya ngunit animo'y na-posas
ang braso niya sa kamay nito. Napadikit pa ang dibdib niya sa basang katawan nito.

Ibinaba niya ang tingin sa labi nito. Medyo namaga ang ibabang labi nito na
nasugatan buhat sa head bat niya. Alam niyang masakit iyon.

"Ngayon ko lang naramdaman ang hapdi ng sugat sa labi ko. Hindi ko pa pala ito
nabibigyan ng hustisya," anas nito.

"Anong hustisya? Karma 'yan," aniya.

Ngumiti ito. "Gusto ko ng treatment mula sa iyo," anito.

"Anong treatment? Baka dagdagan ko pa 'yan."

"Sige, dagdagan mo nang malaman mo kung paano ako magalit," may pananakot na sabi
nito.

"Huh! Ikaw pa ang may ganang maghiganti, e kasalanan mo naman. Lagyan mo na lang
'yan ng petroleum jelly," aniya.

"Hindi iyon tatalab. Kissperen ang gamot nito."

Natawa siya. Sapilitan niyang inalis ang kamay nito sa braso niya ngunit
nakipagbuno ito ng lakas sa kanya.

"Ano ba!" asik niya. Itinulak niya ito.

Napaatras ito sa halamanan—sa matitinik na sanga ng rosas. "Aw!" daing nito nang
siguro'y natinik ang kamay.

Nabitawan nito ang kamay niya. Napansin niya ang kanang kamay nito na dumugo. Bigla
nalang siyang kinabahan.

"Kita mo? Ayaw mo pa kasi akong halikan, e," anito.

Ang kaba niya'y nahalinhan ng kilabot. Inilapat nito sa bibig ang kamay na
nasugatan. Gusto niyang matawa habang paulit-ulit na sinasariwa sa isip ang sinabi
nito. Hindi niya namamalayang napapangiti na siya habang pinagmamasdan ito.

"Shen!" Tinig ni Robert.

Pumiksi siya. Titig na titig sa kanya si Israel. "Aalis na kayo?" pagkuwa'y tanong
nito sa ilalim ng malamig na tinig.

"O-oo." Tumitig siya sa mga mata nito.

Hindi niya alam kung anong alagad ni kupido ang nag-uudyok sa kanya. Natukso siyang
lapitan ang lalaki at kinintalan ng pinong halik ang labi nito.

"Sorry na. Promise, hindi na ako magpapakita sa iyo," aniya saka nagmadaling iniwan
si Israel.

=================

Chapter Four

MAY isang minuto nang nakaalis si Shen pero nakatayo pa rin si Israel sa puwesto
nila kanina. Nakatanaw pa rin siya sa direksiyon kung saan dumaan ang dalaga.
Nararamdaman parin niya ang init ng labi ni Shen na iniwan sa bibig niya. Ang tibok
ng puso niya ay hindi pa nanunumbalik sa normal.

Bumuntong-hininga siya. Hindi siya makapaniwala na nararamdaman niya ang lahat ng


iyon. Hindi pa siya nahibang ng ganoon sa isang babae. Marami siyang ginagawa noon
para makalimutan si Shen dahil magmula nang maghiwalay sila sa Spain ay hindi na
siya umaasa na makikita pa niya muli ang dalaga. Pero lalo lamang niyong binulabog
ang isip niya.

Aminado siyang masama ang loob niya nang dedmahin siya ng dalaga noong hingin niya
ang phone number nito. Hindi niya maiwasang sariwain ang kaganapan noong huli
silang nagkausap sa Hotel sa Spain....

ALAS-DIYES ng umaga ang flight ni Israel papuntang Singapore pero alas-otso na ay


nakatanga parin siya sa dining area ng Hotel. Inaantabayanan niyang lumabas si
Shen.

Mayamaya'y lumitaw na ang bulto ng dalaga. Siguro'y mag-aalmusal na ito. Hindi pa


man ito nakaka-upo sa inakupa nitong mesa ay nilapitan na niya ito. Bahagya pa
itong nagulat nang sumulpot siya sa tabi nito.

"Akala ko ba aalis ka?" anito.

"Oo nga. Hinihintay lang kita," aniya.

"B-bakit?"

"Nagbabaka-sakali lang. Can I have your number? Ayaw kong mapunta lang sa wala ang
pagkakilala natin," aniya.
"Sorry. Mas mabuti nang hanggang dito lang tayo."

"Bakit? Hindi naman ako masamang tao."

"Alam ko. Pero kasi...."

"What? May magagalit ba?"

"Wala naman. Hindi lang talaga ako sanay na nakikipag-ugnayan sa taong sandali ko
lang nakilala."

"Kaya nga gusto ko'ng makuha ang number mo. Gusto kong mas makilala pa natin ang
isa't-isa. Bigyan natin ng chance ang mga sarili natin," giit niya.

"Para ano?"

Ginagap niya ang kamay nito. "I like you, Karu. Hindi ako nagbibiro. Gusto ko'ng
patunayan sa sarili ko na kaya ko'ng panindigan itong nararamdaman ko."

"Kahibangan 'yan, Rael. Sorry pero hindi talaga ako naniniwala. Siguro kapag hindi
mo na ako nakikita ay magbabago rin 'yang nararamdaman mo. Isa pa, may nobya ka.
Umalis ka na baka mahuli ka pa sa flight mo," anito. Hindi ito makatingin ng
diretso sa kanya. Sapilitan din nitong inalis ang kamay na hawak niya.

"Karu, please give me a chance. Patutunayan ko sa 'yo na hindi ako nagbibiro.


Ngayon lang nangyari sa akin 'to," samo niya.

"I'm sorry." Bigla na lamang siya nitong iniwan.

"Karu...."

Hinabol niya ito hanggang sa suite nito pero sinirahan siya nito ng pinto. Hindi na
ito lumabas hanggang sa lamunin na ng oras ang pagkakataon niya.

Sumakit ang puso niya. Iyon ang unang pagkakataon na may babaeng dinidedma siya.
Naiinis siya sa kanyang sarili. Hindi siya ang tipo ng lalaki na maghahabol sa
babae. Ang nakakainis pa, kamakailan lamang niya nakilala si Karu pero pakiramdam
niya'y matagal na niya itong kilala.

Ibang-iba si Karu sa lahat ng babaeng nakilala niya. Unang sulyap pa lamang niya sa
dalaga ay may pitak na ito sa puso niya—bagay na bihira niya maramdaman. Noong
unang araw na makausap niya ito ay hindi niya iniintindi ang nararamdaman niya pero
habang lumilipas ang mga sandali na nakikita niya ito ay lalong lumalalim ang
puwang nito sa puso niya.

Noon lamang siya nakumbinsi na hindi lang simpleng paghanga ang nararamdaman niya
sa dalaga—iniibig na niya ito. Iyon din marahil ang dahilan kung bakit wala manlang
siyang maramdamang panghihinayang nang makipagkita sa kanya si Chesca at
makipaghiwalay.

Naghintay pa siya ng isang oras sa labas ng suite ni Shen pero hindi na lumabas ang
dalaga, ni hindi niya narinig ang tinig nito. Pagkuwa'y umalis na siya. Bago iyon
ay naghulog siya ng calling card niya sa siwang ng pinto. Bahala na makuha man iyon
o hindi ni Shen.

Ilang ulit na ring tumatawag ang Mommy niya. Ayaw niya ng kausap. Masikip ang
dibdib niya. Itinulog na lamang niya ang mga nararamdaman niyang iyon habang
nakasakay siya sa eroplano papuntang Singapore....

NAPAKISLOT si Israel nang marinig ang malakas na busina ng sasakyan. Dagli niyang
tinungo ang towel niya na nakapatong sa mesang yari sa bato saka itinupis sa
ibabang bahagi ng katawan. Pagpasok niya sa kabahayan ay wala nang tao.

Kaaalis lang ng Daddy niya at mga kasama nito. Hindi pa siya nagbibihis nang
pumasok siya sa kusina. May nakahain nang almusal. Napansin niya si Aleng Roseng na
naghuhugas ng mga pinagkainan ng mga bisita nila.

"Manang, kumain ba sila Daddy bago umalis?" tanong niya sa Ale.

"Ang mga body guard lang po niya. Nagkape lang po si Congressman," anang ale.

Pagkuwa'y lumapit sa kanya ang ale at inasekaso ang pagkain niya. Umupo naman siya
sa silya.

"Ay, sir, meron po palang ibinilin si Shen, 'yong bodyguard ng daddy mo," anang ale
saka may dinukot sa bulsa ng apron nito.

Napatingin siya sa hawak nitong kaperaso ng tissue. "Ito ho," anito sabay abot sa
kanya ng pinunit na tissue paper.

Tinanggap naman niya iyon. Natigilan siya nang makita ang mga numerong nakasulat.

"Galing ito kay Shen?!" manghang tanong niya sa ale.

"Opo. Bigay ko raw po sa inyo."

Titig na titig siya sa hawak niyang cell phone number ni Shen. Hindi siya
makapaniwala. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya. Napapangiti siya na
hindi niya namamalayan.

"Ahm, pakikuhaan mo muna ako ng damit sa kuwarto ko, Manang," pagkuwa'y utos niya
sa Ale na agad namang tumalima.

Hindi na napalis ang ngiti sa labi niya habang kumakain. Pakiramdam niya'y buong-
buo na ang araw niya. Hindi na siya makapaghintay na matawagan ang dalaga.

Alas-dos ng hapon ay bumiyahe siya papuntang Maynila. Bukas na siya magre-report sa


Hotel. Namimis na rin niya ang Bar nila at ang mga kaibigan niya. Alas-otso ng gabi
nang makarating siya sa Gentlemen's Bar.

Pagdating niya ay dumiretso siya sa kusina. Bigla kasi siyang nakadama ng gutom.
Gusto niya ng matamis. Pagpasok niya ay nadatnan niya si Tequila at Cognac na tila
may malalim na pinag-uusapan. Abala pa sa pagmamasa ng harena si Tequila.

Bigla siyang namagitan sa mga ito dahilan ng pagka-udlot ng usapan ng mga ito.
"Kamusta mga dude?" bungad niya sa mga ito na pareho pa atang nasurpresa sa biglang
pagsulpot niya.

"Natunaw na ba ang yelo sa Alaska kaya ka umuwi ng Pilipinas, Dude?" nakangising


tanong ni Tequila. Pagkuwa'y niyakap siya nito.

Saka naman niyakap niya si Cognac. "Sa Bangkok ako nanggaling," pagkuwa'y tugon
niya. Binuksan niya ang mga chiller at ref. Naghahagilap siya ng makakain.

"Bakit sa Bangkok?" tanong ni Cognac.

"Sinamahan ko si Mother sa bakasyon niya. May client kasi siya na inimbita siya
para sa festival," aniya. Nasapo niya sa ref. ang mocha cake na bawas na.

"Bakit parang nagutuman ka?" natatawang tanong ni Cognac.

Hindi siya kaagad nakasagot. Puno na ang bibig niya. "Noong nasa Bangkok kasi ako,
wala akong ibang kinain kundi mga organic foods. Wala rin akong makain na matatamis
sa Tagaytay. Alam n'yo naman na hindi ako mabubuhay na walang sweet foods at
pastries," pagkuwa'y wika niya.

Bumungisngis si Tequila. "Magluluto pa naman ako ng pizza," sabad nito.

Tumigil siya sa pagpapak ng cake. "Wow! Isang order sa akin. Pepperoni ang gusto ko
at damihan mo ng mozzarella cheese," utos niya kay Teqila.

"Oo ba," ani Teqila.


Mamaya'y nag-order din si Cognac ng pizza nito. Tig-iisa sila ng small size pizza
at nagkasalo rin sila sa iisang mesa habang nagkukuwentuhan. Nag-order din sila ng
cocktail.

Hinahanap ng lalamunan niya ang hard liquor kaya nang hindi siya makatiis ay iniwan
niya si Cognac. Lumapit siya sa counter at nag-order ng brandy kay Scotch.

"Kailan ka pa dumating, dude?" tanong ni Scotch.

"Last week."

"Kamusta ang pag-iikot mo sa mundo? Business or study?" ani Scotch.

"Business," aniya.

"Bakit hindi mo na tinapos ang Law course mo? Sayang naka-four years ka na," anito.

"Nakaka-inip, dude. Inaantok ako parati sa klase tapos ang mga guro ko hindi
marunong ngumiti," aniya.

"E magaling ka naman sa philosophy at debate kaya mo lang makipagtalasan ng utak sa


kanila. Parehong lawer ang mga magulang mo. Ang taas ng IQ mo pero hindi
nakapuwesto sa utak mo kundi sa talampakan," biro ni Scotch.

"Damn you!" kinutos niya ang balikat nito.

"Totoo naman, eh. Kung ako kasing gara ang buhay mo? Lahat ng matataas na kurso
pag-aaralan ko, puwera pagpa-pari," ani Scotch.

Bahagya siyang natawa. "Ayaw ko lang talaga mag-abogado. Ayaw kong magpakaburo sa
iisang propisyon. Nakakainip ang makipagsagutan sa ibang abogado at mangilatis ng
mga kriminal at biktima sa husgado. Mas gugustuhin ko pang magpa-anak ng kabayo,"
aniya.

"Sana nag-veterinarian ka na lang. Tutal may knowledge ka sa medical at sa mga


kalusugan ng hayop."

"Nakakabagot mag-aral ng long term course. Buti 'yong hotel Management four years
lang," aniya.

"Dami mong reklamo."

Mamaya'y may dumating na dalawang babae at nag-order ng inumin. Sinipat niya ang
mga ito na panay ang pagpapa-cute kay Scotch. Mukhang mga avid costumer ito ni
Scotch na dumadayo lang ata sa bar para makita ang mokong na kaibigan niya.

Ibinaling na lamang niya ang tingin sa entrance kung saan nasapo ng paningin niya
ang ewan niya kung babae ba o lalaki na nakasuot ng makapal at itim na jocket,
maong pants at ball cap sa ulo. Nakayuko ito kaya hindi niya masilip ang mukha lalo
pa't may kadiliman sa loob ng bar. Disco light lamang ang nagsisilbing liwanag sa
gawi ng entrance.

May naramdaman siyang kakaibang awra ng umano'y costumer nila. Nang maubos niya ang
inumin niya ay umalis siya sa counter at hinagilap ang nakita niyang nilalang.

TULAD ng sinabi ni Congressman Montel, manmanan daw ni Shen ang Bar na pag-aari
umano ng mga kaibigan ni Israel. Nagtatago siya sa damit ng lalaki para sakaling
makita man niya roon ang target ay hindi siya mahuhuli. Aminado siya, sa lahat ng
bar na napuntahan niya ay iyon ang pinaka-elegante.

Air-condition sa loob ng bar at mahigpit ang security. Mabuti na lamang smoke free
sa loob at tanging mga amo'y alak at naghalong pabango ng mga tao ang nasasamyo
niya. Maluwag ang area sa bar na karugtong lamang ng dining.

Lumapit siya sa counter at nag-order ng inumin. Una niyang napansin ay ang guwapong
bartender, mukhang bagong ligo at aminado siyang nakakarahuyo ang kaguwapuhan nito.
Aliw na aliw siya sa husay nitong mag-joggling. Pamilyar sa kanya ang hilatsa ng
mukha nito pero hindi niya madalumat kung saan niya ito nakita.

Pagkabigay nito sa inumin niya ay bumaling siya ng upo sa pinakadulong stool chair
sa gawing kanan. Mamaya'y may lumapit na lalaki at umupo sa tabi niya—dalawang
stool chair lang ang pagitan sa kanya. Nang marinig niya itong magsalita ay ganoon
na lamang ang kabog ng dibdib niya.

Bahagya niyang sinilip ang lalaki at lalo lamang tumulin ang tibok ng puso niya
nang mabatid na si Israel. Inigihan pa niya ang pagbabalatkayo. Yumuko pa siya at
nagkilos lalaki. Pinapakiramdaman lamang niya ang lalaki at nakikinig sa mga
sinasabi nito sa bartender.

"Ano, Vodka, shot ka pa?" narinig niyang tanong ng bartender.

Pumanting ang tenga niya nang marinig na tinawag nitong 'Vodka' si Israel. Gusto na
niyang sipatin ang lalaki.

"Salamat, Scotch pero sinisikmura kasi ako. Uuwi na sana ako," ani Israel.

"Oh, e bakit hindi ka pa umuwi?" tanong ni Scotch.

"May nakita kasi akong tao na parang kilala ko," tugon naman ni Israel.
Lalo lamang siyang kinabahan.

"Saan? Dito ba?" si Scotch.

"Oo kaso biglang nawala."

"Sino ba 'yon? Babae ba?" ani Scotch.

"Uh, ewan. Parang babae na nagtatago sa damit ng lalaki."

Hindi na naubos ni Shen ang inumin. Pakiramdam niya'y sinisigaan ng apoy ang buong
katawan niya. At kahit hindi niya nakikita ay ramdam niyang nakatingin sa kanya ang
katabi dahil napansin niya ang bartender na panay ang sipat sa kanya habang ito'y
abala.

Pagkuwa'y inabot na niya sa bartender ang bayad niya saka umibis na hindi pa
nakukuha ang sukli. Hindi siya nagsalita. Nagmadali siyang lumapit sa security
upang kunin ang mga iniwan niya. Bago kasi siya pumunta roon sa bar ay namili siya
ng grocery na paninda ng nanay niya.

"Manong, kukunin ko na po ang mga gamit ko," aniya sa security na abala sa


pagsusulat sa log book nito. Saba'y bigay ng Guest ID.

Tumalima naman ang guwardiya ngunit iba ang ibinigay nito sa kanya—isang malaking
pack bag na itim.

"Hindi po iyan ang gamit ko. Dalawang supot po iyon na grocery," aniya.

Nataranta na ang guwardiya. Balisang-balisa ito.

"E sir, wala naman pong grocery dito," anito. Sir talaga?

"Ano?! Paanong wala?" Bigla na lamang siyang sinalakay ng kaba.

Panay ang kamot ng guwardiya sa ulo. Hindi kasi iyon ang guwardiya kanina kundi isa
sa internal security.

"Nasaan na po ang I.S dito kanina?" nababahalang tanong niya.

"Nasa loob na po," anito.

Hindi na niya malaman kung ano ang gagawin niya.


"Anong problema?" Narinig niyang wika ng pamilyar na tinig ng lalaki.

Wala pa ma'y kumakabog na ang dibdib niya. Alam niyang si Israel iyon kaya hindi
niya ito sinipat kahit gustong-gusto na niya itong harapin.

"E, Sir, hindi ko po kasi makita ang grocery'ng iniwan nitong guest natin," sumbong
ng guwardiya sa lalaki.

"Sino ba ang nag-receive?" pagkuwa'y tanong ni Israel sa guwardiya.

"Si Sir Nick po."

Hindi kaagad kumibo si Israel. Gustong-gusto na niya itong sipatin ngunit ramdam
niya ang init ng titig nito sa kanya.

"Okay lang 'yon, ako nang bahala sa bisita natin," sabi lang ni Israel.

Hindi siya nakatiis, sinulyapan niya ang lalaki. Natigilan siya nang mamataang
papalapit na ito sa kanya.

"Let's go?" anito nang makalapit sa kanya.

Nagulat siya nang bigla nitong hawakan ang kaliwang kamay niya. Pumiglas siya
ngunit hindi siya nito pinakawalan hanggang sa mapasunod siya rito sa garahe.
Pagdating sa tapat ng kotse nito ay saka lamang nito binitawan ang kamay niya. Wala
na siyang dahilan para magpanggap dahil bestado na siya nito.

"Talk to me, baby," sabi nito.

Hindi kasi siya nagsasalita. Sapilitan nitong inalis ang sombrero niya. Naladlad
ang mahaba niyang buhok.

"Ano ba!" asik niya sabay bawi ng sombrero mula sa kamay nito.

"Bakit ka nandito? Nag-e-espiya ka sa akin ano?" anito.

"Hindi, ah. Gusto ko lang mag-unwind," aniya.

"Ohs. E bakit kailangan mo pang mag-disguise?"

"Ganito lang talaga ako manamit," depensa niya.


"Come on, huwag na tayong magbulahan. Alam ko inutusan ka ni Daddy na sundan ako."

"Wala akong alam sa sinasabi mo. Saan mo dinala ang groceries ko?" Malakas ang
kutob niya na ito ang nagtago ng groceries niya.

"At inaakusahan mo pa ako, ah."

"Huwag kang ano," walang puwang na sabi niya.

"Anong—"

Tumlalima siya. Nagpumilit siyang mabuksan ang pinto ng kotse nito habang panay ang
silip niya sa loob. Wala naman siyang maaninag.

"Hey! What are you doing?" anito.

"Uuwi na ako, ilabas mo na ang groceries ko!" asik niya.

"Magkano ba ang kabuuang halaga niyon?"

"Hindi ako nakikipagbiruan sa iyo, Rael."

"Okay. Tutal pauwi ka na, sumakay ka na sa kotse ko."

"May pamasahe ako," aniya.

"Tsk. In character ka, ah. Anupa't ibinigay mo sa akin ang phone number mo kung
iiwasan mo rin ako? Ito na ang pagkakataon natin para mas makilala natin ang isa't-
isa."

Uminit ang mukha niya. Oo nga naman. Pero hindi iyon ang gusto niyang magyari.

"Akin na ang groceries ko," aniya.

"Okay, ibibigay ko pero pagdating na natin sa bahay ninyo," anito.

"Huh! Sige." Bigla'y hindi naman siya nagmatigas.

"Wala bang nagha-hunting ng guwapo sa lugar ninyo?" wika ni Israel habang tinatahak
nila ang kalsada lulan ng kotse nito.
Napasipol siya. "Grabe ang hangin," aniya.

Bumungisngis ito. "Hindi nga."

"Wala. Mababait ang mga tao sa amin," sabi lamang niya.

Panay ang sulyap nito sa kanya habang abala ito sa pagmamaneho. Maayos naman ang
upo niya sa tabi nito. Upong lalaki ang ginagawa niya.

"Ang guwapo mo pala kapag lalaki ka, ano?" mamaya'y sabi nito.

Hindi niya ito pinansin.

"Ang totoo, Shen, inutusan ka ba ni Daddy para manmanan ang mga kilos ko?"
pagkuwa'y tanong nito.

"Hindi nga," giit niya.

"Paano mo natunton ang bar namin?"

"Minsan na akong niyaya ng mga kaibigan ko doon."

"What can you say?" anito.

"What?" Tinitigan niya ito.

"About sa services ng bar namin."

"Okay naman."

"Paanong okay?"

"Maayos naman ang serbisyo at—at maraming guwapong staff," naiilang na sbai niya.

Bumungisngis ang binata. "Sabi ko na nga ba iyan ang mapupuna mo. Kaya ka ba
bumalik sa bar dahil sa guwapong staff?"

"Oo na. Baka sakaling makasungkit ng isa sa inyo," pilyang sabi niya.
Tumawa ito ng pagak. "Finally! May nasungkit ka na nga. Hindi mo na kailangang mag-
effort."

"Seryoso ako, Israel," aniya.

"Seryoso din naman ako, Shen. Ikaw lang naman ang ayaw tumanggap sa katotohanan,"
malumanay na sabi nito.

Wala nang bahid ng ngiti sa anyo nito nang sipatin niya. Hanggang sa ngayon ay
hindi pa rin siya makapaniwala na ang isang tulad nito ay mabibighani sa isang
katulad niya. Hindi naman siya naghangad na magkaroon ng nobyong mayaman at guwapo—
na alam niya'ng hindi basta papatusin ang kagaya niya'ng simple at walang
karangyaan sa buhay.

"Alam mo, Shen, hindi kita maintindihan. Feeling ko kasi may gusto ka rin sa akin
noong nasa Spain tayo," wika ni Israel.

