You are on page 1of 13

Republika ng Pilipinas

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS


Sangay ng Maragondon

Due Process at Karapatang Pantao

Ipinasa Nina:
Cabadin, Nhel John D.
De Leon, Princess Jane H.
Leyba, Dimples Ann P.
Ramos, Mike Emerson B.
Torres, Patrick J.

Ipinasa Kay:
Prof. Don Emmanuel Nolasco
Oktubre 2016
1

Introduksyon
Hindi dapat alisan ng buhay, kalayaan, o ariarian ang sino mang tao nang hindi sa
kaparaaanan ng batas, ni pagkaitan ang sino mang tao ng pantay na pangangalaga ng
batas. Ayon ito sa Seksyon 1, Artikulo III ng Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas,
1987.
Nagkaroon na ng maraming paglabag sa karapatang pantao sa kasaysayan ng
Pilipinas. Ang mga nakaraang administrasyon mismo ang lumabag sa mga batas na sila
mismo ang nagpapatupad. Dahas ang naging solusyon nila para maiayon ang mga
bagay sa kanilang kagustuhan. Nakakasira ang kapangyarihan lalo na kapag nasimulan
na itong gamitin para sa sariling kapakanan. Nagpipikit mata na lamang sila at pilit
pinagtatakpan ang mga bagay na kanilang nagawa.
Ang kasalukuyang administrasyon ng bansa, ang administrasyong Duterte, ay may
malakas na kampanya laban sa droga. Programa sa pagbabago, ito raw ang dahilan ng
mga nangyayari. Extrajudicial Killings. Isang termino na biglang naging popular mula sa
pagiging hindi kilala. Ito rin ang laman ng mga balita na naging kontrobersyal at nagiging
dahilan ng ibat-ibang problema ng bansa. Ang terminong ito ang nag-udyok sa mga
mananaliksik upang gawin at pag-aralan ang kontekstong ito na sadya namang
nakakabahala at nakakapukaw ng atensyon. Ipamulat sa bawat isa, o sa marami, ang
kalagayan ng mga pangyayari sa bansa. Tama pa ba ang mga nangyayaring pagpatay
at pag-abuso? Ang daming tanong na gustong mabigyan ng kasagutan. Mahalaga ang
magiging gampanin ng pananaliksik na ito upang mabigyang linaw ang mga katanungan
na bumabagabag sa isip hindi lamang ng mga mananaliksik pati na rin sa mga
mambabasa. Napakalawak ng konteksto ng karapatang pantao at Due Process. Hindi
ito kayang ilahad sa iisang salita lamang, kailangan ng masusing pag-aaral at malawak
na pang-unawa upang mailahad lahat ng impormasyon na kinakailangan upang maging
matagumpay ang pag-aaral. Mainit ang usaping ito ngayon. Laman ito ng balita at
bukambibig ng media. Ang bawat pagpatay ay mayroon daw dahilan, ang bawat salita
ng pangulo na binibitawan ay binibigyan ng dahilan, literal man o hindi. Nagsisimula na
rin maungkat ang mga katiwalian na kaakibaat ng mga isyung nagpapaingay sa mundo.
Ito man

ay sumusuporta

sa

administrasyon

tumutuligsa

sa makinaryang

nagpapaatakbo sa bansa. Layunin din nito na mabuksan ang maraming isipan lalo na ng
mga mag-aaral na magiging kinabukasan ng bansa. Kailangan ng pakikialam upang
magkaroon ng pagbabago.
2

