You are on page 1of 3

ARTIKULO MULA SA DYARYO

Korapsyon nagpapahina sa gobyerno


Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon 
March 28, 2019 | 12:00am
MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ng Transparency International na maging ma-
pagmatyag ang mga Filipino sa pagboto sa nalalapit na halalan sa Mayo 13.

Inihayag ito ni Patricia Moreira, managing director ng Transparency International, isang


pandaigdigang organisasyong sumusuri ng pananaw ng mga tao tungkol sa korupsyon
sa pamamagitan ng “Corruption Perceptions Index.”

Sinabi ni Moreira, grabeng pinsala ang idinudulot ng korapsyon sa isang demokrasya


dahil nagbubunga ito ng isang “vicious cycle” kung saan lalong humihina ang mga sa-
ngay ng gobyerno at mga institusyong dapat sana’y nagbabantay kontra rito.

Inihalimbawa niya si Janet Lim Napoles na ginamit umano ang mga pekeng foundation
na naging ugat ng korapsyon matapos diumano’y kurakutin ang may P10 bilyong
halaga ng pondo ng taumbayan, kasama ang mga kasabwat nitong senador at
kongresista. 

Sa corruption index noong 2018, iniulat ng organisasyon na tumanggap ang Pilipinas ng


score na 36/100 katulad ng mga bansang Albania, Bahrain, Colombia, Tanzania, at
Thailand.

Bagaman bahagyang umangat ang score ng Pilipinas mula 34 noong 2017, nababahala
pa rin ang organisasyon dahil hindi man lang umabot sa kalahati ang may 120 bansa sa
buong mundo.

Laban sa korapsyon dinala sa mga lokal na pamahalaan,


Bantay Korapsyon inilunsad
October 10, 2018

Upang matugunan ang kautusan ni President Rodrigo Duterte na alisin ang korapsyon
sa gobyerno, dinala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang
kampanya laban sa korapsyon sa mga pamahalaang lokal kasabay ng paglulunsad ng
programang “Bantay Korapsyon”.

Sinabi ni DILG OIC-Secretary Eduardo M. Año na ang Bantay Korapsyon ay isang


importanteng programa ng DILG na hinihikayat ang iba’t ibang grupo na makilahok sa
kampanya laban sa korapsyon lalong-lalo na sa grassroots level.

"Walang korapsyon na dapat nangyayari sa national man o sa local level. Ang mga
posisyon sa gobyerno ay hindi isang tropeo, kundi isang sagradong simbolo ng tiwala
at responsibilidad na ibinigay ng mga mamamayan, at ito ay may kaakibat na mataas
na pananagutan,” sabi ni Ano sa kanyang mensahe sa paglulunsad ng naturang
programa sa Quezon City.

Sinabi ng DILG Chief na “public service is a public trust” kung kaya’t ang mga lokal na
opisyal na nanumpa na magsisilbi para sa interes ng publiko at nagpapayaman sa
kanilang panunungkulan ay dapat panagutin sa kanilang korapsyon.

Paliwanag ni Año, ang Bantay Korapsyon ay nag-uugat sa mga taong nakikilahok sa


laban kontra korapsyon sa pamamagitan ng kanilang pagpapaabot ng kanilang reklamo
o sumbong sa Hotline 8888, Presidential Complaint Center, kasama na rin ang mga
walk-in complaints.

“Malaki ang gagampanang papel ng komunidad dito sa naturang programa. Ang


kailangan namin ay impormasyon mula sa mga mamamayan para mapanagot ang mga
naliligaw ng landas na mga lokal na opisyal,” sinabi pa nito.

Sabi pa ni Año, kapag ang reklamo o alegasyon ay “firm in substance and form”,
ihahain ang kaukulang kaso pero kung hindi, ang DILG ay maaaring mangalap ng mga
impormasyon sa pamamagitan ng fact-finding o kaya tawagin ang atensyon ng local
chief executives.

Kung ang alegasyon ay mayroong corroborative evidence o statements, na kinalap


mula sa fact-finding, tututukan ang kaso at dito na mangangailangan ng suporta ng
ibang ahensya ng gobyerno.

"Dadalhin natin ang serbisyo sa tao at upang maisakatuparan ito, dapat ay alisin natin
ang korapsyon. Wala tayong pipiliin, tulad nang ipinakita ng Pangulo nang sinibak niya
ang ilang opisyal kahit na iyong mga malalapit sa kanya,” dagdag pa nito.

Ang programa ay mayroong three-pronged strategy para labanan ang korapsyon sa


pamamagitan ng edukasyon o pagpapalago ng kamalayan tungkol sa korapsyon; pag-
iwas sa mga pagkakataon na gumawa ng korapsyon; at pagpigil sa pamamagitan ng
pagtaas ng tsansa na hulihin ang mga korap at gawaran ang mga magagandang gawi
na makakamit sa tulong ng partnership at pagmomobilisa ng komunidad, at
pagsasagawa ng “community-specific, LGU-nuanced, at DILG-focused development
interventions.”

Binalaan niya ang mga lokal na opisyal na umiwas sa korapsyon dahil mayroon ng mga
mekanismo at paraan para tawagan ng publiko ang pansin ang national government
tungkol sa mga pang-aabuso na nangyayari sa kanilang bakuran.

“Sisiguruhin natin na mararamdaman ng mga local officials ang kanilang mahalagang


pananagutan sa publiko,” dagdag pa niya.
Duterte idinawit ang COA sa korapsyon

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon 


September 1, 2021 | 12:00am
MANILA, Philippines — Inakusahan ni Pa-ngulong Rodrigo Duterte ang Commission on
Audit (COA) ng bribery at pamemeke ng public documents.

Ginawa ng Pangulo ang alegasyon matapos kuwestyunin ang patuloy na imbestigasyon


ng Senado sa 2020 audit report ng COA sa Department of Health.

“Why don’t you (COA) publish criminal cases filed against the auditing office involving
corruption? Mas masahol pa, bribery, tinuturuan niyo mag- falsify,” ani Duterte.

Ayon kay Duterte, maraming nadedemanda sa COA dahil sa panunuhol kung saan
tinuturuan umano ang mga nasa gobyerno para makalusot.

“Ah basta dumating diyan, basta bitawan sa media, talagang sisirain ka. Iyan ang…
Someday, kung kayo… Alam mo, marami ring nademanda sa COA. Karamihan niyan
bribery and falsification na kung may tulungan sila na isang government ano treasurer,
auditor, tuturuan nila ‘yan kung paano gawin para malusot. So not everybody here is
really without sin. Ganoon ‘yan,” ani Duterte.

Samantala, nagpahatid ng tanong si Duterte kay Sen. Panfilo “Ping” Lacson kung sa
tingin nito ay totoo siyang matapat.

“Ping, tanungin kita, are you honest? Answer me truthfully. Are you ho-nest? If you
answer yes, next program may pakita ako,” ani Duterte.

Sinabihan din ni Duterte ang mga senador na tigilan na ang pagpapatakbo sa mga
departamento na ginagawa lang umano ang mga imbestigasyon dahil sa publicity.

“I’m telling these senators now: Do not run the departments. Huwag ka-yong mag-
imbestiga na kayo-kayo lang magsabi ng ganoon, ganito, ganito. You would like to run
government, the departments the way you want it? Or is it because you want the
publicity?” ani Duterte.

You might also like