You are on page 1of 3

Illegal na Droga: Salot sa Lipunan

Sa mahabang panahon, pangunahing kanser ng lipunan ang illegal na droga na


hindi lang sumira ng buhay ng isang tao ngunit nagwasak sa maraming pamilya. Ilang
administrasyon sa pamahalaan ang lumipas at maraming programa kontra droga ang
ipinatupad ngunit nanatili itong hindi masugpong problema na nanuot na hindi lang sa
mga pamilya ngunit maging sa halos lahat ng institusyong panglipunan.Ang droga ay
naging bahagi na ng ating kultura simula pa noong kalagitnaan ng nakaraang siglo.
Ang mga ito ay sangkap na kung makakapasok sa katawan ay may kakayahang
baguhin ang ating pisikal at mental na mga kakayahan Pinasikat ito noong mga 1960 ng
musika at pangkalahatang pamamahayag at dito nagsimula nitong sinasakop ang lahat
ng aspeto ng lipunan.
Kung papalawakin natin ang salitang droga, ito ay may positibo at negatibong
epekto. Sa siyensa, ang droga ay gamot na puwedeng makakapagbigay-lunas sa sakit.
Alam niyo ba na ang mga iniinom nating gamot para sa ating mga sakit na
nararamdaman ay tinatawag na good drugs? Marami itong hatid na mineral na
pwedeng maghilom sa ating mga sugat at nakakatulong upang pawiin ang sakit na
dinaramdam sa pamadaliang paraan tulad ng sakit sa ulo, tiyan, tuhod, tenga, mata,
bibig, ngipin, leeg, paa, sakit sa bato, at iba pang karamdaman o sakit . Mayoon ding
mga ibang droga na mabisang panglunas sa ibat-ibang karamdaman na di magagamot
ng ordinaryong gamot tulad ng ketamine, diamorphine, mescaline at marami pang iba.
Gayunpaman, nagiging masama ito dahil sa irresposable at sobrang paggamit nito. Isa
na dito ang paggamit na walang kaukulang resita ng doktor.Mayroon ding ibang klase
ng droga tulad ng downer o depresant na nagpapatamlay sa tao gaya ng mga
alkoholik na inumin, barbiturate at tranquilizer. Dagdag pa dito ay ang mga droga na
nakakasama sa ating kalusugan tulad ng shabu, marihuwana, cocaine, rugby, heroine,
morphine at marami ang iba. Ito ang mga droga na ipinagbabawal ng ating gobyerno.
Sobra itong nakakaapekto sa ating kalusugan dahil nawawala tayo sa realidad at hindi
na ang sarili nila ang komokontrol sa atin kundi ang droga na. Bukod sa mga
kapinsalaang naisasanhi ng mga bawal na gamot sa pagkakaroon ng problema sa
katawan at sa kalusugan, ito rin ay nakakasira sa mga relasyon sa kaibigan at mag-
anak. Maidaragdag din dito ang pinsala na nagaganap sa pati na ang sa hanap-buhay,
pag-aaral, at akomodasyon. Humahantong din ang paggamit nito sa anumang paglabag
sa batas ng tao at lipunan kung saan nakapananakit ng ibang tao ang isang indibidwal
lalo na kung wala ito sa tamang pag - iisip. Ang paggamit ng droga ay nagtutulak sa
isang tao na gumawa ng mga di kanais - nais na gawain at nagiging bayolente.