Ang Due Process at Human Rights ay umiikot sa bawat mamamayan ng


Pilipinas bilang isang karapatang pang indibidwal at sekuridad. Binibigyang karapatan
ng Due Process ang indibidwal upang bigyang pagkakataon ang nakasuhang indibidwal
na magsalita at ibigay ang kaniyang panig. Dapat mabigyan ang bawat isa ng maayos
na pagtrato gaano man kasama ang kaniyang nagawa. Sa pamamagitan nito ay maaari
kang magkaroon ng sekuridad kontra sa mga kasong maaring kaharapin. Hindi ka
matatakot para sa sarili mong buhay dahilk alam mong pinapangalagaan ka ng batas.
Ito rin ang dahilan kung bakit maari tayong maging malaya sa ating sarili, bukas sa sarili
at sa iba, at hindi nangangamba na magkakaroon ng panganib sa sariling bayan. Ang
paglaganap ng EJK ay isang malaking kontrobersya at hadlang sa pag-unlad at
pagbabago na matagal nang hinihingi ng mga Pilipino. Si Pangulong Rodrigo Duterte ay
tinutuligsa dahil sa paglaganap ng mga di-makataong paghuhusga ng krimen.
Ang karapatang mabuhay ay ang pinakaesensyal na karapatang pantao. Hindi
maaring limitahan nino man ang buhay ng sino man. Hindi din tama na kitilin ang isang
buhay na walang tamang panghuhusga at nang hindi ito nabibigyan ng pagkakataon na
ipaliwanag ang kanyang panig. Nakasaad ito sa batas. Nakasaad ito sa konstitusyon.
Ang konstitusyon ay pangunahing batas na sinusunod ng bayan. Ito ang Fundamental
law of the land.

Talakayan
The concept may be problematic in the Philippines but human rights are a vital
component of most modern democracies (Rappler.com). Ang karapatang pantao ay
isang karapatan, hindi prebilehiyo. Ang bawat mamamayan ay dapat mabigyan ng
pantay na pagtingin ng isang demokratikong pamahalaan. Hindi tama, sa mata ng batas
at mata ng mga tao, na tanggalan ang isang indibidwal ng karapatang mabuhay at
husgahan ng walang tamang proseso na itinakda ng batas. Ito ang nangyayari sa bansa
ngayon. Laganap ang pagpatay sa mga hinihinalang kriminal at gumagamit ng droga.
Madaming humihingi ng hustisya. May mga taong inilalagay sa kanyang mga kamay ang
tinatawag niyang hustisya. Para saan pa ang karapatang pantao na itinakda ng batas
kung hindi ito nababantayan at napapangalagaan nang maayos?
Napatay dahil nanlaban. Ito ang lagging mapapanood sa telebisyon at mababasa
sa mga dyaryo. Tila naging alibi na ito ng ilan sa mga kapulisan upang ilagay sa
kanilang mga kamay ang buhay ng isang tao at mapadali ang kanilang trabaho.
Mayroon namang mga bidyelanteng gumagawa ng aksyon kahit walang awtoridad na
nagbibigay sa kanila ng karapatan upang gawin ito.

23 JUL 2016. MANILA, PHILIPPINES. REUTERS/CZAR DANCEL

Ito ang naranasan ng 26-taong gulang na si Jennelyn Olaires noong ika-23 ng


Hulyo 2016. May artikulo sa Reuters.com na naglalarawan sa nakakahabag na eksena
4

