You are on page 1of 2

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sa mga sumusunod:

MGA MAG-AARAL

Makakatulong ang pananaliksik na ito upang sila ay bigyang kaalaman at linawin ang mga nangyayari at
mga maaaring mangyari sa ilalim ng administrasyong duterte. At upang malaman ang pananaw ng mga
ikasampung baitang na mga estudyante ng Ibn siena sa kasalukuyang Administrasyon.

Ito ay mahalagang malaman ng mag-aaral sapagka't sila ay nakaranas ng matinding pagkabigo nuong
nangyari ang Marawi siege na kung saan maraming sugatan, nasaktan at namatay sa nangyari. At mas
matinding pagkabigo ang naramadaman nila ng magdeklara ang Presidente ng Martial Law. At upang
malaman rin kung umuunlad ba ang ating bansa sa kadahilanan na maraming isyu ang nabuo simula
nung ang Duterte Administrasyon ang namuno rito. Katulad nalang ng isyu tungkol sa droga.

MGA GURO AT PAARALAN

Magkakaroon sila ng kaalaman sa mga dapat ituro o gawing programa para sa kanilang estudyante nang
sa gayon ay magabayan at matulungan ang mga mag-aaral, kung anu-ano ang mga katangian na
kailangang hanapin sa isang kandidato na mamumuno sa ating bansa.

MGA MAGULANG

Itong pag-aaral ay mahalaga sa mga tao lalo na sa ating mga magulang dahil dito nakasalalay ang
kinabukasan ng kanilang mga anak, lalo na kung ang paguusapan ay tungkol sa droga. Saksi tayong lahat
kung gaano kahigpit ang Admistrasyong Duterte sa isyung ito dahil alam natin na maraming kabataan ang
nasasangkot dito.

At upang malaman rin kung naapektuhan ba niya ang klase ng pamumuhay na mayroon ang kanilang
pamilya at kung napabuti ba o napasama ang kalagayan ng kanilang pamumuhay.

SA LIPUNAN

Upang malaman ang epekto nito sa mga mamayan ng bansa. Kung maganda ba o hindi. Ngunit, sa
kasalukuyang panahon maganda naman ang kinalabasan ng pamumuno ng Duterte Administrasyon at ito
ay sinimulan nila sa paksang ukol sa isyung droga na kung saan ang pinakamalaking problema na
kinakaharap ng ating bansa na naapektuhan ang milyong milyong mamamayan.
At upang malaman rin kung may naiambag ba ito sa ating lipunan na nagpabago sa buhay ng mga tao sa
maganda o masamang paraan. Ngunit, sa kasalukuyang pamumuno ng Administrasyong Duterte ay
maganda ang kinalabasan dahil una, unti-unti nang nadadakip ang mga drug dealer. Pangalawa, agad
agad naaksyunan ng pangulo ang isyu sa Boracay na matagal nang hindi naaksyunan ng mga dating
nahalal. Ayun sa GMA News. Ito ang kasalukuyang net satisfaction ng Duterte Administrasyon: 72%
satisfied, 13% dissatisfied, 15% undecided.

You might also like