Tulad ng bukbok na kumakain sa mga kahoy na haligi ng isang bahay, maaaring


sirain ng droga ang buong kayarian ng lipunan. Upang kumilos nang wasto ang lipunan
ng tao, kailangang mayroon itong matatatag na pamilya, malulusog na manggagawa,
mapagkakatiwalaang mga pamahalaan, tapat na mga pulis, at masunurin sa batas na
mga mamamayan. Ngunit pinasasama ng droga ang bawat isa sa mahahalagang
elementong ito.Ang mga magulang na gulung-gulo sa matinding paghahangad nila sa
droga ay bihira nang makapaglaan sa kanilang mga anak ng isang matatag na buhay
pampamilya. Ang buklod sa pagitan ng sanggol at magulang—na napakahalaga sa mga
unang linggo ng buhay ng bata—ay maaari pa ngang mahadlangan. Isa pa, madalas na
nababaon sa utang ang sugapang na mga magulang at maaari silang magnakaw sa
kanilang mga kaibigan at pamilya o mawalan pa nga ng kanilang trabaho. Ang pag-
abuso sa droga ay maaari ring humantong sa pisikal na pag-abuso—sa asawa o sa
mga bata tulad ng pambubugbog at karahasan. Maraming bata na lumaki sa ganitong
kapaligiran ay lumalayas at naninirahan sa mga lansangan o nasasangkot pa nga
mismo sa droga.
Kadalasan ding bumabaling ang mga gumagamit ng droga sa krimen o
prostitusyon upang tustusan ang kanilang bisyo, samantalang ang magkaribal na mga
gang ay nag-aaway at pumapatay upang mapanatili ang kanilang kontrol sa
pamamahagi ng droga. Itinuturing ng pulisya sa maraming lungsod ang droga na isang
salik sa karamihan ng mga pagpaslang na kanilang iniimbestiga. At kung ang tahanan
ay maaaring pahinain ng droga, gayundin ang masasabi sa mga pamahalaan. Sa
kasong ito, ang pera mula sa droga, sa halip na ang droga mismo, ang siyang
lumalason sa sistema. Ginawang tiwali ng droga ang mga opisyal ng pamahalaan, ang
pulisya at ang hukbo.
Sa katunayan, hindi na bago sa atin ang mga pangyayaring ito sapagkat atin
itong nasaksihan dala ng maigting na kampanya laban sa illegal droga simula noong
umupo si Pangulong Rodrigo Duterte noong Hunyo 30, 2016 at isinulong ang giyera
kontra illegal na droga. Nagulantang ang buong sambayanan dahil lumabas na marami
sa ating Pilipino ay lulong sa illegal na droga at maging ang mga nasa matataas na
posisyon ay sangkot sa poblemang ito. Sa opisyal na datos ng Philippine National
Police, may kabuuang 1,003,118 adik at tulak ang sumuko sa mga awtoridad simula
Hulyo 1 hanggang Disyembre 30, 2016 sa ilalim ng Oplan Tokhang ng pulisya.
Nakapagsagawa rin sila ng 40,284 na operasyon kontra droga na nagresulta sa
pagkakadakip ng 42,978 na tulak at adik sa iba’t ibang panig ng bansa. At mula Mayo
2016-Pebrero 2018, nasa 4,416 katao ang napaslang na may kaugnayan sa ilegal na
droga. At base pa sa estimasyon ng PDEA, nasa pito hanggang walong milyon na ang
bilang ng mga taong lulong sa droga sa bansa.
Ang mas nakakalungkot pa dito ay maraming bilang ng mga kabataan ang
nasasangkot sa illegal na droga. Ang mga inaasahang pag-asa ng bayan ay nagiging
salot ng lipunan. Ang mga kabataan ngayon ay nalalantad nang mas maaga sa mga
droga kumpara sa kahit anong panahon. Batay sa isang surbey ng Centers for Disease
Control noong 2007, 45% ng mga mag-aaral ng mataas na paaralan sa buong bansa ay
uminom HYPERLINK
"http://www.thewaytohappiness.org/thewaytohappiness/precepts/be-temperate.html" ng
HYPERLINK "http://www.thewaytohappiness.org/thewaytohappiness/precepts/be-
temperate.html"alkohol at 19.7% ang humithit ng marijuana sa loob ng isang buwan.
Gayundin, sila ang paboritong tinatarget ng mga sindikato at mga mapagsamantalang
mga tao upang magbenta ng droga. At dahil dito, ang magandang kinabukasan na
sana’y naghihintay sa kanila ay binura ng droga ng minsanan. Ang kanilang mga
pangarap ay wari bang kinain ng anay at biglang naglaho. Kung iisipin pa natin ang
mangyayari sa susunod na henerasyon kung ang ating kabataan sa ngayon ay lulong
sa droga, ano na ang mangyayari sa kanila? Malungkot lang isipin na ang sabi ni Rizal
na pag-asa ng inang bayan ay nahulog sa patibong ng nakakasirang droga.
At sino ang nagdurusa sa lahat ng pinsalang nagawa ng droga? Tayong lahat.
Oo, tayong mga walang kamuwang-muwang, mahihirap na walang kalaban-laban. Tayo
ang biktima ng droga na inialok ng mga mababagsik na leon, ng mga walang puso at
mapagsamantala. At kung ating ipamalas an gating paningin, makikita ang malaking
halaga ang pinsalang panlipunan na ginagawa ng droga sa pamayanan. Sino ang
makapaglalagay ng halaga sa pagkasira ng maraming pamilya, sa pag-abuso sa
napakaraming bata, sa pagiging tiwali ng napakaraming opisyal, at sa di-napapanahong
kamatayan ng napakaraming tao? Kaya naman habang maaga”DROGA AY IWASAN,
ISALBA ANG KINABUKASAN. HUWAG MAHULOG SA PATIBONG NG KASIYAHAN
SAPAGKAT PAGKASIRA ANG IYONG PATUTUNGUHAN.”

You might also like