Napalunok siya ng ilang beses. Hindi niya maikakailang may nararamdaman siya rito
noong may katagalan silang nagsama noong gabi sa hotel room nito sa Spain. Pero
kasi mas umiiral ang pride niya. Ayaw niyang magpadalos-dalos.

"Ganoon ka ba ka-bilib sa sarili mo?" simpatikang tanong niya.

Ngumisi ito. "Oo naman. Malakas ang tiwala ko sa sarili ko na mapapaibig kita in
first sight, pero ako naman ang tinamaan ng tintik na pag-ibig na 'yan."

Napangiti siya. May naramdaman siyang pumitik sa ilang bahagi ng puso niya. Nang
sipatin niya si Israel ay nakangiti ito habang maya't-maya ang sulyap sa kanya.

"Love is in the air, right?" anito.

"No comment." Nagkibit-balikat siya.

"Teka, nandito na tayo sa Tondo. Saan ba sa inyo?" mamaya'y tanong nito.

Napakislot siya. Nang sumilip siya sa labas buhat sa bintana ay nabatid niyang
lumampas na pala sila sa kanto nila.

"Naku, lampas na pala tayo," aniya.

Nagmaneho naman pabalik si Israel. "Iba na talaga 'pag tinatamaan, nawawala sa


sarili," bulong nito.

Tinitigan niya ito. "Dami mo kasing satsat," aniya.


"Nagmamaneho lang ako, ikaw ang nakakaalam ng lugar."

"Kung hindi mo ako kinakausap 'di sana'y hindi ako nawawala sa konsentrasyon."

"Magsisihan pa ba tayo?"

"Huwag ka nang pumasok sa eskinita," aniya.

"Bakit?" Inihinto na nito ang kotse sa kanto.

"Maglalakad na lang ako hanggang sa bahay."

"Shen, ano pa't inihatid kita?"

"Nahatid mo na ako, Sir."

"I mean, hanggang sa bahay ninyo. Hindi mo man lang ba ako ipapakilala sa pamilya
mo?" anito.

"Para ano pa? Gabi na."

"And so what? Ihahatid kita hanggang sa bahay ninyo," giit nito at pinausad na nito
ang kotse papasok sa eskinita.

Hindi na lamang siya kumibo.

=================

Chapter Five

SARADO na ang munting tindahan nila Shen at nakapatay na rin ang mga ilaw sa loob
ng bahay nila. Alas-onse na kasi ng gabi. Maaga talagang natutulog ang nanay niya
at kapatid.

"Tulog na ata ang kasama mo sa bahay," wika ni Israel nang ihinto nito ang kotse sa
tapat ng bahay nila.

"Maaga silang natutulog lalo na kapag may pasok," aniya.

"Makakapasok ka pa ba?"
"Meron akong susi." Pagkuwa'y binuksan na niya ang pinto.

Bumaba na rin si Israel at kinuha nito ang mga groceries niya sa back seat,
pagkuwa'y ini-abot sa kanya. "Pasensiya ka na sa kahibangan ko," anito.

"Medyo nasasanay na rin ako," aniya.

Ngumisi ang binata. "Mabuti naman. So mukhang kailangan mo nang magpahinga."

"Oo nga. Salamat sa paghatid," aniya.

"Maraming pagkakataon pa kitang ihahatid kaya huwag ka munang magpasalamat,"


nakangiting wika nito.

Ngumiti lamang siya. "Sige, papasok na ako," pagkuwa'y sabi niya.

"Okay. Good night."

"Sa'yo rin. Ingat sa pagmamaneho."

"Sure. I'll call you sometime," anito.

Hindi na siya tumugon. Pumasok na rin ang binata sa kotse nito. Nang magmabiobra na
ito ay saka lamang siya pumasok sa bahay nila. Hindi na naalis ang ngiti sa mga
labi niya hanggang sa makapasok siya sa kuwarto niya.

ALAS-SINGKO pa lamang ng umaga ay nagising na si Shen. Narinig kasi niya ang


nakakabulahaw na boses ng Nanay niya na pinapalatakan nanaman ang kapatid niyang si
Sendo. Gusto pa niyang matulog pero nagugulat siya sa matining na tinig ng Nanay
niya.

Paglabas niya ng kuwarto ay nadatnan niya ang onse anyos na si Sendo at nakahilata
pa sa sofa. Pakiwari niya'y pinipilit ito ng nanay niya na maligo.

"Ang aga-aga ang ingay n'yo, 'Nay," aniya.

"Paanong hindi ako mag-iingay e itong kapatid mo may pasok ng alas-sais pero ayaw
pang mag-asikaso. Hindi na nga makaangat sa pasang-awa ang grado niya e magtatamad-
tamad pa itong batang ito!" Pumalatak nanaman si Marlyn.

"Ako na po ang bahala. Asikasuhin n'yo na po ang niluluto ninyo," aniya.


Iniwan naman siya ng nanay niya. Pagkuwa'y nilapitan niya si Sendo at kinalikot ng
cotton buds ang tenga nito. Bumalikwas ito ng bangon.

"Ate naman e," angal nito.

"Maligo ka na kung ayaw mong ma-ice bucket challenge," aniya.

"Oo na nga, maliligo na." Padabog na tinungo nito ang banyo.

Pagkatapos ni Sendo maligo ay siya naman ang naligo. Pagkatapos niyang mag-asikaso
ay dumiretso na siya sa kusina. Nadatnan nanaman niya si Sendo na nakatunganga sa
harap ng pagkain. Hindi pa nito ginagalaw ang pagkain nito.

Nagtimpla siya ng gatas na hinaluan niya ng chocolate. Uupo pa lamang siya sa silya
ay narinig na niya ang tinig ng nanay niya.

"Shen, may tumatawag sa cellphone mo!" sigaw ng Nanay niya mula sa sala.

Dagling tinungo niya ang cellphone na iniwan niya sa center table sa sala. Numero
lamang ang nakarehistro na tumatawag. Iniisip niya na baka mula iyon sa hotel kaya
dagli niyang tinugon.

"Hello? Sino po sila?" tanong niya sa tumatawag.

"Hi! Good morning, Shen. It's Rael. Ano bang oras ang pasok mo?" tugon sa kabilang
linya.

Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Kinakabahan siya sa mga hakbang na
iyon ni Israel.

"Ahm, mamayang nine pa ang pasok ko," sagot lamang niya.

"Okay, I'll be there before nine."

Natigilan siya. "H-ha? Naku, ano kasi...m-may kasabay ako," aniya.

"Sino? Okay lang naman, e kahit ilan pa kayo," anito.

"Huwag na," mariing tanggi niya.

"Come on. Basta, hintayin mo ako. Maliligo lang ako, okay?" Iyon lang at bigla na
lamang nito pinutol ang linya.
Wala na siyang magagawa. Bumalik na lamang siya sa kusina. Wala pa man ay
kinakabahan na siya sa pagdating ni Israel. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin
niya sa nanay niya.

Pag-upo niya sa silya sa tapat ng hapag ay napatitig siya sa tasa niya. Wala na
iyong laman, wala na ang natimpla niyang chocolate milk. Naibaling niya ang tingin
kay Sendo na tahimik na pumapapak ng pritong tilapia.

"Sendo, nasaan na ang inumin ko?" namumurong tanong niya.

"E, ate, nag-evaporate," anito.

"Anong nag-evaporate? E kung ikaw kaya ang e-evaporate ko diyan!" asik niya sabay
napatayo.

Humagikgik pa si Sendo. "Sorry na. Magtimpla ka na lang ulit. Minsan lang ako
maglambing sa iyo, e," wika nito.

"Maglambing ka diyan. Umalis ka nga sa harapan ko!"

Uminom ng tubig si Sendo saka siya nito iniwan.

"Kainis 'tong baboy na ito!" aniya.

Masyado na kasing lumulubo ang katawan ni Sendo. Matakaw sa pagkain at tulog, tamad
pang kumilos. Sa inis niya'y kape na lamang ang natimpla niya. Panay ang putak ng
bibig niya habang kumakain.

"Ang laki ng katawan, ampaw. Malaki ang ulo, 'sing liit naman ng monggo ang utak.
Arg!"

Malimit lamang sa isang araw na hindi sila nagkakaasaran ni Sendo. Labin-anim ang
tanda niya kay Sendo at magkasalungat sila sa lahat ng bagay. Pero kahit ganoon
kapasaway ang kapatid niya ay mahal niya ito at ang lahat ng paghihirap niya sa
trabaho ay para sa pag-aaral nito kahit umabot na ito ng onse anyos sa grade four.

Pagkatapos mag-almusal ni Shen ay tinulungan pa niya sa pag-aayos ng paninda nila


ang Nanay niya. Habang nagsasabit siya ng dose-dosenang shampoo ay pinag-aaralan na
niya ang sasabihin niya sa nanay niya sakaling dumating na si Israel. Maya't-maya
ang silip niya sa labas.

"Mamaya ka pa ba aalis, anak?" tanaong ng Nanay niya.


"Opo. Bakit, 'Nay?"

"Magbabanyo muna ako."

"Sige ho."

Tumalima ang Ginang.

Mamaya'y may nagtao po. Nang silipin niya sa window grills ay si Jonas—ang masugid
niyang manliligaw na kasama niyang nagtatrabaho sa Hotel. Si Jonas ang OIC sa
Maintenance Department ng hotel. Nasa kabilang kanto lamang ito nakatira at
katunayan ay nakaaangat ang buhay nito. May sarili din itong sasakyan.

"Good Morning, Sweetie!" bungad nito sa kanya.

"Busy ako," mataray niyang turan.

"Wow! Dedma na ako, ah. Ano, wala ka bang balak pumasok?" anito.

"Papasok ako."

"O, e, tara na."

"Mauna ka na."

"Sumabay ka na sa akin para hindi ka na mamasahe."

"Salamat na lang."

Inilusot nito ang kamay sa maliit na bintana—kung saan inilulusot ang mga nabili ng
kostumer. Naabot nito ang braso niya. Animo'y napaso na mabilis niyang naiwaksi ang
kamay nito.

"Mauna ka na, Jonas," aniya.

"Bakit ba ayaw mo nang sumabay sa akin? Dati nagagalit ka pa kapag late ang dating
ko."

"Ang yabang mo naman. Umalis ka na."

"Talagang pinapalayas mo ako, ah. Ano bang ipinagmamalaki mo?" Bahagya pang tumaas
ang tinig nito.
"Wala."

Mamaya'y may humintong itim na Honda Civic sa tapat ng bahay nila. Tumigil naman sa
pangungulit sa kanya si Jonas at nabaling ang atensiyon nito sa lalaking bumaba sa
kakarating na sasakyan.

Wala pa ma'y binalot na ng kaba ang pagkatao niya. Alam niyang si Israel na ang
dumating. Ang ikinakatakot niya ay ang mabatid ni Jonas na nakikipag-ugnayan siya
sa anak ng boss nila. Mapapel pa naman si Jonas sa Boss nila. Siguradong
magsusumbong ito. Hindi siya lumabas kahit nang marinig na niya ang tinig ni Israel
na kausap si Jonas.

"Sir, long times no see. Isang himala ata na napadpad kayo rito sa lugar namin."
Narinig niyang sabi ni Jonas.

"Hi! Taga rito ka pala?" ani Israel.

"Opo. Actually papasok na ako sa hotel." Si Jonas.

"Okay. So what are you doing here?"

"Sinusundo ko po si Shen."

Pinagpapawisan na nang malamig si Shen habang nakasandig sa sulok ng pinto. Ang


tibok ng puso niya'y wala nang espasyo. Narinig niya ang pagak na tawa ni Israel.

"Bakit mo sinusundo si Shen? May something ba sa inyo? I mean... nanliligaw ka ba o


girlfriend no na siya?" usig ni Israel kay Jonas.

"Ahm, nanliligaw. If papalarin, gusto ko talaga siya maging girlfriend. Kaya nga
ako nag-e-effort na sunduin siya," tugon naman ni Jonas.

Tumawa nanaman si Israel. "Really? I think, it's too late para mag-effort ka," ani
Israel.

"Bakit? Anong ibig n'yong sabihin?" seryosong tanong ni Jonas.

Hindi na nakatiis si Shen. Nagmadali siyang lumabas ng bahay at tinungo ang


dalawang lalaki. Natataranta na siya.

"Ay, sir! Nandito ho pala kayo. Mukhang may pakay kayo dito sa lugar namin,"
nababalisang sabi niya kay Israel.
Kunot-noong nakatitig sa kanya si Israel. Pero tumabi siya kay Jonas. Hindi niya
ito hinayaang makapagsalita.

"Papasok na rin po kami ni Jonas sa hotel," aniya.

Mamaya'y lumabas ang nanay niya. Hindi niya narinig na nagsalita si Israel. Nag-
apura siyang pumasok sa bahay at kinuha ang gamit niya saka nagpaalam sa nanay
niya. Hindi niya pinansin si Israel. Sumakay siya sa kotse ni Jonas.

"Sige, sir, mauna na kami," narinig niyang sabi ni Jonas kay Israel.

Mamaya'y sumakay na rin ng kotse si Jonas. Umupo na ito sa tapat ng manobela at


nagmaniobra.

Paulit-ulit na bumuntong-hininga si Shen. Sumisikip ang dibdib niya. Hindi na niya


inisip kung ano ang maaring maramdaman ni Israel sa ginawa niya.

"Bakit kaya nandoon si Sir sa inyo?" tanong ni Jonas na siyang bumasag sa


katahimikan.

"H-hindi ko rin alam. Baka may pinuntahan siya at huminto siya sa tapat ng bahay
nang makilala ka siguro," aniya.

"Teka, nag-meet na ba kayo ni Sir Rael before? Para kasing kilalang-kilala ka


niya," usisa ni Jonas. Panay ang sulyap nito sa kanya.

"Oo, noong pumunta kami sa Tagaytay sa rest house nila," mabilis niyang sagot.

"Kaya pala. Ngayon lang ulit nagtagal rito si Sir Rael. Anong first impression mo
sa kanya?" pagkuwa'y saad nito.

"Okay naman siya. Mabait at approachable," aniya.

"Huwag ka, magaling raw magpaikot ng babae si Sir. Baka mamaya niyan pati ikaw
mabola niya at isa sa mabiktima ng kapilyuhan niya. Huwag ka masyadong makipag-usap
sa kanya. Balita ko, meron daw isa sa front desk clerk ang nabuntis ni Sir pero
hindi pinanagutan. Binayaran lang daw ni Congressman ang babae para hindi mag-
iskandalo. Alam mo naman si Congressman kung gaano kaingat sa pangalan," pahayag ni
Jonas.

Natigilan siya. Hindi niya alam kung dapat ba siyang maniwala. Pero nakakaramdam
siya ng munting kirot sa ilang bahagi ng puso niya. Maaring totoo ang sinasabi ni
Jonas at maaring iyon din ang dahilan kung bakit mahigpit si G. Montel sa anak nito
at kinailangan pang pamanmanan sa kanya ang mga ginagawa nito.
Naguguluhimanan siya. Ayaw niyang maniwala sa kuwento lamang. Gusto niya ay marinig
mismo kay Israel kung tama ba ang balitang may naanakan itong isa sa empliyada ng
Hotel.

DALAWANG beses na tinatawagan ni Israel si Shen pero hindi ito sumasagot maging sa
text niya. Mahigpit ang kapit niya sa manobela habang tinatahak ang daan patungo sa
hotel nila. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang pag-iwas ng
dalaga na parang hindi alam na susunduin niya ito.

Malaking kahihiyan sa kanyang sarili ang ginawang iyon ni Shen at noon lamang iyon
nangyari sa buong buhay niya—na may babaeng binabaliwala siya. Sumikip ang dibdib
niya at bigla na lamang uminit ang ulo niya.

Pagdating sa hotel ay nag-abala pa siyang hanapin si Shen pero hindi na niya ito
makita. May meeting ang buong staff ng Hotel at hindi niya iyon naalala. Kung hindi
pa siya tinawag ng secretary ng Daddy niya ay hindi siya tutungo sa conference
room. Siya nalang pala ang hinihintay.

Pagpasok niya ay namataan niya si Shen na nakatayo sa gawing kaliwa ng pinto.


Naroroon ang daddy niya kaya hindi na siya magtataka kung bakit naroon ang dalaga.
Pagkuwa'y umupo na siya sa tabi ng daddy niya—sa gawing kaliwa nito.

Maya't-maya ang sipat niya kay Shen habang nagsasalita ang Daddy niya. Matikas ang
tintig ni Shen, forty-five degree at diretso ang tingin sa nagsasalitang Daddy
niya. Hindi pa rin siya maka-get over sa ginawa nitong pag-iwan sa kanya sa ere.
Nagsayang lang siya ng diesel. Wala siyang naintindihan sa mga pinagsasabi ng daddy
niya.

Makalipas ang halos kalahating oras na pagpupulong ay isa-isa na ring nagsilabasan


ang mga tao maliban sa kanya na mas gusto na lamang lumuklok sa silya at maglaro ng
ball pen. Tumayo na rin ang daddy niya. Sinipat nanaman niya si Shen na nakatayo
parin sa gilid ng pinto at malamang hinihintay ang daddy niya.

Binagsak ng Daddy niya sa kanyang harapan ang folder na naglalaman ng mga papeles.
Bahagya pa siyang nagulat. "What's this, Dad?" tanong niya pero hindi niya
hinawakan ang folder.

"Nakapaloob diyan kung ano ang kabuoan ng meeting. Alam kong hindi ka nakinig.
Magkakaroon tayo ng branches outside Metro Manila at pag-isipan mo kung saan ka
mag-stay," wika ng Ginoó saka siya iniwan.

Sinundan niya ito ng tingin hanggang sa makalabas na ito ng pinto. Lumabas na rin
si Shen at ang kasama nitong lalaki. Lalo lamang siyang nainis.

Pagsapit ng tanghalian ay lumabas siya ng opisina niya at nagtungo sa restaurant.


Hindi pa man siya nakakaupo ay tila gusto na niyang umalis sa lugar na iyon. Sa
mesang madalas niyang akupahin ay may nakaupong babae na multo ng kahapon. Hindi
siya makapaniwala na makikita niya roon ang dating nobya na si Chesca. Nag-iisa
lamang ito.

Nang makita niya ang daddy niya ay hindi na siya tumuloy. Nagimbal siya nang
lapitan ng daddy niya si Chesca at umupo pa ito sa tapat ng dalaga. Ni minsan ay
hindi niya pinakilala si Chesca sa Daddy niya at kahit sa Mommy niya. Sa pakiwari
niya'y matagal nang magkakilala ang mga ito.

Minabuti niyang bumalik na lamang sa opisina niya at doon na lamang magpahatid ng


tanghalian. Naguguluhan siya. Kung kailan malapit na siya sa opisina niya ay saka
naman mahagip ng paningin niya si Shen na nakatayo sa labas ng Surveillance Room.
May kausap ito sa cell phone.

Animo'y kinalabit at bigla itong napatingin sa kanya. Ibinaba na nito ang cellphone
at mabilis na naisilid sa bulsa nito. Ganoon din ang pag-iwas nito ng tingin sa
kanya. Kumilos ito upang pumasok sa Surveillance Room ngunit hindi niya ito
hinayaang makapasok.

"Shen!" tawag niya rito.

Pagkuwa'y humakbang siya palapit rito. Bubuksan na sana nito ang pinto ngunit
maagap na hinapit niya ang braso nito. Napilitan itong humarap sa kanya pero
iniwaksi nito ang kamay niya.

"Naliligiran po tayo ng CCTV Camera, Sir," magalang na sabi nito.

"I don't care. Magpaliwanag ka sa akin sa office ko kung ayaw mong maeskandalo,"
aniya sabay talikod. Naglakad siya patungo sa opisina niya.

Inaasahan niyang susunod ito sa kanya ngunit nakatayo lang ito. Kung matigas ang
ulo niya, mas masahol pa pala ito. "Shen!" may riing bigkas niya.

Hindi pa rin kumikilos ang dalaga. Sa inis niya'y binalikan niya ito. Tinangka
niyang hawakan ang kamay nito ngunit mabilis nitong itinago sa likuran ang mga
kamay nito.

"I'm your boss," mariing sabi niya.

"No. You're not. Anak ka lang ng boss ko," matapang na sabi nito.

Napabungisngis siya. "Magkano ba ang suweldo mo kay Daddy? Dudoblehin ko," aniya.

Hindi ito kumibo. Panay ang sipat nito sa mga CCTV potage.

"Hihintayin kita sa office ko bago matapos ang lunch break. Kung ayaw mo akong
siputin, then, pasensiyahan tayo," may pananakot na sabi niya saka ito muling
tinalikuran.

Nakapag-order na ng pagkain si Israel. Nabusog na siya at ilang minuto nalang


matatapos na ang lunch break pero wala parin si Shen. Umiinit na ang puwet niya sa
kakaupo.

Mamaya'y may kumatok sa pinto. "Come in," aniya.

Inaasahan niyang si Shen na iyon ngunit natigilan siya nang lumitaw ang bulto ni
Chesca sa bumukas na pinto. Nanalalaki ang mga matang nakatitig siya sa babaeng
nakangiti habang humahakbang papalapit sa kanya.

"Hi, Rael! Isang himala na nag-stay ka rito sa Pinas," bungad nito. Umupo ito sa
silya sa tapat ng office table niya.

Umayos naman siya ng upo. "Anong ginagawa mo rito?" kunot-noong tanong niya.

"Well, isa sa bagong investor ang Daddy ko sa kompanyang ito. Isinama niya ako for
vacation. Nasurpresa ako nang malamang anak ka pala ni Congressman Montel na
kaibigan ni Dad. Actually this is my fifth times to visit here in Manila. Madalas
sa Davao ako with Mom. Medyo wala na rin akong future sa Singapore so I decided to
stay here with my Dad," pahayag nito.

"Where's your Mom?" usisa niya.

"Nasa Davao siya. Ayaw niya rito sa Maynila. Alam mo naman 'yon, hindi sanay sa
maraming tao. Hindi rin naman siya marunong magtagalog. Mas natuto pa siya ng
Bisaya. Anyway, kamusta ka na?" anito.

"Okay lang," tipid niyang sagot.

"Dito ka na ba maglalagi sa Manila?"

"I'm not sure. After summer siguro babalik ako sa Alaska. Hindi ko puwedeng iwan ng
matagal ang farm," aniya.

"Alam mo, ang weird mo. Ang ibang lalaki ayaw magtrabaho sa farm kasama ng mga
hayop. Ikaw naman mas gusto mo. Hindi ka na talaga nagbago."

Sandali lamang siyang ngumiti. Maya-maya ang sipat niya sa pinto. Nakalipas na
lamang ang lunch break pero wala parin si Shen.

"Kasama mo ba si Xian?" tanong niya pagkuwan. Tinutuko'y niya ang bago nitong
kasintahan na minsang binanggit nito sa kanya.
Bahagyang napayuko ang dalaga. "Walang kami ni Xian," anito.

Tumitig siya sa mukha nito. "Bakit?" wala sa loob na tanong niya.

"Sinabi ko lang na boyfriend ko na siya para hindi ako magmukhang kawawa. Ayaw
ko'ng isipin mo na nakipaghiwalay ako sa 'yo dahil nakapag-move on na ako. I'm
sorry, Rael. Ang totoo hindi talaga kita kayang i-give up kahit alam kong wala
akong puwang sa puso mo. I'm sorry, but I can't stop loving you," madamdaming
pahayag nito. Nangilid na ang luha nito sa magkabilang pisngi.

Bumuntong hininga siya. Nabulabog ang pagkatao niya buhat sa pahayag nito. "Akala
ko ba okay na?" aniya.

"Sinikap ko naman na tanggaping malabo mo akong mahalin pero hindi ko kaya."

"So anong gusto mo, magpakatanga ulit?" mariing tanong niya.

"Tanga na kung tanga, Rael."

