You are on page 1of 11

BATAAN PENINSULA STATE UNIVERSITY

BALANGA CAMPUS
COLLEGE OF BUSINESS AND ACCOUNTANCY

PANANALIKSIK TUNGKOL
SA SENTENSYANG
KAMATAYAN

BSA-1B
RIZWAN ABANGAD
MARICA SHANE M. CALANAO
EVANGELINE A. COMEDOY
CLIFFORD MANCERA
VIRGINIA M. SANTOS
KABANATA I

SENTENSYANG KAMATAYAN
Sa mundong ating ginagalawan marami na ang mga pangyayari ang
hindi kanais nais na nagaganap, mga krimen na walang humpay.ano nga ba
ang dapat gawin ng gobyerno? Ang sentensyang kamatayan ba ang sagot sa
pagdami ng krimen sa pilipinas?
Ang parusang kamatayan, pangunahing parusa, o parusang kapital, ay
isang pagbitay, o pagsasagawa ng parusang kamatayan ng isang
pamahalaan bilang parusa para sa isang krimen kadalasang tinatawag na
isang opensang kapital o isang krimeng kapital. Sa kasaysayan, ginagamit
ang pagbitay sa mga kriminal at mga kalaban sa politika ng halos lahat ng
mga lipunan sa pamamagitan ng prosesong hudisyal o sa adhikaing
pampolitika katulad ng pagsupil ng pampolitika na pagtutol. Sa mga
demokratikong mga bansa sa buong mundo, karamihan ang mga europeo at
latino amerikanong bansa ang nagtanggal ng parusang kamatayan (maliban
sa estados unidos, guatemala at ng karibe), habang pinapanatili ito ng mga
demokrasya sa asya at aprika. Sa mga hindi demokratikong mga bansa,
karaniwan ang paggamit ng parusang kamatayan. Panahon ng kastila (1521-
1898).ilan sa paraan ng parusang kamatayan na ginamit ng mga kastila ay
pagsunog, pagpugot ng ulo, paglunod, garote, pagbitay, pagbaril, pagsaksak
at iba pa. Sa codigo penal ng 1848, ipinataw ang sentensyang kamatayan sa
mga pilipinong tutol sa pamamahala ng mga kastila. Panahon ng amerikano
(1989-1934).

Ginamit ang parusang bitay sa kampanyang pacification ng mga


amerikano at upang supilin ang mithiing pagsasarili ng mga pilipino. Ipinasa
ang sedition law, brigandage act, reconcentration act at flag law upang
pagtibayin ang marahas na parusa, kabilang na ang death penalty, sa mga
makabayang pilipino. Nang rebisahin ang codigo penal noong 1932,
idinagdag sa lista ng capital offense (mga krimeng mapaparusahan ng bitay)
ang treason, parisidyo, pamimirata, kidnapping, murder, panggagahasa at
robbery with homicide. Japanese occupation (1941-1945). Walang
nakatalang nabitay sa panahong ito dahil laganap naman ang extrajudicial
na pagpatay. Pagkatapos ng ikalawang digmaan. Idinagdag ang espionage sa
mga krimeng may parusang bitay. Sa ilalim ng anti- subversion law, ang mga
lider komunista ay papatawan ng parusang kamatayan. Presidente marcos
(1965-1986) nadagdagan at naging 24 ang mga krimeng may parusang
kamatayan, kabilang na ang subersyon, arson, hijacking, illegal fishing,
cattle rustling, unlawful possession of firearms, atbp. Deterrence ang naging
opisyal na kadahilanan sa pagpataw ng death penalty. Ito rin ang gagawing
batayan sa pagpataw ng batas militar noong 1972. Presidente corazon
aquino (1986-1992) sa ilalim ng 1987 saligang batas, inabolish ang parusang
kamatayan. Lahat ng sentensyang kamatayan ay ibinaba sa reclusion
perpetua.

