You are on page 1of 18

KABANATA 1

Ang Suliranin at Sandigan nito

Panimula

Sa panahon ngayon, mahirap para sa simpleng mamamayan ang pagsusuri sa mga maiinit

na balita lalo na sa politika. Mayroon pa ring mga taong nanunuod ng balita sa TV at nagbabasa

ng mga pahayagan, pero mas nakararami ang kumukuha ngayon ng balita at isyu sa Facebook,

Youtube at Blogs. Ang salitang “fake news” ay hindi na bago, ito ay hindi popular na ginagamit.

Marahil ang iilan ay nagtataka kung paano, kailan at saan nagsimula ito at bakit ang salitang ito

ay biglang sumikat. Maaaring makakuha ng samot-saring kaalaman sa alinmang banda ng

internet. Marahil ay dumadami ang nagbabahagi ng kanilang kaalaman dulot ng demokras-

tisasyong kinalabasan ng pag laki ng populasyong gumagamit ng makabagong teknolohiya. Isa

rito ang social media. Sinasabing nangunguna ang Pilipinas sa mga gumagamit ng Facebook sa

buong mundo (Camus, 2018).

At sa pagtaas ng mga gumagamit at nagbabahagi, bumababa naman ang kalidad ng

impormasyong makukuha sa internet. Hindi na makita ng lahat kung ano man ang totoo sa

hindi, at nagagamit ng iba ang ganitong panlilinlang para sa sariling pakinabang. Nakalulungkot
isipin na maraming Pilipino ang nalinlang na sa mga ganitong bagay na kung tawagin ay Fake

News, kung kaya mahalagang maintindihan pinagmulan nito.

“No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press

or the right of the people peaceably to assemble and petition the government for redress of

grievances (Article 3, Section 4, 1987 Philippine Constitution). Malinaw na nakasaad sa ating

konstitusyon ang ating kalayaan na nakapagpahayag ang ating nararamdaman, opinyon,

pananaw, at iba pa sa ibat ibang pamamaraan. Ni walang batas na puwedeng buoin ang

maaaring mag-alis ng karapatang ito. Ganunpaman, sa lahat yata ng karapatang ibinibigay sa

atin ay hindi talaga maiaalis ang mga taong umaabuso rito. Sa pamamagitan ng pananaliksik na

ito, maipakita ang mga naidulot ng paglaganap ng fake news sa social media. Matukoy ng mga

mambabasa kung bakit patuloy ang pag-laganap ng Fake News sa Social Media.

Layunin ng Pag-aaral

Nilalagom ng pananaliksik ang panunuri at pag-unawa ng paglaganap ng Fake News sa

Social Media. Hangad ng mga papel na ito maiugnay ang paglaganap ng Fake News sa

kasalukuyang kalagayan sa Social Media. Nais tuparin ng papel na ito ang mga sumusunod:

1. May kaalaman ba ang kabataan sa fake news?

2. Saan nakababasa ng Fake News?

3. Paano nila masusuri kung ito’y Fake News?


Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa mga pekeng balita sa mag-aaral ng

Esperanza National High School na isinagawa mula Pebrero hanggang Marso 2020.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang mananaliksik ay naniniwala sa kahalagahan ng pag-aaral na ito sa sumusunod:

Para sa mga mambabasa, mahalaga ang pag-aaral na ito upang malaman ng mambabasa

kung paano nabiktima ang mga estudyante sa Fake News.

Para sa mga guro, mahalaga ang pag-aaral na ito sa pagtukoy ng pekeng balita sa Social

Media na binabasehan ng mga tao.

Para sa iba pang mananaliksik na mag-aaral pa nito, ang magiging kalabasan ng pag-aaral

na ito ay magsisilbing gabay sa anumang pag-aaral at pananaliksik na may kaugnay sa papel na

ito. Ito ay magiging gabay sa kaugnay na pag-aaral.

Para sa mananaliksik, ang pag-aaral na ito ay mahalaga sa kanila sapagkat malalaman nila

ang paraan kung paano matutukoy ang mga pekeng balita sa Social Media.
Katuturan ng Terminong Ginamit

Upang mas maintindihan ang mga terminong ginamit, binigyan ng kahulugan ang mga

sumusunod:

Fake - peke o hindi totoo. Ang kasalungat niya ay tunay o totoo. (https:// brainly. Ph/

question/ 30851).

