You are on page 1of 18

Implementasyon ng ROTC sa mga mag-aaral sa Senior High School

KABANATA I

Ang Suliranin at Ang Sandigan Nito

Panimula

Marahil ay hindi na lingid sa kaalaman ng bawat isa ang salitang

ROTC o Reserve Officer Training Corps ay isang prominenteng programa ng

gobyerno. Ang ROTC ay isa sa magiging asignatura sa mga Senior High School

11-12 na kung saan ang lahat ay sasabak ng matinding pag iinsayo ng baril. Kung

saan ang lahat ay makakaranas ng hirap at sakit ng katawan dahil sa matinding

ensayo. Sakop nito ang lahat ng mag-aaral ng Public School. Naglalayong ito

nasanayin sa pamamaraan ng military discipline and skills. Ang layunin ng ROTC

ay para magkaroon ng tamang disciplina ang mga mag-aaral at para mahasa ang

mga kabataan sa self defense at sa pagtatanggol sa sarili at sa bansa.

Ang ROTC ay sinimulang gawing bahagi ng kurikulom ng mga mag-

aaral sa kolehiyo sa pamamagitan ng Executive Order No.207 ni Pangulong

Manuel Quezon noong 1939. Ang nasabing kautusan ay bahagi ng

implementasyon ng National Defense Act of 1935 o ang commonwealth No 1. Ang

Republic Act 9163 o ang National Service Training Program (NTSP) Act of 2001

na nagbibigay kalayaan sa mga mag-aaral upang pumili mula sa tatlong

programang maaaring pag-aaral sa loob ng dalawang Semester. Civic Welfare


Training Services (CWTS), Literacy Training Services (LTS) at Reserve Officers

Training Corps (ROTC) Sa pagsasabatas ng RA 9163, naging optional na lamang

ang ROTC. Ang ROTC ay pinangunahan ng dating Presidente na si Wilson kung

saan siya rin ang pumirma ng Artikulong “National Defense Law of 1916” sa

headquarters ng Monrue. Ang ROTC ay isang pag-aaral ng studyante kung saan

matutunan ang buhay bilang isang sundalo. Ayon kay Jepoyo (2017) sa taong

1992 ng unang ipinatupad at gawing asignatura ang ROTC sa UP at sa taong

1935 ng gawin itong mandatory sa lahat ng kolehiyo at unibersidad.

Maraming mahusay na epekto ang pananaliksik ng ROTC. Malaki ang

benipisyo na makakuha ng mamamayang Pilipino sa programang ROTC, hindi

lang sa pagdepensa sa ating bansang sinilangan, kundi ang pagdidisipilina sa

ating mga sarili. Ang mga disiplinado at makabayang kabataan ay magbubunga

ng mas maayos na kapaligiran at mas mapayapang bansa. Ang pagbabalik ng

ROTC ay makakatulong upang ipakita ang pagmamahal sa bansa, mabuting

mamamayan (Respeto sa karapatang pantao) at pagsunod sa alintuntunin ng

batas. Ito ay magandang pagbabago na mangyayari sa ating bansa na

makakatulong upang matugunan ng mag-aaral ang pagmamahal sa bansa.

Implementasyon ng ROTC sa mga mag-aaral sa Senior High School

kasalukuyang nagpag-uusapan at pinagdedebatihan ngayon sa kongreso ang

kontrobersyal na isyu tungkol sa muling pagsasabatas ng implementasyon ng

ROTC sa mga mag-aaral sa Senior High School. Ang pagsasabatas muli ng

ROTC na ipapatupad ay malaking tulong sa bansa. Ilan sa mga halimbawa ng

leksyon na ituturo sa ROTC ay ang pagseserbisyo publiko at ang mga trabaho ng


military, Pulisya, Bureau of Sail Management and Penology, Coast Guard,

Department of Health of DSWD.

