You are on page 1of 2

ARROSA, Franz Matthew P.

Abril 16, 2023


11 – STEM D
Awtput #8: Tekstong Argumentatibo

“ROTC : Dapat nga bang Ipatupad o Hindi?”

Tampok na usapin ang pagbabalik ng “Mandatory ROTC” o “Reserve Officers Training Corps” hindi
lang sa ating paaralan, pati na rin sa buong bansa. Muling nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
na buhayin ang “Mandatory Reserve Officers Training Corps (ROTC) program” sa mga paaralan.
Ang panawagan ay ginawa ni Marcos matapos ang “magnitude” 7 na lindol na yumanig sa Hilagang Luzon
nitong nakaraang linggo. May iba’t ibang puna ang natanggap ng kongreso tungkol sa planong pagbalik ng
programang ito. Suriin natin kung dapat bang ipatupad ito o hindi?

Susuportahan ni Sara Duterte ang pagbabalik ng sapilitang “Reserve Officers’ Training Corps
(ROTC)” para sa mga kabataang edad labing walo pataas. Ayon kay Duterte, kakausapin niya ang kongreso
upang maisabatas muli ang sapilitang pagsali ng mga kabataang edad 18, babae at lalaki, sa “ ROTC”.
Dagdag pa niya, magiging susi ang “ROTC” upang maturuan ang mga kabataang Pilipino sa halaga
ng kahandaan sa panahon ng sakuna. Maganda ang layunin ng “mandatory ROTC” sa ilalim ng ating
inihaing panukalang batas na “Senate Bill” 236. Una rito ang paglilinang ng sibikong kamalayan at
paghahanda sa mga kabataan sa oras ng pangangailangan ng ating komunidad. Lulan ng pagsasailalim sa
komprehensibong “ROTC” ng ating mga kabataan ang malawig na pagpapahalaga sa patriotismo, mga
moral na birtud, paggalang sa karapatan ng mga sibilyan, at pagsunod sa Saligang Batas. Ngunit, hindi
lahat ng tao ay sumang-ayon dito, isa rito ay si “Defense Secretary” Delfin Lorenzana. Aminado siya na
magiging malaking balakid sa pagpapanumbalik ng sapilitang “ROTC” ay ang kawalan ng badyet para rito.
Malaki rin ang magiging gastos para sa programang ito dahil pamahalaan ang sasagot sa pagpapasahod sa
mga “commander”, pagbili ng kagamitan at iba pang pangangailangan para sa pagsasanay at pagkain ng
mga kadete. Malakas ang panawagan ng kabataan na tutulan ang pagbabalik ng sapilitang “ROTC” dahil sa
pagnonormalisa nito ng karahasan at militarisasyon ng kabataan. Marami namang alternatibong gawain at
aktibidad na magtuturo ng disiplina sa kabataan na hindi kinakailangan sumailalim sa “military training”.
Ayon sa manunulat at “Twitter user” na si Lakan Umali, ang pagbabasa, pag-eehersisyo, pag-aaral
tumugtog ng isang instrumento, “camping”, paglikha ng sining at “handicrafts”, o pagsulat ng pananaliksik ay
ilan lamang sa mga gawain na makapagtuturo pa rin ng disiplina sa mga kabataan. Mainam din balikan ang
dahilan kung bakit nabuwag ang sapilitang “ROTC” noon. Lumaganap ang korapsyon sa mga paaralan dahil
sa pagtanggap ng suhol ng mga “ROTC commanders” at lumaganap din ang kultura ng karasahan at
impunidad kung saan hindi pinarurusahan ang mga umaabuso. Katulad ni Mark Welson Chua, isang mag-
aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas na pinatay umano ng mga kapwa kadete dahil sa paglalantad ng
korapsyon sa programa. Ang kaniyang pagkamatay ang nagbigay daan sa pagtanggal ng “mandatory
ROTC” noong 2002. Gusto ba nating umabot sa puntong may mamatay ulit na mag-aaral dahil sa
pagmamalabis ng mga namumuno rito? Mula sa mga nailatag na datos, ipinapakita na ang panunumbalik
ng sapilitang “ROTC” ay hindi makatutulong sa mga mamamayan at mag-aaral, sapagkat itinuturo sa
“ROTC” ang disiplina at nasyonalismo sa maling paraan. Itinituro ng “military training” sa mga kabataan na
magpalawig ng “blind obedience” kung saan walang pag-aalinlangang susundin ng mga kadete ang
kanilang mga “commander”. Magagamit din ang “ROTC” upang supilin ang mga progresibong kabataan sa
loob ng paaralan, isang malayang lugar na para dapat sa pagpapalawig ng kaalaman.

Bilang isang mag-aaral na nabibilang sa mga maaapektuhan sa kahihinatnan ng usaping ito, ako
ay naniwalang karapat-dapat lamang na ipaubaya ko na lamang sa mga namumuno ang pagdedesisyon
kung ipapatupad ito o hindi. Ako ay magiging isang mabuting tagasunod lamang at nananalig na anuman
ang mangyari, ito ay para sa ikabubuti ng ating mga kabataan at higit sa lahat, ng ating bansa.

You might also like