Sa pag-aaral na ito ang fake o peke ay isa sa mga laganap sa mag-aaral at sa social media

dahil madali silang maloko ng mga bali-balita dahil hindi nila inuusisa ng maigi.

News - isang impormasyon o ulat tungkol sa mga pangyayaring naganap kumakailan

lamang, naganap sa kasalukuyan at magaganap pa lamang. ( https: // brainly. Ph/ question/

308501).

Sa pag-aaral na ito ang news o balita ay pweding Makita sa internet sa TV o sa dyaryo.

Dito malalaman ng mambabasa kung totoo ba ito o hindi.

Social Media - isang website o applikasyon na ginagamit sa paggawa o pagbahagi ng

partisipasyon sa social media. (Oxford)


KABANATA III

Pamamaraan

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng mga pamamaraan at hakbang ng ginamit ng

mananaliksik sa pagsasagawa ng pag-aaral. Kasama ang disenyo ng pananaliksik, local,

pangungulekta at pagsusuri ng mga datos.

Disenyo ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay isang uri ng kwalitatibo na pananaliksik gamit ang deskriptibo na

pamamaraan. Dahil inilarawan ang tumpak na kalagayan ng mga impormante tungkol sa Fake

News.

Sa pangangalap naman ng datos ginagamit ng mananaliksik ang tuwirang pamamaran at

interbyu sa pamamagitan ng direktang pagtatanong sa mga impormante tungkol sa Fake News.

Lokal na Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay ginanap sa Esperanza National High School na makikita sa

Poblacion, Esperanza, Sultan kudarat.


Impormante

Ang mga impormante sa pag-aaral na ito ay mga (3) estudyante at mga(2) guro sa

Esperanza National High School.

Pangkalahatang Pamamaraan

Upang maayos ang pag-aaral na ito inilarawan ng mananaliksik ang mga paraan ng

kaniyang ginamit.

Una ay humingi ang mananaliksik ng pahintulot sa namumuno ng lugar sa kanyang

pagsasaliksikan ng mga datos.

Pangalawa, gumamit ng audio recorder sa pakikipanayam ng mananaliksik sa kaniyang

mga impormante upang maerecord ang mga importante na kanilang binabangit.

Pangatlo ay nilikom niya ang mga impormanteng kanyang nakuha at tinanong kung ano

ang mga epekto kung bakit patuloy na lumaganap ang Fake News sa social media.
Pang-apat, matapos na maisagawa ang interbyu ay sina titik ang mga pag-uusap ng mga

mananaliksik at mga impormante. Sinuri ang mga transkripsyon at binigyan ng transkripsyon at

sinangguni sa kanilang guro para sa interpretasyon sa karagdagang ideya.

KABANAT II

Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

“Fake News” ang pag pinili ng Collins Dictionary na word of the year bunsod ng pagkalat

nito at “walang kapantay na paggamit”. Gayunman, iba-iba ang mga kahulugan ng termino, at

kung minsan ay nakakasalungat.

Sa Collins Dictionary, and fake news ay ‘mali, kadalasang sensasyonal na impormasyong

ikinakalat na kunwari’y ulat na balita, habang para sa Oxford Learners ang mga ito ay “mga

maling ulat ng mga pangyayari, na isinulat at binabasa sa mga website”.

Dagdag ng Cambridge Dictionary, ang fake news ay “kinakalat sa internet o gumagamit

ng iba pang media, kadalasang nilikha para maimpluwensyahan ang mga papanaw sa pulitika o

bilang isang biro.

Ayon sa isang artikulo sa time magazine, isasama ng Dictionary.com ang “fake news” sa

susunod na update nito at tutukuyin ito bilang “mga maling balita, kadalasan sensasyonal, na
ginawa upang ikalat nang husto online para kumita mula sa adver-tisements sa pamamagitan

ng web trapik o paninira sa isang pampublikong personalidad, kilusang pampulitika, kumpanya

atbp.”

“isang kumbinasyon ng dalawang natatanging mga salita, parehong kilalang-kilala, na

kapag ginamit sa kumbinasyon ay madaling maintindihan ang kahulugan. Ang fake news ay,

napakasimple, balita (material na iniulat sa isang pahayagan o pahayagan o pahayagan ng

balita o sa isang newscast) na peke (hindi totoo, huwad).

Ayon sa mga mambabatas, dalawang nakabinbin sa panukala sa kongreso ang

naghahangad na ipagbawal at parusahan ang paglikha at pagkalat ng fake news.

