You are on page 1of 9

AKADEMIKONG SULATIN

Kritikal na Sanaysay

PANGALAN: Guartico, Joltzen T.

KURSO: I-BSA

ASIGNATURA: Filipino sa Iba’t-Ibang Disiplina

PROPESOR: Bb. Maria Esperanza Relente, MAEd (MW: 9:00-10:30 ng Umaga)

PETSA: Ika-18 ng Marso, 2019


PAKSA: Extrajudicial Killings sa Pilipinas

PAMAGAT: Pilipino Laban sa Pilipino: Isang Madugong Digmaan

LAYUNIN: Makapagbigay ng impormasyon at magpaliwanag tungkol sa Extrajudicial Killings,


ipahayag ang posisyon ng manunulat ukol sa paksa, at hikayatin ang mambabasa sa kung ano
ang tamang gawin

HULWARAN: Depinisyon, Problema at Solusyon, Enumerasyon, Paghahambing at


Pagkokontrast

BALANGKAS:

I. Panimula

A. Depinisyon ng Extrajudicial Killings o EJK mula sa iba't-ibang sanggunian

B. Pagpapaliwanag sa EJK bilang isang suliranin ng bansa

II. Katawan

A. Uri ng EJK

B. Kasaysayan ng EJK sa bansa

C. EJK sa administrasyon ni Pangulong Duterte

1. Mga pahayag ni Duterte ukol sa paksa

2. Bilang ng biktima ng EJK mula sa iba't-ibang sanggunian

D. Halimbawa ng mga biktima

E. Positibo at negatibong epekto ng EJK

F. Solusyon sa suliranin

III. Konklusyon

A. Konklusyon at paglalahad ng posisyon at mga argumento ukol sa paksa


Pilipino Laban sa Pilipino: Isang Madugong Digmaan

“Huwag kang papatay. Ang sinumang pumatay ay mapapasapanganib sa paghatol.” Ito


ang nakalahad sa Mateo 5, bersikulo 21. Ito marahil ang madalas na marinig sa mga usapan ng
nakatatanda, mga pangaral ng mga pari, at mga leksiyon ng mga magulang upang laging ipaalala
na ang buhay ng tao ay napakahalaga kaya't ito ay dapat na ingatan. Ngunit paano na nga ba
kung unti-unting lumabo ang ideyang ito? Paano na lamang kung unti-unting mamatay ang
pagpapahalaga ng tao sa kanilang buhay at sa buhay ng kanilang kapwa? Isa ang tinatawag na
Extrajudicial Killings sa dahilan kung bakit tila humihina ang ideya ng pagpapahalaga sa buhay
ng tao. Ayon sa Leyasandra Wordpress, ang extrajudicial killings o EJK na kilala rin sa tawag na
extrajudicial execution ay isang pamamaraan ng pagpatay sa isang tao o sa isang grupo ng tao na
hindi dinaan sa proseso o paglilitis ng korte. Ang utos ng pagpatay ay karaniwang nanggagaling
sa mga makakapangyarihan na opisyal ng gobyerno at ipinapagawa naman nila ito sa mga pulis,
armadong grupo, at iba pang may kakayahan. Ayon sa mga nag-aaral ng datos, ang karaniwang
biktima ng EJK ay mga taong malakas ang impluwensiya sa publiko at mamamayan tulad ng
mga pinuno ng mga politikal, relihiyoso, at sosyal na grupong kumakalaban sa administrasyon at
gobyerno. Ayon naman sa Quora, malaki ang pagkakaiba ng EJK at judicial killings dahil pareho
man ang dalawang maaaring magdulot ng pagpatay, ang nauna ay hindi dumadaan sa mga
pagdinig sa korte at maaaring basta-basta na lamang na patayin habang ang pangalawa naman ay
dadaan muna sa batas at korte bago sentensiyahan ng kamatayan. Gayunpaman, ang EJK at
mayroong malaking koneksiyon sa mga karaniwang pagpatay dahil parehas lamang ang dalawa
na pumapatay at hindi dumadaan sa legal sa proseso ngunit ang utos na pinanggagalingan ng
EJK ay mula sa mga opisyal ng gobyerno at ang utos naman sa karaniwang pagpatay ay
maaaring manggaling kahit kanino. Sa totoo lamang ay matagal nang mayroong EJK sa Pilipinas
ngunit muli lang umugong ang usap-usapan ukol dito dahil sa kabi-kabilang mga balita mula sa
iba't-ibang sulok ng bansa. Dahil dito ay nabahala ang nakararaming Pilipino na tunay ngang tila
hindi na halos pinahahalagahan ang buhay ng tao. Paano nga ba nagsimula ang suliraning ito at
maaari pa ba itong solusyunan?

