You are on page 1of 2

"DROGA"

Ang droga ay kaakibat na ng sistema ng bawat lipunan,


mahirap man o mayaman pa ito, Dito sa ating bansa ngayon
taon ay mas dumarami ang gumagamit ng iligal na droga o
pinagbabawal na gamot kabilang na rin dito ang tinatawag na
marijuana, cocaine at iba pa.sa mga taong gumagamit nito?
sinasabing kapag ito'y iyong natikman, mararating mo ang
kalangitan, lumilipad ang iyong kaisipan. subalit anong
kalokohang langit ang sinasabi? sa totoo lang ay impyerno ang
iyong patutunguhan, masisira lamang ang iyong buhay, at
magiging masalimuot ang bawat oras. Isa din itong dahilan ng
mga taong nakukulong dahil sa kasong rape, o pagpatay sa
taong wala naman ginagawang masama dahil lamang sila ay
nakagamit nito. Sa bawat taong sumusubok ng pinagbabawal
na gamot ay gustong makalimot ng pansamantala sa realidad
at hirap ng buhay. Mga sari-saring kuwento at kadahilanan na
sa totoo ay mahirap intindihin at unawain. Naging kaliwa’t
kanan ang bentahan, at kasabay nito ay ang walang humpay
rin na patayan na nangyayari sa ating kapaligiran. Mayroong
mga nanlalaban at napapatay at mayroon namang sadyang
sumusuko. At mayroon din mga taong inosente na nadadamay
sa mga di inaasahang pagkakataon na may mga musmos pa
na namamatay dahil sa mga sunod-sunod na operasyon na
ginagawa ng ating kapulisan.Sa aking opinyon at pananaw
wala ng solusyon ang suliranin ng ating pamahalaan tungkol
sa droga.Marami ang namamatay dahi sa usaping ito, ang mga
ugat ng suliranin ay hindi kayang puksain ng ating gobyerno .
Kahit ang mga taong pinapasok sa rehabilitation upang ang
kanyang landas ay maibalik sa tamang landas ngunit pag
tagal ang taong pinasok sa rehabilitation ay babalik at babalik
pa rin sakanyang dating gawain. Wala pa rin ang makakapag

1
sabi o makakagawa ng paraan upang mapigilan ang pagkalat
ng pinagbabawal na gamot.

You might also like