You are on page 1of 10

Pananaw ng mga piling mag-aaral ng Humanities and Social

Sciences sa University of Makati tungkol sa Aktibismo

Mark Jason C. Bunag, Ian Dominic M. Del Rosario, Christian D. Scott,


Jude Andrew D. Muhi

University of Makati, Makati City


idelrosario.a61931114@umak.edu.ph

Introduksyon
Ang aktibismo ay isang pag gawa na kung saan ang layunin ay pag-babago,
sa ganitong konatasyon posibleng maging aktibismo ang kung sino
mang indibidwal na nagpapataguyod ng pag-babago, ngunit hindi
lamang rito masusukat ang pagiging isang aktibista (Arao, 2013).
Lumaganap ang aktibismo sa Pilipinas sa kalagitnaan ng panahong
isang libo’t siyam na daan at pitong pu hanggang isang libo’t siyam na
daan at pitong pu’t dalawa, matatandaan na sa pagitan ng taon na
ito’y laganap ang korupsyon at kawalan ng katarungan na kung saan
nag tulak sa mga estudyante noon na mag pamalas ng kapangahasan
laban sa diktatorya. Ang pag kilos na ito’y pinasimulan ng mga mag –
aaral ng Unibersidad ng Pilipinas. (Tapigngan, 2013). Maaring batid pa
rin ang aktibismo sa kasalukuyang panahon ngunit sa pag lipas ng
mga taon ay mapapansin ang mga negatibong konotasyon sa
aktibismo at sa ilang mga aktibista dahil dito’y naging posibleng
naging hati ang persepsyon ng mga kabataan sa nasabing paksa.

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Taong 1915 unang ginamitang salitang activism, nasatagalog ay aktibismo,


ayon sa Merriam – Webster, mula kay Arao, D.A. (2013). Ang
aktibismo ay isang aktibidad na kung saan nagtitipon ang mga grupo
ng tao na nag kakaisa upang ipaglaban ang kanilang paniniwala.
Sinabi rin ni Araona “Kahit sino’y pwedeng matawag na aktibista”.
Hangga’t ikaw ay mayroong pakialam sa bayan o sa lipunang iyong
ginagalawan ay maaari kang tawaging aktibista. Bawat kilos na
ginagawa ng isang tao na siyang nagbibigay epekto sa bansa, lipunan
at sa mga mamamayan ay matatawag na aktibismo.

Kalimitan, ang dahilan ng mga aktibista upang magsagawa ng


anumang aktibidad, kagayang rally, ay ang paghingi ng pagbabago sa
pamamalakad ng gobyerno. Sinang-ayunan nito ni Tapigngan, J.M.
(2012), sinasabi niya na “Maraming kabataan ang nagiging aktibista
upang humingi ng pagbabago sa pamahalaan”. Ang insidenteng sinabi
ni Tapigngan ay nangyari noong 1970 hanggang 1973 kung saan ang
aktibismo ay nagging kontrobersyal. Kalimitan sa mga ganitong
pangyayari ay mga mag aaral ang napapabilang dito. Ika nga ni Rizal
“Ang kabataan ang pag-asa ng bayan”. Sinuportahan ito ni Andrea
(2016), ipinupunto niya ang kahalagahan ng gampanin ng mga
kabataan o ng mga mag-aaral ng ating bansa sa pakikipaglahok sa
iba’t-ibang aktibidad na pumapatukoy sa isyung panlipunan ng ating
bansa. Ibig sabihin, nais ni Andrea na bigyang pagkakataon at
pakinggan ang mga kabataan o mag-aaral sa kanilang saloobin at ang
kanilang mga ipinaglalaban. Kung kaya’t nais ng mga mananaliksik
isagawa itong pananaliksik na ito tungkol sa aktibismo upang malaman
ang mga pananaw ng ilang mag-aaral ng University of Makati ukol sa
aktibismo.