Tumayo siya at lumakad palapit sa bintana. "Magso-sorry ako ulit, Chesca. Ngayon pa
ba?" wika niya.

Tumayo ang dalaga at lumapit sa kanya. "Bakit? Alam ko madali sa iyo na makahanap
ng kapalit kong babae na magpapakatanga rin. Pero kung magkaganoon lang din, ako na
lang, Rael. Kilala na kita, sanay na ako," nahihibang na wika nito.

Hinarap naman niya ito. "Nagbago na ako, Chesca. Ayaw ko nang may babaeng
magpakatanga sa akin. Palagay ko nga ako naman ang nagmumukhang tanga na umiibig sa
babaeng hindi ako matutunang mahalin. Natuto ako sa pagkakamali ko, Chesca.
Sinisingil na siguro ako ng karma," seryosong pahayag niya.

Hindi kaagad nakakibo si Chesca. Titig na titig ito sa kanya habang naghihilam ang
mga mata nito sa luha. "W-well, she's a lucky girl," pagkuwa'y wika nito.

"I'm sorry," sabi lamang niya.

"Siguro... siguro mas maganda siya, mayaman, kilala at mas mataas ang pinag-aralan.
She's almost perfect, right? Iyon naman ang tipo mo 'di ba? 'Yong—'yong babaeng
pinapangarap ng lahat na lalaki."

"Hindi siya kasing perpekto ng tinutukoy mo, pero para sa akin, nasa kanya ang
katangian ng babae na gusto kong makasama sa buong buhay ko," seryosong wika niya.

Wala nang sinabi si Chesca. Nang may kumatok sa pinto ay nagmadali itong lumabas.
Binunggo pa nito ang waiter na kukuha sa mga pinagkainan niya.

"Nakita mo ba si Shenkaru?" tanong niya sa waiter.

"Kaaalis lang po, Sir kasama ni Congressman," tugon naman nito.

"Saan sila pupunta?"

"Sa Kapitolyo po."

"Sige, salamat."

Pagkuwa'y lumabas na ang waiter.

Mariing nagtagis ang mga bagang niya. "Bulshit!" Napamura siya nang tuluyan siyang
mainis sa sarili niya.

=================

Chapter Six

ISANG linggo nang hindi nakakausap ni Shen si Israel pero patuloy niya itong
sinusundan tulad ng utos sa kanya ng daddy nito. Wala siyang sinagot ni isa sa mga
tawag ng binata. Ngunit ang pag-iwas niya rito ay tila malaking kabawasan sa
pagkatao niya. Nakakadama siya ng lungkot, namimis niya ang mga palitan nila ng
salita, ang kakulitan nito.

Pakiramdam niya'y hindi buo ang araw niya sa tuwing hindi nakikita ang lalaki,
nanghihina siya sa tuwing hindi naririnig ang tinig nito. Pilit niyang nilalabanan
ang damdamin niyang iyon ngunit lalo lamang siyang inaalipin ng puso niya. Walang
oras na hindi niya naiisip si Israel.

Sabado ng umaga. Day off ni Shen sa Hotel pero may trabaho pa rin siya kay Mr.
Montel. Inutusan siya nito na pumunta sa rest house ng mga ito sa Tagaytay upang
samahan si Atty. Aragon at ang staff ng Real Estate na magsasagawa ng survey sa
lupa. Napag-alaman niya na ibibinta na pala ang kalahati ng mga lupain ng mga
Montel.

"Anong ibig sabihin nito?" Tinig ng lalaki buhat sa likuran ni Shen.

Napapitlag siya. May isang oras na siyang nakatayo sa lilim ng punong manga habang
pinagmamasdan ang mga tauhan ni Atty. Aragon. Kung paano'y bigla na lamang
napalukso ang puso niya nang makilala ang tinig ng lalaki.
Nang pumihit siya sa kanyang likuran ay namataan niya si Israel na kababa sa kabayo
nito. Suot nanaman nito ang cowboy attire nito. Binabandira na naman nito ang
matipunong dibdib at puson na hitik sa abs. Kung paano'y bigla isyang nasasabik
nang makita ang binata.

Habang papalapit ito sa kanya ay siya ring tulin ng tibok ng puso niya. Mahigit
isang linggo na ring hindi niya ito nakakausap o nakaharap ng malapitan. May
kasalanan pa pala siya na hindi nabigyan ng paliwanag.

"Hindi mo ba alam ang tungkol dito?" malumanay na tanong niya.

"Magtatanong ba ako kung alam ko?" supladong saad nito. Nakataas ang isang kilay
nito.

"Ibibenta ng Daddy mo ang kalahati ng lupain ninyo sa isang Real Estate Company.
Sinamahan ko si Atty. Aragon para sa lot survey," tugon na lamang niya.

Ngumiti ito ng pilyo. "Aba, okay ah. Wala na pala akong karapatan na malaman ang
estado ng lupain ko."

Natigilan siya. Kung tutuusin pala ay pag-aari ni Israel ang malawak na lupaing
iyon?

"Hindi ba pag-aari ng pamilya mo ang lupaing ito?" aniya.

"Pero sa akin nakapangalan ang lupang ito, sa amin ng kuya ko. Kaso namatay si kuya
kaya solo ko na lang, iyon ang nakalagay sa testament na iniwan ng lolo ko bago
siya namatay. Walang karapatan si Daddy na magdesisyon na hindi ko alam," seryosong
pahayag nito.

"Bakit hindi mo kausapin ang daddy mo? Ang alam ko, isa sa share holders ng
kompanya ang may-ari ng Real Estate na bibili ng lupa."

"Masyado na akong ginigipit ni Daddy. Bakit ako ang kakausap sa kanya? Alam ko ba
ang mga pinaplano niya? Ikaw, masyado ka nang maraming alam tungkol sa akin dahil
alam kong isa ka sa pinagkakatiwalaan ni Daddy, at isa ka sa mata niya na palaging
nakamanman sa akin."

Hindi siya nakaimik sa walang pasintabing pahayag nito. Bagaman totoo ay iginigiit
pa rin niya sa sarili na trabaho lang ang ginagawa niya. Pinagbubulaanan niya ang
katotohanang tila alam na ni Israel.

"Ginagawa ko lang ang trabaho ko at wala akong pakialam sa nangyayari sa buhay


ninyo," depensa niya.

"Oh come on, Shen. Ako pa ba ang pasisinungalingan mo? Kung matalino si Daddy, mas
matalino ako. Kung kumuha siya ng espiya para manmanan ako, kumuha din ako ng
espiya para manmanan ang espiya niya na palaging nakasunod sa akin."

Napalunok siya ng ilang beses. Noon lamang niya naisip ang ilang gabi na tuwing
uuwi siya ay waring may nakasunod sa kanya. Kung magkaganoon pala ay wala na siyang
dapat itago.

"So, what can you say? Masyado akong naging busy last week kaya hindi kita natuunan
ng pansin. Pero hindi na ako magpaliguy-ligoy pa," wika nito.

Humakbang pa ito palapit sa kanya. Pumuwesto ito sa likuran niya. Mamaya'y nadama
niya ang pagdaiti ng dibdib nito sa likod niya, nagtutulay ang kamay nito sa
makinis niyang braso.

"Ayaw ko na ng challenge, Shen. It's over," anas nito malapit sa puno ng tenga
niya.

Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Ang presensiya nito ay waring apoy na
unti-unting tumutupok sa katauhan niya. Kung noon ay natatakot siya sa
ipinapahiwatig nito, ngayon naman ay nakadama siya ng pagkasabik—na tila may gusto
siyang marinig na salita buhat sa bibig nito.

"I love you, Shen," bulong nito sa tenga niya.

Ewan niya pero bigla siyang kinilabutan, nagtatayuan ang mga balahibo niya, lalo na
nang haplusin nito ang braso niya. Wala siyang ibang nadidinig kundi ang malakas na
pintig ng pulso niya at ang tinig nito na tila tinig ng isang anghel.

"Oh, first time mo bang masabihan na 'I love you'?" tanong nito saka dumestansiya
sa kanya. Bumaling ito sa harapan niya.

Hinipo niya ang mga braso kung saan nagtatayuan ang mga balahibo niya. Hindi iyon
ang unang pagkakataon na may lalaking nagsabi sa kanya ng 'I love you' pero ngayon
lamang siya nakadama ng ganoon. Iba ang idinulot ng mga salitang iyon ni Israel sa
buong pagkatao niya.

"Ahm, h-hindi," aniya.

"Anong hindi?" kunot-noong tanong nito.

"Maraming nagsabi sa akin ng salitang iyan."

"E bakit kinilabutan ka? Scary ba ang pagkakabigkas ko? Anong gusto mo, 'yong
isinisigaw?" pilyong saad nito.
Bigla siyang kinabahan. Mamaya'y bumuka nanaman ang bibig nito at hindi niya
inaasahan ang bibigkasin nito ng pasigaw.

"I love you, She...!"

Napalinga siya sa paligid. Ang mga taong abala sa kani-kanilang mga gawain ay
awtomatikong napatingin sa gawi nila. Awtomatiko ring uminit ang mukha niya. Akala
niya'y hanggang doon nalang iyon.

"Oy! Mga tao...narinig ba ninyo ako? In-love po ako! Mahal ko po ang babaeng
ito...!" hiyaw nito habang tinatawag ang atensiyon ng mga tao sa paligid nila.

"Hala! Mahabagin! Anong nangyayari sa taong ito?" wala sa loob na nawika niya.

Sa takot niya'y tumakbo siya palayo sa lugar na iyon. Iniwan niya si Israel.
Hiningal siya pagpasok niya sa kabahayan. Hindi humuhupa sa pagtahip ang dibdib
niya hanggang sa makapasok siya sa inakupa niyang kuwarto.

May isang oras na sa loob ng kuwarto si Shen nang may kumatok sa pinto. Natatakot
siyang buksan baka kasi si Israel. Pero nang marinig niya ang tinig ni Manang
Roseng ay agad niyang tinungo ang pinto at binuksan.

"Pinapatawag ka ni Sir Rael. Sabayan mo raw siyang mananghalian," wika ng ale.

"Sasabay na lang po ako kina Atty. Aragon," aniya.

"Umalis na sila Atty. Aragon."

"Ho?!" Nanlaki ang kanyang mga mata.

"P-pero...nandito pa ho ako. Hindi nila ako puwedeng iwan," protesta niya.

"Hindi ko alam kung anong kaganapan. Nagulat na lang ako nang umalis ang mga
bisita, e nagluto pa naman ako ng maraming putahe," wika ng ale.

Hindi na siya umimik. Pero ang makasabay sa tanghalian si Israel ay hindi ata niya
kakayanin. Hindi niya alam kung paano harapin ang lalaki. Pero aminado siyang
napalundag ang puso niya kanina nang magsisigaw ito.

"Susunod na ho ako, Manang," sabi na lamang niya.

"Hihintayin na kita. Huwag daw ako babalik ng kusina kapag hindi kita kasama sabi
ni Sir."
Napalunok siya. Ewan niya bakit ganoon na lamang ang galak na nadarama niya. Hindi
niya napigilan ang ngiting nanilay sa mga labi niya.

"Ahm, sandali lang po. Aayusin ko lang po ang sarili ko," aniya.

"Aysus, kinikilig naman ako sa inyong dalawa!" nakangiting wika ng ale.

"Hala, Manang... wala pong ibig sabihin ang pag-aayos ko sa sarili. Magulo po kasi
ang buhok ko nakakahiya kay sir," aniya, pero uminit ang mukha niya.

"Uhm, naku, Ineng para namang hindi ako dumaan sa ganyan. O siya, bilisan mo na
riyan at baka mainip na si Sir."

Ngumiti na lamang siya. Habang nagsusuklay siya ng buhok at nakaharap sa malaking


salamin ay hindi niya napigil ang pagsingaw ng matamis na ngiti buhat sa kanyang
mga labi. Natigilan siya nang mapansin ang pisngi niya na namumula.

"Gosh, totoo ba ito?" Kinurot-kurot niya ang pisngi na pakiramdam niya'y kumapal.

"Hindi ako nananaginip. Totoo ang lahat nang ito. Totoo ang nararamdaman ko. Hindi
ko pinangarap magkaroon ng admirer na tisoy, mayaman, macho, romantiko na mahilig
sa kabayo, pero thank you, Lord dahil hindi lang pala pang barambado sa Tondo ang
beauty ko," usal niya sa harap ng salamin.

"Okay ka na ba, Ineng?" mamaya'y tanong ni Manang Roseng na kanina pa naghihintay


sa kanya sa bukana ng pinto.

"Ay! Sorry po!" bulalas niya na bahagya pang nagulat.

Pakiramdam niya'y lunch date ang pupuntahan niya. Naroroon parin ang galak na
nadarama niya. At nakalimutan na talaga niya na naroon siya para magtrabaho hindi
para magliwaliw.

Habang papalapit siya sa hapag-kainan kung saan ay nakaupo si Israel at abala sa


pagtitipa sa cellphone nito—waring kinikiliti naman ang mga kasukasuan niya. Likod
palang ng lalaki ay nakadama na siya ng pagnanasa na mayakap ito.

Naghiwalay na sila ni Manang Roseng. Dahandahan siyang humakbang palapit sa mesa at


inakupa ang silya sa kabilang dulo ng mahabang mesa. Sa kabilang dulo niyon
nakaluklok si Israel. Awtomatiko'y naibaling nito ang tingin sa kanya.

"Bakit nandiyan ka? Walang pagkain riyan," seryosong wika nito.

Napatingin siya sa harapan niya. Plato at mga baso lamang ang naroroon. Nasa
harapan lahat ni Israel ang mga pagkain.

Lumipat naman siya sa silya malapit sa binata—sa gawing kaliwa nito. Hindi niya ito
sinisipat. Nakatuon ang tingin niya sa mga pagkain na may maayos na presentasyon.
May limang putahe ang ulam nila, may dessert silang sariwang prutas at may mga
salad.

"Let's eat!" anito. Nagsimula na itong sumandok ng pagkain nito.

Hinintay niya itong matapos bago siya kumilos. Hindi nawala sa isip niya bakit siya
iniwan nila Atty. Aragon. Pagkuwa'y kumuha na rin siya ng pagkain niya.

"Sabi pala ni Atty. Aragon, babalik sila bukas. May hearing daw kasi siya mamayang
ala-una kaya nagmadali silang umalis," wika nito.

"Bakit hindi nila ako hinintay?" tanong niya pero hindi niya ito sinipat.

"Sabi ko kasi tulog ka," anito.

Hindi siya nakatiis, tinitigan niya ito. "Hindi naman ako tulog ah," aniya.

"Babalik din naman sila bukas kaya bukas ka na sumabay sa kanila."

"Ano?!" bahagyang umangat ang puwit niya.

"O bakit?"

"Hindi puwede, uuwi ako ngayon!" protesta niya. Tinangka niyang tumayo ngunit
mabilis na ginagap nito ang kamay niya.

"Relax. Walang kakain sa 'yo rito."

Umupo siya ng maayos sabay bawi ng kamay. Bumuntong-hininga siya. "May duty ako
bukas sa hotel," aniya pagkuwan.

"Ako nang bahalang magpaliwanag kay Dad at sa staff ng hotel," sabi nito.

"Anong paliwanag?"

"Sasabihin kong may ipapagawa ako sa 'yo na related sa kompanya. And I think
matutuwa si Daddy dahil alam niya na may magbabantay sa akin. Isang araw ka lang
namang liliban, e."
"At ano naman ang ipapagawa mo sa akin, aber?" mataray niyang tanong.

"Well, simple lang naman. Sasagutin mo lang ako ng yes or no," sarkastikong wika
nito.

Tinitigan niya ito. Pilyo ang ngiti nito habang nakatitig sa kanya—habang pinapapak
nito ang fried chiken gamit ang kamay.

Bumuntong-hininga siya. Hindi na rin siya magpapaligoy-ligoy. "Seryoso ka ba


talaga, Rael?" usig niya.

Uminom muna ito ng juice saka binitawan ang kinakain. "Grabe, hanggang ngayon
nagdududa ka pa rin sa akin? Shen, naiintindihan kita kung hindi mo ako kaagad
pagkakatiwalaan, pero, dios por santo, por pabor...kinakalyo na ang diskarte ko
pero wala ka pa ring tugon. Hindi ka ba talaga naniniwala sa love at first sight?"
anito.

"Naniniwala pero ikaw? ma-love at first sight sa katulad ko?" nang-uuyam pang saad
niya.

Bumungisngis ito. "Ikaw na, Shen—ikaw na ang babaeng siguresta. Honestly, I'm not
kidding. I want you, I love you, Shen. Ilang araw tayong hindi nagkausap pero
parang ang tagal na panahon na. Namimis kita, naiisip kita sa bawat oras, at higit
sa lahat—nasaktan ako nang indedma mo ako noon at kay Jonas ka sumabay. Hindi ako
nakatulog ng ilang gabi dahil doon," pahayag nito.

"Inilulugar ko lang ang sarili ko, Rael," aniya.

"Bakit? Dahil sa antas ng buhay ko? Dahil kay Daddy? Shen, hawak ko ang buhay ko at
walang karapatan ang sinuman na husgahan kung sino ang babaeng mamahalin ko, even
my dad. Wala silang karapatan."

"Ayaw ko nang intrega, Rael. Simpleng buhay lang ang gusto ko, makapag-asawa ng
simpleng lalaki na totoong magmamahal sa akin."

Ginagap nito ang kamay niya. "Simpleng lalaki lang ako, Shen. Nagkataon lang na
ipinanganak akong mayaman pero ang puso ko ay katulad din sa puso ng mga simpleng
lalaki na sinasabi mo. Kung sa pisikal, puwede ko gawing simple ang lahat. I can,
eat isaw, ulo ng manok, paa at kung ano-ano pa."

Bigla siyang natawa sa huling sinabi nito. Pero alam niyang may gusto itong
ipahiwatig. Nang masilayan niya ang matamis nitong ngiti ay bigla na lamang naglaho
ang mga agam-agam niya.

"Will you be my girl, Shen?" seryosong tanong nito.


Tumitig siya sa mga mata nitong nangungusap. Pinakiramdaman niya ang kanyang
sarili. Hindi niya makapa sa puso ang takot, bagkus nababalot iyon ng pag-ibig.
Lumakas na lamang bigla ang loob niya.

"Wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko," aniya.

Ngumiti si Israel. "Mahal mo ba ako?" matiim na tanong nito.

"Siguro...s-siguro nga mahal na kita."

"Fifty-fifty ata," anito.

"Hindi ko naman kailangang sabihin, e. Hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi kasi
ako sanay na may lalaking nanunuyo sa akin, at hindi ko alam kung paano tumugon.
Natatakot ako na baka hindi ko mabibigyan ng hustisya ang damdamin ko," naiilang na
sabi niya.

Ngumisi si Israel. "Nakakamangha ka. Hindi mo ba alam na sa tuwing nagpapakipot ka


sa akin ay parang kinikiliti ang puso ko? Type na type ko ang mga inosent moves mo.
Lalo lamang kitang nagugustuhan. Hindi ko maintindihan pero you have something na
parang napakaespisyal. Napapasaya mo ako. Makita lang kita ay parang buong-buo na
ang araw ko. Naiinis ako sa tuwing iniiwasan mo ako. Sorry kung masyado akong
makulit. Feeling ko kasi masyado mo nang naapakan ang pagkalalaki ko. Pero salamat
dahil may kabuluhan ang pagtitiyaga ko sa iyo," masuyong pahayag nito.

Hindi nakaimik si Karu. Gusto niyang maluha buhat sa labis na kagalakan.


Nararamdaman niya ang katapatan sa tinig ni Israel. Noon lamang niya ito nakausap
na seryoso ito. At nakadama siya ng pagmamalaki nang masaksihan ang pamumula ng
magkabilang pisngi nito, at ang matagumpay nitong ngiti, mga mata nitong kumikislap
buhat sa tuwa.

Nagulat siya nang biglang tumayo si Israel at bumaling sa likuran niya. Walang anu-
ano'y bigla siya nitong niyakap. Naipunas nito sa braso niya ang kamay na
pinaghawak nito sa fried chiken. Gayunpama'y hindi siya pumiksi. Ninanamnam niya
ang init ng yakap nito.

"Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon, Shen. Hindi ako nangangako pero
gagawin ko ang lahat mapatunayan na hindi ka nagkamali ng desisyon," anas nito.

Pagkuwa'y bumalik na ito sa upuan nito.

"Meron lang akong hihilingin sa 'yo," wika niya makalipas ang ilang sigundong
katahimikan.

"Ano 'yon?" anito habang puno ang bibig.


"Puwede bang sekreto lang muna natin ito?"

Tumigil ito sa pagnguya at matiim na tumitig sa kanya. "Pero—"

"Masyado pang komplekado kung malalaman ng lahat ang tungkol sa atin lalo na ng
daddy mo," aniya.

"Kaya nga habang maaga ay gusto kong malaman ni Daddy. Ikaw pa lang ang babae na
ipapakilala ko ng legal kay daddy kapag nagkataon, Shen. Kampanti ako na
magugustuhan ka niya dahil kilala ka na niya."

"Paano kung hindi? Wala akong maipagmamalaki, Rael."

"And so what? Hindi naman ako pumuli ng babae na makadagdag rangya sa buhay ko.
Pinili kita dahil gusto ko ng babaeng magmamahal sa akin, mag-aasikaso, magdadala
ng magiging anak ko," seryosong pahayag nito.

Napanganga siya buhat sa sinabi nito. "Kilala ko ang daddy mo. Alam ko naghahangad
siya ng manugang na kasing rangya ang buhay nang sa inyo. At wala ako niyon."

Ginagap nito ang kamay niya. "Come on, Shen. Kung sakali man, hindi ka dapat mag-
alala. Anong silbi ko kung hindi kita ipaglalaban? Hindi nahahawakan ni daddy ang
buhay ko."

"Pero mahal ka niya at mahalaga ka sa kanya. Kaya nga nagbabayad siya ng spy para
masiguro na hindi ka napapariwara. Hindi ako naniniwlaang wala siyang tiwala
sa'yo."

Hindi kaagad nakaimik si Israel. "Okay, I understand. Papayag ako sa gusto mo,"
anito pagkuwan.

Ngumiti lamang siya.

Wala pang dose oras na tinanggap ni Shen ang panunuyo ni Israel pero para bang ang
tagal na nilang magkasintahan. Doon niya napatunayan na masarap pala maging katipan
ang binata.

Alas-singko na ng hapon ay nasa kulungan pa sila ng kabayo at nagpapakain sa mga


ito. Habang pinagmamasdan niya ito na nagbibigay ng dayami sa alaga nitong kabayo
ay napapaisip siya. Hindi siya makapaniwala na ang isang tulad nito ay iibig sa
kanya.

Hubad baro si Israel at maong pants lang pan-ibaba nito na gulagulanit sa bahagi ng
tuhod. Mainit sa bahaging iyon ng kural kaya nasisipat niya ang ga-butil na pawis
sa likod nito kung saan naggagalawan ang mga muscles sa tuwing kikilos ito.
"Isaac nga pala ang pangalan ng kabayo ko," sabi nito nang harapin siya nito.

"Isaac?" aniya.

"Yes, pangalan ng kuya ko. Binili ko ang kabayong ito noong kalilibing ni Kuya.
Mahilig din siya sa kabayo at—at dahil sa pagkahilig niya roon ay naging sanhi pa
ng maaga niyang pagkamatay," malungkot na kuwento nito.

Bahagya siyang napayuko. Ilang beses na rin itong magkuwento sa kanya tungkol sa
kuya nito. Mahal na mahal talaga nito iyon.

"Gusto mo bang sumakay kay Isaac?" mamaya'y tanong nito.

Tinitigan niya ito. "H-hindi pa ako nakasakay sa kabayo," aniya.

"Ah ganun? Well, it's your chance."

"Hindi ba nakakatakot?"