Gayunpaman, sinasabing hindi kasali sa pagsasanay sa ROTC ang mga

mag-aaral na hindi maituturing physically o psychologically fit, ang mga dumadaan

o patuloy pang sumasalang sa military training at mga pinili ng paaralan na

magsilbing varsity player na pambato sa sports competition.

Sa dami ng kontrobersya na nangyayare sa ROTC ang usaping patungkol

sa muling pagsasabatas ng ROTC ay nagkaroon ng positibo at negatibong

reaksyon mula sa mamamayan ng bansa. Marami ang sang-ayon at hindi sang-

ayon sa muling sa pagsasabatas nito.

Ang pagbabalik ng implementasyon sa naturang programa sa mga

paaralan, para muling umiral ang pagpapaunlad ng disiplina, pakikipagkaibigan,

pakikitungo, at pakikipagkapwa-tao, dinagdag din ng pangulo ng bansa na malaki

ang maitutulong ng ROTC sa pagpapayabong ng patriyotismo at pagiging

makabayan ng kabataan.

Hindi lamang sa pagiging makabayan at patriyotismo ang maging epekto ng

ROTC sa lipunan. Ang mga mas disiplinado at mas makabayang kabataan ay

magbubunga ng mas malinis ng kapaligiran, mas mapayapang lipunan at mas

maunlad na ekonomiya.

May ilan naming tutol sang ROTC, dahil sa mga naiulat na karahasan sa

kabataan kaugnay ng ilang mapang abusong officers sa loob ng organisasyon.

Marami rin ang nagsasabing wala namang tunay na mabuting maidudulot ang

programa, maliban sa pagiging bahagi ng isang grupong maaring maging


kaibigan mo. Maliban sa magulang ng mga mag-aaral, may ilang guro din ang

tutol dito dahil naliligaw daw ang atensyon ng mga mag-aaral mula sa mga mas

mahalagang leksyon sa mga assignatura at kadalasang mas naitutuon ng ilang

kabataan ang mas malaking bahagi ng kanilang oras at atensyon sa mga akibidad

ng ROTC.

Ang pag-aaral na ito ay ginagawa upang malaman ang pananaw ng mga

mag-aaral sa Senior High ang epekto ng Implementasyon ng ROTC at kung ano

ang maidudulot ng programa sa mga mag-aaral.

Ang pag-aaral ng mga mananaliksik ay ang pananaw ng mga kabataan sa

ROTC, sa mga mag-aaral sa SHS ng Esperanza National High School tungkol sa

pagpagpapatupad muli ng ROTC. Ang pananaliksik na ito ay may katangiang nais

sikapin na bigyang kasagutan.

1. Mailahad ang mga pananaw ng mga kabataan sa pag babalik ng ROTC

2.Matukoy ang mga maaaring pagbabago na mangyari sa pagbabalik sa

ROTC.

3.Masuri ang epekto ng pagbabalik ng ROTC sa academic performance ng

mga istudyante.

Kahalagahan ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay inilalahad ang kahalagahan ng pag-aaral at

magiging kapaki-pakinabang sa mga sumusunod.


Sa mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong upang

magkaroon ng karagdagang impormasyon at kaalaman ang mga mag-aaral, at

mapukaw ang damdaming makabayan ng mga estudyante.

Sa mga Guro. Ito ay makakatulong upang malaman kung ano baa ng

pananaw at saloobin ng kanilang mga estudyante ukol sa pagpapatupad muli ng

ROTC. Sa pamamagitan din nito mas lalo nilang maturuan nang tama at mabigyan

ng sapat na kaalaman ang bawat estudyante.

Sa mga Magulang. Ang magiging resulta ng pag-aaral nito ay

makakatulong upang malaman nila ang magandang maidudulot ng pagpapatupad

muli sa ROTC.

Sa Paaralan. Ang magiging resulta ng pananaliksik na ito ay magsisilbing

gabay at batayan upang mas maunlad pa ang pamamahala sa loob ng paaralan.

Sa pamamagitan nito, mas lalo pang mapaigting ang seguridad sa paaralan,at

upang ang bawat mag-aaral ay mas lalong maging disiplinado at edukado.

