Professional Documents
Culture Documents
Natutuwa ako na noong nagrequest ako ng libro para sa pasko, ang librong ito ang
binigay sa akin. Madalas kasi sa mga trip kong basahin ay mga nobela, Filipino man o
English, sikat man o hindi, ebook man o libro. Ang tanging naaalala ko lang sigurong
libro na non-fiction na nabasa ko (maliban sa mga required textbooks sa school) ay ang
collection of witty articles ni Sir Lourd De Veyra sa kanyang librong This Is A Crazy
Planet 1 and 2. At tuwang-tuwa na ko sa tuwing binabasa ko ito. Kaya ng maencounter
ko ang mga dagli ni Sir Eros, aba’y napakaswerte ko talaga.
First time kong maencounter ang dagli. At wala akong ideya kung anong meron sa mga
ito. Maniniwala ako kung sasabihin sa akin na ang dagli ay pinauso ni Eros Atalia. Kasi
kahit hindi ko alam ang ibig sabihin nito, nagets ko naman ito ng mabasa ko na ang Wag
Lang Di Makaraos.
So batay sa aking obserbasyon at pagbabasa, ang dagli ay mga kwentong maiikli, may
iisang setting, pero buo ang kwento at may kakaibang ending. Ending na madalas ay
open ended.
Sabi nga ni Jane Austen, “If a book is well written, I always find it too short.” At
napatunayan ko ito sa mga dagli ni Sir Eros. Ang bawat dagli ay tila kayang tumbasan
ang mga makakapal na libro. Hindi kailangan ng mahabang explanation para
maintindihan. Diretso, walang arte, klaro. Pero kahit mabilis nagtatagal naman ang
epekto.
Hindi lang simple ang mga dagli ni Sir Eros. Bawat dagli kakaiba. Bawat dagli may
kakaibang karisma. Ito ay mga dagli na nagpapakita sa atin ng mga bagay na hindi natin
normal nakikita.
Naalala ko ang sinabi ni Sir Ricky Lee, “Ang trabaho ng manunulat ay ang
makakita, at ang ipakita sa iba ang nakikita niya.” At kuhang-kuha yun ni Sir Eros.
Hindi ko lang nakita, naenjoy ko pa kung ano ang gusto niyang ipakita sa mabilis at
maikling paraan sa librong ito.
Sa Wag Lang Di Makaraos, nakapaglakbay ako kung saan-saan. Nakilala ko ang iba’t-
ibang tao, na kahit hindi ko alam ang pangalan ay naging kilala ko at naintindihan ang
kanilang pinagdaraanan, kasi ang mundong kinalalagyan nila ay ang mundong
kinalalagyan ko din. Hindi na ito naging kaiba sa akin.
Ang ikinaganda pa ng mga kwento sa librong ito ay ang paggamit ni Sir Eros sa mga
nakalimutan na nating Filipino mythical creatures. Ang tagal ko na ding naghahanap ng
mga kwento patungkol sa mga ito, ang last ko atang basa nang tungkol sa tyanak at
mananangal ay kay Nick Joaquin pa. Sawang-sawa na kasi ako sa kakapanood at
kakabasa ng mga bampira at lobong walang silbi. Uhaw na uhaw ako sa mga kwentong
sariling atin. At hindi ko inakalang dito ko ito makikita. Salamat!
Ang nakakatuwa pa sa paggamit ni Sir Eros sa mga Filipino lamang lupa ay isinabuhay
niya ito sa paghuhumanize sa kanila.
Kahit na may pagkaheretiko at sensitibo ang ilang dagli, maiintindihan mong ito ay may
punto at totoong nangyayari.
Masarap papakin ang librong ito. Kung bored ka at gusto mong makaraos, sige lang
pakalunod ka librong ito!!! Kasi ako nakaraos na!
Bonus:
Kamatayan – Parang tanga lang, hindi ka pa man nagsisimula, kamatayan na agad ang
bubulaga sa librong ito. Pasaway nga talaga. Pero yun, ito ay tungkol sa iba’t-ibang
persepsyon sa kamatayan. May nakakatawa at creepy pero lahat (spoiler alert)
nakakabigla .
Sa Dako Paroon – Akala ko makikita ko si Sadako, hindi pala. Pero mas mageenjoy ka
kasi ang Sadako na makikita mo dito, ay pinoy na pinoy. Sa bahaging ito, dadalawin ka
ng mga third kind. Tapos mahihiya ang kinang ni Edward Cullen sa lakas ng dating nga
mga bawat dagli dito.
Mga Kwentong Mali – Wow mali nga. Kasi naman ang ordinaryong pangyayari sa
buhay natin ay binigyan ng bagong pagtingin. Kakaiba ang birada at sobrang pasaway.
Bilog na de kahon – hindi ko alam kung anong ibig sabihin ni Sir Eros dito, o kung
anung hugis nito, or kung nageexist nga talaga ito. Basta ang alam ko lahat ng dagli dito
sensitive pero maririnig mong pinagtitsismisan sa kanto. Hindi din naman kailangang
ielaborate para maintindihan, basta matalino ka magegets mo.
Eh kasi bata – Sa mga dagling ito ko napatunayan na ang ilang tama at mahahalagang
bagay sa buhay sa bata mo lang maiintindihan at matututunan. In short, ito ay mga
kwentong bata na mas applicable pa sa mga matatanda.
Trabaho lang – mga problema, hirap, sanhi at bunga na may kinalaman sa trabahong
illegal man o hindi. Isang pagsilip sa mga pangyayari sa araw-araw na pagtatrabaho na
hindi mo aakalaing nangyayari.
