You are on page 1of 9

KABANATA I

Ang suliranin at sandigan nito

Panimula

Ang wika ay sumasalamin sa kultura ng isang bansa. Ito rin ang isa sa mga
paraang komunikasyon na nagbibigay ng buhay. at nag tataglay ng ibat ibang barayti.
Masasabi ring ang wika ang isa sa mga pinakamahalagang bagay na naimbento ng
mga tao. Ito rin ang isa sa mga paraan upang maibahagi at maiparating sa ibang taong
nasa ating paligid ang nilalaman ng ating saloobin, naiisip, damdamin, opinyon at
adhikain. Mayroon ding ibat ibang barayti ang wika na maaaring iklaripa na higit pa sa
isang paraan. Tulad na lamang na tinatawag idyolek dayalek, at marami pang iba na
may kaparaanan ng pagkaklaripa ng wika sa mga ginamit nito at ang kondisyong sosyal
naman at pagkakaiba-iba ng wika dahil sa ibat iba nitong Gawain, interes, propesyon,
pamumuhay at iba pa.

Sa gitna ng pagkakaiba ng wika dahil sa pagkakaiba-iba ang mga Gawain at


tungkulin ng tao sa lipunan at iba pang mga factor. Maaari rin naming itaguyod ng isang
estrado ang pagkakaroon ng pagkakaisa sa pagkakaiba ng wika. Ito ang ginawa ng
Indonesia sa bhinneka tunggal ika (pagkakaisa) at ng pilipinas sa islogang isang bansa.
Isang disa, isang wika.

Ayon pa kay constantino (2002) mula kay Eastman (1971), nahahati sa dalawang
dimension ang varyabilidad o pagkakaiba-iba ng wika; ang heograpikal (diyalekto) at
sosyo-ekonomiko (sosyolek), ayon kay williams (1992) ang pagkakaroon ng mga uri o
varayti ng wika na nakikita sa katayuang panlipunan ng isang indibidwal. Dito ng simula
ang mga pag-aaral sa varayti ng wika na naging bahagi ng larangan ng
sosyolinggwistika. At sa pagdaan ng panahon, nagbunga ito ng mga teorya at konsepto
kaugnay at pagtuturo at pagkatuto ng wika.

Ang mobile legend; bang bang ay isang multiplayer online battle arena (MOBA) na
dinesenyo para sa mga mobile phones. May roong dalawang magkasalungat na
pangkat na naglalaban para maabot at wakasin ang base ng kalaban habang
pinoprotektahan nila ang kanilang base upang kontrolin ang kanilang daanan.
Mayroong tatlong landas (lanes) at kilala bilang ‘top’, ‘middle’, at ‘bottom’, na
kumokonekta sa magkabilang base. Bawat pangkat, mayroong limang manlalaro na
komokontrol sa isang abatar, kilala bilang ‘hero’, sa kanilang mga sariling kagamitan,
mga mahihinang karakter na kompyuter ang komokontrol ay tinatawag na ‘minions’,
haka, spawn sa base ng magkabilang grupo at pumunta sa tatlong lane sa base na
magkasalungat na grupo.

Isang larangan ng sosyolinggwistiko na pinag tutuunan ngayon ng mga pag-


aaral at pananaliksik tungkol sa pagkakaiba ng wika o varayti at register ng wika.
Kaugnay ng mga pagplanong pangwika na isinagawa sa mga bansa na multilingwal
ang mga tao, may mga isyung panglinggwistiko na kaugnay ng pagkakaroon ng varayti
ang wika.

Layunin ng pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang Register


ng ML sa Esperanza National Hig School.

Narito ang mga tiyak na suliraning nais masagot ng mga mananaliksik.

1. Makalap ang mga salita sa larong ML.


2. Mabigyang kahulugan ang mga salita ayon sa larangang kinabibilangan.
3. Maiklasipika ang mga register.

Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw at nililimitahan ng mga mananaliksik tungkol


sa register ng mga salita sa ML sa Esperanza National High School na sumasaklaw
lamang sa buwan ng Pebrero hanggang Marso ng taong 2020.