Ngunit noong 1988, nagsimulang mag-lobby ang militari na ibalik. Bilang


reaksyon sa mga krimenghigh-profile, nagkarooon ng sapantahang
tumataas ang karumal-dumal na krimen. Ipinasa ang ra 7659 noong
disyembre 1993 diumano upang masugpo ang sinasabing tumataas na
kriminalidad. 46 na krimen ang nakalista sa ra 7659 na maaring patawan ng
kamatayan. Lethal injection ang magiging paraan ng sentensyang
kamatayan. Presidente joseph estrada (1998-2001) sa harap ng malawakang
kampanya laban sa death penalty, itinuloy ang pagpa noong 1999, kung
kailan naganap ang karamihan sa execution, tumaas naman ang bilang ng
krimen sa bansa ng 15.3% kumpara sa nakaraang taon. Nag-isyu ng de facto
moratorium sa pagbitay si presidente estrada kaalinsabay sa pagdaos ng
jubilee year. Presidente gloria arroyo (2001-2010) .sinabi ni arroyo na hindi
siya pabor sa parusang kamatayan. Dala ng tumataas na bilang ng krimeng
may kaugnayan sa droga at kidnapping, inanunsyo ni arroyo na ibabalik niya
ang pagbitay para matakot ang mga kriminal. Noong disyembre 5, 2003,
tinanggal ni arroyo ang moratorium sa bitay. Noong hunyo 2006, nilagdaan ni
arroyo ang batas na nagpapawalang-bisa sa parusang kamatayan. Noong
septyembre 2006 naman, nilagdaan ng pilipinas ang second optional
protocol sa international covenant on civil and political rights (iccpr).
Kinikilala ng kasunduang ito ang karapatan ng isang tao laban sa parusang
kamatayan. Ipinagbabawal ng protocol ang pagpataw ng parusang
kamatayan sa sinumang mamamayan ng isang bansang lumagda sa
nasabing protocol. Tahasang ipinagbabawal din ang muling pagpapataw ng
death penalty. Dapat isabatas ang parusang kamatayan ang bilang ng mga
kriminal sa pilippinas ay lalong lumalaki. Tuwing tayo ay nanunuod ng balita
madalas nababalitaan natin na may namamatay o may pinatay. Karapatan
nating mga pilipino na protektahan ang ating bayan, sa pamamagitan ng
pagbibigay disiplina sa mga kriminal. Yung ibang tao ay aksidenteng
nakakapatay pero yung iba pumapatay para lang malibang sila.
Matindi na naman ang mga krimen. Lumalala ang mga insidente ng
karumal-dumal na mga pagpatay. Araw-araw na lang halos na nasa balita
ang mga ito. Ilang beses na natin napag-usapan ang mga maaaring dahilan
at mga maaaring solusyon. Pero hindi halos natitigil ang krimen, parang
lumalala pa parang mas nagiging halang ang bituka ng mga kriminal. Kaya
maiintindihan natin kung bakit nauungkat na naman ang usapin ng
pagbabalik sa death penalty. Natural na sa kampanya ng mga nagsusulong
na ibalik ito ay parang pinalalabas na ito ang magiging solusyon para
masugpo ang kriminalidad sa bansa. Pero duda ang marami kung
mapatutunayan nga na ang death penalty ang sagot sa laganap na krimen
sa bansa.

May lumabas na pag-aaral na nagsilbing ebidensya na hindi raw naman


mapatitigil ng death penalty ang krimen. May mga datos na ipinakita noon
na nagpapatunay na hindi naman bumaba ang kaso ng krimen sa isang
bansa dahil lang nagkaroon ng death penalty at hindi rin daw
mapatutunayan na mataas ang kriminalidad sa isang bansa na walang death
penalty kung ikukumpara sa mga bansa na may polisiya ukol ditto pero
ngayon ay umiinit na naman ang usapan. Dahil sa sunod-sunod na patayan,
rape at nakawan kung saan nilooban na ay pinatay pa ang biktima. Hindi
nakakaagtataka kung iakyat na naman ang debate sa kongreso.

Maalaalang ang pilipinas ang kauna-unahang bansa sa asya na


nagtanggal sa death penalty noong 1987, sa panahon ni pang. Cory Aquino.
Bumalik ito sa panahon ni pang. Fidel Ramos dahil tulad ngayon ay tumaas
din ang kaso ng mga krimen noong mga panahong iyon, lalo na ang
kidnapping ng mga mayayamang mga tsinoy sa bansa. Umiiral din ang death
penalty noong panahon ni pang. Joseph estrada at muli na namang
tinanggal, o na-abolish, sa ilalim ng administrasyon ni pang. Gloria
Macapagal-Arroyo.

