You are on page 1of 1

A.

Panimula
Isa sa pinamakatinding pagsubok na kinakaharap ng ating bansa sa kasalukuyan ay ang
problema sa iligal na droga. Ang pagkalat nito ay isang malaking dagok sa ating lipunan hindi
lamang dahil sa maraming buhay na nawawasak at napipinsala kundi gayundin ang kayamanan
at pag-aari nating nasasayang lalo na ang mga kabataang nalulong sa ipinagbabawal na droga.
Sa pag-aaral na ito, ipopokus namin ang aming layunin na ipalaganap ang mga
impormasyon tungkol sa mga kabataan na kasalukuyang gumagamit ng droga. Ang
ipinagbabawal na mga gamot ay maaaring makaapekto sa isipan ng tao o sa katawan ng tao,
subalit maaari ring parehong maapektohan ang mga ito.
May mabibigat na mga hindi kapakinabangan ang ilang uri na gamot na mainam sanang
nagagamit lamang para sa layunin ng panggagamot , sa halip na kapinsalaan sa tao at kaniyang
katawan at isipan. Subalit mayroon sa mga ito ang may kaakibat na mga katangiang nakaaakit at
nakalilikha ng pagkakalulung o hindi maiiwasan at hindi mapigil na paghahanap sa taong
nakagamit o gumagamit nang mga ito.
Kadalasan, ang mga dahilan ng mga kabataang Pilipino tungkol sa paggamit ng droga ay
depresyon sa problemang pampamilya, mga panghihikayat ng mga kaibigan, impluwensya ng
mga kamag-aral at pag-eeksperimento sa paggamit ng droga. Sa mga dahilang ito na lalong
nagtutulak sa mga kabataang magrebelde at gumamit ng mga mapanganib na droga, hindi
malayong lumaki ang bilang at lumaganap ang paggamit nito.
Mahirap malaman kung gumagamit ng bawal na gamot ang isang tao dahil sa
pagkakaiba-iba ng epekto nito sa isang indibidwal. Bagaman walang mga pagbabagong
pangdamdamin o pangkatawan, maaaring mapuna ang hindi pagiging karaniwang kilos ng isang
tao sa loob ng mahabang panahon. Ngunit dapat na tandaan na maaaring bahagi lamang ng
buhay at paglaki ng isang tao, partikular ng kabataan o mga nagbibinatat nagdadalagang tao.

You might also like