Kahalagahan ng pag-aaral

Ang mananliksik ay naniniwala sa kahalagahan ng pag-aaral na ito sa


sumusunod;
Para sa mga mambabasa. Mahalaga ang pag-aaral na ito upang malaman at mas
maintindihan pa ng mga manlalaro ang mga salita o termino na ginagamit sa paglalaro
ng ml.

Para sa iba pang mga mananaliksik na nag-aaral pa nito, ang magiging kalabasan
ng pag-aaral na ito ay magsisilbing gabay sa anumang pag-aaral at pananaliksik na
may kaugnay sa papel na ito. Ito ay magiging gabay sa kaugnay na pag-aaral.

Para sa mga guro.mahalaga ang pag-aaral na ito sa pagtukoy sa varayti at


register na salitang ginagamit ng mga ML player. Nalabis na tinatangkilik ng
manlalaro,upang magkaroon sila ng dagdag na kaalaman at upang mas maintindihan
nila ang mga ibat ibang termino o salita na ginagamit sa ML.

Para sa mga mananaliksik. Mahalaga ang pag-aaral na ito upang mas mahasa
ang kanilang kakayahang sa paggawa pa ng ibang pananaliksik. o sa susunod pang
pananaliksik.

Katuturan ng mga termino

Register ang isang salita o termino ay maaaring magkaroon ng ibat ibang


kahulugan ayon sa larangan o disiplinang pinaggamitan nito. (Taylan et.al., 2016)

Sa pag-aaral na ito, tinutukoy ng mga mananaliksik ang mga ibat ibang kahulugan
ng mga salita na ginagamit sa ML.

ENHS - Esperanza National High School na kung saan gaganapin ang pag-aaral.

Sa pag-aaral na ito, ang tinutukoy ng mananaliksik ay ang lugar kung saan


gaganapin ang pag-aaral.

Mag-aaral – Ang mga mag-aaral na kung saan nag-aaral sa isang paaralan.


Sa pag-aaral na ito ang tinutukoy ng mananaliksik ay ang mga mag-aaral na
siyang impormante ng pag-aaral.

Varayti - Pagkakaiba sa mga katawagan at kahulugan ng salitang ginagamit sa iba’t


ibang lugar.(Taylan et. al.., 2016).

Sa pag-aaral na ito, tinutukoy ng mga mananaliksik ang mga iba’t ibang salita na
ginagamit ng mga ML player.
KABANATA II

Kaugnay na Literatura

Ang Filipino bilang isang buhay na wika ay nagtataglay ng iba’t ibang varayti batay
sa kasabihang Inglish. ‘Variety is the spice of life’

Ayon kay Williams (1992), ang pagkakaroon ng mga uri o varayti ng wika na
nakikita sa katayuang panlipunan ng isang indibidwal. Ditto nag simula ang pag-aaral
sa varayti na naging bahagi ng larangan ng sosyolinggwistika. At sa pagdaan ng
panahon, nagbunga ito ang teorya at konsepto kaugnay ng pagtuturo at pagkatuto ng
wika.

Ayon kay Sapir (1949), ang wika ay isang kasangkapan ng sosyalisasyon, na ang
mga relasyong sosyal ay hindi matutupad kung wla ito. Para naman kay Saussure
(1915), ang wika ay hindi kumpleto sa sinumang indibidwal o nagsasalita , nagagawa
lamang ito sa loob ng isang kolektibo o pangkat. Gayin din makikita ang paghahalo ng
mga varayti ng wika, dayalekto at register sa dalawang paraan; a) Code switching o
palit koda at b) Panghihiram.

Ayon kay Constanrine (2002), pagkakaiba tungo sa pagkakaisa. Ditto ay hayagan


niyang iniugnay ang malaking kinalaman o ugnayan ng wika sa lipunan at ang lipunang
ito kinasasangkutan ng isang masining na kultura ng bansang pilipinas. Ang kultura ay
hango sa mga tao at ang wika ay nagpapahayag ng espiritu\kaluluwang mga bumubuo
sa lipunan o komunidad.

Ayon pa kay Constantino (2002), mula kay Eastman (1971), nahahati sa dalawang
dimension ang varyabilidad o pagkakaiba-iba ng wika ang neograpiko (diyalekto) at
sosyo. Ekonomiko (sosyolek).