Sa Pamahalaan. Ang pag-aaral na ito ay magsisilibing instrumento upang

maipaalam sa pamahalaan ang mga hinaing ng mga estudyante, at maaware sila

sa mga impormasyon o datos na nakakalap ng mga mananaliksik sa tulong nito,

maaksyunan nila ang mga problemang kailangang lutasin.

ROTC – isang programang military na nagsasanay ng mga sibilyan na

maging opisyal ng sandatahang lakas at upang maging handa sila sa operasyong

military.

Ang ROTC ang pagpapaikli ng “RESERVE OFFICERS TRAINING CORPS”


Operasyonal ng pagpapakahulugan ditto binigbigyang kahulugan ang mga

salitang mahahalaga o pili na ginagamit sa pagkalap ng impormasyon.

Pananaw ng mga mag-aaral

Sa paksang ito ay tinutukoy ang pananaw ng Grade 11. May mga sang-

ayon sa pagbabalik ng nasabing military training para sa mga mag-aaral ng Senior

High School at naniniwalang makakatulong ang ROTC sa pagpukaw sa

damdaming makabayan ng kabataan at magtuturo sa kanila ng didiplina at

paglilingkod sa kapwa at bayan. Subalit mayroon din namang hindi sumang-ayon

at nagsasabing maging daana ng rotc ng karahasan, kalupitan at korapsyon ng

kabataan.
KABANATA II

Kaugnay na literature at pag-aaral

Nagsimula ang ROTC sa Pilipinas noong 1912 nang umpisahan ng

Philippine Constabulary ang pagtuturo ng military sa Unversity of the Philippines.

Nagkaroon ng representasyon ang Board of Regents ng unibersidad sa United

States Department of War at tumanggapng serbisyo ng opisyal na US army na

nagging propesor ng Military Science. Naitatag ang unang opisyal ng ROTC unit

sa University of the Philippines (UP) noong Hulyo 3 1922.

Taong 1921, ang National University (NU) ay nagging unang pribadong

kolehiyo sa Pilipnas na nagkakaroon ng ROTC unit.

Noong 1936, binuhay ang Office of the Superintendent for ROTC Units sa

ilalim ng Philippine Army (PA) upang pangasiwaan ang lahat ng ROTC sa bansa.
Noong 1939, naglabas si Presidente Manuel L. Quezon ng Executive Order No.

207 na ginawang obligasyon ang ROTC sa lahat ng Kolehiyo at unibersidad na

may 100 estudyante o higit pa.

Ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) sa Pilipinas ay isa sa tatlong

bahagi ng National Service Training Program (NSTP) para sa mga estudyante sa

kolehiyo. Inihahanda ang mga estudyante para sa serbisyo sa Armed Forces of

the Philippines (AFP) sa oras ng kagipitan at ang kanilang pagsasanay na maging

reservist at posibleng opisyal na AFP. Ang ROTC sa mga kolehiyo at Unibersidad

ay inorganisa ng Department of Military and Tactics (DMST) pinangasiwaan ng

administrasyon ng eskuwelahan at ng Department of National Defense.

Ang ROTC ay sinimulang gawing bahagi ng kurikulom ng mga mag-aaral

sa kolehiyo sa pamamagitan ng Executive Order No.207 ni Pangulong Manuel

noong 1939. Ang nasabing kautusan ay bahagi ng implementasyon ng National

Defense Act of 1935 o ang Commonwealth No 1. Ang Republic Act 9163 o ang

National Service Training Program (NSTP) Act of 2001 na nagbibigay kalayaan sa

mga mag-aaral upang pumili mula sa tatlong programang maaring pag-aralan sa

loob ng dalawang Semester.Taong 2002 nang ipatupad ang NSTP matapos

gawing hindi na sapilitan o required ang ROTC. Itinuturo ng ROTC sa mga

kabataan ang pagmamahal sa bahayan, wastong pag-uugali, respeto sa

karapatang pantao, at pagtalima sa ating batas.

