Professional Documents
Culture Documents
Sa paghahangad na makilala ang ang isang kalipunan ng mga tao ay maaari silang
mabundok, nasa mga isla o kaya nama'y disyerto; o kaya'y sa pamamagitan ng kanilang wika,
kaugalian at relihiyon. Ang mga ito ang nakakaapekto sa kultura ng isang lipunan, sapagkat ang
kultura ang tagahulma ng isang lipunan, 'pag naparam na ang kultura ay mabubura na rin ang
pagkakakilanlan ng isang lipunan. Ang pag-aaral na ito ay nagnanais talakayin ang "relihiyon"
ng isang kalipunan ng mga tao, ang mga "Viking", sapagkat ang relihiyon ang isa sa mga
pangunahing sangkap ng pagbuo at pagpapanatili ng isang lipunan. Ang relihiyon ang tagahulma
ng kultura at kasaysayan ng isang lipunan, kaya nga nagsagawa ng mga ekspedisyon ang mga
Europeo, hindi lamang dahil sa pampalasa kundi para rin sa kanilang pinaniniwalaang
obligasyon na palaganapin ang Kristiyanismo. Ang layunin ng papel na ito'y talakayin ang
Mitolohiyang Norse , kung paano naging tagahulma ang relihiyon sa kaugalian ng mga Viking,
at kung ano ang naging papel nito sa paghabi ng kanilang Kasaysayan, maging sa Kasaysayan ng
Europa.
Ang salitang "Viking" ay tumutukoy sa mga piratang mula sa mga kweba o fjord (mula
1
kasalukuyan ay katatagpuan ng mga bansang Sweden, Norway at Denmark. At dahil nga sa
lokasyon ng lupaing pinagmulan ng mga Viking, sila rin ay tinatawag na Northmen o Norse na
mga mula sa mga lupaing nasa hilaga ng Europa o Nordic Countries, at ito ang mga lupaing
na sila ang mga taong may helmet na may sungay o kaya naman ay ang pangalan ng isang sikat
na buffet restaurant. Ngunit sa papel na ito ay kikilalanin natin kung sino nga ba sila? Totoo bang
sila'y mga sa demonyong mga tao?. Sa loob ng mahabang panahon sa Kasaysayan ay itinuring na
mga barbaro ang Viking ng mga Europeo, dahil na rin sa kakaiba nilang mga tradisyon na
lubusang taliwas sa paniniwala at gawi ng mga Kristiyano, at dahil rin sa mga mararahas na
pananalakay nila sa iba't ibang bahagi ng Europa noong Panahon ng Maagang Midyebal.
Nagsimula ang "Viking Age" noong 790 to hanggang 1100, ito ang mga panahon ng
mga lupain ng Iceland, Greenland, Vinland sa Hilagang Amerika, Imperyo ng Byzantine at mga
Kanlurang Europa o sa Latin Christendom ang mga Muslim, mula timog na sumalakay sa
Hilagang Africa, Iberia at Sicily at ang mga Magyar na mula sa Silangan na tumawid ng
papel ng mga Vikings sa Kasaysayan ng Europa ay naging palasak na dasal ang mga katagang "
O Lord, drive us from the fury of the Northmen", b ilang pagsamo sa Panginoon para sa
2
proteksyon sa mga mapaminsalang Viking. Ngunit atin namang alamin kung ano ang kultura at
Ang mga Viking ay mayroong relihiyong polyteistiko at ang pagdakila sa mga diyos na
ito ang sentro ng lipunang Viking. Ngunit taliwas sa Kristiyanismo ay walang organisadong
kalipunan ng mga kasulatan ang relihiyon ng mga Viking, kaya't sa oral tradition naipapahayag