Commercial – kung hindi ko lang alam ang tipo ng pagsulat ni Sir Eros iisipin kong may
product placement na nangyari sa librong ito.
SI INTOY SIYOKOY NG KALYE MARINO
Si Intoy ang bihasa sa lahat ng mga magtatahong sa
Kalye Marino sa lungsod ng Cavite. Tinatawag siyang
“Intoy Syokoy” ng mga tao dahil para nga raw itong
isang syokoy na nakatatagal sa ilalim ng dagat na parang
may hasang ito tulad sa isda. At kahit bagong ligo pa siya
ng tabang na tubig , huwag lang pagpawisan nang kaunti
ay amoy dagat agad siya. Pinaglilingkuran niya ang
kaniyang amo na si Mang Amor.
Isang araw ay tinamaan ng mga alig ang mga tahungan ng mga tao sa kanilang lugar.
Bilang magaling na manininisid at bihasang magtatahong, si Intoy ang inaasahan ng mga
taong maglilinis at magsasalba sa kanilang tanging kabuhayan mula sa pesteng alig na
dumadalas na ang dalaw bitong mga nakaraang taon.
Natutuwa si Intoy dahil kung maraming tinamaan ng alig, tiyak bukas at hangga’t sa mga
susunod na araw ay maraming may tahungang magpapalinis sa kaniya. Kikita siya nang
malaki. Ngunit malungkot siya, dahil bukas o sa mga susunod na araw pa siya
kikita…ngayon niya kailangan ng pera! At ngayon sana niya aanihin ang sarili niyang
tanim na tahong na pasikreto niyang ginawa. Matatapos na sana ang kaniyang paghihintay
at magkakaayosnasana sila ni Doray.
Kaya siya namomroblema ngayon kung saan kukuha ng pera ay dahil may usapan sila ni
Doray. Gusto niyang dalihin ang ‘tilapya’ ni Doray. Hindi niya alam kung gusto ba niyang
mahalin o anuhin lang ang babae. O baka naman mahalin at aanuhin din pagkatapos.
Isang gabi ay nakita niya si Doray na nilalako ang kaniyang ‘tilapya’ sa mga parukyano.
Gustong sumabay ni Doray sa kaniyang pag-uwi at pinagbigyan naman niya ito.
Nagulat si Intoy sa tinuran ng dalaga, marahil ay nasabi na ni Berto dito ang tungkol sa
kaniyang balak kay Doray. Hindi niya alam kung matutuwa siya o magagalit sa kaibigang
washer. Hindi rin niya alam kung nakikipag-syota na ba sa kaniya si Doray o simpleng
pinaglalakuan lang siya ng ‘tilapiya’ nito.Hindi nakatulog si Intoy sa gabing iyon nang
sabihin ni Doray na pupuntahan siya nito sa bahay niya. Marami sana siyang balak. Bibili
sana siya ng makakain at aayusin ang sarili upang sa ganoon ay hindi nakakahiya kay
Doray. Ngunit ngayon ay pinatay nag mga alig ang sagot sa mahabang pag-hihintay na
iyon ni Intoy. Wala siyang pera. Wala siyang ibabayad kay Doray. Ngunit paano kung
gusto pala siya ng babae at hindi ito nagpapabayad?
Gabi, salamat sa paunang bayad na isangdaang piso sa kaniya ng amo, nakabili siya ng
pandesal at mantikilya. Pero hindi nakahanda si Intoy. Hindi pa siya naliligo dahil sa mag-
hapon na paglilinis sa tahungan. Nakaupo siya at makikita ang mahapding sugat sa kamay.
Naramdaman niya bigla ang langitngit ng tulay na kawayan. Nakita ni Intoy si Doray na
iniluwa ng dilim na bagong paligo. Naikwento niya dito ang nangyari sa tahungan at ang
pesteng mga alig. Nagulat na lamang siya at hinawakan ni Dorayang kaniyang kamay at
sinuri ang sugat. Hinalikan ito ng babae at inakay siya paloob sa bahay.
Ang Pagpaparaos Ni Eros
‘Miss, mayroon na ba kayong kopya ng Wag Lang Di Makaraos?’,
tanong ko sa isang assistant ng book store. 'Saglit lang po Sir’,
magalang niyang tugon. Sa tabi ko ay may isang matandang babae na
malamang ay nasa sisenta anyos, salubong ang kilay at nakatingin sa
akin. 'Ang bastos naman ng librong hinahanap ng batang 'to’, ang na-
imagine kong malamang ay naglalaro sa kanyang isipan noon."
________
Pero mailap ang libro. Kung hindi sold-out, palagi namang out-of-
stock. Pero kailangan kong magkaroon ng libro. Kailangang mairaos
ang pagnanasang gahasain muli ang mga letra, pangungusap, at
pamatay na mga kuwento ni Ginoong Atalia.
Hindi ito ang unang libro kung saan nagsulat ng mga dagli si Ginoong
Atalia. Matatandaang may ilang mga dagli sa kaniyang ikalawang
librong Peksman [mamatay ka man] Nagsisinungaling Ako [at iba
pang kuwentong kasinungalingang di pa dapat paniwalaan].
May isa lamang akong puna sa naturang libro. May isang istorya doon
- ang A, Ganon Pala 'Yon - ang matagal ko nang naririnig bilang isa sa
mga 'kuwentong barbero’ bago pa man ito mailathala sa libro. (Hindi
ko lang alam kung si Eros din ang may akda nito. Isa din kasing
manunulat sa tabloid si Ginoong Atalia.)