na naidukomento ng media. Naghihinagpis si Jennelyn sa tabi ng kanyang wala nang


buhay na kasintahan sa tabing kalsada matapos itong patayin ng isang bidyelanteng
grupo ayon sa mga pulisya. May nakasabit na karatula sa kanyang leeg na nagsasabing
Pusher ako. Nangyari ito sa Pasay City, Manila kung saan talamak din ang mga
pagpatay dahil sa droga. Ang kasintahan ni Jennelyn ay biktima ng mga taong lumabag
sa batas. Karaniwan na itong manipestasyon ng extrajudicial killings sa bansa. Bago pa
man maupo si Pangulong Duterte sa pwesto, laganap na ang EJK na may kaparehong
kaso. Mayroong pinatay sa tabing kalsada, sinabitan ng karatula. May ilang mga tao ang
sinabing nanlaban kaya pinaputukan ng pulisya. Habang tumatakbo ang bawat araw
mula ng pag-upo ni Digong, humahaba din ang mga listahan ng mga napapatay dahil
gumagamit umano ng droga nang wala namang tamang kaparaanan ng batas o due
process, at marami pa ang hindi nabibigyan ng pansin at napapasama sa listahan.
Kasabay din nito ay ang pagdami ng bilang mga drug pushers at drug users na
sumusuko sa programa ng administrasyon. Nagawa nila ito dahil na rin siguro sa takot
sa lumalalang isyu ng pagpatay at sa pag-asang mabibigyan sila ng proteksyon at
maproserba ang kanilang karapatang mabuhay sa baluktot na mundo. Ang programang
ito ng gobyerno ay isa lamang sa mga patunay na hindi hangarin ng pamahalaan ang
paglaganap ng EJK sa bansa. Pagbibigay ito ng pagkakataon sa isang naliligaw ng
landas na magbago at ayusin ang kanyang buhay. Ang gyera kontra droga ay may
malaking epekto hindi lamang sa bawat indibidwal na naninirahan sa bansa, kundi pati
na rin sa panlabas nitong imahe sa mundo.
Bago pa man ang kasalukuyang administrayon, nagkaroon na din ng mga
paglabag sa karapatang pantao sa kahabaan ng kasaysayan ng Pilipinas. Makikita ito
sa mga nakaraang administrasyon na namuno sa bansa: (en.wikipedia.org)
Administrasyong Marcos (1965-1986)
Noong ika-27 ng Setyembre 1972, nagdeklara si Presidente Ferdinand Marcos
ng martial law o batas militar. Binigyan nito ang sandatahang lakas ng kapangyarihan
para pigilan ang anumang akto ng insureksyon o rebelyon, na nakaapekto sa
karapatang pantao ng bawat mamamayan. Naitala ang kabuuang 398 na pagkawala,
1,388 extrajudicial killings, at 1,499 na napatay at nasugatan sa mga massacre ngunit
hindi lahat ng biktima ay kasama sa mga bilang na ito. Tinanggalan din ng karapatan
ang media sa malayang pamamahayag sa pamamagitan ng pagkontrol dito.

Administrasyong Arroyo (2001-2010)


Madaming mga isyu patungkol sa paglabag sa karapatang pantao ang
maiiugnay sa administrasyon ito. Ilan sa mga ito ay ang pagtaas ng presensya at
kapangyarihan ng militar lalo na sa Muslim Mindanao. Ang Sichi Bustamante-Gandinao
Murder ay isa mga kilalang kaso nito. Si Sichi Bustamante-Gandinao ay isang peasant
organizer sa Salay, Misamis Oriental. Siya ang chairman ng Misamis Oriental Farmers
Organization at tagapamahala ng party list na Bayan Muna. Isa din siyang kilalang
kritiko ng Citizens Armed Force Geographical Unit o CAFGU at kung paano ito
nakakaapekto sa malayang mga komunidad ng Misamis Oriental. Nagbibigay ng
testimonya si Gandinao kay Philip Alston, isang UN Rapporteur, patungkol sa
extrajudicial killings at paglabag ng militar sa karapatang pantao ng mga mamamayan
ng Misamis. Pinatay si Gandinao ng dalawang lalaki na nakamotor isang araw nang
papauwi ito kasama ang kanyang asawa at anak na babae galling sa bukid. Binaril siya
ng apat na beses at namatay bago pa man madala sa ospital.