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay para malaman ang mga


konsepto, persepsyon at mga pananaw ng mga mag-aaral ng
University of Makati sa kabi-kabilang aktibismong nangyayare sa ating
bansa. Mangalap ng mga pananaw tungkol sa Aktibismo at suriin ang
mga makakalap upang malaman ng karamihan ang mga saloobin ng
mga mag-aaral ng University of Makati sa nasabing paksa. Layunin din
nito na palawagin at mas lalong palalilim ang ating kaalaman tungkol
sa aktibismo, hindi lang para sa mga nakababatang henerasyon na
maaaring magbasa nito, bagkus para na din maitama din ang mga
maling pananaw ng bawat tao na mag babasa nito. Ayon sa
pananaliksik na Cannellier, C.L. (2010), No one can Agree on politics.
Millenials – a group known for refuting labels – seem particularly
frustrated with their governments and system. Karaniwan sa mga
millenials ngayon ay mulat sa mga problema na kinakaharap ng bansa
at madalas ay nadidismaya. Sila ang mga may mas alam kung kaya’t
kailangan malaman ng nakararami ang kanilang mga saloobin tungkol
dito at maitama ang mga maling pananaw nila ukol sa isyong nasabi.

Paglalahad ng mga Suliranin

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay malaman ang kahulugan ng aktibismo at


malaman ang mga pananaw ng bagong henerasyon.

Ang mga tanong ay mag sisilbing gabay ng mga mananaliksik:

1. Ano ang pananaw ng mga piling mag-aaral ng Humss mula sa


University of Makati sa aktibismo?
2. Ano-ano ang mga persepyon ng mga respondent tungkol sa
aktibismo?

3. Ano-ano ang mga persepsyon ng mga respondent tungkol sa posibleng


epekto ng aktibismo sa bansa?

Metodolohiya

Lokal

Ang pagpapalaganap ng mga katanungan upang makakuha ng mga datos na


gagamitin sa akademikong papel ay magaganap sa loob ng University
of Makati. Ito ay dahil patungkol sa mga pananaw ng mag-aaral ng
University of Makati ang kailangan sa pag-kalap ng mga datos ng mga
mananaliksik. Ang University of Makati ay isang state university na
matatagpuan sa barangay ng West Rembo, sa Lungsod ng Makati, ito
ay dating Pamantasan ng Lungsod ng Makati.
Respondente

Ang mga mananaliksik ay manggagaling mula sa isang pangkat sa mga


mag-aaral, at mga katanungan o survey questionaires ay ipapamahagi
at pasasagutan sa mga mag-aaral ng University of Makati mula sa
Higher School ng UMAK (HSU) particular ang mga mag-aaral ng
Humanities and Social Science (HUMSS). Pinili ng mga mananaliksik
ang mga estudyante ng HUMSS bagkus sila ang may mga asignatura
na may kaugnayan sa politika na maaaring makatulong sa pag-aaral
ng mga mananaliksik. Ang mga mananaliksik ay gagamit ng random
sampling sa pag pili ng mga respondent basta sila ay mag-aaral ng
University of Makati, at nag-aaral ng Humanities and Social Sciences.
Proseso
Ang pag – kalap ng datos ay isasaganap ng mga mananaliksik sa ika –
siyam ng oktobre dalawang libo siyam na’ pu ng umaga hanggang sa
ikalabing dalwa ng tanghali. Ang mga mananaliksik ay nag likom ng
datos sa mga HUMSS na estudyante ng University of Makati, himingi
ng permiso ang mga mananaliksik sa guro ng mga piling estudyante.
Agad na binigyan ng mga mananaliksik ang mga respondente ng
serbey na naglalaman ng limang katanungan na kanilang sasagutan sa
loob ng labing limang minuto.
Pag-aanalisa
Ang mga mananaliksik ay gagamit ng likert scale sa pag aanalisa ng mga
datos na nakalap sa mga piling respondent. Ang mga datos na
makakalap ay magiging isa sa mga basehan ng mga mananaliksik.
Instrumento

Ang mga mananaliksik ay gaumawa ng survey questionnaire upang


mangalap ng mga datos, ang pangunahing layunin ng mga tanong ay
malaman ang mga pananaw ng mga pananaw ng mga piling mag-aaral
ng Humanities and Social Sciences sa University of Makati tungkol sa
aktibismo Ang mga mananaliksik ay gumamit ng mga tanong na akma
sa kanilang track.
Ang tanong na binigay sa mga mag-aaral ay may limang parte
ang bawat tanong ay dapat mabigyan ng rate base sa kanilang
pangunawa at pananaw. Ang bawat tanong ay may mga numerong na
isa hanggang lima, lima ang may pinaka mataas na puntos at isa ang
may pinaka mababang puntos.

