Putukan… Sigawan… Hindi matapos-tapos na halinghing, “Tulong! Tulong!”…
Hangga’t isang maimpit na ungol at hagulgol ang kumawala… “Ngayon lamang natagpuan ang isang labing pitong taong gulang na dalaga, na di umano’y hinalay at pinatay. Pinaghahanap pa ang suspek ngunit isang wanted sa droga ang naturang prime suspect….” Tinatayang 26% na mga sangkot sa droga na naikulong dahil sa salang rape, at ang mga pangunahing biktima ay mga kabataan. Laganap na ang paggamit ng droga at ito ang unti-unting nagiging ugat ng mga krimen. Mapait na balita, ngunit katotohanan. Ikaw, kaya mo bang mabuhay ng payapa sa mundong ito na puno ng hinagpis at panganib? Noon pa man ay laganap na ang paggamit ng droga at hindi ito mareso-resolba ng pamahalaan. Ito ay masama sa sistema ng lipunan dahil una, ito ay lason sa isipan ng mga kabataan. Dahil sa masamang gamot na ito ay nahihimok ang maraming kabataan na gumamit din nito. Sa murang edad, dahil sa kahirapan karamihan ng mga kabataan ngayon ay nalululong sa droga. Maraming palaboy laboy sa lansang na mga menor de edad na sinasamantala ng mga masasamang tao at ginagaya sa mga masasamang bisyo. Dahil nga sa kahirapan tinuturing nang mapagkukunan ng kita ang droga dahil maraming ang naghahanap ng drug dealers kung kanilang tawagin. Lalo na sa Maynila, maraming mga lungga ng droga na sa karamihan ng sangkot ay mga kabataan. Patunay lamang na maraming masamang dulot ang droga na ito sa mga kabataan. Dahil sa pagkalulong ditto ay nalilihis na sila sa tamang daan. Pinili na nila ang pusikit na mundo, na walang ilaw ni kaunti ng pag-asa. Pangalawa, ang droga na ang nagiging ugat ng maraming krimen. Ayon sa Pananaliksik, 26% ng mga sangkot sa droga na naikulong ay may salang rape at pagpatay. Umaabot sa 6,000 pataas ang naitalang rape cases noong isang taon. Isang patunay na ang panlabas na mundo ay napaka delikado na kumpera noon. Hindi na ligtas para sa mga kabataang mga babai ang lumabas dahil sa mapanakit na mundong ito. Nawawala na ang kanilang kalayaang mabuhay ng payapa sa mundong ito dahil sa mga taong nalason ng droga. Unti unti na ngang linalason ng droga ang sistema ng ating bansa na dahan-dahang kumikitil sa buhay ng marami Paano pa ang magiging kinabukasan ng mga kabataang naglalahad ng kalayaan mula sa lason ng masamang gamot na ito? Marami nang mga buhay ang nawala, mga kinabukasan na nasira, mga pamilyang nawasak, at mga isipang nalason. Kailangan tayo ay may armas laban sa masalimuot na buhay na dala ng droga. Mga kabataan, tandaang nasa kamay natin ang ARMAS sa pagpuksa ng nakakalasong gamot na ito. ARMAS na nangangahulugan Angking Talino na Regalo ng Maykapal ang Armas laban sa Sanlibutang galamay ng droga. Ang ARMAS na ito ay nasa ating palad, ito ay ating gamit at pairalin. Huwag na huwag tayong paloloko sa mga mapanglasong salita at gawain ng mga galamay ng droga. Bagkus atyo dapat ang kumason sa kanila ng liwanag at katotohanan. Sila lamang din ay biktima ng walang habag na mundong ating ginagalawan. Tayo ay maging isang modelo gamit ang ating mga ARMAS. Ipakita natin na kung pinaglalaban natin an gating kinabukasan, maaari rin nilang ipaglaban ang kanilang maliwanag na hinaharap. Ang droga ang ugat ng mga problemang ito, ito ang dapat na mapuksa at pawiin ito sa mundong ginagalawan. Ang droga ay isang gayuma na sumisira sa kinabukasan ng isang nilalang, sa isang pamilya at isang pangarap. Kung ang problemang ito ay patuloy na lumalala, magiging mas mahirap na itong pigilan at mas marami pa ang magiging biktima. Sa panahon ngayon marami nang paraan na maaaring gamitin upang palaganpin ang kamalayan patungkol sa mga masasamang epekto ng droga sa mga tao. Ang mass medya ay isang malawak na plataporma na maaaring daan upang mas maraming tao pa ang may batid sa problemang ito ng ating lugar. Maraming drug campaign ang pinapatupan ng mga awtoridad sa mga paaralan man o komunidad. At kung patuloy it isasagawa ay mas magandang resulta rin ang kalalabasan. Bilang kabataan din ay maaaring gamitin ang sosyal medya sa pagkalat ng importanteng impormasyon na makakatulong sa kapwa, upang sa gayon ay maging isang modelo at impluwensiya sa iba pang mga kabataan nasa iba’t ibang lugar. Ipagkalat ang magandang balita, at maging isang magandang impluwensya sa sanlibutan taglay ang ARMAS na dala. Mahangin at tila matamis na tagumpay ang nakamit…ang kapaligiran ay napaka- aliwalas at kita ang mariing kasaganahan sa bawat taong dumaraan. Tumingala sa langit at kumukislap ang ganda ng araw, at parang alon ang asul na kalangitan. Ang mga ibon ay malayang nagsisiliparan habang sumasabay sa direksyon ng hangin. Ang mga tao’y malayang nagkaka-sama sama kahit saan man. At kita ang mga ngiti sa kanilang labi. Kung gusto mong mabuhay sa mundong ganito kapayapa, alin ang pipiliin mo, ARMAS o droga?