Administrasyong Benigno Aquino (2010-2016)


Lumad Killings ang mga lumad ay naiipit sa girian ng mga NPA at militar. Dahil dito,
napilitan silang umalis sa kanilang mga komunidad na ginawa na ring base ng mga
militar. Humihingi sila ng pagkilala sa kanilang mga karapatang pantao matapos na ring
pangalanan ang kanilang mga pinuno at mga guro na rebelde ng mga militar.
Political Prisoners sila ay ang mga taong pinakulong dahil sa kanilang oposisyon sa
administrasyong Aquino. Kinilala silang kaaway ng estado.
Journalist Killings naging pinakamataas ang bilang ng pagpatay sa mga
mamamahayag sa administrasyong ito mula 1986. Dahil dito, ang Pilipinas ay itinala ng
CNN na third deadliest country for journalists. Ang pagakawala at pagpatay sa mga
mamamahayag ay itinago sa publiko.
Mayroon pang mga datos mula sa IBON Praymer sa edisyon nito noong Hulyo
2016. Ang artikulong ito ay pinamagatang Paglabag sa karapatang pantao (p.20):
Sa tala ng grupong Karapatan, umabot sa 318 ang naging biktima ng EJK mula
Hulyo 2010 hanggang Marso 2016. Nasa 583 naman ang biktima ng tangkang EJK.
Nasa 30 ang naitalang dinukot (enforced disappearance) ng mga pinaghihinalaamg
6

ahente ng estado habang nasa 224 ang naiulat na tinortyur. Nasa 1,461 ang iligal na
inaresto (may 512 ang tuluyang ikinulong) habang daang-libo ang biktima ng
pagbabanta at pananakot (198, 227). Karamihan sa mga biktima ng EJK ay mula sa
sector ng magsasaka (289) at katutubo (89). Marami rin ang menor de-edad (29);
manggagawa (16); maralitang lungsod (13); sektor ng transport (11); at kabataanestudyate (10).
Hitik sa ganitong mga bagay ang kasaysayan ng bansa. Hanggang ngayon sa
kasalukuyan, ang mga manipestasyon ng paglabag sa karapatang pantao ay makikita.
Ang karapatang pantao ay parehong karapatan at obligasyon, ayon sa UN. Ang estado
o ang gobyerno ay obligadong irespeto, protektahan, at punan ang mga
karapatang ito (Rappler.com). Dito sa Pilipinas, ang Commission on Human Rights
(CHR) ang pangunahing humahawak sa mga imbestigasyon sa paglabag sa karapatang
pantao. Itinatag noong 1986, sa kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Corazon
Aquino,

ang

CHR

ay

isang

indipendiyenteng

kinatawan

na

tinitiyak

na

mapapangalagaan ang karapatang pantao na ginagarantiya ng Bill of Rights. Bukod sa


pag-iimbistiga, nagbibigay din ito ng tulong at legal na kaparaanan para sa proteksyon
ng karapatang pantao na itinakda ng Seksyon 18 Artikulo XIII ng Konstitusyon ng
Republika ng Pilipinas: At the earliest possible time, the Government shall increase the
salary scales of the other officials and employees of the National Government. Ang
Commission on Human Rights ang lagi napapanood at nababasa ng mga tao kapag
dumating sa usapin ng pagalabag sa human rights at due process. Nakasaad sa Bill of
Rights na karapatan ng isang tao ang tamang kaparaanan ng batas kaya ang hindi
pagsunod sa tamang kaparaanan ng batas o due process ay hindi mapagkakailang
paglabag sa batas. Ang extrajudicial killing o summary killing ay paglabag sa
kaparaanan ng batas. Pinapadali nito ang paghuhusga sa taong nagkasala o
hinihinalang nagkasala ng wala manlang tamang pagdinig sa korte at hindi manalang
ito nabibigyan ng pagkakataon na ibigay ang kanyang panig ng kwento. Hindi na
maibabalik ang buhay na nawala na, pero kaya pang isalba ang buhay taong may buhay
pa.
Kung magtatanong ang mga tao kung tama pa ba ang mga nangyayari, ano ang
sagot? Hindi. Hindi tama ang pumatay kahit sabihin pang pusher at gumagamit siya ng
droga. Hindi tamang patahimikin ang isang tao dahil lamang tama ang sinasabi niya.
Hindi tama na sisihin ang tao na gusto lamang tanggalin ang problema na tila isang
7

terminal na sakit na unti-unting pumapatay sa bansa. Gaya nga nang sinabi ni Mike
Ramos sa kanyang position paper, hindi na alam ng pangulo kung kaninong kamay ang
may hawak ng baril at kung kaninong daliri na ang hihila sa gatilya. Hindi niya kilala
kung sinong pulis ang papatay at huhusga kung sino ang dapat mamatay. Tama pa ba?
Hindi. Madami nang hindi tama sa sistema at mundong ginagalawan ng mga tahimik na
bibig at mapanghusgang mga mata.