Resulta

Talahanayan 1. Kalawakan ng kaalaman ng mga HUMSS student na mag-


aaral ng University of Makati tungkol sa Aktibismo

Deskripsyon Frequency Percentage Rank

Walang Kaalaman
3 10% 4
Kaunti lang ang
kaalaman 4 13.33% 3
Tamang Kaalaman
14 46.67% 1
Sapat na Kaalaman
7 23.33% 2
Lubos na may
Kaalaman 2 6.66% 5
Total 30 99.99%

Ipinapakita ng unang talahanayan kung gaano kalawak ang kaalaman ng


mga HUMSS na mag-aaral ng University of Makati tungkol sa
Aktibismo. Base sa mga nakalap ng mga mananaliksik, pinaka marami
ang sumagot ng “Tamang Kaalaman” na may labing apat na
respondent ang sumagot, at dalawa lamang ang sumagot sa “Lubos na
may kaalaman”. Lubusang ipinapakita ng talahayan na sakto o tama
lamang ang kaalaman ng mga HUMSS na mag-aaral tungkol sa
Aktibismo.

Talahayan 2. Pagiging Interesado ng mga mag-aaral ng HUMSS na mag-


aaral sa University of Makati tungkol sa konseptong Aktibismo.

Deskripsyon Frequency Percentage Rank

Di
Interesado 4 13.33% 4
Di
gaanonginteresado 5 16.66% 2.5
Interesado
14 46.67% 1
TamangInteresado
5 16.66% 2.5
LubusangInteresado
2 6.66% 5
Total 30 99.98%

Inilalahad ng ikalawang talahanayan kung gaano ka interesado ang mga


HUMSS na mag-aaral ng University of Makati tungkol sa Aktibismo.
Base sa mga nakalap na datos ng mga mananaliksik, pinaka marami
ang sumagot ng “Interesado”, at dadalawa lamang ang nag sagot na
sila ay may lubusang interesado. Ipinapahayag ng talahanayan na
karamihan sa mga HUMSS na mag-aaral ng University of Makati ay
interesado tungkol sa konsepto ng Aktibismo.
Talahanayan 3. Pagiging Importante ng Aktibismo sa mga HUMSS na mag-
aaral ng University of Makati

Deskripsyon Frequency Percentage Rank

Hindi Importante
2 6.66% 5
Hindi gaanong
Importante 4 13.33% 3
Importante
14 46.67% 1
Saktong Importante
7 23.33% 2
Impotanteng
Impotante 3 10% 4
Total 30 99.99%

Inilalahad ng Ikatlong talahanayan kung gaano ka importante ang aktibismo


sa mga HUMSS na mag-aaral ng University of Makati. Pinaka marami
ang nag sagot ng importante at pinaka kaunti naman ang Hindi
Importante. Ipinapakita mula sa datos na nakalap ng mga
mananaliksik na Importante sa mga mag-aaral ng HUMSS ng
University of Makati ang Aktibismo.

Talahanayan 4. Sa perspektiba ng isang Humss student, kung mabuti ang


dulot ng Aktibismo.

Deskripsyon Frequency Percentage Rank

Hindi mabuti
0 0% 4.5
Hindi gaanong
mabuti 5 16.66% 3
Niyutral
16 53% 1
Nakabubuti
9 30.33% 2
Sobrang
nakabubuti 0 0% 4.5
Total 30 99.99%
Inilalahad ng pang – apat na talahanayan kung gaano kabuti sa perspektiba
ng mga respondente sa epekto ng aktibismo, Sa pag susuri ng mga
mananaliksik sa nakalap ng datos ay mababatid na angat ang dami ng
sumagot ng niyutral sa katanungan. Ito’y nag papakita na di pa lubos
na maalam ang mga respondente sa kalakip na epekto ng aktibismo at
nanatiling hati ang kanilang opinyon sa nasabing paksa. Isa sa mga
posibleng kadahilanan nito’y ang kakulangan ng pag papaliwanag sa
mga epekto ng aktibismo.

