You are on page 1of 1

Magandang hapon sa inyong lahat!

Sa kasalukuyang panahon, isa sa mga pinakamalaking hamon na hinaharap ng ating bansa


ay ang problema sa droga. Ang paglaganap ng iba't ibang uri ng droga tulad ng shabu,
marijuana, at iba pa, ay patuloy na nagdudulot ng pinsala sa ating lipunan, ekonomiya, at
kalusugan.

Sa datos mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), noong nakaraang taon
lamang, Noong Abril 27, 2023, sinira ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang
mahigit ₱4-bilyong halaga ng mapanganib na droga at mga kontroladong mga prekursor at
pangunahing kemikal sa Integrated Waste Management, Inc. (IWMI), Barangay Aguado, Trece
Martires City, Cavite. Subalit, kahit na may mga ganitong hakbang na ginagawa, ang mga
sindikato ng droga ay patuloy pa rin sa kanilang pagpapalaganap ng ilegal na kalakal

Napakaraming Pilipino ang naaapektuhan ng problema sa droga. Mula sa mga kabataan na


naliligaw sa landas ng kadiliman, hanggang sa mga pamilyang nagdurusa sa pagkawasak ng
kanilang mga mahal sa buhay, walang pinipiling edad, kasarian, o estado sa buhay ang
naapektuhan ng mapanirang epekto ng droga.

Sa gitna ng mga suliraning ito, mahalaga na tayo bilang mamamayang Pilipino ay magkaisa
at magtulungan upang labanan ang problema sa droga. Hindi sapat ang pagtutok lamang sa
law enforcement; kailangan din nating bigyang prayoridad ang rehabilitasyon ng mga adikto,
ang pagpapalakas ng edukasyon at kamalayan, at ang pagbuo ng alternatibong oportunidad
para sa mga nais magbagong-buhay.

Sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan, kayang-kaya nating labanan ang


problema sa droga at makamit ang isang lipunang malaya mula sa kadenang dulot ng droga.
Sa ating pagtutulungan, hindi lamang natin pinoprotektahan ang ating mga sarili at ang ating
mga pamilya, kundi pati na rin ang hinaharap ng ating bayan.

Maraming salamat po.

You might also like