Konklusyon
Ang extrajudicial killings na nangyari sa kasaysayan ay hindi na o maaring
masabi na nakalimutan na at binalewala nalang pati na rin ang mga kaso na nilabag sa
karapatang pantao. Dahil na rin siguro ito sa mga nalalamang impormasyon ng mga tao
na maaring makasira sa kanila o sa mga tumutol sa mga kanilang maling gawain.
Simula palang pagsakop ng mga kastila ay naranasan na ng mga Pilipino ang
pangdarahas at hindi makataong pamamaraan ng pamamalakad ng mga prayle kaya
tumayo ng isang organisasyon upang tutulan ito ngunit inunahan na sila pero tanda
parin ang pamamalupit nila.
Pinapakita sa pag-aaral na ito kung paano at ginawa sa bawat administrasyong
simula sa pinaka-kontrebersyal na utos ng pangulo noong Martial law o batas militar
kung saan binigyan ng kapangyarihan ang militar upang gawin ang mga hindi kayang
gawin sa normal na pamamaraan, maari itong tama sa paraang pulitikal pero sa pinaka
pangkalahatan ay hindi naging mabisa ang utos. Ang pinaka objektib ng utos na iyon ay
para mabawasan ang mga rebeldeng grupo katulad ng NPA, pero ginawa lang itong
tulay para makaipon ng kayamanan ang administrasyong Marcos, at ginamit din niya
ang martial law upang patayin ang mga may alam sa pagbagsak ng administrasyon. Sa
kasalukuyan ay hindi na ito nabigyan ng hustisya sa mga nawala at ikinulong na walang
patunay na may kasalanan at kahit mga taong walang kinalaman ay nadamay, at
ngayon ay nakatahimik na siya sa libingan ng mga bayani pero ginugulo pa rin tayo ng
kanyang administrasyon. Ang administrasyong Aquino ay walang pinakitang pagbabago
ukol sa karapatang pantao, nalabag din ng administrasyong Aquino ang batas katulad
na lamang sa mga lumad at sa mga pagpatay sa mga mamamahayag ng balita, ginamit
ang lakas ng militar upang mapigilan o masumpo ang kaguluhan sa probinsya ng
Mindanao pero ang pagpigil nila ay hindi na pigilan kundi pag-gamit na ng dahas upang
palayasin ang mga magsasaka sa kanilang mga sakahan ang lupain, padagdag pa nito
sa pagpatay ng mga mamamahayag ng balita dahil takot ang mga opisyales sa mga
impormasyon na hawak nila na maaring mapeligro ang kanilan posisyon sa gobyerno.
Batay sa mga nakalap na impormaayon ng pag-aaral na ito, ang karapatang
pantao ay masyado nang hindi napagtutuunan ng pansin lalo na sa panahon ngayon na
laganap ang pagpatay sa mga sinasabing sakit ng bayan drug addicts. Bagamat isa
sa dahilan nito ay ang layunin ng gobyerno, hindi na rin napapansin ng mga nasa
posisyon ang dapat nakakamtan ng tao dahil mas nag popokus sila na magawa ang
9