relihiyon ng mga Viking sa pamamagitan ng mga arkeolohikal na ebidensya tulad ng mga knarr
o bangka ng mga Viking at ang mga saga na matatagpuan sa Iceland. Dalawa ang pangunahing
batis natin sa pag-unawa sa Mitolohiyang Norse; una ang Poetic Edda n a binubuo ng mga tulang
naisulat mula sa mga saling bibig na tala mula ika-9 hanggang ika-10 daantaon at ang Prose
Edda n a binuo ni Snorri Sturluson noong 1220, na binubuo naman ng mga tulang mula sa Poetic
Ang oral tradition na ito na kalauna'y naisulat ang naging batayan ng paniniwala ng mga
Viking sa kanilang mga diyos. Kung ating titingnan ang sistema ng relihiyon ng mga Viking ay
maihahalintulad natin ito sa sistema ng Mitolohiyang Griego. Bakit? Dahil sa konsepto nila ng
Pantheon ng mga diyos na makikita rin natin sa mitolohiyang Griego. Kung sa mga Griego ay
mayroong Olympian gods, ang mga Norse/Vikings naman ay mayroong Asgardian gods. Ang
Asgard ay ang pinakamataas na bahagi ng mundong Norse. Ang pagtuturing nila sa mundo ay
isang banal na punong tinatawag na Yggdrasil. Ang unang bahagi ng daigdig o Yggdrasil para sa
mga Norse ay ang Asgard na tahanan ng mga diyos at nasa pinakamataas na bahagi ng
Yggdrasil. Ang ikalawang bahagi at nasa kalagitnaan naman ay ang Midgarth kung saan
naninirahan ang mga mortal. At ang pinakahuli at nasa ilalim ng daigdig ay ang Alfeihm na
3
pinaninirahan ng mga elves. Ang konsepto nilang ito ay kahawig ng paniniwalang Kristiyano sa
Langit-Lupa-Impyerno ngunit nagkakaiba rin dahil iba ang konsepto nila ng ilalim ng mundo
ang Alfeihm na kinaroroonan ng mga elves, kaibayo konsepto ng Impiyerno ng mga Kristiyano
na lugar ng diyablo at ng kaparusahan, bukod rito'y wala rin silang konsepto ng Purgatoryo na
Sa pag-aaral ng relihiyon ng Viking, mahalagang makilala muna natin kung sino ang mga
ang bawat salik ng kanilang pamumuhay ay iniuugnay sa partikular na mga diyos. Ang
pangunahin dito ay si Odin na tinatawag ding Wotan sa wikang Aleman at Woden sa Ingles. Si
Odin ang kinikilalang panginoon ng digmaan at tula. Siya rin ang pinuno ng Ásgard, ang tahanan
ng mga diyos, at ama ng maraming mga diyos, bagay na maihahalintulad natin kay Zeus na
pinuno ng Olympus. Si Odin ay inilalarawan na mayroong isang mata at may dalawang uwak na
sina Huginn at Munnin. Siya rin ang pinakasentral na diyos ng mga Viking dahil siya ang pinuno
ng mga diyos at siya ring tagapagtakda ng Ragnarök, ang huling digmaan at wakas ng daigdig.
Ang sumunod na mahalagang diyos ay si Thor na lubusang popular sa atin dahil sa adaptasyon
ng kanyang karakter sa pelikulang "Avengers" , at dahil rin sa kilala niyang armas, ang Mjolnir.
Si Thor ay diyos ng kidlat at ang kanyang pangunahing gampanin ay ang paggapi sa mga
kinikilalang "fertlity god" ng mga Viking. Ang iba pang mahalagang diyos ng mga Viking ay
kababaihang Viking; Si Freyr na isa ring fertility god; Si Loki na diyos ng apoy at panlilinlang.
