You are on page 1of 2

Posisyong papel hinggil sa Muling Pagpapatupad ng ROTC sa mga Estudyante

HINDI NA DAPAT IPATUPAD ANG ROTC. DAHIL MAGDADAGDAG HIRAP


LAMANG ITO SA PAG-AARAL NG MGA ESTUDYANTE.

Ang ROTC ay isang programa noon ng gobyerno na layong ihanda ang mga kabataan sa
serbisyong pang-militar at upang maging bahagi sila ng Reserve Force ng Armed Forces of the
Philippines (AFP). Ang reserbang pwersang ito ay inaasahang siyang pupuno sa
pangangailangan ng kasundaluhan sakaling sumiklab ang digmaan. Nakapaloob sa programang
ito na sanayin sa mga gawaing pang militar ang bawat kabataan lalo na sa pisikal at isipan na
pamamaraan pagdating sa pakikipagdigma.

Bilang isang mag-aaral, ang mag-aral ng walong asignatura kada araw samahan pa ng
mga proyekto ay napakahirap na at nagdudulot ng pagod sa araw-araw. At kung sakaling
ipatupad muli ang ROTC ay tiyak na lalong madadagdagan ang mga gawain at isa pa dito ay
siguradong madadagdagan din ang gastusin ng mag-aaral dahil sa mga kakailanganin sa ROTC.
Magiging karagdagang isipin pa din ito para sa mga magulang na kumakayod para sa kanilang
pag aaral.

Isa pa mayroon din na maaring hindi maganda ang magiging impluwensya ng ROTC.
Dahil sa layunin nitong pakikipagdigma ay maaring mamulat ang kabataan sa pakikipaglaban at
magamit pa ito sa karahasan tulad na lamang ng hazing. Dagdag pa dito ang noon na isyu ng
mga katiwalian noon sa loob ng programa na isiniwalat ni Mark Welson Chua sa pamamagitan
ng artikulo sa pahayagan ng The Varsitarian ng University of Sto. Tomas. Na pinaniniwalaan na
siyang naging mitsa ng kanyang buhay.

Patunay lamang ito na marami ang dahilan kung bakit dapat ay hindi na ipatupad muli
ang ROTC. Tama nga na ito ay isa sa paraan upang linangin ang pagiging makabayan at muling
itatak sa isip at puso ng mga mag-aaral ang kasaysayan ng bansa. Ngunit hindi ba kaya mayroon
tayong mga asignatura na sadyang ito ang layunin kaya itinuturo sa lahat.
References

https://www.google.com/url?sa=t&source=web&rct=j&url=https://m.facebook.com/permalink.php%3Fstory_fbid
%3D1234859166629669%26id%3D1234632589985660&ved=2ahUKEwjT8Z7t6uz9AhXkR2wGHWh5B-
QQFnoECBMQAQ&usg=AOvVaw3U56uN8eu3hBIk9NMbSAVd

https://www.google.com/url?sa=t&source=web&rct=j&url=https://m.facebook.com/permalink.php%3Fstory_fbid
%3D1234854869963432%26id%3D1234632589985660%26locale2%3Dfr_CA&ved=2ahUKEwivg7qJ6-
z9AhXnTGwGHatlBqUQFnoECAkQAQ&usg=AOvVaw1gLG3RSrO6j2Ih3a-lkxiC

https://www.google.com/url?sa=t&source=web&rct=j&url=https://www.philstar.com/opinyon/2007/07/17/6290/
editoryalnbsp-hindi-kailangang-ibalik-ang-rotc/amp/&ved=2ahUKEwj88Yu61-
z9AhUFTmwGHUjJCyIQFnoECA8QAQ&usg=AOvVaw0a_XN7iLym2qy73Uulup1-

ALEXIA EUNICE D. ILUSTRE

XI-ABM BENEVOLENCE

FILIPINO SA PILING LARANG

You might also like