Marami ang uri ng Extrajudicial Killings at ilan lamang dito ang asasinasyon, biglaang
pagkawala, death squad, at lynching deaths. Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga uri ng
EJK na naganap ns sa Pilipinas ngunit mas karaniwan pagdating sa ibang bansa. Ang totoo ay
mula ng sakupin ng mga kolonisador ang Pilipinas ay nabuhay na rin ang ideya ng pagpatay na
hindi dumadaan sa legal sa proseso. Nariyan ang usap-usapang pagpatay at pagmamalupit ng
mga Espanyol, Hapones, at Amerikano sa mga Pilipino noon. Matapos nito, mas nakilala ang
ideyang ito sa panahon ng pamumuno ni dating Pangulong Ferdinand Marcos kung saan siya ay
binatikos dahil sa pagpapatupad niya ng Martial Law na nagbunga ng sapilitang pagkulong at
balitang pagpatay sa mga inosenteng Pilipino na usap-usapang umabot ng 30,000 habang 75,000
naman ang sinasabing bilang ng kaso ng lumabag sa karapatang pantao noon. Naging usap-
usapan rin ito sa panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo dahil sa sigaw ng mga
biktima nito. Kung kaya’t bumuo ang administrasyon ng dalawang samahan na lulutas sa iba’t-
ibang kaso nito at ito ang Task Force Usig at Melo Commission.

Kamakailan lamang ay dumagundong muli ang balita sa EJK matapos maupo sa pwesto
ang kasalukuyang pangulo na si Rodrigo Duterte. Ito ay dahil sa kontrobersiyal niyang paglutas
sa suliranin sa droga na tinawag na Oplan Tokhang. Ayon sa sa PhilStar (2018), ang salitang
Tok-hang ay mula sa Bisaya na salitang “Toktok” (katok) at “Hangyo” (makausap).
Nangangahulugan ito ng pagkatok ng mga awtoridad sa bahay ng mga pinaghihinalaang sangkot
sa ilegal na droga at makiusap na sumuko na at magbagong-buhay na sila. Kahit na gaano
kaganda man ang layunin ng programa, binatikos pa rin ito ng publiko dahil sa pataas ng pataas
na bilang ng mga namamatay na ayon sa mga balita ay nanlaban kaya’t pinatay. Ayon sa Rappler
(2018), mahigit 23,518 ang nasawi mula Hulyo 1, 2016 hanggang Hunyo 11, 2018. Ayon naman
sa opisyal na pahayag ng Philippine National Police (PNP) noong Agosto 2018, mahigit 4,814 na
ang namatay simula ng ipatupad ang programa. Sa kabilang dako ay iba rin ang nakatala sa datos
ng Human Rights Watch. Ayon sa kanila, may 12,000 nang nasawi na may kaugnay sa paggamit
at pagbebenta ng illegal droga habang 4,000 naman ang bilang ng pinatay ng mga armadong tao.
Sa datos naman ng Bantay Krimen (2018), mayroong 21,999 nq mga biktima ng EJK noong
taong 2017. Ayon sa awtoridad, malabo nang malaman ang tunay at espisipikong bilang ng
nasawi sa Oplan Tokhang dahil matagal nang tinigil ang pagbibilang at dahil na rin sa iba-ibang
pamamaraan ng pagkonsidera ng mga organisasyon kung ang nasawi ba ay dahil sa Oplan
Tokhang o ito ay isang karaniwang pagpatay lamang.. Kaugnay pa nito ang kabi-kabilang bilang
ng mga namamatay dahil sa mga hindi pa nakikilalang armadong grupo. Para sa nakararami,
malaki ang epekto ng maaanghang na pahayag ng pangulo sa lumulubhang problema. Ilan
lamang sa mga pahayag na ito ay binitawan niyang pahayag noong Agosto ng 2016 na “If they
are obstructing justice, you shoot them. ” Ito ang kanyang utos sa kapulisan. “My orders to the
police and the military [were] very clear: Go out, hunt for them. Make them surrender so that
you would their connections so we could gather evidence. But if they present a violent
resistance, thereby placing your life in danger, p*****g i*a, patayin mo.” Ito naman ang pahayag
niya noong Agosto ng 2018.