4
Siya ay kilala bilang pilyong diyos, dahil kung may kakatwang pangyayari sa mga diyos ay siya
ang may gawa, tulad ng pagkawala ng mjolnir ni Thor at pagkawala ng buhok ni Sif na asawa ni
Thor. Ang mga esposang diyosa naman ay sina Sif na asawa ni Thor na mayroong ginintuang
Ngayong nakilala natin ang mga diyos ng mga Viking ay atin namang alamin ang mga
pananampalataya. Ngunit sa kabilang banda, 'di tulad ng "Creation" ng Kristiyanismo kung saan
nilikha ng Diyos ang sansinukob at mga nilalang na narito sa loob ng anim na araw at sa
ikapitong araw ay nagpahinga Siya, ay iba naman ang paniniwala ng mga Viking sa pinagmulan
ng mundo. Para sa mga Viking nagmula ang mundo kay Ymir. Ayon sa kanilang paniniwala ang
higanteng si Ymir na nababalot sa yelo ay dinilaan ng isang baka na siyang ring sinusuan niya.
Ito ang naging sanhi ng pagkatunaw ng yelo sa katawan ni Ymir at mula sa kaniya ay lumabas
sina Odin, Vili at Ve, na siyang makagagapi kay Ymir at ang kaniyang katawan ay naging
mundo. Kung may konsepto sila ng pasimula ng daigdig ay naniniwala rin sila sa katapusan ng
mundo, ang Ragnarok. Ang Ragnarok ay ang malawakang digmaang itinakda ni Odin na sa
pagitan ng mga dakilang mandirigma sa Valhalla, ang dakilang bulwagan ni Odin. Ang
Ragnarok ang konsepto ng apocalypse para sa mga Norse na siyang wakas ng Mundo.
Lubhang napakahalaga para sa mga Viking ang pagkilala sa kanilang mga ninuno.
Itinuturing nilang ang kanilang mga ninuno ay mayroong direktang kaugnayan sa mga diyos,
5
katapatan sa legasiya ng kanilang mga ninuno ang dahilan kung bakit naging masidhi ang
Viking ang pagbibigay galang at pagdakila sa mga ninuno at sa kanilang mga diyos, sapagkat
ang relihiyon para sa mga Viking ay pampamilya at bawat kasapi ng mag-anak ay marapat na
mga panlipunang tradisyon ay nakaangkla rito. Ang pinakatampok sa mga tradisyong Viking ay
ang paglilibing. Ang dakilang tradisyon ng paglilibing ay iginagawad sa mga lider na Viking at
iba pang matataas na tao sa kanilang lipunan. Sinisimulan ito sa pagbabaon sa nagyeyelong lupa
ng bangkay ng pinuno sa loob ng sampung araw hanggang mangitim ang bangkay. Pagkatapos
ay ilalagak ito sa knarr o bangka, kung saan ay itatabi sa bangkay ang maraming pagkain at mga
putol-putol na mga hayop, partikular na ng kabayo bilang alay, at ang pinakahuling alay ay isang
babaing aliping nilasing, sinipingan at hubo't hubad sa bangka. Ang babae ay hahampasin at
sasakalin ng mga matatandang babae hanggang bawian ng buhay. Kapagdaka'y aapuyan na ang
partikular na sa Valhalla, ang dakilang bulwagan ni Odin. Ang pag-aalay ng kabayo ng mga
Viking para kay Odin at ang paggamit ng kabayo sa paglilibing ay lubhang kinamuhian ng
tradisyong ito ng mga Viking, Ipinagbawal ni Pope Gregory III na namuno noong. 731-741 ang
pagkain ng karne ng kabayo, dahil kasumpa-sumpang gawain umano ang pagkain nito dahil ito'y
marumi. Noong taong 787 naman sa Konsilyo ng Celcyth ay kinondena rin ang pagkain ng
6
kabayo na isang mahalagang simbolo para sa mga Viking dahil ito ay kanilang iniaalay kay Odin
. Ang mga pagbabawal na ito ay paraan ng pagsalungat ng Simbahan sa mga itinuturing nilang
lipunang Viking, katulad ng ibang mga tribo sa Europa ay naging Kristiyano rin ang maraming