"Hindi. Sasamahan naman kita."

"Magdidilim na kasi."

"Hindi naman tayo lalayo. Mga isang oras lang tayo maglilibot sa bakuran."

Kalauna'y pumayag din siya. Bibihira lang ang pagkakataong iyon kaya lulubusin na
niya.

Inilabas ni Israel si Isaac. Inalalayan siya nitong makasampa sa likod ng kabayo


saka ito naman ang sumampa. Nasa likuran lang niya ito at ito ang may hawak sa
lubid ni Isaac. Nakakulong siya sa mga bisig nito. Napakasarap sa pakiramdam na
yakap siya ng matipunong mga bisig nito, at ang mainit na hininga nito ay bumubuga
sa batok niya.

"Ready ka na?" pagkuwa'y tanong nito malapit na malapit sa tenga niya.

Tumango lamang siya.

Pagkuwa'y inutusan na nito si Isaac na maglakad. Una'y mabagal hanggang sa unti-


unting tumutulin ang hakbang nito. Inikot nila ang malawak na lupain. Ang kaba niya
ay nahalinhan ng galak.
Mahigpit ang yakap sa kanya ni Israel at ang ulo nito'y nagsusumiksik sa batok
niya. Bumubuga roon ang mainit nitong hininga.

"You made my day, baby," anas nito.

Pumintig ng husto ang pulso niya nang madama ang init ng labi nitong tumutulay sa
batok niya. Ang matigas nitong dibdib ay dumadaiti sa likod niya.

Huminto si Isaac sa tabi ng sapa. Pagkuwa'y bumaba si Israel saka siya inalalayan.
Kayang-kaya naman niyang tumalon pero nagulat siya nang hawakan siya nito sa
baywang saka binuhat pababa. Napakapit siya sa mga braso nito.

Iginiya siya nito sa lilim ng punong mahogany sa gilid ng sapa. Sabay silang umupo
sa pinong damo at ang mga paa nila'y nakalaylay sa sapa. Mababaw ang tubig kaya
hindi nababasa ang mga paa nila.

"Dito ako tumatambay kapag nababagot ako sa buhay. Tahimik kasi at sariwa ang
hangin. Mas nakakatagal ako rito kumpara sa Maynila. Ikaw, mukhang sanay ka na sa
Maynila," wika ni Israel.

"Doon na kasi ako lumaki," aniya.

"Saan pala ang probinsiya n'yo?"

"Ang nanay ko ay taga Nueva Ecija. Doon ako pinanganak. Umuuwi lang kami roon sa
tuwing bakasyon."

Mamaya'y ginagap nito ang kamay niya at sandali nito iyong kinintalan ng pinong
halik. Matiim ang titig nito sa kanya.

"Hindi ko alam kung ano ang nagustuhan ko sa'yo. Basta bigla ka na lang nagkaroon
ng pitak sa puso ko. Sa totoo lang, noong una kitang makita sa Spain ay iniisip ko
na, na espiya ka ni Daddy. Sa halip na mainis ako ay lalo pa akong natuwa sa
madalas na pagsunod mo sa akin. Kahit hindi mo na aminin na talagang sinusundan mo
ako, okay lang sa akin. Nagpapasalamat pa ako kay Daddy dahil nakilala kita,"
seryosong pahayag nito.

Wala siyang masabi. Wala na siyang dapat ipaliwanag.

"Ikaw, anong first impression mo sa akin? I think nasabi mo na pero gusto ko muling
marinig," anito.

Bumuntong hininga siya. "Untrusted guy," sabi lang niya.


Bumungisngis ito at bigla na lamang pinisil ang pisngi niya. "You're the one," wika
nito.

=================

Chapter Seven

"SINONG first kiss mo, Shen?" tanong ni Israel kay Shen.

Nakahilig ang ulo nito sa balikat niya. "Ikaw," tipid nitong sagot.

Sinipat niya ang mukha nito. "Sigurado ka? Kailan kita hinalikan?" maang niya. Wala
siyang maalala na hinalikan niya ito.

Umangat ito ng mukha at tumitig sa kanya. "Noong nasa Spain tayo, noong nalasing ka
at inihatid kita sa suite mo," anito.

"Ang alam ko niyakap lang kita, e."

"Huwag kang ano."

Napapangiti siya. "Hindi ko talaga maalala. Puwede ba nating i-rewind?"


sarkastikong saad niya.

Bigla na lamang nitong kinurot ang tagliran niya. Dahil wala siyang damit ay bumaon
ang kuku nito sa balat niya. Waring may kumagat na langgam. Ginagap niya ang kamay
nitong nangungurot.

"Bumalik na tayo sa bahay n'yo. Hindi ka manlang nagdala ng damit baka magkasakit
ka niyan," anito.

"Okay lang, alam ko namang may mag-aalaga sa akin," aniya.

"Naku, baka masipa pa kita." Tumayo na ito.

Tumayo na rin siya. Inalalayan na niya itong makasampa sa likod ni Isaac.

Alas-siyete na nang makarating sila sa mansiyon. Nakahain na rin ang hapunan nila.
Hinatid niya si Shen hanggang sa kuwarto nito. Akmang papasok pa lamang siya sa
kuwarto niya nang sinabat siya ni Manang Roseng.

"Sir Rael. Tumawag ho pala si Congressman at pinapapunta ho kayo sa Maynila


ngayon," wika ng ale.
Natigilan siya. Hinarap niya ang Ale. "Bakit daw ho?" aniya.

"Hindi ko po alam. Kailangan bago raw mag-alas-nuwebe ay naroroon ka na sa hotel."

Mariing nagtagis ang bagang niya. "Sige po." Pagkuwa'y tumuloy na siya sa kuwarto
niya.

Sinubukan niyang tawagan ang Daddy niya pero hindi ito sumasagot maging sa mensahe
niya. Nasira ang magandang araw niya. Pagkakataon na niya iyon upang masolo si Shen
at mabigyan niya ito ng panahon upang maipadama sa dalaga na seryoso siya rito.
Nagbihis na lamang siya.

Nagkasalubong sila ni Shen sa pasilyo papuntang kusina. Lagi itong handa. May dala
itong pantulog na pajama at maluwag na t-shirt na puti. Titig na titig ito sa
kanya. Bihis na bihis kasi siya.

"M-may lakad ka?" malumanay na tanong nito.

"Pinapapunta ako ni Dad sa hotel. Babalik din ako kaagad," aniya.

"Kung ganun sasabay na lang ako sa 'yo," anito.

"No. Babalik ako kaagad. Bukas ka na umuwi."

"Pero—"

"Please...."

Hindi na ito umimik. Pagkuwa'y kinintalan niya ng halik ang noó nito saka umalis.

Pagdating ng Maynila ay agad tumungo sa Hotel si Israel. Wala siyang ideya kung
bakit siya pinapapunta ng Daddy niya sa ganoong alanganing oras. Iginiya siya ng
waiter sa dining area kung saan naghihintay ang Daddy niya.

Nagimbal siya nang makita si Chesca na kasama nito at si Mr. Ocampo—isa sa


Investors nila. Maghahapunan pala siya kasama ang mga ito.

"Israel, mabuti at dumating ka sa tamang oras," bungad sa kanya ni Antonio.

"Good Evening!" bati niya sa mga ito at inakupa ang silya sa tabi ni Chesca.
"Pinatawag kita dahil napag-usapan namin ni Mr. Ocampo ang tungkol sa kalahati ng
lupain mo na bibilhin niya. Ang lupang iyon ay patatayuan niya ng foulty," wika ni
Antonio.

"Hindi ko po ibebenta ang kalahati ng lupa," matapang niyang tugon.

"Hindi na napapakinabangan ang kalahati ng lupa mo Israel. Masyado iyong maluwag


para sa limang piraso mong mga kabayo. Minsan na kitang natanong tungkol dito at
pumayag ka," ani Antonio.

"Noon 'yon, Dad. Noong hindi ko pa mahal ang Pilipinas. Ayaw kong pagtalunan pa
natin ito. Dapat tinanong n'yo akong muli bago kayo nagdesisyon," paangil na turan
niya.

Titig na titig sa kanya si Mr. Ocampo maging si Chesca. Wala siyang pakialam kahit
pagtinginan sila ng ibang tao. Hindi rin nakatiis si Mr. Ocampo.

"Excuse me, I think kailangan muna kayong mag-usap mag-ama bago natin pag-usapan
ang tungkol sa lupa. You have rights to complain, Israel. Hindi ko alam ang tungkol
rito," wika ni Mr. Ocampo.

"I'm sorry," aniya.

Bumuntong-hininga si Antonio. "Let's dine first," anito sapagkuwan.

Hindi na nakikinig sa usapan si Israel. Wala rin siyang pakialam kahit nang
ipakilala ni Antonio si Chesca sa kanya. Hindi niya kinakausap ang dalaga. Ang isip
niya'y umiikot lamang kay Shen.

Pagkatapos ng hapunan ay kinausap siya ng Daddy niya sa suite niya. Inalok pa siya
nito ng red wine—na hindi naman niya tinanggihan.

"Iniisip ko na wala kang pakialam sa lupa mo kaya naisip ko na ibenta na lang ang
kalahating bahagi niyon. Hindi ko alam na ganito ang magiging reaksiyon mo. Hindi
pa naman final ang usapan namin ni Mr. Ocampo. Gusto kasi ng anak niya na may
pinagkakaabalahan habang nandito sa Luzon. Hindi sanay sa klema rito si Chesca,"
pahayag ni Antonio.

"Naging busy lang ako sa pag-aaral ko sa California kaya hindi ko naasikaso ang
lupa. Plano kong dito na lang ipagpapatuloy ang pag-aaral ng abogasya," aniya.

"That is good news, Israel. I heard from Chesca na nagkita na kayo minsan sa
Singapore. Bakit hindi mo siya ligawan? She's a nice girl. Maganda ang background
ng pamilya niya. Political Science Graduate siya at tumutulong siya sa mga
mahihirap. Wala ka nang hahanapin sa kanya."
Napangisi siya. Inaasahan na niya iyon. "Iyan ang masamang balita, Dad. Hindi ko
nga natapos ang kurso ko tapos mag-aaral pa akong mahalin ang isang babae na alam
kong hindi ko gusto?" sarkastikong saad niya.

"Kailangan mo ng babae na magmamahal sa'yo, Anak. Isang babae na hindi sasayangin


ang moraledad mo."

"I know, Dad. Wala akong balak magpakaburo sa pagkabinata. There's a right time for
love. Mahirap 'yong pinipilit nating mahinog ang isang bagay," aniya. Nakadalawang
salin na ng wine si Antonio sa baso niya.

"Alam ko naman na hindi kita mau-udyok. Pinapabayaan kita kung ano ang gusto mo sa
buhay pero hindi ibig sabihin ay wala na akong pakialam sa iyo. Ayaw kong matulad
ka sa ibang anak na napapariwara."

"Huwag kang mag-alala, Dad. Matitino ang mga taong sinasamahan ko. Hindi mo na
kailangang magbayad ng espiya para manmanan ako. Nagsasayang lang kayo ng pera."
Tumayo na siya.

"Saan ka pupunta?" tanong nito.

"Babalik ako sa Tagaytay. Hindi ko pa tapos ang project ko," aniya.

"Sabi mo kanina naroroon si Shen. Anong ginagawa niya roon?" usisa nito.

"Tinutulungan niya ako sa paper works ko."

"Well, kung hindi na pala matutuloy ang pagbebenta sa lupa, hindi na niya
kailangang mag-stay roon para antayin si Atty. Aragon. Tatawagan ko bukas si Atty.
Aragon," anito.

"Nakakahiya. Okay, papayag akong ibenta ninyo ang kalahati ng lupa ko pero
siguraduhin lang ninyo na walang mag-o-over the bakod sa kural ko. Ayaw ko nang may
nakakausap na kapit-bahay," aniya.

Nanilay ang ngiti sa labi ni Antonio. Tumayo ito. "Si Chesca naman ang magiging
kapit-bahay mo, Anak," anito.

"Kahit presidente pa ng Pilipinas ang kapit-bahay ko. Pababakuran ko ng fifty feet


ang nasasakupan ko."

Natawa si Antonio. "Alright. Ang perang bayad sa lupa ay sa iyo naman mapupunta,
bahala ka na kung saan mo iyon i-invest," anito.

"As usual, sa Charity ko at sa Bar namin," aniya.


"Hindi na ako kukontra. Basta ipangako mo na mag-aaral ka ulit. Sayang ang kurso
mo."

"Okay, Dad. I have to go." Pagkuwa'y lumabas na siya.

Kung kailan nasa garahe na siya ay saka naman nagpakita si Chesca. Gabing-gabi na
pero makapal parin ang make up nito. Bihis na bihis ito.

"Nagmamadali ka ba? Baka puwede mo akong samahan manood ng concert," anito.

"Sorry, may emportante akong lakad," aniya. Binuksan na niya ang pinto ng kotse sa
driver side.

"Sandali lang naman, Rael. Namimis ko na ang bonding natin."

"May lakad nga ako 'di ba?"

"Saan? Sa Bar ninyo? Puwede ba akong sumama? Bored na talaga ako rito. Wala akong
kakilala maliban sa staff ng Hotel na busy."

"Puwede ka namang magliwaliw mag-isa."

"Hindi ko kabisado ang Maynila."

"Puwede kang magsama ng isa sa I.S ng Hotel."

"Wala na ba talaga akong halaga sa'yo, Rael? Parang wala tayong pinagsamahan. Alam
mo ba kung bakit ako sumama kay Dad dito? Dahil gusto kitang makita, makasama at
umasa na maibalik ang lahat sa atin," seryosong pahayag nito.

Hinarap niya ito ng maayos. "Chesca, akala ko ba nagkaintindihan na tayo? Ikaw ang
kusang lumayo sa akin. Okay na ang pagkakaibigan natin, e, pero kasi gusto mo
masunod ang gusto mo," aniya.

"Kasalanan ko bang matutunan kitang mahalin? Binabawi ko na ang sinabi ko na ayaw


ko na, pero hindi ko kayang mawala ka sa akin. Okay lang kahit hindi mo ako mahalin
basta nariyan ka lang sa tabi ko," giit nito.

"Ngayon pa ba? Gusto ko ng seryosong relasyon. Ayaw ko na ring magpaasa at umasa.


Nahanap ko na ang sarili ko, Chesca, sana ikaw rin," aniya saka tuluyang sumakay ng
kotse.
Matulin na pinatakbo niya ang sasakyan. Aminado siya, naging masaya siya sa piling
ni Chesca, natugunan nito ang pangangailangan niya. Minsan na niya itong pinag-
aralang mahalin ngunit kung kailan may nararamdaman na siya rito ay saka naman ito
nakipagrelasyon sa iba.

Mabilis niya itong natutunan mahalin ngunit mabilis ding naglaho ang damdamin niya
para rito. Mabilis napapalis ang amor niya sa isang bagay. Habang naiisip niya ang
nangyari sa kanila ni Chesca ay bigla na lamang dumapo sa balintataw niya si Shen.
Si Shen na ata ang babaeng inibig niya sa unang tingin at ito rin ang natatanging
babae na habang tumatagal ay lalo niyang iniibig.

Inaasahan niya noon na mawawala rin ang nararamdaman niyang iyon sa dalaga. Pero
nitong nagdaang linggo na hindi niya ito nakakausap ay napagtanto niya na hindi na
normal ang buhay niya kapag wala ito. At ngayong napasagot na niya ito ay lalo
niyang nadama sa puso ang galak. Hindi lamang niya masukat kung gaano siya kasaya
nang marinig mula sa dalaga na iniibig rin siya nito.

ALAS-DOSE na nang hating gabi pero nasa swimming pool parin si Shen at nagsasawsaw
ng mga paa sa tubig. Panay ang sipat niya sa cellphone niya sakaling tatawag si
Israel. Dinadalaw na rin siya ng antok.

Mahigit apat na oras palang na nawala si Israel ay pakiramdam niya'y isang tao na.
Tila noon lamang niya nasagap sa puso ang tinatawag na pag-ibig. Pakiramdam niya'y
si Israel na ang lalaking magdadala sa kanya sa altar. Ngunit bigla siyang napaisip
nang maalala ang sinabi minsan ni Jonas na may inanakan umanong babae si Israel.

Bigla siyang nanlumo. Wala pa mang napapatunayan ay may kung anong kumurot sa puso
niya. Hindi na natahimik ang isip niya.

Napapitlag siya nang bigla niyang marinig ang malakas na busina ng sasakyan kasunod
ang matulin na tibok ng puso niya. Sigurado siyang si Israel na iyon. Hindi lamang
siya umalis sa puwesto niya.

Mayamaya'y tumunog ang cellphone niya para sa mensahe. Agad niya iyong binasa nang
malamang mula kay Israel.

"Sa'n ka? Tulog ka na ba?" sabi ni Israel sa mensahe.

Sinagot naman niya ito at sinabi kung nasaan siya. Mayamaya pa'y naramdaman na niya
ang presensiya nito na papalapit sa kanya. Kumislot siya nang biglang may kung
anong kumiliti sa batok niya.

Nang pumihit siya sa likuran ay tumambad sa kanya ang isang perasong pulang rosas
na may mahalimuyak na amoy. Nasilayan niya ang matamis na ngiti ni Israel habang
inaalok sa kanya ang bulaklak. Tinanggap naman niya iyon.

Pagkuwa'y umupo ito sa tabi niya. Naghubad ito ng sapatos saka isinawsaw rin sa
tubig ang mga paa.
"Pinitas mo lang ata ito sa hardin, eh," aniya habang sinisilip ang dulo ng stalk
ng rosas. Halatang pinitas lang ng kamay.

"Meaning...hindi ko kailangang gumamit ng pera upang maipadama sa'yo ang pagmamahal


ko," sarkastikong turan nito. Sabay akbay sa balikat niya.

Napapangiti siya habang inaamoy ang bulaklak.

"Pinaghirapan kong itamin ang mga rosas para kapag may gusto akong bigya ay pipitas
na lang ako sa puno," anito.

Sinipat niya ito. "Ikaw pala ang nagtatanim ng mga halaman dito?" humahangang
tanong niya.

"Yap. Kapag stress ako, kung anu-ano ang itinatanim ko."

"Ano pala ang nangyari sa lakad mo?" pagkuwa'y iniba niya ang usapan.

"Okay naman. Napag-usapan namin ni Dad ang tungkol sa lupa."

"Ano, pumayag kang ibenta?"

"Oo na lang. May point naman si Dad. Actually matagal ko na gustong ibenta ang
kalahati ng lupain kaso minsan kapag may topak ako, gusto kong mag-alaga ng lion at
tigre rito."

Napabunghalit siya ng tawa. Kinurot niya ang hita nito na hindi naman nito ininda.
Napansin niya ang mga paa nitong nakasawsaw sa tubig.

"Kahuhubad mo lang ng sapatos nagbasa ka na ng paa? Mapapasma ka niyan," aniya.

"Ilang oras lang naman akong nagsuot ng sapatos. Gusto ko pa ngang maligo. Nausukan
kasi ako," anito.

"Magpahinga ka muna kahit isang oras," aniya.

"Maliligo ka rin?"

"Maginaw na."

"Maligamgam naman ang tubig."


"Inaantok na ako, eh."

"Ang dami mong dahilan," anito. Naghubad ito ng damit.

Iniilag niya ang tingin. Kahit ilang beses na niyang nasilayan ang katawan nito ay
tila sinisiklaban pa rin ng apoy ang katawan niya. Mamaya'y pantalon naman nito ang
hinubad nito. Lalong umilap ang tingin niya nang masipat ang mapipintog nitong mga
hita na nalalatagan ng pinong balahibo.

Mamaya'y lumusong na ito sa tubig. Sumisid ito.

Hindi pa man nababasa ng tubig ang katawan niya ang nanginginig na siya. Nakabihis
na siya ng pantulog. Dapat kanina pa siya nakahiga sa kama. Nagsisi siya bakit
hinintay pa niya si Israel.

Hindi na niya nakikita si Israel, tahimik rin ang tubig. Madilim sa ilalim ng tubig
kaya hindi niya nakikita ang sumisisid. Mamaya'y bigla na lamang umahon sa paanan
niya si Israel. Napalukso ang puso niya. Kamuntik pa siyang mapasigaw.

"Tara na!" aya nito at hindi niya inaasahan nang pumagitna ito sa mga paa niya.

Hinawakan nito ang mga binti niya. Bigla na lamang nalusaw ang nakangangatal na
ginaw sa katawan niya nang himukin ng mga kamay nito ang binti niya patungo sa
kanyang malulusog na mga hita. Napalunok siya. Basa na ang pajama niya.

"Wait, puwede bang maghubad?" wala sa loob na tanong niya.

"Aba, oo naman. Pabor sa akin 'yan. Bawal mag-swiiming na hindi naka-underwear,"


sarkastikong sabi nito.

Uminit ang mukha niya. Mali ang tema ng sinabi niya.

Naiilang siyang magpakita ng katawan kahit wala naman siyang dapat ikahiya. Pero
habang pinagmamasdan niya si Israel na tila atat na masilayan ang katawan niya ay
bigla siyang nasabik.

Pagkuwa'y kumilos na siya, naghubad siya ng damit, ng pajama. Nahantad ang alindog
ng katawan niya na natatakpan lamang ng itim na panty at bra.

"Wow!" buong paghangang bigkas ni Israel habang titig na titig sa kanya.

Pagkuwa'y lumusong na siya sa tubig. Hindi pa man siya nakakalangoy ay sinalubong


na siya nito; ginagap ang kanyang kamay saka hinatak palapit rito. Napakislot siya
nang lingkisin ng braso nito ang baywang niya at pinagdikit ang mga katawan nila.

"Sana pala hindi ka na lang naghubad," anas nito habang ang bibig ay nasa tungki ng
ilong niya.

Nakatitig lamang siya sa mga mata nito na kung tumitig ay waring mata ng gutom na
tigre at may balak na lapain siya. Naramdaman niya ang pagdausdos ng kamay nito sa
kanyang balakang; sa kanyang mga hita. Bawat haplos ng palad nito sa balat niya ay
waring apoy na pumapaso.

"Gabi naman hindi mo makikita ang mga barya ko sa katawan," biro niya.

Bumungisngis ito. "Hindi naman kita minahal para maangkin ang katawan mo. Wala rin
akong pakialam sa mga barya mo. Pero siyempre, lalaki pa rin ako, nagnanasa at
natutukso. Don't worry, hindi ako mawawalan ng kontrol basta huwag mo lang akong
pangunahan," nakangiting sabi nito.

Ngumiti lamang siya.

Ginagap nito ang kaliwang kamay niya saka nito iyon pinaglandas sa dibdib nito.
Natigilan siya nang bigla siyang salakayin ng bayolenteng init nang madama niya ang
kakisigan ng katawan nito.

"Feel free to touch me, Baby, I'm yours. Puwede mo akong angkinin kung kailan mo
gusto," anas nito.

"Inosente ako, Rael," bigla'y nabigkas niya.

Tumawa ito ng pagak. "Halata naman, e. Pero pinapangunahan na kita, hindi ako
maginoó. Kung magpaparaya ka ay aangkinin kita."

Kinilabutan siya sa sinabi nito. Pinanghawakan niya iyon at paninindigan. Nasa


kanya pa rin ang kontrol anuman ang mangyari.

Hindi siya umimik hanggang sa unti-unti nitong ilapit ang mukha sa mukha niya.
Pumikit siya pero pinigilan niya ang sarili na huwag damhin ang init na ipapadama
nito.

Mamaya'y nadama niya ang pag-ipit ng bibig nito sa ibabang labi niya. Mangmang siya
sa usapang halik. Pagkuwa'y naramdaman niya ang munting dila nito na nagpupumilit
mahimasok sa bibig niya. Dumilat siya ng mata, ibinuka niya ang kanyang bibig upang
sana'y magsasalita ngunit natigilan siya nang tuluyan nitong sakupin ang bibig
niya.