Sila Carolina Arado, Kian Loyd Delos Santos, at Carl Arnaiz ay ilan lamang sa libo-
libong biktima ng Extrajudicial Killings sa Pilipinas. Isang pinuno ng nag-aaklas laban sa mga
operasyon ng pagmimina ang magsasaka na si Carolina Arado. Kasama niya sa loob ng kanyang
tahanan sa Compostela Valley ang kanyang asawa, mga anak, at apo nang pasukin ng armadong
lalaki ang kanilang tahanan at barilin ng paulit-ulit si Arado. Isang labing-pitong gulang naman
na mag-aaral si Kian Loyd Delos Santos. Ayon sa unang naibalita ay hindi talaga siya isa sa mga
dadakipin ng panahon na pumunta ang mga pulis sa kanilang lugar ngunit napag-alaman ng mga
ito na pinaghihinalaang runner ang lalaki kung kaya't hinabol siya ngunit nanlaban. Sa mga
sumunod na balita ay nalaman mula sa CCTV footages na siya pala ay hinila sa isang madilim na
bahagi ng eskinita at saka pinaluhod at pinatay. Parehas rin ang rason na sinabi ng mga pulis
nang masawi si Carl Arnaiz. Si Arnaiz ay isang labing-siyam na taong gulang na dating mag-
aaral ng University of the Philippines. Ayon sa ulat ay tinangka ng binata na holdapin ang isang
taxi driver ngunit nakatawag ang driver sa mga pulis. Matapos dumating ang mga pulis ay
nanlaban ang binata kaya't namatay. Nakuhanan rin siya ng pinaghihinalaang droga ngunit ayon
sa medico legal ay mayroong marka ang katawan ng binata na isang senyales na nakaranas muna
ito ng pagmamalupit bago pinatay

Ang bawat isyu ay may positibo at negatibong epekto kahit gaano pa man ito
kakomprehensibo at kakomplikado. Ang mga positibong aspeto ng pagkakaroon ng EJK sa
bansa ay: (1) Sa pamamagitan ng EJK ay maaaring mahuli at mapatay ang mga pinoprotektahan
ng lokal na gobyerno, (2) Maaari ring mahuli at mapatay ang mga pinakadelikadong indibiduwal
sa lipunan, (3) Bukod dito ay may posibilidad rin na maging mas disiplinado ang mga
mamamayan kung hahayaan lamang na magkaroom ng EJK sa bansa, (4) Para rin sa iba ay mas
nakabubuti nang masawi sa EJK ang taong napatunayang nagkasala sa halip na hintayin pa ang
resulta ng paglilitis sa korte na napakatagal kung lumabas. Sa kabilang banda, ay ang mga
negatibong aspeto naman ng EJK ay: (1) Nilalagay nito sa panganib ang buhay ng tao, siya man
ay nagkasala o napagbintangan lamang, (2) Kung ang tao ay nahatulan na at nasawi na rin dahil
sa EJK ngunit napatunayang hindi ito ang tunay na may sala, ay hindi na maibabalik ang
kanyang buhay, (3) Maaaring abusuhin at magamit sa mali ng mga nag-uutos ang EJK dahil
walang tuluyang makakakontrol sa kanila, at (4) Sinisira nito ang demokrasya ng bansa lalo pa
kung ito ay tuluyang lumala.

Hindi extrajudicial killing ang solusyon sa lumalalang paggamit at pagbebenta ng droga


dahil ang isang kasalanan ay hindi maaaring mapagtakpan ng isa pang kasalanan. Ang maaaring
solusyon sa suliranin ay nakabatay sa kakayahan ng bawat Pilipino. Totong maganda ang Oplan
Tokhang at ang intesiyon nito na bawasan ang bilang ng taong sangkot sa droga ngunit mas
magiging maganda ang layunim nito kung iibahin ang konsepto nito sa perspektibo ng mga
kapulisan. Nararapat lamang na pinakauna pa rin sa prayoridad ng mga pulis ang pahalagahan
ang buhay ng tao. Mas makabubuti rin kung hahayaan ang media at iba pang tagapag-ulat na
magkaroon ng tamang access sa lugar ng krimen upang masiguradong may maibabahagi na
katotohanan sa publiko. Sapagkat sa panahon ngayon ay hindi na tuluyang pinagkakatiwalaan
ang mga kapulisan.