Walang tiyak na depinisyon ang fake news sa Senate Bill No.1492. Sinabi lang ng may

akda na si Sen. Joel Villanueva na ang pagbibigay ng kahulugan nito (fake news) ay mas

mabuting ipag-ubaya sa mga korte.

Ang mas pinakahuling House Bill No. 6022 na isinampa ni Camarines Sur Rep. Raymond

Villafuerte Jr. ay naglalarawan sa fake news sa tatlong iba’t ibang paraan:

 Maling quotation o di-tumpak na ulat na pahayag

 Pag-edit ng audio o video na nagreresulta sa pagbaluktot

 Pawang gawa-gawang paksa


Ayon sa mga propesyonal sa media at tagapagtanggol ng press freedom, tinukoy ng

Center For Media Freedom and Responsibility (CMFR) ang fake news sa pamamagitan ng

pinagmulan nito.

Ang mga site na ginagaya ang mga lehitimong website na balita walang mga pahina na “About Us”

o “Contact Us”, naglalabas ng mga hindi beripikado na pinagsama-samang nilalaman at nagbabahagi ng

mga post na trending ay maaaring mga pinagkukunan ng fake news , sabi ng CMFR.

Sa isang panayam sa telebisyo, sinabi ni CMFR Chair Vergel Santos na ang isang batas laban sa

fake news ay maaaring gamtin laban sa mga mamamahayag. Dagdag ni Santos, ang mga batas sa libelo

ng bansa ay sapat na mga panangga laban sa fake news.

Ang mga pinagmulan ng fake news, sabi ni Mellisa Zimdars, isang propesor ng komunikasyon at

media sa Merrimack College sa Massachusetts, ay ang mga “ganap na nag-iimbento ng impormasyon,

nagkakalat ng mapalinlang na nilalaman , o garapalang binabaligtad ang tunay na mga ulat na balita.

Sabi ng First Draft, isang non-profit na media research group, ang “fake news” ay isang terminong

“nakalulungkot na kulang”, na pinagsamasam ang mis-information, disinformation, at mal-information o

kung ano ang tinatawag ng grupo na “tatlong uri ng sakit ng impormasyon”.

Ang dis-information ay impormasyon na hindi totoo at sadyang nilikha upang saktan ang isang

tao, grupo sa lipunan, organisasyon o bansa. A ng mis-information ay impormasyon na hindi toto, ngunit

hindi nilikha na may intension na magdulot ng pinsala. Mal-information ay impormasyon na batay sa


katotohan, na ginagamit upang saktan ang isang tao, organisasyon o bansa tulad ng palihim na

paglalabas ng istorya, panggugulo at speech na nagtatanim ng poot.

Ayon sa Facebook, ginagamit ng facebook,na binatikos dahil sa pagkalat ng fake news, ang

salitang “fake news” upang ilarawan ang mga artikulo ng balita na nagkukunwaring katotohanan ngunit

“naglalaman ng mga sinasadyang maling pahayag ng katotohanan ngunit “naglalaman ng mga

sinasadyang maling pahayag ng katotothanan para gisingin ang silakbo ng damdamin, maakit ang

manonood, o manloko.

Sabi ng Facebook, ang mga nagkakalat ng fake news ay “maaaring naudyukan ng pera, mga

pansariling motibasyong pampulitika, pag-akit ng mga pag-click, o lahat ng binanggit”.

Ayon sa publiko, isang pag-aaral na inilabas noong Oktubre ng Reuters Institute for the Study of

Journalism sa University of Oxford ang nagpapakita na ang tingin ng karamihan ng mga tao sa fake news

ay isang “malawak at magkakaibang kategorya” at hindi lamang tungkol sa mga gawa-gawang ulat na

sinasadya upang makapanloko.

Sabi ng pag-aaral, ang fake news para sa publiko ay maaaring nangangahulugang:

 Mahinang uri ng pamamahayag:hindi tumpak, sensasyonal at mababaw na pag-uulat ng

kilalang mga organisasyon ng media.

 Propaganda: nagsisinungaling ng mga pulitiko at matinding nilalaman mula sa matapat na

mga tagasuporta.

 Ilang uri ng advertising: sponsored at promoted na nilalaman at pop-up na mga ads.


