You are on page 1of 3

Lana Somera

ABM211

Hindi maikakaila na ang mandatory military service ay isang kalat na isyu sa Pilipinas. Dahil dito

ay may iba-ibang pananaw rito. Sapagkat ang pagpapatupad ng mandatory military service ay

makatutulong sa kaunlaran at kaligtasan, hindi ito ang prayoridad ng Pilipinas.

Isang dahilan kung bakit hindi prayoridad ang military service ay dahil sa mga ibang

problema ng bansa. Ayon sa National Union of Students of the Philippines (NUSP), ang

panukalang pagpapatupad ng mandatory military service para sa mga kabataang Pilipino ni

Sara Duterte, tumatakbong kandidato para sa position ng pagkabise-presidente, ay hindi

kailangan sa ngayong panahon dahil sa pinagdaanan ng bansa dahil sa pandemya. Bukod pa

rito, may mas malaking problema pa ang bansa na hinaharap na dapat unang pagtuonan ng

pansin tulad ng problema sa edukasyon, hindi pagkakapantay-pantay ng pagtatrato sa

katayuan sa lipunan, at kawalan ng katarungan, (Baron, 2022, tala. 1-3). Ang mga problem na

isinaad ng NUSP kasalukuyang hinaharap ngayon ng Pilipinas at hindi pa lubos na nalulutas.

Dahil rito ay hindi sinaunang prayoridad ng gobyerno ang military service.

Ang panagalawang dahilan ay ang kamahalan ng pagpapatupad nito sa buong Pilipinas.

Ipinahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana bagamat bukas siya sa usapin ng mandatory

military service, nakikita niya na magiging mahirap ang pagpasa sa nasabing panukala.

Maraming hadlang tulad na lamang ng kinakailangan malakihang pondo para sa mga kampo

kung saan gaganapin ang training, sapat na manpower upang mapaunlakan taon-taon ang

nasa higit milyon na bilang ng mga labing-walong taong gulang, (Andrade, Corrales,

Subingsubing, 2022, tala. 16-18). Ang pagsasanay ng ilang milyon na kabataan ay hindi

madaling gawain sapagkat mayroong mga pondo at mga military personel na ikwekwenta.

Pangatlo na dahilan ay ang pagsagabal nito ng pagaaral ng bata. Ayon sa panayam kay

Sara Duterte ng UNTV News and Rescue (2022) , hindi lamang ROTC ang ipapatupad kung

saan isang asignatura lamang isang beses sa isang linggo o buwan sa isang taon, kundi ang

pagsasabatas ng mandatory military service kung saan pagtungtong ng isang Pilipino ng 18

taong gulang, mapa-babae o lalaki man, ay iibitahan itong magsilbi sa ilalim ng Armed Forces of
Lana Somera
ABM211

the Philippines (AFP) at bibigyan ng subsidiya kapag siya ay nahalal bilang isang pangulo.

Marami nang iniinitindi ang isang estudyante, at ang military service ay nakakadagdag lamang

ng stress.

Pangapat na dahilan ay ang makabayan na kabataan. Ayon sa Samahan ng

Progresibong Kabataan (SPARK), ang pagnukala ng mandatory military service ay hindi

tintugon ang mga isyu kagaya ng mga pagkalat ng covid 19 cases, and koruptsyon sa health

sector, at ang kakulungan ng social aid. Kwinestyon rin ng SPARK ang iniisip ni Duterte at bakit

raw kinailangan matuto ng mga kabataan na maging makabayan sa pamamagitan ng military

service at mayroon na rin mga organisyon at ang gobyerno upang matustusan ang mga

hangarin ng military service sa kabataan, (Baron, 2022, tala 2, 3). Bukod sa problema ng covid,

masmainan na matuto ang bata ng patriyotismo sa masligtas na pamamaraan at hind isa pag

sasabak sa military service.

Huling dahilan ay ang paglabag ng military service sa Karapatan. Ang Humans Rights

Council at ang Commission on Human Rights ay kinilala ang karapatan ng mga tao na

magkaruon ng conscientious objection sa military service bilang karapat-dapat na karapatan sa

kalayaan ng pagiisip, budhi, at relihiyon. Itong batas na ito ay nakalatag sa article 18 ng

Universal Declaration of Human Rights and article 18 ng International Covenant on Civil and

Political Rights, (United Nations, n.d. tala 2). Prayoridad ng pamahalaan ang kinabukasan ng

kabataan, at ang mandatory military service ay lalabag sa simpleng Karapatan na ito.

Bilang lagom, ang mandatory military service ay may halaga sa Pilipinas, ngunit

mayroong mga dahilan kagaya ng mga ibang pambansang problema, mga gastusin,

pagsagabal sa pagaaral ng bata, kabayanihan, at paglabag sa Karapatan na nagsasaad na

hindi ito kailangan.

Sanggunian:
Lana Somera
ABM211

Baron, G. (2022, Enero 23). Sara Duterte's mandatory military service proposal 'unnecessary'

— students' group. Manila Bulletin. https://mb.com.ph/2022/01/23/sara-dutertes-

mandatory-military-service-proposal-unnecessary-students-group/

Andrade, J. I., Subingsubing, K., & Corrales, N. (2022, January 21). Mandatory military service

proposed. INQUIRER.Net. https://newsinfo.inquirer.net/1543131/mandatory-military-

service-proposed

Sara Duterte, isusulong ang mandatory military service. (2022, Enero 20). UNTV News and

Rescue. https://youtu.be/pkkBGH1mtv8

G. Baron. (2022, Enero 22). Youth group opposes Sara Duterte's mandatory military service

proposal. Manila Bulletin. https://mb.com.ph/2022/01/22/youth-group-opposes-sara-

dutertes-mandatory-military-service-proposal/

OHCHR. (n.d.). OHCHR | OHCHR and conscientious objection to military service. United

Nations. https://www.ohchr.org/en/conscientious-objection

You might also like