kanilang gustong maganap. Kung susumahin kahit saan tingnan ng bawat isa, hindi
tama ang pagpatay. Oo, nagkasala ang mga ito sa batas pero kung batas na dapat
makapagtanggol o dapat makapagpahalaga sa mga ito ay tila isang sulat na lamang sa
isang patapong papel na hindi na napapakinabangan. Masyado na ngang maliit ang
mundo na ginagalawan ng bawat isa na animo'y sa paligid ay may bigla nalang
bubulagta na patay na hindi umano ay lumabag sa batas. Pero halos lahat ng mga ito ay
kutob lamang. Walang laban ang mga taong nahahatulan ng ganito na walang tamang
pagpoproseso ng nagkasala. Artikulo III Bill of Rights. Batas na nagsasaad ng karapatan
ng tao upang magamit sa kanilang kaligtasan. Batas na kailangan muling buhayin dahil
sa mga pangyayaring magaganap. Upang magkaroon ang bawat isa na pang bala sa
mga sitwasyong katulad nito.
Bilang mga estudyante na nagsaliksik at nag-aral patungkol ditto, masyado nang
nagiging malalala ang mga pagpatay na hindi dumadaan sa masusing imbistigasyon at
tamang pamamaraan ng pagbibigay ng parusa dito. Hindi na nabibigyang halaga ang
batas na dapat naglakapagprotekta sa tao. Dahil na rin mismo sa kapangyarihan ng
mga nasa posisyon. Hindi sapat ang pagkitil sa mga taong nagkasala sa batas upang
mabayaran ang kasalanan ng mga ito. Kung ang tamang pamamaraan ng pagpataw ng
parusa sa isang nagkasala ay masusunod at pantay-pantay ang pagtingin, masasabing
maayos at walang nilalabag na batas ang sinumang nasa mataas na posisyon.
Ang Pilipinas sa ngayon nagiging tanyag sa mga karatig bansa dahil sa mga patayang
nagaganap.

10

Rekomendasyon
Ang mga pinagsama samang impormasyon ay nakatulong upang mabigyang
linaw ang pagtalakay sa isyung ito. Napag-alaman ng grupo na noon pa man ay marami
ng kaso ng extrajudicial killings sa bansang Pilipinas. Hindi na bago ang usaping ito
sapagkat sa mga nakaraang panunungkulan ay laganap na ang paglabag sa karapatang
pantao. Hindi sapat ang pag- usapan lang ito, kailangang sundan ng aksyon upang
matigil na ang di makatarungang gawaing ito. Nararapat lamang na paigtingin ang
pagpapatupad ng batas na nakasaad sa Seksyon 1 Artikulo III ng Konstitusyon ng
Republika ng Pili[pinas na may kaugnayan sa usaping ito. Napagtanto ng grupo na may
mga paraan upang maiwasan ang paglabag sa karapatang pantao at mabawasan ang
kaso ng EJK.
Ang usaping kaugnay ng karapatang pantao ay hindi basta lamang maliit na
suliranin ng isang bansa. Lalo pat buhay na ng tao ang pinag-uusapan dito. Kaya
naman dapat itong bigyan ng agarang solusyon. Dapat lamang na dumaan sa tamang
proseso ang mga pinararatangan na nagkasala. Kinakailangang pakinggan din ang
kanilang panig upang sa ganon ay hindi matapakan ang kanilang karapatan. Dadaan sa
tamang proseso ng paghuhukom at pag napatunayang nagkasala ay doon pa lamang
papatawan ng karampatang parusa. Ngunit hindi ito ang nangyayari ngayon kaya dapat
na itong pagtuunan. Hindi dahilan ang salitang nanlaban kaya pinatay, hindi lahat ng
pinapatay ay nanlaban. Karamihan dito ay pinapatay dahil nais ng mga awtoridad na
mapabilis ang kanilang trabaho. Ngunit wag nating itimo sa ating isipan na lahat ng
napapatay na isinasangkot sa droga ay ang kapulisan ang nakapatay o pumatay.
Sa pag-igting ng kampanya laban sa droga ay dumami rin ang bilang ng nakikitil
na buhay. Sa bawat pagbabago ay may kaakibat na problema at iyon ay ang pagdami
ng bilang ng namamatay. Isa sa maaaring solusyon sa problemang ito ay ang pakikiisa
ng mga mamamayan ng Pilipinas sa administrasyong Duterte upang sugpuin ang
lumalalang sakit sa Pilipinas. Kung ang mga tao ay makikilahok sa kampanya kontra
droga sa pamamagitan ng boluntaryong pagsuko o ang tinatawag na voluntary
surrender ng sa ganon ay mabawasan ang buhay na nawawakasan. Kaakibat naman
nito ang pagtugon ng gobyerno sa maaaring gawin ng mga sumuko upang di na sila
bumalik sa kanilang dating gawain. Hindi lamang ang pagpapapirma ng kasunduan ang
11