Nilagdaan ni pangulong Duterte noong agusto 29 ang Republic Act 10951, ang batas tungkol sa

“fake news” o pekeng balita, sa bumago sa halaga ng pinsala na itinalaga ng Article 154 ng revised penal

code para sa “unlawful use of means of republication and unlawful utterances”.

Itinalaga ng RA 10951 ang kaparusahang aresto mayor at multang 200,000sa sinumang naglathala

ng pekeng balita na nakasisira ng kaayusan o nakapinsala sa estado.

May ilang sadyang mahalagang probisyon ng RA 10951. Saklaw nito ang paggamit ng Fake news,

word utterances or speeches” na nagbubuyo na huwag igalang ang batas at mga awtoridad; o kaya

purihin ang mga gawaing laban sa batas.

Isinasaad din nito na ang sinumang naglathala o naging instrumento para malathala na may

intensyong malisya ang resolusyon o dokumento ng walang pahintulot ng kinauukulan , o bago ito

opisyal na nalathala , ay pag mumultahin, gaya ng sinumang “anonymus” na nag imprenta, naglathala at

nagpakalat ng mga aklat , “pamplets, periodicals o leaflets” ng walang pahintulot ng tunay na may akda.

Gayunman, may ilang “butas” ang RA 10951 na maaaring maging patibong para sa mga taga

media na magpakalat ng mga artikulo o impormasyon mula sa lehitimong “sources” ngunit pekeng balita

pala. Dahil ditto, ang kawalan ng pagkakakilanlan ng sumulat o naglathala ay nagkaroon ng bagong

dimensiyon sa ilalalim ng bagong batas.

Kaugnay na Pag-aaral
Ayon sa isang pananaliksik na isinagawa ng Massachussets institute of Technology, mas mabilis

kumalat sa internet ang mga balitang walang katotohanan kaysa sa lehitimong balita.

Kapag kontrobersyal at may halong tsismis ang mga ipinaskel na impormasyon sa mga social

media flat forms, milyun-milyun ang mga “likes na natatamo”. Madalas ang mga readers ay naghahayag

ng komentong may halong galit kahit kumpermado kung totoo o hindi ang nagbabasa. Edukasyon ang

kailangan diyan. Tingin ko may mga uncivilized part ang ugali ng tao na dapat turuan at gawing

sibilisado.

Kaya naman nagiging malaking problema an gating lipunan ang “Fake News” ngayon. Nagagamit

kasi pa ito pati na ang social media bilang instrument ng paninirang-puri lalu nan g mga pulitiko para

ibagsak ang kanilang mga kalaban o kaya, kahit karaniwang tao na ginagamit ito para siraan ang kalaban.

Sa Marso 15, itutuloy ng senado ang pagdinig sa usapin ng fake news at tumanggap ako ng

paanyaya mula sa tanggapan ni Sen. Grace Poe na siyang chairman ng Senate Committee on Public

service para maging resource person.

Ang tamang talakayin ay papano mapipigilan ang fake news at kung kailangan ba isang bagong

batas laban ditto.

Ayon sa opinyon ni Massachusetts, hindi puweding pigilin ang paglaganap ng pekeng balita dahil

iyan ang isang bagay na nakabaon na sa psyche hindi lang ng mga Pilipino kundi ng sangkatauhan. Dapat

lang turuan ang taumbayan na maging discerning o mapanuri sa mga tinatanggap na balita. Sabi nga “if

its too good or too bad to be true, it must be fake”.


KABANATA IV

Paglalahat, pagsusuri at pag bibigay kahulugan ng mga datos

1. May kaalaman kaba tungkol sa fake news?

Impormante (1) oo naman

Impormante (2) mayroon naman pero hindi masyadong malawak

Impormante (3) marami akong kaalaman dahil marami akong nababasa sa social media tungkol

sa kumakalat na fake news

Impormante (4) mayroon

Impormante (5) oo naman

2. Saan ka nakakabasa ng fake news?

impormante (1) sa facebook

impormante(2) sa facebook, kasi dyan talaga nakakagawa ng fake pages sa isang organisasyon.

