You are on page 1of 1

Ang isang posisyong papel[1][2] ay isang salaysay na naglalahad ng kuro-kuro hinggil sa

isang paksa at karaniwang isinulat ng may-akda o ng nakatukoy na entidad, gaya ng isang


partido pulitikal. Nilalathala ang mga posisyong papel sa akademya, sa pulitika, sa batas at
iba pang dominyo.
Ang balangkas ng isang posisyong papel ay mula sa pinakapayak tulad ng isang liham sa
patnugot hanggang sa pinakamagusot tulad ng isang akademikong posisyong papel.
[3]
Ginagamit rin ng malalaking organisasyon ang mga posisyong papel upang isapubliko
ang kanilang mga opisyal na pananaw at ng kanilang mga mungkahi

POSISYONG PAPEL Paggamit ng Droga


Ang posisyong papel na ito ay tungkol sa mga taong gumagamit ng ipinagbabawal na
gamot. Ang gamot ay sinadya sa mundo na gawin upang makapagbigay-lunas sa sakit. Ito ay
medisina upang madaling mawala ang sakit ngunit sa kabila nito ay nakapagbibigay sakit kapag
inabuso. May gamot na bawal tulad ng ginagamit ng mga kabataan ngayon. Karamihan sa
kanila ay nalulong sa bisyo lalo na sa paggamit ng ganitong klaseng droga. Ang ganitong
sitwasyon ang pinakapangunahing problema ng lipunan dahil marami na ang masamang
pangyayari na nagaganap sa lipunan dulot nga ng paggamit nito. Dumarami na rin ang bilang
ng mga napapatay na kriminal bunsod ng paglaban ni Duterte sa ilegal na droga. Walang
dufang ramdam na ng mamamayan ang mga pagbabagobg hatid nito. Pero habang tumatagal,
unti-unting nauungkat ang maraming isyung kaugnay na maruming kalakaran ng ipinagbabawal
na gamot sa ating lipunan.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement, tinatayang 92% ng mga barangay sa Metro Manila
ang apektado ng droga. Kaya naman hindi kataka-takang maraming pamilyang Pilipino ang
sangkot sa paggamit at pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot. Umabot rin sa halos 196 na
politiko at 283 na mga empleyado ng gobyerno ang naaresto dahil sa paglabag sa
Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 (PDEA, 2016). Ayon rin sa balita, mahigit 300 na
katao na diumano ang napatay sa 'gyera kontra-droga' ng administrasyon. Karamihan nito ay
ang mga napaslang, mga durugurista o nagtutulak ng droga na antas-kalye. Araw-araw laman
ng mga balita ang mga pagpatay, pagsuko o paghuli sa adik ng ilegal na droga kaya naman
hindi nakapagatataka na popular na popular ang kampanyang kontra-droga ito ni Duterte.

Bagaman alam na alam ng mga tao ang mga panganib, patuloy pa rin sila sa pag-abuso
nito, at gayong pag-abuso ay patuloy na sumisira ng buhay. Oo, karamihan sa atin ay alam na
ang paggamit ng droga ay isang paraan upang makaahon sa kahirapan, nakababawas ng
suliranin o di kaya'y panghanapbuhay ng iba. Pero alam din natin na ang paggamit nito ay
makatutong magnakaw, magsinungaling, maging agresibo o walang takot na gumawa ng
masama hanggang sa mawalan ng katinuan o mabaliw ang tao. Maraming posibleng epekto
nito. Kahit na mabuti o masama, magdudulot pa rin ito ng epekto dahil sa ating aksyon.

You might also like