Talahanayan 5. Pananaw ng isang HUMSS student sa pag-papalawig ng


impluwensya ng aktibismo sa lipunan.

Deskripsyon Frequency Percentage Rank

Sobrang Sang-ayon
2 6.66% 4
Sang-ayon
8 26.67% 3
Niyutral
9 30% 2
Sobrang di sang-ayon
10 33.33% 1
Di sang-ayon
1 3.33% 5
Total 30 99.99%

Ipinakita sa talahanayan ang mga naging tugon sa tanong sa pag-papalawig


ng aktibismo sa lipunan, ang mga mag-aaral ng Humss student ay
naging hati ang opinyon sa tanong na ito ang, ang iba ay sumang-
ayon sa pag-papalawig ng aktibismo at ang iba naman ay hindi
sumasang ayon sa pag-papalawig sa aktibismo at habang ang natitira
naman ay neutral ang naging tugon sa tanong na pag-papalawig ng
impluwensya sa lipunan.

Diskusyon

Batay sa nalipong datos ng mga mananaliksik, mayroong tamang kaalaman


lamang ang mga respondente tungkol sa aktibismo. Ibig sabihin hindi
labis at hindi rin kulang ang kanilang kaalaman tungkol dito. Kung
babalikan ang unang talahanayan, naipakita roon ang resulta sa
sarbey na nakalap ng mga mananaliksik kung gaano kalawak ang
kaalaman ng mga respondente sa aktibismo. Sa tatlumpung
respondente, labing apat ang sumagot ng "tamang kaalaman" lamang.
Mahihinuha dito na bagamat ang resulta ay nasa tamang kaalaman,
hindi pa ito sapat para sa mga respondente upang maging mulat sa
bayan o bansa. Ayon rin sa isang napiling respondente ng mga
mananaliksik, nais niyang magkaroon ng malawakang pagpapakalat
ng impormasyon at pagpapalalim ng pag-unawa sa mga katulad
niyang mag-aaral ukol sa aktibismo nang sa gayon ay maging mulat
siya pati na rin ang mga kapwa niyang mag-aaral at kabataan.
Sa moderning panahon ngayon, ay napaka bilis ang pagkalap ng
impormasyon sa internet at maari ka nang magpahayag ng komento o
saloobin. Ngunit iba-iba ang pananaw ng tao sa usaping aktibismo
may ibang nagbabatikos sa mga aktibistang kabataan at mayroon
namang sumusuporta na siyang nakikita ang kahalagahan ng
kabataang aktibismo. Sabi nga ni Dr. jose Rizal “ang kabataan ang
pag-asa ng bayan” ngunit bakit sila patuloy na pinapatahimik ng
karamihan sa ating lipuan? Bakit ginagamit na dahilan ang “walang
alam” o “bata pa lang ‘yan” marahil dahil dito ay tumatahimik nalang
ang kabataan ang nagsasarili sa kanilang kuro-kuro.
Kung susuriin ang kasalukuyang panahon na kung saan mabilis
at madali ang pag pasa ng impormasyon, ito ay posibleng isa sa mga
dahilan kung bakit nanatiling batid at buhay ang konsepto ng
aktibismo sa mga mag aaral. Ngunit dahil rin sa bilis at dali ng pag
ikot ng impormasyon ay mabilis rin na mabahidan ng negatibong
konatasyon ang aktibismo.
Base sa nakalap na datos ng mga mananaliksik lumabas sa
resulta ng survey na 53.33% ang sumagot ng niyutral sa tanong na,
mabuti ba ang epekto ng aktibismo sa bansa? Marahil may mabuting
epekto at may masamang epekto ang aktibismo ngunit sa pag lipas ng
panahon ay Hindi ito nabibigyang importansya sa mga maraming
kadahilanan gaya lamang na lumalawak na impluwensya ng social
media at mga makabagong teknolohiya na kung saan ang interes ng
bawat isa ay nababaling sa ibat ibang mga bagay, at ang mga isyung
pang lipunan ay naisasantabi
Base sa mga pangangalap ng datos halos hati ang naging tugon
ng mga respodente sa tanong sang-ayon ba sila sa Pag-papalawig ng
impluwensya ng aktibismo, 33.27% ang nagsabing sila ay sang ayon
sa pag-papalawig ng aktibismo sa lupins at habang 36.26% ang
sumagot ng sila ay Di sang-ayon sa pag-papalawig ng aktibismo sa
lipunan sa panahon ng maraming ang nanaganap na pag tatalo lahat
ng tao ay naging hati ang opinyon sa bawat isyung kanilang nariridnig
at bawat isyung ito ay ay pag-sangayon at di pag sang- ayon, sa
nakalipas ng taon ang aktibismo ay isa sa nag pa bago sa lipunan at
lahat may naidulot sa bayan nugnit sa pag lipas at nag dating ng
modernasisasyon ay ang pananaw ng mga tao ay nag iiba at ang
aktibismo ay naisasantabi.