Nagulat siya sa biglaang pag-alab ng halik nito, pangahas na halik na sa pakiramdam


niya'y nilulusaw ang mga buto niya. Kumikilos ang mga kamay nito, naghahapuhap sa
kanyang katawan. Hinawakan niya ang kamay nito na biglang dumapo sa dibdib niya.

Nag-panic siya nang maramdaman niya ang pangangatal ng katawan nito, ang pagkabuhay
ng mga kalamnan nito. May gigil ang bawat paghagod nito sa katawan niya. Siya ri'y
nagsimulang mangatal at nag-init.

Kung kailan natutong kumilos ang bibig niya ay saka naman bumitiw sa kanya si
Israel. Dumestansiya ito sa kanya.

"Shet! God! I can't help it!" usal nito.

Nakikita niya sa mukha nito ang matinding frustration—na aminado siyang naramdaman
rin niya sa kanyang sarili.

Nagmadaling umahon sa tubig si Israel. Nagsuot ito ng damit.

"Bakit?" wala sa loob na tanong niya.

"Umahon ka na riyan," utos nito sa kanya.

Umahon naman siya.

"Hindi na sana kita niyayang maligo. Nasaktan lang ang kaluluwa nating dalawan,"
anito habang nagsusuot ng pantalon.

Hindi na lamang siya umimik. Pagkuwa'y nauna na itong pumasok sa kabahayan.

=================

Chapter Eight

KINABUKASAN ng gabi, mula sa Tagaytay ay sumama si Shen kay Israel hanggang sa bar
ng mga ito. Hindi niya inaasahan na ipapakilala siya nito sa mga kaibigan nito. Ang
Bartender na si Scotch ay nagiging kaibigan na niya dahil sa ito madalas ang nagsi-
serve ng cocktail sa kanya.

Nagulat ang mga kaibigan ni Israel nang sabihin nitong nobya siya nito. Tila hindi
pa maniwala ang mga ito at nagawa pang kantiyawan si Israel. Nagkaroon siya ng
agam-agam nang sabihin ni Brandy na disposable raw ang mga babae kay Israel o mas
kilalang si Vodka sa bar na iyon. Bagaman biro ang pagkakasabi ni Brandy pero
dinamdam niya iyon.
Nang maka-upo na sila ni Israel sa bakanteng mesa ay saka pa lamang sila nakapag-
usap ng sarilinan. Nag-order din ito ng pagkain.

"May order akong beef tacus, kumakain ka ba n'on?" tanong nito.

"Oo naman," aniya.

"Hindi ako nag-order ng kanin. Pizza at caramel cake lang ang order ko. Okay lang
ba?" anito.

"Okay lang."

Mamaya pa'y may lumapit na lalaki na dala ang pagkain nila. Matangkad ito at
guwapo. Nakasuot ito ng chef jacket. Natural ang ngiti nito na may kasamang
panghuhusga.

"Hey, Vodka! New victim?" tanong nito kay Israel pagkalapag ng pagkain nila.

"Dude, walang ganyanan. Shen, siya pala si Tequila, Miguel ang tunay niyang
pangalan. Siya ang Chef namin dito," ani Israel sabay pakilala sa kaibigan nito.

Mabilis namang nag-alok ng kanang kamay si Tequila. Dinaup naman niya ang palad
nito. Pilyo ang ngiti nito.

"Injoy your meal," anito sabay iwan sa kanila.

Natakam siya bigla sa small size na Italian Pizza na namumutakti sa cheese. At ang
caramel cake ay parang kulang pa iyon kay Israel sa liit niyon.

"Mahilig ka pala sa sweet?" aniya.

"Yap. Ikaw, anong hilig mong kainin?" pagkuwa'y tanong nito.

"Something salty. Mahilig ako sa prutas at gulay," aniya.

Una niyang pinapak ay ang tacus na namumutakti rin sa cheese. Si Rael naman ay
unang nilantakan ang cake. Ramdam niya ang pormal na relasyon nila. Lalo niyang
hinangaan si Israel sa pagiging natural nito.

Maya't-maya naman ang linga niya sa paligid habang kumakain. Ewan niya bakit siya
kinakabahan. Pakiramdam niya'y may taong nakamasid sa kanila. Hindi siya mapakali
sa kinaluklukan niya.
Nang tumingin siya sa gawi ng entrance ay namataan niya si Jonas na may kasamang
dalawang lalaki. Bigla siyang nataranta. Uminom siya ng tubig.

"Ahm, magbabanyo lang ako," apila niya kay Israel.

"Sige," sabi naman nito.

Tumayo na siya at malalaki ang hakbang na tinungo ang palikuran. Hindi parin
humuhupa ang kaba niya kahit nang makapasok na siya sa palikuran. Hindi siya
makapag-isip ng maayos.

May limang minuto na siyang nasa loob ng palikuran pero wala parin siyang maisip na
mainam niyang gawin. Mamaya'y tumunog ang cellphone niya para sa mensahe. Si Israel
at tinatanong kung nasaan na daw siya. Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya.

Lumabas na lamang siya. Ginulo niya ang buhok niya at bahagyang nakayuko habang
naglalakad. Kumukubli siya sa mga taong nakakasabay niya. Sa labis na taranta ay
hindi na niya nailagan ang dapat ilagan. Bumalya siya sa likod ng isang lalaki na
tila nagulat at bigla siyang nilingon.

Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Jonas na kausap ng naturang lalaki.
Awtomatiko'y ngumiti ito nang makita siya.

"Shen, oy, anong ginagawa mo dito?" nagagalak na tanong nito sabay hawak sa balikat
niya.

Iniwaksi niya ang kamay nito bagay na ikinagulat nito. "Napadaan lang ako," aniya.

"Talaga lang ha. Sinong kasama mo?" usisa nito.

"Wala."

"Kung ganun sumama ka na lang sa amin. Mamaya sumabay ka na sa akin pag-uwi,"


anito.

"Salamat na lang pero nagmamadali ako," aniya at tinangkang iwan ito ngunit bigla
nitong hinapit ang braso niya.

"Bakit ba ang ilap mo na sa akin, huh?" marahas na saad nito.

Kung hindi lang siya mapapahiya ay babalian na niya ito ng buto pero mukhang mga
propisyonal ang mga kasama nito. Ayaw din niyang mapahiya ito. Pero napahigpit ata
ang kapit nito sa braso niya.
"Ano ba! Bitawan mo ako, Jonas!" asik niya.

"Bakit ba?" natatawang tanong nito.

Nagpumiglas siya ngunit lalo lamang humihigpit ang kapit nito sa braso niya.
Mamaya'y biglang may humawak sa kamay ni Jonas at sapilitang inalis iyon buhat sa
pagkakahawak sa kanya. Nagkasabay pa silang tumingin ni Jonas kay Israel na niyon
ay naninigas ang mga panga.

"Nagkakamali ka ata ng babaeng binabastos, pare," matigas na wika ni Israel kay


Jonas.

"S-sir Israel," natatawa pang bigkas ni Jonas. Mukhang tinamaan na rin ito ng alak
na nainom nito.

"Yes? Napansin ko na mukhang binabastos mo si Shen," ani Israel.

"Binabastos? Hey, syota ko itong si Shen." Nawala na ang respeto ni Jonas kay
Israel.

Bumungisngis naman si Israel. "Syota mo? Huwag kang ilusyunado, pare. Nobya ko
inaangkin mo?" pilyong sabi ni Israel.

Bigla na lamang ginupo ng takot si Shen nang masaksihan ang reaksiyon ni Jonas.
Titig na titig ito sa kanya. Mamaya'y humalakhak ito sa harapan ni Israel.

"Marunong ka rin palang magbiro, Sir? Kailan ka pa pumatol sa babaeng ipinanganak


sa alikabok? At hindi ko nga syota si Shen pero hindi ko papayagan na ibilang mo
siya sa mga babaeng inanakan mo na parang aso pagkatapos ay aabandunahin!" walang
prenong usal ni Jonas.

Nawindang si Shen. Nang sipatin niya si Israel ay nangangalit na ito at walang anu-
ano'y bigla nitong inulanan ng suntok sa mukha si Jonas. Nanlaban naman si Jonas at
gumanti ng suntok. Nagkagulo na.

Hindi na nakasingit si Shen sa gulo nang may dumating na dalawang bouncer at inawat
ang dalawang lalaki. Hindi niya alam kung sino ang lalapitan niya. Hindi na niya
makilala si Jonas buhat sa namamaga at duguan na ang mukha nito. Si Israel naman ay
napunit lang ang ibabang labi nito at may kaunting dugo na lumabas. Nababalot pa
rin ng galit ang mukha ni Israel.

Inilabas na ng mga boucer si Jonas. Nang humupa na ang kaguluhan ay sinamahan niya
si Israel sa private room ng bar at ginamot ang sugat nito. Nanggagalaiti pa rin
ito sa galit habang nakaupo sila sa sofa.
"Hindi mo na sana siya pinatulan," aniya.

"Hindi na sana pero narinig mo naman ang mga pinagsasabi niya."

"Kahit na. Paano kung bigla siyang magsumbong sa Daddy mo?" nababahalang saad niya.

"Hindi niya puwedeng gawin iyon. Ako mismo ang magtatanggal sa kanya sa kompanya."

Naisip niya bigla ang mga sinabi ni Jonas. Apektado siya pero hindi niya
pinapahalata kay Israel. Hinihintay niya na ito mismo ang magpapaliwanag sa kanya.

"Naniniwala ka ba sa sinabi ni Jonas, Shen?" mamaya'y tanong nito.

Matiim na tinitigan niya ito. "Dapat ba ako maniwala?" usig niya.

"Ayaw kong maglihim sa'yo. Totoo ang isyu noon na may nabuntis akong babae. Akala
ko rin noon na ako ang ama ng bata pero nang ipa-DNA ko ay napatunayan kong hindi.
Humingi ng sustento ang babae kay Daddy. Doon nagsimula na nawala ang tiwala ni
Daddy sa akin dahil naging kontrobersiyal ang isyung iyon na nataon na
nangangampanya siya sa pagka-Congressman. Galit na galit siya sa akin noon," kaswal
na kuwento ni Israel.

Hindi man totoo pero masakit pa rin para sa kanya na isiping marami nang babae ang
dumaan sa buhay ni Israel. Marami na itong pinagsawaang babae.

"Pero ang totoo...ilan na ang babae na dumaan lang sa buhay mo?" usig niya. Bahagya
siyang napayuko.

"Marami na rin," walang kiming pag-amin nito.

"Kabilang ba ako sa kanila?"

Ginagap nito ang kamay niya. "Huwag mong itulad ang sarili mo sa kanila, Shen,
dahil iba ka. Lahat naman ng tao may karapatang magbago 'di ba?"

Tumitig siya sa mga mata nito. "Iyon ang dahilan kung bakit nahirapan akong
magtiwala sa'yo noong una, Rael. Iyon kasi ang pagkakakilala ko sa'yo—na baka isa
lang ako sa babaeng mag-aaliw sa'yo pagkatapos ay pagsasawaan mo kapag hindi na
epektibo ang performance ko," seryosong pahayag niya.

"Naiintindihan ko. Ginagawa ko naman ang lahat para patunayan sa'yo na seryoso
ako."

"Araw pa lang ang lumipas na naging tayo, Rael. Marami pang pagbabago ang
magaganap. Kaya kung puwede ay huwag muna nating seryosohin ang relasyong ito,"
aniya.

Tumayo ito at dinampot ang jacket nito na nakapatong sa kama. Isinuot nito iyon.
"Ako ang magdadala ng relasyong ito, Shen. Ang gagawin mo lang ay magtiwala sa
akin. Mahal kita iyan ang tandaan mo," anito saka lumapit sa pinto, "ihahatid na
kita sa inyo," patuloy nito.

Tumayo na rin siya. Nakasunod siya sa likuran nito habang papalabas sila ng bar.

MAKALIPAS ang dalawang linggo. Isang linggo ring hindi nakita ni Shen si Jonas sa
Hotel. Nang muli itong pumasok ay mailap na ito sa kanya. Hindi na rin ito dumadaan
sa bahay nila o bumili manlang sa tindahan nila.

Nangangamba pa rin siya sa isiping magsusumbong ito kay Mr. Montel. Mabuti nalang
at wala pa namang nababanggit sa kanya ang Congressman. Kilala niya si Jonas, alam
niyang gaganti ito kay Israel. Tuso rin ito.

Pagsapit ng tanghalian ay mag-isa siyang tumungo sa dining upang kumuha ng pagkain


niya gamit ang meal stab niya. Ilang araw na rin siyang hindi nakakatikim ng mga
pagkain na hinahain ng Hotel. Hindi pa man siya nakaka-order ng pagkain niya ay
tumunog na ang cellphone niya.

May mensahe siya mula kay Israel.

"Wag ka na order foods mo. Punta ka here office ko," sabi sa mensahe ni Israel.

Kinabahan siya. Hindi puwede ang hiling ni Israel. Gayunpaman ay pinuntahan niya
ito sa opisina nito pero hindi siya pumasok. Binuksan lamang niya ang pinto at
sinilip ito.

"Come in," anito. May mga pagkain na sa ibabaw ng office table nito.

"Nag-order na ako ng pagkain ko," sabi nalang niya.

Lumapit ito sa kanya. "Come on. Dinamihan ko ang order ko para sabay tayo," anito.

"Rael hindi puwede."

"Pinatanggal ko ang CCTV rito sa opisina ko kaya wala kang dapat ipag-alala,"
anito.

Palinga-linga muna siya sa paligid bago pumasok. Ilang araw na ring hindi sila
nagkasabay kumain. Madalas kasi siyang isinasama ni Mr. Montel sa mga lakad nito.
Miss na rin niya ang binata.
Hindi pa man sila nakakaupo ay pinatikim na siya nito ng matamis nitong halik.
Tumugil sila sa harap ng mesa at naghinang ang kanilang mga labi. Hindi niya alam
kung kailan siya natutong tumugon sa halik nito. Nakalimot siya ng ilang sandali.
Siguro'y ganoon din si Rael.

Natigilan siya nang marinig ang mahinang pagbukas ng pinto at dahil nakaharap siya
sa pinto ay namataan niya ang babaeng tila sumilip lang at agad ding isinara ang
pinto. Kumawala siya kay Israel.

"Bakit?" kunot-noong tanong nito.

"M-may tao," aniya.

"Saan?" tumingin din ito sa pinto. Nag-abala pa itong sumilip sa labas.

"Wala namang tao sa labas," anito pagkuwan.

Hindi na humupa ang kaba niya. Hindi siya nagmamalikmata. Nakita niya ang babae na
tila nagulat pa nga.

"Kumain na tayo," anito. Nagtiuna na itong umupo sa harap ng mesa.

Umupo na lamang siya sa tabi nito. Lumalamig na ang mga pagkain buhat sa lamig ng
kuwarto. Hirap siya sa paglunok sapagkat hindi maalis sa isip niya ang babaeng
nakita niya.

"Okay ka lang?" anito.

Tumango lamang siya. Hanggang matapos silang kumain ay hindi pa rin humuhupa ang
kaba niya. Gusto na niyang sumibat pero nang magpaalam siya kay Israel ay ikinulong
naman siya nito sa bisig nito saka siniil ng halik ang mga labi niya.

Gusto niya itong itulak pero hindi niya maikilos ang katawan niya. Pakiramdam
niya'y hindi na nakalapat ang mga paa niya sa sahig. Nang imulat niya ang kanyang
mga mata ay saka lamang niya naramdaman na karga siya ni Israel. Humakakbang ito
palapit sa sofa habang pinupuno ng halik ang leeg niya. Kumapit siya sa batok nito.

Umupo ito sa sofa habang pangko siya sa mga hita nito. Mahigpit ang kabig nito sa
baywang niya habang ang kanilang mga labi ay magkahinang. Nanginginig ang katawan
niya sa kabila ng kabang bumabalot sa pagkatao niya.

"Rael..." mahinang bigkas niya nang palayain nito ang labi niya.
Tumulay ang mainit na bibig nito sa leeg niya...habang ang mga kamay nito'y
kumikilos, humahaplos sa bawat bahagi ng katawan niya. Napaigtad siya nang isubsob
nito ang mukha sa dibdib niya. Hindi niya namamalayan na kinakagat na nito ang
botones ng blouse niya.

Wala na siyang malay sa nagaganap. Waring nagkaroon ng sariling buhay ang katawan
niya at sunod-sunuran sa kapareha. Nadama na lamang niya ang mainit na bibig ni
Israel na sumasakop sa dunggot ng kanyang dibdib—na kung paano nito iyon napalaya
sa kanyang saplot.

Napahigit ang panunulas ng banayad na ungol sa bibig niya. Humigpit ang kapit niya
sa batok ng binata, habang inililiyad ang katawan upang bigyang laya itong kubkubin
ang dibdib niya. Hindi niya napigil ang mga kamay na nangahas na loobin ang polo ng
kapareha at nasapo niya ang matipunong dibdib nito.

Tila ba siyang nahimasmasan nang madama niya sa kanyang mga hita ang biglang
pagkabuhay ng pagkalalaki ni Israel. Tumigil siya sa pagkilos. Ngunit si Israel ay
lalo lamang nangahas ang kilos. Nagsimula lang naman ang lahat sa simpleng halik
pero masyado na silang nadarang sa tukso.

Lalo lamang siyang nakalimot nang punuin nito ng halik at pinong kagat ang tuktok
at puno ng nahantad niyang dibdib. Diwa na lamang niya ang nagpupumiglas ngunit ang
katawan niya ay naliligayahan.

Mamaya'y kumilos muli si Israel saka siya mahinhin na inihiga sa sofa. Naghubad ito
ng damit at muli na naman sanang sasambahin ang katawan niya nang biglang tumunog
ang telepono sa ulunan nila.

"Damn!" bulalas nito sabay bumalikwas ng bangon.

Dinampot nito ang receiver ng telepono saka sinagot sabay tingin sa kanya. Abala na
siya sa pag-aayos ng kanyang sarili.

"Wala siya rito," sabi ni Israel sa kausap sabay baba sa receiver ng telepono.

"Hinahanap ka ni Daddy," sabi nito sa kanya.

Hindi na siya umimik. Kanina pa niya pilit ayusin ang lock ng bra niya pero hindi
niya maayos. Nakasuot na kasi iyon.

Tumingin sa kanya si Israel. Mamaya'y lumapit ito sa likuran niya saka ito nag-
abalang ayusin ang bra niya. Nataranta na kasi siya at kinakabahan kaya pati
pagsusuot ng saplot ay hindi niya maayos.

Ito pa ang nagsuot sa kanya ng blazer niya. "Hihintayin kita mamayang seven sa
garahe," sabi nito pagkuwan.
"Huwag na. Baka diretso na ako sa bahay pagkagaling namin sa kapitolyo," aniya.

"Okay. Tawagan mo na lang ako kapag naka-uwi ka na."

Tumango lamang siya. Pagkuwa'y iniwan na niya ito.

Bago siya magpakita kay Mr. Montel ay pumasok muna siya sa palikuran at inayusan
ang sariling mukha. Habang nakaharap siya sa malaking salamin ay napansin niya ang
babaeng kalalabas sa isang pinto ng palikuran.

Natigilan siya nang mamukhaan niya ito. Hindi siya nagkakamali...ang babaeng iyon
ang nakita niyang sumilip kanina sa opisina ni Israel. Tila nagulat din ito nang
makita siya. Lumapit pa ito sa tabi niya at naghugas ng kamay.

"Anong trabaho mo rito sa Hotel?" tanong nito.

"Internal Secury, bodyguard ni Congressman," aniya.

"Slash...fling ni Israel?" kiming wika nito.

Natigilan siya. Tinitigan niya ito buhat sa salamin. Nakangiting nakatingin din ito
sa kanya.

"Aksidente lang naman ang pagkakita ko sa inyo kanina. Ugali ko kasi na bulagain si
Rael sa office niya. At ako ang nabulaga. Well, wala naman sa akin 'yon, sanay na
ako sa ex ko," anito.

Hinarap niya ito. "Ex?!" manghang sambit niya.

"Yeah. Ako nga pala si Chesca Ocampo, ang dating nobya ni Rael bago ikaw. Nobya ka
nga ba niya?"

Nawindang siya. Ang babaeng ito ang ikinuwento ni Rael na ex nito. Pero bakit ito
naroroon? At hindi siya natutuwa sa tema ng pananalita nito. Parang may gusto itong
ipamukha sa kanya. Hindi naman niya puwedeng itanggi na nobya siya ni Rael dahil
may proweba ito na may relasyon sila ng lalaki.

"Huwag kang mag-alala, hindi naman madulas ang dila ko e. Kung hindi ako
nagkakamali, wala pang nakakaalam sa relasyon ninyo maliban sa akin. Siguro mahal
mo ang trabaho mo at napapansin ko na masugid kang trabahante ni Tito Antonio.
Puwede tayong maging magkaibigan," nakangiting sabi nito. Mukha itong mabait pero
wala siyang tiwala sa pinagsasabi nito.

"Actually hindi naman ako natatakot matanggal sa kompanyang ito. Wala rin akong
balak na lumikha ng lingasngas na ikasisira ng pangalan ng Boss ko," palabang wika
niya. Mas matangkad siya rito pero taas-noó pa rin siya.

"Kung ganun bakit kailangan pa ninyong ilihim ang relasyon ninyo ni Rael? Dahil ba
alam mo na hindi ka papasa kay Tito Antonio?" usig nito.

"Inaamin ko. May tiwala naman ako kay Rael na ipaglalaban niya ako kung sakali,"
aniya.

Tumawa ito ng pagak. "Magdilang-anghel ka, girl. Ako kasi tinawag ko na lahat ng
santo sa purgatoryo at hiniling na bumalik sa akin si Rael, pero napagtanto ko na
hindi pala lahat ng dasal ay natutugunan."

"Baka kasi imposible ang dinadasal mo," sarkastikang turan niya.

Mabilis na napalis ang ngiti ni Chesca. Matalim ang titig nito sa kanya. "Well,
sana lang ay tumagal ang epekto ng gayuma mo kay Rael," anito sabay bira ng
talikod.

Para siya nitong binatukan dahil sa sinabi nito. "May isang drum ako ng gayuma,
hindi naman siguro mauubos 'yon hanggang sa tumanda kami ni Rael. Gusto mo ba?
Bibigyan kita para kahit sandali e balikan ka ni Rael," simpatikang wika niya.

Sandali lamang siyang nilingon ni Chesca saka ito padabog na lumabas. Naibalya pa
nito ang pinto.

Gusto niyang humagalpak sa tawa pero hindi niya magawa. Nagising ang kapilyahan
niya. Ganoon siya kapag pakiramdam niya'y naaapi siya. Pero ang totoo...masikip ang
dibdib niya. Nararamdaman na niya ang posibleng pader na sasagupain niya sa
pakikipagrelasyon kay Rael.

Mamaya'y lumabas na rin siya at hinagilap si Mr. Montel. Magsusumikap nalang siya
na tumibay pa ang magandang ugnayan nila ng future father in law kuno niya.

Naglalakad siya sa pasilyo patungo sa tanggapan ni Mr. Montel nang hindi niya
inaasahan na masalubong si Jonas. Noon na muli sila nagkita matapos ang eskandalo
sa Bar nila Israel. Akala niya'y hindi pa rin siya nito papansinin pero napahinto
siya nang hawakan nito ang kanang braso niya.

"Kamusta naman ang magaling mong nobyo?" nakangiting tanong nito.

Marahang iniwaksi niya ang kamay nito. "Hindi ko nobyo si Sir Rael," kaila niya.