Ang extrajudicial killings ay isa sa mga pangunahing suliranin ng Pilipinas sa ngayon. Ito
ay maaaring dahilan kung bakit marahil ay nababahala ang ilan sa kanilang buhay. Wala nga
namang paraan upang malaman kung ang isang tao ba ang susunod na matatagpuang lumulutang
sa gitna ng ilog, nakatape ang buong mukha, nakatali ang mga kamay at paa at nakabalot sa sako.
Wala ring lalabas na indikasyon na ang isang tao ang susunod na hahabulin ng mga pulis,
paluluhurin saka papatayin ngunit ang ipapaalam lamang sa balita ay nanlaban kaya pinatay.
Mali ang pumatay. Ano man ang dahilan sa likod ng pagpatay, ito man ay upang makasalba ng
buhay ng nakararami o upang makalutas ng suliranin ng bansa. Hindi rin niluklok sa pwesto ang
mga tao sa gobyerno upang magkaroon ng layuning magpapatay nang sa ganoon ay mabawasan
ang kumakalaban sa administraasyon dahil siguradong kung batid ito ng mamamayan ay
hinding-hindi sila mauupo sa posisyon. Tama nga lamang na ituring na ang bansa ay
nakasailalim na sa isang madugong digmaan. Digmaan na kung saan ang sangkot ay mga
Pilipino na kumakalaban sa kapwa Pilipino na sa halip na pahalagahan nila ang buhay ng isa't-isa
ay sila mismo ang kumikitil nito. Sila rin mismo ang nagiging dahilan upang matuldukan ito
ngunit ang buhay ng tao, siya man ay isang mabuting indibiduwal o makasalanang Pillipino, siya
man ay nakapatay na o hindi, ay dapat na pahalagahan. Ito pa rin ay biyayang pinagkaloob ng
May Kapal kung kaya't kung hindi niya inisip na sinira niya na ang kanyang buhay sa
pagkakataon na siya ay gumamit ng droga, mas makabubuti siguro na huwag na itong lalong
sirain pa. Nararapat lamang na laging nakatanim sa isipan ng bawat isa na ang buhay na lumaki
sa dilim ay isang buhay pa rin. Maging daan sana ang bawat isa upang mabahagi ang
pagpapahalaga sa sariling buhay at buhay ng kapwa.
Mga Sanggunian

Bible International. (1998). Ang Salita ng Diyos. Retrieve from


https://www.biblegateway.com/passage/?search=Mateo+5:21-
26&version=SND&interface=amp. Binuksqn noong Marso 7, 2019.

Ebbighausen, R. (2018). Investigating Duterte's drug war in Philippines — facts and fiction.
from https://www.google.com/amp/s/amp.dw.com/en/investigating-dutertes-drug
-war-in-philippines-facts-and-fiction/a-43695383. Binuksan noong Marso 3, 2019.

Garcia, D. (2018). Oplan Tokhang: Ang Pagbabalik!. Pilipino Star Ngayon. Retreive from
https://www.google.com/amp/s/www.philstar.com/pilipino-star-
ngayon/bansa/2018/03/17/1797609/oplan-tokhang-ang-pagbabalik/amp/. Binuksan noong
Marso 1, 2019.

Manila Bulletin. (2018). New PNP statistics on deaths in PH. Retrieve from
https://news.mb.com.ph/2018/06/19/new-pnp-statistics-on-deaths-in-ph/. Binuksan noong
Pebrero 28, 2019.

Remollino, A.M. (2006). “Marcos Kin, Allies Still Within Corridors of Power”. Retrive from
https://www.quora.com/What-is-the-definition-of-an-extra-judicial-killing. Binuksan noong
Marso 6, 2019.

Sandra. (2017). Extrajudicial Killing. Retrieve from


https://www.biblegateway.com/passage/?search=Mateo+5:21-
26&version=SND&interface=amp. Binuksan noong Marso 4, 2019.

Szczech, N. (2018). What are the good effects of Extrajudicial Killings?. Retrieve from
https://www.quora.com/What-is-the-advantage-of-extra-judicial-killings. Binuksan noong
Marso 7, 2019.
Talabong, R. (2018). At least 33 killed daily in the Philippines since Duterte assumed office.
Retrieve from https://www.google.com/amp/s/amp.rappler.com/newsbreak/in-depth/204949-
pnp-number-deaths-daily-duterte-administration. Binuksam noong Marso 7, 2019.

Tawatao, D. (2017). Philippines: Duterte’s ‘Drug War’ Claims 12,000+ Lives. Retrieve from
https://www.hrw.org/news/2018/01/18/philippines-dutertes-drug-war-claims-12000-lives.
noong Marso 7, 2019.

Wrigley, T. (2016). What is the definition of an extra judicial killing?. Retrieve from
https://www.quora.com/What-is-the-definition-of-an-extra-judicial-killing. Binuksan noong
Marso 7, 2019.

You might also like