You are on page 1of 6

ANG ISYU NG KATIWALIAN AT KORUPSIYON

Korupsiyon
 itinuturing na korapsiyon ang anumang paglabag sa batas na itinatakda ng
pamahalaan.
 hindi tamang paggamit ng mga pondo at pampublikong kapangyarihan.

Halos 56% ng mga Pilipino ang nakararanas ng korupsiyon.

Katiwalian

 tumutukoy sa ilegal na pagkuha ng pondo.

Ayon sa Philippine Center on Transitional Crime noong 1999, 30% ng kita ng pamahalaan ang nawawala sa
kaban ng bayan dulot ng korupsiyon at 37% noong 2012.

Ibat’t-ibang anyo at Pamamaraan ng Korupsiyon

1. Suhol (Bribery)- anumang gawaing pagbibigay ng pera.


2. Pangingikil (extortion)- paggamit isang opisyal ng kanyang posisyon upang makakuha ng pera.

3. Nepotismo- isang uri ng paboritismo na kung saan ang pagkilos ay may pagkiling sa mga kasapi ng pamilya.
4. Panlilinlang (Fraud)- paggamit ng pandaraya at paglabag sa tiwala upang makakuha ng hiindi patas at labag
sa batas.

5. Paglustay o pangungupit (Embezzlement)- isinasagawa ng isang taong pinagkakatiwalaang mag-ingat ng


pribado at pampublikong pinagkukunang-yaman.
6. Paglalako ng Impluwensiya (Influence Pedding)- ilegal na paggamit ng impluwensiya ng pamahalaan upang
makakuha ng pabor para sa iba.

Sa ilalim ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act (RA 3019) at Revised Penal Code
(itinatakda bilang krimen na may kaukulang kaparusahan ang iba’t-ibang anyo ng korupsiyon).
Money Laundering
 ang anumang akto na nagkukubli ng mga salaping nakuha mula sa ilegal na paraan o krimen upang ang
mga ito ay magmukhang nagmula sa legal o lehitimong pinagmulan

Mga bansang pinaka-corrupt sa mundo

1. Nigeria
2. North Korea
3. Somalia
4. Afghanistan
5. Sudan
6. Agola

7. Iraq
8. Libya
9. Guinea
10. South Sudan

 Sa Asya ang North Korea ang nangungunang bansa na pinaka-corrupt.

RA 9160
Anti-Money Laundering Act of 2001

Republic Act 7080


 Anumang halaga na umabot sa 50 milyon ay dapat sampahan ng kasong plunder

RA 3019 at EO 292
rd

 ipinagbabawal ang paghirang ng kanyang kamag-anak sa isang posisyon hanggang sa 3 degree.

Republic Act No. 6713

Ang Batas tungkol sa Anti-Korupsiyon sa Pilipinas.

RA 3019

 ang mga nagkasala ng bribery ay m


 aaaring sampahan ng kaso.

Act No. 3815 (1930)


 The Revised Penal Code of the Philippines
RA 9485 (2007)
Anti-Red Tape Act of 2007

Mga Uri ng Korapsiyon


1. Pangmalakihan
2. Pangmaliitan
3. Politikal

Pangmalakihan
 Ito ay maling paggamit ng pampublikong kapangyarihan ng mga pinuno ng estado, ministro, mataas na
opisyal.

Pangmaliitan
 tumutukoy sa pang-araw-araw na pang-aabuso sa ipinagkatiwalang kapangyarihan ng mga opisyal ng
pamahalaan.

Politikal
 pagbaluktot sa itinakdang alituntunin sa pamamalakad ng pamahalaan ng sinumang opisyal at
tanggapin ito para sa sariling pakinabang.

Ayon sa UNDP, mauuri ang korupsiyon sa dalawa:


1. Spontaneous
- Karaniwang nangyayari sa mga lipunang may malakas na etika at moralidad sa serbisyo publiko.

Systematic
 kapag ang korupsiyon ay malawakan at laganap sa lahat ng antas ng lipunan.

Sa kasalukuyan, itinuturing ang korupsiyon bilang isang global phenomenon at global threat na nangyayari sa
lahat ng bansa sa daigdig.

Yury Fedotov
 ayon sa kanya ang korupsiyon ay malaking hadlang sa pag-unlad ng ekonomiko,
 ang Executive Director ng United Nations Office on Drugs and Crime.

Rachel Caoili
 ayon naman sa kanya, ang korupsiyon ay maituturing na pinakaseryosong kahinaan ng lipunang
politikal ng Pilipinas.
Ayon sa UNDP, napatunayan sa napakaraming mga pag-aaral na habang nagiging mas corrupt ang
pamahalaan, nagreresulta ito sa pagiging higit na underdeveloped ng isang bansa.

Ayon sa Global Competitiveness Report ng 2016-2017 ng World Economic Forum (WEF), kabilang sa tinukoy
na nangungunang suliranin sa pagnenegosyo sa Pilipinas ang inefficient government bureaucracy, kakulangan
ng impraestruktura, korupsiyon, tax rates, at regulasyon sa pagbubuwis.

Red Tape
 ito ang napakahabang proseso ng mga alituntunin o regulasyon na ang ilan ay paulit-ulit lamang sa loob
ng burukrasya.

Ayon sa Office of the Ombudsman, tinatayang umabot sa $48 bilyon sa nakalipas na dalawampung taon o
PHP 2 bilyon kada taon ayon sa Commission on Audit ang nawawala sa pamahalaan dahil sa korupsiyon.

Ayon naman sa Global Financial Integrity sa ulat nito noong 2014, tinatayang umabot sa $410.5 bilyon ang
nawala sa bansa mula 1960 hanggang 2011.

Batay sa exchange rate noong 2011, ang nasabing halaga ay nasa 19.34 trilyong piso (hindi pa kasama dito
ang pagtaas ng inflation rate).

Batay pa rin sa nasabing ulat ng Global Financial Integrity, nangunguna ang Bureau of Customs (BOC) sa may
pinakamalaking kitang nawala para sa pamahalaan.

 Sa kabuoan, tinatayang nasa PHP 166.74 bilyon ang kitang nawala sa pamahalaan noong 2011 sanhi ng
korupsiyon.

 Batay naman sa COA, tinatayang umabot sa PHP 101.816 bilyon ang maaaring nawala sa taunang
badyet ng pamahalaan noong 2011 sanhi ng graft and corruption.
Mga Sanhi ng Korupsiyon
1. Kahirapan
2. mababang sahod
3. kawalan ng edukasyon
4. malalabong batas at regulasyon
5. mahinang pagpapatupad ng batas
6. Labis na red tape at inefficiency ng Serbisyo Sibil sa Pilipinas
7. ang pangkalahatang kultura sa pamamahala na nakabatay sa sistemang padrino.
8. Kahinaan ng impluwensiya ng relihiyon.
9. Likas na pagkagahaman ng ilang tao.
Basahin ang mga Pangunahing Batas na May Kaugnayan sa Graft and Corruption (Pahina 313) sa inyong aklat.

You might also like