"Sinong niloko mo, Shen? Kinausap ako kahapon ng Israel na iyon at alam mo kung
anong sinabi sa akin? Huwag daw ako magsasalita tungkol sa relasyon ninyo kundi
ipapatanggal niya ako rito sa Hotel," gigil na wika nito.
Natigilan siya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya.

"Ang totoo hindi naman ako natatakot matanggal sa trabaho e. Ang ikinapuputok lang
ng butsi ko ay ang pananakit niya sa akin nang gabing iyon sa Bar. At ang banta
niya na kapag ginalaw kita ay titinggan niya ang ulo ko?" patuloy nito.

Hindi siya makapaniwala na masasabi iyon ni Israel. Propisyunal si Rael. Hindi iyon
magbabanta ng ganoon sa isang tao.

"Hindi totoo 'yan. Hindi balasubas si Rael," aniya.

"Sige, magpakatanga ka sa lalaking iyon. Balang araw, kakainin mo ang mga salita
mo. Lalasahan ka lang no'n pagkatapos na tumabang ka na sa panlasa niya saka ka
niya iiwan."

Sa inis niya'y sinampal niya ito. Nanginig ang mga laman niya buhat sa tabas ng
dila nito. Masyado itong marahas magsalita.

Bumungisngis lang ito saka siya iniwan.

=================

Chapter Nine

ILANG beses na nakikita ni Shen si Chesca sa hotel at madalas silang magkasagutan.


Panay kasi ang pan-uuyam nito sa kanya. Hindi naman siya ang tipo na magpapaapi
nalang. Hanggang dumating ang panahon na nagtanim na ito ng galit sa kanya.

Martes ng umaga. Dapat ay day off niya nang araw na iyon pero hindi siya pinayagan
ni Mr. Montel at isinama nanaman siya nito sa Tagaytay. Aasikasuhin na nito ang
lupang ibebenta. At tulad ng inaasahan niya, naroroon nanaman si Israel at isa ito
sa nakikipag-usap sa buyer ng lupa.

Nagulat siya nang makita roon si Chesca. Napag-alaman niya na ama pala nito si Mr.
Ocampo—ang bibili ng lupain ni Israel. Pagsapit ng tanghalian ay sabay-sabay na
kumain ang mga Amo niya subalit siya ay palakad-lakad lamang sa sala at minsa'y
lalabas.

Buhat roon sa sala ay natatanaw niya ang kusina at ang mga kumakain. Katabi ni
Israel si Chesca at ang mga tatay ng mga ito ay magkaharap at abala sa pag-uusap.
Napansin niya si Israel na tahimik at panay ang sipat sa gawi niya.

Sumisikip ang dibdib niya habang pinagmamasdan ang mga ito sabay isip na hindi siya
nararapat na mabilang sa pamilya ni Israel. Minsan ay nahihinuha niya na tama si
Chesca, tama si Jonas—na darating ang araw na magbabago si Israel. Pero hindi siya
basta nagpapa-apekto sa mga hakahaka ng iba.

Pagkatapos kumain ng mga amo niya ay siya naman ang kumain kasama si Manang Roseng.
Habang kumakain sila ng Ale ay bigla namang sumulpot si Chesca at naghagilap ng
kung ano sa ref.

"Manang puwede bang magpagawa ng mango shake?" tanong nito sa Ale.

"Opo, mamaya po," ani Manang Roseng.

"Ngayon na po sana," ani Chesca.

Tumayo naman ang Ale. Inawat niya ito. "Manang tapusin mo muna ang pagkain mo,"
aiya.

"E kailangan na ni Ma'am Chesca," anang Ale.

"Hindi ba siya marunong? Uunahin mo pa ba siya kisa sa kumakalam mong sikmura?


Hindi naman siya ang nagpapasahod sa'yo para utusan ka niya na wala sa oras,"
aniya.

Hindi umimik ang Ale. Umupo itong muli.

"Manang?" ani Chesca.

"Kakain ho muna ako, Ma'am," anang Ale.

Lumapit sa kanila si Chesca at nakapamaywang. "Ganyan ka ba kung magtrato sa bisita


n'yo?" mataray nitong tanong.

Kanina pa siya naiinis sa babaeng ito. Tumayo siya. "Mawalang galang lang, Miss.
Chesca. Hindi ba puwedeng patapusin mo munang kumain si Manang Roseng?
Makapaghihintay naman ang mango shake mo e," mahinahong wika niya sa babae.

Binalingan naman siya nito. "Hindi ikaw ang kinakausap ko," mataray na sabi nito.

"Hindi naman kasi makatarungan ang pag-utos mo sa matanda. At isa pa, hindi naman
ikaw ang amo ni Manang Roseng para apurahin mo siyang sundin ang utos mo. Oo bisita
ka rito pero sana konting respeto naman sa tao. Ikaw kaya abalahin sa gitna nang
nahihilo ka na sa gutom?"

Tumaas ang isang kilay ni Chesca. "Ang lakas naman ng loob mong sagutin ako ng
ganyan. Nakasandal ka lang sa pader, e kung sino ka nang magtapang, e guwardiya ka
lang naman!" Bahagya nang tumaas ang tinig nito.

Napatayo na si Manang Roseng. "Tama na po," anang ale.

"Hindi lang ako sanay na minamaliit at maging ang kapwa ko. Guwardiya lang ako pero
ipinagmamalaki ko ang trabaho ko. Kahit papano, wala akong inaapakang tao. Hindi
lumalaki ang ulo ko por que naging kasintahan ko ang anak ng boss ko. Hindi ko
kasalanan kung mahalin ako ni Israel, tama naman ang landas na tinatahak niya,"
matapang niyang tugon.

"Ah ganun? Kawawa naman si Rael, napunta siya sa babaeng babagsak sa kanya."

"Mas kawawa siya kung sa'yo siya napunta. Kasi tatanda siyang may galit sa mundo."

Tumapang ang anyo ni Chesca at bigla na lamang umangat ang kanang palad nito saka
pinalipad sa mukha niya, pero hindi iyon tumama sa pisngi niya sapagkat sinalo niya
ang kamay nito. Kumilos naman ang kaliwang kamay nito at sanay isasampal sa kanya.

"Chesca!"

Natigilan sila pareho ng babae at napatingin sa bukana ng pinto kung saan nakatayo
si Israel. Binitawan naman niya ang kamay ni Chesca. Dumestansiya ito sa kanya nang
papalapit na sa kanila si Israel. Nangangalit ang mukha ng binata.

"Kailan ka pa nagkaroon ng karapatang saktan si Shen? Binibigyan mo ba ako ng


dahilan para kamuhian kita?" seryosong tanong ni Israel kay Chesca.

Hindi umimik ang babae. Bigla na lamang itong umalis.

"Ano bang nangyari?" mamaya'y tanong ni Israel.

Umupo muna siya at uminom ng tubig. Pakiramdam kasi niya'y sasabog ang puso niya.
Si Manang Roseng na lamang ang sumagot.

"Si Ma'am Chesca po kasi inutusan ako na gumawa ng mango shake niya, e sabi ko
uubusin ko muna ang pagkain ko. Gusto niya kasi agad-agad," sumbong ng ale.

Tumingin sa kanya si Israel. "Nasaktan ka ba niya?" pagkuwa'y tanong nito sa kanya.

"Papayag ba akong saktan niya?" paangil na tugon niya.

"Kumain na kayo," sabi na lamang nito saka sila iniwan.


PAGSAPIT ng alas-siyete ng gabi ay nagpaalam na si Mr. Ocampo kasama ang anak nito.
Nagpaiwan naman sila ni Mr. Montel. Gusto kasi nitong magpahinga. Kasama niya ang
driver na si Mang Andoy na naghapunan. Hindi pa niya napapansin si Israel magbuhat
kaninang tanghali. Hindi naman ito umalis.

Alas-otso palang ng gabi ay tulog na si Mr. Montel sa kuwarto nito. Maging si Mang
Andoy ay tulog na rin sa inakupa nitong kuwarto. Tahimik na ang kabahayan. Parang
hating gabi na.

Tinulungan niya si Manang Roseng sa pagliligpit ng mga pinagkainan ng mga bisita.


Hindi pa rin kasi siya madalaw-dalaw ng antok.

Si Rael po ba kumain na?" hindi natimping tanong niya sa Ale.

"Oo. Nagpahatid siya ng pagkain sa kuwarto niya kanina. Masama raw kasi ang
pakiramdam niya," anito.

"Bakit ho?" Bigla siyang nag-alala sa binata.

"Ewan ko. Nang madatnan ko kasi siya sa kuwarto niya ay nakahilata lang siya sa
kama at nanunuod ng TV."

"Ganun ba?"

"Bakit hindi mo siya puntahan?" pagkuwa'y suhesyon ng Ale.

"Baka po tulog na siya."

"Hindi pa iyon natutulog. Baka mamayang hating gabi e lalabas pa iyon. Ikaw nalang
pala ang magbigay sa kanya ng gamot. Sabi kasi niya sinisikmura siya," anang ale.

"Sige ho."

Pagkuwa'y inasekaso na ng ale ang gamot ni Israel at tubig na inumin nito. Umakyat
na siya sa ikalawang palapag kung saan ang kuwarto ni Israel. Nasa pinakadulong
kuwarto ang sabi ni Mang Roseng, sa gawing kaliwa.

Dalawang beses siyang kumatok bago bumukas ang pinto. Bumungad sa kanya si Israel
na bagong ligo at tuwalya lamang ang nakatakip sa ibabang bahagi ng katawan nito.
Napalunok siya nang mapatingin siya sa dibdib nito.

Tinitigan nito ang dala niyang baso ng tubig. "Para saan 'yan?" tanong nito.

"Dinalhan kita ng gamot. Sabi kasi ni Mang Roseng ay masama ang pakiramdam mo,"
aniya.

Binuksan nito ng tuluyan ang pinto. "Pumasok ka," anito.

Hindi siya kumilos. "Hindi na. Ibibigay ko lang itong gamot mo," aniya.

"Hindi naman ako matatablan ng gamot. Makasama lang kita okay na ako," sarkastikong
sabi nito.

"Baka kasi makakaabala lang ako."

Ngumisi ito. "Kailan ka pa nakaabala sa akin? Ang totoo tatawagan sana kita para
pumunta rito pero nagkaisa na ang isip natin," anito.

"Hindi ko naman planong puntahan ka. Inutusan lang ako ni Manang Roseng na ihatid
ang gamot mo," alibi niya.

"Ohs...baby naman. Alam ko nag-aalala ka rin sa akin. Tara rito," anito pagkuwan.

Pumasok na lamang siya saka inilapag sa mesa ang baso ng tubig. "Inumin mo na ang
gamot mo," sabi niya rito.

"Okay, sabi mo, e." Ininom naman nito kaagad ang gamot.

Napatingin siya sa nakabukas nitong laptop at may mga nakakabit na gadgets. Lumapit
ito sa harap ng mesa kung saan nakapatong ang laptop nito.

"Puwede maki-CR?" tanong niya.

"Sure," anito habang abala.

Pumasok naman siya sa banyo nito. Namangha siya sa linis ng palikuran, walang
basang tiles o nagkalat na gamit. Ang mga personal nitong gamit tulad ng toothbrush
at shaver ay nakasilid sa lalagyan na may takip. Amoy limon sa loob at sabong
mabango na ginamit nito. Umihi lamang siya.

Pagkuwa'y lumapit siya sa malaking salamin at sandaling inayos ang buhok niya.
Mamaya'y napatingin siya sa maliit na bughaw na kahon na nasa gilid ng lababo.
Napalunok siya nang mabasa ang nakasulat sa kahon. 'Trust condom' wala pang bukas
ang kahon. Bigla na lamang siyang kinilabutan.

Napapitlag siya nang biglang umalingawngaw ang malakas na rock music na agad ding
humina. Lumabas na lamang siya ng banyo. Nakaharap pa rin sa laptop nito si Israel.
"Lalabas na ako," aniya.

Biglang tumayo si Israel saka humarap sa kanya. Hindi pa rin ito nagbibihis.

"Bakit? Inaantok ka na ba?" tanong nito habang ang mga kamay ay lumilingkis sa
baywang niya. Hinagkan nito ang tungki ng ilong niya.

"Busy ka kasi," aniya.

"Nagda-download lang naman ako ng kanta. Gusto mo ng wine?" anito.

"Hindi na. Gusto ko lang matiyak na maayos ang pakiramdam mo."

"Okay na ako, nandito ka na, e," anito at bigla na lamang siniil ng halik ang mga
labi niya.

Pakiramdam niya'y uhaw na uhaw siya sa halik nito bagay na agad niya itong
tinugunan. Ang mga kamay nito'y hindi mapakali, naghahagilap ng kung ano sa katawan
niya. Bigla na lamang nanlumo ang mga tuhod niya nang loobin ng kamay nito ang
damit niya at nasapo ang dibdib niya.

Yumakap siya rito. Mamaya'y ipinangko siya nito saka iginiya sa kama. Pinaghiwalay
nito ang mga labi nila at apurang hinubad ang blusa niya. Umupo ito sa kanyang tabi
at muling siniil ng halik ang kanyang labi. Kumikilos na naman ang mga kamay nito.
Wala siyang ginawa kundi tanggapin at tugunan ang anumang ipinagkakaloob nito.

Hindi na niya nararamdaman ang presensiya ng paligid. Nakalimutan na rin niya ang
kanyang sarili buhat sa nakahihibang na sensasyong idinudulot ng mga kamay at bibig
ng katipan sa kanyang inosenteng pagkababae. Nagmistula na rin siyang robot na
sunod-sunuran sa anumang ipapagawa nito sa kanya. Ngunit may tanong ang isip
niya...bakit hindi siya nasaktan? Banayad na kirot lamang ang nadarama niya. Hindi
niya naramdaman ang inaasahan niyang kirot na dulot sana ng pag-angkin nito sa
kanya. Hindi niya naramdaman si Rael sa loob ng kanyang katawan, ngunit dinala siya
nito sa rurok ng langit.

Masyado na siyang nadarang sa nakakatupok na init at wala na rin siyang pakialam sa


ginagawa ng sarili niya. Nakapikit lang ang mga mata niya hanggang sa manumbalik
ang normal niyang diwa.

Namulat siyang wala sa harapan niya si Israel. Wala siyang anumang saplot sa
katawan maliban sa makapal na kumot. Sinipat niya ang orasang nakasabit sa
dingding. Alas-onse na pala ng gabi.

Mamaya'y lumabas buhat sa banyo si Israel, may suot na itong itim na brief. Umupo
ito sa tabi niya.
"Are you okay?" tanong nito sabay gagap sa kamay niya.

Hindi siya kaagad nakaimik. Pakiramdam niya'y masusuka siya habang inaalala ang mga
nangyari sa kanila kanina. Ang mga pinaggagawa nilang dalawa ni Rael. Walang make
love na nangyari sa kanila pero aminado siyang ilang beses niyang naabot ang
tugatog. Hindi niya alam kung ano ang tawag sa ginawa nila. Hindi siya inangkin ni
Israel pero lumigaya ang kaluluwa niya. Hindi nito lubusang inangkin ang pagka-
birhen niya.

"I'm sorry kung naging wild ako. Gusto lang kitang paligayahin sa paraang alam ko.
I love you, Shen" anas nito malapit sa tenga niya.

"Bakit?" wala sa loob na tanong niya.

"Bakit hindi kita inangkin? Gusto ko birhen kahit papano ang babaeng ihaharap ko sa
altar. Masasabi ko'ng expert ako if comes of sex. Kaya alam ko na rin kung paano
kontrolin ang sarili ko," anito.

"Paano ka nakasisiguro na ako ang babaeng ihaharap mo sa altar?" usig niya.

Tinitigan siya nito. "Gusto kitang makasama habang buhay, Shen. Nakapagdesisyon na
ako. Sasabihin ko na kay Dad ang tungkol sa atin bago pa niya malaman sa iba. Alam
kong hindi magtatagal ay magsusumbong si Chesca. Sana hindi mo ikasasama."

Ang totoo gusto na rin niyang maging pormal ang relasyon nila at malaman ng ibang
tao. Napapagod na rin siya sa kakatago.

"Hintayin na lang natin na maganda ang mood ng daddy mo. Pero paano kung ayaw niya
sa akin?" nababahalang tanong niya.

"Gumagaan na ang pakikitungo namin ni Dad sa isa't-isa. Hindi siya ang tipo ng Ama
na pahihimasukan ang buhay pag-aasawa ng anak. Kapag ayaw ko ay hindi siya
kumukontra. Basta wala akong ginagawang ikasisira ng pangalan niya ay hindi niya
ako pinapakialaman. Baka nga matutuwa pa siya dahil sa wakas may ipapakilala ako sa
kanyang matinong babae. Alam ko matatanggap ka niya. 'Di ba nga mas may tiwala pa
ata siya sa'yo paris sa akin," nakangiting pahayag nito.

"Parang sigurado ka, ah," aniya.

"Oo naman. Pagkatapos nitong busy schedule ni Daddy ay kakausapin natin siya.
Magsi-set ako ng dinner para sa ating tatlo."

Ngumiti siya. Inihilig niya ang ulo sa balikat nito. "Ihahanda ko na rin ang sarili
ko," aniya.
Hinagkan nito ang kamay niya. "Dito ka na matulog," anito.

"Okay lang ba? Baka hindi ako magising ng maaga."

"Gigisingin kita."

"Sige."

Pagkuwa'y umayos na siya ng higa. Dinadalaw na rin siya ng antok pero si Israel ay
nakaharap pa rin sa computer at kung ano ang ginagawa. Alas-dos ng umaga nang huli
niyang sipatin ang orasan saka siya tuluyang ginupo ng antok.

LUNCH na pero nasa opisina pa rin niya si Israel at nakaharap sa laptop niya. Isang
linggo na ang nakalipas magbuhat nang matulog siya sa Tagaytay kasama si Shen.
Nagulat siya nang makita sa laptop niya nan aka-record pala ang mga ginawa nila
noon ni Shen sa kuwarto niya. Naka-automatic record pala ang cctv.

Natatawa siya habang pinapanood ang video. Hindi niya maikakailang nag-iinit siya
habang pinapanood ang sariling sex video. Napatunayan niya na mas epektibo pala
kapag sarili ang nakikita sa video paris sa ibang tao. Napapangiti siya habang
iniisip kung paano niya napaamo si Shen. At Natatawa rin siya sa kanyang sarili.
Hindi niya akalain na naging wild siya. Gustong-gusto niyang maangkin si Shen nang
gabing iyon, pero napigil niya ang sarili nang hindi naman nandiri ang dalaga na
gawin ang gusto niya. Kahit paano'y inilapit siya ng dalaga sa sukdulan ng kanyang
pagnanasa.

Buburahin pa lamang niya ang video nang biglang may kumatok sa pinto. Naalala niya
na ipapaayos pala niya ang aircon sa opisina niya. Iniwan niya sandali ang ginagawa
saka tinungo ang pinto.

Nang buksan niya ang pinto ay tumambad sa kanya si Jonas bitbit ang gamit nito sa
pagkukumpuni sa aircon. "Tuloy ka," aniya.

Pumasok naman ang lalaki. "Ano po bang problema?" magalang na tanong ni Jonas pero
tuloy-tuloy ito sa pagpasok hanggang sa kinalalagyan ng aircon.

"Hindi na kasi gumagana remote at kahit pihitin ko sa main ay ayaw mag-reduce ang
lamig o mapalakasan," aniya.

Mukhang wala na rin ang galit sa kanya ni Jonas. Sinunod naman nito ang sinabi niya
na huwag itong magsusumbong. Habang abala na ito sa pagkukompuni sa aircon ay
binalikan naman niya ang ginagawa. Ngunit hindi pa siya nakakaupo ay tumunog na ang
telepono na nasa ibabaw ng office table niya.

Dagli niyang sinagot ang tawag. Mula sa Daddy niya ang tawag at sinabing sunduin
raw niya ang mommy niya sa Airport sa oras ding iyon. Nataranta siya. Kung ano na
ang napipindot niya sa laptop niya. Mamaya'y bumukas ang pinto at lumitaw ang bulto
ni Chesca.

"Tinatawag ka ng daddy mo," bungad ni Chesca.

"Alam ko," masungit niyang sagot. In-log off lamang niya ang laptop niya saka iiwan
sa mesa niya.

Nagmadali siyang lumabas at hindi na niya pinansin si Chesca. Nag-utos siya ng I.S
na bantayan ang gumagawa sa opisina niya.

Nasurpresa siya sa biglaang pag-uwi ng Mommy niya. Hindi man lang ito tumawag sa
kanya. Busy ang Daddy niya kaya siya ang inutusan nito. May dalawang buwan na ring
hindi niya nakikita ang Mommy niya. Medyo kinakabahan siya kasi marami siyang
kailangang ikumpisal.

Pagdating sa Airport ay may isang oras na palang naghihintay si Ginang Estrella.


Nakabusangot ang mukha nito nang salubungin siya nito.

"Mom, sorry, I'm late," aniya matapos humalik sa pisngi nito.

"Por pavor, nagugutom na ako, Anak. Where's your dad?" nakasimangot na sabi nito.

"May Conferrence meeting siya. How's your trip?" pagkuwa'y tanong niya habang
papunta na sila ng garahe. Hila-hila na niya ang malaking maleta nito.

Bumungtong hininga ang Ginang. "From Singgapore to Spain to here, what did you
expect? Pagod ako at nagugutom. Ang Daddy mo panay ang tawag sa akin at pinapapunta
ako dito. Ano bang nangyayari? Binigyan mo na naman ba siya ng problema?" Pumalatak
na ang Ginang.

Sumakay na muna sila sa kotse saka siya nagmaniobra.

"Mom, wala akong ginawa. Siguro pinauwi ka ni Daddy dahil sa plano niyang pagtakbo
bilang Senador nitong susunod na eleksiyon. Kailang din niya ng suporta," aniya
nang matulin na ang takbo ng sasakyan.

"Ano naman iyong tungkol sa lupa na ibebenta ninyo?"

"Okay na po 'yon. Nabayaran na rin ng buyer at naayos na ang titolo," aniya.

"What about you?" pagkuwa'y tanong nito.

"What?" maang niya.


"How's your love life? Tinamaan ka na ba ng katinuan?"

Sinipat niya ang Mommy niya. "Mom, like I told you, magpapakabait na ako. Good
thing na narito kayo. Gusto kong makilala n'yo ang magiging manugang mo,"
nakangiting sabi niya.

Humagalpak ng tawa ang Ginang. "Gracias a Dios! Biglang nawala ang pagod ko. I'm so
excited, son. Kahit anak ng pulubi ang babaeng ipapakilala mo sa akin basta
marunong sa buhay ay malaking karangalan sa akin 'yon. Alam mo naman na wala akong
ibang pinangarap kundi ang mahawakan ang apo ko mula sa'yo," maligalig na sabi
nito.

Lumapad lalo ang ngiti niya. Hindi niya akalaing ganoon ang magiging reaksiyon ng
Mommy niya. "Thanks, Mom. Pinasaya mo ako," aniya.

"No worries. Bilisan mo na at humihilab na ang sikmura ko," anito.

Binilisan naman niya ang pagmamaneho. Pagdating sa Hotel ay agad niyang iginiya sa
dining ang Mommy niya. Nang dumating ang Daddy niya ay iniwan na niya ang mga ito.
Bigla kasi niyang naalala ang iniwan niyang gawain sa opisina niya.

Pagdating niya'y wala na roon si Jonas. Naayos na rin ang aircon. Ang I.S na
inutusan niyang magbantay ay natagpuan niya sa labas ng opisina niya. Nang
magpaalam na ito sa kanya ay saka lamang niya naisip si Shen.

"Nakita mo ba si Shen?" hindi natimping tanong niya sa lalaki.

"Hindi po pumasok si Shen," tugon naman ni Orlan.

"Ha? B-bakit?!" manghang tanong niya.

"May sakit po kasi ang kapatid niya at naisugod sa ospital," anito.