Konklusyon

Sa pag susuri ng mga nakalap na datos at pag saliksik sa mga pag aaral pa
tungkol sa aktibismo. Maaring mapag tantong na ang pananaw ng mga
piling mag aaral ng unibersidad ng Makati sa paksa ng aktibismo ay
nanatiling positibo. Ito ay posibleng sa kadahilan na mas bukas ang
mga perspektiba ng kasalukuyang henerasyon pag dating sa mga
paksang katulad ng nasabi.
Lumabas sa pananaliksik na ang epekto ng aktibsmo ay
nanatiling na bibigyang ng pansin ngunit sa makabagongp panahon ay
tila ito ay unti unting na lilimutan at ang konsepto nito ay naiiba sa
nakasanayan sa mga kadahilanang pa bago - bagong nangyayari sa
ating lipunan na kung saan ang ang mga bagong henerasyon ay nag
dudulot sa kanila ng pagkalito at ang iba ay napapaisip kung aktibismo
ba ay may mabuti pang dulot sa lipunan at dapat ito pa ba ay
palawigin ang impluwensyan.
Sa huli naipakita parin naang aktibismo ay buhay na buhay pa sa
panahon ngayon,at naipapakita din na malaki ang epekto at
kahalagahan ng aktibismo sa ating lipunan.At Ng nakalap na datos
mula sa Higher School ng UMAK (HUMMS) nagpatunay na importante
ang aktibismo sa ating lipunan, marahil ito ang nagiging sigaw ng
mamayan na gusto ng pagbabago mula sa pamahalaan.Basi sa datos
na nakuha ay 13.33℅ ang sumagot ng hindi gaanong importante at
46.66℅ naman ang sumagot ng mahalaga ang aktibismo. Gayon
paman Ay makikita sa resulta na mas madami padin ang sang ayon
sa aktibismo nangangahulugang mahalaga ang epekto ng aktibismo sa
ating bansa o lipunan, basta’t matuto lamang sa limitasyon sa bawat
galaw.
Mga Sanggunian

Andrea (2016). Ang Kahalagahan ng Kabataang Pilipino sa Aktibismo.


Retrived from: https://medium.com/@andreatibayan/ang-kabataan-
at-aktibismo-5732b1acc7e0
Arao, D.A. (2013). Seryosong pagtingin sa aktibismo. Retrived from:
https://www.pinoyweekly.org/2013/03/seryosong-pagtingin-sa-
aktibismo
Cannellier, C. L. (2018). The Role of Millennials in Politics: Taking Student
Activism to the Polls. Retrieve from: mcgill.ca/arts/article/taking-
student-activism-polls
Tapigngan, J.M. (2013). Ang Panitikan sa Panahon ng Aktibismo. Retrived
from:https://www.google.com/amp/s/joecilmaetapigngan.wordpress.c
om/2013/02/27/ang-panitikan-sa-panahon-ng-aktibismo/amp

You might also like