Sinabi ni Dela Rosa na magdudulot ang military training ng disiplina, moral

virtues at patriotis estudyante ng Grade 11 and 12. Aniya, itataguyod din ng


training ang pagmamahal sa bayan sa kabataan. Sinabi pa ni Dela Rosa na

sakaling makumpleto ng isang reservist ang military sa ilalim ng ROTC programs,

hindi lamang sila tatawagin kapag may giyera, invasion at rebelyon, kundi

inaatasan silang tumulong sa Relief and Rescue Operations sa panahon ng

kalamidad. Sa ilalim ng Senate Bill No. 277, o mas kikilalanin bilang Act Mandating

the Institutionalization, Development, Training, Organization and Administration of

Basic Reserve Officers Training Corps (ROTC) in Grade 11 and 12 in Public and

Private Educational Institutions, kapag nabigo ang isang estudyante na

makumpleto ang Mandatory Basic, hindi ito magiging kuwalipikadong

makapagtapos.

Inihain ni Deputy Speaker Raneo Abu ang panukalang ibalik ang

mandatory Reserve Officers Training Corps (ROTC) para sa senior high school sa

mga pampubliko at pribadong eskwelahan sa buong bansa.

Aamyendahan ng House Bill 2087 ang Republic Act No. 7077 o ang Citizen

Armed Forces of the Philippines Reservist Act.


Kabanata III

Pamamaraan

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng mga pamamaraan at mga hakbang

na ginagamit ng mga mananliksik sa pagsasagawa ng pag-aaral. kasama dito ang

disenyo ng pananaliksik, lokal, pangungulikta, at pagsusuri na datos

Disenyo ng pag-aaral

Ang pag- aaral na ito ay isang uri ng kwalitatibong pananaliksik gamit ang

deskriptibong pamamaraan Dahil inilalarawan lamang ang tumoak na

impormasyon ng mga impormante sa reimplemtasyon ng ROTC sa Senior High

School

Sa pangangalap naman ng datos ginamit ng mananaliksik ang

pamamaraang interbyu, ito ang paraang ginamit sa paglikom ng mga ukol sa

implementasyon ng programang ROTC sa mga mag-aaral sa Senior High School.


Lokal na pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay ginanap sa Esperanza National High School,

Poblacion, Esperanza, Sultan Kudarat.

Impormante

Ang impormante sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral ng ika-labing

isang baiting sa Esperanza National High School nakung saan kukuha kami ng

limang impormante.

Pangkalahatang Pamamaraan

Upang maayos ang pag-aaral na ito inilarawan ng mananaliksik ang paraan

na kanyang ginamit sa pagsasaliksikan ng mga datos.

Pangalawa, gumamit ng audio recorder ang mga mananaliksik sa

pakikipanayam sa mga impormante upang maerecord ang mga impormasyon na

kanilang binanggit. Gumamit din ng camera ang mananaliksik para sa kanilang

dokumentasyon.

Pngalto, ay nilikom ng mananaliksik ang mga impormasyon na kanyang

nakuha

Pang-apat, pagkatapos nilikom lahat ng mga datos ay isinatitik ito ng mga

mananaliksik at ginawan ng interpretasyon.


KABANATA IV

PAGLALAHAD, PAG SUSURI AT PAGPAPAKAHULUGAN NG PAG-AARAL

Makikita sa kabanatang ito ang ginawang paglalahad, pagsusuri, at

pagbibigay ng mga datos.Inilalahad at sinusuri sa kabanatang ito ang pananaw ng

mga kabataan sa pagbabalik ng ROTC.

Sa bahaging ito, bibigyan ng kasagutan ang mga inilahad na suliranin

tungkol sa pagsusuring ito.Makikita mula sa kabanata ding ito ang mga

katanungang sinagot ng pag-aaral.

Mga katanungan na sinagot ng mga impormante ay ang mga sumusunod.