"Ganun ba? Sige salamat."

Pagkuwa'y lumabas na si Orlan. Umupo siya sa sofa saka tinawagan si Shen pero hindi
sumasagot. Pinadalhan din niya ito ng mensahe. Matagal bago sumagot ang dalaga at
sinabi lamang kung saang ospital ito naroroon. Nangako siyang pupuntahan niya ito
pagkatapos ng trabaho niya.

Alas-otso na ng gabi ay nasa hotel pa rin si Israel. Ayaw kasi siyang hiwalayan ng
Mommy niya. Hinintay niyang makatulog ito bago siya umalis. Pinuntahan niya sa
Ospital si Shen kung saan isinugod ang kapatid nito.
Inihanda na rin niya ang sarili para sa pagkakataong makilala ang Nanay ng kanyang
nobya. Pagpasok niya sa ward kung saan ang kapatid ni Shen, wala roon ang dalaga.
Ang Nanay lamang nito ang nakaupo sa tabi ng natutulog na pasyente.

Inisa-isa niya ang mga pasyente na kasama ng kapatid ni Shen sa ward na iyon. At
dinig niya, mga dengue pasient ang naroroon. Kung magkaganoon e na-dengue rin ang
kapatid ni Shen. Nahihiya siyang lumapit sa Nanay ng kanyang nobya.

Ngunit nang makita siya nito ay bigla itong tumayo at ikinagulat niya nang makilala
siya nito. Malapad ang ngiti nito.

"Kanina ka pa ba? Bumili lang ng gamot si Shen," anito. Halatang wala pa itong
tulog.

"Ahm, kararating ko lang po. Kamusta po?" aniya.

"Mabuti naman. Naku, ang tagal ka nang ikinukuwento sa akin ng anak ko pero ngayon
lang kita nakita ng personal. Salamat at nadalaw ka," maligalig na wika nito.

Hindi niya malaman kung ano ang sasabihin niya. Napangiti na lamang siya. Noon niya
nabatid kung gaano siya kahalaga kay Shen. Dahil roon ay lalo lamang niya hinangaan
ang dalaga.

"Maupo ka muna, hijo," anang ginang sabay abot sa kanya ng silyang kinaluklukan
nito kanina.

"Naku huwag na po. Kayo na lang po ang umupo," aniya.

=================

Chapter Ten

NAPANGITI si Shen nang makita si Israel na kausap ang Nanay niya. Mukhang
nagkapalagayan na ng loob ang dalawa. Hindi niya maiwasang isipin na sana ganoon
din ang mga magulang ng binata kapag nakilala siya. Pagkuwa'y nilapitan na niya ang
mga ito.

"O anak, nariyan ka na pala," wika ng Nanay niya.

Awtomatiko'y tumingin sa kanya si Israel. Sinalubong siya nito ng matamis na ngiti.


Ini-abot naman niya ang pinamili niyang gamot at pagkain sa Nanay niya.

"Kumain na po kayo, 'Nay," aniya.


"Ikaw, kumain ka na ba, anak?" pagkuwa'y tanong ni Marlyn.

"Busog pa po ako."

"O sige."

"Lalabas lang po muna kami ni Rael, 'Nay," sabi niya sa Ginang.

Tumango naman ang Ginang.

"Bakit hindi ka pa kumakain?" tanong ni Israel nang naglalakad na sila palabas ng


Ospital.

"Busog pa ako," aniya.

"Anong kinain mo?" paangil na tanong nito.

"Wala lang akong gana."

Hinawakan nito ang kamay niya. Paglabas nila ng Ospital ay iginiya siya nito sa
malapit na Restaurant.

"Bakit tayo nandito?" tanong niya pagkapasok nila sa naturang kainan.

"Huwag mo sabihing wala kang ganang kumain. Kakain ka," anito.

Umupo sila sa mesa malapit sa pinto. Hindi na lamang siya umimik. Ito na ang nag-
order ng pagkain nila. Apat na oras lang kasi ang naitulog niya kaya wala siyang
sigla.

"May outbreak ba ng dengue sa lugar ninyo?" mamaya'y tanong nito.

"Hindi ko alam. Si Sendo lang ang tinamaan ng sakit sa amin. Baka nakuha niya sa
School o sa mga lugar na pinupuntahan niya," aniya.

"Mabuti naman naagapan ninyo. Ilang days itatal niya sa ospital?"

"Mga isang linggo siguro."

"Kailangan ba ninyo ng dugo?"


"Meron nang nag-donate na taga sa amin," aniya.

"Sana tinawagan mo kaagad ako para natulungan kita. Kagabi pa pala kayo nandito.
Hindi ka rin ba papasok ng isang linggo?" may pag-aalalang wika nito.

"Salamat na lang. Marami din namang kaibigan si Nanay na handang tumulong. Hindi
sana ako papasok ng isang linggo pero hindi ako nakapagpaalam ng maayos sa Daddy
mo," aniya.

"Okay lang. Maiintindihan naman ni Daddy 'yon. At tungkol sa plano natin, baka next
week na lang kapag okay na ang kapatid mo. At saka, dumating kasi si Mommy."

Tinitigan niya sa mga mata ang binata. "Kailan pa?" nababahalang tanong niya.

"Kanina. Hindi ko nga alam na darating siya. Pero huwag kang mag-alala, walang
problema kay Mommy. Actually naikuwento na rin kita sa kanya," anito.

"Talaga? Anong sabi niya?" nagagalak na tanong niya.

"Siyempre tuwang-tuwa siya. Gustong-gusto ka na niyang makilala."

Hindi na napalis ang ngiti niya. Mamaya'y naiisip niya ang Daddy nito. May
posibilidad na hindi siya magugustuhan ng tatay nito. Ginagap nito ang kamay niya.

"Huwag mong intindihin si Dad. I swear, magugustuhan ka niya. Ngayon pa na isa ka


sa mga pinagkakatiwalaan niya. Kailangan bago siya maging abala sa pag-aasikaso sa
politika ay maipakilala na kita sa kanya. Saka sasamahan ko siya sa pagpo-promote
ng mga project niya para mas matuwa siya."

Napangiti siya. "Mabuti naman naisip mong magmalasakit sa Daddy mo. Iyon lang naman
ang gusto niyang mangyari."

"I know. Gusto ko talagang bumalik ang maayos na samahan naming mag-ama. Ngayon nga
lang ako nag-stay ng matagal dito sa bansa. Plano kong dito ko na ipagpapatuloy ang
pag-aaral ko ng abogasya."

"Wow! Magandang plano 'yan."

Mamaya'y dumating na ang order nilang pagkain. Tapos nang kumain si Israel pero
nakasubo rin ito sa pagkain niya. Buong leche flan lang ang order nito. Halos hindi
na niya nagamit ang kamay niya. Ito na kasi ang sumusubo sa kanya ng pagkain. Kung
matamis ang dessert nila, mas matamis naman ang kanilang lambingan.

MAKALIPAS ang isang linggo, last day na nila Shen sa Ospital. Makakauwi na rin sila
pero nang magbabayd na siya ng bill nila sa ospital ay nagulat siya nang malamang
bayad na sila. Si Israel kaagad ang naiisip niya.

Pagbalik niya sa ward ni Sendo ay nadatnan niya roon si Israel. Sa halip na matuwa
ay nainis lamang siya sa binata. Nag-abala pa itong buhatin ang mga bagahe nila.
Hindi niya ito kinakausap kahit nang ihatid sila nito sa bahay nila.

Nagluto pa ng meryenda ang Nanay niya. Instant close kaagad si Sendo kay Israel.
Pumasok na lamang siya sa kuwarto niya at humilata sa kama. Wala pang isang minuto
na nakakahiga siya ay may kumatok na sa pinto.

Tinungo naman niya ang pinto saka binuksan. Walang pahintulot na pumasok si Israel
at umupo pa sa kama niya. Palinga-linga ito sa paligid.

"Hindi magulo ang kuwarto mo, ah," anito.

Isang linggo na kasi siyang hindi naglilinis. Hindi niya ito pinapansin.
Pinagpupulot niya ang mga nagkalat na kagamitan. Mamaya'y naramdaman niya ang kamay
nito na lumilingkis sa baywang niya.

"Galit ka ba sa akin?" tanong nito.

Hinarap naman niya ito. "Ang ayaw ko sa lahat pinapangunahan ako," mataray niyang
wika.

Bumungisngis ito. "Bakit? Masama bang bayaran ko ang bill ninyo sa ospital?" anito.

"Hindi mo responsibilidad 'yon."

"Babe, you're part of my life. Kung anong problema mo, problema ko rin.
Magpasalamat na lang tayo dahil magaling na si Sendo," anito.

"Salamat. Mababayaran din kita," aniya.

"Come on. Pera lang iyon. Wala akong hinihinging kapalit maliban sa pagmamahal mo.
I love you."

"I love you too," tugon niya.

Pagkuwa'y naghinang ang kanilang mga labi, matagal, mapusok. Mamaya'y narinig na
niya ang tinig ng Nanay niya na nagsisigaw na luto na ang meryenda nilang pancit.
Sabay na silang lumabas.

Tila ayaw nang umuwi ni Israel. Doon na rin ito nagpalipas ng gabi sa bahay nila.
Komportable naman itong natulog kasama si Sendo.
LUNIS ng umaga, maagang nagising si Shen para pumasok sa hotel. Naglalakad pa
lamang siya papuntang high way ay nagtataka siya sa mga kalalakihan sa kanto na
nakatingin sa kanya. Mga tambay na dati ay takot sa kanya at mataas ang respeto sa
kanya. Si Anlon na minsan na niyang nasipa sa mukha ay naglakas loob pang lumapit
sa kanya.

"Oy, Shen, porn star ka na pala ngayon, ah. Kaya pala asensado tayo," anito.

Natigilan siya nang halos sabay na maghalakhakan ang mga lalaki. Biglang kumulo ang
dugo niya dahil sa sinabi nito. Hindi siya mangmang para hindi maintindihan ang
sinasabi nito.

"Anong pinagsasabi mo? Tumanda ka na lang sa mundo wala ka pang natutunang matinong
salita!" buwelta niya kay Anlon.

"Aba, nagmamaang-maangan ka pa. Magdamag kaya naming pinanood ng paulit-ulit ang


erotic sex video mo sa anak ng isang Congressman. Trending pa nga nationwide,
hahahaha!" anito.

Nagimbal siya. Pakiramdam niya'y biglang kumapal ang mukha niya. Nabikig na ang
lalamunan niya. Nawindang ang buong pagkatao niya. Iniisip niya na gawa-gawa lang
mi Anlon ang balitang iyon at alam niyang lolong ito sa droga.

Ngunit pagdating niya sa hotel ay halos lahat ng mata ng mga tao ay nakatingin sa
kanya. Nagbubulung-bulungan ang mga ito. Maging sa Security Office ay napag-uusapan
siya. Nanginginig ang laman niya sa isiping totoo nga ang sinabi ni Anlon.

Mayamaya'y nakatanggap na siya ng tawag mula kay Mr. Montel. Pakiramdam niya'y
pugot ang ulo niyang naglalakad sa pasilyo patungo sa tanggapan ng Congressman.
Wala pa ma'y binalot na ng kaba ang pagkatao niya.

Pagpasok niya'y awtomatikong binato siya ng Ginoó ng mahayap ng Tingin. May


pinapanood ito sa laptop nito.

"Good Morning, Sir," malumanay na bati niya.

Tumayo ang Ginoó saka humakbang palapit sa kanya. "In devil's sake, how dare you do
this to me! Pinagkatiwalaan kita!" asik nito.

Napaatras siya. Nagmisturang galit na tigre si Mr. Montel.

"S-sir, hindi ko po kayo maintindihan," nanginginig na wika niya.

"Hindi mo alam kung anong eskandalong ginawa ninyo ni Israel? Ngayon pa na


naglilinis ako ng pangalan para sa susunod na eleksiyon? Wala akong pakialam kung
ano ang pinaggagawa ninyo ng anak ko, pero ang ibalandra sa social media ang sex
video ninyo ay hindi nakakatuwa! Na ang anak ni Cong. Montel ay may kontrobersiyal
na sex scandal?!"

Natigilan siya. Wala siyang kaalam-alam sa pinagsasabi nitong video. "S-sir, h-


hindi ko po alam," giit niya.

"Hindi mo alam? Tingnan mo ang sarili mo," anito sabay iniharap sa kanya ang laptop
nito kung saan in-play nito ang nasabing video.

Ang video ay kuha noong nasa Tagaytay sila ni Israel, sa kuwarto ng binata kung
saan naganap ang lahat. Nanginig ang buong katawan niya. Gusto na niyang lumubog sa
kinatatayuan niya o kaya'y maglaho na lamang na parang bula. Hindi siya makatingin
kay Mr. Montel.

"Hindi ko alam ang buong kuwento pero hindi ko talaga maatim ang nakakapanlumong
balita na ito. Hindi kita kayang makita sa araw-araw!" wika ng Ginoó.

Tiningnan niya ito sa mga mata. "Sorry sir. Hindi ko po talaga alam," samo niya.

"Kailan ka pa nakikipagrelasyon sa anak ko?" usisa nito. Nanatiling mahinahong ang


tinig nito.

"May tatlong buwan na po," aniya.

"See? Ano naman ang motibo mo?"

"Wala po akong masamang intensiyon. Mahal ko po ang anak n'yo," aniya.

"Halata naman. Pero huwag mo nang asahan na magkakaroon ka pa ng puwang sa buhay ng


anak ko. You may leave now!" anito.

"S-Sir?" Wala pa ma'y tumulo na ang luha niya.

"Yes, you're fired. Huwag ka nang magpapakita sa pamilya ko lalo na sa anak ko.
Ipapadala ko sa'yo ang sahod mo within this week," anito.

Natutop na ang bibig niya. Hindi na siya makapagsalita buhat sa labis na paninikip
ng kanyang dibdib. Tinalikuran na siya ng Ginoó. Lumapit na lamang siya sa pinto.
Hindi pa man niya iyon na bubuksan ay bigla iyong bumukas at lumitaw ang bulto ni
Israel. Titig na titig ito sa kanya.

Hindi niya maintindihan, bigla na lamang may nabuhay na poot sa kanyang puso para
sa binata.
"Shen..." bigkas nito. Akmang hahawakan siya nito ngunit iniwaksi niya ang kamay
nito.

Tumakbo siya palabas. Malalaki ang hakbang na naglakad siya palabas ng hotel. Hindi
na niya inintindi ang mga taong nakatingin sa kanya.

Nakarating na siya sa garahe nang may kamay na kumapit sa braso niya. Alam niyang
si Rael iyon. Iniwaksi niya ang kamay nito saka marahas na hinarap. Malamlam na ang
mga mata ng binata.

"I'm sorry. Hindi ko alam kung sino ang nagpakalat ng video. Ginagawa ko na ang
lahat para ma-trace kung sino ang may pakanan niyon," paliwanag nito.

"Bakit nga ba nagkaroon tayo ng video? Bakit kailangan mong i-recod ang nangyayari
sa atin? Anong kahibangan 'yon, ha?!" asik niya.

"Hindi ko alam na naka-automatic record pala ang cctv sa laptop ko. Akala ko nabura
ko na iyon, pero hindi ko alam kung paano kumalat," anito.

"Hindi mo alam? Imposible 'yon!"

"Sorry."

"Walang kakalat na video kung hindi mo ginawa 'yon. Sinadya mo pa rin 'yon! Ano?
Masaya ka ba dahil sa video'ng 'yon? Lahat ba ng babaeng nakakasama mo ginagawaan
mo ng video saka ipakalat sa social media?" Nagiging marahas na ang pananalita
niya.

"Shen, hindi ako ang nagpakalat ng video. Hindi ako baliw para ibandera ang hubad
kong katawan sa mata ng maraming tao. Hindi ko alam kung paanong naipuslit ng
walang hiyang iyon ang video. Shen, maniwala ka. Hindi ko gusto itong nangyayari,"
samo nito.

"Wala na, sirang-sira na ako. Sirang-sira na ako sa daddy mo, sa mga tao sa amin na
mataas ang respeto sa akin. Alam mo bang binansagan na ako ng mga tao sa amin na
porn star? Dahil 'yan sa lintik na video na 'yan! Kasalanan mo 'to, eh!" asik niya.
Hindi niya napigil ang kamay na masundok ang dibdib ng binata.

"Ginagawa ko na ang lahat, Shen. Aayusin ko 'to," anito.

"Kahit anong ayos mo, hindi mo na maibabalik ang lahat! Hiyang-hiya na ako, Rael.
Wala na akong mukhang ihaharap sa mga tao sa amin. Alam mo kung ano ang gusto kong
gawin ngayon? maghukay ng lupa at ilibing ang sarili ko. Nagsisisi ako, sising-sisi
ako, Rael! Pinagsisihan ko na kung bakit ikaw ang minahal ko!" Tuluyang tumagistis
ang luha niya. Hindi na niya pinag-iisipan ang mga sinabi niya.
"Shen, please.... Bigyan mo ako ng panahon, maayos ko rin ito," samo nito.

Hindi niya ito pinayagang mahawakan ang kamay niya. "Tama na! Ayo'ko na!" Hirap na
siyang magsalita.

Pagkuwa'y pumara siya ng taxi at nagmadaling sumakay. Huli niyang nakita si Israel
na nakatayo sa gilid ng kalsada. Hindi na tumigil sa pagpatak ang luha niya. Hirap
siyang lumunok buhat sa abot lalamunan na paninikip ng dibdib niya.

Nagpahatid siya sa taxi hanggang sa tapat ng bahay nila. Ayaw niyang magpakita sa
mga tao. Pagpasok niya ng bahay ay sinalubong siya ng Nanay niya. Matapang ang anyo
nito.

"Totoo pala 'yong balita," bungad nito sa kanya.

"'Nay, sorry po," humihikbing samo niya.

Inaasahan niyang sasampalin siya ni Marlyn pero hindi, bagkus ay niyakap siya nito.
Hinagod nito ang likod niya. Muli nanaman siyang humagulgol ng iyak.

"May tinatago palang kabalbalan ang Ismael na iyon. Kung alam ko lang hindi sana
ako nag-abalang tratuhin siya ng maayos. Dudungisan lang pala niya ang reputasyon
mo," nanggagalaiting wika ni Marlyn nang kumalas siya sa yakap nito.

Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Umupo na lamang siya sa sofa.
Tinabihan naman siya nito.

"Imposibleng wala siyang alam kung paano kumalat ang video. Talagang bisyo niya
iyon," anito.

"Nay, parang hindi ko na kayang magtagal dito. Hiyang-hiya na po ako sa mga tao
rito. Wala na akong mukhang ihaharap."

"Kung gusto mo magbakasyon ka muna sa Nueva Ecija. Wala masyadong nakakakilala


sa'yo roon," suhesyon nito.

Tumango siya. Mamaya'y muli siya nitong niyakap.

UNANG beses na nasaktan si Israel ng Daddy niya. Hindi siya pumalag sapagkat alam
niyang kasalanan niya. Sa bahay na nila sila nagpang-abot.

"Akala ko nagbago ka na, Rael. Mas malala pa pala ang gagawin mong pagdawit ng
pangalan ko sa kahibangan mo! Dapat hindi ako nagdiwang dahil nagtagal ka dito sa
bansa. Sarili ko lang palang anak ang sisira sa akin!" litanya ni Antonio matapos
siya gawaran ng suntok sa mukha.

Hinayaan niyang dumugo ang labi at ilong niya. "I'm sorry, Dad. Ginagawa ko naman
ang lahat para maging mabuting anak sa inyo. Wala akong intensiyong sirain ang
pangalan mo. Wala rin akong intensiyon na bigyan ng kahihiyan ang sarili ko maging
ang babaeng mahal ko. Kung sinuman ang nagpakalat ng video, alam ko ang taong iyon
ay may matinding galit sa akin. Sorry, naging pabaya ako," paliwanag niya.

Namumula parin sa galit ang Daddy niya. "Huwag kang magpapakita sa mga tao at
lalong huwag kang magsasalita sa media. Sumama ka sa Mommy mo pagbalik niya sa
Singapore next week," anito.

Natigilan siya. "Dad...."

"Iyon lang ang tanging paraan para mamatay ang isyu tungkol sa'yo. Magpakalayo-layo
ka muna. At ayaw ko rin na nakikita ka dahil lalo lang akong naiinis sa'yo! Humalis
ka na sa harapan ko!" singhal nito.

Umalis na lamang siya. Nadatnan niya ang Mommy niya na kumakain sa kusina. Parang
wala rin itong pakialam sa nangyayari. Abala ito sa pakikipag-ugnayan sa mga
kliyente nito sa ibang bansa. Umupo siya sa katapat nitong silya at nagsalin ng
pagkain sa plato niya.

"Ang babae bang iyon ang nobya mo?" tanong ni Estrella matapos ito sa kausap sa
cellphone.

Tinitigan niya ito. "Yes, Mom," aniya.

"Hindi naman ako nagagalit, nag-aalala ako sa'yo, Anak. Mukhang mabait naman 'yong
babae. Nag-usap na ba kayo?" anito.

"Opo. Galit na siya sa akin."

"Bakit? Hindi ba niya alam ang tungkol sa video?"

"Hindi po. Hindi ko naman sinadya na ma-record ang video."

Tumawa ng pagak ang Ginang. "Curious ako kaya pinanuod ko ang video ninyo."

Uminit bigla ang mukha niya. "Sorry, Ma."

"Hindi naman kita puwedeng husgahan. Lalaki ka at namulat ka sa modernong


henerasyon. Ang hindi ko lang maintindihan ay...ano ang motibo ng taong nagpakalat
ng video? May nakaaway ka ba?"
Bigla na lamang sumagi sa isip niya si Jonas na huling taong nakaaway niya. At si
Jonas ang naroon sa opisina niya noong umalis siya para sunduin ang Mommy niya.
Pero hindi lang naman si Jonas ang iniwan niya, naroon din ang I.S na si Orlan.
Mayamaya'y naalala niya na pumasok rin noon si Chesca sa opisina niya at umalis
siya na naroroon ito.

Naguguluhan siya. Pinaghihinalaan niya si Jonas at Chesca. Hindi naman puwedeng


magbintang siya basta.

"Meron ka na bang hinihinalaang tao na posibleng nagpakalat ng video, Anak?"


mamaya'y tanong ng Mommy niya.

"Opo. Nagpapa-imbestiga na po ako."

"Huwag kang mag-alala, akong bahala sa Daddy mo. Ayusin mo na lang ang problema mo
sa nobya mo," anito.

"Hindi ko nga po alam kung maaayos pa kami. Galit na galit siya sa akin," malungkot
na sabi niya.

"Siyempre dahil nasaktan siya. Pero kung talagang mahal ka niya, hindi niya
magagawang magtanim ng galit sa'yo. Lilipas din ang galit niya. Mapapatawad ka rin
niya," anito.

"Anong gagawin ko, Ma? Nalilito na ako. Hindi ko kayang mawala siya ng tuluyan sa
akin." Hindi niya napigil ang paglandas ng luha niya.

Tumayo ang ginang at bumaling sa likuran niya. Hinulot-hilot nito ang balikat niya.
"Palipasin mo muna ang panahon. Lahat naman ng sugat ay humihilom," anito.

"Paano kung hindi? May mga sugat kasi na hilaw ang pagkakahilom," makahulugang wika
niya.

Muling umupo ang Ginang sa tapat niya. "Anak, lilipas din naman ang mga ito. Tama
ang Daddy mo, sumama ka muna sa akin sa Singapore. Kung mananatili ka dito, made-
depress ka lang, anak," anito.

"Ma hindi po ako ang tipo na tinatakasan ang problema. Aayusin ko ang gusot sa
buhay ko."