Isa pa kilala ang Pilipinas bilang isang Katolikong bansa, bansang


nakasentro sa paniniwala sa Diyos at pagsunod s autos nito. Ngunit sa kabila
nito hindi pa rin maiiwasan ang mga karumal dumal na krimeng gawa ng
mga taong walang takot sa Diyos at sa batas, mga krimeng kinabibilangan
ng pagpatay, panggagahasa, pagnanakaw at marami pang iba. Ang bawat
krimeng ito ay may katumbas na kaparusahan kung saan ang sintensyang
pagpatay ang pinakamalupit na kaparusahan. Ilang taon lang ang nakalipas
ng ang batas sa pagpatay ay patayin, ipinawalang bisa.

Ang pagbalik sa batas na ito ay muli na namang umalingawngaw


kamakailan lang, marami nanamang isyu at usapan ang nagkalat. Ang balita
ukol rito ay siya mong maririnig sa radio, makikita sa pahayagan at
mapapanuod sa telibisyon. Isang malaking komosyan idinnulot pag-asa sa
mga naghahanap ng hustisya at kasawian sa mga nagkasala. Ang Republic
Act No. 7659 o mas kilala bilang ang Death Penalty Law, isang kaparusahan
na syang ipinapataw para sa mga taong nagkasala at lumabag sa batas,
pinakamataas na parusa na wala sinuman ang nagnanais. Itoy isang
sintensyang nalimot na sa nagdaang panahon ngunit ngayoy nais magbalik.
Sa batas na kaya na ito malilinis an gating bansa o wala lang ito sa mga
criminal.
Sa muling pagalingawngaw ng parusang ito, maraming isyu ang
bumulalas, mga panig na may ibat ibang pananaw ukol rito. Sa pananaliksik
na ito hahanapin natin ang tunay na kahulugan ng batas na ito, ang
sintensyang kamatayan. Katarungan nga ba ang dulot nito para sa mga
naghahanap ng hustisya, paglabag sa karapatang pantao o isang kasalanan
sa mata ng Diyos?

References:

http://www.remate.ph/2014/05/parusang-kamatayan/
https://tl.wikipedia.org/wiki/Parusang_kamatayan

https://bayangpilipinas.wordpress.com/2011/12/08/parusang-bitay/

KABANATA II

KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Mga kaugnay na pagaaral sa parusang kamatayan

MGA KAUGNAY NA LITERATURA SA PARUSANG KAMATAYAN

Ayon sa datos sa Panahon ng Kastila (1521-1898) .Ilan sa paraan ng


parusang kamatayan na ginamit ng mga Kastila ay pagsunog, pagpugot ng
ulo, paglunod, garote, pagbitay, pagbaril, pagsaksak at iba pa. Sa Codigo
Penal ng 1848, ipinataw ang sentensyang kamatayan sa mga Pilipinong tutol
sa pamamahala ng mga Kastila.

Sa Panahon ng Amerikano (1989-1934).Ginamit ang parusang bitay sa


kampanyang pacification ng mga Amerikano at upang supilin ang mithiing
pagsasarili ng mga
Pilipino. Ipinasa ang Sedition Law, Brigandage Act, Reconcentration Act at
Flag Law upang pagtibayin ang marahas na parusa, kabilang na ang death
penalty, sa mga makabayang Pilipino.
Nang rebisahin ang Codigo Penal noong 1932, idinagdag sa lista ng capital
offense (mga krimeng mapaparusahan ng bitay) ang treason, parisidyo,
pamimirata, kidnapping, murder, panggagahasa at robbery with homicide.

Base sa datos sa panahon ni Presidente Marcos (1965-1986)


Nadagdagan at naging 24 ang mga krimeng may parusang kamatayan,
kabilang na ang subersyon, arson, hijacking, illegal fishing, cattle rustling,
unlawful possession of firearms, atbp. Deterrence ang naging opisyal na
kadahilanan sa pagpataw ng death penalty. Ito rin ang gagawing batayan sa
pagpataw ng Batas Militar noong 1972.