Impormante 1

1.Ano ang pananaw mo sa pagbabalik ng ROTC?


Sagot: Para sa akin isang napakagandang oportunida kung maibabalik

man ang ROTC sa ating senior high school kasi napakaganda yan

,meron tayong mga advantages na dapat malaman at saka maipaabot

na yung tungkol sa ROTC na ibalik sa ating senior high school na mga

istudyante. Unang una ay yung advantage ng ROTC sa senior high

school ito ay isang preperasyon para sa ating mga istudyante in terms

of emergency,tulad nalang ng ;hindi natin alam kung Kaylan may

mangyayaring kaguluhan in terms of war kailangan nating mapalakas

ang ating kasanayan sa military traning ng mga istudyante upang sa

ganon pagkailangan ng ating bansa ang isang istudyante nan aka

undergo ng training ng ROTC ay pwedi silang magamit. In terms of

calamity pwedi rin magamit ang ROTC nayan kasi isa sa programa ng

ROTC ay ang tinatawag nating CEO O civilian military operation, ito sila

ang mga klasi ng programa na makatutulong sa tuwing may kalamidad

tulad ng lindol, sunog, bagyo, at isa pang advantage ng ROTC ay

nagiging disiplinado ang mga mag-aaral kaya maiiwasanatin dito ang

gulo.at panghuli ay ang pag develop ng leardership skills among

individuals ,in general ito yung sinasabi natin na dito tayo makakakuha

ng magagaling na leaders in the future,lalong lalo na sa ating lokal .ito

nalang ang masasabi ko sa ganitong usapin.

2.Ano ang pagbabago na maaring mangyari sa pagbabalik ng

ROTC?
Sagot: Maaring maging aktibo ang mga istudyante at magkakaroon ng

disiplina sa sarili.

3.Ano ang maaaringepekto ng ROTC sa academic performance ng

isang istudyante?

Sagot:Para sa akin may mabuti at masama itong epekto,mabuti dahil

mas nahuhubog pa ang aking kakayahan at kaalaman sa pagiging

responsabling istudyante ngunit nakakasama ito dahil maaaring

mapabayaan o hindi masyadong matutukan ang pag-aaral dahil sa puro

aktibidad na ginagawa.

Impormante 2

1.Ano ang pananaw mo sa pagbabalik ng ROTC?

Sagot: Para sa aking pananaw ang ROTC ay isang programa na ang layon ay

pagtibayin ang disiplina, respeto at pagmamahal sa bayan ng isang istudyante. Sa

panahon ngayon na ang kabataan ay kulang na sa disiplina at respeto, ako ay

sang-ayon sa panukalang ibalik ang ROTC sa mga paaralan. Bagama’t sana’y

magkaroon ng guidelines na kung saan naproprotektahan ang bawat istudyante

sa pagiging abusado ng mga nasa rangko.

2.Ano ang pagbabago na maaring mangyari sa pagbabalik ng ROTC?

Sagot: Magkakaroon ng malaking pagrerebisa sa kurikulum. Ang mga mag-aaral

ay mahihirapang magadjust sapagkat bago ito sa kanila


3.Ano ang maaaring epekto ng ROTC sa academic performance ng isang

istudyante?

Sagot: Pwede dalawa ang magiging epekto ng ROTC sa istudyante depende

kung paano nia ito haharapin, pupwedeng magiging aktibo sila sa klasi,

magkaroon ng disiplina at magpamalas ng leadership. Puwedeng rin magiging

bugnutin sila, o palaging pagod sa kalsi.

Inpormante 3

1.Ano ang pananaw mo sa pagbabalik ng ROTC?

Sagot: Maganda ang dulot ng pagbabalik ng ROTC sa ating paaralan. Dito

mahuhubog ang ating sarili upang maging handa at aktibo.

2.Ano ang pagbabago na maaring mangyari sa pagbabalik ng ROTC?

