You are on page 1of 1

Sugpuin ang Paggamit ng Illegal na Droga

Hindi ba kayo nababahala sa nangyayari sa ating lipunan ngayon? Sa tingin niyo


ba payapa at maayos ng tumira sa ating bansa? Sang ayon ba tayo na lalo pang kumalat
sa Pilipinas ang mga taong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot? Sa panahon ngayon
talamak na ang gumagamit ng droga sa Pilipinas .Maraming batas na bawal sa Pilipinas
bagkus itoy hindi nasusunod dahil may mga taong tinatahak ang maling landas . May
gamot na bawal tulad ng ginagamit ng mga kabataan ngayon. Karamihan sa mga
kabataan ay nalulong na sa bisyo lalo na sa paggamit ng ibat -ibang klaseng droga. Iba't
iba sa kanila ay may ibat -ibang dahilan kung bakit sila gumagamit nito. Kahit alam man
sa iba na ito'y makakasama sa kalusugan ay patuloy pa ring gumagamit. Ang ganitong
sitwasyon ang pinakapangunahing problema ng lipunan sa panahon ngayon dahil marami
na ang masamang pangyayari na naganap sa lipunan tulad ng panggagahasa dulot ng
paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Marami na ang nahuli sa ganitong mga gawaing
masama at patuloy pa rin itong nangyayari hanggang ngayon.

Sa ating mahal na Pangulong Duterte, bilib ang karamihan sa kanyang plataporma


patungkol sa pagtuligsa sa illegal na droga. Sa araw-araw nating pamumuhay, tila kasama
na talaga sa ating sistema ang isyu ng illegal na droga. Tanggapin man natin o hindi, ang
isyung ito ay bahagi na ng ating ginagalawan. halos araw-araw, laman ng pahayagan ang
tungkol dito o ang mga krimen na may kinalaman sa illegal na droga. Dahil sa hindi
pagsunod sa mga batas ng ating bansa may mga nararapat syang parusa na inihayag Sa
kabila ng kaliwa’t kanang pagbatikos ng mga human rights at religious groups hinggil sa
extra judicial killings at paglabag sa karapatang pantao, nanindigan si Pangulong Rodrigo
duterte na hindi ito titigil sa kampanya laban sa ilegal na droga.Mga kaibigan at kamag-
aral sa ating lahat mag-uumpisa ang pagbabago. Kailan pa? Hindi maaaring bukas na ,
kundi ngayon na.! Tara na at maki-isa sa pagtuligsa ng droga ,para sa ating bansa!

You might also like