Kaugnay na Pag-aaral

Ang varayti ng wika ay ang pagkakaroon ng natataging katangian na nauugnay sa


particular na uri ng katangian sosyo-sitwasyonal na makatutulong sa pagkilala sa isang
particular na varyasyon o varayti ng wika. Ito rin ang pagkakaiba-iba sa uri ng wika na
ginagamit ng mga tao sa bansa. Maaaring ang pagkakaiba ay nasa bigkas, tono, uri at
anyo ng salita. Nagbigay si Cafford (1965) ng dalawang uri ng varayti ng wika. Una ay
permanents para sa mga tagapagsalita / tagabasa at ang ikalawa ay pansamantala
dahil nagbabago kung may pagbabago sa sitwasyon ng pahayag. Kabilang sa mga
varayting permanente ay dayalekto at idyolek. Ang dayalekto ay batay sa lugar,
panahon at katayuan sa buhay.Samantala ang idyolek ay isang varayti na kaignay na
personal na kakanyahan ng tagapagsalita o wikang ginagamit ng particular na
individual.Ang mga tanda ng idyolek ay maaaring idyosinkratiko tulad ng paggamit ng
particular na bokabularyo nang madalas.
Ayon pa rink ay catford, permanente nang matatawag ang idyolek ng isang taong
may sapat na gulang.Ang pansamantalang varayti ng wika ay kaugnay sa sitwasyon na
ginagamit ang wika.kasama rito ang register, mode at eslito. Ang register ay varayti
kaugnay ng panlipunang papel na ginagampanan ng tagapagsalita sa oras ng
pagpapahayag.Hamlibawa nito;sayantipikong register, panrelihiyong register, pang-
akademikong register at iba pa.Ang estilo ay ang varayti na kaugnay na relasyon ng
nagsasalita sa kausap. Ang estilo ay maaring formal, kolokyal at intemeyt o personal.
Ang mode ay ang varayting kauganay sa midyum na ginagamit sa pagpapahayag tulad
ng pasalita o pasulat.Sa isang pangkat-wika o speech community makikita ang
varyason ng wika sa pamamagitan ng: a)mga taong bumubuo
rito;b.)pakikipagkomunikasyon ng tao;c.) interaksyon ng mga tao; d.) sa mga
katangiaan ng pananalita ng mga tao; at e.) sa sosyal na katangian ng mga tao.
KABANATA IIII

Paglalahad, Pagsusuri at Pagpapakahulugan ng mga Datos

Mga salita na ginagamit Kahulugan sa ML Kahulugan sa ibang


sa ML larangan
Kanser Bobo Malubhang sakit ( Medikal)
Party Pagdiriwang ( okasyon)
Executed Ikaw ay pinatay ng neutral Pagsasagawa ng isang
crip kilos ng maayos( sayaw)
Smash them Pagpatay sa kalaban Pagdurog ( pagluto)
Savage Pagkaroon ng limang Pambobora o insult
patay na kalaban (personalidad)
Pabuhat Walang naitulong sa laro Pagbubuhat ng isang
bagay ( kilos)
Legendary Kapag ikaw ay maraming Alamat ( panitikan)
napatay na kalaban
Wiped out Pagkamatay ng lahat ng Paglilinis ( kilos)
kapunan
Unstapable Pito ang napatay mong Hindi mapipigilan (kilos)
kalaban na wla pang
nakapatay sayo
maniac Apat na sunod-sunod na Pagiging manyakis
pagpatay sa kalaban personalidad
Lord Ito ay angmalakas na crips Ito ay ang
na kung saan kailangan makapangyarihan at
itong patayin upang maglikha ng lahat (pang-
makatulong sa pagbasag relihiyon)
ng tore at base ng kalaban

Interpritation

Batay sa inilatag na talahanayan ng mga mananaliksik at sa mga nakalap ng mga


datos ginagamit sa paglalaro ng mobile legend kadalasang nag kakapareho sa
laranganng kilos na may 3,kasunod nito ay ang personalidad na may 2 bilang at may tig
isang okasyon, medikal, pagluto panitikan transportasyo, teknolohiya, relihiyon.

You might also like