mga Viking. Noong taong ika-11 daantaon ang Norse na hari ng Scotland, England at Isle of
Man na si King Canute ay yayakap sa Kristiyanismo dahil sa mga kasunduan sa ibang mga hari
upang mapayapa ang kanilang nasasakupang lupain, at kalaunan ang Denmark ay masasakop
niya rin at magiging kristiyano rin. Gayundin, noong 911 sa pakikipagkasundo ni Haring Charles
ng mga Frank sa mga Norse na nasa kanilang lupain (kasalukuyang Pransya) ay naging
Kristiyano ang mga Viking. Noong ika-10 daantaon naman ay ipinasunog ni Haring Erick ng
Norway na naging Kristiyano ang mga dambana ng mga itinuturing niyang mga pagano, ang
mga Viking na tapat sa kanilang pananampalataya, ngunit siya rin ay pinatay ng mga nakatataas
na mga Viking. Sa mga sumunod na panahon, gayundin ang ginawa ni Haring Olaf Tryggvason
ng Norway noong taong 998 ay puwersahan niyang ipinasunog ang mga dambana ng mga
mananampalatayang Viking at pinilit ang mga Viking na magpabinyag, ngunit maraming Viking
ang mas piniling maging martir at mamatay kaysa yumakap sa Kristiyanismo. Dulot ng
sa Scandinavia. Noong 1024 ay idineklara ni Haring Olave Scotkonug ang pagiging opisyal na
mga Norse at mananatili ang Sweden bilang huling lupaing hindi yumayakap sa Kristiyanismo.
7
Nguniit noong taong 1120 ay magtatapos na ang pananampalatayang Norse sa Scandinavia nang
magpadala si Haring Sigurd ng krusada sa Sweden upang wakasan ang pag-iral ng mitolohiyang
Norse sa Sweden. Tuluyan nang nagwakas ang pananampalataya ng mga Viking na minana nila
Matatalos natin mula sa Kasaysayan ng mga Viking Kung gaano kahalaga ang ginampanan ng
nang bitiwan na ng mga Viking ang kanilang relihiyong katutubo ay naglaho na rin ang mga
tradisyong ito.
Bagaman nawala na ang mga Viking at ang mga sumunod na henerasyon ng kanilang
ang mga Viking sa Kasaysayan ng Europa at ng mundo. Ang mga Viking ang isa sa mga
matamlay. Patunay rito ang mga natagpuan na mga baryang dinar ng mga Muslim sa lugar ng
mga muslim. Bukod sa kalakalan ay ang ambag nila sa Literatura, sa pamamagitan ng mga
naiwang “sagas” sa Iceland na siyang naging susi natin sa pagkilala ng mayaman nilang kultura,
legasiya sa larangan ng pandaragat dahil sa pagiging mahusay nilang mga manlalakbay sa dagat
na nakaabot pa sa Vinland na nasa Hilagang Amerika, bago pa man ang panahon ni Columbus.
Ang ating mga araw ngayon ay impluwensiyang Viking rin: Wednesday (Woden/Odin);
Thursday (Thor) at Friday (Frigga). Bagaman sa kasaysayan ay naging negatibo ang tingin ng
8
mga Romano at kalaunan ng mga naging Kristiyano sa mga Viking, at maging sa mga tribong
Germanic bilang mga barbaro at sa demonyo ay marapat nating maunawaan na tulad ng iba, sila
na hindi buo ang ating Kasaysayan kung wala ang mga Viking, sapagkat walang tunay na
dakilang Kasaysayan.
_____________________________________________________________________________
Sanggunian:
Jones, Prudence and Nigel Pennick. A History of Pagan Europe. London: Routledge, 1995
Gunnell, Terry. Viking Religion: A Norse Mythology in Beowulf & Other Stories: A New
Introduction to Old English, Old Icelandic and Anglo-Norman Literatures pp. 351-371. London:
Harl, Kenneth. The Vikings. Chantilly, VA: The Teaching Company, 2005
Tibi, Amin. The Vikings in Arabic Sources. Islamic Studies, Vol. 35, No. 2, pp. 211-217.
9
10