nararapat pagtuunan ng pansin dahil di nakasisiguro ang pamahalaan na di na babalik


ang mga sumuko sa naturang bisyo. Dapat magkaroon ng mas marami pang
rehabilitation center na makakatulong upang mabigyan ng direksyon ang mga
kaluluwang naligaw ng landas. Mas makabubuti rin na mabigyan ng trabaho o
mapagkakaabalahan ang mga ito upang huwag na sumagi sa kanilang isipan ang
paggawa ng masama.
Sa ganitong mga pamamaraan ay mababawasan na ang kaso ng Extrajudicial
Killings sa bansa, hindi man isang daang porsyento, ang mahalagay bumaba ang kaso
nito. Sa madaling salita, kinakailangan ng pakikiisa ng mamamayan sa pamahalaan at
gayundin naman ng pamahalaan sa kanila. Ang pagkakaroon ng pagkakaisa,
pagtutulungan at respeto sa isat-isa ay magdudulot ng mabuti sa mas nakararami.
Para sa mga susunod na mananaliksik na gusto o maaring magsagawa ng pagaaral sa kaparehong paksa, maipapayo ng grupo na maghanap sila ng mas marami at
malalawak na akda na makakapagbigay ng sapat na impormasyon para sa disertasyon.
May kalawakan din ang paksang ito kaya hanggat maari, pumili ng mas ispesipikong
paksa na nakapaloob dito. Ang paggugol ng oras para mapunan ang pag-aaral ay
nararapat lamang upang maihayag ng inyong grupo ang gusto niyo talagang iparating.
Huwag

matakot

makiaalam

at

magtanong

patungkol

sa

mga

nangyayaring

kabalintunaan sa paligid. Dito magsisimula ang hinahanap na pagbabago ng bawat isa.

12

Sanggunian
Ibon. (July 2016) Administrasyong Duterte: Pakikibaka at Pagbabago. Praymer
Ramos, Mike. (August 16, 2016) Position Paper
Gavila, Javes. (December 10, 2015). Things to know: Human rights in the Philippines,
Retrieved August 19, 2016, from http://www.rappler.com/newsbreak/iq/114698-humanrights-philippines
Anonymous. (July 23, 2016). Human Rights in the Philippines, Retrieved August 19,
2016, from https://en.wikipedia.org/wiki/Human_rights_in_the_Philippines
Magz. (May 10, 2011). Constitutional Law Chapter II: Due Process. Retrieved August
21, 2016, from https://lawphilreviewer.wordpress.com/2011/05/10/constitutional-lawchapter-ii-due-process
Kine, Phelim. (August 17, 2016). Philippine President Should Investigate Surging Police
Killings.

Retrieved

August

22,

2016,

from

https://www.hrw.org/news/2016/08/17/philippine-president-should-investigate-surgingpolice-killings
Anonymous. (January 2015). World Report 2015: Philippines: Events of 2014. Retrieved
August

22,

2016,

from

https://www.hrw.org/world-report/2015/country-

chapters/philippines
Dancel, Czar. (August 1, 2016). A Death in Manila. Retrieved August 23, 2016 from
https://widerimage.reuters.com/story/a-death-in-manila

13

You might also like