You are on page 1of 3

Death Penalty: Solusyong Walang Epekto

Isa sa mga kontrobersiyal na isyu na minsang pinag-usapan at pinagtalunan ng mga mamamayang


Pilipino ay ang death penalty. Ayon sa Republic Act No. 7659, ang death penalty ay ang parusang
ipinapataw sa mga gumagawa ng mga kagimbal-gimbal na krimeng nakahahapis, nakaririmarim,
kakikilabot at nakapopoot. Ilang halimbawa ng krimen na maaaring humantong sa kaparusahan ng
kamatayan ay parricide, murder, qualified bribery, piracy, kidnapping, robbery, rape at drug pushing.
Maraming may gustong ipatupad ang batas na ito dahil di umano’y mapipigilan nito ang pagtaas ng antas
ng krimen. May nagsasabi namang bakit bibigyan ng pamahalaan ng tirahan at pagkain ang mga kriminal
na gumawa ng mali sa kanilang kapwa tao. Ang argumento naman ng iba ay mas malaki ang gagastusin
ng gobyerno kung ikukulong ng panghabangbuhay ang isang tao kaysa kung tatapusin na lang buhay nito.
Ang aking opinyon ay salungat sa kanilang paniniwala. Bakit? Marami kasing makabuluhang dahilan para
hindi natin suportahan ang death penalty.

Una sa lahat, hindi natin masasabing mapapababa ng death penalty ang antas ng krimen. Wala
pang pagsasaliksik na nagpapatunay rito. Sa katunayan nga, ang Estados Unidos na mayroong Death
Penalty Law sa ilan nilang estado ay may mas mataas na antas ng krimen kaysa sa Britanya at Australia
na walang ganitong parusa. Hindi mo rin masasabi na mas maraming tao ang lumalabag sa batas sa mga
estado ng Estados Unidos
na walang Death Penalty kaya mataas ang antas ang krimen ng kanilang bansa. Ayon sa mga
pagsasaliksik, simula noong 1990 hanggang ngayon, ang mga estado ng US na may death penalty ay
palaging may mas mataas na antas ng krimen kaysa sa mga estadong hindi nagpapatupad ng death
penalty.

Ikalawa, kung pera lang rin at kakulangan ng badyet ng pamahalaan ang pag-uusapan, mas mabuti
pa rin na hindi magkaroon ng death penalty. Totoo naman ang sinabi nilang mas malaki ang malulustay na
pera kung pananatilihing buhay ang mga kriminal kaysa sa presyo ng lethal injection. Pero hindi iyon
basehan ng halagang magagastos sa death penalty. Ang presyo ng lethal injection ay parte pa lang ng
sobrang laking magagastos para sa isang kriminal na ilalagay sa death row. Syempre mga ekspertong
doktor ang magtuturok ng lethal injection sa papatawan ng death penalty. Isama mo pa rito ang istriktong
kulungan kung saan ikukulong ang mga nasa death row. Sila rin ay babantayan ng mas marami at mas
ekperyensadong mga bantay. Mas mahaba ang ibibigay na oras para sa paglilitis ng kanilang kaso, mas
marami ang abogadong kinakailangan dahil sensitibo ang kasong pinagdedesisyunan. Walang problema ito
sa mga mayayaman ngunit kapag mahihirap ang mga kliyente, ang gobyerno ang magbabayad sa mga
abogadong hahawak sa kaso. At kung may katarungn talaga ang bansang ito, karapat- dapat lang na
bihasa o magaling rin ang hahawak ng kaso ng isang mahirap na nasasakdal lalo na kung mayaman ang
kabilang panig.
Sa sistema ng hustiya natin dito sa Pilipinas, kung walang pera ang isang tao, kahit na sabihin
mong inosente siya, malabong maipanalo niya ang kaso. Wala namang nakulong sa mga nagnakaw ng
milyon o bilyon sa bulsa ng mga mamamayan samantalang iyong ga nanghahablot ng bag o mandurokot
ay nandoon sa kulungan. Ang parusang ito ay masasabing “anti-poor” sa kadahilanang kayang-kayang
bilhin ang hustisya ng ating bansa ng mga mayayaman. Pwede ring gamitin ng mga mayayaman ang batas
na ito sa isang ordinaryong tao na kanyang kagalit, ipapalabas na may mabigat na kasalanang ginawa ang
kanyang kagalit para maparusahan ng kamatayan. Kung ang magkalaban sa kaso ay mahirap at
mayaman, wlang duda na ang mapapatawan ay ang mahirap. Sa mga pamumuno ng mga nakaraang
pangulo, wla pang kahit isang sikat na personalidad ang napatawan sa parusang ito. Halos lahat ng nasa
death row ay may iisang kalagayan sa buhay. Sadlak sila sa kahirapan, may gutom na pamilyang umaasa,
at hirap at pagod sa buhay nilang hindi umuunlad.

Isa pa, kung ang sintensiyang ipinataw sa suspect ay habambuhay ng pagkakakulong at nalamang
ito’y walang sala, madali siyang mapapakawalan sa bilangguan. Kung ang isang isang taong naparusahan
ng death penalty at napag-alamang inosente, hindi na maaaring ibalik pa ang buhay na nawala.

Karapatan ng bawat isa na mabuhay. Lahat naman tayo ay pantay-pantay. Kahit isang criminal pa
iyan o inosenteng tao, pareho lang ang halaga ng buhay. Hindi pa ba sapat na kamalian ang may isang
namatay at kailangan pang pumatay ng isang sagradong buhay. Ika nga sa ingles, “two wrongs don’t make
a right.” Pero kung ang isang taong may sinira o kinuhang buhay ay papatayin ng mga doktor gamit ng
injection o bala ng isang sundalo, hindi ba dapat patayin rin ang doktor o ang suindalo dahil may kinuha rin
silang buhay?

Hindi naman talaga kailangan ng death penalty kung tutuusin. Magagarintiya rin naman na hindi na
makakagawa ng masama ang isang tao sa bansa niya kung aayusin ang sistema sa mga kulungan at
sistemang pangkalahatan na rin. At isa pa, ang death penalty ay isang “easy way out” sa pagfhihirap. Oo,
maraming takot sa kamatayan kaya mas lalong lalala ang kaso ng bribery kung maipasa ng batas na ito.
Pero marami rin naming taong pipiliin ang mamatay kaysa mabulok sa kulungan.

Ang dapat gawin ng pamahalaan para bumaba ang antas ng krimen ay ang pagbabadyet ng maigi
sa badyet ng bayan. Kung mas maraming programa na kung saan daragdagan ang benepisyo ng mga
mahihirap, mababawasan ang mga magnanakaw at mababawasan rin ang gastusin ng gobyerno sa mga
taong nasa kulungan. Dapat ayusin ng gobyerno ang sistema ng hustisya sa ating bansa. Marapat lang na
walang diskriminasyon sa mga kaso at desisyon sa korte. Ang isa pang kailan sa ngayon ay ang
maipatupad ang
mas maayos na batas na makakabenepisyo sa lahat. Wala ring mangyayari kung ipapatupad ulit natin ang
death penalty. Hanggat hindi naayos ang sistema ng hustisya sa Pilipinas, malabong may ibubunga ang
ganitong klaseng solusyon.

You might also like