"Hindi naman pagtakas ang pangingibang bayan. Ang sa akin lang, huwag mong
puwersahin ang mga bagay-bagay. Kapag nabatid na kung sino ang nagpakalat ng video
ay maiibsan na ang ingay ng eskandalo. Pero kung iniisip mo na magkaayos kaagad
kayo ng nobya mo, e, hindi madali-dali iyon. Huwag puro negative ang iniisip,
Anak."
Bumuntong hininga siya. Hindi siya makakain ng maayos. Masakit ang bibig niya,
masikip ang dibdib niya.

Kinabukasan ay naglakas loob si Israel na kausapin si Chesca. Hindi ito umamin


kahit anong pilit niya. Nagalit pa ito sa kanya.

"Wala na nga akong pakialam sa'yo 'di ba, tapos pagbibintangan mo pa ako?" buwelta
nito sa kanya nang puntahan niya ito sa suite nito sa Hotel.

"Isa ka sa naiwan sa opisina ko nang umalis ako para sunduin si Mommy sa airport,"
aniya.

"Ano naman ang malay ko na may itinatago kang video? At isa pa, bakit ko naman
gagawin 'yon? May pinag-aralan ako, Rael. Kung sinuman ang gumawa niyon baka
sukdulan na ang galit sa'yo ng taong iyon."

"E sino sa kasama mong naiwan sa opisina ko?" Desperado na siyang matukoy kung sino
ang lapastangang nagpakalat ng video.

"Anong malay ko? Sumunod din naman ako sa'yo paglabas mo. Baka si Jonas o kaya ang
I.S?" anito.

Buo na ang loob niya. Posibleng si Jonas nga dahil sa minsang magkasakitan sila sa
bar at ramdam niya ang galit niyon sa kanya sa tuwing magtama ang mga mata nila.
Nagkataon pang day off ni Jonas sa araw na iyon kaya wala siyang magawa kundi
tumunganga.

=================

Chapter Eleven (Finally)

ISANG linggo bago napatunayan ni Israel na si Jonas nga ang nagpakalat ng video.
Nanggalaiti siya at hindi siya nakatiis. Nasaktan niya ang lalaki. Pero ito pa ang
may ganang sumbatan siya. Pinagtawanan pa siya nito. Hindi siya kontento na
matanggal lang ito sa trabaho. Gusto niya itong makulong pero pinigilan na siya ng
Mommy niya sa pag-aapila sa problema dahil lalo lamang lalaki ang eskandalo.

Hindi na rin siya umapila dahil lalo lamang nagalit ang Daddy niya. Pinilit siya ng
Mommy niya na sumama na lamang siya rito sa Singapore pero hindi siya pumayag.
Naglakas loob siyang puntahan si Shen sa bahay ng mga ito pero nabatid niya buhat
sa Nanay nito na wala na roon si Shen.
Sinalubong pa siya ng galit ni Marlyn. "Umalis ka na, Rael, baka hindi ako
makapagpigil. Matapos mong bigyan ng kahihiyan ang anak ko may gana ka pang
magpakita sa akin?" malumanay na sabi nito.

Hindi siya nito pinapasok sa loob ng bahay. "Tita, hindi ko po sinasadya. Hindi ko
po ginusto na sirain ang reputasyon ng anak ninyo. Pareho lang kaming biktima
rito," samo niya.

"Tama na. Tapos na at hindi mo na maibabalik ang dati. Huwag ka nang magpapakita sa
amin. Utang na loob, umalis ka na!" singhal nito.

Nagpumilit parin siyang makapasok sa bahay ng mga ito pero itinulak lamang siya ng
Ginang. Mamaya'y may dumating na tatlong kalalakihan na pawang maskulado.

"Manang Marlyn, ginugulo ka ba ng lalaking 'yan? Gusto mo banatan na namin nang


lumayas na 'yan!" wika ng isang Mamâ na halos pumutok na ang suot na sando sa laki
ng katawan nito.

Hindi na siya nagpumilit pa na makita si Shen. Ayaw din niya ng gulo.

"Umalis ka na, Rael bago ka pa makuyog ng mga tao rito," pagtataboy sa kanya ng
Ginang.

Umalis na lamang siya sakay ng Kotse niya. Magtatakip-silim na at wala siyang ibang
naisip puntahan kundi sa Bar nila. Bukas makalawa na ang flight ng Mommy niya
papuntang Singapore. Katunayan ay binil'han na rin siya ng plane ticket.

Nadatnan niya sa bar counter si Wine at kausap ang on-duty'ng bartender na si


Moonshine. Matunog din sa mga ito ang isyu tungkol sa scandal niya. Kahit
pinagtatawanan siya ng mga kaibigan ay alam niyang nag-aalala rin ang mga ito sa
kanya.

Umupo siya sa tabi ni Wine at nag-order din ng inumin niya. Mukhang may problema
din si Wine. Alam niya kapag hard liquor na ang iniinom nito ay may mabigat itong
problema. Nag-order din siya ng brandy.

"Drink moderately mga dude. Hindi alak ang sulusyon sa problema," ani Moonshine
habang nagsasalin ng brandy sa shot glass niya.

"Kung magsalita ka, Moon parang hindi ka naglalasing kapag may problema ah," ani
Wine.

Mukhang tinatamaan na rin si Wine. Ngungo na rin ang boses nito at namumula na ang
mukha. Isinampa pa nito ang mabigat na braso sa balikat niya.

"Ano Vodka, kumita ba ang sex video mo?" nakangising tanong ni Wine.
Bumungisngis siya. "Bad shot, dude," sabi lamang niya.

Nagmura si Wine, isang malutong na mura. "—napanood ko ang video mo, 'lang hiya,
dinaig mo ako, ah. Pero bakit ganun? Puro lang kayo foreplay ng syota mo?" walang
abog na saad ni Wine.

Hindi niya napigil ang pag-init ng mukha niya. "Please ayaw ko nang pag-usapan ang
tungkol roon," aniya.

Inalis naman nito ang kamay sa balikat niya. "Okay. Ano na ba ang plano mo sa
buhay, Dude?" sabi na lamang nito.

"Hindi ko alam, Dude. Magpapalamig na muna siguro ako sa Alaska," aniya.

"Ayos 'yan. Palipasin mo muna ang panahon. Huwag mo lang masyadong patagalin baka
pag-uwi mo, e may mga supling na ang syota mo. Life can wait naman, e. Malay mo,
hindi talaga siya para sa'yo. O ang scandal ang itak na pumutol sa lubid na
nagtatali sa inyo," makahulugang pahayag ni Wine.

Bumuntong hininga siya. "Masyadong mababaw na dahilan. Hindi ako susuko, Dude,"
aniya.

"Iyan ang lalaki." Muli siya nitong inakbayan.

Maya'y-maya'y sinusubukan niyang tawagan si Shen pero out of coverage na ang numero
niyon. Hindi na niya malaman ang gagawin niya. May mga pagkakataon na gusto niyang
lunurin ang isip niya sa paglalasing pero naroroon ang mga kaibigan niya at
pumupigil sa kanya. Ilang tawag na ng Mommy niya ang hindi niya nasagot.

Ayaw niyang umuwi sa bahay nila, hindi rin siya pumapasok sa Hotel. Hindi rin naman
siya pinapansin ng Daddy niya. Nagpakaburo siya ng isang linggo sa Tagaytay. Pero
nang pakiramdam niya'y mababaliw na siya—bumalik siya ng Maynila at nagpa-book ng
plane ticket papuntang Spain.

Bago ang flight niya, sinubukan niya muling puntahan si Shen sa bahay ng mga ito
pero nagulat siya nang ibang tao ang madatnan niya roon. Walang sinabi ang Ale kung
nasaan na si Shen at ang pamilya nito. Lalo lamang siyang nahibang. Walang araw o
gabi na hindi siya lumalagok ng alak. Hindi kasi siya nakakatulog kapag hindi lango
sa alak ang isip niya.

Hanggang sa makaalis siya ng Bansa ay hindi parin siya kinakausap ng Daddy niya.
Lalo lamang iyon dumagdag sa depresyon niya.

LIMANG buwan nang naninirahan si Shen sa Nueva Ecija kasama ang Nanay niya at
kapatid. Nakapagpatayo sila ng munting sari-sari store sa lupaing tinitir'han nila.
Pumasa siya sa PNP boerd exam at natanggap siya sa presento nila. Itinuloy na
talaga niya ang pagpupulis pero mas pinili niyang magtrabaho sa SOCO department.
Madalas siyang nasa opisina o kaya'y sa crime laboratory.

Ilang buwan na rin ang nakakalipas magbuhat nang umalis sila sa Maynila, pero
aminado siyang hindi binago ng mga panahong iyon kung ano ang ala-alang iniwan ni
Israel sa puso't isip niya. Ilang buwan rin bago nakaraos ang puso niya sa
hinagpis. Ilang gabi rin ang pinuno niya ng luha.

Maging sa mga panahong iyon ay aminado siyang mahal parin niya ang lalaki, namimis
niya ito. At ganoon na lamang ang lungkot na nadarama niya nang malamang nasa
California na pala si Israel at nagpatuloy sa pag-aaral. Kung kailan handa na
siyang harapin muli ang lalaki ay saka naman ito nawala. Hindi na rin siya umaasa
na magtatagpong muli ang landas nila.

Pag-uwi ni Shen galing trabaho ay nagtataka siya bakit nag-uumpukan ang mga
kapitbahay nila sa labas ng mga bahay ng mga ito. Maging ang Nanay niya ay
nakisingit sa umpukan. Nilapitan niya ang Nanay niya upang malaman ang nangyayari.

"Nay, ano pong nangyayari?" usisa niya.

"Kanina pa kami nagpo-protesta, Anak. May bibili na sa lupaing kinatitirikan ng mga


bahay natin?" anito.

"Ha! Pero bakit? Akala ko ba bigay ng gobyerno ang lupa sa atin?"

"Iyon kasi ang sabi ni Mr. Lee noon. After ten years ay babawiin niya ang lupa
kapag dumating ang anak niya. E pumayag lang ako sa kasunduan na patitirahin ako
dito kapalit ng pagtatrabaho sa palayan. Akala ko naman hindi na darating ang anak
ni Mr. Lee. Twelve years na kasi ang nakakalipas. Umaasa ako na mabibigyan na ng
titolo ang bawat naninirahan at nagtatrabaho sa lupaing ito," paliwanag ni Marlyn.

Hindi niya alam 'yon. Alam niya na walang titolo ang lupa at akala niya e after ten
years magkakaroon na sila ng titolo pero wala siyang alam tungkol sa kasunduan.
Wala na ang lupang minana ng Nanay niya mula sa mga magulang nito. Naibenta na noon
bago pa sila tumira sa Maynila.

"Paano 'yan, 'Nay? Saan na tayo titira?" nababahalang tanong niya.

"Kung hindi natin mapapakiusapan ang anak ni Mr. Lee aba'y kailangan nating bumalik
ng Tondo."

"Pero nandito na po ang trabaho ko," aniya.

"Ang masama kasi, ibebenta na ng anak ni Mr. Lee ang lupaing ito sa taga Maynila
daw na balak gawing rancio itong buong lupain."
"Paano ang mga sakahan? Mawawalan din ng hanap-buhay ang mga tao rito."

"Iyon nga ang sinabi ng Abogado kanina. Paalisin tayo rito pero puwede parin tayo
magtrabaho sa sakahan. O mag-aalaga ng hayop. Bahala na tayong maghanap ng
matirahan natin," anang Ale.

"Eh 'di umupa na lang tayo," aniya.

"Ayaw ko nga sanang umalis dito dahil napamahal na ako sa lupain dito. Iyon din ang
hinaing ng mga kapit-bahay natin."

"Baka mapapakiusapan lang ang buyer ng lupa na huwag na tayong paalisin dito.
Magtatrabaho rin naman kayo sa kanila."

"Bukas daw darating ang buyer ng lupa. Sana nga mapakiusapan. Mahirap kausap ang
anak ni Mr. Lee."

Mamaya'y nagsibalik na sa kani-kanilang bahay ang mga tao. Umalis na rin kasi Si
Hyushun Lee—na siyang may-ari ng lupain. Binigyan sila ng isang linggo at kailangan
na nilang umalis.

Naghihinayang si Shen kasi gumaganda ang buhay nila roon at lumalakas ang kita ng
sari-sari store nila. Wala naman silang karapatang magprotesta dahil wala naman
silang sariling lupa. Nalulungkot lamang siya kasi napamahal na rin sila sa lupaing
iyon. Kung babalik naman sila sa Maynila ay hindi niya alam kung anong buhay ang
naghihintay sa kanila. Ayaw na rin bumalik ni Sendo sa Maynila. Marami raw kasi
itong kaaway roon.

Kinabukasan, nagtanong-tanong na rin si Shen ng bahay na uupahan nila. Nagpatulong


siya sa mga katrabaho. May nakita siya at malapit lang sa bayan at sa
pinagtatrabahuhan niya. Kukombinsihin nalang niya ang Nanay niya na umalis nalang
sa lupaing hindi nila pag-aari. Ayaw rin niyang makipagtalo pa sa kung sino man ang
bibili ng lupa.

Alas-singko ng hapon pag-uwi niya ay nag-uumpukan nanaman ang mga tao sa tapat ng
Mansiyon ni Mr. Lee. Naroroon na pala ang nakabili ng lupa. Nakipaggitgitan rin
siya sa mga tao upang makapunta sa harapan at makita ang Nanay niya.

Nang nasa harapan na siya ay nakita niya ang matandang lalaki na abogado umano ng
bagong may-ari ng lupa. Nagsasalita ito tungkol sa lupa. Hinahanap niya ang
sinasabing nakabili sa lupa pero mukhang wala naman roon.

"Ayon sa client ko, ayaw niya na may ibang taong naninirahan sa lupaing ito maliban
sa caretaker. Magbibigay siya ng tig-sasampung libo sa bawat pamilya upang kahit
papano ay makapagsimula kayong muli. Ang mga magsasaka na gusto pa ring magtrabaho
rito ay tatanggapin niya pero wala nang stay-in," wika ng Abogado.
"Hindi po sapat ang sampung libo. Wala po kaming ibang lupain. Baka ho puwedeng
magbabayad nalang kami ng renta sa lupang kinatitirikan ng mga bahay namin,"
protesta ng isang Ale na nasa gawing kaliwa niya.

"Oo nga po. Baka po puwedeng mapakiusapan ang may-ari nitong lupa," gatong naman ng
Mamâ sa gawing kanan niya.

Nagbubulung-bulungan ang mga tao at ang iba'y nagsisisigaw. Parang gusto rin niyang
mag-ingay pero nahihiya siya lalo pa't suot pa niya ang uniporme ng SOCO.

Nababanas na siya sa puwesto niya at binalak niyang lisanin ang lugar pero wala
siyang madaanan. Naghahagilap siya ng malulusutan nang marinig niya sa katabi na
nariyan na raw ang may-ari ng lupa. Hindi na siya interesado kaya nakipaggitgitan
parin siya.

"Maari po bang konting katahimikan lang?" narinig niyang sabi ng lalaki gamit ang
microphone.

Natigilan siya nang mapamilyar niya ang tinig na iyon. Wala pa ma'y kumakabog na
ang dibdib niya. Gusto niyang lumingon pero hindi siya makakilos.

"May krimin bang naganap? Bakit may taga SOCO rito?" narinig niyang tanong ng
lalaki sa mga tao.

Pumanting ang tenga niya. Alam niyang siya ang tinutukoy nito. Ang puso niya ay
nagwawala sa kanyang dibdib. Nagpumilit siyang humarap sa nagsasalita at bigla na
lamang nagsitabi ang mga taong gumigitgit sa kanya.

Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya nang makita si Israel katabi ng
Abogado. Hawak nito ang microphone. Kung hindi siya nagkakamali, si Israel ang
bumili ng lupain ni Mr. Lee? Nang mabaling ang tingin nito sa kanya ay lalo lamang
nagwawala ang puso niya.

"Oh sige, hindi ko na kayo paaalisin sa lupaing ito pero sa isang kondisyon," wika
ng lalaki.

Nag-iingay na naman ang mga tao. Ang iba'y natutuwa, may nababahala at nag-aabang
ng kondisyon na sinasabi ng lalaki.

"Ano pong kondisyon, sir?" lakas-loob na tanong ng isang Ale na nasa tabi niya.

"Tulungan n'yo akong maibalik sa akin ang nawawala kong prinsesa," ani Israel.

Nagbulungan ang mga tao. Ang iba'y napapakamot sa ulo at hindi ata naintindihan ang
sinabi ng lalaki. Hindi naman malaman ni Shen ang kanyang gagawin. Gusto na niyang
umalis pero wala siyang madaanan. Sa isip-isip niya, hindi parin talaga nagbabago
si Israel. Tumalikod na lamang siya at naghahanap ng malulusutan.

"Miss SOCO, aalis ka na? Binili ko pa naman ang lupang ito para sa 'yo," sabi ni
Israel at narinig ng lahat iyon.

Uminit ang mukha niya. Nang sipatin niya ang mga tao ay nakatingin ang mga ito sa
kanya. Mamaya'y natapunan na siya ng tukso. Meron pang kinikilig. Pakiramdam niya'y
idinadarang siya sa apoy. Hindi siya humarap kay Israel bagkus ay nakipagsiksikan
siya sa mga tao para makaalis sa lugar na iyon.

Nang makaalis na siya sa gitgitan ay tumakbo siya ngunit may dalawang malalaking
lalaki na humarang sa daraanan niya. Huminto siya. Alam niya mga bodyguard iyon ni
Israel. Tinangka niya muling tumakbo ngunit may kamay na humapit sa braso niya.

Nang lingunin niya ito ay namataan niya si Israel. Gusto niyang pumiksi ngunit tila
namanhid na ang buong katawan niya. Nagkasya na lamang siyang nakatitig sa guwapong
mukha ng binata.

"Galit ka pa rin ba sa akin?" seryosong tanong nito.

"Paano mo nalamang dito kami nakatira?" matapang na tanong niya.

"Hindi ba nasabi mo sa akin noon na Nueva Ecija ang province n'yo? Alam mo namang
walang imposible sa akin. Nagbayad ako ng tao para mahanap ka. At ngayong nakita na
kita, hindi na ako papayag na mawala ka sa akin. Kalimutan na natin ang mga
nangyari noon. Nahuli na ang taong nagpakalat ng video natin. Si Jonas ang salarin.
Gusto niyang makaganti sa akin kaya niya nagawa 'yon," pahayag nito.

Natigilan siya. Hindi niya minsan naisip na magagawa siyang sirain ni Jonas. Ang
totoo, nakalimutan na niya ang nangyari, wala na rin ang galit sa puso niya. Ang
nararamdaman niya ngayon ay pananabik na muling nakita ang lalaking mahal niya.

"Pero hindi na natin maibabalik ang dati, Rael. Alam mo naman kung paano ako
pinagtabuyan ng daddy mo," aniya.

"Alam ko, pero okay na kami ni Daddy. Hindi na siya nagpatuloy sa pagka-Senador.
Nag-retiro na siya sa Politika. Nasa hotel na lang siya ngayon," batid nito.

Hindi siya makapaniwala. Mahigit kalahating taon pa lang ang nakakalipas pero ang
dami nang nagbago. Hindi niya maipaliwanag ang galak na nararamdaman niya—na siyang
nag-udyok sa kanyang mga luha upang mangilid sa kanyang pisngi.

"Masama talaga ang loob ko noon. Ang sakit kasi ng mga sinabi ng Daddy mo. Para
akong binuhusan ng kumukulong tubig nang mga sandaling iyon. Takot na takot akong
magpakita sa mga tao. Pakiramdam ko pugot ang ulo ko habang naglalakad,"
madamdaming pahayag niya.
Ginagap nito ang mga kamay niya. "I'm sorry. Kasalanan ko talaga. Naging pabaya
ako. Sorry talaga," samo nito.

"Naiintindihan ko naman. Alam ko sakit na ninyong mga lalaki 'yon. Sa susunod kapag
gagawa ka ng video natin sabihin mo naman sa akin para maayos ko man lang ang
sarili ko," wika niya na nagawa pang magbiro.

Tumawa ng pagak si Israel. Kinabig nito ang baywang niya. "Sorry na, hindi ko naman
sinasadya 'yon, e," anito.

Kinurot niya ang puson nito. "Ikaw kasi, ang halay mo," natatawang sabi niya.

Tawa ito ng tawa. "Sorry, lalaki lang," anito.

"Nakakatakot ka. Hindi na mauulit 'yon," aniya.

"Huwag. Kailangan 'yon sa honeymoon."

"Anong honymoon?"

"Yeah. Nandito ako para suyuin ka, himukin kang magpakasal sa akin," anito.

"May kondisyon," aniya.

"Ano?"

"Huwag mo nang paaalisin ang mga tao rito. Bigyan mo ng titolo ang bawat lupa na
kinatitirikan ng mga bahay nila at huwag mo silang tanggalin sa trabaho," hiling
niya.

"Ang labis naman ng hiling mo," angal nito.

"Kung ayaw mo, aalis kami pero magkalimutan na tayo," aniya sabay waksi sa kamay
nito.

"Wait. Okay, okay. Deal ako diyan, pero pakakasal ka sa akin," anito.

Ngumiti siya. Pagkuwa'y inilingkis niya ang mga kamay sa leeg nito. "I love you,"
aniya.

Niyapos naman siya nito. "Mahal na mahal din kita. Kahit ano hilingin mo ibibigay
ko, basta maging asawa lang kita," anito.

Ngumiti siya. Buong pananabik na naghinang ang kanilang mga labi kasabay sa
masigabong palakpakan ng mga tao. Kinapalan na niya ang mukha niya. Hindi niya
inintindi ang mga taong nanunod sa kanila.

Tuwang-tuwa naman ang mga tao lalo na ang Nanay niya. Nanatili si Israel sa bahay
nila ng isang linggo bago sila pumunta ng Maynila upang makita siya ng Daddy nito.
Humingi rin ng paumanhin si Mr. Montel sa kanya at ito pa ang nag-aapura na makasal
sila.

Sa Tagaytay sila nagpalipas ng limang gabi ni Israel habang inaayos nila ang
papeles sa pagpapakasal. Ewan niya bakit sa tuwing nakikita niya ang nobyo na
walang damit pan-itaas ay naiilang na siya. Medyo pumayat ito pero hindi nawala ang
kakisigan nito.

Nang dalawin siya nito sa kuwarto niya ay inurasan niya ito. Ayaw niyang magtagal
ito roon. "Matutulog na ako," aniya.

"Magkukuwento muna ako," anito habang nakaupo sa tabi niya sa kama.

"Bilisan mo."

"Bakit ba natatakot ka? Inaano ba kita?" natatawang tanong nito.

"Basta."

"Pa-demure ka pa, e magha-honymoon din naman tayo," anito.

"E 'di maghintay ka."

"Oo naman. Hindi naman ako abusado. Excited lang ako."

"O siya, matulog ka na."

"Hindi ba kita puwedeng halikan?" sumasamong tanong nito.

"Halik lang pala, e." Nilapitan niya ito saka siniil ng halik ang labi nito.

Niyakap naman siya nito at pinuno ng halik ang mukha niya. "I love you," anas nito.

"I love you too, Mr. Sarcastic," aniya at muling naghinang ang kanilang mga
labi....
Love is in the air...

-WAKAS-

Susunod na....

Kilalanin si Tequila-Miguel Rosales sa tahimik niyang buhay. Isa siya sa may


magandang personalidad sa magkakaibigan. Guwapo, tahimik Humble, breadwinner at
mapagmahal na kaibigan. Bata pa lamang siya ay hilig na niya ang pagluluto. Pihikan
sa babae pero wagas kong magmahal. Natutunan niyang mahalin ang mga alak magmula
nang magtrabaho siya sa barko bilang bartender, hanggang sa nauwi na lamang sa
pagluluto at naging mahusay na chef. Siya ang tinaguriang The Intimate Romancer.

Abangan....

You might also like