Sagot: Malaki ang pagbabagong maidudulot sa pagbabalik ng ROTC. Mayroon

itong bentahe at disbentahe. Sa bentahe, ang mga estudyante ay magkakaroon

ng disiplina sa sarili. Sa disbentahe naman ay maaaring manibago ang mga

kalahok sa rotc sa mga gagawing aktibidad at maaring mahirapan sila sa

pagbalanse sa pagiging kalahok at pagiging mag-aaral.

3.Ano ang maaaring epekto ng ROTC sa academic performance ng isang

istudyante?

Sagot: Malaki ang epekto ng ROTC sa akademikong aspeto ng isang mag-aaral

sapagkat magagamit nila ito sa wastong paggamit ng kanilang oras at disiplina sa

sarili.

Impormante 4

1 Ano ang pananaw mo sa pagbabalik ng ROTC?


Sagot: ROTC ay isang programa na pinapatupad sa kolehiyo na kung saan

narereserba ang mga istudyante para sa mga hindi inaasahang sakuna. Sa

pagbabalik nito para sa senior high school ito ay nakakabuti para maging handa at

maging disiplinado ang mga istudyante habang sa sekondarya pa lamang.

2.Ano ang maaaring epekto ng ROTC sa academic performance ng isang

istudyante?

Sagot: May ilang epekto ang pagpapatupad ng ROTC sa Academic performance

ng isang istudyante, dahil sa pagsasagawa nito maaaring hindi maka-pokus ang

mga istudyante sa kanilang pag-aaral dahil sa pagod.

3.Ano ang pagbabago na maaring mangyari sa pagbabalik ng ROTC?

Sagot: Maaaring maging disiplinado ang mga istudyante at handa sa ano mang

uri ng sakuna.

Inpormante 5

Ano ang pananaw mo sa pagbabalik ng ROTC?

Sagot: Ay ang mas disiplinado at mas makabayang kabataan ay mahusay na

epekto ang pagbabalik ng ROTC.

2.Ano ang pagbabago na maaring mangyari sa pagbabalik ng ROTC?

Sagot: Time management para makapagpokus sila sa ROTC at para hindi nila

mapabayaan ang kanilang pag-aaral.

3.Ano ang maaaring epekto ng ROTC sa academic performance ng isang

istudyante?
Sagot: Mahahati ang kanilang oras sa pag-aaral at sa ROTC.

Ang ROTC ay isang programa ng pamahalaan na ang layunin ay pagtibayin

ang disipilina, respeto at pagmamahal sa bayan ng mga mag-aaral nagsasanay

nito. Sa pagbabalik ng ROTC sa Senior High School, ito ay nakakabuti na

mahubog ang mag-aaral upang maging handa, aktibo, at disiplinado sa panahon

ng kalamidad at kaguluhan. Sa ROTC din makukuha ang mga magagaling na

pinuno na mamumuno sa bansa sa susunod na henerasyon. Sa re-

implementasyon ng ROTC ay dapat magkaroon ng batas na magpoprotekta sa

mga mag-aaral laban sa mga abusadong opisyal ng ROTC.

Ang mabuting epekto ng ROTC sa academic performance ng mga mag-

aaral ay mas mahahasa ang kaalaman at kakayahan na maging responsable sa

paggamit ng kanilang oras at pagdisiplina sa sarili. Mayroon din masamang

epekto ang ROTC sa Academic performance ng mga mag-aaral hindi sila

makakapagpokus sap ag-aaral o maaring mapabayaan nila dahil sa aktibidad at

pagsasanay na ginagawa ng ROTC.

Ang pagbabago na maaaring mangyari sa pagbabalik ng ROTC ay maging

disiplinado sa sarili, pagiging handa sa anumang uri ng sakuna at pagmamahal sa

bayan ng mga nagsasanay sa ROTC. Maaari din na manibago ang mga mag-

aaral na nagsasanay sa programa ng ROTC sa mga gagawing aktibidad at

mahiirapan sila sa pagbabalanse sa pagiging kalahok at bilang mag-aaral.

You might also like