Sa Panahon naman ni Presidente Corazon Aquino (1986-1992). Sa


ilalim ng 1987 Saligang Batas, inabolish ang parusang kamatayan. Lahat ng
sentensyang kamatayan ay ibinaba sa reclusion perpetua. Ngunit noong
1988, nagsimulang mag-lobby ang militari na ibalik ang parusang bitay para
sa mga krimeng kaugnay ng insurgency.

Sa Pamumuno naman ni Presidente Fidel Ramos (1993-1998) bilang


reaksyon sa mga krimeng high-profile, nagkarooon ng sapantahang
tumataas ang karumal-dumal na krimen.Ipinasa ang RA 7659 noong
Disyembre 1993 diumano upang masugpo ang sinasabing tumataas na
kriminalidad. 46 na krimen ang nakalista sa RA 7659 na maaring patawan ng
kamatayan. Lethal injection ang magiging paraan ng sentensyang
kamatayan.

Sa Panahon nman ni Presidente Joseph Estrada (1998-2001).Sa harap


ng malawakang kampanya laban sa death penalty, itinuloy ang pagpataw ng
parusa kay Leo Echegaray noong Pebrero 1999. Anim pang iba ang sumunod
kay Echegaray. Noong 1999, kung kailan naganap ang karamihan sa
execution, tumaas naman ang bilang ng krimen sa bansa ng 15.3% kumpara
sa nakaraang taon. Nag-isyu ng de facto moratorium sa pagbitay si
Presidente Estrada kaalinsabay sa pagdaos ng Jubilee Year.
Sa Panahon nman ng pamumuno ni Presidente Gloria Arroyo (2001-
2010).Sinabi ni Arroyo na hindi siya pabor sa parusang kamatayan. Dala ng
tumataas na bilang ng krimeng may kaugnayan sa droga at kidnapping,
inanunsyo ni Arroyo na ibabalik niya ang pagbitay para matakot ang mga
kriminal. Noong Disyembre 5, 2003, tinanggal ni Arroyo ang moratorium sa
bitay.Noong Hunyo 2006, nilagdaan ni Arroyo ang batas na nagpapawalang-
bisa sa parusang kamatayan.Noong Septyembre 2006 naman, nilagdaan ng
Pilipinas ang Second Optional Protocol sa International Covenant on Civil and
Political Rights (ICCPR). Kinikilala ng kasunduang ito ang karapatan ng isang
tao laban sa parusang kamatayan. Ipinagbabawal ng Protocol ang pagpataw
ng parusang kamatayan sa sinumang mamamayan ng isang bansang
lumagda sa nasabing protocol. Tahasang ipinagbabawal din ang muling
pagpapataw ng death penalty.

Ayon sa CBCP Ang isang tao ay hindi lamang isang kasapi


ng lipunan ito ay isang miyembro ng isang buhay na katawan.
Habang ang isang tao ay dapat mabuhay para sa ikabubuti ng
lipunan, ang lipunan ay umiiral upang isulong ang kagandahan ng
isang indibidwal. Ang isang tao ay may halaga sa kanyang sarili at
sa mga layunin ng lipunan Kaya, ang isang kriminal ay dapat
tratuhin lamang tulad ng isang may sakit. Sinabi rin nila na ang
mga nagtutulak sa sintensyang kamatayan naghahanap lamang
ng madaliang pagresolba ng mga krimen. Sa panig ng mga
relihiyoso, ipinaglalaban ng mga tagapaglunsad ng karapatang
pantao ang karapatan ng tao sa kanyang buhay.
Mula nang ibalik ang parusang kamatayan sa sistema,
matatag na silang nagpahayag ng pagsalungat dito. Ayon sa
kanila, sa pagbibitay, ang parating nadedehado at madalas na
napagbibintangan ay ang mga mahihirap, ang mga maliliit sa
lipunan. Ilan din sa kanila, ang naniniwalang lumilikha lamang ito
ng isang ilusyong may ginagawa ang pamahalaan sa lumalalang
kriminalidad sa bansa, gayong pakitang-gilas lamang ito.
Sapagkat sa sistema, kung sino ang may kapangyarihan at
nakaaangat, siya ang napapawalang-sala. Kung sino nga naman
ang dapat nasa kulungan, siya ang malaya.

You might also like