Impormante (3) sa facebook


Impormante (5) sa facebook at google

3. Paano mo masusuri kung ito’y fake news?

Impormante (1) malalaman ko na fake news kung wala doon mismo ang nag post

Impormante (2) kapag hindi mismo sa official page ng isang organisasyon at hindi siya totally na

announce ng admin

Impormante (3) kung dinadagdagan niya ang mga impormasyon

Impormante (4) kung hindi alam at makikita ang pinag mulan nito

Impormante (5) una basahin ang pamagat, kailan ito na publish at kung saan galing. Basahin ng

mabuti ang nakasulat sa isang news o statement at analisahin kung totoo o hindi

Basi sa nakalap naming mga datos o impormasyon mula sa mga impormante, kadalasan

nakakabasa sila ng fake news sa social media tulad ng facebook dahil pwedeng makagawa ng fake pages.

Masusuri nila ito kung itoy fake news kung hindi mismo sa mismong page ng isang organisasyon o kung

hindi naaprobahan ng namumuno o admin ng mismong page o organisasyon, gawa-gawa lang at hindi

alam ang source. Ang iba ay dinadagdagan ng mga impormasyon na hindi naman kapani- paniwala.

Suriin mabuti ang mga impormasyon, hindi lamang babase sa pamagat at alamin din kung kailan ito

naipublish at kung sino ang nag publish ng balita.


KABANATA V

Buod, Kongklusyon at Rekomendasiyon

Buod

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong (1) matukoy kung mayroong kaalaman ang mga kabataan

tungkol sa fake news (2) malaman kung saan sila nakakabasa ng fake news (3) at kung paano nila ito

masusuri kung ito’y fake news. Sa pamamagitan ng kwalitatibo na pananaliksik gamit ang deskriptibo na

pamamaraan. Sa pangangalap ng mga datos ginamit ng mananaliksik ang tuwirang pamamaraan at

interbyu sa pamamagitan ng deriktang pagtatanong sa mga impormante. Ang pag aaral na ito ay

ginanap sa Esperanza Nationa High School na makikita sa Poblacion, Esperanza, Sultan, Kudarat. Una ay

humingi ang mananaliksik ng pahintulot sa namumuno ng lugar ng kanyang pagsasaliksikan ng mga

datos. Pangalawa, gumamit ng audio recorder sa pakikipanayam ng mananaliksik sa kanyang mga

impormante upang maerecord ang mga importante na kanilang binabanggit. Pangatlo, ay nilikom niya

ang mga importanteng kanyang nakuha at tinanong kung ano ang mga epekto kung bakit patuloy na

lumaganap ang fake news sa social media. At pang apat, matapos na maisagawa ang interbyu ay sinatitik
ang mga pag-uusap ng mga mananaliksik at mga impormante. Sinuri ang mga transkripsyon at binigyan

ng transkripsyon at sinangguni sa kanilang guro para sa interpretasyon sa karagdagang ideya.

Kongklusyon

Sa pamamagitan ng mga impormasyon naibahagi sa pag-aaral na ito masusuri ang totoo sa peke

na balita. Dahil sa kanilang karanasan sa fake news na nabiktima sa social media. Ang huwad na balita ay

huwad o huwad na impormasyon, halimbawa sa pamamagitan ng pagputol ng isang naaangkop na audio

o pagtutugma ng mga bagay na walang kinalaman sa mga ito upang pukawin ang emosyonal o

panlipunang reaksiyon.

Rekomendasiyon

Dahil may limitasyon ang pag-aaral na ito iminumungkahi ng mananaliksik ang mga sumusunod:

1. Susuriin sa nilalaman ng babasahin, hindi babasi sa pamagat

2. Kahalagahan ng pagbabasa sa panahon ng fake news

3. Epekto ng fake news sa lipunan


Bibliyograpiya

Camus, 2018

https:// brainly. Ph/ question/ 30851).

Oxford

Senate Bill 1492:Anti-Fake News AcT OF 2017

House Bill 6022:Anti-Fake News Act of 2017

Collins Dictionary,”Fake News”

Oxford Learner’s Dictionary,”Fake News”

Cambridge Dictionary,”Fake News”

Time.com,The Dictionary ia adding an entry for’fake news.’Sep.27,2017

Merriam-Webster, The Real Story of Fake News

Center for Media Freedom and Responsibility, Knowing your source: think before you click. Oct. 4, 2016

First Draft, Information Disorder: Toward a disciplinary framework for reseach and policy making

Facebook, Information Operations and Facebook

Reuters Institute for the Study of Journalism, “News you don’t believe”: Adience perspectives on fake

news

Panganib ng pekeng balita (oct. 6, 2017) posted by Bali ta Online RSS Feed
Pekeng balita mas kinakagat ( From Philstar.com)

You might also like